loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Senyorito Pancho (ON HOLD)

Senyorito Pancho (ON HOLD)

Pyhurrehunk · 2 chapters · 667 words

PROLOGUE

AN: FOLLOW ME!!

  Chapters that are not suitable for young readers will be kept privately. Those private chapters will only be visible to readers who followed me.

Kung may isang bagay na alam ko sa sarili ko, iyon ay—lalaki ako.

Lumaki akong sumusunod sa mga aral ng relihiyon at paniniwala ng lipunan—na ang lalaki ay para sa babae.

Pero nagbago ang lahat nang dumating sa buhay ko si Senyorito Pancho.

Akala ko kilala ko na ang sarili ko.

Ako si Sabio. Simple lang ang buhay ko, tuwid ang landas na tinatahak ko.

Hindi ko inaasahang may isang taong tulad niya ang gugulo sa tahimik kong mundo.

Sa bawat ngiti niya, sa bawat sulyap, may kung anong tila kumakalmot sa puso ko. Sa tuwing nariyan siya, iba ang tibok ng dibdib ko.

Hindi ko maintindihan.

Hindi ito ang nakasanayan kong maramdaman. Hindi ito ang tinuro sa akin.

Pero paano kung ang lahat ng ito ay hindi mali?

Paano kung ang pagmamahal ay hindi dapat sinusukat sa kasarian kundi sa kabutihan ng puso?

Ayokong umamin noon.

Ayokong maniwala.

Pero sa pagdaan ng mga araw, unti-unti kong natutunan…

Na ang damdamin ko para kay Pancho ay totoo.

At marahil… hindi kailanman naging mali ang magmahal.

An:

Humandang

kiligin

,

tigasan

at umiyak sa kalagitnaan. Ang kwento ni Pancho ay kakaiba sa kung paano ko

inatake

ang kwento ni Pyrus sa THE KING MUST DIE.

Sa mga readers na sumama sa akin sa kwento ni Pyrus, are you still with me?

MUST READ

Baka trip niyong magbasa ng comedy pantanggal stress sa buhay, try niyo ng PATAYIN SA ASAR SI CELIA.

  ![](https://img.wattpad.com/968dbf772fa769b3973a8dbbcad94caa35c1d294/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f36527a43456a31515072326a5f773d3d2d3931323130393534382e313833393430666166353137323237663235343438323632363934322e6a7067)               

PROLOGUE

Alam mo ’yung feeling na wala ka namang inaagrabyado pero buong barangay parang sinadya kang i-bully ng mga eksena sa buhay nila?

Ako ’yon.

Si Celia. Walang lovelife. Mainit ang ulo. Pero cute naman minsan kapag madilim.

Isang hapon, habang nagpapanggap akong model ng Bench sa may bintana namin, tinatanaw ko ang walang kwentang parade ng mga tao sa kanto ng Maligaya.

Dito sa Barangay namin, hindi ka mauubusan ng palabas. Free viewing, all day, everyday.

Ayan oh.

Si Badiday, hinahabol na naman ng itak yung asawa niyang lasing. Walang bago. Pustahan, bukas bati na naman ’yan, tapos magpo-post pa ng Bible verse sa Facebook.

May dumaan din na tatlong genggeng na kala mo varsity, ang tatangkad ng jersey, pero hindi ng talent. Maitim ang leeg, hindi marunong mag-pivot, pero todo flex pa rin sa kanto. Idol.

Sa tapat ng sari-sari store ni Aling Bebang, naka-puwesto ang mga elite member ng Barangay Marites Alliance . Bitbit ang pamaypay na parang espada, at may hawak na baso ng 3-in-1 na di mo alam kung kape o sabaw ng beef cube.

Sumusunod din si Aling Mercy na may dalang tabo. Di ko alam kung taga-buhos ng tubig o taga-palo ng tsismosa. Pareho siguro.

At siyempre, ang pinaka-highlight ngayong hapon. Isang itim na aso na bigla na lang sumulpot.

Hindi ko alam kung kanino, pero ang alam ko, may mali.

Asong payat. Mukha pang nakadroga.

At sa nguso niya? Hindi stick ng fishball. Hindi wallet.

PANTY.

PANTY KO.

PANTY NA PULA.

Yung pula. Ang panty kong Avon. Yung hinulugan ko pa ng limang linggong baon.

“PUCHA! Ibalik mo ’yan!” sigaw ko, sabay takbo palabas ng bahay na parang nanakawan ng snatcher sa kanto.

At saan tumakbo ang animal na ’to?

Sa bakuran ng bagong lipat.

Sa bahay ni Koby.

Yung Koby na varsity player, matalino, gwapo, suplado, at never ko pa nakitang ngumiti kahit pinipilit ng buong barangay na ngumiti siya.

Yung crush kong suplado. Yung never ko pang nakausap kasi lagi siyang may earphones kahit walang sound.

Ngayon, hindi niya lang ako mapapansin. Baka i-block niya pa ako sa buong existence niya.

Dahil lang sa panty.

Dahil lang sa pulang panty.

Dahil lang sa pulang panty at asong adik na naka drugs.

Ito na siguro ang simula ng pinaka-walang kwenta (pero marupok) kong love story.

Humandang mapaluha sa kakatawa at sa kilig! Pero, bago yan… PATAYIN MUNA NATIN SA ASAR SI CELIA.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.