loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Short Stories

Short Stories

xXxMalexXxDamselxXx · 2 chapters · 3,792 words

Short Story #1

Ewan ko ba kung bakit hindi ko ginamit yung car ko ngayon. It was raining like there’s no tomorrow. Kakatapos lang ng meeting ko with some clients somewhere around here in West ave. ng biglang bumuhos ang napakalas na ulan. Kaya heto ako ngayon basa na sa kahahanap ng taxi na pwedeng masakyan. Ewan ko ba kung bakit madalang ang taxi ngayon, kung kahapon ang dami daming taxi pero ngayon halos lahat may laman na. Epekto siguro ng ulan.

Nag palipas muna ako ng isang oras sa isang cafe na malapit dito. Hoping na sana tumila na ang ulan. I ordered hot matcha and a muffin dahil na rin nakakahiyang tumambay dito na wala man lang binibili. While they delivered my order to my table at hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan ay minabuti kong ireview nalang muna yung napagkasunduan namin ng cliente ko. Konting changes lang naman ang gagawin ko and the rest is ok na. Nang malapit ko ng matapos ang mga papers  ay may lumapit sa akin, akala ko nung una ay isang staff lang na para kunin yung mga nagamit kong baso at platito pero ilang segundo pa ay hindi ito gumagalaw at nakatayo lang sa side ko. Nung iniangat ko ang mukha ko ay halo halong emosyon ang naramdaman ko. Sakit. Saya. Inis. May pagkamiss.

“Marc? Is that really you?” Pagtatanong niya. Wala pa rin siyang pinagbago. To his husky voice, to his brown eyes, down to his perfect set of teeth, dimples on the right cheek, still have those kissable lips and now to his srcuffy beard. Bumagay naman sakanya ang look niya ngayon or should I say mas naging gwapo siya ngayon?

“Leo?” Pag tatanong ko na may halong alinlangan. Its been 4 years since the last time I saw him.

“Ako nga, Fancy meeting you here. May hinihintay ka ba?” Sabay upo sa harapan ko at tinignan niya lang ako na may ngiti sa kanyang labi.

“Wala naman. Kanina pa tapos yung meeting ko with some clients. Eh naabutan ako ng malakas na ulan. Ayun, tambay nalang muna ako dito sa cafe” sagot ko sa kanya at ibinalik ko din sa kanya ang ngiting ibinigay niya sa akin.

“How long it has been?” Pag tatanong niya.

“Ang alin?”

“The time we seperated, we parted ways” he answered. Lahat ng sakit ng naramdaman ko bumalik ulit. All the memories i’ve tried to bury. The feeling, the emotions. All the scars seems to re-open and it hurts.

“4 years and 7 months to be exact” I bitterly answered. “Bakit ka pala nandito? May hinihintay kaba?” Tanong ko sa kanya. Pag iiba ng topic.

“Wala naman. Madalas ako dito sa cafe nato umiinom ng coffee after work. Wanna catch up?” Bigla niyang tanong sa akin. I’ve tried to say no but he know me too well. He used the charmed looks on me again that I keep on falling.

When we got outside the cafe it was still raining. Luckily may dala siyang auto. He got in and unlocked the door on the passenger sit. Pumasok na ako agad at umalis na kami. Awkward silence lang habang nag dri drive siya, not like that comfortable silence that I felt with him before. We stopped in a bar. Mabuti nalang at tuesday night nun at walang masyadong tao. Pinili namain yung sa may bintana na hindi nauulanan at para narin malamig. He ordered cocktails dahil alam niyang ayaw ko ng beer.

We talked about the years we didnt saw each other. He just came from canada 3 months ago and malapit lang pala yung work place niya sa cafe. Kamustahan ng mga kaibigan ganito ganyan. Then he asked that one question that sent all my nerves to high alert.

“Kamusta ka naman nung nag break tayo?” He asked, still smiling. Is it just me or napaka incensitive niya? Siya yung nagloko tapos may gana pa siyang ngumiti ng ganyan? But on the other side, kamusta na nga ba ako?

“Eto, still breathing. Sanay na rin ako ng wala ka.” Hindi siya kumibo at uminom na lang siya. “Eh kayo ni Lance kamusta?”

Nabigla siya sa tanong ko kaya naman napaubo siya.

“Wala na kami ni Lance. 4 months lang naging kami. He was the worst mistake I ever made.”

“Maybe for you, but you’re my biggest mistake” sagot ko sa kanya sabay inom. Medyo tipsy na rin ako. Pero kaya ko pa nama ang sarili ko.

“May I take you home? Just like the old times?”

Just like the old times? Ano nga bang nangyari nung mga old times na yun? It was highschool if I remembered correctly when he transeferred at our school. Tall, handsome, matalino. Everyone was falling for him. The dream of every girl, the crush of every bisexual man, and the beloved student of the teachers. He was perfect.

Ayoko sa kanya nung una dahil pa sip-sip siya sa mga prof noon. He was my rival at becoming the batch valedictorian. We competed at every subjects. When graduation came, he became the class valedictorian and I was the salutatorian. He smiled at me when he was receiving his diploma. I hated his guts and that smug smile on his face.

College was a blur. I forgot the memory of him. I entered one of the prestigous schools here in manila not knowing na dito din pala ang bagsak niya. I took Internal Auditing. It was hard but life isnt made easy. It was enjoyable to say the least. New friends, new terror profs, and new crushes. I was open when I was in college pero hindi halata.

I became friends with one of my ultimate crush, si Anthony, when I was on my 3rd year na. Athletic, smart, moreno. He was the ideal boyfriend. One time he invited me to go out clubing with some of our shared friends. It was a saturday night and kakatapos lang ng midterms nun. Sino ba ako para tumanggi? I accepted his invite.

It was a well known club that time. Booze, smoke and dancing lights. It was the environment I missed these days. Ikaw ba naman ang mag IA. Pinakilala ako ni Lance sa iba pa niyang friends then unexpectedly, he was friends with Leo. Napa nga-nga nalang ako. Ung kabwisitan ko sa kanya bumalik. Little did I know, we’re from the same school but different courses. He was a Psych major and I was in IA. Nung una mejo awkward pero nung makalaunan ay naging tipsy na ako sa dami ng aking nainom. Nagkakatinginan naman kami but not for long. When everyones going home, I waited for a cab. Mag pa-para na sana ako ay pinigilan ako ng isang kamay. Si Leo pala.

“Come on. I’ll take you home.” Pag aya niya. Still wearing that charming smile of his. Maybe that’s the reason why kung bakit ako pumayag.

“Diko alam na same school pala tayo.” He said while still driving.

Tinignan ko lang siya at itinuon ang pansin sa labas.

“Same here.” Sagot ko.

“Anong course mo?”

“IA”

“Ahh. So malapit lang pala ang building niyo sa building namin.” He commented. I stayed silent not knowing what to say.

“Jan mo nalang ako ibaba sa may P.Campa.” Utos ko sa kanya. Itinugil niya naman ang sasakyan at bumaba na ako. Nag pasalamat ako bago ko sinara ang pintuan. Not knowing na bumaba rin pala siya.

I headed straight for Mcdonalds dahil nagugutom ako. Mejo na wala na rin ang amats ko. Nung nasa pila siya ay sinabayan niya ako.

“Nagutom din ako ee.” Ngiti niya. Di ko nalang siya pinansin.

“Isang 2 pc chicken, large iced tea at large fries.”

“Isang Bff fries at burger mcdo pa”

“Miss pahiwalay nalang po ng bayad” sabi ko sa kahera

“No need. Miss eto na po ang bayad.” Sabay abot ng malutong na 500.

“Di mo na kailangan gawin yun. Ayaw kong mag karoon ng utang na loob.” Sabi ko habang papaupo sa lamesang na pili namin.

“It’s ok. Kahit papano naman ay nabawasan na ang kasalanan ko sayo.” He commented.

“Kasalanan?” Pag tatanong ko.

“Oo. Kasi nung highschool tayo bwisit na bwisit ka sa akin and I don’t know why. Kaya ngayon, siguro gusto kong bumawi man lang sa di mo nagustuhan sa akin?”

Tinignan ko nalang siya at nag kibit balikat. Ngumiti nalang siya at nag simula na kaming kumain. It was a silent meal. Nung matapos ay nag paalam ulit akong uuwi na. Ihahatid niya pa daw ako but I refused pero mapilit siya. Wala na akong nagawa.

Isang araw after ng class ko, nandun siya sa labas ng building namin. Nag aabang, nag hihintay. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at lumapit sa akin.

“Nandito ka?” Pag tatanong ko nung nai-alis na niya ang headset sa tenga.

“Hinihintay kasi kita.”

“Bat naman?”

“Ayain sana kitang mag mcdo ulit. Gutom na ako at walang kasama.”

“Samahan nalang kita. Wala akong dalang pera ngayon. Naiwan sa apartment wallet ko.” Sagot ko dito.

“No need. Ako nag aya diba?” Sino pa nga ba ako para tumanggi sa grasya? Nagugutom din ako kaya pumayag nalang ako.

When we were at mcdonalds, inorder niya ulit yung inorder ko noon. Then we took a seat at the secondfloor sa may window at naka tapat sa aircon. Habang kumakain ay nag rereview kaming dalawa. It was silent but comfortable. I was surprised at myself dahil hindi na ako naiirita sa kanya.

Days passed and naulit ng naulit ay mga tagpong yun. Kung hindi mcdo ay pumupunta kami sa sb or jollibee. And of course siya ang nag ya-yaya. Days turned into weeks and weeks turned into months. 2 months to be exact, ganun pa rin ang sitwasyon. Lagi niya akong inaabangan sa building namin, mag aayang kumain sa labas, samahan ko daw siyang bumili sa mall at kung ano-ano pa. One time after class ko ay dumiretso ako sa library. Tinungo ko ang library gamit ang ibang exit ng building para hindi ako makita ni Leo. Ewan ko kung bakit ako nag tatago sa kanya.

I was making an assigment when a chair moved beside me breaking my reverie. Tinignan ko ito at si Leo pala.

“Kanina pa kita hinihintay sa building niyo ah. Andito ka lang pala.” Sagot niya habang nag hahabol ng hininga. Mukhang pagod sa kakalakad.

“Sorry ah. May assignemnt kasi ako na kailangan kong tapusin agad. Di na kita tinawag at baka mabore ka lang.” sabay balik sa pag susulat.

Andun lang siya sa tabi ko. Nag lalaro sa phone niya habang ako nag susulat. Minsan hihiga niya ang ulo niya sa lamesa at papanuorin lang akong mag sulat. Di ko nalang siya pinansin at kailangan ko na talagang magawa ang assigment ko.

After kong mag ayos ng gamit ay nag pasya si Leo na mag kape muna kami. Tumanggi ako dahil busog pa ako. Pero mapilit talaga siya.

Alam na niya ang lagi kong binibili kaya nag presenta siyang siya nalang ang pumila at ako ang maghahanap ng upuan. Nang makaupo siya ay nag kwentuhan kami.kung ano yung mga subjects namin na mahirap, terror proff pati na rin yung mga classmates namin nung highschool. Then he asked me.

“Di mo pa ba ako sasagutin?” Nakayuko niyang tanong na mukhang nahihiya pa.

“Bakit? Nanliligw kaba?” Deretsong tanong ko dito.

“Hindi pa ba halata?” Sagot niya habang nakatingin na sa akin.

“Ako kasi yung tipo ng tao na kailangan ko ng assurance. Kesa naman na mag assume ako. Ayaw kong dumating ang araw na hindi ko alam kung saan ako lulugar.”

“So nagyon alam mo nang nanliligaw ako, kailan mo ako balak sagutin?” Ngiti niyang tanong.

“Ewan ko sayo.” Sabay irap ko sa kanya.

We talked and we laughed. Mejo pinagtitinginan na kami ng iba pang taong nandun pero wala kaming pake. It was like were on a different world from theirs.

After a month ay sinagot ko siya. Ang saya niya nun. Nabuhat niya pa ako sa sobrang saya. Unang out of town namin ay sa Baguio. Kung saan saan kami napadpad pero masaya kaming dalawa. Dito din sa Baguio kami unang nagtalik. Masakit na masarap sa feeling. Malaki ang alaga niya kaya paika ika akong nag lakad kinabukasan. Nasundan pa ang out of towns namin. Cavite, batangas, tagaytay, palawan. And sa lahat ng napuntahan namin ay may nangyayari sa aming dalawa.

Sa loob ng 3 years ay nag live-in kami at masaya naman kaming dalawa. Alam na naming ang gusto at ayaw ng bawat isa. Akala ko forever na hindi pa pala.

3 years and 3 month. Parang may nag iba sa kanya. Dumalang na ang pag kiss niya sa akin sa umaga at lagi na siya late kung umuwi. Ipinag kibit balikat ko nalang dahil ang alam ko sa work siya nag oovertime.

3 years and 4 months. Mas naging cold siya sa akin. Dumalang ang sex life. Di na rin siya minsan dito nag bre-breakfast. Tapos minsan uuwi na ng lasing.

3 years and 5 months. Nahuli ko siya sa isang cafe sa work place niya na may kasamang iba. Si Lance. Ka work mate niya na minsan na rin niyang naipakilala sa akin. Andun lang ako sa tabi nakikinig sa usapan nila. It was their 3rd monthsary. Umalis akong umiiyak.

Tinext ko si Leo na lalabas kami nila Jean, isa sa mga kaworkmate ko, na kakain kami sa labas but in actual truth ay mag isa akong iinom ng alak. Hindi ko alam kung ilang bote na ang nainom ko ng nag pasiya na akong umuwi pero sana hindi pa ako umuwi. Pag pasok ko palang sa pintuan ng tinutuluyan namin ay nakita kong may isang pares ng sapatos na hindi ko makilala. Kinutuban na ako. Lalabas na sana ako pero may sariling isip ang paa ko. Binuksan ko ang kwarto at dun ko nakita ang kagaguhan nilang dalawa. Nagulat pa sila sa pag dating ko. Ako naman ay naging tuliro. Sinarado ko ulit ang pinto at linisan ang bahay. Bago pa man ako makasakay ng taxi ay yinakap ako ni Leo mula sa likod.

“Sorry.” Habang naka baon ang mukha niya sa balikat ko.

Wala akong maramdaman that time. Parang naging bato ang puso ko. Ang gusto ko lang ay makalayo.

“Sorry” pag uulit niya. Hinarap ko siya at nakita kong umiiyak na siya.

Bakit siya umiiyak? Ako ang dapat umiyak.

“Mahal mo pa ba ako?” Pag tatanong ko.

“Sobra”

“Kung mahal mo ako ba’t ka pa nag hanap ng iba?” Di siya umimik. “Kung ayaw mo na sa akin sana sinabi mo nalang. Mas maiintidihan ko pa yun!”

Andun lang kami sa labas ng bahay. Nakatayo.

“Ako o siya?” Tanong ko.

“Babe please.” Pag susumamo niya.

“Ikaw mamimili o ako ang pipili para sayo?”

“Please babe.”

Walang siyang sinagot. Pumasok ulit ako sa loob ng bahay deretso sa kwarto naming dalawa. Kwarto na kung saan karamihan ng masasayang ala-ala ay nadito. Pero di ko aakalain na dito din pala mawawasak ang lahat ng masasayang ala-alang yon. Kinuha ko ang travelers bag ko at nilagay lahat ng gamit ko. Lahat siniksik ko dito.

Pag labas ko ng kwarto ay nandun si Lance nakaupo sa salas. Nilapitan ko ito.

“Maraming salamat sa pag sira mo ng relasyon namin ni Leo. Sana maging masaya ang pag sasama niyo.” Aalis na sana ako ng mag salita siya.

“Marc, let me explain”

“Explain what? It’s not what you think it is ganun ba? Na pareho kayong lasing? Tanginamo! Di ka nalang makati napa ka sinungaling mo pa!” Bulyaw ko dito. Hindi na siya nakasagot pa at lumabas na ako ng bahay. Nandun parin si Leo. Nakaupo sa may kalsada. Tumayo siya nung nakita ako.

“Babe.” Tawag niya.

“I gave you a chance. Me or him. Kung mahal mo talaga ako hindi ka mag aatubili na piliin ako. Kung talagang mahal mo ako you would never look for somebody else!”

“Mahal na mahal talaga kita Marc. Napamahal na rin ako kay Lance.” Nagsisimula na naman siyang umiyak.

“Maybe were meant to meet each other but not meant to stay together.”

“Babe please. Don’t say that.”

“Leo ayoko na. Para na akong tanga dito na nag hihintay na ako pipiliin mo.” At dahil dun ay sumakay na ako ng taxi papalayo sa kanya. Papalayo sa unang lalaking minahal ko ng buo.

“Hey! Earth to Marc!” Leo said while waving his hands at my face. Andito pa pala kami sa loob ng bar.

“Is there something wrong?” He asked.

“There’s nothing wrong. I just remembered something.”

After the breakup umuwi muna ako sa provine namin to cool things off. All my friends said na ang tanga tanga ko daw. Bat daw wala akong ginawa para ipag laban ang pag mamahalan namin. Maipaglalaban ko pa ba ang pagibig na kay lamig?

1 year ako ng stay sa province until everything was fine, I moved back here in manila. Looked for a new job, restarted my life, dated some guys here and there. I tought I moved on but seeing him here now made me confused. Do I still love him or just the memory of him?

“Sorry I have to go now.” I said to Leo while standing up and exiting the bar. I’m not sure with my feelings and i’m afraid what i’ll do if i stay too long with him.

“Hatid na kita.”

“No need. Tumila naman na ang ulan and I really need to go home.”

“I insist”

“No need.” Tumalikod na ako sa kanya at pinara ang unang taxi na nakita ko. Nung huminta ito ay bigla itong umalis sa harapan ko. Not knowing na sinenyasan pala ito ni Leo na hindi na kailangan.

“Leo ano ba?” Irita kong sagot dito.

“Stay. Please.” Pag susumamo niya.

“I really need to go.” Sabay talikod at nag abang ng taxi. Yinakap niya ako mula sa likod. Ramdam ko pa ang mabilis na kabog ng puso niya. How I miss this feeling.

“Give me a chance. Another chance.” He whispered to my ear.

“Leo. Babasahin mo pa ba ang isang libro kung alam mo na ang ending neto?”

“Please. I’ll do anything to get you back again.”

“Leo ano ba? I really need to go now.” Pilit kong pag pupumiglas sa kanya.

“I still love you.” Natigilan ako sa sinabi niya. Lumuwag na ang pagkakayakap niya sa akin. Hinarap niya ako sa kanya. “You still love me? And then what? When that love isn’t enough mag hahanap ka nanaman ng iba? Ganun ba?”

Hindi siya sumagot.

“Siguro nag kulang din ako. Di ka naman mag hahanap ng iba kung sapat yung ibinibigay ko sayo. I’m sorry for that.” Saad ko. Tinignan lang siya sa mata.

“After the break up with Lance, hinanap kita. I even contacted your parents. Nung nalaman ko na andun ka sa province niyo agad akong nag punta dun para makita at makausap ka.” Hinawakan niya ako sa braso ng mahigpit. “And nung nakita kita I tought ‘God, i’m such a fool for leaving this man’ you were there, happy. Smiling at your parents. Di na ako lumapit because I tought I don’t deserve you. I don’t deserve that smile of yours.”

“Pero mapag loko ang tadhana. To all the people i’ve dated, ikaw ang pinaka minahal ko ng sobra.” Sabay alis ng kamay niya sa braso ko.

Di ko alam kung anong gagawin ko o sasabihin ko sa kanya. Everything was on haywire. Dahil na rin siguro sa nakainom ako or sa pagod ako ngayon.

“Dati akala ko tayo ang nakatadhana para sa isa’t-isa. Pero syempre may sarili tayong pag isip para mag desisyon. Pinili mong humanap ng iba kaya ngayon hindi na tayo para sa isa’t isa.” Saad ko kay Leo habang tinitignan siya ng malalim sa mata. “Masakit man isipin na hindi naging tayo but i’m thankful for knowing you.” Sabay talikod sa kanya.

“I know i’m not perfect. I make mistakes all the time but even now i still long for your touch.” Leo answered.

“I dont need perfect Leo, i just want you but that was before, everythings changed now and wala na tayong magagagwa dun. Past is past. Let’s just get on with our lives and move forward.” And with that nag para na ako ng taxi at sumakay na pauwi. Naiwan dun si Leo. Nakatayo, lumuluha. Iniwan ko ang lalaking una kong minahal at ang lalaking huli kong mamahalin.


A/N

Boom! Tapos na! Nakakabitin diba?

Heather

“I still remember, 3rd of December” . Panimula ko sa kanta. 

“ Me in your sweater. You said it looked better on me than it did you. Only if you knew .“ Kung alam lang sana ni Dustin how he saved me everyday.

“ How much I liked you but I watched your eyes as she walks by .“ Andito kami ngayon sa bar kung saan ako magtratrabaho tuwing friday and saturdays.

“ What a sight for sore eyes. Brighter than a blue sky. She’s got you mesmerized. While I die.“ Sino pa nga ba ang kasama niya kundi si Kathryn.

  • • - • -

“Ui thank you at pumunta kayo!” Bati ko sa kanilang dalawa after kong kumanta. Tapos na ang pang 2nd set ko kaya yung banda after ko ang next.

“Oo naman! Lakas ka kaya sa akin!” Sagot ni Dustin at nginitian si Kathryn.

“Of course! Ganda kaya ng boses mo. Ilaw siguro pinupuntahan ng mga customer dito eh?” Komento ni Kathryn.

“Di naman. Magaling din yung next na banda. Baka sila ang pinupuntahan.” Sagot ko dito at nginitian.

Nagtagal pa kami ng konti bago napagpasyahang umuwi na dahil malapit ng mag alas 3 ng umaga.

Una naming hinatid si Kathryn at sabay din kaming umuwi ni Dustin dahil magkalapit lang naman ang apartment na tinutuluyan ko sa bahay nila.

Bumaba kami ng taxi sa bungad ng eskinita dahil hindi na ito magkakasya dito. Magkatabi lang kaming mglalakad sa daan ng biglang umihip ang malamig na hangin. Nilamig ako kaya niyakap ko ang sarili ko.

“Oh,” pag aabot ni Dustin ng sweater na dala dala niya. Napansin niya siguro ng nilamig ako.

“Thank you.” Sabay kuha at suot dito. Di na ako tumanggi dahil nilalamig na talaga ako.

“Looks good on you” komento niya sabay lakad.

Ikinapula ko naman amg komento niyang iyon pero buti nalang at nauna na siya nag lakad kundi makikita niya na namumula na ang aking tenga sa komento niya. Hinabol ko siya ng kaunti at sabay na rin kaming naglakad.

“Balik ko din sayo to bukas.” Sabi ko ng papaok na ako sa gate ng apartment na tinutuluyan ko. Tumango lang ito at itinuloy ng paglalakad pauwi.

Buong magdamag kong iniisip ang nangyari kanina. Suot suot ko pa rin ang sweater. Andun parin yung pabango niya. Nakaka adik.

[A/N]

Tamad ituloy xD


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.