Seeking Bloody Mary (Published Under VIVA-PSICOM)
misterdisguise · 23 chapters · 4,492 words
DISCLAIMER
Seeking Bloody Mary contains some scenes that are not suitable for young readers. Parental guidance is advised. This might contain foul words, gore scenes, harassment and such.
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
ANNOUNCEMENT
ANNOUNCEMENT
Seeking Bloody Mary is now available at your leading bookstores nationwide for only Php 150.00. It is published under VIVA-PSICOM. Get a copy now and don’t forget your selfie with my book. wink
You may also purchase Red Ribbon, my first published book, for just Php 175.00.
PROLOGUE
PROLOGUE
Bilugan ang buwan. Tanging ito lang ang nagbibigay ng ilaw sa daan.
Naglakas ng loob ang magbabarkadang sina Coleen, Diane, Nadine, Celina at Emma na pasukin ang isang sementeryo. Susubukan nila kung totoo ang kwento tungkol sa Bloody Mary na matagal ng usap-usapan. Doon kasi nila naisipan gawin iyon dahil alam nilang malakas ang mga espirito roon.
"Huwag na kaya nating ituloy," natatakot na sabi ni Emma habang nasa likuran ng apat na kaibigan. Siya ang pinakaduwag sa mga ganitong bagay. Hindi niya kayang makakita ng multo o kung anumang nilalang.
Pinagpapawisan ang kanyang noo kahit na malamig sa lugar dala na rin siguro ng sobrang takot. Nangangatog din ang kanyang mga tuhod na anumang oras ay maaari siyang maihi.
"Nandito na tayo! Ngayon pa ba tayo aalis? Sayang effort, ah. Tumakas pa naman ako kina mommy. Walang magbabackout!" maawtoridad na sabi ni Coleen, ang kinikilalang lider ng grupo. Nanahimik na lamang si Emma sa likuran dahil sa mga sinabi ni Coleen.
Wala na silang magagawa dahil sa utos na rin ni Coleen na siya namang laging dapat na masunod. Nagpatuloy na lang muli sila sa paglalakad hanggang sa makarating sa destinasyon. Sa gitna ng sementeryo ay may makikitang lumang simbahan. Doon sana nila balak gawin ang ritwal.
"Ang baho naman dito. Eeww!" maarteng turan ni Diane sa mga puntod na nakapaligid sa kanila. Mga bukas na nitso, mga nagkalat na buto at bungo at mga nabulok na bulaklak ang nasa kanilang paligid.
"Huwag ka ngang maarte. Magiging ganyan ka din someday," birong sabi ni Celina kay Diane.
"As if naman. Ako ang magiging pinakamagandang bangkay in the world," pagmamalaki ni Diane.
"Ikain mo na lang yan."
Tanging ingay lang na likha ng kuwago at paniki ang maririnig sa lugar. Malamig na hangin ang dumadampi sa balat ng bawat isa kaya't nagsitaasan ang kanilang mga buhok sa katawan.
"Creepy!" ani Emma.
Ilang minuto lang ay natunton na rin nila ang lugar. May kalumaan na ang lugar dahil na rin sa kapabayaan nito. Sira-sira na ang mga bintana nito at nilulumot na rin ang mga haligi nito. Gayon din ang malaking pintuan niyo na animo'y napag-iwanan na ng panahon.
Hinawakan ni Coleen ang malaking pintuan ng simbahan sabay itinulak. Umalingawngaw ang napakalakas na pag-ingit nito.
"Aaaaaahhhh!!" sabay sabay nilang tili. Lumabas mula sa loob ang isang itim na pusa. Nanlilisik ang mga mata nito sa kanila na tila nagpapahiwatig na huwag silang pumasok. Nakatayo rin ang purong itim na balahibo nito kasabay ang paglabas ng mga matatalim na kuko.
"Guys, no quitting. Pusa lang yan. Andito na rin naman tayo," ani Coleen sa apat. Nagkatinginan na lang ang lahat at buong tapang na pumasok sa lumang simabahan.
Sira-sira ang mga upuan sa loob ng simbahan. Wala ring kailaw-ilaw na tanging ang nagbibigay lang rito ng ilaw ay mula sa flashlight na hawak-hawak nila at ang liwanag mula sa buwan n dumadaan mula sa bintana.
Nilibot nila ng tingin ang kabuuan ng simbahan. Agad nilang ipinwesto ang kanilang mga gamit para sa kanilang gagawin na pagtawag kay Bloody Mary. Kumuha sila ng itim na kandila saka sinindihan at humarap sa salamin matapos iyon.
"Are you ready guys?" tanong ni Coleen na siyang nasa gitna at may hawak ng kandila. Nasa likod lang ang kanyang mga kaibigan na pinipigilan ang mga sarili na matakot. Binanggit niya ang unang bloody mary.
"Bloody Mary..."
Lumakas ang hangin sa loob ng simabahan na tila nanunuot hanggang sa kanilang laman. Nakakapanindig-balahibo ang kanilang nararamdaman.
"Bloody Mary..."
Pakiramdam ni Emma ay may mga matang nakatingin sa kanila at pinagmamatyagan lang ang kanilang kilos. Tila mga nilalang na hindi pangkaraniwan na nagtatago sa dilim at handa silang lamunin.
"Bloody Mary..."
"Bloody Mary..."
"Bloody Mary..."
Matapos niyang banggitin ang panglimang Bloody Mary ay may bumagsak mula kung saan. Napalingon ang lahat kung saan nanggaling iyon. Wala naman silang nakitang tao o kahit na hayop. Pinagsawalang-bahala na lamang nila ang narinig at pinagpatuloy na lang nila ang kanilang ginagawa.
"Bloody Mary..."
"Bloody Mary..."
"Bloody Mary..."
"Bloody Mary..."
"Bloody Mary..."
Lalong lumakas ang hangin sa loob. Tila may mga nabulong sa kanila mula sa kawalan. Nararamdaman rin nila na parang may nagmamasid sa kanila sa sulok ng lugar.
"Guys, umalis na tayo. Nakakaramdam ako na may masamang mangyayari," takot na sabi ni Emma habang yakap-yakap ang katawan.
"You're such a coward! Umuwi ka mag-isa kung gusto mo! Nasa modern age na tayo kaya di na uso ang multo-multo," iritableng sabi ni Diane.
Pinagpatuloy lang ni Coleen ang pagsambit ng Bloody Mary habang mariin na tinititigan ni Emma ang paligid. Hindi siya mapanatag sa lugar lalo na't nasa sementeryo sila at wala pang ilaw.
"Bloody Mary..."
"Bloody Mary..."
"Bloody Mary..."
"MAMAMATAY KAYOOO!!!" Isang malakas na sigaw ang narinig nila na tila galing sa lupa ang boses. Nakakapangilabot ang boses nito animo'y sa demonyo nanggaling. Nakita nila mula sa salamin ang isang babaeng duguan. Nakasuot ito ng puti at purong itim ang mga mata habang naliligo sa dugo. Nakakatitig ito sa kanila.
Biglang lumabas ang kamay nito mula sa salamin at hinawakan ang kamay ni Coleen.
"Aaaaahhhhh!! Tulungan niyo ako!!" pagsusumamo ni Coleen. Pilit nitong kinakalas ang pagkakahawak sa kanya ng babaeng duguan mula sa salamin.
Hinawakan si Coleen ng kanyang mga kaibigan at hinatak palayo sa salamin ngunit isang malakas na pwersa ang humahatak kay Coleen mula sa salamin. Napakalakas nito na tila pupunit sa buong braso ni Coleen.
Isang nakakarinding sigaw ang narinig nila. Tila pumupunit ang ingay sa kanilang tainga na mula sa isang demonyo. Bigla na lamang nabasag ang salamin at tumilapon ang magkakaibigan sa sahig. Napahiga ang magkakaibigan dahil sa pwersang natanggap.
"A-aray," reklamo ni Diane dahil sa masamang pagkabagsak.
"Si Coleen?" tanong agad ni Celina. Natagpuan nila si Coleen na nakahiga din. Nilapitan nila ito at ginising. Ikinabigla nila nang makita si Coleen na duguan. Natalsikan ito ng mga bubog sa katawan mula sa salamin. Tinamaan ito sa iba't-ibang parte ng katawan dahilan upang umagos ang napakaraming dugo sa katawan nito.
"Anong gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Nadine.
"Kailangan na natin makaalis dito. Baka tayo ang isunod niya," saad ni Diane patungkol sa Bloody Mary.
"Paano si Coleen?" nahihintatakutang tanong ni Celina. Wala silang maisip na paraan. Hindi naman nila alam kung ano ang gagawin. Hindi rin kasi nila inaasahan na darating sila sap unto na isa ang mamamatay sa kalokohan na ginawa nila.
"Hindi ko alam. Baka pagbintangan na tayo ang pumatay sa kanya. Ayaw kong makulong!" giit ni Diane. Malalagot silang lahat kung may makakaalam na namatay si Coleen. Wala rin naman kasing maniniwala na namatay si Coleen dahil sa isang multo.
"Natatakot ako." Niyakap na lang muli ni Emma ang kanyang sarili
"Kaya nga umalis na tayo bago pa tayo patayin," ani Diane. Nagsiayunan naman ang iba sa suhestyon ni Diane. Umalis na ang magkakaibigan dahil sa takot at naiwan ang duguang si Coleen.
Bigla na lang nagising si Coleen sa gitna ng kadiliman. Nakita pa niya ang mga papaalis niyang mga kaibigan.
"Tulungan niyo ako..." pagsusumamo niya ngunit walang nakakarinig sa kanya.
Hinang-hina na ang buong katawan niya dahil sa mga sugat na natamo. Hindi na niya kaya pang tumayo dahil sa panghihina. Nakita niya ang isang babaeng nakabaluktot mula sa kadiliman. Nakakapangilabaot ang itsura nito.
Dahan-dahan itong lumalapit sa kanya habang nakabaluktot. Nanlaki ang mga mata niya nang halos lumapit ang mukha nito sa kanyang mukha.
"AAAAAAHHHHH!!!" tili niya.
Isang malakas na alingawngaw ang nagpaingay sa buong sementeryo at pumunit ng gabi.
CHAPTER ONE: 10 Let’s Play
CHAPTER ONE: Let’s Play
“Impyerno ang magiging pangalawang tahanan niyo! Maghintay kayo sa magiging parusa niyo!”
Matapos ang sampung taon, binisita muli ng magkakaibigang sina Celina, Nadine, April at Emma ang puntod ng kanilang kaibigang si Coleen. Ang ilan sa kanila ay matagumpay na sa kanilang napiling karera sa buhay maliban kay Emma.
Isang sikat na singer na ngayon si Celina, si Nadine naman ay nagmamay-ari na ng isang sikat na 5 star hotel samantalang si April naman ay isa ng modelo. Tanging si Emma lang ang walang narating sa kanila dahil sa maaga nitong pag-aasawa na naging dahilan nito upang siya ay hindi makapagtapos.
Ngayon ang ikasampung anibersaryo ng pagkamatay ni Coleen matapos masangkot sa isang malagim na trahedya. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin sila sa sinapit ng kaibigan.
“It’s been ten years…,” malumanay na sabi ni Celina.
“Pero hindi pa rin natin matanggal sa isip ang nangyaring iyon,” saad naman ni Nadine habang nakatingin sa puntod ni Coleen.
Tila sariwa pa rin ang bakas ng kahapon sa kanilang mga alaala. Ramdam pa rin nila ang takot na nadama noong gabing iyon. Maituturing nila na isang bangungot ang pangyayari na iyon na ayaw na nilang balikan pa kailanman. Tinatakot sila ng bangungot na iyon kahit mulat ang kanilang mga mata.
“Kung hindi lang talaga natin ginawa ang bagay na iyon, siguro hindi mangyayari ang lahat ng ito,” nagsisisi namang sabi ni Emma. Kahit siya, nangangatog pa rin sa nangyari.
“Cheer up, guys. Isang dekada na ang lumipas kaya move on na. Baka nga pati si Coleen ay naka-move on na,” masiglang sabi ni Diane para makalimutan ang bagay na nagpapaalala sa kanila ng takot.
Nanatiling tahimik ang iba matapos ‘yon. Nakatingin lang sila sa puntod ni Coleen. Nagsindi sila ng kandila at nag-alay ng bulakalak sa puntod tulad ng nakagawian. Sabay-sabay rin nilang ipinikit ang kanilang mga mata at nag-alay ng dasal para sa yumaong na kaibigan.
“Lord, kung nasaan po ngayon si Coleen, sana po ay maging masaya siya sa piling Niyo…”
…at sana po ay mapatawad Niyo po kami sa aming mga naging kasalanan kay Coleen,” sabay-sabay nilang sambit na dasal.
Umihip bigla nang malakas ang hangin. Dumampi ang kakaibang lamig sa batok ni Emma dahilan para magsitaasan ang kanyang balahibo. Tila isang yelo ang ipinatong sa kanyang batok dahilan naman para mapatingin siya sa likod.
“Mamamatay kayo…” tila isang babae ang bumulong sa tainga ni Emma nang mga oras na iyon. Nakakapangilabot ang boses nito na halos hinugot mula sa lupa kung ilalarawan.
Iginala niya ang kanyang mga mata habang ang iba ay patuloy lang sa pagdarasal. Nasulyapan niya ang isang babaeng nakaputi na nakatayo sa isang puno, ilang metro lang ang layo mula sa kanila. Nakatingin ito sa kanila. Kitang-kita niya ang duguan nitong damit dahil sa mga mantsa sa kulay puti nitong damit.
Kinurap niya ang kanyang mga mata saka kinusot pero bigla na lang nawala ang babaeng duguan. Minamalik-mata lang ba ako? sa isip-isip niya.
“…ang panalanging ito ay itinataas namin sa Iyo, Panginoong Hesus. Amen.” Natapos na sila magdasal. Iniisip pa rin ni Emma ang nakitang babae kanina. Totoo kaya iyon o dala lang ng pagod kaya siya namamalikmata?
“Bakit parang may tinitingnan ka? Ano ba iyon?” tanong sa kanya ni Nadine nang mapansin na nakatingin siya sa malayo. Tumingin din ito kung saan siya tumitingin.
“W-wala. Halika umuwi na tayo,” y aya niya sa iba.
“Buti pa nga,” nasambit ni April.
Isa-isa na silang nagpaalam sa puntod ni Coleen. Dahil wala namang sasakyan si Emma, nakisabay na lang siya kay Celina pauwi. Wala rin naman kasi itong trabaho ngayon kaya hindi siya magiging abala kung makikisabay siya.
Nagsialisan na ang iba kaya nagpaalam na sila sa isa’t-isa.
Tahimik na nagmamaneho si Celina. Gusto sanang sabihin ni Emma rito ang nakita kanina pero ikinatatakot niya lang na baka pagtawanan lang siya nito at hindi paniwalaan.
“Ahm.. Celina?” panimula niya.
“Bakit?” tanong naman nito habang hindi inihihiwalay ang tingin sa kalsada.
Huminga siya ng malamim bago sinimulan ang pagsasalita. “Paano kung balikan tayo ng sinasabi nilang Bloody Mary? Anong gagawin natin?” tanong niya.
Bigla naman natawa si Celina dahil sa kanyang sinabi. “Pshh. Remember, 10 years na ang nakalilipas. Wala na siya. Kinalimutan na natin ‘yon, ‘di ba? Maging si Bloody Mary ‘ata nakalimutan na rin ang tungkol sa atin. Nakakatawa kung magbabalik pa siya. Masyado na siyang late.”
Pero tila may bumabagabag pa rin sa loob niya. Hindi siya mapakali. Hindi rin siya mapanatag lalo na’t dahil sa nakita niya kanina. Paano kung magbalik siya? Makakaya niya kaya? O nila? Nakakatiyak siya na hindi sila magiging handa sa pagbabalik ni Bloody Mary.
Patuloy lang sa pagmamaneho si Celina. Nagkulay pula ang traffic light, hudyat upang huminto muna sila at pagbigyan ang mga sasakyan na nasa kabilang kalsada. Marami ang tumatawid habang nakahinto sila.
Nakapukaw ng atensyon ni Emma ang isang matandang babae. Huminto ito mismo sa harapan ng kotse nila ngunit hindi direktang nakatingin sa kanila. Magulo ang buhok nito at marumi ang damit. Tila maihahalintulad sa isang pulubi kung tutuusin ang matanda.
Nagkulay berde na ang traffic light ngunit hindi pa rin naalis ang matanda. Binusinahan ni Celina ang matanda upang umalis ito. Ngunit hindi pa rin natitinag ang matanda, nakatayo pa rin ito at nananatili sa pwesto na tila bingi sa lakas ng busina.
Binuksan ni Celina ang bintana ng sasakyan at inilabas ang ulo. “Ale, baka mabangga po kayo! Kung maaari po, tumabi-tabi po kayo,” pakiusap ni Celina pero hindi pa rin kumikibo ang matanda. Patuloy lang sa pagbusina si Celina habang nakaupo lang si Emma nang taimtim at pinagmamasdan ang matanda.
“Shit! Ano ba ale?! Kung ayaw niyong tumabi, sasagasaan ko kayo?!” bulyaw ni Celina sa matanda. Naiinis na ito dahil naaaksaya ang kanilang oras sa paghihintay lang sa matanda. Nagsisibusinahan na rin ang mga sasakyan na nasa likuran nila dahil sa sobrang pagkainip.
Dahan-dahang lumilingon sa kanila ang matanda. Namumula ang mga bilugang mata nito. Ngumiti ito sa kanila ng nakakaloko.
“Hahahahaha!” Nagitla naman ang dalawa nang marinig ang matinis na pagtawa ng matanda. Nakakatakot ang tawa nito na tila hinugot mula sa lupa.
“Manang, kung tatawa lang din naman kayo, pwede bang tumabi kayo at nagmamadali kami?!” iritableng sigaw ni Celina. Tiningnan ito nang matalim ng matanda. Tila lalamunin ng mga tingin nito si Celina.
Nagulat sila sa sumunod na nangyari. Nanlalaki ang mga mata nila habang pinagmamasdan ang tumatakbong matanda papalapit sa kanila habang sumisigaw. Nakaangat ang mga kamay nito na handang sakalin ang mga leeg nila.
“Aaaaahhhh!” Tumakbo ito papalapit kay Celina. Agad namang isinara ni Celina ang bintana ng sasakyan dahil sa sobrang takot. Ngunit huli na ang lahat, nahablot ng matanda ang buhok niya. Pilit inaalis ni Emma ang mahigpit na pagkakakapit ng matanda sa buhok ni Celina.
“Bitawan mo siya!” pagsusumamo niya habang patuloy pa rin sa pag-aalis ng kamay ng matanda sa buhok ni Celina.
“Aahhhhh!” Hinihigit palabas ng matanda si Celina gamit ang buhok nito. Hinatak ni Emma papasok ng sasakyan ang katawan ni Celina na halos lumabas na dahil sa pagsabunot ng matanda. Nang maipasok niya ay agad niyang isinara ang bintana.
“Mamamatay kayo! Kayong lahat! Isinusumpa ko yan! Magkikita tayo sa impyerno!” sigaw ng matanda sa labas ng sasakyan. Patuloy ito sa paghampas sa bintana ng sasakyan. Kasabay nito ang pagduro ng matanda sa dalawa.
“Impyerno ang magiging pangalawang tahanan niyo! Maghintay kayo sa magiging parusa niyo!” pananakot ng matanda.
Kinilabutan ang dalawa sa mga sinabi ng matanda. Hindi sila naniniwala sa mga sumpa pero may kakaiba sa matanda na nag-uudyok sa kanila para matakot ng sobra. Mabilis na pinaharurot ni Celina ang sasakyan para makalayo na sa matandang iyon.
“Fuck that old lady!” galit na sabi ni Celina. Kita ni Emma ang galit sa mga mata nito. Nakayukom ang mga kamay nito sa manibela dahil sa eskandalong kinasangkutan.
“Huminahon ka, Celina. It was just an old lady,” pag-aalo ni Emma sa kaibigan na malapit ng sumabog dahil sa sobrang galit.
“’Yon na nga, e. Matanda lang siya pero ang lakas niya manabunot. Lagot talaga sa akin ‘yong matandang iyon kapag nagkita ulit kami.” Sinapo ni Celina ang nananakit pa rin niyang ulo dahil sa natanggap na sabunot. Naihampas na lang ni Celina ang kamay sa manibela dahil sa sobrang galit.
Ilang minuto lang ay nakauwi na rin si Emma. Agad siyang bumaba sa sasakyan. “Salamat sa paghahatid,” saad niya sabay ngiti dahil sa ginawang tulong ng kaibigan.
“Wala ‘yon. Sige, mauna na ako. Mag-iingat ka. Bye.” Isinara na ni Celina ang pintuan ng sasakyan at pumanaog na papaalis
“Ikaw rin. Bye,” paalam niya na hindi man lang hinintay ni Celina. Tumayo lang siya sa labas habang pinagmamasdan ang matulin na sasakyan.
“MAMAMATAY KAYO! KAYONG LAHAT! ISINUSUMPA KO YAN! MAGKIKITA TAYO SA IMPYERNO!”
Biglang sumagi sa isipan niya ang mga salitang binitawan ng matanda. Hindi niya alam kung anong ibig turan ng matanda pero tila may bumabagabag sa kanya. Minabuti na lang niyang magpahinga sa pag-iisip na dala lang ng pagod ang kanyang mga naiisip. Humakbang na siya papasok ng kanyang bahay.
Napansin niyang patay ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Siguro ay hindi pa nakakauwi ang asawa niyang si Manuel. Marahil ay nag-inom na naman ‘yon kasama ang mga kabarkada nito. Pinindot niya ang switch ng ilaw.
Hindi gumagana? Sa pagkakaalam niya, hindi pa nagtatagal ang ilaw na ito kaya malayong mangyari na napundi kaagad ito.
Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig ng katawan. Nanunuot ito hanggang laman. Pakiramdam niya ay may mga matang nakamasid sa kanya. Humakbang siya papasok upang subukan ang iba pang switch ng ilaw kung nagana.
Nakaramdam siya na may dumaan sa kanyang harapan. Isang anino ngunit mabilis ding nawala.
“Sino ‘yan? Magpakita ka!” lakas-loob niyang sabi.
CHAPTER TWO: The DEATH RETURNED
Hello, guys! Kung nababasa niyo ito, deleted na po ang ibang parts ng Seeking Bloody Mary sa Wattpad. Kasalukuyan na po itong mababasa sa Dreame App. Don’t worry dahil ang nasa Dreame ay EDITED version na. Same plot but cleaner version. Sa curious, pwede niyo pong i-search ang profile ko sa Dreame ( misterdisguise ). Pwede niyo ring i-click ang external link sa ibaba or sa comment section. Thank you for always supporting Seeking Bloody Mary.
CHAPTER THREE: The GHOST

CHAPTER FOUR: Creepy Revenge

CHAPTER FIVE: BEWARE and BE AWARE

CHAPTER SIX: Hide and Seek

CHAPTER SEVEN: Curse

CHAPTER EIGHT: Gift

CHAPTER NINE: Fate

CHAPTER TEN: Options

CHAPTER ELEVEN: Obstruct

CHAPTER TWELVE: Unfortunate

CHAPTER THIRTEEN: Exorcism…

Chapters 14 - 16 and Epilogue are in private. Click the external link to see.
If you’re using Wattpad App.
1.) Basic Rule. Follow me first.
2.) Kung meron ka na sa Library mo ng Red Ribbon, delete it. Then i-add mo ulit after mo magawa ang first step.
3.) Kung hindi pa rin nagana, ulitin mo lang ang second step nang paulit-ulit.
If you’re using browser.
1.) Basic Rule. Follow me first.
2.) Kapag nagawa mo na ang first step, bumalik sa aking story at tingnan kung available na ang private chapters.
3.) Kung hindi makita, pindutin ang external link.
4.) Makikita rin sa aking bio ang mga links.
You may copy also these links.
CHAPTER 14: http://www.wattpad.com/14225305-seeking-bloody-mary-published-under-viva-psicom
CHAPTER 15: http://www.wattpad.com/87418509-seeking-bloody-mary-published-under-viva-psicom
CHAPTER 16: http://www.wattpad.com/87418900-seeking-bloody-mary-published-under-viva-psicom
EPILOGUE: http://www.wattpad.com/146050360-seeking-bloody-mary-published-under-viva-psicom
CHAPTER FOURTEEN: Unfold
Hello, guys! Kung nababasa niyo ito, deleted na po ang ibang parts ng Seeking Bloody Mary sa Wattpad. Kasalukuyan na po itong mababasa sa Dreame App. Don’t worry dahil ang nasa Dreame ay EDITED version na. Same plot but cleaner version. Sa curious, pwede niyo pong i-search ang profile ko sa Dreame ( misterdisguise ). Pwede niyo ring i-click ang external link sa ibaba or sa comment section. Thank you for always supporting Seeking Bloody Mary.
CHAPTER FIFTEEN: Getaway

CHAPTER SIXTEEN: Survive

EPILOGUE

AUTHOR’S NOTE
Una sa lahat, maraming salamat sa lahat ng sumuporta ng story ko hanggang sa dulo. Yieee!! <3 I’ll give some facts about my story.
This story is solely written by misterdisguise. Nakaraang taon pa ito ginawa pero last February lang naisipang ipublish. Hehehe. This is a go-with-the-flow story, meaning, wala talaga siyang matinong plot. Hahahaha. Ang first title nito is 7TH DAY pero iba ang plot niyon pero hindi pa rin mawawala yung Bloody Mary concept. Nakaanim rin akong palit ng cover nito. Hahaha. Dahil abnormal ako. :p
Paano niya ito ginawa? Sa panunuod at pagbabasa ng horror/paranormal/thriller/mystery stories. Ganyan kami kaadik! Wahahaha. XDDD
Sana suportahan niyo pa yung gagawin naming ibang stories. Bye bye. Salamat. :DDD
ANNOUNCEMENT
I will no longer post the edited version of URBAN LEGEND: Bloody Mary. The plot of edited version is the same with the original version so no need to post it anymore. The edited version is written in Third Person’s POV.
But for the readers who want to have a softcopy of my story, message me here misterdisguisestories@yahoo.com.