loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Seven Days

Seven Days

CengCrdva · 34 chapters · 34,079 words

SEVEN DAYS

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.

Follow all my social media accounts to be updated.

Facebook Page :

Ceng Crdva

Facebook Group :

CengCrdva Wp

Instagram :

Cengseries

Twitter :

CengCrdva


It contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout.

 (R-18) Read at your own risk!

2017 ©

CengCrdva

All rights reserved

BLURB

Blurb

Hindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya.

Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya.

Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya.

Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. 

At lalong hindi lahat ng relasyon ay nagtatapos sa tayong dalawa…

CHAPTER 1

Chapter One

Blaire

Lozaga

“Oh my God, Marcus!” Natutop ko ang aking bibig dahil sa ginawa niya.

Ang gwapo niyang mukha na nakangiti ng malawak sa’kin. Ang kanyang mga tuhod na nakaluhod sa lupa habang hawak hawak ang isang box na naglalaman ng diamond ring.

Ang kanyang mga mata na tila ba kumikislap sa saya at pagmamahal habang pilit na hinahagilap ang sa’kin.

I can see him crying while asking me to marry him. Napupuno ng galak ang puso ko. God knows how much I love him!

“Mahal kita Blaire and I like you to be my everything… will you be Mrs. Warner by marrying me?” Sabi niyang parang umaagos patungo sa puso ko.

“Mahal na mahal din kita Marcus! Yes! I will marry you!” Naiiyak kong sagot sa tanong niya.

That day was perfect.

Sa loob ng apat na taon naming magkasama ay hindi niya ipinaramdam sa’kin na hindi ako worth it. Sobrang saya ko, lalo na nang dumating sa buhay ko si Marcus…

Kagaya rin ako ng mga babaeng humiling lang ng pandesal pero burger ang ibinigay at may fries and coke pa!

Kung baga sa isang meal, si Marcus ay fully loaded. Ni minsan ay hindi ako umiyak dahil sa lungkot simula ng umpisahan namin ang aming relasyon. He is everyone’s dream guy.

Pagkatapos ng araw na ’yon ay mas naging maalaga sa’kin si Marcus. He always work over time para paghandaan ang kasal naming dalawa. Kung minsan ay ako ang sumusundo sa kan’ya sa opisina dahil mas maaga ang uwi ko.

“Babe!” Masayang bati niya sa’kin nang makita niya ako sa waiting area ng kanilang building.

Mabilis akong lumapit para yakapin siya ng mahigpit. I missed him so much! Parang ngayon lang kami nagkaroon ng kaunting oras sa isa’t-isa dahil sa pagpupursigi niyang makaipon ng mabilis sa pag-iisang dibdib namin.

I can’t blame him. I wan’t to marry him as soon as possible too. Magkahawak kamay kaming umalis doon at sumakay sa kan’yang sasakyan.

Hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang tibok ng puso kong parang may hinahabol na race sa tuwing nakikita ko siya. His perfect face and curly hair na palagi kong ginugulo.

“Babe! Aalis pa tayo, e.” Reklamo ni Marcus habang hawak hawak ang dalawang kamay ko na pinipigilan ang pag-gulo sa buhok niya.

“Marcus… Gusto ko ganito, gusto ko messy look ka.” Pangungulit ko.

He smirked.

“I don’t like girls staring at you… But how can I do that? You look hotter kahit na gulo ang buhok mo at gusot ang damit mo!” Pagmamaktol ko’t kasabay ang pag-iwas ng tingin.

Natatawang umiling si Marcus. Huminga pa siya ng malalim bago magpatuloy. Inilapit niya ang kanyang mukha at pinantayan ang akin.

“Ano naman kung tumingin sila sa’kin? What important is you… You’re the apple of my eye Blaire…” Ibinaba niya ang kanang palad ko papunta sa kanyang dibdib.

His husky voice na kay sarap pakinggan.

“At kahit dito… Ikaw lang ang isinisigaw nito…” He held my other hand and kissed it.

I can’t do anything but to cry with happiness.

Marcus basically put my life on its right track. Kung noon ay makulit ako at tamad mag-aral, siya naman ang kabaliktaran ko. But that was before. Noong hindi pa siya dumarating sa buhay ko.

“Hindi ganyan, mas maganda kung mas lalaliman mo pa yung mga words mo. Like you were really on her shoes.” Puna niya sa’kin noong unang beses akong nagpatulong sa project ko.

He’s so hardworking at lahat ng ’yon ay sobrang proud ako. We finished school and graduated Cum laude. Sobrang saya naming dalawa no’n. Hindi lang kami kung hindi pati narin ang mga taong nakapaligid sa amin.

We’re like the couple goals…

Are we?

CHAPTER 2

Chapter Two

Blaire 

“Marcus!” Natatawang sabi ko habang pilit kong inilalayo ang katawan ko sa kanya.

Sa loob ng apat na taon ay palagi niya akong kinikiliti sa tuwing nakasimangot ako.

“Ah! Marcus! Don’t-” Napuno ng masayang hagikhik ang aking kwarto dahil sa pangungulit niya.

Iniikot niya ang katawan ko dahilan para magpalit kami ng pwesto. I’m now on top of him. Habol ko ang aking paghinga habang hindi parin nawawala ang mga ngiti sa aking labi.

“Ang kulit mo!” Kunwari’y naiinis na hinampas ko ang kanyang dibdib.

Natawa nalang siya sa ginawa ko at ipinalibot ang kanyang kamay sa aking katawan para yakapin ako.

“Are you still sad?”

Napanguso ako kaya naman gumalaw na naman ang mga kamay niya patungo sa tagiliran ko.

“No! Stop, hindi na! Hindi na!” Natatawang iniiwas ko ulit ang katawan ko dahil sa paglapat ng kamay niya sa tagiliran ko.

Napakalawak ng ngiti niya .

“Mahal kita Blaire… At handa akong mapagod kilitiin ka huwag ko lang makita yung lungkot diyan sa mukha mo…”

Iniangat niya pa ang kanyang kanang kamay para haplusin at hawiin ang mga buhok na tumakas sa aking tenga.

My heart melted…

Napapikit ako at inihilig ang aking mukha sa dibdib ni Marcus. Parang niyayakap ang puso ko sa bawat pintig ng dibdib niya.

Namimiss ko na siya. Gusto na namang tumulo ng mga luha ko sa tuwing napapatingin ako sa labas ng apartment na tinitirhan ko dito sa Australia.

Mayroon naman kaming bahay dito pero mas gusto ko ang bumukod sa pamilya ko. I want to be independent. Ayaw kong makulong sa anino ng mga magulang ko.

I want to earn and buy things on my own. I want to work without their help. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko na. Hindi lang sa kanila kung hindi pati narin kay Marcus.

“Hello?” Halata sa boses niya na naputol ko ang mahimbing niyang tulog dahil sa tawag kong ’yon.

Parang may kumurot sa puso ko. Bakit ngayon ay parang kailangan ko siya? Naguguluhan ako. Nilulukob ng lungkot ang puso ko.

“Sorry… Are you still sleeping?” Napahawak ako sa receiver ng teleponong hawak ko.

Ito lang ang tanging ginagamit ko sa tuwing nag-uusap kami kahit na mayroon naman akong cellphone.

“Yeah…” Tamad niyang sagot. I can hear him yawning.

Gusto ko ng ibaba ’yon pero parang may nag-uudyok sa’kin na kailangan ko siya ngayon. I’ve never longed for him this much, until now…

“Uhm… I’m sorry…”

I missed you…

I bit my lower lip saka dahan dahang ibinaba ang telepono.

Sa pagbaba ko no’n ay nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Parang may nag uunahan ring mga matatalim na punyal na tumutusok sa dibdib ko. Napakapit ako sa lamesang pinagpapatungan ng telepono. Pakiramdam ko’y tinakasan ako ng lakas.

“Will you go to the ball with me?” Basa ko sa placard ng mga nakahilerang studyante sa school grounds.

They are Marcus’s friends. Malawak ang pagkakangiti ni Leonne habang hawak ang isang bulaklak sa dulo ng mga ito.

I’m still confused. 

Kung hindi lang dahil kay Georgina ay kanina pa ako umalis sa kinatatayuan ko ngayon. She’s still pushing me to go in the middle. Ang mga studyante ay pinapaikutan na ang pwesto namin ng mga kaibigan niya.

“Bes sige na! Dali!” Kilig na kilig na hiyaw ni Georgina.

“Bes anong-” Naputol ang sasabihin ko sa kan’ya ng marinig ang malakas na tugtog ng kantang I do sa stereong nasa tabi ng Hermes.

Nasundan pa iyon ng mga tilian ng biglang lumabas si Marcus sa gilid ni Leonne para kunin ang bulaklak.

I’m literally out of words! Una, napaka-ironic ng kanta niya. Talaga bang inisip niya na kailangan ang kantang ’yon para mapa-oo ako?

Dahan dahan siyang lumapit sa kinatatayuan ko. Kung masusunod lang ang utak ko ay kanina pa ako umalis at nagtago sa mga mata ng taong narito. I’m afraid of large crowd. Lalo pa kaya ngayong nasa aming dalawa ni Marcus ang lahat ng atensiyon nila!

“Blaire…” He’s wearing his charm again and I don’t know how to resists to that.

“Will you be my date?” His perfect teeth showed when he try to smile again.

I looked at George. Para na itong hihimatayin pero hindi ko alam kung ano ang dahilan. Dahil ba sa’min ni Marcus o dahil sa pinapangarap niyang si Hermes na kanina pa seryoso at mukhang hindi natutuwa sa nangyayari?

Bumalik lang ako sa katinuan ng marinig ang pagkuha ni Leonne sa atensiyon ko para ituro si Marcus.

Bumalik ang tingin ko sa kan’ya.

How could I fucking say “No” to this guy?

Hanggang kailan ba ako magpapakipot para hindi niya mahalatang nahuhulog na ako sa kan’ya?

Hanggang kailan ko ’yon itatago?

CHAPTER 3

Chapter Three

Marcus 

Kung gagawing abstract ang nararamdaman ko ngayon ay panigurado akong mukha ni Blaire ang lalabas doon! Pumayag na siyang maging date ko sa prom! Thanks to my crew at lalo na sa best friend niyang si Georgina.

She helped me with all the stuff I needed. Lahat na nga siguro maliban nalang sa speech ko.

Mom helped me picked my suit na gagamitin ko sa grand ball ng taon sa Campbell. The most anticipated event of all time!

Ilang buwan na akong nanliligaw kay Blaire pero hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas sa mga labi niya ang sagot sa matagal ko ng tinatanong.

“Will you be mine?”

That was the longest silence I got from her after asking the question.

Malakas ang tugtog sa loob venue pero mas naririnig ko parin ang kabog ng dibdib ko.

Kailan ba ako huling naging ganito? Wala akong maalala. Palibhasa ngayon lang ako tuluyang nagkagusto sa isang babae.

Blaire is different from any other girls. She has this smile that you’ll get lost. Sa isang ngiti niya palang noon sa may fountain ay nakuha na niya ang atensiyon ko.

Beyond her pretty facade is a unique personality.

She loves to sing and plays violin. She loves listening to the radio too. Ang dahilan niya noon ay mas gusto niyang makinig sa mga kanta doon kaysa sa kanyang playlists. Mas gusto niya ’yon para daw nasusurprise siya sa kantang pine-play ng dj. She loves music like I do.

But I love her more …

Sa unang tingin ko sa kanya noon ay akala ko kaya kong i-predict ang nasa isip niya pero mali ako. She has this kind of thinking na masyadong malalim. I’m smart but she is brilliant, all she has to say about life really hits me. It’s like out of nowhere good shit.

“Maghihintay ako Blaire. Kung hindi ka pa handa, okay lang. Naiintindihan ko. Hindi ako susuko. Mahal kita eh. Matagal na kitang mahal Blaire Lozaga…”

Kahit na nagpapawis at parang matutumba na ako sa kaba ay pinilit kong sabihin sa kan’ya ang nararamdaman ko.

It was not easy to confess

but I don’t care! Real men show and tell what they really feel.

Nawala lang ang kaba ko ng ngumiti siya. Wala na akong pakialam kung babastedin niya ako. Masaya akong nakilala ko siya. Masaya akong nakilala ko kung ano talaga ang isang simpleng Blaire.

At kung gagawin niya ’yon ay hindi ko pagsisisihan ang lahat ng efforts ko. Sa ball lang na ’to ay sobrang saya ko na.

“Maghihintay ka?” She asked.

Biglang lumabo ang paningin ko. I’m not as strong as it may seem kaya natatakot akong ma-reject. Lalo na pagdating sa kan’ya.

Isang tango lang ang naisagot ko. I’m lost for words. Kahit na sinabi kong tatanggapin ko ay parang walang salita ang maghahanda sa’kin kapag nangyari ’na yon.

“Uhm… pagod ka na ba? Ihahatid na kita sa table niyo.”

Isang oras narin yata kaming nakatayo at sumasayaw kasabay ng mga kaibigan ko.

Umiling siya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. My heart pounded and freeze!

“You don’t have to wait Marcus, sinasagot na kita.”

Alam kong narinig ko ang sinabi niya. Walang labis, walang kulang pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.

Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ko.

“W-What..?” Pag-uulit ko.

Hindi sa hindi ko narinig ang mga sinabi niya. Pero gusto ko ulit na sabihin niya ang bagay na ’yon.

“I said, I’m yours Marcus!” Mas nilakasan pa niya ang boses niya na parang tumagos hanggang sa kaluluwa ko.

The girl I prayed to God is letting me be with her! How am I supposed to react to that? Mabuti nalang at hindi nadamay ang katawan ko sa tuliro kong utak.

I hugged her . Naramdaman ko rin ang pagtugon niya sa yakap na ’yon. Marahan ko siyang binuhat at iniikot. Her sweet giggles are music to my ears.

“I love you Blaire!” Masayang bulong ko sa kaliwang tenga niya.

“I love you too… Marcus…”

CHAPTER 4

Chapter Four

Blaire

“Go babe!” Hiyaw ni Marcus.

Nakakatawa dahil nasa recital lang ako pero kung maka-support siya sa’kin ay pang miss universe.

I smirked at him. Umakto naman itong parang tinamaan ng bala at napaupo sa isa sa mga upuang naroon habang hawak ang kanyang kaliwang dibdib. I bit my lower lip. Nakakainis! I need to focus!

Kung hindi lang dahil sa nakakatakot na kilay ni Miss Rosa ay hindi pa mapuputol ang tingin ko kay Marcus.

Bago pa man ako makaupo ay narinig ko na ang beep ng aking cellphone na hudyat ng isang text. Pasimple ko iyong kinuha sa bulsa ko habang nakatalikod si Miss Rosa.

“Good luck Baby. I will always be proud of you…” Basa ko sa text ni Marcus kaya naman buong araw akong ganado.

Kahit na ang mga utility ay nginitian ko dahil sa sobrang tuwa ko noong araw na ’yon.

Pagkatapos ng recital at klase ko ay hinintay niya ako kahit na tatlong oras pa ang itinagal ko.

Tuwing biyernes kasi ay mas nauuna ang uwian niya kaysa sa’kin. Pero kahit na gano’n ay gusto niya paring siya ang magsundo at maghatid sa’kin.

“Hindi naman kailangan babe… Pwede naman akong magpahatid kay Kuya Rolly.” Tukoy ko sa family driver namin.

“Ako na babe. Kaya ko naman

, e

.

Tsaka gusto kitang makasama, ayaw mo ba no’n?“ Malungkot niyang sabi.

“Hindi naman sa ganun Marcus, this is just too much. Boyfriend kita at hindi alalay or driver.”

Narinig ko ang sarkastikong pagtawa niya. I know where this kind of conversation was heading.

“That’s the thing. Being your boyfriend, I have to keep you safe. Kahit na bodyguard or driver, I don’t care. I love you at gusto kong pagsilbihan ka…”

Kahit na gusto kong tumutol ay hindi ko magawa. Kailan ko ba siya kinontra sa gusto niya?

“Oh, Blaire! Ang aga mo yata.” Puna ni Mama Emma sa’kin.

Siya ang hinire ko na maglinis sa bahay na tinitirhan ko. Hindi ko lang naalala na ngayon pala ang schedule niya para linisin ’yon. Dalawang beses lang kasi sa isang linggo kung bisitahin niya ako. Kung tutuusin nga ay pwede na ang isang beses dahil hindi naman ako makalat. I clean my own mess.

“Opo Nanay.” Pinunasan ko pa ang aking mata.

Pero kahit na walang luha do’n ay patuloy parin ang pag-agos ng nasa puso ko. I missed Marcus… So damn much…

Nagmamadali akong pumasok sa trabaho at inaliw ang sarili sa pakikipag-usap sa mga taong naroon.

Ni isa sa kanila ang walang nakahalata sa nararamdaman kong lungkot. They all see me as a jolly person, and I don’t want to break that. Mas gusto kong maging masaya nalang para iwas sa iisipin nila.

Hindi rin ako yung tipong gusto ng pansin. I deal with my own problems and circumstances.

Kung bakit ba kasi hanggang ngayon ay naiisip ko parin siya. It’s been fucking two years for fucks sake!

“Are you going out tonight Blaire?” Napapitlag ako sa pagsulpot ni Luke sa gilid ng table ko.

“Jesus, Luke! Don’t scare me!” Napahawak pa ako sa aking dibdib.

My heart is pounding. Pero ibang klaseng kabog. Malayong malayo sa kabog tuwing kasama ko si Marcus.

“Sorry! Are you okay? I’m here like three minutes ago but you keep on staring blankly.”

Kunwaring inayos ko ang aking gamit sa table. Not minding his question and what he was saying. Umupo naman ito sa gilid ng lamesa ko bago naghalukipkip.

“I… I’m busy Luke. Maybe next time?” Pinilit ko siyang ngitian.

Tinitigan lang ako nito na para bang gustong hagilapin ang dahilan sa laman ng utak ko.

“Okay…” Ngumiti siya at marahang tumango.

Nakahinga ako ng maluwag na mawala ang presensiya niya sa kinaroroonan ko. Pero hindi nawala ang kaba ko dahil sa isang pares ng mga matang hanggang ngayon ay hindi parin ako tinitigilan.

I can see him walking towards me. Nakasuot siya ng itim na suit habang hawak hawak ang isang tasa na sa tingin ko’y naglalaman ng kape.

Nothing new.

He’s always like that since I saw him here in Australia. And rumors are true, the world is small indeed. Dahil sa dinami-rami ng mapagtatrabahuan ko ay naroon din ito. He’s my boss.

“Coffee Blaire…” Inilapag niya ang ang hawak niyang kape ng makalapit na siya sa’kin.

Now, I don’t know how to ignore him. Like I always do.

“Thank you…” Matipid ko siyang nginitian.

“Hindi ka ba talaga sasama sa company dinner?” He asked.

“No. Marami pa akong gagawin, e. I need to do my reports. Hindi ko pa natapos-”

“Really? What report? The one you already gave to Jaila? Come on Blaire! Kung hanggang ngayon kinukulong mo ang sarili mo sa lungkot-”

“Ano bang alam mo?!” Pigil ang paghingang singhal ko sa kan’ya.

Tumayo ako at hinarap siya. Who does he think he is para sabihin kung ano ang ginagawa at dapat kong gawin?

“Blaire, relax… I didn’t mean to. I’m sorry…”

Sa huling sinabi niya ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang biglang pumasok ang liwanag sa loob ng office na nagpakalma sa’kin.

Bakit nga ba ako nagkakaganito? Dahil kay Marcus?

“Look, if you don’t feel like going to the dinner, ako nalang ang magsasabi kay Jaila. But if you need a friend, nandito lang ako…”

Kailan ba ako naging ganito ka isolated sa mga tao? I used to be friendly and jolly but lately… I don’t even know how to smile genuinely.

“I’m sorry….” Nahihiyang sabi ko.

“It’s okay. Maybe you need to rest or-”

“I will go…” Putol ko sa kung anong sasabihin niya. Napatigil naman ito kasabay ng pagliwanag ng aura niya.

Sinuri niya pa ang kabuuan ko. Sinisigurado kung tama ba ang narinig niya at ang mga sinabi ko.

“So… see you then?” He smiled at me.

The smile that always comforts me. Na nagsasabing okay lang. Okay lang ako. I’m strong. Kaya ko. Kayang kaya.

“Okay… H-Hermes…” Pinilit kong gantihan ang mga ngiti niya bago siya tuluyang umalis sa harapan ko.

CHAPTER 5

Chapter Five

Blaire

“Happy Birthday!” Hiyaw ng mga taong nasa bahay pagpasok ko.

“Surprise!” Masayang bati ni Mommy!

Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang mga kaibigan at pamilya ko.

Niyakap ako ni Marcus pagkatapos ay hinalikan ako sa labi.

“I hope na-surprise ka.” Bulong niya sa tenga ko.

“Of course! Thank you Babe!”

Apat na beses ko na siyang kasama sa tuwing birthday ko but this day was special. Pati ang mga pinsan at relatives namin na nasa abroad ay narito para bisitahin at maki-celebrate sa kaarawan ko. And all of this was because of him.

“Happy Birthday Bes!” Georgina hugged me.

I am surprised na narito rin siya ngayong araw. Ilang araw na kasi kaming hindi nakakapag-usap dahil palagi nalang itong busy. And now I know what’s the reason why. She’s always there to support Marcus and I. Sigurado akong magkasabwat na naman ang dalawang ito para selebrasyon ngayon.

“Thank you George!”

“Uy… Are you with me?” Tanong ni Hermes na nagpabalik sa’kin sa katinuan.

Katatapos lang ng dinner namin at ngayon ay nasa isang pub na malapit lamang sa city.

“Y-Yeah… Ano nga ulit ’yon?”

Imbes na sagutin ako ay ibinigay sa’kin ni Hermes ang isang baso ng beer. Kanina pa kami magkasama pero wala akong natatandaan na pinag-uusapan namin.

“How are you?” Kinuha niya ang kanyang baso at uminom doon.

“I’m good!” Mabilis ko namang tinungga ang laman ng akin.

Kumunot lang ang noo ni Hermes. I know he wants me to share what I feel but I just can’t. Hanggang ngayon ay pilit parin akong tumatakbo sa mga bagay na dapat ko ng kalimutan.

“I’m sorry babe, I can’t go tonight but promise to make it up to you…” Napangiti ako ng mapait sa narinig ko.

Bakit nga ba hindi pa ako nasanay? It’s been what? A month? Halos isang buwan na rin kaming ganito ni Marcus.

I’m starting to question everything. Pinipilit kong huwag mag-isip ng masama pero sa ginagawa niya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Late na siya umuwi ng gabing ’yon. As usual. I can smell alcohol in his system pero nanatili akong nakahiga at kunwari’y tulog sa kama. Hinihintay ko ang paglapit niya sa’kin pero bigo ako.

I can hear our bedroom’s door closing. Sa guest room na naman siguro siya matutulog. Sa pagpikit ko ay tumulo na naman ang mga luha ko. I don’t know what is going on with Marcus.

To us… Kung mayroon pa bang kami.

Maaga akong nagising para hanapin siya. Wala pang liwanag ay nakapagluto na ako ng breakfast.

I want to surprise him.

Siguro nga ay mayroon din akong pagkukulang bilang fiance niya. Siguro dahil sa kasal na pinag-iipunan namin ay na-sstress na siya.

Ngayon gusto kong sabihin sa kan’ya na handa akong ipagpaliban na muna ang kasal. He doesn’t have to work so hard for it. Handa akong maghintay.

Kahit gaano pa katagal.

I love him at kahit wala ang sagradong seremonyang ’yon ay siya at siya parin ang mamahalin ko.

Napangiti ako ng masilayan ang araw sa nakabukas na bintana. Excited akong nag set-up ng mga plato sa lamesa at nagtimpla ng paborito niyang hot chocolate. I even lit the scented candle I bought yesterday. I really wanna make up to him.

Alam kong nahihirapan siya sa trabaho and I totally understand that. Hindi niya kailangang gawin ’yon.

Dalawang guest room na ang nabuksan ko pero ni anino ni Marcus ay hindi ko nakita. Umalis na siya? Did he even stay?

Nanlalata kong binuksan ang huling guestroom sa second floor. The bed was messy but there was no Marcus in it. Bukas ang ilaw sa bathroom nito pero wala ding tao doon.

Where is he?

And why is he acting like shit. Nangangatog ang tuhod kong napaupo sa kama. I felt like I am with a stranger.

Napapitlag ako ng makarinig ng ingay sa baba. Mablis naman akong naglakad papunta doon. Halos magkandahulog na ako sa hagdan dahil sa pagmamadali ko.

“Marcus!” Patakbo kong tinawid ang pagitan namin at ginawaran siya ng mahigpit na yakap.

Tumulo na ang mga luha ko. I missed him. Hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman yung Marcus na minahal ko. He’s so distant and I don’t know why.

Gustohin ko mang itanong kung bakit pero ayaw kong malaman ang dahilan. Natatakot akong mawala siya sa buhay ko. I can’t…

“What are you doing?” Bulong niya sa tenga ko.

“Marcus… I miss you…” Imbes na kumawala sa yakap na ’yon ay mas hinigpitan ko pa ang mga kamay kong nakapalupot sa bewang niya.

“Stop it… Why are you crying?” Hinagod niya ang likod ko.

And there… I felt him.

“Marcus… Is everything okay? Okay pa ba tayo?”

“Shot shot shot!” Hiyaw ni Jaila na ngayon ay namumula na sa kalasingan.

Ilang oras na kaming narito sa pub. Ilang beer narin ang naubos ko pero parang tubig lang ’yon sa sistema ko.

Mabili kong tinungga ang laman ng alak sa isang shot glass gaya ng udyok ng mga katrabaho ko sa’kin. Inabutan naman ako ni Hermes ng tissue para punasan ang labi ko.

“Thank you…” Masayang sabi ko sa kan’ya.

“Kaya mo pa ba?” Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

I smirked at him.

“Ako pa ba? We used to drink together remember? Remember when you all got drunk? Ako ang nag-asikaso sa inyong lahat no’n. Si Leonne, sinukahan na yung buong sofa nila George!” Para akong baliw habang sinasabi ang mga ’yon.

It was supposed to be a good and happy memory but I don’t know why my heart is aching. Para bang ang pait pait ng nangyari no’n.

“Let’s go. Ihahatid na kita.”

“No! Kaya ko pa Hermes, See?” Tinungga ko ulit ang isang shot ng vodka na inabot ni Jake.

I can see that he is pissed. Ilang beses ko ng nakitang nagalit ito. Hindi na nga yata bago ’yon sa paningin ko.

Nakakatawang isipin na kung sino pa yung walang pakialam sa’yo noon, ay siya pang aalalay sa’yo ngayon.

Kumunot ang noo ko ng tumayo ito at pinuntahan ang mga kasama namin. Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy sa pag-inom ng alak.

Nakikipagtawanan nalang ako kila Jaila ng bumalik ito. He held my hand bago ako inalalayang tumayo para umalis sa lugar na ’yon.

“Hermes!”

“Come on…”

CHAPTER 6

Chapter Six

Records

“Why did you do that?” Inis na singhal ko kay Hermes ng makasakay na ako sa kanyang sasakyan.

“You’re drunk.” Kalmadong sagot niya.

“I’m not!”

“Okay.”

Mas lalong lumaki ang pagkainis ko sa kan’ya. He’s not arguing with me na dati ay ginagawa niya. Pero ngayon, I can see his flags down. At mas lalong lumalalim ang galit ko dahil do’n.

“You asked me to go to the party tapos yayayain mo lang pala akong umuwi! bwisit ka! I hate you!”

“Go on. Say what you want to say, I just want to take you home.”

“And why?! I can go home myself. Isang cab lang yun Hermes!”

“I want to take you home, Mahirap na.”

“What?!” Inis na sabi ko sa kan’ya.

Hindi na ako bata. At isa pa, kung bata man ako, ano bang pakialam niya? Ni hindi kami magkadugo para alalayan ako sa mga bagay na kaya ko namang gawin ng mag isa.

“Nevermind. Should we go left?” Tanong niya.

“I don’t know! Ang lakas ng loob mong ihatid ako, ni hindi mo naman pala alam ang bahay ko! Right!”

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. I feel like blowing up any second.

Napakapit ako sa aking seat belt ng maramdaman ang pagliko nito ng mabilis.

“Ikaw yata ’tong lasing eh!” Inis paring sabi ko.

“Can you please?” Nahinto ako sa pagtutol ng makita ang seryoso niyang mukha.

Sino ba naman kasing matutuwa? I am having fun back there, minsan na nga lang e!

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman ko ang pagsama ng pakiramdam ko. Natutop ko ang aking labi.

Pakiramdam ko’y umiikot ang tiyan ko. I’m going to puke!

“Hermes…” Pabulong na sabi ko.

“Please… I’m enjoying the silence.” Balewalang sagot niya.

“I’m… I’m gonna puke.”

Blangko niya akong sinulyapan.

“Nasusuka ako!” bulyaw ko sa kan’ya.

Mabilis naman niyang itinabi ang sasakyan at lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan. Sa pagtanggal ko ng aking seat belt at pagharap sa pintuang nakabukas ay kasabay ng lumabas ang lahat ng kinain ko kanina sa dinner.

Napapikit ako ng mariin habang patuloy sa ginagawa ko. Si Hermes naman ay hawak hawak ang buhok ko at bahagyang tinatapik ang likod ko. I can hear him scolding me!

I hate situations like this! Maybe he’s right. I already drink too much. Nang matapos na ako ay kinuha niya ang kanyang puting panyo at ibinigay sa’kin.

May pag-aalinlangan ko siyang tinignan.

“Sige na.” Kinuha ko naman ’yon para punasan ang labi ko.

Na-estatwa ako ng hawiin ni Hermes ang buhok ko at inilagay ’yon sa aking tenga,

Nag-iwas naman ako ng tingin at inayos ang sarili ko.

“I’m okay.” Paniniguro ko sa kan’ya.

Hindi naman ito nagtanong pa. He closed the door and go to the driver’s seat. Tahimik lang kami pareho habang binabaybay ang daan patungo sa bahay ko.

Tinamaan naman ako ng antok kaya ipinikit ko muna ang mga mata ko. Mababaw lang naman ’yon kaya naramdaman ko ang paghinto namin. Tamad kong binuksan ang mga mata ko pero hindi ko na inisip na tignan kung nasaan na kami. Siguro’y naghanap lang siya ng comfort room.

Susuka rin kaya siya? Wala sa sariling napangiti ako. Weak.

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang paggalaw ng sasakyan. Marahan niyang tinapik ang balikat ko at iniabot ang isang bottled water.

Iginala ko ang paningin ko. Naka-park kami sa isang convenient store.

“Thank you.”

Umayos ako ng upo at hindi na muling natulog.

“Diyan nalang sa tabi Hermes.” Nawala narin ang bahagyang pagkahilo ko.

Dahil siguro’y nailabas ko na lahat kanina.

“Thank you.” Sabi ko ng tuluyan ng huminto ang sasakyan sa dapat ng gate.

“Wala ’yon. Goodnight Blaire.”

Ngumiti ako bago siya sagutin.

“Goodnight!” Saka lumabas ng kan’yang sasakyan.

Nilukob muli ng lungkot ang puso ko ng tuluyan na akong makapasok sa tahimik kong apartment. I opened the lights on. Napako ang tingin ko sa lumang turntable na galing pa sa Mama ni Marcus.

Inilapag ko ang aking bag sa sofa at tinungo ’yon. sa ilalim ng turntable ay ang cabinet na punong puno ng mga records. Napangiti ako ng mapait. Siguro’y dalawa lang ang akin sa mga ’yon. Dahil sa hilig ko talaga ang musika ay nahilig narin akong makinig sa mga records.

I remember one day that I stole one of my Grandfather’s record. He pretended that he didn’t know but he keep on singing the song to torture me.

Kinuha ko ang isa sa mga paborito ni marcus at marahang inilagay sa turntable.

“What? Really? Sa’kin na ’to? Pero collection mo ’to Marcus!” Hindi maipinta ang tuwa ko nang ibinigay ni Marcus sa’kin ang lahat ng records na kanyang collection.

“Yeah, some of it was from Mom, kasama ’to.”  Iniabot niya sa’kin iyong turntable na palagi kong pinupuntahan sa bahay nila. Kagaya ko, ang Mommy ni Marcus ay mahilig din sa mga ’yon kaya siguro madali kaming nagkasundo.

“Thank you Marcus!”

CHAPTER 7

Chapter Seven

Seven Days

Hinawi ko ang aking buhok habang patuloy na hawak ang aking sketch pad at wood pencil. Noon pa man ay hilig ko na talaga ang mag sketch ng mga bagay na maganda sa aking paningin.

But this time it’s different.

Imbes na si Marcus ang iginuguhit ko gaya ng laman ng aking sketch pad, ay ang magandang tanawing nasa harapan ko ang malapit ko ng matapos. I’ve been here twenty minutes pero matatapos ko na ’yon.

Sa harapan ko ay ang isang parte ng parke. They were tons of people pero dahil sa lawak no’n ay hindi kailanman naging crowded.

I’m not an extrovert pero dahil wala akong choice ay natutunan ko naring maging exposed sa mga tao at kalikasan. And so far I’m loving it!

“Done!” Masayang sabi ko ng iguhit ang huling detalye doon.

Ang asong mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno habang ang amo nito’y masayang nagsusubuan ng pagkain.

Ironic.

Itinaas ko ang iginuhit ko at napangiti nalang ako ng maikumpara ito. I’m so good at this! Tama nga ang sabi nila na each day you’ll grow. Sa bawat araw na dumaraan ay marami pa akong nadidiskubre sa sarili ko na hindi ko inakalang kaya kong gawin.

But I’ve been waiting for the day that I will learn how to let go… to finally let go.

“Marcus…” Sa tindi ng pag-iyak ko ay tanging yan lang ang nasabi ko sa kan’ya.

“I’m sorry Blaire…” Marahan siyang gumalaw para tanggalin ang kamay kong nakahawak sa kan’ya.

Nakakatawang isipin na ibinuhos ko ang lahat ng effort ko para lang sa anniversary namin ngayon. I rent this part of the resort. I even asked my siblings to help me make this place like paradise.

Ang mga maliliit na ilaw na parang naging bituin sa langit namin ni Marcus. Isang table na maayos na naka set-up sa gitna ng lugar. A scented candle. Ang malayang alon sa hindi kalayuan.

A perfect date night…

Akala ko’y masusurpresa ko siya pero ako ang mas nabigla dahil sa sinabi niyang break up.

“N-Nagbibiro ka lang di’ba? Hindi totoo to di’ba?”

“I’m sorry. Hindi na ako masaya Blaire. Oo mahal kita, pero hindi na ako masaya.” Lalong lumalim ang iyak ko ng tuluyan na niyang matanggal ang kamay ko.

Naalerto ako ng bigla na siyang tumayo para iwan ako.

Mabilis ko siyang hinabol at niyakap sa kan’yang likuran. Para akong isang kandilang natutunaw. All my strength has left me. Ang tanging nagiging matapang sa mga oras na ito ay ang puso kong pinipilit na hindi tuluyang mabasag.

Oo may problema nga siguro kami pero hindi ko ine-expect na aabot kami sa ganito. Sa sitwasyong iiwan na niya ako.

“No Marcus!” Napahinto siya at nanatiling nakatayo habang nakapalupot ang kamay ko sa kan’yang dibdib.

“Mahal na mahal kita Marcus. You can’t just le

ave

me please!“

“Blaire…” Hirap siyang huminga na para bang pilit na ipinapaintindi ang gusto niyang mangyari.

How am I supposed to do that? How am I supposed to let him go? He’s basically my world. Hindi ko kaya ng wala siya.

“Anong nagawa kong mali Marcus?”

Napapikit ako ng hawakan niya ang mga kamay ko. Marahan niyang kinalas ’yon. Siguro’y dahil wala na akong lakas kaya madaling natanggal ang pagkakayakap ko sa kan’ya.

Umikot siya para makita ako. He is still the same. Siya parin ang Marcus na minahal ko di’ba?

“Wala…”

“Then why?!”

I can’t breath! Nanlalabo na ang mga mata ko. I can’t clearly see him because of the tears that’s still falling from my eyes.

Hindi ko matanggap! I never imagined him to be this cold. I thought I can still save us… but I guess I was wrong.

Umiling siya. Ni isang emosyon sa mga mata niya ay wala akong mahagilap. Kahit na awa man lang.

Masyado ba akong mahinhin para sa kan’ya? Masyado ba akong Maria Clara kaya naging boring ang relasyon namin? Saan banda? hindi ko alam kung saang banda ako nagkamali.

“Hindi ba ako masarap?” I blurted.

I finally caught his attention. Kung kanina’y parang ayaw niya akong titigan, ngayon naman ay nagawa na niyang salubungin ang mga mata ko.

“Tell me!”

Marcus and I lived together. Hindi biro ang makipagsapalaran sa isang relasyon. Alam kong marami siyang naging sakripisyo para mag work lang ang relasyon namin, but so do I!

“I’m begging you Marcus… Don’t leave me…” Hindi ko na makilala ang paos at pagal na boses ko.

“Blaire don’t do this-”

“Ayaw mo na ba talaga? Hindi na ba talaga natin kayang ayusin? Sabihin mo naman Marcus, ilang buwan na akong nanghuhula sa nararamdaman mo. It’s so unfair Marcus. Napaka-unfair…”

Napaluhod na ako. My knees are getting weaker and weaker. I’m not the kind of girl that is good at expressing her feelings pero may pakiramdam parin ako. Ito ang unang pagkakataong nakaya kong sabihin ang gusto kong sabihin.

Naramdaman ko ang pagluhod ni Marcus para pantayan ako. He held my hand but that just triggered a new batch of sadness.

At sa huling pagtama ng mga namin ay alam kong buo na ang kan’yang desisyon.

And desisyong iwan ako…

Sa loob ng ilang taon naming pagsasama ay kilala ko na ito. I know that he is very serious about decision making. Lalo na ngayon.

His other hand tried to wipe my tears. Hindi ako nakagalaw. Hinayaan ko siya sa pagpunas ng mga ’yon.

“Give me seven days Marcus…”

Namutawi sa kan’ya ang awa. I’m glad that at least, may nakita akong emosyon sa nag-iisang lalaking minahal ko.

“Give me seven last days to be with you. Pwede bang sa isang linggo mo nalang ako iwan?”

CHAPTER 8

Chapter Eight

Baby shower

“Oo naman! Parating na!”

Nagmamadali akong pumasok sa isang lexus na ipinadala ni Mama.

I know that I promised myself that I will buy things on my own by using my own money but I don’t want to hurt my Mom. I’ve been rejecting her for almost two years now.

Besides, birthday ko naman sa isang linggo kaya sige. Tatanggap ako ng kahit na ano ngayon.

Pwede bang may magregalo narin sa’kin ng peace of mind?

“Bilisan mo Blaire, see you later!”

Itinapon ko sa passenger’s seat ang phone ko saka nagmamadaling sumakay doon. Iniatras ko muna ang sasakyan bago tuluyang inabante ito.

Ang kulit talaga ni Mommy! Pangatlong beses na niya akong binigyan ng sasakyan. Ang una ay yung subaru na agad ko namang naibalik.

Pangalawa ay yung chevrolet na spark, baka sakaling tanggapin ko raw dahil mumurahin lang ’yon. But then again, isinoli ko parin.

And now, etong mamahaling kotse naman. Ang dahilan niya ay birthday gift at alam niyang dream car ko ito kaya heto na. Hays! It hurts my pride!

Isang oras rin akong bumiyahe bago marating ang bahay nila Leonne. Nag migrate din ito sa Australia ilang taon lang simula ng umalis ako at dito niya nakilala ang kan’yang butihing asawang si Harriette.

I don’t know what’s the gender of their baby kaya dalawang pares ng cute jumpers, shoes, sandals na unisex ang aking regalo sa baby shower nito.

“Blaire! Oh my God!” Hiyaw ni Leonne ng makita akong kakaparada lamang ng sasakyan sa kanilang drive way.

“Oh my God ka diyan!” Natatawang sabi ko at sinubong siya ng yakap.

“I never thought that you would come!”

“Ayaw mo ba? Tsaka hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito Leonne! Ang baby mo no!” Umirap pa ako sa kan’ya. Natawa nalang siya sa ginawa ko.

Ibinigay ko sa kan’ya ang box na blue and pink ang balot.

“Thank you, thank you! Pasok kana nasa loob na si Hermes…” Aniya na iniwan na ako at sinalubong ang mga bagong dating nilang bisita.

Is it me or sadyang bigla lang uminit sa paligid? Pagdating ko sa bakuran nila ay naroon na ang mga pamilya at ang iba pang mga kaibigan ng mag-asawa.

Hinagilap ng mga mata ko si Hermes. Hindi naman ako natagalan sa paghahanap sa kan’ya hindi dahil sa gwapo niyang mukha pero dahil may pagka loner rin ito gaya ko.

As usual, nasa isang table lang ito habang umiinom ng beer at hinihintay na magsimula ang party.

“Hi!” Nakangiting bati ko sa kan’ya.

Medyo nagulat pa siya dahil sa pagsulpot ko.

O sadyang lutang yata siya ngayon?

“Oh, hi there!” Nagkukumahog naman siyang tumayo para batiin ako.

“Himala at umattend ka.” Bulong niya matapos akong yakapin.

“Bakit naman hindi? Anong akala niyo sa’kin? Magmumukmok nalang at kamuhian ang mundo sa isang sulok?” Dumaan ang waiter sa gilid ko kaya kumuha narin ako ng wine sa hawak niyang tray.

“Ganun na nga.” Pang aasar niya.

“Tse! Well, mali ka! I’m here now.” Uminom ako sa hawak ko.

“That’s good to know. Okay ka na ba?” Nag-iwas ako ng tingin.

“Oo.” Matipid kong sagot.

“Blaire! I’m glad that you came!” Napatayo ako ng makita si Harriette na buntis na buntis habang nakatayo sa harapan ko.

Tumayo naman ako at sinalubong siya ng yakap.

“Of course! You look stunning Harrie!”

“Thank you! I’m nervous!” Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang panlalamig no’n.

“You’ll gonna be fine! I’m so happy for both of you!”

Binati rin ni Hermes ang buntis. Ilang minuto pa ay nagsimula na ang program.

“It’s a girl.” Bulong ko.

“Boy.” Hermes said.

“Wanna make a bet?”

Is he challenging me? Magaling yata ako manghula!

“Deal! Ano namang makukuha ko kapag nanalo ako?” Mataray kong sabi sa kan’ya.

“Name it.”

“A house and lot Hermes.” Pagbibiro ko.

“Deal.” Seryoso namang sabi niya. Mapagpatol rin! “But if I won, you will have to be my date for a week.” Sa pag ngisi niya ay napalunok ako.

Hoy! I was just kidding no! Atsaka, I don’t need a house and lot! Ano namang gagawin ko do’n?!

“Ladies and gentlemen! Here’s the moment of truth! What’s it gonna be?!” Masayang sabi ng best friend ni Harriette habang hawak ang isang malaking box na hindi ko mailarawan kung ano ang laman.

“Please be a boy…” Parang nananawagan sa may kapal na sabi ng katabi ko.

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

“Are you really serious huh?” Bulong ko.

“I am…” Sumeryoso siya ng tingin sa harapan at uminom ulit sa basong hawak niya.

“Uhh…”

Paglingon ko sa mag-asawa ay nagbibilang na ang mga tao ng countdown para i-angat ang takip ng box na hawak nila.

“3…2…1!”

Sa pag-angat ng takip ay umusok ang kulay sky blue at lumabas ang mga lobong may iba’t ibang shades ng parehong kulay asul.

Napuno ng hiwayan ang buong lugar nila Leonne pero ako? Naiwan akong nakatulala sa kanila at bagsak ang panga!

Bakit ba kasi napaka blooming ni Harrie! Ayan tuloy! Ugh!

Sabi na nga ba eh, hindi ako magaling na maghuhula. Akala ko lang rin ’yon. Dahil sana noon pa lang nahulaan ko na rin kung magkakatuluyan ba talaga kami ni Marcus! Leche!

Marcus again Blaire? Ang stupida mo!

Pag lingon ko sa katabi ko ay malawak na nakangiti ito sa’kin.

“It’s my pleasure to be your date Blaire…” Aniya sabay tuwang tuwang kumindat pa!

CHAPTER 9

Chapter Nine

First Day

Pinilit kong pasiglahin ang boses ko at ang katawan ko kahit kanina pa ako hinang hina.

Buong gabi akong umiyak at hindi kumain. Kapag binibigyan ako ng pagkain nila Mommy ay isinusuka ko lang ’yon.

Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Kanina pa ako nakatayo sa malawak na park ng Buenavidez village habang hinihintay siya. Hindi ko alam kung darating ba siya pero tanging pag-asa lang ang nagbibigay sa’kin ng lakas ngayon.

Hihintayin ko siya. Kahit mapagod at maubos ang lakas ko. I know he’ll come. Kahit na isang percent nalang ang natitirang pag-asa sa puso ko.

Seven days…

Sana sa loob ng pitong araw pagbigyan niya ako.

Lumawak ang pagkakangiti ko ng makita ang isang bulto na mabagal na naglalakad papunta sa direksiyon ko. Seryoso lang ang tingin niya habang hinahangin ang buhok niya. He wasn’t really looking at me but my heart is jumping! I don’t care!

Mabilis akong tumakbo palapit sa kan’ya at niyakap siya ng mahigpit. Bakas pa sa mukha niya ang pagkagulat bago ko ilagay ang mukha ko sa dibdib niya. I knew it!

He is still my Marcus!

“Blaire…”

“Sobrang saya ko Marcus! Sobra sobra!” Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Masaya lang talaga akong makita siya ngayon.

Bago ako kumalas doon ay pinunasan ko na ang mga luha ko.

He gives me hope. Kahit pitong araw lang.

“Are you okay? Kumain ka na ba?” Malawak ang pagkakangiti ko habang sinasabi ang mga bagay na ’yon.

Nag iwas siya ng tingin. But that’s okay.

“Yeah.”

“Ako kasi hindi pa eh. Kain tayo?” Casual kong tanong sa kan’ya. Naguguluhan man ay tumango nalang rin siya.

Napapitlag siya ng ipagsalikop ko ang mga kamay namin. I don’t care. Paulit ulit kong sinabi sa sarili ko.

Napadpad kami sa favorite restaurant namin.

“Same order ha!” Sabi ko.

Tahimik lang siya habang kumakain na kami. Para bang ayaw niya akong tignan. Again, I don’t care.

Ang importante ay nasa harapan ko siya.

“We will go to the movies after this.” Ngumiti ulit ako.

“Okay.”

“Marcus, hindi mo kailangang maging awkward. Seven days lang. Madali lang lilipas yung araw.” Mapait akong ngumiti.

Nag-iwas rin ako ng tingin ng maramdaman ang pag-iinit ng mata ko. Ang hina ko talaga. Pangako ko sa sarili kong hindi ako iiyak once na makita ko siya sa park. Pinigilan ko.

Kami pa. May pitong araw pa.

Masaya ako habang hawak ang braso niya. Lumabas kami ng restaurant at dumiretso sa sinehan.

Dahil wala ng upuan sa horror film na papanuorin sana namin ay wala kaming choice kung hindi ang isang romance film. Bumili siya ng popcorn at french fries.

Ganito naman kasi talaga kami. Kahit na kakatapos lang kumain, basta nasa sinehan kailangan parin ng maraming mangangata.

“Hawakan mo lang yung kamay ko Marcus…” Bulong ko habang iginigiya niya ako paakyat sa dulong pwesto ng theater.

Tahimik parin siya. Masaya ako Marcus. Masayang masaya ako.

Sana panaginip lang yung kagabi.

Sana panaginip lang na sinabi mong hindi ka na masaya.

Sana pagkatapos ng pitong araw sa’kin ka parin.

Kahit malabong malabo pa yun sa mata ng lola ko…

The film started pero sa kan’ya lang nakatuon ang tingin ko. Naalala ko noong nirentahan niya ang buong sinehan noong pinanuod namin ang isang animated na movie during our first month.

Hindi maipinta ang mukha ko sa tuwa no’n. Tumawa siya sa pinapanuod niya kaya naman napangiti nalang ako.

Iniisip kong sa’kin siya nakatingin habang ginagawa niya ang pagtawa niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng mga kamay namin. He looked at me and smiled.

My heart melts.

Humilig ako sa dibdib niya dahil naramdaman ko na naman ang pag ngilid ng mga luha ko. I can’t…

Hindi ko pwedeng ipakita sa kan’yang masakit. Kailangang maging masaya ako at kuntento na kasama ko siya ngayon.

“Marcus… Mahal na mahal kita…” Bulong ko.

Kahit na hindi ko marinig ang sagot niya ay ayos lang. I can hear his heartbeat and that is enough.

“Blaire, do you want something else?” Ani Hermes habang hawak hawak parin ang menu.

Sa isang italian restaurant niya ako dinala dahil sa pagkatalo ko sa bet namin sa gender ng baby nila Leonne.

“No, okay na ako. ikaw?” Ngumiti ako.

“Okay na rin.” He smiled back.

Tinawag niya ang waiter at doon sinabi ang mga order namin. Napatitig lang ako sa kan’ya habang ginagawa ’yon. Hermes is really handsome. Lalo pa ngayon sa suot niyang black suit. Para kaming aatend ng isang grad ball dahil sa gara ng mga suot namin.

He gave me this red dress that I’m wearing. Ayaw ko pa sanang tanggapin ’yon pero sobrang kulit niya. Kaya wala narin akong choice kung hindi ang suotin ’yon.

“You look so gorgeous Blaire…” Parang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

I know this is not the first time someone complimented me but it felt so different. Nagba-blush ako.

“You look so good too Hermes.” Balik compliment ko sa kan’ya.

He is good looking indeed! Siya yung lalaking palaging tinitilian at pinapangarap ng mga babae sa Campbell maliban kay Marcus at iba pang team ng Batham royals.

“Really?” Natatawang sinipat niya ang sarili na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Tumango ako. Ngayon ko lang siya tuluyang nakakasama after the break up. I wasn’t interested to be his friend again but Hermes didn’t do something to hurt me. Narealized kong sobrang immature kung pati siya ay lalayuan ko.

Kahit na kaibigan pa siya ni Marcus.

That name again… Ipinilig ko ang ulo ko at itinuon nalang ang tingin kay Marcus. Sakto naman ang pagdating ng aming pagkain kaya na-occupied nito ang utak ko.

He made me smile… Hermes finally did it.

CHAPTER 10

Chapter Ten

Second day

“Okay lang ba? Wala kasi si Kuya Rolly ngayon. Hindi ba kita maiistorbo sa lakad mo?” Nahihiya kong tanong kay Marcus.

Inutusan ko si Kuya Rolly na samahan ang isang kasambahay namin sa pamamalengke kaya wala ito ngayon.

I’m desperate. Besides, I only have six days with Marcus.

“Okay lang. Saan ba ang concert?” He asked.

Binuksan na niya ang pinto ng kan’yang sasakyan at pinasakay ako. Nang makasakay na siya sa driver’s seat ay saka ko sinagot ang tanong niya.

I missed

this c

ar! Sobrang napakarami

naming

memories dito.

The smell, ’yung itsura… wala

naman masyadong

pinagbago maliban nalang sa nawawalang picture ko sa dashboard. Parang may

kung anong

kumurot

na pino

sa puso ko.

Siya

kasi

ang naglagay n

g litrato ko

doon

para daw mas maging maingat siya sa pagmamaneho

.

But I guess, marunong na siyang mag-ingat ngayon kahit na wala ako.

Ipinilig ko ang ulo ko bago ulit sumagot.

“Doon parin, nakalimutan mo na?” Sinuot ko ang seat belt ko.

Ang bilis niya namang makalimot. Pero ayos lang. Mabuti nga at nandito siya ngayon para ihatid ako.

“Ah, sorry…”

Sinimulan na niyang imaniobra ang kan’yang sasakyan.

“Naku ayos lang, ’wag kang mag sorry. Hindi mo naman na ’yun kailangang alalahanin.” Ngumiti ako ng sumulyap siya sa’kin.

Natahimik naman siya. Buong biyahe kaming walang kibuan. That’s very unusual. I remember him talking non-stop whenever we’re in this car.

Maski iyong mga pakikisalamuha niya sa mga nanlilimos ay nagagawa niyang ikwento noon para lang hindi kami mawalan ng topic.

He said that it’s better for me to talk trivial things than me being silent. Gusto niya ay palagi akong masaya at okupado niya…

I kissed Marcus on the cheek when we finally arrived at the concert hall. Isa ako sa mga tutugtog ng piano doon.

“Manunuod ka ba?”

Imbes na sumagot ay nakita ko ang pag iling niya kaya nagsalita ako ulit.

“Baka busy ka, sorry… Sorry sa abala Marcus. I miss you. Mauna na ako.”

“Good luck.” Pahabol niya.

Ngumiti ulit ako. I love you… gusto kong sabihin pero nahihiya ako. Ewan ko ba, nahahawa ako sa pagiging awkward niya. Pero bahala na. Ilang araw nalang naman.

Napabuntong hinga ako sa naisip.

Sana huminto ang oras sa seventh day. Sana mag freeze nalang ang oras para nasa akin parin siya.

Kung pwede lang…

“Congratulations!” Hiyaw ni Georgina matapos ang isang oras na concert.

Gusto ko na namang umiyak pero nilakasan ko ang loob ko. I haven’t seen Marcus during the whole show. Siguro nga busy na siya at hindi na ako ang first priority niya ngayon. I smiled bitterly at that.

Masaya ako dahil kahit na busy siya ay nagawa niya paring maglaan ng oras para sa’kin.

Hinatid ako ni Georgina sa bahay at pagkatapos ay tinawagan ko si Marcus.

“Hello?” Sagot niya sa kabilang linya.

“Bahay ka na?”

“Uhm, oo ikaw ba?” He asked.

Napangiti ako. I missed calling him. I missed his voice, everything.

“Yeah. Hinatid ako ni George. Sayang hindi kayo nagkita.”

“Ganun ba…”

“Oo… Oo nga pala, siguro naman hindi ka na busy bukas? Baka pwede tayong pumunta sa Batangas? May beach kasi na ni-recommend si George. It was nice… Okay lang ba?”

Narinig ko ang pag buntong hinga niya. I bit my lower lip because of stretched silence.

“Third day na bukas Marcus.” Paalala ko. “Malapit na matapos.” Hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin. Inilayo ko ang phone ko ng mapahikbi ako.

Pinindot ko nalang ang loud speaker para marinig ang sagot niya.

“Sige.”

“Second day na, a! Seryoso ka ba sa isang linggong date natin Hermes?” Natatawang tanong ko sa kan’ya.

Dinala niya ako sa park. Madali naman akong pumayag. I missed sketching. Ilang araw ng blanko ang huling pages ng aking sketch pad.

“Oo, bakit hindi.” Seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Is it his hair? His clothes? Hindi ko maintindihan pero parang may bago sa kan’ya. I didn’t mean to check him out pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Naglayo ako ng tingin pero ramdam kong nasa akin parin ang mga mata niya. Kinuha ko sa bag ko ang aking sketch pad.

“Can I see it now?” Gumalaw siya para silipin ang laman ng hawak ko pero mabilis akong lumayo.

“No! Next time nalang.” Natatawa nalang siyang napailing.

“I feel sleepy. Pwede bang umidlip muna?” Tanong niya.

Siguro dahil sa kabusugan kaya siya inaantok ngayon. Paano ba naman kasi, sobrang dami na naman ng dinala niyang pagkain sa second date namin.

Date, sobrang big word.

Na-estatwa ako ng humiga si Hermes sa tabi ko. Nakapatong ang ulo niya sa kan’yang magkabilang braso. Hinayaan ko lang.

I can see his long lashes, nakakainggit lang! Ang daming babaeng naghahangad na magkaroon ng ganoong klaseng pilik mata. And his eyebrows, makapal ang kilay niya at para itong regular na nakatrim kahit na hindi naman niya pinapagalaw. Sadyang maayos lang talaga na lalong nakakapagdepina ng gwapo niyang mukha.

His hair… ulit ko. Ano ba kasing nagbago?

I found myself sketching Hermes face. Nakapikit lang ito habang ako naman ay halos mabali na ang leeg kakasulyap sa kan’ya. I want all the details. Kahit yung maliit na nunal niya sa gilid ng kanang mata.

Twenty minutes ang lumipas bago ko natapos ang pag-guhit sa kan’ya. Napangiti ako. What an accomplishment!

Niyugyog ko ang balikat niya. Palubog na rin kasi ang araw at may pasok na kami kinabukasan. I need to rest for tomorrow. May kailangan pa akong ipasa kay Jaila.

“Uhm…” Sagot niya sa tamad na boses.

Yan kasi pinapataba mo ako! Ikaw tuloy ang napupuruhan ng antok. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti.

“Halika na, tapos na ako.” Niyugyog ko ulit ang balikat niya pero napapitlag ako ng hulihin niya ang kamay ko para hawakan ng may pag-iingat.

“Hermes…”

“Can we just stay here?” Sabi niya gamit ang husky niyang boses habang nakapikit parin.

Bakit ganito? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero hindi ko magawa. Parang gusto ko ring hawakan niya ’yon.

I’m… I’m confused…

CHAPTER 11

Chapter Eleven

Third Day

“Wow ang ganda Marcus!”

Hindi ko mapigilan ang tuwang naramdaman ko ng makita ang puting buhangin sa beach at ilang rock formations sa hindi kalayuan.

Ang kulay asul na dagat na para bang may magnet na humihila sa katawan ko para lumusong doon! I missed being exposed to nature.

Tama nga ang sabi ni Jenesa na maganda ang lugar na ito. Hinawakan ko ang braso ni Marcus at kumapit do’n.

It’s still natural to me. Pakiramdam ko ay kami parin. Gusto kong matawa. Kami parin para sa’kin pero sa kan’ya ay tatlong araw ng tapos ang ilang taon naming pinagsamahan.

Ipinilig ko ang ulo ko. I don’t want to think any negative thoughts about this trip. Ang mahalaga ay narito na kami ngayon at magkasama. I should make the most out of it.

Kumain kami ni Marcus. Marami namang tao sa beach pero hindi ’yon crowded kagaya ng iba. May mga iilang sun loungers malapit sa dagat. Doon ako pumwesto matapos naming kumain ng tanghalian.

Hindi ko iniinda ang init ng araw. Makita ko lang at marinig ang galaw ng dagat ay napapayapa na ang utak ko. Tumabi si Marcus sa nasa tabing lounger.

“Thank you.” Sabi ko sa waiter pagkatapos ilapag ang orange juice na order ko.

“Do you want anything else?” Tanong nito.

Sumulyap ako kay Marcus. He was just staring at me. Or baka akala ko lang?

“Wala na. Nandito na ang lahat ng gusto ko…” Ngumiti ako habang patuloy ang tingin kay Marcus.

Tumango lang ang waiter bago tuluyang umalis.

Tinanggal ni Marcus ang kan’yang aviator at inilapag sa lamesang nasa gitna namin. Kinuha ko naman ang sun block sa bag ko.

“Do you mind?” Tanong ko habang hawak ang sun block.

Nakita ko ang pagdadalawang isip niya.

“Oh come on Marcus! Don’t act like you haven’t touched me.” Ngumisi ako at mabilis na tumalikod para hubarin ang kimonong bumabalot sa katawan ko.

Napatuwid ang upo niya nang makita ang muling pagsulyap ko. My lips curved when I saw him staring at me. For real this time.

Marahan siyang lumapit sa puwesto ko.

I’m wearing a bright red two piece. Hindi naman ito ang first time kong magsuot nito pero ngayon ko lang naapreciate ang katawan ko sa ilalim ng kakapiranggot na tela.

Sa pagbawas ng timbang ko ay kitang kita ang kurba ng mas fit kong katawan ngayon.

Sa unang paglapat ng mainit niyang kamay sa likod ko ay para akong nakuryente.

I never expected my body to react like this. Paano ba naman, siya lang ang tanging nakahawak sa katawan ko.

Napakagat ako sa aking labi. Pakiramdam ko ay bumibigat na naman ang dibdib ko. I shook my head. Good vibes lang Blaire! Paalala ko sa sarili ko.

“Okay na.” Maya maya’y sabi niya.

Tumayo naman ako at yumuko ng bahagya para abutin ang sun block sa kamay niya.

Gusto kong ngumiti ng makita ang paglunok niya.

“Maliligo ka ba?” Tanong ko.

“Mamaya na. Mainit pa.” Tumango lang ako bago naglakad papunta sa dagat.

Masyado na akong maputla dahil sa kakalagi ko sa loob ng bahay. Kung tutuusin ay ngayon lang ako ulit naarawan ng haring araw.

Ilang langoy ang ginawa ko hanggang sa mapagod ako. Nag sun bathing din ako pagkatapos. Hindi nga siya naligo. Nananatiling nakapikit ang mga mata niya.

Siguro kung mahal niya parin ako at siya parin ang Marcus ko ay buong araw lang kaming nasa kwarto ngayon.

Nakita ko ang pagtayo ni Marcus sa lounger habang may kausap sa kan’yang telepono. I bit my lower lip again.

Sa sobrang casual namin ay ni hindi ko siya matanong kung ano na ba ang nangyayari sa buhay niya.

Kung may iba na ba siya. Kung may iba na bang nagpapasaya sa kan’ya. Sa pag ngiti niya ay nalaglag na ang luha ko.

I can’t be truly happy for him. Kung magagawa ko man ’yon ay hindi pa sa ngayon.

Oo sobrang selfish ko para gawin pa ang bagay na ’to pero pitong araw lang naman di ba?

Pitong araw kumpara sa ilang taon naming pagsasama. I’m bitter. Ako na. Nasaktan ako eh, at hanggang ngayon mahal na mahal ko parin siya.

Tangina.

Sa tagal niyang nakatayo at nakikipagtawanan sa telepono ay bumalik na ako sa lounger.

I can’t see him happy while on the phone. Gusto ko siyang maging masaya pero ang maging masaya sa piling ng iba? Sobrang nakakadurog.

Isinuot ko ang kimono ko at iniwan na siya doon. Hindi ko kaya…

Sorry Marcus. Hindi ko pa kaya sa ngayon eh. Masakit pa. Sobra sobrang sakit. Pinupunasan ko ang mga luhang patuloy na lumalandas sa pisngi ko habang tinatahak ang daan pabalik sa kwarto.

Sa pag-ibis ko sa pathway ay  napahinto ako ng bigla akong harangin ng tatlong lalaking naroon.

Halata sa mga mukha nila ang epekto ng alak dahil sa pula ng mga ’yon at ang mapupungay nilang mga mata.

Pumito pa ang isa na nagpataas ng balahibo ko sa katawan.

“Excuse me…”

Kinalma ko ang sarili ko at sinubukang lagpasan sila pero dahil sa malalapad nilang katawan ay wala akong nagawa.

“Teka lang. Let me check you out!” Ngumisi pa ang nasa gitna na halatang may dugong banyaga bago pasadahan ang kabuuan ko.

Kumagat pa siya sa kan’yang labi ng mapukol ang tingin niya sa dibdib ko.

“Bastos!” Sigaw ko sabay takip doon.

Iibis na sana ako pero hinarangan naman ng kasama niya ang daraanan ko. Gusto ko nang maiyak. I’ve never been harassed by anyone.

Oo nga at ilang beses ng napaaway si Marcus dahil sa mga nambabastos sa’kin pero ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng ganitong takot.

Parang lumaki ang ulo ko sa mga pagtawa nila. Lumingon ako sa likuran ko. I can’t see anyone. Kahit anino lang sana niya. Bigo ako. Now I’m trapped with these maniacs!

“Paraanin niyo nga ako!”

Nahawakan ng isa ang braso ko.

“Ngayon lang ako nakakita ng kasing ganda mo. Sorry.” Sabi niyang sarkastiko.

“Ano ba! Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas ako.

Kung kanina ay si Marcus ang dahilan ng pagluha ko, ngayon naman ay dahil sa takot.

“Pumapalag bro! Ngayon ka lang napalagan!” Sinamaan niya ng tingin ang isa bago ako binitiwan.

“I’ll see you around…” Ngumisi siya ulit at hinawi ang daan para makaraan ako.

Daig ko pa ang kasali sa marathon dahil sa pagtakbo ko paalis sa lugar nila. Natalo ng mga hikbi ko ang tunog ng alon sa dagat.

Hindi ako makahinga. Mas masakit palang marealized na wala ng magtatanggol sa’yo. Wala ng po-protekta.

Na walang ibang makakatulong sa’yo ngayon kung hindi ang sarili mo. Wala ng may pakialam kung mapahamak ka pa. Wala na. Wala na ang taong inaasahan mong gagawin ang mga bagay na ’yon.

Pagdating ko sa kwarto namin at dumiretso agad ako sa banyo. Binuksan ko ang shower at mabilis na tumapat doon.

Ibinuhos ko ang takot at sakit na nararamdaman ko. I cried my heart out.

Parang may patuloy na kumukuryente sa dibdib ko. I can’t breathe properly. Daig ko pa ang may hika sa tindi ng pagbaba at taas ng dibdib ko.

I only have myself…

Nakakatakot pala,

Dapat ngayon palang masanay na akong wala si Marcus di ba?

CHAPTER 12

Chapter Twelve

Fourth Day

“Ready?” Tanong ni Hermes habang nasa mga mata ko ang kan’yang kamay.

“Oo na!” Natatawang sabi ko.

Marahan niyang tinanggal ang kamay niya sa mata ko.

Nalaglag ang panga ko ng makita ang mga lanterns na nagmistulang ilaw sa langit. I’ve never experienced something like this. Noon pa man ay pangarap ko ng makakita ng ganitong klaseng event.

Nangilid ang mga luha ko ng humarap ako sa ka’ya. Mabilis namang napawi ang mga ngiti niya at agad na hinawakan ang kamay ko.

“What’s wrong? Okay ka lang ba?” Pag-aalalang tanong niya.

Napapikit ako ng maramdaman ang pares ng kamay niyang pumahid sa mga luha ko. Tumango ako at niyakap siya.

“Thank you Hermes!” Sabi ko sa gitna ng paghikbi dahil sa tuwa.

Hinagod niya ang likod ko pagkatapos ay iniharap ako sa kan’ya. He handed me his handkerchief.

“Iiyak ka ba o papaliparin na natin yan?” Nakangiting sabi niya.

Ngayon ko lang napansin ang dalawa pang lanterns na nasa likod ng kan’yang sasakyan.

I held my tears back. Matagal ko ng gustong gawin ang bagay na ito. I don’t know.

Parang pakiramdam ko pwede kang mag wish sa mga ’yon papuntang langit.

Sinindihan ni Hermes ang mga hawak naming paper lanterns. Sinulyapan niya ako bago pumikit. Ginawa ko rin ang ginawa niya.

I prayed.

Nagdasal ako na sana sa paglipad nito patungo sa kung saan ay kasabay na no’n ang peace of mind, heart, body and soul na matagal ko ng gustong makuha.

Sa pagdilat ng mga mata ko ay ang seryosong mukha ni Hermes ang nakita ko. My heart pounded when I see his white teeth. He looks so handsome now. Or it’s just because of the lantern?

Sabay naming binitawan ang mga ’yon. Kasabay ng pag-asa kong magiging maayos na ang puso ko. Napapitlag ako ng maramdaman ang kamay ni Hermes sa balikat ko.

It feels warm. Imbes na tumutol ako sa ginawa niya ay inihilig ko nalang ang ulo sa katawan niya. I never felt this feeling in a long time. Yung bang pakiramdam na safe ka.

Maaga akong nagising kinabukasan. Wala sa tabi ko si Marcus. Just like what I expected. Pinilit kong ngumiti. It’s a brand new day!

Pang apat na araw na ito. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Kahapon ay nag dinner akong mag-isa at nagkulong lang sa kwarto. Hindi ko alam kung saan naman si Marcus buong araw.

Siguro ay kausap parin ’yong kausap niya kahapon. My heart ached. Tama ba ’to?

Parang gusto kong batukan ang sarili ko. I’m selfish. Kagustuhan ko lang ang gusto kong mangyari. Pinilit ko siya sa huling pitong araw. Kahit na masakit para sa’kin.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko. Nasa ika-apat na araw na kami. Konti nalang. Konting konti nalang Marcus. I’m sorry…

Naglagay ako sa mukha ko ng make-up. I don’t want him to see my swollen eyes. Buong gabi yata akong umiyak kahit na sa pagtulog. Even in my dreams, his love haunts me.

“Good morning!” Masaya kong bati ng makita ko siyang kakagising lang din. Sa couch pala siya natulog.

“Good morning Blaire.” He smiled.

Napahinto ako. Siguro ay naisip niyang tatlong araw ng pagtitiis nalang naman at matatapos na ang kahibangan ko.

“Bakit diyan ka natulog? Pwede ka naman sa kwarto.” Ngumiti narin ako.

“Hindi na, ayaw na kitang gisingin kagabi.” Sagot niya bago tumayo.

“Late narin naman ako natulog Marcus. Mamaya sa kwarto ka nalang ha.” Dumiretso ako sa kusina.

Mabuti nalang at may kusina itong suite na nakuha namin. I want to prepare our food. Gusto kong ako mismo ang maghahain sa kan’ya. Sayang naman ang tatlong buwang culinary course na kinuha ko kung hindi ko magawang ipagluto siya di ba?

I was preparing for a married life. Kaya ako nag-aral no’n. Pero ngayon, siguro kahit ngayon lang. Kahit ngayon nalang. Maipagluto ko parin siya.

Gumawa ako ng bacon and eggs. Waffles at chicken sandwich. Paghain ko sa lamesa ay tapos na siyang maligo.

Nakaputing sando lang ito at board shorts.

“Kain ka na Marcus.” Inilapag ko na ang lahat ng niluto ko. Ang mga prutas naman na nakalagay sa kitchen counter ay inilagay ko sa lamesa.

“Pwede naman tayong um-order ng pagkain ah.” Umupo na siya.

I sit in front of him.

“Hindi na, kaya ko naman eh. Tsaka breakfast lang naman. Madali lang mag prito. May iba ka pa bang gusto?” Tanong ko.

Umiling siya.

“Wala na. Okay na ’to.” Aniya.

Tahimik lang siya sa pagkain. Isang tanong isang sagot.

“Gusto mo bang may snorkel? Jet ski?” Tanong ko.

“I don’t feel like moving today. Ikaw nalang. Hihintayin nalang kita sa loungers.” Tumango ako.

“Sige.”

Nang matapos ang pagkain ay sabay kaming pumunta sa pampang. Masarap sa balat ang araw na sumalubong sa’min. Hindi gaanong mainit at tamang tama lang sa balat.

“Good morning Misis Soriano!” Masayang bati ng isang lalaking nakasuot ng pulang rash guard.

Nagkatinginan kami ni Marcus.

“Lozaga.” Pagtatama ko.

I was supposed to be Mrs. Soriano but life happened. I smiled bitterly. Para namang namutla ang lalaking nasa harapan ko dahil sa sinabi ko.

“I’m sorry Ms. Lozaga!” Yumuko pa siya.

“It’s okay.” Pormal kong sabi.

Iginiya niya ako sa pampang habang si Marcus naman ay naroon lang sa isang lounger at nakatingin sa kinaroroonan ko.

Hinatid ako ni Jared sa lalaking magtuturo sa’kin kung paano gamitin ang jet ski.

This is my first time to try the activity. Gusto ko sanang subukan ang lahat ng bagay sa unang pagkakataon kasama si Marcus but it’s too late now.

Lumapit sa’kin ang isang lalaking nakasuot rin ng parehong rash guard.

He was tall, dark and literally handsome. Bakat sa katawan niya ang nagmumurang abs dahil sa hapit ng kan’yang suot.

He doesn’t look like my race. Para siyang brazillian model! Hindi ko tuloy alam kung saan ako kakabahan? Sa presensiya niya o sa pagsasalita ng english?

“Hi Miss?” Inilahad niya ang kamay niya.

“Blaire… Blaire Lozaga…” Sabi ko bago abutin ang kamay niya.

“Marco.” His white teeth showed when he smiled at me.

You gotta be kidding me! Marcus, and Marco? Parang gusto kong sakalin ang tadhana.

“Shall we?” Pagpuputol niya sa kung anong nasa isip ko.

He taught me the basics. From engine to everything. Nag dry run rin kami.

Nasa likuran ko siya at nakalapat ang katawan sa akin dahil hawak naming pareho ang manubela.

Imbes na isipin ko ang pagkailang ay inenjoy ko nalang at ginawa ang mga itinuro niya.

“Good job!” Hiyaw niya ng hayaan na akong magmaniobra ng jet ski.

“Thank you Marco!” Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo no’n.

“Wooh!” Pareho kaming sumisigaw at tumatawa ngayon. For once, I’m happy.

Nakailang ikot kami bago ako nagpasayang bumalik sa resort.

Napawi ang mga ngiti ko ng makita ang madilim na aura ni Marcus na ngayon ay nakatayo at hinihintay ang pagdaong namin.

“Am I in trouble?” Natatawang bulong ni Marco.

Tumawa lang ako.

“No! He’s my ex.”

“So?”

“So meaning, wala na siyang karapatan sa’kin. Besides, I don’t really think that he still loves me.” Matapang kong sagot.

“Then let’s see…”

Ngumisi siya at lumapit ulit sa katawan ko para abutin ang susi ng Jet ski. Pinatay niya ’yon.

“What are you doing!”

“Ayaw mo bang malaman kung mahal ka pa ba niya?” Ngumisi siya.

Natulala ako ng tumayo siya at lumipat sa harapan ko. Para akong naubusan ng hininga ng yumuko siya para halikan ako. Napapikit nalang ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko o ang magiging reaksiyon ko. Wait…

Napadilat ako ng marinig ang nakakalokong tawa niya.

“I’m just kidding! Relax…” He smirked at me. Hinampas ko naman ang kamay niya.

Halos magdikit na ang mga mukha namin ng sumeryoso siya at yumukong muli.

“Pero kung gusto mo…”

Imbes na sumagot ako ay umatras nalang ako at mabilis na tumalon sa dagat. Lumangoy ako palayo kay Marco. Naririnig ko parin ang tawa niya.

Aaminin kong nakakadistract ang appearance niya. Pero masaya siyang kausap. Sa isang oras namin ay para akong nakahanap ng kakampi.

“Joke lang!” Sigaw niya ng umahon ako. Hawak niya pa ang tiyan niya. Yung abs niyang nagmumura.

“Joke mo mukha mo!”

Pagbalik namin sa pampang ay agad na lumapit sa’kin si Marcus at hinawakan ang kamay ko.

“Halika na…” Ngumiti siya.

Natigilan naman ako. Sumulyap ako kay Marco at nakita ko na naman sa mga labi niya ang pang-aasar.

CHAPTER 13

Chapter Thirteen

Galit

“Champagne.” Ani Marcus sa waiter habang nasa kalagitnaan kami ng hapunan.

Buong araw akong natatahimik sa mga ikinikilos niya. Simula ng gawin ni Marco ’yong kanina ay parang bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin.

Tumingin siya sa’kin habang nakangiti. I’m speechless. Ni hindi ko masabayan ang mood niya kahit na ikinatutuwa ko ’yon.

“Are you okay?” May pag-aalinlangan kong tanong sa kan’ya.

Tumawa naman siya dahil sa tanong ko.

“I am. Why do you ask me?”

Nagkibit balikat ako. It’s just… Unusual. Hindi nalang ako nagsalitang muli.

Bago pa kami natapos sa pagkain ay isang bultong papasok sa restaurant ang kumuha sa atensiyon ko. He’s alone. Marco is alone.

Nang magtama ang mga mata namin ay umangat ang isang sulok ng kan’yang labi. I know what he was thinking. Napasulyap ako kay Marcus na abala parin sa pagkain at paginom ng wine.

Marco sit beside our table. Para bang gusto niya talaga akong inisin ngayon. Inirapan ko lang siya.

“Matutulog ka na ba pagkatapos nito?” I asked Marcus.

Pinunasan niya ang labi niya bago ako sagutin.

“What do you have in mind? “

Saglit akong natigilan. Wala naman akong ibang naisip kung hindi ang makasama siya.

“Maglalakad lang sa shore line?” Hindi siguradong suggestion ko.

“You know there’s a party going on in the ballroom. If you guys want to have some fun, you should join us.” Nakangising singit ni Marco.

Sabay kami ni Marcus na napatingin sa kan’ya. Tumingin ako kay Marcus na ngayon ay nakatiim bagang sa lalaking nasa gilid namin.

“We will think about it. Thanks for the invitation.” Pormal na sagot ni Marcus.

“Good! Be sure to wear the color of your relationship status.” Nakangising dagdag pa nito bago tuluyang umalis sa harapan namin ni Marcus.

I want to go. Hindi ba ’yon naman ang point ng pagpunta namin sa lugar na ’to? To have some fun. Nakadalawang basong wine na kami ni Marcus bago siya muling nagsalita.

“Do you want to go?” He asked.

Umiling naman ako. Hindi ko alam. I’m not sure about the party but I want him to come with me.

“Kung pupunta ba ako sasama ka?”

“Uh, yeah sure…”  Tipid niyang sagot.

Lumiwanag ang mukha ko dahil sa sagot niya. Pagbalik namin sa suite ay nadaanan namin ang malakas na ballroom kung saan nagaganap ang isang magarbong party.

Mayroong malaking banner sa labas nito na nakalagay ang mga dapat suotin ng guest base sa kan’yang relationship status.

Napahinto ako doon habang binabasang mabuti ang mga nakasulat. Should I wear white, blue or red?

White para sa mga single , blue para sa mga nasa complicated relationship at red naman kapag nasa in a relationship.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko pagkatapos ay sinundan na sa paglalakad si Marcus. Pagdating namin sa suite ay may tumawag sa kan’ya kaya nauna na akong pumasok sa kwarto.

Sanay na ako sa gano’n. I didn’t bother to ask him even once. May karapatan pa ba akong itanong ’yon?

Naghalungkat rin ako sa maletang dala ko ng pwedeng suotin. Wala akong nakitang blue na damit doon dahil halos puro puti ang dala kong damit. Ang pulang boho dress ko naman ay kakasuot ko lamang kahapon. I don’t have any choice but to wear white.

Agad kong isinuot ang puting off shoulder crop top at shorts na nakuha ko sa aking maleta. Naglagay rin ako ng kaunting make-up para naman ma-highlight ang soft features ng mukha ko. I also wear red lipstick. I don’t want to look pale especially now.

Isang mahinang katok ang nagpabalik sa’kin. Dali-dali naman akong tumungo doon.

I gasp when I saw Marcus’s eyes laid on me. Para bang noong unang beses niya akong nakita sa campbell. Hindi ko alam kung bakit pero nang bumaba ang mga mata niya sa labi ko ay nangilid ang mga luha ko.

“I’m… I’m done Marcus.” Nauutal kong sabi.

Siya naman ay patuloy paring nakatitig sa’kin. Para bang sinusuri ang kabuuan ko.

“O-Okay. Magbibihis lang ako saglit.” Aniya.

Ngumiti naman ako at kinuha ang sling bag ko sa kama bago tuluyang lumabas ng kwarto.

“Hihintayin kita…” I smiled bitterly while he closed the door.

Para bang tinalo na naman ako ng lungkot sa puso ko. Hindi ko maintindihan. Gusto kong maging masaya nalang habang may oras pa akong makasama siya. Pero ayaw kong umasa at maulit na masaktan.

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas narin siya ng kwarto. He wears red polo shirt and white shorts. Parang gusto kong maguilty na hindi ko mawari.

“Let’s go…” May lungkot sa boses niyang sabi.

Malayo palang ay nakita ko na si Marco na napapalibutan ng mga babae sa harapan ng venue.

“I’ll take this call Blaire, mauna kana.” Sabi ni Marcus pagkatapos itaas ang kan’yang telepono. Tumango lang ako.

Parang gustong manginig ng mga tuhod ko dahil do’n. Oo nga at sumama siya sa’kin pero wala naman sa’kin ang buong atensiyon niya.

“Good evening!” Bati ng receptionist na naroon.

“Good evening…” Tinapatan ko ang ngiting ibinigay niya.

I need alcohol. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang uminom ng alak at magpakalunod rito.

Nang masulyapan ako ni Marco ay agad naman siyang nagpaalam sa mga kasama niya. Nang may dumaang waiter sa harap niya ay kumuha siya sa tray na hawak nito ng isang champagne bago ako tuluyang salubungin.

“Cheers for the single lady!” Nakangisi niyang bati sa’kin.

Tipid ko siyang nginitian.

“Thank you.” Kinuha ko ang champagne sa kamay niya. “Meron bang mas hard dito?” Tukoy ko sa hawak ko.

“Easy! I can see that you’re… alone?”

“Marcus is outside.”

Sabay na kaming pumasok sa loob ng venue.

Mga malilikot na ilaw ang sumalubong sa’kin. Mga taong nagkakasiyahan at ang iba pa nga ay halos magwala na sa dance floor. Napailing ako. I’ve never been drunk all my life but I want to try. Yung tipong gagapang nalang ako pauwi.

That’s what I like. I need to forget everything.

Tinungga ko ang hawak kong champagne.

“Can we have vodka now?” Ngumisi ako.

I loosen up a bit. I reminded myself to be happy and forget about Marcus.

“Sure! hey, vodka here!” Tawag pansin niya sa lalaking waiter. Mabilis namang tumalima ang huli.

“Ikaw bakit blue?”  Usisa ko sa damit niyang suot.

Tumawa naman siya. Nag-iwas ako ng tingin. He looks damn gorgeous with that messy hair. Is this a good thing? Na kaya ko ng maka-appreciate ng ibang tao maliban kay Marcus?

Sinuri niya ang sarili sa huling pagkakataon bago nagsalita.

“It’s complicated.”

“Your relationship status?” Kunot noong tanong ko.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago itinuon ang tingin sa’kin.

“It’s complicated to choose a girl tonight.” I rolled my eyes as he smirked.

“Psh! Play boy!” Dumating na ang waiter na may dalang anim na shots ng vodka.

Inisa isa kong tunggain ang laman ng mga ’yon at ni isang pagtutol ay wala akong narinig kay Marco. Kung siguro’y si Marcus lang ang kasama ko ngayon ay baka pinagalitan na ako nito.

Isang oras na ang lumipas pero hindi parin siya bumabalik. Kahit na nagiging masaya ako sa company ni Marco ay hindi ko matanggal sa isip ko si Marcus.

I chug all the drinks in our table. Sa huling shot ako nakaramdam ng pagkahilo.

“Sayaw tayo!” Hindi ko na hinayaang makasagot pa si Marco. Agad akong tumayo para kunin ang kamay niya at hilahin patungo sa dance floor.

“Wooh!” Sigawan ang sumalubong sa’kin.

I dance all the remaining pain. Itinaas ko ang mga kamay ko at hinayaan ’yon sa ere habang umiindak sa beat ng masayang tugtugin.

Humarap ako kay Marco na gano’n din ang ginagawa. He smiled at me. Nang magbago ang tempo ng tugtog ay hinawakan niya ang bewang ko. I didn’t mind. Siguro ay dala narin sa alak na nainom ko.

Hinayaan ko siyang hawakan ako. Ang bewang ko. Tumalikod ako para ilapat ang katawan ko sa kan’ya. I closed my eyes and feel the rhythm.

Hindi pa man ako nakakagiling sa harap ni Marco ay isang kamay ang naramdaman kong humila sa’kin.

Gulat akong napadilat. I saw Marcus’s eyes burning! Para bang ngayon ko lang siya nakita ng ganito kagalit.

“Uuwi na tayo Blaire!” Matigas niyang sabi bago sulyapan si Marco.

Nang hilahin niya ako palabas ay wala na akong nagawa. I let him. Halos madapa na ako dahil sa bilis ng paglalakad niya.

My world is spinning…

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa paglabas namin ng venue ay saka niya palang binitiwan ang kamay ko.

“What the hell was that for Blaire?!”

CHAPTER 14

Chapter Fourteen

Abused

Mabilis na tumulo ang mga luha ko. Natakot ako sa nag-aalab niyang mga mata. Nakatiim bagang naman siya habang hinihintay ang sagot ko.

“Nawala lang ako saglit nakipag sayaw ka

na

sa lalaking ’yon!“ Malakas niyang sigaw.

Napapapikit ako sa bawat salitang lumalabas sa mga labi niya.

“Marcus…”

I tried to hold his hand pero lumayo siya.

“You just met him yesterday!” Napasuklay ang kamay niya sa kan’yang buhok.

I can see his anger. Padabog siyang naglakad paalis sa harapan ko.

“Marcus! I’m… I’m sorry!” Humahagulgol kong sabi sa kan’ya.

Nakarating kami sa suite. Narinig ko ang paglagabog ng pintuan sa kwarto kaya doon narin ako dumiretso.

“Marcus… Sorry. Hindi ko sinasadya-” Napatigil ang paghikbi ko ng lingunin niya ako.

Is he… Crying? Nakakumo parin ang kan’yang mga kamay. Pinilit kong itigil ang paghikbi ko at lapitan siya.

Sinalubong niya ako at hinalikan ng mariin. Yung halik na para bang punong puno ng pagmamahal.

Halos habulin ko ang aking paghinga. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. I just responded to his kisses.

Para akong isang dahon na tinatangay ng hangin patungo sa kung saan. Ipinikit ko ang mga mata ko ng maramdaman ang init ng kan’yang katawan. Napaatras ako.

Marcus… Bulong ng puso ko.

Sa paglalim ng halik niya ay para narin niyang niyakap ang puso ko. Nagpatianod lang ako. Nang maramdaman ko ang kama ay napakapit ako sa balikat niya.

I opened my eyes. Nananatili siyang nakapikit. Oh Marcus! My Marcus…

Marahan niya akong inihiga sa kama na para bang isang babasaging bagay. His kisses traveled my body. Simula sa leeg ko pababa sa aking dibdib. He carefully undressed me.

I can see desire in his eyes. Kinarga niya ako para mai-angat ng higa sa kama. He is on top of me. I bit my lower lip when he removed his shirt.

God damn it… Tumambad sa’kin ang kan’yang toned chest and abs. When he was naked, he started to kiss my whole body again.

“Marcus…” I moaned his name.

Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa namin pero wala na akong maisip ngayon kung hindi ang sarap ng sensasyong dala ng mga labi niya. Foreign feelings traveled my body when I reached my climax.

Hinahabol ko ang paghinga ko. He’s still on me. Parang naubos ang lakas ko dahil sa ginawa niya. Napa-arko ang katawan ko ng muling umangat ang mga labi niya papunta sa’kin. Hungry kisses followed.

He positioned himself when he felt that I was ready.

“Blaire…” He moaned as he entered mine.

Napangiti ako ng marinig ang pagbanggit niya ng pangalan ko.

Bumisita kami ni Hermes sa bahay ng kan’yang lola pagkatapos naming mamasyal sa chinese garden.

“Gran Ma!” Mahigpit na niyakap ni Hermes ang kan’yang lola.

Hindi ko naman mapigilan ang pag ngiti ko. Noong nakaraang araw ay ang kan’yang kapatid ang pinuntahan namin. We’re on a vacation at nagyaya siyang libutin ang ilang lugar dito sa Australia.

“Hijo! Tuloy kayo!”

“Ah, wait. Gran Ma. I want you to meet Blaire… Blaire Lozaga.” Lumapit siya sa’kin at hinawakan ang kamay ko.

Niyakap ko rin ang kanya’ng lola.

“Nice to finally meet you Blaire!” Masayang sabi nito.

Pagkatapos ay sinuri niya ang kabuuan ko. Tumigil ang mga mata niya sa mukha ko. Nakaramdam tuloy ako ng pagka-ilang.

“Napakaganda mo Hija.” Makahulugan siyang sumulyap sa apo.

Nahihiya namang napakamot sa batok si Hermes.

“Nice to meet you too po.” Singit ko sa pagitan ng ngitian nila.

Tumawa lang si Hermes at sinenyasan na akong pumasok sa malaking bahay ng kan’yang Lola.

Ang kan’yang lolo ay nasa wheelchair sa veranda. Pagkatapos naming batiin ang huli ay kumain na kami. Mayroong malawak na garden ang bahay ng lola niya.

“That’s her kryptonite.” Natatawang kwento ni Hermes sa’kin habang nasa garden na punong puno ng makukulay na bulaklak.

“It’s beautiful Hermes.” Hinawakan ko ang ilang daffodils at ilang straw flowers na nasa harapan ko.

“It is.” Nakangiti niyang sabi.

Nang lumipas ang ilang oras ay nagpaalam narin kami sa mga grandparents niya.

“Mag-iingat kayong dalawa sa daan ha. Hermes, mag-ingat ka sa pagmamaneho. Gusto ko kayong makita ulit na magkasama.” Pinagdaop ng Lola niya ang aming mga kamay bago ako yakapin.

That made me miss my Nana.

Kumaway pa ako sa kanila ng magsimula ng umandar ang sasakyan palayo sa kanilang bahay.

“Bondi beach?” Nakangising tanong ni Hermes.

“Seriously? Now?” Damn! Wala yata akong dalang swimwear!

“Now.” Ngumisi siya bago isuot ang kan’yang aviator.

Ngumiti naman ako.

He is my boss. But Hermes is my friend too. Oo nga at nagkalamat ang pagkakaibigan namin dahil kay Marcus pero wala namang malalim na dahilan o kaya naman ay personal.

I just want to isolate myself from everyone that will remind me of Marcus.

Kahit sila Leonne ay hindi ko kinausap ng umalis ako sa Pilipinas. Sabi ko noon sa sarili ko na hinding hindi ako susunod sa mga magulang ko rito sa Australia. Pero tama nga sila, walang permanente.

Anything can change just like that. I moved away from eveything. Kahit na yata sa fastfood at traffic ay naaalala ko si Marcus.

Speaking of, I don’t know what he’s up to. Tanging number lang niya ang alam ko dahil kay Georgina. Hiningi ko ’yon noong nalasing ako. I called him pero wala akong nasabi. Umiyak lang ako ng umiyak sa isang minutong tawag na ’yon.

Maybe alcohol makes us do things that is stupid and dumb sometimes.

But the good thing is, it actually help us to ease the pain. Even a little bit. Even for a while.

“Hermes… Thank you ha.” Naglalakad kami sa may shore line ng Bondi Beach.

“Wala ’yon. It’s my pleasure. Ako ang dapat magpasalamat na hanggang ngayon sumasama ka pa sa lahat ng suggestions ko.” Hindi makapaniwalang sabi niya.

“Sus! How can I resist this?” Huminga ako ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin bago inilibot ang paningin ko sa beach.

Naglakad kami hanggang sa makarating sa dulong may mga rock formations. Malilim na kaya umupo kami roon. Magkatabi kaming dalawa habang tanaw ang mapayapang beach sa harapan namin.

“So, do you want to go with me tomorrow?”

“Huh? saan naman?”

“I don’t know. May gusto ka bang puntahan?”

“Hm… Broome.” Sa lahat nalang yata ng tourist spot rito ay iyon talaga ang gusto kong mapuntahan noon palang.

“Okay.”

“Okay?!” Napatingin ako sa kan’ya.

Natawa naman siya sa naging reaksyion ko. Gano’n ganon lang?

“Yeah, I’ll pick you up tomorrow.”

“Hermes seryoso ka ba? I mean, bukas agad? Hindi ba pwedeng next week naman? I felt like I’m abusing you-” Hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko ng maramdaman ko ang pag gapang ng kamay niya para hawakan ang akin.

“Abused me. I don’t care…”

“H-hermes…” Napalunok ako ng tanggalin niya ang kan’yang suot na aviator.

He smiled. Kung noon ay balewala lang ’yon sa’kin, ngayon naman ay para akong batang binibigyan ng ice cream sa tuwing ngumingiti siya.

Natutuwa ang puso ko.

Oh gosh! Bakit parang araw araw ay mas lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko? I mean. He is handsome pero hindi ko ’yon pinuri ni minsan.

Napatingin ako sa kamay niyang inayos ang pagkakahawak para tuluyan ng magdaop ang mga kamay namin. Hindi ako makagalaw. I like the way his hand enveloped mine.

“I like being with you Blaire.” Napatingala ako kay Hermes.

All I can see is sincerity in his eyes. I never looked at him this way. Ni hindi ko siya binigyan ng atensiyon noon. He’s so silent. Siya ’yong tipong suplado, masungit, gwapo, matalino at kinababaliwan ni Georgina sa Campbell. That’s it.

I never saw him with anyone. Kahit pa halos lahat ng babae doon ay nagkakandarapa sa kan’ya. All I see was Marcus. His love and my love for him.

CHAPTER 15

Chapter Fifteen

Fifth Day

Nauna akong nagising kay Marcus after we had sex. I couldn’t say

that

we made love because I don’t know if he still loves me. Parang may gumuhit na naman na matalim na bagay sa puso ko.

Magkaharap kami ngayon habang yakap niya ang katawan ko. Marahan kong hinaplos ang mukha niya. He lose some weight. Alam ko ang katawan niya. Mas naging define ang jaw line niya at bahagyang lumiit ang mga muscles sa kan’yang mga braso.

Nangilid ang mga luha ko. Am I that cruel to the both of us?

Kahit na ayaw ko pang kumawala sa mga yakap niya ay ginawa ko parin ang dapat kong gawin.

Dahan dahan kong kinalas ang pagkakayakap niya sa’kin at maingat na umalis sa tabi niya. Dumiretso ako sa banyo para maligo.

Nang makatapat ako sa shower head ay hinayaan ko lang na umagos ang tubig mula doon patungo sa aking katawan. My tears are falling as well.

I gave myself to him once more and that would be the last. Alam kong iyon na ang huli.

Hindi naman ako nagsisisi sa nangyari

kung hindi

mas nalungkot lang ako dahil pakiramdam ko’y mahal niya

parin

ako pero hindi na pwede. Dahil kahit na mahal niya ako ay hindi na siya masaya.

Is that really possible? Hindi ba dapat kaya mo siya mahal dahil napapasaya ka niya?

Paglabas ko ay wala na si Marcus sa kama. Emptiness filled me. Para bang nauulit ang pangungulila ko sa umpisa.

Pinaalalahanan ko ang sarili kong malapit na. Malapit ng matapos ang kabaliwan ko.

Nagsuot lang ako ng tshirt at shorts pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit ko. Ngayon ang alis namin sa resort at balik sa Manila. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako sa kwarto.

Nasa pintuan si Marcus kausap ang isang lalaking may hawak ng trolley. It’s our lunch. Tanghali na kami nagising pareho dahil sa nangyari kagabi.

Kumain kami ni Marcus. Kaswal lang ang naging usapan namin. Ni hindi namin pinag-usapan ang nangyari kagabi. I’m afraid to ask. Besides, it’s just sex. Right?

Hinatid niya ako sa bahay. Hapon narin ng makarating kami dahil sa traffic at stop over para bumili ng snacks.

“Thank you Marcus.” Nakangiti kong sabi sa kan’ya.

“Anytime Blaire.”

Tinulungan niya akong tanggalin ang seatbelt ko. Sa paglapit ng katawan niya sa’kin ay inatake na naman ng kaba ang puso ko. I can smell his favorite perfume. That’s still the perfume I asked him to wear. Napangiti ako.

Ibinaba niya ang maleta ko pagkatapos ay nagpaalam na. Pagdating ko sa kwarto ay bumuhos nalang ulit ang mga luha ko. Kung hindi pa tumawag si George ay hindi pa ako matatahimik.

“What?!” Hiyaw niya sa kabilang linya.

“Yeah…”

“Bakit ka pumayag! Gaga ka! He is basically your ex now Blaire. Sabi ko na nga ba e, katangahan talaga ’yang paghingi mo ng pitong araw kasama siya! That’s the dumbest thing you could ask for your ex boyfriend!” Tuloy tuloy niyang pagalit sa’kin.

I can hear disappointment in her voice and I totally understand her.

“Thank you ha.” Umiyak na naman ako.

Alam ko namang mali talaga eh. Pero wala akong magawa. Mahal na mahal ko si Marcus! Hindi ko siya kayang isuko ng gano’n gano’n nalang.

“Look! I’m sorry pero nagsasabi lang ako ng totoo.”

“I know George! I just love him so much. Kung pwede ko lang palitan ang puso ko at ireformat ang utak ko ay ginawa ko na simula palang nong gabing hiniwalayan niya ako.” Napaupo ako sa kama ko.

Wrong move. Kung meron man akong dapat hingan ng tawad ay ’yon ang sarili ko. I’ve caused so much pain. Ako ang dahilan. Ako ang may kasalanan. Masyado akong mapilit sa mga bagay na hindi na talaga pwede.

“What’s your plan Blaire? Do you want me to come over?”

“No no… I’m okay George.” Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na lumalandas sa mukha ko at tumawa nalang para hindi na siya gaanong mag-alala.

“Okay, are you sure?”

“Yeah…” Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

Si Georgina lang ang tanging pinagsabihan ko ng lahat ng nangyayari sa’min ni Marcus. Wala akong ibang pinagsabihan tungkol sa estado ng relasyon namin kahit pa sila Mommy.

Sino pa nga ba ang pwede kong pagsabihan? Ang circle of friends namin ni Marcus ay iisa at alam kong malalaman din nila ’yon eventually.

Siguro kapag pumunta na ako sa Australia. Tatlong araw nalang naman e. Pagkatapos ng seven days ay aalis narin ako. Wala narin namang dahilan para manatili pa ako dito sa Pilipinas. I only stayed because of him.

“Basta bukas ha…” Dagdag ni Georgina sa kabilang linya nang matapos ang paghikbi ko.

“What? Anong meron bukas?”

“Duh?! Birthday ni Leonne remember? Same club tayo bukas. Game ka?” Kung kanina ay pagalit ang boses niya, ngayon naman ay excited siya sa mga sinasabi.

“Titignan ko.”

“Ikaw bahala. Di ba sixth day na bukas? You should come. ituloy tuloy mo na yang kagagahan mo…” Natatawang sabi niya.

Ganito ba talaga kapag best friend mo? Real talk kung real talk? Yung tipong maiisip mo talagang ang tanga tanga tanga mong tao? It’s gonna be all over soon.

“Sige…” Nasabi ko nalang.

“What’s the status of you and Hermes huh?” Kuryosong usisa ni Leonne isang araw ng magkita kami sa isang restaurant kasama si Harriette.

“Friends?” Bale walang sagot ko kay Leonne habang patuloy lang ang atensiyon sa pagkain ko.

I know Hermes is a great guy, but we are just friends. Parang hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Isa pa, hindi ba awkward na makarelasyon mo ang kaibigan ng ex mo? Bestfriend to be exact.

“Sus, friends pa ba ’yong ipinakilala na sa mga kamag-anak? Parents nalang ang kulang Blaire!” Natatawang sabi pa nito.

Tumango tango naman si Harriette. Nagtaas ako ng tingin para sulyapan siya ng masama. Mas lalo lang tuloy lumawak ang pag ngisi niya dahil sa ginawa ko.

“Friends nga. Friends…” Hinabaan ko pa ang pagkakasabi ko no’n.

“Ang manhid mo Lozaga! Hindi ka pa ba nakakamove-on kay…” Napaisip siya sa sunod na babanggitin.

“It’s been a year Leonne!”

“Honey, don’t pressure Blaire. She’ll find her man soon, just like I patiently waited for you. Just give her some time to figure everything out.” Kumindat si Harrie sa’kin.

“Thank you Harrie! Finally.” Umirap ako kay Leonne na napapailing nalang dahil sa ginawang pagtatanggol ng kan’yang asawa sa’kin.

“I’m just saying, Hermes is a good guy. Give him a chance if ever…” Sa sinabing ’yon ni Leonne ay para akong naliwanagan na hindi ko maintindihan.

Hindi naman officially nagtatanong si Hermes ng kung anong galing sa’kin. Ayaw kong isipin ang mga bagay na iniisip nila. I want Hermes and I to be friends. Masaya akong kasama siya at ayaw kong bigyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya para sa’kin.

That would be unfair. He’s too good. Bakit nga ba wala siyang nagiging girlfriend?

Ipinilig ko nalang ang ulo ko. What if he likes me? I mean… more than friends?

Ugh, this is too fucking crazy!

CHAPTER 16

Chapter Sixteen

Sixth Day

“Blaire!”

Niyakap kaagad ako ni Georgina ng makapasok ako sa club kung saan ginaganap ang birthday ni Leonne.

“Sorry na late ako!” Sigaw ko.

Masyado na kasing maingay sa loob ng bar at hindi na kami masyadong magkarinigan kung hindi lalakasan ang pagsasalita.

“Fashionably late! I like it!”

Sinuri niya ang kabuuan ko at pumalakpak pa ng masipat ako simula ulo hanggang paa.

I’m wearing a bright red cocktail dress na mayroong malaking uka sa likod. Hindi naman talaga ito ang dapat kong suotin pero wala na akong makitang maayos sa closet ko.

I didn’t plan going in this event anyway. Kung hindi pa sinabi ni Georgina ay hindi ko pa ’to maaalala.

Iginiya ako ni George sa mga kaibigan namin.

“Happy birthday Leonne!” Hinalikan ko siya sa pisngi.

He looked wasted already. Natatawa niya akong niyakap.

“Thank you Blaire! You look… gorgeous! Wow!” Gaya ni Georgina ay hinagod niya rin ang kabuuan ko.

Tama ba ang pagsuot ko nito? This is the first time I wore something like this. Too much skin kumbaga.

Natigil ang pagngiti ko ng makita si Marcus at Hermes sa isang mahabang couch kasama ang mga iilang kaibigan nila.

Abala si Marcus sa pakikipag-usap sa katabi niyang lalaking may mahabang buhok habang ang mga mata naman ni Hermes ay seryosong nakatingin sa’kin.

Umiling nalang ako. Hinawakan ni Leonne ang kamay ko papunta sa pwesto nila.

Nang makita ako ni Marcus ay natigilan rin siya matapos hagurin ang kabuuan ko. Dahil ba sa suot ko?

Nginitian ko silang lahat.

Napailing ako ng makita ang pagkalito sa mga mata ni Leonne ng hindi ko pansinin si Marcus. Kung siguro ay kami pa, tiyak akong yakap kaagap ang pagsasalubong naming dalawa. O kaya naman ay siya mismo ang kasama ko papunta rito.

Tumayo si Marcus para batiin ako. 

“Hi.” Aniya habang namumula na ang kan’yang pisngi.

Binati ko rin siya pero imbes sa tabi niya umupo ay sa tabi ako ni Georgina pumwesto.

“Akala ko ba eight ang simula bakit parang lasing na ang mga ’to?” Tanong ko sa kan’ya at binalingan ulit ng tingin sila Marcus.

“Oo nga pero napaaga ang punta nila kanina. Before seven nandito na.” Kinuha ni George ang baso na may lamang cocktail bago ibinigay sa’kin.

“Cheers!” Masaya niyang sabi pagkatapos itaas ang basong hawak niya. Gano’n din ang ginawa ko.

Nang lumalim ang gabi ay mas napuno pa ang buong club. Dumating narin ang mga kasama nila sa team at iilang mga kaibigan.

Marami narin akong nainom na alak. Nag-usap lang kami ni Marcus ng mawala ang kausap niya.

“Okay ka lang?” Tanong niya.

Kami nalang kasi ang naiwan sa table dahil ang mga kasama namin ay nasa dance floor na at nagsasaya.

“Oo naman. Ikaw?” Sagot ko.

“Yeah… You look gorgeous Blaire.” Aniyang pabulong.

Kahit na mahina ang pagkakasabi niya ay rinig ko ’yon ng buong buo.

“Thank you Marcus.” Ngumiti ako bago uminom ulit ng alak.

“Come on Blaire! Sayaw na tayo!” Hindi ko na namalayan ang pagsulpot ni Georgina sa gilid ko.

Kinuha niya ang kamay ko at hinila palayo kay Marcus. I’m glad she came. Dahil kung hindi ay matutuliro na naman hindi lang ang utak ko kung hindi pati narin ang puso ko.

Sumayaw kami ng sumayaw sa dance floor. Sinayawan ko narin si Leonne na kanina pa ako inaasar kay Marcus.

“LQ?” Nakangisi niyang sabi.

I feel bad. Parang naguilty ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang status ng relasyon namin ni Marcus. We are done. Napalingon ako sa couch kung nasaan siya.

Nag-iisa siya do’n habang patuloy ang pag-inom ng alak. Nag-iwas ako ng tingin.

“Hindi. Let’s not talk about it!” Pagtatapos ko sa usapan.

Umindak indak kami ni Georgina habang kinikilala ang mga naroon.

“Itulak mo ako!” Bulong niya sa tenga ko.

Tumingin ako sa likuran niya at doon ko nakita iyong isang ka team nila na kinababaliwan rin sa school.

Ginawa ko ang sinabi niya. Napailing nalang ako ng makita ang paglalandi niya sa lalaki. Mabilis na pumulupot ang kamay ng kaibigan ko sa leeg nito na parang isang koalang nakakapit sa isang sanga ng puno.

She winked at me nang makuha niya ang gusto niya. I rolled my eyes at her. Imbes na isipin ko si Georgina ay sumayaw nalang ako ng sumayaw. Nang medyo nagbago ang ritmo ng tugtog at mas naging flirty ay ginawa ko ang ginagawa ni Georgina.

I started grinding my body on someone. Napangisi ako ng maramdaman ang pagkapit niya sa bewang ko.

Nang subukan kong bumaba para gumiling sa kan’ya ay ipinosisyon niya ang sarili ko para matigil ako.

What?!

Inis ko siyang nilingon.

“Hermes…” Nilamon ako ng hiya ng makita ang pag igting ng panga niya dahil sa ginawa ko.

What’s wrong with him? Mukha siyang galit na hindi ko malaman! Umayos ako para harapin siya.

Nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya kahit na mukhang hindi niya nagustuhan ang ginagawa ko.

Sa pagbuntong hinga niya ay ngumisi ako.

“Hindi ko alam na gusto mo palang sumayaw.” Sabi ko.

The alcohol is kicking in. Ramdam ko ang pag-init ng katawan ko habang ang kamay niya ay nasa bewang ko parin at pilit akong ipinipirmi sa pag galaw.

“Come on Hermes! let me dance with you! Kung ayaw mo, you should let me go.” Sa huling sinabi ko ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa bewang ko.

Sa ginawa niya ay napatitig nalang ako sa mga mata niya.

Damn… Kailan pa naging ganito ka-gwapo sa paningin ko ang isang ’to?

I must be really drunk.

“Dance with me then.” Sabi nito saka binitiwan ang bewang ko.

Biglang nablangko ang utak ko sa sinabi niya. I didn’t mean anything but I think I pushed his buttons.

Binalewala ko nalang ang lahat ng nasa isip ko. Sumayaw ako ng sumayaw sa harapan niya. I didn’t mind. Gusto ko ’to. Ngayon ko lang naramdaman na free ako sa lahat ng bagay.

Nakikita ko sa isang sulok ng mata ko si Marcus na nakatingin lang sa direksiyon namin ni Hermes. Nawala lang ’yon ng bumalik sa’kin si Georgina.

Halos malaglag ang panga niya ng magkaharap kami at nakita kung sino ang kasayaw ko.

“What? Hindi ko alam.” Natatawang sabi ni Hermes ng sabihin ko sa kan’ya ang tungkol kay Georgina.

Nag didinner kami ngayon sa isang italian restaurant. Ayaw ko sanang sumama sa kan’ya pero dahil kumakalam narin ang sikmura ko ay sumama na ako.

“Seriously?!” I can’t believe him!

“Yeah.”

“Hindi mo ba pansin yung mga lagkit ng titig niya sa’yo noon? Ano ka ba!” Hindi ko na mapigilan ang paghalakhak ko.

He doesn’t know that Georgina likes him! Nakakainis ang kamanhidan ng isang ’to! Hindi niya ba halata sa tuwing nagpapacute ito sa kan’ya?

“No. She’s just like that even with Leonne.” Umiiling niyang sabi habang nangingiti parin dahil sa mga ibinulalas ko.

“She likes you! Matagal na, hindi pa kami ni Marcus ay ini-stalk ka na ng isang ’yon! Nadadamay pa nga ako minsan eh…”

Napataas ang kilay niya sa huling sinabi ko.

“How?”

Napalunok tuloy ako. This is just between me and George. Sikreto namin ang lahat ng ito pero dahil matagal na naman ’yon ay siguro okay lang na sabihin ko?

“Uhm, wala minsan sinisilip ka namin sa classroom mo. O kaya naman nanunuod kami ng game ninyo. Ganun, even on facebook…” Natigilan ako sa naisip.

Ako ang unang nag add kay Hermes noon dahil sa udyok ni Georgina. Nahihiya kasi itong i-add si Hermes kaya ako ang inutusan niya.

“Facebook?”

“Oo, inadd kita di ba? She told me to do that. Pero dahil wala ka namang masyadong pinopost ay wala rin kaming napala doon.”

Napailing ako at uminom ng wine.

Good times… I miss that brat!

“Bakit nga ba walang laman ang page mo? I mean, ni hindi ko rin nabalitaan na nagkaron ka ng girlfriend?” Kumabog ang dibdib ko sa tanong ko kahit na normal lang namang pag-usapan ang bagay na ’yon.

We are friends… Right? Naalala ko tuloy iyong pag-uusap namin ni Leonne noong nakaraang linggo.

Nagkibit-balikat lang siya.

“Wala eh.” Uminom rin siya ng wine kagaya ko.

Tumango nalang ako.

“As in no girlfriend since birth Hermes?” Usisa ko ulit sa ka’nya.

“You can say that.”

“Wow! Unbelievable.” Hindi makapaniwalang sabi ko.

Akala ko sadyang gusto niya lang talaga ng pribadong buhay kaya hindi siya nagdadala ng babae sa grupo o kahit na sa mga okasyong nagdaan. Totoo pala talagang wala siyang dadalhin.

Meaning… Ako ang unang nakilala ng pamilya niya? Nang grandparents niya? Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa naisip.

Ako ang una? But why?

CHAPTER 17

Chapter Seventeen

Don’t Cry

Hindi ko na alam kung nakailang shots na ako ng samo’t-saring alak. Basta ang alam ko lang ay lasing na ako.

Nang ibalik na ako ni Hermes sa table namin ay siya namang pag alis ni Marcus papunta sa kung saan. Pasalampak akong naupo doon. My world is spinning. Wala na akong pakialam sa mundo. I just want to get wasted!

Sumandal ako sa couch at sinubukang pumikit panandali. Naririnig ko ang malakas na hiyawan ng mga nagkakatuwaang tao.

Napadilat lang ako ng maramdaman ang paglapit ng kung sino sa tabi ko.

“Kaya mo pa?” Tanong niya.

Dumilat ako saglit para tignan siya.

Nakita ko si Hermes na nakadungaw sa akin. He looks so worried kaya naman nginitian ko nalang siya.

“Uminom ka muna.” Aniya.

Dumilat na ako ng tuluyan. Tanging alak lang ang kayang magpabuhay sa akin ngayon. Drink till you drop nga ’di ba?

Kinuha ko sa kamay niya ang isang baso at walang ano-ano’y tinungga ’yon.

Natigilan lang ako ng mapagtanto kong walang lasa ang iniinom ko. It’s just a glass of water!

“Hermes!” Inis ko siyang tinapunan ng tingin.

“What?” Kunot noo niyang tanong sa akin.

“I want alcohol not this!”

Padabog ko ’yong inilapag sa lamesang nasa harapan namin.

Tumawa siya ng mapakla dahil sa inasta ko.

“You can’t even walk straight Blaire. Gusto mo parin? This is not you.”

Halata sa boses niya ang pagkadismaya habang sinasabi ang mga bagay na gusto niyang ipahiwatig.

Sinamaan ko siya ng tingin. Aaminin kong natauhan ako sa sinabi niya kahit paano. Hinanap ng mga mata ko si Marcus pero bigo ako.

Nangilid ang mga luha ko at hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumulo na ang mga ’yon.

“Bakit Hermes? Ano ba ako?” Napakumo ang mga kamay ko dahil sa sinabi.

Ano ba ang wala ako at nakaya niya akong iwan? May mali ba sa akin? Gusto kong sabihin ang lahat ng ’yon kay Hermes.

Hindi siya sumagot. Hindi ko alam pero mas lalo akong nasaktan sa hindi niya pagsagot sa tanong ko.

Matabang akong tumawa saka marahas na pinunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mukha ko.

“Kung hindi mo kayang sagutin, huwag mo nalang sasabihin ang bagay na’yon. Kasi ako… K-Kahit ako hindi ko alam kung ano ako…”

Sinubukan kong tumayo kahit na nahihilo na talaga ako.

Gusto kong lumayo sa kahit na sino at mapag-isa. Nang maramdaman ko ang pag-alalay ni Hermes ay umiwas ako.

“Kaya ko Hermes. Please… Kaya ko n

an

g mag-isa.“

Kita ko sa mga mata niya ang pagtutol pero mas nanaig ang tigas ng ulo ko.

Hinawi ko ang mga kamay ko at naglakad ng mabilis paalis ng lugar na ’yon.

Hindi ko na kaya. Ang sikip sikip na naman ng dibdib ko. Hindi na ako nagpaalam kay Leonne at Georgina na abala sa pakikisaya sa mga bisita niya.

Nang tuluyan na akong makalabas sa bar ay huminga muna ako ng malalim at saka pilit na kinalma ang sarili.

I don’t know if I can still drive. Inilibot ko ang mata ko sa malawak na parking lot. Ni hindi ko narin alam kung saan ako nagpark kanina dahil sa pagmamadali ko. I forgot my purse inside!

Ayaw ko ng bumalik. Nalunod na naman ako ng lungkot. I feel so fucking alone.

Marcus is my better half. Kung wala siya ay wala ding Blaire. How am I supposed to forget all that?

Tinanggal ko ang aking heels at naglakad ng nakapaa. Mabagal lang dahil takot akong matumba sa magaspang na daan.

Hindi pa man ako nakakalayo ay naaninag ko na ang isang bulto habang hawak ang kan’yang sigarilyo sa kanang kamay.

Nang mapukol ang tingin niya sa’kin ay agad niyang pinatay ang hawak.

“Blaire…” Napasinghap ako ng marinig kong muli ang pangalan ko sa bibig niya.

Ngumiti ako at pinunasan ang huling luhang tumulo sa mga mata ko.

Mabuti nalang at medyo madilim kaya umasa ako na sana hindi niya mapansin ang pag-iyak kong siya ang dahilan.

“Marcus.” Pormal kong sabi.

Napangiti ako ng makita ang gwapo niyang mukha dahil sa ilaw ng poste.

“Nag smoke ka?” Inosenteng tanong ko kahit na kitang kita naman ’yon ng mga mata ko kanina.

Umiling siya.

“Yeah. Nasusuka na kasi ako. Are you okay?” Tanong niya at sinubukang kunin ang hawak kong heels.

“H-Huwag na. Kaya ko na Marcus.” Iniiwas ko ’yon.

Ngumiti nalang ako para hindi na siya magpumilit pa.

“Uuwi na ako. Ikaw ba?” Tanong ko at sinubukang maglakad palayo.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa likuran ko.

“Ihahatid nalang kita.”

“Hindi na. Mag tataxi nalang ako.” Sabi ko.

“Blaire…” Napatigil lang ako ng maramdaman ang paghawak niya sa kamay ko.

Hindi ko alam pero mas lalo akong nasaktan ng maramdaman ko siya. Parang gusto na namang tumulo ng mga luha ko. I bit my lower lip. Baka sakaling mapigilan ko pa.

“Blaire.. I’m… I’m sorry…” Literal na naputol ang paghinga ko sa sinabi niya.

I slowly turned to Marcus. Gusto ko siyang yakapin at halikan.

Putangina…

“Marcus-”

“I’m sorry Blaire.” Pag-uulit niya.

Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. Hindi ko narin napigilan ang sarili kong yakapin siya.

Umiyak ako ng umiyak sa dibdib ni Marcus. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ni hindi na ako makapag-isip ng matino. Gusto kong magwala at magmura ng paulit ulit.

Bakit ganito katindi ang tadhana sa’kin? Bakit?

Mas lalong bumuhos ang luha ko ng maramdaman ang paglayo ni Marcus para harapin ako.

Napapikit ako ng maingat niyang pinunasan ang mga luha ko.

“Don’t cry.” Ngumiti siya.

Mamimiss ko ’to. Mamimiss ko ’yang ngiti niya. Mamimiss ko lahat lahat ng kay Marcus.

“Ihahatid na kita.” Pagtatapos niya bago ibaba ang kamay niya papunta sa kamay ko.

Tumango tango nalang ako at sumunod sa pag giya niya papunta sa kan’yang sasakyan.

CHAPTER 18

Chapter Eighteen

Last Day

Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin kay Marcus. He’s silent as well.

“Marcus pwede ba tayong pumunta sa Climb?” Baling ko sa kan’ya nang makita ang traffic sa harapan namin.

Tinapunan niya ako ng hindi siguradong titig. That is where we had our first kiss. Wala namang espesyal sa lugar na ’yon dahil kung tutuusin ay kalsada lang ’yon sa mataas na lugar.

You can see the city from up there. Tahimik at tanging mga tunog ng kuliglig lang ang mariring.

“It’s late Blaire. You should rest-”

“Marcus, last day na.” Pagpuputol ko sa iba pa niyang sasabihin.

Technically, the seven last days with him is almost over. Napangiti ako ng matabang sa naisip.

“Please…”

Hinawakan ko pa ang kamay niyang nakahawak sa manubela.

“Alright.”

Mabilis niyang iniliko ang sasakyan para puntahan ang climb.

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana habang sinusuri ang mga nadaraanan namin. Madaling araw na pero marami parin namang mga tao sa kalsada.

Ipinikit ko na muna ang mga mata ko. I’m tired. Pagod na akong isipin ang lahat. This is the right time to give up. I need to accept that I’m defeated.

Tumulo ang luha ko.

“Blaire… We’re here.” Yugyog ni Marcus na dahilan para magising ako.

Kinusot ko ang mga mata ko at ramdam ko parin ang mga luhang naroon.

Inayos ko narin ang sarili ko ng maramdaman ang pagbaba niya ng sasakyan.

Huminga muna ako ng malalim. Umibis siya sa likuran ng kan’yang sasakyan at kinuha ang makapal niyang leather jacket pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto.

“Malamig.” Aniya bago ipatong iyong jacket sa balikat ko.

“T-Thank you.” Ngumiti ako ng maramdaman ang init no’n sa katawan ko.

“Uh… wala kang sapatos.” Tumingin siya sa paa ko.

I can’t wear my pumps. Masakit na ang paa ko dahil sa taas no’n.

Hindi pa man ako nakakasagot ay lumapit na siya para buhatin ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang kumapit sa leeg ni Marcus habang nakalapat ang katawan ko sa kan’ya.

Kung sana’y pwedeng ihinto ang oras sa ganito. Kung pwedeng hanggang sa dulo ganito kami. Hawak niya ako at hindi kailanman papakawalan.

Ibinaba niya ako sa likod ng kan’yang pick-up na nakaharap naman sa ibaba. I gasp when I saw the city lights. It’s been a while. I smiled bitterly.

Umalog ang sasakyan niya ng umupo siya sa tabi ko. Niyakap ko ang sarili ko ng maramdaman ko ang pagihip ng hangin.

“Nilalamig ka parin?” He asked.

Umiling naman ako.

“I’m okay.” Sabi ko at bumalik na ulit ang mga mata sa ibaba.

I’m completely sober. Pero sa pagmamahal ko sa kan’ya? I don’t think so.

“Ang ganda talaga dito.” Bulong ko. 

Sumunod ang mga mata niya sa tinitignan ko. Kitang kita ang matatayog na building na sa mga oras na ito ay buhay na buhay parin.

“Do you remember the first time we got here? Kung hindi ka pa nasiraan hindi natin ’to madi-discover.” Ngumiti ako at bumalik ang tingin kay Marcus.

Umuulan pa noong naflatan siya ng gulong. Pauwi narin kami no’n galing sa birthday ni Hermes. Imbes na tumawag kaagad ng tulong sa mga kaibigan namin ay doon kami tumigil. Nang tumila ang ulan ay niyaya ko siyang lumabas para panoorin ang makukulay na ilaw doon.

“Of course.” Tipid siyang ngumiti pabalik.

“Thank you Marcus. Thank you for everything.” Halos pumiyok pa ako sa pagkakasabi no’n.

Nagbabadya na naman kasi ang mga luha ko. I’m thankful. Masaya ako na pinagbigyan niya ako sa huling pitong araw para makasama siya.

Sa mga oras na ako ang minahal niya. Sa lahat lahat ng memories na ginawa naming dalawa. Hindi ko yata kayang isipin ang buhay ko kung hindi siya dumating dito. We’ve shared so many good memories and I will treasure that forever.

“For what?”

“For giving me everything I want. Kahit hanggang ngayon na ayaw mo na ay pinagbigyan mo parin ako…”

Pinipilit kong magpakatagtag sa harap ni Marcus kahit ang totoo ay kanina ko pa gustong umiyak nalang sa harapan niya.

“Wala ’yon Blaire.” Nag-iwas siya ng tingin ng kagatin ko ang pang-ibabang labi ko.

“I-I… I will miss you… So damn much.” Gumaralgal na ang boses ko.

Hindi bumalik ang tingin sa akin ni Marcus pero naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kanang kamay ko at marahang pinisil ’yon.

Huminga siya ng malalim bilang tugon. Nagpatuloy naman ako. I should end this now. Hindi ko na nga dapat siya pilitin sa mga bagay na ayaw niya.

“Hindi mo na ako kailangan pang makita mamaya para sa huling araw. Tinatapos ko na yung hiningi ko sa’yong pitong araw.”

Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang ngayong basag na basag na ako. Doon lang siya tumingin sa akin.

“Sorry ha. Makulit ako. Sorry kung nagpumilit pa ako.”

“Blaire…”

“Malaya ka na Marcus. Masaya ako ngayon dahil kasama kita pero huli na ’to. I’m finally letting you go. I shouldn’t have ask for the things that you don’t want in the first place. Wala e, pinilit kong i-convinced yung sarili kong babalik ka pa.” Huminga ako ng malalim para magpatuloy.

“Sana mapatawad mo ako. Mahal lang talaga kita Marcus.”

“Blaire, you don’t have to say sorry. Stop crying.” Napangiti ako ng mapait.

Hindi ko alam na umiiyak na naman pala ako.

Kailan ba ’to titigil? Posible pa ba ’yon?

“I’m sure you’ll be happy. Kahit wala ako. Maging masaya ka. Naging masaya ka naman sixteen years na wala ako di ba? I’m sure you can still do it.”

“I will… can I ask one last favor Marcus?” Huminto ako sa pag-iyak.

Kumunot naman ang noo niya pero pilit parin akong iniintindi. Tumango siya.

“Kiss me… One last kiss Marcus.”

CHAPTER 19

Chapter Nineteen

Special

Si Hermes ang date ko ng dumating na ang christmas party namin. Hindi naman talaga kailangan pero dahil sa King and Queen of the night ay kinailangan naming mamili ng magiging kapareha.

He ask me to be his date at binigyan pa ako ng napakalaking bouquet ng flowers. Inintriga tuloy ako nila Jaila sa nangyari.

“This is new! Are you sure you guys are just friends?” Nakataas ang kilay niyang tanong habang sinusuri at inaamoy ang bulaklak na ibinigay sa’kin.

“Of course!” Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagdududa niya.

“Well, I’ve never see him gave flowers to anyone. Even date a girl. Nah!”

Ako rin. Gusto kong sabihin sa kan’ya.

Si Hermes ang mas nag effort sa susuotin namin ng pumayag ako sa pagyaya niyang maging date ko.

He is wearing a navy blue tuxedo na mayroong champagne color necktie samatalang ang suot kong long dress ay kakulay rin ng kan’yang necktie. Mayroon itong mga sparkling sequence sa harapan at backless naman ang likod.

He gasp when he finally saw me getting out of my apartment. Parang mas lalong nalaglag ang panga niya ng makalapit na ako sa kinatatayuan niya.

“Stop staring Hermes.” Natatawang biro ko.

Pakiramdam ko kasi ay namumula ang pisngi ko sa mga makahulugan niyang paninitig sa akin.

“I like the view. You are beautiful Blaire.” Sabi niya bago ilahad ang kamay para alalayan ako patungo sa kan’yang sasakyan.

“Sus! Nambola ka pa.” Binalewala ko ang sinabi niya at nagpatianod nalang.

“You really are.” Aniya bago ako pasakayin sa passenger’s seat ng kan’yang kotse.

Tuluyan na akong nangiti dahil sa sinabi niya. It’s been a while. Ngayon ko lang ulit narinig sa isang tao na maganda ako. Ipinilig ko nalang ang ulo ko ng may pumasok na naman sa utak ko.

Mabilis kaming nakarating sa venue. Malayo palang ay nagkikislapan na ang mga camera ng nakahilerang photographer sa entrance na may red carpet pa.

Huminga hinga ako ng matapat na ang sasakyan ni Hermes doon. Parang umurong ang dila ko sa kaba nang huminto sila at kinuhaan ng picture ang nakasaradong sasakyan.

Hermes held my hand. Sa paglingon ko sa kan’ya ay ngumiti siya.

“You’ll be okay. Just stay with me…”

Kitang kita ko sa mga mata niya ang kakaibang ekspresyon. Hindi ko mapigilan ang pagkalito.

Umibis siya sa sasakyan para pagbuksan naman ako. Nakita ko na naman ang gwapo niyang mukha kasabay ng pag spark ng mga flash galing sa mga kumukuha ng litrato.

Isinukbit ko ang kamay ko sa braso niyang nakahanda na sa akin.

“Mr. Montgomery! It’s a pleasant surprise that you now have a date! Can you tell us about her?” Tanong ng isang babaeng mayroong mahabang buhok na blonde.

Ang pag-aaring kumpanya ni Hermes at ang christmas party na ito ay hindi lang para sa mga empleyado niya kung hindi ang lahat ng mga nasa itaas ng corporate world. Parang gusto kong manliit ng mabaling sa akin ang atensiyon ng mga reporter at camera man.

“She must be very special!” Hiyaw naman ng isang black american sabay lahad rin ng kan’yang mikropono sa harapan namin.

Sumulyap sa akin si Hermes saka ngumiti. Iyong ngiti na parang nagsasabing huwag akong mag-alala. Everything will gonna be just fine.

“She is…” He paused. “Blaire Lozaga is special to me.” Sabi niya at marami pang sinabi sa mga ito.

Hindi ko na ’yon masyadong naintindihan dahil sa unang sinabi niyang nagpablangko ng utak ko. Nang maramdaman ko ang paglalakad niya ay saka lang ulit ako natauhan.

“I’m sorry. Masyado talaga silang makulit.” Sabi niyang hindi nawala ang mga ngiti sa labi.

Gusto ko siyang tanungin tungkol sa naging sagot niya pero natakot ako. Naguguluhan na ako at buhol buhol na ang pag iisip ko.

Hindi ko na namalayan na nasa kalagitnaan na ang party. Kasama ko ang mga ka officemate ko sa table samantalang siya naman ay kasama ang mga CEO at presidente ng iba’t-ibang kumpanya.

Marami pang naging programa hanggang sa lumalim na ang gabi. Tulala naman ako buong oras kahit na nakikipag-usap kila Jaila. I’m still out of nowhere. Lutang ang isip at puso kong naririnig parin ang sinabi niya kanina.

Why am I so affected by that? I’m sure hindi naman siya seryoso doon? Siguro naman sinabi lang niya ang bagay na ’yon dahil sa mga makukulit na press?

“May I dance with my date now?” Hindi ko na namalayan ang pagdating niya sa harapan ko dahil wala ako sa normal kong pag-iisip.

“Uh.. I guess.” Sabi ko.

Ngayon ko lang napansin ang pag dim ng ilaw at ang mga nagsasayaw sa gitna ng ballroom. Nang makarating kami sa gitna ay ngumiti siya ulit bago ilagay ang kamay sa bewang ko. Inilagay ko naman ang sa akin sa kan’yang balikat.

Nananatili lang akong nakatitig sa malamlam niyang mga mata habang sinusundan ang matamis na tugtog sa kabuuan ng lugar.

“How’s the party so far?” Bulong niya sa akin.

“Okay naman. Congratulations nga pala.” Tukoy ko sa year end na mas lumaki ang kita ng kumpanya niya.

“Thank you. You make it all possible.” Seryos niyang sabi. Sa paninitig niya ay parang nawalan na ako ng lakas.

Bakit ganito? Bakit kailangang ganito ang maramdaman ko kay Hermes? Hindi ba mali ’to?

“A-ako?”

“You’re my inspiration Blaire.”

“Hermes-”

“At totoong espesyal ka sa akin. Totoong gusto kita. Gustong gusto Blaire.” Parang napaso ako sa nag-aalab niyang mata kaya nag-iwas ako ng tingin.

I don’t understand. Hindi ko kailanman maiintindihan kung bakit kami humantong sa ganito. Kung bakit parang gusto ko iyong sinabi niya. I’m so damn confused!

“I like you Blaire at hindi ko na ’yon kaya pang itago ng matagal. Naiintindihan ko kung hindi ka pa handa o kung ano mang dahilan. Basta maghihintay ako. Liligawan kita. I will do everything just to be with you. Hindi na ako magpapatalo ngayon…”

Hindi ko marinig ang malakas na tugtog sa ballroom dahil natatalo ’yon ng kaba sa dibdib ko. Nanginginig narin ang mga tuhod ko.

“Bakit ako Hermes? Hindi ko maintindihan. Bakit mo ako nagustuhan? I have nothing to offer Hermes.” Napakapit ako nang mas maayos sa braso niya dahil kapag hindi ko ’yon ginawa ay tiyak na mabubuwal ako sa pagkakatayo.

Ngumiti lang siya.

“It’s you who I really wanted Blaire. Noon pa…”

“Hermes, magkaibigan tayo-” He cut me off again.

“That doesn’t mean we can’t change that. Please give me a chance Blaire.” Nakita ko sa mga mata niyang seryoso siya sa lahat at sa paglalahad niya ng nararamdaman sa akin.

Parang gusto ko nalang maiyak. Hindi ko na kaya, it’s overwhelming. Hindi ko na naisip ang tungkol sa pag-ibig simula ng iwan ako ni Marcus. Parang nabura na ang bagay na ’yon sa puso ko pero ngayon…

Si Hermes. Siya ang bumabasag sa mataas na pader na inilagay ko sa palibot ng puso ko. Siya ang patuloy na tumutunaw sa lahat ng sakit rito. Siya ang tanging nagta-tiyagang pasayahin ako. Bakit hindi ko kaagad ’yon nakita?

I only see him as a friend. Am I cruel? Masyado ba akong naging manhid para hindi makuha ang gusto niyang ipahiwatig sa akin noon pa man? How am I supposed to love again kung hindi ko sigurado kung buo na ba ako?

Kung kaya ko na ulit? Kung hindi na ako ang dating ako?

It’s scary… I don’t want to hurt him. I won’t hurt Hermes. Hinding hindi.

CHAPTER 20

Chapter Twenty

F

lowers

“Manang…”

Natigil ako ng makita ang mga taong nasa loob ng apartment ko habang pabalik balik sa pagkuha ng mga bulaklak galing sa kung saan.

“Good morning Ma’am.” Bati pa ng isa sa kanila.

“Manang, anong nangyayari?”

Lumapit ako sa kan’ya ng makita siyang inaayos ang iilang bulaklak na nasa kitchen counter lang.

Halos mapuno na ang buong living room dahil sa dami ng bulto bultong ipinapasok nila.

“Blaire! Ay hindi ko nga rin alam, pinabibigay daw sa iyo kaya pinapasok ko na.” Aniya bago ibigay ang kulay silver na card.

Hindi ko pa man nababasa ang nakalagay doon ay may kutob na ako kung kanino galing ang mga bulaklak.

“Good morning Blaire…” Napataas ang kilay ko ng mabasa ang maiksing note na naroon.

God! Nagmistula ng hardin ang apartment! Pakiramdam ko ay kumulo ang tiyan ko hindi dahil sa gutom kung hindi sa ibang dahilan.

Hindi lang ito basta rosas. Mayroon ding carnations at iba’t iba pang klase ng mga bulaklak.

“That is the last flower vase. Can I have your signature here?” Anang babaeng nakangiti ng malawak sa akin.

Nagpatianod naman ako at pinirmahan ang kan’yang hawak na papel.

“You’re so lucky!” Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi niya.

Nahihiya akong tumango at nagpasalamat sa kan’ya bago balingan si Manang na aligaga na sa dami ng mga bulaklak.

“Saan ang mga ito Blaire?” Tanong niya sa mga bulaklak na nakapatong sa coffee table.

“Kayo na po ang bahalang mag-ayos.” Ngumiti ako bago siya iwan.

Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang aking cellphone at matawagan si Hermes. Siya lang ang tanging naisip kong magpapadala ng sandamakmak na bulaklak para sa akin. This is crazy! He is now driving me crazy!

“Hermes. Uh, Ikaw ba?” Natigil ako ng marinig ang paghinga niya sa kabilang linya.

“Nandiyan na?”

“Oo, Hermes naman-”

“Hindi mo ba nagustuhan?” Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

Napalunok ako.

“No. I mean, they’re beautiful but-”

“Good. I’ll be there in five.” Aniya bago tuluyang patayin ang linya.

Napapikit nalang ako ng mariin ng marinig ang matinis na tunog doon.

Imbes na tumunganga ay naligo na ako. Paglabas ko sa banyo ay nakita ko si Manang na may inilagay naring dalawang flower vase sa magkabilang gilid ng aking bedside table at isa naman sa vanity mirror ko.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Paano niya nalamang gusto ko ng bulaklak? Wala sa sariling tumungo ako sa vanity mirror ko at kinuha ang bulaklak na naroon.

Napapikit nalang ako habang inaamoy ang bango nito. Carnations are my favorite. Mukha kasi silang nakakaganda kapag nakikita ko. I don’t know, they just lighten up my mood.

Umupo ako at ilang minuto pang tinitigan ang sarili sa salamin.

Do I deserve this? Oo deserve kong sumaya pero si Hermes? Ayaw kong mahulog sa kan’ya.

Kaya ko bang pigilan ang sarili ko kung ngayon pa lang ay unti unti niya ng nagigiba ang pader sa pagitan namin?

Napabuntong hinga na naman ako. Nag-ayos ako ng kaunti at nagsuot lang ng pants at black shirt. Wala naman akong balak umalis ngayon dahil gusto ko lang talagang magpahinga.

Hindi naman ako pagod pero ang utak ko? Hindi na kaya.

Sinubukan kong i-chat si Georgina.

Ako:

Hi George! How are you?

Isa pa ’to. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang gusto ako ni Hermes. Magagalit kaya siya sa’kin?

Kalalapag ko lang ng cellphone ko ng magreply siya.

Georgina:

Oh my God! Aren’t you dead?! Shit! I miss you Blaire! I hate you!

Natawa ako ng mabasa iyong reply niya. Parang naririnig ko pa ang inis at matinis niyang boses habang binabasa ’yon. Agad akong nagtipa ng sagot.

Ako:

I miss you too! Sobra.

I don’t know what else should I tell her. Na finally hindi ko na naiisip si Marcus? Fuck that was once upon a time.

Wow… Napangiti ako ng maisip ko ang pagbanggit sa pangalan niya na wala akong naramdaman na kahit ano. Mas nasa isip ko kasi ang isang lalaki na ngayon ay papunta na sa apartment.

Georgina:

I miss you too! Kailan ka ba uuwi? Talaga bang wala ng balikan Blaire? Seriously? Kakalimutan na ba kita? Tell me!

Ako:

Sira ka talaga! Soon? Or you visit me here! Pwede namang ikaw ang pumunta. I’ll give you tickets?

Georgina:

Hell no! Blaire I’m engage! Iran won’t let me go anywhere aside from our bedroom!

Napailing ako ng mabasa ’yon. Sira talaga itong babaeng ’to! And yes, parang nasagot ang tanong ko kanina sa utak ko. About Hermes liking me. Engage na siya so wala ng problema?

Ugh! Why would I think of that. Bakit kailangan kong isipin pa ang opinyon ni Georgina? Hindi ba dapat mas intindihin ko ang pagiging magkaibigan naming lahat. Si Marcus, ako at siya.

Ako:

Kailan nga ulit ang kasal? I haven’t received your invitation yet. Am I invited?

Georgina:

Of course! You’ll be my maid of honor Blaire! Maybe next year. Iran wants to have babies first. Babies Blaire!

Hindi ko pa man nakikilala si Iran ay alam ko ng mahal niya talaga ang kaibigan ko.

Mailap si Georgina at talaga namang may ugali siyang minsan ay hindi mo matatagalan. But this Iran is crazy over her.

Napangiti ako ng maisip na naunahan pa ako sa pagpa-plano ng pamilya ni Georgina. Siya itong mapili noon at ayaw ng basta lang magkaroon ng boyfriend. Ilang beses narin naman siyang nagkaroon ng boyfriend pero siya rin ang nang-iiwan.

Ang sabi niya palagi ay wala sa mga lalaking ’yon ang gusto niyang makasama sa habang buhay. She tried Hermes pero mas mailap ang isang ’yon kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang tigilan ito.

Ako:

Okay fine! Invitation ha!

Sabi ko bago ko itabi ang cellphone ko. Sakto naman ang pagtawag ni Manang dahil sa pagdating ni Hermes sa apartment.

Nagmamadali akong lumabas doon. Ngumiti agad siya ng magsalubong ang mga mata namin. He is still wearing a suit at may hawak pang isang kulay pulang box na hindi ko alam kung para saan.

“Hi!” Sabi niya at inilibot ang paningin sa kabuuan ng tinitirahan ko. “Ang dami pala.” Ngumisi siya.

“Thank you Hermes. Hindi ko na tuloy alam kung saan ko ilalagay yung iba.” Lumapit ako sa kan’ya at ibinigay niya sa’kin iyong hawak niya.

“Chocolates baka maumay ka sa flowers eh.” Natatawa niyang sabi.

“You don’t have to sent me flowers Hermes. And this…” Tukoy ko naman sa chocolate na nasa kamay ko.

“Anong gusto mo?”

Hinuli niya ang mga mata kong pilit kong iniiwas sa kan’ya.

Natigil ako at tumalikod nalang para ilagay sa lamesa iyong huling ibinigay niya. Ano nga bang gusto ko? Simple lang, yung hindi ako nalilito sa mga ganitong bagay.

“You ready?” Tanong niya na sinundan ako.

“Ready saan?”

“Lunch, dinner kahit ano. Ayaw kong buong araw nasa office lalo na kung wala ka…” Doon lang ako napalingon sa kan’ya.

Nakita ko ang malamlam niyang mga mata na tila ba nangungusap sa akin. Hindi ko mapigilan ang puso kong maghuramentado. Bakit ganito? Stop…

“Magpapaluto nalang ako kay Manang kung gusto mo?”

Nilagpasan ko siya para hanapin sana si Manang pero maagap niyang nahawakan ang kamay ko.

Nakuryente ako sa pagkakahawak niyang ’yon. Natigilan rin ako pansamantala at napapikit ng mariin. Matagal ko ng naramdaman ang bagay na ito. Matagal na matagal na.

“Blaire you can’t get rid of me. Kahit na ayaw mo ay gagawa ako ng paraan para magustuhan mo ako pabalik. Lalo na ngayong wala na akong taong masasaktan kapag sinabi ko ang nararamdaman ko. Wala na akong matatapakang kaibigan.” May pait sa boses niyang sabi.

Naramdaman ko ang paglipat niya sa harapan ko. Inangat niya ang baba ko para makita ko siya.

Parang gusto kong maiyak ngayon. Pakiramdam ko ay deserve ko parin ang salitang pagmamahal na matagal ko ng ibinaon sa kung saan.

“I love you Blaire. Kung noon ay nagpaubaya ako kay Marcus…” Huminto siya at mas humigpit ang hawak sa kamay ko. “Wala ng makakapigil sa akin ngayon. Maghihintay ako Blaire. Hayaan mo lang ako. Mahal kita. Mahal kita noon pa.”

Kusa ng tumulo ang luha ko. I don’t know what to say anymore. Ngayon ko lang narinig ang ganito kay Hermes. He is inlove with me? At tama ba ang narinig ko na dati niya pa ako mahal?

Ibig sabihin ay kinalimutan niya ang pagmamahal niya sa’kin para kay Marcus? Para sa kaibigan niya?

Bakit?

CHAPTER 21

Chapter Twenty One

Fall For Him

“Hermes!”

Sigaw ko habang bumaba ng mabilis ang roller coaster na sinasakyan naming dalawa.

Kahit na para nang kumakawala ang kaluluwa ko sa katawan ko ay narinig ko parin ang pagtawa niya at pagsigaw.

Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ang paghinto noon sa taas. Habol ko ang aking paghinga.

“You okay?” Natatawang sabi niya habang ako naman ay pinipigilan na ang sarili sa pagmumura.

Sa kada ikot no’n ay bumabaliktad ang sikmura ko.

This is not a good idea at all. Kung hindi ko lang siya matiis ay hindi talaga ako papayag na sumakay sa rides na ’to.

I’ve never been in a roller coaster. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpauto ako.

Bago pa man ako makasagot ay bumulusok na pababa ang roller coaster kaya napasigaw na naman ako at napapikit nalang ng mariin.

“Blaire! Open your eyes.” Sigaw niya.

“No!” Sigaw ko naman pabalik.

“Come on!” 

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napadilat na ako.

I can see his handsome face smiling at me. Kahit na gusto ko paring sumigaw ay natigil nalang ako. Nawala kahit paano ang pangamba ko ng maramdaman ang pagsalikop ng kamay ni sa akin.

“I love you.” Aniya.

“What?” Tanong ko dahil sa mga sigawan ay hindi ko ’yon masyadong narinig.

Nang umikot ang roller coaster ay umikot na naman ang tiyan ko pero hindi ako pumikit. Tumitig lang ako kay Hermes. He’s just staring at me. Trying to comfort me with his serious look.

Ngumiti siya nang maramdaman ang pag-ikot at pagbabang tuluyan ng sinasakyan namin.

“I said, I love you Blaire Lozaga!” Malakas na sigaw niya kasabay ng paghinto ng roller coaster sa pinagmulan nito.

Napaawang ang bibig ko ng marealized ang sinabi niya. Naghiyawan at palakpakan ang mga taong kasama naming nakasakay doon. Hindi ko alam kung para sa amin ba o dahil natapos na ang ride? Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko.

Ilang buwan na ba? Eight? nine? Hindi ko na matandaan kung ilang buwan na siyang nanliligaw sa akin dahil hindi ko alam kung dapat ko bang isama iyong mga oras na nandiyan siya sa tabi ko.

“Mahal kita Blaire…”

Lumamlam ang mga mata ni hermes habang nakatitig lang sa akin.

I can feel my heart beating fast. It was just friendship that makes us closer. Hindi ko talaga inaasahan na ganito na kami ngayon.

That friendship and closeness eventually lead me falling for him which I realized when every time my eyes laid on his gorgeous face.

Sabi nila masasabi mong mahalaga at mahal mo ang isang tao kapag hindi mo maimagine ang sarili mo ng wala sila. At nitong nakaraang buwan, sa tuwing nakikita ko siyang may kausap na iba ay parang may kumukurot sa puso ko.

Iniwasan ko siya simula ng makaramdamam ako ng iritasyon noong isang beses ay nakita ko ang lantarang pagfi-flirt sa kan’ya noong bago niyang secretary.

Alam kong hindi niya pansin ’yon pero naiirita ako sa tuwing pumapasok iyong babae sa loob ng opisina niya.

My mind was creating random shit about them being locked in that damn office.

Ang isipin pa kaya na mawala siya sa akin? I fall for him everytime he smiled at me. Sa bawat seryosong paninitig niya at pagpapahayag ng nararamdaman sa akin ay nalulunod na ako sa tuwa.

Kagaya nalang ngayon…

Naghiyawan lalo ang mga tao ng ulitin niya ang sinabi.

“Mahal kita!”

Para akong natauhan ng hawakan nya ang kamay ko. Natigilan ako. Una ay nakangiti pa siya pero halata sa mga mata niya ang lungkot ng hindi ako sumagot.

Napawi ang ngiti niya at bahagyang umiling. Dahil sa pagkatahimik ko ay wala siyang nagawa kung hindi ang ngumiti nalang ulit kahit na bakas parin ang lungkot sa mga mata.

“Let’s go.” Pormal niyang sabi bago tumayo.

“Hermes…”

Nilingon niya ako ng nakalabas na siya doon sa inupuan namin. Tumayo narin ako para lumabas.

Sinalakay ako ng kaba. nakakunot lang ang noo niya at hinihintay ang iba ko pang sasabihin. My stomach drop when he speak.

“M-may sasabihin ka?” Tanong niya ulit.

Huminga ako ng malalim. Marami paring tao na nakatingin sa amin at ang iba pa nga ay talagang pinapanuod kami.

I feel sick and horrendously nervous. Pakiramdam ko ay marami ng namumuong pawis sa noo ko.

“I…” Huminto ako at humugot ng malalim na paghinga. Mas lalo namang kumunot ang noo niya. This is it. Hindi ko na kayang  itago at patagalin pa ang isinisigaw ng puso ko.

“I love you too!” Buong tapang kong sinabi.

I felt my world turned upside down. Nakita ko ang pagliwanag ng muka ni Hermes pero agad ding kumunot ang kan’yang noo.

“What?” Tanong niya ulit na sinisigurado ang narinig.

Narinig ko ang paglakas ng hiyawan ng mga tao. Mayroon doong couple na halos lapirutin pa ang mukha ng kan’yang boyfriend dahil sa dalang kilig namin ni Hermes.

“Sabi ko, mahal rin kita Hermes…” Marahang umangat ang gilid ng kan’yang labi.

Hindi pa man ako nakakapag-isip ng matino ay niyakap na niya ako.

“Congratulations dude!”

“Halika sakay na tayo baka mamaya pag baba natin sagutin mo narin ako!” Natatawang sabi noong lalaki sa kasama niyang babae at mabilis nalang sumakay. Natatawa nalang ako.

“Wala ng bawian ah!” Nakangising sabi ni Hermes.

Oh God! Oo naman. Wala ng bawian. Wala akong balak na bawiin ang lahat Hermes. It’s you who I want right now. Mahal ko na nga siya at hindi ko na kayang pigilin ang sarili kong lalo pang mahulog sa kan’ya.

Tuluyan na niyang natawid ang pader na inilagay ko sa paligid ng pagkatao ko. Siya ang nagtiyaga. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

Hindi na ako natatakot na masaktang muli dahil alam kong worth na ito ngayon. We all need pain to realized something. Palaging kasama yan sa pagtanda.

May mga tao talagang darating sa buhay natin hindi para makasama sa habang buhay kung hindi para mag-iwan ng isang leksiyon.

At kung may leksiyon mang dala si Hermes ay makikinig ako. Pero sa ngayon masayang masaya ako dahil alam kong tama ang nararamdaman kong pagmamahal sa kan’ya.

I can’t see him with anyone else but me. I’m ready to love him.

CHAPTER 22

Chapter Twenty Two

Me And Hermes

“Happy Second Anniversary Blaire.”

Gusto ko ng maiyak ng makita ang mga bulaklak niyang dala.

Hindi naman ito ang una pero pakiramdam ko ay espesyal ito ngayon. We marked our second year being together.

Hermes gave me the best relationship that I never imagine to have. Siya ang nagbura ng lahat ng natitirang sakit sa puso ko. Siya ang nagtiyaga sa akin, siya ang bumuo. I remeber the first time he told me he love me.

Hindi ko ’yon matanggap dati dahil natatakot akong magmahal muli at maulit lang ang nangyari sa amin ni Marcus. Yes I loved him. Hindi na ’yon mawawala sa akin dahil naging parte siya ng buhay ko. But Hermes… hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag nawala pa siya sa akin.

Siguro kapag dumating ang araw na ’yon ay hindi na ako magmamakaawa kagaya ng hiniling ko kay Marcus. I don’t want to be selfish anymore.

“I love you!” Sabi ni Hermes matapos akong siilin ng halik sa labi.

Hanggang ngayon ay kinikilig parin ako sa tuwing sinasabi niya ang pagmamahal niya sa akin. I love Hermes so much. Ngayon ay simula ko ng nakikita ang bukas na kasama siya.

“Mommy!”

“Blaire! Good to see you, oh my God!” Hiyaw ng Mommy ni Hermes ng bisitahin namin sila isang araw.

“Kumusta po?” Nakangiting bati ko matapos ang yakap.

Nasa likuran ko lang si Hermes habang binabati naman ang Ama at kapatid na si Ate Hera.

“We’re good! Matagal na namin kayong hinihintay. Dalas dalasan niyo naman please?” Natawa ako sa sinabi niya pero tumango narin.

Dahil sa busy schedule ni Hermes ay minsan lang kami nagkakaroon ng oras para mamasyal sa mga magulang niya. Kahit na ayaw niya akong magtrabaho ay ginagawa ko parin.

My pride is high as Eiffel tower. Hindi ko maaatim na siya lang ang kumakayod para sa hinaharap ng relasyon namin.

Hermes can’t take my eyes and hands off me. Pero kahit na gano’n. Wala pang nangyayari sa aming dalawa. I know I’m not a virgin but he insisted that he will wait for me to be ready. All ready.

Palagi siyang naghihintay sa akin. I am now ready. Siguro noong una ay hindi ako sigurado kung hanggang saan lang kami tatagal pero ngayong dalawang taon na ang relasyon namin ay nasasabi kong handa na ako sa lahat. As long as I’m with him, I’m always ready.

“Ate Hera!”

“Blaire, you are beautiful than ever. I’m glad Hermes has a good taste!” Natatawang pambobola niya sa akin habang nakanguso sa kapatid. Palagi niya naman akong pinupuri kaya minsan ay hindi na ako naniniwala.

“She’s the only one Ate Hera. You know that.” Seryoso namang sabi ni Hermes.

“Oo na! Sabi ko sa’yo noon mo pa ligawan eh. Sus!” Umirap siya.

Natawa nalang ako at bumalik sa pagkakakapit sa braso ni Hermes. Ngumuso siya pero agad ding ngumiti sa akin.

“I’m a good friend. Bro code.” Bulong niya sa tenga ko.

“I’m yours now Hermes… sa’yo lang.” Humilig ako sa katawan niya.

Nasa garden na kami at nag-uusap ng mga bagay bagay ng dumating naman sila Mommy at ang grandparents ni Hermes.

“Gran Ma. I’m glad you came!” Masayang bati ni Hermes sa kan’yang Lola at niyakap pa ito.

Gusto raw kasi ni Hermes ng mini reunion naming lahat kaya narito sila. Niyakap ko rin ang mga magulang ko.

They liked Hermes. Una palang ay gusto na nila ito. Kahit noong magkaibigan palang kami. Noong naghiwalay naman kami ni Marcus ay ipinagtulakan pa ako ni Mommy rito.

I guess, mother’s knows best?

Nasa harapan na kami ng hapag kainan.

“How’s the business Hijo?” Ani Daddy kay Hermes.

“It’s okay Dad. It has been okay since your daughter said yes.” Ngumiti siya at bumaling sa akin.

Natawa si Daddy.

“That’s what I did too when your Mom came. Mas lalo akong naging inspired.” Singit naman ng Daddy niya.

Nag-init lalo ang pisngi ko dahil sa mga ngisi nila.

Two years. Pero parang umpisa palang niya ako kung tratuhin. Hindi ba sa umpisa palagi ang pinakamasaya? Pero kami ni Hermes, hanggang ngayon ay gano’n parin.

Hinawakan niya ang kamay ko at walang ano-ano’y hinalikan ito sa harap ng lahat ng nasa hapag kainan.

“Woh! Kayo na!” Natatawang hiyaw ni Ate Hera.

Kinurot ko ang mukha ni Hermes dahil hindi ko na maitago ang kaba at kilig na nararamdaman ko.

Tuwang tuwa ang mga matatanda dahil sa ginawa ng kanilang apo.

“Naalala ko noong bata pa kami ni Sandro. Kagayang kagaya mo talaga ang lolo mo Hermes.” Halos maiyak na sabi ng Lola niya.

“Mahal kita Helena at kahit ngayon, mahal na mahal parin kita.” Humalik naman ang Lolo niya sa pisngi ng kan’yang Lola.

Nakita ko ang pagpupunas ng invisible na pawis ni Ate Hera.

“Phew… ako na ang walang love life. Kayo na.” Reklamo niya.

Nagtawanan kaming lahat doon. Hinawakan ni Hermes ang kamay ko kaya natigil ako.

Sana nga kami narin hanggang sa dulo gaya ng Lolo at Lola niya. Ang Daddy at Mommy ko at ang kan’yang mga magulang. Kitang kita sa kanilang magkakapareha ang nag-uumapaw na pagmamahal sa isa’t-isa. I’m glad I said yes to this guy.

Matapos kumain ay dumiretso kami sa garden. Inilabas ng mga katulong nila ang mga wine at cakes bilang dessert.

Nag-usap usap rin kami tungkol sa trabaho at iba pang bagay.

“Masaya ba? Ayos ba sa’yo ’yun? Hindi ba nakakasawa?” Kuryosong tanong ni Ate Hera sa trabaho ko.

I’m Hermes’s secretary. He offered me other position pero iyon ang posisyong gusto ko. I can’t handle seeing him with anyone else. Lalo pa at halatang mahaharot ang mga naging sekretarya niya.

“Masaya ako sa gano’n Ate. Call me possessive but I just love him. Ayaw kong magalit araw-araw sa tuwing papasok ang ibang babae sa opisina niya.” Napakagat ako sa aking labi.

Natawa naman siya at tumango tango.

“Damn, he is so lucky to have you!” Aniya.

“I’m luckier. Lalo sainyo Ate Hera. Thank you sa pag tanggap niyo sa akin.” Ngumiti siya at niyakap ako.

Matapos ang yakap niya ay tinitigan niya ang kan’yang relo na para bang naghihitay ng kung ano. Kita ko sa mukha niya ang pagkainip na hindi ko maintindihan.

Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon.

“Teka ha.” Ngumiti siya at umalis muna sa tabi ko.

Sinalinan niya ang lahat ng baso ng champagne. Pababa narin ang araw at kulay kahel na ang langit. What a perfect scene.

Sana ganito nalang palagi. Kasama ang pamilya at masaya.

Sumulyap sa akin si Hermes bago bumaling sa kapatid. Lumayo sila sa nakararami. Ako lang yata ang nakapansin dahil hindi ko maiwasang hindi tignan si Hermes. I want to see him 24/7 if possible.

Sa pagbalik nila ay sinalakay ako ng kaba. Napatuwid ako sa pagkakaupo gano’n din ang mga magulang at pamilya namin. Tumayo si Hermes sa gitna. Si Ate Hera naman ay pinatunog ang basong hawak para makuha ang buong atensiyon namin.

Tumango si Hermes sa kapatid bago bumaling sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko patayo sa gitna ng lahat. Nakita ko ang pagtulo mga luha ng mga babaeng naroon.

What the hell is going on?!

Nahirapan akong huminga ng makita ang malamlam na mga mata ni Hermes. Ang makapal niyang kilay, ang perpekto niyang ilong at mapupulang labi.

Nakita ko rin ang mga luha sa gilid ng kan’yang mga mata. What…

“Blaire, it has been two years since you said yes. Pero higit pa sa two years ay minahal na kita. Hanggang ngayon, mahal na mahal na mahal kita.” Nanunuot ang mga salita ni Hermes sa puso ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.

Natututop ko ang labi ko ng marahan siyang lumuhod sa aking harapan. Kinuha niya ang isang itim na box galing sa kan’yang bulsa.

“Lahat sila ay umoo na sa’kin Blaire. Ikaw nalang ang hindi pa. Blaire Lozaga, can you please be my wife?” Tumulo na ang mga luha niya.

Suminghap singhap ako dahil napupuno ng emosyon ang puso ko. This is way different that Marcus’s proposal.

Siguro nga ay mas mahal ko si Hermes ngayon. Mas higit ang pagmamahal ko kay Hermes dahil ngayon ay alam ko na ang tama at mali.

Luminga ako sa paligid at lahat sila ay hinihintay ang sagot ko. Si Mommy ay humahagulgol na sa saya. Magkayakap naman ang mga magulang ni Hermes samantalang si GranMa ay lumuluha narin at handa ng pumalakpak anytime.

Bumalik ang tingin ko kay Hermes. Nakita ko sa mga mata niya ang lahat ng pangangailangan ko. Totoo pala ’yon na kapag may isang nawala ay mayroong may mas maganda na darating.

Oo hindi perpekto ang relasyon namin ni Hermes but it’s all worth it. Damang dama ko ngayon na siya na ang lalaking para sa akin. Na siya ang kapareha kong itinakda ng Diyos.

Marahan akong tumango habang pinipigilan ang mga luha ko sa pagbaha dahil sa sobrang saya.

“Yes Hermes! I will marry you!”

Isang malakas na palakpakan ang narinig ko lalo na ang kay Ate Hera. Siya itong number one supporter namin sa relasyon. Agad niyang isinuot sa akin ang singsing na may malaking diamond sa gitna.

Niyakap niya ako matapos halikan sa labi. It was short but it’s meaningful. Iyon ang unang halik namin bilang mag fiancè.

“Blaire Lozaga Montgomery…” Masayang bulong niya sa tenga ko. “I love you so much future wife…”

CHAPTER 23

Chapter Twenty Three

Surprise

Maaga akong pumunta sa bahay ni Hermes. I want to surprise him today. Simula na ng pagpaplano namin sa kasal naming dalawa.

Nagbake ako ng cheese cake na paborito niya. I like to surprise him this time. Dahil sa loob ng dalawang taon naming relasyon ay siya lang ang palaging gumagawa ng mga bagay na ikakasurpresa ko.

“Good Morning Miss Blaire!” Masayang bati ni Dalia sa akin.

Isa ito sa matagal na nilang kasambahay.

“Good morning Dalia. Si Hermes?”

“Tulog pa po yata.” Nakangiti niyang sinabi.

“Sige, thank you!” Ngumiti ako at dumiretso na sa hagdan patungo sa kwarto ni Hermes.

Sa malaking bahay na ito ay siya lang ang tanging nakatira dahil may sariling bahay ang kan’yang mga magulang at si Ate Hera naman ay may sarili rin.

Dalawa ang kasambahay niya. Isa sa pagluluto at si Dalia para naman sa paglilinis. I have a key to his room. Ibinigay niya iyon para daw masanay na ako dahil kapag naging mag asawa na kami ay dito na kami titira sa malaking bahay niya.

He bought a bigger house than this one but I told him that this house is perfectly fine for us. Hindi naman ako maluho o mapili. Kahit sa kubo lang ay ayos na basta ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa.

Lumawak ang ngiti ko ng makitang walang tao sa kama niya. Inilapag ko muna ang cake sa lamesang naroon at maingat na lumapit sa banyo.

He is taking a bath. Mabuti narin ’yon para maayos ko pa iyong cake at sa paglabas niya ay masurpresa ko siya. Kinakabahan ako habang inaayos ang cake. May dala akong lighter para doon.

Wala namang partikular na okasyon. I just want to make his day better.

Things you do for love, right?

Natapos na ako at nakaupo na sa kama niya pero hindi parin siya lumalabas ng banyo. Nadi-distract na ako sa cellphone niyang kanina pa tunog ng tunog. Hinayaan ko lang iyon noong una pero ng umulit pa ang pagtunog ng tatlong beses ay hindi ko natiis na kunin ’yon sa bed side table.

Ang lahat ng tuwa ko ay inilipad sa malayong lugar ng makita ang isang partikular na pangalan sa screen.

Marcus.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa ngayon. Naguguluhan ako. Napaupo ako sa gilid ng kama habang nanginginig ang mga kamay na binuksan ang isang mahabang mensahe doon.

Marcus:

Take good care of her bro. I’m happy for both of you. Just keep me posted about the wedding. I’ll be glad to be your groomsman.

Napapikit ako ng mariin kasabay ng malakas na kalampag ng puso ko. Hindi ko alam na mayroon pa pala silang komunikasyon ni Marcus.

Anong ibig niyang sabihin na alagaan ako? And why do I feel so betrayed?

Oo at hindi naman big deal para sa akin si Marcus pero hindi man lang ba niya balak sabihin na nag-uusap pa sila? Damn! They’re friends that’s why! Pero bakit ganito? Bakit kailangan kong makaramdam ng sakit?

Binuksan ko ang isa pang message doon.

Marcus:

Congratulations Bro! I couldn’t be happier. Blaire deserves the best. Thank you.

Hindi ko na nagawa pang basahin ang lahat. Ini-scroll ko nalang ang conversation nila para makita ang date noon. Napaawang ang bibig ko. Palagi silang magkausap.

Parang sinaksak ang puso ko sa nakita kong pinakaunang message.

Marcus:

Please take good care of Blaire for me bro. Promise me.

He replied.

Hermes:

Of course bro. All for you.

Parang piniga ang puso ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng masasaganang luha sa mga mata ko.

So this is all just because of Marcus? Inalagaan at minahal niya ako para lang kay Marcus? Just what the fuck?!

“Blaire baby-” Natigilan siya ng makita ang cake sa kama niya.

Nakita ko siyang ngumiti pero ng bumaling ang mga mata niya sa akin ay kaagad din iyong napawi.

Tumayo ako. I don’t want to talk to him! Sobrang sakit ng ganito. I felt so stupid. Nilagpasan ko siya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko.

“Blaire, what’s wrong?” Nakita ko ang kalituhan sa mukha niya.

Hindi ba dapat ako ang magtanong sa kan’ya kung bakit ginagawa niya ito ngayon para kay Marcus? Kung bakit napilitan siyang alagaan at mahalin ako dahil sa kaibigan niya?

Tangina.

Hinawi ko ang kamay niya at agad na ipinadapo ang aking kamay sa kan’yang pisngi.

“Blaire?”

“Hindi mo na kailangan pang magpanggap at alagaan ako para sa kaibigan mo Hermes! Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo para sa kaibigan mo! Hindi ka basurahan na taga salo ng itinapon na ng iba!”

“What are you talking about?!” Namumula ang kan’yang mukha dahil sa lakas ng pag sampal ko.

Namumula narin ang mga mata niya dahil sa inaasta ko ngayon. Fuck it! Fuck liars! Fuck everything!

Itinuro ko ang cellphone niya.

“Sa tingin mo ba hindi ko malalaman? Hanggang kailan mo balak itago ang lahat Hermes? Malaki ba ang utang na loob mo kay Marcus kaya pati pagmamahal sa akin ay kaya mong ibigay para ma-please siya ha?!”

“Blaire listen to me-”

“No you listen! I hate you! Hindi kita kailangan. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo dahil lang iniwan ako ng best friend mo! Hindi ko kailangan ng awa! Hinding hindi!” Sigaw ko.

Ramdam ko ang sakit ng lalamunan ko dahil sa galit at sa pag-iyak ko. Nakita kong tumulo ang mga luha niya. I know it bothered me but I don’t care! Nananalaytay ang galit ko sa kan’ya ngayon. Mabilis akong tumalikod at lalabas na sana sa kwarto niya pero maagap ang mga kamay niyang yumakap sa katawan ko galing sa likuran.

Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Hindi na ako nakaglaaw dahil hinang hina na ako. Kung hindi niya ako hahawakan ay tiyak na mabubuwal ako sa aking kinatatayuan.

This is painful. So painful that I wish I just died. Mas masakit pa ito sa pakikipag-hiwalay ni Marcus sa akin noon. The pain is unbearable. Humagulgol ako ng humagulgol.

“Blaire please hear me out! Hindi kita niloko. Hindi ko ’yon ginawa para kay Marcus. I love you! Hindi ko na siya dapat sundin dahil noon palang ay mahal na kita. Wala pa siya sa buhay mo ay mahal na kita.” Pagsusumamong sabi niya.

Umiyak lang ako ng umiyak. Natatalo ng hagulgol ko ang mga gusto kong isumbat sa kan’ya.

“Blaire naman. Two years! Sinong tangang makikinig lang sa kaibigan para mahalin ka? I love you just before he exists! I love you Blaire!” Pinilit niya akong iharap sa kan’ya.

Gusto kong maniwala pero talagang malalim ang sugat ng puso ko sa lahat ng sakit na dulot no’n. Itinakip ko ang mga kamay ko sa aking mukhang patuloy sa pagluha.

“Blaire… Mahal na mahal kita at wala akong pakialam kay Marcus. kung mayroon man akong dapat pagsisihan ay hindi ’yon ang hindi ko pagsabi na mayroon parin kaming komunikasyon kundi ang hinayaan ko siyang mauna sa buhay mo. Kung ako ang nauna ay walang ganito! Ikaw lang at ako. Blaire… tangina mahal kita. mahal na mahal kita!” Rinig ko ang hirap sa namamaos niyang boses.

Marahan niyang hinawi ang mga kamay ko na nasa mukha ko.Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy doon. Naguguluhan at nasasaktan ako pero sa lahat ng sinabi niya ang naniwala parin ako.

“Blaire please? Paniwalaan mo ako. I don’t want to lose you again. Hindi ko na kaya kapag napunta ka pa sa iba. Blaire baby please…” Tumulo ulit ang mga luha niya.

Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya dahil sa hindi ko pagsagot. Parang hinahaplos ang puso ko sa ganitong hitsura niya. Ayaw ko mang maniwala dahil sa dami na ng sakit na napagdaanan ko. Kaunti nalang talaga ang kaya kong ibigay na tiwala sa isang tao. Pero iba si Hermes. Mahal ko siya at hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan dahil sa akin.

Walang perpektong relasyon at wala ring perpektong tao. Nasa atin nalang kung paano natin mamanipulahin ang mga bagay para gumana sa isang sitwasyon.

“Hermes, nasasaktan ako…” Bulong ko sa kan’ya.

Hindi ko na nakilala pa ang boses ko dahil sa paglalim ng iyak ko.

Agad niya akong niyakap at hinaplos ako sa likod. Napapikit nalang ako at niyakap siya pabalik.

“I’m sorry Blaire… I’m sorry… I love you… Mahal kita, mahal na mahal Blaire…” Paulit ulit niyang sinabi.

CHAPTER 24

Chapter Twenty Four

Wedding

Pagkatapos ng anim na buwang preparasyon para sa kasal namin ni Hermes ay nasa harapan na ako ng isang puting wedding dress.

Last week ay umuwi kami sa Pilipinas para dito idaos ang pag-iisang dibdib namin. Kasama namin ang buong pamilya sa pag-uwi.

Gusto sana naming doon nalang magpakasal pero narito at naiwan namin ang iba pa naming mga pamilya. Pati narin ang mga kaibigan namin ay narito.

“I’m so happy for you!” Hiyaw ni Georgina at niyakap pa ako.

Sabay kaming tumitig sa wedding dress na napili ko. Halos lumuha na ako ng makita ko ang finish product. I can’t believe this is really happening! I lost faith in love after what happened between me and Marcus but now… Ang kasal na pinapangarap ko ay abot kamay ko na.

“Thank you George!”

Binitiwan niya ako para puntahan at suriin ang damit.

Ang isang off shoulder wedding dress na mayroong magarang mga makinang na sequence sa harapan maging sa likod. Just like what I wanted. Hermes literally gave me everything. Gusto ko ng simpleng kasal pero sinabi niyang gusto niyang maging magara iyon kagaya ng pagmamahal niya sa akin.

“Kayo rin pala ni Hermes ang magkakatuluyan. Masaya ako para sa inyong dalawa. Seryoso! Kung hindi man siya napunta sa’kin, atleast napunta naman siya sa’yo.” Nakangising sabi ni George.

Humagalpak nalang ako ng tawa dahil doon. Baliw na talaga siya. Noong una ay hindi ko pa iyon nasabi sa kan’ya dahil hindi ako makapaghaligap ng mga dapat na salita para sabihin ’yon. Hermes helped me. Siya ang nag set-up ng tawag para sa lahat ng mga kaibigan namin at ipaalam ang nalalapit na kasal. I was shocked when she cried over that call. She was really happy for me. Damang dama ko ang kasiyahan niya na totoong masaya para sa amin ni Hermes.

“Eh, okay lang ba talaga na siya ang kinuhang groomsman ni Hermes? Isn’t it awkward?” Hindi siguradong tanong ni George.

Napailing naman ako. She was talking about my ex.

“Hermes wants it to be formal. Sila ang matalik na magkaibigan noon and Marcus is pleased to be his groomsman.” Sabi ko ng pormal.

Hindi pa man kami nagkikita ni Marcus matapos iyong pag-alis ko rito pero alam kong maayos naman ang lahat sa amin. We parted ways with no baggage. Maayos ang pagihiwalay namin. Nakamove on na ako at tiyak akong pati siya ay nakapag move-on narin.

It has been almost five years!

Tumango tango nalang si Georgina na parang nakuha naman ang nais kong ipahiwatig.

“This is gorgeous! Nauna pa kayo sa amin ni Iran!” Hiyaw niya at bumalik na sa tabi ko.

“Kasi naman bakit hindi niyo pa sundan si Yohann?” Kinuha ko ang magazine ng mga wedding dress na nasa gilid ko.

“Hello?! Kakalabas palang nung bata!” Natatawang sabi niya.

“Ilan ba bago kayo ikasal?” Kumunot ang noo ko.

Sa palagay ko naman ay hindi na nila iyon kailangan. Sa pagsasama nilang dalawa ay masaya naman sila kahit na hindi sila kasal. I can see it in her eyes.

“I don’t know. Kahit naman walang kasal eh. Siguro may mga bagay rin na kailangan mo nalang makuntento. I loved my family so much Blaire. Kahit walang pormalidad sa amin ni Iran  ngayon, wala paring pagsidlan ang saya ko.”

Nangilid ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. In life, being contented is really everything. Kasi minsan kapag naghahangad tayo ng mas higit sa meron tayo ngayon ay doon pumapasok ang mga disappointments at heartaches.

I’ve learned so much.

Tulala ako habang inaayusan ako ng isang kilalang make-up artist. Ngayon na ang araw ng kasal namin ni Hermes at hindi ko na kayang patagalin pa ang pagkikita namin. Buong araw ko siyang hindi nakita kahapon dahil sa pamahiing hindi matutuloy ang kasal kapag nagkita ang groom at ang kan’yang bride sa araw bago sila ikasal.

Matapos ang pag-aayos sa akin ay tinulungan na ako ni Georgina at ni Mama na isuot ang damit ko. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ang pagbugso ng maraming emosyon sa puso ko. I can’t freaking wait to see Hermes. I can’t wait to be his wife. I can’t wait to spend the rest of my life with him. Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa tuwing iisipin ko siya sa harapan ng altar.

I’m damn sure that my tears will fall as soon as I see him there. Sinuri ko ang katawan ko habang suot na ang puting wedding dress. Ang mga bisita naman ay kulay champagne ang kulay ng kanilang mga suot.

“You look perfect Hija!” Naiyak na si Mommy ng makita ang kabuuan ko.

“Mom!” Niyakap ko kaagad siya at pilit na pinigilan ang pagtulo ng sa’kin.

“Sorry…” Aniya ng magkaharap na kami.

“Mommy please don’t make me cry.” Pinilit kong ngumiti. Hinaplos niya ang mukha ko at tumango nalang.

Nakita ko si Georgina na tumutulo na ang luha sa gilid.

“Hey!” Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa nalang para maibsan ang pagluha niya.

Kailangan ko silang pigilan para hindi ako maiyak ngayon pa lang.

“I’m just happy for you…” Lumapit siya sa akin para bigyan ako ng mahigpit na yakap.

Oo nga at nawalan ako ng pag-asa sa pagmamahal noon pero lahat naman ay nagbabago. Ikakasal na ako! Parang gusto ko nalang makita si Hermes para mawala na ang matinding kaba sa dibdib ko.

Inayos ulit ng artist ang make-up at buhok na bahagyang nagalaw sa pagsusuot ko ng damit kanina. Sa paglabas ni Mama ay siya namang pagpasok ni Ate Hera at ng kan’yang Mommy.

“Ate Hera!” Hiyaw ko at sinalubong ang yakap niyang nakahanda na para sa akin. Gano’n din ang ginawa ng ng Mommy ni Hermes sa akin.

“God Hija, I’m so lucky to be your mother in law!” Masayang sabi niya habang yakap ako.

“Mommy, masaya rin po ako. I love Hermes so much.”

Binitiwan na niya ako at hinawi ang buhok kong kumalat sa aking mukha.

“Go marry my son now Blaire. We’ll wait outside.” Hinalikan pa nila ako bago sila lumabas.

Natigil si Ate Hera na para bang may nakalimutang ibigay sa akin. Bumalik siya sa harapan ko at inabot ang kulay itim na box na mayroong gold na ukit ng pangalan sa labas.

“I almost forgot this! Pinapabigay nga pala ng kapatid ko.” Natatawang sabi niya sabay abot sa akin no’n.

“Thanks Ate.”

“I’ll get going Mrs. Montgomery.” Kumindat pa siya sa bago tuluyang umalis.

Sa pagbukas ko ng box ay bumungad kaagad sa akin ang isang kwintas na mayroong diamond infinity sign. Oh Hermes! Ang regalo ko sa kan’ya ay isang rolex na ipinabigay ko naman kay Georgina.

Huminga hinga ako ng malalim ng makita si Daddy na pumasok sa silid kung nasaan ako. Automatikong nangilid ang mga luha ko. My first love.

“Daddy!” Ako ang lumapit sa kan’ya para yakapin siya.

Sa presensiya niya ay doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Blaire ang make-up mo.” Malambing niyang paalala sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung ano na ang nangyari sa mukha ko dahil sa pagluha ko. Nag-angat ako ng tingin at hinarap si Daddy. Pinunasan niya ang luha ko.

“Masaya akong nahanap mo na ang para sa iyo. I’m sure Hermes will take good care of you. Mabait na tao ang mapapangasawa mo, ayos na ako doon Blaire.”

Napangiti ako. Natutunaw ang puso ko sa mga sinasabi ni Daddy. He is right. Hermes is a great guy and I love him so much.

“You deserve the best anak.”

“Thank you Daddy. I love you!” Niyakap ko siya ulit.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng lumabas na kami ni Daddy at tumungo sa bridal car. Sa isang kanto lang ang malaking simbahan na gaganapan ng kasal namin ni Hermes kaya imbes na sa bahay ay dito na kami tumuloy sa hotel kahapon.

“Are you ready?” Tanong niya ng makaharap na kami sa matayog na pintuan ng simbahang pag-iisahin kami ni Hermes.

Bumuntong-hinga ako at tumango. Inilagay ko ang kamay ko sa braso niya.

“I’m ready, Dad…”

CHAPTER 25

Chapter Twenty-Five

I Do

Sa pagbukas ng pintuan ay kasabay ng pagsinghap ko. Nilingon ako ni Daddy at bumulong.

“You will always be my little girl, I’m proud of you.” Emosyonal niyang sabi.

“Daddy don’t make me cry.”

Kinagat ko ang labi ko para pigilan na naman ang mga luha doon.

Ngumiti siya at tumango hudyat na papasok na kami sa loob. Lalong kumabog ang dibdib ko ng makita ang punong puno na simbahan. Nagmistulang bituin ang mga damit ng bridesmaids dahil sa mga makikinang na sequence sa mga iyon.

Narito ang lahat ng pamilya at mga kaibigan namin ni Hermes. Nakita ko ang makulit na pinsan niyang si Bryan na ring bearer namin. Nang makita ako nito ay walang humpay itong pumalakpak.

Kahit na nasa dulo palang ay kitang kita ko ang emosyonal at umiiyak na si Hermes. Hindi ko na napigil ang pag-agos ng emosyon ko. I’m marrying the love of my life. Napukol ang mga mata ko sa lalaking nasa tabi niya.

Marcus…

Napangiti ako. It’s good to see him. Hindi ko akalain na magkikita pa kaming dalawa at sa kasal ko pa ngayon. Isn’t it ironic? Parang noon lang ay kaming dalawa ang nagpaplano ng lahat para sa ganitong klaseng selebrasyon pero ngayon…

Kumurba ang mga labi niya ng isang ngiti ng mapatapat kami doon ni Daddy.

Tumango ako. It’s all good now. Kalmado ang isang parte ng puso kong para sa kan’ya. I’m glad he came into my life too. Pero mas masaya akong nawala siya sa buhay ko dahil kung hindi ay hindi ko makikita ang talagang para sa akin at iyon ay si Hermes.

Niyakap ako ni Daddy ng magpantay na kami ng mapapangasawa ko. Niyakap niya rin si Hermes at may ibinulong rito. Napangiti si Hermes at tumango nalang kay Daddy.

Walang palya ang pag sigaw ng puso ko dahil sa pagiging emosyonal niya. Gusto ko nalang siyang aluin ngayon. I will always be a Daddy’s girl! Siya ang naging batayan ko sa pagpili ng mamahalin. He loved Mommy so much and that’s what I adore.

Hinawakan ni Marcus ang kamay ko saka ngumiti.

“Congratulations Blaire…” Nakangiting sabi niya bago ako igiya kay Hermes.

“Thank you, Marcus.” Ngumiti ako pabalik sa kan’ya.

Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.

Maliban sa ikakasal ako sa lalaking pinakamamahal ko ay napatunayan kong kahit na gaano kasakit pala ang napagdaanan mo sa isang tao ay darating at darating parin ang taong talagang itinakda para sa’yo.

To heal the pain and to make you feel happy and complete again.

Ni wala akong pagsisising naramdaman dahil sa mga nangyari. Life is a journey and along that journey, we will face trials, pain and failure. Pero kapag nakita mo na ang taong parang sa’yo, masasabi mo nalang sa sarili mo na it’s all worth it.

Lahat ng sakit at pagtitiis mo ay kusang mawawala at mapapalitan nalang ng saya.

Matapos ang paunang seremonya ay itinanong na ni father kung sino ang tumututol sa kasal naming dalawa.

Lahat ng mga kaibigan ko ay tumingin sa direksiyon ni Marcus pati narin si Hermes. Nakangisi naman si Leonne sa gilid nito.

Natatawang itinaas ni Marcus ang kan’yang mga kamay bilang pagsuko. Natawa nalang si Hermes dahil doon. We all laughed about it.

Nagpatuloy ang kasal.

“I do!” Masayang sabi ko ng itanong iyon ng pari.

Natawa ako ng makita ang pag yes ni Hermes dahil sa sagot ko.

Hindi pa man natatapos ang tanong para sa kan’ya ay sumagot na siya ng paulit ulit.

“I do father, I do. I do!”

Napuno ng tawanan ang buong simbahan dahil sa sinabi niya.

“I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride!” Masayang sinabi ni Father.

Naghiwayan ang mga tao at may sumipol pa doon sa crowd. Agad niyang hinawi ang manipis na belo na humaharang sa mukha ko at hinapit na ako palapit sa kan’ya para magawaran ng isang halik.

Hermes leaned in and kissed me, softly like he’s never done it before. Everyone cheered for us. It’s the sweetest kissed we’ve shared.

Blaire Lozaga Montgomery… I’m his and he is mine!

HERMES MONTGOMERY 1

Hermes Montgomery - One

Love At First Sight

It was a sunny day with my sister at the beach. Typical na araw para sa aming pamilya.

“Are you gay? Oh my God Hermes! I’ll fucking kill you!” Hiyaw niya sa akin.

This is not the first time. Ate Hera scolds me every time I told her that I am single.

“Piss off.” Nag iwas ako ng tingin.

Hindi na naman niya ako tatantanan ngayon. Tumayo ako at kinuha ang surf board na nasa buhangin. I might as well surf than listen to her.

Tumayo rin siya para sundan ako.

“Hermes, wala ba talaga? How can you be so distant to your sister!” Kitang kita ko ang paglukot ng mukha niya.

“I’m not gay, tsk!” Sinamaan ko siya ng tingin ng makita ang pagngisi niya.

Naglakad na ako patungo sa dagat.

“Good brother! But please, get a girlfriend soon! Sayang ang good genes!” Malakas niyang sigaw na tuwang tuwa pa.

Nagtinginan tuloy sa akin ang mga babaeng naka two piece na naroon sa dagat. Napapikit nalang ako ng mariin. God, this is why I hate hanging out with her! She’s a pain in the ass.

Hindi ako nakaligtas sa mga naghahagikhikang babaeng naroon. I don’t understand my sister. Kung si Mommy ay hindi ako pinapayagang mag girlfriend, siya naman ay ipinagtutulakan ako. Hindi na raw uso iyong walang girlfriend ngayon. And jeez, I’m only fifteen!

Lumusong ako sa dagat at lumangoy sa malalim na parte hawak ang aking surfboard. Nang makita kong tama na ang lalim ay sumampa na ako doon at hinintay ang malaking alon na papalapit sa kinaroroonan ko. Nang maramdaman ko ang paglapit no’n ay agad akong nag paddle para sabayan ang malaking alon.

I paddle hard enough to catch the wave. Maingat akong tumayo para ibalanse ang katawan ko sa itaas ng aking surfing board. I start turning and just gliding on the wave, having fun with it.

Kumalma ang isip ko habang sinasalubong ang malamig na hangin. Nawala ang lahat ng inis at pag-iisip ko sa lahat ng bagay lalong lalo na ang pressure sa mga salita ng kapatid ko.

Sa paghupa ng alon ay kasabay no’n ang pagpukol ng mga mata ko sa isang babaeng palapit sa dagat.

I gasp. I felt a magnet pulling me towards the stranger.. A beautiful stranger. Nakita ko ang makasariling pagyakap ng tubig sa katawan niya. Her smile is just priceless and damn! I just can’t take my eyes off of her!

Hindi ko pa sana tatanggalin ang titig sa magandang babae pero hindi ko nagawang ibalanse ang katawan ko sa surf board kaya naman wala sa sariling bumagsak ako sa dagat at nilamon ng malaking alon.

Narinig ko pa ang malakas na tilian ng mga babaeng naroon sa pagbagsak ko. Fuck!

Agad kong inayos ang buhok kong nagkalat sa mukha ko ng makaahon ako.

Now I know why Ate Hera wants me to cut this shoulder length wavy hair. Nakita ko ang gulat sa mukha niya ng hagilapin ng mga mata ko ang magandang babaeng ngayon ay halos nasa harapan ko na.

Damn… She’s a gem!

Nananatiling nakatitig sa akin ang maganda niyang mga mata. Ang kan’yang mahaba at kulay brown na buhok ay hinihipan gaya ng hanging umiihip sa utak ko.

How can I convince myself that this is not love at first sight?

Naiilang siyang ngumiti sa akin. Kusa namang kumunot ang noo ko at nag iwas lang ng tingin. I feel so embarrassed! Ngayon lang ako nahulog sa surf board! And it was all because of this beautiful creature.

Mabilis akong umalis at lumangoy pabalik sa dagat. Why do I feel the urge to impress her? Napailing nalang ako ng makita ang nakangising mukha ng kapatid ko habang inginunguso iyong babaeng maganda.

“Blaire…” Wala sa sariling napangiti ako ng malaman ang pangalan niya dahil sa malaking bunganga ni Leonne.

I saw her in the hallway. Hindi niya siguro ako nakilala dahil sa bagong buhok ko. Yes, I allowed my sister to jeopardized my life.

Mas lalong lumiit ang mundo naming dalawa dahil sa iisang university na pinapasukan namin.

Campbell International University.

Nakuntento na ako sa pasimpleng sulyap sa kan’ya. Sa pag ngiti niya. Sa lahat lahat ng bagay na ginagawa niya. Makita ko lang siya ay parang awtomatikong nabubuo ang araw ko.

“I’m courting her Bro!” Masayang sabi ni Marcus habang nasa harapan kami ng bar area.

It was my birthday.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil masaya ang kaibigan ko o maiinis ako sa sarili dahil wala akong hakbang na ginawa para kay Blaire. I like her but I’m too afraid to tell her. Ayaw kong ma-reject. I don’t want to feel disappointed too. No.

Noong una ay akala kong nagbibiro lang si Marcus pero ng makita ko ang effort niya para kay Blaire ay nagpaubaya ako. Sa tuwing nakikita kong masaya si Blaire ay nagiging masaya narin ako. I’m scared that I can’t make her happy like Marcus did and I’m such a dick for not trying.

But she was so happy.

“Getting married?!” Natigagal ako sa sinabi ni Leonne isang araw dahil sa balitang nag propose na si Marcus kay Blaire at um-oo na ito.

My world turned up side down. This is the end of my love for her. Alam kong wala narin namang patutunguhan ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kan’ya dahil masaya na siya pero nagpatuloy parin ako.

I was hoping that someday…

Kahit masabi ko man lang sa kan’ya ang nararamdaman ko. Pero paano ko gagawin ’yon kung ang bestfriend ko mismo ang makakalaban ko?

I treasure my friendship with Marcus so much. He is my brother. Silang dalawa ni Leonne ang itinuring kong kapatid.

Gano’n ba ako kasama para kalabanin siya dahil parehas kami ng babaeng minamahal?

Tumango si Leonne sa akin.

“Paano ’yan?” Tanong niya matapos sabihin ang balita.

Nagkibit balikat ako.

Then she’ll be happy with him. She must be happy with him. Dahil kung hindi ay ako mismo ang babawi sa kan’ya. Hindi naging sa akin si Blaire kailanman pero gagawin ko ang lahat huwag lang siyang masaktan.

“Then congrats.” Matabang kong sabi.

“Bro…”

“There’s no need Leonne. They are perfect for each other and you know that. Let’s be happy for them.” Pinilit kong ngumiti.

Si Leonne ang unang pinagsabihan ko ng nararamdaman ko kay Blaire. Nauna nga akong makilala siya pero naduwag naman akong lumapit sa kan’ya. The worst part was when Marcus saw her. Gustohin ko man siyang ilayo kay Marcus pero hindi ko nagawa.

She was adore by everyone. Alam kong darating ang oras na makikita ko siyang may kasamang iba pero hindi ko inaasahan na si Marcus iyon.

Hindi ako gaya niyang malakas ang loob. Nasa tabi niya kami ni Leonne habang nanliligaw kay Blaire. Naging masaya ako kahit na ang kaloob-looban ko ay tutol sa lahat ng nangyayari.

Nang makagraduate kami ng college ay lumayo ako. Pumunta ako sa Australia para makaiwas sa kanila. I know they were getting married soon. Wala akong balak na pumunta. Marami naman akong pwedeng idahilan sa kanila e.

Tanging si Leonne ang tumatawag sa akin para ibalita ang lahat ng nangyayari sa mga kaibigan namin. Umuuwi lang ako sa tuwing gusto ko. O kapag ipinagtutulakan ako ni Ate Hera. She knows everything.

“Alam kong mahirap Hermes pero isipin mo nalang, what if kayo talaga ang para sa isa’t-isa? Hahayaan mo nalang ba ’yon?” Pagalit niya.

“That’s impossible. Walang gano’n Ate.” Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso sa refrigerator para kumuha ng tubig doon.

Narinig ko ang pagsunod niya.

“It’s not too late.” Umiling nalang ako.

Ilang araw akong lutang habang iniisip ang mga oras na lumilipas na hindi ko man lang nasasabi sa kan’ya ang nararamdaman ko. Na mayroon akong nararamdaman para sa kan’ya.

Natatawa nalang ako sa tuwing naiisip kong kahibangan lang ang lahat. We’re not that close either. Paano? sasabihin ko nalang na, Blaire mahal kita?

Fate must be kidding.

Napapitlag ako ng marinig ang telepono ko. It was Marcus.

“Hey Bro!” Siniglahan ko ang tono ng boses ko ng sagutin ’yon.

Pinipilit kong maging masaya para sa kan’ya kahit na napakahirap para sa akin.

Narinig ko ang pagbuntong hinga niya. Mabigat. Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya kahit na wala pa naman siyang sinasabi sa akin.

“Are you alright?” Tanong ko.

“I broke up with Blaire. Can you come home?” Napatayo ako sa kinauupuan ko.

What the hell? Tumakbo kaagad sa utak ko ang mukha ni Blaire na umiiyak. Napakumo ang kamay ko.

I flew back to Philippines. Si Ate Hera lang ang masaya sa pag-alis ko. Si Daddy kasi ay nai-stress na naman sa pamamahala ng kumpanya ngayong wala ako.

“I’ll be back Dad.” Tumango tango lang si Daddy na para bang may naintindihan sa sinabi ko.

Marcus was a mess.

Hindi ko siya masisisi sa lahat ng ginawa niya. Hindi ako dapat matuwa sa paghihiwalay nilang dalawa pero may parte sa puso ko ang nabuhayan. I’m such a cruel friend.

Sa birthday ni Leonne ko nakitang muli si Blaire. She’s wearing a red cocktail dress. Wala akong intensiyon na suriin ang kabuuan niya pero hindi ko napigil ang sarili ko. Kusang naglakbay ang mga mata ko kay Blaire.

I’ve never saw her like this. She looks good but something is not right. Ipinilig ko nalang ang ulo ko dahil sa mga bagay na pilit tumatakbo sa isip ko.

Sa kabuuan ng party ni Leonne ay hindi natanggal ang tingin ko kay Blaire. She’s drinking all liquors. Ni wala siyang tinanggihan sa lahat ng ibinibigay sa kan’ya. Napapailing nalang ako sa tuwing nakikita ang pagkalukot ng mukha niya dahil sa lasa ng mga iniinom.

Nakita ko siyang sumayaw sa dance floor kasama si Georgina. She is wasted. I can see it in her. Hindi naman siya ganito kalakas uminom kaya alam kong nananaig na sa sistema niya ang alak.

“I’ll dance.” Sabi ko sa mga kausap ko. Tumango lang sila at nagpatuloy sa pag-uusap.

Nang mapalapit ako kay Blaire ay nagulat ako ng sayawan niya ako. Naestatwa ako sa paggiling niya sa katawan ko. Damn it!

Hinawakan ko ang bewang niya at pilit na ipinirmi. I don’t like this at all.

“Hermes…” Her soft voice.

Halatang nagulat siya at hindi inaasahan na ako ang makikita niya sa kan’yang likuran.

Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. There she is. The woman that I love.

Napabuntong hinga nalang ako ng harapin niya ako at ilagay ang mga kamay sa leeg ko. This is madness Blaire. Don’t…

I guess nagpadala ako sa kan’ya. The next thing I know was me dancing with her. Sumayaw lang kami ng sumayaw hanggang sa makaramdam ng pagod.

Parang nawawasak ang puso ko ng makita ko siyang umiyak sa harapan ko at lumabas sa bar na pinagdadausan ng party ni Leonne. Ni hindi ako nakagalaw para sundan siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Do I need to comfort her? Ako ba ang kailangan niya? Imbes na sundan si Blaire ay nilunod ko nalang ang sarili ko sa alak.

Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat.

I’m a hopeless coward…

HERMES MONTGOMERY 2

Hermes Montgomery - Two

I Was Made For Loving You

“Schedule.”

Nakita ko ang pagkukumahog ni Pauline habang hawak ang makapal na clear folder na punong puno ng mga papel.

“Sir, eight thirty at Guamodez Enterprise. After the meeting, you have an appointment with Mr. Sepulveda. Tapos mamayang lunch po kay Mr. Ty.” Marami pa siyang sinabi sa schedule ko buong araw pero inilipad sa kung saan ang atensiyon ko ng makita ang isang babaeng nakaupo sa swivel chair habang ini-interview ng empleyado ko.

She was smiling while gracefully answering the questions. Kusang huminto ang mga paa ko sa paglalakad.

Pagkatapos ng isang taon… There she is.

Sa kumpanyang ngayon ay pagmamay-ari ko na.

“Cancel all my meetings Pauline and give me the details about all the interviews today.”

“Po?!” Nakita ko ang kalituhan sa mukha ng sekretarya ko.

Wala sa sariling napangiti ako sa kan’ya.

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa ko. I can see her face turned red. Iniwan ko siyang natutulala sa akin.

Ilang oras na akong nakaupo sa office ko ng bumalik si Pauline dala ang mga papel na hinihingi ko.

“Thank you.” Sabi ko.

Hinawi ko ang lahat ng papel para hanapin ang kay Blaire.

“Blaire Lozaga…” Napangiti ako ng makita ang kan’yang curriculum vitae.

Isang linggo ang nakalipas ng makita ko siyang dala ang mga gamit na nakalagay sa isang box. This is her first day. I knew she can make it through the interview. Isa sa hinangaan ko kay Blaire ay ang katalinuhan niya.

Hinintay kong makapasok siya sa elevator at makaalis bago ako naghintay ng panibago. She’s still dazzling as before.

Sa loob ng isang taon ay pinilit kong kalimutan ang tungkol sa kan’ya. Walang may alam kung nasaan ito kaya nawalan narin ako ng pag-asang masabi ko sa kan’ya ang mga gusto kong sabihin.

Ngayong pinagtagpo na ulit kami ng tadhana ay isa lang ang palaging naitatanong ng isip ko. Is fate really messing with me?

Kita ko sa mukha niya ang gulat ng magkasalubong kami sa hallway isang araw.

“Hermes?”

Kumunot ang noo ko ng makita ang gulat sa mukha niya. Damn, she is beautiful!

“Blaire.” Tipid kong sagot.

What should I tell her? I’m happy to see you? Na miss kita?

Nakita ko ang pagsiko ni Jaila na nasa tabi niya. Ngumisi siya sa akin at may ibinulong naman kay Blaire. Nakita ko ang pagkawala ng kulay sa mukha niya dahil sa ibinulong ng kan’yang katabi. She looked surprised.

Tumango nalang ako at nilagpasan sila para pumunta ng diretso sa aking opisina. Damn, I want to just look at her closely…

Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ko ng tuluyan na akong makapasok sa loob ng silid.

Calm the fuck down. This is not the first time you saw her Hermes. Don’t be silly!

Napangiti ako ng matanggal na ang frosted tint na nakalagay sa palibot ng dinding ng aking opisina. I can clearly see Blaire from here. Damn I’m crazy!

Gusto ko nalang matawa kapag naiisip ko ang mga kabaliwang ginagawa ko.

“Coffee Sir?” Tanong ni Pauline na ngayon ay nakadungaw sa pinto ng aking silid.

Umiling ako.

“No thank you. I can do it myself.” Tipid kong sagot.

Bagsak ang balikat niya ng umalis doon. I looked at the screen of my computer. Kanina pa ako tulala at walang nagagawang trabaho dahil ang mga mata ko ay patuloy na lumilinga sa kung saan saan.

Nagtipa ako ng iilang mensahe doon para sa kailangang email ni Daddy. Pagkatapos ng isang paragraph ay lumipad na naman ang mga mata ko sa kinaroroonan niya.

She looked stressed. I run my fingers through my hair. Ipinirmi ko ang mga daliri ko sa aking labi at tila ba nilamon ng malalim na pag-iisip.

How is she? Okay lang ba siya? Okay na ba siya? It’s been a year. Naka move on na ba siya kay Marcus? Hindi ko lubos maisip ang dahilan ni Marcus dahil ni hindi niya ’yon sinasabi sa amin ni Leonne. Ang tanging sinabi niya lang ay gusto niyang maging masaya si Blaire.

Marcus is very good at decision making. Kapag may gusto siya at ayaw ay gagawin niya. No one can convinced him on what to do. May sarili siyang paninindigan sa lahat ng desisyon niya sa buhay at isa na doon ang naging desisyon niyang iwan si Blaire.

“Hermes, take good care of Blaire…” That was his exact words.

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng makita ang biglang paglingon ni Blaire sa kinaroroonan ko. Shit!

Kunwari’y kinuha ko ang nalaglag na bagay sa ilalim ng desk ko kahit na kitang kita niya naman na walang nahulog doon.

This is lame Hermes!

When the expansion came, nalipat ang opisina ko sa kabilang side na malayo kay Blaire. Sa lumilipas na araw ay nagiging malapit na ulit kaming dalawa hanggang sa dumating ang oras na naging magkaibigan na ulit kami. Iyon na yata ang pinakamayasang punto sa buhay ko. Because I was able to talk to her again. Magsisimula akong muli.

I took care of her not because of Marcus but because I want to. It was my duty to make her safe and happy. Iyon ang gusto ko dahil mahal ko siya.

“For Blaire Lozaga… Yeah, give me the biggest bouquet you have thanks!”

I began courting her until she said yes. At ngayon, narito ako sa kabilang dulo ng simbahan habang hinihintay ang mabagal niyang paglalakad.

God knows how much I wanted to run into her and hug her tightly! Kusang tumulo ang mga luha ko ng makita ang maganda niyang mukha. Umulit sa isipan ko ang lahat ng mga oras na pinagdaanan namin.

Simula sa mga oras na gusto ko lang siya, sa mga oras na naging magkaibigan kami hanggang sa oras na tuluyan na siyang naging sa’kin.

It was hard as hell but I’m eager to be with her. Sa kan’ya lang tumibok ang puso ko. It was her that I want. Noong una palang ay alam kong siya na ang babaeng gusto kong makasama sa habang buhay.

Kahit na paulit ulit niyang sinasabing wala na siyang kayang ibigay sa akin ay wala akong pakialam. Mahal ko siya at mamahalin ko siya habang buhay.

Siya lang at wala ng iba…

“Blaire… I love you and I want a second chance at falling in love with you for the first time. This time, let this be forever…” Hindi ko napigilan ang luha ko habang sinasabi ang aking vows sa pinakamamahal kong asawa.

“I do, I do, I do!” Punong puno ng kasiyahang sabi ko sa tanong ni Father.

“All I know is, darling, I was made for loving you…”

MARCUS WARNER

Marcus Warner

Her Wedding

It was surreal seeing the love of your life walking down the aisle and you waiting on the other side. Sobrang saya ko habang nakatitig kay Blaire na emosyonal na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Just like what I imagined.

Siya na nakasuot ng isang eleganteng wedding dress. Kasama ang buong pamilya at mga kaibigan namin sa simbahang napili naming dalawa. 

Pinigilan ko ang mga luha ko kahit na isang pitik na lang sa akin ay malalaglag na ang mga ’yon.

I’ve never saw her this happy. Her eyes were sparkling like diamonds. Emosyonal ang lahat ng taong katabi ko pero ako ay nanatiling nasa loob ang lahat ng emosyon.

This is what I want. Ito lang naman talaga ang gusto kong makita, ang masaya siya.

I lost it when she smiled at me. Natunaw ang puso ko sa mga ngiting ’yon. Parang gusto ko na lang siyang yakapin nang mahigpit at huwag na siyang pakawalan kahit na kailan. But a part of me screamed my biggest fear.

She isn’t mine anymore…

Piniga ang puso ko ng lagpasan niya ako at dumiretso sa lalaking nasa likuran ko.

She is marrying my best friend Hermes. Kita ko sa mga mata niya ang labis na kasiyahan ng balingan niya ito.

It was the same look she gave me years back. Iyong mga tingin niyang nagpapatunaw sa buong pagkatao ko. And that was the same look I always wanted to have back.

Pero hindi na pwede.

Pero malabong malabo na.

I broke her heart into pieces. Ako ang dahilan kaya siya nawala sa buhay ko pero hindi ako nagkamaling pakawalan siya. Mahal na mahal ko si Blaire and I’m willing to sacrifice everything just to see her happy. Even when I need to let go of my own.

“I’m sorry Marcus but we have to let you go.” Walang emosyong sabi ni Mr. Jackson.

“But Sir-”

“I’m sorry.” Aniya bago tuluyang lumabas ng silid.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na lumabas sa malaking building na pinagtrabahuan ko ng ilang taon.

They let me go just like that.

The realization hits me. How am I supposed to tell Blaire about this? How am I supposed to tell her that the man he loves is a loser?

Buong araw akong nasa loob ng club na palagi naming pinupuntahan nila Hermes. Kaya lang ngayon ay ako lang mag-isa ang narito. They all have hidden agenda’s that I can’t interrupt. Okay narin siguro ang ganito para makapag-isip ako ng maayos.

Sa pagtunog ng cellphone ko ay nakita ko ang pangalan ni Mommy sa screen. Agad ko iyong sinagot.

“Mom.”

“Marcus…” Dinig ko sa kabilang linya ang paghikbi ni Mommy.

Naikumo ko ang aking kamay na nakapatong sa lamesa.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita kahit na tila ba namamaos na siya sa kaiiyak.

“Your Dad! H-He… finally left us Marcus!” Humagulgol na si Mommy sa kabilang linya.

Natigagal ako sa lahat ng narinig. That cunt left his family just to be with a whore. Matagal ng hindi nag-uusap ang mga magulang ko at talagang magulo na sila nitong mga nakaraang taon. Kaya ngayong ito na naman ang dahilan ng pag-iyak ni Mommy ay naging mitsa ng pag apaw ng galit sa puso ko.

Akala ko kaya pa niyang magbago para sa pamilyang sinimulan niya pero hindi. I guess, once a cheater will always be a cheater.

Sa umpisa lang ba talaga magaling ang mga tao? Sa umpisa lang kayang panindigan ang mga salita?

Napabuntong hinga ako.

Naglalaro ba ang tadhana ngayon at ako ang napili niyang pagtripan?

Am I in chain of tragedy and heartaches now? Anong nagawa ko para malasin ako ng ganito?

“I signed the divorced papers Marcus. Hindi ko na kaya ang lahat ng ito. Marcus, anak… I need you here.” Gumagaralgal ang boses ni Mommy at sobra akong nasasaktan ngayon.

I don’t want her to cry over that prick! Hindi niya deserve ang masaktan ng ganito. Ni wala siyang ginawa sa buong buhay niya kung hindi ang isalba ang pamilyang pilit niyang binuo ng mag-isa.

“I’m coming over Mom. Just give me an hour.” Sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Inubos ko pa ang tatlong beer na nasa harapan ko bago lisanin ang club na ’yon. Mabagal lang ako sa pagmamaneho habang pilit na iniisip ang lahat ng nangyayari.

I’m scared about the future. I’m particularly scared for Blaire…

Nawawalan na ako ng oras sa kan’ya dahil sa trabaho ko at ngayon naman ay may dumagdag pang problema.

Niyakap ko si Mommy nang makita ko siyang nakahandusay sa sahig. May tatlong bote ng gamot sa tabi niya at alam kong iyon ang ininom niya para takasan ang lahat ng problema. Nawala ang lahat ng epekto ng alak sa sistema ko.

My hands were shaking when I picked her up on a cold floor. Wala akong sinayang na oras. Mabilis ang takbo ko patungo sa hospital para maisalba ang buhay ng ina ko.

Pinatay ko ang aking cellphone na kanina pa tunog ng tunog. It was Blaire who’s calling.

Not now baby…

Hindi ko gustong ipaalam sa kanya ang lahat ng problema ko sa pamilya dahil nahihiya ako. My pride and ego are at stake. Blaire looks at me as if I’m perfect. Matalino, galing sa magandang pamilya at lahat pero sa kabila ng mga pag-aakala niya’t mataas na tingin sa akin ay isang mahinang Marcus na mayroong magulong pamilya. A cheating father that emotionally abused the woman who dedicated her whole life for him and his child.

My Dad Married my Mom because of money. I’m sure of it. Si Mommy ang lahat ng nagpundar sa mga bagay na natatamasa ko ngayon. We are a family but my Mom took all the responsibility. Mahal na mahal niya kasi si Daddy kaya hindi niya ito maiwan. But I guess all things need to put to an end… Lalo na ang ganito kasalimuot na sitwasyon.

“Mommy…”

Agad akong lumapit ng nakita ko ang pagdilat niya isang linggo matapos siyang ideklarang comatose.

Isang linggo narin akong narito sa hospital. Umuuwi lang ako sa tuwing maliligo ako at kukuha ng ilang gamit para madala rito. Ang alam ni Blaire ay sa opisina ako pumupunta pero ang totoo ay wala na akong trabaho.

My mother suffered from depression. Araw-araw siyang gumigising at natutulog ng umiiyak. Ako lang ang tanging kinakapitan niya para piliting lumaban sa hagupit ng buhay.

I can’t leave her broken and almost dying because of my father. Naaprubahan ang divorce nilang dalawa. Nalugi ang negosyo ni Mama ilang linggo lang ang lumipas.

Nakita ko ang unti-unting pagguho ng mundong ginagalawan namin ni Blaire. Lalong lalo na ang aming relasyon.

Nawalan ako ng oras sa kanya. Ang alam niyang nasa trabaho ako araw-araw ay isang malaking kasinungalingan na nagpatuloy nalang.

Natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo. Dahil ako mismo ay natatakot na wala na akong kaya pang ibigay sa kanya. I hit rock bottom. Ni ang bukas kasama siya ay hindi ko na maisip.

Sa loob ng ilang buwan ay nasa hospital at tabi lang ako ni Mama. Lahat ng naipon ko para sa kasal namin ni Blaire ay nagastos ko na para sa lahat ng mga bayarin sa negosyong nalulugi at kanyang pampagamot. Wala na akong ibang makapitan. Ang isang taong akala ko’y po-protektahan kami ay siya mismong nang-iwan at umabandona sa amin.

Galit na galit ako sa mundo. Nahihirapan ako sa tuwing nakikita kong nahihirapan si Mommy at nababasag sa harapan ko.

“Marcus, I’m sorry! I have nothing to give you.”

“Mom! Don’t say that!” Pagalit ko sa kanya.

Heto na naman kami. Araw-araw nalang ay ganito ang usapan naming dalawa. Hindi ako humihiling ng kahit na ano, ang gusto ko lang sa ngayon ay maging maayos siya sa kabila ng pag-iwan ni Daddy sa aming dalawa.

She sacrificed a lot for me. Ginawa na niya ang lahat para mabigyan ako ng buong pamilya at kung makikita ko lang siyang nasasaktan sa araw-araw na ginawa ng Diyos dahil doon ay pipiliin ko nalang ang maging broken family.

Napapitlag ako ng maramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko ’yon at tinitigan ang screen. It was Blaire.

Nanghihina akong tumunganga sa pangalan niya. How am I supposed to give the future she deserves if I was this low?

Paano ko gagawin ang lahat ng pangako ko sa kanyang magandang buhay kung maski ako ay hindi ko na alam kung saan patungo ang sa’kin?

I don’t want to hurt her in the long run. Mas gugustohin ko pang saktan siya ngayon kaysa ang masaktan ko siya habang buhay. Sa lahat ng desisyong mahirap gawin ay ito ang tama. This is the least that I want but I need to do this for her. I really need to let her go…

“Let’s break up.” Matapang kong sinabi matapos maisip at matimbang ang lahat sa amin.

Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Blaire na parang hindi sigurado sa narinig.

“I’m sorry Blaire…”

Oh, I’m sorry for being broken and insanely stupid to give you up.

I’m sorry dahil wala na akong kayang ibigay sa’yo. Hindi ko na kaya ang mga dapat mong makuha Blaire.

You deserve everything in the world and I can’t give you that. Hindi ko kayang makita kang hindi kuntento sa akin. I’ll be doomed.

Kitang kita ko ang pagkawasak ng babaeng iningatan ko sa loob ng ilang taon. Nadudurog ang puso ko habang umiiyak siya at nagmamakaawa sa akin.

I need to tell her that I’m not happy anymore. Wala na akong ibang mahagilap na dahilan para paniwalaan  niya ako. This is fucking hard. Hindi ko gusto ang ganito pero ito ang kailangan kong gawin. I need to let her go and set her free. Hindi ako ang lalaking para sa kanya.

I was the one for her but not anymore… I was…

Naging duwag ako para sa aming dalawa. We broke up but she asked for seven days. Ang buong akala ko ay kaya ko siyang tanggihan pero inisip ko nalang na kailangan ko rin ’yon bago siya tuluyang iwan.

I love every part of her and I’m now letting her go…

How can I make her happy now if I was the one who broke her? Wala akong maapuhap na sagot. All questions about us were so hard to answer.

Sa unang araw ay pinigilan ko ang sarili kong bawiin ang lahat ng sinabi ko. Napapatigil ako sa bawat paghawak ni Blaire sa akin. Parang gusto ko nalang siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit.

I watched their concert from a distance. Hindi ako nagpakita sa kan’ya at sinabing hindi ako manunuod no’n. But I’m here. Watching her gracefully playing the violin. Isa sa mga bagay na hinangaan ko sa kanya.

Habang tumatagal ang pitong araw ay mas lalo kong nilalabanan ang lahat ng pagkalito sa puso ko. I need to get all things done but on the sixth day, we made love. It was my fault. Hindi ko napigilan ang sarili ko and once again, I hurt her. Kahit na hindi niya sabihin ay alam kong sobrang sakit no’n para sa kanya.

My decisions are definite but damn! It was Blaire. Hindi ko na matandaan kung ilang beses akong nadudurog sa tuwing nakikita at nararamdaman kong nasasaktan ko siya… Nang sobra, sobra-sobra.

The seventh day was just casual.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagsuko. Pinipiga ang puso ko habang tinititigan ang maganda niyang mukha. I memorized all the details even the small lines in her face. Ayaw kong makaligtaan siya sa mga susunod na araw ng buhay ko. She will never be erase in my heart. Alam kong balang araw ay may papalit sa posisyon niya pero hinding hindi siya mawawala rito.

Sa buhay nga talaga ay kailangan mong gumawa ng desisyon na kahit labag sa puso mo ay dapat mong gawin para sa kapakanan ng nakararami. Para sa ikabubuti ng lahat at mas pipiliin kong masaktan nalang kami sa ngayon kaysa ang makita ko siyang mahirapan bukas. Mahirapan sa piling ko.

We parted ways with just a kiss but all her memories remained in the deepest part of my heart. Nalaman ko nalang kay Georgina ang paglisan ni Blaire sa bansa kasabay ng pagkamatay ni Mommy.

I was so alone and empty. Hindi ko na alam kung paano ako nakakabangon sa araw-araw na wala na ang lahat ng pinaka-iingatan ko.

The perfect life I was born with was snatched away from me with just a blink of an eye. Everything was pointless. Para akong nasa isang roller coaster na hindi humihinto at paikot-ikot nalang.

Pumasok ako sa isang maliit na kumpanya. Pinilit kong buohin ang buhay kong lugmok. Sarili ko ang pinagkuhaan ko ng lakas at si Blaire. Ang lahat ng alaala naming dalawa.

One day Hermes told me he was with her. Magkasama sila sa kanyang kumpanya and I was relieved. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib matapos ang isang taong wala akong naging balita dito.

Noon pa man ay alam kong mahal ni Hermes si Blaire pero nagpaubaya siya sa akin. I guess she was really not for me. Maybe Hermes is the one for her at ako lang ’yung umepal sa kanila.

And now… Here I am, surrendering the love that I’ve lost to my best friend.

Mas mabuti nang siya ang pagkatiwalaan ko kay Blaire dahil kilala ko ito. Oo nga’t wala na akong karapatan sa kanya pero gusto kong maging masaya siya ngayong wala na ako para gawin ’yon. Gusto kong maging maayos pa rin siya kahit na hindi na ako ang kasama niya.

“Hermes, I love you with all my life…” Emosyonal na sambit ni Blaire habang kaharap ang best friend ko sa altar.

I smiled bitterly. Napapikit ako ng marinig ang kabuuan ng vows ni Blaire para kay Hermes.

That should be me…

Pero natakot ako sa kinabukasan niya kasama ako. Naging duwag ako at hindi ito ang unang pagkakataon.

I’m so stupid to let her go but I am happy that she found the love of her life and that’s enough for me now.

Ni hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya sa nakalipas na mga taon. I am still the Marcus that she loved and she will always be my Blaire. The Blaire who taught me to love selflessly. Na kahit ano ay kaya kong ibigay para matagpuan niya ang tunay na makapagpapasaya sa kanya. I’m just like my mother. Sa kanya ko nakuha ang ganitong klaseng uri ng pagmamahal. Iyong puro, totoo at hindi kailanman naging madamot.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga matapos sabihin ni Father ang mga salitang, “You may now kiss the bride…”

Wala sa sariling napangiti nalang ako ng makita ang magiliw na paghawi ni Hermes sa kanyang belo. They kissed in front of everyone who rooted in their relationship. Kasama ako sa mga pumalakpak kahit na sumisikip ang dibdib ko sa sakit.

When does this pain will end? Is it still possible?

Huminga ako ng malalim at matapang na ipinirmi ang mga mata sa bagong kasal. Natigil ang pag-ikot ng mundo ko ng makita ang paglipad ng mga mata ni Blaire patungo sa akin.

She smiled at me and all I can think of was my decisions. Now I realized that the pain we suffered were all worth it. Pero sa ngayon ay may gusto pa akong hilingin.

Ngumiti ako kay Blaire kasabay ng mga sinserong bulong ng aking utak…

“Please be happy for me Blaire… Just be happy for me baby, please?”

EPILOGUE

Epilogue

TOTGA

Sa buhay mayroong dalawang klase ng TOTGA. Masasabi kong si Marcus iyong unang TOTGA sa buhay ko.

The one that got away.

At si Hermes naman ang pangalawa.

The one that God allowed.

He made me realized everything. Na ang lahat ng sakit na nangyari sa akin ay may dahilan. Hindi ibig sabihing nadapa ako ng unang beses ay doon na titigil ang lahat para sa akin.

Hermes made me feel whole again. Siya iyong taong hindi ko akalaing bubuo sa nasira kong mundo.

There will always be the one who will make you believe in love again. And for me, that’s him.

My husband.

Napangiti ako ng makita ang gwapo niyang mukha habang nakapikit. Bakit hindi ko kaagad ito naramdaman noon?

Siya iyong masungit na lalaking nahulog sa surfing board. Ang lalaking mahirap i-aproach dahil parating mukhang nagsusungit. Ang lalaking lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin. Bakit hindi ko nakita kaagad ang lahat noon pa lang?

Hinaplos ko ang  gwapo niyang mukha. Hindi ko mapigilang mapangisi habang kumukunot ang noo niya sa maingat na paghaplos ko.

Maya maya pa ay napasinghap ako ng makita ang marahang pagmulat niya. Napatitig ako sa mga pilik niyang lalong nagdedepina sa malamlam niyang mata. Nalulunod ang puso ko sa sobrang saya ngayon. God I love him so much!

“Good morning Mrs. Montgomery.” He said in his husky voice.

“Good morning Mister!” Nakangisi kong bati sa kan’ya.

Agad siyang sumiksik sa aking leeg na dahilan ng pagtayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan. He trailed sweet kisses from my neck down to  my collar bone.

“Hermes…”

“Uhm?” Ungol niya habang abala sa pagtanim ng mga halik sa leeg ko.

“Hermes!” Hinampas ko ng marahan ang kan’yang braso dahil sa paghuli niya ng kiliti ko.

“Ouch! wifey?!” Tumigil siya pero kinuha niya naman ang kamay ko at iyon naman ang ginawaran ng maliliit na halik.

Oh Hermes!

“Hindi pa ako nagto-toothbrush!” Reklamo ko. “Tsaka…” Tumigil ako para hawakan ang tiyan ko.

Kanina pa ako nakatitig sa kan’ya dahil maaga akong nagising. Kanina pa rin kumukulo ang tiyan ko dahil sa gutom.

Nakita ko ang pag awang ng labi niya at ang pagkagulat sa kan’yang mukha.

“Are you pregnant?! Is it possible? I mean, we’re making love for two days. Is it really possible?!” Napapitlag ako ng lumapit siya sa tiyan ko para ihilig doon kan’yang tenga.

“Hermes no! Nagugutom lang ako!” Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ng tawa ko dahil sa inosente niyang mukha na nakahilig sa tiyan ko.

Ilang ulit pa siyang nagpaikot-ikot doon na tila ba sinisigurado ang ginagawa.

“Blaire, I heard something!” Tumaas ang boses niya na dala ng pagka-excite sa isiping may nabuo na sa tiyan ko.

Nanatili ang pagtawa ko dahil sa ginagawa niya.

“Seriously Blaire…” Napanguso niyang sabi.

Hermes, you are the cutest! Tawang tawa talaga ako sa mukha niyang parang batang naibigay ang gusto.

Natigil lang ako ng halikan niya ang tiyan ko. Dumaloy muli ang kakaibang kuryente sa kabuuan ng aking katawan. Natulala ako ng makita ang seryoso at malamlam niyang mga mata. Narinig ko ang madamdaming boses ni Hermes habang kinakausap ang aking tiyan.

“Hi baby… It’s Daddy. You’re one day old now but know that I love you already. I love you baby…” Tumigil siya at humilig sa kabilang banda para makita ang mukha ko. “ Mahal na mahal ko kayo ni Mommy baby…“ He whispered.

Kitang kita ko ang tuwa sa gilid ng mga mata ni Hermes. Wala sa sariling hinaplos ko ang kan’yang gwapong mukha.

Napupuno ng galak ang puso ko dahil doon. Ngayon pa lang ay alam kong magiging mabuti na siyang ama sa mga magiging anak namin.

I never expect that I can go beyond bliss. Ni hindi ko alam kung mayroon pa bang salita para sa nararamdaman ko. Wala ng pagsidlan ang labis na tuwa sa puso ko simula ng maging kami ni Hermes.

Minahal ko si Marcus ng higit pa sa kaya ko noon pero iba itong pagmamahal ko kay Hermes. It was endless. Para bang kapag hindi siya dumating sa akin ay tatanda nalang ako ng dalaga. He saved my broken heart.

Marcus was my first love but Hermes will definitely my last…

Hindi ko kailanman sisisihin ang Diyos sa lahat ng bagay na nangyari sa akin noon. Because now I understand that he only wants the best for me. At si Hermes ang talagang best para sa akin.

There will always be the best. Minsan nabubulag tayo sa mga kagustuhan natin na hindi para sa atin. Nasasaktan tayo sa mga maling desisyon. But in the end, when the right person comes along your way. It will be rewarding and worth it.

Hindi nagkamali si Hermes.

Pagkatapos ng honeymoon namin sa Bali ay agad na nagbunga ang pagmamahalan namin.

“Pwede bang sundan agad si Baby?” Nakangising sabi niya habang namimili kami ng mga gamit.

“Hermes! Hindi pa nga lumalabas si Baby eh!” I pouted.

Agad niyang binitiwan ang trolley at lumapit sa akin para yakapin ako.

“I’m just excited Wifey… Masyadong maraming pagmamahal dito sa puso ko. Masyadong marami para sa inyo ni Baby… I want more.” Seryoso niyang sinabi bago halikan ang noo ko.

Napangisi nalang ako. I want that too. Gusto kong bumuo ng masayang pamilya kasama siya.

“I love you so much Blaire. Hinding hindi ako magsasawang sabihin yan sa’yo.” Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niyang nagpapikit sa akin.

Niyakap ko rin si Hermes ng mahigpit.

“Mas mahal kita Hermes… Mahal na mahal…”

Inangat niya ang mukha ko para magpantay kami. Ibinaba niya ang kan’yang mukha para halikan ako, buong puso kong tinanggap ang matamis na halik ni Hermes.

Thank you for making me complete again Hermes. 

This is not the end,

This is just the beginning of our endless days.

Together.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

2017©

CengCrdva

ENDLESS DAYS

Endless Days

Hindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya.

Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya.

Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba.

Hindi lahat ng araw, masaya.

Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka.

At lalong hindi lahat ng relasyon ay nagtatapos sa tayong dalawa…

Dahil minsan kahit na mahal natin ang isa’t-isa…

May nakatakda pa rin sa ating iba.

NOTES

Thank you all so much for reading Seven Days.

If you would like to read more of my published stories, just visit my profile.

Don’t forget to vote and share your thoughts with me! Daghang salamat!

To God be the glory! 🙏🏼

SEVEN DAYS SEQUEL

Hello Everyone!

For those of you who have just finished reading this, I wanted to let you know that I’ve written a sequel to this book. Hello sa mga nag request na gawan ko ng story si Marcus! It was never really my plan to write another story about him beyond this book, but the requests I received were overwhelming, so I decided to create another one. The sequel is titled Mondays with Marcus .

Have a good day everyone! Mahal ko kayo!

-CengCrdva


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.