Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)
Ineryss · 71 chapters · 179,162 words
Shade Of Love
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.
Prologue
Shade Of Love
Beast
Hindi ko maintindihan ang mundo kung ba’t may taong galit agad sa’yo kahit na wala ka namang ginagawang masama sa kanila.
Naiintindihan ko naman ang kanilang rason pero sapat na ba iyon para kamuhian ako nang ganito na akala mo ay wala na akong karapatang mabuhay? Lahat ng kanilang mga mata ay nasa akin ang tingin. Lahat ay pare-parehas ang tingin sa akin.
“Nandito parin pala iyan?”
“Wala talagang kahihiyan sa katawan.”
“Kung ako sa kanya ay umalis nalang siya rito katulad ng pagkawala ng kanyang kapatid.”
I know I am not welcome in this place anymore. Pero anong magagawa ko? Ito lang naman ang bayan na mabibilhan namin ng pagkain. Ito lang naman ang bayan na pinapasukan ko. Ito lang ang bayan na malapit sa tinitirikan ng bahay namin sa lupain.
“Pabili po ako ng kalahating kilo.” Itinuro ko ang isang isdang napili para sa magiging hapunan namin mamaya.
Ngumingiti pa ang tindera habang sinisilid ang iilang isda sa isang cellophane. Maingay ang palengke dahil sa mga nagkalat na namimili rin kagaya ko pero may iilan talagang nililingon ako at nasisira agad ang ekspresyon.
“Meron ka pa bang bibilhin, hija?” tanong niya sa akin at nag-angat ng tingin. Ang kanyang labing nakakurba ay mabilis na naging linya nang makita ako.
Napansin ko kaagad ang mabilis na pagbabago ng kanyang ekspresyon.
“W-Wala na po…” Ngumiti ako sa kanya at ibinigay ang dalawang daan na pera.
Mariin na ang kanyang tingin sa akin. Marahas niya pang hinablot ang pera at inis na inilapag sa aking harapan ang cellophane.
“Kung mamalasin nga naman… Sa dami daming paninda dito sa akin mo pa napiling bumili. Ang malas malas!” singhal niya na ikinalingon ng iilang tindera sa kanya.
“Nagulat nga ako at hinayaan mong bumili sa’yo!” sabi naman noong katabi niya.
“Nako mare baka bukas niyan mawalan kana ng negosyo… Alam mo pa naman ang dalang malas ng pamilya nila…”
Gusto kong ipagtanggol ang mga binibintang nila sa amin pero alam kong hindi nila ako pakikinggan. Ano bang laban ng pamilya ko sa pamilyang iyon?
At isa pa, hindi naman nila papaniwalaan ang totoo.
“Umalis kana at h’wag kanang bumalik! Mukha mo palang halatang kriminal rin!” Padabog niyang ibinigay sa akin iyong sukli. Ang iilang mga barya ay nahulog pa at gumulong na sa kung saan.
“H-Hindi naman kriminal ang aking-”
“Lumayas kana! Magdadahilan pa! Baka malugi ako lalo!” Itinulak niya na talaga ako sanhi para mabangga ko iyong iilang mga namimili rin sa aking likod.
“Ano ba!”
“S-Sorry… H-Hindi ko sinasadya…” Yumuko ako sa babaeng matalim agad ang tingin sa akin. Ang aking mga mata ay sumuyod naman sa sahig, hinanap iyong iilang mga baryang gumulong sa kung saan.
Inirapan ako noong babae. Ang tindera ay nakikitsismis na roon sa mga katabi niyang nagtitinda at ako na ang topic, ang aming pamilya.
Pinulot ko agad sa isang sulok ang baryang nakita at mabilis na tumayo para makaalis na. Nitong mga nagdaang araw ay paulit ulit na ang nangyayari sa akin. Tinataboy agad ako na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Ni hindi ko kilala ang iilan sa mga taong may matinding galit sa akin pero ganoon nalang ang kanilang inis sa t’wing nakikita ako.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang naglalakad paalis. Saan naman kami pupunta ni Mama kung umalis kami? Saan kami lilipat? At sa nangyayari, pag umalis kami ay pinatunayan lamang namin na totoo ang ibinibintang nila sa aming pamilya, sa aking kapatid.
Kahit nahihirapan ay pilit ko paring mamuhay sa lugar na kulang nalang ay isuka kami paalis. Ang bayang ito ay kilalang kilala ako hindi dahil artista o may angking ganda kundi dahil sa pamilyang kinabibilangan ko.
Nilakad ko nalang ang natitirang distansya papunta sa lupain kung nasaan ang aming bahay. Medyo malayo iyon sa bayan. Maliit lamang iyon hindi kagaya sa mga bahay na nasa bayan na malalaki at matatayog ang pagkakatayo. Iyong amin baka pag binagyo ay lumipad agad…
Bumuntong ako ng hininga habang pinapanood ang bawat paghakbang ko. Sinisipa ko iyong mga batong humaharang at hindi maiwasang malungkot dahil sa nangyari. Hanggang kailan ito magpapatuloy? Wala naman kaming sapat na pera para patunayan na walang kasalanan ang aking kapatid.
Wala naman talaga siyang kasalanan. Alam ko dahil kilala ko ang aking kapatid. Kahit na hindi kami gaanong nakapag-usap alam kong inosente siya.
Naalala ko iyong nagkakagulo sa aming bahay. Mahimbing na akong natutulog pero dahil sa mga boses ni Mama ay nagising rin ako. Sanay na akong nagbubunganga siya pero sa oras na iyon ay iba na ang kanyang tinig.
“Tumakas kana! Papatayin ka nila pag naabutan ka nila rito!” si Mama iyon.
“Ma! Paano kayo rito? Hindi ako pwedeng umalis-”
“Iyan pa ba ang iisipin mo, Bram?! Noon palang binalaan na kita na layuan mo ang babaeng iyan! Pero hindi ka nakinig! At ngayon, ikaw ang sinisisi nila!” Humagulhol ang aking ina sa galit at sa pagkadismaya.
Bumangon agad ako sa pagkakahiga at kinusot ang aking mga mata para masilip sila sa labas ng kwarto.
Hinawi ko ang kurtina at dinungaw sila sa sala. Si Mama ay umiiyak habang may sinisilid na mga damit sa isang malaking bag. Problemado naman ang mukha ni Kuya pero ang mga mata ay namumugto.
“Ma?” tawag ko na kapwa nila ikinalingon sa akin.
Agad rin namang binawi ni Mama ang kanyang tingin sa akin at mas binilisan ang kilos. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Oo madalas silang mag-away ni Kuya pero hindi naman umiiyak ang aking ina at umaabot sa puntong palayasin si Kuya.
“Ba’t niyo po pinapalayas si Kuya, Ma!” Mabilis akong nagtungo sa dako ni Kuya at niyakap ang kanyang beywang.
“Okay lang… Trace… Pumasok kana sa kwarto. Matulog ka ulit…” malumanay niyang sabi at ngumiti sa akin habang pilit na tinatanggal ang aking mga kamay.
Umiling agad ako at binalingan muli ang aking ina.
“Ma! Bakit niyo palalayasin si Kuya!” Naiiyak kong tanong sa kanya.
Malapit ako sa matanda kong kapatid. Maalaga ito at napakabait kaya ganoon nalang ang bigat ng aking nararamdaman kung ba’t kailangan niyang linasin ang aming bahay.
“Ma!-”
“Patay na si Rici, Trace! At sigurado akong ang kapatid mo ang sisisihin nila!” sigaw sa akin ni Mama nang hinarap niya ako.
Nagulat ako roon. Tiningala ko si Kuya na bakas sa mukha ang sakit na dinadamdam. D-Dahil ba ito…
“Umalis kana, Bram! Nagmamakaawa ako sa’yo! Umalis kana!” Itinapon ni Mama ang bag sa kanyang paanan na mas ikinabuhos ng aking mga luha.
Ang kamay ni Kuya ay dahan dahan ring kinalas ang aking mga kamay na mahigpit paring nakayapos sa kanyang baywang. Narinig ko pa itong suminghap na tila nagpipigil ng kung ano. Ang aking puso ay parang nilulukot at pinipiga sa nararamdaman ko.
Ba’t naman ganito?
Tiningala ko ito at nakita ang namumula niyang mga mata. Ngumiti siyang muli sa akin.
“Mag-iingat ka rito, Trace… Si Mama… Alagaan mo… Ikaw muna ang bahala rito pansamantala…” Tuluyang nakalas ni Kuya ang aking mga kamay sa kanyang baywang dahil na rin sa aking panghihina.
Tumaas baba ang aking mga balikat. Ang hagulhol ay mas lumakas pa. Bakit sinisisi nila si Kuya? Mahal na mahal niya si Ate Rici!
Dinampot ni Kuya ang kanyang bag kung nasaan nakalagay ang kanyang mga gamit. Umiling ako at sumunod sa kanyang paghakbang papunta sa pinto. Si Mama naman ay nakatalikod na at ayaw tingnan ang pag-alis nito.
“Kuya!” Hinila ko ang kanyang damit na ikinatigil niya.
“Trace!” tawag ni Mama sa matigas na boses sanhi para mabitiwan ko agad ang laylayan ng damit ni Kuya.
Nilingon niya ako at ngumiti. Ang mga mata ay nangingislap sa luhang kanyang pinipigilan.
“Babalik agad ako… H’wag matigas ang ulo, Trace…”
Kahit walang maintindihan ay tumango tango ako. Sa gitna ng gabi ay pinanood ko kung paano lisanin ni Kuya ang aming bahay. Kung paano kainin ng dilim ang kanyang imahe hanggang sa hindi ko na ito makita.
Hindi ako nakatulog buong gabi kakaiyak. Namumugto ang aking mga mata na kahit pinagalitan na ako ni Mama na tumigil na ay hindi ko parin maawat ang aking mga luha. Saan pupunta si Kuya? Saan siya magtatago? Wala kaming kakilala rito! Luluwas ba siya sa syudad?
Hindi ko namalayang umaga na pala. Doon lamang nabura ang aking mga pinag-iisip nang makarinig ako ng mga yabag ng paa ng mga kabayo sa labas ng aming bahay.
Mabilis akong bumangon at binuksan ang bintana para masilip ang labas. Ganoon nalang ang gulat ko nang makita ko ang mga tauhan ng pamilya ni Ate Rici na nakapaligid na sa aming bahay. May iilang kabayong papunta pa dito at may iilan namang mga tauhan na kakababa lamang sa kabayo at handa ng sumugod sa loob.
“Halughugin ang paligid at kaladkarin palabas ang putanginang iyon!” galit na sigaw ng kung sino.
Ilang sandali lamang ay narinig ko na ang marahas na pagkakabukas ng aming pinto. Mabilis akong lumabas ng kwarto at nadatnan ang mga tauhan nilang pumapasok na sa loob.
“Anong ginagawa niyo? Ba’t kayo pumapasok?!” sigaw ni Mama.
“M-Ma!” Mabilis akong nagtungo sa kanyang kinaroroonan dahil sa aking takot.
Hindi nila pinakinggan si Mama at nagpatuloy lang sa kakahalughog sa kabuuan ng aming bahay. Ang mga gamit ay walang awa nilang pinaghahawi na mabilis ring kumalat sa sahig. Kahit ang aming dalawang kwarto ay pinasok nila at pwersahang pinagbubuksan ang mga pinto.
Kumpara sa kanilang tindig, walang wala ang lakas namin ni Mama. Kaya rin nila kaming durugin sa oras na ito kung gusto nila. Kaya nila kaming saktan…
“Mukhang wala na rito…” sabi noong isa sa mga tauhan sa labas. Nakita ko pa sa kanyang gilid ang isang baril na nagpatayo ng balahibo sa aking batok.
Nagsimulang magpaligsahan ang luha sa aking mga mata gawa narin ng pinaghalong kaba at takot. Ito ba ang rason kung bakit pinatakas agad ni Mama si Kuya kagabi? Dahil alam niyang si Kuya ang sisisihin nila?
Pero ano namang kinalaman ni Kuya sa pagkamatay ni Ate Rici? Bakit galit na galit sila kay Kuya? Imposible namang pinatay siya ng aking kuya… Wala akong maisip na dahilan at para pa akong mahihilo sa labis na takot.
May kung sino ang pumasok. Sa tindig niya palang ay kilala ko na agad ito. Ang aking atraksyon sa lalakeng hinahangaan ko ng palihim ay hindi ko na mahagilap sa aking loob dahil sa takot na kumalat sa aking sistema.
Israel, the brother of Ate Rici, stood infront like a mighty person wearing a black vneck tshirt, faded jeans and black boots. Ang buhok ay medyo magulo pero maayos namang tingnan na kahit ang kumpol na iilang hibla na nalalaglag sa gitna ng noo ay kapansin-pansin. Kahit nanlalabo ang aking mga mata dahil sa kakaiyak ay hinagilap ko ko parin ang kanyang mga mata.
May inapakan itong kasangkapan dahil sa paghakbang niya na mabilisang nasira. Tumigil ito sa gitna, kung nasaan ako, saka niya iginala ang tingin.
He always radiate that ominous demeanor in him. An air of danger…
Nahanap niya ang mga mata ko. Sa nanlalabo kong tingin, ang makita siyang narito ay parang impyerno sa langit na pinapangarap ko.
Bumaba ang kanyang tingin sa akin. Kahit si Mama ay hinila ako para itago sa kanyang likuran. Sumiksik ako roon pero ang aking mga mata ay sumilip parin sa may balikat ni Mama makita lamang siya.
Israel, in his dark expression, found my eyes again. Nanliit ako sa aking sarili at napagtanto kung ba’t pa ako humanga sa kanya kung langit at lupa ang agwat ng estado namin.
“Wala ang anak ko rito kaya umalis na kayo. H’wag kayong manggulo sa pamamahay ko!” si Mama, bakas sa boses ang takot pero sinikap na magtapang-tapangan sa kanyang harapan.
Hindi tinantanan ni Israel ang aking mga mata. Ang tingin na iyon ay hindi mo mabasa kung anong ibig sabihin. Kung galit ba ito o ano… Katulad ng kanyang mga mata… Ang kanyang kabuuan ay singdilim rin ng aninong kinakain ng gabi na kahit lumiwanag ang paligid ay mananatili itong madilim at misteryoso. Ganoon ko siya ilarawan… Ganoon ko siya tingnan…
His superiority made me realize I am just a mere kitten compared to this dangerous lion…. compared to this beast.
Wala siyang sinabi at sinenyasan ang mga tauhan na umalis na. Ang aking mga mata ay mabilis na sumunod sa kanyang imahe.
Ang pagharap ni Mama sa akin ang nagpabalik sa aking sarili. Mariin na ang kanyang tingin sa akin at halos idiin ang kanyang kamay sa magkabila kong mga braso.
“H’wag na h’wag kang lalapit sa pamilyang iyon, Trace! H’wag kang gagaya sa kapatid mo! Sigurado akong gagamitin ka nila para matunton ang iyong kuya… Lumayo ka sa mga Buenaventura lalong lalo na doon sa kapatid na lalake ni Rici!” Niyugyog niya ako. Nagbabakasakaling matauhan ako kahit na wala pa naman akong ginagawa. Ang kanyang mukha ay masyado ng nababahala.
Dismayado akong tumango at pinalis ang luha. Hindi ko alam kung paano tatakbo, ma… Lalo na’t kahit makalayo man ako, alam kong mahahabol at mahahabol niya ako.
Chapter 1
Steal
Makulimlim ang langit ng umagang iyon pagkagising ko. Ang kalangitan ay parang nagluluksa sa kung ano. Malungkot iyon na kahit ang katiting na liwanag ay walang sumilip.
Pinagmasdan ko ang labas. Ber months na kaya siguro ganito na kalamig ang panahon at palagi nang umuulan. Ang langit ay palaging malungkot na akala mo ay may pinagdadaan at palaging nagdadalamhati.
“Magsuot ka ng jacket, Trace,” sabi ni Kuya Bram sa akin habang inaayos ang kanyang uniporme.
“Ihahatid mo ako, Kuya?” tanong ko sa kanya nang nilingon ko ito.
Natagpuan ko siya sa harap ng mesa at hinahalo ang mainit niyang kape. Inangat niya ang tasa, ang isang kamay naman ay nasa baywang.
Umangat lamang ang dalawa niyang mga kilay. Ngumuso ako at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Humalukipkip ako roon at hinalikan ang sarili kong mga brasong nakahilig roon.
Ang lamig lamig ng panahon. Ang kalangitan ay masyadong misteryoso at hindi makitaan ng liwanag. Magiging ganito ba ang buong buwan? O baka naman panandalian lamang?
“May bagyo raw kaya ganito ang klima. Masyadong malamig at palaging umuulan,” si Kuya nang mapansin ang pagiging malungkot ko dahil roon.
Hindi ko alam kung ba’t naaapektuhan ako sa klima. Nagiging malungkot ako pag malungkot ang langit. Para akong nakikiramay kahit hindi ko naman alam kung anong pinagluluksaan nito.
Palaging maagang umaalis si Mama sa bahay. Nauuna siya sa aming dalawa ni Kuya. Nagtitinda ito ng mga bulaklak sa bayan. Mahilig ako sa bulaklak kaya minsan pag bakante ako o walang pasok ay tinutulungan ko siya sa pagbebenta at pagtatanim.
“Kuya hindi ka ba malilate? College kana… Kaya ko namang pumasok mag-isa eh…” reklamo ko sa nakakatanda kong kapatid habang naglalakad na kami papuntang bayan.
“H’wag mo akong alalahanin Trace… Exercise na rin ito. ’Tsaka mamaya pang alas otso ang pasok ko,” aniya at hinawakan ang aking ulo.
First year college na si Kuya habang ako naman ay Grade Ten na. Nag-aaral ako sa isang publikong paaralan at isang scholar. Si Kuya naman ay may scholarship lang rin kaya nakakapasok pa rin sa isang Unibersidad sa kabila ng pagiging kapos namin sa buhay.
Ni minsan, hindi naman ako nagrereklamo sa estado ng aming buhay. Hindi ako nagrereklamo kung ba’t ipinanganak kaming ganito. Palagi kong tinatatak sa aking isipan na lahat ay nag-uumpisa sa ibaba bago ka umangat.
Wala masyadong mamahaling eskwelahan rito sa Bukidnon, at kung meron man, nasa syudad halos. Isa itong probinsya at ang iba rito ay kapos sa pera.
Pero hindi ko naman sinasabing lahat ng nakatira rito ay puro mahihirap. May naiiba parin. May angat. May makapangyarihan. May mayaman…
Pagdating sa bayan ay ganoon pa rin ang paligid, ang kalangitang makulimlim. Nakikita ko na ang iilang estudyanteng may parehas na uniporme ko.
“Sige kuya… Dito na ako… Pumasok kana rin sa school,” sabi ko at tumigil sa may gate.
Luminga linga sandali si Kuya. Tila may hinahanap ito kaya lumingon narin ako sa aking paligid. Kunot-noo kong ibinalik sa kanya ang aking tingin nang wala naman akong matagpuang kakilala niya.
“Mangchichix kana naman ’no?” Pang-aakusa ko sa kanya na mabilis niyang ikinatingin sa akin.
“Ako?” Natatawa niyang itinuro ang sarili.
Tumango ako, “Oo… Nanghahunting ka siguro ng chix dito? May target ka dito kaya ilang araw mo na akong hinahatid sundo dito?”
Tumawa si Kuya. Ang dimple sa kabilang pisngi ay mabilis na lumabas. May iilan pang mga babae na napatingin sa kanya lalo na’t may itsura talaga ang kapatid ko.
“Ikaw ang bata bata mo pa kahit ano na ang ibinibintang mo sa akin! Di ako ganyan, Tracy…”
Ngumuso ako. “Eh ba’t parang may hinahanap ka?”
“Wala… Baka kasi may pumorma sa’yo. Concern lang ako.” Kinurot niya ang aking pisngi na ikinasimangot ko.
Isang busina ng kotse ang nagpabalik sa aming dalawa ni Kuya sa katinuan. Nasa daan pala kami. Mabilis akong hinila ni Kuya paalis roon at tumabi kaming dalawa. Nang makita ko ang plakard nito ay mabilis akong nakaramdam ng kaba. Na kahit ang aking laway ay nalunok ko.
Tumigil iyon sa nakasanayan nitong parking area. Kilalang kilala ng lahat ang nagmamay-ari ng marangyang kotse na iyon.
“Salamat, Manong!” Ang malambing na boses ni Ate Rici ang pumaibabaw nang lumabas ito.
Ang malaporselana niyang kutis ay masyadong maliwanag kumpara sa kalangitan. Para itong nasisinagan ng araw dahil narin sa kanyang ngiti at mapuputing ngipin. Ang itim na buhok ay masyadong makintab at idagdag pa ang maliit nitong mukha na mas lalong nagpaganda sa kanya.
Grade Eleven na ito at lahat ng lalake sa eskwelahan ay nahihibang sa kanya dahil na rin sa taglay na kagandahan.
Suminghap ako saka ibinalik ang tingin kay Kuya para sana magpaalam sa kanyang muli nang mapansin ko ang kanyang ekspresyon. Ang labi ay marahang nakaawang at nakasunod na ang mga mata kay Ate Rici. Kumurap ako. Hindi kaya…
“Kuya,” tawag kong muli sa kanya na ngayon ay natauhan na at hinila ang tingin papunta sa akin.
“H-Huh?” wala sa sarili niyang tanong lalo na’t bumalik pa sandali ang kanyang mga mata sa entrance saka ulit ibinalik sa akin.
“Papasok na ako,” paalam ko sa kanya.
“Ah… Sige… Mamaya susunduin kita,” sabi niya na ikinatango ko.
Parang wala sa sarili si Kuya sa tuwing napapansin kong nasa paligid lamang ang presensya ni Ate Rici. Sa mura kong edad, alam ko na ang mga bagay tungkol sa pagmamahal. Siguro dahil na rin sa aking kyuryusidad dahil mahiwaga iyon at masyadong misteryoso kaya nagkakainteres ako.
Minsan, pag wala akong ginagawa sa school, nagbabasa ako ng nobela sa library namin lalo na’t may mga ganoong libro. Tungkol sa pag-ibig.
Umupo ako sa aking upuan. Naghahagikhikan na si Rinka at Cecille kasama ang dalawa pa nilang mga kaibigan na kaklase ko rin.
“Isama natin si Tracy!” suhestyon ni Cecille sanhi para malipat ang kanilang mga mata sa akin.
Kumurap ako.
“H-Huh?” Hindi kaya ay balak nilang magnakaw na naman ng mangga sa malawak na puno ng mga Buenaventura?
“Baka hindi iyan sasama eh Maria Clara pa naman itong si Tracy!” Tumawa pa si Rinka.
Tumawa narin ako ng marahan kahit hindi ko pa alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan.
“Ang alin?” tanong ko.
“Isama natin nang matuto!” si Rose, isa sa mga kaklase ko.
“H-Huh?” nagtataka kong inilipat ang aking mga mata sa kanila.
“Mamayang hapon Trace… Punta tayo sa lupain ng mga Buenaventura…” Ngumisi na ng malisyosa si Cecille sa akin.
“Mangunguha kayo ng mangga?” tanong ko na ikinatango nila ngunit naghahagikhikan.
“Tuwing hapon nanunungkit ng mangga si Israel roon. Iyong kapatid na lalake ni Ate Rici.” Tumili pa si Rinka na kahit si Cecille at Rose ay niyugyog ang isa’t isa.
Kumunot ang noo ko.
“Sige na, Trace! Malay mo mabait ’yon at bigyan din tayo ng mangga! Mas mabuti kung magpaalam na kaysa naman manguha noong nalalaglag na mga mangga sa lupain nila at bulok pa ang iba!” si Rose.
“Sige na, Trace! Iyon ang binabalita ni Ate Rici! Pinapakuha niya raw ng mangga si Israel tuwing hapon at minsan ay topless raw ito! Silipin natin kung totoo ba tapos manghingi tayo ng mangga!” Niyugyog na ako ni Rose.
Halata naman na si Israel mismo ang pakay nila. Buong klase yata nila akong kinumbinsi. Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi pumayag nalang para matigil lamang sila. Kaya noong uwian, hindi ko na alam kung ano ang gagawing palusot kay Kuya Bram habang hinihintay ko ito sa tapat ng gate.
“Wala pa ang Kuya mo, Trace?” tanong ni Cecille na palinga linga narin sa paligid.
Umiling ako. “Wala pa… Uh… Baka hindi ako sunduin at dumeritso na iyon kay mama. Sa susunod nalang siguro ako sasama sa inyo-”
“Andyan na ang kuya mo, Trace!” Itinuro agad ni Rinka ang nakakatanda kong kapatid.
Naiwang nakaawang sa ere ang aking bibig. Ang iniisip kong pagtangging sumama sa kanila ay nabura rin dahil sa biglaang pagdating ni Kuya. Mukhang gusto ata ng tadhana na mabindisyunan ang mga mata mo, Trace…
“Pakshet rin talaga iyang Kuya mo, Tracy! Ang guwapo! May girlfriend ba iyan? Pumapatol ba siya sa Grade Eleven?” si Rose na nangingisay na sa aking tabi at hinihintay ang paglapit ng aking kapatid.
Tumawa kami sandali pero natigil rin nang lumapit na si Kuya Bram. Naamoy ko kaagad ang matapang niyang pabango na ikinalukot ng aking mukha. Ba’t masyadong mabango?
“Uh Kuya Bram-”
“Kuya may project po kami at kagrupo namin si Tracy sa bahay namin para doon gawin ang project namin!” singit agad ni Cecille sa akin.
Kumunot ang noo ni Kuya, ang mga mata ay pinagdudahan agad ako.
“Anong klaseng project? Project sa kalokohan?”
Umiling silang tatlo. Ngumuso naman ako.
“Hindi po kalokohan! Para po ito sa kinabukasan namin! Malaking grades po ang nakasalalay!” dagdag pa ni Rose na ikinatango naman agad ng dalawa.
Hindi mabura bura ang pagdududa sa mukha ni Kuya. Doon lamang naalis ang kanyang mga mata sa akin nang may narinig akong pamilyar na halakhak sa aming likuran. Pasimple ko iyong nilingon at nakita si Ate Rici kasama ang kanyang mga kaibigan. Tumatawa ito at masyadong mahinhin ang paglalakad.
Ibinalik ko ang tingin kay Kuya na nakaawang na naman ang mga labi. Mukha na naman itong nahihipnotismo sa kakatitig kay Ate Rici.
“Kami nalang ang maghahatid kay Tracy pauwi, Kuya Bram!” si Rinka na hindi naman pinakinggan ni Kuya.
“Uy silence means yes! Tara na Trace! Pumayag na ang Kuya mo!” Hinila na ako ni Cecille.
“H-Huh? Teka? Hindi pa ata!” protesta ko pero pati si Rose ay nakihila na rin sa akin.
“Tara na!”
Nakaladkad ako ng dalawa. Tiningnan ko si Kuya na naroon pa rin ang tingin at nakalimutan na ako ang sadya sa eskwelahang ito.
Tumakbo sila kaya pati ako ay nahila na rin. Naghahagikhikan sila sa daan at masyadong excited sa kanilang binabalak. Hindi ba kami mapapahamak nito? Maraming tauhan roon! Hindi ba sila magagalit pag pumasok kami sa lupain ng Buenaventura?
“Malapit na tayo!” Mas hinila ako ni Rose na kahit ang kanyang pagtakbo ay bumilis. Ang aking uniporme ay nagugusot na sa kakahila niya. Ang suot kong bag ay kulang nalang malaglag kakatakbo.
“Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito!” si Rinka naman na ganoon rin kaexcited.
“Dahan dahan…” saway agad ni Cecille sa amin nang makarating kami sa mismong lupain.
Bumagal ang aming pagtakbo hanggang sa maingat na kaming humahakbang ng malalaki na hindi gaanong gumagawa ng ingay. Para kaming mga kawatan sa alas singko ng hapong iyon…
“Dito tayo!” Sinenyasan kami ni Rinka na nauuna na sa harap na magtago roon sa malaking puno. Hinila ako ni Rose at isa isa kaming nagtago roon.
“Wala pa ata si Israel…” si Cecille na palinga linga na sa harapan.
“Lumipat tayo doon sa mas malapit na puno!” May kung anong itinuro si Rinka kaya isa isa rin kaming lumipat roon.
“Baka hindi iyon manunungkit ng mangga ngayon?” hula ko.
Hindi sila sumagot roon at masyadong tutok sa harap.
Ilang sandali lamang, kulang nalang ay mapunit ang aking suot na uniporme nang hilain iyon ni Rose. Si Cecille at Rinka ay kapwa impit na ang mga tili at sinisikap magpigil.
“Ang kisig!” daing ni Rose sa mahinang boses at ako ang pinanggigilan.
Ayoko sanang tumingin lalo na’t ano bang espesyal eh nanunungkit lang naman ng mangga? Ngunit napagtanto ko kung anong meron bakit gusto nilang makita iyon.
Israel Buenaventura, in his dark jeans, topless, and intense demeanor, looked so dangerous while holding a piece of long, thin wood to get some mangoes on a tree. Magkasalubong ang makapal na kilay at madilim ang ekspresyon, na tila ba natural talagang ganoon siya tingnan at parang galit.
“Lumapit pa tayo!” suhestyon ni Rose.
Gusto ko sanang tumanggi pero pagdilat ko ay isa isa na silang gumapang patungo sa mas malapit na malaking puno. Kinabahan ako at ramdam ang sobrang bilis na pintig ng aking dibdib.
Gumapang na rin ako papunta sa kanila. Sinilip naming muli si Israel na medyo malapit na sa aming dako. Tumingala ito na kahit kami ay tumingala na rin. Ang kanyang panga ay masyadong matulis na pag hahawakan mo ata ang gilid noon ay masusugatan ka. Nanatiling madilim ang ekspresyon nito at masyado pang seryoso na kahit ang magulong buhok at makapal na maitim niyang kilay ay bumabagay sa dilim na bumabalot sa kanyang mga mata.
“Humingi kaya tayo? Mabait naman siguro,” suhestyon ni Rinka ngunit malawak ang ngiti.
“Kita mo ’yang hawak na panungkit niya, Rinka? Isasaksak niya ’yan sa atin isa-isa kung nahuli niyang nandito tayo sa lupain nila,” si Cecille.
Buenaventuras were painted as strict and powerful in this town. Kaya kahit ni isa, natatakot talaga.
Nagsasapakan sila Rinka at natigil lamang nang may nalaglag na mga mangga at gumulong na iyon sa kabilang parte.
Nalaglag ang tingin ni Israel saka iyon sinundan. Napalunok agad ako ng laway nang mapagtantong makikita na kami rito. Tinapik tapik ko ang tatlo.
“Makikita niya ata tayo rito…” kinakabahan kong sabi.
“Sus Tracy! Hindi iyan! May nakatakip naman na mga dahon!” si Cecille.
“Oo nga Trace… At kung mahuhuli tayo, edi sabihin naligaw!” Tumawa pa si Rose.
Lumunok ako ng laway at ibinalik ang tingin kay Israel na bigla nalang nawala sa kinatatayuan nito.
“Hala nawala!” natatarantang sigaw ni Cecille.
“Itong si Tracy kasi kinuha pa ang atensyon natin! Hanapin niyo!” iritadong sabi ni Rinka.
Iginala ko na rin ang tingin sa harapan. Ang bilis niya naman ata? Hindi kaya ay napansin niya kami rito kaya tumakbo na ito paalis?
“Lumipat tayo doon sa kabilang puno,” sabi ni Rinka at nagsimulang gumapang. Sumunod naman agad ang dalawa at ako pa itong nagdadalawang isip.
Handa na ulit akong gumapang nang hindi na ako makagalaw dahil sa pagkakaipit ng aking palda sa kung saan. Hinila ko pa iyon.
“Tracy ang tagal mo. Bilis na-” Nilingon ako ni Cecille. Ang mukhang iritado ay mabilis na napalitan ng pagkagulat.
Kahit ang dalawa ay ganoon na rin ang reaksyon nang magsilingunan sila sa akin. Ang mga mata ay nanlalaki at nalaglag na ang panga.
Sa reaksyon nila ay may umupo na ring kaba sa aking dibdib. Dahan dahan akong tumingala hanggang sa nakita ko ang walang pang-itaas na saplot na lalakeng sinisilipan namin kanina pa.
“Trespassers,” sabi niya sa malamig at malalim na boses sanhi para magsitayuan ang tatlo at isa isa ng kumaripas ng takbo.
Nanlaki na rin ang aking mga mata nang makita kung gaano kadilim ang tinging iyon.
Natataranta akong tumayo pero dahil apak apak niya ang aking palda ay hindi agad ako nakaalis. Lagot ka ngayon, Tracy! Hubarin mo nalang iyang palda mo!
Mabilis kong tinanggal ang lock noon hanggang sa lumuwang nga iyon sa aking beywang. Uminit ang aking pisngi nang mapagtanto kong wala akong short. Ano, tatakbo akong nakapanty?!
Bago ko pa iyon mahubad sa akin ay marahas niya na akong nahila. Mabilis akong umangat at humarap sa kanya.
“You’re one of those girls,” aniya, tila ba may pinapahiwatig siya roon.
“B-Bitiwan mo ako…” daing ko nang marahas ang pagkakahawak niya sa braso ko.
“You’re here to steal some mangoes or…” Umangat ang kilay niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Umiling ako, natatakot sa paraan ng malalim niyang titig at tila ba galit.
“Then you’re here to see me, huh…” tila ba may ideya agad siya kung hindi mangga ang rason kaya kami napadpad dito.
Chapter 2
Pinasukan
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang tunay na sadya ko rito. Planong humingi ng mangga? Planong panoorin siyang nanunungkit?
“Ano? Sagot,” mariin niyang sabi na ikinalunok ko.
“W-Wala naman akong balak na s-silipan ka-”
“You just did. Nahuli ko kayo ng mga kaibigan mo,” pang-aakusa niya, ang galit sa madilim niyang mga mata ay hindi parin humuhupa.
Umiling agad ako. “Nandito kami p-para humingi ng mangga!”
“You’re part of those thieves. Taking mangoes on our land without our consent…” Umangat ang makapal at maitim niyang kilay.
Umiling akong muli, gustong kumawala ngunit hinigpitan niya ang hawak sa akin. Ganoon ba siya ka galit para lang sa kakarampot na mga manggang nawawala?
“Oo kumukuha sila ng mga mangga pero iyong nahuhulog lang naman sa puno at bulok pa raw minsan. Ipagdadamot mo ba kahit ’yung bulok?”
“Liar,” mariin niyang sabi.
“T-Totoo!” sigaw ko na ikinaguhit ng iritasyon sa kanyang mukha nang magawi ang mga mata sa aking labi.
Mas naging malalim ang matalim niyang titig. Mas natakot ako roon. Parang sinisilip niya ang loob ko na kahit ang aking kaluluwa ay handa ng humiwalay sa aking katawan.
Nahihiya akong tumingin sa kanya. Guwapo talaga si Israel. Lahat ng anggulo ng mukha niya, wala kang maipipintas. His the perfect description of badboy looking men. Sa titig niya, sa tindig, at sa istriktong ekspresyon, alam mong maraming babaeng handa siyang luhuran.
Ang lalakeng palihim mong tinititigan sa t’wing sinusundo ang kanyang kapatid ay nasa aking harapan na. Aaminin ko, isa ako sa mga babaeng humahanga sa kanya. At ngayon na nabigyan ako ng pagkakataong mapalapit sa kanya ng husto ay mas lumala lamang ang iniingat-ingatan kong atraksyon sa kanya.
Oo may gusto ako sa kanya kaya rin siguro hindi ko mahila ang sarili ko na h’wag nalang sumama sa mga kaibigan ko kanina dahil may parte sa akin ang gusto siyang makita. May parte sa akin ang natutupok sa t’wing naririnig ko ang kanyang pangalan.
“Kuya?!” may tumawag sa kanya sanhi para malihis ang kanyang mga mata sa akin. Boses iyon ni Ate Rici!
Kinuha ko agad ang pagkakataong iyon para makawala. Sipain mo Trace! Bayagan mo!
P-Pero masasaktan ko siya! Ayoko namang kamuhian niya ako! Gawin mo nalang para makaalis kana kaysa naman ikaw pa ang mapahamak pag hindi ka nakawala!
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinipa agad ang kanyang gitna. Katulad ng aking iniisip ay mabilis niya nga akong nabitiwan at nahawakan na ang kanyang gitna. Nakayuko ito at bakas sa mukha ang iniindang sakit.
“Fuck!” he growled violently while looking at me using his pained expression.
“S-Sorry! Masakit?!” Natataranta akong lumapit sa kanya para sana tulungan ito pero nang makarinig rin ako ng kaluskos at mukhang papunta na sa aming gawi ay napaatras na ako.
Mariin siyang pumikit. Mas napaatras ako hanggang sa tumalikod na ako at kumaripas ng takbo paalis. Ang aking puso ay para nang lalabas habang tumatakbo ako sa kakahuyang iyon. Ang maliit kong bag ay sagabal pa sa aking likod idagdag pa ang maluwang kong palda na natanggalan ko ng lock kanina.
Just run faster, Trace! H’wag kanang lumingon! Malalagot ka sa Buenaventurang iyon pag naabutan ka niya.
Pero teka, binayagan ko ba talaga siya?!
Nilingon ko ang aking likuran at mukhang hindi na ako sinundan nito. Gumuhit agad ang pagkadismaya sa aking mukha. Hindi ko inaasahang magiging ganoon ang una naming pag-uusap.
Pulang pula ang aking pisngi nang makauwi ako sa bahay. Hindi ko na namalayan ang dumaang oras at doon lamang napagtantong masyado na pala akong matagal na nawawala dahil sa nag-aalalang mukha ni Kuya Bram.
“Kuya-”
“Saan ka ba nagpunta, Trace?” Sinalubong niya agad ako.
“A-Ah… ’Di ba may ginawa kaming project sa bahay nila R-Rinka?” Hindi ko maipanatili ang aking mga mata sa kanya. Lumilihis talaga iyon.
“Hindi kita pinayagan kanina ah? Bigla bigla kana lang nawawala!”
“Kasi Kuya tulala ka. Nagpaalam kami ng maayos,” paliwanag ko sa kanya pero hinila na ako nito papasok ng bahay.
“’Di ba may usapan kayo ni Mama na pupuntahan mo siya sa bayan ngayon at tutulungan sa pagtitinda ng bulaklak?” paalala niya na ikinalaki agad ng aking mga mata.
“Oo nga pala!” Natataranta kong nahubad ang aking maliit na bag at gusto ng magpalit para makahabol sa bayan.
Hinawakan ni Kuya ang aking braso at ipinirmi ako.
“Anong oras na oh? Mapapagalitan ka lang doon kaya dumito kana. Gawin mo ang assignment mo. Ako na ang mag-aalibi mamaya…” sabi niya at binitiwan ako.
Nagtungo siya roon sa lamesa at pinaghahandaan na ako noong nilagang saging. Naglagay siya ng dalawang kapiraso sa isang pinggan saka niya ako sinenyasang lumapit roon.
Nagtungo ako at umupo sa upuan. Naguilty agad ako sa aking ginawa. Gusto kong sabihin sa kanya na nagtungo kami sa lupain ng mga Buenaventura pero natatakot ako baka magtanong siya kung anong ginawa namin roon.
Ngunit palaisipan sa akin bakit hindi naniniwalang mga nalalaglag naman talaga sa puno ang kinukuha ng mga kaibigan ko. Isa pa, ang lawak ng lupain nila ng mga mangga. Ganoon ba siya ka… madamot?
Si Kuya mismo ang nagbalat noong saging sa akin lalo na’t mainit init pa iyon. Tiningnan ko siya ng maigi. Nagkakasalubong ang kanyang kilay at seryosong seryoso sa pagbabalat.
“Kuya… Crush mo ba si Ate Rici?” biglaan kong tanong na ikinatigil niya sa pagbabalat.
Mabilis na nalipat ang kanyang mga mata sa akin. Gulat na iyon at medyo natigilan.
“Huh?”
“Si Ate Rici… Iyong Buenaventura… Iyong mayaman at maganda na Grade Eleven, kuya…”
Ngumiti siya sa akin. “Ang ganda niya ’no?”
Tumango agad ako. “Opo! Para siyang naliligo palagi sa gatas. At ang bango bango rin noon, Kuya! Sikat na sikat siya sa eskwelahan at maraming nagkakagusto sa kanya. Ikaw rin ba?”
Imbes sumagot ay tumawa siya. Hindi ko alam kung biro ba iyong naging tanong ko o ano.
“Mayaman sila, Trace. Para na rin akong naghangad na makalipad para maabot ang langit na dapat ay tingalain ko lang.” Nagkamot siya ng batok.
“Pero mabait ka naman ah? Maalaga ka pang kapatid! At guwapo! Pera nga lang ang kulang sa’yo pero okay ka naman Kuya…”
Nailing siya at ngumisi lamang sa akin. Magsasalita pa sana ako nang may biglang pumasok sa hamba ng pintuan namin.
“Bram? Si Tracy nasaan?” tanong ni Mama na kakadating lamang.
Mabilis akong napatayo at binalot agad ng takot ang mukha.
“Ma.” Lumapit si Kuya sa kanya at tinulungan ito sa mga dala. Nagmano siya kaya nagtungo na rin ako doon.
Medyo nalalaglag ang iilang hibla niyang buhok at bakas sa mukha ang pagod. May dala itong balde na supot na ang laman kung nasaan niya nilalagay ang mga bulaklak niya. Mukhang naibenta niya iyon lahat…
“Mano, Mama…” mahina kong sabi at nakagat ang pang-ibabang labi lalo na’t nabasa ko agad sa kanyang tingin ang pasalubong niyang sermon saakin.
“Hindi mo ako pinuntahan sa bayan. ’Di ba ang sabi ko pagkatapos ng klase mo ay humabol ka roon?” Mariin niya akong tiningnan. Si Kuya naman ay sinesenyasan pa akong pumasok nalang sa kwarto.
“May ginawa kasi iyang mga projects Ma kaya hindi kana napuntahan roon,” palusot ni Kuya.
Tumango agad ako, dala na rin ng takot na mas masermonan lalo.
“Anong projects? Baka lumakwatsa lamang ito at pinagtatakpan mo na naman!” si Mama na mariin ang titig kay Kuya.
Tumawa si Kuya at nagtungo sa kanyang dako. Hinilot niya ang ulo nito.
“Ikaw Ma… Magpahinga kana. Ipagpabukas mo nalang ang panenermon kay Tracy,” malambing niyang sabi at pasimple pa akong sinenyasan na siya na ang bahala kay Mama.
Palihim akong ngumiti lalo na at humihinahon na si Mama. Naantala ang kanyang panenermon sa akin ng gabing iyon. Ako agad ang naghugas ng aming pinagkainan para at naglihis ng bahay bago matulog. Noong humiga ako ay ang mga mata agad ni Israel ang pumasok sa aking utak.
Napakamisteryoso talaga ng mga matang iyon. Hindi ko alam kung ba’t sa dinami-dami ng mga matang nakikita ko araw-araw… Iyong kanya ang pinakakakaiba at pinakamadilim. Palagi iyong misteryoso… Iyong pag tinitigan mo siya, sa sobrang lalim ng kanyang titig ay hindi mo alam kung may dulo pa ba iyon.
“Anong nangyari sa’yo kahapon, Trace?” natatawang tanong ni Rose sa akin kinabukasan pagdating ko sa classroom.
Hinubad ko ang suot na maliit na bag saka rin hinubad ang suot kong jacket. Pinaghihila naman nila ang kanilang mga silya papalapit sa akin.
“Nahuli niya ako,” nakasimangot nilang sabi na mas ikinatawa nila.
“Oo alam namin dahil hindi kana nakahabol sa pagtakbo naming tatlo kahapon,” natatawang sabi ni Cecille at hinampas pa ang desk ng aking upuan.
“Anong ginawa sa’yo?” si Rinka.
“Masakit ba?” malisyosang tanong ni Cecille at malawak ang ngisi.
“Sinipa ko siya para makatakas,” kuwento ko nang wala silang isiping iba.
“Paanong sipa? Grabe ka naman! Sa hinhin mong ’yan mapanakit ka!” natatawang si Rinka.
“Sa ano niya…”
Namilog ang mga mata nila at mukhang nagkaideya agad.
“Trace naman! Paano kung kami ang nagkatuluyan edi nabaog iyon! Hindi kami makakabuo!” Lumukot ang ekspresyon ni Rinka.
Umawang ang aking bibig para sana sumagot pero naunahan rin agad ako ng boses ni Rose.
“Galit na galit siguro ’yon,” si Rose natatawa.
“Pinagbibintangan niya kayong magnanakaw ng mga mangga. Na kasali raw ako,” patuloy ko sa aking kuwento.
“Bulok kamo! Ikakasakit pa ba ng damdamin niya ’yon kung mga pinupulot namin bulok naman!” si Rinka na umismid.
“At pasalamat siya na mga mangga nilang bulok ang kinukuha namin at hindi siya!” si Cecille.
“Ang damot ni Israel ha. Akala ko fake news na hindi madadamot ang mayayaman…” Angat ng kilay ni Rose.
“Baka naman kasi may ibang nagnanakaw sa mga mangga nila at napagbintangan lang kayo?” sabi ko lalo na’t parang tumatak din sa isip ko na ayaw maniwala ni Israel doon.
“Pinagtatanggol ni Tracy. Nakatikim ’to ng ibang panungkit.” Tinuro ni Cecille ang mukha ko at naghagalpakan sila.
Kahit dumating na ang guro, bumubungisngis pa rin sila sa likuran dahil nahuli ako.
“Ang kisig kisig… Ang guwapo guwapo! At ang tigas tigas…” narinig kong sabi ni Rinka sa mahinang boses.
“Pinagpala talaga ang lalakeng iyon… Nasa kanya na ang lahat…” si Rose naman.
“Swerte ng magiging girlfriend,” si Cecille.
Ang swerte nga. Sino kaya ang girlfriend niya ngayon rito sa bayan? Alam ko namang madali lang sa kanya ang pumili ng babae. Iyong mga kaibigan ko nga ay handa ng ialay ang kanilang sarili kay Israel… Lahat ng mga babae rito ay hibang sa kanya.
“Tracy sa Sabado sama ka sa amin, maliligo kami sa batis!” anyaya sa akin ni Rose pagkatapos ng klase sa hapong iyon.
“Huh? Anong gagawin sa batis?” Baka nandoon si Israel?
“Syempre maliligo! Kakasabi lang! Ano bang iniisip mo?” Tumawa si Cecille sa akin habang nililigpit ang kanyang gamit.
“Siguro gusto mong makita ulit si Israel, ’no?” Ngumisi si Rinka sa akin na suot nagsusuot na rin ng kanyang bag.
Umiling agad ako. “Hindi ah. Di kaya ako marupok.”
“Asus! Hindi talaga?! Kahit maghubad si Israel sa harapan mo hindi talaga?!”
Umiling ako sa tanong ni Cecille. Tumatawa na naman sila.
“Imposibleng hindi mo rin iyon gusto, Trace… Ang hot at ang guwapo pa! Crush kaya siya ng lahat ng babae rito!” tili ni Rose.
Oo gusto ko pero iyong klase ng atraksyon na hindi ko binibigyan ng kulay dahil alam kong sa dami ng nagkakagusto sa kanya, magmumukha akong anino sa dilim na kailanman, hindi niya makikita.
“Pupuntahan ka namin sa Sabado, Trace… Sama ka ha,” si Cecille.
Hindi palang ako nakakatango ay nagpaalam rin ang tatlo na uuwi na. Napabuntong ako ng hininga at hindi na naman makatanggi. Maganda rin naman kasi ang tagong batis na iyon… Masarap liguan…
Lumabas rin ako ng classroom. Habang naglalakad palabas ng gate ay nakasabay ko pa ang mga grupo ni Ate Rici. May topic rin sila na kung ano habang pumapaibabaw naman ang mahinhing tawa ni Ate Rici. Bumagal ang aking paglalakad at gusto nalang silang paunahin.
Doon ako pumwesto sa kanilang likuran. Tinitigan ko ang imahe ni Ate Rici. Fit ang suot niyang blusa at nahuhubog ang maliit niyang baywang. Ang palda ay hanggang tuhod rin pero nakikita ang makinis niyang mahahabang hita. Nalunod ako sa kakatitig sa kanya kaya hindi ko na napansin noong tumigil siya. Nabangga agad ako sa kanyang likuran.
“Hoy! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!” Mas itinulak ako palayo noong isa sa mga kaibigan niya. Ang dalawa naman ay matalim narin ang tingin sa akin.
“Okay lang, Gena. Kasalanan ko kasi huminto ako,” awat ni Ate Rici sa kanila saka ako binalingan.
Tumagilid ang kanyang ulo at sinipat ang aking ekspresyon. Yumuko ako.
“S-Sorry…” Hindi ko na ito tiningnan pa sa mga mata at mabilis na umalis sa kanilang harapan.
“’Di ba kapatid iyon noong guwapong si Bram?” narinig kong tanong noong isa sa mga kaibigan nila.
“Ah iyong nakatira sa parteng bundok. Sayang guwapo sana…” Isa iyon sa kaibigan niya.
Mas binilisan ko nalang ang aking paglalakad para hindi ko marinig ang kanilang mga boses. Palabas na sana ako nang mapansin ko rin ang imahe ng lalakeng nagpalaki ng aking mga mata.
When I said that Israel is the perfect description of a bad boy looking, to see him in his well-ironed uniform while scowling at the gate, as if he was waiting for someone, made me stop.
His hair was still styled in a man bun like what I’d seen yesterday. Nakahalukipkip siya roon, magkasalubong ang kilay, at sa galit na suot, mukhang alam ko na agad kung bakit.
Napalingon ito sa akin at nalaglag pa ang iilang hibla na tumakas sa kumpol ng kanyang buhok at napunta iyon sa gilid. Mabilis akong tumakbo papasok sa guard house para doon magtago dala dala ang sariling namumutla.
Napasandal ako sa pader at nahipo ang dibdib kong lalabas na ata. Alam ko namang iyong kapatid niya ang sadya niya rito at sinusundo ito pero may kasalanan rin ako sa kanya! Baka bigla niya nalang akong kaladkarin at gantihan! Ano ba itong pinasukan mong kagagahan, Tracy?
Chapter 3
Trouble
Sumilip ako ng kaonti sa labas at nakita ang imahe niyang kausap na ang kanyang kapatid na babae. Nakasimangot iyon at parang may sinasabi kay Israel na ikinaangat ng makapal at maitim niyang kilay.
Inakbayan niya iyon saka niya iginiya sa paglalakad na mas lalong nagpasimangot kay Ate Rici. Napabuntong ako ng hininga at medyo nabunutan ng tinik dahil sa kanyang pag-alis. Oh ’di ba Trace? Umalis rin… Baka naman nakalimutan niya na iyong kahapon? Pero nagsorry naman ako ah? Wasn’t that enough for him?
Lumabas akong muli at saktong nakita si Kuya Bram na lumilingon lingon na. Napangiti agad ako at kinawayan ito.
“Kuya!” Nagmamadali akong lumabas.
Lumingon siya sa akin pero lumingon muli sa ibang dako. Ginagawa lang yata akong alibi para sunduin pero iba talaga ang sadya niya rito!
Hinatid ako ni Kuya sa bayan. Umalis rin naman ito at nagpaalam na pupunta siya roon sa kanyang part time job.
“May part time job si Kuya, Ma?” tanong ko nang alisin ko rin ang aking mga mata sa likod ni Kuyang lumalayo na.
Tumango si Mama habang inaayos iyong mga naiwang bulaklak sa bangketa.
“Oo may part time job siya. Mukhang madami nang gastusin sa eskwelahan kaya nagsisikap rin na magkapera ang kuya mo… Mamayang hatinggabi pa ang uwi noon,” sabi ni Mama habang ang tingin ay nasa maliit niyang bag at binibilang na ang kinita niya.
Hinubad ko ang maliit kong bag at umupo na rin. Kinuha ko iyong iilang bulaklak na hindi pa natatalian ni Mama. Hindi kaya nagtatrabaho si Kuya dahil may pinag-iipunan siyang ibang bagay? Napapansin ba siya ni Ate Rici? Sa dami rin ng manliligaw noon at mga may kaya pa… malabo atang mapansin niya ang aking kapatid.
“Ikaw muna magbantay rito ha. Mamamalengke ako ng mauulam natin. Ito ang panukli mo. H’wag na h’wag kang magkakamali kundi babawasan ko talaga ang baon mo,” pagbabanta niya sa akin habang tumatayo na.
Tumango ako kay Mama. Madali lang naman ang manukli. Ano pang silbi ng pagiging Top 1 ko sa klase kung pati sa ganito ay hindi ako marunong. Scholar ako at kailangan kong pagbutihan sa pag-aaral kaya sinisikap ko talagang manguna.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga bulaklak na nakagapos at napakagandang tingnan. Kinuha ko iyong tulips at inayos ang pagkakatali noon. Mahilig ako sa bulaklak dahil narin ito ang bumubuhay sa amin. Sa likod ng aming bahay ay may mga tinanim kaming bulaklak roon para mapagkakitaan namin at maibenta sa bayan. Minsan mabagal ang kita pero minsan ay malaki rin naman, sapat lamang para makaraos kami isang araw at makabili ng pagkain.
May tumunog na yapak ng kabayo na ikinakuha ng aking atensyon. Ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata nang makita ko kung sino ang may sakay roon. Naka itim na vneck tshirt si Israel at denim pants. Kahit simple lang, maaamoy mo talaga na galing siya sa prominenteng angkan kahit wala kang alam na Buenaventura siya.
Mabilis akong yumuko at itinago ang aking mukha. Kinuha ko pa ang aking maliit na bag para itakip sa mukha ko. Gusto kong tumayo at umalis agad sa pwesto pero malalagot rin ako kay mama pag iniwan ko ang aming paninda! Hindi niya naman siguro ako mapapansin, ’di ba? Oo Tracy hindi ka mapapansin-
“Hi Israel!” Narinig ko ang iilang babaeng bumati at nasundan ng bungisngis.
Dahan dahan kong inalis ang bag sa aking mukha at nakita agad si Israel sa harapan ng paninda namin. Nakabulsa ang mga kamay, nginisihan saglit ang mga babae at nanunuya pa rin ang ngiti nang bumaling sa akin.
Umangat ang kanyang kilay. Sa paraan ng paninitig niya, alam ko ang ikinakagalit niya.
“You almost break my…” he trailed off and eyed his thing. Namula naman ang aking pisngi at sinikap na hindi mapatingin roon.
“Pasensya na talaga…” malungkot kong daing na sana ay palampasin niya nalang iyon.
Ilang sandali siyang natahimik at iginagala ang tingin sa ibang direksyon.
“Hi Israel!” Bati ng kung sino sa kanya na tianguan niya lang pero hindi na nagawang nginitian ito.
Ngumuso ako. Ibinalik niya ang tingin sa akin kaya pasimple kong inilaglag ang tingin sa mga bulaklak.
“B-Bibili ka ng bulaklak?” Marahan kong alok, nagbabakasakaling pagtakpan ang atraso ko sa kanya.
Umiling siya saka sinuklay paatras ang iilang hiblang tumakas.
“Anong gagawin ko sa bulaklak?” matabang niyang tanong, ang mga mata ay malalim na ang tingin sa akin.
“Ah… Baka may pagbibigyan ka? Uhm… Girlfriend?” Sinikap kong magtunog kalmado.
“I don’t like buying flowers for a girl,” sagot niya agad ng diretso.
Ngumuso ako at yumuko. Aanhin niya nga naman ang bulaklak Trace? Baka nachecheapan siya sa mga ganitong bulaklak?
Yumuko siya at kita ko ang walang interes sa mukha niya nang isa isang pinasadahan ng haplos ang mga bulaklak, tila hinahanapan lang ng mali at wala namang balak bumili.
“Magkano?” Kinuha niya iyong kumpol ng tulips na ikinaliwanag agad ng aking mukha.
“Uhm… Five hundred. Kung may kasamang wrapper at ipapabalot mo, nasa Six hundred fifty na…”
Tumayo siya at may kinuha sa loob ng kanyang bulsa. I saw him took a stick out of the pack of his cigarettes boredly. Inipit niya iyon sa kanyang labi at nagsindi sa harapan ko.
I heard a lot of rumors about him. Noong tinawag siyang bad boy, o mabangis na Buenaventura, akala ko dahil sa tindig. Pero sa kilos niya, at sa paraan ng pagkakabuga niya sa usok, unti-unti kong naiintindihan ang sinasabi nila sa kanya.
“Your brother… What’s his work?” biglaan niyang tanong na ikinakurap ko.
Kilala niya ang aking kapatid?
“Si Kuya Bram?” Kumunot ang noo ko.
Tumango siya at ibinalik sa pwesto iyong kinuhang bulaklak.
“Yeah, Abraham,” sambit niya sa buong pangalan ni Kuya. Ba’t niya iyon alam?
“May part time job siya at…” hindi ko agad iyon nadugtungan lalo na’t umangat na ang isa niyang kilay. May kinalaman ba ito kay Ate Rici? Nalaman niya bang may gusto ang kuya ko sa kapatid niya?
“At mabait si Kuya,” dugtong ko agad.
“That’s it? What would being nice do to someone?”
“Being nice is rare. And most people can’t afford it. Even the richest one,” malamig kong sagot nang maramdamang iba ang pinapahiwatig niya.
He barked a laugh and puffed his cigarette again.
“Because poor people use it to earn money, is that it? Being nice to rich people so they could take money out of them?” Nakakaloko niyang ngisi at dahan dahang binuga ang usok ng kanyang sigarilyo.
“Kung naging mabait ba ang isang tao sa’yo, tingin mo dahil iyon may pera ka?” tanong ko.
Nagkibit siya ng balikat. “Depends if it’s your brother?” He smiled mockingly.
“Kung dahil pala sa pera ang depinisyon mo kung paano tatratuhin ang isang tao, kung ganoon, bakit hindi kita gusto?”
His smile slowly fade. Ngunit kalaunan, ngumisi siya ng nakakaloko at yumuko hanggang magkalebel kami.
“Coming from the girl who secretly watched me yesterday, huh?”
Lumunok ako, ngunit ayaw magpatinag. “Ang mangga ang sadya namin doon. Hindi ikaw. Pero katulad nga ng sabi ng mga kaibigan ko, bulok ang mga nakukuha nilang mangga. Kaya bakit ako magkakainteres sa mga mukhang maayos tingnan pero bulok naman pala pag binuksan?”
The confidence he was wearing slowly strip from his stance. Napawi ang kanyang ngiti at tumayo ng tuwid. Itinuro niya ako gamit ang sigarilyo.
“Tell your brother to leave my sister alone or else…”
Alam kong seryoso siya sa banta niya. Kilala ang mga Buenaventura na hindi mapagpatawad. Mabangis sila at pinaka tuso. Alam iyon ng lahat ng mga narito kaya ni isa, walang bumabangga sa kanila.
Hindi ko na siya nakita pa sa mga sumunod na araw. Ang sumusundo sa kanyang kapatid na babae ay iyong driver na nila. Kahit sa bayan ay hindi na rin siya nagagawi. Baka busy sa ibang bagay.
“Hi Kuya Bram! Susunduin po namin si Tracy!” Bati ni Rinka at ngumingiti pa nang sumapit ang sabado.
Napatingin si Kuya sa akin. Nakadungaw silang tatlo sa bintana habang kaming dalawa ni Kuya ay nakaupo rito sa harap ng lamesa at naglalunch.
“May lakad kayo?” tanong ni Kuya sa akin.
“May kakabisaduhin kaming report kuya!” si Cecille na ang dumugtong at pasimple pang sumenyas sa akin na magtatagumpay ang balak nila.
“Report?” tanong ni Kuya sa akin sanhi para bumagal ang aking pagsubo.
“Opo Kuya!” Matamis namang ngumiti si Rose.
“Report o baka naman gagala lang talaga?” Umangat ang kilay ni Kuya.
“Gagala? Hindi ’no! Mababait kaming estudyante Kuya! ’Di ba?” Nilingon ni Rose ang dalawa sa bawat gilid niya na tumango naman agad.
“Trace… Uwi agad ha para matulungan mo pa si Mama mamaya sa bayan,” paalala sa akin ni Kuya na ikinatango ko.
Nagsikuhan pa iyong tatlo at iba na ang mga ngisi. Nailing naman si Kuya.
“Kumain na kayong tatlo?” alok niya habang tumatayo ako at nililigpit ang aking pinagkainan.
“Hindi pa… Nabusog ako sa kagwapuhan mo kuya…” medyo malanding sabi ni Rinka at nagawa pang isabit ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng kanyang tainga.
Nakisali ako sa tawa ng dalawa. Si Kuya Bram naman ay ngumisi na rin at nailing.
Pumasok ako sa kwarto at kinuha iyong maliit kong bag. Nalagyan ko na iyon ng pamalit kong damit.
“Sige Kuya… Alis na kami…” Hinalikan ko ang kanyang pisngi.
“Uwi agad, Trace…” paalala niya na ikinatango ko at lumabas narin.
“Kuya alis narin kami… Teka may pahalik rin ako.” Akmang papasok si Rose sa bahay pero hinila na ni Cecille ang kanyang buhok sanhi para mapaatras ito.
Nagtawanan kami lalo na’t nasira na ang ekspresyon ni Rose. Iwinagayway ko ang aking kamay kay Kuya para magpaalam saka ako kinaladkad ng tatlo.
“Nagdala ka ng extra, Trace?” tanong pa ni Cecille sa akin.
“Oo nasa loob ng bag ko…”
“Bilisan natin!” sigaw ni Rinka kaya mas bumilis ang aming pagtakbo.
Tirik ang araw at hindi kagaya ng nagdaang araw ay maganda ang sikat ng araw ngayon. Mukhang tumigil na sa pagluluksa ang kalangitan at lumiliwanag na ang paligid. Sana naman magtuloy tuloy…
Pagdating namin sa batis ay isa isa agad nilang hinubad ang kanilang mga pang-itaas na saplot at mabilis na lumusong sa malinaw na tubig. Lumusong na rin ako, walang balak hubarin ang aking suot na tshirt.
“Doon tayo sa dulo dali!” Hinila ako ni Rose na kahit sila Rinka at Cecille ay nauuna naring magtungo roon.
Liblib ang batis kaya hindi malabong kami lamang ang naroon. Masyadong tahimik at ang tanging maririnig ay ang huni ng mga ibon at ang agos ng tubig sa kung saan. Maganda ang paligid at masyadong malinaw ang tubig.
“Teka… May kabayo oh!” Itinuro ni Rinka ang namamahingang kabayo sa hindi kalayuan.
Kumunot ang aking noo lalo na’t napaka pamilyar ng kabayo.
“Bumalik nalang kaya tayo? Mukhang may tao ata dito…” sabi ko at akmang tatalikod na kaso hinawakan rin ako ni Rose para pumirmi ako sa aking kinatatayuan.
“Sshh… May tao nga…” Mahinang bulong ni Rinka nang may marinig kaming kakaibang tunog.
Mabilis silang nagtago ni Cecille sa may mayabong na mga damo at sinenyasan pa kami ni Rose na pumunta rin doon.
Dahan dahan kaming nagtungo roon at nakitago na rin. Sa harapan noon ay iyong malalaking bato at sa ibaba noon ay ang malinaw na tubig na galing sa itaas. Para iyong jacuzzi sa gitna ng kagubatan.
“Dalawa ata sila…” sabi ni Rinka nang sumisilip siya.
“Teka… Mukhang may ginagawa,” mahinang sabi ni Cecille.
Sumiksik na rin si Rose at nakiusyoso roon. Ako naman itong nagmamasid sa aming likod dahil baka mahuli kami at ako na naman itong mahuli.
“Umabante tayo para makita natin nang maayos,” sabi ni Rinka at mabilis agad na lumipat sa unahan.
Sumunod naman ang dalawa kaya kahit ako ay sumunod narin at ginaya ang mga kilos nilang sobrang tahimik at marahan.
Tumigil kami at sumilip muli. Sa tindig pa lang, sa topless na katawan at sa ayos ng buhok na talagang pamilyar sa akin habang nakatayo sa nakabukakang hita ng isang babae, alam ko kung sino iyon!
“Hmm… Rael…” ungol ng babae at hindi na makompustura ang pananalita na ikinalaki ng aming mga mata at nagkatinginan pa.
“Tara na…” bulong ko sa tatlo at pinaghihila ang kanilang mga damit.
Una, hindi dapat namin iyon pinapanood! At dahil nga kuryoso kami sa narinig namin, ngayong nakita na may ginagawa sila, parang kami pa ang nahihiya rito at nakakadisturbo!
Mukhang nagkasundo kaming apat na umalis na nga. Ngunit dahil dismayado sa nakita, hindi ko man lang natingnan nang maayos ang nilalakaran hanggang mabali ang isang sangang aksidente kong naapakan.
Mabilis na napalingon ang tatlo sa akin at nanglalaki pa ang mga mata.
“Pahamak ka, Trace!” sigaw ni Cecille lalo na’t napalingon na rin sa aming dako sila Israel.
“Oh my gosh, may naninilip Israel!” tili ng babae na ikinataranta agad namin.
“Takbo!” sigaw ni Rose na kahit silang tatlo ay nagsikaripas na ng takbo.
Nakitakbo na rin ako sa kanila. Masyadong mabilis ang tatlo at nahuhuli pa ako. Idagdag pa iyong dinadaanan naming tubig at mabato pa!
“Bilis Trace!” sigaw ni Rose sa akin.
Ganoon nalang ang kabang lumutang sa aking puso nang makarinig kami ng yabag ng kabayong nagmamadali.
Sa aking takot ay hindi ko na natingnan ng maayos ang aking dinadaanan at malalaki na ang aking hakbang hanggang sa biglaan nalang akong sumobsob sa mababaw na tubig na dinadaanan namin dahil sa pagkakasabit ng aking paa sa ugat ng punong hindi ko napansin.
Nakarating sa aking dako ang kabayo. Bago pa man ako makatayo para tumakbo muli ay humarang na ang kabayo sa aking daanan. Nang magtama agad ang aming mga mata ni Israel, nakita ko roon ang galit at iritasyon niya.
Dumaloy ang tubig sa aking mukha pababa sa aking leeg dahil sa pagkakasubsob ko na kahit ang takot ay dumaloy narin sa buo kong katawan. His cruel eyes were telling me that I’m in trouble… Again.
Chapter 4
Forbidden
Marahas ang kanyang pagkakababa sa kabayo na kahit ang tubig ay tumalsik na nang umapak ang suot niyang boots doon. Ito na naman… Nacorner na naman ako at hindi ko alam kung makakatakas pa bang muli.
Yumuko siya para makalebel ang ang aking mukha. Nag-iwas agad ako ng tingin lalo na’t nakabukaka na naman ito sa aking harapan.
“Are you a fucking stalker?” marahas niyang pagkakasabi.
Umiling agad ako.
“Then why are you here… peeping on me again?”
“Naliligo lang kami! Hindi naman namin alam na may tao pala at…”
Umangat agad ang kanyang kilay. “This is your second time peeping. Isn’t it too obvious? Gusto mo ako?” Malalim niya akong tinitigan.
Namula ang aking pisngi. Hindi ko iyon masagot. Alam ko naman ang posisyon ko. Alam ko na wala namang patutunguhan ang lihim na nararamdaman ko sa kanya. I know he doesn’t like me… He even mocked my brother… Iyon palang alam kong talo na agad ako pag ipaglalaban ko ito.
Hinawakan niya ang aking baba at iginiya paangat hanggang magkatinginan. Kita ko ang galit sa mga mata niya.
“You’re a damn stalker. You like me,” tila ba pinal na iyon. “Why? You think you could have your way on me just like your brother, hmm?”
Masama ang ugali niya. At feeling pa. Pero totoo namang gusto ko siya. Kaso hindi naman ako nandito para sa kanya!
“Israel?” tawag ng kung sino sa likod sanhi para mabitiwan niya ang aking baba. Binasa niya ang pang-ibabang labi at sinuklay ang kumpol ng buhok na nalaglag paatras saka siya tumayo.
“Iyan ba iyong nahuli mong naninilip?” tanong nito at mukhang lumalapit na.
Hinila niya ang tali ng kabayo paalis sa aking harapan. Yumuko naman ako.
“Let’s go back. It’s not important,” sabi niya habang naglalakad na pabalik hila hila iyong kabayo.
“Ipasampal mo nga iyan saakin! Disturbo!” galit na sigaw noong babae.
“Let’s just go,” pigil nito.
Bumuntong ako ng hininga at tumayo na ng tuluyan. Basa na ang aking suot na short. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas dala ang mabigat kong pakiramdam.
Maybe this is really our fate. Magkakasalubong lang pero hindi niya ako magugustuhan. Magkakabanggaan lang pero hindi magkakatuluyan. Malayong malayo naman ako sa mga babaeng nakikita kong kasama niya.
I accepted it wholly. May mga bagay naman talagang hindi mo nakukuha dahil hindi naman talaga iyon para sa’yo. May mga nararamdaman na hindi nasusuklian dahil hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.
“Tracy!” tawang tawa sila Rinka nang makalabas ako roon at makita ako.
Hawak na ni Rose ang aking maliit na bag. Ang kanilang mga mata ay nasa suot ko na na basang basa.
Nagsiuwian na lamang kami nang mapagtantong sakop yata ni Israel ang buong batis at gusto iyong solohin. Nasa pinto pa lamang ako, napansin ko agad na may kasama ni Kuya Bram sa loob.
Suot ang puting dress, nakahalfponytail ang buhok nito at hindi matanggal tanggal ang matamis na ngiti sa labi. Kumurap ako at natigil sa may pinto nang makita siyang nakaupo roon sa harap ng aming lamesa.
Lumitaw rin naman si Kuya at may dala pa itong kaldero. Inilapag niya iyon, kagat kagat ang pang-ibabang labi at kumikislap ang mga mata. Napadpad ang kanyang tingin sa akin saka siya napakurap.
“Oh? Maaga ka?” tanong niya saka muling ibinaling ang tingin sa ginagawa.
Lumingon si Ate Rici sa akin, suot pa ang ngiti. Noong pinagbintangan ni Israel ang kapatid ko, hindi ko alam na may ganito pala silang ugnayang dalawa. Akala ko…parehas lamang sa akin na tahimik na sumusulyap. Pero mukhang iba ang kay Kuya.
“Nakikita ko siya minsan sa school…” Tiningala niya ang aking kuya na napatingin rin sa kanya.
“Mahiyain iyan at hindi gaanong palakaibigan pero mabait si Tracy,” paliwanag niya sa malambing na boses.
Bumaling sa akin si Ate Rici. “Halika… Dito ka oh…” Tinapik niya iyong tabi niya kung saan siya nakaupo sa mahaba naming upuan.
Hindi agad ako gumalaw. Kung hindi lang ako tiningnan ni Kuya at sinenyasan akong magtungo roon gamit ang kanyang mga mata ay hindi ako kikilos.
Tahimik akong nagtungo roon sa kanyang tabi at umupo ng marahan. Naamoy ko agad ang kanyang pabango. Ang kanyang kutis ay parang gatas sa sobrang kinis at puti. Pansin ko kung gaano ka iba kaming dalawa dahil sa suot at amoy niya na nahiya ako lalo.
“Anong Grade ka?” tanong niya sa akin.
“A-Ano… Grade Ten na po…” mahina kong sagot.
Naglapag na rin si Kuya ng plato sa aking harapan. Nagbalat siya noong saging habang si Ate Rici naman ay hindi maalis alis ang tingin sa akin.
“Ang ganda ng kapatid mo. Kaya pala may mga kaklase akong palagi siyang topic,” sabi niya na ikinagulat ko.
Ngumisi lamang si Kuya at inilapag iyong nauna niyang balatan sa plato ni Ate Rici. Kumuha siya ng panibago at nagbalat ulit.
Buong akala ko ay sa aking plato na ilalapag ni Kuya iyong sunod na binalatan niya pero kay Ate Rici parin pala. Binalingan niya ako.
“Oh Trace… Heto sa’yo… Kumain kana…” Kumuha siya ng dalawa roon at inilapag agad sa plato kahit hindi pa nababalatan.
Sumimangot agad ako. Nasasanay akong siya ang nagbabalat sa nilagang saging pero ngayon…
Pinanood ko ang pagdampot ni Ate Rici sa saging.
“Mainit pa,” pigil ni Kuya sa kanyang kamay at hinawakan ang pulso nito.
“Hindi na kaya…” si Ate Rici.
“Mainit,” masungit na sabi ni Kuya at kumuha ng tinidor saka niya iyon itinusok sa isang saging at ibinigay kay Ate.
Ngumiti naman ito at kinagatan ng maliit ang katawan noon. Wala akong nakitang pandidiri sa kanyang mukha. Nginuya niya iyon ng may ngiti at nakontento sa lasa.
“Masarap pala!” masaya niyang sabi.
“Ignorante ka sa ganito…” Tumawa naman si Kuya at naengganyong magbalat ulit ng panibago.
Hindi ko alam na may ganito palang side si Kuya. Binalingan niya ako nang hindi ko pa ginagalaw iyong akin.
“Oh? Kumain kana rin…” si Kuya.
“Ah Kuya… tinidor rin,” sabi ko pero lumipat agad ang tingin sa binabalatan niyang saging. Minsan ay titingnan si Ate at magngingitian silang dalawa.
“Ah… Kuya… tinidor,” tawag ko ulit.
“Magkamay kana lang Trace… Hindi na iyan mainit,” sabi niya sa baritonong boses saka inilapag iyong panibagong binalatan sa plato ni Ate Rici.
Ngumuso ako. Binalingan ako ni Ate Rici at kinuha iyong pagkakatusok ng tinidor sa saging. Ibinigay niya iyon sa akin.
“Ayan oh. Uhm, gusto mo ako magbalat niyan?” Itinuro niya iyong mga saging na hindi ko pa nababalatan.
Napatingin agad si Kuya sa saging. Dinampot ni Ate Rici iyong isa kahit hindi pa ako tumatango pero mabilis rin iyong inagaw ni Kuya sa kanya.
“Ako na…” saka siya kumuha ng panibagong tinidor at ibinigay muli kay Ate, suplado na naman dahil nagkamay si Ate.
Doon ko nakita na baka hindi lamang simpleng pagkagusto ang nararamdaman ni Kuya para sa kanya. Kung paano niya iyon alagaan at kung paano niya iyon pagsilbihan. He was so gentle… Para siyang natatakot na baka madaplisan ang makinis na balat ni Ate Rici.
“Ihahatid na kita. Sa susunod h’wag kanang pumunta dito baka mapagalitan ka,” narinig kong sabi ni Kuya habang ginigiya si Ate Rici palabas.
“Bram… Please… Dito muna ako…”
“Hindi pwede,” supladong sagot ni Kuya.
Sumilip ako sa may bintana at nakita ang nakasimangot na mukha ni Ate Rici. Hinawakan niya ang braso ni Kuya na ikinalunok ng laway ng aking kapatid.
Bumuntong ng hininga si Kuya.
“Ihahatid na kita.” Tinanggal niya ang kanay ni Ate at hinawakan iyon. Tumango naman ito ng marahan saka masunuring sinabayan si Kuya.
I suddenly feel bad for my brother. Israel doesn’t like him. Pero sa inaasta ni Ate Rici, mukhang gusto niya si Kuya. She’s turning eighteen right? Tapos nineteen si Kuya. Siguro kaya naman nilang ipagsabay ang relasyon habang nag-aaral pa?
Realizing it more, I know it’s about the difference of their lifestyle. Galing sa mayamang angkan si Ate Rici at sigurado akong gusto ng parents niya ng mayamang lalake. Opposite from my brother. Sa galit pa lang ni Israel, alam kong hindi siya boto sa kapatid ko.
“Kayo na ’no, Kuya?” pang-aasar ko at nginisihan ito nang makabalik siya at pangiti-ngiti.
Umiling si Kuya at mas tumamis ang ngiti sa labi.
“Hindi pa…” sagot niya saka pumasok at nagsimulang magligpit sa lamesa.
“Hindi pa… So sa susunod pwede na?” Humilig ako sa mesa at mas tiningala ang mukha niyang humalakhak na.
“Tigilan mo ako Trace… Bata ka pa…”
“Hindi nalalayo ang edad ko kay Ate Rici ha… Isang taon lang ang agwat namin,” sabi ko.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at ngumisi sa akin. Kumuha siya ng pamunas saka niya pinunasan iyong lamesa. Inangat ko naman ang aking mga kamay saka niya rin pinunasan iyong parte ng hiniligan ko.
“Pinapunta mo siya rito?” tanong ko.
Umiling siya. “Siya ang pumunta rito. Hindi makatiis at gusto akong makita.” Naiiling ngunit sumisilay ang ngiti sa labi niya.
“Ginayuma mo siguro?”
“Lokong bata ka!” Natatawa niya akong tiningnan. “Tama na nga iyan… Pumunta kana sa bayan kung ayaw mong isumbong kita na gumala kana naman kasama iyong tatlo. Naligo kayo sa batis.”
“Huh? Ba’t mo alam?”
“Nakita ko ang laman ng bag mo kaninang umaga. May mga damit.”
Ah…
“Kaya mo rin siguro ako pinayagang gumala dahil pupunta si Ate Rici dito ’no?!” bintang ko na ikinangisi niya.
“Hindi ko naman alam na totohanin niya iyong sinasabi niyang pupunta siya. Ewan ko ba…” Nahipo niya ang batok at tumingala.
Ang saya saya niya. Ako tuloy ang kinakabahan lalo na’t Buenaventura ang pinopormahan niya.
“Kanina pa kita hinihintay. Ba’t ang tagal mo?” Iritado ang mukha ni Mama nang maupo ako sa kanyang tabi.
“Sorry po.” Umupo ako roon at tumulong sa pagtatali ng ibang bulaklak.
Mukhang nangangalahati na ang kanyang paninda at malapit ng maubos. Natuwa ako roon at mas naengganyo ring alukin ang iilang mga dumadaan sa aming mga bulaklak.
Gabi na noong makarating kami sa bahay. Wala si Kuya at mukhang nasa part time job niya na. Pinagluto ako ng makakain namin. Habang nasa hapag ay kapansin pansin ang inis sa mukha ni Mama.
“Nag-aaral ka ba nang mabuti, Trace?” tanong niya sa akin na ikinatango ko agad.
“Opo naman… Mama…”
“Mabuti kung ganoon. Alam mo ang estado natin… H’wag mong hayaang manatili ng ganito habangbuhay. Mag-aral ka nang mabuti para respestuhin ka ng mga tao na minamaliit ka,” galit niyang sabi.
“Mama. Kailangan pa bang may pinag-aralan ka para lang respetuhin ka ng iba?”
“Sa lugar na ’to? Oo! Edukasyon ang sukatan ng katalinuhan, Trace. Kaya kung wala kang pinag-aralan, mangmang ang tingin sa’yo. Walang alam. Hindi ka rerespetuhin!”
I could sense her inner anger. Hindi rin naman kasi nakapagtapos si Mama…
“Ma, si Papa ba… Matalino?” tanong ko sa kanya ng biglaan.
Alam ko namang ayaw niyang pinag-uusapan si Papa pero hindi ko mapigilan ang bibig ko.
“Purket hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral at matalino ka ay pagdududahan mo nang hindi ka nagmana sa akin?”
“Hindi naman po sa ganoon, Ma…” Tumawa ako. “Pero kami po ni Kuya, mga scholar… At si Kuya Valedictorian noong high school pa. Eh ’di ba po sabi niyo palagi kayong bagsak sa klase niyo noon?”
Mas umasim ang mukha ni Mama at akma ng kukurutin ang aking singit kaya natatawa akong lumayo sa kanyang tabi.
“Matalino rin ako Trace! Sadyang iyong Papa mo nasobrahan lang…” inis niyang sabi na nagpamangha ng aking mukha.
Ibig sabihin ay matalino nga si Papa?
“Pero Ma… Alam ba ni Papa na…” hindi ko matuloy tuloy ang aking tanong dahil baka pagalitan niya ako bigla.
Limitado lamang ang alam ko sa aking ama. Ang alam ko lamang ay mayaman iyon at naninirahan sa syudad. Iyon nga lang may iba itong pamilya. Pero alam ko, nasa Davao.
“Ewan ko sa gagong iyon. Maitataguyod ko naman kayo ni Bram. Hayaan mo na.” Padarag siyang sumubo at bakas sa mukha ang inis.
Hindi naman kinukwento ni Mama ang tunay na nangyari. Palaging kulang ang kanyang mga kwento at palaging nililihim ang iba. Siguro, ayaw niya lang na masaktan kami ni Kuya sa katotohanan kaya hindi niya rin sinasabi sa amin ang lahat.
“Mauna kanang matulog. Hihintayin ko pa ang kapatid mo. Lagot talaga sa akin ang batang iyon…” sabi niya sa akin pagkatapos kong maghugas ng plato.
Tumango ako kay Mama at tahimik na nagtungo sa kwarto. May ideya ako kung ba’t niya hihintayin si Kuya. Siguro nalaman niya iyong pagpunta ni Ate Rici dito kanina. May pakpak pa naman ang balita. Kahit na medyo malayo kami sa bayan ay maglalakad pa rin iyon papunta roon at kakalat sa mga tsismosa lalo na’t binabantayan ang bawat galaw ng mga Buenaventura rito dahil na rin sa estado ng kanilang buhay.
Kaya noong magising ako sa hatinggabi at naririnig ang pagbubunganga ni Mama kay Kuya ay hindi na ako nagtaka.
“Diyos ko naman, Bram! Saan mo nilagay ang kokote mo at nilalandi mo iyong babaeng anak ni Facundo!” galit na sigaw ni Mama.
Hindi sumagot ang aking kuya. Niyakap ko ang unan at pinakinggan ang kanilang pagtatalo.
“Bali-balita sa bayan na pineperahan mo iyong si Rici!-”
“Ma hindi ko siya pineperahan! Kaya nga nagtatrabaho ako,” frustrated na paliwanag ni Kuya.
“Inuna mo pa talaga iyan kaysa ang makapagtapos ka ng pag-aaral ganoon ba? Wala ka pang mapapatunayan sa pamilya nila pero nilalandi mo na! Alam mo ang mga tao rito, Bram! Kahit hindi masama ang hangad mo ay dudungisan nila iyon dahil sa ating estado!”
Tumahimik ulit ang aking Kuya. Kahit wala ako sa kanilang harapan, nakikita ko sa aking utak ang galit sa mukha ni Mama at ang dismayadong mukha ni Kuya.
“Hiwalayan mo iyan-”
“Hindi pa nga kami, Ma…”
“Pwes layuan mo! Buenaventura iyan, Bram! Konting mali mo lang… mabigat na ang kapalit!”
Hindi ulit sumagot si Kuya.
“Magsisikap naman ako sa pag-aaral, Ma. Papatunayan ko ang sarili ko sa pamilya ni Rici-”
“Magsikap ka muna at doon kana humarap sa kanila kung may narating kana, Bram. H’wag muna ngayon. Nag-aaral pa kayong dalawa. Iyan ba ang gusto mong ituro kay Tracy? Ikaw ang mas nakakatanda kaya dapat ikaw ang nagiging modelo niya pero tinuturuan mo lang rin ang kapatid mong lumandi ng maaga,” dismayadong pahayag ni Mama.
Tama naman si Mama pero wala rin naman akong nakikitang mali sa ginagawa ni Kuya. His intention was pure. He’s not tainting anyone’s name or ruining someone’s life. So I don’t understand why falling in love is just permitted for some people and forbidden for others, especially for the less fortunate who fall in love with someone from the upper class.
Chapter 5
Ang mangga ni Israel
Hinatid akong muli ni Kuya. Alam ko naman para saan iyon. Ngunit ang makita ang kotse nila Ate Rici at kung paano doon naunang bumaba si Israel sabay akbay sa kapatid niya madilim ang tingin sa amin, hindi ko maiwasang malungkot rin para kay Kuya. Mukhang binabakuran na ni Israel ang kanyang kapatid para hindi mapalapit sa aking kapatid.
Wala ako sa sarili papasok hanggang hindi ko namalayan na may tao pala. Ang pabango palang na nanuot sa aking ilong ay alam ko na agad kung sino iyon. Nag-angat ako ng tingin sa lalakeng seryosong seryoso ang mukha.
“S-Sorry…” Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagtungo sa kabilang direksyon pero nagulat nalang ako nang humarang siyang muli roon.
Napakurap ako at tiningala ito. Kalmado lamang ang kanyang ekspresyon. Ano na namang ibibintang niya sa akin? Na kahit ito sinasadya ko para magpapansin sa kanya? Eh…siya na nga yata itong nagpapapansin sa akin!
“Trace!” tawag sa akin ng kung sinong pamilyar na boses.
Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang tatlo na nagulat agad nang makita si Israel sa aking harapan.
Natigil sila sa paglapit sa akin. Ngumuso ako at nilingon muli ang lalakeng wala parin atang umalis sa aking harapan.
“May sasabihin ka ba?” tanong ko, nagbabaka-sakali na baka bawiin niya ang sinabi niya noong nasa batis kami.
Narinig ko ang mga yapak ng kaibigan kong lumapit na rin sa akin. Nasa aking likuran na ang tatlo at mukhang nakikiusyoso.
“Gusto mo ng mangga?” tanong niya bigla sa akin na ikinasinghap ng tatlo sa aking likod.
One thing about Israel Buenaventura, his dangerous stance cannot be trusted. Kaya ngayong nagiging mabait siya bigla, pakiramdam ko, may balak siya. Hindi naman siya mukhang nakokonsensya.
“Oo, gusto namin!” si Cecille sa maligalig na tinig at ngayon ay nakahawak na sa aking braso.
Umangat ang kilay ni Israel at mukhang iba na ang tingin sa aking mga kaibigan. Ibinaling niya ulit ang mga mata sa akin.
“Pumunta lang kayo sa lupain kung gusto niyong kumain ng mangga. I’ll wait…” sabi niya saka rin umalis sa aking harapan.
Sabay naming sinundan ng tingin ang likod niyang umalis rin habang nakapamulsa. Laglag panga naman si Rose habang ang dalawa ay ilang sandaling natulala.
Ngumuso ako at hindi alam ang mararamdaman. Natutuwa ako na natatakot. Masyadong misteryoso… Nakakapanibago.
Nang mawala na ng tuluyan ang likod ni Israel ay sunod sunod na silang napatili. Niyuyugyog ako ni Rinka na kahit si Rose at Cecille ay para ng mga uod na inasinan.
“Narinig mo ’yon Trace?! Iniimbitahan niya tayong kainin ang mangga niya!” Mas inalog ako ni Rinka.
“Israel ’yon, Trace! Israel! As in Buenaventura!” si Cecille na para bang kailangan niya pang ipaalala sa akin.
“’Yun na nga! Buenaventura mga gaga! Eh kilala natin ang ugali no’n! Oo guwapo ’yon pero kung naging tao si satanas, siguradong si Israel ’yon sa sama ng ugali no’n!” si Rose.
“Ay hindi ba dahil hot siya?” Hagalpak ni Rinka.
Somehow, Rose has a point. Bumagabag iyon sa isip ko habang si Cecilla at Rinka ay atat na pumunta sa kanilang lupain. Sino bang hindi matutuwa kung mismong si Israel na iyon? Ang ninanakawan nila ng bulok na mangga ay kusa nang nag-aalok. Kusa nang namimigay.
Bakit nga naman bigla bigla? Naalala ko, galit siya sa akin, sa amin ni Kuya. Pinagbibintangan niya kami ng kung ano ano. He was treating me like he hates me to the core. He’s never gentle. Kaya ngayong bigla siyang lumambot…nakakapanibago at nakakapanduda.
O baka naman masyado ko siyang hinuhusgahan? Baka…tama si Rinka at Cecille?
“Ano namang gagawin niya sa atin sa lupain nila, Trace? Kung sasaktan niya tayo, tatlo tayo! Isa lang siya! Isaksak ko sa kanya ang panungkit nila!” banta ni Rinka habang naghahanda na kaming lumabas ng classroom pagkatapos ng klase.
“’Tsaka what if may gusto na pala siya sa’yo, Trace? Na love at first sight pala sa’yo noong binayagan mo siya?” si Cecille na malawak ang ngiti sabay hagalpakan nila ni Rinka.
Ngumiwi ako lalo na’t imposible iyon. Hindi niya ako gusto. Alam ko iyon. Sa pakikitungo niya, sa masasakit na salitang sinabi niya sa amin ni Kuya, alam ko galit siya sa amin.
Pero sa kabila ng mga iniisip ko, nahanap ko nalang ang sarili sa lupain nila kasama ang mga kaibigan ko.
“Ayun oh, may malaki!” Itinuro ni Rinka ang malaking mangga na kanyang tinitingala.
Tumingala na rin ako. Ang raming malalaking mangga sa itaas. Iginala naman ni Cecille ang paningin.
“Wala bang panungkit rito?” tanong niya.
Ang aming mga bag ay nasa sahig na. May kung ano kasi sa mga mangga nila na talagang masarap. Hindi ganoon ka asim. At hindi rin sobrang tamis.
“Wala eh… Nasaan na ba kasi si Israel? Puntahan mo kaya sa bahay nila, Trace?” utos sa akin ni Rinka na ikinailing ko agad.
“H’wag na no. Baka mapagkamalan ulit na trespasser si Tracy doon sa mga nagkalat nilang tauhan. Dito nalang tayo…” si Rose naman.
“Nanunubig na ang bibig ko. Para na akong maglalaway sa mangga.” Nakabusangot ulit na tiningala ni Rinka ang mga bunga ng punong mangga.
“Umalis nalang kaya tayo? Baka nagbago na ang isip noon…” sabi ko.
“Kung hindi siya dadating edi aakyatin natin ang puno nila. Ngayong pinayagan na tayo saka ka aayaw! Puro bulok ang napupulot ko rito! Deserve ko na makatikim ng hilaw!” si Cecille na talagang desidido.
Humangin at tinangay ang mga buhok namin. Sumabog sa ere ang kulot na buhok ni Cecille habang isinabit naman ni Rinka ang straight at mahaba niyang buhok sa gilid ng tenga. Si Rose lamang itong nakaponytail na kahit ang aking medyo maalong buhok ay pinaglaruan na rin ng hangin.
Para kaming naghahangad na kusa nalang silang malaglag habang tumitingala kaming tatlo. Kung hindi lang nakarinig ng yabag ng kabayo, hindi kami matatauhan.
Kumalabog ang dibdib ko habang suminghap ang tatlo. Ngayon, unti-unti na akong nagsisisi kung bakit pumunta kami rito. This is a trap for me. Israel, riding on a horse while he’s topless wearing denim pants and his hair in his usual manbun, looked like a warrior who’s ready for a battle without wearing any armor.
Dala niya ang panungkit at talagang sa hubog ng katawan niya, aakalain mong nasa digmaan at iyon ang kanyang sandata.
This is a trap. Like…a thirst. A thirst you don’t have an idea where it was coming from. A thirst for seeing water in the dessert for the first time.
He maneuvered his horse skillfully until it stopped in front of us. Inihulog niya ang panungkit at tumalon pababa. Pinagtuunan niya saglit ng atensyon ang kanyang kabayo na pinapakalma ito habang hinihimas ang ulo.
“Relate ako sa kabayo. Kahit ako rin naman kung hahaplusin ni Israel ay aamo ako agad,” bulong ni Rinka.
Siniko siya ni Cecille. Tumikhim ako at tiningala ulit ang hitik na punong mangga habang abala siyang itali ang tali ng kabayo sa puno.
Ba’t ba ang hilig niyang maghubad?
Naglakad patungo sa gilid ko si Israel at namaywang sabay tingala rin ng manggang tinitingala ko.
“Ang sarap…” Napatitig si Rose sa kanyang tiyan pero mabilis rin namang tumingala at itinuro ang mga bunga. “Ng mga mangga! Ayon oh malaki!” pasimple niyang palusot.
Kinuha ni Israel ang panungkit at mukhang handa na iyong gamitin.
“Pahiram kami ng panungkit mo, Israel,” malambing namang sabi ni Rinka at inilahad pa ang kanyang kamay.
Nagpigil ng tawa si Rose at Cecille dahil parang double meaning pakinggan.
“You want that?” tanong ni Israel habang tiningalang muli ang hitik na tinitingnan ko.
Tumango ako at namumula. His voice was so gentle. Para bang…maamo.
“Point it,” si Israel na inangat na ang panungkit.
Itinuro ko ang hitik na bunga. Seryoso niyang sinunod ang itinuro ko. Sa gilid ng aking mga mata, hindi ko maiwasang lingunin siya.
May tatlo siyang piercing sa tainga. Magulo ang pagkakatali ng buhok niya sa likod kaya may tumatakas na kumpol at hinahalikan ang makapal niyang kilay. Gumagalaw ang kanyang panga at seryoso ang mukha sa ginagawa.
“Uy ayon! May mga nahulog!” sigaw ni Rinka at patakbong hinabol ang gumulong na mangga.
“Huwag mo nang kunin! ’Yung nasa net nalang!” si Rose.
“This is for your friend,” ani Israel nang ibinababa na ang net.
Nagkatinginan kami ni Rose. Basang basa ko ang nakaukit sa mukha niya. She’s judging Israel.
Ang mga nahuhulog ay hinahayaan ni Israel na mapunta sa mga kaibigan ko habang iyong mga nasa net ay ipinapatabi niya para sa akin. Ayos din naman ’yung mga nahuhulog dahil hindi naman nadadamage pero masyadong obvious si Israel.
Pagkatapos kumuha ng mangga, nagpatawag pa siya ng tauhan nila para balatan ang iba at ipinabalot sa amin ang mga mangga para madala namin.
“Anong gusto mong sawsawan?” tanong niya.
Iyong tatlo ay may sinisenyas na naman sa akin na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.
“May bagoong alamang kayo?” tanong ko.
Tumango siya. “Rici’s favorite.”
Ngumiti ako habang nag-aapir ang tatlo. Sino bang hindi matutuwa kung biglang mabait sa amin ang isang Buenaventura?
Umalis saglit si Israel para pumasok sa bahay nila.
“Itong si Israel, kahit nakadamit alam mong malaki,” wala sa sariling sabi ni Rose na mabilis naming ikinatawa sa kabila ng namumula kong pisngi.
“Hindi ko nga alam paano kinakaya ng mga babae niya.” si Cecille na naiiling.
“Puro Seniors pa naman, ’di ba? ’Yung eighteen na mga kilala ko hindi naman ganyan ka kisig. Pero si Israel…parang nasa twenties na! Katawan pa lang!” si Rinka na namamangha.
He’s six footer. He’s big. Siguro kaya rin baliw ang mga babae sa kanya dahil makisig siya.
“S’yempre, ikaw ba naman bumuhat sa buong bayan dito sa Bukidnon bilang pinakagwapo hindi ka ba magkakamuscles?” hagikhik ni Rose.
“Ay nahiya si Kuya Bram! Lamang lang si Israel sa pera! Pero may panlaban si Kuya Bram!” pagmamayabang ni Rinka.
“Malaki siguro ’no?” biglang tanong ni Cecille.
Sa sobrang halay ng topic nila minsan, kahit walang banggitin, nababasa ko na agad.
“Hanggang sinapupunan Rose! Wawarakin ka ng sungkit niya sa sobrang haba!” si Cecille.
“Baka nga hanggang ngala ngala eh!” dagdag pa ni Rinka na ikinahagalpak agad nila ng tawa.
“Diyos ko naman! Nakakamatay ang ganoong panungkit!” reklamo ni Rose at hawak hawak na ang tiyan.
Ilang minuto kaming nagtatawanan roon habang nakaupo sa berdeng damuhan at hindi mabitaw bitawan ang topic nilang sobrang nakakahalay ng utak.
“Pero maiba ako… Iba ang titig sa’yo ni Israel ha… May gusto ba sa’yo ’yon, Trace?” tanong sa akin ni Rinka na ikinakurap ko.
“Paanong iba?” tanong ko.
“Basta iba… Eh ikaw nga lang ang pinapansin eh. Kami dinidedma.” Umirap pa si Cecille.
“Baka tipo ka Trace… Siguro nagsawa na agad siya doon sa babae na nakahalikan niya sa batis.” Ngumisi pa ng makahulugan si Rose sa akin.
Parang hindi naman. Maganda ’yung babae. Sadyang…may nararamdaman at nababasa lang ako sa kilos ni Israel. But I couldn’t jump into conclusions coz maybe he’s just being nice. Baka nakonsensya siya at nahihiyang magsorry kaya namimigay na ngayon ng mangga?
“Hindi siguro…” wala sa sarili kong sagot sa kanila.
“Anong hindi? Kung lalake ako magugustuhan kita ’no. Tingnan mo nga ang kutis mo sa amin? Ang liit liit pa ng mukha mo. At iyang singkit mong mga mata. ’Di ba may dugo kang Chinese?” tanong ni Cecille sa akin.
Tumango ako. Half Chinese ang aking ama. Iyon ang sabi sa akin ni Mama. Kahit si Kuya ay hindi rin nalalayo ang mga mata sa akin. Kaya nga pag hindi ngumingiti si Kuya ay sobrang suplado tingnan dahil sa kanyang mga mata.
“’Tsaka bata ka pa kaya. Malapit kanang mag seventeen, Trace. Pag nasa tamang edad kana mas gaganda ka pa…” si Rose.
Pag eighteen na ako, iniisip ko tuloy kung pwede na rin akong ligawan? At bakit naman si Israel agad ang pumasok sa isip mo, Trace? Tingin mo liligawan ka niya?
“Ang tagal naman… Baka pinalagyan niya na iyon ng lason at dito niya narin tayo ililibing sa kinauupuan natin…” reklamo ni Rose at nagawa pang humiga sa malinis na inuupuan namin.
“Ikaw ang maunang tumikim, Rose. Total patapon naman iyang buhay mo mas mabuti narin kung ikaw ang unang mamamatay,” mungkahi ni Rinka.
“Grabe ka! Eh sa ating dalawa mas wasak iyang mukha mo,” giit ni Rose.
“Anong wasak? Sira lang talaga iyang mga mata mo! Isang hirit mo pa isasaksak ko talaga sa’yo iyong panungkit ni Israel,” pabirong sabi ni Rinka na ikinatawa naming dalawa ni Cecille.
“Oh ayan na naman si Adonis… Bumaba na naman sa langit para bigyan tayo ng liwanag gamit ang nakakasilaw niyang katawan…” nagdedeliryong sambit ni Cecille at nasa di kalayuan na ang tingin.
Hindi naman dapat big deal ang ganitong effort niya pero ewan ko ba… siguro nahahaluan ko ng ibang meaning dahil gusto ko siya.
Chapter 6
Naakit sa bulaklak ni Tracey
Iniwanan din naman kami ni Israel sa lupain nila at hinayaang kumain. Para kaming nagpicnic sa lilim ng mga puno habang tumatagos ang sunset at nagiging makulay ang paligid.
Hindi ko maiwasang mapasulyap sa malaking mansyon nila. Sa lahat ng bahay rito sa Bukidnon, sa kanila ang kilalang kilala dahil malaki at pagmamay-ari pa nila.
Ano kayang feeling na ipinanganak ka agad na mayaman?
“Hindi ko mabasa itong si Israel. Hindi ko alam kung bumabait ba, o nagbabaitan,” ani Rose at naiiling na isinawsaw ang mangga sa sauce.
“Nakakapagtaka nga at namigay ng mangga eh… Hindi nakakapagtaka ang pagsusungit noon eh masungit naman talaga iyon eh,” si Rinka naman na sunod sunod na ang subo ng mangga sa kanyang bibig.
Bumagal ang pagkagat ko. Akala ko hindi na nila napansin ang bagay na iyon… He’s really mysterious.
“Bukas balik ulit tayo dito… Araw-arawin natin ang mangga ng mga Buenaventura, Trace…” suhestyon ni Rose na ikinatango rin naman agad ng dalawa.
“Baka masabihan na tayong abusado noong tao pag inaraw-araw natin ang punta rito…” sagot ko.
“Manghihina si Israel pag inaraw araw natin ang mangga niya,” si Cecille na humagalpak.
“Pero sa tingin niyo, girlfriend niya kaya iyong babae na kalaplapan niya sa batis?” biglaang tanong ni Rose na kumuha ng buo kong atensyon.
I know he’s a womanizer. Kalat iyon palagi sa bayan at puro pa may kaya ang mga babaeng pinapatulan niya. Iyon nga lang wala naman akong nababalitaang break-ups. Lahat iyon ay napapangalanan lamang na fling o babae niya lamang.
“Fuckboy si Israel, Rose. Takot iyon sa commitment,” si Cecille.
“Magaling lang sa kama pero hindi magaling makisama.” Nailing iling si Rinka.
“Itikom niyo nga iyang bibig niyo. Baka marinig tayo noon at hindi na tayo makabalik rito,” awat naman ni Rose sa kanila.
Sa mga sumunod na araw, hindi na nagparamdam si Israel. Nahihiya rin akong bumalik ulit sa lupain nila at kinumbinsi nalang ang tatlo na saka na ulit pag niyaya kami ni Israel.
“Trace!” Binuksan ni Kuya Bram ang bintana sa hapong iyon habang nasa likod ako ng aming bahay at naglalaba lalo na’t Sabado rin.
Nilingon ko si Kuya na walang saplot sa itaas at kakatapos lamang maligo. Kinukusot niya ng tuwalya ang basa niyang buhok.
“Iyong tatlo mong kaibigan, nasa harap ng bahay,” sabi niya na ikinatayo ko agad.
Nandito ang tatlong iyon? Hindi ko naman maalalang may usapan kami ah? Ba’t bigla bigla nalang silang gumagala? Hindi kaya ay balak nilang pumunta sa lupain ng Buenaventura at manguha ng mangga?
Umikot agad ako papunta sa harap ng bahay habang ipinupunas ang aking basang kamay sa suot kong damit. Nakita ko nga ang tatlo kong kaibigan na humahaba ang mga leeg kakasilip sa bintana.
“Nandito ako,” tawag ko sa kanila pero ni hindi man lang ako nilingon at tanging si Rose lang ang nag-abalang tingnan ako kaso mabilis ring bumalik sa loob ang kanyang mga mata.
“Hindi ikaw ang sadya namin Trace… Ang kuya mo…” si Rinka.
Inimbita ko agad sila papasok sa bahay. Hinila ko palabas sa ilalim ng aming lamesa iyong mahabang upuan para doon sila paupuin. Si Kuya naman ay mukhang nasa kwarto at nagbibihis na.
“Kuya luto na itong niluluto mong nilagang saging?” sigaw ko nang kumulo na iyon at tumatagas na ang iilang tubig.
“Oo luto na iyan… Ako na diyan. Mainit ’yan Trace…” Lumabas rin naman ang aking kapatid at nakabihis na.
Umupo silang tatlo sa parihabang de-kahoy naming upuan. Si Rinka ang nasa gitna habang sa kanan naman si Rose at sa kaliwa si Cecille.
Humarap rin naman si Kuya at inilapag na ang bowl na may mga hindi pa nababalatang nilagang saging. Umuusok pa iyon at halatang mainit pa.
“Uy… Saging ni Bram!” biglaang sigaw ni Rinka na ikinaangat ng kilay ng aking kapatid.
“Ba’t mo pinakuluan ang saging mo, Kuya Bram?” painosente namang tanong ni Rose na ikinakurap ni Kuya.
“Nagbibiro lang sila, Kuya…” ngumiti ako sa aking kapatid na mukhang ibang bagay na ang naiisip sa pinagsasabi ng tatlo.
“Kayong tatlo puro kayo kalokohan. Kumain kayo diyan. Mainit pa iyan kaya dahan dahan lang…” paalala ni Kuya na ikinatango nilang tatlo.
Kumuha ako ng mga plato at tinidor saka ko inilapag sa kanilang harapan. Isa isa naman silang tumusok ng saging roon.
“Nalilito na tuloy ako kung kaninong prutas ang pipiliin! Ang nilagang saging ni Bram o ang mahabang panungkit at mangga ni Israel…” Nalilitong sabi ni Rose at bumuntong pa ng mahabang hininga na akala mo ay napakalaki ng kanyang problema.
Ilang minuto nilang pinagtawanan iyon habang ganadong kumakain ng nilagang saging.
“Oo nga pala Trace…” mahinang sabi ni Rose sa akin kaya nilingon ko ito.
“May nakalap akong balita sa bayan. Ang kuya mo raw at si Rici…” hindi niya agad madugtungan iyon at naninimbang ang mga mata sa akin.
Nilingon ko ang kwartong pinasukan ni Kuya at mukhang wala pa naman itong balak lumabas kaya ibinalik ko ang tingin sa tatlo na nasa akin na ang mga mata.
“Noong nakaraan pumunta si Rici dito pero kumain lang naman ng saging at nakipagkwentuhan saakin,” paliwanag ko na ikinalaki agad ng kanilang mga mata.
Alam kong gulat rin sila na ang katulad ni Ate Rici na nabibilang sa angkan ng mga Buenaventura, ang pinakamayaman at makapangyarihan sa lugar na ito, ay kumakain ng nilagang saging at pumasok sa simpleng bahay namin.
“Ano ba iyan, Trace! Anong klase kang kaibigan? Kami ito kasama mo sa eskwelahan at para mo naring kapatid pero hindi mo kami magawa gawang ilakad sa Kuya mo,” inis na sabi sa akin ni Cecille.
“Nagulat rin naman ako. Pagdating ko dito binabalatan na ni Kuya iyong saging tapos nakaupo na si Ate Rici rito sa loob…” paliwanag ko at isinabit ang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tainga.
Umiling iling si Rinka. “May nangyari palang subuan dito… At itong si Tracy ay naging pabaya.”
“Pero seryoso… sila na?” Biglang tuminong tanong ni Rose.
Bumagal ang pagnguya ni Rinka na kahit si Cecille ay bumagal rin ang pagsubo. Nilingon kong muli ang kwartong pinasukan ni Kuya saka ibinalik sa tatlo na naghihintay na ng sagot.
“Hindi ko alam e… Pero sabi ni Kuya hindi raw,” sagot ko sa dismayadong boses.
Umawang ang bibig ni Cecille para sana may sabihin pero sakto ring lumabas si Kuya Bram kaya sumubo nalang ito ng saging.
Nilingon ko si Kuya. Nakapambihis na ito at mukhang aalis na. Nakarating pa sa aking kinatatayuan ang kanyang pabango.
“Saan ka pupunta, Kuya?” tanong ko.
“Trabaho, Trace…” paliwanag niya habang inaayos ang manggas ng kanyang button-down shirt na kulay puti.
Ngumuso ako. Trabaho? Eh ba’t ganyan siya ka purmado?
Hindi nalang ako umimik. Sinundan ko lang ang kanyang kilos gamit ang aking mga mata. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang gilid ng aking ulo.
“Aalis na ako… Pagkatapos mo rito puntahan mo na si Mama sa bayan… Hinihintay ka noon,” malumanay niyang sabi sa akin na ikinatango ko.
Binalingan niya ang tatlo na sobrang lagkit ng tingin sa kanya. Nginisihan niya ang mga iyon saka siya umiling at nagpaalam rin sa amin.
“Ang guwapo talaga ni Kuya Bram. Ang sarap ng buhay mo Trace at may ganoon kang kapatid,” si Rinka na nasa may pinto parin ang tingin.
Pagkatapos nilang kumain ng saging, naisipan pa akong tulungan sa paglalaba ko sa likod kaya mabilis akong natapos kahit puro sila kalokohan at nagbabasaan pa kaming apat. Naligo rin naman ako at nagbihis lalo na’t gusto rin nilang sumama sa akin sa bayan para tulungan si mama sa pagbebenta ng bulaklak.
“Kaya siguro walang nanliligaw sa atin dahil masyado tayong marupok!” sigaw ni Rinka habang dala dala ang napulot na kahoy at kinakaladkad iyon habang gumuguhit ng linya sa sahig.
Naglalakad na kaming apat at iyon ang topic nila ay tungkol sa relasyon dahil na rin sa nakalap na balita kay Kuya Bram at Ate Rici.
“Mama…” tawag ko kay Mama nang makarating ako sa kanyang harapan. Busy ito sa pag-aayos ng mga bulaklak sa bangketa.
“Hi po!” Bati ng tatlo at kinawayan si Mama.
Ngumiti si Mama sa kanila. “Buti at napadpad kayo rito…”
Nagtungo ako sa kanyang tabi at umupo roon. Ang tatlo naman ay nasa mga bulaklak na ang tingin.
“Total marami kayo… Oh heto… Kayo ang magtuloy sa pagtatali. Ito iyong mga wrapper… Trace, alalayan mo sila sa ibabalot na wrapper sa bawat bulaklak.” Tumayo si Mama. “Mamamalengke lang ako nang maaga at baka maubusan ako noong murang isda.”
“Sige po, Tita! Kami na pong bahala rito…” si Cecille.
“Walang kalokohan ha…” Mariin niyang tiningnan ang tatlo na tumango naman agad.
Nilingon akong muli ni Mama sa pagbabantang mga mata kaya tumango na rin ako.
Pag-alis ni Mama ay isa isa rin naman silang pumwesto sa aking tabi. Kinuha ko iyong magagandang plastik na pambalot ng mga bulaklak at may magagandang desinyo.
“Ang gaganda naman ng pagkakabalot nito, Trace… Magkano ang ganito?” tanong sa akin ni Rose nang inangat niya iyong rosas.
“Nasa mga 400 lang ’yan, Rose…”
“Ay ang mahal!” reklamo niya at ibinaba agad iyon.
“Ang babango ng mga bulaklak.” Saka bumaling si Rinka kay Rose, “anong masasabi mo na kapangalan mo sa kanila pero mabantot ka?”
Nasira agad ang ekspresyon ni Rose habang natawa naman kami.
“Ang halimuyak ng amoy noong Rose pero ikaw…” panggagatong naman ni Cecille.
Naiiling kong inayos ang iilang mga bulaklak. Nagtataka na tuloy ako kung makakabenta ba kami eh puro kalokohan ang tatlong ito.
“Rose ikaw tagatawag ng customer! Kami tagaayos ng mga bulaklak,” si Cecille na tinatalian na iyong mga bulaklak na inayos niya sa isang plastic na wrapper.
“O sige…” Tumayo naman si Rose at iginala ang tingin.
Saktong may napadaan na lalake kaya iyon agad ang kanyang pinuntirya.
“Hoy Kuya…” Malambing niyang tawag.
Lumingon naman iyong lalake at napakurap.
“Gusto mong bumili ng bulaklak ko? Pwede mong amuyin…” Ngumisi si Rose na ikinasira agad ng ekspresyon noong lalake at mabilis na naglakad paalis.
“Ano ba iyan, Rose! Tinakot mo!” sigaw ni Cecille na nakabusangot na.
“Baka kasi nahalata niyang lanta na ang mga bulaklak mo kaya nandiri!” si Rinka naman.
“Trace ikaw nalang kaya ang magtawag ng customer? Mas halatang fresh ka kaysa kay Rose…” pagbibiro ni Cecille.
“Ano namang sasabihin ko?” natatawa kong tanong at hinawi ang aking buhok papuntang likod.
“Akitin mo para mabenta natin itong bulaklak niyo,” si Rinka.
“Gayahin mo iyong ginawa ko, Trace…” si Rose naman na hinihila na ako patayo.
Nakagat ko ang aking labi at tiningnan ang iilang mga taong dumadaan sa aming harapan. May iilang lumilingon sa akin pero magpapatuloy rin naman sa paglalakad.
“Ate…” tawag ko doon sa babaeng dumaan pero nagpatuloy maglakad.
“Try mo sa lalake, Trace! Mas mabenta ang bulaklak sa kanila dahil sila naman ang namimigay ng flowers sa babae eh,” suhestyon ni Rose.
Tumango ako at tiningnan ang mga dumadaan nang mapansin agad ang pamilyar na tindig ni Israel! Namilog ang mga mata ko. He was sporting a bad boy look that made his stance intensely dangerous. Black leather jacket, gray v-neck inner t-shirt, denim pants, black boots, and his low manbun again—you know it’s Israel Buenaventura when he’s insanely hot and gorgeous-looking in spite of being a beast.
“Sige na, Trace!” utos ni Rinka nang mapansin niyang hindi ako nagsasalita.
Lumunok ako ng laway. He stopped in front of me while his hands were in his pockets. And the way he crouched a bit, as if he was trying to level his face so I could see the danger clearly in his eyes, I gulped a bit.
“Miss me?” He smirked a bit.
Nagkasalubong ang kilay ko. Huh?
“I know you miss me that’s why I came here to do you a favor…” aniya sa mapaglarong ngiti.
H-Huh?
“Uy may naakit sa bulaklak ni Tra-” Naputol ang boses ni Cecille at isang singhap ang sumunod nang mapagtanto niya kung sino ang nasa aking harapan.
At anong namiss? Hindi ko naman siya iniisip ah? Mas iniisip ko pa kung bakit bigla siyang bumait kaysa siya mismo ang maisip.
“Israel, gusto mong bumili ng mabangong bulaklak ni Tracey?” tanong ni Rinka at mukhang may iba na namang pinapahiwatig.
Nilingon ko sila sandali na may kung ano ano ng sinisenyas gamit ang mga mata saka ko ibinalik kay Israel na kagat kagat na ang kanyang labi.
“How much is your flower?” tanong niya at pinasadahan ng tingin ang mga bulaklak na nakahelera.
“Ah… Ano bang klaseng bulaklak ang gusto mo?” tanong ko at napisil ang aking pang-ibabang labi.
“Ano bang magandang bulaklak?” tanong niya pabalik.
“Para sa akin, mga sunflowers…” sagot ko at nginitian ito.
Bumalik agad sa akin ang kanyang mga mata at napunta sa aking labi. Sandaling nagkasalubong ang kanyang kilay, mukhang naaasiwa na naman kaya mabilis ko agad iyong binura.
“O mga rosas… Uhm, tulips… Lahat naman maganda,” sagot ko nalang para hindi matangay sa malalalim niyang paninitig.
Dumampot siya ng tatlong bulaklak na nakaplastic na at saka niya dinukot ang pitaka sa kanyang bulsa.
“Ito, magkano lahat?” tanong niya sa baritonong boses habang naglalabas ng pera.
“One thousand two hundred lahat…” sagot ko at binalingan ang tatlo na titig na titig kay Israel.
Binigyan niya ako ng akmang pera. Mukhang kumpara sa una naming pagkikita rito sa bayan, wala siyang baong insulto. Ngunit may kakaiba sa pagiging pilyo niya sa kabila ng pagiging madilim ng kanyang mga mata na masasabi mo talagang pinaglalaruan ka lang niya. At tanga ka kung maaakit ka.
“Salamat…” marahan kong sabi na ikinatango niya.
“Visit me again. I’ll give you more mangoes,” imbita ni Israel.
Hindi man lang ako nakapagsalita habang tinitingnan itong umaalis na. Tulala pa ako nang sunod sunod na tili agad ang pumaibabaw at pinagyuyugyog na ako ng tatlo.
“O ayan! Inimbitahan kana, Trace! H’wag kanang mag-inarte! Punta ka bukas!” sigaw ni Rinka sa akin at pinandilatan pa ako ng mga mata.
“Oo nga Trace! Kagatin mo na dahil mukhang kusang-loob niya ng sinusubo sa’yo! Tipo ka ata noon!” si Rose naman.
Natatawa ako sa tatlo kahit unti-unti kong nababasa ang dahilan ng mga kilos ni Israel. He…is not into me. Ramdam ko ’yon. Lalo na sa paraan ng titig niya, makikita ko na wala siyang interes, o walang nararamdaman maliban sa…galit sa pamilya namin.
Chapter 7
Subo
“Mama bukas… Pupunta ka ba sa bayan? Magtitinda ka ng mga bulaklak?” tanong ko sa aking ina habang nasa lamesa kaming dalawa. May mga hinihiwa siyang gulayin.
“Oo. Mas mabenta ang bulaklak tuwing linggo. Sa hapon, puntahan mo ulit ako doon para may maiwanan ako sa paninda pag namalengke ako,” sabi niya habang nanatili ang tingin sa hinihiwa niyang kalabasa.
Tumango ako sa kanya. Oh ayan Trace… May gagawin ka bukas kaya h’wag ka nalang pumunta sa lupain ng mga Buenaventura. Pero ang sabi niya ay maghihintay siya. Paano kung isang buong araw siyang naghintay? Paano kung magalit iyon?
“Hindi na ba pumupunta si Rici rito, Trace?” tanong ni Mama sa akin at nag-angat agad ng tingin. Ang mga mata ay masyadong matalim at naghihinala.
Kumurap ako at dumako ang aking mga mata sa iilang hibla ng buhok niyang nalalaglag sa pagkakatali. Hindi agad ako makasagot.
“H’wag na h’wag mong pagtakpan ang kapatid mo kundi kayong dalawa talaga ang makakatikim sa akin!” may diing sabi ni Mama at nanggigigil na ang boses.
“Hindi ma… Sila Cecille lang ang pumupunta rito,” paliwanag ko at nalaglag ang tingin sa kalabasang marahas niyang hinihiwa.
“Pagsabihan mo iyang kapatid mo, Trace! Malaki na sana pero hindi nag-iisip ng tama! Ipapahamak lamang siya ng pag-ibig na iyan!”
“Pero ma, nagtatrabaho naman si Kuya-”
“Trabaho niyang 300 ang sweldo sa isang araw?! Tingin mo makokontento ang pamilya ni Rici niyan? Iyong isa niya ngang kapatid na babae ay pinagkakasundo sa mayaman roon sa syudad tapos mauuwi lang si Rici sa kapatid mong walang maipagmamalaking negosyo? Kahibangan!” Nailing si Mama, ang kilay ay nagkakasalubong na dahil sa inis.
Alam ko ang bali-balitang iyon tungkol sa isa pang babaeng kapatid ni Israel na nasa syudad kaya hindi nakikita rito. Ipinagkasundo daw iyon sa mayamang pamilya na may malaki ring negosyo sa syudad. Ang naiwan lamang rito ay ang ama nila na namamahala ng lupain habang iyong ina naman nila ang namamahala sa negosyo nila sa syudad.
“Hindi pahihintulutan ni Facundo na malalaglag lamang sa pobreng lalake ang kanyang bunsong anak, Trace. Ang mga mayayaman ay gustong palaguin ang kanilang negosyo para mas yumaman pa. Hindi nila mapapakinabangan ang Kuya mo,” nanggagalaiti niya paring sabi na kahit ang paghihiwa ay tumutunog na dahil sa lakas noon.
Humilig ako sa aming mesa at namungay ang mga mata.
“Malay mo Mama… Magugustuhan ni Don Facundo si Kuya para kay Ate Rici…”
Umiling iling agad si Mama kahit na hindi pa ako tapos sa pagsasalita. Kinuha ko ang iilan niyang nahiwa at ipinasok sa bowl habang iyong panibagong gulay naman ang kanyang binabalatan.
“Napakaimposible…”
“Bakit naman? Masama ba ang ugali ni Don Facundo, Mama? Noon po ba… Noong binata palang siya… Ano pong ugali niya?” Napatitig ako kay Mama na ngayon ay natigilan na.
“Matapobre. Mapagmataas. Masungit. Manyaki- Basta… Matabas ang dila noon at akala mo kung sino!” Umirap pa si Mama na ikinakunot ng aking noo.
Alam ko namang masusungit talaga ang mga Buenaventurang lalake at mararahas pero parang sobra naman ata ang pagkakalarawan ni Mama.
“Pero guwapo rin po ba siya noon?” tanong ko at inilagay sa magkabilang pisngi ang aking mga palad.
Natigilan muli si Mama at nakita ko ang tinatago niyang namumulang pisngi sa kabila ng inis niyang mukha. Napakurap ako roon.
“Hindi ’no! Mayabang lang talaga!” Padabog na inilapag ni Mama iyong petsay at sinimulang hiwain.
“Huh? Eh ang kisig nga ni Israel-”
“Hoy Tracey tigil tigilan mo ako diyan sa sinasabi mo ha!” Itinuro niya ako gamit iyong hawak na petchay. “Pag ikaw tumulad sa kapatid mong nagpapakaalipin doon sa isang Buenaventura pag-uumpugin ko na talaga kayong dalawa! Bata ka pa at mag-aral ka muna ng maaga! Hayaan mo iyang Kuya mo dahil hindi naman iyan mabubuntis!”
“Iyon na nga Mama… Hindi naman mabubuntis si Kuya kaya hayaan mo nalang siyang magkagusto kay Ate Rici-”
“Hindi pwede! Ikakapahamak niya lang iyan! Pagbibintangan lang siya ng kung ano ano at maniniwala naman iyang si Rici. Sa huli, ang kuya mo ang kawawa,” si Mama, siguradong sigurado.
Tumayo siya at dinala iyong mga gulay sa harap ng lutuan.
Bigla kong naisip si Israel. Paano kung siya ang makumbinsi ko na mabait naman si Kuya at may paninindigan sa buhay? Na hindi niya sasaktan si Ate Rici? Pag si Israel ang kumumbinsi sa kanyang ama tungkol kay Kuya ay baka hindi na ito humadlang.
Kailangan ko ngang kumagat sa kanyang bitag. Kailangan ko ring mapalapit sa kanya at baka sakaling mabago ang kanyang pananaw kay Kuya.
Naging buo bigla ang aking pasya. Na kahit hindi pumunta iyong tatlo rito sa bahay bukas para samahan ako sa lupain ay pupunta parin ako roon. I’ll convince him! Baka sakaling gumana ang aking plano at magbago ang kanyang isip!
Maagang umalis si Mama kinabukasan. Si Kuya naman ay tulog pa at mukhang puyat na puyat kakatrabaho roon sa pinasukan niyang kargador sa palengke. Naghugas ako ng plato at naglinis na rin ng bahay. Maaga rin akong nagluto para paggising nito ay wala na siyang gagawin. Kakain nalang at papayagan akong gumala ngayon.
“Kain na Kuya!” Ngumiti agad ako sa kanya habang hinahanda iyong lamesa.
Wala itong saplot sa pang-itaas at naniningkit pa ang mga mata. Idagdag pa iyang buhok niyang magulo. Kinamot niya ang gilid ng kanyang tiyan at nagkasalubong na ang kilay.
“Gagala kana naman kaya sobrang sipag mo?” tanong niya saka umupo sa kahoy.
Ngumuso ako at tumango. Nanliit agad ang kanyang mga mata sa akin.
“Kasama ko naman sila Cecille. Sa kanilang bahay ako tatambay,” paliwanag ko.
“Sigurado ka?” Tinitigan niya ako ng mabuti. Tumango naman agad ako.
“Pag hindi ako papayagan kuya, paano kung biglang pumunta si Ate Rici dito? Edi hindi niyo masosolo ang isa’t isa dahil nandito ako.”
Ngumiwi agad ito sa akin. Nagawa niya pang kurutin ang aking ilong.
“Nangangatwiran ka pa. Hindi iyon pupunta rito dahil hindi na iyon pinapayagang lumabas ng kanilang bahay,” paliwanag niya na ikinakurap ko.
“Huh? Bakit naman?”
“Mahigpit iyong kapatid niyang lalake. Si Israel,” saka siya napatitig ng malalim sa pagkain.
Tama nga ako… Kaya dapat tumuloy talaga ako. Humahadlang siya sa kanilang dalawa ni Kuya Israel at Ate Rici. Tutulungan ko si Kuya at baka sakaling may magawa ako.
Nailing si Kuya sa kanyang iniisip at nasuklay ang magulong buhok.
“Dumeritso ka sa bayan at h’wag magtagal sa pupuntahan mo. Uwi agad.”
“Sige Kuya…” Ngumiti ako sa kanya at tinabihan ito.
Siya mismo ang naglagay ng pagkain sa aking plato. Ilang sandali lamang, sa gitna ng aming pagkain ay pumaibabaw na ang boses ng tatlo sa labas.
“Nandito po ba si Tracy? May project kasi kaming gagawin! Kailangan naming umalis!” pasigaw sigaw ni Rinka sa labas na ikinakagat ko ng aking labi.
“Ayan na. Binubuko kana ng mga kaibigan mo. Hindi niyo ata napagkasunduan ng maayos ang lakad niyo ngayon.” Inangatan pa ako ng kilay ni Kuya na ikinanguso ko.
Tumayo ako at binuksan ang bintana para dungawin ang tatlo sa labas. Lumiwanag agad ang mukha ng tatlo.
“Tara na, Trace! Ipagpapaalam ka namin sa Kuya mo. Sasabihin namin may gagawin tayong project-”
“Nagpaalam na ako at pumayag na siya. Gising na si Kuya at kumakain kaming dalawa,” sabi ko saka sumimangot.
Nasira agad ang kanilang ekspresyon. Si Rose ay sumenyas pa at itinuro ang loob kung narinig ba ni Kuya ang pinagsasabi ni Rinka. Tumango ako kaya sinamaan agad nila ni Cecille ng tingin.
“Teka lang… Kakain muna ako. Gusto niyo ring kumain?” alok ko na ikinailing ng tatlo.
Bumalik ako sa upuan. Dumungaw naman sila sa bintana at nagsiksikan roon.
“Hi Kuya Bram! Ang sarap naman ng kinakain mo!” Bati ni Cecille at kumaway pa.
“Pumasok kayo. Kumain na rin kayong tatlo.” Anyaya ni Kuya sa kanila na ikinakislap agad ng kanilang mga mata.
Mabilis akong nagbihis para sa lakad namin. Tumayo ako sa harap ng salamin at nagpolbo. Sayang at…wala akong make-ups. Magpabili kaya ako kay Mama? Pero hindi na iyon kasya sa budget niya. Ang ibibili ko ng make-up, ulam na iyon para sa isang araw namin.
I sighed. Siguro sunod nalang ang make-up pag may sarili na akong trabaho?
“Lintek! Magaling siyang mangabayo! Ang daming alam na stunts” namamanghang sabi ni Rinka nang iyon agad ang bumungad sa amin sa malawak na lupain ng mga Buenaventura.
Natawa kaming tatlo. Doon lamang sila tumino nang bumaba ito sa kabayo nang mapansin niya kaming tatlo. Kumaway pa si Rose na akala mo kaibigan ni Israel dahil sa ngiti niya.
Katulad noong una naming punta, nagpresintang manungkit ng mangga si Israel para sa amin at kainin iyon doon. At sa pagkakataong ito, nanatili siya sa lupain.
“Anong naroon, Israel?” tanong ni Rinka at itinuro ang medyo malayong parte ng kanilang lupain.
“Mga kabayo lang. Rancho namin,” sagot ni Israel na nakatayo lamang maliban sa aming apat na nakaupo sa malinis na patag na damuhan.
“Ah talaga? Pwede kaming pumunta roon?” tanong niyang muli.
Tumango si Israel.
“Tara! Punta tayo doon!” Hinila agad ni Rinka si Rose patayo at sinenyasan rin si Cecille na sumama.
“Paano si Tracey? Iiwan natin? At kumakain pa ako ng mangga,” rason ni Rose pero mas hinila siya ni Rinka patayo at pinandilatan pa ng mata. May kung ano siyang binulong sa kanya para makumbinsi ito.
“Ay sige! Dito ka lang Trace! Doon lang kami!” sabi ni Rose sa akin na kahit si Cecille ay kakaiba na ang ngiting ibinigay sa akin.
Tumango ako lalo na’t atat silang umalis. Tahimik na naglakad si Israel at tumabi sa aking gilid. His body reclined when he rested his elbow at the back while looking at the view of the lights sparkling through the leaves of the trees.
Umihip ang hangin. Isinabit ko sa gilid ng tainga ang aking buhok at patuloy na kumain ng mangga.
“Uh… Madalas ka bang nangangabayo?” biglaan kong tanong sa kagustuhan kong mag-ingay kaming dalawa dahil masyadong nakakabingi ang katahimikan.
“Oo… Ikaw, marunong ka?” Nilingon niya ako.
Umiling ako. “Hindi eh… Wala naman kasi kaming kabayo. Pero si Kuya marunong!”
Nang marinig niya ang pagbanggit ko sa aking kapatid ay nakita ko agad ang dumaan na disgusto sa kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay parang tinakpan ng galit kaya naging madilim agad iyon. Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
“Masipag kasi si Kuya at mas marami siyang alam sa buhay kaya kahit pangangabayo ay marunong siya,” paliwanag ko.
“He seems hardworking,” sagot niya pero bakas ang tabang sa boses.
“At mabait… Matalino rin siya kaya nakakuha ito ng scholarship.”
His thick brows furrowed like I said something stupid. Na hindi naman siya interesado pero binibida ko.
“How about you?” biglaan niyang liko sa topic.
“Huh? Ako?”
Tumango siya at malalim na ang paninitig sa akin. Umiling ako lalo na’t wala akong balak na may sabihin tungkol sa sarili ko.
Humiga siya sa damuhan. Ang isang kamay ay nakaunan na sa kanyang ulo habang ang isang kamay ay inilagay niya sa kanyang tiyan. Noong tumagos ang liwanag, mas nadepina ang bawat anggulo ng mukha ni Israel.
His light brown eyes with a hint of darkness, looks enchanting. Ang pilikmata niyang sobrang itim na nababagay rin sa kanyang makapal at maitim na kilay. Lalo na ngayon na natatamaan ng sinag ng araw ay mas naging matingkad ang kulay ng kanyang mga mata.
“You can lay here beside me if you want.” Nilingon niya ang kanyang gilid na ikinalunok ko.
“Okay lang… Uupo lang ako,” sagot ko sa kabila ng mga kamay kong pinagpapawisan na.
“Scared?” he said, taunting.
Umiling ako.
“Edi humiga ka. Wala naman akong gagawin katulad noong nakita mo sa batis. The girl wants it too that’s why we did it.”
Uminit ang aking pisngi at mas nayakap ang aking mga tuhod. Ilang beses akong napalunok hanggang sa tatlong beses ay hindi ko na nagawa dahil parang may nakabara na roon.
“Hindi ka pa nagkakaboyfriend?” tanong niya sa interesadong boses.
“Hindi pa…” mahina kong sagot at sinipat ng tingin ang tatlo sa medyo malayong parte na naghahagikhikan na. Siguro kahalayan na naman iyon kaya tuwang tuwa na naman sila.
“No experience with love, huh. Girls at your age are kind of curious how love works.”
Umiling ako. “Araw-araw kasi nireremind ni Kuya at ni Mama na pag-aaral muna. Next time na daw ang ganoong bagay. Wala rin naman akong phone. Pagkatapos ng eskwela, kailangan kong pumunta sa bayan para tulungan si mama magtinda. Parang…hindi pa pwedeng magmahal kasi may mas importante pang bagay kaysa sa pagmamahal.”
Kita ko ang medyo gulat sa mukha niya. Binasa niya ang labi at tumingin sa harap.
“So you’re stuck in reality that you have no time to even daydream at all?”
Natawa ako dahil parang ganoon na nga. “Oo… Sa susunod na siguro ’yung ganoon pag malaya na ako sa responsibilidad ko sa bahay.”
“That’s kind of stupid. Don’t jail yourself just because you think there’s no room for things that would make you happy.”
Tumitig ako sa kanya.
“Eh iba naman ang buhay mo sa akin. You have everything. Gigising ka lang na…kakain agad. Pwede mo pa yatang iwan ang pinggan sa mesa kasi may kukuha noon at maghuhugas. Sa bahay, ako ang kailangang maghugas kasi busy si Kuya. Siya na minsan ang nagluluto o di kaya ay si Mama naman sa umaga pag may pasok kami. Kung tatakasan ko ang responsibilidad sa bahay, maaapektuhan ang oras ni Mama. Malilate siya sa trabaho niya. Konti lang ang kita niya. At…baka hindi siya makabili ng ulam o pamasahi namin sa eskwela.”
Magkasalubong ang kilay niya at parang siya ang nahihirapan sa sinabi ko. Ramdam kong iniisip niya iyon.
“Your life is quite dark,” aniya.
Tumawa ako at umiling. “Hindi ah? Kasi sa likod ng paghihirap ni Mama, nakikita ko ang pagsisikap niyang itaguyod kami ni Kuya. Kaya kahit sa paglilinis at pag-aaral ay makabawi man lang ako sa kanya.”
“And you’re fine without doing the things that you deserve at your age?”
“Nagagawa ko pa rin naman kahit hindi katulad sa ibang kaedad ko. At desisyon ko naman din na mag-aral nalang muna. Na uh…sa susunod nalang ang…relasyon…”
Umangat ang kilay niya.
“Pero kung may nagugustuhan ka, susubo ka ba sa relasyon?” he asked.
Ngumuso ako. “Hindi naman ako gusto.”
“What if he likes you?”
Umiling ako. “Ayoko. Hindi naman siya…uh…iyong tipo na binoboyfriend.”
His jaw dropped. “And what kind of boy is he?”
I shrugged. “Hindi ko siya ganoon ka gusto para gusto ko siya bilang boyfriend. Ayaw ko minsan sa kanya.”
He looked bothered. Kita ko ang malalim niyang titig sa akin at tila ba pinapaulanan ko siya ng pana na hindi niya mailagan. O kahit sa ibang direksyon ko iyon pinapatama, kusa niyang hinahabol para saluin iyon.
“He seems good-looking and the most perfect man in this place. I could sense you have a nice taste in boys. Maybe you just don’t know him that much,” ani Israel na mukhang kilala ko pa yata ang pinapabango niya sa akin.
“Eh wala naman akong balak na kilalanin siya,” agap ko.
I saw how his eyes widened a bit. It seems like a hard blow he couldn’t dodge.
“But…you like him?”
“Minsan hindi.”
“But you like him,” agap niya, mas may diin.
“Hindi na masyado—”
“I could sense you still like him. You’re just shy to admit,” putol niya.
Ngumiwi ako. Siya ba ang may-ari ng puso ko at mas alam niya?
Chapter 8
Pumasok
“Ang cute naman ng mga birdie!” narinig kong sigaw ni Rinka at itinuro pa ang mga grupo ng mga ibong lumipad sa ere.
Humagalpak agad ng tawa ang dalawa. Lumalapit na sila sa amin ngunit hindi sobrang lapit at mukhang ayaw makadisturbo.
Bumangon sa pagkakahiga si Israel. Napatingin ako sa kanyang likod na may dumikit na iilang maliit na damo.
“May damo…” Itinuro ko ang mga iyon.
Lumingon siya sa kanyang likod at pilit iyong inabot. Kitang kita ko ang paggalaw ng muscle sa kanyang braso.
“Can you get it?” utos niya at nilingon ako kaya pasimple akong nag-iwas ng tingin sa kanyang braso.
Tumango ako at kinuha ang iilan roon. Malapad ang kanyang likod. Matigas…
“Naglalakad ka lang ba pauwi?” biglaan niyang tanong.
“Tuwing klase?”
Tumango siya.
“Oo kasi ilang minuto lang naman ang lalakarin…”
“Is it safe? Hindi kana sinusundo ng kapatid mo pauwi ’di ba?”
Sandali akong natigilan. Ba’t niya naman iyon alam? Binabantayan niya nga siguro ang galaw ni Kuya. Kaya siguro pati siya ay palagi ng sinusundo si Ate Rici tuwing uwian.
O baka nangangalap na rin siya ng impormasyon sa akin dahil sa plano niya.
“Safe naman. Minsan kasi dumederitso ako sa bayan para tumulong kay Mama sa pagtitinda kaya may kasama rin akong umuwi.”
“Ah…” Tumango tango siya. “Tuwing Sabado kayo madalas maligo sa batis?”
Umiling ulit ako. “Minsan lang.”
“Palagi mong kasama iyang tatlo?” Nginuso niya pa ang aking mga kaibigan.
“Minsan nasa library ako. Pag nagyayaya sila sumasama ako.”
Natahimik siyang muli, mukhang may iniisip.
“Gusto mong maligo sa batis?” biglaan niyang tanong.
Prinoseso ko muna iyon sa aking isipan.
“Tayo… Baka gusto mo.” Tumingala siya at pinagmasdan ang mga nakasabit na mangga. Itinaas niya pa ang isa niyang kamay para harangan ang sinag na tumatakas sa mga dahon at tumatama sa amin rito.
“Tayong dalawa lang?” Kinakabahan kong tanong.
“Gusto mong tayong dalawa lang?” Tumaas na ang kanyang kilay. Namula agad ang aking pisngi at umiling.
“Hindi!”
“Bring those three. Mukhang madalas kang ngumiti pag kasama mo sila.” Tiningnan niyang muli ang aking mga kaibigan na nagtutulakan na habang tumatawa parin.
“Masaya kasi silang kasama.” At mahahalay ang mga utak kaya natatawa narin ako.
“You’re not close with my sister?”
“Hindi e…”
Tumango siya at naninimbang ang tingin sa akin.
The obvious part about Israel Buenaventura, he’s trying to shade the darkness of his cruelty with white. Sinisikap niyang magmagandang loob sa akin para makuha ang gusto niya.
Bakit niya naman ako yayayain bigla? Bakit bigla siyang nagkakainteres bigla? Halatang dahil iyon kay Kuya Bram at Ate Rici.
Noong klase na ay hindi mawala sa aking utak ang mga napag-usapan namin ni Israel. Napapangiti ako pero nalulungkot rin.
“Nakasimangot kana naman. Miss mo na ang mangga ni Israel?” tanong bigla ni Rinka nang mapansin akong tahimik sa aking upuan.
“Hindi ’no.” Bahagya akong ngumiti.
“Sus! Pag natikman mo na ang isang bagay, hahanap-hanapin mo na iyon,” dagdag naman ni Cecille na nakaupo sa aking likuran at katabi si Rose na kumakain ng biskwit.
“Hindi ganoon ang iniisip ko ’no,” tanggi ko at tumawa.
Nailing si Rinka. “Alam mo ikaw Trace… bad influence ka sa amin. Baka pag palagi kang dumikit sa amin ay malinis mo ang mga utak namin ha! Bad influence!” Suminghap singhap na siya at dismayadong dismayado.
“Sinasabi ng iba na kami ang bad influence sa’yo eh ang totoo ay ikaw itong bad influence sa aming tatlo!” si Rose naman.
Tumawa ako at malamyang idinikit ang aking kamao sa aking pisngi. Pinihit ni Rinka ang aking upuan at pinaharap sa kanilang tatlo.
Ngumisi agad sila sa akin. Inalok pa ako ng biskwit ni Rose. Umiling ako.
“Ay ayaw mo? Nasanay kana sa mangga ni Israel?” Sumimangot siya at sumubo nalang.
“Magkwento ka. Anong napag-usapan niyo ni Israel kahapon?” Interesadong tanong ni Cecille.
“Uh…” Hinawi ko muna ang medyo kulot kong buhok at inilipat iyon sa aking likod.
“Sabi niya ngayong Sabado raw… Ano… Maligo raw tayo sa batis-”
Isang tili agad ang sumunod sa kanilang tatlo. Ang iilan kong mga kaklase ay nagsilingunan pero nang mapansing sila iyon ay nagsiiwas nalang ng tingin at mukhang sanay na.
“Jusko! Hindi ko kaya! Magbabasaan talaga kami sa batis ni Israel! Sisisid siya ng malalim at lalangoy kaming dalawa sa kapusukan!” si Rinka na natatangay na naman ng kanyang mahalay na imahinasyon.
“Maglulunud-lunuran talaga ako para ma CPR niya ako!” si Cecille naman na kahit ang aking desk ay niyugyog niya.
Natatawa ako dahil pag nasa harap na si Israel, parang nakakalimutan nila ang mga biro nila. They just like making things dirty.
“Basta ang plano, iiwanan ulit natin sila. Bibigyan natin ng privacy ang dalawa,” pagpaplano naman ni Cecille.
Noong lunch ay nagtungo nga ako sa library para magbasa ng libro. May kailangan pa akong tapusing nobela na binabalik-balikan ko roon. Iyong tatlo ay hindi kasi mahilig magbasa kaya hindi rin sumasama sa akin.
Pagpasok ko ay may iilang estudyante agad ang lumingon sa akin. Hindi ako sanay na may mga nakukuhang atensyon kaya medyo nakakapagtaka. Hindi kaya ay ito iyong kumakalat na balita kay Kuya Bram?
“Nakakahiya naman… Purket guwapo ang kuya niya ay gagamitin ng puhunan ang mukha para perahan si Rici… Nakakaturn-off.” Narinig kong sabi ng isa sa mga estudyante roon.
Hindi ko nalang iyon pinansin at nilagpasan ang kanilang lamesa. Wala rin naman kasi akong mapapala kung magpapaliwanag ako. Hindi naman lahat ng totoo ay kailangan mong ipaglaban. Minsan, kailangan mo lang hayaan ang taong mamulat sa kanilang pagkakamali saka sila matututo.
There were just people who viewed their mistakes as right; no matter how you corrected them, they would never learn because they knew they weren’t wrong. Or they know it’s wrong, but they still choose to ignore the truth.
Nagtungo ako sa ikatlong pasilyo kung saan iyong librong binabasa ko. Kinuha ko iyon saka tahimik na naglakad papunta sa pinakadulong lamesa. Umupo ako roon at inilapag ang libro.
Sinimulan ko iyong buklatin at hinanap ang pahinang iniwan ko. I read it using my eyes. Itinuko ko ang aking siko sa lamesa saka inilagay ang aking palad sa kaliwang pisngi.
“Trace…” Isang malambot na tinig ang tumawag sa akin.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang maliwanag na mukha ni Ate Rici. Ngumiti siya sa akin. Ang clip sa bandang gilid ng kanyang tainga ang agad kong napansin.
“Tama nga si Bram… Mahilig ka ngang magbasa at sa library ka madalas tumatambay.” Ngumiti siya sa akin at inilapag ang branded niyang bag sa lamesa.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
“Bakit po ate?” tanong ko sa mahinang boses. Ramdam ko sa aking paligid ang paglilingunan ng ibang mga estudyante pero nagpanggap nalang akong walang napapansin.
“Uh… Iyong Kuya mo… Kumusta?” mahina niyang tanong sa akin.
“Okay lang naman si Kuya pero palagi siyang pagod sa trabaho. Minsan alas dos na siya umuuwi. Parang may pinag-iipunan ata siya.”
“Huh? Akala ko huminto na siya sa pagtatrabaho…” nag-aalala niyang bigkas.
Umiling ako. “Iba kasi si Kuya. Pag may bagay siyang gusto ay pinaghihirapan niya talaga.”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin sa akin. Ibinalik ko sandali ang aking tingin sa librong binabasa ko kahit na wala ng pumasok sa aking isip.
“May tanong ako Trace… ’Di ba kilala mo ang Kuya ko?”
Inilipat ko ang pahina saka siya nilingon. Tumango ako at ngumiti.
“Si Israel po?”
“Oo… Si Kuya. Uhm, nilalapitan ka ba ni Kuya?” Gumuhit agad sa kanyang mukha ang pag-aalala.
“Hindi naman kami masyadong close e,” sabi ko.
Gusto ko sanang sabihing oo pero alam kong isasampal niya lang sa akin ang katotohanan kaya ito lumalapit lapit sa akin. At ayoko ring isipin niya na nadadamay na rin ako dahil lamang sa pagitan nila ni Kuya. Baka mas maipit lamang silang dalawa. I want to help them but I don’t want to be a burden.
I’ll just go with the flow. Wala namang mawawala sa akin kung pakitunguhan ko si Israel. Okay lang na magpagamit dahil hindi niya rin naman ako masasaktan.
He can’t hold something that doesn’t want to be held.
May kinuha siya sa kanyang bag saka siya may ibinigay na puting maliit na envelope sa akin. Ang littering agad na calligraphy sa labas ang aking napansin. Nakasulat roon ang pangalan ni Kuya Bram. Abraham.
“Pakibigay sa Kuya mo ha…”
Kinuha ko iyon at tinitigan.
May iilang nagbulung-bulungan agad. May dinukot ulit itong bagay sa kanyang bag at inilabas ang isang box.
“’Tsaka para sa’yo… Chocolates ’yan. Masarap ’yan at galing sa ibang bansa.” Ngumiti siya ng matamis sa akin.
Tinitigan ko iyon ng ilang sigundo. Sa gilid ng aking mga mata ay mas lumala lamang ang mga estudyanteng nakikiusyoso.
“Uh… Hindi kasi ako mahilig sa chocolates…” paliwanag ko.
“Huh? Pero sabi ni Bram mahilig ka raw sa matamis.” Naguguluhan niyang paliwanag.
“Minsan mahilig pero madalas hindi. Pasensya na. Hindi ko matatanggap kasi hindi ko rin makakain eh. Salamat nalang po, Ate…”
Sumimangot siya at tiningnan iyon.
“Ganoon ba? Sige… Uh, ano bang gusto mo? Bags? Make-ups? Sandals? Damit? Alahas? ’Di ba malapit na birthday mo?”
Make-ups. Kaso ayokong manghingi ng kahit ano sa kanya.
“Hindi ako mahilig sa mga materyal e,” medyo tumawa ako.
“Huh? Ayaw mo sa mga ganoon?”
Tumango ako.
“Ang misteryosa mo naman!” Tumawa siya.
“Rici!” biglaang tawag sa kanya ng isang estudyante.
Kapwa kami napalingon roon at nakita iyong tatlo niyang kaibigan. Nang makita nilang nakikipag-usap ito sa akin ay mabilis agad na nasira ang mga mukha.
Itinago ko sa libro ang sulat ni Kuya Bram lalo na’t naroon na ang tingin ng isa niyang kaibigan at binalingan si Ate Rici na tumatayo na.
“Sige Trace… Sa susunod ulit. Pag-isipan mo kung anong hilig mo ha. And then tell me.” Ngumiti siya ng mas matingkad saka hinawi ang buhok at nagtungo na sa kanyang mga kaibigan.
Lumingon sa akin iyong isa. Mas nandiri.
“Rici, ba’t mo iyon kinakausap? Pag nalaman ng kuya mo na dumidikit ka sa mga iyan mapapagalitan kana naman.”
“Oo nga Rici. Grounded kana nga. H’wag kang lumapit diyan.”
“It’s okay. She’s nice naman,” depensa ni Ate Rici sa akin saka ako nilingon at kinawayan. Nagpanggap nalang akong hindi iyon napansin para hindi nila isiping narinig ko ang kanilang sinasabi.
“Tayo na Riss…” Hinila siya noong isa na hindi parin nabubura ang inis sa mukha.
Iyon talaga ang hindi ko naiintindihan sa ibang mga mayayaman. Why do they act so foolish? Bakit nililimitahan nila palagi ang kanilang mga sarili? Nasa batas ba nila na pag may kaya ka sa buhay ay dapat maarte ka? Dapat ay lumayo ka sa mga hindi mo kalebel? Dapat ay magmataas ka? Dapat iparamdam mo sa nakapaligid sa’yo na mas angat ka? Bakit ganoon?
Bumalik rin naman ako classroom pagkatapos magbasa dala dala iyong sulat ni Ate Rici para kay Kuya. Pagdating ko roon ay sinalubong agad ako ng tatlo.
“Binigyan ka raw ng pera ni Rici?!” pasigaw na tanong sa akin ni Rinka.
“Huh?”
“Magkano, Trace? Iyan ba?” Tiningnan ni Rose ang dala kong puting envelope.
“Huh? Hindi ’no. Hindi naman ito pera…” Nagtungo ako sa aking upuan at ipinasok agad iyon sa aking bag para hindi na nila mapakialaman pa.
“Anong hindi? Kalat na binigyan ka raw ng pera ni Rici sa library,” balita pa sa akin ni Cecille at sinundan ng tingin ang paglagay ko noon sa loob.
Umiling nalang ako sa tatlo. Privacy iyon nila ni Kuya Bram kaya dapat hindi namin pakialaman. Matutuwa si Kuya mamaya pag binigay ko iyon sa kanya.
Umupo ako sa aking upuan habang ang tatlo naman ay nasa itim na maliit na bag pa rin ang tingin.
“Pero seryoso Trace… Kinausap ka ni Rici dahil ba kay Kuya Bram?” Curious na tanong ni Rinka.
Tumango ako at itinuon ang aking tingin sa labas. Itinuko ko ang aking siko sa lamesa saka ko inilagay ang aking baba sa aking palad.
“Binigay niya lang sa’kin iyon eh. Umalis agad siya kasama ang mga friends niya,” sagot ko at hindi na idinetalye ang buo naming pag-uusap.
“Ah… Bruha talaga iyong mga kaibigan ni Ate Rici! Pinagkakalat na binigyan ka raw ng pera. Akala naman nila ikakahirap nila pag may dumikit lang na kapos sa buhay sa kanila!” Galit na hinampas ni Rinka ang desk ng kanyang upuan.
“Ano tara, sugurin natin! Total marami namang pera iyon pwede siyang magparetoke pagkatapos nating basagin ang mukha niya,” si Rose naman.
“Tara!” si Cecille na game rin.
“H’wag na. Hindi napipilit ang mga taong nakamarka na ang galit nila para sa’yo. Kahit pa gawan mo sila ng mabuti, kahit pa itama mo sila, hindi ka nila magugustuhan dahil mas gusto nila na sirain ka.”
“Ay Trace! Kung ikaw papayag kang manahimik kami hindi! Magsisiraan kami! Ihanda nila ang pagmumukha nila!” si Rinka na maangas.
“’Yan lang ’yung pangit sa’yo, Trace. Masyado kang mabait! Hindi pa ito langit, Trace! Ayos din ’yang lumaban ka! Nasa bibliya ba na mali ang gumanti?! Wala naman—”
“Gaga meron!” Binatukan agad ni Cecille si Rinka.
“Halata talagang hindi nagsisimba, huh?! Baka kahit verses ni isa wala kang alam, Rinka!” si Rose na ngayon ay natawa na.
“Ikakagalit ba ng langit pag sinapak natin ang kaibigan ni Rici kasi inaapi ang kaibigan natin?!” si Rinka.
I sighed and glanced outside the window. Nakukuryoso tuloy ako kung ano ang kahahantungan ng nararamdaman ni Kuya at Ate Rici sa isa’t isa.
Kumpara naman sa amin ni Israel, mas totoo ang sa kanila. Israel is just using me because of my brother. And I am trying to distract him by letting him think that I got stuck on his bait. Ang hindi niya alam, kusa akong pumasok sa bitag niya.
Chapter 9
Sulat
Hindi na ako nagtaka ng hapong iyong nang hindi nagpakita si Kuya sa akin. Hindi niya ako masusundo dahil maaga pa siya sa kanyang trabaho.
Bago magtungo roon ay nagdesisyon muna akong umuwi sa bahay para ihatid ang aking mga gamit lalo na’t kailangan ko ring magpalit ng pambahay dahil baka madumihan ang puti kong blusa.
Mag-isa akong naglalakad sa kahabaan ng kalsada patungo sa lupaing kinatitirikan ng aming bahay. Malapit na iyon sa bundok at marami naring kakahuyan kaya pinapangalanan na iyong parte ng bundok.
Napahinto rin naman ako dahil sa tunog ng kabayong narinig ko sa aking likuran. Nang lingunin ko iyon ay ang imahe agad ni Israel ang aking nakita.
Hindi ko maalalang nasa parteng bundok ang kanilang bahay dahil tagabayan naman ito. Ang kanilang lupain ay naroroon at hindi rito ang daanang iyon.
Huminto rin naman ang kabayo sa aking harapan dahil sa marahan niyang pagsipa noon sa gilid. Tiningala ko siya.
“Give me your hand.” Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.
Kumunot ang aking noo.
“Huh?”
“Akin na. Ihahatid na kita…” sabi niya na nagbigay ng ibang kahulugan sa akin.
“H’wag na… Maglalakad nalang ako ’tsaka medyo malapit lang naman.” Tiningnan ko ang daanan at napagtantong malayo layo pa iyon.
“Don’t be stubborn. Tara.” Yumuko pa siya at mas inabot ang aking kamay habang ang iilang hibla ng kanyang buhok ay nalalaglag na.
“Hindi na talaga… Okay lang.” Umatras ako para hindi niya ako maabot.
Nagkasalubong ang kanyang kilay at mukhang hindi nagustuhan ang aking pagtanggi. Bigla siyang umalis roon sa itaas ng kabayo at ibinagsak ang sarili sa lupa. Gumawa pa ng ingay ang kanyang itim na boots dahil sa marahas niyang pagkakababa.
“Come here.” Pilit niya akong inabot.
“Kaya ko namang maglakad…” paliwanag ko.
Ibinaba niya ang kanyang kamay at mukhang napagod na sa kakalahad noon sa akin. Ibinulsa niya iyon at mariin akong tinitigan.
“I’m trying to be nice here.” Angat ng kanyang kilay.
“Hindi ko naman sinabing maging ganyan ka.”
Ngumiwi siya sa akin. Ngunit nang maalala ko na may pakay din pala ako sa kanya, marahan akong tumango at naglakad papalapit sa kanya.
“S-Sige…”
Ngumuso siya at nagpigil ng ngiti. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinila ng marahas ang aking baywang at walang hirap akong inangat saka ibinagsak doon sa taas ng kabayo. It was so rough but smooth at the same time. Marahas—katulad ng tindig niya. At nag-iingat—katulad ng naninimbang titig niya.
Inayos ko agad ang aking palda. Sumampa siya sa likuran ko. Nakagilid lang naman ang aking pagkakaupo dahil na rin sa suot ko.
“Hold this.” Ibinigay niya sa akin ang tali na ikinalaki ng aking mga mata.
“Hindi ako marunong! B-Baka tumakbo siya bigla!” I said in horror.
“Ang sabi ko hawakan mo hindi ko sinabing ikaw ang magpapatakbo. I’ll take the lead…” he said deeply like he meant something else.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tinubuan ng hiya. Parang naputol ang aking hininga nang umabante siya hanggang sa madikit ang aking hita sa kanyang hita, ang aking braso naman sa kanyang dibdib. Para ng masusunog ang aking pisngi.
Idinaosdos niya ang kanyang mga daliri sa aking braso hanggang sa mahuli niya iyong tali. Hindi ko na maipirmi ang aking tingin at masyado pang nang-aakit ang kanyang pabango. Gustong gusto ko nalang tumalon pababa at kumaripas nalang ng takbo pauwi.
“Ano bang gusto mo? Dahan dahanin ko? O bilisan ko?” tanong niya bigla na kahit ang hininga ay tumatama na sa aking pisngi. Ganoon kami kalapit sa isa’t isa.
“H-Huh?” Nilingon ko siya at halos makita ang naglalarong tingin niya sa akin.
Tumagilid ang kanyang ulo, umangat na ang isang kilay.
“Do you want it slowly or you want it fast?” he asked tauntingly.
“D-Dahan dahan nalang k-kasi ano… first time kong makasakay sa a-ano… s-sa kabayo…” nauutal kong paliwanag na mas ikinaguhit ng kapilyuhan sa kanyang mukha.
Ngumisi siya sa paliwanag ko. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa harapan.
“Bibilisan ko na?” he asked teasingly.
“Ikaw bahala,” sagot ko nalang.
“I hope you won’t scream…” Hinila niya ang tali sanhi para mas madikit ako sa kanya. Nasa magkabilang gilid ko na ang kanyang mga braso at nabibilanggo niya na ako.
Bago pa man ako makasagot ay binilisan niya na ang pagpapatakbo. Sumasabog ang aking buhok sa ere at halos ilagay ko na ang buo kong bigat sa kanyang dibdib.
“Ang bilis!” reklamo ko.
Nanunuya lamang na ngumisi si Israel sa akin. Kinuha niya ang isa kong kamay at ikinapit iyon sa kanyang balikat. Mariin na akong napapikit at nakagat ang pang-ibabang labi. Bahala na nga! Bahala na talaga!
“Huwag mong bilisan!” Tiningala ko siya at kulang nalang ay maibulong na iyon sa kanyang leeg.
“Can’t hear you.” He chuckled.
Namilog ang mga mata ko. Kumapit ako nang mahigpit sa kanyang balikat at kahit ang isa kong kamay ay kumapit na sa gilid ng kanyang baywang.
Bumaba ang kanyang tingin doon saglit at ngumiti lalo. Sinamaan ko siya ng tingin lalo na’t mukhang sinasadya niyang bilisan para dito!
“Hindi na talaga ako sasakay sa’yo!” sigaw ko pa.
“Hindi ka saakin nakasakay kundi sa kabayo ko. Oh please…” he chuckled evilly.
Noong makarating kami, mabilis akong tumalon at kamuntik pang masubsob ngunit buti nalang ay nahawakan niya agad ako sa braso ko.
“Careful,” aniya.
Careful? Kung ang bilis bilis ng pagpapatakbo niya at tingin ko ihahatid niya ako sa langit?
“Sige… Uh, salamat pala…” Hilaw ang ngiti ko at deritsong tumalikod habang sinusuklay ang nagkabuhol-buhok kong buhok gamit ang aking mga daliri.
Tiningnan niya ang bahay namin na ikinataas ng kanyang kilay. Alam ko… Pangit at simple lamang hindi kagaya sa inyong masyadong malaki at maganda.
“Pupunta ka pa sa bayan?” tanong niya.
Tumango naman ako. “Oo. Kailangan ko lang kasing magbihis.”
“Sinong tao sa bahay niyo?”
Sandali akong natigilan at napatitig sa kanya. Umangat ang kanyang kilay at mukhang gusto talaga iyong malaman.
“Ako lang. Bakit?”
“Ah… Nothing. Go and change your clothes. Dito lang ako.” Ibinulsa niya ang mga kamay at sinenyasan pa akong pumasok na.
“Huh? Dapat umalis kana… Dito lang naman ang bahay namin,” sabi ko.
“Pupunta ka pa sa bayan. Ihahatid kita,” alok niya.
His action is too obvious. Kinukuha niya ang loob ko para sa isang rason. Dahil kay Ate Rici at Kuya Bram. Imposible din naman kasi ang iniisip mo, Trace. Kumpara doon sa babae niya sa batis, alam mo agad ang mga tipo niyang babae. Malayo iyon sa kagaya mo.
Hindi naman sa naghahangad akong maging kami, o papatulan niya ako. Pero kontento ako sa patago kong paghanga sa kanya.
At isa pa, malalagot rin ako kay Mama pag dumating sa kanya ang balitang ito. Anong rason ang ipapaliwanag ko kung nabalitaan niyang nakasakay ako sa kabayo ni Israel? Na nagiging mabait lamang ito? Na nagmamalasakit sa akin? Mas magdududa lamang si Mama.
“Hindi pwede,” sabi ko sa kanya na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“I’ll slow down don’t worry,” paglilinaw niya.
Umiling akong muli. “Hindi pwede…”
Gumuhit agad ang inis sa kanyang mukha. Binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi at hinawakan ang batok.
“I am not asking anything in return if that’s what you think,” medyo matabang niyang sabi.
“Hindi naman sa ganoon. Pero bawal talaga. Makikita ako ni Mama at iisipin niyang nagboboyfriend na ako. Baka sabihin niyang hindi ko na siniseryoso ang pag-aaral ko. Mapagkakamalan ka niyang boyfriend ko…” palusot ko.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya at ang pagkakasalubong ng kilay niya.
“Aren’t you proud if your mother would assume that you have a boyfriend and it’s Israel Buenaventura? Your mother might congratulate you for choosing the best men in this Region.”
Nalaglag ang panga ko. Ang hangin! Ang yabang! Oo naman, totoo naman ’yang sinasabi niya. Kaso si mama iyon! Hindi niya kilala si Mama! Kung may galit man sa mga Buenaventura, nangunguna sa listahan si Mama. Ayaw niya sa Buenaventura.
“Ayaw ni Mama sa mga Buenaventura. Hindi niya kayo tipo. Mas gusto ni Mama na kung magboboyfriend ako, siguro iyong taga-ibang bansa para maganda ang lahi.”
He looked offended. Tiningnan niya pa ang sarili niya, na siguro kung may salamin sa harap, dinungaw niya na ang buong pagkatao niya.
“Am I that ugly?”
At mabuti na rin na alam niyang hindi desperado ang pamilya namin sa mga Buenaventura. Na wala kaming pakialam sa yaman nila.
“Fine. Hindi kita ihahatid sa bayan. Palabas lang ng lupain na ito. Pwede?” Tumaas ang isa niyang kilay.
Ngumuso ako at dahan dahang tumango.
Hindi ko na siya inimbitahan sa bahay at nagmadali ng pumunta roon para magbihis. I only wore a simple white dress with puff sleeves and shorts short. Sinuklay suklay ko ang medyo maalon kong buhok habang lumalabas na nang laking gulat ko nang maabutan ko siya sa may pinto. Naroon siya, kampanteng nakasandal habang nakapamulsa.
He looked bored while looking at our house. Nakikita ko ang panghuhusga sa mga mata niya pero ayaw lang sigurong isaboses, o may iba pa siyang iniisip.
Tahimik nalang kami habang mabagal niyang pinapatakbo ang kabayo. Kahit ako ay nabibingi na sa katahimikan at ang tanging naririnig ay ang yabag ng mga paa ng kabayong naglalakad.
Katulad ng kanyang sinabi ay binaba niya rin naman ako sa dulo ng lupain at papasok na sa bayan. Nginitian ko siya.
“Salamat pala.”
Tumango siya, wala nang iba pang sinabi at umalis din. Bumuntonghininga ako. Ano kayang nakita niya sa bahay para mag-iba ang mood niya? O baka naman nakonsensya na siya? Na walang saysay ang ginagawa niya kaya nawalan na agad ng gana sa pagkukunwaring mabait siya?
Pagdating ko sa bayan ay hindi ko maalis alis ang mga katanungang iyon sa aking utak. Tumulong ako kay Mama sa pagtitinda pero maya maya ay matutulala ako at maiisip ang inaasal ni Israel.
Sa gabing iyon, habang nag-aaral sa kuwarto ay sinikap ko ring hintayin si kuya para maibigay sa kanya ang bigay ni Ate Rici.
Mga bandang alas dos nga ay narinig ko ang pagkakabukas ng pinto. Sumilip ako ng kaonti sa aking pinto at nakita nga ang pamilyar na likod ni Kuya. Nagtungo siya roon sa sink at kumuha ng baso.
Mabilis kong hinalungkat sa aking bag iyong envelope na pinapabigay ni Ate Rici sa kanya saka rin ako lumabas dala dala iyon.
“Oh? Trace? Hindi ka pa natutulog anong oras na. May klase ka pa mamaya ah?” Nagtataka niyang tanong nang mapansin ang paglabas ko.
Nakita ko agad ang pagod sa kanyang mukha. Ininom niya iyong hawak niyang tubig saka siya umupo roon sa dekahoy naming mahabang upuan.
Tumabi ako sa kanya at inilapag sa kanyang harapan iyong sulat.
“Gumawa kasi ako ng project kaya hindi pa ako natutulog. At ’tsaka…” Tiningnan ko iyong envelope na tinititigan niya narin lalo na’t naroon ang pangalan niyang nakasulat sa isang calligraphy.
“Ano ’to?” tanong niya.
“Envelope kuya,” pabiro kong sagot na ikinaangat ng kanyang kilay.
“Buksan mo para maibsan ang pagod mo…” Nginitian ko siya.
Kunot noo niya iyong binuksan. Inilapag niya ang envelope at kinuha sa loob ang isang papel na may sulat kamay. Binuklat niya iyon na mas ikinatamis ng aking ngiti lalo na’t unti-unting bumaba ang kanyang balikat na kahit ang kanyang mukha ay kumalma.
Sinilip ko iyong papel at nakita ang maganda at malinis na sulat kamay ni Ate Rici. Kitang kita ko sa labi ni Kuya ang paglabas ng matamis na ngisi roon. Kinagat niya pa ang pang-ibabang labi para paigilan ang sariling ngumiti ng malaki pero tumakas parin iyon sa kanyang labi.
“Iyong mahal ko…” Tumawa na kahit ang pagod sa mukha ay nabura na. Ang mga mata ay kumikislap at masyadong natutuwa sa sulat na iyon.
“Hindi ka pa matutulog Kuya? Pagod na pagod ka pa naman,” paalala ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa pagbasa noon gamit ang mga mata.
Ngumuso ako at gusto rin iyong basahin pero alam kong hindi siya papayag. Ngayon ko lang talaga nakitang ganito…
“Kuya matutulog na ako. Magpahinga kana rin,” sabi ko saka tumayo na.
“Sige maya-maya. Magsusulat lang rin muna ako…” Ngumisi siya sa akin na akala mo ay hindi galing sa nakakapagod niyang trabaho.
Ibinalik niya ang tingin sa sulat na iyon na palihim kong ikinangiti. Tutulong ako sa inyong dalawa Kuya…
Chapter 10
Busy
Paggising ko, ang masiglang si Kuya Bram agad ang bumungad sa akin. Naghahanda pa ito ng agahan sa lamesa at tapos ng maligo. Sumisipol sipol pa habang kinukusot ang kanyang basang buhok.
Napansin niya ako kaya lumingon agad siya at matamis na ang ngiti.
“Morning!” bati niya sa masiglang boses.
Ngumuso ako. Okay? Ang saya saya niya… Dahil ba ito sa pasulat ni Ate Rici sa kanya?
“Maligo kana at kumain pagkatapos. Ihahatid kita sa eskwelahan,” sabi niya habang naglalagay ng plato roon.
Bumalik ako sa loob ng kwarto at kinuha ang aking tuwalya. Si Kuya naman ay nagpatuloy sa pagsisipol. Mukhang maaga naring umalis si Mama dahil hindi ko na ito napansin sa bahay.
Kahit noong hinatid niya na ako sa eskwelahan ay hindi sumisipol pa rin si Kuya. Nakapamulsa ito at nasa harapan lamang ang tingin. Minsan ay ngingisi at kakagatin ang pang-ibabang labi.
“Mamayang hapon… Baka kung saan saan na naman kayo gumala noong tatlo mong kaibigan. Pumunta ka agad sa bayan Trace… Tulungan mo si Mama,” sabi niya sa akin na ikinatango ko.
“Sige Kuya…” Nilingon ko ang loob ng eskwelahan saka siya muling tiningnan. Gumagala rin ang kanyang tingin at mukhang may hinahanap.
“Pasok na ako, Kuya. Mag-ingat ka,” sabi ko sa kanya sanhi para ibalik niya ang tingin sa akin.
“Teka, may ibibigay ako.” May hinalungkat siya sa kanyang bag at ibinigay sa aking ang isang yellow paper.
“Pabigay ako kay Rici, Trace…” sabi niya, ang mga mata ay kumikislap na.
Kinuha ko iyon at tiningnan ang nakaukit na pangalan ni Ate Rici. Hindi ko mapigilang mapangiti lalo na’t inartehan niya pa iyon ng kung ano ano.
“H’wag mong buksan. Ibigay mo agad,” sabi niya pa.
Tumango ako at ipinasok na iyon sa aking bag.
“Di ko alam ganyan ka pala kasweet, Kuya.” Tumawa ako sa kanya.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nailing na.
Sakto namang may bumusina kaya napalingon agad kami roon. Ang pamilyar na kotse iyon nila Israel. Titig na titig ang aking kapatid roon na kahit ako ay hindi narin maalis ang aking mga mata roon. Nandiyan rin ba siya? Hinatid niya ba?
Bumukas nga iyon at lumabas ang malungkot na mukha ni Ate Rici. Napansin kong mugto ang kanyang mga mata pero mapapansin mo paring sinisikap niyang magmukhang maayos.
Napunta sa aming dako ang kanyang tingin at kitang kita ko ang pagsasalubong ng kanilang mga mata ni Kuya. Napansin ko rin kung paano kinuyom ng aking kapatid ang kanyang kamao at nagpipigil na.
Nag-iwas rin naman agad ito ng tingin sa kanya nang lumabas rin ang isa niyang kapatid. Yumuko siya lalo na’t nilapitan na ito ni Israel.
Narinig ko ang pagbuntong ng hininga ni Kuya.
“Ibibigay ko ito mamaya sa kanya Kuya para sumaya siya,” sabi ko.
“Sige, Trace… Salamat. Pumasok kana.” He smiled at me weakly.
Tumango ako at hinalikan ito sa pisngi.
Nasa kalagitnaan na ako nang makarinig ako ng iilang singhap sa mga estudyante at may kung anong pinag-uusapan. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang imahe ni Israel. He’s sporting his usual look with a black leather jacket that makes him look like a dangerous man who’s not good for good girls like me.
Kinabahan ako nang mapagtanto kong masyado na siyang malapit sa akin. Nag-isip agad ako ng pwede kong sabihin sa kanya kung huminto man ito sa aking harapan pero nadismaya rin ako nang magpatuloy ito sa paglalakad at nilagpasan lamang ako.
Naiwan sa aking gilid ang kanyang pabango pero nag-iwan rin siya ng kirot sa aking dibdib. Ba’t bigla siyang naging ganyan? May nagawa ba ako? Nakalimutan niya bang lumalapit lapit siya sa akin para makakuha ng impormasyon sa aking kapatid?
Dapat nga ay matuwa ako dahil bumalik na siya sa dati niya. Iyong walang pakialam sa akin at hindi napapansin ang katulad ko.
“Trace nakita mo si Israel? Ang hot niya!” balita agad sa akin ni Rinka nang makapasok ako.
Ngumiti lamang ako at nagtungo sa aking upuan. Ayoko ng ikwento sa kanila na kahapon ay nakasakay ako sa kanyang kabayo dahil sigurado akong iba ang iisipin nila.
“Nako… Matamlay. Kulang ata ng dilig iyan…” Naiiling akong tiningnan ni Cecille habang hinuhubad ang aking bag at inilagay iyon sa aking desk.
“Parang lantang bulaklak. Di kasi nadadapuan ni Israel kaya ganyan nalang kawalang gana,” si Rose naman.
Tinapik tapik ni Rinka ang aking balikat.
“Okay lang iyan… Alam ko namang namimiss mo na ang mangga ni Israel at naglalaway kana. Sa Sabado… Punta tayo roon ha?”
“Eh magbabasaan pa sila sa Sabado ah? Tuloy ba iyon?” si Cecille naman.
“Ewan ko sa dalawang iyan. Kung hindi man… edi sumulong tayo sa lupain nila Israel. Hindi pwedeng biguin niya si Tracey eh pinangakuan niya!” si Rose.
“Kung hindi niya sisiputin si Trace ipagdadasal ko talaga doon sa kanilang lupain, na mabulok iyang mga mangga ni Israel! Ginigigil niya ang dibdib ko ha!” si Rinka.
Humagalpak agad ng tawa ang dalawa. Bumuntong nalang ako ng hininga at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Ano kayang problema noon?
Noong lunch ay lumabas rin ako sa classroom. Hindi na sumama ang tatlo dahil sanay silang mga ganitong oras talaga ako tumatambay sa library. Pero ngayon ay kailangan kong pumunta sa classroom nila Ate Rici para maibigay ito sa kanya.
Umakyat ako sa ikalawang palapag dahil naroon ang classroom niya. Sikat rin kasi siya rito kaya kahit sa amin ay nakakaabot ang bawat detalye ng kanyang buhay.
May iilang mga grupo ng lalakeng nakaupo pa sa may hagdan at may hawak na gitara iyong isa. Yumuko ako at nahihiyang dumaan sa gilid.
“Uy, pre…” Nakita ko kung paano siniko noong isa iyong isa pa.
Nagsimula itong magstrum at may kinakanta ng kanta. Ipinagpatuloy ko ang paghakbang kahit na nilalamon na ako ng hiya dahil narin sa mga mata nilang nasa akin ang tingin.
“Binibini sa aking pagtulog ika’y panaginip ko…” Malumanay nitong kanta sa malamig na boses.
Mas binilisan ko nalang ang aking pag-akyat hanggang sa makarating ako sa itaas. Kinabahan pa ako noong tumayo ang lalakeng may hawak na gitara at sinundan ako habang kumakanta parin ito. Iyong mga kaibigan niya naman sa likod ay nagsisipulan at kinakantyaw kami.
“O kay ganda, o kay gandang mag-alay sa’yo!” kanta niya at medyo bumirit.
Nahihiya akong lumingon sa kanya at hindi alam kung paano ito pahihintuin lalo na’t nasa amin na ang tingin ng iilang mga estudyanteng napapadaan rito at iyong mga classroom na nilalagpasan ko.
“’Di ba iyan iyong kapatid noong Bram? Si Tracey?” Narinig kong sabi noong isang estudyante.
“Ba’t siya nandito eh Grade Ten ’di ba iyan?”
“Napapabalitang close daw sila ni Rici. Imposible naman ata eh puro may kaya ang kaibigan ni Rici.”
“O baka manghihingi na naman ng pera?”
“Eh ba’t iyan hinaharana ni Leo?”
“Baka napagtripan lang…”
Hindi ko na pinansin ang kanilang pinagsasabi at tumakbo nalang sa classroom ni Rici. Laking tuwa ko at tumigil na sa pagsunod iyong lalakeng kumakanta at nakikipagtawanan na sa kanyang mga kaibigan.
Sumilip ako sa pinto at nakita nga ito sa kanyang desk. Nakikipagngitian ito sa kanyang mga kaibigan.
Bago ko pa man matawag ito ay may humarang na agad sa pinto at isinara pa iyon. Tanging imahe niya nalang ang nakikita ko at natatakpan niya na ang loob.
“Ikaw na naman?” Umarko agad ang kanyang kilay nang makita ako.
“Ah… ’Di ba ikaw iyong isa sa mga kaibigan ni Ate Rici?” Ngumiti ako sa kanya.
Imbes ngumiti pabalik ay nadisgusto siya sa akin. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa.
“Ano? Kulang ang ibinigay na pera ni Rici sa inyo kaya manghihingi kana naman?” inis niyang sabi na ikinagulat ko.
Umiling agad ako. “Hindi naman ako manghihingi ng pera. Gusto ko lang siyang makausap. P-Pwede bang pakitawag siya kahit saglit lang-”
“Umalis kana, gold digger!” Itinulak niya ako kaya napaatras agad ako.
Sobra naman ata iyong gold digger? Ni isang kusing ay wala pa akong natatanggap kay Ate Rici tapos pagbibintangan niya agad ako.
“Hindi nga kami close ni Ate Rici… Kayo ang magkaibigan at sa ating dalawa, ikaw ang pwedeng gumawa noon sa kanya dahil mas malapit kayo,” sabi ko sa kalmadong boses na mas ikinainis niya.
“Ako pa ang pagbibintangan mo!” Akma niya akong aabutin nang hindi niya rin iyon natuloy dahil sa boses sa kanyang likod.
“Feli? Sino iyan? Nakikipag-away ka ba?” boses iyon ni Ate Rici.
Kumalma agad ang kanyang mukha at noong nilingon ito ay ngumingiti na.
“Ah, wala…” lumambot agad ang kanyang boses.
“Sino iyan?” tanong ni Ate Rici at mukhang desididong makita ang kausap ng kanyang kaibigan.
“Ate Rici,” tawag ko na mariing ikinatingin sa akin noong nagngangalang Feli.
Binuksan ng malaki ni Ate Rici ang pinto at nagulat nang makita ako.
“Trace! Ikaw pala!” Mabilis siyang lumabas at malapad na ang ngiti sa akin.
“Rici, pag nalaman ng kapatid mo na lumalapit kana naman diyan…” Iyong Feli.
“Okay lang Feli… Sige na, pumasok kana. Mag-uusap lang muna kami,” sabi niya roon na tumango rin naman.
Pasimple pa ako nitong inirapan. Ibinalik ko ang tingin kay Ate Rici na hinihila na ako paalis roon.
“Pagpasensyahan mo na iyong si Felicita. Ganoon talaga siya…” Ngumiti siya sa akin.
“Okay lang po… Uhm hindi po ako magtatagal. May pinapabigay lang sa akin si Kuya Bram. Ibigay ko raw sa inyo.” Kinuha ko iyong papel sa aking bulsa at ibinigay iyon sa kanya.
Katulad ng reaksyon ni Kuya Bram noong mahawakan ang sulat ay nagningning narin ang kanyang mga mata. Sa sobrang tuwa ay hindi na nito naitago ang ngiti sa kanyang labi.
“Sige po, Ate… Aalis na po ako.” Ngumiti ako sa kanya at hindi na hinintay ang magiging sagot nito. Tumakbo nalang ako kahit na tinawag niya ang aking pangalan.
Dumeritso muna ako sa library para makapagbasa basa ng ilang minuto saka rin ako bumalik sa classroom.
Nadatnan ko naman doon ang nanggagalaiting si Rinka. Kahit ang mga kilay ni Cecille ay pumapantay na at itong si Rose ay mababasa mo rin ang inis sa mukha.
“Ano na naman iyong pinagkakalat noong isa sa mga kaibigan ni Rici? Pumunta ka sa classroom nila at nanghingi ng pera?” galit na tanong sa akin ni Rinka.
Ganoon kabilis kumalat ang balita at nalalagyan agad ng ibang kahulugan.
“Iyong Felicita talaga ang pinakabruha sa mga kaibigan ni Rici. Hindi naman iyon mayaman ah? Naging close lang talaga sila dahil ama siya noong driver ng mga Buenaventura. Nagfefeeling agad mayaman iyang Feli na iyan.” Nanggigigil na sabi ni Rose.
“Baka nga iyon pa ang ginagamit si Rici,” si Cecille naman.
“May araw talaga sa atin ang babaeng iyan. H’wag na h’wag iyang magpapakita sa atin sa labas kundi imumudmod ko talaga siya sa putikan. Akala niya ha,” si Rinka naman.
Bumuntong ako ng hininga. Ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay iyong pisikal na away. Ayoko sa dahas. Pwede naman siguro iyong idaan sa pag-uusap. Ba’t ka pa mananakit?
“Hayaan niyo na. Titigil rin iyon,” sabi ko at naglakad na patungo sa aking silya.
“Anong titigil?!” singhal ni Rose sa aking likod na ikinagulat rin ng iilan kong mga kaklase. “Titigil siya kamo kung nabasag na namin ang bibig niya.”
“Napakasocial climber pa naman noon! Halatang dumidikit sa mayaman para makaangat rin sa buhay! Tapos siya pa ang may ganang magtaray! Ginigigil niya ang dibdib ko ha!” Inis na sabi ni Rinka at padabog na naupo sa aking harapan.
Nahipo ko ang aking noo dahil sa mga boses nila. Ni hindi ko alam kung paano sila pakakalmahin sa t’wing sumasabog.
“Magpapaapi ka ba, Trace?! Paano nalang kung nalaman nilang dumidikit sa’yo si Israel edi mas maiinggit ang mga iyon! Ano, hahayaan mong maliitin ka nila?” si Rose naman na nasa aking harapan narin.
“Hindi naman ako nagpapaapi,” sabi ko.
“Oh bakit wala kang ginagawa?” si Rose.
Bumuntong ako ng hininga at pumangalumbaba sa aking upuan.
“Hindi mo naman kasi matuturuan ang mga taong tingin nila, tama sila. Kaya kahit pa may gawin ako, wala ring mangyayari kung sila mismo ang bulag sa sarili nilang pagkakamali.”
Ngumiwi ang tatlo sa akin.
“Basta ako gagamit ako ng dahas. Lagot talaga sa akin ang babaeng iyan pag nakita ko ’yan sa labas,” pagbabanta ni Rinka.
Maaga nalang akong umuwi para hindi na makasalubong iyong mga kaibigan ni Ate Rici sa eskwelahan. Naglalakad na ako pauwi nang may marinig na naman akong pamilyar na tunog ng kabayong tumatakbo.
Mabilis ko iyong nilingon at hindi nga ako nagkamali sa aking hinala kung sino iyon. Si Israel…
Nagpatuloy nga ako sa paglalakad at umakto nalang na hindi ko napansin ang kanyang kabayo. Malapit na siya sa aking direksyon kaya mas binilisan ko pa ang aking paghakbang. Pero kahit siguro tumakbo ako alam ko namang maaabutan niya parin ako dahil mas mabilis parin ang kanyang kabayo.
Naging mabagal na ang pagpapatakbo nito sa aking gilid nang maabutan ako. Itinuon ko ang tingin sa harap at sinikap na hindi ito tingnan kahit na sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko na ang kanyang imahe. Nililingon ako nito.
“You’re early,” sabi niya.
Pinansin niya ako? Hindi na siya cold?
“Ano kasi… Dapat maaga ako sa bayan,” paliwanag ko.
Hindi siya nagsalita ng ilang sigundo. Bumaba naman ang aking tingin sa sahig at tiningnan ang suot kong school shoes habang naglalakad.
“Gusto mong sumakay?” anyaya niyang muli.
May kung ano ang lumundag sa aking puso pero sinikap ko iyong itali sa akin para hindi iyon makawala. Para hindi ako takasan.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti ng maliit.
“H’wag na… Malapit na rin naman,” sagot ko.
“Iyan rin ang sagot mo noong nakaraan.” Umangat ang kanyang kilay.
“H’wag na talaga. Okay lang,” sabi ko.
He titled his head and watched me carefully. Bumaba siya roon. Buong akala ko ay kukulitin na naman ako para lang sumakay ako roon pero tahimik niyang hinila ang kabayo sa kanyang gilid at sinabayan ako sa paglalakad. Nasa aking tabi na ito, ang isang kamay naman ay nasa bulsa at masyadong seryoso ang mukha pero kalmado lang naman.
“How’s school?” tanong niya sa baritonong boses.
“Okay lang… Maraming projects at malapit na ang exam.”
“So you’re going to be busy?” tanong niya na ikinatango ko.
Siya rin naman ah? Grade Twelve siya. Mas busy siya kaysa sa amin dahil graduating siya.
Naalala ko tuloy noon na mahilig siyang tumambay sa isang tindahan sa labas ng gate kasama ang kanyang mga kaibigan. Memoryado ko iyon lalo na’t sabik akong lumabas agad dahil makikita ko siya roon.
“Sa sabado, busy ka rin?” tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot. Binakante ko ang araw na iyon dahil ang sabi mo ay maliligo tayo sa batis ’di ba? Nakalimutan mo na? O hindi mo lang talaga iyon priority kaya mabilis mong nabura sa iyong utak?
“Ah… Hindi,” sagot ko at pilit binura ang pinag-iiisip kong kahalayan.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at tumango tango.
“That’s good. Hindi rin ako busy,” sabi niya.
Tumango ako ng marahan at iniwas ang aking mukha sa kanya dahil baka makita niya roon ang tuwang pumaskil na sa aking mukha.
“So, busy tayong dalawa sa Sabado.” Nilingon niya ako.
“Hindi nga ako busy,” pagtatama ko.
“I mean, you’ll be busy with me, and I’ll be…busy with you.”
Chapter 11
Malabo
“Tara Trace! Magrecess tayo,” yaya sa akin ni Rinka nang sumapit na ang aming recess.
Inilipat ko ang pahinang binabasa at inilingan si Rinka. Sa kanyang likuran ay ang dalawa ring nakatingin sa akin.
“H’wag na. Dito nalang ako,” sabi ko.
Lumukot agad ang kanyang ekspresyon. Bago ko pa maibalik ang tingin sa aking libro ay nakalapit na siya at hinihila ako paalis sa aking upuan.
“Konti nalang talaga matutuluyan kana riyan sa pagiging loner mo! Maganda ka Trace! Irampa mo iyang mukha mo!” Mas hinila niya ako patungo sa dako ng dalawa.
Hinawi ko ang aking buhok sa likod at iginala ang tingin nang makalabas na kami ng classroom. May iilang estudyanteng naghahagikhikan at maingay rin ang paligid. Si Cecille at Rose ay mukhang may pinag-uusapan nang lalakeng estudyante na namataan nila at pasimple naring humahagikhik ang dalawa.
“Kumusta naman ang Kuya Bram mo, Trace?” tanong sa akin ni Rinka nang mapansin niyang masyado akong tahimik.
“Okay naman siya,” sagot ko na ikinasimangot niya. Ang hanggang balikat niyang matuwid na buhok ay kakulay ng kanyang itim na kilay.
“Palagi mo talagang tinatapos ang pag-uusap ’no? Ang tipid tipid mo… Paano nalang kung nagkasama kayo ni Israel edi sobrang tahimik? Dapat maging madaldal ka!” aniya.
Itinuon ko ang aking tingin sa aming nilalakaran. Ngumuso ako.
“Hindi ko rin kasi alam kung ano ang pag-uusapan… At baka… May masabi akong hindi niya magustuhan kaya ano… tatahimik nalang ako,” sabi ko sa mahinang boses.
“Kung naging lalake napakatorpe mo siguro! Baka hindi ka mahilig sa babae at may sarili pang mundo.” Nailing iling na siya.
Marahan akong tumawa.
“Malapit na ang sabado kaya ang gawin mo ay maglista ka ng pag-uusapan niyo. Iyong makikilala niyo ang isa’t isa. H’wag mo ng gayahin ang mga bibig namin dahil baka maturn-off iyon sa’yo at sabihing easy to get ka dahil ang rupok rupok mo. Kahit sa araw na iyan maging madaldal ka muna.”
“Anong topic naman?” tanong ko.
“Kahit ano. H’wag na h’wag mong sayangin ang oras na iyon dahil minsan lang iyon nangyayaya. Sulitin mo.”
Tumango tango ako sa sinabi ni Rinka.
“Mga mangga na naman ni Israel ang topic niyo?” Biglang lumingon sa amin ni Cecille at naging interesado agad ang tingin.
Mabilis rin namang nalihis ang topic at pumapantay na kami ni Rinka sa dalawa. Iba na ang kanilang topic at naghahagikhikan na naman. Kahit noong makarating kami sa canteen ay hindi nila binitiwan ang pinag-uusapan nila.
Doon lamang iyon natigil nang may mamataan silang grupo na nagtatawanan. Mabilis na umasim ang mukha ni Rinka na kahit si Rose ay mabagal na ang pagkagat noong hotdog na hawak, si Cecille naman ay matalim agad ang tingin sa grupong iyon.
“Hindi naman sana impyerno ito pero may napadpad na kampon ni Satanas,” marahas na sabi ni Rinka, hindi na kumakalma ang ekspresyon.
“Sandwich at spag lang akin, Riss… Thank you ng advance,” narinig naming sabi noong Feli lalo na’t malapit na sila sa amin.
“Sure! ’Yon lang ba?” tanong ni Ate Rici habang naglalabas ng pitaka.
“Hmm… Dagdagan mo narin noong shake nila. Grabe kasi sa bahay, hindi masarap ang pagkain.” Sumimangot agad ito.
Napabuga ng hininga si Rinka. Ako naman ay hinila nalang ang kanyang uniporme para kunin ang kanyang atensyon at umalis nalang doon. Iyong dalawa naman ay gusto pang manatili.
“Tara na…” sabi ko kaso hindi ko matinag si Rinka.
Dumako ang tingin sa amin noong Feli. Kahit iyong dalawa pang kasama ni Ate Rici ay umaangat na agad ang kilay sa amin, sa akin. Si Ate Rici lang ata ang kumurap nang makita ako.
“Trace!” Kinawayan niya agad ako.
Naibaba ko ang aking kamay at naitago sa aking likod. Ang isa ko namang kamay ay hawak iyong sandwich na libre pa ni Rinka.
“Riss…” makahulugang tawag agad noong Feli sa kanya na tila binabalaan itong h’wag gumawa ng mali sa kanilang paningin.
Tumawa si Ate Rici. “She’s harmless. I know her,” saka siya nagtungo sa aking tabi.
“Anong gusto mo Trace? Libre kita,” alok niya na ikinailing ko agad lalo na’t iba na ang tingin noong mga kaibigan niya na sumunod rin naman agad. Nasa likuran niya na ang mga ito.
“Sige lang, Ate Rici. Di naman po ako masyadong gutom,” sagot ko.
“Really? Ayaw mo talaga?” tanong niya pa na ikinatango ko.
“Abante na, Riss…” sabi noong kaibigan niyang may maiksing buhok.
Binigyan niya muna ako ng matamis na ngiti saka rin umabante na lalo. Nagsimula itong tumuro ng mga pagkain.
“Parang may naaamoy akong bulok. Teka… Naamoy niyo ’yon?” Nagpanggap si Rinka na sumisinghot sa paligid. Iyong dalawa naman ay gumaya rin.
“Oo… Parang amoy basurang humahalo sa mayayaman. Teka nga… parang… nasa tabi tabi lang ata,” si Rose naman.
Kitang kita ko ang pagkasira ng mukha noong Feli nang nilingon niya kami. Kung paano niya tiningnan ng disgusto ang aking mga kaibigan.
“Tara na, Rinka.” Hinila ko na talaga ang kanyang braso para lang maawat sila dahil baka pagmulan pa iyon ng away.
Tinaliman pa ng tingin ni Rinka si Feli at saka rin nagpatangay sa aking panghihila. Iyong dalawa naman ay sumunod rin pero nagawa pang mag-irapan sa mga kaibigan ni Ate Rici.
Padabog na naglakad si Rinka. Kulang nalang ay ihagis iyang pagkaing hawak niya.
“Dapat tinumba na natin ’yon, Rinka!” Natatawang sabi ni Cecille.
“Akala ko nga ang pera lang ang may mukha pero may mukha rin palang may pera. Mukhang pera!” si Rose naman.
“Dapat di mo ako hinila para mabalatan ko ang babaeng iyon. Akala mo kung sino eh… Kung makaasta akala mo mas mayaman pa kay Rici!” si Rinka naman.
“Ang feeling feeling nga eh!” dagdag naman ni Rose.
“Hindi niyo na dapat ’yon ginawa. Para na rin kayong lumebel sa pangit na ugali nila kung papatulan niyo,” pangaral ko ngunit marahas ang iling ni Rinka.
“Ay tigil-tigilan mo ako sa pagiging mabait mo, Trace! Iba iba tayo! Tanggap ko na mabait ka, pero ako hindi ko matatanggap na inaapi ka! Dapat matikman noong Feli ang pangit niyang ugali nang matauhan siya!” si Rinka na talagang nanggigigil.
Sa mga araw na dumaan ay palagi na nilang pinanggigigilan ang mga kaibigan ni Ate Rici lalo na si Feli o Felicita sa buo nitong pangalan.
“Isumbong kaya natin iyon sa lalake niyang kapatid? Sino nga iyon Rose?” tanong ni Cecille habang kumakain kami rito sa loob ng classroom at kapwa may mga dalang lunchbox.
“Iyong Ronaldo,” si Rose.
Medyo malapit lamang ang bahay nila Felicita kina Rose kaya alam niya ang buhay nito. Tatlo raw silang magkakapatid. Iyong panganay na Ronaldo, pangalawa si Feli at iyong bunso na hindi nalalayo ang edad sa amin na si Teresa.
“Mababait naman ang mga Barit. Ewan ko nga… Ampon ata iyang si Feli. Nagfefeeling sosyal! Buti pa iyong kapatid niyang si Teresa, mahinhin, halatang mabait at sobrang ganda tapos ang kinis kinis! Iyon ata ang nagmana sa ama nilang may dugo raw na Espanyol. Kung nakita mo iyon Trace mapapanganga ka. Kaso katorse palang eh…” pagkukwento sa amin ni Rose.
“Oo nga. Nakikita ko iyon paminsan minsan. Ang ganda nga at sobrang puti. Kaya nga ampon ata iyang si Feli.” Tumawa pa si Cecille.
“Eh kasi palagi niyang kasama si Rici at kaklase pa. Naiinggit siguro at gusto ring magfeeling mayaman kaya nakalimutan ang estado sa buhay.” Nag-ikot pa ng mga mata si Rinka at sumubo rin.
“Iyong kapatid niyang lalake sobrang bait rin noon. Mahilig sa bata at namimigay pa ng barya.” Pagmamalaki pa ni Rose.
“Talaga Rose… Gwapo ba?” pang-uusisa naman ni Rinka.
“May hitsura rin naman…” wala sa sariling sabi ni Rose dahil tutok sa kanyang kinakain.
“Interesado ka, Rinka? Ano? Daan tayo sa bahay nila tas silipin natin?” Ngumingising si Cecille.
“Nako ayoko ring maging kapamilya iyang si Feli ’no!” Humalukipkip rin naman si Rinka saka ako binalingan.
Sabado.
Maaga ulit akong nagising at ako na mismo ang nagluto. Si Kuya ay mahimbing pa ang tulog dahil sa pagod.
“Ah Kuya…” Panimula ko saka ibinalik ang tingin sa inaayos kong plato.
“Ayan na naman… Gagala na naman? At project na naman?” Umalis siya sa pagkakaakbay sa akin at umikot na papunta rito sa may upuan.
Tiningnan ko siyang hilain ang mahabang dekahoy naming upuan sa ilalim ng mesa at umupo roon. Nilagyan ko siya ng plato.
“Alam kong matalino ka Trace… Pero sobra naman ata iyang paproject ng guro niyo?” Umangat ang kanyang kilay habang nagsasandok na ng pagkain.
Ngumuso ako at itinuon ang tingin sa kanyang ginagawa.
“Ano… Gagala kami Kuya… Maliligo kami ng batis,” sabi ko sa maliit na boses at umamin nalang.
“Sinong kasama?”
“Ako, si Cecille, si Rose… at si Rinka. Kami lang, Kuya,” sabi ko sa kanya.
Umangat agad ang kanyang tingin sa akin, naninimbang iyon kaya sinikap kong ikalma ang aking mukha.
“Hindi ka naman siguro manlalalake, ’di ba?”
Nanlaki ang aking mga mata.
“Hindi ah! Hindi ako ganyan!”
“Oh? Ba’t defensive?” Sumubo siya ng pagkain.
“Hindi ako marunong manlalake, Kuya!” Namumula kong sabi.
“Iyong tatlo mong kaibigan parang mga bihasa… Baka kung ano ano ang kalokohan ng mga iyon at gagayahin mo naman.”
“Hindi ah.” Nag-iwas ako ng tingin.
Tinapik niya naman ang kanyang tabi kaya umupo narin ako doon. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri sa aking kandungan.
“Sabihin mo nga… Sa eskwelahan niyo… walang pumuporma sa’yo?”
Umiling agad ako. Ayoko nang ikuwento iyong may lalakeng pinagtripan ako at kinantahan ako dahil alam ko namang hindi iyon seryoso at parte lamang ng biruan ng kanyang mg kaibigan.
Sumubo siya at mukhang may iba ng iniisip.
“Eh crush? Wala kang gusto?”
Namula ang aking pisngi at sunod sunod ang pag-iling. Mahigpit kong nahawakan ang laylayan ng suot kong malaking tshirt na kahit wala naman akong kinakain ay lumunok pa rin ako.
Tiningnan ako ng maigi ni Kuya.
“Oh ba’t namumula ka?”
“Wala kaya, Kuya!” Tinakpan ko ang aking mga pisngi na ikinangisi niya. Hinila niya ang aking braso.
“Namumula oh.” Tinagilid niya ang kanyang ulo para mas masilip lamang ang aking ekspresyon at mas lumalapad pa ang kanyang ngisi.
“Kasi inaasar mo ako!”
“May gusto ka talaga eh. Sino iyan? Sabihin mo saakin ang pangalan nang mabugbog ko.”
Sumimangot ako. “Wala nga… Hindi pa ako tapos mag-aral Kuya. At mapapagalitan ako ni Mama pag inuna ko ang mga ganyan. Sabi niya pa naman pagsabihan raw kita kasi nawawala kana sa katinuan mo.”
Nabura ang ngisi ni Kuya sa kanyang labi. Binasa niya nalang iyon.
Mga ilang oras ay pumaibabaw rin naman ang mga boses ng aking kaibigan sa labas. Si Kuya ang humarap sa kanila habang nagbibihis ako.
“Saan kayo pupunta?” narinig kong tanong ni Kuya sa tatlo. Nailing nalang ako. Mahuhuli talaga ngayon ang mga bibig ng tatlong iyan.
“Sa bahay kami nila Rinka, Kuya Bram. Gagawa kami ng project,” si Rose iyon.
“Oo gagawa kami at magtutulungan kaming apat dahil deadline na sa Lunes,” dagdag naman ni Cecille.
“Oo Kuya Bram at wala kaming kalokohang gagawin,” inosenteng sabi naman ni Rinka.
Isinara ko ang maliit na bag pagkatapos ilagay ang mga dinalang pamalit at isinuot ang straps noon sa magkabila kong balikat.
Lumabas ako roon at nadatnan ang tatlo na sumisilip sa bintana at kausap si Kuya. Napunta rin ang kanilang mga mata sa akin at sumenyas pa na okay na raw.
Binalingan ako ni Kuya.
“Galingan niyo ang paggawa ng project ha,” sarkastiko niyang sabi sa akin na ikinatango ko at natawa nalang.
“Tara, Trace!” excited na sigaw ni Rinka.
Lumapit ako kay Kuya sa may bintana kung saan siya nakahalukipkip.
“Alis na kami Kuya.” Hinalikan ko ang kanyang pisngi. “Babye!” Ngumiti ako sa kanya na ikinailing niya nalang.
“Bye Kuya Bram!” sigaw rin ng tatlo na ikinatango lang ni Kuya at may ngisi sa labi.
Paglabas ko ay paimpit agad na tili ang ginawa ni Rose. Si Rinka naman ay hinihila na ako habang si Cecille ay nakikipantay narin sa pagiging hyper ng dalawa.
“Bilis Trace baka nandoon na iyon!” Mas binilisan ni Rinka ang pagtakbo. Humahagikhik pa iyong dalawa at tumatakbo rin.
“Magbihis kana rin Trace. Hindi naman mawawala ang mga gamit natin dito,” sabi sa akin ni Rinka na naka bra nalang at maiksing short na parang cycling na.
Nagdalawang isip akong maghubad. Gusto ko nalang na iligo itong suot ko.
“Dali na!” Nilapitan agad ako ni Rose at inangat ang aking tshirt.
“T-Teka!” Pinigilan ko iyon pero kahit si Cecille ay tumulong narin sa paghuhubad noong tshirt ko.
“Uy nakasando!” Tumawa si Cecille at pinaparatangan na ako ng kung ano dahil sa tingin sa akin.
“Pinaghandaan naman pala!” Halakhak naman ni Rose.
Hinubad ko na rin ang suot kong tsinelas at nakayapak na naglakad.
Noong makarating kami sa dulo ay nakita ko agad ang pamilyar na kabayong naroon. Kabayo palang pero sobra sobra na ang pintig ng aking puso.
Rinig na rinig ang pagaspas ng tubig na nanggagaling sa itaas nang lumapit kami lalo roon. Gumala naman agad ang kanilang mga mata sa paligid.
“Nasaan si Israel eh ’di ba kabayo niya iyon?” Itinuro pa ni Rinka ang kabayong namamahinga sa hindi kalayuan.
Iginala ko na rin ang aking tingin hanggang sa may napansin kaming gumalaw sa tubig. Ilang sandali lamang ay umahon roon ang isang lalake na walang pang-itaas na damit at hinila ang sarili paalis sa tubig.
The running water trickled down his body. Lumunok ako at halos mahiya nang mapagtantong manly talaga si Israel. He has the right muscles on his body, which makes him so attractive because of his six-foot height too.
Umupo siya sa batuhan habang tumatagos sa mga dahon ang liwanag at hinalikan ang katawan niya. He tilted his head and arched his brow while looking at me.
Ngumuso ako at nahiya. He stifled his smile, brushed his wet hair backwards, and looked away, admiring the falls while I could catch him side-eyeing me to check if I was still looking at him.
“Para siyang hari ng kagubatan at binabantayan ang batis na ito… Ang guwapo…” mahinang sabi ni Rose at hindi na rin maalis ang mga mata kay Israel.
“Parang leyong susunggaban ka agad…” dagdag naman ni Cecille.
Ibinalik ni Israel ang tingin sa akin. There was something the way he looks at me. It was unreadable. But I wonder if…I am not Kuya Bram’s sister. Maiisipan niya kayang pansinin ako? Parang malabo.
Chapter 12
Tricks
“Tara Trace! Gusto ko ng mabasa!” Hinila na ako ni Rinka nang makabawi kami sa kanyang imahe.
“Mamaya nalang ako maliligo,” sabi ko at umatras lalo na’t iyong dalawa ay nagpapaligsahan ng bumaba at sumulong roon sa tubig.
“Sigurado ka?” tanong niya na ikinatango ko.
Ilang sigundo muna akong tiningnan ni Rinka pero sumunod rin naman agad ito sa tatlo. Iyong dalawa ay nagtutulakan na sa parang jacuzzi na tubig. May pagka kulay berde dahil narin siguro sa paligid na puro mga puno at parang sumisilip lamang ang sinag ng araw.
Naglakad ako pababa pero tumigil rin ako roon sa may batuhan at umupo. Inilublob ko lamang ang aking mga paa. Si Israel naman ay hindi matanggal tanggal ang tingin sa akin.
Tumayo siya at inihulog muli ang sarili sa tubig. Nagsitilian naman agad ang tatlo na nagawa pang magyugyugan. Marahan akong tumawa lalo na’t isinubsob pa ni Rinka si Rose sa tubig nang hinila siya nito.
Lumangoy si Israel patungo sa aking dako hanggang sa ilang sandali lamang ay nasa aking gilid na ito.
Inangat niya ang kanyang kamay at inihawak sa katabing bato na inuupuan ko saka muling hinila ang sarili paakyat. Ang tubig ay mabilis na dumaloy sa kanyang katawan pababa at kahit ang buhok niya ay tumutulo narin ang tubig.
Umupo siya sa aking tabi saka sinuklay ang basang buhok paatras. Pasimple kong iniwas ang tingin at itinuon sa tatlo na nagpapatayan na ata dahil masyado na silang nagkakagulo roon. Sumisenyas pa si Cecille sa tiyan daw ni Israel.
“I brought some food and fruits. Baka gusto mo…”
“Sige, mamaya.” Napangiti agad ako sa kanya. May pagkain siyang dala?!
Tumango siya at itinuon ang tingin sa tubig. Humigpit naman ang hawak ko sa magkabila at naikuyom na ang aking mga palad. Ano ba dapat ang ioopen-up ko sa kanya? Si Kuya agad? Ipagmalaki ko agad? Deritsuhin ko agad at sabihing h’wag niya nalang hadlangan ang mga kapatid naming nagmamahalan? Ganoon agad?
“Trace! Doon lang kami ha! Maghahanap kami ng isda!” sigaw ni Rinka sa akin at may itinuturong kabilang parte noong batis.
Hindi pa man ako nakatango ay isa isa na silang umalis roon at naghahagikhikan pa. Bumuntong ako ng hininga. Hindi naman sa ayaw kong mapag-isa kay Israel pero mas kinakabahan ako pag kami lang.
“Nakikita mo ’yan?” Itinuro niya iyong tubig na bumabagsak sa ibaba.
Tumango ako at tiningnan iyong itinuturo niya.
“Alam mo bang may lagusan diyan? May liblib…”
“Talaga?” Namamangha kong sagot.
Tumango siya. “It looks like a cave with half water inside.”
Tinitigan ko iyon. Hindi rin kasi klaro lalo na’t marahas ang bagsak ng tubig.
“Sisisid ka lang sa ilalim at makakarating kana sa loob noon,” dagdag niya pa sa baritonong boses.
Ilang sandali akong natahimik.
“Eh meron naman pala bakit hindi mo ipinasok iyong babaeng hinahalikan mo rito at dito pa kayo sa batuhan nag-ano-” Hindi ko nadugtungan ang aking sinabi lalo na’t naninimbang narin ang kanyang mga mata.
“Do you hate those kind of stuff?” he asked deeply.
“Huh? Iyong ano? Halikan niyo?” tanong ko na ikinatango niya ng marahan.
Hindi agad ako nakasagot. Inihulog niya nalang bigla ang kanyang sarili sa tubig saka niya inilahad sa akin ang kanyang kamay.
“Let’s swim,” anyaya niya.
Tinitigan ko muna iyon ng ilang sigundo.
“Come on, Trace…” he said huskily.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at inabot ang kanyang kamay. Walang ano-ano’y hinila niya ako bigla hanggang sa mahulog ako roon pero mabilis rin akong sinalo. Napahawak agad ako sa kanyang balikat at medyo napasigaw. Tumawa naman siya sa gilid ng aking tainga.
“Ba’t mo ako hinila?!” Mariin akong napapikit at hinilamos ang isa kong kamay roon para makita ko siya ng maayos.
“So… You don’t know how to swim, huh?” Inaninag niya ang aking ekspresyon at ngising aso na.
“H-Hindi naman malalim dito…” sabi ko, nahihiyang iginala ang mga mata sa kung saan. Napunta na iyon sa kanyang leeg.
“Hindi ako kakapusin ng hininga rito,” sabi ko sa kanya at bahagya ng lumayo.
Nanatili ako sa aking kinatatayuan. Mabilis ang galaw ni Israel kaya hindi ko ito magawang sundan gamit ang aking mga mata. Iginala ko ang aking tingin hanggang sa hindi ko na ito mahanap.
May naramdaman akong gumalaw sa aking likod kaya mabilis rin akong lumingon. Nagulat ako nang sobrang lapit niya na pala.
“You look scared. Takot ka ba sa’kin?” tanong niya nang hinilamos niya na ang kanyang mukha at sinuklay muli paatras ang iilang hibla ng kanyang buhok.
Hanggang beywang niya iyong tubig habang hanggang ibabang dibdib ko naman iyon.
Tumagilid ang kanyang ulo.
“Takot ka sa’kin?” ulit niya sa malinaw na boses.
“H-Hindi,” sagot ko at napisil ang pang-ibaba kong labi.
“Anong ikinakatakot mo sa akin?” Umangat na ang kanyang kilay at nasa baywang na ang isang kamay.
Lumunok ako ng laway at iginala ang tingin. Para akong naghahanap ng sagot sa paligid.
“Di ako nananakit ng babae,” sabi niya pa.
“Emosyonal?” paglilinaw ko imbes na iyong pisikal ang tinutukoy niya.
Nagkasalubong ang kanyang kilay. Hindi agad nakasagot.
“Sometimes you’re blunt but you act so soft… What kind of girl are you?” nagdududa niyang tanong.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at ngumiti. Tumitig siya roon at parang naasiwa kaya mabilis ko ring binura.
“Nagbabasaan na sila!” Ang matinis na boses iyon ni Rose.
Napalingon ako sa tatlo na papunta na rito. Iba na ang ngisi ng tatlo at may pinaparating na rin ang kanilang mga tingin.
“Baka gutom kana. I have some food,” alok ni Israel sa akin na kahit iyong tatlo ay naging interesado agad.
“Kami rin Israel… Gutom kami,” singit ni Cecille.
“Mahiya ka naman!” Sinapak siya ni Rinka pero kalaunan ay bumaling rin kay Israel. “Anong klaseng pagkain iyan, Israel?”
“Patikim rin kami,” si Rose naman.
Hindi niya binalingan ang tatlo at nanatili ang tingin sa akin. Ako tuloy itong nahihiya hindi ko alam kung bakit.
“Do you want to eat?” tanong niya.
“Ah… Hati nalang kami ng mga kaibigan ko… Kung pwede?”
“Marami iyon,” sagot niya at naglakad na sa may batuhan. Inangat niyang muli ang kanyang sarili sa batuhan.
Sinundan namin siya ng tingin. May kinuha siyang malaking tupperware at inilapag iyon sa may malaking bato.
“Come here,” sabi niya sa akin.
“Uy tara na daw, Trace!” Anyaya pa ni Rinka at naunang pumunta roon.
Umahon ang tatlo at naunang umakyat roon. Gumalaw narin ako at nagtungo sa malalaking bato. Humawak ako para maangat narin ang sarili pero bago ko pa iyon magawa ay bumabang muli si Israel sa may tubig at nagtungo sa aking likod. Hinawakan niya ang aking beywang saka ako inangat.
Iba na agad ang timpla ng ngisi ng tatlo. Nahihiya kong binalingan si Israel na paakyat na ulit.
“Salamat,” sabi ko na ikinatango niya at kumuha na ng sandwich roon sa tupperware. Ibinigay niya iyon sa akin.
Kumain rin ang tatlo pero iniwan rin ulit kaming dalawa ni Israel dito. Kapwa na kami nakaupo sa sahig. Ang basa niyang buhok ay medyo natutuyo na hindi katulad sa aking tumutulo pa dahil narin mas mahaba naman iyon.
“Nagreview kana sa nalalapit na exam niyo?” tanong niya habang nakapiko ang kanyang mga paa.
“Hindi pa. Minsan kasi si Kuya Bram ang tumutulong sa akin sa pagrereview pero matagal na kasi siyang umuuwi galing trabaho at palagi pang puyat…” sagot ko at minabuting isingit si Kuya.
Hindi siya kumibo pero halatang interesado niya sa aking sinasabi.
“Nagtatrabaho kasi siyang kargador sa bayan at tuwing alas dos na ng gabi umuuwi. Tapos papasok pa. Ayoko namang makadagdag sa mga ginagawa niya eh hinahatid pa ako noon sa eskwelahan tuwing umaga,” dagdag ko pa.
“How much is his salary?” tanong niya.
“Ah… Hindi ganoon ka laki. Pero dahil nag oovertime siya, siguro nakaka four hundred siya sa isang araw?”
“His work is kind of heavy. Tapos 400 lang ’yon?”
“Sa Pilipinas siguro. Oo?”
Sandali kong nakita ang pagkakasalubong ng kanyang kilay pero mabilis rin naman iyong naghiwalay.
He shifted from his position and faced me. Naging mabagal naman ang pagkagat ko sa sandwich at pasimpleng iginala ang tingin sa ibang direksyon.
“Kaya maswerte ang babaeng mamahalin ni Kuya. Maalaga siya, masipag, mapagmahal, mabait… At guwapo pa.” I said cheerfully.
His eyes darkened. It was like his gaze were shading his expession to block the light. Singdilim narin ang ekspresyon ng mga mata.
“But those characteristic aren’t enough,” he muttered firmly.
The irritation on his eyes is evidence that he dislikes my brother a lot. Na kahit purihin ko ito ay may makikita parin siyang kapintasan. Na kahit wala naman itong ginagawang masama sa kanya ay galit parin siya.
“Para sa’yo dahil marami kang kayang ibigay. Pero para sa mga taong walang wala, sapat na ang iyon dahil iyon na lahat ang kaya nilang ibigay. Kahit maubos sila.”
The intensity in his eyes calmed down a bit. Para iyong nabuhusan ng tubig kaya namatay ang lagablag na umaapoy niyang galit.
“Love is never wrong, they say. But why does falling in love seem so wrong when it comes to the poor and rich? Tama lang ba ang pagmamahal kung parehas ng estado sa buhay? Tama lang ba ang pagmamahal kung…parehas kayong nasa itaas?”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tila hindi na gusto ang timpla ng aking pananalita. Nag-iwas siya sandali ng tingin sa akin pero bumalik rin naman agad iyon sa akin.
“Ako… Para sa akin, hindi naman kailangang maging perpekto ka sa paningin ng lahat para mapatunayan sa kanila na karapat-dapat kang mahalin. Kung may paninindigan ka, kung alam mo naman sa sarili mo na mabuti ang hangad mo sa isang tao, para sa akin… karapat-dapat kanang mahalin.”
Hindi siya sumagot at umangat ang kamay para hipuin ang suot na earrings doon. Nakonsensya rin naman agad ako sa aking sinabi pero hindi ako nagsisising nailabas ko iyon. Ang ikinakabahala ko lang ay baka napasobra ako at nairita na siya sa akin.
“How about you, anong pasadong ugali sa’yo?” tanong niya makaraan ang ilang minutong katahimikan.
Nagkibit ako ng balikat. I could sense he’s interested the way he tilted his head.
“Kahit sino magugustuhan mo?” hula niya.
Tumango ako at ngumiti.
“Kahit si Rudy?” Umangat ang kanyang kilay.
Natawa ako roon. Anong mali kay Rudy? Masipag rin iyon!
“Bakit naman hindi? Masipag si Rudy ha. Nagtatanim siya ng mga mais at naniniwala siyang balang araw ay rarami iyon,” sabi ko.
Nadadaanan namin minsan si Rudy tuwing papunta kami ng bayan. Masipag siyang nagtatanim at mas inuuna pa iyon kaysa sa kanyang pag-aaral. Ang sabi niya ay magkakapera siya roon at hindi niya na kailangan mag-aral at palalaguin nalang iyon. They mocked him for having a mindset like that. Ginagawa nilang katatawanan. Nababaliw na raw ito sa kanyang mga mais na tinatanim.
“Are you two close?” tanong niya.
Umiling ako. “Wala akong close na lalake. Ayaw rin ni Kuya… At… Nahihiya rin ako,” sagot ko na ikinakalma rin naman ng kanyang mukha.
“I see…” Tumango tango siya.
Hindi ko namalayang medyo mahaba na pala iyong pinag-usapan namin. Napangiti ako nang mapagtantong nagkakausap na kami ng normal. Maybe this is a good start for us. Kung makikilala niya ako, mas makikilala niya rin si Kuya.
Nagyaya rin naman akong umuwi noong sumapit na ang hapon. Sumabay siya sa amin palabas hila hila ang kanyang kabayo. Si Rinka naman ay hiningi pa iyong isang tupperware ng mga mangga.
“Hindi kana namin ihahatid sa inyo ha… May maghahatid rin naman sa’yo,” saka makahulugang tiningnan ni Rose si Israel sa aking likuran habang dinadampot namin ang aming mga gamit sa pinag-iwanan namin.
“Uuwi akong mag-isa. Nakakahiya na,” sabi ko sa kanya.
“Sus! Palagi ka namang nahihiya, Trace,” si Cecille na sinundot pa ako sa tagiliran. “Pwede ka namang mahiya pero h’wag kanang tumanggi.”
Pinigilan ko sila gamit ang aking mga mata pero mukhang ayaw nilang magpaawat.
“Ikaw na bahala sa kaibigan namin Israel…” si Rinka na ngumingiti pa. “At salamat pala sa mga mangga mo.”
Tumango lamang si Israel, wala ng iba pang sinabi saka siya lumebel sa akin at hila hila parin iyong kabayo.
“Mauna na kami!” Kumaway pa sila sa akin at nagtatakbuhan na. Nauunang umalis.
Napasimangot nalang ako. Desidido talaga ang tatlong iyon na itulak ako kay Israel.
“M-Magbibihis lang ako…” Mabilis kong kinuha ang isinilid kong tshirt sa loob ng bag.
Akma ko iyong susuotin nang pinigilan niya ako.
“Basa iyang suot mo at magkakasakit ka kung natuyo iyan sa katawan mo. Just remove it and wear your tshirt,” sabi niya na ikinatigil ko.
“H-H’wag na-”
“You’re going to get sick, stubborn,” he added firmly.
Nilingon ko ang dinaanan ng aking mga kaibigan. Dapat pala hindi ko muna sila pinaalis. Sila kasi ang mas naunang nakarating rito at nakapagbihis agad!
“Di ako maninilip katulad ng ginawa niyo sa akin,” pang-aakusa niya sa mapang-asar na boses na ikinapula lalo ng aking mukha.
“Hindi naman namin alam na nandito ka noong nasa batis kayo noong babae mo—”
“The other one? That time when you were in your school uniform? Sa teritoryo namin?”
“M-Mangga ang sadya namin doon!”
“Really?”
Namula ako. “Bakit naman kita sisilipan? H-Hindi naman ako interesado sa’yo,” giit ko.
I saw how the humor in his face vanished.
“Tumalikod kana. Magbibihis na ako,” agap ko nang maputol na ang topic namin.
Iyon nga ang ginawa niya. Tumalikod siya na kahit ang kanyang kabayo ay pinapwesto niya rin patalikod sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at gustong matawa sa ginawa niya pero itinuon ko nalang ang aking tingin sa paghuhubad.
Tumalikod rin ako at kinalas ang aking bra. Hinubad ko rin ang short at hindi na isinama iyong panty ko. Bahala na iyon kaysa naman hubarin ko rin iyon tapos lumingon siya bigla!
Dali dali ko ring isinuot ang tshirt at nagpalit rin ng short. Inayos ko pa ang aking buhok saka ko inilagay sa loob ng bag iyong mga basa kong damit.
Noong nilingon ko siya, nakita kong nakatingala siya. Dahan dahan niya akong nilingon at nakitang tapos na ako.
Tahimik kaming naglakad palabas ng batis. Hindi ko inaasahan na mararanasan ko ito kasama si Israel. Alam kong ginagawa niya ito dahil sa kapatid ko, ngunit sa likod ng aking isip, hindi ko maiwasang lagyan iyon ng kulay.
Nilingon ko si Israel. Noong nilingon niya ako, mabilis kong binawi ang tingin ko. He chuckled.
“You always do that.”
Kumurap ako at bumalik ang tingin sa kanya. “Ang alin?”
“Sa tuwing titingnan kita pabalik, saka mo babawiin ang titig mo. What’s wrong? You’re afraid I might know I’m your crush?” he said shamelessly.
Namilog ang mga mata ko at bahagyang natawa.
“I am your crush,” tila sigurado na siya roon.
Tumawa ako lalo at nailing. He smiled and licked his lips.
“You can’t lie. I have a witness.” Saka niya nilingon ang kabayo niya.
“Witness na assuming ka,” I said and laughed.
Umismid siya ngunit naglalaro pa rin ang ngiti sa labi.
“Well, at your age, it’s understandable that you’d have some crushes to inspire you while studying. That’s normal as long as it doesn’t distract you.” At parang ito lang yata ang nasabi niyang maganda sa tagal tagal ko siyang nakakausap.
“Tapos tingin mo ikaw?” tanong ko.
“Sino pa ba ang magugustuhan mo rito? Unless…you have a low standard?”
“Hindi ka naman mabait. Ayoko sa masasama ang ugali.”
His eyes widened. Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad lalo na’t tumigil siya sa paghakbang. I won’t fall on your tricks, Israel.
Chapter 13
Ginalit mo
Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ulit kami nagkikita dahil narin sa exam. Mas lumamig ang araw ng pagpasok ng Desyembre. Nagfocus ako sa pagrereview na kahit ang tatlo ay isinantabi na rin muna ang mga gala nila.
“Kailan ulit kayo magkikita ng lalake mo, Trace?” tanong ni Rinka habang pinapasok niya ang kanyang mga gamit sa loob ng kanyang maliit na bag.
Lalake?
Noong makita niya sa aking mukha ang pagkalito ay ngumisi agad.
“Si Israel, Trace!” paglilinaw niya na kahit iyong dalawa sa likod na nakaupo lamang at sinasagutan pa ang kanilang test paper ay napatingin rin sa amin.
“Rinka, ang boses mo. May may nag-eexam pa,” saway agad ng guro sa kanya sa harapan.
Lima nalang silang nag-eexam. Ang dalawa ay sina Rose at Cecille, may isa sa kaliwang banda at dalawa naman sa harapan ng guro. Iyong ibang natapos na ay nagsisilabasan na. Natapos na rin ako pero hindi pa ako lumalabas at may binabasa munang libro para sa ibang exam bukas.
“Sorry, Sir.” Ngumiti si Rinka sa aming guro saka ako binalingan at sinenyasan na ako kung ano ang aking sagot sa kanyang tanong.
“Hindi ko alam e. Wala na siyang sinabi pagkatapos noon,” paliwanag ko.
Totoo iyon. Inihatid niya lang ako sa tapat ng aming bahay saka rin naman umalis. Wala siyang sinabi na magkikita ulit kami. Wala rin akong matandaan na sinabihan niya akong pumunta sa kanilang lupain. Busy rin naman iyong tao Trace… May iba rin iyong ginagawa.
Hindi ko narin siya nakikitang may kasamang babae. Minsan kasi namamataan ko siyang may kasamang babae. Ngayon ay palagi na siyang mag-isa. Did he ditch them just to be with me? Gusto niya talagang paniwalain ako na seryoso ang intensyon niya sa akin?
Sumabay rin naman ako palabas ng tatlo pagkatapos mag-exam nila Rose at Cecille. Pinipiga pa ni Rose ang kanyang ulo at makikita sa eskpresyon ang pagkadismaya.
“Hindi ako nakaconcentrate sa isang problem kasi may sangkot na mangga! How many kilos of mangoes ang tinatanong tapos bigla nang pumasok sa utak ko ’yong mga mangga ni Israel!”
“Kaya ba bumubungisngis ka sa tabi ko?!” Nanlalaki naman ang mga mata ni Cecille.
“Oo eh… Isasagot ko sana, Israel’s mangoes are hard, green, big and tasty. Kaso hindi naman konektado sa tanong kaya kahit ano nalang ang nilagay kong sagot doon,” nahihirapang paliwanag ni Rose na ikinatawa namin.
“10 kilos ang sagot doon, Rose. Dapat gumamit ka ng formula para may gabay ka,” paliwanag ko sa kanya.
“Iyon na nga, Trace! Nablangko ako kakabungisngis!” Natampal niya ang kanyang noo. “Walanghiya itong mga mangga ni Israel…”
Tumawa kami lalo.
“Hi, Tracey!” biglang bati ng kung sino sa akin.
Natigil kami sa kakatawa at napalingon sa grupo ng mga lalakeng naglalakad rin palabas ng eskwelahan.
Kumurap ako at natagpuan iyong mukha ng pamilyar na lalake sa akin. Iyong may magandang boses at naggigitara.
“Ba’t kilala niya si Tracey?” narinig kong tanong ni Cecille na ipinagkibit-balikat lang ni Rose.
“H-Hi,” bati ko pabalik kahit na hindi ko naman ito kilala. Mabilis na umingay ang kanyang mga kaibigan at dinumog siya ng kantyaw. Ngumisi iyong lalake at pinilit silang awatin.
“Sige na, lapitan mo na!” Itinulak siya ng kanyang mga kaibigan. Sila Rinka naman ay umaangat na ang kilay.
“Crush ka ata Trace…” bulong ni Rinka sa akin.
Huh? Ako crush niya? O baka naman pinagtitripan lang ulit ako kagaya noong nakaraan?
“Grabe 10 na iyan ah? Si Leo?” Bulong rin ni Cecille.
“Sige na! Patorpe torpe pa!” kantyaw ng kanyang mga kaibigan at mas itinulak siya papalapit sa akin.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan at tinubuan ng hiya lalo na’t may iba ring napapatingin sa amin. Nasa gitna kasi kami ng daan at medyo malapit pa sa gate. Ang iilang mga estudyante na nilalagpasan kami ay napapatingin sa amin.
“Guwapo, Trace!” bulong pa ni Rose sa akin.
“Sikat iyan na Grade 10 student dito! Go na!” dagdag niya pa.
“May Israel na si Tracey. Doon parin tayo sa malinamnam na mangga ni Israel,” dagdag naman ni Rinka sa mahinang boses at sinamaan pa ng tingin si Rose.
“Ah basta ako kung sino ang gusto ni Tracey doon ako. Pero iyong hindi mo pipiliin Trace ibigay mo nalang saakin ha…” Humagikhik pa si Cecille sa aking gilid.
Doon lamang sila natigil nang kusa nang naglakad iyong Leo sa akin dahil sa kakatulak ng mga kaibigan niya. Naghiyawan ang mga iyon at kahit iyong Leo ay mas lumapad ang ngisi pero medyo nahihiya.
Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay kaya ganoon nalang ang pagkakagulantang ko at hindi magawang umalis. Ayoko rin itong mapahiya. Baka pag takbuhan ko siya ay masaktan ko ito at sabihing ang sama sama ko.
Siguro pwede ko namang ipaliwanag sa kanya ng maayos pag wala ng masyadong tao. Para hindi rin siya mapahiya. Oo, Trace… Ganoon nalang.
“Uh…” Nahipo niya ang kanyang batok nang huminto siya sa aking harapan. Ang tatlo naman sa aking likod ay impit na ang mga tili lalo na’t malinaw na sa amin ang kanyang mukha.
Tan skin si Leo at may matingkad na ngiti. Mas matangkad ito sa akin at hanggang balikat lamang ako. Payat ang pangangatawan pero tamang tama lang naman. May makislap siyang mga mata, matangos na ilong at ang buhok niyang kakulay ng kanyang itim na kilay.
Pero hindi ko alam kung ba’t wala naman iyong epekto. Hindi ko nakukuha iyong pinaghalong kaba at takot na nararamdaman ko sa t’wing nasa harapan ako ni Israel. Hindi niya ako nasisindak. Medyo nahihiya ako sa kanya pero hanggang doon lamang ang nararamdaman ko ngayong oras na ito lalo na’t hindi rin talaga ako sanay sa ganito.
“Ba’t may pinagkakaguluhan?” narinig kong tanong ng kung sino.
Nilingon ko iyon at nakita ang grupo ni Ate Rici. Ang nagtanong ay iyong may maliit na buhok kasama rin si Feli at iyong isa pang may tuwid na buhok. Umangat agad ang kilay ni Feli maliban kay Ate Rici na nacucurious.
“Ah… Gusto ko sanang makipagkilala…” Nahihiya niyang inilahad ang kanyang kamay sa akin.
“Dali na Trace… Kamayan mo,” bulong sa akin ni Cecille. Si Rose ay nakahawak sa aking braso at pinanggigigilan ako habang si Rinka ay nakasimangot.
Huminto ang grupo ni Ate Rici at nakiusyoso na rito sa amin. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at tinanggap ang kanyang kamay. Sumipol at nagsigawan agad ang kanyang mga kaibigan. Masyadong maingay ang paligid na nakakakuha kami ng atensyon.
“Tracey… Tracey Adjean Quiamco,” sambit ko sa buo kong pangalan na ikinalapad lalo ng kanyang ngisi.
“Ganda…” sagot niya habang tumititig sa akin at kinamayan na ako.
“Riss… Nandito na ang kuya mo… Tara.” Boses iyon ni Feli kaya umalis rin sila sa kanilang kinatatayuan.
Kinabahan agad ako. Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib at para akong naguilty bigla. Napalingon ako sa may gate at nakita nga roon ang imahe ni Israel. Nagkatinginan kaming dalawa saka ko nakita ang pagbaba ng tingin niya sa magkahawak kamay naming mga kamay ni Leo at umangat agad ang kanyang kilay.
Pasimple kong binawi ang aking kamay kay Leo na binitiwan rin naman iyon. Ngumiti si Leo sa akin at nahipong muli ang batok kaya isang tipid na ngiti nalang ang aking naibigay saka muling binalingan si Israel na mas dumilim lalo ang ekspresyon. Ang misteryosong mga mata ay tila may ikinakagalit.
“Aalis na kami,” si Rinka na mismo ang humila sa akin paalis sa kanyang harapan.
“Ah sige… Trace… Salamat,” sabi ni Leo sa akin na ikinangiti ko pabalik at wala ng iba pang masabi.
Pagtingin ko sa dako ni Israel ay likod niya nalang ang naabutan ng aking mga mata habang sinasabayan si Ate Rici at sumasabay rin si Feli sa kanila.
“Nako… Nakita ni Israel na lumalandi ka. Lagot ka Trace… Lalatiguhin ka talaga noon gamit ang mahabang panungkit niya!” pananakot sa akin ni Cecille.
“Mapapasigaw ka talaga sa sakit! Humanda ka talaga!” Natatawa namang dagdag ni Rose.
“Mahahati talaga katawan mo, Trace! Magiging manananggal ka!” Hinawakan ni Rinka ang kanyang tiyan at mas humagalpak ng tawa.
Tumawa rin ako. Wala namang gusto si Israel sa akin. Malinaw naman sa akin ang pakay niya.
Pagkatapos noong exam ay wala naring pasok lalo na’t malapit na ang pasko. Pero bago kami magbakasyon ay iniwan kami ng gagawin.
Grinupo kami at saktong kagrupo ko sila Cecille, Rose at Rinka. May nahalo namang dalawang lalake sa amin para sa gagawing dula. Dalawang linggo kaming walang pasok kaya may dalawang linggo ring ibinigay sa amin para makapagpractice.
“Saan tayo magpapractice eh hindi naman kalakihan ang lugar namin?” tanong sa akin ni Rose. Ito na ang huling araw ng klase at sa susunod na taon na kami babalik.
“Doon nalang kaya sa maisan ni Rudy?” Suhestyon ni Rinka.
“Anong maisan, Rinka? Eh ni isa wala pa ngang tumutubo roon,” natatawang si Rose.
“Mga imaginary niyang mais!” Hagalpak naman ni Cecille.
“Malay niyo… Mapapalago niya iyon at mapupuno ng maisan ang lupaing iyon… Total pinamana iyon ng kanyang Lola,” sabi ko naman.
“Nakakatawa lang kasi ang rason niya ba’t ayaw niya nang mag-aral dahil lang gusto niyang magtanim ng mga mais!” Pinalo pa ni Rinka ang kanyang desk at mas lumakas ang boses sa pagtawa.
Nagtawanan na silang tatlo.
“O sa lupain nalang nila Israel? Mas malawak doon! Pwede nating gawin lahat ng gagawin natin! At pagkatapos ay manungkit tayo ng mangga!” suhestyon naman ni Rinka.
“Oo nga ’no! Sige Trace! Kumbinsihin mo si Israel papayag iyon!” Hinawakan pa ni Rose ang aking braso at niyugyog ito.
“H’wag tayo doon. Sa lupain nalang nila Rudy. Pwede rin naman tayo doon eh sapat na iyong espasyo para makapagpractice tayo,” sabi ko na mabilis na ikinadismaya ng kanilang mga mukha.
“Ha? Bakit? Trace naman! Hindi mo ba namimiss ang mangga ni Israel?!” Hinawakan agad ni Rinka ang aking mga pisngi at pinsil iyon.
“Magpapaalam nalang ako kay Rudy. Papayag naman iyon…” sabi ko pa at hinila ang kamay paalis ni Rinka doon.
Sumimangot agad si Cecille. Na kahit si Rose at Rinka ay ganoon na rin. Nag-iwas ako ng tingin at isinabit ang aking buhok sa gilid ng aking tenga.
“War ba kayo ni Israel? Natatakot kang malatigo ’no?” tanong ni Cecille sa akin na hindi ko na pinagtuunan ng pansin at pinasok na ang aking mga gamit sa loob ng maliit kong bag.
“Halata namang tipo ka ni Israel. Iyong kilos niya sa’yo… At hindi nga kami pinapansin! Ikaw lang palagi!” inis na sabi ni Rinka at humalukipkip rin sa kanyang upuan.
“Oo nga Trace… Hindi malabong maging kayo,” sabi ni Rose sa siguradong boses.
Malabong may kami. ’Yun iyon.
Natapos ang pag-uusap namin roon at napagdesisyunang sa lupain nalang ni Rudy magpractice. Kaya noong pauwi na ako ay dinaanan ko talaga ito. Madalas siyang naroon at nagbubungkal ng lupa habang nagtatanim ng mga buto ng mais.
Lunes iyon. Wala ng pasok kaya dinaanan ko siya habang papunta ako sa bayan. Hindi rin naman ako nabigo dahil naroon nga siya, nagbubungkal ng lupa.
“Rudy,” tawag ko sa kanya sanhi para matigil siya sa kanyang ginagawa.
Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo at tiningnan ako.
“Oh, Trace?”
“Uh…” Iginala ko ang tingin sa lupang nabungkal niya na. Ang iba ay mukhang nataniman na. Sa dulo naman ay malaki pa ang espasyo at mukhang hindi niya pa natataniman dahil may mga puno pa roong kailangang putulin.
Lumapit siya sa akin.
“Bakit? May kailangan ka?” tanong niya sa mahinahong boses.
Tumango ako. “Pwede ba kaming dito magpractice? Maliit lang kasi iyong espasyo sa amin. Kahit doon lang kami sa parteng hindi mo pa nabubungkal ang lupa. Doon sa lilim ng puno,” sabi ko sa kanya at itinuro ang parteng iyon.
Nilingon niya iyon saglit saka rin ibinalik sa akin.
“Sige ba,” sagot niya na ikinaliwanag ng mukha ko.
“Salamat!” Nginitian ko siya.
Tumango naman siya at ngumiti pabalik pero natigil rin dahil sa isang tunog ng kabayo. Kapwa kami napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon at nakita ang imahe ni Israel. Suot na naman ang paborito niyang denim jacket, puting panloob at black na boots. Ang iilang hibla ay nalalaglag na naman at nagrerebelde sa pagkakatali noon sa likod.
Mabilis kong inalis ang aking tingin sa kanya at ibinalik kay Rudy.
“Sige salamat. Alis na ako… Sorry sa abala.”
Ibinalik niya rin naman ang tingin sa akin at nginitian ako.
“Okay lang. Basta ikaw, Trace…”
Ngumiti narin ako pabalik at nagpaalam na. Mabilis ang aking paghakbang pabalik sa aking daanan imbes na balak kong pumunta sa bayan para tulungan si Mama.
Narinig ko ang yabag ng kabayo niyang bumibilis na ata kaya mas binilisan ko na rin ang paglalakad at sa huli ay tumakbo na talaga ako para hindi niya ako maabutan.
Sobrang lakas ng kalabog ng aking dibdib. Gusto ko nalang siyang iwasan. Total ilang araw na rin naman siyang mailap sa akin. Total mukhang tapos na ang kanyang pakay sa akin.
Ganoon nalang ang pagkakagulantang ko nang humarang agad ang kanyang kabayo sa aking harapan. Natigil ako at napasigaw pa dahil sa pagkagulat.
“Are you avoiding me?” tanong niya sa matigas at malamig na boses.
Umiling iling ako at ibinaba ang tingin saka dumaan doon sa gilid kaso mabilis niya ring iniharang ang kabayo niya roon sanhi para matigil akong muli.
“Halatang hindi nga,” matabang at sarkastiko niyang sabi sa akin.
Hindi ako sumagot at balak ulit na dumaan sa gilid pero hinila niya rin ang tali noong kanyang kabayo para papuntahin doon at humarang ulit.
Tiningala ko siya. “Dadaan ako,” frustrated kong sabi.
“Sa bayan ang punta mo. Ba’t ka bumalik sa daan mo? Dahil nakita mo ako?” he asked eagerly.
Umiling ako at iginala ang tingin para matakasan siya.
“Babalik ako sa bahay kasi may nakalimutan ako,” palusot ko at nagtangkang dumaan sa kabila pero katulad ng ginagawa niya ay humarang parin ang kanyang kabayo roon. Nilingon pa ako nito at tila naiinis na. Hinimas lamang ni Israel ang ulo nito saka ito kumalma.
Mukhang nainis narin ata iyong kabayo. Baka bigla nalang akong sipain niyan!
Bumaba si Israel at hinarap na ako. Lumunok ako ng laway at umatras ng kaonti para mabigyan kami ng mas malaking espasyo sa gitna. Ayokong mapalit sa kanya dahil matutupok lang muli ang harang na ibinakod ko sa aking sarili.
“Ginagalit mo ang kabayo ko…” sabi niya at umangat pa ang kilay sa akin.
“Ayaw mo kasi akong padaanin…” mahina kong bulong.
Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay at tumagilid na ang ulo.
“Why are you avoiding me?” ulit niyang tanong.
“Iniiwasan ba kita? Hindi naman,” giit ko.
He leaned forward until our faces leveled.
“At ikaw pa ang may ganang umiwas? Ikaw pa ngayon ang galit? It should be me…”
Chapter 14
Tindera
Namilog ang mga mata ko. Anong sinasabi niya?
“So you’re entertaining more than one boys?” he pointed out which gave me an idea what he was talking about.
Iyong kay Leo? At ngayon naman…kay Rudy? Nasisindak ako ni Israel. Pero alam ko naman kung anong meron sa akin. Wala lang ’yon.
“Wala naman akong maling nakikita roon at alam ko naman ang limitasyon ko,” sagot ko pa.
“’Di ba iyon ang sabi ng Kuya mo sa’yo? And I thought you’re busy with your examination?” Umangat ang kanyang kilay.
“Oo! Busy ako sa exam. Pero tapos na…”
Umangat ulit ang kilay niya, tila ba may kung ano sa sagot ko.
“At hindi ba ako pwedeng mang-entertain ng lalake?” tanong ko.
Israel licked his lips. Tumuwid siya ng tayo at namaywang habang nag-iisip.
“Why are you entertaining them? You like them? You like…Rudy?”
“Huh? Kinausap ko siya kasi ano… magpapractice kami sa lupain nila para sa presentation namin!”
“Mas malaki ang espasyo roon sa amin. Bakit hindi doon? Because you like Rudy more?” pang-aakusa niya na ikinakunot na talaga ng aking noo.
Hindi ko maintindihan kung saan niya kinuha ang mga paratang sa akin.
“Selos ka ba?” biglaan ko nalang tanong na kahit ako ay nagulat sa aking binigkas.
Nagulat rin siya pero mabilis rin namang nakaahon ang ekspresyon at naging blangkong muli.
“That’s funny…” seryoso niyang sabi at ngumisi pa pero walang makikitang saya roon. Sa sobrang tabang ay napunto ko agad. Oo nga naman. Ba’t siya magseselos?
“Ikaw nga… Busy ka rin naman ah?” Pang-aakusa ko.
Ngayon nga lang siya nagparamdam ulit. Baka naman napagod siya roon sa iba niyang mga babae kaya bumalik nalang siya sa akin dahil bored siya? Ganoon ba iyon?
“Pero hindi sa babae,” sagot niya agad at tila gustong burahin ang aking pinag-iisip.
“Sinabi ko bang babae?”
“Nililinaw ko lang. Hindi ako busy sa babae. Nasa lupain lang ako. I manage our farm.”
Ngumuso ako. “Hindi ko naman sinabing babae,” pag-uulit ko.
Ipinasok niya sa loob ng kanyang denim jacket ang kanyang mga kamay at nasa malayo na ang tingin.
“Kaya nga pumunta ka sa lupain para naman maging busy ako sa’yo.”
Napakurap ako at hindi alam ang mararamdaman. Sinabi ko sa ibabang babae pero ako pa ata ang tinutukoy niya.
“Padaanin mo na ako. Pupunta pa ako kay Mama sa bayan,” bigo kong sabi at gusto nalang makawala sa kanya.
Nagtungo ako sa kanyang gilid at doon dumaan. Hindi naman siya gumalaw kaya laking pasasalamat ko at hinayaan niya akong maglakad paalis sa kanya.
Wala ako sa sarili nang makarating sa bahay. Ni hindi ko rin alam kung ano pa ang ibinalik ko rito. Gusto ko lang naman sanang umiwas sa kanya. Pero may parte parin sa akin ang humihila pabalik at gusto siyang makasama. Gusto talaga Trace? Eh hindi mo nga iyon matingnan ng deritso at palagi ka pang nahihiya sa kanya.
Nagpalit nalang ako ng nipis na bistida at lumabas rin. Sinalubong ako ng malamig na hangin at gumalaw pa ang tela noon na kahit ang aking buhok ay sumayaw na sa ere. Katamtaman lamang ang klima at hindi mainit ang sinag ng araw. Masyadong malamig ang hangin na tila may nagbabadyang ulan mamayang gabi.
Naglakad ako at ganoon nalang ang pagkagulat nang makita ko ang kanyang imahe sa pinag-iwanan ko. Nandoon siya, nakasandal sa kanyang kabayo at may iniisip ata na malalim habang may nakaipit na namang sigarilyo sa kanyang labi. Wala iyong sindi at pinaglalaruan niya lang ata dahil gumagalaw galaw iyon doon.
Bumuntong ako ng hininga. Paano ako iiwas kung kusa siyang lumalapit?
Nagtungo ako roon. Nang mapansin niya ang aking presensya ay tumuwid naman agad sa pagkakatayo. Ngumuso ako at isinabit ang ilang hibla sa gilid ng aking tenga nang hinangin iyon.
“Ba’t hindi ka pa umaalis?” tanong ko.
“Hinihintay kita. Isn’t it obvious?” suplado niyang sagot.
Sumimangot ako.
“Obvious pero hindi ko naman sinabing hintayin mo ako ah?”
Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hinila niya rin naman iyong tali ng kanyang kabayo saka nakisabay sa akin. Nang-aasar ba ito?
“Sumakay ka nalang sa kabayo mo tapos patakbuhin mo nang matulin. Pupunta ako sa bayan,” sabi ko.
“Tinataboy mo ako dahil marami kanang manliligaw?” sagot niya sa matabang na boses.
Nasira ang aking ekspresyon. “Wala akong ganyan. Wala kayang nagkakagusto saakin…”
“Sus… Wala…” Suplado siyang nailing.
“At sino naman kung ganoon? Wala ah…”
“How about that guy who touched your hand? At iyong Rudy?” Umangat ang isa niyang kilay sa akin.
Nanlaki agad ang aking mga mata. Iyon lang?! Purket nagkausap lang…
“Huh? Hindi ah! Hindi nila ako gusto! Nagpakilala lang naman iyong sa eskwelahan at iyong kay Rudy naman ay sinabi ko na sa’yo,” giit ko pa kahit hindi humuhupa ang pagkakairita niya.
“Tss… Ang tamis tamis pa ng ngiti,” sagot niya at binalewala iyong mga sinabi ko.
Sumimangot ako. “Anong matamis? Natikman mo ba?”
Mabilis siyang lumingon sa akin. Nagulat naman ako at gusto iyong bawiin pero nasabi ko na.
“I mean… h-hindi naman iyon matamis… Ngumingiti ako kasi nginingitian nila ako… Iyon lang naman…” Napisil ko ang pang-ibaba kong labi.
“Gusto mo rin ata ang mga iyon,” pang-aakusa niya.
“Hindi ah!” giit ko naman.
“Gusto mo ang mga iyon. Sabi mo pa wala kang standard.”
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Mas nairita siya roon. Ang makapal at maitim na kilay ay mas nagkasalubong na.
“Bawal pa akong pumasok sa ganoong bagay. Sabi ni Mama magtapos daw muna ako sa pag-aaral ko. At iyon rin ang gusto ni Kuya Bram sa akin…” marahan kong paliwanag.
Tumingin siya sa akin. Tila ba gusto niyang kumbinsihin ang sarili niya na nagsasabi ako ng totoo at hindi nagsisinungaling.
“Nag-aaral din ako nang maayos. I’ll be in college so soon. I’ll be busy with…my studies too…” aniya.
Para bang may pinaparating siya roon. Na…magiging busy kaming dalawa at sa pag-aaral lamang.
Nadaanan na namin iyong lupain na tinataniman ng mais ni Rudy. Napatingin pa ito sa aming dalawa at nalipat sa akin, ang mukha ay binalot ng pagtataka. Ngumiti ako sa kanya at kinawayan ito. Gumanti rin naman si Rudy at kumaway rin pabalik sanhi para lumingon si Israel sa akin nang dahan dahan, matalim agad ang mga mata.
“Friends kami,” sabi ko pa. “Pumayag siyang magpractice kami sa lupain nila.”
“Sa lupain nalang namin. Mas malawak at may makakain pa kayo roon,” giit niya sa supladong boses.
“Nakapagpaalam na ako kay Rudy at nakakahiya naman kung hindi kami tutuloy doon,” paliwanag ko.
Umismid siya at nakita ko kung paano siya umirap.
Huli kong alaala, ayaw niyang pinapasok ang lupain nila. Ngayon magagalit siya na ayaw ko sa lupain nila?
Ibinalik niya sa kanyang bibig iyong sigarilyo. Pinaglaruan niyang muli iyon pero hindi naman sinisindihan. Tiningnan ko iyon nang mabuti. Nang napansin niyang natatangay ang aking mga mata roon ay bigla niya iyong kinuha at ipinasok sa aking labi. Nagulat ako nang naramdaman ko iyong dulo noon. Kinuha niya iyong muli at nabasa na ang dulo.
“Ba’t mo pinasok sa bibig ko?!” Natakpan ko ang aking bibig sa sobrang gulat.
Ngumisi lamang siya at ipinasok ulit sa kanyang bibig iyong sigarilyo. Nabasa ko iyon!
“Now I’m addicted to this cigarrette…” makahulugan niyang sabi at nabura na ang inis sa mukha.
Namula ang aking pisngi lalo na’t nanggaling iyon sa bibig ko. At nabasa ko pa! Hindi ba may tawag sa ganoon? Nabasa ko iyon sa mga nobelang binabasa ko! Indirect kiss!
“Ba’t mo ipinasok?” hindi makapaniwala kong sagot.
“Hindi ko naman sinindihan.” Umangat ang kanyang kilay at kalmado na ang ekspresyon.
“Kahit na! Nalagyan ng laway ko!” giit ko at mas napasimangot.
Marahan siyang yumuko at inilebel ang mukha sa akin.
“Anong gusto mong ipasok ko sa bibig mo? Dila ko?” nanghahamon niyang tanong na ikinalaki ng aking mga mata.
Napansin ko ang nakakaloko niyang ngisi sa akin. Nasisiyahan siya sa nakikita niyang namumula kong pisngi!
Noong nasa bukana na kami ng bayan ay huminto rin naman ako at hinarap siya. Marami ng tao roon at kung makikita kaming dalawa na magkasama baka ano na namang issue ang lumutang. Pag nalaman rin ni Kuya na dumidikit ako sa kanya ay pagagalitan ako noon. Lalo na ni Mama. At pag-iinitan rin ako ng mga nagkakagusto sa kanya. Advance ako eh. Alam kong iyon talaga ang mangyayari.
“Dito ka nalang… Baka ano… Makita tayo ni Mama at mapagalitan ako…”
Tumango siya na ikinagulat ko. Mukha kasing ang amo amo niya. Hindi naman iyan basta sumusunod.
“Bukas… Sa lupain…”
Iyon palang ay napasimangot na talaga ako. “Hindi nga pwede… Nakapagpaalam na ako kay Rudy.”
“Bahala ka. Wala ka ring choice. Maghihintay ako sa lupain bukas,” sigurado niyang sabi.
Bahala ka nga rin.
“Ang tigas ng ulo mo.” Sinimangutan ko siya.
“Which head?” He arched his brow playfully.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pinaningkitan niya rin ako ng mga mata.
“Bukas. I’ll wait,” aniya bago tumalikod at umalis.
Pinanood ko siyang patakbuhin ang kanyang kahayo ng matulin.
“Oh? Di naman mainit pero namumula iyang mukha mo.” Puna ni Mama sa akin nang makarating na ako roon.
“Ah…” Nahawakan ko agad ang aking mga pisngi.
“Umupo kana dito. Kumain kana ba?” tanong nalang ni Mama habang nagbibilang ng pera at hindi na pinansin ang aking pamumula.
Umupo ako at pinanood siya.
“Tapos na po, Mama…” sagot ko pero binigyan niya parin ako ng singkwenta.
“Bumili ka roon ng makakain mo. May nagtitinda ng masasarap na pagkain diyan sa dulo. Bumili ka ng gusto mo,” sabi niya at nginuso pa iyong tindahang natatanaw ko rin sa dulo.
Mukhang malaki ang kita niya kaya binibigyan niya ako ng pera para bumili ng makakain ko.
“Salamat, Ma… Sige… Babalik rin ako.”
Tumayo na ako at umalis rin naman. Tumango lamang ito at hindi na nag-abalang magsalita pa dahil sa binibilang na pera.
Huminto ako sa may nagtitindang tinapay at tinitigan iyong slice ng chocolate cake. Iyan nalang siguro?
May narinig akong tawanan sa aking likuran. Paglingon ko ay grupo iyon ng mga babaeng mukhang balak kumain dito. May mga upuan rin kasi at lamesa at pwede kang manatili rito habang kumakain.
May isang babae na napatingin sa akin. Tumabi naman ako para mabigyan sila ng espasyo.
“’Di ba ikaw iyong nililigawan ni Leo?” tanong noong isang babae na nakatirintas ang buhok.
Kumurap ako. “H-Huh? Hindi…” sagot ko.
Nakiusyoso narin iyong tatlo niya pang kasama.
“Ikaw iyong kapatid ni Bram ’di ba?” tanong naman noong isa.
Tumango ako.
“Ang guwapo noong kapatid mo! Anong relasyon nila ni Rici?” tanong naman sa akin noong may kulot na buhok.
“Ah… Hindi ko alam eh… Wala namang sinasabi si Kuya,” maingat kong sagot.
Iyong isa nilang kaibigan ay ang umabante at nag-order ng makakain. Puro cakes ang tinuturo noon at nag-order rin ito ng inumin.
“Dine-in kaming lima…” sabi niya sa tinderong tumango naman.
“Nandito ka ba para kumain? Tara? Sali kana sa amin…” Hinawakan noong isang babaeng nakacreamy dress ang aking braso at hinila ako papunta roon sa uukupahin nilang upuan.
Nagdalawang-isip agad ako na makisali sa kanila. I am not good at socializing with strangers. Awkward akong tao at hindi ko rin alam kung paano ko ibabagay ang sarili ko sa kanila.
“Ba’t natin siya isasali sa atin? Eh ’di ba tagabundok iyan?” narinig kong bulong noong isa sa kaibigan.
“Kinakausap siya ni Rici. Dapat iclose natin siya,” sagot naman noong isa sa mahinang boses pero hindi parin nakaligtas sa aking pandinig.
Nagpanggap nalang akong wala akong naririnig. Nagsiupuan na silang apat roon at ako nalang ang hinihintay na bakantehin iyong isa pang upuan.
“Upo kana. Ililibre ka naman namin don’t worry…” Ngumiti sa akin iyong pinakamaputi sa kanilang apat.
“Sorry pero naghihintay kasi si Mama sa akin. Tutulungan ko pa siya sa panininda ng bulaklak,” sabi ko sa kanila na ikinatawa noong dalawa. Iyong dalawa naman ay nagpipigil lamang.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
“Dito ka muna. Mamaya na iyang bulaklak. Magkwentuhan muna tayo.” Tinapik pa noong isa na nakatshirt ang katabi niyang upuan.
Umiling ako. “Sorry pero hindi talaga pwede. Uhm sige, aalis na ako.” Nginitian ko silang apat at hindi na hinintay ang sasabihin nila.
Pagkatalikod ko ay narinig ko agad ang kanilang hagikhikan.
“Tindera pala siya?” narinig kong sabi noong isa at mukhang tawang tawa sa ginagawa ko.
“Eh si Bram nga kargador sa palengke,” sabi pa noong isa na mas ikinatawa nila.
Mas nakakatawa siguro kayo dahil malalaki na kayo pero umaasa parin kayo sa mga magulang niyo at hindi man lang tumutulong. Mas nakakatawa kayo dahil mas marami pa kayong oras mang-insulto kaysa tumulong sa mg magulang niyong nagpapakahirap magtrabaho.
Isinantabi ko nalang ang aking pag-iisip at nagtungo sa kabilang tindahan. Bumili ako ng Mamon at softdrinks saka rin naman bumalik sa pwesto ni Mama. Ubos na agad ang kanyang mga bulaklak at malaki na ang ngiti sa akin.
Inilahad ko sa kanya iyong sukli na tinitigan niya lang at walang balak kunin.
“Oh? Ba’t iyan lang ang binili mo?” tanong niya.
“Masarap rin naman ito, Ma,” sabi ko at ipinakita pa sa kanya iyong tag bente na Mamon.
“May nagtitinda ng cake sa unahan ah? Iyong nagtitinda ng mga tinapay. Ba’t iyan ang binili mo?”
“Hindi na Ma… Okay na ako dito,” sabi ko pa.
“Haynako! Hindi ka naman mabubusog niyan!” Kumuha siya ng panibagong pera at sa pagkakataong ito ay binigyan ako ng isang daan.
“’Di ba bukas may practice kayo? H’wag kanang pumunta rito at bumili ka ng mga makakain niyo ng kaklase mo bukas.”
Namangha ako sa pera pero nasasayangan rin ako. Ipambibili ko lang naman iyan ng mga walang kabuluhang bagay. Mababawasan lang ang pera niya.
“H’wag na Ma.” Ibinalik ko iyon sa kanya pero itinulak niya lang ang aking kamay at wala iyong balak tanggapin.
“Kunin mo na. Marami naman akong kinita. Sige na… Dito ka muna at mamamalengke lang ako ng mauulam natin mamaya.” Tumayo na ito.
Kinuyom ko ang aking kamay at itinago sa palad ang pera habang sinusundan ng tingin si Mama. Napangiti nalang ako. Ba’t ko nga naman ikakahiya ang ganitong klaseng trabaho eh marangal naman at wala kaming naaapakang tao? Problema na nila iyon kung may nakikita silang mali rito. Hindi naman kami nagtatrabaho para bumilib sila. Nagtatrabaho kami para mabuhay.
Chapter 15
Kumagat ka nalang, Trace…
“Sandali lang!” sigaw ko sa umagang iyon habang naghuhugas ng plato nang may kumatok nang paulit-ulit.
Inalis ko iyong tarangkahan ng aming pinto at binuksan iyon. Laking gulat ko nalang nang bumungad sa akin ang imahe ni Ate Rici at sumalubong pa sa akin ang matamis niyang pabango.
Ngumiti agad siya ng matamis sa akin.
“Magandang umaga, Trace! Ang kuya mo?” tanong niya sa malambing na boses at sumilip pa sa aking likod.
“Magandang umaga rin Ate. Uh… Si Kuya…” Nilingon ko ang pinto ng kwarto nito.
“Tulog pa?” dugtong niya naman kaya bumalik agad ang tingin ko sa kanya.
Tumango ako saka napadpad ang aking mga mata sa suot niyang magandang damit. Hindi pa nakaligtas ang gold na bracelet sa kanyang pulso at ang suot niyang kwintas na may pendant na hugis bulaklak at halatang mamahalin. May slingbag siya na may brand na hugis letrang C at nakabaliktad iyon na ipinagdikit habang may bitbit na kahon.
“Pwede bang sa loob ko siya hintayin?”
Ang kanyang boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad at natigil sa kakapuna sa kanyang itsura.
“Ay sige ate! Nakakahiya pa naman ang bahay namin… Baka manibago ka po…” sabi ko at binuksan ng malaki ang pinto.
Marahan siyang humagikhik at iniapak ang maganda niyang flats sa semento naming sahig. Nakaramdam agad ako ng hiya dahil mukhang masyado siyang presentable para sa aming bahay.
“Okay lang! Hindi naman ako maarte.” Ngumiti siya sa akin.
Hilaw na ngiti ang aking naibigay at nagtungo roon sa aming lamesa. Hinila ko ang mahaba naming upuan na gawa sa kahoy.
“Upo nalang po kayo rito. Naghuhugas po kasi ako. Uhm, may gusto po kayong kainin?” alok ko.
Bawat galaw niya ay sinusundan ng aking mga mata. Na kahit iyong paglapag niya noong kahong dala niya at ang pag-upo niya sa dekahoy naming upuan. Kung paano niya pinadaan ang kanyang mga kamay sa kanyang pwetan para hindi masama iyong dulo ng kanyang dress.
“Kahit ano lang, Trace. Salamat,” malambing niyang sabi na ikinatango ko.
“Tapusin ko lang po iyong ginagawa ko ate…” sabi ko na ikinatango niya naman.
Napapansin ko siyang gumagala ang tingin at walang makita na disgusto sa kanyang mga mata.
“Baka gusto mo ng cake, Trace… Nagdala ako,” sabi niya at tiningnan iyong kahon niyang dala.
“Okay lang po, Ate…”
Nakontento naman siya sa aking sagot. Tumahimik ito ng ilang sigundo at nanatili ang tingin sa akin.
“Uh… May pumupunta bang ibang babae rito maliban sa akin?” bigla niyang tanong.
“Opo ate, meron…” sagot ko at nilingon siya habang binabanlawan iyong mga baso.
“Meron?” gulat niyang tanong at mukhang interesado na.
“Opo… Mga kaibigan ko sila Cecille… Ako po ang sadya nila,” sagot ko na ikinakalma rin naman ng kanyang mukha.
“Ah…” Tumawa siya.
Nginitian ko nalang ito lalo na’t tahimik nalang siyang nakaupo roon at mukhang hindi naman nabobored. Pero nag-aalala parin ako. Gisingin ko nalang kaya si Kuya? Sabihin ko na nandito si Ate Rici? Sigurado akong magigising ang buong diwa noon.
Bago ko pa man magawa ang pinaplano ko sa aking utak ay bumukas na rin ang pinto ng kwarto ni Kuya. Lumabas itong inaantok pa habang kinakamot ang gilid ng kanyang tiyan at topless na naman. Buhaghag ang kanyang buhok at tila wala pa sa sarili.
“Anong ulam, Race?” tanong niya sa husky na boses at nagkabuhol buhol na naman ang aking pangalan dahil kakagising palang.
“Nandiyan si Ate Rici, Kuya!” sagot ko sa kanya ng masigla.
“Si Rici ang ulam?” natatawa niyang sabi at napadpad ang tingin sa may mesa. Ang namumungay niyang mga mata ay mabilis na kumurap at lumaki para tingnan lang ng mabuti si Ate.
Ngumiti naman ng matamis si Ate Rici pero namumula ang pisngi.
“Morning…” bati ni Ate sa malambing na boses.
Nagkasalubong ang kilay ni Kuya at binalingan ako. Sumeryoso na agad ang kanyang mukha kaya pasimple akong nag-iwas ng tingin at umakto nalang na nasa mga plato ang buo kong atensyon.
“Nandito ka,” sabi ni Kuya at nagtungo muli sa loob.
Noong lumabas na ito ay may dala ng puting tshirt saka iyon isinuot.
“Binisita kita,” sagot naman ni Ate.
“Rici. ’Di ba pinag-usapan na natin ito? Anong sinabi ko?” naf-frustrate na tanong ni Kuya at nakapamaywang na sa harapan ni Ate Rici. Para siyang may pinapagalitang paslit.
“Uhm… Ang sabi mo, ’Rici, ’di na pinag-usapan na natin ito?” Panggagaya ni Ate Rici sa kanyang boses kaya kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at sinikap na hindi matawa.
Noong nilingon ako ni kuya rito ay mabilis ko ring iblinangko ang aking mukha. Bumuntong ng mahabang hininga si Kuya.
“Di ako nagbibiro,” seryoso niyang sabi na kahit ako ay ramdam iyon.
“Please… Bram… Pinayagan akong gumala.” Nakita kong hinawakan niya ang dulo ng tshirt noong kapatid ko.
“Gusto kitang makasama, please… Uuwi rin ako mamaya kung iyon ang gusto mo. But please… Let me stay…” mas pinalambing pa ni Ate Rici ang kanyang boses.
Bumaba ang balikat ni Kuya Bram.
“Kumain kana?” tanong niya roon na umiling naman agad.
“Ang tigas talaga ng ulo…” Naiiling na sabi ni Kuya at hinuli ang kamay noon sa gilid ng kanyang beywang kung saan ito nakahawak.
Pamilyar sa akin ang linya mo Kuya. Nasabi ko narin iyan sa isa pang Buenaventura. At mukhang nasa lahi talaga nila iyong batas dapat nila ang masusunod.
Pagkatapos kong maghugas ng plato ay nagpaalam rin ako kay Kuya na maliligo ako kaso mukhang hindi na ako naririnig dahil nagpi-prito na ito ng mga saging. Naroon rin si Ate Rici sa kanyang tabi at sumisilip sa ginagawa ni kuya.
Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko pa sila sa may mesa. Nasa likod siya ni Ate Rici habang tinutulungan itong balatan iyong naunang nalutong nilagang saging. Kinukulong niya iyon sa kanyang mga bisig.
Mabilis akong nagtungo sa kwarto at nagbihis rin naman. Noong lumabas ako ay sinusuklay ko na ang aking buhok at hinihintay nalang na pumunta iyong tatlo rito. Magugulat sila pag nalaman nilang nandito si Ate Rici.
Bumaling si Kuya at kunot-noo agad sa akin.
“Oh? Saan ka pupunta? Ba’t ka naliligo?”
Edi pag hindi ako naligo wala akong lakad?
Napatingin narin sa akin si Ate Rici. Naging interesado ata ito sa sagot ko.
“May practice kami Kuya. Nakapagpaalam na ako kay Mama at pumayag naman siya.”
“Practice o gala?” Umangat pa ang kanyang kilay sa akin.
“Practice. Kikitain nga namin nila Cecille iyong dalawa pa naming kaklase…” sagot ko naman.
“Sinong lalake?”
“Kuya!” Ngumuso ako.
“Sino nga? Nasaan na? Pupunta ba rito? Kakausapin ko,” seryoso niyang sabi.
“Hindi sila dederitso rito kasi magkikita kami roon sa lupain na tinataniman ng mais ni Rudy. Doon kami magpapractice. Iyong may mga puno roon…”
“Christmas break na ah? Ba’t may practice pa rin? Tracey…” makahulugan niyang tawag sa akin na ikinasimangot ko.
“Practice nga Kuya. Nagsasabi ako ng totoo. Kahit kausapin mo pa sila Cecille mamaya…” nafufrustrate kong paliwanag. Hindi naman sana siya ganito. Pumapayag naman sana siya pero ba’t biglang humigpit?
May sasabihin pa sana ito kung hindi lang hinaplos ni Ate Rici ang kanyang braso na nagpakalma ng kanyang mukha. Natikom niya ang kanyang bibig at ang kilay na nagkakasalubong ay bumalik sa dati, ang mukha ay umamo rin agad.
“Payagan mo na. Mukhang wala naman sa mukha ni Tracey ang pagsisinungaling, Bram…” kumbinsi ni Ate.
Nalaglag sandali ang tingin ni Kuya sa kanya pero nalipat rin sa akin. Tiningnan ko agad siya ng nakakaawa. Bumuntong naman siya ng hininga.
“Umuwi ka lang agad at h’wag ng gumala kahit saan, Trace,” seryoso niyang sabi na ikinatango ko agad at napangiti.
“Salamat Kuya!” Nilapitan ko siya at niyakap.
Ilang sandali lamang ay dumating agad ang tatlo dahil rin sa kanilang mga boses.
“Naamoy ko ang saging ni Bram! Pahingi!” sigaw pa ni Rinka at nakita ko ang pagdungaw niya sa bintana kasama iyong dalawa.
Nabahiran ng gulat ang kanilang mga mukha nang makita si Ate Rici sa loob. Nasa likod niya parin si Kuya at tinutulungan na itong magbalat noong ikawalang saging.
May ihihirit pa sana si Rose pero itinikom nalang ang nakaawang bibig sa ere na kahit si Cecille ay ayaw naring may idugtong.
“Gusto niyo?” alok ni Kuya sa tatlo na ilang sandaling natigilan.
Akmang tatayo na ng tuwid si Kuya dahil tapos niya narin namang tulungan si Ate nang hinawakan rin ni Ate Rici ang kanyang braso at ayaw paalisin sa kanyang posisyon. Napakurap si Kuya at nilingon ito.
“Ah, Kuya… Alis na kami! Ate Rici, babay po…” sabi ko nalang at naglakad na palabas.
“Sige Trace…” Ngumiti si Ate sa akin pero hindi parin binibitiwan ang braso ni Kuya.
“Uwi agad, Trace,” pahabol naman ni Kuya nang makalabas ako.
Pinaghihila ko na ang tatlo sa harap ng bintana at nakikiusyoso pa rin. Nagpatangay rin naman sila at hindi na nagpaalam kay Kuya dahil sa pambabakod ni Ate Rici.
“Nagseselos ba iyon?” tanong ni Rose sa akin habang naglalakad na kami.
“Sa mga mukhang ’to pagseselosan niya talaga?” si Rinka na hinawakan pa ang mukha ni Cecille.
“Ay baka naman kasi noong makita ka natakot siya na baka kunin mo si Bram sa kanya. Mukha ka raw snatcher,” si Cecille na humagalpak.
Nagtawanan kami saglit habang nagsasabunutan na si Rinka at Cecille.
“Pero sila na talaga, Trace? Nandoon ulit eh?” si Rose.
“Hindi ko alam…” tanging nasagot ko sa rami ng pinagsasabi nila sa akin.
Ganoon nga siguro ang mga Buenaventura. Gusto nilang minamarkahan ang kanilang teritoryo. Their eyes screams dominant. Iyong misteryoso… madilim… malalim makatingin.
“Ano kayang gagawin ng dalawang iyon? Sila nalang dalawa!” Ngumisi pa ng nakalaloko si Cecille.
“Magsusubuan ng saging syempre!” Tumatawang sagot ni Rinka.
“Ang swerte naman ni Rici! Kanina! Kinukulong siya ni Bram sa matitigas niyang mga braso!” hirit ni Rose.
“Bagay rin naman sila!” dagdag ni Cecille.
Iyon ang kanilang topic habang naglalakad kami patungo sa lupain nila Rudy. Sila na ba talaga? Pero iyong sinabi rin kasi ni Ate Rici kanina ay parang may problema sila. Siguro pinagbabawalan rin siya ni Kuya na pumunta sa amin pagkatapos mapagalitan si Ate Rici. At pinayagan siya ngayon? O baka naman tumakas siya?
Natigil lamang kami nang nakasalubong namin iyong dalawa naming lalakeng kaklase. Nagkakamot ng ulo si Fred habang si Roel ay nasa likod ng ulo ang mga kamay.
“Oh? ’Di ba sa lupain ni Rudy ang tagpuan? Nawawala ba ang dalawang iyan?” tanong ni Cecille at itinuturo na ang dalawa.
Imposible naman eh nalagpasan na nga nila iyon.
Nang makarating ang dalawa sa aming harapan ay kumulubot agad ang noo ni Roel.
“Akala ko ba pwede na tayo sa lupa nila Rudy? Ba’t ang sabi hindi raw pwede?” inis niyang sabi sa amin.
“Huh? Pero nakapagpaalam na ako…” sabi ko.
“Ang sabi niya bubungkalin niya raw ang lupa ngayon doon. Bawal daw tayong magpractice dahil maaabala raw natin siya,” si Freddie naman.
Napatingin sa akin ang tatlo.
“Sigurado kang pumayag si Rudy, Trace?” tanong ni Cecille.
Tumango agad ako.
“O baka naman ang gusto niya ay ikaw lang ang nandoon. Hindi na kami kasali,” hula naman ni Rose.
“Kakausapin ko nalang ulit,” sabi ko at nauna nang maglakad papunta roon. Sumunod naman agad sila sa akin.
Pagdating namin doon ay nakita ko agad ang imahe ni Rudy na nagbubungkal na ng lupa pero hindi pa naman sinisimulan roon sa parteng may mga kahoy pa.
“Rudy,” tawag ko sa kanya sanhi para matigil ito sa ginagawa.
Kinuha niya ang tuwalyang nakalagay sa kanyang balikat at pinunasan ang pawisang mukha.
“Hindi kami pwede rito? ’Di ba pumayag kana kahapon?” tanong ko.
“Pasensya na, Trace… Kailangan ko na palang bungkalin ang lupa ngayon… Baka kasi bukas umulan…” rason niya at nakamot ang batok.
“Hindi mo naman mabubungkal ang buong lupa ngayon, Rudy,” inis namang sabi ni Rose.
Nainis na rin ito at iba na ang tingin kay Rose.
“Maghanap nalang kayo ng ibang pagpapractisan,” sabi niya pa at noong ibinalik ang tingin sa akin ay kumalma rin naman ang ekspresyon.
“Pwede kayo roon sa lupain ng mga Buenaventura, Trace… Malawak naman doon…” suhestyon niya sa banayad na boses.
“Buenaventura?” Tumawa si Roel. “Eh private property nila iyon. Pag pumasok tayo baka mapagalitan pa tayo ng mga tauhan nila.”
“Pero sabi saakin ni Israel pwede ra-” Natutop agad ni Rudy ang kanyang sasabihin at hindi naipagpatuloy ang pagsasalita.
Nag-iwas siya ng tingin at nagbungkal ulit ng lupa. “Baka makumbinsi niyo si Israel… Doon nalang kayo,” palusot niya.
“Oo nga Trace! Makukumbinsi mo iyon! Tara na! No choice tayo eh!” Hinila rin naman ako ni Rinka paalis roon.
“Nahihibang na ba kayo? Malalagot tayo pag pumunta tayo roon.” Hindi sang-ayong sabi ni Fred pero sumusunod naman sa amin.
“Kasama natin si Tracey! Lahat pwede sa lupaing iyon dahil may susi tayo!” Humagikhik pa si Cecille.
Gustuhin ko mang maghanap ng iba pang lugar pero mukhang no choice kami at doon nalang talaga. Masasayang rin ang oras kung naghanap pa kami ng lokasyon. At medyo malapit lang rin iyon dito. Kaysa naman lumayo pa kami.
H’wag kanang mag-inarte Trace… Lalo na’t nagkikita na naman si Ate Rici at ang Kuya mo. At sabi rin ni Israel na maghihintay siya roon. Use this chance…
Pagdating namin doon ay naroon na nga si Israel. Nanunungkit ito habang may suot na puting tshirt, ripped jeans at nakasanayan na itim na boots.
“H-H’wag nalang kaya tayo rito?” Umatras si Freddie nang makita si Israel. Kahit si Roel ay nag-aalangan rin.
Sino bang hindi masisindak kay Israel? He’s very far from the boys his age. Mature ang built ng kanyang katawan at para bang sanay sa mabibigat na trabaho. Other than that, he’s tall. Six foot one or so.
“Hindi ’yan! Nakakailang punta na kaya kami rito!” pagmamayabang pa ni Rinka.
Ibinaba ni Israel ang kanyang panungkit at nilingon kami. Nakita ko ang pag-angat ng isa niyang kilay at tila ba inaasahan niya nang dito ang bagsak namin.
“Pwede kaming magpractice rito, Israel?” malambing na tanong ni Cecille at isinabit pa ang buhok sa gilid ng tenga.
Tumango si Israel pero nasa akin ang tingin. Nalipat rin naman agad iyon sa dalawang lalake naming kasama.
“G-Galit ba siya sa atin, Freddie?” kabadong tanong ni Roel sa aking likod.
Nilingon ko ang dalawa at nginitian. “Ganyan lang talaga siya. Pero hindi naman siya nananakit,” sabi ko para maibsan ang takot ng dalawa.
“You can practice here. I’ll watch,” seryoso niyang sabi sanhi para lingunin ko siya. Ang mga mata ay parang may pinaparating na sa akin.
Manonood siya? Paano kami makakapagpractice nang maayos kung nakatingin siya? At takot rin sa kanya iyong dalawa. Tinatakot niya riyan sa mga mata niya. Bakit Trace ikaw hindi ka takot? Eh isa ka rin naman…
“Sige, ikaw ang judge namin, Israel!” natutuwang sabi ni Rose.
Nagsukatan kami ng tingin. Umangat pa ang kanyang kilay na ikinanguso ko at wala na atang magagawa dahil mukhang may kumukontrol na sa tadhana para masunod ang kanyang gusto. O baka naman siya rin ang kumukontrol para pairalin ang kanyang gusto?
Kumagat ka nalang Trace… Kung ito ang gusto niya ay magpasubo ka nalang. Wala kanang magagawa.
Chapter 16
Marahas
Nanatili siya roon habang nagpapractice na kami noong magiging dula namin. Nakaupo lamang siya at nakapiko ang mga paa. He looked bored, but at the same time, he seems invested to watch…me.
Malalim ang kanyang tingin sa amin. Ni hindi ko magawang gumalaw ng maayos dahil napapaso na ako sa kanyang titig. Parang gwardyado niya ang bawat galaw ko.
“Heto ang script mo Trace… Ikaw iyong gaganap na Maria, ha… total akma sa’yo ang description noong babae. Mahinhin,.maganda tapos may maamong mukha.” Ibinigay sa akin ni Rinka ang isa sa mga kapirasong papel doon sa hawak niyang folder.
Si Rinka kasi ang nagpresentang gumawa sa plot ng dula namin habang si Rose naman ang sa mga props. Ako naman ang magcocombine nito sa isang scrapbook lalo na iyong mga makukuha naming litrato habang nagpeperform. Ito ang pinakamalaki naming project sa Filipino.
“Lemme see the script.” Inilahad ni Israel ang kanyang palad kay Rinka na napakurap na at tila nagulat.
“Bakit?” natatawang tanong ni Rinka. “Babasahin mo? Hindi ito masyadong maganda… Israel…” paliwanag ni Rinka pero umangat lamang ang kamay ni Israel bilang sagot.
Ibinigay rin naman iyon ni Rinka at wala ng sinabi pa. Nagkatinginan kami nila Rose. Nag-usap kami sa pamamagitan ng aming mga mata pero nauwi rin iyon sa paglilipat ng tingin kay Israel na mukhang binabasa na nga iyon.
“Sige… Magpractice na tayo…” sabi pa ni Rinka kaya pumwesto rin naman kami at tiningnan ang aming mga hawak na papel.
“May kissing scene, Rinka?” biglaang tanong ni Roel.
“Hindi naman talaga kissing scene. Bale ilalapit mo lang ang mukha mo kay Tracey… Ganoon lang…” paliwanag niya na mabilis na ikinaangat ng ulo ni Israel at nagkakasalubong na ang mga kilay.
“Your script is too boring,” komento niya na ikinatingin naming lahat sa kanya.
Boring? Huh?
“Bakit? May hindi maganda?” tanong naman ni Rinka at mukhang nababahala sa komento ni Israel.
“Boring ba? Eh maganda nga kasi ’di ba parang may halikan…” pabulong na sabi ni Cecille.
“Why don’t you change the characters? Tracey will play as Lena,” sabi pa ni Israel at tiningnan ako.
“Teka… Akin ang role na iyon ah?” Nagtatakang pinasadahan ng tingin ni Cecille ang hawak na papel.
“Kaya ako nagrepresentang ako si Lena kasi sa simula palang ng kwento namatay agad ito. Hindi ako masyadong magaling umakting kaya ito ang sinabi kong karakter ko sa kwento…” dismayado niya pang sabi.
“Okay lang sa akin na ako si Maria, Rinka. Dula lang naman ito eh… At baka mahirapan kana kung babaguhin mo pa iyong characters,” paliwanag ko na mabilis na ikinadilim ng mga mata ni Israel sa akin.
“You’re just going to change the cast. Hindi iyon mahirap,” sagot niya pa sa akin at nakapaskil na naman sa mukha ang kagustuhang dapat masunod ang kanyang gusto.
“Hindi ka naman kasali ah?” marahan kong sabi sa kanya na ikinagulat ng mukha ng aking mga kaibigan.
Nagulat rin naman ako sa aking sinabi at ngumuso nalang. Hindi ko lang nagugustuhan ang pangingialam niya.
“There’s a kissing scene. You’re comfortable with it?” Naninimbang ang tanong niya.
Hindi pa ako nakakasagot, nagsalita agad siya.
“Dahil ako, hindi ako komportable,” ani Israel sabay tapon ng marahas na tingin kay Roel na napaatras at nasindak.
“Eh bakit? Ikaw ba ang hahalik kay Roel para hindi ka komportable?” tanong ko pabalik.
Namilog ang mga mata ng kaibigan ko. Roel was so shock that even Freddie stifled his laugh. Ngumuso ako nang makita ko ang pagkakasalubong ng kilay ni Israel sa akin.
“Tingnan natin kung makakahalik…” may pagbabanta sa tinig niya.
“Ako nalang si Maria, Trace! Kaya ko rin namang magpanggap na inosente!” boluntaryo agad ni Cecille para lang yata matigil ang galit na si Israel.
“Anong kaya? Eh paano naman iyong pagiging maganda? Hindi mo iyon magagampanan!” saway ni Rose sa kanya.
“Oo nga naman Cecille… maamong mukha ang kailangan hindi pariwarang mukha!” hirit rin ni Rinka at nagtawanan na.
“Dapat si Tracey…” Sa wakas at nagawa ring magsalita ni Roel na kanina pa tahimik.
“Gusto mo talagang masuntok?” bulong naman ni Freddie sa kanya na hindi nakatakas sa aking pandinig lalo na’t nasa likod ko lamang sila.
“Eh kung bayagan kita, Roel?” mataray na sabi ni Cecille at tinapunan pa ito ng matalim na tingin dahil mukhang ayaw niyang makapartner ang aking kaibigan.
Nakipagtawanan ako sa kanila lalo na’t inaasar narin ang dalawa. Noong mahuli ko ang tingin ni Israel na iritado parin sa binabasa niyang script namin ay nabura rin ang aking ngiti. Nag-angat siya ng tingin kaya mabilis rin akong nag-iwas.
Nagsimula rin naman ang practice. Ang bilis na natapos noong part ko dahil namatay rin naman agad ako. Ako iyong may pinakamaiksing role sa aming dula. Di ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o ano.
“I’ll just get some food,” sabi ni Israel at tumayo na.
Mabilis na nagningning ang mga mata nilang lahat. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. May papagkain siya?
“Ang bait mo Israel! Salamat!” masayang sabi ni Rinka.
Tumango lamang si Israel saka bumaling sa akin.
“Anong gusto mong inumin?”
Mabilis rin namang nalipat ang tingin ng lima sa akin. Itong si Cecille may kung ano pang sinisenyas na hindi ko nagets lalo na’t sinapak agad siya ni Rose at humagalpak na ng tawa ang dalawa.
“Kahit ano lang… Uh, tubig…” nahihiya kong sambit.
Tumango naman siya at binasa pa ang pang-ibabang labi.
“Alright… Ano pa?”
Kumunot ang aking noo. Balak niya bang magpahanda sa akin dito?
“Iyon lang,” sagot ko naman na ikinatango niya.
“Okay…” masunurin niyang sabi saka rin naman umalis.
Ilang sigundo kaming tahimik at sinundan ng tingin ang pag-alis ni Israel. Ang aming mga mata ay nasa kanyang likod lang. Doon lamang iyon naputol nang mawala na ito sa aming paningin.
“Ba’t parang may gusto ata iyon sa’yo Trace… May relasyon kayo ni Israel?” puno ng pagtatakang tanong ni Freddie.
Mabilis akong umiling maliban sa tatlo na tumango tango pa.
“Wala ’no…” pagsasatinig ko para mas maintindihan niya iyon.
“Pero ba’t ganoon kapossessive sa’yo? At ang amo sa’yo… Pero sa amin kulang nalang ihagis kami palabas sa lupain nila.” Nahimas ni Roel ang kanyang batok at lumukot pa ang ekspresyon.
“Type kasi ni Israel si Tracey! Manhid lang talaga si Tracey kaya walang naiisip na tungkol sa pag-ibig.” Tumawa pa si Cecille habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga darili.
“Kaya nga pumapayag si Israel na dito tayo dahil kay Tracey. Tapos may pa pagkain pa!” Binalingan ako ni Rinka. “Sundin nalang natin iyong gusto niyang ikaw si Lena, ha…”
Umawang ang aking bibig pero natikom rin dahil sa imahe ni Israel na bumalik agad. May dala na itong malaking tupperware na ikinaexcite nila.
Ganon ganon nalang at napapasunod niya agad ang lahat sa kanya. He’s such a bossy… Ipinipilit pa ang gusto. But on contrary, he’s being nice to the people around him. Tila maamong leyon at hindi agad nagagalit. Kalmado lamang.
Nakarating rin naman ito sa aming dako. Inilapag niya agad ang dala na pinagkaguluhan rin ng lima. Sina Freddie at Roel ay nag-aalangan pang kumuha kaya binigyan sila mismo ni Rose. Ako lamang itong nahuhuli at hindi alam kung kakain ba o hindi.
Kumuha si Israel doon ng dalawang sandwich at lumapit sa akin. May dala narin siyang bottled water. Ibinigay niya ito sa akin.
Lumingon pa si Rinka rito at bumungisngis.
“Gusto lang palang magpasilbi kaya hindi nakikisali…” pagpaparinig niya na ikinainit ng aking pisngi.
Hindi ako nagpapasilbi ah! Hindi ko naman inuutusan itong si Israel…
“Hindi ako gutom,” sabi ko kay Israel na umangat ang kilay.
“I am not asking if you’re hungry or not. Take it.” Mas inilapit niya pa iyon sa akin.
“Hindi nga ako gutom…” giit ko.
Nagkasalubong ang kanyang kilay at ilang sigundo akong tinitigan. Iniipit niya ang bottled water sa kanyang braso saka binuksan ang isang sandwich. Kinagatan niya iyon ng malaki hanggang sa kalahati nalang ang natira.
“Maliit na lang,” saka niya ulit inilahad sa akin iyong kalahating sandwich.
Sumimangot ako sa kanya. Bakit ba mapilit siya? Magkakaindirect kiss na naman kami… Baka mas lalo lang akong mahulog sa kanya kasi natitikman ko iyong laway niya. Ganoon pa naman daw iyon… Nababaliw daw ang isang tao pag natitikman ang laway ng kung sino. Nabasa ko iyon eh…
Sa huli ay wala akong nagawa kundi tanggapin iyon. Ngumuso siya at tila nagpipigil ng ngiti. Sa kanyang likuran ay nakikita ko ang mga mata ng tatlo na nang-aasar na. Iyong dalawa namang lalake ay hindi na kami pinagtuunan ng pansin at kumakain nalang.
Umupo ako roon habang nagsimula ulit silang magpractice. Tumabi naman siya sa akin pero may espasyo paring namamagitan sa aming gitna.
“How many days are you going to have a practice?” tanong niya habang inilalahad sa akin ang bottled water na nakabukas na.
Nginitian ko siya ng tipid at tinanggap iyon.
“Isang linggo siguro… Depende rin kung makakabisado namin agad,” sagot ko saka isinabit ang iilang hibla ng buhok na nilipad ng hangin sa aking mukha.
“Ah… Isang linggo…” Tumango tango pa siya. “So you’re going to be here for a week.”
“Parang ganoon na nga.” Inangat ko iyong tubig at ininom.
Ramdam ko ang paninitig ni Israel na medyo bago sa akin. May kakaiba lang doon na…hindi ako sanay.
“Mahal kita, Juaquin!” sigaw bigla ni Cecille at mukhang nadadala na sa kanilang mga linya.
Tiningnan ni Roel ang hawak na papel at saka ulit nakipagtitigan kay Cecille. Seryoso na agad ang kanyang mukha.
“Mahal rin kita, Maria… Mahal na mahal…” Humakbang papalapit si Roel at hinaplos ang pisngi nito.
Mabilis naman na nawala sa concentration si Cecille at humagalpak agad ng tawa. Mabilis siyang sinapak ni Rinka na kahit si Rose ay inasar ito.
“Natablan sa haplos mo Roel… eh marupok iyan!” natatawang pang-aasar ni Rose.
Napangiti na rin ako habang nanonood sa kanila maliban kay Israel na nagkakasalubong pa ang kilay.
“Ako dapat si Maria eh…” sabi ko pa sa nanghihinayang na boses at nasasayangan dahil hindi ako nakakasali sa kanilang katuwaan.
“You don’t fit on the role,” he said firmly.
Nilingon ko siya. “Bakit naman hindi? Kahit mahiyain ako marunong rin naman akong umarte lalo na kung para iyon sa grado. Marunong nga akong sumayaw para lang sa grado. Nawawala minsan ang hiya ko pag grado na ang sangkot.”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at sinuklay paatras ang buhok, hindi agad nakasagot. Napadpad sandali sa kanyang suot na earrings ang aking mga mata pero nalipat rin naman sa kanya.
I can’t help but to praise his side profile. Namamangha ako sa gumagalaw niyang panga. Sa tangos niyang ilong. Sa makapal at maitim niyang kilay at idagdag rin ang pilikmatang tila tinatakpan ang madidilim niyang mga mata. May tumakas na sinag sa mga puno at tumagos sa aming dalawa. Kuminang ang suot niyang earring at nilingon ako.
Nagkatagpo ang mga mata namin. His light brown eyes scream cruelty and dominance as he licked his lowerlip again and stared at me deeply. Tila huminto ang oras at kami nalang dalawa. Nasundan pa ng aking mga mata kung paano niya inangat ang kanyang kamay at tinakpan ang sinag ng araw na tumama sa aking mukha. The way he shade me from the light suddenly flatters my heart.
“I don’t want you to be the main character if I’m not in the story…” he drawled, almost whispering.
My cheek blushed. Kahit na hinarang niya na ang sinag ng araw, pakiramdam ko ay may tumagos parin at sinikatan ako kaya ganoon nalamg iyon kainit.
Kung isa parin iyan sa mga plano mo, Israel… Ngayon palang gusto na agad kitang iyakan. Paano mo nagagawang patibukin ang puso ko kung wala ka naman talagang balak panindigan ito? Do you want me to fall hard for you intentionally? Hindi na ba impormasyon tungkol kay Kuya ang binabalak mong kunin sa akin kundi pati ang loob ko?
Aray. Ang sakit pala talaga. Bakit pa inimbento ang lason kung sa pag-ibig palang ay papatayin kana sa’yong emosyon? How can love taste like heaven but feels like hell at the same time?
“Oh my gosh! Ba’t kayo nandito?! Private property ito ah!” Isang pamilyar agad na boses ang kumuha ng aming atensyon.
Naputol ang titigan namin ni Israel na kahit ang pagpapractice nila ay nahinto narin para tingnan ang babaeng binalot ng inis ang pagmumukha suot ang isang kulay itim na dress at ang buhok ay nakahalf ponytail pa. Masyado itong presentableng tingnan na mapagkakamalan mo talagang nakatira rin sa malaking bahay ng mga Buenaventura.
Tumayo ako na kahit si Israel ay tumayo rin. Sumuyod agad ang mga galit na matang iyon hanggang sa natagpuan nito ang imahe ni Israel.
Naglakad agad siya papalapit kay Israel. Pasimple naman akong lumayo sa kanila. Nilingon ako ni Israel pero nailipat rin kay Feli na hindi na makalma.
“Israel? Asan si Rici? At bakit nandito silang mga hampaslupa?” Nilingon niya kami at disgustong tiningnan.
“Nagsalita ang mukhang lamanglupa,” sagot naman pabalik ni Rinka kaya tiningnan ko agad ito at inilingan. Na baka may gawin siyang magpapalala lamang ng sitwasyon.
Inis siyang tiningnan ni Feli pero nalipat rin naman agad ang tingin kay Israel. Kumalma agad ang kanyang ekspresyon.
“Nasaan si Rici? ’Di ba grounded siya?”
“Pinayagan ko,” tipid na sagot ni Israel at ibinulsa ang mga kamay.
“Huh?! Bakit?! At bakit sila nandito?!” Itinuro niya pa kami. Tinapunan niya pa ako ng matalim niyang mga mata.
“Ang kapal rin…” sambit ni Rose sa matabang na boses.
“Pag nalaman ni Tito Facundo na nagpapapasok ka rito ng mga hampaslupa magagalit iyon!” dagdag niya pa kay Israel na tinitingala niya.
“Sus… Pinapapasok ka nga,” sagot naman ni Cecille.
Tinapunan rin siya ng matalim na tingin ni Feli saka rin ibinalik kay Israel.
“Paalisin mo sila, Israel… Pag nalaman ni Tito Facundo ito magagalit-”
“Enough, Feli. Just go home. Wala rito si Rici. Come back next time,” putol sa kanya ni Israel sa matigas na boses at tila nagtitimpi ng huwag sumabog.
Lumunok ako ng laway at nakaramdam ng takot. Baka kung pinagpilitan pa ni Feli ang kanyang gusto ay sasabog na talaga sa galit si Israel.
Iginala muna ni Feli ang kanyang tingin sa amin at hindi parin nabubura ang disgusto sa kanyang mga mata.
“Kung may pauuwiin ka sila dapat! Matalik ako na kaibigan ni Rici at close ang pamilya namin sainyo! Iyang mga iyan ay mga hampaslupang peperahan hindi lamang ang iyong kapatid kundi pati ikaw-”
“Go home or I’ll drag you out of our land. Don’t fucking test my temper,” marahas niyang putol kay Feli at itinuro ang palabas ng lupain.
Namutla ang gulat na mukha ni Feli at tinubuan ng hiya dahil sa sinabi ni Israel sa kanya.
“Nabrainwash kana rin!” sigaw niya sa nanlalabong mga mata at tumakbo rin naman paalis.
Israel’s strong jaw tightened as he placed his both hands on his hips. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at pilit na atang ikinakalma ang sarili.
“U-Uwi nalang muna tayo, Rinka. Bukas nalang ulit…” sabi ko.
Ang wala sa sarili kong mga kaibigan at nakay Israel ang tingin ay nagsibalikan rin naman sa kanilang sarili.
“Sigurado ka, Trace?”
Tumango agad ako, walang pagdadalawang isip na makaalis narin doon. I can’t stand this place. Ewan ko ba… Ito ang kauna-unahang beses na nakita ko siyang sumiklab at tila may bumalot na takot sa akin.
“Sige… Uh… Israel… Uwi na kami. Bukas nalang daw ulit…” paliwanag ni Rinka na kahit siya ay hindi makatingin ng deritso sa kanya.
Hindi ko na nilingon si Israel at humawak nalang sa braso ni Cecille. Nanghihina ang aking tuhod at nanlalambot. Kailangan ko ng makakapitan.
Nauna pang naglakad paalis sina Roel at Freddie. Nagsimula narin akong maglakad pagkatapos magpaalam ng tatlo sa kanya.
“Trace…” Biglang tawag niya sa akin sa masuyong boses na ikinatigil ko sa paghakbang.
Nilingon ko ito at nakita ang kalmado niyang mukha, malayong malayo kanina. Hilaw akong napangiti ng tipid saka rin naman tumalikod at ipinagpatuloy na ang paglalakad.
Chapter 17
Nabighani
“Di ka pa natutulog?” tanong ni Kuya nang lumabas ako para uminom ng tubig at nadatnan niya ako.
“Uh… Nagising ako kasi nauuhaw ako, Kuya,” sagot ko nalang at ipinakita sa kanya ang kinuha kong baso.
Nilagyan ko iyon ng tubig. Nilingon ko si Kuya na umuupo na sa dekahoy naming upuan habang hinuhubad ang suot niyang sapatos. Ibig sabihin… Alas dos na ng madaling araw? Ganoon ako katagal nagmumi-muni sa nangyari sa lupain nila Israel.
Imbes inumin ang tubig ay inilapag ko iyon sa harap niya.
“Kuya… Heto.”
Umupo siya ng maayos at nginitian ako.
“May practice ulit kayo bukas?” tanong niya na ikinatango ko naman agad.
“Opo… Uhm… Sa lupain nila Rudy…” paliwanag ko at hindi agad makatingin sa mga mata niyang naninimbang.
“Sasama ako,” sagot niya na ikinalaki ng aking mga mata.
“Huh? Bakit naman, Kuya?” Nagulat ako roon.
“Oh? Practice iyan ’di ba? Edi sasama ako. Manonood ako,” simple niyang sagot.
“Oo nga pero… Hindi ba pupunta si Ate Rici rito bukas?”
Umawang ang kanyang labi para sana sumagot agad pero natikom rin. Natigilan siya ng ilang sigundo. Ibig sabihin pupunta si Ate Rici rito bukas? Papayagan ulit siya? Sinasabi niya ba kay Israel na dito ang kanyang destinasyon? Dahil kung sinabi niya sigurado akong hindi siya papayagan.
“Hindi kami makakapractice nang maayos pag nandoon ka Kuya… Crush na crush ka pa noong tatlo. Baka sa’yo lang sila magconcentrate.” Sumimangot ako sa kanya na ikinaangat agad ng kanyang kilay.
“Nagdadahilan ka lang ata para hindi ako makasama. Siguro…” Naninimbang na ang kanyang mga mata sa akin. Umiling agad ako kahit na wala pa naman siyang sinasabi.
“Wala akong boyfriend ah! At wala akong kalandian!” depensa ko agad sa aking sarili at umiling iling pa.
Nagkasalubong naman agad ang kanyang kilay.
“May sinabi ba akong ganyan?”
Ngumuso ako. “Wala pero halatang doon papunta ang tinutukoy mo…”
“At guilty ka kaya dinidepensahan mo agad ang sarili mo.”
“Hindi nga Kuya! At sino naman ang magugustuhan ko rito?”
“Si Israel,” walang paligoy ligoy niyang sagot na ikinalunok ko. Na iyon lang ang lalakeng nandito kaya siya agad ang nasabi niyang pangalan.
“H-Huh? Eh mayaman iyon ’tsaka imposible akong mapansin noon, Kuya,” mapakla akong natawa.
Sandaling napadpad ang kanyang tingin sa ibang bahagi. Ako naman itong lumunok ulit at hindi mapakali ang aking mga mata.
“Paano kung lumapit lapit iyon sa’yo? Paano kung landiin ka? Bibigay ka agad dahil lang guwapo ito at mayaman ganoon ba, Trace?” Umangat agad ang kanyang kilay sa akin.
Umiling ako. “H-Hindi ah! At imposible iyon-”
“Kunwari lang… Paano kung mangyari iyon?” putol niya naman sa akin na akala mo ay siguradong sigurado.
Ngumuso ako at napisil ang aking pang-ibabang labi. Mas lumukot lamang ang kanyang ekspresyon dahil sa aking pag-iisip.
“Imposible iyon-”
“Paano kung posible nga?” putol niya naman.
“Oo… Posibleng lumapit lapit siya pero imposible naman siguradong magkagusto siya sa akin ’di ba?”
“Maganda ka ah?”
“Huh?” Tumawa ako sa sinabi ni Kuya.
“Maganda ka naman,” sagot niya sa mas malinaw na boses.
“Sinong mas maganda sa amin ni Ate Rici?” tanong ko sa kanya.
Umawang ang kanyang bibig pero natikom sandali. Sumimangot naman agad ako.
“Kapatid mo ako Kuya…”
“H’wag kang abusado. Basta maganda ka. Iyon na ’yon,” sagot niya at pilyo pang ngumisi sa akin.
“Mas mahal mo na ata si Ate Rici kaysa sa akin eh…” Nagpanggap akong maging malungkot.
Tumawa lamang siya at kagat kagat na ang pang-ibabang labi. Pumikit siya at napadpad na ang kamay sa kanyang noo.
“Nakakamiss…” bulong niya roon at mas lumapad pa ang ngisi.
“Namimiss mo pero pag nandito pauuwiin mo,” singit ko sa kanyang pagmomoment na ikinabura agad ng kanyang ngiti.
Kumurap ako at naitikom agad ang aking mga labi lalo na’t nagkakasalubong na ang kilay niya at nasa akin ulit ang tingin.
“Panira ka. Matulog kana roon…” Sinenyasan niya pa akong umalis na sa kanyang harapan.
“Sige Kuya… Goodnight!” Marahan akong humagikhik at pumasok narin naman sa aking kwarto.
Tinanghali ako ng gising. Paglabas ko ng kuwarto ay si Ate Rici na ang nadatnan ko sa may lamesa at matamis ang ngiti habang nilalagyan ni Kuya ng plato ang kanyang pagkain. Ilang sigundo akong naroon at nasa kanya na ang aking tingin.
“Hi Trace…” Bati niya sa akin nang magkasalubong ang aming mga mata. Tipid akong napangiti at nahihiya sa aking hitsura.
Napalingon narin si Kuya sa akin pero ibinalik rin naman sa plato ni Ate Rici.
“Kumain kana rin dito,” sabi niya.
Nagtungo agad ako sa lababo at naghilamos. Nabasa pa ng kaonti ang aking damit saka ulit ako nagmadaling bumalik sa kuwarto para punasan ang aking mukha. Sinuklay ko narin ang buhaghag kong buhok.
Lumabas rin naman ako at nahihiyang nagtungo sa tabi ni Kuya. Umupo ako roon habang busy parin siya sa kakalagay ng kung ano ano sa plato ni Ate Rici.
“Iyong kapatid mo naman…” malambing na sabi ni Ate.
“Malaki na ’yan,” tanging sagot niya na ikinanguso ko at nagsandok ng makakain ko.
“Malaki narin ako ah! At mas matanda pa nga ako sa kapatid mo!” Natatawang sabi ni Ate Rici.
Tumagilid pa ang aking ulo para silipin siya roon sa tabi ni Kuya. Napansin ko agad ang magara at maganda niyang suot na peach na dress. May pagka offshoulder iyon habang ang kanyang mga buhok ay naka high ponytail at kitang kita ang malalalim niyang collarbone. Ang kanyang pabango ay kumalat sa loob ng aming bahay.
May kung anong binulong sa kanya si Kuya na ikinapula ng pisngi nito. Tahimik akong sumubo sa kanilang gilid at napansin pang masasarap ang pagkain at nasa tatlong putahe iyon. Sa gitna naman ay isang kahon ng pastries at mukhang si Ate Rici na naman ang may dala.
Sumubo ako at napadpad ang mga mata sa ibaba kung nasaan ang hita ni Ate Rici. Naroon ang isang kamay ni Kuya at nakahawak na parang tinatakpan niya iyon ng malapad niyang palad. Baka… sila na talaga?
Binilisan ko nga ang aking pagsubo. Nauna nga akong matapos dahil nag-uusap pa sila ng kung ano ano at nagkakatuwaan pa. Panay rin ang bulong ni Kuya sa kanya. Siguro ayaw niyang marinig ko. Siguro natatakot siya na gayahin ko ang kapusukan niya.
Naligo rin naman ako at mabilis na nagbihis. Si Kuya Bram ay naghuhugas ng plato habang pinapanood lamang siya ni Ate Rici at nililingon lingon siya nito ng bawat sigundo.
Napadpad ang kanyang mga mata sa akin.
“Practice niyo ulit?” tanong niya na ikinatango ko ng marahan.
“Oo nga pala… May dala ako para sa’yo.” Ngumiti siya ng matamis at may kinuhang paperbag sa ilalim ng lamesa.
Inilahad niya iyon sa akin na kahit si Kuya ay nakikiusyoso na ang mga mata sa aming dalawa.
“Nakakahiya po Ate Rici…” Umiling ako sa kanya at tinanggihan agad ang kanyang bigay kahit na hindi ko naman alam kung ano ang nasa loob ng malaking paperbag at may tatak na Chanel?
“No… Take it. Since masyadong marami iyong padala sa akin ng Antie ko naisip narin kitang bigyan total babae ka rin naman.”
“Kahit na po…” Ngumuso ako at nilingon si Kuya na nasa amin parin ang tingin habang nagbabanlaw noong mga plato.
“Please? Tanggapin mo na…” Inalog alog niya pa ang paperbag na iyon.
“Hindi rin naman mahilig sa ganyan si Tracey, Riss…” sabi ni Kuya sa baritonong boses at mukhang pati siya ay ayaw na tanggapin ko iyon.
Sumimangot si Ate Rici.
“Bram, please? Di naman ito nakakasama sa kanya.” Pumungay pa ang kanyang mga mata na ikinabago rin ng ekspresyon ni Kuya.
“Tanggapin mo na, Trace…” sabi narin ni Kuya sa akin.
Lumiwanag agad ang mukha ni Ate Rici. Tumayo pa siya at hinila ang aking pulso papunta roon sa upuan. Pinaupo niya ako saka niya inilapag sa aking hita iyong paperbag. Nalaglag ang aking mga mata roon at nakita ang mga make-ups, perfume at isang pares ng damit.
“Total napapansin ko wala kang nilalagay sa mukha mo pwede mo iyang gamitin since magdadalaga kana rin naman. This shade of lipstick will suit your lips.” May kinuha siyang lipstick doon at binuksan iyon.
“Here… Lalagyan kita.” Hinawakan niya ang aking baba at sinimulan na nga akong lagyan noon kahit hindi pa ako pumapayag.
Sa gilid naman ng aking mga mata ay nakikita ko ang pag-iling ni Kuya Bram. Seryosong seryoso ang paglalagay ni Ate Rici sa akin na kahit ang medyo malapit niyang mukha sa akin ay malinaw ko ng nakita. Mas maganda pala ito sa malapitan.
Pagkatapos niya akong lagyan ay nakontento rin naman siya sa resulta.
“Ayan! You don’t look pale anymore!” Ngumisi pa siya pa tiningnan si Kuya na tila problemado na sa pinaggagawa ni Ate Rici.
“Tingnan mo ang kapatid mo, Bram. Isn’t she pretty?” Proud na tanong ni Ate Rici pero si Kuya Bram ay ngumiwi lamang sa akin.
“Baka mahilig iyan sa pagmimake-up at mahilig na sa pagpapaganda,” tanging komento ni Kuya.
“KJ ka! Aminin mo nalang kasing maganda ang kapatid mo at darating ang araw na pagpipilahan rin siya ng mga lalake rito.”
“Nasa bakuran palang sila tatapunan ko na sila ng kumukulong tubig at babatuhin ko rin ng kawali,” inis na sabi ni Kuya na ikinanguso ko. Ang brutal naman Kuya…
Tumawa naman si Ate Rici pero may panibagong kinukuha sa loob ng paperbag. Iyong perfume naman ang dinampot niya saka niya iyon inispray sa akin.
Noong hindi siya nakontento sa kanyang pinaggagawa, kahit ang ayos ng aking buhok ay iniba niya narin.
“Look at her, Bram!” Nagsisigaw na si Ate Rici pagkatapos akong ayusan.
Ang paglalagay ni Kuya sa mga plato sa lalagyan ay sandaling naantala nang makita niya ako. Namangha siya ng ilang sigundo na kahit ang kanyang mga labi ay umawang na ng kaonti.
“Ang ganda ganda mo Trace! Mag-ayos kana palagi! Pag pumasok ka ng ganito sa school hindi malabong makakuha ka agad ng atensyon.” Pumalakpak pa si Ate Rici sa sobrang tuwa habang ako itong nahihiyang ngumiti nalang.
“Maghilamos ka pag lalabas kana, Trace… H’wag kang lalabas nang ganyan,” si Kuya na hindi na naman maipinta ang mukha.
Tumawa si Ate Rici. Nagawa pa siyang tingnan ni Kuya pero hindi iyon tumalab at mas natuwa lamang ito.
“Salamat po sa mga ito, Ate…” sabi ko sa kanya.
“No worries, Trace! Pag naging mag-asawa na kami ng Kuya mo madalas rin kitang aayusan,” sabi niya sa masayang boses na ikinanguso ng aking kuya at tila nagpipigil na ng ngiti.
“Baka mas marami ka pang oras sa kanya kaysa sakin,” pagpaparinig naman ni Kuya na tila nagtatampo.
“Baka nga ikaw pa ang mas maraming oras sa ibang babae kaysa sakin!” Umirap rin naman agad ito at mabilis na nagbago ang ekspresyon.
“Selosa,” natatawang sabi ni Kuya at nagawa pa itong hilain papalapit sa kanya dahil tapos na itong maghugas.
Ilang sandali lang ay dumating na rin naman iyong tatlo.
“Tara!” Anyaya ko agad at hindi na sila pinayagan pang dumungaw sa bintana.
Habang naglalakad kami ay napapansin ko ang bawat paglingon nila sa akin. Nagkakasalubong ang kilay ni Cecille habang si Rose naman ay hindi na magawang ibalik ang mga mata sa daanan. Nagawa pang lumapit lalo ni Rinka sa akin para lang amuyin ako.
“Nagpaganda at nagpabango! Plano mong akitin si Israel ’no?!” Pang-aakusa ni Rinka sa akin sa nanlalaki niyang mga mata.
Umiling agad ako pero bago pa man makasagot ay hinawakan na ni Cecille ang magkabila kong pisngi.
“Nagagandahan naman ako sa’yo Trace pero hindi ko alam na may mas igaganda ka pa pala pag hindi ka maputla at hindi mala Maria Clara ang ayos ng iyong buhok! Ang ganda ganda mo!” mungkahi niya sa namamanghang boses.
Ngumuso ako at pinamulahan na ng pisngi dahil sa kanilang mga compliments.
“Nako! Sa lupain talaga tayo nila Israel magpractice Trace! Sayang iyang ganda mo pag hindi rin nakita ni Israel!” suhestyon pa ni Rose.
“Hindi pwede!” Awat ko agad sa tatlo habang naglalakad kami.
“Anong hindi? Saan tayo magpapractice kung ganoon?” Umangat ang kilay ni Rinka sa akin.
“Sa iba nalang basta h’wag lang doon…” Mahina kong sabi na ikinailing nila.
“Hindi pwede! At isa pa, hindi naman ikaw ang pinagalitan ni Israel Trace! Iyong social climber na si Feli ang pinagalitan niya.” Paglilinaw pa ni Rose sa akin.
“Oo nga! Eh ang bait bait nga ni Israel sa atin… May pameryenda pa!” si Cecille.
Mukhang hindi ko na maaawat itong tatlo at sesidido naring pumunta roon. Nadatnan ulit namin sina Roel at Freddie na kausap si Rudy sa lupain nito. Nang makalapit na kami ng tuluyan ay nalipat rin naman agad ang kanilang mga mata sa akin pero hindi nagtagal ay napunta agad sa akin ang buo nilang atensyon.
“Tracey? Ikaw ba ’yan?” Gulat na tanong ni Rudy sa akin na ikinatango ko at ngumiti ng kaonti.
“Uh… Binago ko lang ang ayos ng buhok ko at medyo kinulayan ang maputla kong labi.” Paliwanag ko sa kanila at napansin na si Roel na hindi na kumukurap.
“Ang ganda mo pala talaga Trace ’no? Kaya pala ang raming nagkakacrush sa’yo sa classroom natin,” siwalat ni Freddie na ikinagulat ko.
“Maraming may crush kay Tracey?” Gulat ring tanong ni Rose.
“Oo… Halos lahat ata ng mga kaklase nating lalake,” sagot niya naman at ibinalik agad ang tingin sa akin.
May mga nagkakagusto pala talaga sa akin sa classroom?
“Talaga? Eh sa amin ba? Meron?” tanong ni Rinka at may pilya ng ngiti.
Hindi agad nakasagot ang dalawa. Si Rudy ay pasimple pang tumawa habang ang tatlo ay unti-unti naring napasimangot.
“Mga unique kasi tayo Rinka… Mga may sapat na pang-unawa at malawak lamang ang isip ang magkakagusto sa atin.” Tumatawang sabi ni Cecille.
“Ikaw nalang kaya ulit si Maria Trace?” Wala sa sariling sabi ni Roel kakatitig sa akin na ikinakurap ko.
“Nabighani kana Roel.” Tinapik tapik pa ni Freddie ang kanyang balikat.
“At bakit ikaw hindi?” tanong niya sa kaibigan na tinubuan agad ng hiya sa mukha.
“Rinka, si Trace nalang si Maria,” kumbinsi pa ni Roel na kahit si Cecille ay matalim na ang tingin sa kanya.
“Sige Roel! Ipagpilitan mo talaga iyan kundi may madagdag na tauhan sa dula natin at makakaeksena mo talaga ang kamao ni Israel!” Pangbabanta naman ni Rinka sa kanya na ikinaputla niya rin agad habang kinakamot ang kanyang batok.
Nang marinig iyon ni Rudy ay tila naging interesado agad ito.
“Kaya pala… Totoo pala talaga ang hinala ko,” sabi niya sa kanyang sarili na ikinakunot ng aking noo.
“Kaya pala ano, Rudy?” pagkaklaro ko na mabilis niya rin namang ikinailing.
“W-Wala… Uh sige… Magbubungkal na ulit ako ng lupa.” saka ito nagmadaling umalis sa aming harapan.
Nacucurious tuloy ako kung si Israel ba ang tinutukoy niya. Ano kaya iyon?
Chapter 18
More Than Anything
Maingay na naman silang tatlo habang naglalakad kaming anim papunta sa lupain nila Israel. Nagrereklamo pa si Freddie na natatakot daw siya kay Israel at baka bigla siyang masuntok pero hindi niya rin mahindian ang meryenda.
“Ano ba talaga kayo Trace?” tanong ni Roel sa akin nang magbalik ulit kahapon ang eksena sa aming isipan.
“Kaibigan?” Hindi ko siguradong sagot dahil maski ako ay napagtanto ang bagay na iyon.
“MU sila ni Trace… Gusto siya ni Israel Roel,” si Rinka na ang sumagot na akala mo ay totoo iyan.
“Hindi!” sagot ko agad at umiling iling pero ang mukha ng mga lalake ay tila iyon na ang pinapaniwalaan.
“Oo may gusto si Israel kay Trace at si Tracey lamang ang manhid at hindi marunong makiramdam. Palibhasa tagabundok,” natatawang biro ni Cecille sa akin na ikinatawa narin ng dalawa.
Sumimangot ako at hindi na sila maawat sa kanilang mga akusasyon sa amin ni Israel.
“Ayaw mo kay Israel, Trace?” tanong ni Freddie.
Binangga ako ng marahan ni Rose.
“Asus… Crush mo rin iyon eh!” mas asar niya pa sa akin at malaki na ang ngisi.
“Hindi nga raw sabi ni Tracey,” si Roel na mismo ang sumagot at iritado pa habang nasa bulsa ang mga kamay.
Umabante pa si Rinka sa paglalakad hanggang sa dungawin niya ang mukha ni Roel at natatawa itong tinuro turo.
“Nagseselos ka ata eh!”
“Tigilan mo nga Rinka.” Hinawi niya ang kamay ni Rinka at naiinis na nilagpasan ito.
Humagalpak ng tawa ang tatlo habang napakurap naman ako. Hinabol agad ito ni Freddie at inakbayan pa.
“Ano? Gusto niyong kumpirmahin kung gusto ni Israel o hindi si Trace?” Makahulugan na ang ngisi ni Rinka nang malapit na kami sa lupain.
“Paano?” tanong ni Cecille habang sinusuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri.
“Simple lang! Paselosin natin!” May pagesture gesture pa ito sa kanyang kamay sa kanyang naisip.
“Oo nga ’no?!” Napapalakpak na si Rose at mukhang sang-ayon sa ediya ni Rinka.
Umiiling iling na ako pero hindi ako pinapansin at tatlo at masyado na sila nadadala sa pagsasaya. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at kinabahan sa kanilang binabalak. Mabibigo lang sila. Hindi naman iyon magseselos. At masasampal lamang sa akin ang katotohanang iyon.
“H’wag na… Hindi naman iyon gagana,” pigil ko.
Lumukot agad ang ekspresyon ni Rose sa akin.
“Gagana iyon, Trace! Kahapon nga halos saksakin niya si Roel sa matalim niyang mga mata!” paglilinaw niya.
“Kaya nga papaselosin natin para malaman, Trace…” si Cecille.
“Oo. De bale nang matapon tayo paalis sa kanilang lupain! Debale nang malagot tayo,” tumatawang sabi ni Rinka.
Si Israel…magseselos? Parang napaka-imposible.
“Ayun na!” Itinuro agad ni Rinka ang pamilyar na imahe ng kung sinong nakaupo roon at hawak hawak na naman ang kanyang pulso habang nakapiko ang mga hita.
“Nakabukaka agad oh… Handang handa.” Humagikhik si Cecille.
Nilingon ako sandali ni Roel na ikinangiti ko ng tipid sa kanya. Nahihiya itong nag-iwas ng tingin at binatukan naman agad si Freddie na nagulat pa. Tumawa lamang si Roel.
Para na akong mahihimatay lalo nang papalapit na kami sa kanya. Kitang kita ko kung paano tumingkad ang kanyang ekspresyon at umahon sa pagkakadismaya. Mabilis na tumayo si Israel at sumuyod agad ang kanyang mga mata sa amin.
“Hi Israel!” bati ni Rinka na ikinaduet rin nila Rose at Cecille.
Hindi sila pinansin ni Israel at napadpad agad sa akin ang tingin. Isang hilaw at tipid na ngiti ang naibigay ko sa kanya. Ang tatlo naman ay may sinisenyas na kung ano ano habang ang dalawang lalake ay todo tingala sa mga manggang nasa ere. Minsan ay lumilingon pa sa akin si Roel.
“Magsimula na tayo!” sabi ni Rinka habang pumupwesto na ito sa may gitna at handa nang simulan iyon.
Nag-iwas ako ng tingin kay Israel. Sa gilid ng aking mga mata ay binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi at itinikom iyon.
“Halika na Trace… Ikaw pa naman si Maria,” sabi ni Rinka at may kahulugan na ang tingin sa akin.
Napalunok ako ng laway habang si Israel naman ay nagkasalubong na agad ang mga kilay. Marahas na ang ekspresyon nito.
“Si Maria na si Tracey?” masayang tanong ni Roel pero siniko ito ni Freddie at pasimpleng nginuso ang imahe ni Israel.
Tumikhim naman agad si Roel at hindi nalang umimik. Si Rose at Cecille ay ngising tagumpay na kahit iyon lang naman ang reaksyon ni Israel.
“Trace,” tawag ulit ni Rinka sa akin kaya nagtungo rin ako sa kanya para kunin iyong inilalahad niyang papel sa akin.
“Si Lena si Trace, hindi ba?” matigas na sabi ni Israel.
“Ah hindi na siya si Lena… Si Maria na siya Israel. Mas bagay kasi talaga sa kanya ang role ni Maria,” paliwanag naman ni Rose sa kalmadong boses.
Namaywang si Israel at magkasalubong ang maitim at makapal na kilay.
“O sige… Simulan na natin!” si Rinka naman na hinila pa si Roel para mas lumapit ito sa akin.
Nahihiya siyang ngumiti sa akin at nahimas na ang batok. Napangiti na rin ako sa kanya.
“Hindi siya bagay sa role,” singit ulit ni Israel sa amin kaya naantala na naman ang balak naming magsimula na.
Tiningnan ko siya sa nagtataka kong mukha. Si Freddie ay nagawa pang umatras at lumayo ng kaonti.
“Bagay siya,” sagot ni Roel sa matapang na boses na ikinakurap. Humagalpak naman ng tawa si Cecille na kahit si Rose ay ngising aso na.
I saw how Israel’s expression turned aggressive. He looked triggered because Roel talked back.
“H’wag kang makisali,” sabi ko sa kanya sa marahan na boses na ikinakalma ng kanyang ekspresyon at nasa akin na ulit ang mga mata.
Bumuntong siya ng hininga at pinasadahan na ng haplos ang kanyang buhok.
“Fine,” inis niyang sabi.
Ngumuso naman ako sa mabilis niyang pagsunod.
“Umupo ka nalang diyan. Manood,” dagdag ko pa na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
Akala ko ay hindi ito susunod pero noong padabog niyang ibinagsak ang sarili sa sahig at umupo roon habang nakabusangot ay napanguso na ako.
“Uy umaamo…” mahinang sabi ni Rose.
“Si Tracey lang pala ang kailangang humimas sa leyong iyan…” dagdag naman ni Cecille.
“Akala ko pa naman lahat ng hinihimas nagagalit. Meron rin palang lumalambot…” Makahulugan namang sabi ni Rinka.
Mukhang hindi naman iyon naririnig ni Israel dahil busy siya kakatapon ng matalim na tingin kay Roel. Hindi ko rin talaga alam kung paano siya patitigilin sa paganyan ganyan niya.
“Sige na magsimula na tayo!” Iwinagayway pa ni Rinka ang hawak hawak niyang papel para kunin ang mga atensyon namin.
Nagsimula rin naman kaming magpractice.
“Sunod na iyong kissing part ha… Pero h’wag mo lang idikit ang labi mo Roel. Ilapit mo lang…” paalala ni Rinka habang tinitingnan iyong script niya.
Tumango tango naman agad si Roel at mukhang ganado na. Ako naman itong ngumiti lamang.
Kitang kita ko ang pagtayo ni Israel sa kanyang kinauupuan. Kung paano siya humalukipkip at nagbabanta na ang mga mata.
“Magsimula na kayo! Lapit ka ng kaonti, Roel.” Hinila ni Rinka ang braso ni Roel papalapit sa akin hanggang sa ilang pulgada nalang ang namamagitang espasyo sa aming dalawa.
Hindi na maalis alis ang ngiti sa labi ni Roel.
“Ang bango mo, Trace…” Mungkahi niya at nahimas na naman ang batok.
Humakbang ng isang beses si Israel pero natigil rin doon dahil sa paglingon ko. Narinig ko siyang magmura at kung paano niya nailagay ang mga kamay niya sa likod ng kanyang ulo saka siya tumingala, ang panga ay umiigting at mariin na ang pikit.
“Sasabog na…” pabulong bulong pa ni Cecille at mukhang excited pa.
“Lagot. May uuwi atang may pasa sa mukha,” sabi naman ni Freddie.
“Sige na Trace… Basahin mo na ang linya mo.” Hinawakan na ni Rinka ang aking braso at marahan akong inalog para lang makuha niya ang aking atensyon.
Tumango naman ako at tiningnan ang aking script. Nabasa ko roon ang pag-amin ni Maria sa nararamdaman niya para sa binata. Pasigaw dapat iyon.
Tiningnan ko si Roel na ngayon ay nasa akin na pala ang tingin, tila naghihintay lamang na bumigkas ako ng mga salita.
“Mahal na mahal kita- Israel!” sigaw ko sa kanyang pangalan nang makarating siya sa aming gitna na parang hangin at pigilan ito. Ang iilang hibla ng kanyang buhok ay nalaglag na at ang nakakuyom na mga kamao ay medyo kumaalma rin naman dahil sa aking pagtawag.
“Ano ’yon?” tanong niya sa akin sa kalmado ng boses.
“H-Huh?” nagtataka kong tanong.
“The one you said to me, Trace… Ulitin mo,” sabi niya sa sabik na boses.
“H’wag kang umieksena-” Bago pa man matapos ni Roel ang kanyang sasabihin ay naputol na iyon.
Nanlalaki ang aking mga mata nang marahas niyang itinulak si Roel palayo sa akin. Nawalan agad ito ng balanse at bumagsak sa sahig.
“Israel!” pigil ko pero hindi ako nito nilingon at nilapitan pa si Roel.
Napaatras agad si Freddie at tumakbo na sa mas malayong parte sa amin. Nagtago na ito sa isa sa mga puno. Ang tatlo naman ay gulat rin.
Akmang tatayo si Roel pero inapakan lamang ni Israel ang kanyang dibdib para pumirmi ito roon. Yumuko siya at hinablot ang hawak nitong papel saka iyon tiningnan ni Israel, ang isang kamay ay nakabulsa.
“You watch. I’ll act your role,” si Israel na bida bida talaga.
Nalaglag ang panga nila Rinka. Si Freddie ay sumisilip sa pinagtaguan niyang puno at sinisigurado kung nagsusuntukan ba o hindi. Hinila ko si Israel paalis saka niya inalis ang paa sa dibdib ni Roel. Israel even smirked cockily and raised his brows like he’s ready to punch Roel if he didn’t listen to him.
“Continue your line, Trace… The one you said awhile ago…” sabi niya pa sa akin.
“Bakit ka ba nakikialam? Purket nandito kami sa teritoryo mo?” inis na sabi ni Roel at pinapagpagan na ang kanyang damit na inapakan ni Israel kanina.
“You don’t fit on the role,” ani Israel na ikinaukit ng iritasyon sa mukha ni Roel.
“At sino ang pwede? Ikaw?” marahas na sagot ni Roel.
“Ay palaban ang kabilang manok,” bulong nila Rinka.
“Tama na,” banta ko kay Israel nang akma siyang sasagot ulit.
Kinuha ko ang script sa kanyang kamay.
“Change their roles…” malaawtoridad niyang utos kay Rinka.
Tumango naman agad ang aking kaibigan at sinenyasan si Cecille na pumwesto na.
“Patay kana ulit Trace!” sabi niya pa. “Alis kana diyan… Doon na kayo ni Israel,” pagtataboy niya sa aming dalawa.
Lumapit si Cecille sa akin at kinuha ang aking script. Si Freddie naman ay bumalik rin dito habang si Roel ay naiinis parin.
Sinenyasan ako ni Israel na umalis na kami roon. Matagal akong nakagalaw dahil sa mabilis nilang pagsunod kay Israel pero noong maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likuran at marahan na akong itulak para makaalis kami roong dalawa sa gitna ay umabante rin naman ako.
Umupo ako roon sa damuhan at medyo malayo na kami sa kanila. Nandito kami sa lilim ng mga punong mangga. Umupo naman si Israel sa aking tabi pero may kaonting espasyo parin sa aming gitna. Niyakap ko ang mga hita kong ipinagdikit ko at ipinatong sa aking mga tuhod ang aking baba. Sumimangot ako roon.
Nagseselos nga ba siya? Eh ba’t naman siya aaktong ganoon? O baka naman pinapaniwala niya lang akong nagseselos siya para iyon ang isipin ko at mahulog ako sa balak niya. Tama ba ako?
“Pakialamero ka…” sabi ko.
Hindi siya sumagot. Mas sumimangot ako.
“You smell good. Nagbago ka ng pabango,” aniya.
Nilingon ko siya. Nalaglag ang iilang hibla ng aking buhok at tumakip sa aking mata kaya hinawi ko nalang iyon. Sumunod naman ang kanyang mga mata roon.
“Ah… First time kong gumamit ng pabango. Hindi naman ako mahilig sa pabango pero nilagyan kasi ako ni Ate Ri- nila Cecille.” dugtong ko agad.
“Ah… And you put some lipstick?” Umangat agad ang kanyang kilay at nasa aking labi na ang tingin.
“Binigyan—Binilhan ako ni Mama ng mga make-ups…” sagot ko nalang na ikinatango tango niya naman at ang mga mata ay napadpad narin sa aking buhok.
“It looks like the color of an apple,” sabi niya at mas lumalim ang tingin sa aking labi.
Ngumuso ako. Compliment ba iyan?
“I’m curious if it taste like an apple, too,” dugtong niya pa na ikinalaki ng aking mga mata.
“H-Huh? Hindi ’no! Lasang strawberry kaya,” agap ko agad.
“Really?” Itinagilid niya ang kanyang ulo na ikinatango tango ko.
Napansin ko ang biglaan niyang paglapit sa akin. Kung paano niya hinawakan ang aking labi at tila may binura roon saka niya iyon tinikman.
Ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata at pag-init ng aking pisngi dahil sa kanyang ginawa. Naroon ang kanyang atensyon at kalmado lang naman habang ako itong parang sasabog na.
“Yeah… It tastes sweet,” tanging sagot niya at tinikman pa ulit iyon.
Israel and his aggressive movements! Talagang itong mga Buenaventura hindi nagdadalawang isip gawin ang gusto nila. At bakit namumula ka, Trace? Bakit parang gustong gusto mo naman?
“And you even change your hairstyle,” puna niya roon na ikinalingon ko ulit sa kanya.
“Ang dami bang nagbago?” tanong ko.
Tumango siya at sinundan ang pagkahulog ng aking hibla sa aking mukha at tumakip na naman doon. Akma ko iyong hahawiin nang hinawakan niya ang aking pulso. Napakurap ako at nakita itong may hinilang tali sa kanyang buhok. Mabilis namang humiwalay sa pagkakakumpol ang kanyang buhok na ikinamangha ko. Para siyang isang maharlikang prinsepe na may pagkarebelde.
Umabante siya ng kaonti papalapit sa akin. Nakaharap na siya ng buo at nakabukaka pa. Kung hihilain niya ako ay madidikit talaga ako sa kanyang dibdib lalo na’t nasa gilid ko na siya at yakap yakap ko parin ang aking mga tuhod. Parang kasya ako roon ah? Parang pwede kong isandal ang ulo ko sa balikat niya.
Tigilan mo nga iyang mga pantasya mo Trace!
Seryoso niya iyong itinali sa aking buhok. Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti at halos kumuyom ang aking mga kamay dahil sa nararamdaman ko. My stomach feels weird. Parang may pinupulupot sa loob at ganoon nalang kakiliti iyon.
“There…” Tinagilid niya ang kanyang ulo at napanguso pa.
Mas ngumuso ako pero kalaunan ay pumakawala rin ang ngiti roon. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at sumilay rin ang ngiti.
Nahihiya kong ibinaon ang aking mukha sa aking tuhod. Paano ko pa ngayon babakuran ang aking sarili sa kanya kung ano na mismo ang kumakalas noong tarangkahan at binubuksan ng malaki ang pinto para malaya siyang makapasok? Na kung pwedeng hilain ko siya papasok ay parang gagawin ko na dahil sa labis labis kong nararamdaman.
Narinig ko itong bumuntong hininga. Ganoon na siya kalapit sa akin para marinig ko iyon.
“I’m sorry,” mahina niyang bulong na ikinakurap ko.
Nag-angat ako ng tingin at nilingon ito sa aking gilid.
“Para saan?”
Nilaro laro niya muna ang pang-ibaba niyang labi at mukhang hirap sabihin ang hinihingi niya ng patawad.
“Did I scare you yesterday?” he asked painfully.
Hindi agad ako nakasagot roon.
“I’ll try to… control my anger… H’wag mo lang akong kamuhian, Trace… H’wag ka lang matakot sa’kin…” masuyo niyang sabi na iyon ang mas importante sa kanya.
Mas kumalabog lamang ang aking dibdib.
“B-Bakit?” tanging nasagot ko.
“Importante sa’kin ’yon. It matters to me more than anything…”
Chapter 19
Darkness
“Ang tigas talaga ng ulo mo, Abraham!” Tila naubos na ang pasensya ni Mama at natawag na ito sa buong pangalan kinagabihan na ikinagising ko.
“Ma…” malambing na tawag ni Kuya at mukhang gustong hinaan nito ang kanyang boses.
“Baka magising si Tracey. Natutulog na iyon-”
“O bakit?! Nahihiya kang malaman niya ’yang pinaggagawa mo?!” si Mama.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tumagilid.
“Nasa tamang edad na ako, Ma,” nafufrustrate na sagot ni Kuya.
“Nasa tamang edad nga pero maling babae naman! Pinapapasok mo pa rito! Paano kung mandiri iyon-”
“Hindi ganoon si Riss, Mama…”
“At paano kung nabuntis mo Bram!” Mas lumakas ang sigaw ni Mama. Para na atang lumabas ang kanyang boses sa bahay.
“Anong ibubuhay mo sa kanila eh halos hirap mo ngang buhayin ang iyong sarili!” dagdag pa ni Mama.
Ilang sigundong tumahimik si Kuya pero kalaunan ay nakarinig ako ng marahang halakhak.
“Hindi pa namin iyon ginagawa, Ma. At kung gagawin man… hindi naman iyon agad magbubunga-”
“Aba’y akala mo nagbibiro ako Bram?!” singhal ni Mama dahil sa naging reaksyon ni Kuya.
Tumawa lamang si Kuya. Narinig ko pa ang tunog ng upuan na mukhang nagalaw.
“Ako ang sasalo sa kahahantungan nito, Ma. Di ko hahayaang madamay kayo. Pinigilan ko naman… pero sa t’wing pinipigilan ko parang hinihila rin ako pabalik sa kanya,” malungkot na sagot ni Kuya na ikinatahimik ni Mama.
Noong gabing iyon ay hindi ko na narinig ang sagot ni Mama kay Kuya Bram at ang tanging sinabi lamang ay matulog na ito at magpahinga.
Nagpatuloy ang pagpapractice namin sa lupain nila Israel. Hindi narin naman ito nakikialam dahil pinapanindigan ko narin ang role ko bilang si Lena. Umpisa palang ay namamatay na agad. Naroon lamang ako, nakaupo at nakikipagkwentuhan ng kung ano kay Israel.
Habang tumatagal ang pagiging ganoon namin ay medyo hindi na ako nahihiya sa kanya. Medyo nabawasan pero naroon parin iyong pakiramdam na palagi akong naiilang sa kanyang presensya.
“Mukhang sobrang close niyo na ah? Uy…” Siniko siko ako ni Rinka habang naglalakad ulit kami papunta sa kanilang lupain.
Namula ang aking pisngi habang hindi ko mabura ang ngiti sa aking labi.
“Hindi ah,” sagot ko.
Nakisali narin si Rose at sinundot sundot pa ang aking tagiliran.
“Asus! Tumatawa ka pa nga kahapon! Si Isrsel naman pangisi ngisi pa sa’yo! Baka may namumuo nang espesyal na koneksyon sa inyo ah! Baka di mo lang sinasabi!” bintang naman nito na nakaponytail ang buhok.
“Wala nga…” sagot ko pero mas tumamis pa ang aking ngiti.
“Eh ba’t pangiti ngiti ka? Baka kayo na! Ano, sibling goals kayo ng kapatid mo dahil parehas na Buenaventura ang nagkakagusto sa inyo!” si Cecille naman.
Tumawa ako at umiling iling. Hindi ko na alam kung paano sila aawatin sa pang-aasar sa amin ni Kuya Bram. Araw araw ay ganoon nalang ang ginagawa nila. Palagi nila kaming pinapaliguan ng kantyaw ni Israel.
“Kayo na ni Israel, Trace?” tanong naman ni Roel na nakasunod lamang sa aming likuran. Ang katabi nitong si Freddie ay kumurap kurap narin at mukhang interesado sa magiging sagot ko.
Umiling agad ako.
“Mukhang natamaan ata iyon sa’yo Trace… Masyado kang binabakuran,” si Freddie naman.
“Hindi naman kami. Nag-uusap lang talaga. Ayaw niya sigurong mabored ako…”
Tumawa ang tatlo sa naging sagot ko. Si Freddie naman ay napangiwi habang si Roel ay nagkasalubong ang kilay.
“Di ako makapaniwalang ang manhid mo Trace! Para kang mangga na sinungkit niya at nahulog at ang ikakatwiran mo ay baka aksidente ka lang niyang sinungkit at hindi niya iyon sinasadya!” tawang tawa na sabi ni Rinka at hawak pa ang tiyan.
“Mas malala kung baka hinalikan na siya ni Israel pero mangangatwiran siyang baka interesado lang ito sa lasa ng kanyang labi!” si Cecille naman na masyado ng nadadala sa pagtawa at napapapikit na.
“Itong mga babae talaga ang hirap ring intindihin. Ang hilig sa pasikot sikot…” narinig kong komento ni Freddie sa aking likod.
Ganoon nga talaga kaming mga babae mahirap intindihin… dahil pagdating sa pag-ibig kami rin ang madaling abusuhin.
Humataw agad ng malakas ang aking puso nang dumating na kami roon sa lupain. Lumingon si Israel habang palapit na kami. Ang kanyang mga mata ay dumeritso agad sa akin. Nang magkatagpo ay mabilis akong ngumiti at kumaway sa kanya. Humarap siya ng buo habang ang isang kamay ay nailagay na sa gilid ng kanyang beywang kagat kagat na ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngisi.
“Aba… May pakaway kaway na. Baka sa susunod niyan laway to laway na,” hirit naman ni Rinka.
Naamoy ko agad ang pabango ni Israel nang huminto ako sa kanyang harapan. Ang tatlo naman ay hindi na masyadong lumapit sa amin. Ngumuso akong muli at tiningnan sila roon. Bakit nga ba dumeritso ako sa kanya?
Lumingon sandali si Roel dito pero ibinagsak rin naman agad ang tingin sa papel na hawak at handa ng simulan iyong practice.
Akma akong hahakbang paalis para magtungo roon nang hinawakan niya agad ang aking braso para mapirmi ako.
“Do you want to help me?” tanong niya sa baritonong boses at tiningala ang mga mangga habang hawak parin ang aking braso.
Tumingala narin ako. “Uh… Manunungkit ng mangga?”
Tumango siya at ibinaba sa akin ang tingin.
“Hindi ako marunong e,” sabi ko sa kanya at ibinaba ang aking tingin.
“I’ll guide you.”
“Huh?” Tumawa ako ng marahan.
“Here… Hold this. “Inilahad niya sa akin ang mataas na panungkit.
Nakagat ko naman ang pang-ibaba kong labi at hinawakan na iyon. Napagtanto kong medyo may kabigatan pala pero kasya naman sa buo kong palad at nahahawakan ko naman ng maayos.
“Mabigat,” reklamo ko at inihawak narin ang isa ko pang kamay roon.
“Mabigat talaga iyan lalo na’t hindi ka sanay humawak ng panungkit,” sabi niya saka nagtungo sa aking likod.
Tumingala ako. Ilang sandali lamang ay nakarating narin ang kanyang mga kamay sa akin at para akong niyayapos roon pero ang mga kamay ay nakahawak narin sa panungkit.
Nang-init agad ang aking pisngi nang maramdaman ko ang kanyang dibdib sa aking likod. Matigas iyon na kahit ang kanyang pabango ay nalalanghap ko parin.
Tinulungan niya akong iangat iyong panungkit. Iginiya niya iyon sa nakita naming mga kumpol na mangga at doon niya itinapat.
“Paano ba iyan kinukuha nang hindi nahuhulog sa lupa?” tanong ko.
“Like this…” Kinontrol niya ang mga kamay ko hanggang sa pumasok ang kumpol na mangga sa net, inikot ikot niya, saka iyon hinila at nalaglag sa loob ang mga mangga.
“May nakuha tayo!” Namamangha kong sabi sa kanya at mas tiningala pa ito sa aking loob.
Binitiwan ko rin naman iyong panungkit nang ibaba niya na iyon para kunin ang mga mangga sa loob.
Kumuha siya ng isang mangga roon at ibinaba rin naman sa lupa iyong panungkit. Ang ibang mangga naman ay nanatili sa loob noong net.
“This one is already ripe.” Sinimulan niyang balatan iyong manggang nakuha niya.
Tama nga ito at hinog na nga iyon.
“Taste it.” Inilahad niya ito sa akin.
Ngumuso naman ako at kinuha iyon. Kinagatan ko iyon at tumango tango dahil sa tamis ng lasa noon.
“Ikaw?” Itinapat ko iyon sa kanya.
Hinawakan niya ang aking pulso at iginiya iyon palapit sa kanyang bibig saka niya kinagatan ang parteng gilid noong mangga. Nanatili ang aking tingin sa mapuputi niyang ngipin na naroon na at kumakagat. Dahil sa kanyang ginawa ay tumagas ang katas noon at umagos sa aking kamay pababa.
Buong akala ko ay bibitiwan niya na iyon nang nagulat nalang ako dahil bumaba ang kanyang ulo at sinundan ang katas saka iyon sinalubong ng kanyang dila sa dulo at dinilaan pabalik sa mangga. Nagawa niya pang tumingin sa akin habang ginagawa ang ilegal na bagay na iyon. Malalim ang tingin ng misteryoso at madilim niyang mga mata at tila nang-aakit.
Nanlaki agad ang aking mga mata. Sa aking gulat sa kanyang ginawa ay wala sa sarili ko ng nabitiwan iyong mangga. Mabilis akong bumalik sa aking sarili at nalaglag ang tingin roon.
“N-Nahulog…” nauutal kong bigkas dala narin ng kanyang ginawa sa akin.
“That’s okay. May mga bagay talagang nahuhulog kahit hindi naman sinasadya.” Nagkibit pa ito ng balikat.
Ngumuso ako at tiningnan ang kamay kong may bakas ng katas noong mangga. Medyo malagkit narin iyon. Napadpad rin ang kanyang mga mata roon kaya ibinaba niya ang aking kamay saka iginiya sa laylayan ng kanyang tshirt at gamit ang isa niyang kamay ay pinahiran niya ang kamay ko sa tela ng kanyang damit.
“Madudumihan ka!” Binawi ko iyon pero mas humigpit lamang ang kanyang hawak at nagpatuloy sa kakalinis noon.
“Marami akong damit. Okay lang,” sabi niya.
Kumalma ako at hinayaan siyang gawin iyon. Seryoso niya iyong ginagawa at wala talagang tinitirang daliring hindi niya napupunasan ng kanyang damit. Wala sa sarili tuloy akong napangiti.
Nakalimutan ko ng nandoon ako para magpractice hindi para makipaglandian kay Israel. Doon lamang ako nakapagdesisyong umupo nang mahuli ko ang mga mata ni Rinka na may pinapahiwatig na at ang mga ngiti noong dalawa na nang-aasar na naman. Si Roel ay naiirita sa tinitingnang papel habang si Freddie naman ay mukhang may pinapractice na linya at paiyak iyak pa.
“Teka,” pigil sa akin ni Israel na umupo.
Nagtataka ko siyang tiningnan hanggang napansin ko itong hinuhubad ang kanyang suot na denim jacket saka niya iyon inilapag sa sahig.
“Sige… Umupo kana,” sabi niya agad sa akin.
Ilang sandali pa akong napatitig doon at nagdadalawang isip umupo. Ang mahal mahal ng jacket na iyan! Halata rin naman kasi sa tela. Tapos uupuan ko lang!
“H’wag na Israel. Madudumihan ang jacket mo.” Pinulot ko pa iyon at ibinigay sa kanya.
“Either you sit on my jacket or you sit on my lap. Choose,” he said huskily and tilted his head for a clearer view of my blushed cheeks.
Nauna pa siyang umupo sa tabi noon at tinapik pa iyong jacket niya na umupo narin ako roon.
Ngumuso ako at umupo nalang.
“Pasko na pala bukas ’no?” panimula ko sa kanya.
“Yeah…”
“Ang bilis bilis ng araw. Sa sobrang bilis nakakatakot na,” marahan akong natawa sa aking sinasabi.
“What’s scary about it?” tanong niya sa seryosong boses.
Bumuntong ako ng hininga habang may ngiti sa aking labi. Medyo nasasanay na ako sa pagpapanggap mo, Israel… Lalo na’t alam ko, pagkatapos nito, magbabago ka rin. Babalik ka sa dati.
“Ikaw… Hindi ka ba nakakaramdam ng takot? Wala kang kinakatakutan?” Nilingon ko siya.
“Meron,” sagot niya at tila wala sa sarili dahil sa malalim niyang iniisip.
“Ano?”
“I’m afraid I’ll bring some darkness into someone’s life…” malungkot niyang bigkas.
Ngumiti ako sa kanya.
“Baka hindi mo alam, may mga tao na pag nakikita ka, pinapaliwanag mo ang mundo nila,” sabi ko.
He arched his brow and laugh. “That’s cheesy.”
Tumawa rin ako. “Hindi mo alam…pero…baka may mga taong langit ang pakiramdam pag nakikita ka.”
Lalo na’t noong una ko siyang makita, ganoon siya kataas sa tingin ko. At alam ko rin, kailanman, walang may kakayahang maabot ang langit.
Chapter 20
Label
Maagang umuwi si Mama sa araw ng noche buena. Kahit si Kuya ay walang trabaho noon kaya kompleto kaming tatlo sa bahay.
“Ang dami mong pinamili, Ma!” Nagugulat kong pinagtitingnan ang mga cellophane niyang dala.
“Syempre… Noche buena mamaya… At pasko na bukas. Dapat may handa tayo,” sabi niya sa maliwanag na mukha habang hinuhubad ang suot na maliit na slingbag kung saan niya madalas nilalagay ang kanyang kita.
“Ang kuya mo?” Iginala niya ang tingin sa aming bahay.
Hinila ko ang upuang nasa loob ng lamesa at lumuhod ako roon saka inilabas ang mga pinagbibili niya at maluto na namin.
“Nagpaalam iyong lumabas sandali, Mama… Baka mayamaya nandito na ’yon,” sagot ko.
Nagkasalubong agad ang kanyang kilay at nagawa pang lingunin ang may pinto. Nailing ito.
“Pumunta na naman siguro iyon kay Rici! Nako… Ang batang iyon!” Nakamot ni Mama ang kanyang ulo.
Sinimulan kong hiwain iyong mga seasonings noong karne. Si Mama naman ay nagtungo narin sa lamesa at iyong pancit naman ang kinuha.
“Hayaan mo na iyon si Kuya Mama. Alam niya naman ang ginagawa niya.” Inilipat ko sa plato ang mga hiniwa kong seasonings.
Magtungo si Mama sa harap noong sink dala dala ang pancit.
“Hindi niya alam ang ginagawa niya, Trace! Nabubulag na iyon sa pagmamahal niya,” si Mama.
“Pasko naman Ma. Pagbigyan mo na si Kuya.” Nilingon ko pa ito at nginisihan kaso itinaas niya ang kanyang kamay na nakakamao na at handa atang paliparin iyon sa akin kaya ngumuso agad ako.
“Isa ka rin!”
Iyon ang topic naming dalawa ni Mama habang tinulungan ko siya sa pagluluto. Masarap magluto si Mama lalo na iyong Pochero na paborito ko at chicken curry. May binili rin itong chippon cake at pang fruit cocktail. Mukhang hahaluan niya iyon ng buko dahil bumili rin siya noon.
Hindi naman kami madalas maghanda ng marami tuwing pasko dahil narin wala kaming pera. Noon ay bumibili lamang kami ng isang putahi bilang ulam at chippon cake. Ganoon lang iyon palagi.
Pero ngayon, nakakamangha na medyo nadadagdagan namin ang handa sa mesa. Ang sarap sa pakiramdam na parang nakakausad kami sa kahirapan.
Dumating rin naman si Kuya. Marami itong dala at una kong napansin agad ay ang hamon.
“Sosyal natin ah? Ba’t may pahamon hamon kang dala?” Puna narin ni Mama. “H’wag mong sabihin kay Ri-”
“Binili ko ito, Ma. Syempre may trabaho ako,” mayabang pang sabi ni Kuya at inilapag ang iilang dala sa lamesa.
May dala itong cake, hamon, at isa pang malaking paperbag.
Umupo siya sa aking tabi at hinuhubad na iyong sapatos na suot. Hindi maalis alis ang ngisi sa kanyang labi habang hinihirit-hiritan siya ni Mama ng kung ano ano.
“Baka nagpalibre ka roon sa babae mo ha-”
“Lalake dapat ang gumagastos, Ma…” kalmadong sagot ni Kuya at itinabi ang sapatos sa gilid.
Iyong paperbag niya naman ang aking sinilip at napansin agad ang dalawang regalo.
“Kuya para kanino ’to?” Kinuha ko iyong isang regalo at napalingon kay Mama na nandito narin ang tingin.
“Sa dalawa ko pang babae…” sagot lamang ni Kuya at tumayo na. Tumutulong narin ito sa pagluluto.
“Itong babaerong ito! Purket biniyayaan ng guwapong mukha aabusuhin na! Ano, lolokohin mo si Rici! Nako! Ako talaga mismo ang puputol niyang leeg mo-” Naputol agad si Mama dahil sa pagpunta ni Kuya sa kanyang gawi at niyakap na ito sa likod habang tumatawa.
“Akala ko ba Ma di ka suportado sa amin ni Rici? Eh ba’t nagagalit ka kung may ibang babae ako?” natatawa niyang sabi habang si Mama naman ay iritado parin.
“Tigilan mo ako! Lumayo ka nga! Naghihiwa ako baka ang hiwain ko…” si Mama na kahit ako ay tumawa narin.
“Syempre kayo ni Tracey ang iba ko pang mga babae. Pwede ba namang wala kayong regalo sa’kin?” Inilaagay ni Kuya ang baba niya sa balikat ni Mama.
“Asus!” Pagalit ang boses na iyon pero kalaunan ay natawa narin si Mama na kahit si Kuya ay ngumingisi na.
Hindi ko mabura bura ang aking ngiti habang hinihiwa iyong patatas.
Salo salo kaming tatlo sa hapag sa gabing iyon. Nagtatawanan kaming dalawa ni Kuya at inaasar si Mama na mag-asawa ulit para mabawasan ang pagsusungit niya sa aming dalawa. Mabilis namang sumimangot si Mama sa amin.
“Hindi ko na kailangan ng panibagong asawa. Baka mapunta pa ako sa tamad at palamunin lang rin kaya h’wag nalang,” si Mama na sumubo pa ng pagkain.
“Napakanegative mo, Ma. Malay mo may magkagusto sa’yo eh maganda ka naman.” Pambobola pa ni Kuya sa kanya. “Diba Trace?”
Tumango agad ako at sumang-ayon. Si Mama naman itong nagpipigil ng ngiti at pilit pinapanindigan ang pagsusungit.
“Tigilan niyo nga akong dalawa!” Sinapak pa ni Mama ang braso ni Kuya.
“Hindi ka pa naman masyadong matanda, Ma. Malay niyo diba…” sali ko narin pero kahit ako ay inabot narin ni Mama para kurutin kaya mabilis akong umatras. Natatawa namang hinuli ni Kuya ang kanyang kamay para pigilan iyon sa binabalak niya.
“Oo nga, Mama! Saan pa ba nagmana ang mga mukha namin syempre sa’yo!” hirit lalo ni Kuya na ikinapula ng husto ng mukha ni Mama.
“Aba’y syempre! Maganda ako noong kabataan ko!” pagmamalaki niya pa.
Noong tumuntong ang saktong alas dose ay binati rin namin ang isa’t isa. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa kinauupuan ni Mama. Niyakap ko agad ito.
“Merry Christmas, Ma!” bati ko sa kanya na ikinatingala niya sa akin at hawak na ang aking kamay. Hinalikan ko pa ito sa kanyang pisngi na ikinakurba agad ng kanyang labi.
“Merry Christmas, Trace…” Ngumiti siya sa akin na ikinatamis lalo ng aking ngiti.
Kumalas rin naman agad ako at si Kuya naman ang binati. Niyakap ko rin ito sa likod.
“Kuya, Merry Christmas…” Hinalikan ko rin ito sa pisngi.
“Merry Christmas rin sa’yo Trace…” bati niya rin sa akin.
Nakangiti akong bumalik sa pagkakaupo habang sila naman ni Mama ang nagbabatian sa isa’t isa.
Hiniwa ko iyong cake at iyon ang inuna kong kinain. Sila mama at Kuya ay nagagawa pang maghalakhakan dahil sa kanilang usapan.
Kumusta naman kaya ang pasko ng lalakeng iyon? Ang alam ko ay pupunta sila ngayon sa ibang bansa. Doon ata nila sasalubungin ang bagong taon. Isang linggo ata sila roon at mukhang babalik lang rito pag pasukan na ulit.
Kinuha naman ni Kuya iyong paperbag na inilagay niya kanina sa ilalim na lamesa at inilahad sa akin ang isang regalo. Iyong isa ay ibinigay niya rin naman kay Mama.
Inalog alog ko pa iyon.
“Ano ’to Kuya?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“Buksan mo…”
Inilagay ko naman agad iyon sa aking kandungan at sinimulang alisin iyong nakabalot na wrapper noon.
“Mahal ba ito, Bram?” tanong naman ni Mama na sinisimulan naring buksan iyong kanya.
“Sakto lang naman, Ma,” sagot ni Kuya.
“Hindi mo naman sinabing magbibigay ka ng regalo edi sana nakabili narin ako,” si Mama.
“Okay lang Ma.”
Tuluyan ko ng naalis iyong wrapper at tumambad ang puting kahon. Binuksan ko iyon hanggang sa ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata dahil isa iyong libro! Isang poetry na libro!
“Ito iyong paborito kong libro, Kuya!” Ibinalandra ko agad iyon sa kanyang mukha at gusto ko ng magtitili sa tuwa.
Tumawa si Kuya at nabasa pa ang pang-ibabang labi.
“Ingatan mo iyan ha,” sabi niya sa akin na ikinatango tango ko agad at mabilis itong niyakap.
“Maraming salamat Kuya! Paano na iyan… Wala akong regalo sa’yo…” Sumimangot agad ako noong humiwalay na ako sa kanya.
Kinurot niya ang aking pisngi at nagawa pang ilipat ang kamay sa aking buhok at ginulo iyon.
“Sapat na iyong mag-aral ka ng mabuti. Iyon nalang ang regalo mo sa akin.”
“May bago na akong bag! Tingnan mo Trace!” Pagmamayabang pa ni Mama at ipinakita sa akin ang regalo sa kanya ni Kuya.
“Salamat dito, Bram. Hayaan mo sa bagong taon bibilhan ko rin kayo ng regalo ni Tracey. Hindi ko na naisingit kanina sa kakamadali e,” sabi niya pa habang ang mga mata ay nanatili sa bago niyang bag.
Isa na ata iyon sa pinakamasayang araw ng aking buhay. Kahit hindi kami kumpleto sa hapag at wala si Papa ay okay lang dahil masaya rin naman kami. Ang hiling ko lang ay sana masaya rin siya sa araw na iyon. Sana ay nagtatawanan rin sila ng kanyang pamilya.
“Tara na, Kuya.” Lumabas rin ako sa kwarto habang sinusuot ang maliit kong bag sa aking likod nang balik eskwela na ulit pagkatapos ng New Year.
Nadatnan ko naman ang nakauniporme naring si Kuya at nagsasapatos pa habang nakaupo roon.
“Teka lang…” sabi niya.
Dumaan ako sa kanyang gilid at balak nalang itong antayin sa may pinto.
“Ang bango mo ah? Ginamit mo iyong pabangong bigay ni Rici sa’yo?” tanong niya sa akin.
Huminto ako sa may pinto at humarap sa kanya habang hawak hawak ko ang magkabilang straps ng aking bag.
“Opo Kuya. Iyong Chanel,” sabi ko.
Hindi na siya sumagot pa at tumayo rin naman pagkatapos niyang magsapatos. Kinuha niya ang itim niyang bag sa may lamesa saka rin iyon isinuot sa kanyang likod.
“Pati lipstick?” Umangat pa ang kanyang kilay sa akin nang makita na ang aking mukha.
Tumango ako habang ngumunguso. Lumabas ako ng tuluyan ng bahay gaboon rin siya. Pinanood ko lang ang kanyang likod na isinasara na iyong pinto ng aming bahay.
“Sino ang pinapagandahan mo sa eskwelahan?” tanong niya saka ibinulsa ang susi.
“Wala naman. Nag-aayos lang ako kasi mas maganda nga namang tingnan sa babae ang maalaga sa sarili Kuya,” katwiran ko habang sinusuklay ang buhok kong medyo basa pa gamit ang aking mga daliri.
Nagsimula kaming maglakad dalawa. Inakbayan niya pa ako at nagawang amuyin.
“Ang bango oh…”
Bahagya kong itinulak ang mukha ni Kuya.
“Ang mahal nga siguro nito eh. Galing daw ito sa ibang bansa at pinadalhan si Ate Rici. Ganoon pala talaga sila kayaman ’no?”
Ang mukha ng aking Kuya ay bigla namang nag-iba ang timpla. Hindi ko iyon matukoy. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at itinuon iyon sa harap ng dinadaanan namin habang ibinulsa niya naman ang kanyang dalawang kamay.
“Napapansin ko nga rin lahat ng mga gamit niya ay halatang branded at mamahalin.” Wala sa sarili kong dagdag at napatingala pa sa kalangitan habang iniisip ang mga napapansin kong gamit ni Ate Rici.
Nilingon ko si Kuya sa aking gilid na nakayuko na at sinisipa ang bawat batong nakaharang sa kanyang daanan. Napakurap ako at kinabahan dahil mukhang masyado akong naging madaldal.
“S-Sorry, Kuya…” mahina kong sabi sa kanya na ikinalingon niya naman sa akin at binigyan ako ng tipid na ngiti.
“Okay lang Trace… May panlaban rin naman ako sa mga mamahaling gamit niya. Mahal ko rin naman siya. Kung titimbangin ang dalawa… baka nga mas lamang pa iyong akin at hindi nabibili.”
Napangiti agad ako sa sagot ni Kuya. Pumasok rin naman ako sa eskwelahan. Napapansin ko na may iilang estudyanteng napapatingin sa akin. Hindi kaya ay hindi naman bagay sa akin ang bagong ayos ng aking buhok? Napasobra rin ba ako sa paglalagay ng lipstick sa aking labi? Pero sa pagkakaalala ko sakto lang naman ah?
“’Di ba siya iyong kapatid ni Bram? Iyong Grade Ten na?”
“Oo siya iyon. Gumanda siya ’no?”
“Maganda naman iyon dahil maamo ang mukha pero dahil naayusan ay mas lumabas ang ganda niya.”
“Kaya pala maraming nagkakagusto sa kanya rito…”
Iyon ang mga naririnig kong pag-uusap nila. Wala namang napapadpad na masasamang komento sa akin kaya ikinatuwa ko rin iyon.
Pumasok ako sa loob ng classroom at saktong naroon pa nakaupo ang iilan kong mga kaklaseng lalake at nagtatawanan pa. Wala pa kasing guro kaya doon muna sila pumwesto.
“Padaan ako,” sabi ko sa isa kong kaklaseng lalake na mabilis na napadpad ang mga mata sa akin. Umawang ang kanyang bibig at tila namamangha na. Ilang sigundo pa itong natulala kaya hindi agad ito gumalaw.
“Hoy padaanin niyo si Tracey!” Isa sa kanila ang mabilis na tumayo at hinila pa ang kanyang upuan.
Natataranta naring tumayo ang tatlo at pinaghihila ang kanilang upuan para hindi humarang roon. Ang laki ng binigay nilang espasyo sa akin.
Nahihiya akong ngumiti sa kanila saka rin naman nilagpasan ang mga ito na natulala na.
Ang iilan ko pang mga kaklaseng babae ay sumusunod rin ang kanilang mga mata sa akin. Ako naman itong naiilang na umupo sa aking upuan at hinubad na ang aking maliit na bag. Wala pa kasi ang tatlo kaya wala rin akong mapagtuunan ng pansin.
“Gumanda siya lalo at sobrang bango pa. Bigla akong nahulog pre.” Narinig kong sabi noong isa sa mga kaklase ko.
“H’wag mong sabihin na sasali kana sa Tracey fansclub namin?”
“Pasali ako. Ang ganda niya nga pala talaga…”
Namula ang aking pisngi at itinuon nalang ang atensyon sa labas ng bintana. Iyan ata iyong tinutukoy ni Freddie sa akin. May mga nagkakagusto pala talaga sa akin sa classroom at ako lang talaga itong walang alam.
Kinuha ko iyong binigay na libro ni Kuya at iyon ang binasa ko habang hinihintay ang pagdating ng guro.
“Trace! Naririnig ko ang pangalan mo sa labas! Pinag-uusapan ka! Ano, itutumba naba namin isa isa ang mga iyon?” Ang kakarating lamang na si Rose ay pasuntok suntok pa sa kanyang palad.
Sa kanyang likuran naman ay ang dalawa. Ang una kong napansin ay ang buhok ni Rinka na pinutulan ata nito at hanggang balikat na lamang.
“Puro lang naman pamumuri ang narinig natin. Kung panglalait iyon siguradong si Feli na ang nagsasalita,” si Rinka naman.
Nakarating rin ang dalawa sa aking harapan. Si Cecille ay hinawakan agad ang magkabila kong pisngi at tiningnan ako ng mabuti.
“Gumanda ka nga lalo,” tumango tango niyang sabi.
“At ang bango pa!” si Rose na nagawa pa akong amuyin.
“Iba talaga pag napapakain ni Israel ng kanyang mangga. Nagiging blooming,” mahinang sabi sa akin ni Rinka saka niya sinundot sundot ang aking gilid.
Medyo natawa ako roon.
“Kaonting pag-aayos lang naman ang ginawa ko…” sabi ko na ikinabusangot nila.
“H’wag kang magparinig sa amin Trace. Alam naming kahit mag-ayos kami ng bonggang bongga ay wala paring magbabago sa mga mukha namin,” si Rinka.
“At magpasalamat ka sa amin ha na pangit kaming tatlo. Kung hindi dahil sa amin hindi ka mas mapapansin sa ating apat. Kami ang nagpapatingkad ng ganda mo ’no!” mungkahi naman ni Cecille na umuupo na sa likuran.
“Itong si Trace pasimple rin kung manlait eh.” Inirapan pa ako ni Rose na ikinangisi ko nalang.
Umupo rin naman ang dalawa sa aking likod habang si Rinka naman ay sa aking tabi at inilapit pa talaga ang kanyang upuan sa akin.
“Pero maiba ako… Magkikita ba kayo mamaya ni Israel? Dumating narin sila ah? Pumasok na nga si Rici eh…”
Hindi ako sumagot lalo na’t hindi ko rin alam at… wala namang nasabi si Israel.
“H’wag mong sabihin na huli na iyong nakaraang taon?” Nagkasalubong na ang kanyang mga kilay habang sinundan ang galaw ng kamay kong hinahawi ang aking buhok.
“Hindi ko alam Rinka,” tanging nasagot ko sa kanya at pinatili ang mga mata sa libro.
“Huh? Anong hindi? Ba’t hindi mo puntahan sa lupain pagkatapos ng klase? Imposible namang hanggang doon lang ang mga nangyari sa lupain ha. Dapat malagyan niyo na iyan ng label,” dagdag niya pa.
Label? Wala lang naman ’yung nangyayari sa amin ni Israel. Ang label ay para lang naman sa mga taong sigurado sa nararamdaman nila sa isa’t isa. Hindi sa mga taong nagpapanggap na gusto nila ang isa’t isa.
Chapter 21
Want
Pumasok kami sa cafeteria nang mapansin ko agad ang tinginan sa akin habang pumipila na kami para makabili ng pagkain.
“Ay nangangamoy bulok agad ang paligid…” Naiiritang sambit ni Rinka na ikinaangat ko agad ng tingin.
Napunta ang pares ng aking mga mata sa may bukana at nakita ang pagpasok nila Ate Rici kasama na naman ang tatlo niyang kaibigan. Isa na roon si Feli na taas noong naglalakad at nakabun pa ang buhok. Ito ata ang unang beses na nagawa niyang itali ang kanyang buhok ng ganoon.
Noong magtama ang aming mga mata ay may kung ano agad siyang hinawakan sa kanyang leeg. Noong sundan ko iyon ay nakita ko ang suot niyang kwintas at ang hinahawakan niyang kumikinang na pendant noon. Hindi ko masyadong makita kung anong klaseng pendant iyon dahil natatakpan rin ng kanyang kamay.
“Tara…” Sulpot ni Rose sa aming harapan at may biniling apat na sandwich.
Ibinigay niya sa amin iyon isa isa. Nagpasalamat naman agad ako at handa naring umalis bago pa kami madatnan ni Ate Rici rito kahit na nasa may gilid na namin sila.
“Hi Trace!” Kinawayan ako ni Ate Rici kaya napakurap agad ako.
“Hi Ate…” bati ko sa kanya at kinawayan narin ito kahit na tinutubuan ako ng hiya dahil sa mga matang nang-uusisa agad sa akin.
“Ang ganda ganda mo ngayon ah!” pamumuri niya at mas tumamis pa ng kanyang ngiti.
Nahihiya naman akong ngumiti at nakita kung paano umasim ang mukha ni Feli. Iyong dalawa niya namang kaibigan ang pumila at hindi na nag-abalang pagtuunan kami ng pansin.
“Alis na po kami, Ate,” pamamaalam ko na ikinatango niya naman.
“Sige!”
Binalingan ko sila Rinka na matalim ang tingin kay Feli pero wala naman silang sinasabi. Umalis rin naman kaming apat doon dala dala ang aming pagkain habang silang tatlo ay dala dala narin ang iritado nilang mga mukha.
“Nasusuka na talaga ako pag nakikita ko ang pagmumukha ng inggratang iyon!” Halos bumaon ang mga paa ni Rinka sa sahig dahil sa pagmamartsa nito nang marahas.
“Kahit bagong taon na ay nanggigigil parin talaga ako sa babaeng iyan eh!” dagdag naman ni Rose.
Kahit noong lunch ay iyon parin ang pulutan ng kanilang pag-uusap. Nagpaalam nalang ako na pupunta ako sa library at babalik rin pag nagsimula na ulit ang klase. Mas gusto kong doon magbasa dahil walang disturbo at hindi pa ako maiilang sa mga paninitig ng iba sa akin.
Pumasok ako at nagtungo sa pasilyo kung saan nakalagay ang libro na gusto kong basahin. Total malapit na akong makatapos bilang high school… gusto kong magbasa ng advance sa kukunin kong kurso sa kolehiyo. Alam kong ilang taon pa bago ako tumuntong sa stage na iyon pero gusto ko ring maging handa. Gusto ko sanang magtayo ng sarili kong flower shop pagkatapos ng aking pag-aaral. Gusto kong magdesign ng mga magagandang bulaklak sa mga may kasal at kung ano ano pang espesyal na okasyon.
Kinuha ko ang librong may bulaklak ang cover noon sa harap saka ako nagtungo sa bakanteng upuan. Inilapag ko sa mesa iyong libro saka ko pinasadahan ng haplos ang aking palda pababa saka ako umupo roon.
Paglaki ko, gusto kong mamuhay sa simpleng bahay at napapaligiran ng magagandang mga bulaklak. Kahit doon lang rin sa lupain namin itayo iyong magiging simpleng palasyo namin ni Mama. Alam kong si Kuya ay magkakaroon rin ng sarili niyang pamilya at balang araw ay bubukod rin sila noong mapapangasawa niya. Sana nga ay si Ate Rici iyon. Sana maipaglaban nilang dalawa ang kanilang pagmamahalan hanggang dulo.
Ako kaya? Anong klaseng pag-ibig ba ang naghihintay sa akin? Meron na ba? Nakilala ko na ba iyong lalake? O kailangan ko munang dumaan sa ibang lalake at masakpan para matuto. Ano kaya ang plano ng langit sa akin? Kasingganda ba iyon sa mga nababasa ko sa libro? O kasingpait lang rin ng napapanood ko?
Doon lamang nabura ang aking pinag-iisip nang may maramdaman akong imahe ng kung sino ang umupo sa aking harapan. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Feli na inilalapag doon ang librong dala dala saka niya iyon binuklat.
“Hi…” Bati niya sa malambing na boses.
“Hi,” bati ko narin pabalik at tipid na ngiti lamang ang naibigay.
Bumaba ang kanyang mga mata sa libro at wala sa sarili iyong inilipat lipat. Para itong may hinahanap na pahinang hindi niya rin naman alam kung ano.
Ginaya ko narin siya at itinuon ko nalang ang aking atensyon sa librong binabasa ko. Wala rin naman akong maisip na gagawin niyang masama rito sa akin. Lalo na’t iyong huli naming pagkikita sa lupain nila Israel ay hindi gaanong maganda.
“Pamilyar sa akin ang pabango mo ha. Chanel iyan ’di ba?” tanong niya sa akin. Wala naman akong makitang galit o inis sa kanyang mukha habang sinasabi iyon. Mukhang nagtatanong lang ito.
Hindi ako makasagot at ilang sigundong napatitig sa kanyang mukha. Marahan siyang tumawa at inabot ang pendant noong suot niyang kwintas saka niya iyon hinawakan.
“Alam ko namang si Rici ang may bigay niyan. Ang bait niya ’di ba?” medyo mahina niyang sabi at nagawa pang umabante sa akin.
Napangiti ako at tumango lamang. Sang-ayon rin naman akong mabait si Ate Rici.
Binitiwan niya ang pendant noong kwintas niya at doon ko nakita ang hugis puso na pendant noon.
Nag-iwas ako ng tingin doon nang mapansin niyang titig na titig ako. Yumuko naman siya saka niya iyon tiningnan.
“Mahal pa naman ito… At kung ibebenta mo ata ay nasa ilang libo rin. Galing ibang bansa pa ito eh… Bigay ni Rici,” sabi niya sa akin na ikinakurap ko.
Ganoon kabait si Ate Rici na hindi niya na iniisip kung mura ba o masyadong mahal iyong ibinibigay niyang bagay sa isang tao. Kaya rin siguro pinagpapala sila dahil sa ugaling meron sila.
Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi kaya ilang sigundo itong tumahimik at palipat lipat parin ng pahina noong libro.
“Uhm… Tungkol sa inyo ni Israel… Kumusta na kayo?” biglaan niyang tanong.
Natigil ako sa pagbabasa at nag-angat ng tingin sa kanya. Ngumiti agad siya ng sobrang tamis sa akin.
“Alam mo Trace… Minsan naaawa rin ako sa’yo eh…” Nagpeke pa siya ng lungkot habang pinapapungay niya ang kanyang mga matang nakadirekta na sa akin.
Ibinagsak niya sandali ang tingin sa librong binabasa ko pero mabilis rin namang ibinalik sa aking mga mata.
“Noong una nagtataka ako kung bakit pinapalapit ka ni Israel sa kanya eh kabisado ko ang lalakeng iyon… He’s cruel… Ayaw noon sa mga taong manggagamit,” paglalahad niya sa siguradong boses.
Lumapit pa siya ng bahagya sa akin habang ang mga kamay ay nakahilig na sa mesa. Lumingon lingon siya sandali pero ibinalik rin naman agad ang tingin sa akin.
“Pero noong nalaman ko ang rason niya… Naawa ako sa’yo.” Inangat niya ang kanyang kamay at sinuklay suklay ang gilid ng aking buhok. “Hayaan mo… pagsasabihan ko iyon na tantanan kana. Pero ikaw… Kung gusto mong lumapit lapit parin sa kanya ay wala akong magagawa roon.”
Ilang sigundo ko siyang tinitigan. Alam ko naman iyon lalo na’t ako rin mismo ang sumubo sa aking sarili sa sitwasyong ito.
I may looked innocent, but I know what’s happening around me. I know Israel’s hidden motive. I know what he wants from me.
“Mabait naman si Israel. Ni minsan… Hindi niya pinaramdam sa akin na iba ako. Na magkalayo ang estado namin sa isa’t isa,” inosente kong sagot sa kanya na mabilis niyang ikinatakip sa kanyang bibig at nagpipigil na humagalpak ng tawa.
“Grabe… Kahit kailan talaga pagdating sa pambobola ay eksperto ang lalakeng iyon… Lahat napapahulog niya sa kanya,” sabi niya pa at pilit kinokontrol ang sariling hindi matawa.
Nailing iling siya habang may nakakaloko ng ngisi sa kanyang labi.
“Ayoko rin namang hadlangan ang mga balak ni Israel… Kaya sige… Magpaakit ka pa lalo ha,” sarkastiko niyang pagkakasabi at tumayo rin naman kasama ang matagumpay na ngisi sa kanyang mukha.
Tumalikod rin naman ito at umalis na. Ni hindi niya pa binalik sa shelf iyong librong kinuha niya kaya ako nalang ang kumuha noon. Halatang nagpapanggap lang iyong pumunta rito para magbasa dahil ang totoo ay ako ang sadya niya. Eh iyong librong kinuha niya ay tungkol sa mga buildings. At isa pa… hindi naman iyon mahilig magbasa at ito nga ang kaunaunahang beses na nakita ko siyang nagkainteres magbasa rito.
Hindi ko na binanggit pa tatlo ang napag-usapan namin ni Feli. Mas sisiklab lamang sila at mas pag-iinitan nila iyon. ’Tsaka hindi niya narin naman kailangang sabihin iyon sa akin dahil hindi naman ako manhid para hindi maisip ang bagay na iyon. Siguro kaya niya iyon sinasabi para masaktan ako sa katotohanan dahil akala niya nag-aassume na ako ng malaki.
Baon baon ko ang mga iyon habang naglalakad na ako pauwi. Ginugulo na naman ako ng aking utak at kung ano ano na naman ang pinag-iisip nito. Doon lang iyon nabura dahil sa yabag ng paa ng kabayong tumatakbo sa aking likuran.
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang kabayong pamilyar sa akin. Nakita ko roon ang imahe ni Israel at ang marahas na hagod ng titig niya.
Doon lamang ako bumalik sa aking sarili nang huminto ang kabayo sa aking harapan at walang ano-ano’y bumaba siya roon.
“Hey…” tawag niya sa baritonong boses.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya.
“It’s almost two weeks since the last time we saw each other. Wala ka bang sasabihin sa akin?” he tilted his head while eyeing me closely.
“Hindi ko alam anong sasabihin ko…” mahina kong sabi sa kanya habang tinitingala ito.
Napansin ko na mas gumwapo ata ito kahit na ilang araw lang naman kaming hindi nagkita. Wala namang nagbago sa kanya ah? Siguro iyong mga mata ko ay masyadong perpekto ang tingin sa kanya.
“Kahit ‘Namiss kita, Israel’ okay na iyon sa’kin.” Nagkibit pa ito.
Ngumuso ako. “Namiss kita, Israel…” panggagaya ko sa kanyang sinabi na ikinakurap niya.
Naialis niya ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang habang ang kanyang mga labi naman ay umawang ng kaonti.
“You do?” tanong niya sa mas malalim na boses.
Ngumuso ako. Gusto ko sana sabihing feeling pero totoo naman. Namimiss ko siya.
Suminghap siya at binasa agad ang pang-ibabang labi. Humakbang pa siya papalapit kaya mabilis na umingay agad ang aking dibdib. Sa sobrang ingay ay tila naputol na ang aking hininga.
“Close your eyes…” sabi niya sa akin na ikinakurap kurap ko.
Hahalikan niya ba ako? H-Hindi kaya iyon ang plano niya? Loko loko pa naman ito minsan.
“B-Bakit?” nagtataka kong tanong.
“Basta… Just do it…” Ngumisi siya sa akin at nagawa na namang kagatin ang pang-ibabang labi.
Lumunok ako ng laway saka bumagsak ang aking mga mata sa kanyang dibdib kung hanggang saan lamang ako sa kanya. Dahan dahan akong pumikit at hinayaan nalang siya kung ano man ang binabalak niya sa akin.
Ilang sigundo akong nakapikit at ramdam ang kanyang imahe sa aking harapan na hindi parin umaalis dahil narin sa kanyang pabango na naaamoy ko parin.
“Now… Open your eyes.”
Sinunod ko naman iyon at dumilat na. Napakurap ako nang wala man lang nagbago na kahit ang paglapat ng kanyang labi ay hindi ko man lang naramdaman. Ay… Ano ’yon? Inuuto niya ba ako?
“Para saan iyon?” tanong ko sa kanya.
“Wala lang… Gusto lang kitang pumikit,” mapang-uyam niyang sabi na ikinasimangot ko agad.
Nang mapansin niya ang aking ekspresyon ay napanguso pa ito para magpigil ng ngiti.
Umiling nalang ako at naglakad na papunta sa bahay lalo na’t nasa tapat narin naman kami. Nararamdaman ko siyang sumusunod sa akin kaya tumigil muna ako sa may pinto at nilingon ito. Nagets niya naman ang ibig kong sabihin at huminto rin doon.
Tuluyan akong pumasok sa bahay at napabuntong hininga nalang sapo sapo ang dibdib kong nag-iingay. Napakurap ako nang bukod doon ay may nakapa pa ako. Mabilis akong yumuko at nakita ang isang kwintas na may hugis pusong pendant at sa gilid noon ay may kumikinang na maliit na bato.
Siya ba ang naglagay nito sa akin habang nakapikit ako?! T-Teka?! Ba’t niya naman ako bibigyan ng ganito kaganda at mukhang mamahalin pang kwintas? Hindi pa naman kami ah! Ni wala nga iyong label! Ba’t ang bilis bilis niya naman atang namimingay ng kung ano ano sa akin?
Lumabas ulit ako pero napahinto rin dahil sa biglaan kong pagkabangga sa kung anong matigas at mabango. Nag-angat ako ng tingin at nakita ito.
Inangat ko agad iyong pendant. “Ba’t mo ako binibigyan ng kwintas? Hindi ko ito matatanggap Israel—”
“Why?” Angat ng kanyang kilay at para bang kahit pagtanggi ay hindi siya papayag. “It’s a gift. It’s normal for friends to give gifts…”
“Friends?” Namilog ang mga mata ko.
Namaywang siya at bahagyang natawa. “Ah… Then lovers?”
Namula ang aking mukha. “Hindi ko nga ito matatanggap. Hindi mo dapat ako binibigyan ng kung ano ano!”
“Ano bang gusto mong matanggap?” Angat ng kanyang kilay.
Ang kulit ni Israel!
“W-Wala!”
“Maybe you…want me?” Nakangisi niyang sabi na ikinalaglag ng panga ko.
“You like me. I am your crush, right? Do you want me instead of that necklace? Do you want me more?”
Bakit ba paladesisyon itong Buenaventura na ’to?
“Ibigay mo nalang ’to sa iba, Israel,” pamimilit ko dahil pakiramdam ko, parang mali na may tanggapin akong kahit ano sa kanya.
Nagbibiruan lang naman kami ditong dalawa. Parehas kaming nagpapanggap. Iyon nga lang, hindi niya alam na alam ko ang ginagawa niya.
“Sa kapatid mo,” agap ko.
“I already gave her a necklace.”
“Edi sa…n-nagugustuhan mo?”
He laughed and shook his head. “Silly girl. That’s why I gave it to you.”
Chapter 22
Kwintas
Hindi ko na pinatulan kung ano man ’yang mga biro niya. Ako…nagugustuhan niya? Imposible. Parte lang ’yan ng plano niya para kunin ang loob ko.
“Can I come in?” tanong niya sa akin nang magtama ang mga mata namin.
“Uh… Hindi masyadong maganda ang bahay namin at baka mandiri-”
Umangat ang kanyang kilay sa akin kaya natutop agad ang aking bibig. Ilang sandaling gumala ang aking paningin pero sa huli ay naibalik ko rin sa kanya.
Ngumuso ako at walang nagawa kundi magtungo roon sa may lamesa. Yumuko ako at hinila palabas iyong dekahoy na upuan.
Tumayo ulit ako ng tuwid saka ko iyon itinuro.
“Dito ka lang oh…” Nilingon ko siya na ngayon ay kagat kagat na ang labi habang iyon ang pinaglalaruan.
Nagtungo rin naman siya rito. Napasimangot agad ako nang mapagtantong hindi siya bagay sa ganitong lugar. Kung si Ate Rici mukhang kasya naman… siya ewan ko.
Pinanood ko siyang umupo roon pero hindi ito nakaharap sa lamesa. Yumuko pa siya roon at inihilig ang mga siko niya sa kanyang hita saka niya pinagsalikop ang mga kamay. Maliit lang ang espasyo. Nagmumukhang bahay ng daga ang bahay namin dahil sa pagpasok ng leyon.
“Where’s your room?” Sinipat niya ng tingin ang mga pintong nasa likuran ko.
Huh? Ba’t niya tinatanong? Balak niya rin bang pumasok doon?
“Iyan oh.” Itinuro ko ang pinto ng aking kwarto.
Tumango tango naman siya at binasa pa ang pang-ibabang labi.
“It looks cute…”
“Maliit kamo,” pagtatama ko sanhi para tingalain niya ako at nakaangat na naman ang isang kilay.
Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod rin naman.
“Bihis lang ako… Uh… Kung may gusto ka… tawagin mo lang ako,” sabi ko pa at nginitian siya ng tipid.
Kalmado siyang tumango saka niya iginala ang tingin. Pumasok rin naman ako sa aking kwarto. Doon nanlambot ang aking tuhod at wala sa sariling nahawakan ang pendant noong kwintas. Yumuko ako at napangiti. Ibalik mo nalang sa kanya pag hindi niya na dinideny.
Nagbihis ako at inayos ang aking sarili kahit papaano. Noong makontento ako sa aking itsura ay lumabas rin naman ako ng kwarto. Nadatnan ko siya sa labas na nakatayo na at hindi parin tapos ang mga mata sa pagsuyod sa kabuuan.
“Uh… Tara?” Nag-amba na akong lumabas.
“Wait.” Magkasalubong ang kanyang kilay habang ang tingin ay nasa aking dibdib.
Bumaba ako roon at nakitang hindi naman ako nakikitaan.
“B-Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Just a bit.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka umangat ang kanyang tingin at napunta sa garter noong damit sa may parteng dibdib ko.
Napalunok ako sa kanyang ginawa at baka bigla niya nalang iyong hilain pababa dahil sigurado akong malalantad talaga ang aking bra.
Naramdaman ko sa gitna ng aking dibdib ang paglapat ng kanyang kamay roon. Kapwa naroon ang aming mga tingin. Noong nag-angat ako ay nakaawang ng kaonti ang kanyang basang labi at malalim na ang pagkakatitig doon.
Kinuha niya roon ang pendant ng kwintas at inilabas. Dahan dahang gumapang ang kanyang mga mata paakyat sa akin.
“Don’t hide it,” he whispered to me as I felt his breath on my cheeks.
Tumango ako at namumula na naman ang pisngi.
“Uh… Hindi ba ako mahoholdap pag suot suot ko ito? Baka pag-initan ako ng mga magnanakaw kaya ano… pwede hubarin ko nalang?” sabi ko sa kanya.
Umiling siya. “Just wear it.”
“Pero… Masyado itong ano… M-Mahal… H-Hindi ako sanay sa ganito…”
“Masasanay ka rin,” aniya.
Yumuko ako at tiningnan iyong muli. Huhubarin ko ito maya maya pag nasa bayan na ako. Susuotin ko lang pag pauwi na ako pagkatapos ng klase. Ganoon nalang siguro? O pwede rin na itago ko nalang sa uniporme ko.
“Wear it always…” Sabay sulyap niya sa pendant ng kwintas ko.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at wala sa sariling napatango. Umahon ang titig niya pabalik sa mukha ko. Nakita ko kung paano nalaglag ang tingin niya sa labi ko. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.
“T-Tara…” Nauna na akong umalis sa kanyang harapan at pakiramdam ko, ano mang oras ay mabubuwal na ako sa paglalakad.
Tahimik kaming dalawa habang naglalakad pabalik sa kanyang kabayo. Huminto ako at pinanood siyang hilain ang pisi noong kabayo niya.
“Ihahatid na kita,” sabi niya sa baritonong boses na ikinatango ko nalang.
“Come here.”
Humakbang rin naman ako papalapit. Hinawakan niya ang aking baywang at walang ano ano’y umangat na ako sa ere na tila isang hangin sa sobrang gaan.
Inipit ko agad ang aking mga hita pati na iyong aking suot para hindi umangat mamaya pag pinatakbo niya ito ng mabilis. Noong mapansin niyang okay na ako ay doon lang rin siya sumampa sa kabayo.
“Do you want me to fetch you tomorrow after school?” tanong niya na ikinakurap ko.
“H-Huh? H’wag na no…”
“Ba’t ayaw mo?” Umangat ang kilay niya at nahulog ang tingin sa akin.
Hinawakan ko naman ang aking buhok para hindi iyon umangat sa ere.
“W-Wala lang… Kaya ko namang mag-isa,” sagot ko.
Kinagat kagat niya ang kanyang pang-ibabang labi kaya ibinalik ko sa bawat nadadaanan namin ang aking atensyon. Sige ka Israel… Baka sa susunod nito pag nasanay na ako hanap hanapin na kita.
Tulala ako kahit noong nasa bayan na ako. Hinubad ko pa iyong kwintas niya para di makita ni Mama dahil baka magtaka iyon kung sino ang nagbigay at akusahan akong may boyfriend na. Palagi niya pa namang inaakusahang mas malandi pa si Kuya kaysa sa akin. Ma… Paano ka magpipigil kung nakakatukso talaga ang mga Buenaventura?
Isinuot ko ulit iyong kwintas noong pumasok ako ng eskwelahan pero itinago ko nalang sa loob ng aking uniporme. Nakalugay rin naman ang natural na maaalon kong buhok kaya okay lang rin.
“Good morning, Trace…” bati ng lalake kong kaklase pagpasok ko.
Ngumiti ako sa kanya.
“Morning…” mahina kong sagot pero sapat lamang iyon para ngumiti ito lalo.
Nagtungo rin naman ako sa aking upuan. Itinuon ko ang aking tingin sa labas ng bintana at hindi mapigilang mapangiti. Magkikita ba ulit kami mamaya? Pupuntahan niya ba ulit ako? Hindi naman pwedeng sunduin niya ako rito dahil pag-uusapan lamang kami. Ayokong dumagdag ng issue sa kapatid ko. Makakarating pa ito kay Kuya at mapapagalitan pa ako. Baka makatikim rin ako kay Mama.
“Uy pangiti ngiti! Habang tumatagal mas lalong bumublooming ah?” Bigla nalang sumulpot si Rinka sa aking harapan at nagawa pang silipin ang aking mukha.
“Huh…” Natatawa kong sabi.
“Ano ’yang make-up mo Trace? Make-up ng mga babaeng inlove? Ikaw ha…” Sinundot sundot niya pa ang aking tagiliran na nagpapaigtad sa akin.
“Hindi ah…” Ngumuso pa ako para magpigil na ng ngiti kaso hindi ako tinantanan ni Rinka.
Dumating narin ang dalawa at katulad ng kanilang nakasanayan sa akin ay inaasar na naman ako. Palagi ko nalang tinantanggi na wala lamang iyon pero hindi ko alam ba’t binubulgar ako ng aking mukha. Ni hindi ko rin mapigilan ang pagngiti ko.
Nasa ikalawang subject na iyon nang may pumasok sa aming classroom. Guro iyon at ang gwardya sa aming eskwelahan. Nalipat ang aking tingin sa imahe ni Feli na galit na galit ang mukha.
Nagtungo iyong guro niyang kasama sa guro namin at may sinabi roon na ikinatango naman nito.
“Tumayo kayong lahat at iwan niyo ang mga gamit niyo sa upuan. Pumunta kayo rito sa harap,” sabi ng aming guro na ikinakunot ng aking noo.
Kung kahapon ay nakabun ang kanyang buhok, ngayon naman ay nakalugay na.
“Anong pakulo ng inggratang iyan…” narinig kong sabi ni Rinka.
Nagsitayuan na ang iba kong mga kaklase kaya tumayo narin ako. Iyong guard naman ay nag-umpisang halughugin ang bag noong first row.
“Nawawala ang mamahaling kwintas ni Miss Barit,” sabi ng guro at sinagot ang mga nagtatakang mukha ng aking mga kaklase.
Kwintas? Iyong suot niya kahapon?
Lumipat ang tingin ni Feli sa akin.
“Nasaan ang bag mo, Trace?” tanong niya sa matigas na boses na ikinakurap ko.
Huh?
“Iyan…” Itinuro ko ang aking upuan kung nasaan ang aking gamit.
Nagtungo rin naman agad siya roon.
“Sumusobra na talaga siya,” bulong sa akin ni Cecille at galit na ang boses na iyon.
Hindi ko alam kung ba’t bigla nalang akong kinabahan. Ang mga mata naman ng aking kaklase ay nakay Feli na. Binuksan niya ang maliit kong bag at ibinuhos ang laman noon sa aking upuan.
“Sigurado akong siya ang nagkakainteres sa kwintas na ’yon dahil ilang beses niya iyong tinitingnan kahapon. At nabanggit ko rin sa kanya habang nag-uusap kami sa library na ilang libo iyon pag binenta,” paglalahad niya sa galit na boses na ikinatingin ng aking mga kaklase sa akin.
Umawang ang aking bibig at namutla sa kanyang binibintang. Hindi ko naman iyon magagawa sa kanya!
“P-Pero nauna kang umalis kahapon sa library Feli…” sabi ko sa kanya.
“Baka nalaglag ko roon at nakita mo pero di mo na ibinalik sa akin dahil alam mong mahal iyon!” sigaw niya naman at nasa akin na ang buong atensyon.
Mas lalo akong namutla. Sa kanyang rason ay katanggap tanggap nga iyon.
Tiningnan ako ng aking guro na kahit iyong gurong kasama niya ay nasa akin narin ang buong atensyon.
“Halika rito, Trace… Kakapkapan ka nalang para matapos na ito,” sabi noon.
“Pero hindi naman magnanakaw si Tracey! Nambibintang na naman ang babaeng iyan!” sigaw ni Rinka.
Mas lalong natuon sa akin lahat ng kanilang atensyon. Parang mawawalan na ako ng dugo dahil sa pamumutla ko. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi naman ako ganoong klase pero pinapangunahan ako ng takot at kaba.
Wala sa sarili akong humakbang papalapit doon sa babaeng guro. Sinimulan niya akong kapkapan. Ang una niyang tiningnan ay ang aking bulsa. Kahit ang aking sapatos ay pinahubad pa nito sa akin.
“Tingin sa taas,” utos nito kaya sinunod ko rin. Sobrang blangko na ang aking pag-iisip. Naiiyak na ako kahit na alam ko naman sa sarili kong wala akong kasalanan.
May kung ano siyang kinuha sa loob noon hanggang sa inilabas niya ang suot kong kwintas. Doon ko naalala ang bigay na kwintas sa akin ni Israel. Mamahalin rin naman ito pero naiiba ang style ng pendant nito sa pendant noong kwintas ni Feli.
“Ito ba, Miss Barit?” tanong noong guro kaya mabilis na humakbang papalapit sa akin si Feli.
Nang makita ang kwintas ay nanlaki agad ang kanyang mga mata. Walang ano ano’y hinila niya iyon ng marahas sa aking leeg na kahit ang pagkakaalis noon ay naramdaman ko pa ang hapding dulot nito.
“Ito ang kwintas ko Ma’am! Ninakaw niya nga!” sigaw niya na ikinalaglag ng aking panga.
Lahat ay napasinghap sa gulat. Kahit ako ay gulat.
“H-Hindi… A-Akin ’yan…” Nauutal kong sabi sa kanya pero mas lumala lamang ang galit sa kanyang ekspresyon.
“Anong sa’yo?! Mahal ito! Imposible namang makabili ka ng ganito eh halos nasa bundok nga kayo nakatira! Ano lang ba ang trabaho ng Mama mo? At kahit ang Kuya mong kargador ay hindi ito kayang bilhin!”
Nangilid agad ang luha sa aking mga mata habang umiiling. Idagdag pa ang tingin ng mga kaklase ko sa akin.
“H-Hindi F-Feli… B-Bigay iyan n-ni…” Natigil ako at hindi kayang ibigkas ang pangalan ni Israel. Pag sinabi ko… Mas mapapahamak lang ako lalo.
Wala akong naidugtong doon kaya mas naghinala ang mga mata sa akin ni Feli. Ang mga kaklase ko ay nagbubulungbulungan na at ang iilan ay disgusto na akong tinitingnan.
“Miss Quiamco, proceed to the office,” sabi sa akin noong guro na ikinabuhos ng mga luha sa aking mga mata.
“Ano?! Baka nga sinet-up lang ni Feli si Tracey! Hindi naman magnanakaw si Tracey!” palag ni Rose at akmang lalapit na sa amin pero pinigilan ito ng matalim na mga mata ng aming guro.
“Imposibleng ninakaw iyan ni Tracey! Hindi ganyan ang kaibigan namin!” Pagtatanggol naman sa akin ni Cecille.
“Baka magkaparehas lang sila!” sigaw naman ni Rinka.
“Total kayo ang mga kaibigan niya… Kahapon, may suot ba siyang ganito?” tanong ng guro na ikinatigil nilang tatlo. “H’wag kayong magsinungaling.”
“Wala po pero baka ngayon niya lang naisipang suotin,” sagot ni Rinka.
“Kahapon nawala ang kwintas ko at siya ang huli kong kausap sa library,” sagot naman ni Feli na ikinadiin ko lang lalo.
“Proceed to the office now,” sabi ulit nito sa akin kaya mas lalo lamang akong humagulhol habang naglalakad.
Paano ko ipapaliwanag na bigay iyon ni Israel? Kung sasabihin ko ba ay maniniwala sila? At hindi naman pwedeng sabihin ko iyon dahil mas lalala lamang ito. Kung pwedeng si Feli nalang ang kausapin ko na sana ay ipaliwanag niya na hindi naman iyon kanya at naiiba ang kwintas niya sa akin. May maliit na diamond ang akin at iyong kanya ay wala.
Pagdating sa office ay pinaupo agad ako nito. Ang mga mata noong guidance councilor ay nasa akin na. Umupo naman si Feli sa harap at humalukipkip agad roon habang hindi parin humuhupa ang galit sa mga mata.
“Anong kasalanan ng dalawa?” tanong ng guidance councilor sa gurong kasama namin.
“Nawawala po ang mamahalin kong kwintas at nakita sa kanya na suot suot ito. At sinabi niya pang sa kanya ito eh alam kong ito ang kwintas ko!” si Feli mismo ang sumagot.
Nalipat naman agad ang tingin sa akin noong guidance councilor. Mahigpit akong napakapit sa tela ng aking palda habang wala paring tigil sa pag-iyak.
“Totoo ba iyon hija?” tanong sa akin noon na ikinailing ko agad.
“Sinungaling! Ito ang kwintas ko!” sigaw ni Feli. “Mahal ito at imposibleng magkaroon ka ng ganito eh tagabundok ka lang-”
“Miss Barit, enough,” putol sa kanya noong guro.
“Labag sa rules ng school ang offense na ito, hija. Alam mo na pwede kang maparusahan pag napatunayang ninakaw mo nga ang kwintas,” sabi noong guidance councilor.
“H-Hindi ko po t-talaga kinuha…” hikbi ko.
“Bukas, papuntahin mo ang magulang mo rito para mapatunayan nilang sa’yo nga ito. Baka nagkamali lamang at parehas kayo ng kwintas,” paliwanag nito.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa buo kong katawan. Walang alam si Mama rito at kung malalaman niyang may ganyan ako ay mas lalo lamang akong maiipit at mapagbibintangan.
Tinakpan ko ang aking mukha at umiyak lalo. Wala akong choice… Kaysa naman papuntahin si Mama rito…
“S-Sorry… T-Tatanggapin ko po ang parusa…” sabi ko sa gitna ng aking mga hikbi at hirap na hirap na sa pagsasalita.
“Ibig sabihin… ninakaw mo talaga ito?” panungumpirma ng guidance councilor.
“S-Sa kanya nalang p-po iyong k-kwintas… H-H’wag niyo lang pong p-papuntahin si M-Mama…”
“See! Guilty siya! Sigurado akong walang alam ang Mama niya sa kwintas kaya ayaw niyang papuntahin! Ang kapal ng mukha mong sabihin na akin nalang ito eh akin naman talaga ito! Magnanakaw ka talaga! Mga mukha kayong pera! Parehas lang kayo ng Kuya mo!” mas malakas niyang sigaw sa akin.
Tinanggap ko ang kanyang binibintang sa akin at hindi na pinagtanggol ang aking sarili. Mukhang kailangan kong pagtakpan ang totoo kaysa mabulgar iyon. Mas malaking eskandalo kung nalaman nilang si Israel nga.
“Dapat sa kanya maexpell eh! Magnanakaw!” walang awat na sigaw sa akin ni Feli.
Wala na akong makita sa aking paligid at tinakpan lamang ang aking mukha.
Chapter 23
Kwits
“Tama na ’yan Trace… Alam naming wala kang kasalanan!” Hinaplos haplos ni Rinka ang aking likod habang wala akong tigil sa pag-iyak.
“Si Israel ba ang nagbigay noong kwintas sa’yo? Kailan niya binigay eh wala kaming napansing kwintas na suot mo kahapon,” sabi naman ni Rose sa akin.
“Iyong iba naman nating mga kaklase kung makapag-inarte akala mo alam nila ang buong estorya! Dahil lang kaibigan ni Rici si Feli ay iyon agad ang kakampihan nila!” inis na sabi ni Cecille.
“Ang sarap ngang pasabugin ng mga bibig eh,” si Rinka.
Isang kahihiyan ang sumampal sa akin ngayong araw. Hati ang simpatya ng mga kaklase ko. Iyong iba ay naniniwalang napagbintangan lamang ako habang iyong iba naman ay may disgusto agad ang mga mata.
Gustuhin ko mang linisin ang pangalan ko pero wala rin akong magagawa. Natapos na. Napagbintangan na ako at inako ko na ang kasalanan na iyon. Bukas ay kailangan kong tumulong sa canteen bilang parusa ko. Isang linggo akong kailangang magsilbi roon at hindi ako pwedeng pumasok sa iba kong subject hangga’t hindi natatapos ang parusa sa akin.
“Uuwi na ako…” paalam ko sa tatlo at isinuot na ang maliit kong bag.
“Gusto mo samahan ka namin, Trace?” tanong ni Rose sa akin.
Umiling ako at naglakad na paalis nang hindi sila nililingon. Ang hawak kong panyo ni Cecille ay basang basa na dahil wala akong tigil sa pag-iyak. Gusto ko lang mapag-isa ngayon ay umiyak buong gabi sa bahay.
Wala na gaanong estudyante dahil kanina pa ang uwian. May iilan pang natitira pero konti nalang at nabibilang lamang.
“Nakakahiya naman… Nasa dugo pala talaga nila…”
“Oo nga eh… Mga mukhang pera kaya pati mamahaling kwintas ni Feli ay ninakaw narin.”
“Bumalik nga tayo sa daan baka tayo naman ang biktimahin niyan.”
Umuwi ako at nagpasyang manatili nalang sa bahay at h’wag ng pumunta sa bayan. Maiintindihan naman siguro ni Mama… Sasabihin ko nalang marami akong projects na ginawa.
Nagpapasalamat narin ako at hindi lumitaw si Israel kanina habang pauwi ako. Anong oras narin naman kasi?
Umiyak akong muli at pinagsisihan kung ba’t ko pa tinanggap ang kwintas na bigay ni Israel. Hindi naman bagay sa akin ang mamahalin. At walang naniwala na pwedeng akin iyon dahil nga…mahirap lamang kami. Halos igapang pa ang pang-araw araw para lang makausad sa susunod na araw.
Kinuha ng isang katok ang aking atensyon. Nagtataka akong bumangon. Nakalock iyon pero kung si Mama ay may susi naman siya. Pero masyado pang maaga ah? At dumederitso rin si Kuya Bram sa kanyang trabaho. Hindi kaya sila Cecille iyan?
Lumabas ako at binuksan ang pinto nang magulat sa imahe ni Israel. Nakatayo siya at seryosong nakapamulsa. Noong magkatitigan kami, mabilis na nanlabo lalo ang mga mata ko.
Bigay niya pa naman iyon sa’yo Trace… Ano ngayon ang sasabihin mo?
“Ba’t ka umiiyak?” tanong niya sa galit na boses.
Umiling ako at mabilis iyong pinunasan.
“S-Sinisipon lang a-ako…”
“But you’re crying.” Mas naging matigas ang kanyang boses at may diin na iyon. Ni hindi ko siya matingnan ng deritso dahil sa nakikita kong galit sa kanyang mukha.
“Wala ito… U-Umuwi kana.”
Umawang ang kanyang bibig at bakas sa mukha ang pagtutol pero hindi ko na hinintay ang isasagot niya at mabilis na isinara ang pinto.
“Fuck! Trace!” Kinatok niya iyon nang paulit-ulit. Sa sobrang lakas ay gigibain niya na ata ang aming pinto.
Sumandal agad ako roon pagkatapos iyong ilock.
“Umuwi kana nga!”
“Open the goddamn door Trace!” sigaw niya sa labas at mas naging marahas lamang ang pagkatok.
“Buksan mo o sisirain ko ito!” Kinalampag niya iyon sa labas. Mariin akong napapikit habang humihingos.
“Nakasandal ako sa pinto! M-Masasaktan mo ako!” sigaw ko naman.
Huminahon siya roon at natigil sa kakakatok na kahit ang kalampag ay huminto narin. Ilang sigundo siyang natahimik roon kaya buong akala ko ay umalis na ito.
Pero ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata nang nahulog ang tarangkahan ng aming bintana dahil sa pagtulak niya. Ilang sandali lang, nakita ko ang imahe niyang doon na pumapasok!
Napunta agad sa akin ang kanyang tingin. Humikbi ako at hindi alam kung ano ang uunahing tingnan. Ang nasira ba naming bintana o ang imahe niyang patungo na sa akin.
“M-Mapapagalitan t-talaga ako ni M-Mama…” Inaninag ko ang kanyang mukha sa kabila ng nanlalabo kong mga mata.
“Who made you cry?” nag-aalala niyang tanong.
Umiling ako at hinawi ang kanyang kamay roon.
“Tell me Trace… Sino ang bubugbugin ko?” masuyo niyang tanong sa akin na kahit ang kanyang hininga ay tumatama na sa aking pisngi dahil sa sobrang lapit.
“W-Wala nga…” Itinulak ko siya paalis sa aking harapan pero dahil wala rin akong lakas ay hindi ko man lang siya natinag.
“Di mo sasabihin? Di ako aalis dito hangga’t hindi ako nakakakuha ng matinong sagot sa’yo. Wala akong pakialam kung madatnan tayo ng Mama mo.”
Nanlaki agad ang aking mga mata sa kanyang sinabi. S-Seryoso ba siya?!
Hindi agad ako nakasagot hanggang nakita ko ang tingin niyang mapaghanap sa leeg ko.
“Where’s the necklace I gave you?” mas marahas na ngayon ang pagkakabigkas niya.
Doon lamang grumabi ang aking mga luha at mas umagos lamang iyon na parang falls na di na matigil.
“W-Wala na s-sakin…” Tinakpan ko ang aking mukha at doon umiyak.
“Someone stole it?” he growled.
Umiling ako pero walang masabing sagot.
“Di mo talaga sasabihin sa’kin? Pwes… Pupuntahan ko bukas ang mga kaibigan mo sa eskwelahan at sila mismo ang tatanungin ko,” pagbabanta niya na ikinababa agad ng aking mga kamay.
“H-H’wag na!” agap ko.
Sobrang magkasalubong na ang kanyang kilay. Makikita mo sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at pagkakadismaya.
“Name the culprit, Trace. I assure you… I’ll beat the shit out of that bastard. Iyang nagpaiyak ba sa’yo ang kumuha ng kwintas ko?”
Hindi ako sumagot at ramdam ang kanyang galit. Naiisip ko palang ang kaya niyang gawin sa mga pagbabanta niya ay ayaw ko ng sabihin sa kanya ang totoo. Baka ano pang maisipan niyang gawin. At sigurado akong nagkamali lang rin si Feli. Siguro tutulong nalang ako sa paghahanap ng kwintas niya para matapos narin ito.
“Sinabi ko na sa’yong susunduin nalang kita! You and your stubborn head!”
Umiyak lamang ako ng husto. Lumapit siya at isinandal ang ulo sa aking ulo. He was so gentle that his dangerous demeanor felt comfortable for the first time.
“Stop crying damn it. It’s hurting me…” Bumakas sa kanyang mukha ang sakit na akala mo ay may iniindang sugat. Sa sobrang lapit ay naaamoy ko na ang mint sa kanyang hininga.
Hindi tumigil ang kanyang kamay sa kakapunas sa aking mga luha.
Isang mahabang hininga ulit ang kanyang napakawalan. Inalis niya ang kanyang noo sa akin at pinatakan ng halik ang aking mata.
“If you think you can protect the one who hurt you from me then you’re wrong,” sigurado niyang sabi.
“W-Wala ngang nagpaiyak sakin…” mahina kong sabi sa kanya.
“Ano? Iiyak kana lang bigla? Bullshit Trace. You think I’ll buy that reason?” galit niyang sabi sa akin.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at napayuko nalang. Ang bigat bigat na ng aking mga mata dahil kanina pa ako umiiyak. Dapat pala itinulog ko nalang ito.
Umalis siya sa aking harapan at nagtungo sa may sink. Kumuha siya ng baso roon at nilagyan iyon ng tubig saka niya iyon inilapag sa mesa. Hinila niya pa ang upuan sa ilalim noon at sinenyasan akong magtungo roon.
Naglakad ako at umupo roon sa harap ng baso. Ininom ko iyon habang nanatili naman siyang nakatayo sa aking gilid, nakapamaywang at binabalot parin ng dilim ang ekpsresyon.
“Umuwi kana…” mahina kong sabi.
“Di mo pa nga sinasabi sa akin ang rason kung ba’t ka umiiya-”
“H’wag mo nalang ipilit, please!” sigaw ko sa kanya na ikinaawang ng kanyang bibig at naiwan sa ere.
Itinikom niya iyon at binasa ang pang-ibabang labi. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
“Kung di ka aalis… Mas iiyak lang ako…” pagbabanta ko sa kanya sa marahang boses.
“Tangina!” Nailing siya at humalakhak na pero wala na akong marinig na tuwa roon. Malademonyo ang halakhak na iyon.
“S-Sige na please… U-Umalis kana lang…” pagmamakaawa ko sa kanya na ikinaseryoso ng kanyang mukha.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at naikuyom ang mga kamay. Kalaunan ay isang buntong hininga na naman ang kanyang pinakawalan.
“I’ll just fix the window and after this I’ll leave,” matabang niyang sabi saka nagtungo roon sa bintana.
Oo nga pala… Mabuti naman! Lalo na’t wala akong maipapaliwanag diyan kay Mama.
“Umiyak ka ba buong magdamag, Trace?” si Kuya kinabukasan na ikinagapang ng takot sa aking loob habang patungo kami sa school.
“H-Huh… Hindi ’no…” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pasimpleng sinuklay suklay ang aking buhok.
“Anong hindi? Ba’t ganyan yang mga mata mo? Parang namumugto,” iritado niyang hinawakan ang aking baba at ipinaharap ang aking mukha sa kanya.
“Umamin ka nga. Umiyak ka ’no?” Iritang irita na ang boses na iyon at idagdag pa ang kilay niyang marahas ng nagkakasalubong.
“Hindi nga, Kuya…” Inalis ko ang kamay niya roon at mahigpit na hinawakan ang straps ng aking maliit na bag. Itinuon ko nalang ang aking mga mata sa sapatos ko.
“Siguraduhin mo iyang iniiyak iyak mo ha. Pag nalaman ko ’yan lagot ka talaga sa’kin…”
Kinabahan agad ako roon. Alam kong mabait si Kuya pero pagdating sa akin ay matindi siya kung magalit. Naalala ko pa kung paano niya sinuntok iyong kaklase kong lalaki noong elementary ako dahil inaaway ako. Inabangan niya talaga itong lumabas at doon niya sinuntok.
“Nakakahiya naman siya… Ako sa kanya di na ako papasok.” Ang mga kaklase ko pagkapasok ko sa classroom.
“Di ko nga alam ba’t nagkakagusto sa kanya ang mga kaklase natin at si Leo. Magnanakaw pa nga eh.”
“Pag ako nawalan ng gamit alam ko na kung sino ang aking pagbibintangan.”
Ang hinihingal na kakarating lamang na si Rinka ang nadatnan ko. Hinanap niya agad ang aking presensya.
“Trace! Si Israel! Sumugod sa classroom nila Feli!” sigaw niya habang hinahabol ang hininga at sapo sapo ang dibdib.
Nalaglag agad ang aking panga at napatayo na. Kahit ang aking mga kaklase ay napatayo narin at nagtatakbo na palabas para siguro makiusyoso.
“Ha?! B-Bakit?!” Nagmamadali akong tumakbo palapit sa kanya.
“Alam niya na ata ang totoo! At nagsumbong rin sila Rose na umiyak ka kahapon buong araw dahil pinagbintangan kang magnanakaw ni Feli! Sinabi nila lahat pati iyong pagkakaguidance mo!” kwento niya sa akin habang hinihila na ako palabas.
Mabilis kaming kumaripas ng takbo makarating lamang agad sa building ng mga Grade Eleven.
Umakyat agad kami sa hagdanan hanggang sa makarating na nga kami sa classroom nila Ate Rici. Ang raming estudyanteng nakikiusyoso sa loob na kahit sina Rose at Cecille ay isa narin doon.
Lumingon si Rose sa amin kaya mabilis niya kaming sinenyasang lumapit doon.
“Dali Trace! Kakapasok lang ni Israel sa loob! Baka bubugbugin si Feli!” Panghuhula niya.
Hinila ako nito at nakisiksik narin kami sa iilang mga estudyante. Itinulak pa ako ni Rinka hanggang sa makarating ako sa may pinto at nasa unahan na. Nalaglag nalang ang aking panga nang makita ko ang galit na galit na mukha ni Israel habang hawak ng mahigpit ang braso ni Feli na namumutla na. Sa gilid noon ay nagtatakang si Ate Rici.
“Give me the damn necklace you stole from Tracey.” Matigas niyang sabi.
“B-Bigay iyon ni Rici sa akin, Israel!” sagot niya.
Binalingan ni Israel ang kapatid niyang napakurap agad.
“Binigay ko sa kanya iyong binigay mong kwintas… K-Kuya…” Nag-iwas agad ito ng tingin. “At hindi ko nakita kung anong klaseng kwintas iyon pero parehas iyon noong suot ni Tracey. Di ko kasi binuksan…” Hinawakan ni Ate Rici ang pendant noong suot niyang kwintas at nagawa pa iyong ipasok sa loob ng kanyang uniporme.
“At hindi ko iyon ninakaw kay Tracey! Si Tracey ang nagnakaw nito sa akin!” sigaw ni Feli habang nagpupumiglas pero hindi siya hinayaang makatakas ni Israel.
“Let me see the necklace then.” Nagbabanta na ang mga mata niya nang tingnan niya si Feli.
“Bakit pa ba Israel? Imposible rin namang may ganoong kwintas si Tracey eh mahirap lamang sila-”
“Binigyan ko rin siya! I gave her the same necklace but there’s a diamond on it’s pendant! Now show me the damn necklace Feli before I lose my temper!” he growled angrily.
Nalaglag ang panga ni Feli. Na kahit si Ate Rici ay nagulat narin. Ang mga estudyante namang nakikiusyoso rin sa aking likuran ay nagsisinghapan na. Ako naman itong napalunok nalang ng laway. Iniiwas iwasan ko itong mangyari pero ang lalakeng ito na may matigas na ulo ay hindi talaga nagpapaawat.
Mas lalo lamang namutla si Feli nang malaman ang totoo. Ang buo niyang mukha ay binalot ng takot hanggang ang kanyang mga mata ay nanlabo na.
“B-Ba’t mo naman siya bibigyan ng kwintas—”
“Why not, huh?” putol ni Israel sa matigas na tinig.
“H-Hindi ko naman alam na m-may kwintas rin pala siya-”
“Don’t make a fool out of me Feli. Sinuot mo na pero di mo nakita ang deperensya. Playing innocent?”
“A-Akala ko lang a-akin iyon…” nauutal na sagot ni Feli.
“Bullshit,” Israel chuckled but without any humor on it. “Alam mong hindi iyon sa’yo, Feli… Malaki ang kaibahan ng dalawa pero inangkin mo paring sa’yo. Pinagbibintangan mo siyang magnanakaw siya ng gamit mo? Kung ganoon… Anong tawag mo sa ginagawa mong pagkuha ng isang bagay na hindi naman sa’yo?” Umangat ang kanyang kilay na ikinaputla lalo ni Feli. Kasingkulay na ng papel ang kanyang mukha.
Gusto kong puntahan si Israel at awatin pero dahil narin sa kanyang galit ay hindi ako makapagsalita.
Nalaglag ang tingin ni Israel sa may leeg nito kaya walang ano ano ay may hinila siya roon na nagpagulat kay Feli. Mariin na itong napapikit habang umiiyak.
“Kuya…” tawag ni Ate Rici sa kanya pero hindi ito nakinig.
Ibinulsa niya iyon saka niya rin isinama ang kanyang kamay at ipinatili na roon. Ang isa niya namang kamay ay hindi parin binibitiwan ang braso ni Feli na madudurog na ata ng malaki niyang kamay.
“Bitiwan mo na ako Israel…” Nagmamakaawang binawi ni Feli ang kanyang braso.
Marahas niya iyong binitiwan sanhi para bumagsak si Feli sa upuan nito. Hinila niyang muli ang inuupuan nito papalapit sa kanya at itinukod na sa magkabila ang kanyang mga braso.
Yumuko si Israel at inilebel ang kanyang mukha kay Feli. Ang iilang hibla ng kanyang buhok ay nalalaglag na na kahit ang earrings sa kanyang tenga ay kumintab rin. Kitang kita ko kung paano siya ngumisi pero malademonyo na naman iyon.
“Pasalamat ka at babae ka Feli. Kung hindi…”
“Israel,” tawag ko agad sa kanya bago pa may masabi ulit itong hindi maganda. Unti-unting huminahon ang kanyang mukha at nilingon agad ako.
Tumayo siya ng tuwid at nabura na ang galit sa kanyang ekspresyon. Si Feli naman ay natakpan ang buong mukha saka ito humagulhol.
“Kwits.” Kibit balikat ni Israel saka siya nagtungo sa akin na akala mo ay wala siyang pinaiyak.
Chapter 24
Masyadong Mabilis
“Kuya!” tawag ni Ate Rici kay Israel na lumabas na ng classroom pero di niya man lang ito nilingon habang dinaluhan niya si Feli at pinatahan doon sa loob.
Gusto kong magpasalamat sa ginawa ni Israel dahil nilinis niya ang aking pangalan pero may parte sa akin ang mas natatakot. Baka lumala lamang ang sitwasyon. Pag-iinitan ako lalo ni Feli, ng mga estudyante rito…
“Nasaan na ’yung mga nambibintang na magnanakaw si Tracey nang maipatumba natin kay Israel,” narinig ko pang sabi ni Rinka at isa lang rin sa mga estudyanteng nakikiusyoso rito.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang huminto rin naman si Israel sa aking harapan, seryoso ngunit kalmado parin ang ekspresyon.
May dinukot si Israel sa kanyang bulsa saka niya muling inilabas ang kwintas. Para akong napako sa aking kinatatayuan nang isuot niya iyong muli sa akin na puno ng pag-iingat. Na nararapat ko iyong suotin.
“Don’t take this off. This necklace belongs to you. Do you understand?” Tumagilid ang kanyang ulo habang tinatanong iyon sa akin.
Tumango ako at ramdam ang paninitig ng lahat sa amin.
“M-Maraming nanonood…” Mahina kong sabi sa kanya para awatin na ito.
Natapos na siya sa paglagay noon at ngayon ay hawak hawak niya na iyong pendant habang malalim ang tingin sa akin.
“So what?” sabi niya pa sa akin.
“Pag-uusapan nila ito…” paliwanag ko at halos ibulong nalang iyon sa kanya.
Umangat ang kanyang kilay at binasa ang pang-ibabang labi.
“Then let them see that you own me,” sabi niya sa baritono niyang boses na ikinasinghap ng mga estudyanteng nanonood sa amin.
Impit na tili ang pinakawalan nila Rinka at pinagyuyugyog ang isa’t isa.
“And for those who will create some stupid rumors about her… Make sure I’m not going to know it or else…” Matalim niyang iginala ang tingin sa mga estudyanteng nakikiusyoso sa amin.
Namula ako at lumunok.
“Sila ba?”
“May relasyon sila?”
“Binigyan siya ng ganoon kamahal na kwintas ni Israel. Akala ko iyong kuya niya lang at si Rici ang may relasyon. Sila rin pala?”
Rinig na rinig ko sa aking likuran ang pag-uusap ng iba.
“T-Tara na…” Marahan kong itinulak ang kanyang dibdib para umalis nalang siya roon. Baka malate rin siya sa kanyang klase! At ayoko ng dagdagan niya pa ang mga pagbabanta niya!
Nang hindi ko siya masyadong matinag ay iyong kamay niya na ang aking hinila at humakbang na ako ng malalaki. Nilingon ko ito sa aking likod. Nagpapahila lamang ito sa akin habang kalmado ang kanyang mukha. Ngumuso pa ito at nagpipigil ngumiti. Nagagawa siyang magsaya sa oras na pinapasabog niya ako sa kaba!
May iilang estudyante kaming nalalagpasan na tumitigil pa talaga sa paglalakad at nalalaglag ang panga sa lalakeng hinihila ko. Para siyang bata na nagpapatianod lang sa panghihila ng kanyang ina at handang sumunod sa kahit saan siya nito dalhin.
Doon kami doon sa likod ng gate. Puno nalang ang naroroon at paliko pa iyon para makapunta sa mismong front gate ng eskwelahan pero pwede rin naman siyang dumaan dito.
“Dapat hindi mo ’yon ginawa kay Feli…” panimula ko habang ang kanyang mga mata ay nakatingin sa kamay namin.
“Do what?” wala sa sarili niyang sabi.
Binawi ko ang aking kamay na ikinakurap niya at natuon narin sa akin ang mga mata. Hinawakan ko ang aking siko at nahimas iyon.
“Hindi mo dapat siya pinahiya at kinausap nalang nang mabuti-”
“After what she did to you? She humiliated you first, Tracey. At ano iyong narinig ko sa mga kaibigan mo na umaga palang ay umiiyak kana pala? You didn’t even eat your lunch!” Umigting ang kanyang panga sa galit na pilit niyang kinokontrol na h’wag lumaki.
“Pero dapat kinausap mo nalang siya nang maayos-”
“Tsss.” Nailing siya at nailagay na naman ang mga kamay sa likod ng kanyang ulo at iritado na.
Nag-iwas ako ng tingin at inayos ang buhok kong hinangin.
“Marami ang magagalit lalo sa akin dahil sa ginawa mo. Ibig sabihin ba noon ay paiiyakin mo rin sila? Tatakutin mo rin?” dismayado kong tanong.
Hindi siya sumagot at tinitimbang lang ang aking sinasabi.
“Hindi iyon tama,” sabi ko sa kanya na ikinapungay ng aking mga mata.
“And what she did to you is right, huh?”
Bumuntonghininga ako.
“If you can’t protect yourself, then I will,” paninindigan niya.
But you forgot to protect me from you. Hindi ako takot na masaktan nila ako Israel… Mas takot akong masaktan mo ako dahil sa’yo ako mas guguho.
“Lumayo kana sa’kin…” Malinaw kong sabi sa kanya na ikinaihip ng malamig na hangin sa aming dalawa.
Buo na ang aking desisyon at paninindigan ko ito.
Nagkasalubong ang kanyang kilay. Ang iilang hibla na nagrerebelde niyang mga buhok ay sumayaw doon.
“How far?” Humakbang siya paatras na ikinasira ng aking ekspresyon.
“Lumayo kana sa akin… Iyong malayong malayo…” Pag-uulit ko habang kinukuyom ang mga kamay at pinapanindigan ang aking desisyon.
“Then push me away if you can.” Humakbang siya papalapit sa akin na ikinaatras ko agad.
“Lumayo kana please… Tigilan mo na ito… Alam ko naman ang balak mo. Alam ko na ang gusto mo lang ay makakuha ng impormasyon tungkol kay Kuya. Alam kong napipilitan ka lang na dumikit sa akin. Alam kong pagpapanggap lamang…” Natigil ako at nakagat ang pang-ibaba kong labi dahil sa mga luhang sinimulan na namang takpan ang aking mga mata.
Natigilan siya at napasinghap. Dito na natatapos ang lahat. Kailangan na namin itong ihinto.
“Too bad I fell from my own trap,” he smiled weakly.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sagot. He fell…from his own trap?
Mariin na akong napapikit. Totoo nga… Tama nga ako… Alam kong may mali rin naman ako. Pero sapat na lahat ng iyon. Tama na lahat ng impormasyon na iyon.
Humakbang siyang muli at lumapit sa akin. Umiling ako at umatras narin pero gate na ang meron sa aking likod. Halos ibaon ko ang aking sarili roon lalo na’t nasa harapan ko na ito. Itinukod niya ang isa niyang kamay sa aking gilid at hindi parin nagbabago ang kanyang mga mata.
“Why would you end something we didn’t start yet? Ano iyan? Makikipagbreak kana agad kahit hindi pa naman tayo?” Umangat pa ang kanyang kilay at tumama na ang kanyang hininga sa aking leeg dahil sa pagyuko niya.
“Ba’t di muna maging tayo?” panghahamon niya sa akin na ikinalunok ko ng laway.
Itinulak ko siya pero hinuli niya lang ang aking kamay.
“You can’t even push me away with your own strength…” Mapang-uyam niyang sabi sa akin.
“Seryoso ako, Israel!” Itinulak ko siya ng ubod lakas.
“And I am serious with you, too! Ba’t hindi nalang maging tayo eh seryoso naman tayo sa isa’t isa!” hirit niya sa matigas niyang boses at tila galit pa. Ang mukha ay masyado ng seryoso at nakakapaso na ang tingin ng kanyang mga mata.
Umawang ang aking labi.
Paano ko siya itataboy kung ganito na siya katigas? Akala ko madali lamang iyon… Akala ko hindi rin siya magtatagal sa akin at kusang lalayo. Pero sa sinasabi niya at inaasal… napagtanto kong mahirap na palang baliin ang punong itinanim ko at nagkakabunga na. Dapat noong maliit palang ito ay pinutol ko na hindi iyong masyado na itong lumaki at namukadkad pa.
Dahil sa kakadilig ko… ito na ngayon ang napala ko.
“Please…” Pumungay ang aking mga mata sa kanya. Iyon nalang ang tanging nasabi ko.
“Please what? Are you begging for a kiss coz I’d gladly kiss you right now.”
Nalaglag na talaga ang aking panga. God… Mababaliw na ako sa lalaking ito!
“Ang ibig kong sabihin ay layuan mo na ako… Itigil na natin ito…” nahihirapan kong sabi. Idagdag pa na masyado kaming malapit sa isa’t isa at ilang pulgada nalang ay magkakabanggaan na ang aming mga labi.
“Ano ngang ititigil natin eh hindi pa nga tayo nagsisimula?”
“Israel naman!” Nafufrustrate kong sigaw sa kanya.
“Batas ko ang mga salita mo pero hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang masusunod. If you want me to stop then make me stop, push me away… But if you can’t even move me a bit then I’ll fucking stay.”
Mariin na akong napapikit. Mali ito! Hindi naman dapat ganito! Bakit…bakit ang hirap niyang itulak palayo? At bakit…kahit ang paghakbang palayo sa kanya ay mas mahirap?
Napadilat agad ako at nanlalaki na ang aking mukha sa gulat nang pinatakan niya ng halik ang aking leeg.
“Israel!” Hinawakan ko ang kanyang balikat at itinulak ito pero di ko parin siya matinag.
“H’wag kang pumipikit pikit na akala mo ay sarap na sarap ka sa akin eh wala pa nga akong ginagawa.”
Oh. My. God.
Di na ako makahinga. Para na akong nasasakal ng mga salita niya na kahit ang aking mukha ay nasunog na ata.
Umawang ang aking bibig at may sasabihin sana pero mabilis ko rin iyong natutop.
Tiningnan niya ang kanyang relo at doon lamang tumuwid ng tayo. Nakasandal parin ako sa gate at tila nawala na sa sarili.
“Magsisimula na ang klase. Pumasok kana at papasok narin ako. H’wag nating pabayaan ang kinabukasan natin dahil kawawa ang mga anak natin pag wala tayong trabaho,” seryoso niya pang sabi na ikinalaglag muli ng aking panga.
A-Ano?
Humalukipkip siya at nginuso ang gate. “Pasok na.”
“Israel-”
“Sshh… Mamaya nalang ulit,” putol niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala. Hindi talaga ako makapaniwala! Ang plano kong itaboy na ito para matigil na ito at hindi na ulit maulit pero nabaliktad niya!
Para akong lutang habang naglalakad pabalik sa aking classroom. Doon lamang ako bumalik sa aking katauhan nang makita ko sa silid ang guro naming napunta agad sa akin ang tingin.
“Miss Quiamco you’re late…”
Yumuko agad ako. “P-Pasensya na po… Di na mauulit…” paghingi ko ng paumanhin.
Tumango naman ito at sinenyasan lamang akong pumasok.
“Akala ko ako ang lider ng fansclub niya. Iyon pala… may namamahala rin sa kanya…” narinig kong madamdaming sabi ng isa sa mga kaklase ko.
“Ang sakit pre. Kamuntik akong maheart attack nang malaman kong taken na pala. Buti nalang at nacardiac arrest ko agad ang sarili ko!” sabi naman noong isa.
Ngumuso ako at hindi nalang iyon pinansin. Ang iilang mga babae ay nasa akin rin ang tingin at sinusundan lang ang bawat galaw ko.
Napansin ko pa ang mga malademonyong ngisi ng tatlo. May pinapahiwatig na iyon at kung wala lang siguro ang guro ay magtitilian na sila sabay yugyog sa akin.
Umupo rin naman ako at kinuha agad ang aking notebook para makapagsulat na. Itinuon ko nalang muna ang aking atensyon sa klase. Nalipat lang ang aking tingin sa inilapag na papel ni Rinka sa aking desk. May nakasulat doon na binasa ko gamit ang aking mga mata.
Kumusta ang first time? Masakit?
Kunot noo ko siyang nilingon na inosente pang kumukopya sa sinusulat noong sekretarya sa blackboard.
Nagsulat ako ng reply sa kanya.
Walang nangyari.
Inilagay niya iyon sa kanyang desk saka ako muling nagsulat. Ilang sandali lamang ay inalapag niya iyong muli sa aking desk.
Wala? Kahit kiss man lang?
Ngumuso ako at naisip iyong biglaang paghalik ni Israel sa aking leeg. Isang patak lang naman iyon.
Wala.
Ay… Wala! Akala ko pa naman magaling si Israel!
Magaling nga siya. Magaling magpabaliw. Hindi ko na iyon isinulat pa.
Hindi ko na ito nireplayan at nagpatuloy lamang sa kakasulat. Ilang sandali lamang ay may kumalabit na sa aking likuran.
Nilingon ko iyon at isang papel ang nakita na inilalahad sa akin ni Cecille. Kinuha ko nalang iyon at napasimangot na. Hindi talaga makakahintay ang tatlong ito…
Binasa ko sa pamamagitan ng aking mga mata ang sinulat doon ni Cecille at mukhang sulat kamay naman ni Rose iyong pangalawang sentence.
Magulo ang buhok natin ah? Nasabunutan ka ba ni Israel?
Kumusta ang experience Trace? Naglaplapan kayo ’no?
Namula ang aking pisngi sa ginamit na term ni Rose. Hindi nga kami naglaplapan. At hindi ako marunong sa ganoon!
Hindi ko na iyon sinagutan at nilukot nalang. Ipinasok ko iyon sa loob ng aking palda.
Atat na atat ang tatlo habang nagkaklase kami. Kaya noong recess na ay nagtilian agad sila at niyuyugyog pa ako.
“May nangyari ba?! Kayo na?! Anong ginawa niyo?! Saan mo siya dinala, Trace?!” Sunod sunod na tanong sa akin ni Rinka.
“Huh? Wala ’no… Pinapunta ko lang sa klase niya,” sabi ko na ikinadismaya agad ng mukha ni Rinka.
“Huh? Imposible! Inorasan ka namin at halos kalahating oras ka nawala! Imposibleng walang nangyari!” Hinawakan pa ni Cecille ang aking pisngi at pinisil na iyon na ikinakurba ng labi ko.
“Wala nga…” Nakanguso kong sabi at hinawi ang kanyang kamay paalis.
“Anong wala Trace! Magkwento ka please lang! Mamatay matay kami sa kilig kanina tapos bibitinin mo kami! Magwawala na talaga ako!” Itinulak pa ni Rose iyong isang upuan na mabilis ring napaatras palayo sa amin.
“Lagyan mo na kasi ng label, Trace!” hirit naman ni Cecille. “Itali mo na iyon sa’yo!”
“Pagmamay-ari mo na daw siya! Pinagmamalaki pa nga! Jusko naman! Kung ako ang ginanon ni Israel magpapalahi talaga ako agad agad sa kanya! Magpaparami agad kaming dalawa!” si Rinka naman na nangisay na.
Natawa na lamang ako.
Noong lunch ay nagdesisyon akong lumabas para magbasa ulit sa library at hanapin narin ang kwintas ni Feli dahil baka doon niya nga iyon nalaglag.
“Hi Tracey!” bati ng kung sinong hindi ko kilala at mukhang Grade Nine.
Naiilang akong napangiti sa kanya. Nagpatuloy naman ito sa paglalakad at nilagpasan lamang ako. Kilala ko ba iyon?
Hindi palang ako nakakarating sa library ay grupo naman ng mga babae ang bumati sa akin.
“Hi Trace!” sabay sabay nila akong kinawayan.
Kahit nagtataka ako ay kumaway narin ako pabalik.
“H-Hi…”
Nagsingitian sila ng matamis sa akin at lumagpas rin naman. Kumunot agad ang aking noo at tumigil pa ako sa paglalakad para sundan sila ng tingin. Normal lamang silang nag-uusap at mukhang iba na ang topic. Anong nangyayari?
Dahil ba ito kay Israel?
“Ang ganda niyo po, Ate!” sabi pa noong Grade 8 na nakasalubong ko papasok ng library.
Suminghap ako at hindi alam ang isasagot. Iyong kasama niya ay tumango tango pa.
“Bagay po kayo ni Kuya Israel…” sabi noong isa.
Masyado talagang mabilis… Sa sobrang bilis ay hindi ko na mapigilang itanong sa aking sarili kung ano naman ang mangyayari bukas. Baka bukas ay umiiyak na ulit ako dahil nasasaktan na.
Chapter 25
Balang Araw
Nakisabay akong lumabas ng paaralan sa tatlo. Maingay na naman sila at may ibang topic habang okyupado naman ng kung ano ang aking isipan.
“Uy si Israel iyon diba!” May itinuro si Rinka na nagpahinto sa akin paglalakad. Kahit may kalayuan pa kami sa gate ay malinaw ko ng nakita ang imahe niya roon.
Nakasandal ito sa nakabukas na gate habang nakapamulsa. May isang stick ng sigarilyo naman itong pinaglalaruan sa kanyang bibig pero walang sindi habang ang isang paa ay nakatukod sa gate.
“Tara Trace! Hinihintay ka niyan siguro!” Hinawakan ni Rose ang aking pulso at handa na akong kaladkarin kaya mabilis ko iyong binawi.
Ang nagdidiwang nilang mga mukha ay unti-unting naglaho dahil sa aking reaksyon.
“May kukunin pa pala ako sa classroom. Mauna nalang kayo.” Mabilis na akong tumalikod at hindi na pinakinggan ang pagtawag nila sa akin.
Nagtatakbo akong dumeritso sa kabilang gate at doon ako dumaan. Buo parin ang aking isip na layuan nalang ito. Seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya? Lahat ng iyon… totoo ba?
Sinipa ko ang mga pinag-iisip ko paalis doon at binuksan ang gate na nakakonekta palabas. Kaso sa kasamaang palad ay nakalock na nga ata iyon dahil hindi naman ito ang ginagamit tuwing uwian at iyong main gate talaga.
Ilang beses ko iyong kinalampag. Kabisado ko si Israel… Maghihintay lamang siya roon o baka pag nainip ay pumasok narin dito.
Iyon ang nagpataranta sa akin. Naghanap ako ng pwedeng pambukas noon pero alam kong bigo ko iyong magagawa. Ang tanging nasa gilid lamang nito ay ang isang puno. Tiningala ko pa iyon at naisip na pwede akong umakyat doon at tumalon nalang pababa. But isn’t that too risky, Trace… Paano kung sumabit ka bigla sa matulis na bagay noong gate?
Mariin akong napapikit at pumakawala ng mahabang buntong na hininga. Pwede namang dito muna ako pansamantala at lalabas nalang ako pag wala na siya roon diba?
Naalala ko bigla ang tatlo na naghihintay doon. Hindi kaya ay naisipan na naman nilang magsumbong kay Israel? Sige na Trace… Umakyat ka nalang.
Iyon na nga ang ginawa ko. Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib habang sinisikap kong umakyat sa malaking puno.
Sinikap kong iangat ang aking sarili kahit hirap na hirap na ako. Noong nagtangka ulit akong umangat pa ay hindi ko na makayanan dahil sa parang mabigat na bagay na humihila sa akin. Bumaba ang aking tingin para makita iyon pero ganoon nalang ang pagkagulat ko nang iniipit na pala ang aking palda ng kaninong itim na boots. Inapakan iyon sa may katawan ng puno.
Dahan dahan kong nalingon ang lalaking nasa aking likuran. Nakapamulsa habang nakaangat ang isang binti at nakatukod nga roon sa aking palda, iniipit iyon.
“This is not the main gate and it’s even lock. Are you avoiding me?” Umangat na agad ang kanyang kilay at nagbabanta pa ang kanyang tingin.
Lumunok ako at umiling.
“M-Mas madaling daanan dito…” sagot ko habang parang kwala parin sa puno ng kahoy.
“Sa posisyon mo ngayon? Oo nga… Ang dali…” sarkastiko niyang sabi na ikinanguso ko.
Inalis niya rin naman ang kanyang paa roon at tumayo ng tuwid saka walang kahirap hirap akong inalis doon sa puno. Kinarga niya ako na parang bago kaming kasal at ibinaba rin naman. Napasimangot na agad ako.
“Uuwi na ako…” Agaran kong hakbang palayo.
Tumakbo pa ako at nagbabakasakaling nakasunod ito sa aking likuran. Noong pakiramdam ko ay malayo na ang natakbo ko at nasa may gate narin ako ay nilingon ko ito. Ganoon nalang ang pagkalaglag ng aking panga nang matagpuan ko siyang naglalakad sa aking likuran.
Nagsimula ulit akong tumakbo palabas. Hindi ko na alintana ang iilang mga mata ng mga estudyanteng nakasunod sa akin. Paano ko ba siya patitigilin?
Panay lamang ang pagsunod ni Israel sa akin at ako na itong pinagpapawisan kakatakbo!
“Why are you running when you can walk with me?” nagtataka niyang tanong nang huminto siya sa aking harapan.
“Sabi ko… L-Layuan mo na… Ako…” Hinihingal kong sabi.
“Pero di mo sinabing h’wag narin akong maghabol sa’yo.” Umangat pa ang kanyang kilay na tila nang-iinsulto na ang mga mata at nalamangan na naman ako.
Nalaglag ang aking panga.
“Iyon parin naman ’yon ah?!”
Kinagat niya lang ang kanyang pang-ibabang labi habang tinitingnan ako sa mapaglaro niyang mga mata. Ang pilyong ito ay nasisiyahan pa ata.
Nailing nalang ako at iniwan siyang muli roon. Tumakbo ako hanggang makarating ako sa bahay. Dali dali pa akong pumasok doon at inilock iyon.
Nagpapalit na ako ng damit nang kumatok siya roon.
“Trace…” Narinig kong tawag niya sa akin. Ang baritonong boses ay nakapasok na sa loob ng aming bahay.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ang tigas talaga ng ulo!
Umupo ako sa may pinto at nanatili roon. Siguro… mapapagod rin siya. Mapapagod siya kakasunod sa akin.
“Tangina, Israel!”
Nagulat ako dahil sa pamilyar na boses na iyon. S-Si Kuya!
Mabilis akong lumabas ng aking kuwarto at hinila agad ang upuan makalabas lang agad. Medyo natagalan pa ako dahil inilagay ko iyon doon ng patayo!
“Hindi ka ba talaga hihinto sa mga plano mo?! Kulang pa ang nangyayari sa kapatid ko?!”
H-Huh?
Mas nagmadali kong hilain ang upuan hanggang sa nagtagumpay akong hawiin na iyon.
“Iipitin mo talaga ako at gagamitin mo pa ang kapatid ko!” Isang kalabog ang aking narinig.
Pagbukas ko ng pinto ay nakaupo na si Israel sa sahig hawak hawak ang kanyang panga. Gumapang ang gulat sa aking mukha at mabilis na tiningnan si Kuya na tumaas baba ang balikat dahil sa galit. Ang kanyang mga kamay ay nakakamao narin.
“Malinis ang intensyon ko sa kapatid mo, Israel! Gago ka! Ginamit mo pa talaga ang kapatid ko!” Nag-amba siyang lumapit kay Israel na masyado ng malamig ang ekspresyon at hindi man lang tumayo kaya mabilis ko na itong nilapitan.
“T-Tama na, Kuya!” Niyakap ko ng mahigpit ang kanyang beywang. Rinig na rinig ko ang kalabog ng kanyang dibdib at ang mararahas niyang pagbibitaw ng hininga.
“Lumaban ka ng patas tangina ka! Ni hindi ko ginagago iyang kapatid mo! Mabuti ang hangarin ko! Pero iyong lalapit lapit ka sa kapatid ko para lang gipitin ako ay hindi ko na pahihintulutan!” Lumapit siyang muli kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Kuya.
“Tama na Kuya!” Naiiyak kong sigaw sa kanya at tiningala ang mukha nitong hindi parin humuhupa ang galit.
Tumayo si Israel at pinunasan ang dugong lumandas sa gilid ng kanyang labi. Walang na nasasaktan ito sa suntok pero mas dumilim lamang ang ekspresyon. Kalaunan… ngumisi siya ng pilyo kay Kuya.
“Ba’t hindi mo tanungin si Tracey tungkol sa aming dalawa? We’re even seeing each other everyday…” Nanunuya niyang sabi kay Kuya na mas nagtulak lamang sa kapatid kong sumiklab lalo sa galit.
“Gago ka!”
“Kuya!” Mariin ko ng nahawakan ang suot niyang uniporme at isinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib.
“Walang sinasabi ang kapatid mo sa’yo? Na nagkikita kami? Naliligo pa nga kaming dalawa sa batis. Kahit sa lupain ay nakakapunta siya. Di niya pala nabanggit?” tanong ni Israel sa boses na tila sinasagad ang pasensya ni Kuya.
Alam ko ang ugali ni Israel… Ang hangarin niya. Pero hindi ko talaga mapunto kung ba’t parang naghahamon pa siya ng suntukan kay Kuya sa pamamagitan nito.
Natigilan si Kuya at nalaglag ang tingin sa akin. Naluluha akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
“At pasensya na pala sa bintana niyo… Nasira ko dahil pumasok ako kahapon…” dagdag pa ni Israel na mariin ko ng ikinapikit. Ano bang ginagawa niya?!
“Tracey!”
Halos mapatalon ako sa pagtawag sa akin ni Kuya.
“Totoo ba iyon?” matigas niyang tanong sa akin na dahan dahang ikinaluwag ng yakap ko sa kanya.
Bahagya akong tumango.
“P-Pero ginawa ko iyon d-dahil gusto kong tumulong sa inyo ni Ate R-Rici!” agap ko.
Lumukot agad ang ekspresyon ni Kuya. Napaawang na ang kanyang mga labi at hindi makapaniwala sa aking sinabi.
“Lumalapit lapit ka sa gagong iyan?!” Itinuro niya si Israel. “At nahulog ka?! Alam mo ba ang rason niya kaya siya lumalapit lapit sa’yo? Sinabi niya sa akin na gagamitin ka niya para maipit ako! Ang gagong iyan ay gusto kang saktan para magamit kang pain at layuan ko ang kapatid niya!”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Akala ko… Akala ko ang rason niya ay makakalap lamang ng impormasyon tungkol sa aking kapatid. Pero iyong pahulugin ako sa kanya p-para saktan ako… Para gamitin ako laban sa aking kapatid… Hindi ko na iyon naisip pa.
Ganoon ba talaga siya katuso? Ang dilim na akala ko ay madilim na talaga ay may mas ikakadilim pa pala.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Sinikap kong magpigil ng luha. Tama nga ako… Tama nga ang mga naiisip ko na baka sasaktan niya lang naman ako. Tama nga ang desisyon ko.
“Hindi naman a-ako nahulog… Kuya… K-Kaya nga nilalayuan ko na siya kasi ayaw ko naring dumikit sa kanya,” sagot ko sa matabang na boses habang ang aking mga mata ay nakatitig sa kawalan.
Narinig ko ang paghalakhak ni Israel sa aking likuran. Malademonyo iyon.
“Tinatakbuhan mo ako dahil ayaw mong lumala ang nararamdaman mo. Yun iyon,” sigurado niyang sabi na ikinailing ko.
Nilingon ko siya gamit ang mga mata kong naluluha. Ang ngisi ay agaran rin namang nawala sa kanyang labi at napalitan ng panibago ang ekspresyon.
“Hindi mo naman pagmamay-ari ang puso ko para sabihin mong tumitibok nga ito para sa’yo,” diretsahan kong sabi na ikinaalon ng kanyang lalamunan dahil sa paglunok.
“Kung hindi ka lang talaga kapatid ng mahal ko…” Nailing si Kuya at dismayado na ang boses.
“Umalis ka nalang…” sabi ko sa kanya na lumalim lamang ang tingin sa akin.
Umawang ang kanyang bibig para sana may sabihin pero itinikom niya rin iyon. Ang nanlalabo kong mga mata ay iniwas ko nalang at nilingon si Kuya.
Umalis rin naman si Israel. Wala na itong sinabi pa at naglakad nalang palayo. Siguro… Ito na ’yon… Di na siguro niya ako kukulitin.
Nakaupo na ako sa loob ng bahay habang nagsasalin naman ng tubig si Kuya. Inilapag niya iyon sa aking harapan at naninimbang ang mga mata sa akin.
Ininom ko iyon pero kaonti lamang para maalis ang bumubukol sa aking lalamunan saka ko iyon inilapag.
“Nabalitaan ko na napagbintangan ka raw na magnanakaw noong Felicita dahil sa binigay na kwintas sa’yo ni Israel. Ba’t mo tinanggap Trace?! Paano kung kasabwat niya pala ang babaeng iyon at sinet-up ka?” Panghuhula niya habang iritang iritado.
Umiling ako. Naniniwala akong walang alam si Feli na binigyan rin ako ng kwintas ni Israel at alam kong walang alam si Israel na iyong ibinigay niyang kwintas sa kanyang kapatid ay binigay pala ni Ate Rici kay Feli.
Nasasabi lamang iyan ni Kuya dahil galit siya kay Israel.
“Tangina talaga ang gago na ’yon!” Hinampas ni Kuya ang lamesa na ikinatalon ko sa aking upuan. Kahit ang baso ay gumalaw pa kaya hinawakan ko nalang iyon para hindi matumba.
Nasuklay niya ang buhok at umiigting ang panga sa galit.
“Akala ko hindi ka niya nilalapitan dahil wala ka rin namang sinasabi sa akin! Iyon pala isinakatuparan niya parin ang plano niya!”
Napayuko ako. Alam ko namang may mali rin ako dito. Hindi ko sinabi kay Kuya ang totoo. Ginusto kong lumapit lapit kaya ba’t pa ako magugulat kung may iba pa pala siyang plano? Dismayado ka ba Trace dahil akala mo totoo na ang lahat at may pag-asang magkagusto nga siya sa’yo?
Eh ano naman iyong sinabi niyang nahulog siya sa sarili niyang patibong? Kahit totoo man ang lahat ng iyon… Mas okay narin itong natuldukan na ang lahat.
“H’wag kanang lumapit lapit ulit sa lalakeng iyan kung hindi ay isusumbong narin talaga kita kay Mama!” Pagbabanta ni Kuya sa akin na ikinatango ko nalang.
Hindi na naman ako nakapunta ng bayan. Si Kuya naman ay hindi rin pumasok para bantayan ako sa bahay.
Ang sakit pala talaga… Ang Israel na iyon… Mahal ko na nga. Pinalala niya lang ang nararamdaman ko sa kanya… Dapat pala nagpatuloy nalang ako sa paglalakad… Dapat hindi nalang ako sumilong sa dilim na iyon…
Bumuntong ako ng hininga at niyakap na ng kalungkutan. Maaapektuhan ba si Ate Rici at Kuya Bram sa nangyari? Baka dahil sa akin… Dahil sa nangyari… Kusang layuan ni Kuya si Ate Rici. At masasaktan lamang ng husto si Ate at baka si Israel pa ang kanyang sisihin. Ang lupit naman ng tadhana sa amin.
Isang sitsit ang kumuha ng aking atensyon. Napakurap ako at mabilis na nakaramdam ng takot lalo at gabi na. Akma ko iyong isasara nang may nakita akong pamilyar na imahe sa labas ng bahay. Idinungaw ko ang aking ulo palabas para matingnan iyon ng maayos at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makilala ko iyon.
“I-Israel?” Mahina kong tawag sa kanya.
Tuluyan siyang lumapit dito sa akin hanggang sa maaninag ko na siya. Nakasuot ito ng itim na jacket at nakahoody pa. Inalis niya lamang iyon sa kanyang ulo at tiningnan ako.
“Trace… Let’s talk for awhile… Lumabas ka muna…” Masuyo niyang sabi.
“Diba sabi ko umalis kana?” mahina kong sabi at nilingon pa ang aking likod dahil baka biglang pumasok si Kuya.
“Lilinawin ko lang… Pagkatapos ay aalis na ako. Please…” Nagmamakaawa na ang boses na iyon habang ang kanyang mga mata ay namumungay na.
Nakaramdam ako ng awa. Hindi lang ata kundi pati ako ay natunaw.
“S-Sige… Hintayin mo ako diyan…” sabi ko na ikinakalma agad ng kanyang ekspresyon. Tumango pa siya.
Sinara ko ang bintana saka ako lumabas ng aking kwarto, kabado. Nadatnan ko si Kuya sa sala na mabilis rin namang napatingin sa akin.
“A-Ah… K-Kuya… Pwede ano… Sa labas lang ako…” sabi ko sa kanya.
Umangat ang kanyang kilay at nabitiwan na ang hawak na ballpen.
“Saang labas, Trace? At anong gagawin mo sa labas eh gabi na?” Kumunot ang kanyang noo.
“Doon lang naman ako sa likod Kuya… M-Magpapahangin… Doon sa may mga bulaklak…” Paliwanag ko.
“Sigurado ka? Hindi ka lalayo?”
Tumango agad ako. “Naroon lang ako Kuya…”
Kumalma naman ang kanyang mukha at tumango rin. Pinulot niyang muli ang ballpen at nagsimula ulit sa pagsusulat.
Pumunta agad ako sa likod ng bahay. Hindi ko palang naigagala ang aking mga mata ay may humablot na sa akin at niyakap agad ako ng mahigpit. Sa sobrang higpit ay naamoy ko na ang pamilyar na pabango ni Israel.
“I’m sorry… I’m sorry…” Paulit ulit niyang bulong sa aking leeg at mas humihigpit pa ang yakap sa akin. “I… I didn’t mean to…” Hindi niya halos makumpostura ang kanyang mga salita.
Hindi ko alam kung ba’t naiiyak ako sa isang bagay. Kung bakit nasasaktan ako. Naguguluhan talaga ako sa’yo Israel… Gulong gulo ako sa’yo…
“H’wag tayo dito. Doon tayo…” Tinapik ko ang kanyang likod para lang makuha ko ang kanyang atensyon.
Kumalas naman siya at nagpaubaya sa aking gusto. Madilim dito at tanging ilaw lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Hinila ko siya roon sa aming hardin para hindi kami gaanong maaninag ni Kuya kung sakaling pumunta iyon dito.
Huminto rin naman kaming dalawa. Tiningala ko ang kanyang mukha na sising sisi sa isang bagay.
“Totoo… I… I said that to your brother… But I fell… I already told you… Balak kitang saktan pero tangina Trace! Ako itong nabaliktad ng sarili ko.” Mariin siyang napapikit at nahimas pa ang noo.
“I’m sorry… I planned on tricking you, but I didn’t pursue it because I’ve…I’ve fallen…” bigo na ang kanyang boses at puno na ng pagsisisi roon.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi saka ko hinawakan ang buhok kong pinaglaruan ng hangin. Aminado na naman siya… Ang lalakeng masyadong misteryoso sa aking mga mata at parang leyon kung umasta ay hindi ko inaakalang napapaamo ko.
“Anong plano mo sa atin? Dahil ako… Gusto ko ito… Gustong gusto… Pero kung…” Naging bigo ang tingin niya sa akin. Ang kanyang kamay ay napunta na sa aking pisngi at marahan iyong hinaplos na ikinalabo agad ng aking mga mata.
“Kung ayaw mo… rerespetuhin ko. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang gusto ko kung ipinagbabawal mo. Batas ko iyon…” bigo niyang sabi sa akin na ikinaagos agad ng aking mga luha.
Wrong timing tayong dalawa, Israel… Pwede naman tayong magpatuloy pero bata pa ako… Nag-aaral pa… Paano kung ipinaglaban natin ito at may nasagaan tayo? Paano kung sa huli ay maghiwalay rin pala? Mawawalan ng silbi ang mga ipinaglaban natin. At kung makakahintay ka… Siguro diyan na ako mapapanatag na mabuti nga ang intensyon mo sa akin at seryoso ka.
“Anong gusto mo?” masuyo niyang tanong sa sa mga mata niyang namumungay.
“L-Layuan mo muna ako… H-H’wag na muna tayong magkita…” sabi ko sa abot ng aking makakaya.
Tumango tango siya at nabasa ang pang-ibabang labi. Kahit parang may magtutol sa kanyang mukha ay pilit niyang sumang-ayon sa aking gusto.
“What else?” he asked painfully, like he had no choice.
“Sila Kuya… H-H’wag mong hadlangan…” .
Tumango siyang muli. “Okay… Ano pa?”
Umiling ako at bigong bigo na. Ang aking mga luha ay walang tigil na sa pag-agos. Kung magtatagal ang ganito… Baka bawiin ko lang lahat ng aking sinabi at ako na mismo ang bumali ng mga iyon.
“Ako naman. Susundin ko lahat ng iyon pero sa isang kondisyon, Trace…” malalim niya agad akong tiningnan. Sa liwanag ng buwan, nakita ko kung gaano kaseryoso ang kanyang mukha habang pinupunasan ang aking mga luha.
“A-Ano…”
“H’wag kang mang-entertain ng lalake hangga’t pwede na tayo.” Nagbago rin naman agad ang kanyang ekspresyon. “Tangina, pwede naman tayo pero ako lang itong may gusto!”
“Hindi pa pwede kasi nag-aaral pa ako,” agap ko at hinanap ang kanyang mga mata.
Tumango na lamang siya saka muling sinalubong ang aking tingin. “Kailan kita lalapitan kung ganoon?”
“Pag g-graduate na ako?”
Nagkasalubong agad ang kanyang kilay.
“That’s years, Trace!”
“Pero iyon ang gusto ko… At baka payagan narin ako ni Mama dahil nakapagtapos na ako…” mahina kong daing sa kanya.
Tumango siya at walang nagawa. Namaywang pa siya sa aking harapan habang nakatingala sa langit na singdilim ng kanyang pagkatao. Tila nagdadasal siya roon.
“I’ll wait then.” Mataman niyang sabi na ikinalusaw ng aking puso. Ang aking tiyan ay parang pinipilit dahil sa kanyang sinasabi.
“Balang araw… Balang araw ay ipaglalaban kita. Pero sa ngayon, hindi muna…”
Chapter 26
Unfair
Sa gabing iyon… hindi ko alam kung ano ang iniiyak iyak ko. Umalis rin naman ito saka rin ako pumasok ng bahay. Parang nagluluksa ang aking puso. Nangangamba na baka ay hindi niya mapanindigan lahat ng binitiwan niyang salita sa akin.
Kung napagod siya edi hindi talaga kayo para sa isa’t isa Trace… Diyan mo mapapatunayan kung totoo ba siya sa salita niya. Kung hindi lang ba siya hanggang salita dahil kadalasan sa mga lalake ngayon puro nalang salita pero nababali naman pagdating sa gawa.
Balang araw magiging malaya rin naman ako. At katulad ng sinabi ni Israel… balang araw ay ipaglalaban ko rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa ngayon ay kikimkimin ko muna ito. Itatago ko muna.
Palagi akong pinapaalalahanan ni Kuya Bram na iwasan na si Israel kung hindi ay isusumbong niya agad ako kay Mama. Si Mama naman mukhang walang nakakalap na tsismis dahil masyadong nawiwili sa mga bulaklak niyang nabebenta niya lahat. Noong tinanong ko kasi siya ay iba ang sagot niya.
“Huh? Anong tsismis? Eh kung magkakapera ako diyan buong araw akong makikipagtsismisan sa palengke kaso hindi naman!” Para siyang nakatikim ng isang mapait dahil sa hitsura niya.
Sa palengke kasi madalas iyong tsismisan. Si Mama malayo naman doon.
“Ano ba iyan, Trace! Bakit mo tinaboy si Israel?! Alam mo ba ang tsismis dito? Na si Israel daw ang nagsawa sa’yo?! Na nabagok na daw ang ulo at natauhan na!” Galit na galit na naman akong sinermonan ni Rinka nang makaupo ako sa aking upuan.
Alam na nila ang tungkol sa amin ni Israel dahil hindi narin naman ito nagpaparamdam sa akin. Minsan nakikita ko siyang sinusundo si Ate Rici pero hanggang doon lamang. Balik na iyong dati… Iyong pagiging misteryoso niya sa akin at tila di ako kilala.
“Dapat sinagot mo na! Ba’t ka naman nagpapaapekto sa mga nakapaligid sa’yo eh mga taong may makikitid na utak lang naman ang mga iyan!”
Inilabas ko ang aking notebook doon at kumuha narin ng ballpen.
“Hayaan mo na, Rinka…” sabi ko sa kanyang nang tingnan ko siya sandali.
Nalaglag ang kanyang panga at mas lalo lang atang sumabog sa inis. Itinuon ko naman ang aking tingin sa notebook.
“Anong hayaan?! Dapat nga ay kayo na! May gusto iyon sa’yo Trace! Ano ba iyang prinsipyo mo! Hindi naman basehan ang estado sa pagmamahal ah…”
“Hindi rin naman ganoon kadali ang pumasok sa ganoong bagay. Di pa ako handa at nag-aaral pa ako,” sabi ko at tiningnan siya. Sa kanyang likod naman ay ang dalawang kakapasok lamang.
“Pwede mo namang ibalanse! Lahat ng estudyante rito iba iba agad ang mga sinasabi! Na nagsawa raw si Israel sa’yo dahil ginagamit mo lang daw ito! Na nakahanap na raw ng iba iyon!”
Dumating rin naman ang dalawa sa kanyang tabi. Nakikiusyoso agad sila.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagsulat ng dapat kong isulat sa aking notebook.
“Hayaan mo na. Di ka pa nasanay sa kanila eh ganoon naman talaga ang mga tao rito…” sabi ko.
“Hay nako Rinka. Hayaan mo na nga. Paano kung ang iniisip lang ni Tracey ay ang kinabukasan niya? Pag naging sila hindi malabong magyaya agad si Israel noong alam mo na… at paano kung nabuntis si Tracey nang maaga edi yari siya kay Kuya Bram at Mama niya,” si Cecille.
“May condom ’no! At halatang expert naman iyong si Israel! Okay lang na mag thrust basta may gamit na trust,” si Rose naman.
Namula na ang aking pisngi sa kanilang topic.
“Pero ang aking point lang… Dapat sumugal man lang siya.” Inis akong tiningnan ni Rinka. Ramdam ko iyon sa gilid ng aking mga mata.
Sana nga ganoon lang kadaling magmahal ’no? Sana ganoon lang kadali. At alam ko na pag nalaman ni Mama na nagkakagusto rin ako doon sa isa pang Buenaventura ay mahihimatay na ata iyon. Si Kuya Bram naman hanggang ngayon galit parin kay Israel. At bata pa ako! Baka di ko magampanan ng maayos ang bagay na iyon at maghihiwalay rin kami. Makakahintay naman ang pag-ibig ah? Pag nakapagtapos ako… kahit ako pa ang maghabol ay okay lang basta may napatunayan na ako sa aking sarili, kay Mama…
Sabado iyon noong napansin kong nagtatalo si Ate Rici at Kuya Bram sa labas ng aming bahay. Simula rin kasi noong nag-away si Kuya at Israel… di ko na nakikita si Ate Rici dito. Pumupunta pero si Kuya ay pinapauwi agad ito at di man lang pinapapasok sa bahay. Minsan ay naiinis na si Ate Rici pero pumupunta parin dito. Si Kuya naman pakipot at pinapanindigan ang isang bagay.
“Ano bang problema mo?! Ba’t mo ako sinasali?! Nakakainis kana Bram!” Parang nagpipigil na ng hikbi ang boses ni Ate Rici noon.
Nasa may upuan lamang ako at gumagawa ng aking assignments. Nakikita ko naman sa labas ng bintana ang likod ni Kuya. Nakatingin ito sa ibang direksyon habang nakapameywang at hinahangin ang kanyang buhok.
“Akala mo ba di ko alam?! Na kaya ka umiiwas sa akin dahil kay Kuya! Pero ang sabi niya sa akin ay nilalayuan niya na raw si Tracey! Ngayon ikaw na naman ang may problema! Si Kuya itong pinapayagan na ako tapos…” naging mahina ang boses ni Ate Rici.
“Umuwi kana lang, Riss,” malamig na pananaboy ni Kuya.
Natigil ako sa pagsusulat at nilingon sila roon. Di ko makita nang maayos ang imahe ni Ate dahil hinaharangan rin naman ito ni Kuya.
“Ang unfair mo naman… P-Pagkatapos mo akong pabaliwin sa’yo… Duwag ka pala eh. Lalake ka pero duwag ka.”
Gumalaw ang balikat ni Kuya dahil mukhang sinuntok ni Ate Rici ang kanyang dibdib.
“Umuwi kana.” Tinalikuran ito ni Kuya at umalis na sa kanyang harapan.
Nakita ko ang imahe ni Ate roon… Nanlalabo ang mga mata at dismayadong dismayado.
“Huling beses na ito Bram! Pag nakauwi ako… Pag tumakbo na ako palayo… Hinding hindi mo na ulit ako makikita! Napakaduwag mo! Sige! Magsisisi ka rin pag pumayag ako roon sa pinagkakasundo ni Papa sa akin! Iyon nalang ang pakakasalan ko! Kami nalang ang bubuo ng pamilya total ayaw mo naman sa akin! Duwag!” sigaw ni Ate Rici at humihikbing tumakbo paalis.
Mabilis akong tumayo at sinilip si Kuya sa may bintana. Natigilan na ito habang kinukuyom ang kanyang mga kamay. Umigting pa ang kanyang panga habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.
Kuya naman… Nasaan na iyong pinaglalaban mo kung sa ganito lang pala ay susuko kana?
Napatingala si Kuya at ilang mura na ang nasambit. Tuluyan ng nawala ang imahe ni Ate Rici dahil sa mabilis nitong pagtakbo.
Naging bigo narin ang aking mukha.
“Shit talaga!” sigaw ni Kuya saka nasabunutan ang sariling buhok saka ito kumaripas agad ito ng takbo.
Parang lumundag ang aking puso palabas ng bintana sa sobrang saya. Gusto kong sumigaw sigaw at icheer si Kuya sa paghabol kay Ate Rici pero kinimkim ko nalang. Siguro natablan iyon sa pananakot ni Ate Rici sa kanya!
Napapansin ko mahilig ang magkapatid manakot… mang-ipit… Iyon ang ginagawa nila para makuha ang kanilang gusto.
Niligpit ko ang aking mga gamit pagkatapos ko iyong sagutan. Si Kuya ay wala pa. Ilang oras na siyang nawawala. Hindi kaya ay pumunta na iyon sa lupain ng mga Buenaventura? May mga nagkalat pa naman na tauhan sa main gate nila. Baka kung anong mangyari…
Nagkulong nalang ako sa aking kwarto at tinupi ang aking mga damit. Medyo dumidilim na at nagsisimula na iyong kumalat sa buong paligid.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya mabilis akong tumayo at lumabas. Nagkasalubong agad ang mga mata namin ni Kuya.
Napakurap ako at nagtatakang napatingin sa kanyang buhok. Medyo magulo at natuyo lang ata? Umulan ba? Hindi naman. At basa rin ang kanyang suot na hindi na gaanong halata.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at pasipol sipol na pumunta roon sa sink. Nagsalin siya ng tubig sa baso habang ako parin itong takang taka. Anong nangyari?
“Ba’t ang tagal mo Kuya? Saan ka galing?” tanong ko sa kanya.
“Ah… Sa ano… Sa batis.” Tanging sagot niya at nagsalin muli ng tubig. Galing ba siya sa takbo? Ba’t parang pagod?
“Huh? Batis? Eh diba hinabol mo si Ate Rici?”
Natigilan ito at tila may naalala dahil sa pagbanggit ko ng pangalan. Noong umapaw na ang tubig sa kanyang baso ay pinatay niya agad ang gripo saka iyon ininom.
Hinintay kong maubos niya iyon saka niya ako binalingan.
“Tsismosa ka.” Ngumisi pa siya sa akin. Kakaiba si Kuya ngayon…
Iba talaga eh… At naaamoy ko si Ate Rici sa kanya. Kumakalat ang amoy ni Ate Rici sa buong bahay. Hindi kaya…
“Bati na kayo?” Hindi ko tinantanan ang mga matang iniiwas niya sa akin.
Sumandal siya roon at nahipo ang kanyang batok. Ngumuso pa ito at tila may naalala.
Hindi siya sumagot sa akin at nagtungo sa may ref. Binuksan niya iyon saka dinungaw ang loob.
“Magluluto na ako. Anong ulam ang gusto mo?” tanong niya habang may kinakalkal sa freezer.
“Naligo kayo sa batis ni Ate Rici?”
“Privacy na iyon, Trace. May pagka tsismosa ka talaga kahit kailan.” Narinig kong sabi niya sa labas.
Napanguso ako roon.
Lunes iyon. Magbubuwan narin at malapit ng matapos ang aming klase. Valentines na bukas at hindi ko alam kung ba’t may klase pa eh alam ko namang mga nagkalat lamang na mga magsyota ang ganadong pumasok. Oo nga pala. Malapit na akong mag seventeen.
Papunta kaming tatlo sa canteen noon habang topic nila kung sino ang hahabluting lalake at iisali nila sa mga booth. Marami kasing ganoon tuwing Valentines. Maraming pakulo ang mga SSG Officer.
“Si Roel nalang kaya? Total nakapares ko iyon sa dula natin. Para kasing malagkit makatingin sa akin. Malay niyo… may lihim na pagtingin…” Ngumingisi pa si Cecille habang hinahawi ang iilang hibla sa kanyang buhok sa malanding paraan.
Tumawa kaming tatlo.
“Ang assuming mo! Galit iyon sa’yo kaya ganoon makatingin kasi pinalitan mo si Tracey! Gising hoy!” Binatukan siya ni Rose na halos ikabuwal ni Cecille sa paglalakad.
“Grabe ka! Kulang nalang lumabas ang baga ko sa malakas mong hampas!” Reklamo ni Cecille at nakabusangot na.
“Baka itong si Tracey ang maraming makakadate bukas! Uy… Sigurado akong ikaw ang pupunteryahin ni Leo bukas…” Siniko siko pa ako ni Rinka.
“Hindi lang si Leo kundi halos ang mga lalake rito,” dagdag pa ni Rose.
Ang tatlo na ang sumusundot sa aking tagiliran at panay na ako igtad. Natatawa kong pinaghuhuli ang kanilang mga kamay para lamang pigilan sila sa kakagawa noon.
“Wala akong hilig sa ganyan ’no…” sabi ko.
“Sus… Eh balita ko pa naman open na naman iyong eskwelahan sa mga bibisitang tagalabas na mga estudyante. H’wag kang umabsent Trace malay mo pumasok rito si…” Hindi nadugtungan ni Cecille ang kanyang tinutukoy.
Unti-unti namang napawi ang aking ngisi at isang tipid na ngiti nalang ang naiwan.
Pagdating namin sa canteen ay pumila agad kami para makabili ng makakain. May grupong pumasok na ikinuha ng aming atensyon. Ang grupo iyon ni Ate Rici at sa tabi nito ay si Feli. Nasa likod naman nila iyong dalawa pa.
“Nangangamoy bulok na higad…” pagpaparinig ni Rinka at umikot pa ang mga mata nang makita si Feli.
“Pakalat kalat parin dito. Ba’t di pa iyan sinusundo ng truck ng basura?” inis namang sabi ni Rose sa aking likuran.
Simula noong araw na umiyak siya ay medyo naging mailap narin ito. Minsan ay nag-iiwas nalang ng tingin sa akin at minsan naman ay umiirap nalang. Pero may mga araw rin talagang naririnig ko siyang pinaparinggan ako ng kung ano ano.
Nagtungo si Ate Rici sa nakasanayan nilang lamesa kasama iyong may maiksing buhok habang si Feli at iyong kaibigan niya ring nakaponytail ang buhok ang nagtungo sa aming tabi para pumila roon sa pangalawang linya.
“Umusog ka ng kaonti Trace… Mahirap na baka mahawaan ka ng virus sa tabi tabi.” Iniusog ako ni Rose papunta sa kaliwang bahagi.
Ganito talaga ang gawain ng tatlo sa t’wing nasa paligid lamang si Feli. Ang kanilang galit na inaalagaan ay lumalaki lang ata lalo habang tumatagal.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pag-angat ng kilay ni Feli. Iyong kaibigan niya naman ay umismid pa sa amin. Nagsimula silang mag-usap dalawa pero ibang topic na iyon at tungkol sa program bukas.
“May kadate ka Feli?” tanong noong kaibigan niya sa kanya.
“May papatol ba diyan?” bulong pa sa akin ni Rose kaya sinaway ko ito.
“Wala akong boyfriend ’no. Wala namang kasing guwapo ni Israel dito.” Marahan pa itong tumawa.
Noong marinig iyon ng tatlo ay nasira agad ang mga mukha. Inilingan ko na lamang sila na h’wag ng humirit pa.
Umabante na si Rinka at nagsimulang mamili. Itinuon ko naman ang aking tingin sa pagkaing bibilhin ko pero hindi ko maiwasang makinig sa pag-uusap nila.
“Eh si Israel… Sino ang kadate noon?” tanong naman noong kaibigan niya.
Napansin ko ang paglingon ni Feli sa akin.
“Isa iyong kolehiyana eh. Dinala niya pa nga iyon sa bahay nila noong nakaraang linggo.”
Huh? May girlfriend siya? May babae?
“Talaga?”
“Oo. Madalas ako sa bahay nila. Nakita ko may kasama siyang babae. Mayaman rin.” Pinagdiinan niya pa ang huli niyang sinabi.
Marahang kinurot ni Rose ang aking beywang at mukhang tinutukoy ang narinig niya. Kahit si Rinka ay nakaangat na ang kilay habang umaalis na sa harapan at mukhang narinig rin ang sinabi ni Feli.
Ako naman ang napunta sa harapan. Sinikap ko nalang na kumalma at baliwalain ang aking narinig.
“Isang sandwich at sprite po…” sabi ko sa tindera saka binigay ang singkwenta na papel.
Umabante narin naman sila Feli. Nagbigay narin siya ng pera at maraming pagkain ang pinagsasabi. Iyong iba ay kina Ate Rici ata at sa isa pa nilang kaibigan.
“Kawawa naman ang iba diyan… Binilhan lang ng mamahaling kwintas nag-aassume na na gusto siya. Pinagsawaan rin naman pagkatapos gamitin. Nakakaawa.” Pasimple akong nilingon ni Feli agad ngumiti pa ng matamis nang lingunin ko rin siya.
“Tumahimik ka nga Feli. Baka nga isa ka rin sa nagkakandarapang babae kay Israel at hindi napapansin. At least si Tracey napansin. Nagustuhan,” sagot naman ni Rose sa aking likod.
Ibinigay na sa akin iyong pagkain ko kaya inawat ko agad si Rose na h’wag nalang itong pansinin.
Umirap si Feli at kinuha narin iyong tray na ibinigay sa kanya dahil sa dami ng kanyang order. Si Rinka ay nagtangka pang batuhin ito ng hawak niyang coke in a can pero di niya lang itinuloy.
“H’wag kang makinig sa babaeng iyon. Doon na tayo maniwala kung nakita talaga ng sarili nating mga mata. Alam naman natin ang bibig ni Feli… May pagkastorymaker ang social climber na iyan,” galit na sabi ni Rose.
Ngumiti lamang ako ng tipid at hinintay na si Cecille ang matapos sa pagbili ng pagkain. Tumatawa na si Ate Rici roon sa table at hindi katulad ng kanyang mga kaibigan… siya lang itong walang nasasabi sa akin na kung ano ano.
Iniisa isa ko ang sinabi kong kondisyon kay Israel. Ang sinabi ko lamang ay layuan niya ako at h’wag ng hadlangan sila Kuya. Iyon lang ang ipinagbawal ko sa kanya. Ba’t bigla akong nadismaya?
Nakakafrustrate naman itong naiisip ko. Ang unfair niya naman… May babae siya. Pero hindi rin naman kayo Trace… Wala kang karapatang magreklamo.
Chapter 27
Valentines Day
“Oh? Ba’t nakabusangot ka ata?” Sinilip pa ni Mama ang aking ekspresyon nang pumunta ako sa bayan para tulungan siya.
“A-Ah… Wala po.” Iniwas ko iyon at pasimple nalang na inayos ang dalawang natitirang bouquet na bulaklak.
Anong sinisimasimangot mo Trace? H’wag ka nga kasing umasa sa lalakeng iyon. Purket niyakap ka lang sa madilim… Sa likod ng bahay niyo… Magaling sa salita ang mga lalake!
“Baka may boyfriend kana ha. Trace pag-aaral muna at h’wag ka munang tumulad sa Kuya mong higad!” Lumukot pa ang ekspresyon ni Mama na ikinatawa ko.
“Grabe naman iyong higad Ma…”
“Aba’y totoo naman. Makati iyang kuya mo. Kung babae pa iyan nabuntis na talaga.” Naiiling niyang ipinasok ang mga perang inilagay niya sa bangketa sa loob ng kanyang bag.
Tinulungan ko si Mama sa pagbebenta. Puti at pulang rose na bulaklak nalang ang natitira dahil narin siguro may pagka mahal kaya hindi agad nabenta ni Mama. Medyo malapit naring gumabi at mukhang malapit nang mag-alas sais.
Nakarinig ako ng yapak ng kabayong naglalakad na mabilis kong ikinalingon.
Hindi nga naman ako nabigo nang mapatunayan kong tama nga ang aking hinala. Si Israel ang nakasakay doon at katulad noong nakasanayan niyang suot ay iyon rin ang kanyang suot ngayon. I still memorized how he love to style his hair in a low disheveled man-bun.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
Huminto siya sa aming gilid na kahit si Mama ay napatingin narin sa kanya. Nagtungo ito sa amin hila hila ang kanyang kulay puting kabayo.
“Bulaklak po, Sir?” Ngumiti agad si Mama. Ako naman itong yumuyuko at pinaglalaruan ang aking mga daliri.
May pinulot siyang bouquet na rose.
“Ah six hundred lang ’yan, sir…” Pagpepresyo ni Mama.
“Pwede bang balutin ito? I want a big bouquet and just include the remaining flower,” sabi niya na ikinaangat agad ng aking tingin. Masyado naman atang magarbo?
Wala sa akin ang kanyang mga mata at nasa bulaklak na inilalahad niya kay Mama.
“Ah ganoon ba… Sige aayusin ko Sir!” Maligalig na sabi ni Mama at inasikaso agad iyon. Halatang tuwang tuwa na ito dahil naubos na ang paninda niya.
Binasa ni Israel ang pang-ibabang labi at hindi man lang ako nililingon. Na parang hindi niya ako kilala at ang sadya lamang dito ay ang bulaklak.
Oo nga pala… Valentines Day bukas. Tama nga iyong narinig ko kay Feli. May babae na nga ito. Bibigyan niya pa ng bulaklak.
“Para sa girlfriend, Sir?” Ngumisi pa si Mama habang tinatanong iyon at inaarrange nang maayos ang pinaghalong puti at pulang rose. Pinapalibutan ng mga puti iyong pula.
“I don’t have one,” sagot ni Israel sa baritonong boses, ni walang ngiti ang humaplos sa labi.
“Ah… Nililigawan?” ganadong tanong naman ni Mama.
“That’s for my future wife,” sagot ni Israel at nilingon ako.
Mabilis na uminit ang aking mga pisngi. Si Mama na yumuyuko ay napabungisngis pa.
“Trace paabot nga ako noong pulang ribbons,” utos niya sa akin kaya natataranta ko iyong kinuha.
“’Tsaka iyang plastic na wrapper at pink na paper mache, Trace… Iyang may black na stripes…”
Kinuha ko agad iyon. Mukhang espesyal nga ang pabulaklak niya. Malalanta lang rin naman iyan. Masisira lang rin. Gagastos pa talaga…
Noong matapos na iyon ay inilahad rin naman ni Mama sa kanya. Ang ribbon noon ay curly pa ang dulo. Masyadong maganda ang bulaklak at sa amin niya pa talaga binili tapos ibibigay niya lang sa iba. May nagbebenta rin naman ng bulaklak sa dulo ah? Ba’t di siya roon namili?
“How much?” tanong ni Israel habang kumukuha ng pera sa kanyang pitaka.
“1500 lahat,” si Mama naman na hindi nawawala ang ngiti sa labi t’wing nang-eentertain ng costumer.
Naglahad ng dawalang libo si Israel at may sasabihin sana nang matutop rin ang kanyang bibig at tila may naalala. Ngumuso lamang ako habang inaayos iyong natirang bulaklak.
“Salamat!” Masayang sabi ni Mama at inilahad iyong sukli.
Tumango nalang si Israel saka ito tumalikod at umalis na. Tiningnan ko ang kanyang likuran pero nag-iwas rin agad noong walang kahirap-hirap siyang sumampa sa puti niyang kabayo.
“Guwapo talaga ang batang ’yon. Ilang taon na ba ’yon?” Narinig kong tanong ni Mama.
“Mas matanda ata si kuya ng isang taon sa kanya, mama. O magn-nineteen na rin ngayong taon…”
“Huh? Ba’t mo alam?” Nagtatakang tanong nito.
Kumurap ako at mabilis na bumalik sa sarili.
“K-Kasi sa eskwelahan sikat siya. Maraming nagkakagusto sa kanya roon.”
Kumalma naman agad ang kanyang mukha.
“Ah… Matapobre lang talaga.” Naiiling na sabi ni Mama. “Nasa utak lang ng kanilang pamilya ay magpalago at magparami ng pera. Nakakadismaya.”
“Hindi naman siguro Mama… Si Ate Rici ang bait bait nga eh.”
“Aba’y syempre! Nagbabait baitan dahil gusto ang kuya mo!”
May sasabihin pa sana ako pero itinikom ko nalang ang aking bibig. Di kasi talaga gusto ni Mama ang pamilya nila. Di ko nga alam kung anong mabigat niyang rason at masyado niya itong kinamumuhian.
Kinabukasan ay hindi na ako nagtaka noong may mga pulang korteng puso na sa labas ng gate. Ang ibabaw pa ay nagmistulang pyesta dahil sa mga nakasabit doon na hugis pusong papel. May mga nakatusok rin na balloons. Puputok rin naman iyan. Nagkakalat lang talaga sila sa eskwelahan tapos kaming mga single pa ang maglilinis.
Walang klase ngayon dahil sa program. Walang nakauniporme ni isa at puro nakapula. Masyado silang nagpapaganda sa okasyon.
Isang pulang top rin ang aking suot na puffed sleeves. Gusto ko sanang mag itim kaso parang bitter naman.
“Para sa’yo Trace…”
Nagulat ako sa lalakeng lumitaw sa aking harapan at naglahad ng pulang rose. Maliit iyon at isa lamang.
Ngumiti ako at tinanggap iyon.
“Salamat…”
Nahipo niya ang kanyang batok saka rin naman umalis sa aking harapan. Grade 7 ba iyon? Parang ang bata pa kasi.
Bago pa ako makarating sa classroom ay may humarang muli at katulad noong ginawa ng nauna ay nagbigay rin sa akin ng bulaklak. Ito iyong mga bulaklak na binibenta sa labas ah?
Apat rin na bulaklak ang natanggap ko bago ako tuluyang makarating sa classroom. Sa may pinto palang, nagulat ulit ako nang humarang pa si Roel at nahihiyang naglahad sa akin ng bulaklak.
“Salamat…” Tinanggap ko iyon at nahalo na sa iba pang mga hawak kong bulaklak.
“Iba talaga pag maganda!” sigaw ni Rinka na nasa loob na.
Pumasok rin naman ako at dala dala na iyong mga bulaklak na hindi ko na nabilang pa. Inilapag ko iyon sa aking desk saka ko rin hinubad ang maliit kong bag.
“Kanina si Leo nakita ko sa labas may binibiling bulaklak Trace! Iyong maliit na wrapped bouquet na nagtitinda sa labas! Swerte natin ah?” Sinundot pa ni Rinka ang aking beywang. Nakapulang top rin ito at jeans naman sa ibaba. Ang suot ay nababagay sa pula niya ring sandals.
“Baka naman sa iba niya iyon ibibigay,” sabi ko at inayos ang iilang mga bulaklak na natanggap.
“Pustahan, para ’yon sa’yo!” Panghuhula niya pa.
Umiling nalang ako at inayos ang ribbon sa may parteng dibdib ko.
Dumating rin naman sina Rose at Cecille. Ang tatlo ay kinukulit pa akong manood ng program dahil magpeperform daw sila Leo. Kakanta sila. Ang alam ko kasi may banda iyon kaya sikat rin siya sa mga kababaihan dito.
“Ano ka ba naman, Trace! Tigilan mo nga ang kakatago sa classroom! Lumabas labas ka naman! Ang ganda ganda mo ngayon tapos magmumukmok ka sa loob!” Hinila ako ni Rose at Cecille palabas.
“Hindi naman ako mahilig sa ganoon-”
“Di pwede! Halika na!” Nagtungo narin si Rinka sa aking likod at itinulak ako paabante.
Wala akong nagawa dahil nakakaladkad na ako ng tatlo. Nagtatawanan sila habang pumupunta kami sa gym kung saan gaganapin iyong program.
Ang MC agad ang aming narinig doon. Mukhang may binabasa itong mga nagpapasecret message na mga estudyante.
“To Tracey Adjean Quiamco. Hi crush! Gustong gusto kita dahil ang ganda mo! From: Edward.”
Namilog ang aking mga mata nang pumaibabaw iyon sa kabuuan dahil sa mikroponong gamit. Nagtilian naman agad ang tatlo habang may napapatingin sa akin.
“Parang dalawang babae ata ang maraming natatanggap na love message ah? Kay Tracey at Rici ang palagi kong nababasa.” Tumawa pa iyong MC sa mikropono.
Namula ang aking pisngi at hindi na makapaglakad ng maayos habang pumapasok kami sa loob ng gym.
“Doon tayo umupo.” Kinaladkad ako ni Rinka sa bakanteng bleachers. Medyo puno narin kasi ng estudyante ang loob at sa harap naman ay mga puting upuan. Naaninag ko pa si Ate Rici roon sa harap na nakaputing dress at sobrang ganda na ikinatulala ko sa kanya sandali. Katabi niya si Feli at iyon pang dalawa niyang kaibigan.
“Sa mga gustong magbigay ng love message ibigay niyo lang sa backstage at babasahin namin iyan. Sa ngayon… palakpakan muna natin ang susunod na magpeperform!”
Nagsipalakpakan agad ang mga estudyante habang ang tingin ay nakatuon na lahat sa itaas noong stage. Nakita ko ang pag-akyat ni Leo kasama ang kanyang mga kaibigan habang may dala dalang instrumento. May dalang gitara iyong isa at iyong isa naman ay umupo na sa harap ng drums.
Nagsimulang magtilian ang mga estudyante habang inaayos ni Leo ang stand ng mikropono at ngumingisi pa.
“Talaga rin naman itong si Leo! Ang guwapo!” Inalog alog na ako ni Rose at parang mababaliw na.
“This song…” panimula ni Leo sa mikropono habang ginagala ang tingin. “Is dedicated to someone I really like… Alot…” Mas ngumisi siya ng matamis na halos ikasabog ng buong gym dahil sa tilian.
“Uy dedicated sa’yo! Trace!” Ngayon ay inalog alog narin ako ni Cecille. Halos mabingi na ako at idagdag pa ang dalawang walang tigil akong niyuyugyog.
Nagsimulang maggitara iyong kasama niya sa isang marahas na tono na ikinasabay naman agad noong drumer nila. Mas lumakas lamang ang tilian dahil sa pamilyar na tugtog na iyon.
“Kumupas na… Lambing sa’yong mga mata!” Panimulang kanta ni Leo at kitang kita sa mukha ang ekspresyon, kung gaano kaganda ang kanyang boses at karisma nito sa stage.
“Nagtataka kung bakit yakap mo’y di na nadarama! May mali ba akong nagawa… Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita… Bakit kaya… Parang hindi kana masaya…”
Mas naging marahas iyong pagkaskas sa gitara at kinuha pa ni Leo ang mikropono paalis sa stand. Tumalon ito at nagheheadbang na.
“Ika’y biglang natauhan, umalis kaagad nang hindi nagpapaalam! Ang sabi ko hindi kita mamimiss, hanggang kailan ito magtitiis!”
Sumabay narin sa pagkanta ang iilan. May iba pang dalang dala narin sa kanta na kahit ang tatlo ay panay ang yugyog sa akin.
“Ika’y biglang natauhan, umalis agad nang wala man lang paalam! Pag nawala doon lang mamimiss! Hanggang kailan ito matitiis…”
Noong matapos ang kanta ay pinalakpakan agad sila. Pumalakpak narin ako at isang tipid na ngiti ang naibigay. Bakit ganoon ang mensahe ng kantang iyon? Parang pinapagising ako.
Pagkatapos noong program ay iyong booth naman ang pinagkaguluhan ng mga estudyante. May nakikita akong mga estudyanteng dinadakip at pinipiringan ang mga mata saka nila dinadala sa loob ng isang classroom. Mga taga SSG ata iyong nangdadakip.
Bumalik ako ng classroom dala dala iyong iba pang bulaklak na natanggap ko habang sila Rinka ay nagpaiwan sa mga booth.
Inayos ko ang mga bulaklak na natanggap ko at iniisip kung saan ko lahat sila ilalagay. Pero bago pa man ako makapag-isip ng kung ano ano ay may naririnig na akong nagtitilian sa labas.
“Nandiyan siya sa loob! Dakpin niyo na!” Teka… Boses ba iyon ni Rinka?
Humarap ako sa may pinto at nagulat nalang ako nang may pumasok na tatlong SSG Officer at iyong isa ay may dala pang pulang pangpiring ng mata.
“Sumama kana lang ng matiwasay sa amin Trace…” sabi noong isang lalakeng SSG Officer habang papalapit na sa akin.
Nagtataka kong tiningnan ang tatlo na isa sa mga estudyanteng nakikiusyoso roon sa may bintana. Ngumingisi pa sila.
“Utos ni Leo, Trace! Mukhang gusto kang iblind date!” sigaw pa ni Rinka sa akin.
Kumunot na ang aking noo. Iyong ipapasok sa mga classroom? S-Seryoso?
Nakalapit na nga sila sa akin at sinimulan na akong piringan. Iyong isa naman ay tinalian ang dalawa kong pulso at sinimulan akong igiya palabas.
Parang iginigiya na nila ako papasok sa isang classroom. Narinig ko narin ang pagsara ng pinto at ang pagclick ng lock. Mag-isa nalang akong nakatayo at hindi ko alam kung may kasama ba ako o wala.
“Leo?” tawag ko.
Halos mapatalon pa ako nang may humawak sa aking kamay at inalis iyong tali roon.
“Leo?” Akma kong aalisin ang makatakip sa aking mga mata nang magsalita ito.
“Don’t remove it.” Matigas na sabi ng kung sinong pamilyar sa akin.
Natigilan agad ako at naramdaman ang pagtindig ng balahibo sa aking batok. Ang boses na iyon… ang malalim at malamig na boses na iyon! Hindi iyon si Leo!
“Leo… I-Ikaw ba ’yan?” Kabado kong tanong at ayaw tawagin ang pinaghihinalaan kong pangalan dahil baka nagkakamali lamang ako.
Narinig ko itong mag tss at sunod ay isang marahas na paghinga ang pinakawalan.
“Sinunod ko ang mga gusto mo pero iyong akin ay nilabag mo. What’s this… you’re cheating?” he asked deeply.
God. Si Israel nga!
Inangat ko ang aking mga kamay at desidido ng alisin ang nakatakip sa aking mga mata pero mabilis niya ring nahawakan ang dalawa kong pulso. Amoy na amoy ko na ang pamilyar niyang pabango sa aking harapan. Si Israel ito!
“Israel…” marahan kong tawag at tumingala na kahit puro itim lang naman ang aking nakikita, nagbabakasakaling matagpuan ang mukha niya.
“Tsss… Leo… Tangina.” Humalakhak pa ito ng malademonyo at hindi ko matukoy kung galit ba o ano.
Ngumuso ako at naibaba ang aking tingin.
“Akala ko kasi… T-Teka… Ba’t ka nandito?”
“Obviously… It’s Valentines and I want to see you.”
Namula agad ang aking pisngi.
“Ah… Wala ka doon sa isa mong babae?” Matabang kong tanong.
“Who?”
“Ewan… Dinala mo raw sa bahay niyo eh.” Nagkibit pa ako.
Hindi agad ito sumagot. Ngumuso naman ako at ramdam parin ang kanyang mga kamay sa aking pulso. Hinahawakan niya iyon ng may pag-iingat.
“Dito ka pa pumunta eh pwede namang doon sa babaeng binilhan mo ng bulaklak,” dagdag ko pa.
“That’s why I’m here.” agap niya.
Tiningala ko ito. Di ako naniniwala!
“Imposible.” Binawi ko ang aking mga kamay sa kanya at balak alisin ang piring sa aking mga mata pero pinigilan niya akong muli.
“H’wag mong tanggalin. Diba ayaw mong magpakita na ako sa’yo?”
Huh? Ganoon ba iyon? Ang sabi ko lumayo siya sa akin.
“Ang sabi ko lumayo ka sa’kin.” Pagtatama ko.
“Malayo ako.”
“Huh? Hindi ah… Malapit ka lang…”
“Can you see me?” sarkastiko niyang tanong at naiimagine ko na itong nagtataas ng kilay.
Umiling ako. “Hindi…”
“Edi malayo ako.”
Ang galing talaga, Israel!
Tumahimik ako ng ilang sigundo at iginala pa ang aking mga mata kahit na wala naman akong nakita. Ilang sandali lamang ay umangat na ako sa ere na ikinatili ko. Inilapag niya lang ako sa parang isang mesa at amoy na amoy ko parin ang pabango niya, ibig sabihin ay malapit parin ito sa akin.
“Nasaan na si Leo? Ba’t ikaw ang nandito?” tanong ko.
Marahas itong napabunga ng hininga na tumama pa sa aking pisngi. Ibig sabihin ay nakalebel ito sa akin ngayon…
“So you want him over me?” he asked huskily.
“Pero sabi kasi nila si Leo…”
“Tsss. Purket kumanta lang nagustuhan mo na?” Sobrang tabang niyang sabi na ikinanguso ko.
So kanina pa siya nandito?
“Ikaw rin naman… Meron ka rin…” mahina kong daing at napayuko na. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri sa aking kandungan.
He chuckled on my ears. Nanindig agad ang balahibo ko roon. Sobrang lapit niya na at hindi na ako mapakali!
“T-Totoo naman!” Ngumuso pa ako saka ko ito itinulak palayo pero dahil hindi naman masyadong malakas ay hindi ko ata ito natinag.
“Ayaw mong maging tayo pero kung makapagselos ka parang gusto mo lang na sa’yo lang ako…” bulong niya sa aking labi lalo na’t tumatama na roon ang kanyang hininga.
Napalunok ako ng laway at tumataas baba na ang aking balikat.
Tinangka ko ulit siyang itulak pero nahuli niya lang ang aking kamay at inilagay iyon sa kanyang balikat.
“Damn… You’re jealous.” Bulong niyang muli sa aking labi.
Ngumuso ako at gusto iyong itanggi pero parang nagkabuhol buhol ang mga salitang gusto kong ilabas. Siya lang ata ang natutuwa.
“Aalis na nga ako…” sabi ko nang makaya ko na ulit magsalita. Kinuyom ko ang aking kamay doon at mukhang nakadenim jacket na naman ata ito dahil sa telang nahawakan ko.
Tumawa itong muli kaya tumama na naman ang kanyang hininga sa aking labi. Naramdaman ko pa ang paghaplos ng dulo ng kanyang ilong sa aking pisngi na pinaglalakbay niya patungo sa buo kong mukha. God…
“I’m true to my words, Trace… I don’t fucking care if there are a lot of pretty girls out there… Ikaw lang ang gusto ko.”
Chapter 28
Abot Langit
Inangat ko muli ang aking mga kamay para kunin iyon paalis sa aking mga mata.
“I said do-”
Hindi ako nagpapigil at kinuha talaga iyon. Kinusot ko pa ang aking mga mata at ilang beses kumurap kurap dahil medyo malayo pa ang aking tingin. Nakikita ko naman ang pagura niya sa aking harapan.
Nailing si Israel at kagat na ang pang-ibabang labi. His usual attire almost made me gasp.
Ngumuso ako at hindi alam kung ngingiti ba o ano. Mag-iisang buwan narin kaming hindi nagkakausap. Hindi ko alam na magiging ganito ako kasabik sa kanyang presensya.
“Ilang bulaklak ang natanggap mo ngayong araw?” tanong niya pagkatapos ng katahimikan.
“Uhm…” Nailagay ko ang hintuturo kong kamay sa aking baba habang tumitingala at binibilang iyon sa aking isipan.
Umangat ang kanyang kilay at tila nang-iinsulto na ang kanyang mga mata kaya napanguso agad ako.
“L-Lima ata?” Pagsisinungaling ko.
“Lima? Lima lang ang mabubugbog ko?” Suplado niyang sagot.
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Ang kanyang mukha ay binabalot pa ng inis.
“Oo lima lang…” Hindi ko na nagawang itago ang ngisi at lumabas na talaga.
Nailing siya.
“Ikaw itong may mga lalake at ako ang pinagbibintangan may babae. And then you’re laughing… You think it’s funny?” Hinawakan niya ang aking baba habang umaangat ang kanyang kilay. Ang kanyang mga mata ay bumaba sa aking labi pero aakyat agad sa aking mga mata habang nagkakasalubong na ang kilay.
Pinagdiinan ko sa isa’t isa ang aking mga labi. Bahagya akong umiling at nakahawak na sa aking mga tuhod ang aking palad.
Hinaplos haplos ni Israel ang aking baba na tila may binubura roon habang malalim na ang titig sa akin. Balak na naman ata akong ligawin ng mga matang iyon sa kanya.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at bumaba ang tingin sa aking dibdib.
“Where’s my necklace?”
Hinawakan ko ang aking leeg at hinaplos iyon.
“Uhm… Hindi ko isinuot baka ano…” Hindi ko naituloy ang aking sasabihin.
“You didn’t lost it?”
Umiling agad ako.
“Hindi ’no! Tinago ko.”
Tumango naman siya at binasa ang pang-ibabang labi. Ang kanyang kamay na nasa aking tuhod ay pumunta sa gitna at bahagyang itinulak iyon palayo sa isa pa. Ipinarte niya iyon na ikinalunok ko.
“Throw those flowers.” Biglang nagbago ang boses na iyon.
“Bakit naman? Sayang…” agap ko.
“Just throw it.”
“Hindi pwede.” Sinimangutan ko na ito.
“Tss. Itatapon mo o iyong mga nagbigay sa’yo ang itatapon ko?” Panghahamon niya.
Nasira agad ang aking ekspresyon. Ang sama rin talaga minsan ng ugali nito.
Umalis siya sa aking harapan at nagtungo sa kung saan.May kung anong kinuha si Israel hanggang sa magulat nalang ako nang makita ang bulaklak na binili niya sa amin. Hindi ko napigilang kagatin ang aking pang-ibabang labi pero tumakas parin doon ang ngiti.
Nakarating siya sa aking harapan saka niya iyon inilahad sa akin. Natatawa akong kinuha iyon.
“Akala ko…” Nalusaw agad ako nang tinitigan ko ang bulaklak na dinasal ko na sana ay malanta nalang.
“Akala mo ano? Sa ibang babae?” Umangat na naman ang kanyang kilay sa akin, ang dalawang kamay ay nakatukod na sa magkabila ko, kinukulong ako sa kanyang mga bisig.
Marahan akong tumango habang ang bulaklak ay nasa aking kandungan na. Hinaplos ko pa ang mga petals non…
“I like your flowers,” sabi niya pa sa akin na ikinaangat ng aking mga mata sa kanya.
“It smells good.” Dagdag niya at nakita ko kung paano niya kinagat kagat ang dila niya sa loob, padausdos.
Ngumiti naman ako at tinignan ulit iyon.
“Salamat…” Inilagay ko iyon sa aking gilid at napatingin sa may pinto. Ang mga bintana rito ay sarado pa lahat. Kahit anong gawin namin dito ay wala atang makakakita.
“Uhm… Ilang oras tayong nandito?” tanong ko at ibinalik sa kanya ang tingin. Nakaawang ang kanyang natural na mamula mula at basang labi at tila may malalalim na iniisip.
“Until we want.”
“Huh? Talaga?”
Tumango siya. Hindi ko kayang hindi pigilan ang ngiti ko. Binasa ko iyon at ngumuso saka ko nahuling nakatitig na pala si Israel doon.
“Tang… inang… labi yan.”
Ngumuso akong lalo at namula. I realized that he’d be entering college this year. Dito ba siya mag-aaral o…sa Maynila? Lalo na’t wala naman masyadong malalaking unibersidad dito.
“Saan ka magkokolehiyo?” tanong ko.
“Why? You’d miss me?” He smirked playfully.
Pakiramdam talaga ni Israel patay na patay ako sa kanya.
“My sister is in Manila. I’m still thinking about it. But maybe…” Binasa niya ang pang-ibabang labi at tila nag-isip isip na rin.
Doon ko napagtanto kung gaano ka layo ang agwat ng estado namin. Kaya niyang mag-aral sa lahat ng unibersidad na gusto niya habang kami, kailangan pa ng scholarship at limitado lamang na unibersidad ang kayang pasukan.
“I’ll find ways so we could still communicate. So you could still see your crush?” Itinagilid niya ang ulo at dinungaw ako.
Natawa ako. He licked his lips and smiled.
“Grade Eleven kana rin this year. You know, being a grade eleven student is hard. So don’t entertain boys. They’re a waste of time. Just think about your boyfriend in Manila who’s a college student. Walang babae. Nag-aaral nang maayos. At good boy. You should be inspired not to cheat behind his back at least.”
Huh? Humalakhak ako. Ngumuso si Israel ngunit kita ko ang iritasyon niya kahit nagpipigil ng ngiti.
“What? You think I’m kidding?”
“Good boy? Tapos Buenaventura? Parang hindi kapani-paniwala.”
He rolled his eyes but the smile on his lips mingled.
“I’ll be good. I won’t entertain girls too. I’ll think about my girlfriend here in Bukidnon waiting for me?”
At talagang ina-assume niya na girlfriend niya ako, huh? Ang galing mag-imbento. Makapal talaga ang mukha nitong mga Buenaventura tapos ubod pa ng yabang.
“I’m serious here. Pag nakaabot sa akin na may lalake ka…” may pagbabanta agad ang tinig niya.
“At ano? Palalayasin mo dito sa Bukidnon?” agap ko.
“Ililibing ko siya nang buhay dito sa Bukidnon.” Angat ng kanyang kilay kaya natawa ako.
Tumawa rin siya, ngunit kalaunan, nagkasalubong ang kilay at sumeryoso.
“I’m damn serious.”
Ewan ko talaga sa Buenaventura’ng ito. Somehow, my Valentines Day was memorable. Nakasama ko si Israel. Nakausap. At…binigyan niya ako ng bulaklak.
“Uh… M-Mauuna ba akong lumabas? Mamaya kana? Kasi baka ano… Makita tayo ng iba?”
Tumango naman ito saka muling ibinigay sa akin ang bulaklak. Tinanggap ko iyon saka nginitian siya.
Sabay kaming nagtungo sa may pinto. Siya ang mismong bumukas noon pero kaonti lang. Nagkatinginan kami saglit. Hindi muna agad ako lumabas at nginitian siya muli ng tipid.
Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa doorknob habang ang isa ay nakatago sa bulsa.
“See you.” Yumuko siya saka niya ako pinatakan ng halik sa aking pisngi.
Namilog ang mga mata ko. Malakas ang hataw ng puso ko. He…kissed me.
Lumunok ako at tiningala siya. Nakita ko ang pamumungay ng mga mata niya.
“Pwede rin bang…” I whispered nervously.
“Hmm? You want to kiss your boyfriend too?”
Gusto kong matawa na ang feeling niya sa parteng iyon. Pero nang yumuko siya, pinindot ng dalawang beses ang pisngi, dahan dahan ko rin siyang dinampian ng halik doon.
He sighed and stifled his smile. Ngumuso ako at unti-unting lumayo. He shut his eyes and chuckled.
“Wait for me, please…” namamaos niyang bulong. “And…I’ll wait for you too…”
Ngumiti ako. Oo, Israel. Hihintayin kita. At…hintayin mo rin ako. Sisikapin kong makakuha ng scholarship para…masabayan kita sa Maynila. At sana umahon ang panahon sa atin.
Iyon ang pinakamagandang Valentines Day ko. Nag-usisa ang tatlo na sino raw ang nakasama ko sa loob dahil hindi daw si Leo. Tikom ang bibig ko kahit noong mga SSG Officer. Ang sabi ko nalang ay hindi ko kilala dahil nakatakip naman ang aking mga mata. Ilang araw din nila akong hindi tinantanan noon. Palagi nila akong kinukulit kung sino lalo na’t masyadong mahal at maganda ang natanggap kong bulaklak. Natatawa na lamang ako at pinapamulahan rin naman ng mukha pag naiisip kong hinalikan ako ni Israel.
Noong seventeenth birthday ko ay simpleng handaan lamang. Hindi na magarbo ngunit ayos lamang sa akin dahil nandiyan naman ang mga kaibigan ko.
Okay naman ang pasok ng tag-init. Nakakapaso nga ang init ng araw at ang naging libangan ko naman ay tulungan si Mama sa pagtitinda ng bulaklak. Minsan ay nagtatanim rin ako ng panibagong bulaklak sa likod ng aming bahay at dinidiligan rin ang iba roon.
Si Israel naman ay balik ulit sa dating gawi. Hindi na ulit nagpaparamdam at dalawang buwan ko nang di nakakausap. Nakikita ko siya minsan pero hanggang titigan lamang kami. Magaling rin kasi iyong umaktong hindi ako kilala. Minsan nga… pati ako ay napapaniwala niyang di nga talaga ata ako nito kilala.
Nasa bahay ako noong Sabadong iyon at naghuhugas. Wala si Kuya. Ang alam ko mamayang hapon pa naman ang kanyang pasok sa trabaho pero di ko alam kung nasaan na naman siya. Bigla bigla nalang iyong nawawala eh.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako roon at nakita itong nakapamulsa habang sumisipol sipol. Kunot noo ko siyang tiningnan.
Lumapit siya sa akin saka kumuha ng tubig. Itinapat niya iyon sa gripo at napansin ko pa ang matamis na ngisi sa kanyang labi. Sanay naman akong masayahin si Kuya tuwing uuwi siya galing sa kung saan pero iba ang awra niya ngayon. Ibang iba at umaapaw pa.
“Okay ka lang Kuya? Para kang nakadrugs sa inaasta mo,” pagbibiro ko pa sa kanya.
Tumawa si Kuya. Nailing siya at uminom pagkatapos ay inilapag ang baso sa gilid ng lababo. Hindi naman ito umalis sa aking harapan.
“Adik nga yata ako.” Humalakhak siya at nahawakan ang kanyang buhok. Para niya iyong bubunutin lahat dahil sa panggigigil niya.
“Huh? Bakit?” Natatawa kong tanong sa kanya habang pinagpapatuloy ko na ang paghuhugas noong baso.
“Kami na ni Rici, Trace! Kami na!” Sa sobrang saya ay bigla niya akong niyakap. Nabitiwan ko agad ang baso at napahawak sa balikat ni Kuya habang iniikot ikot niya ako. Ang aking mga paang hindi nakasayad sa lupa ay lumilipad narin sa ere.
“Talaga?! Congrats!” Sobrang saya ko itong niyakap habang ang kanyang mga braso ay humigpit naman sa aking mga beywang. Tumawa pa si Kuya at hindi na makontrol ang tuwa.
“Kami na ng mahal ko!” proud niya pang sigaw at mas umikot pa.
“Kuya! Nakakahilo!” Natatawa kong sinapak ang kanyang balikat.
Tumigil rin naman si Kuya at ibinaba ako. Noong magtama ang aming mga mata, kitang kita ko ang kislap doon ng lalakeng abot langit ang saya.
Chapter 29
Tsismis
“Bakit di kayo lumuwas ng pamilya niyo sa syudad? Magbakasyon muna kayo roon total Summer naman. Maraming magagandang pasyalan sa syudad…” mungkahi ni Ate Rici nang magawi ito sa aming bahay.
May dala na naman itong mga chocolates at ako palagi ang nakikinabang. Ilang araw narin kasing pumupunta si Ate Rici rito.
“Di namin afford ang ganoon, Ate…” Marahan pa akong natawa at sinipat ng tingin ang suot niyang may mamahaling brand. Parang katulad noong bigay niya sa aking Chanel daw.
“Huh? Kung may 5K ka pwede kanang gumala sa syudad, Trace… Wait.” Kinuha niya ang kanyang slingbag na dala na ikinalaki agad ng aking mga mata.
Nilingon ko pa si Kuya na nagluluto at napalingon narin dito sa amin.
“Bibigyan kita ng pera-”
“Riss.” Tawag sa kanya ni Kuya na ikinakurap naman agad ni Ate Rici.
“5K lang naman Bram. Mabubulok si Tracey rito sa bahay niyo eh summer naman,” paliwanag niya.
“Okay lang po. Sanay narin ako eh… ’tsaka hindi po ako mahilig sa ganoon… Mas gusto ko ring sa bahay lang,” sagot ko.
“Huh? Bakit naman? May pagka introvert ka pala talaga ’no?”
Ngumiti ako ng tipid kay Ate Rici. Sa t’wing nandito siya minsan ay nagkukulong nalang ako sa kuwarto para mabigyan sila ng privacy. O di kaya ay nasa likod ako ng bahay para magdilig ng mga bulaklak doon.
Palagi silang masaya pag magkasama sila. Nababasa ko pa naman sa libro na pag bago pa ay sobrang saya raw talaga ng ganoon. Para ka raw dinuduyan sa ere… Pero pag tumagal na ay bigla ka nalang ihuhulog sa lupa at masasaktan kana ng husto.
“Kumusta na ang higad mong kapatid, Trace?” tanong ni Mama sa akin noong pumunta ulit ako sa bayan para tulungan siya.
Ayun Ma… Kumati lalo.
Iyon sana ang isasagot ko pero iniba ko nalang.
“Masaya naman si Kuya Higad, Ma…” pagbibiro ko narin.
“Nako! Ang sarap rin talagang latiguhin ni Bram! Kung hindi lang talaga ako nakakapagtimpi diyan sa lalakeng iyan…” Gigil na gigil si Mama at makikita mo iyon sa mga ngipin niyang pinagdidiinan niya.
Iyon ang palagi naming topic tuwing magkasama kami. Pinagt-tsismisan namin si Kuya.
“Ayaw mo talaga kay Ate Rici, Mama? Mabait naman iyon at mahal na mahal rin si Kuya…” Nililingon ko ito paminsan minsan habang hinahawak hawakan ko iyong bouquet na tulips.
“Ang akin lang… Wala pang napapatunayan si Bram. Dapat ako sa kanya nagtapos muna siya at naghanap ng magandang trabaho saka niya nilalandi iyang si Rici! Kaso ang higad nagmamadali at kinakati na ata!”
Ngumuso ako para pigilan ang aking tawa.
“Saan nagmana si Kuya, Mama?”
“Syempre sa-” Naiwang nakaawang ang kanyang bibig sa ere at mukhang may napagtanto.
Dahan dahan siyang napatingin sa akin sa kalmadong ekspresyon.
“Naging higad nga rin pala ako noong kabataan ko.” Tumawa si Mama at nailing.
“Kay Papa po ba iyan, Ma?!” Lumiwanag na ang aking mukha at gustong makarinig ng kwento sa kanya tungkol kay Papa.
Umirap naman si Mama sa akin at nagawa pang ilagay ang iilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang tenga.
“Noong nasa edad mo ako Trace… Maniwala ka man o hindi… Maraming nagkakagusto sa akin. Iyong iba ay mga mayayaman pa! At noong napadpad ako sa syudad para magtrabaho… Ayun… Imbes na igapang ang sarili sa kahirapan… Ako itong ginapangan ng kalandian.” Nailing pa si Mama at natampal ang noo.
Maganda talaga si mama. Maraming nagsasabi noon dito sa amin. Mala modelo ang tindig ni mama. Matangkad. Maputi. At maliit ang mukha. Sa tangos ng kanyang ilong, alam mo na maraming nagkagusto sa kanya noong bata pa lamang.
Iyon nga lang… Iyong dimple niya ay namana ni Kuya Bram at hindi napunta sa akin. Mapupungay ang mga mata ni Kuya Bram at natural rin na maalon ang buhok pero dahil lalake ito ay nagmumukha iyong magulo. Mas supladong tingnan si Kuya at sabi sa akin ni Mama ay namana raw iyon ni Kuya kay Papa. Ang pagiging maamo ko naman ay nakuha ko na sa kanya.
“Paanong hindi ako mabibihag ng intsik na iyon. Ang kisig… Ang bango… Ang guwapo…” Napatingala pa si Mama habang sinasambit ang bawat katangian ni Papa.
“Pero noong malaman kong may fiancée pala ito at buntis pa… Bumalik nalang ako rito sa bukid. Di ko alam na nagbunga pala ang unang gabi namin kaya ayun… Nabuntis ako kay Bram.”
Huh? Bumalik siya noong buntis na siya kay Kuya rito sa bukid edi ibig sabihin… Iba ang tatay ko?
“Ma… Sino ang tatay ko kung ganoon?”
“Siya parin, syempre!”
“Huh? Paano nangyari eh…”
Nagkatinginan kami ni Mama. Nasira pa ang kanyang ekspresyon.
“Oo nagkita kami ulit at bumigay ako ulit. May sakit kasi noon si Bram at kailangan ko rin ng perang pampahospital sa kuya mo at bukod doon…”
Niyakap ko si Mama na bigla niyang ikinagulat.
“Salamat Mama… Salamat at di mo kami ipinalaglag ni Kuya kahit na wala kang maibibigay na Papa sa amin… Salamat at tumayo kang Papa namin…”
Namula si mama at hinaplos ang likod ko.
“Kaya mag-aral nang mabuti. Huwag kang tumulad sa akin. Igagapang ko kayo sa abot ng makakaya ko nang hindi niyo maranasan ang naranasan ko.”
Isang linggo nang hindi bumibisita si Ate Rici sa aming bahay noon. Ang sabi ni Kuya ay nagbakasyon daw sila ni Israel at nangibang bansa. Babalik daw naman agad ito.
“Ngumiti kahit na napipilitan… Kahit pa sinasadya… Mo akong masaktan paminsan minsan bawat sandali nalang…”
Ang malamig na boses ni Kuya habang naghuhugas ako ng plato sa hapong iyon. Nasa may upuan siya, hawak ang kanyang gitara at kumakanta ito gamit ang malungkot na boses.
Simula rin kasi noong maging sila ni Ate Rici ay madalas na niyang ginagamit ang talento niya sa pagkanta. Malamig ang boses ni Kuya at para kang dinuduyan sa ere. Bumili pa nga ito ng gitara at mukhang palagi niyang kinakantahan si Ate Rici.
“Yan ba ang theme song niyo, Kuya?” tanong ko sa kanya na ikinaangat ng tingin niya sa akin at ngumisi lamang.
Nakasandal ito sa likod ng lamesa habang patuloy na inistrum ang kanyang gitara. Ang isang paa ay nakapatong pa sa kanyang tuhod.
Imbes sagutin ako ay pumikit lamang siya at nagsimula ulit na kumanta. Nakatingala ito at makikita mo sa kanyang mukha ang emosyon at kung gaano siya kaseryoso sa inaawit niya.
“Tulad mo ba akong nahihirapan, lalo’t naiisip ka… Di ko na kaya pa na kalimutan… Bawat sandali nalang!”
“At aalis… Magbabalik… At uuliting sabihin na mahalin… ka’t sambitin… kahit muling masaktan! Sa pag-alis… Ako’y magbabalik… At sana naman…”
Madalas iyan ang kanta ni Kuya kaya pamilyar narin ako sa kantang Nobela na kinanta raw ng Join the Club. Nararamdaman ko palagi ang pighati ni Kuya at ang lungkot ng pagkakakanta niya noon sa t’wing di sila nagkakasamang dalawa. Minsan ay doon siya sa likod ng aming bahay, sa harapan ng mga bulaklak, habang hinahangin ang kanyang buhok at nakaupo siya roon sa aming bangko, kakanta siya ng buong puso at makikinig lamang ako sa aking kwarto.
Lunes iyon. Isang buwan nalang at magsisimula na ulit ang pasukan. Ganoon kabilis ang panahon at magG-Grade Eleven na ako. Si Kuya naman ay magdadalawang baitang na sa college. Ang sabi niya pa sa akin, pag nakapagtapos siya at nakahanap ng magandang trabaho ay sa syudad niya raw ako paaaralin. Mag-aaral daw ako sa isang mamahaling private school. Tumawa pa nga ako at nakisabay narin na dapat 500 ang baon ko araw araw.
Magt-twenty na si Kuya. Doon ko napagtantong dalawang taon ang agwat nila ni Ate Rici, katulad namin ni Israel. Pakiramdam ko tuloy kung ano ang mangyayari sa pagmamahalan nila Ate Rici at Kuya Bram, magiging ganoon din ang kahahantungan ng sa amin ni Israel.
Naamoy ko kaagad ang isang matapang na alak nang pumasok si Kuya at sobrang pungay ng kanyang mga mata. Napatayo ako sa gulat pero sinikap kong ikalma ang aking sarili.
“Oh? Gising ka pa?” tanong niya sa matabang na boses at hindi na maayos ang paglalakad.
Mabilis ko siyang tinulungan at pinaupo roon sa upuan. Hindi naman mahilig uminom si Kuya. Wala siyang bisyo ni isa kaya nakakapagtaka talaga. Ilang araw na siyang ganito. Masyado niya na bang namimiss si Ate Rici at nangungulila na siya nang ganito?
“May binabasa kasi ako Kuya… Uhm… Teka iinitin ko iyong sabaw na baka. Medyo maanghang rin iyon.” Nagmadali akong pumunta sa ref saka iyon inilabas at pinainit ko nalang.
Habang nasa harap ako ng aming stove, nililingon ko si Kuya na naroon, hawak ang buhok at halos diinan ang kamay niyang nakasabunot doon. Nakayuko pa ito at hindi pa hinuhubad ang suot na bag. Ni ang sapatos na nakaugalian niyang hubarin pagdating ay hindi niya rin hinubad.
Kinakabahan ako sa inaasal ni Kuya. Hindi ko gusto… Kahapon… Noong nagising siya ay nagrereklamo siyang masakit ang kanyang ulo kaya naghinala akong baka umiinom nga siya. Hindi nga naman ako nagkamali.
Gumalaw ang kanyang balikat dahil sa napakahabang hininga. M-May problema ba siya?
Pagkatapos ko iyong mainit ay inilagay ko agad iyon sa bowl at inilagay sa kanyang harapan. Kinuha ko ang aking libro na nasa tabi noon at isinara iyon.
“May problema ka ba, Kuya?” tanong ko at hindi na magawang isawalang bahala nalang iyon.
“Palagi naman…” Ngumisi siya ng matabang at humigop noong sabaw.
Huh? Pero masaya naman siya ah? Ngayon lang talaga simula noong umalis si Ate Rici dahil nagbakasyon sa ibang bansa.
“Diba bukas na ang uwi ni Ate Rici, Kuya?” pasimple ko nalang tanong.
Natigilan siya pero ilang sigundo ay nagsimula ulit humigop ng sabaw.
“Sana nga hindi nalang umuwi,” matabang niyang sagot sa akin na ikinagulat ko.
“H-Huh?”
Kumalabog ng husto ang aking puso. Para akong nabingi sa sagot ni Kuya sa akin. A-Anong nangyayari?
“Nag-away ba kayo ni Ate Rici, Kuya? Pero di pa naman siya nakakauwi ah?” Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Nailing lamang siya at humilig sa mesa.
“May mga pag-ibig talagang hindi napapanindigan hanggang dulo,” makahulugan niyang sabi saka siya tumayo at ginulo ang aking buhok.
“Matulog kana,” sabi niya lang bago tuluyang pumanhik sa kanyang kwarto.
Wala akong ideya sa inaasal ni Kuya Bram. Maaga narin itong pumapasok sa kanyang trabaho at hindi na nagtatagal sa bahay pa. Noon kasi ay nagtatagal siya dahil pumupunta si Ate Rici rito. Pero ngayon ang dating ni Ate Rici!
May kumatok sa pinto kaya natigil ako sa paghuhugas ng plato at mabilis na nagtungo sa may pinto. Nakita ko agad ang maaliwalas na mukha ni Ate Rici. May dala itong mga paperbag at nakapaskil ang ngiti sa kanyang labi.
“Ang Kuya mo, Trace?” Sinilip niya ang aking likuran at bakas sa tono ng pananalita ang excitement doon.
“Uh… M-Maaga kasing umalis si Kuya Bram eh.”
Kumunot ang kanyang noo at napakurap.
“Sa trabaho?”
Tumango ako kay Ate.
“Okay sige! Pupuntahan ko nalang! Oo nga pala… Ito sa’yo…” Ibinigay niya sa akin ang isang malaking paperbag.
Tatanggi pa sana ako nang inangatan niya ako ng kilay kaya napanguso ako at tinanggap nalang iyon.
“Salamat po… Ate…”
Ngumiti siya sa akin ng matamis.
“Ate mo narin ako dahil magiging asawa ko na ang Kuya mo after 5 years.” Tumawa pa siya. “Aalis na ako, Trace… Bye!” Kumaway siya sa akin na ikinangiti ko ng tipid at kumaway narin.
Ang advance naman nilang magkakapatid? Nababasa ba nila ang future nila?
Nagmamadali siyang umalis dala iyong isa pang paperbag. Noong tuluyan itong mawala sa aking paningin ay nanghina ako. Sa inaasal ni Kuya… Sa pagiging cold niya at sa mga sinagot niya sa akin kagabi, di ko alam kung ba’t gusto kong habulin si Ate Rici at pigilan itong h’wag nalang puntahan si Kuya Bram.
Pumunta ako ulit sa bayan para tulungan si Mama. Malayo ang palengke rito at nasa kabila pa iyon. Kung pupunta rin ako roon para silipin si Kuya ay baka pagalitan lang ako ni Mama. Marami rin kasing kargador doon katulad niya at baka mabastos pa ako.
“Oh heto, bumili ka ng meryenda mo.” Binigyan ako ni Mama ng singkwenta na ikinabalik ko sa aking sarili.
“Ano pong bibilhin ko Mama?” tanong ko sa kanya habang tumatayo ako.
“Kahit ano Trace basta kumain ka lang. Kinakabahan ako sa’yo dahil tulala ka at mukhang nalipasan ng gutom. Sige na.” Sinenyasan niya pa akong umalis na.
Ngumuso ako at naglakad paalis.
“Nakakaawa iyong si Rici… Nako! Kung ako sa kanya hindi ako maghahabol sa kargador na iyon! Halatang niloko lang siya noon! Pagkatapos perahan ay pinagsawaan rin naman!”
“Baka naman nakuha na noong lalake kaya tinataboy na. Isang Buenaventura pa talaga ang biniktima.”
“Eh parang dinidiskartehan niya iyong isa rin sa anak ng supplier ng mga karne sa palengke. May kaya rin ang pamiya noon at mukhang iyong anak na naman nila ang target noong kargador dahil mayaman! Akala mo kung sinong guwapo!”
Natigilan ako sa narinig ko sa dalawang kaedad lamang ni Mama na nag-uusap dito sa bakery at bakas sa mga mukha ang galit. K-Kargador? Si Kuya Bram ang pinag-uusapan nila? At ano raw… May ibang babae ang Kuya ko?
“Miss… Anong bibilhin mo?” tanong noong tindera ng tinapay sa akin kaya itinuro ko iyong paborito kong tinapay na Cinnamon.
“Dalawa po niyan at isang Sprite po…”
Tumango naman iyon at kinuha ang tinapay na gusto ko. Nilingon ko ang dalawang matandang iyon na may disgusto parin ang mga mukha.
Baka naman tsismis lang iyon? Si Kuya ipagpapalit si Ate Rici? Imposible.
Chapter 30
Trigger Warning: Mention of s
uicide
Kriminal
Noong narinig kong dumating na si Kuya ng madaling araw na iyon ay pasimple ko itong sinilip sa loob ng aking kwarto. Umuwi ulit itong lasing saka siya umupo sa dekahoy na upuan. Hinawakan niya ang kanyang ulo at napayuko roon, tila nagdadasal.
Napakurap ako nang mapansin ang pumapatak galing sa kanyang mukha at ang pagtaas baba ng kanyang balikat. U-Umiiyak ba si Kuya?
Narinig ko itong suminghot at ang paghilamos niya sa kanyang mukha habang nakatingala. Doon ko napatunayang umiiyak nga ito.
Pero bakit? Anong problema? Pumanhik rin naman ito sa kuwarto kaya buong gabi ay iyon ang bumabagabag sa akin. Anong nangyari?
Noong pagkagising ko ay wala na ulit si Kuya. Umalis ba siya agad? Di siya nagluto? Palagi pa naman sana akong iniiwan ng pagkain noon.
Nagdesisyon akong magluto nalang pero habang nilalagay ko pa ang kawali sa stove ay may kumatok na agad sa pinto.
“Bram!”
Boses iyon ni Ate Rici kaya mabilis akong tumakbo papunta sa pinto para buksan iyon. Ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita ko ang namumugtong mga mata ni Ate Rici na kahit ngayon ay tumutulo ang luha roon.
“R-Race… Ang K-Kuya mo…” Hirap na ang kanyang pagsasalita habang dinudungaw na ang loob.
“Wala si Kuya rito, Ate. Pumunta siya-”
“Pinagtatakpan mo ba ang kapatid mo, Trace?! Niloloko niyo ba akong dalawa?!” putol niya sa akin na ikinatalon ko sa gulat.
Umiling ako. “H-Hindi ko po talaga a-alam. W-Wala po akong alam…” takot kong sagot sa kanya dahil narin sa biglaan niyang pagsiklab.
Humagulhol ito sa aking harapan habang kagat kagat ang pang-ibabang labi at hawak ang buhok malapit sa kanyang noo.
“A-Ang Kuya mo… Nakipaghiwalay siya sa akin, Trace! At may naririnig akong may iba raw itong babaeng dinidiskartehan sa bayan!”
Nalaglag ang aking panga. S-Si Kuya… N-Nakipaghiwalay siya kay Ate Rici? Baka naman parte lang iyon ng mga paninira nila sa aking Kuya! Baka ginagawan lang nila ng tsismis si Kuya!
“G-Ginagago ba ako ng kapatid mo, Trace?! B-Binigay ko ang lahat s-sa kanya… Minahal ko s-siya higit pa sa sarili ko p-pero gaganituhin niya ako? Sana pinatay niya nalang ako!” Napaupo siya sa sahig at mas umiyak doon.
Nanlabo agad ang aking mga mata. Yumuko ako at tinulungang makatayo si Ate Rici pero ayaw niyang tumayo. Tinatakpan niya ang dalawa niyang mukha habang umiiyak doon.
“B-Baka hindi totoo na may b-babae siya Ate. Kilala ko si Kuya… H-Hindi siya ganoon.” Tumulo narin ang aking luha at mabilis ko iyong pinunasan.
“Iyon rin ang pagkakakilala ko s-sa kanya p-pero noong dumating ako… Noong n-nagkaharap ulit k-kami… Parang hindi ko na siya kilala… Bumabalik siya sa dati niyang u-ugali… A-Ang suplado niya na sa akin a-at tinataboy pa ako…” sagot ni Ate Rici sa gitna ng kanyang hikbi.
Gusto kong sigawan si Kuya Bram at gusto ko siyang pangaralan. Kaya noong gabi ay hinintay ko itong dumating. Kaso sa kakahintay ko ay nakatulog rin ako. Noong paggising ko ay wala na naman ito at si Ate Rici na naman ang bumungad sa akin, nagbabasakaling nandito siya pero kasama niya na ng oras na iyon si Feli. Ang disgusto niyang mga mata ay sumuyod sa aming bahay at bakas doon ang pangdidiri. Umalis rin naman sila at hindi nagtagal dahil hinihila narin siya paalis ni Feli.
Maaga akong natulog para maaga akong magising at madatnan siya. Alas syete palang ay gising na ako at mabilis akong lumabas ng aking kuwarto.
“Oh? Ang aga aga mo naman atang nagising?” tanong sa akin ni Mama at naghahanda ng umalis ng bahay.
“Uh… Si Kuya po, Mama?” Iginala ko agad ang aking tingin.
“Nasa kuwarto. Tulog pa. At bakit?” Inangatan ako ng kilay ni Mama na ikinailing ko agad, natutuwa dahil sa wakas ay nadatnan ko na ito.
“Mamaya Trace… Tulungan mo ulit ako. ’Tsaka ikaw nalang ang magluto ng agahan niyo ng Kuya mo. May karne naman diyan…” sabi niya habang sinusuklay ang basang buhok at suot na ang kanyang bag kung saan niya inilalagay ang mga kinikita niyang pera.
Tumango tango ako.
“Sige po, Mama…”
Nagpaalam rin namang umalis si Mama. Sisilipin ko sana si Kuya sa kanyang kuwarto pero lock naman iyon kaya inabala ko nalang ang sarili kong magluto ng adobo.
Hinihiwa ko na ang karne nang marinig ko ang pagbukas ng kuwarto ni Kuya. Natigil agad ako sa paghihiwa at mabilis siyang nilingon.
Supladong suplado ang kanyang pagmumukha at nakalimutan na atang ngumiti. Naniningkit pa ang kanyang mga mata habang magulo ang buhok at walang saplot sa pang-itaas. Nagtungo siya sa ref saka naglabas doon ng malamig na tubig.
“Uh… K-Kuya… Si ano pala… Si Ate Rici ilang araw ng pumupunta rito. Di ka niya nadadatnan eh…”
Hindi umimik si Kuya. Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay ibinalik niya lang iyon sa loob ng ref saka siya nagtungo muli sa kuwarto at lumabas na may dalang tuwalya.
Ngumuso ako at hindi alam kung paano ito kakausapin. Sa kanyang inaasta ay nakakaramdam rin ako ng takot. Masyado siyang cold ngayon. Gusto ko sana siyang awayin kung ba’t hiniwalayan niya si Ate Rici pero pinapangunahan ako ng takot ko, ng kaba.
Saktong malapit ng maluto iyong adobo noong natapos siyang maligo. Mabilis akong naghanda ng plato sa lamesa para makasabay ko siyang kumain at makapag-usap kami.
Noong lumabas na siya sa kanyang kuwarto na bihis na bihis na at may suot na fit na black tshirt ay niyaya ko agad siyang kumain.
“Kuya…” Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang nagkasalubong ang aming mga mata.
“Kumain kana lang, Trace. Sa palengke na ako kakain,” sagot niya na ikinakurap ko.
“H-Huh? Pero nagluto ako ng maaga tsaka maaga pa naman ah? Di ka malilate…”
Sinundan ko ng tingin si Kuya na kinukuha na iyong sapatos niyang nakalagay sa ilalim ng lamesa. Umupo siya sa may dekahoy naming upuan at sinintas niya ang kanyang sapatos.
“Busog ako.” Tanging sagot niya.
“Kuya…” Malungkot kong tawag kaso tumayo na ito ng tuwid at handa na atang umalis.
May kung sino ang kumatok sa pinto. Si Ate Rici!
Kapwa kami napatingin doon ni Kuya Bram. Ibinalik niya sa akin ang tingin. Tila may ideya rin ito.
“Ako na ang magbubukas. Dito ka lang sa loob,” sabi niya pa sa akin kaya tumango ako at sinundan ang likod niyang papunta na sa may pinto.
Hindi ko inalis ang tingin ko kay Kuya pero ganoon nalang ang gulat ko nang may humila sa kanyang damit sa may leeg at pinalabas ito. Mabilis akong tumakbo sa may bintana para silipin ang nangyayari na ikinalaglag ng aking panga dahil sa imahe ni Israel.
“Putangina, Bram!” Sinuntok niya si Kuya na mabilis na humandusay sa sahig.
Napasigaw ako at mabilis na nagtungo sa may pinto pero hindi ko rin alam kung paano ito aawatin. Natatakot ako sa sumisiklab na galit ni Israel at kung paano niya sinipa ng malakas ang dibdib ni Kuya nang nagtangka itong tumayo.
Humandusay ulit si Kuya Bram. Nilapitan siya ni Israel at kinwelyuhan ito saka niya muling sinuntok. Nagmistulang daga si Kuya na wala niyang kahirap hirap na nasasaktan.
“Mapapatay talaga kita sa kalokohan mo!” sigaw ni Israel at sobrang nakakuyom na ang kanyang mga kamay.
“T-Tama na…” Nanlabo ang aking mga mata at awang awa sa mukha ni Kuya Bram. Pumutok na ang kanyang labi at dumudugo na iyon. Bakas sa kanyang mukha ang iniindang sakit dahil sa mga pinapalipad na suntok ni Israel.
Hindi na tumayo si Kuya Bram pero nakatukod lamang sa sahig ang kanyang mga siko at nakatingala habang mariin na nakapikit. Lumuwa pa ito ng dugo. Ayaw niyang lumaban at hinahayaan lamang ito.
“How dare you cheated on her!” May dinampot na malaking kahoy si Israel at itinaas iyon, handa ng ipalo kay Kuya sanhi para tumili ako ng malakas.
“Tama na!” Humagulhol ako sa labis na takot. Nanginginig ang aking mga labi.
Natigilan si Israel. Ang galit na galit na mukha ay sinikap niyang ikalma saka niya ako nilingon. Angat baba ang balikat niya sa rahas ng paghinga habang bakas sa mukha ang matinding galit.
“Pumasok ka sa loob ng bahay, Race… H’wag kang makialam…” Nahihirapang sabi ni Kuya at nahawakan niya pa ang kanyang panga.
Ibinalik ni Israel sa kanya ang kanyang tingin at kinwelyuhan ito. Napatayo si Kuya habang magkalebel na ang dalawa.
“If something bad happened to my sister… Sinisigurado ko sa’yo Bram, papatayin talaga kita.” Pagbabanta ni Israel sa sobrang dilim niyang mga mata saka niya ito marahas na binitiwan na ikinasalampak muli ni Kuya sa sahig.
Pinunasan ko ang mga luhang umagos sa aking mga mata habang tinitingnan si Israel na umaalis na. Para na itong isang aninong walang makitaang liwanag. Ibang iba siya sa mga araw na nakikita ko ito. Siklab na siklab siya ngayon at parang mananakmal ng buhay na tao.
Naubo si Kuya at lumuwa ng dugo. Mabilis ko siyang nilapitan saka ko ito tinulungang makatayo. Mariin siyang pumikit at bakas sa mukha ang iniindang sakit dahil sa mga natamo kay Israel.
“Pakiramdam ko natanggalan ako ng maraming ngipin…” daing niya saka niya hinawakan muli ang kanyang panga.
Noong makatayo na ito ng tuwid ay doon ko siya tiningnan sa mga mata kong walang tigil sa kakaiyak. Hinampas ko ang kanyang dibdib.
“K-Kasalanan mo k-kasi ’yan! S-Si Ate Rici palaging umiiyak dito, hinahanap ka! S-Sana hinarap mo nalang s-siya!” Humagulhol ako sa harapan ni Kuya.
Naging seryoso agad ang kanyang mukha. Hinampas ko ulit ang kanyang dibdib.
“Makipagbalikan ka kay Ate Rici, Kuya! Humingi ka ng tawad! I-Ipaglaban mo ulit siya!” Sa ikatlo kong hampas sa kanya ay hinuli niya na ang aking kamay at hinila ako para yakapin.
Tanging mahigpit na yakap lang ang isinagot sa akin ni Kuya. Tikom na naman ang kanyang bibig sa kanilang dalawa ni Ate Rici.
Konti nalang at maniniwala na talaga akong may babae nga siya roon sa bayan kahit napakaimposible naman noon. Wala na akong ibang maisip na dahilan niya.
Tumigil na sa kakapunta si Ate Rici sa aming bahay. Wala narin akong balita sa kanya at mukhang may iba na sigurong pinagkakaabalahan. Si Kuya naman ay nagpatuloy sa pagtatrabaho. Normal na ulit siya pero sa t’wing nababanggit ko si Ate Rici ay umiiba kaagad ang kanyang timpla.
“May bago kanang girlfriend, Kuya?” tanong ko sa kanya pagkaraan ng ilang linggo noong paghihiwalay nila ni Ate Rici.
Binasa ni Kuya ang pang-ibabang labi at hindi na agad nakasagot. Nanlumo agad ako. Ganoon nalang ba kadali ang lahat? Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin ang nangyari sa kanilang dalawa.
Tinikom ko nalang ang aking bibig at sumubo ng pagkain. Si Kuya ay mukhang ayaw rin iyong sagutin. Paano kung pumunta ulit dito si Ate Rici? Pero malapit narin ang pasukan. Tapos na nga kaming mamili ng mga gamit ni Mama eh. Bukas ay pupunta ako sa eskwelahan para magpaenroll.
Siguro nga…may mga pag-ibig na hinding hindi mo makukuha kahit pa ipaglaban mo iyon hanggang maubos ka.
Kaya noong gabing iyon… Noong narinig ko ang sobrang lakas ng boses ni Mama at pinapagalitan si Kuya ay napabangon na agad ako. Siguro nakaabot na kay Mama iyong balitang hiwalay na sila ni Ate Rici.
Pero sa gabing iyon, iba ang tono ng pananalita ni Mama at parang umiiyak pa ito.
“Tumakas kana! Papatayin ka nila pag naabutan ka nila rito!” si Mama iyon.
“Ma? Paano kayo rito? Hindi ako pwedeng umalis-”
“Iyan pa ba ang iisipin mo Bram?! Noon palang binalaan na kita na layuan mo ang babaeng iyan! Pero hindi ka nakinig! At ngayon, ikaw ang sinisisi nila!” Humagulhol ang aking ina sa galit at pagkadismaya.
Bumangon agad ako sa pagkakahiga at kinusot ang aking mga mata habang sinisilip sila sa labas ng kuwarto.
Gulong gulo ako noong oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ni Mama at pinapalayas pa si Kuya sa bahay. Pero noong malaman ko ang pagkamatay ni Ate Rici ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buo kong katawan. Kahit si Kuya ay hindi mahistura ang kanyang mukha. Ang mga mata niya ay pulang pula habang nakakuyom ang kanyang mga kamay.
Pakiramdam ko ay may kasalanan rin ako. Na parang sangkot rin ako sa krimeng hindi naman namin ginawa ni Kuya. Sana pala ay hindi ko nalang hiniling kay Israel na hadlangan ang dalawa. Hanggang ngayon ba ay buhay pa si Ate Rici?
Kaya noong sumugod ang mga Buenaventura sa aming bahay ay ganoon nalang ang naramdaman kong takot. Ang lihim na pagtingin kong inaalagaan para sa lalakeng singdilim ng anino at singlalim ng gabing ni bituin ay walang maaninag ay tuluyang gumuho ang pinupundar kong atraksyon para sa kanya. Parang imposible na talaga na may kaming dalawa at kailangan ko ng itapon ang pagmamahal na iyon dahil alam kong wala iyong patutunguhan.
“Diba at mag-eenroll ka ngayon? Umuwi ka agad Trace. Mainit ang mga mata sa atin ngayon ng mga Buenaventura at h’wag na h’wag mong sasabihin kung nasaan ang Kuya mo!” Paalala sa akin ni Mama habang naghahanda siyang pumunta sa bayan para magtinda.
“Opo, Mama…” kabado kong sagot sa kanya at naiiyak na naman dahil sa nangyayari.
“Magpapatuloy parin ang buhay natin at hindi natin sila hahayaang ibagsak tayo. Ikaw… Ituon mo ang buong atensyon mo sa pag-aaral mo at balang araw… Aalis rin tayong dalawa sa lugar na ’to.” dagdag pa ni Mama.
Wala akong magawa. Ni wala akong ideya kung saan na pumunta si Kuya noong umalis siya kagabi. Di ko man lang ito natanong kung bakit sila naghiwalay ni Ate Rici at bakit siya ang sinisisi ng mga Buenaventura.
Pagdating ko sa eskwelahan, hindi na ako nagulat noong matuon agad sa akin ang buo nilang atensyon. Lahat ay may disgusto ang mga mata. Lahat ay galit sa akin.
Yumuko ako at nagpatuloy sa paglalakad. Naiiyak na naman ako sa awa sa aking Kuya. Sigurado akong siya ang sinisisi ng lahat. Wala rin naman akong nakuhang malinaw na sagot kung ano talaga ang nangyari kay Ate Rici. Imposible namang si Kuya Bram ang pumatay sa kanya para sisihin si Kuya sa pagkamatay ni Ate.
“Ang kapal ng mukha mo!” Isang sigaw ang kumuha ng aking tingin.
Pag-angat ko noon, nagulat nalang ako nang makarating na si Feli sa aking harapan. Sa kanyang likuran ay ang mga kaibigan niyang namumugto rin ang mga mata kagaya niya. Lahat sila ay nagluluksa.
“Mga hayop kayo ng Kuya mo!” Bigla niyang hinila ang aking buhok at sinabunutan ako.
Sumigaw ako dahil sa sakit.
“Bitiwan mo ang buhok ko Feli!” Ang hagulhol ko kaninang umaga ay bumalik agad sa akin.
“Nang dahil sa inyo ng kapatid mo, n-namatay si Rici! Pagkatapos niyo siyang pakinabangan! Pagkatapos niyo siyang perahan!” Umiiyak niyang sigaw sa akin dala narin ng galit at mas hinila ang aking buhok.
Mariin akong napapikit at hindi alam kung paano ito aawatin. Maraming nanonood pero ni isa ay walang balak awatin ito. Sa kadahilanang sang-ayon rin siguro sila kay Feli.
“Hindi naman kasalanan ni Kuya-”
“Ipinagpalit ng Kuya mo si Rici! May babae siya sa bayan habang nagbabakasyon ang kaibigan ko! Sinaktan niya si Rici! At dahil sa Kuya mo! Dahil sa panggagago niya, nagpakamatay si Rici!”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagulat sa kanyang sinabi. S-Si Ate Rici… N-Nagpakamatay?
May mga umawat sa akin. Pero dahil hinang hina na ako ay nakayuko nalang ako habang umiiyak.
“Bwesit ka talaga Feli! Wala ka bang magawang matino sa buhay mo?! Ba’t mo isasali si Tracey sa galit mo!” boses na iyon ni Rinka.
Tinakpan ko ang aking mga mukha at doon umiyak. Sa bawat gilid ko naman ay mukhang si Rose at Cecille iyon habang sa aking harapan ay si Rinka.
“Pagkatapos perahan ng magkapatid na iyan si Rici ay tinaboy agad nila! Sila ang pumatay kay Rici! Mga kriminal!” Malakas na sigaw ni Feli.
Nanlumo ako sa kanyang pinagsasabi. Sa nangyari, kay Kuya Bram nga mapupunta ang sisi. Sila ang sisisihin niya at dahil magkapatid kami, damay narin ako.
Chapter 31
Malas
It was a painful day for everyone. Napapansin ko, lahat ng mga estudyanteng naroon ay nagluluksa sa biglaang pagkamatay ni Ate Rici. Mabait kasi ito at hinahangaan ng lahat. Kahit ako… Kahit ilang buwan lamang kaming nagsama ay sobrang bigat na ng aking loob.
“Ano ba kasing nangyari kay Bram at Rici, Trace? Anong sinasabi nilang may ibang babae si Bram?” Naguguluhang tanong ni Rinka sa akin nang mapadpad kami sa ibang parte ng eskwelahan.
Nakaupo ako sa bench habang pinupunasan ang mga luha kong wala rin namang tigil sa pagpatak.
Umiling ako. “H-Hindi ko alam kung totoo iyon eh wala namang s-sinasabi sa akin si Kuya Bram…” Tumataas baba ang aking balikat dahil sa mararahas kong pag-iyak.
Hinimas ni Rose ang aking likuran para patahanin ako habang ang kamay naman ni Cecille ay patuloy sa pagsuklay sa aking buhok.
“Hindi naman siguro ganoon si Bram, Trace…” malungkot na sabi sa akin ni Rose.
“Pero kahit hindi iyon ginawa ni Bram, siya parin ang masisisi. Siya ang pagbubuntunan ng galit ng mga Buenaventura. Alam naman natin ang ugali ng mga pamilyang iyon…” Dismayadong si Cecille.
Mas lalo akong naiyak. Wala namang kasalanan si Kuya at bakit nila pagbibintangang kriminal ito eh sigurado akong hindi rin ito ginusto ni Kuya. Sa lahat ng tao rito, alam kong mas nagluluksa siya. Malaking sampal ito sa kanya. Magsisisi iyon dahil sa pananaboy niya kay Ate Rici. Kung ano man ang kanyang rason kaya niya ito hiniwalayan, hindi ko alam kung sapat na ba iyon para bigla niya itong bitawan.
Tumayo rin naman ako noong kaya ko na. Namumugto ang aking mga mata habang pumupunta kaming apat sa Registrars Office para magpa enroll na.
Ramdam ko ang matatalim na tingin sa akin ng mga estudyante. Makikita sa kanilang mga mata ang inaalagaang galit doon na hindi na humuhupa. Wala na rito ang grupo ni Feli pero sigurado akong lahat sila ay pinapaniwalaan si Feli.
“Dapat talaga magkaklase parin tayo. Hindi pwedeng mahiwalay tayo sa isa’t isa lalo na’t pinag-iinitan ka ng lahat,” mungkahi ni Rinka nang mapansin rin ang tingin sa akin.
Tahimik akong pumila. Napapagitnaan ako ni Rose at ni Cecille. Mahaba ang pila at puro estudyante ang nandito para magpaenroll. May iilan na pumapaibabaw ang boses dahil sa pagt-tsismisan.
“Baka malasin din tayo. Sana hindi natin ’yan maging kaklase. Ang kapal naman ng mukha. Wala talagang konsensya.”
“Sinabi mo pa! Di na talaga nahiya at hindi nalang rin sumama sa pagtakas ng kuya niya!”
“Ang amo amo ng mukha pero demonyita pala. Nasa loob ang kulo!”
“Buti nalang at tinigilan na siya ni Israel. Siguro narealize nun na pera lang naman ang habol niyan.”
Nilunok ko lahat ng mga narinig ko. Nagpanggap akong walang naririnig pero ang aking mga mata ay tinatraydor ako.
Kuya Bram… Kung nasaan ka man… Magpakatatag ka dahil magpapakatatag rin ako. H’wag kang mag-alala sa amin ni Mama at alalahanin mo ang sarili mo. H’wag ka nalang bumalik dito kung iyan ang tanging paraan mapabuti ka lang. Balang araw ay mabibigay rin natin sa ating sarili ang nararapat na hustisya.
“Kung makapag-usap ang mga ito ang lalakas. Hoy groupings ba iyan at pinaparinig niyo sa amin?! Pwedeng makisali? Pakihinaan mga boses niyo ha! Ang galing galing niyong manira eh akala niyo naman perpekto kayo!” sigaw ni Rinka sa grupo ng mga babaeng pinag-uusapan ako.
Hinawakan ko agad ang braso nito at inilingan para h’wag nalang patulan ang mga ito.
“Ba’t niyo ba iyan pinagtatanggol? Ang malas malas ng pamilya nila! Kaya siguro ganyan silang magkapatid dahil mana sa kabit nilang Nanay! Tingnan mo ang kapatid niyang lalake, di rin nakontento kay Rici at iyang si Tracey sigurado akong ganyan rin ang ugali niyan!”
“Aba’y close kayo?!” Nilingon ako ni Rose. “Kapatid mo ba ’yan Trace at ang daming alam sainyo? Iyan ba ’yung kapatid niyong tinapon ng Nanay mo sa basurahan kasi mukhang patapon?”
“H-H’wag niyo nalang patulan, please…” mahina kong sabi sa kanila.
Hindi ko inaasahang pati si Mama ay masasali. Hindi ko inaasahang lalala ang sitwasyon at hindi ko inaasahang mag-iiba na ang tingin ng lahat sa aming pamilya dahil lamang sa nangyari.
“Totoo naman! Kabit ang nanay ni Tracey! Kaya siguro wala siyang ama dahil rin pera lang ang habol ng mama niya sa lalake kaya di pinanindigan!”
“O baka nga prostitute iyong mama niya kaya nabuo silang magkapatid!”
Nagtawanan sila. Sila Rose naman ay parang susugod na kaya pinigilan ko agad. Kung papatulan nila iyon, madadamay lang silang tatlo sa akin.
“Bakit kayo ganyan? Alam niyo ba ang mga isinakripisyo ng nanay ko para maitaguyod lamang kaming dalawa ni Kuya? Alam niyo bang tumayo siyang Papa sa amin? Alam niyo bang hindi niya kami pinabayaan? Alam niyo bang ginagapang niya kaming dalawa araw araw sa kahirapan para lang mabuhay kami? Wala ba kayong mga magulang? Kung makapagsalita kayo… K-Kilala niyo ba ang Mama ko?” Sa nanlalabo kong mga mata ay tiningnan ko silang lahat. Dismayadong dismayado ako dahil napapaligiran ako ng mga taong mali lamang ang napupuna.
Natahimik ang mga ito at iniwas ang mga mata sa akin. May hangganan ang pananahimik ko. Kung babastusin nila si mama, ibang usapan na iyon.
Naunang makatapos si Rinka sa amin kaya hinintay niya muna kami. Sunod naman si Cecille. Pagkatapos niya ay ako naman ang pumwesto na ikinasira agad ng mukha noong babaeng pinafile ang mga cards.
“Quiamco po-”
“Iyong sunod mo muna,” putol niya sa akin sa boses na iritado.
Natigilan ako at napatingin kina Rinka na ganoon rin. Nilingon ko naman si Rose at sinenyasang siya nalang muna.
“Huh? Bakit?” Nagtatakang tanong ni Rose.
Pumwesto ako sa pinakahulihan. Sa kabilang linya ay medyo kaonti nalang rin ang pumipila roon.
Inasikaso si Rose katulad noong pag-asikaso sa iba pang mga estudyante. Natuwa ako noong ako na ang sumunod at inilapag ang kompletong Requirements pero nagulat nalang ako noong sinarhan niya iyon bigla.
“Lunch time pa. Mamaya ka nalang bumalik mga 1pm. O kaya lumipat ka doon sa kabila,” sabi nito sa akin.
Napalunok ako ng laway at nilingon ang ibang mga estudyanteng nang-iinsulto parin. Iyong babae sa harapan ay lumipat pa sa kabila at may binulong doon sa isa pang babae. Napunta ang tingin noong isa sa amin na agad ring ikinasira ng mukha noon.
Ginapangan agad ako ng kaba. Sa inaasta nila ay baka mas mahihirapan lamang ako.
“Ay punyetang babae… Akala ko mga kaedad lang natin ang immature meron pa pala…” bulong sa akin ni Rinka nang hinihila niya ako papunta sa kabilang linya.
“Rinka ikaw kaya mag-enroll baka sakaling tanggapin,” suhestyon naman ni Cecille.
Iyon nga ang ginawa nila. Noong si Rinka na ay tinanggap agad iyong card ko at tiningnan iyon. Naglahad pa ng pera si Rinka pero ilang sigundong nagtagal ang tingin noong babae sa aking card.
“Hija, balik ka nalang mamayang 1pm. Gutom na pala ako,” alibi agad noon at ibinalik ang aking card kay Rinka.
Napalingon agad si Cecille at Rose sa akin. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkakadismaya. I smiled weakly.
“Ma’am mabilis lang naman po iyan…” si Rinka.
“Mamaya nalang. Nagugutom na ako.” Tumayo na ito at nagawa pang pagsarhan si Rinka.
Binalot agad ng inis ang mukha ni Rinka. Ang ibang mga estudyante ay nagsingitian pa ng nakakaloko sa amin habang umaalis na.
“Irereport ko talaga ito sa Principal! Hindi na tama ang ginagawa nila ha!” Naiinis na sabi ni Rinka nang umalis nalang kami roon.
“Di ako makapaniwalang pati ang mga nasa ganoong edad ay makikitid rin pala ang utak. Nakakatakot namang mag-aral dito. Para kasing mga walang utak ang iba baka wala rin tayong matutunan,” si Cecille.
“Bakit pati si Tracey ay isasali nila? Akala mo kapamilya rin ni Rici at nakikiluksa kaya malaki rin ang galit sa’yo,” si Rose.
Isang mahabang buntong hininga ang napakawalan ko. Lahat ng mga tao rito ay malaki ang tingin sa pamilyang Buenaventura. Sunud-sunuran sila at kaya silang kontrolin nito kahit walang iutos sa kanila. Para nila itong hari at sila naman ang mga alipin, mga nasasakupan.
Sa nangyayari, nag-aalala ako dahil baka maapektuhan ang pagtitinda ni Mama sa bayan. Baka masali siya sa gulo at kamuhian narin. Paano nalang ito?
Naghintay ako hanggang ala una roon kasama ang tatlo. Maaga pa akong pumila at ako agad ang pinakauna. Mamaya nalang siguro ako kakain. Kailangan kong makapag-enroll ngayon. Pinakain ko nalang muna sila Rinka. Sasama pa sana sila pero umangal na ako. Pati silang tatlo ay nadadamay sa akin.
Katulad ng nangyari kanina ay pinaalis parin ako sa pwesto at aasikasuhin raw muna iyong nasa likod ko.
“Pero Ma’am ako po kasi ang nauna sa pila…” paliwanag ko sa marahang boses na ikinasira agad ng mukha nito.
“Sabi ko, mamaya kana. Doon ka sa pinakalikod.” Inis niyang sabi.
“K-Kanina pa kasi ako at sabi mo rin na kakain ka muna. M-Mabilis-”
“Ang kulit mo! Umalis kana!”
Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak. Sa sobrang lakas noon ay napaatras agad ako at nabangga ko pa ang sunod sa akin. Lahat ng nakapila roon ay nagreklamo agad sa akin.
“S-Sorry-”
“Umalis kana nga sa pila! Doon ka sa likod! Ang malas malas mo nadadamay pa kami!” Marahas akong itinulak noon sanhi para maalis agad ako sa pwesto.
Lahat ng kanilang tingin ay magkakapareha at akala mo ay may nakakahawa akong sakit kaya ganoon nalang sila kung mangdiri sa akin.
Matiyaga parin akong naghintay. May grupo pa ng lalakeng bumubungisngis at panay ang paglingon sa akin. Hindi ko nalang iyon pinansin at sinikap na tumayo roon kahit na nangangalay na ang aking mga paa.
“Miss… Ano? Ako na mag-eenroll sa’yo?” mungkahi noong isa na medyo katangkaran at tan skin.
Umiling ako at ngumiti ng tipid.
“Hindi na.”
“Pakipot pa. Sige na. Ako na ang mag-eenroll pero may kapalit ha.” Akma niyang hahawakan ang aking pisngi kaya mabilis agad akong umatras.
Nagtawanan silang apat habang ang aking mukha ay binabalot naman ng takot.
“Pakipot sa’yo Rex,” sabi noong nakadark blue tshirt.
“Oo nga eh… Sarap sanang lahian…” Sinipat pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ang kinis at ang amo ng mukha oh.”
Mabilis agad akong umalis doon. Sa aking paglalakad ay nakasalubong ko pa sila Rinka na mukhang pupuntahan na ata ako.
“Oh? Nakapag-enroll kana?” tanong ni Rose sa akin.
Umiling ako at tipid na napangiti sa kanila.
“Bukas nalang siguro total isang linggo rin naman ang enrollment eh,” sabi ko.
“Huh? Pag late enrollee ka hindi malabong hindi ka magiging kaklase namin Trace!” kinakabahang sabi ni Rinka.
“Oo nga! Dapat magkasama tayong apat! Eh hindi mo pa naman pinagtatanggol ang sarili mo. Di ka masasalba niyang kabaitan mo sa mga taong may ugaling demonyo!” gigil namang sabi ni Rose.
“Okay lang. Bukas pagsisikapan ko ulit mag-enroll.”
Hindi ko naman hawak ang opinyon nila sa akin. Hindi ko kayang baguhin ang tingin ng lahat sa akin dito. Ngunit hawak ko ang reaksyon ko. Kung gagantihan ko sila, para ko na ring ginawang salamin ang ginagawa nila sa akin.
Nagtungo rin naman ako sa bayan pagkatapos ko roon sa eskwelahan. Dumeritso na ako kay Mama dahil nag-aalala rin ako doon sa kanya. Sila Rinka naman ay nagpasya pang sumama sa akin at isusumbong daw nila kay Mama iyong inasal noong mga taga school Registrar kaya sinabihan ko agad sila na h’wag nalang iyong banggitin pa.
“Oh? Nakaenroll kana?” tanong agad ni Mama at tiningnan ang tatlo sa aking likuran.
“Hindi pa Ma. Bukas pa ata kasi ang haba ng pila kanina,” rason ko.
“Hindi pa kayo nakakaenroll?” tanong niya sa tatlo.
“Ah, si Tracey nalang po ang hindi nakakapag-enroll,” sagot ni Rinka na ikinalunok ko.
“K-Kasi nasa huling pila ako tapos nacut-off. May mga mag-eenroll pa naman bukas Mama ’tsaka hanggang isang linggo naman ang enrollment,” paliwanag ko.
Doon lamang kumalma ang kanyang mukha pero bakas sa kanyang mga mata na may inaalala itong ibang bagay.
Kumuha siya ng pera sa kanyang bag at binigyan ako ng isang daan.
“O ayan, bumili kayo ng meryenda niyong apat,” sabi niya.
Napatingin ako sa kanyang panindang bulaklak at wala namang pinagbago ang nabebenta niya. Siguro may mga tao paring walang pakialam sa issue.
Nagtungo naman kami sa bakery at doon nagpasyang kumain.
“Mukhang okay lang naman ang benta ng Mama mo, Trace,” si Rinka habang naglalakad kami.
“Iyong Mama mo rin naman kasi parang walang pakialam sa mga sasabihin ng nakapaligid sa kanya,” dagdag naman ni Rose.
“Ang amo ng mukha ng Nanay mo pero ang tindi rin ng ugali,” si Rose.
Pagdating sa bakery ay may grupo ng mga babae ang nakabante sa isang mesa. May dalawa pang bakante kaya doon kami sa isa umupo. Si Rinka naman ang nagpasyang bumili.
Kitang kita ko kung paano nagsikuhan iyong mga babae at may isa pang ngumuso sa akin. Ang kanilang mga eskpresyon ay mabilis na nagbago.
“Hay may salot na napadpad. Nakakawalang gana tuloy kumain,” pagpaparinig noong isa kaya awtomatikong napalingon si Rinka doon.
“Sa ganyan mo bang mukha syempre kahit ako mawawalan ng ganang kumain,” marahas niyang sabi na ikinalala lamang noong ekspresyon ng isang babae.
“Tara na nga! Baka mahawa pa tayo sa isa diyan!” reklam naman noong isa at nagsitayuan na sila.
Napalunok ako ng laway habang sinusundan silang umalis at inirapan pa ako.
“Ganyan nga. Umalis kayo mga gaga,” inis namang sabi ni Rose.
“Kikitid ng utak jusko naman! Di ako makapaniwalang may mga taong di talaga biniyayaan ng utak!” Nailing pa si Cecille.
“Hayaan niyo nalang,” tanging nasabi ko na ikinasira ng kanilang ekspresyon.
Dumating narin naman iyong tindera at napatingin pa roon sa ibang costumer na umalis saka niya ako tiningnan. Mabilis namang nagkasalubong ang kilay nito.
“Pabili po kami nito. ’Tsaka dito po kami kakain,” sabi ni Rinka at may itinuro pang tinapay.
“Samahan mo narin noong malaking softdrinks, Rinka,” si Rose naman.
Nag-iwas ako ng tingin sa tinderang titig na titig sa akin at mukhang hindi pinapakinggan si Rinka.
“Iyan ba iyong kapatid noong kriminal na tumakas?” inis na tanong noong tindera kay Rinka.
Mabilis ko itong nilingon.
“Hindi naman po iyong kapatid ko ang pumatay kay Ate Rici-”
“Ikaw nga ang kapatid noon!” putol niya sa akin at mas kinain ng galit ang mukha.
“Ate mali iyong binibintang sa kapatid niya dahil mabait naman si Bram-”
“Umalis kayo diyan sa lamesa dahil nakareserve na iyan.” Inis niyang putol kay Rinka.
“Huh? Edi sige lilipat kami sa kabila.” Tumayo si Rose at sinenyasan pa akong doon daw kami sa kabila.
Tumayo narin ako at umiling sa tatlo na h’wag nalang kaming kumain doon dahil baka mas lumala lamang.
“Umalis na nga lang kayo! Nawawalan ako ng customer dahil sa inyo!” Pananaboy nito sa amin.
“Mawawalan ka talaga ng customer diyan sa ugali mo Ate,” inis namang sabi ni Rinka.
“Tayo na nga lang. Di rin naman masarap ang mga tinapay dito! Parang inulit lang! Ipagkakalat ko talaga na may buhok sa kili kili iyong isang tinapay!” inis namang sabi ni Rose.
Tumawa ang dalawa na kahit ako ay ngumuso na makapagpigil lamang ako ng tawa.
“Umalis na kayo! Mga walanghiya!” sigaw ng galit na tindera kaya tumakbo pa kami makaalis lang agad.
“Ipagkakalat rin naming amoy putok ka!” pahabol pang sigaw ni Rinka kaya mas kumaripas kami ng takbo.
Tumatawa pa ang tatlo na kahit ako ay hindi narin mapigilang matawa dahil sa sinabi ni Rose.
“Baka habang nagmamasa sila ng harina kinakamot nila ang kili kili nila kaya ayun nasasama!” Natatawang sabi ni Rinka.
“O mas malala kung nagkakamot sila sa ibaba tapos kulot na buhok ang nasama!” si Rose naman.
Mas lalong naging malutong ang tawanan naming apat habang naglalakad kami. Kani-kanila lang umiiyak ako ng husto dahil sa mga nangyayari tapos ngayon sumasakit na ang tiyan ko kakatawa.
“Bwesit na tinderang iyon! Ang babaw rin!” inis na sabi ni Cecille pagkatapos naming makabawi sa tawanan.
“Pasensya na at nadadamay kayo,” sabi ko sa kanila.
“Ano ka ba, Trace! Mas gusto naming inaapi ka para maapi rin namin sila! Pataasan nalang ng sungay!” pagmamayabang pa ni Rinka.
Natigilan rin silang tatlo at tila may napagtanto.
“Tingin mo… galit rin si Israel sa’yo?” tanong sa akin ni Rinka nang bumagal ang paglalakad namin.
Umiling ako.
“Hindi ko alam eh… Pero noong sumugod siya sa bahay kasama ang mga tauhan nila… parang di na siya iyong lalakeng nakilala ko.”
“Sana naman walang gawin ang mga Buenaventura. Eh hindi naman ginusto ni Bram ang nangyari. Baka may iba pang dahilan…” Tila panalangin na iyon ni Cecille.
“Sana nga…” si Rose naman.
Chapter 32
Konting Tiis
Sa sumunod na mga araw ay inasikaso ko ulit ang enrollment ko.
“Pre tingnan niyo, ang ganda oh!”
“H’wag yan. Kapatid iyan noong nanloko sa Buenaventura na si Rici kaya nagpakamatay. Madadamay ka sa kamalasan niyan.”
“Ay sayang! Ganda sana. Sila pala iyon…”
Hindi ko na nilingon ang dalawang lalakeng pinag-uusapan ako nang madaan ako sa kanilang gawi. Mag-isa akong pumunta lalo na’t may ginagawa rin iyong tatlo. Balik trabaho iyong dalawa habang si Cecille ay may lakad para bumili ng gamit.
Mahaba ulit ang pila at nasa dulo pa ako. May iilan na napapatingin sa akin at mabilis agad ngumingiwi. Para silang nakakakita ng kasuklam suklam.
Buong akala ko ay makakapag-enroll na ako pero noong ako na ulit ay bigla nalang nagbago ang pakikitungo sa akin. Ayaw nilang iproseso ang aking enrollment sa kadahilanang cut-off na daw at mamaya ulit hapon.
Kahit maghintay ulit ako mamayang hapon ay alam kong may panibago ulit silang rason na sasabihin sa akin. Alam ko naman eh… Alam kong dahil sa nangyayari kaya ganoon sila sa akin. Hindi naman ako batang paslit na kung uutuin ay mabilis na mauuto at kaya mo lang paniwalain basta may candy na kapalit.
“Bumalik ka nalang ulit mamaya,” aniya.
Akma niyang ibababa iyong pangharang kaya mabilis agad akong nagsalita.
“Pero Ma’am… unfair naman po diba kung di niyo ako tatanggapin dahil lamang sa issue na biktima lang po ako? Di po namin ginusto ni Kuya ang pagkamatay ni Rici. Di naman po kami ganoon kasamang tao para hilingin ang isang bagay na makakasakit sa ibang tao. N-Nandito po ako dahil gusto ko pong mag-aral kaya sana po… asikasuhin niyo rin po ako katulad noong pag-aasikaso niyo sa ibang estudyante.”
Kitang kita ko ang yumakap na gulat sa kanyang mukha. Pero kalaunan ay bumalik din ang galit doon at mas malala pa ngayon.
“Ako sa’yo maghanap ka ng ibang paaralan! Iyong malayo dito! Galit na galit ang mga Buenaventura sa pamilya niyo at baka madamay pa kami! Oo at di niyo nga pinatay pero kayo ang rason kaya ba’t nagpakamatay si Rici! Pinerahan niyo pa at pinakinabangan saka niyo tinapon! Nakakasuka kayong magkapatid! Lumayas kana! Nasisira mo ang araw ko!” Marahas niyang ibinaba iyong pangtakip noong bintana na ikinaatras ko nalang.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Saan naman ako mag-eenroll eh ito lang ang publikong paaralan dito? May scholarship naman ako pero kung lilipat ako roon sa isa pang eskwelahan dito ay may kamahalan doon at baka dagdag gastos lamang.
Wala akong nagawa noong araw na iyon. Nagtungo ako sa bayan at tinulungan nalang si Mama.
“Oh? Nakapag-enroll kana?” tanong niya agad.
Hinubad ko ang maliit kong bag at tinabihan ito.
“Uh… Bukas babalik pa ako Mama kasi ano ang raming estudyante kanina.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
“Tracey, umamin ka nga? Eh iyong tatlo mong kaibigan nakapag-enroll agad kahapon ah? Ginigipit ka ba roon?!” Tuminis agad ang kanyang boses sa huling pangungusap.
Nag-angat ako ng tingin kay Mama at akmang iiling nang itinuro niya ako.
“Kilala kita! Kahit ginagawan kana ng masama ay binabalewala mo! Umamin ka!”
“Ayaw po nilang tanggapin ang enrollment ko, Mama…” sumbong ko.
“Aba’t mga hayop na iyan!” Napatayo pa ito sa sobrang galit kaya mabilis ko siyang hinila paupo.
“P-Pero bukas babalik ulit ako! Susubukan ko ulit baka makulitan sila sa akin at sa huli ay tanggapin rin nila ang mga requirements ko.”
“Talagang bukas ay maeenroll kana! Sasama ako sa’yo bukas. Makakatikim sa akin ang mga hudas na iyan!” gigil na sabi ni Mama na ikinalunok ko ng laway.
“Mama… H’wag ka pong mag-eskandalo roon-”
“Dalawang araw kanang pabalik balik doon tapos gaganyanin ka lang! Aba’y di kita binuhay para apihin nila, Trace!”
Kinabukasan, katulad ng sinabi ni Mama ay sinamahan niya nga ako sa eskwelahan. Maaga kaming dalawa at kapwa agad dumeritso sa Registrars Office.
Nasa likod ako ni Mama habang pumipila kaming dalawa. May ibang mga estudyanteng napapatingin pero kung tinitingnan rin ni Mama pabalik at sinasamaan ng tingin ay mabilis rin itong nag-iiwas ng tingin. Ngumuso ako at hindi maitago ang ngiti dahil sa kanyang ginagawa.
“Ang mga batang ito… akala mo kung sinong magaganda,” narinig ko pang sabi ni Mama.
Tila inipon niya ang inis na nararamdaman hanggang sa siya na ang sumunod ay halos mapatalon ako sa gulat nang pahampas niyang inilapag ang mga requirements ko.
“Dalawang araw ng pabalik balik ang anak ko rito at hindi niyo man lang pinoproseso nang maayos ang enrollment niya! Nagbabayad kami ng maayos ah? Anong problema niyo?” galit niyang sabi sa babaeng namutla rin dahil sa presensya ni Mama.
“H-Hindi naman sa ganoon M-Ma’am-”
“Anong hindi! Halatang kinakawawa niyo ang anak ko dahil lang sa sitwasyon namin ngayon?! Anong kinalaman ng eskwelahang ito sa buhay namin at nakikisawsaw kayo?! Mga Buenaventura rin ba kayo! Kamag-anak niyo iyon?!”
Hindi nakasagot iyong babae kay Mama at nag-iwas ng tingin. Kahit iyong katabing babae ay ganoon rin. Ang iilang mga estudyante ay nakikiusyoso rin sa pagsiklab nito.
“Dapat kayo ang magsilbing magandang ehemplo sa mga kabataan dito pero kayo pa itong minamaliit sila! Ganyan na pala ang mga pinapasahod ng mga gobyerno ngayon?! Namimili ng seserbisyuhan? Sige! Tingnan natin kung hanggang saan iyang mga ugali niyo kung iaakyat ko ito sa Dep-Ed! Mawawalan talaga ng lisensya ang eskwelahang ito dahil sa baluktot niyong serbisyo!” Inis na dinampot ni Mama ang aking Requirements.
“Tayo na Trace! Wala tayong mapapala rito!” galit na sabi sa akin ni Mama at naglakad na paalis.
Nalaglag ang panga noong dalawa at mas namutla. Napalunok naman ako at sinundan ang aking ina.
“Misis! Sandali lamang po!” habol noong babaeng taga Registrars Office.
Tumigil ako sa paglalakad na kahit si Mama ay tumigil narin. Lumapit sa amin lalo ang babae na tinubuan ata ng konsensya base narin sa kanyang ekspresyon.
“P-Pasensya na po sa inasal namin sa anak niyo. H-Hindi na po mauulit…” Yumuko pa ito.
Napangiti ako roon. Si Mama ay nag-aangat parin ng kilay at hindi kumakalma.
“Akin na ang requirements ni Miss Quiamco at ipoproseso ko na…” Inilahad niya ang kamay niya kay Mama at ngumiti ng pilit dala narin ng ekspresyon ni Mamang hindi nagbabago.
Ako mismo ang kumuha sa kamay ni Mama noong requirements ko at ibinigay sa kanya. Kahit iyong bayad ko ay binigay ko narin.
“Salamat po ng marami!” bigkas ko na ikinalingon niya sa akin at tumango.
“Pasensya na talaga kahapon, hija…”
Umiling ako. “Okay lang po…”
“Sige… Aalis na ako.”
Nilingon ko agad si Mama at nginitian ito na napaismid pa.
“Mga plastik! Pwe!”
“Mama naman… Humingi na ng tawad at iyon ang importante.” Ngumisi ako sa kanya.
“Kung ako ang nasa edad mo at inapi ako. Nako… Marami siguro akong masusuntok na mukha!” naiiling niyang sabi at nagsimula ulit maglakad na ikinatawa ko. Grabe naman!
Bali-balita sa buong lugar ang nagaganap na lamay sa mansyon ng mga Buenaventura. Marami raw ang mga pumupunta roon para makiramay at karamihan ay mga edtudyante pa. Gusto ko rin sanang pumunta kaso takot rin ako sa mga Bueaventura at kabilin-bilinan pa ni Mama sa akin na layuan sila.
“Pag lumapit lapit iyong lalakeng Buenaventura sa iyo tumakbo ka agad! Tuso pa naman sila. Baka ikaw ang pagbayarin nila sa kasalanan ng Kuya mo. Sigurado akong pinapahanap nila iyon,” sabi sa akin ni Mama noong kumakain kaming dalawa sa gabing iyon.
Tumango agad ako kay Mama. Kahit hindi niya sabihin ay iyon talaga ang gagawin ko. Iba na ang sitwasyon ngayon. Baka ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Baka kahit ako ay kinamumuhian niya narin.
Ang mga pangakong iyon ay nawalan na ng silbi. Ano pang silbi noon eh wala na si Ate Rici? At kahit siguro hindi ko hilingin sa kanya na layuan ako… kusa na siyang lalayo sa akin.
“Tingin mo Mama… nasaan na kaya si Kuya? Babalik ba siya rito?” tanong ko sa kanya na ikinabagal ng kanyang pagmuya.
Uminom siya ng tubig kaya sumubo ako at mabilis ring ibinalik sa kanya ang aking mga mata.
“Sana nga at h’wag na siyang bumalik dito. Nang dahil sa katigasan ng kanyang ulo ayan ang napala niya! Kung sinunod niya lang sana ako… kung nakinig lang sana siya at hindi pinairal iyang bugso ng damdamin niya edi sana naiwasan ito!” gigil niyang sabi at nagkakasalubong pa ang mga kilay.
Naaawa ako kay kuya at kay Ate Rici dahil saksi ako kung gaano nila ipinaglaban iyon. Kaya kuya… anong nangyari at…bigla kang sumuko sa kalagitnaan? Bakit?
Maingay agad ang paligid noong pasukan na at nagtitilian pa ang iba sa t’wing nakikita nila ang kanilang kaibigan. Nagyayakapan sila at may iba pang tumatalon talon.
“Trace!”
May biglang yumakap sa aking likod at ilang sandali lamang ay nadagdagan pa iyon.
Napangiti agad ako sa tatlo na sabik na sabik na makita ako.
“Uy grabe gumanda ka! Anong ginawa mo?! Inspirasyon mo ba iyong mga pangit diyan sa tabi tabi na sinisiraan ka kaya mas umaangat ang ganda mo kaysa sa kanila?!” malakas na sabi ni Rinka ay tila nagpaparinig.
Tinawanan ko ito. “Baliw…”
“Gumanda ka nga, Trace! Ano ba ang sekreto mo? Ilang araw ka lang naming di nakita ah…” Sinuklay suklay pa ni Cecille ang buhok kong nakalugay gamit ang kanyang kamay.
“Dasal lang naman,” sabi ko sa kanila na ikinasira ng kanilang ekspresyon.
“Aray naman… Oo na kami na itong halatang hindi nagdadasal kaya parang sinumpa ang mga pagmumukha! H’wag mo ng ipamukha sa amin na mga demonyo kami.” Umirap pa si Rose sa akin.
Tumawa agad ako.
“’Tsaka hindi ata dasal ang kailangan ng mga mukha niyo kundi albularyo,” pagbibiro ko sa kanila na mas ikinasira ng kanilang ekspresyon.
“Itumba na natin ito, ano?” Nilingon pa ni Rinka ang dalawa na tumango naman agad.
Bumungisngis ako sa kanilang harapan pero natigil rin dahil sa matatalim at mga pagpaparinig nila sa akin.
“Ang kapal ng mukha. Habang nagluluksa tayong lahat ay may iba naman diyang tumatawa pa. Wala talagang puso. Sila na nga itong may kasalanan.”
“Walang konsensya.”
Nag-iwas nalang ako ng tingin sa dalawang babaeng napadaan at umalis rin naman agad para iwan ang mga salitang iyon.
“Ba’t di nalang nila binulong sa ating apat iyong mga pagpaparinig nila? Paano kung di natin alam na para pala iyon sa atin tapos parinig sila nang parinig edi sila rin ang nagmukhang tanga!” si Rinka na narinig rin ata iyong sinabi ng dalawa.
“Akala ko talaga ako lang ang may mahinang kokote rito. Hindi ko alam na may mas malala pa pala sa akin at sobrang dami pa!” si Cecille naman.
“Purket tumawa lang si Trace! Di nila alam minsan lang tumawa ang babaeng ito! Lahat ata bigdeal na.” Nailing namang natampal ni Rose ang kanyang noo.
Pagkatapos ng flag ceremony ay nagtungo run naman kami sa Grade Eleven building para hanapin ang magiging classroom namin.
“Di natin magiging kaklase si Tracey?!” dismayadong sabi ni Rose.
“Baka pwedeng itransfer ka sa classroom namin, Trace!” si Cecille naman.
Umiling ako sa tatlong nakatingin na sa akin at nginitian sila.
“Okay lang. Expected ko narin na hindi tayo magiging magkaklase dahil nalate rin ako sa pag-enroll at hindi nakasabay sainyong tatlo. Siguro nasa dulo lang nito ang magiging classroom ko.” Nilingon ko ang mga sunod na classroom.
“Ano ba ’yan! Bobo kaming tatlo at ikaw lang ang naaasahan namin minsan! Babagsak talaga kami!” reklamo ni Rinka.
“At wala kang makakasama sa classroom! Baka pagtulungan ka nila!” si Cecille naman na alalang alala rin.
“Kaya ko naman ang sarili ko ’tsaka kung mga may subject na nahihirapan kayong intindihin pwede ko parin naman kayong tulungan. Schoolmate parin naman tayong tatlo,” sabi ko sa kanila para kumalma sila.
“Magkaklase dapat tayong apat kung hindi lang talaga nakakabwesit iyong mga taga Registrar Office!” si Rose.
Ilang minuto rin silang nagbunganga sa aking harapan na kahit sa paghahanap ng classroom ko ay tinulungan pa nila ako. Dalawang classroom lamang ang namamagitan sa classroom nila mula sa amin. Ni isa, wala nga akong kakilala. Ni isa, wala ring gustong makipagkilala sa akin. Lahat sila, alam kong hindi na agad ako gusto kahit umpisa palang ng klase.
Konting tiis lang Trace… Hindi naman siguro ganito habang buhay diba? Matatapos rin ito kaya konting tiis pa…
Chapter 33
Trigger Warning: Harassment
Nagbago Na
Nasa loob ako ng cubicle ng girl’s restroom noon nang may marinig akong pamilyar na boses sa labas.
“Nagdadalamhati parin ba si Israel, Feli?”
“Oo. Araw araw iyong pinagsasakluban ng langit at lupa. Parehas lang sila ni Tito Facundo na galit sa pamilya ng mga Quiamco. Sigurado akong gaganti sila dahil iyon ang sinabi ni Tito sa anak niyang si Israel.”
“Huh? Gaganti sila? Diba may something kay Israel at Tracey noon?”
“Wala na ngayon! Ako na nga ang palaging nagcocomfort kay Israel. Ako ang palaging nasa tabi niya pag malungkot siya. Baka nga nafall na ’yon saakin!”
“Bagay rin naman kayo lalo na’t matalik mong kaibigan si Rici. Kaysa doon sa Tracey na halatang gold digger!”
Nanatili ako sa loob ng cubicle at hindi muna lumabas doon habang nasa labas pa sila. Iisang building na kami lalo na’t Grade Twelve na si Feli. Kung…buhay pa rin si Ate Rici… madalas na sana kaming magkita.
Wala sa sarili akong pumasok ng classroom habang iniisip iyon kaya hindi ko napansin iyong biglaang pagpatid ng aking kaklase sa akin. Nabuwal ako sa paglalakad at halos madiin ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakalagapak ko roon.
Napuno ng tawanan ang classroom habang namimilipit ako sa sakit. Nahimas ko ang aking ilong at tumayo rin naman.
“Opse… Sorry… May tao pala!” sabi noong pumatid sa akin at tumawa pa ng malutong kasama noong mga kaibigan niya.
Bumuntong ako ng hininga at dismayado itong tiningnan. Inangatan lamang ako nito ng kilay at nakangisi pa.
Tumalikod ako at ayaw nalang silang patulan nang biglang may lumagapak sa aking likod. Nahinto ako sa paglalakad at nilingon kung ano iyong binato sa akin. Isa iyong notebook na medyo makapal.
“Kung makaasta ka akala mo ba ikaw ang pinakamaganda rito?! Siguro tuwang tuwa ka na patay na ngayon si Rici para ikaw nalang ang nakakakuha ng mga atensyon ng lalake!” sigaw nito sa matinding galit.
Kumunot ang aking noo at hindi alam kung ano talaga ang pinupunto nila rito. Galit ba sila sa akin dahil sa ginawa ng kuya ko kay Ate Rici o galit rin sila sa akin dahil nakukuha ko ang atensyon ng mga lalake? Lahat nalang ba ay palalakihin nila? Lahat nalang ba ay isusumbat nila sa akin?
“Kayo lang ang nag-iisip noon at pinapalaki niyo lang,” sagot ko sa marahang boses na ipinagsalubong ng kilay noong isa.
“Lalaban ata sa’yo Fey…” sabi noong kaibigan niya.
Lumapit sa akin iyong isa habang ang dalawa naman ay pumunta agad sa aking likod. Lumunok ako ng laway habang nililingon sila. Umatras ako para sana umiwas pero bigla akong tinulak noong dalawa.
Itinulak ulit ako noong nasa harap pabalik sa dalawa na itinulak ulit ako. Para akong bolang pinagpapasahan.
“Please… Ayoko ng gulo…” Nagmamakaawa kong sabi habang walang tigil nila akong tinulak tulak. Ang iilan ko namang kaklase ay nanonood lamang, walang balak umawat.
“Total gusto mo namang pinagpepyestahan ka ng mga lalake ba’t di ka nalang maghubad?”
Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na niyakap ang aking sarili.
“Tumigil kayo! Please! Wag!” Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ng dalawa pero mas humihigpit lamang ang kanilang pagkakahawak sa akin.
Nanlalabo na ang aking mga mata habang umiiling iling.
“Please!” sigaw ko ng malakas na sana ay may maawa sa akin at tulungan ako kaso lahat sila ay walang pakialam sa akin.
“Ano boys? Gusto niyong makita ang katawan nito?” tanong niya sa mga lalakeng tumango naman agad.
“Teka, vivideohan ko para may souvenir!” Mabilis na lumapit iyong isa kong kaklaseng lalake dala ang kanyang cellphone at itinutok agad sa akin iyon.
Ngumisi iyong Fey sa akin at bumaba agad sa palda ko ang kanyang mga mata. Napayuko ako at mariing pumikit habang nagpupumiglas. Hindi sapat ang lakas ko. Hindi sapat ang pagmamakaawa ko para lang tumigil sila. Tumaas baba ang aking balikat dahil sa iyak na hindi ko na kayang kontrolin.
Hinawakan niya ang aking palda pero bago pa man mahila ay may mga pamilyar na boses na akong narinig.
“Anong ginagawa niyo kay Tracey?!” sigaw ni Rinka kaya binitiwan agad ako noong dalawa.
Dala ng namamanhid kong tuhod ay mabilis agad akong napasalampak sa sahig. Niyakap ko ang sarili kong dibdib at humagulhol lalo.
Mas umingay ang paligid at nangibabaw ang tili noong Fey. Nang mag-angat ako ng tingin ay pinagtutulungan na siya ni Rinka at Cecille. Kapwa nila ito sinasabunutan habang ang kanyang mga kaibigan naman ay napaatras na.
Si Rose naman ang lumapit sa akin at tinulungan akong takpan ang aking dibdib. Nalunod ako sa matinding kahihiyan at sa emosyon kong nilalamon na ako.
“Bwesit ka! Insecure ka dahil maganda si Tracey kaya dinadaan mo sa pagmamaldita mo! Pati iyang anit mo ay matatanggal talaga!” Mas pinanggigilan ni Rinka ang buhok noon na ikinasigaw nito lalo. Si Cecille naman ay nagawa pang sampal sampalin ang ulo nito.
“Anong nangyayari dito?!” sigaw ng maestra at nanlilisik na ang mga mata.
Mabilis na tumigil ang tatlo. Iyong kaklase kong may pangalang Fey ang hindi na mahitsura ang mukha dahil sa buhok niyang sabog na sabog.
“Ma’am, pinagtulungan po nila ako!” Itinuro niya sina Rinka at Cecille na binalot agad ng galit ang mga mukha.
“Anong kami?! Ma’am binully po nila si Tracey at hinubaran! May nagvivideo pa!” sigaw ni Rinka.
Napunta ang tingin sa akin noong maestra na ikinatalim agad ng tingin niya sa aking kaklase.
“Pumunta kayong lahat sa Office. Ngayon din!” sigaw noon na halos ikatalon namin.
Inalalayan akong tumayo ni Rose. Si Rinka at si Cecille ay nagawa pang tingnan ng matalim iyong kaklase ko.
“May extra tshirt ka bang dala, Trace?” tanong ni Rose sa akin na ikinailing ko. Tumutulo parin ang mga luha sa aking mga mata at mabilis ko nalang na pinupunasan.
“May extra ako. Teka kukunin ko.” Tumakbo naman si Rinka palabas habang si Cecille ay lumapit sa akin.
“Tingnan mo ang mukha niya, Rose. Kinalmot ko.” Ngumisi pa siya at tiningnan si Fey na nagpupunas ng luha.
“Pinalo palo mo rin ang ulo eh.” Ngumisi rin si Rose.
“Baka kasi kulang lang sa hampas ang ulo niya para gumana ng matino ang utak kaya hinampas hampas ko na,” si Cecille.
Mariin nalang akong napapikit at dismayadong dismayado sa nangyari. Sigurado akong madadamay silang tatlo sa akin. Baka maparusahan rin sila. Puro nalang kapahamakan ang nadadala ko.
Pagdating ni Rinka ay ipinasuot niya agad sa akin iyong puti niyang extra tshirt saka kami nagtungo sa office kasama iyong Fey. Iyong dalawang humawak sa akin ay naghugas kamay agad at si Fey lang ang nadiin dahil siya itong nadatnan na nakikipagsabunutan kina Rinka.
Ito ata ang pinakaunang beses na may sumabunot at nagpahiya sa akin. Ngayon ko lang naranasan ang mabully ng ganito kalala.
“Alam niyo bang nasa School Regulations ang Bullying, girls? Pwede kayong maexpell sa kalokohang ginawa niyo,” sabi noong Guidance at isa isa kaming tiningnan.
“Ma’am, iyang higad na ’yan ang naunang mangbully kay Tracey at pinagtanggol lang namin ang kaibigan namin!” Itinuro pa ni Rinka si Fey na mabilis na yumuko.
“Pero hindi solusyon ang pag-aaway sa loob ng klase. Dapat ay isinumbong niyo nalang agad sa malapit na gwardya!” sagot nito.
“Abangan natin ’yan mamaya sa labas at doon natin bugbugin,” bulong pa ni Rose kay Cecille na hindi nakaligtas sa aking tenga.
Napatingin sa akin iyong Guidance Councilor.
“Nakakadalawang sugod kana ata sa lugar na ’to Miss Quiamco. Ba’t lapitin ka ng gulo eh ang amo amo naman ng mukha mo?” nagtataka niyang tanong habang binubuksan iyong malaking notebook.
Nailing nalang iyong Guidance Councilor.
“Ma’am, hindi niyo po ba paparusahan ang mga iyan sa ginawa kay Tracey? Dapat suspension ang parusa sa kanila! Hinubaran nila si Tracey!” si Rinka nang makitang hindi man lang pinagtutuunan iyon ng pansin.
We were all punished. Including me. Paglilinisin kami. Kahit si Fey. I felt harassed and the only response I got was their silence.
This is the sad reality of when rich people were more favored than the poor. They were praised like gods, and the poor were criticized like sinners.
Ang pera naman lagi ang nag-iingay at pinapaboran. Hindi kailanman naging patas ang tingin ng tao pagdating sa mayayaman at mahihirap.
“Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Dapat talaga hindi ka hiniwalay sa aming tatlo!” galit na sabi ni Rinka habang naglalakad kami pabalik sa classroom.
Kahit anong pagtatanggol ko sa sarili ko, kahit pa ipatarpaulin ko ang opinyon ko, hinding hindi nila kailanman pakikinggan ang sasabihin ko dahil ang gusto lamang nilang makita ay ang ikakasira ko.
“Haynako! Dapat mag-aral ka ng taekwondo, Trace! Kahit sinipa mo lang sana ang dibdib ng babaeng iyon! Tapos siniko mo iyong dalawang humawak sa’yo!” si Rose.
“O pwede mo silang paluin noong upuan para mas masakit! Kung ako ang ginanon aabangan ko talaga sa labas at manghahamon ako ng sabunutan sa field! Kahit anit noon hihilain ko sa ulo niya bwesit siya!” si Rinka naman na gigil na gigil parin.
“Ang sarap ilampaso ng mukha ng babaeng iyon! Ang kintab kintab pa ng noo! Di ko alam may flowerhorn ka palang kaklase Trace!” si Cecille na nagawa pang silipin ang aking ekspresyon.
Nag-angat ako ng tingin sa tatlo at pagod silang nginitian.
“S-Salamat… A-At pasensya na kung nadadamay ko kayo…”
Mabilis na namungay ang kanilang mga mata sa akin.
“Okay lang na maging mahina Trace pero sana h’wag kang sumuko. Malalampasan mo naman ito diba?”
Tumango agad ako kay Rinka at napangiti. Pinunasan ko ulit ang panibagong luhang nalaglag.
“Kung alam ko lang na ito ang kahihinatnan mo dapat di ka nalang namin tinulak tulak sa Israel na iyon,” malungkot na sabi ni Rinka sa akin.
Pumatak ang mga luha sa aking mga mata nang marinig ang pangalan niya. I am ashamed for thinking that I could built a heaven for us. Ginawa kong langit ang alam kong impyerno. Alam kong madilim ang pinasok kong mundo pero naghangad pa rin ako ng kakarampot na liwanag.
Maaga akong umalis doon para makauwi pa ako sa bahay at makapagpalit ng damit. Magtataka si Mama kung ba’t ganito ang ayos ko at baka tingnan niya pa ang uniporme kong nasira ang mga botones. Magagalit lang iyon at baka kung ano pa ang isipin.
Paglingon ko, ganoon nalang ang gumapang na takot sa akin nang makita iyong kaklase kong lalake. Mabilis akong tumakbo para hindi niya lang ako maabutan pero ilang sandali lang ay marahas niya ring hinila ang aking braso.
“Bitiwan mo ako!” sigaw ko at mabilis na nagpumiglas pero tumawa lamang ito saka niya ako binitiwan.
“Chill! Hindi kita sasaktan. May sasabihin lang ako tungkol sa video na kinunan ko.” Ngumisi siyang muli sa akin nang magtama ang aming mga mata.
Namilog ang mga mata ko at natigilan.
“Burahin mo iyong video, please…” Pagmamakaawa ko.
Tumango tango naman siya.
“Buburahin ko pero sa isang kondisyon…” Lumalim ang kanyang tingin sa akin at nalaglag pa ang mga mata nito sa aking dibdib.
Napalunok ako ng laway at napaatras.
“Isang oras. May alam akong lugar… Iyong tayo lang dalawa…” sabi niya sa malalim na boses at iba na ang iginagawad na tingin sa akin.
Kahit hindi niya pangalanan ang kapalit na gusto niya ay napupunto ko iyon. Alam ko ang gusto nito sa akin.
“P-Pero hindi naman ako ganoong klaseng babae…” paliwanag ko sa kanya.
“Hindi ba? Balita ko may something daw sainyo noong Israel? Bakit ka niya tinigilan? Nakuha kana niya?”
Umiling agad ako.
“Walang nangyari sa amin!” sigaw ko.
“Wala? Edi patunayan mo. Isang oras at buburahin ko ang video.” Ngumisi siya lalo sa akin at hinagod pa ang kabuuan ko ng tingin.
Umatras ako at nang magkaroon ako ng tyempo ay mabilis akong tumakbo. Tumawa ito at nagawa pa akong habulin.
“Shet ka! Yan ang gusto ko sa babae! Pa hard to get kahit gusto rin naman! Maghabulan tayo!” sigaw ko sanhi para mas bilisan ko pa ang aking pagtakbo.
May narinig akong yabag ng kabayong tumatakbo sa aking likuran. Nilingon ko iyon at nasa malayo palang ito ay kilala ko na agad kung sinong nakasakay doon.
Iyong kaklaseng lalake ko naman na humahabol sa akin ay mas binilisan ang pagtakbo hanggang sa nahawakan niya ang aking bag dahil sa paghina ng aking takbo.
“Huli ka!” Hinila niya iyon ng marahas kaya mabilis kong hinubad ang aking bag at tumakbo ulit.
Hindi palang ako nakakalayo ay naabutan niya ulit ako at nahawakan ang aking braso. Sumigaw agad ako at nagpumiglas sa kanyang mga bisig.
Kitang kita ko kung paano bumilis ang takbo noong kabayo at papalapit na sa amin. Napalingon narin ang kaklase kong lalake roon na ikinaputla niya agad.
“Shit!” Mabilis niya akong binitiwan at tumakbo agad ito ng mabilis. Pinulot ko agad ang aking bag kasabay ng kabayong paglagpas sa akin. Parang bumagal ang oras at nakita ko itong nakasakay sa kanyang kabayo.
It was like a slow motion when I got a glimpse of the darkness in his face when his horse passed at me swiftly. Sumabog ang buhok ko. Tumigil halos ang paghinga ko at sinundan ng tingin ang paghabol niya sa lalake.
Israel…
Mabilis na nalagpasan noong kabayo ang kaklase ko saka bumaba roon si Israel na parang hangin sa sobrang bilis at sa sobrang swabe. Ang aking kaklaseng tumatakbo, bago pa makatigil ay pinahinto na siya ni Israel sa pamamagitan ng pagsipa nito ng malakas sa kanyang dibdib sanhi para matilapon agad ang aking kaklase at humandusay sa sahig.
Kinwelyuhan niya ang aking kaklase na napatayo niya at kahit ang mga paa nito ay hindi na sumayad sa lupa dahil sa pagkakaangat niya noon. Nagpumiglas naman ito pero mabilis siyang sinuntok ni Israel sa tiyan saka niya ito binitiwan na ikinaluhod agad nito sa sahig yakap yakap ang tiyan.
Napaatras ako nang maalala ang habilin ni mama.
Tumakbo ka at h’wag kanang lumingon Trace! Hindi na siya ang Israel na iyon! Binago na siya ng nangyari sa kanyang kapatid at siya ang mas magdadala sa’yo sa kapahamakan! Tumakbo ka palayo sa kanya!
Chapter 34
Panauhin
Para na akong hihikain habang tumatakbo ako ng mabilis palayo sa kanya. Ilang sandali lang ay narinig kong muli ang yabag ng kanyang kabayo na humahabol na kaya doon ako mas ginapangan ng matinding kaba.
In just a split second, he maneuvered his horse skillfully and blocked my way in front of me. Mabilis akong napahinto kasabay ng mga buhok kong sumabay rin sa aking galaw at mabilis ring nalaglag dahil sa biglaan kong paghinto.
My eyes widened in horror. Nakatingala na ako sa lalakeng mariin ang hawak sa pisi ng kanyang kabayo at hindi nagbabago ang ekspresyon. Napalunok ako ng laway, hindi alam kung ano ang gagawin.
His grip loosened. Tiningnan niya ang aking suot at hinagod ako ng tingin. Hindi katulad ng tingin noong lalakeng kaklase ko, hindi katulad ng tingin ng iba, iba ang panghahagod ng kanyang mga mata sa akin.
And I…would always find comfort in his eyes, in spite of their intensity. In spite of his darkness. That no matter how dangerous his demeanor is, I felt safe because it’s…him.
“C-Condolence pala…” sambit ko sa nanginginig kong mga labi.
Tumango siya. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang biglaang pag-iba noon. It looked so lifeless.
“Are you okay?” tanong niya.
Hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko, pag sasabihin kong okay lang ako ay tatraydurin agad ako ng mga luha ko. Ni hindi ko alam kung dapat bang itanong niya iyon sa akin. Alam ko namang gusto niyang malaman ang tungkol kay Kuya pero anong magagawa ko… mas matimbang ang pamilya Israel.
“A-Aalis na pala ako…” tanging sinabi ko at lumiko na sa ibang direksyon. Ni hindi ko mabigkas ang salamat sa ginawa niya kanina. Pakiramdam ko kasi dapat ay may kapalit rin iyon…
“Ang kapatid mo…” bigkas niya na ikinatigil ko at naging yelo na sa aking kinatatayuan.
“Where can I find him?” tanong nito sa desperadong boses na nagpalamig sa akin. Mas nanlabo ang aking mga mata. Gaganti ba talaga kayo, Israel?
“Di naman kasalanan ni Kuya ah…” sagot ko sa mahinang boses at nananalangin nalang na sana ay marinig niya.
“Bakit niyo ba sinisisi sa k-kapatid ko…” Tumaas baba agad ang aking mga balikat at napayuko na ako dahil sa pagkabasag ng aking boses.
Tinakpan ko ang aking mukha at doon umiyak.
“D-Di naman g-ginusto ni Kuya ang n-nangyari kay Ate R-Rici… Alam ko… N-Naniniwala akong mahal na mahal niya si A-Ate Rici…” Marahas na tumaas baba ang aking balikat dahil sa emosyon kong pinapangunahan ako.
Hindi ito sumagot sa aking likuran. Ni hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo sa kanyang isipan. Ang tanging naiisip ko lang ay iyong narinig kong sinabi ni Feli na gaganti sila sa amin, gaganti sila sa pamilya ko.
“Then tell your brother to talk to me. Gusto kong malaman ang totoo,” sagot niya sa aking likod.
Ang sabi ni Mama, layuan ko raw sila. Ang sabi ni Mama, lalapitan nila ako para sa isang rason lamang. At sa ginagawa ni Israel, dapat ko siyang takbuhan. Dapat ay hindi ko siya pakinggan. Pero may parte sa akin ang sumisigaw na baka ay matulungan niya nga si Kuya. Na baka pag nalaman ni Israel ang buong istorya ay tantanan na nila ito.
Pero sa kabilang banda ay pinapangunahan parin ako ng takot. Paano kung isa lang ito sa patibong ng mga Buenaventura? Paano kung ako nga ang ginagamit nila para mapalapit sila kay Kuya?
“Do you know where he is?” tanong niya sa malalim na boses at mukhang bumaba na sa kanyang kabayo.
Umiling ako at mas grumabi lamang ang aking iyak sa aking mga palad.
“K-Kung alam ko lang… H-Hindi ko rin sasabihin. Alam ko… S-Sasaktan niyo si K-Kuya… G-Gaganti kayo sa amin… S-Si Kuya ang pagbabayarin niyo sa pagkamatay ni A-Ate Riss-” Hindi na ako makahinga ng maluwag dahil sa kakaiyak na kahit ang aking mga balikat ay marahas na ang pagkakaangat noon.
Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likod at kung paano niya ako ibinaon sa kanyang dibdib.
“Nagluluksa ako Trace. I am still wounded but please… don’t kill me… Stop crying…” Hinimas niya ang aking likod at pilit akong pinakalma.
Umiyak ako lalo sa kanyang dibdib. Hindi ko pa inaalis ang mga kamay ko sa aking mukha at iyon ang ginagawa kong panangga sa kanya. Dapat layuan ko siya. Dapat hindi ako magpadala sa kanya. Galit siya sa pamilya namin at baka nagpapanggap lamang siya.
Pero itong nadidikit ako sa kanya, ang takot ko ay unti-unti niyang napapawi. Ang pangamba at lahat ng aking alalahanin sa mga nagdaang araw ay unti-unti niyang naaalis. Para niya akong tinutulungang pasanin ang isang mabigat na bagay kaya ganoon nalang kagaan ang nararamdaman ko.
“A-Alam ko galit ka sa pamilya namin… Galit ka sa Kuya ko…” mahina kong daing.
Tumigil sa kakahimas ang isa niyang kamay sa aking likod at pumulupot na iyon sa aking baywang. Idiniin niya ako sa kanya lalo habang ang isa niyang kamay ay nasa likod na ng aking ulo. Ang kanyang labi naman ay nararamdaman ko na sa tuktok ng aking ulo saka siya napabuntong ng mahabang hininga roon.
“I don’t know anymore… Alam kong galit ako pero sa oras na ’to. Di na ako galit…” he whispered.
“G-Galit ka! Sumugod ka sa bahay namin… P-Paano kung nandoon s-si Kuya… A-Anong gagawin niyo sa kanya?”
Hindi siya sumagot at niyakap lamang ako ng mahigpit. Gusto kong kumawala sa kanya. Gusto ko itong itulak palayo sa akin pero pinapahina niya na ako. Ang paninindigan ko na dapat ay layuan na ito ng tuluyan ay unti-unti niya ng nababali.
Kahit konti lang… nananalangin ako na sana ay matulungan ni Israel si Kuya. Kahit na imposibleng kampihan niya ang aming pamilya at paniwalaan ang taong naging rason sa pagkamatay ng kanyang kapatid, gusto ko paring maniwala na baka sakali ay hindi totoo ang iniisip ko sa kanya.
“Can we just… Can we just forget them for a second, Trace? Pwedeng tayo muna?”
“Di ko t-talaga alam kung nasaan si Kuya kaya wala ka ring mapapala sa akin. Di namin alam ni Mama…” pag-amin ko sa kanya kung iyon lang ang pakay niya kaya dinadaan niya sa ganoong bagay.
Buwan na ang tumakbo simula noong namatay si Ate Rici at sigurado akong hindi pa sapat ang mga araw na lumipas para tuluyang maghilom ang mga sugat at umakto siyang okay lang ang lahat. Na pwede kaming bumalik sa dati.
Bumuntong siya ng hininga. Ang kanyang hininga ay tumatama na sa aking mga palad na kahit ang kanyang noo ay inilapat niya na sa aking noo.
“Di pa nga nagiging tayo, ganito na kakomplikado,” he chuckled but with so much pain. “Why not lets build our own world, hmm?”
Naibaba ko ang aking mga kamay hanggang sa nakasalubong ko agad ang kanyang mga mata.
“Gusto mo parin ako sa kabila ng nangyayari? Galit ang pamilya mo sa amin at ayaw rin ni Mama na lumalapit lapit na ako sainyo! Israel, h-h’wag mo naman akong ipasok sa bulsa mo at iparamdam sa akin na wala akong dapat ikatakot dahil sa inaasta mo palang, tinatakot mo na ako!” I pushed him.
Nalaglag ang kanyang panga at nagkasalubong ang kilay. Di ko alam kung ganoon na ba ako kalakas para matinag ko ito palayo ng kaonti o wala talaga siyang lakas pagdating sa akin?
“What do you want me to do then? Nagluluksa ako pero hindi ibig sabihin ay kasali kana sa lahat ng ito, Trace!” mariin niyang sabi sa akin, nagpipigil na sumabog ng husto.
“A-Ang akin lang… h’wag mo akong pinapaniwala na walang nagbago sa’yo kung ang totoo ay gusto mo lang ulit akong isilong sa panibago mong rason!”
“The fuck are you saying? Gagamitin kita para sa hustisya na gusto ng pamilya ko? Tangina!” Humalaklak siya na ikinalunok ko ng laway lalo na’t umiiling pa ito habang nakapameywang na.
“Come on… Don’t be so harsh on us. I want us to work someday. Labas ito sa ating dalawa. Labas tayo sa kanila,” mariin niyang sabi.
Nanlabo siya sa aking paningin. Kung noon, pakiramdam ko ay imposible ko siyang maabot, ngayon ay mas malinaw na sa akin. Hindi kami pwede. Magkalaban ang pamilya namin.
Ang imahe niya noong araw na sumugod siya sa aming bahay ay nasa utak ko parin. At ngayon, makalipas ang isang buwan ay magpapakita siya at aaktong walang nangyari?
“Aalis na ako,” sabi ko sa kanya.
Tumitig siya ng ilang sigundo sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
“Just tell your brother I want to talk to him. Lilinisin ko ito,” buong kasiguraduhan niyang sabi na dapat ay pagkatiwalaan ko siya.
“Maipapangako mo bang…” tumigil ako saglit at nakipagtitigan sa kanya. “Maipapangako mo bang hindi niyo sasaktan si Kuya?” tanong ko, puno iyon ng pag-asa.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at tinanguan ako. Lumiwanag agad ang aking mukha at tila nabunutan ako ng tinik.
“Talaga?” namamangha kong tanong sa kanya.
Tumango siyang muli. “I will. He’s under my protection.”
Kuya… Nangako si Israel sa akin na poprotektahan ka niya. Pag nagkita man kayo, sana sabihin mo sa kanya lahat ng totoo. Baka sakaling sa pamamagitan nito ay bumalik ang lahat sa dati.
“Anong nangyari kay Tomas? Nasa hospital daw siya?”
“Oo daw eh. Bugbog sarado…”
“Huh?! Sinong may gawa?”
“Bali-balita na dahil daw iyon sa pagkuha niya ng video kay Tracey. Si Israel daw ang bumugbog.”
Nagulat ako sa narinig ko sa aking mga kaklase noong pumasok ako. I-Iyong kaklase ko nasa hospital? Alam kong sinuntok siya ni Israel noong araw na iyon pero hindi ko alam na ganoon pala iyon kalala para mahospital ito!
Naging matalim agad ang tingin ng ibang mga kaklase ko sa akin. Mukhang may panibago na naman silang rason para ibunton sa akin ang kanilang mga nagbabagang galit.
“Bakit siya ipagtatanggol ni Israel eh ang kuya niya ang rason kaya namatay si Rici.”
“Ang malas rin talaga. Si Fey naguidance noong mapalapit sa kanya ngayon naman ay si Tomas naman.”
“Lahat ng madidikit sa kanya ay mapapahamak talaga. Malas.”
Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanila at nagtungo sa aking upuan para mailagay na ang aking gamit doon at makapunta na agad sa Mini Forest para doon sa punishment namin.
Kahit kina Rinka ay umabot ang balitang nahospital iyong lalake. Tawang tawa pa ang tatlo habang nagwawalis kami noong mga patay na dahon at tinitipon tipon sa gitna. Si Fey naman ay nasa malayong bahagi at hindi nakikisali sa amin.
“Buti nga sa manyakis na iyon! Buti nga sa kanya! Sana nga binayagan rin ni Israel para di niya maipagkalat ang lahi niya!” Humagalpak agad ng tawa si Rinka.
Pumapaibabaw ang kanilang mga tawa habang hawak hawak ang walis. Ngumuso nalang ako habang winawalis ang mga dahon.
Noong mahimasmasan ay tiningnan agad ako ni Rose.
“Pero Trace… ’Di ba ay galit ang mga Buenaventura sa’yo?” tanong nito.
“Oo nga, Trace? Hindi kaya ay hindi naman talaga galit si Israel sa’yo? Alam natin na may gusto ’yon sa’yo.” si Cecille naman.
“Sus! Baka patibong lang iyon, Trace! Baka inaakit ka ulit para masabi mo kung nasaan si Bram! O baka ikaw pa ang gusto nilang gantihan! Lumayo kana sa mga iyon!” si Rinka naman na ngayon ay ang salungat na.
“Huh? Eh noon lang botong boto ka kay Israel ah? Ba’t sinisiraan mo na ata siya?” kunot-noong tanong ni Cecille.
“Syempre! Baka ipahamak niya lang ulit si Tracey! Kung di lang siya lumapit lapit sa kaibigan natin edi sana walang ganito ngayon!” si Rinka.
“Malay mo mabait talaga si Israel pagdating kay Tracey… Alam naman natin na pagdating sa kaibigan natin umaamo agad ang leyong iyon…” si Rose.
Itanggi ko man, sa kalooblooban ko ay gustong gusto ko paring mapalapit sa kanya. Iyon nga lang… inaalala ko rin ang kahihinatnan noon. Alam ko namang nangangarap ako ng imposible at kaya ko namang lumayo.
Sa ginawa ni Israel ay hindi na ako nilalapitan ng mga lalake. Mabilis agad silang nag-iiwas ng tingin at umaalis na. Ang mga babae naman ay ganoon rin sa akin at ang hindi lamang tumigil ay pang-iinsulto nila.
Mapayapa akong nakarating sa bayan. Nadatnan ko naman si Mama na ubo nang ubo. Napapansin ko, ilang araw na iyan ah?
“Mama, okay ka lang?” Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kanyang noo. Ganoon nalang ang pagkagulat ko noong mainit ito.
“Ma! May lagnat ka!” Natataranta akong tumayo. “Bigyan niyo po ako ng pera… bibilhan ko po kayo ng gamot.”
“Tinatrangkaso ata ako… A-Ang sakit pa ang katawan ko…” Nahihirapan niyang sabi kakaubo.
“Mama naman! Ilang araw na ito? Dapat tumigil ka muna sa pagtatrabaho!”
“Kung titigil ako, mamamatay tayong dalawa, R-Race…” nahihirapan niyang bigkas sa aking pangalan at umubong muli.
“Pwede namang ako muna ang magtinda, Mama… Magpahinga kana lang po muna sa bahay.” Namungay ang aking mga mata sa kanya.
Ito ang mapait pag wala kang katuwang sa buhay. Mag-isa mong pinapasan ang lahat. Wala kang katulong. Si Mama lang mag-isa ang naghihirap na igapang kami para lang mabuhay.
Naubo lamang ng marahas si Mama. Nagpasya agad akong bumili ng kanyang gamot at nagkusa narin akong mamalengke. Ang mga tao roon, katulad sa eskwelahan ay ganoon rin ang asta sa akin.
“Bakit hindi pa sumusuko ang Kuya mo? Ang kriminal na iyon ay dapat pagbayaran ang kanyang ginawa!” sabi noong Pharmacist at hindi inuuna ang binibili kong gamot.
“N-Nagpakamatay po si Ate Rici. Hindi po siya pinatay ng Kuya ko…”
Nagkasalubong agad ang kanyang kilay at tila nadisgusto sa aking sinabi.
“Nagpakamatay dahil ginamit at niloko ng kuya mo! Nakakahiya naman kayong magkapatid! Manang mana pala talaga kayo sa ina niyong kabit! Malas kayo. Umalis kana nga!”
Napalunok agad ako roon ng laway.
“K-Kahit ibigay niyo nalang po muna iyong gamot na binibili ko ’tsaka ako aalis. May sakit po kasi ang Mama ko…” pagmamakaawa ko.
Umismid siya sa akin at hinanap rin naman iyong gamot pero masyadong marahas ang kanyang mga galaw at halatang may kasamang galit.
Okay lang… Konting tiis pa, Trace… Kaya mo ang lahat ng ito. Magpakatatag ka lang.
Tumigil nga muna sa pagtatrabaho si Mama kaya ako narin ang namamalengke.
Pagkatapos ng aking klase ay umuuwi agad ako ng maaga para ipagluto si Mama ng mainit na sabaw saka ko iyon pinapasok sa kanyang kwarto kasama ang kanyang gamot at deritso agad ako sa bayan. May mga suki narin kasi ito at marami ang binibiling bulaklak kaya hindi rin ako nahihirapang magtinda. Gabi na ako nakakauwi at nagpapasalamat ako dahil wala namang nangyayari sa akin sa daan. Para kasing ang dilim mismo ang yumayakap sa akin at pinoprotektahan ako.
Noong madatnang si mama na ang nagluluto, nakikita kong magaling na siya. Iyon ang nagpahupa ng pagod ko sa mga araw na ako na ang nagpapakahirap na magbenta.
Gabi na noon nang may kumatok ng marahas sa aming pinto. Sa sobrang lakas noon ay naalimpungatan agad ako sa mahimbing na pagkakatulog. Madaling araw na ah? Sino naman kaya iyon?
Sunod sunod ang katok na iyon kaya bumangon agad ako at lumabas ng kuwarto. Si Mama kasi, hindi agad iyon nagigising dahil narin sa pagod.
Lumapit ako sa may pinto at kabadong tumayo roon. Nagdadalawang isip akong buksan.
“S-Sino yan?” tanong ko.
“Trace… Ako ’to,” pamilyar na sagot ng kung sino sa labas.
Mabilis na lumaki ang aking mga mata at kumalabog pa ng husto ang tibok ng aking puso. Mabilis ko iyong binuksan at hindi nga ako nagkamali sa tumambad sa aking harapan.
“Kuya!”
Chapter 35
Puntod ni Ate Rici
Nakasuot ito ng itim na jacket suot ang hoody at may bag ring suot. Ang madilim niyang ekspresyon ay nakakapanibago at ang mga mata niyang walang buhay pero kinain ako ng aking saya at mabilis siyang niyakap.
“Kuya!” Halos idiin ko ang sarili ko sa kanya. Umangat pa ako ng bahagya dahil sa pagyakap niya pabalik sa akin.
Iginiya ako papasok ni Kuya saka niya isinara ang pinto. Humiwalay naman ako at maluha luha siyang tiningnan. Pagod siyang ngumiti sa akin.
“Si Mama?” tanong niya at iginala ang tingin.
“Tulog na po si Mama Kuya. Matutuwa iyon pag nandito kana ulit!”
Hinubad niya ang kanyang bag at ipinasok niya iyon sa kuwarto. Hinubad niya narin ang suot niyang itim na jacket at tanging puting cotton shirt nalang na fit sa kanya ang naiwan. Di ko alam pero parang ano… ang cold ni Kuya.
Inangat niya ang kanyang pulso at tiningnan doon ang mamahalin na relong suot. Sigurado akong mahal iyon dahil narin sa hitsura nito. Nakikita ko iyan minsan sa mga magazine na tinitingnan ko tungkol sa mga fashion trends. Kahit ang suot niyang sapatos… Iyong may check sa gilid… alam ko mahal iyan ah?
“Anong oras na oh? Matulog kana ulit,” sabi niya sa akin na ikinasimangot ko. Gusto kong makipag-usap sa kanya! Di na ako inaantok. Gusto kong malaman kung saan siya nagpunta at bakit ganito na siya kagara. Imposible namang naging milyonaryo agad ito sa loob ng dalawang buwang pagtatrabaho at ngayon ay puro na mamahalin ang kanyang suot.
“Pero Kuya-”
“Bukas na tayo mag-uusap Trace. Matulog kana,” sabi niya sa akin na ikinanguso ko.
“Baka… Paggising ko… W-Wala kana sa bahay…” bigo kong sabi na ikinabasa niya ng kanyang mamula mulang labi.
“Di ako aalis. Sige na… Matulog kana ulit.” Sinenyasan niya pa akong pumasok habang ang isang kamay ay nasa baywang.
Kahit na ayaw ko ay tumango nalang ako.
“Goodnight, Kuya.” Nilapitan ko ito at hinalikan ang kanyang pisngi.
Tumango naman siya at isang tipid na ngiti ang ibinigay. Tinitigan ko sandali ang kanyang dimple pero kalaunan ay umalis rin ako at nagtungo na sa aking kuwarto.
Hindi agad ako dinalaw ng antok. Gulong gulo ang aking isip at ang dami kong tanong.
Pero sa kabilang banda ay may inaalala rin ako. Mananatili na ba ulit siya rito? Paano kung puntahan siya ng mga Buenaventura? Bakit bumalik si Kuya? Dahil ba sa amin ni Mama o may ibang rason pa siya?
Nakatulog ako sa mga katanungang bumabagabag sa utak ko. Bumara na iyon sa aking utak at di ko matanggal tanggal dahil wala akong maisagot roon, wala akong maipangtulak. Nagising nalang ako kinaumagahan ng Sabado na nagbubunganga si Mama.
“Ba’t ka naman bumalik kung maganda na pala ang buhay mo roon! Ano, para isumbat sa akin, Bram?! Para sisihin ako? Dahil hindi ko agad sinabi sa’yo?!”
“Hindi sa ganoon Ma-”
“Pero iyan ang pinapalabas mo! Na dapat ay maaga kong sinabi edi sana marangya ang buhay niyo ngayon ng kapatid mo at hindi naging hadlang ang estado sa inyong dalawa ni Rici!” sigaw ni Mama na nagpatayo agad sa akin sa pagkakahiga.
Binuksan ko ang pinto at sumilip doon ng kaonti.
“Hindi ko sinabi sa inyo dahil alam kong kawawa rin kayo kay Brenda!”
“Mabait si Tita Brenda, Ma!” giit ni Kuya.
“Mabait?! Noong nagkasakit ka, noong pinuntahan ko ang Papa mo para manghingi ng pera pampagamot sa’yo, pinagsalitaan niya ako ng masasakit! Kabit ako, Bram! Kahit saang anggulong tingnan, ako ang lalabas na masama! Ako ang nakikisawsaw at ako ang naninira ng pamilya! Tingin mo… Ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang babaeng nabuntis ng ama mo kapalit noon ang pagkasira ng kanilang pamilya?! Tingin mo masisilaw ako sa pera?! Pasensya na Bram kung mas pinili ko kayong itaguyod at ibigay ang pamumuhay na hindi nararapat sa inyo! P-Pasensya na kung… kung ito lang ang kaya kong ibigay…” Nanlabo agad ang mga mata ni Mama at bigong tiningnan si Kuya.
Mabilis kong naramdaman ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang unang beses na nakita ko si Mama na naluluha at naiiyak.
“Pasensya na, Ma…” Nilapitan niya si Mama at niyakap ito.
“Alam ko Bram… Alam kong ipinagkait ko sa inyo ang marangya niyong buhay! P-Pero inisip ko rin ang magiging tingin sa inyo ng lipunan! Kabit ako at kayo ang iinsultuhin! Kaya kong tanggapin lahat lahat! Kaya kong saluin ang masasakit nilang salita sa akin pero iyong madamay kayo… I-Iyong mapagsalitaan rin kayo ng masasama… D-Doon ako dudurugin…” Nabasag ang boses ni Mama at nagsimula ng gumalaw ang kanyang mga balikat.
Nagpunas ako ng luha at sinikap na hindi maiyak. Mariin namang pumikit si Kuya at mas niyakap ng mahigpit si Mama. Hinalikan niya ang ulo nito habang hinihimas ang likod nito.
“Pasensya na. Nadadala lang ako… Patawad, Ma…” puno ng sakit na sabi ni Kuya sa kanya.
Siguro nadala lang si Kuya ng kanyang galit. Kagabi pa siya parang wala sa kanyang sarili. Alam ko namang hindi niya ginusto ang mga nasabi niya kay Mama. Kung ano man iyon, alam ko na pinagsisisihan rin iyon ni Kuya.
Nanatili muna ako sa loob ng kuwarto at nagpanggap na tulog. Baka pag lumabas ako agad ay mapansin nila ang mga mata kong namumugto.
Isang katok ang narinig ko.
“Trace… Kumain kana,” si Kuya iyon.
Mabilis akong tumayo at inayos muna ang aking sarili bago lumabas.
Nadatnan ko si Kuya na naglalapag na ng plato sa lamesa. Ang kanyang pabango agad ang aking naamoy. Hindi katulad noong nakasanayan kong pabango niya na masyadong matapang at halatang mura lang, ngayon ay masyadong nakakaakit ang amoy noon. Ang manly manly!
“Upo kana,” sabi niya sa akin nang hindi man lang ako nililingon.
Tiningnan ko ang kuwarto ni Mama. Sarado na iyon.
“Kuya, si Mama?” tanong ko sa kanya nang maupo ako roon.
“Nasa bayan,” sagot niya at umupo na rin sa aking tabi.
Tumango nalang ako at tiningnan ang kanyang mga niluto.
“Narinig mo kami ni Mama?” tanong niya sa akin habang sinasandukan niya ako ng pagkain.
Ngumuso ako. “K-Konti…”
Bumuntong siya ng hininga.
“Gusto mo ring malaman kung saan ako galing at kung ba’t ganito na ako ngayon?” tanong niya.
Marahan akong tumango.
“Matutuwa ka sa sasabihin ko…” Ngumisi pa siya na ikinalabas ng kanyang dimple.
“Huh?”
“Galing ako kay Papa, Trace. Noong tumakas ako… pumunta ako sa syudad at hinanap ko siya,” sagot niya na ikinalaglag ng aking panga.
“Hindi siya galit sa’yo, Kuya?!”
Umiling siya. “Hindi alam ni Papa na nabuntis niya si Mama. Wala siyang alam tungkol sa ating dalawa dahil inilihim rin iyon ni Mama,” bigo niyang sabi.
Kaya ba nag-away sila? Kaya ba… hindi kaya ay sinumbatan niya si Mama dahil sa galit niya?
“Isang successful na business tycoon ang ama natin at sobrang yaman. May dalawa pa tayong kapatid. Mababait naman sila. Pati si Tita Brenda ay mabait rin.” Ngumiti siya pero tipid na iyon.
“Talaga, Kuya? Maganda ang bahay nila at masasarap ang pagkain?” Nacucurious kong tanong.
Ngumuso siya at tumango, nagpipigil itong ngumiti ng malaki dahil sa tanong ko.
“Higit pa sa inaakala mo, Trace… May lima silang kotse, malamansyon ang bahay, may pool sa loob at maraming katulong.”
Nanlaki agad ang aking mga mata. Alam kong may kaya ang sinabi ni Mama sa akin na Papa namin ni Kuya pero hindi ko alam na ganito pala kayaman!
“May Mall silang business kaya ganoon rin karangya ang pamumuhay nila,” dagdag niya pa na ikinatindig na talaga ng aking balahibo.
Hindi ko alam kung paano lalakihan ang aking imahinasyon. Hindi ko iyon mapagkasya sa aking naiisip. Ganoon kayaman?! May Mall?! Wala pa namang ganoon sa bukid kaya di ko rin alam kung ano ang iisipin ko. Di pa ako nakakapasok sa mga ganoon…
“Pero Kuya… Ba’t ka naman bumalik kung ganoon? Pinag-iinitan ka nilang lahat dito… Sinasabi nilang kriminal ka raw. Dapat doon ka nalang muna nanatili sa bahay nila Papa… Okay naman kami ni Mama rito eh…”
Bumuntong ng hininga si Kuya at napayuko. Kitang kita ko ang pagngiti niya pero puno iyon ng hinanakit.
“Bumalik ako para masilip ang puntod ng mahal ko, Trace…” Nag-angat siya ng tingin sa akin at doon ko nakita ang pulang pula niyang mga mata.
“Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Binitiwan ko siya…” Nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi at napatingala. “Paano ko nagawang bitawan ang babaeng halos sambahin ko na?” Umagos sa kanyang mga mata ang luha habang nakatingala ito.
Bigla akong napahikbi at naiyak sa harapan ni Kuya.
“Pwede mo bang pakasalan ang babaeng nasa puntod na? Posible ba…” tanong niya sa kanyang sarili na mas ikinabuhos ng kanyang mga luha habang naiiling.
“Ang gago ko…” bulong niya at nakagat ang pang-ibabang labi.
Yumuko ako at naikuyom ang aking mga kamay sa aking suot.
“Tama ang mahal ko… duwag nga ako… gago…” bulong niya sa kanyang sarili.
Di ko naman talaga pinapaniwalaan iyong nagkagusto si Kuya sa ibang babae. Di ako naniniwala roon. Kung ano man ang kanyang rason, iintindihin ko siya kahit hindi ko ito maintindihan. Uunawain ko siya.
Noong mahimasmasan kaming dalawa ay kumain rin naman kami. Pagkatapos noon ay may ibinigay na siya sa akin.
“Ano ’to Kuya?” tanong ko sa kanya dahil sa isang card.
“Yan ang address ni Papa sa syudad. At heto…” May ibinigay siya sa aking malaking sobre.
Nagtataka ko iyong binuksan at ganoon nalang ang pagkalaglag ng aking panga dahil sa makapal na perang nasa loob.
“Ang rami!”
“Bigay ni Papa sa’yo. Gamitin mo iyan sa pag-aaral mo. At sabi niya… siya narin daw ang magpapaaral sa’yo sa kolehiyo. Pwede kang pumunta roon ano mang oras kung gusto mo. Pwede ring dito ka lang. Kung may kailangan ka lang daw…” paliwanag ni Kuya.
Ayoko namang umalis dito. Nandito narin naman si Kuya at nandito narin si Mama. ’Tsaka siguro pag nakapagtapos na ako ay pwede ko na siyang bisitahin.
Ganoon nalang siguro!
“Babalik ka pa ulit doon Kuya?” tanong ko sa kanya.
Sandali siyang nag-isip pero kalaunan ay umiling rin.
“Mas gusto ko dito. Bukas baka pupunta ako sa puntod ni Rici,” sabi niya.
“P-Pero nasa lupain iyon ng mga Buenaventura, Kuya,” kabado kong sabi.
“Bahala na.” Kibit-balikat niya at mukhang wala ng nararamdamang takot.
May naalala ako bigla kaya iyon agad ang aking isinatinig.
“Si Israel!” sigaw ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“Nagkikita na naman kayo ng lalakeng iyon? Diba sabi ko-”
“Kuya sabi niya sa akin gusto ka raw niyang makausap! Mas makakapasok ka sa lupain nila pag may permiso ka ni Israel. Iyon lang naman ang sinabi niya sa akin saka rin ito umalis.”
Natigil siya dahil sa biglaan kong pagputol sa kanya. Tila nag-iisip pa ito. Kung maganda ang rason ni Kuya, kung may mabigat siyang rason ba’t niya iyon ginawa kay Ate Rici, sigurado akong maiintindihan siya ni Israel! Kahit alam kong tuso sila, baka sakaling paboran kami ngayon ng tadhana. Kakapit ako sa mga salita ni Israel sa pagkakataong ito para narin mabisita ni Kuya ang puntod ni Ate Rici.
“Kahit di na kami mag-usap.” Nagkibit siya muli na ikinasimangot ko.
“Pero kuya… Mas malilinis mo ang pangalan mo kung kay Israel mo mismo ipaintindi.”
Umiling siya.
“Di ako bumalik para linisin ang pangalan ko Trace… Di ko mababago ang tingin ng mga tao at di ko narin mababago ang pagkawala ni Rici.”
Ang tumatakbo ngayon sa aking utak ay gusto kong makausap si Israel. Gusto kong sabihin sa kanya na nandito na si Kuya at pagbigyan ang gusto nitong mabisita ang puntod ni Ate Rici. Pero paano ko naman iyon kakausapin eh bigla bigla lang naman iyong susulpot.
Nanatili lang si Kuya sa loob ng bahay. Minsan ay tulala lang ito habang nakaupo sa upuan, tatayo tapos papasok sa kuwarto. Minsan rin ay naggigitara lang at kinakanta iyong paborito niyang kanya.
“Sa isang marikit na ala-ala’y pangitaing kay ganda… Sana nga’y pagbigyan na ng tadhana… Bawat sandali nalang…”
Mariing napapikit si Kuya at sumandal na sa lamesa habang hunahumm nalang iyong chorus part. Panay lamang ang lingon ko sa kanya habang naghuhugas ako ng plato. Wala akong planong pumunta ngayon sa bayan at sigurado naman akong maiintindihan ni Mama.
Kinagabihan ay hindi sila gaanong nag-iimikan ni Mama. Si Kuya naman itong nilalagyan ng pagkain ang plato ni Mama at hindi magsasalita kaya kahit ako ay sasali narin sa paglalagay ng pagkain sa kanya para inisin ito.
“Anong tingin niyo sa aking dalawa, patay gutom?” inis niyang sabi nang makita ang pinaglalagay naming pagkain.
“Oh, nakakapagsalita naman pala,” si Kuya..
“Oo nga Kuya eh. Akala ko pipi…” dagdag ko naman na ikinatalim ng tingin ni Mama sa aming dalawa.
“Ang sarap niyong pag-untugin!” gigil niyang sabi na ikinanguso naming dalawa ni Kuya at nagkatinginan na.
“Akala niyo naman natutuwa ako, hindi!” naiinis na sigaw ni Mama at sumubo pa ng malalaki.
“Mabubulunan ka, Ma,” si Kuya.
“Eh ano ngayon? Gutom ako at-” Nagsimula na siyang maubo kaya natataranta agad kami ni Kuyang magsalin ng tubig lalo na’t tinatapik niya na kaming dalawa.
Uminom agad ito saka siya dahan dahang kumalma. Nagkatinginan ulit kami ni Kuya at nagpigil ng tawa lalo na’t matalim agad kaming tiningnan ni Mama.
“Subukan niyong tumawang dalawa-”
Naghagalpakan agad kami ng tawa ni Kuya na mas ikinabusangot ni Mama. Umirap pa ito pero ngumuso narin kaya kiniliti siya ni Kuya sa tagiliran hanggang matawa narin ito.
Linggo.
Maaga ulit na umalis si Mama para magtinda sa bayan. Kaya rin talaga nagkakasakit iyon dahil grabe rin kung abusuhin ang kanyang katawan. Wala na atang balak magpahinga.
“K-Kuya… Lalabas ka?” tanong ko agad sa kanya habang nagsusuot siya ng itim niyang sapatos.
Tumango siya habang nagsisintas. Napansin ko pa na may bulaklak sa mesa.
“B-Baka makita ka ng mga tauhan ng Buenaventura, Kuya! H-H’wag ka munang lumabas-”
“Dadalawin ko ang puntod ni Rici, Trace. Gusto ko siyang puntahan,” disidido niyang sabi saka siya tumayo at kinuha iyong bulaklak.
“S-Sasama ako!” Natataranta akong bumalik sa kuwarto para makapagbihis kaso pinigilan rin ako ni Kuya.
“Dito kana lang. Babalik rin ako agad.”
Namungay agad ang aking mga mata. Sana… Sana makausap niya si Israel. At h’wag kang mag-alala Trace… Nandoon naman si Israel. Nangako siya sa’yo… Lilinisin niya ito. Iyon ang panghawakan mo.
Kahit labag sa aking loob ay pumayag nalang ako na magpaiwan sa bahay. Hindi ako mapakali habang naglilinis. Buong araw ko atang nilinis ang bahay at maggagabi na pero di pa umuuwi si Kuya.
Nagwawalis na ako noon at aksidente ko pang nasagi ang basong inilapag ko sa mesa pagkatapod kong uminom ksya lumagapak iyon na ikinagulat ko at nabasag agad ito sa sahig.
“Ang tanga…” sabi ko sa aking sarili saka ako yumuko at sinimulan iyong pulutin. Nanginginig ang aking mga kamay at kinakanaban pa dahil alam kong mapapagalitan ako ni Mama. Bawat kasangkapan sa bahay ay mahalaga sa kanya.
May biglang kumatok kaya sa aking gulat ay nahawakan ko iyong matulis na parte ng basong nabasag. Dumugo agad ang aking kamay na ikinangiwi ko.
Kumatok ulit iyon kaya tumayo rin ako dahil siguradong si Kuya iyon. Tiningnan ko pa ang aking daliring umaagos na ang dugo saka rin inilipat ang tingin sa pinto nang makarating ako roon.
Pagbukas ko, ang naghihingalong si Kuya agad ang sumalubong sa akin. Hinang hina ito at hawak ang gilid niyang dumudugo.
“K-Kuya?!” Natataranta ko siyang tinulungan papasok habang nanglalaki ang aking mga mata.
Mariin siyang pumikit at mukhang ano mang oras ay malalagutan na ito ng hininga.
“T-Tumakas… k-ka… T-trace…”
Chapter 36
Trigger Warning: Death
Dilim
“Kuya! Anong nangyari sa’yo?!” Natataranta ko siyang nilapitan lalo na’t nakikita ko sa kanyang tinatakpang palad ang umaagos na dugo. Ang buong mukha niya ay namimilipit pa sa sakit.
Kinuha ko ang isa niyang kamay at isinabit ko ito sa aking balikat para alalayan ito.
“Pumunta tayo sa hospital, Kuya!” Umiiyak ko siyang kinarga kahit na sobra niya ng bigat.
“Tuma… Tumakas…” Mariin siyang napapikit at putlang putla na, halos hindi narin ito makapagsalita ng maayos.
Umiling iling ako habang tinitingan siya sa nanlalabo kong mga mata at pilit itong binubuhat. H’wag naman sanang ganito!
“Isusugod kita sa hospital!” Kahit hinang hina ay sinikap kong maglakad palabas.
“Hwag kang matulog Kuya! Pumunta tayo sa hospital! H-Hindi p-pwede!” Mas naglakad ako at sinikap na kargahin ang buong bigat niya kaso kapwa kami natumba sa sahig dahil sa unti-unting panghihina niya.
Mabilis akong lumuhod sa kanyang harapan at niyugyog ang kanyang balikat.
“G-Gumising ka! Isusugod kita sa hospital! Kuya!” sigaw ko at gusto siyang kargahin ngunit sa panghihina ko, kahit man lang maitayo siya ay hindi ko kaya.
“S-Sinong m-may gawa nito sa’yo?! Kuya!” Mas inalog ko pa ito pero ang aking kapatid ay hindi na dumidilat.
“H-Hindi… K-Kuya…” ang aking boses ay mas nanliit pa.
Gumala agad ang aking tingin sa madilim na bahagi kaya tumayo agad ako para makahingi ng tulong. Malapit lang dito ang bahay nila Rudy!
Tumakbo ako habang umiiyak sa gitna ng daan. Ang aking suot na puting bistida ay namamantsahan na ng dugo pero di ko iyon alintana.
“Tulong! A-Ang kuya ko! T-Tulungan niyo!” sigaw ko habang tumatakbo sa madilim na kalsada. Ni isang tao roon ay wala akong maaninag. Tago ang lugar na ito at medyo malayo pa sa bayan kung nasaan ang hospital.
Tinitingala ko ang Langit at nananalangin na sana ay hindi niya pabayaan ang aking kapatid. Na sana ay h’wag niya muna itong kunin. Minsan lang ako humiling sa’yo kaya kahit ito man lang… kahit ito man lang ay pagbigyan mo ako!
May narinig akong yabag ng kabayong nasa dulo ng kalsada pero noong mapagtanto kong marami iyon ay kinutuban agad ako. Mabilis akong tumakbo pabalik sa bahay at nilapitan agad si Kuya na wala ng malay doon.
“Kuya! G-Gumising ka! H’wag namang ganito!” Inalog alog ko siya habang naririnig ang yabag ng mga kabayong mas malapit na at dito papunta.
Paglingon ko, nakapaligid na sila sa aming bahay. Nanlumo ako nang mapagtantong mga tauhan nga iyon ng mga Buenaventura.
“A-Anong ginawa niyo sa Kuya ko?!” sigaw ko at hindi na makita isa isa ang kanilang mga mukha dahil sa mga luha kong patuloy parin sa pagbuhos.
Sila rin iyong pumunta sa aming bahay para hanapin si Kuya. Imbes matakot na baka kung ano ang gagawin nila sa akin, mas nanaig ang kagustuhan kong makakuha ng sagot kahit alam ko namang sila talaga ang gumawa nito.
Tiningnan nila si Kuya at mukhang iyon lamang ang kanilang pakay.
“Mukhang patay na. Tara,” sabi lamang noong isa saka sila nagsialisan.
Bakit…bakit kailangan nila itong gawin sa kapatid ko? Bakit?
Halos manginig ako nang tingnan ang katawan ng kapatid ko. Sinuri ko ang kanyang pulso, at kahit ang kanyang dibdib, kaya halos manlumo nang…nalagutan siya ng hininga habang umuuwi.
“Kuya!” Sumabog ang hagulhol ko at niyakap siya ng mahigpit. “Huwag mo akong iwan! Huwag ganito!”
I tried to lift him up. I tried to carry him. Ngunit sa ikalawang beses, bumagsak kami sa lupa. Sa ikalawang beses, gumuho ang hinahawakan kong pag-asa na ang mga kagaya namin ay makakaahon sa impyernong ito. Ngunit napagtanto ko na kailanman, hindi naging matimbang ang mga mahihirap na kagaya namin.
Bigo akong humikbi. Bigo akong umiyak. Niyakap ko ang katawan ng aking kapatid at nanginginig na ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib.
May panibagong kabayo ang dumating at huminto agad ito sa di kalayuan. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang imahe ng lalakeng bumaba roon. Kahit nanlalabo, kilalang kilala ko ang pigurang iyon.
Tumayo ako at bigong tiningnan ang lalakeng nangako sa aking poprotekhan niya ang aking kapatid. Dapat hindi nalang ako naniwala sa kanya! Tama nga ako at ginamit niya lang akong bitag para papuntahin ang kapatid ko roon at nagbabakasakaling poprotektahan niya! Dapat naniwala nalang ako sa narinig kong gaganti lamang sila sa amin! Dapat di nalang ako nagpadala sa kanyang mga salita!
Nang magtama ang tingin namin, nakita ko ang takot sa mga mata niya habang taliwas ang akin dahil alam ko, galit na galit ako.
Ang sinabi mo sa aking lilinisin mo ito, kasama rin ba doon ang Kuya ko? Nandito lang rin ba ito para kumpirmahing patay narin ito?
Humakbang siya sa akin pero nailing lamang ako. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagkasuklam sa isang tao. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng galit. Sa unang pagkakataon ay may kinamuhian ako. Ang atraksyon ko sa kanya ay tila bula na naglaho na sa ere.
“P-Pinatay niyo ang K-Kuya ko…” Bigong bigo ko iyong sinabi sa kanya habang tumataas baba ang aking magkabilang balikat.
Kitang kita ko ang pagdaloy ng takot sa kanyang mukha.
“Trace-” Lumapit siya sa akin kaya itinulak ko agad ito. Buong lakas ko iyong ginawa kahit na hinang hina na ako.
“Pinatay niyo si Kuya! A-Ang sabi mo sa akin… A-Ang sabi mo poprotektahan mo siya! P-Pero p-pinaikot mo lang a-ako… S-Sinadya mo iyon p-para makaganti kayo s-sa amin!” Napayuko ako at hinang hina na. Hindi ko tanggap ang lahat lahat. Sa unang pagkakataon, kahit labag sa langit, gusto kong manakit.
“Totoo ang sinabi kong gusto-”
“K-Kinamumuhian ko kayo… H-Hinding h-hindi ko kayo mapapatawad… S-Simula noong d-dumating ka sa buhay ko… D-Dinala mo lang ako sa impyerno…” Bigo ko siyang tiningnan na ngayon ay namumula na ang mga mata.
Kumuyom ang aking mga kamay. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang saktan dahil sa galit na lumalamon sa akin. Kahit hindi naman ako ganoong tao, para akong sinaniban ng kung ano at gusto ko nalang magwala.
“Bakit ganyan kayo? B-Bakit niyo nilalagay ang batas sa kamay niyo? D-Dahil ba mayaman k-kayo? Nagmahal l-lang naman si K-Kuya… A-Ang gusto niya lang… A-Ang gusto niya lang ay dalawin ang puntod ni… ni Ate Rici…” Halos habulin ko ang aking hininga at para na akong mawawalan ng hangin dahil sa kakaiyak ko ng husto.
Lumapit siyang muli kaya itinulak ko ulit siya. Sa bawat pagtulak ko ay gumagapang sa kanyang mukha ang takot, pagkadismaya at sakit. Umawang ang kanyang labi pero binasa niya lamang iyon at naitikom rin.
“P-Pinaniwala mo ako… A-Akala ko… A-Akala ko mabuti ang hangad mo… Pero tama nga sila… Tuso kayo! Hinding hindi kita m-mapapatawad Israel… P-Pinaniwala m-mo ako… P-Pinatay niyo siya!” sigaw ko ng ubod ng lakas sa kabila ng boses kong mauubos na ata.
“Namatay ang Kuya ko… Namatay siya sa k-kagustuhan niyang masilayan ang puntod ng m-mahal niya… K-Kahit ang bagay na iyon… I-Ipinagkait niyo… Ganoon ba kayo kasamang tao? Paano niyo n-nakakayang m-manakit… D-Di niyo man lang siya binigyan ng pagkakataon…”
Napaluhod ako sa sahig at tinakpan ang aking mukha. Umiyak ako roon na kahit ang aking ulo ay sobrang sakit na. Ang aking mga mata ay mugtong mugto na. Wala na akong maramdaman na kahit ano at awa lamang sa aking kapatid.
“M-Masaya na siguro kayo dahil patay na ang Kuya ko… Nakuha niyo na ang hustisyang gusto niyo… P-Paano naman kami… Saan namin kukunin ang hustisya? Matatawag b-ba kaming biktima ng mga taong ininsulto kami at pinaratangan sa isang k-krimeng di namin kasalanan? P-Pero dahil makapangyarihan k-kayo… d-dahil mas maimpluwensya kayo… s-sa amin parin mapupunta ang sisi diba?”
Nag-angat ako sa lalakeng nakatitig lang sa akin at binabalot ng ibang emosyon ang mukha.
“B-Ba’t di mo nalang rin ako p-patayin total pinatay mo narin ako? Literal mo nalang akong p-patayin…”
Kitang kita ko kung paano namula ang kanyang mga mata at napaawang ang kanyang mga labi.
“I’m sorry,” tanging nasabi niya at umagos agad ang mga luha roon.
Humikbi lang ako lalo. Iyon lang ba ang matatanggap ko sa pagkamatay ng aking kapatid? Iyon lang ba ang makukuha ko?
“Patawad rin Israel pero nakakatakot kang m-mahalin. S-Sana… Sana di ka nalang pumasok sa mundo ko kung isisilong mo lang pala ako sa dilim,” puno ng hinanakit kong sabi sa kanya.
Lumapit siyang muli. Gustong gusto ko siyang itulak palayo sa aking kapatid nang lumuhod siya at sinuri ito. Ngunit nang makumpirma niya, yumuko lamang siya at bumaba ang balikat.
“Umalis kana, Israel. K-Kalimutan mo na ang pangako natin sa isa’t isa. Ang mga katulad mo ay hindi bagay sa mundo ko. At…ayoko na ring pumasok sa mundo mo. H-Hinding…hindi ko ito makakalimutan. Hinding hindi ako papasok sa mundo ng pumatay sa kapatid ko.” Hikbi ko.
Nilingon niya ako, sa pamumula ng mga mata niya, alam ko nagdadalamhati siya para sa akin. Pero hindi ko iyon paniniwalaan. Hindi niya na ako maloloko pa.
“Nangako ka sa akin…” mahina kong daing. “Pero k-kinuha mo lang ang loob ko dahil alam mo…maniniwala ako sa’yo! Dahil alam mo, madali mo akong mapipikot!”
Umiling siya at sa akin lumapit. Umiling ako at itinulak siya kahit pilit niya akong pinapatayo.
“Huwag mo akong hawakan! Umalis kana! Hindi ko kailangan ang mga kagaya mo! Umalis kana!”
Nakita ko ang pagbabagsakan ng luha niya. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang mahina.
“Umalis kana, Israel! Simula sa araw na ’to, ituring mo na rin akong patay!”
Tuso ang angkan nila. Mapaghiganti. At marahas. Hindi man lang nila binigyan ng tsansang magpaliwanag ang kapatid ko! Hindi nila pinakinggan! Kusa nilang nilibing ng buhay!
Nakakabingi rin ang iyak ni Mama noong dumating ito at nalaman ang nangyari. Rinig na rinig ko ang matindi niyang galit sa mga Buenaventura. Ang pamilyang pinakatuso at buhay ang naging kapalit dahil lang sa buhay na nawala.
Tuluyan na ngang gumuho ang natitirang pader na itinayo kong atraksyon. Ang tanging naiwan ay ang puso kong durog na durog na. Siguro… para nga sila sa isa’t isa ni Ate Rici. Sa kagustuhan ni Kuya na masilip ang mahal niya, ang Diyos mismo ang gumawa ng paraan at pinaakyat narin siya. Pero paano naman kaming nagmamahal sa kanya? Kung hiniling ko bang gusto ko ring silipin ang Kuya ko… papababain ba siya ulit dito?
Ilang araw kaming nagluksa ni Mama. Wala kaming maibigay na hustisya sa pagkamatay ni Kuya dahil narin sa estado ng aming buhay. Bahala na ang Panginoon sa hustisyang hinihingi namin. Siya na ang bahalang magparusa sa nagkasala.
Noong araw ng lamay ay maraming pumunta sa bahay para makiramay. Ang mga taong isa sa mga uminsulto sa aking kapatid, pumunta sa kanyang pagkamatay para ano, para humingi ng tawad? Ganoon ba talaga ang mga tao? Doon lang nila maiisip ang mga mali nila kung saan huli na? Doon lang nila makikita ang halaga kung wala na?
“Condolence, Trace…” Niyakap ako ni Rinka.
Wala akong imik at tulala lamang habang lumuluha. Ang mga taong nandito, nagsisiiyakan at pinaparamdam sa akin na nagluluksa rin sila kahit na noong buhay pa si Kuya Bram, isa rin sila sa mga humiling na sana ay mawala narin ito.
“Bakit ang lupit naman ata ng tadhana sa’yo?” Humagulhol si Rose at niyakap narin ako.
Tumulong silang tatlo sa pagbibigay ng mga kape at biskwit sa mga panauhin sa labas ng aming bahay. Si Mama naman ay nakatayo lamang sa harap ng kabaong ni Kuya Bram at tulala roon, tinitingnan ang anak niyang tila natutulog lang sa loob.
Halos mapuno ang mga upuan dahil narin sa mga estudyanteng pumunta at isa na roon ang mga kaibigan ni Ate Rici, sila Feli.
Nagtungo ako sa kanilang gawi dala dala ang tray at binigyan rin sila ng makakain.
“Condolence,” sambit ni Feli at yumuko agad para itago ang mga luha.
Ngumiti ako ng matabang.
“Salamat. Tears of joy ba iyan? Naiiyak ba kayong lahat sa tuwa dahil ang Kuya kong pinagtulungan niyong pagbintangan ng kung ano ano… sa wakas… s-sa wakas ay patay na?” malakas kong sabi at iginala agad ang tingin sa mga estudyanteng naririto. Gusto kong ilabas ang saloobin ko sa kanilang lahat.
“Ang lakas ng kapit niyo sa itaas at dininig agad ang mga dasal niyo na sana ay maparusahan si Kuya.” Ibinalik ko ang aking mga mata kay Feli. “Salamat at makakapal ang mga mukha niyong magpakita sa lamay ng kuya ko pagkatapos niyong insultuhin ay iiyak-iyakan niyo. Salamat sa pag-aaksaya ng oras niyo at pagsasayang ng luha sa taong pinatay niyo sa umpisa palang sa mga isipan niyo,” sarkastiko kong sabi na mas ikinaagos ng luha sa aking mga mata at tiningnan sila isa isa na nagpupunas ng mga luha habang yumuyuko.
Lumapit agad sa akin sina Rose at Cecille. Pagod nila akong nginitian habang tumutulo ang aking mga luha.
“Nandito ba kayong lahat para kumpirmahing patay na talaga?! Oo! Patay na! Ang…ang hinihiling niyo…natupad na! Kayo…kayo ang unang pumatay sa kanya!” sigaw ko sa namamaos na tinig, bigong bigo na nandito lahat ang unang lumapastangan sa kapatid ko.
“Magalit ka lang Trace… H’wag mong kimkimin. Karapatan mo iyan…” sabi niya sa akin.
Iyon nga ang gusto ko. Ang magalit sa kanilang lahat. Oo galit na galit ako at gusto ko ring may masisi pero wala narin naman iyong magagawa. Kahit siguro saktan ko isa isa lahat ng mga taong nakiramay rito ay hindi parin matatanggal ang bigat sa loob ko. Hindi na mababago ang nangyari.
Ang perang binigay sa akin ni Kuya na bigay ni Papa ang ginamit namin pangburol kay Kuya. Halos mahimatay pa si Mama noong araw na inilibing na ito. Hilong hilo na ako sa araw araw na pag-iyak at ang puso kong paulit ulit nalang na dinudurog.
Bakit Kuya Bram? Bakit ka pa umuwi? Sa kagustuhan mo bang silipin si Ate Rici, ang tangi mong naisip ay ang sundan siya sa langit? Ganoon ba?
Lalo na’t alam mong mapapahamak ka! At…at sumugal ka pa rin!
Tuwing gabi, naririnig ko si Mama na humahagulhol sa kanyang kuwarto at niyayakap ang natirang gamit ni Kuya. Pumapasok ako roon palagi para yakapin rin ito.
“Ang mga demonyong iyon… Sana mabulok silang lahat sa impyerno!” sigaw ni Mama sa sobrang galit.
Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at mas bumuhos lamang ang mga luha kong walang tigil sa pag-agos.
“Kukunin ko ang card mo sa eskwelahan bukas,” si Mama na kakarating palang at galing sa bayan para magtinda ulit ng mga bulaklak.
Hindi ako umimik at tulala lamang sa kawalan.
“Umalis ka sa impyernong ito, Trace. Ipagpatuloy mo ang buhay mo sa ibang lugar. Ayoko ng nandito ka dahil papatayin ka lang ng mga tao rito. Hindi ko na hahayaang pati ikaw ay masaktan nila,” sabi ni Mama habang pumapasok sa aking kuwarto at mukhang iniimpake na agad ang aking gamit.
Siguro ang tinutukoy niya ay ang mga Buenaventura. Kahit na alam kong wala na silang gagawin sa amin dahil nakuha na nila ang gusto nilang ganti pero di na mapanatag ang loob ni Mama.
“Pumunta ka sa Papa mo at sabihin mo sa kanya na hindi na kita kayang buhayin. Lumayas kana dito. Magtapos ka ng pag-aaral at magtrabaho ka. Patunayan mo sa kanilang lahat na kaya mong tumayo. Ang buhay lamang ni Bram ang natapos Trace. Hindi ang buhay mo.”
Mas umagos ang luha sa aking mga mata.
Pinroseso nga ni Mama ang aking mga papeles sa eskwelahan. Pagkatapos kunin ni Mama ang aking card ay nagsulputan agad ang tatlo sa hapong iyon sa bahay.
“Aalis ka raw, Trace?” tanong agad ni Rinka nang matagpuan nila ang aking imahe sa likod ng bahay. Nakaupo lamang ako habang nakatitig sa mga bulaklak doon.
Tumango ako habang yakap yakap ang aking mga tuhod. Tumabi ang tatlo sa akin. Isinabit ni Rinka ang aking buhok sa gilid ng aking tenga at sinilip ang aking mukha.
“Kumakain ka pa ba? Ang payat payat mo na ata? Pag nalaman ng kapatid mo na hindi ka kumakain… bababain ka talaga noon at magpaparamdam iyon sa’yo,” pabirong sabi ni Rinka.
Sana nga ganoon nalang… Kahit buong araw akong hindi kumain para bumaba lamang si Kuya at pagalitan ako kaso alam ko namang imposible iyon.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nagpunas ng luha si Rose na nasa kabila naman.
“Kung saan ka man pupunta… Sana sa lugar na iyon ay sumaya ka, Trace. Umalis ka nalang dito dahil wala rin namang ginawa ang lugar na ito sa’yo kundi pahirapan ka…” madamdaming sabi ni Rose.
“Pero h’wag mo kaming kalimutan ha… Pag okay kana ulit… Pag hindi kana nalulunod sa kalungkutan mo… b-bumalik ka ha. Hihintayin ka namin dito…” Pumiyok si Cecille at sunod sunod agad ang mga luhang umagos sa kanyang mga mata.
Napapikit ako at dinama ang mga luha kong umagos na naman. Niyakap nila akong tatlo saka sila nagsimulang mag-iyakan.
“Mag-ingat kayo rito,” tanging nasabi ko.
Tumango tango naman silang tatlo at nginitian pa ako habang nagpupunas ng mga luha.
“Salamat dahil… noong mga panahong hinuhusgahan ako ng buong mundo… noong mga panahong pinagtutulungan ako… noong mga panahong nagluluksa ako… kayo ang nandiyan sa tabi ko…” Nginitian ko sila sa kabila ng mga luha kong umaagos.
Mas lalong humikbi si Rose at humagulhol naman si Rinka.
“Ang bait bait mo Trace! Di ko talaga maintindihan at sa dami ng masasamang tao sa mundo, ikaw itong nagdudusa ng husto. Hindi mo naman ito deserve eh! Bakit ganoon?” Halos habulin ni Rinka ang kanyang hininga habang sinasabi iyon.
Gusto kong kwestyunin ang Panginoon. Ngunit sa kabilang banda, pinapaubaya ko na lamang sa kanya ang kapatid ko. Na siguro nga…noong namatay si Ate Rici, namatay na rin si Kuya Bram. Lalo na’t itinuring niya iyong buhay niya.
“Bukas ng umaga ka umalis. Pagpunta ko sa bayan… Magtungo kana sa paradahan ng bus at sumakay ka papuntang Davao. Nagkakaintindihan ba tayo, Trace?” tanong ni Mama sa gabing iyon na ikinatango ko.
“Paano ka dito, Mama?”
“Kaya ko naman ang sarili ko. Pero kung nandito ka rin at malapit ka sa mga Buenaventura na iyon, sa mga sugo ng kadiliman, mas mahihirapan lamang ako. Mas mabuti na iyong malayo ka sa kanila at nasa puder ka ng Papa mo. Doon mas mapapanatag ako.”
Agad ko siyang niyakap.
“Magtatapos ako Mama… At babalikan kita rito. Mag-ingat ka po at h’wag masyadong magpagod…”
Tumango tango si Mama at humiwalay rin naman. Nag-iwas pa ito ng tingin sa akin.
“O siya… Matutulog na ako.” Pumasok na siya sa kanyang kuwarto.
Kaya noong umaga, iyon ang ginawa ko. Pagkagising ko ay wala na si Mama kaya ako naman ang naligo, nagbihis para makaalis na. Pumunta rin naman ako sa bayan kung saan pumaparada ang mga bus ay sumakay roon.
Noong makaupo na ako malapit sa may bintana ay tinitigan ko agad ang hawak na card kung saan nakatira si Papa. Anong naghihintay na buhay sa akin doon? Matatanggap niya rin ba ako katulad ng pagtanggap niya kay Kuya Bram?
Sa gilid ng aking mga mata, may nakita akong lalakeng nakasakay sa isang kabayo. Lumingon ako sa bintana, sa bus na papaalis na, at sa huling beses ay nagkasalubong ang aming mga mata.
Umawang ang kanyang labi at sinundan ako ng tingin. Kusa kong binawi ang aking mga mata sa harap at walang maramdaman na kahit ano sa aking loob. Ito na ang huli, Israel. Aalis na ako sa pagkakasilong ko sa’yo. Aalis na ako sa dilim na ibinalot mo sa mundo ko.
Chapter 37
Chua
Habang nasa gitna ng byahe, iniisip ko ang magiging kalagayan doon ni Mama. Mag-isa lang siya. Kakayanin niya ba? Paano pag nagkasakit ulit siya, sinong mag-aalaga sa kanya?
Nang rumehistro iyon sa aking utak ay gustong gusto ko ng bumaba sa bus at bumalik sa aming bahay. Naiiyak na naman ako idagdag pa ang pangungulila ko kay Kuya. Ang huli niyang sinabi sa akin ay tumakas ako. Gusto niyang takasan ko ang lugar na iyon. Ayaw niya siguro akong madamay sa tuso ng pamilyang iyon.
Anong iisipin ni Papa pag bigla akong nagpakita roon? Hindi ba siya magtataka? Paano kung di ako matanggap noong pamilya niya?
Nagising nalang ako noong huminto na ang bus at pinagpapalo na noong konduktor ang pwetan noon habang sumisigaw na lumabas na lahat ng pasahero.
Mabilis kong kinuha ang isa kong malaking bag at isinuot ng maayos ang maliit na bag sa aking likuran saka ako lumabas ng bus. Kinusot ko ang aking mga mata habang gumagala ang aking tingin. Namangha agad ako sa mga nakita ko. Ang matatayog agad na buildings ang kumuha ng aking atensyon at ang mga taong pakalat kalat rij sa daanan.
Nasa syudad na ang isang tagabukid! Nasa syudad kana ng Davao City, Trace!
“Uy Miss… Saan ang punta mo? Tara ihahatid na kita.” May lumapit na lalake sa akin.
Umawang ang aking bibig pero napakurap rin nang sinimulan niyang kunin ang aking dalang bag at ipasok iyon sa likod noong puting sasakyan na may nakalagay na taxi. Binuksan niya naman iyong likod kaya doon ako pumasok. Ang lamig agad ng loob ang sumalubong noon sa akin.
Ilang sigundo akong naghintay sa loob hanggang sa pumasok rin naman ang lalake sa driver’s seat.
“Saan ba kita ihahatid Miss Ganda?” Ngumiti siya sa akin doon sa itaas ng salamin.
Kinuha ko agad iyong card na kinaroroonan ng Residence ni Papa.
“Dito po sa Woodridge Subdivision.” Ibinigay ko iyon sa kanya.
Kinuha niya iyon saka tiningnan.
“Ah dito…” Tumango tango siya saka ulit ibinalik iyon sa akin.
Buong byahe ay iniisip ko lamang ang magiging reaksyon ni Papa. Pumasok ang taxi sa aking malaking gate. Huminto pa kami dahil sa dalawang gwardya na chineck-up ang loob.
Nanlaki ang aking mga mata sa nakita kong mga bahay. Noong sinabi ni kuya na mayaman si Papa, unti-unti nang nagsisink-in sa akin kung gaano sila kayaman.
Huminto ang taxi sa isang napakalaking bahay na may puti at itim ang exterior design na ikinalaglag lalo ng aking panga. Sobrang laki rin ng kulay itim na gate nila. I-Ito na ba ang bahay ni Papa?
“Mukhang iyan na ang Chua Residence Ma’am…” sabi noong taxi driver habang sinisipat rin ng tingin ang bahay.
Lumunok ako ng laway at ramdam ang pangangatog ng aking mga paa. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Anong magiging reaksyon nila sa akin?
“Magkano po ang bayad?” tanong ko pa.
Pinindot niya iyong gitna kaya nakita ko rin ang halaga na naroroon. Nanlaki ang aking mga mata at hindi alam kung tama ba iyong nakikita ko.
“Three hundred eighty lahat, Ma’am.”
“H-Huh? Ba’t ang laki po?” takang taka kong tanong.
“Taxi kasi ito at aircon pa. ’Tsaka malayo rin ang lokasyon ng pinaghatiran ko sa’yo kaya ganito na kalaki. Tagabukid ka ba, Miss?” Tumawa pa ito at sinipat ako ng tingin.
Ngumuso ako at kinuha ang aking pitaka. Nakagat ko agad ang aking pang-ibabang labi noong makita ang pera na 200 na lamang.
“K-Kulang po ang pera ko…” Bigo ko itong tiningnan na nilingon pa ang bahay.
“Manghingi ka nalang diyan sa pupuntahan mo oh. Maghihintay nalang ako dito sa labas,” sabi nito na ikinapula agad ng aking pisngi.
Ni hindi pa nga ako sigurado kung matatanggap ako sa loob tapos manghihingi pa ako ng pamasahe.
“P-Pero-”
Hindi pa ako nakakatapos sa aking sasabihin ay lumabas na siya roon at magawa pang buksan ang backseat. Umikot ito sa likod at kinuha narin ang aking bag.
Ang lakas ng kalabog ng aking dibdib nang magpasya akong lumabas ng taxi. Tahimik ang buong paligid at bukas ang ilaw ng mga bawat street lights. Medyo malayo rin ang agwat noong kapitbahay nila at malalaki rin ang mga bahay.
“Sige na, magdoorbell kana. Mag-aapply ka bang katulong diyan? Amo mo ang nasa loob?” Pang-uusisa pa noong taxi driver at tinitingala rin ang bahay na sobrang laki nga.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Bigla nalang akong nilamon ng takot. Magpahatid nalang kaya ako pabalik? Pero Trace… kulang na nga ang pera mo eh. Akala ko kasi malaking pera na iyong 500 na dala ko. Di ko alam na pagdating sa syudad ay nagmumukha nalang pala iyong barya.
Bago pa man ako makapagdoorbell ay may umagaw na ng aking atensyon. Nakasakay ito isang skateboard habang nakapamulsa. Singkit ang mga mata nito nang matapat siya sa ilaw at noong mas lumapit na ito. May suot itong itim na sleeveless, short na parang camouflage ang desinyo at ang nakapulupot na headset sa kanyang leeg. Para siyang cold na badboy…
Swabe niyang inihinto ang skateboard na tumayo pa saka niya ito kinuha. Matangkad ito at supladong suplado ang pagmumukha dala narin ng magulong buhok at hanggang batok iyon.
“Need anything?” tanong niya sa akin sa baritonong boses at umangat pa ang kilay.
Napalingon narin sa kanya ang taxi driver at natigil na sa kakatitig sa bahay.
“Ah… Mag-aapply atang katulong sa inyo itong babae. Nagpahatid kasi rito at kulang ang pamasahe niya.”
Nilingon niya saglit ang taxi driver sa pamamagitan lamang ng kanyang mga mata pero ibinalik rin naman agad sa akin. Ang mga mata nito ay awtomatikong hinagod ako mula ulo hanggang paa.
“She’s not our maid,” matigas nitong sabi sa isang engles na mas nagpakaba sa akin.
“A-Ano… N-Nandiyan po ba si Mr. Uh… Mr. Chua?” tanong ko sa kabadong boses na awtomatikong ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“You’re his second illegitimate child?” deritsahan niyang tanong sa maanghang na pananalita at matalim niyang tingin na ikinaputla ko.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at yumuko agad para hindi niya iyon makita. Mabilis kong pinunasan ang aking mga mata para lang di iyon pumatak.
“H’wag mo namang paiyakin si Miss Ganda, Sir,” sabi noong taxi driver.
Nag-angat ulit ako ng tingin at niyakap na ng takot.
“S-Sige… D-De bale nalang…” Ngumiti ako ng pilit sa lalakeng sobrang suplado parin ng pagmumukha. Naaalala ko si Kuya Bram pero siya itong doble ata pagiging suplado.
“Pwede niyo po ba akong ibalik sa paradahan ng Bus?” tanong ko sa taxi driver na nagkamot agad ng ulo.
“Pero diba 200 nalang ang pera mo at lagpas 300 ang kailangan mo pang bayaran sa akin, Miss. Kahit maganda ka di kita patatawadin dahil gipit din ako,” reklamo niya.
Namula ang aking pisngi at binalot ng pagkabahala ang aking mukha. Iyong supladong lalake naman ay nagkakasalubong na ang kilay habang dinudukot palabas ang isang itim na pitaka.
Naglahad siya ng 1000 bill sa taxi driver na kinuha rin naman iyon agad.
“Ah… Keep the change na po ba Sir?” tanong pa nito at ngumiti na.
“Gipit din ako. I need my change,” sabi niya sa baritonong boses at hindi parin nagbabago ang ekspresyon.
“Kuripot talaga ng mga instik,” narinig ko pang bulong noong lalake habang bumabalik na sa kanyang taxi.
Nasa akin na ulit ang tingin noong supladong intsik kaya yumuko agad ako para di ko makasalubong ang kanyang mga mata. Noong ibinalik na sa kanya ang sukli ay umabante rin naman ito at nagdoorbell na.
“Ah Sir, itong gamit po ni Miss Ganda,” sabi niya ulit.
Nilingon kami noon. Sasabihin ko na sana na kaya ko naman iyong dalhin pero nabulol na ang aking dila sa loob.
Tiningnan niya iyong bag ko saka rin ibinalik sa harap.
“Carry your things since it’s yours,” cold niyang sabi.
“Ay… Nako… Di gentleman,” bulong muli noong taxi driver.
Nginitian ko ng tipid iyong taxi driver saka ko rin binuhat ang aking bag. Di rin naman iyon mabigat dahil puro damit ko lang naman ang laman noon.
Nanatili akong nakatayo habang binubuksan na iyong maliit na gate. May sinabi pa siya roon sa katulong saka ito dumeritso papasok.
“Akin na ang bag mo, hija, pumasok kana…” Nilapitan niya ako at kinuha ang aking bag..
Umiling agad ako.
“H’wag na po. Nakakahiya po ’tsaka kaya ko naman…” Nginitian ko pa ito.
“Ay nako masesesante ako sa ginagawa mo. Akin na iyan. Tungkulin namin bilang mga maid ang sundin ang utos ng amo.” Kinuha niya iyon sa akin kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang ito.
Sinenyasan niya pa akong sumunod kaya tuluyan rin akong pumasok sa gate. Ang aking mga mata ay kumislap agad sa pagkamangha dahil sa nasaksihan ko. Mayaman nga sila…
“Halika na, hija. H’wag kang mahiya.” Hinila noong maid ang aking pulso nang mapansin niyang tumigil ako sa paglalakad.
Dinala niya ako papasok sa loob ng bahay. Sa sobrang kintab ng sahig, pakiramdam ko ay mabubuwal ako ano mang oras. Ang magarang hagdan agad ang aking napansin at ang kumikinang na malaking ilaw sa itaas. Para iyong mga sinabit na diamond na ewan. Masyadong magarbo.
“Where is she?” May narinig akong boses sa kung saan at ilang sandali lamang ay may nakita akong lalakeng bumababa na nga sa magarang hagdanan na iyon.
Habang bumababa ito ay nililingon niya ako at sa bawat pagtama ng aming mga mata, hindi ko alam kung ba’t bigla akong kinutuban na kahit ang balahibo ko ay tumindig at idagdag pa ang nanlalabo kong mga mata.
“Trace?” he called me using a deep yet stern voice.
“Oh God… You looked like Tasha,” pagbanggit niya sa pangalan ng aking ina.
Hindi ko alam kung ba’t bigla akong humikbi habang papalapit siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay pinapaalala sa akin si Kuya. Nakikita ko rin sa kanyang mukha si Kuya na kung tatanda siguro ang aking kapatid ay magiging kamukha niya ito.
“Oh… Don’t cry…” Ngumiti siya sa akin at binuksan agad ang dalawa niyang mga bisig.
Tinakpan ko ang aking mukha at umiyak doon. Narinig ko itong tumawa ng marahan hanggang sa tuluyan na ako nitong niyakap.
“You don’t know how happy I am right now… I am your father, Trace. I am Liam Chua,” sabi niya sa baritonong boses habang hinihimas ang aking likod para patahanin ako.
Tumawa itong muli at sinilip pa ang aking hitsura.
“Oh… you inherit my eyes! Look at that beautiful eyes! Di naman singkit iyong Mama mo kaya sigurado akong mga mata ko iyan…” Pinunasan niya ang luha roon na ikinanguso ko lalo na’t nanginginig ang aking mga labi.
“Dad? Bumalik na si Kuya Bram?!” Isang matinis na boses ang nanggaling sa itaas kaya napatingala ako sa may itaas. Nakita ko ang babaeng nakatingin dito sa ibaba habang iyong lalake naman ay nakasandal ang mga kamay doon at nakasalikop pa ang mga palad habang nakayuko rin at nandito ang tingin.
“Come here you two. I’ll introduce you to your second step-sibling…” Sinenyasan niya ang dalawa na bumaba.
Binigyan ako ng tissue noong katulong na nginitian ko agad saka ko ibinalik ang aking mga mata sa babaeng bumababa na.
“Aware naman kayong dalawa na may kapatid pa si Bram, diba? She’s Tracey Adjeanne, am I right?” Nilingon niya ako at sinilip ang aking ekspresyon habang ang kanyang kamay ay nasa aking likod parin.
Tumango agad ako at ngumiti ng pilit.
“And Trace… This is Brennan Chua, my older son. And my daughter French Chua. Treat them like they’re your siblings too from now on,” kalmado niyang sabi na may galak pa ang boses.
Lumapit sa akin iyong babae at bebeso na sana pero naglahad nalang ng kamay.
“Hey… Nice to meet your sis…” Ngumiti siya sa akin ng pilya. Ang cheekbone niya ay agad na nadepina dahil sa pagkurba ng kanyang labi.
Tinanggap ko naman iyon at ngumiti rin ng tipid. “H-Hi…” nahihiya kong banggit.
“Brennan,” tawag niya sa lalake na iwinagayway lang ang kanyang kamay sa akin sa tamad na paraan dala narin ng malalamyang mga mata.
Ngumiti rin ako sa kanya at iwinagayway ang aking kamay. Parang…si Kuya Bram. Suplado.
Napansin kong masyado silang pormal sa loob. Parang mga maharlika na sinanay kung paano kumilos na may tamang postura at dapat palaging presentableng tingnan kahit nasa bahay lang naman.
Umakyat rin naman ang dalawa habang ako naman ay iginiya narin ni Papa sa magiging kuwarto ko. Hindi ko matukoy kung nagustuhan ba nila ang aking presensya o sa loob nila ay may tinatago na agad silang galit sa akin. Sino rin ba ang magugustuhan kung nalaman mong may anak pala ang ama mo sa ibang babae? Di na ako magtataka kung ngayon palang ay itaboy agad ako noong dalawa.
“When I found out that Tasha has a daughter I immediately fixed this as your room since this is vacant,” paliwanag niya at binuksan ang ilaw.
Lumaki agad ang aking mga mata nang makita ko nang tuluyan ang loob. Ibang iba siya sa kuwarto ko. Hindi…buong bahay na yata namin ito sa sobrang laki! Parang sinampal ako kung gaano kami ka dukha sa Bukidnon.
“Bram told me he’ll bring you here. But where’s your brother?” tanong sa akin ni Papa na kusang ikinalaglag agad ng aking mga luha.
“P-Patay na po si Kuya.”
Kitang kita ko kung paano siya natigilan at kung paano ito nagulantang. Ilang sigundo siyang ganoon hanggang sa namula ang kanyang mga mata. Kinwento ko sa kanya ang lahat at sa galit niya, gusto niyang sampahan ng kaso ang nasa likod noon.
Ngunit alam ko, mas gugustuhin ni Mama na huwag nang idawit ang Buenaventura sa bago kong mundo.
Nalaman ko kay Papa na kaya pala bumalik si Kuya Bram sa bahay para daw sunduin ako at dalhin kay Papa. Iyon ang napag-usapan nila dahil narin sa kagustuhan ni Papa na makita ako pero mukhang iba naman iyong sinabi sa akin ni Kuya.
“Noong pumunta rin si Bram dito, tulala ang batang iyon at namumugto ang mga mata. Umiiyak pa ito ng husto kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya,” pagkukwento ni Papa habang pulang pula rin ang mga mata kakaiyak.
“I can’t believe I lost my son in just a blink of an eye! Ilang araw palang kaming nagkasama… Nakakadismaya at ipinagkait sa akin ni Tasha ang karapatan ko sainyong dalawa ni Bram!”
“H-H’wag niyo pong sisihin si Mama… May rason po siya kaya niya iyon inilihim dahil ayaw niya raw po na makasira ng pamilya. Napalaki naman po kami ng maayos ni Mama at ginagapang niya kami sa kahirapan. Nagtitinda po siya ng bulaklak at araw araw pa po iyon.”
“I know hija… Iyan rin ang depensa ni Bram kay Tasha and I am very proud she raised you well… My poor son…” Mariing pumikit si Papa at nahilot ang sintido habang umaagos parin ang mga luha.
“Kung alam ko lang… Di ko na talaga iyon pinayagang bumalik sa lugar niyo at ako nalang mismo ang pumunta sainyo!” Hirap na huminga si Papa at bigong bigo ang boses habang nagkukwento.
Siguro nagpumilit ring umuwi si Kuya dahil kay Ate Rici. Nabanggit niya rin sa akin kung babalik pa ba siya rito pero ang sabi niya ay ayaw niya na raw at doon nalang.
“Sa’yo ako babawi, Trace… I’ll give you the wealth you deserve as a Chua. From now on, this is your home and you’re my daughter.” Niyakap ako ng mahigpit ni Papa na ikinaiyak ko.
“Salamat, Papa…”
Chapter 38
Imposible Nang Balikan
Sa isang iglap ay biglang guminhawa ang aking buhay. Hindi ko alam kung paano ako makakapag-adjust. Nasanay ako sa simple at payak na pamumuhay pero bigla atang bumaliktad ang mundo at masyado ng marangya ang pumalit.
Nalulula ako palagi sa malaking bahay na 3storey pa at ang itaas ay may rooftop. Ang sabi sa akin ng mga katulong ay doon daw madalas ang tambayan ni Brennan pag may mga inimbitahan itong barkada niya.
Sa likod ng kanilang bahay ay ang malapad na pool area at ang sabi rin ni Manang Asing sa akin, si French daw ang madalas magdala ng bisita roon lalo na’t marami itong circle of friends na puro raw elite.
Suplado si Brennan at medyo nahahawig nga kay Kuya Bram dahil narin nagmana ito kay Papa. Matangkad ito at hanggang balikat lamang ako sa kanya. Misteso siya at dalawang taon lamang ang agwat sa akin.
Si French naman ay lamang ng pitong buwan sa akin. Mistisa rin si French, natural na katangian ng isang pure blood na intsik at semi long ang bagsak niyang buhok. May mga side bangs siya at mahilig ngumiti ng pilya. Palagi niyang bitbit iyong alaga niyang aso na si Kaki. Madaldal ito dahil madalas niya rin akong tinanong ng kahit ano.
“So you’re tagabukid like Kuya Bram?” tanong niya sa akin nang puntahan niya ako sa aking kuwarto at nadatnang nagbabasa ng libro.
Unang araw ko palang at hindi ako masyadong lumalabas dala narin ng hiya. Pinupuntahan niya lang naman ako para kausapin ako.
Tumango ako sa kanya. Medyo di pa ako sanay sa way niya ng pananalita. Parehas sila ni Ate Rici na hinahalo ang tagalog ang engles pero si French ay maarte lang talaga ang pagkakabigkas hindi kagaya kay Ate Rici na smooth.
“So kaya pala you look like ignorante…” Ngumiwi pa siya sa akin habang nakaupo sa dulo ng aking kama suot ang isang puting A-line strap dress at nakahigh ponytail na naman ang kanyang buhok.
“Uhm… Oo ganoon na nga.” Nililingon ko lang siya paminsan minsan habang nakaupo ako sa sofa.
Bumungisngis siya roon. Ang kanyang alaga namang si Kaki ay tumatakbo na sa aking kama at nilalaro ang aking unan na ikinatuwa ko narin.
“Dapat nagpractice ka to be like me. But don’t worry I already told Dad na sasamahan kita pag nag buy ka ng mga clothes and shoes mo. I’ll help you!” Ngumisi pa siya sa akin.
Mukhang suplada si French o Franchesca tingnan pero mabait naman ang pakikitungo nito sa akin.
Kamukhang kamukha niya ang kanyang Mommy na kinakatakutan ko sa bahay na ito dahil narin sa pagiging intimidating niya at hindi madalas ngumiti. Doon ata nagmana si Brennan habang si French naman ay mana sa aking ama na masayahin.
Hindi ko makakalimutan ang unang araw na nakita ko si Tita Brenda. Umaga iyon at iyon ang kauna-unahang beses na makakasabay ko silang lahat sa malaking hapag.
“You went home late so you didn’t meet her last night… She’s the one I’m talking to you. Si Tracey…” sabi pa ni Papa sa pormal niyang boses sa umaga.
Hindi ko alam kung anong sasabihin dala narin ng takot sa kanyang malalim na tingin sa akin. Ngumiti ako ng pilit at marahang yumuko.
“M-Magandang umaga po…”
Hindi siya sumagot at inalis agad ang tingin sa akin. Nilingon pa ako ni French kaya hilaw nalang na ngiti ang naibigay ko sa kanya.
“Use this one ha if you’re not familiar with the spoon…” bulong niya pa sa akin saka niya itinuro ang nasa gitnang kutsara.
Ngumiti ako sa kanya saka pasimpleng ibinalik ang tingin kay Tita Brenda na nagbago na ata ang timpla habang nag-uusap sila ni Papa at mukhang topic ata si Kuya Bram.
Alam kong hindi ako gusto ni Tita Brenda hindi dahil sa kanyang ipinupukol na tingin sa akin kundi dahil narinig ng sarili kong mga tenga ang pag-aaway nila ni Papa.
“My God, you’re going to kill me! That girl resembles your mistress alot! Pinapaalala niya sa akin na may babae ka noon!”
“God, Brenda! The girl won’t harm you for pete’s sake!”
“Tanggap ko pa si Bram dahil kamukhang kamukha mo pero iyang babae na ’yan… Hindi ko alam kung makakaya kong nandito siya sa bahay, Liam! What if she’s not even your daughter! Baka piniperahan kana naman ng kabit mo at nagpapauto kana naman tapos kasabwat niya iyang anak niya!” she spat angrily.
“Don’t insult my daughter, Brenda. Palalampasin ko ang pang-iinsulto mo kay Tasha pero kay Tracey na wala namang kasalanan…” My father’s voice trailed like it’s a warning.
Naiintindihan ko ang galit ni Tita Brenda sa akin. Lalo na’t kahit si mama, naiintindihan din siya. Iyon ang rason kaya ayaw kaming ipakilala ni mama kay papa. Dahil natatakot si mama na makasira ng pamilya, at ayaw niya kaming mainsulto.
Noong una kong araw rito ay umiyak rin ako dahil sa pangungulila kay Mama, pagluluksa kay Kuya Bram, paninibago sa bahay at lungkot. Gabi gabi akong ganoon at kahit sa hapon ay umiiyak na naman ako pag naririnig kong nag-aaway si Papa at Tita Brenda.
Kaya noong pina DNA Test ako ay di na ako nagtaka. 99.9 percent positive na ama ko si Papa kaya imbes na makampante si Tita Brenda na totoo akong anak ni Papa ay nasuklam lamang siya sa akin lalo.
“Why are you so mabagal ba?” Ang inis na inis na si French ay nagmartsa na papasok sa aking kuwarto kinaumagahan. Nakasunod naman sa kanya iyong maid na para sa akin at tinanggihan kong tulungan ako sa aking mga gamit bilang unang pasok sa eskwelahan.
“Help her nga!” Inis niyang sabi roon sa katulong na natataranta rin naman akong tinulungan sa aking uniporme.
Ang ganda ganda ni French sa kanyang puting uniporme at kulay blue na ribbon sa gitna ng dibdib. Magkatulad lang rin naman kami ng uniporme pero natatagalan talaga akong isuot iyon dahil hindi ako sanay.
“You have a natural wavy hair pala… You should wear some hairpins…” Binigyan ako ni French noong parehas na hairpin sa kanya kaya tuwang tuwa ako roon.
“Salamat…” tipid akong ngumiti sa kanya at sinimulan iyong ilagay sa gilid ng aking buhok.
Sumimangot naman agad ito.
“Why are you so formal ba? You should try speaking conyo… It’s not hard naman since you’re smart…”
“Ah… Di ako sanay eh…” Marahan kong sabi na ikinangiwi niya.
“Try speaking it in conyo…”
Napisil ko ang aking labi.
“Uhm… I’m not… uh… sanay?” nahihirapan kong sabi na ikinabungisngis niya agad.
“Try ka pa!” natatawa niyang sabi.
Ngumuso ako at nagpigil naring matawa.
“Ah… I’m speechless na…” sabi ko na ikinahagalpak niya talaga ng tawa.
“Make it more mataray like this. I’m speechless na!” May pa attitude niyang sabi at naggulong pa ng mga mata.
Tumikhim ako at ginaya rin ang kanyang boses.
“I’m speechless na!”
Pumalakpak siya at tuwang tuwa na kahit ako ay napangiti na kaso mabilis ring nabura dahil sa paglingon sa amin ni Brennan na nasa harapan ng sakay naming SUV bilang hatid sundo namin sa school.
“You two look stupid,” sabi niya sa amin. Umirap naman agad si French.
“Shut up ka diyan, Kuya!” saka niya rin ako sinenyasang gayahin siya kaya nagkatitigan pa kami Brennan. Tinaasan niya ako ng isang kilay at mukhang naghihintay na sasabihin ko iyon.
Umawang ang aking bibig pero bago ko pa man iyon mabanggit ay inunahan niya na ako.
“You shut up,” saka niya binawi ang tingin at sumandal na ulit habang ang mga mata ay nasa harapan na.
Tumawa pa si French. “Taray ha! You’re not even a girl!”
Natawa ako ng marahan sa inasal ni French. Madalas niya kasi talagang asarin ang kapatid niya na mabilis rin namang napipikon. Naaalala ko sa kanilang dalawa ang bond namin ni Kuya. Siguro masaya kung kasama rin namin si Kuya Bram.
Ang kuwento ni French sa akin ay napakatahimik daw ni Kuya Bram noong dumating ito rito pero habang nagtagal ay nakasundo niya rin naman dahil nga madaldal ito. Maayos naman daw ang pakikitungo ng Mommy niya kay Kuya at sa akin lang daw talaga ito mukhang off.
Naalala ko pa iyong term ni French noong napag-usapan namin ang issue ng parents namin.
“I don’t know if kabit is the right term ha… Pero hindi naman kumabit ’yung Mommy mo kay Dad kasi diba si Dad ang sumakay sa kanya so dapat si Dad ang tinatawag sa term na “sakay”“ sabay quotation niya sa magkabila niyang mga daliri.
Natutuwa ako kay French sa totoo lang. Oo alam kong may pagkakamali rin si mama, pero para kay French, pati rin daw si Papa ay meron. Parehas lamang sila.
“She’s a Chua? So anak sa labas?” Narinig kong tanong ng kaibigan ni French na hindi ko nalang pinansin.
“Don’t be so hard on my half-sister. She’s nice naman…” pagtatanggol sa akin ni French.
“And she’s pretty too, French. But she looks like a loner…” Iyong isa niya namang kaibigan.
“She prefers being alone kasi. Annoying ata for her ang maiingay but we talked alot sa bahay kaya she’s not really a loner,” si French na humagikhik agad.
“Diba you said na may stepbrother ka na guwapo?”
“Ah… My Kuya Bram died na eh. Trace told me nabaril daw… I even cried when I found out kasi Kuya Bram is so nice to me… Mas nice pa kay Kuya Brennan kahit they’re both suplado.” Malungkot niyang sabi.
“Oh my gosh! That’s so sad! Condolence…”
“Thank you.”
Habang tumatagal ay medyo nakakaadjust narin naman ako.
Ang una kong punta sa ibang bansa ay sa China. Nasa buwan iyon ng January noong lumuwas kami ng ibang bansa para doon icelebrate ang Chinese New Year lalo na’t sinusunod nila ang tradisyon ng mga Chinese.
“Thank you po, Papa…” daing ko habang naluluha kaya mabilis niyang sinalo iyon bago tuluyang umagos.
For the first time, I experienced celebrating my birthday in a luxurious way. Ginanap sa Marco Polo Hotel ang aking kaarawan at magara masyado ang theme.
“Anything for you, sweetie… I’m glad you’re enjoying your life being a Chua.”
“Sobra sobra pa nga po…” Napangiti ako sa kanya habang ang isang nakakadalang tunog ng violin ang nagpiplay.
“Oh please Trace… Hindi pa buong mundo ang naibibigay ko. This is just the beginning…” Hinaplos haplos niya ang aking pisngi. “Ano pa bang gusto mo?”
“Pwede po ba akong magpadala ng letters kay Mama, Pa?” masuyo kong tanong na ikinakurap niya.
“Iyan na ang wish mo?” Ngumuso pa ito at tila mapapangiti na ng malaki.
Tumango ako.
“Wala po kasi siyang cellphone at wala rin naman akong alam kung saan ko ihuhulog ang sulat ko. Sabi ni French sa akin sabihin ko raw po sa inyo…”
“We can send some of our men Trace… Sila ang magpapadala ng sulat sa Mama mo. Okay ba ’yon?”
Namangha agad ako at tumango tango na. Ang last dance ko ay si Kuya Brennan.
“Happy birthday,” bigkas niya sa baritono niyang boses.
“Salamat, Brennan…” Nginitian ko siya na ipinagsalubong agad ng kanyang kilay.
“You should call me Kuya since I’m two years older than you,” aniya.
Ngumuso ako. Sa unang pagkakataon, ngayon ko siya mas natitigan nang malapit at lalo akong nangungulila kay Kuya Bram.
“Akala ko kasi ayaw mo sa akin na tawagin kitang ganoon…”
Umangat agad ang kanyang kilay. “At mas ayaw kong tinatawag mo ako sa pangalan mo. Kabastusan iyan.”
“S-Sorry…” Yumuko ako at bumuntong ng hininga.
Ang rami kong natanggap na regalo at tinulungan pa ako ng personal maid ko sa pagbubukas noon na si Manang Asing. Siya rin ang madalas kong kausap dito bukod kay French.
Naiintindihan ko kung bakit galit si Tita Brenda sa akin. Naiintindihan ko kung hindi niya ako masyadong gusto. Nasaktan rin siya noon at pinapaalala ko pa sa kanya ang pagkakamali ni Papa. Kaya sinisikap ko siyang intindihin dahil alam ko namang masakit talaga ang pagtaksilan. Si Ate Rici nga… sa pag-aakalang pinagtaksikan ay hindi nakaya at nagpakamatay. Matapang si Tita Brenda na nakaya niya iyong harapin at hayaan ako ritong manirahan.
“Anong sabi ni Dad sa request mo na magsusulat ka ng letters?” tanong ni French na nakahiga sa aking kama ganoon rin si Kaki. Bihis na bihis na ito at handa ng matulog ano mang oras ganoon rin ako dahil mapapagalitan lamang ako ni Tita Brenda pag di agad ako nagbihis.
“Hala, oo nga pala!” Tumayo agad ako sa pagkakasquat sa carpet kasama si Manang Asing at nagtungo ako sa aking desk.
Kumuha ako roon ng mga binili kong magagandang construction at isang sign pen para makapagsulat na ako. Tumabi ako kay French na nasa gilid ko lang at sumisilip rin sa aking sinusulat.
Sinimulan ko iyon sa Dear Mama na pinuna pa ni French.
“Dapat Hey, Mommy!”
Tumawa ako sa kanyang sinabi. “Maweweirduhan si Mama sa akin pag ganoon ang sinulat ko…”
“Okay…”
Mama… Sana po h’wag niyong pabayaan ang sarili niyo at bumili po kayo ng gamot. Kumain po kayo sa tamang oras at magpahinga rin po. Okay naman ako rito… Mahal ko po kayo.
Isa iyon sa isinulat ko sa huli. Dinesenyuhan ko pa iyon ng kung ano ano sa gilid na si French rin mismo ang pumili. Makikintab iyon na maliliit na bulaklak.
Kaya noong pagsapit ng umaga ay isang maliit na kahon agad ang ibinigay ko sa naatasang tauhan ni Papa na magdadala noon kay Mama. May ipon rin kasi ako kaya pinadala ko narin iyon at iyong mga pictures ko sa mga okasyon.
Malayong malayo ito sa pamumuhay ko. Namimiss ko na ang dati na alam kong imposible nang balikan.
Chapter 39
Fix marriage
“Anak, Trace… Balang araw ay maiintindihan mo rin si Mama kung bakit pinaalis kita rito. Gusto lang kitang protektahan sa mga Buenaventura at ayokong ipagkait ang nararapat na buhay sa’yo katulad ng ginawa ko sa kapatid mo. Nang dahil sa estado natin ay namatay ang kapatid mo dahil lamang nagmahal ito ng taong malayo ang agwat sa estado natin. Alam mo namang kapos rin tayo at hindi kita kayang pag-aralin sa kolehiyo. Mas mabuti na iyang nasa puder ka ng Papa mo dahil alam kong hindi ka naman pababayaan ni Liam. H’wag ka sanang magpaapi anak. Sapat na iyong mga pang-aaping natanggap mo rito. Kung alam mong tama ka naman, ipaglaban mo iyon. Nagmamahal, Mama…”
Sa tuwing binabasa ko ang sulat ni Mama ay naluluha parin talaga ako.
Alam ko namang iniisip niya lang ang kalagayan ko. Nalulungkot lang talaga ako dahil nagkawalay kami pero may maganda rin naman itong patutunguhan. Mag-aaral ako ng mabuti at balang araw ay babalikan ko siya roon. Hihinto na siya sa pagtatrabaho at ako naman ang bubuhay sa kanya. Ako naman ang magsisikap. Ipaparanas ko rin kay Mama ang ganitong buhay balang araw.
May kumatok sa aking kuwarto. Nilingon ko iyon at ilang sandali lamang ay bumungad na ang pinto. Ang imahe agad ni Kuya Brennan ang nakita ko.
Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya ibinalik ko sa box ang sulat ni Mama saka ko ito nilapitan. Dala dala niya na naman ang kanyang skateboard at mukhang gagala rito sa kabuuan ng subdivision.
“Bakit?” tanong ko at naamoy agad ang pamilyar niyang pabango.
“Let’s go skateboarding,” sabi niya.
“Huh? Sa labas?”
Tumango siya na ipinagsalubong pa ng kanyang kilay. Ngumuso ako at tiningnan ang kuwarto ni French sa dulo na sarado parin saka ko ibinalik sa kanya.
“Pero…”
“Kaysa naman nagmumukmok ka rito sa loob.”
“Okay…” Lumabas rin ako at isinarado ang aking kuwarto.
Nasa hagdan pa kami noong bumukas ang pinto ng kuwarto ni French at nagmamadali na itong tumakbo. Kitang kita ko ang pagtingala ni Brennan at nairita agad dahil sa inasta ng kapatid. Nagagalit talaga ito pag tumatakbo kaming dalawa ni French sa bahay.
“Where are you two going?!” sigaw ni French nang humawak siya sa railings noong itaas at dinungaw kami rito sa ibaba.
“Sa labas daw sabi ni Kuya. Skateboarding…” sagot ko kaya binuhat niya agad si Kaki na sumunod rin sa kanya.
“Sasama ako…” sabi niya at nagmamadali rin namang bumaba.
“I told you not to run upstairs, French,” mariing sabi ni Brennan sa kapatid na bumungisngis lang.
“Paranoid. I’m not going to trip, ’kay!” Tinapik tapik niya pa ang balikat nito na mas ikinatalim ng tingin ni Brennan.
Naunang bumaba si Brennan kaya sinundan nalang namin ito. Lumabas rin naman kami ng bahay.
“I’m sure Daddy won’t allow us to go swimming tomorrow since may gatherings ata…” sabi niya habang nakabuntot kami kay Brennan.
“Relatives?” tanong ko na ikinatango niya.
“And next week may business gatherings siya. We’re always invited including you since dapat tayong makipagsocialize sa anak ng mga business partners ni Dad. I’m sure they’re going to pair us at ipagkakasundo tayo for marriage.” Nalaglag ang tingin niya sa balahibo ni Kaki at marahan iyong pinasadahan ng haplos habang ako naman itong nagulat.
“Huh? Marriage? Ipipair tayo? K-Kasama ako?”
Tumango siya. “It’s part of the culture, Trace. Sila dapat ang nagdedecide ng pakakasalan natin kaya nga I don’t have boyfriends eh… I mean pwede naman but not a serious one coz I know someday, Dad will pair me to someone na pure blood Chinese.”
W-What? Parte iyon ng kultura nila?
“Ikaw… Ibig sabihin may pinapares na sa’yo?” tanong ko at nagugulantang parin.
“I think meron na. Sure ako anak lang rin ng business partner ni Dad na intsik rin. Nasa culture natin na ang Chinese ay para sa Chinese or else it’s taboo. And since you’re a half blood Chinese… I’m sure Mom and Dad wants a pure blood Chinese for you, too.”
“Okay lang sa’yo?”
Tumango siya at nginitian ako.
“It’s not that bad if I give it a shot. And it’s for the sake of business naman so it’s okay para narin makatulong ako,” aniya at sinuklay pa ang buhok niyang nakahighponytail.
Natahimik ako ng ilang sigundo at hindi agad nakasagot.
“But I’m not sure if Dad will arrange you into fix marriage this early ha since I’m older than you so baka mauna ako but I’m not sure rin baka may matipuhan rin si Dad na intsik for you at ipagkasundo kayo agad…” Mas ngumisi ito ng pilya sa akin.
Nilingon kami ni Brennan pero itinuon rin naman sa harapan nang makita ang kanyang mga barkada rito sa subdivision. May dala dala ring skateboards ang iba.
Ngumisi pa si French nang makita ang grupo ng mga lalake saka ako muling tiningnan at natawa.
“You looked scared! It’s not that bad naman Trace since bibigyan naman nila tayo ng time to know our soon to be grooms. Like pwede niyo pang kilalanin ang isa’t isa. Hindi naman magpapakasal agad so don’t worry…” Tinapik niya pa ang aking balikat at ngumiti ng matamis.
Naging okyupado agad ang aking utak sa sinasabi niya. Mahalaga sa kanila ang kultura at iyon dapat ang masunod.
“Hi!” Kinawayan ni French ang mga barkada ni Kuya Brennan kaso bigla siyang tinaliman ng tingin ng kanyang kapatid kaya bumungisngis agad.
Nasa mga apat sila. Lahat ay mahahalata mong nabibilang sa may kayang pamilya at kung paano rin nila dalhin ang kanilang sarili.
Nagtungo kami sa Clubhouse na malapit lalo na’t doon sila madalas magskateboarding at gawin ang tricks nila na para sa akin ay masyadong delikado. Umupo kami sa bleachers ni French habang ang aking mga mata ay natatangay minsan sa tricks na ginagawa ng kaibigan ni Kuya Brennan while skateboarding.
Binitiwan ni French si Kaki at hinayaan itong tumakbo agad sa bermuda grass kung saan may playground rin. Para itong naglalaro roon.
“Iniisip mo ’no?” Tinuro pa ni French ang aking mukha nang mapansing okyupado ako.
Kumurap ako at dahan dahang tumango.
“Wait?!” Nanlaki agad ang kanyang mga mata at natakpan ang bibig. “Don’t tell me may gusto ka doon sa bukid niyo na pinoy and then poor pa! Oh my gosh that’s taboo! Dapat di nalalayo ang estado sa buhay natin and dapat Chinese blood ang guy na mapapangasawa mo!” Overdramatic niyang pagkakasabi.
“H-Huh, taboo?” Lumukot ang aking mukha dahil sa salitang di naman pamilyar sa akin.
Taboo? Eh panligo ko lang iyon sa bukid namin ah?
“Yep… Pag ang pinili mong pakasalan ay hindi naman Chinese then that’s called taboo. Meron kang gusto?!” she asked using her overdramatic tone again.
Umiling agad ako para lang mabura ang kanyang sinasabi sa akin. Oo noon meron pero matagal ko ng ibinaon sa limot ang atraksyon ko kay Israel.
“Wala ’no…”
Aksidente kong nahuli ang mga mata ng barkada ni Kuya Brennan at nag-iwas agad ng tingin sa akin. Si Ryle iyon.
“Alam mo si Ryle parang may crush sa’yo,” sabi pa sa akin ni French at mukhang nahuli niya rin itong nakatingin.
“Di naman siguro…” Tumawa ako at nilingon muli ang grupo nila Kuya na pawisan na at tapos na ata sa skateboarding.
Umiling ng marahas si French kaya nilingon ko itong muli.
“No… He asked me about your number kaya. And I told him na you don’t like boys kaya di ko binigay.” Tinaas baba niya pa ang kanyang dalawang mga kilay habang sinasabi iyon.
Guwapo naman si Ryle at siya ang pinakamalakas tumawa sa magbabarkada. Palangiti ito at mabait rin.
“They’re rich naman but he’s not a Chinese so waley parin. I’m sure kontra si Dad pag di Chinese since it’s taboo. It will bring our family daw into misfortune and such lalo na’t nasa culture natin na ang Chinese ay para sa Chinese,” dagdag niya pa.
Napanguso ako sa pinagsasabi ni French. Pinanood nalang naming magskate si Brennan sa kabuuan ng gym. Iyong mga kaibigan niya ay nagsialisan na kaya kami nalang ang naiwan. Pinatakbo niya pa iyon papunta sa amin ni French saka siya huminto sa aming harapan.
“Wanna try?” tanong niya sa akin.
“No! H’wag kang pumayag, Trace. The last time I tried it nafall ako skateboard and nagkagasgas ang knee ko. Don’t try it.” Maarteng sabi sa akin ni French at marahas pa ang pag-iling.
“Oa ka kasi kaya ka nawalan ng balanse. Nauuna ang kaartehan,” sabi pa ni Kuya Brennan kay French na ngumuso agad.
Tumayo ako at ibinaba ang aking mga paa sa bleachers.
“Sige. Itatry ko…”
“Hold her carefully, Kuya,” sabi ni French na nakahalukipkip na roon.
Hindi na sumagot si Kuya Brennan at nasa skateboard na ang mga mata na pinupwesto niya na sa aking harapan gamit ang kanyang paa.
“Put your feet here,” sabi niya sa baritonong boses at hinawakan ang aking braso.
Humawak naman ako sa kanyang balikat bilang suporta at sinimulang iapak ang isa kong paa roon. Sa dulo naman nito ay naroon ang kanyang paa at pinipigilang gumalaw ang skateboard.
“Don’t bend, stand straight, Trace…” Hinawakan niya ang aking balikat at iginiya iyon para lang tumuwid.
Ngumuso ako at naikuyom na ang aking kamay sa kanyang balikat.
“Tama ba ’to?” Tiningnan ko ang aking paa na ikinatango niya naman.
“T-Teka!” sigaw ko nang ginalaw niya na iyon at nagsimula akong umabante.
“You can use your other foot as your break, Trace,” sabi niya.
Ilang oras niya rin akong tinuruan. At habang nakasunod siya sa akin ay hindi ko na maiwasang itanong rin sa kanya iyong napag-usapan namin ni French.
“Uh, Kuya, may nabanggit si French sa akin tungkol sa fix marriage. Totoo iyon?” tanong ko sa kanya na sumusunod lamang sa akin.
Ang kanyang cold na mga mata ay napunta agad sa akin.
“Totoo,” sagot niya na ikinalunok ko ng laway.
“Talaga? I-Ibig sabihin balang araw ay si Papa rin ang magdedesisyon ng pakakasalan ko?”
Tumango siya at tiningnan ang paa ko sa skateboard. Bumagal lalo ang pagpapatakbo ko. Para nalang iyong paglalakad.
“Ikaw Kuya… Meron ka ring ganoon?”
“I already met mine when I was 18. Dad introduced me to her during a business gathering… Anak parin ng isang business tycoon at kaibigan ni Dad. Our parents decided to pair us both so we have no choice since she’s a pure blood chinese at kaedad lang ni French.”
Nagulat ako roon at napahinto na talaga.
“M-Meron kanang magiging asawa?” gulat kong tanong.
“Yeah… but we’re not in a hurry. It’s about business Trace. Sa mundo ng mga taong business minded, mas mahalaga ang pagpapapalago sa negosyo at pagpasa noon sa henerasyon kaysa sa ibang bagay. Love really doesn’t matter…” Nagkibit pa ito na akala mo ay isang simpleng bagay lang ang pinag-uusapan naming dalawa.
Nilingon ko sa bleacher si French na wala na roon kaya hinanap pa iyon ng aking mga mata at natagpuan ito sa playground na nakaupo na sa swing habang sa kabila naman ay si Kaki na pinasakay niya rin doon.
Ibinalik ko ang tingin kay Kuya.
“Payag ka sa ganoon? Mahal mo iyong babae?”
Sandali siyang tumahimik at binasa ang pang-ibabang labi.
“The culture is more important. ’Tsaka maganda naman iyon at…” May hindi siya naituloy at isang ngisi nalang ang sumunod.
Napakurap ako nang makita ko iyon, mas lalo itong gumwapo at may hawig nga kay Kuya Bram. Iyon nga lang ay wala siyang dimple.
“At ano? Sexy?” Nanliit ang aking mga mata sa kanya na ikinakagat niya ng kanyang labi.
“Yeah… she’s hot.” Nahimas niya ang batok at pilyo na ang sumisilay na ngisi sa kanyang labi habang binabasa niya iyon.
“Maybe we’ll work out… Dad and Mom worked out. Fix marriage lang rin naman sila but look at them, they learned to love each other…” Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay saka ulit nagsimulang maglakad.
Pinulot ko ang skateboard at humabol narin sa kanya. Sinilip ko pa ang kanyang ekspresyon.
“So papayag kang magpakasal kahit di mo mahal?” nacucurious kong tanong.
“Doon ko na pakakasalan pag mahal ko na,” sagot niya.
“Huh? Eh hindi mo nga mahal edi…”
“Nahuhulog ang tao, Trace. Di mo mahal ngayon pero pag nakasama mo at nakilala mo ng mabuti, pwede kang mahulog,” paliwanag niya.
Natutop ang aking bibig.
“Bakit? May gusto ka ba at hindi Chinese?” tanong bigla sa akin ni Kuya na ikinailing ko agad.
Di ko na ’yon gusto ’no…
Hindi na ako nagtaka noong hindi kami pinayagan ni Papa na mag-outing dahil may gatherings daw. Ang alam ko ay mga relatives ang makakasama namin magtitipon lahat ng mga Chua.
Pinuntahan ako ni French sa aking kuwarto sa hapong iyon habang inaayos ni Manang Asing ang buhok ko. Nakaroba pa ako hindi kagaya kay French na bihis na bihis na sa isang gold cocktail dress. Ang kanyang buhok ay naka high ponytail pa habang may suot siyang pearls sa kanyang leeg.
“I look pretty ba, Trace?” tanong niya pa sa akin at nagawa pang umikot.
Ngumisi ako sa imahe niya sa salamin at tinanguan ako.
“Palagi naman, French.”
“Dapat lang since makikita ko na naman iyong mga pinsan kong feeling maganda!” Nag-ikot pa siya ng kanyang mga mata.
“Huh? Di kayo close?”
“Close ko yung iba pero yung iba hindi. Ayaw nila sa akin kaya ayaw ko rin sa kanila,” she said using a bitchy tone..
“Mukhang ayaw rin nila sa akin,” medyo natawa ako kahit na kinakabahan rin ako dahil makikita ko na naman sila. Iyong una kasi ay hindi kami masyadong nagtagal nila Papa dahil birthday lang naman iyon. Ngayon ay mukhang isang party talaga ng buo nilang angkan. Makikilala na ako ng lahat…
“Ganon talaga ang mga babae na nalalamangan ang ganda, Trace. Bigla ka nilang inaayawan dahil nalalamangan mo sila.” Nginitian ako ni Manang Asing sa salamin habang inaayos ang dulo ng buhok kong naiwan at medyo kulot iyon.
Napangiti ako kay Manang saka ko tiningnan ang buhok kong nakabun na.
“I agree…” si French naman na nakalapit na rito sa harap ng salamin at binubuksan na ang aking jewelry box kung nasaan nakalagay ang aking mga kwintas.
Nagbihis din naman ako. Sa tuwing nakikita ko ang sarili sa salamin, talagang naninibago ako sa ayos ko lalo na’t maganda lagi ang damit ko.
“This necklace is pretty! Ito ang suotin mo, Trace!” Lumapit agad si French sa akin na tapos na sa paghahanap ng ipapares kong alahas.
Napakurap ako nang makita ko kung anong kwintas iyong napili niya. Iyan ’yung bigay sa akin ni Israel na hindi ko na sinusuot pa at itinago nalang.
“H’wag ’yan, French. Iba nalang.” Tanggi ko agad lalo na’t nagbalik agad ang mga alaalang ibinaon ko na sana sa limot.
“Huh? But this looks pretty naman ah? It will match your dress…” Nagtataka niyang tanong.
Kinuha ko iyon sa kanyang palad saka ko ibinalik sa jewelry box.
“Something smells fishy ha… Siguro bigay ’yun ng ex mo ’no?” Ngumisi pa siya sa akin at nagawa akong sundutin sa aking gilid.
“Hindi ah. Di ko lang talaga gusto…” Natatawa kong sabi.
“But it looks pretty and elegant! Dapat sinusuot mo ’yon Trace…” Humalukipkip pa siya sa aking gilid.
Ngumuso ako at tiningnan ang kwintas na aking suot na bigay ni Kuya Brennan. Kahit ang mga nagpapaalala sa akin kay Israel ay inaayawan ko na. Ngunit hanggang ngayon, hindi ko itatangging mahirap siyang kalimutan.
Chapter 40
Pangungulila
“Kuya… Look at us. Mas pretty pa kami sa babae mo ’no?” Pagmamayabang agad ni French nang makababa at umikot pa sa harapan ng kanyang kapatid.
Marahan akong tumawa at naaaliw na tiningnan si French. Si Kuya Brennan naman ay supladong nag-angat ng tingin.
“Umikot ka pa nang umikot.”
“Ayoko nga! That’s nakakahilo kaya.” Umirap si French sa kapatid niyang umismid pa dahil sa mga suot namin. Umiling lamang siya, di na kami masyadong tiningnan at ibinalik agad ang tingin sa kanyang cellphone.
Lumapit naman si French sa akin at inilingkis ang kamay sa aking braso.
“That’s why he’s still single kasi who would love him naman kung super suplado siya, ’di ba?” bulong ni French sa akin na ikinatalim agad ng tingin ni Kuya Brennan sa amin.
Ngumuso ako at dahan dahang nag-iwas ng tingin. Madadamay na naman ako sa pinaggagawa ni French.
“Dapat pag tulog na si Kuya Bren, lets make pasok pasok sa kwarto niya and then lets take him a picture habang nakanganga siya and topless while sleeping. Lets spread his ugly picture sa school para maturn-off ang mga fake fangirls niya,” dagdag pa ni French habang patungo kami sa labas.
Naimagine ko agad iyon pero parang hindi naman magmumukhang katawa tawa o pangit si Kuya Brennan.
Nauna kami sa loob ng SUV. Kalaunan ay pumasok narin naman si Kuya Brennan sa front seat, at sumunod naman si Papa na nakatuxedo rin, at si Tita Brenda na nakacreamy long gown at nakabun rin ang buhok. Napakaelegante nitong tingnan at kumikinang pa ang dyamante ng kanyang suot na mga alahas.
Nilingon kami ni Papa sa likod at ngumiti agad ito ng matamis sa amin ni French.
“Oh look at these two gorgeous girls…” aniya na ikinabungisngis ni French. Ngumuso naman ako at nagpigil ng ngiti.
Napalingon narin si Tita Brenda sa akin at pinasadahan lamang ako ng tingin ng kanyang nakakaintimidate na mga mata. Lumunok ako ng laway at halos lumabas ang aking dibdib sa kaba.
“Y-You look pretty po, Tita…” sabi ko para maibsan ang kabang dumadaloy sa aking sistema.
Ngumiti siya pero hilaw iyon. “Thank you. And your dress looks pretty, too.” Saka nahulog ang kanyang tingin sa aking suot at doon lang rin nag-iwas ng tingin sa akin.
Kahit iyon lang ay napangiti na ako. Umaangat pa ang mga kilay ni French sa akin at nang-aasar na naman ang pilyang ngisi. May libro rin kasi akong binabasa tungkol sa tradisyon at kultura ng mga Chinese. Isa sa mga facts nila ay gustong gusto nilang pinupuri ang kanilang imahe. Para sa kanila ay puno iyon ng respeto kung naaappreciate mo ang kanilang imahe.
“Mommy is stubborn. Ayaw nalang talagang sabihin na pati ikaw,” bulong pa ni French sa akin.
Tahimik ang loob ng van. Si French ay busy narin sa kanyang cellphone at panay na naman update sa kanyang social medias.
“Last year lang ang account mo pero may 3, 569 followers kana. And look, umabot sa 1K ang isang solo picture mo na nakaside view ka.” Ipinakita ni French sa akin ang screen ng kanyang cellphone kung saan nakasideview nga ako habang nakahawak ang aking kamay sa likod ng aking ulo at nakatingin sa ibaba. Nakabun ang aking buhok habang ang light brown kong buhok ay natatamaan ng sinag ng araw at ang maputla kong balat ay mas lalong naging malinaw. Siya ang nagpicture niyan noong nasa isang overview kami at siya pa ang nagturo sa akin na dapat ganoon ang aking pose.
Nagulat ako roon. Di ko rin kasi hilig iyong social media kaya minsan ay si French nalang ang nagmamanage para magpost ng selfies ko and such. Minsan rin ako pero puro shots lang rin na mga magagandang bagay ang pinopost ko at hindi talaga ang mukha ko.
“And may 200 plus comments oh. You’re famous like me na ha.” Ngiting tagumpay pa si French nang nagscan muli pababa sa mga pictures ko roon.
Malayong malayo ang nakalakihan kong mundo sa natatamasa ko ngayon. Masyadong moderno.
Dumating rin naman kami sa mismong venue. Nakaheld iyon sa isang isang five star Hotel. Iginiya kami noong babae sa mismong hall kung nasaan magaganap iyong dinner.
May napatingin agad sa amin nang pumasok kami. Ang iilan sa akin ay pamilyar na pero may iilan ring estranghero talaga sa aking paningin.
“Kailangan nating magmano kay Ahma,” bulong sa akin ni French at tiningnan iyong matanda na nakaupo sa parang hugis shell na upuan at masyadong elegante.
Tumango ako at sumunod kay French. Sina Papa at Tita Brenda naman ay nakikipaghalikan na sa sumalubong sa kanila. Napuno ata ang hall na ito ng mga Chua.
“Ahma…” Ngumiti ng magalang si French at nagmano roon na ikinangiti naman ng matanda.
“This is Tracey po, Ahma. You heard about her naman diba…” Nilingon ako saglit ni French saka niya ibinalik ang tingin sa matanda. Nasa tabi ko na ulit ito.
“Oh… Ikaw pala iyon…” Ngumiti ng matamis ang matanda sa akin kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para lapitan ito lalo at magmano.
“You look so pretty, hija… And I heard na matalino ka raw.” Mas ngumisi pa ito sa akin nang magtama muli ang aming mga mata.
“Thank you po…” Isang matamis narin na ngiti ang aking napakawalan. Para akong biglang nabunutan ng tinik. Ngayon ko lang rin kasi ito nameet talaga.
“Yes Ahma. She’s very smart and minsan nagpapatulong ako sa kanya sa projects and many stuff pa…” si French naman na ikinatango tango ng matanda at mukhang namamangha na.
“You heard that? This girl is smart. Mana kay Liam!” anang matanda sa mga kasama niya sa mesa na ngumiti naman agad at nagtanguan.
“She looks very pretty, Mama,” anang babae na kaedaran lang rin ni Tita Brenda.
Napangiti ako at marahang yumuko.
“Thank you, po…”
“Well… Lianna… Looks like magkaedad lang kayo nitong si Trace. Dapat magkasundo kayo.” Tingin niya sa isa pang pinsan ko.
“I will, Ahma,” kalmadong sabi noong babae.
Noong umupo na kami sa aming mesa ay nag-ikot agad ng mga mata si French.
“Yung group of mga gaga iba ang tingin sa ating dalawa. I wish their eyeballs turn into stones para mabulag sila at matigil sa kakatingin ng matalim sa atin,” mahinang sabi sa akin ni French ay pasimple pang nilingon ang lamesa na tinutukoy niyang mga pinsan naming babae.
Pagkatapos naming kumain ay nagwa-wine na iyong mga matatanda kaya naseparate na kami sa kanila at nasa may sofa nalang. Si Kuya Brennan ay nakatayo at kausap iyong iba pa naming mga lalakeng pinsan malapit doon sa glass wall habang nakapamulsa ito at nakasandal lamang doon.
May dumaan na waiter kaya kumuha ng dalawang glass of wine si French at ibinigay sa akin.
“Light drink lang ’yan, don’t worry,” aniya nang napansin niyang tinitigan ko pa iyon.
Tumango ako at sumimsim ng kaonti roon. Nahagip pa ng aking mga mata iyong Lianna na may disgusto ang mga mata sa akin.
“Ignorante,” bigkas niya na nabasa ko sa kanyang labi saka siya nag-iwas ng tingin at ibinalik doon sa iba naming pinsan na may pinag-uusapan.
Ibinaba ko iyon at nilingon si French na kausap na iyong isa pa naming pinsan na si Keisha. Tumagilid pa ang ulo nito at tiningnan ako.
“Alam mo French… Siguro kung half blood din tayo… ganyan rin kaganda ang mga mata natin parehas kay Tracey,” sabi niya at ngumuso pa.
Nilingon ako ni French.
“Well, pretty naman ako kaya I don’t mind if masyado akong singkit.” Pilya pa siyang ngumisi.
Tumayo naman si Keisha dala dala iyong glass of wine. Tumabi siya sa akin kaya napunta sa kanya ang buo kong atensyon.
“Pure na Filipino ba ang Mommy mo? Or may dugong espanyol?” she asked curiously and blinked twice.
Napisil ko ang aking pang-ibabang labi habang nalalaglag ang aking tingin sa tube top niya at ang magandang kwintas na suot nito.
“Uh…”
“Pure na malandi,” sagot ng kung sino at nang lingunin ko ang boses na iyon ay iyong Lianna na.
Kahit si French ay nagkakasalubong agad ang kilay nang tiningnan niya rin ito.
“I can smell your perfume with a brand of insecurity, Lianna. Change it. It smells like trash,” hirit agad ni French gamit ang mataray niyang pananalita kaya hinawakan ko agad ang kanyang braso para lang awatin ito.
Noong marinig rin iyon ng iba pa naming mga pinsang babae na nandito lang rin ay natuon agad sa akin ang kanilang tingin.
Lianna’s face wrinkled. Ang galit ay makikita mo na roon.
“Tama na, French,” mahina kong sabi sa kanya.
“Oo nga. Pag narinig kayo ni Ahma mapapagalitan talaga kayong dalawa,” si Keisha naman at pabalik balik ang tingin sa dalawa.
“So nasan na ang Mom mo?” iyong isa sa mga pinsan namin ang nagtanong noon sa akin.
“Nasa bukid,” sagot ko sa kanya at ngumiti ng pilit.
“Anong work niya?” iyong isa namang nasa right side ni Lianna at naka floral dress at nakabun rin ang buhok.
“Nagbebenta siya ng bulaklak,” sagot ko.
“Huh? May flowershop siya?” Iyong Niña.
Umiling agad ako. “Hindi. Sa bangketa lang eh at tinitinda niya sa bayan…”
“Mom told me her mother is poor kaya nga nasa puder siya ni Tito Liam kasi di siya kayang buhayin ng Mom niya,” si Lianna.
“Naghahanap ka lang ng pangit sa kanya dahil wala kang mahanap na pangit sa kabuuan niya. Yuck, Lianna. Your stupidity is too much to handle!” Tumawa pa ng pilya si French sa aking tabi na ikinagigil lang noong pinsan namin.
Isang hilaw na ngiti nalang ang aking naisagot at ayoko nalang magsalita. Kung hindi ako nagkakamali, malas sa kanila pag pinag-uusapan ang pagkamatay ng isang tao sa mahalagang okasyon kaya sinisikap ko nalang na itikom ang aking bibig.
Nagpaalam nalang ako na pupunta muna ako sa powder room. Napadaan pa ako sa lamesa nila Tita Brenda kasama iyong Mommy ni Lianna na si Tita Alliana.
“Nagpapasok ka ng malas sa bahay niyo, Brenda. If I were you, I won’t accept the child! Baka kung anong kamalasan lang ang dala noong batang iyan,” narinig kong sabi nito na nagpaloosen ng aking balikat.
“Wala akong magagawa Alliana. Liam wants the child to stay. At isa pa, mabait naman kaya hinayaan ko nalang. You know Liam… dapat masunod ang gusto noon kahit ayoko talaga,” si Tita Brenda.
“Nabilog nga talaga ng ina niya si Liam.”
“Sad to say but I left with no choice. In the near future baka mapakinabangan ko rin ang batang ’yan for business matters. Since kasundo niya rin ang anak kong si French. Hayaan nalang…” si Tita Brenda sa kalmadong boses.
Hindi ko na hinintay ang susunod na sasabihin noong ina ni Lianna at mas binilisan ko na ang aking paglalakad. Lumabas agad ako sa mismong hall at nagtungo sa malapit na rest room dala ang mabigat kong nararamdaman.
Pumasok ako roon at tiningnan sandali ang aking mukha. Isang pagod na ngiti ang aking napakawalan.
“Di mo naman mapipilit lahat ng tao na magustuhan ka, Trace… Okay lang ’yan. Wala ka namang ginagawang ikakasama nila.”
Bumuntong ulit ako ng hininga at naghugas ng aking kamay. Ayoko na atang bumalik doon sa loob at gusto ko nalang manatili ako sa lobby.
Kaya noong lumabas ako ay nagpaalam nalang ako kay Papa na doon lamang ako sa labas lalo na’t may garden doon. Tumango naman siya kaya natuwa agad ako habang tinatahak ang daan palabas.
Madilim na at ang mga lanterns na nakasabit sa itaas nalang ang nagbibigay ng ilaw sa kabuuan.
Nagtungo ako sa parang stool na maliit na nakapalibot sa isang pabilog ring mesa. Umupo ako at humilig doon.
I realized that no matter how much I hate the darkness, I will always be comforted by it.
Tumingala ako sa kalangitan at nakita ang mga butuing kumikislap. Napangiti ako.
Natigil ako sa aking pinag-iisip nang may maramdaman akong malambot at komportableng tela sa aking magkabilang balikat. Nilingon ko ang aking gilid at natagpuan ko ang imahe ni Kuya Brennan na nakapamulsa. Ang kanyang coat ay nakapatong na sa aking likod.
“It’s cold. Why are you here?” tanong niya habang tinitingala ang langit at tanging puting polo nalang ang suot.
“Gusto ko lang magpahangin, Kuya…”
“Magpahangin o mapag-isa?” Nalaglag ang kanyang supladong mga mata sa akin at umangat agad ang kilay.
Ngumuso ako at itinuon sa kalangitan ang aking mga mata. Nahawakan ko ang gilid ng aking leeg habang nakahilig parin ako sa lamesa.
“Napagtanto ko lang na mas komportable na pala ako sa dilim….”
Hindi ko na isinatinig ang iba ko pang naisip. I smiled weakly while watching the stars. Katulad ng bituin… tahanan ko narin ata ang dilim.
“It’s okay to be alone sometimes since you’re surrounded with toxic people,” aniya at umupo roon sa harap ko.
“Grabe naman iyong toxic people,” marahan akong natawa sa kanya.
“Hindi lang ang mundo ang polluted kundi pati narin ang utak ng mga tao. Marumi, makitid at minsan ay wala pang laman,” dagdag niya pa.
Marahan akong natawa. His head tilted and watch me closely. Tahimik niya akong pinagmasdan habang tumatawa ako.
Tumingala ulit ako at inilagay ang dalawa kong palad sa magkabila kong pisngi. I smiled sweetly.
“Okay lang na hinuhusgahan nila ako. Sanay narin naman ako e… Di narin ako nalulungkot dahil ganoon naman talaga ang buhay ko.”
“Kung anong ikinapilya ni French ay iyon naman ang ikinainosente mo. Akala ko pag nadikit ka doon ay magiging kauri mo na ang maarteng iyon pero mukhang wala namang nagbago sa’yo simula noong dumating ka sa bahay.”
Sumimangot agad ako noong maalala ko ang araw na sinupladuhan niya ako. Naiyak pa ako sa kanyang harapan.
“At ang suplado mo parin…”
Nagkibit siya habang ginagalaw galaw ang mga daliri sa lamesa.
“Pero salamat Kuya Brennan at natanggap mo ako bilang kapatid.” Nginitian ko siya ng matamis.
Umangat lamang ang kanyang kilay at tumingala ulit sa langit.
Sa tuwing kasama ko si Kuya Brennan at kausap ko ito, pakiramdam ko ay si Kuya Bram narin ang kasama ko at hindi lamang ngumingiti. Natutuwa ako pero nangingibabaw parin ang lungkot dahil sa pangungulila.
Chapter 41
Madilim At Misteryosong Mga Mata
“Trace, hija, come here!” si Ahma nang pumasok kami ulit ni Kuya sa loob.
Nagkatinginan kami saglit ni Kuya Brennan. Tinanggal ko sa aking likod ang kanyang coat at ibinigay iyon sa kanya.
“You’ll be fine. Nandiyan naman si Dad,” aniya at napansin siguro sa aking mga mata ang takot.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Nagtungo rin naman ako sa mesa nila. Tinapik ng dalawang beses ni Ahma ang katabing upuan at doon ako pinaupo. Ang mga mata agad ng naroroon ay napunta sa akin. Si Papa ay nasa kanang bahagi ng mesa katabi si Tita Brenda, si Tita Alliana na katabi siya, ang kanyang asawa, si Tita Melissa sa kabila, ang kanyang asawa ulit at iyong tatlo pang mag-asawa na hindi na masyadong pamilyar sa akin.
“Itong bunso mo masyadong maganda, Liam. Look at her innocent face!” si Ahma na ikingiti ko agad.
“Salamat po…” Marahan akong yumuko habang ang aking mga kamay ay nasa aking kandungan.
“Guwapo naman si Liam, saan pa ba magmamana?” sabi ni Tita Brenda at ngumisi pa.
“This girl has a bright future! Nalaman ko at matalino raw ito! French told me she’s doing great in school!” si Amah at kitang kita sa mukha ang pagmamayabang.
“Oh well, Mama… You know me…” si Papa naman na ngumisi pa at agad ikinahalakhak ng iilang mga lalake na naririto at hindi nalalayo ang edad kay Papa.
“Buti nalang at kay Liam nagmana…” si Tita Alliana at iba na ang ngisi.
Nagkasalubong pa ang aming mga mata na agad ko ring iniwas at itinuon sa mga wine glass sa harapan. Ang kamay naman ni Amah ay nasa aking likod na at nakadampi roon.
“So tell me… What course are you planning to take this coming school year?” tanong nito.
“Uhm…” Nilingon ko sandali si Papa na tumango pa sa akin at kinakausap ako sa pamamagitan ng aking mga mata na sabihin ko lang ang gusto kong sabihin.
“Gusto ko po iyong makakatulong sa pagpapatayo ko ng ano po… flowershop sa future kaya ano… gusto ko pong magbusiness ad… at finance po sana…” sagot ko na ikinakurap nito.
“Oh… So you want a flowershop?”
Tumango agad ako at ngumiti.
“She loves flowers, Mama,” si Papa na ikinalingon saglit ni Amah sa kanya pero ibinalik rin naman sa akin.
“Flowershop is good huh!” si Tita Mellisa.
Tumango tango si Tita Brenda pero hindi na nagsalita habang ang mukha ni Tita Alliana ay parang lumukot.
“But isn’t it too… simple? Lianna is planning to take Business Finance, too, pero ang plano niya ay isang Mall in the near future. Flowershop is just too…” Tita Alliana’s voice trailed as her face wrinkled in dismay.
“Ayaw mo pa ba ng ibang kurso, hija?” tanong sa akin noong isa sa mga babae na hindi ko natandaan ang pangalan at ina noong dalawang batang nagtatakbuhan sa may bandang sofa.
“W-Wala po kasi akong maisip na iba bukod doon…” sagot ko sa mahinang boses.
“Brenda, you should guide her baka nahihirapan itong si Tracey sa kukunin niyang kurso,” nag-aalalang sabi ni Amah na ikinatango naman ni Tita Brenda.
“I will, Mama. Medyo busy rin kasi kami ni Liam kaya wala na kaming gaanong panahon sa mga bata…” Hinuli ni Tita Brenda ang aking mga mata at mukhang may kahulugan na iyon.
“Maybe Tracey will make-up her mind since it’s still summer. Matalino naman iyang anak ko. I’m sure she’ll think what’s best for her in the future,” si Papa.
“But Liam, you still need to guide her well. Purket nasa tamang edad na ay alam na ang makakabuti sa kanya. Baka iyong gusto niya ay hindi naman makakatulong sa kanya sa future at masasayang lang ang kanyang pag-aaral sa mahal na eskwelahan,” si Tita Alliana na sinipat pa ako ng tingin pero ibinalik agad kay Papa.
Natahimik si Papa at mukhang nag-iisip na ng malalim. Ang iilan ay tumango rin at mukhang sang-ayon sa sinasabi ni Tita Alliana.
Naisip ko tuloy iyong plano naming dalawa ni Mama pag nakapagtapos ako ng pag-aaral. Magpapatayo kaming dalawa ng flowershop at siya parin daw ang mag-aarange at ako naman ang magpapasweldo sa kanya. Noong mga oras na iyon ay nangangarap na kaming dalawa ng malaki ni Mama, pero noong sinabi ko na iyon ang gusto ko sa future, noong pinangalanan nila iyong ‘simple’ napagtanto ko na ang malaking pangarap na iyon ay masyado lang palang mababa sa kanila.
Noong sumunod na isinama ulit kami ni Papa sa isang gathering ay puro mga businessman naman ang nakasalamuha ko. Madalas ay kay French ako dumidikit na panay rin ang kantyaw sa mga anak noong kasosyo ni Papa.
“The one who’s sitting next to him is guwapo naman pero walang dating. He’s plain and boring…” Nailing iling pa si French nang inangat niya ang wine glass at sumimsim doon.
Ang mga lalakeng naririto ay hindi nalalayo ang edad kay Kuya Brennan at lahat sila ay mga singkit pa.
Tiningnan ko ang kinaroroonan ni Kuya Brennan at nakita ang babaeng kasama niya sa isa ring lamesa. Maganda ang babae. Singkit, maputi, payat at nakaponytail ang ayos ng buhok suot ang isang puting dress. Para lang silang nag-uusap sa kanilang mga mata at si Kuya itong nilalaro lang ang kanyang daliri sa kanyang hita at doon tumatapik tapik.
“See? Boring talaga si Kuya…” sabi ni French nang mapadpad rin ang kanyang mga mata roon.
“Baka naman naaawkward lang sila,” sabi ko.
“Of course not! Years na sila magkakilala ’no and wala talagang progress. Si Kuya naman kasi parang stick. Like hello, sinong girl ang kakausap sa stick figure?” Maarte niyang sabi kasabay ng pag-iikot ng kanyang mga mata.
“Paano kung di nila nagustuhan ang isa’t isa? Hindi ba itutuloy ang pagpapakasal nila?” Nilingon ko ito na humarap narin sa akin at tinantanan na ang lamesa nila Kuya.
“They have no choice but to work-out. Malaki kasi ang tulong ng parents noong girl sa business natin if ever nagmerge at idagdag pa na panganay at lalake si Kuya Brennan. Wala siyang magagawa kundi pumayag talaga sa gusto nila Mommy at Daddy.”
“Pero pwede bang magpakasal kahit hindi niyo mahal ang isa’t isa?” Nalulungkot kong tanong na ikinatawa niya ng pilya.
“Marriage is just a piece of paper for business minded, Trace. Well… Own opinion ko lang iyon pero love is not important for them. Aanhin mo ang pag-ibig kung nalugi ka naman. Ganoon ata ang tumatakbo sa isip nila.” She even grimaced while saying it.
Nilingon ko ulit ang mesa nila Kuya at wala ngang nagbago. Ang babae ay nakahalukipkip roon at gumagala pa ang mga mata.
“Trace, French, you two!” Boses iyon ni Papa kaya kapwa kami napalingon ni French sa lamesa nila.
Tumayo rin naman kaming dalawa. Si Papa ay ngumisi sandali roon sa isa niyang kabusiness partner.
Napalunok ako at naisip agad ang mga sinabi ni French na ipapair kami sa mga anak ng kasosyo ni Daddy. M-Meron na bang napili si Daddy para sa akin?
“Ang gaganda ng mga anak mo, Liam,” namamanghang compliment sa amin noong nakaglasses na intsik at may katabing lalake na kaedaran lang ata namin ni French.
“Saan pa ba magmamana?” Tumatawang sabi naman ni Tita Brenda at nilingon kami ni French.
Ngumisi ng pilya si French habang ako naman itong pinaglalaruan na ang aking mga daliri.
“This is my daughter, Tracey and French…” Pagpapakilala ni Papa na ikinatingin agad noong lalake sa amin, sa akin…
“And this is my son Jackson,” anang matanda at tinutukoy iyong katabi niyang kaedad naming lalake.
Tumayo naman iyong lalake saka naglahad ng kamay sa akin. Ilang sigundo ko pa iyong tinitigan at kung hindi lang ako siniko ng palihim ni French ay hindi ako matatauhan. Nakipagkamay ako sa kanya.
“Jackson,” sabi niya sa baritonong boses.
“Tracey…” sagot ko at tipid na napangiti.
Bumitaw rin naman siya at naglahad rin ng kamay kay French na pilya rin itong nginitian.
“Jackson is hot ’no?” Bumungisngis si French noong gabing matutulog na dapat kami pero heto siya sa kuwarto ko at topic ay mga lalake.
Hinila ko ang makapal kong kumot at pumasok na roon.
“Okay lang naman siya,” sabi ko kay French.
“Huh? Anong okay? He’s more than okay ’no! He’s very manly and very attractive pa! Malabo na ba ang mga mata mo Tracey?” Humalukipkip si French sa paanan ko. Naroon siya, nakaupo na parang palaka suot ang pantulog na dress at nakalugay rin ang tuwid na buhok niyang mahaba.
Kinuha ko ang libro ni Kuya na binabasa ko tuwing gabi bago matulog. Naroon pa ang nakaipit na sulat ni Mama kaya kinuha ko iyon at inilagay sa bedside table para hindi mahulog.
“Okay lang naman si Jackson,” ulit ko pa at hindi inalis ang mga mata sa libro.
“What’s your definition ba when it comes to hot and sexy guys? I think you have a bad taste sa lalake.”
Natigil ako sa paglilipat ng pahina dahil sa tindig ng iisang lalakeng sumagi sa aking isipan.
Makulit si French at ayaw akong tantanan sa bagay na iyon. Kaya kahit first kiss, tinatanong niya at gusto pang matulog sa kuwarto ko para makapag-usap kami tungkol sa boys.
“Meron na?! Oh my gosh… Sino?” Overeact niya nang masyado akong natagalan sa pagsagot.
“Ano si… Pero matagal narin kasi ’yon kaya nakalimutan ko na.” Alibi ko nalang lalo na’t sa…pisngi lang din naman iyon.
“Nakalimutan mo ang first kiss mo? Is that even possible? But wait… Tagabukid ba?! Yuck! You let some cheap tagabukid kissed you! Dapat lang na kalimutan mo since it’s not that worth it naman pala!”
Inaya ko nalang na matulog si French para matigil na ito sa kakadaldal. Sumisingit pa si Kaki sa tabi at sumisiksik kaya tatlo na kami sa aking kama.
Business Finance ang kinuha kong kurso sa ADDU o Ateneo de Davao University at hindi na nagbago ang aking utak.
“Alam mo ba ang ibig sabihin nito, Trace?” Nanlalaki ang mga mata ni French habang papunta kami sa school noon dito sa backseat.
“Huh?” Clueless kong tanong.
“May night life na tayo! We can start partying at night na! We can drink and we can go to bars na!” she exclaimed happily while clapping.
My college life is fun because of French. Noong una nangangapa ako ngunit habang tumatagal, lalo na noong third year na, mas naging natural na ang lahat sa akin.
May ibang mga subjects na kaklase ulit kami ni French pero may iba ring hindi. Tuwing lunch ay kumakain lang kami sa malapit na restaurant sa labas ng school at babalik rin naman papasok. Naging habit ko narin ang masanay sa karangyaang tinatamasa at hindi na ako naiignorante.
“Alam mo Trace… You change alot na talaga…” biglang sabi sa akin ni French noong pumasok kami sa cr para lang magretouch.
Natigil ako sa paglalagay ng lipstick sa aking labi at tiningnan ito sa salamin.
“Huh? Nagbago ba ako?”
“I mean in a good way! You know how to carry yourself na unlike last years na you’re struggling pa and tinuturuan pa kita. Noon ang creepy and baduy mo pa manamit and you don’t even know how to pair your shoes with your outfit pero ngayon you always stand out narin! I’m proud!” Nasapo niya ang kanyang dibdib at bakas sa ekspresyon ang pagkamangha.
Tumawa ako ng marahan saka ko pinasadahan ang aking buhok na natural na wavy.
“Salamat at pinagtiisan mo akong turuan noon,” sabi ko.
“You’re my half sister kaya it’s alright ’no!”
Nagtawanan nalang kami sa loob noon. Kung hindi nga rin naman dahil kay French ay nangangapa pa siguro ako hanggang ngayon. Baka palagi na akong napapagalitan ni Tita Brenda dahil mali mali ang kilos ko.
“Ang guwapo noong nasa labas! What’s his name kaya?”
“I don’t know but he looks like nakakatakot eh! Pero ang hot!”
“Ilang araw narin siyang naroon ah! Pakain kain!”
Takang taka ako sa mga babaeng napadaan sa aking gilid habang palabas na ako ng huli kong subject at vacant time ko na. Bago pa ako makapunta sa library ay nagbeep na ang aking cellphone.
Huminto ako at kinuha sa bag kong nakasabit sa aking braso saka ko tiningnan ang cellphone kong may text galing kay French.
French: Where are you?
Nilingon ko ang aking kinakatayuan at nagtipa rin ng mensahe.
Ako: Nasa may tapat ng library.
Agad namang nagreply si French kaya naantala rin ang aking pagpasok.
French: Hurry up and meet me dito sa may 1st gate. Bilis later ka nalang magpakanerd!
Kahit nagtataka ay nagtungo rin naman ako sa kanyang kinaroroonan. Pagdating ko doon ay sinalubong niya agad ako noong mga nakalap niyang balita.
“Alam mo bang may sobrang guwapo raw at napakahottie na kumakain sa labas ng school! Doon sa may dirty food!” Overeacting niyang pagkakaexplain.
Ang tinatawag niyang dirty food ay iyong nasa labas malapit sa 1st gate na puro street food ang tinitinda. Klase klase iyon katulad ng kwek kwek, fishballs, kikiam, buko juice at isaw.
Bago pa ako makasagot sa kanyang mga lintanya ay hinila na ako ni French palabas ng gate hanggang sa bumungad ang Roxas market na nasa harap lamang kung nasaan ang klase-klaseng stall ng mga streetfood. Napansin ko nga ang mga babaeng estudyante na parang may pinagkakaguluhan at sinisilip doon.
“Give us space! Tabi kayo…” Pinaghahawi ni French ang iilang mga estudyanteng nakaharang habang hawak hawak ang aking pulso na kusa rin naman kaming bibigyan ng espasyo.
“Oh my frigging gosh! My panty just dropped!” sigaw ni French sa nanlalaking mga mata.
Isa lang naman ang lalakeng kumakain doon kaya hindi rin ako nahirapang tingnan kung sino ang kanilang tinutukoy. Ang pamilyar na nakapamaywang at may hawak na stick habang kumakain ng fishball ay walang iba kundi si…
Sa ilang sigundo,dahan dahan itong lumingon sa aming gawi na ikinatili ng iilan at kahit si French ay nasapo ang kanyang dibdib. Ang aming mga mata ay mabilis na natagpuan ang isa’t isa at sa mga taong lumipas, alam ko na agad kung sino ang nagmamay-ari ng madilim at misteryosong mga matang tumitig sa akin.
Chapter 42
Fishy
Ang kumakain ng mga street food sa tapat ng aming eskwelahan at pinagkakaguluhan ng mga estudyante roon ay walang iba kundi si Israel!
Hindi ako pwedeng magkamali! Kahit bagong gupit na ang kanyang buhok at hindi na iyong nakatali, siya parin iyon!
My knees trembled as I walked away. Kahit tinatawag ako ni French at bumalik doon ay sinikap kong ilayo ang aking sarili. B-Ba’t siya nandito? At sa lahat ng kakainan niyang mga street food ay sa tapat pa ng eskwelahan ko!
“Trace, wait! Why did you left ba?” Inis na humabol si French sa akin.
Nadatnan niya ako at mabilis na humarang sa aking harapan.
“Uhm, may kailangan pa kasi akong iresearch, French,” alibi ko na ikinabusangot niya at nakahalukipkip na.
“What? Later nalang ’yan. Let’s eat some dirty food. Tara!” Hinila niya ang aking pulso kaya mabilis ko agad iyong binawi.
Nagulat siya roon at nilingon ako.
“Di ka naman mahilig sa ganoong mga pagkain ’di ba? Madudumi ’yon, French.” Pagpapaalala ko para magbago ang kanyang isip at h’wag ng pumunta roon.
“I know! But I’m willing to eat dirty food just to see that guy closely! Ang guwapo guwapo niya kahit malayo pa and I’m sure mas guwapo iyon pag malapit ka sa kanya. Isugod mo nalang ako sa hospital right after pag na food poison ako.” Bumungisngis pa siya.
Isang pilit na ngiti ang aking naibigay.
“Sorry French pero mas mahalaga talaga ang subjects ko eh. Kailangan ko talagang magresearch…” tanging sagot ko na ikinabuntong niya ng hininga at nakanguso na.
At isa pa, third year na kami. Isang taon na lang at gagraduate na. Ayoko namang…ma-distract sa pag-aaral dahil lang may biglang sumulpot.
“Sige ha pero next time samahan mo ako doon.”
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Baka naman naisipan niya lang na kumain noong oras na iyon ’di ba? Baka bukas ay wala na siya roon. Oo nga. Hindi niya naman siguro ako namukhaan kanina…
Kaso ang mga pinag-iisip ko ay gumuho rin nang halos isang buwan na siyang tambay roon at pakain kain parin ng street food sa labas! Nang dahil sa kanya ay nagkakainteres narin ang mga mayayamang estudyanteng kumain doon para lang malapitan ito. Pero may parte rin sa kanila ang natatakot dahil kakaiba raw ang kanyang mga mata.
May mga sumubok na kumain daw doon pero di daw namamansin. Masyadong suplado at pakain kain lang talaga ng mga street food. Ang tangi lang daw noong kinakausap ay iyong lalakeng vendor pero ang mga babaeng nagtatangka siyang kausapin, dedma na daw.
Si Israel nga iyon… Suplado talaga siya at cold! Hindi ako makapaniwalang nandito lang siya para kumain kain tuwing hapon na akala mo ay suki na noon kaya pabalik balik na.
“Hindi ka parin free ngayon para kumain tayo ng dirty food?” tanong sa akin ni French nang mamataan niya ako sa vacant time ko.
Umiling ako. “Marami akong gagawin eh…”
“I hate you na talaga! Kahit minutes lang naman! Why are you like this ba?” Inis niyang pinadyak ang isa niyang paa.
“Next time nalang, French. Or pwede kang magpasama roon sa circle of friends mo,” sabi ko sa kanya.
“But I want you! Last month pa kita niyayaya!”
Ngumuso ako. Actually wala naman talaga akong research ngayon at wala na akong gagawin kaso nirarason ko nalang ito para di niya ako mayaya roon sa 1st gate.
“Tracey! Please… Minsan lang ako humingi ng favor…” Hinawakan ni French ang aking pulso at inalog alog pa iyon. Ang kanyang mga mata ay namumungay na at gustong gusto talagang pumunta roon.
Tumayo ako at kinuha ang aking Chanel bag saka siya hinarap.
“Sige na nga…”
“Oh my gosh! Thank you!” Niyakap niya ako sa sobra niyang tuwa na ikinatawa ko nalang.
Pagkatapos noon ay kinaladkad niya na ako palabas. Pagtawid pa lamang, nang makita ko ang tindig ni Israel, akala mo international model dahil sa makapal na kilay at bagong ayos ng kanyang buhok, halos mapalunok ako dahil lumala lamang ang rahas sa titig niya. Ngunit napaka…gwapo niya pa rin.
“Excuse us! Excuse us! We’re gonna buy!” Pinagtutulak pa ni French ang ibang mga estudyanteng naroon at bumibili pero panay ang lingon kay Israel na nasa gilid lang noong vendor at panay ang subo ng fishballs.
Napunta kaming dalawa sa harapan noong vendor. Sa gilid naman noon ay ang lalakeng nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa aking loob. Ang aking mga mata ay nanatili roon sa kumukulong mantika.
“Manong, how much po ba?” tanong ni French sa vendor.
“Alin ba dito ang gusto mo?” tanong naman noong vendor.
“Yang katabi niyo.” Bumungisngis agad ng pilya si French na ikinanguso ko at nasa mga nakahelera ng paninda ang aking tingin.
Wala akong lakas na mag-angat ng tingin sa kanya lalo na’t ramdam ko ang mga pares niyang mga matang nasa akin.
Para makumpirma kung kanino siya nakatingin—o kung sa akin ba, dahan dahan kong inangat ang aking tingin hanggang magkasalubong ang aming mga mata. Ngumuso siya at nagpigil ng pilyong ngiti habang sumusubo ng fish ball.
“Nako… Gusto ka ata ni Miss Ganda…” Tumawa iyong vendor at binalingan si Israel na dahan dahang ngumunguya at hindi man lang sumagot.
“Hey!” Kinawayan agad ni French si Israel na mabilis na nagbago ang ekspresyon noong magawi ang kanyang mga mata sa aking kapatid.
“Anong name ng kinakain mo?” tanong ni French sa malambing na boses.
“Balls,” supladong sagot ni Israel at tumusok muli ng panibagong fishball.
Ayan oh! Di pa nga alam ang pangalan! Pakain kain tapos di alam ang pangalan… May iba talaga siyang sadya rito.
“Fishball, French,” sagot ko kay French na sabay nilang ikinalingon sa akin.
“What? Fish?! You mean that is isda?” Ngumiwi na si French at halata agad ang pangdidiri sa mukha.
“Masarap naman ’yan…” sabi ko at ngumiti.
Kitang kita ko ang pagnguso ni Israel at mukhang nagpipigil na naman. Nilingon ko siya kaya sumeryoso agad ang mukha at binasa pa ang pang-ibabang labi.
“Suggest ka nga anong kakainin ko?” tanong ni French kay Israel na sumuplado agad ang mukha.
Itinuro niya lang ang kumukulong mantika na ikinagulat naming dalawa ni French. Ang sama parin talaga ng ugali nito!
“Huh?! But that’s mainit!”
Tumawa ang vendor at naaaliw ata kay French.
“French tayo na…” Hinawakan ko ang kanyang braso para lang umalis na kami roon dahil wala naman siyang binibili at daldal lang ng daldal kay Israel na di siya pinapansin.
“Wait lang, Trace,” sabi niya at ibinalik ulit ang tingin kay Israel.
Ngumuso ako at hindi na tiningnan si Israel. Gusto ko rin sanang kumain pero parang ang hirap lumunok.
Nawili na si French kakabalik doon at kakadaldal kay Israel. Sumasama ako pero minsan ay hindi na dahil rin ayoko na itong makita pa. Naaasiwa lamang ako sa kanyang paninitig sa akin.
“Crush ko na talaga ’yon! I can’t imagine na may guy pa palang ganoon ang tindig!”
Isa iyon sa palaging lintanya ni French sa backseat na kahit si Kuya Brennan ay rinding rindi na at nag-eearphone nalang.
“What’s his name kaya? He looks rich ha! May girlfriend kaya siya?” tanong ni French sa kanyang sarili habang nakatingala sa bubong ng kotse.
Walang nakakaalam sa pangalan ni Israel ni isa sa mga estudyante roon. Lahat sila ay gustong malaman ni katiting na impormasyon pero kahit isa ay wala silang makuha dahil pati iyong vendor ay wala ring alam o ayaw lang rin siguro nitong sabihin.
“Pero hindi naman iyon Chinese, French,” sabi ko para madiscourage siya at huminto na kakapunta roon.
“I don’t care, Trace! He’s so guwapo! Gusto ko talaga siya! Kahit naiinis ako sa mga suplado like Kuya I love them na! Ang hot hot niya and his hair is so attractive! Iyon nga lang… his eyes are very mysterious and very dark kaya nakakatakot. But overall, he looks like a frigging Adonis!”
Nag-iwas ako ng tingin kay French at itinuon iyon sa labas ng bintana.
Tuwing Tuesday ay hindi na parehas ang vacant time namin ni French. May klase ako habang bakante naman ako. Papunta na ako noon sa library nang tumawag si Kuya Brennan sa akin.
Tumigil ako at sinagot iyon.
“Where are you?” tanong niya sa baritonong boses.
“Uhm… Nasa tapat ng library Kuya…”
“Have you eaten your lunch?” tanong nito.
“Ah… Hindi pa pero di naman ako guto-”
“Come here. Nasa entrance ako,” putol niya na ikinalaki ng aking mga mata.
Huh? Ba’t doon? Balak niya rin bang kumain doon sa street food? Pero di naman mahilig si Kuya sa ganoon!
May sasabihin pa sana ako kaso binaba niya na ang tawag kaya nagmadali akong pumunta roon. Nadatnan ko itong supladong suplado at mukhang may kinaiinisan. Nang makita ako ay kumalma sandali pero nababasa mo parin sa kanyang mga mata ang pagiging irita.
“Kuya?” nagtataka kong tanong habol habol ang aking hininga.
“Let’s eat outside.” Hinila niya ang aking pulso at kinaladkad na ako palabas.
“Huh? Bakit? Ayaw mo sa cafeteria?” tanong ko habang tinitingnan ang likod niya pero di na ako pinakinggan nito.
Paglabas namin ay tumawid agad kami. Hawak hawak parin ni Kuya ang aking pulso habang nakalebel na ako sa kanya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko na naman ang imahe ni Israel doon at kumakain na naman ng fishball. Sinikap kong hindi ito lingunin kahit na napapansin kong natatangay ko na ang kanyang mga mata.
May malapit doon na Restaurant kaya pumasok kaming dalawa ni Kuya. Umupo kami sa table kung saan malapit sa grupo ng mga babaeng kaparehas ko lang ng uniporme. Nagtatawanan sila at may mga lalake ring kasama.
Umigting ang panga ni Kuya at mas naging suplado pa. Noong lumapit ang waiter ay naglahad ito ng menu na ako nalang ang kumuha at ibinigay kay Kuya na nasa grupo noong mga kumakain ang kanyang tingin.
“Kuya…” tawag ko.
“Order anything for us, Trace,” sabi niya.
Ngumuso ako at pinasadahan ng tingin ang mga pagkain doon. In-order ko nalang iyong alam kong paborito niya at isa rin para sa akin.
Habang naghihintay na maiserve ang pagkain ay parang inis na inis parin si Kuya at panay ang pagtatap ng kanyang mga daliri sa lamesa. Tatanungin ko sana kung may problema ito nang may kumuha rin ng aking atensyon.
Si Israel na kakapasok lamang at gumala agad ang mga mata. Yumuko pa ako para lang hindi niya ako makita kahit na hindi naman ako sigurado kung ako ba ang kanyang hinahanap.
Ilang sandali lamang ay nasa katabi na namin itong table at kalmadong umupo roon. K-Kakain siya rito? O baka naman sinusundan niya ako? Kasi kakakain niya lang doon sa street food ah! Nakakapangduda na talaga ang isang ’to!
“Diba siya iyong guwapo na pinagkakaguluhang kumakain ng street food sa labas ng school?” Isa sa mga estudyante ang narinig kong may sabi noon.
Itinuon ko ang tingin sa kanila at may napansing pamilyar na babae roon. T-Teka… Siya iyong fiancee ni Kuya ah? Hindi kaya…
“Sinusundan mo ang fiancee mo Kuya?” pabulong kong sabi kay Kuya at sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagkairita ni Israel nang lumingon ito rito.
Humilig si Kuya sa mesa at mas sumuplado ang mukha.
“Ayaw sumabay ng lunch sa akin,” inis niyang sabi sa akin na ikinatawa ko agad.
Gumalaw ng marahas ang upuan ni Israel at gumawa ng ingay kaya napalingon halos ang lahat ng nandito. Binasa niya ang pang-ibabang labi saka iyon kinagat kagat at mukhang nagtitimpi ng sumabog. Ano bang problema niya?
“Ang guwapo niya pala talaga ’no?”
“Lapitan mo kaya? Hingin mo ang number and name niya!”
“No! Suplado daw masyado.”
Napapansin ko na kung nasaan ako ay nandoon rin si Israel. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o nagkataon lamang ang lahat. Hindi niya naman ako nilalapitan o kinakausap. Umaakto rin itong parang hindi ako kilala pero nakakapangduda parin.
Wait… Inistalk niya ba ako? Stalker?
“Yes! Daddy agreed na magbar tayo mamayang gabi!” Balita sa akin ni French sa linggong iyon ng hapon.
“Pumayag si Papa?”
Tumango agad siya at ibinaba si Kaki na mabilis ring kumaripas ng takbo sa kabuuan ng aking kuwarto.
“Yep! But he told me na hanggang 11 lang daw tayo and after noon ay susunduin na. I am so excited!” Nagdive agad siya sa aking kama at ginalaw galaw ang kanyang mga paa roon.
Ngumuso ako at ibinalik sa libro kong binabasa ang aking tingin. Nandito ako sa sofa nakaupo lamang.
“Alam mo Trace… Feeling ko something is fishy doon sa crush ko. ’Yung kumakain ng fishballs…” Panimula niya na naman sa lintanya niya tungkol kay Israel.
“I think he’s stalking someone doon… Kasi di naman siya nag-aaral sa school natin. Maybe… may crush siya?” Panghuhula ni French habang nakasandal sa headboard ng aking kama.
Oo nga. At graduate na yata siya. Lalo na’t noong Grade Ten ako, Grade Twelve na siya. Kaya ngayong third year na ako, sigurado akong graduate na siya.
Noong gabing iyon ay naging busy kaming dalawa ni French sa paghahanda sa pupuntahang bar.
Paglabas namin ng aking kuwarto ay ang bihis na bihis ring si Kuya Brennan ang sumalubong sa amin. Nakaleather jacket pa ito at fit na puting panloob ang suot.
“Don’t tell me sasama ka?!” sigaw ni French.
“Dad told me. Nadadamay ako sa mga plano niyo.” Suplado siyang naunang bumaba.
Sumimangot agad si French at nakakuyom na ang mga kamao.
“Kuya is really nosy! Sure ako magpapaka kj na naman ’yon sa bar! Oh my gosh baka di ako makapagsaya! Sasakalin ko na talaga siya!” Halos ipadyak ni French ang kanyang mga paa habang pababa kami.
Maingay si French sa backseat at kung ano ano ang binabato niyang lintanya kay Kuya Brennan na nagrereklamo narin sa kanyang boses.
“Sure ako mangingialam ka lang sa amin ni Tracey doon!”
“Tsss. Ano namang mapapala ko diyan?” Tinaliman kami ng tingin ni Kuya Brennan sa itaas ng salamin. Siya rin kasi ang nagmamaneho.
“Kuya I hate you na talaga! Let us have fun kasi! We’re third year students na oh! Ayos lang sana kung high school girls ang binabakuran mo pero college girls?! At ikaw, med student ka! Dapat mas busy ka sa Med school kaysa sa pagiging nosy mo!” Sinapak ni French ang upuan ni Kuya Brennan.
Umismid lamang si Kuya at hindi na nagbigay ng opinyon.
“Pangit ba ang lovelife mo?! Ganoon ka ba ka hate ng fiancee mo?! I can’t blame her kasi you’re nosy—”
“Shut-up, French.”
Bumuntonghininga na lamang ako sa walangtigil nilang bangayan.
Chapter 43
Avoid
Kahit noong makarating na kami sa Bar ay nagtatalo parin ang dalawa. Ang ingay ingay ni French at tumahimik lang noong pumasok na kami sa entrance ng Club Echelon.
Isang napakalakas agad na tugtog ang sumalubong nang buksan na noong dalawang boucer ang pinto at pinapasok kami.
“Hey guys!” Bati ni French sa mga nakilala niya sa loob.
“Knew it! French!” Iyong babae na may suot na tube top at highwaist short ang nakipagbeso beso sa kanya.
“Join us, Trace!” Tawag noong isa sa mga kaibigan ni French.
Bumalik ako sa aking sarili at sinisenyasan narin ako ni French na tumabi sa kanya.
Pinalibutan nila iyong pabilog na babasaging mesa at may mga inumin pa.
Nawala narin ata si Kuya Brennan sa kumpol ng mga tao at hindi ko narin alam kung saan nagsuot. Siguro may mga kaibigan rin siyang nandito.
“How I wish nandito iyong crush ko!” sabi pa ni French habang nagsasalin ng inumin na may pangalang Black Label.
Binigyan ako ni French na tinanggap ko saka niya rin itinuon ang tingin sa mga kaibigan niyang naghahagikhikan na.
“Ang hot nga niya, French! I saw him sa labas ng school and everyday siyang nandoon! Always perfect attendance tuwing hapon!” Iyong nakaponytail at may suot na parang bra nalang dahil nakikita na ang pusod at itim na skirt.
“Gosh! I almost melt down when our eyes met! And he’s even talking to me eh sabi nila suplado daw! Di daw nakikipag-usap!” pagmamayabang ni French hawak hawak na iyong maliit na shot glass.
“I’m sure he has a crush on you, too, French! Landiin mo!”
“Well… If he’s here I’m going to make a move talaga!” Tumawa si French at nilagok iyong hawak niyang drink.
“Cr lang muna ako, French.” Tumayo ako na ikinatango niya naman.
Pagkapasok ko sa cr ay inayos ko agad ang aking damit. Bumuntong ako ng hininga noong naalala ang topic nila tungkol kay Israel. Lahat sila ay nabihag agad ng lalakeng iyon… Ganoon lang kadali! Kumain lang siya ng fishball sa labas ng eskwelahan nagkagulo na agad!
Hindi ko rin sila masisisi. Kahit saan naman yata ilagay si Israel, lagi siyang agaw-pansin at nangingibabaw ang tindig.
Nailing ako at nagretouch nalang. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Lumabas rin naman ako ganoon narin ang pagsipa ko palabas noong mga pinag-iisip ko. Pagbalik ko sa lugar kung saan ko iniwan sila French ay wala siya roon! Nataranta agad ako at isinuyod ang tingin sa paligid.
Tumigil bigla ang aking tingin nang mahagip ang pamilyar na tindig ni Israel. Nakasuot ng itim na v-neck t-shirt bilang panloob, denim jacket na talagang bagay na bagay sa kanya, at ang nakaatras niyang buhok habang may nalalaglag at nagrerebelde.
His eyes were so intense that…the darkness from the past made me recall why I’m here.
Napalunok ako ng laway at parang mabubuwal sa aking kinatatayuan nang hinagod niya ako ng tingin at mabilis ulit na ibabalik sa aking mukha. Umatras ako at hindi namalayang may tao na pala sa aking likuran.
Nilingon ko agad ito para makahingi ako ng despensa.
“Sorry…” Kabado kong sabi sa lalakeng iritang irita pero nang makita ako ay unti-unting napakurap at umamo ang mukha.
“Okay lang, Miss…” Humagod ang kanyang mga mata sa akin.
“Oh there you are…” May biglang humapit sa aking beywang at hinila agad ako papalapit sa kanya. Nalaglag ang aking tingin sa malaking kamay niyang nasa may tiyan ko na at nakahawak doon.
Tiningala ko ang lalakeng gumawa noon at nakikipagtitigan na ng kakaiba sa lalakeng nagbago rin naman agad ang ekspresyon at dahan dahang umatras. Binalot agad ng takot ang kanyang mukha.
Nag-igting ang kanyang panga at nalaglag agad sa akin ang tingin. Mabilis kong inalis ang kamay niyang nakapulupot sa akin na ikinagulat niya. Para siyang napaso sa paghawak ko sa kanyang braso at paghila ko noon paalis.
Umawang ang aking bibig para sana may sabihin pero natikom ko iyon. Bago pa man ito makapagsalita ay nagmamadali na akong umalis sa kanyang harapan.
“Trace!” sigaw niya sa marahas na boses.
Sobrang tindi ng kalabog ng aking dibdib habang tinatahak ko ang daan palabas ng bar. Noong nasa may pinto na ako ay tumakbo na talaga ako palabas. Magtataxi nalang ako pauwi! Maiintindihan naman ni Kuya Brennan at French na umuwi agad ako dahil hindi naman talaga ako mahilig sa matataong lugar.
Naghanap ako ng pwedeng masakyan pero bago pa ako makapara ng taxi ay may bigla ng kumarga sa akin. Para akong naging hangin at walang kahirap hirap na umangat sa ere.
“I-Israel!” sigaw ko nang makita ko ang kanyang mukha.
“Let’s talk for awhile…” sabi niya sa malalim na boses na ikinailing ko agad at nagpumiglas na.
“Ibaba mo ako!” Hinila ko ang kanyang denim at mas ginalaw galaw ang aking mga hita pero hindi siya natinag at mas lumaki lamang ang hakbang papunta sa kung saan.
May tumunog na kotse at nasa parking lot na kami. Mas nagpumiglas ako kaso ilang sandali lamang ay may binuksan na siyang pinto ng front seat at ipinasok ako roon. Umikot agad siya at pumasok na sa driver’s seat kaya mabilis kong binuksan ang pinto at akmang lalabas kaso huli na.
“Palabasin mo ako!” sigaw ko sa kanya sa pinaghalong kaba at takot.
“Just calm down for awhile. Hindi kita sasaktan, Trace…” Masuyo niyang sabi nang makita ang aking ekspresyon.
Ang sakit tingnan ni Israel. Bumabalik sa aking alaala kung paano ako umiyak dahil sa pagkamatay ni Kuya Bram. Pinapaaalala niya ang karahasan ng kanilang pamilya noon sa amin. Nanubig agad ang aking mga mata dahil sa mga alaalang iyon.
Nang mapansin niya ay namutla agad siya. Lumunok siya at nakaawang na ang mamula mula at basang labi.
“I just want to see you,” bulong niya na hindi nakaligtas sa aking pandinig.
“Ayaw na kitang makita. Hindi ba iyon malinaw sa’yo noong nag-usap tayo?” Bigo kong sabi sa kanya.
Nalaglag ang kanyang tingin sa akin.
“I’m…sorry. I punished the person behind your brothers death—”
“Buenaventura ka, Israel. Kalaban ang pamilya natin,” giit ko at galit siyang tiningnan.
Hindi… Hindi pwedeng pagkatapos ng lahat lahat ay okay na agad. Ang pamilya nila… Sila ang pumatay sa Kuya ko! Hindi ko iyon pwedeng itapon nalang basta basta!
“I don’t like what happened between our family, Trace. Believe me—”
“Please Israel! H’wag mo na akong guluhin dahil maayos na ang buhay ko na sinira mo!” sigaw ko dala ng emosyong nilamon ako.
Nagulat siya roon na kahit ako ay nagulat narin sa aking isinigaw.
Narinig ko ang pagclick ng pinto ng kanyang kotse at mukhang hindi na iyon nakalock.
“Go,” sabi niya sa malungkot na boses at yumuko nalang.
Parang may punyal na sumaksak sa aking dibdib. Dapat hindi ako makaramdam ng awa sa lalakeng nangako sa akin at hindi naman tinupad pero ewan ko ba kung ba’t nalulusaw bigla ang puso ko dahil sa lungkot at sakit na nakikita ko sa kanyang mukha.
“Lumabas kana bago magbago ang utak ko at iuwi ka.” Pagbabanta niya sa mas malungkot at walang siglang boses habang nakayuko parin.
Sa nanlalabo kong mga mata ay binuksan ko ang pinto at lumabas doon. Anong ibig sabihin nito, Israel? Ba’t ka bumabalik sa mundo ko?
Natigilan ako sa paglalakad at nilingon ang kotse niya. Hindi tayo pwede, Israel. Matagal ko na iyong tinanggap. Magkaaway ang pamilya natin at sasaktan lang natin ang mga pamilya natin kung naging malapit tayo.
But I slowly realized that…Israel is somehow right. He can’t control things. Hindi niya man sinasadya ang nangyari sa kapatid ko, ngunit dahil siya ang nangako sa akin, sa kanya ko naibunton ang galit ko sa pamilya nila.
When his sister died, he didn’t blame you, Trace. Then why…can’t you do the same thing for him?
Bumuntonghininga ako at nagpasyang bumalik sa front-seat na ikinagulat niya.
“Bakit ka nandito? Umalis ka sa bukid?” tanong ko.
Tumango siya at bumuntong ulit ng hininga.
“I came here to see you,” pag-amin niya na ikinasimangot ko.
“Kaya ba… Palagi kang nandoon sa…”
Nilingon niya ako. Nagkatinginan kaming dalawa. Marahan siyang tumango at masyado na namang maamo. Ang mga estudyanteng gustong gustong makalapit sa kanya na sinusupladuhan niya, ngayon ay nasa harapan ko, namumungay ang mga mata at kulang nalang ay luhuran ako.
Umawang na ang aking bibig pero bago pa may masabi ay nagsalita agad siya.
“Di kita lalapitan at di kita kakausapin. Just let me see you… Doon lang naman ako… I’m not going to do anything. Di ako gagawa ng ikakagalit mo just…” Nakagat niya ang kanyang labi at bigo akong tiningnan. “Just let me see you…”
Biglang namungay ang aking mga mata. Parang kinukurot ang aking puso at pinipiga iyon. Galit ako pero di ko mapanindigan iyon ng buo. Di naman ako ganoon katibay. Di ako nagtatanim ng sama ng loob at hindi ako katulad ng iba na kayang magmatigas.
Tumango ako ng marahan na ikinanguso niya at nagpipigil na naman ng kung ano.
“Hindi rin naman ako lalabas,” sabi ko na mabilis niyang ikinadismaya.
“Pwede ka ring kumain noong kinakain ko. The balls taste good,” aniya sa masiglang boses.
Kita ko nga na nag-eenjoy siyang kumain doon. Pati ang mga babae ay nag-eenjoy din siyang panoorin.
“Alam mo naman siguro na… Hindi na tayo pwedeng maging malapit diba?” tanong ko sa kanya na ikinaputla niya.
“Ang pamilya mo… at ang pamilya ko… galit isa isa’t isa. At kahit ako… ayoko narin…”
Lumunok siya ng laway. Umawang ang kanyang bibig at tila nag-isip ng sasabihin. Naitikom niya iyon at nasuklay ang hibla niyang nagrerebelde paatras.
“Sabihin mo nga sa’kin… May hihintayin pa ba ako?” tanong niya at nasa bubong na ng kanyang kotse ang tingin.
“Ang pamilya mo ang naging rason kung ba’t namatay si Kuya-”
“Pero di naman ang pamilya ko ang kailangan mong mahalin, Trace! Bakit mo ako isasali? Kapwa natin hindi gusto ang nangyari at hindi ko binalak na linlangin ka!” he growled like a mad lion.
Halos maibaon ko ang aking likod sa pinto dahil sa gulat ng kanyang pagsiklab. Nang makita niya ang takot na yumakap sa aking mukha ay napabuntong siya ng hininga at kumalma rin naman.
“I’m sorry,” bigkas niya at nahilot ang sintido.
“Pasensya narin pero hindi na magbabago ang isip ko, Israel. Pwede tayong magkakilala nalang pero kung ako ang masusunod… Gusto ko… Kalimutan nalang natin ang isa’t isa.”
He smiled weakly at me.
“Can we just start over? Can we just…” He sighed heavily. “Fuck… I just want us both!” Nahilamos niya ang kanyang mukha at frustrate na frustrate na.
“I’m sorry but… I can’t… Di na ito katulad ng dati, Israel. Please… Tigilan na natin ito. Nakikiusap ako… H-H’wag mo nalang akong gustuhin dahil masasaktan lang ulit tayo,” puno ng kasiguraduhan kong sabi.
Natigilan siya ngunit sa dilim ng kanyang ekspresyon, alam ko, ayaw niya sa gusto ko.
“A-Aalis na ako.” Binaba ko agad ang isa kong paa.
Hindi niya ako pinigilan pero iba parin ang kanyang tingin, may pinupunto na iyon. Ang tunay na Israel… Ang Israel na nagiging demonyo nalang bigla.
“Why would I even beg for something if I have my own ways to claim you? Sige lang… Tumakbo ka palayo. Maghabulan tayo hanggang isa sa atin ang kusang sumuko.”
Parang tumindig ang balahibo sa aking batok sa binitiwan niyang salita. Nasa gitna na ako ng nakabukas na pinto, nakatayo roon at nakatingin sa lalakeng kampanteng nakasandal sa pinto at nakaharap sa akin. His dark side is showing… Ang pagiging tuso nito ay nasa dugo talaga.
“Itigil mo na ’to,” tanging sabi ko at para ng mahihimatay sa kumakalabog kong dibdib.
Ano rin naman ang gagawin niya?
“Oh my gosh where have you been?!” Ang naghehysterical na si French agad ang nakasalubong ko noong pumasok ulit ako sa entrance.
“We almost report you sa pulis! I even called Dad kung nakauwi kana!” Nahawakan niya ang kanyang ulo at binabalot ng pag-alala ang mukha.
Umawang ang aking bibig pero bago pa ako may masabi ay lumitaw narin si Kuya Brennan sa aking harapan.
“Where have you been Trace?” galit niyang tanong sa akin. “You’re not answering our calls!”
“L-Lumabas lang ako… H-Hindi ko namalayan…” Pabalik balik ang tingin ko sa dalawa na hindi ko alam kung paano na pakakalmahin.
“Dapat nagpasama ka sa akin! We’re so worried! Lagot tayo kay Dad! Susunduin na tayo anytime!” si French na hindi parin humuhupa ang emosyon.
Napayuko ako. “Sorry…”
“Let’s go home. Dad is worried,” si Kuya iyon kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanila palabas.
“Darn it naman! Dapat you told me nalang na lalabas ka pala! Di ka namin nahanap sa buong bar kaya akala ko napano kana since may guy na nagsabi na the last time he saw you daw may lalake daw na humapit sa baywang mo and claimed you as his girlfriend! I thought talaga you got kidnap!”
What? Iyon ba iyong tinaliman ng tingin ni Israel? At ano? Girlfriend?
“Lumabas lang talaga ako kasi di kita nahanap sa may sofa…” Problemado kong paliwanag.
“Nasa dancefloor kami! Hay! Lagot tayo. Baka di na tayo payagan next time.” Nailing nalang si French at nauna pang pumasok sa kotse.
Tiningnan pa ako ni Kuya Brennan habang binubuksan ang driver’s seat.
“Sorry…” daing ko.
“Get in.” Sinenyasan niya akong pumasok doon at pumasok narin siya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at pumasok narin. Kinausap ko lang si Israel ganito na agad. Katulad noon, napapahamak talaga ako pag napapalapit ako sa kanya. He’s not good for me. I really need to avoid him.
Chapter 44
Promise
Pag-uwi namin, tama nga ang aking hinala na galit si Papa. Nakaabang silang dalawa ni Tita Brenda pagkapasok namin sa sala. Si French naman ay nailing nalang habang si Kuya Brennan ay nilalaro pa sa kanyang kamay iyong susing hawak.
“Papa sorry… Lumabas lang talaga ako saglit at nakalimutan kong tingnan ang cellphone ko.” Yumuko ako habang nilalaro ang aking mga kamay.
“Ilang taon kana ba sa syudad Trace? Dapat ay nagpapaalam ka,” si Tita Brenda na may galit ang boses.
“Sorry po, Tita…”
“Next time, sweetie, magpaalam ka sa mga kapatid mo. You made us all worried… Akala namin kung napano kana,” si Papa naman.
Mas lalo lamang akong napayuko.
“French, ikaw ang mas nakakatanda sa inyo ni Tracey. Dapat di mo siya iniiwan,” si Papa.
“What?! Kuya is older than me, Dad! Siya ang first nang-iwan sa loob! Nagpoof nalang siya bigla!” Bintang agad ni French kay Kuya Brennan na ngayon ay nakaangat na ng kilay.
“Oh? Akala ko ba ayaw mong pakialaman ko kayo?”
“But you’re older so it’s your duty na bantayan kami,” pambabaliktad ni French.
Nailing lang si Kuya Brennan at nabasa ang pang-ibabang labi. Si Tita Brenda naman ay nahimas pa ang noo. Si Papa naman ay frustrated rin.
“No more night outs from now on. Dahil sa kalokohan niyong tatlo, kamuntik ng may mapahamak. You’re 1month grounded from partying. Naiintindihan niyo?” Pagbibitaw ng salita ni Papa na ikinalaglag ng panga ni French.
“But Dad!” angal ni French at nakakuyom na ang mga kamay.
“Liam… Isn’t it too much? Si Tracey nalang ang parusahan mo, h’wag mo ng isali ang dalawa,” si Tita Brenda naman at nilingon pa ako saglit.
“Ako nalang po, Papa…” malungkot kong sabi dahil alam ko rin kung gaano kaexcited si French sa araw na ito.
“May kasalanan kaming tatlo, Ma. Masyadong naignorante si Tracey, nacarried away naman si French at naging pabaya ako. Tatanggapin namin ang parusa,” sabi ni Kuya.
Grabe naman iyong naignorante Kuya Brennan! Di ba pwedeng may kausap lang ako sa labas?
“What? No!” si French naman.
Tumayo na si Papa sa pagkakaupo sa sofa at nakaroba pa. Mukhang handa na ata silang matulog kung hindi lang talaga may natanggap na tawag kay French.
“Enough. You’re all grounded. Now, go to your rooms.” Isa isa kaming sinenyasan ni Papa na umalis na sa kanyang harapan.
Nauna naman agad si Kuya na umakyat habang pinapaikot parin ang kanyang susi sa kanyang daliri. Si French naman ay nagawa pang tumakbo at inis na inis parin dahil binangga pa si Kuya Brennan sa may hagdan. Naiwan ako sa harapan nila Papa.
“Sorry po ulit Papa… Tita Brenda,” yumuko ako ng marahan habang binabalot ng lungkot ang aking mukha.
“H’wag mo na sana itong ulitin, Tracey,” mariin akong tiningnan ni Tita Brenda na ikinatango ko ng marahan.
“Umakyat kana at magbihis. May pasok pa bukas…” si Papa naman.
Halata ang pagtatampo ni French sa akin at di ako pinapansin.
“I didn’t know na nandoon pala siya sa Club Echelon that time oh my gosh?!” Narinig ko ang boses ni French sa may sofa nang bumaba ako ng bahay sa linggong iyon.
Nakahiga siya roon at may kausap sa cellphone habang si Kaki naman ay nasa kanyang tiyan, nakahiga rin doon.
“I really think he’s up to something!” Pinaypayan ni French ang sarili niyang mukha.
“Yes that’s him nga! Nakadenim siya! Gosh! Nawala kasi si Tracey bigla non so nawala narin sa isip ko ang party since I’m very worried na…”
Ngumuso ako. She really likes Israel so much.
“Oh my gosh Trace!” sigaw niya nang magtama ang aming mga mata. Sabi ko na nga ba eh…
Tumayo siya habang pinapaypayan ang kanyang sarili. Nakalimutan niya na atang isang linggo niya na akong hindi pinapansin.
“I think I know na kung sino ang inistalk nung crush ko!” Nanlalaki na ang kanyang mga mata habang hawak ako sa magkabila kong braso.
H-Hindi kaya ay nakakahalata na si French na ako ang sadya ni Israel? H-Hindi kaya ay napansin niya iyong titig ni Israel sa akin noong oras na nilapitan namin ito?
“Oo French ako-”
“It’s me!” Putol niya bigla sa akin at natakpan na agad ng kanyang boses iyong akin.
Naiwang nakaawang ang aking mga labi sa ere habang si French naman itong dalang dala na.
“He’s stalking me! I found out na nasa Bar pala siya noong time na nagBar tayo! I think he likes me! Eh ’di ba ako lang rin ang kinausap niya noong bumili tayo ng dirty food! Oh my gosh!” Pinaypayan niya ulit ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga kamay at umupo muli sa sofa.
Naiwan akong natigilan at hindi alam kung anong isasagot sa kapatid kong dalang dala na sa kanyang mga haka haka.
“I can’t believe he’s following me! Kaya iba talaga ang feeling ko eh! Iba rin siya makatitig sa’kin, Trace! ’Di ba napansin mo ’yon?!” Nilingon niya pa ako kaya tumango naman agad ako at nakiride in nalang.
“Oo nga… Parang iba nga…” pilit akong ngumiti sa kanya.
“He likes me oh my gosh… I need to breathe…” Natampal ni French ang kanyang dalawang pisngi at napangiti naman agad.
Sa sobrang saya niya sa balita ay pinansin niya ako at nakalimutan na atang dapat ay umiiwas siya. Natigil siya saglit sa pagwawala noong naglapag ng meryenda si Manang Asing sa harapan namin pero iyon rin ang naging topic niya habang nasa sala kami.
“Pero ba’t parang di niya tinatanong ang pangalan mo, French?” tanong ko sa kanya.
“Duh! Because he’s torpe! Maybe gusto niya lang tsumempo,” paliwanag niya at sumubo ng cake.
“Huh? Hindi naman ata iyon torpe… Parang nakakatakot pa nga e,” rason ko.
“You’re so nega, Trace! Si Kuya nga… He looks like he doesn’t like his fiancee pero he cares naman pala so baka ganon rin yung crush ko. Baka he’s just shy since parehas sila ni Kuya na suplado. Maybe ganon ang mga suplado,” aniya.
Gusto ko pa sanang dagdagan ang mga negatibo kong komento kay Israel pero hindi naman ata siya madidiscourage at baka kung ano lang rin ang isipin niya sa akin. Hindi ko alam kung seryosong seryoso na ba itong si French sa nararamdaman niya o naglalaro lang ito dahil doon rin naman siya mahilig. Hindi ito nagseseryoso.
“What do you think, Trace? Bagay ba kami?” Ngumisi siya ng pilya at inaabangan ang magiging sagot ko.
Umawang ang aking bibig pero natagalan pa akong sumagot kaya tanging tango nalang ang nagawa ko.
“Aww! Thank you! You’re so supportive!” Niyakap niya ako at bumungisngis pa.
Sa mga sumunod na araw ay bumalik na naman sa pangungulit si French sa akin na kumain ulit kami roon. At dahil may atraso ako noong nakaraang linggo ay pumayag nalang ako.
Naroon nga si Israel, nakacotton shirt lamang. Noong nakita niya ang aking imahe ay sumunod agad ang kanyang mga mata sa amin ni French na patawid na.
“He’s looking at me…” Pigil hiningang pinisil ni French ang aking kamay habang naglalakad kami patungo roon.
Alam ko namang ako ang tinitingnan ni Israel pero paano kung si French rin pala?
Pagkalapit namin doon ay kumuha agad ako ng pera sa aking pera. Inilahad ko sa matandang lalake ang isang daan na ikinangiti na sa akin.
“Kikiam po akin, dalawa pong order yung 20 pesos po,” sabi ko habang si French naman ay panay sabit ng kanyang buhok sa gilid ng kanyang tenga at nakay Israel ang tingin.
“When ka kumain? Di kita nakitang kumakain niyan…” si French.
Dahan dahang sumubo ng fishball si Israel ng isa habang naninimbang ang tingin sa akin.
“Uh, sa bukid namin. Uso ang mga ganyan sa bayan…” paliwanag ko at hinawi ang buhok ko papuntang likuran.
“Oh… Wait! Siguro kaya mo favorite kasi yun ang kinakain mo ng first kiss mo ’no!” saway niya na ikinalaki agad ng aking mga mata at pilit itong inaawat kaso si French di magets ang tingin ko.
Kitang kita ko paano umangat ang kilay ni Israel at kung paano siya naging interesado sa pinagsasabi ni French.
“Ay oo nga pala!” Tinakpan agad ni French ang kanyang bibig. “Di pala ’yun worth it na kiss kaya gusto mo ng makalimutan. ’Di ba you forgot his name na! Sorry!” Nagpeace sign pa siya sa akin.
Nagkasalubong agad ang kilay ni Israel.
“Oh heto na mga magaganda,” sabi noong matanda at binigyan kami ng malaking plastic paperplate. Mga nasa walo ang laman noon at malalaki pa.
“Nakalimutan tsss…” Supladong supladong pagpaparinig ni Israel na ikinalunok ko ng laway. A-Akala ko ba di siya magsasalita? Di niya ako guguluhin?
Busy si French sa paglalagay ng sauce kaya wala rin itong napapansin.
“Tsss,” si Israel na naman iyon at inis na inis.
Ngumuso ako habang tinitingnan ang aking kikiam. Ano bang pakialam niya kung gusto ko na iyong kalimutan?
“Why are you nag t ‘tsss’ ba? Are you mad ba kasi di kita pinapansin?” biglaang sabi ni French na ikinagulat ko.
Tumingala lang si Israel at masyadong preoccupied at hindi na ata narinig si French.
“Ah… French… S-Sa school nalang natin to kainin. May research pa akong tatapusin eh,” sabi ko sa kanya at hinila na ang pulso nito.
“But…”
“Bukas nalang ulit.” Mas hinila ko pa ito. Nilingon niya sandali si Israel at nagawa niya pang kawayan gamit ang isa niyang kamay.
“Ang hot niya talaga! But he looks mad ata. May ginawa ba ako?” nagtataka niyang tanong noong makapasok na kami sa school.
Umiling ako.
“I think he’s mad kasi. But anyway… bukas ulit ha. I really want to see him everyday para inspired ako always,” ngumiti siya sa pilya sa akin at sinusok ang kanyang kikiam.
Nagawa niya pa iyong tinitigan at inangat ang stick saka niya iyon inamoy.
“Ew. It smells weird! Ayoko nalang pala nito.” Bigla niya iyong itinapon sa basurahang nadaanan namin na ikinasimangot ko.
“Dapat binigay mo nalang…”
Tumawa si French at hinawi ang buhok.
“You know I hate sharing!”
Napakurap ako at natigilan sa kanyang sinabi.
Okyupado ang aking utak sa mga pinag-iisip ko. Kaya noong hindi pumasok ang prof sa sunod kong pinasukang subject ay nagmadali agad akong lumabas ng eskwelahan at nagdadasal na sana ay naroon parin siya, tumatambay lang.
Paglabas ko, naroon pa nga ito. Madilim parin ang ekspresyon at mukhang may iniisip habang nagsasalita iyong tinderong matanda. Nagmadali akong tumawid habang iyong matanda naman ay siniko na si Israel na napatingin agad sa akin.
Tumayo ng tuwid si Israel nang huminto ako sa kanyang harapan. Ibinulsa niya agad ang kanyang kamay at iba na ang tingin sa akin. Para itong nagtatampo na ewan.
“Pwede ba tayong mag-usap pero ano… h’wag dito…” Nilingon ko ang paligid at wala naman gaanong estudyante.
Binasa ni Israel ang kanyang labi at bumuntong ng hininga. Nagmumukha talaga akong stick pag nakakaharap ko na ito.
“Wait here.” Umalis siya sa aking harapan at mukhang may pupuntahan na.
“Di mo na mahal ’yun, hija?” biglang tanong sa akin noong matanda na ikinagulat ko.
Naalis ko ang pagsunod ko sa likod ni Israel at napunta sa matanda.
“P-Po?”
“Iyong tambay at suki ko rito… Hindi mo na mahal?”
Napalunok ako ng laway at hindi alam ang isasagot. Ano kayang kinukwento ni Israel sa kanya at ganyan ang sagot niya sa akin?
“Halatang mahal ka nun eh. Palagi ngang nandito tuwing hapon. At siya rin ang nakakatulong sa akin para maubos ang paninda ko araw araw. Tumayo lang siya rito nagsisilapitan na ang mga costumer.” Tumawa siya.
Halata namang si Israel ang parang nagiging bugaw niya para magtawag ng costumer.
“Pero alam mo… ang sabi niya ay malaki raw ang kasalanan niya sa’yo at palagi siyang nandito para humingi ng patawad. Mukha ka namang mabait kaya… nakakapagtaka at hindi ka parin pumapayag na makipagbalikan nalang sa ex mo.”
Nanlaki ang aking mga mata at umiling agad ako.
“Hindi ko po siya ex…”
“Huh? Eh para mo iyong hiniwalayan kaya ganoon kabrokenhearted! Ang gusto niya lang daw ay makipagbalikan. Iniechos mo ata ako eh.” Tumawa siyang muli at akala ay nagbibiro lamang ako.
Ang feeling talaga nitong si Israel! Kahit ngayon, nag-iilusyon siyang boyfriend ko siya! At ano ’yon, pakiramdam niya lang nagbreak kami kaya gusto niya ulit ng closure kaya nandito siya at bumabalik?
May isasagot pa sana ako kung hindi lang huminto sa aking harapan ang isang itim na kotse na may tatak na Ford saka niya binuksan ang bintana noon.
Sinenyasan niya akong umikot kaya umikot agad ako papuntang driver’s seat na binuksan niya pa sa loob.
Pagkasakay ko roon ay hinila ko agad ang seatbelt habang siya ay nagsisimula ng magdrive. Ang kanyang tingin ay nasa harap lamang ng kalsada at hindi parin nabubura ang irita sa kanyang mukha.
“Uh, gusto ko sanang sabihin na ano… H-H’wag ka sanang nagpaparinig ng kung ano ano k-kasi baka kung anong isipin ni French.”
Mabilis niya akong nilingon at nagkakasalubong na ang kilay.
“Di mo sinabi na ako iyong first kiss mo?”
Sumimangot ako at umiling.
“Di niya alam na… magkakilala tayo…”
Isang sandaling nanatili ang kanyang tingin sa akin pero lumipat rin naman sa harapan. Tiningnan ko naman ang aking cellphone at chineck ang oras doon. Dalawang oras lang ako pwede kaya nababahala na agad ako dahil hindi ko na alam ang destinasyon niya.
“Uh… Dito nalang ako. ’Yun lang naman ang gusto kong sabihin. Pakihinto nalang.”
Hindi ako pinakinggan ni Israel pero mas bumilis lamang ang kanyang pagmamaneho.
“Israel! May klase pa ako!”
Umangat lamang ang kanyang kilay.
“Israel!” sigaw ko sa kanya pero di talaga nakikinig!
Mas lalo akong sumimangot. Nang mapansin niya ang aking ekspresyon ay dahan dahan niyang pinabagal ang pagpapatakbo at ngumuso na.
“Ihinto mo na nga. Bababa na ako. Iyon lang naman ang gusto kong sabihin…” kalmado kong sabi sa kanya at nilingon ang distansya ng school namin. Ang layo na!
“So you want me to obey you? At iyong gusto ko di mo maibigay bigay? Tangina. Ang spoiled mo naman ata sa akin?” Inangatan niya pa ako ng kilay at hindi makapaniwala.
Ngumuso ako. Siya lang naman ang sinusunod ako ah! Di ko naman sinabing sundin niya ako.
“Di ko naman sinabing sundin mo ako-”
“Pero batas ko ang mga salita mo!” may diin niyang sabi na halos ikatalon ko sa aking upuan dahil sa pagkagulat.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at sumandal nalang sa upuan.
“Sa susunod na sasama ka ulit sa akin, nanakawin ko na talaga ang oras mo,” galit niyang sabi at mukhang pabalik na sa eskwelahan.
Huminto rin naman ang kotse sa tapat ng school. Kinalas ko ang aking seatbelt at akmang bubuksan iyon para lumabas na nang inilock niya na naman. Mabilis ko siyang nilingon at kinunutan ng noo.
“Just a minute. Kahit h’wag kana lang magsalita. Diyan ka muna,” sabi niya.
Bumuntonghininga ako at sumandal muli sa upuan. Huli na ’to.
“So… May nanliligaw sa loob?” biglaan niyang tanong.
Akala ko ba di ko na kailangan magsalita? Tumango nalang ako.
Bumuga siya ng marahas na hangin at nasuklay paatras ang iilang hibla ng kanyang buhok.
“At single naman ako. Ayos lang na may…manliligaw,” dagdag ko.
“You promise to me,” agap niya, tila ba iyon ang kinakapitan niya hanggang ngayon kaya nandito siya.
Tiningnan ko nang maigi si Israel. “Nangako ka rin, Israel. Kaya ’yung usapan natin… kalimutan mo na ’yon.”
Chapter 45
Teritoryo
“Israel lalabas na ako,” sabi ko sa kanya.
Umayos siya sa pagkakaupo at binasa muli ang labing nangingislap sa pula.
“I miss you… Comeback to me Trace… Please… I’ll do good. Di kita ipapahamak. This time… I’ll be careful. Please…” he suddenly said out of nowhere. Malamlam na ang kanyang mga mata at makikita mo ang sinseredad doon.
Hindi na pwede ang gusto niya. May mga bagay na tapos na at hindi na pwedeng balikan. Si Kuya Bram… ni hindi man lang ito nabigyan ng tsansa… Pinagkait nila iyon sa kanya. Di nila ito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.
“Hindi lahat ng tao… nagbibigay ng chance, Israel…” dismayado kong sabi sa kanya.
Nakaawang ng kaonti ang kanyang bibig at nakaharap nalang ng buo sa akin. Inabot niya ang aking kamay pero mabilis ko iyong binawi at itinago sa aking likod. Nagulat siya roon pero agad rin namang nakabawi at binasa ang pang-ibabang labi.
“Hindi mo na mababali ang desisyon ko Israel. Sana… Sana ito na ang huli,” bigkas ko.
Buong akala ko ay ngingisi na naman ito o malademonyong tatawa pero noong tumango lamang siya at nagpaubaya sa aking gusto ay napakurap na ako.
“Ito na nga ang huli,” wala sa sarili niyang sabi at mukhang may naiisip ng iba.
Hindi na ito nagpakita sa main gate kinabukasan. Di narin ako nagtaka dahil iyon naman ang sinabi niya.
Tama naman ang ginawa ko, hindi ba? Mas mabuting dumistansya kami sa isa’t isa. Lalo na’t hanggang ngayon, hindi ko alam kung…kaya ko na bang magpatawad sa nangyari kay Kuya Bram. Lalo na’t pinatay ang aking kapatid na walang ginawang masama sa pamilya nila. Pinatay siya dahil…gusto lang nilang gumanti sa amin.
“My crush disappeared! Oh my gosh magmomove-on na ako!” deklara ni French na ikinatawa ko nalang.
Summer.
Katulad ng nangyayari tuwing summer ay busy rin kaming tatlo sa pagsama kay Daddy tuwing may business gatherings. Napapansin ko na palagi akong pinapaclose ni Daddy kay Jackson. Kahit si French ay ganoon rin. Iba ang kutob ko kay Jackson. Kung hindi siya ipapares kay French, baka sa akin rin.
“Alam mo Jack, you’re guwapo naman but I’m loyal to my crush eh. Did your parents told you na ipipair daw tayo or kayo ni Trace?” tanong bigla ni French kay Jackson noong nahalo kaming tatlo sa iisang lamesa.
Nagulantang ako sa tanong pero gusto ko ring malaman ang sagot ni Jackson.
“Di ko alam,” tangi niyang sagot at napatingin sa akin.
Nag-iwas agad ako ng tingin at pasimple nalang ibinaba ang mga mata sa suot kong tube top na cocktail dress.
Tuwing linggo ay lumalabas kami ni French ng bahay at pinapasyal niya si Kaki. Nakakapagskateboard na ako kaya iyon ang libangan ko at minsan pag sumasama sa amin ni Kuya ay tinuturuan niya ako ng mga tricks.
“Hi Trace!” Bati sa akin ni Ryle nang mapadpad na kami sa Clubhouse.
“Uhm hello… Nandito rin ako, Ryle,” hirit naman ni French at kumaway pa pero may plastik na ngiti.
Tumawa si Ryle at nahimas ang batok. Tinapik naman siya noong isa niya pang barkada at sinenyasan na magbasketball na sila with Kuya Brennan. Ngumiti pa ito ng matamis sa akin kaya nginitian ko nalang rin.
Umupo kaming dalawa sa bleachers at nanood ng kanilang game. Si French naman itong todo cheer kay Kuya Brennan.
“Pumalya sana ang shoot ni Kuya! Matalo sana ang team niya! Go! Go! Go!” Iyon ang kanyang sinisigaw kaya ang talim rin ng tingin ni Kuya sa kanya na ikinakatawa ko lang.
“Ihahagis ko mamaya yang aso mo,” pagbabanta ni Kuya Brennan at marahas na drinibble ang bola.
“Ihahagis ko rin ang briefs mo sa kalsada sige!” sigaw naman ni French na ikinatawa ng mga kaibigan ni Kuya.
Nasulit ko naman ang summer. At nakasanayan ko na rin ang mga hilig ni French.
“Sshhh…” Sinenyasan ako ni French na h’wag kaming maingay habang umaakyat ng hagdanan dala dala ang aming pumps.
“Sshhh…” Panggagaya ko rin sa kanya dahil narin sa paningin kong umaalon at ramdam na ang tama noong iniinom ko.
Narinig namin bigla ang pagkakabukas ng kuwarto nila sa ibaba kaya nag-uunahan kaming umakyat ni French at tumakbo agad sa aking kuwarto. Tawang tawa kaming dalawa at mabilis na nagtungo sa kama.
“Dead meat talaga tayo kay Dad! Late tayo ng 5 minutes!” Tumatawang hinila ni French ang aking kumot at humiga agad doon.
Noong may kumalampag na ng doorknob ay mabilis agad kaming nagpanggap na natutulog na. Humahataw ng husto ang aking dibdib pero si French itong humahagikhik pa talaga.
“Kayong dalawa…” si Papa iyon kaya bumangon agad si French at tumawa na.
Bumangon rin ako at hilaw na ngisi ang naibigay dahil takot akong mapagalitan.
“Daddy we’re late sorry… Nacarried away lang talaga…” Nagpeace sign pa si French na ikinailing nalang ni Papa at nakaroba pa.
“Magbihis na kayo at matulog.”
“Goodnight po!” sabi ko na ginaya rin ni French.
Nasasali na ako sa kalokohan niya. Kahit ayoko naman sa mga ganoon, sa night life, nakakaladkad niya rin ako dahil hindi rin naman kami papayagan pag mag-isa kaming aalis. Minsan pa ay kasama namin si Kuya Brennan pero ayaw rin nun dahil sa nangyari noon at baka madamay daw siya. Pilya kasi itong si French kaya kahit ano ang naiisip.
Sa Club Echelon kami madalas na Bar. Palagi rin kasing nananalangin si French na makikita niya ulit iyong crush niya na si Israel. Kahit ako ay wala naring ideya kung nandito pa ba iyon o bumalik na sa mansyon nila doon sa bukid.
Sana… Sana maintindihan ni Israel ang gusto ko.
“Cheers para sa lovelife ko na hindi na naman matutuloy this year!” Itinaas ni French ang kanyang baso kaya ganoon rin ang ginawa ng kanyang mga kaibigan dito sa couch.
Nagbungguan ang mga iyon at tumawa rin sila.
“Malay mo French this coming school year ay magpapakita ulit iyon…” si Layza iyon, isa sa mga circle of friends ni French.
“I’m not sure nga eh. And 4th year college na kami ni Trace this coming school year! He’s very paasa!” Madrama niyang sinapo ang kanyang dibdib at nilagok ang inumin.
Tumawa sila habang ako naman ay sumisimsim lamang sa hawak ko. Ayokong biglain dahil masyadong mahapdi sa lalamunan.
“But French, diba your Dad will going to pair you sa isang Chinese? Your crush is not Chinese, French… So bawal parin kayo!” iyong isa niya namang kaibigan na nasundan agad ng halakhak.
Dismayadong inilagay ni French ang baso sa mesa.
“I’ll find a way. Hindi naman ako lalake like Kuya Brennan na kailangan talaga ipush so maybe…” Nag-isip isip pa siya pero kalaunan ay bumusangot rin. “Now I’m starting to hate my Nationality…” Mapakla siyang tumawa at nailing.
Di na ako nakisali sa kanila. Tiningnan ko nalang ang aking cellphone at nagsimulang magbrowse sa aking instagram.
“Oh my gosh! I think it’s your crush, French!” sigaw nila at may kung sino ng tinuturo.
Mabilis na kumalabog ang aking dibdib dahil narin alam ko kung sino iyon. N-Nandito na ulit siya? Bumalik siya?
“Oh hell… He’s so frigging hot! Hell! It’s so mainit guys paypayan niyo ako!” Natatarantang sabi ni French habang pinapaypayan niya ang kanyang sarili na kahit ang kanyang mga kaibigan ay tumulong narin.
“Let’s call him!”
“Wait we don’t know his name! Let’s call him pogi nalang!”
At iyon nga, isa isa na silang sumigaw noon para lang tawagin si Israel sa dim na Bar. Malakas ang tugtog pero dahil sabay sabay rin silang sumisigaw ay naririnig narin ang kanilang mga boses.
“Pogi! The one wearing with denim jacket!”
“And white shirt!”
“Yep you! Come here! Our friend wants to meet you!”
Iyon ang sinigaw sigaw nila at may sinesensayan ng lumapit kaya pasimple akong lumingon. And there he is… blazing hot with his handsome face wearing a denim jacket with a white cotton shirt inside on it, denim pants, and black boots.
I noticed that he’s wearing CK denim jacket. Talagang rich kid ang datingan nito ni Israel noon pa man at paiba ibang brand na denims ang sinusuot! Kaya ang daming nagkakandarapa dahil alam niya kung paano dalhin ang sarili niya.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makarating na siya sa aming gawi. Pasimple nalang akong umakto na walang napapansin at pinagtuunan ang aking cellphone. Kahit saan saan na ako napapadpad at hindi ko narin alam ang tinitingnan kong wall.
Nagtilian sila habang si French naman na nasa aking harapan lang at nasa kabilang sofa ay mas pinaypayan ang sarili.
Sa bawat gilid ko, napansin ko roon ang mga kamay niyang itinukod niya. At dahil nakasandal ako roon ay ganoon na kami kalapit dahil amoy na amoy ko na ang kanyang manly na pabango.
“Give him a drink dali!” Hirit noong isang kaibigan ni French kaya natataranta namang nagsalin ng inumin iyong isa na katabi ko lang at inilahad agad kay Israel sa likod.
“Dito ka oh. Our friend wants to meet you. This is French pala!” Pagpapakilala noong isa.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at kulang nalang ay dumugo iyon. Ang kanyang isang kamay ay nadikit na sa aking likod habang ang isa ay tinanggap iyong inuming binigay sa kanya at yumuko siya, ang mukha ay halos nakita ko sa gilid ko.
“I’ll stay here,” sabi ni Israel sa baritonong boses na ikinapula agad ng pisngi ni French at halata ang kilig sa kanyang mukha.
“So what’s your name?” tanong noong katabi ni French na pilya narin ang ngiti.
“You have a girlfriend na ba?” tanong ni French na nakarecover na ata sa paghahyperventilage.
“Wala,” sagot ni Israel at nagawa pang yumuko para lamang ilapag ang baso roon sa mesa.
Halos sumabog ako nang makita ko ang gilid ng kanyang mukha at ang pagkakasandal ko sandali sa kanyang katawan dahil sa pag-abante niya.
“Oh, so you’re single!” Isa sa mga kaibigan ni French at nagsimula ulit silang magwala. Niyugyog nila ang aking kapatid na pulang pula narin ang mukha at masyado ng kinikilig.
Umatras rin naman si Israel at nagawa pang ilebel ng pasimple ang kanyang mukha sa aking gilid.
“Don’t drink too much,” he whispered deeply. Ang kanyang hininga ay tumama pa sa balat ng aking leeg.
Napalunok ako ng laway at hindi ko maalis alis ang mga mata ko kina French na dalang dala na sa emosyon. Tumayo muli ng tuwid si Israel sa aking likod at wala na ang kanyang mga kamay sa bawat gilid ko.
“I’ll go now,” sabi niya pa at hindi ko alam kung sino ang sinasabihan.
“Ay! Wait! Give us your number!” pahabol noong isa pero si Israel na suplado ay nagpatuloy na sa paglalakad paalis.
“Gosh! He’s so mysterious talaga! He’s so suplado and he’s so guwapo! I can’t believe he’s here again!” Napasandal si French sa couch at pinaypayan muli ang sarili.
Iyong isa niya pang kaibigan ay naglahad agad ng inumin sa kanya at deri-deritsong nilagok iyon.
“You should chase him and ask for his number! It’s obvious naman na he likes you! He’s stalking you French!”
“Oo nga French and the way he stares at you ha! Nakakapaso like he’s just waiting for a right moment and then aatakihin kana niya!”
Nagtawanan sila ganoon rin si French na pulang pula parin ang mukha.
“Pag nagpakita ulit siya this school year sa 2nd Gate confirm na talaga French, he’s stalking you talaga!”
“Like dapat go kana! Make a move na French!”
“I will don’t worry guys… I’ll make a move na if ever nagkita ulit kami,” paninigurado ni French at ngumisi pa ng pilya.
Tumawa lamang si French habang pinapaliguan siya ng compliments ng kanyang mga kaibigan.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa totoo lang. Pero…mas susuportahan ko silang dalawa ni French kaysa sa amin ni Israel.
Sobrang good mood si French sa gabing iyon. Natulog pa ito sa aking kuwarto para lang makipagdaldalan at palagi paring kinikilig. Akala ko pa naman magmomove-on na siya.
“I’m going to make sure talaga this pasukan na icaclarify ko na. Aamin na ako sa kanya Trace! So please wish me luck ha! Samahan mo ako!”
Natigil ako roon. S-Sasamahan ko siya? At aamin na siya kay Israel?
Parang piniga ang aking puso. Ni ngiti ay hindi ko na kayang gawin.
“Sigurado kana ba? Kasi French, kung seryoso siya, gagawa naman siguro siya ng paraan?”
Medyo nag-isip isip din siya ngunit kalaunan, tila ba may naisip.
“Coz he’s torpe! Gano’n ang mga boys! Parang may iba sa kanila na gusto nila ang babae ang nagfifirst move.”
“Pero…”
“I don’t care at least I tried! I’m sure he likes me naman eh so we’ll work out maybe.” Puno ng pag-asa niyang sabi.
Ginusto mo rin namang h’wag niyo nalang ipagpatuloy diba Trace? Bakit ngayon aakto kang nasasaktan? Bakit ngayon ay nagseselos ka sa isang bagay na dapat ay sa’yo pero tinanggihan mo. Ilang beses niyang hiniling ito sa’yo noon Trace… At kung kailan sinabi niyang iyon na ang huli, magsisisi ka bigla?
Pero tama lang rin naman itong ginagawa ko. Ang pait na nakaraan ay magsisilbing sapat na rason kung bakit hindi kami…hindi kami pwede.
At alam ko, mabibigo ko si mama kung ipinabalik ko lang sa mundo ko ang rason kung bakit ako umalis. Hindi ko pwedeng ulitin ang nakaraan. Hindi…hindi ako pwedeng bumalik sa buhay niya—o siya sa buhay ko.
Ngunit tanga ako kung hindi ko namamalayang tila nakakapasok ulit si Israel sa mundo ko. Na ang mundong iyon ay minarkahan niya nang teritoryo niya.
Chapter 46
Nalulunod
“Did you know, party rin iyong dineklara nila Dad na may fiancee na pala si Kuya?” sabi sa akin ni French habang inaayusan ako sa loob ng aking kuwarto.
Napansin ko nga na bongga ang magiging party mamaya dahil hindi pumayag si Tita Brenda na mga katulong lang namin ang mag-aayos sa amin. Nagpadala siya ng stylist sa bahay at iyon ang umasikaso sa amin.
“Talaga?” tanong ko kay French sa kabilang salamin na minimake-up an narin.
“Yep… And I have this feeling na baka isa sa atin ang may fiancee na pala since we’re already 4th year college na. At siguro kaya tayo hinahayaan ni Dad na mag-enjoy kasi ipapakilala niya rin this time ang mapapangasawa natin. Gosh…” Nasapo ni French ang kanyang dibdib na kahit ako ay biglang kinabahan.
Kung totoo man na ngayon iyon… pwede pa naman sigurong mag get to know each other pa diba? Katulad noong kay Kuya… Kinilala rin naman nila ang isa’t isa at saksi kami ni French sa naging progress.
“I think ako ang mauuna since I’m older than you,” kabadong sabi ni French at namumutla pa.
Kung noon ay okay lang sa kanya na ipakilala sa kanya anytime ang mapapangasawa niya, ngayon ay ayaw niya na ata.
“I don’t want to marry a Chinese anymore… May gusto ako and he’s not Chinese… Di naman pwedeng nagkaka fiance ako bigla tapos diyan pa ako magcoconfess. This is insane…” Natampal niya ang kanyang noo kaya tumigil pa sandali ang make-up artist sa pagmimake-up sa kanya.
Last year, parang happy crush niya si Israel na inspired siyang pumasok para makita ito. But this year… I think she’s…slowly having deep feelings for him.
Pero…baka deep crush lang din? Anong…anong mararamdaman ni French kung—ngunit wala naman akong plano sa amin ni Israel. At gusto ko nang kalimutan pa ang nakaraan. Kung…kung dadating ang araw na magkakaroon sila ng malalim na ugnayan…m-matatanggap ko.
“Alam mo, ang ganda ganda mo. Para kang sinaunang Prinsesang tumakas sa libro at nanirahan lang dito,” compliment noong babaeng tumutulong sa akin na itali ang laces sa likod at tinitingnan rin ako sa salamin.
“Uso talaga sa mga instik ang pinagkakasundo ang anak nila. Ewan ko ba… Kaya hindi rin sila basta bastang nauubusan dahil masyado silang sigurista. Kahit mga anak ay handang itulak sa mga lalakeng may kalebel ng kanilang estado para lang mas yumaman lalo.”
Pagkatapos rin naman niyang ayusin ang aking kabuuan ay lumabas rin naman kami. Pumalakpak agad si French nang makita ako.
“Gosh! You looked so gorgeous Trace! Sobra!” aniya na ikinangiti ko.
“Salamat, French… Ikaw rin!”
“I know! Always naman,” confident niyang sabi na ikinatawa nalang naming dalawa.
Minsan nalang si Kuya sa bahay kaya kami na madalas ang magkasama ni French. Pero sa mga ganitong okasyon ay nagkikita rin naman kaming tatlo. Mamaya sigurado akong naroon rin siya.
“You need to look great since lalabas tayo sa magazines. This party is for elite people, Trace! Pagkakaguluhan tayo sa social media so dapat maganda ang kinalabasan mo sa pictures,” sabi niya pa noong tuluyan na kaming pumasok sa loob.
Nagkalat agad ang mga business man na nakatuxedo at ang kanilang mga asawa na nakalong gown rin at may hawak pang wine glass. Isang pianist ang nasa gitna noong stage at may tumutugtog rin ng violin habang biniblend nila ang tugtog at lumilikha ng napakacomportableng kanta.
May pagka vintage ang lugar at parang bumagay ang suot kong kulay beige sa paligid. Naggugrupo ang iilan at nag-uusap. Si French naman ay hinila ako papunta roon sa may mahabang mesa kung saan may mga nakahelerang pagkain.
“Gosh… I’m like kinakabahan talaga… I’m praying na sana Dad won’t pair me tonight… This is so insane!” Nailing siya at bakas sa mukha ang pag-aalala.
Iginala ko narin ang tingin at marami nga namang kaedad namin ngayon. Lahat ay singkit at ang iba ay may katulad kong mga mata. Puro intsik ang nandito.
“Si Kuya, dumating na?” tanong ko kay French na iginala rin sa iba pang direksyon ang kanyang mga mata.
“What if tumakas nalang tayo later Trace? Since diba… We don’t like this kind of parties naman! We can’t relate sa mga old people ’no.”
“Pero French baka nga ipakilala tayo ni Papa at hanapin tayo…”
Natampal niya ang kanyang noo at sumimangot na.
“I hate being next to Kuya. How I wish bunso nalang ako… Dapat ikaw nalang ang mas ate…” Sumimangot siya sa akin.
“Baka naman hindi pa ikaw diba… Baka nga ako eh,” sabi ko sa kanya para lang mabawasan ang pag-aalala nito.
Naroon lang kami ni French sa may mga pagkain. Umiinom na siya ng wine habang ako naman ay hindi matigil sa kakakain ng matatamis.
“Oh my gosh! Jackson is here na naman!” Tinuro ni French ang imahe ni Jackson na kakarating lang at nakapamulsa pa. Nakatuxedo rin ito at lumilitaw ang kasupladuhan dahil sa ayos ng kanyang buhok na nakabalandra ang noo at masyado na namang maaliwalas ang mukha.
“I really have a strange feeling about that guy, Trace! If Dad will pair me talaga tonight tatanggi talaga ako right away!”
Mas naging paranoid lamang si French at ako itong mas ginanahan sa pagkain dahil sobrang sarap ng mga makalatag na matatamis. Mas may connection pa ata kami ng mga pagkain kaysa sa ibang tao rito. Nag-eenjoy akong pasubo subo lang.
“Jackson, may sinabi ba ang parents mo na mangyayari right now?” tanong agad ni French nang lumapit ito sa amin.
Pinasadahan ako sandali ng tingin ni Jackson pero ibinalik rin naman ang mga mata kay French.
“Wala eh. Bakit?” tanong niya at tiningnan ako saglit pero ibabalik rin ulit kay French.
Dahan dahan akong sumubo at nakatingin na sa dalawa.
“I think sasabihin na ni Dad sa akin tonight na magka ka fiance na ako.” Nagalaw galaw ni French ang kanyang mga kamay.
“Ah? Hindi si Tracey?” Tiningnan ako ni Jackson ng makahulugan.
“Hindi ko rin alam, Jack…” sabi ko sa kanya na ikinatitig niya pa sa akin. Si French naman ay natampal na ang noo.
“Either it’s me or si Trace!”
“Baka ikaw…” sabi ni Jackson sa akin na hindi parin inaalis ang mga mata sa akin.
“Di ko alam eh.” Hilaw nalang akong napangiti at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon kung sakaling ako nga.
Tinawag rin naman si Jackson sa lamesa kung nasaan sina Papa at Tita Brenda. Sinenyasan niya kaming pupunta lang siya roon kaya tumango rin kaming dalawa ni French at nakasunod narin ang aming mga mata.
Si Papa ay may kausap na singkit na babae at kaedad lamang ni Tita Brenda. Tumabi naman si Jackson doon at sa gilid niya ay may binulong ang Daddy niya sa kanya na ikinatango nito. So that’s his Mom? Kompleto ang parents ni Jackson ngayon? Madalas lang kasi ay ang Dad niya ang nandito.
“French, Mommy iyon ni Jackson ata,” sabi ko sa kanya at tiningnan ang babaeng kausap ni Papa na nagkakatuwaan narin. Nakahigh ponytail ang buhok nito habang nakasuot ng black dress.
“Oh gosh! No… No… No! Gosh! This is really not happening! Jackson is such a sly! Feeling ko may alam siya rito at ayaw niya lang sabihin! Kompleto sila! May maipagkakasundo talaga ngayong gabi, Trace!” Niyugyog na ako ni French.
“Kumalma ka nga. Baka nga ako eh…” Natatawa kong hinawakan ang kanyang balikat para mapirme lamang ito.
Namataan ko ang pagdating ni Kuya at may kasamang babae. Napatingin ito saglit sa amin ni French kaya kinawayan ko na pero ang supladong iyon ay tumango lamang at ibinalik ang tingin sa kasamang babae.
Umupo rin si Kuya sa lamesa kung nasaan sila Papa.
“Labas nalang tayo Trace. Let’s stay sa pool area. Jackson’s Mom is so weird she keeps on glancing at me! I really hate this…” Hinila na ni French ang aking kamay makalabas lamang kami sa Hall na iyon.
Dala dala ko pa iyong platito na may mga matatamis at nilingon ko ang lamesa nila Papa. Kausap niya parin iyong babae at si Papa ay ngumingiti na saka kami tiningnan.
“Teka ibabalik ko lang itong platito, French,” sabi ko kaya bumalik ulit ako sa lamesa.
Sakto namang tumayo narin si Papa at nagtungo sa akin kaya napahinto pa ako. Nilingon ko si French na kagat kagat na ang labi habang nakatingin kay Papa.
“Are you having fun, anak?” Nakangiting tanong sa akin ni Papa.
Tumango naman agad ako at napatingin sa kanilang lamesa. Ang mga mata agad ni Jackson ang aking natagpuan pero iniwas niya rin at nakipag-usap na sa kanyang Mommy.
“Gusto mong umupo roon? Or you’re fine here?” tanong muli ni Papa na ikinatingin ko agad sa kanya.
“Ah… I’m fine here po, Papa…” sagot ko na ikinatango tango niya naman at iginala ang tingin. Huminto iyon sa kinatatayuan ni French kaya sinenyasan niya itong lumapit.
Nilingon ko narin si French na napipilitan pang maglakad papunta rito. Iba narin ang hataw ng aking puso. Parang may kakaiba rin talaga. Buo ang pamilya ni Jackson at iba na ang tono ng pananalita ni Papa ngayon. Parang may gusto siyang sabihin sa amin ni French.
“What is it, Dad? Pupunta sana kami sa pool area since gustong magpahangin ni Trace. You know her naman… she doesn’t like crowded places…” Pilit na ang ngiti ni French at pasimple nalang pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok.
“Oh I see… Gusto mong magpahangin doon, Trace? Gusto mo bang pasamahan kita kay…” May nilingon siya sa kanilang lamesa at may mga tiningnan roong lalake. Ang iba ay kaedad lang rin ni Jackson.
Nagkatinginan agad kami ni French. Umiling agad ako kay Papa.
“Okay lang po ako Papa,” sabi ko na ikinabalik ng mga mata ni Papa sa akin.
“Dad, kaming dalawa ni Trace ang pupunta doon. Sasamahan ko siya,” si French.
“Oh no, you can’t sweetie. You need to stay. I need you there…” Nilingon niya pa ang lamesa saka ulit tiningnan si French ng makahulugan.
“H-Huh? But why…” Napaatras na si French at napalunok na.
“Well… For business purposes. May ipapakilala lang ako sa’yo. Let’s go,” saka ako nilingon ni Papa. “And Trace… You sure you’re fine? Ayaw mong magpasama sa iba?”
Umiling agad ako.
“Okay lang po ako, Papa…”
Tumango tango naman si Papa at sinenyasan na si French na sumama sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa at ang tanging naibigay niyang tingin ay pagkadismaya.
Tiningnan ko silang maglakad doon. Para akong nabunutan ng tinik nang mapagtantong hindi ako ang may makakapares ngayon. Ibig sabihin lamang nito… si Jackson nga ang fiance niya?
Kausap na ulit ni Papa iyong Mommy at mukhang pinapakilala na sa kanya si French. Ako naman itong lumabas nalang at nagtungo sa sinasabing pool area ni French. Nagtanong nalang ako sa waiter na nakasalubong ko at inihatid rin naman ako sa pool area nila.
Paglabas ko, ang kabuuan agad ng syudad ang aking nakita. May mga citylights doon at ang liliit tingnan noong mga matatayog na building sa malayo. Malapad ang kanilang swimming pool at sa harap noon ay parang isang countertop pa kung saan nakalagay ang mga inumin.
May mga upuan doon at akma sa pool. Sa gilid ay mga pine trees at pinalilibutan ng parang fairy lights. Umihip ang malamig na hangin at bahagyang gumalaw ang aking suot na kahit ang hibla ng mga buhok kong nasa gilid lamang ay sumayaw narin sa ere.
Hinubad ko ang aking pumps at inilagay iyon sa gilid. Bahagya ko pang itinaas ang aking suot na long gown para makita ko ang aking mga paa. Napangiti ako at dumaan sa gilid ng pool. Ang lamig na dulot ng sahig ay naramdaman ko na.
Para akong Prinsesang may tinakasang pagsasalo at nandito ngayon, mag-isa sa pool area-
May biglang sumipol na halos ikinagulat ko at nabitiwan ang pagkakahawak sa bawat gilid ng aking gown. Sa aking pagkakataranta ay naapakan ko pa ang dulo ng aking damit hanggang sa mawalan ako ng balanse. Napatili ako at naramdaman nalang ang paglubog ko sa pool. Nasa 6feet ako! Oh my gosh! Di ako marunong lumangoy!
Nakarinig ako ng marahas na tunog ng tubig at mukhang may tumalon. Ako naman itong todo sikap na makaahon pero lumulubog rin talaga ako. Nakakainom na ako ng tubig!
Ilang sandali lamang ay naangat na ulit ako sa itaas at may humahawak na sa akin.
Napakapit ako sa kung sinong balikat at nauubo na habang hinahabol ko ang hininga kong halos hindi ko matagpuan kanina.
“You okay?” tanong ng isang baritonong boses at tumama pa sa akin ang kanyang hininga.
Mabilis ko itong tiningnan at ganoon nalang ang aking pagkagulat nang makita ko ang mukha ni Israel! Ang mokong na ito ang sumipol kanina?!
Mabilis ko siyang itinulak at binitiwan niya agad ako. Kaso noong lumubog rin naman agad ako sa tubig ay bumalik rin ako sa pagkakakapit ko sa kanyang balikat. Gosh!
“We both know you don’t know how to swim.” Umalingawngaw ang malademonyong tawa niya sa gilid ng aking taenga habang hinihilamos ko ang aking mukha. Tumataas baba ang aking balikat at marahas parin ang aking paghinga.
“Nandito ka? Noong nasa Bar rin ako ay nandoon ka… Sinusundan mo ako…” Bintang ko.
Napatitig si Israel sa akin at dahan dahan pang bumaba ang mga mata sa aking labi. Basa narin ang kanyang cotton shirt at mukhang nakasweatpants pa. Ba’t ganito ang ayos niya?
Sinuklay niya paatras ang kanyang buhok kaya mas malinaw na ang kanyang mukha ngayon. Ang kanyang kamay ay humigpit sa aking baywang at ako itong nakakapit parin sa kanyang balikat. Masyado na akong nadidikit sa katawan niya.
“Nakacheck-in ako rito,” aniya.
“Huh? Ngayong araw?”
Tumango siya. “Ngayong gabi. And you’re here… How coincidence.” Binasa niya ang natural na pula niyang labi at umangat pa ang kilay habang nakatagilid na ang ulo. Para niya akong sinisilip na ewan sa malisyosong paraan.
Coincidence? Pero parang sinasadya niya! Sinusundan niya ako…
“Pwede pakihatid ako sa gilid ng pool?” Nginuso ko pa iyon.
Nilingon niya iyon sandali pero ibinalik rin sa akin at nagawa pang bumaba ng kanyang tingin sa dibdib kong dikit na dikit sa kanyang dibdib.
“Dito muna…” makahulugan niyang sabi at sumisilay na naman sa mukha ang kapilyuhan.
Nasira ang aking ekspresyon. Sa tuwing nagkikita talaga kami ni Israel, palagi akong napapahamak. Palagi akong napapahiya sa kanya.
Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at nadatnan itong nakaawang ng kaonti ang basang labi. Sa sinag ng buwan at sa mga ilaw na naririto, mas nabigyan ng ilaw ang kanyang guwapong mukha. His deep brown eyes is too much… Madilim ngunit malalim ang titig sa akin at nanliligaw na naman.
“May kacheck-in ka?” biglaan kong tanong. Kusa na iyong tumakas sa aking bibig.
Kung hindi siya nandito para sundan ako… Baka may kasama siyang iba.
Hindi agad siya nakasagot at naiwas pa ang mga mata sa akin. Binasa niya ang pang-ibabang labi at mukhang iniisip pa kung magsasabi ito ng totoo o hindi.
“Babae?” dugtong ko agad na ikinabalik ng tingin niya sa akin.
“She will leave eventually,” aniya na ikinabigo ko na agaran niyang ikinanguso.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at dahan dahan ng lumuwang ang pagkakakapit ko.
“Ah… A-Ako rin… May kasama ako sa loob ng party… Mga lalake…” mahina kong sabi.
Hinanap niya ang aking mga mata at wala man lang itong reaksyon sa sinabi ko.
Ito naman ang gusto ko, hindi ba? Ayokong…mapalapit ulit sa kanya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit…bakit ang hirap kumbinsihin ng buo ang sarili ko na…ayoko na sa kanya?
“Pakidala ako sa gilid ng pool area…” sambit kong muli at sa mahina ngunit klarong boses na.
Sinunod niya rin naman ang gusto ko. Noong makarating ako sa dulo ay umahon agad ako. Itinulak niya pa ako para lang hindi ako mahirapan. Ngumuso ako at umupo roon habang siya ay umahon narin at tumabi sa akin. Ang mga tubig ay umagos pa sa kanyang katawan at dikit na dikit na ang suot niyang cotton shirt sa kanya. Napalunok ako ng laway at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Kung hindi man ako nalunod kanina, sa kanya ako palaging nalulunod at kinakapos ng hininga.
Chapter 47
Warning: R-18
Taste
“So… You’re doing fine.” Nilingon niya ako.
Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang nakatitig sa akin.
“Ikaw rin…” sabi ko sa kanya.
“You don’t like when I’m chasing you so I stopped.”
M-May punto siya.
“What kind of party are you attending?” biglaan niyang tanong na ikinabura ng pinag-iisip ko.
“Ah business…”
Tumango tango siya at mukhang wala namang pakialam sa bagay na iyon. So coincidence nga lang siguro talaga kaya siya nandito.
“I have clothes in my room. We can go there. Di ka pwedeng bumalik doon na basa ka.”
Bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi. Nanlaki pa ang aking mga mata noong nilingon ko ito.
“H-H’wag nalang…”
Umangat agad ang kanyang kilay at bumaba pa ang tingin sa aking katawan.
“I can clearly see your firm boobs and your thin body.”
Bumaba ang aking mga mata sa aking katawan at totoo nga… At pag bumalik ako roon… Baka mapagalitan rin ako ni Tita Brenda. Saka ang alam ko, hanggang midnight ang party na iyon. At sa nangyayari roon, sigurado akong magtatagal nga sila Papa dahil importante ang nagaganap.
Tumayo si Israel kaya tiningala ko pa ito. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Ilang sigundo ko pa iyong pinag-isipan pero sa huli ay pumayag rin ako.
Huminto kami sa isang room. Binuksan niya iyon saka niya ako nilingon. Bigla akong kinabahan pero dahil wala naman itong malisya… pumasok ako.
Malaki ang room na iyon. Ang sumalubong agad sa akin ay malamig na gawa ng loob. Napatingin ako sa gilid at nakita ang aking kabuuan sa malaking salamin. Basang basa nga ako at medyo natutuyo na ang aking buhok dahil nipis lang naman iyon pero mahahalata paring basa ito.
May kinalkal si Israel sa may gilid ng malaking kama at kinuha roon ang tuwalya saka nipis na malaking puting cotton shirt. Inilagay niya iyon sa kama at nilingon ako. Sinenyasan niya akong kunin iyon.
Humakbang ako pero noong nakita kong walang kahirap hirap niyang hinila sa kanyang likod ang kanyang suot at hinubad ito ay natigil na ako sa paglalakad. Suminghap ako at mabilis na tumalikod.
“B-Ba’t ka naghuhubad?! A-Akala ko ba… M-Magpapatuyo lang ako dito!” Pulang pula kong sabi at halos lalabas na ata sa aking dibdib ang puso kong nagsisimula naring magwala.
“I’m wet too…” he chuckled playfully, nanunuya pa ang boses!
“Chill. Don’t act as if it’s your first time seeing me topless,” sabi niya sa nakakaakit na boses at mukhang nang-aasar na.
Mas lalo akong namula. Para na akong lalagnatin at gusto nalang kumaripas ng takbo sa labas.
“Magbihis kana para mahubad mo na ’yang suot mo. Basang basa ka,” aniya.
Kinalma ko ang aking sarili at humarap muli. Ngayon ay nahubad niya narin iyong sweatpants niya at may panibago ng sweatpants na suot. Iyon nga lang… topless parin. Ni hindi na magsink-in sa aking utak ang huli niyang katawan kumpara ngayon. Ibang iba na…
Nanginginig akong naglakad palapit sa kama at kinuha iyon. Dumeritso agad ako sa cr at para makapagbihis. Napasandal pa ako sa pinto at parang aatakihin na dahil sa kaba. Nasapo ko ang dibdib at hinabol ang hininga. Walang malisya Trace… Isipin mo nalang na magkaibigan kayo… Kahit iyon nalang siguro.
Hinubad ko iyong basa kong suot at nagbihis na. Sinuot ko ang tanging bigay niya sa aking cotton shirt at napagtantong wala iyong pang-ibaba. Huh? Ano? Ito lang ang susuotin ko?! Paano ako lalabas nito kung ganoon!
Binuksan ko ng kaonti ang cr at nagsalita.
“Uhm… Asan ’yung pang-ibaba?” tanong ko at di na ito dinungaw pa.
“I am wearing my last sweatpants while you’re wearing my last shirt.”
“Huh? Paano na yan!” Dinungaw ko ang aking ulo at natagpuan siya roon sa kama. Nakaupo at nakaangat na agad ang kilay sa akin.
“Gusto mong palit tayo? Ikaw ang topless?” Nanunuya niyang tanong kaya mabilis kong isinara ang pinto ng banyo.
Nanliit ang mga mata ko kay Israel. Wala talaga siyang pinagbago!
Lumabas rin naman ako dala dala iyong basa kong damit. Si Israel na nakaupo na sa sofa at nanonood ng tv at mukhang bagot na bagot ang mukha ay napalingon agad sa akin.
“Uh, saan ko ’to ihahanger?” tanong ko at kitang kita kung paano niya ako hinagod ng tingin nang dahan dahan.
“Over there,” namamaos niyang sabi at may itinuro siya at sa labas iyon ng veranda.
Nagtungo ako roon at sa likod niya lang dumaan. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ko ang transparent door ng veranda. Ang hangin agad ang sumalubong sa akin.
Nilingon ko si Israel na nakita kong nag-iwas rin naman ng tingin at supladong suplado ang mukha habang nakahilig ang isa niyang kamay sa balikat ng sofa, ang palad ay nasa pisngi at malalim na ang tingin sa tv. Okay?
Tuluyan akong lumabas at nagtungo roon sa mga upuan. Sumampa ako roon saka ko iyon inihanger sa nakita kong pwedeng pagsampahan noon.
Humilig ako sa railings at tiningnan ang kabuuan. Sa sobrang ganda rin ng paligid, sandali kong nakalimutan ang aking alalahanin. Napangiti ako nang wala sa oras habang ninanamnam ang preskong hangin at tila niyayakap ako. Naiisip kong ako lang mag-isa rito-
“Get in. The wind is cold,” biglang hirit ni Israel sa supladong boses na ikinaputol ng pagmomoment ko.
“Di ako nilalamig,” medyo malakas kong sagot para marinig niya.
“Nilalamig ako. Pumapasok ang hangin dito,” rason niya na ikinasira agad ng aking ekspresyon. Eh mas malamig pa nga sa loob dahil sa full na aircon eh! He’s bluffing!
Tiningnan ko saglit ang nakalambitin kong damit sa gilid at okay nalang naman iyon kaya pumasok rin ako.
Isinara ko ang pinto ng veranda at naramdaman agad ang mas malamig na loob. Itong si Israel napaka ano talaga. Maarte. Magkakasundo nga naman sila ni French dahil kapwa sila maarte. Kung nagconyo ito pwede na talaga.
Napanguso ako sa aking pinag-iisip at nagpigil ng tawa. Ang supladong si Israel ay mabilis akong nilingon at magkakasalubong pa ang kilay. Iritang irita ata ito na ewan.
“What’s funny?”
Tsismoso.
“Ah… Wala….” Mas ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
“Tell me. Ano yang iniisip mo?” Suplado niyang tanong at parang maiinis na pag di ko sinabi sa kanya.
“Wala nga!” Natawa ako bigla na mas ikinasira ng kanyang ekspresyon. Para talaga itong bata minsan.
“Tsss….” Suplado niyang inalis ang kanyang mga mata sa akin at ibinalik sa tv.
Inilagay ko naman ang aking mga kamay sa aking likod at sumandal doon sa transparent door. Kaso laking gulat ko nalang nang bumukas iyon ng kaonti hanggang sa nawalan ako ng balanse dahil hindi ko iyon naisara nang maayos!
Napatili ako at ramdam ang pagbagsak ko bigla sa sahig. Mabilis ko namang naitukod ang aking mga kamay pero ang sakit sakit ng aking balakang!
Mabilis na nakarating sa aking harapan si Israel at gulat na gulat sa aking posisyon. Napadaing ako ako at napapikit dahil sa natamo kong pagkakatama sa matigas na sahig.
“Ahh…. Aray…” Napangiwi ako at napatingala habang mariing nakapikit. Bali na ata ang buto ko! Ang pwet ko! Parang balloon na pumutok! Ganoon ang feeling ko!
Narinig kong nagmura si Israel kaya napadilat agad ako. Napagtanto kong nakabukaka ako habang nakapiko ang aking mga hita, ang cotton shirt na aking suot ay umangat na at nilalantad ang aking pusod at ang aking kulay pulang lace panty. Mabilis kong isinara ang aking mga hita at nanlalaki na ang aking mga mata.
Si Israel ay tila wala na sa sarili. Nakatitig siya sa akin pero di ko na siya mabasa. Lumapit siya lalo hanggang sa pinangko niya nalang ako bigla at biglaan akong umangat sa ere. Madilim ang kanyang ekspresyon habang karga ako at pinapasok ako sa loob. Hinila ko ng mabilis ang aking suot para takpan ang aking tiyan pero dahil karga karga niya ako, nakikita na ang aking panty.
Ibinaba niya ako sa dulo ng kama at lumuhod pa sa aking harapan.
“Saan ang masakit?” he asked in a hoarse voice while looking at me intently.
At dahil masyado itong seryoso ay kinakabahan narin ako na baka bigla siyang magalit pag di ako sumagot ng maayos.
“A-Ang balakang a-at paa ko…” Itinuro ko ang paa kong nawalan ng balanse kanina.
“This one?” Hinawakan niya ang aking paa na ikinaawang ng aking bibig dahil sa dumaloy na kirot sa akin.
Mabilis siyang nag-angat ng tingin at nakita ang aking ekspresyon. Nagkasalubong agad ang kanyang kilay habang malalim na akong tinitingnan. Sinimulan niya iyong masahiin at hindi man lang inaalis ang tingin sa aking nakakapaso na.
“A-Ahh… M-Masakit…” Daing ko at ginalaw ko pa iyon na sana ay binitiwan niya nalang.
Mas hinilot iyon ni Israel kaya napahawak agad ako sa bedsheet at naitapon na ang aking ulo sa likuran. Nasira ang aking ekspresyon at ang isa kong paa ay gusto nalang siyang sipain.
“Aray…” daing ko sa mahinang boses.
“Close your legs, Trace. I can see your…” he said, trailing.
Nanlaki agad ang aking mga mata at naibalik ang aking tingin sa kanya. Bumangon ako at umupo ng tuwid saka ko isinara ang aking mga binti pero bago ko pa man iyon nagawa ay naiharang na ni Israel ang kamay niya roon.
Mas inisara ko ang aking mga hita para ipitin ang kamay niya roon pero ang pilyong ito ay ngumisi lang.
“Don’t tell me you’re not turned on right now…” namamaos niyang sabi at lumapit ng kaonti sa akin.
Ang isa niyang kamay ay nakatukod sa gilid ko habang ang kanyang kamay ay marahas na itinulak ang isa kong hita at iniluhod niya nalang bigla sa aking gitna ang kanyang tuhod. Bigo na akong isara nang maayos ang aking mga hita dahil sa kanyang ginawa.
“Israel…” saway ko sa kanya pero iba na ata ang pagkakatawag ko.
Hindi siya natinag. Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya kaya ako itong umaatras at naitukod na sa aking likuran ang aking mga siko.
Humagod ang kanyang mga mata sa aking mukha at nanatili iyon sa aking labi.
“Mali ito…” bulong ko sa kanya at pilit ko naring pinapaalalahanan ang aking sarili.
“Then push me and I’ll stop what I’m thinking right now… Push me…” Nanghahamon niyang sabi sa nag-aalab niyang tingin sa akin.
Itulak mo siya, Trace…
“Come on…” napapaos niyang sabi at mas inilapit pa ang mukha sa akin.
Napapikit ako habang bumibigat na ang aking paghinga.
Sa gilid ng aking panga, naramdaman ko ang dulo ng kanyang ilong kung paano niya iyon ipinaglandas at hinagod ako noon paakyat sa aking leeg. Tumindig agad ang aking balahibo sa aking batok at parang pinupulupot ang aking tiyan. Nanunukso ang kanyang kilos at mas lalo lamang akong nanghihina.
“Come on, Trace… Push me if you don’t want this. I dare you… Itulak mo ako palayo sa’yo o ang sarili ko ang itutulak ko sa’yo…” bulong niya.
Inangat ko ang aking kamay. Pero sa halip na itulak ito ay humawak pa ako sa kanyang balikat. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakaawang na ang kanyang basang labi at tila may epekto sa kanya ang paghawak ko.
Ang aking kamay ay naglakbay hanggang sa makarating ako sa kanyang leeg at doon ako humawak.
Israel smirked, like he finally tamed a demon.
“Good girl,” bulong niya sa aking labi at itinagilid ang kanyang ulo, sabay hagod ng kanyang labi sa aking labi.
He kissed me softy, like he was trying to let me familiarize his movement so I could…copy it. He was half asleep while his eyes were looking me drunkenly, patikim tikim ang ginagawa sa labi ko nanunukso ang kanyang galaw.
Burned by how his kisses were tormenting me, I couldn’t help but immitate the movement of his lips. He cursed against my lips and sighed heavily when he realized I was already kissing him back.
“Damn girl. You really know how to make me crazy over you, huh…” ani Israel at itinulak lalo ang tuhod sa nakaparte kong mga hita.
I gasped when I felt him. At ang nakakahiya pa, dahil halos ungol ang nagawa ko. He immediately covered my lips with his lips as my moan turned into muffles while he kissed me again.
Hindi ko kailanman naramdaman ang ganitong init sa katawan at pananabik. Kuryoso man sa napapanood na mga palabas, ngunit ang maramdaman ito ngayon kay Israel, nanghihina ako.
“You’re moving your hips,” bulong niya at marahang natawa.
“H-Huh?”
“Here. Grind more…” He pressed his knee against the soft cloth of my underwear and I realized what I was doing.
Pumikit at napatingala. His lips trailed down the length of my neck. Bigo ko nang mahawakan pa ang aking huwisyo. Para bang pagod na ang katawan ko sa kakaiwas at bumibigay na ngayon sa kanya.
“This one is better,” ani Israel nang wala sa sarili na akong napahiga at pumaibabaw siya.
Hindi ko alam ang tinutukoy niya. Ngunit nang itinulak niya ang isa kong binti at idinirekta ang kanya roon, suminghap ako dahil sa bolta-boltaheng kuryente na dumaan sa aking katawan.
At ang nakakahiya, ramdam ko agad na basa ako roon.
“Is… Rael…” tawag ko sa kanyang pangalan at hindi na alam kung gusto ko ba siyang tumigil sa paggalaw o gusto kong iyon lang ang gawin niya.
He covered my lips with his again. He licked my lips first before shoving his tongue into my mouth as he grinded more.
“Hmm? You want me to stop?” bulong niya sa aking labi.
Hindi ako makasagot dahil pakiramdam ko, may bituin na akong nakikita. Pakiramdam ko, lumilipad na ako.
“Hmmm… So you like this?” he asked me naughtily while kissing the side of my earlobe. Marahan ang kanyang galaw roon. Pasagad at mabagal lamang. Para siyang nanunukso at may gustong buhayin sa akin.
“Gustong gusto mo naman pala pero tinutulak mo ako. I can do worst than this Trace… Claim me.” Mas lalo pang naging mapusok ang kanyang paggalaw na ikinaliyad ko na.
Ang isa niyang kamay ay nakarating sa aking dibdib at hinalikan akong muli. He used his thumb to pleasure my peak while rubbing it in a circular motion.
Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o…talagang umuungol siya sa bibig ko. Malalim ang kanyang paghinga at magkasalubong ang kilay habang namumungay ang mga mata.
Nakita ko mismo na…nasasarapan siya. At alam ko, ganoon din ako.
“You like it,” he said, smirking.
“Ano?”
“This. When I’m burrying it against your wetness. When…I’m moving… And when I’m kissing your lips while grinding.”
Nagpalala lang yata iyon sa nararamdaman ko. Ramdam ko na parang may sasabog sa akin. Parang may naabot ako. Kaya noong bigla siyang tumigil, para akong anghel na biglang nahulog pabalik sa lupa at lumagapak.
Nalaglag ang panga ko. Israel smirked and pulled the fabric to the side as he glided his finger in between my folds. Nanginig agad ako at unti-unti na namang umaangat sa ere.
“Wet…” sabi niya sa akin na ikinapula ng aking pisngi.
I was too far gone when I felt the intricate movements of his fingers rubbing me back and forth while he was watching my reaction.
Inabot ko siya at kumapit sa kanyang braso. When he tried to enter it, I was already convulsing that my legs trembled hard!
Israel chuckled. “You came the moment I attempted it. Hmm…” he whispered tauntingly.
Napapikit ako at hiyang hiya. Ngunit noong dumilat at tinikman niya ang daliri niya, namilog ang aking mga mata at mas lalong nahiya.
“I deserve to taste this since I was the reason for it…”
Chapter 48
Nakaraan
“Are you wet?” Nagtataka akong tiningnan ni Kuya nang makasalubong ko siya pagkapasok ko.
Noong pumasok si Israel sa banyo—na hindi ko alam kung anong ginagawa niya roon at wala na akong balak pang alamin, saka ko kinuha ang tsansa na umalis at tumakas.
Naninindigan pa ako na hindi na siya makakapasok sa mundo ko, pero ako itong kusa siyang hinila at…pinapasok.
“A-Ano… Nahulog ako sa pool area, Kuya… At nagpatuyo lang ako doon…” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
“Nahulog ka? Eh hindi marunong lumangoy. Marunong kana?” tanong niya pa at nagkakasalubong ang kilay dahil sa aking hitsura.
Inayos ko ang aking buhok at umiling.
“Nawalan ako ng balanse sa may parteng 4 feet kuya… Nasa gilid kasi ako… naglalakad…” alibi ko nalang na ikinakalma ng kanyang mukha.
“I’ll tell Dad para makauwi kana rin. Magkakasakit ka niyan,” aniya na ikinatango ko at ngumiti nalang ng pilit.
Umuwi rin naman kami at iyon nga… Napagalitan ako ni Tita Brenda habang nasa sasakyan kami. Suot ko na ngayon ang coat ni Papa para labanan ang lamig ng loob.
“My God Trace… You’re a walking disaster. Buti at di ka nalunod doon!” pagalit na sabi ni Tita at nararamdaman ko rin sa boses ang pag-aalala.
“Trace, anak. Bawal ka talagang mag-isa. Paano nalang kung sa 6 feet ka nahulog? Wala kaming kaalam alam na lumulutang kana pala roon at wala nang malay,” si Papa naman na nilingon pa ako sa likod.
“Sorry po…” tanging sambit ko at nilingon si French na tahimik sa aking gilid, nakahalukipkip at nasa labas ng bintana ang tingin.
Tahimik lamang si French hanggang nasa bahay na kami. Ni hindi na ito nag goodnight kay Papa at kay Tita Brenda at deri-deritso lang sa pag-akyat ng kuwarto.
“She doesn’t like it. See Liam?” sabi pa ni Tita Brenda.
“She’ll be fine. Ganyan rin naman noon si Brennan,” si Papa naman.
Binalingan ako ni Tita Brenda. “Go to your room now Trace. Kausapin mo iyong kapatid mo baka gusto non ng kausap,” sabi niya na ikinatango ko.
“Sige po Tita. Uhm, Papa, akyat na po ako.”
Umakyat ako ng kuwarto saka ko nadatnan si French sa aking kama, nakahiga roon at niyayakap ang aking unan. Ni hindi pa ito bihis.
“Dad scold me kanina kasi I told him I’m not going to marry a Chinese. What am I going to do?” tanong niya sa garalgal na boses at mukhang maiiyak na ano mang oras.
“Ano bang sabi ni Papa?”
“He told me mag geget to know pa naman daw. Baka daw magustuhan ko and we’ll work-out.” Bumangon siya at hinarap ako. “You know I don’t like Jackson, Trace! And you know what sino ang gusto niya, ikaw! Pinrangka ko siya. I told him I don’t like him and sabi niya di niya rin daw ako gusto. He likes you! That guy likes you!”
Nalaglag ang aking panga sa isiniwalat ni French sa akin. Natampal niya pa ang kanyang noo at naitapon ulit ang sarili sa aking kama.
“I like someone else! I am ready for this naman noon pero iba na ngayon! I already like someone else!” Pinagsisipa niya ang kanyang mga paa roon na kahit ang iba kong unan ay nalaglag na.
Pinulot ko iyon at ibinalik sa kama. Wala akong masabi sa nalaman kong gusto ako ni Jackson. Ang tanging pumapaibabaw sa akin ngayon ay ang nangyari kanina sa kuwartong iyon.
Nagpaalam muna akong magbihis lalo na’t malagkit ang pakiramdam ko. Pagbalik ko sa aking kama ay kalmado na si French at iba na ang tingin sa akin. Di ko alam kung may napapansin ba siyang kakaiba o ako lang itong guilty dahil alam kong may nangyari kanina.
“Magbihis kana rin,” sabi ko.
“Trace… Diba you don’t like anyone else right now naman?” tanong niya bigla na ikinakurap ko.
Wala nga ba? Si Israel… Pero di naman kami pwede. Ang pamilya naming dalawa ay maggegyera lang. At ayoko rin. Iyong kanina… naging parte lamang iyon ng makamundo kong pagnanasa at hindi ko napigilan ang sarili ko. Normal lang iyon dahil rin sa ginagawa ni Israel.
“Wala naman.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at umupo sa kanyang gilid.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking mga kamay. Minsan lang clingy sa akin si French… Lalo na pag may hihilingin itong isang bagay…
“You know how much I like that guy, diba… Yung crush ko…” sabi niya sa akin sa mga mata niyang nangingislap.
Tumango ako at kinakabahan na.
“Trace… Can you…” Mas tinitigan niya ako sa mga mata niyang namumungay at mas humigpit ang kapit niya sa aking mga kamay. “Can you replace me?”
Parang tumindig ang aking balahibo sa aking buong katawan. Nakakabingi ang hinihingi niyang pabor sa akin at hindi ko agad maipasok iyon sa aking utak.
“You’ll both work out I’m sure of it unlike me! I like someone else and Jackson likes someone else too! And ikaw pa ’yon! Please Trace! Ngayon lang talaga ako hihiling sa’yo. Please help me… Please!” Mas naging nakakaawa ang boses niya habang ako naman itong gulat parin.
Ako… Ako ang gusto niyang magpakasal kat Jackson? Gusto niyang palitan ko siya at ako ang makipagmabutihan sa lalakeng iyon? Pero…
“Please… I beg you, Trace. I’ll do anything you say just please… help me. I don’t love him… Please…” Mas namungay pa ang kanyang mga mata at kitang kita ko roon ang kinikimkim niyang mga luha.
Parang may mabigat na bagay ang pumatong sa aking balikat.
Isipin mong mabuti, Trace… Ang nangyari kanina, sigurado akong lalagyan iyon ng malisya ni Israel. Iisipin niyang may nararamdaman ka para sa kanya at mas mahihirapan kana naman kung naghabol ulit iyon. Kung tinanggap mo ang alok ni French, pwede mo iyong gamitin laban kay Israel para tigilan kana. At pwede mo rin iyong isangga sa sarili mo para matigil kana sa kahibangan mo dahil alam mong maling mali na bumigay ka kay Israel.
Tulala ako ng ilang sigundo habang si French naman ay hinihintay ang magiging sagot ko. Mariin akong pumikit at noong dumilat ako ay isang ngiti na ang pinakawalan ko, kahit pilit.
“Sige…”
Nanlaki agad ang mga mata ni French. Sa sobra niyang tuwa ay niyakap niya agad ako.
“Oh my gosh! You made me so happy oh my gosh! I love you!” sigaw niya at naout balance pa kaming dalawa kaya napahiga kami.
Tumawa ako sa kanyang reaksyon kahit na kumikirot ang aking puso.
Pag nagkita ulit kami ni Israel… sasabihin ko agad na may fiance na ako. S-Siguro naman titigil na siya pag iyon ang sinabi ko? Hindi naman siguro iyon magagalit.
At bakit naman siya magagalit? ’Yung…nangyari sa amin…wala lang naman ’yon. Gawain niya nga yata iyon noon pa man sa iba’t ibang babae. At katulad lang din iyon sa amin na makakamove-on siya, at hahanap na ulit ng iba.
“We’ll tell this to Dad tomorrow ha! And please tell him na di kita pinilit,” sabi niya pa habang hinuhubad ang kanyang long gown.
Tumango ako kay French.
“Sige. Sasabihin ko kay Papa na game ako at siguro… uhm, mag geget to know pa naman siguro…”
“Sige! I’ll tell Mommy rin para matulungan niya tayo to convince Daddy!”
Isang tango nalang ang naibigay kong sagot kay French dahil nagmamadali rin itong magbihis na. Masyado na siyang masaya at hindi ko na iyon kaya pang putulin.
Isa pa, mabait ang mga Chua sa akin. Kung may magagawa ako para tumulong sa business—katulad ng sinabi ni Tita Brenda na baka mapakinabangan ako roon—gagawin ko. At alam ko, ito na iyon.
Kaya habang kumakain kaming apat sa hapag sa umagang iyon, nagtitinginan na kami ni French. Nagsisikuhan pa kaming dalawa kung sino ang mauunang magsalita.
“What’s the matter girls? Kanina ko pa napapansin yang pagsisikuhan niyo…” puna ni Tita Brenda at inilapag ang tasa.
“Uhm, about last night… Mommy Daddy… Diba I’m going to have a fiance na?” tanong ni French sa dalawa na nagkatinginan naman agad.
“Well… Di pa naman agad magpapakasal, French. You’re just going to know each other and then pwede niyong pag-isipan kung kailan kayo magpapakasal,” si Papa naman.
Ngumuso si French at nilingon ako. Si Tita Brenda naman ay pinunasan na ng table napkin ang kanyang labi pero nasa amin ang tingin.
“Diba kagabi sabi ko I don’t want to marry anyone else kasi may gusto akong iba?” mahinahong sabi ni French na ipinagsalubong agad ng kilay ni Papa.
“You know you can’t back-out, French. Napagkasunduan na iyon at malaki ang maitutulong nila sa pagpapalago sa ating negosyo. Their family can bring us to the top! Ayaw mo ba ng mas maganda pang buhay?” tanong ni Papa.
“French, Chinese ba ’yan?” tanong bigla ni Tita Brenda sa kanya na ikinalunok ng laway ni French.
“But I thought it’s okay to like someone na hindi Chinese pag naikasal na si Kuya Brennan. And he’s already married! Bakit mapupunta na naman sa akin ang pressure, Dad? Mom?” Kapwa nilingon ni French ang dalawa.
“But we can’t lose this family, French! Marami silang connection at makakabenefits tayo ng malaki. Napagkasunduan narin ng magulang niya lalo na’t gusto rin noong maipakasal sa isang Chua. And the best part here, they’re Chinese too,” si Daddy.
“But Daddy, I am not the Chua he likes! Si Tracey! Not me! I asked him and… and he confessed his feeling towards Tracey. He loves her, Dad!” si French na umangat na ang boses sa hapag na kapwa ikinatigil ng mag-asawa.
Kunot-noong napatingin sa akin si Daddy. Mukhang hindi niya rin inaasahan ang sinabi ni French. Kahit si Tita Brenda ay iba narin ang tingin sa akin.
“And Tracey doesn’t like someone else naman. She told me… she told me last night na gusto niya ring itry dahil baka magwork-out sila.” Nilingon ako ni French kaya ang kanilang mga mata ay nasa akin na.
Napalunok ako ng laway. Ang mga titig nila ay masyadong mabigat at kahit anong timbang ko ay hindi ko talaga matansya.
“Is that true, Tracey? You… You want to try?” kuryosong tanong ni Papa na dahan dahan kong ikinatango.
“Opo Papa… G-Gusto ko rin po sanang makatulong sa business. K-Kahit sa ganitong way po… Kasi alam ko importante ito para sa inyo,” sagot ko na ikinakurap ni Papa.
“Are you sure, Trace? I mean… that’s a good idea.” Ngumiti na si Tita Brenda sa akin at mukhang nagustuhan ang aking sagot.
Tumango ako at ngumiti narin.
“Opo…”
“See! And di ko siya pinilit ha!” hirit pa ni French.
Nilingon siya ni Papa at tiningnan na ng makahulugan.
“So you’re inlove with someone else, French? Is that a Chinese?” tanong ni Papa at nagkakasalubong na ang kilay.
Hindi sumagot si French at napalingon pa sa akin.
“But the main topic here, Dad, payag si Trace and matutuloy yung kasunduan niyo sa family nila. Mas magwowork-out rin sila ni Trace kasi he already likes Tracey… Eh ako, I don’t like him Daddy! Bakit ako ang napili mo na ipakasal sa kanya?” pambabaliktad agad ni French para malihis iyong topic.
“It’s because his Mom told me his son likes you. But I will confirm if it’s Tracey. Baka nagkamali lang ang mommy niya kagabi,” sabi pa ni Papa at inangat ang hawak na tasa saka siya sumimsim ng kape roon.
Umalis si Papa sa hapag at mukhang may kausap na sa phone. Naiwan naman kaming tatlo at nakatuon agad sa amin ang atensyon ni Tita Brenda.
“French, admit it, di iyan Chinese?” Magkasalubong na ang kilay ni Tita Brenda at mukhang pag mali ang sagot ni French ay magagalit agad ito.
Tumango si French nang dahan dahan.
“Yes Mommy… C-Can you help me kay Dad? Please kumbinsihin mo siya na h’wag nalang Chinese iyong akin…”
“If Tracey marry the guy then maybe your Dad will let you to marry a non chinese. Ba’t hindi mo muna ipakilala sa amin. Baka guwapo lang iyan kaya kinalolokohan mo. Di nakakabusog ang tindig at kagwapuhan, French.” Umismid si Tita Brenda at kitang kita ang pagkakairita sa mukha.
“No, Mommy! He looks like rich naman! And yes, he’s very guwapo. Iyon nga lang he’s not Chinese…”
Binalingan ako ni Tita Brenda.
“Good decision, Trace. I hope you won’t change your mind,” seryoso niyang sabi.
“Hindi na po, Tita. I’m sure na po.” Buong kasiguraduhan kong sabi.
“I know you’re smart unlike this brat.” Pinaningkitan agad ni Tita Brenda ng mga mata si French nang nilingon niya ito na ngumuso naman agad. “You just turn down a bright future, French. You know our culture. Ang Chinese ay para sa Chinese at ngayon, ikaw pa mismo ang lalabag. What gotten into your mind!”
“Mommy! Falling inlove is inevitable ha! Di ko naman masisisi ang self ko kung nahulog ako! And it’s not my fault too if he’s not Chinese. But Tracey agreed narin naman ah? And that guy likes Tracey! Not me! So di talaga kami magwowork-out. I’m sure nagkamali lang si Tita Lorraine kagabi,” paliwanag ni French.
“How can you even be so sure if that guy likes you, you stupid. Ipakilala mo muna sa amin ng Daddy mo. My God French. I can’t believe you.” Inis na kinuha ni Tita Brenda ang kanyang pamaypay at pinaypayan ang kanyang sarili.
“I will okay! Pag may party ulit I’ll bring him. I’ll introduce him,” buong kasiguraduhang sabi ni French.
Sinikap kong huwag magbigay ng reaksyon doon ngunit humahataw ang dibdib ko. Kinakabahan ako. Israel is untamable. Walang nakakapaamo roon ni isa at hindi siya nakokontrol. Unless he’d tame himself.
Bumalik rin naman si Papa sa hapag. Nasa kanya agad ang tingin naming dalawa ni French.
Ngumisi siya at nailing.
“Ah, si Tracey nga…” si Papa na naglalakad na papalapit dito.
Lumunok ako. Pilit ang ngiti kahit parang may tumutusok na karayom sa dibdib ko.
“See! I told you!” Tuwang tuwa na sabi ni French at si Tita Brenda ay nailing nalang.
“Don’t worry Trace… You will get to know each other first.”
“And you can’t back-out,” si Tita Brenda naman dahil mukhang nababasa sa aking mukha na napipilitan lamang ako.
Tumango ako sa kanila at ngumiti.
“Di po,” sagot ko na ikinatango ni Papa at ngumingiti na.
“Mabilis kausap si Tracey, Brenda. Parang ako lang… Nagdedesisyon para sa ikakabuti ng lahat.” Proud na sabi ni Papa habang umuupo na ulit. “I told you she can help us someday. At heto na nga… she’s helping us for our business.” Hinaplos ni Papa ang kamay ni Tita Brenda na ngayon ay tumango na.
“You know my reason why I don’t like her from the start, Liam. You can’t blame me.” Nagkibit pa si Tita saka ako nilingon.
“I understand po, Tita,” sabi ko.
“Tracey has a common sense. Malawak naman mag-isip si Tracey,” si Papa.
“Dad… H’wag ka ngang nagpaparinig sakin.” Umirap pa si French.
Ngumisi si Papa at binalingan ni French na nagpapanggap na nagtatampo.
“Let me meet the guy you’re talking about French. Kung akala mo ay nalusutan mo na ako dahil si Tracey ang pumalit sa’yo, hindi. Tell him to bring his family.”
“H-Huh? Agad agad Dad?” Gulat na tanong ni French.
Family? H-Huh? Pag nalaman rin ni Papa na ang pamilya nila Israel ang naging dahilan ng pagkamatay ni Kuya Bram, magkakagulo! French naman… Please…
Ang inaakala kong maliit na problema ay unti-unti yatang lumalaki. Ang inaakala kong kaya kong iwasan, kahit anong takbo ko palayo, mukhang hindi ko pa rin matatakasan ang delubyo sa nakaraan.
Chapter 49
Storm
“If my crush is there… magcoconfess ako, Trace. Malayo pa ang klase. One month? And Dad is pressuring me so I need to confess na.”
Maingay ulit ang loob ng Club Echelon nang pumasok kami kinagabihan. 9pm palang at may curfew kami hanggang 11 lang kaya maaga kaming pumunta.
Ang nakasanayang spot ng kanyang mga kaibigan ay natagpuan namin doon ni French. Excited silang lahat sa dala dalang balita ng aking kapatid at heto ako, natatangay ang mga mata sa paligid.
Para akong natatangay ng musika. Gusto ko, kahit ngayon lang ay sumayaw ako roon. Gusto kong alisin sa sistema ko ang mga alalahanin ko.
“Oh my gosh so Tracey has a fiance na!” Nagugulantang na natakpan noong kaibigan ni French ang kanyang bibig na kahit ang iilan ay gulat rin.
“Yes! And I am free na to like a non chinese-blood!” balita naman ni French na mas ikinalaki ng kanilang mga mata.
“Really French?! I thought it’s taboo!” iyong isa niya pang kaibigan na nakahigh ponytail at sobrang iksi ng suot.
“Well… Mommy told me mas importante right now daw iyong pairing kay Tracey so pag nagpakasal siya doon ibig sabihin wala na sa akin ang burden and baka pwede na raw akong mamili ng hindi Chinese,” paliwanag niya at hindi nabubura ang ngiti sa labi.
Sinimsim ko ang inuming hawak at walang imik sa kanilang topic. Nagtitilian na sila at niyuyugyog si French dahil sa kanyang ibinalita.
Kahit papaano, masaya naman ako sa desisyon ko. Malaki ang nagawa ng mga Chua na baguhin ang buhay ko. At…mabibigo ko si mama kung…pinili ko si Israel.
Si mama na lamang ang meron ako, at ang bago kong pamilya. Sigurado ako, kahit ang mga Buenaventura, ayaw sa akin. Si Israel lamang ang pumipilit. Kung pinili niya ako, malaking gulo rin iyon sa pamilya niya.
“Shet, French! Nandito ulit siya! Oh my gosh he’s following you na naman!” May kung sinong itinuro ang kaibigan ni French na ikinalipad agad ng kanilang mga mata sa may entrance.
Kahit dim at mausok, ganoon kalinaw ang mga mata nila pagdating kay Israel. Sobrang lakas agad ng pintig ng aking puso at halos natitigilan ako, nanlulumo.
“I’m going to confess! I’m going to confess!” sigaw pa ni French sa mga kaibigan kaya mas naging supportive ang mga ito at desidido ng papuntahin si Israel dito.
Bago pa siya makarating sa lugar na kinaroroonan namin, tumayo na agad ako at umalis doon. Sumiksik ako sa kumpol ng mga tao na sumasayaw at doon dumaan para lamang hindi ko makasalubong si Israel.
Suportado ko si French…at nagpapaubaya ako dahil…dahil ayoko lang maulit ang nakaraan.
Pagdating ko sa restroom ay huminga agad ako ng malalim habang tinitignan ang sarili ko sa malaking salamin. Kumuha ako ng tissue at pinahiran ang nagbabadyang mga luha. Wala kang karapatang umiyak Trace. Ikaw naman ang may gusto nito eh. Panindigan mo ang desisyon mo.
“You left.”
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa baritonong boses ng kung sinong pamilyar sa akin. Napalingon agad ako sa may pinto at naroon siya nakasandal sa gilid, naninimbang ang madilim na mga mata sa akin.
“U-Uh… Maingay kasi doon…” Alibi ko habang naghuhugas ng aking kamay.
“That night Trace… You left.” Pagkaklaro niya na ikinalunok ko dahil sa mga alaalang nagbalik.
Humakbang siya papasok. Nataranta ako. Oo at walang tao pero girl’s restroom ’to!
“Did you drink?” tanong niya at nagawa pang ilapit ang kanyang mukha sa akin para makalebel ako.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.
“Konti,” sagot ko at dadaan na sana sa gilid para makalabas na kaso hinarang niya lang ang bisig niya doon. Ngayon ay nakaharang na siya sa buong pintuan.
“Don’t drink too much. Ayokong nalalasing ka at wala naman ako sa tabi mo-”
“Tabi, Israel,” putol ko agad sa kanya at sinimangutan ito.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at mukhang walang balak sundin ang aking sinabi.
“Ihahatid na kita pauwi-”
“Hindi pwede!” agap ko.
Naging malalim ang tingin niya sa akin. Dumidilim ang kanyang mga mata pero kalmado parin naman.
“Lahat ba ng sasabihin ko ay salungat ang gagawin mo? Ganoon ka ba talaga palagi, Trace?”
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin pero hinanap rin ng kanyang mga mata ang akin. Napahigpit ang pagkakakapit ko sa straps ng aking slingbag. Nagkatitigan ulit kami.
“Di na pwede iyang ginagawa mo sa’kin,” seryoso at matapang kong sabi sa kanya.
Ngumisi lamang siya pero mas lalong naging madilim ang ekspresyon.
“I am not begging for it. Pwede kang tumanggi,” aniya at nanunuya pa ang boses.
“Pwes, tumatanggi ako na ihatid mo ako at kung pwede, alis na.”
“Why?” he chuckled.
“Dahil…”
Umangat ang kanyang kilay at itinagilid ang ulo.
“Dahil may fiance na ako at hindi kana pwedeng lumapit-lapit sa akin-”
“Fiance?” putol niya agad, ang isang kilay ay nakaarko na at dumidilim na lalo ang mga mata.
Tumango ako, ramdam ang puso kong sinisira na ang aking ribcage sa loob. Kinakabahan ako.
“Oo fiance. Yung nakatakda mong pakasalan balang araw-”
“I know that word. Do you even love that person, Trace?” Sa timbre ng boses njya, ang kontroladong galit, alam ko na ayaw niya.
“H-Hindi na ako pwedeng magback-out. At… p-para naman iyon sa ikakabuti ng pamilya ko. S-Sa ikakabuti ko…” sagot ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
Kumuyom ang kanyang kamao nang malaglag ang aking mga mata roon. Ibinulsa niya iyon at nag-iwas ng tingin sa akin.
“Kung sasabihin kong h’wag mong pakasalan, pakakasalan mo diba? Ganoon ka naman… ang mga sasabihin ko ay salungat ng gagawin mo,” matabang niyang sabi at wala sa akin ang mga mata.
Napayuko ako at nalaro ang aking mga daliri. Parang may punyal n sumaksak sa aking dibdib kaya ganoon nalang iyon kung kumirot.
“Kahit lumuhod ako ngayon at magmakaawang h’wag mong pakasalan, papakasalan mo diba?” he chuckled but without a humor on it. “Tangina yan…” saka niya nasuklay paatras ang tanging hiblang nagrerebelde pabalik sa likod.
“Sinabi ko na sa’yo, iyon na ang huling magmamakaawa ako.” Nailing siya at tiningnan ako. Kalmado siya pero makikita mo ang tabang sa kanyang ekspresyon.
“Gawin mo ang gusto mo at magpakasaya ka. Sige, pakasalan mo.” Tumalikod siya at lumabas rin.
Nanlabo agad ang aking mga mata. Siguro nga, nasanay ako na naghahabol siya sa akin. Nasanay ako na hindi niya ako bibitiwan. Na kahit anong tulak ko, luluhod siya sa gusto ko. Kahit anong pagpupumiglas ko, hindi niya ako pakakawalan.
Kaya ngayong…nakikita siyang lumalayo, at nagbitiw ng mga salita, doon ko unti-unting napagtantong hindi ako nakakulong sa kanya.
It was me who couldn’t come out. It was me who’s trapped—not locked—but sheltered in his arms—the darkness that comforted me.
Hindi si Israel ang tinatakasan ko kundi ang nararamdaman ko sa kanya na hanggang ngayon, nandito pa rin. Hanggang ngayon, alipin pa rin sa kanya. Kaya nakakatakot dahil alam ko, kaonti pang pilit, kaonti pang lapit, bibigay ako sa kanya.
“Israel…” at halos hindi ko man lang maramdaman ang sarili nang hinanap ko siya sa dagat ng mga tao—na baka sakaling…
“Trace! Where have you been? Pinapahanap ka ni French sakin. Let’s go back na!” Isa sa mga kaibigan ni French ang nakasalubong ko at ngayon ay hinihila na ang aking pulso pabalik.
“Yung crush ng kapatid mo, they’re already getting to know each other!” pagmamalaki niya sa akin at ngumisi na ng matagumpay.
H-Huh? S-Si Israel?
Bago pa ako makapang-usisa, sa couch namin, nakita ko ang lalakeng hinabol ko. Naroon, nakaupo katabi ng aking kapatid na nakaharap ng buo sa kanya.
Para akong nablangko bigla. Magkatabi sila at umiinom si Israel doon habang si French ay aliw na aliw sa kanya.
“I found your sister na, French.” Balita ni Maxinne na ikinalingon agad nilang lahat sa akin.
Lumingon rin si Israel pero malamig na ang tingin at matabang. Nag-iwas rin naman ito saka nilagok ang hawak na inumin.
“Trace come here dali! I’m going to introduce you.”
Nanginginig ang aking tuhod at nanlalabo na ang aking mga mata. Bakit niya naman lalapit-lapitan ang kapatid ko?
“Gusto ko nang umuwi,” tanging sabi ko kay French na mabilis na napakurap.
“Huh? Why?” nagtatakang tanong ni French.
Lumagok ulit ng inumin si Israel. Nilingon ako pero saglit lang ulit. Para akong isang estrangherong tao sa kanya.
“Wag muna, Trace. You’re so kj.” Iyong isa sa mga kaibigan ni French na bumungisngis pa at napadpad agad ang tingin kay Israel.
“Mauuna nalang ako,” sabi ko at nag-iwas na ng tingin.
“Huh? No! Wait… You’re not feeling well ba? You look pale.” Napatayo na si French at nagtungo na sa aking harapan.
Sa kanyang likod, nakita ko ulit ang mga mata ni Israel na nasa akin na. Tumayo narin ito at inilapag ang inumin. Ang mga kaibigan naman ni French ay nasakanya lahat ang mga mata.
“G-Gusto ko nang umuwi,” nanginginig ang boses ko at para na akong maiiyak ano mang oras.
“Are you okay, Trace?” Hinawakan ni French ang aking braso.
Yumuko ako at pinunasan agad ang luhang nag-aambang malaglag. Unti-unti kong napagtanto ang kasalanan ko kay French dahil alam ko, masasaktan ko siya. Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo, at kung malalaman niyang ako ang sadya ni Israel at hindi siya, kakamuhian niya ako.
A-Ayoko nang mawalan ulit ng kapatid.
“Sige uuwi na tayo. Gosh… Kanina ka pa ba not feeling well? You look so pale,” nag-aalala niyang sabi habang bumabalik siya sa couch para kunin ang bag niya.
“Ihahatid ko na kayo,” sabi ni Israel kay French na ikinatili naman agad ng kanyang mga kaibigan.
“Really? You’ll do that?” Namamanghang sabi ni French at kahit dito sa aking kinatatayuan, nakikita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.
Tahimik lamang ako sa back seat habang si French naman ay nasa front seat. Nasa labas lamang ang aking tingin at pilit na kinukurot ang aking mga daliri para hindi na maiyak pa.
“Nahihilo ka, Trace?” tanong sa akin ni French at dinungaw ako rito.
Isang pilit na ngiti ang tangi kong naibigay saka ako umiling. Namataan ko pa ang mga mata ni Israel sa ibabaw ng salamin, naninimbang.
Bumagal ang kanyang pagdadrive hanggang sa tumigil iyon. Napatingin kaming dalawa sa kanya ni French at naghuhubad na ito ng leather jacket niya.
“Are you cold?” tanong bigla ni Israel habang nasa jacket parin ang tingin.
“Well, yeah… since ang nipis ng suot ko.” Tumawa si French saka siya nilingon ni Israel.
“Not you. Your sister is sick,” paglilinaw ni Israel sa kanya na kahit ako ay napakurap.
“Ah… I thought it’s me,” hilaw ang tawa ni French saka ako nilingon.
“Cold ka?” she asked me.
Bago pa makasagot ay inilahad na iyon ni Israel sa akin. Ang kanyang mga mata ay makahulugan agad na pag tinanggihan ko iyon ay magsisisi talaga ako.
Tinanggap ko nalang iyon at sumambit ng mahinang pasasalamat. Sinuot ko iyon at naamoy ko agad ang kanyang pabango na yumayakap narin sa akin. Nadatnan ko pa ang mga mata ni Israel sa itaas ng salamin at nakatingin na sa jacket niyang suot ko.
Tahimik na ulit ako. Si French naman ay todo daldal na sa kanya sa harapan. Kahit ano ano ang sinasabi nito at si Israel ay tatango lang o iiling. Ang tipid ng kanyang mga sagot at mararamdaman ko talagang napipilitan lamang siya sa aking kapatid.
“Taga saan ka ba?” si French na kanina pa ito iniinterview.
“Bukid,” tanging sagot ni Israel.
“Huh? Oh M G! Bukid! Like… Bukid!” Overeacting na sabi ni French.
Tanging tango lang ang naisagot ni Israel habang nagmamaneho gamit ang isang kamay at ang mga mata ay nahuhuli ko sa itaas ng salamin.
“But you look rich naman ah. You have a car pa nga and the way you dress yourself. And your watch, that’s expensive ah!”
Ngumuso ako at itinuon ang tingin sa labas ng bahay. Hindi naman kasi lahat ng nakatira sa bukid—kapos. May mga kagaya nila Israel na mayaman pa higit sa mga taong naninirahan sa syudad. Misteryoso man ang kanilang angkan, pero alam ko, kaya nilang makipagsabayan kahit sa mga Chua, o higit pa.
Pagkatapos niya kaming ihatid ay umalis rin naman ang kanyang kotse. Kaya buong gabing iyon ay kilig na kilig si French at niyayakap na ako. Panay siya talon sa loob ng aking kuwarto at hindi makapaniwala sa nangyari.
“Like bigla siyang tumabi sa akin, Trace! And then I confessed! Oh my gosh! I can’t believe this! Hinatid niya pa ako oh my gosh!” Nahawakan niya ang dalawa niyang pisngi at nangingisay na sa pagkakaupo sa aking kama.
Bakit…bakit ba kasi pinatagal mo, Trace? Kung sa umpisa pa lang sinabi mo, edi sana, hindi na lalaki nang ganito! Duwag ka pa rin talaga.
“But I don’t even know his name! Ang mysterious talaga non! Mas lalo akong nafafall sa kanya! Kaso… kaso ba’t tagabukid?! I’m sure he’s rich! Paano pag maturn-off sila Papa since hindi siya Chinese tapos hindi pa rich!”
Walang katapusan ang lintanya ni French sa gabing iyon. Wala rin naman akong imik at itinulog nalang lahat ng aking mga alalahanin. Kumikirot lang ang aking puso kakaisip sa mga nangyayari.
I wanted to show that I support my half-sister, that I am not against this, but I know, once she…found out that…I know Israel, magagalit siya sa akin.
Pero siguro naman…m-magwowork-out sila ni Israel? At siguro naman…magwowork-out kami ni…Jackson?
Sino bang niloloko ko rito? Alam ko ang totoo pero pinipilit ko lamang ang sarili ko na mali iyon. Na hindi iyon pwede. Pero sa likod ng isip ko, matagal ko nang alam na ang galit ko sa pamilya ni Israel ay hindi naging sapat para…mawala ang nararamdaman ko para sa kanya.
At…ang kinakabahala ko, pag nalaman ni Papa na ang pamilya ni Israel ang nasa likod ng pagkamatay ni Kuya Bram, at hindi ko man lang binalaan si French, alam kong malaking gulo iyon.
Bakit ba laging ganito ang nagiging mundo ko pag nararamdaman ko siya? He’s like a sudden storm in the middle of sunshine—dark and untamable.
Chapter 50
Checkmate
“Dumating na ang mga gowns niyo, girls. Come and check it,” si Tita Brenda iyon sa umaga ng Linggo.
Mabilis naman kaming bumaba ni French para makita iyong susuotin namin this coming Tuesday.
“Oh gosh! Ang pretty Mommy!” Gulat na gulat na sabi ni French nang makababa na kami ng tuluyan.
“Look at yours, Trace,” sabi ni Tita Brenda sa akin kaya inangat ko rin iyong nakaplastic na gown.
Kuminang agad ang aking mga mata sa kulay at desinyo noong akin. Tube part iyon at sa ibaba ay lace nalang. Kulay nude ito at sa dibdib ay parang may mga beads at ang desinyo sa may parteng dibdib ay mga bulaklak. Masyadong maganda at masyado iyong elegante.
“Anyway, mommy. Naimbitahan ko na iyong guy na ipapakilala ko sa inyo. He’s coming!” Nayakap ni French ang kanyang gown at umikot ikot na sa sala.
Ngumuso ako at kinabahan agad habang si Tita Brenda naman ay nailing.
Inimbitahan niya talaga si Israel… A-At sa araw pa na ipapakilala ako roon sa magiging fiance ko? Hindi kaya ay sinadya ng lalakeng iyon na lapit-lapitan si French para makapasok siya sa party? Para magkaroon siya ng imbitasyon? God… Kung tama man itong pinag-iisip ko, pakiramdam ko ay malaking gulo ito mamaya.
Kung ganoon nga ang binabalak ni Israel, kailangan ko siyang pigilan! Hindi ako pwedeng magkamali sa kutob ko. Israel is up to something… At kung ano man iyon, alam kong hindi iyon magandang ideya. Ginamit niya ba si French para makapasok sa buhay ko?
Kaya noong dumating na ang araw na pinakahihintay naming lahat, umaga palang ay hindi na ako mapakali. Imbes magmukhang blooming, naistress ako sa pinag-iisip ko! Ayokong biguin si Papa at si Tita Brenda.
Inayusan din naman kami noong make-up artist at hair stylist. Kumpara sa aming dalawa ni French, makikita kong mas excited siya.
“I’m sure pag nakita niya ako, malalaglag ang panga non!” Bumungisngis si French habang pababa kami sa enggrandeng hagdan.
Mga bandang 6PM na noong dumating kami sa five star hotel kung saan gaganapin iyong party.
“Don’t go anywhere, Trace,” sabi sa akin ni Papa nang makapasok na kami sa mismong hall.
Tumango ako sa amang nakatuxedo at may suot na glasses. Sa gilid niya naman ay si Tita Brenda na naninimbang ang mga mata sa akin at masyadong elegante sa kumikinang niyang long silver gown.
“We’ll call you later,” si Tita Brenda.
“We’re not going anywhere. Chill kayo.” Tumawa pa si French at iginala rin ang mga mata.
“Behave girls.” Huling habilin ni Papa bago niya tuluyang iginiya si Tita Brenda sa mga kakilala nila.
“What time kaya iyon dadating?” Out of nowhere na tanong ni French at napadpad na sa matatamis na desserts.
Pinasadahan niya lang iyon ng tingin pero wala naman siyang kinukuha ni isa. Noong may dumaan na waiter at may dalang wines ay iyon ang kinuha namin ni French.
“Your mother in law is here na, Trace! Ayun oh!” Itinuro niya ang babaeng masyadong maganda at elegante sa suot na champagne gown. Naka high ponytail ang buhok noon at mapapansin talaga ang singkit niyang mga mata.
Napalunok ako lalo na’t ang kanyang destinasyon ay patungo na sa kinaroroonan nila Papa.
Kahit malamig ang loob at napakarelaxing noong tumutugtog na pianist, para namang may tambol sa aking loob at hindi na makalma. Hindi magsink-in sa aking utak na ngayon na ako ipapakilala.
Napalingon ako sa table nila Papa habang si French naman ay panay parin ang paggala ng kanyang mga mata.
Nagbungguan na ng pisngi si Tita Brenda at iyong Mommy ni Jackson. Pinaghila pa ito ng upuan ni Papa at may kung ano siyang sinabi saka sila nagtawanan. Sa malaking mesa na iyon, marami ang nakaupo at mukhang ang iba ay kasosyo lang rin ni Papa at mga kaibigan niya na.
Napadpad naman ang mga mata ni Tita Brenda sa akin kaya sinenyasan niya ako na lumapit kaming dalawa roon ni French.
Ibinalik ko ang tingin kay French na hindi parin makalma ang mga matang gumagala.
“Pinapapunta ata tayo roon ni Tita Brenda,” sabi ko sa kanya.
“Huh? Ako rin?” Itinuro niya ang kanyang sarili na ikinatango ko.
Ngumuso siya at iginala saglit ang mga mata saka rin ibinalik sa akin at tumayo na.
“Okay… Maybe later pa ’yun dadating,” sabi niya.
Sana nga h’wag nalang dumating kung manggugulo lang din siya.
Nagtungo rin naman kaming dalawa roon.
“So here’s my another daughter, Tracey Adjeanne…” Pagpapakilala agad ni Papa sa akin nang makalapit na ako roon.
Ngumiti sa akin ang babae at halata agad ang pagkamangha sa kanyang mukha.
“Oh… So ikaw pala iyong tinutukoy ng anak ko.” Tumawa ito ng marahan at masyadong malambing ang boses.
“Hi po…” Lumapit ako sa kanya at nakipagbeso beso. Naamoy ko kaagad ang matamis niyang pabango.
“Nice to meet you. I am Lorraine,” aniya nang lumayo na ako ng kaonti.
Umupo narin naman kaming dalawa ni French. Si Papa ang nasa dulo ng mesa, si Tita Brenda na nasa kanang bahagi, si French na katabi niya, ako at dalawa pang bakanteng upuan saka sumunod iyong lalakeng kaedad ni Papa at nakatuxedo, sa dulo ay babaeng kaedad ni Tita Brenda, sa kaliwang bahagi naman ay si Tita Lorraine, tatlong bakanteng upuan at lalakeng nakatuxedo rin, saka iyong katabi niyang babae na asawa siguro nito.
Hindi ako nakakarelate sa kanilang topic kaya itinuon ko ang aking mga mata sa inilapag na inumin sa aking harapan. Si French ay panay parin gala ang mga mata.
Maya maya ay dumating rin naman si Kuya kasama ang kanyang asawa. Tumabi sa akin si Kuya at nasa kanyang tabi naman iyong babae niya.
“Umurong pala si French at ikaw raw ang pumalit. Nagpauto ka sa maarte mong kapatid?” tanong sa akin ni Kuya Brennan at guwapong guwapo sa suot na tuxedo kahit nangingibabaw ang kasupladuhan.
“Anong ‘mong kapatid’. I’m your sister rin ah!” singit ni French nang marinig niya ang sinabi ni Kuya Brennan saka siya umirap.
“Hindi ’no. Gusto ko ring tumulong sa business, Kuya…” Ngumuso ako at sinipat ng tingin ang babae niya.
Hindi na ito sumagot at nakatuon na ang buong atensyon sa kasama. Itinuon ko naman ang tingin kay Papa na kausap parin si Tita Lorraine.
“Where’s your son? Wala pa ata…” si Papa.
“Oh, he’s here already. Baka maya maya papasok na ’yon,” sagot nito at tiningnan pa ako kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Nagpaalam akong magcr muna. Para akong matatae kahit hindi naman at masyadong hinuhukay ang aking tiyan dahil sa kaba. Magwowork-out ba kami ni Jackson? Paano kung… b-bigla kong umurong mamaya? Makakaurong pa ba ako? Trace naman! Ngayon ka pa naduwag eh nagtatapang tapangan ka! Kailangan mo itong panindigan!
Pagbalik ko sa loob ay nakasalubong ko pa papasok si Jackson. Ang kanyang tingin ay mabilis na lumipad sa akin at huminto pa ito. Tiningnan ko ng mabuti si Jack. Okay naman ito… Guwapo at maaliwalas ang mukha. Ang kanyang buhok ay nakasuklay na naman paatras at medyo supladong tingnan dahil sa singkit na mga mata.
“Uhm, alam mo na, na nagback-out si French at ako ang pumalit?” tanong ko sa kanya.
Tumango siya at titig na titig sa akin.
“May sinabi bang iba si French sa’yo? Did she told you that… I like you?” seryoso niyang tanong na ikinatango kong muli.
Suminghap siya at naibulsa ang mga kamay.
“That brat.” Nailing si Jack habang kagat kagat ang labi at namumula ang pisngi. Ni hindi na ito makatingin ng maayos sa akin.
“Siguro ano… magwowork-out naman tayo…”
Nagulat siya sa aking sinabi. Ang kanyang mukha ay mas lalo pang namula kahit supladong suplado na iyon.
“Ang sabi ni French sa akin ay hindi kami magwowork-out at ngayon, sinasabi mo sa aking magwowork-out tayo. Ibig sabihin… gusto mo ako?” Paglilinaw niya.
Lumunok ako at hindi agad makasagot. Ano naman ang sasabihin ko? Na napilitan lamang ako rito dahil parte ito ng business? Na mahalaga ito sa aming pamilya?
May sasabihin pa sana ako nang makita ko ang pagsenyas ni Papa na pumunta na ako roon. Kahit ang Papa ni Jackson ay naroon narin at mukhang kami nalang dalawa ang hinihintay.
Nagtungo kaming dalawa roon habang si Jackson ay nahihimas na ang kanyang batok.
“Nakilala ko narin kasi kanina ang Mommy mo eh… si Tita Lorraine.” Marahan pa akong tumawa habang malapit na kami sa lamesa.
Napalingon agad si Jackson sa akin at magkasalubong na ang kanyang kilay.
“Si Mommy?”
Tumango ako bago kami maghiwalay dalawa.
“But how did you meet my Mom when she’s already dead, Trace? Ang weird niyong magkapatid.” Gulat niyang sabi sa akin bago umikot sa kinaroroonan ng kanyang ama.
Parang tumindig ang aking balahibo at hindi ko agad naproseso sa aking utak ang sinabi ni Jackson. H-Huh? H-Hindi niya Mommy si Tita Lorraine?
Umupo na si Jackson at may bakante pa nga sa tabi ni Tita Lorraine. Si Papa naman ay sinenyasan na akong umupo narin. Para akong lumulutang sa ere at binabagabag ng sinabi ni Jackson. A-Anong… Huh? Naguguluhan ako.
Kung hindi si Jackson ang anak nito, kung ganoon… sino?
“So where’s your son?” tanong ni Papa at mukhang gusto naring masagot ang aking tanong.
“Huh? Diba it’s Jackson?” bulong narin ni French sa akin nang marinig ang tanong nito.
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay pa naming tiningnan si Jackson na kunot-noo rin kaming tiningnan. Umiling siya sa amin na akala mo ay nababasa niya ang aming iniisip. Mali ang akala naming dalawa ni French all this time!
“Oh here’s my son,” si Tita Lorraine at may tinitingnan na sa may entrance kaya lumipad agad ang aking mga mata roon.
Ganoon nalang ang pagkakagulantang ko nang makita ko si Israel, nakatuxedo habang itim ang panloob, itim na slacks, itim na sapatos habang nakapamulsa at may iilang kumpol ng kanyang buhok ang nalalaglag sa kanyang noo. A-Anong… S-Si Israel? Ano?!
“No way…” Hindi makapaniwalang sambit ni French at gulat na gulat narin.
Tuluyang nakarating si Israel sa aming harapan na kahit ang aming mga mata ay hindi namin maalis alis sa kanya.
“Liam, Brenda, this is my son Israel…” Pagpapakilala ni Tita Lorraine na sabay na ikinalaglag ng panga namin ni French.
A-Ano?
Chinese si Israel? Imposible! Ang alam ko, hindi sila Chinese.
“Masyado kayong nagpapahalata. Itikom niyo yang mga bibig niyo mga marurupok.” Saway pa sa amin ni Kuya Brennan dahil sa reaksyon namin ni French kay Israel.
“Pero hindi siya Chinese,” sabay naming sabi ni French at kapwa pa nagugulat.
Napatingin sila sa amin. Si Papa ay napakurap na kahit si Israel ay natuon narin ang madilim na mga mata sa akin.
“What do you mean, girls?” nagtatakang tanong ni Papa sa amin. “Kilala niyo ang anak ni Lorraine?”
Natutop ko agad ang aking bibig habang si French naman ay hindi parin makalma ang ekspresyon. We both looked stunned and shock!
“Im a half blood Chinese.” Matagumpay na ngumisi si Israel ng malademonyo na ikinatayo ng aking mga balahibo. Ipinaparating sa akin ng ngisi na iyon na nanalo na naman ito sa isang bagay at nakuha niya na naman ang kanyang gusto sa kanyang paraan.
Oh God…
“I am a pure Chinese, hija, and Israel’s father is not. So half chinese ang anak ko,” paliwanag naman ni Tita Breech, ang Mommy nito.
May dugo siyang Chinese… Katulad ko…
“Wait… What?! Pero akala ko si Jackson…” nagugulantang na sabi ni French.
“She’s not my Mom, French,” tanging sagot ni Jackson at hindi na ipinaliwanag pa ang totoo dahil alam kong malas ang pagbabanggit ng kamatayan ng isang tao sa mahalagang okasyon.
“Ibig sabihin… he was supposed to be fiance?” French asked me in disbelief.
“Sshh, French,” saway ni Tita Brenda sa kanya dahil sa pag-iingay nito.
“I can’t believe this!” halos frustrated na sabi ni French sa kanyang upuan sa mahinang boses.
At ako… Ako ngayon ang fiance na ni Israel ganoon ba? Totoo ba ang nangyayari? Kahit pala takbuhan ko si Israel sa pamamagitan ng pagpayag sa isang kasunduan, hindi ko parin pala ito matatakasan nang buo!
Noong sinabing tuso ang mga Buenaventura kaya mahirap silang kalaban, unti-unti kong napagtanto kung gaano iyon ka totoo. Hindi lamang sila mahirap kalaban, mahirap din silang takasan.
“Trace… Come here, sweetie,” tawag sa akin ni Papa na ikinalunok ko na.
Tumayo ako na kahit si Israel ay sinundan ako gamit sa kanyang mga mata. Si French naman ay lukot na lukot ang ekspresyon at mukhang gustong magsalita pero sinasaway siya ni Tita Brenda na kahit si Kuya ay matalim na ang tingin kay French.
“So this is my daughter, Tracey Adjeanne. I hope both of you will get to know each other very well…” Pagpapakilala sa akin ni Papa sa lalakeng ngumunguso na sa aking harapan at nagpipigil pang ngumiti! Anong ginawa mo, Israel!
“Nice to meet you.” Inilahad sa akin ni Israel ang kanyang kamay.
Nagdalawang-isip pa akong tanggapin iyon pero dahil narin sa mga mata nilang nakatuon sa akin ay tinanggap ko rin iyon.
Imbes makipagkamay, iniangat iyon ni Israel at hinagkan ang likod ng aking palad. His deep brown eyes stared at me intently while kissing- no, scratching his teeth on my hand purposely! Kinakagat niya iyon sa marahan at pasimpleng paraan!
Mabilis ko iyong binawi sa kanya at isang tipid na ngiti ang naibigay. Si Israel naman ay kagat kagat pa ang pang-ibabang labi at pilyo parin ang ngising pinipigilan niya lang ng husto.
Para na akong mahihilo sa nalaman ko. Si Israel… Ang umaaktong galit na galit dahil nalamang may fiance ako, ay nagapapanggap lamang!
“Papa, c-can I go to the restroom?” Binalingan ko ang ama kong ngumingiti na.
“Oh? Sure Trace…”
“Son,” tawag naman ni Tita Lorraine kay Israel na tumango rin.
“I’ll come with you,” sabi ni Israel sa akin at may pinaparating na ang tingin.
“Mabuti pa nga, hijo. The last time she went out, nahulog iyan sa pool.” si Tita Brenda naman.
“4 feet,” si Kuya Brennan pa at ginagatungan.
Namula ang aking pisngi lalo na’t nagtatawanan na sila. Ngumuso si Israel at nagpipigil na namang ngumiti dahil naroon siya noong araw na iyon!
“4 feet pala?” malisyosong tanong ni Israel sa akin at sumisimple!
Nag-excuse na agad ako sa matatanda saka ako nagmadaling umalis. Nakasunod naman si Israel sa akin.
Deri-deritso ang aking hakbang at hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang lumayo kay Israel.
Sumipol si Israel na ikinatigil ko. Huminto ako at nilingon itong may itinuturong ibang daan.
“I think that’s the girls restroom,” aniya, kalmado ang ekspresyon at umaaktong normal lang ang lahat.
Naningkit agad ang aking mga mata sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa lalakeng ito.
“Half Chinese ka?” Di makapaniwala kong tanong.
“My Mom is a pure blood Chinese Trace. Kaya uso ang fix marriage sa amin. Si Adiane, ang isa sa mga kapatid ko ay ipinagkasundo rin at si Rici… may ipinagkasundo lang sa kanya. Nasa kultura iyon ng mga Chinese.”
Nanindig agad ang aking balahibo. Alam kong nakafix marriage ang mga kapatid niya pero iyong dahil pure Chinese ang kanilang ina ay hindi ko alam! Gosh…
Humakbang siya papalapit sa akin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Wala akong masabi sa pakulo niya.
“How was my acting? Pwede na ba akong mag-artista?” he asked me with an evil smirk on his lips.
Nalaglag ang aking panga. I-Ibig sabihin… lahat… iyong mga inakto niya noong sinabi kong may fiance ako… p-pakulo niya lang?
“You clicked on my bait… CHECKMATE.”
Chapter 51
Warning: R-18
Markado Na Kita
Hindi ko alam kung paano irerehistro sa aking utak ang mga sinabi ni Israel.
“Pati ang kapatid ko… pati si French ay ginamit mo para lang masunod ang gusto mo,” sabi ko nang maalalang nilapit-lapitan niya si French.
“I can use all my damn cards just to win you, Trace. Walang mamamagitan sa ating dalawa at lahat ng hahadlang ay sasagasaan ko,” matigas niyang sabi.
Nailing nalang ako at naglakad palayo.
“Where are you going?” Hinila niya ako bigla kaya mabilis ko itong itinulak. Nagulat siya roon lalo na nang makita ang aking ekspresyon.
“Mag-aaway kami ni French dahil sa ginagawa mo! Guguluhin mo na naman ang buhay ko! Hindi dapat ikaw…” halos hindi ko madugtungan dahil sa pagdilim ng ekspresyon niya.
“Bakit ba iniisip mo ang sasabihin ng iba? How about us Trace-”
“Walang tayo, Israel! Matagal ng walang tayo at kahit ipilit nating dalawa, walang tayo!” putol ko at tinalikuran ulit siya.
Mas binilisan ko ang paglalakad at idagdag pa ang gown kong sumasayad kaya kailangan ko itong hawakan para mas makatakbo ako ng maayos.
Nakarating ako sa lobby. Paglingon ko, nakasunod parin ito sa akin kaya mabilis akong lumabas pero ang sumalubong agad sa akin ay ang patak ng malalaking ulan. Ilang sandali lamang ay bumuhos na iyon at mukhang pinipigilan ako sa aking plano.
“Trace!” sigaw ni Israel nang makita akong nasa labas na.
Humugot ako ng hininga at tumakbo palabas. Kung pwedeng umuwi nalang ako at magtaxi ay gagawin ko. Naiinis ako sa nangyayari. Ayoko na itong harapin pa.
Mabilis kong naramdaman ang lamig ng ulan at ang tuluyan kong pagkabasa. Bumibigat na ang aking suot at hindi na ako nakakatakbo ng maayos. Ilang sandali lamang ay nahila na ako ng malakas.
“What are you thinking? Umuulan?!” Galit niyang sabi sa akin at hinila ako pabalik.
Nagpumiglas ako. Itinulak ko siya ng ubod lakas hanggang tuluyan niya akong binitiwan.
“Gusto kong lumayo sa’yo, Israel! Ganito ako kadesperadong makalayo lamang sa’yo! Ayokong napapalapit sa’yo dahil sa t’wing nagkakalapit tayo… pinapaalala sa akin ng langit kung gaano ka dilim kung ikaw ang pipiliin ko!” Nanubig ang aking mga mata at isinigaw ko iyon ng ubod na lakas.
Nakita ko ang gulat niya at ang dumaang sakit sa mukha niya.
“Hindi mo ba nakikita?! Hindi ba sapat ang…nangyari sa pamilya natin para tigilan mo ako?!”
He looked at me weakly. Umiling siya at namumungay ang mga mata sa akin. Halos malaglag ang panga ko.
“Israel! Namatay ang kapatid nating dalawa dahil pinilit nila ang pag-ibig na hindi pabor sa kanila!” sigaw ko, halos nanginig ang labi.
Kahit umuulan, naramdaman ko kung paano umagos ang mga luha ko.
“Kung pinagpatuloy natin ito, tingin mo hindi ulit hahadlang ang mga magulang natin—”
“They can’t. And I will make sure they will never lay a finger on you,” giit niya sa garalgal at namamaos na tinig.
“Kaya mong…kaya mong talikuran ang lahat lahat para rito? Kaya mong…piliin ako kaysa sa pamilya mo?”
Ngumiti siya ng hilaw. “I could choose you against anything in just a heartbeat, Trace.”
“Bakit ba parang wala lang sa’yo ang nangyari sa pamilya natin?” Nanlumo kong tanong.
“What happened to my sister wasn’t your fault…” he said softly. “My family might loathe your whole family but I am not them. You are not included from my wrath when…Rici died. Hindi kita kayang saktan. Hindi kita kayang kamuhian. At hindi kita kayang…bitiwan.”
Umagos ang luha ko. Lumapit siya at tinangkang abutin ang kamay ko. Ngunit nang mahawakan niya ang dulo ng daliri ko, kinuha ko agad iyon.
“Ito ang pagmamahal na sisira sa buhay ko, Israel… Tahimik na ako rito. H-Hindi kita kayang piliin…”
Nakita ko kung paano nangilid ang luha sa mga mata niya.
“Noon… Noon ako ang ginamit mo para saktan si Kuya Bram. Ngayon naman si French? Paano kita mamahalin kung masyado kang tuso, Israel?! Nakakatakot kang lapitan! Nakakatakot kang mahalin!”
Bumaba ang balikat niya. Sa umaagos niyang luha, alam kong pinipilit niyang maging matatag.
“Bakit…bakit ba hindi mo ako kayang tantanan?” Humagulhol ako sa harapan niya.
“You’re the only best thing I ever had, Trace…”
Bumuhos lalo ang ulan.
“Can you…choose again? Can you choose me this time?” may pagmamakaawa sa tinig niya.
Wala sa sarili akong tumalikod, sunod sunod ang hikbi at humakbang palayo sa kanya. I will disappoint my mother if…I choose him. He’s a Buenaventura—a living proof of my dark past—our dark past.
“Trace, please! Come… Comeback!” sigaw niya pero hindi ako natinag.
Bumagal ang paghakbang ko nang marinig ko ang pangako ko sa kanya sa isip ko. Noong wala sa sariling tumigil, alam ko, hanggang doon na lamang ang kaya ko. Ubos na ubos na ako kakalayo sa kanya. Kakatakas. Kakatalikod.
Humugot ako ng paghinga at lumingon kay Israel. Naroon siya, nakayuko at tila ba nagdadasal na lamang na sa pagkakataong ito, paboran siya ng langit.
Naglakad ako pabalik sa kanya. Kaya noong tumigil akong muli sa kanyang harapan at napagtanto niyang bumalik ako, unti-unti niyang inangat ang tingin at namilog ang mga mata sa akin.
“Bakit ba kasi ang hirap mong bitiwan,” bulong ko sa garalgal na tinig.
Mabilis niyang hinila ang aking baywang at niyakap ako nang mahigpit. Noong idiniin niya sa akin ang mukha niya, sa init ng naramdaman ko roon, alam kong umiiyak siya.
“I promise I won’t cause more trouble,” daing niya.
Pumikit ako at umiling. Tahimik din akong umiyak sa kanyang balikat. I will only deserve him if I learn how to fight for us. Iyon lang ang tanging paraan para makasama ko siya—kundi ang matutong ipaglaban ang pagmamahal na nasa dilim.
“One room,” si Israel nang bumalik kami sa Hotel.
Halos hindi ko maramdaman ang sarili ko at namalayan na lamang na nasa loob na kami ng room na kinuha niya.
“Here.” Bigay niya sa bath robe.
Kinuha ko iyon at tahimik na pumasok sa banyo. Bumuntonghininga ako. Hindi maalis sa isip ko ang magiging kahihinatnan ng desisyong ito. Ngunit…mahal ko si Israel. Hindi iyon nawala.
Mama… patawarin mo ako pero ginawa ko lahat. Sinubukan kong lumayo pero ang hirap hirap.
Paglabas ko, nahanap ko siyang naka boxers lamang siya. Nilalaro niya ang remote ng TV at mukhang inaaliw lang ang sarili sa paghahanap ng channel habang nakaupo sa kama.
Lumingon siya sa akin. Tumikhim ako at naglakad patungo sa kanya. Ipinarte niya ang mga hita, tila ba gusto niyang doon ako umupo. Lalo na’t hindi pa lang ako nakakalapit nang buo, inabot niya na agad ang baywang ko at iginiya ako paupo sa kandungan niya.
“Are we good now?” he asked in his hopeful eyes.
Marahan akong tumango.
“Di kana galit sa’kin? Di ka uurong?” paglilinaw niya na ikinailing ko.
“Kung uurong ako, hahabulin mo lang ulit ako.”
I saw the pain twinkled in his eyes. Medyo nagsisi ako na ganoon ang sinabi ko. He smiled weakly.
“A-At kusa kitang pinipili ngayon,” agap ko.
Tumango siya kahit kita ko sa mga mata niya ang sakit.
“I know. I will never have you if I don’t fight for us. Because I know you’d never choose me,” namamaos niyang bulong.
Bumaba ang balikat ko nang makita sa unang beses ang paghihirap niyang hindi ko tiningnan lalo na’t nabulag ako sa away ng aming pamilya.
I never acknowledged his efforts. I only saw him as the storm in my colorful world. A villain in someone’s fairytale. A demon who’s trying to get into heaven. A darkness…trying to shade my light.
His love might feel like a storm—dark and thunderous—but in his arms, I know it would be the warmest home I’ll ever have.
Umabante ako at itinagilid ang ulo ko. Nang magkasalubong ang kilay niya, tiningnan ang paglapit ko, tumigil ako at kinabahan sa binabalak kong gawin.
Ngumuso si Israel, nagpigil ng ngiti. Sapat na iyon bilang hudyat na lumapit lalo at hinagod sa kanya ang aking labi.
He laugh against my lips. Lumunok ako at mas kinabahan dahil baka pinagtatawanan niya ang halik ko. Nag-amba akong lumayo ngunit nangingiti niyang hinabol ang labi ko at muli akong hinalikan.
“I know, Trace. You want me,” aniya sa mayabang na tinig kaya itinulak ko agad siya kahit natatawa rin ako.
“So you’re my fiancee now?”
Tumango ako at napanguso.
“Eh pinagkasundo na tayo. Tsaka sabi nila Papa bawal daw akong umurong. For business daw…” paliwanag ko na ikinaangat ng kanyang kilay.
“Don’t include our parents, Trace. Iyong tayo lang. Linawin mo sa’kin na kahit hindi tayo ipagkakasundo, pakakasalan mo ako. Say it to me.” seryoso niyang sabi kaya tumango ako.
“Oo… P-Pakakasalan kita…”
Pumikit si Israel hanggang sa napangisi na siya. Niyakap niya ako at ibinaon ang mukha sa gilid ng aking leeg, ang kamay ay nasa aking baywang na.
“Mahal mo ako?” tanong niya.
Tumango ako kagat kagat ang aking labi lalo na’t hinahalikhalikan niya na ang aking collarbone. Para siyang nagpapaulan roon ng maliliit at maraming halik.
“Say it…” Saka niya dahan dahang hinila ang ribbon ng aking roba.
“Mahal kita… Israel,” bulong ko habang nahulog na ang roba galing sa aking balikat.
“Again…” utos niya at unti-unti nang bumaba ang kanyang halik sa aking dibdib na lumantad.
“Mahal kita, Israel,” mas malinaw at mas malakas kong sabi sa kanya.
“Tatakbo ka pa ba palayo sakin?” tanong niya at ang labi ay nakasentro na sa aking dibdib.
Pinatakan niya ng halik ang tuktok ng aking dibdib. Tumayo ang aking balahibo nang humagod agad ang kuryente sa aking katawan.
“H-Hindi na…” bigkas ko at nalaglag ang tingin sa kanyang ginagawa sa aking dibdib.
Tiningnan niya ako saka hinalikan ang aking dibdib. When his mouth covered the peak, he swirled his tongue and fondled my other breast.
Kinarga niya ako at hiniga sa kama. Bago ko pa man mamalayan, pumaibabaw na siya sa akin habang itinutulak ang isa kong hita hanggang malaglag iyon sa gilid ng kama at muli akong hinalikan nang bumangon ako para masalubong ang labi niya.
Idiniin niya ang gitna niya sa akin at doon ko halos naramdaman kung gaano siya kalaki. Suminghap ako nang marahan siyang gumalaw, tila ba ginagawa niya iyon sa akin habang may suot pa rin kaming pang-ibaba.
“Your favorite,” bulong niya sa aking labi.
Gusto ko sanang itanggi, ngunit sa halinghing ko, sa ekspresyon ko ngayon, alam kong gustong gusto ko nga ang ginagawa niya.
Isang hawi lamang sa aking roba, lumantad agad ang hubad kong katawan habang bumababa na ang halik niya sa aking dibdib at ang isa niyang kamay ay gumagapang na rin papasok sa aking panty.
My body heated more as I anticipated for his touch. Lumiyad ako habang hinihintay na dumampi ang daliri niya roon.
“Here…” ani Israel, tila ba alam na iyon ang gusto ko sabay hinagod ang daliri niya sa gitna.
I whimpered when I felt how his finger glided into my wet center. Pinanood niya ang ekspresyon ko habang patuloy niya akong hinaplos doon.
“You don’t know how I crave for this Trace… You don’t know how I want to own you every damn second. Gusto kitang markahang akin at gusto kong daanan ng halik lahat ng katawan mo.”
Pinatakan niya ng maliliit na halik ang tiyan ko pababa. Nang maisip ang pakay niya, nang-init lalo ang katawan ko.
Hinila niya pababa ang panty ko at hinalik halikan ang gilid ng hita ko. Namumungay ko siyang tiningnan habang pumipikit-pikit siya, tila ba ninanamnam ang bawat sigundong lumilipas. Na sa wakas, natanggap din siya.
Noong pinwesto niya ang mukha niya sa gitna ng hita kong ipinarte niya, lumunok ako.
“Israel—Ah!”
Lumiyad ako nang pinatakan niya ako ng halik doon. He sighed and graze his tongue on the center of my wet fold—diving it into my wetness.
Pakiramdam ko ay nagiging kumunoy ang kama at lumulubog ako. Gusto ko siyang itulak ngunit mahigpit niyang hinawakan ang mga hita ko para hindi ako gumalaw habang paulit-ulit niya akong hinahalikan doon.
I could hear him whimpering like he was having the best night of his life as my wetness mingled with his noise. At talagang alam na alam ni Israel kung paano ako pababaliwin! Nang maramdaman ko ang daliri niya roon, nanunuya niyang ipinapasok, halos mapahawak ako sa kanyang buhok para lang kumapit.
“Israel!” muli kong tawag.
“Hmm?”
Mariin akong pumikit, nanghihina.
“Tell me…” at talagang nagagawa niya pang magtanong!
Maybe it was the lust—or the desperation to pleasure myself. Kaya noong maalala ang ginawa niya sa akin noon, kinuha ko ang kamay niya at iginiya ang dalawa niyang daliri sa bibig ko.
His eyes widened when I put it into my mouth and sucked it. I swirled my tongue just enough to wet it and guided it back to my entrance.
“Fuck…” mura ni Israel at hindi nagdalawang isip na ipasok agad iyon.
Mariin akong pumikit nang manginig agad. Ramdam ko ang gigil sa galaw niya, na tila ba alam na alam niya ang gagawin at kung paano ako dadalhin sa langit.
Lalo na’t pakiramdam ko, umaangat ako. Pakiramdam ko, lumulutang na lamang ako.
Ibinalik niya ang labi niya roon. Sinisipsip niya at sinisiguradong nasasabayan ng hagod ng kanyang labi ang galaw ng kanyang mga daliri. Kaya noong manginig ako, kinuha niya agad ang mga daliri niya at hindi nagdalawang isip na doon ako halikan.
“Mahal na mahal kita. You don’t know how I’m madly inlove with you, Tracey,” bulong niya.
Ngumiti ako.
“Ako rin Israel… Mahal kita,” pag-amin ko na ikinatigil niya.
“Fuck. I am so damn turned on!” Mabilis niyang hinubad ang kanyang natitirang saplot na ikinalaki ng aking mga mata nang makita ko iyon.
Lumunok ako. Alam kong malaki si Israel pero ang makita iyon, parang hindi ko halos maisip na…magkakasya iyon sa akin.
Muli siyang pumaibabaw sa akin at naramdaman ko na ang dulo ng kanya na tumutusok sa akin. Ang…pinapangalanan nila Rinka na panungkit…
He tried to push it into my entrance but he tauntingly glided it into my folds. Kinagat ni Israel ang kanyang labi at tiningnan iyon. Nahihilo ko ring tiningnan ang kanya. I watched how his thick, pinkish and veiny shaft tried to enter me again but he let it slide into my center for the second time.
Para kaming nanonood ng palabas dahil kapwa kami nakatingin doon. At sa tuwing babalakin niya, sabay kaming uungol.
“That’s you. You like slipping into my life,” at talagang nagawa pa ni Israel na ikumpara ako roon!
Aangal na sana ako ngunit nang bigla niya iyong itinulak papasok, suminghap ako at dumaing dahil masakit iyon.
“Sshh… You’ll get used to it…” At muli niyang itinulak ulit.
“Masakit!”
“I’ll pull out?” tanong niya.
Tiningnan ko iyong muli.
“You’ll run again?” he laughed.
Nanliit ang mga mata ko. Ngumuso si Israel at kagat labing itinulak ulit ang kanya. Dumaing ako sa ilalim niya habang titig na titig si Israel sa akin, kontrolado ang kilos kahit ramdam kong gustong gusto niya iyong isagad.
“Another inch?”
Mariin akong pumikit. Hindi pa ba napapsok lahat?!
“Ipasok mo na lahat!” sabi ko lalo na’t talagang masakit iyon.
Dahan dahan niya iyong ibinaon. Mariin akong pumikit nang maramdaman kong may napupunit habang rinig ko ang halinghing ni Israel.
“Ah…fuck. This is heaven,” namamaos niyang bulong.
Kinagat ko ang aking labi at medyo namangha dahil umukit sa mukha niya na…nasasarapan siya.
“Masakit, Israel,” daing ko at naluluha.
“I know…” namamaos niyang bulong. “Tell me if you want me to move…”
Ramdam ko ang kanya roon na baon na baon. At sa tuwing gagalaw siya ng kaonti, talagang masakit. But maybe desperate to find the pleasure, I nodded at him.
“Ayos na,” sabi ko.
Natawa si Israel sa ibinigay kong hudyat. Kinuha niya ang unan at inilagay sa likod ko.
“Maybe you’d like to watch…”
“Para saan?” Nanliit ang mga mata ko sa kanya.
“To see my performance?”
Huh? Ano ’to? Nagpapa grades siya?
Kinurot ko siya at natawa. Ngunit ngumiwi agad ako nang gumalaw siya. Nagkasalubong ang kilay ko at humawak sa braso niya. Hinagod niya ng halik ang labi ko habang pumipikit ako dahil masakit talaga.
He moaned against my lips when he slowly change the pace of his movement.
“Damn…” he whispered and licked my lower lip.
Hinagod niya ako roon. Kahit masakit, unti-unting may humahalo na hindi ko na halos namamalayang dumadaing na rin pala ako.
“Like it?” namamaos niyang bulong sa labi ko. “Here. I’ll make it fast.”
Suminghap ako nang kinikiliti na yata ang tiyan ko. Kahit masakit, mas nanaig ang ibang pakiramdam na ramdam ko ang init ng aking katawan.
I could hear the banging of our bodies as the sound of my wetness mingled with it. Hinalikan ako ni Israel ngunit halos umuungol na lamang siya sa labi ko habang pabilis nang pabilis at pasagad nang pasagad ang galaw niya.
“Israel,” I cried.
He grunted like a mad beast. Ilang sandali lamang, nanginig na ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay gumuho ang mundo habang nasa gitna ako ng mahaba kong halinghing.
“Fuck,” si Israel na bumabagal ang kilos, hinugot iyon, at sumabog sa aking tiyan ang kanya.
“Shit!” Natataranta niya iyong pinunasan gamit ang kumot.
Hingal na hingal pa ako at naliligo rin siya sa pawis nang magkatinginan kami.
“Sa akin kana ngayon. Markado na kita.” Hinalikan niya ang aking ulo at niyakap ako ng mahigpit.
Chapter 52
Pasensya Na
Nagising ako dahil sa isang haplos sa aking pisngi at ang pagsuklay suklay sa aking buhok ng kung sino.
Pagkamulat ng aking mga mata, ang mukha agad ni Israel ang bumungad sa akin na nasisinagan ng araw na pumapasok dito dahil sa bukas na pinto noong veranda. God, Israel…
“Morning…” Lumapit siya at pinatakan ako ng halik sa noo.
Ngumuso ako at tipid na ngumiti habang pinapamulahan ng pisngi.
“Uhm, good morning…” bigkas ko sa mahinang boses na ikinanguso niya rin.
Inumaga kami rito sa hotel- Oh my God! Inumaga kami!
Nanlalaki agad ang aking mukha at napabangon na. Ang tanging nipis na puting sheet na yumayakap sa akin ay nalaglag agad kaya kailangan ko pa iyong hilain para takpan muli ang aking dibdib na nalalantad.
“Si Papa! Di ako nakapagpaalam baka nag-aalala na sila!” Natataranta kong hinagilap ang aking cellphone pero naalala kong naiwan ko iyong maliit kong purse sa party. Dinala na iyon marahil ni French!
“Calm down. I already told them you’re with me. Di sila mag-aalala,” paliwanag ni Israel at nang nilingon ko ay nakasandal na sa headboard habang nakaunan sa likod ng ulo niya ang dalawa niyang kamay.
“Anong sabi mo?”
Umangat ang kilay niya sa akin.
“That we’re getting to know each other,” sagot niya sa baritonong boses.
Sumimangot ako. Getting to know ba iyong nangyari kagabi? Para niya akong inararo sa kama. Kahit ngayon… ramdam ko parin ang hapdi at sakit ng ginawa niya. Sa tindig palang ni Israel, alam mo rin namang hindi marunong magdahan dahan.
Hinila niya ako kaya nausog ako sa kanya. Nakaharap na sa kanya ang aking likod at umahon lamang siya ng bahagya para lang hawiin ang magulo kong buhok papunta sa aking harapan at hinalik-halikan na ako sa may batok.
“Di na muna kita iuuwi. Gusto pa kitang masolo…” aniya at ang kamay ay nakahawak na sa aking braso habang ang kanyang halik ay nasa aking balikat na.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.
“Pero wala naman akong damit na maisusuot. Di naman pwedeng maggown ulit ako tapos huhubaran mo rin pala ulit ako,” pagbibiro ko na ikinahalakhak niya ng marahan sa aking likuran. Ang kanyang hininga ay tumatama na sa balat ng aking balikat.
“Then just stay naked. Total tayo lang naman dito…” Gumapang na ang kamay niya sa aking beywang at niyakap ako roon.
“Huh?” Natatawa ko siyang nilingon sa aking balikat kung saan nakasandal ang kanyang baba.
“Wear nothing,” ulit niya sa kalmadong boses na ikinatawa ko talaga.
“Baliw ka.”
Nilingon lamang ako ni Israel at hinalikan sa aking labi.
“Don’t you know that your sexy voice early in the morning is very addicting, hmm?” namamaos niyang sabi.
Ang kamay niya ay nasa gilid na ng boobs ko at humahaplos na roon. Napalunok ako pero hinayaan siyang gawin ang gusto niya.
“I wanna listen to your voice every morning…” Mariin siyang pumikit at bumuntong ng hininga.
Namula ang aking pisngi. Isang giya niya lang paharap sa aking mukha, hingod ulit ng halik ang aking labi at ang kamay niyang humahaplos sa hita ko, nang-init ako.
“Don’t worry. You’re still sore. I’ll just…rub,” ani Israel.
Ngunit sabik nga yata kaming dalawa na muli namin iyong ginawa bago tuluyang kumain.
“Malapit na ulit ang pasukan namin. Nasaan na ’yung matandang nagbebenta noong fishballs?” tanong ko habang pinapaupo niya ako sa kanyang kandungan.
“Ba’t mo hinahanap? He’s years older than you. Matanda na ’yon.” Nagkasalubong ang kanyang kilay at iritang irita habang sinusubuan ako.
Ngumisi ako habang ngumunguya. Mas lalo lang nagkasalubong ang kanyang kilay at tinitigan ako.
“Eh tambayan mo ’yung stool niya ng street food.”
“Siya ang hinahanap mo imbes ako?” Mas lalo siyang nairita habang titig na titig sa akin.
“Nagseselos ka ba sa matanda?” Marahan akong tumawa.
“Tsss…” Kinuha niya ang aking kamay pero ibinalik ko ulit iyon doon at dinungaw ang mukha niya.
“Suplado,” sabi ko at ngumiti pa na ikinanguso niya lang. Kalaunan ay ngumisi rin at nailing.
“Nasaan na nga?” tanong kong muli.
“Ewan ko rin,” sagot niya lang.
“Huh? Paanong ewan mo eh close kayo nun…”
“I just like the taste of his balls.”
Tumawa ako. “Fishballs, Israel. Hindi balls.”
“Can you see the fish on it?” Umangat ang kanyang kilay sa akin.
Umiling ako.
“Edi balls,” kampante niya pang sagot na ikinahalakhak ko.
May nagdoorbell kaya siya mismo ang bumukas noon. Nakasentro sa kanyang likod ang aking tingin at mukhang may kausap na roon sa labas.
“Thanks,” sabi niya at isinara rin naman iyon na may bitbit nang paperbag.
“Ano ’yan?” tanong ko.
“Our clothes… I asked someone to buy us clothes,” sabi niya saka iyon inilapag sa kama.
Tumayo ako at nagtungo narin sa kanya. Hinalungkat niya iyon at kinuha ang cotton shirt, sweatpants na itim saka boxer. Puting dress ang sa akin na agad kong isinuot.
“Gorgeous.” Niyakap ako ni Israel sa aking likuran at tiningnan narin ang aking imahe sa salamin.
Ngumuso ako.
“Masyadong maluwang…” sabi ko na ikinangisi niya.
Nang mapagtanto ko kung bakit iyon maluwang ay sinimangutan ko na siya.
“Pero nakarami kana!” hirit ko na ikinahalakhak siya sa aking taenga. Nilingon ko pa talaga ito para mas lalong simangutan.
Hinalikan niya lang ang aking leeg at mas niyakap ako ng mahigpit. Ang lalakeng ito napaka ano!
“Dapat naging magsasaka ka nalang sa bukid. Ang sipag mong mag-araro…” Ngumuso ako.
“Masipag lang ako sa kama kung ikaw ang aararuhin ko.” At ngumisi na naman ng malademonyo.
Itinulak ko siya palayo sa akin kaya natatawa niya akong pinigilan. Ngumuso na ako at nagpigil ng tawa pero masyado ring nakakahawa ang tawa niya kaya kapwa kami natawa.
4pm noong magpasya akong umuwi. Ayaw pa sana ni Israel at pinipilit pa akong doon muna kami pero kailangan kong magpakita kina Papa! Kagabi pa ako nawawala! Kahit sinabihan niya na iyong magkasama kami, nag-aalala parin ako kay French!
Kaya si Israel, nakabusangot habang nagmamaneho para ihatid ako. Ang kanyang mga mata ay nasa daan lamang habang nakasandal sa kanyang upuan at nagmamaneho gamit ang isang kamay.
Pabalik balik ang tingin ko sa kanya. Di ko rin alam kung paano siya susuyuin.
“Bukas… Uhm, pwede naman tayong magkita?” suhestyon ko kaya napakurap siya at nilingon ako.
“Makikipagkita ka sa’kin bukas?” Lumiwanag ang mukha niya.
Tumango ako sa kanya at ngumiti.
“Oo… Papayag naman siguro si Papa since sabi niya nga eh kilalanin natin ang isa’t isa.”
Nawala agad ang irita sa kanyang mukha at ngumuso na. Kinuha niya ang aking kamay saka niya iyon ipinagsalikop.
“I’ll fetch you tomorrow, then.”
Tumango ako at ngumiti na dahil mukhang di na ito mukhang iritado. Ang bilis rin talagang paamuhin. Ang bilis magtampo pero mabilis ring suyuin! Di ako makapaniwala sa lalakeng ito…
Ngunit ilang sandali lang, bumusangot siya.
“I’m going to miss your sexy voice damn it.” Nafufrustrate niyang kinagat ang kanyang pang-ibabang labi. “I’m going to miss you later. After an hour… Tomorrow morning…” Saka siya bumuntong ng hininga at akala mo ay problemadong problemado.
Napanguso ako at naaaliw na sa paninitig sa inaakto nito. Noon pa man… ganito na siya at gusto niyang palagi akong kasama. Kahit noong sinabi kong h’wag kaming magkita dahil rin sa issue roon ay pumayag siya. Ganoon siya ka masunurin pagdating sa akin. Ang lalakeng akala mo ay masyadong delikado pero sobrang lambot at amo pag nasa harapan ko.
“Pwede tayong magtawagan?” suhestyon ko na ikinakalma ulit ng kanyang ekspresyon.
Lumapit ako ng bahagya at hinalikan siya sa kanyang pisngi.
“Tatawagan kita mamayang gabi at bukas magkikita tayo. Okay na?” I asked him softly.
Tumango siya at kumalma narin.
“Pwede bang magpakasal nalang tayo agad? This is so frustrating, Trace… Ngayon na magkasama na ulit tayo, nakakatakot kanang pakawalan. Gusto kitang itali sa tabi ko para di na magbago ang isip mo.”
“Hindi ako tatakbo. Israel! Ano ba,” natatawa kong bigkas.
“All your life you ranaway from me.” Angat ng kanyang kilay.
Ngumuso ako at medyo na guilty.
“I was never your first choice…” sabay tingin niya sa kalsada. “This is the first time that you choose me. The first time…you claimed me yours.”
Ngumiti ako at inabot ang pisngi niya, hinaplos iyon. Mabilis siyang kumalma, kinuha ang kamay ko at pinatakan ng halik.
“Stay please,” he whispered. “With me. I’ll give you my lifetime, Trace…”
I laughed and smiled while nodding.
“Hindi na magbabago ang isip ko. Mananatili ako sa tabi mo,” I said, assuring him.
“Mas matimbang sa’yo ang pamilya at natatakot ako na baka sa dulo ay mas matimbang parin sila. Na kayang kaya mo akong bitiwan dahil mas mahalaga sila.”
“Pakakasalan kita, Israel. Mananatili ako sa tabi mo kahit gaano pa kadilim… Di na kita iiwan.”
“You don’t need to stay with my darkness, Trace. I will be better to deserve your light. Please baby… Stay. I promise I will be better this time…”
Napangiti ako.
“Gagawin ko.”
“Pakasal nalang tayo ngayon,” aniya na ikinatawa ko ng marahan.
“But you have work!” Nakagat ko na ang pang-ibaba kong labi pero tumatakas parin doon ang aking ngiti.
“I will bring you there… Easy.” Mayabang niyang sabi na ikinanguso ko.
“At mag-aaral pa ako.”
“Di nalang muna kita bubuntisin. Ihahatid kita, susunduin at sabay tayong uuwi sa bahay natin. We’ll make love every night, I’ll cook for you every morning. We can date every weekends and you can be my secretary when I’m working,” kalmado niyang sabi na tila ay nakaplanado na lahat ng iyon at pagsang-ayon ko nalang ang kulang.
Nalaglag ang panga ako.Make love night ha! At nasa plano niya rin iyon! At mukhang matagal niya na itong pinlano dahil ang dali dali niyang magdesisyon, na iyon lang ang laman ng isip niya.
“God Israel… you’re so…” Nagtagal ang tingin ko sa kanya.
“So damn inlove with you. Yes I am,” dugtong niya pa na ikinatawa ko na talaga ng marahan dahil hindi naman iyon ang gusto kong idugtong.
“Di mo dapat ako pinapriority…”
“Why not? You’re gonna be my wife soon. Of course I will prioritize you.” Inangat niya ang magkasalikop naming mga kamay at hinagkan ang likod noon.
His love… the warmest thing I could grasp in the middle of this chaos.
Huminto ang kotse sa tapat ng mansyon ng mga Chua. Napatingin ako sa labas at ang malaking gate lamang ang natatanaw ko.
Ibinalik ko ang tingin kay Israel na nasa akin narin ang mga mata. Kinalas ko ang seatbelt na ikinatingin niya roon.
“May calling card mo na ako kaya tatawagan agad kita mamaya,” sabi ko agad para makampante lang ito.
Tumango siya at tinitigan ako ng malalim.
“Can I just wait for you outside ’till morning?”
“Huh? Baliw!” Tumawa ako na ikinakagat niya ng kanyang labi.
“Tatawagan nga kita tapos bukas pag tapos na ang trabaho mo magkikita tayo.”
He sighed and nodded heavily. Ngumuso ako at hinaplos ang kanyang pisngi. Hinawakan niya naman ang pulso ko at dinama ang aking kamay roon.
“Kakausapin ko lang si French pagpasok ko tapos pag nakatyempo na ako ay tatawagan na kita.”
“I’ll wait for your call. Kung di ka tumawag, pupuntahan kita rito at kakatok ako sa gate niyo,” pagbabanta niya na ikinatawa ko.
“Okay!”
Hinila niya ang hawak niyang pulso ko kaya umabante ako at lumapat sa aking pisngi ang kanyang kamay kasabay ng pag-angkin niya ng buo sa aking labi. It was deep and a passionate kiss.
Pagkapasok ko sa malaking bahay ay si Manang Asing agad ang sumalubong sa akin. Bigo ang kanyang mga mata at alalang alala.
“Si French nagwawala iyon kagabi at ngayon ay buong araw kang hinihintay. Para nang nababaliw ang kapatid mo, Trace!” sumbong sa akin ni Manang na ikinalunok ko at tiningala na ang ikalawang palapag ng bahay.
“Si Papa at si Tita Brenda po?” tanong ko habang naglalakad ako paakyat sa enggrandeng hagdanan at nakabuntot naman si Manang sa akin.
“Nasa trabaho. Kagabi, nagsagutan pa silang mag-ina, Trace. Gusto ni French na palitan ka raw niya roon sa kasunduan pero ayaw pumayag ni Tita Brenda dahil masyado na raw nakakahiya. Kahit ang Papa mo ay nagalit narin sa kapatid mo. Ayun… buong araw siyang hinihintay ka at minsan ay ihahagis nalang ang gamit na nasa paligid niya.”
Halos mapalunok ako ng laway sa kwento ni Manang sa akin. Alam ko ang ugali ni French, gusto niyang nakukuha ang gusto niya at pag di iyon naibibigay sa kanya ay magwawala ito. Nasanay siyang lahat ng bagay ay nakukuha niya kaya ngayon na may hindi siya nakukuha, hindi na ako magtataka kung pati ako ay ihagis niya.
“H’wag mong kausapin, Trace. Wala pa naman rito si Brennan. Baka awayin ka bigla niyan at walang makaawat sa kanya.” Pigil sa akin ni Manang nang huminto na ako sa kuwarto ni French.
Nagdadalawang isip akong kumatok sa kanyang kuwarto pero ginawa ko parin.
“French?” tawag ko na ikinaaktras pa ni Manang Asing.
“Trace? Is that you?” Malambing ang boses noon at mukhang garalgal.
“Oo ako ito…”
May narinig akong yabag at kalaunan ay bumukas na iyon. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko siya, namumugto at halos hindi na mahitsura ang buhok.
Sa gilid niya ay nasilip ko pa ang kuwarto niyang gulong gulo na at may mga basag ring gamit. A-Anong ginawa niya?
“Trace!” Umiyak agad siya at niyakap ako ng mahigpit. “Please… Ikaw ang magsabi kay Daddy na magbaback-out ka! Please… Ako dapat iyon! Convince them! Please! Si Israel! Siya iyong ipapakilala ko dapat sa kanila! You know that! Please!” Humagulhol siya sa aking balikat at mas niyakap ako ng mahigpit.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil alam kong may kasalanan din ako sa parteng ito.
Nilingon ko si Manang Asing na nasa gilid lamang at nanonood.
“Manang, pakitawag si Manang Linda at pakisabi na linisin ang kuwarto ni French,” sabi ko na ikinatango naman nito at nagmamadali nang bumaba.
Humiwalay si French sa akin at nagpunas ng luha.
“I thought si Jackson ang ipapakasal sa akin since siya ang pinapakilala sa atin ni Daddy! Akala ko rin kasi that’s his Mommy! Iyon pala hindi! I think Israel wants to marry me pero hindi niya alam na nagback-out ako at ikaw ang ipinapalit ko!”
French naman… Halatang halata na iyon kagabi. Gusto ko mang ipaliwanag sa kanya ang totoo ay di ko rin kaya ngayong nagwawala siya sa oras na ito at kumakalma lamang dahil gusto akong pakiusapang umurong nalang sa kasunduan at siya ulit ang pumalit.
Nagtungo kaming dalawa sa aking kuwarto habang pinapalinis ko ang kanyang kuwarto. Si Kaki naman ay nagawa pang sumunod sa amin sa loob.
“Ako ang nauna sa kanya, Trace… You can’t like him and I know you don’t like him so please… Tell Daddy na ako nalang ulit… Na magbaback-out kana lang,” sabi niya sa akin habang sinusuklay ko ang kanyang buhok.
Bakit ba sa tuwing pipiliin ko si Israel, pakiramdam ko, hindi dapat? Pero…nanindigan na ako ngayon. Oo at pinalaya ko siya. Oo at sinubukan ko. Oo at handa akong sumuporta kung…ang gusto rin ni Israel ay si French…ngunit sinungaling ako ngayon kung hindi ko aamining nananalangin ako minsan na sana…ako pa rin ang piliin niya.
Pasensya na, French.
Chapter 53
Warning: R-18
Tali
Ilang oras na nanatili si French sa aking kuwarto hanggang doon din siya nakatulog nang mahimbing. Siguro dala na rin ng kakaiyak niya buong araw at sa pagod.
Ayoko na sanang tumawag kay Israel dahil parang nag-guilty ako kay French pero naalala kong nangako pala ako sa kanya.
“What took you long?” tanong niya sa husky na boses.
“Si French kasi… Pinakalma ko muna…” sagot ko at napisil ang pang-ibabang labi.
“That brat? Want me to tell her everything?”
“H’wag Israel!” Agap ko agad at nalingon ko pa si French dahil baka magising ito. “H’wag muna ngayon… Baka mas lumala lang ang pagwawala niya. Sa susunod nalang siguro…”
Bumuntong siya ng hininga na kahit sa aking isipan ay nakikita ko siyang binabasa na ang pang-ibaba niyang labi.
“Okay. But if she did something to you… I can’t promise I’ll stay quiet, Trace. Baka kahit sa harapan niya ay angkinin kita. Hahalikan kita at ipapamukha ko na baliw na baliw ako sa’yo…” he whispered sensually.
Hindi ko alam kung paano ito aayusin nang hindi nagagalit sa akin si French. Lalo na’t pakiramdam ko, pag nalaman niya, baka…itakwil niya ako.
Natahimik siya saglit, kalaunan, bumuntonghininga.
“Can I just come over? Let me kiss you right now…” he said on a strained voice.
“Bukas nalang Israel. Bibigyan kita ng halik,” sabi ko at pasimpleng nilingon si French. Hinawi ko ang kanyang buhok at isinabit iyon sa gilid.
“Bigyan mo ako ng anak. Mas gusto ko ’yun.”
“Huh? But I’m still studying Israel. Di pa pwede.” Tumawa akong muli.
Bumuntong ulit siya ng hininga. Di ko alam na ganito pala siya kausap sa cellphone. Ang boses… ang pilyong mga salita niya… Ang paghinga niya at masyadong nakakaakit sa akin.
“Israel?” tawag ko nang hindi na siya sumagot.
“Hmm?”
Ngumuso ako.
“Anong ginagawa mo?”
“Thinking about you…”
Ngumiti agad ako. Di naman napaghahalataang baliw na baliw ka sa akin ’no?
“If you’re just here with me… I’m going to kiss you all night. I’m going to kiss every inches of your skin,” he said deeply.
Tumindig ang aking balahibo at kinilabutan na ako. Naiimagine ko siya… Hinahalikan ang buo kong katawan at walang pinapalampas ang kanyang dila. God, Israel! Binabaliw mo ako!
My toes curled as I gulped. Nakakapanghina talaga ang lalakeng ito…
“Baliw,” bulong ko nalang at pilit kinakalma ang sarili.
Tumawa ito sa kabilang linya. Nanunuya ang tawang iyon na ikinasimangot ko talaga.
“Anong nakakatawa?”
“Are you thinking about it?” he asked, taunting.
Namula agad ang aking pisngi.
“Ikaw lang naman ang hibang sa ganoon,” depensa ko agad.
“You are, too.”
“Hindi ah! Ikaw lang…” Pulang pula ko ng sabi.
Tumawa siya na ikinanguso ko. Totoo naman! At nadadamay lang ako! Kasi… Ano… Gusto ko rin naman pero nakakahiyang mag-initiate.
“My girl is the cutest baby…” he drawled on a deep voice.
Para talagang kumunoy itong si Israel lalo na’t hihilain at hihilain ka niya hanggang lumubog ka sa kanya. Sisiguraduhin niyang sa kanya lamang.
Nakatulog ako sa pakikipag-usap sa kanya. Noong nagising ako ay wala na sa tabi ko si French. Kinusot ko ang aking mga mata at bumangon. Hinagilap ko ang aking cellphone at kinuha iyon sa gilid ng aking unan.
Binuksan ko agad iyon at nakita ang text ni Israel doon. Ngumiti ako saka ito binuksan.
Israel: Morning, gorgeous. Can’t wait to see you later.
Israel: I’ll just take a bath.
Israel: I’m on my way to work.
Israel: Are you still sleeping?
Israel: I want to kiss you right now.
Israel: I miss you.
Natampal ko ang aking noo at sobrang laki na ng aking ngiti. Ang dami niyang messages at lahat pa iyon ay ilang minuto lamang ang pagitan! 7 am palang ay nagtext na siya at iyong huli niyang text ay nasa 8 am na banda. Siguro nasa trabaho na iyon.
Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya.
Good morning! Ingat ka. :’)
Sinend ko agad iyon at ilang sigundo pa akong napatitig. Tama lang ba yan? Di ba masyadong maiksi, Trace? Ang dami ng sinabi niya.
Nagtipa ulit ako.
See you later.
Ayan… Siguro naman okay na. Eh kasi naman di ako sanay na nagtetext. Buong buhay ko wala naman akong kalandian sa text kaya di ko alam kung paano ko siya mapapangiti. Baka pag hinabaan ko mabagot rin siya kakabasa, at baka makadisturbo ako!
May kumatok sa aking kuwarto kaya napunta agad ang aking mga mata sa may pinto. Dumungaw doon si Manang Asing.
“Dadalhin ko lang ba ang breakfast mo rito, Trace? O bababa ka?” tanong niya.
“Ah, bababa nalang ako Manang. Si French po? Kumain na?” tanong ko at tumayo na.
“Oo maaga siyang kumain at sabi niya ay h’wag nalang daw kitang gisingin. Mukhang good mood ang kapatid mo, Trace.” Ngumiti pa si Manang sa akin at mukhang nasisiyahan sa nangyayari kay French.
“Talaga po?”
Tumango si Manang.
“Oo… Ngumingiti pa nga at yakap yakap si Kaki.”
Tila may nabunot na tinik sa akin. Mabilis akong nag-ayos para makababa na agad at makausap ito.
Totoo ngang good mood si French at nadatnan ko siya sa sala na nakikipaglaro kay Kaki. Tumatawa siya at tuwang tuwa sa kanyang aso.
“French…” tawag ko kaya natigilan ito saka ako nilingon.
“Good morning! Eat your breakfast na.” Ngumiti siya sa akin ng pilya.
Napangiti narin ako. Mukhang normal na nga ito…
Nag-iwas rin naman siya ng tingin sa akin at itinuon na kay Kaki ang atensyon kaya nagtungo ako sa kusina at kumain na. Siguro mamayang hapon ay makakaalis ako pero ang ipinapangamba ko lang dahil baka sumama si French. Ayoko ring magpasundo kay Israel dito. Pupuntahan ko nalang siguro siya.
Pagbalik ko sa aking kuwarto ay nakamissed call na ang aking cellphone kay Israel at may text na siya roon. Umupo ako sa aking kama at binuksan ang kanyang text.
Israel: You don’t know how to text.
Naimagine ko agad itong tumatawa at umiiling. Sabi ko na nga ba at halatang halata!
Hindi ko na ito nireplayan pa at tinawagan si Papa para makapagpaalam. Ilang sandali lang ay sumagot rin naman ito.
“Yes, sweetie? I’m in the middle of my meeting,” sabi niya at pabulong pa iyon. Naririnig ko rin sa kabilang linya ang boses ng ibang mga kasosyo niya at mukhang nasa meeting nga ito.
“Sorry po Papa, nakadisturbo po ako. Itetext ko nalang po,” sabi ko agad.
“No… No, it’s fine. Tell me…”
“Uhm… Mamaya po sana, pwede po ba akong lumabas? Babalik rin po ako at di ako magpapagabi ng husto.”
“Sure. Magpahatid ka nalang sa driver. Or I’ll text Israel to fetch you para masamahan ka sa lakad mo.”
“No, Papa! Magpapahatid nalang po ako sa driver,” agap ko.
“Okay… Are you taking French with you? Is she okay?” May pag-aalala agad sa tono ng pananalita nito.
“Opo, okay naman… Uhm, mag-isa lang po ako eh.”
“Ah, I see. Sige. Let’s just talk when I get home okay? I love you.”
“I love you too, Papa…”
Namatay rin naman ang tawag. Ano namang iaalibi ko kay French pag nagtanong siya kung saan ako pupunta? May bibilhin ako? Pwede ring bumili ako ng school supplies? Total malapit narin ang pasukan. Or iba nalang? Basta may bibilhin ako.
Bumaba ang balikat ko. Pakiramdam ko may mali akong ginagawa sa likod niya. Mali naman talaga, Trace. Para mo siyang inaahas dahil naduduwag kang sabihin sa kanya ang totoo at mas gusto mong…ganito?
Hindi iyon mawala sa isip ko habang nagbibihis. Noong lumabas ako, nakasalubong agad ng aking mga mata si French na kakaakyat lang dala dala si Kaki.
“May lakad ka?” tanong niya sa kalmadong boses na ikinatango ko. Para agad naging tambol ang aking puso at kinabahan na.
“Uhm, may bibilhin lang…” sagot ko na ikinangiti niya naman sa akin.
“Okay! Ingat ka. Di na ako sasama since tinatamad ako today eh. Did you ask permission na ba kay Dad?”
Tumango naman agad ako. Sa tamlay ng kanyang boses, alam ko…dahil iyon sa nangyayari.
“Oo at pumayag naman siya…”
Tumango tango siya saka ako hinagod ng tingin at kalaunan ay ngumiti rin.
“Enjoy… I’ll just wait for you here nalang ha.”
“Sige French, salamat.”
Habang nasa loob ako ng kotse at nagpapahatid na ay nagtext ako kay Israel.
Ako: Saan kita pupuntahan?
Ilang sandali lang ay isang tawag na ang pumaibabaw sa aking screen. Sinagot ko agad iyon at inilagay sa aking tenga.
“You didn’t tell me to fetch you,” salubong niya na ikinanguso ko.
“Hindi na. Nagpahatid na ako sa driver. Uhm, saan kita pupuntahan?” Iginala ko ang tingin sa labas ng bintana.
“Excuse me Sir Buenaventura… May meeting po kayo later with Mr-”
“Cancel it,” putol agad ni Israel sa babae. “Im still here. Nasa kompanya pa ako,” sagot niya rin naman sa akin sa medyo masuyong boses hindi kagaya sa pagsagot niya sa babae.
“Huh? Sir?”
“Move it. I have important matters to do,” sagot niya rin doon sa babae.
Ngumuso na ako. Nakakadisturbo pa ata ako.
“Puntahan nalang kita diyan, Israel. Hihintayin kita. H’wag mo nalang icancel…”
“Matagal ’yon. Mababagot ka,” aniya.
“Huh? Hindi ’no. Kaysa naman imove mo pa edi mas lalong madadagdagan ang sched mo. Okay lang naman…”
He sighed heavily. “Fine…”
Pinatay ko rin naman ang tawag at sinabi na sa driver ang destinasyon namin. Panay text pa si Israel kung nasaan na raw ako banda. Nirereplayan ko nalang ng malapit na ako pero ang kulit parin.
“Yes, Ma’am?” ang babae sa front desk nang makapasok ako sa building.
“Uhm, saan po yung floor ng office ni Israel?” tanong ko na ikinakurap nito. Nagbago pa ang timpla ng kanyang mukha at mukhang nainsulto sa aking tanong.
“You mean, Mr. Buenaventura?” tanong niya sa akin at hinagod ako ng tingin na kahit ang kanyang kilay ay umarko pa. “Do you have an appointment, Ma’am?”
Tumango agad ako sa kanya at may sasabihin pa sana kaso nasa telepono na inangat niya na kinuha niya iyong telepono sa gilid at may tinatawagan na.
Tahimik ko itong pinagmasdang may kausap at tumango tango pa siya saka rin iyon ibinaba at bumaling sa akin.
“I’m sorry but his secretary told me he has a meeting right now, Ma’am. Maybe you can wait for him here in the lobby area.”
Nilingon ko ang mga couch nila rito saglit at ibinaling rin naman sa kanya. Nagkatinginan pa sila noong mga kasama niya ring babae sa front desk at tiningnan ulit ako. Mga tatlo kasi silang nandito sa harap.
“Ah ganoon ba? Sige. Salamat…” Ngumiti ako at nagtungo roon sa couch nila.
Nakita kong nagbulungan pa sila at nagsikuhan saka sila tumawa. Nag-iwas ako ng tingin at sinuklay ang buhok kong nakalugay. Anong oras kaya matatapos si Israel? Itext ko kaya? Pero nasa kalagitnaan siya ng meeting eh…
Ilang sandali lamang ay isang tawag na nga ni Israel ang bumalandra sa aking cellphone. Sinagot ko agad iyon.
“Israel…” Ngumuso ako at napatingin sa mga babaeng nasa front desk. Panay parin sila sa paghahagikhikan at iyong isa ay panay lingon sa akin.
“Where are you? Kanina pa yang malapit na ako pero wala ka parin,” sabi niya sa naiinip na boses. Sa background noon ay may naririnig akong boses na mukhang nagpapaliwanag ng kung ano. Nasa meeting siya ’di ba?
“Uh, nasa lobby na ako. Dito nalang kita hihintayin,” sabi ko.
“Why are you there?” inis niyang tanong.
“Sabi kasi noong babae dito raw kita hintayin. At nasa meeting ka naman…”
“Excuse me,” sabi niya roon sa kabilang linya at may mukhang kausap ng iba.
“Where are you going Mr. Buenaventura?”
“I’ll just fetch my fiancee in the lobby. I’ll be back right away,” sagot niya roon sa nagtanong at wala na akong narinig na sagot noong kausap niya dahil sa pumaibabaw na pagkakabukas ng kung ano.
“Pupuntahan kita diyan,” sabi niya kaya tumango ako at wala ng sinabi pa.
Ibinaba ko na ang tawag at maayos na umupo roon. Nag-iwas ako ng tingin roon sa mga babaeng nasa front desk at di ko alam kung ba’t tumatawa. Maayos naman ang damit ko ah? Oh baka mali ang tawag ko kay Israel? Dapat ba Sir? Or Mr. Buenaventura? Iyon ata eh…
Nabura rin naman ang mga pinag-iisip ko nang makita ko ang imahe ni Israel. Nakatuxedo ito at all black pa. Masyado itong intimidating dahil narin sa madilim niyang mga mata at seryosong ekspresyon. Nagmumukha siyang suplado habang nakapamulsa at hawak sa isang kamay ang kanyang cellphone.
Nang magtama ang aming mga mata ay tumayo agad ako. Iyong mga babae naman sa front desk ay tumayo rin agad ng tuwid doon at sinundan ng tingin si Israel na huminto na sa aking harapan.
“Bakit ka lumabas eh nasa meeting ka?” tanong ko nang hinagod niya ako ng tingin sa malalim niyang paninitig.
“You’re not suppose to wait here.” Nagkasalubong ang kanyang kilay at hinila ang aking baywang papalapit sa kanya. Pinatakan niya ako ng halik sa aking labi pero iritado pa rin ang mukha.
“Eh may meeting ka rin…” Ngumuso ako at nakita ang ekspresyon noong mga babae sa front desk na nagulat dahil sa paghalik ni Israel sa akin.
Iniyapos niya lalo ang braso niya sa aking beywang at namahinga sa aking tiyan ang kanyang palad habang ginigiya ako sa paglalakad. Nagtungo pa kami sandali sa front desk kaya nakagat ko ang aking labi dahil dumaloy ang hiya sa mukha noong dalawa.
“Prioritize my fiancee next time. Treat her like she’s your boss,” sabi niya sa matigas na boses doon sa babae na yumuko agad.
“Sorry po Sir Buenaventura…”
“Sorry po, Ma’am…”
“Okay lang…” Saka ko nilingon si Israel at hinaplos ang kanyang panga. “Okay lang, Israel…”
Iginiya niya rin naman ako sa elevator.
“Just wait for me in my office. Or you can sit on my lap while I’m having a meeting…” Suhestyon niya at nagawa pang ngumisi.
Tumigil ang elevator sa floor na pinindot niya kanina at bumukas iyon. Sinapak ko pa ang kanyang dibdib at natawa sa kanyang pinagsasabi.
“Baliw ka. Sa office mo nalang ako,” sabi ko habang naglalakad na kami.
Binuksan niya ang pinto ng kanyang office at pagpasok na pagpasok palang ay hinalikan niya na agad ako.
“Dito nalang siguro ako…” Aniya habang iniipit ako sa pinto at tinutulak niya ang kanyang sarili sa akin.
“Huh? Israel ang meeting mo!” Sinapak ko g marahan ang kanyang balikat pero ang lalakeng ito ay bumaba pa ang halik sa aking leeg.
“5 minutes… Let me kiss you first,” sabi niya at inangkin ulit ng buo ang aking mga labi.
Tumawa ako at gumanti ng halik.
“I promise to myself, once you’ve come back to me, I’ll kiss you every chance I’ll get,” bulong niya sa aking labi.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Ramdam ko ang pangungulila niya, na ilang beses niya itong pinagpantasyahan sa isip niya.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Sa tuwing lalandas ang labi niya sa katawan ko, para agad akong aliping handang sumunod sa mga gusto niya. Tila ba yelo na agarang natutunaw sa itaas ng apoy.
“You miss me too,” bulong ni Israel habang ang kanyang kamay ay pumasok na sa dress na suot ko.
“’Yung meeting mo,” paalala ko dahil baka matagalan kami!
Ngunit ngumisi lamang si Israel, yumuko at hinagod ng halik ang labi ko sabay hagod ng kamay niya roon.
Humalinghing ako sa kanyang labi. Israel chuckled against my lips.
“Ah… the moan…” bulong niya. “Turns me on.”
Ang isa niyang kamay ay nasa dibdib ko na at humahaplos. Isang hawi lamang sa tela sa ibaba, nahawakan niya na agad ako roon.
“One round?” bulong niya at hinagod ako ng haplos.
Dumaing ako at nanghina. Ibinaba niya ang zipper ng kanyang slacks at alam ko agad ang balak niya! Ngunit sa halip na pigilan, nanunuyo ang aking lalamunan at nagiging sabik!
Inilabas niya ang kanya at agarang ipinadulas ang kanya sa aking mga hita.
“Close your legs,” bulong niya.
Nanghihina ko iyong sinunod. Dumaing siya at ipinalupot ang kanyang isang braso sa aking baywang habang nanginginig ang mga hita ko.
Naririnig ko ang tunog noon at hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha. Ngunit ang mas nakakahiya dahil gustong gusto ko ang ginagawa niya.
“Israel,” tawag ko, halos magmakaawa ang tinig.
He groaned like a hurt beast, the next thing I knew, he just pushed it in. Pumikit ako at napadaing hanggang sa hinalikan niya agad ako at tuloy tuloy ang kanyang galaw.
Kung noon ay kaya ko pang tumakbo palayo sa kanya, ngayon, alam kong kahit na kalasin man ang tali, umugat na ang paa ko sa lupa—hindi na makakaalis pa.
Chapter 54
Chance
Iyon ang gawain ko sa Summer. Pinupuntahan ko siya sa kompanya kung masyado siyang busy. Ayoko namang panay siya cancel ng mga meeting o kung ano pang importanteng ginagawa niya dahil lang naroon ako at gusto niya akong asikasuhin.
Nakaupo ako sa kandungan ni Israel habang binubuksan ko iyong folders na nasa desk niya at tinitingnan iyon kahit wala akong naiintindihan. May tinitipa siya sa kanyang laptop habang ang kanyang baba ay namamahinga sa aking balikat.
“Sinabi mo na sa brat mong kapatid?” tanong niya bigla sa akin habang ang mga mata ay nasa laptop.
“Di pa eh… Di ko nga alam kung paano…”
“Just tell her I’m already in love with you since I was eighteen. And you were in love with me too since you were…sixteen?”
Sixteen ba? Hindi niya alam na…kahit noong hindi pa siya eighteen at high school pa lang, may lihim na akong atraksyon sa kanya. Siya lamang ang nagustuhan ko noon sa Bukidnon. Ang mga lihim kong mga sulyap sa kanya…
“Paano mo naman nasabing in love na ako sa’yo noong sixteen ako?”
He shrugged. “I felt it. Kaya kayo madalas balik nang balik sa lupain namin dahil crush mo ako. Kaya ka nandoon sa batis dahil sinusundan mo ang crush mo.”
Nalaglag ang panga ko. “Hindi ah! Nagkataon lang ’yong sa batis! Ang feeling mo!” natatawa kong sabi.
“Well then…during those times I caught you peeping?”
“Mga mangga nga ang sadya namin doon! At gusto lang din nilang kumpirmahin kung…totoo bang nanunungkit ka—”
“There. You went with them because you want to see your crush.”
Natawa ako. Pag galing kay Israel tunog mayabang kahit totoo naman.
“And you told the brat you can’t remember your first kiss, huh? Crush na crush mo nga…” tukso niya.
“Ayaw ko lang talagang maalala… Pero worth it naman ’yon.” Pag-amin ko.
“It’s worth it since it was me who kissed you not just anybody,” mayabang niyang sabi na ikinatawa ko ng marahan.
“Yabang…”
Nilingon niya ako, inangatan ng kilay saka bumaba ang tingin sa leeg kong nakamuwestra sa kanya lalo na’t nakahigh ponytail ang aking buhok saka niya pinatakan ng halik.
“Oo nga pala… Bukas di ako makakapunta rito ha,” sabi ko na ikinatigil niya sa pagtitipa roon.
Humilig siya sa kanyang swivel chair at hinaplos ang aking pisngi.
“Why?” Nagkasalubong ang kanyang kilay habang mataman na ang tingin sa akin.
“May lakad kami ni French eh. Bibili kami ng school supplies… Isang linggo nalang klase na ulit namin, Israel.”
“Kung ganoon, sasama ako.” Kinuha niya sa akin iyong hawak kong folder saka niya iyon inihagis sa desk niya.
“Hindi pwede!” agap ko agad at nahawakan ang dalawa niyang pisngi.
“Hindi pwede Israel…”
“That brat again?” He raised his brow at me, ang mga mata ay lumalalim na ang paninitig sa akin.
Ngumuso ako at tumango.
“Next time nalang tayo magkita please. Pwede sa simula nalang pasukan? May mga vacant time naman ako ’tsaka si French… walang kasama sa bahay eh. Panay na ako lakad.” Sumimangot ako sa kanya.
Binasa ni Israel ang pang-ibaba niyang labi at bumaba ang tingin sa aking leeg.
“Please?” Hinawakan ko ang gilid ng kanyang leeg at hinaplos haplos iyon. Ang hinlalaki kong daliri ay hinaplos ko pa sa kanyang panga.
“So we’re not going to see each other for a week? Is that it?” Paglilinaw niya at mukhang gusto niyang bawiin ko lang iyon.
Tumango ako sa kanya.
“Ayaw mong sumama sa business trip ko? That’s 3 days…” Masuyo niyang sabi sa akin at hinaplos ang aking braso.
“Mas hindi ka makakaconcentrate kung nandoon ako. At palagi narin naman tayong nagkikita. Magpamiss muna tayo sa isa’t isa, Israel.” Suhestyon ko na ikinaliit ng kanyang mga mata sa akin.
“What the fuck? I even miss you right now when you’re sitting on my lap. Anong magpapamiss? I want to be with you all the time.” Suplado niyang sabi.
Bumuntong ako ng hininga at humalukipkip. Lumapit siya sa akin at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg saka iyon kinagat.
“Anong oras kayo aalis bukas?” tanong niya sa kalmadong boses nang magtamang muli ang aming mga mata.
“Siguro mga 2pm?”
“Chua’s Mall?” Pangungumpirma niya na ikinailing ko.
“Sa ibang Mall ata kami mamimili… sa Abreeza.”
“Okay. May lakad rin naman ako bukas,” aniya na ikinakunot ng aking noo.
Lakad? Eh may trabaho siya bukas!
“Saan?” tanong ko na ikinanguso niya at nagpipigil pa.
“Somewhere…”
Mabilis akong sumimangot. Ang daya nito! Sinabi ko kung saan ako pupunta bukas tapos siya hindi!
“Ikaw bahala.” Nag-iwas ako ng tingin at uusog na sana kaso hinila niya ako at niyakap na.
“I’m still waiting you might change your mind, Trace… Ayaw mo talagang sumama? Isang linggo tayong di magkikita?”
“Malapit na ang klase namin, Israel. Hindi rin ako papayagan ni Papa sa plano mo.”
Isang buntong hininga nalang ang kanyang naisagot sa akin at isiniksik pa ang mukha sa aking leeg. Iyan ang paborito niyang gawin sa akin.
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si French sa sofa, nakaupo at hinihimas na naman ang balahibo ni Kaki. Nagtama ang mga mata namin kaya pilya agad siyang ngumiti.
“So, hows your day?” tanong niya at tumayo na.
“Okay lang naman,” sagot ko sa kanya saka ako naglakad paakyat.
Sumunod siya sa akin.
“Dad told me nagkikita raw kayo ni Israel? Kinukumbinsi mo rin ba siyang kumbinsihin sila Daddy na ako iyong dapat pumalit at uurong kana?” tanong niya na ikinalunok ko.
Hindi ko alam kung iniisip niya bang kaya ako nakikipagkita kay Israel para kumbinsihin ito o may iba pa siyang iniisip at hinuhuli lamang ako.
“Nag-eenjoy ka bang kumbinsihin siya kaya halos araw araw kanang nakikipagkita sa kanya?” tanong niya pa noong pumasok ako sa kuwarto at sumunod rin siya.
Inilapag ko ang aking bag sa aking kama saka niya nilingon na nginitian agad ako ng pilya.
“Alam ko namang hindi mo ako aahasin, ’di ba, Trace? You know I like him from the start. You know I like him so much…” Mariin niya akong tiningnan pero di parin nawawala ang kanyang ngiti.
Umawang ang aking bibig para sana sumagot pero naitikom ko rin iyon dahil wala akong maisip.
“Di na sinasagot ni Israel ang calls ko. Di niya narin ako tinatawagan. Did you say something to him?” Umarko ang kanyang kilay sa akin at ibinaba pa si Kaki.
“Hindi ko naman hawak ang desisyon ni Israel, French,” tanging sagot ko na ikinahalakhak niya.
“But you can back-out! What’s taking you long? Don’t tell me you’re falling for him, Trace?” Mariin niya akong tiningnan. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kinikimkim niyang galit.
Parang nagkabuhol-buhol ang aking dila at wala akong masabi sa kanya. Ayokong mag-away kaming dalawa. Gusto ko iyong iwasan dahil naging mahalaga na siya sa akin. Ayokong sa unang pagkakataon ay may pag-awayan kami at dahil pa sa isang lalake.
“Don’t betray me… I treated you like my real sister. H’wag mong hintayin na may gawin akong hindi mo magugustuhan, Tracey. Don’t test me,” matigas niyang sabi na kahit ang galit sa kanyang mukha ay yumakap na.
Umawang ang aking bibig pero tumalikod ito at tumakbo rin naman si Kaki palabas saka niya iyon marahas na isinara.
Ano bang gagawin ko? Kahit anong isip ko ng pwedeng gawin ay magagalit talaga siya sa akin.
Hindi ko nasagot ang tawag ni Israel sa gabing iyon. Gulong gulo ako at nagawa ko pang tumambay sa sala para lang makapag-isip isip.
“Well look who’s here? Hinihintay mo ba ako?” Ngumisi agad si Papa sa akin nang madatnan niya ako rito.
Yumuko siya saka niya ako hinalikan sa aking noo. Sa kanyang likuran naman ay ang imahe ni Tita Brenda na pagod na pagod ang mukha dala dala ang mamahalin niyang bag.
Nginitian ko si Papa ganoon rin si Tita Brenda. Ang kanyang mga mata ay umakyat sa ikawalang palapag ng bahay saka niya ako tiningnan.
“Where’s your sister?” tanong niya sa akin.
“Nasa kuwarto niya po, Tita,” sagot ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
Napailing naman agad si Papa.
“I can’t understand that girl… Pabago bago ang isip. Nakakahiya naman kay Lorraine kung sasabihin kong siya nalang ulit ang ipakasal,” si Papa naman.
“French thought she’s going to marry Jackson. Mukhang namisenterpret ng batang iyon ang nangyayari,” si Tita Brenda naman.
“French will get over this. Nag-iinarte lang iyan ngayon,” si Papa naman.
“She told me she likes that guy a lot, Liam.” Matigas pang sabi ni Tita Brenda at nagawa akong tingnan saglit.
“Israel seems fine with Tracey. H’wag nating guluhin ang utak ng mga bata. Enough with this. She already back-out.” Naggesture pa si Papa na mukhang stress na stress na siya sa topic na ito.
Namungay ang aking mga mata at napaiwas ng tingin. Wala namang imik si Tita Brenda pero ramdam ko ang naninimbang niyang mga mata sa akin.
“Come with me, Trace. Let’s eat,” si Tita Brenda at nagtungo na sa kusina.
Tiningala ko si Papa na linuluwagan na ang kanyang necktie at hinihilot pa ang kanyang sintido.
“I’ll just change my clothes. Sumunod ka nalang muna sa Tita mo,” sabi niya at sinenyasan akong sundan ito.
Tumango naman ako saka nagtungo sa kusina. Di ko alam kung ba’t nakakaramdam ako ng kaba.
Iminuwestra niya ang upuan sa kanyang tabi kaya doon ako umupo. Pinagsilbihan rin ako ng isa pang kasambahay habang ang aking mga mata ay di ko kayang ipanatili sa isang direksyon.
“French is telling me you don’t like that guy?” panimula niya habang hinahalo ang kanyang tsaa.
Hindi ako nakasagot agad at kabadong nag-angat ng tingin sa kanya.
“But anyway, pinagkasundo naman kayo para sa business hindi para mahulog sa isa’t isa. She’s telling me it’s more convenient if Israel’s fiancee is her since she already likes him. Sabi niya… Mas mabilis silang magwowork-out dahil may feelings na.” Inangat niya ang tasa at sumimsim doon.
Wala namang bahid na galit ang kanyang boses pero para paring may bukol sa aking lalamunan at hindi agad ako nakakapagsalita. Inilapag niyang muli iyong tasa at hinawi ang buhok.
“Maybe French is just assuming things that Israel likes him or what? Dahil kung gusto rin naman siya noong lalake, dapat nagreklamo agad si Israel noong ikaw ang ipapakasal sa kanya. Lorraine told me his son is desperate to marry you.” Umangat ang kilay ni Tita Brenda sa akin.
Kaya rin ba hindi rin gusto ni Tita Brenda na umurong ako? Kaya kahit kinukulit na siya ni French ay di niya rin ito mapagbigyan dahil sa nalaman niya sa ina ni Israel?
Nahipo niya ang kanyang noo at pumikit na.
“French needs to wake-up. Mapapahiya siya sa ginagawa niya at ipapahiya niya ako kay Lorraine. She’s my daughter but I don’t think she’s right. Pinipilit niya ang isang bagay na hindi para sa kanya,” inis niyang sabi.
Nailing siya saka dumilat. Inangat niya muli ang tasa at sumimsim doon kaya inangat ko rin ang kutsara para kumain sa inihandang pagkain sa akin. Dahan dahan akong ngumuya.
“Liam wants you to marry Israel. Iyon rin naman ang gusto ko dahil iyon rin ang gusto ni Lorraine. We’re great friends and we want this marriage to work. Itong si French lang talaga ang bigla bigla nalang nag-iiba ang timpla. Goodness!” Nahilot niya ang kanyang noo at bakas sa mukha ang stress.
“Tita… Ayoko pong magback-out p-pero di ko po alam kung paano iyon ipapaliwanag kay French,” pag-amin ko.
“You like that man too?” pangungumpirma niya.
Lumunok ako at dahan dahang tumango. Suminghap siya.
“Alam ba ni French na…gusto mo ’yon?”
Kinagat ko ang labi at umiling. I saw how her eyes looked at me with unreadable expression.
“I’d get mad at you if Israel likes my daughter and you’re trying to ruin them both. Ayoko sa mga ganoong babae.”
Alam ko kung saan patungo ang pag-uusap. Alam ko na…tinutukoy niya si mama. Ngunit nauunawaan ko siya, lalo na’t kahit si mama, alam niyang mali iyon kaya lumayo siya sa buhay ni Papa.
“But Israel doesn’t even like my daughter. Dahil kung siya ang gusto, why would he will choose you over my daughter? Kilala ko ang pamilya nila. They don’t beat around the bush.”
“Hindi ko nga po alam paano ipapaliwanag kay French.”
“Let her. Bahala siya. Hayaan mo siyang magalit total di siya nag-iisip. Hintayin mo nalang na gamitin niya ang kanyang utak para matauhan siya sa kagagahan niya. Do what you want to do, Trace. Sundin mo ang gusto ng Papa mo dahil ayoko naring makisali at ako na naman ang aawayin noon.”
Ramdam ko na sanay na si Tita sa pagiging brat ni French. Pero sa kalooblooban ko, sobra akong guilty dahil noong mga panahong nagugustuhan niya si Israel, pinili kong manahimik. Hindi ko agad sinabi sa kagustuhan kong kalimutan ito.
Topic namin ni French ang mga bibilhin at mga gagawin namin sa Abreeza Mall kinabukasan. Gusto niya rin daw magshopping at bumili ng bagong shoes kaya sumang-ayon narin ako dahil gusto ko ring bumili ng bagong dress.
Pagdating namin doon ay dumeritso agad kami sa National Bookstore. Namimili siya ng binder ganoon rin ako at pinapakita ko pa iyon sa kanya. Nalilito ako kung iyong black na binder or iyong may pagka beige ang kulay ang kukunin ko kaya tinanong ko nalang talaga si French.
“Okay lang?” Ipinakita ko sa kanya ang kulay beige na may qoutes na desinyo na ikinatango niya naman agad.
“Wait that’s cute ha. Same nalang tayo,” sabi niya kaya napangiti ako at tumango.
“Same tayo ng taste but we can’t share you know,” dagdag niya pa at tumawa na habang umaabante.
Double meaning ata iyon…
Binayaran rin naman namin iyon saka kami lumabas. Tinawagan ni French ang aming driver at pinadala niya iyon sa kotse. Bumili naman kami ng milktea sa nadaanan namin at naglakad lakad rin pagkatapos.
“Let’s eat nalang kaya muna? Or magshopping na?” tanong niya sa akin habang kinukuha ko ang aking cellphone na panay vibrate sa loob ng aking sling bag.
Tiningnan ko ang screen noon at puro text ni Israel. Nilingon ko saglit si French na sinisipsip ang kanyang hawak na milktea habang gumagala ang tingin sa mga botiques na nadadaanan namin.
Binuksan ko agad ang mga text ni Israel.
Israel: The black binder is much better for me.
Israel: Can I sip on your milktea too?
Nalaglag ang aking panga at mabilis na iginala ang aking mga mata. N-Nandito ang lalakeng iyon at sinusundan kami!
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako: Nasan ka?
Ilang sandali lamang ay nagreply ito.
Israel: Bumalik ka lang sa daan mo.
Nagpaalam muna ako kay French na magc-cr lang. Nagmadali akong bumalik sa aking daan habang gumagala ang aking mga mata sa bawat nadadaanan ko. Napapatingin pa ako sa mga lalakeng nasa paligid dahil baka siya iyon pero nagulat nalang ako nang may biglang humila sa aking baywang.
Kamuntik ko pang mabitiwan ang milk tea na hawak ko buti nalang talaga at nakabawi agad ako sa pagkagulat nang marinig ko ang halakhak niya sa aking tainga nang isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg.
“Nakakainis ka!” Hinarap ko ito at sinimangutan.
Ngumisi siya sa akin at malademonyo na ang tingin. Hinalikan niya pa ang aking leeg at hinalikan rin ako sa aking labi.
“Di ka naman sana makikipagkita sa akin pero ang ganda ganda mo.” Umangat pa ang kanyang kilay nang hinagod niya ako ng tingin sa suot kong straps dress.
“Anong ginagawa mo rito? Sinundan mo ako?” tanong ko sa kanya.
Yumuko siya at sumipsip sa aking milktea at umiling rin naman.
“I bought some pens.” Dinukot niya sa kanyang bulsa ang dalawang ballpen na nakacellophane at inangatan pa ako ng kilay.
“Sinabi ko na sa’yo kahapon may lakad rin ako ngayon.” Inosente niya pang sabi at binalik sa bulsa iyong ballpen.
Seriously? Ballpen? Pumunta siya sa National Bookstore para bumili ng ballpen? Dalawang ballpen?!
“Ang rami mo kayang ballpen sa office mo!” Tinuro ko pa ang kanyang mukha na ikinanguso niya.
“I want a new ballpen.” Yumuko siyang muli at hinagkan ako.
Sinungaling ito!
“And of course, I want to make sure if you’re okay,” agap niya.
Umamin na!
“Idadahilan mo pa na bumili ka lang ng ballpen…” Nanliit ang aking mga mata kaya niyakap niya ako ng mahigpit at natawa na sa gilid ng aking tenga na kahit ang kanyang napakamanly na pabango ay madikit narin sa akin. Nailing nalang ako at niyakap nalang rin ito.
“You can’t blame me. I told you I’d grab all of my chance, not just to kiss you but also to see you once you’re mine,” nangingiti niyang bulong.
Napangiti nalang din ako. Ewan ko talaga sa’yo Israel Buenaventura…
Chapter 55
Warning: R-18
Heaven
Hindi na nga kami nagkita ni Israel sa mga sumunod na araw dahil sa kanyang business trip.
Tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong dinampot at napangiti na ng malapad. Pero nang mabasa ko na si Kuya Brennan pala ay napanguso rin ako.
“Kuya?” sagot ko at isinandal ang aking mga hita sa railings. Inilapag ko naman sa aking kandungan ang libro.
“Nabalitaan ko kay Mommy na gusto raw ni French na umurong ka sa kasunduan? Ano na namang inaarte arte niyan?” inis na tanong sa akin ni Kuya.
“Ayoko namang umatras eh…” sagot ko.
“Malamang… sa lagkit ng pagkatitig mo sa lalakeng iyon aatras ka pa ba?” Nanunuya niyang sabi na ikinasimangot ko.
“Grabe ka sa akin. Di iyon malagkit ha!”
Naiimagine ko tuloy ang sobrang suplado na mukha ni Kuya Brennan ngayon.
“Nag-aaway kayo ni French?”
“H-Hindi naman. Ang shallow naman kung mag-aaway kami dahil lang sa lalake, Kuya…”
“French is shallow. Posibleng awayin ka niyan dahil di masunod ang gusto niya,” puno ng kasiguraduhan niyang sabi na ikinabuntong ko ng hininga.
Sana nandito si Kuya Bram. Sa kanya lang rin naman ako mas comfortable sa pag-oopen up… Sa kanya ako mas nasanay na sumandal.
Ngayon ko lang napagtanto na wala talaga akong napagsasabihan ng mga bumabagabag sa isip ko dahil wala akong kaibigan katulad nila Rinka.
“Do you want to… say something?” tanong niya at mukhang nahimigan ang pagiging tahimik ko.
Bumuntong ako ng hininga at ramdam ang bigat sa aking balikat. Na kahit siguro ilang ulit akong bumuntong ng mahabang hininga ay di ko parin iyon maaalis.
“Natatakot akong sabihin sa kanya lahat ng totoo dahil ayokong mag-away kami, Kuya. Napamahal na si French sa’kin… D-Di ko naman alam na magkakaganito pala. Naduwag ako noong umpisa at ngayon ay naduduwag parin ako dahil ayoko siyang magalit sa’kin,” malungkot kong sabi at tiningnan ang langit na hindi gaanong masakit ang sikat ng araw sa mata.
“Buong buhay mo ay pinagbigyan mo ang mga tao na nakapaligid sa’yo, Trace. I know how kind you are. Ngayon na masaya ka naman sa pinasukan mo, unahin mo na ang sarili mo. Nagpaubaya kana kaya tama na ’yon. Learn to fight for your happiness, lil sis…”
Parang nalusaw ang aking puso na kung nasa harap ko lang si Kuya Brennan ay niyakap ko na ito.
“Thank you, Kuya… I love you…”
“Okay,” tanging sagot niya at pinatayan ako ng tawag. Aray naman. Iyong I love you ko di natumbasan.
Inilapag ko ang cellphone at ibinalik ang pagbabasa. Tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong sinagot at inilagay agad sa aking tainga.
“Nakokonsensya ka at mag a I love you too, ka ’no?!” Pang-aaasar ko kaagad kay Kuya habang natatawa.
“What the fuck, Tracey? That’s why I can’t call you huh…” Ang supladong boses ni Israel ang pumaibabaw sa kabilang linya na ikinalaki ng aking mga mata.
Gosh, Trace! Namali ka!
Tiningnan ko ulit ang screen at tama nga ako dahil international call iyon. Oh my God! Lagot ako!
“A-Ah… Si ano ’yon…” Hilaw akong natawa at ramdam ang kalabog ng puso kong lalabas na ata sa aking dibdib.
Naibaba ko na ang aking mga paa sa railings at napaupo nang maayos.
“So you’re cheating? Ayaw mong sumama sa akin at may katawagan ka pa,” inis niyang sabi na ikinanguso ko.
“Si Kuya Brennan ang tumawag ’no,” pag-amin ko pero isang mahabang “tssssss” ang isinagot.
Ilang sigundo siyang hindi sumagot.
“Israel?” tawag ko.
“Oh?” matabang niyang sagot na kahit ako ay ramdam ang kanyang inis.
“Ayaw mo akong kausap? Ibababa mo nalang ang tawag…” sabi ko.
“Sige ibababa ko,” matigas niyang sabi na ikinasimangot ko at hinihintay nalang iyong mamatay.
“Ibababa mo na?” tanong ko.
“Ibababa ko na… ang pride ko, tangina yan!” malutong niyang mura sa kabilang linya na ikinakagat ko sa aking labi.
“Si Kuya nga kasi ’yon!” agap ko.
“Tsss.”
Grabe, ang laki laki ng problema niya. Sobra! Hindi ako makapaniwalang sa dami dami ng pagtatalunan namin ay ganito pa.
“I just called to asked you if you like anything… Anong gusto mong pasalubong?” tanong niya at kalmado na ang boses. Ang bilis rin talaga nitong kumalma!
“Huh? H’wag na ’no. Nakakahiya…”
“Seriously Trace? Nakakailan na tayo sa kama tapos mahihiya ka pa-”
“Israel!” tawag ko sa impit na boses na ikinahalakhak niya sa kabilang linya. Pulang pula na ang aking pisngi!
“Come on. Wala kang gusto? Or I’ll send some photos…”
“H’wag na nga kasi!”
“Fine. I’ll just buy something for you,” sabi niya na ikinatampal ko ng aking noo.
“How are you? Do you miss me? Uuwi rin naman ako bukas,” masuyo niyang sabi na akala mo ay isang bata ang kausap niya kaya ganyan siya.
“Pero pag-uwi mo bukas may lakad rin naman ako. Pupunta kami sa school dahil may aasikasuhin kami ni French tapos di na kami papayagang gumala kasi malapit na ang pasukan. Sabi ko naman sa pasukan na tayo magkikita…” Malungkot kong sabi.
“Can I just… Come over? Kahit sa labas lang ng gate. I don’t mind…”
Marahan akong natawa pero umiling rin kahit di niya naman iyon makikita.
“Sa pasukan na nga. Promise ko, pag vacant ko pupuntahan agad kita.”
“But I miss you? Kahit silip lang?” suhestyon niya at ewan ko kung nagbibiro ba ito o ano.
“Di nga!”
I heard him groaned. Mukhang dismayadong dismayado na naman.
“Sir, the meeting is going to start now,” narinig kong sabi ng kung sinong babaeng may malambing ang boses.
“Sige na, Israel… Ibababa ko na.”
“I love you,” bulong niya sa malalim na boses at nasundan pa iyon ng mahabang hininga.
“I love you,” sagot ko pabalik at di na napigilang mapangiti.
Kaya sa sumunod na araw ay naging busy na nga kami ni French lalo na sa unang pasok ng klase.
“French you look pretty as always ha! Wait… What happened na doon sa crush mo? OMG like I am so excited if kayo na ba!” ang mga kaibigan ni French nang magkita kita.
“Oo nga French! That denim guy is so guwapo ha! Diba hinatid ka niya and you said he’s calling you?”
“Nagdidate na kayo? Or he’s your boyfriend na! Oh M G!” Nagtilian agad iyong lima at pinagyuyugyog pa si French na kahit ako ay napaatras na dahil sa pagkakatama sa akin noong isa.
Tumawa si French ng hilaw at pasimple akong nilingon.
“Let’s talk it later nalang since may klase pa. See you later guys!” Hinila rin naman ako ni French paalis sa kanilang harapan at naglakad na kami patungo sa first subject namin.
“I hope you won’t disappoint me, Trace. I’m expecting your final answer this month.” Nilingon ako ni French sa seryosong mukha at naninimbang na ang mga mata sa akin.
This month…
Tuwing first day of school, may iba sa mga prof na nagbibigay agad ng kanilang magiging topics sa buong semester pero may iba rin namang prof na di pa sumisipot.
Di sumipot iyong isa naming prof kaya lumabas ako at nagtungo nalang sa library para doon magpalipas ng oras. May mga estudyante pa akong nakakasalubong at iyong iba ay panay ang hagikhik.
“That guy is famous here… Tambay kasi sa labas at pakain kain ng fishball. Nakakagulat at nandito na siya ulit…”
“Eh diba iyon yung napapabalitaang crush ni Chua? That one named French ata? ’Yung fourth year na ngayon.”
“Maybe siya ang pinupuntahan noong guy since may rumor na nagkikita raw sila tuwing summer sa isang bar.”
Tumigil ako sa paglalakad at napalingon sa grupo ng mga babaeng lumagpas lang rin naman. Si Israel ba ang tinutukoy nila? Ibig sabihin nasa labas siya ng gate?
Nagvibrate ang aking cellphone kaya tiningnan ko agad iyon at nakita ang text ni Israel.
Israel: Vacant mo na?
Nagtipa rin naman ako ng mensahe.
Ako: 9 palang Israel. May dalawa pa akong subjects na 2 hours. Mamaya pa ang vacant ko.
“Diba ikaw ’yung kapatid ni French Chua?” tanong sa akin ng isang estudyante nang makapasok na ako sa sunod na subject.
Ngumiti ako sa babae at tumango.
“Matanong ko lang, boyfriend niya na ba iyong lalake na nakadenim sa labas? Sila na?” tanong niya at nagawa pang umabante para lang mas marinig ang magiging sagot ko.
Wala akong naisagot agad at nagpapasalamat rin ako dahil sa pagdating noong prof. Itinuon ko kaagad ang aking tingin sa harap kahit na ramdam ko parin ang paglingon nito sa akin. Sikat rin naman kasi si French dito kaya ang daming nacucurious sa buhay niya.
Noong matapos ang aking klase ay tinitigan ko ulit ang aking cellphone at naroon na nga ang sunod sunod na text ni Israel.
Israel: You done?
Israel: Vacant mo na.
Israel: Nasa parking lot ako.
Israel: Come here.
Mabilis kong naibulsa ang aking cellphone at nagmamadali na akong tumakbo papunta roon.
Maraming nakapark doon pero nang mapansin ko ang itim na kotse at ang lalakeng nakasandal, sa tindig pa lang habang hawak ang phone at nagkakasalubong ang makapal na kilay, alam kong siya agad iyon.
“Israel!” tawag ko at napatakbo na papunta sa kanya.
Mabilis siyang nag-angat ng tingin at tumuwid sa pagkakatayo. Ibinulsa niya agad ang kanyang cellphone at ngumisi na habang hinihintay akong makarating sa kanyang harapan.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nayakap ko agad siya na kahit ang aking bag ay nabitiwan ko pa. Umangat ako sa ere nang niyakap rin ako pabalik ni Israel at inikot pa ako. Natatawa niyang isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg at mas niyakap ko ito ng mahigpit na kahit ang pabango niya ay lumilipat narin ata sa akin.
“Fuck… I miss you…” bulong niya sa aking leeg at nagawa na namang kagatin iyon.
“Na-miss din kita.”
Yumuko siya at hinagod agad ang kanyang labi sa aking labi. Sa sunod sunod na galaw ng labi niya, naramdaman ko roon ang kanyang pangungulila.
“Huwag dito!” agap ko habang natatawa siyang pinalo sa braso.
Ngumisi si Israel at narinig ko ang click sa pinto hanggang binuksan niya iyon at kinarga ako. Sabay kaming pumasok doon at pumaibabaw agad siya sa akin hanggang tuloy tuloy ulit ang halik nang sumara ang pinto.
“Miss me?” Sabay tulak ng aking hita hanggang mahulog iyon sa gilid ng upuan at itinulak niya ang kanya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Isa isa niyang tinanggal ang butones ng aking blusa at nangingiting yumuko roon habang nasa akin ang mga mata nang hinalikan niya ang aking dibdib.
“1 fucking week… Damn it… I miss you!” He groaned and claimed my peak using his hot mouth.
“N-Namiss rin kita…” tanging sambit ko at ungol na ang sumunod nang maramdaman kong hinaplos niya agad ako roon.
“I miss your sexy voice, Trace. Come on… Moan.” Saka siya lumuhod at yumuko.
At alam na alam niya talaga ang kahinaan ko lalo na’t nang nanunuya niyang hinalikan ang gitna ng aking mga hita, kinakagat-kagat iyon at ilalandas ang tungki ng kanyang ilong, halos mamaos ako kakadaing.
Isang hawi lamang sa tela, isang pasada lamang ng kanyang dila roon, halos manginig na agad ako.
“Fuck it. I can’t wait any longer!” Saka niya biglang ibinaba ang zipper hanggang maramdaman ko agad na nakatutok na ang kanya sa akin.
When he entered me, I was already at the peak screaming. May pagmamadali ang kilos ni Israel at bumubundol pa ang ulo ko sa gilid ng upuan kaya pinaupo niya ako bigla sa kanya at hinawakan ang magkabila kong baywang.
His hips were moving like how he controlled my waists too. Hinalikan niya ang aking leeg at gigil ang bawat galaw niya. Mariin akong pumikit nang ilang sandali lang, nanginig agad ako.
Ilang sandali lang, sumunod din si Israel at pikit matang naisandal ang ulo sa headboard ng upuan habang umukit sa mukha niya na…sarap na sarap siya.
“You look great in your uniform,” sabi niya habang binobotones pabalik ang aking blusa.
“Pero hinubaran mo ako,” natatawa kong sabi at hinahabol parin ang aking hininga.
“Coz I prefer both?”
Napakapilyo talaga ng Buenaventura’ng ito!
“We still have 1 hour and 30 minutes before your next subject. Let’s eat somewhere…” Nilingon niya ako na ikinatango ko at ngumiti na.
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at hindi naitago sa akin ang kanyang ngisi.
“Dinala ko ’yung mga pasalubong ko sa’yo. Nasa likod,” sabi niya kaya napalingon na ako roon.
Napakurap ako at nakita ang mga itim na paperbags, kahon na mukhang sapatos ata ang laman dahil Nike brand iyon, saka may iba ring maliliit na orange na box at iyong iba ay di ko na alam kung ano. At lahat, puro branded!
“Sa akin ’yan lahat?” Nanlaki ang aking mga mata at inabot ko pa iyong isang paperbag.
“But these are too much!” Hindi makapaniwala kong sabi nang sinilip ko ang paperbag at natagpuan ang mga damit doon.
“Too much?” Nagkasalubong pa ang kanyang kilay kaya may inabot pa ulit akong box sa likod. Si Israel naman ay nagawa pang hilain ang aking palda pababa.
Umupo ako ulit nang maayos saka ko binuksan ang box na nakuha at nagulat sa gold necklace na may pendant na Israel’s. Nilingon ko siya na ngayon ay nakanguso na. Sumipol nalang ito kaya nailing ako at kumuha ulit ng iba pang naroon. Binuksan ko ang malaking box at tama nga ang hinala ko na sapatos iyon.
Umawang ang aking bibig para sana may sabihin ako pero naunahan niya na ako.
“That’s all yours. Di mo pwedeng ibalik sa’kin.”
Ngumuso ako at nalaglag ang tingin sa sapatos. Kinuha ko ito at namangha dahil sa kulay.
“May ganyan rin ako. Let’s jog next time and wear our couple shoes…”
“Ano?” Natatawa kong tanong.
Kinagat kagat niya ang kanyang labi at inangatan nalang ako ng kilay. Pinaparating noon na narinig ko naman ang sinabi niya.
“Sige. Salamat.” Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi na ikinanguso niya agad at tila nagpipigil na namang mapangisi.
“Dapat masanay kanang tumatanggap ng mga bagay sa’kin. Pag ikakasal tayo… ako rin naman ang bibili ng mga gamit mo. You need to get use to me spoiling you with things and such…” Nilingon niya ako at kinuha pa ang isa kong kamay saka niya iyon hinagkan.
“Di lang ako sanay.”
Lumingon siya sa akin saglit at hinawakan ang aking baba. Ginalaw galaw niya iyon kaya para na akong umiiling. Binasa niya ang pang-ibabang labi at hindi na nabubura ang ngisi roon.
“Baka kahit anak na ang ibigay ko sa’yo, di ka pa rin sanay?”
Natatawa kong hinampas ang kamay niya.
“Wala akong ibang maibibigay sa’yo, Israel. Estudyante pa ako at—”
“At hindi ako humihingi ng kapalit. Just marry me, be my wife, and spend your lifetime with me. I’ll promise I’ll build another heaven for you, Trace…”
Chapter 56
Pamilya
Naging usap-usapan nga ang pagbabalik noong vendor at pagiging tambay ulit ni Israel sa second gate. Naroon na ulit ito tuwing hapon, tuwing vacant time ko. Doon kami nakakapagquality time at ang leyong iyon ay hindi talaga maawat ang kapilyuhan.
“French let’s go later sa main gate! Nandoon na ulit ’yung lalake mo.”
“Oo nga French. We’ll support you later.”
Sandali akong nilingon ni French kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nagpanggap nalang akong nasa notes ko ang buong atensyon.
Ibinalik niya ang tingin sa dalawa.
“I can’t eh. May gagawin ako later and hindi siya match sa vacant time ko,” rason niya.
“Ay? But this Sunday? Are you going to party with us?”
“If Daddy will let me then sure!”
“Okay, French. We’ll expect your presence ha. Dalhin mo yung crush mo.” Tumawa pa iyong babae kaya tumawa rin si French.
Nagvibrate ang aking cellphone kaya natigil ako sa kakasulat at dinungaw ang screen noon. Si Israel…
Israel: 30 minutes more.
Inoorasan ata ako ng pilyong ito. 30 minutes after ay vacant time ko na at kabisadong kabisado niya rin ang schedule ko. Hiningi niya iyon noong first day of school sa hotel habang kumakain kami.
Nagtipa ako ng mensahe habang si French naman ay pasimple akong nililingon. Napapansin ko lately mas nagiging mapagmatyag siya sa’kin. Wala naman siyang sinasabi pero ramdam ko sa kanyang mga mata na gusto niyang magtanong kung si Israel ba ito.
Ako: Pero may gagawin ako mamaya. Baka di ako makalabas.
Inilapag ko iyon at akmang magsusulat ulit nang magvibrate na naman ito. Nakita ko kaaagad sa screen ang kanyang reply.
Israel: I want to see my fiancee.
Ngumuso ako at nakita agad ang kanyang imahe roon sa aking utak, kumakain ng fishball at hinihintay ako habang pinapalibutan ng mga babae roon na pakain kain rin.
Ako: Gusto rin kitang makita pero marami akong gagawin. Di tayo pwedeng maghotel.
Naisend ko na iyon at napatitig pa ako sa huli kong sinabi. Seriously… Iyon nalang rin ang laman ng utak ko! Feeling ko tuloy ngumingisi na ng malademonyo ang lalakeng iyon!
Israel: Hotel?
Sumimangot ako at di na siya nireplayan pa.
Noong pwede ng lumabas dahil tapos na ang subject ay nagseparate lang kami ni French. May next subject pa siyang papasukan habang ako naman ay kailangang dumeritso sa library.
“So sa library ka lang?” tanong niya sa akin habang lumalabas kami ng classroom.
“Oo French, ang rami kong gagawin eh…” sabi ko sa kanya.
“Sige. I need to go na to my next subject. Later nalang ulit.” Ngumiti siya ng tipid sa akin kaya ngumiti narin ako pabalik.
Ngumuso ako at nagtungo rin naman sa room kung saan pwede kang magcomputer. Kailangan kong magresearch muna tapos mamaya ay sa library ako tatambay.
Kakaupo ko palang sa harap noong monitor nang nagvibrate na ang aking cellphone at tawag na ni Israel ang naroon. Ngumuso ako at tinitigan iyon. Bumuntong ako ng hininga saka iyon sinagot.
“Israel?” tawag ko sa kanya.
“You’re busy?” tanong niya.
“Oo. Marami akong activities,” sabi ko habang abalang magscroll sa hinahanap kong impormasyon.
“Then come out. I’ll help you out with your problem.”
Tumawa ako. “Huh?”
“You won’t finish that alone. Come out.”
“Naghahanap ka lang ng rason na makita ako,” nangingiti kong sabi pero may epekto talaga iyon sa akin.
Israel chuckled too. “Just making sure you have a proper rest. Come out, hmm?”
Bumuntonghininga ako. Sa huli, napapayag din naman. Oo nga naman… mas madali ko itong matatapos kung…tutulungan niya ako.
Nagtungo agad ako sa parking lot. Bumukas ang front seat saka ako roon pumasok. Sinimangutan ko siya ngunit nang makita siya, natanggal agad ang pagod ko.
Israel leaned closer. Bumuntonghininga ako at lumapit din sabay pahinga ng baba ko sa balikat niya.
“See? You looked so tired,” aniya sabay haplos ng likod ko.
Ngumuso ako. Pakiramdam ko kasi minsan…sa tuwing kikitain ko siya, may mali akong ginagawa. Naghahanap lang ako ng tyempo na magkausap na kami ni French kaso busy rin siya sa subjects niya.
Pumikit ako at niyakap siya. He chuckled against my ear.
“Pagod na pagod ka ba?” marahan niyang tanong.
Tumango ako at ibinaon ang aking mukha sa kanyang leeg.
“Medyo natatanggal na,” bulong ko.
“Coz I’m here?”
Tumawa ako. Feeling talaga siya lagi pero totoo naman. Masarap sa pakiramdam na may nasasandalan ka pag pagod ka sa subjects mo at pinanghihinaan ka ng loob sa mga bagay bagay.
“You can always lean on me, Trace. Always remember that you have me. I’ll carry your own burdens…”
Napunit ang aking labi sa pagngiti. Paano ko siya hindi mamahalin kung ganito siya?
“Mapagod ka lang. Sumandal ka sa akin. Magpahinga ka sa akin,” bulong niya at hinagkan ang ulo ko.
Tinotoo niya nga naman ang sinabi niyang tutulungan niya ako sa ginagawa ko. Siya ang nagsusulat ng aking notes habang ako naman ang naghahighlight sa dala kong libro ang kailangan niyang isulat. Seryosong seryoso siya roon sa kama habang nakasquat at nasa isang hita niya nakalagay iyong notebook ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Seryosong seryoso siya sa ginagawa niya habang nagtitipa sa kanyang laptop at sa gilid noon ay ang libro ko.
Nang mahuli niya ang ngiti ko, ang nagkakasalubong niyang kilay ay kumalma.
“What? You want a kiss? Sorry but I’m busy.”
Tumawa ako at umirap. Nangingiti niyang kinagat ang labi at ibinalik ang tingin sa ginagawa.
“Just eat. I got this. You need more energy for—”
“Ano?” atat kong putol sa kanya.
“For your next subject, silly girl. You think I’m desperate for a fuck while you’re this stress and loaded?” Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti.
“Ang hilig mo kasing bumalik balik dito sa Marco Polo purket malapit lang sa school…”
“Because it’s comfy. And I can afford it.”
Oo na, Israel! Ikaw na!
“When are you going to pass this?” tanong niya sa akin at nagtipa ulit.
“Bukas na.” Ngumuso ako kaya nag-angat siya ng tingin.
“Bukas? When did the prof give this to you?”
Tumingala ako at napisil ang aking pang-ibabang labi.
“Uhm, noong Monday?” di sigurado kong sabi na ikinaangat ng kanyang kilay.
“Monday? But it’s already Wednesday. Di mo ’to ginawa kahapon?”
“Nakalimutan ko kasi mas inuna ko iyong isa ko pang subject tapos meron pa pala ito…” Nalaglag ang aking mga mata sa aking notes.
Umiling siya at nag tsk tsk. “Poor baby. Thank God you have me…” Angat ng kanyang kilay sa akin.
Nangingiti akong sumubo ng pagkain. Tiningnan ko rin ang aking libro lalo na’t baka may surprise quiz ang prof ko mamaya.
“Nasabi mo na sa brat mong kapatid?” tanong niya makalipas ng ilang sigundo.
Tumigil ako sa pagbabasa nang mapagtanto ang isa ko pang problema.
“Pag patatagalin mo ’yan, mas lalo iyang magagalit. Kung sasabihin mo ngayon, magagalit parin. Just tell her and let her get mad.”
“Pero Israel… Di ko kayang magalit siya sa akin.”
Nabasa niya ang kanyang labi at nagkasalubong na ang kilay noong nagsulat ulit ito. Ibinalik ko ang aking mga mata sa aking binabasa.
Nauna siyang natapos sa akin. At nakakamangha na nagawa niya iyon nang maayos. S’yempre may hinahandle siyang kompanya at alam ko, real estates iyon dito sa Davao. Kaya maalam siya sa Marketing Business.
Nilapitan niya agad ako at nagawa pa akong kargahin sabay upo sa sofa at ipinaupo ako sa kanyang kandungan.
“Do you want me to help you read that?” tanong niya na ikinatawa ko.
“Edi walang pumasok sa utak ko pag ikaw ang pinabasa ko…”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumitig sa aking mukha.
“Dapat nga mas busy ka sa akin kasi may malaki kayong business.”
“I have some other people to do the things,” aniya.
“Ang sipag mo naman. Pag naka graduate ako, gusto ko rin magtayo ng flowershop bilang business ko. Pangarap kasi namin iyon ni mama…”
“Really? That’s actually nice. You’re good at selling flowers…”
Naalala ko tuloy bigla noong nasa Bukidnon pa ako. Noong…unang bumili siya ng bulaklak sa amin.
“Kung…hindi mo ba nalaman na may namamagitan kay Ate Rici at Kuya Bram noon…h-hindi ka ba magkakainteres sa akin?”
Hindi ko na dapat ito tinatanong pa. Pero kuryoso ako.
“You are not my type,” paglilinaw niya. “But…I fell hard the moment I started to know you.”
Namula ako. Bata pa ang puso ko noon, pero siya na talaga ang nagugustuhan ko. Iyon din ang rason kaya noong niyaya akong pumunta nila Rinka sa lupain para manguha ng mangga nila, sumama ako. Nagbabaka-sakaling…makasulyap ulit sa lalakeng alam ko, hindi ako mapapansin.
“How about you? When…did you fall for me?”
Ngumuso ako. Pag umamin ako ngayon, alam kong tutuksuhin niya na ako roon araw-araw. Feeling niya na nga kahit hindi niya pa alam, mas magiging mayabang ’to pag nalaman niya.
“During that time, right? When I caught you in our land?”
Nangingiti akong umiling. Kumunot ang noo niya at pilit inalala kung may interaksyon pa ba kami.
“That’s the first time we talked.”
“Oo nga. Iyon ang first time pero hindi naman iyon ang unang beses na nakita kita sa Bukidnon.”
His eyes slowly widened. Binasa niya ang labi at titig na titig sa akin.
“I fell…first,” nahihiya kong sabi ngunit gusto iyong sabihin sa kanya.
“And I fell harder,” he whispered breathily. “Goddamn…you were my sweetest downfall, woman.”
Sa tuwing naririnig ko mismo sa kanya—si Israel Buenaventura na nabibilang sa pinaka tusong angkan sa Bukidnon—ay may gusto sa akin, parang ang hirap paniwalaan.
“Ilang anak ba ang gusto mo?” Out of nowhere kong tanong sa kanya na ikinaliwanag naman agad ng kanyang mukha.
“How about five?” Suhestyon niya na ikinatawa ko.
“Five?! Ang rami naman! Ayaw mo ng dalawa?”
Nagkibit siya at ngumisi. “As long as it’s our child. Ano bang gusto mo? Lalake?” tanong niya na ikinailing ko.
“Babae talaga ang gusto ko eh… Ayoko ng lalake kasi baka magmana sa’yo tapos intimidating, suplado, pilyo, at marahas. O baka nga tuso. Dapat babae,” sabi ko na ikinanguso niya at nagpipigil lang matawa.
“Why are you so harsh to me?” Lumapit siya sa akin at pinatakan ako ng halik.
“Totoo nga kasi!” Natatawa kong sabi nang humiwalay siya.
“But what if it’s a boy?” hula niya.
“Edi gawa ulit tayo!”
“But what if it’s still a boy.” Ngumisi pa siya ng malademonyo.
“Uhm… Gawa ulit tayo?” suhestyon ko na ikinahalakhak niya sa aking tainga.
“We’ll build a happy family. You and me with our kids.”
Kailanman, kuryoso ako kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng buong pamilya. Naibigay naman ni Mama ang mga kailangan ko noon. Ngunit hindi ko itatangging nangungulila ako minsan at naiinggit sa mga kaklase kong buo ang pamilya.
“When you’re ready, I’ll marry you,” ani Israel.
“Tapos bubuntisin mo agad ako?”
“You know, I really don’t mind if you don’t want to have kids yet. Our mini me’s can wait.”
Our? Parang duda agad ako. Sa lakas ng dugo ni Israel…baka mana sa kanya lahat.
Pagkatapos niya akong tinulungan ay nagsubmit din naman ako noong araw na iyon. Medyo lumuwag ang mga gawain ko sa school dahil tinutulungan niya ako. Ayoko naman sanang iasa din iyon sa kanya dahil may ginagawa rin siya, pero si Israel, makulit pa sa makulit, mas handang gawin ang mga subjects ko kaysa ang naroon siya sa kompanya nila.
“Where have you been yesterday? Wala ka sa library,” si French kinaumagahan noong makapasok na kami sa first subject namin lalo na’t katabi ko rin ito.
Napakurap ako at naigala ang tingin.
“Ah… Lumabas ako saglit,” alibi ko na ikinatitig niya sa akin.
“It’s been 2 weeks. Wala ka parin bang balita sa akin?” Pag-oopen up niya tungkol kay Israel.
Pinagmasdan ko siyang hinawi ang buhok at seryoso ang mukha sa akin.
“P-Pero si Papa kasi…”
Kinuha niya ang aking notes at binuklat iyon sa isang subject. May sinimulan siyang kinopya roon pero ang mga mata ay nililipat niya sa akin minsan.
“Dad is pushing you to marry Israel kasi di ka rin naman nagbaback-out. And Mommy only cares about her name. Ayaw niyang masira ang pangalan niya kay Tita Lorraine but if you convince her papayag rin naman ’yun since she doesn’t want so much headache,” paliwanag niya habang nagsusulat.
“Pero French, kaya rin ayaw ni Tita Brenda na umurong ako dahil rin nagmamalasakit siya sa friendship nila ni Tita Lorraine. Mas mahalaga iyon para sa kanya.”
Hindi ko na iyon naisatinig pa dahil sa pagdaloy ng inis sa kanyang mukha.
“Don’t use my parents as an excuse, Trace. Just tell me nalang that you’re falling for him, too! Kaysa naman papaasahin mo ako na uurong ka pero di pala.” Halos magkasalubong na ang kanyang kilay.
Umawang ang aking bibig para sana may sabihin pero inunahan niya agad ako.
“Pag nalaman kong inaagaw mo na pala siya sa’kin… Baka magalit ako sa’yo ng husto at kamuhian ka, Trace. Please h’wag mong hintayin na umabot tayo sa ganoon,” mariin niyang sabi at binuklat pa ang aking notes.
Mawawala siya sa akin. Noong nawala si Kuya Bram at lumipat ako rito sa Davao, ang pangungulila ko sa kapatid ay napupunan ni French. Sa mga panahong pinagsakluban ako ng langit at lupa, siya lang ang meron ako.
She…painted my darkness. Naging magaan ang pamumuhay ko, at hindi ako nalulunod sa kalungkutan dahil sa kanya.
Kaya…paano ko ito isasalba? Na kung nalaman niya…sa kagustuhan niyang makuha ang isang bagay at bigo kong maibibigay, kakamuhian niya ako.
Ayokong maulit ang nakaraan. Kung hindi ko kayang manindigan ngayon, may mawawala sa akin. Si French…o si Israel. Ang totoong pamilya ko…o ang lalakeng…handang bumuo ng pamilya kasama ko.
Chapter 57
Fiancee
Naging malamig na nga ang pakikitungo ni French sa akin. Nakikipagtawanan naman siya sa mga circle of friends niya kaya pag niyayaya ako ng iba niyang kaibigan na sumama sa kanila ay tumatanggi nalang ako at dumidistansya.
“Kawawa si French ha. If totoo ’yung kumakalat na rumor na inaahas siya ng kapatid niya sure ako mas kawawa si French. Eh diba she’s anak lang sa labas and her Mom is kabit pa? Edi parang ganon narin ang ginawa niya kay French. Inagawan niya rin like her Mom did to French’s Mom.”
“O M G. Poor French. I thought she’s mabait rin eh kasi diba she’s very innocent and she’s very quiet pa. Yun pala nasa loob ang kulo…”
“But French seems okay naman and di naman siya inaaway. What if nagparaya pala siya for the sake of her sister nalang ’no?”
“French hates sharing ha. She’s spoiled kaya…”
Mabilis kong kinuha ang binili kong pagkain at umalis na roon sa cafeteria.
Nagkita ulit kami ni Israel pero saglit lang. Pumayag naman ito at di na ako kinulit. Nagpaalam rin siya sa aking may tatlong araw ulit siyang business trip kaya pumayag rin ako para magamit ko iyong vacant time niya at gawin ng advance ang mga school works ko.
Tumambay ako sa sala sa gabing iyon. Doon ko ginawa ang aking mga kailangang sagutan na assignment at may isa pa akong project sa isa ko pang subject.
Umalog ang sofa at naramdaman ko nalang ang presensya ni Papa sa aking tabi. Nilingon ko siya na nakasalamin na at nakaroba.
Inangat niya iyong isang bond paper kung saan ko isinulat iyong isa ko pang ginawa na report ko. Pinasadahan niya iyon ng tingin at tumango tango pa.
“Do you have a powerpoint for this?” tanong niya na ikinailing ko.
“Gagawa pa po ako bukas, Papa,” sagot ko at tiningnan ito ng mabuti.
“You’re good huh. Di ako magtataka kung naging Cum Laude ang anak ko.” Ngumisi siya sa akin at hinawakan ang aking ulo.
“Gusto ko nga rin po. Sayang kasi ang malaking tuition kung hindi ako magsisikap.”
“It’s okay. I know you’re smart. Don’t pressure yourself too much. I’m fine with your achievements. Si Kuya Brennan mo nga halos bumagsak pa iyon sa isang subject.” Nailing si Papa na ikinatawa ko ng marahan.
“Kayo ata ni Bram ang nakamana ng katalinuhan ko. Itong dalawa… Si French at Brennan, sakit sa ulo ang namana,” pabulong niyang sabi sa akin na sabay naming ikinahalakhak.
“Papa, mas matalino po si Kuya Bram sa akin eh. May exam iyong napeperfect niya.”
“I’m such a proud father. Di ako nagsisisi at nagkaanak ako kay Tasha dahil biniyayaaan niya ako ng dalawang anghel.” Lumapit si Papa sa akin at hinalikan ako sa noo. Napanguso ako at nagpigil na ng ngiti.
“Salamat po, Papa…”
“Anything for you, sweetie.”
Nagngitian kami ni Papa saka ko rin naman ibinalik ang tingin sa aking ginagawa. Mukhang tulog na si Tita Brenda at pagod na pagod sa trabaho.
“Oo nga pala… Kumusta na kayo ni Israel? May progress ba? That guy is very intimidating and…” My father trailed off. Kumunot lang ang kanyang noo at mukhang hindi alam kung paano ilalarawan si Israel. Madilim, marahas at maldito po, Papa…
“Nakakatakot po?” dugtong ko na ikinatango niya agad.
“Yes. But you see… Chinese people prefers men like Israel because he’s a business minded person. I heard him talked about it and I could really say he’s good. No wonder their real estates here in Davao is progressing.”
Ngumiti ako sa narinig ko. Nakikita ko rin naman kasi kay Israel kung gaano siya ka sipag sa business ng pamilya nila.
“And seems like you two are doing well huh.” Umangat ngat pa ang mga kilay ni Papa at mukhang tinutukso ako.
Tumawa ako ng marahan. Ngunit biglang nag-iba ang ekspresyon niya at tila nababahala.
“But I have a tiny problem…” Sumandal si Papa sa sofa at nasa kawalan na ang kanyang tingin. “Hindi parin ako kinakausap ni French at mukhang nagtatampo parin. I even told her I’ll just buy her a car kaso ayaw niya raw.” Natatawang sabi ni Papa at hindi ata masyadong sineseryoso ang tanging hiling ni French.
“Magiging okay lang po ba siya, Papa?” tanong ko sa namumungay na mga mata.
Tumingala si Papa at nag-isip.
“Noong bata yang si French… May kaklase siyang kinaiinisan niya ng husto and she told me to pay the school para lang ikick-out iyon nang di niya na makita. But you know I can’t do that so nagtampo siya. She even told us di nalang siya papasok ng school. Brenda wants her to transfer pero ayaw niya rin kaya naging no choice yung batang kinaiinisan niya at kailangang lumipat. We talked to her parents and just paid for her enrollment.”
Nagulat ako roon. G-Ganoon kalala si French?! Alam ko namang maldita iyon at spoiled. Pero iyong ganoon ay sobra na ata!
“Parehas lang sila ni Brennan,” natatawang sabi ni Papa. “Yang Kuya mo isa rin ’yan. Ang raming napapaiyak na mga babae noong Elementary palang siya kaya pag nagiging kaklase siya wala pa siyang ginagawa nagsisiiyakan na yung mga bata.” Tumawa pa si Papa sa pagkukwento na kahit ako ay ganoon narin. I can imagine Kuya Brennan throwing dagger looks! Kahit ako siguro na bata ay iiyak talaga ako.
Ang layo layo pala talaga namin ni Kuya Bram sa dalawa. They were raised as spoiled and we were raised…for surviving. Namulat kami na may mga bagay na kailangan mo munang pagtrabahuan dahil hindi mo iyon agad agad na makukuha.
“I hope French will realize this, sooner. May mga bagay na hindi niya makukuha sa pamamagitan ng estado, ganda at pera. This is her lesson for being a brat and I want her to learn from this.”
I hope, too, Papa.
Noong matapos ako sa aking ginagawa ay umakyat rin naman ako sa aking kuwarto. Ngumiti agad ako at nakipagvideocall kay Israel na… topless.
“I’ve been calling you for an hour. May ginagawa ka?” tanong niya at inaayos ang magulong buhok. Mukhang nasa isang kuwarto ito.
“Oo. May mga ginawa akong projects, reports and assignments. Bukas gagawa ako ng powerpoint,” paliwanag ko saka dumaloy ang pagod sa aking mukha.
“You can send some of your activities to me. I’ll help you—”
“Huwag na, Israel!” agap ko. “Loaded ka rin sa trabaho.”
“Yours were just minor. Kaya ko ’yan kahit ilang minuto lang.”
“Pero makakaapekto siya sa schedule mo. Huwag na. Kaya ko naman…”
Bumuntonghininga siya at tumango. Humiga ako sa kama at patagilid na pumwesto habang titig na titig ako sa kanya.
“You look sad? You want me to come home right now?” Nag-aalala niyang tanong kaya umiling agad ako.
“H’wag na! Di naman ako malungkot… N-Namimiss lang kita…” Namungay agad ang aking mga mata at di na maitago ang bagay na iyon sa kanya.
Naging malalim ang kanyang tingin sa akin.
“If only I can hug and comfort my fiancee right now… Do you miss me so much, hmm?”
Tumango ako at sumimangot. Ngumisi naman siya at nakagat ang pang-ibabang labi.
“Do you want me… to come home right now?”
“Kalimutan mo nga muna ako!” natatawa kong sabi.
“That’s hard, baby…”
Umiling ako kaya nangingiti siyang pumikit at sumandal din sa headboard ng kanyang kama. Hay, Israel…
Kinakabahan talaga ako. Pagkatapos ng nalaman ko kay Papa, mas naging malinaw sa akin na hindi mapagbigay si French. At kung gusto niya…makukuha niya.
“You really look sad, Trace. Do you miss me or…” Umangat ang kanyang kilay. “That brat?” Dumilim agad ang kanyang ekspresyon nang mabanggit ang katagang iyon.
“H-Hindi. Namimiss nga kita.”
“Wait until I come home,” seryoso niyang sabi at hindi niya na iyon dinugtungan. May plano siya?
Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni Israel. Isa pa, ramdam ko na ang kontroladong galit ni French sa tuwing titingnan niya ako. Hindi pa rin kami nag-uusap at hindi niya ako pinapansin. Minsan, gusto ko siyang kausapin ngunit ramdam ko na umiiwas siya.
“Nag-away kayo ni French?” tanong ng isa sa mga kaklase ko nang pumasok ako sa classroom. Hindi ko kaklase si French ngayong subject na ito pero kilala rin naman siya ng lahat.
Umiling agad ako. Cold lang naman siya sa akin…
“Sure ka?” Tumawa pa ito. “Eh diba inahas mo yung gusto niyang lalake? Nag-away kayo eh.” Malakas niyang sabi na ikinalingon narin ng iba pa naming kaklase.
“Di ka ba naaawa? I mean… binihisan ka nila. Tinanggap ka ng buo kahit na anak ka sa labas. French treated you like her real sister pa. Di ba dapat may utang na loob ka pa?” kalmado niya lang namang sabi pero ramdam ko na ang pang-iinsulto roon.
Nagpapasalamat ako kay Papa na binihisan niya ako, pinakain, pinag-aral sa prestihiyosong unibersidad, at binibigyan ng mamahaling gamit. Hindi ko naman hinihingi ang lahat ng ito. Alam ko na bunga ako ng pagkakamali nila ni Mama at nagpapasalamat ako nang buo na mabait si Tita Brenda sa akin.
Pero…matatawag bang utang na loob ang isang bagay na responsibilidad mismo ng mga magulang nila sa kanilang anak? Hindi ako ibang tao. Anak ako ni Papa. Pinapakain niya ako, pinapaaral, at binibigay ang mga gusto ko dahil ama ko siya.
Ngunit tingin nila, kasalanan din ng anak dahil bunga siya ng pagkakamali. Na kung kabit ang magulang mo, ganoon ka rin. Alam ni mama ang mali niya at minulat niya kami ni Kuya Bram na mali ang ganoon—at huwag namin siyang gagayahin. Kaya niya kusang itinatama iyon sa pamamagitan ng pagtataguyod sa amin mag-isa nang hindi kami pinapakilala kay Papa dahil ayaw niyang makasira ng pamilya.
Ngunit si Papa, gusto niyang magpaka magulang sa akin, at wala akong nakikilang mali roon. H-Hindi ko sila piniperahan. At hindi ito utang na loob.
Hindi ako sumagot at ipinatili ang tingin sa aking bag. Inilabas ko roon ang libro na kailangan ko pang basahin.
“Gucci pa ang bag mo. And your perfume smells Chanel. That elegant necklace… Branded shoes… And your iPhone. You’re living a luxurious life since you’re a Chua yet you can’t pay their kindness back. Nagagawa mo pang mang-ahas.” Tiningnan niya ako ng mariin na kahit ang aming mga kaklase sa subject na ito ay nakikiusyoso narin.
Hindi ako nang-aahas. Ang mali ko lang, hindi ko sinabi kay French na…kilala ko na si Israel simula bata pa ako. Na ang rason kaya siya tumatambay sa labas dahil…sa akin.
Sa kagustuhan kong kumawala sa kanya, hinayaan ko si French na…magkagusto kay Israel dahil ayokong isipin din na baka…ako nga ang sadya niya.
Pero maling mali ako dahil sa huli, kakatakbo ko palayo, nahuli niya pa rin ako. Kusa akong nahulog muli.
Mabigat ang loob ko at halos iyakan ko iyon sa cr. Hindi ko kayang baguhin ang opinyon ng ibang tao sa akin dahil kung itinama ko iyon, para ko na ring pinatunayan kay French na…inaagaw ko nga si Israel sa kanya.
Ngunit kung hindi ko naman itinama ito, ako ang masisira.
Tiningnan ko ang phone at nakita ang mga text ni Israel.
Nagreply ako sa iba niyang text.
Israel: Nasa condo na ako.
Israel: I’ll meet you tomorrow.
Israel: Tulog kana?
Israel: Morning.
Israel: I’ll wait for you in the parking lot of your school later.
Nagtipa ako ng reply.
Ako: Good morning. Oo maaga akong natulog sorry di ko nasagot calls mo.
Ako: Sige, see you.
Pagkatapos ng aking subject at noong vacant ko na, agad akong pumunta sa parking lot para makipagkita sa kanya.
“I bought something…” May kinuha siyang paperbag at ibinigay iyon nang makapasok ako sa kanyang kotse.
Nagsimula naman siyang magdrive habang ang aking mga mata ay naroon na sa kanyang ibinigay. Nag-eexpect ako ng damit na naman na maluluwang at tama nga ang hinala ko ko nga lang…
“Ang liit nito!” Inangat ko ang dress na sobrang liit talaga at kahit sa may balikat ko ay di ata magkakasya. Kulay pink pa iyon at may floral prints.
“Tingin mo ba sobrang liit ko?!” Natatawa kong inihampas iyon sa kanya at ngumisi pa siya.
“That’s not for you. That’s for our baby… Since it’s cute and you want a baby girl so I bought it,” paliwanag niya na ikinalaglag ng aking panga.
“What? Baliw ka! Eh di pa naman ako buntis!” Mas pumaibabaw ang aking tawa. Eh kakatapos nga lang ng period ko kahapon eh.
“For future purposes, Tracey,” kampante niyang sagot at nililingon pa ako.
Binili niya dahil cute at dahil gusto ko ng babaeng anak someday. Gosh, Israel! Ano na bang nasa utak mo? Baka bukas crib na ang bilhin nito!
“Pero paano kung lalake pala?” hula ko pa.
“Then we’ll let him wear it.” Nagkibit siya na ikinalutong ng aking tawa.
Nababaliw na talaga si Israel! “Magagalit ’yon pag pinilit natin!”
“The baby won’t complain. Let’s take him a picture para paglaki niya may maiaasar tayo sa kanya. We’ll prank him and let’s say napagkamalan natin siyang babae noong baby pa siya.” Ngumisi narin siya.
Hinimas niya pa ang aking tiyan kahit walang laman.
“I hope you’re a boy. Come out and wear this…”
Sinapak ko agad ang kanyang kamay.
“Baliw ka.”
Humalakhak lamang si Israel. Inatupag ko naman ang pagbubukas noong iba niyang binili na akin na talaga at hindi na roon sa future baby daw namin.
Nakakatuwa dahil halos hilig ko ang mga binibigay niya. Napangiti ako sa mga librong sinali niya na tungkol sa bulaklak din ang iba.
Naiimagine ko siya sa isang bookstore na magkasalubong ang kilay at namimili ng mga hilig kong libro.
Pumasok ulit kami sa Marco Polo hotel at balak kumain roon. Pero pagkapasok palang ay inatake niya na agad ako ng halik.
Tumawa ako sa kanyang labi habang sinisikap humalik pabalik lalo na’t natatawa din siya. Pakiramdam ko talaga ito ang lagi niyang iniisip dahil puro kami halikan minsan dito.
“Teka, sasagutin ko lang ang tawag ni French.” Marahan ko siyang itinulak pero hindi ko ito natinag.
Namatay ang tawag at nakita ko roon ang text ni French na “Where are you?” Huh? Bakit?
Magrereply pa sana ako pero nakalas niya na ang lock ng aking palda at nahulog na iyon sa sahig.
“Israel!” Tinapik tapik ko ang kanyang balikat pero ang lalakeng ito ay lasing na lasing na ata sa kanyang nararamdaman at nagawa pang kunin sa akin ang aking cellphone.
“Mangdidisturbo lang siya. Talk to her later… I miss you come on…” Kinarga niya ang dalawa kong hita at ayaw na atang magpapigil pa kaya nadala narin ako sa init.
Umiikot na yata ang mundo ko kay Israel. Minsan, gusto ko nalang manatili sa tabi niya araw-araw. Kaso natutuwa ako na suportado niya ako sa pangarap kong magtapos at magtatayo ako ng flowershop.
“Read those books so you will have an idea about flowers more for your future flowershop,” ani Israel nang hinatid niya na ako pabalik sa school.
Hinatid niya rin naman ako sa school pabalik. Natatawa pa akong lumabas dahil hindi siya matigil sa kakahalik sa akin. Kumaway ako kaya bumusina lamang siya.
Pagpasok ko sa aking subject ay iba na agad ang tingin sa akin ni French. Sa aking likod ay nakasunod rin naman ang babaeng prof namin kaya dumeritso na ako sa aking upuan. Ramdam ko ang matalim niyang tingin sa akin.
Nagsimulang maglecture ang prof at sa kalagitnaan ay may biglang kumatok sa nakabukas naming pinto. Lahat ng aming tingin ay napunta roon at nakita ko ang imahe ni Israel, nakasandal roon. Gosh!
Maraming napasinghap at pinaglilingon agad nila si French na pinamulahan na ng pisngi. Ramdam ko ang kalabog ng aking dibdib at kung pwede lang na matunaw nalang ako sa aking kinauupuan. Ba’t siya pumasok at nandito pa?!
“Yes?” Ngumiti ng matamis ang aming prof. Kahit ang aking mga babaeng kaklase ay hindi na ata kumukurap kakatitig sa kanya.
May kung anong dinukot si Israel sa kanyang pantalon at ipinakita ang aking cellphone. Mas lalo akong ginapangan ng kaba.
“My fiancee left her phone,” sabi niya sa baritonong boses at tila inanunsyo pa iyon sa buong klase.
Jesus Christ, Israel Buenaventura!
Chapter 58
Limit
“Fiancee? Who?” tanong pa ng aking prof at iginala ang tingin.
Lahat ng naririto ay mukhang interesado at hindi na ata kumukurap ang iba kakatitig kay Israel sa may pinto.
“Gosh! Fiancee mo na siya, French?!” tanong ng isa sa mga kaibigan niya at nasundan agad ng nakakabinging tili sa loob ng classroom.
Halos mapalunok ako at hindi alam kung titingnan ba si Israel o hintayin nalang na umalis ito. Ramdam ko ang pawis sa aking kamay at ang kalabog ng dibdib ko.
“Oh so it’s French?” panghuhula naman ng aming Prof na tumawa pa.
“Well… She’s shy. Can I come in?” tanong ni Israel na mas ikinaingay ng loob namin.
“Sure!” iyong prof ko naman at nakikisabay narin sa mga estudyante.
Pumasok si Israel at deri-deritso ang lakad.
“Ay ba’t niya nilagpasan si French?”
“Huh? Edi totoo yung rumor na kumakalat?”
“Iyong kapatid ni French ang sadya niya?”
“Edi hindi si French ang fiancée niya?”
Mas lalong tumahimik nang huminto siya sa aking desk at inilapag ang aking phone doon.
“You left your phone. Di kita matatawagan niyan kung nasa akin,” aniya.
“S-Salamat, Israel,” bigkas ko at nahihiyang nag-angat ng tingin sa lalakeng nakanguso na sa aking harapan.
“Huh? Akala ko si French ang nakakamabutihan niya?” isa iyon sa pumaibabaw na boses.
Umangat ang tingin ni Israel at tumayo siya ng tuwid. Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay.
“French who? My fiancee’s brat sister?” Umangat ang kilay ni Israel at supladong suplado na ang mukha.
Mariin akong napapikit at halos buhusan ako ng malamig na tubig sa buo kong katawan.
“Pero ’di ba tambay ka sa labas ng gate? At noong nasa bar kami ni French naroon ka rin. Hinatid mo pa nga si French diba?” Isa sa mga kaibigan ni French ang nagtatanong noon.
Mabilis na nag-angat ng kilay si Israel.
“Israel-” Pigil ko pero natakpan lang ang aking boses.
“You didn’t tell them about our past?” Inosente pang tanong sa akin ng lalakeng ito at nadedemonyo na naman ata.
This cunning Buenaventura…
“Huh? May past kayo?” Isa naman sa mga kaibigan ni French iyon.
“Ah… Nilayasan kasi ako ni Tracey sa bukid kaya sumunod lang ako rito. Galit siya sakin kaya tumatambay nalang ako sa labas. I’m his stalker and now his fiancé.” Anunsyo niya at mukhang pinagmamalaki pa talaga.
Napasinghap ang lahat.
“Kung di rin naman umurong si French sa kasunduan ay hindi rin naman si Tracey ang mapapakasalan. Diba fix marriage lang?” Isa na naman iyon sa mga kaibigan niya.
Israel chuckled.
“Baka ako ang umurong sa kasunduan kung di si Tracey ang pakakasalan ko. Sa kanya ko lang ata kayang itulak ang sarili ko.” At ngumisi pa siya sa akin.
Mas lalong nagulat ang lahat ng nandito. Napapansin ko pang may nagvivideo sa amin na kahit ang aming prof ay pinapatahimik lang ang klase pero halatang interesadong makinig.
Sinenyasan ko nalang siyang lumabas na kaya tumango naman siya at nagawa pang yumuko para patakan ako ng halik sa gilid ng aking pisngi.
Lumunok ako ng laway. He’s really fearless…
“I’ll call you later,” sabi niya.
Tiningnan niya ang prof at nagpasalamat. Ngumiti ang prof habang nakakabinging katahimikan ang namayani nang lumabas si Israel.
“O M G! Alam mo ba ’to French?!”
“But you told us nagkakamabutihan na kayo diba and he’s calling you!”
“Ba’t si Trace ang fiancée-”
“Shut up!” Putol sa kanilang lahat ni French na nagpatalon sa aming lahat.
Nakita ko ang galit na tingin ni French. Lumunok ako nang mapagtantong…kahit sa mga friends niya, hindi niya sinabi na…ako ang fiancée ni Israel.
Halos magsitayuan ang iilan na nakapaligid sa kanya dahil sa marahas niyang pagtayo na at nagwalk-out na dala dala ang matinding galit.
Tumayo rin ang kanyang mga kaibigan at sumunod kay French habang ako itong halos mamutla na.
Nailing ang prof. “It’s really good being young and…in love. Nakakamiss.”
Tawanan agad ang ibang estudyante kahit namumutla na ako. Yumuko ako at kinuha agad ang aking cellphone. Nagtipa ako ng mensahe para kay French.
Ako: Sorry. Mag-usap tayo mamaya please.
“Edi siya pala talaga? Akala ko iyong isang Chua?”
“Assuming ata si French eh.”
“Pero ba’t di niya sinabi agad agad? Inahas niya ata talaga eh.”
“Kawawa naman si French. Akala ko siya talaga ang sadya noong guwapong lalake eh…”
Napabuntong nalang ako ng hininga at pumasok na sa next subject ko lalo na’t kumalat din ang video. French is an elite. Lahat ng tungkol sa kanya ay invested ang iba rito.
Nakatanggap ako ng mensahe kay Israel pagkapasok ko sa aking subject.
Israel: I hope you’re not mad.
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako: Hindi naman. Kakausapin ko nalang si French mamaya.
Sa totoo lang, binabalak ko na talagang sabihin kay French. Kaso dahil lagi niya akong iniiwasan, hindi ako makatyempo.
Israel: I’ll call you later.
Di ko na iyon nireplayan pa dahil sa panibagong mensahe na pumasok. Nakakapagtaka at nagtext si Manang Asing sa akin. Kinabahan agad ako nang buksan ko iyon.
Manang Asing: Trace! Jusko! Si French wawasakin na ata ang kuwarto mo! Pinapasunog niya sa amin ang mga damit mo! Umuwi ka muna! Awatin mo ang baliw mong kapatid dito!
Mabilis na akong napatayo at tumakbo na agad ako palabas ng classroom. Mabilis akong nagpahatid sa taxi makauwi lang agad. Tumawag pa si Manang Asing habang nasa byahe ako.
“Hello Trace… Si French sinisira na ang mga gamit mo! Nagwawala siya sa kuwarto mo!”
Napasinghap ako at nawalan ng kulay ang aking mukha. Alam kong brat si French pero ang umabot sa ganito…
“Manang pauwi na po ako. P-Pakiawat po-”
“Nako pag nagwawala iyan di ’yan naaawat, Trace! Lahat kami takot na baka isali niya kami sa kanyang galit!” sigaw niya sa nanginginig na boses.
“Sige po, Manang. Pauwi na po ako,” kabado kong sagot at pinatay rin naman ang tawag.
Pagkababa ko ng taxi ay sumalubong agad si Manang Asing sa akin sa malaking gate. Bakas sa kanyang mukha na hindi na maganda ang nangyayari sa loob.
“Trace tinawagan ko narin ang Kuya Brennan mo. H’wag kana lang kayang pumasok baka kung ano pang gawin ni French sa’yo!” Pinigilan ako ni Manang at hawak na ang aking mga braso.
Ibinigay ko sa kanya ang aking bag at binawi ang aking braso.
“Ako nalang pong bahala Manang… B-Baka mapakalma ko po siya,” hindi sigurado kong sabi at kahit labag sa kanyang kagustuhan ay pumasok parin ako.
Narinig ko agad ang mga pagkabasag at ang bigong mukha ng mga katulong sa ibaba. Lahat sila ay walang nagawa para pigilan si French sa itaas.
Umakyat agad ako at nagtungo sa aking kuwarto. Ganoon nalang ang panglalaki ng aking mukha nang makita ko ang wasak wasak kong mga gamit, mga damit kong nagkalat at mukhang ginunting niya pa ang iba at ang bedsheet kong hinila niya na. Basag ang transparent glass na pinto ng aking veranda na kahit ang aking mga gadgets ay di niya pinalampas.
At naroon si French, nakaupo sa sofa habang nakakrus ang mga kamay habang nasa kandungan niya si Kaki.
“F-French,” tawag ko sa nanginginig na boses saka siya tumayo at naglakad patungo sa akin.
“Do you like your new room? Nagustuhan mo ba ang pagkakaayos ko?” tanong niya sa akin at mas naging pilya ang ngiti.
“H-Hayaan mo akong magpaliwanag please-” Umawang ang aking bibig at halos mabali ata ang aking leeg nang isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi.
“How dare you lie to me! How dare you!” sigaw niya sa boses na galit at nanginginig na sa galit.
Tiningnan ko siya sa mga mata kong nanlalabo.
“Pinagmukha mo akong tanga! All along… All along it was you! I asked you many times Tracey! Tinanong kita kung may gusto ka at tumanggi ka! You even said boto ka sa amin! What’s this?! Malalaman ko na noon palang ay may namamagitan na pala sa inyo! And you kept it!” Bumuhos ang kanyang mga luha na kahit ako ay napahagulhol na.
“D-Di ko sinabi sa’yo noong una dahil akala ko d-di naman iyon importante. Di ko naman inaasahang mangyayari pala ito at magkakagusto ka-”
“Shut up! You’re such a liar! Hindi mo naman siya gusto noon diba! Noong nakita mong baliw na baliw ako sa kanya ay doon ka nainggit! Kontrabida!” Nagngitngit na sigaw niya sa galit.
Umiling ako at pilit hinawakan ang kanyang braso pero marahas niya lang akong itinulak.
“I treated you…” Itinuro niya ako at tumataas baba na ang kanyang balikat. “I treated you like a real sister, Trace… Lahat… Lahat ng sekreto ko sinasabi ko sa’yo! Pinagkatiwalaan kita! P-Pero ba’t ikaw… Bilang kapatid mo… B-Ba’t di mo nagawang sabihin sa akin ang totoo? You made a fool out of me! Napahiya ako sa school at napagbibintangan akong assuming! Kung sinabi mo lang na ikaw pala ang gusto niya, hindi na dapat ako umasa!”
Nagbagsakan lalo ang aking mga luha. Sa sakit na nakita kong humalo sa galit niyang tingin, alam ko, pakiramdam niya ay tinraydor ko siya. At…naiintindihan ko. Nasaktan ko siya.
“French gustong gusto kong sabihin sa’yo lahat… K-Kaso napangunahan ako ng takot.”
Nailing siya at pinutol agad ako.
“But you didn’t try harder! You like this too! Di ka umurong! Masyado kang selfish! Manang mana ka sa Mommy mo na ahas! Binigay namin ang lahat sa’yo pero di ka nakontento! Nakita mo lang na sobrang saya ko ay tinubuan ka agad ng landi at kung pati iyon ay ibigay ko sa’yo!”
“Noong tinanggap ko na ako ang pumalit sa’yo, pumayag ako para mapalayo ako sa kanya at hayaan nalang kayong dalawa dahil suportado ko iyon ngunit di ko naman alam na s-siya pala-”
“Tumahimik ka! I won’t buy your reasons! Kung si Mommy ay nakayang patirahin ka rito, pwes ako, hindi ko kayang makasama ka sa bahay na’to. Leave Trace. Kinasusuklaman kita!” Tinulak niya ako ng buong pwersa na ikinabuhos ng aking mga luha.
Niyakap ko siya kaso dala narin ng panghihina ay naitulak niya lang rin ako.
“Leave! Lumayas ka rito! Kung alam ko lang na ganyan pala ang ugali mo, ang pagiging makasarili mo, di nalang sana ako pumayag na tumira ka rito! You don’t deserve being a Chua! You don’t deserve being my sister! Leave!” sigaw niya ng ubod lakas at nilapitan ulit ako para itulak palabas.
“N-Natatakot akong mawala ka sa akin pag s-sinabi ko…dahil ikaw lang ang meron ako… Ikaw lang ulit ang…nagparamdam sa akin na may k-kapatid ako… Kapatid na masasandalan. Kapatid na katulad ni Kuya Bram—”
“Shut-up! Don’t ever make it an excuse! Because if you…if you really care for me…if you trust me…you’d tell me about your past! You’d tell me about Israel! Pero hindi, Trace! And worse, I became a laughing stock! You’ve only watched! You…you never corrected it when you had so many chances to tell me the truth!”
Umiyak ako lalo. Wala akong masisisi dahil alam ko, ito na ang outcome ng pagiging duwag ko. I tolerated my own silence. I never…speak up.
“P-Patawad, French…” hikbi ko.
“Shut up! Tumahimik ka! H’wag mo akong daan daanin sa pagpapaawa mo! You’re such a two faced bitch! Lumayas kana! Leave Trace!” Nilapitan niya akong muli at itinulak ng sobrang lakas na kulang nalang ay matilapon na ako.
May kung anong matigas na bagay ang tumama sa aking likuran at humawak ng aking mga braso kaya naibalanse ko agad ang aking sarili. Nang tiningala ko iyon sa umiiyak kong mga mata ay nakita ko na ang galit na mukha ni Kuya Brennan.
“Francheska!” sigaw ni Kuya.
“That liar! She fooled me Kuya! Pinagmukha niya akong tanga at pinahiya niya ako sa school! I hate her to death and I want her out in this house!” Pinulot ulit ni French ang iba kong gamit sa kanyang paanan at pinaghahagis niya pa iyon.
Binitiwan ako ni Kuya at pumasok siya sa loob. Marahas niyang hinila si French na nagpumiglas pa.
“You stop!” sigaw ni Kuya sa matigas na boses.
“Kampihan mo siya! Sige! Kampihan mo!” Tinulak tulak niya ang dibdib ni Kuya Brennan at bumuhos ang kanyang mga luha.
“Sumusobra kana! How can you act so shallow and immature?”
“Inagawan niya ako Kuya!”
“Walang inagaw sa’yo French! Ba’t di mo iyan maipasok sa kokote mo?!”
Dismayadong napatingin si French kay Kuya Brennan at sa akin. Kumuyom ang kanyang mga kamao.
“Lahat nalang inagaw mo! Pati ngayon ikaw ang pinagtatanggol!” Pumulot ulit ng gamit si French at akma na iyong itatalon sa kung saan nang masalo ni Kuya Brennan ang kanyang pulso at inagaw ang aking gamit.
“Kung kay Tracey ka galit? Ba’t di siya ang saktan mo? Saktan mo.” Kinaladkad niya si French papunta sa akin na binawi rin naman agad ang kanyang kamay.
“Hurt her!” sigaw ni Kuya Brennan kaso sumalampak lang si French sa sahig at niyakap ang kanyang mga tuhod saka niya ibinaon ang kanyang mukha roon.
Tanging nakakabinging iyak ni French ang pumaibabaw. Lumuhod si Kuya sa kanyang harapan at itinulak niya ito sa kanyang dibdib.
“Hindi lahat ng bagay na gusto mo sa mundong ito ay para sa’yo French,” sabi ni Kuya sa kanya na ikinakapit nito sa kanyang tshirt at mas lumakas lamang ang kanyang iyak.
Mas lalong bumuhos ang aking luha nang marinig ko kung gaano ka sakit ang daing ni French. Alam ko…hindi lamang ito dahil kay Israel. Hindi lamang ito sa atraksyon niya para sa kanya. I…betrayed her.
Tama siya. Noong tumira ako rito, lahat lahat ng secrets niya ay sinasabi niya sa akin. Komportable siya sa akin. Siya ang kakampi ko kahit sa mommy niya at sa kuya niya. Ngunit noong siya na…pakiramdam niya…hindi ko siya kinampihan.
I accepted my mistakes. Handa akong tanggapin ang galit niya.
Tahimik akong bumaba roon habang pinupunasan ang aking mga luha. Lumapit si Manang Asing sa akin at dinaluhan ako.
“M-Manang… A-Aalis po muna ako. P-Pag nagtanong si Papa p-pakisabi na nagpahangin lang po ako…” Umagos ang panibagong luha sa aking mga mata na kahit si Manang Asing ay niyakap na alo.
“Trace naman!” Hinaplos niya ang aking ulo. “H-Hintayin mo muna ang Papa mo…”
Umiling ako at humiwalay sa kanya. Kinuha ko ang aking bag at tiningala sandali ang ikawalang palapag saka ako lumabas ng bahay.
Nasa may gate palang ako ay narinig ko na ang pagring ng aking cellphone. Kinuha ko iyon habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ng subdivision.
“Trace?” tawag niya sa akin na ikinatakas ng impit ng aking iyak na pilit kong tinatago.
“Are you crying?” Naging seryoso agad ang kanyang boses.
Umiling ako pero wala akong masagot sa kanya. Pinunasan ko ang aking mga luha pero mas lalo lamang silang gumagrabe.
“Where are you?” Matigas niyang tanong.
“N-Nasa labas ng b-bahay…” Halos maputol ang aking hininga na kahit ang aking pagsasalita ay di ko na maayos.
“Stay there and wait for me.”
Namatay agad ang tawag kaya nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa bahay at makalabas lamang sa subdivision.
Nangangalahati palang ako sa paglalakad ay may pamilyar na kotse na akong natanaw na masyadong mabilis ang pagpapatakbo. Tumigil ako sa paglalakad at mas lalo lamang akong napahagulhol. Ilang sandali lang ay huminto na iyon at lumabas roon ang galit na galit na imahe ni Israel.
Nilapitan niya ako at tiningnan ang aking kabuuan. Para siyang naghahanap ng sugat sa akin kaya ganito ako makaiyak at masyado ng madilim ang kanyang mga mata.
“G-Galit si French…” Nabasag ang aking boses at mas lalo lamang akong napahagulhol.
Nanginginig ang kanyang mga kamay nang hinawakan niya ang aking pisngi at mas niyakap ng dilim ang kanyang mukha.
“Did she… slap you?” bulong niya at mukhang ilang sigundo lang ay sasabog na.
Nag-amba siyang umalis sa aking harapan ngunit umiling agad ako at hinawakan ang kanyang braso.
“P-Please… H-H’wag na! M-Mas lalo lang s-siyang magagalit s-sa’kin Israel!” pigil ko.
Humarap siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Kumapit ako sa kanyang damit at kulang nalang ay sumalampak ako sa sahig.
“G-Galit na galit s-siya sa akin at kinamumuhian n-niya na a-ako…” sumbong ko.
Wala akong nagawa kundi ang sumama muna pauwi kay Israel. Alam kong sa galit ni French, kahit ang aking anino ay ayaw niyang makita.
“Masakit parin?”
Umiling ako habang nasa sofa kami at tinitingnan niya ang pisngi ko.
“Baka maya maya lang kumalma na si French at-”
“Do you think I’ll let you go home when that brat is still there?” galit niyang sabi at umigting pa ang panga. “Di na kita ibabalik doon.”
Hindi agad ako nakaimik. Tumunog ang aking cellphone na nasa lamesa kaya sabay kaming napatingin doon ni Israel. Inis niya iyong kinuha at tiningnan ang screen.
“She’s staying in my place,” sagot niya agad doon.
Tumayo si Israel at namaywang na. Patuloy niyang kinausap si Kuya Brennan at mukhang pinal na ang kanyang desisyon.
“She slapped my fiancée. I don’t care what kind of issue she has with Trace, but hurting her…” Sabay lingon ni Israel sa akin. “That’s where she reached my limit.”
Chapter 59
Bloody War
Ayaw nga akong pauwiin ni Israel. Medyo kumakalma na rin naman ako habang pinapanood siyang magluto.
“Masarap?” tanong niya na ikinatango ko.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi saka niya hinaplos ang aking pisngi.
“Ihahatid kita bukas sa school. Or you want to transfer?” tanong niya sa akin.
“H-Huh?”
“I want you to stay away from that brat, Trace. Tingin mo pagkatapos ka niyang saktan at nakita kitang naglalakad sa daan habang umiiyak ay hahayaan ko pa na lumapit lapit ka sa babaeng iyon?” matigas niyang sabi at gumuguhit na naman ang galit sa kanyang mukha.
Binitiwan ko ang kubyertos saka namungay ang kanyang mga mata.
“May kasalanan din ako sa kanya, Israel. Oo at nasaktan siya dahil ang crush niya…hindi mapapasakanya, ngunit alam kong masakit sa kanya na may alam ang kapatid niya pero…nilihim sa kanya.”
Nagtagal ang titig niya sa akin. “I remember how you defended Feli in spite of how she accused you. I know you too well.” Nanliit ang tingin niya.
“Pero kapatid ko parin naman siya-”
“Give me one damn good reason for me to like her, Trace.”
“Kasalanan ko naman ito d-dahil di ko sinabi agad sa kanya. Kung nalaman niya lang nang maaga-”
“I already told my mom that I want you. I told her parents that I want you. What’s wrong now? Should I shove it into her throat?”
“Gustong gusto ka niya, Israel. Isipin mo nga ang nararamdaman mo sa akin. Ganoon din ang nararamdaman niya sa’yo. Gusto ka niyang makuha.”
“Oh that fucking brat. Kahit ata maghubad iyon sa aking harapan at bumukaka ay mababalibag ko lang siya,” suplado niyang sabi.
Hindi ako umimik at naglakbay ang aking isipan sa maaari kong gawin para mapatawad ako ni French.
“Don’t please her. I know you, Trace. Handa mong isuko ang isang bagay pagdating sa pamilya.”
“I hope you won’t change your mind…” he sighed heavily.
Umiling agad ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Umahon ang kanyang tingin at napadpad na sa akin. Nginitian ko siya.
Noon, hindi ko siya kayang ipaglaban dahil ang bata bata pa naming dalawa at matayog ang pangarap ni mama sa akin. Hindi ko rin alam kung…malalim ba ang pagmamahal niya sa akin noong panahong iyon.
Ngunit ngayon, nakikita ko kung paano niya pinapatunayan sa akin na handa siyang umakyat sa langit masundan lamang ako. Handang mahulog sa impyerno…mahanap lamang ako.
“Simula sa araw na ’to, di ko na hahayaang may manakit pa sa’yo,” buong kasiguraduhan niyang sabi.
Sa unang pagkakataon, nagawa namin ang normal na ginagawa ng magkarelasyon. Nanood kami ng movie sa kuwarto niya pagkatapos kong mag-aral lalo na’t malapit na rin ang midterm.
“Just live with me. You’re more secure when you’re with me, Trace. Aalagaan naman kita,” sabi niya sa akin kaya tiningala ko siya.
Ngumiti ako sa kanya. Tama siya. He felt so warm. He felt home.
Gabi na noon nang makatanggap ako ng tawag kay Papa. Napabangon ako sa dibdib ni Israel nang kinuha niya ang aking cellphone at tiningnan ang aking screen. Tiningala ko siya na nakatitig rin doon kaya kinuha ko iyon sa kanya.
“Sasagutin ko lang,” sabi ko na ikinatango niya naman.
Bumangon ako at umupo nang maayos sa kama saka ko inilagay sa aking tainga ang screen ng cellphone ko. Bumangon rin si Israel at niyakap ako sa likuran habang ang kanyang baba ay nasa balikat ko na.
“Trace?” tawag ni Papa sa nag-aalalang boses.
“Papa…”
Isang buntong hininga agad ang kanyang napakawalan.
“Are you okay? Ang sabi ni Brennan sa akin ay nasa condo ka raw ni Israel. Diyan ka muna?”
Nilingon ko si Israel sa gilid ng aking balikat na nasa tv ang tingin. Nang mapansin niyang nasa kanya na ang aking atensyon ay nilingon niya rin ako.
“Opo Papa. Dito nalang po muna ako…”
Bumuntong ulit ng mahabang hininga si Papa. Parang piniga ang aking puso dahil alam kong naiipit siya sa aming dalawa ni French katulad ng nangyari kay Kuya Brennan.
“Mabuti pa nga. Pakalmahin mo muna ang kapatid mo at ipapaayos ko pa ang kuwarto mo rito. Kausap na ni Brenda si French sa kuwarto niya.”
“Sige po, Papa. Kakausapin ko nalang po siya ulit bukas sa school.”
“Sige, sige. Pag-usapan niyo itong dalawa at h’wag na kayong mag-away. Ayokong ganito kayo, Tracey. I’m going to talk to her and tell her to say sorry to you.”
“Sorry rin po, Papa…”
“French is really a brat, Trace. Ganito siya pag di nasusunod ang gusto niya. Try to fix this okay?”
Tumango ako kahit hindi niya iyon makita. Nahulog ang aking tingin sa kama at bigong napangiti.
“Okay po, Papa.”
“Take care. I’ll just send some money for your allowance. I love you.”
“I love you po, Papa…” Nilingon ako ni Israel kaya ibinaba ko narin ang tawag.
“Kaya naman kitang pag-aralin. I’m not broke,” ani Israel na narinig pa yata ang sinabi ni Papa.
“Kailangan kong ayusin ito at makipagbati sa kapatid ko, Israel. Ayaw ni Papa na nag-aaway kami at ayoko rin nang ganito.”
Kinaumagahan ay si Israel ang gumising sa akin. Sabay na kaming naligo at sabay pa kaming nagbihis.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga damit kong pinagbibili sa akin ni Israel at hindi alam kung ano ang susuotin.
“Can’t decide?” tanong ni Israel sa akin habang nagbibihis narin siya sa aking gilid.
“Tingin mo, anong mas bagay sa’kin?” tanong ko.
Nakaslacks na siya ng itim at nagsisinturon na pero wala pang suot sa pang-itaas.
“This one.” Itinapat niya pa iyon sa aking katawan at tumagilid ang ulo para silipin ang aking kabuuan.
Tumango ako at kinuha iyon sa kanya. Humalukipkip naman siya sa aking harapan at malalim na ang tingin sa akin kaya hindi ko natuloy ang paghuhubad ng aking roba.
“Uh… Talikod ka.” Itinulak ko siya ng bahagya pero umangat lang ang kilay.
“Ano pang itatago mo sa akin? We already made love multiple times. Mahihiya ka paring maghubad sa aking harapan?” Nanunuya niyang tanong at pilyo na ang ngiti.
Ngumuso ako at di na nakasagot dahil sa pamumula ng aking pisngi. Hinubad ko ang roba sa kanyang harapan at ako nalang ang tumalikod dahil sa kahihiyan. Tanging undies palang ang aking suot kaya nagmadali akong magbihis at noong nilingon ko si Israel sa aking likod ay hinahagod niya na ako ng tingin.
Lumapit pa siya sa akin at tinulungan ako sa zipper noon sa likod saka niya hinagkan ang aking batok.
“Gusto kong dalawang bagay lang ang dumikit sa balat mo. Mga damit at bagay na binibili ko para sa’yo at katawan ko.”
Di ko na napigilan ang aking ngiti. Nailing nalang ako sa kapilyuhan niya.
Noong sinabi niyang magagamit ko rin ang mga pinagbibili niya sa akin na nasa condo niya lahat, mukhang ito na nga ang araw na ’yon. Medyo advance kasi itong si Israel at baka kahit ang pagtira ko rito, nakita niya na kaya naghanda siya nang ganito.
“Pupuntahan kita mamayang vacant mo,” si Israel nang ihatid niya rin ako.
“Huh? Eh magkasama na tayo ah? Pupunta ka parin?” Nagtataka kong tanong.
“Your vacant time is mine. And I’ll treat you some lunch. Baka gutumin ka sa loob,” rason niya.
“May pera naman ako at pwede naman akong kumain sa cafeteria, Israel.”
Binasa niya ang pang-ibaba niyang labi at nilingon ako saglit.
“I want to have lunch with you. Mas mabubusog ako pag ikaw ang kasama ko.”
“And I want to make sure you don’t have any red marks on your cheek.” Angat ng kanyang kilay, tila ba hindi niya pa rin nakakalimutan ang pag-sampal ni French sa akin.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Bumuntonghininga siya at hinawakan ang aking kamay.
“You really know how to make me calm. Haplos mo palang nanghihina na agad ako…” Ngumisi siya sa akin ng pilyo at mukhang nakalimutan na nitong iritadong iritado siya.
“My sexy angel…” Sabay halik sa aking kamay.
Pinabaunan niya ako ng pera para daw may extra ako kahit tinanggihan ko na iyon dahil papadalhan naman ako ni Papa. Iipunin ko nalang para ipapadala ko rin kay Mama…
Pagkapasok ko sa eskwelahan ay pansin ko agad ang tinginan ng ilang estudyante sa akin.
Pagkapasok ko ng classroom ay wala pa si French pero may iilan nang estudyante sa loob. Ngumiti ang iilan sa akin na nginitian ko pabalik at nagtungo rin ako sa aking upuan.
“Okay kayo ni French, Trace? Nag-away kayo kahapon?” tanong ng isa sa mga kaklase kong babae.
“Ba’t di kayo magkasama?” Iyong isa naman.
“A-Ah… Nauna kasi ako.” Tangi kong sagot at nag-iwas na ng tingin sa kanila para di na nila ako makulit pa ng kung ano ano tungkol sa amin ni French.
Ayokong ikwento sa kanila ang lahat dahil hindi ko rin naman alam ang takbo ng mga utak nila. At ’tsaka kung anong nangyari sa bahay ay mananatili iyon doon. Isang respetadong business tycoon si Papa at ayokong dungisan ang pangalan niya, ang apelyido nila.
Inilabas ko ang aking notes at nagbasa nalang lalo na’t exam na next week.
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang boses ng mga kaibigan ni French. Bigla akong nanigas sa aking upuan nang makita ko sa gilid ng aking mga mata ang kanilang pagpasok kasama ang aking kapatid na tumatawa rin.
Pasimple ko siyang nilingon at nagtama pa ang aming tingin. Nag-iwas rin naman ito ng tingin sa akin at nakipag-usap agad sa kanyang mga kaibigan. Di ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin at medyo nabunutan ako ng tinik dahil mukhang normal naman siya.
Panay ang paglingon ko kay French. Hindi niya ako tinitingnan pabalik at hinahawi lang ang buhok paatras. Kaya noong matapos na ang subject ay nagmadali agad akong ligpitin ang aking mga gamit saka ako lumapit sa kanya.
“F-French… Mag-usap tayo,” sabi ko na ikinalingon niya sa kanyang mga kaibigan na hinihintay siya.
“Guys, sunod nalang ako.” Sinenyasan niya iyong apat na umalis muna. Tumango naman agad ang mga ito at nagpaalam rin sa amin.
Noong nahalata niyang kami nalang dalawa ay awtomatikong umangat ang kanyang kilay at humalukipkip na. Pinasadahan niya pa ako ng tingin at mukhang nadisgusto.
“What?” matabang niyang tanong.
“Gusto ko lang sanang humingi ulit ng tawad. S-Sa ginawa ko… Ayokong nag-aaway tayo-”
“Oh stop mentioning it. It’s done na. Just stay away from me nalang,” mataray niyang sabi sa akin at kinuha na ang kanyang bag.
“Pero French nag-aalala rin si Papa sa ating dalawa. A-Ayoko ring ganito tayo… Handa naman akong maghintay hanggang sa mapatawad mo ako dahil alam ko namang kasalanan ko rin ’to…” Malungkot kong sabi na ikinaikot ng kanyang mga mata.
“Don’t worry, I won’t ruin your reputation here sa school. Just act nalang na we’re still close when in fact I am disgusted to be with you at one place. You irritate me a lot.”
“Hindi naman ang reputastyon natin sa school ang tinutuko ko kundi ang relasyon natin bilang magkapatid…” paliwanag ko pero mukhang hindi niya ako pinapakinggan at nasa loob ng kanyang bag ang buong atensyon.
May sobre siyang kinuha roon at inilahad sa akin.
“Here oh. Iyong limos na hinihingi mo kay Daddy.” Ngumiti siya ng may halong insulto sa akin. “Mukhang you enjoyed leaving the house naman since kinupkop ka rin ni Israel, right? Did you enjoy the night being with him?” Mas lalong umakyat sa itaas ang kanyang kilay at kulang nalang ay humiwalay na iyon sa kanyang noo.
Alam ko ang ugali ni French. Siya ang mahirap kalabanin dahil nakita ko noon kung gaano siya ka taray sa iba.
“Oh well… Mukha mo lang naman ang maamo at inosente ’di ba? If I know you’re happy kasi you’re always with him na. What a whore… Siguro nagmana ka sa Mommy mo?” Tumawa pa siya at mas malisyoso na ang tingin sa akin. “So here… Tanggapin mo na… Don’t be shy I know you’re walanghiya.” Mas inabot niya pa iyon sa akin at mas lumaki pa ang kanyang pilyang ngiti.
Naikuyom ko na ang aking mga kamay. Ang mga mata kong nanlalabo pa kanina ay tuluyan ng tumakas.
“H’wag mo naman sanang idamay ang Mama ko, French. Labas siya rito sa problema nating dalawa,” giit ko.
Nagulat siya sa aking pagsagot pero kalaunan ay nag-iba rin ang ekspresyon.
“Anong tawag sa ina mong kabit? ’Di ba malalandi? Higad? Makati.” Mas maanghang niyang sabi.
Iyon ang nagpaubos ng aking pasensya. Parang may naputol na lubid sa aking loob at di ko na nakaya pang kimkimin iyon.
“Kung ganoon… Ako na fiancee… anong itatawag ko sa’yo na nakikisawsaw sa amin ni Israel? Anong itatawag ko sa’yo na inaagaw ang taong hindi ka naman gusto. Feeling? Assuming? O nananaginip ng gising?”
Nalaglag ang kanyang panga at gulat na gulat sa aking isinagot. Natigilan ko nang mapagtantong…lumagpas na rin ako sa linya.
Sa sobrang galit ay marahas niyang itinapon sa aking dibdib ang sobre na agad namang ikinatapon ng laman noon sa sahig at kumalat na ang mga pera roon.
“See! All this time nagpapanggap ka lang na mabait! You want a war, Trace? Then fine! Kung di kami, di rin magiging kayo. Guguluhin ko kayo and I’ll make sure di kayo sasasaya. I’ll give you the bloody war you deserve!” sigaw niya sa aking mukha at binangga na ang aking balikat noong nilagpasan niya na ako.
Chapter 60
One Mistake
Hindi ko nalang binanggit kay Israel ang naging sagutan namin ni French sa classroom. Hindi ko rin alam kung anong plano niya sa aming dalawa ni Israel. Umiiwas nalang ako sa kanya sa eskwelahan lalo na’t hindi niya rin naman ako pinapansin.
Noong matapos ang midterm, nangako si Israel sa akin na magbabakasyon kami sa isang Resort kaya naging ganado ako.
Pinagliligpit ko ang mga dadalhin ko sa pupuntahan naming Resort. Isang long dress na straps ang ipinasok ko sa maliit kong bag at mga sunblock. Sinigurado ko ang mga personal kong gamit at ako narin ang naghanda ng dadalhin ni Israel.
Lumabas rin naman ito sa banyo at kinukusot na ang kanyang buhok. Nauna kasi akong maligo sa kanya. Minsan naman sabay kami pero minsan ay mag-isa lang ako lalo na pag may mga lakad kami dahil natatagalan kami sa loob pag kaming dalawa. Minsan ay lumalagpas ng tatlong oras…
“Nahanda ko na ang gamit mo.” Proud kong anunsyo sa kanya at itinuro pa ang bag ng pinaglagyan ko sa kanyang kama.
Ngumisi agad ito at lumapit sa aking tabi. Sinilip niya ang loob noon at nakontento naman sa kanyang nakita.
“Wife material…”
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at ngumiti na.
“Marami pa akong kailangang matutunan ’no.”
Mas lalo lang lumaki ang ngisi ni Israel.
“Ano pa bang gusto mong matutunan?”
Napisil ko ang aking pang-ibabang labi at nag-isip na.
“Hmm… Pag-aalaga ng bata? Parang makukulit kasi ang mga anak natin.”
Humalakhak siya.
“Seryoso nga! H’wag kang tumawa…” Sumimangot ako at hinagilap ang kanyang mga mata..
“It’s just that you’re so adorable. Can’t help it…” Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.
“Totoo naman kasi! Uso ang divorce ngayon, Israel. Pag di tayo nagwork-out bilang mag-asawa doon tayo mahuhulog.”
“Sa isa’t isa lang tayo mahuhulog,” aniya at umangat pa ang kilay.
“Posible tayong mahulog sa ganoon.” Marahan ko siyang itinulak at humarap ulit sa aking ginagawa roon sa kama.
“Ba’t tayo mahuhulog doon?” Nagkasalubong na ang kanyang kilay at mukhang interesado na sa aking sagot.
“Kasi wala pa akong masyadong experience sa ibang bagay.”
“Edi makikipagdivorce ka dahil lang doon?” tanong niya at nafufrustrate na naman ata.
Humalukipkip ako nang umupo siya sa kama. Inabot niya ang aking baywang at doon humawak.
“Makikipagdivorce ka sa’kin pag ikinasal na tayo? You’re planning to break up with me? How about our kids?” Magkasalubong na naman ang kanyang kilay habang nililingon ako.
“Hindi sa ganoon. Uso ang divorce-”
“At makikiuso ka?” putol niya pa sa akin.
Haynako Buenaventura. Minsan rin talaga ang hirap mong kausapin.
“H’wag na nga lang tayong magtopic ng tungkol sa divorce.” Nailing ako at nasuklay na ang aking buhok.
“Dahil hindi naman talaga tayo magdidivorce,” si Israel na pinoproblema ang maliit na bagay.
“Di nga tayo magd-divorce.”
“Hindi talaga. I’m not going to sign it even if you beg for it.” Sinuklay niya paatras ang kanyang buhok at iba na ang timpla ng kanyang ekspresyon.
Ano ba ’yan… Wala kaming pinag-aawayan na malalaking bagay pero iyong ganito kaliit talaga ang nakukuha naming pagtalunan. Paano rin ako maiinis kung nakakaaliw siya?
“Hassle rin kaya ang divorce, Israel,” pag-oopen-up ko ulit nang nasa kotse na kami.
“Are you really expecting us to divorce someday?” Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.
“Di mo talaga gets.” Humalukipkip ako sa aking upuan. “Kanina… Ang sabi ko gusto kong maging handa sa pagiging asawa mo dahil natatakot ako na baka magdivorce tayo dahil di nagwork-out.” Naggesture na ako at pilit iyong pinapaintindi sa kanya.
“Ba’t di tayo magwowork-out? Besides, if you fall out of love, I’ll make you fal for me again. That’s easy.”
“Oo na nga! Di tayo magdidivorce someday.” Tumawa ako.
Mahaba ang byahe lalo na’t sa Samal Island ang balak namin dahil nandoon daw ang magandang Resort dito sa Davao. Ang Pearl Farm.
Noong dumating kami, napagtanto ko na maganda nga. Pakiramdam ko nasa ibang bansa ako. Kumuha pa ng isang room si Israel at excited ako na maligo sa infinity pool nila dahil maganda ang view roon. Tanaw na tanaw mo ang malawak na dagat.
“Mag-oovernight tayo?” tanong ko kay Israel habang inaayos niya ang mga gamit namin sa room.
“We will,” aniya at nagpatuloy sa kakahalughog doon.
Ngumiti ako at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Ang perfect ng araw na ’to—
“You forgot to bring some of my boxers?” tanong niya na ikinalingon ko agad sa kanya.
“H-Huh? Wala ba?” Naglakad ako malapit sa kanyang dako.
Tumango siya at binasa na ang pang-ibabang labi.
“Yun ang hindi mo nadala.”
Kinabahan ako at kinalkal narin ang loob ng kanyang bag. May mga sweatpants niya akong dinala, cotton shirts, sunblock, showergel niya, toothbrush, at personal niya pang gamit pero iyong boxer… W-Wala.
Sumimangot ako at nadismaya.
“Did you purposely forget them?” At ang kapal niya sa parteng ito!
“H-Hindi ah… Akala ko kasi nalagyan ko na…” Napabuga ako ng mahabang hangin at natampal ang aking noo. “Palpak. Sabi ko naman sa’yo marami pa akong kailangang matutunan bilang asawa mo.”
Humalakhak siya at hinila ang aking baywang.
“But it doesn’t mean we’re going to divorce just because you don’t have any experience… Di naman trabaho ang papasukan mo, Trace. You’re going to be my wife. Anak lang ang hinihingi ko sa’yo at wala ng iba. I don’t care if you burn our kitchen. I don’t care if you forgot my boxers and misplace our things. I don’t fucking care if you’re bad at everything. Iyong pinakasalanan mo ako… doon palang ay ang laking bagay na para sa’kin.” Hinaplos niya ang aking pisngi at mataman na akong tiningnan.
Ngumuso ako. Boxers lang naman sana pero…
“Marunong ako magluto, maglaba at magplantsa ’no!” sabi ko.
“Ah… You’re just forgetful…” Pang-aasar niya at ipinagsalikop ang aming mga kamay habang lumalabas na ng room para makagala.
“Ngayon lang naman. Nawala sa utak ko ang boxers mo.”
Yumuko siya at nakangising bumulong sa aking tainga.
“I’ll think you purposely forgot them coz you want an easy access to my…”
Namilog ang aking mga mata. Humalakhak si Israel habang pulang-pula ako at hinampas ang dibdib niya.
Doon lang yata kami kumalma nang makarating sa pool. Naka bikini na ako sa loob ng aking see through na puting dress at sa ganda ng pool area, halos mamangha ako.
“I’ll gust get your sunblock,” aniya na ikinatango ko.
“Doon lang ako ha.” Itinuro ko ang lounge chairs.
“Sige na…” Itinulak ko ng bahagya ang kanyang dibdib at natatawa na akong umalis. Nagkasalubong pa ang kanyang mga kilay habang sinusundan ako ng tingin.
Umalis rin naman ito. Umupo ako roon sa bakanteng lounge chair. May parang malaking payong naman ang tapat noon para di ganoong mainit. Ipiniko ko ang isa kong paa at iyong isang paa lamang ang namamahinga.
May dumaan na mga grupo ng lalake at tiningnan pa ako. Iyong isa ay siniko ang kanyang kaibigan at nginuso ako kaya ang tingin rin noong tatlo ay nasa akin na.
“Hi Miss!” Kumaway sa akin iyong isa kaya pasimple nalang akong nag-iwas ng tingin.
“Di ka type!” Humalakhak iyong kaibigan niyang nakaitim ng trunks. Lahat sila ay topless at nakatrunks at mukhang kakaahon lang sa pool dahil sa mga katawan nilang basa.
Nagulat ako nang nagtungo na sila sa aking harapan. Ang view ng pool area ay tinakpan na nila.
“Ilang taon kana Miss? Mukhang kaedad ka lang namin ah? Gusto mong sumama sa amin? Mag-isa ka lang dito oh…” Hirit noong may maiksing trunks at pilyo ang ngiti.
Umiling lang ako sa kanila at tipid na ngumiti. Nagkatinginan pa sila at mukhang ayaw paawat.
“Ayaw mo? Sige na. H’wag nang pakipot.” Hinagod ako ng tingin noong isang lalake at siniko niya pa ang kanyang katabi.
“May kasama kasi ako,” tanging sambit ko hanggang sa makita ko nga ang madilim na ekspresyon ni Israel sa kanilang likuran. He towered the four boys like he’s more mighty and masculine. Walang wala ang tindig ni Israel sa apat na nagmukhang typical college boys hindi kagaya niyang sobrang manly na ang dating at itong mga apat ay nasa stage pa ng puberty.
“Kasama? Sus iwan mo na ’yon. Iniwan kang mag-isa rito oh.”
“Oo nga! Pabayaan mo na ’yon. Sa amin ka nalang sumama mas maaaliw ka pa namin!”
“Oo nga miss! Sayang yang ganda mo kung mag-isa ka rito!”
Umangat ang kilay ni Israel sa likuran at humalukipkip na roon. Ngumuso ako at nagpigil ng tawa dahil sa pagdilim ng kanyang mga mata at pinapakiramdaman lang ang apat sa kanyang harapan.
“Ah… my fiancee just talked to my four punching bags today,” si Israel na natatarantang ikinalingon ng apat sa kanya.
At si Israel, akala mo sasabak sa suntukan nang hinila niya sa likod ang suot niyang t-shirt hanggang bumalandra ang malaki niyang katawan. He looked so massive and…hot.
“A-Ah… M-May kasama ka pala…” Iyong isang lalake at hilaw na natawa sa akin habang kinakamot ang batok.
“Mukha bang tourist attraction ang fiancee ko at dadayuhin niyo?” Isa isa niyang tiningnan ang apat sa madilim at matalim niyang mga mata na ikinasindak agad nila.
Wala pang limang sigundo ay mabilis ng nagsialisan ang apat at tumakbo na palayo sa amin. Sinundan pa ito ng tingin ni Israel at sobrang nagkasalubong na ang kanyang kilay.
Umangat ang kilay ni Israel at sinundan sila ng tingin. Natatawa ko siyang hinila sa gilid ng lounge chair.
Sinimulan niya akong lagyan ng sunblock habang naaliw ako sa kanyang phone lalo na’t kinukuhanan ko ng picture ang paligid. Hinawakan ko rin ang pisngi niya at p-in-icturan ang mukha niya habang hawak ko iyon.
Noong mga hapon na kami naligo. Panay lang ako angkas sa kanyang likod at minsan ay sumisigaw pa ako pag pumupunta kami sa malalalim na parte.
Sa jacuzzi rin naman kami ng aming kuwarto tumambay noong gabi na. Papalubog na ang araw at ang ganda ng pagbabagong kulay ng langit na nagiging purple na.
The color of the sky at night when the hues were mingling with the darkness will always remind me of Israel’s shade—a beauty in the middle of its chaos.
“Ang ganda ’no…” bulong ko.
“Parang ikaw lang at ako…” Niyakap niya ako galing sa aking likuran at hinalikan ang exposed kong balikat. Nakabikini lang rin kasi ako total kami lang namang dalawa rito.
“Huh?” Nilingon ko siya sa aking gilid. Nakasuklay paatras ang basa niyang buhok pero sa gilid noon ay naroon na naman ang iilang hiblang nagrerebelde sa kanya.
“Imagine the city without lights, Trace.”
“Uhm… Madilim.”
“Exactly. Imagine my world without you. Imagine my life without you.” Namungay ang kanyang mga mata sa akin.
Nangingiti ko siyang nilingon. Yumuko siya at hinagod ng halik ang aking labi. Namumungay ang mga mata kong humalik pabalik habang ang aking kamay ay nasa kanyang balikat na kumapit.
Hinaplos niya ang aking baywang at mas hinila ako hanggang madiin ako sa kanya habang lumalalim ang hagod ng kanyang halik.
It felt so romantic. Sa tuwing kasama ko si Israel, pakiramdam ko ay ginagawa niyang langit ang paligid at nakakatakas ako sa magulong mundo. Na nasa hardin kami at napapaligiran ng bulaklak. Na walang makakapanakit sa akin hangga’t siya ang kasama ko.
“Israel,” daing ko nang pagkapasok sa aming kuwarto, tuloy tuloy agad ang halikan namin.
Sanay ako na marahas si Israel sa kama. Pero ang pagiging marahan niya sa gabing iyon, ang nakakapaso niyang mga hagod habang nakaupo siya sa sofa at nakasandal ko sa kanyang dibdib habang nakabukaka, halos makita ko sa malaking salamin ang namumungay kong mga mata nang tuloy tuloy ang galaw niya sa mabagal na paraan.
Tumingin din siya sa salamin. Ang dim na kuwarto ay parang sumanib kay Israel dahil madilim siyang tingnan, tila ba demonyo na nang-aakit ng anghel habang hawak ng isa niyang kamay ang aking dibdib, at ang isa ay humahaplos sa aking gitna.
Ang makita ang sarili ay may kakaibang hatid sa akin. I’ve never seen myself this sensual. Ngayon lang. Tila ba lasing, halos sinikap kong dumilat para patuloy kaming mapanood doon.
“So you like this kind of kink?” he chuckled against my ear.
Kahit ang tinig ni Israel, nagpapadagdag lang ng init ng katawan ko.
Pinosisyon niya ang sarili na makikita kami lalo roon. Hiyang hiya ako nang malinaw kong nakita ang kanya nang sunod sunod agad ang kanyang galaw.
Hindi ko na yata nabilang kung ilang beses namin iyong ginawa lalo na’t pagod na pagod na ako noong humiga na kami sa kama.
“How’s your bratty sister?” tanong niya habang marahang humahaplos ang kamay niya sa aking braso.
“Ayos lang naman…”
“Di ka inaaway?”
Sa mga nagdaan na araw… hindi naman. Kinakabahan nga ako kung ano iyong tinutukoy niya pero sana huwag lalong lumala.
“Hindi naman…”
“Isumbong mo sa akin pag inaway ka,” aniya at akala mo ay bata ang kausap niya.
Tumawa ako. Ano ako bata na kailangang magsumbong?
“Oo nga pala… Gusto nga ni Papa this month umuwi na raw ako sa bahay.”
Iyon ang kumuha ng buo niyang atensyon. Nagkasalubong pa ang kanyang kilay at interesado na sa aking sinabi.
“So… Uuwi kana?” Nahimigan ko agad ang lungkot sa boses niya.
Tumango ako at malungkot na napangiti. Hinaplos ko ang kanyang panga. Ang kanyang mga mata ay nanatili sa akin habang nakaawang ng kaonti ang basa niyang labi.
“Baka namimiss narin ako ni Papa, Israel. At baka ito ang maging daan na magkaayos rin kami ni French… Baka kailangan ko lang siyang suyuin…”
Umirap agad siya nang marinig ang tungkol kay French.
“One mistake…” aniya at dumilim agad ang kanyang mga mata. “Isang pagkakamali lang at babawiin talaga kita sa mga Chua.”
Chapter 61
Pagsuko
Malapit na ulit ang finals. Pumayag naman si Papa na after nalang ako ng exam umuwi. Isa pa, sa sobrang ilap ni French, halos ang hirap niyang kausapin.
Ako: Anong ginagawa mo?
Sinend ko iyon at hindi ako nakontento kaya nagtipa pa ako ng isa pa habang wala pa ang prof.
Ako: Miss na kita.
Ako: Anong oras mo ako susunduin?
Ngumuso ako at nayamot nang ang tagal niyang makareply. Binalibag ko ang aking cellphone sa aking desk at sumimangot na. Busy ba siya?
Napansin pa noong katabi ko ang aking inasal at kumunot pa ang kanyang noo.
Pumasok rin naman ang Prof at nagdiscuss. Nagvibrate ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong kinuha at tiningnan agad ang text ni Israel. Ngumiti pa ako pero nang napagtantong matagal siyang nagreply ay sumimangot rin.
Israel: You’re texting too much. You’re in the middle of your class.
Kabisado niya ang aking schedule at dahil lang doon kaya ayaw niyang itext ko siya?
Gigil akong nagtipa ng mensahe.
Ako: Sige di na kita itetext.
Binalibag ko ulit ang aking cellphone sa loob ng aking bag. Kaya buong subject na iyon ay hindi ko na chineck ang aking cellphone.
Namataan ko si French sa kanyang upuan. Ilang sigundo akong napatitig sa kanya habang kausap niya ang kanyang kaibigan.
Ba’t naninibago ako sa kanya ngayon? May kakaiba sa mukha niya. Ewan. ’Tsaka yung high ponytail niya… parang naging mataas na sungay. Natawa ako sa aking pinag-iisip. Napansin ko pa ang paglingon ni French sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at kinagat nalang ang pang-ibabang labi.
Niligpit ko rin naman ang aking mga gamit pagkatapos ng discussion. Napansin kong kami nalang pala ni French sa loob. Naroon siya sa may pinto at nakahalukipkip. Ang kanyang tingin ay nasa akin. May sasabihin ba siya?
“Bakit?” tanong ko lalo na’t halata namang may sasabihin siya.
“Daddy told me you’re coming home this Monday? After finals?” Umarko ang kanyang kilay.
“Oo…” Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Sige… Alis na ako,” saka ako nagsimulang maglakad.
“Wait,” aniya kaya napahinto ako. Ayoko sanang makipag-usap ng matagal sa kanya dahil baka magbangayan ulit kami.
Nilingon ko siya. Pilya agad siyang ngumiti sa akin.
“Ano nga ulit ang rason bakit namatay si Kuya Bram?” biglaan niyang tanong.
“H-Huh? Nabaril?” Nagtataka kong sagot eh kinuwento ko na sa kanya iyon noon eh.
“Who shot him?” Mas naging pilya ang kanyang ngiti na ikinabilis ng kalabog ng aking dibdib.
“You didn’t tell us the whole story. Alam ba ni Tita Lorraine kung sino ka talaga? And what about Israel’s father? Close ba kayo roon sa bukid?” Makaluhugan na ang kanyang tingin sa akin at mas nagiging malisyoso na ang ngiti.
“They say… ang mga tahimik na tao ay marami raw tinatago. Pero alam mo Trace, walang sekretong natatago.”
Umawang ang aking bibig at pinagpawisan na ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanigas na ako sa aking kinatatayuan.
“I give up. Sige sa’yo na si Israel. Magpakasal kayo. But you see…” Hinawi niya ang kanyang buhok at kinagat ang pang-ibabang labi. Marahan siyang natawa at umiling.
“Will Daddy let you marry the son of a criminal? I’m sure he’ll get mad if he found out you didn’t tell us Israel’s background. And by the way… What if your Mom find out na pakakasalan mo ang anak ng nagpapatay kay Kuya Bram?”
P-Paano niya nalaman ang lahat ng ito?
“Di lang naman ikaw ang busy eh. I am busy too… Ang rami talagang nagagawa ng pera ’no? You can pay someone just to investigate someone’s profile and boom… May infos kana,” makahulugan niyang sabi.
M-May tao siyang binayaran?
“Just pray my mouth will shut forever. Those info’s will ruin your happy ending. Prepare for a battle, Trace. I can’t just fight alone you know… This time, buong pamilya mo ang makakalaban mo.”
Nilamon ako ng takot. Nangyayari na ang kinakatakutan ko. Ang tinatakasan ko. Ang rason kaya…ayokong makapasok ulit sa mundo ni Israel dahil alam ko, kailanman, nagiging madilim ang langit pagdating sa aming dalawa.
Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin. Namumula ang aking ilong dahil sa aking pag-iyak kanina at naniningkit ang aking mga mata.
Isusumbong ko siya kay Israel!
Agad akong nagtungo sa parking lot at nakita siyang nag-aamba na ring pumasok kaya mabilis niya akong sinalubong.
“What happened to you?” tanong niya sa masuyo ngunit matigas na boses.
“Si French…”
“French…” Galit niyang bigkas noon.
“S-Si French inaway ako…” At kasabay noon ang pag-agos ng malalaki kong mga luha. “Inaway niya ako Israel.” Sumbong ko at pumakawala na ng hikbi.
“What? What did she do?” Ngumuso siya at hindi ko alam kung galit ba ito o ano…
“Seryoso ako! Inaway niya ako! Ang sabi niya… Isusumbong niya raw ako kay Papa!” Nafufrustrate kong paliwanag habang pinupunasan niya ang aking mga luha.
“Kaya nagsusumbong ka rin sa’kin?” kalmado niyang tanong na ikinatango ko agad. Dapat galit siya!
“Kanina ka pa ha! Di mo pa nga ako nirereplayan tapos ngayon parang matatawa ka pa!” Hinampas ko ang kanyang dibdib at sobra na akong naiinis. Naiinis ako kay French, sa buhok niya, sa late reply ni Israel, sa kanya. Naiinis ako at nafufrustrate at gusto ko nalang umiyak buong araw mag-isa!
“No… I mean…” Nabasa niya ang pang-ibabang labi at takang taka na.
Nalaglag ang aking mata sa kanyang tuxedo. Inangat ko ang kanyang necktie at pinunasan ko ang aking luha roon.
“Nakakainis ka ngayon? Ba’t ka ganyan?” Mas lalo lang akong naiyak dahil parang wala na siyang pakialam na umiiyak ako.
“Why are you so fucking cute, Trace?” Namutawi na ang ngisi sa kanyang labi at hinila na ako para yakapin.
“Ewan ko sa’yo. Umuwi kana nga lang. Kakain nalang ako mag-isa.” Itinulak ko siya at tinalikuran ko na. Kaso di palang ako nakakalayo ay nahila niya na ang aking baywang palapit sa kanya.
“Akala ko ba namimiss mo ako? You texted me you miss me…” sabi niya sa aking tenga nang mapasandal ako sa kanyang dibdib.
“Hindi na. Kanina lang ’yon. Di mo naman ako siniseryoso.” Kinalas ko ang kanyang kamay sa aking tiyan pero mas humigpit lang.
“Let’s eat and tell me what your brat sister did. Aawayin ko rin siya,” aniya sa kalmadong boses.
Huminahon rin naman ako at sumama sa kanya. Nasa labas lang ng bintana ang aking tingin.
“You didn’t reply on my texts,” biglang tanong ni Israel.
“Ayaw mo naman,” sagot ko at hindi siya nilingon.
“You don’t text when you’re in the middle of class Trace. Nasanay akong ganoon ka-”
“Edi masanay kana rin na hindi ako magreply. Nasanay kana man pala…”
“What?” gulat niyang sagot sa akin at hindi inaasahan ang pananalita ko.
Pagdating namin sa hotel ay wala parin akong imik. Dumaloy na ang frustration sa mukha ni Israel. Di ko nalang ikukwento sa kanya iyong sinabi ni French. Sasarilihin ko nalang.
“I tried to call you pero di mo rin sinagot,” paliwanag niya ulit pagkatapos ibaba ang telepono sa kanyang order.
Tumalikod lang ako sa kanya at umupo ako roon sa kama.
“Trace,” tawag ni Israel.
“Uuwi na nga lang ako.” Tumayo na ako at kinuha na ang aking bag pero mabilis agad siyang humarang sa akin.
“What’s wrong? Galit ka ba? Five minutes lang ’yon Trace. Di ko agad nabasa dahil di ka naman nagtetext sa akin sa ganoong oras.”
“Alis nga. Uuwi na ako sa bahay.”
Nagkasalubong lalo ang kanyang kilay at hindi talaga umalis sa aking harapan.
“Lunes ka pa uuwi at may klase ka pa mamaya. What did French do? What’s happening?” Gulong gulo niyang tanong.
“Wala.” Tanging sagot ko at dadaan sana sa gilid pero nahuli niya agad ako at mabilis akong kinarga. Nagpumiglas ako at itinulak ko pa siya pero sa kanyang lakas ay nahubad lang ang aking suot na sapatos.
Umupo siya sa kama kaya napaupo narin ako sa kanyang kandungan.
“I’m sorry okay?” Hinalikan niya ang aking labi. Nang napansin niyang hindi humuhupa ang inis sa aking mukha ay hinalik-halikan niya ang aking panga.
“Mainit ata ang ulo ah?” Hinaplos niya ang aking pisngi na tuluyan kong ikinakalma.
“Ayokong pumasok bukas,” sabi ko at humalukipkip.
“What? Why?”
“Gusto ko tumambay sa office mo,” sagot ko at nainis dahil alam kong makikita ko lang si French doon at kung ano ano na naman ang sasabihin.
Israel chuckled. Tumitig ako sa guwapo niyang mukha at nagustuhan ang kanyang pilyong ngisi, ang kanyang tawa, kung paano niya binasa ang pang-ibabang labi… Parang nakakaano… Nakakaturn on?
“But tomorrow is your exam?” Hinaplos niya ang aking likod.
Ay. Nadismaya agad ako. Sayang. At iyon na naman ang nagpafrustrate sa akin. Di ko maintindihan ang pinagmumulan ng galit ko at pagkakairita.
Noong dumating ang pagkain, nadistract ako roon kaso biglang may tumawag kay Israel kaya tumayo siya at sinagot iyon.
“Nagbago ang isip ng Papa mo at pinapauwi kana ata,” aniya na ikinaawang ng aking bibig.
Kinuha ko sa kanya ang aking cellphone at nabasa roon ang cryptic message ni Papa sa akin.
Papa: Go home later.
Ilang sandali lamang ay may sumunod pa na text.
Papa: I’m very disappointed Tracey Adjeanne. Let’s have some dinner later at mag-usap tayo ng masinsinan kasama si Israel and his Mom. We need to tackle something.
Kinabahan na agad ako. H-Hindi kaya ay…
Kinuha ni Israel ang aking cellphone at binasa narin iyon. Nagkasalubong ang kanyang kilay.
“About what?” tanong niya.
“Sabi ko naman sa’yo nagsumbong si French. N-Nalaman niya iyong tungkol sa past natin. I-Iyong pagkamatay ni Kuya Bram… Ewan ko kung ano ang pinagsasabi niya kay Papa…”
“Pumunta tayo, kung ganoon. Since it’s a family dinner,” si Israel.
“P-Pero paano kung…” hindi ko agad iyon nadugtungan.
“We are out of our family’s conflict, Trace,” giit niya.
Ngunit habang papunta na kami roon, hindi maalis sa isip ko ang mga posibleng mangyari.
“You okay? You look pale.” Pinisil ni Israel ang aking kamay habang nasa kotse na kami.
Tumango at hilaw na napangiti. Kung kanina ay kaya ko pang kontrolin ang kaba ko, noong dumating kami ni Israel at pumasok sa Restaurant kung saan nakita ko na kumpleto ang Chua, at naroon din ang mama ni Israel, mas ginapangan ako ng kaba.
“Buti at nandito na kayo,” si Papa na ipinagsalikop pa ang mga kamay sa lamesa nang makaupo na kami ni Israel.
“Bakit po, Papa?” tanong ko sa kanya.
“Iuurong natin ang kasal,” deritsahan niyang sabi at nilingon si Israel na umaangat na ang isang kilay.
Nagulat agad ako. Kahit si Tita Brenda ay napatingin na sa kanyang asawa. Si Kuya ay mabilis na nag-angat ng tingin kay Papa at si French lang ata ang ngumingiti, natutuwa sa nangyayari.
“Liam…” Tumawa ng hilaw si Lorraine. “B-But why… I thought we’re here to tackle their wedding?”
“Papa…” Bigo ko ng tawag sa kanya at para na akong maiiyak.
Sumandal naman si Israel sa kanyang upuan at malalim na ang tingin sa aking ama. Ang kanyang kamay ay nakahawak sa aking hita at ramdam ko kung gaano siya ngayon kaseryoso.
“Alam mo ba na pinatay ang aking panganay na lalake?” tanong ni Papa kay Tita Lorraine.
“Y-Yes… Nakwento sakin ni Brenda. But why are we going to tackle about someone’s death Liam. This is a special gathering and talking about death-”
“Hindi ba nabanggit sa’yo ng asawa mo ang ginawa niya sa panganay ko, Lorraine? We’re good friends but I won’t tolerate this!” Nahampas ni Papa ang lamesa sa sobrang galit.
Nakita ko ang pagkabigla ni Tita Lorraine. “W-What?”
“Your husband’s men killed my son!” Mas lalong naging grabe ang galit ni Papa na kahit si Tita Brenda ay hindi na umiimik.
Nagsimula ng manlabo ang aking mga mata. Alam ko naman na magiging ganito ang reaksyon ni Papa… Noon palang ito na ang kinakatakot ko.
“Walang kasal na magaganap at hindi ko hahayaang madungisan ng Buenaventura ang pamilya ko! This is insane! Bakit natin ipagkakasundo ang anak ko sa pamilya ng lalakeng nagpapatay sa anak kong lalake!” Papa spat.
“Is this true, Trace?” Naguguluhan naring tanong ni Kuya sa akin.
Wala agad akong naisagot. Nagkatinginan pa kami ni Tita Brenda at mukhang si Papa lang ang nagdesisyon nito dahil sa pananahimik niya.
“Tracey keep it to us. Nagulat nga ako bakit di niya sinabi sa atin. Pag nalaman rin ito ng Mommy niya baka sisihin pa kami noon kasi pinapakasal namin si Tracey sa lalake na naging rason ng pagkamatay ni Kuya Bram-”
“You shut up, brat,” si Israel mismo ang pumutol sa kanya na ikinagulat nito at namutla sa dilim ng mga matang iginawad ni Israel.
“No you shut up, youngman. Starting today, stay away from my daughter. Hindi ko pahihintulutang maging kapamilya ang pumatay sa panganay ko,” saka ako binalingan ni Papa. “Tumayo kana. We’re going home and this is done.” Tumayo si Papa na kahit si French ay tumayo narin. Si Tita Brenda ay ganoon na na kahit si Tita Lorraine ay nababahalang tumayo.
“Liam let’s just settle this! Brenda!” si Tita Lorraine at hinarap agad ang mag-asawa.
Nagsimula ng pumatak ang luha sa aking mga mata. Si Kuya Brennan ay hindi parin tumatayo at naninimbang ang tingin kay Israel na tahimik rin sa aking tabi ngunit ramdam ko ang kontrolado niyang galit.
“Liam…” si Tita Brenda naman at mukhang kampi kay Tita Lorraine.
“Kawawa ang mga bata. Nagmamahalan na sila,” iyong ina ni Israel at nilingon pa kami.
“This is a disappointment, Lorraine! Magdadala lang ito ng malas sa ating mga pamilya! I can’t just let my daughter marry your son! Ni hindi naawa ang iyong asawa sa aking panganay at pinapatay niya! For what? Because Bram is madly inlove with your daughter?! And how about my daughter? Ipapapatay rin ganoon ba?”
“No Liam!-”
“No, Lorraine. Walang rason para maging isa ang mga Chua at Buenaventura,” mas galit na sabi ni Papa at nilingon ako. “Trace. Stand up and let’s go home!”
Halos mapatalon ako sa gulat. Awtomatiko akong napatayo na kahit si Israel ay sinundan agad ako ng tingin. Si Kuya Brennan naman ay nalipat sa akin ang mga mata at naninimbang na.
“Papa…” Bumuhos ang aking mga luha at humikbi na.
“Sa bahay natin pag-usapan ang paglilihim mo. From now on, stay away from that man-
“Let your daughter decide,” matigas na sabi ni Israel at tiningnan ng matalim si Papa.
“This is a big mistake. Ako ang magdedesisyon kung sino ang pakakasalan ng anak ko. Tracy. Let’s go!” Mas galit na akong tinawag ni Papa.
Sunod sunod na hikbi ang aking napakawalan habang seryoso ang titig ni French sa akin.
“No… Don’t do this Trace…” Takot niyang sambit sa akin at humupa na ang galit nang tingnan ako.
Tuluyan kong kinalas ang aking kamay sa kanya at mas lalo akong naiyak. Kitang kita ko ang mabilis na pagpula ng kanyang mga mata sa aking harapan at parang nadurog sa aking ginawa. Hinawakan niya parin ang aking kamay pero tuluyan ko lang iyong nabawi.
“Don’t… I beg you… Don’t…” sambit niya sa akin sa bigong mukha.
Mas lalo akong humagulhol at naglakad patungo kay Papa.
“Patatawarin kita sa paglilihim mo pero hinding hindi kita mapapatawad kung nagpakasal ka sa lalakeng iyan, Tracey! H’wag mong lahian ng kriminal ang pamilya nating mga Chua!” si Papa nang huminto ako sa kanyang harapan.
Niyakap ko agad si Papa.
“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng ginawa niyo sa akin Papa… Nagpapasalamat po ako sa pagiging ama niyo sa akin… K-Kahit sa sandaling panahon ay naramdan ko ang pagmamahal ng isang ama. Nagpapasalamat po ako at ibinigay niyo sa akin ang apelyido niyo… P-Pero Papa… M-Mahal na mahal ko po si Israel… D-Di ko po siya kayang sukuan…” Humiwalay ako sa kanya at bigo siyang tiningnan. Kitang kita ko kung paano umagos ang kanyang mga luha.
Nilapitan ko rin si Tita Brenda sa kanyang tabi at niyakap ko ito.
“T-tita… Maraming salamat po at hinayaan niyo akong tumira sa inyo kahit na a-anak po ako sa labas ni Papa. Maraming salamat at naging ikalawa ka pong ina sa akin… Tatanawin ko po itong malaking utang na loob hanggang sa pagtanda ko…” Humiwalay rin ko sa kanya at nakita ko ang pagpupunas niya ng luha.
Si French na nasa kanyang tabi na ay nag-iwas ng tingin sa akin. Nilapitan ko siya at niyakap ko rin ito ng mahigpit.
“S-Sorry… Sorry kung nabigo kita at di ko naiparamdam sa’yo ang gusto mo. P-Pero nagpapasalamat ako at pinunan mo ang pangungulila ko sa aking kapatid. Salamat sa lahat…” Humiwalay ako sa kanya na tinakpan agad ang kanyang mukha at humagulhol na siya roon.
Ibinalik ko ang mga mata ko kay Papa.
“Alam ko malaki ang utang na loob ko sa inyo… Alam kong dapat ko iyong tumbasan pero h-hindi ko kayang sukuan si Israel…” Isinuko ko ang cellphone ko at inilagay iyon sa paanan ni Papa. Ang tanging bagay na hawak ko ngayon na pagmamay-ari nila. “A-Ayoko pong dungisan ang pamilya ng mga Chua k-kaya po… Isusuko ko na ang pagiging Chua ko. T-tama si French… H-Hindi ko deserve ang apelyido mo Papa… P-Pasensya na pero ilang beses ko ng sinukuan si Israel at gusto kong sa oras na ’to… Gusto kong siya naman ang piliin ko. Pasensya na…”
Tumalikod ako at binalikan ang lalakeng naghihintay lang sa akin. Nang makarating ako sa kanyang harapan ay niyakap niya agad ako. Masyado iyong mahigpit at mukhang ayaw na akong pakawalan.
“Fuck… You scared me… Fuck…” Nabasa ang aking leeg dahil sa pagsiksik ni Israel doon.
Alam ko… Alam ko na mas matimbang ang pamilya. Ngunit nangako si Israel sa akin na bubuo kami ng sarili naming pamilya. At matimbang iyon sa akin. At gusto kong protektahan din iyon.
Lumapit si Kuya Brennan sa amin kaya humiwalay ako kay Israel.
Niyakap ko agad ito. Hinalikan niya ako sa aking ulo at hinaplos ang aking likod. Para kong naramdaman si kuya Bram. Niyakap niya ako ng mahigpit at gustong iparating sa akin ang bagay.
“K-Kuya… P-Pasensya na kung kailangan kong isuko ang apelyido natin. Maraming salamat at pinaramdam mo sa akin ang presensya ni Kuya Bram. Samalat sa pagiging Kuya ko…”
“You deserve to be happy. If you think that this family would only burden you from getting somewhere you wanted to ease not just your mind but also your heart, then I would understand if you chose yourself…over us.”
Mas lalo lang bumuhos ang aking mga luha sa kanyang sinabi.
“Alagaan mo ang bunso namin.”
“I will,” ani Israel.
“And yes you’re right, brat. She doesn’t deserve being a Chua because my fiancee deserves being a Buenaventura.”
Chapter 62
Jealous
Iyak ako ng iyak habang pauwi na kami ni Israel at nilisan namin ang lugar na iyon. Naging tahimik sila Papa at mukhang pinoproseso parin nila sa kanilang isipan ang ginawa kong desisyon. Kahit noong dumating na kaming dalawa sa condo ay mas bumuhos lang ang aking mga luha.
“Nagsisisi ka ba sa desisyon mo?” bigong tanong ni Israel at hinawakan ang magkabila kong pisngi habang nakaupo ako rito sa dulo ng kama.
Ibinaba ko ang aking mga kamay at umiling. Pinunasan niya iyon habang sinisikap ko siyang tingnan kahit na nanlalabo na ang aking mga mata.
“They will accept us eventually… But for now, let’s just give them space to think about it.” Yumuko siya at hinagkan ang aking mata.
“Gusto kong…” Napayuko ako at hindi agad iyon natuloy.
“Anong gusto mo?” Tuluyang lumuhod si Israel para makalebel ako.
“Gusto kong bumalik sa bukid, Israel. A-Ayoko na dito…” Humikbi akong muli at bumuhos na naman ang panibagong mga luha.
“W-What? But what about your school? May exam ka pa bukas?” Hinaplos ni Israel ang aking buhok at ang isang kamay ay patuloy parin sa pagpunas ng aking mga luha.
“I-Isinuko ko na ang pagiging Chua ko. Si Papa naman a-ang nagpapaaral sa’kin…”
“I can pay for your expenses in school, Trace. Ako ang magpapaaral sa’yo,” aniya.
Agad akong umiling. Ang gusto ko ngayon ay umuwi sa amin. Nababahala ako dahil baka nagsumbong narin si French kay Mama. Ayoko nalang patagalin ito at gusto kong sa aking bibig mismo manggaling ang balita.
At hindi na ako mapipigilan ni Papa na umuwi. Gusto ko nang makita ulit si Mama.
“Gusto ko nang umuwi.” Natakpan ko ang aking mukha at umiyak lalo.
“Ayoko na dito… G-Gusto ko ng umuwi sa bukid…” hirap kong bigkas at hinahabol ko pa ang aking hininga.
“But we can’t travel right now since gabi na, Trace. Bukas nalang ng umaga-”
“Pwede…” putol ko sa kanya at nafufrustrate na naman ako dahil bakit kailangan pang ipagpabukas.
“We can’t. Let’s just leave tomorrow morning,” aniya at hinawakan na ang aking pulso.
“Pag dito lang ako… B-Baka maisipan kong umuwi kay Papa, Israel!” sigaw ko sa frustration sa nakatakip kong mukha na ikinatahimik niya.
Ilang sandali lang ay binitiwan niya na ang aking pulso at tumayo na ito.
“I’ll just pack our things.” Sigurado niyang sabi kaya ibinaba ko na ang aking mga kamay at nakita ko siyang pumasok sa walk-in.
Kaya habang nag-iimpake siya ay umiyak ulit ako sa kama. Naroon lang ako, nakaupo at tinatakpan ang aking mukha. Pupuntahan ako ni Israel at hahalikan ang aking ulo saka niya ulit ipagpapatuloy ang pag-iimpake. Tatahan ako tapos iiyak na naman ulit. Minsan naiisip ko kung ano na ang iniiyak iyak ko. Tumutulo lang bigla bigla ang aking mga luha. Konting pag-iisip ko lang ay maiiyak na agad ako.
Pinagbihis ako ni Israel ng makapal na maisusuot at may scarf din na nakapalupot sa leeg ko. Kahit gloves ay pinagsuot niya ako. Kaya balot na balot ako noong umupo na sa front seat ng kanyang kotse.
“How about your school?” tanong niyang muli sa akin. “It’s your finals. We’ll be back by Monday so you could take the exam at least. I’ll try to request a special exam for you so you won’t be able to join French in a room.”
Tahimik ko lamang siyang tiningnan. Sa tuwing naiisip ko si French, parang kinukurot ang dibdib ko.
“P-Pwede next year na ang last sem? Magtatrabaho muna ako para makapag-ipon ako ng sarili kong pera at pag-aaralin ko ang sarili ko,” sabi ko pa habang binubuhay niya na ang kanyang kotse.
“I won’t let you work, Trace. I’ll pay for your expenses. But for now… I’ll give you time to think. Baka ito rin ang nakakabuti sa’yo. I don’t want to stress you out. School can wait…”
Hindi na ako makapalag sa desisyon ni Israel. Kumakain lamang ako habang nasa byahe kami. Ayokong matulog dahil hindi naman tulog si Israel.
“Namimiss ko na ang bulaklak namin sa bahay…” sambit ko sa kanya habang nagbubukas ako ng panibagong pagkain.
“We can plant some flowers if you want,” aniya at tiningnan ang aking ginagawa.
“Talaga? Pero saan naman?” tanong ko.
“Iyong unahan sa bahay niyo. That’s my grandfather’s land. Pinamana niya sa akin,” aniya na ikinakurap ko.
“Talaga?”
“You’ll see…” saka siya ngumisi ulit ng pilyo, may pinapahiwatig na naman iyon.
Hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako nangulila ng husto sa bukid. Namimiss ko ang preskong hangin doon… ang katahimikan ng paligid, ang batis, ang malawak na lupain na matatanaw mo, ang huni ng mga ibon sa umaga, namimiss ko ang buong bukid at gusto kong doon muna ng ilang araw para naman mahimasmasan ako sa mga nagpatong patong na problema. Mas makakahinga ata ako ng maluwag doon.
Higit sa lahat, gusto kong yakapin si Mama. Na sa wakas, makakauwi na ako. Alam ko naman na pinipigilan niya na akong bumalik doon dahil gusto niya, kalimutan ko na ang Bukidnon. Ayaw din akong pabalikin ni Papa pagkatapos ng nangyari kay Kuya Bram.
Ngunit…doon ang tahanan ko. Layasan ko man iyon, babalik at babalik pa rin sa tunay na kinagisnan.
Nakaidlip ako sa front seat. Noong paggising ko ay umaga na at mukhang wala na kami sa syudad. Mga puno na ang nakikita ko sa labas ng bintana at puro narin mga bundok ang natatanaw ko.
“Morning…” Hinila ni Israel ang aking kamay para mas mapalapit ako sa kanya. Hinagkan niya ang gilid ng aking ulo at ngumiti na.
Bakas ang pagod sa kanyang mukha at nagmamaneho siya gamit lamang ang isa niyang kamay. Dapat pala sa umaga nalang kami bumyahe… Nakakaawa naman si Israel.
“Di ka nakatulog.” Sumimangot ako sa kanya at binitiwan ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
Idinampi ko sa kanyang pisngi ang aking palad saka ko hinaplos haplos ang kanyang panga.
“It’s okay. Malapit narin tayo. Ilang minuto nalang…” aniya.
“Dapat tumigil ka nalang sa gilid ng daan tapos nagpahinga ka rin.”
“Stop worrying… How’s your sleep?” Nilingon lingon niya ako.
“Okay lang naman,” sagot ko at itinuon ulit ang tingin sa bintana. Naeexcite ako sa pagbabalik sa bukid kahit na alam ko namang ilang beses na akong isinuka ng lugar na iyon paalis.
May nakita akong pinapaypayan na barbeque at umuusok pa.
“Israel… Gusto kong kumain diyan oh.” Itinuro ko ang bintana at naroon na ang tingin.
“Where?” Tiningnan niya rin ang aking tinuturo at nagkasalubong na ang kilay.
“Diyan?” tanong niya sa akin na ikinatango ko agad.
“Kumakain ka parin sa karinderya?”
“Oo naman! Purket puro na kami Restaurant ni French at Kuya Brennan kumakain parin ako ’no.” Ngumuso ako at hindi nilubayan sa bintana ng tingin ang karinderya at ang usok doon.
I’m hungry…
Ang kanyang magarang itim na kotse na Mercedes Benz S-class ay ipinarada niya na sa gilid ng daan at pinagtitinginan na ng mga taong naririto.
Naunang lumabas si Israel. Kitang kita ko ang mga matang awtomatikong namalagi sa kanya. Ang mga grupo ng babaeng nagsikuhan at nginuso ni Israel.
Tiningnan ko saglit ang aking mukha sa ibabaw ng salamin. Humalukipkip naman siya roon at tiningnan ang aking ginagawa habang nakasandal sa gilid noong kotse.
“You look like an angel eary in the morning. No need to worry about your face, Trace…” aniya nang hinalungkat ko na ang aking bag.
Bahagyang namula ang aking pisngi at nilingon ito. Umabante siya at pinatakan ako ng halik sa aking labi.
“There… just wear my kiss and you’re done. Let’s go and eat. I’m sure you’re hungry.” Kinuha niya ang aking bag at itinabi na iyon saka niya ako hinila palabas.
Kasi naman… naaasiwa ako sa mga mata nila. Inayos ko nalang ang aking buhok habang hawak hawak ni Israel ang kamay naming magkasalikop at hinihila parin ako.
“Di ba iyan ’yung anak ni Don Facundo? Iyong lalake?”
“Oo nga ’no? Siya ’yan…”
“Bumalik na pala siya?”
“Kasal na ba iyan? May babaeng kasama… Baka asawa niya?”
“Sino ’yan?”
“Tagasyudad?”
“Tagasyudad ata. Makinis oh…”
Pagkapasok sa karinderya ay nagsilingunan pa ang kumakain sa amin. Para kaming mga dayuhan na napadpad sa isang lugar. Binitiwan ni Israel ang aking kamay at inilipat iyon sa aking baywang nang tumigil kami sa harap ng mga ulam.
“Ano po yung nasa malaking kaldero?” tanong ko sa tindera na nakay Israel..
“Ah… Sinabawang baka iyon…” sagot niya at di man lang matanggal tanggal ang tingin kay Israel.
“Ah sige. At limang barbeque na rin…” sabi ko sa babaeng palingon lingon parin kay Israel.
“Ano?” tanong niya pa ulit at mukhang hindi nagets ang pinagsasabi ko.
Nakakapang-init ulo naman ang tinderang ito. Kinalabit ko ito kaya natuon sa akin ang kanyang atensyon. Ngumiti ako sa kanya.
“Uhm, di tayo magkakaintindihan kung palingon lingon ka sa fiance ko,” sabi ko sa kanya na ikinadaloy ng hiya sa kanyang mukha.
Si Israel naman ay nagkakasalubong rin ang kilay.
“Ilang cup po ng kanin?” iritado niyang tanong at padabog pang binuksan iyong malaking kaldero ng kanilang kanin.
“Uh… Tig dadalawa nalang kami,” saka ko hinawakan ang kamay ni Israel.
Si Israel naman ay gumala ang mga mata para maghanap ng mauupuan namin.
“Drinks?” tanong niya pa.
“’Yung sprite nalang, dalawa… Yun lang.” Ngumiti ako sa kanya at hinila na si Israel paalis.
Umupo kaming dalawa ni Israel.
“Dapat sa hacienda nalang tayo kumain,” aniya.
S-Sa hacienda nila ako dadalhin?
“H-Huh? Doon tayo dederitso?” tanong ko sa kanya na ikinatango niya.
“I’ll just get some things at aalis rin naman tayo.”
Aalis rin kami?
“Aalis?” Nagtataka kong tanong na ikinatango niyang muli.
Saan kami pupunta pagkatapos?
“Yes. Pero kung ayaw mong pumunta tayo roon dumeritso nalang tayo lupain,” si Israel.
Ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya.
“Pero dapat umuwi muna ako. ’Tsaka… si Mama… di niya pa alam iyong sa atin,” sabi ko.
Dumating rin naman iyong babae at inilapag iyong mga order namin. Napatingin ako roon habang si Israel naman ay hinihintay lang na matapos iyong babae para makapagsalita ulit.
Kinuha ko ang barbeque at iyon ang kinagatan.
“Are you gonna tell her about us today?” tanong niya at kinuha na ang kubyertos.
Tumango ako at tiningnan ang kinakain kong barbeque.
“Tikman mo, Israel. Ang sarap…” Itinapat ko sa kanya iyon kaya kumagat siya roon.
“Sasama ako sa bahay niyo?” tanong niyang muli habang ngumunguya.
Kumagat ako ulit. Tiningnan ko pa ang apat pang barbeque.
“Trace…” tawag ni Israel kaya napagtuunan ko siya ng pansin.
“Ah… Ayokong biglain si Mama pero pwede mo akong hintayin sa labas ng bahay?” Kumagat akong muli.
Tinitigan niya ako ng ilang sigundo. Umangat ang kanyang kamay at pinunasan lamang ang gilid ng aking pisngi dahil sa sauce na lumagpas na ata roon saka niya iyon inilagay sa kanyang bibig at kinain.
“You’ll tell her today?” tanong niya ulit.
Pero kakarating ko palang… Paano kung magalit siya bigla at paalisin rin ako ng bahay? Ipagpabukas ko nalang kaya? Gusto ko munang makipagkwentuhan kay Mama. Gusto ko siyang makumusta.
“Bukas?” di sigurado kong sagot na ikinaangat ng kanyang kilay.
“I’m going to fetch you tomorrow morning then,” sigurado niyang sabi at sumubo na ng pagkain.
Kung ano man ang magiging reaksyon ni Mama, tatanggapin ko. Ayoko nang mag-isip isip pa ng kung ano ano. Mas mabuti na iyong masabi ko sa kanya kaysa naman manggaling pa sa ibang tao at magagalit lamang siya lalo.
Ilang oras kami roon sa karinderya kakakain ko ng barbeque. Nagiging mainit na ang paligid at pinagpapawisan narin ako dala ng suot kong jacket. Tumabi na si Israel sa akin at inasikaso ang aking buhok. Tinalian niya iyon habang kumakain ako.
“Can you stop the electricfan to my fiancee? She’s sweating.” Utos niya roon sa babaeng nagbigay ng order namin.
“H’wag na Israel! Maraming kumakain…” sabi ko pa kaso ang kanyang mga mata ay naroon sa electric fan na panay ikot.
Iyong babae naman ay mabilis na sinunod ang kanyang gusto at itinapat na nga sa akin iyong electric fan.
Nagtake-out nalang si Israel ng sampo pang barbeque dahil napansin niyang nawiwili ako kakakainin. Ano kayang sauce nila? Ang sarap kasi ng pagkakatimpla.
“Thank you, Sir… Balik po ulit kayo dito ha…” Napatingin agad ako roon sa kinaroroonan ni Israel dahil sa lambing noong boses ng babae at pasimple pang hinawakan ang kamay ni Israel nang kinuha na nito ang inilalahad na sukli.
“You ate alot today. I hope you’re always like this everyday…” Ngumisi na si Israel nang nasa kotse na ulit kami.
Lumilipad pa ang isip ko at naiirita ako.
“I’ll bring some barbeques for you tomorrow morning-”
“Babalik ka pa roon?!” putol ko at nalakasan na ang aking boses.
“To buy you some barbeques-”
“Barbeques o iyong babae na sinabihan kang bumalik ka roon?” Nilingon ko siya at pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Nagtataka niya akong nilingon habang nagsisimula nang magdrive.
“Pag babalik ka bukas doon, di na ako makikipagkita sa’yo,” matigas kong sabi na ikinaguhit na ng ngiti sa kanyang labi.
“My angel is jealous?” he chuckled.
Hindi ako umimik at uminit lamang ang aking pisngi. Mas lalong tumawa si Israel at tuwang tuwa na.
“Oh damn… I want to make love to you right now. Nakakapanggigil ka.” Sinuklay niya pa ang kanyang rebeldeng buhok paatras na ikinainit lalo ng aking pisngi.
“Yung babae nalang. Magtusukan kayong dalawa ng barbeque,” inis kong sabi na ikinalingon ni Israel sa akin at pilyo na naman ang ngisi.
Hindi ko mapigilang hindi iyon lingunin. Ang kanyang kamay ay nagtungo sa aking hita at humawak doon.
“Mas gusto kong ikaw ang tinutusok ko…” pilyo niyang sabi na ikinanguso ko.
“Baka mas gusto mong siya nalang… Okay lang sa’kin,” dagdag ko pa sa nagtatampong boses.
Humalakhak si Israel at tuwang tuwa na.
“Alam mo, sa tuwing nagseselos ka ng ganyan… ang sarap mong hubaran at halik-halikan ang buo mong katawan. The more you get jealous… The more I want to spread your legs and make love to you until you realize I’m more inlove with you…”
Chapter 63
Warning: R-18
Taste
“Dito nalang siguro ako, Israel,” sabi ko habang ang aking mga mata ay tinitingnan na ang daan patungong palengke.
Naging mabagal ang kanyang pagpapatakbo kaya kinalas ko na ang aking seatbelt.
“Why here? I’m going to drive you home,” aniya nang nilingon ko ito.
“H’wag na. Mga ganitong oras nandiyan si Mama eh… Nagbebenta siya ng bulaklak,” sagot ko.
Tinitigan niya ako ng ilang sigundo. Nagiging malalim iyon at parang pinaparating sa akin na ayaw niya akong umalis. Ngumuso na ako at napangiti.
“Break muna tayo,” pagbibiro ko na ikinasalubong ng kanyang kilay.
“The fuck are you saying?” Kinalas niya rin ang kanyang seatbelt at iritado na ang mukha.
“I mean, maghiwalay muna tayo. Bukas nalang ulit…”
“Sasama ako,” sigurado niyang sabi.
“Hindi nga pwede, Israel!”
“But why not? Isn’t it more convenient if I talk to your mother?” Umangat ang kanyang kilay sa akin.
Sumimangot ako. Nakikita ko agad sa aking utak ang ekspresyon ni Mama pag nakita si Israel. Sigurado akong magliliparan ang mga kaldero, kawali, plato o kung ano ano pang pwedeng itapon ni Mama sa kanya.
“Please?” he insisted.
“Ba’t mo naman gustong sumama sa bahay?”
“To be with you,” kibit balikat niya at iyon lang ang rason.
Tumawa ako at nailing kagat kagat ang balikat.
“Bukas nalang ng umaga, Israel… Baka mabigla si Mama… At baka bigla nalang siyang magalit saakin eh di ko pa nga siya nakakamusta.”
Napabuntong siya ng hininga at tumango ng marahan.
“Sige… Bukas ko nalang kakausapin si Mama,” aniya.
“Anong? Mama?” Mas natawa ako.
Ngumuso siya at pinigilan ang kanyang ngisi.
“Mama ko narin ’yon. Since I’m going to marry you… Your mom will be my Mom too,” nangingislap ang mga mata niyang sabi.
Natawa ako na ikinaguhit na talaga ng ngisi sa kanyang mukha.
“Tatanungin ko siya bukas… ‘Ma, ilan ang gusto mong apo?’” bigkas niya roon sa baritonong boses.
Nalaglag ang aking panga at nanlalaki ang aking mga mata. Tumawa naman si Israel.
“Mababato ka talaga ni Mama!”
“Kung ikaw ang ibabato niya sige lang… sasaluin naman kita…” Umabante siya at pilyo na ang ngisi. “I’ll gladly catch you…” hanggang sa tumama na ang kanyang hininga sa aking labi dahil sa sobrang lapit.
“Di tayo magkikita ng isang araw…” sabi ko pa sa kanya.
“And?” he drawled while staring at me with an evil smirk.
“At… Baka… Mamiss mo ang halik ko?” sabi ko na ikinahalakhak niya agad.
Ang kanyang hininga ay tumama na sa aking pisngi kaya lalo akong tumitig sa labi niya.
“Look who’s addicted to my kisses?” Nanunuya ang kanyang boses at gumapang na ang kamay sa aking baywang.
Itinagilid ko ang aking ulo at muling hinagod ang aking labi sa kanyang labi. Humawak siya sa gilid ng leeg ko at mas hinalikan ako sa malalim na paraan.
“Can I just park the car outside your house?” tanong niya nang humiwalay ako para huminga.
Umiling ako at hinalikan siyang muli. Israel groaned out of frustration. Hinila niya ako at iginiya ang aking mga hita sa kanyang gitna hanggang sa tuluyan akong bumagsak sa kanyang kandungan. Umayos siya ng upo at mas idiniin ang halik sa akin.
“Why not? Di naman kita papasukin sa bahay niyo… I’m just going to wait for you until morning…” Suhestyon ng pilyong nagngangalang Israel habang hindi pinuputol ang halik.
“Please… Di ako magpapakita kay Mama. I’m not going to do anything… Sige na…”
Nakakailang tawag na ba siyang ‘Mama’ kay Mama? Itong si Israel! Advance!
Tumigil ako sa paghalik at napahawak na sa kanyang mga balikat. Ang halik naman ni Israel ay naglakbay na sa aking panga habang ang isa niyang kamay ay hinahaplos na ang likod.
“May pinaplano ka ’no?” Kumunot ang aking noo at hinanap ang mga mata niyang wala sa akin.
Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg kaya marahan akong tumingala para bigyan siya ng access doon. Nakakakiliti ang marahang pagkagat niya roon at hahalikan niya agad.
“I just want to see you… Iyon lang… I don’t mind sleeping in my car, Trace. Please…”
Wala sa sarili akong tumango.
“Sige. Sa labas ka lang ha,” sabi ko na ikinatigil niya sa paghalik at nasa akin na ulit ang mga mata.
Tumango siya at hinagkan ang gilid ng aking labi. Feeling ko talaga may balak ito eh…
Nagtungo rin ako sa bayan. Hinubad ko na iyong makapal na jacket ni Israel at nagbihis na ng komportableng top.
Napapansin ko ang mga matang napatingin agad sa akin nang makarating ako sa mismong palengke. Nagkakasalubong ang kanilang mga kilay at titig na titig sa akin.
Malayo palang ako ay nakita ko na agad si Mama sa kanyang pwesto. Nakita ko agad ang positibo niyang mukha habang naghahandang makabenta.
Si Mama…Ang nagtaguyod sa amin ni Kuya Bram sa ubod ng makakaya niya.
Noong tumigil ako sa kanyang harapan ay nag-angat agad siya ng tingin at ngumiti na.
“Ganda… Bibili ka ng bulaklak?” tanong niya at pinasadahan pa ng tingin ang mga bulaklak niya.
Nakagat ko ang aking labi at ilang sigundo lamang ay nanlabo agad ang aking mga mata.
“M-Mama…” bigkas ko na mabilis na ikinaangat ng kanyang mga mata sa akin.
Tinitigan niya ako ng husto hanggang sa nanlaki ang kanyang mga mata at napatayo na.
“T-Trace…”
Tumango ako at kusa ng nahulog ang butil ng mga luha sa akin.
“Ma…” Umiyak agad ako sa kanyang balikat. Ang kanyang amoy ay hindi parin nagbabago at katulad noong nakasanayan ko noon ay ganoon parin ngayon.
“Anak… Totoo ba ito? Nakabalik kana?” Hindi makapaniwala niyang tanong kaya mabilis akong humiwalay at humarap sa kanya.
“Opo…” Nginitian ko siya habang umaagos ang aking mga luha.
“T-Tapos na ba ang pag-aaral mo? Graduate kana?!”
Umiling agad ako. “Sem break po, mama… Pero huling semester nalang po at graduate na ako.”
Nakita ko ang malawak niyang ngiti at pinasadahan ako ng tingin.
“Ang ganda ganda mo na Trace… Di agad kita nakilala! Ang kinis kinis mo! Ang tangkad mo narin! At ang bango bango pa!”
“Syempre, Ma… Mana po ako sa’yo…” sabi ko na ikinatawa niya habang pinupunasan ang aking mga luha.
“Masaya ako at hindi ka pinabayaan ni Liam sa syudad. Natanggap ko yung mga padala mo at ang ganda ganda mo roon sa mga pictures! Akala ko nga ay artista o sikat na modelo roon! Ang gara gara rin ng pinupuntahan niyong lugar. Kahit di mo ako kasama ay masaya ako dahil alam kong nararapat ang ganoong buhay sa’yo…” aniya.
May panibagong luha ang sumalakay sa aking mga mata. Bumabalik sa aking isip kung paano siya ininsulto ni French.
Niyakap ko ulit siya at napapikit nalang ako habang umaagos ang aking mga luha. Ayoko nang mawalay sa kanya. Gusto ko ay dito muna ako… Dapat nga ay hindi na siya nagtatrabaho eh… Dapat sa bahay nalang siya.
Sinama niya agad ako sa palengke at namalengke kaming dalawa para sa lulutuin niya mamaya dahil bumalik na ako. Buti nalang at binigyan ako ng pera ni Israel kaya iyon ang ibinigay ko. Tumanggi pa si Mama pero sa huli ay tinanggap rin naman dahil sa aking pamimilit.
“Sino iyang kasama ni Tasha?”
“Ang puti puti… Ang ganda. Modelo ba ’yan?”
“Teka pamilyar siya…”
“Grabe ang ganda niya… Tagasyudad ata…”
Iyon ang mga naririnig ko sa mga nalalagpasan namin at sumusunod sa akin. Si Mama naman ay busy ang mga mata sa paggala.
“Ipagluluto kita ng chicken curry, pochero at lahat ng paborito mo,” si Mama at tumigil na roon sa may mga manok na nakahelera.
Nangingiti akong tumango. Pakiramdam ko tuloy pasko dahil sa dami ng pinamili namin. Bumili rin ako ng mga berdeng mangga lalo na’t naalala ko si Israel.
Wala pa roon ang kotse ni Israel sa labas ng aming bahay nang makauwi kami ni Mama. Siguro may pinuntahan pa iyon. Kaya tinulungan ko nalang muna si Mama sa pagluluto.
“Pumayag ang Papa mo na umuwi ka? Teka… Inaapi ka ba ng Brenda na iyon roon?!” Dumaloy agad ang galit sa kanyang mukha kaya mabilis akong umiling.
“Hindi po, Mama! Mabait si Tita Brenda at okay naman ako roon… Di naman ako inaapi,” sabi ko na ikinakalma rin ng kanyang mukha at nagpatuloy na sa ginagawa.
“Kung ganoon… Ba’t ka umuwi? Sayang naman…”
“Namiss ko po kasi rito, Ma. At kayo po,” pag-amin ko na ikinangiwi niya.
“Asus… Di kana bata para umaktong ganyan!”
“Totoo nga po!” Tumawa at at humilig sa lamesa. “Okay naman po ang syudad pero mas okay parin po talaga iyong nakalakihan mong lugar…”
Kumurap siya at tinitigan ang mukha kong nakalagay na ang mga palad sa bawat pisngi ko.
“Oh sige… Pero magtapos ka ha. Baka mapagalitan ka rin ng Papa mo…”
May biglang bumusina sa labas kaya napatayo agad ako. Si Mama ay takang taka ring napatingin sa may bintana namin habang ako ay naglalakad na patungo roon para masilip ito.
“Oh? Sino iyan?” tanong ni Mama at nasa aking likod narin.
Nakita ko sa labas ng bintana ng tinted na itim na kotse ni Israel at pinapark niya na nga. Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Iyong pakakasalan ko po, Mama…
“Sino iyan Trace?” tanong ulit ni Mama na nagpatalon na sa akin sa gulat.
“Ah… Ano po…” Pabalik balik ang tingin ko sa kotse at kay Mama.
“Iyan ba ang naghatid sayo rito sa bukid? Isa sa tauhan ng Papa mo? Eh may naghahatid rin ditong sulat mo eh… Tauhan daw siya ng Papa mo…” sabi niya kaya tumango agad ako.
“Opo, Mama!”
“Oh… May pa driver pa pala ang Papa mo sa’yo.” Ngumisi na siya at bumalik sa kanyang ginagawa.
Nanatili naman ako sa may bintana at nasa kotse lang ang tingin. Kumaway pa ako kaya bumusina ito. Ngumuso ako at natawa sa aking pinaggagawa.
“Ba’t di mo papasukin rito? Pagmeryendahin mo ang driver mo, Trace…” si Mama.
“Ah… Mamaya po, Mama. Hahatdan ko nalang po siya…”
“Huh? Bakit naman? Nako… Ang mga tagasyudad talaga maaarte. Kasya naman siguro iyan sa ating bahay.”
“Oo nga, Mama. Maaarte po talaga ang mga tagasyudad. Iyong kapatid ko ngang si French ang arte rin po…” kwento ko pa.
Namaywang si Mama sa harap ng stove at may hawak ng malaking wooden spoon.
“Iyong magandang kasama mo palagi sa picture… Mukhang mataray, Trace. Buti at magkasundo kayo.”
“Mabait naman po iyon, Mama…” sabi ko at naging malungkot na ang aking ngiti.
Di parin ako nawawalan ng pag-asa na dadating ang araw at magkakaayos kami ni French… Kapatid parin ang turing ko sa kanya…
“Iyong isa mo pang kapatid na lalake ang supla-suplado!” Nilingon niya ako. “Medyo hawig sila ni Bram, Trace. Napansin mo?”
Tumango agad ako kay Mama.
“Opo, Ma. Lalo na pag nagsusungit. Si Kuya Brennan kasi singkit na singkit talaga dahil pure Chinese kaya mas supladong tingnan.”
Ibinalik ni Mama ang tingin doon sa harap.
“Ang guwapo nga noon. May girlfriend na iyon, Trace?”
“May asawa na nga Mama. Uso po kasi sa mga Chinese ang fix marriage, Ma…”
“Oh? Buti at di ka ipinagkasundo ng Papa mo. Mahirap iyang ganyan lalo na’t di mo naman mahal…”
Hindi agad ako nakasagot doon.
“Eh ikaw, may boyfriend kana rin siguro?” Nilingon ako ni Mama at kakaiba na ang kanyang ngisi.
“22 kana, Trace. Normal na sa edad mo ang ganyang bagay.”
Namula agad ang aking pisngi.
“Hindi kita pinapayagan noon dahil bata ka pa. Pero ngayon malaki kana naman. Kaya mo na ang magboyfriend.”
Tumayo ako at nagtungo ulit doon sa bintana. Humilig ako roon at tinitigan ang sasakyan ni Israel. Payag na si Mama pero paano kung nalaman niyang si Israel pala ang gusto kong pakasalan? Papayag ba siya?
“Magtapos kana Trace nang makaalis na tayo rito. Ayoko ng mabuhay sa isang lugar na malapit sa mga demonyong Buenaventura,” aniya at galit na agad ang boses.
Iyon ang nagpakaba sa akin. Alam ko kung meron mang mas galit sa mga Buenaventura, si Mama iyon.
“Kailan natin sila patatawarin, Mama?”
“Bakit mo papatawarin ang mga taong hindi nga humihingi ng patawad sa atin? Ang dapat sa kanila masunog sa impyerno!” galit na sabi ni Mama.
“Pwede namang tayo nalang ang magpatawad kung di nila kayang gawin iyon, Ma…”
“Haynako hindi! Anak ko iyon at ganoon nalang nila pinatay! Dinala ko siya ng siyam na buwan sa aking sinapupunan, inere ko kahit sobrang sakit at pinalaki ko ng maayos tapos bigla nilang papatayin? Kung hindi lang talaga labag sa mata ng Diyos ang pumatay ay sumugod na ako sa bahay ng mga Buenaventura at ginitilan rin ng leeg iyang si Facundo.”
Naiintindihan ko ang galit ni Mama. Lalo na’t masakit ang pagkawala ni Kuya. Hindi na nila maibabalik ang buhay niya.
Noong matapos sa pagluluto si Mama ay hinandaan ko agad si Israel. Titig na titig naman si Mama sa aking ginagawa lalo na’t maayos pa ang pagkakaplating ko sa pagkain.
“Dalhan mo narin ng juice, Trace. O tulungan nalang kita…” Akmang tatayo na si Mama kaya mabilis ko siyang pinigilan.
“H’wag na, Mama! Ako na po.” Mabilis akong nagsali ng juice sa baso at inangat narin ang isang plato, sa kabila naman ay iyong juice.
Maingat akong naglakad palabas ng bahay. Nagtungo ako roon sa may driver’s seat na awtomatiko ring binuksan ni Israel at kinuha ang plato.
“Ubusin mo ha,” sabi ko pa at inilahad rin ang baso.
Tumango siya at pilyong ngumisi.
“You want to come in?” Sinenyasan niya ako gamit ang kanyang ulo.
Nilingon ko ang bahay at ibinalik kay Israel na inilalagay na ang baso sa gilid niya at ang plato naman ay nasa kandungan na.
“H’wag na. Sasabay ako kay Mama…”
Tumango rin naman siya at nagawa pa akong patakan ng halik.
“Stay often on the window, Trace. I want to watch you there…”
Ngumuso nalang ako at isinara narin iyong pinto. Humihilig ako minsan sa may bintana at nagpapasikat kay Israel. Total sabi niya rin naman… Kahit di ko siya nakikita ay nakikita ko naman ang mukha niya sa aking isipan.
“Oh… Lalabas ka?” tanong niya nang makitang nagbihis ako at medyo maayos tingnan sa gabing iyon.
“Ah… Opo, Mama… M-Magpapahangin lang po ako…”
“Hay. Pagpasensyahan mo na ang bahay natin Trace. Alam ko namang nasanay kana sa aircon…” aniya at dismayado na ang mukha.
Tumawa ako at umiling.
“Okay lang po, Mama. Sanay rin naman po ako sa ganito noon eh…”
“O sige… Sa labas ka lang. Pero pumasok ka agad ha. Gabi na at baka mapano ka diyan…”
“Opo Mama… Matulog na po kayo.” Hinalikan ko ang kanyang pisngi at nagmamadali rin akong lumabas.
Agad akong lumabas at pumasok sa kotse ni Israel. Paglingon ko kay Israel ay hinalikan niya agad ako. Natatawa kong iniyapos ang aking mga kamay sa kanyang leeg at nakipaghalikan sa kanya.
“Can I sneak into your room tonight?” tanong niya noong humiwalay na siya.
“Hindi pwede… Maagang gumigising si Mama at baka marinig niya tayo sa kuwarto ko Israel…” Nafufrustrate kong paliwanag. “At maliit rin ang kama ko… Maliit ang kuwarto ko… ’T-Tsaka baka umabot ang boses ko sa kuwarto niya eh hindi pa naman gawa sa concrete ang pader… Dito nalang…” Suhestyon ko.
Umangat ang kanyang kilay at iba na ang tingin sa akin. Ang kanyang labi ay kumukurba na at pilyo na ang ngiti.
“So… You’re thinking I’m going to make you scream tonight?” Nanunuya niyang tanong at iba na ang titig idagdag pa ang ngisi na mas pilyo na.
“H-Huh…” Namula ang aking pisngi.
“You’re addicted to my kisses and now you’re addicted to my touch… My innocent angel is getting wild huh?”
“E-Eh iyon naman talaga ang hilig mo… K-Kaya akala ko…” Nag-iwas ako ng tingin at mas uminit lamang ang aking mukha.
Israel chuckled sexily. Lumunok ako at ipinadulas niya ang kamay niya sa gilid ng hita ko. At nakakahiya na sabik na sabik ako sa kamay niya. Sabik na sabik ako sa haplos niya.
“You’re wet,” gulat at namamangha niyang sabi nang makarating na ang kanyang kamay sa aking gitna at ramdam ko na siya sa aking panty.
Namumungay ko siyang tiningnan.
“This is how you badly want it, Trace? You’re already wet…” May galak niyang sabi nang isandal ko ang aking noo ko sa kanyang balikat.
Di ko alam Israel… Di ko alam kung ba’t sabik na sabik ako sa’yo.
Yumuko siya at hinagod ng halik ang aking labi sa malalim na paraan habang sunod sunod ang haplos niya roon. Humahalinghing ako at gumagalaw na rin ang aking balakang habang sobrang init ng aking katawan.
“Did you purposely wear this accessible dress for me to touch you easily? You didn’t even wear a short, Trace!” Aniya at humalakhak sa aking tenga.
Nangangatog na ako. Ramdam ko kung gaano ako ka handa roon at naririnig ko rin ang tunog ng paulit-ulit niyang haplos.
“Masarap palang magluto si Mama…” bigla niyang sabi kaya dumilat ako at tiningnan ang kanyang panga.
“Masarap nga…” tangi kong sagot sa mahinang boses at dalang dala na sa kanyang ginagawa.
Humagalpak si Israel.
“Paborito mo?” tanong niya at yumuko pa para silipin ang aking mukha.
Tumango ako at namula habang naliliyo ako sa galaw ng kanyang dalawang daliri.
Yumuko si Israel at hinalikan ang aking leeg. Mas lalo lang grumabi ang sensasyon at nasunog na ako sa init ng kanyang halik, sa kanyang pamimisil sa aking dibdib, at sa hagod ng kanyang mga daliri sa aking gitna.
Nang lumuhod siya at ipinarte ang aking mga hita, alam ko na agad ang balak niya.
“Your mother is really the best cook, and you are my favorite taste out of those she makes…” he chuckled tauntingly and buried his face between my legs.
Chapter 64
Beginning
Umagang-umaga, takang taka si Mama kung anong nangyari sa suot ko lalo na’t wala sa sarili akong lumabas at nasira pala ang zipper sa likod! Mabilis akong nagbihis at muli siyang sinaluhan sa pagkain lalo na’t sa dami ng niluto niya kahapon, iyon ang ininit niya ngayon.
“Iyong driver mo… umalis na?” tanong ni Mama na ikinatango ko.
“Opo…”
“Anong oras kanang pumasok sa bahay kagabi? Saan ka nagpahangin?” Nagtatakang tanong ni Mama na ikinabagal ng aking pagsubo.
“U-Uh… Sa likod po ng bahay…”
“Sa likod?” Nabitiwan ni Mama ang kanyang kubyertos.
Tumango ako at mas lalo lang kinabahan dahil sa naging reaksyon niya.
“Paanong sa likod eh marami ng damo roon? Medyo magubat na dahil wala narin iyong mga bulaklak,” aniya na ikinagulat ko.
Wala ng mga bulaklak sa likod?! Dapat pala sinabi ko nalang sa harap ng bahay!
“I mean hindi naman sa likod mismo, Ma… Gumala lang ako sa paligid ng bahay, M-Ma…” Nag-iwas ako ng tingin kay Mama at sumubo.
May sasabihin pa sana ito nang tumunog ang busina sa labas na nagpatalon sa akin sa gulat. Nandito na ulit si Israel. Uminom ako ng tubig para ikalma ang sarili kahit ramdam ko ang pananabik. Si Mama naman ay sumubo pero nililingon parin ako.
“Matanong nga kita…” Naging seryoso ang boses ni Mama kaya napatingin narin ako sa kanya ng buo.
“May relasyon ba kayo ng driver mo?” takang taka niyang tanong at gumuhit na ang pandidiri sa kanyang mukha.
“P-Po?!” Nagulat ako. I mean… Si Israel naman ang tinutukoy niya pero nakakagulat parin.
“Bakit niya kailangang tumambay sa labas ng bahay? At narinig ko ang kotse niya kagabi… Doon lang siya umalis noong pumasok na siya sa kuwarto. Malakas ang kutob ko… May relasyon kayo,” si Mama na tila siguradong sigurado siya.
“Hindi naman sa nilalait ko ang taste mo sa lalake pero driver talaga, Trace? Edi sana dito ka nalang sa Bukidnon naghanap ng lalake eh marami namang driver din diyan!”
Tagarito rin naman iyon, mama…
“Mama…” tawag ko na ikinatingin niya sa akin.
“Ano? Sasabihin mo sa aking mahal na mahal mo at hindi importante ang estado sa buhay?” matabang niyang sabi kaya tumango ako ng marahan.
Uminom ulit siya ng tubig at naging seryoso na ang mukha.
“Sige, papasukin mo rito at kakausapin ko. Baka gago iyan at lolokohin ka. Ipakilala mo sa akin…” aniya.
Iginala ko ang tingin. Baka kasi pag nakita niya si Israel…isa-isahin niya ang mga kutsilyo namin at iyon ang itatapon sa kanya.
“Sige na. Papasukin mo. Hindi ako magagalit. Kikilalanin ko lang…” sabi niya sa kalmadong boses.
Hindi ka magagalit kasi di mo naman alam na si Israel…
Tumango ako kay Mama at tumayo na para puntahan si Israel. Agad kong sinabi sa kanya na gusto siyang makausap ni mama.
“Magagalit siya, Israel… Sigurado ako roon. Galit parin siya sa pamilya niyo…”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at pinatay ang kanyang kotse. Kinuha niya ang susi roon saka niya ibinulsa at isinara ang pinto.
“I’ll talk to her,” aniya at inilagay ang kamay sa aking baywang.
Kung ano man ang magiging desisyon ni Mama rerespetuhin ko, tatanggapin ko. Haharapin ko ang kanyang galit. Kasama ko si Israel… Handa akong tanggapin ang lahat ng galit na itatapon niya sa akin.
Pagkapasok namin sa pinto ay lumingon agad si mama. Tumigil ako kaya tumigil rin si Israel. Mabilis ang pagdaan ng galit sa mukha ni mama.
“Anong ginagawa niyan rito, Trace?!” Itinuro niya si Israel at sumiklab na. “Lumayas ka sa bahay ko!”
“Ma! S-Siya po ang m-mahal ko.” Pag-amin ko na ikinalaglag ng panga ni Mama.
“Ano?” matigas niyang tanong at tumalim na ang tingin sa akin.
“Ma… Si Israel po… M-Mahal ko po si Israel, ma.” Nakita ko si Mama na humakbang papalapit sa amin. “Fiance ko po siya-” Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay umangat na ng mabilis ang isang palad ni Mama at akmang sasampalin ako pero mabilis iyong nasalo ni Israel.
Nagkatinginan sila ni Mama.
At dahil hawak ni Israel ang isang kamay ni Mama ay walang hesitasyong inangat ni Mama ang isa niyang palad at mabilis na isinampal iyon kay Israel.
Nagulat agad ako. Umawang lamang ng kaonti ang bibig ni Israel at tumagilid ang kanyang ulo pero nanatiling blangko ang ekspresyon nito.
“Walanghiya ka! Pagkatapos niyong patayin ang aking isang anak ay si Tracey naman ang lalapit-lapitan niyo! Hindi pa ba sapat ang isa kong anak?!”
“Ma-”
“Tumamihik ka Trace!” Tinuro ako ni Mama nang tingnan niya ako. “Hindi mo na ginalang ang pagkamatay ni Bram! Ang pamilya nila ang pumatay sa kuya mo! Ano bang pumasok sa kokote mo at kusa mong itinulak ang sarili mo sa apoy! Sa mga demonyong iyan!” Nilingon niya si Israel na tahimik lamang sa aking gilid.
“Ma… Sinikap ko naman pong p-pigilan… Dahil alam kong hindi pwede… A-Alam kong hindi mo pahihintulutan… P-Pero Ma… Katulad po ni Kuya Bram ay hirap na hirap rin po akong kimkimkimin ang nararamdaman ko… Ang hirap pong pigilan…” Bumuhos ang aking mga luha.
Alam ng Diyos kung gaano ko sinikap na pigilang mahulog ulit kay Israel dahil sa dilubyo ng aming pamilya. Ngunit…ang hirap.
Bumitaw si Israel sa aking beywang. Sinilip ko siya at nakita ko ang kanyang pagluhod sa aking ina. Bumuntong siya ng hininga roon at inilagay ang mga kamay sa kanyang hita. Tiningala niya ang aking ina na nagulat at nanigas na sa kanyang kinatatayuan.
“Israel…” tawag ko ngunit mukhang desperado siya.
“I know my father caused a war between our family. Inaako ko ang galit niyo at inaako ko ang kasalanang nagawa ng aking ama. Gusto kong ako mismo ang humingi ng tawad. Alam kong hindi ko na maibabalik ang inyong panganay sa pamamagitan nito pero ang maipapangako ko lang sa harap niyo ay ang kaligtasan ng bunso niyong anak sa kamay ko. She’s my world… I want to marry her and I want to have a family with her. Mahal na mahal ko ang anak niyo at wala akong hangad…” malumanay na sabi niya at ramdam mo ang sinseredad sa kanyang salita.
Nakita ko ang pamumula ng mga mata ni mama.
“Maraming pagkakamali ang pamilya ko sa pamilya niyo at hindi sapat ang natitirang mga taon para makabawi ako. Ngunit habangbuhay ko iyong pagtatrabahuan. Habangbuhay kong…sisikapin na hinding hindi na mauulit ang nakaraan. Handa kong ibigay ang hustisyang nararapat sa pagkamatay ng anak niyo…at handa kong hintayin na…matanggap niyo ako sa anak niyo.”
Tumingin si mama sa akin. Naghahalo ang galit at sakit sa kanya. Alam kong masakit ito na ang pamilyang naging rason sa pagkamatay ni kuya Bram ay ang minahal ko.
“Wala siyang kasalanan, ma…” hikbi ko.
Nailing siya, tiningnan si Israel na nakaluhod pa rin saka siya tumalikod at naglakad patungo sa kuwarto. Mabilis kong pinatayo si Israel.
“B-Bigyan muna natin ng oras si mama. Alam ko…m-masakit ito sa kanya…”
Tumango si Israel, namumungay ang mga mata sa akin.
Mama… Hihintayin ko ang araw na unti-unti mong mabitiwan ang sakit na dulot ng nakaraan. Kung hindi mo matatanggap si Israel, maiintindihan ko, mama… Ngunit patawad dahil hindi ko kayang tumalikod sa kanya. Patawad kung…nabigo ko kayo.
Mahal ko si Kuya Bram at galit na galit pa rin ako hanggang ngayon dahil pinatay siya sa isang rason na hindi niya kontrolado at ayaw niyang mangyari. Ngunit hindi iyon ginusto ni Israel. Katulad ng sinabi niya, hindi niya kayang pigilan ang galit ng kanyang ama. Katulad ng galit mo sa mga Buenaventura…
Binigyan namin ng oras si Mama na makapag-isip isip pansamantala. Nasa kotse niya na ako at mabigat ang aking loob ngunit magaan na dahil…nasabi ko sa kanya ito.
“You look pale again. You need to see a doctor, Trace.” Bumagal ang pagpapatakbo ni Israel hanggang sa unti-unti niya na iyong inililiko.
Hinawakan ko ang aking noo at umiling.
“Masakit lang ang ulo ko. Siguro kakaiyak ko ito…”
“So you’re feeling sick? And you didn’t tell me earlier. We’ll see a doctor.” Tuluyang nailiko ni Israel ang kanyang kotse at mabilis na iyong pinatakbo.
Hindi ko napigilan si Israel nang magtungo kami sa family doctor nila.
“Sir Buenaventura.” May sumalubong sa kanya na doktor.
“Can you check my fiancee? She’s pale…” aniya at bakas sa mukha ang pag-aalala.
Tumango naman agad ang doktora at pinapasok agad ako sa loob ng room. Naiwan naman si Israel sa labas.
“These past few days may masakit ba sa’yo?” tanong niya habang may sinusulat siya roon sa kanyang notes.
“Uh… Masakit po ang balakang ko. At ang ulo ko po,” sagot ko.
“Hmm.. Nahihilo ka ba minsan?” tanong niya pa na ikinatango ko. Ilang araw narin akong nahihilo.
“Getting emotional at small things? Mood swings?”
Tumango akong muli dahil…kahit maliit na bagay, iniiyakan ko yata.
“How about your sex drive? Madalas ka bang…” Hindi niya natuloy ang kanyang dapat sabihin at nakipagtitigan sa akin, na nagegets ko na ang balak niyang sabihin.
Uminit ang aking pisngi.
“O-Opo…” Pag-amin ko at mariin ng napapikit dahil sa kahihiyan.
“Oh that’s normal. “ Marahan siyang tumawa kaya dumilat ako.
“Just avoid getting stress, hija. Eat healthy foods with fiber and all you need is a bed rest. Reresetahan nalang rin kita ng vitamins…”
“Sige po. Uh? Ano pong sakit ko?” tanong ko sa kanya.
“You’re not sick. Your symptoms are normal since you’re pregnant,” aniya at nginitian na ako. “Congratulations. You’re having a baby Mrs. Buenaventura.”
Namilog ang mga mata ko. B-Buntis ako?
“P-Pero di naman po ako nagsusuka,” sabi ko pa na ikinatayo niya.
“Well… You’re 2 weeks pregnant at normal lang na hindi ka pa masyadong nasusuka. Later on, mararanasan mo rin ang bagay na iyon… Magsusuka ka, magkakacravings, may aayawang amoy, morning sickness and so on,” paglilinaw niya.
Oh God… Ngayon ko lang naalala na delayed na pala ako.
May baby na kami…
Lumabas ang doktor at nagpaalam na kakausapin lamang si Israel.
“She’s pregnant?!” Boses na iyon ni Israel sa labas. Ang kanyang boses ay parang bombang sumabog sa buong lugar kaya ganoon iyon kalakas.
Ilang sandali lang, pumasok agad si Israel at mabilis akong nilapitan.
“God… You’re pregnant.” Naisandal niya ang kanyang noo sa akin at hindi na mabura bura ang ngiti sa kanyang labi.
“Fuck… I’m going to be a father. My innocent angel is pregnant!” he whispered with so much excitement.
Tumawa ako at lumandas agad ang luha sa aking mga mata.
“Wala ka pa bang cravings? That’s the reason why you ate alot! Gusto mo ng barbeque? Tell me, Trace,” naeexcite niyang tanong.
“Wala naman akong naiisip na gustong kainin eh…”
“Wala? But you need to eat. I need to feed you and our child… Di naman pwedeng wala.” Nagkasalubong pa ang kanyang kilay pero nanatiling kalmado ang mukha.
“Wala eh… 2 weeks pa naman Israel… Di pa nga ako nagsusuka eh. Wala pang hinihingi yung baby sa loob,” sabi ko pa.
Nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi at mas lumawak lamang ang kanyang ngisi. Itong araw na ito ang pinaka may matagal record holder ng pagngisi niya. Kanina pa siya ganyan!
“Nagbunga rin ang paghihirap ko. Ang mga pawis na nailabas at mga-”
“Israel!” Namula agad ako dahil alam ko kung saan na patungo ang mga salita niyang ganyan.
Pagkatapos namin doon, dinala niya agad ako sa pamilyar na lupain. Ang malawak noon na lupain na sinabi niyang pagmamay-ari nila ay may malaki nang bahay.
Namilog ang mga mata ko. Nakita ko ang bahay nila rito ngunit…malayo ito sa bahay nila. Malawak ito at malaki! Kulay puti iyon at talagang masasabi mo na ang naninirahan ay may kaya.
Nilingon ko ito at pilyo na ang ngisi.
“Welcome to our home,” aniya saka huminto ang pag-andar ng kotse at binuksan ang pinto.
Our home? Bahay namin? Huh?! May bahay na kami?! Pinatayo niya?!
Nabura rin ang aking mga katanungan nang binuksan niya na ang front seat at inalalayan agad ako sa pagbaba.
“Careful,” sabi niya habang hawak ang aking kamay at nasa aking paa ang kanyang tingin, walang pinapalampas sa aking galaw.
Umapak rin naman sa sahig ang dalawa kong mga paa. Namangha agad ako sa harap ng bahay dahil sa fishpond na naroroon at may malaking statwa pa sa gitna at may hawak itong jar kung saan umaagos ang tubig. Pinapalibutan pa ang bawat gilid noon ng mga bulaklak at hindi lang iyon, sa bawat gilid ay may mga bulaklak rin!
“Sa’yo ’to?!” Nagulat na talaga ako lalo na at wala naman siyang nababanggit sa akin.
“Hindi sa akin, sa atin…” Pagtatama niya at iginiya na ako papasok.
Bumungad sa akin ang bulwagan ng malaking bahay. Kuminang agad ang aking mga mata nang makita ko na ang loob at napakalaking chandelier sa itaas. Gawa sa marmol ang sahig at pag tatakbo ako ay mabubuwal ata ako. Ang living room ay may pagkatradisyunal ang interior design at may carpet pa na kulay beige kung nasaan rin ang puting malalaking sofa at may parisukat na mesa pa sa gitna noon. May fireplace pa sa harap noon at at sa bawat gilid nito ay nagsilbing parang shelf dahil may mga librong nakalagay roon.
“Nagustuhan mo ba?” tanong niya sa akin at nakabulsa na ang isang kamay habang dinudungaw ang aking ekspresyon.
Tumango tango ako. Iginiya niya agad ako sa itaas para makita namin ang mga kuwarto.
“Pero masyadong malaki ang bahay na ’to, Israel… Mansyon na ito,” sabi ko pa nang makapasok kami sa kuwarto at di ko parin mapigilang mamangha.
Niyakap niya ako galing sa likod at isinandal ang kanyang baba sa aking balikat.
“This is enough for us, for our baby, for our family, Trace… Pupunuin natin ang bahay na ito ng mga masasayang alaala hanggang tumanda tayong dalawa. This is just a beginning for the both of us… Magsisimula ulit tayong dalawa. Iyong wala nang hadlang at walang pumapagitna. Simula sa araw na ’to, ang tanging papagitna lang sa atin ay ang malaki mong tiyan at wala nang iba pa.”
Chapter 65
Habangbuhay
“Where are you going?” tanong ni Israel kinaumagahan nang magising ako at nag-ambang bumangon.
Bahagya ko siyang nilingon. Nakapikit parin ito at buhaghag ang buhok.
“Bubuksan ko ang bintana?”
“Later… Let’s just cuddle,” aniya.
“Umaga na, Israel,” sabi ko.
“Hmm, don’t stand-up. You might slipped and you’re going to hurt yourself… our baby.”
“Ano?” Natatawa kong hinanap ang kanyang mga mata kahit na alam kong nakapikit parin siya.
Pinihit niya ako paharap hanggang nasiksik ako sa kanyang leeg. Amoy na amoy ko ang kanyang natural na pabango sa umaga.
“You’re fragile. You might break yourself anytime…”
Tumawa ako at itinulak siya ng marahan para makita ang kanyang mukha.
“Eh bakit nag-ano tayo?” biglaan kong tanong dahil sa nangyari kagabi.
Dahan dahan siyang dumilat hanggang sa magkatitigan kami.
“I was extra careful last night and the doctor said it’s okay to do it.”
Namula ako sa kanyang sinabi.
“What do you want for breakfast? Wala ka parin bang gustong kainin? How about our baby?”
Bahagya siyang umahon hanggang sa tuluyan siyang bumaba at lumebel na sa aking tiyan. Naexpose na ang aking dibdib at kalahati nalang ng aking katawan ang natatakpan noong kumot.
“Israel,” saway ko sa kanya roon pero inilebel niya lang ang kanyang mukha sa aking tiyan at pinaulanan niya na ng maliliit na halik.
“What do you want to eat?” tanong niya roon sa aking tiyan at itinapat niya pa ang kanyang tenga. Natawa ako sa kanya.
“Hindi pa siya sasagot ’no…”
Ngumisi siya roon at hinaplos na ang aking tiyan.
“Be good there, okay? H’wag mo masyadong pahirapan si Mommy sa pagbubuntis.” Hinalikan niya ulit ito na ikinangiti ko na.
Bumaba rin naman kaming dalawa para makakain raw agad ako ng aking agahan.
Malawak ang lupain sa labas. May napapansin rin kasi akong mga tauhan doon at mukhang may pinagkakaabalahan. Maraming pananim ang kanilang lupa at sa likod pa ay mga puno ng mangga na pinagnanasaan ko ring sungkitin.
“Dalhan natin ng mangga si Mama, Israel,” sabi ko sa kanya nang nagpasya kaming lumabas dalawa. Gusto kong maglakad lakad sa lupain.
“Sige. Bibisitahin mo si Mama ngayon?” tanong niya sa akin at nasa nilalakaran ko ang kanyang tingin.
Tumango ako kaya pagkatapos kumain, dumeritso agad kami sa puno ng mga mangga para makakuha kami ng pwedeng dalhin kay mama na galing mismo sa puno.
Inilagay namin iyon sa basket ni Israel at nagtungo rin kami sa bahay. Nadatnan namin si Mama sa may pinto na may hawak na itak kaya kinabahan agad ako.
“M-Ma,” tawag ko sa kanya na ikinatigil niya roon at binalot agad ng inis ang mukha.
“Oh? Ba’t ka pa bumalik dito? ’Di ba ay pinili mo na iyan?” matabang niyang tanong at nagsimula ring maglakad.
Nagkatinginan kami ni Israel. Ibinalik ko kaagad ang tingin sa aking ina at sinundan ito. Naroon na siya sa likod, nadatnan ko itong iniitak iyong mahahabang damo roon.
“M-Ma,” tawag ko ulit at napisil na ang aking mga kamay.
Hindi siya umimik at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
“Ma…” tawag kong muli.
“Ano?” iritado niyang sagot at mukhang nakukulitan na sa akin.
“Galit parin po ba kayo?” Malungkot kong tanong.
Hindi siya sumagot at marahas na pinag-iitak iyong nadadaanan niya. Ilang sandali lamang ay si Israel naman ang nagtungo rito at nagawa pang lumapit sa aking ina. Ako ang natatakot sa ginagawa niya dahil baka sapian ng demonyo si Mama at bigla siyang itakin!
“Ako na, Ma,” si Israel na nagawa pang ilahad ang kanyang kamay kay Mama.
Natigil si Mama sa kanyang ginagawa at nilingon ang kamay ni Israel.
Nagwalk-out si Mama pagkatapos niya iyong ibigay kay Israel. Sinundan ko siya habang pinagpatuloy ni Israel ang ginagawa ni Mama.
“Babalatan po kita ng mangga,” sabi ko at mabilis na nagtungo sa harap ng sink nang madatnan itong nakatingin sa mga mangga naming dala.
Umupo naman si Mama roon at humalukipkip pa.
“Mukhang ang saya mo sa kanya ah?” matabang na sambit ni Mama.
“Mabait naman po si Israel, Mama…”
“Tsss… Inlove ka lang,” sagot niya pa.
Ngumuso ako at itinuon ang aking mga mata sa aking binabalatang mangga.
“Alam mo po, Mama… Nagtayo po ng malaking bahay si Israel doon sa dulo ng lupain. Maganda po ’yung bahay. May mga katulong rin po. May mga punong mangga… bulaklak, at para po iyong mansyon,” pagkukwento ko sa kanya.
“Oo alam ko ’yan. Kalat sa bayan ang balitang may ipinatayo siyang mansyon doon,” sagot niya pero di parin nawawala ang inis sa tono ng pananalita.
“Ma… Maganda naman po ang hangarin ni Israel. Iba naman po iyong kay Kuya Bram at Ate Rici. Iba rin po sa amin ni Israel. At ni minsan po Mama, di po ako sinaktan ni Israel. Ako palagi itong nasasaktan siya. Ako palagi ang bumibitaw. Ilang beses ko po siyang tinaboy at sinukuan. Sa harap ko po, nakita ko kung gaano siya kahina pagdating sa akin at kung paano siya umiyak. Karapat dapat pong ipaglaban ang mga ganoong lalake, Mama…”
Hindi na sumagot si Mama at tahimik lamang na nakaupo roon. Bumuntong ako ng hininga at pagod nalang na napangiti. Konti nalang Israel…
Hindi na ako nagsalita pa lalo na’t medyo nakakaramdam narin ako ng pagkahilo. Tumigil ako sa pagbabalat at nahipo ang aking ulo. Sakto namang pumasok si Israel, medyo pawisan na at nasa akin agad ang mga mata.
Nilingon siya ni Mama. Inilapag ni Israel ang itak sa gilid at mabilis akong dinaluhan.
“Ako na. Just sit.” Inagaw niya agad sa akin iyong kutsilyo saka niya hinugasan ang kanyang mga kamay.
“Tulungan nalang kita,” sabi ko pa pero iba na ang kanyang tingin sa akin.
“Stop moving around like you’re not pregnant, Trace. What if you hurt yourself with this knife?” inis niyang sabi.
Mabilis na napalingon si Mama sa amin. Doon ko napagtanto ang sinabi ni Israel lalo na’t dumirekta na ang kanyang mga mata sa aking tiyan.
“Buntis ka?” tanong ni Mama na ikinalunok ko ng laway.
Marahan akong tumango.
“Umupo ka rito,” biglang sabi ni Mama.
Agad kong sinunod ang sinabi ni mama at umupo roon sa dekahoy naming upuan.
“Ilang araw na?” tanong ni Mama sa magkakasalubong na kilay at matigas na boses.
“2 weeks na po, M-Ma,” sagot ko.
“Paano ang pag-aaral mo? At bakit hindi mo sinabi agad sa akin?”
Napatingin agad ako sa likod ni Israel. Nilingon niya rin ako.
“I-Isang sem nalang naman, Mama… Pwede ko po iyong habulin agad p-pagkatapos ko pong manganak…”
“Maselan ang pagbubuntis, Trace. Papasok ka sa school habang buntis ka?”
“Pwede niyang tapusin ang last semester niya sa homeschooled nalang, ma,” si Israel na matalim agad na tiningnan ni Mama.
“O-O kahit pagkatapos kong manganak…” agap ko.
“At sinong magbabantay sa bata habang nag-aaral ka?” patuloy na tanong ni Mama.
“Ako, ma,” si Israel.
“Wala kang trabaho?” Iritadong nilingon ni Mama si Israel sa kanyang likod.
“I have, Ma. Maybe I’ll just take some leave and-”
“Ako na ang mag-aalaga sa apo ko,” suhestyon ni Mama sa boses niyang pagalit parin.
Napakurap ako. Nagkatinginan pa kami ni Israel sa kanyang sagot. Nagtungo rin naman siya sa amin at inilapag na iyong bowl na may mga slices ng mangga.
“I can hire some nanny, Ma. Baka mapagod ka,” si Israel.
“Anong mapapagod? Purket magiging lola na ako ay mapapagod na agad? Mahina na? Bata pa ako! Kung di mo lang binuntis nang maaga ang anak ko edi hindi ako tatanda ng maaga!”
Napanguso si Israel at nagpigil na ng ngisi. Ako naman itong nanglalabo ang mga mata at maiiyak na ata ano mang oras dahil sa inaasta ni Mama.
Tumayo ako at niyakap agad si Mama. Nagsilaglagan agad ang aking mga luha at napakipit na.
“Ma… Sorry kung pakiramdam niyo ay nabigo ko po kayo…” tangi kong bulong sa kanya.
“Mahal na mahal po kita Mama at di ko po kayang galit kayo sa’kin…” Nabasag agad ang aking boses at humagulhol na.
“Tigil-tigilan mo ako sa drama mo, Trace. Buntis ka lang talaga kaya ang emosyonal mo.”
“Totoo naman kasi, Ma! Ayoko pong galit ka sa’kin…” Humikbi ako sa kanyang balikat.
“Galit ako sa’yo dahil sinusuway mo ako. Manang mana ka rin talaga sa Kuya mo. Ang tigas ng mga ulo niyo,” si Mama na hindi na makatingin sa akin.
Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata habang si Israel naman ay nasa akin parin ang tingin. Ngumuso si Israel at nagtungo naman sa loob ng ref.
“Kumain na kayo, Ma?” tanong ni Israel habang sinisilip ang laman. “You don’t have enough food here. Why not just live with us?”
Nagkatinginan kami ni Mama sa sinabi ni Israel.
“Ba’t naman ako titira roon?” Umirap si Mama at kumuha ng mangga saka sumubo.
“Talaga, Israel? Pwede si Mama sa bahay?” Naeexcite kong tanong na ikinatango ni Israel.
“It’s better if she’s with us.”
Ngumuso si Mama at ipinatili ang inis sa mukha. Napangiti naman agad ako ng malapad kay Mama.
“Ma!”
“Hindi,” matigas niya paring sabi at gusto lang atang magpakumbinsi.
Tumayo na ako na ikinatingin ni Israel. Nagkakasalubong ang kanyang kilay sa bawat galaw ko.
“Ako na po ang mag-iimpake sa mga gamit niyo, Ma,” sabi ko pa at nagtungo na sa kanyang kuwarto.
Naiwan roon si Mama na gulat at tinatawag ako pero di ko na ito pinakinggan. Pagkatapos kong i-impake ang gamit ni mama, nang lumabas ako ay kakalapag lang ni Israel sa kanyang niluluto.
Pagkatapos kumain, si Israel din ang nagpresintang maghugas! Gusto ko siyang tulungan kaso ayaw niya.
“May mga labahin ka, Ma?” tanong ni Israel na ikinagulat ko.
Medyo pawisan na ang kanyang noo pero walang pagod na makikita sa mukha.
“Nasobrahan ka naman ata sa pagpapapansin,” si Mama.
Ngumisi si Israel.
“Don’t worry I’m not going to ask anything in return… just your daughter’s hand.” Binalingan pa ako ni Israel.
Namula ang aking pisngi. Si Mama ay mas nasira ang ekspresyon.
“Ipagdadamot ko pa eh binuntis mo na. At isa pa, marupok si Tracey kaya kahit ilayo ko iyan gagapang iyan pabalik sa’yo.”
“Grabe, Ma!” Natawa ako sa kanyang sinabi.
“Aba’y hindi totoo?” Inangatan ako ng kilay ni Mama.
Sumimangot ako at hindi na sumagot. Tumawa naman si Israel at tuwang tuwa sa sinabi ni Mama.
“Marupok ka pala, Trace?” Nanunuyang tanong ni Israel sa akin habang nakapameywang parin sa kanyang kinatatayuan.
“Hindi ’no,” sinimangutan ko siya.
“Sus…” si Mama naman.
Pinagtutulungan ba nila akong dalawa? Close na sila?
May sasabihin pa sana ako kung hindi lang may pumaibabaw na mga boses sa labas ng bahay. Tinatawag ng kung sinong pamilyar sa akin ang aking pangalan at sumisigaw na sa labas.
Pagbukas ko ng pinto ay tama nga ang hinala ko, naroon ang tatlo at sobrang nagbago na ang kanilang mga postura.
Nanlaki ang mga mata ni Rinka nang makita ako. Si Cecille at Rose ay nalaglag pa ang mga panga nang tingnan ako mula ulo hanggang paa. Napansin kong short hair na si Rose, si Rinka naman ay mahaba na ang buhok na nakaponytail at si Cecille ay medyo pumuti. Dalagang dalaga na ang mga ito at tumangkad rin.
“Totoo nga ang kumakalat sa bayan na sobrang ganda mo na! Nagbalik kana!” Mabilis akong hinila ni Rinka at niyakap ng mahigpit.
Iyong dalawa ay nakisali narin at nagtitilian na sila. Inamoy amoy pa ako ni Cecille na ikinatawa ko narin.
“Ang dyosa ng Bukidnon ay nandito na ulit!” patuloy ni Rinka.
“Ang bango bango mo Trace! Pabango na ba ang nililigo mo?!” si Rose.
“Amoy rich kid kana ah! Di kana rin mareach! Mukha kanang modelo! Nakapangasawa ka ba ng matandang mayaman sa syudad?!” si Cecille naman na isinigaw pa talaga iyon sa sobra niyang excited.
“Namiss kita, Trace! Alam mo ba na ang boring pala pag wala kang inosenteng kasama! Itong dalawa kasi sobrang dumi na ng mga pagmumukha! Binagay nila sa mga utak nila!” si Rinka naman na mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
“Syempre Rinka, nainspire kami ni Rose sa mukha mo!”
Tumawa ako sa kanilang pinagsasabi at medyo nasusuffocate na sa sobrang higpit ng yakap ng tatlo. Nasa gitna nila ako at di ko na sila maawat.
May tumikhim sa likod namin kaya doon lumuwang ang kanilang yakap.
“Don’t hug my fiancee too much. Our baby might get hurt…” si Israel na Oa.
Iyon ang ikinalaglag ng kanilang mga panga at ikinalaki ng kanilang mga mata. Pabalik balik ang kanilang tingin sa akin. Gulat na gulat silang tatlo.
“Buntis ka?!” sigaw ni Rinka at natakpan agad ang boses.
“Si Israel ang ama?!”
“Teka, kayo?!”
“Trace! Nagkabalikan kayo?!”
“Fiancee?! Live in na kayo rito?!”
Para hindi marinig ni Israel ang usapan namin, hinila pa nila ako sa malayong parte. Noong malayo na kami roon ay nagtilian agad ang tatlo sa aking harapan na ikinatawa ko. Ganito rin sila noon…
Sunod sunod ang sinasabi nila at hindi pa rin talaga nagbabago ang bibig nila.
“Talagang nakaya mo si Israel?! Sa tindig pa lang!” si Rinka.
“Noon pa man mabangis na ’yan. Ano nalang kaya ngayon! Wasak ka diyan!” natatawang si Cecille.
“At binuntis ka pa agad!” si Rose.
Hindi na yata nila ako tatantanan kukulangin pa yata ang isang araw sa kwentuhan namin ngayong nagkita ulit kami pagkatapos ng mga lumipas na maraming taon.
“Edi bati na ang Mama mo at ang mga Buenaventura?” pabulong na tanong sa akin ni Rinka nang bumalik din kami sa bahay.
Si Israel ay may panibagong niluluto kaya nakatalikod ito sa amin. Si Mama naman ay nasa kuwarto niya lang.
“Hindi ko alam eh… Pero parang okay na kay Mama si Israel,” sagot ko.
“Talaga? Mabuti naman pala. Eh mabait naman si Tita Tasha ’no…” si Cecille.
“Pero maswerte ka ha at hindi ka inaapi noong asawa ng Papa mo. Eh uso pa naman ang ganoon sa mga napapanood ko sa tv.” Humilig si Rinka sa lamesa at hawak na ang gilid ng kanyang leeg.
Ngumiti nalang ako at hindi na idinitalye pa ang pagsuko ko sa apelyido ni Papa.
“Pero maiba ako Trace… Iyong Brennan, guwapo?” Ngumisi agad ng malisyoso si Cecille. Nilapit niya pa nga ang kanyang mukha sa akin.
“Uh… May asawa na siya,” deritso kong sagot na ikinasira agad ng kanilang mukha.
“Aray ko naman. Di mo man lang dinetalye sa amin ang hitsura. Winasak mo ang pagpapantasya namin. Sa kuwento mo na nga lang kami sumasaya sisirain mo pa,” madramang sabi ni Rose.
“May asawa na kasi talaga si Kuya. Maganda iyong babae. Chinese, matangkad, maputi, basta maganda siya at nabibilang sa mayamang angkan,” paliwanag ko pa na ikinabusangot na talaga ng tatlo.
“Ba’t di ka nalang bumalik sa syudad, Trace? Umuwi kana lang doon. Ayaw na pala naming makita ka,” umirap si Rinka sa akin na ikinatawa ko.
“Pinapamukha mo talaga ang mga bagay na wala sa aming tatlo eh. Mas malaki pa ang hinaharap namin kaysa sa’yo ha,” si Cecille naman.
“Sa mga anak mo nalang kaming tatlo aasa, Trace! Sana lalake! Ipagdadasal ko talaga nang malahian rin kami ng magandang lahi ’no!” si Rose naman.
Sinamaan pa sila ng tingin ni Israel nang marinig iyon kaya bumungisngis sila.
May biglang bumusina sa labas ng bahay. Nahinto kami sa pagkukwentuhan na kahit si Mama ay napalabas narin ng kanyang kuwarto.
“Ba’t ang rami atang dumadayo ngayon sa bahay?” Takang taka niyang tanong.
Si Israel ang nagtungo sa may bintana at tiningnan kung sino ang nasa labas. Nakarinig ako ng pagkakasara ng mga pinto ng kotse na kahit si Israel ay umangat na ang kilay nang nilingon niya ako.
Bumalik siya sa kanyang niluluto.
“I’ll just get the knife. The brat is here,” pabirong sabi ni Israel pero kalmado lang naman boses.
“Huh?! Si French?!” Napatayo na ako sa aking kinatatayuan.
“French? Iyong halfsister mo? Nandito?” si Mama naman.
“Uy talaga! Patingin!” Tumayo na si Rinka at nagtungo sa may bintana. Kahit ang dalawa ay nakiusyoso narin doon. Kitang kita ko kung paano nila ako nilingon at laglag panga na saka sila nagsapakang tatlo habang nangingisay roon na akala mo ay inasinan.
“Ang guwapo ng kapatid mong lalake, Trace! Jusko! Handa akong pag-aralan ang Chinese magkaintindihan lang kami!” si Rinka.
“Ang kisig! Para lang ring si Kuya Bram ang tindig!” si Rose.
“Nasa lahi pala talaga nitong si Tracey ang magandang lahi!” si Cecille.
“Kaya talaga marupok itong anak ko dahil napapalibutan ng tatlong may tig aapat na sungay,” sabi ni Mama sa apat na nagtawanan agad.
Ang huli kong maalala ay magkagalit kami ni French. Hindi kaya…
“Gosh! It’s a bit maputik! My Gucci shoes!”
Narinig ko na nga ang maarte at matinis na boses ng aking kapatid. Pagbukas ko ay nakita ko nga ang aking mga kapatid na naglalakad na patungo rito. Nahuhuli si French kasama ang kanyang aso at iniiwanan ni Kuya Brennan dahil masyadong maingat si French sa paglalakad at iniiwasan ang tingin niya ay madumi.
“Kuya!” Nakasimangot na sigaw ni French at nakuyom na ang mga kamay pero nang magkatagpo ang aming mga mata ay huminahon rin naman ang kanyang ekspresyon.
Naunang nakarating si Kuya Brennan sa aking harapan.
“You left,” panimula agad ni Kuya Brennan sa malamig niyang boses.
Iyong tatlo namay ay mabilis na nagtungo sa aking likuran. Kumaway pa sila kay Kuya pero tiningnan lang sila saglit nito at ibinalik rin sa akin.
Sinilip ko si French sa kanyang likod at nagmamadali narin itong maglakad. Nakahigh ponytail ang kanyang buhok at bitbit pa talaga si Kaki. Nakahaltered top siya na kulay cream, heels at isang fit na itim na jeans.
“Oh my gosh so this is your house?! Feeling ko pag bumagyo maaanod ang bahay niyo! It looks so maliit!” Iyon agad ang sinabi ni French nang tuluyan naring makalapit. Ang kanyang mga mata ay gumagala sa labas.
“Ay ang arte ng kapatid mo, Trace. Ang ganda ganda sana pero ang arte,” bulong sa akin ni Rinka sa aking likod.
Hindi ko nalang iyon pinansin at itinuon ang mga mata kay Kuya.
“Kuya, ba’t kayo nandito?” tanong ko.
Ibinalik ni French ang kanyang mga mata sa akin.
“Daddy told us to pick you up. Continue your studies daw muna bago ka umuwi rito. He’s sad kasi you left so inutusan niya kami na pumunta rito-”
“Sinuggest ni French na puntahan ka namin rito,” putol ni Kuya kay French na nalaglag agad ang panga.
“It’s not true! It was Daddy’s plan nga. And no choice ako kasi utos niya,” rason naman ni French.
Napangiti na ako. Alam ko ang ugali ni French… At iyong malaman na gusto niya akong puntahan rito… Nakakatuwa!
“Papasukin mo ang mga bisita mo, Trace. H’wag kayo diyan sa may pinto,” si Mama iyon.
Pinapasok ko nga ang dalawa sa bahay.
“Good afternoon, ma’am,” si Kuya Brennan.
Ngumiti si Mama at tumango.
“Magsiupo kayo.” Iminuwestra ni Mama iyong mahabang upuan namin.
“Hi po, Tita!” Kinawayan ni French si Mama na tumango naman at hilaw ang ngiti.
Pinakawalan niya si Kaki na kumaripas agad ng takbo sa paligid. Lumapit siya sa akin at bumulong.
“Did you tell her na inaway kita?” bulong niya na ikinailing ko.
Kumislap ang kanyang mga mata at wala nang sinabi. Lumayo rin naman siya nang napagtanto niyang kinausap niya ako.
Nagkasya naman silang lima sa upuan. Si Kuya sa dulo, si French, si Rinka na katabi si Cecille at sa dulo rin ay si Rose.
Tumulong ako kay Mama sa paglalagay ng plato. Si Israel naman ay panay ang sunod ng kanyang mga mata sa akin habang nilalagay sa isang bowl ang kanyang niluluto kanina.
“Ang bango,” narinig kong sabi ni Rose at humagikhik agad ang tatlo.
“Ah… Oo nga pala, French… Si Rinka, Cecille at Rose. Mga kaibigan ko rito,” sabi ko sa kanya na ikinatingin niya sa tatlo at ngumiti ng pilya.
“Hi!” Kumaway siya. Si Kuya Brennan naman ay nakatunganga sa kanyang cellphone. Eh wala namang signal dito. Dapat sinama niya nalang rin ang asawa niya.
Sa unang beses, sobrang ingay ng aming bahay habang kumakain. Inaalalayan ako ni Israel at sila Rinka ay tutuksuhin kami sa pamamagitan ng pagsusubuan din nila kaya kahit si Mama ay matatawa.
Pagkatapos kumain ay medyo nagkaroon kami ng tsansa ni French na makapag-usap nang masinsinan.
“I know I’ve been a brat. Assuming, and you know… Nanaginip ako ng gising.” Tumawa si French at sinuklay ang kanyang buhok.
“Nadala lang ako non…” sabi ko sa dismayadong boses.
“No…” Umiling siya at nilingon ako. “You’re right naman. Nasanay lang ako na nakukuha ko ang gusto ko. And for the first time, may hindi ako makukuha. Sa totoo lang, I realized how much he likes you when…he cried for you. That kind of love is rare. And you…deserved that.”
Bumaba ang aking balikat.
“I cross the line… I am so stupid and Mommy is right. Nasanay lang ako na nakukuha ko ang gusto ko. I got hurt rin kasi hindi mo agad sinabi sa akin…”
“Naiintindihan kita, French. At…humihingi ulit ako ng tawad na hindi ko agad masabi sa’yo. Sadyang pakiramdam ko lang, mawawalan ulit ako ng kapatid pag…pag sinabi ko.”
She sighed. “Ikaw talaga! Yes he’s hot at crush na crush ko siya noong unang kita ko sa kanya! I mean…who wouldn’t! Pero if nalaman ko naman ang tungkol sa inyo, I will support you!”
Umiling ako. “S-Sinadya ko rin na iwasan si Israel dahil sa gulo ng pamilya namin, French. Hindi boto ang pamilya namin sa isa’t isa.”
“I saw him fight for you and that’s enough, Trace. For sure, pag nabigyan ng sapat na justice si Kuya Bram, marerealize ni dad na…labas kayo ni Israel sa war ng family niyo.”
Ngumiti ako, nananalangin na sana nga, umabot ang panahong iyon. Ngunit kontento ako ngayon. Tanggap ko ang opinyon ng pamilya namin sa amin. Ngunit hindi na kasama sa pagtanggap ang pagtalikod kay Israel. Maiintindihan ko sila pero mananatili ako sa tabi ni Israel.
Ngumiti ako kay French. Ipinakita niya ang pinky niya sa akin. Natawa ako at ipinakita rin ang akin dahil isa iyon sa itinuro niya sa akin na kami lang dalawa ang nakakaintindi. Ibig sabihin no’n ay nandiyan kami para sa isa’t isa.
Pagbalik namin sa loob ay si Mama at French naman ang nagkwentuhan. Tumatawa pa si Mama at tuwang tuwa sa pinagsasabi ni French tungkol sa mga kapalpakan ko noon habang inaaral ang tradisyon ng Chinese.
“Buti at di pinagalitan ng Mama mo sa kapalpakan ni Trace, French?” si Mama at tawang tawa parin.
“Mommy will just throw dagger stares at her kaya tinuturuan ko talaga si Trace ng Chinese cultures namin,” paliwanag ni French.
“Bakit ba uso iyong fix marriage sainyo? Kahit di mo mahal kailangan mo talagang pakasalan?” si Cecille naman.
“Yep. Because parents choose our partners for business purposes.”
“At totoo rin ba na mga kuripot ang mga intsik?” si Rinka naman.
“My Kuya is very kuripot sa money so I guess totoo ata,” nagkibit si French at pilyang ngumisi.
“Ay talaga? And why ba hinahalo mo ang english and tagalog ba? It’s mahirap magspeak pag its tagalog and its english and it’s halo halo ah!” pagcoconyo ni Cecille na ikinahagalpak agad ng tawa naming lahat maliban kay French na nasira ang ekspresyon.
Kaya pala titig na titig siya habang nagsasalita si French at palagi pa siyang ngumingiwi. Iyon pala dahil sa pananalita nito.
“Sa syudad kasi, conyo is normal,” si French.
“Oh anong sagot mo roon, Cecille,” tawang tawa namang sabi ni Mama at naluluha na.
Umakto naman agad na seryoso si Cecille at ginaya rin ang ekspresyon ni French na medyo pataray.
“Ah. Here kasi sa bukid… We don’t halo halo english and tagalog kasi you’re mapagkakamalang may sira sa head. If magcoconyo ka here sa bukid… the people will laugh kasi you’re nalipasan na ng gutom and they will isip isip na your tongue is kulang sa plantsa,” sagot naman ni Cecille na ikinatawa ulit namin.
“Kaya mo yan, Cecille! Itayo mo ang mga tagabukid!” Pangchecheer pa ni Rinka.
“You know I like you na!” si French naman na natutuwa narin sa pakikipag-usap kay Cecille.
“I like your brother narin!” sagot naman ni Cecille kaya mabilis siyang sinapak ng dalawa.
“Tumigil kana, di na kami natutuwa!” si Rinka.
“Ang rurupok niyo talagang tatlo. Kaya siguro itong si Trace sainyo natututo! Ayan, buntis!” si Mama.
Ngumuso ako lalo na’t nalaglag agad ang panga ni French sa akin. Natakpan niya pa ang kanyang bibig.
“You’re buntis na?!”
Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. Mas lalo lang nanlaki ang kanyang mga mata.
“Congrats, Trace,” si Kuya Brennan.
Mas lalo yatang naging maingay ang bahay dahil sa balitang iyon. Ngunit hindi rin naman nagtagal si Kuya Brennan at French doon lalo na’t finals na rin. Ang sabi ni French sa akin, siya na rin ang bahalang sabihin sa prof namin na special exam nalang ako.
Sa sumunod na araw, binisita namin ni Israel ang isa sa pakay namin kaya ko rin gustong umuwi sa Bukidnon.
Huminto kami sa lapida ng dalawang taong masaya narin sa itaas dahil alam kong magkasama na sila.
Sabay naming inilapag ang mga bulaklak naming dala. Ang alam ko ay nakalibing si Kuya Bram sa ibang lupain. Pero nagulat nalang ako noong nalaman ko kay Mama na pumayag siyang ilipat na ni Israel si Kuya Bram.
“Payag ang Papa mo na ilipat ang libingan ni Kuya Bram sa tabi ni Ate Rici?” tanong ko sa kanya.
“Kahit hindi siya pumayag, kailangan kong tumupad sa usapan. Alam mo bang ito ang tanging hiling ng kapatid mo sa’kin?”
Nagulat ako roon. N-Nagkausap sila?
Mabilis na umagos ang aking mga luha habang tinititigan ang lapida ni Kuya.
“Masaya ka naman diyan, Kuya, ’di ba? Nariyan rin si Ate Rici… Magkasama na ulit kayo…” Ngumiti ako pero mas lalo lang bumuhos ang aking mga luha.
“Masaya rin ako rito, Kuya… Alam kong pinapanood mo ako diyan… At ipinaglaban ko rin ang pagmamahal ko katulad ng ginawa mo K-Kuya.” Nabasag ang aking boses kaya niyakap ako ni Israel.
Humagulhol ako sa kanyang dibdib habang umihip ang malamig na hangin sa aming dalawa ni Israel.
“I was there… watching him cry while hugging my sister’s gravestone. Narinig ko lahat… Ang mga salita niyang humiwa sa puso ko. Para akong nanonood ng isang trahedya na ang sakit panoorin. Galit na galit ako sa kapatid mo Trace… Gusto ko siyang patayin noon sa sobrang sakit ng nararamdaman ko… Pero noong makita ko siya sa puntod ni Rici, mas grabe pa ata ang paghihinagpis niya… Mas grabe ata ang naramdaman niyang sakit na kahit patayin man siya ay hindi noon mapapantayan ang sakit na pumatay sa puso niya.”
Bumuhos ulit ang aking mga luha. Ang pag-iibigan ni Ate Rici at Kuya Bram ay mananatiling alaala nalang sa aming lahat. And they both showed that even death can’t separate them.
Ibinulsa ni Israel ang isa niyang kamay habang ang isa ay hinagilap ang akin at ipinagsalikop niya ang aming mga daliri. Nilingon niya ako at nagkasalubong agad ang aming mga mata.
“Pinakita sa akin ng kapatid mo kung gaano niya kamahal ang kapatid ko. So I want him to witness this, too… Just like how I became a witness to his endless love for my sister, I want him to see me loving you endlessly. Gusto kong makita niya kung paano kita itatali sa akin habangbuhay…”
Napasinghap ako nang dahan dahang lumuhod si Israel sa aking harapan. Sa mata niyang nangingislap, sa harap ng puntod ng aming mga kapatid, inilabas niya ang kamay niya sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang isang kumikinang na singsing.
“Tracey Adjeanne Quiamco Chua… Will you change your last name again and be my Mrs. Buenaventura? Marry me…” Kinagat niya ang pang-ibabang labi at umagos ang mga luha roon.
Natakpan ko ang labi at tumatangong bumuhos ang aking luha. Nangingiting ipinasok ni Israel ang singsing. Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit habang yumakap din sa amin ang malamig na hangin.
Alam ko, mahaba ang proseso ng pagtanggap ng aming pamilya sa pagmamahalang ito—o pwede ring hindi kami matanggap ng iba. Ngunit sigurado ako na sa mundo naming dalawa ni Israel, manatili mang madilim ang langit, tila paraiso naman ang pakiramdam sa tuwing kasama ko siya.
At patuloy man akong tumakbo, sa pagkakataong ito, nakakasigurado akong hawak ko na ang kamay ni Israel dahil magkasama kami sa labang ito. Habangbuhay.
The Untold Part
Untold Part of Israel Buenaventura
“This is so not you, Es… Getting interested with the family business.” Tinawanan ako ng aking ina nang dumalaw ito sa aking condominium sa umaga ng Biyernes.
“Noong pinalago mo ang lupain ay bumilib na ako. At ngayon na nagtatayo ka ng sarili mong business dito sa syudad ay humanga ako. And now… Ito namang business natin na noon ko pa pinipilit sa’yo na hawakan mo ay interesado kana rin… What’s the sudden change?”
Mom was right. Di naman ako mahilig sa mga ganito noon. I don’t even care about our business. Ni wala akong plano sa kinabukasan ko. Pero sa mga nangyari, may nagpabago rin ng isipan ko. Someone made me change to be a better person.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi habang nakahilig ako sa countertop at pinagmamasdan itong naghahanda ng pagkain.
“I’m into business now, Ma,” sabi ko.
Mom’s connection in Chinese businessman is wide. Friendly ang aking ina at nakikipagsalamuha sa mga business tycoon rito sa syudad, kadalasan ay mga katulad niyang Chinese. When it comes to my Dad, she’s more approachable.
Nililingon ako ni Mama at interesadong interesado ang kanyang mukha dahil sa pagtatanong ko sa business. It’s not just a business. I want to know if she knows the Chua family.
“Marami ka bang kaibigang Chinese rito? You know… Pure bloods, Half…” Tinitigan ko siya ng mataman.
“Hmm… Pure bloods, yes marami naman. Lim, Yap, Chua, Ong… Marami.” Naglagay siya ng kubyertos sa gilid ng plato na ikinaangat agad ng aking kilay.
Chua. There… My girl’s new surname.
Napatayo na ako ng tuwid at umupo narin doon sa kanyang harapan.
“Iyong mga Chua,” direkta kong sabi sa kanya. “Tell me about their fam, Ma.”
My mothers brows furrowed while she looked so confuse. Sumubo ako at ibinalik agad ang kanyang mga mata sa kanya na ngayon ay nakaupo narin.
“They’re my close friends. Brenda and Liam are my close friends,” aniya.
“Eh ’yung mga anak… Babae…” dagdag ko pa.
Naningkit bigla ang kanyang mga mata na may mas ikakasingkit pa pala.
“Israel Buenaventura. Aren’t you too old for being an asshole? Pati anak ng mga babaeng kaibigan ko ay papatulan mo na? And I thought graduate kana sa pagiging higad mo?”
“I just want to find a wife, Ma. And Chinese people are fond of fix marriage. Baka makahanap ako sa mga kliyente mo, sa mga chinese na kaibigan mo.” Sa mga Chua.
“What?! You know what happened to your sister. Di ko na pahihintulutan ang fix marriage. Nagsisisi ako sa bagay na iyon kung ba’t kailangan pang mangyari iyon kay Rici…” Nailing si Mama at nahilot na ang sentido.
Rici’s death brought a scar into our lives. Kahit ako ay sising sisi kung ba’t di ko nagampanan ang pagiging matandang kapatid ko sa kanya.
Tracey’s brother, Bram, isn’t suspecious from the start. Siguro itong kapatid ko ang may gusto talaga sa kanya, as what I found out. My sister has lots of stalkers, secret admirers, at kung ano ano pang pwedeng itawag sa mga lalakeng nagkakandarapa sa kanya noong highschool siya.
Wala namang nangangahas kaya ganoon nalang ang galit ko noong una nang malaman ko iyong tungkol kay Bram.
“Did you put some make-up?” Tiningnan ko ang pagmumukha ng kapatid ko sa likod ng sasakyan sa lunes ng umagang iyon.
Papunta kaming dalawa sa eskwelahan at nauuna siyang ihatid. Ang Grabe Ten na babaeng ito ay naglalagay na ng make-up.
“Kuya… Normal lang naman sa girls ang nagpapaganda and such,” sabi niya habang may kinakalkal sa kanyang bag na nasa kanyang kandungan.
Iritang irita ako. I am already a Grade Eleven student at nasa kabilang building lang, medyo malapit narin naman sa kanila.
“Pag nahuli kitang nagboboyfriend…” I said warningly.
Tumigil na ang sasakyan sa gate. Hinawakan niya rin naman ang kanyang bag at handa nang bumaba.
“Don’t worry… I’ll pray na someone will tame you… Yung mababaliktad ka.” Tumawa pa siya sa akin habang bumababa.
I’m not going to deny that I’m an asshole. Ang mga babae ay madali lang makuha sa paraang gusto ko.
“Maraming magaganda sa Grade 8 kaso sayang… ang babata pa,” si Noel, isa sa mga kaklase ko at may hawak na supot ng softdrink nang tumambay kami sa tindahan malapit sa school pagkatapos ng klase.
“Oo nga eh. At madalas ay mga inosente pa. Sayang naman…” si Marc naman na nakahilig sa may tindahan at nasa may gate ang tingin habang may hawak na chichirya.
Dahan dahan akong bumuga ng usok sa sigarilyong nangangalahati na sa aking kamay. Sa aking tabi naman ay ang babaeng nakahawak sa aking hita at panay ang himas doon habang nasa akin ang tingin.
“Saan tayo mamaya?” bulong niya sa akin at akmang hahalikan ang aking panga nang umiwas ako.
Hindi ako sumagot at inilagay muli ang sigarilyo sa aking bibig. Ang tatlo naman sa aking harapan ay tumatawa na dahil sa kanilang topic.
“Israel…” saka niya hinawakan ang panga ko at gusto ulit akong halikan.
“Not now,” I warned and tilted my head as I looked at her warningly because I am not in the mood for a kiss.
I hate clingy girls. I only want them to be clingy and wild in bed… not in public. I’m not that proud of this side of mine.
“Umalis kana lang muna, Gwen…” marahang sabi ni Kenneth sa babaeng napahiya sa aking mga kaibigan.
Tumayo naman ito at umalis na. Tiningnan iyon ng tatlo saka lumipat ang mga mata nila sa akin.
“Ikaw lang ata ang playboy na suplado,” asar ni Marc sa akin.
“Okay naman si Gwen gawing gilfriend ah?” si Kenneth naman.
“Alam niyo si Israel… kuripot… ayaw matali at ayaw nageeffort.” Ngumisi pa si Noel sa akin.
He’s right. Di ata ako iyong pang boyfriend material. I find it corny. Buying gifts for her, cooking for her and taking her to Restaurants, taking care of her, calling and texting her and such. It’s tiring. I can’t even take care of myself.
Hindi na ako umimik sa kanila at gusto ng ubusin ang isang sigarilyo. Inaabangan ko ring lumabas ang aking kapatid para makauwi na.
“Ayan siya oh.” Siniko agad ni Noel ang dalawa na katabi niya lang at may nginuso na sa may gate.
Tumuwid pa sila sa pagkakatayo at humahaba na ang mga leeg, ang tingin ay nasa iisang lugar lang.
“Grabe ang ganda talaga ng batang ’yan. Kung di lang talaga kapatid ni Bram at kung di lang Grade Nine ay papatulan ko talaga…” Parang nagpapantasya na sa utak si Marc dahil narin sa tono ng kanyang pananalita.
Madalas kong naririnig ang topic nila tungkol sa kapatid noong Bram na Grade Twelve at maganda raw.
“Ang amo amo oh…” si Kenneth naman.
“Uy shit pre! Lumingon na naman dito! Feeling ko may type talaga yan sa atin eh! Madalas ko yang nahuhuling lumilingon rito!” si Marc naman na masyado ng natatangay sa emosyon.
Inihulog ko ang natirang sigarilyo at inapakan iyon. Kumuha ako ng panibago sa sa pakete na nasa bulsa lang ng aking uniporme at inipit na iyon sa aking labi. Nilingon ko na rin ang gawi ng gate dahil sa kyuryusidad. Di ko pa iyon nakikita.
Madali mong mapapansin kung sino ang kanilang tinutukoy. Isa lang naman ang kapansin pansin sa mga estudyanteng lumalabas ng gate.
My brow arched as soon as I found her innocent face. Angelic—like a goddess. Maputi at mala-dyosa ang kagandahan. I parted my lips when I realized why my friends were into her.
And she’s what, Grade Nine? So she’s two years older than me? Fifteen? Coz I’m fucking seventeen now. Still, she’s too young for my liking.
“Ang ganda ’di ba, Israel!” Tinapik narin ako ni Kenneth nang mapansin siyang nakatitig narin ako.
Nag-iwas ako ng tingin nang matauhan ako at sinindihan ang aking sigarilyo. Pwede na rin naman… Di nasayang ang paglingon ko.
“Grade Nine,” tanging sagot ko na ikinahagalpak nila ng tawa.
“Oo! Di pasok sa standards mo! Pero kung nasa Grade 10 na iyan… Papatulan ko talaga! Makikipagsuntukan ako kay Bram,” pagbibiro ni Noel.
Simula noong araw na nakita ko siya ay palagi narin akong napapalingon. Na sa tuwing lumalabas siya ng gate ay tinitingnan ko narin ito ng pasimple at mabilis siyang mag-iiwas ng tingin.
Baka ako ang gusto niyan? Palaging nagkakasalubong ang aming mga mata at palagi ko siyang nahuhuling tinitingnan ako. I’ve been with girls. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng kanilang mga galaw. Kung may gusto ba sa’yo o hindi interesado.
Malademonyo akong napangisi dahil sa nasaksihan kong kilos niya. May gusto ’yon sakin.
Hindi ko pa iyon nakikita sa malapitan. Palagi ko lang siyang namamataan pag lalabas na sa gate at uuwi na. Minsan ay kasama niya iyong Kuya niyang si Bram.
“Alam mo itong si Bram guwapo sana pero di ginagamit ang utak. Kung ako sa kanya ay landiin niya iyong mga babae na nagkakagusto sa kanya at perahan niya. Eh kapos sila sa buhay kaya mas mabuting may pinagkikitaan rin siya,” si Noel nang mamataan ulit namin iyong Grade Nine kasama na ngayon ang kanyang Kuya.
“Suplado raw ’yan sa mga babae. Scholar kaya tutok sa pag-aaral. Bakla ata,” pabirong sabi ni Kenneth saka sila nagtawanan.
Hindi ko iyon masyadong pinagtuunan ng pansin at sinundan ng tingin ang kapatid ni Bram na tinitingala ang kanyang Kuya at ngumingiti. Nagkasalubong agad ang aking kilay. She has a sweet smile…
“Ayaw mo sa syudad, Israel?” tanong sa akin ni Mama nang bumisita siya noong summer na.
Nasa syudad siya palagi dahil na rin sa mga business namin doon. Importante sa mga Chinese ang negosyo kaya di rin mabitaw-bitawan ng aking ina dahil siya ang nagmamanage noon habang nag-aaral pa kami. Ang aking ama naman ay ang lupain namin dito ang kanyang inaasikaso.
“I’m comfortable here, Ma,” sabi ko.
“Ayaw mong magmanage ng business?”
I’m not interested with my parent’s business. Ang gusto ko ay dito nalang at iyong lupain ang pamamahalaan ko pag nakapagtapos na ako. I don’t mind riding the horse all day…
Nang hindi na ako sumagot ay nakumbinsi rin naman ang aking ina sa takbo ng aking utak.
“But you need to decide for your future, Es… Hindi kana bata para gabayan pa. At huwag puro babae.” Nailing nalang ang aking ina.
Tss.. Business and future really sucks.
“Gusto lang kasi niyan ng anak mo ay mangabayo rito. Let him, Lorraine,” ang aking ama na sumulpot na rito sa kusina.
“Mangabayo o iba ang kinakabayo?” Umarko pa ang kilay ni Mama sa akin.
Tumawa ang aking ama. Ngumisi naman ako.
“I want him to manage our land here. May ipinamana pang lupain si Papa sa kanya. He’s not a city boy, you know.” Nakarating na siya sa aking likod at hinawakan na ang aking balikat habang nakaharap sa ina kong naningkit lang ang mga mata.
“And how about our business in the City? Ako pa rin?” si Mama.
“Si Ate nalang,” tanging sagot ko.
“Israel… Mas mabuti kung ikaw ang magpalago noon,” namungay na ang mga mata ni Mama sa akin.
“Bibigyan kita ng apo. Iyon ang tutulong sa’yo sa pamamahala sa syudad, Ma,” pagbibiro ko na ikinahalakhak ng aking ama lalo na’t bumusangot na ang aking ina.
Isa sa rason kaya di nila ako mapilit pilit sa syudad at iyong kapatid kong babae ang naipagkakasundo nila dahil ayaw ko rin. The City is not for me. I mean, I just hate the noise in the City.
I’m sure my older sister is pressured too. Pinagkakasundo iyon sa kasosyo ng aking ina para imerge nalang ang kompanya at may magmanage. Probably my Ate’s future husband.
“How do I look, Kuya?” tanong sa akin ni Rici sa umagang iyon ng Lunes habang papunta kami sa eskwelahan.
Kumikintab na naman ang kanyang labi. Ngumingiti pa siya ng matamis sa akin at may hairpin ang gilid ng tuwid niyang mahabang buhok.
“You looked like a pet,” sabi ko na ikinabusangot niya.
“Why are you so serious and very mean? You don’t appreciate someone’s beauty! Kaya siguro walang nagtatagal na babae sa’yo,” umirap siya.
“Wala akong ginigirlfriend kaya wala talagang tumagal.”
“Tss… Jerk. I hope dinggin na ang prayers ko. Sana talaga ay turuan kana ng leksyon.”
Inakbayan ko ito at pinitik ang kanyang ilong na ikinabusangot niya.
“I’m not into serious relationship right now, Riss… I can’t even decide for my future. I just want to go with the flow. Live and get old. Then die,” tangi kong sagot kaya tinulak niya ako.
“Kasi wala ka pang nahahanap na rason kung bakit masarap mabuhay. Kuya… stop being selfish and come out from your own shade. Come out from your darkness. It’s not just you and the world. Dapat may pakialam ka rin sa mga bagay bagay…”
She always makes sense… My opposite.
“Hi Israel!” Bati sa akin ng anak ni Mang Ador, ang driver namin. She’s Rici’s classmate and her friend.
Hindi ko ito nilingon at ipinatili ang mga mata sa tv. It’s Sunday…
“Rici is upstairs,” tanging sabi ko.
Humakbang siya papalapit sa akin at umupo sa aking tabi. Nanood rin ito ng tv.
“Ano ’yan? Anong movie ’yan?” tanong niya sa malambing na boses.
Nairita ako kaya pinatay ko ang tv at tumayo na. Mangangabayo nalang siguro ako.
I can sense Felicita’s feeling for me. She’s interested with me. Tuwing nandito ito ay palagi nalang akong kinukulit o kung ano ano pa. I respect her for being our driver’s daughter and Rici’s friend, but she’s really nosy and that’s what I hate about her.
“Kuya…” Tumabi sa akin si Rici Lunes ng hapong iyon. Kakauwi lang nito sa school.
“Oh?”
“Kuya manungkit ka ng mangga please… Gusto kong kumain ng mangga.” Niyakap niya pa ang aking braso at ipinahinga sa aking balikat ang kanyang ulo.
I hate clingy girls, but aside from my sister.
“May plano ka?” Umarko ang aking kilay sa kanya at binitiwan ang remote.
“Huh?!” Tumuwid siya sa pag-upo at tiningnan ako. “Gusto kong kumain nang mangga, Kuya…”
Tinitigan ko ito ng ilang sigundo. Ngumiti pa siya at nagpapaawa na kaya tumayo nalang ako. Tuwang tuwa ito at hindi ko alam kung saang parte siya natutuwa.
“Guard the first gate and the back door.” Utos ko sa mga tauhan sa bahay na tumango naman agad at nagkalat na sa buong lugar.
Kung balak noong tumakas kaya ako pinapakuha ng mangga, di rin siya makakalabas dito.
Namaywang ako at tiningala ang mga hitik na hitik na bunga noong punong mangga. Hinila ko ang suot kong damit sa likod at hinubad iyon saka ako nagsimulang manungkit. Nahulog pa iyong isa at gumulong sa kung saan kaya sinundan ko iyon ng tingin at nakita ang paggalaw ng damuhan. May nahagip rin akong mga nagtatago roon.
Umikot agad ako sa likuran para tingnan kung sino ang naroroon. May tatlong estudyante ang nagtatago at mukhang naninilip sa akin. Iyong dalawa ay umabante na habang iyong isa naman ang naiwan kaya ang ginawa ko ay inapakan ko ang palda noon.
Her two friends ranaway hastily when they saw me. Dumilim agad ang aking paningin. Iyong isa naman ay dahan dahan nang nilingon ako until our eyes met.
Ito iyong babaeng kinahuhumalingan ng mga kaibigan ko noon. And she’s the sister of Bram. What the fuck in the world is she doing here?
She fumbled on the side of her skirt and she looked very tense just to get away from me.
Iyon ang kauna-unahang beses na natitigan ko siya ng malapitan. I knew that she is pretty, but I think she’s evolving every year. Mas gumanda siya.
“Isa ka sa mga manyak na iyon?” matigas kong tanong sa mga mata kong nakapako na sa kanya.
Agad siyang umiling, ang buhok ay sumabay na naman at bakas sa mukha ang kaba.
“B-Bitiwan mo ako…” she whispered in her shaky voice.
Lalo na’t alam kong may nangangahas din na pumasok sa lupain namin at nagnanakaw ng mga mangga. I hate it. Instead of asking nicely, they choose to steal.
“Wala naman akong balak na s-silipan ka-”
“You just did. Nahuli ko kayo ng mga kaibigan mo.”
Umiling agad siya. “Nandito kami para m-manguha ng mangga!”
I don’t believe her. Noong nakaraang taon ay nahuhuli ko siyang tinitingnan ako, at ngayon ay nandito na siya at sinisilipan ako. I have this strong guts that she really likes me.
Yes, she likes me!
“Kuya?!” It was Rici’s voice.
Mabilis akong natauhan at napalingon sa aking likod. Pero bigla niya nalang akong sinipa sa aking gitna na ikinapulupot ko dahil sa sakit. Fuck!
Nagawa pang magsorry at tumakbo rin paalis. My face crumpled as I felt the pain between me. Di na ata ako magkakaanak dahil sa babaeng iyon! If I catch her again, siya talaga ang aanakan ko! Tangina.
“Kuya! Bakit mo pinabantayan ang buong bahay?!” Inis na tanong sa akin ni Rici.
Sinikap kong tumayo ng tuwid pero ang sakit talaga.
“W-Wait? What happened to you?” Dinungaw ako ng aking kapatid.
Hindi ako sumagot at iniisip ang ganti sa babaeng iyon. Kaya kinabukasan ay nagtungo ako sa eskwelahan at inabangan ito. Nahuli ko pa siyang tumakbo para magtago. Nagpapahabol pa yata sa crush niya. Girls and their tactics.
“Alam mo ba na si Rici may crush?” si Feli sa weekend na iyon nang mapadpad sa bahay namin.
Rici has a crush?
“Kilala mo si Bram? Concern lang kasi ako kaya ko sinasabi sa’yo. Kasi alam mo si Rici… Mapagbigay. What if lang naman itong akin… What if gamitin siya? Perahan? Eh kasi halatang di naman siya gusto non tapos bigla nalang daw siyang pinansin eh mahirap lang iyon at nakatira pa sa bundok.”
Kaya noong mapadpad ako sa bayan at makita roon ang kapatid niyang babae na nagtitinda ng bulaklak ay hindi ko na naiwasang manguha ng impormasyon. So her brother is working? Still, that’s not enough to convince me. He’s going to take advantage of my sister.
I said awful things about his brother. Bakas rin naman sa mukha nito na hindi niya nagugustuhan ang pang-iinsulto ko.
In my entire life… no one answered me bluntly. I got pissed. Akala ko pa naman gusto ako nito at magpapaka easy to get sa aking harapan. But I was wrong.
At sa susunod na mga araw…mahuhuli ko ulit na sinusundan ako? Naninilip pa! She’s completely giving me mixed signals! Hindi raw ako tipo pero obvious naman! Sinusundan pa ako kahit sa batis! A fucking stalker!
Rici was acting strange these past few days. Palagi na siyang tumatakas at ewan ko kung saan pumupunta. Tinanong ko nalang iyong kaibigan niya dahil alam kong hindi naman iyon magsisinungaling sa akin.
Kaya noong malaman kong pumupunta pala ito sa bahay noong Bram ay sumiklab agad ako. Lalo na sa mga pinagsasabi sa akin ni Felicita.
“Naaawa ako kay Rici kasi di naman siya gusto ng supladong iyon! Tapos bigla bigla lang silang naging close noong nagpapakita na ng motibo si Rici! Peperahan lang siya nito, Israel! At si Rici, masyadong mabait kaya bibigay agad! Eh nagdadala nga ng pagkain roon sa kanilang bahay!”
I was in rage that afternoon. Sa lahat ng paglalaruan ay ang kapatid ko pa. Naalala ko iyong sinabi nila Marc na pwedeng perahan ni Bram ang mga nagkakagusto sa kanya total kapos sila sa pera.
Putangina, Bram.
Kaya noong mamataan ko siya ay binantaan ko agad ito.
“Nababagot kana ba sa estado ng buhay niyo kaya sa aking kapatid ka kakapit?” Napangisi ako at maangas itong tinanguan.
Hindi siya sumagot at tumitig sa akin. Kasingtangkad ko lang ang animal at magulo ang kanyang buhok, singkit ang mga mata katulad ng kanyang kapatid pero suplado nga ang pagmumukha.
Tiningnan ko pa ito mula ulo hanggang paa. Ganito ba kababa ang standard ni Rici sa lalake? Eh glasses nalang ang kulang sa kanya at magmumukha na siyang baduy. I smirked evilly on his shoes. Nice… Vintage? Nasa sinauna pa ata eh.
Nang mapansin niya ang aking titig ay akma na sana itong aalis.
“Oo nga pala… Iyong kapatid mong babae… Maganda pala?” Painosente kong sabi na ikinadilim agad ng kanyang ekspresyon nang nilingon niya ako.
Ibinulsa ko ang aking mga kamay at napangisi. Naglakad ako papalapit sa kanya.
“Lumayo layo ka sa kapatid ko o kapatid mo ang pagbabayarin ko.”
The asshole didn’t say anything. He’s guilty. Tss. Ibang klase rin.
“Pinapabaliw na ni Bram si Rici sa kanya! Pinapasok raw siya sa bahay nila, Israel! At babalik daw ulit siya roon dahil mukhang gusto narin siya ni Bram! Do something! Baka masaktan lang ang kaibigan ko… ang kapatid mo…” Hinaplos ni Felicita ang aking braso pero dahil sa aking galit ay tumayo agad ako.
Then he’s giving me no choice but to use his sister against him. Bago niya masaktan ang kapatid ko, uunahan ko siya para magsilbi itong leksyon sa kanya na hindi basta basta ang kinalaban niya.
I started my plans. Make her fall in love with me and break her heart. Iyon ang plano ko total hindi naman iyon mahirap dahil mukhang gusto rin ako non. This is so easy.
I invited her into our land. I even offered her some of our mangoes. Palagi niyang kasama iyong tatlong maiingay. Siya lang ang naiiba… tahimik at maganda…
And every time we’ll talk, I noticed how she’s trying to insert her fucking brother. Pinapabango sa akin.
But the thing about this girl, she’s deep. You know she has a good heart because she views everything according to what’s wrong and right. Someone who easily forgives and finds goodness in everything.
“Daddy! You can’t just lock me inside the house!” sigaw ni Rici nang mapagdesisyunan ng aking ama na parusahan ito. She’s grounded.
“Tigilan mo muna ang kahibangan mo, Rici. How can you like someone who’s…” Nadisgusto agad ang mukha ng aking ama. Nadatnan ko sila rito sa sala at nagtatalo.
Inilapag ko ang bag ko sa couch at tiningnan ang ekspresyon ni Rici na dismayadong dismayado na.
“Who’s poor? Out of all people Dad… Bakit kayo ganyan?” Nabasag ang kanyang boses.
“You’re going to ruin your future! Ang gusto ko sa’yo ay mapabuti ka. Kung di ka titigil ay ipagkakasundo ka rin namin ng ina mo!”
Humikbi agad ang aking kapatid. Dinaluhan ko ito kaya yumakap agad siya sa akin. Itinago niya ang mukha niya sa aking dibdib.
“Enough, Pa,” sabi ko.
Namaywang ang aking ama habang ang isang kamay ay nahilot ang sentido.
“Pangaralan mo ang kapatid mo, Israel. Ako ang napapahiya sa mga naririnig kong kumakalat.”
“Then don’t listen to them. Hindi niya ako ginagamit! Bram is nice, Pa-”
“Shut up! How can you stoop down on their level, Rici? You can’t like someone who lives like a rat! Halatang piniperahan ka lang!”
“How can you even say that? Just because we’re rich—”
“Because I know people like them! I know them! So listen to me!” my father spat.
Obviously, my father despises people like them—someone who takes advantage with people like my kind sister.
Dahil rin sa pagtatalo nilang dalawa ay mas nabibigyan ako ng rason para lumapit lapit sa kapatid ni Bram. Ginugulo ng kanyang kapatid ang buhay namin. Mukhang nabibilog niya na nga dahil nagagawa nang sagutin ang aking ama.
“Si Rici, binigyan ng sobre iyong kapatid ni Bram sa library… Baka libo libo pa ang laman. Grabe na talaga. Feeling ko ginagawa nang suggar mommy ni Bram si Rici… Kawawa ang kaibigan ko.”
Isa iyon sa mga balita sa akin ni Feli na mas nagpapasiklab lang sa apoy ng aking galit. But how can I even…hurt that girl? Besides, my issue has nothing to do with her. Labas na siya rito sa galit ko sa kapatid niya.
Pinayagan kong gumala si Rici kahit grounded ito at alam ko kung saan siya pupunta. I want her free. Ayoko iyong kinukulong siya rito. If he likes him then… I’ll just support her. Gagabayan ko nalang.
Sa araw araw na kasama ko si Tracey ay nagbabago na ang pananaw ko sa pamilya nila. Oh ako lang itong nagiging bulag narin dahil sa nararamdaman ko tuwing kasama ko ito. I am starting to think there’s something about her family the reason why she was raised well.
“Makamandag ang pamilyang iyan! Nabibihag ang mga mayayaman! Ginagamit nila ang kanilang mga mukha para magkapera!”
“Oo nga naman, mana sa ina nilang kabit rin!”
Iyon ang palagi kong naririnig sa bayan tungkol sa kanila. Kaya siguro doon sila sa may bundok naninirahan dahil rin sa mga tao rito sa bayan. O ganoon lang talaga sila kahirap na hindi nila kayang magtayo ng komportableng bahay.
I like her already. No… This is more than just a normal attraction. I can’t even stand her with boys. Ayokong malapit siya sa iba at gusto ko ay sa akin lang. Kahit iyong Rudy ay pinag-iinitan ko. I am getting possessive and it’s scaring me.
Hindi naman ako ganito!
Nawala ang aking plano. Imbes siya ang gusto kong mahulog, ako ang nahulog! Para akong naglagay ng bitag para sa kanya pero aksidente ko ring nagalaw kaya ako ang naunang natamaan. Na dapat gamitin ko siya laban sa kanyang kapatid pero iba na ang takbo ng aking plano. I just want to spend my time with her.
At simula noong nilalapit-lapitan ko na si Tracey ay ginigyera na rin ako ng aking kapatid. I think she knows. Maybe Bram told her about what I said to him pero nagbago na ang isip ko.
“Kuya! Kayo ni Tracey? Teka… Are you still going to use her just to-”
“Cut it, Riss. Ikaw ang may kasalanan sa akin baka nakakalimutan mo. Pinamigay mo sa iba ang binigay ko sa’yo.” Umigting ang aking panga lalo na’t naalala ko na naman ang rason kung ba’t napahamak si Tracey.
Namutla agad siya pero mabilis na nag-iwas ng tingin.
“I just don’t need it kaya binigay ko nalang…” At may hinawakan pa siya sa kanyang leeg. Isang kwintas na hindi naman gaanong kamahalan.
This girl…is really in love. And I can’t believe we’re both whipped by those siblings.
The Untold Part
Trigger Warning: Suicide
Untold Part of Israel Buenaventura
“Is there a problem, Riss?” tanong ko nang mapansing may kakaiba sa kanya.
Umiling lang siya at mahahalata mong hinang hina dahil kahit ang galaw na iyon ay walang kabuhay buhay.
Palagi ko siyang tinatanong kung anong problema pero wala naman siyang sinasabi. Did they fight? Nagloko ba si Bram? O may hindi lang pagkakaintindihan? I tried to be positive for the sake of Tracey. Ayokong sumiklab agad dahil alam ko na natatakot siya sa akin pag ganoon ako.
But as soon as I found out that the fucker cheated behind my sister’s back, I was pure livid. I gave him a benefit of the doubt because I wanted to trust him, at least because Tracey believes in him! Tapos malalaman kong gagaguhin niya ang kapatid ko?
“Check on her, Israel… I can’t come home. I have so many things to do here,” sagot ng aking ina sa kabilang linya.
Nabasa ko ang pang-ibabang labi. I’m not good at giving advices! Anong sasabihin ko? Move-on and find another man, Riss… It’s not that simple.
Dapat si Ate Adiane ang gumagawa nito. But that girl is busy with her own lovelife too. She’s busy in the City.
“Let her get over it. She needs time to heal herself. Makakamove-on rin siya.” My Dad said while we’re having our dinner.
Bakit ba ganito sila kakalmado? I hate that they’re taking this so fucking simple. Na ako lang ang nababahala at naninibago sa aking bunsong kapatid.
Hindi ako makampante. Palagi namang pinapadalhan ng pagkain si Rici sa kanyang kuwarto pero di parin ako mapakali. Kaya noong dadalhan ulit siya ay ako na ang nagpresenta. I don’t even know if she’s eating well… My parents only cares for their business and such. Tss.
Kumatok ako sa pinto. She didn’t answer kaya binuksan ko nalang. Nagkasalubong agad ang aking kilay dahil nakalock na iyon.
Sumigaw ako at tinawag ang kasambahay na namataan kong malapit lang.
“Get her keys! It’s lock! Faster!” sigaw ko na ikinataranta nito at tumakbo agad.
Kinalampag ko ang doorknob. Sinipa ko pa iyon at gusto ko na agad sirain.
“Rici! Open the damn door!” Pinalo ko iyon ng malakas pero hindi ko mabuksan.
Bumalik rin naman ang katulong dala dala ang susi. Mabilis ko iyong binuksan sa nanginginig kong kamay at nagulat nalang sa tumambad sa aking harapan. Napasigaw ang katulong habang ako ay parang nanlamig dahil sa kapatid kong nakahandusay nalang sa sahig, wala nang malay.
I immediately went to her. Kinarga ko siya sa pagkakahiga roon at tinapik tapik ang kanyang pisngi.
“Riss! Riss!” Namula agad ang aking mga mata. She was so pale. May mga nagkalat ring tableta sa sahig.
I checked her pulse and I can’t feel her heartbeat anymore. Kinilabutan ako. God!
Mabilis ko siyang kinarga. My father ran toward me noong lumabas na ako at nagmamadaling isugod ito sa ospital.
“What happened?!” tanong ng aking ama na sumusunod. Bakas sa mukha ang pag-aalala.
“She took some meds!” Iyon lang ang tanging nasagot ko.
It was the most painful moment in my entire life. My sister didn’t make it. Naoverdose raw ito. She killed herself!
Pinaghalong sakit at galit ang naramdaman namin. Ang aking ama ay walang ibang sinisisi kundi ang nanakit kay Rici. Na kahit ako ay si Bram rin ang aking sinisisi.
Why would my sister kill herself?! That fucking bastard cheated on her and my sister was devastated! Hindi niya nakayanan!
“Sugurin niyo sa bahay ang putangina na ’yon at kung pwedeng patayin niyo ay gawin niyo narin!” sigaw ng aking ama sa kanyang mga tauhan sa umagang iyon.
Gusto kong sumabog sa galit sa bahay na iyon at sirain ang tahanan ng gagong iyon pero nang makita ko siyang nagtatago sa likod ng kanyang ina, umiiyak ngunit nagagawang sumilip sa akin ay humupa ang bagyo sa aking loob.
I…almost forgot her.
Then tell me how am I supposed to give the justice to my sister if it will hurt you, huh? Na ang hustisyang hinihingi namin ngayon dahil namatayan kami, ay dilubyo sa buhay ng babaeng mahal ko.
Riss… why? Why did you take your life that easily? You have me, Riss. Why didn’t you lean on your brother? Why didn’t you let me…comfort you? Why, baby?
I never got a chance to say how I love her as my little sister. Naging pabaya akong kapatid. Kung binantayan ko lang siya… Kung ginabayan ko lang… Siguro ay kinaya niyang dalhin ang bigat na nararamdaman niya. I should have hug her more and stay by her side.
My mother blamed herself—including my father. They should. Because they never give her the time she needed the most during those times. They…abandoned her.
“May kapatid ’di ba ang putanginang ’yon? Ba’t di iyong babae ang matyagan niyo? May alam iyon at sigurado akong tinatago lang nila.” Narinig ko ang aking ama na sinisigawan ang mga tauhan na walang nakuhang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Bram.
Pumasok ako na ikinalingon niya sa akin.
“Ako na ang bahalang magtanong sa babaeng kapatid ni Bram,” malamig kong tugon.
Kumalma naman ang ekspresyon ng aking ama.
“Gaganti tayo, Israel. Hindi pwedeng hindi natin bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Rici,” galit niyang sabi.
Binalingan ko ang mga tauhan ng aking ama.
“Lumayo kayo sa babae at ako na ang gagawa ng pagtatanong tungkol sa kapatid niya.”
Mas mabuting ako ang lumapit lapit sa kanya kaysa sa mga tauhan ng aking ama dahil baka idamay nila ito. She’s more safe to me…
“You told me life is beautiful, so why did you end it, hmm? If you couldn’t find another reason to live, you should have…gave me a chance to give you more reasons, Riss…” garalgal kong sabi habang hinahaplos ang puntod niya.
Makulimlim ang kalangitan at mukhang nagluluksa rin sa hapon ng Biyernes na iyon. Madalas lamang akong nandito, nakaupo sa gilid at hindi ko matanggap na dumulas siya mismo sa aking kamay. I should have hold her tightly when I still could…
I failed as a brother…
Kagat kagat ang pang-ibabang labi, umagos ang luha sa aking mga mata. I remembered her words to me… She loves him more than her life. Kung tutuusin, mas mabait naman ang aking kapatid kaysa sa akin. Patapon ako at inaaksaya ang aking oras sa mga walang kabuluhang bagay. Ni hindi ako napapakinabangan sa business. Mabisyo, madalas mambabae at matigas ang ulo. How in the world you let me live? How in the world I deserve to live than my sister?
Bram showed up in our land. Nadatnan ko siya sa harapan ng lapida ng aking kapatid. I wanted to punch him. Gusto ko siyang itaboy paalis pero nakakabingi ang kanyang malakas na iyak.
May mga sinasabi siya roon na nagpakuyom ng aking kamao. Dapat hindi ako makaramdam ng awa sa kanya dahil tama lamang ito. Pero sa mga sinabi niya ay nakaramdam ako ng sakit at awa.
I… I didn’t know. Tangina!
Pinaalis ko kaagad ito kahit na ayaw niya dahil sa mga tauhang nagkalat sa aming lupain.
“Putangina, umalis kana!” Hinila ko siya paalis sa puntod ni Rici. Sa sobrang hina ay nawalan pa siya ng balanse at gagapang na sana pabalik doon kaya hinila ko agad ang kwelyo at pinatayo ito.
He’s lost. I saw how lifeless his bloodshot eyes were as he crawled back to my sister’s tomb.
“Leave or they’re going to shoot you in the head!”
“Sige lang… Patayin niyo na ako. Gusto ko na siyang makita… Gustong gusto ko na…” Tumingala siya at umagos ang kanyang mga luha kaya sinuntok ko ito sa kanyang mukha.
Okay lang na sumunod siya doon kahit ako pa ang maghatid sa kanya! Pero di rin nag-iisip ang gagong ito!
“At paano ang kapatid mo?!”
Napatingin siya sa akin.
“Diba mahal mo? Alagaan mo siya…” Tinapik niya ang aking balikat. “Kung mamamatay man ako ngayong araw… Kahit itabi mo nalang ako sa puntod niya. Kapalit nito ay pumapayag ako sa inyo ng kapatid ko.”
Bastard!
I pulled the neckline of his t-shirt until our face leveled while his eyes were drifting back to my sister’s tombstone.
“Don’t even fucking dare to inflict pain on your sister the way my sister’s death inflicted pain on me, Bram! Kung ikaw…kaya mong isakripisyo ang sarili mo para sa kapatid ko, pwes kaya ko ring isakripisyo ang sarili ko sa kapatid mo! I’d stop your death even if you think that’s the only way to be with my sister!”
The first time I talked to him, we hated each other, but this…scarred us. We are both mourning. We both lost a life. We both…failed.
Kaya noong nagsisuguran na ang mga tauhan ay pinatakbo ko nalang ito pauwi. Pinuntahan ko agad ang aking ama para utusan silang itigil ang paghahabol kay Bram.
“Nakalimutan mo na ba na ang gagong iyon ang pumatay sa kapatid mo-”
“Nagpakamatay si Rici! Hindi siya pinatay!” putol ko sa amang kinain na rin ng galit.
“Gusto mong may masisisi dahil sa pagkamatay niya, ganoon ba?!” Sumiklab agad ako at gustong magwala.
“Sabihin mo sa akin… Kaya mo ba nilalapit-lapitan ang kapatid ng lalakeng iyon dahil mahal mo na rin?!” Nilapitan ako ng aking ama at kinwelyuhan.
“Gagaya ka rin sa kapatid mo at magpapalinlang ka rin sa magkapatid na iyon?!”
“Don’t you dare do something stupid, Israel! Baka pati ’yang kapatid ni Bram ay ipapatay ko rin-
Sa aking galit ay nasuntok ko ito na ikinatumba niya agad. Bumakas ang luha sa kanyang mukha at hindi makapaniwala sa aking ginawa.
“Don’t. Touch. Her,” I pointed at him. “I might forget you are my father.”
“Kinakampihan mo ang pamilya ng nasa likod ng pagkamatay ng kapatid mo, Israel?” madilim na tanong ni Papa.
“Why don’t you ask yourself who’s the real killer here, Papa? Alam mo kung sinong totoong unang pumatay kay Rici! You are…” I pointed at him shakily. “You…you are her father, and yet…you failed.”
His eyes turned blurry until his tears fell uncontrollably. Huminga ako nang malalim, nanginginig sa sariling galit. Naiiling ko siyang tiningnan.
Ang kakarating na si Mama ay nakita ang eksenang iyon.
“Stop pointing fingers to hide the dirt of how failure you are as a father. We all failed as a family to her. I…I failed as a brother to her. Where were you when she needed you the most, huh? You let her handled it alone!”
My mother stopped as she looked at me weakly. Sa pagyuko niya at panginginig ng balikat, alam ko na alam niyang may pagkukulang kaming lahat dito.
“This family killed her first. Let’s stop putting others to blame.” I smirked flatly.
I never acknowledged that our family were cruel. We were just painted wrongly because we were the wealthiest in Bukidnon—a wellknown clan who’s feared by everyone.
But I guess, we really are.
“K-Kinamumuhian ko kayo… H-Hinding hindi ko kayo mapapatawad… S-Simula noong dumating ka sa buhay ko… D-Dinala mo lang ako sa impyerno…”
Bigo ang kanyang namumugtong mga mata kakaiyak nang walang tigil habang nakakuyom ang kanyang kamao at makikita mo ang halo halong galit, sakit at pagkakadismaya niya sa akin.
“Bakit ganyan kayo? B-Bakit niyo nilalagay ang batas sa kamay niyo? D-Dahil ba mayaman k-kayo? Nagmahal l-lang naman si K-Kuya… A-Ang gusto niya lang… A-Ang gusto niya lang ay dalawin ang puntod ni… ni Ate Rici…” Habol habol niya na ang kanyang hiningi at hindi na maayos ang pagsasalita.
Nagtangka akong lumapit sa kanya pero itinulak niya lang ako palayo. It’s like she’s disgusted when I’m near her. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang patahanin pero nanghihina ako sa pagtulak niya. Para akong napapaso.
“P-Pinaniwala mo ako… A-Akala ko… A-Akala ko mabuti ang hangad mo… Pero tama nga sila… Tuso kayo! Hinding hindi kita m-mapapatawad Israel… P-Pinaniwala m-mo ako… P-Pinatay niyo siya!” sigaw niya.
“Namatay ang Kuya ko… Namatay siya sa k-kagustuhan niyang masilayan ang puntod ng m-mahal niya… K-Kahit ang bagay na iyon… I-Ipinagkait niyo… Ganoon ba kayo kasamang tao? Paano niyo n-nakakayang m-manakit… D-Di niyo man lang siya binigyan ng pagkakataon…”
Napaluhod siya at tinakpan ang kanyang mga mata.
“M-Masaya na siguro kayo dahil patay na ang Kuya ko… Nakuha niyo na ang hustisyang gusto niyo… P-Paano naman kami… Saan namin kukunin ang hustisya? Matatawag b-ba kaming biktima ng mga taong ininsulto kami at pinaratangan sa isang k-krimeng di namin kasalanan? P-Pero dahil makapangyarihan k-kayo… d-dahil mas maimpluwensya kayo… s-sa amin parin mapupunta ang sisi diba?”
“I’m sorry,” tanging nasabi ko at umagos na ang aking mga luha.
“Patawad rin Israel pero nakakatakot kang m-mahalin. S-Sana… Sana di ka nalang pumasok sa mundo ko kung isisilong mo lang pala ako sa dilim.”
I was that storm in her paradise. The darkness in her light. The beast…in her heavenly home.
What happened changed our lives. Noong umalis siya, nagsikap ako. I wanted to become the best version of myself, hopeful that in the long run, she might she I deserve her forgiveness. Or I…deserve her.
Pagkatapos ng klase ay tumutulong agad ako sa mga tauhan sa lupain at sa pag-aangkat ng mga mangga. Ang perang kinikita ay inipon ko para makapagpatayo rin ng isa pang negosyo sa syudad pagkatapos ng aking pag-aaral.
The farm in Bukidnon was the greatest asset because we were the whole source of mangoes in this country. We were exporting it to another cities even in Luzon. We’re almost the top source of mangoes.
Lumago nga naman ang lupain. Pagkagraduate ko ay ginamit ko ang aking napag-aralan sa kolehiyo at nagtayo ng sariling kompanya sa syudad gamit ang kinita ko sa lupain. Ang perang kikitain ay balak kong ipatayo ng sariling malaking bahay sa Bukidnon.
Hindi ko pinapabayaan ang aking sarili. Naggym ako syempre. I want her to show that I am far from that person she used to pushed away from her.
Funny how she lets go of me even when she never held me. Binitiwan niya agad ako kahit noong umpisa palang ay hindi niya naman talaga ako hawak. She never held me… She was too afraid I might break her that’s why she broke me first.
“Sino ba sa mga estudyante ang sadya mo rito, hijo?” tanong sa akin noong madalas kong tinatambayang stool ng mga bilog bilog niyang tinitinda.
“Siguro ex mo ’no? At gusto mong makipagbalikan?” Ngumisi sa akin ang matanda habang nagluluto.
The balls taste good. Iyon ang pampalipas oras ko at nagbabakasakaling makita si Tracey.
“Yang mga babae sa umpisa lang naman yan pakipot… Pag sinuyo mo nang sinuyo ay bibigay rin yan.”
I was so desperate to have her again after pushing me away kaya noong bumisita ang aking ina sa condo ko ay nagtanong na ako tungkol sa mga kaibigan niyang Chinese. Hindi nga naman ako nabigo dahil isa nga iyon sa circle of friends niya. She knows the Chuas.
“Fine, I’ll talk to them. Iyong anak nilang lalake ay fixed marriage rin naman iyon kaya papayag rin siguro nilang ipagkasundo ang babae nilang anak,” sagot ng aking ina sa usapan namin tungkol sa gusto kong pangasawahing Chinese.
Kaya noong binalita niya sa akin na pumayag na rin ang mga Chua na ipagkasundo sa akin ang anak nilang babae ay napangisi nalang ako ng demonyo.
Sige lang… Takbuhan mo lang ako. Di mo alam palihim kana palang nakatali at mahihila parin kita pabalik sa akin.
Naging kampante na ako sa nagdaang taon. Di na masyadong tumatambay sa labas.
“Oh? Aalis kana? Minsan ka nalang dito ah…” Binigyan agad ako ng stick noong matanda nang mapadpad ako roon.
“I’m busy with my work…” sagot ko saka tumusok ng noong bilog bilog.
“Ah… Simula noong di kana tumatambay dito humina ang benta ko. Ikaw lang naman ang dahilan ba’t maraming mga mayayamang kumakain dito.”
Dinukot ko ang pitaka sa aking bulsa na ikinatingin niya roon. Inilabas ko lahat ng aking pera na di ko alam kung ilang libo iyon saka ko ibinigay sa kanya.
“Gawin mong puhunan mo. Magtayo ka ng negosyo at bumalik ka ulit dito sa susunod na taon.” Inilahad ko ang pera na ikinalaki ng kanyang mga mata.
“Nako… Di ko iyan matatanggap, Israel!”
“Di ito libre. Gawin mo lang puhunan. Kung kumita kana then pay me. Let’s meet again after 1 year or so.”
It calmed him. Napatitig pa siya roon kaya inilapag ko na sa kanyang tabi ang pera.
Kung may natutunan man ako sa buhay ay iyon ang magbigay sa mga taong nangangailangan. Kung kaya mo namang tumulong, ba’t di mo gawin? Di mo naman madadala sa langit ang pera. Di mo rin ito mababaon sa impyerno.
Alam kong naging matapobre ako. Tracey was right… Di ko nga naman maiintindihan ang buhay ng mga kapos dahil lumaki ako na ibinibigay sa akin ang lahat at nakukuha iyon sa madaling paraan.
“Umatras daw ang anak ni Liam, Israel. She doesn’t want to get married dahil may iba na raw mahal,” balita sa akin ni Mommy sa kabilang linya na ikinatagis ng aking bagang.
How come she likes someone else?! Wala akong namamataang umaaligid na lalake sa kanya at iyong intsik niya lang na kapatid! Iyon lang ang nasa listahan ko!
But it turns out fate has a better plan. Nakikisama rin ata sa akin.
“Israel… Iyong French ba ang balak mong mapangasawa? Iyon lang naman kasi ang alam kong anak ng mga Chua. Di ko alam na may isa pa pala… Nahuli ako sa balita.”
“Iyong maganda, Ma.”
“Maganda iyong French!”
I rolled my eyes and leaned against the swivel chair boredly.
“No. The other one. That Chua named Tracey Adjeanne…”
“Ah! Iyon ngang half Chinese na anak ni Liam sa ibang babae. Di ko pa iyon nakikita dahil si French ang madalas kong namamataan. Iyon ang umurong at ang pumalit ay iyong half Chinese na.”
Napabangon agad ako sa pagkakasandal sa upuan. Ang iilan pang mga ka board meeting ko ay napatingin sa akin pero sinenyasan ko nalang na h’wag akong pansinin.
“Icoconfirm ko nalang sa mga Chua na iyong half Chinese ang gusto mo,” tanging sabi ng aking ina na ikinabasa ko ng aking pang-ibabang labi.
Kaya sa mga nagdaang araw ay nakahinga na ako nang maluwag. And can you believe it, Tracey used it against me.
“D-Dahil may fiance na ako at hindi kana pwedeng lumapit lapit sa’kin-”
“Fiance?” putol ko at nagtunog galit para di siya maghinala na may alam ako.
Tumango ito.
“Oo fiance… Yung nakatakda mong pakasalan balang araw-”
Oh damn you for being so fucking adorable!
I acted like I was mad. Na dapat makita niyang labag sa gusto ko ang desisyon niya. May ugali kasi siyang sinasalungat ang mga gusto ko.
“Kahit lumuhod ako ngayon at magmakaawang h’wag mong pakasalan, pakakasalan mo ’di ba?” Tumawa ako pero sinikap kong magtunog hilaw. “Tangina yan…” Nasuklay ko ang aking buhok paatras. Tangina yan ang swerte ko naman!
“Sinabi ko na sa’yo, iyon na ang huling magmamakaawa ako.” Nailing ako.
Iyon na ang huli dahil nahulog kana sa bitag ko.
She looks so frustrated. Damn it. I need an assurance! This woman thinks she would always have her way to me, huh? Then get me, Trace. Own me. Marry me.
“Gawin mo ang gusto mo at magpakasaya ka. Sige, pakasalan mo.” Pakasalan mo ako.
Ngising demonyo nalang ang nagawa ko at nabura na ang pinipeke kong galit noong iwan ko na siya. Damn… I think I got a bright future as an actor!
“I didn’t know, Brenda! Akala ko talaga isa lang ang babaeng Chua sa pamilya niyo!” narinig kong sabi ni Mama noong magkita silang dalawa sa isang Restaurant.
Nasa kabilang table ako, kumakain at nakikinig sa pinag-uusapan nila.
“Sino bang legal na asawa ang papayag na patirahin ang anak ng kabit ng asawa mo? Imagine my situation, Lorraine!”
“Mahirap nga iyan. Baka di ko rin kayanin…”
“Di ko talaga kaya. I’ve seen Tracey’s Mom and she really looked like her! Naalala ko pa noong nalaman kong binigyan niya ng pera ang kanyang kabit! Nakipagkita sa kanya! I was so mad I said all the hurtful words! Dalang dala na ako…”
“I understand you Bren… Baka ako rin ay makapagbitaw ng masasakit pag nalaman kong may kabit ang asawa ko. But you know… Di rin naman kasalanan ng mga bata,” my Mother said gently.
“Bram, Liam’s other son, is okay to me. Iyong babae lang talaga ang kinaiinisan ko ng husto. Palagi kaming nag-aaway ni Liam. Pero noong tumagal rin… Di ko alam kung ba’t lumalambot ako sa bata. There’s something about her that stop me from doing something cruel to her… Gusto ko ngang alipustahin pero di ko magawa dahil parang hinahaplos ng anghel ang puso ko.”
Ngumisi ako at nabasa ang pang-ibaba kong labi. My girl can tame all the monster in this world. Makita mo lang ang mukha noon ay mapapaamo kana agad.
Our family were against us. We are the reminder of each other’s scar from the past.
“My God, Israel! Bakit hindi mo sinabi na ang babaeng iyon—”
“She isn’t included, mom. Please don’t…” pagod kong sabi nang mag-usap kami sa phone pagkatapos ng eksena sa Restaurant.
My mother sighed heavily but I heard her little sobs.
“B-Bakit hindi mo sinabing siya iyon, huh? Malaki ang kasalanan natin sa pamilya nila, Es…” she cried weakly.
“I know, mom. And I have a lifetime to pay for it,” I said.
My relationship with my father has been scarred after what happened. Money really talks. I may have put our men behind bars for the death of Tracey’s brother, but the one who put the bullet to the triggers that killed a life was untouchable.
It showed how powerful our family is that I despises him. It was his order…and he needed to be punished too. But can you really punish someone who’s powerful than the weak justice system that could be feed by money?
“I am here to take my things. I’m marrying her,” sabi ko habang kinuluha ang aking mga gamit.
Hindi siya umimik at tiningnan ang mga gamit kong kinukuha ko. He’s getting older. The last time I saw him is very far from he was right now. Matanda na talaga at kulubot na ang balat.
“You know son, I never regret being so cruel… Namatayan ako ng anak. You can’t blame me for being so mad.”
Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa kakahakot ng aking mga gamit papasok sa kotse.
“I was just trying to protect our family. But the sad part here… You never saw my pain as a father. Gusto ko lang naman na mapabuti kayo…” He sighed.
I will never understand his pain. What he did is too much! He never gave him the chance to prove to him that he’s worthy for Rici! Wala na akong pakialam diyan sa iniisip niyang sakit na naramdaman niya.
“Your pain as a father is valid, Papa. But the way you responded wasn’t,” I said coldly.
Nagkatinginan kami. I saw my own features in him—the Buenaventura’s eyes. But this time, the darkness were looming. He looked lifeless.
“You know what I’m talking about,” patuloy ko at tumalikod na. “I understand your side as a father. But I can’t still forgive our family.”
Being a parent is probably the hardest—not because it’s a lifetime responsibility—but because not everyone can be a good parent. It takes a million gentleness to shape your children and raise them well—not as a storm in someone’s paradise—but as someone’s hope in every darkness.
Just like how she appeared as the light in my storm.
Pinukpok ko ng martilyo ang kahoy sa punong pinagtayuan ko ng tree house. Mahilig si Tracey sa mga bulaklak kaya nagpasya akong punuin ng mga sunflower ang lupaing medyo malayo sa aming mansyon. Malalakad lang naman ito at nasa dulo lang.
“Done!” Bumaba agad ako.
This treehouse will going to be her shade from the heat of the sun.
Iginiya ko siya paakyat doon saka rin ako sumunod. Naglagay rin naman ako ng upuan doon sa loob para hindi siya mangalay kakatayo lalo na’t lumulobo na ang kanyang tiyan.
“Here… Sit here.” Iginiya ko iyon paharap sa bintana para mapagmasdan niya ng mabuti ang mga bulaklak na maliliit palang.
Umupo siya roon at inihilig ang mga braso.
“Siguro pag lumaki na si baby dito narin siya maglalaro. Itong tree house na ’to ang magiging playground niya,” sabi niya.
“Our baby will going to like this place. She will like the flowers…” sabi ko naman at niyakap na ito sa kanyang likod.
Hinawakan ni Tracey ang aking braso. I sighed and kissed her head. I’m always at peace when I’m with her. She’s my light…
Our tree house became our own resting place. And of course where we make love too.
Tuwing umaga ay nauuna akong gumising para lang isama ito sa pagjajogging ko. Kahit simpleng paglalakad lang ay sapat na para maging malusog ang bata sa kanyang tiyan. May pagkamatigas pa naman ang ulo nito minsan at tinatamad nang tumayo!
“Palibhasa kasi hindi malaki ang tiyan mo kaya di ka nakakaramdam ng pagod. Eh ako…” reklamo niya at sobrang bagal na ng paglalakad.
Ngumisi ako sa kanya. She’s already sweating. Medyo nakakalayo na rin kami sa mansyon.
“Di ka nga nagrereklamo pag nasa ibabaw mo ako…” Nanunuya kong sabi na ikinapula agad ng kanyang pisngi.
“Israel!” sigaw niya na ikinahalakhak ko.
“Mabigat rin ako pero nakakaya mo naman pag pumapaibabaw ako sa’yo-”
Tumigil siya at gumala agad ang tingin para maghanap ng bato. Mas lalo akong humalakhak.
“Babatuhin kita!” pananakot niya pa.
“Oh you’re guilty?” I licked my lowerlip while smirking.
She frowned even more. Pikon nanaman ang buntis.
“Oh… Magandang umaga Ma’am Tracy… Don Israel,” bati sa amin ng ina ni Felicita na tanging kapitbahay namin sa lupaing iyon.
Kapwa natuon ang mga mata namin sa babaeng nagdidilig ng kanyang mga halaman. Kumalma ang mukha ni Tracey at ngumiti agad sa kanya.
Simula noong namatay ang kanyang asawa na sarili rin naming driver noon ay nagdesisyon narin itong manirahan malayo sa bayan. Dahil rin kasi roon ay nawalan na ng kabuhayan ang kanilang pamilya at nalugmok sa utang. Ipinagbili nila ang kanilang bahay para ipambayad at nagtayo nalang ng maliit na bahay rito. Naawa ako kaya binigyan ko nalang ito ng pera para makapagsimula ng negosyo. Ilang taon rin naman kaming pinagserbisyuhan ng kanyang asawa bago ito pumanaw sa isang sakit.
She started to plant some vegetables for a new income. Kahit maliit ay sinisikap niyang kumita ng pera para maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak.
Ang lalake niyang anak ay napilitang lumuwas sa syudad para doon magtrabaho. Iyong isa niya pang babaeng anak ay nasa kabilang nayon na rin at mukhang nakapangasawa na rin ng tagaroon. Si Feli lang ang nabalitaan kong nag-asawa ng mayaman.
“Magandang umaga po…” Lumapit si Tracey sa kanya at nagmano.
“Lalake siguro ’yan…” Hula nito at ngumisi na sa akin ang matanda.
“Talaga po?” si Tracey na namamangha.
Tumango naman ito.
“Oo… Malakas lang ang kutob ko na lalake iyan dahil iba ang pagiging blooming mo.”
“Tracey wants a girl,” sabi ko.
“Pero kung lalake… Okay lang rin naman!”
Minsan ay nagdadala pa ng mangga si Tracey para ibigay sa ina ni Feli. Ni hindi niya na inisip na ina iyon noong babaeng nanakit rin sa kanya noon.
When she gave birth to our son we named it Uno as our first born child. I never stop making love to her and I want her pregnant again, and again. They’re my angel who filled my darkness with light…
I used to be the storm in her paradise. But this love, in spite of the darkness in the sky, would be her own heaven—her home.
Epilogue
You are at the end of the story. Thank you for making all the way here. Salamat sa suportang ibinuhos niyo sa Shade of Love na bigla bigla ko nalang ibinagsak. Happy reading, iryss!
Paradise
“Ma’am! Ang mga kabayo po sa rancho! Pinakawalan lahat ni Sir Dos!” sigaw ng katulong na nakukunsumisyon na naman sa aking ikalawang anak.
Natigil ako sa pamimili ng mga damit nang marinig ko ang sigaw na iyon.
I was preparing for the upcoming party later! Sa sobra kong kaba na baka hindi kami maging presentable sa dadaluhang party ay maaga na akong namili ng mga damit.
Mabilis akong bumaba sa hagdan. That eleven-year-old kid is really into troubles!
Nadatnan ko pa ang siyam na taong gulang kong bunso sa sofa, nakahilata habang may binabasang libro. He looks so bored na siya lang itong walang pakialam sa nangyayari habang nagkakagulo na ang mga tauhan sa labas dahil na rin sa nakikita kong repleksyon nila roon sa malalaking bintana rito.
“Ma’am! Nagtatakbuhan po ang mga kabayo sa may pananim!” sigaw na naman sa akin noong isa pang tauhan na ikinasinghap ko.
Oh no Dos Buenaventura!
Sumunod sa akin si Manang Aneng sa paglabas ng bahay. Binuksan nga ang tarangkahan at kahit ang malaking gate na kumukonekta sa mga pananim ay nakabukas kaya doon lahat dumeritso ang mga kabayo.
Dapat mga kahoy nalang ang ilagay roon at lagyan ng mga alambre kaysa naman gate! I’ll suggest this to Israel.
Nagkalat nga ibang kabayo sa labas ng lupain at tumakbo na sa mga pananim. Some of the men where chasing after the horse. Iginala ko ang aking mga mata at hindi ko mahanap si Dos!
“Si Dos? Nasaan?” tanong ko sa tauhan na nahuli na iyong isang kabayo.
Nagkamot agad ito ng ulo.
“Nakisali sa pagdakip Ma’am. Tumatakbo na roon sa dulo.” Ngumiwi iyong lalake na kahit ako ay nakagat na ang pang-ibabang labi.
Napatingin ako saglit sa mga pananim na naapakan ng mga kabayo. Ang isang linya ata ay parang dinaanan ng bagyo.
“Si Uno?” tanong ko naman.
“Ah… Sumali rin po, Ma’am. Nakasakay po siya sa kabayo niya…”
Nahaplos ko ang aking noo. Gusto ko ng tumakbo pabalik sa mansyon at tawagan si Israel na pasunurin na rito. Mamaya pa iyon dadating but I want him to come here right now!
Tuwing Summer ay dito niya binabagsak ang tatlo para hindi natututong gumimik sa syudad. The City is just too bad influence… Iyon ang sabi ni Israel. Mga bata palang rin naman sila at gusto ko ring makita nila ang ganda ng bukid. Kaso si Dos kahit saan ilagay ay kahit ano talaga ang naiisip.
“Okay lang po kayo, Ma’am Tracey?” tanong ni Manang Aneng sa akin na kanina pa nasa aking likuran.
Tumango ako at ngumiti ng hilaw. Mahihimatay na talaga ako sa mga kalokohan ng aking anak. Naging maayos naman ang pagbubuntis ko sa kanya. Para siyang nasasaniban ng kung ano!
Lumitaw rin naman ang aking panganay na dose anyos palang at papunta na sa aking direksyon. Umatras na ako palayo sa mga pananim para salubungin siya roon sa patag.
Si Uno ang kalmado kong anak at seryoso. He reminds me of Israel a lot pero pagdating sa pagiging marahas ang galaw ay nakuha na iyon ni Dos na palagi ring galit ang mga mata. Si Tres naman ang bunso ko na suplado at akala mo ay may sariling mundo. Namana niya sa akin iyong pagiging book lover niya at tahimik lamang.
Noon, pinangarap kong magkaroon ng babaeng anak. Pero tatlong lalake ang ibinigay sa amin. Katuwang ko naman si Israel sa pag-aalaga noon. Pero noong lumaki na sila ay kailangan na talaga ng mga katulong lalo na’t puro pa mga lalake. Idagdag pa ang sobrang kakulitan ni Dos na daig pa ang dalawang bata!
Okay lang naman kung parehas lang ni Tres na siyam na taong gulang na at tahimik lang. But Dos… that kid? Masyado iyong trouble maker! Si Uno ay seryoso na rin naman sa buhay at kung nandito kami ay pangangabayo lang ang inaatupag.
The three inherit Israel’s dark and mysterious eyes. Na sa tuwing tinititigan ko sila ay mga mata agad ni Israel ang naiisip ko. Si Uno lang itong madalas ngumisi hindi kagaya ng dalawa na kailangan ay may rason pa. Dos likes to smirk evilly. Iyong malademonyong ngisi ni Israel ay siya ang nakakuha. At si Tres naman… masyadong suplado at ipinagdadamot ang kanyang ngiti. Palagi lang nagkakasalubong ang kilay.
“Si Dos?” tanong ko sa aking panganay.
“He’s already riding the horse,” sagot niya, ang buhok na shoulder length ay nakatali na dahil medyo wavy pa iyon. He’s wearing a cotton white shirt paired with fit maong pants and timberlands.
Humalukipkip ako at sumimangot. Tumagilid ang ulo ni Uno at nababahala sa aking ekspresyon.
“I’ll follow him, Mama…” sabi nito sa marahang boses at hinila na muli iyong tali ng kanyang kabayo.
Tumango naman ako kaya pinatid niya lang ito sa gilid at mabilis iyong pinatakbo.
His father taught him how to ride a horse skillfully. Naturuan rin naman si Dos pero iba rin kasi ang kanyang ginagawa. Gumagawa ito ng tricks sa kabayo at minsan ay tumatayo pa ito roon. Pinagbawalan siya ng ama niyang mangabayo pero heto siya… pinakawalan lahat ng kabayo.
Siya iyong klase ng bata na pag sinabihan mong bawal ay mas magkakainteres siya at lalabagin iyong batas mo.
“Ma’am… Pumasok nalang muna po kayo sa mansyon. Mainit po. Ipaghahanda ko po kayo ng meryenda…” Hinawakan ng matanda ang aking siko para kunin ang aking atensyon.
“Ma’am… Susundan nalang po namin at pauuwiin si Sir Dos,” iyong isa naman sa mga tauhan at mukhang napansin ang pag-aalala ko.
Tumango ako at ngumiti ng tipid.
“Salamat.”
Bumalik nga ako sa loob ng bahay. Wala na si Tres sa sala. Baka naroon na siya sa likod at nakaduyan doon sa upuan.
“Pakidalhan nalang kami ng meryenda sa garden, Manang,” sabi ko sa katulong na tumango rin naman.
Nagtungo ako roon sa likod. Hindi nga naman ako nagkamali dahil naroon lang si Tres at payapang nagbabasa sa loob noon.
“Pwedeng pumasok?” tanong ko sa kanya na tumango rin naman at naglipat ng pahina.
Umupo ako sa kanyang tabi. Bumuntong agad ako ng hininga at sumandal sa kanyang balikat.
“Si Kuya Dos mo… pinakawalan ang mga kabayo sa rancho,” sumbong ko sa aking anak.
“Ipasok nalang natin si Dos sa orphanage. Ipaampon natin siya, Mama,” suhestyon niya.
“Pero mawawalan ka ng kapatid! Mawawalan ako ng anak at malulungkot ako…” Bumangon ako saka sumimangot sa kanya.
“Pero di na sasakit ang ulo niyo,” sagot niya naman at nilingon na ako sa mga mata niyang misteryosong misteryoso.
His hair were disheveled a bit. Dahil siguro ito sa paghiga niya kanina sa sofa. Inayos ko iyon at ginaya ang ayos ng buhok ni Uno. He didn’t complain and let me touched his hair. Sinuklay ko paatras ang iilang buhok at nag-iwan ako ng kumpol sa kanyang noo.
Si Tres ang boy version ko. Pero iyong mga mata niya ay mana rin talaga sa kanyang ama. Si Uno kasi ay kamukhang kamukha ni Israel lalo na pag ngingisi. Si Dos naman ay kamukha rin ni Israel pero iyong pag galit, pag marahas.
Sa tatlo ay siya lang ang nagkakainteres sa mga libro. Si Uno kasi business rin agad ang mukhang hilig… Si Dos… Ayoko nalang magsalita.
Ngumiti ako sa kanya at hinalikhalikan ang kanyang noo habang hawak ko ang kanyang mga pisngi.
Sumimangot siya sa aking ginawa pero di rin nagreklamo.
“Ang pogi pogi ng baby Tres namin…” Pinagkukurot ko ang kanyang pisngi.
“I am. Mana ako kay Daddy.” Tumango pa siya.
“Pero you’re my boy version…” Tiningnan ko ang kanyang buhok at ibinaba rin sa kanyang mukha.
Tumango rin siya at hindi na nagsalita pa. Ibinalik niya ulit sa kanyang libro ang atensyon at nawiwili kakabasa roon.
Dumating ang meryenda kaya doon natuon ang aking atensyon. Nakibalita na rin ako kay Manang Aneng kung ano nang nangyari sa pangalawa kong anak.
“Nakikipagkarerahan daw sa tauhan, Ma’am…” nag-aalala niyang sagot na ikinailing ko nalang.
Pag dumating si Israel ay mapapagalitan na naman iyon.
Umuwi rin naman si Dos… sa wakas. Dumeritso siya rito at may tinatago pang kung ano sa kanyang likod. Nakabuntot naman si Uno sa kanya na nakapamulsa at kagat kagat ang pang-ibabang labi, ang tingin ay naroon sa likod ng kanyang kapatid.
“Dos…” Tinapik ko ang isang upuan.
Imbes umupo siya roon ay nanatili siyang nakatayo sa aking harap. Si Uno naman ay naroon sa railings at humilig na.
“You think you can cover your mistake with another mistake?” Nanunuyang sabi ni Uno at hinahangin pa ang buhok na hindi na nakatali at sinusuklay niya lang paatras.
Tinaliman siya ng tingin ni Dos saka rin naman ibinalik ang mga mata sa akin at kalmado na.
“I picked some flowers for you,” saka niya inilahad ang nakabouquet na sobrang daming maliliit pa na sunflower.
“Did you…” Sumayaw ang aking mga mata roon at di na madugtungan ang gusto kong sabihin. Ang aking panganay naman ay humagalpak na ng tawa. Di ko alam kung matutuwa ba ako kay Dos o papangaralan ito.
Mas inilapit niya pa iyon sa akin. Tinanggap ko iyon at nginitian nalang ito. At least he’s fine.
“Ang sweet mo… Salamat, Dos.” Pinisil ko ang kanyang pisngi. “I was so worried… Akala ko nasaan kana naman,” sabi ko.
“I got bored… Nasa tabi tabi lang ako.” Nag-iwas pa siya ng tingin at ngumuso.
Tabi tabi? Iyong huling nawala siya ay nagreklamo si Rudy sa akin dahil kinalbo raw ng anak ko ang kalahati ng maisan niya. Israel even payed for the damages.
Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay sa suot niyang short. Tumitig siya sa aking mga bulaklak at seryosong seryoso ang ekspresyon.
“Pinakawalan mo ang mga kabayo sa rancho. Bakit?” tanong ko.
“I just want to chase them… I want to play,” aniya na ikinanguso ko.
“Pero Dos… Masyadong delikado ang ginawa mo. At nasira ang iilang pananim.”
“That’s why I gave you some flowers for a peace offering.”
Mas humalakhak si Uno. Tumalim sandali ang mga mata ni Dos sa kanya pero bumusangot rin.
“Kinalbo mo lang ang garden ni Mama. Dad will surely get mad…” si Uno naman.
“I picked the flowers effortly, Mom. Just don’t tell this to Dad,” aniya.
Inilapag ko ang bulaklak sa mesa at hinaplos ang kanyang pisngi. Nalaglag sandali ang aking mga mata sa suot niyang itim na tshirt saka ko ibinalik sa madilim niyang ekspresyon. Masyado itong malditong tingnan lalo na pag di ngumingiti.
“Pero Dos… Malalaman rin ito ng Daddy mo. Magagalit talaga iyon…”
“Just tell him the men accidentally open the gate.”
“Isusumbong kita. You need a punishment,” singit naman ni Uno.
Sa ikatlong pagkakataon ay tinapunan niya ito ng masamang tingin. Nagkasalubong agad ang kanyang mga kilay noong bumaling muli sa akin pero tumango na lamang ito. He looks disappointed. Ewan ko nga bakit gustong gusto niyang sinusuway ang ama niya pero ayaw rin namang pinapagalitan.
Para hindi nalang ito lumabas pa ay pinasabay ko nalang ito sa akin. Inayos kong muli iyong mga damit na inihahanda ko.
“Do you like your tuxedo?” Ngumiti ako at ipinakita sa kanya ang susuotin niya.
“Where’s Uno’s suit? Yan?” Itinuro niya iyong kulay puti para sa kanyang kapatid.
Tumango ako. Nang nagkainteres agad siya at akma iyong kukunin ay pinigilan ko na ang kanyang kamay.
“But the dark one will suit you, Dos… ’Di ba you like dark colors?”
“I want Uno’s suit. Sa kanya nalang yan.”
“Huh? Oh sige… Iyong kulay puti na sa’yo ha.” Ibinigay ko sa kanya iyong hanger para maisukat niya rin.
“Isusukat ko, Mama?” tanong niya at itinapat na nga iyon sa kanyang katawan.
Tumango ako at nasiyahan. Iyong damit naman ni Israel ang inihanda ko para pag dumating siya ay hindi na ito mamomroblema.
Nakasanayan ko nang ihanda ang mga gamit nila. Tumutulong ako sa paghahanda sa kanilang almusal lalo na pag papasok sila ng school. Si Dos pa naman ang hirap papasukin. He hates going to his class. Ilang beses rin akong napapatawag dahil sa mga ginagawa niya.
Alas tres na ng hapong iyon noong makarinig kami ng busina. Nagtakbuhan silang tatlo palabas ng mansyon hanggang sa sinalubong nila ang ama nilang kalalabas lang ng kotse at may dala dalang paperbag.
“Yes!” sigaw pa ni Dos nang makita iyong pasalubong ni Israel na nasa paperbag.
Baka isa iyan sa mga kapritso niya sa kanyang ama at pinagbigyan agad. Their father is spoiling them too much.
Israel chuckled. He looked tired pero nang dahil sa mga anak ay lumiwanag rin ang mukha. Sumandal ako sa may pinto at humalukipkip roon habang tinititigan silang apat.
“Here’s your new book, buddy.” Ibinigay niya naman iyong panghuli niyang paperbag na dala.
Si Uno ay may hawak hawak na ring paperbag at dinudungaw na iyon.
“Cool! Thanks Dad!” si Uno.
Si Dos ay tumakbo rin paakyat ng hagdan dala dala iyong kanya at sigurado akong hindi na bababa dahil alam niyang may kasalanan siya.
“Thanks, Dad,” sabi ni Tres nang tiningala niya ang kanyang ama na ginulo ang kanyang buhok.
Tumango siya at napunta rin naman sa akin ang mga mata. Ngumuso siya at hinagod pa ako ng tingin habang naglalakad patungo sa akin.
Iginapang niya ang kanyang kamay sa aking baywang saka ako hinila palapit at pinatakan ng halik.
“How’s my wife? May ginawa na naman bang kalokohan si Dos?” Umangat pa ang kanyang kilay habang dinudungaw ang aking ekpsresyon.
Napatingin ako saglit sa katulong na hinihila ang mga gamit ni Dos para iakyat na. Ibinalik ko rin naman sa kanya ang aking mga mata at humawak sa kanyang balikat.
“You know Dos… Makulit talaga. Pero okay naman…”
Tumango siya sa akin.
Ayoko nang ikuwento ang mga ginawa ng anak niya sa araw na ’to.
“I’m going to ask Uno later.”
“Huh?” Natawa agad ako. “Uhm, kumain kana? Sinong naiwan sa kompanya? Si Mama pa rin?” tanong ko sa kanya para maiwala iyong topic.
Naglakad kaming dalawa patungo sa kusina.
“Yeah… She’s going to handle the company for the mean time and since it’s summer. Alam niya namang nasa inyo ang oras ko tuwing bakasyon na ng mga bata.”
“Eh sila Creizler at Adiane? Pupunta rin ba sila mamaya rito?”
Tumango siya sa akin. Tumango tango naman ako at sinimangutan siya.
“Wala akong pasalubong sa’yo? Sila lang tapos akin wala?”
Israel chuckled. Pagkapasok namin sa kusina ay isinandal niya agad ako sa pader at inipit ako roon habang nasa labi ko na ang labi niya. Mainit at malalim agad ang kanyang atake na ikinapulupot ng aking kamay sa kanyang leeg.
“Pwedeng ito nalang?” sabi niya habang hindi pinuputol ang halikan namin.
Tumango ako at ngumisi. Naramdaman ko ang kanyang dila na pumasok na habang ang kanyang mga kamay ay bumaba na sa aking pwetan at pinisil pisil iyon.
Pilyo siyang ngumisi at itinulak ang kanyang sarili sa akin. Gumagalaw na siya habang ang kanyang halik ay bumababa na sa aking leeg. Tumawa ako at nakiliti kaso nang mapansin ko si Tres sa aming gilid na nakatayo roon at nasa amin ang tingin ay napatayo agad ako ng tuwid.
“T-Tres…” tawag ko sa anak kong nakahawak pa ng baso at tinitingala kaming dalawa ni Israel gamit ang misteryoso niyang mga mata.
Natigil rin si Israel at nilingon na ang anak naming hindi mabasa ang blangkong ekspresyon. Umawang ang aking bibig para sana may sabihin nang nagsimula rin naman itong maglakad. Nilagpasan niya kami at kumuha ng maiinom sa loob ng ref saka rin tahimik na umalis at di na kami nilingon pa.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Israel.
“Manang mana sa’yo ang bunso natin.” Pilyo siyang tumawa sa gilid ng aking tenga.
“Gano’n ba ako?” Sumimangot agad ako.
“Gano’n ka. You’re silent and mysterious…” sabi niya habang sobrang lapit ng labi sa akin.
Itinulak ko siya palayo dahil hindi ko na kaya na baka si Uno o si Dos naman ang makakita sa amin.
“Let’s just go to our room,” aniya at hinila na ako sa itaas.
Binuksan ko ang aming kuwarto pagkarating namin doon at naroon pa sa mga kama ang pinaghahanda kong mga susuotin mamaya ng mga bata.
The Buenaventuras will have a big gatherings in their old mansion. Kung nasaan…ang Papa ni Israel. They reconciled last year. It was emotional because even my mother talked to Israel’s father.
He asked for forgiveness. On bended knees…to my mother. Hindi ko alam kung naging sapat na ba iyon ngunit ang sugat ng kahapon ay hindi pa rin naghihilom.
Inamin niya ang lahat lahat at hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kahit si mama. Napagtanto kong bilang ama, masakit din malaman o marinig na niloloko o ginagamit ang iyong anak. Ngunit naging mali ang paraan niya.
Nakita ko naman ang pagbabago. Lalo na’t sa mga dumaang taon, nagsisikap ang Papa ni Israel hindi lamang sa aking pamilya, kundi kay Israel din. His father changed because of his grandsons.
Sayang at hindi makakadalo si Mama. Pero alam ko, ginagawa niya lang alibi na wala siyang oras sa tuwing nagtitipon ang mga Buenaventura dahil ayaw niyang makita ang Papa ni Israel.Busy siya kaka-travel sa ibang bansa kasama iyong napangasawa niyang Engineer. Natutuwa ako dahil masaya narin ito.
Pagsapit ng gabi ay nagbihis na nga kami. Isang long gown na backless ang aking suot at kulay nude iyon. Nakalugay ang buhok kong tuwid na tuwid at tinatakpan ang aking likod.
Marami nang nakapark na mga kotse sa labas ng kanilang mansyon. Napapalibutan rin ng fairylights ang mga puno para magsilbing ilaw at may mga lamesa na roong nakahelera.
“Ma? It’s ripped.” Ipinakita sa akin ni Uno iyong puti niyang suit na may punit ng ang bandang kili kili.
Nanlalaki ang aking mga mata at nilingon si Dos na pasimpleng nag-iwas ng tingin saka siya sumipol sipol habang nakabulsa.
“Dos,” tawag ko sa kanya pero umabante na ito at naglakad na patungo sa mga tao. Sumunod rin sa kanya si Tres.
Ibinalik ko ang aking mga mata kay Uno na panay ang tingin sa punit na iyon. His wavy shoulder lenght hair looked properly tamed. Mukha siyang prinsepe sa suot niyang puting tuxedo at iyon nga lang ay punit.
“What happened?” tanong na rin ni Israel nang maantala kami sa may gate.
“Dad… It’s ripped,” saka niya rin itinaas ang kanyang dalawang kamay at nakita nga roon ang punit na mukhang ginunting pa.
Isang sando ang panloob niya kaya kapansin pansin nga iyon pag itataas niya ang kanyang kamay.
“I think Dos did this…” hula ni Uno na kahit ako ay iyon rin ang iniisip.
“Hindi naman masyadong klaro. Just don’t raise your hand,” si Israel.
“P-Pero Israel…” Kabado ko siyang tiningnan.
“It’s fine, Ma,” si Uno at ibinulsa na rin ang mga kamay. “Di ko rin napansin kanina…”
“Sigurado ko, Uno?” Haplos ko sa pisngi niya.
Tumango si Uno. “Yes, mama. It’s fine so don’t worry.”
Ipinulupot ni Israel sa akin ang kanyang braso at hinalikan ang aking balikat.
“Relax, Mrs. Buenaventura,” aniya sa nakakaakit na boses.
Ikinalma ko ang aking sarili. Huminga ako ng malalim at pinakawalan ang aking alalahanin. Ngumiti ako kay Israel. Masyado nga akong tense… Masyado lang talaga akong nag-iisip ng kung ano ano.
Siguro dahil sa iba pa niyang kamag-anak lalo na’t naririto lahat at ito ang unang beses na hahalo kami. Unang beses na nakumbinsi ko si Israel lalo na’t hindi na siya dumadalo pa sa pagtitipon ng mga Buenaventura simula noong pinakasalan niya ako.
Kaya rin nagkukusa ang kanyang Papa na pumunta sa amin at dalawin ang mga apo niya tuwing Summer.
Maraming bisita ang nagkalat. Masasabi mo talagang may mga pangalan sa industriya ng business lalo na’t ang tindig palang ay maaamoy mo na ang karangyaang tinatamasa.
Alam kong malawak talaga ang nasasakupan ng mga Buenaventura sa negosyo. Ang Chinese niyang ina ay maraming koneksyon idagdag pa ang ama ni Israel na hindi rin basta basta. Halos pagmamay-ari na nga nila ang buong bukid dahil sa lawak ng kanilang lupain at galing pa raw sa kanilang mga ninuno.
Napalago ni Israel iyong lupain na minana niya sa kanyang Lolo pero hindi pa kasali roon ang lupain nila sa bayan na sa pagkakaalam ko ay ipapamana rin ng ama ni Israel sa kanya.
Namataan ko agad sa malaking mesa na humalakhak na dahil pinapalibutan na ni Uno, Dos at Tres na nagmamano sa kanya.
Israel’s father is anticipating for our presence. Ni hindi niya inaalis ang tingin niya sa amin na kahit si Ate Adiane ay napalingon na rin. Nalipat ang aking mga mata sa kanya na nginitian ako. Ngumiti ulit ako kahit hirap.
Nagsiupuan na rin naman ang mga bata sa kani-kanilang upuan. Naunang lumapit si Uno at nagmano agad. Kitang kita ko ang pagtagilid ng ulo ng matanda at mukhang may sinilip.
“Your coat is ripped…” puna nito na ikinakagat ko ng aking labi.
Binulungan ni Uno ang kanyang Lolo na mabilis lumingon kay Dos saka siya humalakhak.
“Oh… Like father like son! Makulit at pilyo!” Natawa ang matanda na kahit si Mama ay ngumiti na rin kahit walang naririnig at mukhang natutuwa sa pagbulong ni Uno.
“I am not like that,” si Israel nang huminto na kami sa kanyang harapan.
Sinundan niya sandali ng tingin si Uno na nagtungo na sa bakanteng upuan sa dulo katabi ni Dos saka niya kami binalingan ulit.
“Gusto mo bang isa-isahin ko para mapahiya ka sa asawa mo?” Umangat ang kanyang kilay at nilingon ako.
“Kung alam mo lang, Trace…” si Mama naman na marahang tumawa at inangat iyong wine glass.
“Uh… H-Happy birthday po,” bati ko.
Inilahad naman ni Israel sa kanya iyong paperbag na dala dala niya. Tinanggap iyon ng kanyang ama at inilagay sa gilid.
“Well, thank you… I’m glad you came,” aniya sa baritonong boses.
“Tracey wants to be here in your birthday. Gusto rin ng mga bata kaya pumunta kami,” paliwanag ni Israel.
“Edi asawa mo lang ang may pakialam sa birthday ko?”
Nagkibit si Israel at ngumisi.
“Thanks to you my son changed his mind.”
Ngumiti ako at nilingon si Israel na nakaangat lamang ang kilay sa ama niya. Sampong taon din ang lumipas bago hinayaan ni Israel ang Papa niya na makalapit sa amin. At sa taong ito, ako na mismo ang nagkusa kay Israel na baka panahon na ring huwag ipagdamot sa Papa niya iyon.
Lalo na’t payapa na si Mama. Siguro nga, masakit pa rin. Pero unti-unti na naming tinatanggap kahit mahirap. Unti-unting nagpapatawad para makausad.
Umupo ako sa tabi ni Mama, sa gilid ko naman ay si Israel na katabi narin ang aming tatlong anak. Sa kabila naman ay ang mga anak ni Creizler at Ate Adiane na puro rin mga lalake. Kaedad lang ni Tres ang bunso nilang si Kazi habang ang panganay naman na si Trever ay lamang ng isang taong gulang kay Uno.
Umalis saglit si Mama sa lamesa para puntahan ang lamesa ng mga bisita. Si Papa naman ay tinataas nalang ang hawak na wineglass sa ibang table na tatango sa kanya at magtataas rin ng wine glass.
Pumapaibabaw ang tugtog ng violin sa kabuuan ng lugar. Maririnig mo ang mga pinaghalong boses ng mga bisita na nagkakatuwaan sa kanilang mga lamesa. Naaalala ko iyong mga meetings ni Papa sa mga kasosyo nilang Chinese at ganito rin ang aking nararamdaman.
“I wonder why I don’t have a grand daughter? Wala na ba kayong balak bigyan ulit ako ng apo?” tanong ni Papa habang nagsisimula na kaming kumain.
“Ako lolo… Bibigyan kita ng babaeng apo,” sagot bigla ni Dos na ikinalingon naming lahat sa kanya.
Nanlalaki ang aking mga mata. Ang aking anak ay nagawa pang hiwain ang kanyang steak at umaaktong normal lang ang sinabi niya.
Papa’s laughter filled the whole place. Malutong iyon at tuwang tuwa sa sagot ng kanyang apo. Lahat ay natawa narin maliban sa akin. Nilingon ko si Israel na nakangisi pa kaya nang makita niyang ngumuso ako ay tumikhim siya at binura ang ngisi.
“That’s why I like this kid!” Tinuro niya si Dos at nailing.
“He sounds like Israel. The younger version. Iyan rin ang sagot niya sa akin noong sinabihan ko siyang pamahalaan ang business sa syudad. And he told me na bibigyan niya nalang ako ng apo para tulungan ako!” si Mama naman na ikinatawa nilang muli.
“It runs in Buenaventura’s blood, Ma,” si Israel.
“Aabangan ko ang ibibigay mong apo sa akin, Dos…” pagbibiro pa ni Papa.
“Sige ka pa… Pag nakabuntis iyan ng maaga ay makukunsumisyon si Israel.” Tumawa si Ate Adiane.
“Creizler… Aren’t you planning to give me a grand daughter? Di mo na bubuntisin si Adiane?” tanong ni Papa sa asawa nito.
Binalingan saglit ni Creizler ang kanyang asawa na ngumuso pa saka niya ibinalik ang tingin sa ama ni Israel.
“I don’t think Adiane wants another child… Kontento na raw siya sa dalawa,” sagot nito sa baritonong boses.
“How about you Israel… Ayaw mo nang magdagdag?”
Ngayon ay napunta na ulit sa amin ang kanilang mga mata.
“I would love to but…” Nilingon ako ni Israel habang ang kanyang kamay na namamahinga sa aking hita ay pinisil na ako roon.
“My wife doesn’t want to get pregnant anymore.”
“Oh… So puro lalake ang apo ko?” Nagtunog pagtatampo agad ang tono ng pananalita ni Papa.
“Uh… Gusto ko po kasing tumulong na kay Israel sa business, Pa… ’Tsaka malaki na rin naman ang mga bata,” sagot ko at sinikap na magtunog kalmado.
Lumiwanag ang mukha ni Mama.
“Really?! That’s good!” aniya.
Umangat ang kilay sa akin ni Israel. Si Papa naman ay tumango tango.
“Pwede niyo namang iwan sa akin ang mga bata tuwing bakasyon,” si Papa.
“Sekretarya ka rin ni Israel, Trace?” Ngumisi pa ng makahulugan si Ate Adiane sa akin.
“Secretary para mabantayan ang asawa. Mga babae…” Nailing si Creizler.
Nagtawanan kami sa hapag. Nginusuhan pa ni Adiane ang asawa na inangatan lang siya ng kilay.
“Sino bang mamamahala sa kompanya, Israel? Sinong tutulong paglaki ni Trever?” tanong ni Papa.
Tiningnan ko rin si Israel. Alam ko namang si Uno ang balak niya dahil ngayon palang ay iyong anak na naming panganay ang nakikitaan niya ng interes sa negosyo. Imposibleng si Dos… Si Tres mukhang wala ring hilig.
“Si Uno,” sagot ni Israel.
“How about our land here? Si Dos?”
“Did you hear what happened to Rudy’s corns? Kinalbo ni Dos ang kalahati!” pagkukwento ni Mama na ikinatawa namin.
Tawang tawa na naman si Papa sa kapilyuhan ng aming ikalawang anak. Namana raw nito ang katigasan ng ulo ni Israel noon.
Umikot ang topic sa mga future ng mga bata. Mga advance nga talaga ang mga Buenaventura. Kahit si Tres ay gusto nilang magmanage ng mga mangga rito at magfocus sa farming. Kaso mukhang wala ring interes ang bunso ko roon. Kung hindi raw si Tres ay pwedeng si Kazi.
Noong sobrang lalim na ng gabi ay nagpasya na rin naman kaming umuwi. Sila Adiane ay dito na raw matutulog sa mansyon ng mga Buenaventura.
Kinarga ni Israel si Tres na nakatulog na pala kanina sa kanyang upuan at inilagay ito sa backseat. Si Uno ay kausap pa ang kanyang pinsan habang si Mama naman ay nawiwili sa pakikipag-usap kay Dos.
Naiwan naman ako sa harap ng kanyang mga ama na nasa kotse ang tingin pero ibinalik rin sa akin.
“Thank you for coming, hija… Naging masaya ako dahil sa mga apo ko,” sabi nito sa akin na ikinatango ko.
“Walang anuman po, Papa…” Ngumiti ako sa kanya.
“At salamat dahil sa’yo ay nagbago ang isip ni Israel. Baka di ko na nakita ang mga apo ko dahil sa kanyang galit. Thank you for convincing my son to forgive me…”
Sa tuwing nakikita ko siya, umuukit sa akin ang mapait na nakaraan. Nakikita ko sa aking isip ang gabing iyon sa gitna ng dilim habang sinisikap kong kargahin si Kuya at natutumba kaming dalawa.
Hindi ko siya kailanman nakita sa malapitan. Nito lang mga nagdaang taon noong sinisikap niyang pumunta sa bahay para lang makita ang mga apo namin tuwing Summer.
Ngunit naiintindihan ko si Mama kung bakit…ayaw niyang nakikita ang mga Buenaventura. Dahil napagtanto ko na kahit tumanda ako, maalala at maaalala ko ang masakit na sinapit ni Kuya Bram sa kamay nila.
Kaya naiintindihan ko rin ang mga Buenaventura noon na kami agad ang nakikita nilang may kasalanan sa pagkamatay ni Ate Rici dahil alam ko, dahil sa maling iyon, nagpakamay ang isa sa pamilya nila.
Our family were both scarred by each other. At si Israel, pinakasalanan ako sa gitna ng gyera ng aming pamilya. Kaming dalawa ang naging tulay para unti-unting magpatawad, at unti-unting palayain ang aming mga sarili sa pagkakakulong sa aming mga galit.
Hindi mabura ang aking ngiti hanggang sa pauwi na kami sa bahay. Si Uno at Dos ay gising pa habang si Tres naman ay tulog na tulog.
Pagdating namin ay kinargang muli ni Israel si Tres na yumakap rin sa kanyang leeg.
“Matulog na kayo. Goodnight… I love you…” Hinagkan ko isa isa ang ulo ng aking mga anak.
“Love you too, Mom…” Dos murmured.
“Love you too, Mama…” marahan namang sagot ni Uno at hinalikan ako sa aking pisngi.
Hinatid ko ang dalawa sa kani-kanilang mga kuwarto. Lumabas rin naman si Israel sa kuwarto ni Tres saka ako nilapitan.
“Pinatulog mo na ang tatlo?” tanong niya.
“Oo…”
Kumpara kasi sa dalawa na kayang magpuyat, si Tres ang mabilis antukin.
Nagtungo rin naman kami sa veranda ng kuwarto habang tahimik kong tiningnan ang dilim ng langit. Naaalala ko si Kuya Bram… at ang naging buhay niya kung sakaling…hindi naging malupit ang tadhana sa kanila.
Inaamin ko na may kasalanan din naman si Kuya, pero hindi ko tanggap na ganoon ang hinantong niya. Siguro nga sa kagustuhan niyang humingi ng tawad kay Ate Rici, sa lalim ng pagmamahal niya, noong nawala ang babaeng mahal niya ay nawalan na rin siya ng pag-asang mabuhay.
Humigpit ang yakap ni Israel sa aking likuran at hinalik-halikan ang aking balikat.
“Ano kaya ang naging buhay ni Ate Rici at Kuya Bram kung…buhay sila? Ilan kaya ang anak nila ngayon?”
Hindi sumagot si Israel ngunit mahigpit ang yakap niya.
“Tayo…ano kaya ang naging buhay natin?”
“Probably like this. Still like this. Coz no one could ever change my mind.”
Bumuntonghininga ako at nangingiti siyang nilingon.
“Mahal kita, Israel,” bigkas ko.
Tumitig siya sa akin, hindi makangiti at nangingislap ang mga mata.
“Thank you for marrying me… in spite of the darkness…”
Umiling ako. “Ginawan mo ako ng langit sa gitna ng dilim, Israel. Ganoon ang nararamdaman ko sa tuwing kasama kita. Paraiso ko ang pagmamahal mo.”
He swallowed hard. Hinagod niya ang kanyang labi sa akin. Pumikit ako.
“You deserve heaven, Trace. And I am willing to build a paradise just to deserve you…”
Ngumiti siya at hinalikan akong muli. Sa madilim na kalangitan, sa mga bituing kumikislap, naging saksi sila sa itinumbas kong halik sa lalakeng hindi na dilim ang isinilong sa akin kundi ang kanyang walang katumbas na pagmamahal.
Shade of Love Book
Hello, irys! The instructions for the self-published Shade of Love are indicated below. Please read everything before ordering since there are no cancellations of orders placed and no refund once paid.
The links for payment and ordering are already posted on Say Creatives Facebook Page, and saycreatives on Instagram.
For more details, you can follow my Instagram account, juliennemariii, to keep updated on the self-published book Shade of Love.
Thank you so much!

