loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
SEKYU 1 (BL)

SEKYU 1 (BL)

Kijarasen · 61 chapters · 117,542 words

SEKYU (1)

A.N

Can I ask for a favor? If you are going to read this story, could you please comment the date and exact time you started to read this novel, following this format below⬇️⬇️⬇️

09-05-2023 (7:11pm)

This means a lot to me! Thank you ❣️

•••

Read at your own risk!

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Dated started: September  05 2023

Date finished: July 28 2024

PANIMULA

Nagmula ako sa hindi perpektong pamilya. May nanay na bulag sa sobrang pagmamahal kay tatay kahit na walang araw na hindi siya pinagbuhatan nito ng kamay. May tatay na walang ibang ginawa kundi ang saktan at pagsalitaan ako nang masama. Tapos iyong kakampi ko pa na madalas kong karamay sa lungkot at ligaya ay iniwan pa ako, iyong nakababata kong kapatid na si Gio. Hindi man ako nagmula sa masayang pamilya, isang bagay lang ang alam ko, iyon ay ang buo ang pagmamahal na meron ako para sa kanila, kahit na madalas hindi naibibigay pabalik ang pagmamahal na ibinubuhos ko sa mga taong ito. At least alam ko sa sarili kong sila pa rin ang magiging pahinga sa mundong nakakapagod.

Ganoon na lang din siguro ang kagustuhan kong maramdaman kung ano ang pakiramdam nang mahalin pabalik, nang maalagaan, alalahanin, at pahalagahan.

Nang matamasa ang mga ito sa bagong sekyu ng katabi naming subdibisiyon na kalauna’y naging kaibigan ko na rin, masasabi kong masarap pala ang pakiramdam nang mahalin. Ngunit hindi maaaring lumagpas sa guhit. Meron pa ring limitasiyon. Bawal sumobra dahil ako pa rin ang uuwing talunan sa bandang huli. Ngunit bakit habang tumatagal, habang unti-unti kong nalalaman ang istory sa bawat pahina ng kaniyang kwento, tila ba mas lalo akong naiintriga sa kaniyang pagkatao, mas lalo akong nahuhulog sa bitag na kaniyang ginawa. Hindi na p’wede. Hindi na p’wedeng pasukin pa ang buhay niya pero bakit? Anong problema? Anong mga k’wento pa ba ang naghihintay sa akin sa likod na matatamis na ngiti ni Kuya Damian?

May mga bagay talaga sa mundo na kapag ipinilit natin, lalo na’t hindi pinahihintulutan ng tadhana, ay napupunta lang sa wala. Sa kaso ko, hindi ako nakinig sa ipinamumukha sa akin ng reyalidad at mas nanaig pa rin ang kung ano ang isinisigaw ng aking puso.

KABANATA I

KEIFER

Nang matapos ang huling klase ko ngayong araw ay agad na akong nag-ayos ng sarili para sa pag-uwi. Ala sinco na kasi at malapit na ring magdilim kaya kailangan ko nang makauwi sa bahay bago ako abutan ng takip-silim. Maglalakad lang din kasi ako para makatipid.

Sanay na akong mag-isa kahit na trenta kami sa buong klase kaya hindi na ako nagtataka pa kung bakit solo ko lang lagi ang paglalakad pauwi. Quality time alone. Masaya naman kaya ang maglakad mag-isa. Sanay na ako.

Unang taon ko pa lang naman ito sa kolehiyo at hindi ko pa masiyadong nakakausap ang mga kaklase ko kaya wala pa ako nahahanap na kaibigan. Ayos lang ’yan! Ang mahalaga ay walang bumu-bully sa akin dahil ganito ako. So far, wala pa naman akong napapansing homophobic sa mga kaklase ko.

Bago makauwi sa bahay ay madadaanan ko muna ang Beverly Heights. Subdibisiyon ito ng mga magagandang bahay. Karamihan ay mayayaman ang nakatira sa loob ng lugar na ’yon. Isang beses ay nakapasok kami ni nanay para magtinda ng kakanin. Pahirapan pa makiusap sa dating g’warda noon dahil alam nila na marami ang masusungit na residente sa loob. Isang beses lang ’yon at hindi na nasundan. Wala kasing bumili sa amin. Muntikan pa kaming mahulog ni nanay sa pusali noong binusinahan kami ng isang nagmamadaling kotse. Matagal na ’yon pero hindi ko talaga makalimutan ang pangyayari namin ni nanay na ’yon na tinatawanan na lang namin sa tuwing naaalala naming dalawa.

Itinaas ko ang kanang kamay at saka kumaway. Madalas ko itong ginagawa upang bumati kay Mang Jerry. Isa siya sa matagal na sekyu ng subdibisiyon na naging kaibigan ko na rin dahil mabait siya sa amin simula’t sapul na nakilala namin siya ni nanay. Kahit na matanda ito’t malayo ang edad sa akin ay naging maganda ang nabuong pagkakaibigan sa aming dalawa. Buti na nga lang talaga ay nag-resign na iyong isang masungit na sekyu noon. Trauma talaga ako sa isang ’yon.

Malapad ang nakaguhit na ngiti sa aking labi nang maglaho ito matapos makita ang sekyu na naka-duty ngayon sa guard house. May bagong sekyu? Ngayon ko pa lang siya nakita.

Wala si Mang Jerry. Marahil ay panggabi siya? Hindi ko alam? Siguro ay makikita ko siya sa susunod na linggo pa dahil weekly ang shifting ng mga sekyu rito sa Beverly Heights.

Napabuntong-hininga ako sa pagkadismaya nang hindi si Mang Jerry ang nakita kong naka-duty ngayon. Nasanay na kasi akong binabati ang matandang ’yon tuwing napapadaan ako sa harapan ng Beverly Heights. Nakakalungkot lang na wala siya ngayon dito pero sino naman kaya iyong bagong sekyu? Ito ang unang beses na nakita ko siyang naka-duty sa istasiyon ni Mang Jerry.

Ilang dipa ang layo ko mula sa mismong guard house nang unti-unting bumagal ang aking paghakbang.

“Shet! Ang gwapo naman nito!” bulong ko sa sarili nang makita nang malapitan ang bagong guard ng subdibisiyon.

Hapit na hapit ang puting uniporme sa maskulado niyang katawan. Matangkad siya at kayumanggi ang kulay ng balat. Ang linis ng gupit niya at makakapal din ang kilay bagay na nakadagdag sa kanyang appeal. Ang mas nakapukaw ng pansin ko ay ang matangos niyang ilong na para bang may lahi. Teka nga! May lahing anghel ba ang isang ’to? Napaka-guwapo niya! Para siya isang modelo sa isang sikat na fashion magazine, o ’di kaya’y artista sa TV. Grabe naman ang isang ’to. Pakiramdam ko tuloy ay biglang uminit kahit na palubog na ang haring araw.

“Hello,” bati niya sa akin saka ngumiti. Lumitaw ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Konti na lang ay makukumbinsi na akong side line niya lang ang pagse-sekyu dahil pagiging modelo talaga ang totoo niyang trabaho.

Kumabog nang malakas ang kaninang kalmado kong puso. Ang ganda ng hulma ng labi niya at nakakatunaw ang paraan niya nang pagngiti. Sobrang perpekto ng ngiti na ’yon para sa akin. Para akong nahihipnotismo sa paraan nang pagtingin niya. Ayaw ko nang lumingon pa sa kung saan kundi sa kaniya lang. Tila ba isa siyang sining na hindi nakakasawang pagmasdan. Bawat anggulo ay perpekto sa pagkakagawa. Wala akong makita ni ga-tuldok na problema.

Hindi ko alam pero bigla akong nag-panic sa presensiya niya. Late reaction? Kanina mo pa nga ini-enjoy ang kaguwapuhan niya, Keifer!

Agad kong tinakpan ang mukha ko sa hiya at doon ko lang naisip na hindi ko na nagawa pa siyang batiin pabalik dahil wala ako ibang pakay kundi ang mabilis na makalakad palayo sa kaniya.

Nakakapagtaka lahat ng mga nararamdam ko ngayon. Taranta ako na hindi ko naman madalas iakto sa mga taong nakakasalamuha ko sa unang pagkakataon. Hindi ko rin maipaliwanag ang mabilis na pagtakbo ng puso ko na pakiramdam ko’y sasabog kung magtatagal pa ako na kaharap siya. Halos maduwal ako sa pagsisirko-sirko ng mga paru-paru sa loob ng aking sikmura. Shet! Na-in love na yata ako sa sekyu na ’yon!

Bago pumasok sa kanto papunta sa baryo namin ay lumingon muna ako sa Beverly Heights subdivision, do’n sa mismong guard house, dahil nandoon ang pakay ko.

Hindi ko siya nakita marahil ay bumalik na ito sa loob ng guard house. Grabe lang ang epekto ng bagong sekyu na ’yon sa akin. Sa kanya ko lang naramdaman ang lahat ng mga nangyari kanina. Para akong tinamaan ng pana ni Kupido. Ito ba iyong tinatawag nilang love at first sight? Kasi sa totoo lang, hindi siya nakakatuwa, nakakagulat siya! Hindi ko alam kung saan ko ipagsisiksikan ang sarili ko dahil sa kakaibang feeling na hatid niya sa akin kanina!

“Shocks! Na-in love na yata ako?” tanong ko sa sarili habang nagpipigil ng saya. Kanina lang ay kinakabahan ako at madaling-madali na makapagtago mula sa sekyu na ’yon tapos ngayon naman ay nangungulila na ako sa presensiya niya. Parang gusto ko siyang balikan ro’n. Ganito ba talaga kapag in love?

“Ang swerte ko kasi kinausap ako ng g’wapong sekyu na ’yon!” Tuluyan na akong napatalon sa tuwa. Hindi ko na mapigilan pa ang sayang nararamdaman.

Ilang taon na kaya siya? Saka saan siya nakatira? Meron na kaya siyang asawa? Anak?

Ang dami kong tanong sa kaniya at masasagot lang ’yon sa pamamagitan ng isang paraan. Kailangan kong kausapin siya. Pero paano? Nakakahiya naman na pupunta na lang ako ro’n para makipagkilala sa kaniya. Anong gagawin ko?

“Anak? Mukhang masayang-masaya ka yata ngayon, ah? Anong meron?”

Nahinto ako sa pag-iisip. Ni hindi ko na namalayan na nakauwi na ako ng bahay namin. Grabe naman ang pagpapantasiya ko! Halos mawalan na ako ng kamalayan dahil sa sobrang pagkalunod sa mga tumatakbo sa isipan ko.

“Na-miss lang po kita, nay!” dahilan ko na lang at saka ibinaba ang backpack sa pahaba naming rattan na bangko. Nagtungo ako sa kusina para magmano kay nanay.

“Ang tingkad ng ngiti ng binata ko, ah, pero ibili mo nga muna ako ng isang pack ng soy sauce kay Aleng Cheba, ’nak. Hindi ko napansing ubos na pala ang toyo natin. Bilisan mo at nakasalang na ang manok sa kawali,” sabi ni nanay at saka iniabot sa akin ang barya.

“Ang aga mo yatang nagluluto, nay?” takang tanong ko.

“May lalakarin ako mamaya kaya ipinagluto ko na kayo ng tatay mo. Hindi ko na kayo masasabayan sa pagkain. Siya sige na, bumili ka na muna ng pinabibili ko. Dalian mo.”

Napatango-tango ako at saka lumabas ng bahay para sundin ang utos niya sa akin. Sa totoo lang ay mabigat ang loob ko sa mga nalaman mula kay nanay. Wala siya mamaya sa hapunan kaya parang ayaw ko na lang kumain dahil kung si tatay lang ang makakasabay ko, mas gugustuhin ko na lang magtiis ng gutom. Naiisip ko pa lang na kasama ko siya sa hapag-kainan nang kami lang dalawa ay natatakot na agad ako. Baka mura-murahin pa ako noon. Malaki ang galit no’n sa mga bading, at isa ako sa kinaiinisan niya.

Habang naglalakad patungo sa tindahan ni Aleng Cheba ay nabuo ang mumunting ideya sa isipan ko.

“Dalhan ko kaya ng ulam si bagong sekyu tapos saluhan ko na lang din siya sa pagkain sa guard house station niya? Pwede naman ’yon, ’di ba?” tanong ko sa sarili, hindi mapawi ang matamis na ngiti sa labi.

Tama! Mukhang maganda nga ang ideyang ’yon!

Isa pa ay hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi para hindi lumandi kaya go na, Keifer!

KABANATA II

KEIFER

“Ikaw na ang bahala diyan, anak. Baka gabihin na ako ng uwi. Sige na. Aalis na ako,” sabi ni nanay at saka yumakap sa akin bagay na ipinagtaka ko nang lubusan. Malambing si nanay at hindi siya magdadalawang isip na iparamdam ang nararamdaman niya ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko soiya lubos na maunawaan. Nakakapanibago ito pero mas pinili ko na lang isantabi ang bumabagabag sa akin at huwag nang pagtuunan pa ng pansin.

Bahagya akong tinitigan ni nanay sa mukha na para bang inaaral niya ang bawat parte ng mukha ko. Dahil doon ay mas nagkaroon ako ng oras para matitigan din ang mukha niya. Nakangiti siya at hindi man lang maabot ang mga tenga niya ng simpleng ngiti na ’yon. Kapansin-pansin din ang panibagong pasa na lumitaw sa magkabilang sulok ng labi niya bagay na nakapagdulot sa akin ng sobrang kalungkutan.

“Sinaktan ka na naman ba ni tatay kagabi, ’nay?” tanong ko sa kaniya kahit na alam ko naman na ang sagot.

“Alam mo naman ang dahilan kung bakit ganoon ang tatay mo. Stress lang sa trabaho ’yon kaya nagagawa niya ang mga bagay na ito sa atin—”

“Mali ’yon, ’nay! Hindi niya dapat tayo sinasaktan! Imbis na siya ang unang magprotekta sa atin, bakit siya pa ang numero unong dahilan kung bakit tayo umiiyak at nasasaktan?” pagpuputol ko sa mga sinasabi niya. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha habang unti-unting bumabalik ang mga masasamang ala-ala ng pabg-aabuso ni tatay sa amin.

Hinawakan ni nanay ang mga balikat ko at pinakatitigan ako sa aking mga mata.

“Darating ang araw na maiintindihan mo rin kung bakit may mga bagay na kailangan nating tanggapin sa ganoong kalagayan. Darating din ang panahon na matututunan mo ring mahalin ang tatay mo kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya, anak,” sabi ni nanay at niyakap akong muli. “Mahal na mahal kita, Keifer ko.”

May kakaiba sa inaakto ni nanay na kahit hindi ko pagtuunan ng pansin ay patuloy pa ring nagsusumiksik sa aking isipan. May kung anong bigat sa puso ko ang nanunudiyo, nangungulit, pero mas pinili ko pa rin itong itinaboy.

Nag-umpisa nang maglakad palayo si nanay sa akin. Pinanood ko siyang lumabas ng bahay dala ang kaniyang lumang shoulder bag. Bagay na bagay talaga ang pulang bestida kay nanay. Hapit ito sa kaniyang katawan na hanggang ilalim ng tuhod ang haba. Napangiti ako. Ang ganda kasi ni nanay. Napabayaan lang ni tatay dahil madalas niyang pagbuhatan ng kamay.

Napabuntong-hininga ako. Hindi niya naman nabanggit sa akin ang pupuntahan niya na hindi ko na rin naman inusisa pa. Mas mabuti nga ’yon para naman makatakas si nanay sa pananakit ni tatay. Gabi-gabi na lang kasi silang nagtatalo. Naging normal na sa akin ang sigawan nila sa loob ng bahay, mga kasangkapanbsa kusina na nagsisiliparan at ang dagundong ng bawat pagbalibag ni tatay ng mga malalaking kagamitan sa salas. Iyong rattan na bangko na lang yata namin ang natitirang matatag at matino. Palibhasa matibay, kagaya namin ni nanay.

Nakakalungkot lang na walang araw na hindi sila nag-away. Sa tuwing nag-iisa ay laging lumalandas sa isipan ko ang ideya na kung hindi siguro nawala si Gio ay hindi magkakaganito si tatay. Sana ay masaya kami ngayon kung nandito pa ang mas nakababata kong kapatid. Kasalanan ko kasi, sorry.

Napabuntong-hininga ako. Ang bigat talaga sa dibdib sa tuwing naaalala ko siya. Miss na miss ko na ang kulit niya, ’yong ingay niya sa loob ng bahay, ’yong nakakahawa niyang tawa na lahat kami ay napapasaya niya rin. Parang kahit saang sulok ako ng bahay tumingin ay nakikita ko siya. Tatlong taon na ang lumipas pero sariwa pa rin ang sugat sa puso ko sa mga nangyari sa nakababatang kapatid. Paano kaya kung ako ang nasagasaan noong gabi na ’yon at hindi siya? Paano kung ako ang namatay at hindi ang bunso kong kapatid? Magiging ganito pa rin ba karebelde si tatay? Mag-aaway pa kaya lagi sila ni nanay? Paborito kasi ni tatay si Gio dahil straight itong lalaki at hindi kagaya kong babakla-bakla. Siguro kung ako ang nawala ay hindi ganito si tatay ngayon. Baka nga magbunyi pa siya at namatay na ang anak niyang bading, na sobra niyang kinamumuhian.

Bago pa maiyak ay ginawa ko na ang dapat na gawin. Kumuha ako ng dalawang plastic container sa kusina. Nilagyan ko ng kanin ang isa samatalang naglagay naman ako ng niluto ni nanay na adobo sa isa pa. Nang maiayos ay inilagay ko sa loob ng isang plastic bag. Itinabi ko muna sa gilid ng mesa ’yon saka naglinis ng buong bahay dahil maaga pa naman. Panigurado kasing mainit na naman ang ulo ni tatay ’pag uwi. Kung malinis ang bahay ay baka sakaling mabawasan ang init ng ulo niya. Hindi bale, wala naman na ako rito mamaya kapag umuwi siya kaya ligtas ako sa galit niya.

Mag-aala-siyete na nang matapos ako. Dahil pawisan ay nagdesisiyon akong magpalit muna ng damit dahil nakakahiya naman kung haharap ako kay kuyang sekyu na ganito ang amoy ko. Nag-spray din ako ng pabango na pinakatitipid ko pa kasi pahirapan makaipon para makabili ulit ng bago. Hindi naman kasi kami mayaman.

Nang maiayos ang sarili ay kinuha ko na rin ang binalot na pagkain kanina at saka lumabas ng bahay. Hindi ko na kinandado pa ang pinto dahil ala s’yete ng gabi ang uwi ni tatay. Halos trenta minutos lang ang pagitan sa oras nang alis ko.

Unti-unti kong nararamdaman ang kaba sa aking dibdib habang kasalukuyang binabaybay ang daan patungo sa guard house ng Beverly Heights. Bahala na! Lalakasan ko na lang ang loob mamaya kapag kaharap na siya.

Ilang hakbang bago marating ang guard house na iyon ay namataan ko siyang abala sa pagsusulat doon sa kulay asul niyang logbook. Humugot muna ako ng lakas ng loob mula sa isang malalim na buntong-hininga bago kinatok ang pinto nitong nakabukas.

Napaangat siya sa akin nang tingin na sinundan niya rin nang pagngiti. Shocks! Napakagwapo naman ng tao na ito!

Tumayo siya at lumapit sa akin. Jusko! Bakit naman biglang nanginig ang tuhod ko sa presensiya niya?

“Bumalik ka! Hindi ba ikaw ’yong bata kanina? Anong kailangan mo, hijo?” tanong niya sa akin kaya napangiti ako bigla.

“Maka-bata ka naman po. Bente anyos na ako kaya hindi na ako minorde-edad,” sabi ko sa kaniya. Nakakatuwa na hindi ako nabulol o nautal sa kaba, pero iyong tuhod ko, konti na lang ay bibigay na. “Okay lang po ba na pumasok ako sa loob? Pinagdala ko kayo ng pagkain,” dagdag ko pa saka ko itinaas ang bitbit na plastic bag.

Tumango-tango siya. “Sige. Pasok ka,” wika nito at saka niya ako pinatuloy sa loob.

Hindi malaki ang guard house dahil nakadiseniyo lang ito para sa mga sekyu ng lugar. Mabuti na lang at may banyo rito at water dispenser. Meron pa ngang ilang kubyertos at pinggan sa gilid ng lamesa. May computer screen din na CCTV footage lang ang makikita. May compilation ng mga papel sa gilid nito at ilang patong ng mga logbook. Meron ding pahabang upuan na gawa sa plastic.

Mukha namang maayos ang lagay niya rito kaya pwede na rin sigurong pagtambayan sa tuwing umiiwas ako kay tatay. Mukha naman siyang mabait at hindi masungit. Okay na ako rito.

“Sasabay po sana kong kumain sa inyo,” sabi ko pa sa kaniya nang makaupo sa isa pahabang bangko. Ipinatong ko iyong dala sa ibabaw ng lamesa niya.

“Sakto! Nagugutom na ako! Tara na’t kamain. Hinihintay ko na lang mag alas siyete para makauwi. Swerte ko lang at may dala kang pagkain ngayon. Hindi na ako mag-aabala pa mamaya sa pagluluto pagkauwi,” nakangiti niyang sabi sa akin pero sa loob-loob ko, malungkot ako sa narinig. Ala siyete pala ang uwi niya kasabay ng uwi ni tatay. Hindi bale. Sasamahan ko na lang si Mang Jerry rito hanggang sa masiguro kong tulog na si tatay bago ako uuwi mamayang madaling araw.

Siya na ang nagbukas ng baunan na dala ko. May inilabas din siyang mga plato na alam kong ginagamit nila ni Mang Jerry.

Naupo siya sa harapan ko, sa kabilang dulo ng pahabang bangko at nasa harapan na namin ngayon ang mga pagkain na aking dala. Pinanood ko lang siya na hatiin iyong kanin sa dalawang plato. Matapos gawin iyon ay binuksan niya ang baunan kung nasaan ang adobo na luto ni nanay.

“Ano pang hinihintay mo? Tara na,” pag-aya niya sa akin kaya tumango naman ako. Bakit kasi nakakabusog pagmasdan ang nilalang na ito? Pakiramdam ko tuloy ay busog na agad ako!

Lumapit ako bahagya patungo sa kaniya at saka kami sabay na kumaing dalawa. Pasalamat siya nang pasalamat sa dala ko. Nagustuhan niya rin ang luto ni nanay na ulam.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang tumunog ang cellphone niyang de keypad.

“Saglit. Sagutin ko lang ang tawag,” sabi niya at saka tumayo. Inabot niya ang cellphone niya at saka lumabas ng guard house.

Ilang minuto rin iyon nang bumalik siya, bagsak ang mga balikat at nakasibangot.

“Bakit po ang lungkot niyo?” takang tanong ko.

“Extend ang duty. Nilalagnat si Mang Jerry,” nakanguso niyang saad. Teka! Huwag! Baka matuka kita!

Harot, Keifer!

“Samahan na lang po kita rito para hindi ka mainip mag-isa,” nakangiti kong sabi sa kaniya, nagbubunyi ang mumunting puso.

“Hindi ka ba hahanapin sa inyo?” tanong niya.

Umiling ako. “May nilakad si nanay. Gagabihin daw siya sa pag-uwi tapos si tatay naman,” nahinto ako saglit at napaisip kung ano ba ang magandang sabihin. “Si tatay ay paniguradong pagod sa trabaho kaya pagkayari kumain no’n ay matutulog na lang.”

“Hindi ka hahanapin ng tatay mo?” tanong niya ulit.

Umiling ulit ako. “Hindi ’man po. Wala namang pakialam sa akin ’yon,” Pabulong ko na lang na sinabi ang mga huling mga salita dahil ayaw ko ring isipin niya na hindi maganda ang ugali ni tatay kahit totoo naman talaga.

“Mukha na ba akong matanda?” tanong niya sa akin habang may alanganing ngiti. Napakunot naman ang noo ko sa tinanong niya.

“H’wag mo na akong i-po. Thirty-eight years old pa lang ako. Wala pang k’warenta kaya batang-bata pa,” paliwanag nito sa akin saka siya tumawa.

Labing-walo pala ang pagitan ng edad naming dalawa. Pero sa totoo lang, hindi siya mukhang thirty-eight years old. Ang akala ko’y twenty-nine pa lang siya o mas mababa pa. Anyway, age doesn’t matter kaya go lang.

Harot!

“Pasensiya na po pala sa inasal ko kanina. Akala ko kasi si Mang Jerry ang nakaduty ngayon dito,” hingi kong paumanhin. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mga pisngi ko dahil naalala ko na naman ang mga ginawa ko kanina.

“Akala ko nga ay napano ka na. Bigla ka kasing nagtatakbo,” wika niya at saka napakamot sa batok.

Nang mayari kami sa pagkain ay siya na rin ang nagligpit ng mga kinainan. Natuwa pa ako nang makitang may panghugas sila ng plato rito. Parang nasa bahay lang.

Nang matapos ay bumalik siya sa pwesto niya kanina at saka hinarap ako.

“Alam mo, napaka-g’wapo mong bata. Nagpa-pageant ka ba? Pwede ka ngang mag-artista kasi hawig mo si JM De Guzman,” puri niya sa itsura ko dahilan para mapangiti ako nang malapad.

“Hindi ko inaakalang bolero pala kayo,” komento ko at saka tuluyan nang natawa.

“Hindi ako nagbibiro. Nagsasabi ako ng totoo! Nga pala, ano ang pangalan mo?”

“Keifer po. Keifer Guillermo.”

“Pino-po mo na naman ako,” natatawa niyang sambit.

“Sorry. Hindi ko lang po talaga maiwasang gumalang,” sabi ko. “Kayo po? Anong pangalan niyo?” Sa wakas ay malalaman ko na rin ang pangalan niya!

“Damian Damaso. Kuya Dam for short. Iyon ang madalas nilang itawag sa akin bukod sa Damaso kaya nakasayan ko na rin,” sabi niya sa akin.

“Mas gusto ko kayong tawagin na Kuya Damian kaysa kuya Dam,” komento ko sa sinabi niya.

“Gano’n ba? Cute naman ang Kuya Dam, hindi ba? Pangit bang pakinggan?” nakanguso niyang saad. Nagpapa-cute pa! Tigilan mo nga ako riyan at baka mahalikan kita!

“Mas prefer ko lang po ang Kuya Damian. Mas pormal po kasi iyon,” paliwanag ko sa kaniya. Tumango-tango siya sa akin at saka nag-iwas nang tingin. Doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na tingnan ang kabuoan niya. Ang laki kasi ng biceps nito at ang lapad ng dibdib. Siguro ay naggi-gym siya?

“May asawa na po kayo?” tanong ko na agad ko rin namang pinagsisihan. Hindi ako nag-iisip sa parte na ’yon. Bakit naman out of the blue magtatanong ako ng gano’n sa kaniya? Bigla tuloy akong nahiya.

Umiwas siya sa akin nang tingin at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nawala ang saya na kanina ko pa nakikita.

“Nasa probinsiya kasama ng isa naming anak. May sakit kasi ang anak ko kaya nakipagsapalaran ako rito sa Maynila. Mas malaki kasi ang pasahod dito kaysa sa probinsiya kaya nagsakripisiyo muna ako para sa gamutan ng anak ko,” paliwanag niya. Ramdan ko ang lungkot sa bawat salitang binigkas niya.

May kurot din sa puso ko nang marinig ’yon. Hindi ko maiwasang malungkot sa sitwasiyon niya at sa ideyang meron na siyang sariling pamilya. Balak ko sanang pasukin ang buhay niya pero hindi naman ako tanga para manira ng relasiyon ng iba. Malas ko naman at may asawa’t anak na iyong nagustuhan ko. Heartbreak agad.

Napagitla ako sa ingay nang malakas na kalampag mula sa pinto ng guard house.

Napatayo agad ako mula sa pagkakaupo nang makita si tatay sa labas. May hawak siyang bote ng alak, mapula ang mga mata at gulong-gulo ang buhok.

Inihagis niya ang bote sa loob. Nagsitalsikan ang mga bubog nito at nang mga oras na ’yon ay bigla na lang nabuhay ang matinding takot sa puso ko.

“Sir, hindi po tama itong ginagawa niyo,” malumanay na sabi ni Kuya Damian sa kaniya.

Hindi siya pinansin ni tatay. Tinabig lang siya nito at saka ako ang binalingan niya.

Hinawakan ni tatay ang damit ko sa dibdib at saka ako idinikit sa pader. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

“Anong ginagawa mo rito, bading?” Bulyaw niya sa akin. Amoy na amoy ko ang alak mula sa kaniyang bibig.

Nangangatal ang labi ko at hindi ko alam ang dapat na sabihin dahil sa matinding takot.

“Nasaan ang nanay mo?” sigaw niya pa sa akin at dahil doon ay tuluyan nang bumagsak ang luha mula sa aking mga mata.

Nakakahiya na sa unang pagkakataon na nagkausap kami ni Kuya Damian ay nasaksihan niya na agad ang ganitong klase ng senario sa buhay ko. Nakita niya pa kung paano ako itrato at tawagin ni tatay kaya sobra-sobra ang panliliit ko sa sarili. Ang tao na akala ko’y magpoprotekta sa amin ni nanay ay siya palang tao na mananakit at sisira sa saya na meron kami.

KABANATA III

KEIFER

“H-hindi ko alam, ’tay. H-hindi ko po alam kung nasaan si nanay,” sagot ko na halos magbuhol-buhol na ang dila ko dahil sa takot na nararamdaman.

“Putang-ina niyo talaga!” Pagkarinig ko ng mura na ’yon ay naramdaman ko na lang ang matinding sakit mula sa pagsuntok ni tatay sa sikmura ko.

Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Bumagsak na lang ako sa sahig habang iniinda ang matinding kirot sa aking sikmura. Tila ba piniga ang mga baga ko’t hindi ako makahinga nang maayos. Nanlalabo na rin ang aking mga mata dahil sa patuloy na pag-iyak at nang mag-angat ako nang tingin ay nakita ko pa kung paano ako protektahan ni Kuya Damian mula kay tatay.

“Tatawag ako ng baranggay. Hindi tama itong ginawa niyo!” malumanay na sabi ni Kuya Damian nang maitulak niya palabas si tatay. Ni-locked niya ang pinto ng guard house upang hindi na ulit makapasok pa si tatay sa loob.

Walang hinto sa paghiyaw si tatay habang malakas na kinakalampag ang naka-lock na pinto ng guard house. Sobrang takot na takot akong malapitan niyang muli. Halos magsumiksik na ako sa gilid ng silid para lang maitago ang sarili. Niyakap ko ang sariling tuhod at ibinaon ang mukha rito. Walang tigil sa paglagaslas ang luha mula sa aking mga mata. Sana umuwi na si nanay. Kung nandito siya ay hindi niya hahayaang saktan ako ni tatay.

“Hello, buddy. Pasuyo naman ako rito sa station one. Meron kasing nag-wawalang residente sa katabi nating baryo. Pa-report ako sa baranggay hall nila. ASAP, buddy. Baka kung anong magawa nito sa amin. Salamat,” rinig kong sabi ni Kuya Damian sa walkie-talkie niya.

Patuloy pa rin sa pagwawala si tatay mula sa labas. Mura rin siya nang mura at wala siyang hinto sa pangmamaliit sa pagkatao ko na tila ba wala akong ginawang mabuti bilang anak niya. Ganoon na ba kaliit ang tingin niya sa mga kagaya ko? Hindi pa siya magpasalamat at disente akong bakla. Hindi naglalagay ng kahit anong kolorete sa mukha. Hindi nagbibihis ng pambabae at rumarampa sa daan. Hindi naman din halatang bakla ako kung hindi ko pa sabihin sa mga taong nakakaharap ko. Bakit ganoon siya sa akin? Anak niya pa rin naman ako, hindi ba? Bakit parang napakahirap sa kaniya na ituring ako bilang anak niya?

Naramdaman ko ang paglapit ni Kuya Damian sa akin pero hindi ako nag-abalang mag-angat nang tingin sa kaniya. Nilalaman ako nang matinding hiya, panliliit sa sarili na tila ba isa akong piraso ng basura.

“Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang sinuntok niya? Sabihin mo sa akin nang malapatan natin ng hot compress para kahit papaano ay mabawasan ang kirot.” Sobrang lambing ng boses ni Kuya Damian kaya hindi ko na napigilan pa ang mapa-angat ng tingin sa kaniya. Nakakahiya na para bang basa akong sisiw ngayon. Magulo ang buhok, pawisan at basang-basa ang mga pisngi mula sa matinding pag-iyak.

Natigilan ako sa sunod niyang ginawa sa akin.

“Tumahan ka na. Hinding-hindi kita pabayaan hangga’t nandito ka sa akin ngayon. ’Wag kang mag-alala at safe tayo rito sa loob. Kasama mo ako,” sabi niya habang pinupunasan ang mga pisngi kong basang-basa ng luha.

Kahit na maingay sa labas dahil sa ginagawa ni tatay ay mas nangingibabaw pa rin ang dugundong ng puso ko. Simple lang ang ginawa ni Kuya Damian sa akin pero napakalaki ng epekto nito. Pakiramdam ko ay napawi lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kahit na saglit ay naramdaman kong importante ako, kamahal-mahal.

“Okay naman na po ako. Salamat kuya,” sabi ko sa kaniya para hindi na siya mag-alala pa. Taliwas man sa sinabi ko ang pinakikita ng aking mga mata ay sa tingin ko’y nakumbinsi ko naman siya.

Ngumiti ako nang tipid kahit na patuloy pa rin sa paglagaslas ang aking mga luha.

Ilang minuto lang din ang nagtagal nang huminto si tatay. May mga pamilyar akong boses na naririnig mula sa labas. Kung hindi ako nagkakamali ay si Kuya Manny ang kumakausap ngayon kay tatay, isa sa mga barangay tanod ng baryo namin.

“Kumalma po kayo Kuya Kristofer. Kung magwawala pa rin po kayo ngayon ay mas mapipilitan kaming ikulong kayo pansamantala sa baranggay jail.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili at sumilip na ako sa malaking bintana upang makita ang kaganapan sa labas. Nakita ko ang apat na barangay tanod do’n. Nakapalibot sila kay tatay, tila ba tinatantiya ito sa mga sunod niyang gagawin.

“Putangina niyo! Ilabas niyo ang asawa ko!” sigaw niya sa mga tanod. “H’wag niyo akong hawakan! Uuwi na ako!” Susuray-suray siyang umalis. Hinayaan lang siya ng mga tanod at nang makalayo siya ay kami naman ang kinausap nila.

Pinagbuksan sila ni Kuya Damian ng pinto kaya naman inayos ko muna ang sarili, tinuyo ko ang mga pisngi at pinagpagan ang puwetan. Nang makatindig mula sa pagkakasiksik sa sulok ay iniunat ko muna ang gusot-gusot kong damit bago sila lapitan.

“Anong nangyari? May nasaktan ba sa inyo?” tanong ni Kuya Manny sa amin.

Magsasalita sana si Kuya Damian pero hinawakan ko ang braso niya dahilan para mahinto siya sa tangkang pagpapaliwanag. Saglit na nagpalitan kami nang tingin at saka ko binalingan si Kuya Manny para sabihin ang mga nangyari.

“Ayos naman po kami, Kuya Manny. Wala naman pong nasaktan. Pasuyo na lang po Kuya kasi baka po bumalik ulit dito si tatay,” salaysay ko sa kanila. Alam kong mas nagiging agresibo si tatay sa tuwing nakaiinom ng alak at natatakot lang ako na baka mas malala pa rito ang magawa niya kung sakaling maisipan niyang bumalik.

“Sige. Babantayan na lang muna namin ang harap ng bahay niyo para masiguro na hindi na aalis ang tatay mo ro’n. Gusto mo bang sa baranggay hall ka muna magpalipas ng gabi? Naka-duty kami ro’n kaya hindi ka mag-iisa,” tanong pa sa akin ni Kuya Manny.

Umiling ako at ngumiti. “Dito na lang po muna ako. Makisabihan niyo na lang po ako kung nakatulog na si tatay para po makauwi na rin po ako ng bahay mamaya.”

“Sige. Maiwan na namin kayo,” paalam niya at saka sila sabay-sabay na umalis.

Hinarap ko si Kuya Damian at doon ko lang napansin na may sugat siya sa kamay. May hiwa siya sa isang daliri at patuloy ang pagragasa ng dugo mula rito. Nakonsensiya naman ako dahil sinabi ko pang wala namang nadisgrasiya sa amin ngunit heto siya’t nagdurugo ang kamay ngayon.

“Kuya Damian, sorry po. Hindi ko alam. Meron ka bang first aid kit dito? Kailangan nating gamutin ang sugat mo?” tanong ko sa kaniya. Medyo natataranta na ako dahil sa mga pumapatak na dugo mula sa kaniya. Kailangan kasi nitong malapatan nang paunang lunas para mahinto sa pagdurugo.

Hindi siya sumagot at napansin kong nakangiti lang siya sa akin. “Kuya Damian? ’Yong sugat mo, kailangan nating gamutin ’yan.”

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya dahil kanina pa siya nakangiti sa akin na para isa akong magandang pelikula na pinanonood niya.

“Nandito sa belt ko. Meron akong small first aid kit essentials dito,” sagot niya sa akin.

Hinila ko siya para paupoin sa long plastic bench at saka ko kinuha ang maliit na kahon sa gilid ng bewang niya. Nailang pa ako dahil hindi ko pa alam kung paano ito tatanggalin noong una. Buti na lang ay siya na ang kumuha nito upang iabot sa akin.

Nang makuha ito sa kaniya ay agad ko ring binuksan para hanapin ang alcohol at bulak. Inilapag ko ito sa lamesa at naglagay ako ng kaunting alcohol sa bulak.

“Medyo mahapdi lang po ito,” banta ko sa kaniya.

“Sanay na ako sa hapdi niyan,” tumatango-tangong sabi niya sa akin.

Dahan-dahan kong dinampi sa sugat niya ang bulak at bahagya pa siyang napaurong. Masakit naman kasi talaga iyon lalo na at sariwa ang sugat niya.

Nang malinis ito ay kumuha ulit ako ng bulak at saka ko nilagyan ng Betadine. Inilapat ko ito sa sugat niya at saka tinapalan ng band aid.

“Okay na po. Siguro ay nasugat ka kanina sa hinagis na bote ni tatay. Pasensiya na po talaga sa ginawa ng tatay ko,” hingi kong paumanhin sa kaniya. Ako ang nanliliit dahil sa ginawang kalokohan ng tatay ko.

Tumayo ako upang hanapin ang dustpan at walis. Nang makita ito ay nilinis ko agad ang mga nakakalat na bubog at saka iyon inilabas sa guard house.

Nang bumalik ako ay kitang-kita ko ang ngiti sa labi ni Kuya Damian. Tila ba hinahangaan niya ang kasipagang pinakita ko dahilan upang mag-init ang aking mga pisngi.

“Huwag mo ako tingnan nang ganyan, Kuya Damian. Baka matunaw ako,” pagbibiro ko sa kaniya.

Tila ba natauhan siya sa mga sinabi ko dahilan upang maputol ang iniisip niya. Kanina pa kasi siya nakamasid sa akin at hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya.

“Natutuwa lang kasi ako na ganito ka kaasikaso. Napakabait mong bata, Keifer. Nakakapagtaka kung bakit gano’n ang pakikitungo ng tatay mo sa ’yo, e, napakabait mong bata. Okay ka na ba talaga? Hindi na masakit ang sinuntok niya sa ’yo?” paniniguro niya sa akin.

Ngumiti ako at saka sinabing, “Okay na po ako.” Sa katunayan ay kinikilig.

Nahinto siya saglit at saka napatingin sa labas. Nakatago na ang haring araw at alam kong nakasabog na ang ganda ng maliliit na bituwin sa kalangitan.

“Uuwi ka pa ba talaga sa inyo? Dito ka na lang kaya sa akin? Hindi rin kasi ako mapapanatag kung uuwi ka pa ng bahay niyo. Baka kung ano na naman ang gawin ng tatay mo ro’n sa ’yo.” Seryoso ang mukha niya at hindi ko maiwasang hangaan ang kagwapuhan ng lalaki na ito. His face is perfection. Lahat ng parte sa mukha niya ay parang hinulma upang makuha ang pinakamagandang resulta. Para siyang isang piraso ng obra, pulido, walang kapares sa ganda.

“Sige po. Dito na lang ako magpapalipas ng gabi,” sabi ko sa kaniya. Gusto rin naman.

Sa isang banda, may kung anong boses ang nagdidikta sa akin kung ipagpapatuloy ko ba ang ginagawa kong ito. Alam kong ako lang din ang madedehado sa dulo. Pamilyado na siya. Kung papasukin ko pa ang buhay niya, parang hindi na yata tamang gawin ang bagay na ’yon.

Hindi naman siguro masama makipagkaibigan sa kaniya? Hindi ko naman siya lalandiin o ano pero kung gusto niya ay p’wede rin naman. Charot!

Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa papasukin kong ito. Gusto ko lang na mag-enjoy sa pagkakaibigang nabuo sa pagitan namin ni Kuya Damian. Hindi naman ako lalagpas sa linya dahil alam ko naman kung saan ako lulugar. Sa ngayon ay hahayaan ko munang maging masaya ang sarili sa presensiya niya. Wala naman sigurong masama ro’n?

KABANATA IV

KEIFER

Nagluluto ako ngayon ng ulam namin ni tatay. Paksiw na bangus ang naisip kong lutuin dahil isa ito sa mga paborito niya. Nagulat na lang ako nang pumatak ang luha mula sa aking mga mata kaya agaran ko itong pinunasan pero dumagsa ang mga ito’t napuno nito ang mga pisngi ko.

Luto naman na ang ulam kaya hinango ko na mula sa kalan de uling saka ko pinagtuunan nang pagpansin ang pagpahid ng mga pisngi, umaasang masasaid ang mga luhang patuloy sa pag-agos.

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng insidenteng naganap noon sa guard house dahil kay tatay. Sa tatlong araw na ’yon ay hindi na muli pang nagpakita si nanay. Hindi na siya umuwi. Hindi na siya bumalik.

Pinahid kong muli ang pisngi. Miss ko na si nanay. Kaya pala niyakap niya ako noon bago siya umalis. Hindi ko naman inaakalang ’yon na pala ang huli naming pagkikita. Kung alam ko lang ay niyakap ko rin siya nang mahigpit at nilubos ang pagkakataon na mahagkan niya.

Umiyak man ako, wala na akong magagawa pa. Walang kasiguraduhan kung babalik pa si nanay o kung babalikan niya pa ako, kami ni tatay. Siguro ay sumuko na siya sa pananakit ni tatay. Sana ay sinama niya na lang ako.

Sa tatlong araw na wala siya, tatlong araw na rin akong nagtitiis sa galit ni tatay. Walang araw na hindi ako nakaligtas sa pangmamaltrato niya. Pagod na pagod ako kakaisip kung bakit tila ba pinarurusahan ako ng kapalaran. Sobra bang sama ko noon sa dati kong buhay para makaranas ng ganitong sakit ngayon?

Sa tuwing humaharap ako sa salamin ay walang paglagyan ang mga pasa at bangas ko sa mukha. Mabuti na lang at may face mask dahil nagagawa nitong itago ang mga sugat at pasa ko. Hindi na rin masiyadong halata ang black eye sa aking kaliwang mata at masaya ako dahil doon. Siguro naman ay pwede na akong magpakita kay Kuya Damian. Tatlong araw na rin kasi akong umiiwas sa kaniya dahil ayaw kong makita niya akong ganito. Baka ireport niya na naman sa barangay o kung saan man, mas malaking ayusin iyon kapag umabot sa pulis ang sitwasiyon namin ni tatay. Kahit na ganito sa akin si tatay ay mahal ko pa rin naman siya at ayaw kong may mangyari na masama sa kaniya. At sana gano’n din siya sa akin pero napakalabo mangyari no’n.

Marami naman ang nailuto kong ulam kaya kumuha ako ng plastic container para bigyan si Kuya Damian. Pang-gabi ang duty niya ngayon at mamaya pang ala siyete ang pasok niya. Mag-aaala sais pa lang kaya siguro ay iiwanan ko na lang sa guard house ang ulam niya para makabalik agad ako rito sa bahay. Baka kasi mas lalong uminit ang ulo ni tatay kung hindi niya ako madatnan dito. Ayaw ko nang mangyari pa ang nangyari noong nakalipas na tatlong araw. Hangga’t maaari ay ilalayo ko na si Kuya Damian sa gulo na maaaring magawa ni tatay . Kaya ko pa namang saluhin lahat nang galit niya kaya ako na lang muna, sasarilihin ko, kakayanin ko.

Nang mailagay sa plastic ang plastic container ay nagtungo na agad ako sa guard house kung saan naabutan ko si Mang Jerry.

“Kamusta na, hijo?” bati niya sa akin at napansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya nang makita ang itsura ko. “Sinasaktan ka pa rin ba ng tatay mo?” tanong niya habang iiling-iling.

Tumawa ako nang pilit. “Hindi naman po. Napaaway lang ako sa school kaya may bangas ako, Mang Jerry.”

“Kilala kitang bata ka. Hindi ka basag-ulo kaya hindi mo ako maloloko,” sabi niya pa.

Hindi na ako sumagot at saka ibinigay sa kaniya ang hawak kong plastic bag.

“Makibigay na lang po ito kay Kuya Damian mamaya pagpasok niya para may ulam po siya mamayang breaktime. Salamat, Mang Jerry,” sabi ko.

“Hindi mo na ba siya hihintayin? Malapit na pumunta rito ’yon at mag-aala siyete na,” suhestiyon niya sabay kuha nang inaabot ko. Inilagay niya iyon sa mesa at muling humarap sa akin.

“Hi!”

Tila ba nakalimutan ko kung paano ang kumilos. Panandalian akong nanigas sa kinatatayuan at hindi ko alam kung ano ba ang marapat na gawin dahil sa presensiya ni Kuya Damian. Malakas ang kabog ng dibdib ko at natatakot ako na baka marinig niya ito. Boses niya pa lang ang rumehistro sa mga tenga ko pero malinaw na agad sa isip ko kung ano ang itsura niya, kung gaano siya kaayos manamit at kung gaano katingkad ang ngiti niya. Para akong siraulo sa inaakto ko, ni hindi ko rin maintindihan ang sarili dahil sa kakaibang pakiramdam na hatid niya sa akin. Shet! In love nan ga yata ako?

“O, ito na pala siya,” sabi ni Mang Jerry kaya lumingon ako sa aking likuran para makita ang papalapit na si Kuya Damian. Sus, Keifer! Kunwari pang hindi alam na paparating na siya.

Lumandas ang ngiti sa aking labi habang pinanonood siyang maglakad palapit sa amin ni Mang Jerry. Grabe ang panalangin ko na sana ay hindi niya marinig ang kabog ng puso ko. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sa ganitong kaguwapo na nilalang? Napaka-perpekto ng ngiti niya. Mapuputi ang ngipin nito’t pantay-pantay. Parang hindi tinutubuan ng tigyawat ang moreno niyang balat. Sobrang nakapangliliit naman ang tao na ’to. Para akong basahan kung itatabi sa kaniya. Bagong ligo pa siya ngayon kaya amoy na amoy ko ang ginamit niyang shampoo.

“Ang aga mo yata?” tanong sa kaniya ni Mang Jerry nang makalapit siya sa amin.

“Sumaglit ako sa Cebuana Mang Jerry para magpadala ng pera sa probinsiya,” sagot niya sa matanda saka lumingon sa akin. Agad na naglaho ang ngiti sa labi niya at mukhang alam ko na kung ano ang dahilan. Napaiwas ako nang tingin sa kaniya.

Hinawakan niya ang baba ko at saka pinaling ang aking mukha sa kaliwa’t kanan, maiging sinusuri ang bawat parte ng mukha ko.

“Sinaktan ka na naman ng tatay mo? Ire-report ko na talaga sa DSWD ’yang ginagawa niya. Hindi na tama ’to!” Ramdam ko ang galit sa bawat salitang binigkas niya.

“Mas mabuti pa nga iyan Damian, para naman mahinto na si Kristofer sa pananakit kay Keifer,” komento ni Mang Jerry. “Pinagdala ka pa nga nito ng kanin at ulam. Napakabait na bata tapos sasaktan niya lang?”

Panandaliang nahinto ang dalawa. Pinagmasdan ako ni Kuya Damian na tila ba nahahabag siya sa kalagayan ko.

“May problema lang po siguro si tatay sa trabaho kaya niya nagagawa ang mga bagay na ’yon,” pagdadahilan ko.

Napansin ko ang pag-iling-iling ni Mang Jerry. “Nagtatrabaho rin ako, hijo. Nakakaranas din ako ng iba’t ibang problema rito pero ni minsan ay hindi ko naisip na pagbuntunan ng galit ang asawa’t mga anak ko. Mahal ko sila, e, at hindi ko sila magagawang saktan kahit anong mangyari.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. May parte sa puso ko ang gumuho dahil sa labis na inggit. Sana lahat ng tatay ay kagaya ni Mang Jerry. Kung sana lahat ng tatay ay ganoon, siguro ay wala nang iiyak pang ilaw ng tahanan at mga anak na umaasa sa matatag na pundasiyon ng isang ama.

“Sabayan mo na lang ako kumain dito, ah?” untag sa akin ni Kuya Damian. Alam kong ramdam niya ang lungkot na bumabalot sa akin ngayon, at masaya akong gumagawa siya nang paraan upang maibsan ang bigat nang dinadala ko.

Nag-umpisa nang mag-asikaso si Mang Jerry dahil mayayari na rin ang shift niya.

“Gusto ko sanang sabayan ka kumain Kuya Damian kaso natatakot ako na maulit na naman ang nangyari noong una kong punta rito. Lalo na’t wala ngayon si nanay baka mainit na naman ang ulo ni tatay pag-uwi niya. Sa bahay na lang po ako kakain para may kasalo siya,” paliwanag ko. Sa totoo lang, gusto ko siyang makasama ngayon. Na-miss ko talaga ang presensiya niya. Na-miss ko siya kausap at kakwentuhan kaso sa sitwasiyon ko ngayon, hindi maari na magtagal at tumambay ako rito. Mas gugustuhin ko nang tiisin at solohin ang galit niya kaysa mandamay pa ng iba.

“O siya, ako’y aalis na. Maiwan ko na kayo,” paalam ni Mang Jerry sa amin. Tinapik niya pa ang balikat ni Kuya Damian bago lumisan ng istasiyon.

Nang maiwan kaming dalawa ni Kuya Damian ay hinala niya ako papasok ng guard house. Pinaupo niya ako sa mahabang bangko at saka siya tumindig sa aking harapan.

“Hindi ko alam kung sasang-ayon ka pero baka gusto mong tumira sa apartment ko? Marunong ka naman magluto at malaking bagay kung ikaw na ang mag-aasikaso ng mga kakainin nating dalawa kung nagkataon. Hindi mo na kailangang mag-share sa bayad ng renta. Gusto ko lang sana ay maayos na ang pagkain natin at laging malinis ang bahay. Okay ka ba ro’n? Kesa naman lagi ka nagtitiis sa tatay mo at palagi ka na lang niya pinagbubuhatan ng kamay. Iyon lang din ang naiisip kong paraan para mailayo ka sa kapahamakan. Nasa sa ’yo pa rin ang desisyon, Keifer.”

Gusto kong tumango sa mga sinabi niya. Gusto kong sabihin na “Oo! Gustong-gusto kong tumira kasama ka.” Alam ng Diyos na sobra na ang pagtitiis ko kay tatay pero kung iiwan ko siya ay wala rin akong pinagkaiba sa ginawa ni nanay. Kung susukuan ko siya, parang sinabi ko na rin na wala nang pag-asa pang bumalik sa dati ang lahat, at hindi ako papayag doon. Kahit na gusto kong sumang-ayon sa sinabi ni Kuya Damian ay nanatiling tikom ang aking bibig. Hindi ako nagbitaw ng kahit na anong sagot sa kaniya. Tumayo lang ako mula sa pagkakaupo at saka tinungo ang pinto palabas.

“Masarap ’yang luto ko kaya sigurado akong magugustuhan mo ’yan. Kain ka nang marami mamaya, a? Uuwi na ako. Baka maabutan pa ako rito ni tatay. Bye, Kuya Damian!” masigla kong sab isa kaniya habang kumakaway.

Nakita ko pa ang tipid niyang ngiti bago ako tuluyang naglakad palayo. Ang bigat ng bawat hakbang ko. Parang hinihila ako pabalik sa guard house na ’yon. Ayaw ko nang umuwi sa bahay pero wala akong magagawa. Kailangan kong magpakatatag para matuwa si nanay pagbalik niya. Kung babalik pa siya.

Nang makauwi ay naglinis lang ako nang kaunti. Naghain na rin ako para pag-uwi ni tatay ay kakain na lang kami. At gaya nang inaasahan ko, pagtapak pa lang ng mga paa niya sa entrada ng sala ay mainit na agad ang ulo niya. Kitang-kita sa mukha niya ang labis na irita. May parte sa puso ko ang gumuho. Hindi pa baa ko nasanay?

“Kain na po, ’Tay,” mahina kong sambit. Nakaupo na ako sa bangko ng hapag at hinihintay siya.

Hindi niya ako pinansin at saka siya naupo sa bangko kaharap nang kinauupuan ko. Tinanggal niya ang suot na sapatos at medyas saka ito tinapon sa aking mukha. Agad ko naman itong dinampot at saka dali-daling inilagay sa laundry basket.

“Iabot mo nga ang tsinelas ko! Bilisan mo!” utos sa akin ni Tatay.

“Opo.”

Mabuti na lang at hindi siya lasing ngayon. Mas nakakatakot kasi si Tatay kapag nakainom.

Mabilis kong kinuha ang tsinelas niya at nang makuha ito ay dali-dali ko itong inilapit sa kaniyang mga paa. Kulang na lang ay isuot ko ito sa kaniya. Sinipa niya ako dahilan para matumba ako.

Ayaw kong marinig ang mga masasakit niyang salita kaya naman umakto akong tila ba walang nangyari. Pinagpagan ko ang puwetan at tumayo upang bumalik sa kinauupuan.

Pinagsandok ko agad siya ng kanin at saka ko inilapit sa kaniya ang ulam na nakalagay sa luma naming mangkok.

Naging tahimik lang kaming dalawa kaya kumuha na rin ako ng pagkain ko pero nahinto ako nang magsalita siya.

“Putangina naman. Hindi ba pwedeng lumayo ka sa akin? Nandidiri ako sa pagmumukha mo, bakla! Lumayas ka nga sa harapan ko!” sigaw niya. May tila ba palasong tumama sa aking dibdib. Imbis na pagtunan nang pansin ay binilisan ko na lang ang pagkuha ng ulam at saka dali-daling umalis. Natatakot ako na baka kung ano pa ang mangyari sa akin kung magbabagal ako sa pagkilos.

Pumunta ako sa aking kwarto, isinara ang pinto at saka sumalampak sa sahig. Noong sandali na ’yon ay tila ba nilalamukos ang dibdib ko dahil sa narinig. Paulit-ulit kong iniisip kung ano ang naging kasalanan ko para maging ganito ang trato sa akin ni tatay. Ang sakit lang kasi sa tagal na magkasama kami ay hindi pa rin ako sanay sa pang-aabuso niya, sa mga masasakit na salitang ibinabato niya sa akin. Akala ko’y manhid na ako sa rami ng sakit na naidulot niya ngunit nagkamali ako, may isasakit pa pala.

Pinunasan ko ang luha at saka sumubo ng kanin. Walang rason para umiyak. Umiiral na naman ang kabaklaan ko. Napakahina ng loob!

Napagitla ako sa gulat nang marinig ang galabog ng lamesa mula sa labas.

“Tangina mo, bakla! Ikaw ba ang naglaba nitong uniform ko?” Dinig kong sigaw niya at saka marahas na bumukas ang pinto ng kwarto.

Iniluwa nito si tatay habang hawak ang puting polo sa kamay niya.

“Opo. Sorry ’Tay. Mawawala naman po ang mant’ya niyan. Lalabhan ko na lang po ulit. Hindi ko po sinasadiyang mahawaan—” Nahinto ako sa pagpapaliwanag nang sumugod siya sa akin.

Idinikit niya ako sa pader at saka binigyan ng isang malakas na suntok sa sikmura. Parang malalagot ang hininga ko dahil sa sakit. Ang akala ko’y magtatapos na ro’n ang pangmamaltrato niya pero nagkamali ako. Sapilitan niyang ibinuka ang aking bibig at marahas na sinaksak doon ang puting polo na hawak niya.

Nag-unahan sa pagtakbo ang mga luha ko na kanina pa nakalambitin sa gilid ng aking mga mata. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sakal-sakal din ako ni Tatay.

“Wala ka talagang pakinabang! Bakit hindi ka pa mawala sa buhay kong bakla ka? Sana ikaw na lang ang namatay at hind si Gio!” sigaw niya sa aking mukha. Ramdam ako ang gigil sa isa nikyang kamay na nakasakal sa aking leeg. Hindi pa siya nakuntento dahil puwersahan niya pa ring itinutulak paloob ang puting polo sa lalamunan ko.

Nang makakuha ako ng lakas ay tinulak ko siya. Nagkaroon ako nang pagkakataon na makawala sa kaniya kaya mabilis konhg tinanggal ang nakabusal sa bibig at saka ako nagtatakbo palabas ng kwarto. Nasa pinto pa lang ako nang maabutan ako ni Tatay. Tinulak niya ako dahilan para masubsob ako sa sahig at dahil doon ay nakakuha siya nang tiyempo para sakyan ako.

Naging mabilis ang mga pangyayari dahil nakita ko na lang ang sarili na sinasalo ang mga suntok niya. Makailang beses na hindi ko nasangga ang suntok niya’t tumama ang mga ito sa aking mukha. Nararamdaman kong unti-unti nang nagsisirko-sirko ang aking paningin. Natatakot ako na baka mawalan ako ng malay. Mas lalong hindi ko mapo-protektahan ang sarili mula sa kaniya.

“T-Tatay, tama na po.” Hindi ko na rin halos marinig ang sarili. Ayaw kumawala ng tinig ko. Wala na akong sapat na lakas para ipaglaban ang sarili kaya naging malaya si tatay na paulanan ako ng mga suntok niya.

“Bakit hindi ka pa mamatay?” Malinaw pa rin sa akin ang mga salitang binitawan niya. Sobra ba ang kasalanan ko para maranasan lahat ng ’to? Sana ako na lang ang kinuha mo, Lord, at hindi na si Gio, ’yong paborito niya.

Nalalasahan ko na ang sariling dugo. Nanlalabo na rin ang aking mga mata. Hindi ko na siya halos makita.

“Sorry ’Tay pero pagod na akong mahalin ka,” bulong ko. Walang hinto ang paglagaslas ng luha mula sa aking mga mata.

“Wala akong pakialam sa ’yo! Wala akong anak na bakla! Nakakadiri ka!”

May mga bagay sa mundo na mahirap ipaglaban dahil sila na mismo ang gumagawa nang paraan para ihinto ang laban. Sa puntong ito, naramdaman ko na lahat ng pagod sa lahat ng sakripisiyong ginawa ko. Napakahirap pala mahalin ng taong bulag sa galit at pagkamuhi. Kahit na ganoon ay meron pa rin kapirasong pag-asa ang natitira sa puso ko na darating din ang panahon at matututunan din akong mahalin ni Tatay.

“Ginawa ko naman lahat para mahalin niyo. Pinagsisilbihan ko kayo. Pinagluluto. Pinaglalaba. Naglilinis din ako ng buong bahay para ipakita na kapaki-pakinabang ako bilang anak niyo. Hindi niyo inaabutang magulo o madumi rito dahil umaasa akong matutuwa kayo kapag nakita niyong malinis ang paligid. Sa dami ng ginawa kong mabuti, wala ka ni isang nakita ’Tay. Isang pagkakamali lang ang nagawa ko, magagawan pa ng paraan ’yang mantsa na ikinagagalit niyo pero bakit parang isa akong malaking kahihiyan sa pangalan niyo? Ganoon na ba ang pagkamuhi niyo dahil sa bakla ako? Disente naman po akong manamit? Hindi kekembot-kembot maglakad. Hindi nagme-make up. Ni minsan wala akong pinakilala sa inyong boyfriend ko! Bakit hindi niyo ako kayang mahalin? Anak niyo pa rin po ako—” Nahinto ako sa isang malakas na sampal na natanggap ko mula kay tatay.

“Wala akong anak na bakla!” mariin at malinaw na diksiyon niyang saad sa akin.

Napatango-tango ako. “Kung hindi niyo po ako matanggap bilang anak niyo. Mas mabuting umalis na lang din ako. Siguro magiging masaya kayo kung wala na ako rito sa bahay.”

Tumawa siya. “Sinong tinakot mo?” sabi niya at saka ako binitbit sa kwelyo para makatayo. “Lumayas ka! Wala akong pakialam!”

Nakakuyom ang aking mga palad sa galit. Ngayon, napatunayan ko nang walang pagmamahal sa akin ang sarili kong ama. Panahon na siguro para mahalin ko naman ang sarili ko.

Nagtungo ako sa kwarto para sana ayusin ang mga gamit ko pero hinatak ako ni Tatay palabas. Dinala niya ako sa pintuan ng bahay at saka inihagis palabas. Sinalo ako ng lupa at sigurado akong nagasgasan ako sa layo nang iginulong ko.

“Wala kang dadalhin na kahit ano. Lumayas ka at ’wag na ’wag mo nang ipapakita pa ulit sa akin ’yang pagmumukha mo!” sigaw niya pa.

Tumayo ako at saka tumalikod. Bago umalis ay lumingon pa ako sa kaniya. Pasensiya na kung sinukuan kita, ’Tay. Pasensiya na kung pati ako sumuko kagaya ni Nanay pero hindi ko na po kayang mabuhay sa pangmamaltrato niyo sa akin.

Hindi ko alam pero napangiti ako dahil sa unang pagkakataon ay naramdaman kong malaya ako.

KABANATA V

KEIFER

Bitbit ang sarili, nagtungo ako sa guard house ng Beverly Heights at doon ko nakita si Kuya Damian na abala sa pagsasalansan ng mga logbook sa gilid. Huminto siya nang makita ako. Agad ding nabura ang matingkad na ngiti sa labi niya nang mapansin ang aking kalagayan.

“Anong nangyari sa ’yo?” Ramdam ko ang labis na pag-aalala sa boses niya. “Tatay mo na naman ba ang may gawa nito, Keifer?” tanong niya pa.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Nanatili akong tikom ang bibig. Ayaw kong magsabi ng kahit anong bagay patungkol kay Tatay. Gusto ko munang alisin siya sa isip ko kahit saglit lang.

“Alam mo? Dapat sa Tatay mo ay inirereport na sa kinauukulan. Sobra-sobra na ito—”

“Isama mo na ako sa ’yo Kuya Damian.” Nahinto siya nang marinig ang sinabi ko.

“Anong sinabi mo?” tanong niya kaya humarap ako sa kaniya nang tuluyan.

Tumango-tango ako. “Payag na po akong tumira kasama ka, kung p’wede pa.”

Dahil doon ay umusbong ang munting ngiti sa labi niya. Hindi ito naabot ang kaniyang mga mata at kitang-kita ko kung gaano kalungkot ang ngiti na iyon pero kahit na ganoon ay nagawa ko pa ring ngumiti pabalik sa kaniya para ipakitang masaya ako.

“Hindi ako hinayaan ni Tatay na kuhanin ang mga gamit at damit ko kaya wala akong nadala kahit na ano ngayon,” paliwanag ko sa kaniya.

“Pinalayas ka niya?” tanong niya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango at saka sinabing, “May nangyari kasi sa bahay, Kuya Damian. Hindi ko gustong iwan siya mag-isa ro’n pero mukhang mas magiging masaya siya kung wala ako sa paligid niya. Noong sinabi kong aalis ako, hindi niya ako pinigilan at siya pa mismo ang nagtulak sa akin palabas. Wala na akong naiisip na lapitan kundi ikaw na lang, Kuya Damian.”

Tumango-tango siya nang mayari ako magpaliwanag. Kumunot din bigla ang noo niya pagkaraan. “Nasaan ang nanay mo?”

Oo nga pala, hindi ko pa nasabi sa kaniya.

Umiling ako bilang sagot sa kaniya. “Simula noong araw na nagwala si Tatay dito, iyon din ang araw na hindi na bumalik si nanay mula sa paalam niyang may lalakarin lang. Wala na po akong ideya kung nasaan siya ngayon. Hindi niya po ako sinabihan kung saan siya pupunta. Iniwan niya na kami ni Tatay.”

Saglit na natahimik si Kuya Damian, nag-iisip. Pagkaraan ay tumango-tango siya saka ako binalingan nang tingin.

“Sige. Bukas na bukas pagkayari ng duty ko ay isasama na kita sa apartment. Pahihiramin na lang muna kita ng mga damit ko dahil malayo pa ang sahod ko. Saka na lang tayo bumili ng ilang piraso ng damit kapag may pera na. Okay ba ’yon?” nakangiti niyang tanong sa akin.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakasagot agad sa kaniya. Nakatitig lang ako ng ilang segundo sa maamo niyang mukha at nang maramdaman ang luhang nagbabadiyang pumatak ay tila ba may nagtulak sa akin na yakapin siya. Hinayaan ko ang mga braso na ibalot ang lalaking handang kupkupin ako kahit na hindi pa naman niya ako ganoon kalubos nak ilala. Nang mayakap siya ay tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Sa unang pagkakataon, umiiyak ako dahil sa saya at hindi dahil sa sobrang takot mula sa pang-aabuso ni Tatay.

Hindi ko inaakalang ang ibang tao pa ang handang kumupkop at magmalasakit sa akin. Kung sino pa ang hindi ko kadugo, sila pa ang handang magbigay ng tulong. Ganoon ba talaga ang reyalidad ng buhay ngayon?

“Kumain ka na ba?” tanong niya. Sobrang lambing ng boses niya na tila ba nag-iingat sa mga salitang kaniyang balak bitawan.

Tumango ako kahit na sa totoo lang ay hindi ko pa nauubos ang kinakain ko kanina dahil sa ginawa ni tatay. Kumakalam ang sikmura ko dahil nakakatatlong subo pa lang ako ng kanin noong pumasok siya at sinaktan ako. Wala na rin naman akong gana kumain kaya ayos lang.

“Dito ka muna matulog sa sa tabi ko. Babantayan kita. Kasiya ka naman dito. Gigisingin na lang kita bukas kapag tapos na ang duty ko para makauwi na tayo sa bahay natin.” Bahay natin…

Nangilid muli ang mga luha sa aking mga mata. Babantayan niya pa ako. Ngayon lang ako nakaranas sabihan ng ganoon, na bigyan ng kasiguraduhan para maging panatag ang kalooban ko.

Dahan-dahan akong tumango sa kaniya, hindi pa rin makapaniwala. Dahil nas labas ako ng guard house ay inalalayan niya akong makapasok sa loob. Pinaupo niya ako roon sa mahabang bangkuan at habang pinagmamasdan siya sa ginagawa ay makailang ulit na bumabalik sa akin ang mga huling salita na binitawan niya kanina.

Bahay natin.

Tahanan. Bagay na hindi ko naranasan magmula noong nagkaisip ako. Masaya ako na mararanasan ko na ngayon ang bagay na matagal ko nang inaasam-asam. Hindi ko lang inaasahan na sa isang estranghero ko pa mararamdaman ang pakiramdam nang kalingain at pahalagahan. Bwisit! Nangingilid na naman ang mga luha ko.

Humarap sa akin si Kuya Damian na may hawak na isang transparent na pouch, first aid kit ang laman.

“Lilinisin ko ang mga sugat mo, ah? Hayaan mong ibalik ko sa ’yo ang kabutihang pinakita mo sa akin noong ako ang nasugatan. Maupo ka lang diyan.” Tumabi siya sa akin at inayos ang mga gagamitin. Tahimik lang ako na nanunood sa kaniya pero sa katunayan ay nagbubunyi na ang puso ko sa labis na saya. Inaasikaso kasi ako ng crush ko! Swerte, hindi ba?

Nag-umpisa niyang linisin ang mga sugat sa mukha ko. Hindi ko magawang umaray sa hapdi ng alcohol sa bulak dahil mas okupado ang isip ko sa ideyang si Kuya Damian ang nag-aasikaso sa akin. Hindi magkamayaw sa kilig ang puso ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Konting lapit pa ay hahalikan talaga kita riyan! Huwag mo akong subukan!

Hindi ko namalayan at nayari na siya sa paglilinis ng sugat ko. P’wede bang ingudngud ko ang mukha sa sahig para magkasugat ulit nang sa gayon ay may lilinisin ulit siya? Nabitin akong panoorin siya. Kainis!

Iniabot niya ang isang backpack na nasa ilalim ng counter table at saka ito iniabot sa akin.

“Gamitin mo munang unan para makatulog ka,” nakangiti niyang sambit.

“Salamat, Kuya Damian,” sagot ko at saka tinanggap ang iniaabot niya.

May partes a puso ko ang nagdidiwang dahil sa mga pinakikita ni Kuya Damian pero hindi ko pa rin maiwasang maramdaman ang pangingilid ng sariling luha. Masiyado na akong iyakin at hindi na maganda ’to. Masaya man o malungkot, hindi ko maiwasang maluha dahil sa nararamdaman.

Iniayos ko ang backpack sa bangko at saka humiga. Humarap ako sa pader para maitago ang mukha ko dahil nakakahiya naman kung makikita niya akong mangiyak-iyak dahil sa tuwa. Masaya ako sa reyalisasiyong naging daan si Kuya Damian para magsilbing pansamantala kong tahanan. Nabugbog man ay alam kong isa ako sa pinakaswerteng tao ngayon sa mundo.

Ipinikit ko ang mga mata ko at saka nagpatangay sa pagod na nararamdaman. Napakaraming nangyari ngayong araw at deserve ko naman siguro ng kahit kaunting pahinga ngayon.

*

“Ki, gising na. Uuwi na tayo.”

Pupungas-pungas ako nang maramdaman ang marahan na tapik sa aking balikat. Boses iyon ni Kuya Damian at napangiti agad ako nang marinig ang tawag niya sa akin. Ki? Short for Keifer? Ang cute naman no’n! Pero p’wede naming baby na lang ang itawag niya sa akin. Hindi naman ako maselan.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka nagtungo sa banyo. Naghilamos ako at saka nagmumog. Nakakahiya naman at mabaho pa ang bibig ko gawa nang bagong gising.

Nang lumabas ako ay nakita ko si Mang Jerry na sinusuot ang guard vest niya. Ngumiti ito sa akin nang makita ako.

“Nauna lang si Pareng Damian sa akin pero kung alam ko lang na pinalayas ka na sa inyo, ako sana ang aampon sa ’yo! Napakabait at sipag kasi ng batang ito, e!” bati sa akin ni Mang Jerry at saka ginulo pa ang buhok ko.

Napangiti ako dahil do’n. Nakakatuwa namang malaman na may mga taong handang tumanggap sa akin nang hindi tinitingnan ang sekswalidad ko, kung hindi ang mga bagay na maaari kong gawin. Sana kagaya rin nila si Tatay.

“Tara na. Mauna na kami, pare!” paalam ni Kuya Damian kay Mang Jerry.

Naunang lumabas si Kuya Damian kaya humabol ako sa kaniya at sumunod. Kinuha ko ang hawak niyang paper bag para naman makatulong ako sa mga dala niya. May suot pa kasi siyang backpack.

“Daan muna tayo sa palengke para bumili ng ulam mamaya. Mag-almusal na rin tayo ro’n. May alam akong malapit na unli-gotohan. Maraming laman ’yon kaya sulit,” nakangiti niyang suhestiyon sa akin.

Tumango lang ako bilang sagot. Nang makarating kami sa high way ay nag-abang lang kami ng jeep na masasakyan. Ilang minuto lang ang kinain at nakasakay din naman agad kami.

Hindi naman matagal ang naging b’yahe. Siguro mga sampung minuto lang at nakarating na agad kami sa palengke. Ang daming tao ngayon. Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw kaya siguro ay mag-aala siyete pa lang ng umaga.

Nakasunod lang ako kay Kuya Damian. Napadpad kami sa seksiyon ng mga karneng baboy at manok. Alok nang alok ang mga tindera na nandoon at meron pang isa na binati ang kaguwapuhan ni Kuya Damian. Hindi ko naman sila masisisi dahil totoo naman kasi.

“Sinigang na manok o baboy? Anong gusto mo?” tanong niya.

“Kung ano pong mas gusto niyo sa dalawa. Kaya ko naman po lutuin kahit ano ro’n,” sagot ko.

“Sige, baboy na lang ang bibilhin ko. Masarap ang taba ngayon!” masigla niyang saad at saka hinarap ang natapatan naming tindera ng baboy.

“Kalahating kilo lang po,” sabi niya sa babae. “Kasiya na sa ating dalawa ’yon, ’no?” tanong niya sa akin.

“May matitira pa para pang-ulam mo mamayang gabi. Kaunti lang din naman ako mag-ulam, Kuya Damian,” sambit ko. Napansin kong tumango-tanga siya sa akin.

Nang makabayad ay bumili na rin kami ng mga gulay at rekados nito.

“Almusal muna tayo sa unli gotohan na sinabi ko sa ’yo,” paalala niya pa sa mga nabanggit niya kanina sa akin.

Tumango lang ako bilang sagot at sumunod sa kaniya.

Nakalabas na kami ng palengke at ilang metro lang ang layo noong tinutukoy niyang unli-gotohan. May mami rin at mas mura ito kaysa sa unli goto na 99 pesos. 59 pesos lang kasi ang order ng mami kaya iyon ang pinili ko.

“Ayaw mo ng goto?” kunoy-noong tanong niya sa akin.

“Mas mura ang mami Kuya Damian kaya doon ako.” Nakakahiya rin kaya. Hindi niya naman dapat ako pinagkakagastusan pero heto siya’t kung saan-saan ako dinadala.

Ngumiti siya at saka napailing. “Ngayon ka pa nahiya sa akin? Isipin mo na lang na kuya mo ako para hindi ka makaramdam ng hiya saka isa pa, ipagluluto mo naman ako ng sinigang na baboy para sa tanghalian kaya quits na tayo!”

Nakakahawa ang ngiti niya. Sobrang gaan niya lang din kausap at hindi ko naramdaman ang pagkukunwari sa boses niya. Alam kong bukal sa kalooban ang kabutihan ni Kuya Damian at mabuti na lang na ako ang nakilala niya. Nakakatakot ang mga tao ngayon dahil mapang-abuso sa kabutihan ng iba. Wala man akong pera para mabayaran siya, susuklian ko na lang ang kabaitan ni Kuya Damian sa pamamagitan nang pagsisilbi sa kaniya. Magiging responsable ako kagaya na lang kung paano ako naging masipag sa bahay.

“Sir, ito na po ang order niyo. Two special goto with egg. Unli-goto po ang binili niyp kaya kapag naubos na ay tumawag lang po kayo sa akin para ma-refill-an ko po kayo. Salamat po! Enjoy your special goto mga sir,” nakangiting sabi sa amin noong babae sa counter.

“Tara na. Kain na,” aya sa akin ni Kuya Damian kaya sinabayan ko na rin siya sa pagkain.

Nagustuhan ko. Unli ito kaya naka-apat din akong balik at panglima ko na ngayon. Gutom kasi ako simula pa kagabi.

“Ang sarap, ’di ba? Sabi ko sa ’yo, e!” masigla niyang komento. Tuwang-tuwa siya sa akin. Hindi naman ako clown.

Nagpahinga lang kami saglit matapos namin kumain at pagkatapos ay nagdesisiyon na rin kaming umalis para umuwi. Nabanggit sa akin ni Kuya Damian na alas otso y media na. Kailangan niya nang matulog dahil night shift ang duty niya. May pasok pa siya mamaya.

Nang makasakay kami sa jeep ay nagbayad na agad si Kuya Damian. Wala naman masiyadong sakay ang jeep kaya maluwag pa.

Abala ako sa paglibang ng sarili sa panonood sa labas nang maramdaman ko ang dumampi sa balikat ko. Nang humarap ako sa gilid ko ay napansin ko ang ulo ni Kuya Damian na nakasandal sa akin. Marahil ay tulog na siya. Ramdam ko ang pagod at puyat niya mula sa trabaho.

“Kuyang driver, makisabi na lang po kung nasa kanto na tayop ng San Juan. Salamat po,” lakas-loob kong sambit sa driver ng jeep dahil tulog na si Kuya Damian ang problema ay nagising siya nang magsalita ako.

Hindi ko alam pero gumalaw ng kusa ang kamay ko at saka ibinalik ang ulo niya sa pagkakasandal sa aking balikat.

“Matulog ka lang. Nakausap ko na ang driver na banggitin kung nasa kanto na tayo ng San Juan para magising kita kapag nandoon na tayo. Sige na. Magpahinga ka na lang muna. Ako na ang bahala rito,” nakangiti kong sabi sa kaniya at mabuti na lang dahil nakinig siya. Isiniksik niya ang ulo sa leeg ko upang mas maging komportable siya sa pwesto niya.

Nakiliti ako dahil sa buhok niya pero pinigilan ko ang sarili na kiligin. Harot! Baka sabihin pa ng ibang kasama namin sa jeep ay ang landi ko na. May hiya pa naman ako kahit papaano.

Sa likod ng puso ko, nakakubli ang isang ngiti. Hindi man siguro ako pinalad sa mga magulang dahil sinukuan ang pamilya na meron kami, kahit papaano naman ay masaya ako ngayon na nakilala ko si Kuya Damian. Naging daan siya para buoin ang parte ng puso ko na gumuho dahil sa ginawang pinsala ni Nanay at Tatay.

“Thank you, Kuya Damian,” bulong ko sa hangin, umaasang narinig ng langit ang pasasalamat ko.

Kabanata 6

“Hijo, ito na ang kanto ng baranggay San Juan,” sabi sa akin ng mamang driver.

“Salamat ho,” sagot ko saka tinapik si Kuya Damian. “Nandito na raw tayo. Gising na,” sabi ko at saka kinuha ang mga pinamili namin na pansamantalang inilapag ko sa sahig.

“Uwi na tayo para makapagpahinga ka na rin,” sambit ko kay Kuya Damian at ako na ang naunang bumaba. Inalalayan ko pa siya sa pagbaba dahil mukhang hilo pa siya dahil sa kakagising niya lang.

“Saan ba banda ang apartment mo rito?” tanong ko.

Humikab muna siya bago sumagot. “Natatanaw mo ba iyong mahabang building na may pulang bubong? ’yon na ’yon.”

Hindi naman ito kalayuan sa amin. Nang makalapit ay doon ko mas nakita nang maayos ang buong lugar. Merong gate at sementadong bakod. Siguro mga limang apartment ito na tabi-tabi at isang diretso lang ang bubong nito. Nasa pinakadulo raw ang apartment ni Kuya Damian kaya nadaanan namin ang iba pang tenant at mukha naman silang mababait. Meron pang bumati sa akin na isang matanda sa pangatlong apartment. Akala niya kapatid ako ni Kuya Damian.

“Pero kuya ko pa rin po siya,” sagot ko na lang doon sa matanda nang matanong niya kung ano ang relasiyon ko kay Kuya Damian. Hindi naman kasi pwedeng sabihin na asawa ako nito. Siguro saka na pagmalakas na ang loob ko.

Nagpaalam na ako sa matanda at saka sumunod kay Kuya Damian. Nasa loob na siya ng apartment at nabuksan niya na ang naka-locked nitong pinto.

Hindi ganoon kalaki ang loob. Sapat lang para sa isang pamilya na nag-uumpisa pa lang. Studio type lang ito dahil kadugsong lang ng sala ang kusina. Flywood lang ang nagsisilbing pader para sa isa nitong kwarto at katabi ng lababo ay banyo na agad. Napansin kong kumpleto naman ng gamit si Kuya Damian. May gasul, stove at washing. Isa lang ang wala siya. Iyon ay ang TV na agad niya ring nabanggit.

“Baka mabagot ka rito tuwing gabi dahil wala akong TV. Hindi na ko nakabili pa dahil mahal saka lagi naman akong wala rito dahil naka-duty sa trabaho. Ayos ka lang ba rito?” tanong niya sa akin habang ibinababa ang suot na back pack sa sahig na tiles.

“Opo naman, Kuya Damian. Sanay din naman akong walang TV dahil hindi naman ako mahilig manood ng palabas,” paliwanag ko sa kaniya.

“Okay pala. Paano ba ’yan? Ikaw na ang bahala rito, ano? Matutulog muna ako,” aniya habang tinatanggal ang suot na sapatos. Maayos niya itong isinandal sa pader malapit sa pinto. “Gisingin mo na lang ako mamaya kapag tanghalian na para masaluhan kita kumain, okay?”

Tumango ako sa kaniya bilang sagot. Ngumiti pa siya sa akin bago tinungo ang daan papuntang kwarto at saka pumasok dito.

Saglit kong inilibot nang tingin ang buong lugar para naman kahit papaano ay maging pamilyar ako rito. Nang ma-satisfied ang sarili ay inayos ko na rin ang mga bitbit.

Inilagay ko sa lababo ang baunan niya na nakalagay kanina sa paper bag. Niligpitan ko agad ’yon bago hinarap ang manok para hugasan nang makailang ulit.

Isinantabi ko ito at saka hinanap ang sangkalan. Humanap din ako ng sibuyas at bawang. Naalala ko na may binili nga pala kami kanina. Maayos naman din kasi ang salansan ng mga rekados sa gilid ng lababo malapit sa stove. Sobrang organisado ni Kuya Damian at masasabi kong malinis siya sa bahay dahil hindi magulo o makalat. Nakakatuwa lang na kahit barako siya ay hindi siya pabaya sa tinutuluyan at napapanatili niya ang linis at ayos nito.

Nang mahiwa ang mga rekados at mga gulay ay inayos ko na ang kaserola na paglulutuan. Mabuti na lang at hindi magulo dahil naging madali sa akin na hanapin ang mga kailanganang gamitin para sa pagluluto. Hindi rin nagtagal at natapos ko rin itong lutuin. Tinikman ko pa ang sabaw para masiguro kung tama ba ang asim at alat nito at nang masigurado na ayos na ito sa akin ay binalik ko ang takip at saka pinatay ang gasul. Iinitin ko na lang mamaya kapag kakain na.

Naghanap ako ng kaldero para sana magsaing pero wala akong nakita. Rice cooker pala ang gamit niya kaya kinuha ko ang kaldero nito at hinanap ang bigas. Ito naman ngayon ang hindi ko makita.

Nakailang ikot ako para hanapin ang bigas. Sinuyod ko na rin ang mga containers na pwedeng kalagyan nito pero wala. Saan naman kaya nakalagay ’yon?

Isa na lang naman ang hindi ko napupuntahan, ang kwarto.

Kailangan kong magsaing para may makain kami mamaya kaya nagdesisiyon akong pumunta ro’n bitbit ang kaldero ng rice cooker. Nakasara pa ang pinto kaya dahan-dahan kong binuksan ito para hindi siya maabala sa pagtulog. Nang makagawa nang siwang ay sumilip muna ako sa loob. Madilim. Kinain ako ng ilang minuto bago mag-adjust ang mga mata ko sa paligid at agad kong nahigit ang hininga nang makita si Kuya Damian na mahimbing na natutulog sa sahig lulan ng isang kuts’yon.

Naisara ko tuloy ang pinto nang wala sa oras dahil sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko habang mabilis na hinahabol ang hininga. Paano ba naman kasi ay nakahubad si Kuya Damian! Oo, may suot siyang boxer pero nakahubad pa rin siya at iyon lang ang natitirang tela sa katawan niya. Wala ng iba pa.

Ramdam ko pa rin ang bilis ng puso ko kaya kinalma ko muna ang sarili bago binuo ang loob para pumasok muli.

Humarap ako sa pinto at saka binuksan ito nang sapat para makapasok ako sa loob. Maliit lang ang kwarto. Bukas ang isang maliit na fan. May drawer sa pinakasulok at may mga nakasabit na damit sa kabilang parte ng silid. Inilibot ko nang tingin ang buong lugar at nahagip ng mga mata ko ang pakay. Nandoon ’yon sa gilid ng ng drawer. Lalagyanan dati ng mga biscuit na ginawa niyang storage ng bigas.

Ginawa ko lahat para deadmahin si Kuya Damian pero napatingin pa rin ako sa kaniya at nahinto ako nang mapagtanto kung gaano kaganda ang bulto niya. Medyo mabuhok ang dibdib niya at ang mga binti. Malaki ang mga braso na halatang batak na batak sa trabaho noon. Malapad ang kaniyang dibdib at maliit ang bewang kaya sobrang sexy niya pagmasdan ngayon.

Napalunok ako nang dumapo sa boxer shorts niya ang mga mata ko. Nakabukol ’yon at masasabi kong malaki talaga pero hindi ako pwedeng magkasala ngayon. Kailangan kong kuhanin ang pakay ko at hindi si Kuya Damian ang pinunta ko rito kundi ang bigas para makapagsaing kaya naman nagpasiya ako na pumunta na ro’n pero nang humakbang ako ay sumabit ang paa ko sa kung saan. Napasigaw pa ako pero huli na nang lumaglag ako kay Kuya Damian, sa mismong ibabaw niya.

Nabitawan ko ang hawak na kaldero at saka napatitig sa ngayo’y gising na si Kuya Damian. Hawak niya ang mga balikat ko habang nakatitig sa mga mata kong nakatingin lang sa kaniya.

Mula sa pagkagulat ay nagiba ang ekspresiyon niya sa pagiging pilyo. Ngumiti siya at saka ibinalot sa akin ang mga kamay niya dahilan para pwersahang mabaon ang mukha ko sa mabuhok niyang dibdib. Ang bango-bango niya pero ramdam ko ang bukol niyang tumatama sa akin at hindi maganda ’to.

“Nakalimutan kong ilabas ang bigas. Sorry,” sabi niya bago ako pakawalan mula sa yakap niya.

“Sorry sa kalampahan ko,” hingi kong paumanhin at saka mabilis na tumayo. Pinulot ko ang kaldero ng  rice cooker at saka nagtungo sa bigas para mabilisang kumuha nito.

Gusto kong magpaliwanag kay Kuya Damian kung bakit ako nahulog sa kaniya pero nang aktong magsasalita ako ay narinig ko ang mahina niyang paghilik. Nakahinga ako ng maluwag. Nakakahiya talaga ang kalampahan ko!

Nang makakuha ng sapat na bigas ay lumabas na rin ako. Sumulyap muna ako kay Kuya Damian bago ko tuluyang sinara ang pinto.

Nang makalapit sa lababo ay ibinaba ko muna ang hawak na rice cooker at saka ako nagtatalon. Umakto akong sumisigaw pero pigil na pigil ang boses dahil walang paglagyan ang kilig ko ngayon. Paano ba naman kasi ay niyakap ako ni Kuya Damian! Grabe! Sobrang dami ng skin contact namin noong oras na ’yon! Hindi ko inaakalang yayakapin niya ako! Ang bango-bango niya pa!

Unang araw ko pa lang kasama siya pero napakarami na agad nangyari sa pagitan namin ni Kuya Damian. I can’t wait to see more for the following days of us. Sobrang saya ko ngayon dahil sa kaniya.

Kabanata 7

Inayos ko ang sinaing at ginawang abala ang sarili sa pagli-linis ng buong bahay. Hindi naman na ako makakapasok sa school dahil anong oras na rin naman kaya mas pinili ko na lang na lumiban ngayon. Hahabol na lang ako sa klase at sa mga na-missed kong mga quiz.

Hindi nawala ang ngiti ko habang naglilinis ng bahay. Ngayon ay nagkukusot ako ng nakita kong maruruming uniporme ni Kuya Damian sa laundry basket at habang nilalabhan ito ay abot tenga ang ngiti ko. Paulit-ulit kasi na bumabalik sa akin ang ala-ala nang nangyari kanina. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin sa tuwing lumalandas ito sa isipan ko.

Nang maramdaman na kumakalam na ang sikmura ay isinantabi ko muna ang paglalaba. Sinipat ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng apartment at nakumpirma kong 11:43 AM na. Kailangan na naming kumain.

Binuhay ko ang stove para initin ang sinigang habang naghahain ako sa tiles na sahig ng mga plato at kubyertos.

Nang kumulo ang ulam ay sumandok muna ako sa isang malaking bowl at saka nilagay ito kasama ng mga pinggan. Kailangan ko nang gisingin si Kuya Damian para kumain kaya naman nagtungo ako sa pinto ng kwarto niya. Bumilang muna ako ng tatlo sa isip at saka marahang binuksan ang pinto nito.

Namataan ko siyang mahimbing na natutulog sa kutsiyon at agad akong napalunok nang dumapo ang mga mata ko sa hubad niyang kawatan. Shocks! Bakit ba napaka-sexy ng lalaking ito? Pakiramdam ko tuloy ay pinagpapawisan ako nang malapot ngayon.

“Kuya Damian! Gising na’t kumain na tayo,” pagtawag ko sa kaniya.

Umungot lang siya kaya muli kong tinawag ang pangalan niya.

“Sige po. Babangon na,” sabi niya kaya naman isinara ko nang muli ang pinto bago pa maubos ang pawis ko sa katawan kakatingin sa kaniya.

Nakahinga ako nang maluwag. Pinunasan ko ang namuong pawis sa noo at saka ako naglakad patungo sa hapag. Naupo ako katapat ng plato na inayos ko kanina at hinintay si Kuya Damian na dumating.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya ng kwarto at pakiramdam ko ay bigla akong naging bato nang tumayo siya sa harapan ko para mag-inat. Ni hindi man lang siya nagsuot ng shorts. Naka-boxer pa rin siya kaya kitang-kita ko ang bukol niya.

Napalunok ako. Susmaryosep mahabagin! Mamamatay na yata ako sa nakikita! Bakit kailangang ganito siya kumain? Gusto niya ba talaga akong pahirapan?

Nang matapos mag-inat ay naupo siya sa harapan ko. Pinanunuod ko lang siya habang nagsasalin ng kanin sa plato niya.

“Kain na tayo,” pag-aya niya. Hindi ko napansing nasandukan niya na ako ng kanin sa plato ko. Napaka-gentle man talaga.

Tumango lang ako sa kaniya at saka nag-umpisa nang kumain kahit na sa totoo lang ay kanina pa ako distracted sa kaniya.

“Masanay ka na sa akin na ganito sa bahay. Mas presko kasi ito sa akin kaya nasanay na rin akong ganito matulog at isa pa, mag-isa lang ako noon kaya nakasanayan ko nang ganito kada magpapahinga,” paliwanag sa akin ni Kuya Damian. “Ang sarap ng luto mo!” komento niya pa at saka humigop ng sabaw.

Ngumiti ako sa kaniya. Natuwa ako sa pagbati niya sa luto ko pero taliwas ang reaksiyon ng puso ko sa paliwanag niya kung bakit siya laging naka-boxer. Ibig sabihin ba nito ay lagi ko siyang makikita na ganito? Pakiramdam ko tuloy ay matutunaw ako sa kinauupuan ko ngayon dahil sa nalaman.

“Ki, ikaw na lang muna sa bahay, ah? Libangin mo na lang ang sarili mo mamayang gabi kapag nag-duty na ako sa Beverly Heights. Bukas na lang ulit tayo magkita pagkauwi ko, okay?” tanong niya sa akin kaya tumango lang ako sa kaniya bilang sagot.

Saglit na namagitan ang katahimikan sa aming dalawa bago pumasok sa isip ko ang balak gawin kinabukasan.

“Kuya Damian?” pagkuha ko ng atensiyon niya. “Uuwi sana ako saglit bukas sa bahay. Kukuhanin ko lang ang mga uniform at gamit ko sa school. Pati na rin ang mga dokumento ko sa aparador. Balak ko po kasi mag-apply sa fast food sa lunes,” paliwanag ko sa kaniya.

Pansamantala siyang nahinto sa pagkain at napatitig sa akin kaya nahinto na rin ako.

“Sure ka? Magwo-working student ka sa bayan?” tanong nito sa akin na sinagot ko naman nang pagtango.

“Hindi ko po maaaring iasa sa ’yo lahat ng gastusin dito lalo na po sa pag-aaral ko. Ayaw kong kayo ang magsustento sa mga gastusin ko sa pamasahe at sa school. Maswerte na po ako sa inyo na pinatuloy niyo ako sa apartment niyo kaya maraming salamat, Kuya Damian. Hindi po ako abusado para hindi magbanat ng buto kaya hangga’t maaari ay gagawa ako ng paraan para makatulong sa gastusin ng pagkain natin at sa iba pa,” paliwanag ko sa kaniya.

Sumibol ang mumunting ngiti sa kaniyang labi. Ibinaba niya ang hawak na plato at saka ginulo ang buhok ko.

“Swerte rin ako kasi nakilala kita. Parang nagkaroon ako ng asawa na nag-aasikaso sa bahay dahil marunong ka magluto. Napansin ko rin na naglinis ka ng buong bahay kaya nagpapasalamat ako sa ’yo sa kasipagan mo, Keifer. Salamat dahil nakilala kita,” sambit niya.

Ramdam na ramdam ko ang kabog ng puso ko dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi nagdadalawang isip si Kuya Damian sa mga balak niyang sabihin. Para niya akong dinadala sa alapaap dahil sa malalambing niyang komento sa akin.

Pinagpatuloy namin ang pagkaing dalawa at pagkatapos ay ako na ang nagpresinta na maglinis ng hapag at maghugas ng plato.

Nagpaalam si Kuya Damian sa akin na lalabas siya kaya nang mayari ako maghugas ng plato ay sumunod ako sa kaniya sa labas. Doon ay naabutan ko siyang nagsisigarilyo.

“Hindi ko alam na nagyoyosi ka pala?” komento ko sa kaniya.

Humithit siya ng isa bago ito itinapon sa sahig at tinapak-tapakan.

“Minsan lang kapag stress ako,” sagot niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Bakit naman stress ka? Baka meron po akong maitulong para gumaan ang pakiramdam mo.”

Umiwas siya nang tingin at kitang-kita ko ang paglatay ng lungkot sa mga mata niya.

“Nasa ospital na naman kasi ang anak ko dahil sa sakit niya,”

“Ano pong sakit niya?” pagu-usisa ko.

“May Acute Kidney Injury siya na kailangan mag-undergo sa gamutan kaya ako napadpad dito para magtrabaho. Kapag hindi kasi iyon naagapan ay kailangang tanggalin ang kidney niya at kailangang hanapan ng kidney donor. Hindi naman namin kaya ang gastos noon kaya todo kayod ako para magamot ang anak ko,” paliwanag niya.

Ngumiti ako nang tipid. “Hindi pababayaan ni God ang mga little angel na kagaya niya kaya h’wag na po kayong malungkot. Ipagdadasal ko rin po ang anak niyo para mas maging mabilis ang paggaling niya.”

Ngumiti siya pabalik sa akin. Ginulo niya pa ang buhok ko bago siya lumagpas at bumalik muli sa loob.

“Matutulog muna ako dahil maaga pa. D’yan ka muna, Ki,” paalam niya sa akin kaya tumango ako.

Nang makaalis si Kuya Damian ay bumalik ulit ako sa paglalaba ng uniporme niya. Dalawang piraso lang ’yon kaya naman maaga akong nayari.

Nilagay ko ito sa hanger at saka isinampay sa harap para matuyo agad. Hindi na ako gumamit ng dryer dahil tirik naman ang araw. Paniguradong mabilis din itong matutuyo.

Wala na akong gagawin pa dahil nagawa ko na lahat ng gawaing bahay. Hindi ko tuloy alam kung ano ang maaari kong gawin ngayon dahil wala na talaga akong pwede pang pagkaabalahan.

Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa harap ng pinto ng kwarto. Pumasok ako ro’n at nakita ko si Kuya Damian na mahimbing na natutulog.

Dumagsa na naman ang pintig ng puso ko dahil sa katawan niya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito sa tuwing nakikita siyang naka-boxer lang. Siguro ay masasanay din ako kapag tumagal.

Maluwag pa ang espasiyo sa gilid niya sa tabi ng pader kaya naman nagtungo ako ro’n. Sinaluhan ko siya sa kuts’yon dahil dinadalaw ako ng antok.

Saglit kong nilingon si Kuya Damian. Nakapaling siya sa direksiyon ko at ang sarap lang pagmasdan ng napaka-amo niyang mukha ngayon. Napaka-inosente kasi nito at unang tingin pa lang ay masasabi nang mabuti siyang tao. Bonus pa na napaka-gwapo niya talaga.

Dumako ang tingin ko sa labi niya. Kung siraulo ako ay magte-take advantage na ako sa ganitong klase ng sitwasiyon pero dahil ayaw kong masira kay Kuya Damian ay hindi ko pinakinggan ang sinisigaw ng isipan ko na halikan siya. Kahit na sa totoo lang ay gustong-gusto kong gawin iyon.

Tinanggal ko ang tingin sa kaniya at saka ako bumaling sa kisame. Iniisip ko lang na napakswerte ko sa taong ito dahil naging daan siya para magkaroon ako ng pamilya. Hindi pa rin talaga ako pinababayaan ni God dahil gumagawa siya nang paraan para tulungan ako. Kung ayaw ng mga magulang ko sa pagmamahal na ibinubuhos ko sa kanila, hindi naman siguro masamang kay Kuya Damian ko na lang ilaan ang nasayang na pagmamahal na dapat ay sila ang tumatamasa. Iniwan ako ni nanay at hindi ko alam kung balak niya pa akong balikan. Si tatay naman ay malaki ang galit sa akin dahil sa pagiging bakla ko.

Nahinto ako sa pag-iisip nang may lumapat na braso sa akin. Bigla akong niyakap ni Kuya Damian kaya tila ba nahinto ako sa paghinga, ingat na ingat na hindi ko siya magising kung gagawa ako ng maliliit na pagkilos.

“’nak,” bulong ni Kuya Damian.

Napalingon ako sa kaniya. Tulog na tulog pa rin siya. Siguro ay nananaginip lang ito sa anak. Wala akong ideya kung gaano siya nangungulila sa anak niya pero sana ay maging mabilis ang paggaling nito para naman hindi ko na makitang malungkot si Kuya Damian. Nabigat sa dibdib sa tuwing nakikita ko siyang bagsak ang mga balikat dahil sa lumbay. Hindi ko tuloy alam kung paano siya dadamayan. Kung maaari lang hatian siya sa kirot na naratamdaman ay ginawa ko na.

Ipinikit ko ang mga mata at saka nagpatangay sa agos ng antok. Hinayaan ko ang sarili na mahulog sa pagtulog.

*

Naalimpungatan ako sa kaluskos. Napadilat ako at namataan si Kuya Damian na nagbibihis. Nagsusuot siya ng pantalon niya at wala pang suot pang-itaas.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga kaya napatingin siya sa akin.

“Sorry! Nagising ba kita,” alanganin niyang tanong habang may nahihiyang ngiti sa labi.

Umiling ako. “Naalala ko lang ang baon mo, Kuya. Hindi pa ako nakakapag-asikaso ng kakainin mo mamaya sa breaktime!”

Natawa siya sa reaksiyon ko. “Nakaluto na ako ng langgonisa na nabili ko sa labas. May itinira rin ako para sa hapunan mo mamaya,” nakangiti niyang paliwanag.

Napakaresponsable talaga ng tao na ito.

“Sorry, Kuya Damian. Napasarap ang tulog ko,” sabi ko habang kumakamot sa batok.

Nang maisuot ang slacks niya ay nagsuot naman siya ng sando. “Ayos lang. Napagod ka siguro sa kakalinis ng bahay. Nilabhan mo pala ang uniporme ko,”

Ngumiti ako sa kaniya. “Dalawa lang naman ’yon, Kuya. Meron ka bang plantsa? Hagudin ko na mamaya ’pag pasok mo sa trabaho,” wika ko.

“Meron diyan sa gilid. Makihanap mo na lang,” sabi niya sabay turo sa sulok ng silid.

Tumango ako bilang sagot. Tumayo na rin ako mula sa pagkakahiga at saka lumabas ng silid. Doon ay nakita ko ang paper bag na lagi niyang dala. Nakaayos na nga sa loob nito ang baon niya. Natatakluban naman sa gilid ng lababo ang natirang langgonisa na nabinggit niya.

Mayamaya pa ay lumabas na si Kuya Damian. Kinuha niya ang back pack na nasa tabi at saka dinampot ang paper bag sa gilid ng lababo. Kinuha ko naman iyon sa kaniya at kita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha.

“Ihahatid na po kita sa sakayan,” sabi ko.

Ngumiti siya sa akin at napatango. “Salamat,” wika niya.

Sabay naming tinungo ang daan palabas ng apartment. May ilang tenant na nakatambay sa labas. Napansin ko rin si lola kaya binati ko siya.

Nang makalayo kami ay nagsalita bigla si Kuya Damian.

“Meron ka na agad ka-close, ah?” sambit niya.

“Akala kasi ni nanay ay kapatid mo ako. Ang sabi ko hindi pero kuya pa rin kita,” paliwanag ko sa kaniya nang maabot namin ang high way.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Kagaya ng madalas ginagawa ay ginulo niyang muli ang buhok ko.

Itong ganitong interaksiyon namin ni Kuya Damian ang hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano pa man.

“Ayan, may jeep na! O’siya, ikaw na ang bahala sa bahay. See you tomorrow,” nakangiti niyang paalam.

Sumakay na siya sa jeep at saka ko inabot ang baon niya. “Ingat po sa trabaho. See you tomorrow!” nakangiti kong paalam habang kumakaway sa palayong jeep na sinakyan niya.

Ngumiti siya sa akin at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga ngiting ’yon. Napahawak naman ako sa aking dibdib. Hindi maganda ’to. Kung hahayaan ko ang sarili na mahulog sa kaniya, baka hindi ko na alam kung paano pa umahon. Baka nakakalimutan ko, may asawa’t anak na si Kuya Damian at kung hahayaan kong mahulog nang tuluyan sa kaniya, ako lang din ang iiyak sa dulo. Hindi maganda ito!

Kabanata 8

Nang sumapit ang gabi ay mag-isa akong kumain sa salas. Malungkot dahil hindi ko kasabay si Kuya Damian pero sa susunod na linggo ay pang-umaga naman na ang shift niya.

Naiayos ko na ang lahat-lahat. Nakapag-ligpit na ako ng mga pinggan. Pinasadahan ko rin nang pagwawalis ang buong bahay. Naiplantsa ko na ang dalawang uniporme ni Kuya Damian na nilabhan ko kaninang tanghali. Ngayon ay nasa silid niya ako. Nakahiga sa kuts’yon na hinigaan niya kanina. Nakabukas ang maliit na fan at nakatutok ito sa akin.

Amoy na amoy ko ang amoy ni Kuya Damian sa buong silid. Lalo na sa hinihigaan kong kuts’yon. Kinuha ko ang isang unan at saka niyakap ’yon. Iniisip ko na siya rin ang yakap-yakap ko.

Hindi ko mapigilang kiligin nang maalala ang nangyari kanina. Niyakap niya ako! Akala ko magagalit siya sa akin noong nadapa ako sa kaniya pero niyakap niya pa ako! Napakaswerte ko talaga kay Kuya Damian!

Ilang minuto ang lumipas saka ako dinalaw ng antok. Ipinikit ko ang mga mata at saka tuluyang nagpakahulog sa pagtulog. Bukas ay makikita ko siyang muli. Hindi na ako makapaghintay na makasama siya! Malandi na kung malandi pero isa si Kuya Damian kung bakit ako nagiging masaya. Kung wala siya ay uusigin ma naman ako ng isip ko sa mga mapapait na ala-ala sa bahay.

Naisip ko naman bigla tuloy si tatay. Kamusta na kaya siya? May nagluto kaya ng hapunan niya? Sana hindi na siya nagpapakalango sa alak ngayon dahil walang mag-aasikaso sa kaniya ro’n kung lasing siya. Si nanay kaya? Ano nang balita sa kaniya? Miss ko na si nanay. Sana mag-iba ang ihip ng hangin at makita kong muli siya. Gusto kong maramdaman ulit ang yakap niya. Sana unuwi na si nanay.

Pumihit ako sa kanang direksiyon habang yakap pa rin ang unan sa mga bisig. Hinayaan ko nang magpahinga ang sarili para sa bagong araw na haharapin kinabukasan.

*

Nagising ako sa kaluskos at nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ko si Kuya Damian na naghuhubad ng damit niya. Napatakip naman agad ako sa mukha dahil sa hiya.

Narinig ko siyang tumawa.

“Para namang hindi mo pa ako nakikitang naka-boxer shorts. Halika na sa labas. Bumili ako ng goto sa nadaanan kong gotohan. Mag-almusal na tayo bago ako matulog,” sabi niya sa akin.

Nauna siyang lumabas. Ramdam ko pa ang init sa mga pisngi ko dahil sa nangyari. Matagal pa siguro bago ako masanay sa tuwing nakikita ko siyang magtanggal ng damit. Iisa lang ang kwarto rito kaya lagi ko siyang makikita sa ganoong sitwasiyon dahil mahilig lang siya mag-boxer kapag nagpapahinga.

Tumayo na rin ako mula sa pagkakahiga. Nang makalabas ay nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang nilalantakan ang dalang goto. Meron pang isa na nakalagay sa mangkok sa harapan niya.

“Tara na,” pag-aya niya sa akin.

Tumango lang ako bago nagtungo sa lababo para maghilamos at mag-mouth wash. Nang matapos ay hinarap ko na rin siya at sinaluhan sa pagkain.

“Tutuloy ka ba sa pag-uwi?” tanong niya sa akin.

Tumango ako. “Sabado naman po ngayon at siguradong pumasok si tatay sa trabaho. Mabilis lang ako Kuya Damian. Hindi kasi ako makakapag-apply ng trabaho kung hindi ko kukuhanin ang mga dokumento ko,” paliwanag ko saka humigop ng goto sa kutsara.

“Wala ka nga palang cellphone, ano? Paano mo ako mako-contact para alam kong ayos ka lang sa inyo? Baka mamaya nandoon ang tatay mo at saktan ka na naman niya.” Nag-aalala siya sa akin at alam kong pinag-iingat niya lang ako dahil maaari naman kasi ang sinabi niya.

“Hihingi sana akong pamasahe Kuya Damian,” nahihiya kong sambit.

“Sige. Hintayin mo ako at kukuhanin ko lang sa kwarto,” paalam niya at saka umalis. Pagbalik niya ay iniabot nito sa akin ang isang daan.

“Mag-iingat ka, Keifer,” aniya.

Tumango ako at saka tinanggap ang pera. “Salamat, Kuya.”

Nagpaalam na siya sa akin na magpapahinga. Last duty niya na mamaya dahil linggo na kinabukasan at pang-umaga na siya sa lunes. Ibig sabihin lang nito na may makakasama at makakatabi na ako matulog sa mga susunod na araw. Bigla tuloy akong na-excite.

Wala naman akong dala kung hindi ang sarili ko lang at ang isang daan na binigay sa akin ni Kuya Damian. Hindi ko na siya inabala pa sa pagtulog at umalis na rin ako agad para makabalik nang maaga.

Nag-abang ako ng jeep at mabilis na ring nakasakay. Isang diretso lang naman ang byahe ko papunta sa baryo. Nagkataon lang na dumaan lang kami sa palengke noon kaya nagdoble sakay kami ni Kuya Damian.

Inabot din siguro ng trenta minutos ang byahe saka ako pumara. Nandito na ako sa baranggay namin. Bigla na naman tuloy nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Sana lang ay wala si tatay sa bahay.

Dahil madadaanan ko ang Beverly Heights, namataan ko ro’n si Mang Jerry. Binati ko pa siya nang makalapit ako.

“Anong nagdala sa ’yo rito, hijo?” tanong niya.

“May kukuhanin lang po ako sa bahay. Mabilis lang po ako para makabalik sa apartment. Kailangan ko pa pong ipagluto ng baon si Kuya Damian mamaya pag-uwi,” paliwanag ko sa kaniya.

Ngumiti ang matanda sa akin. “Napakaswerte talaga ng mokong na ’yon at naka-jackpot sa ’yo! Napakasipag talaga na bata!” komento niya pa sa akin. Sinuklian ko lang ito ng isang matamis na ngiti.

Nagpaalam na rin ako at saka nagpatuloy sa lakad. Malayo pa lang ako sa bahay pero triple na ang kaba sa dibdib ko. Natatakot ako na baka makita ko si tatay sa loob. Baka kung ano na naman ang gawin no’n sa akin.

Sa harap bahay nakita ko ang tila ba papatay nang sunog. Para bang sinilaban na mga damit ang mga ’yon at naalarma ako nang makita ang isang de color kong pang-alis. Sinunog yata ni tatay ang mga damit ko? Hindi pwede ’to! Sana hindi niya sinunog ang mga dokumento at uniporme ko! Kung nagkataon walang-wala talaga akong maiuuwi sa apartment!

Sumilip ako sa siwang ng pinto. Bahagya itong nakabukas. Walang tao sa loob kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para kuhanin ang pakay. Kailangan kong magmadali at baka nandito lang si tatay. Baka nagpapakalango na naman sa alak dahil puro basag na bote sa sahig. Parang hindi rin nalilinisan ang bahay simula noong umalis ako. Sobrang kalat at gulo-gulo ang mga gamit sa kwarto na para nang nag-wala siya rito.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ang dalawang uniporme ko sa loob ng lumang aparador. Nakita ko rin ang envelope ko na kinalalagyan ng mga dokumento ko. Ngayon, kailangan ko nang umalis ngunit pagharap ko sa pinto ng kwarto ay namataan kong nakatayo si tatay do’n. Pulang-pula ang mga mata. Dilat na dilat ang mga ito. Magulo ang buhok at mukhang lasing na lasing sa alak. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko sa nakitang bagay sa kamay niya. May hawak siyang kutsilyo.

“Ang kapal naman ng mukha mong bumalik,” nakangisi niyang saad.

Susuray-suray siyang naglakad papalapit sa akin. Hindi ako makagalaw dahil nahaharangan niya ang daan palabas. Huminto siya ilang dipa ang layo sa akin saka ako tinitigan. Naglaho na ang ngiti na kaninang meron siya.

Napansin kong basa ang mga pisngi niya na mukhang galing sa pag-iyak. Mukha pa siyang walang tulog at tanging ang alak lang ang naging karamay niya sa magdamag.

“Umalis na ang nanay mo, Keifer. Matagal na ring patay ang kapatid mong si Gio. Pati ba naman ikaw iiwan ako, anak?” sabi niya.

Agad na tumulo ang luha ko. Sa unang pagkakataon ay tinawag niya akong anak na ni minsan ay hindi ko narinig sa kanya. Kung hindi bakla at iba pang pangalan pang-insulto sa akin ay wala na siyang ibang paraan para tawagin ako. Kinasusuklaman ako ni tatay dahil sa pagiging ganito pero ngayon, tila ba siya ang tatay na matagal ko nang hiniling. Malayong-malayo siya sa tunay na siya. Napakahinahon niya at ramdam ko ang lungkot sa mukha niya.

“Bakit hindi ka pa mawala anak kung iiwan mo lang rin ako?” sabi niya at nagulat na lang ako nang undayan niya ako ng saksak.

Nagawa kong umilag ngunit nang umatake siyang muli ay nadaplisan ako sa aking pisngi. Pagkapa ko ay umaagos na ang dugo mula rito.

Napahawak ako nang madiin sa envelope at mga uniporme sa kamay. “Tay, anak mo pa rin naman ako. Umalis lang ako kasi sobra na kayo sa pagmamaltrato niyo sa akin. Hindi naman po rason ang patayin ako, tay. Babalik ako sa inyo ’wag niyo lang pong gawin ito,” pagmamakaawa ko sa kaniya.

Wala na akong kawala dahil napadpad ako sa pinakasulok ng silid. Tumayo siya sa harap ko at saka itinaas ang hawak na kutsilyo. Umiling-iling siya.

“Dapat ka nang mamatay!” sigaw niya at napapikit na lang ako nang aktong sasaksakin niya na ako pero taliwas sa inaasahan ko ang nangyari.

“Keifer! Tumayo ka riyan! Tumawag ka ng saklolo!” dinig kong sigaw ni Kuya Damian.

Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko siyang nakayakap kay tatay mula sa likuran upang pigilan ito. Hindi ko alam pero parang dininig ang dalangin ko dahil sa pagdating niya. Napaka-imposible ng tulong na hinihingi ko sa itaas pero binigay Niya pa rin.

Agad akong tumayo at mabilis na tumakbo palabas pero nasa entrada pa lang ako ng pinto nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Kuya Damian.

Agad akong bumalik at nakakita ako ng dugo. Sobrang daming dugo.

Hindi pwede! Hindi pwedeng mangyari ’to!

Kabanata 9

“Bakit ba kasi sumunod ka pa, Kuya Damian?” bagsak ang mga balikat kong sabi sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa harapan ng bahay. Merong medics na rumesponde nang humingi ako ng saklolo kanina. Mabuti na lang naging mabilis ang tulong dahil kung hindi ay baka naubusan na ng dugo si Kuya Damian mula sa natamo niyang saksak kay tatay.

Inaasikaso ng dalawang nurse ang saksak na natamo ni Kuya Damian mula kay tatay. Nilinis na rin nila ang ibang sugat at galos niya. Maging ang hiwa sa aking pisngi. Mapangit man tingnan pero may parisukat akong gaza na nakalagay sa pisngi na idinikit naman gamit ang paper tape.

Nandito kami ngayon sa nakabukas na likod ng ambulansiya. Mabuti na lang talaga at iyon lang ang natamo niya. Dahil kung nasaksak sa ibang parte ng katawan si Kuya Damian, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Pakawalan niyo ko!” Dinig kong sigaw ni tatay.

Nakaposas na siya ngayon at hawak siya ng dalawang pulis. Lumapit sila sa amin upang kausapin ako.

“Ikaw ba ang anak niya?” tanong sa akin noong isa.

Tumango ako bilang sagot.

“Kayo po ang nasaktan ng salarin? Ano pong balak niyong gawin sa kaniya? Sasampahan niyo po ba ng kaso?”

Napalingon ako kay Kuya Damian na kasalukuyan nilang kinakausap. Hindi ko alam kung ilang dalangin ang binulong ko, umaasang tumutol siya at wag kasuhan si tatay. Nakahinga ako nang maluwag nang umiling si Kuya Damian.

“Hindi ko po siya kakasuhan sa pagtangkang pagpatay sa akin. Kayo na po ang bahala magturo sa kaniya ng leksiyon sa ginagawa niyang pananakit sa anak niyang si Keifer,” salaysay ni Kuya Damian sa mga pulis.

“Sige na. Mauna na kayo sa car patrol. Susunod ako,” sabi ng pulis sa kasama niya.

Tumango ito at saka dinala si tatay sa sinasabi niyang car patrol. Naiwan ang isang pulis upang kausapin pa kami tungkol sa insedente.

“Matagal ka na bang sinasaktan ng tatay mo, hijo?” tanong sa akin noong natirang pulis.

Nag-alagan pa ako sa pagsagot pero nang hawakan ni Kuya Damian ang balikat ko ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsabi ng totoo.

“Nav-umpisa po iyon noong namatay ang kapatid kong si Gio,” paliwanag ko.

“Sorry to hear that pero ilang taon na bang wala ang kapatid mo?” tanong niya pa.

Huminto ako saglit at saka tiningnan si Kuya Damian. Tinanguan niya ako at sapat na sa akin ’yon para magpatuloy.

“Apat na taong gulang po ang kapatid ko nang mawala siya. Anim na taon na po simula noong naging ganito si tatay sa akin dahil sinisisi niya po ako sa pagkamatay ng nakababata kong kapatid.” Sobrang lungkot ng puso ko habang nagpapaliwanag sa kaniya. Unti-unti ay tila ba bumabalik ang ala-ala sa akin noong araw na nawala si Gio.

“Ano bang nangyari, hijo? Pwede mo bang ipaliwanag?”

Huminga muna ako nang malalim. “Disyembre po noon. Araw ng pasko. Lahat po ng tao noon ay nagdiriwang ng kapaskuhan. Tapat lang po ng bahay namin ang bahay ng mga kamag-anak namin kaya inaya ko si Gio na sumama sa akin. Noong patawid po kami ay bigla siyang bumitaw sa mga kamay ko at tumakbo. Naging mabilis po ang pangyayari nang mahagip siya ng rumaragasang kotse. Noong araw po na ’yon ay nawala si Gio. Dead on the spot. Iyon pong nakadisgrasiya sa kaniya ay hanggang ngayon hindi pa rin nakikita. Simula po noong araw na ’yon ay naging malamig na po sa akin si tatay hanggang sa nananakit na po siya pisikal,” salaysay ko.

Panandaliang huminto ang pulis na kausap ko habang nakatitig sa akin. “Ayaw ng kasama mo na kasuhan ang tatay mo at alam kong ayaw mo rin naman. Pero para sa leksiyon niya, ikukulong muna namin siya sa bilibid ng isang linggo para magtanda siya sa kasalanang ginawa,” sabi niya sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. “Swerte ka sa kasama mo hijo dahil kung sa iba ito ay nagsampa na ng kaso sa tatay mo lalo na’t kamuntikan nang malagay sa piligro ang buhay ni Sir,” dagdag niya pa habang nakaturo kay Kuya Damian.

Yari nang asikasuhin ang sugat niya. Naging malalim ang saksak nito kaya napakalaki ng bandage na nakapaikot sa braso niya.

Ngumiti ako sa lalaki at pinasalamatan siya ng lubusan sa isip ko. Nakita kong ngumiti siya pabalik sa akin kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili na mapayakap sa kaniya.

“Thank you po,” bulong ko.

Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likuran kaya mas lalong naibsan ang lungkot na nararamdaman.

“Maiwan ko na kayong dalawa riyan,” sabi sa amin noong pulis.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Kuya Damian at saka sinundan nang tingin ang mamang pulis. Nakita ko pa sa likurang bahagi ng car patrol si tatay. Siguro ay tama lang sa kaniya ito nang magtanda siya. Sana naman ay matauhan na si tatay at hindi niya na ulitin pa ang nangyari ngayon.

“Sir, iwas po muna tayo sa malalansa. Maaari lamang po na linisin niyo ang sugat at palitan ang bandage araw-araw para po maiwasan ang impeksiyon. Bilhin niyo na lang din po ang gamot na nireseta ni doc para po mas maging madali ang paghilom ng sugat,” paliwanag ng isang nurse kay Kuya Damian.

Nagpasalamat kami sa kanila at saka tumayo mula sa pagkakaupo ro’n sa likurang bahagi ng ambulansiya.

“Sigurado po ba kayong hindi na kayo magpapadala pa sa ospital?” tanong pa ng isang nurse.

Umiling lang si Kuya Damian.

“Sige po. Mauna na po kami at mag-iingat po kayo palagi,” sabi niya at saka bumalik sa saksakyan. Ilang minuto lang ay umalis na rin ang ambulansiya at naiwan kaming dalawa ni Kuya Damian sa bahay.

“Kuya, pasok ka muna sa bahay namin. Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita kung gusto mo,” tanong ko kay Kuya Damian at saka siya inalalayan.

“Tubig na lang na malamig kung meron kayo,” sagot niya sa akin.

Inuupo ko siya sa sofa naming gawa sa rattan.

“Bibili lang ako ng yelo. Hintayin mo ako rito,” sabi ko sa kaniya.

Mabilis akong lumabas para bilhin ang kailangan sa tindahan ni Aleng Cheba.

Iniabot ko sa kaniya ang bayad sa yelo nang maibigay niya sa akin ang binibili ko. Aalis na sana ako nang magsalita siya.

“Anong nangyari sa ’yo, hijo? Bakit may ganyan ka sa pisngi at bakit may mga pulis at ambulansiya sa harapan niyo? Sinaktan ka na naman ba ng tatay mo?” nag-aalala niyang tanong sa akin.

Alam niya naman kung gaano kasalimuot ang pinagdadaanan ko kay tatay kaya wala na sana akong balak magsalita nang marinig ko ang ibinulong niya sa sarili.

“Kailangan na talagang umuwi ng nanay mo rito!”

“Aling Cheba, may contact po ba kayo kay nanay?” nangingilid ang luha kong tanong sa kaniya.

Alanganin siyang tumungin sa akin. Lumipas ang ilang segundo bago siya marahang tumango.

“Tagapaghatid lang ako ng balita tungkol sa ’yo patungo sa kaniya. Hindi ka pa rin niya pinababayaan, Keifer. At gusto kong ipaalam sa iyo na gumagawa na siya ng paraan para unti-unti kang ialis diyan sa tatay mo ngunit noong tumawag siya kahapon, nalaman kong umalis ka pala sa inyo at lumipat kanila Damian. Nalaman ko kay mang Jerry. Gusto mo ba ay tawagan natin ang mama mo ngayon?” nakangiti niyang paliwanag sa akin.

Tumango-tango ako sa kaniya.

“Sige, pero pakiusap ko lamang sa ’yo, Keifer na huwag sanang malaman ng tatay mong may kontak ako sa mama mo dahil ayaw kong pati ako o ang kahit sino man sa mga kapamilya ko ay guluhin ng tatay mo. Alam mo naman ang mga bagay na ginagawa niya at hindi ko iyon gusto,” pikiusap sa akin ni aling Cheba.

“Pasensiya na po kayo at pati kayo’y naaabala sa sitwasiyon namin ngayon,” hingi kong paumanhin sa kaniya.

Dinampot niya ang cellphone mula sa isang rack at saka tinipa ang numero ni nanay do’n. Unattended. Marahil ay wala siyang signal. Ilang ulit niyang sinubukan pero wala. Hindi siya ma-contact.

“Isusulat ko na lang ang numero niya para nang sa gano’n ay ikaw na lang ang tumawag sa nanay mo,” nakangiti niyang sambit sa akin.

“Maraming salamat po talaga aling Cheba!” Kung wala lang nakaharang sa amin ngayon siguro ay kanina ko pa siya nayakap.

Iniabot niya sa akin ang papel na kung saan nakasulat ang sinasabi niyang numero ni nanay. Nagpasalamat ulit ako kaniya at dali-daling nagtatakbo pabalik sa bahay. Walang pagsidlan ang saya ko nang malaman na hindi pa rin pala talaga ako pinababayaan ni nanay!

Nang maiayos ang yelo sa pitsel ay pinagsalin ko si Kuya Damian sa baso at saka ito iniabot sa kaniya.

“Salamat pero bakit parang ang saya mo yata ngayon? Pwede ko bang malaman ang dahilan nang kagalakang ’yan?” aniya.

Naupo ako sa tabi niya saka siya tiningnan. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi ko. Sobrang saya ko talaga ngayon! Nag-uumapaw ang galak sa puso ko.

Kinapa ko ang kapirasong papel sa bulsa at pinakita sa kaniya iyon.

“Kaninong number ’yan?” takang tanong niya.

“Kay nanay po ’yan, nakuha ko galing kay aling Cheba. Sobrang saya ko lang po kasi hindi pa rin po ako pinababayaan ni nanay,” nakangiti kong paliwanag sa kaniya.

Dumapo bigla ang mga mata ko sa braso niya. Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon. Napansin kong namamakat na ang dugo mula rito at hindi ko maiwasang sisihin ang sarili dahil sa nangyari.

“Pasensiya na kuya kung nagagalak ako ngayon kahit na may ganitong insidente na nangyari sa atin. Humingi talaga ako ng pasensiya sa ’yo dahil sa ginawang pinsala ni tatay,” usal ko sa mahinang tinig.

Nakita kong lumatay ang lungkot sa mga mata niya. “Kung hindi ako sumunod sa ’yo, baka nasaksak ka na ng tatay mo at hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari, Keifer. Ayaw kitang mawala kaya hangga’t kaya kong protektahan ka. Gagawin ko.”

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang sinasabi niya ’yon. Parang nabibingi ako sa naririnig kong dagundong ng puso at alam kong hindi na maganda ’to.

“Kaninang umaga bago ako umuwi mula sa duty ay nabalitaan kong nagwala raw ang tatay mo sa baryo niyo. Doon pa lang naalarma na ako na uuwi ka sa inyo. Hindi ako mapalagay kanina kaya sinundan kita rito ngayon. Kung hindi ako sumunod sa ’yo baka kung napano ka na rito,”  paliwanag niya sa akin.

Nahinto ako saglit dahil tama siya, may punto siya. Kung hindi siya dumating ng tama sa oras, baka wala na ako ngayon dahil hindi ko kaya ang lakas ni tatay. Parang naka-droga siya ngayon dahil iba ang lakas niya.

“Kuya Damian,” pagkuha ko ng atensiyon niya. Napalingon siya sa akin. “Thank you, sobra,” dagdag ko pa.

Kasalukuyan kaming nagpapalitan nang tingin ni Kuya Damian nang makarinig ako ng boses mula sa labas, boses mula sa tao na kilalang-kilala ko. Nang pumasok sa tenga ko ang boses niya ay naging sapat iyon para mapahinto ako at panandaliang makalimot kung paano ba ang gumalaw.

“Anak, Keifer?” Dinig ko sa boses mula sa likuran ko.

Dahan-dahan ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumingon kay nanay. Mula sa entrada ng pinto ay nakita ko siya na bagsak ang mga balikat. Maluha-luha ang mga mata at labis ang pag-aalala.

Agad siyang tumakbo sa akin at saka ako sinalubong nang isang mahigpit na yakap.

“Sorry, anak. Sorry kung iniwan kita. Nandito na si nanay. Sana patawarin mo ako,” umiiyak niyang sambit sa akin.

Kabanata 10

“Anak! Sumama ka na sa akin! Umuwi na tayo sa Bulacan, sa lolo at lola mo! ’wag ka nang magtiis sa tatay mo rito! Sumama ka na sa akin anak,” pakiusap sa akin ni nanay.

Niyakap niya akong muli at pagkaraa’y hinaplos ang mga pisngi ko.

“Pasensiya na kung iniwanan kita, anak. Sorry.” Nakita kong pumatak ang luha mula sa kaniyang mga mata. Ako na mismo ang nagpahid nito sa kaniyang mga pisngi at saka ngumiti.

“Hindi ako galit sa ’yo, nay. ’wag kang mag-alala, pero.” Tinitigan ko siya sabay ngiti. “Hindi ko po kayang iwanan ang bahay, ang pag-aaral ko, si tatay at si Kuya Damian na kumupkop sa akin,” paliwanag ko sa kaniya at saka itinuro ang ginoo na nakaupo sa rattan naming sofa set.

Nilingon siya ni nanay at nilapitan. Niyakap niya ito ngunit napagitla si Kuya Damian nang masagi ang benda niya.

“Salamat sa pagtulong mo sa anak ko, Damian. At sana mapatawad mo si Kristofer sa ginawa niya sa ’yo,” sabi ni nanay sa kaniya.

“Naging saksi po kasi ako sa pananakit niya kay Keifer noong minsan na dinalhan ako ng anak niyo ng lutong ulam. Simula ho noon ay sabi ko po-protektahan ko siya mula sa asawa niyo hanggang sa malaman kong pinalayas siya ni Sir Kristofer. Inalok ko po agad ang bahay ko para kay Keifer dahil alam ko pong mabait at responsableng bata ang anak niyo, at hindi po ako nagkamali.” Nakangiti si Kuya Damian habang nagpapaliwanag kay nanay. Napakasarap lang pakinggan ng mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

Tumayo nang maayos si nanay at saka tumingin sa akin. May suot siyang shoulder bag at mas maayos na ang pananamit niya noon kumpara noong nandito siya sa bahay.

“Kuhanin mo ito,” sabi niya saka inilabas ang isang smartphone na kulay itim. Hawak niya rin ang wallet at saka dumukot ng pera. “Nandiyan na ang number ko anak. Tatawagan kita at kakamustahin lagi. Tumawag ka lang din sa akin kung kailangan mo ng pera dahil nakahanap ang nanay mo ng mas magandang trabaho sa Bulacan,” dagdag niya pa.

Tinitigan ko muna ang hawak niya. Hindi ko kinuha ’yon bagkus ay niyakap ko siya nang mahigpit.

“Sorry, anak. Sorry kung kailangang lumayo ni nanay. Sorry kung hindi kita sinama noong panahon na umalis ako. Sorry kung hinayaan kitang magdusa rito kasama ng tatay mo-”

“Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad nay dahil hindi naman po ako minsan nagtanim ng sama ng loob sa inyo. Masaya ako na nandito na kayo at binalikan niyo ako. Sapat na po ’yon sa akin para malaman kong hindi niyo pa rin ako talaga inabanduna. Salamat, nay,” wika ko at saka siya niyakap muli.

Nang kumalas ako ay si nanay na mismo ang naglagay ng smartphone at pera sa kamay ko. Siya na rin ang nagsara ng palad ko.

“wag kang mahiyang magsabi kay nanay ha?” paalala niya pa.

Tumango ako bilang sagot.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at pinagmasdan ang mukha ko. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata kahit na nakangiti siya.

“Kapag handa ka nang sumama sa akin, tawagan mo lang ako. Pupuntahan kita agad,” sabi niyang muli at saka ako hinalikan sa magkabilang pisngi at niyakap nang mahigpit.

Nang mabawi ang sarili niya mula sa pagkakayakap ko at panadalian niya akong pinagmasdan na tila ba inaaral ang bawat parte ng aking mukha. Pansin ko ang nagbabadiyang luha sa kaniyang mga mata ata nang pumatak ang ilang butil nito ay mabilisan niya ring pinunasan. Hinalikan pa ni nanay ang noo ko saka gumawa ng ilang hakbang palayo sa akin.

“Pasensiya na anak pero kailangan nang umalis ni nanay,” sabi niya, bagay na nagpalaglag ng puso ko.

“Hindi po ba pwedeng sa susunod na araw na lang kayo umalis nay? Hindi niyo ba ako na-miss dahil ako po, sobrang nangulila sa pagkawala niyo.” Mabigat ang bawat salita na lumabas sa aking labi. Kung pwede lang ay hatakin ko siya pabalik sa akin para hindi na siya ulit umalis pa at iwan muli akong nag-iisa.

“Kailangan ako ng lolo at lola mo, anak. May trabaho rin si nanay doon kaya kailangan ko nang bumalik at mahaba pa ang byahe,” paliwanag niya.

“Kailangan din kita, nay,” bulong ko sa hangin.

“Damian, sa ’yo ko muna ibibilin ang anak ko. Ikaw muna ang bahala kay Keifer. Maraming salamat.” Pagkayari noon ay agad na lumabas si nanay ng bahay.

Hinabol ko siya at sinubukang pigilan pero hindi niya ako pinansin. Bumubuhos na ang mga luha ko at tuluyan nang nabasa ang bawat parte ng aking pisngi.

Ang pigil na iyak ni nanay ang isa pang dahilan kung bakit tila ba nilalamukos ang aking dibdib sa sakit. Hindi na siya nagbalak pang humarap sa akin. Halos yakapin ko na ang binti niya para pigilan siyang umalis ngunit hindi siya nagtinag. Iniwan niya pa rin ako.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak at paulit-ulit na isigaw ang pangalan niya. May ibang kapit-bahay na nakakita sa nangyari at nag-umpisa na silang magbulungan ngunit hindi ko sila pinagtunan ng pansin. Masiyadong nadurog ang puso ko ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon, iniwan na naman ako ng taong inaasahan kong magsasalba sa akin mula sa pait ng buhay. Ang sakit pala ng reyalidad. Parang isinampal sa aking wala akong karapatang sumaya.

Nahinto ako sa pag-hikbi nang maramdaman ang mga kamay na bumalot sa aking mga balikat na para bang niyakap ako mula sa likuran. Paglingon ko sa gilid ay bumungad sa akin ang maamong mukha ni Kuya Damian.

“Tara na,” sabi niya sa malambing na boses.

Inalalayan niya akong tumayo hanggang sa paglalakad pabalik sa bahay. Pinaupo niya ako sa rattan na sofa at inabutan ng isang baso ng tubig.

Hawak ko pa rin sa mga kamay ang mga iniwan ni nanay. Isang itim na smartphone at pera na sa tingin ko ay nagkakahalaga ng tatlong libong piso.

Hindi ko ipagpapalit ang presensiya ni nanay sa ganitong mga bagay pero tatanggapin ko ito dahil kailangan ko. Sa katunayan ay pwede naman akong sumama sa kaniya sa Bulacan upang makawala sa tatay kong wala ng ibang ginawa kundi ang pagbuntunan ako ng galit at pagbuhatan ng kamay pero mahal ko siya. Hindi ko magagawang iwanan siya kahit na naisipan niyang kitilin ang buhay ko. Kahit na walang ginawang mabuti sa akin si tatay simula pa noon, alam kong darating ang araw na tatanggapin niya rin ako bilang anak niya. Hindi ko siya susukuan gaya ng ginawa sa kaniya ni nanay. Ako na lang ang meron siya at hindi ko magagawang abandunahin ang nag-iisa kong ama kahit na dumating ang punto na kailangan kong lumayo pandalian para rin sa kaniya.

“Salamat Kuya,” sabi ko kay Kuya Damian matapos uminom sa binigay niyang basonng tubig.

“Anong plano mo?” tanong niya sa akin.

Saglit akong nagisip at saka tumingin sa pera na hawak.

“Ibibili kita ng gamot Kuya at ang matitira ay gagamitin kong pang-apply sa mga fast food restaurant. Kaya ko naman pong maging working student para makatulong sa gastusin sa bahay,” paliwanag ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot bagkus ay ngumiti lang siya sa akin nang tipid.

“Napakaswerte ng tatay mo dahil meron siyang kagaya mo,” usal niya.

“Sana nga po ay mapansin niya rin ang halaga ko bilang anak niya, Kuya. Nakakapagod mahalin si tatay. Ilan beses ko man sabihing ayaw ko na! Pagod na ako! Suko na ako! Hindi ko pa rin talaga magawang iwanan siya at iabandona kagaya ng ginawa ni nanay. Kahit na kasama mo ako ngayon at nakatira tayo sa iisang bahay, naglalaro pa rin sa isip ko si tatay na mag-isa sa bahay. Kung nakakain na ba siya o ayos lang ba siya. Siguro nga ay hindi siya naging mabuting ama sa akin pero kahit anong gawin ko, paikot-ikutin man ang mundo, siya pa rin ang tatay ko,” mahaba kong paliwanag sa kaniya.

Nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Kuya Damian. Napakasarap sa loob ng mga bisig niya. Lahat ng agam-agam sa puso ko ay panandaliang nawala. Hindi ko alam kung anong ginawa niya para mapabuti ng ganito ang nararamdaman ko. Para siyang gamot na nakapagpawala ng bigat sa puso ko.

Pinakawalan niya ako at saka ako panandaliang tinitigan.

“Tara na? Uwi na na tayo?” tanong niya habang nakangiti nang tipid.

Tumango ako bilang sagot. “Opo. Uwi na tayo.”

Kabanata 11

Nilaan ko ang isang libo sa gamot ni Kuya Damian at sa iba pang gastos sa paglilinis ng sugat niya. Ang isang libo ay itinabi ko para sa panggastos sa binabalak kong pag-aapply ng trabaho sa fastfood restaurant. Meron pang isang libo na maari kong gamitin na pang-gastos at pang-baon sa eskwela. Dahil sinunog din ni tatay ang mga damit ko at ang mga uniporme ko lang ang natira ay bumili na rin ako ng tatlong damit sa ukay na nagkakahalaga ng singkwenta pesos. Shorts na tigse-seventy five, tatlong piraso rin at saka isang kahon ng brief na may limang laman.

Meron pa akong apat na raan kaya naman inaya ko si Kuya Damian na kumain kami sa paborito niyang gotohan dito sa bayan. Ayaw niya kasing kumain sa Jollibee o Mcdo kaya naisip ko na hindi siya tatanggi kung dito ko siya aayain.

Nang maibigay sa amin ang orders namin ay nag-umpisa na kaming kumaing dalawa.

“Hindi mo naman kailangang bumili pa ng gamot para sa akin, Ki. Sana ay inilaan mo na lang sa pag-aaral mo ang pera na ibinigay sa ’yo ng mama mo,” sabi sa akin ni Kuya Damian.

Nahinto ako at napatingin sa kaniya. “Hindi ko naman po kaya ng konsensiya kong tiisin kayo sa ganyang kalagayan. In the first place, si Tatay naman talaga ang may kasalanan kung bakit ka nasaksak,” sabi ko sa kaniya.

“Ibabalik ko sa ’yo lahat ng nagastos mo sa gamot ko dahil pera mo ’yon. Bigay ’yon sa ’yo ng mama mo.” Magsasalita sana ako pero pinigilan niya pa ako. “at huwag nang makulit, Keifer. Para sa pag-aaral mo ’yong binigay ni mama mo at hindi naman para sa akin.”

Napabuntong-hininga na lang ako at mas pinili na lang na tumahimik. Hindi na rin naman ako mananalo at may punto naman talaga si Kuya Damian.

Pinagpatuloy namin ang pagkain. Nang mayari ako ay humingi ako ng tubig sa serbidora. Binigyan niya ako ng dalawang baso at natuwa pa ako nang makita ang maliliit na tipak ng yelo sa loob. Nagpasalamat ako saka iniabot kay Kuya Damian ang isang baso.

“Ano pong balak mo? Hindi ka pwedeng magtrabaho sa kalagayan mo! Baka pwedeng ipahinga mo muna ang sugat mo Kuya Damian para mas mabilis na humilom,” suhestiyon ko sa kaniya.

“Tama ka, Keifer. Pero hindi ako maaaring tumagal ng dalawang araw na nakaliban sa duty. Kawawa naman si Mang Jerry dahil wala naman siya ibang kapalitan kundi ako lang. Isa pa, naipapahinga ko naman sa guard house ang sarili ko kaya kapag kaya ko na ay babalik agad ako sa trabaho,” sanaysay niya.

Inabot niya sa akin ang baso ng tubig at sabay naming ininom ito.

Lumipas

ang mga araw at kagaya ng napag-usapan namin ay bumalik nga agad si Kuya Damian sa duty niya. Araw-araw ko siyang pinag-aasikaso ng baon para naman may makain siya sa oras ng tanghalian. Nakakataba rin ng puso na kasama ko siya dalawang gabi na simula noong insidente dahil umaga ang duty niya sa Beverly Heights.

Iba’t-ibang kwento ang napag-usapan namin ni Kuya Damian at dahil doon ay mas nakilala ko pa siya. May takot sa puso ko na baka kapag nahulog ako ng sobra sa kaniya ay baka hindi ko na magawa pang makaahon. Kahit na may pangamba ay hinayaan ko lang ang sarili na hangaan siya lalo na alam kong hanggang doon lang naman ang nararamdaman ko. Alam ko naman ang limitasiyon. Hanggang doon lang ako sa hangganan na iyon at hindi na maaari pang sumobra.

Kaninang umaga bago pumasok ay dumaan ako sa bayan upang ipasa ang mga resume ko sa iba’t-ibang klase ng fast food restaurant na nadaanan ko. Miski karinderya ay pinagpasahan ko rin, nagbabaka sakaling may tatanggap sa akin kahit isa lang sa kanila.

Lahat sila ay iisa lang ang naging sagot sa akin, ’yon ay ang maghintay ng tawag. Umaasa naman ako na meron pa ring tatawag sa akin kahit papaano. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagtrabaho ako para kumita ng pera. Bata pa lang ako ay katulong na ako ni nanay sa paglalako ng mga kakanin at mga meryenda sa buong baranggay namin. Kung minsan ay ako pa ang gumagawa ng ibebenta ko para lang magkaroon ng pera pambaon kinabukasan. Kung matatanggap man ako sa fast food o sa simpleng karinderya, alam kong maibibigay ko ang lahat ko para magampanan ang trabaho na ilalaan nila sa akin.

Mabuti na lang ay hindi tirik ang araw ngayong hapon kaya naman hindi mainit ngayon sa loob ng klase. Makulimlim ang kalangitan, kalmado ang kapaligiran at tanging ang boses lang ng English Teacher namin ang maririnig mula sa diskusiyon niya ngayong araw.

Napalingon ang guro namin sa labas dahilan para magsilingunan na rin ang lahat sa gawing ’yon.

Mula sa pinto makikita ang isang pamilyar na tao mula sa aking buhay. Nakangiti siya sa guro namin at bahagyang kumaway.

Kumunot naman ang noo ko nang tumapon ang tingin niya sa akin. Bigla rin kasing naglaho ang matamis na ngiti sa mukha niya na para bang hindi siya masayang nakita ako mula sa matagal naming hindi pagpapansinan.

“Pwede pong excused muna para kay Keifer Guillermo? May importante lang pong sasabihin tungkol sa tatay niya. Salamat po,” dire-diretsong paalam ni Hunter habang nakatingin pa rin sa akin.

Sa puntong ’to, lalo na noong narinig ko ang pangalan ni tatay, hindi ko na napigilan pa ang sarili na maramdaman ang pagkabuhay nang matinding kaba sa puso ko. Anong problema kay tatay?

Kabanata 12

Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin ni Hunter nang makalapit ako sa kaniyang kinatatayuan. Wala na sana akong balak lumabas dahil dudungaw na lang sana ako sa door way nang hablutin niya ang pulsuhan ko.

Nagulat ako sa ginawa niya. Mabuti na lang at hindi niya ginawa ’yon nang padalos-dalos dahil magagalit talaga ako kung nakaramdam ako ng kahit kaunting sakit.

Bahagya niya lang akong nilayo mula sa door way, mula sa ingay na nagmumula sa pagtuturo ng aming professor.

Binitawan niya ako at saka tiningnan nang taimtim sa mga mata. Hindi ko maiwasang hangaan ang kaamuhan sa mukha niya. Kaya nga naging crush ko siya noong nag-aaral pa lang kami sa senior high. Kung hindi siguro sila lumipat nang tinitirhan at kung hindi niya ako iniwasan noong nalaman niyang gusto ko siya, baka hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin ako sa lalaking ’to. Bukod kasi sa mabait siya at magalang, nagagawa niya rin akong lagyan nang kakaibang saya ang puso ko.

“Nakikinig ka ba sa akin, Keifer?”

“Ha?” ’yon lang ang tangi kong nasagot sa kaniya. Masiyado akong nalunod sa mga nasa isip ko sa puntong hindi ko na naintindihan pa ang mga salitang sinasabi niya.

Napailing siya at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. G’wapo pa rin kahit baptrip na!

“Sorry,” hingi kong paumanhin. “Ano nga ulit ’yon?” tanong ko pa.

“Nabugbog ang tatay mo sa kulungan. Pasensiya na pero ang tatay ko ang dahilan kung bakit pinagkaisahan ang tatay mo,” bagsak ang balikat niyang sambit.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama ba ako nang dinig? Nabugbog ang tatay ko dahil sa tatay niya?

Oo nga pala. Nakulong nga pala ang tatay niya dahil sa tatay ko.

“Kailangan mo siyang puntahan, Keifer. Kailangang magamot ang mga sugat niya. Ayaw magpaasikaso ng tatay mo sa mga health officer doon. Baka sa ’yo magpaasikaso siya,” panghihikayat sa akin ni Hunter.

Napatango-tango ako nang magkakasunod, taranta.

Mabilis akong bumalik sa loob ng room para kausapin ang na-interupt na guro sa harap. Mabuti na lang at pinayagan agad ako’t hindi na ko nakatanggap pa nang iba’t-ibang bakit sa kaniya. Siguro ay kita sa mukha ko ang pagkabalisa dahil naiisip ko kung ano ang kalagayan ni tatay ngayon, sugutan at duguan.

Sumakay kami ng trike dalawa ni Hunter para mas mabilis. Lumulutang ang utak ko ngayon kahit na may mga tanong ako na gusto ko sanang banggitin sa kasama. Gusto ko rin mangamusta sa kanya dahil isang taon na rin halos ang nakakalipas simula noong huli ko siyang nakita. Akala ko hindi niya na ako magagawang kausapin dahil sa insidente noon na kinasangkutan ng mga tatay namin. Pati na rin ang ginawa kong pag-amin sa kaniya noon.

Sa pagkakatanda ko ay malapit lang ang Municipal Jail pero nagmukhang malayo dahil sa gawa ng tao na katabi ko ngayon sa loob ng trike.

Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya mula sa nakatapat na malaking salamin sa harapan naming dalawa kaya naman nag-iwas ako nang tingin. Ako ang nakapwesto malapit sa driber, siya naman sa kanan ko, malapit sa pasukan ng pasahero.

“Balita ko hindi ka na sa inyo nakatira? Saan ka tumutuloy?”

Sa sandaling ’yon, hindi ko na napigilan ang sarili na lingunin siya. Nakatingin pa rin siya sa akin sa pamamagitan ng salamin sa harapan namin. Ang tangos ng ilong niya! Nakakainis!

“Bakit kailangan ko pang sabihin? Wala ka rin namang pakialam,” pambabara ko.

Hindi nagbago ang ekspresiyon niya, seryoso pa rin ito at hindi man lang nagawang tanggalin anh pagkakatitig sa akin kaya tiningnan ko na siya pabalik mula sa salamin.

Umiwas na siya nang tingin at saka lumingon sa labas.

“Pasensiya na kung lumayo ako noon. Bakit ba kasi nagkagusto ka pa sa akin? Alam mo namang babae ang gusto ko. Sorry dahil nailang ako at napangunahan nang takot, takot na baka pagtripan ako ng iba kong nga kaibigan bukod sa ’yo.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago muling lumingon sa akin. Ngayon, magkatitigan na kaming dalawa mismo sa aming mga mata.

“Hindi ko rin kasi maiwasang mainis sa tatay mo dahil sa ginawa niyang gulo noon na naging dahilan kung bakit nakapatay si tatay ko ng isang inosente. Alam kong mali na idamay ka sa pighati na nararamdaman ko noon para sa kaniya pero hindi ko maiwasan. Lubusin ko na ang oras na ’to at baka hindi na ulit tayo magkita pagkatapos nito o kung magkita man tayo, baka ikaw na ang umiwas sa akin matapos mong malaman ang side ko,” malungkot ang mga mata niyang sabi sa akin.

“Sorry, Keifer. Sorry kung iniwan kita sa ere,” halos bulong na sambit niya sa akin.

Alam kong totoo ang pinakikita niya sa akin. Parang umurong ang dila ko dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya. Kanina noong nag-umpisa siya, balak ko na sanang sagutin siya nang pabalang pero nang magpatuloy siya ay unti-unting nawalan ang mga labi ko para magsalita ng mga komento ko sa kaniya.

Umiwas ako nang tingin at saka ginawang abala ang sarili sa pagmamasid sa mga trike na nakakasalubong namin sa byahe.

Pinagninilay-nilayan ko pa lahat ng sinabi niya. Hindi lang din siguro ako handa na kinausap niya na ako ngayon. Biglaan din kasi at ang buong akala ko ay binura niya na ako sa isip niya.

Bakit ba kasi sa dami ng tao sa mundo, sa mga straight na tao pa ako napo-fall? Konting pakita lang ng kabaitan sa akin ay natutunaw ako. Konting landi lang, bumibigay ako! Nakakainis naman!

Mas mabuti na lang siguro na hindi na magsalita kaya mas pinili ko na lang ang tumahimik sa buong byahe hanggang sa marating na namin ang destinasiyon.

Nang makapagbayad ay mabilis akong sumunod sa paglabas ni Hunter sa trike na sinasakyan namin. Mas nauna pa akong naglakad sa kaniya upang makapasok sa loob ng entrada ng pasilidad.

“Pwede po ba kay Kristofer Guillermo?” tanong ko ro’n sa pulis na nasa front desk.

“Iyong nabubog ngayon, hijo? Nandoon sa rehas niya bilang 204. Makihintay na lang siya ro’n sa visiting area kung makakausap mo nang matino. Noong isang araw pa kasi tulala ’yon. Anak ka ba niya?” usisa niya.

Tumango lang ako at saka nagpasalamat pagkaraan.

“Dito na lang ako sa labas. Hintayin kita.”

Hintayin kita…

Para saan? Tse!

Marahan na lang ako na tumango kay Hunter at sabay kaming nagtungo sa kaniya-kaniya balak naming puntahan.

Tinuro ako ng ibang mga pulis sa daan papunta sa isang malaking silid. Maraming lamesa at may ilan ding mga tao at presong nakaposas. Ito na siguro ang sinasabi nilang visiting area.

Naupo ako sa isang bakanteng mesa at naghintay. Ilang minuto rin ay may nakita akong lumabas mula sa isang pinto sa loob ng silid kung saan lumalabas ang mga preso. Doon ko na nakita si tatay na ina-assist ng isang pulis.

Nanlaki ang mga mata ko at napahawak na lang ako sa bibig nang makita ang kalunos-lunos na itsura niya. Hindi ko namalayan na isa-isa nang nagpulasan ang mga luha mula sa mga mata ko.

Kahit siya ang dahilan nang madalas kong pag-iyak noong bata pa ako, kahit ngayon sa edad ko na ’to ay hindi ko pa rin maiwasang malubag sa kalagayan niya ngayon. Halos hindi na makilala si tatay dahil parang nagkalasog-lasog na ang mukha niya dahil sa dugo at putok na mga balat. Namamaga rin ang mga mata niya na halos pumikit na sa pangangapal.

“T-tay,” nanginginig kong tawag sa kaniya. “A-anong nangyari?” bulong ko pa nang maihatid siya sa akin ng pulos at makaupo sa harapan kong bangko, sa kabilang panig ng mesa.

“Ilabas mo na ako rito! Ayaw ko rito, bakla! Gumawa ka nang paraan! Bilisan mo!” Matigas ang loob na sabi ni tatay. Malumanay lang ang boses niya pero sapat na ’yon para pasabugin ang natitirang pag-asa sa puso ko na magkakaayos kaming mag-ama.

“Ayaw ko rito, Keifer! Hindi ba gusto mong magkaayos tayo? Ilabas mo ako rito bago pa kita patayin sa isipan kong bakla ka!”

Dahil doon, hindi ko na napigilan pang tumayo. Napaatras pa ako nang bahagya dahil sa pagkabigla. Sobra na ’to! Hindi na siya ang tatay na nakilala ko!

“Ganoon ba ako kasama para tratuhin mo nang ganito, tay?” tanong ko sa kaniya. Lubos ang pagpipigil ko na maiyak dahil ayaw ko nang magmukha pang kaawa-awa sa harap niya. Napakarami nang luhang nasayang kay tatay.

“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Ilabas mo ako rito!” Nagawa niya pang kalampagin ang lamesa sa pagitan namin. Napatayo pa siya na para bang ano mang oras ngayon ay susugurin at lalamukusin niyang muli ang dibdib ko. Kung hindi lang siguro nakaposas ang mga kamay niya ay kanina niya pa nahablot ang damit ko.

“Habang tumatagal, mas lalo mong pinatutunayan na hindi ka karapat-dapat mahalin.” Iyon na ang mga huling salita na nabitawan ko sa kaniya bago siya ilayo sa akin ng mga pulis. Kulang na lang kasi ay sugurin niya na ako kaya hanggat maaga pa ay inilayo na nila si tatay.

Pinanuod ko siyang kuhanin muli ng mga pulis. Sobra ang panlilisik ng mga mata niya sa akin. Hindi na ko makaramdam pa ng kahit na anong hiya mula sa mga taong nakatingin sa akin ngayon. Naging manhid na siguro ako sa mga pananakit ni tatay.

Nang maglaho siya ay saka ko lang naramdaman ang ginhawa sa dibdib ko. Para akong tinanggalan nang kung ano mang mabigat na nadagan sa aking dibdib. Sobrang gaan sa pakiramdam.

Sa kabilang banda ay nakaramdam ako nang saya sa puso ko dahil sa unang pagkakataon, nagawa kong hindi matakot sa kaniya. Nagawa kong hindi umiyak. Nagawa kong sabihin ang mga gusto kong iparating sa kaniya. Sa unang pagkakataon, naging matapang ako.

Akala ko’y hindi na ako iiyak pa pero bigla na lang bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata. Hindi dahil sa malungkot ako kundi dahil sa naging masaya ako para sa katapangang matagal kong hindi nagawa kay tatay. Kahit na gano’n ay naniniwala akong kailangan pa rin siyang galangin sa kabila nang pakikitungo niya sa akin.

Proud ako sa ’yo, Keifer.

Saka ako nakaramdam ng kamay na tumapik sa aking balikat. Paglingon ko ay bumungad agad sa akin si Hunter, alalang-alala.

“Okay ka lang ba?” tanong niya pero hindi ako sumagot.

Nagpunas ako ng mga pisngi at saka dali-daling lumabas sa pasilidad para umiwas sa kaniya.

Kabanata 13

“Keifer?”

Wala na sana akong balak na lingunin si Hunter pero dahil sa ginawa niyang paghatak sa braso ko, wala na akong nagawa kundi ang mahinto sa kinatatayuan at mapabaling sa direksiyon niya.

Nakakahiya na nakita niya pa akong lugmok kanina. Sabagay, ilang beses niya na rin naman akong nakitang umiiyak noon dahil sa kaparehong tao na iniiyakan ko ngayon.

Bumitaw siya sa braso ko at saka inilabas ang isang kulay asul na panyo. Kinuha niya ang kamay ko at saka nilagay ito sa loob ng palad ko. Siya rin mismong nagtikom ng kamay kong nakabukas palad sa kaniya para hindi mahulog ang inilagay niyang panyo.

Saglit na nagtama ang mga mata namin at saka siya ngumiti sa akin.

Nandito kami ngayon sa harapan ng Provincial Jail at alam kong maraming tao ang napapalingon sa amin ngayon, nagtataka, napapaisip kung ano ba ang drama naming dalawa ng kasama ko pero sa puntong ito, nawalan ako ng pakialam sa kanila. Wala akong ganang magbigay ng pansin sa bawat nakikius’yoso sa amin ni Hunter. Sa loob ng mahigit na isang taon, pinagtagpo ulit kami ng tadhanang dalawa. Magiging hipokrito ako kung itatanggi kong na-miss ko ang presensiya ng lalaki na minsang naging laman ng puso ko.

“Kagaya ng palagi kong sinasabi sa ’yo noon. Kahit gaano ka pa kapangit umiyak, mas maganda kung ilalabas mo lahat ’yan dahil mas mahihirapan ka kung pipigilan mo lahat ng emosiyon diyan sa puso mo. Mas mabigat, mas masakit. Kaya ilabas mo ’yan! Ayos lang umiyak. Ayos lang maging pangit minsan.” Bawat salita na binigkas niya ay tila ba mumunting yakap na nagdala sa akin sa alapaap. Sa unang pagkakataon, nakatingin ulit ako sa kaniya na walang halong hiya o inis dahil sa pag-iwan niya sa akin noon nang walang ano-ano.

Kasabay nang pagguhit ng ngiti sa aking labi ay ang mabilis na pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

Kusang gumalaw ang katawan ko at mabilis na binalot si Hunter sa aking mga bisig. Marahil ay nabigla siya sa aking ginawa dahil naramdaman ko ang pagkagitla sa kaniya pero pagkaraa’y naramdaman ko ang paghaplos ng mga kamay niya sa aking likuran.

“Thank you for this, Hunter,” bulong ko sa kaniya.

Ilang segundo lang ang itinagal ng yakap ko. Nilubos ko lang din ang pagkakataon na itago ang sarili mula sa iba na nakakakita sa amin. Nakakahiya na dahil masiyado nang naka-expose sa lahat ang pagiging mahina ko. Kitang-kita na ng lahat ang ka-dramahan ko.

Humiwalay ako sa kaniya nang pagkakayakap at saka siya tinitigan nang may maliit na ngiti sa labi.

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Dinadala mo na naman ako sa kapayapaan dahil sa mga salita mo,” sabi ko sa kaniya at saka nagpunas ng luha gamit ang panyo na binigay niya kanina. Sinamaan ko siya nang tingin pagkatapos, “Baka naman nilalandi mo lang ako, ah? Tigil-tigilan mo ako diyan, Hunter! Marupok ako,” syempre bulong na lang iyong huling parte ng sinabi ko. Nakakahiya kaya kung ipaparinig ko pa sa kaniya!

Narinig ko ang pagtawa niya. Napakalandi talaga ng isang ’to! Pati pagtawa parang nakikipaglandian sa akin!

“Ginawa ko lang ang lagi kong ginagawa sa tuwing nakikita kitang malungkot dahil sa tatay mo. Noon pa man, saksi na ako sa pagiging madrama mo at masasabi kong hindi ka pa rin nagbabago, ampangit mo pa rin umiyak!” pang-aasar niya sa akin.

Inirapan ko siya, “pero thank you, Hunter dahil kundi sa ’yo, baka hindi ko nalaman na nasangkot na naman sa gulo si tatay. Hindi ko man siya nalapatan ng gamot ngayon o naasikaso ang sugat niya, at least nagawa kong sabihin ang mga salitang napakatagal ko nang kinikimkim sa likod ng puso ko. Salamat din at nagawa mong pagaanin ang puso ko kahit na napaka-bully mo,” buong puso kong pasasalamat sa kaniya.

“Wala ’yon. Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama,” sagot niya sa akin.

Hindi na ako sumagot at agad namang kumunot ang noo ko nang makita ko pagkabigla sa mukha niya.

“Bago ko makalimutan,” sambit niya at saka inilabas sa bulsa ang isang bagay na nakapagpangiti sa akin nang lubos. “Sabi mo ay ingatan ko ito kaya ito na, binabalik ko na sa ’yo.” Saka niya kinuha ang kamay ko at isinuot sa akin ang friendship bracelet na ibinigay ko sa kaniya noon. Tanda ko pa ang pagpupuyat ko noon para lang mayari ang dalawang piraso nito. Sakto kasing birthday niya noong araw na ’yon noong binigay ko sa kaniya ang bagay na ito.

“Akala mo tinapon ko na ’no? Hindi naman ako kagaya mo,” sabi niya nang tuluyan nang maisuot sa akin ang friendship bracelet na iyon.

Namula ang pisngi ko dahil tinamaan ako sa sinabi niya. Totoo naman kasing tinapon ko ang akin noon dahil hindi ko matanggap ang ginawa niyang pag-indian sa akin. Nakakainis naman kasi siya na para bang hangin na bigla na lang dumaan sa harapan ko. Saglit lang akong pinakilig tapos iiwanan din pala ako pagkaraan. Parang ihi lang! Nakakainis!

Hindi ko siya magawang matingnan sa mga mata kaya pinagmasdan ko na lang ang friendship bracelet na ginawa ko noon para sa kaniya. Simple lang ang itsura nito. Itim at puti na pisi lang kumibinasiyon ng kulay na napili ko. Madetalye lang talaga sa pagkakatahi at pagkakabuo nito saka ko nilagyan ng tatlong piraso ng maliliit na dice kung saan merong nakasulat na HIM. Hunter Ignacio Manalansan. Hindi naman siguro halata na baliw na baliw ako sa kaniya noon, no?

“Huwag kang mag-alala, nakausap ko na rin si tatay ko na huwag nang gumawa pa ng kahit na ano pang ikakapahamak ng tatay mo,” sabi sa akin ni Hunter dahilan para mapa-angat agad ako sa kaniya ng tingin.

Seryoso na ang mukha niya ngayon bagay na nagbigay sa akin ng kasiguraduhan.

Hindi ko na nagawa pang magpasalamat nang magsalita ulit siya dahilan kung bakit nabuo ang mga tanong sa isip ko at kung bakit nabuhay muli ang kaba sa aking dibdib.

“Hindi naman ako bumalik para sa wala lang. Hindi man halata pero sa tingin ko, panahon na para bumawi sa ’yo, Keifer. Mag-iingat ka palagi. Babawiin ko ang sinabi ko sa ’yo kanina, hindi pa ito ang huling pagkakataon na magtatagpo ang landas nating dalawa. Sisiguraduhin kong babawi na ako sa lahat ng pagkukulang ko simula noong iniwan kita mahigit isang taon na ang nakakalipas.” Nagawa niya pang tapikin ang balikat ko para lang magpaalam. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinabi niya pero isa lang ang sigurado ako. Hindi maganda ’to.

Naiwan akong tulala. Ilang minuto rin ang kinain bago naproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Hunter. Nang lumingon ako para sana habulin siya nang tingin ay wala na siya. Alien talaga ang isang ’yon!

Sa isang parte ng puso ko ay may mumunting galak na unti-unting nabubuhay. Masaya ako na nagkita kami ngayon ni Hunter pero sa kabilang banda, may takot ako sa ideyang nabuo sa aking isip. Dahil sa mga salitang binitawan niya kanina, alam kong may mga malalalim na mensaheng nagkukubli sa mga ’yon at alam kong nagiging indenial lang ako na tanggapin ang tunay na laman nito.

So ano ’yon? Pagkatapos niya akong paiyakin noon at iwanan sa ere, babalik siya ngayon para manggulo? Ano siya? Siraulo? Ayos pala ang isang ’yon, e?

Kabanata 14

Hindi na ako humabol pa sa klase dahil sa insidenteng nangyari ngayon kay tatay. Kung babalik man ako sa klase ay siguradong lulutang at lulutang din ang isip ko kahit na anong gawin kong focus sa klase.

Sumakay ako ng trike kanina. Hindi ako nagpahatid sa apartment ni kuya Damian o sa bahay mismo namin. Basta ang alam ko ay dumaan kami sa tindahan ng mga bulaklak. Binili ko ang pinakasimple at kulay puting bulaklak na natipuhan ko. Hindi naman din kasi ako maalam sa mga bulaklak basta ang sa tingin ko ay magugustuhan niya ito.

Iniabot ko lang ang bayad kay kuyang driber saka ko hinarap ang malaking gate na bumungad sa akin mula sa pagbaba ko sa kinasasakyan.

Hawak ang bungkos ng puting bulaklak ay naglakad ako papasok sa lugar. Hindi ako sanay sa pagpunta sa lugar na ito kaya hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa dami ng mga pangalan na aking nakikita. Meron kasing petsa sa ilalim ng mga pangalan na ’yon kung kailan sila pinanganak at kung kailan din ang araw na binawi ang buhay na pahiram lang sa kanila ng nasa itaas.

Imbis na magpatangay sa mga ideyang naglalaro sa isipan ko ay inalala ko na lang kung saan ba ang daan patungo sa lapida ng kapatid. Simula noong hinatid namin si Gio rito sa kaniyang huling hantungan hanggang sa ngayon ay bilang lang sa daliri kung ilang beses akong bumisita rito. Marahil ay sa isang banda ng puso ko ay may nagdidiktang hindi ko pa rin tanggap ang pagkawala niya, at alam kong oras na pumunta ako rito, mauulit lang muli ang sakit na naramdaman ko noong lumisan siya. Babalik lahat ng masasayang ala-ala naming magkapatid na siya namang papatay sa galak na dapat ay nararamdaman ko mula sa masasayang ala-alang ’yon.

Kaya naman nang masulyapan ko ang lapida niyang gawa sa magandang klase ng marmol ay nag-umpisa nang mangilid ang luha sa aking mga mata.

“Sorry, ngayon lang ulit bumisita si kuya Keifer mo,” bulong ko sa hangin at lakas-loob na naglakad palapit sa lapida niya.

Naupo ako sa berdeng damuhan at saka ko inilapag ang bungkos ng puting rosas na hawak.

Gio Kris Guillermo

January 23,2022- March 20 2024

Agad kong pinunasan ang luha na humaharang sa aking paningin. Ilang taon na rin ang lumipas pero parehas pa rin ang bigat sa aking dibdib. Mukhang mas naging matimbang pa nga ngayon kasi pakiramdam ko ay wala na sa akin ang lahat. Umalis si nanay para magtrabaho sa malayo tapos si tatay naman mas bumibitaw kahit na anong gawin kong pagkapit sa pag-asang magiging maayos kaming mag-ama.

“Sana kasi nandito na lang,” bulong ko pa sa ere at saka ngumiti.

Pinagmasdan ko ang lapida niya. Kahit na matagal na siyang nakahimlay dito ay mukhang bago pa rin ang lapida niya. Kumikinang ito sa tuwing nasisinagan ng araw.

“Alam mo ba,” nag-umpisa akong magkwento sa kaniya na tila ba nandito lang siya sa tabi ko, nakaunan sa aking binti. Kinuwentuhan ko siya sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang buwan. Simula sa pag-alis ni nanay sa bahay, sa pananakit ni tatay at sa tangkang pagpatay niya sa akin, pati na rin ang pagligtas sa akin ni Kuya Damian.

Nahinto ako saglit at saka ko naisip ang maamong mukha ni kuya Damian habang nakangiti sa akin.

“Hindi pa rin talaga ako nag-iisa kasi binigay siya ni God sa akin. Siguro ay kinulit mo Siya diyan sa taas para padalhan ako ng gwang Sekyu na magmamahal sa akin, ’no? Salamat bunso,” sambit ko saka tumawa.

Binalik ko ang tingin sa lapida ng kapatid at saka hinaplos ang pangalan niya. “Sa tingin mo ba ay hindi niya rin ako iiwan kagaya ng ginawa niyo sa akin nila nanay at tatay?” malungkot kong tanong sa kaniya.

Napailing na lang ako dahil para na akong siraulo na kinakausap ang sarili sa gitna ng open-space sa memorial.

“Oh, paano ba ’yan? Uuwi muna ako sa bahay natin nang malinis ko naman ang kalat na ginawa ng napakabait mong tatay! Na-miss lang talaga kita kaya binisita kita ngayon rito. Bisitahin kitang muli. Sa susunod ay kasama ko na si Kuya Damian para makilala mo rin siya,” sabi ko at saka tumayo sa harapan ng lapida niya. Niyakap ko ang sarili habang iniisip na nasa loob ng bisig ko ang kapatid na si Gio. Inalala ko lang kung paano ko siya binubuhat noon sa tuwing pinatutulog ko sa ng tanghali. Na-miss ko tuloy ang maliliit niyang bisig na nakabalot sa akin sa tuwing mahimbing na siyang natutulog sa aking pagkakabitbit.

“Uwi na si kuya. I love you, bunso. Sobrang miss na kita,” nakangiti kong banggit sa era.

*

Gaya ng plano ko kanina ay nagtungo ako sa mismong bahay namin ni tatay. Nilinis ko lahat ng dumi mula sa basag-basag na bote ng alak, tasa, baso at kung ano-ano pa. Miski ang gulo-gulong damit niya sa kwarto, pinagtutupi ko at inayos mula sa tamang kinalalagyan. Pinalitan ko rin ang kobre kama niya at lahat ng pillow case para matuwa naman siya oras na matapos ang pitong araw niya sa kulungan. Sana lang talaga kahit papano’y matauhan na si tatay sa mga pinaggagawa niya. Sana ma-appreciate niya rin lahat ng effort ko sa kaniya kahit konti lang.

Pawis na pawis ako sa dami ng mga ginawa ko. Hindi ko na rin namalayan ang oras at nang sumulyap ako sa labas ay madilim na.

“Nandito ka pala! Kanina pa kita hinahanap, e!”

Napalingon ako sa pinto at saka ko nakita si Kuya Damian nakangiti sa akin. Papalapit na sana siya sa akin nang makita ko ang matalim na kutsilyong tumagos sa tiyan niya. Napaubo siya ng dugo kasabay nito ang unti-unting paglitaw ni tatay mula sa likuran niya.

Hindi ko magawang sumigaw. Tila ba na-stuck na ang sarili ko dahil sa nasaksihan. Ni ang huminga ay tila ba nakalimutan ko nang gawin.

“Sabi ko naman sa ’yo magdurusa ka,” dinig kong sabi ni tatay sa akin.

At dahil doon ay napasigaw na ako sa takot.

“Ki? Ayos ka lang ba?”

Napabangon ako mula sa pagkakadukmo at saka hinarap ang tao na nakapwesto malapit sa akin.

Hawak ni Kuya Damian ang balikat ko. Halata sa mukha niya ang labis na pag-aalala.

Sumulyap ako mula sa labas at nakumpira kong madilim na. Naalala ko na naman ang nangyari kanina kaya agad akong napayakap sa kaniya.

Buti na lang talaga panaginip lang ang lahat!

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likuran ko habang nakakulong ako sa kaniyang mga bisig. Ang malapad niyang dibdib ay nagsilbing malambot na kutsyon sa akin. Napakakomportable sa loob ng yakap niya. Parang ayaw ko nang kumawala pa.

“Alam kong nandito ka kahit hindi mo naisip na magpaalam sa akin. Miski text o chat hindi mo naisipan gawin.”

Napaangat ako sa kaniya nang tingin at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kulang na lang ay ngumuso siya sa akin dahil sa pagkadismaya. Oo, aaminin ko. Nakaramdam ako ng sobrang pagka-guilty dahil sa mga sinabi niya.

Nang magtagpo ang mga mata namin ay unti-unting naging kampante ang ekspresiyon sa mukha niya. Dahan-dahang umusbong ang mumunting ngiti sa kaniyang labi kahit na taliwas sa mga lumabas sa kaniyang bibig ang mga binanggit sa akin.

“Magagalit ka ba sa akin kung sasabihin ko sa ’yong nagtatampo ako dahil nakalimutan mo na ako?” aniya.

Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakad ng kabog nito. Natatakot ako na baka marinig niya ang pag-aalboroto ng puso ko. Nakakahiya!

“Umuwi na tayo para makapagpahinga ka na. Marahil ay napagod ka nang sobra sa mga ginawa mo ngayong araw,” malambing niyang sabi sa akin na ako naman si tanga ay tumango lang sa kaniya.

Nakakahiya man aminin pero masaya akong makita at makasama si kuya Damian ngayon. Nagagalak ang puso ko na siya ang bumungad sa akin ngayon mula sa bangungot na nangyari kanina. Pwede bang humirit muli ako ng isa pang yakap?

Kabanata 15

“Sobrang nag-alala ako sa ’yo, alam mo ba ’yon? Kung saan-saan kita hinanap. Inabot na ko ng gabi kakatanong sa mga taong maaaring makapagturo sa akin kung nasaan ka. Tapos napadpad pa ako sa Municipal Jail dahil may nakapagsabi sa aking kaklase mo sinundo ka raw dito ng hindi nila kilalang tao dahil may problema sa tatay mo na nasa kulungan. Sino ba ’yon? Bakit wala ka sa kulungan noong pumunta ako? Alam mo nakakapagtampo ka na kasi may cellphone ka naman pero hindi mo ko naisipang i-text o tawagan man lang para sabihan kung umaano ka o nasaan ka!”

Tinadtad ako ni kuya Damian ng mga tanong niya. Pinagsasandok niya ako ngayon ng bagong luto na kanin sa plato at napaka-kalmado niya lang din magsalita. Ni hindi ko magawang alisin ang tingin sa kaniya dahil kahit na galit siya’y napakagwapo pa rin. Para siyang tatay ko na pinagagalitan ako dahil ginabi na ng uwi. Kung sana ganyan kabait si tatay sa akin ay baka mas naging masaya ang buhay ko ngayon. Kaso hindi, e.

Nang malagyan ako ng kanin na akala mo ay huling kain ko na dahil gabundok ang nilagay niya. Nalibang yata si Kuya Damian kakasermon sa akin at nakalimutan niyang maliit lang ang bituka ko. Paano ko naman kaya uubusin ang tinambak niya sa plato ko?

Kinuha niya ang mangkok kung saan nakalagay ang niluto niya ring buttered-shrimp at saka ako nilagyan sa plato ko.

Naglagay din siya sa kaniya saka niya ibinalik sa dating kinalalagyan ang mangkok ng ulam saka ako tiningnan nang may malungkot na ekspresiyon sa mukha.

“Pasensiya ka na kung sine-sermonan kita ngayon, ayaw ko lang na masira ako sa nanay mo oras na may mangyaring masama sa ’yo. Baka hindi ko rin mapatawad ang sarili ko kung may mangyayari ulit na hindi maganda sa ’yo,” bagsak ang balikat na sambit sa akin ni Kuya Damian.

Ngumiti ako nang tipid at saka siya nginusuan. Nakita kong nagulat siya sa naging reaksiyon ko kaya naman ay tinawanan ko lang siya.

“Sorry na,” mapang-asar kong sambit at saka siya dinilaan sa pagkakataong ito. “Saka bakit naman ako mag-uupdate sa ’yo? Boyfriend ba kita?” dagdag ko pa.

Napansin kong nahinto siya kaya agad akong nahinto sa pagtawa. Hindi niya yata nagustuhan ang banat ko.

“Boyfriend mo man ako o hindi, seguridad mo ang isa sa prioridad ko.” Nakatitig siya sa akin habang binabanggit ang bawat salitang nagpabaliw sa puso ko. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ngayon ang aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito.

Sa isang banda sa puso ko, may hindi maawat na saya dahil hindi ko inaasahan na ganito pala ang pakiramdam na may nag-aalala sa ’yo, na may isang tao na ayaw kang mawala at mapahamak. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang hindi maipaliwanag na saya. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naranasang maging totoo sa nararamdaman ko.

Ngumiti ako sa kaniya. Kung hindi lang siya nasa kabilang parte ng hapag-kainan ay baka nayakap ko na siya. Baka magpakulong na naman ako sa malalaki niyang braso at hayaanh malusaw ang sarili dahil sa kagwapuhan at katikasan ni Kuya Damian.

Pinagsaluhan naming dalawa ang pagkain na siya mismo ang nagluto. Paulit-ulit ko siyang pinuri dahil sa sarap ng luto niya, parang siya. Char.

Kahit na anong gawin kong pag-iiba ng topic ay naisisingit niya pa rin ang sermon sa akin. Ni hindi ko na nga nagawang ligpitan ang mga pinagkainan namin dahil siya na mismo ang gumawa no’n habang pinagagalitan pa rin ako. Well, hindi ko naman talaga alam kung nagagalit nga siya dahil puro paalala ang sinasabi niya sa akin. Ayaw niya talagang mapahamak ako kaya ayaw niya nang maulit pa ang nangyari na ito. Buti na lang pala ay naisipan niyang puntahan ang bahay talaga namin dahil kung hindi, baka namatay na rin ako sa bangungot ko noon.

Napawi tuloy ang ngiti sa labi ko nang maalala ang masamang panaginip kanina. Sabi ng iba ay kabaligtaran naman daw ang nangyayari sa panaginip kaya hindi naman ako dapat mag-alala. Saka isa pa, nasa kulungan pa rin si tatay ngayon kaya napakalabong makapunta siya rito at saktan si Kuya Damian. Napakalabo mangyari no’n.

Nang mayari si Kuya Damian sa paghuhugas ng pinggan ay nagpunas siya ng kanyang mga kamay sa hand towel na nakasabit sa mga sabitan ng sandok. Nakamasid lang ako sa kaniya dahil hindi ko mapigilang mapabilib sa sarili, paano ba naman kasi ay nagagawa kong kontrolin ang sarili ko kahit na nakaboxer shorts lang nmsi Kuya Damian ngayon, kagaya nh lagi niyang ginagawa sa tuwing nandito na kami sa bahay. Napaka-perpekto naman kasi ng hubog ng katawan niya! Para siyang rebulto na may perpektong katawan! Bawat parte ay nasa tamang hulma tapos malaki rin iyong… nevermind. Baka magkasala pa ang isip ko!

“Nako! Hindi mo na naman ako iniintindi! Kung saan-saan na naman nalipad ang isip mo,” nakangiting sita sa akin ni kuya Damian. Nakaharap na siya sa akin habang nakapamewang. Nakaupo pa rin ako sa sementadong sahig at ilang dipa lang ang layo niya sa akin kaya kahit anong gawin kong iwas, talagang kapansin-pansin ang parte na ’yon sa kanya. Paano ba naman kasi ay nabukol! Bwisit!

“Saglit, may kukunin lang ako,” paalam niya at saka umalis na. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil kung hindi pa siya umalis noong sandali na ’yon ay baka naging kulay talong na ako dahil sa nakabungad sa aking view.

Bumalik si Kuya Damian na may hawak na medical kit? Teka? Para saan naman ito?

Umupo siya sa harapan ko. Ginaya niya ako na naka-indian sit at saka inilapag ang hawak na medical kit. Binuksan niya ito at saka kinuha ang pakay.

Ang isang kamay niya naman ay dumako sa pisngi ko. Buong ingat niyang tinanggal ang nakalagay na gaza sa aking pisngi.

Sa sobrang abala at lunod ng isip ko kanina, nakalimutan ko nang may sugat nga pala ako sa pisngi gawa ng pagkakadaplis ng kutsilyo ni tatay noong oras na nasaksak din si Kuya Damian sa braso.

“Hindi mo pa napapalitan ’to, ano? Pasaway ka talaga! Dapat araw-araw na nililinis ang sugat! Tiisin mo, medyo mahapdi ito,” sabi sa akin ni Kuya Damian habang marahang iniaangat ang nakadikit na gaza sa pisngi ko.

“Tiisin mo, ha? Dadampian ko na ng alcohol para maging malinis na. Tapos lalagyan ng betadine at tatapalan muli ng gaza,” nakangiti niyang sabi sa akin kaya napatango na lang ako bilang sagot.

Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya sa akin. Pinagkatiwala ko ang sarili ko sa kaniya kaya naman hindi ko halos maramdaman ang kirot habang nililinis niya ang sugat ko saka isa pa, ang sarap niya lang kasi pagmasdan kaya medyo distracted ako sa kaniya tapos sumabay pa ang kakisigan ng katawan niya. Sana lang talaga ay hindi umaapaw ang laway ko ngayon dahil nakakahiya.

Nilalagyan niya na ngayon ng surgical tape ang sugat ko. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin. Hindi ko alam pero nang magtama ang mga mata naming dalawa ay para ba akong nahipnotismo. Walang salita ang kahit na ano mang lumabas sa aming bibig pero nagawa naming magkaintindihang dalawa. Para bang may nag-uudiyok sa akin na lumapit sa kaniya at hayaang ilapat ang labi ko sa malambot niyang labi. Anong nangyayari sa akin? Bakit may kung anong nagtutulak sa akin na halikan siya kahit na alam kong hindi tama? Bakit parang palapit din siya sa akin nang palapit? Gusto niya rin kaya akong halikan? O baka gusto na rin ako ni Kuya Damian? Mahal niya na rin ba ako? Kung oo, palalampasin ko ba ang pagkakataon? Syempre hindi! Kaya naman nang akmang maglalapat na ang aming mga labi ay marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Ano mang sandali ay mararamdaman ko na  ang malambot niyang labi sa labi ko at nang akmang mangyayari na ang pinapangarap ko ay parehas kaming napabalikwas nang magring ang cellphone niya. Bwisit! Wrong timing naman ang tumatawag na ’yon!

Malas!

Agad akong napaiwas nang tingin. Dali-dali naman siyang tumayo para pumunta sa kwarto kung nasaan ang kaniyang de keypad na cellphone.

Nang makaalis si Kuya Damian ay biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Paano kung hindi tumunog iyong cellphone niya? Paano kung lumapat ang labi niya sa labi ko? Paano kung nagtapat siya ngayon sa akin na mahal niya rin ako? Tang’na. Napakaraming what ifs naman nito! Kasalanan kasi takaga ito noong tumawag na ’yon! Kapanira ng moment!

Tatayo na sana ako nang marinig ko ang sigaw ni Kuya Damian sa kwarto.

Ang kilig na nararamdaman ko kanina ay naging pangamba. Agad akong nagtungo sa kwarto kung nasaan siya at nanlumo ako nang makita siyang tolero.

“Kuya Damian, ano pong nangyari? Kumalma po kayo,” pag-alo ko sa kaniya nang makita kong nag-aayos siya nang damit sa isang bag. Aligaga siya na para bang madaling-madali. Tagaktak ang kanyang pawis at pulang-pula ang mga mata. Alam kong nagpipigil lang siya na huwag bumigay sa harapan ko dahil oras na maputol ko ang pisi ng pag-asa sa puso niya ay tuluyang bubuhos ang luha na kanina niya pa nilalabanan.

Hindi ko alam kung anong gagawin kaya naman lakas-loob akong lumapit sa kaniya at wala ano-anong niyakap siya mula sa likod. Dahil doon ay nagawa ko siyang patigilin sa ginagawang pag-eempake.

Ramdam ko ang pagtaas-baba ng mga balikat niya. Hingal na hingal siya, pawis na pawis at sa unang pagkakataon, nasaksihan ko ang napakahinang pagkatao ni Kuya Damian.

“Magiging ayos din po ang lahat,” bulong ko sa kaniya dahil alam kong kailangan niya ito.

At dahil doon, naramdaman ko ang paghikbi niya. Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak ang tao na iniidolo ko sa pagiging matatag at malakas. Sa unang pagkakataon, nasaksihan ko ang pagbuhos ng luha niya dahil sa labis na paghihinagpis.

“Nasa ICU ang anak ko ngayon, Keifer. Kailangan kong umuwi para puntahan siya. Kailangan ako ng mag-ina ko.”

At sa unang pagkakataon, nagawa niya ring basagin ang puso ko sa napakaraming piraso.

Tama nga sila, kung sino ang taong bumuo sa ’yo ay sila ring madalas na makakasira nito.

*

Do you want dedication? Dedicate natin ang susunod na kabanata sa ’yo. Just comment here if you are interested! ☺️ Kwentuhan mo lang ako saglit nang mga nangyari sa kabanata na ito at baka ikaw na ang mapili ko sa dedication ng susunod na kabanata!

Thanks for your support!

Love, Kuya Sen

Kabanata 16

This chapter is Dedicated to

JomarBacanto

Thank you for your undying support ☺️ sa matiyagang paghihintay ng updates at sa pakikipag-engage sa akin tuwing may bago akong released na update. Godbless you and your love to this story

🥰

Kuya

Sen

*

Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng gamit kahit na mabigat ang puso ko. Aaminin kong gusto kong maging selfish ngayon pero hindi pwede dahil sa una pa lang, hindi na sa akin si Kuya Damian at wala naman din akong karapatang angkinin siya dahil sino ba naman ako? ’di ba?

Pasimple akong sumusulyap sa kanya habang maayos na nagtutupi ng damit na siya namang naglalagay sa dadalhin niyang backpack.

Magulo ang kaniyang buhok. Mamula-mula ang mga mata dahil galing sa pag-iyak. Pawisan din siya marahil sa kakamadali. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong punasan ang katawan niya dahil maraming oras na akong babad at qouta sa kakamasid sa maganda niyang katawan. Ang akala ko ay sanay na akong makita siyang ganito, nakaboxer lang pero parang gano’n pa rin ang epekto nito sa akin kagaya noong unang pagkakataon na nakita ko siyang hubad.

Napailing ako sa naisip. Ibang hubad kasi ang pumasok sa utak ko. Napakarumi!

Napansin ni Kuya Damian ang ginawa ko kaya nahinto siya at napatingin sa akin.

“Babalik naman agad ako kaya tama na siguro ang ganitong karami,” sabi niya saka ngumiti. Ni hindi naabot ng ngiting ’yon ang mga tainga niya kaya alam kong isa ang ngiting ’yon sa pinakamalungkot na bagay na nasaksihan ko ngayon mula sa kaniya.

Isinara niya ang zipper ng backpack at saka isinandal ito sa gilid. Maayos siyang humarap siya sa akin, ginulo nang bahagya ang aking buhok at saka ako tinitigan sa mga mata.

Hindi siya nagsalita ng kahit na ano.  Hindi ko alam pero panatag ang kalooban ko habang lunod ang sarili sa titig niya.

Mula sa kaniyang labi ay sumibol ang isang tunay na ngiti, bagay na nakapagpalundag sa puso ko.

“Babalik naman agad ako. ’wag kang mag-alala,” sambit niya at saka ako kinulong sa mga bisig. Niya. “Salamat sa ’yo, Keifer. Salamat kasi mas naging madali para sa akin harapin ang mga bagay na kagaya nito. Kung wala ka siguro rito ay mas naging miserable ang buhay ko. Baka mas nahirapan akong harapin mag-isa lahat ng problema ko ngayon. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko,” dagdag niya pa. Nasa gilid lang ng tainga ko ang labi niya. Para akong hinarana sa mga sinabi niya. May kung anong mahika ang tinig niya na nakapagpabaliw sa puso ko. Kahit na mabilis ang tibok nito ay hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa aking labi at ang labis na saya na aking nadarama.

Kinikilig ako! Bwisit!

Lumayo siya sa akin kahit na nakabalot pa sa akin ang kaniyang mga bisig. Dumuko ang tingin ko sa labi niya at agad na pumasok sa isipan ko ang muntik nang mangyari kanina.

Hindi pwede! May asawa na ang tao, oh! Ahas ka ba?

Pwede naman maging ahas kahit ngayon lang? ’di ba?

Hindi!

Kaya bago pa kung saan mapunta ang pwesto naming dalawa ay ako na mismo ang lumayo. Hindi pwedeng lumagpas ako sa linyang ako mismo ang gumawa. Hindi pwedeng sumobra. Hindi pwedeng maging padalos-dalos. Hindi ako nakituloy sa apartment niya para manira ng pamilyang meron siya.

Hindi naman malalaman ng asawa niya!

Kahit na!

“Magbihis ka na at baka wala ka nang masakyan! Oras na oh!” untag ko sa kaniya at saka siya bahagyang tinulak palayo sa akin.

Nagtungo ako sa pinto ng kwarto at bago lumabas ay nilingon ko siya. “Dito lang ako sa labas. Hatid kita sa labasan mamaya,” sabi ko pa.

Sinara ko ang pinto ng kwarto at saka nagtungo sa salas habang bitbit ang mumunting dagundong sa dibdib ko. Walang pagsidlan din ang saya sa aking puso. Palibhasa napaparami ang skin contact namin ni kuya Damian kaya walang pagsidlan ang kilig ko. Ewan ko pero ang ideyang mas lamang ako sa asawa niya ngayon, kahit na alam kong mali ang mindset na ganito, pero kasi hindi ko maiwasang matuwa. Parang pakiramdam ko ay ako ang asawa ni kuya Damian kahit hindi naman talaga. Hindi naman masamang mangarap! Bwisit na konsensiya ito! Sasabat na naman, e!

Ilang minuto lang din ang itinagal at lumabas na rin si Kuya Damian. Simpleng puting polo shirt lang ang suot niya at maong pants. Nakaterno ito sa suot niyang itim na rubber shoes na lagi niyang ginagamit sa tuwing naiisipan niyang magpapawis at magjogging tuwing umaga. Nasukbit na rin ang bag sa kaniyang balikat at ito na naman ang kilig ko, walang pagsidlan! Napakagwapo naman kasi! Nakakainis! Kung wala lang asawa ’to baka kanina ko pa pinupog ng halik!

“Hindi ako nakakalimot! Ang sabi mo’y ihahatid mo ako kaya tara na sa labasan,” aniya.

Nauna siyang lumabas. Madilim na dahil alas n’webe na rin ng gabi.

Sabay naming nilakad ang daan patungo sa high way, sa sakayan. Habang naglalakad ay panay ang paalala niya sa akin na saglit lang siya ro’n at babalik din agad siya rito.

“Ime-message ko na lang si mang Jerry para humingi ng pasensiya. Gagawan naman siguro ng paraan ng OIC namin na ihanap ako ng karelyebo,” nahinto si kuya Damian at alanganing napatingin sa akin.

Kahit hindi niya sabihin ay alam kong matatagalan siya sa pag-uwi sa kanila kaya mas pinili ko na lang ang manahimik. Ngumiti lang ako para maitago ang lungkot na sumibol sa puso ko.

Ayos lang ’yan! Hindi naman sa ’yo ang lalaking ’yan kaya ’wag kang mag-inarte d’yan!

Tama! Walang karapatang mag-inarte kaya naman pinangatawan ko ang pakikipagplastikan sa tunay kong nararamdaman.

Kaya naman nang marating namin ang high way ay marahan mong sinuntok ang braso niya para iparating sa kaniyang ayos lang ako na maiwan dito sa apartment niya mag-isa. “Huwag kang mag-alala, kuya. Ako na ang bahala rito. Aalis kang maayos ang bahay, uuwi kang mas malinis pa kaysa noong umalis ka.”

Ngumiti siya, bagay na nakapagpawala ng lungkot na nararamdam ko. Konti.

Inakbayan ako ni kuya Damian. Dumapo na naman ang malalaki niyang braso sa balikat at leeg ko. Sige! Ihead lock mo lang ako! Gusto ko ’yan! Kaya ’yan, nagtatambling na naman ang puso ko sa kilig. Letse!

“Tatawag ako sa ’yo. Hindi ko ipaparamdam na malayo. Mag-update ka rin palagi sa akin, ha?” sabi niya.

Sus! Akala mo naman jowa niya ako!

Pumara siya at doon ko lang napansin ang air-conditioned na bus na paparating. Ilang sandali pa ay huminto ito sa harapan namin at saka bumukas ang automatic nitong pinto.

Nagawa pang guluhin ni kuya Damian ang buhok ko bago sumakay sa bus.

Tanaw pa namin ang isa’t-isa sa pamamagitan ng malinaw na salamin nito. Kumaway siya sa akin at saka pinakita ang call sign para maalala ko ang sinabi niyang tatawag niya ako. Malungkot man ay ngumiti ako nang malapad sa kaniya at saka tumango nang ilang ulit hanggang sa makalayo na ang bus na sinasakyan niya.

Bwisit na ’yon! Hindi ako na-informed na nadala niya pati ang puso ko! Paano na ako nito?

Dumapo ang kamay ko sa aking labi bagay na ipinagtataka ko ang ngiting nakaimprenta rito. Hindi ko alam pero magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko. Meron ding pangamba na kapag pinagpatuloy ko ang kung anong meron kami ay ako lang din ang mahihirapan at iiyak sa huli. Una pa lang, talo na ako, bakit kailangan ko pang ipagpatuloy?

May pag-asa ba akong manalo sa kaniya?

Kahit 0.1% lang papatusin ko ’yan at panghahawakan ko!

Ilalaban ko!

*

Thanks for reading! If you want a chapter to be dedicated by you, you can comment here. Thank you again for your support and happy holidays! Ingats! 😘

-Kuya Sen

Kabanata 17

A.N

Feel free to vote for this chapter. I am so thankful if you do so. Enjoy reading! :)

*

Lumipas ang mga araw na hindi nawawala ang pag-asa sa puso ko. Hindi ako pumapalya sa pag-update sa kaniya. Bawat oras yata o kaganapan sa buhay ko ay naipapadala ko sa pamamagitan ng text messages dahil wala namang messenger si kuya Damian. Pakiramdam ko nga ay mas nakakapag-update pa ako sa kaniya kaysa sa mama ko. Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses na nadurog ang puso ko dahil taliwas sa sinabi niya, sa dami ng mga mensaheng pinadala ko sa kaniya ay ni minsa’y hindi ako nakatanggap ng kahit na anong reply galing kay kuya Damian. Nakakalungkot lang pero kahit na gano’n ay hindi pa rin nawawala ang pag-asa sa puso ko na maiisipan niya ring mag-reply sa akin kahit isang letra lang.

Ilang araw na rin ang nagdaan na mag-isa ako sa bahay. Pinanatili ko ang linis ng buong apartment kahit na wala si kuya Damian. Ang hindi ko lang maiwasan ay ang magdagdag ng sinaing dahil baka sakaling dumating si kuya Damian. Mas mabuti nang maraming kanin para makakain siya dahil alam kong gutom ’yon galing sa mahabang byahe. Pero ni anino niya wala hanggang ngayon.

Oo nga pala. Tatlong araw na rin akong nagsisimula sa trabaho bilang part-timer and guess what? Natanggap ako sa Jollibee! Naging madali lang ang pag-aasikaso ko ng mga requirements kaya naipasa ko kaagad noong tinawagan nila ako para sa final interview kaya diretso na ako pasok noong sumunod na araw.

Masasabi ko namang kakayanin ko ang trabaho kahit na ang schedule ko sa pagpasok doon ay 7pm hanggang 12 midnight.

Napasapo ako sa noo nang maalala ang oras ng pasok ko sa fast food na ’yon. Hindi naman dahil sa nakakapagod o dahil sa inaabot na ako ng madaling araw sa Jollibee kundi dahil sa taong nakakasabay kong umuwi. Sobrang liit lang ng mundo para sa amin ni Hunter dahil nadatnan ko siya sa Jollibee bilang isang SC o iyong taong nakatoka sa loob ng office at nag-aasikaso ng mga nire-remit na mga pera ng cashier tuwing may nagka-cut off.

Ngayon ay mas nalinawan na ako sa mga huli niyang binitawang salita bago kami nagkahiwalay ulit.

May posibilidad kayang alam niyang nag-apply ako dito? Nakita niya ang resume ko? Sabagay! Matagal ng nagtatrabaho dito si Hunter.

Mabuti na lang talaga at may motor siya. Nadadaanan niya ang lugar namin na ito kaya kahit pagpasok ay sinusundo niya rin ako para raw makatipid. Praktikal lang din akong tao kaya sinusunod ko ang gusto niya. Win-win situation na sa akin ’yon dahil nakahanap ako ng service ng wala sa oras! Tapos libre pa!

Noong una ay hindi ko alam na may motor ang lalaking ’yon dahil noong sinamahan niya ako sa kulungan noong nabugbog si tatay ay wala naman siyang dala. Namasahe nga lang kami noon sa trike! Ang sabi niya’y nasa pagawaan daw ang motor niya noon kaya hindi niya dala. Hindi ko alam pero hindi mabenta sa akin ang sinabi niya na ’yon dahil mukhang bago pa ang motor niya at kakakuha lang sa bilihan. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan si Hunter! Hindi pa rin siya nagbabago. Napaka-unpredictable niya pa rin hanggang ngayon!

Sumulyap ako sa wall clock na nakasabit sa dingding. Ala sais na ng gabi at alas siyete ang pasok ko ngayon sa trabaho kaya kailangan ko nang mag-asikaso dahil mayamaya lang ay nandito na si Hunter para sunduin ako.

Yari naman na akong maglinis ng bahay kaya mabilis akong kumain. Mas makakatipid ako kung dito ako kakain dahil ilang oras lang din naman ang duty ko. Mas okay kung bubusugin ko na ang sarili ko ngayon dito para kapag binigyan nila ako ng break time ay ilalaan ko na lang sa pagrereview dahil sa long quiz namin sa isang major class nitong parating na biyernes.

Sana ay umuwi na si kuya Damian. Miss ko na siya!

Nailing na lang ako habang binabanlawan ang mga platong pinagkainan ko. Nakakainis lang dahil bigla-bigla na lang sumusulpot sa isipan ko si Kuya Damian. Pati sa isip ko ay distraction pa rin siya! Wala na nga ’yong tao pero ginugulo pa rin niya ako! Ito ba ang tinatawag nilang miss-syndrome?

Bago pa ako malunod sa iniisp ay maliksi akong kumilos para maligo at mag-ayos. Nayari ako ng siguro mahigit kumulang trenta minuto. Inaayos ko na lang ang buhok sa harapan ng salamin nang may marinig akong bumusina sa labas. Iyon na siguro ang sundo ko.

Bago lumabas ng bahay ay sumilip muna ako sa orasan. 6:36pm. Sakto lang ako.

Ni-lock ko na ang bahay at mabilis na naglakad patungo sa gate. Nadaanan ko pa si lola na nag-akalang kapatid ko si kuya Damian noon kaya binati ko muna siya.

“Gandang gabi, nay.”

Ngumiti lang siya sa akin kaya naman ngumiti lang din ako pabalik sa kaniya.

Nang makalabas sa gate ay bumungad agad sa akin si Hunter. Hawak niya na ang isang helmet na palagi niyang pinagagamit sa akin kaya naman nang makalapit ako ay agad niya rin itong isinuot sa akin na akala mo ay hindi ko alam kung paano ang tamang pagsuot noon.

Napatitig tuloy ako sa mukha niya habang inaayos ang helmet mo.

Siguro ay kung hindi niya ako iniwan noon sa ere ay baka hanggang ngayon ay siya pa rin ang kinahuhumalingan ko. Lalo na’t sobrang lapit namin sa isa’t-isa na walang araw na hindi kami magkasama. Hindi naman kasi sila lilipat ng lugar kung hindi dahil sa nangyaring insidente sa pagitan ng pamilya namin noon. Ang tatay niya naman kasi talaga ang nagkasala kaya kailangan nitong pagbayaran ang ginawang kasalanan.

Kung hindi siguro kami nagkahiwalay ni Hunter noon ay baka hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Kaso ayaw niya sa bakla na kagaya ko kaya may dahilan din siguro ang lahat. Sayang lang pero wala na, tapos na rin naman ang lahat. Wala nang saysay para balikan pa lahat ng mga nangyari noon. Ang mahalaga ay nagkausap na kami ngayon at okay na rin kaming dalawa. Nagkalinawan na sa mga dapat malaman at mga back stories na dapat noon pa lang ay nasiwalat na edi sana… Edi sana tama na ang puro pagbabaka sakali dahil nabi-bwisit na ako sa sarili ko sa mga naglalaro sa isipan ko ngayon.

Ilang beses akong napapikit nang mapagtanto kong tinitingnan na lang ako ni Hunter habang may malapad na ngiti sa manipis at mapula niyang labi.

Piniga niya ang ilong ko at saka natawa sa naging reaksiyon ko.

“Aray!” reklamo ko.

Parang si kuya Damian lang! Mahilig manggulo ng buhok ang isang ’yon, e!

“Ang cute mo kasi! Tara na nga at baka ma-late na tayo!” sabi sa akin ni Hunter at saka pinagpagan ang uupuan ko. “Hop in!”

Tumango ako at saka maingat na sumakay. Nakaayos na ako kaya sinabihan ko siyang, “Okay na.” Pero nakakapagtaka naman na hindi pa rin siya nagpapa-andar. May balak bang umalis ’to?

“Ihuhulog kita o yayakap ka na sa akin?” sabi niya at bahagyang lumingon para  ipakitang na binibigyan niya ako ng sapat na atensiyon.

Napangiwi ako. Taking advantage na naman! Palibhasa nagustuhan niya ang pagyakap ko sa kaniya noong muntik niya ng ibunggo ang motor niya sa warning signage na nadaanan namin malapit sa school.

Mahina kong sinuntok ang likod niya. Humawak na bewang niya para mahinto na pero ang lalaki, nag-inarte pa!

“Sige! Parehas na tayong magpa-late!” maktol niya.

Napairap ako sa ere at saka bumuntong-hininga. Kahit na ayaw ko ay binalot ko ang mga bisig sa katawan niya. Hindi ko man malinaw na nakita ay alam kong nakangiti siya. Ang sarap niya lang talaga batukan!

“Tara na!” untag ko sa kaniya kaya naman agad niya ring pinaharurot ang motor.

Bumaling ako sa direksiyon ng apartment para sana silipin ang bahay kung maayos ko itong naiwan nang makita ang mga kapit-bahay namin na nakatingin lahat sa akin lalo na si lola na mas pinaka-nakakausap ko sa kanilang lahat.

Kung pwede lang tanggalin ang pagkakayakap kay Hunter para maiwasan ang mga ideyang maaari nilang maisip, ay ginawa ko na kaso mas mahal ko naman ang sariling buhay kesa ang maging topic nila. Baka lang kasi ay ichismis nila ako kay kuya Damian!

Teka? Sino ba naman ako para mag-assume, ’di ba? Ano ba ako ni baby Damian? Wala! Kaya shut up na lang talaga ako. ’wag asumera!

*

04.02.2024

Thank you for reading! Your vote is highly appreciated! I am planning on creating a series and its more R-18 than this story. Baka i-post ko ang first installment ng series na gagawin ko kapag malapit na mayari ang Sekyu! I’ll post some updates soon! Again, thanks for reading!

-Kuya Sen

Kabanata 18

A.N

I want to thank you in advance for the time and support you are giving to this story. Thanks for the 1k votes and 25k reads! You don’t have any idea how it means a lot to me. Godbless and have a nice day! Enjoy reading!

P.s dont forget to vote this chapter! Thank you!

*

Tumatakbo ang oras at kagaya ng lagi kong ginagawa, linis dito, linis doon dahil naka-assigned ako sa dining area. Nakakapagod ang trabaho ko dahil laging lumalakad para maglinis sa mga kinainan ng costumers. Kami rin ang nagdadala ng take out orders ng mga tao sa drive thru tapos sa tuwing may kailangang i-assist ay kami rin ang tumutulong. Sa limang oras na kailangang kong magtrabaho rito tuwing week days, parang limang linggo na rin ang katumbas ng pagod sa katawan ko. Nakakaubos ng lakas! Pero kahit na gano’n ay hindi ko naman pinagsisisihan na magtrabaho rito dahil sa susunod na lunes, ilang araw mula ngayon ay makukuha ko na ang unang sahod ko. Pinakikinabangan ko rin naman ang pagpapakahirap dito. Tiyaga at sipag lang talaga ang puhunan.

Ang bilis lang din ng araw. Halos dalawang linggo na rin pala na hindi nagpaparamdam sa akin si kuya Damian. Kamusta na kaya siya?

Miss ko na siya…

Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko baka kung saan na naman umabot ang isip ko. Tapos na ang oras ng duty ko kaya makakauwi na rin sa wakas! Mabuti na lang at rest day bukas, sabado, kaya makakapaglaba ako ng mga marurumi kong damit.

Kalalagay ko lang ng Jollibee hat ko sa see through plastic na bag nang biglang sumulpot si Hunter sa gilid ko. Naalala ko na naman kanina ang pag-libre niya sa akin ng C1 dahil napansin niyang hindi ako kumakain. Alam niya namang busog ako pero nilibre pa rin ako ng loko! Palibhasa gusto niyang may kasabay kumain kaya ayos lang na gumastos siya saka ayaw niya raw ako nakikitang nagpapalipas ng gutom. Noong oras na ’yon ay nagulat talaga ako sa kaniya dahil hindi naman siya bumabanat ng gano’n sa akin. Kailan pa siya natuto um-entry ng gano’n, aber?

Kagaya ng lagi niyang ginagawa ay piniga niya ang ilong ko. Marahan kong tinabig ang kamay niya dahil hindi ako nakahinga nang maayos sa ginawa niyang ’yon.

“Bwisit ka talaga!” pabiro kong bulyaw sa kaniya.

“Sus! Kinikilig ka nga kanina dahil sabay tayong kumain! Tapos ngayon yayakap ka ulit sa akin dahil uuwi na tayo! Alive na alive ka pa kasi makakasama mo na naman ako bago ka matulog. Hindi ba sulit ang araw mo ngayon? Nandito kasi ako!” patutsada niya pa sabay kindat. Halos masamid ako sa kaniya. Ka-feeling naman ng isang ’to! Kung makapagsalita siya ay parang kami lang dalawa ang nasa crew room. Wala yatang kahihiyan! Ang dami kayang nakakarinig!

“Nagkaka-develop-an na yata kayong dalawa diyan!” pang-aasar sa amin ng isa naming Team Leader.

“Yuck!” sabi ko na lang sabay aktong nasusuka.

“Bilisan mo na riyan para makauwi na tayo! Hindi ka ba inaantok? Dami mo kasing eme, e!” sabi ko kay Hunter saka nag-zipper ng jacket. Itong jacket ko na ito ay pinahiram lang din ni Hunter. Nakalimutan ko kasi magsuot ng jacket. Bawal pa naman na walang pantago sa uniform namin dahil hindi pwedeng magpalakad saan-saan nang nakabalandra ang uniform namin. Nakasulat kasi ’yon sa restaurant rules. Empleyado kami kaya kailangang sumunod.

“Bagay sayo ’yang suot mo, ah! Kanino nga ulit galing ’yan?” tud’yo niya sa akin. Siniko pa ako ng loko pagtakapos niyang masuot ang sweater niyang kulay asul.

Inirapan ko lang siya. Nagtungo na ako sa time in and out at saka nagpunch ng time card.

“Hintayin na kita sa labas.” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Hunter. Nauna na akong naglakad sa kaniya sa labas. Wala nang masiyadong costumer dahil pasado alas dose na ng madaling araw. Napahikab tuloy ako habang binabaybay ang daan pabalas ng restaurant. Nagpaalam pa ako sa mga nadaanan kong katrabaho. Ang ilan sa kanila ay ka-close ko na’t kasama na rin sa mga kalokohan.

Oo. Itong lugar na ito ay sobrang nakakapagod para sa aming mga empleyado. Kilala ang Jollibee upang magbigay ng saya lalo na sa mga kabataan at marami ang may hindi alam na bawat empleyado rito ay may kaniya-kaniya ring pinagdadaanan. Magaling lang talaga magsuot ng maskara ang iba kaga hindi nila nahahalata ang mga pagod at lumbay namin. Kaya saludo ako sa mga nagtatrabaho sa ganitong fast food. Proud din ako sa sarili ko dahil nakakayanan ko.

Nang makita ang motor ni Hunter ay agad ko itong nilapitan. Maayos naman ang pagkaka-stand nito kaya naisipan ko munang maupo sa upuan dahil alam kong makikipag-chika-han pa ang lalaking ’yon sa crew room bago lumabas dito.

Ilang segundo lang din ang lumipas nang maalala kong meron nga pala akong sallary deduct na peach mango pie at burger. Less vat kasi kaya mas mura. Pinoy ako kaya go ako kasi nga mas mura pero nang akmang tatayo na ako ay may bigla na lang kumalabit sa akin sa likuran. Pagharap ay bumungad sa akin ang isang matandang babae. Magulo ang kaniyang buhok at butas-butas din ang suot na damit. Marungis at mukhang mabaho, in short, pulubi.

Nilahad niya ang kaniyang kamay na para bang nanghihingi.

“Meron ka bang piso riyan, hijo? Bibili lang ako ng pagkain at inumin. Nagugutom na kasi ako,” malungkot niyang sabi sa akin.

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya kaya dinukot ko agad ang wallet ko. Meron pa naman akong kaunting pera at kakasiya pa ito dahil lagi naman akong service ni Hunter kaya naman binunot ko ang isang daan sa loob at iniabot sa kaniya.

“Kuhanin niyo na po ito para may maipambili kayo. Pasensiya na po kayo at iyan lang din ang nakayanan ko, sa lunes pa po kasi ang sahod ko saka lola, meron po akong SD na mango pie at burger, hintayin niyo po ako at kukuhanin ko lang sa loob para iyon na lang ang kainin niyo ngayon,” nahinto ako sa aktong pag-alis nang pigilan niya ako. Hindi niya kinuha ang pera sa aking kamay dahil mas pinili niyang higitin ang kamay ko’t tingnan ang aking palad. Nahulog ang pera na hawak ko pero napako ang tingin ko sa kaniya na sinisiyasat ang mga guhit sa palad ko.

“Ang dami mo na palang pinag-daanan,” sabi niya, nakatitig pa rin sa palad ko.

Hindi ako sumagot.

“Marami ka na ring sugat na tinamo. Hindi lang sa pisikal kundi pati sa emosiyonal. Nakakatuwa lang dahil nakakita ka ng lakas mula sa ibang tao,”

Noong oras na iyon, agad kong binawi ang palad ko dahil parang may dumaloy na kilabot sa mga balat ko. Ang laki nang pagtataka kong paano niya nalaman ang mga pinagdaanan ko pati na rin ang tao na siyang umaalalay sa akin ngayong wala akong malalapitan, si kuya Damian.

Saglit na nagtagpo ang mga mata naming dalawa at mabilis na sumibol ang tipid na ngiti sa labi niya.

“May pumasok ngayon sa buhay mo na dati nang parte nito. Hindi pa tapos ang paghihirap mo hijo dahil kailangan mong gumawa ng matalinong desisyon kung ayaw mong mawalanlahat sa ’yo. Sabagay, may aalis at may aalis pa rin naman kahit na anong gawin mo. Pero ito ang tatandaan mo, hindi mo kasalanan lahat.”

Iyon ang huli niyang binitawang salita bago ako gulatin ni Hunter.

“Itong mukhang ’to? Kabayo? Wow! Ang gwapo naman pala ng kabayong ’yan!” mayabang na sabi ni Hunter kaya napangiwi ako. “Saka sino bang kausap mo riyan?”

Mas lalong nabuhay ang kaba sa puso ko’t tumindin ang kilabot nang makitang wala na ang matandang kausap kanina. Nandoon pa rin sa sahig ang isang daan na nahulog kanina. Tila ba nabato ako sa kinatatayuan dahil sa naranasan. Si Hunter na nga ang pumulot ng pera sa sahig dahil napansin niya sigurong hawak ko ang wallet ko. Siya na rin ang naglagay nito sa palad ko’t nagsara nito sabay taas ng hawak. Itinutok niya pa talaga sa mukha ko.

“Nakalimutan mo itong SD mo! Peach mango pie at dalawang burger—hoy! Umayos ka nga! Putlang-putla ka! Nakakita ka ba ng multo?” nakangiwi niyang sabi sa akin.

Hindi ko nagawang sumagot. Saglit na oras pa akong natulala, umaasang makikita si lola na nakausap ko kanina bago ako nagkalakas na kuhanin sa kaniya ang hawak na plastic.

“Uwi na tayo,” ang tangi kong nasabi sa kaniya saka ako na mismo ang naunang sumakay sa motor niya, sa backride.

Napailing siya at mabilis ding sumakay sa motor. Pinaandar niya ito at maya-maya pa’y hinarurot. Ni hindi ko na nagawang lumingon sa likod dahil hanggang ngayon ay nangingilabot pa rin ang buo kong katawan dahil sa nangyari.

Nakakita ba ako ng multo?! O magician ba ’yon? Aswang? Mambabarang? Jusko! Nakakatakot naman!

Sa isang parte ng utak ko, merong boses na nagpapaalala ng mga narinig ko mula sa matanda. Isang linya doon ang hinding-hindi ko malilimutan at hinding-hindi ko rin magawang maintindihan.

“ito ang tatandaan mo, hindi mo kasalanan lahat.”

*

04.05.24

A.N

Thank you for reading! Please do vote and comment. Kamusta kayo? Pasensiya na sa matagal na update dahil busy sa schoolworks. But since April 5-12 ay asychronus class kami, baka makapag-update ako nang mas marami. Bawi ako sa inyo hehe.

Thanks for reading! What can you say about this chapter? Share it in the comment section. Nababasa ko po lahat ng komento niyo at sobrang saya kong basahin lahat ng mga ’yon. :)

See you in the next chapter! Bye~

-Kuya Sen

19: Kaulayaw

A.N

Enjoy reading! Don’t forget to vote! Thankies

-KuyaSen

*

Taliwas sa sinabi ko kay Hunter na iuwi ako sa apartment namin ni kuya Damian, inihinto niya ang motor sa nadaanan naming 7/11.

Bumaba ako sa back ride at siya na rin mismo ang nagtanggal ng helmet sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang tumitig sa seryoso niyang mukha habang marahang inaalis ang nakalagay sa ulo ko.

Kahit kailan talaga ay napaka-umpredictable ni Hunter. Minsan ay hindi ko talaga maintindihan kung ano ang mga balak niya’t mga nakahandang gawin. Pabigla-bigla kasi ang desisiyon niya. The usual him.

Kaya nga gano’n na lang noong iniwan niya ako sa ere.

Nang maiayos ang lahat ng helmet sa motor niya’y hinarap niya ako. Itinuro niya ang hawak kong plastic bag kung saan naroon ang sallary deduct kong pagkain sa Jollibee.

“Ikaw, ah! Nag-abala ka pa! Ililibre mo rin pala ako! In-SD mo pa!” kantiyaw niya sa akin na naging dahilan nang pagtawa ko.

“Ang feeling mo naman,” sabi ko na lang sa kaniya. Nagawa niya pang pigain ang ilong ko at pagkaraa’y akbayan para sabay kaming maglakad papunta sa store.

Kahit papaano’y napagaan ni Hunter ang nararamdaman ko. Hindi ko pa rin kasi talaga magawang kalimutan iyong matanda kanina lalo na iyong mga sinabi niya sa akin. Parang palaisipan ang mga binitawan niyang mga salita kahit na ang iba ro’n ay may mga sagot na. Sadiyang in-denial lang ako’t ayaw kong isipin na iyon talaga ang punto ng mga sinabi niya.

Hinatid ako ni Hunter sa isang bakanteng table sa labas ng 7/11. Well, lahat naman ay bakante dahil wala naman nang mga nakatambay pa sa ganitong oras. Miski sa loob ay wala na ring mga costumer dahil nga madaling araw na rin.

“Can of beer?” tanong sa akin ni Hunter nang makaupo ako sa upuan kaharap niya.

Napaisip pa ako noong una dahil dapat ay nagpapahinga na kami ngayon pero dahil madalang lang naman ito at restday naman bukas, sakto dahil wala ring pasok sa eskwela kaya naman ay sumang-ayon na rin ako.

“Tig-isa lang tayo,ah! Mag da-drive ka pa!” paalala ko sa kaniya. Sumaludo pa ang loko saka naglakad papasok sa store para bumili ng sinabi niya. Pinanood ko siya noong una. Pagkakuha ng dalawang lata ng alak ay kumuha rin siya ng isang malaking pack ng chitchirya. Nasa counter na siya nang maisipan kong ayusin ang SD na burger sa Jollibee. Mas okay kung may laman ang tiyan namin bago lagyan ng alak.

Binuksan ko ang plastic saka kinuha ang isang burger at iniligay sa kaharap kong parte ng lamesa, kung saan uupo si Hunter mamaya. Iisa lang ang peach mango pie kaya binuksan ko ito’t hinati sa gitna. Itinabi ko ang kalahating pinutol ko kasama ang lalagyan kung saan ko inilagay ang burger kanina.

Saktong dumating si Hunter kaya kinain ko na ang kalahati ng peach mango pie na hinati ko kanina.

“Kumain ka muna. Mas maganda kung busog tayo bago uminom ng alak,” sabi ko sa kaniya sabay turo sa mga pagkain na nilagay sa kape-pwestuhan niya.

Naupo siya’t nakangiting inilabas ang beer. Binuksan niya ang isang lata nito at iniabot sa akin. Tinanggap ko naman ’yon sa kaniya at nagpasalamat. Siya na rin ang nagbukas ng oversized Piattos at inilagay sa lamesa, sa pagitan naming dalawa.

Binuksan niya na rin ang sariling beer at kagaya ng inaasahan ko, inilapag niya ’yon sa tabi at saka nilantakan ang binigay kong pagkain sa kaniya.

“Thank you rito,” nakangiti niyang saad sabay turo sa binigay kong burger at hati ng peach mango pie.

“Tatlo dapat ’yang SD kong peach mango pie pero ewan ko doon sa PC nating may toyo, isa lang ang itinira sa akin. Alam niya namang paborito ko ’yan kaya iyan madalas kong SD-” nahinto ako sa pagpapaliwanag nang itapat niya sa labi ko ang hawak na peach mango pie. Kinagatan niya na iyon at kasalukuyang kinakain kanina nang huminto siya’t itapat sa akin ang kinakain. Umiwas naman ako dahil para sa kaniya talaga ’yon, e.

“Hinati ko nga ’yan para sa atin tapos ibibigay mo pa sa akin! Sige na, ubusin mo na. Nakain ko na ang parte ko,” sambit ko sa kaniya at pilit na inilalayo ang kamay niyang nakaduldol sa akin.

“Ang selan naman porque kinagatan ko na,” nakanguso niyang sambit kaya naman nahinto ako. Dapat kasi hindi ko na ni-share sa kaniya na mahilig ako sa peach mango pie, e! ’yan tuloy! Nag-inarte pa!

Inirapan ko siya at saka napabuntong-hininga. Lukot na lukot ang mukha niya na oara bang napakalaking kasalanan nang ginawa ko.

“Selan,” bulong niya pa.

Isang malalim na buntong-hininha ang muli kong ginawa saka iniabot ang mismong kamay niya. Ako na ang nagsubo sa bibig ko ng hawak niya at pagkaraan noo’y halos magtatalon siya sa tuwa. Ang laki pa nang ngiti ng loko!

“Akala ko mahina na ako sa ’yo, e!” kantiyaw niya sa akin.

Nginuya ko muna nang maayos ang kinakain saka nilunok ito. Tiningnan ko siya nang seryoso at saka pabirong umirap. “Ano bang akala mo? Malakas ka na sa akin? Pinagbigyan lang kita kasi mukha kang basang aso diyan!” pang-aasar ko pa.

Bumusangot na naman siya kaya mas lalo akong natawa. See? Nasa akin pa rin ang huling halakhak!

Nasa kalagitnaan ako ng saya ko nang magsalita siya, bagay na nakapagpahinto sa akin.

“Thank you, fer. Pakiramdam ko bumalik ulit iyong masayang tayo. Na-miss ko ito, sobra.”

Makalipas ang mahigit isang taon, narinig ko rin ang palayaw na siya mismo ang nagpangalan sa akin. Oo, marami sa mga nakakakilala sa akin ay tinatawag akong fer pero dahil si Hunter ang una kong nakasama bilang kababata ko, iba pa rin na siya ang unang tumawag sa akin noon.

Napangiti ako.

Hindi na kagaya dati na sobra ang kilig ko sa tuwing tinatawag niya ako sa gano’ng panagalan. Miski ang saya ko sa tuwing magkasama kaming dalawa habang gumagawa ng mga ala-alang paulit-ulit kong babalikan. Ala-alang alam kong magiging sanhi ng saya sa puso ko.

Wala na. Nakalipas na ang nararamdaman ko kay Hunter. Kagaya nang pag-iwan niya sa akin, naglaho na rin nang lubusan ang nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya.

I can finally say that I already got over him.

Nilaan namin ang oras sa saya. Nagpalitan kami ng iba’t-ibang kwento sa isa’t-isa na halos kulangin ang oras namin para masabi lahat ng mga kaganapan sa buhay namin noong nagkahiwalay kami ng landas. Nalaman kong huminto siya sa pag-aaral sa kolehiyo para magtrabaho dahil bilang panganay na anak, kailangan niyang kumayod para sa pamilya nila lalo na’t nasa kulungan ngayon ang tatay niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin si tatay. Kamusta na kaya siya? Alam kong nakalabas na si tatay sa kulungan dahil matagal nang tapos ang isang linggo na parusa sa kaniya. Hindi lang talaga ako handa pang harapin siya.

Napahawak ako sa peklat na nasa pisngi ko. Sa tuwing humaharap ako sa salamin ay naaalala ko iyong panahon na halos hindi ko na makilala si tatay. Kung hindi siguro dumating si kuya Damian noon ay matagal na akong patay. Utang na loob ko talaga sa kaniya ang pangalawang buhay kong ito.

“Hindi ka nakikinig sa akin! Ayaw ko na nga! Umuwi na tayo!” Tumayo pa si Hunter kaya pinigilan ko siya pero halos matumba ako dahil sa biglang pagtayo. Mukhang talab na ang alak sa akin dahil naubos ko ang laman ng canned beer.

“Sorry na! Ano nga ulit iyong sinasabi mo?” Bakit ba kasi lumulutang na naman ang isip ko? Nami-miss ko lang din kasi si kuya Damian. Sana talaga ay umuwi na siya!

“Ang sabi ko ay baka magician iyong matanda kasi biglang nawala! Hayaan mo lang ’yon! Modus niya lang ’yon sa pagpo-promote ng business niyang the magic magician! H’wag mo siyang kukuhanin kapag may birthday sa inyo!”

Siraulo.

Nakwento ko sa kaniya iyong nangyari sa akin kanina dahil kinulit niya ako nang kinulit. Ngayong nasabi ko na, napaka-ganda naman ng sagot na nakuha ko mula sa kaniya.

“Obvious namang ako ang tinutukoy niya sa dating parte ng buhay mo na muling nagbabalik. Pogi ko kasi, e!” Kumindat pa sa akin ang loko.

Tumayo siya at saka itinukod ang dalawang braso sa lamesa. Yumuko siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

“Nakahanap ka man ng taong masasandalan sa katauhan ni Damian, alam kong mas the best pa rin ako sa kupal na ’yon kaya tara na, umuwi na tayo bago ko pa mabugbog ang siraulo ’yon dahil inagawa-” nahinto siya dahil tila ba nawalan siya ng kontrol sa sinasabi. Miski ako ay nagulat din sa mga sinasabi niya.

Ilang segundo siyang nawala at pagkaraa’y ngumiti nang nakakaloko. Nagawa niya pang pigain ang ilong ko.

“Umuwi na tayo,” sabi niya at saka siya na ang naunang magpunta sa naka-paradang motor.

Alam kong hindi pa lasing si Hunter at alam ko ring medyo hilo na siya dahil kagaya ko, meron na ring talab ang alak sa sistema niya. Kaya niya pang magmaneho at makakauwi kaming dalawa ng safe sa kaniya-kaniya naming bahay.

Isinuot niya muna ang helmet niya at saka humarap sa akin para isuot naman ang sa akin. Kinuha ko ang pagkakataon na ’yon para magtanong sa kaniya.

“Hindi mo pa naman nakikilala sa personal si kuya Damian pero kung makapagsalita ka, parang matagal mo na siyang kilala.”

Nahinto siya at saka napatingin sa akin. Napalunok naman ako ng laway dahil sa sobrang seryoso ng mukha niya.

“Ngayong nagkita ulit tayong dalawa, mas gugustuhin kong alamin kung sino ang mga taong nakapaligid sa ’yo, Fer. Gusto kong siguraduhing maayos ka, na may matutuluyan ka. Malayo sa gulo at kapahamakan kaya hanggat maaari, gagawa ako nang paraan para alamin ang mga bagay na kailangan kong alamin, para sa ’yo.”

Hindi ko maiwasang mapaisip dahil tila ba may ibang mensahe sa likod ng mga salitang binitawan niya. Mas lalo pa akong naguluhan nang magsalita siyang muli, bagay na sobrang nakapagpakunot ng noo ko.

“Hindi ako bumalik sa buhay mo Keifer para sa wala lang. I’m here to get what really belongs to me.”

Teka? Tama ba ako ng rinig o lasing lang talaga ako?

*

A.N

04-09-2024

Pwede ‘yon? Makikigulo lang si Hunter sa buhay ni Keifer? Magulo na nga mas lalo niya pang pinagulo 🥲 kinda feel bad for my lil’ bean Keifer. Sana bumalik na talaga si Damian pero mukhang malaking gulo kapag bumalik ’yon lalo na’t nandiyan na si Hunter. 🤷🏻

See you in the next chapter!

Your vote is highly appreciated! Thank you 💞

P.s Kaulayaw means old friend

-KuyaSen

20: Unwell

Naging tahimik ang b’yahe namin ni Hunter. Ni hindi ko na rin magawang magsalita dahil tila ba nawalan ako ng ideyang magbahagi ng kung ano ang nasa isipan ko ngayon. Napakaraming gumugulo sa loob ng utak ko pero mas pinili ko na lang na tikom ang bibig dahil hindi ko rin naman alam kung paano sasabihin ang mga agam-agam ko mula sa sinabi kanina sa akin ni Hunter.

Gusto ko lang naman mag-trabaho para masustentuhan ang pag-aaral ko’t para makapagbigay kay kuya Damian pero bakit parang mas pinaliit ni Lord ang mundo ko? Bakit ba kasi sumulpot pa si Hunter sa buhay ko ngayon tapos kung ano-ano pa itong mga sinasabi niya. Akala ko ba ayaw niya sa bakla? Kaya nga iniwan niya ako no’n, ’di ba? Kasi ayaw niyang makant’yawan ng mga kaibigan niya o mapag-tripan dahil sa akin. Ang gulo-gulo niya naman! Pagkatapos niya akong iwanan sa ere noon, hindi lang ’yon dahil dinurog niya pa ’yong puso ko’t pag-asa na kagaya ko, meron din siyang pagtingin sa akin. Mag-isa kong pinulit ang pira-pirasong parte ng puso ko na iniwan niya’t tinapak-tapakan tapos ano ngayon? Babalik siya para manggulo?

Naramdaman kong bahagyang nawala sa balanse sa pagmamaneho si Hunter kaya naman napahawak ako sa likurang bahagi ng motor niya. Hindi pa nakakatuwa ang pagsabay ng hilo ko dahil sa ininom na alak.

“Yumakap ka nga sa akin! Baka mahulog ka diyan!” Ramdam ko ang otoridad sa boses niya pero hindi ko sinunod ang sinabi niya. Ano siya? Sinuswerte? Nagte-take advantage na naman siya sa sitwasiyon! Sinasamantala niya na naman ang kahinaan ko tapos ano? Papasok na naman siya sa buhay ko para manggulo?

Teka nga? Pinapahawak kalang niya sa kaniya tapos napunta na agad sa ganiyang usapin? Assumero lang?

“Okay lang ako,” sabi ko na lang sa kaniya at mas hinigpitan ang paghahawak sa bakal na pinagkakapitan ko sa likod.

Naramdaman kong bumuntong-hininga siya at pagkaraa’y nagsalita. “Sorry kung nabigla kita.”

Hindi ako sumagot dahil kapag may sinabi ako, baka kung saan lang mapunta ang usap naming ito.

“Nakakahiya man ito pero nandito naman na ako sa sitwasiyong ’to, bawal nang mag-back out dahil nasabi ko na sa ’yo. Well, in indirect way pero alam kong naiintidihan mo naman ang pagtatapat ko sa ’yo, Fer,” mahaba niyang paliwanag sa akin.

Pinigilan ko ang sarili na magsalita. Ayaw kong tumugon sa kung ano man ang gusto niyang sabihin pa sa akin. Ayaw ko magpakawala ng kahit na anong komento dahil baka mas mauna na naman ang emosiyon ko kesa sa kung ano ang dapat na mas iproseso ng isip.

“Sa loob ng mahigit isang taon, lagi kitang iniisip. Gumawa pa ako ng dummy account para lang araw-araw kong ma-like ang mga post mo.” Tumawa pa siya na parang nahihiya. Kung nakaharap siguro siya sa akin ay baka namumula na ang mukha niya. Iniisip ko pa lang ang itsura niya ngayon na kasing pula nh kamatis ay hindi ko na mapigilan pa ang sarili na mapangiti. Mukhang napaka-cute niya lang kasi.

“Ikaw pala iyong Henry Natividad na laging nauunang mag-like ng mga ka-ek ekan post ko sa facebook?” tanong ko sa kaniya nang maalala ang pangalan na laging nauuna sa notification bell ko.

Kaya pala.

Napansin kong tumango-tango siya.

Nakakatuwa lang na kahit malamig ang simoy ng hangin ay hindi ko maramdaman ang lamig nito sa balat ko. Miski ang ingay nito sa bilis ng byahe namin ay hindi naging hadlang para hindi ko maintindihan anh mga sinasabi sa akin ni Hunter. Parang wala lang. Parang nasa normal na lugar lang kami na nag-uusap. Walang kahit na anong balikid para hindi magka-intindihan.

“Pwede ba akong magtanong?”

Kumunot ang noo ko, “Nagtatanong ka na.”

“Aba? Sungit, ah?” sabi niya sabay tawa. Sira na yata ang tuktok ng isang ’to?

“Ang tanong ko lang naman ay kung ayos lang na manligaw ako sa ’yo, Fer. Sshh. I am not forcing you to answer me. Well, hindi naman siguro appropiate na sabihing tanong iyan dahil mas bagay ang statement. Ayos lang na manliligaw ako sa ’yo dahil wala ka nang magagawa pa.” Inihinto niya bigla ang motor. Nagulat pa ako nang mapansing nasa harapan na pala kami ng apartment. Sa sobrang abala sa pakikinig sa mga sinasabi niya ay hindi ko na namalayan pang nandito na kami. Bukas ang ilaw ng apartment dahil bukas ko itong iniwan kanina kaya sa hanay ng mga kwarto, sa amin lang ang nakabuhay ang ilaw.

Bumaba na ako sa motor niya. Aalisin ko na sana ang helmet nang siya na mismo ang umabot nito sa akin dahilan para mas mapalapit ako sa kaniya. Marahan niyang tinanggal ang buckle ng helmet ko pero bago niya ito hubarin sa akin ay tinitigan niya ako nang taimtim sa mga mata. Naramdaman ko ang sinseridad sa dalawang pares ng mga mata na nakatitig sa akin. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong pagkailang sa pagkakatitig niya. Taliwas anh nararamdaman ko ngayon sa kung ano ang nararamdaman ko noong humaling na humaling pa ako sa kaniya.

“Sayang lang kasi kung hindi ako nagpatalo sa pagkaduwag ko noon, baka mas masaya tayong dalawa ngayon, ano? Baka mas lalong matatag ang relasiyon natin hindi bilang isang magkaibigan lang kundi bilang isang magkarelasiyon. Kung naging matapang lang siguro ako at hindi ko inisip ang mga sasabihin ng iba, siguro ilang buwan na nating pinagdiriwang ang monthsary natin dalawa kaso wala, e. Naging mahina ako kaya nandito ako ngayon para patunayan sa ’yo na mahal kita, Keifer. Gustong-gusto kita, at sana hayaan mong patunayan kong muli ang sarili ko.”

Bawat salita ay parang karayom na sumapol sa puso ko. Ramdam ko ang panghihinayang sa tono ng boses niya. Kita ko ang sobrang lungkot sa kaniyang mata at alam kong totoo ang lahat ng sinabi niya sa akin. Sayang lang. Hindi lang panahon ang nasayang kundi pati ang pagmamahal na nilaan ko sa mas batang bersiyon ni Hunter.

Piniga niya ang ilong ko at saka ako hinalikan sa pisngi bagay na nakapagpahinto sa akin sa kinatatayuan.

“Gagawin ko ang lahat para ibalik ang dating nararamdaman mo sa akin. Gagawin ko ang lahat para mapasa’kin ka,” nakangiti niyang sabi sa akin. “Goodnight,” dagdag niya pa.

Tuluyan niya nang tinanggal ang helmet sa ulo ko. Sinabit niya ito sa kaliwang braso at saka binuhay ang makina ng motor niya. Humarap pa siya sa akin at saka kumindat bago nagmaneho palayo. Tinanaw ko pa siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Ni hindi magawang maproseso ng isip ko kung ano ba ang mga nangyari. Parang ayaw tanggapin ng utak ko lahat ng mga sinabi ni Hunter. Hindi lang ako makapaniwala sa lahat ng mga pinagtapat niya. Parang nananaginip lang ako. Parang may parte sa utak ko ay nagdidiktang hindi ’to totoo o ayaw ko lang talaga tanggapin na ito talaga ang mga narinig ko mula sa kaniya.

Gusto ako ni Hunter?

Bakit ngayon pa na alam kong wala na siyang puwang sa puso ko dahil kahit anong gawin ko, iisa lang ang taong tinitibok nito?

Napabuntong-hininga ako at saka humarap sa likuran para buksan ang gate pero nang mapansin ang taong nakatayo sa kabilang parte ng bakod ay nahinto ako.

“Kuya Damian?” Agad na sumibol ang ngiti sa labi ko. Nag-madali ako sa pagbukas ng gate at wala ano-anong niyakap siya. Sobra ko siyang na-miss!

“Buti umuwi ka na!” sabi ko pa sa kaniya pero parang nilamukos ang puso ko nang humiwalay siya sa pagakakayap ko’t bahagya akong itinulak palayo sa kaniya.

“Uuwi ka ng amoy alak tapos sakay ng hindi ko kilalang lalaki? Sa tingin mo matutuwa ako sa nakita’t narinig ko, Keifer?” iiling-iling niyang komento sa akin. Parang baso na nabasag ang puso ko sa lungkot. Iyong tono ng boses niya at paraan nang pagsasalita ay tila ba napakalaki ng kasalanang nagawa ko. Parang nalumukos ang dibdib ko na halos hindi ko na magawa pang huminga nang tama. In split of seconds, nakalimutan ko kung paano ang huminga.

“Matulog ka na, Keifer,” seryoso niyang saad at saka tumalikod sa akin, iniwan akong nakapako sa kinatatayuan.

Nagulat ako nang may pumatak mula sa mga mata ko.

Luha?

Bakit ako umiiyak, e hindi naman ako na-miss ng taong sobra kong inaasaham na makasama simula noong umuwi siya sa probinsiya? Hindi ba siya masaya na makita ako?

Ang sakit pala umasa tapos ipapamukha lang sa akin na parang wala lang ako sa kaniya.

Nandito na siya! Dapat ay matuwa ako kaya tama na ang drama! Maglakad ka na at sumunod ka na sa kaniya! Na-shock lanh iyon dahil nakita niyang hinalikan ka ni Hunter sa pisngi kanina! Tama! Oo! Iyon nga iyon!

Dala ang munting pag-asa sa puso ko ay sumunod ako sa kaniya. Nasa pinto pa lang ako nang makita ko ang ilang mga bag sa salas. Meron pang laruang kotse ng bata at dahil doon ay napagtanto kong hindi kami ang laman nitong apartment niya.

“Huwag kang maingay. Kakatulog lang ulit ni Dama,” napalingon ako sa pathway papunta sa kwarto sa pagitan ng lababo at CR. Doon ay nakita ko si Kuya Damian at merong babae na nakatayo sa tabi niya, karga-karga ang isang bata na sa tingin ko ay edad tatlo o apat, hindi ako sigurado.

Napatingin si kuya Damian sa babaeng katabi niya at saka ibinalik sa akin ang tingin niya.

“Mahal, si Keifer nga pala, kasama ko sa apartment. Keifer, asawa ko, si Shina.” Pakilala niya sa aming dalawa.

Ngumiti ako kahit na sa loob-loob ko ay para akong binubugbog. Ang cold pa rin sa akin ni kuya Damian. Parang hindi siya masaya na makita ako ngayon.

“Ayusin mo na lang iyang tutulugan mo diyan sa labas. Nandiyan naman na ang mga sapin na nilabas ko kanina. Matulog na tayo,” sabi ni kuya Damian sa akin at saka pinapasok ang asawa niya sa loob ng kwarto.

Tumango-tango ako, pilit na pinipigilan ang sarili na maluha ulit.

Tinitigan pa ako saglit ni kuya Damian. Sobrang seryoso ng mukha niya. Hindi ko alam pero parang ibang tao ang kaharap ko ngayon dahil parang hindi siya ang Damian na kilala ko.

Umiwas siya nang tingin sa akin, sinarado ang pinto ng kwarto at dahil do’n ay tuluyan nang bumagsak ang puso ko. Basag-basag. Pira-piraso.

Bakit hindi ako na-informed na mapanakit pala ang araw na ito sa akin? Akala ko hindi na ako iiyak ulit pero bakit pumapatak ang mga luhang ’to sa iisang tao kung bakit rin ako nakakaramdam ng lubos na pagmamahal at kalinga?

Wala na ba talaga ako karapatang sumaya?

*

A.N

04-12-24

Sorry for making you cry Keifer! Parte talaga ng pag-ibig ang pagluha 😭 patawarin mo ako 😓

Anyway, your votes and comments are highly appreciated! Thanks for reading ☺️💞

-Kuya Sen

21: Excluded

A.N~

Parte po talaga ng magmahal ang masaktan.

-KuyaSen

*

Hindi ako nakatulog. Ni isang minuto hindi ako dinalaw ng antok. Malambot naman ang hinihigaan ko dahil kahit hindi naging maganda ang salubong sa akin ni kuya Damian ay sa tingin ko’y sinigurado niya pa ring maayos ang tutulugan ko. Hindi naman mainit o malamok kahit walang electric fan dahil iisa lang ang fan namin sa kwarto at maliit pa. Sa kanila ’yon, gamit nila. Wala naman talagang dahilan sa lugar para hindi ako makatulog, sadiyang lunod lang ang isip ko sa mga ideyang hindi naman dapat pinaka-iisip. Iyong hilo ko kagabi ay sumama na lang sa mga luha ko. Ang nakakainis pa ro’n ay kahit anong gawin ko, hindi ko magawang pahintuin ang luha ko sa pag-agos. Kahit hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang mga mata ko at oras na makaramdam ako ng hindi ayos o makarinig ng alam kong makakasakit sa akin mula kay kuya Damian, baka maiyak na naman ako.

Bakit ba kasi nakaka-miss ang isang ’yon? Umasa pa akong na-miss niya rin ako, ’yan tuloy, mas triple ang sakit.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras kahit na madaling araw pa lang ay bumangon na ako. Wala pa nga ang araw ay nag-pasiya na ako maglinis ng apartment. Wala na rin namang mangyayari kung hihiga ako at tititig sa kisame. Mababaliw lanh ako sa katahimikan at sa mga tanong na pilit nagsusumiksik sa isipan ko.

Maingat akong gumalaw sa bahay. Ginawa ko ang best ko para hindi sila magising dahil nakakahiya naman kung maaabala ko sila sa ingay ko. Sinigurado kong hindi makagawa ng kahit na anong kaluskos. Nang masiguradong malinis na sa loob ay nagpasiya naman akong mag-asikaso ng pagkain. Magsasaing sana ako nang maalala kong nasa loob ng kwarto ang bigas. Life saviour naman nang makita kong may kanin pa sa loob ng rice cooker. Ipa-fried rice ko na lang ito para mas maging masarap. Meron pa rin namang limang itlog sa tray. Kakasiya naman siguro ito sa amin kung gagawin kong simpleng omelet. Kumpleto naman ang rekados kaya sinimulan ko nang hiwain ang sibiyas, bawang at saka tatlong kamatis. Nilagyan ko rin ng cheese para kahit papaano ay magkaroon ng dagdag panlasa.

Hindi ko kontrol ang ingay ng pinipritong itlog kaya kahit anong gawin kong ingat ay may nagagawa talagang ingay ito.

Muntikan pa nga akong mapabalikwas nang bumukas ang pinto ng kwarto at nang humarap ako ay bumungad sa akin si Shina, ang asawa ni kuya Damian.

“Good morning,” bati ko sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya alanganin akong ngumiti, medyo napahiya.

“Pasensiya na sa ingay. Um, nagluto na ako ng almusal natin. Mayamaya kain na tayo kapag nagising na ’yong mag-ama,” dagdag ko na lang.

Lumabas siya ng kwarto at saka sinara nang maayos ang pinto. Dahil sa distansiya namin ay mas nakita ko nang malapitan ang itsura niya at masasabi kong maganda talaga siya. Sa unang tingin ay parang wala pa siyang anak dahil sobrang balingkinitan ng katawan niya. Sobrang puti rin ng kutis na para bang hindi nabibilad sa arawan. Mukhang anak mayaman. Ang tangos ng ilong niya. Singkit ang mga mata kaya nagmukha siyang mataray tapos parang sobrang natural ng pagiging pula ng labi niya. Perfect na sana kaso hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin niya sa akin. May nararamdaman akong hindi maganda. Hindi ko alam? Hindi ako komportable sa presensiya niya. Pakiramdam ko ay may ginawa akong mali kahit wala naman talaga.

“Keifer, right? Alam mo bang lagi kang nake-kwento sa akin ni Damian,” komento niya saka lumapit sa akin. “Salamat sa pag-aalaga sa asawa ko, ah.”

Mukha naman siyang mabait. Masiyado lang siguro akong judgemental?

Tumingin siya sa niluluto ko. Luto na iyon kaya naman hinango ko na at baka masunog pa.

“Pasensiya ka na kasi may allergy si Dama sa itlog. May lakad din kami kaya baka sa labas na lang din kami kumain buong pamilya,” sambit niya saka siya naglakad papunta sa CR. Sinara niya ang pinto no’n kaya naiwan akong nakatulala. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong habulin siya at sabihing handa akong bumili sa labas ng hotdog o kahit na anong frozen foods para kay Dama. Hindi ko naman alam na bawal pala sa anak nila ito.

Kahit na tinanggihan niya ako ay inayos ko pa rin ang nilutong pagkain sa lugar kung saan kami lagi kumakain ni kuya Damian. Naglagay ako ng apat na plato. Sinandok ko ang fried rice sa malakong, gano’n din ang omelet. Papunta na sana ako sa pinaghahainan nang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si kuya Damian.

Ngumiti ako. Sakto naman ang gising niya. “Kain na tayo,” sabi ko saka itinaas ang mga hawak para mapansin niya.

Blanko lang ang ekspresiyon niya na tumingin sa mga hawak ko saka bumalik ng tingin sa akin.

“Bibili ko na lang ng hotdog o kahit anong available na frozen foods sa labas si Dama. Allergy pala siya sa itlog? Sorry, hindi ko alam,” dagdag ko pa.

Nagsalubong ang kilay niya, mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

Bumukas naman ang pinto ng banyo at niluwa nito si Shina. Nakita niya kami kaya agad siyang lumapit kay kuya Damian.

“Hindi naman allergic si Dama sa itlog, ah?” dinig kong sabi ni Kuya Damian sa asawa.

Tumingin sa akin si Shina. Hindi ko alam kung ako lang pero parang inirapan niya ako bago siya bumalik sa loob ng kwarto, hitak-hitak si Damian pabalik sa loob. Agresibo niyang sinara ang pinto kaya naiwan na naman akong mag-isa sa labas.

Bumuntong-hininga ako at saka dinala na sa hapag ang mga hawak na pagkain.

Hindi naman ako tanga para hindi makahalata na ayaw ni Shina kainin ang niluto ko. Gumawa lang siguro siya ng palusot para maniwala ako sa kaniya at hindi na sila kulitin na kumain.

Lumabas si kuya Damian sa kwarto. Kasunod niya si Shina na karga-karga ang anak nilang pupungay-pungay pa sa antok. Gusto ko siyang batiin pero parang nagmamadali sila ni Shina na magpunta sa CR. Naiwan naman si kuya Damian na nakaharap sa direksiyon ko.

“Aalis muna kami. Baka sa labas na lang kami kumain. Hindi ko rin alam kung anong oras kami makakauwi. Baka gusto mong sumama-” nahinto siya nang tawagin siya ni Shina mula sa banyo.

Alam kong hinihintay niya ang sagot ko bago pumunta sa asawa kaya naman mabilis akong umiling.

“Okay lang ako. M-may lakad din kami ni… ni Hunter. Oo, aalis nga pala kami.” Sa dami ng palusot, bakit iyon pa? Bakit si Hunter pa ang naisip ko? Hindi ko alam pero parang mas naging madilim ang mukha ni kuya Damian sa narinig bago siya pumunta sa asawa niya.

Naguguluhan ako sa kaniya! Hindi ko siya maintindihan sa mga inaakto at kinikilos niya. May oras na nararamdaman kong nagiging over-protective siya sa akin mula kay Hunter pero may oras din na parang ayaw niya ako kausapin, makita o makasama. Sa unang pagkakataon, hindi ko siya magawang intindihin ng tama.

Anong nangyari sa ’yo kuya Damian? Bakit bigla-bigla ka na lang magbabago? Ni abiso wala kaya hindi ko naihanda ang puso ko sa ganitong

klase ng mga bagay.

Kung mag-iisip ako ng kung ano-ano, mas lalo ko lang binubuhay ang mitsa ng mga luha sa gilid ng mga mata ko. Baka maiyak na naman ako sa ka-arte-han nito. Sino ba naman kasi ang hindi? Una, ayaw nilang kainin ang niluto ko. Pangalawa, parang hindi okay ang presensiya ko sa kanila ngayon. Hindi ko gusto ang pakiramdam na ganito, na parang bawat desisiyon nila, nasa labas ako, hindi ako kasama, hindi ako parte. Tamang hindi naman ako talaga umaasa na maging parte ng mga plano nila pero parang harap-harapan naman ’yong ginagawang pananakit sa akin ni Shina at kuya Damian. Hindi man pisikal kundi sa emosiyonal na pinasalang pilit kong pinagsasawalang bahala.

Bakit parang naging mahirap ang lahat sa akin ngayon?

Tinakpan ko na lang muna iyong pagkain saka ko kinuha iyong phone ko. Ginawa kong abala ang sarili ko kahit na kanina pa ko napapasulyap sa kanila habang inaasikaso ang isa’t-isa. Nasa gilid lang ako, nakaupo sa tiles, kunyari may kinakalikot sa phone. Sa katunayan ay hindi ko pa nai-tetext si Hunter dahil nahihiya akong abalahin siya sa ganitong oras. Masyado pang maaga, siguro ay nagpapahinga pa ang isang ’yon.

Bumuntong-hininga na lang ako at saka napatingin sa pinto ng kwarto nang biglang lumabas si Dama.

Napangiti ako nang huminto siya sa paglalakad upang tingnan ako. Tila ba pinagmamasdan at kinikilala kung sino ba ang lalaking nasa harapan niya.

Napangiti ako nang makita sa kaniya si kuya Damian dahil kamukhang-kamukha nito ang ama. Parang mini-me niya. Sobrang gwapo! Ang pinagkaiba lang ay makinis at maputi ang bata kumpara sa tatay niyang kayumanggi dahil sa kakabilad sa araw. Napaka-cute lang! Bihis na bihis na ito at bagay na bagay sa kaniya ang kulay puting rubber shoes.

“Hello, good morning!” bati ko kay Dama at nakita kong ngumiti siya. Lalapit na sana siya nang biglang lumabas si Shina. Nakabihis na ito ng kulay lila na ga-tuhod na dress. Ang ganda niya kaso mukhang hindi ko siya makakasundo dahil mukhang ayaw niya sa akin.

Agad niyang kinuha ang anak at inilayo sa akin. Nakuha niya pa akong tingnan nang masama saka umirap.

“Mauuna na kami sa labas, Damian. Sumunod ka na lang!” sigaw nito sa asawa at saka nauna nang lumabas ng apartment. Nakahabol sa akin nang tanaw si Dama kaya pinili ko na lang na ngumiti at kumaway sa bata.

Ilang sandali pa ay lumabas na si kuya Damian. Sobrang gwapo niya ngayon sa suot niyang puting polo na may minimal designs sa gilid. Nakamaong siya na pinares nito sa puti niyang rubber shoes. Maayos din ang pagkakahawi ng buhok niya, bagay na hindi niya madalas gawin dahil sa katunayan ay ngayon ko lang nakita na gano’n ang hawi nito at masasabi kong bagay sa kaniya.

Ngumiti ako ngunit hindi ko inaasahang iiwas siya nang tingin. Para tuloy sinaksak ang puso ko sa ginawa niya.

Naglakad si kuya Damian papalapit sa akin. Umaasa akong magpapaalam siya o magsasabi man lang ng bilin niya rito sa bahay pero hindi niya ginawa. Nilagpasan niya lang ako na parang wala lang ako rito.

Pinanood ko siyang lumabas hanggang sa maglaho siya sa aking paningin at kasabay no’n ang panlalabo ng mga mata ko.

Bago pa ito lumaglag ay agaran ko nang pinunasan ang mga mata sa takot na baka makita pa nila akong ganito.

Gusto ko siyang habulin at kausapin kung bakit bigla na lang kami naging ganito. Gusto kong magtanong sa kaniya kung ano ang nagawa kong mali para ikagalit niya’t tratuhin niya akong parang wala lang sa kaniya. Saka ko lang naalala, ano ba ako sa kaniya?

Wala lang, ’di ba?

*

My apologies for my late update. Midterm exam kasi namin this week kaya need ko talaga mag-review. Hinabaan ko itong kabanata na ito para sa inyo. Pambawi sa late update ko ☺️

Don’t forget to vote this chapter. Thank you 🥰

-kyasen

22: Knight

Your votes are highly appreciated! Thank you 🥰

Keifer

Ilang minuto rin akong nakatulala sa labas, nag-iisip kung tama bang magpaka-martyr pa ako. Oras na ba para umalis ako sa puder ni kuya Damain? Dito na ba titira sila Shina at ang anak nilang si Dama? Saan naman ako tutuloy kung sakaling umalis ako rito? Kanino? Kanila Hunter? Hindi pwede. May history conflict ang mga magulang niya sa pamilya ko. Ayaw ko rin makaabala sa kaniya at kahit na sino.

Babalik na lang yata ulit ako sa bahay namin talaga kasama si tatay. Nasaan na kaya siya? Kamusta na kaya ang tatay ko?

“Umiiyak ka ba?”

Kung saan-saan na ako dinala ng isip ko at parang nakikita ko ngayon si Hunter sa harapan ng pintuan kung saan lumabas sila kuya Damian kanina.

“Teka? Ayos ka lang ba? Sino ang nagpaiyak sa ’yo?”

Doon lang ako natauhan nang lumapit sa akin si Hunter, yumuko siya para maka-lebel sa kinalalagyan ko at wala ano-anong binalot ako ng mga bisig niya. Pakiramdam ko noong sandali na ’yon ay may kakampi ako. Laking pasasalamat ko kay Hunter dahil sa kaniya, naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

Hinaplos-haplos niya ang buhok ko’t naging dahilan ’yon para ipikit ko ang mga mata. Kahit na si Hunter ang kasama ko ngayon, bakit si Kuya Damian pa rin ang siyang nakikita ko, naiisip ko. Kung paano siya ngumiti sa tuwing may dala akong pagkain para sa kaniya. Kapag sabay kaming kumain sa gabi at pagkaraa’y magkatulong na nagliligpit ng plato. Iyong mga kwentuhan namin bago matulog habang nakatitig lang siya sa kisame samantalang ako ay nagnanakaw ng sulyap sa gwapo niyang mukha. Lahat ng anggulo siguro ni kuya Damian ay nakarehistro na sa isip ko at hindi ko maiwasanh malungkot at mainis sa sarili dahil parang nakakabastos naman ’yon sa parte ni Hunter.

“Ayos lang ’yan. Umiyak ka lang. Ilabas mo lang lahat para mamaya ay maging okay ka na. Nandito lang ako, hindi kita iiwan,” malumanay niyang bulong sa aking mga tenga.

Iniwan mo na nga ako no’n.

Hindi ko alam pero parang napakahirap na sa akin ang paniwalaan si Hunter sa tuwing sinasabi niya ang mga salitang ’yon. Marahil kapag nasira na talaga ang tiwala ng isang tao, parang napakahirap na itong ibalik nang kagaya noong dati.

“Thank you,” sabi ko sa kaniya at hindi na pinatagal pa ang mga sandali. Kinuha ko ang sarili mula sa pagkakayakap niya’t pinunasan ang mga luha. Nakakahiya man pero nasaksihan na naman ni Hunter ang itsura ko sa tuwing parang pinagkakaitan ako ng karapatang sumaya.

“Asawa ba no’ng sekyu iyong kasama niyang babae? Anak nila iyong bata? Nakita ko lang sila kanina noong inaantabayan ko silang umalis. Pupunta na sana ako rito kanina pa kaso mukhang may lakad, e. Inantay ko na silang makalayas para makapag-almusal na tayo,” nakangiti niyang sabi saka umayos nang pagkakaupo sa sahig. Nag-indian seat siya. Nasa gilid ko lang iyong pagkain at hindi ko naman niligpit iyong mga plato na inayos ko kanina kaya nilagay lang ni Hunter sa gitna namin iyong malakong ng fried rice. Inayos niya lahat, tinanggalan ng takip at saka nagsandok ng mga ’to sa plato namin.

“Kanina ka pa ba?” tanong ko sa kaniya.

Huminto siya sa ginagawa at saka alanganing tumingin sa akin.

“Kung ako ang inalok mo kanina, hindi ako tatanggi. Ang sarap kaya ng luto mo!” sabi niya pa at alam kong paraan niya lang iyon para pagaanin ang loob ko.

“Kain na tayo,” dagdag niya pa at saka nag-umpisa nang kumain.

Napangiti ako dahil sa saya na kahit hindi naging maayos ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw at nitong umaga ay may dahilan pa rin ako para maging masaya. Nandito naman si Hunter para i-appreciate lahat ng ginagawa ko.

“Ako na lang kasi ulit,”

Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya, kaya’t ang loko ay tumawa lang nang malakas.

“Handa akong ampunin ka sa bahay. Hindi ka okay rito. Mas lalong hindi ka safe sa totoo niyong bahay dahil sa tatay mo. Doon ka na lang sa amin. Masisiguro ko pang maalagaan kita.”

Hindi ako sumagot sa sinabi ni Hunter. Ilang segundo rin akong nakatitig lang sa kaniya nang basagin niya ang katahimikan.

“Kumain ka na para makagala na tayo. Magwi-withdraw ka pa ng sahod natin, ’di ba? Ako rin. Gala na lang tayo nang mawala ’yang stress mo na ’yan. Samahan na rin ng food trip, ano? G ka?”

Marahan akong tumango sa mga sinabi ni Hunter at saka ngumiti sa kaniya. Nag-umpisa akong kumain kahit matagal nang nawala ang gana ko dahil sa mga nangyari kanina. Kung hindi ako kakain, mas kawawa ako. Puyat na tapos gutom pa. Na-etchapwera na nga ang niluto ko, e. Sayang naman kung pati ako ay hindi kakain.

“Pag-isipan mo pa rin.”

Napa-angat ako nang tingin kay Hunter at seryoso siyang nakatingin sa akin. Tulad ng ginawa ko kanina ay hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang hanggang sa mayari akong kumain.

Matiyaga akong hinintay ni Hunter na mayari sa paghuhugas ng mga plato hanggang sa makaligo at makapagbihis nang maayos na damit. Simpleng long tee lang ang suot ko na kukay gray at puting na tokong. Nag-sandals na lang din ako para mas madaling tanggalin at suotin. Balak ko kasing ayain si Hunter sa dalampasigan. Buti na lang talaga at may motor siya.

“Bagay mo,” nakangiti niyang puri sa akin.

“Salamat,” bulong ko.

“So, tara na? Saan ba ang punta natin? Mag-withdraw ka muna?” tanong niya at saka siya na ang naunang lumabas ng apartment. Sumunod na lang ako at saka ni-lock ang apartment. Lagi namang dala ni kuya Damian ang susi niya at meron naman din ako rito sa akin na spare key.

“Thank you sa pagsama sa akin, ah.” Ngumiti si Hunter sa sinabi ko. Nakapamulsa siya ngunit mabilis din niyang hinugot ito sa bulsa at saka ako inakbayan. Sabay kaming naglakad papunta sa gate.

“Bawi ako sa mga pagkukulang ko.” Hindi siya nakatingin sa akin at masasabi kong napaka-gwapo talaga ni Hunter, lalo na’t pinagmamasdan ko ang side profile niya ngayon. Hindi na rin ako magtataka kung bakit nahulog ako sa kaniya noon. Hindi niya kasi ako sinalo noon, e, edi sana hindi ko na nakilala ngayon si kuya Damian at we live happily ever after! Bwisit kasi ang lalaking ito, e!

“Siya ba ang boyfriend mo, hijo? Akala ko ay si Damian! Mas bagay kasi kayong dalawa no’n. Saka sino ba ang bruhang babae na kasama noon at kung makaingod ay para bang may ginawa akong masama sa kaniya?”

Nahinto kaming dalawa ni Hunter nang harangin kami ni lola, iyong kapit-bahay namin na nakakita rin sa akin noon na nakaangkas at nakayakap kay Hunter. Infairness, ang dami niyang tanong ah?

Ngumiti ako nang alanganin. Magsasalita na sana ako nang mas higitin ako ni Hunter sa pagkaka-akbay niya. Napalingon tuloy ako sa kaniya.

“Mas bagay po kami ni Keifer, ’la!” Gwapo sana ang lalaking ito, e! May saltik lang.

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya at saka hinarap si lola. “Hindi po, hindi ko po boyfriend ito at hindi rin po kami ni kuya Damian. Saka opo, tama po kayo, ’la. Asawa niya po iyong kasama niya kanina. Pasensiya na po kayo at medyo galit lang po sa mundo iyong babae na ’yon.”

Nahinto ako nang nauna nang maglakad si Hunter papunta sa labas. Napano ’yon? Nag-iinarte?

Nagpaalam na ako sa matanda at saka sumunod na kay Hunter. Naabutan ko siya sa motor niya habang inaatabayanan akong makalapit sa kaniya. Napanganga na lang ako nang makita siyang umirap sa akin.

“Selan mo,” nakanguso niyang sabi.

Sa pagkakataong ito, ako naman ang umirap sa kaniya. “H’wag mo kong paandaran ng kaartehan mo. Aalis na tayo o mamamasahe na lang ako?”

Mabilis niyang kinuha iyong helmet niyang nakasabit sa kabilang manibela at saka mabilis na isinuot ’yon. Kinuha niya rin iyong nutshell at saka siya na mismo ang nagsuot sa akin no’n.

“Kaya ko naman suotin. Hindi naman na ako bata, e,” protesta ko sa kaniya.

“Act of service. Malay mo dumating ang araw na ma-realize mong mahal mo pala ulit ako dahil sa pagiging maasikaso ko sa ’yo. Plus pogi pa, ’di ba ang swerte mo?” sambit niya sabay lock sa suot kong nutshell.

“Yuck! Mandiri ka nga! Pogi ka diyan!” pabiro kong sambit at saka marahang hinampas ang braso niya.

Sumakay na ako sa likod at sinabihan siyang nakaayos. Nakalingon siya sa akin, ma-effort na sinisipat ako mula sa peripheral vission niya.

“Yumakap ka na at huwag ka nang mahiya kung ayaw mong lumipad ka diyan. Baka dumaan pa tayo sa ospital para ipagamot ka.”

Kinurot ko muna siya bago ako yumakap sa tiyan niya. Kahit kasi makipagtalo ako sa kaniya ay alam kong ipipilit niya pa rin ang gusto niya. Si Hunter ito, e, matigas talaga ang ulo nitong isang ’to.

Binarurot niya ang motor kaya mas napahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. Mautak talaga ang isang ’to!

“Hunter!” Sigaw ko sa kaniya dahil halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa bilis nang pagpapatakbo niya.

Naipikit ko na ang aking mga mata dahil sa takot. Iba ito kumpara sa bilis nang pagpapatakbo niya noon. Parang gusto niya nang paliparin ang motor patungo sa destinasiyon namin ngayon. Ano ba ang nasa isip niya? Siya si Dr. Strange na kayang magbukas ng mga portal patungo sa kabilang buhay?

Ramdam ko na ang dibdib ko sa takot na baka madisgrasiya kami kaya binalaan ko na si Hunter na magmabagal.

“Hunter—” Nahinto ako nang makarinig ng magkakasunod na busina. Nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ko sa gilid ang isang kotse at hindi lang basta kotse dahil sasakyan ito ni highway patrol officer.

Binubusinahan nila kami hudyat na gusto nila kaming pahintuin mula sa pagmamaneho kaya naman kinurot ko si Hunter sa tiyan habang nakayakap ako sa kaniya.

“Huminto ka na! Ito na nga ba ang sinasabi ko, e!” Sigaw ko sa kaniya pero tinawanan lang ako ng loko.

“Neknek nila!” Dinig kong sabi ni Hunter.

Napakunot ang noo ko dahil sa mga sinabi niya at mas lalo akong na-praning nang mas pinarurot niya ang pagpapatakbo ng motor niya.

“Tangina!” Bulong ko at saka tinanggap ang kapalaran namin na ano mang oras ngayon ay maaari kaming makulong sa kalokohan ni Hunter.

Sana talaga ay hindi maabutan nitong mga pulis na ’to!

•••

Goodluck sa byahe guys! Ingat sa pagmamaneho, Hunter!

Paki-vote na lang po ang kabanata na ito kung nagustuhan niyo. Salamat po ❣️

P.s thank you for the 32k reads! The best talaga kayo 🥰

-KJ

23: Real Knight

Keifer

Hindi ko alam kung paano nagawa ni Hunter na mailusot ang motor niya palayo sa mga highway patrol officer dahil buong byahe ay nakapikit ako at nakabaon ang mukha sa likuran niya sa takot na rin na baka matandaan ako ng mga ’yon at bigla na lang ako hulihin kapag nakita nila ako pagkatapos ng insidenteng ito. Ito na yata ang huling beses na sasakay ako sa lalaking ’to—I mean, sa motor niya.

Hindi ko alam kung saan kami napadpad ni Hunter dahil hindi ako gano’n kapamilyar sa lugar. Saglit ko munang inilibot ng tingin ang paligid. Parang nasa t’yange kami dahil sa dami ng mga taong dumadaan sa magkabilang panig ng daan. Nagkalat din ang mga market stall gayon din ang mga pampublikong sasakyan.

Mabilis akong bumaba sa pagkakaangkas at saka tinanggal ang suot na nutshell.

“Muntikan na ’yon! Mabuti na lang na-traffic sila doon sa intersection! Mabuti na lang at umabot ako bago mag—” Nahinto si Hunter sa pagpapaliwanag nang marahas kong ibigay sa kaniya ang nutshell na hawak ko. Nagulat pa siya dahil mukhang napalakas ’yong ginawa ko dahil sa sikmura siya tinamaan. Hindi kasi nakatingin, e!

“Kung gusto mo mamatay, ’wag mo na ako idamay! Marami pa akong pangarap sa buhay!” sigaw ko sa kaniya at saka siya tinalikuran.

“Saglit! Magpa-park lang ako ng motor! Keifer! Hintayin mo ako!” Dinig kong sabi niya pero hindi ko na siya pinakinggan pa at dire-diretso lang ako sa paglalakad.

Mukhang nandito na rin naman kami malapit sa SM dahil natatanaw ko na rin ang ibang establisyimento at unti-unti na rin akong nagiging pamilyar sa buong lugar.

Sa dami ng tao na nakakasalubong ko, ang ilan sa kanila at nababangga ako nang hindi naman siguro sinasadiya. Hindi mabilang ang tao sa paligid dahil linggo ngayon pero sa dami ng tao, sa isang pamilyar na mukha napako ang aking mga mata.

“Tatay?”

At kagaya ng inaasahan ko ay nabuhay ang mumunting kaba sa dibdib ko. Halos mapaupo na rin ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay ano mang oras ngayon ay sasaluhin na ako ng lupa.

Kahit na unti-unting nabubuhay ang kaba sa puso ko ay hindi ko pa rin magawang ialis ang pagkakatitig kay tatay. Gano’n din siya sa akin. Nakakatakot ang ekspresiyon sa mukha niya kahit na seryoso lamang ang nakaimprenta rito pero agad akong nagtaka nang ngumiti siya sa akin, bagay na hindi niya ginagawa magmula pa noon. Ramdam ko ang sinseridad sa ngiting ’yon na kahit madalang niyang gawin, alam kong totoo siya sa kaniyang ginawa.

“Keifer?”

Napagitla ako nang maramdaman ang kamay na tumapik sa balikat ko kaya hindi ko na rin mapigilan ang mapasigaw at mapatakip sa mukha para ipamprotekta.

“Keifer,” dinig ko pang sambit ni Hunter, alalang-alala sa nangyari sa akin.

Doon lang din ako nakaramdam nang hiya dahil maraming tao ang napalingon sa akin marahil sa gulat mula sa nagawa ko.

Trauma na ba itong nararamdaman ko dahil sa matinding takot na gawa ng presensiya ni tatay?

Mabilis hinanap ng mga mata ko si tatay dahil sa takot na baka lumapit siya sa akin pero bigo akong makita siya.

Agad kong hinablot ang kamay ni Hunter at saka hinila siya pabalik sa tinahak namin kanina. Natatakot ako na baka kung magpapatuloy kami sa nilalakad namin ngayon ay makasalubong namin si tatay at hindi ko alam kung ano pa ang mga kaya niyang gawin lalo na’t nakalabas na siya ngayon sa kulungan.

“Teka? Saan tayo pupunta? Akala ko ba magwi-withdraw ka? Hindi diyan ang daan patungo sa ATM machine! Merong mas malapit dito sa SM—”

Huminto ako saka hinarap si Hunter. Binitawan ko ang kamay niya at saka siya tiningnan diretso sa kaniyang mga mata.

“Nakita ko si tatay. Kailangan na nating umalis dito,” paliwanag ko sa kaniya.

Tumalikod na ako sa kaniya para sana maglakad na ulit nang maalala ko ang isa pang bagay. “Hindi mo ako mapapasakay sa motor mo ngayon, Hunter. Hinahanap ka ng mga pulis sa pagiging reckless driver mo kaya kung gagamitin mo ’yang motor mo, ikaw na lang mag-isa dahil magba-byahe ako.” Pinagpatuloy ko ang paglalakad, sumasabay sa daloy ng mga tao sa lugar hanggang sa mapadpad ako sa sakayan ng jeep.

Kahit maraming mga tao ang nakapila ay nakipagsiksikan ako.  Malapit lang naman sa akin si Hunter dahil ilang tao lang ang pagitan namin pero agad akong naalarma nang makita ang tao na naglalakad ilang dipa ang layo kay Hunter.

Muling nanumbalik ang kaba sa puso ko. Pakiramdam ko ay mawawala ako sa katinuan nang makita si tatay na naglalakad patungo sa kinatatayuan ko. Hindi pa nakatulong ang tingin na ipinupukol niya sa akin at ang mapaglarong ngiti na nakaimprenta sa labi niya. Malayo na ito sa ngiti na nakita ko kanina. Wala akong ibang nararamdaman sa ngiting pinapakita niya ngayon kundi pagkagimbal. Parang pinaparating niya sa aking sa huli, siya pa rin ang nanalo dahil nakalaya na siya at handa na siyang maghiganti sa ginawa ko.

“Hindi! Hindi pwede! H’wag kang lalapit! Diyan ka lang!” Sa takot na maabutan ni tatay ay hinawi ko ang daan patungo sa mga tao. Nang makakita ng mas maluwag na madadaanan ay mabilis kong tinakbo iyon pero huli na nang mapansin kong sa highway ako dinala ng mga paa ko, sa lugar kung saan patuloy ang dagsa ng mga sasakyanh nag-uunahan.

Napuno ng iba’t-ibang sigaw at busina ang tenga ko nang makita ang papalapit na kotse sa direksiyon ko.

Napapikit ako sa takot at hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.

May humila sa akin.

Pagdilat ng mga mata ko ay nakakulong na ako sa naglalakihang bisig. Napaupo kami parehas sa sahig at nakayakap siya mula sa likuran ko ngunit kahit na nakatalikod ako sa kaniya ay kilalang-kilala ko ang may-ari ng maskuladong mga braso na ’to.

“Kuya Damian,”

“Bakit hindi ka nag-iingat?!” Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya kahit halos pasigaw niyang binigkas ang mga ’yon sa akin.

Magkahalong kaba at pangamba ang nararamdaman ko ngayon. Kung wala si kuya Damian ay baka namatay na ako.

Maraming tao ang nakatingin sa amin dahil sa muntikan nang mangyaring aksidente. Miski anh driber ng kotse ay agarang bumaba ng kotse niya upanh malapitan kami at makamusta sa aming kalagayan.

Hindi ko siya pinansin at agad na tumayo at saka nagpalinga-linga sa buong paligid.

Hindi ko na naman makita si tatay kaya mas lalong nadagdagan ang kaba sa puso ko.

Hindi ko napansin si kuya Damian na tumayo at laking gulat ko na lang nang hawakan niya ang kamay ko’t siya na mismo ang humawi sa mga taong nakaharang sa daan namin.

“Nakita ko ang nakita mo at alam ko kung bakit ka nagkakaganyan pero hindi naman yata tamang magpadalos-dalos ka sa mga ginagawa mo, Keifer! Paano na lang kung wala ako kanina. Edi nadisgrasiya ka na?” Bawat salitang binigkas ni kuya Damian ay tila ba sagisag ng tunay na pagmamahal na pinaramdam niya sa akin noon. Iyong init ng pagmamahal at kalinga niya. Muli kong naramdaman ngayon at dahil doon ay muling namuo ang mga luha sa mga mata ko. Paunti-unti ay napapawi ang takot sa puso ko dahil sa kaniya, dahil alam kong handa niyang isaalang-alang ang sarili para lang iligtas ako. Kagaya noong kamuntikan na siyang mamatay dahil sa pagsaklolo sa akin noon.

Pinigilan ko ang mga luha na h’wag magsi-alpasan. Nakatingin lang ako sa likuran ni kuya Damian habang hawak niya ang kamay ko at hila-hila ako patungo sa hindi ko alam kung saan.

Lumingon siya sa akin at saka ngumiti sa akin nang tipid. “Sorry na. Nagtatampo lang ako sa ’yo kasi…” Huminto siya sa paglalakad at saka ako tinitigan sa mga mata. “Nagtatampo lang ako pero hindi ibig sabihin no’n ay pababayaan na kita. Natatandaan mo ba ang sinabi ko sa ’yo noon? Na kahit anonh mangyari ay hindi kita hahayaang mapahamak ulit. Nangako ako sayo kaya sorry dahil dumistansiya ako nitong mga nakaraang ayaw. Sorry kasi—”

Upang itago ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak ay agad ko siyang ikinulong sa aking yakap. Ibinaon ko ang mukha ko sa malapad niyang dibdib para ikubli ang sarili sa takot na mapansin niyang umiiyak ako pero wala na rin namang saysay dahil alam kong nahalata niya nang para akong bata na umiiyak ngayon.

“Sorry na, Ki,” malambing niyang bulong sa akin habang pinapasadahan ng haplos ang buhok ko.

Alam kong sa mga oras na ito ay marami ng mga tao ang nakatingin sa amin dahil sino nga ba ang hindi magtataka sa dalawang lalaki na nagyayakapan sa gitna ng daan? Lalo na rito pa sa ma-taong lugar?

Ilang beses na ring nabalanda ang mukha ko sa mga kahi-hiyang ginawa ko kanina pero wala na akong pakialam.

“Tahan na. Kailangan pa nating umalis dito bago pa tayo maabutan ng tatay mo. Kailangan na kitang ilayo mula sa kaniya,” paalala niya sa akin kaya naman agad kong kinalas ang mga braso na nakapalupot sa kaniya. Pinunasan ko ang mga luha at saka tumango-tango.

Hinawakan niyang muli ang kanang kamay ko’t siyang muli ang nanguna sa aming paglalakad nang may humablot sa kaliwa kong kamay.

“Ako ang kasama ni Keifer. Mukhang nakakabastos naman yatang aagawin mo siya sa akin nang gano’n-gano’n na lang!”

Pagkalingon ko ay si Hunter ang bumungad sa akin at hindi maipinta ang mukha niya. Mula sa ekspresiyong pinapakita niya kay kuya Damian, alam kong galit siya at hindi maganda ang naiisip kong kapupuntahan nito.

*

Sino ka naman diyan Keifer? Pinag-aagawan ka ng dalawang boys! Ganda-gandahan na naman po siya 🤭

Anyway, as you can see, nilagyan ko ng Series tag ang title ng Sekyu. It’s now officially SEKYU (BL) GENTLEMEN SERIES #1 . Yes po, this story is part of GENTLEMEN SERIES . I will post the next installment of the series after posting this part. It was entitled Mamang Pulis (BL) GENTLEMEN SERIES #2 . Sana po ay suportahan niyo rin ang kwentong iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa kwentong ito ni Keifer.

Gamsahamnida~

༼⁠ ⁠つ⁠ ⁠◕⁠‿⁠◕⁠ ⁠༽⁠つ

-KuyaSen

24: The untold

A.N

Get yourself ready

P.s Please vote this chapter

Tysm

*

Keifer

“Sino ka ba?” Hinila ako ni kuya Damian papunta sa kaniya kaya wala ano-anong nahigit ako patungo sa kaniyang direksiyon. Para akong piraso ng papel na tumilampon papunta sa kaniya.

“Ako lang naman iyong tao na nandiyan kay Keifer noong hindi mo naisipang replay-an man lang siya o kamustahin. Ako ’yong taong hindi siya iniwan noong halos iparamdam mo sa kaniya na wala siyang halaga.” Sa puntong ’to ay hinila naman ako pabalik ni Hunter papunta sa kaniya.

Napalingon ako kay kuya Damian dahil alam kong hindi naging maganda ang mga binitawang salita ni Hunter. Alam kong iisipin niyang sinabi ko ito sa kaibigan kaya nagawa nitong sabihin ang gano’ng dahilan at kagaya ng inaasahan ko, nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni kuya Damian noong oras na magtagpo ang mga mata naming dalawa. Agad naman itong napalitan nang pagkapoot nang tapunan niya ng tingin si Hunter.

“Wala kang alam,” malumanay niyang sambit at bahagyang hinatak akong muli sa direksiyon niya. “Wala ka ring katapatang makialam kaya pwede ba? Layuan mo na kami!” At mas lalo niya akong hinila pabalik sa kaniya. Kamuntikan na akong mabitawan ni Hunter pero hindi siya nagpatinag. Nilabanan niya ang paghatak ni kuya Damian sa akin.

Para na akong lubid na pinag-aagawan nila. Napakaraming tao rin ang napapalingon sa amin, nakikiusiyoso at nakiki-chismis lang kung bakit ako pinag-aagawan ng dalawang lalaki na ito.

Natawa si Hunter. Malakas niya akong hinatak at bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni kuya Damian. Kung tuluyan niya akong nabitawan ay baka tumilampon ako kay Hunter at parehas kaming matumba.

“Akin ’to, e! Ako ang tunay na nauna. Wala ka pa noong nakilala ako ni Keifer kaya h’wag kang umasta na parang napakatagal—”

Naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi na pinatapos pa ni kuya Damian si Hunter sa pagsasalita nang hatakin niya ako. Mabilis niya akong itinago sa kaniyang likuran at wala ano-anong sinuntok si Hunter sa mukha. Napuruhan siya sa pisngi at kitang-kita ko ang bangas niya ro’n. Maging ang mga tao ay nagulat sa ginawa ni kuya Damian. Ang ilan sa kanila ay napahinto pa sa paglalakad.

Wala akong magawa kundi ang mapanganga dahil ni hindi ko siya nagawang depensahan kay kuya Damian sa bilis ng mga nangyari.

“Agawin mo ulit sa akin si Keifer at hindi lang ’yan ang matatamo mo,” pagbabanta ni kuya Damian kay Hunter.

Lumabas ako mula sa likuran ni kuya Damian at saka pumagitna sa kanilang dalawa dahil alam kong kapag nanatali ako sa lugar na ’yon, mas lalong gugulo ang lahat. Kilala ko si Hunter, hindi siya papayag ng hindi nakakaganti lalo na’t maraming tao ang nanonood sa amin ngayon.

“Ano bang gusto niyong mangyari?” Mahinahon kong sabi sa kanila pero ilang segundo lang ang lumipas nang tuluyan nang nagkagulo ang dalawa. Sinugod na ni Hunter si kuya Damian at ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang makaganti.

Para akong palaman na naipit sa gitna nila. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para mapaghiwalay sila pero hindi ko talaga magawa kaya naman noong aksidente akong maitulak ni Hunter at matabig ni kuya Damian, kung hindi pa ako mapaupo sa sahig ay hindi pa sila hihintong dalawa.

Parehas silang lumapit sa akin para alalayan ako sa pagtayo. Parehas nilang inilahad ang mga kamay para tulungan akong bumangon. Nang mapansin nilang parehas sila ng pakay ay para bang may mga kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata at pilit na nagtatalo kung sino ba sa kanila ang makapangyarihan.

“Hindi pa kayo yari?” tanong ko sa kanila at nanatili lang ako sa kinauupuan ko.

Nahinto silang dalawa sa pagtatalo at napatingin sa akin. Tuluyan nang lumapit sa akin si Hunter dahil siya ang mas nauna para sana alalayan akong makatayo pero tinanggihan ko siya.

“Hindi ba kayo nahihiya na pinagtitingnan tayo ng ibang tao? Pinag-uusapan na nga tayo ng iba, e. May mga kumukuha pa ng video. Hindi na ako magtataka isang araw, sikat na tayong tatlo sa social media na may headline na isang bading, pinag-aagawan ng dalawang lalaki sa plaza. Gusto niyo ba ’yon?” Dire-diretso ako sa mga sinasabi ko. Wala na akong pakialam sa mga matatamaan dahil ang pakay ko talaga ay mapahinto silang dalawa at makalayo sa lugar na ito.

“Nandito si tatay. Please lang, h’wag na kayong sumabay pa.”

Iyon ang huli kong binanggit sa kanila bago ako tuluyang maglakad at iwanan silang dalawa sa eksena.

Susunod na sana sila sa akin kaya naisip kong huminto sa paglalakad at saka humarap sa kanilang dalawa na naglalakad lang halos sa likuran ko.

“Kung mag-aaway lang ulit kayo at pag-aagawan niyo lang ako na parang laruan, please, lubayan niyo na ako,” sabi ko at saka nagpatuloy sa paglalakad.

“Bakit hindi ka na lang pumili sa aming dalawa, Keifer.”

Nahinto ako nang marinig ko ang mga salitang binitawan ni Hunter. Hindi ko magawang humarap sa kanila dahil parang binato ako ng isang malaking tipak ng bato sa likuran.

“Isang beses noong nasa duty tayo, ako ang sumagot sa tawag ni Damian noong umuwi siya sa probinsiya nila. Tanda mo iyong unang gabi na naka-duty tayo, unang gabi na umalis siya sa apartment niyo. Hindi ko lang sinabi sa ’yo pero ako ang nakausap niya. Naging epektibo naman ang ginawa ko at nagselos siya. Hindi mo pa ba napapansin? Kaya hindi ka niya tine-text o tinatawagan man lang noong umalis siya ay dahil sa selos niya, sa ideyang mas marami tayong oras dalawa kaysa sa kaniya dahil siya, nandoon sa kanila at may mas importanteng inaasikaso. Noong gabi na bumalik siya, alam ko ’yon ang araw na babalik siya dahil nakausap ko siya at sinadiya kong ipakita sa kaniya iyong usapan nating dalawa. Iyong paghalik ko sa pisngi mo para ipamukha sa kaniya na mas lamang ako.” Huminto si Hunter. Nilubos ko ang pagkakataon para humarap sa kanila.

Nahuli ko si Kuya Damian na nakatitig sa akin, seryoso ang kaniyang mukha at kahit na gano’n ay hindi ko magawang basahin ang tumatakbo sa isip niya. Sa kabilang dako naman ay ramdam ko ang sinseridad sa mga mata ni Hunter na nangungusap. Pakiramdam ko nga ay may mga namumuonh luha sa gilid ng mga ito na pilit niya lang nilalabanan.

Hindi ko inaasahan marinig lahat ng ’to. Siguro dahil hindi pa ako handa na malaman ang katotohanan.

Kaya pala.

“Huwag ka nang magbulag-bulagan pa, Keifer. Alam kong nakakahalata ka na. Alam kong nakakaramdam kang gusto ka rin ni kuya Damian. H’wag na tayong maglokohan dito!” Bawat salita ni Hunter ay parang maliliit na patalim na tumarak sa puso ko.

“Totoo ba ang lahat ng sinabi niya kuya Damian?” Kahit na takot ay nagawa ko pa ring sabihin ang balak kong banggitin nang hindi nauutal.

Ang buong akala ko ay mag-iiwas siya sa akin nang tingin pero hindi niya ginawa. Nanatili siyang nakatitig sa akin na para bang binibigyan niya ako ng kapanataga at ipinababatid sa akin na kung ano man ang magiging sagot niya ay totoo at walang halong kalokohan.

Nang dahan-dahan siyang tumango, nabuhay ang mumunting saya sa puso ko pero kasabay no’n ang pagguho ng pag-asa dahil alam ko anh katotohanan, katotohanan na kahit anong gawin namin ay hindi na maaari pa siyang mahalin dahil pagma-may ari na siya ng iba.

Una pa lang alam ko nang hindi siya sa akin. Sadiyang makulit lang ako at pinilit ko pa itong nararamdaman ko. Iyan tuloy, mas lumala! Ano nang gagawin ko nito

ngayon?!

“Ngayon mo sabihin sa amin Keifer kung sino ang pipiliin mo. Kung bibigyan mo ba ako ng pag-asa at pagkakataon na patunayan ulit sayo ang totoong nararamdaman ko o ipipilit mo ’yang pagmamahal mo sa taong alam mong may asawa’t anak na! Mamili ka!”

Hindi lang ako ang nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ni Hunter pati na rin ang mga taong nakapaligid sa amin. Parang nagkaroon tuloy sila ng libreng panoorin o para bang nakakasaksi sila ngayon ng nagte-taping sa pelikula.

Hindi ko magawang sumagot kahit na alam naman nila na si kuya Damian naman talaga ang gusto dahil kapag nagpadalos-dalos ako, parang sinira ko na rin ang puso ni Hunter. Parang itinaboy ko na rin siya. Parang ipinaramdam ko na rin sa kaniya ang pakiramdam noong iniwan niya ako sa ere at mas pinili niya ang pansamanatalang saya na dulog ng mga lalaki niyang kaibigan.

“Pumili ka para magka-alaman na! Pumili ka para malinawan na ako kung ipagpapatuloy ko bang mahalin ka o tanggapin ang katotohanan na wala na’t huli na ang lahat para sa ating dalawa. Ano? Ako ba o ang taong ’yan, Keifer?”

“Ayaw kong pumili—” nahinto ako sa pagsasalita nang sumabat si kuya Damian, bagay na nagpahinto ng puso at nagpatigil sa pagtibok nito. Pakiramdam ko ay namatay ako ng ilang segundo matapos marinig ang mga salitang sinabi niya. Akala ko nakalimutan ko nang huminga. Tama ba ako ng rinig?

“Hindi ko anak si Dama. Hindi rin ako ang totoong asawa ni Shina. Hindi ako pagmamay-ari ng iba dahil una pa lang, ako lang ang kumakalinga sa sarili ko. Hindi totoong may pamilya na ako. Mahal ko si Shina at Dama pero hindi ako ang haligi ng tahanan nila. Hindi nila ako pagmamay-ari, Keifer”

*

A.N

Kamusta? How’s the chapter 24? Alam kong hindi lang ako ang nagulat. Well, it’s a good news! Mag bunyi! \⁠(⁠^⁠o⁠^⁠)⁠/

Please don’t forget to vote and comment! You are always appreciated!

Gamsahamnida~

༼⁠ ⁠つ⁠ ⁠◕⁠‿⁠◕⁠ ⁠༽⁠つ

-Kuya Sen

25: Chosen

Keifer

“Hindi ko anak si Dama. Hindi rin ako ang totoong asawa ni Shina. Hindi ako pagmamay-ari ng iba dahil una pa lang, ako lang ang kumakalinga sa sarili ko. Hindi totoong may pamilya na ako. Mahal ko si Shina at Dama pero hindi ako ang haligi ng tahanan nila. Hindi nila ako pagmamay-ari, Keifer “

Isa. Dalawa. Tatlo. Makailang ulit na beses nagpaulit-ulit na ume-echo lahat ng mga sinabi sa akin ni kuya Damian. Bawat titik ng mga salita ay tila ba parte ng maliliit na piraso ng isang malaking larawan na unti-unti kong binubuo. Naiintindihan ko na ang lahat.

Agad na nangilid ang mga luha mula sa aking mga mata matapos mapagtagpi-tagpi lahat ng detalyang narinig mula sa taong naging dahilan kung bakit ako masaya at miserable sa parehas na pagkakataon.

Maraming tao sa buong lugar pero sa iisang tao lang nakatuon ang atensiyon ko. Walang ibang tao ang rumirehistro sa aking paningin kundi siya lang. Ang tao na nagpapaalala sa aking kailangan nating sumugal sa hamon ng buhay kung ayaw nating magsisi sa bandang huli.

Napansin kong naglalakad siya patungo sa akin. Nanatili ako sa kinatatayuan at hinintay siyang makalapit sa akin. Hindi niya binali ang koneksiyon ng aming mga mata hanggang sa makalapit siya’t kinuha ang mga kamay ko.

Sobrang amo ng mga mata niya. Kitang-kita ko ro’n ang sinseridad niya. Damang-dama ko rin ang tunay niyang intensiyon lalo na noong maglapat ang mga balat naming dalawa. Tila ba nakuryente ako pero ito ang klase ng kuryente na talagang hahanap-hanapin ko dahil sa pagmamahal na hatid nito sa akin.

Itinaas niya ang mga palad ko at saka pinunan ang mga patlang sa pagitan ng aking mga daliri ng sa kaniya. Nang muling magtagpo ang mga mata naming dalawa ay marahan niyang inilapat ang noo sa aking noo. Napansin kong pumikit siya at hindi ko magawang mapatitig sa mapulang labi niya ngayon. Ito ang unang beses na ganito namin kalapit sa isa’t-isa at dahil sa ganitong pwesto ay mas napatunayan ko ang tunay na nararamdaman ko sa kaniya. Alam ng puso ko na hindi lang simpleng pagkagusto itong nararamdaman ko kundi isang tunay na pagmamahal. Sa unang pagkakataon, masasabi kong masarap pala talaga ang feeling ng ma-inlove. Sa unang pagkakataon ay masasabi kong masaya ako dahil hindi pa pagmamay-ari ng iba ang taong mahal ko.

“Mahal kita, Keifer.”

Mas lalong nagwala ang puso ko sa mga salitang binitawan ni kuya Damian. Hinayaan ko ang mga mata na pumikit at namnamin ang mga sandali na kasama siya.

“Unang beses pa lang ng pagkikita natin ay alam kong may mali na sa nararamdam ko. Ang sabi ko, hindi tama na magkagusto ako sa taong mas bata sa akin dahil para sa akin, hindi magandang makita ang matatanda na mahumaling sa mas bata sa kanila. Ang mga matatanda kasi ang dapat na nagiging mabuting modelo sa mga mas nakababata, hindi iyong sila pa ang numero unong magkakagusto, pero tingnan mo, kinain ko rin ang mga sinabi ko noon sa sarili ko.” Narinig kong tumawa siya at hindi ko tinangka na buksan ang mga mata. Hinayaan kong makinig sa kaniya at mahulog sa napakalalim niyang boses. Gusto kong namnamin ang sandali at ipaalala sa sarili na hindi lang ang itsura ni kuya Damian ang minamahal ko kundi pati ang mismong tao na nagsasalita sa akin, dahil iyon ang totoo.

“Kaya nga iba ang saya ko noong pumayag kang tumira kasama ko sa iisang bubong. Pakiramdam ko noon ay sinagot mo na ako.”

Huminto siya at saka lumayo sa akin. Nanatili kaming magkawak ang mga kamay ngunit malayo sa pwesto namin kanina na magkalapat ang mga noo, ngayon ay mas nakikita namin nang maayos ang isa’t-isa.

Ngumiti siya sa akin bagay na pumawi sa kaba na kanina pa naglalaro sa aking dibdib.

“Pasensiya na kung hindi ko magawang replay-an lahat ng mensahe mo sa akin noong umuwi ako sa probinsiya. Totoo ang sinabi sa ’yo ni Hunter. Totoo na siya ang nakausap ko noong araw na nabanggit niya sa ’yo at totoong kinain ako ng matinding selos kaya ni hindi ko magawang tawagan ko kausapin ka. Ang pagkakamali niya lang ay hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan ko noong nasa probinsiya ako kasama ang anak kong si Dama. Hindi niya alam na halos ibenta ko na ang kaluluwa ko para lang makahanap ng mauutangan dahil kagaya ng sinabi ko sa ’yo noon, kung hindi tuloy-tuloy ang gamutan ni Dama sa sakit niyang Acute Kidney Failure ay hindi magiging matagumpay ang paggaling niya. Handa kong gawin ang lahat para sa kaniya kahit na hindi naman ako talaga ang tunay niyang ama,” mahabang paliwanag sa akin ni kuya Damian.

“Pero paano nangyari ’yon? Na hindi ikaw ang tatay ni Dama at kung hindi mo asawa si Shina, magka-ano-ano kayo?” Hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong sa kaniya dahil gusto ko rin malinawan.

Hindi niya magawang baliin ang koneksiyon ng ating mga mata at kagaya niya, pinanghawakan ko ang matatag na koneksiyong iyon.

“Anak ng kuya ko si Dama. Si Shina naman ay kapatid ng asawa ng kuya ko. Sa madaling sabi, mga kapatid kami ng magkabilang panig ng pamilya nila,” sagot niya sa akin. Napansin niya sigurong naguguluhan pa ako kaya nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag. “Isang taon pa lang si Dama noong namatay si kuya at ang asawa niya sa aksidente, vehicular accident. Parehas silang dead on the spot dahil sa lubha ng nangyaring aksidente at simula noon, nangako ako kay kuya na ako na ang bahala sa naiwan niyang anak, gano’n din si Shina kaya nagkasundo kaming dalawa na maging magulang sa bata. Alam kong nagtataka ka kung bakit gano’n ang pakikitungo sa akin ni Shina, na parang mag-asawa talaga kami. May dahilan ’yon at sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para makausap mo siya. Tara na. Kailangan natin siyang puntahan doon sa pinag-iwanan ko sa kanila—”

“Alam kong obvious na pero gusto ko pa ring marinig mula sa bibig mo ang sagot mo sa tanong ko, Keifer, please.”

Napalingon ako kay Hunter. Halos mawala na sa isip ko na nandito pa nga pala siya. Ang tanga ko!

Bumitaw ako kay kuya Damian at saka lumapit kay Hunter. Agad ko siyang niyakap at ilang segundo lang ang tinagal noon nang siya mismo ang kumalas mula sa pagkakayakap ko.

Hinawakan niya ako sa mga balikat upang mas makita namin nang maayos ang isa’t-isa. Pansin ko ang pamumuo ng luha mula sa gilid ng mga mata niya. Alam kong nagpipigil siyang h’wag bumigay sa mga nararamdaman at alam ko kung gaano kahirap gawin ’yon.

“Sagutin mo na ako nang matapos na ’to,” halos pabulong niyang sambit sa akin.

“Hindi ba pwedeng maging magkaibigan na lang tayo? Bakit kailangan ko pang pumili sa inyong dalawa? Bakit hindi ko ba kayo pwedeng parehas pag-ingatan? Mahal kita Hunter at ayaw ko nang mawala ka ulit sa akin—”

“Pero mas mahal mo si Damian.” Huminto siya at saka bumitaw sa akin. Unti-unti ay humakbang siya paatras mula sa akin, palayo habang marahan na tumatango. “Naiintindihan ko na. Malinaw na sa akin ang lahat.”

Balak ko pa sanang magsalita para magpaliwanag pero mas pinili ni Hunter na tumalikod sa akin. Gusto ko siyang pigilan sa paglayo pero may kung anong pumipigil sa akin na gawin ’yon, dahil alam ko, kung pipigilan ko si Hunter ay para bang pinili ko na rin na gawing komplikado ang lahat. Mahal ko sila parehas pero magkaiba ang pagmamahal na kaya kong ipagkaloob kay Hunter at kay kuya Damian. Sa huli, kagaya ng sinabi ni Hunter kanina, kailangan kong pumili kaya kahit mahirap ay pinili ko ang taong alam kong tinitibok ng puso ko. Sinunod ko kung ano ang dinidikta nito sa akin at sana hindi ako mali sa desisiyong ginawa ko.

N

anatili akong nakapako sa kinatatayuan nang maramdaman ko ang presensiya ni kuya Damian sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon dahil hinayaan kong ihatid si Hunter ng aking tanaw hanggang sa unti-unti na siyang mawala sa paningin ko.

Lumingon ako kay kuya Damian at sinalubong niya ako ng isang tipid na ngiti.

“Tara na?” Tanong niya sa akin.

Marahan akong tumango sa kaniya dahil gusto ko na ring alamin ang buong kwento sa likod ng mga ibinahagi sa akin ni kuya Damian. Mas magandang malinawan ako sa mga katotohanan kaysa ang manatiling nagtataka sa mga tanong na naglalaro sa aking isipan.

Hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinayaan ko na lang siya na tangayin ako sa kung saan.

*

Thanks for reading! Anong masasabi niyo sa kwento ni Damian at Keifer? Share your thoughts in the comment section! Let’s interact!

Thank you!

Kindly vote for this chapter before leaving.

Gansahamnida~ 🧡🥰

-Kuyasen

26: Spectrum

Keifer

Nakarating kami sa isang coffee shop kung saan naroroon si Shina. Kalong-kalong niya si Dama at maingat niya itong pinapakain ng cake. Sa sobrang abala ni Shina ay hindi niya kami halos napansin na dumating. Kung hindi pa itinaas ni Dama ang mga kamay niya para magpakuha kay kuya Damian ay baka hindi niya pa mapansin na kanina pa kami rito sa kinatatayuan namin.

“Anong balita kay Keifer-” nahinto si Shina nang makita ako sa gilid ni kuya Damian. Agad nagbago ang ekspresiyon sa mukha niya at mabilis na nagsalubong ang mga kilay.

“Akala ko ba titingnan mo lang kung makakauwi nang maayos si Keifer dahil nakita mo siya kaninang dumaan pero bakit mo kasama ang isang ’yan dito ngayon?” masungit niyang patutsada sa amin. Halos bumaliktad na ang mga mata niya kakairap sa akin.

Bigla tuloy akong nanliit dahil sa inasta niya. Taliwas ito sa inaasahan ko. Siguro ay masiyado lang akong na-overwhelm sa saya na meron kami kanina ni kuya Damian kaya halos isantabi ko na ang ideyang ganito ang ugali ni Shina.

Lumapit si kuya Damian sa kaniya at saka niya binuhat si Dama mula sa pagkaka-kalong nito sa mga hita ni Shina.

“Sinabi ko na lahat sa kaniya. Mula sa set up natin, pati na rin ang katotohanan tungkol kay Dama at sa mga magulang niya. Kung ano ba ang totoong relasiyon natin. Nilinaw ko na sa kaniya ang lahat pero sa tingin ko, oras na para sabihin mo ang totoo kung bakit nagpanggap tayong mag-asawa sa harapan niya,” malumanay na sabi ni kuya Damian sa babaeng nakaupo sa gilid niya.

Kitang-kita ng mga mata ko kung paano unti-unting naging malumanay at kalmado si Shina. Nilingon niya ako at muling nagtagpo ang aming mga mata. Noong mga sandaling ’yon ay para bang ibang bersiyon ng Shina ang kaharap ko, malayo sa babaeng madalas na nakataas ang kilay sa akin.

“Maupo ka muna,” sabi niya sa akin kaya naman sinunod ko ang gusto niyang mangyari.

Naupo ako sa upuan kaharap niya. Si kuya Damian na lang ang natirang nakatayo dahil dala-dala niya si Dama sa kaniyang malalaking bisig. Lahat sila ay nasa kabilang panig ng kinalulugaran ko at kung titingnan sila mula sa perspektibo ko, lalo na kung hindi ko sila kilala, masasabi kong napakaganda nilang tingnan. Mukha talaga sila isang buong pamilya. Nakakainggit.

“Mahal kita, Keifer,” paalala sa akin ni kuya Damian kaya muli akong nabalik sa reyalidad.

“H’wag mo kaming tingnan ng ganiyan. Gusto mo bang ulitin ko sa ’yo lahat ng mga sinabi ko kanina?” nakangiting sabi sa akin ni kuya Damian. Ganoon na lang ba ka-visible sa mukha ko kung ano ang mga tumatakbo sa ’king isipan?

Malaking parte ng puso ko ang nakaramdam ng saya mula sa salitang sinabi niya. Simula nang magtapat siya sa akin kanina, palagi niya akong binibigyan ng assurance. Lagi niyang pinapamukha sa akin na mahal niya ako. Miski noong nakasakay kami sa tricyle ay hindi niya man lang binitawan ang kamay ko. Talagang pinararamdam niya sa aking mahal niya ako. Napaka-swerte ko naman yata ngayon?

“H’wag kang mag-alala, Keifer. Wala kang dapat ika-selos,” huminto si Shina at saka marahang tumawa. Kung ganito ang ugali na pinakita niya sa akin noon ay baka mas naging matalik kaming magkaibigan ngayon at hindi ko na kailangan pang maramdaman itong kaunting inis sa kaniya sa tuwing sinusungitan niya ako.

“Siguro ay inis na inis ka na sa akin sa tuwing sinusungitan kita. Gusto ko munang humingi ng pasensiya sa ’yo dahil sa inakto ko noon. Sinubukan lang kita dahil gusto kong makita ang totoong ugali mo. Sinubukan kong palabasin ang galit sa puso mo pero mukhang nakita ko na kung sino ka talaga at hindi ako nabigo sa balak kong mangyari dahil nalaman ko kung anong klase ka ng tao. Sabi ko kay Damian noon sa tuwing kinu-k’wento ka niya sa akin ay napa-swerte niya, ngayon mukhang babawiin ko iyon dahil mukhang mas swerte ang malaking bakulaw na ito sa pagkakaroon ng isang katulad mo.” Hinawakan ni Shina ang mga kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Ngumiti siya sa akin ag bahagyang pinisil ang mga kamay ko.

“Alagaan mo si Damian dahil kagaya niya, swerte ka rin sa isang ’to.” Saka niya binawi ang mga kamay mula sa akin.

“Nalinis ko na ang pangalan ko, I guess? Oras na para ipagpatuloy ko ang mga sinasabi kanina kung bakit nga ba kami nagpakilala sa ’yo bilang mag-asawa,” nakangiti niyang saad.

Hindi ko maiwasan ang gilid ng mga labi ko sa pag-angat hanggang sa tuluyan ko nang makita ang sarili na nakangiti sa kanila. Sobrang saya ng puso ko dahil sa mga katotohanang naririnig mula sa kanila. Gusto kong magpasalamat sa kanila dahil mas nalilinawan ako at unti-unting napupunan ang mga patlang na naglalaro sa aking mga isipan pero mas pinili ko na manahimik at makinig, pasimpleng magbunyi sa lahat ng nakukuhang impormasiyon mula mismo sa kanila.

“Mahal ko si Damian pero hindi sa puntong nakikita ko ang sarili na tumanda kasama siya. Ginawa lang naman namin iyon para mapagselos ka. Yhup, it’s my own idea so don’t ask Damian about it.” Mahinhin siyang tumawa. Mas lalo siyang gumanda dahil madalas na siyang nakangiti ngayon at nakatawa. Mas bagay sa kaniya ito kaysa ang pagiging masungit. Mabuti na lang talaga at palabas lang ang lahat ng ’yon.

“Our plan succeeded. Nagselos ka. Umiyak ka pa nga, e, at wala kang ideya kung paano ko pigilan si Damian na puntahan ka kanina.”

“So, nakita niyo pala ako kaninang umaga?” Biglang uminit ang mga pisngi ko nang maalala na mukha akong bata kanina kakaiyak kasama si Hunter.

Mas dumoble ang lungkot ko nang maalala si Hunter. That guy deserves better.

“Kung hindi ko pa ipapaalala sa kaniya na parte iyon ng plano namin ay baka agad din siyang bumalik para aluhin ka, tapos nandoon pa iyong asungot na isa, ano nga ulit ang pangalan no’n?” sabi ni Shina habang pilit na inaalala ang pangalan ni Hunter.

Sasagot na sana ako nang si kuya Damian ang bumanggit ng pangalan niya.

“Iyon! Hunter! Thanks buddy. But real talk, that guy, Hunter. Masasabi kong mahal ka talaga niya. Ang haba ng hair ni bakla, ah!” Pagbibiro niya pa sa akin kaya natawa na lang ako.

“Nandoon ako habang kinakausap siya ni Damian. Narinig ko lahat ng usapan nila at kahit na iniinggit niya si Damian, alam kong gusto niyang iparating sa kaniya na hindi niya kailangang mag-alala dahil nasa mabuti kang kalagayan. Somehow, he gave Damian an assurance about your safety with him. Ang dami talagang nagmamahal sa ’yo, Keifer,” nakangiting dagdag pa ni Shina sa mga sinasabi niya kanina.

Saglit na napunta sa akin ang tuksuhan. Ang lakas pala mang-asar ni Shina. Halos itulak niya si kuya Damian papunta sa akin. Kilig na kilig pa nga ito sa aming dalawa.

“Goods ka na sa narinig mo? Wala ng selos, ah? Baka naman mamaya kapag umuwi tayo sa bahay ay sakalin mo na lang bigla ako,” pagbibiro niya sa akin.

“But seriously, I still have something to tell you. Ito talaga, hundred percent, hindi ka na makakaramdam ng selos sa amin ni kuya Damian.” Nahinto siya at napatingin sa likuran ko. Gano’n din si kuya Damian. Kitang-kita ko kung paano nagliwanag ang mga mata ni Dama nang makita ang taong ’yon na halos magpakuha siya rito. Base sa reaksiyon ng bata ay masasabi kong malapit ito sa kaniya.

“Good timing, nandito na ang asawa ko,” sabi ni Shina saka siya tumayo upang salubungin ang sinasabi niyang asawa niya.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nilingon ko ang taong kanina pa nila tinitingnan.

Agad na nalaglag ang panga ko nang makita ang asawa ni Shina. Agad niya itong niyakap nang makalapit siya rito. Saglit na nagkamustahan at saka nagtungo papunta sa amin.

“You knew him already but still, pakilala ko pa rin siya sa ’yo, well, he’s Damian,” sabi ni Shina sa asawa niya at saka tinuro si kuya Damian. Bahagya lang na yumuko si kuya Damian upang magpakita ng pagbati.

“And this cute lil’ guy, he’s Keifer, bebe ni kuya Damian,” halos mabulunan pa ako sa pagpapakilala niya sa amin. Hindi ko alam pero magkahalong kilig at pagkabigla ang naramdaman ko dahil ito ang unang beses na marinig ko ’yon mula sa iba. Ang sarap din pala sa pakiramdam na ipakilala bilang kapareha ng taong mahal ko.

“Guys, this is my other half, ang icing sa ibabaw ng capcuke ko, Keifer, meet my partner, Athisa Manuel.”

Para akong nakatingin sa isang anghel. Napaka-ganda niya! Mukha siyang koreana sa bangs niya at sa tuwid na mahabang buhok nito. Napaka-puti niya rin, kutis mayaman. She’s wearing a pencil skirt and they are both wearing the same color red. Para akong nakatingin sa mga mannequin sa mall. Ang se-sexy nila at ang gaganda pa!

“Yes, we are also part of the spectrum,” nakangiting sambit ni Shina sa amin. Hinalikan niya pa si Athisa sa pisngi at saka ito niyakap mula sa gilid.

Inayos ko muna ang sarili at itinikom ang nakangangang bibig. Nakakahiya naman kung mahahalata nilang nagulat talaga ako! Hindi ko lang din kasi inaasahan na lesbian pala si Shina! Not even a single dot of expectation! Ni hindi ko man naramdaman! Iyong instinct ko ay hindi nakisama sa akin ngayon!

I lend my hand for a handshake. “Nice meeting you, Miss Athisa,” sabi ko sa kaniya at maayos niyang tinanggap ang pakikipag-kamay ko.

“Nice to meet you too. Finally got to see the couple my girlfriend is always talking about!” saad ni Athisa bagay na nagpa-init ng mga pisngi ko.

Hindi pa po kami ni kuya Damian para sabihin niyang couple.

Siguro kasing pula ko na ang kamatis dahil sa mga sinasabi nila! Enebeyen!

“Doon na rin papunta ’yon!” Nagulat pa ako kay Shina sa sinabi niya. “Visible kasi sa mukha mo, girl!” At nakuha niya pa akong tawanan kaya mas namula ang mga pisngi ko.

“Love, kuhanin mo nga muna si Dama! Halos tumalon na papunta sa ’yo, e! Kanina pa nagpapansin sa ’yo iyong bata. Kuhanin mo nga muna at bigyan natin ng ‘me time’ itong love birds natin dito!” Nakangiting sabi ni Shina kay Athisa.

“Yes, right. Come here baby Dama. Na-miss ko itong anak ko na ito, e!” wika ni Athisa at saka kinuha si Dama mula kay kuya Damian.

Nang makuha ang bata ay tinanguan lang ako ni Athisa at kagaya ng inaasahan ko, nakangiti nang nakakaloko sa akin si Shina.

“Boys, sa bahay na iyan, ah! Or pwede ring mag-check in kayo sa hotel basta matuto muna kayong magpigil, okay? Nasa public tayo ngayon. And also, always wear protection! Bye. Gagala muna kaming tatlo kaya mag-date muna kayo riyan! Kaniya-kaniya muna tayo!” at pagkayari no’n ay umalis na si Shina.

Hindi ko lang nakikita ang sarili pero pakiramdam ko ay mas mapula pa ang mukha ko sa kamatis ngayon dahil sa pamumula. Napakalakas talaga mambara ni Shina! Ako iyong nahihiya sa pang-aasar niya lalo na’t may ibang tao rin dito sa loob ng coffee shop na ito. Nakakahiya!

“Pagpasensiyahan mo na ’yon. Masaya lang talaga siya at hindi niya na kailangang magsungit sa ’yo. That’s the real Shina. I’m glad nakilala mo na ang totoong siya ngayon. Mas okay pa na nakilala mo na rin ang asawa niya,” paliwanag sa akin ni kuya Damian. “She forgot to mention one more thing about our set up. Kaya niya sinubukan na gawin ang husband-wife set up ay gusto niyang subukin ang sarili kung kaya niya bang mag-pretend para kay Dama oras na lumaki ito at magka-isip. Ilan beses na rin siyang humingi ng sign kay God kung ano ba ang mas maganda para kay Dama, kung magpapatuloy kami sa gano’ng set up o ipapaliwanag sa kaniya lahat ng katotohanan. Sa tingin ko, sapat na itong mga ito para sa signs na hinihingi niya,” dagdag niya pa.

Bigla niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa at halos mapagitla ako sa kuryenteng dumaloy nang maglapat ang mga balat naming dalawa.

“Shall we go? May duty pa ako mamayang gabi sa Beverly Heights, e. Mukhang kukunt’yabahin ko muna ulit si mang Jerry sa pag-absent ko. Lubusin ko na para makapag-date naman tayo. Date na mas opisiyal kaysa sa mga ginawa nating paglabas noon, at least ngayon mas matatawag ko itong date kaya naman maaari ko bang malaman ang desisiyon mo? Maaari ba kitang ilabas ngayon para sa isang pormal na date?” Talagang tumayo pa siya sa harapan ko at inilahad ang kamay niya na para bang inaanyayahan akong sumayaw sa gitna ng coffee shop. Gosh!

Agad na uminit ang mga pisngi ko. Ibinigay ko ang kamay sa kaniya at saka tumayo mula sa kinauupuan.

“Yes you may.” Sagot ko sa kaniya at hindi niya na napigalan pa ang sarili. Hinila niya ako at saka kinulong sa mga braso niya.

Napapikit ako habang dinadama ang init ng yakap niya. Kapag kasama siya, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Kapag nandito siya sa tabi ko, mas nagiging matapang ako.

*

Uyyy~ tell me, I am not the only one celebrating here!

IM SO HAPPY FOR KEIFER AND DAMIAN ♪⁠ ⁠\⁠(⁠^⁠ω⁠^⁠\⁠ ⁠)

My DaKei ship is now sailing! 🥰

Dont forget to vote for this chapter! Also, share your thoughts in the comment section. Thank you

🧡🧡🧡

Kuyasen

27: Where the lines meet

Thank you for the 40k reads! 💖💕 05-09-24 💕

Your votes and comments are highly appreciated ❣️🥹 Thankyou~

Keifer

Inilaan namin ang mga oras na magkasama. Kagaya ng pakiusap ko sa kaniya ay nilisan namin ang lugar na ’yon kahit na hindi hamak na nakalayo na kami nang kaunti sa lugar kung saan ko nakita si tatay kanina.

Ayaw ko lang mabagabag at usigin ng kalooban ko. Ayaw kong paulit-ulit na diktahan ang sarili sa ideyang nandiyan lang si tatay sa tabi-tabi at malaki ang pagkakataon niyang malapitan ako, masaktang muli. Mas maganda kung walang agam-agam at pangamba akong nararamdaman dahul hindi ko alam pero naiisip ko pa lang ang mukha ni tatay ay inuusig na ako ng matinding takot. Kung maaari lang na magtago ako ay gagawin ko, h’wag lang malapitan niya.

Nasa b’yahe kami ngayon ni kuya Damian at mabuti na lang ay bus ang nasakyan namin. Sa bandang dulo niya napiling maupo, nakasunod lang naman ako kanina at siya pa rin ang namili nang aming pe-pwestuhan. Mabuti na lang talaga at walang masyadong pasahero ngayon kaya malayang nahahawakan ni kuya Damian ang kamay ko.

Hindi nakatulong ang matinding kaba sa dibdib ko. Alam kong hindi na ito hatid ng takot ko mula kay tatay kundi sa ibang epekto ni kuya Damian sa akin. Siya ang dahilan kung bakit halos kumaripas ang puso ko sa pagtibok. Para akong nasa karera kahit na nakaupo lang naman ako rito sa tabi niya.

Ako ang nasa pinakagilid ng kinauupuan namin at inukopa niya naman ang tabi ko, sa parteng malapit sa dinadaanan ng tao.

Abala ako sa pagtingin mula sa labas at kumuha ako ng kaunting oras para lingunin si kuya Damian. Gusto ko lang sanang kamustahin siya o magnakaw lang sana ng tingin at saktong namataan ko siyang nakatingin sa gitnang daan ng hallway nitong bus.

Ilang segundo akong nakatitig sa mukha niya, iniidolo ang kag’wapuhan na meron ang nilalang na ito. Ano bang ginawa ko para magkaroon ng kagaya niya?

Nagtataka din naman ako kung anong tinitingnan niya kaya sinundan ko iyon. Wala naman ako ibang nakita kundi iyong konduktor na kasalukuyang kumukuha ng mga bayad ng pasahero.

Ibinalik ko ang tingin kay kuya Damian, nagtataka.

“Mukhang napakalalim naman po niyang iniisip niyo,” sambit ko sa kaniya.

Bahagya pa siyang nagulat sa akin. Nilingon niya ako at bahagyang pinisil ang kamay kong hawak niya.

“Naisip ko lang na sana gumaling na si Dama para sa oras na pwede na siyang pumasok sa eskwela ay maranasan niya ang pagiging isang normal na bata. Lagi kong ipinagdarasal na sana pawiin na ni Lord ang sakit na nararamdaman ng anak ko,” malumanay niyang sabi sa akin saka siya ngumiti.

Isinandal niya ang kaniyang ulo sa hand bar ng kaharap naming upuan. Muntikan pa akong matunaw nang titigan niya ako kaya ginawa ko rin ang ginawa niya, pinisil ko nang bahagya ang kamay niyang nakahawak sa akin.

“I-I’m pretty sure, naririnig ni Lord ang prayers mo. Marami naman tayong dumudulog sa Kaniya para sa ikabubuti ni Dama. Kaya h’wag ka masiyadong mag-alala! Gagaling si Dama in the name of Jesus!” malapad ang ngiti kong saad sa kaniya.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya bagay na mas nagpatunaw ng puso ko. Gosh! Kung hindi lang talaga ako nagpipigil ay baka kanina ko pa siya niyakap! Napaka-gwapo ng sekyu na ito!

Mga salot.“

Nahinto ako sa iniisip nang marinig ang boses na ’yon. Agad kong hinanap kung sino ang nagsalita at bumungad sa akin ang konduktor mismo ng bus. Nakasandal siya sa gilid ng three-seater space na upuan habang nakatingin nang masama sa amin. Abala siya sa pagbuklat ng hawak niyang papel pero nakapako ang tingin niya sa amin ni kuya Damian.

“Excuse me?” tanong ko. Hindi ko na magawa pang maitago ang pagkadismaya sa sinabi niya.

Pag-ismid lang ang ginawa niyang sagot sa akin kaya halos mapanganga ako sa inaasal niya. Ano kayang problema nito at parang napakalaki ng galit niya sa akin.

“Saan kayo sumakay at saan ang destinasiyon niyo?” masungit niyang tanong sa amin.

Sasagot na sana ako nang si kuya Damian na ang nagsalita para sa akin. Sinabi niya ang mga lugar na hinihingi ng konduktor kaya inasikaso rin niya agad ito upang ibigay sa amin ang travel receipt kung saan makikita namin ang kailangan naming bayaran.

Iniabot ito ng konduktor kay kuya Damian pero bago niya maibigay ay humirit pa siya, bagay na ikinataas pa lalo ng aking dugo.

“Nasa public place po tayo mga sir at pakiusap po, makipigilan po ang mga sarili natin na maglandian dito sa bus namin dahil hindi lang po kayo ang mga pasahero ngayon. Nakakahiya po ang ginagawa niyo mga sir.”

Gusto kong tumayo para magsalita pero kagaya ng inaasahan ko ay pinigilan ako ni kuya Damian.

“Ako na,” malumanay niyang sabi sa akin saka binalingan iyong homophobic na konduktor.

“Hindi ka siguro inaruga noong nanay mo noong bata ka, ano?” dinig kong sabi ni kuya Damian.

Nagulat na lang ako nang tumayo siya kaya mas lalong naipakita na mas matangkad siya sa asungot na konduktor na ’yon. Kung titignan ay one fourth lang din ang lapad ng katawan ni asungot kay kuya Damian dahil braso pa lang, mukhang sukat na ito ng binti ng konduktor.

Napansin ko kung paano nalukot ang mukha ng asungot na konduktor. Halos mabalot siya nang matinding kaba sa nakikita niya ngayon. Seryoso lang naman ang itsura ni kuya Damian pero ramdam ko ang pagtitimpi niya. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili na h’wag gumawa ng masama.

“Kung may problema ka sa amin, mas maganda kung nililinaw mo. Siguraduhin mo ring pangangatawanan mo iyang pagiging homophobic mo hijo dahil mas salot ka pa sa pagiging marumi ng isip mo kaysa sa amin na walang ginagawang masama sa ’yo,” malumanay na sabi ni kuya Damian saka niya inilabas ang wallet. Kumuha siya ng pera at saka marahas na iniabot doon sa konduktor na ’yon.

“Two hundred na ’yan, ah. Baka sabihin mong kulang pa yan sa over-pricing mong singil sa amin,” dagdag niya pa bago naupo ulit sa tabi ko.

May ibang pasahero na napapalingon na sa amin pero hindi namin iyon pinaglaanan nang pansin.

Akala ko ay masisindak na iyong homophobic na konduktor pero nagsalita na naman siya, bagay na napagpapuno kay kuya Damian.

“Sakit talaga kayo ng mga lipunan! Mga bayot—”

at wala ano-anong dinakot niya ang k’welyo noong asungot na konduktor.

Agad na huminto ang bus dahil sa mga naging sigaw ng ibang pasahero. Miski ako ay napatayo mula sa pagkakaupo at napahawak sa malaking braso ni kuyya Damian na nakahawak k’welyo ng konduktor na ’yon.

“Marami akong rason para gumanti sa ’yo pero hindi ko ginawa pero masiyado nang masura ang tabas ng dila mo na ’yan para palampasin ko,” mariin na sabi ni kuya Damian at saka niya hinawi iyong konduktor na ’yon patungo sa bakanteng upuan ng bus. Mukhang gaganti pa ito sa kanya pero agad niyang inaamba ang kamao at agad din naman itong napatakip sa mukha niya.

“Sorry na nga! Sorry!” mabilis niyang sigaw.

Dahil nakahinto na ang bus ay nilubos namin ang pagkakataon na umalis. Hinawakan pa ni kuya Damian ang pulsuhan ko at marahan akong hinila pero bago makalayo ay dinilaan ko muna iyong homophobic na konduktor na ’yon. Yabang-yabang niya, duwag naman pala!

Nakababa na kami ni kuya Damian sa bus. Marami ang mga pasaherong nakahabol ng tingin sa amin, nakikiusiyoso. Meron pa ngang bumaba kasunod namin at sa puntong ’yon, alam kong may mali.

Nakaalis na ang bus at hindi ko rin magawang maikilos ang mga paa ko, ni gumalaw ay nakalimutan kong gawin. Para akong naparalisado at unti-unting nang nabuo ang butil-butil na pawis sa aking noo. Sobrang bilis ng puso ko. Pinaghalo-halong takot, pangamba at panic ang siyang naglalaro sa sistema ko.

Napansin ni kuya Damian ang pagkakapako ko sa kinatatayuan dahil hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko patungo sa kaniya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at kahit hindi ko siya direktang tignan ay alam kong nakikita niya na kung ano ang dahilan ng reaksiyon ko.

“Nak,” nangungusap ang mga matang sabi sa akin ni tatay.

*

Thank you for all the love you are giving in this story. Kung hindi dahil sa inyo at sa mga tao na naghihintay ng updates ko, baka mas mabagal ang naging pacing kung wala kayong mga sumusuporta sa mga kwentong isinusulat ko 🥹

Maraming salamat guys! 40k reads na ang Sekyu at 1.71k votes na rin! Sana hanggang finale ay suportahan niyo pa rin si Damian at Keifer. 💕

-Kuyasen

28: Sincere

05-12-2024

Keifer

Hindi ko alam kung paano ako nagkalakas upang maihakbang ang isa kong paa paatras. Nahinto tuloy si tatay sa paglapit sa akin at mabilis na lumatay sa kaniyang mukha ang labis na pagkalumbay.

Bakit ganiyan ang reaksiyon mo ’tay? Hindi ka pa ba sanay na makita akong ganito? Takot na takot sa presensiya mo dahil kamuntikan mo na akong mapatay noon

?

Makulimlim na ang kalangitan at nagsilbi ring silong ang mayayabong na mga dahon ng mga puno sa aming kinaroroonan. Hindi ko alam kung ano ang ngalan ng lugar na ’to dahil nakapokus lang kay tatay ang atensiyon ko. Ang alam ko lang ay nasa magubat kaming parte ng siyudad. May mga pampasaherong sasakyan na dumadaan at mangilan na kotse’t motrosiklo. Hindi matao rito hindi kagaya roon sa napuntahan namin kanina kung saan namin unang naka-engkwentro si tatay.

Nang akmang lalapit muli si tatay sa amin ay pumagitna na si kuya Damian. Iniharang niya ang malaking katawan upang magsilbing sangga sa akin.

Para akong nabunutan ng malaking tinik nang gawin ’yon ni kuya Damian. Nakakataba ng puso ’yong ideya na may taong handang magprotekta sa akin. Hindi ako dapat magdiwang ngayon pero hindi ko maiwasang maging masaya dahil iyong taong gusto, na gusto din pala ako, ay handang gawin ang bagay na madalas ginagawa. Naalala ko noon na nasaksak siya ni tatay sa braso dahil sinalo nito ang saksak na dapat sa akin naman talaga.

Napuno na naman ng takot ang puso ko habang inaalala ang ala-alang ’yon. Para akong mawawala sa sarili. Hindi ko na nga makontrol ang mga kamay na napahawak na lang bigla nang mahigpit sa braso ni kuya Damian. Naramdaman at napansin niya ’yon kaya bahagya siyang napalingon sa akin.

“H’wag kang mag-alala at hanggang nandito ako, hinding-hindi kita pababayaan,” malumanay niyang sambit sa akin.

Agad na namuo ang luha sa mga mata ko nang marinig ang mga sinabi niyang ’yon. Hindi ko magawang magsalita dahil sa kabang pumipigil sa labi ko. Naiinis na ako sa sarili dahil mukha na akong tanga. Ni hindi ako makalakad dahil sa matinding takot. Iyong lakas ko ay biglang naglaho at wala akong ideya kung paano ko pa nagagawang makatayo nang maayos dahil pakiramdam ko, ano mang oras ngayon ay babagsak ako. Hindi ko naman nalunok ang dila ko parang nakalimutan ko kung paano ang magsalita. Para akong naparalisado sa hindi ko malamang dahilan.

Tuluyan nang nakalapit sa amin si tatay pero pinigilan siya ni kuya Damian. Pilit niya akong inaabot kaya napabitaw ako nang wala sa oras sa braso ni kuya Damian. Hindi ko na nasuportahan ang sariling bigat kaya wala ano-anong napaupo ako sa sahig habang nakatingin kay tatay.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili nang bumagsak ang mga luha ko. Patuloy lang ito sa pagragasa na tila ba wala nang katapusan. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot at kahit na nandiyan si kuya Damian na nagsisilbing proteksiyon ko, hindi ko pa rin magawang palakasin ang sariling kalooban.

Nasaan na ang tapang mo, Keifer?

Napansin ko na unti-unting kumakalma si tatay mula sa pagpupumilit na abutin ako. Ang kaninang malakas niyang pagtawag sa aking pangalan ay unti-unting humihina hanggang sa marinig ko ang paghagulgol niya.

“Sorry, anak,”

Dalawang salita na matagal kong hindi narinig mula sa kaniya.

Sa tagal ng panahon na kasama ko siya, nakita ko muling umiyak si tatay. May parte sa puso ko ang gumuho at sa unang pagkakataon pagkatapos noong siya ay panandaliang nakulong ay tuluyan nang naglaho ang takot ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ang naroon sa dalawang salita na binigkas niya pero naging sapat iyon upang magkalakas ako nang loob na lapitan siya. Agad ko siyang niyakap at inalo dahil labis siyang nasasaktan. Patuloy siya sa paghagulgol habang binabanggit ang pangalan ko.

“Patawarin mo ang tatay, Keifer, anak ko,”

Kung noon ay nagawa niya akong malinlang sa mga pinapakita niya, ngayon ay alam kong totoo ang mga pinakikita niya sa akin. Ang tagal ng panahon kong hinintay na muling makita si tatay at hindi ko inaasahan na ngayon iyon pinakahihintay ko.

Saglit na panahon lang na pilit kong pinagiiwas ang landas naming mag-ama, na kahit pilit kong iwakli sa isip ko na hindi ako nag-aalala sa kaniya sa tuwing pumapasok siya sa isip ko. Maging noong mga panahon na nakakulong siya. Hindi ko ikinakailang sa t’wi-t’wina’y naiisip ko ang kalagayan niya. Ngayong nandito na siya at malaki talaga ang pinagbago niya. Ang laki ng ipinayat niya. Humaba ng husto ang kaniyang bigote at balbas. Kung titingnan ang kanyang mukha ay agad na papasok ang ideyang may sakit siya dahil mukha na ito halos na bungo. Ang lalim ng mga mata niya’t kapansin-pansin ang makapal nitong eyebags. Natutulog pa ba siya?

“T-tay, anong nangyari sa ’yo.” ’yon agad ang mga salitang nasambit ko nang mayakap ko siya. Hindi ko maiwasang magtanong dahil gusto kong mahanap ang kasagutan sa mga tanong na pilit nagsusumiksik sa isip ko.

Kahit na patuloy sa pagragasa ang mga luha sa mga mata ni tatay ay naupo siya nang maayos. Humiwalay siya sa aking pagkakayakap at bahagya akong inilayo sa kaniya. Ilang sandali niya ring pinagmasdan ang mukha ko’t pinahid ang mga pisngi kong basa rin ng sariling mga luha.

Ngumiti siya nang tipid sa akin at saka nagsalita, “tama nga ang nanay mo, kamukhang-kamukha nga kita.”

Hinawakan ko ang kamay niyang nakadampi sa aking pisngi. Patuloy na lumundag ang mga luha sa aking mga mata at hindi ko alam kung magagawa ko ba silang pahintuin dahil sa mga naririnig at nararanasan ko ngayon mula kay tatay. Para akong ang batang Keifer na inaasikaso ni tatay noon bago pumasok sa eskwela. Kasama ko na noon ang nakababatang kapatid na si Gino. Kung sana lagi na lang ganito. Kung sana hindi na lang namatay si Gino siguro ay mahal din ako ni tatay kagaya nito.

“Huli na ba ang lahat para patawarin mo ako, anak?” humihikbing sabi sa akin ni tatay kaya agad akong umiling sa kaniya.

“Mahal kita ’tay at handa po akong gawin ang lahat maging maayos lang po ang lahat sa atin. Wala ka pong ideya na gabi-gabi, simula noong mawala si Gino, lagi akong nagdarasal na sana mapatawad mo ako, na sana mahalin mo po ulit ako bilang anak mo. Lagi po akong nakikiusap sa Diyos na haplusin niya ang puso mo’t dinggin ang paghingi ko nang tawad dahil—” nahinto ako sa pagpapaliwanag nang yakapin ako ni tatay.

“Noong mga panahong nawala ang kapatid mo, naging bulag ako at hindi ko naisip na kagaya mo, nagluluksa ka rin sa pagkawala ng nag-iisa mong kapatid. Sorry, anak. Sorry, Keifer.”

Nilubos ko ang pagkakataon na ’yon at hinayaan ang sarili na makulong sa mga bisig ng ama. Bata pa ako noong huli kong naramdaman ang init ng yakap niya at masasabi kong isa ito sa mga bagay na talagang nangulila ako ng sobra. Ngayong bente anyos na ako, hindi ko inaasahang ngayon ko muling mararanasan ang init ng pagmamahal ng isang ama. Akala ko malabo nang mangyari ulit. Sa wakas, nakita na ako ni tatay. He’s no longer blind with anger. Finally, I was seen and noticed.

“Kinausap ako ng nanay mo, ’nak. Pinaintindi niya lahat sa akin. Lagi ka rin niyang kinu-kwento sa akin kaya kahit wala ka sa bahay noong nakalaya ako sa kulungan, pakiramdam ko ay lagi kitang kasama. Oo, lagi kitang pinagmamasdan doon sa trabaho mo mula sa malayo at kung minsan ay inihahatid pa kita sa eskwelahan na pinapasukan mo. Wala kang ideya na lagi akong nagpipigil na kausapin ka, na lapitan ka upang humingi ng tawad at ngayong nasaksihan kitang sobrang nasasaktan, pinili ko nang magpakita sa ’yo kaya gano’n na lang ang reaksiyon ko noong magkita tayo,” nahinto siya sa pagsasalita. Inilayo niya ako mula sa kaniya at saka hinawakan ang aking nga balikat. Tinitigan niya ako sa aking mga mata at saka muling ngumiti nang tipid.

“Bigyan mo lang ako ng pagkakataon at babawi akong muli sa ’yo, anak,” desididong sambit sa akin ni tatay.

“Mahal na mahal ka niya, Keifer.”

Nang masagap nang mga tenga ko ang boses na iyon ni nanay ay agad ko siyang hinanap. Napansin ko pa si kuya Damian na nakatayo ilang metro ang layo mula sa amin ni tatay bago ko mamataan si nanay sa gilid niya, nakangiti kahit na may mga luha sa kaniyang mga mata.

Agad akong tumayo upang lapitan siya at wala ano-anong niyakap siya. Agaran niya ring sinuklian ang yakap ko. Kagaya ng init na naramdaman ko sa yakap ni tatay, walang katumbas ang saya nang maramdaman ko ang init ’yon mula sa yakap ni nanay sa akin.

Naramdaman ko ang kamay ni nanay na marahang humahaplos sa aking buhok. Na-miss ko ito. Lagi niya itong ginagawa sa akin noong bata pa ako sa tuwing umuuwi ako sa bahay at nagsusumbong sa kaniya. Madalas kasi akong ma-bully noon dahil nga sa seks’walidad ko at si nanay ang nagsilbi kong tagapagtanggol at kakampi. Katulad na lang ngayon, siyang muli ang gumawa ng paraan upang maiayos ang kung ano mang hindi namin pagkakaunawaan ni tatay.

Naramdaman ko ang mga bisig na bumalot sa amin ni tatay at nang silipin ko iyon ay bumungad sa akin si tatay. Nakangiti siya kahit na walang hinto sa pag-iyak. Sa tagal nang panahon, muling nabuo ang pamilya namin. Si Gino na lang ang kulang.

“Kung nasaan man ngayon si bunso, alam kong masaya siya. Panahon na para palayain itong galit sa puso ko. Mahal ko si Gino at alam kong gusto niyang mahalin ko rin ang kuya niya kagaya ng pagmamahal na meron ako para sa kanila noon. Pasensiya na sa mga nagawa ko sa inyo ng nanay mo, Keifer. Sana bigyan niyo ako muli ng pagkakataon upang makabawi sa inyo,” sambit ni tatay sa amin.

Wala akong rason upang hindi patawarin si tatay. Matagal ko nang pinapangarap na mahalin niyang muli bilang anak niya at ngayon, natupad na ito. Nabuo pa ang pamilya namin! ’yong takot sa puso ko ay unti-unting naglaho at napalitan ng labis na saya. Masaya ako na buo na ulit ang pamilya namin. Masaya ako na bumalik na muli sa dati ang relasiyon na meron kami ni tatay. Masaya ako na nandito na ulit si nanay. Nalaman kong hindi na siya babalik pa sa Bulacan, kanila lola, dahil noong pinuntahan niya si tatay sa kulungan, iyon din ang panahon na nagpasiya siyang manatili nang muli sa tabi ni tatay. Kagaya ng sumpa nila noon sa harap ng altar, through ups and down, nangako sila na hindi nila pababayaan ang isa’t-isa. Oo, nadala si nanay ng sobrang takot at pinagsisihan niya ang ginawa niyang pag-iwan sa amin noon kaya nga siya bumalik at muling binuo ang noo’y nasira naming pamilya. Nang mabuo niya ay tinulungan niya naman si tatay na ayusin ang relasiyon naming mag-ama.

“Umuwi ka na sa bahay, ’nak.”

’yon ang mga salitang binitawan ni tatay na sinang-ayunan naman ni nanay. Mga salita na alam kong hindi ko agad mabibigayan ng kasagutan.

Agad na hinanap ng mga mata ko si kuya Damian na matiyagang naghihintay sa amin doon sa gilid ng isang puno.

Alam kong narinig niya ang sinabi ni tatay kaya kahit nakangiti siya sa akin ngayon, alam kong may lungkot sa likod ng ngiting iyon.

“Bumalik ka na sa bahay, anak. Buoin ulit natin ang pamilya natin, ha?” muling sabi sa akin ni tatay. Hindi ko winakli ang tingin ko kay kuya Damian at mula sa kinatatayuan niya, nakita kong marahan siyang tumango nang ilang ulit sa akin.

*

Thank you for reading!

I’m so happy for Keifer! What are your thoughts? Share it in the comment section!

Don’t forget to vote for this chapter! Thank you ❣️

-KuyaSen

29: Not a Happy Heart

I did a major revision in this chapter. For those who already read this chapter, you can reread it. Thank you (⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠❤

Keifer

“Hindi pa ako pwede magbigay ng sagot, e, ’tay. Bigyan niyo muna ako ng isang buong linggo para mapag-isipan ko kung uuwi na ba ako sa atin. Hindi ko naman po maaaring iwanan na lang ang tao na kumupkop sa akin noong panahon na wala akong mapuntahan,” sagot ko kay tatay. Hindi ko intensiyon na makasakit ng damdamin ng iba lalo na kung papayag agad ako sa gusto ni tatay. Naging maingat naman ako sa naging sagot ko sa kaniya at hindi ko inaasahang makita ang lungkot sa kaniyang mga mata. Siguro ay nagulat siya sa naging sagot ko partikular na noong binitawan ko ang mga huling pangungusap. Siya kasi ang dahilan kung bakit ako umalis sa bahay. Bukod kay nanay na iniwan kami noon, si tatay rin ang nagpalayas sa akin.

Hindi pa rin ako handa sabihin sa kanila ang kung anong meron kami ni kuya Damian. Masaya akong nagkaayos na kaming pamilya ngayon at hindi ito ang tamang pagkakataon para ipaalam sa kanila ang relasiyon namin. Ayaw kong isipin nila na kaya ako nakatira sa apartment ni kuya Damain ay dahil may namamagitan sa amin. Hangga’t maaari ay ililihim ko muna sa kanila kung ano ang meron kami. Darating din ang tamang pagkakataon upang ibalita sa kanila na si kuya Damian ang taong nagpapatibok ng puso ko, at hindi ngayon ang panahon na ’yon. Isa pa, hindi pa naman opis’yal ang relasiyon namin. Wala pa ngang label, e.

“Na-miss ko po kayong dalawa nang sobra,” sabi ko na lang at agad na kinulong sa mga bisig ko sina nanay at tatay. “Tara na, ’nay, ’tay, hatid muna po namin kayo sa bahay. Siguro po ay ipagpapaliban na lang muna namin ni kuya Damian ang lakad— Nahinto ako nang magsalita si tatay.

“Sige na. Ituloy niyo na ang lakad niyo. Kaya na namin ng nanay mo ang magb’yahe pauwi,” nakangiting sabi sa akin ni tatay.

“Sigurado ba kayo diyan ’tay?” tanong ko. Itinaas niya lang ang kamay na naka-like sign pa sa akin saka tumango-tango.

“Mag-ingat lang kayo sa b’yahe, ’nak. Enjoy kayo ni Damian,” sabi naman ni nanay. Mas lalong bumigat ang puso ko nang magsalita siya. Parang may kung anong nagdidikta sa akin na isama na lang sila sa pupuntahan namin.

Tumayo na ako at saka lumingon kay kuya Damian na matiyang naghihintay sa akin sa lilim ng puno sa hindi kalayuan. Sumulyap ako saglit sa mga magulang ko at saka nagpasiyang lumapit kay kuya Damian. Agad ko siyang nginitian nang masilayan ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Hindi niya siguro inaasahan ang paglapit ko sa kaniya.

“Tuloy ba tayo kuya Damian?” tanong ko sa kaniya.

“Paano ang mga magulang mo? Iiwanan na lang ba natin sila rito? Parang hindi yata tama iyon , Keifer,” sabi sa akin ni kuya Damian kaya nahinto ako. Natanaw ko rin ang papalapit na pampasaherong bus.

Humarap ako kay kuya Damian. Gusto kong isuhestiyon na isama sila tatay at nanay pero ayaw ko namang masira ang plano namin na kami lang dalawa ang lalabas ngayon. Pwede naman namin ipagpaliban ang date na ito pero kasi sayang din ang pagkakataon. Nandito na rin naman, e.

“Okay lang ba?” Tinitimbang ko pa ang ekspresiyon sa mukha niya. Nang marahan siyang tumango ay agad niya ring itinaas ang kamay.

“Isama nalang natin sila. Mas marami, mas masaya, saka pagkakataon niyo na ito upang mag-bonding na buong pamilya. Lubusin mo na,” aniya.

Huminto ang bus sa gilid namin kaya agad kong hinarap sila tatay at nanay. Nilapitan ko sila at saka inilahad ang mga kamay ko upang alalayan silang makatayo.

“Sama na po kayo sa amin,” sabi ko dahil kita ko ang pag-alangan sa mga mukha nila. “Maiiwan tayo ng bus. Tara na po. Minsan lang ito kaya pagbigyan niyo na po ako.”

Dahil do’n ay kinuha na nila tatay at nanay ang dalawa kong kamay na nakalahad sa kanila.

Balak pa sanang magsalita ni tatay pero pigilan ko agad siya’t pinauna nang pumasok sa loob ng bus. Nang makaakyat sila ay sumunod naman kami ni kuya Damian. Inalalayan pa ako nito. Mahulog man ako ay malapad ang katawan niyang sasalo sa akin kaya okay lang. Isa pa, nahulog na nga pala talaga ako. Buti na lang ay nasalo.

Medyo maraming tao ang sakay ng bus pero mabuti na lang at marami pa rin namang bakanteng upuan. Naupo sila nanay at tatay sa two-seater space na nakita nila sa malapit. Ang susunod na bakanteng upuan ay sa bandang likod na kaya bahagyang lalayo kami sa kanila.

Sumenyas na lang ako sa mga magulang ko na sa likod kami uupo dahil wala nang bakante na malapit sa kanila. Sinang-ayunan naman nila iyon kaya nagtungo na kami sa nasabing p’westo.

Nang makaupo ay hindi ko matanggal ang ngiti sa labi ko. Sobrang saya ko lang kasi na kasama ko ngayon ang mga taong sobrang lapit sa puso ko. Masaya ako sa ideyang bubuo kami ng masasayang ala-ala nang magkakasama. Ala-alang paulit-ulit kong mababalikan sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot. Alam kong lubos akong matutuwa ngayong gabi na ito dahil muling nabuo ang pamilya namin. Bonus pa na kasama ko ngayon ang taong may malaking parte sa puso ko.

Lumingon ako sa katabi ko at nakita ko ang unti-unting pagsibol ng ngiti sa labi ni kuya Damian. Nahawa ako kaya napahagikgik ako sa nakakakilig niyang ngiti na ’yon. Simpleng ngiti lang ni kuya Damian pero makalaglag brief na! Bakit ba kasi parang napaka-perpekto niya na sa paningin ko?

Sa totoo lang ay wala akong ideya kung saan kami pupunta ni kuya Damian. Ang alam ko lang ay may magandang naghihintay sa amin sa dulo ng b’yahe na ito. Nag-uumpisa na ring mag-agawan ang liwanag at dilim sa kalangitan. Siguro ay aabutin na kami ng gabi sa b’yahe. Hindi ko alam? Hindi rin naman sinabi sa akin ni kuya Damian kung saan ang tungo namin. Hindi na rin ako nagtanong. Iba ang saya na hatid ni kuya Damian sa sistema ko lalo na sa tuwing nabubuo ang ideya sa isip ko na nandito siya at katabi ko pa! Kahit tahimik kaming dalawa at ingay lang ng ibang sasakyan at ibang taong nag-uusap ang siyang naglalaro sa aking mga tenga, naging komportable ako dahil kasama ko siya.

Naramdaman ko ang malaki niyang kamay na bumalot sa binti ko. Noong una’y nagulat pa ako. Parang kuryente ang naging hatid nitong pakiramdam sa akin na kalayuna’y nagustuhan din ng sistema ko.

Napangiti ako at saka ko pinatong ang maliit kong kamay sa kamay niya. Lumingon ako sa kaniya at saka ngumiti ng tipid. Noong oras na ’yon ay narinig ko nang malinaw ang malakas na tibok ng puso ko. Mas lalo pa itong nag-ingay nang hawakan niya ang kamay ko.

In love na nga ako.

Tuluyan nang kinain ng dilim ang kalangitan. Namangha ako sa gandang hatid ng mga mumunting ilaw ng siyudad na aking natatanaw mula rito sa aming kinauupuan. Kahit na mahaba ang b’yahe ay hindi ito naging problema dahil masaya ako sa taong kasama ko ngayon sa b’yahe na ito. Kung p’wede lang na h’wag nang mayari ang b’yahe namin ay mas maganda. Katulad ng libro, meron din itong katapusan.

Huminto na ang bus at nagsitayuan na ang ibang mga pasahero. Nagulat pa ako nang makita kong tumayo si kuya Damian. Lumingon siya sa akin at inaya ako.

“Nandito na tayo,” sabi niya.

Marahan akong tumayo at sumunod sa kaniya sa pagbaba. Sinenyasan ko rin sila nanay at tatay nang madaanan namin sila. Nagulat naman ako kay kuya Damian nang alalayan niya ako pababa sa matarik na hagdan ng bus. Siya kasi ang naunang bumaba at kagaya ng ginawa niya sa akin, inakay niya rin si nanay para maingat na makababa. Hindi ko tuloy maiwasang matuwa habang pinagmamasdan siyang ipakilala ang sarili sa harap ng mga magulang ko. Sobrang gentle man talaga ng isang ’to!

Suot ang matamis na ngiti sa aking labi ay siya rin namang pag-usbong ng pagkamangha sa aking mga mata matapos mailibot ang mga mata sa lugar ng pinagbababaan namin.

Nakaalis na ang bus na aming sinakyan at naibaba na rin ang iba naming kasama na pasahero. Humalo na sila sa dami ng tao na nagkalat sa buong lugar.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kahit na madilim na’y buhay na buhay pa rin ang lugar. Kahit saan ako tumingin ay puro ilaw. Nagkalat din kasi ang iba’t-ibang stall ng mga pagkain at mga laruan. Samu’t-sari ding ingay ang nagtatagpo sa aking magkabilang tenga. Pawang lubos na kasiyahan dahil sa gabi na ito, pinili ng karamihan na magdiwang kasama ang mga mahal nila sa buhay. Merong mga pamilya na binubuo ng iba’t-ibang bilang ng mga kapatid. May mag-jowa na nilulubos ang oras upang gumawa ng magagandang ala-ala nang magkasama. Meron din namang magbabarkada at ilang pares ng magka-kaibigan.

Ako? Ito, kasama sila nanay at tatay pati na rin ang taong mahal ko. Shet!

“Sa dulo nito naroroon ang Theme Park ng Doña Francia Village. Ito po iyong nag-viral na renovated theme park sa social media. Ang balak ko po sana’y kumain muna po tayo ng dinner sa beach—” nahinto si kuya Damian sa pagsasalita dahil sa bigla kong pagsigaw.

“May beach dito?” Nahinto rin agad ako nang mapagtantong napalakas ang boses ko. May ilan tuloy na napalingon sa amin. “May beach dito?” pag-uulit ko saka tumango si kuya Damian. “Saan? Tara, excited na ako,” impit kong sigaw na para bang bata na nagmamadaling maakalis dahil pupunta sa playground.

Napansin ko ang pagtawa nila nanay at tatay gano’n din si kuya Damian.

“Bumili muna tayo ng makakain. Pwede naman tayo sa malapit sa tabing dagat kumain dahil may mga pavilion naman na nagkalat doon. May mga sarili ring ilaw ’yon. Okay lang po ba sa inyo?” pagkuha ni kuya Damian ng permiso nila.

Sumang-ayon kami syempre. Siya ang may alam nitong lugar na ito dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang ito napuntahan.

“Hintayin niyo po ako rito at meron lang po akong bibilhin na pagkaing magugustuhan niyo,” sabi sa amin ni kuya Damian.

Akmang aalis siya nang pigilan ko siya. “Sama ako,” sabi ko.

“Ihahatid ko lang muna sa bench itong mga magulang mo para hindi sila mangawit kakatayo sa pag-iintay sa atin,” sambit niya sa akin.

Hindi niya na hinintay pa ang sagot ko dahil agad niyang nilapitan ang mga magulang ko at inaya sila sa malapit na bakanteng stone bench. Nakita ko pang kinausap siya ni tatay at hindi ko na napigilan pa ang sarili na mapangiti nang yakapin siya ng tatay ko. Marahil ay humingi siya ng tawad kay kuya Damian dahil siya ang rason kung bakit may maliit na peklat si kuya Damian sa braso.

Napansin kong nakatingin silang lahat sa akin. Lahat ay may ngiti sa labi kaya alanganin akong ngumiti at kumaway. Ano naman kaya ang pinag-uusapan ng mga ’to? Akala ko ba ay ihahatid niya lang sila nanay at tatay? Bakit may ganitong portion pa?

Tumango-tango sila nanay at tatay kay kuya Damian. Hindi ko alam pero naging dahilan iyon upang mabuhay ang malalakas na dabog ng puso ko.

Hindi rin nagtagal at bumalik na rin sa akin si kuya Damian, suot ang pinaka-magandang ngiti na nakita ko mula sa kaniya. Ako naman, ito, mas lalong kinabahan dahil sa ngiti niyang iyon kaya hindi ko na naiwasan pa ang mapatanong.

“Anong meron sa ngiti na ’yan? Abot hanggang langit, ah?”

Hinawakan niya ang kamay ko bagay na agad kong ikinabahala. Baka kasi kung ano na lang ang isipin ng mga magulang ko. Mahirap na!

“Humingi na ako ng permiso sa kanila na ligawan ka kaya h’wag ka nang mahiya d’yan. Ipinagpaalam na kita.”

At kagaya ng isang lobo, tuluyan ng pumutok ang puso ko.

✨✨✨

Hindi ko alam pero halo-halong emosiyon ang nararamdaman ko ngayon habang kasama silang tatlo sa pavilion na napwestuhan namin. Masaya ako na humingi siya ng permiso sa mga magulang ko para ligawan ako pero hindi ko maalis ang pagtataka ko para kay tatay. Hindi siya nagalit kaya ibig sabihin ay bukal sa kalooban niya ang pagpayag sa paalam ni kuya Damian. Hindi lang siguro ako sanay na ganito kabait si tatay dahil ilang taon din akong nag-tiis sa pagmamaltrato at pananakit niya sa akin.

Malapit ang na-p’westuhan naming pavilion sa tabi ng dalampasigan kaya rinig na rinig ang malalakas na hampas ng alon sa pampang. Makinang ang tubig sa dagat dahil sa liwanag na mula sa buwan. Ang ganda. Para akong nakatingin sa maliit na diyamanteng nagsisikinangan.

Napalingon ako kay kuya Damian. Kanina pa siua kinukuwentuhan ni tatay. Usapang lalaki kaya hindi ako masiyadong maka-relate. Kulang na lang ay bote ng alak.

Si kuya Damian ang siyang bumili ng pagkain namin ngayon at hindi niya ako hinayaang mag-ambag man lang kahit papaano. Treat niya raw ito dahil ideya niya naman daw ang lumabas kami para mag-date. Wala na akong nagawa kundi hayaan siya kahit na gustong-gusto ko nang mag-share sa kaniya. Sa huli ay bumili na lang ako ng tatlong box ng pizza para kahit papaano’y may pantanggal kami ng umay matapos kumain.

Pinagmamasdan ko lang si kuya Damian na nakikinig sa mga kwento ni tatay nang maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kamay ko rito sa ilalim ng lamesa. Sumulyap siya sa akin at saka kumindat. Nalusaw naman agad ang puso ko. Shet! Ang g’wapo naman ng isang ’to?

“Kamusta ang pag-aaral, ’nak?” tanong sa akin ni nanay kay huminto bigla si tatay sa pagsasalita at saka napalingon silang lahat sa akin, nag-hihintay ng sagot ko.

“Ayos naman po, ’nay. Napagsasabay ko naman po ang pagiging working student. Kinakaya pa naman, ’nay,” nakangiti kong sabi sa kaniya.

“Mahihirapan ka diyan, Keifer. Mabuti pa ay huminto ka na at hayaan mong ako na lang ang magtrabaho para sa pamilya natin. Meron na rin naman akong nahanap na mapapasukan na construction. Magresign ka na riyan, anak para mas makapag-pokus ka sa pag-aaral mo,” ani tatay na talagang nakapagpahinto sa akin.

Naramdaman ko ang mabilis na pamumuo ng luha sa mga mata ko at para maitago ang sarili sa pag-iyak ay mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

Naramdaman ko rin ang kamay ni tatay na marahang humaplos sa aking buhok. Mas lalo lang tuloy akong naiyak.

“Pasensiya ka na sa akin noon, anak. Pangako, babawi talaga ang tatay sa ’yo—”

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw. Segundo lang ang nagdaan nang maramdaman ko ang pagkawala ng balanse ni tatay. Mahigpit ko siyang niyakap upang hindi siya tuluyang mahulog.

May naramdaman akong basa sa likuran niya. Nanginginig ang mga kamay kong itinaas iyon mula sa likuran niya at nang masilayan ang sariling kamay na puno ng dugo, doon mas umagos ang luha sa aking mga mata.

Umiiyak ako kanina dahil sa lubos na saya pero hindi ko inaasahang aapaw ang luha ko ngayon dahil sa labis na pagkabigla.

Si tatay, maraming dugo. Siya ang napurahan! May tama siya ng bala ng baril sa likod!

*

Sorry 🥹

This is not supposed to be like this. How on eath I come up with this idea? 😭

Share your thoughts in the comment section. H’wag maging madamot sa iniisip. Let me read some of it. Thank you 🥹

-KuyaSen

30: Self-blame

Keifer

Hindi kaya ng lakas ko ang mahawakan si tatay nang matagal kaya sabay kaming napaupo sa buhanginan.

Nagkagulo na sa buong lugar. Maraming tao ang nag-panic. Kanya-kanya sila ng takbo at ang ilan ay humihiyaw pa dahil sa nangyari. Kahit puno ng luha ang mga mata ko ay agad kong hinanap ang tao na nagpaputok ng baril.

May babae na nakatayo sa hindi kalayuan. Hawak niya ang baril na nakatutok pa sa direksiyon namin. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya, halatang hindi niya inaasahan ang nangyari. Meron ding nakatayo sa harapan niyang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay magkasintahan sila na merong hindi pagkakaunawaan, at nadamay lang kami sa problema nila.

May ilang tao ang naglakas-loob na lumapit sa babaeng may hawak ng baril upang pigilan siya, na sa tingin ko ay wala na rin namang balak magpaputok pa ulit.

Kung ano man ang problema nila, wala na akong pakialam. Ang kailangan naming gawin ngayon ay dalhin si tatay sa pinakamalapit na ospital.

Binalik ko kay tatay ang aking tingin at kitang-kita ko ang panghihina niya. Dahil hawak ko siya ay mariin kong pinigilan ang tama ng bala niya sa likuran upang kahit papaano’y mabawasan ang paglabas ng maraming dugo mula ro’n.

“Tay, h’wag kang matutulog. Pakiusap, h’wag mong ipipikit ’yang mga mata mo,” sabi ko sa kaniya sa pagitan ng paghikbi ko.

Lumapit na sa amin si nanay at si kuya Damian. Maging sila ay nababahala na rin dahil sa nangyayari.

“K-kuya Damian, tumawag ka po ng ambulansiya. Please po,” halos pabulong kong sabi sa kaniya.

Gusto kong sumigaw ng saklolo pero hindi nakikisama ang labi ko. Lubha akong nangangatal at hindi ko makontrol ang panginginig ng buo kong katawan. Halos maligo na rin ako sa dugo ni tatay.

Dapat ay nagsasaya kami ngayon pero bakit ganito?

Pinikit ko ang mga mata ko, Siya na lang ang malalapitan ko. Hindi ako pala-simba na tao pero kahit na gano’n ay sana pakinggan Niya pa rin ang panalangin ko.

Ngayon pa lang po kami nagkakaayos ni tatay. Ni hindi pa po ako nakakabawi sa kaniya. Lord, bigyan niyo pa po sana ng mas mahabang buhay ang lalaking nasa mga bisig ko ngayon. Tulungan niyo po kami.

“Ako po si Hudson Halili. I’m a Police Officer. Tumawag na rin po ako ng iba pang pulis para rumesponde sa atin dito pero mas mabuti po kung dadalhin muna po natin si tatay sa pinakamalapit na ospital. I have my car with me. Kasama ko rin po ang kaibigan kong paramedic para malapatan ng paunang lunas si tatay. Tara po,”

Napadilat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang isang lalaki na naka-sibilyan. Tinulungan niya kami ni kuya Damian akayin si tatay at mas nabuhayan ako ng loob ng matanaw ang kulay asul na kotse sa hindi kalayuan.

Thank you po, God.

Sinalubong kami ng isang lalaki. Ito siguro iyong tinutukoy niyang paramedic.

“Dito po. Dahan-dahan lang po,” sabi niya sa amin saka kami pinagbuksan ng pinto sa back seat.

Pumunta na sa driver’s seat si officer Hudson. Maraming tao na rin ang nakikiusiyoso sa amin ngayon.

“Doon na po kayo sa shotgun seat. Kailangan ko pong masuri ang tama ng baril kay tatay,” sabi noong lalaki na kasama ni officer Hudson kay kuya Damian.

Naunang pumasok ang lalaki na ’yon sa back seat upang maalalayan si tatay. Sumunod naman sa kaniya si nanay at nang mapagtantong maliit na espasiyo na lang ang natitira na nakalaan para sa akin ay hinarap ko si kuya Damian.

“Ikalma mo ang sarili mo. Magiging maayos din ang tatay mo, Keifer. Manalangin ka,” paalala sa akin ni kuya Damian kaya muling bumuhos ang luha ko.

Tumango-tango ako sa kaniya at saka niya ako sinenyasan na pumasok na sa kotse. Pumunta na rin siya sa shotgun seat kaya pumasok na rin ako sa loob.

Nang maisara ang pinto ay nagpakilala sa amin ang kasama namin sa likuran.

“Ako po si Froy Guiterrez. I’m a paramedic. Hayaan niyo po akong tumulong sa inyo para po malapatan ng paunang lunas si tatay,” sabi niya sa amin.

Umiiyak na rin si nanay. Pinagigitnaan nila si tatay na halos mawalan na ng malay. Nakiusap sa amin si sir Froy na hawakan at alalayan si tatay para masuri niya ang tama nito baril.

“Hud, nandiyan pa ba sa harapan iyong bandages ko? Pasuyo naman ako rito. Salamat,” sabi ni sir Froy at wala ano-anong pinunit ang damit ni tatay sa likuran.

Hawak namin siya ni nanay para mas maayos na masuri ni sir Froy ang sugat ni tatay at bumungad na nga sa amin ang tama niya ng bala. Sobrang daming dugo noon. Hindi na rin maiwasang malagyan ng talsik at tulo ng dugo ang upuan ng kotse ni Officer Hudson.

“Wala po akong gamit dito para sa first aid kaya hindi po natin malilinis ang sugat ni tatay. Ang maganda pong gawin natin ngayon ay lapatan ng pressure ang sugat niya para po mas mabawasan ang pagdaloy ng maraming dugo. Tatapatin ko po kayo, sa pwesto po ng kaniyang sugat ay maaaring natamaan ang kanyang spinal cord,” paliwanag niya sa amin na ikinalaglag ng aking puso.

Mas lalong naiyak si nanay. Napuno ng kaniyang paghagulgol ang aking mga tenga. Patuloy lang din sa pag-agos ang luha ko dahil sa narinig.

Kung sana hindi ko sila sinama ay baka hindi nangyari ang lahat ng ito! Kasalanan ko ’to!

“M-maging okay naman po siya, hindi p-po ba?” tanong ko kay sir Froy.

Tipid siyang ngumiti sa akin at tumango. “Magiging maayos din po siya.”

Iniabot ni kuya Damian ang bandages at saka marahang nilagyan nito ang sugat ni tatay. Pinakiusapan niya pa akong lagyan ng pressure ang bandage na nakalapat sa sugat ni tatay. Agad ko iyong ginawa at narinig ko ang mahinang ungol ni tatay, inidikasiyon na nasasaktan siya.

Konti na lang ’tay, malapit na tayo sa ospital! H’wag kang bibitaw!

Ilang sandali pa ay huminto ang kotse sa harapan ng ospital. Agad naming ibinaba si tatay at humingi ng saklolo sa ibang tao na naroon.

Dahil sa ingay ko ay mabilis na rumesponde ang mga nars na nakarinig sa akin.

Ang ilan sa kanila ay sinundo kami ng stretcher at mabilis naming inilagay doon si tatay. Inasikaso nila agad kami at napansin kong kilala nila ang mga taong kasama namin, sila sir Froy at Officer Hudson.

Sumama kaming itulak ang stretcher ni tatay hanggang sa mapunta kami sa harapan ng emergency room. Pinigilan na nila kaming pumasok dahil bawal na kami ro’n sa loob. Wala kaming nagawa ni nanay kundi ang silipin si tatay na dalhin palayo sa amin.

Napayakap ako kay nanay. Si kuya Damian ay nakatayo lang sa likuran ni nanay, kaharap ko.

Nang humiwalay ako ng yakap ay lumapit sa akin si sir Froy. Kinuha ko ang mga kamay niya at halos mapaluhod na ako sa harapan nila ni Officer Hudson upang magpasalamat.

“Thank you po,” muli kong sambit. Inalalayan niya akong makatayo sa aking mga paa. Nang pakiramdam ko’y tutumba ulit ako ay naramdaman ko naman ang paghawak ni kuya Damian sa aking mga balikat.

“Maiwan na po namin kayo. Kailangan pa po naming bumalik sa pinangyarihan ng trahediya para imbestigahan ang nangyari. H’wag po kayong mag-alala. May babayad po ang may sala sa insidenteng ito,” sabi sa amin ni officer Hudson.

Muli kaming nagpasalamat sa kanila hanggang sa tuluyan na silang umalis.

Naiwan kami sa hospital hallway. May ilang dumadaan na tao at empleyado, lahat sila ay napapatingin sa amin dahil sa duguan naming mga kamay at damit. Sabayan pa na hindi pa rin makalma si nanay at patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Nakaakbay pa rin sa akin si kuya Damian upang suportahan ako sa aking balanse at nang masigurong kaya ko na ay kumawala muna ako sa kaniyang mga bisig.

Lumapit ako kay nanay at niyakap siya. Gusto kong ipaalam sa kaniya na nandito lang ako, sabay naming haharapin ang problemang ito.

“Nay, hindi po maganda sa inyo ang umiyak ng ganito. Baka po kayo naman ang mapano,” sabi ko sa kaniya.

“Ibibili ko lang ng tubig si nanay. Babalik ako rito,” sambit naman ni kuya Damian sa akin kaya tumango ako sa kaniya at nagpasalamat.

Umalis na si kuya Damian kaya inakay ko si nanay patungo sa mga bakanteng upuan. Iniupo ko siya ro’n at tinabihan.

“Sana maging maayos lang ang tatay mo. Napakarami niyang pagkukulang sa iyo at kita ko sa kaniya ang pagpupursigi at dedikasiyon upang makabawi sa ’yo, ’nak,” aniya at saka sinalo ang mukha.

“Sorry, ’nay.” Naging mabigat para sa akin ang mga salitang ’yon dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa nangyaring ito. “Kasalanan ko po ang lahat. Sorry, ’nay.”

Sa pagkakataong ito ay si nanay na ang yumakap sa akin.

“Wala ka namang kasalanan, anak. H’wag mong sisihin ang sarili mo. May rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito.” Kinuha ni nanay ang mga kamay ko at saka iyon hinawakan ng mahigpit. “Gagaling ang tatay mo. Ipanalangin mong maging maayos ang operasiyon niya. Mabubuhay pa ang tatay.”

Tumango-tango ako kahit na malaki ang pagsisisi ko. Kahit na sabihin ni nanay na h’wag kong sisihin ang sarili ay hindi ko pa rin maiwasan. Hindi naman kasi talaga mababaril si tatay kung hindi ko sila isinama ni nanay doon.

“Samahan mo akong magdasal, anak. Ipanalangin natin ang paggaling ng tatay mo,” sambit ni nanay.

Tumango-tango ako.

Mabubuhay pa si tatay. Hindi p’wedeng mawala na lang siya nang gano’n-gano’n lang.

*

Your votes ang comments are highly appreciated! Thank you~

31: Tinted

Thank you for the 45k reads, guys! ❣️

Keifer

“Bye-bye, daddy Ki!” sabi ni Shina at saka marahan niyang winagayway ang maliit na kamay ni Dama sa akin.

Nandito kami ngayon sa terminal. Kasama ko si kuya Damian. Nandito rin si Athisa, Shina at ang napaka-cute na si Dama. Ihahatid na namin sila sa sakayan pauwi sa probinsiya. Tatlong araw lang sila nanatili sa apartment at sa tatlong araw na ’yon ay hindi ko man lang sila nakasama at naka-bonding nang maayos.

Mabait si Dama kaya hindi siya umiyak nang panandalian ko siyang kuhanin kay Shina para yakapin. Maingat ko itong bitbit sa aking mga bisig. Nagulat pa ako sa kaniya nang hawakan niya ang pisngi ko at pagkaraa’y tinitigan ako sa aking mga mata na para bang pinaka-aaral niya ang bawat parte ng aking mukha.

“Love ka, Dama,” sabi niya sa akin.

Dalawang taon na siya kaya kahit papaano’y nakakapagsalita na ito kahit na medyo bubulol-bulol pa.

“Love ka rin ni daddy Keifer,” sabi ko sa kaniya at saka siya hinalikan sa noo.

Nang makita niya si kuya Damian sa tabi ko ay agad niya itong hinarap at pilit na iniaabot ang maliliit niyang bisig.

Kinuha siya ni kuya Damian at niyakap. Para silang magtatay dahil magkamukhang magkamukha talaga silang dalawa. Siguro ay magkawangis talaga sila ng kapatid niyang namatay kaya ganito na lang ang pagiging magkamukha nila ng bata.

Hinarap ko sila Shina at Athisa. Hinawakan ko ang mga kamay nila at saka ngumiti nang tipid.

“May susunod pa naman ang pagbisita niyo rito. Pasensiya na talaga kayo at hindi ko kayo maharap dahil sa sitwasiyon namin kay tatay,” sabi ko sa kanila.

“Naiintindihan naman namin ’yon, Ki. H’wag kang mag-alala. Ipagdarasal namin ang mabilisang paggaling ng tatay mo,” sambit sa akin ni Shina.

“Pray lang, Ki. Nakikinig naman Siya,” sabi naman ni Athisa at saka tumuro sa itaas.

Nagpasalamat ulit ako sa kanila at pagkaraa’y binalik na rin ni kuya Damian si Dama kay Shina. Naging mahirap ’yon noong una dahil ayaw pang sumama ni Dama kay Shina. Mukhang nakaramdam yata ang bata na uuwi na sila’t maiiwan lang dito ang tatay-tatayan niya.

Sumagi na naman sa isip ko si t

atay…

Dumating na ang SUV na sasakyan nila. May iba rin namang nakapila kaya mabilis na napuno ang sasakyan nila. Mabuti na lang at hindi pa naisasara ang pinto dahil kulang pa ng isang pasahero kaya kahit papaano’y nagkaroon kami ng kaunting oras para malubos ang mga sandali na kasama sila bago tuluyang umalis.

Nag-umpisa nang umiyak si Dama. Halos magwala na ito sa loob at kitang-kita ko ang hirap nila Shina at Athisa para pakalmahin ang bata kaya naman pinakisupan ko na si kuya Damian na kuhanin ito hangga’t wala pa ang huling pasahero na ko-kumpleto ng b’yahe nila.

“Babalik naman kayo rito, ’nak. H’wag nang malungkot, okay?” sabi ko kay Dama nang makuha siya ni kuya Damian. Halos isiksik niya ang sarili sa kanlungan ni kuya Damian. Ramdam na ramdam kong ayaw niyang mawalay sa taong kinagisnan niya na ring ama.

“Uuwi rin si daddy doon. Isasama ko na si daddy Keifer sa probinsiya kapag umuwi ulit ako. Kailangan lang talagang mag-trabaho ni daddy dito para may pangbayad tayo sa gamutan mo, anak. Bibili pa tayo ng maraming laruan! Gusto mo ba ’yon?” pag-alo ni kuya Damian sa bata.

Kitang-kita ko ang mga luhang patuloy na dumadaloy mula sa kaniyang mumunting mga mata pababa sa kaniyang nagtatambukang pisngi. Marahan siyang tumango bilang sagot kay kuya Damian.

Napangiti ako kahit na sa totoo lang ay unti-unti ring nadudurog ang puso ko sa nasasaksihan. Kahit hindi ko tunay na anak si Dama at kahit na saglit lang kami nagkasama, naramdaman ko ang pangungulila niya sa ama. Parang parehas kami kahit na magkaiba ang sitwasiyon.

Umiwas na ako nang tingin dahil oras na tagalan ko pa ang panonood sa kanila ay tuluyan nang babagsak ang mga luha ko.

Ang hirap kayang lumaki nang walang ama.

“Damian!”

Napalingon ako kanila Shina nang tawagin niya ang taong kasama ko. Nakataas ang kaniyang mga kamay na tila ba inaabot na si Dama.

“Kumpleto na. Aalis na kami. Kuhanin ko na si Dama,” dagdag niya pa.

Napalingon ako sa mag-ama at kitang-kita ko kung paano niya yapusin nang napakahigpit si Dama. Hinalikan pa nito ang noo ng bata at kahit na mahirap ay nagawa niyang ibalik ang bata sa loob ng SUV, patungo kay Shina at Athisa.

Kagaya ng inaasahan ay nagwala ang bata at nag-iiyak. Humingi na rin ng pasensiya sa amin ang lalaking nag-aassist ng mga pasahero nang isara niya ang pinto ng SUV. Kumaway na lang ako kahit na hindi ko sila makita sa loob dahil tinted ang mga bintana ng sasakyan.

Dahan-dahan ay nagmaniobra ang driber at pagkaraa’y nakalayo na rin ang SUV na lulan nilang tatlo.

“Mami-miss ko sila,” sabi ko kahit na hindi ko na matanaw kung saan nararoon ang sasakyan. Wala na at tuluyan na silang nakalayo sa amin.

“Kung pwede lang na dito na lang sila pero hindi pwede dahil mas mahal ang pagpapa-ospital dito kaysa sa probinsiya. Mas mabuti pa ring makauwi sila roon dahil mas maganda ang hangin ng probinsiya kaysa sa siyudad. Baka kung mapano lang dito ang anak ko sa dami ng polusiyon. Hindi pa naman aircon ang apartment natin,” paliwanag sa akin ni kuya Damian.

Magsasalita sana ako nang maramdaman ko ang kamay niyang bumalot sa aking kamay. Napalingon tuloy agad ako sa kaniya at hindi ko maiwasan ang mamangha. Kahit kasi maraming tao sa kinaroroonan namin ay wala siyang pakialam sa mga sasabihin nila. Gagawin niya ang gusto niya. Kulang na lang ay isigaw niya sa lahat na nililigawan niya ako. Talagang hindi niya ikinahihiya ang kung anong relasiyon ang namamagitan sa amin ngayon. Wala talagang rason upang hindi mahalin ang isang ’to. Lahat ng bagay kay kuya Damian ay kamahal-mahal.

“Anong plano? Liliban ka ba talaga ngayon sa klase at pupuntahan natin si tatay mo?” tanong niya sa akin.

Tumango ako bilang sagot. Nag-umpisa na rin kaming maglakad. May ilan na napapatingin sa amin marahil ay mga nagtataka kung bakit parehas lalaki ang naglalakad nang magkahawak ang kamay.

“Alam kong nag-aalala ka sa kalagayan ng tatay mo pero parang hindi yata tama na pati ang pag-aaral mo ay maapektuhan dahil sa sitwasiyon mo ngayon, Ki,” sambit ni kuya Damian.

Umiwas ako nang tingin sa kaniya. Aminado naman ako na napapabayaan ko na ang pag-aaral ko nitong mga nag-daang araw lalo na noong malipat si tatay dito sa public hospital ng bayan. Mas nakalaan ang panahon at oras ko sa pinapasukan kong part-time at ang paghalili kay nanay sa pagbabantay kay tatay sa ospital. Comatose kasi siya matapos ang operasiyon at nangangailangan kami ng malaking halaga para sa bayarin sa ospital.

Kaya nga mas nakalaan ang oras ko ngayon sa pagtatrabaho kaysa sa pag-aaral. Mahigit tatlong araw na rin akong hindi pumapasok sa eskwela kaya alam kong nababahala na si kuya Damian sa mga ginagawa ko. Siya rin kasi ang sumusundo sa akin sa trabaho sa tuwing madaling araw ang tapos ng shift ko. Mabuti na lang at may nahihiraman siyang motor sa kapait-bahay namin. Bigla ko tuloy naalala si Hunter. Wala na akong balita sa kaniya. Oo, naaabutan ko siya minsan sa duty pero madalas ay pauwi na siya. Sa tingin ko’y iniiwasan niya talaga ako nang malaman kong pinapakisuyo niya sa manager namin ang pagbubukod ng schedule naming dalawa. Gusto ko siyang makausap nang magkaayos na kami pero siya na mismo ang lumalayo sa akin. Kung ayaw niya talagang kausapin ako ay wala na akong magagawa ro’n.

“Bukas na bukas ay papasok na po ako. Pagbigyan niyo muna ako ngayon,” hirit kong sagot sa mga sinabi ni kuya Damian sa akin kanina.

Nagtungo kami sa sakayan papunta sa ospital kung saan naka-admit si tatay. Hanggang sa makaupo kami sa jeep ay hindi pa rin binibitawan ni kuya Damian ang kamay ko kaya naging atraksiyon kami sa loob ng sasakyan. Kahit na ganoon ay wala akong maramdaman na hiya o takot. Sa katunayan ay masaya ang puso ko dahil ipinagmamalaki ako ni kuya Damian at hindi siya nag-aalangan na iparamdam sa akin ang pagmamahal niya.

Naging mabilis lang din ang b’yahe namin at wala man kalahating oras ay narating din namin ang ospital. Kagaya ng inaasahan ko’y nandoon si nanay sa silid kung saan nakapwesto si tatay pero hindi ko inaasahan ang tao na madadatnan ko kasama nila. Si Hunter.

Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni kuya Damian nang huminto ako sa mismong pinto ng silid. Ang ibang pasiyente na kasama namin sa loob ng silid na ’yon ay napatingin din sa amin.

Nag-uusap si nanay at Hunter pero nang makaramdam sila sa presensiya namin ay agad din silang huminto at napalingon sa direksiyon naming dalawa ni kuya Damian.

Agad na tumayo si nanay at lumapit sa akin. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.

“Bakit hindi mo sinasabi sa akin, anak? Nakalimutan mo na ba ang lagi naming paalala sa ’yo ng tatay mo? H’wag na h’wag mong pababayaan ang pag-aaral mo, anak. Bakit nagpu-full time ka sa trabaho mo at hindi ka umaattend sa eskwela? Nalaman ko pa rito kay Hunter na nag-eextend ka pa ro’n sa tranaho mo! Anak naman!” mahabang lintanya ni nanay.

Napalingon ako kay Hunter na nasa likuran lang ni nanay. Umiwas siya ng tingin at mabilis na naglakad palabas ng silid. Agad ko siyang hinabol at nang maabutan siya ay marahas ko itong iniharap sa akin.

“Bakit sinabi mo kay nanay?” halos pasigaw kong sambit sa kaniya.

“At ano? Hayaan kang matulong nang dalawang oras lang araw-araw? Kung gusto mong magpakamatay, magbigti ka o tumalon ka sa ikasampung palapag ng ospital na ’to hindi ’yong unti-unti mong pinahihirapan ang sarili mo,” sagot niya sa akin.

“Dapat ba akong magpasalamat sa ’yo dahil concern ka sa akin? Oh sige, salamat, Hunter, kasi concern ka sa akin! Masaya ka na? P’wede ba? Hayaan mo na lang ako sa mga ginagawa ko? Hindi mo na ako kailangan pang pakialaman sa lahat ng mga desisiyon ko—” nahinto ako nang magsalita siya. Para akong tinamaan ng palaso sa dibdib dahil sa mga sinabi niya.

“Pasensiya na kasi minahal kita. Hindi na ba talaga pwede, Keifer? Hindi ba p’wedeng ako na lang ulit?”

Ilang segundo kong tinunaw lahat ng mga salitang lumabas mula sa labi niya. Ayaw ko sanang bitawan ang mga salitang nabuo sa isip ko pero kailangan niyang malaman ang mga ’to. Akala ko’y malinaw na sa kaniya ang lahat.

“Pasensiya ka na rin, Hunter. Mahal kita pero hindi kagaya ng pagmamahal na nararamdaman mo ngayon para sa akin. Kaibigan mo ako at hihintayin ko ang pagkakataon na manumbalik tayo sa kung anong meron tayo noon, ang pagiging matalik na magkaibigan.  Pasensiya na pero ’yon lang ang kaya kong ipagkaloob sa ’yo. Hindi ko na kaya pa kung higit pa ro’n ang nais mo.” Lumapit ako sa kaniya upang yakapin siya pero nagulat ako nang mabilis niyang inilapit ang mukha sa akin.

Nang sandaling maglapat ang labi naming dalawa ay mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin. Tinapunan ko siya nang masamang tingin dahil sa ginawa niya. Nabuhay naman ang matinding kaba sa puso ko nang makita ko kung saan siya nakatingin.

Kitang-kita ko pa ang pagsibol ng mapaglarong ngiti sa labi niya bagay na mas ikinatakot ko.

Nakumpirma ang nasa isip ko nang lumingon ako sa aking likuran at bumungad sa akin ang gulat na gulat na si kuya Damian.

*

Your vote matters! Thank you (⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠❤

-kuyasen

32: Falling

Keifer

Naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko na nagawa pang pigilan si kuya Damian nang sugurin niya si Hunter. Agad niyang hinablot ang k’welyo nito gamit ang kaniyang kaliwang kamay at nang makita kong itinaas niya ang kanang kamay para umamba sa pagsuntok ay agad akong tumakbo papalapit sa kanila. Napahawak pa ako sa braso ni kuya Damian na nakahawak sa k’welyo ni Hunter kaya kitang-kita ko ang mga ekspresiyong naka-imprenta sa mga mukha nila.

ni katiting na kaba ay wala akong makita sa mukha ni Hunter bagkus ay mapaglaro pa ang ngiting nasa labi niya. Alam kong ginagawa niya lang ito upang asarin si kuya Damian at randam ko ang pagpipigil nito sa bugso ng damdamin dahil sa nasaksihan.

“Talagang sinusukat mo ang pasensiya ko, Hunter. Maswerte ka dahil napipigilan ko pa ang sarili ko sa mga ginagawa mo. Ilang beses mo nang ginawa ’yan at ilang beses na rin kitang pinalampas. Sa susunod na gawin mong muli ang nangyari kanina, pasensiyahan tayo pero hindi ko maipapangakong magagawa ko pang pigilan ang sarili kong saktan ka,” tiim-bagang na sabi ni kuya Damian sa kaniya at pagkaraa’y pinakawalan si Hunter.

Nakahatak kami ng atensiyon ng ibang tao. May lumapit na rin security sa amin para pumigil sa komusiyong nagaganap pero hindi na naglaan pa ng oras si kuya Damian para ro’n dahil hinala niya na rin ako palayo sa eksena. Humabol ako ng sulyap kay Hunter at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. May kaunting kirot sa puso ko sa ideyang habang tumatagal ay mas pinalalala lang ni Hunter ang sitwasiyon sa aming dalawa sa puntong miski ako ay magkaroon na rin ng rason para umiwas sa kaniya. Gusto kong magkaayos kami pero dahil sa mga padalos-dalos niyang gawain ay parang mas pinapagulo niya lang ang lahat.

Nasa harapan na kami nang pinto patungo sa silid kung saan naroroon si tatay at nanay nang huminto si kuya Damian. Binitawan niya ang kamay ko at hinarap ako nang maayos. Kita ko ang labis na lungkot sa mga mata niya at kahit hindi niya sabihin ay alam kong dismayado siya sa nangyari kanina.

“Tama lang naman na bakuran ko ang dapat na sa akin, hindi ba? Oo, hindi pa ngayon pero alam kong dadating ang panahon na sasagutin mo ako’t magiging akin ka kaya pagpasensiyahan mo na ako kung ganoon ang naging trato ko kay Hunter-” Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita nang ibalot ko ang aking mga braso sa kaniyang malaking katawan. Naging sapat ’yon upang pahupain ang bugso ng damdamin na nararamdaman niya.

Bahagya kong hinaplos ang kaniyang likuran. Hindi ko rin iniinda ang mga tao na nakatingin sa amin. Kahit naman anong gawin namin ay hindi mauubusan ng sasabihin ang mga tao. Meron at meron pa rin silang masasabi kaya mas magandang sundin ko ang kung anong sinasabi ng puso ko kaysa ang magpaapekto sa kanila. Walang ideya si kuya Damian pero siya ang tao na nagturo sa akin kung paano ang maging matapang.

“Mahal kita,” sambit ko sa kaniya. Ito ang unang beses na sinabi ko kung ano ang madalas na isinisigaw ng puso’t isip ko. Naging makapanyarihan ang dalawang pares ng salitang ’yon upang pakalmahin ang lagablab ng apoy sa puso ni kuya Damian. Masaya ako na naging daan din ang mga salitang ’yon upang makita ang isang tunay na ngiti sa labi niya noong oras na humiwalay ako sa kaniya nang pagkakayakap.

Sabay kaming pumasok sa silid ni kuya Damian at dahil pambulikong ospital ito ay hindi lang kami ang mga tao na nakaokupa sa loob ng nasabing silid. Merong anim na hospial bed sa loob at lahat ’yon ay okupado ng iba’t-ibang pasiyente. Si tatay lang talaga ang walang malay sa kanila ro’n. Ang iba’y nagpapagaling na lang mula sa nararamdamang sakit at matapos ang kanilang operasiyon kagaya ni tatay. Sana lang talaga ay magkaroon na siya ng malay upang makausap na namin siya.

Nakaupo si nanay sa gilid ni tatay gamit ang isang monoblock at kitang-kita ko kung paano niya labanan ang matinding antok. Halos lumaglag na anng kaniyang ulo sa pakikipagduwelo sa sariling kamalayan kaya naman nang makalapiyt ako’y inakbayan ko agad siya. Dahil doon ay nakuha ko ang atensiyon niya.

“Anak,” aniya.

“Magpahinga ka muna, ’nay. Kami na po muna ang bahala kay tatay,” sabi ko sa kaniya.

Bahagya siyang yumakap sa akin at taimtim akong pinagmasdan. “Mahal na mahal mo talaga ang tatay mo, ano?”

Nakita ko ang pangingilid ng kaniyang mga luha na naging dahilan ng biglaang pagbigat ng aking dibdib. Hindi ako okay na nakikitang ganito si nanay. Bukod sa labis na lungkot ay bumabalik sa akin ang mga ala-alang nakikita ko siyang patago na umiiyak sa tuwing sinasaktan siya ni tatay. Sobrang sakit para sa akin na nakikita siyang tumatangis at agad na kinukubli ang nararamdaman sa tuwing nakikita akong nakatingin sa kaniya.

“Kahit na ilang beses kang minaltrato ng tatay mo ay nagagawa mo pa rin siyang mahalin ng ganito. Napapabayaan mo na ang pag-aaral mo para lang mag-straight sa trabaho. Anak, alam mo namang mahalaga sa amin ang makatapos ka ng kolehiyo dahil hindi namin naransan ang bagay na ’yon, hindi ba?”

Sa puntong ito ay niyakap ko na pabalik si nanay. Sa totoo lang ay gusto ko nang huminto sa pag-aaral at magtrabaho na lang muna lalo na sa sitwasiyong kinakaharap namin ngayon ngunit kapag ginawa ko ’yon ay parang binigo ko na rin ang pangarap nilang makayari ako ng kolehiyo. Ayaw nilang huminto ako kaya tutuparin ko ang pangako ko sa kanila.

“Ihahatid na kita sa bahay, ’nay para makapagpahinga ka na muna,” sambit ko.

“Mangako ka muna sa akin na yayariin mo ang pag-aaral mo kahit na anong mangyari,” sabi niya sa akin.

Tumango ako sa kaniya. Kung iyon ang gusto nila ay tutuparin ko, pero hindi ko iaasa sa kanila ang mga gastusin ko sa pag-aaral. Hindi ko sila aabalahin sa mga bayarin at sisiguraduhin kong ako ang magiging responsable sa pag-aaral ko. Ayaw kong dumagdag pa sa isipin nila ang mga bayarin ko sa eskwela kaya hangga’t kaya kong nagworking student ay gagawin ko para sa kanila. ’yon lang din ang magagawa ko para matulungan sila.

Niyakap ako nang mahigpit ni nanay. Sumang-ayon na rin siya na ihatid ko siya pauwi dahil noong una’y pinagpipilitan niyang siya na lang mag-isa ang magba-b’yahe. Paalis na kami ni nanay nang magsalita si kuya Damian.

“Ikaw na kaya ang magbantay sa tatay mo. Ako na ang bahalang maghatid sa nanay mo pauwi,” sabi niya sa akin.

Napaisip ako dahil sa totoo lang ay ayaw ko nang abalahin pa siyang magb’yahe pa ulit pero nang tanungin ko siya’y sumang-ayon lang ito sa akin.

“Sure ka?” tanong ko pa na sinagot niya naman nang pagtango.

Nagpaalam na si nanay at nauna na itong umalis. Akala ko’y susunod na rin si kuya Damian pero lumapit pa siya sa akin upang bulungan ako na naging dahilan kung bakit nanindig ang mga balihibo ko sa buong katawan.

“Akala mo ba’y libre ’to? Babayaran mo ito sa akin, Keifer.” Pagkasabi niya noon sa akin ay umalis na rin siya kasunod ni nanay. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil magkahalong kaba, pagkabigla at kilabot ang siyang pumuno sa aking buong sistema. Halos mapasampal pa ako sa sarili ko dahil sa ideyang naglaro sa aking isipan. Kailan ka pa naging dirty minded, Keifer? Kadiri ka!

Ginawa kong abala ang sarili noong mga sandaling naiwan ako mag-isa para kay tatay hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang mga kamay ko’t kusa na itong nagkabuhay upang kontakin si kuya Damian. Kinuha ko ang phone sa bulsa at saka nagtipa ng mensahe para sa kaniya.

Keifer: Kamusta?

Maya-maya pa’y nakatanggap din ako ng mensahe mula sa kaniya.

Damian: Nandito kami ngayon sa palengke. Bumili saglit ang nanay mo ng mga prutas para sa tatay mo. Bumili rin siya ng mga gamot at vitamins sa botika at sa tingin ko’y para sa ’yo ang mga binili niyang ’yon. Nag-aalala tuloy sa ’yo ang nanay mo mula sa nalaman niya mula kay Hunter.

Napabuntong-hininga ako dahil sa nabasa. A mom will always be a mom. Hindi ko masisisi si nanay na mag-alala para sa akin pero ayaw ko naman itong nag-aabala pa siya para lang ibili ako ng mga vitamins dahil lang sa mga sinabi ni Hunter sa kaniya. B’wisit talaga ang lalaking ’yon! Hindi ko maintindihan kung concern ba siya o sadiyang gusto niya lang paguluhin ang sitwasiyon namin ngayon.

Muli akong nagtipa ng mensahe sa keyboard ng phone at mabilis na ipinadala sa kaniya.

Keifer: Makisabi na magpahinga na siya’t h’wag nang mag-abala pa na bumili ng kung ano-ano. Makialalayan na lang din si nanay kuya Damian at baka matumba ’yan sa sobrang puyat. Mag-iingat po kayo sa b’yahe pauwi.

Ilang segundo lang matapos kong maipadala ang mensahe na ’yon sa kaniya ay mabilis din siyang nakapag reply.

Damian: See you in a bit. 😘

Para naman akong sira na napangiti matapos mabasa ang mensahe niya. Nakadagdag pa ng kilig ko ang emoticon na ginamit niya sa huling bahagi nito. Mabuti na lang at wala siya rito dahil grabe lang ang pag-init ng mga pisngi at tenga ko ngayon. Pakiramdam ko ay kasing-pula na ako ng kamatis dahil sa kaniya.

Napangiwi ako nang makaramdam ng kirot sa aking magkabilang sentindo. Sinusubukan kong h’wag pansinin ang bigat ng pakiramdam ko pero dahil siguro sa sobrang puyat at pagod ay nakararamdam na rin ang katawan ko pagkapagal. Kung magkakasakit man ako ngayon ay h’wag naman sanang tumuloy. Marami pa akong kailangang gawin at hindi ako maaaring magpahinga. Hindi sa ngayon.

Kahit na hindi payapa sa loob ng silid dahil hindi lang naman kami ang tao rito ay mabilis akong dinalaw ng antok. Hindi ko namalayang nakatulog na ako. Ang ipinagtataka ko lang noong iangat ko ang aking ulo mula sa pagkakadukmo sa tabi ni tatay ay biglang nawala lahat ng tao sa loob ng silid. Tanging kami na lang dalawa ni tatay sa loob.

Inilibot ko nang tingin ang buong paligid at doon ko lang napansin ang tao na nakatayo sa gilid namin. Nakatalikod ito sa amin, sa bandang paanan ni tatay at kahit na hindi siya nakaharap ay kilalang-kilala ko ang lalaking ito kaya naman tumayo ako upang lumapit sana sa kaniya. Noong oras na banggitin ko ang pangalan ni kuya Damian ay sakto namang lumingon siya sa akin ngunit ang ipinagtataka ka ko’y tila ba unti-unti siyang lumalayo sa akin, hanggang sa maramdaman kong para kaming nahuhulog. Parang bibigay ang tinatapakan naming sahig kaya wala na akong nagawa kundi ang isigaw ang pangalan niya habang pilit na iniaabot ang kamay niyang nakaunat para tanggalin ang distansiyang namamagitan sa aming dalawa.

Ngunit huli na, tuluyan nang bumigay ang tinatapakan namin habang nakatitig ako sa mukha niya na tanging ito lang ang nakarehistro sa aking paningin, ang napaka-gwapo at napakaamo niyang mukha na unti-unting nahuhulog palayo sa akin.

*

Your votes matters! Thank you ❣️

33: Disappear

🚨🚨🚨

Keifer

“Keifer,” tawag sa akin ng boses na siyang humila sa akin pabalik sa reyalidad.

Pagkabangon ko mula sa pagkakadukmo ay agad akong napalinga-linga sa buong lugar. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa tadiyang nang makitang bumalik lahat ang mga kasama namin sa loob ng silid. Nandito rin si tatay sa harapan ko na mahimbing na natutulog.

Mabuti na lang at masamang panaginip lang ang lahat

!

Naglaho man ang bigat sa dibdib ko dahil sa nasaksihan mula sa masamang panaginip na ’yon ay agad namang nagsalubong ang aking mga kilay nang makita ang taong nakatayo sa gilid ko. Bahagyang nakalapat sa akin ang kamay niya na para bang inaalala ang kalagayan ko. Hindi ko inaasahan ang sarili na mapaatras palayo sa kanya kahit na nakaupo ako sa isang lumang monoblock chair.

“Okay ka lang ba? You seemed to have a bad dream,” nag-aalalang sabi ni Hunter na para bang hindi siya naapektuhan sa inasal ko. Mabuti na lang at hindi siya na-offend.

Aaminin kong hindi ako natuwa na siya ang bumungad sa akin dahil nasanay na ako na si kuya Damian ang madalas na nasisilayan ko sa umaga at siya rin ang huling tao na nakikita ko bago matulog. Hindi ko lang talaga inaasahan na si Hunter ang makikita ko ngayon at hindi si kuya Damian.

Imbis na sagutin siya ay agad kong kinuha ang cellphone kong nakapatong sa gilid ni tatay. Napansin kong may mga unread messages na naka-show sa screen kaya naman binuksan ko iyon.

Damian: Baka matagalan ako sa pagbalik jan. Nadaanan ko kasi si mang Jerry sa guard house at may emergency lang dito sa subdivision.

Damian: Sorry, Ki. Baka hindi na ako makabalik jan. Merong nangyaring krimen dito sa loob ng Beverly Heights at kailangan naming lahat na mga sekyu um-attend sa emergency meeting.

Damian: Tawagan kita kapag natapos na ang meeting namin na ’to.

Damian: Balik ako agad jan.

Isasara ko na sana ang phone ko nang makita ko ang huling mensahe niya para sa akin.

Damian: I love you.

Naramdaman ko ang matinding init sa mga pisngi ko. Bumilis din ang pintig ng aking puso na para bang sumali ako sa karera at si kuya Damian ang nakaabang na premyo. Kung siya ang prize ay hindi talaga ako magpapatalo!

Napansin kong apat na oras na matapos niyang ipadala ang mga mensahe na ’yon sa akin kaya marahil ay apat na oras na rin akong nakatulog dito sa tabi ni tatay. Apat na oras na ring nasa meeting si kuya Damian. Sana ay mayari na ang meeting na ’yon dahil gusto ko nang marinig ang boses niya kahit sa tawag man lang.

Shet! Bakit parang ang landi ko sa parte na ’yon?

“Ayos ka lang ba? I’ll buy you water. Babalik ako-”

Agad kong hinila ang kamay ni Hunter nang akmang paalis na siya. Nahinto ito at napalingon sa akin. Kung makaasta siya ay parang wala siyang ginawang gulo kanina.

“Kailangan nating mag-usap, Hunter,” sabi ko sa kaniya nang hindi binabali ang tingin na meron kami sa isa’t-isa.

“We are talking now,” pilosopo niyang sambit.

“Sa labas. Iyong tayo lang dalawa,” paglilinaw ko pa sa kaniya.

“Kung iyan ang gusto mo. Fine. Let’s talk outside.” Siya na ang naunang lumabas. Tiningnan ko muna si tatay bago ako sumunod sa kaniya. Babalik agad ako, tay. Bibigwasan ko lang ang isang ’to nang magising na sa panaginip niya! Mabilis lang po ito.

Hindi na ako nagtagal at sumunod na rin ako kay Hunter. Natatanaw ko siya kaya hinayaan ko lang siya na manguna hanggang sa makalabas kami ng ospital. Maraming tao ngayon pero naka-pokus lang sa kaniya ang atensiyon ko dahil baka kapag nalingat ako’y mawala siya sa aking paningin.

Ilang metro lang naman ang layo niya sa akin at hindi na ako nag-abala pang tawagin siya. Ang mahalaga ay nakikita ko siya’t sapat na iyon para sundan siya sa kung saan niya balak pumunta. Alam kong gusto niya rin sa lugar na walang masiyadong tao pero dahil nandito kami sa pampublikong ospital ay napaka-imposible noon.

Hanggang sa mapadpad kami sa bandang likod ng gusali. Hindi ko inaasahan na wala masiyadong tao na nagkalat dito. Meron man ay bilang lang sa mga daliri. May mga kanya-kanya rin silang pinagkakaabalahan. Merong may kausap sa phone, may kumakain at kung ano-ano pa. Siguro naman ay wala nang makikialam at makikiusiyoso pa sa amin.

Napansin kong huminto siya at pagkaraan ay humarap sa akin. Mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko nang maayos ang mukha niya. Hindi ko maitatanggi na guwapo si Hunter. Kaya nga naging crush ko siya noon dahil bukod na rin sa lagi kaming magkasama noong mga bata kami ay may ibubuga naman talaga pagdating sa itsura ang isang ’to. Siguro kung hindi niya ako iniwan noon at hindi nangyari ang problema sa mga magulang namin ay siya pa rin ang kinababaliwan ko hanggang ngayon pero hindi. May dahilan kung bakit nagkalayo kaming dalawa at sa puntong ito, sa tingin ko’y malinaw na sa akin jung bakit nangyari ang bagay na madalas kong iniiyakan noon bago matulog. Lalo na noong mga panahong sariwa pa lang ang sugat na ginawa niya sa puso ko.

“Pasensiya na, Keifer. Pasensiya ka na kung ganito ang mga inaasal ko. Umaasa lang ako na baka meron pang natitirang pagmamahal diyan sa puso mo para sa akin, kahit kaunti lang,” aniya na halos pabulong na lang ang mga huling salita na binigkas niya.

Lumapit ako sa kaniya at nang makuha ang inaasam na distansiya ay huminto na ako. Binigyan ko siya ng isang ngiti, ngiti na walang halong ibang emosiyon, tanging purong kasiyahan lang. Gusto kong maramdaman niya na totoo ako sa pinakikita kong emosiyon sa kaniya. Gusto kong maramdaman niya ang kasiguraduhan na wala akong rason para magsabi ng hindi makatotohanan sa mga oras na ito.

“Mahal kita, Hunter. Bata pa lang ako ay ikaw na ang nakagisnan kong kasama. We had a lot of fun doing things we couldn’t imagine young Hunter and Keifer could do. Mahal kita pero sana maramdaman mong iba ang klase ng pagmamahal meron ang mas batang ako para sa Hunter ng nakaraan. Pasensiya ka na rin, Hunter, pero sa tingin ko’y oras na para pakawalan mo na itong nararamdaman mo para sa akin. Nagawa ko nang palayain ang sarili ko sa sakit na nakuha ko mula sa pagmamahal sa ’yo noon. Oras na para palayain mo naman ang nararamdaman mo para sa akin ngayon.” Kalmado lang ako habang nagpapaliwanag sa kaniya. Ilang beses na kaming nag-usap tungkol dito at sana sa pagkakataong ito ay mas maintindihan niya na ang nais kong ipabatid. Hindi ko alam kung makitid lang ba ang pag-iisip niya o sadiyang ayaw niya lang tanggapin na wala na, na tapos na ako sa mga panahong siya lang ang nasa isipan ko, na siya lang ang tao na nagpapasaya sa akin at naglalagay ng ngiti sa aking labi. Tapos na ako sa panahong palihim siyang hinahangaan at pinagpapantasiyahan. Sana lang sa pagkakataong ito ay mas maging malinaw na sa kaniya ang nais kong ipabatid.

Kita ko ang paglatay ng lungkot sa kaniyang mga mata hanggang sa kumalat na ang lungkot na ito sa buo niyang mukha. Hindi ko maiwasan na maramdaman ang lumbay na nararamdaman niya dahil kahit anong gawin ko, siya pa rin ang Hunter na naging kaibigan ko, ang Hunter na minahal ko noon.

“Sorry,” sambit niya at agad na nagpulasan ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mabilis niya ring pinahid ang mga pisngi at nag-iwas ng tingin sa akin. Napayuko siya habang pinupunasan nang paulit-ulit ang sunod-sunod na pagpatak ng kaniyang mga luha.

Gusto kong lumapit at yakapin siua para pagaanin ang kalooban niya pero pinigilan ko ang sarili na gawin ’yon.

Kailangan niyang maintindihan ang lahat at kung gagawin ko ’yon ay mas lalo ko lang palalalain ang sitwasiyon katulad na lang ng lagi niyang ginagawa sa amin ni kuya Damian.

“Hindi pala madali ang pinagdaanan mo noon. Sorry for making you feel this way. Now I know the feeling and it’s killing me.” Pumeke pa siya ng tawa kaya parang may sumuntok sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya.

“I know that the process of unloving you is hard. Ayaw ko nga sanang tigilan ka dahil hangga’t may nakikita akong pag-asa kahit kaunti ay mananatili akong naka-angkla sa katiting na pag-asa na ’yon pero sa puntong ito, parang mas malinaw na sa akin na wala na akong inaangklahan pa.” Tumingin siya sa akin. Namumula na ang kaniyang mukha kakaiyak ganoon din ang kaniyang mga mata. Ilang sandali lang din ay muling bumuhos ang kaniyang mga luha at pinuno nito ang kaniyang mga pisngi ngunit sa pagkakataong ito ay hinayaan niya na lang ang mga ito sa pagdaloy.

Ngumiti siya sa akin bagay na ikinasakit ng damdamin ko.

Hindi ko inaasahang magiging mahirap din para sa akin ito.

“Can I ask you a favor?” he asked.

Tumango ako. Hindi ko na rin magawang magsalita pa dahil ramdam ko ang timbang na nakadagan sa aking dibdib at hindi maganda ito.

“Kapag nakita kitang umiyak dahil kay Damian at kapag nalaman kong sinaktan ka niya, I can’t promise you that I will continue this arrangement anymore. Whether you like it or not, kukuhanin at kukuhanin kita mula sa kaniya.”

Bawat salita niya ay nagsilbing mga mumunting karayom na tumusok sa aking puso. Parang pinamukha sa akin ng reyalidad na ang taong ito ay handang gawin ang lahat para lang sa pagmamahal ko. May saya at lungkot akong naramdaman sa mga salitang binitawan niya pero mas lamang ang naramdaman kong kalungkutan. Hindi ako dapat nakokonsensiya pero bakit ako nakararamdam nito?

“Kailangan ko nang balikan si tatay. Wala siyang bantay. Mamaya pa babalik sila nanay. Aalis na ako-” Nakatalikod na ako ngunit dahil sa ginawang paghawak ni Hunter sa kamay ko ay agad din akong napabaling sa kaniya.

“One last hug, please,” aniya at agad akong ikinulong sa kaniyang mga bisig. Hindi ko alam pero hindi ako umangal sa ginawa niya. Hinayaan ko siyang gawin ’yon dahil kung isa ito sa magpapagaan ng nararamdam niya ngayon ay hindi ako magdadalawang-isip na pahintulutan siya.

Ilang minuto rin ang itinagal ng yakap na iyon bago niya ako pakawalan. Dahil mas matangkad siya sa akin ay nakatingala ako sa kaniya nang bahagya upang matingnan siya nang maayos sa mukha.

Nakangiti siya pero naghuhumiyaw ang labis na lungkot sa mga mata niya. Ni hindi rin naabot ang tenga niya ng ngiting iyon.

Nang mapansin ko ang panibagong luha na rumagasa mula sa kaniyang mga mata ay agad ko itong pinunasan.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa ekspresiyon niya kaya naman bahagya kong hinaplos ang kaniyang pisngi. Agad niya namang kinuha ang kamay ko na iyon at nilubos ang pagkakataon. Napapikit pa siya habang marahan na idinadampi ang pisngi sa aking kamay na hawak niya.

“Itigil mo na ang mga ginagawa mo kay kuya Damian, ah? Mabait siya at alam kong gusto ka rin niyang maging kaibigan kaya sana bigyan mo rin siya ng pagkakataon na makilala ka bilang Hunter na kaibigan ni Keifer noon,” sambit ko sa kaniya.

Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Binawi ko na rin ang kamay ko mula sa kaniya at saka tumalikod. Hindi na ako nagpaalam pa at mabilis na akong naglakad pabalik sa entrada ng ospital.

Hindi niya na ako sinundan pa. Ilang sandali lang ay narating ko rin ang silid kung saan naroroon si tatay ngunit biglang bumagsak ang puso ko nang wala akong madatnan sa hospital bed kung saan siya nagpapahinga.

Halos tumakbo ako palapit sa walang laman na kamang ’yon. Napalingon ang ibang tao na kasama ko sa loob ng silid at dahil desperado akong alamin kung nasaan naroroon si tatay ay nagtanong agad ako sa pinakamalapit na tao sa akin.

“Ate, nakita niyo po ba iyong lalaki na naka-pwesto rito? Si tatay po, iyong lalaki na may benda po sa dibdib tapos para pong natutulog lang.” Nangingilid na ang luha ko habang nagpapaliwanag at hindi ko na napigilan pa ang sarili na maiyak nang muling ibalik ang tingin sa walang laman na hospital bed na iyon.

“Sir, kayo po ba ang anak ni Sir Kristofer Guillermo?”

Napalingon ako sa likuran ko at bumungad sa akin ang isang maliit na lalaking nurse.

“Opo. Saan niyo po dinala ang tatay ko?” taranta kong tanong sa kaniya at hindi ko nagustuhan ang malungkot na ekspresiyong ibinato niya sa akin bilang kasagutan.

🚨🚨🚨

05-31-2024

Thank you for reading! Dont forget to hit the vote button below. Thanks~

-kuyasen

34: Not again

I will dedicate this chapter to

CrincessAileenGomez

thank you for your stupport in this story! ❣️

Keifer

“Alam ko pong mahirap ang pinagdadaanan niyo ngayon, sir, at umaasa rin po kami sa agarang paggaling ni tatay Kristofer,” sambit noong maliit na lalaking nurse. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya’t alam kong sinabi niya lang iyon upang pagaanin ang kalooban ko. Dahil din sa mga sinabi niya’y nabuhayan ako ng loob dahil alam kong nasa maayos na kalagayan si tatay. Ang tanong lang ay kung nasaan siya ngayon?

“Salamat po pero nasaan po ba si tatay? Saan niyo po siya dinala?” lakas-loob kong tanong sa kaniya.

“Actually Sir, nailipat na po namin ang tatay niyo sa isang private room. Tara po at ihahatid ko kayo sa silid niya,” sabi niya sa akin at siya na mismo ang nanguna sa daan. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa mapunta kami sa pinakadulo ng pasilyo kung saan naroroon ang mga pribadong silid ng ospital.

Huminto kami sa harapan ng isang pinto na may 102 na tag sa harapan. Bago buksan ng kasama kong nurse ’yon ay humarap muna siya sa akin upang magsalita.

“Nakausap na po namin si sir Krisostomo Guillermo sa telepono kanina at dahil confirmation niya na lang po ang hinintay namin ay agad din po naming nilipat ang tatay niyo sa silid na ’to matapos ang tawag niya. We already had the consent from your mother, sir. Pasensiya na po pala kung pinakaba namin kayo kanina. We didn’t mean to,” paliwanag niya at bahagyang tumawa.

Binuksan na nito ang pinto at inihatid ako sa loob kung saan naroroon si tatay.

“Maiwan ko na kayo, sir. Tawag lang po kayo sa telepono na nasa side table ni sir Kristofer kung may kailangan kayo para po agad na makapunta ang ibang nurse sa silid niyo. Salamat, sir at pasensiya na po ulit,” paalam niya at saka umalis. Sinara niya rin ang pinto kaya naman naiwan na kaming dalawa ni tatay sa loob ng silid na ito. Hindi naman masiyadong malaki ang lugar na kinaroroonan namin. Katamtaman lang ang sukat nito at hindi hamak na mas maluwag kaysa sa silid na pinaglagian ni tatay ng mga nakaraang ilang araw. Air-conditioned din dito kaya mas magiging komportable si tatay. Hindi na rin namin kailangang magtiis sa ingay at makipagsiksikan sa ibang tao dahil kami lang ang narito. May isang bed side table sa gilid ng puting kama ni tatay at may gray blinds din sa bintana na kasalukuyang nakarolyo paibaba upang harangan ang sikat ng araw mula sa labas. May isang mahabang sofa malapit sa pinto at meron din isang single cushioned-chair na nakalagay malapit sa higaan ni tatay. Bukod sa ibang aparato at makinaryang nagmo-monitor sa kalagayan ni tatay na nasa loob ng silid ay wala ng makikita pang kahit na ano rito.

Lumapit ako kay tatay at naupo sa malambot na bangko na iyon.

Saglit ko siyang pinagmasdan at kahit na nalulungkot ay nagawa pa ring sumibol ng ngiti sa labi ko.

“Gising ka na, ’tay. Miski si tito Kris ay nagpadala na ng tulong para sa mabilisan mong paggaling,” sabi ko sa kaniya na para bang naririnig niya ako. Ang sabi kasi nila ay kahit na walang malay si tatay, nagagawa niya pa ring marinig ang mga sinasabi namin. Hindi naman masamang umasa. Hindi ako mapapagod na paalalahanan siyang gumising na para malaman niyang nandito kami’t naghihintay sa kaniyang pagbabalik.

“No wonder one day, umuwi si tito Kris dito para lang bisitahin ka kaya gising na, ’tay. Gagawa pa tayo ng maraming masasayang ala-ala ng magkasama. Marami ka pang utang sa akin kaya kailangan mong gumising diyan, ha? Miss ka na namin,” dagdag ko pa.

Tumingala pa ako sa kisame dahil pakiramdam ko’y mag-uunahan na sa pagbagsak ang luha ko ano mang oras ngayon. Hindi kasi ako sanay na kausapin siya ng ganito.

Mabuti na lang at hindi nakalimot si tito Kris na tumulong kay tatay. Hindi naging hadlang ang distansiya niya para lang ipaabot ang tulong sa nawalay na kapatid. I knew their stories. Alam ko kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa kahit na mas piniling manirahan ni tito Kris sa United States. Ilang beses niya ring kinausap si tatay na sumunod na sa kaniya ro’n pero mas gusto ni tatay dito sa sariling bansa. Hindi ko alam ang eksaktong rason ni tatay pero alam kong ayaw niyang umasa sa kapatid at gusto niyang sariling pagsusumikap lahat ng kung anong meron kami ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung pumayag lang si tatay sa gusto ni tito Kris noon na doon kami manirahan kasama nila, baka ay maganda na rin ang buhay namin ngayon, kaso ay hindi pwede dahil paniguradong wala akong makikilalang Damian kung nagkataon.

Napagitla ako nang biglang tumunog ang telepono na nasa bed side table ng kama ni tatay. Landline ito kaya nakakabingi ang ginagawa nitong ingay. Nakakarindi kaya mabilis akong nagtungo doon upang sagutin ang tawag.

“Hello? Has Kristofer been transferred to a private room already?” wika ng tao sa kabilang linya.

Kilalang-kilala ko ang boses na iyon at nang mapagtantong si tito Kris ito ay halos mapunit ang labi ko kakangiti. Ilang taon na rin ang nakakalipas simula nang marinig ko ang boses niya.

“Opo, tito. Nailipat na po si tatay dito. Kamusta na po kayo diyan, tito Kris?” nakangiti kong sagot sa kabilang linya.

“Is that you Keifer? We’re good! How are you? I’m glad your dad has been transferred in the private room. I talked to your mom this morning and found out the news about your dad. I booked a flight this coming thursday to visit you especially your dad. So, see you in a bit my nephew.” Ramdam ko na nakangiti siya habang nagsasalita kaya kahit hindi ko siya nakikita ay nararamdaman kong masaya siya na kausap ako ngayon.

“Maraming salamat po sa lahat ng tulong niyo, tito. Masaya po ako na uuwi kayo ngayong webes. Sasabihan ko po si nanay tungkol dito para po maipaghanda namin kayo ng matutuluyan sa bahay,” sagot ko sa kaniya.

“Don’t bother your mom, Keifer. Kami na ang bahala ’pag uwi diyan sa Pinas. Take care of your dad. Promise me to supervise his condition. Okay?”

Tumango-tango ako kahit hindi niya naman ako nakikita. “Opo,”

“Thank you. I need to end this call now. I have a scheduled meeting this afternoon so I need to go. See you soon, Keifer.”

“See you soon, tito. Ingat po.” Pagkayari noon ay ibinaba niya na rin ang tawag. Dahil pinaalala pa ni tito Kris ang oras ay bigla na lang kumalam ang sikmura ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom palibhasa’y anong oras na rin naman ay hindi pa ako nakakakain.

“Bigatin ka na ngayon ’tay at nakaprivate room ka pa. Sobrang bait talaga ni tito Kris! Bili lang muna ako sa labas ng makakain, ah? Iwanan muna kita diyan. Babalik din po ako agad,” sabi ko at bahagyang hinaplos ang buhok niya. Mas panatag ako na iwanan si tatay dahil walang ibang pwedeng pumasok sa kwarto kundi kami lang na kapamilya niya. Hindi kagaya ro’n sa silid na pinanggalingan namin na halo-halo lahat sa loob.

Lumabas ako ng silid at mabilis kong binaybay ang mahabang pasilyo patungo sa exit ng ospital. Dahil may mga karinderya namang nagkalat sa labas ng ospital ay hindi na ako nag-abala pang lumayo. Kung saan ang pinakamalapit na karinderyang nakita ko ay doon na ako kumain.

Nang maka-order ay naupo na rin ako sa wooden stool at nag-umpisang kumain. Nagkalat ang mga tao sa buong lugar. May mga kasabay din akong kumakain at nang mapansin ko iyong matandang babae na namamalimos sa mga kasama kong kumakain ay mabilis kong kinuha ang wallet ko upang kumuha ng pera na ibibigay sa kanya. Naawa kasi ako kasi matanda na ito. Kahit na nakasumbrero ang matanda ay nakikita ko pa rin naman ang hitsura niya at batay sa balat nito ay may katandaan na nga siya.

Nang mapansin ko na papalapit na siya sa akin ay itinaas ko agad ang aking kamay upang iabot sa kaniya ang hawak kong isang daan.

“Kumain ka na po ba, ’nay? Sabayan niyo na po ako—” nahinto ako at tila ba nanigas ang dila ko nang oras na magtama ang mga mata naming dalawa.

Siya iyong matanda na nakita namin doon sa labas ng pinapasukan kong part-time job!

Ngumiti siya sa akin at saka nagsalita, “Ihanda mo ang puso mo, hijo. Maraming luha ang dadaloy sa maaamo mong mga mata at magpipira-piraso rin ang puso mo dahil sa kaniya, pero h’wag kang susuko, ha? Kaya mo ’yan. Kaya niyo ’yan.”

Umihip ang malakas na hangin na para bang niyanig ang buo kong pagkatao.

“Ayaw mo ba ng sukli mo, hijo?” sabi ng tindera sa akin habang nakapamewang pa. Hawak niya sa isa niyang kamay ang pera na mukhang inaabot niya sa akin.

Nagpalinga-linga ako at hindi ko na naman mahagilap kung saan naroroon ang matanda.

Namaligno na naman yata ako!

Pero para saan ang mga banta niya? Bakit hindi maganda lahat?

Naalala ko na may sukli pa nga pala ako kanina dahil wala silang barya kaya tinanggap ko ang inaabot niya at humingi ng paumanhin. Umalis na rin ang tindera at bumalik sa p’westo niya.

Nakaramdam ako ng takot at nabuhay ang malalakas na kabog sa aking dibdib nang maalala ko ang mga sinabi niya. Naalala ko na noong nakaraang hula niya ay naging totoo ang mga ito. Natatakot ako na baka itong mga binitawan niyang salita ay maging totoo na namang muli. Lalo na ang tao na tinutukoy niya rito ay walang iba kundi si kuya Damian.

🚨🚨🚨

06-02-2024

Thank you for reading! Please don’t forget to vote for this chapter! Thank you again~

-kuyasen

35: Siphayo

Keifer

Matapos kumain ay bumalik na rin ako sa ospital, sa mismong kwarto ni tatay. Lutang pa rin ako dahil sa nangyari kanina, nangangamba dahil sa takot na baka magkatotoo na naman ang mga binitawang salita sa akin ng matandang manghuhula. Noong una niyang hula ay alam kong hindi dumaplis ang binigay niyang impormasiyon kahit na hindi niya mismo sabihin sa akin ng direkta ang mga taong tinutukoy niya. Miski ang paliwanag niya noon na mangyayari ay nagkatotoo rin. Dumating si Hunter sa buhay ko na matagal naman nang naging parte nito, lalo na noong mga panahong wala si kuya Damian. Kung mangyayari man ang sinabi niya ngayon, sana lang ay maging handa lagi ang puso ko sa kung ano man ang naghihintay sa akin sa hinaharap, lalo na sa pagitan namin ni kuya Damian.

Alas dos ng tanghali nang bumalik si nanay sa ospital, bitbit ang mga pinamili niyang prutas para kay tatay. Iniabot niya rin ang binili niyang mga vitamins para sa akin at wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ito.

Binahagi ko sa kaniya ang naging pag-uusap namin ng kapatid ni tatay na si tito Krisostomo at naging emosiyonal si nanay nang marinig ang mga kwento ko.

“Mabuti na lang talaga at busilak ang kalooban ng tito Kris mo na ’yon. Hindi ako nahirapang lumapit sa kaniya at humingi ng tulong,” komento ni nanay sa akin.

“Kaya po kailangan kong maglinis ng bahay, ’nay para may matuluyan sila ’pag uwi nila rito sa huwebes,” sabi ko naman.

“Salamat, anak. Uuwi ka ba sa atin ngayon? Sakto at may maganda akong balita sa ’yo.” Huminto si nanay sa ginagawang pagtutupi ng bitbit niyang mga damit ni tatay at saka tumingin sa akin. Ngiting-ngiti siya at naging sapat ’yon para mahawa ako sa sayang nararamdaman niya.

“May pila sa covered-court natin ngayon. Mga college student ang mga ’yon, naga-apply ng scholar sa dumayong scholar progam ng Parish church sa ating baranggay. Subukan mo kayang magpasa, anak? Alam ko’y may makukuha na agad na limang libo doon oras na matanggap nila ang papel mo. Bukod pa ang budget para sa susunod na semestre,” paliwanag sa akin ni nanay.

“Ano po bang requirements, ’nay?” tanong ko sa kaniya dahil interesado talaga ako. Malaking bagay ang limang libo at magagamit din namin ito ni nanay ngayon lalo na’t ganito ang sitwasiyon na kinakaharap ng aming pamilya.

“Ang sabi ni aleng Cheba kanina ay Certificate of Enrollment ng unang semestre at birth certificate lang, ’nak. Ang balita ko’y hanggang alas kwarto lang sila. Kung uuwi ka ngayon doon at magpapasa ay makakaabot ka pa. Magagamit mo sa pag-aaral ang perang makukuha mo ro’n, anak,” sagot niya sa akin.

“Saglitin ko muna po ang mga requirements ko sa apartment ni kuya Damian saka po ako uuwi agad sa atin para lakarin ang scholar na sinasabi niyo.”

“Si Damian nga pala ay nasa meeting kanina dahil sa nangyaring insidente doon sa Beverly heights. Nasabi niya naman na yata sa iyo ang nangyari ro’n?” tanong ni nanay na sinagot ko naman ng pagtango.

“Kausap ko po siya kanina pero hanggang ngayon po ay hindi pa rin nagrereply. Baka busy pa siya, ’nay. Sige na po. Aalis na ako para makaabot ako ro’n sa scholar na ’yon.” Yumakap muna ako kay nanay bago umalis. Hindi na ako nag-aksaya pa ng kahit anong oras. Mabilis akong nakasakay ng bus patungo sa baryo kung saan naroroon ang apartment ni kuya Damian. Kailangan ko munang makuha ang requirements ko para makauwi agad sa bahay at maasikaso ang dapat asikasuhin.

Nang makita ko ang apartment lalo na ang pinto nito ay agad akong nagtaka nang makita kong bahagya itong nakabukas. Teka? May bisita ba kami? O nandito na si kuya Damian? Nakauwi na siya? Bakit hindi pa rin siya nagrereply sa akin?

Isinantabi ko ang lungkot na naramdaman at mabilis na naglakad patungo sa mismong apartment namin. Nahinto pa ako nang batiin ako ni lola, iyong matanda na madalas kumausap sa akin sa kalapit naminh apartment.

“May pulang kotse kanina diyan, anak. Mukhang mayaman iyong may-ari kaso suplado. Guwapo kasi si Damian kaya maraming umaaligid. Bakuran mo na hijo bago pa maagaw ng iba,” aniya bagay na nagpahinto sa pagtibok ng puso ko.

Kung gano’n ay may naging bisita nga si kuya Damian kanina.

May kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Bahagyang sumikip ito at nahirapan akong huminga. Dinaan ko na lang din sa pagngiti ang mga nalaman kahit na sa katunayan ay parang mawawalan ng lakas ang mga binti ko’t ano mang oras ngayon ay pupulutin ako sa lupa.

Ito na ba ’yong sinasabi noong matandang manghuhula kanina? Bakit napakabilis naman?

Hindi ko alam kung paano ko nadala ang sarili sa harapan ng pinto ng bahay. Dahan-dahan ay binuksan ko nang maayos ang pinto at sakto namang lumabas si kuya Damian sa banyo. Basang-basa ang buhok niya’t kasalukuyan niyang pinatutuyo sa pamamagitan ng tuwalyang nakasukbit sa kaniyang malapad na balikat. Wala siyang damit pang-itaas at tanging shorts lang ang suot nito.

Kagaya niya ay nagulat din ako. Kung ano-anong mga tanong ang nabuo sa aking isipan. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan niya ako kahit na hindi naman sapat na ebidensiya ang mga konklusiyon na naglalaro sa isipan ko. Bakit ba kasi sinabi pa sa akin ni lola iyong nakita niya kanina? Bakit ba kailangan ko pang malaman ang mga ’yon? Edi mas nahihirapan akong iproseso ngayon ang mga naglalaro sa isipan ko. Tangina!

Kitang-kita ko ang pagbuo ng alanganing ngiti sa kaniyang labi. Agad siyang lumapit sa akin at yumakap ngunit hindi ko nagawang tugunan ang yakap na pinagkaloob niya. Pakiramdam ko’y agad na namuo ang mga luha sa aking mga mata kaya naman nilabanan ko ang sarili na h’wag maiyak. Hindi pwede ngayon!

“P-pabalik na rin ako sa ospital, e. Bakit pumunta ka pa rito? Sinusundo mo ba ako? O na-miss mo lang ako? Ikaw, ah!” Nauutal ka pa, kuya Damian. Ano bang tinatago mo sa akin?

Gusto ko siyang tanungin para malinawan ako sa mga bumabagabag sa akin pero mas pinili kong pigilan ang sarili na magtanong tungkol doon.

“May kukuhanin lang ako. May kailangan lang akong asikasuhin na scholar. Bale uuwi muna ako sa bahay para ayusin ’yon. Okay lang naman kahit na hindi ka mag-update sa akin. Umasa lang ako na tutuparin mo ang sinabi mo sa akin kaya—”

Hinawakan niya ang mga pisngi ko dahilan para mahinto ako sa pagsasalita. Nagtama ang mga mata naming dalawa at sa puntong iyon ay agad na nagwala ang puso ko.

“Sorry,” aniya.

Tingnan mo nga ang epekto mo sa akin kuya Damian. Isang salita lang iyang sinabi mo pero halos sumabog na ang dibdib ko sa pagwawala ng

puso ko.

Lumapit ang kaniyang mukha. Napapikit ako ng aking mga mata at doon ko naramdaman ang labi niyang dumampi sa aking noo.

Umasa pa naman akong hahalikan niya ako sa labi!

“Samahan na kita sa inyo. Sorry, love,” sambit niya pa.

May pa-love-love ka pa diyan?

Muli niya akong niyakap at wala na akong nagawa kundi magpatangay sa agos ng aking damdamin. Sa sobrang init ng pagmamahal niya’y naging ligaw ako sa direksiyon kung saan ba ako patungo kaya sa huli ay nagpaanod na lang ako sa kung saan hindi ko alam patungo. Nakakatakot din pala na hindi ko alam kung saan ba ang tamang direksiyon pero dahil sa presensiya ni kuya Damian, kahit hindi ko alam ay naging sapat na siya para mawala ang takot at agam-agam sa puso ko.

Bahala na si Batman!

Nang makuha ang kailangan ay lumisan na rin agad kami sa apartment ni kuya Damian. Buong biyahe ay naging tahimik lang ako dahil hindi ko magawang alisin sa isip ang mga sinabi ni lola kanina. Alam kong ramdam ni kuya Damian ang pananahimik ko kaya naman panay niyang pinipisil ang kamay kong hawak-hawak niya.

Nakarating kami sa bahay nang ganoon kabilis. Ni hindi ko pa rin magawang ibuka ang bibig para magkwento kay kuya Damian, tila ba nilimitahan ako sa pagsasalita o mas pinili ko na lang na maging tahimik na lang muna. Hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat sabihin.

“Keifer, kamusta ka na? Ang tagal kitang hindi nakita, ah!” sabi sa akin ni mang Jerry nang madaanan namin siya sa guard house ng Beverly Heights.

Umapir pa siya sa akin at ramdam ko ang init nang pagtanggap niya. Matagal na rin kasi simula noong huling bisita ko rito at ngayon na lang ulit kami nagkita.

“Na-miss ko po kayo,” komento ko.

Dumako ang tingin niya sa kasama ko.

“Buddy!” bati niya kay kuya Damian.

“Buti na lang talaga at naka-day off ka ngayon. Naging mas mahigpit ang security natin ngayon dahil sa nangyaring insidente kanina. Implemented na naman ang standard protocols sa buong subdivision, mas pinahigpit pa. Lahat ng entrance-exit portals ay under surveillance,” sabi ni mang Jerry kay kuya Damian.

Na-curious naman ako sa kung ano ang krimen na nangyari kaya hindi ko na naiwasang mag-usisa kay mang Jerry kahit na pwede naman ako magtanong kay kuya Damian.

“May nakita kasing nakabigti sa Cullen’s residence kaninang alas n’webe ng umaga. Si Sir Francisco Cullen. Iyong matandang may-ari ng bahay. Sabi nila ay nag-suicide daw pero malakas ang kutob kong hindi nagpakamatay ito. Kasalukuyan pang iniimbestagahan ang nangyari kaya restricted ang buong bahay ni Sir Cullen sa mga residente ng subdibisiyon. Miski kami ay bawal din pumasok sa bahay hangga’t hindi pa nayayari ang imbestigasiyon,” mahabang paliwanag sa akin ni mang Jerry.

“Kawawa naman po pala,” komento ko na lang.

“Divorce iyon sa asawa niya isang taon pa lang ang nakakalipas. Sa pagkakatanda ko ay mag-isa lang ’to sa kanila pero isang beses nakita ko siya noon habang nakaduty ako rito na may sakay siyang lalaki sa kotse niya. Hindi ko naman kilala,” dagdag pa ni mang Jerry.

“Nasabi niyo na po ito sa mga pulis? P’wede po itong maging lead sa kanila para malutas ang kaso,” sambit ko.

“Nasabi ko na sa kanila at sa pagkakaalam ko ay gumagawa sila ng paraan para mahanap pa iyong lalaki na ’yon.”

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni mang Jerry ay nagpaalam na rin kami sa kaniya.

Habang naglalakad ay kapansin-pansin ang pananahimik ni kuya Damian. Nasa likuran ko rin siya na para bang nakabuntot lang sa akin. Nang lingunin ko siya ay umiwas lang siya sa akin ng tingin. Siguro ay iniisip niya kung bakit hindi ko siya masiyadong kinakausap. Siguro naman ay nakakaramdam na siya sa akin ngayon.

Nagdiretso kaming dalawa sa bahay namin. Hindi naman ito nakakandado kaya pwersahan ko lang ito na tinulak upang bumukas.

Nasa loob na ako nang maramdaman ko na hindi sumunod si kuya Damian kaya bumalik ako para puntahan siya. Naabutan ko pa siyang nakatayo sa harap ng pinto na para bang naghihintay sa akin na papasukin siya.

Nang magtama ang tingin naming dalawa ay umiwas siya, pilit na tinatago ang nararamdaman kahit na kitang-kita ko ang pagtatampo niya.

“Sekyu ka na sa Beverly Heights, gusto mo rin bang mag-sekyu rito sa bahay? Pumasok ka na.” Kitang-kita ko ang pagkagulat niya sa mga sinabi ko.

“Sinusingitan mo na ako ngayon,” parang bata na sabi niya. Kulang na lang ay ngumuso siya at umiyak.

Kung ganito ka-cute itong tao na ’to ay baka hindi ko matagalan na sungitan siya! Sungit-sungitan dapat ang character ko ngayon, e! Kainis naman!

Hindi na ako sumagot sa kaniya. Hinila ko na lang siya papasok. Inakay ko pa siya sa rattan naming bangko at marahang inalalayan sa pag-upo rito.

“Para ka namang bata na kailangan pang alalayan!” reklamo ko kaya mas lalong humaba ang nguso niya.

Konti pa at hahalikan na kita riyan!

“Sinusungitan mo na talaga ako. Hindi mo na ba ako mahal?”

Jusko! Bakit ba pinapahirapan niya ako?

Hindi ako sumagot sa kaniya. Nagtungo na lang ako sa kusina upang maghanda ng pwedeng inumin. Mahirap na at baka bigla kong tukain ang isang ’yon. Baka hindi ako makapagpigil.

Kailangan ko pang bumili ng yelo sa labas. Mamaya na lang pagkatapos kong ayusin ang pagtitimplahan ng juice.

Habang pinupuno ng tubig ang pitsel ay may yumakap na lang bigla mula sa likuran ko. Naramdaman ko na lang ang mukha niya sa gilid ng aking mukha. Ang mga kamay niya ay bumalot din sa aking tiyan dahilan para manigas ako sa kinatatayuan. Dahil sa higpit ng yakap niya ay mas naramdaman ko ang katawan niyang nakadikit sa akin. Konti pa ay mai-stroke na ako dahil sa mga ginagawa niya.

“J-juice.” Iyon lang ang nasabi ko nang maramdaman ko ang mukha niyang bumaon sa aking leeg.

“Kung ano man ang nagawa o nasabi kong mali sa ’yo, sorry na,” malambing niyang sabi sa akin.

Ilang segundo ko ring ninamnam ang sitwasiyon bago ko lakas-loob na tinanggal ang kamay niya sa tiyan ko at agad na kinuha ang pitsel dahil umaapaw na ang tubig mula rito.

“Bibili lang ako ng juice at yelo sa labas. Pahinga ka muna diyan para mayamaya ay pumunta na tayo sa covered court para makahabol doon sa sinasabi ni nanay na scholar.” Binitbit ko ang pitsel na may lamang tubig at saka nagtungo sa sala. Iniwan ko siya sa kusina at nagbilin na magdala ng dalawang baso para diretso na ako timpla pagbalik.

Hindi ko na siya hinintay pa. Lumabas na ako ng bahay at nang makalayo nang bahagya ay napahawak ako sa dibdib ko. Doon dumagsa ang matinding kirot sa puso ko. Hindi ko na nagawa pang humakbang pausad dahil sa lungkot na bumalot sa aking sistema. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang bagay na ’yon kay kuya Damian. Sa unang pagkakataon, nasaktan ko siya.

🚨🚨🚨

My apologies for my delay update. June is a busy month for me since final exams are coming. Bear with my updates. Mairaos ko lang ang final exams this week and the next week, I will have plenty of updates.

Anyway, thank you for reading! Your votes and comments are highly appreciated! 🥰

P.s The term “Siphayo” means pain.

-kuyasen

36: Palamara

Keifer

Lumilipad ang isip ko hanggang sa maabot ko ang tindahan ni aling Cheba. Masaya siya nang makita ako dahil ngayon na lang ulit nagtagpo ang landas namin matapos ang ilang buwan.

“Kamusta ka na, hijo? Mas lalo kang naging gwapo, ah!” bati niya sa akin.

Pinilit kong ngumiti kahit na mabigat ang dalawang sulok ng aking labi dahil sa nangyari sa aming dalawa ni kuya Damian.

“Ayos lang naman po,” sabi ko na lang.

“Nabalitaan ko ang nangyari sa tatay mo. Sana lang ay makarecover na siya agad. Buti na lang at nakauwi na rin ang nanay mo. Ikaw ang laging bukambibig ni Annalisa, e. Hindi ka talaga matitiis ng nanay mo,” sambit niya na sinuklian ko lang ng isang simpleng ngiti. Hindi ko alam pero wala akong gana na magsalita ngayon. Mabigat ang dibdib ko sa lungkot na nararamdaman.

“Ano nga ang iyo, hijo. Pasensiya ka na at nachika pa kita. Na-miss ko lang ang mabait na anak ng kumare kong si Annalisa.”

“Okay lang po. Namiss ko rin pong makipag-usap sa inyo, ate. Sana lang po talaga ay maging maayos na si tatay.” Huminto ako saglit at saka hinanap sa mga nakasabit niyang sachet ng mga juice. Itinuro ko ang pakay sa kaniya. “Isang sachet po ng iced tea at saka isang yelo pong tigti-tres. Salamat po,” dagdag ko pa.

Kinuha niya ang mga sinabi ko’t sinilid sa isang plastik. Iniabot niya ito sa akin at saka ko ibinigay ang bayad. Nagpasalamat akong muli at saka nagpaalam na sa kaniya. Aalis na sana ako nang tawagin ulit ni ate Cheba ang pangalan ko.

“Bakit po?” tanong ko nang makaharap ako pabalik sa kaniya.

“Ano ulit ang pangalan ng lalaki na kasama ng mama mo kanina? Iyong sekyu sa katabi nating subdibisiyon?”

Kumunot naman ang noo ko dahil isang lalaki lang naman ang pumasok sa isip ko mula sa mga sinabi niya.

“Damian po. Bakit po, ate Cheba?” tanong ko na lang.

“Nakita ko kasi siya rito kanina. Mga alas dose. Hindi ko sinasadiyang marinig iyong usapan nila noong lalaking naka-kotse. Narinig ko kasi ang pangalan mo kaya sa tingin ko ay kailan kong sabihin sa ’yo ’to.”

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matindang kaba lalo na’t alam kong si kuya Damian ang tinutukoy niya at kung hindi ako nagkakamali ay iyong nakita ni lola na kapitbahay namin ang sinasabi niyang may-ari ng kotse.

“A-ano pong narinig niyo?” tanong ko at hindi ko na mapigilan pa ang boses ko sa panginginig. Nauutal pa nga ako sa kaba na umusbong sa puso ko.

Am i ready for this?

“May sinabi iyong nakasakay sa kotse na lalaki, iyong mahaba ang buhok, malaki ang katawan, ubod ng puti at kinis, sa pagkakatanda ko ang sabi niya ay ’bakit kailangan pa raw sayangin ang panahon ni Damian sa iyo, Keifer. Iyon lang naman ang narinig ko kasi pumasok na si poging sekyu doon sa kotse noong lalaking long hair.”

Biglang lumagapak ang natitirang saya sa sistema ko. Nasimot lahat at napalitan ng labis na lungkot. Hindi ko na nagawa pang bumuo ng sagot kay ate Cheba dahil sa mga halo-halong ideya na nagsulputan sa magkabilang panig ng aking isipan. Dumoble ang bigat sa aking dibdib na tila ba ang ibang timbang nito ay napunta sa aking mga paa. Bawat hakbang ay para bang parusa sa akin hanggang sa mas pinili ko na lang ang huminto na lang muna pansamantala.

Pansamantala kong inilibot nang tingin ang buong paligid. Ilang bahay na lang ang layo ko sa bahay namin at nandoon sa loob noon naghihintay sa akin si kuya Damian, ang tao na alam kong isinisigaw ng puso ko. Kung kailan naman ako hulog na hulog sa kaniya ng ganito ay saka pa nangyari ang mga bagay na hindi ko inaasahan. Tangina lang talaga!

Dala ang labis na lungkot sa aking dibdib ay nagpasiya na akong ipagpatuloy ang paglalakad. Dala ko ang pinamili sa aking kanang kamay. Nang makarating sa bahay ay nagdiretso agad ako sa lamesa kung saan ko iniwan ang pitsel na may lamang tubig. Nakita ko si kuya Damian na naghihintay sa akin sa pahaba naming rattan na upuan . Tila ba nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at nagawa kong deadmahin si kuya Damian mula sa kinalulugaran niya.

Napansin ko siya mula sa aking peripheral vision na mukhang balak niya akong kausapin pero hindi niya pinagpatuloy dahilan para madismaya ako. Napabuntong-hininga ako habang inaasikaso ang juice. Isinalin ko ang laman ng sachet sa pitsel at maraha itong hinalo. Dahil hindi kasiya ang buong yelo doon ay nagdesisiyon akong basagin muna ito sa pamamagitan ng paghampas sa aming haligi ngunit hindi ko naman sinasadiyang mabitawan ito.

“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni kuya Damian nang makalapit siya sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil mas inalala ko ang yelo na nabitawan ko. Yumuko ako upang kunin iyon at saka bumalik sa kinatatayuan kanina upang ihampas ulit sa pader nang magsalita si kuya Damian dahilan para mabitawan ko itong muli.

“Galit ka ba sa akin? Bakit hindi mo ako pinapansin, Ki?”

Hinarap ko siya habang pigil na pigil sa inis na namumutawi sa aking dibdib. Ayaw ko sanang magsalita dahil baka kung ano lang ang masabi ko ngunit hindi ko inaasahang pakawalan ang mga salitang alam kong pagsisisihan ko rin pagkaraan.

“Wag muna ngayon, kuya Damian.” Hindi ko inaasahang magiging masura ang dating nito sa kaniya dahil kitang-kita ko ang paglatay ng labis na gulat na sinundan ng lungkot sa kaniyang mga mata.

Sa taranta ko ay nagtungo na lang ako sa kusina upang hugasan ang yelo na nabitawan ko. Nang malinis ito ay nagpasiya akong tadtarin na lang gamit ang kutsilyo kaya naman inilagay ko ito sa stainless naming palanggana at saka ko kinuha ang kutsilyo sa hindi kalayuan. Okay na rin ito para mailabas ko lahat ng inis na nararamdaman ko.

Pinagsasaksak ko iyong yelo na mahusay ko namang napagpira-piraso ngunit hindi ko inaasahang dadampis ang kutsilyo na hawak ko dahilan para magalusan ako sa kabilang kamay na sumalo ng talim nito.

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko, e!” Narinig ko ang boses ni kuya Damian at bago pa ako makaharap sa kaniya ay siya na mismo ang lumapit sa akin upang kuhanin ang kamay kong napuruhan.

“Itigil mo na nga iyang ginagawa mo! Halika rito para magamot natin ang sugat mo. Huwag nang matigas ang ulo!” sambit niua dahil balak ko pa sanang bawiin sa kaniya ang aking kamay.

Patuloy lang sa pagdaloy ang dugo sa kamay ko dahil dumaplis ang tulis ng kutsilyo sa pagitan ng aking hinlalaki at hintuturo. Hindi naman ganoon kalalim at kalaki ang sugat ngunit dahil manipis ang balat doon ay naging sanhi ’yon ng pagdaloy ng maraming dugo.

“Hayaan mo lang muna paagusan sa running water para mabawasan ang pagdurugo. Hihingi ako ng pahintulot sa ’yo na umikot sa loob ng bahay niyo upang humanap ng maari kong magamit sa paglalapat ng paunang lunas sa ’yo. Diyan ka lang at huwag mo nang galawin ’yang yelo na ’yan. Dapat kasi ay hindi ka na nag-abala pa. Iyan tuloy at nadisgrasiya ka pa!” Malumanay niyang sabi sa akin. Kitang-kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala na naging dahilan kung bakit ako lalo mas nahirapan. Dapat ay galit siya sa akin ngayon dahil sa mga sinabi at inasal ko sa kaniya kanina pero bakit ganito pa rin siya kaalalahanin at kabuting tao?

Aalis na sana siya nang magsalita ako dahilan upang mahinto siya.

“Sorry, kuya Damian.” Dahil doon ay isa-isa nang naguna-unahan ang butil-butil na luha mula sa aking mga mata.

Hindi siya sumagot sa akin ngunit nakita ko ang pagkurba ng sinserong ngiti sa kaniyang labi. Bago pa lumabo ang aking paningin dahil sa labis na luhang dumadaloy dito ay naramdaman ko na lang ang mainit at mahigpit niyang yakap sa akin.

My safe haven. My safe zone.

At sa mga sandaling iyon, kahit na anong kirot na nararamdaman ko emotionally at physically, nagawang itong itaboy lahat ni kuya Damian sa pamamagitan lang ng isang mahigpit na yakap.

Hinayaan ko ang sarili na makulong sa mga bisig niya. Kahit na wala siyang sabihin sa akin at kahit na hindi ko marinig ang lambing sa kaniyang tinig, alam kong nasa mabuti akong kalagayan kapag siya ang kasama ko. Bukod kay nanay ay isa si kuya Damian sa mga taong kayang baliktarin at pawiin ang pighati sa puso ko. May sarili siyang paraan upang iparamdam sa akin na espesyal ako, na kamahal-mahal ako, at aaminin kong paulit-ulit akong mahuhulog sa mga ganitong klase ng kaniyang gawain.

Ilang minuto rin ang lumipas na para bang ayaw ko nang tuldukan ngunit dahil may sugat ako na kailangang gamutin ay si kuya Damian na mismo ang bumitaw sa yakap na ’yon.

“Halika na rito nang maasikaso na natin ang sugat mo,” sabi niya sa akin. Marahan niya akong inalalayan pabalik sa sala upang ihatid ako sa rattan na upuan. Nang maiupo niya ako ro’n ay agad siyang naghanap ng maaaring gamitin sa sugat ko. Mabuti na lang ay hindi na ito ganoon kalakas magdugo.

“Nasa gilid ng TV, kuya. Meron pong gaza doon at betadine,” banggit ko sa kaniya kaya agad niya naman itong kinuha. Nang makabalik siya agad din itong tumabi sa akin. Kinuha niya ang kamay kong may sugat at saglit itong sinuri.

“Sa susunod kapag may mga bagay na kailangang gumamit ng malakas na pwersa o medyo delikado gawin, tawagin mo ako, okay? Alam mo namang ayaw kong napapahamak ka,” aniya.

Agad na nagwala ang puso ko dahil sa labis na saya. Hindi kailan man pumalya si kuya Damian na iparamdam sa akin ang pagmamahal niya. Ramdam na ramdam ko ito hindi lang dahil sa mga sinasabi niya kundi sa mga bagay na kaya niyang gawin para sa akin. Katulad na lang ngayon na siya ang nag-aasikaso ng sugat ko na sa katunayan ay kaya ko namang gawin sa aking sarili. Suwerte talaga ang taong nakatadhana sa kaniya at sana lang ay ako ang taong ’yon.

“Ayos na,” sabi niya at saka niya iniangat ang tingin sa akin. Sumibol ang matamis na ngiti sa kaniyang labi dahilan para masilayan ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Shocks! Bakit ba kasi sobrang guwapo ng nilalang na ito!

“Asikasuhin mo na ang mga kailangang dalhin sa scholar na sinasabi mo. Bibili lang ulit ako ng yelo sa labas para pagbalik ko ay makaalis na rin tayo. Baka hindi pa natin maabutan ang pila sa scholar at mapasama pa tayo sa cut off,” sabi sa akin ni kuya Damian na sinang-ayunan ko naman.

Kagaya ng sinabi niya ay inasikaso ko na ang mga kailangang dalhin. Siya naman ay lumabas upang bumili ulit ng yelo dahil nalagyan ng sarili kong dugo ang stainless na palanggana kung saan nakalagay lahat ng yelong tinatadtad ko. Nasayang lang tuloy ang inasikaso ko dahil din naman sa sarili kong nashungahan.

Nang matapos ay tatayo na sana ako nang makarinig ako ng galabog. Napalingon ako sa pinto kung saan nakita ko si kuya Damian habang may alanganing ngiti sa kaniyang labi.

“Nagulat ba kita? Sorry,” sambit niya at saka ipinakita sa akin ang basag na yelo. Sigurado akong inihampas niya ito sa haligi ng bahay kaya may malakas akong galabog na narinig kanina. Akala ko naman kung ano na ’yon.

Pumasok na siya sa bahay at inasikaso ang pitsel kung saan nakalagay na ang iced tea. Nilagay niya agad ang durog-durog na yelo saka siya kumuha ng dalawang baso sa kusina.

Nang makabalik ay bahagya niya ring inalog ang pitsel bago nagsalin sa dalawang baso na kinuha niya. Ang isa ay inaabot niya sa akin matapos malagyan ito ng laman. Ang isa naman ay hawak niya para sa kaniyang sarili.

“Refreshment bago tayo sumabak sa matinding init sa labas,” aniya.

Ngumiti ako at tinanggap ’yon sa kaniya. Nagpasalamat din ako kalakip na rin nito ang pag-aasikaso niya sa akin kanina. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha niya. Iniisip ko lang na sobrang swerte ko sa kaniya at sana lang ay huwag niyang sirain ang tiwalang binigay ko.

Napahaba yata ang pagmamasid ko sa kaniyang nakakahumaling na mukha kaya nang magtamang muli ang tingin ng aming mga mata ay napaiwas na agad ako’t mabilis na ininom ang ice tea. Nakakahiya!

“Tara na kuya! Mag-aalas kwatro na po. Baka wala na tayong abutan sa court,” pag-aya ko sa kaniya. Kinuha ko ang brown envelope kung saan nakalagay lahat ng requirements ko. Nilingon ko si kuya Damian at agad na lumukso ang puso ko nang hawakan niya ang aking kamay.

Oo. Kinilig ako ng sobra ngunit mas nangibabaw ang matinding hapdi dahil nasanggi niya ang sugat na maayos niyang binalutan gaza at bandages kanina.

“Sorry! Sorry!” Hingi niyang paumanhin. Kinuha niya ang hawak kong brown envelop at saka niya sinunod na hawakan ang kabila kong kamay. Seryoso talaga siya sa balak niya.

Hindi ko alam pero nagpatangay ako sa kaniya kahit na alam kong maraming mga ka-baryo ko ang makakakita sa amin. Magtataka sila kung bakit kami magkahawak ng kamay at alam kong magiging usap-usapan kaming dalawa sa buong barangay kung nagkataon ngunit tila ba walang balak si kuya Damian na pakawalan ang kamay ko kaya nagtiwala ako sa kaniya. Hinayaan ko na lang ang mga tao na makita kami sa ganitong pwesto. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang magkahawak ang kamay hanggang sa makapunta kami sa covered court ng baranggay. Noong oras na ’yon ay nagpasiya na akong bumitaw sa kamay ni kuya Damian lalo na nang mapansin kong parami na nang parami ang mga taong naglalakad pasalungat sa aming direksiyon.

“Saan kayo pupunta, hijo? Sa scholar ba?” tanong sa akin ni ate Juliet, kasama niya ang anak niyang si Jun.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot kahit na ayaw ko sanang gawin dahil sa tingin ko’y hindi magiging maganda ang sunod niyang sasabihin sa akin.

“Kanina pa cut off. Kami nga ay hindi na pinayagang pumila. Pinaaalis na noong mga bantay kaya kung ako sa ’yo, huwag mo nang sayangin ang oras mo dahil tatabuyin ko rin niyang mga tanod na mga epal na ’yan!” dismayado niyang sambit dahilan upang maglaho ang natitirang pag-asa sa puso ko.

Kung wala itong scholar na ito ay ibig sabihin lang noon ay mapipilitan akong manatili sa pinagtatrabahunan kong fast food restaurant. Ang akala ko pa naman ay may magagamit na kami pandagdag sa pambayad ng hospital bills ni tatay, napunta lang sa wala. Hindi ko tuloy maiwasang manghinayang. Kung mas maaga lang siguro kami nagpunta ay naabot pa sana ako.

Bagsak ang mga balikat kong humarap kay kuya Damian.

“Okay lang ’yan. Siguro ay hindi talaga para sa ’yo ang scholar na ’yan dahil may mas maganda pa lang naghihintay. Huwag nang malungkot. Tara na, umuwi na tayo at mag-iced tea.” Kinuha niyang muli ang kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit. Hindi man ako matagumpay na nakakuha ng slot sa scholar o nakapag-uwi ng limang libong piso, at least may tao namang nakahawak sa aking kamay ngayon, tao na mahal na mahal ako at doon pa lang, alam kong hindi na ako talo.

🚨🚨🚨

Palamara means betrayal

Your votes and comments are highly appreciated! Thank you❣️

37: Kaugmaon

Keifer

Lumipas ang mga araw na dala ko pa rin ang panghihinayang sa nawalang scholar. Kung natanggap lang ako ro’n ay may nakuha sana akong pera para pandagdag sa pambayad ng hospital bills ni tatay. Hindi ko na rin sana iisipin ang pera na maaari kong magamit sa tuwing nag-uumpisa ang bagong semestre sa kolehiyo. Sa tingin ko ay may dahilan ang lahat at mas gusto lang talaga Niya na manatili ako sa pagiging part-timer doon sa nakakapagod na fast food restaurant na ‘yon. Sabagay, minsan kailangan talaga nating mahirapan para mag-grow.

Sanay naman na akong mahirapan at paulit-ulit na masaktan. Immune na nga yata ako sa sakit.

Habang nagtutupi ng mga damit dito sa kwarto ngayon na nilabhan ko kaninang umaga ay biglang pumasok sa isipan ko si tatay. Masaya ako na naging maayos ang operasiyon niya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita ng senyales ng kamalayan. Parang natutulog lang siya nang mahimbing. Ang sabi ng doktor niya ay naririnig daw kami ni tatay kaya madalas ko siyang kausapin kahit na hindi ako nakakuha sa kaniya ng kahit na anong sagot. Ikinukwento ko sa kaniya ang mga nangyari sa buong araw na nagdaan at kung gaano kami kasabik na makita siyang muli na gumising at makipag-usap sa amin. Sa dami ng kwento ko ay mas minabuti kong wag sabihin sa kaniya ang estado ko sa paaralan. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nagme-message na sa akin sa facebook para ibalita na hinahanap na ako ng iba naming mga prof. Simula kasi nang maaksidente si tatay ay hindi na ako masiyadong nagpapapasok at mas pinaglalaanan ko ng oras ang pagtatrabaho kaya madalas kong naku-kumpleto ang walong oras na duty sa trabaho. Kapalit naman noon ang pagliban ko sa klase. Kailangan ko kasing gumawa ng paraan para may makain kami ni nanay lalo na’t ume-extra lang si nanay sa paglalabada dahil hindi niya naman pwedeng hayaan na walang bantay si tatay sa ospital. Sa ngayon, ako muna ang taya bilang anak nila.

Nang maitupi ang mga damit ko na halos lahat ay kupas na sa kalumaan ay itinabi ko na rin ito sa lumang durabox. Balak ko rin kasing palitan ang kobre kama ng higaan dahil huwebes ngayon at ito ang araw na sinabi ni tito Kris na uuwi siya galing United States.

Nang makuha ang bagong laba na kobre kama ay mabilis ko rin itong ipinalit sa kulay asul na lumang sapin. Mag-uumpisa na sana akong magpalit ng mga punda ng dalawang unan nang magulantang ako sa matinis na tunog ng aking ringtone.

Sa sobrang abala ko sa ginagawa ay gano’n na lang tuloy ang gulat ko ro’n. Jusko! Ang tahimik pa naman sa bahay dahil ako lang mag-isa rito ngayon.

Miss ko na ’yong sekyu na ’yon.

Bago pa ako dalhin sa alapaap ng aking isip ay sinagot ko na lang ang tawag at agad akong napangiti nang makita ang pangalan ni nanay do’n sa screen.

“Nay!” sambit ko nang masagot ang tawag. Teka? Akala ko ay simpleng phone call lang ang ginawa ni nanay, kailan pa siya natutong tumawag sa messenger?

Nakita ko ang pagguhit ng malapad na ngiti sa labi ni nanay at agad na nanlaki ang mga mata ko nang iharap niya ang kamera sa taong kasama niya ngayon.

“Maghanda ka ng maiinom, anak. Nandito na ang tito Kris mo,” sabi niya sa akin.

Buti na lang at nakayari na ako maglinis ng bahay kaninang umaga. Sa katunayan ay hinuli ko itong kwarto kung saan tutuloy si tito ngayong umuwi siya sa bansa.

“No need to bother yourself, Keifer. If there’s a cold water there then its fine. I prefer water than any kind of beverages,” dinig kong sabi ni tito Kris.

Tumango-tango ako bilang sagot. “Sige po!”

“Kanina pa ang tito mo rito dahil gusto niyang makita ang tatay mo. Ngayon ay pauwi na kami riyan para makapagpahinga muna siya. Naayos mo na ba ang tutuluyan ng tito Kris mo?” tanong sa akin ni nanay na sinagot ko naman ng pagtango.

“Opo. Yari na rin po ako maglinis ng buong bahay, ’nay. Siya sige na, nay para maayos ko na ang malamig na tubig ni tito. Ingat po kayo sa biyahe,” paalam ko sa kanila at ako na rin mismo ang nagtapos ng tawag.

Sa totoo lang ay excited akong makitang muli si tito Kris. Alam ko kasing mabait ito at lahat ng mabubuting ala-ala ang siyang nandito sa akin, paulit-ulit na bumabalik sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya. Malapit din kasi si tito Kris sa mga bata kaya naman natatandaan ko pa rin ang pagiging malambing niya sa aming dalawa ni Gio noon. Lagi rin kaming pinapasalubungan sa tuwing umuuwi sa trabaho. Siguro kung hindi nangyari ang insidente noon na naging dahilan kung bakit nagkalayo silang dalawang magkapatid ni tatay ay baka kasama kong lumaki si tito Kris at siya lagi ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Kaso hindi umayon sa kagustuhan namin ang takbo ng kapalaran. Dahil sa isang insidente na hindi nagustuhan ni tatay, naging mitsa ito ng pagkakawatak nilang magkapatid, hanggang sa lumayo na si tito Kris para magparaya.

Kung saan-saan na ako dinala ng isip ko habang inaasikaso ang pitsel na lalagyan ng yelo. Habang inaasikaso ko ’yon ay bigla na lang din dumaan si kuya Damian sa isipan ko. Hanggang sa makabili ako ng yelo at makabalik ay siya pa rin ang kasalukuyang nakatambay sa isip ko.

Hindi ako pumasok ngayon sa part-time job ko at maayos naman akong nagpaalam sa store manager namin pero si kuya Damian, hindi ko naman siya mapipilit na lumiban dahil lang uuwi si tito Kris. Hindi ko alam pero parte ng isip ko ang nag-huhumiyaw na gusto kong ipakilala si kuya Damian sa taong halos ituring ko na ring ama. Siguro nga kung hindi nag-abroad si tito Kris ay baka mas malapit pa ako sa kaniya kaysa kay tatay.

Ihahampas ko na sana sa pader ang hawak na yelo nang maalala ko si kuya Damian.

“Sa susunod kapag may mga bagay na kailangang gumamit ng malakas na pwersa o medyo delikado gawin, tawagin mo ako, okay? Alam mo namang ayaw kong napapahamak ka,”

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid at nadismaya ako nang walang makita na Damian. Kung nandito ’yon ngayon ay alam kong tutulong at tutulong siya, lalo na’t nadisgrasiya pa ako dahil dito ilang araw na ang nakakalipas.

Marahan ko itong inihampas sa pader para kahit papaano’y mag-crack ito at nang masiguro magkakasiya na ito sa pitsel ay maingat ko itong isinalin sa loob. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dinala ko na rin iyon sa salas, sa mismong lamesa kung saan naroroon ang pahabang rattan na upuan. Kumuha rin ako ng dalawang baso at itinabi sa pitsel na may malamig na tubig.

Sumilip ako sa pinto naming nakabukas. Malapit na ring nagtakip-silim. Siguro ay ala sinco na ng hapon. Kung nasa b’yahe na sila nanay ay makakarating sila rito ng five thirty o higit pa. Mabilis lang naman ang biyahe pero minsan ay nakadepende pa rin sa traffic.

Habang naghihintay ay ginawa kong abala ang sarili sa pagwawalis. Kahit malinis na ay walis pa rin ako nang walis. Nakakahiya naman kasi kung madadatnan ni tito Kris na marumi ang bahay. Baka ma-turn off siya. Kahit naman maraming butas ang bubong namin ay hindi naman mabaho at marumi sa loob nito. Kahit maliit at limitado lang talaga ang galawan ay malinis naman bawat kwarto at sulok ng buong bahay.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses ni nanay sa labas, tumatawag sa akin.

“Nak, Keifer, makitulungan mo ang tito mo sa mga bagahe niya,” utos sa akin ni nanay.

Agad akong lumabas ng bahay at bumungad sa akin si nanay. May hawak din siyang duffel bag na sa tingin ko ay kay tito Kris. Nang dumako naman sa likod niya ang aking tingin ay naabutan ko pa si tito Kris na ibinababa ang ibang bagahe mula sa ibabaw ng tricycle na sinakyan nila.

Saglit akong napatitig sa kapatid ng tatay ko. Malaki ang pinagbago ng bulto niya dahil mas lalo siyang naging maskulado. Napaka-puti rin niya at napakakinis. Bagay na bagay ang suot niyang asul na polo na halos pumutok na sa laki ng biceps at dibdib niya. Mukha siyang foreigner kaya hindi ko masisisi ang mga kapit-bahay naming napapadaan na mapalingon sa direksiyon niya.

Agad na gumilid ang luha ko nang mapansin niya ang aking presensiya. Saglit kaming nagkatitigan bago sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Mula ulo hanggang paa ay kuhang-kuha niya ang itsura ni tatay. Kung kayumanggi ang kulay ni tatay, si tito Kris naman ang mestizo na bersiyon nito at hindi ko maiwasang maging emosiyonal habang pinagmamasdan ang kabuoan niya. Para kasi akong nakatingin kay tatay na para bang si tatay mismo ang kaharap ko ngayon.

Binitawan niya ang hawak na maleta at ibinuka ang magkabilang kamay na tila ba nag-aanyaya sa isang yakap.

Kusang gumalaw ang mga paa ko’t ilang sandali pa ay namataan ko ang sarili na nasa loob ng mahigpit at mainit na yakap ni tito Kris.

Ikinubli ko ang mga naglundagang luha sa aking mga mata sa pamamagitan nang pagbaon ng aking mukha sa kaniyang dibdib. Hinaplos-haplos niya pa ang buhok ko dahilan para mas lalo akong maiyak. Miss na miss ko na si tatay.

“I know that all our relatives perceive Tofer and me as identical twins, but truth be told, we’re not. It’s okay to cry, my nephew. I know that you already miss your dad,” sambit niya at hindi ko na napigilan pa ang sarili na yakapin siya.

Ilang segundo rin siguro ang lumipas bago ako nagpasiya na lumayo sa kaniya. Nakakahiya kasi baka maamoy niya ako na amoy pawis. Ang bango-bango niya pa naman.

“Sorry, tito. Nabasa ko tuloy ang polo mo,” sabi ko at akmang pupunasan ang damit niyang nabasa ng luha ko ngunit pinigalan niya ako.

“No worries. It’s all fine. Shall we go inside your house? I have so much to show you,” aniya kaya agad akong tumango bilang sagot.

Tinulungan ko si tito Kris sa mga bitbit niyang bag. Meron siyang dalawang maleta saka isa pang duffel bag kaya naman ako na ang humila sa isang maleta na hawak niya. Ang duffel bag ay kinuha ko rin at ipinatong sa maleta na hatak-hatak ko.

“Wow, I didn’t expect that,” sabi niya na nginitian ko lang.

Ako ang mas nauna sa paglalakad at nang makapasok siya sa entrada ay masaya namin siyang tinanggap sa munti naming baro.

“Welcome po sa bahay namin tito. Huwag po kayong mahiya na magkikilos dito at kung kailangan niyo po ako, nandito lang po ako para tulungan kayo,” nakangiti kong sambit sa kaniya.

Iniayos ko ang hawak na maleta at saka ko kinuha pa ang maleta na hawak niya. Nilagay ko ’yon pansamantala sa tabi ng rattan na upuan.

“Upo muna Kris. Ito na pala ang malamig na tubig na request mo,” ani nanay.

Naupo si tito Kris sa upuan kaya naman pinagsalin ko siya ng tubig sa baso.

“Thanks,” sabi niya at saka uminom.

“Tito, inayos ko na nga po pala ang kwarto ko kung saan po kayo pansamantalang tutuloy. Bagong palit po ang punda at kobre kama noon. Meron na rin pong bagong labas na kumot,” banggit ko sa kaniya.

Ibinaba niya ang hawak na baso at saka lumingon sa akin.

“How about you? Where will you sleep? We can share one bed, and its fine with me,”

Nahinto ako sa sinabi niya. Gusto kong sabihin na kanila kuya Damian ako tutuloy pero naalala ko nga pala na nagbabantay si nanay kay tatay sa ospital at nakakahiya naman kung pababayaan ko si tito Kris mag-isa rito.

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa mga sinabi niya. Pwede naman ako matulog sa kwarto nila nanay at tatay pero gusto ko ring makasama si tito Kris dahil marami akong nakahandang mga kwento sa kaniya at alam kong ganoon din siya sa akin.

“That’s nice! Anyway, that duffel bag. Open it,” sabi niya habang nakaturo sa duffel bag na binitbit ni nanay kanina.

Lumapit ako ro’n at marahang binuksan ang zipper nito. Nagulat ako nang makita ang laman nito dahil maayos na nakahanay ang mga damit. May nakita rin akong mga maliliit na kahon, mga tsokolate, sabon, lotion, gadgets at kung ano-ano pa. Hindi ko sigurado kung ano pa ang nasa ilalim nito pero alam kong mga bagay ito na madalas na pasalubong ng isang OFW para sa kaniyang pamilya.

Ibinalik ko ang tingin kay tito Kris.

“All of it belongs to you, and this duffel bag is your mother’s. I’ll give your father’s once he wakes up. I guess it’s a deal?” nakangiti niyang sabi sa akin. Itinuro niya pa ang duffel bag na inilagay ko sa ibabaw ng maletang binitbit ko kanina.

“Nako! Nag-abala ka pa, Kris! Dagdag bitbitin mo pa tuloy!” komento ni nanay.

“No, it’s okay. I actually prepared a balikbayan box for your family. In about a month from today, it will arrive here. You have no idea how many things I kept for Keifer, and you have no idea how much I’ve missed your family, especially my brother, Kristofer,” nakangiting sabi ni tito Kris kay nanay.

“Salamat, Kris,” sagot ni nanay sa kaniya. “Nga pala, ayos ka lang ba sa bentilador? Iyon lang kasi ang meron kami dahil hindi naman pwede ang air-condition dito sa bahay. Napakaraming butas.”

“Yes, don’t mind me. As long as I am here with you guys, I’m content. I hope my brother wakes up soon. I have so many stories to share with him.” Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Siguro ay gusto niya na ring magkaayos sila ni tatay. Ilang taon na rin naman ang nakakalipas. Siguro ay limot na ni tatay ang naging alitan nila noon. At kung ako ang tatanungin ay mas nakakahanga ang ginawang pagpaparaya ni tito Kris para kay tatay. Noon kasi ay natatandaan kong nagtatrabaho sila sa iisang kumpanya at kahit magkapatid ay tinanggap sila dahil sa angkin nilang galing sa pamumuno at leadership. Ngunit dahil si tito Kris ang napipisil na mapromote na inaasahan talaga ni tatay na siya dapat dahil siya ang kanang kamay ng Japanese nilang boss, nagparaya si tito Kris para kay tatay kahit na parehas nilang deserving ang promotion. Ayaw kasi ni tito Kris sumama ang loob ni tatay kaya nagparaya siya pero dahil nalaman ng Japanese na boss nila ang nangyari ay parehas silang nawalan ng promotion. Mas lalong nagalit si tatay at naging dahilan ito ng mitsa ng pagsasama nilang magkapatid.

Maraming taon na ang lumipas. Alam kong nakapag-isip-isip na si tatay sa mga pagkakamali niya noong panahon na ’yon. Oras na para buksan niya ulit ang puso niya para sa kapatid.

“Let’s have dinner at a restaurant. I need to discuss something important regarding my brother’s hospitalization since I’ve already talked to his doctor.” Seryoso ang mukha ni tito Kris habang sinasabi ang mga salitang ’yon sa amin ni nanay.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba base sa tono ng pananalita niya. Parang ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya sa amin ni nanay. Oo. Mabait nga si tito Kris ngunit hindi ko pa rin alam ang mga planong nakalatag sa harapan niya. Natatakot ako na baka pati ako ay parte ng isa sa mga plano na ’yon.

“Is it okay with you if we go by seven sharp? I will just take some minutes to rest and arrange my things to Keifer’s room.”

Tumango kami sa mga sinabi niya. Nagpresinta pa akong tulungan siya sa pagdadala ng mga gamit niya dahil alam komg pagod ito sa napakahabang byahe. Aalis na sana ako ng kwarto nang magsalita si tito Kris.

“Your father must be so proud of you for being such a responsible son. Thank you for helping me out with my baggage.”

Hindi mo lang alam tito na kinasusukdulan ako dati ni tatay. Kung kailan naman niya balak bumawi, doon pa naaksidente at napahamak.

Malas talaga ako. Mukhang pinagkakaitan talaga mismo ng pagmamahal.

Sana lang ay huwag din ipagkait sa akin ni Lord ang isang Damian. Kahit doon man lang ay pagbigyan niya na sana ako.

Lumabas ako ng kwarto para balikan si nanay pero laking gulat ko nang ibang tao ang nadatnan ko.

“Kuya Damian?” takang sabi ko habang nakatitig sa kaniya.

“Early out. Maaga pumasok si mang Jerry, e. Saka isa pa, hindi ko matiis ang hindi ka makita,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Pagkaraan noon ay may narinig akong boses mula sa aking likuran.

“Who is this guy?” Si tito Kris habang takang-taka sa presensiya ng bagong dating na si kuya Damian. Marahil ay nagulat siya sa mga salitang binanggit nito sa akin. Well, mukhang kailangan ko nang mag-isip ng mahabang paliwanag sa kaniya.

🚨🚨🚨

Kaugmaon means resemblance.

Please vote before leaving this chapter. Your votes are highly appreciated ❤️

-Kuyasen

38: Dipana

KEIFER

Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni tito Kris marahil siguro sa narinig mula kay kuya Damian. Pansin ko na nakikiramdam din si nanay sa amin kaya naman nagsalita na ako.

“Kuya Damian,” pagkuha ko ng atensiyon ng machong sekyu na nakatayo ilang metro ang layo sa amin. Nang makuha ko ang atensiyon niya ay itinuro ko si tito na nakatayo sa aking likuran. “Si tito Kris, kapatid ni tatay. Kakauwi lang niya galing US,” pakilala ko kay tito kay kuya Damian at saka ako gumilid upang makita nila nang maayos ang isa’t-isa.

Nakita ko ang pagguhit ng tipid na ngiti sa labi ni kuya Damian. Hindi siya nagdalawang isip na lumalapit sa amin ni tito saka niya kinamayan si titi Kris.

“Nice to meet you po,” bati niya kay tito.

Maayos na tinanggap ni tito Kris ang pagkamay niya ngunit hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo niya. Isa lang ang ibig sabihin noon. Hindi niya pa nakukuha ang impormasiyon na gusto niyang marinig mula sa akin patungkol dito sa kasama kong sekyu.

“Tito, siya po si kuya Damian, manliligaw ko,” pakilala ko sa kay kuya Damian.

Napansin ko namang nalinawan na siya sa mga sinabi ko at pagraa’y nawala na rin ang pagtataka sa mukha niya.

“This man got the looks. Hindi ko inaasahang lalaki ang magiging karelasiyon mo, Keifer. I thought I was the only gay person in our family. I’m glad you found your identity at a young age, unlike me, who remained in the closet for almost 30 years before coming out,” paliwanag ni tito Kris dahilan para mapanganga ako. Hindi ko alam kung magugulat ako dahil hindi niya inaakalang lalaki ang manliligaw ko o dahil sa rebelasiyong sinabi niya ngayon sa amin.

Napansin niya siguro ang pagkagulat sa aming mga mukha kaya bahagya siyang tumawa. “Nagulat ko ba kayo? Sorry, Tofer was the only one who knew about my sexuality.”

Ngayon ay alam ko na kung bakit noong nandito pa siya sa Pilipinas ni minsan ay wala man lang siya pinakilala sa aming babae na nililigawan niya. Hindi ko lang talaga inaasahan na sasabihin niya ’yon dahil base sa pagsasalita at pagkilos ni tito ay wala akong maramdamang pagka-bakla. Hindi siya malamya kumilos at hindi rin mahinhin magsalita. Sa katunayan ay brusko siya gumalaw at buong-buo ang boses niya kaya nakakagulat lang na sasabihin niyang bakla siya.

“We will have a dinner outside. You might as well join us. My treat,” sabi pa ni tito Kris kay kuya Damian bago siyang muli bumalik sa loob ng kwarto.

“Kape? Malamig na tubig?” tanong ko sa kaharap kong gwapo at machong sekyu. Puring-puri na ang isang ’to sa isipan ko!

“Tubig na lang po,” magalang niyang sabi kaya naman hinila ko siya patungo sa rattan na upuan at saka siya pinaupo rito. Inasikaso ko na rin ang tubig na iinumin niya at pagkaraa’y iniabot sa kaniya ang basong may laman na malamig na tubig.

“Kamukhang-kamukha ng tatay mo ang kapatid niya,” komento ni kuya Damian nang makuha ang baso ng tubig.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni nanay na nakaupo rin sa kabilang dulo ng inuupuan ni kuya Damian.

“Madalas talaga ay napagkakamalang kambal ang magkapatid na ’yon kahit na isang taon ang tanda ni Kristofer kay Kris,” sambit ni nanay. “Maiwan ko muna kayo riyan at aayusin ko lang ang dadalhing gamit sa ospital ni tatay mo. Didiretso na kasi ako ro’n pagkatapos nating kumain sa labas,” dagdag niya pa habang nakatingin sa akin.

Ngayon ay naiwan na kaming dalawa ni kuya Damian sa sala. Medyo nakaramdam ako ng bigat sa hangin dahil naging tahimik pansamantala sa pagitan namin ni kuya Damian. Kahit kasi na nagkaayos na kami noong nakaraan ay hindi ko pa rin maiwasang mapaisip sa mga natuklasan kay kuya Damian. Hanggang ngayon ay nagsisilbi pa ring hiwaga sa akin ang pagkakakilanlan ng taong bumisita noon sa apartment maging ang sumundo sa kaniya noong nakaraang araw. Minsan ay naiisip ko kung madalas ba sila magkasama o kung ano ang lagi nilang ginagawa kapag wala ako. Hangga’t hindi ko alam kung ano ang relasiyon nilang dalawa ay hindi matatahimik ang isip ko sa mga bagay na gumugulo rito. Sana lang ay hindi ako masaktan sa bandang huli.

Nagulat na lang ako nang biglang tumabi sa akin si kuya Damian. Dahil nakatayo ako ay naging madali sa kaniya ang hitakin ako dahilan para mapaupo ako sa mga binti niya.

“Huy! Baka makita nila tayo!” reklamo ko sa kaniya nang magnakaw siya sa akin ng halik sa pisngi.

“Okay lang ’yan!” at muli niya akong hinalikan sa leeg ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapahagikhik kahit na pwersahan ko siyang pigilan sa ginagawa niya. Sa laki niya’t lapad ng mga braso niya’y hindi ko siya magawang mapahinto sa kalokohang ginagawa.

“Sagutin mo na kasi ako nang hindi tayo nagtatago nang ganito,” bulong niya sa tenga ko.

Nahinto ako dahil sa mga sinabi niya at naging rason iyon upang mahinto rin siya.

Tumayo ako mula sa pagkakayakap niya at inayos ang sarili. Sa tagal niyang nanliligaw sa akin ay ngayon lang ako nakaramdam ng pagdududa. Natatakot ako na kapag tuluyan ko siyang pinapasok sa buhay ko ay doon niya naman ako lolokohin at iiwanan. Alam kong mali ang pangunahan ang mga bagay na hindi pa nangyayari pero hindi ko maiwasang mapaisip dahil sa mga bagay na itinatago niya sa akin. Sana lang talaga ay mali ang hinala ko.

Lumipas ang oras na sinusubukang makipagkulitan ni kuya Damian pero pasimple naman akong umiiwas hanggang sa mag-aya na si tito Kris na lumabas kami. Six-thirty na rin naman at wala na ring araw sa labas.

“Mag-asikaso ka na, Keifer,” sabi sa akin ni tito na sinang-ayunan ko naman.

Aalis na sana ako para pumunta sa kwarto nang maalala ko si kuya Damian kaya hinarap ko siyang muli, tinatantiya ang sarili kung kakausapin ko na ba siya o pangangatawanan ang pag-iwas sa kaniya. Kaso g’wapo ang isang ’to kaya hindi ko maiwasang baliin ang desisiyon na ginawa kanina.

“Ligo lang ako. Diyan ka muna,” sabi sa kaniya at dali-daling naglakad patungo sa k’warto para kumuha ng tuwalya at ng damit na susuotin. Bumungad sa akin si tito na nagpapalit ng pang-itaas. Hindi ko tuloy maiwasang hangaan ang ganda ng hubog niya. Halatang batak na batak sa gym.

“You should learn to go to gym every sundays. Having a lean body will help you defend yourself from homophobic people. Flex mo lang ang braso mo ay matatakot na sila,” sabi niya at bahagyang tumawa. Nakakahiya na napansin niya akong nakatingin sa kaniya.

“Don’t worry, I’ll let you get the monthly subscription in gym once we are in US.”

Nahinto ako sa mga sinabi niya. Para akong nabato sa kinatatayuan. Siguro ay namali lang ako ng dinig.

“Mag-ayos ka na nang makaalis na tayo at mapag-usapan natin ang balak kong gawin sa tatay mo at sa ’yo,” sabi niya pa.

“Bakit pati ako tito?” tanong ko, takang-taka.

“Mag-ayos ka na,” iyon lang ang sinabi niya matapos akong iwanan.

Mabilis akong naligo at nagbihis dahil alam kong may naghihintay sa akin pero dahil sa mga sinabi ni tito Kris ay hindi ko maiwasang magtaka. Kanina pa lumilipad ang isip ko, sinusubukang maghanap ng kasagutan sa iba’t-ibang sulok ng bahay. Pakiramdam ko ay mabubuwang na ako kakaisip. Balak pa yata ako isama ni tito Kris sa US. Naiisip ko pa lang na iiwanan ko sila nanay at tatay dito sa Pilipinas ay naiiyak na agad ako. Paano na rin si kuya Damian? Paano na kami?

Nagsuot lang ako ng simpleng maong at puting polo shirt. Kasalukuyan kong sinusuot ang luma kong rubber shoes nang pumasok si tito Kris sa loob ng k’warto.

“I bought you shoes. Check the duffel bag. Iyon ang suotin mo. You can also choose new cloathes there. Huwag na iyang luma ang suotin mo. Mukha kang crew sa isang fast food chain diyan sa suot mo. Kaya nga kita ibinili ng mga bago ay para may mapakinabangan ka,” sabi niya sa akin. Siya na mismo ang kumuha sa duffel bag na binigay niya sa akin at saka binuksan ito. Naglabas siya ng ilang pares ng damit at saka ipinatong sa kama na inuupuan ko. Kinuha niya rin ang puting sapatos sa loob ng duffel bag. Ang ganda no’n! Bagong-bago pa at mukhang mamahalin. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganoong klase ng sapatos.

“Choose what you like and wear it. Hintayin ka namin sa labas,” sabi niya at saka ako iniwang muli mag-isa.

Napakaraming damit ang inilatag niya sa kama at lahat ’yon ay maganda. Pumili na lang ako ng sa tingin ko ay magiging komportable akong suotin. Isang skyblue na may maliit na logo lang sa dibdib ang sinuot ko. Mukha kasing malamig dahil sa klase ng tela nito. Sinuot ko na rin ang sapatos na binigay niya at nang matapos ay lumabas na rin ako.

Nandoon na si nanay na nakapagpalit na rin ng damit. Kausap din ni tito Kris si kuya Damian na ngayon ay nakatingin na sa akin. Tumayo si kuya Damian at lumapit sa akin.

“Bagay na bagay sa ’yo ang suot mo,” nakangiting puri niya sa akin dahilan para mag-init ang mga pisngi ko. “Napakagwapo!” dagdag niya pa.

“Bolero,” komento ko naman.

“Shall we go?” tanong sa amin ni tito Kris kaya sabay-sabay namin siyang tinanguan.

Ang buong akala ko ay magpa-public transportation lang kami kaya laking gulat ko ng may taxi nang nakaabang sa highway nang makalabas kami.

“Less hassle,” sambit ni tito Kris.

Nako! Modus pa naman ang mga taxi driver dahil over-pricing minsan. Sana lang ay tapat itong nasakyan namin at hindi abusuhin ang mga pasahero niya.

Sa tabi ng driver naupo si tito Kris samantalang kaming tatlo naman nila nanay at kuya Damian sa likod. May sinabi si tito Kris na address doon sa taxi driver habang pinakikita ang iPhone niya at pagkaraan ng ilang segundo ay nag-umpisa na ang biyahe namin.

Panay ang puri ni kuya Damian sa akin dahil gandang-ganda siya sa suot ko. Balak ko rin siyang bigyan ng ibang damit, pabango at sabon oras na makauwi kami pagkatapos nitong lakad namin na ito. Sa sobrang dami ng uwi sa akin ni tito Kris ay hindi ko naman masusuot lahat ’yon. Pwede naman siguro akong magbahagi ng iba para kay kuya Damian.

Ako nga pala ang nakaupo sa gitna nila nanay at kuya Damian. Nabibingi naman ako sa katahimikan kaya naman naisipan kong kuhanin ang cellphone sa bulsa upang padalhan ng mensahe si kuya Damian. Nakakahiya kasi kung kakausapin ko siya ngayon lalo na’t napakatahimik sa loob ng taxi at meron pang ibang tao na nakakarinig sa amin.

To: Kuya Damian

Baka hindi muna ako makauwi sa apartment mo ng ilang araw. Samahan ko muna si tito sa bahay. Wala kasi siyang kasama dahil tatao si nanay kay tatay sa ospital.

Nang mapindot ko ang send button ay hinarap ko siya para ipaalam na may message ako sa kaniya. Mabuti na lang at nakuha niya agad kaya naman agad niyang kinuha ang de keypad na phone sa bulsa upang tingnan ang mensahe na pinadala ko.

Nakita ko naman ang pagtango niya sa akin. Nakangiti siya pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Nagtipa siya sa phone niya kaya muli kong binalik ang atensiyon sa hawak kong cellphone.

From: kuya Damian

Miss na kita agad ;( wala na ako katabi at kayakap tuwing gabi.

Hindi ko nagawang pigilan ang sarili na mapabungisngis kaya napalingon sa akin si nanay.

“Sorry, nay,” sambit ko at saka pasimpleng siniko si kuya Damian. Mabibisto pa ako sa kaharutan ko nito. Nakakahiya!

Ilang minuto lang din ang kinain nang makarating kami sa isang high-end classic restaurant. Nakakatuwa lang na hindi kami dinaya sa riding fee na binayaran ni tito dahil hindi naman ganoon kamahal ang singil sa kaniya. Nang makalabas kami lahat ay bumungad sa akin ang ganda ng restaurant na pinuntahan namin.

Ito rin ang unang beses na makakakain ako sa mamahaling restaurant. Lahat ng mga bago kong nararansan ngayon ay dahil kay tito Kris. Dahil sa kaniya ay nakaranas ako ng mga bagay na hindi ko pa nararanasan simula noong nabuhay ako. Ganito pala ang feeling na makapasok sa mga ganitong klase ng kainan. Pati ang pakiramdam na makapagsuot ng mamahaling damit at sapatos. Kaya pala marami ang nahuhumaling sa ginto kaysa sa pagpapakita ng malasakit sa kapwa.

Sabay-sabay kaming pumasok sa restaurant na ’yon at bumungad agad sa amin ang isang lalaki na nakaputing long sleeves sa reception area. Mukhang empleyado rito.

“Can I have a table for four please?” tanong ni tito Kris doon sa lalaki.

“May reservation po ba kayo, sir?” tanong naman noong lalaki na sinagot ni tito ng pag-iling. “Okay, sir. Just a second. Ihahanap ko lang po kayo ng pwesto,” dagdag pa noong lalaki.

“Thank you,” usal ni tito Kris saka niya kami hinarap ulit.

“Well, the ambience here is good and I like the interior designs. I think this place is perfect fit to settle all the things I want to share with you guys,” dagdag pa ni tito.

Muling nabuhay ang kaba sa dibdib ko dahil sa paraan nang pagtingin niya sa akin. Naalala ko tuloy ang mga salitang binitawan niya kanina. Sa tingin ko ay hindi pa ako handa na sumama sa kaniya kung isasama niya ba talaga ako sa US. Paano na lang ang mga taong mahal na maiiwan ko rito? Paano sila nanay at tatay? Paano si kuya Damian?

“Sir, this way po,” sabi noong lalaki kanina na kausap ni tito nang makabalik ito.

Naunang pumasok si tito na sinundan naman ni nanay. Hindi ko alam pero parang ayaw humakbang ng mga paa ko dahil may ideya na ako sa mga balak sabihin ni tito Kris oras na mag-usap-usap kami.

Ayaw ko.

Naramdaman ko ang mga daliring pumunan sa pagitan ng mga daliri ko sa kanan kamay. Nang lumingon ako ay bumungad sa akin si kuya Damian. Hawak niya ang kamay ko at dahil sa simple niyang ngiti ay nagkaroon ako ng lakas na magpatuloy.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya naman bago pa ito lumundag sa mga mata ko ay inaya ko na si kuya Damian sa loob ng restaurant.

Wala pa man pero ang sakit-sakit na.

*

Thanks for reading!

Please leave a vote po. It will help my story to progress. Thank you ❤️

Dipana means wounded physically and emotionally.

39: Paubaya

KEIFER

“Order whatever you want. Kahit ano, it’s all on me,” sabi sa amin ni tito Kris nang maiabot sa amin ng isang serbidor ’yong menu.

Pagkabuklat ko pa lang noon ay bumungad na agad sa akin ang iba’t-ibang klase ng pagkain. Inilibot ko ang aking mga mata sa menu. May appetizers, salad, steaks, seafood entrées, pasta and risotto, sides, desserts, cheese course at ang beverages nila na puro wine ang nakasulat. Sa dami nang mga nakita ko ay ang salitang steak at salad lang ang familiar sa akin. Iyong iba kasi ay ngayon ko pa lang nakita kaya hindi ko kilala.

“Nakapili na ba kayo?” tanong sa amin ni tito Kris pero wala ni isa sa amin ang nagsalita.

Natawa siya sa sarili dahil mukhang wala siyang makukuhang sagot mula sa amin dahil wala kami masiyadong alam pagdating sa ganitong klase ng mga pagkain.

“I’ll go with Filet Mignon steak, heirloom tomato and burrata salad and a glass of wine,” sabi ni tito doon sa nakatayong serbidor sa gilid niya. Isinulat nito ang sinabi ni tito sa hawak na mini notebook at pagkaraa’y tumingin sa amin na para bang hinihintay ang aming mga order.

“Ano sa ’yo kuya Damian?” tanong ko sa lalaking katabi ko.

“Kung anong sa ’yo, iyon na lang din ang akin,” sagot niya.

Kinuha na noong lalaking serbidor ang order ni nanay at pagkaraa’y ako naman ang tinanong nito.

“Dalawang Ribeye Steak po,” tipid kong sagot sa kaniya.

“Iyon lang ang sa ’yo, Keifer?” takang tanong ni tito.

Ngumiti ako nang alanganin at saka lumingon doon sa serbidor. “May ice cream po ba kayo rito kuya?” nahihiya kong tanong.

Ngumiti siya sa akin at saka kinuha ang menu. Binuklat niya ito at saka itinuro sa akin ang Chocolate Soufflé sa hanay ng mga desserts.

“Ito po sir. That is rich chocolate desert served with a vanilla bean anglaise. Magugustuhan niyo po ’yan,” nakangiti niyang sambit sa akin.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot.

“You still love ice cream,” nakangiting komento ni tito kaya hindi ko maiwasan ang mahiya.

Pasimple akong humarap kay kuya Damian. “Ano pa sa ’yo?” tanong ko sa kaniya.

“Pwede glass of wine rin?” paalam niya sa akin.

Tumango ako dahil hindi naman nakakalasing ang isang baso ng wine.

“Padagdag na lang din po ng glass of wine at isang baso po ng tubig. ’yon lang po. Salamat, kuya,” sabi ko doon sa serbidor.

Nagpaalam na ito sa amin matapos makuha ang mga order namin.

Naiwan na kami sa aming lamesa nang umalis ang serbidor na ’yon. Hindi ko maiwasang ilibot ang mga mata sa paligid dahil sa ganda ng buong lugar. Wala masiyadong tao at ang mga nakikita ko ay madalas mga foreigner o hindi kaya’y mayayaman na mga Pinoy. Ang iba ay naka-business attire pa. Mukhang pangmayayaman talaga ang lugar na ito.

Bawat haligi ay gawa sa mataas na kalidas ng marmol. May mga wooden furnitures din na sobrang elegante at pulido sa pagkakagawa. Maraming ornamental plants ang maayos na nakahalera sa bawat sulok ng lugar. Meron ding flower arrangement ang naka-display sa bawat lamesa. Ang bintana ay may magandang klase ng kurtina na bumagay sa puting kulay ng mga pader. May mga nakasabit ding mga makalumang painting sa dingding at makaagaw pansin din ang mga wall lanterns na sobrang ganda pagmasdan. Bawat lamesa ay may nakalawit ding munting chandelier sa itaas kaya maganda ang naging hatid nitong ilaw para sa mga kakain.

Dumako ang aking mga mata sa pianistang tumutugtog sa entablado. Sobrang sarap sa tenga ng piyesang tinutugtog niya. Grabe lang ang lugar na ito! Pulidong-pulido mula sa interior designs, sa ambience at sa performer nila. Sana lang ay masarap ang pagkain nila nang hindi maging scam.

“So how’s your school, Keifer?”

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si tito Kris kaya naman iniayos ko ang pagkakaupo ko.

“Ayos naman po—”

“Madalas siya lumiban nitong mga nakaraang araw dahil mas pinipili niyang magtrabaho sa fast food pandagdag sa pambayad ng hospital bills ng tatay niya.”

Nanlalaki ang mga mata kong lumingon kay kuya Damian.

“Bakit mo sinabi?” pabulong kong sambit sa kaniya.

“Kailangan niyang malaman, Keifer,” seryoso niyang sagot sa akin.

“Nagpa-part time ka?” tanong ulit ni tito.

Lumingon ako sa kaniya at saka tumango bilang sagot. “Gusto ko lang po tumulong sa mga bayarin sa ospital, tito. Pangako, hindi na ako aabsent sa school at—”

“Quit your job. Ako na ang bahala sa pag-aaral mo,” dire-diretsong sabi niya sa akin.

Natigilan ako at ilang segundo rin akong nakatulala sa kaniya.

“As long as I am here, I’ll be the one to finance your schooling,” nakangiti niya pang dagdag sa akin.

“Salamat tito pero nakakahiya naman po kung pagkakagastusan niyo pa ako. Libre naman po ang tuition sa university na pinasukan ko at kaya ko naman po ang magpart-time para may pangbayad sa mga gastusin,” paliwanag ko sa kaniya.

“I want you to focus on your studies, Keifer. Mahirap ang mag-aral habang nagtatrabaho. Mapapabayaan mo ang sarili mo at ayaw ko namang mangyari ’yon sa ’yo. After all, you seem like a son to me already,” aniya bagay na na nakapagpatunaw sa puso ko.

Magsasalita pa sana siya ng sunod-sunod na nagsidatingan ang mga order namin. Isa-isa nilang inilagay ’yon sa aming lamesa at talaga namang nakakapaglaway ang mga pagkain. Halos kuminang ang mga mata ko nang makita ang Choclate Soufflé na inorder ko kanina. Itsura pa lang mukhang sobrang sarap na!

Mabilis kaming nagdasal sa harapan ng pagkain at pagkaraa’y sabay-sabay naming pinagsaluhan ang mga nakahain. Sobrang nagustuhan ko ang Ribeye steak nila dahil tama lang ang lambot nito. Parang sumasabog ang lasa nito sa bibig sa bawat nguya. Sobrang sarap!

“I already had a talk with your father’s doctor and, as I expected, Kristofer needs supervision. He luckily survived the bullet and the operation, but recovery will be a long process for him since the bullet hit his spinal cord. He has a low chance of regaining his reflexes to do a simple walk, but he still has a chance, so we are going to anchor on that small possibility,” paliwanag ni tito Kris habang hinihiwa ang steak niya. Tinusok niya ng tinidor ang piraso ng laman na nahiwa at saka ito kinain. Nginuya niya muna ito nang marahan at pagkaraa’y kumuha ng tissue upang punasan ang kaniyang labi. Napakapropesiyonal niya talaga kumilos.

“Tomorrow morning, your mom will come with me. Ililipat namin si Tofer sa private hospital nang sa ganoon ay mas matingnan pa nang mas maayos ang kalagayan niya. You don’t need to worry for his hospitalization because I will pay for it. I want him to recover quickly so,  we need go too move him in a private hospital than staying in that over-crowded place,” dagdag niya pa.

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko dahil hindi ko maiwasang matuwa sa pagmamahal na meron si tito Kris para sa kaniyang kapatid. Parang wala lang sa kaniya ang mga gagastusin kung sabihin niya ang lahat ng iyon sa amin. Hindi siya nagdadalawang isip na tumulong para sa pamilya namin at tatanawin ko itong malaking utang na loob sa kaniya.

“Maraming salamat, Kris,” maluha-luhang sabi ni nanay. “Hindi ko alam kung paano ka babayaran sa lahat ng kabuting ginagawa mo sa pamilya namin,” dagdag niya pa.

Agad na lumundag ang luha sa mga mata ko nang makita si nanay na umiiyak. Upang maikubli ang nararamdaman ay agad kong kinuha ang Chocolate Soufflé at mabilis na tinikman ito. Pasimple ko ring pinunasan ang mga pisngi dahil nakakahiya kung makikita nila akong umiiyak.

“About that, I want Keifer to come with me in US.”

Dahil sa sinabi ni tito Kris ay nalaglag ang panga ko. Nakita ko ring nasamid si kuya Damian kaya dali-dali kong iniabot sa kaniya ang baso ng tubig na hiningi ko kanina at marahan ko ring hinagod ang likuran niya habang naghihintay sa mga susunod na sasabihin ni tito Kris.

“You’re in right age, Keifer. It’s about time to come out of your shell and explore the beauty of the world outside. I need a companion. All my life, I have been living alone in my house in US, and it has been really lonely,” sambit ni tito.

Hindi ko alam pero nawalan ako ng sasabihin na tila ba nalunok ko ang mga salitang gustong kumawala sa aking bibig. Wala akong magawa kundi ang tingnan si tito Kris at pagkaraa’y lingunin si kuya Damian.

Hindi siya tumitingin sa akin na para bang iniiwasan niyang magtama ang mga mata naming dalawa. Kahit na ganoon ay ramdam ko ang bigat nang paghinga niya gayon din ang lumbay na namumutawi sa kaniyang mga mata ngayon.

“I will enroll you in a well-known university and an English class since English is the common language in the US. I will also enroll you in driving lessons so you can use my spare car, and as I promised before, I’ll pay for your monthly gym subscription,” nakangiting sabi ni tito Kris habang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang malasakit na nangingibabaw sa kaniyang mga mata.

“Pero paano po sila nanay at tatay, tito?” tanong ko agad dahil hindi ko kayang iwanan ang mga magulang ko rito.

“Don’t worry about them. As I mentioned earlier, I will transfer your father to a private hospital to ensure his fast recovery. I’ll make sure he is supervised by the best doctors here in the Philippines. For your mom, I will buy a condominium near your father’s hospital so she won’t have the hassle of daily transportation. Of course, I will also renovate your house to upgrade it. Para naman kapag maayos na ang tatay mo ay maayos ang tutuluyan niya. It will also help him in his condition,” mahabang paliwanag ni tito sa amin.

“Nako, Kris. Huwag mo na akong ikuha ng condo. Hindi ko kayang tumira doon mag-isa. Kaya ko namang tumira sa ospital para may magbabantay din kay Kristofer. Gusto ko ay ako ang unang tao na makikita niya oras na magising na siya,” wika ni nanay.

“Are you sure?” tanong ni tito kay nanay na sinagot naman ni nanay nang pagtango.

“Tito?” pagkuha ko ng atensiyon niya.

“Yes?” tanong niya sa akin.

“Paano po si kuya Damian?” buong tapang kong tanong sa kaniya at doon na napalingon sa akin si kuya Damian. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. May bahid ito ng lumbay na naging dahilan kung bakit mas naging mabigat ang nararamdaman ko.

“Excuse me. Magbabanyo lang ako,” paalam ni kuya Damian nang makatayo siya.

Sinubukan kong hawakan ang kamay niya upang pigilan siya ngunit hindi ako nagtagumpay kaya naman nagpaalam din ako kanila tito at mabilis na sumunod kay kuya Damian. Hindi siya nagdiretso sa restroom dahil sa exit ang binaybay niyang daan.

Sa laki ng mga hakbang niya ay sa labas ko na siya ng restaurant naabutan. Nang mahawakan ko ang kamay niya’t maiharap sa akin ay kitang-kita ko ang paglatay ng labis na lungkot sa kaniyang mukha. Pansin ko rin ang nangingilid niyang luha na alam kong pilit niyang nilalabanan.

Kusang gumalaw ang katawan ko’t ilang segundo ang nakalipas ay nakita ko na lang ang sarili na yakap-yakap siya. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso gano’n din ang malalim niyang paghinga.

“Sabihin mo lang kuya Damian na ayaw mong umalis ako, hindi ako magdadalawang-isip na tanggihan ang mga sinabi ni tito Kris sa akin kanina,” sabi ko sa kaniya nang hindi lumalayo sa yakap na ako mismo ang nag-umpisa.

Kumawala siya sa mga bisig ko at saka niya ipinatanong ang mga kamay sa aking balikat. Tinitigan niya ako nang maigi, maingat na ipinababatid sa akin na magiging maayos din ang lahat sa pamamagitan ng isang simple ngunit may bahid ng lungkot na ngiti.

“Sundin mo siya, Keifer. Mas magiging maganda ang kinabukasan mo sa kaniya kaysa sa akin na isang security guard lang.”

Tila naging palaso ang mga sinabi niya sa akin na bumaon agad sa aking dibdib. Ni hindi man dumaplis at sinapol pa talaga ang puso ko kaya sobra-sobra ang kirot na nararamdaman ko ngayon.

Bakit hindi mo ako ipaglaban kuya Damian? Bakit sumusuko ka na agad?

“Mahal kita at kahit na lumayo ka pa, ikaw at ikaw lang ang nag-iisang tao na mamahalin ko,” sambit niya at pagkaraa’y dahan-dahang inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay nito ang pagdampi ng malambot niyang labi sa labi ko. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko’t tuluyan na silang nag-unahan sa pagbagsak.

*

;(

I felt Damian’s pain

40: Panaligan

KEIFER

Naging tahimik ang lamesa noong oras na bumalik kami ni kuya Damian. Wala ni isa ang nagtangka na magsalita sa aming apat. Naging sapat ’yon para ubusin namin ang  mga natitirang pagkain sa kaniya-kaniya naming plato. Sa puntong ito ay tahimik kong nilalantakan ang Chocolate Soufflé na in-order ko kanina at paminsan-minsan ay nagnanakaw ako nang sulyap sa katabi kong brusko.

“I guess you don’t have your passport, Keifer?” tanong sa akin ni tito kahit na hindi niya ako tinitingnan. Abala kasi siya sa pagkain ng salad niya.

“Wala pa po,” sagot ko na lang.

“I will look for someone to do your rush passport. It will only take seven to ten days and it’s done,” sabi niya pa pero nanatili akong tahimik.

Narinig kong ibinaba niya ang hawak na kubyertos at nang tumingin ako sa kaniya ay nakatuon na sa akin ang kaniyang atensiyon. Seryoso ang ekspresiyon sa kaniyang mukha na naging dahilan para mabuhay ang mumunting kaba sa puso ko.

“These arrangements wouldn’t be possible if you weren’t coming with me to the US. So before the day ends, I need your answer.”

Agad akong napalingon kay nanay. Kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha pero kahit na ganoon ay ramdam ko na suportado niya ang kahit na anong desisiyon na pipiliin ko.

Dumako kay kuya Damian ang aking tingin at kahit na ikubli niya ang lungkot na nararamdaman ay naghuhumiyaw naman ito sa kaniyang maaamong mga mata. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi naman nito naabot ang kaniyang mga tenga. Parang pinulbos ang puso ko nang marahan siyang tumango sa akin hudyat na gusto niyang tumuloy ako sa kung anong gusto ni tito Kris para sa akin.

Pero hindi ko agad binigyan ng sagot si tito Kris.

Naubos ko ang kinakain na dessert at kahit na sobrang sarap nito ay hindi ito naging sapat upang mapasaya ako.

Maraming plano si tito para sa amin at sobrang napakalaking blessing nito para sa aming pamilya. Ipapalipat ni tito si tatay sa isang private hospital at sagot niya ang lahat ng gastusin sa pagpapa-ospital ni tatay, miski ang mga naka-antabay na session at treatment oras na magkamalay siya. Balak niya ring ipa-renovate ang bahay upang magkaroon ng mas maayos na tutuluyan ang mga magulang ko oras na maging maayos na si tatay. Ayos na sana ako ro’n pero kapalit ng mga gusto niyang mangyari ang planong isama ako sa ibang bansa. Maganda ang naghihintay na buhay sa akin doon ngunit paano kung nandito ang buhay na gusto ko? Nandito ang tao na bubuo sa aking pagkatao at magpupuno ng labis na saya sa aking puso.

Oras na pumayag ako kay tito Kris, parang pinatay ko na rin ang pag-asa kong may masayang wakas na naghihintay sa k’wento naming dalawa ni kuya Damian.

Naramdaman ko ang kamay na biglang humawak sa aking kamay na nasa ilalim ng lamesa. Nang lingunin ko si kuya Damian ay malapad niyang ngiti ang bumungad sa akin. Sa puntong ito ay may nakikita na akong saya sa ngiti niyang ’yon kahit na alam kong malungkot siya sa mga narinig mula kay tito Kris.

Lumipas ang mga sandali na nagpalitan ng mga baong kwento sila nanay at tito. Nanatili lang kaming tahimik ni kuya Damian sa isang tabi at hindi niya kailanman pinakawalan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Marahan niyang hawak ito at kahit malaki ang palad niya’y naging komportable ang kamay ko sa loob no’n.

“Shall we go home now?” tanong ni tito na sinang-ayunan naman naming lahat.

“Pupuntahan ko pa ang tatay mo, Keifer, kaya ikaw na muna ang bahala sa tito Kris mo. Samahan mo siya sa bahay natin, ah?” paalala sa akin ni nanay na sinagot ko naman ulit ng pagtango. Nagsabi naman na ako kay kuya Damian pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot sa ideya na limitado na lang ang oras ko rito tapos magkahiwalay pa kaming dalawa.

Nang makalabas kami sa restaurant na ’yon ay nag-taxi na lang din si nanay para mas mabilis ang pagb’yahe niya. Binigyan naman siya ni tito Kris ng pamasahe kahit na ayaw niya pang tanggapin ito noong una.

“Mag-ingat kayo sa b’yahe niyo,” sabi ni nanay sa amin bago umalis ang taxi na sinasakyan niya.

Nang makalayo ito ay siya namang tumawag si tito ng masasakyan naming taxi. Nang may dumating ay sumakay na rin agad kami. Kagaya ng pwesto kanina ay siya ang naupo sa harapan samantalang kami naman ni kuya Damian sa likuran.

Nag-umpisa ang biyahe namin. Agad na hinawakan ni kuya Damian ang kamay kong nasa ibabaw ng aking binti at nang lingunin ko siya’y nakatuon ang kaniyang atensiyon sa labas.

Hinayaan ko ang sarili na sumandal sa kaniya. Ang aking ulo ay idinikit ko sa kaniyang maskuladong braso at saka ko ipinikit ang aking mga mata. Kung p’wede lang na manatili na lang ako sa ganitong eksena ng buhay ko habang-buhay ay gagawin ko. Sana ay hindi na mayari ang biyahe namin na ito para hindi na kami magkalayo pang dalawa.

Hindi ko inaasahang makakatulog ako. Masiyadong komportable katabi si kuya Damian sa punto na parang hinehele ako. Nagising na lang ako nang bahagyang tapikin ni kuya Damian ang aking pisngi.

“Nandito na tayo,” sabi niya sa akin.

Buong biyahe ay nakasandal ako sa kaniya. Hindi niya man ako ginising o inabala. Paano na lang kung nangangawit na pala siya? Mahal talaga ako ng isang ’to.

Bumaba na kami ng taxi. Nasa mismong tapat na kami ng bahay.

“May bus pa naman. Mauna na ako,” paalam sa akin ni kuya Damian saka siya tumingin kay tito. “Maraming salamat po at isinama niyo ako sa family dinner niyo,” sambit niya naman kay tito Kris.

Ngumiti lang sa kaniya si tito.

“Ihatid ko lang siya sa kanto, tito,” paalam ko sa kaniya na sinagot niya ng isang simpleng pagtango.

Umalis na ang taxi na sinakyan namin kaya sumunod na rin kami ro’n.

Tahimik lang kami na naglalakad. Wala na rin namang ibang tao sa labas dahil kaming dalawa na lang at kagaya ng inaasahan ay nadaanan namin ang guard house ng Beverly Heights.

“Mang Jerry!” bati ko sa matanda na abala sa ginagawang pagsulat sa kaniyang log book.

“Oh, Keifer!” sabi niya sa akin at nang mapatingin siya sa kasama ko ay kumunot agad ang kaniyang noo. “Akala ko ba may lakad kayo ni—”

“Oo, buddy! Dito na kami. Kailangan ko na rin kasing umuwi at baka wala pang masakyan,” natatarantang sabi ni kuya Damian at dali-dali akong hinala palayo kay mang Jerry. Ni hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kaniya.

Nagtataka man ako sa inasal niya ay hindi ko na lang masiyadong pinansin. Hawak-kamay naming nilandas ang daan patungo sa high way at nang makapunta ro’n para mag-abang ng sasakyan ay hindi niya pa rin pinakakawalan ang kamay kong hawak-hawak niya.

“Kailan ka uuwi sa apartment?” bagsak ang mga balikat niyang tanong sa akin.

“Hindi ko pa alam, e. Hindi ko naman p’wedeng iwanan si tito sa bahay nang mag-isa. Siguro next week, hindi ko pa sigurado,” pag-amin ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagnguso niya. Kainis! Baka matuka ko ng wala sa oras ang isang ’to!

“Malungkot kasi ang bahay kapag wala ka,” komento niya.

“Sabihin mo, wala ka lang mayakap sa gabi kaya ka nagda-drama ng ganito,” pang-aasar ko sa kaniya at bago pa ulit ako makaisip ng pang-asar ay niyakap niya agad ako.

“Pa-charge lang,” matipid niyang sambit.

Hindi ako nagsalita bagkus ay ibinalot ko rin ang mga bisig sa kaniya.

Mami-miss ko talaga ito. Lalo na siya.

“H’wag kang magdadalawang-isip na um-oo sa gusto ng tito mo dahil para sa iyo rin ang lahat ng ’yon. Isipin mo lagi ang pamilya mo, Keifer. Laging sila ang unahin mo.” Malumanay ang naging boses niya pero ramdam ko ang bigat ng bawat salitang lumabas sa kaniyang labi.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya, tinitigan ko siya nang taimtim sa mga mata at tinatagan ang sarili dahil pakiramdam ko ano mang sandali ngayon ay lulundag muli ang mga luha sa aking mga mata. Ang hirap maging matatag sa harap niya dahil parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikita kong nasasaktan siya dahil sa akin.

“Paano ka?” tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at saka sinabing, “Kaya ko namang maghintay sa pagbabalik mo. Para saan pa’t may selpon ako kung hindi ko naman gagamitin para matawagan ka, ’di ba?”

Natawa ako dahil sa sinabi niya lalo na noong inilabas niya ang de keypad niyang phone.

“Wala naman akong mapapa-load-an doon! Paano kita matatawagan? Wala ring messenger ’yang phone mo! Ano na lang ang gagawin natin?” matawa-tawa kong sabi sa kaniya.

“Kung p’wede lang na itanan kita ay ginawa ko na—”

“Edi gawin mo na! Huwag mo nang sabihin—” pinutol niya ang sinasabi ko nang itapat niya ang daliri sa aking labi upang mahinto ako sa pagsasalita.

“Gagawin ko kung ano ang mas nararapat at iyon ay ang suportahan ang tito Kris mo sa balak niya,” paliwanag niya sa akin.

Ngumuso ako. “Bakit ba kasi hindi mo na lang ako itanan?”

Natawa siya sa akin. Ginulo niya ang aking buhok at saka pinisil pa ang aking pisngi.

“Kita tayo bukas. Aabsent muna ako sa duty. Kumpletuhin natin mga documents na kailangan para sa passport mo. Gala na rin tayo,” sabi niya sa akin.

Hindi ko na nagawa pang sumagot nang may humintong bus sa tabi namin. Ang akala ko’y sasakay na si kuya Damian pero laking gulat ko nang halikan niya ako sa aking noo. Pagkatapos noon ay dali-dali siyang pumasok sa bus, dumungaw suya sa bintana at bago makaalis ito ay mabilis siyang kumaway-kaway sa akin. Hindi niya inisip ang mga taong nakakita sa amin. Dahil sa ginawa ni kuya Damian ay napuno ng sobrang pagmamahal ang puso ko. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Kaya niyang hawakan ang kamay ko sa harap ng maraming tao. Kaya niya rin akong yakapin sa tuwing hindi maganda ang nagiging takbo ng reyalidad at kani-kanina lang ay nagawa niya akong halikan sa aking noo para magpaalam. Hindi siya nagdadalawang-isip na gawin ang gusto niya maipabatid lang sa akin ang pagmamahal niya, kahit na maraming tao pa ang nakatingin sa amin.

Nakangiti ako hanggang sa makabalik sa bahay. Nasa kwarto na marahil si tito Kris at nagpapahinga. Naupo muna ako sa rattan na upuan upang pahupain ang sayang nararamdaman nang lumabas si tito. Nakabihis na siya ng pantulog. Ang cute niya lang tingnan dahil sa maliliit na bear designs meron ang suot niya.

“Ginawa kita ng hot choco mallows,” sabi niya at saka itinuro ang lamesa sa gilid ko.

Doon ay nakita ko ang dalawang tasa na may hot chocolate. Dali-dali kong kinuha ang isang tasa at iniabot sa kaniya nang makalapit siya sa akin. Kinuha ko naman ang akin at pagkaraa’y tumabi siya sa akin sa upuan.

Maingat akong humigop sa hot choco mallows na ginawa ni tito Kris. Ang sarap naman nito! Sa totoo lang ay ito ang unang beses na nakatikim ako ng ganitong klase ng inumin. Ang sarap pala!

“I prefer this than milk,” komento ni tito. “Nakasakay na ba si Damian?” tanong niya pa na sinagot ko nang pagtango.

“Sasama na ako sa ’yo, tito.”

Napalingon agad sa akin si tito Kris at kitang-kita ko ang malaking ngiti sa mukha niya.

“Really?” tanong niya pa. Tumango akong muli sa kaniya.

“I guess Damian made you finalize with your decision. Alam kong bukod sa mga magulang mo ay nag-aalangan ka ring iwanan siya.”

Itinapon ko sa malayo ang aking tingin at saka bumuntong-hininga.

“Kung pwede lang na isama natin siya sa US,” bulong ko at saka naisip na posible naman iyon kaya hinarap kong muli si tito Kris. “Tito! Pwede bang isama na lang natin siya sa atin sa US?”

Narinig ko ang pagtawa niya na sinundan niya rin nang pag-iling. “That is far from my responsibilites as your uncle.”

“Pero tito, masipag po si kuya Damian! Hindi po siya mapili sa trabaho! Kahit ano po ay kaya niya kaya makakahanap siya agad ng trabaho sa US oras na makapunta po tayo ro’n,” pagpapaliwanag ko sa kaniya, umaasa na makukuha ko ang loob niya.

Umiling siyang muli. “Well, if he can. How about the expenses from his plane ticket? Does he have a passport?”

“P’wede bang pahiramin niyo muna siya? Nakakahiya man ito sabihin sa inyo tito pero sana pumayag kayo. Babayaran naman po ’yon ni kuya Damian paunti-unti. Sige na, tito. Please!” Halos lumuhod na ako sa harapan niya para lang mapapayag siya.

“May anak-anak din siya, tito. Siya na ang tumayong magulang sa batang ito kahit anak ’to ng yumao niyang kapatid. Nakakalungkot man ibahagi sa ’yo tito pero si kuya Damian ang gumagawa ng paraan para maipagamot ang bata na ’yon dahil may sakit itong Acute Kidney Failure na kapag hindi naagapan ay hahantong sa mas malaking problema. Kung tutulungan niyo si kuya Damian, parang tinulungan niyo na rin ang bata na pamangkin ni kuya Damian,” mahaba kong paliwanag sa kaniya.

Narinig ko ang malakas niyang pagtawa. “You really want to bring Damian with us, huh? Sige, pag-iisipan ko iyan.”

Hindi ko napigilan ang saya kaya napatayo agad ako mula sa pagkakaupo at hindi inaasahang matatapon ko ang kaunting hot chocolate na hawak ko. Inilapag ko muna ito sa upuan at saka nagtatalon sa tuwa. Sa sobrang saya ko ay napayakap pa ako kay tito Kris.

“I didn’t say yes, Keifer. Ang sabi ko ay pag-iisipan ko muna,” rinig kong sabi niya.

Lumayo ako mula sa pagkakayakap mula sa kaniya. “Gano’n na rin ’yon, tito! Thank you so much! Thank you! Thank you! Thank you!”

Para akong bata na binilhan ng bagong laruan ng mga magulang niya. Hindi ko maiwasang mapatalon sa tuwa dahil naglalaro na sa isipan ko ang mga imahe namin ni kuya Damain na magkasama sa US.

“Tito, pwede bang puntahan ko si kuya Damian ngayon? Please!” paalam ko sa kaniya.

“Malayo ba ang bahay no’n? May masasakyan ka pa ba?” tanong niya sa akin.

“Opo, tito,” sagot ko.

“You have my permission,” nakangiti niyang sambit.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nag-asikaso na agad ako para sa pag-alis. Yumakap pa ako kay tito Kris bago tuluyang umalis ng bahay. S’werte pa na pagkalabas ko ng high way ay may naabutan agad akong bus.

Sa sobrang saya ko ay hindi ko na namalayan ang biyahe. Ni hindi ko na rin nai-text si kuya Damian sa pagiging aligaga na sabihin sa kaniya ang magandang balita pero nang makita ko ang apartment at ang isang kotse na nakaparada sa labas nito ay agad na gumuho ang nabuong saya sa puso ko.

*

Panaligan means hope

Kamusta kayo? I’m so happy for Keifer in this part, but it saddened me to see him witness Damian’s visitor. If he confirms it, alam kong masasaktan siya ng sobra. Sana lang at hindi gumagawa ng milagro si Damian kasama ang bisita niyang ’yon.

Mapapatay ko talaga siya!

-kuyasen

41: Kapanhakin

KEIFER

Mabigat ang mga paa ko ngunit nagawa ko pa ring maglakad patungo sa entrada ng apartment. Iyon na lang ang apartment na bukas ang ilaw dahil natutulog na marahil ang iba naming kapit-bahay.

Tahimik na sa paligid pero nangingibabaw pa rin ang dagundong ng puso ko. Natatakot ako na pati sila kuya Damian ay marinig ang matinding kabog ng puso ko. Siya pa naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Ilang hakbang na lang ay malapit na ako sa pinto ngunit huminto ako nang marinig si kuya Damian na kausap ang boses ng isang matipunong lalaki. Taliwas ito sa ideyang naiisip ko base sa sinabi noon ni ate Cheba. Ang akala ko kasi ay lantarang bakla ang nakikipagkita kay kuya Damian dahil nasabi nila rin noon na mahaba ang buhok nito. Hindi ko naman inaakalang lalaking-lalaki pala ang kausap niya.

Bumuntong-hininga ako at saka lakas loob na nagpakita sa mismong pinto.

Nahinto sila kasabay ng paghinto ng mundo ko.

Agad na nawala ang ngiti sa mga labi nila nang makita ako. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni kuya Damian dahil hindi niya siguro inaasahang darating ako ngayong ganitong dis-oras ng gabi.

Nakakahiya naman. Mukhang naabala ko pa ang moment nilang dalawa.

Naka-indian sit sila sa sahig, magkaharap habang pinagsasaluhan ang magandang klase ng alak na marahil ay dala nitong long hair na hayop na ito. Kung hindi siguro ako dumating ay hindi ko maabala ang maganda nilang usap at who knows? Baka mamaya’y magkapatong na silang dalawa!

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kahit na wala naman ako dapat na ikagalit. Wala naman sila ginagawang masama bukod sa nag-iinom, nag-uusap at nagkakatuwaan sila, na hindi ko alam, at hindi ko naman talaga alam kung may karapatan ba akong malaman dahil ano ba kami ni Damian? Ni wala nga kaming label dalawa tapos iiyak-iyak pa ako na ganito.

“P-pasensiya na, naabala ko yata kayo,” sabi ko at agad na tumalikod sa kanila. Ilang sandali pa ay nakasunod na si kuya Damian sa akin. Nandito kami ngayon sa labas kung saan nakaparada ang kotse noong kasama niya.

Nang mahablot niya ang kamay ko at maiharap sa kaniya ay agad ko ring binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Pigil na pigil ako sa mga luha kong isang pikit na lang ay babagsak na. Noong oras na ’yon, hindi ko binali ang koneksiyon sa aming mga mata. Gusto kong ipamukha sa kaniya na malinis ang puso ko at siya ang tao na gumawa ng kasalanan sa pagitan naming dalawa.

“Mukhang masaya ang usap niyong dalawa, ah? Tatawa-tawa ka pa?” sarkastiko kong sabi sa kaniya.

“Mali ka ng iniisip, Ki,” depensa niya sa sarili.

“Wag mo akong tawaging, Ki! Damian,” nagngangalaiti kong sabi sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa mga sinabi ko. Sa tagal naming magkasama, ngayon ko lang siya tinawag sa pangalan niya lang, at alam kong naging malaki ang impact noon sa kaniya.

“Ang saya ko pa naman kanina dahil gusto kong ibalita sa ’yo na may plano kami ni tito Kris na isama ka sa US tapos sa isang iglap, guguho ang sayang nararamdaman ko dahil din sa ’yo! Dahil sa kalandian mo!” Gusto kong sumigaw pero binabaan ko lang ang boses ko dahil kahit papaano’y naiisip ko pa rin na hindi lang kami ang tao rito. Ayaw kong makaabala sa kanila.

“Keifer,” tipid niyang sabi sa akin. Bagsak ang mga balikat niya.

“Kung kailan naman nasabi ko sa sarili kong mahal na mahal kita, doon ko pa malalaman na niloloko mo ako,” sambit ko at sa isang iglap ay bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. “Kaya siguro hindi pa kita masagot-sagot. Ito pala ang dahilan.”

Tatalikod na sana ako nang may magsalita.

“Only if I could get him that easily, it wouldn’t be this hard to pursue him.”

Napalingon ako ro’n sa lalaking mahaba ang buhok na may malaking katawan. Nakatayo siya sa gate kung saan kami dumaan kanina. Nakasandal siya sa haligi nito habang nakatingin sa akin.

“Kahit na anong gawin kong pagsusumiksik sa kaniya, kahit na anong dami ng pera ang i-offer ko kay Damian, ikaw at ikaw pa rin ang pinipili niya,” sabi nito sa akin at saka siya lumapit. Tumayo siya sa harapan ko at saka tinitigan ako sa aking mga mata. “Kaya ko siyang makuha sa maraming paraan na gustuhin ko pero dahil gusto ko nang patas na laban, sinubukan ko, pero wala, ikaw pa rin ang pinili niya.”

Dahil sa mga sinabi niya ay mas lalong rumagasa ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa mga narinig mula sa kaniya o mas matatakot ako sa mga kapabilidad na kaya niyang gawin lalo na kapag umalis ako.

Lumingon ako kay kuya Damian. Lungkot na lungkot siya at damang-dama ko ang sakit sa puso niya. Kahit na gano’n ay nagawa niya pa ring ngumiti sa akin kahit na mabigat ang dinadala niya.

“So if I were you, I wouldn’t doubt that person anymore. But Keifer, if you waste his efforts for you, there won’t be a Damian for you to go back to because I’ll be the one to take him. Mark my words, Keifer.”

Napansin ko na naglakad ito patungo sa kotse niya at saka pumasok dito. Ibinaba niya ang bintana at sumilip muna rito.

“Fix this, Damian,” sabi niya kay kuya Damian saka siya humarap sa akin. “Sorry for ruining this night and your happiness, I didn’t mean to.” at pagkayari noon ay umalis na siya lulan ng kotse niya.

Naiwan kaming dalawa ni kuya Damian sa lilim ng gabi. Malamig na simoy ng hangin ang paulit-ulit na dumadampi sa aking balat maging ang isip kong lunod sa matinding emosiyon. Tahimik ang paligid pero naging sapat ang tibok ng puso ko para maging maingay ang aking naririnig.

“Sorry, hindi ko mataboy, e. Mabait naman din kasi kaya hinahayaan ko na lang. Maniwala ka pero balak ko na sanang sabihin sa ’yo ang lahat-” Hindi ko na siya pinatapos pa sa mga sinasabi niya dahil hinayaan ko na ang sarili kong dumugin siya at ikulong sa mga bisig ko. Tahimik lang ako na umiiyak sa dibdib niya nang maramdaman ko ang kamay niyang bumalot din sa akin.

“Sorry na. ’wag nang umiyak. Ang mahalaga ay ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Kagaya nga ng sinabi ko sa ’yo, ’di ba? Kahit lumayo kapa, ikaw at ikaw lang ang nag-iisang mamahalin ko, Keifer.” Bawat salita niya ay parang lunas na gumamot sa puso ko. Hindi ko na kailangan pang maghanap ng sagot dahil binigyan niya na ako nito. May patunay pa na totoo ang mga sinasabi ni kuya Damian dahil sa mga salitang binitawan noong mahabang buhok na lalaki.

Bahagya siyang lumayo sa akin at saka pinunasan ang mga luha sa aking mga pisngi.

“Pumasok na tayo at masiyado nang malamig sa labas. Tara na sa loob at magpainit tayong dalawa,” pabiro niyang sambit kaya naman marahan ko siyang hinampas sa malaki niyang braso.

Akala ko’y mapuputol na ang saya na nararamdaman ko kanina, nakakatuwa lang na humupa na ang kirot at lungkot sa aking sistema.

Inalalayan ako ni kuya Damian hanggang sa makaupo ako sa kinalulugaran nila kanina. Nandoon pa rin ang iniinom nilang alak at nang akmang tatanggalin niya ito ay pinigilan ko siya.

“Hindi naman na ako under-age. P’wede na ako n’yan,” nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nahinto siya saglit at napatingin sa akin. Dahan-dahan ay gumuhit ang pilyong ngiti sa labi niya.

“Gusto mo talaga magpainit, ah? Sige, mag-one on one tayo rito ngayon,” sabi niya at saka naupo sa harapan ko.

“Pero masaya ka talaga kanina kausap siya, ’no? Dinig ko pa ang tawa mo, e,” pang-aasar ko sa kaniya.

Tumawa siya sa akin. “Selos na selos ka nga, e,” rebat niya.

Totoo naman pero siyempre gaganti ako! Hindi naman pwedeng ako lang ang asarin niya ngayon.

“Natakot ka nga na baka hiwalayan talaga kita. Kitang-kita ko ang mukha mo, kuya Damian. Para kang nakakita ng multo!” pasaring ko.

“Buti alam mo,” natatawa niyang sabi.

I miss this. Iyong kaming dalawa, sa iisang bubong habang nag-uusap na kagaya nito.

Nagsalin si kuya Damian ng alak sa maliit na baso at saka iniabot ito sa akin.

Inamoy ko ito saglit. Rumihistro ang amoy ng ubas sa ilong ko. Siguro naman ay hindi ito nakakalasing dahil mababa lang ang tolerance ko sa alak.

Hindi na ako nagmabagal pa’t nilagok ko ang alak. Gumuhit sa lalamunan ko ang pait kaya naman agad akong naghanap ng pulutan sa harapan namin pero wala akong nakita.

“Sa una lang ang pait niyan, Ki. Grape wine lang ito kaya hindi naman din sobrang nakakalasing,” paliwanag niya sa akin.

Nagsalin siya ng sa kaniya at saka ininom ito. Nang mayari siya ay nagsalin siyang muli at saka iniabot sa akin.

“Ang bilis naman!” reklamo ko sa kaniya.

“S’yempre naman para makapag-painit na tayo mamaya,”

Halos maibato ko sa kaniya ang hawak kong baso pero siya, tawa lang nang tawa sa mga kalokohan niya.

“Sinabi mo nga pala kanina na gusto mo akong isama sa US? Teka? Buti pumayag si tito Kris mo?” tanong sa akin ni kuya Damian nang mahinto siya sa pagtawa niya.

Ininom ko ang alak. Kagaya kanina ay gumuhit ulit ang pait nito. Kung hindi lang dahil sa label ng bote nito ay hindi ako maniniwala sa kaniyang grape wine ’yon dahil sa tindi ng pait.

Iniabot ko sa kaniya ang baso na agad din niya namang sinalinan upang inumin.

“Kinausap ko siya na kung p’wede ay sumama ka na lang sa amin sa US para mas makahanap ka ng mas maayos na trabaho doon. Ang sabi ko ay madali ka lang namang matuto at masipag ka, na totoo naman. Ang sabi ko pa ay uunti-untiin mo ang pagbabayad ng magagastos sa plane ticket mo kung sakali,” nakangiti kong sabi sa kaniya.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. “Sinabi mo talaga ’yon sa kaniya?”

Agad akong tumango.

Ininom niya muna ang alak saka nagsalita. “Anong sabi niya?”

“Pag-iisipan niya raw muna pero para sa akin kasi ay oo na ang sagot ni tito na ’yon! Kilala ko siya-” nahinto ako sa pagsasalita nang iabot niya sa akin ang baso na may lamang alak.

“Nakakahiya naman. Dapat hindi mo sinasamantala ang kabutihan ng tito mo, Ki. Saka isa pa, baka hindi rin ako makahanap ng maayos na trabaho sa US,” sa tono ng boses niya ay alam kong seryoso siya.

“Bakit naman, kuya Damian? Masipag ka naman, maganda ang kalusugan at ang katawan mo! Malabong walang tumanggap sa ’yong-”

“Hindi ako graduate ng high school, Keifer. Nakapasok lang ako sa pagsesecurity guard dahil tinulungan ako ni mang Jerry.”

Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para lang sumagot sa mga sinabi niya. Alam kong malaking factor ang diploma para makahanap ng trabaho lalo na sa ibang bansa at kung wala no’n si kuya Damian ay mahihirapan nga siya makahanap ng trabaho.

Ininom ko ang alak at saka iniabot sa kaniya ang baso. “Edi kung anong pinasa mo ritong requirements, iyon na lang din ang ipasa natin sa US! Makakahanap at makakahanap ka naman siguro ng maayos na trabaho ro’n, ’di ba? Ang mahalaga ay magkasama tayong dalawa.”

“Hindi naman ganoon kadali ’yon, Ki. Paano kung wala akong makita, edi mas naging pabigat pa ako sa inyo ng tito mo? Mas nakakahiya ’yon,” sagot niya. Magsasalita na sana ako nang dugtungan niya ang mga sinasabi niya, “Saka isa pa, nandito sa Pilipinas ang anak ko. Mukhang hindi ko kakayanin kung mapapalayo ako sa bata na ’yon lalo na’t ilang linggo ngayon ay naka-schedule na ang operasiyon niya. Nakahanap na kasi kami ng donor, Ki.”

Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya at kahit na nasasaktan ako ay nagawa kong ngumiti para itago ang tunay na nararamdaman. Ayaw ko namang sirain ang saya ni kuya Damian dahil wala pa ako noon sa buhay niya ay si Dama muna ang tao na pinagmumulan niya ng lakas at inspirasiyon upang magpatuloy sa buhay.

Ibinaba niya ang hawak na baso at saka siya lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko’t tinitigan ako sa aking mga mata.

“One call away lang naman ako kung nami-miss mo ako,” sabi niya at saka hinalikan ang kaliwa kong pisngi. “Tawag ka lang, sasagutin ko agad. Kahit mag-absent pa ako sa duty para lang makausap ka buong araw ay gagawin ko,” dagdag niya pa at saka hinalikan ang kabila kong pisngi.

Muli niya akong tinitigan sa mga mata ko at sa puntong ’yon ay tuluyan nang nag-uumapaw ang pagmamahal na nararamdaman ko sa aking puso.

“At kagaya ng sinabi ko sa ’yo noon, kahit lumayo ka pa ng ilang libong kilometro sa akin, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko,” sinsero niyang lahad at pagkaraan ay hinalikan ako sa aking labi.

Napapikit ako ng aking mga mata.

Wala akong ibang panghahawakan kundi ang mga salita’t pangako niya. Kung ito ang gusto niya ay tatanggapin ko. Hindi ko naman p’wedeng ipilit ang plano ko dahil nakasalalay din ang kalagayan ni Dama rito. Kailangan ko na lang magpaubaya, kagaya ng lagi kong ginagawa.

Agad na lumukso ang puso ko nang maramdaman kong gumalaw ang labi niya. Nakakapagtaka lang na sa bawat paghalik niya ay patuloy lang ako sa pagtugon nito hanggang sa makita ko na lang ang sarili na nakakulong sa init ng yakap niya.

Naiinitan ako sa ginagawa niyang paghalik at alam ko kung saan patungo ito lalo na kung patuloy kong sasakyan ang gusto niyang mangyari.

Ang akin lang ay h

indi ko siya pinigilan, marahil ay gusto ko rin naman ang ginagawa niya

.

Sige. Handa na akong lapastanganin mo, kuya Damian.

*

Kapanhakin means truth

The next chapter will be a bit spicy.

P.s bawal sa bata!

42: Talipandas 🔞(WARNING)🔞

Warning

: This chapter may contain language and scenes unsuitable for younger readers.

.

.

.

.

.

.

KEIFER

Hindi ko alam kung anong mahika meron ang mga halik ni kuya Damian dahil paulit-ulit akong nahulog dito. Mapait ang alak na iniinom namin pero bakit tila ba napakatamis ng labi niya? Sa tamis nito ay halos ayaw ko nang pakawalan pa.

Hingil na hingil ako nang lumayo sa akin si kuya Damian. Nakaalalay pa rin ang mga kamay niya sa aking likuran upang hindi ako tuluyang mapahiga. Napahawak na rin ako sa kaniyang mga balikat at sa pagkakataong ito ay mataimtim kaming nagpapalitan ng titig sa isa’t-isa.

Napakaseryoso ng mukha niya pero kahit na ganoon ay napakag’wapo niya pa rin sa paningin ko. Pasibol na rin ang bigote at ang mga buhok niya sa balbas pero hindi naging dahilan ’yon para magsawa ako sa aking nakikita. Kahit na ilang lalaki pa siguro ang ihanay sa harapan ko, si kuya Damian pa rin ang gugustuhin kong pagmasdan.

Hindi ko alam pero may kung ano sa mga titig niya. Para bang humihingi siya sa akin ng pahintulot sa mga balak niyang gawin kaya naman marahan akong tumango sa kaniya.

Lumukso ang puso ko nang sunggaban niya ako. Agad niyang binaon ang mukha sa aking leeg at pinaulanan iyon ng kakaibang halik. Napahawak ako sa ulo niya’t hindi ko na napigilan pa ang sarili na mapasabunot sa kaniyang buhok. Pigil na pigil ako sa aking labi dahil oras na maging pabaya ako’y tuluyan nang alalpas ang mga ungol mula rito.

“Akin ka lang, ha?” dinig kong bulong ni kuya Damian sa aking tenga.

Marahan akong tumango sa kaniya. Lumayo siya nang mahagya sa akin at saka niya ako hinalikan sa aking labi. Siguro ay tumatalab na ang alak sa sistema ko dahil unti-unti na akong nakararamdam ng hilo. Para akong mas nalasing dahil sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Lunod na lunod na ako sa pagmamahal na pinauulan niya ngayong gabi at ito ako ngayon, nagpapatangay sa agos nito.

Lumayo sa akin si kuya Damian. Tinitigan niya ako sa aking mga mata at saka gumala ang kaniyang paningin sa kabuoan ng aking mukha. Nang ibalik niya ang kaniyang tingin sa akin ay gumuhit ang mumunting ngiti sa kaniyang labi.

“Mahal na mahal kita, Keifer,” halos pabulong niyang sabi sa akin. Naghuhumiyaw ang paghanga sa kaniyang mga mata.

Hinawakan ko ang pisngi niya. Napapikit pa siya nang dumampi ang kamay ko sa malambot niyang balat.

“Mahal na mahal din po kita, Damian,” sabi ko sa kaniya.

Nagulat na lang ako nang buhatin niya ako na para bang bago kaming kasal. Dinala niya ako sa k’warto at maingat akong inilapag sa kutson.

Ni-lock niya ang pinto at saka siya humarap sa akin. Kitang-kita ko ang malamlam niyang mga mata. Para bang hindi siya ang Damian na kilala ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti niyang hinubad ang suot na damit. Bumungad sa akin ang maskulado niyang katawan maging ang nagtatambukan niyang mga abs. Pakiramdam ko tuloy ay pinagpawisan ako bigla habang pinanonood siyang naglalakad palapit sa akin.

Nahigit ang hininga ko nang pumaibabaw sa akin si kuya Damian. Ikinulong niya ako sa kaniyang mga naglalakihang bisig. Ramdam na ramdam ko ang katawan niyang nakadikit sa aking balat. Sobra kong nagustuhan ang init na hatid ng kaniyang paghinga na matagal ding tumambay sa aking ilong dahil sa bango na hatid nito sa akin. Kahit na malaki at maskulado siya ay hindi ako nahirapan sa p’westo naming dalawa dahil alalay pa rin ang bigat niya sa aking ibabaw.

“May permiso naman na ako pero bago ko gawin ito, p’wede bang sagutin mo muna ako, Ki,”

Napangiti ako dahil halos ngumuso na siya sa akin na parang bata. Niyakap ko siya nang mahigpit at saka siya pinaulanan ng maraming halik mula sa noo, sa pisngi, sa dulo ng kaniyang matangos na ilong, sa kaniyang baba hanggang sa mapunta ang labi ko sa labi niya.

Ilang segundo ko ring ninamnam ang pagkakataon na mahagkan siya’t mahalikan. Ngumiti ako nang mailayo ko na ang mukha sa kaniya.

“Sinasagot na kita, Damian. Magmula ngayon, hindi na kita tatawaging kuya. Sa tingin ko’y mas babagay ang love

sa ’yo kaysa sa kuya. Nagmumukha ka kasing mas matanda na alam kong ayaw mong nae-emphasize,“ nakangiti kong sabi sa kaniya, nang-aasar. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na mapahagikhik at pagkaraa’y pinaulanan niya ako ng mumunti niyang mga halik sa aking leeg. Tawa lang ako nang tawa dahil sa ginagawa niya hanggang sa unti-unting bumagal ang kaniyang paghalik. Sa bawat pagdampi ng labi niya sa balat ko’y mas umaalab ang nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya. Para akonh kinikiliti sa kuryenteng hatid nito sa aking balat.

Hanggang sa dumapo ang labi niya sa dibdib ko. Nagulat na lang ako nang wasakin niya ang suot kong damit. Agad niyang ibinaon ang mukha sa dibdib ko’t dumako ang mga halik niya sa aking utong.

Napamura ako sa kiliting naramdaman doon at unti-unti ay may nararamdaman na akong sumusundot na matigas sa bandang ibaba ko. Kahit anong pigil ko rin ay unti-unti ko nang nararamdaman ang sarili. Kung magpapatuloy si kuya Damian ay sigurado akong mararamdaman niya na rin ang pagbukol ng pagkalalaki ko sa kaniya.

“I love you, Keifer,” bulong niya sa pagitan ng bawat paghalik sa aking dibdib.

Hindi ko na pinigilan pa ang sarili na mapaungol. Halos bumaon na ang mga daliri ko sa kaniyang likuran dahil sa ginagawa.

Nagpatuloy si kuya Damian sa bagay na ’yon at nagulat na lang ako nang kuhanin niya ang aking kamay at saka ito ipinasok sa suot niyang shorts.

Halos manigas ako nang maramdaman ang bagay na ’yon. Para akong nakahawak sa kambyo ng kotse. Ramdam na ramdam ko ang paninigas nito’t kahit hindi ko pa nakikita ay alam kong maganda ang hubog, laki at tikas nito.

Muli ay napamura ako sa ere.

Tangina! Kakayanin ko kaya ang laki no’n?

Lumayo si Damian mula sa akin. Nanatili akong nakahiga samantalang siya ay nakaluhod habang nakakulong ako sa pagitan ng mga hita niya.

Hawak ko pa rin ang pagkalalaki niya’t dahil doon ay naramdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi.

Gumuhit ang pilyong ngiti sa kaniyang labi at pagkaraan ng ilang sandali ay hinubad niya ang suot niyang pang-ibaba. Doon ko mas nakita ang itinatago niya. Halos malaglag ang mga mata ko nang matitigan ito. Parang kasing laki na nito ang pulsuhan ko at hindi nalalayo sa haba ng isang ruler. May mumunting mga buhok sa paligid nito na nagpadagdag sa appeal niya.

Hindi ko alam kung ilang beses akong napamura habang pinagmamasdan ang hubad na Damian. Para akong nakatingin sa isang obra. Bawat parte ay maayos ang pagkakahulma. Walang tapon.

Biglang hinila ni Damian ang suot kong shorts. Naramdaman kong muli ang pag-init ng mga pisngi ko dahil wala na akong suot na kahit ano pa ngayon sa harapan niya.

“Tangina,” dinig kong bulong niya.

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko at kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya.

“Ako ang una mo?” tanong niya na sinagot ko nang pagtango.

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagdaan ng lungkot sa mukha niya kaya hindi ko na napigalan pa ang magtanong ng, “Bakit?”

“Pakiramdam ko’y para akong isang pintor at madudungisan ko ang isang malinis na canvas na kagaya mo,” sagot niya.

Sinubukan kong abutin ang pisngi niya para haplusin ito ngunit sa matipuno niyang dibdib umabot ang kamay ko.

“Handa naman akong magparungis sa ’yo. Sige, paliguan mo ako ng pintura mo. Pinahihintulutan kitang babuyin ako, love,” pilyo kong sabi sa kaniya.

Naging mitsa iyon ng mas mainit na koneksiyon sa pagitan namin ni kuya Damian.

Bahagya siyang umusog palapit sa aking mukha hanggang sa maitutok niya na sa akin ang sandata niya. Hindi ako pumalag bagkus ay mas tinitigan ko pa ito. Hindi ko maiwasang mapahanga sa laki at ganda ng hulma nito.

Bahagya niya itong nilaro sa harapan ko, makailang ulit na hinagod pataas-baba bago inilapit sa aking bibig.

Kusang gumalaw ang katawan ko at pagkaraa’y nakita ko na lang ang sarili na pinaglalaruan ang pagkalalaki niya gamit lamang ang aking dila. Dahil doon ay umalpas ang mga ungol niya na nagsilbing musika sa aking mga tenga. Mas naging ganado ako na ibigay sa kaniya ang serbisiyong hindi niya makakalimutan.

Ito ang unang beses na ginawa ko ito at masaya ang puso ko dahil sa taong sobra kong pinakamamahal naranasan ang una ko.

Halos maduwal ako sa haba noon kaya makailang ulit akong huminto para lang kumuha ng sapat na hangin upang magpatuloy. Sa ikatlong beses kong pagbawi sa sarili ay tuluyan nang lumayo sa akin si Damian.

Marahan siyang pumatong sa akin. Gustong-gusto ko ang pakiramdam sa tuwing nagdidikit ang balat naming dalawa. May kung anong kuryente akong nararamdaman, kuryente na hindi ko pagsasawaang maranasan.

Hinawi niya ang aking mga binti. Inilagay niya ito sa mga naglalakihan niyang braso na nakatukod sa magkabila kong gilid. Dahil doon ay naramdaman ko ang pagkalalaki niya na nakatutok sa lagusan ko. Nakadimpi ito sa akin at ano mang oras ay handa nang kumasa paloob ngunit hindi niya ginawa.

Tiningnan niya ako na para bang hinihingi ang aking permiso kaya kagaya ng ginawa ko kanina, marahan akong tumango para magbigay ng pahintulot sa kagustuhan niya.

“Dadahan-dahanin ko lang,” sambit niya.

Unti-unti ay naramdaman ko ang pagpasok niya na tila ba pumupunit sa laman ko. Sa laki ba naman kasi, ewan ko na lang kung kayanin ko pa!

Hindi ko maitatanggi na nahihirapan ako pero sa tuwing nakikita ni Damian na nasasaktan ako ay humihinto siya. May pagkakataon pa na balak niya nang ihinto at bunutin pero pinigilan ko siya.

“Ituloy mo,” sambit ko.

Mainit na sa paligid at mas lalo pang uminit dahil sa pinagsasaluhan naming dalawa. Naramdaman ko na ang pagdaloy ng mga pawis ko sa lahat ng parte ng aking katawan at nang lumapat ang hulmado niyang tiyan sa ibaba ko ay napagtanto kong naipasok niya na lahat.

Tangina! Kinaya ko!

Nag-umpisa siyang gumalaw, dahan-dahan hanggang sa maramdaman ko ang unti-unti niyang pagbilis.

Wala akong ideya kung bakit sobrang kiliti ang nararamdaman ko sa ginagawa niya na halos hindi ko na gustuhin pang huminto siya roon.

Hindi ko na rin napigalan pa ang sarili na mapaungol sa sensasiyong nararamdaman.

Inilapit niya ang sarili niya sa akin at saka ako hinalikan ng mabagal sa aking labi. Naghalo na ang pawis naming dalawa ngunit wala kaming pakialam doon. Mas lalo lang itong naging dahilan para mas maramdaman ko ang mainit niyang presensiya sa akin. Sa puntong ’yon ay unti-unti ko nang nararamdaman ang sensasiyong nabubuo mula sa pagkalalaki ko.

“Malapit na ako,” bulong ni kuya Damian sa aking tenga.

Hindi ako nagsalita dahil tanging pagtango lang ang aking nagawa. Napahawak na ako sa akin at mabilis itong hinagod.

Hindi ko na pinigilan pa ang sarili nang lumabas ang malapot na likido sa akin. Agad ding hinugot ni Damian ang sa kaniya at pinaulan sa akin ang puting likido na ’yon.

Sobrang dami!

Parehas naming hinahabol ang paghinga nang sabay naming maabot ang kasukdulan. Agad akong hinalikan ni Damian sa labi at sapat na iyon para maramdaman ko ang labis-labis niyang pagmamahal.

“I love you, love

.“ Ito ang pang-apat na beses niyang sinabi ang mga salitang ’yon sa akin. Kahit ilang ulit ko na itong narinig sa kaniya ay gano’n pa rin ang tama at epekto nito sa akin. Para akong nasa ulap sa sobrang saya dahil ramdam na ramdam ko ang init ng pagmamahal niya sa akin.

Kitang-kita ko ang matamis na ngiti sa labi niya kaya naman ngumiti rin ako pabalik, “I love you too, love

, “ sambit ko.

*

Talipandas means hubad

How was the chapter 42? Share your thoughts in the comment section 😘

-kuyasen

43: Siklap 🔞(WARNING)🔞

Warning

: This chapter may contain language and scenes unsuitable for younger readers.

Read at your own risk!

.

.

.

.

.

.

.

KEIFER

Nang mga sandaling idilat ko ang aking mga mata ay kasabay nitong bumalik isa-isa ang mga imahe ng mga ala-alang pinagsaluhan namin kagabi ni Damian. Tila ba naiwan pa sa aking balat ang pakiramdam kung paano niya ako hawakan, kung gaano kahigpit ang kaniyang yakap at ang ingat ng bawat pagkilos at paggalaw ginagawa niya sa akin. Naging dahilan ito kung bakit bumilis bigla ang tibok ng puso ko maging ang biglaang pamumula ng aking mga pisngi. Tandang-tanda ko pa ang pawisan niyang katawan, bawat butil ng pawis niya ay mas lalong nakadagdag sa mas nakakahumaling na bersiyon ni Damian, bersiyon na hindi ako magsasawang tingnan at pagmasdan.

Nababalot ako ng kumot ngayon ngunit para bang sinisilaban ang aking katawan kahit na may nakatutok naman sa aking electric fan. Napayakap tuloy ako sa aking hubad na katawan nang mapansing underwear ko lang ang tanging suot ko ngayon.

Tinanggal ko ang kumot na nakalagay sa akin at saka bumangon ako mula sa pagkakahiga nang mapansin na iisa lang ako ngayon sa loob ng kwarto. Nakasara ang pinto kaya wala akong marinig na kahit na ano mula sa labas kaya naman kahit mabigat pa ang katawan ay tumayo na ako. Iika-ika akong nagtungo sa pinto ng silid at binuksan ito. Med’yo may kirot pa sa pagitan ng binti ko dahil sa nangyari kagabi pero keri naman na.

Dahil malapit lang ang kusina sa kwarto ay agad kong nakita ang pakay ko.

“Good morning, love,” bati sa akin ng nakangiting si Damian. Nagluluto siya ng fried rice na ang tanging suot lang ay ang boxer shorts niya at ang paborito niyang apron. Alam kong masama ang magmura pero makailang ulit ko itong ginawa sa aking isipan habang pinagmamasdan siya sa suot niya. Para akong nakatingin sa isang cheese bread na nag-uumapaw sa matamis, malapot at masaganang keso sa ibabaw! Kung tinapay lang ang tao na ito ay baka kanina ko pa siya nilantakan. Pwede ko naman lantakan ngayon kung gugustuhin ko.

Napaiwas ako nang tingin sa kaniya at mabilis na nagtungo sa banyo. Mas dumoble ang kaba ko dahil sa nakita ko ngayong umaga. Hindi pa man kami nag-aalmusal ay busog na agad ako.

Ginawa ko ang daily morning routine ko sa banyo. Naghilamos ako mukha upang magising ang aking diwa dahil pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang lahat ng ito. Nagsipilyo na rin ako dahil nakakahiya naman kung haharap ako kay Damian at makikipag-usap nang hindi pa fresh ang bibig ko. Ew ’yon.

Nang mayari ako sa ginagawa ay lumabas na rin ako ng banyo. Bumungad agad sa akin si Damian na inaayos ang mga pinggan na pagkakainan namin. Nakatanggal na ang suot niyang apron kanina kaya mas malinaw na sa akin ngayon ang ganda at tikas ng katawan na meron siya.

Ilang beses ko nang nakita ’yon pero hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa akin. Para akong nahuhulog sa mahika niya at ako naman itong gustong-gustong nahuhulog sa kaniya.

“Mag-ayos ka na nang makakain na tayo. Marami pa tayong pupuntahan ngayon pagkayari mong maayos ang mga dokumento para sa passport mo,” sabi sa akin ni Damian saka siya nagpunta sa sala bitbit  ang mga pinggan.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil sa mga sinabi niya pero kahit na ganoon ay nakaramdam ako ng lungkot nang maglaro ang mumunting ideya sa isipan ko. Siguro ay nilulubos niya lang ang mga oras na magkasama kami kaya handa siyang lumiban sa trabaho para lang magkasama kami buong araw at magawa ang mga bagay na pinaplano niyang gawin kasama ako.

Mabilis akong nagbihis at nagtungo sa sala kung saan nakahain ang pagkain namin. Naabutan ko si Damian na naka-indian sit sa harapan ng hapag. Maayos na ring nakahain ang pagkain na siya mismo ang nagluto. Kahit na simpleng tocino at hotdog lang ang naroroon pati na rin ang fried rice na niluto niya ay tila ba naging espesiyal ang lahat ng ’yon sa akin dahil siya ang nag-asikaso nito.

“Kain na, love,” sambit niya nang makaupo ako. Ang sarap naman sa tenga kung paano niya bigkasin ang salitang ’yon sa akin.

Halos mapunit na ang labi ko kakangiti habang pinanonood siyang salinan ng sinangag ang plato ko. Sobrang swerte ko talaga kay Damian dahil bukod sa words of affirmation niya ay nagagawa niya ring iparamdam sa akin ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng act of service. Wala na talaga akong maihihiling pa dahil sobra-sobra na ang isang Damian para sa akin. Bonus pa na maskulado, guwapo at daks pa ang isang ’to! Complete package talaga!

“Busog na ako, e,” pagbibiro ko sa kaniya. Kita ko naman ang labis na pagkagulat sa mukha niya kaya tumawa ako. “Noong sandali na nakita kita, nabusog agad ako.”

Agad na nabuo ang ngiti sa kaniyang labi. Ibinaba niya ang hawak na pinggan at saka hinablot ang braso ko.

“Halika nga rito!” wika niya. Naging madali lang sa kaniya ang mahatak ako sa kaniyang kinalulugaran. Mabuti na lang ay wala akong natamaan o nasagi na plato o pagkain. Sinalo ako ng malaking katawan ni Damian at saka niya ako binalot ng kaniyang naglalakihang mga braso. Nagawa niya pang pisilin ang mga pisngi ko habang nakakulong ako sa kaniyang mga bisig.

“Kahit ilang milyong kilometro pa ang maging distansiya natin sa isa’t-isa, lagi mong tatandaan na ikaw lang ang pipiliin ko. Mahal na mahal kita, Keifer. Sobra-sobra.” Parang musika sa mga tenga ko ang bawat salitang lumabas sa kaniyang labi. Naging sapat ’yon upang mapuno ng labis na saya ang puso ko. Hindi ko na kailangan pang mabahala at magduda dahil sa kasiguraduhan na pinakikita at sinasabi niya sa akin. Sapat na lahat ng ’yon. Sobra-sobra pa.

Hindi na ako umalis sa kanlungan niya. Nakakandong tuloy ako sa kaniyang mga binti pero kahit na ganoon ay maayos naming napagsaluhan ang masarap na pagkain. Para tuloy akong bata na nakakalong sa magulang niya dahil sa p’westo naming dalawa. Sinigurado ko ring hindi siya nahihirapan sa akin. Makailang ulit nga siyang nagnakaw ng halik sa pisngi ko. Pasimple lang sa pagkuha ng fried rice pero bigla-bigla na lang magtatanim ng halik sa aking pisngi. Siyempre nakakakilig. Kulang na lang ay mangisay ako sa kilig pero mabuti na lang ay magaling ako sa pagtago nito. Tapos may sumusundot pa sa kinauupuan ko kaya medyo distracted ako habang kumakain kami.

Nang mayari kami kumain ay inayos ko na ang hapag. Kasalukuyan kong nililigpitan ang mga pinggan nang maramdaman ko ang mga kamay na bumalot sa akin mula sa likuran. Agad akong nakiliti nang halikan niya ang likod ng tenga ko. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagikhik. Napahiran ko tuloy ang pisngi niya ng bula mula sa mabulang sponge na hawak ko.

“Gusto mo pala ng ganiyan, ah,” pilyo niyang sambit at saka ako iniharap sa kaniya. Nagulat na lang ako nang buhatin niya ako at mabilis akong iniupo sa gilid ng lababo. Dahil may maayos naman na espasiyo doon ay naging komportable ako sa kinauupuan. Saglit niya akong tinitigan at pagkaraa’y hinawakan niya ang mga pulsuhan ko’t pinaulanan ako ng halik sa aking leeg. Tawa ako nang tawa sa ginagawa niya. Hindi pa nakatulong ang matinding kiliti na hatid nito sa akin. Hindi ko siya magawang pigilan dahil hawak-hawak niya ang kamay ko. Tawa lang ako nang tawa nang huminto siya na para bang inaaral niya ang bawat parte ng mukha ko. Bigla tuloy nag-init ang aking mga pisngi dahil sa ginagawa niya.

“Pa-isa,” sabi niya sa akin at saka ngumiti nang nakakaloko. Hindi ko na nagawa pang makapag-react sa kaniya lalo na noong dumapo ang labi niya sa leeg ko. Naging marahan ang mga halik niyang ’yon at hindi maganda ang nagagawa nitong apekto sa akin. Tuluyan niya nang binitawan ang mga kamay ko kaya malaya itong nagtungo sa likuran niya, hanggang sa gumapang ito sa kaniyang buhok.

Lumandas ang mga kamay niya patungo sa loob ng damit ko. Ang kaliwa niyang kamay ay marahang minamasahe ang isa kong dibdib kahit na wala naman siyang mahawakan dito. Hindi naman kasi ako babae para magkaroon ng malaking hinaharap. Kahit na ganoon ay pinagpatuloy niya pa rin ang ginagawa. Pinaglaruan ng daliri niya ang utong ko kaya naman pigil na pigil ako na huwag makagawa ng kahit na anong ingay.

Unti-unti ay naramdaman ko ang pagtindig ng aking pagkalalaki. Nasa pagitan pa naman ng hita ko si Damian at alam kong mapapansin niyo ’yon oras na bumukol ito sa suot kong shorts.

Hindi na siya nakapagpigil pa nang hubarin niya ang suot kong damit. Agad niya akong hinalikan sa labi ko habang alalay na hinuhubad ang suot kong shorts.

Bahagya siyang dumistansiya sa akin nang matanggal niya ang natitirang piraso ng tela sa aking katawan. Muling nag-init ang aking mga pisngi sa paraan ng pagtingin niya. Kapansin-pansin ang galak sa ngiti niya. Puno nang pagmamahal ang kaniyang mga mata kaya naging daan iyon upang maging komportable ako sa panonood na ginagawa niya sa akin.

“Sobrang perpekto mo sa paningin ko, love,” puri niya sa akin. Labis ang saya ng puso ko dahil sa mga sinabi niya. Kayang-kaya niyang tanggalin ang lungkot sa sistema ko’t baligtarin ang  nararamdaman kong lumbay sa pamamagitan lang ng kaniyang mga salita. Sa tenga ko, parang isang magandang musika ang boses niya. Hindi nakakasawang pakinggan.

Ibinaba niya ang suot na boxer at doon bumungad sa akin ang nanggagalaiti niyang alaga. Nagulat ako sa laki nito kahit na malinaw ko na itong nakita kagabi.

“Alalay lang ako,” sabi niya at saka nilagyan ng laway ang pagkalalaki niya. Pinahiran niya rin ang lagusan ko. Hindi ko maiwasang mapapikit sa kiliting hatid ng daliri niya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang unti-unti niyang pagpasok sa akin. Dahan-dahan lang ito hanggang sa maisagad niya nang tuluyan. Makirot pa rin pero hindi na kagaya noog una. Mas kaya ko na ito kumpara noon na parang pinupunit ang laman ko.

Nag-umpisa siyang gumalaw sa mabagal na paraan. Kung saan-saan napapadpad ang kamay ko dahil hindi ko mapigilan ang sarili na panggigilan siya. Makailang beses din akong napasabunot sa kaniyang buhok at qouatang-qouta na ang kamay ko dahil sa pagsalat sa mga abs niya.

Unti-unting bumibilis ang paggalaw niya. Parang ayaw ko na siyang huminto sa ginagawa niya’t hinahanap-hanap ng katawan ko itong mga nangyayari sa aming dalawa.

Ilang minuto naming pinagsaluhan ang mainit na sandali hanggang sa maramdaman namin ang kiliti na naghihintay sa kasukdulan.

Yumuko si Damian upang maabot ako at pagkaraa’y hinalikan ako sa aking labi. Ramdam ko ang init ng pagmamahal niya sa paraan ng kaniyang paghalik. Sobrang tamis ng kaniyang labi na para bang lalo akong nahumaling sa ginagawa niya.

“Bilisan mo pa,” sambit ko, hindi inaasahan ang sarili sa mga salitang binitawan sa kaniya.

Ginawa niya ang bagay na sinabi ko at kahit na babad ang labi ko sa labi niya ay nagawa ko pa ring ngumiti. Tangina! Bakit ang sarap naman nitong ginagawa niya?

Hindi nakuntento si Damian sa ginagawa niya’t niyapos niya pa ako nang mas mahigpit. Sobrang nakakabaliw ang pakiramdam ng balat niyang lumalapat sa aking balat. May kung anong kiliti ang hatid nito sa akin kaya naman nararamdaman ko na ang nagbabadiyang paglabas ng akin.

“Malapit na ako, love,” bulong sa akin ni Damian saka niya ako hinalikan sa aking leeg.

Tinanguan ko siya, hud’yat na malapit na rin ako. Mas naging agresibo ang pagbayo niya hanggang sa unti-unting napuno ang aking tenga ng mga mumunti niyang pag-ungol.

“Tangina,” bulong niya at saka mabilis na hinatak ang kaniyang pagkalalaki mula sa akin. Narating namin parehas ang kasukdulan. Itinapat niya sa akin ang espada niya’t ipinaligo sa akin ang lahat ng katas niya. Sobrang dami pa rin.

Parehas naming hinahabol ang hininga dahil sa sobrang pagkahingal. Pagod na pagod man ay nagawa naming gumawa ng matamis na ngiti sa aming labi. Lumapit siya sa akin at mabilis akong binalot sa kaniyang maskuladong mga bisig. Agad akong napapikit nang dumampi ang labi niya sa labi. Marami akong mababaong ala-ala naming dalawa sa US.

Inalalayan niya akong maitayo mula sa kinalulugaran. Puno ang katawan ko ng puting likidong pinakawalan naming dalawa kaya balak ko na sanang magtungo sa banyo nang makarinig ng malalakas na katok mula sa pintuan ng apartment.

Agad na sumabog ang puso ko sa kaba dahil sa narinig. Nagpalitan muna kami ni Damian ng makahulugang tingin at pagkaraa’y hinala niya na ako sa loob ng banyo.

“Sabay na tayong maligo. Mabilis lang ako,” sabi sa akin ni Damian na sinang-ayunan ko naman.

Naging mabilis siya sa paliligo, madaling-madali sa pagkilos at nang aktong lalabas na siya para iwanan ako ay agad kong tinawag ang pangalan niya para pigilan siya. Napalingon ito sa akin, naghihintay sa susunod kong sasabihin.

“Siya ba ’yong bisita mo?” tanong ko at alam kong alam niya kung sino ang pinupunto ko.

Kapansin-pansin ang pagseryoso ng kaniyang mukha. Hindi ko na kailangan pang marinig ang sagot niya dahil mukhang alam ko na rin naman ang isasagot niya.

“Sige na. Maliligo na ako,” sabi ko’t isinara ang pinto ng banyo dahilan para tuluyan na siyang mapalabas.

Hindi naman dapat pero bakit nakararamdam na naman ako ng matinding selos kahit na ilang beses niya nang sinabi sa akin na wala naman dapat akong ikaselos doon sa mahabang buhok na lalaking ’yon. NAKAKAINIS!

*

Hi, there! Kuya Sen here! 62K reads na ang SEKYU at gusto ko lang magpasalamat sa inyo. Thank you for making it possible! Thank you for your support and love in this novel.

Your votes and comments are highly appreciated! Thank you!

Siklap means the sudden ignition or flare-up of fire

(alab)

•ﻌ•ྀི

44: Daluyong

Reference photo of Keifer

.

.

.

.

.

.

KEIFER

Mabigat man ang kalooban ko ay pinagpatuloy ko ang ginagawang paliligo sa loob ng banyo. Hindi ko tuloy maiwasang pakinggan si Damian habang kinakausap niya iyong lalaki na mahaba ang buhok.

“Pasensiya ka na at wala talaga kaming bangko rito kaya pagtiyagaan mo na muna sa tiles,” dinig kong sabi ni Damian. Huminto pa ako sa pagkuskos ng sabon sa aking balat at bahagyang lumapit sa pinto. Para naman akong tsismoso sa ginagawa ko kahit na hindi ko naman ugali ang makinig sa usapan ng iba. Umagang-umaga naman kasing nang-aabala itong long hair na ’to! Panira ng moment!

“Kain ka muna kaya? Kape?” tanong sa kaniya ni Damian. Asikasong asikaso, ah?

“I’ll go with coffee,” the long hair man replied. “I can also eat you if you want to. Oh, sorry I forgot, you are already taken!”

Parang nagpantig ang tenga ko ro’n sa mga narinig ko mula doon sa lintek na ’yon. Nayari tuloy ako sa paliligo ng wala sa oras. Ni hindi man din nag-react si Damian kaya pakiramdam ko ay mas nadagdagan ang pagkainis ko sa kanilang dalawa.

Kukuhanin ko na sana ang tuwalya nang mapansing wala akong nadala rito sa loob kaya naman kahit naiinis ako ay lumapit pa rin ako sa pinto ng banyo upang kuhanin ang atensiyon ni Damian.

“ Love , pasuyo ng tuwalya,“ sigaw ko sa kaniya na halos ipangalandakan na ang salitang love nang mahiya naman si epal sa mga sinasabi niya sa boyfriend ko.

“Ay, oo nga pala, sorry, love,” dinig kong sabi ni Damian mula sa labas. Napangiti naman ako dahil sa kaniya, pero naiinis pa rin ako ah, kasi bakit hindi siya nagalit doon sa sinabi noong epal na ’yon sa mga sinabi sa kaniya? Bakit naman din kasi ang rupok-rupok ko? Nadinig ko lang ang sagot niya sa akin na may endearment na love ay kinilig na agad ako! Dapat inis at galit ako! Bawal ngumiti, Keifer!

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagkatok ni Damian sa pinto ng banyo. Bahagya ko itong binuksan upang kuhanin ang hawak niyang tuwalya. Tila ba wala pa siyang balak na iabot ito sa akin dahil tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa sabay taas-baba ng kilay niya. Nakangiti pa nang nakakaloko.

Pilyo talaga! Huwag mo akong ginaganyan dahil galit dapat ako sayo! Mamaya nang gabi bubukaka! Ikalma mo ang talulot ng bulaklak mo, Keifer!

Hinablot ko ’yong tuwalya sa kaniya, nag-iingat na hindi mabuksan nang tuluyan ang pinto dahil baka pati si long hair ay makita akong nakahubo.

“May kasalanan ka pa sa akin! Huwag kang ngingiti-ngiti diyan!” sambit ko sa kaniya sabay irip. Kitang-kita ko pa ang pagkagulat niya hanggang sa maisara ko ang pinto ng banyo.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Kung wala lang siguro rito ang epal na long hair na ’yon ay baka hinatak ko na si Damian dito sa loob para sa round two naming dalawa. Landi! Kainis!

Tinuyo ko na ang sarili maging ang buhok ko saka ko itinapis sa bewang ang tuwalya na binigay ni Damian.

Agad akong lumabas ng banyo. Sinuot ko ang pinakaseryosong ekspresiyon sa aking mukha, bahagya ko pang nilamlaman ang aking mga mata para pagtumingin ako ro’n sa bisita ni Damian ay malaman niyang hindi ako masaya na makita siya rito. Harsh na kung harsh pero naiirita talaga ako sa kaniya!

Nang lingunin ko sila ay sakto namang iniaabot ni Damian ang hawak na tasa ng kape. Kitang-kita ko ang pagkuha nito ng tasa mula sa kamay ni Damian. Ganoon na lang ang inis ko nang mapansin ang paraan ng paghawak niya sa kamay ng boyfriend ko. Bakit kailangan niya pang haplusin ito? Nakakayamot! Para talagang sinusubukan ako nitong lintek na ’to!

Mukhang napansin ni Damian na naiinis ako sa ginagawa noong linta sa tabi niya kaya agad siyang lumayo upang lumapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na hindi pa siya yaring magbihis dahil nakamaong pants pa lang siya ngayon at walang pang-itaas na suot.

“Maghuhubad ka na lang ba riyan? Sige! Ipangalandakan mo pa sa iba ang six packs abs mo!” Ako lang dapat ang nakakakita niyan, e!

“Magbibihis na nga. Aalis pa tayo, e,” sabi niya sa akin.

Siya na ang unang pumasok sa kwarto at saka ako hinala pagkaraan.

“Aalis nga tayo tapos ano naman ang ginagawa noong,” huminto ako dahil ayaw ko namang pangalanan ng kung ano-ano ’yong bwisit niyang bisita. Tama na sigurong sa isip ko na lang siya i-torture. “Huwag mo sabihing sasama sa atin ’yon?” dagdag ko pa.

Nahinto siya sa ginagawang pamimili ng damit sa Orocan at saka napalingon sa akin.

“May kotse siya. Ipagmamaneho niya naman tayo para less hassle na lang sa mga pupuntahan natin. Ayaw mo ba ’yong—”

“Ayaw ko! Kayo na lang ang umalis! Mamamasahe ako mag-isa!” buo ang loob kong sabi sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya at hindi siya pinansin kahit na kitang-kita ko kanina ang pagkagulat niya dahil sa mga sinabi ko. Kinuha ko ang mga susuotin sa Oracan din na kinukuhanan niya. Nagawa ko pang hawiin siya dahil nakaharang siya sa kailangan kong kuhanin.

“Love, nag-usap na tayo tungkol dito, ’di ba?” Ramdam ko ang lungkot sa boses niya pero hindi pa rin ako sumagot.

Tinanggal ko ang tapis na tuwalya, walang pakialam sa kanya dahil nakita naman na niya ang lahat-lahat sa akin. Sinuot ko agad ang boxer ko at ang maong pants. Mabilis ko ring sinuot ang plain white shirt na nakuha ko kanina.

Mabilis ko ring nilagay ang mga medyas sa mga paa ko at saka isinalpak ang sapatos kong luma. Hindi naman kasi ako nakasapatos noong pumunta rito kaya hindi ko nadala ang bigay ni tito Kris sa akin.

Tatayo na sana ako nang mapansin kong humarang si Damian sa pinto ng kwarto para pigilan ako sa paglabas.

“Umalis ka riyan. Uuwi na ako. Sayang ang oras ko rito, Damian,” sabi ko sa kaniya. Sinikap kong hindi siya matingnan sa mga mata niya pero hindi ko pa rin siya matiis.

“Inayos ko na lahat ng requirements na meron ka kanina noong natutulog ka dahil sabi ni Winsor ay ipagmamaneho niya raw tayo sa Mall para maipasa na ’yang mga papeles mo,” bagsak ang mga balikat niyang paliwanag sa akin. “Nagmamabuting loob lang ’yong tao. Huwag mo namang limitahan ang sarili mo na tulungan ng iba. Kailangan din nating tanggapin na paminsan-minsan ay kailangan din natin ang tulong nila. Wala namang masama ro’n, love,” dagdag niya pa. Ramdam na ramdam ko na gusto niyang ipaintindi sa akin ang mabuting intensiyon noong bisita niya, e ayaw ko!

Saka Winsor pala ang pangalan ni long hair? Bagay. Tunog dinosaur!

“Kaya naman natin lakarin na tayo lang dalawa, e, Damian! Saka isa pa, passport appointment ’yon! Paano nangyaring meron na siyang schedule na nakapangalan sa akin, e appointment nga ’yon? Sinong pinaglololoko niyong dalawa? Kung gusto niyong mag-date—” nahinto ako sa pagsasalita nang halikan ni Damian ang labi ko. Para akong bagyo sa kalagitnaan ng nag-aalborotong dagat na sa isang iglap ay naging tahimik at mapayapa.

Tingnan mo nga ang kaya mong gawin sa akin, Damian?! Isang halik lang, nagkakaganito na agad ako!

“Sorry for eavesdropping on your conversation. I just felt the urge to defend myself since Keifer was misinterpreting my genuine motive to help. For your information, I have a friend working in the passport main office who could help us. Please stop the drama and fix yourselves. Time is running.”

Duh!

Lumayo na ako kay Damian nang marinig ko ang boses ni Winsor Dinosaur sa labas.

“Hayaan na nating tulungan ka niya,” saad ni Damian.

Napairap na naman ako sa ere sabay sabing, “para makakuha na agad ako ng passport at makaalis na kami ni tito, at para malaya na kayong makapaglandiang dalawa, tama ba?”

Napasalo si Damian sa mukha niya. Kitang-kita ko na sukong-suko na siya.

“Ano ba ang kailangan kong gawin para hindi ka na magselos sa kaniya?” frustrated na tanong ni Damian sa akin.

Paalisin mo siya! Siyempre hindi ko sinabi dahil inisip ko muna kung tama bang banggitin ko ’yon. Oo. Inis ako kay Winsor Dinosaur pero kung tutulungan niya kami ngayon sa mga kailangan ko, ay hindi na kami mangangapa pa ni Damian. Less hassle nga naman sa amin ’yon dahil sa tulong niya.

Napabuntong-hininga ako at saka napayuko. Idinikit ko ang aking noo sa dibdib niya at naging sapat ’yon para makaramdam ako ng kapanatagan sa kaniyang presensiya. Pakiramdam ko ay walang kahit na anong magpapahamak sa akin sa kanlungan niya.

“Sorry kung sumusobra ang pagiging seloso ko, love,” pag-amin ko.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Damian na hinaplos-haplos ang aking likuran. Mas nakaramdam ako ng kapanatagan dahil sa mga ginagawa niyang ’yon sa akin. Right at that moment, I realized that I went too far. Nakakatakot lang na baka masakal siya sa akin o magsawa siya sa mga inaasal ko. Kailangan kong mag-mature. Hindi na ako bata pa.

Niyari na namin ang pagbibihis. Parehas kaming puting damit ang sinuot at sa tingin ko ay tinerno talaga ni Damian ang kulay nito sa kung ano ang kulay ng akin. Siguro nga ay masyado lang akong nega pagdating kay Winsor Dinosaur. Subukan niya lang talagang ulitin ang kalandian niya kanina, talagang tutuluyan ko nang putulin ang kamay ng baklang ’yon!

Lalabas na sana ako ng kwarto nang tawagin ni Damian ang pangalan ko kaya naman napalingon agad ako sa gawi niya.

“Nandito na lahat ng requirements na kakailanganin mo para sa passport processing. Kumpleto na ’yan,” nakangiti niyang sabi sa akin saka ipinakita ang hawak na brown envelope. “Ako na ang magbibitbit nito. Tara na,” dagdag niya pa at saka nilahad ang kaliwang kamay sa akin. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at saka tinanggap ko ang kamay niyang ’yon.

Lumabas na kami sa silid nang magkahawak ang kamay. Lowkey na iniinggit si Winsor Dinosaur na nakatayo sa mismong pinto at nakasandal ang malaking braso sa frame nito. Sa tingin ko ay yari na siya sa iniinom na kape dahil nasa lababo na ang tasa na ginamit niya.

Napairap ako sa isip ko nang makita ko ang pagngiti niya sa akin. Sarap sabunutan!

“Are you ready to go?” tanong niya sa amin habang naglalakad sa aming direksiyon kahit na patungo na rin naman kami sa kaniya.

“Yes,” sagot ni Damian. Hindi na ako sumagot pa dahil wala akong balak na makipag-usap talaga sa kaniya.

“Oh, right! I almost forgot, my name is Winsor Adamson. I’m thirty-eight and the CEO of Adamson Winery Company, which is our family business and has branches around the globe,” pakilala ni Winsor Dinosaur sa akin at saka niya inilahad ang kamay para sa isang hand shake. Magka-edad pa talaga sila ng boyfriend ko.

Tiningnan ko saglit ’yon. Hindi ko sana tatanggapin kung hindi lang bahagyang pinisil ni Damian ang kamay kong hawak niya.

Bigating tao pala ang kaharap namin ngayon. Pake ko?

“Okay,” sabi ko na lang sa kaniya saka nakipag-hand shake. Tinanggap ko na ang pakikipagkamay niya, nakakaawa naman kung ipapahiya ko.

“Tara na. Mabilis lang naman ang biyahe natin sa SM,” sabi niya at saka naunang lumabas ng apartment.

Sumunod na rin kami ni Damian. Ni-lock niya muna ang pinto ng bahay bago kami sabay-sabay na lumabas. Nakita ko pa si lola na kapit-bahay namin. Iiling-iling ito habang nakatingin sa akin sabay tingin doon sa nauuna sa aming maglakad na si Winsor Dinosaur.

Hindi ko na lang ito pinagtuunan nang pansin maging ang iba naming kapit-bahay na nakatingin sa amin. Nagtungo na si Winsor Dinosaur sa kotse niya at saka pumasok doon. Para naman akong sasabog sa kilig nang pagbuksan ako ng boyfriend ko ng pinto sa passenger seat.

“Salamat,” sambit ko saka bumitaw sa kamay niya’t pumasok sa loob nito. Hindi ko maitatanggi na malinis at mabango sa loob ng kotse ni Dinosaur. Mukhang malinis talaga sa mga gamit niya.

Umikot si Damian sa kabilang pinto at saka pumasok na rin dito.

“I thought you are going to sit here beside me,” sabi ni Winsor Dinosaur kay Damian na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko. Nakatingin siya sa akin sa rear view mirror sa loob at nang magtama ang mga mata naming dalawa ay tumawa siya. “I’m just kidding!”

E, kung sakalin kaya kita diyan? Talagang inaasar ako ng Dinosaur na ito, ah!

“Fasten your selt belts,” aniya pa.

Ilalagay ko na sana ung seat belt ko nang si Damian na ang umabot nito at nag-ayos. Lumandas tuloy sa aking ilong ang nakakaadik niyang bango kahit na wala siyang ginamit na pabango kanina. Natural body scent lang talaga. Amoy baby! Nakakaa-addict lang!

Nag-umpisa na kami sa biyahe namin at sa mga sandaling lumipas ay nagpalitan lang ng mga kwento ang dalawang kasama ko. Nakakailang irap na nga ako sa ere dahil sa mga pasimpleng banat ni Winsor Dinosaur sa boyfriend ko. Hinahayaan ko lang dahil kagaya nga ng naisip ko kanina, kailangan kong mag-mature at unawain ang ibang bagay-bagay. No physical touch to my man, magiging okay kami ni Dinosaur, kasi kung gagawin niya ulit ang ginawa niya kanina ay baka matuluyan ko na siyang masakal.

Lumipas ang oras hanggang sa marating namin ang SM. Nag-park muna si Winsor Dinosaur ng kotse niya at saka kami sabay-sabay na lumabas.

“You just need to submit your papers to the office here, fill out some forms, and wait for their call once it’s settled. It will mostly take around seven days since this is a rush process. I already talked to my friend in the main office, and he said he will take care of you,” sabi sa akin ni Winsor nang makalabas kami sa kotse.

“Regarding ID capturing, as far as I remember, they schedule a separate appointment for it once your initial documents are approved to avoid any hassle or inconvenience,” dagdag niya pa.

Siya ang naunang naglakad. Hindi na rin naman ako sumagot sa kaniya dahil sapat na ang simpleng pagtango ko. Kahit papaano ay na-appreciate ko na rin naman ang mga efforts niya sa akin. Hindi ko lang talaga maiwasang mainis sa kaniya dahil sa kalandian niya.

Nang makapasok sa mall ay nagdiretso na kami sa office kung saan pinapasa ang mga dokumento na dala ko para sa passport processing. Mahaba ang pila nang makarating kami ro’n pero dahil sanay naman ako sa ganito ay hindi na ako masiyadong nabigla pa.

“Maiwan ko muna kayo rito. I will pull some strings to make this done early,” sabi ni Winsor Dinosaur. Nakuha niya pa akong kindatan bago pumasok sa office. Akala niya yata ay natutuwa ako sa pagkindat niya na ’yon.

Nakita kong kinausap niya ang guard na nakabantay. Nandito kasi kami sa labas dahil sa haba ng pila.

Nagpaalam saglit ’yong guard sa kaniya at pagbalik nito ay may kasama na itong lalaki na mukhang staff dito. Sinenyasan ako ni Winsor Dinosaur na lumapit sa kanila kahit na sa totoo lang ay nag-aalangan ako.

“Parang nakakakonsensiya naman kung iba-by pass natin iyong iba na nakapila,” komento ko nang hawakan ni Damian ang kamay ko para hilahin ako papunta ro’n kanila Winsor.

“Perks,” sabi naman sa akin ng boyfriend ko at saka niya ako kinindatan. Ito ang gusto kong kindat! Hindi iyong kagaya kanina!

Nang makalapit kami roon sa guard ay binati kaagad kami nito. Bumati rin ang lalaking kasama ni Winsor Dinosaur.

“He’s Jimmy, empleyado rito. My friend called him to help you so take your time, Keifer. We’ll wait you here outside,” pakilala ni Winsor Dinosaur doon sa lalaking kasama niya.

Nakipagkamay ito sa akin at magiliw ko naman itong tinanggap.

“Shall we go inside, sir?” sabi sa akin ni sir Jimmy kaya tumango ako.

Iniabot sa akin ni Damian ang hawak niyang brown envelope kung saan naroroon ang mga documents ko. Ngumiti pa ako sa kaniya bago ako sumunod kay sir Jimmy sa loob.

Glass wall naman ang pasilidad kaya tanaw ko pa rin ang mga kasama, at nang papasok na kami sa private room ay humabol pa ako ng sulyap para sana magpaalam kay Damian ngunit hindi ko inaasahang pagsisisihan ko iyon nang makita silang nag-uusap na para bang enjoy na enjoy sila sa presensiya ng isa’t-isa. Nakadagdag pa sa inis ko na para bang tuwang-tuwa si Damian sa pakikipag-usap kay Winsor Dinosaur na ’yon! Alam kong sobrang bait lang ng boyfriend ko at talaga namang welcoming at genuine siya sa kahit na sino kaya hindi naman dapat ako maging nega o OA sa mga nakikita ko. Isasantabi ko na sana ang nararamdamang inis dahil mukhang mababaw na naman ang rason ko kung magseselos akong muli ngayon sa kanila pero nang sandaling makita ko ang kamay ni Winsor na hinawakan ang kamay ni Damian at hinila pa ito palayo sa pasilidad ay doon napatid ang natitirang pisi ng pasensiya ko.

Pasemsiya siya pero ito na ang hud’yat ng g’yera sa pagitan namin ng Winsor na ’yon! Oo! Pumapatol talaga ako sa Dinosaur!

*

At sumabog na nga ang bulkang Keifer! Malilintikan talaga ang dinosaur na ito! 🤭

Daluyong means an old term for a sudden or fierce attack, also means a big wave or storm.

Kuyasen

45: Katimyas (Pure)

Reference photo of Damian

.

.

.

.

.

.

.

.

KEIFER

Nag-uumapaw ang inis, galit, at pagkapoot ko kay Winsor dahil sa ginagawa niyang panlalandi sa boyfriend ko. Kulang na lang ay umusok ang mga tenga ko habang nakikita siyang nakapalupot ang kamay sa malaking braso ni Damian at hindi talaga ayos sa akin ’yon. Buo na ang desisiyon ko at balak ko na sanang sumugod sa kanila nang makita ko si Damian na mismo ang bumawi ng kaniyang braso mula kay Winsor. Bahagya pa siyang dumistansiya kay Winsor Dinosaur dahilan para mapanatag ako. Buti naman marunong ka nang umiwas ngayon, love?

Sapat na ang mga nakita ko upang maging kampante kaya naman sumunod na ako kay Sir Jimmynat isinantabi ang inis na nararamdaman. Hindi ko rin maikubli ang saya sa puso ko dahilan para mapangiti ako habang binabaybay ang daan patungo sa opisina.

Maraming tao sa loob at lahat ay may kaniya-kaniyang ginagawa. Naging mabilis lang ang paglalakad namin hanggang sa makapasok na kami sa isang silid. Malaki ang loob nito salungat sa inaasahan ko. Meron ding ibang mga empleyado sa loob, nakap’westo sa kani-kanilang mga lamesa. Mukha namang mababait ang mga nandito dahil nagawa pa nila akong batiin at ngitian kahit na hindi nila ako kilala personally. Siyempre ngumit at bumati rin ako pabalik sa kanila.

“This way, Sir,” sabi sa akin ni Sir Jimmy. Napadpad kami sa isang p’westo kung saan mabilis siyang nagtungo sa isang swivel chair upang maupo rito. Ito na marahil ang p’westo niya. “Have a sit po,” magalang niya pang sambit sa akin at saka itinuro ang bangko na nakap’westo sa gilid ng lamesa niya.

Sinunod ko siya. Naupo ako sa upuan na sinabi niya’t Inilibot ko ng tingin ang aking mga mata. Napansin ko na kahit maraming paper fillings sa ibabaw ng lamesa niya ay maayos pa rin ang salansan at pagkaka-pwesto ng mga ito.

Binuksan niya ang laptop at saka inilahad ang kamay niya sa akin.

“May I get your documents, sir,” sabi sa akin ni Sir Jimmy kaya naman agad kong iniabot ang hawak na brown envelope sa kaniya.

Nang makuha ito ay isa-isa niyang sinuri ang laman nito at sa tingin ko ay kumpleto naman lahat ng dala ko base sa ekspresiyon ng mukha niya.

“You must be very special to Sir Baltazar, Sir Keifer. Kabilin-bilinan niya pa sa amin na asikasuhin namin kayo nang maayos,” nakangiting bahagi sa akin ni Sir Jimmy.

Nahihiya akong ngumiti at saka sinabing, “Sa totoo niyan, sir, ay hindi ko kilala si Sir Baltazar.”

“Oo nga po pala! Mr. Richie Baltazar, our Passport Main Office Manager, called me earlier to inform me that a close friend of his, who is likely your relative, asked me to assist you, sir,” magiliw niyang sabi sa akin habang inaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga dokumento ko.

Tinutukoy niya siguro si Winsor Dinosaur.

“Thank you po sa tulong nila pero kung tinutukoy niyo po si Winsor Dino-Adamson, hindi ko po siya kaano-ano,” sagot ko sa kaniya at saka alanganing napatawa. Muntikan ko pang mabanggit ang Dinosaur—jusko.

Nahinto si Sir Jimmy sa ginagawa niya at saka napatingin sa akin. “Hindi po si sir Winsor ang tinutukoy kong kamag-anak niyo, Sir. Si Sir Krisostomo Guillermo po ang kaibigan ni Sir Baltazar, uncle niyo po siguro siya base sa apelyido niyo,” saad niya saka ipinakita sa akin ang hawak na PSA.

Kumunot ang noo ko dahil ang akala ko’y si Winsor ang kakilala ng tinatawag niyang Sir Baltazar. Hindi ko naman inaasahang si Tito Kris pala! Sabagay, bigating tao si tito kaya puro mga taong may naglalakihang apelyido ang mga kaibigan niya. Nakakapagtaka lang na bakit sinabi ni Winsor na kaibigan niya ang tinutukoy ni Sir Jimmy, not unless kaibigan din ni tito Kris si Winsor? P’wede ring kaibigan nila parehas si Sir Baltazar kahit na hindi sila magkakilalang dalawa?

“Opo, Sir,”

Nahinto ako sa pag-iisip nang magsalita si Sir Jimmy. Nakuha niya agad ang atensiyon ko at nakakagulat lang na mukhang nabasa niya ang aking nasa isip.

“If you are thinking that Sir Baltazar and Sir Guillermo look good together, opo, tama po kayo!” Halos mapasigaw pa siya sa kilig.

We didn’t have the same thoughts, Sir Jimmy.

“Baks, ang OA mo masiyado,” sabi noong isang staff na babae sa kabilang mesa. Tatawa-tawa pa ito sa inaakto ni Sir Jimmy kaya natawa naman din ako.

“Ibig sabihin ba ay nakita mo na si Sir Baltazar at si Tito Kris na magkasama?” tanong ko.

“Yes, Sir! Sa tuwing bumibisita si Sir Baltazar dito ay kasama niya lagi si Sir Guillermo na tito niyo pala. Actually Sir, they were here two weeks ago.”

Two weeks ago? Pero kakauwi lang ni tito Kris noong nakaraang araw!

“I know the reason why Sir Guillermo went here and that is because of his father na tatay niyo, right? I hope maka-recover na agad ang tatay niyo,” aniya.

“Oy, baks! Kung ano-anong sinasabi mo kay Sir! Asikasuhin mo ’yang trabaho mo, uy!” sita ulit ni ma’am na nasa kabilang table.

Humingi nang paumanhin sa akin si Sir Jimmy kaya umiling-iling ako.

“Okay lang. May tanong ako, Sir,” sabi ko sa kaniya. Huminto siya sa ginagawa at saka tumingin sa akin. “Sabi kasi ni Winsor ay kaibigan niya raw ang Sir Baltazar niyo, ibig sabihin ba noon ay may t’yansa rin po bang magkakilala ang tito ko at si Winsor Adamson?”

“You mean, ’yong kasama niyo pong poging long hair sa labas kanina, Sir?” Sinagot niya ng tanong ang tanong ko kaya naman tumango ako sa kaniya bilang sagot.

“About that, Sir. Kaibigan po ni Sir Baltazar si Sir Adamson pero hindi naman po sila magkakilala ni Sir Guillermo. ’di ba, baks?” Iyong babae sa kabila naming table ang sumagot.

“Yes,” tipid na sagot ni Sir Jimmy.

“Marami lang po talagang acquintances si Sir Baltazar dahil na rin po sa job position niya at ang iba sa kanila ay mga aspiring suitors ng aming Main Office Manager,” paliwanag pa ng babae.

Nasagot naman ang tanong ko at naging malinaw naman sa akin ang lahat. Nakakabilib lang dahil napakaliit lang ng mundo para sa amin. Iyong nanlalandi sa boyfriend ko ay nanlalandi rin pala sa Project Manager dito na kaibigan naman ni tito Kris. Tapos nakilala pa ni Damian si Winsor Dinosaur dahil sa mga offer niyang tulong para sa pagpapagamot at pagpapa-opera ni Dama. Bakit naman parang siniksik kami sa loob ng isang lata ng sardinas? Bakit kailangang pagtagpuin pa ang mga landas namin sa laki ng p’wede naming galawan sa mundong ’to?

“Okay na po, Sir. All of your requirements are complete po. Makisulat na lang po ang contact number niyo rito para po matawagan namin kayo para sa ID capturing at releasing ng passport niyo, probably by next week, Sir, ay makatatanggap na rin po kayo ng tawag mula sa amin,” sabi sa akin ni Sir Jimmy at saka niya iniabot sa akin ang isang maliit na yellow sticky pad at black ballpen.

Tinanggap ko iyon at saka isinulat ang contact information ko. Ibinalik ko na ’yon sa kaniya at saka nagpaalam na rin.

“Thank you, Sir. Mag-iingat po kayo palagi. Pasensiya na at na-tsismis pa namin si Sir Baltazar at Sir Guillermo sa inyo,” dagdag pa nito. Ngumiti ako sa kaniya at saka nagpasalamat muli bago lumabas. Siguro ay may something nga si Sir Baltazar at Tito Kris.

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko habang binabaybay ang daan palabas ng opisina. Masaya ako na walang problema sa mga papel na ipinasa ko at malungkot din dahil ilang araw lang ang bibilangin ay makukuha ko na rin agad ang passport ko. Ibig sabihin noon ay nalalapit na rin ang pag-alis namin ni tito Kris. Hindi pa ako handa. P’wede bang huwag na lang sumama sa kaniya?

Malayo pa lang ako ay natanaw ko na agad ang boyfriend ko na kasama si Winsor. Nakatayo sila sa gilid na mukhang matiyagang naghihintay sa akin. Parang gusto ko tuloy maglakad nang taas-noo dahil malaki ang espasiyo sa pagitan nila, senyales na dumidistansiya na si Damian sa lintang Winsor na ito. Gano’n sana!

Evil na kung evil pero mas maganda ’yang ganyan. Natututo nang makaramdam ang boyfriend ko. Ngayon ay dapat ko namang turuan si Winsor na lumugar sa dapat niyang kalugaran. Off limits sa pagmamay-ari ko!

“Okay na?” bungad sa akin ni Damian nang makalapit ako sa kanila.

Tumango ako. “Tatawag na lang daw sila para sa ID capturing at releasing ng mismong passport, love. Probably by next week, okay na ’yon,” sambit ko pa.

Hindi nakalagpas sa mga mata ko ang bahid ng lungkot sa mukha niya kaya naman kahit maraming tao sa paligid namin ay ipinalupot ko ang aking kamay sa braso niya. Ako lang

naman din kasi ang may karapatang gumawa nito sa kaniya. Ako lang!

“May isang linggo pa tayo para sulitin ang mga oras na magkasama kaya huwag na nating sayangin ang oras. Tara na!” sabi ko sa kaniya para mabawasan ang katahimikan na biglang namagitan sa amin kanina.

“I’ll be your third wheel for today. Treat ko ang lunch natin later,” singit naman ni Winsor.

Aangal na sana ako nang maisip ko na nag-effort naman siya para samahan kami ngayon at mukhang rude kung pagsasalitaan ko siya nang kung ano-ano kaya naman hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Libre niya naman daw kaya p’wede na.

“Since it’s only 10 in the morning, why don’t we watch a movie? Ako naman ang bahala sa gastos, sige, at dahil aalis naman na si Keifer, ako na ang bahala sa lahat ng gastusin ng date niyo ngayon,” malapad ang ngiting sabi ni Winsor. Hindi ko alam pero nairita ako sa paraan ng pagsabi niya nito sa amin. Parang may back-hand meaning. Parang masaya pa siya na aalis na ako! Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip ng masama sa kaniya. Kung hindi lang illegal pumatay ay baka napatay ko na ang baklang ’to!

Sa totoo lang ay hindi pa ako nakakapanood ng sine sa buong buhay ko at talaga namang gusto ko itong subukan kaya naman kahit naiinis ako kay Dinosaur ay sumangayon na lang din ako sa suhestiyon niya. Isa pa ay sagot niya naman kaya hindi na kami talo ro’n.

“I’m not a fan of Philippine movies, but we can try watching ‘Romeo and Romeo’ since I’ve seen a lot of its clips online. It looks good, and we should give it a try,” rekumenda ni Winsor. Siya ang nauunang maglakad sa amin na para bang kabisadong-kabisado niya na ang SM. Sabagay kilala niya nga pala si Sir Baltazar kaya kahit papaano’y alam niya ang lugar na ito.

Dahil hindi naman ako babad sa kahit anong social media ay hindi ako pamilyar sa sinasabi niyang pelikula. Naalala ko lang ang palabas na Romeo and Juliet na katunog nito. Sa tingin ko’y mukhang maganda naman ang pelikula na tinutukoy niya.

Maraming showing nang makarating kami sa sinehan at agad nakuha ng atensiyon ko ang movie poster ng ‘Romeo and Romeo’. Parehas na lalaki ang nakita ko ro’n, mukhang BL romance at sa tingin ko’y maganda ang nilalaman ng pelikula. Bigla tuloy akong na-excite manood. Parang makaka-relate kami sa palabas.

“I’ll buy us tickets. You better buy us a bucket of popcorn and three cans of soda,” sabi ni Winsor Dinosaur kay Damian. Naglabas pa ito ng pera at saka iniabot sa boyfriend ko pero hindi niya tinanggap.

“Ako na bahala sa pagkain,” saad ni Damian kay Winsor. “Tara na, love,” wika niya at saka hinawakan ang kamay ko ngunit nagtaka ako nang hablutin ni Winsor ang braso ko.

Hindi ako nagtanong bagkus ay tininggan ko lang siya, magkasalubong ang mga kilay at naghuhumiyaw ang pagkairita sa mga mata.

“I’ll teach him how to buy a ticket so that he’ll know what to do once the two of you plan to watch a movie in the cinema,” nakangiti niyang sabi sa amin ni Damian.

“Hilo ka ba?” sagot ko, nakalimutang CEO nga pala siya ng isang Winery Company, na wala naman akong pake.

“Why?” takang-tanong niya.

“Nakalimutan mo na bang sasama ako kay tito Kris sa US at maiiwan si Damian dito? Paanong makakanood kami ng sine nang magkalayo kaming dalawa? Nang-aasar ka ba?” inis kong sabi sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Damian sa kamay kong hawak-hawak niya.

“Oh, I forgot! Edi kapag nakauwi ka na rito! Siyempre ay bibisita ka naman yearly kaya mas maganda kung ready ka na, ’di ba?”

Napairap na lang ako sa ere sa mga sinabi niya.

Bumitaw na ako kay Damian nang mayari na ang kaek-ekan ni Winsor. Isa pa ay sa kabilang side lang naman pipila si Damian upang makabili ng popcorn at soda namin.

Hinatid ko nang tingin ang boyfriend ko. Nakuha niya pa akong ngitian, nagtaas-baba ng mga kilay niya at saka nagthumbs up pa nang makapila siya.

Nasa pila na rin naman kami ni Winsor at sinusundan ko lang siya na umabante dahil abala ako na makipagpalitan ng ngiti sa boyfriend kong guwapo nang sikuhin ako bigla ni Winsor.

“Three tickets of Romeo and Romeo,” sambit ni Winsor doon sa babaeng nasa counter. Meron ding malaking monitor screen sa harap namin na kung saan naka-display ang tila ba mga upuan sa loob ng sinehan.

“Saang seat po, Sir?” tanong noong babae kay Winsor.

Kinuha ni Winsor ang atensiyon ko at saka itinuro ang screen na nasa harapan namin.

“These are all the vacant seats. Those with shade of black were already taken. Pili ka na lang ng p’westo na gusto mong upuan natin,” paliwanag niya sa akin.

“Bakit ako? Ikaw na lang,” sabi ko dahil wala naman akong alam sa mga ganitong bagay. Baka mamaya pangit na p’westo pa ang mapili ko.

“Okay, we decided to take seats J11, J12 and J13,” sambit ni Winsor doon sa kahera.

“990 pesos, sir, for seats J11, J12, and J13,” sagot naman noong babaeng kahera sa kaniya.

Nagbayad na si Winsor sa kaniya saka nito iniabot ang tatlong ticket na tila ba singhaba ng isang ruler. Binigay niya ito sa akin at ito ang unang pagkakataon na makahawak ako nito. Piraso lang ito ng papel pero naging masaya ako habang hawak ito sa aking kamay.

Umalis na kami sa pila nang makuha ang mga ticket namin. Nakasunod lang ako kay Winsor. Hinintay namin si Damian sa gilid, malayo sa ibang tao na kung saan tanaw namin ang boyfriend ko na kasalukuyang nagbabayad na sa kahera. Hawak niya na rin ang dalawang bucket ng popcorn at isang paper bag na sa tingin ko ay mga lata ng soda ang laman.

“You’re such a lucky guy, Keifer. Sobrang mahal ka ni Damian,” komento ni Winsor sa tabi ko. Nilingon ko siya at nakitang hindi siya nakatingin sa akin bagkus sa taong nakapila ro’n sa bilihan ng popcorn.

“Alam naman pala tapos nilalandi mo pa ang boyfriend ko.” Malakas talaga ang loob ko dahil nagawa kong sabihin sa kaniya ’yon. Sa tingin ko ay deserve niya namang marinig ’yon mula sa akin.

Lumingon siya sa akin at sa unang pagkakataon, sa pamamagitan ng mga salitang binitawan niya ay nagawa nitong maalis ang galit na nakabalot sa puso ko.

“You will thank me one day, Keifer. I somehow helped you see if Damian’s love is pure and genuine to you. And yes, you’re one hell of a lucky guy to have him as your man. . . . sana parehas na lang tayong swerte sa pag-ibig. Nakakainggit.”

*

Katimyas means pure

So, how’s the chapter? Somehow, I made a way to defend Winsor our long hair Dinosaur in this chapter. Sana naman mahalin niyo na siya instead of throwing hate on him ☺️

-kuyasen

46: Balintuna

Balintuna means an archaic term that suggests something absurd or nonsensical.

Sassy! Its sounds like Valentina! 🤭

Anyway, enjoy reading! . . . . . . *

KEIFER

Ito ang unang pagkakataon kong makapasok sa loob ng sinehan at hindi ko inaasahang napakaluwag dito sa loob. Kahit madilim ay maayos ko pa ring nakikita ang mga hanay ng mga upuang paitaas mula sa pinasukan naming entrada. Nang lumingon ako sa gilid ay doon ko nakita ang napakalaking screen. Dumadagundong din ang ingay mula sa sound system na hindi ko malaman kung saan ba nakakubli.

Si Winsor ang nauunang maglakad sa amin. Ako ang nakasunod sa kaniya at si Damian naman ang nasa ’king likuran, bitbit ang bucket ng popcorn namin. Siyempre ay binigay na rin namin kay Winsor Dinosaur ang sa kaniya. Mamaya tyansingan niya na naman ang boyfriend ko sa simpleng pag-abot lang ng bucket ng popcorn.

“H, I, and finally, the row of J,” dinig kong sabi ni Winsor. Nakatingin din siya sa mga nagliliwanag na label sa sahig katapat ng bawat hanay ng mga upuan.

“This way to J11, J12, and J13,” dagdag pa ni Winsor habang tinatahak namin ang hanay ng bangko kung saan lahat ay may label na letrang ‘J’. Nang mahanap ang mismong upuan namin ay inukupa na rin namin ito. Pinagitnaan ko si Winsor at Damian dahil kung ang boyfriend ko ang gigitna sa amin ay baka buong panonood ng pelikula ay maging mainit ang ulo ko sa mga kalandian ni Winsor. At least sa ganitong p’westo ay hindi niya magagawang tyansingan ang boyfriend ko dahil nakaharang ako sa kanila. Asa siya!

“Put the can of soda here,” sambit ni Winsor at saka ipinakita sa akin ang ginawa niya. Inilagay niya ang hawak na softdrinks sa kanang parte ng armrest ng upuan niya. Nang tingnan ko ang akin ay napansin kong may butas ito kaya naman doon ko inihulog ang hawak na lata ng soda. Dahil hawak naman na ni Winsor ang isang bucket ng popcorn ay wala nang dahilan para makikuha pa siya sa popcorn namin ng boyfriend ko. Buti na lang talaga at dalawang bucket ang binili ni Damian para hindi na siya makisawsaw pa sa amin. Madamot na kung madamot pero pagdating kay Damian, pasensiyahan kami dahil hindi ko p’wedeng ibahagi sa iba ang pagmamay-ari ko.

Pinanood ko ang nasa big screen at napansin na puro teaser clips ito ng ibang mga pelikula. Mukhang hindi pa nag-uumpisa ang Romeo and Romeo, marahil ay maaga pa.

Nawala ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang kamay na humawak sa kamay kong nakapatong sa armrest ng upuan. Dahil si Damian ang nasa kaliwang gilid ko ay agad din akong napatingin sa kaniya. Bahagya nitong pinisil ang kamay ko’t nginitian ako ng sinsero. May kung ano sa ngiti niya dahilan para mahawa ako’t hayaang mabuo ang malapad na ngiti sa aking labi. Sa g’wapo ba naman ni Damian, ewan ko na lang kung mapipigilan ko pang hindi ngumiti para sa kaniya.

“First date natin ito bilang opisyal na mag-boyfriend, at alam kong nabanggit mo dati na hindi ka pa nakakapanood ng sine magmula pa noon. Ngayong magkasama tayo, sana ay masaya ka katulad ng sayang nararamdaman ko ngayon,” aniya, hindi nagtangkang putulin ang titig naming dalawa.

Mas masaya sana kung walang dinosaur sa tabi ko.

Tumango ako kaniya at saka sinabing, “Kahit saan naman tayo magpunta ay masaya ako, lalo na basta kasama ka.” Inilapit ko ang sarili sa kaniya. Nang lumapat ang katawan ko sa malapad niyang dibdib ay mabilis siyang nakagawa ng paraan upang mahalikan ang aking noo.

“Maikli ang pitong araw, ni hindi nga tayo sigurado kung mas mapapaaga pa ang release date ng passport mo pero sana bago mo makuha ’yon ay masulit natin ang natitirang panahon nang magkasama,” saad ni Damian. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya pero nakaya niyang itago iyon sa pagitan nang pagngiti.

“Ang lalandi niyo,” biglang komento ni Winsor Dinosaur nang maakbayan ako ni Damian.

Hindi ako nagsalita bagkus ay tinawanan ko siya. Pwes! Mamatay siya sa inggit!

Unti-unting napuno ang sinehan at habang naghihintay ay pinagsaluhan namin ni Damian ang hawak niyang popcorn. Kahit hindi ko tingnan si Winsor ay alam kong kinakain niya na rin ang popcorn niya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagdukot sa bucket na nakapwesto sa ibabaw ng mga hita ni Damian nang bumulong siya sa akin.

“Alam mo ’yong palabas na halloween? Iyong lalaking may kalabasa ng trick or treat? Butasan ko rin kaya itong bucket ng popcorn tapos isuot ko si junjun. Unli snack ka ro’n!”

Agad na nag-init ang mga pisngi ko sa mga sinabi niya. Nakuha niya pa talagang magbiro ng gano’n kahit na nandito kami sa sinehan. Umayos ka at baka um-oo ako sa sinasabi mo!

Pabiro kong hinampas ang braso niya sa dahil sa kapilyuhan pkahit na sa katunayan ay gusto ko naman ang mga sinabi. Eme lang! Hindi talaga siya nahihiyang bumanat ng mga ganoon sa akin kahit na may mga tao malapit sa amin na maaaring makarinig. Tapos ako naman itong inosente-inosentihan kunyari walang alam. Hindi ko naman kasi maiwasang mai-imagine ’yong mga nangyari sa amin kagabi. Iyong mga pinagsaluhan namin sa k’warto. Mas naramdaman ko tuloy ang labis na pag-init ng mga pisngi ko.

Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang pelikula. Nakatutok lang ako sa malaking screen sa harapan namin dahil sobrang ganda ng palabas. Bawat eksena ay makatotohanan at magagaling din ang mga aktor na gumanap. Nakakadala sila ng emosiyon at hindi ko maiwasang tumawa tulad ng iba sa tuwing nakakatawa ang eksena. Naramdaman ko rin ang pagbadiya ng luha ko noong nagkaroon ng problema si Elio at Andres. Kahit na gusto kong tutukan ang palabas ay naalarma ako nang maramdaman ko ang pantog kong sasabog na. Naubos ko na rin kasi ang soda ko.

“Saan ang banyo rito?” bulong ko kay Damian.

“Malapit lang. Tara, samahan na kita,” sabi niya at aktong tatayo na nang magsalita si Winsor.

“Paano matututo ’yan kung sasamahan mo pa?” taas ang isang kilay niyang sambit. “Tahakin mo lang ang daan na tinahak natin kanina tapos sa corridor ay may makikita kang kanto, doon na ang restroom. Go, kaya mo na ’yan.”

Alam kong kahit na itago ko ang pagkairita sa kaniya ay naghuhumiyaw pa rin ito sa aking ekspresiyon, pero kahit na ganoon ay hindi na ako nagbitaw pa ng mga masasakit na salita. Hinintay ko lang si Damian sa magiging sagot niya at nang tumayo ito’t marahan akong inalalayan na makatayo rin ay agad na sumulpot ang ngiti sa labi ko. I won!

“Samahan ko na, baka maligaw pa,” sabi niya kay Winsor. “Tara na, love,” dagdag niya pa at saka hawak-kamay naming tinahak ang daan palabas ng sinehan. Ang saya lang ng puso ko kahit maraming tao ang makakita sa amin ay walang pakialam si Damian sa kanila. Kahit kailan ay hindi niya ikinahiya ang ganitong gawain niya, na minsan ay napaaway pa siya sa konduktor ng bus dahil sa pagiging homophobic no’n. Naaalala ko na naman tuloy ang mukhang unggoy na ’yon.

Kagaya ng sinabi ni Winsor ay malapit nga lang ang restroom. Walang ibang tao nang makarating kami ro’n kaya doon na ako nagtungo sa urinal dahil ihing-ihi na talaga ako. Agad kong binuksan ang aking zipper at pinakawalan ang ihi na kanina ko pa pinipigilan.

Para naman akong nakuryente nang maramdaman ko ang malaking katawan ni Damian sa likuran ko. Dahil malaki siyang tao at matangkad siya sa akin ay ganoon na lang nang maikulong niya ako sa kaniyang mainit na yakap. Nagawa niya pang silipin ang pagkalalaki ko habang patuloy pa rin ako sa pag-ihi.

“Laki niyan, ah,” pilyo niyang komento habang binobosohan ako.

“Magkakaguliti ka niyan!” pagsakay ko na lang sa kapilyuhan niya. Panatag naman ang loob ko dahil sa tingin ko’y wala namang tao na papasok sa male restroom ngayon dahil nga abala ang iba sa panonood, pero nagkamali ako.

Agad na napalayo sa akin si Damian nang may marinig kaming mabibigat na yabag papasok ng male restroom.

“Nakita ko kayo,” dinig kong sabi ng matandang boses. Mayamaya pa’y inukupa niya ang urinal na nasa kaliwang gilid ko.

“Okay lang ’yan. Kagaya nga ng pinapanood kong Romeo and Romeo, lahat ng klase ng pag-ibig ay katanggap-tanggap, ramdam ko kayo mga hijo pero sa susunod, huwag na rito sa public restroom maglambingan, ah? Dahil baka kung hindi kagaya kong maunawain ang makakita sa inyo ay malamang pa sa malamang, mahusgahan kayo,” mahaba niyang komento sa amin. Nakangiti ito na halos mawala na ang singkit niyang mga mata.

“Pasensiya na po kayo. Hindi ko po kasi maiwasang yakapin ang cute na ito, paalis na po kasi ng bansa sa susunod na linggo. Mami-miss ko lang po talaga.”

Sakto dahil yari na ako sa pag-ihi. Agad akong napalingon kay Damian na nasa likod ko nang sabihin niya iyon sa matanda. Sa akin siya nakatingin at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata taliwas sa ngiting nakaimprente sa maganda niyang labi.

“Mag-aabroad ka ba, hijo? Ayos lang ’yan, may tamang pagkakataon sa inyo basta huwag niyong hayaan na mawala ang komunikasiyon sa isa’t-isa. Iyon ang mahalagang bagay sa sitwasiyon ng mga long distance relationship mga, anak,” komentong muli sa amin ni lolo.

Parehas naman kami ng pinanonood na pelikula kaya makikita pa rin namin siya sa loob kahit na sa ibang bangko siya nakapwesto. Nagpaalam na kami sa kaniya nang makapaghugas ako ng kamay sa faucet.

“Everything will fall into place in the right time,” sabi niya pa bago kami tuluyang makalabas.

Parehas naming bitbit ni Damian ang ngiti sa labi dahil sa engkwentro sa matanda na ’yon. Meron pa rin palang mga tao na nakaiintindi sa relasiyon namin. Nakakataba lang ng puso malaman na hindi pa rin nauubos ang mga kagaya niya. Sana mas rumami pa sila.

Nang bumalik kami sa pwesto namin ay napansin kong nakaupo na si Winsor sa upuan ko.

“Manghihingi lang ako ng popcorn ni Damian saglit. Paupo muna ako sa upuan mo for the mean time,” sabi niya at saka ngumisi. Hindi nakakatuwa ’yon sa totoo lang pero kahit labag sa kalooban ko ay hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

“Pwede ka namang kumuha sa bucket namin. Hindi naman namin dinala sa banyo, e,” pasaring ko nang makaupo sa upuan kung saan dapat nakaupo si Winsor. Ngayon ay katabi niya na si Damian dahil nagpalit na kami ng upuang dalawa.

Subukan niya lang talaga landiin ang boyfriend ko, masasaktan ko talaga siya.

Muli kong ibinalik ang atensiyon sa palabas kahit na pasimple akong sumusulyap sa katabi ko, nakikiramdam kung nagpapalit-anyo na naman sa pagiging ahas ang isang dinosaur.

Sa tingin ko ay nasa parte na kaming finale ng pelikula nang mapansin ko ang pagpalupot ng kamay ni Winsor kay Damian. Dahil sa tingin ko ay mabilis din niyang binawi ang sarili, gano’n na lang din ang ginawang pagdistansiya ni Damian sa kaniya.

“Alam mo, magpalit na tayo bago pa kita masakal.” Sinabi ko talaga ’yon. Walang CEO-CEO ngayon! Nasa loob kami ng sinehan at wala sa kumpaniya niya. Tigil-tigilan niya ako sa kaharutan niya sa boyfriend ko!

Kahit na hindi siya natinag sa kinauupuan ay tumayo ako’t pinatayo rin siya. Napansin kong naiinis na ang iba dahil naabala sila sa panonood nila. Mas okay na ’yon kaysa magwala ako dahil lang sa isang dinosaur na nagpalit anyong ahas para lang lingkisin ang boyfriend ko.

Nang makabalik ako sa sariling upuan ay kinuha agad ni Damian ang aking kamay. Hinawakan niya ito. Kulang na nga lang ay itaas ko ito’t ipamukha kay Winsor Dinosaur nang matauhan siya sa mga ginagawa niya. Hindi niya yata nakikita ang pangalan ko kay Damian. Kailangan pa bang pagsigawan kong akin ang lalaking ito?

Nagtapos ang pelikula sa eksena nila Elio at Andres sa clock tower. Doon ay hinayaan ko na ang sarili na maluha dahil naging magkalayo rin sila sa isa’t-isa gawa nang kailangang umalis ng bansa ni Andres at iniwan niya si Elio para magpagaling sa nangyaring aksidente sa kaniya. Kahit papaano’y naka-relate ako dahil ilang araw mula ngayon ay magkakalayo na kami ng taong pinakamamahal ko, kagaya ni Elio at Andres na nagkawalay kahit na alam nilang mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Alam kong darating ang panahon na magkikita ulit kaming dalawa ni Damian at kapag dumating ang oras na ’yon ay hindi ko na hahayaan pang magkahiwalay ang landas naming dalawa. Ako na ang magpupumilit kay tadhanang paglapitin kami, sa ayaw at sa gusto niya, pero sa ngayon, kailangan muna naming gawin kung ano ang mas nakabubuti hindi lang para sa amin kundi para na rin sa mga taong nakapaligid sa aming dalawa.

Alam kong hindi lang ako ang nabiktima ng Romeo and Romeo dahil marami rin ang naantig sa mensahe ng pelikula. Maraming manunood ang nagpupunas ng kanilang mga luha. Napansin ko rin na maluha-luha ang boyfriend ko nang humarap siya sa akin kaya naman hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kaniya.

Bumukas na ang mga ilaw sa loob ng sinehan nang mayari ang palabas. Ang ilan ay nagmamadaling umalis kaya hinayaan muna naming mabawasan ang mga tao bago kami lumabas. Kagaya kanina ay si Winsor ang siyang nauna sa amin sa paglalakad, ngunit sa pagkakataong ito ay si Damian na ang nakasunod sa kaniya habang hawak ang aking kamay.

Kasalukuyan naming binabaybay ang exit ng buong cinema kasabay ang ibang mga tao nang maramdaman ko ang paghila sa akin ni Damian. Inakbayan niya ako dahilan para magkanda-baliw-baliw na naman ang puso ko sa ginawa niya.

“Iyakin,” pang-aasar niya sa akin kaya marahan ko siyang siniko.

“Ikaw din kaya!” sabi ko, natatawa.

“Hindi naman ako umiyak, e. Baka sa susunod na linggo pa kapag nasa airport na tayong dalawa.”

Hindi ko na nagawa pang sumagot sa mga sinabi niya dahil sa labis na pagkagulat. Matinding lungkot agad ang nararamdam ko sa tuwing naiisip ko na kailangan naming maghiwalay dalawa at magpatuloy sa buhay nang hindi nakikita ang isa’t-isa. Wala akong magawa ngayon kundi indahin ang nararamdamang sakit. Kung sana ganoon lang kadali na isama namin siya sa US, edi hindi na sana kami nakakaranas ng ganitong problema ngayon.

Maraming tao ngayon sa SM kahit na biyernes pa lang at kahit saan dumako ang mga mata ko’y puro magkakasintahan ang aking nakikita. May mga pamilya rin at magkakaibigan pero madalas kong nakikita ay ang mga magkarelasiyon. At least, isa na kami ni Damian sa mga ’yon. Hindi katulad dati na pumupunta lang ako sa SM para magpalamig o hindi kaya’y magtanong kung meron bang available na part-time job na maaari sa isang kagaya kong estudyante.

Habang naglalakad kami ay napansin ko ang playsquare area. Glass wall ito kaya naman kitang-kita namin ang mga bata na nasa loob kasama ang mga magulang nila. Napangiti tuloy ako dahil naalala ko noon na bata pa lang ako, gustong-gusto ko nang makapasok doon pero hindi ko man kailan pa nararanasan dahil bukod sa mahal ang entrace fee ay madalas ko namang hindi kasama si nanay sa tuwing nagagawi ako rito.

“Love?”

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Damian.

“Tinatanong ni Winsor kung saan mo gustong kumain? 11 am na. Nagugutom ka na ba?” tanong niya pa sa akin.

Hindi ako agad nakasagot dahil wala akong masiyadong alam na restaurant. Jollibee, Mcdo, KFC, at Chowking lang ang alam ko at sa tingin ko’y si Winsor ang tipo ng tao na hindi madalas kumain sa mga fast food na kagaya noon kaya naman napalingon na lang ako sa playsquare saka nagkibit-balikat.

“I guess you want it to try.”

Napalingon ako kay Winsor na nakatingin sa akin habang nakangiti. Tatanggi na sana ako nang hilahin niya ako patungo sa counter.

“How much for the fee?” tanong ni Winsor sa babaeng nandoon. Mukhang nagulat pa siya sa amin.

“499 for 2 hours, sir. Good for two na po iyon, anak at one parent, sir. Saka sir, limit po ang age ni baby from 1-8 years old po,” paliwanag sa amin noong babae sa counter.

“How about if we don’t have a child? Just the three of us? P’wede ba ’yon?” tanong ni Winsor sa kaniya. Gusto kong magsalita para pigilan siya pero may parte sa isip ko ang nagdidikta sa aking hayaan siya.

“Hindi po pwede, e, sir. Kailangan po ay may kasama kayong anak, kahit isa lang po,” sabi niya pa.

Humarap sa amin si Winsor at sinabing, “then we need to look for a child.”

At sino namang magulang ang hahayaang isama ang anak niya sa amin na hindi naman nila kakilala para lang makapasok doon sa loob ng playsquare? Nababaliw na ba siya?

*

//

(⁠つ⁠≧⁠▽⁠≦⁠)⁠つ

Romeo and Romeo is a BL novel written by oren_jiro here on Wattpad. Highly recommended! Worth reading and the story line is superb! Its completely free so if you have some free time, give it a try. Thank you~

-kuyasen

47: Bana

Bana“ is an old term that can mean “treasure” or something of great value, though it is less commonly used today.

.

.

.

.

.

.

.

*

KEIFER

Hindi ko alam kung paanong napapayag ni Damian ang nakausap niyang mag-asawa na ipahiram sa amin ang anak nila para lang maglaro sa loob ng playsquare. Kung sabagay, kahit na malaki ang pangangatawan ng boyfriend ko ay makikilatis na agad na may mabuti siyang kalooban sa paraan pa lang ng kaniyang pakikipag-usap kaya ganoon na lang marahil naging madali na makuha ni Damian ang loob ng mga magulang nito.

Nagbayad na si Winsor sa cashier. Kaming tatlong adults at iyong bata na nagngangalang Jared, apat na taong gulang, ang nakapila ngayon. Buhat-buhat siya ni Damian at hindi ko maiwasang magpantasiya habang pinagmamasdan silang dalawa. Naisip ko lang na ganito rin siguro ang itsura niya oras na dumating ang panahong mag-sesettle na kami sa tahimik na buhay. Magsasama sa iisang bubong. Bubuo ng pamilya at mag-aalaga ng mga anak. Alam ko na magiging responsableng ama si Damian at napaka-swerte ko na kung ako pa rin ang mapipili niyang makasama habang-buhay.

Naputol ako sa pag-iisip nang magsalita si Winsor. Nakatingin siya ro’n sa mag-asawang sina Marianne at Jun, parents ni Jared. “It would be much better if you joined us here in the playsquare. This will be a great opportunity for family bonding. No buts. I’ll pay the fee,” dire-diretsong sabi ni Winsor sa kanila at saka nag-abot ng pera ro’n sa cashier.

Hindi na nakaangal pa iyong dalawa kaya naman sumunod na rin sila sa amin sa pila.

Mayamaya pa’y may nag-assist na sa aming staff. Nagbigay ito ng mga pares ng foot socks. Sinabi na rin nila sa amin ang mga rules and regulations sa loob ng playsquare at pagkatapos naming suotin ang binigay na foot socks ay pinapasok na rin kami agad sa loob.

Kahit na kasama na namin ang parents ni Jared ay kay Damian pa rin siya nagpabuhat, bagay na kinatuwa ng puso ko. Ang sarap lang kasi nilang pagmasdan dalawa, parang magtatay talaga.

Leather-cushion ang buong platform ng playsquare kaya safe na safe kahit na bumagsak o madapa ang mga batang naglalaro. Nang makapasok kami ay kabila’t kanang nagtatakbuhang mga chikiting ang bumungad sa amin. Maraming safe obstacles sa loob ng playsquare. Spectrum-colored slides na kung saan may naghihintay na pool ng colorful soft balls sa ibaba. Meron ding separate pool ng mga multi-colored soft balls para walang mangyari na aksidente sa tuwing may gumagamit ng slides. May mga monkey bars din na soft-cushion ang babagsakan. Meron pang obstacle wall na hindi naman ganoon kataas kaya hindi na kailangan pa ng safety harness. May mini cave rin na puro toys sa loob, tapos isang mahaba na stationary train station kung saan pwede pumasok at maglaro. Meron ding puzzle area, building blocks and giant lego house! Ilan lang ’yon sa iba pang pwedeng puntahan sa loob. Para akong bumalik sa pagkabata habang ini-enjoy ang sayang pumuno sa aking puso. Tama nga sila, first experience will always be the best one.

Ibinaba ni Damian ang bata kaya agad naman itong tumakbo para subukan ang mga narito sa loob. Sumunod naman sa kaniya ang mga magulang niya pero bago sila lumayo ay nagpasalamat pa sila sa amin lalo na kay Winsor. Sa lahat ng ginawa ng dinosaur na ’yon, ito na yata ang pinaka-dabest sa lahat.

“Naalala ko si Dama sa kaniya. Na-miss ko tuloy ang anak ko,” sabi ni Damian sa gilid ko habang pinagmamasdan si Jared na nakikipaglaro sa mga magulang niya.

“Gusto mo bang bisitahin natin siya? Gusto ko rin mabisita ang probinsiya niyo bago umalis ng Pilipinas,” suhestiyon ko.

“Settle the date. Isama niyo ako sa balak niyo nang hindi na problema ang transpo dahil may kotse naman ko,” singit ni Winsor sa gilid namin.

Kita ko ang pagningning ng mga mata ni Damian dahil sa mga narinig mula sa amin. Alam kong gusto niya rin ang mga sinabi ko. Gusto ko lang din talagang mabisita si Dama, Shina pati na rin ang girlfriend nitong si Athisa bago ako umalis ng bansa.  Hindi ko maitatanggi na nakaka-miss sila kahit na saglit lang sila bumisita rito sa lugar namin.

“I know both of you are happy but the time is running. Let’s all try what’s inside the playsquare!” pagputol ni Winsor sa mga iniisip ko at saka niya hinablot ang braso ni Damian.

No. Not again!

Hinawakan ko ang kabilang braso ng boyfriend ko dahilan para mahinto si Winsor sa ginagawang paghila sa kaniya. Napatingin sila parehas sa akin kaya naman tiningnan ko nang masama si dinosaur.

“Bitaw!” sabi ko nang makuha ang atensiyon nilang dalawa.

Agad namang bumitaw si Winsor, pangisi-ngisi pa na parang aso.

Sabunutan ko kaya siya!

Nang mabawi si Damian mula sa dinosaur na ’yon ay inaya ko siyang pumunta sa slides. Noong nandoon kami ay sumulpot naman si Jared sa gilid ni Damian. Nakangiti ito at bigla na lang yumakap sa boyfriend ko.

“Slides tayo, ’nak?” malambing na tanong sa kaniya ni Damian. Napaka-husband material talaga ng lalaking ito.

Tumango si Jared sa kaniya at saka kumandong sa boyfriend ko. Pinanonood ko lang sila dahil akala ko’y magi-slide na silang dalawa pababa nang lumingon sa akin si Damian. Nakayakap ang kaniyang kaliwang braso kay Jared para maprotektahan ito, nakalahad naman ang isa niyang kamay sa akin, tila naghihintay na kuhanin ko ang kamay niya’t tabihan siya sa slide, kaya naman ginawa ko ang gusto niya.

Nang makatabi ako sa kanila sa slides ay ibinalot agad ni Damian ang malaki niyang braso sa likod ko at saka hinawakan ako sa aking tagiliran na para bang nakayakap sa akin. Nag-init agad ang mga pisngi ko dahil sa pagiging gentleman niya. Hindi lang si Jared ang inalala niya maging pati ang seguridad ko kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti nang malapad.

“Ready?” tanong sa amin ni Damian kaya parehas kaming tumango-tango ni Jared.

Napansin ko ang mga magulang ng bata na naghihintay sa amin mula sa ibabang parte ng slides. Parehas silang nakangiti at kitang-kita ang saya sa mga mukha nila.

“Hold tight, love,” sabi sa akin ni Damian at wala ano-anong nag-slide kami sabay-sabay. Sinalo kami ng mga soft ball sa ibaba ng slides kahit na nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo. Tawa ako nang tawa dahil sa labis na sayang nag-uumapaw sa aking puso. Kung sana p’wedeng dito na lang ako palagi sa parte na ito ng buhay ko para hindi na matapos pa ang sayang nararamdaman ko. Kaso hindi p’wede.

Kahit maingay sa buong paligid ay nangingibabaw pa rin ang mga tawa ni Damian sa aking mga tenga. Hindi ko pinansin ang mga soft ball na tumabon sa akin. Tawa lang ako nang tawa nang mapansin ko ang mga soft ball na humawi mula sa akin.

Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Damian. Kitang-kita ko ang pantay-pantay niyang mga ngipin dahil sa napakaganda niyang ngiti na ipinakikita sa akin. Kulang na lang ay mangisay ako sa kilig dahil sa nakikita. Para akong nakatitig sa isang anghel ngayon.

“Love,” sabi niya sa akin at saka marahan akong inalalayan upang makatayo mula sa napakaraming soft ball na hinihigaan ko.

Agad kong hinanap kung saan na napunta si Jared at bumalik na itong muli sa mga magulang niya upang makipaglaro. Inaya ko naman si Damian na subukan ang ibang nandito pa sa loob at talaga namang nag-enjoy ako. Para tuloy kaming over-sized toddler na naglalaro sa loob ng playsquare pero mas malakas ang loob kong gawin ang mga ito dahil kasama ko ang boyfriend ko.

Sinubukan namin ang lahat ng obstacles at napansin kong nakikigulo rin sa amin si Winsor. May pagkakataon pa na sumisimple siya kay Damian pero lagi akong nakabantay para pagbawalan siya. Oo, libre niya pero hindi naman ibig sabihin noon na pwede niya nang landiin ang boyfriend ko. Wala naman pumilit sa kaniyang sagutin ang lakad naming ito ni Damian.

“It’s already 1 pm. Hindi pa ba kayo nagugutom?” tanong sa amin ni Winsor.

Hindi ko inaasahang umabot na kami ng dalawang oras dito. Sa sobrang saya ko ay hindi ko na namalayan pa ang oras. Iba rin kasi na kasama ko si Damian at ka-bonding tulad nito. Siguro ay parehas lang namin nilulubos ang pagkakataon na bumuo ng mga ala-alang mababaon namin parehas kapag nagkalayo na kaming dalawa.

Nagpasiya na kaming lumabas ng playsquare. Bago umalis ay nagpasalamat muna kaming tatlo sa mga magulang ni Jared dahil sa pagtitiwala nila sa amin. Yumakap din ang bata kay Damian kaya tuluyan nang natunaw ang puso ko dahil sa kalambingan nilang dalawa sa isa’t-isa. Kahit na sa maikling oras ay mukhang naging malapit ang loob ng bata sa boyfriend ko. Hindi ko na rin tuloy napigilan pa ang sarili na yumakap kay Jared bago magpaalam.

Hindi naalis ang ngiti ko habang binabaybay namin ang daan palabas ng SM. Nag-suggest kasi si Winsor na sa labas kumain dahil may alam raw siyang high-end Japanese restaurant hindi kalayuan sa SM. Siya naman ang gagastos kaya bahala na siya sa mga gusto niya. Go with the flow lang kami ni Damian. Ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at hindi nangyayari ang kagustuhan ni Winsor na lingkisin ang boyfriend ko. As if namang papayag ako ro’n, ’no?

Isang Japanese buffet restaurant ang pinuntahan namin. Sobrang daming pagkain ang nakahain sa mga naglalakihang mga lamesa sa dining hall ng restaurant. Bawat gilid ay may mga lamesa rin kung saan nakalagay ang mga side dishes, drinks at kung ano-ano pa. Sa dami ng mga pagkaing nakikita ko ay halos mabusog na agad ako sa mga ito.

Serve yourself sa buffet restaurant kaya may freedom kami pumili ng mga pagkain na kakainin. Kanya-kanya kami ng kuha at puro sushi ang mga nilagay ko sa aking plato. Kumuha rin ako ng tempura at breaded-fried tofu. Nang makuha ang mga gustong kainin ay bumalik na ako sa lamesa namin. Ako na lang pala ang hinihintay nila dahil nakakuha na sila ng mga kakainin nila.

“Hands off sa boyfriend ko,” sita ko agad kay Winsor nang makitang nakahawak siya sa braso ni Damian. Nakaupo siya kaharap namin dahil siyempre, ako ang dapat na katabi ni Damian.

“Selan. Sagot ko naman ang gastos ng date niyong—”

“Nag-initiate ka kaya! Wala namang pumilit sa ’yo, e,” sabi ko nang makaupo nang maayos. “Kaya hindi maganda ang kutob ko sa panlilibre mo, e. Nase-sense ko nang isusumbat mo sa akin lahat.” Pinanliitan ko pa siya ng mga mata, tila tinatantiya.

Tumawa siya. “Joke lang naman!” saad niya sa pagitan ng pagtawa.

Umirap ako at saka inumpisahan ang pagkain. May pagkakataon pa na sinusubuan ako ni Damian upang ipatikim ang mga pagkain na kinuha niya. Puro rice meal na hindi ako pamilyar dahil puro Japanese cruisine ang nandito. Isa lang ang alam ko, ’yon ay ang sasarap nilang lahat! Pati ’yong katabi kong nagsusubo ng pagkain niya sa akin. Later siya naman ang isusubo—really Keifer? Dumudumi na tuloy ang isipan ko!

Nang matapos kaming kumain ay buong akala ko ay ihahatid na kami pauwi ni Winsor pero sa pagtataka ko’y nagtungo kami sa isang liquor shop. Si Winsor lang ang bumili pero isinama niya pa rin kami sa loob ng shop para makita namin ang mga laman nito. Sobrang daming alak ang naka-display sa bawat aisle ng shop. Iba’t-ibang klase ng wine, tequila, whisky, vodka, rum, gin, brandy at liqueurs. Lahat ng aisle ay may mga label at may kaniya-kaniyang pangalan. Mamahalin din ang mga ito at ang karamihan sa kanila ay imported pa sa ibang bansa. Grabe!

Hindi ko alam kung anong klase ng alak ang binili ni Winsor pero alam kong dalawang bote iyon. Nakita ko kasi kanina habang nagbabayad siya sa counter. Nang makabalik kami sa kotse niya ay doon ko naisipang magtanong habang nagda-drive siya.

“Para saan ang alak?”

“Malamang iinumin natin!” sagot niya at nakuha niya pa akong irapan sa rear view mirror ng sasakyan.

“Iinom tayo ng alak, e, magda-drive ka pauwi? Gusto mo ba bang mamatay? Saka isa pa, mag-aalas tres pa lang, katirikan ng araw tapos iinom? Ano trip mo?” tanong ko pa.

“Girl, La Vielle Ferme is a red wine. It has 12.5% alcohol content so we are not going to get wasted in this wine. ’wag kang nega.”

Naalala ko tuloy ang huling tao na nagsabi sa akin noon, nahilo pa rin ako tapos may nangyari pa sa amin.

“I will bring you to a place where you can see the sunset. It’s a must-see place, so stop being a whiner and just join us!” dagdag pa ni Winsor. “Kung balak ko kayong lasingin ni Damian nang makuha ko ang boyfriend mo, edi sana hard liquor ang binili ko at hindi wine!”

Sinamaan ko siya nang tingin sa rear view mirror kung saan kami kanina pa nagpapalitan ng tingin. Siguro ito na ang pinakamahaba naming usap simula noong nakilala ko siya. Wala rin naman kasi akong balak makipag-kaibigan sa dinosaur na ito dahil kahit binigyan niya ako at ni Damian ng assurance na hindi niya lalandiin ang boyfriend ko, hindi pa rin ako panatag na tutupad siya sa mga sinasabi niya. Kanina pa nga lang ay tila ba ahas siya kung makalingkis sa braso ng Damian ko. Paano pa kaya kung wala ako? Baka hindi lang ’yon ang gawin niya.

Malaki ang tiwala ko kay Damian pero sa isang ’to, talagang hindi ang sagot ko.

Naging tahimik na ulit ako buong biyahe. Ginawa kong unan ang malapad na dibdib ni Damian dahil sinandalan ko ito. Nakayakap naman siya sa akin mula sa likuran kaya kanina pa ko kilig na kilig sa p’westo naming dalawa. Mami-miss ko talaga ito nang sobra!

Sino na lang ang gagawin kong stuff toy kapag nasa US na ako. ’yong klase sana ng stuff toy na p’wedeng sakyan.

Halos kumain din ng isang oras ang biyahe namin. Nang tingnan ko ang oras sa phone ko ay malapit nang mag-ala sinco. 4:37 pm to be exact. Kumain din kasi ng oras ang pamimili namin sa shop ng alak, tapos naging mahaba rin ang biyahe namin na ito.

Mayamaya pa’y huminto na ang kotse ni Winsor sa gilid ng isang mataas na green wall. Pumasok agad sa aking ilong ang mabangong halimuyak ng sampaguita at nang lapitan ko ang matayog na berdeng pader ay doon ko lang nakilala ang uri ng halaman na bumubuo rito. Tama nga ako na sampaguita dahil sa napakabangong amoy na taglay nito. Meron din akong alam na mabango pero hindi halaman. Kahit pagpawisan ng sobra ’yon, amoy baby pa rin!

Sa kalagitnaan nang kalandian ng isip ko ay biglang sumulpot si Damian sa aking gilid. Pumitas siya ng isang bulaklak ng sampaguita at saka ito inilagay sa tenga ko.

“Ang cute ng love ko,” puri niya sa akin at saka ako hinalikan sa noo.

“Hello, may tao po rito!” saad ni Winsor at saka ibinigay kay Damian ang hawak na paper bag kung saan nakalagay ang mga bote ng alak. “Hawakan mo nga ito at tigil-tigilan niyo ’yang kalandian niyong dalawa.”

Natawa na lang ako at saka sumunod sa kanila. May hawak ding oaper bag si Winsor pero hindi ko alam ang laman noon. Hindi ko na lang masiyado pinakaisip. Hinayaan ko lang din ang bulaklak ng sampaguita na nakasabit sa aking tenga habang nakabuntot ako kay Damian na sinusundan si Winsor sa kung saan man.

“Bagay sa ’yo ’yang bulaklak, love. ’wag tatanggalin ’yan, ah. Dapat hanggang sa makauwi ay nandiyan pa rin ’yan,” sabi niya sa akin. Noong una ay balak ko pa sanang umangal dahil hindi ko gusto ang ideyang merong bulaklak sa tenga ko pero may kung ano sa boses ni Damian na naging dahilan para sumang-ayon ako sa gusto niya. Ayaw ko namang maging kill joy para hindi sakyan ang gusto niyang mangyari at saka ipa, pagkayari nito ay uuwi na rin naman kami kaya hindi ko na kailangan pang mag-worry na baka may ibang makakita sa akin na may bulaklak sa tenga. Ayaw ko lang din kasi mapag-tripan. Bading na nga ako tapos ganito pa edi parang naging open target ako ng homophobic ng sanlibutan. Ang cute kasi ng society.

Habang tumatagal ay unti-unti nang nabubuo ang hinala kong nasa tabing dagat kami lalo na nang makita ko ang puting buhangin. Naririnig ko na rin ang ingay ng dalampasigan, maging ang malakas na simoy ng hangin na patuloy na humahaplos sa aming balat.

Napatunayan ko na nasa dagat kami nang malapitan namin ang butas na parte ng green wall. Nahinto pa ako habang tinatanaw ang dagat sa hindi kalayuan. Nagsasayaw ang matatayog at matitingkad na kulay berdeng damo sa aming daraanan. Asul na asul ang kulay ng kalangitanan. Nakadagdag pa ang ganda ng makakapal na ulap sa himpapawid. Tama nga si Winsor, malapit nang magtago ang haring araw.

“Love,” pagkuha ni Damian ng atensiyon ko dahil medyo nakalalayo na sila sa akin. Naiwan kasi akong nakapako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang ganda ng kinaroroonan namin.

“Papunta na,” sigaw ko na lang at saka tumakbo papunta sa kanila.

Sabay-sabay naming tinahak ang daan patungo sa dalampasigan. Nalagpasan na namin ang madamong bahagi at ngayo’y papalapit na kami sa tubig dagat.

“Hindi ba trespassing ang ginagawa natin na ’to? Baka mamaya’y private property ang lugar na ito, mabaril pa tayo sa kagagawan mo, Winsor,” komento ko nang huminto kami sa dalampasigan. Naupo na sila sa buhanginan at saka inayos ang alak. Inilabas niya ang wine glass mula sa hawak niyang paper bag. Aba! Boy’s scout?

Tinawanan ako ni Winsor dahil sa mga sinabi ko sa kaniya. Binuksan nito ang bote ng alak at saka nagsalin sa isang wine glass. Napuno ang balingkinitang baso ng pulang alak at nang makalahati niya ang baso’y iniaabot din ito sa akin.

“Actually, I’m planning to buy this place. I’m just weighing the pros and cons to see if I can earn money by building a private resort here. I’m also waiting for his feedback to see if he thinks this place is good. If you’re wondering, this is a shared project, so I’m not the only one investing in this project. It’s a collaboration between me and that person ,” paliwanag sa akin ni Winsor.

Hindi na ako nagtanong pa dahil sa usaping kagaya noon, wala naman akong masasabi pa. Ni hindi nga ako makabili ng mamahalin na damit, makipag-usap pa kaya sa isang CEO tungkol sa mga up-coming business projects nila?

Kinuha ko ang alak na iniaabot niya sa akin. Umupo ako sa pagitan nila at agad namang bumalot ang kanang kamay ni Damian sa aking likuran. Si Damian na rin ang mismong nagsalin ng alak niya sa kaniyang wine glass kanina kaya naman hawak niya na ito sa kaliwang kamay.

Bigla tuloy nag-init ang mga pisngi ko nang rumihistro ang posisiyon namin ngayon sa aking isipan. Damian is a man of action and gentleness. Hindi lang basta sa mga salita niya kayang iparamdam ang pagmamahal na kaya niyang ibigay sa akin, miski sa sarili niyang kilos at gawa. Maraming beses man akong natalo sa iba’t-ibang aspeto ng buhay ko, at least sa laban ng pag-ibig, panalo ako dahil meron akong kagaya ni Damian.

*

Your vote matters. Thank you for reading! 🥹

//

48: Silang

Silang is an archaic term that can refer to twilight or the time when the sun sets.

. . . . . *

KEIFER

“Here.”

Napalingon ako kay Winsor na nasa ’king tabi at agad na bumungad sa akin ang hawak niyang iPhone. Iniaabot niya ito sa akin kaya naman kinuha ko ito mula sa kaniya.

Agad na sumibol ang ngiti sa aking labi nang makita ang nasa screen nito. Picture namin ’yon tatlo nila Jared at Damian habang nasa slides. Ang saya-saya namin sa larawan, kapwa malalaki ang ngiti sa labi. Nakakatuwa lang na nakuhanan pala ni Winsor ng litrato ’yon. Kahit papaano’y may remembrance kami ni Damian sa bata.

“Pwede pa-share sa phone ko?” tanong ko kay Winsor na sinagot niya naman agad nang pagtango.

“I’ll send it in your messenger,” sabi niya pa. Isinauli ko na sa kaniya ang iPhone niya. Agad niya ring inasikaso ito kaya naman kinuha ko ang phone upang tingnan ang inbox ko sa messenger.

“Sent,” sabi niya at pagkaraan ay nag-notify na sa akin ang mensahe ni Winsor sa messenger.

“Dummy account ang gamit mo?” usisa ko dahil Win Pineda ang gamit niyang pangalan doon.

“So?” masungit nitong tanong sa akin. Aba? Pumapalag ka na?

Inirapan ko lang siya at hindi na nagsalita pa. Ni-save ko na rin sa phone ko ang litrato na galing kay Winsor at agad ko rin ’yong ni-set bilang homescreen at lock screen display ng phone ko.

“Ang cute natin diyan. Parang happy family talaga.”

Napalingon ako kay Damian na nagsalita sa aking gilid. Nakita niya pala ang pag-set ko ng litrato na galing kay Winsor. Nakangiti siya sa akin kaya nagwala na naman ang puso ko sa kilig. Sa sobrang guwapo ng lalaking ito, hinding-hindi ko pa rin talaga maturuan ang sarili na kumalma. Bukod sa makalaglag brief ang karisma’t kamachohan niya, sobrang napakagwapo kasi talaga!

“Alam kong matagal pa pero darating ang araw na makakabuo rin tayo ng sarili nating pamilya. Titira sa iisang bubong. Kahit hindi ganoon kalaki ang bahay natin basta magkakasama tayo ng anak nating si Dama ay masaya na ako.” Kitang-kita ko ang hindi maipaliwanag na saya sa mga mata ni Damian habang sinasabi niya ’yon sa akin. Para akong nasa alapaap habang pinakikinggan ang mga salitang ’yon galing sa kaniya. Dinaig ko pa ang manalo sa lotto dahil kay Damian. Masaya ako na ako ang nakikita niyang tao na makakasama niya oras na dumating ang puntong ’yon ng kaniyang buhay. Hintayin mo. Oras na maging ayos na ang lahat ay babalik ako rito at ipagpapatuloy din natin ang love story nating dalawa.

“Tuloy tayo bukas, ah?”

Napalingon ulit ako kay Winsor dahil sa mga sinabi niya. Nagsalubong agad ang mga kilay ko sa pagtataka.

“Remember, we are going to visit Damian’s home town?” paalala pa nito sa akin. Oo nga pala. “Girl, time is running. Huwag niyo nang sayangin pa at gumala na kayo nang gumala nang magkasama!”

May punto naman siya. Gusto kong sumama sa kanila pero kailangan ko munang magpaalam nang maayos kay nanay at kay tito Kris. Kabilin-bilinan pa naman ni nanay ay samahan ko si tito sa bahay tapos pinababayaan ko naman siya. Hindi bale, ang sabi naman ni tito ay aasikasuhin nila ang paglilipat ng ospital ni tatay ngayong araw. Sana lang ay naayos na nila ’yon.

“The sun is about to dive. Let’s cheers for the better future of Keifer!” sigaw ni Winsor at saka itinaas nito ang hawak na wine glass. Sinakyan ni Damian ang ginawa niya’t nakipag-toss pa ng wine glass niya kaya naman sumunod na rin ako.

Suddenly, meron biglang nag-play na song. Agad na nag-init ang mga pisngi ko nang makilala ang kantang ’yon na palagi kong pinakikinggan sa tuwing nagse-senti ako sa luma naming bahay. It’s the Sunsets with you by Cliff and Yden!

https://www.youtube.com/watch?v=SDXYlyUlkC0

Play the song for the better reading experience. Tysm~

🎵 Girl, oh I’ve been thinking ’bout you every day and night🎶

“Sunset is better with this song!” komento ni Winsor. Siya ang nagplay ng kanta sa iPhone niya.

🎶 I’ve been missing you and I wanna hold you tight🎵

Ipinikit ko ang mga mata ko’t dinama ang bawat liriko ng kanta.

🎵You know, all my songs are all about you

And the things that we do🎶

Nang buksan ko ang mga mata ko’y bumungad sa akin si Damian. Nakalahad ang kamay niya sa harapan ko, naghihintay na tanggapin ko ang paanyaya niya sa akin.

🎶Oh be my ride or die, baby

I’ll never let you go🎵

“Can I have this dance?” nakangiti niyang tanong sa akin. Naharangan niya ang sunset at nagsilbing background niya ang kulay kahel na sinag ng araw na nagbabadiya nang magpaalam sa amin mula sa kalangitan.

🎵Oh girl it’s you, and me against the world🎶

Naramdaman ko ang labis na pag-init ng aking mga pisngi. Hindi lang guwapo ang isang ’to, sobrang romantiko pa. Napaka-gentleman.

🎶Oh baby take my hand🎵

Ngumiti ako pabalik sa kaniya at tinanggap ang kaniyang kamay. Hinila niya ako patayo. Kinuha niya ang mga kamay ko’t ipinatanong ito sa kaniyang mga balikat. Iniligay niya naman ang kaniyang mga kamay sa aking bewang.

🎵We’ll walk toward the sand🎶

Sinabayan namin ang mabagal na kanta. We were swaying slowly, enjoying the romantic melody of the song.

🎶I wanna go with you

And only you, my boo🎵

Nagpalitan kami ng makaluhugang titig sa isa’t-isa, kapwa hindi mabura ang mga ngiti sa mukha. Ang ingay ng tubig sa dalampasigan ay nakadagdag sa ganda ng musika, gayundin ang ganda ng kulay kahel na kalangitan.

🎵I wanna be your man

The future we will plan🎶

I rested my head on Damian’s broad chest. Ipinikit ko ang aking mga mata at isa-isang bumalik ang lahat ng ala-ala naming dalawa. Iyong una naming pagkikita at kung paano ako hiyang-hiya noon na humarap sa kaniya dahil alam ko, una pa lang ay nahulog na agad ako sa maskuladong sekyu na ito.

🎶The things we wanna do

Like watch the sunset with you, no🎵

Napakarami naming naranasan nang magkasama. Mga problema na buong tapang namin na hinarap. Hindi siya nawala sa tabi ko noong mga panahong sinubok ako’t nabaril si tatay.

🎵Hey boy

Wanna stick around with you all night long🎶

May mga bagay lang na kailangan naming isakripisiyo para sa isa’t-isa. No matter how polished a master piece is, it still has hidden imperpections. Katulad ng relasiyon naming dalawa. May pagkakataon na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan pero hindi nagtatagal ay nasusulosiyonan din agad.

🎶Until we get tired and finish all the songs🎵

God knows how much I want to bring Damian with me in US. Sana pwedeng ganoon na lang.

🎵I liked it when you danced with me

Every single step I feel so alive and thrilled🎶

Inilayo ni Damian ang sarili niya sa akin. Huminto kami sa pagsabay sa kanta. Dahil matangkad siya sa akin ay bahagya akong nakatingala upang makita nang maayos ang mukha niya.

🎶Oh be my ride or die baby🎵

Tuluyan nang lumubog ang haring araw. The sunset blends romantically with the connection in our eyes, deepening our shared feelings.

🎵I’ll never let you go🎶

Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay nang hindi pa rin napuputol ang taimtim na titig namin sa isa’t-isa.

🎵Oh boy it’s you, and me against the world🎶

Ang isa niyang kamay ay inayos ang bulaklak ng sampaguita na nakasabit sa aking tenga. His hand slowly lifted my chin. Bumaba rin ang kaniyang tingin sa aking labi.

🎶Oh baby take my hand🎵

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata at nang mapuno ng dilim ang aking paningin ay saka ko naramdaman ang napakalambot niyang labi sa labi ko.

🎵We’ll walk towards the sand🎶

The tickling sensation of sand under my feet didn’t help my heart to calm down. Mas lalong nagwala ang puso ko nang maramdaman ko ang isa niya pang kamay na humawak sa kabila kong kamay.

🎶I wanna go with you

And only you, my boo🎵

Binawi niya ang sarili mula sa halik na pinagsaluhan naming dalawa. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang nakapikit na si Damian. Marahan niyang inilapit ang noo sa aking noo.

🎵I wanna be your girl

And you become my world🎶

“I love you, love,” halos pabulong niyang sabi sa akin, nakapikit pa rin ang mga mata.

🎶The things I wanna do

Like watch the sunset with you, no🎵

“I know everything’s perpect today. The song, the sunset, everything but please, panlalapastangan naman sa akin itong ginagawa niyo, oh! Hello people, I’m still existing here! P’wede bang ihinto niyo ’yang mga kaartehan niyo bago ko pa ipaghahampas sa inyo itong bote ng wine sa tabi ko!” Inihinto rin ni Winsor ang kanta. Matawa-tawa kami ni Damian na bumalik sa kaniya. Panira ng moment!

Nag-aagawan na ang liwanag at dilim sa kalangitan. Tuluyan na rin kasing lumubog ang haring araw doon sa pinakadulong bahagi ng karagatan. Sobrang tahimik na muli sa paligid dahil hindi na pinagpatuloy pa ni Winsor ang pag-play ng kanta ni Cliff at Yden. Nainggit yata talaga sa amin ni Damian.

Hindi ko alam kung gaano namin katagal na iniinom ang alak dahil sa nalibang ako sa mga kwento na binabahagi ng bawat isa. Napag-alaman ko rin na kagaya ni tito Kris, kung saan-saang bansa napupunta si Winsor dahil sa pagiging CEO ng kanilang Winery company. Kanina nga ay naisipan kong itanong sa kaniya kung kilala niya ba ang tito ko dahil parehas nilang kaibigan si Sir Richie na Project Manager ng main passport office, pero ang sagot niya ay hindi. He met him once, but they didn’t have any interaction. Aaminin kong naiinis ako sa presensiya ni Winsor noong una ngunit habang tumatagal ay mas naiintindihan ko na siya. Unti-unti na ring nawawala ang pagkainis ko sa dinosaur na ’yon lalo na’t mas nakilala ko siya ngayon. Miski nga ako ay hindi ko na rin napigilan pang mapa-kwento ng aking buhay. Nabanggit ko ang mga napagdaanan ko noon kay tatay hanggang sa kung ano ang nangyari sa kaniya ngayon, bagay na alam niya na dahil naike-kwento ako sa kaniya ni Damian. Napatunayan ko ring loyal talaga ang boyfriend ko sa akin dahil mula mismo sa bibig ni Winsor. Lagi niyang sinasabi na sobrang pinagmamalaki ako ni Damian sa kaniya.

“Masiyado nang madilim dito. We better get out of here. Meron pa tayong one last place to visit before we go home,” sabi ni Winsor sa amin.

Hindi na ako nag-react pa dahil gusto ko rin naman na inililibot niya kami. Buti na lang talaga at hindi malakas ang tama ng alak dahil kung lasing na lasing si Winsor ay baka mas gustuhin ko pang dito na lang kami matulog kaysa ang magpatuloy sa biyahe.

Naging tahimik kami buong biyahe. Sa aming tatlo, ako yata ang pinakanahilo. Hindi naman kasi talaga ako umiinom at bago lang sa akin ang bagay na kagaya nito kaya naman hindi ko maiwasang mahilo sa tuwing nalalagyan ng kahit anong klaseng alak ang sikmura ko.

Kagaya kanina ay nakakulong pa rin ako sa mga bisig ni Damian dito sa back seat. Nakasandal ako sa malapad niyang dibdib. Sobrang komportable sa loob ng yakap niya. Para akong hinehele. Hindi ko tuloy napigilan at nakatulog ako sa biyahe. Nagising na lang ako nang maramdaman ang sunod-sunod na halik ni Damian sa pisngi ko.

“Gising na. Nandito na tayo,” sabi niya pa nang magmulat ako ng mga mata.

Inilibot ko ang aking tingin at napansin kong nasa parking lot kami. Hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang establisiyementong may malaking logo ng beer at nakasulat ang mga salitang ‘Lavander Lounge’. Meron ding dalawang malalaking bouncer na nakabantay sa entrance.

“Lavander Lounge?” tanong ko.

“Yes. Its an establishment that serves alcaholic beverages where people come to drink and socialize. Its an open pub house for LGBT people! You’ll enjoy here!” tuwang-tuwa na sabi ni Winsor sa amin mula sa driver’s seat.

Umiling ako, “Iinom tayo? No! That is a bad idea! May biyahe pa tayo pauwi, Winsor! Gusto mo bang madisgrasiya tayo?”

Umirap siya sa akin. “Girl, who says I’m drinking? You’ll drink but not me. Malamang, ako ang driver niyo kaya hindi ako iinom, and girl, once in your life, you should try this kind of experience. ’wag ka nang maarte d’yan at tara na. The night is still young,” sabi niya pa saka lumabas ng kotse.

“Mukha namang disente ang pub house. Try natin,” sabi sa akin ni Damian. “Hindi naman kita pababayaan,” dagdag niya pa kaya wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lang. May punto nga naman si Winsor. I need to try this once in my life.

Sumunod kami kay Winsor na nakikipag-usap sa mga bouncer ng Lavander Lounge. Napairap pa ako nang makitang lumandas ang kamay niya sa dibdib ng isang bouncer. Malaki kasi ang katawan nito kaya hindi na naman mapigilan ni bakla ang lumandi. Pokpok talaga!

Sabay-sabay kaming pumasok sa mahabang corridor ng Lavander Lounge. Sa dulo nito naghihintay ang isang double door. Si Winsor ang nauuna sa amin kaya nang marating niya iyon ay nakuha pa nitong humarap sa aming dalawa ni Damian.

“Enjoy and have some fun,” nakangisi niyang sabi at saka binuksan ang pinto.

Agad na napuno ang mga tenga ko ng malakas na party music. Maraming tao sa loob, lahat ay nagsasaya. Some of them are tossing their glass of beer, enjoying the loud music while exchaging stories about their lives. Iba’t-ibang klase ng bading ang nakikita ko. Femme gays, masculine gays, halata, nonchalant, OA, may ilan ding mga matatanda, basta marami.

Pumasok na kami sa loob. Hawak ni Damian ang kamay ko habang nakasunod kami kay Winsor. Hindi ko maiwasang libutin ng tingin ang buong lugar. Ito kasi ang unang pagkakataon ko na makapasok sa ganitong klase ng lugar. Nakita kong may mga nagsasayaw sa dance floor. Meron ding naglalaro ng billiard. Nang dumako naman ang mga mata ko sa isang panig ng Lavander Lounge ay meron akong nakitang naglalaro ng pingpong balls, iyong hinahagis sa mga basong may alak at pag may na-shoot na bola ay iinomin nila ito. Napakaraming ganap sa loob ng pub at may parte sa utak ko ang nagsasabing kahit na sobrang ingay at gulo sa loob ay nasa maayos kaming lugar. Kaya naman ganoon na lang napanatag ang puso ko. At least, disenteng pub house ang napili ni Winsor, hindi iyong may mga nagchu-chuchakan sa gilid.

Dinala kami ni Winsor sa bar counter kung saan may stool. Naupo kami roon at saka lumapit ang isang bartender. Mahaba kasi ang bar counter nila at maraming bartender ang nag-aasikaso ng mga guest sa loob ng pub. Ang ganda rin ng uniporme nila. Well organized talaga ang buong lugar. Hindi lang din sa labas ang bouncer, meron din akong nakita kanina na mga bouncer sa iba’t-ibang parte ng lugar.

“Do you have Long Island Ice Tea here?” tanong ni Winsor doon sa bartender na lalaki.

Tumango ito sa kaniya, “Ilan po, sir?” tanong niya pa.

“Give me three, and please don’t call me ‘sir’; ‘baby’ is much better,” sabi niya pa sabay kindat. Ew! Ang landi! Lahat na lang hinarot!

Mukha namang masarap ang in-order niya. Tunog matamis. Siguro naman ay hindi nakakalasing ’yon.

Pinanood ko ’yong bartender sa ginawa niya at halos lumuwa ang mga mata ko habang nakikita na paghalu-haluin niya ang iba’t-ibang klase ng alak, lahat matatapang na alak. Akala ko sweet beverage lang ’yon, strong alcohol drink pala!

“Here you go, baby, “ sabi noong bartender kay Winsor nang mailapag niya ang wine glass sa harap nito. Malandi rin pala iyong bartender.

Ibinigay niya na rin ang sa amin ng boyfriend ko. Ang ganda tignan ng alak. Naghahalo ang kulay asul at dilaw na likido nito tapos meron pang slice ng lemonade na nakasabit sa gilid ng wine glass. Nakakahalina inumin pero nakakatakot kasi baka mas lalo akong mahilo.

“Tikman ko muna, ah,” sabi ni Damian sa akin. Tumango ako sa kaniya bilang sagot.

Kinuha niya ang wine glass at saka tumikhim. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi niya. Ibig sabihin lang noon na hindi sobrang pait ng alak.

“Masarap siya, love. Try mo,” sabi sa akin ni Damian kaya naman kinuha ko ang akin at saka tumikhim ng kaunti. Magkahalong tamis at pait ang nalasahan ko. Amoy na amoy ang bango ng alak sa tuwing inilalapit ko ito sa aking labi. Ayos naman siya kaya tuluyan ko nang ininom ang akin. Gumuhit man ang matinding pait sa lalamunan ko’y balanse naman ang tamis na hatid nito.

“Order whatever you want. Sagot ko,” sabi ni Winsor kaya naman nag-request pa ako ng isa pa.

“Bawal kang uminom nang marami, ah!” paalala ko kay Winsor na sinagot niya lang nang pagtango. Binigyan pa kami ng kagayang alak noong bartender na nakikipaglandian kay Winsor. Usap lang sila ng usap habang masaya naming pinagsasaluhan ni Damian ang alak namin.

Huli na nang mapagtanto kong nakakarami na ako ng inom. Sa sobrang lakas ng tama ng alak ay nagsisirko-sirko na ang paningin ko kahit sa simpleng galaw lang.

“Enjoy the night, love birds. Take out ko lang saglit ang pogi na ito,” sabi ni Winsor sa amin. Sumama na ang bartender sa kaniya kaya may isa pa ulit na bartender ang lumapit sa amin para bigyan kami ng alak.

Siguro ay pang-lima ko nang baso ito na halos mabasag ko ang baso nang hindi ko sinasadiyang mabitawan dahil sa pagkahilo. Buti na lang ay nasalo noong maagap na bartender na naga-assist sa amin ngayon.

“Sorry po,” hingi kong paumanhin.

“Okay lang po, sir,” nakangiti niyang sabi sa akin. “Mas maganda po, sir kung isasayaw niyo iyang pagkahilo niyo sa dance floor. Nakakabawas po ng hilo ’yon oras na pagpawisan po kayo,” suhestiyon niya pa.

Bago pa ako makasagot ay hinila na ako ni Damian sa dance floor. The DJ was performing a hype punk song making me dance carelessly. Maraming tao ang nakikitalon at nakikisaya sa amin at kahit na alam kong lasing na ako’y malinaw pa rin sa akin na inaalalayan ako ni Damian at pinoprotektahan sa mga kasama namin na p’wedeng mambastos sa akin.

Hingal na hingal kami ni Damian nang mag-iba ang kanta. It was a slow rock song now. Tila ba nawala lahat ng tao sa paligid ko ng mga sandaling ’yon at tanging siya lang ang aking nakikita. Hilong-hilo ako pero nang tumitig ako sa kaniyang mukha ay naging malinaw ang aking nakikita.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Iniangat ko ang aking kamay at isa-isang hinaplos ang bawat parte ng mukha niya. Nag-umpisa ako sa kaniyang buhok, pababa sa kaniyang mga mata, sa matangos niyang ilong, mamula-mula niyang pisngi at ang nakapaganda niyang labi. Gusto kong aralin ng maigi ang kabuoan ng mukha niya dahil darating din ang oras na magkakalayo kami. Gusto ko sana na sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay mukha niya agad ang bubungad sa akin. Ma-mimiss ko ang lalaking ito. Sobra.

“Kagaya ng sinabi ko sa ’yo noon, no matter how far you are, I will always love you the same way I do now,” nakangiti niyang sabi sa akin at pagkaraa’y dumampi ang kaniyang labi sa aking labi.

Pumikit ako at dinama ang sandaling iyon sa pagitan namin ni Damian. Hindi pa rin ako handang iwan ang nag-iisang tao na nagparamdam sa akin na espesiyal ako.

* . . . . . Are you ready for the next chapter? Be ready cause an unexpected thing will happen!

Kuyasen

49: Gumamok

Gumamok means to engage in fierce, chaotic combat; an old term for battling furiously.

. . . . . *

KEIFER

Hawak-kamay kaming bumalik sa bar counter ni Damian. Humingi pa kami ng tig-isang order ng Long Island Ice Tea at nang maibigay ito ng bartender ay mabilis ko rin itong ininom. Gumuhit ang matinding pait sa aking lalamunan pero nabalanse ito ng matamis na lasa ng alak.

Shocks. Hilong-hilo na ako.

Hindi namin alam ni Damian kung saan na naroroon si Winsor. Hindi naman siguro kami iiwanan noong bakla na ’yon kaya naman hinayaan na lang namin siya. Hindi ko rin alam kung anong oras na pero sa tingin ko’y maaga pa rin naman. Nagpapalitan lang kami ng mga kwento ni Damian nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone sa loob ng suot kong pantalon.

“Love, sagutin ko lang muna ito. Si tito, tumatawag,” sabi ko sa kaniya.

Kailangan kong lumabas dahil sobrang ingay dito sa loob kaya naman nagpaalam muna ako sa boyfriend ko.

“Samahan na kita,” sabi niya sa akin nang makatayo ako.

Umiling ako sa kaniya, “Saglit lang naman ito. Babalik din agad ako. Hintayin mo na ako rito.”

Kitang-kita ko na nag-aalangan pa siya kung susundin ako o mas susundin niya ang kaniyang sarili kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at saka siya tinitigan sa kaniyang mga mata. “Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako mapapahamak dahil may mga bouncer naman sa labas. Saglit lang ito,” sambit ko sa kaniya.

Marahan siyang tumango sa akin. Humirit pa ako ng halik sa pisngi niya bago ako nagtatakbo palabas ng  Lavander Lounge. Agad kong sinagot ang tawag ni Tito Kris nang makatapak ako sa labas ng pub kung saan wala nang maingay na tugtugin ang maaaring makasagabal sa usapan naming dalawa.

Mabuti na lang at hindi ako nadapa kahit na nagsisirko-sirko na ang paningin ko dahil sa labis na hilo.

“Keifer? Nasaan ka?” bungad agad sa akin ni tito nang masagot ko ang tawag niya.

Magsisinungaling ba ako? Hindi ko kaya.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. “Lavander Lounge, tito,” tipid kong sagot sa kaniya at kagaya ng inaasahan ko ay naging hysterical siya.

“Alas onse na ng gabi, Keifer! Sino ang kasama mo d’yan? Si Damian ba? Anong naisipan niyo at nagpunta kayo d’yan? Teka nga, ibigay mo kay Damian ang phone mo nang makausap ko,” dire-diretso niyang sambit kaya agad na nagtatalon ang puso ko dahil sa tono ng boses niya.

“Tito, may service naman kami. Sige po. Aayain ko na si Damian na umuwi. Sinusulit lang namin ang mga oras na magkasama dahil napasa ko na po lahat ng mga documents ko sa passport office. Waiting na lang probably next week ng release date, tito. Sorry po,” bagsak ang mga balikat kong sabi sa kaniya.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. “I don’t want to be a killjoy, my nephew, but please keep in mind that there are people waiting for you to come home, okay? If you think alcohol is getting stronger in your system, stop drinking. Any pub house, regardless of how organized or decent it is, has hidden dangers. Don’t get yourself into any trouble, okay? Come home right away with Damian,” malumanay na sabi sa akin ni tito.

Kahit nakangiti dahil tila ba ayos lang sa kaniya na nandito kami ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi kabahan sa mga sinabi niya. Kahit anong disente at ayos ng pub house ang puntahan namin, meron at meron pa ring kapahamakan na nakakubli rito.

“Update me if you’re already home. Nandito kami sa Saint Luke’s Private Hospital ng mama mo. Your mom is already asleep. Kanina pa ito nag-aalala sa ’yo,”

“Sorry, tito. I will send a text message po once makauwi kami,” sagot ko naman sa kaniya.

“Okay. Bye, Keifer. Take care,” he said then he hung up the call.

Aligaga akong bumalik sa loob ng Lavander Lounge at mas lalong trumiple ang kaba ko nang hindi ko makita si Damian sa pwesto kung saan ko siya huling iniwan. Sinubukan ko siyang hanapin sa dance floor, sa pingpong at billiard area pero wala. Lumabas din ako at saka binisita ang kotse ni Winsor pero wala pa rin ni anino ni Damian.

Nang bumalik ako sa loob ng Lavander Lounge ay doon ko napagpasiyahang tingnan ang mga kasuluksulukan ng pub.

Hilong-hilo ako pero nagagawa ko pa rin namang bilisan ang kilos dahil natatakot ako na baka kung ano na ang nangyari kay Damian. May ideya sa isip ko na baka may nagsama kay Damian at dinala siya sa isang private room para doon pagsamantalahan. Jusko. Huwag naman sana.

“Sorry,” sambit ko nang buksan ko ang pinto noong isang private room at bumungad sa akin ang dalawang naghahalikang mga lalaki. Magkapatong pa sila sa kama at talagang naabala ko sila sa ginagawa nila. Bakit naman kasi hindi sila marunong mag-lock ng pinto?

Agad kong sinara ang pinto noon at humingi ulit ng paumanhin sa abalang nagawa. Panandalian akong huminto at saka inilibot ang tingin sa maluwag na corridor na kinaroroonan ko. Bawat gilid ay may mga pinto na magkakaharap. Siguro nga ay nakalaan ang mga k’warto na ito para sa mga gustong maglabas ng init ng katawan nila at dahil doon ay mas lumaki ang takot sa puso ko na baka sa likod ng isa samga pintong ito nandoon si Damian, kahalikan ng iba.

Hindi lang ako ang nandito sa corridor na ito. May ilan na nakaharang sa dadaanan ko kaya naman hindi ko sinasadiyang matabig sila. Nagmamadali na ako dahil sa matinding takot na nararamdaman. Nai-imagine ko pa lang si Damian na nakikipaghalikan sa iba ay naiiyak na ako. Sana lang ay hindi ko siya makita rito dahil oras na nandito siya sa isa sa mga kwarto ng Lavander Lounge, baka gumuho ang mga pangarap ko para sa aming dalawa. Tangina. Nagiging paranoid na ako sa mga ideyang pumapasok sa ’king isipan.

“Hey, bulag ka ba?” sabi noong isang lalaki na nadanggil ko. Humingi ako sa kaniya nang paumanhin at saka mabilis na hinawakan ang seradura ng pinto kung saan siya nakaharang kanina.

Pinihit ko iyon at malas dahil naka-lock ito. Paano kung si Damian ang nasa loob nito? Tangina! Hindi p’wede! Kaya naman pwersahan ko itong pinagsisipa para buksan.

“Hoy! That’s absurb! Bawal ’yang ginagawa mo! You’re invading other people’s privacy!” sabi pa noong lalaki na nabunggo ko kanina.

Hindi ko siya pinansin dahil mas nakalaan ang atensiyon ko na mabuksan ang pinto na ito. Paranoid na kung paranoid pero kailangan kong makasiguro na hindi si Damian ang nasa loob nito!

“Tatawag ako ng security. You’re crossing the line already!” sigaw niya pa sa akin.

“Tumawag ka! Wala akong pakialam! Kailangan kong mahanap ang boyfriend ko! Damian! Please, open the door!” sigaw ko habang patuloy na sinisipa ang pinto na ’yon.

Wala na akong pakialam pa kung pinagtitinginan na ako ng iba dahil sa eksenang ginagawa ko. Buo ang loob kong buksan ang naka-lock na pinto na ito at nang pumihit ang seradura nito ay para bang nabunutan ako ng malaking tinik sa tagiliran.

“What’s wrong with you?” sigaw ng hindi ko kilalang lalaki.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil hindi si Damian ang nakita kong laman ng silid, maging ang tao na kasama nito sa loob. Balak ko na sanang lumapit doon sa isa pang pinto nang maramdaman ko ang mga kamay na humawak sa aking braso.

“Siya! Siya ’yong sinasabi ko sa inyo. He’s causing trouble here! People like him should be kicked out of the Lavander Lounge!”

Wala akong magawa nang hilahin ako noong dalawang malalaking bouncer na nakahawak sa aking mga braso. Halos lahat ay napatingin na sa amin dahil sa pagwawala ko.

“Please. Let me go! Hinahanap ko lang ang boyfriend ko, pakiusap! Pakawalan niya ako!” sigaw ko sa kanila habang marahan akong hinihila palabas ng pub house.

Nakakahiya pero mas buo ang loob ko na hanapin kung nasaan naroroon si Damian at nang lumandas ang mga mata ko doon sa kulay puting sofa hindi kalayuan sa amin, nakita ko na ang taong kanina ko pa hinahanap.

Alam kong malakas na ang epekto ng alak sa akin kaya ganoon na lang na gawin ko ang mga bagay na alam kong ikapapahiya ko pero kahit na sobrang hilo na ay malinaw ko pa ring nakikita si Damian, wala nang pang-itaas na damit habang nakikipaghalikan sa tao na pinagkatiwalaan ko, si Winsor.

Nakaupo si Damian sa puting sofa habang nakakalong si Winsor sa mga hita niya. Parang tinatadtad ang puso ko sa nakikita.

People are cheering on them. Huminto saglit si Winsor sa paghalik sa kaniya at saka kumuha ng alak at ibinuhos ito sa kaniyang dibdib. Rumagasa ang alak sa matipunong katawan ni Damian at doon na mas nadurog ang puso ko nang halikan siya ni Winsor pababa sa kaniyang pantalon. Kitang-kita ko ang mga kamay ni Winsor na unti-unting tinatanggal ang suot nitong sinturon.

Tila ba nawalan na ako ng lakas habang pinagmamasdan silang pagkaguluhan ng mga tao. Tuwang-tuwa pa ang mga nakapalibot sa kanila na para bang gustong-gusto nila ang pinapanood habang ito ako ngayon, na boyfriend ni Damian, parang tinalikuran ng mundo dahil sa nasaksihan. Niloko niya lang ako.

Hindi ko na nagawa pang magpumiglas at hinayaan ko na lang sila na hilahin ako palabas ng Lavander Lounge pero bago ako tuluyang mailayo ay nagkaroon pa ng pagkakataon na magkita ang mga mata naming dalawa ni Damian. Sa puntong ito, hindi ko na alam kung susundan niya pa ako matapos kong makita ang pagtataksil na ginawa niya sa akin. P’wede naman siyang manatili sa loob ng pub at enjoy-in ang pakikipaglandian kay Winsor. Sino ba naman ako para puntahan niya. Unang-una ay hindi naman ako mayaman kagaya ni Winsor at tanging pagmamahal lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Tangina niya!

Marahas na sumara ang pinto ng Lavander Lounge nang bitawan ako ng mga bouncer sa mismong tapat ng pub. Bumalik din muli sila sa loob. Para akong lantang gulay na napaupo sa sahig, sa kalagitnaan ng kadiliman ng gabi. Napayuko ako at doon na bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Iyong boyfriend ko na halos gawin ko ng mundo ko, nakikipaghalikan sa putanginang dinosaur na ’yon.

Kaya kong makabalik sa loob kung gugustuhin ko pero hindi ko na ginawa. Wala na rin namang rason pa para pumasok sa pub dahil nakita ko na ang hinahanap ko.

Saan na ako pupunta ngayong napatunayan kong hindi loyal sa akin si Damian?

Kitang-kita ko kung paano niya ibalik kay Winsor ang paraan ng paghalik nito. Ni hindi nga siya umangal nang buhasan siya nito ng alak sa dibdib. Iyong pagtanggal ng sinturon? Paano niya ipapaliwanag sa akin ’yon?

Nagmistula akong bingi sa katahimikan. Patuloy lang sa pagbagsak ang mga luha ko na hindi ko magawang punasan. Tila ba tinakasan ako ng aking lakas na kahit simpleng pagtayo ay hindi ko magawa.

“Hey, are you okay?”

Napaangat ako ng aking mukha at doon bumungad sa akin ang isang lalaki na malaki ang katawan. Kalbo ito pero bagay na bagay sa kaniya. Hindi ko maikakailang guwapo ang isang ’to o lasing lang talaga ako? Hindi ko alam. Ang malinaw lang sa akin kay kabulto niya si Damian at kasing lambing niya ito magsalita. Bakit ba iyong manlolokong ’yon ang naaalala ko kahit hindi naman siya itong kaharap ko ngayon?

Inilahad niya ang kaniyang kamay para alalayan akong tumayo kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggapin ang tulong na ibinibigay niya.

“I saw you inside. Sabi ko no one deserves to be treated that way. P’wede ka naman nila ilabas without dragging you, pero ikaw naman kasi, nagpupumiglas ka pa,” sabi niya sa akin. So, nakita niya pala ang kahihiyan na ginawa ko.

Ang buong akala ko’y babagsak ako dahil sa hilo na nararamdaman ngunit naging maagap siya dahil sa mabilis na pagsalo sa akin.

“Sorry to overhear your rants to the bouncers, but I think I heard you were looking for your boyfriend, who happened to be cheating on you,” sabi niya dahilan para mas dumagsa ang mga luha ko.

Tanging pagtango lang ang nagawa kong sagot. Masiyadong malapit ang katawan niya sa akin dahil nakaalalay siya sa balanse ko’t mapigilan ako sa pagbagsak. Nakabalot ang isa niyang braso sa likuran ko’t nakahawak pa ito sa aking braso. Dahil doon ay naging komportable ako na hindi na ako matutumba pa. Nakakatawa lang na umiiyak ako sa harap ng isang estranghero. I even broke the golden rule, don’t talk to strangers.

“Actually, I’ve had my eye on you since you arrived, but when I found out you already had a boyfriend, I distanced myself. Then that scene happened, and I thought it was my chance to talk to you,” sabi niya na naging dahilan ng pagkagulat ko.

“Mabilis lang tayo. Huwag ka lang pumalag,” dagdag pa nito at huli na bago ako makalayo sa kaniya nang maramdaman ko ang malaki niyang kamao na sumuntok sa aking sikmura.

Mas nawalan ako ng lakas at dahil doon ay nanlambot ako. Hilong-hilo na ako sa alak ngunit mas naging hilo ako sa sakit na hatid ng pagsuntok niya.

Halos mawalan ako ng malay sa ginawa niya. Naramdam ko rin ang pagbuhat niya sa akin. Wala akong lakas para lumaban pabalik kaya ang tangi ko lang nagagawa ngayon ay ang umiyak.

“Damian,” bulong ko sa hangin at unti-unti nang dumalim ang paningin ko.

Hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Ibinaba niya lang ako sa matigas at malamig na simento. Babangon sana ako ngunit muli niya akong binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha. Sa sobrang lakas nito ay halos mawalan na ako ng malay ngunit nilabanan ko dahil oras na makatulog ako, mas malaki ang t’yansa na matuloy niya ang masamang balak sa akin.

Nalasahan ko ang dugo sa aking bibig. Gusto kong sumigaw pero wala akong lakas para gawin iyon. Patuloy lang sa pagragasa ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang anino ng lalaking kasama ko na nagmamadaling magtanggal ng damit niya pang-itaas.

At doon na gumapang ang mga kamay niya sa bawat parte ng katawan ko. Pinaulanan niya ako ng halik sa aking leeg at makailang ulit niya ring ipinasok ang kamay sa suot kong pantalon.

“N-no, p-please,” iyak ko pero hindi niya ako pinakinggan.

Winasak niya ang suot kong polo shirt at saka pinaghahalikan ang katawan ko. Patuloy lang sa pagbagsak ang aking mga luha dahil wala akong lakas para labanan siya. Sinubukan kong hablutin siya sa buhok para dumepensa pero kinuha niya lang ang mga kamay ko’t hinawakan ito ng mahigpit upang hindi ako makalaban sa pambababoy na ginagawa niya.

Damian, nasaan ka?

“Putangina mo!”

It was him. Hindi ako pwedeng magkamali.

His sweet and calm voice devoided by his fury.

Alam kong siya ’yon.

Nandito na si Damian. Nandito na siya para iligtas ako.

*

Mabigat talaga ang loob ko habang sinusulat ito. I really felt bad for what happened to Keifer and no matter how much I love Damian, hindi ko maiwasang mayamot sa kaniya sa part na ito. I hate him for hurting our precious Keifer!

-kuyasen

50: Pananambitan

Pananambitan means lamenting or expressing sorrow.

.

.

.

.

.

*

KEIFER

“Kami na po ang bahala sa kaniya,” sabi sa amin noong pulis na kausap kanina ni Damian. Tinutukoy niya iyong lalaki na binugbog ni Damian. Nandoon na iyon sa sasakyan nila at nakaposas. Halos hindi na makilala ang mukha nito dahil sa mga suntok na natamo mula kay Damian. Siguro kung nahuli pa siya ng kaunti kanina ay baka tuluyan na nitong nagawa ang masamang balak sa akin. Sa katunayan ay ramdam ko pa rin ang mga kamay nitong nakahawak sa bawat parte ng katawan ko. Hindi ko maialis ang takot sa aking isip dahil sa mga nangyari kanina. Natatakot ako na baka maulit muli kaya naman kahit ayaw ko ay patuloy pa ring sinisiksik ang sarili ko sa tabi ni Damian. Nandito kami ngayon sa likod ng kotse ni Winsor, nakaupo sa hood nito.

Nalapatan na rin ng unang palunas ang mga sugat na natamo ko. Nalinis na rin ang dugo na nanggaling sa pumutok kong labi dahil sa malakas na pagsuntok noong manyak na ’yon sa akun, pero kahit na ganoon ay malinaw pa rin sa akin lahat ng mga bagay na ginawa niya. Para akong makahiya na tumitiklop sa tuwing may nagtatangkang lumapit at kumausap sa akin.

Kausap ngayon ni Winsor ang mga pulis. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila at wala na akong pakialam pa ro’n. Ang gusto ko na lang ay ang umuwi sa bahay at magpahinga. Masiyado nang mahaba ang gabing ito para sa akin. Nakakapagod na.

Bahagya kong inayos ang puting tuwalya na nakapaikot sa aking mga balikat. Dahil nasira na ang aking damit ay ito lang ang nabigay ng mga medics kanina upang panangga sa labis na lamig na hatid ng sariwang simoy ng hangin.

Para akong napaso nang maramdaman ko ang braso ni Damian na bumalot sa aking likuran upang yakapin ako.

“S-sorry, love.” Hindi ko alam kung pang-ilang beses niya na ’yong sinabi sa akin.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakabalot sa akin at saka bahagyang umusod upang magkaroon ng espasiyo sa pagitan naming dalawa. Ni hindi ko magawang magsalita man lang. Miski ang labi ko ay napagod na sa dami nang nangyari ngayong araw.

Saglit akong tumingin kay Damian. Kitang-kita ko ang paghati sa kaniyang mukha. Ang gilid ng kaniyang mata ay mamasa-masa, tanda na nagpipigil ito sa pag-iyak. Anong kadramahan ’yan, Damian?

“Sorry kung pinabayaan kita,” sambit niya pa sa akin pero kagaya ng kanina ay hindi ulit ako sumagot.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay at doon ko lang napagtanto na hindi lang pala ako ang may galos. Halos madurog ang mga daliri niya marahil sa lakas ng mga suntok na ibinigay niya ro’n sa lalaki kanina.

Sinubukan kong pigilan ang sarili ko ngunit hindi ako nagtagumpay. Dahan-dahan ay lumapit ako sa kaniya, kinuha ang kamay nitong patuloy na nagdurugo at saka ko tinanggal ang puting tuwalya na nakabalot sa aking katawan. Marahan kong pinunasan ang sugat niya upang mahinto ito sa labis na pagdurugo.

Bakit hindi mo sinabi sa aking may sugat ka? Edi sana naipagamot natin kanina.

Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga salitang ’yon ngunit nagmistulang pipi ang bibig ko.

Tuluyan ko nang nakita ang mga luhang rumagasa sa mga pisngi ni Damian. Ito ang pangalawang beses na nasaksihan ko siyang umiyak. Una noong ibinahagi niya sa akin ang kwento at kalagayan ng anak-anakan niyang si Dama at ngayon na alam niyang maaari akong bumitaw sa relasiyon naming dalawa.

Binawi niya ang mga kamay sa akin dahil balak niya akong yakapin ngunit pinigilan ko siya. Walang salita ang lumabas sa aking bibig, tanging ang tingin ko lang ang nagsilbing komunikasiyon naming dalawa. Kitang-kita ko ang paglatay ng lungkot sa kaniyang maamong mukha. Hindi ko inaasahang darating ang araw na titingnan ko siya hindi bilang Damian na minahal ko kundi bilang isang Damian na labis kong kinamumuhian. Niloko niya lang ako.

Bahagya akong umusod palayo sa kaniya at saka tinapon sa malayo ang aking tingin. Hindi ito ang gusto ko ngunit wala akong magagawa dahil ito ang nakatadhana. Ito ang mga kailangang mangyari. Ito ang nakalatag sa aming kapalaran. Masakit man pero kailangan kong tanggapin dahil hindi ako p’wedeng mabuhay sa nakaraan. Ilang araw mula ngayon ay nasa US na rin ako. Gumawa pa talaga ng paraan si Lord para ipakilala sa akin ang tunay na ugali ng taong mahal na mahal ko. Hindi ko alam kung dapat bang magpasalamat ako sa nangyari pero sobrang sakit pala talaga . Totoo nga ang sabi nila na mapanakit ang reyalidad.

Dahil sa labas ng Lavander Lounge naganap ang insidente ay hindi pinakialaman ng pulis ang pub house. May sarili naman kasing security ang Lavander Lounge kaya pasado sa ordinance at protocols ng lugar. Tanginang pub house ’yan! Kung hindi sana kami pumunta ngayon dito ay hindi mangyayari lahat ng ito!

“Umuwi na tayo,” sambit nang kararating pa lang na si Winsor. Napansin kong umalis na rin ang mga pulis at medics na nag-asikaso sa akin kanina.

“Ako na ang bahalang magsampa ng kaso ro’n sa manyak na ’yon. We better go home now. Masiyado nang lumalalim ang gabi. Get inside the car,” sabi niya pa sa amin.

Hindi ako nagsalita bagkus ay tinitigan ko lang siya. Ni hindi niya ako magawang tingnan pabalik dahil alam niya ang kasalanan niya.

Naramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng luha sa gilid ng aking mga mata. “Masarap ba?” at sa unang pagkakataon, simula nang mamolestiya ako ay nagawa ko na ring magsalita.

Hindi nakaligtas sa akin ang paninigas ng katawan ni Winsor. Saglit niya akong tiningnan at saka umiwas din agad ng tingin.

“I have a spare shirt inside my car. Hop in and wear a shirt. Baka sipunin ka sa lamig ng hangin ngayon—” nahinto siya nang bawiin ko ang kamay mula sa kaniya. Hindi naman ako papayag na hilahin niya na lang ako basta-basta at p’wersahang ipasok sa kotse niya. Kung p’wede lang ay magpapasundo sana ako kay tito pero dahil wala namang kotse ’yon at ayaw kong maabala pa sila ay hindi ko na lang ginawa. Hindi ko gusto ang ideya na makasama sila dalawa sa loob ng iisang kotse. Parang sinasakal ako.

Tumindig ako nang maayos at tiningnan siya nang masama. “Ang bastos mo naman. Tinatanong pa kita kung masarap bang tikman ang labi ng boyfriend kong si Damian,” matawa-tawa kong singhal sa kaniya at tuluyan nang pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Kahit mulat ang aking mga mata’y naging malinaw pa rin sa aking isipan ang ginawa nilang dalawa kanina. Mukha namang masarap na kumandong siya sa boyfriend ko habang kahalikan ito. Pinaliguan niya pa nga ng alak para mas masaya, ’di ba? Mabenta kaya sa mga taong nakapalibot sa kanila kanina.

“Keifer, hindi ko gusto ang nangyari! Napilitan lang akong gawin ’yon dahil ayaw kong guluhin ka nila. Kung humindi ako sa dare ni Winsor, ikaw ang pupuntiryahin ng mga taong kalaro niya doon sa larong truth or dare!” depensa ni Damian. Napatayo na ito na halos lumapit pa sa akin para lang pakinggan ko siya.

“Kasalanan ko pa pala? Dapat bang magpasalamat ako sa ’yo kasi niligtas mo ako mula sa kapahamakan?” Marahas kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. Bahagya akong umatras upang magkaroon ng espasiyo sa pagitan naming tatlo. Hindi ko gusto ang pakiramdam ng balat nilang nakadampi sa aking balat. Para akong napapaso.

“Halos magwala na ako sa buong Lavander Lounge para lang mahanap ka. Nakita mo namang kinakaladkad na ako ng mga bouncer palabas, hindi ba? Kasi desperado na akong makita ka dahil natatakot ako na baka nandoon ka sa isang k’warto ro’n, kasama ng hindi ko kilala tapos ang nakakatawa pa rito, itong putangina pang ito ang kasama mo, hindi sa loob ng silid kundi sa harap ng maraming tao! Masarap bang maglandian sa public? Mukhang enjoy na enjoy niyo ang isa’t-isa kanina.”

“Watch your words, Keifer! Huwag mo akong minumura—”

“Putangina mo!” Puno ng galit kong sambit sa kaniya. Sinigurado kong bawat letra ay pantay-pantay ng diksiyon, malinaw at maayos na pumasok sa kaniyang mga tenga.

“Keifer, hayaan mo akong magpaliwanag, please,” desperadong sabi ni Damian. Balak pa nito akong lapitan ngunit pinigilan ko siya.

“Huwag mo akong mahawak-hawakan,” sabi ko. “Isang araw pa lang simula noong sinagot kita pero hindi ko inaasahang ganoon lang din kabilis ang panahon ng pagiging opisiyal nating dalawa.”

Umiling-iling si Damian. Katulad ko ay basang-basa na rin ang kaniyang mga pisngi dahil sa labis na pagluha at kahit na ganoon ay hindi ako makaramdam ng kahit na katiting na awa para sa kaniya.

“Huwag mong gawin ’to, love. Please, huwag,” pagmamakaawa niya. Nakuha pa nitong lumuhod sa harapan ko. Nakikiusap na huwag kong tapusin ang lahat sa amin. Masakit, sobrang sakit na makita siyang ganito pero para saan pa’t ipagpapatuloy namin itong relasiyon na ito kung una pa lang ay hindi niya na kayang maging tapat sa akin? Paano pa kaya ang maraming taon na kailangan kong lumayo sa kaniya? Hindi ako laruan na pwede niyang laruanin lang. Mukhang mali ako ng tao na minahal.

“Tapos na tayo, Damian. Itigil na natin ito,” buo ang loob kong sambit sa kaniya. Tulad ng mga bit’wing nakasabog sa kalangitan ay ang mga luha kong kumalat at kumawala sa aking mga mata.

Kinuha ko ang puting tuwalya na naiwan ni Damian sa likuran ng kotse ni Winsor at bago niya pa ako muling maabot ay pumasok na agad ako sa loob ng kotse.

Hawak ang puting tuwalya na may bahid ng kaniyang dugo ay agad ko itong itinakip sa aking mukha upang pigilan ang sarili ko sa paghikbi. Gusto kong sumigaw, magwala at manira ng nga bagay-bagay. Para akong masisiraan ng ulo dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Kinalma ko ang sarili. Iniayos ang tuwalya sa aking katawan at saka ako umayos ng upo. Sumandal ako sa malambot na upuan at saka tumingin sa bintana ng sasakyan. Hinayaan kong lumibot ang paningin sa kagandahan ng langit dahil hindi ko magandang pigilan ang mga mata sa pagluha.

Ilang sandali pa ay pumasok na rin si Winsor sa driver’s seat, maging si Damian dito sa aking tabi. Iniabot sa akin ni Winsor ang isang kulang asul na damit ngunit hindi ko ito tinanggap.

“Suotin mo. Baka malamigan ka,” sabi niya pa ngunit hindi ko siya pinansin.

“ Love , patawarin mo na ako. Please,“ sabi ni Damian mula sa aking tabi. Makailang ulit niya pang kinukuha ang kamay ko ngunit palagi ko lang tinatabig ang kamay niya palayo sa akin.

Nag-umpisa ang biyahe namin. Alam kong kakainin ng ilang oras ang biyaheng ito at hindi ko alam kung paano ako makakatagal sa loob ng kotse. Naging desidido pa si Damian na kuhanin ang kamay ko kaya bandang huli ay hinayaan ko na lang siya. Nakakapagod ding makipagtalo sa kaniya.

Marahan niyang inilapit ang kamay ko sa kaniyang mukha at saka inihaplos ito rito. Nanatili akong nakatingin sa labas, at nang maramdaman ko ang luha niyang dumampi sa aking mga daliri ay mariin akong napapikit, nagpipigil sa mga luhang nagbabadiya na namang umalpas mula sa aking mga mata.

“Sabihin mong hindi totoo ang mga sinabi mo kanina. Bawiin mo ang lahat ng iyon, Keifer. Pakiusap naman, oh! Sabihin mo nagbibiro ka lang.”

Para akong pinaparusahan dahil sa mga ginagawa niya. Ang tono ng kaniyang boses ay patuloy na sumusugat sa aking dibdib. Alam kong nakagawa si Damian ng malaking kasalanan sa akin. Narinig ko ang rason niya at sobrang babaw nito para pagtaksilan ako. Galit ako sa kaniya, sobra, ngunit hindi ko kayang turuan ang puso na hindi siya mahalin basta-basta.

Buong biyahe ay naging tahimik lang ako. Tahimik na umiiyak habang iniinda ang mga pagsusumamo ni Damian sa akin. Hanggang sa makarating kami sa harapan ng aming bahay ay hindi pa rin siya nahinto sa pag-iyak at pangungulit sa akin. Balak pa nitong bumaba ng sasakyan para sumunod sa akin ngunit pinagtabuyan ko siya, bagay na sobra kong pinagsisihan dahil kahit na may mali siya, gusto ko pa rin ang presensiya niya sa tabi ko.

Alam kong wala rito si tito at si nanay base sa pag-uusap namin ni tito sa phone ko kanina. Kung gugustuhin kong patulugin si Damian sa bahay ay maari kong gawin ngunit hindi ko siya hinayaan.

Pagkababa ko ng kotse ay mabilis din akong pumasok ng bahay at ni-lock ang pinto. Kagaya ng inaasahan ay sumunod pa rin sa akin si Damian. Pinagkakalampag niya ang pintuan kaya pilit ko itong pinipigilan. Sinandalan ko pa ito kahit na alam kong nakakandado naman na mula sa loob at wala nang paraan pa si Damian na makapasok.

Ilang minutong tumagal ang pangangalampag niya hanggang sa mahinto ito. Pinakiramdaman ko rin ang pag-alis ng kotse at nang masiguro kong wala na sila ay pumasok na ako sa loob ng aking k’warto at doon ko ibinuhos lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Walang tigil sa pagbuhos ang aking luha. Iyak lang ako nang iyak habang nakahiga, nakayakap sa isang unan at patuloy na inaaalala ang mga masasayang ala-ala na binuo namin ni Damian ngayong araw.

Saka pumasok sa isip ko ang sinabi ni tito Kris. Message me if you’re home.

Kaya naman kahit mabigat ang loob ko’y kinuha ko ang phone sa aking bulsa at binuhay ito. Bumungad agad sa akin ang litrato namin ni Damian kasama si Jared sa slides bilang home screen ng aking cellphone. Dahil doon ay muling napuno ng luha ang aking mga mata. Agad ko itong pinunasan dahil nanlalabo na ang aking paningin kakaiyak.

Pinalitan ko kuna ang home screen ng phone ko at saka mabilis na gumawa ng mensahe para kay tito.

Sobrang pagod ang katawan, isip at puso ko ngayon. Ni hindi ko rin magawang huminto sa pag-iyak hanggang sa makatulog ako dahil sa labis na pagod at pag-iyak.

Umaga na nang magising ako dahil sa boses ni Tito Kris sa harap ng bahay. Kumakatok ito.

“Keifer? Bakit hindi mo pinapasok si Damian?” dinig kong sabi niya at dahil doon ay napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Mabilis akong naglakad patungo sa pinto at saka ito binuksan. Kumikirot-kirot pa ang ulo ko dahil sa hang over.

Bumungad sa akin si tito nang buksan ko ang pinto. Sobrang gwapo niya kahit simpleng tokong shorts at plain black shirt lang ang suot niya. Nang dumako naman sa likuran niya ang aking tingin ay doon ko nakita si Damian. Malalim ang malulam nitong mga mata. Magulo ang buhok at para bang pinagsakluban ng langit at lupa.

Napakagat ako sa aking labi dahil sa nakita. So, hindi pala siya umuwi sa apartment niya? Diyan lang siya nanatili hanggang sa sumapit ang umaga?

“Good morning, tito,” bati ko sa kaniya.

“May problema ba kayong dalawa?” tanong niya sa amin ni Damian.

“Si nanay, tito?” Iniwasan ko ang tanong niya at sa tingin ko’y nakuha niya naman ang nais kong iparating, na ayaw kong pag-usapan ang tanong niya sa akin.

“Nandoon sa Saint Luke’s. Actually ay babalik ako ro’n. Kukuhanin ko lang ’yong naiwan kong dokumento ni tatay mo sa kwarto. Sama ka?” tanong niya sa akin na sinagot ko nang pagtango. “Mag-asikaso ka na,” dagdag pa nito at saka lumingon kay Damian. “Pasok ka muna, Damian. Do you want a cup of coffee? Mukhang hindi ka pa natutulog, ah?”

Umiling ito kay Tito Kris at saka tiningnan ako nang may bahid ng lungkot sa mga mata. “Gusto ko lang po makita si Keifer bago ako umuwi. May duty pa po ako sa Beverly heights ngayong umaga, straight po hanggang gabi kaya sinusulit ko lang ang pagkakataon na makita siya dahil magiging abala na ako mamaya, pero baka dumalaw pa rin po ako dito mamaya dahil diyan lang naman ang duty ko sa katabing subdibisiyon ng lugar niyo,” paliwanag niya habang hindi pinuputol ang titigan naming dalawa.

“May pwesto pa ba sa kwarto ni tatay, tito? Pwede pa ba akong matulog kasama ni nanay doon mamaya?” tanong ko bagay na ikinagulat ni Tito Kris. Kitang-kita ko rin ang labis na pighati sa mga mata ni Damian dahil sa mga narinig mula sa akin.

Tumango-tango sa akin si Tito at saka sinabing, “Meron pa naman. There’s a plenty of space for you.”

Nagpaaalam na sa amin si Tito na papasok ng bahay kaya naiwan kaming dalawa ni Damian. Saglit na namayani ang katahimikan bago siya nagsalita.

“S-sorry na, love,” iyon lang ang tanging lumabas sa labi niya matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“Uwi na ako,” paalam niya. Nakuha niya pang ngumiti sa akin at kitang-kita ko ang nagsusumigaw na lungkot sa mga mata niya. Ni hindi man naabot ang mga tenga niya ng ngiting ’yon.

Bagsak ang mga balikat siyang tumalikod sa akin. Pinanood ko siyang maglakad palayo hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang huwag siyang sundan. Ang bigat ng dibdib ko habang pinagmamasdan siyang maglakad palayo, balot na balot ng labis na kalungkutan na para bang katapusan na ng mundo para sa kaniya. Hindi ko naman magawang patawarin siya matapos ang ginawa nitong panloloko sa akin. Kahit anong gawin ko, hindi ko magawang isantabi ang sakit na aking nararamdaman dahil sa mga nangyari kagabi. Oo, mahal ko si Damian, sobra-sobra, pero hindi dahilan ’yon para palampasin ko ang mga ginawa niya sa akin.

“Keifer?”

Napalingon ako kay Tito na siyang tumawag sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya lalo na nang mapansin nito ang bangas sa pumutok kong labi.

“Anong nangyari?” malambing niyang tanong nang makalapit sa akin. Hinawakan niya ang aking mga kamay at matiyagang naghintay sa aking sagot.

Sa paraan ng pagtingin niya’t sa pag-aalala nito sa akin ay tuluyan nang bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

“Niloko niya ko, Tito,” halos pabulong kong sabi sa kaniya. Ibinalot niya ang malalaking braso sa akin upang damayan ako sa labis na pighating nadarama.

Ito na ba talaga ang wakas sa relasiyon namin ni Damian?

*

Another tear-jerky chapter. Kung kailan naman aalis na si Keifer, doon pa nangyari lahat nang ito!

-kuyasen

51: Ukab

Ukab means opportunity or chance.

.

.

.

.

.

*

KEIFER

Lumipas ang mga araw na patuloy kong iniiwasan si Damian. Sa tuwing umuuwi ako sa bahay namin ay sinisigurado kong hindi niya ako makikita sa guard house ng Beverly Heights. Makita niya man ako ay madalas ko namang ikandado ang bahay sa tuwing nagtatangka siyang pumunta tuwing break time niya. Pang umaga pa naman ang duty niya ngayong buong linggo. May pagkakataon pa na pinuntahan niya ako sa ospital kung saan naka-admit si tatay. Tinakasan ko siya noong pumunta ito. It might sound evil but I really want to cut ties with him. Sapat na ang mga narinig kong paliwanag niya. Malinaw ko ring narinig ang mga ito at wala nang rason para isalba pa ang relasiyon naming dalawa. Mas ayos na rin siguro na tuldukan na lang namin ito. Baka mas mabaliw ako kakaisip oras na umalis ako ng bansa at iwanan ko siyang kasama si Winsor dito sa Pilipinas. At least ngayon ay hindi na ako masiyadong nai-stress, pero aaminin ko, may mga pagkakataong nami-miss ko siya. Sobra.

Mabuti na lang din at hindi na nagtanong pa si Tito Kris simula noong umiyak ako sa kaniya. Nagpapasalamat din ako na hindi niya na ito nabanggit kay nanay kahit na makailang ulit akong tinanong ni nanay kung ano ba ang problema sa amin ni Damian. Hindi pa ako handang ipaliwanag sa kaniya lahat ngayon. Gusto ko munang sarilihin lahat ng sakit at magdusa nang tahimik. Marami nang inaalala si nanay at ayaw ko nang dagdagan pa ang isipin niya. And to think of her, I know she will make a way to fix my relationship with Damian. Bukod sa akin, isa si nanay sa mga taong kilala ang tunay na ugali ng Sekyu na ito. Alam kong alam niya kung gaano ako kamahal ni Damian. Sayang din dahil ang naka-schedule naming pag-uwi sa probinsiya nila ay hindi na natuloy. Nabanggit niya pa naman sa akin na uuwi siya sa probinsiya nila dahil ngayong linggo na rin na ito ang schedule ng operasiyon ni Dama.

Napabungtong-hininga ako.

“Tito, tumawag na po pala iyong isang staff sa Passport Office. Releasing na ng passport ko bukas kaya kailangan kong pumunta sa kanila before 8 am para sa profile capturing,” paliwanag ko kay Tito Kris. Kayayari lang namin kumain at hinuhugasan ko na ang mga pinggan na ginamit naming dalawa. Nandoon naman siya sa loob ng k’warto ko, nag-aayos ng mga damit niya.

“Good to hear. Nga pala, nakapagpasa ka na ba ng resignation sa part-time job na pinapasukan mo before?” tanong nito sa akin.

Umiling ako at saka huminto aa ginagawa. Humarap ako sa kaniya upang mas makita siya nang maayos. “Ilang linggo na akong absent, tito. Terminated na ako r’on.”

Nakita kong umiling siya. “You could have at least submitted your resignation for formality. In any job, you should leave properly. Keep that in mind, okay?”

Tumango-tango ako dahil may punto naman talaga ang sinabi ni Tito. Nataon lang na maraming mga ganap nitong mga nakaraang linggo kaya hindi ko na ito naasikaso. Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Hunter. Siguro naman bago ako umalis ay mabisita ko man lang siya ro’n at makapagpaalam nang maayos. After all, siya pa rin ang childhood bestfriend ko.

I’m wondering. Kung siya ba ang minahal ko, mangyayari din kaya ang mga nangyayari sa akin ngayon? Malamang ay hindi dahil hindi niya naman kilala si Winsor na ahas.

“Bukas din ay i-file mo na ang leave of absence mo sa State University kung saan ka naka-enroll ngayon para maayos din ang record mo bago tayo umalis ng Pilipinas,” saad pa ni tito sa akin.

“Opo,” sagot ko na lang. He’s a man of peace and order. Gusto niya talaga na bawat bagay ay maayos at nasa mabuti nilang kinalalagyan. Ayaw niyang basta ko na lang iwanan ang mga bagay na maiiwan ko rito sa Pinas.

“Nakapag-booked na ako ng flight natin. This coming friday ay aalis na tayo kaya naman ayusin mo na ang mga gamit mo. Huwag masiyadong maraming damit dahil pwede naman tayo bumili doon. Five shirts and shorts are enough.”

Nahinto ako sa ginagawa na para bang nanigas ako sa kinakatatayuan ko. Patuloy na lumalagaslas ang tubig sa gripo na hindi ko man lamang maisara dahil sa pagkagulat. Para akong nabingi sa mga sinabi ni Tito Kris. Kumain pa ng ilang segundo bago ko naproseso lahat ng mga sinabi niya sa akin. Ang bilis naman. Ngayong biyernes na agad?

Niyari ko na ang mga nililigpitang pinggan at pagkaraa’y tinuyo ko na rin ang kamay sa malinis na basahang nakasabit sa dingding ng bahay.

Balak ko muna sanang lumanghap ng sariwang hangin sa labas nang magsalita si Tito Kris, bagay na nakapagpahinto sa akin.

“Are you sure you don’t want to talk to Damian, Keifer?” tanong nito.

Lumingon ako sa kaniya at saka nagtama ang mga tingin naming dalawa. Makahulugan niya akong tinitigan, pinapaalala na kahit anong sagot ang sabihin ko ay hindi niya ito sasalungatin o kokontrahin kaya nman marahan akong umiling sa kaniya.

“Labas muna ako, Tito. Babalik din ako agad,” sabi ko at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nasa labas na ako nang may naalala ako kaya naman bumalik akong muli sa loob.

“Pahingi ako ng dalawang sachet ng choco mallows mo, tito,” paalam ko sa kaniya saka dumampot ng dalawang sachet at mabilis ding lumabas ng bahay. Malakas ang loob kong lumabas dahil alam kong si Mang Jerry ang naka-duty ngayon doon sa Beverly Heights. Total ay malapit na ang pag-alis namin ni Tito ay marapat lang siguro na magpaalam na ako ro’n sa matanda. Na-miss ko rin kausap ito.

Napailing pa ako nang maalala si Damian na dumaan sa bahay pagkayari ng duty niya. Si Tito Kris lang ang nakausap niya dahil hindi naman ako lumabas ng k’warto para makita siya kanina.

Hawak ang dalawang sachet ng choco mallows ay masaya kong tinahak ang daan patungo sa guard house at hindi nga ako nagkamali, naabutan ko si mang Jerry na abala sa pag-aayos ng mga log book nila.

“Aba, may bisita pala ako ngayon!” sabi niya sa akin at masaya akong nilapitan. “Long time no see, hijo. Anong atin? Na-miss kita, ah? Ngayon ka na lang ulit tumambay dito!”

Ngumiti ako sa kaniya at saka iniabot ang hawak na dalawang sachet ng choco mallows. “P’wede po pa-kape? Well, hindi man kape ’yan kasi hindi naman kasi nagkakape si tito pero parang ganoon na rin po,” natatawa-tawa kong sabi sa kaniya.

Kinuha nito ang hawak ko at saka ako pinapasok sa loob. Pinaupo niya ako ro’n sa mahabang plastic na upuan. Na-miss ko ’to. Naalala ko tuloy noong nagwala si tatay dito noon, at si Damian ang nagsilbi kong tagapagtanggol sa kaniya.

Bakit ba siya at siya pa rin ang naiisip ko? Bwisit!

Nag-init ng tubig si mang Jerry sa electric kettle at saka inayos ang dalawang tasa. Sinalin niya ro’n ang binigay kong sachet ng choco mallows at naghintay sa pagkulo ng tubig sa electric kettle niya.

“Iyong mestizo na lalaki iyong tito mo, ’di ba? Kamukhang-kamukha talaga ng tatay mo ’yon,” komento niya.

“Sobra po,” sagot ko.

“Kamusta na pala ang tatay mo?” tanong pa nito sa akin.

“Nailipat na po si tatay sa private hospital. Comatose pa rin po, mang Jerry,” paliwanag ko.

“Sana lang ay umayos na ang lagay ng tatay mo,” sabi niya at sakto namang natapos na ang iniinit nitong tubig. Nagsalin siya sa mga tasa, hinalo ito nang maigi at saka iniabot ang isa para sa akin.

“Kamusta kayo ni Damian? Alam kong hindi ayos ang relasiyon niyong dalawa.”

Natigilan ako dahil sa mga sinabi niya. Ni hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin dahil hindi pa rin ako handa na pag-usapan lahat ng tungkol sa aming dalawa. Mukhang nahalata naman ito ni mang Jerry. Naupo siya sa isang mono block at saka inilapag sa desk nila ang tasa niya.

“Alam mo bang lagi kong nakikita na umiiyak ’yon sa duty niya? Naabutan ko ’yong mugto lagi ang mga mata. Kulang na lang ay humagulhol ito noong pinag-usapan namin kung bakit ka nakipaghiwalay sa kaniya.”

Hindi ko alam kung ano ang marapat na sabihin. Mas pinili kong tumahimik na lang. Humigop ako sa hawak kong tasa at saka inilapag din ito sa desk nila dahil napakainit pa.

“Nakausap mo na ba siya?” tanong nito sa akin kaya naman binalingan ko siya ng atensiyon.

Marahan akong tumango. “Noong gabi rin po na ’yon ay nag-usap kaming tatlo.”

“Malinaw ba ang pag-uusap niyo? Pinakinggan mo ba ang mga paliwanag niya? Iyong Winsor, narinig mo ba ang side niya?”

Bawat tanong niya ay nagmistulang mga kutsilyo na tumarak sa aking dibdib. Nag-usap kami ni Damian, nagpaliwanag siya pero hindi ko siya hinayaang ipaliwanag ito nang mas maayos. Miski si Winsor ay hindi rin nakapagsalita noong gabi na ’yon. Nalunod ako sa sakit at galit na hindi ko na napansing may pagkakamali rin pala ako.

“Narinig ko naman na po ang paliwanag niya, mang Jerry. Sapat na po iyon para matauhan ako na maling tao ang minahal ko-”

“Hindi mo pa napakikinggan ang buong kwento, hijo. Bakit hindi mo subukang kausapin siya?”

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

“Hindi ko sinasabi ito dahil gusto kong masagip ang relasiyon niyong dalawa. Gusto ko lang kahit papaano’y mas maging malinis ang pangalan ni Damian sa ’yo. Dahil Keifer, maniwala ka man sa hindi, mahal na mahal ka ni Damian.”

Lumapit ako sa pinto at bago lumabas ay yumakap muna ako sa kaniya, bagay na hindi ko madalas ginagawa.

“Apat na araw po mula ngayon ay sasama na ako kay Tito Kris papuntang US. Gusto ko lang pong magpaalam nang maayos sa inyo dahil baka hindi na ako makapunta rito sa dami nang kailangan kong ayusin bago kami umalis. Ma-mimiss ko po kayo, mang Jerry. Maraming salamat po sa pagiging mabuting kaibigan sa akin,” sambit ko sa kaniya habang yakap-yakap siya. Naramdaman ko ang kamay niyang tumapik-tapik sa aking likuran. Nang bawiin ko ang sarili ay kitang-kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

“Hindi nabanggit sa akin ito ni Damian. Kaya pala laging umiiyak ang isang ’yon!” komento niya pa.

“At tungkol po sa amin ni Damian, siguro po ay hanggang doon na lang ang relasiyon naming dalawa. Huwag po kayong mag-alala, susubukan ko pong kausapin siya kung iyon po ang gusto niyo.” Sinungaling.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya dahil sa mga sinabi ko. Nagpaalam na ako sa kaniya kahit na hindi ko pa nauubos ang choco mallows ko. Hindi ko rin kasi kayang magtagal lalo na’t puro si Damian ang mga sinasabi ni mang Jerry. Baka mawalan ng saysay ang ginagawa kong pag-iwas sa kaniya. Natatakot ako na baka sa simpleng yakap nito sa akin ay maging marupok na naman ang puso ko. Hindi p’wede.

Nang makabalik sa bahay ay nag-asikaso na ako ng sarili para sa pagtulog. Nagsipilyo na ako ng ngipin at saka naghilamos bago ko tabihan si Tito na nakahiga na sa k’warto.

Inilapag ko sa gilid ng aking unan ang cell phone ko at saka panandaliang tinitigan ang bubong namin na puro butas. Buti talaga ay nakakatiis si Tito rito sa amin.

“Tito Kris?” pagkuha ko ng atensiyon niya kahit hindi ko siya nililingon. “Maganda ba sa US?” tanong ko pa.

Naramdaman ko ang pagharap niya sa akin.

“I am staying in California, USA, specifically in Los Angeles. Well, you will experience four seasons there. Summer, spring, autumn and the dream of every Filipino, winter season. Mind you, sa una lang masaya ang snow dahil kapag tumagal na at kumapal na ang niyebe, sobrang sakit na nito sa balat. We also need to dig the snow in front door if you don’t want to be stranded inside our house,” natatawa niyang bahagi sa akin. Nakakahawa ang mood ni Tito kaya hindi ko na rin maiwasan ang matawa.

“How about the culture, Tito? Kwentuhan mo pa ako, please.”

“Well, our culture is very different in US. Uso ang thanksgiving at halloween party sa kanila, so expect to wear holiday costumes every holloween, and we will also attend to our neighbors’ thanksgiving party every time they invite us. Also, engrande rin ang christmas sa kanila dahil pinagkakaabalahan talaga ng lahat ang decorations sa front yard. Lalo na at may snow doon. In terms of people in Los Angeles, Filipino people are very warm and hospitable than them so expect the locals to be more straight-forward. They will call you by your first name, regardless of your age or your position in society so you can call them by their names as well, it no biggie to them,” mahabang kwento sa akin ni Tito. “It will take time but I think you will adjust quickly there. Mababait naman ang neighbors natin sa LA.”

Na-excite ako sa mga sinabi ni Tito pero sa totoo lang ay ayaw ko naman talagang pag-usapan ’yon. Balak ko lang umpisahan ang usap namin dahil meron akong mas gustong itanong sa kaniya.

“This may sound random, tito, but I want to ask you this,” pag-uumpisa ko.

“Go on. I’m listening,” he replied.

“Have you been heartbroken before?”

Natawa siya sa akin. “Ano bang klaseng tanong ’yan? Siyempre naman.”

“What did you do to stop loving the person who hurt you?” at doon ko na nga nabitawan ang balak kong itanong sa kaniya, kasi ako, hindi ko alam kung paano bang hindi mahalin si Damian. Kahit ang laki ng ginawa niyang kasalanan sa akin, siya at siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko.

“Actually, we don’t usually stop loving the person who caused us pain. We just accept the fact that it’s over, that both of you chose different paths, and that’s okay. Maybe not this time, but in another universe, you’ll meet again and start the love story you hoped to make.”

“You mean, umaasa ka pa ring one day, magkasalubong kayo sa isang daan, forgiving each other and hoping for a better story for the both of you. Tama ba Tito?” tanong ko, bahagyang naguguluhan.

Tumango-tango siya sa akin. “We should always choose to forgive, Keifer. Kailangan mo talagang kausapin si Damian bago tayo umalis ng bansa. Ayaw kong doon kita makitang umiiyak habang nagsisisi dahil hindi mo nakausap ang sekyu na ’yon.”

Miski si Tito ay gusto niyang kausapin ko si Damian.

“Matulog ka na at maaga pa tayo bukas,” sabi pa nito sa akin. “Good night, Keifer.”

“Good night, tito,” sagot ko at saka pumihit sa direksiyon kung saan nakalagay ang cell phone ko. Sakto namang lumiwanag ito, tanda na may nag-notify sa akin.

Bahagya akong napangiti nang mabasa ang mensahe niya na ’yon. Balak ko pa sanang burahin ang nick name niya sa contacts ko pero hindi ko na tinuloy. Hinayaan ko ng ganoon. May parte pa rin naman kasi sa isip ko ang nagsasabing siya pa rin ang Damian na minahal ko. Siguro ay tama nga sina Tito Kris at mang Jerry. Kailangan kong kausapin si Damian. Sige. Bukas.

Kaya naman nagtipa ako ng mensahe sa kaniya. Sa tagal ng mga lumipas na araw na iniwasan ko ang mga text o tawag niya, ito ang unang pagkakataon na nagreply ako sa kaniya.

Segundo lang ang kinain bago ako makatanggap ng reply mula sa kaniya.

Napairap ako sa ere kahit na may ngiti sa aking labi nang mabasa ko ang reply nya.

Kagaya ng inaasahan ko ay nagreply siya agad.

Hindi na ako nag-abala pang magreply sa kaniya. Ayaw ko namang isipin niya na easy to get ako kaya pagsumikapan niya. Siguraduhin niyang maipapaliwanag niya nang maayos ang sarili niya bukas. Kahit pagkakaibigan na lang ang maisalba naming dalawa sa relasiyon namin, ayos na ako ro’n. After all, siya pa rin ang Damian na minahal ko.

Papatayin ko na sana ang phone ko nang may muling mag-notify sa akin. This time, sa messenger na ito.

From Win Pineda.

Nang buksan ko ang mensahe niya ay bumungad agad sa akin ang picture namin ni Damian sa dagat habang nagsasayaw. Sobrang ganda ng kuha nito dahil na rin sa setting ng sunset sa likuran. Hindi ko naman inaasahan na na-picture-an niya pala kami. Kahit anong ganda noong litrato, iba na ang hatid nitong saya sa akin ngayon. Hindi na kagaya noong mahal na mahal ko pa si Damian. Habang pinagmamasdan ito, magkahalong saya at sakit ang nararamdaman ko, panghihinayang sa nasirang relasiyon naming dalawa.

Napansin kong typing siya kaya naman blocked ko agad ang lintik.

“Tangina mo ka,” pabulong ko nang patayin ang cell phone at saka ibinalik sa dati nitong kinalalagyan.

“Sinong kaaway mo, Keifer?” dinig kong sabi ni Tito, antok na antok.

“W-wala po, Tito. May lamok lang,” pagdadahilan ko. Nakakahiya at narinig pa pala ni Tito ang pagkayamot ko sa lintang dinosaur na ’yon! Huwag lang ulit magtagpo ang landas naming dalawa dahil may kalalagyan siya. Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti sa pang-aahas niya sa boyfriend-well, ex-boyfriend ko.

Bumuntong-hininga muna ako bago ipinikit ang mga mata. Kung puro si Winsor at Damian ang nasa isip ko, may posibilidad na baka bangungutin ako kaya naman mabilis ko silang tinaboy sa isipan at nag-focus na lang na makatulog.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para replay-an si Damian. Nag-set pa ako ng oras nang pagkikita namin. Bahala na, pero sana ay hindi ulit ako maging marupok sa kaniya dahil wala na, Keifer, tinapos mo na ang relasiyon niyong dalawa. Tama na ang pagiging tanga sa kaniya.

*

52: Ihustipika

Ihustipika means justify.

.

.

.

.

.

*

KEIFER

Balak ko sanang sumabay kay Tito Kris dahil pupunta rin siya sa ospital ngunit nang malaman kong alas otso pa ngayong umaga nito balak umalis ay nagpasiya akong mauna na. Ala sais pa lang ay nag-aabang na ako sa kanto para makasakay sa pampublikong bus. Mas uunahin ko na munang asikasuhin ang pagpa-file ng leave of absence ko sa unibersidad kung saan ako naka-enroll ngayon bago ako pupunta ng Passport Office.

Dahil ngayon ang profile capturing ko sa passport ay nagpasiya akong magsuot ng round neck na white shirt. Pinatungan ko ito ng brown hoodie dahil alam kong malamig sa SM. Tinerno ko ang pang-itaas sa maong pants at iyong binigay sa akin ni Tito na sapatos. May bitbit din akong tote bag kung saan nakalagay ang cell phone at wallet ko. Dito ko rin kasi ilalagay ang jacket ko oras na kailangang tanggalin para sa profile capturing mamaya.

Hindi rin nagtagal ay nakasakay na ako ng bus. Naalala ko bigla si Damian at iyong insidente namin noong may konduktor na sumita sa aming dalawa. Actually, kanina ko pa siya naiisip lalo na noong hindi siya ’yong nakita kong guard na naka-duty sa Beverly Heights. May duty kasi siya ngayon at kung wala naman ay marahil day off niya. Wala rin kasi si mang Jerry. Hindi ko naman ka-close ang guard na nandoon ngayon kaya hindi na ako nagtangka pang magtanong. Mukha kasing masungit.

Naupo ako sa pinakamalapit na bakanteng upuan para mabilis akong makababa mamaya ’pag nasa school na. Habang nasa biyahe ay ginawa kong abala ang sarili sa pagmasid sa labas ng bintana. Mas lalo lang tuloy nabulabog ni Damian ang isip ko. May kakaibang saya akong nararamdamn kahit na mamaya pang ala una ang oras ng pagkikita naming dalawa. Aaminin ko, na-miss ko siya. Sobra.

Ilang minuto lang ang kinain ng biyahe at nakarating na rin agad ako sa school. Pagkababa ay dumiretso agad ako sa registrar upang asikasuhin ang mga dokumento ko kaso napaaga ang dating ko. Wala pang tao. Nakalimutan kong ala-siyete nga pala ang call time ng mga non-teaching faculty.

Habang naghihintay ay nagpasiya muna akong maglakad-lakad sa loob ng campus, inaalala ang mga ala-ala na nabuo ko rito kahit na sa maikling panahon ng pananatili sa lugar.

“Keifer?”

Napalingon ako ro’n sa tumawag sa akin. It was Kylie. Isa sa mga kaklase ko. Kasama niya si Josh na kaklase ko rin. Agad silang lumapit sa akin.

“Kamusta?” bati ko agad sa kanila.

“Oy! Anong kamusta? Ikaw kaya ’tong parang multo na nawala na lang bigla!” bulalas ni Kylie sa akin.

Hindi ko sila masiyadong nakakasama noon pero isa sila sa mga madalas kong makagrupo sa group activity kaya naman kahit papaano ay napalapit na rin sila sa akin.

“Papasok ka na ba ulit? Ang tagal mo nang absent. Ang dami mo nang na-missed na activities pero sa tingin ko’y mapapakiusapan naman ang mga prof natin,” sabi naman sa akin ni Josh.

“About that, actually ay magpa-file na ako ng leave of absence ngayong araw.” Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila dahil sa sinabi ko.

“We?” ani Josh.

“Hindi nakakatawa ang biro mo, girl,” saad naman ni Kylie.

“Hindi ako nagbibiro,” sagot ko at saka bahagyang natawa. “This coming friday ay aalis na ako. Sa US na ako titira kasama ng tito ko. Ipagpaalam niyo na lang ako sa mga kaklase natin, ah!”

Bigla akong niyakap ni Kylie. Hindi na rin nagdalawang isip pa na yumakap si Josh.

“Mami-miss ka namin, girl,” komento pa ni Kylie.

“Mag-iingat ka ro’n,” sabi naman ni Josh.

Ilang minuto rin ang inilaan namin sa pagkakamustahan hanggang sa makita na nila si Mr. Montero, professor sa isa naming major subject  Nagpaalam na ang dalawa sa akin at kahit na gusto ko pa silang makausap ay nagpaalam na rin ako sa kanila.

At least, hindi nila ako nakalimutan kahit na para akong kabute sa klase, lulubog at lilitaw. Mami-miss ko rin ang dalawang ’yon. I never had a very memorable moment with them but they were the people I spent most of my time with.

Sinilip ko ang oras sa cell phone ko. 7:16 am na. Siguro naman ay bukas na ang registrar office.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at bumalik na rin ako sa registrar. Mabuti naman at bukas na ito kaya inilakad ko na lahat ng mga kailangang ayusin. Dumaan pa ako sa dean’s office para magpapirma. Nang maiayos ang lahat ay lumabas na rin ako ng campus. Bago sumakay ng trike ay humabol pa ako ng tingin sa school na pinasukan ko.  Salamat sa pagiging parte ng college journey ko. Darating ang araw na babalik ako rito, dala ang degree na nakuha ko sa US. Thank you, Dimitri State University. Until next time.

Sumakay na ako ng trike dahil malapit lang naman ang SM rito.  Time check is 7:45 am. Sakto lang ako na makakarating doon dahil alas otso ang napag-usapang oras.

Nang makarating sa SM ay nagbayad din agad ako sa driber bago nagmamadaling naglakad. Baka kasi ay mahaba na rin ang pila ro’n. Hindi nga ako nagkamali nang makarating sa office nila.

Saktong alas otso nang makarating ako. Pipila na sana ako nang makita ko si Sir Jimmy na mukhang naghihintay rin sa akin. Agad itong lumapit sa akin at bumati.

“Good morning, Sir,” aniya.

“Good morning din po,” bati ko pabalik.

“Bilin po ni Sir Baltazar, prio your passport so this way, Sir,” sabi sa akin ni Sir Jimmy. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa special treatment na binibigay nila sa akin. Siguro kung hindi kaibigan ni Tito Kris ang project manager nila rito ay baka isa rin ako sa nakapila doon sa harapan ng opisina nila.

Profile capturing nalang naman ang kailangan ngayon dahil ayos na lahat ng dokumento ko kaya nang mayari ang pagkuha sa akin ng litrato ay naghintay lang ako ng halos isang oras nang sabihin sa akin ni Sir Jimmy na ayos na ang passport ko.

“Sir, inside this envelope is your passport. Nandiyan na rin po ang official receipt and the information leaflet which you can use to check the details about your passport, the validity and the important contact information. Congrats, Sir. Ingat po kayo sa nga up-coming biyahe at gala niyo!” nakangiting sabi sa akin ni Sir Jimmy.

Nagpasalamat ako sa kaniya nang matanggap ito, maging sa mga kasama niyang staff sa loob ng opisina nila. Inilagay ko ito sa loob ng tote bag ko at saka nagpaalam na sa kanilang lahat.

9:30 pa lang ng umaga at marami pa akong oras kaya naman naisipan kong pumunta na lang muna sa wifi area ng SM. Dalawang oras din ako nagtagal doon bago ko naramdaman ang kumukulong sikmura. Nagugutom na ako.

Inayos ko ang sarili, nag-double check sa mga gamit ko kung nandito ba lahat sa tote bag saka ako umalis sa wifi area. Kasalukuyan kong kinakalkal ang laman ng bag ko na talaga namang pagkakamali ko dahil meron akong hindi sinasadiyang makabungguan.

“Sorry,” sambit ko agad.

“Sorry,” dinig kong sabi niya at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang tao na nabunggo ko.

“Hunter? Anong ginagawa mo rito?” nakangiti kong tanong sa kaniya.

“Long time no see. It’s been a while,” sabi nito sa akin.

Malaki ang pinagbago niya kumpara noong huli kong kita sa kaniya. Nagpagupit ito ng buhok at nagpakulay pa ng pula. Mas naging maaliwalas din ang mukha niya at ang pinaka napansin ko ay ang paraan niya nang pagngiti sa akin. May kakaiba rito na hindi ko maipaliwanag. Parang ibang bersiyon ni Hunter ang kaharap ko ngayon. Mas magandang bersiyon niya.

“Saan ang punta mo?” tanong nito sa akin ngunit mas napako ang tingin ko sa bagong kulay niyang buhok. “Ah, about this. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpagupit at nagpakulay ng buhok. Sabi ko, mukhang wala na talagang pag-asang maging tayo kaya nag-undergo talaga ako sa major phase ng moving on. I even dyed my hair red,” natatawa niya pang paliwanag.

Ito na siguro ang tamang pagkakataon para kamustihan namin ang isa’t isa.

“Nag-lunch ka na?” tanong niya kaya umiling ako. “Libre kita. May alam akong restaurant malapit dito sa labas ng SM. Tara?”

“Tatanungin na sana kita, e, pero dahil ikaw na ang nauna, sige,” nakangiti kong sagot sa kaniya.

Nakakatuwa lang na tadhana na ang siyang naglapit sa aming dalawa. Hindi ko na kailangan pang pumunta ro’n sa pinagtrabahuhan naming dalawa dahil nandito na siya ngayon at kasama ko.

Sabay naming nilakad ang daan palabas ng SM. Hindi ko alam pero masaya ako sa presensiya ni Hunter dahil sa tagal ng panahon ay ngayon na lang ulit kami nagkita. Hindi naman siguro masama na sabay kaming kumain dalawa ngayon ng lunch. Ala una pa naman ang pagkikita namin ni Damian at meron pa akong dalawang oras na natitira.

“Alam mo ba, balak sana kitang bisitahin sa work mo. Naalala talaga kita nitong mga nakaraang araw at sa tingin ko’y kailangan kitang puntahan,” sabi ko sa kaniya nang makahanap kami ng upuan sa loob ng restaurant na napuntahan namin. Nandito lang talaga ito kalapit sa labas ng SM kaya hindi na kami sumakay pa ng motor niya.

“Matagal na akong umalis doon. Buti pala ay hindi ka na nagpunta pa dahil hindi mo na ako aabutan doon,” saad niya.

Dumating ang isang crew at saka ibinigay ang menu sa amin. Siya na ang hinayaan kong pumili ng pagkain na kakainin. Hindi naman ako mapili.

“Bakit naman naisipan mong puntahan ako ro’n kung sakali?” tanong niya sa akin nang makaalis ang crew dala ang list ng mga order niya.

Ngumiti ako at saka umiwas ng tingin sa kaniya. “This coming friday ay pupunta na kami ni Tito Kris sa US. Doon na ako titira kasama niya.”

Kagaya ng inaasahan ko ay nagulat siya ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay naging maayos na rin ang ekspresiyon nito.

“Paano ang mga magulang mo rito? Iiwanan mo sila?”

“Hindi mo pa pala alam ang nangyari kay tatay?” tanong ko.

“Bakit? Anong nangyari kay tito Kristofer?” tanong niya naman.

“Mahabang kwento, e. Nadamay lang kami sa isang aksidente. Nabaril si tatay at comatose siya hanggang ngayon.”

Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago siya nagsalita.

“Sana lang ay maging maayos na si tito,” huminto siya at saka tumingin sa akin, tila tinatantiya ako kung sasabihin niya ba ang mga nasa isip niya o hindi ngunit bandang huli, binitawan niya pa rin ang tanong na nasa isipan niya, “Si Damian? Kamusta kayong dalawa?”

Ibinato ko sa labas ng restaurant ang aking tingin. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago sumagot sa tanong niya.

“Wala na kami.”

Hindi siya agad sumagot. Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago nagsalita.

“Edi ibig sabihin ba noon ay p’wede na ako ulit mangligaw?” sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

“Joke lang!” natatawa nitong pabahol. “Tanggap ko nang walang Keifer at Hunter na mabubuong love team. Tama na siguro ang napakaraming taon na sinayang ko sa ’yo, Keifer.”

Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay naging masama akong kaibigan para sa kaniya, na hindi ko man lang nasuklian ang pagmamahal na binigay nito sa akin. Totoo naman. Hindi kasi parehas ang tingin namin sa isa’t-isa noon. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ialay sa kaniya at kahit papaano’y masaya ako sa kaniya na hindi na kagaya noon ang tingin niya sa akin ngayon. Ito na marahil ang kakaiba na nakikita ko sa paraan niya nang pagngiti. Simple lang ito at puno nang buhay. Malayo sa ngiti niya noon na ramdam ko ang matindi niyang pagmamahal sa akin. May parte sa utak ko ang masaya dahil natuto na rin niya tunggapin na hanggang dito lang ang kaya kong ipagkaloob sa kaniya ngunit kahit na ganoon ay nalulungkot pa rin ako dahil sa mga nasayang niyang panahon at effort para lang patunayan ang sarili niya na kamahal-mahal siya.

Naputol ang mga iniisip ko nang dumating na ang pagkain namin. Ang dami niyang in-order samantalang dalawa lang kami na kakain ngayon. Tahimik lang kami na kumakain hanggang sa basagin niya ang katahimikan na ’yon.

“Mind sharing me the whole story?” Alam kong sa amin ni Damian ang tinutukoy niya.

Kinain pa ako ng ilang minuto bago nakapagsalita. “Third party. Wala, e. CEO ang kalaban ko. Mas mapera sa akin ’yon.” I don’t know how it came out so natural. Siguro dahil ay komportable na ako kay Hunter simula pa dati dahil malalim na ang pinagsamahan naming dalawa.

“Grabe naman pala siya. You might not have a lot of money but you’re as precious as a diamond! Parang nanalo na rin siya sa lotto upon having you and yet, he chose the other one. Sorry for that, Keifer,” aniya.

Hindi na ako sumagot pa at nag-focus na lang sa pagkain hanggang sa magsalita ulit si Hunter.

“What’s your plan?”

“Actually, magkikita kami ngayong 1pm para mag-usap. Mas maganda nang malinaw ang lahat bago ako umalis ng bansa. Ayaw kong dalhin sa US ang sama ng loob ko sa kaniya,” sagot ko.

“Samahan na kita hanggang sa dumating siya? Okay lang naman siguro ’yon?”

Napangiti ako. Wala naman talagang masama ro’n. Isa pa, masaya rin na may kausap ako ngayon rito. Hindi ako mababagot.

After lunch, we spent time talking to each other. Hanggang sa pumatak ang ala una ng hapon. Dahil sa isang coffee shop ko balak kausapin si Damian ay nagtungo na kami sa Pure Teacup na matatagpuan malapit sa SM. Good thing ay walking distance lang din ito sa kinainan namin ni Hunter.

“Ako naman ang taya ngayon. Ano ang gusto mo inumin?” tanong ko sa kaniya habang nakatayo kami sa harap ng counter.

“Cappucino na lang,” sabi nito sa akin.

“Isang Cappucino po at Ice cold coffee. Thank you,” sambit ko naman doon sa babaeng nasa counter.

Naghanap na kami ng mauupuan ni Hunter. Pinili namin ang malapit sa glass wall para naman maaga naming makita si Damian oras na dumating ito. Naipadala ko na rin sa kaniya ang address nitong coffee shop kaya naman nang dumating ang order namin na kape ay naghintay na lang kami sa pagdating ni Damian.

Masaya ako dahil sa mga pag-uusap namin ni Hunter ngayon ngunit hindi ko maiwasan ang mabahala. Lumipas ang mga oras na ni anino ni Damian ay wala akong nakikita. One hour. Two hours. Hanggang sa sumapit ang alas kwatro ng hapon ay walang dumating na Damian. If not because of Hunter, malamang ay kanina pa ako umalis ng coffee shop na ito. Kahit papaano’y nagkaroon ng saysay ang pananatili ko sa lugar na ’to kahit na walang Damian na dumating. Aaminin ko, may lungkot sa aking dibdib dahil hindi niya ako sinipot. Ni text message ay hindi siya nagpadala kaya wala akong balita kung ano na ang nangyari sa kaniya. Pinaasa niya lang ako.

“Mukhang wala nang Damian na dadating pa. It’s already 4 pm! Tatlong oras mahigit na ang nakakalipas pero wala pa rin ni anino niya.”

Mas lalo akong nalungkot dahil sa mga sinabi sa akin ni Hunter. Hindi naman ako dapat na nakararamdam nito pero hindi ko pa rin maiwasan. Maganda talagang hindi na ako nag-expect na gusto pang linawin ni Damian ang kung anong meron sa amin. Siguro ay ayos na rin sa kaniya na ganoon na lang ’yon dahil kung gusto niyang linisin ang pangalan sa akin ay sana man lang ay sinipot niya ako ngayon.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. “Salamat sa pagsama sa akin dito, Hunter. Nakakahiya pa na naabala pa kita,” sabi ko sa kaniya.

“No worries. Actually, nag-enjoy ako kasama ka. Closure na rin ito sa ating dalawa matapos ng nangyari noon. Na-miss kita,” aniya.

“Can I get a hug?” sambit ko.

“Sure.”

Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya at nang mga sandaling ’yon ay nakita ko ang lalaking kanina ko pa hinihintay, naglalakad sa labas habang kasama ang tao na labis kong kinamumuhian.

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Hunter. Kitang-kita ko kung paano nagtatakbo si Damian papasok ng Pure Teacup upang lumapit sa akin kaya ganoon na lang ang pagkagulat ni Hunter nang makita siya.

“Bakit kasama mo ang isang ’to?” tanong sa akin ni Damian. Sinubukan niya pa akong hawakan sa aking braso upang ilayo kay Hunter ngunit pinigilan ko siya.

Nakita kong pumasok na si Winsor sa loob ng shop at saka tumayo sa gilid ni Damian.

“Bakit? Bawal ba? Ni hindi nga kita tinanong kung bakit kasama mo ’yang ahas na ’yan,” sabi ko sabay turo kay Winsor na nasa tabi niya  Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila dahil sa mga sinabi ko. “After waiting for three hours straight, ito pa ang ipapakita mo sa akin, Damian?”

“No. Let me explain!” pag-alma niya. Mahahalata na sobra siyang natataranta.

“Lagi naman kitang pinagpapaliwanag pero ano? Patuloy mo pa rin akong sinasaktan. Alam mo, wala na talagang pag-asa pang masalba ang relasiyon nating dalawa, Damian. Tanggapin na lang natin na hanggang dito na lang talaga tayo.” Hinarap ko si Hunter at sinenyasan. “Tara na. Ayaw kong gumawa ng eksena rito. Tama na, Damian. Tigilan mo na ako sa mga paliwanag mo—” pinutol ni Damian ang pagsasalita ko.

“Nasa ICU na ang anak ko, Keifer. Kailangan kong pumili kung pupuntahan ba kita rito o mas uunahin kong kausapin si Shina sa telepono para makibalita sa lagay ni Dama. Pasensiya kung mas pinili ko ang anak ko, Ki.”

Tila ba nawalan ng hangin ang mga baga ko. Natakot ako bigla para kay Dama. Alam ko ang pakiramdam ng may kapamilya na nasa peligro ang buhay. Hindi madali ang nasa ganoong sitwasiyon kaya matapos marinig ang mga sinabi niya’y humupa ang galit sa puso ko.

“Sana nag-text ka man lang na hindi ka na makakapunta sa oras na napag-usapan natin.” Medyo selfish ako sa parteng ito pero mas okay na ring nasabi ko sa kaniya kaysa kimkimin ang galit at inis sa pakiramdam na pinaasa niya lang ako.

“Simula noong tumawag sa akin si Shina ay hindi ko na naibaba pa ang tawag kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na iupdate ka pero maniwala ka, Keifer, gustong-gusto kitang puntahan dito pero mas kailangan ako ng anak ko. Nandito ako para magpaalam sa ’yo dahil uuwi na ako sa probinsiya para puntahan si Dama.”

Nabingi ako sa mga sinabi niya. Parang makailang ulit na dinikdik ang dibdib ko dahil sa mga huling salita na lumabas mula sa kaniyang bibig. Akala ko ba’y galit ako sa taong ito pero bakit parang ayaw ko siyang paalisin? Gusto ko siyang yakapin at pigilan sa balak na pag-alis. Gusto kong nandito lang siya sa tabi ko. Napaisip tuloy ako kung ganito rin kaya ang nararamdaman niya gayong malapit na akong umalis ng bansa? Ang sakit din pala.

Marahan akong tumango-tango kahit na taliwas ito sa gusto kong mangyari.

“Mag-iingat ka.” Humanga ako sa sarili ko dahil nagawa kong sabihin sa kaniya ’yon nang diretso, hindi nauutal.

Tumalikod na ako sa kanila. Ni hindi ko na naalala pa na kasama ko si Hunter. Ang nasa isip ko lang ay gusto kong makalayo sa lahat. Ang mga hakbang ko ay unti-unting naging malalaki hanggang sa makita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo. May ilan pa akong nabunggo. Ang buong akala ko’y nakalayo na ako sa kanila hanggang sa maramdaman ko ang kamay na humila sa akin pabalik. Tila ba naging slowmo ang lahat hanggang sa makita ko ang sarili sa loob ng malalaking bisig ni Damian. Doon ay dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso niya. Ang init ng yakap niya ay naghatid ng seguridad sa akin. Unti-unti ay ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pagragasa ng luha sa aking mga pisngi.

Hindi na kailangan pang mag-usap. Hindi na namin kailangan pang ibuka ang mga bibig upang magpaliwanag sa isa’t isa. Sapat na itong yakap niya upang patunayang mahal ko pa rin ang lalaking ito. Siguro nga ay pinagtagpo kami sa maling oras at maling pagkakataon. Kung hindi man ngayon, sana ay dumating ang panahon na maumpisahan naming muli ang pag-iibigang hindi pinahintulutan ng tadhana at kapalaran.

Hinayaan kong gumalaw ang aking mga kamay upang tumugon sa init ng yakap niya. Patuloy lang sa pagpatak ang aking mga luha, nangungulila sa taong pilit kong kinakalimutan pero hindi ko pa rin kaya.

“I miss you, love,” at sa unang pagkakataon simula noong naghiwalay kami ay natawag ko siyang muli sa palayaw na kami mismong dalawa ang namili.

*

Siguro naman kahit papaano’y nabawasan ang pagkainis niyo rito kay Damian. Kahit na hindi ba mawari kung red flag of green flag ba talaga ang sekyu na ito. I just want to remove the stains on his name somehow. Ang hirap talaga i-redeem ng sarili oras na masira ka na sa kanila.

Sekyu’s final chapter is near to come. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyo sa walang sawang suporta at pagmamahal niya kay Keifer at Damian. See you on the next update!

-kuyasen

53: Tahanan

I guess no more explanation for the chapter’s title. Tahanan is home, a place where our hearts belong.

.

.

.

.

.

*

KEIFER

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa sumapit ang huwebes. Hindi pa rin ako makapaniwala na bukas na ang flight namin ni Tito Kris. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko na aalis na talaga kami ng bansa. Naiayos ko na rin ang mga gamit ko ngayon sa isang maleta dahil kailangan na naming umalis ni tito para lumuwas ng Maynila at mag-check in doon sa isang hotel.

“Ayos na ba ang mga dala mo, Keifer? Wala ka na bang nakalimutan?” sabi ni Tito habang inaayos ang sleeves ng kulay asul niyang polo. Nandito kami ngayon sa k’warto. Kanina pa ako nakaayos at siya na lang talaga ang hinihintay ko.

“P’wede pong makahingi ako ng tatlong minuto, Tito? Iikutin ko lang ang bahay at magpapaalam na rin dito,” sabi ko sa kaniya.

“Go on,” sagot nito sa akin kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis kong pinuntahan ang bawat sulok ng bahay. Nang makapasok ako sa k’warto nila nanay at tatay ay naupo ako saglit sa kama nila at saka marahang hinagod ang kamay ko sa sapin nito. Inilibot ko rin ang tingin, inaaral bawat sulok ng silid. Hindi man napuno ng saya ang pananatili ko rito sa loob ng dalawampung taon ay masasabi kong mapalad pa rin ako’t meron kaming bahay na maituturing. Hindi man kasing ganda ng bahay ibang bahay sa labas ay masaya pa rin ako’t dito ako nakatira kasama ng mga magulang ko.

Lumabas ako ng k’warto at nilibot ang sala. Nakangiti kong tinungo ang k’warto kung saan naroroon si Tito Kris.

“P’wede ba akong magrequest sayo, Tito, bago natin puntahan sila nanay at tatay? Last na request na po ito,” sambit ko, nahihiyang ngumiti dahil sa dami ng demand ko.

“No problem. Ano ba ang request ng paborito kong pamangkin?” tanong niya.

Tumawa ako. Ako lang naman ang nag-iisa niyang pamangkin, e. Palabiro talaga si Tito.

Sinabi ko sa kaniya ang request ko na sinang-ayunan niya naman agad kaya hindi mabura-bura ang ngiti sa aking labi.

Dala ang maleta ko ay sabay kaming lumabas ni Tito ng bahay. Tig-isa lang kaming maleta na dala. Konting gamit lang din kasi ang inayos ko kagaya ng sinabi niya sa akin noong nakaraang araw.

Ako na ang nagpresintang magkandado ng pinto. Maluha-luha ako habang kinakabit ang lock nito. Mami-miss ko talaga ang bahay na ito. Hindi lang ang mismong bahay kundi ang mga ala-alang nabuo namin sa munting barong-barong na ito.

Nag-umpisa na naming baybayin ang daan papunta sa high way at dahil madadaanan namin ang guard house ay pansamantala akong huminto rito. Wala si Mang Jerry dahil panggabi ang duty niya. Miski si Damian ay wala rin. Resign na ito at nalaman ko lang din kay mang Jerry ang balita. Siguro ay hindi na babalik si Damian dito dahil mas kailangan siya ni Dama sa probinsiya. Sayang lang at hindi natuloy ang balak naming pagbisita sa kanila. Hindi ko man lang tuloy nayakap si Dama bago ako umalis, pati na rin siyempre ang tatay niya.

“Kuya,” pagkuha ko ng atensiyon doon sa bagong guard na nakaduty ngayon. Ito ’yong guard na mukhang masungit na naka-duty noong mga lumipas na araw.

“Good afternoon, sir,” bati niya sa amin ni Tito.

“P’wede pong bang makiabot niyo ito kay Damian? Alam ko pong oarang imposible pero baka sakaling bumalik po siya ulit,” paliwanag ko habang inaabot ang isang sobre. Sulat kamay na mensahe lang ang laman noon. Hindi ko alam pero mas maganda ang ganitong klase ng komunikasiyon kaya kahit na p’wede ko naman iparating sa kan’ya ang gusto kong sabihin sa pamamagitan ng text ay hindi ko ginawa. Imposible rin naman na bumalik siya ngayon kaya siguradong hindi niya na mababasa pa ang laman ng liham ko para sa kaniya.

Tinanggap niya ito sa akin at ngumiti. Mukha naman palang mabait ang isang ’to.

“Sige, Sir. Makakarating po sa kaniya. May lakad po yata kayo? Mag-iingat po kayo,” sabi pa nito.

Nagpaalam na kami sa kaniya. Lumapit na ako kay Tito upang bumalik sa paglalakad.

“Talagang gumawa ka pa ng liham para kay Damian? Mahal mo pa siya, ’no?” tanong ni Tito na sinagot ko lang nang pagngiti.

Nang marating namin ang highway ay may naghihintay na sa aming taxi. Tinulungan kami ng driber na ilagay ang mga bagahe namin sa compartment ng taxi. Pumasok na rin kami matapos mailagay ang mga ’yon.

“Kamusta naman kayo ni sekyu? Anong balita sa inyong dalawa?”

Simula noong tagpo namin ni Damian sa SM noong lunes ay hindi na ako nakatanggap pa ng tawag o text mula sa kaniya. Sigurado akong nandoon na ’yon sa kanilang probinsiya, inaasikaso si Dama.

Itinapon ko sa labas ng bintana ang aking tingin at saka ngumiti. “Ayos na kami, Tito,” sabi ko at saka ibinalik sa kaniya ang aking atensiyon. “Minsan pala ay hindi na natin kailangan pang magsalita para lang iparating sa isang tao ang tunay na nilalaman ng ating puso. Sapat na ang mga ginagawa natin upang maipahayag lahat ng gusto natin sabihin sa kanila.”

Suot ang pinakamagandang ngiti sa labi, muli kong ibinalik sa labas ng binta ang tingin ko.

“Kagaya nga ng sinabi mo sa akin tito, I need to learn to forgive. Malaking bigat ang nawala sa dibdib ko noong natutunan kong tanggapin ang pagkakamali na nagawa ni Damian. Sana ay magkita kaming muli oras na p’wede na, iyong hindi na nakahadlang pa ang tadhana.”

Bukas pa rin naman ang puso ko na tanggapin siya. Hindi man ngayon pero alam kong darating ang oras na magiging handa ulit akong ibigin siya. Hindi ko naman kasi kayang turuan ang sarili na hindi mahalin ang isang Damian. Mabait siya, magalang, masipag, g’wapo at napaka-maskulado pa. Nasa kaniya na lahat ng gusto ko sa isang lalaki. Bubuoin ko muna ang nasira niya para kapag dumating ang oras na p’wede na ulit ay handa na akong harapin lahat ng hirap at problema na maaaring dumating sa relasiyon naming dalawa.

Naging tahimik na ang biyahe namin hanggang sa naisipan kong kuhanin ang cell phone ko upang gumawa ng mensahe para kay Damian.

Nakangiti kong pinindot ang send button. Balak ko pa sanang magpahabol ng mensahe pero binura ko rin ito at hindi na sinend pa.

Baka isipin niyanh mahal na mahal ko pa rin siya, kahit na totoo naman talaga.

Mayamaya pa’y huminto ang taxi sa harap ng memorial. Pinakiusapan namin saglit ang taxi driber dahil meron lang kaming balak daanan bago bumalik sa biyahe. Nagulat naman ako sa driber nang may iabot siya sa aking bouquet ng white tulips.

“Pinabili ko sa kaniya noong nagpa-booked ako ng taxi,” komento ni Tito Kris nang maiabot sa akin ng driber ang bulaklak.

“Thank you po. Thank you, Tito,” sabi ko sa kanila at saka mabilis na lumabas ng sasakyan.

Sumunod sa akin si Tito Kris. Hindi naman malayo ang puntod ni Gio kaya saglit lang ay narating na namin ito.

Inilapag ko ang hawak na bulaklak sa puntod ng nakababatang kapatid at saka isinuot ang pinakamagandang ngiti na maaari kong ipakita sa kaniya.

“Tingnan mo kung sino ang kasama ni kuya, Gio!” tuwang-tuwa kong sabi sa puntod nito na para bang nandito lang si Gio at kasama namin. “Si Tito Kris, siya ang bumili ng flowers mo.”

Nakita kong ngumiti si Tito sa kaniya. Naupo naman ako sa tabi ng puntod nito at marahang hinaplos ang pangalan niyang nakasulat sa marmol na lapida.

“Magpapaalam lang si kuya. Pupunta lang ako sa malayo kasama si Tito Kris. Medyo matatagalan ulit bago ako makabisita sa ’yo pero pinapangako kong babalik si kuya,” sabi ko pa. Agad kong pinunasan ang nangingilid na luha sa mga mata. Miss na miss ko na ang kapatid ko. Noong nawala siya, nawalan na rin ako ng kakampi kaya sobrang hirap para sa akin tanggapin na wala na siya.

“Hindi na kami magtatagal dahil aalis na rin kami. Babalikan kita ng kuya, Gio. Miss na miss na kita.”

Hindi p’wedeng magtagal kaya kahit gusto ko pang manatili rito ay nagpaalam na ako agad sa nakababatang kapatid.

Sabay kaming bumalik sa taxi ni Tito Kris. Alam kong ramdam niya ang bigat ng hangin sa paligid dahil sa mga nasaksihan. Hindi naman na nagtanong si Tito dahil alam niya naman ang mga nangyari noong nawala si Gio. Nandito siya noong inilibing ang kapatid ko kaya saksi siya sa pagluluksa ko ilang taon na ang nakakaraan.

Itong taxi rin na ito ang sasakyan namin patungo sa Maynila kaya nagpahintay na lang kami sa kaniya nang marating namin ang ospital kung saan naka-admit si tatay.

Nang makapasok sa silid nila sa ospital at nang makita ko si nanay ay agad ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap. Hindi ko na napigilan ang sarili na umiyak nang marinig ko ang mahina niyang paghikbi sa mga bisig ko.

Humiwalay si nanay sa aking yakap, inaral ang bawat parte ng aking mukha. Nakuha niya pang haplusin ang mga pisngi ko na kalaunan din ay pinaulan niya ng mga halik.

Parang pinupunit ang puso ko habang pinagmamasdan siyang umiiyak. Nakangiti si nanay kahit na kitang-kita ang lungkot sa kaniyang mga mata.

“Mag-iingat ka ro’n, ah? Huwag maging pasaway kay Tito Kris mo,” paalala sa akin ni nanay. Sinagot ko siya nang pagtango at ng isang matamis na ngiti. “Huwag lagi magpuyat. Matulog ng maaga. Iwasan mo ang mapabarkada sa mga siraulong kabataan doon. Hangga’t maaari ay umiwas ka sa gulo, anak. Tulungan mo rin si Tito mo sa mga gawaing bahay. Alam ko namang mabait ka kaya hindi na ko magpapabaon sa ’yo ng mga pangaral. Mahal na mahal kita, anak ko. Huwag kang makakalimot tumawag sa amin dito, ah?”

Pinunasan ko ang mga luha ni nanay kahit na patuloy ring umaagos ang mga luha ko. Yumakap muli ako sa kaniya saka ko nilapitan si tatay.

“Hi, ’tay,” bati ko sa kaniya. Pinagmasdan ko siya na tila ba nahihimbing lang sa higaan niya. Kahit na sinabi na noon ng doktor na maliit ang tiyansa na magising si tatay ay umaasa pa rin ako. Umaasa pa rin akong magiging ayos din ang lahat.

Marahan akong yumakap sa kaniya bilang pamamaalam. “Aalis na muna ako, ’tay. Gumising ka na riyan, ah? Napakarami mo nang nakaligtaan dito,” bulong ko sa kaniya.

Nilaan ko ang natitirang minuto na kausap ang mga magulang ko. Hanggang sa tawagin na ako ni Tito Kris upang magpatuloy sa biyahe naming dalawa.

Hinatid kami ni nanay sa labas ng ospital. Humabol pa ako ng yakap sa kaniya bago ako pumasok sa taxi.

“Mag-iingat kayo palagi,” sabi ni nanay habang kumakaway.

Tumango-tango lang ako sa kaniua, hindi mapigilan ang sarili sa pag-iyak.

“Gawin mo lang sila na inspirasiyon mo, Keifer. Mabilis lang ang apat na taon, pagbalik mo rito ay successful ka na. Doon ka bumawi sa kanila. Give them the life they deserve,” sambit ni Tito.

Nilingon ko siya at hindi ko na pinigilan pa ang sarili na yumakap sa kaniya.

*

Nanatili kami sa isang hotel ni Tito Kris malapit sa airport. Bukas pa ng alas siyete ang flight namin kaya kailangan talaga naming mag-check in sa isang hotel para hindi kami magahol kinabukasan.

Kahit na pagod ang katawan ko dahil sa biyahe ay hindi ko nagawang makatulog. Patuloy lang na lumilipad ang isip ko buong gabi. Nakahiga ako, nakapikit pero hindi man lamang ako dinalaw ng antok. Sa katunayan ay komportable ako sa hinihigaan, nandoon lang na kung saan-saan ako dinala ng aking isipan.

Nang tumunog ang alarm ko ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Naligo agad ako’t nag-asikaso. May room service ng almusal kaya kahit madaling araw pa lang ay may nagdala na ng pagkain namin.

Nang mayari maligo si Tito at makapagbihis ay sabay na rin kaming kumain. Hindi ko maiwasang hangaan ang ganda ng lugar dahil ngayon pa lang ako nakapasok dito. Ang sarap din ng pagkain kaya sulit.

Nang mayari ay nagsipilyo na rin ako at naghanda para sa paglabas namin.

Nang makalabas ng hotel ay pumara lang ng taxi si Tito para maihatid kami sa mismong airport. May mga dala kasi kaming maleta at alam kong ayaw niyang lakarin ang distansiya noon sa hotel namin. 5:46 am pa lang naman. Sabi nga nila ay maganda nang maaga ng ilang oras kesa tutukan.

Nang makarating kami ro’n ay nagdiretso kami agad sa check-in counter para timbangin ang dala naming maleta. Pasok naman ito sa bigat kaya hindi na namin kailangan pang ibigay sa baggage drop counter. Pagkayari ay nagtungo na kami sa security check upang ma-scan ang dala naming maleta, ganoon na rin kami. Ang akala ko ay tapos na nang makalagpas kami sa security ngunit pinapila naman kami sa immigration. Doon ay pinakita namin ang passport namin at boarding pass. Hindi ko naman inaakala na may interview portion pa pala na magaganap. Mabuti na lang at naipasa ko ito at na-approved ako sa immigration. Ito ang unang pagkakataon ko rito kaya sobrang saya ko na hindi ako pumalya sa mga tanong noong babae kanina.

Nang mayari doon ay hinahanap na namin ni Tito kung saan ang gate na nakalagay sa aming plane ticket. Mas napagod pa ako sa mahabang proseso rito kaysa sa mahabang biyahe namin kagabi.

“We will wait here. Be attentive to the boarding announcements. They will announce the flight number and our destination, so don’t miss it or you’ll be sorry,” sabi sa akin ni Tito Kris kaya tinanguan ko lang siya.

Lumipas ang mga oras. Hindi ako mapakali. Hindi naman kasi nalalayo ang waiting area sa departure gate kaya kitang-kita mula sa kinauupuan ko ang mga tao sa labas, mga tao na naghatid sa mga mahal nila sa buhay. Puro OFW ang nakikita ko rito. Maraming nag-iiyakan, nagyayakapan, sinusulit ang mga natitirang oras kasama ang pamilya nila.

This is where I proved that airports have seen more sincere kisses and hugs than wedding halls.

At isa ako sa umaasang makikita siya sa dami ng mga taong nagpapaalam sa kabilang dulo ng lugar na kinaroroonan ko.

Pero sino ang niloko ko? Malayo si Damian sa akin at napakalabong pumunta siya rito para lang makita ako bago umalis kaya naman isinantabi ko na lang ang kahibangan at naghintay sa pag-anunsiyo ng aming flight number sa boarding announcement ng airport.

Ilang minuto lang ang hinintay nang marinig ko ang pakay namin, bagay na nagpaguho sa natitirang pag-asa sa puso ko.

“We are now inviting passengers in zone 1 to board flight AA 5678 to California. Please have your boarding pass and identification ready and proceed to the gate. Thank you.”

Naunang tumayo si Tito Kris kaya sinundan ko lang siya at bago ako maglakad ay sumulyap muna ako ng tingin sa labas.

Natigilan ako nang makita ang usang pamilyar na lalaki ro’n sa departure area. Parang unti-unting nabuhay ang pag-asa sa puso ko. Nagawa ko pang kusotin ang mga mata dahil baka namamalik-mata lang ako ngunit nang kumaway siya sa akin ay nakumpirma kong si Damian nga ito.

Binitawan ko ang hawak na malate at balak ko na sanang tumakbo papalapit sa departure gate nang magsalita si Tito Kris.

“Once you leave this area, you can’t return. You’ve already gone through a long process of security checks and immigration. Once you cross the gate of departure area, you are prohibited from coming back, and that will likely cancel your flight, Keifer.”

Nahinto ako at nanigas sa aking kinatatayuan. Para akong nabato sa realisasiyon na hindi ko na maaari pang mahagkan si Damian.

Mabigat man sa aking dibdib ay sinunod ko ang sinisigaw ng aking puso. Binitawan ko ang maleta ko at nagtatakbo patungo sa departure area ngunit huminto ako nang nasa mismong gate na ako.

Mas naging malapit na ako kay Damian at sapat na ito upang magpaalam sa kaniya. Hindi ko man siya mayakap ay nakita ko naman siya sa huling pagkakataon bago ako umalis ng bansa. Hindi ko p’wedeng sirain ang napag-usapan namin ni Tito kaya makikinig pa rin ako sa mga sinabi niya.

Nakita ko si Winsor sa likuran niya pero hindi ko na ito masiyado pang pinaglaanan nang pansin. Itinaas niya ang hawak na cell phone at itinuro sa akin kaya kinuha ko ang cell phone sa aking bulsa. Lumitaw ang salitang Love ko sa screen nito tanda na tumatawag siya kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin ito.

“Hi,” umpisa ko, hindi pinuputol ang tinginan namin ni Damian. Napakaraming tao ngunit tila ba siya lang ang nakikita ng aking mga mata. May mga dumadaan pero hindi iyon naging handlang upang makita ko nang maayos ang napaka-g’wapong mukha ni Damian.

“Na-late pala kami. Sayang at hindi na pala p’wedeng pumunta diyan para sana makahirit ako ng yakap bago ka umalis,” sabi niya sa kabilang linya. Tumawa pa ito ng bahagya kahit na dama ko ang lungkot sa tawa na ’yon. “Huwag mong tatangkain na lumiban dito sa kabila para lang puntahan ako. At least naabutan kita bago ka pumasok sa eroplano.”

“Paano ka nakapunta rito?” tanong ko.

“Pinagmaneho niya ako,” sabi niya sabay turo kay Winsor.

Aaminin kong nakaramdam ako ng bahagyang pagkainis ngunit nagpapasalamat pa rin ako na gumawa siya ng paraan para maihabol si Damian sa akin ngayon.

“Mag-iingat ka sa US, ah? Huwag kang makakalimot na tumawag o mag-text man lang sa akin,” sabi niya pa.

Tumango-tango ako. “Ikaw lang naman ang hindi marunong mag-reply, e.”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. “Marami lang ganap nitong mga nakaraang araw pero huwag kang mag-alala, babawi ako sa mga pagkukulang ko.”

“Sus,” iyon lamang ang nasabi ko sa kaniya. Nakakatuwa lang na kahit sa cell phone ko siya kausap ay tila ba magkaharap lang kaming dalawa.

“Nga pala,” sabi niya at saka inilabas ang isang sobre sa kaniyang bulsa. “Binigay ni Hipolito ro’n sa guard house. Galing raw sa ’yo, e. Pinuntahan ka muna kasi namin sa bahay niyo pero hinarang niya kami nang makita niya ako. Binigay niya pa ito.”

“Nabasa mo na?” tanong ko habang unti-unting nararamdaman ang pag-init ng nga pisngi dahil sa hiya.

Marahan siyang tumango sa akin. Parang sasabog tuloy ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Nabasa niya na lahat ng mga nakasulat doon kaya pala iba ang ngiti niya ngayon. Sobrang puno nh kumpiyansa.

Nakakahiya ka, Keifer!

“This is the final boarding call for flight AA 5678 to California. All remaining passengers should now proceed to the gate immediately. Thank you.”

Nahinto ako dahil sa boarding announcement na ’yon. Biglang nangilid ang mga luha sa aking mga mata at kahit na nilabanan ko’y bigla na lamang pumatak ang mga ito.

“Naghihintay ang tito mo. Sige na. Bumalik ka na ro’n.”

Ngumiti ako kay Damian at saka nagpahid ng mga pisngi.

“Lagi mong tatandaan na kahit ilang kilometro pa ang layo mo sa akin, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Maghihintay ako sa pagbabalik mo, love. Mag-iingat kayo sa biyahe niyo. I love you.”

“I love you too,” ngunit hindi niya na ito narinig pa dahil maaga niyang pinutol ang tawag. Nakangiti siya sa akin ngunit taliwas ito sa nakikita kong emosiyon sa kaniyang mga mata.

Marahan akong tumango sa kaniya at kahit mabigat ang aking kalooban ay tumalikod na ako sa kaniya.

Bawat hakbang ay pabigat nang pabigat hanggang sa makalapit ako kay Tito Kris.

“Handa ka na?” tanong nito sa akin.

Marahan akong tumango sa kaniya. Hindi ko na naisipan pang lumingon muli kay Damian dahil baka kung ano pa ang pumasok sa isipan ko. Hawak ang mga salitang binitawan niya, sabay naming tinahak ni Tito ang daan patungo sa eroplano. Ang buong akala ko ay mapapanindigan ko ang hindi lumingon kay Damian ngunit hindi pala.

Nang maipakita ko ang passport at boarding pass ko sa gate agent na nasa entrada ng jet bridge ay humabol pa ako ng tingin kay Damian. Kahit malayo ay malinaw kong nakita ang matingkad niyang ngiti. Kumakaway siya sa akin bagay na nakapagpanatag ng puso ko.

Ngumiti ako sa kaniya. Babalikan kita. Hindi ito ang huli nating pagkikita.

Bago magpatuloy ay kumaway muna ako kay Damian. Mami-miss ko ang sekyu na ito. Sobra-sobra.

*

Is this the end of DaKi love team? Will the ship stop sailing? ;(

See you on the epilogue.

-Kuyasen

Epilogue

Play the song on spotify for better reading experience.

. . . . . *

KEIFER

The blissful days had passed like swirl of a whirlwind here in Los Angeles, California. It has been three weeks since I left the Philippines. Sa tatlong linggo na lumipas, napakaraming bagay na agad ang nangyari.

Tito Kris enrolled me in a prestigious univerisity here in LA. Mendeleev Academy is a well-known university here in California for producing engineering professionals. Kahit na engineering courses ang dominante rito ay mas pinili ko pa rin ang nag-iisang education program na offer nila at ito ay ang Bachelor of Secondary Education major in English. My heart always holds a special place for children.

I also got my license in my first two weeks here and, of course, underwent a long process of driving lessons before I could drive a car. Hinayaan ako ni Tito na gamitin ang Honda Civic niya sa araw-araw na pagpasok sa school. He has two cars in the garage, and the other one is much more luxurious than the Honda Civic. Ang akala ko nga ay simpleng bahay ang naghihintay sa amin dito ngunit nagkamali ako. This place is nothing less than a mansion, with a huge terrace and numerous rooms. The kitchen is fully equipped with all the essentials, and the refrigerator is double-door too! The mansion has a balcony upstairs with a leisure room. It’s like living in a dream, not to mention that we have a pool in the front yard and a small greenhouse garden just meters away. I never thought I would experience this kind of thing in my life. Hindi ko inaakalang posible pala ang lahat ng ito.

In my first three weeks, I needed to attend an online class about english enhancement. Since it was connected to my program at school, I didn’t hesitate to agree with Tito Kris about it. Every night, at exactly 7 PM to 8 PM the english class would begin. Gabi-gabi akong nasa klase dahil para sa akin din naman ito. It helped me a lot in expanding my vocabulary. Alam kong hindi ako ganoon ka-confident sa aking english speaking skills lalo na noong nasa Pilipinas pa ako, but since this is the native language here, I might as well learn it to avoid language barriers.

I need to go to school from Monday to Friday, 8 AM to 4 PM. I attend the online English class from 7 PM to 8 PM, then driving school every Saturday and Sunday. That’s how my three weeks went in this place.

People here are welcoming. I actually felt at home because of our neighbors’ warm welcome, and they are really tall. Para akong nakikisalamuha sa mga poste rito. I am just 5’7“ tall while most of them here are 6 feet or taller.

Since I was a transfer student at Mendeleev Academy, I really needed to adjust to the new environment and culture. I met bullies at school, which is not new to me. Mabuti na lang ay meron pa ring nagtatanggol sa akin sa katauhan nina Therese and Timothy, my new friends. Good thing we also live in the same town here in Downtown Los Angeles. They defended me a lot of times at school. Marami kasi sa mga kano ang homophobic at kulang sa pansin. I’m so glad these two accepted me for who I am. No buts, no questions asked. I just feel loved by them. Therese is a Filipino-American based in the USA. She knows how to speak a bit of Tagalog, while Timothy is a native American citizen. Nasabi ko na bang mag-jowa sila? Yes, they are in a relationship. My favorite lovebirds of all time. They just remind me of us. . . of him.

Lagi kong kausap si nanay sa messenger simula noong nakarating kami rito. I wake up every day at 6 AM just to call her. 16 hours interval kasi rito at sa kanila kaya kailangan kong mag-alarm ng ganoon kaaga para makausap lang siya araw-araw. 6 AM here is 10 PM in the Philippines.

It might look like a very hectic schedule for everyone, but for me, it’s just a normal daily routine. Puno man ang oras ko ng mga dapat gawin, sinisigurado kong wala rin akong nakakaligtaan kahit isa sa mga ito, kahit na siya.

Since I left the Philippines, we always have late-night talks or early morning Messenger chats. We rarely do FaceTime or video calls, but we always find time to exchange messages. Kamustahan na may konting k’wentuhan. I don’t know, but it excites me every time I receive a simple message from him. Para akong high school student na nakikipag-textmate sa crush niya. We’ve done two video calls before. The first one was after Dama’s successful kidney transplant surgery, and the second one was when he went to Manila to check on my parents. I really find it so adorable. Lumuwas pa siya ng Manila galing sa probinsiya para lang bisitahin ang mga magulang ko, pero hindi lang doon natapos ’yon. He even asked my parents formally for their permission to court me again. After that call, hindi ko na ulit tinangka na sagutin ang mga tawag niya sa akin. Pakiramdam ko kasi ay kasing pula ako lagi ng kamatis sa tuwing naaalala ko ang bagay na ’yon. Nanay kept on teasing me through our video call after that incident. Nakakakilig na nakakahiya.

“Keifer. Knock-knock.”

Napalingon ako sa pinto ng k’warto ko. Bahagya naman itong nakabukas kaya nakita ko agad si Tito Kris na nakatayo roon.

He leaned on the door frame, crossed-arms and he looked at me with such admiration in his eyes.

“Are you ready?” he asked me while smiling.

“Hindi ka na ba talaga sasama, Tito?” sabi ko sa kaniya, umaasang mabago ko pa ang isip nito.

Every year, on the 14th of December, a huge bonfire party is celebrated here in City Square Downtown. Naikwento sa akin ni Tito na sinisindihan ang malaking bonfire na ito tuwing sumasapit ang hating-gabi para salubungin ang anibersaryo ng lugar kung kailan nabuo ang sibilisasyon ng komunidad dito. Alongside the bonfire, there is also a fireworks display, which has become a tradition. Everyone is invited. We were even visited by locals who formally gave us the invitation. One of the requirements for the party is to wear a costume. Any costume will do. Of course, my Tito is always prepared. He bought me a panda costume. I like it because it’s winter season here, and it’s very cold outside, so this thick costume will help keep me warm. The whole head is a panda, and I can breathe and see through the see-through fabric in the eyes and mouth part of the costume.

Dahan-dahan ay umiling si Tito Kris sa akin.

“We have a lot of visitors later, Keifer. I still need to cook my special roast turkey. I can’t attend the party, which is why I want you to go and meet new friends. It’s your first bonfire party here, so better not miss it,” he said, smiling.

Kanina pa ako nakaayos ng sarili ko. I also wore my panda costume and and waited for Therese and Timothy to pick me up.

“It’s already 11:20 PM. Hindi ka pa ba susunduin noong dalawa? Gusto mo bang ipahatid na lang kita kay Sebastian?”

Agad akong umiling kay Tito dahil sa ideya niya. Sebastian is his personal driver. Ayaw ko naman nang makaabala sa matanda dahil susunduin naman ako noong dalawa. Aside from Sebastian, we also have two maids here, Deng and Raquel.

Three loud honks interrupted our conversation.

“I guess they are here, Tito,” sabi ko sa kaniya at saka mabilis na tumayo. Yumakap muna ako sa kaniya para magpaalam at saka mabilis na bumaba ng second floor.

“Hey there, love birds!” bati ko sa kanilang dalawa. As usual, Timothy was the one driving the car while Therese occupied the shotgun seat beside Timothy. The two of them dressed like the royal couple in palace. Timothy wore a fancy jacket with a cape and an old school pants. Paired it with a hat. Therese on the other hand wore a long, elegant blue dress with puffed sleeves. She has a unique feather headdress that makes up her whole outfit. Ang ganda nila tingnan. Bagay na bagay!

“Woah. Baymax! What a cute outfit!” bati sa akin ni Therese. Dahil walang bubong ang kotse ni Tim ay nagawa pang maupo nito sa sandalan ng upuan.

“It’s actually a panda, not Baymax,” natatawa kong sabi sa kaniya. “Baymax don’t have bowtie though,” I added, pertaining to my red cute bowtie on my neck.

“Sorry, girl. I thought you’re Baymax, but you killed the panda outfit. I like it!” she hyped me up.

“Thank you, and you two look like a royal couple,” bati ko naman pabalik.

“Romeo and Juliet. It’s her idea,” nakangiting sabi sa akin ni Tim.

“We already did Bella Swan and Edward Cullen of twilight last year. We better do something elegant and classy this time,” komento naman ni Therese. “Hop in, my homie, we are going to pick a hot bae for you,” she added which made me confused.

Sumakay na ako sa kotse nila sa likod na upuan. Excitement filled my heart while approaching the City Square. Natatanaw ko na ang kilalang landmark ng lugar dahil sa malaki nitong clock tower sa gitna ng City Square at hindi ko maiwasang maging masaya habang papalapit kami nang papalapit doon. Hindi naman ito gaano kalayo sa bahay na tinitirhan namin ni Tito. Tamad lang talaga ang mga kasama ko dahil ayaw nilang lakarin namin ang papunta ro’n.

Suddenly, the car stopped. Nagulat ako nang may sumulpot sa gilid na isang matipunong lalaki. He was wearing a hot punk party jocky costume. He only has a vest, revealing his broad chest and six-pack abs. Mas gusto ko pa ring pinagmamasdan ang abs ni Damian.

No one can beat him.

“Hello guys, hi Keifer,” bati nito sa amin.

“Meet Jack, he lives next door and yes, he has a secret crush on you, sweety,” sabi sa akin ni Therese dahilan para mamula ang mukha ni Jack. Sinuway naman ito ni Tim dahil sa kadaldalan.

“It’s supposed to be a secret, babe!” said Tim.

“Oh, sorry. Well, it’s not a secret anymore. Anyway, hope in Jack and don’t harass my homie back there or else I will kill you,” sabi pa ni Therese kaya naman namula na rin ang mukha ko.

These past few days, when they found out that I am single, these two have really loved putting me on blind dates. They’ve done it a couple of times before, but I never entertained any of them. They were wasting their time on this. Wala naman ako balak ipagpalit si Damian. They already knew about it. Ewan ko ba sa mga ito at malaki ang galit kay Damian nang malaman ang nagawa niyang kasalanan. Wala akong magagawa. Kahit sino naman kasi ay maiinis matapos makita ang boyfriend nilang nakikipaghalikan sa isang dinosaur, ’di ba?

“How are you, Keifer?” pagbasag ni Jack sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa.

“I’m all fine-shit.” Dahil sa sinabi ko ay nagawang maihinto ni Tim ang pagmamaneho ng kotse.

“What’s wrong?” he asked.

“Are you okay?” tanong naman ni Therese at saka tumingin ng masama kay Jack. “I told you not to-”

“No, no, no!” pigil ko sa kaniya dahil akma na nitong hahampasin si Jack sa mukha. Napaka-over protective talaga ng kaibigan kong ito. “I forgot the head costume! Can we go back home, please?” pakiusap ko sa kanila. Kaya pala sabi ni Therese ay Baymax ang costume ko dahil hindi ko pala suot ang head piece nitong panda costume na ito.

Mabilis kaming bumalik sa bahay ngunit nang huminto kami sa harap nito ay hindi ko maiwasang mapaisip nang makita ang hindi pamilyar na kotse na nakaparada sa gilid ng daan. Nandito na siguro ang sinasabing bisita ni Tito.

I shoved the idea away from my thoughts and excused myself from my friends.

“I’ll be quick,” sabi ko pa sa kanila.

When I entered the house, I was confused by the exchange of laughs I heard in the kitchen, so I followed my instinct to check who was there. The moment my eyes laid upon him, I froze on the spot.

“What are you doing here?” I asked, my hand clenched in anger.

Napalingon sila sa aking dalawa ni Tito Kris at kitang-kita ko ang gulat sa kanilang mga mata. Agad na umalis ang mga kasam-bahay sa kusina kaya naiwan na lamang kaming tatlo ro’n.

“Keifer, let me explain,” said Tito Kris as he immediately walked toward me.

“Anong ginagawa niyan dito, Tito?” sabi ko kay Tito Kris nang makalapit ito sa akin.

Tito Kris heaved a sign.

“He’s my suitor, Keifer. Winsor is my suitor.”

Para akong nabingi sa mga sinabi niya. Hindi ko magawang maprosesa lahat ng mga narinig ko mula kay Tito Kris.

“Let me explain. This is kind of complicated to understand, but hear me out,” sabi niya sa akin at saka ako hinala papunta sa sala. Iniupo niya ako sa mahabang sofa at saka siya tumabi sa akin. Winsor walked and sat in a separate sofa chair near me.

“Don’t get mad at him because I was the one behind all these,” pag-uumpisa ni Tito. Hindi ako sumagot sa kaniya at hinayaan lang siyang magsalita.

“Call me paranoid, but being part of the LGBT community has led me to realize that straight people only need us for their own sake-money, shelter, everything. And Damian is straight, Keifer. Natakot ako.”

“He loved me not because of money, Tito. Hindi kami mayaman, alam niya ’yon.” Hindi ko na napigilan pa ang magsalita. Agad na namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. This is too much for me to take in all at once. Parang sasabog ang puso ko. All along, it was my Uncle’s plan?

“I just wanted to protect you, so I ordered Winsor to test your relationship. I wanted to see his true motives, which is why Winsor suddenly came into the picture. Well, we really planned to help Dama with his surgery, but part of the plan was to test Damian.”

Bigla na lang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. “You ruined our relationship.” Those words almost came out as whisper. Basag na basag ang boses ko.

“No, no, Keifer, no, because we found out that Damian is not after your wealth. I just proved that he really loves you,” paliwanag ni Tito sa akin ngunit hindi ko magawang tanggapin lahat ng mga sinabi niya. He even wiped my tears just to stop me from crying. I unexpectedly shoved his hand away from me, which shocked both of us.

Bumuntong-hininga siya. “What you feel is valid. Go on and hate me, it’s all fine but I want to say that he’s here for you. Damian’s here for you.”

Marahil ay nakita ni Winsor na naguguluhan ako sa mga sinabi ni Tito sa akin kaya naman ay nagsalita na ito.

“Kris told me that you were already at the city square for the bonfire party, so I dropped Damian off there. Hindi ko naman alam na babalik ka pala rito,” sabi niya.

“Puntahan mo na siya ro’n. Malapit na ring mag-alas dose. You better not miss your first bonfire and fireworks party here in the LA,” tinapik pa ni Tito ang balikat ko.

Nag-uumapaw ang saya sa aking puso dahil sa mga narinig na impormasiyon mula sa kanila kaya naman mabilis akong tumayo upang pumunta sa aking kwarto. I picked my panda head costume and went downstairs. Bago ako lumabas ng bahay ay nagpahabol pa sa akin si Winsor.

“He’s wearing a brown bear costume. It has a read bowtie, just like yours,” nakangiti nitong saad.

I didn’t make any reply. Aligaga akong nagtatakbo palabas. Timothy, Therese and Jack seemed so surprised by how I look. Sino ba naman ang hindi magugulat dahil sa namumula kong mga mata mula sa pag-iyak?

“Are you okay, Ki?” asked Therese. She even held my hand.

I nodded while holding the huge panda head on my other hand. Ngumiti ako sa kaniya kasabay ng muling pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. “He’s here. Damian is here.”

Right after I said it, Tim immediately drove the car. Napakaraming tao sa City Square nang makarating kami. Iba’t ibang costume ang nakikita ko. I even saw a repetative panda costume like mine. Kung hindi lang dahil sa red bowtie na nasa costume ko ay marami akong makakaparehas. Kahit saan din ako tumingin ay marami akong nakikita na brown bear costume.

I went out of the car and roamed my eyes around.

“Sorry, Jack. The real lover is here. Go find another Keifer in the crowd,” dinig kong sabi ni Therese ro’n kay Jack. I feel sorry for him, but since the time they picked him up, I didn’t really want to give him hope, so it’s better to be like this.

“Girl, what are you waiting for? Look for him! Let your heart search for him!” nakangiting sabi sa akin ni Therese. Tumango-tango ako sa kaniya at nagsimula na akong magtanong-tanong. Dahil maraming bear costume ay kung saan-saan ako napapadpad.

Napansin ko na unti-unti nagtitipon-tipon ang mga tao papalapit sa malaking bonfire. There was also a man announcing through a mic, telling people the remaining time before the clock strikes 12 midnight.

“Let’s all count down from 10 . . . 9 . . . 8 . . . 7 . . . 6 . . .”

As the people slowly walked towards the huge bonfire, it made it easier for me to search for him. Alam kong sa puntong ito ay hinahanap niya rin ako.

“5 . . . 4 . . . 3 . . .”

Then I saw a bear from the other side, standing like a fine man. Even though he was wearing the head piece of it, the bowtie confirmed that it was the bear costume that I was looking for.

“2 . . . 1!”

They lit up the bonfire as the clock tower echoed throughout the village, reminding us that it was already midnight.

My eyes welled up with tears. Slowly, he removed his bear head costume, revealing the love of my life. The person I promised to spend forever with, the one who makes me feel cherished and adored. As our eyes met, I was reminded of how he showed me that life is more than just a journey-it’s an adventure filled with love and magic.

Kusang gumalaw ang mga paa ko. Seconds later, I found myself running to him. I dropped my panda head costume along the way and when the fireworks exploded in the air, Damian caught me in his arms, embracing me the warmth of his love.

Humiwalay ako ng yakap mula sa kaniya. My right hand was still embracing from his side while the other one slowly made its way to his soft cheek.

The beauty of the fireworks added more colors to my heart. People were cheering with so much excitement, making me feel like they were all happy for us, even though they were just celebrating because of the party.

I slowly studied his face, from his eyes down to his pointed nose, and then went to his alluring red lips.

“Hindi ka na late this time,” pabiro kong sabi sa kaniya. I could see the tears from his eyes.

“I miss you, love, “ he said.

“I miss you too,” I replied.

The different colors above the sky reflected off our bare skin. Nag-uumapaw sa saya ang puso ko dahil matapos ang halos isang buwan na malayo kami sa isa’t isa, hindi ako makapaniwalang nandito na siya sa tabi ko.

His hand gently wrapped around my waist while his other traced my cheek, slowly moving down to my lips.

“May I?” he asked softly.

“It’s all yours,” I replied, my smile unwavering, filled with love and admiration.

Napapikit ako nang dumampi ang malambot niyang labi sa aking labi. Bukod sa hiyawan ng mga tao ay sumasapaw din ang ingay ng mga paputok sa himpapawid.

When his lips parted from mine, I slowly opened my eyes. I saw tears streaming down his face, but his smile remained, full of love and tenderness.

Doon ko lang napansin na marami na palang tao ang nakapalibot sa amin. They were celebrating with us, cheering with all their hearts for our victory. Even Therese and Timothy joined the jubilant crowd. I had never felt this warmth before; it seemed like everyone was genuinely happy for our relationship.

Kahit na maraming nakatingin ay hindi ito naging hadlang upang maudlot ang saya na namumutawi sa aking puso. The fireworks subsided, and as everyone began to return to their activities, all of their attention suddenly turned to us.

Nakaramdam ako ng kaunting hiya dahil sa dami nang nakatingin. Mas tumahimik kasi ang paligid kaya naman binawi ko na ang sarili sa pagkakayakap ni Damian. Ang buong akala ko ay hihilahin niya na ako palayo sa mga tao ngunit laking gulat ko nang humuhod siya sa aking harapan.

Muling nag-ingay ang mga tao na nakapaligid sa amin dahil sa nasaksihan.

Slowly, Damian took out a small red box from his costume. Tears kept flowing from his eyes, and I knew they were tears of happiness.

“Maraming beses ko na itong na-practice sa Pinas dahil alam kong maraming kano dito at baka hindi nila maintindihan ang mga sasabihin ko kaya kung meron man akong masabing wrong grammar ay hayaan mo na lang, okay?” pabiro pa nitong sabi sa akin.

He opened the red small box and that revealed a ring.

“Will you be my partner for life?”

Mas lalong nag-ingay ang mga tao sa paligid namin hanggang sa magsabay-sabay silang sumigaw ng ‘Yes’ sa aming dalawa.

Tuluyan nang pumatak ang luha ko habang pinagmamasdan siya sa aking harapan, nakaluhod, matiyagang naghihintay ng aking sagot.

Who would have thought that this twink would find love in the midst of chaos? We met in a very unexpected way. Destiny tried to break us, and it somehow succeeded. Ngayon ko mapapatunayang, if you are destined to each other, everything will fall perfectly in the right place at the right time.

I know it will take me a lot of time to move on from the sin he committed before, but upon realizing that he was being tested, I came to the conclusion that he only did it to protect me from everything. Ako pa rin ang iniisip niya kahit na ikasira pa ito ng relasiyon naming dalawa.

Dahan-dahan ay tumango ako sa kaniya at sinabing, “Yes. I want to be your partner for life.”

He immediately put the ring on my finger and pulled me into a tight embrace. He even lifted me into the air as another set of fireworks exploded in the night sky.

Marahan niya akong ibinaba at saka niya inilabas ang isang sobre mula sa maliit na bulsa ng kaniyang costume.

“Hindi ko alam na posible palang ma-in love ang isang bear sa isang panda, tapos meron pa siyang liham para sa kaniya,” sabi ni Damian nang maiabot sa akin ang sobre.

He drew his forehead close to mine, and when our eyes locked, he smiled.

“Hindi naman pwedeng ikaw lang ang may liham sa ating dalawa kaya gumawa rin ako ng akin. I

love you, love, sobra-sobra,“ he said, making me feel bashful.

“I love you too, sobra-sobra,” I replied.

THE END

07.28.2024

Keifer’s Letter to Damian

*

Damian,

         Hindi ko alam kung paano makakarating sa ’yo itong liham ko na ito dahil pinakisuyo ko lang ito sa bagong sekyu ng front gate ng Beverly Heights, sa kapalit mo. Nagbabaka sakali lang ako na babalik ka at bibisita rito isang araw, para naman may matanggap ka mula sa akin at maisip mo ako. Siguro ay iniisip mo na ngayon kung bakit hindi ko na lang i-message o i-text sa ’yo ito. Pwede naman kasi ’yon, hindi ba? Siguro ay gusto ko lang na makita mo ang effort ko habang sinusulat ito. Bawat letra ng liham ay ikaw ang inspirasiyon ko. Nakakatawa dahil sabi ko, ayaw ko na, tama na, pero hindi pala ganoon kadali turuan ang puso na hindi magmahal. Nasaktan ako ng sobra dahil sa nangyari sa atin. Ni hindi ko alam kung paano makakausad gayong isa ka sa dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. Saksi ka sa lahat ng paghihirap ko, sa lahat ng pagsubok na aking pinagdaanan. Nagsilbi kang salbabida sa akin sa kitna ng karagatan kaya noong niloko mo ako, parang tinanggalan ako ng karapatang maisalba ang sarili dahil ang salbabida na kinakapitan ko ay tuluyan nang nabutas at nasira.

     Hindi ko ginawa ang liham na ito para saktan ka at ipaalam sa ’yo kung gaano mo ako nasira. Ginawa ko ito para maipatid sa ’yo na mahal pa rin kita, sobra-sobra. Kahit anong gawin kong taboy sa ’yo sa isipan ko ay patuloy ka pa ring bumabalik, nanggugulo. Ang kulit mo kaya sumuko na ako’t hinayaan na lang ikaw na tumambay sa isipan ko. Noong mga unang araw na naghiwalay tayo, parang nawalan ako ng ganang magpatuloy sa buhay. Ang hirap bumangon kada umaga na ikaw agad ang naiisip ko. Tuwing ipinipikit ko naman ang aking mga mata sa gabi ay mukha mo pa rin ang siyang nakikita ko. Nakakatakot dahil ganito pala ang pakiramdam nang magmahal.

       Siguro ay nasa US na ako oras na mabasa mo ang liham ko na ito. Gusto ko lang sabihin na ikaw pa rin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Siguro ay bubuoin ko muna ang sarili, unti-unti hanggang sa maging maayos na ulit ang puso para ’pag balik ko diyan sa Pilipinas ay mas handa na ako, mas matalino mag-isip at mas malakas ang loob harapin ang mga problema na maaari nating kaharapin dalawa.

          Hindi ko man nasabi ito sayo noon simula noong naghiwalay tayo pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. Alagaan mo ang iyong sarili. Hindi pa ito ang huli nating pagkikita.

Nagmamahal,

Keifer

Damian’s Letter to Keifer

*

Love,

         Nagmistula akong preso sa loob ng aking tahanan. Tila ba naging kulungan ang apartment ko noong nawala ka. Kahit saan ako tumingin ay ikaw lagi ang naaalala ko. Malinaw kong naririnig ang mga tawa mo sa mga corny kong jokes. Sa tuwing tumitingin ako sa kusina ay tila ba nakikita kitang nagluluto ng paborito kong ulam na sinigang. Sobrang nahulog ako sa pagiging maasikaso mo. Naiparamdam mo sa akin na importante ako, na kamahal-mahal ako.

          Ilang beses nang natapak-tapakan ang pagkatao ko sa pagiging Sekyu. Meron pa noon na tinutukan ako ng baril dahil hindi ko agad naitaas ang barrier ng gate. Ilang beses na rin akong naduraan sa mukha dahil sa akin napupunta ang init ng ulo nila kada umuuwi nang pagod sa trabaho. Sobrang baba ng tingin nila sa trabaho namin. Totoo nga ang sinabi ni Kuya Jerry, na marami ngang demonyo sa loob ng Beverly Heights, naturingang mayayaman pero asal hayop naman. Naalala mo ba noong araw na dinalhan mo ako ng ulam sa guard house? Noong umaga ay may sumampal sa akin na babae dahil nakawala ang aso nila at nakalabas ng subdibisiyon. Sinisisi nito kaming mga sekyu dahil hindi raw namin tinututukan ang pagbabantay ng lugar. Pati ba naman alaga nilang aso, kami pa ang titingin? Hindi ba responsibilidad na nila ’yon bilang amo ng alaga nila? Napagalitan ako ng Chief Area Officer namin dahil nag-report ’yong babae na ’yon sa kanila. Nasampal na nga ako, napahiya pa sa mismong assembly meeting. Kaya sobra na lang ang saya ko noong bumalik ka para magbigay ng ulam, bonus pa na sinabayan mo ako kumain. Ang lungkot kaya sa guard house dahil laging mag-isa, buti na lang simula noon ay lagi mo na akong binibisita. Araw-araw ay lagi akong excited pumasok dahil makikita kitang muli. Noong una ay akala ko’y normal lang itong nararamdaman ko ngunit sa tuwing umuuwi ka at iniiwan ako ro’n, hindi ko maintindihan ang sarili dahil sobra ang lungkot ko. Straight ako, Keifer. Gusto ko rin ng asawang babae, ng anak, ngunit ng makilala kita at maramdaman ang pagpapahalaga mo sa akin ay naisantabi ang pangarap ko na ’yon. Iniba mo ang pananaw ko sa pag-ibig. Ang akala ko’y hindi maaaring mahulog ang isang straight na lalaki sa isang bakla na kagaya mo pero napatunayan mo sa aking posible pala ito. Sa katunayan ay hindi bakla ang tingin ko sa ’yo, mas nakikita kitang kapares ng buhay ko.

          Ang init ng pagmamahal mo ang nagtulak sa akin na alagaan at protektahan ka. Sa tuwing nakikita ko ang natamo kong peklat mula sa saksak ng tatay mo ay naaalala ko iyong panahon na umiiyak ka, nakasiksik sa ilalim ng lamesa, takot na takot na maabot niya. Sabi ko sa sarili ko ay hindi kita hahayaang mapahamak niya. Handa akong isangga ang sarili para lang protektahan ka. Noong oras na masaksak ang palad ko, mas iniisip pa rin kita. Sobrang sakit para sa akin noon na makita kitang umiiyak, may galos sa pisngi dahil kamuntikan ka na niyang masaksak. Pangit siguro pakinggan pero masaya ako na nagagawa kong iparamdam sa ’yo ang seguridad mula sa aking yakap. Kaya nga siguro nag-sekyu ako ay para protektahan ka. . . habang buhay.

         Saksi ako sa mga pinagdaanan mo. Mas hinangaan kita dahil sa katatagan mo. Sa murang edad ay nagagawa mong tawanan ang pagsubok ng buhay. Pinalayas ka pa nga tatay mo at nakita kong oportunidad ’yon para mas mapalapit sa ’yo kaya inaya kitang tumira kasama ko. Sobrang saya ko noong pumayag ka. Pakiramdam ko ay sinagot mo na ako kahit hindi pa naman ako nangliligaw.

     Doon ko napansin na parang nag-aalinlangan ka dahil nabanggit ko na may anak at asawa na ako. Set up lang naman ’yon para magkaroon ng parent figure si Dama. Namatay ang kuya ko at ang ate ni Shina kaya kahit hindi naman talaga kami magkarelasiyon ay nangako kami sa isa’t-isa na kami ang tatayong magulang ng bata. Masaya ako na nalinaw ko ito sa ’yo. Nabawasan ang problema ko.

       Humanap ako ng tiyempo para humingi ng permiso sa mga magulang mo dahil gusto kong manligaw sa ’yo. Sumakto pa na naaksidente ang tatay mo. Parang pinupunit ang puso ko habang nakikita ka na nagdurusa. At kapag minamalas ka nga naman, nakikigulo pa ang best friend mong si Hunter na bigla na lang sumulpot sa kawalan. Kung alam ko lang na diyan siya nagtatrabaho sa fast food na yan ay hindi na sana kita pinagtrabaho ro’n. Kaya naman kasi kitang buhayin. Nakakaraos naman tayo araw-araw at sa tingin ko’y sapat na ’yon para makasurvive tayo ng magkasama.

       Noong nilinaw mo kay Hunter ang tunay mong nararamdaman para sa akin, para akong nanalo sa lotto. Hindi mo pa man ako sinasagot, pakiramdam ko ay tayo na agad. Pero sadiyang mapaglaro ang tadhana, kailangan kong umuwi ng probinsiya para puntahan si Dama. Mas lumalala na ang sitwasiyon niya kaya kailangan kong humanap ng mauutangan. Nakadiskarte ako sa isang cooperative loan pero hindi naging sapat ang sahod ko para mabayaran ito kaya nang bumalik ako diyan sa Maynila at makilala si Winsor ay nabawasan ang problema ko. Pinahiram niya ako ng pera para mabayaran ng buo ang 80k na inutang ko. Ang gusto niya pa nga ay one night stand pero hindi ako pumayag kaya ang kasunduan namin ay hayaan siyang maging kaibigan ko. Nag aalangan ako noong una pero dahil wala naman akong mahahanap na ganoong kalaking halaga ay sumang-ayon na ako sa kaniya.

        Tinago ko ang pakikipagkita sa kaniya noong una dahil natatakot ako na baka lumayo ka kapag nalaman mo. Tapos dumating ang kinakatakutan ko, nalaman mo ang tungkol sa amin. Siyempre nagduda ka sa akin dahil sino ba namang matinong lalaki ang hahayan ang isang bakla na manggulo sa relasiyon nating dalawa. Mabuti na lang at nilinaw ni Winsor ang relasiyon natin. Kahit papaano’y napanatag ka.

            Akala ko ayos na ang lahat, na magiging masaya na tayo pero wala akong ideya na may mas malaki pa palang problema ang naghihintay sa ating dalawa.

          Dumating ang Tito mo galing sa ibang bansa. Noong una ay natatakot na ako dahil meron na akong ideya na baka ilayo ka niya sa akin, at hindi nga ako nagkamali nang ibahagi mo sa akin ang balita. Ilang gabi akong umiinom mag-isa sa apartment. Hindi ko lubos maisip na iiwanan din ako ng taong mahal ko para magpakalayo-layo.

         Noong gabi na ibigay mo ang sarili mo sa akin, iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Habang ginagawa natin ang bagay na ’yon ay walang pagsidlan ang pagmamahal na nararamdaman ko sa ’yo. Wala akong pinagsisisihan na minahal kita. Ako na yata ang pinakaswerteng nilalang nang sagutin mo ako noong gabi rin na ’yon. Wala na akong mahihiling pa.

        Sinusulit na lang natin ang mga natitirang araw mo sa Pilipinas nang mangyari ang problema sa Lavander Lounge. Naging padalos-dalos ako. Mas pinili ko ang sa tingin ko ay tama, ngunit mali naman pala. Halik o ang seguridad mo? Ipinasok niya pa ang tulong na maibibigay niya kay Dama kaya natukso ako. Isang halik lang naman, siguro ay maiintindihan mo naman. Hindi ako nag-isip. Ang kagustuhan kong protektahan ka at maisalba ang buhay ng anak ko ay nagdulot ng matinding sugat sa puso mo. Para akong pinapatay noong nakita kitang pagsamantalahan ng isang lalaki. Kulang na lang ay mapatay ko siya. Doon ko naisip na mali ang ginawa ko. Unti-unti ka nang lumalayo sa akin hanggang sa tuluyan ka nang nawala at iniwan mo ako. Mas maganda pang aalis ka na lang ng ibang bansa pero ako pa rin ang mahal mo, dahil mas masakit ang nangyari na hiniwalayan mo ako.

         Nawalan ako ng gana mabuhay. Sinubukan kitang kausapin pero naging mataas ang mga pader na itinayo mo sa ’yong paligid. Hindi ako sumuko. Buo ang desisiyon kong linawin ang lahat sa ’yo ngunit noong araw na nagbigay ka sa akin ng oras at lugar, hindi ako nakapunta dahil mas pinili ko si Dama. Naiisip ko, parang gumawa na ang tadhana na ng paraan para paghiwalayin tayong dalawa.

         Hindi ako pumayag.

         Nakapagpaalam ako sa ’yo bago ako umuwi ng probinsiya ngunit kahit nandoon ako ay ikaw pa rin ang laman ng isip ko. Hindi ako nakuntento.

        “Huwag ka nang magdalawang isip. Puntahan mo na siya.” Tanda ko pa ang mga sinabi sa akin ni Shina at kahit yari na ang operasiyon ni Dama at kasalukuyang nagpapagaling ay nagawa kong magpaalam sa kanila. Flight mo na kinabukasan. Hindi pwedeng hindi kita makita bago ka umalis kaya naman pumunta kami ni Winsor diyan para magpaalam sayo ng personal. Kahit walang tulog galing sa biyahe, makita ka lang ay alam kong babalik lahat ng lakas na nawalan sa akin.

       Swerte. Nakaabot ako kaso malas dahil nandiyan ka na sa loob. Bawal nang lumabas.

       Nakaisip ako ng ideya para makausap ka. Kahit sa cell phone lang ay nagmistulang nandito ka sa tabi ko. Hindi mo alam kung anong pagpipigil ang ginawa ko, huwag lang pumasok diyan sa loob ng airport at mahagkan ka. Kung hindi lang ako makukulong ay ginawa ko na ang bagay na ’yon.

       Nakuntento ako sa ganoong pag-uusap natin. Kahit malungkot ay nagawa kong maging masaya para sa ’yo, dahil alam kong maganda ang buhay na nagihintay sa ’yo riyan sa US.

       Kahit masakit ay hinayaan kitang lumayo. Kagaya ng sinabi ko, kahit ilang kilometro pa ang maging distansiya mo sa akin, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.

       Sa biyahe namin pag-uwi ni Winsor, doon niya ipinagtapat ang lahat sa akin. Mula sa Tito mo at sa totoong relasiyon nila. Magulo noong una hanggang sa maintindihan ko. Biktima ang Tito mo ng sexual harrassment noong unang taon niya sa ibang bansa. Madalas din siyang nakaranas ng mga manggagamit na tao kaya ganoon na lang ang kagustuhan niyang subukan ako. Ayaw niyang maranasan mo ang mga pinagdaanan niya. Nalaman ko rin na bago ko makilala si Winsor ay nandito na sila ng Tito mo sa Pilipinas nang nakalipas na isang buwan. Bago pa natin sila makilala ay nandito na sila, inoobserbahan tayong dalawa. Nakakalungkot lang na kung kailan ka nakaalis, doon pa sinabi ni Winsor ang tungkol dito, at nang mapatunayan nilang mahal kita bilang ikaw ay pinahintulutan na nila tayo maging masaya.

        Tinulungan ako ni Winsor sa pag-aayos ng passport ko. Lahat, siya ang nag-asikaso. Hindi ko ipinaalam sa ’yo ito dahil gusto kitang isurpresa. Naging mabilis ang tatlong linggo na lumipas. Maayos na si Dama at tuluyan nang nagpapalakas kaya naman oras na para sarili ko namang kasiyahan ang unahin ko.

        Hindi ako halos makatulog sa saya kakaisip sa ’yo. Sobrang excited na akong makita kang muli, mahal ko. Hindi ko sukat akalain na ang Sekyu na ito ay makakatagpo ng isang tao na mamahalin niya ng sobra. Masaya ako na ikaw ang tao na ’yon, Keifer. Ikaw ang buhay ko at oras na para sundin ko ang sinisigaw ng aking puso. Hayaan mo akong bumawi sa mga pagkukulang ko. Umpisahan nating muli ang pagmamahalang sinira ng maling akala. Patutunayan ko sa kanilang mahal kita dahil iyon ang totoo.

Hinding-hindi magsasawang mahalin ka,

Damian.

*

Appreciation Post

Can I have a request? Remember the date and time you commented on the first of this novel? Can you please go back there and reply to your own comment the date you’re finally done reading this novel. Thank you so much 🥰❤️

. . . . *

Hi there, Kijarasen here! I just want to express my gratitude and love for all the people who supported me all the way here. Wala ang Sekyu kung hindi dahil sa suporta niyo. Maraming salamat sa mga matiyatiyagang naghintay ng updates. Inaraw-araw ko na nga dahil ayaw kong nabibitin kayo. 🤭

I want to officially announce that Sekyu is now completed. Maraming salamat sa inyong lahat ❤️

Kuyasen

BOOK II

I will stop the series at the moment but once settled, I will post the Book II of Gentlemen Series. The book II was entitled CEO.

For now, tambay muna kayo sa The Red Flag Enjoyer. It’s a BL story too, so, I think you guys will enjoy that story.

It’s a new adult BL novel, so, the set-up is after college. See you right there 👋🏻

-Kuyasen

Sunset with you artwork

This story holds a special place in my heart. My love for it drove me to create an artwork, which I just finished an hour ago. Sobrang na-miss ko talaga si Damian at Keifer kaya iginuhit ko mismo ang moment nila doon sa dalampasigan (Chapter 48). That chapter is one of my favorite chapters in this novel. Sana ay nagustuhan niyo ang munti kong obra ❤️☺️

-Kuyasen