loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
SEX AND LIES [ RATED SPG Man2Man / BoyxBoy] [Soon to be Written]

SEX AND LIES [ RATED SPG Man2Man / BoyxBoy] [Soon to be Written]

AlwaysBemew · 1 chapter · 296 words

Teaser

Kent’s POV

“Lahat naman ginawa ko. Lahat kinaya ko dahil alam kong galit ka. Inintindi kita sa galit mo dahil iyan din ang naramdaman ko noong iwanan niya ako at pinili ka. Nagalit ka. Nabuhay ka sa pagkamuhi sa nagawa niya. Pero bakit ako ang kailangang magbayad ng lahat Jay?” hindi ko mapigilang masinghalan siya matapos kong malaman lahat ng mga kasinungalingan niya.

“I’m sorry,” nang marinig ko iyon sa kanya ay para bang hindi galing sa puso niya iyon. Galit, galit ang nararamdaman ko sa bawat salitang binibigkas niya. Galit siya sa mundo. Galit siya kahit kanino at hindi nakaligtas si Shiena roon.

“Anong magagawa ng kapatawaran mo? Wala na ang babaing bubuo sana sa buhay ko, ang  ina ng mga anak ko, ang mag-aayos ng nasariang ako. Wala na si Shiena! “ sigaw ko nang tinutulak ito. 

Nang mabanggit ko ang salitang mga anak ay tuloyan na akong hindi nakapagtimpi sa galit ko. Nawalan ng ina ang mga anak ko. Nawawala ang isang anak ko. Nawala na ang babaing bubuo at makakasama ko sana hanggang sa huli. 

Sinugod ko siya at inambangan ng suntok. Sinuntok sa mukha at sa kung saan tatama ang kamao ko sa kanya. Sinisipa, tinutulak at tinatadyakan. Pero kahit anong gawin ko hindi ko maibuga lahat ng lakas ko dahil hindi ko siya kayang saktan. Kasi hindi lang siya dapat ang sisihin sa lahat. Ako, may malaking kasalanan akong nagawa kung bakit lahat nangyayari sa akin ito. Sinisisi ko rin ang sarili ko.

“Gusto kong mawala ka na sa buhay ko…” sambit ko at tuloyang ng bumagsak ang mga luhang kanina pang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata.

“Ken…”  

“Umalis ka na sa buhay ko,” mga salitang hindi ko nababawiin pa kahit masakit ay pipilitin ko na ring kalimutan siya.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.