SIGURO(BXB 2017)
ThePageWriter · 57 chapters · 70,016 words
PAALALA!
“
HINDI NORMAL na relasyon o pagmamahalan sa pagitan ng dalawang lalaki ang inyong mababasa, kaya’t kung hindi ka pa handa at wala ka pa sa hustong edad para magbasa ng ganitong klaseng istorya ay ipagpaliban mo na muna.
Muli, let’s formally welcome, SIGURO!
Date started: July 17, 2017 Date ended: November 25, 2017
SIGURO-PART 1
Jung Yong Hwa as Art! Enjoy reading! Mwuahh!
SIGURO-
Part 1
LEROY
“Ma, Pa, may gusto lang po sana akong itanong.” Wika ko habang nasa hapag kainan kami. Paano ba naman kasi puro pagkainis at pagkamuhi sa mga bakla ang kanilang laging pinag-uusapan.
“Ano ’yon, Leroy?” ang tanong ni Papa pabalik sa akin.
“Bakit ang laki po ng galit mo sa mga bakla? May nagawa po ba sila sa’yong kasalanan? Para po kasing ang ..basta!” Naguguluhan kong tanong.
“Ano ka ba naman, Anak. Natural na kaiinisan ng Papa mo ang mga bakla dahil hindi sila magandang ehemplo para sa mga kabataan. Bukod kasi sa nilalabag nila ang nakasulat sa bibliya ay sila rin ang pangunahing pinagmumulan ng sakit na AIDS!” Pagpapaliwanag naman ni Mama.
“Tsaka, Leroy, Anak, walang maganda sa pagiging bakla dahil bukod sa tampulan sila ng tukso ay maituturing pa silang isang salot sa lipunan. Kaya ikaw, galingan mo. Ayokong makikipagkaibigan ka sa mga bakla.” Ma-awtoridad na pagpapaliwanag ni Papa na nagbigay sa akin ng pasyang ’wag na ring ipaalam ang bagay na gumugulo sa aking isipan.
“Ganoon po pala? Sige, basta pagbubutihin ko nalang po ang pag-aaral ko.” Ang plastik kong tugon.
“Mabuti naman kung gano’n. Gayahin mo ang kuya mo na may sinabi na sa buhay.” Ani papa.
Noong mga sandaling narinig ko mula sa kanilang bibig kung gaano nila kaayaw ang anak na bakla ay naisip kong dapat ko na ring galingan ang pagtatago sa aking totoong kasarian. Mahirap na.
Natapos ang aming tanghalian ay ready na si Kuya Mark para ihatid ako sa ekwelahang pinapasukan ko. Ganyan kasi si Kuya, lagi akong in-spoiled dahil ako lang naman daw ang Baby bro niya.
Bakit ba kasi hindi pinagkalooban ng anak na babae sina Mama at Papa? Bulalas ko sa aking sarili.
“Kuya, hanggang kailan mo ako ihahatid sa school? Hindi ba may trabaho ka?” Naitanong ko na lamang bigla kay Kuya habang nagmamaneho siya.
“Hanggang gusto ko. Tsaka, ’wag mo na nga akong artehan d’yan! At tungkol naman sa trabaho ko, ako na ang bahala r’on.” Aniya.
“E, ’di wow!” Sagot ko naman sabay tawanan.
Naging mabilis ang aming pagbyahe patungo sa aking Unibersidad na pinapasukan at akmang bababa na ako mula sa sasakyan nang pingutin ni Kuya ang aking tenga.
“Aray! Para sa’n ba ’yon?” Inis kong tanong kay Kuya at doong ako nagulat nang iabot niya sa’kin ang isang libo.
“Idagdag mo ’yan sa baon mo. Alam kong maraming gastos ngayon dahil sa Thesis mo.” Nakangiti from ear to ear na sabi ni Kuya.
“Salamat, Kuya! The best ka talaga!” Saad ko naman habang yakap-yakap ko siya.
“Nambola ang Baby bro ko. Ge na, pumasok ka na!” at ipanagtabuyan na ako ni kuya. Buti nalang talaga at may kuya akong kagaya niya.
Habang naglalakad ako, naalala ko bigla na tapos na ang aking thesis at konting linggo na lang ay magde-defense na ako. Kaya mas mabuti siguro kung i-save ko nalang sa aking bank account ang isang libo na bigay sa’kin ni Kuya.
Ilang saglit pa akong naglakad-lakad hanggang sa marating ko na ang CBA (College of Business Administration).
Gaya nang nakagawian, nagtungo muna ako sa library para makita ang crush kong si Art.
Sakto naman sa aking pagdating ay naroroon siya sa isang sulok at nagbabasa na naman, gaya ng kanyang nakagawian.
“Hey, nandito ka na pala! Maupo ka na at baka mangalay pa ’yang paa mo sa kakatayo riyan.” Ang biro ni Art habang nakatingin sa akin. Napatawa nalang tuloy ako at napagalitan din kami ng librarian dahil sa ingay naming dalawa.
“Kamusta pala ang thesis natin?” bigla niyang naitanong.
“Okay na. Defense nalang ang kailangan at wala na tayong problemang malaki.” Pagpapaliwanag ko.
“Buti naman kung ganoon. At dahil d’yan, libre kita ng dinner mamaya!” aniya sabay yakap sa akin.
“Mabuti naman at baka lumipat na ako sa ibang block kapag hindi mo ako inilibre. Tsaka, ikaw, pabasa-basa ka pang nalalaman, e tamad ka namang tao.” Real talk kong sabi.
“Sama mo namang magsalita. Sa hindi ko naman talaga hilig ang aral-aral na’yan, anong magagawa ko?” Pagdepansa pa niya sa sarili niya.
“Pero hindi kita papakopyahin sa Statistics mamaya. Finals pa naman.” Panunuya ko.
“E, ’di ’wag. Nag-review ako hano!” Pagpapaliwanag niya na halata namang labas sa ilong.
At dumating na nga ang aming final examination sa naturang subject. Okay naman ako sa pagsasagot habang si Art ay hindi mapakali. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, kulbit sa unahan, kulbit sa likod. Ganyan ang kaniyang ginagawa. Bigla tuloy akong naawa dahil kita kong blankong-blanko pa ang kaniyang papel.
Kaya nang sandaling lumabas ang aming guro ay piningot ko siya at ibinigay ko ang cellphone ko namay larawan ng aking may sagot na papel. Para naman s’yang nanalo sa loto nang mga sandaling ’yon.
At gaya ng aking inaasahan, nakapagpasa ang mokong ng kaniyang papel na mataas ang nakuhang score.
Kinagabihan, masayang-masaya kong nilantakan ang apat na order na order ng paborito kong carbonara na syempre ay libre ni Art—gaya ng pangako niya kanina.
“Paano kaya ako makaka-survive sa college life ko kung hindi kita naging kaibigan?” Bigla na lamang niyang naitanong.
“Tigilan mo nga ako sa drama mo, Art at baka maisampal ko sa’yo ’yang kinakain mong lasagna!” panunuya ko.
“Okay, sabi ko nga.” Ang tugon naman niya sabay tawa. Kitang-kita ko tuloy ang kaniyang mapuputing ngipin at ang kaniyang chinitong mata. Ilang sandali pa akong napatitig sa kanya at napakamot nalang ako sa ulo nang bigla niyang punasan ang gilid ng labi ko.
“Laway mo, Leroy! Hanep ang lamog mo!” singhal niya nang mapunasan niya ang gilid ng labi ko.
“Sorry na. Nadala lang ako sa sarap ng kinakain ko. In-imagine ko kasi na carbonara ka rin.” Ang nakaaasar kong pagpapaliwanag na kahit ang totoo ay nagagwapuhan ako sa kaniya.
“Gago! Mas masarap naman ako sa Carbonara, ’no!” Bulyaw niya.
“Hindi rin.”
At nagtawanan pa kami.
Halos alas otso na nang matapos kaming kumain. Marami pa kaming napagkwentuhan ni Art at gumala pa kami sa loob ng Mall. At dahil may itsura kami pareho ay takaw tingin kami sa mga tao lalo na si Art na walang kaarte-arte kapag may babae o baklang nagpapa-picture sa kanya.
Nang mapagod kami sa aming paglilibot-libot ay napagpasyahan naming umiwi.
“Paano ba ’yan, mauna na ako. Ingat ka, Leroy! Salamat uli!” Sabi niya at tuluyang sumakay sa taxi.
Habang tinatanaw ko ang kotseng kaniyang sinasakyan ay nakaramdam ako ng pagod. Pagod na hindi lang dahil pisikal akong napagod kundi napagod din akong magpanggap na hanggang sa kaibigan lang ako para sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas at napagpasyahan ko na ring umuwi.
Eksaktong mag-aalas nuwebe y medya na nang makarating ako sa bahay. Paano ba naman kasi ay malapit lang naman ang Mall na’yon sa bahay namin.
Noong gabi ring ’yon ay hindi na ako kumain dahil sobrang busog na busog ako sa mga pagkaing inilibre sa’kin ni Art.
Samantala, walang paglagyan ang kilig sa aking mga muka lalo na nang idikit ko ang piraso ng tissue na ginamit ni Art bilang pamunas sa akin kanina sa aking scrapbook na halos mapuno na ng mga maliliit na remembrance ng masasayang moments kasama si Art.
Nariyan ang simpleng balat ng bubble gum, condom na ginamit namin noong nag-experiment kami sa Biology noong first year kami. Meron ding stick ng barbecue, isaw at marami pang iba na magpapatunay kung gaano ko iniingatan ang mga bagay na nagpapaalala sa’kin kay Art.
Ngunit habang nakangiti ako ay napaisip akong muli ng malalalim na bagay na may kinalaman kay Art. Alam kong walang kasiguraduhan itong aking nararamdaman kay Art pero wala na akong pakialam dahil gusto ko lang ay ang maging masaya kahit ayaw ng mundo na maging akin siya. At umaasa pa rin ako na sana dumating ang araw na ang salitang SIGURO ay maging POSIBLE na kasama ko siya.
Itutuloy!
SIGURO- PART II
Jung Yong Hwa as Art. Enjoy reading! Mwuahh!
SIGURO- P
art II
LEROY
Mabilis na lumipas ang mga araw at puro nakakatakot na requirements ang kailangan naming ipasa para lang makasigurado na mapipirmahan ang aming clearance. Naiinis nga rin ako dahil naglalabsan ang mga gurong puro paninikil ang alam. Kesyo kailangan nito, niyan at marami pang dahilan para pirmahan lang ang clearance namin.
“Parang ang init ata ng ulo mo kanina pa? May problema ka ba?” Tanong ni Art nang sandaling makita niya ako sa labas ng faculty room.
“H-hindi. Wala ’to,” palusot ko.
“Wala raw.” Panunuya niya na ikinainis ko.
“Wala nga! Ang kulit mo!” Medyo napalakas kong sabi na ikinagulat niya. Siya naman kasi, masyadong makulit.
“S-sorry. Medyo mainit ang ulo ko.” Pahabol ko.
“Naiintindihan naman kita kaya tara nasa canteen dahil napirmahan na ni Sir. Ulap ang clearance natin.” Aniya na nagpasaya sa akin dahil si Sir. Ulap nalang ang walang pirma dahil sa napakahirap nitong hagilapin at maarte pa!
“Wow! Paano mo napapirma si Sir ng gano’n gano’n nalang?” Duda kong tanong.
“Wala naman,” aniya sabay nag-pose na nakahawak sa baba.
Asar, bakit ako kinikilig sa panget na’to? Bulong ng isang bahagi ng utak ko.
“Siguro ay nilandi mo’yong Ulap na’yon at kumagat naman siya.” Pahabol ko pa
“Exactly!” anas niya na naging dahilan ng aming tawanan.
Nakaakbay sa akin si Art habang papunta kami sa school canteen. Medyo maraming tao noong makarating kami pero dala ng aming gutom ay nagtyaga na rin kami.
“Sinigang para sa mga tulad kong tigang!” ang biro ni Art nang maka-order kami.
“Adobo para sa mga taong bobo!” ang pagbibiro ko rin sabay tawa. Napuno pa ng tawanan ang aming table lalo na’t magaling sa kalokohan ang isang ’to. Mahina at tamad sa klase pero sa kalokohan ay grabe.
“Ang dami mong alam, mag-aral lang ang hindi.” Pang-aasar ko pa na nagpalakas ng tawanan naming dalawa.
“Kapag ako nagseryoso na next sem, who you ka sa’kin!” Sabi niya na ilang ulit ko ng narinig.
“Utot mo, square! Iyan din ang sabi mo noong nakaraang semester. ’Wag ako! ’Wag ako, iba nalang.” Basag ko sa banat niyang iyon.
“Okay, sabi ko nga po, Boss!” aniya na hindi ko alam kung bakit ako natigilan. Tinawag ba naman akong boss.
Nakailangang cup pa kami ng rice nang mapagpasyahan naming maglibot-libot sa school. At habang naglalakad kami ay napadako ang mata namin sa bulletin board na may nakapaskil na larawan ni Art noong nag-perform siya noong nakaraang linggo sa ginanap na Music Idols ng aming campus na ilalaban para sa inter campus this summer.
“Ayusin mo nga ang sarili mo, Art! Uupakan kita kapag uminom ka pa ng malamig na tubig!” panenermon ko habang iniinom ko ang binili niyang flavored-water na animo yelo sa lamig.
“Sorry na. Para ka namang babae d’yan e. Talak ka ng talak!” pagmamaktol niya na nag-push sa’kin para tuktukan siya.
“Nakakarami ka na!” reklamo niya habang sinasapo ang kaniyang ulo na nasaktan marahil.
“H’wag kang magreklamo dahil ako ang coach mo ngayon. Tantanan mo ako sa pagpapabebe mo dahil baka ibuhos ko pa sa’yo itong hawak kong tubig.” Pananakot ko na sinamahan ko pa ng pagtutukot ng hawak ko na ang totoo ay wala ng laman.
“Okay, Coach! I’m ready!” Aniya at nilabas ko naman ang ckear book kung saan nakalagay ang piyesang kakantahin niya.
Naging maayos naman ang naging practice niya. Feeling ko tuloy na hinaharana niya ako sa kaniyang pagkanta. At nang dumating ang ang pinaka-main event ay todo support ang aming college lalo na ang mga ka-block mates namin.
“Go, Papa Art!”
“Go CBA!”
“Go! Go! Go!” Ilan lang ’yan sa mga narinig kong pag-cheer sa taong lihim kong minamahal.
Lalo pang lumakas ang hiyawan nang iayos n’ya ang kaniyang gitara. Kung ilalarawan ko siya ngayon ay totoong napaka-hot niya. Nakasuot lang siya ng sandong itim na nag-e-expose sa kaniyang kilikil at higit na nakadagdag hot sa kaniya ay ang panyo na nilagay ko sa ulo niya bilang lucky charm kuno.
Halos na-caught na niya ang atensiyon ng mga kababaihan at mga kabaklaan lalo na nang magsimula siyang kumanta. Ngunit bago ’yon ay nagsalita muna siya.
“Para sa’yo ’to. Sana maramdaman mo.” At nagsimula na siyang kumanta.
“We’ll do it all
Everything
On our own.. “ Nakangiti niyang simula na nagpatigidig sa puso ko. Paano ba naman kasi ay favorite ko ang kantang iyon ng Snow Patrol.
“We don’t need
Anything
Or anyone“
Nakapikit pa rin siya. Ang sarap lang pakinggan ng boses niya. Halos malaglag na ang panty ng mga kababaihan lalo na’t may sumigaw pang babae.
“Anakan mo’ko, Art, kahit batik-batik!” Sigaw ng babae at talagang hindi ito nahiya kahit puro tawanan na ang nagaganap.
“If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world?
I don’t quite know
How to say
How I feel“
Masarap sa tenga ang liriko ng kanta at tunay na nagre-reflect sa’kin nasasaloob. Mahal ko talaga si Art pero ang category ko ay bilang tropa o kaibigan lang niya. Nasa ganoong pakikinig pa ako nang naramdaman ko nalang ang labis labis na hinagpis sa aking dibdib na gustong kumawala na naging sanhi ng aking pag-iyak. Mabuti na lamang at may kadiliman sa bahaging ’to.
“Those three words
Are said too much
They’re not enough
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world?
Forget what we’re told
Before we get too old
Show me a garden
That’s bursting into life“ At tuluyan na akong napahagulhol ng iyak. Hindi ko na tuloy natapos ang pagkanta dahil sa kakaiyak.
Nang ako’y makabalik ay tapos na siyang umawit.
“’Yan at narinig niyo ang napakagwapong panlabang ng College of Business Administration kaya naman magdako na tayo sa ating Top 3 Campus Music Idols,” ang sabi ng mc na talagang malagkit ang tingin kay Art.
In-announce na ang mga winner at luckily, first place si Art na ikinatuwa naman ng aming departamento.
Buti nalang talaga at nanalo siya bilang runner up sa Music Idols na ’yan dahil kung hindi ay hindi.
“Buti nalang talaga at nand’yan ka, Leroy, dahil kung wala ka ay baka natano at nalegwak na ako ro’n sa unahan kanina.” Pagpapasalamat ni Art sa akin na naging sanhi para mapalunok ako.
“A, oo nga e, NANOOD ako. Congrats, bro!” sabi ko sabay yakap sa kanya.
Kanina ka pa nakatingin d’yan a. Gwapo ba?“ tanong niya na nakapagpabalik sa akin sa aking sistema.
“Ano ulit ’yon? May sinasabi ka ba?” Tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
“Wala. Sabi ko ang bingi mo!” bulyaw niya sa aking muka.
“Okay!” sabi ko naman pabalik.
Habang nasa ganoong posisyon kami nang bigla dumaan si Cathy na ex ni Art. Mula sa pagiging alive ng muka ni Art ay para siyang nakakita ng multo. Maging ako man ay nasasaktan din pero hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan para sa kanya.
Hindi sila nagpansinan nang dumaan si Cathy na para bang wala silang nakaraan. Ang gulo rin ng dalawang ’yon, e. Halata namang mahal pa nila ang isa’t-isa pero wala silang ginawa kundi itago iyon. Naalala ko tuloy ’yung kanta niya noong nakaraan. Marahil ay para rin iyon kay Cathy.
“Sundan mo na.” Suhestiyon ko kay Art ngunit hindi naman niya ako pinakinggan.
“Hayaan mo siya. Malaki na’yan. Alam na n’on ang tama at mali. Hindi ko para ubusin ang oras ko sa taong ipinagpalit ako sa panget!” biro pa ang huli niyang linya ngunit hindi sapat para madala ako. Hindi kasi convincing, masyadong bitter.
“Okay. Sabi mo ’yan.” Sabi ko habang sinusundan ko siya na hinahabol na pala si Cathy.
Eto na naman ang role ko…Dakilang sidekick na lihim na nagmamahal sa kanya at naghahanap ng pagmamahal na kailan man ay hindi ko masisiguro dahil wala namang kami… Aasa nalang siguro ako sa salitang SIGURO.
To be continued!
SIGURO-PART III
Choi Woo Shik as Leroy! Enjoy reading!
SI
GURO- Part III
LEROY
“Wala tayong dapat na pag-usapan dahil tapos na tayo!” Iyan ang narinig ko mula kay Cathy.
“Gusto ko lang sanang isauli itong gitara,” blankong tugon ni Art na nagpabigla sa’kin dahil bigla akong may naalala.
“Sino ba kasi ’tong pumirma sa likod ng gitara mo? Ang dugyot tingnan.” Prangkang-pranka kong sabi habang nakaupo kami sa terrace magkakagrupo. Kailangan daw kasi namin ng isang musical commercial kaya naman ito at napagpasyahan namin sa bahay mag-shoot .
“A, eto ba? Wala ’yan. Pirma ko ’yan dati.” Aniya kahit tanda ko ang pirma niya. Soon, malalaman ko rin kung kaninong pirma iyon.
Nasagot na rin ang aking katanungan at si Cathy pala may likha ng pirmang ’yon.
“No, hindi ko tatanggapin ’yan dahil regalo ko sa’yo ’yan noong high school palang tayo.” Ang sabi naman pabalik ni Cathy. Patuloy pa rin ako sa pagsilip sa kanila mula rito sa isang maluwang na butas ng bintana.
“Okay. Ingatan mo ang sarili mo.” Paalala ni Art na hiniling ko na sana ay ako nalang si Cathy. For sure ay iingatan ko pa si Art morethan she did.
“Oo, iingatan ko ang sarili ko. Tsaka please, ’wag mo na ako ulit lalapitan dahil seloso ang boyfriend kong si Jerome.” At doon ay tila nasaktan din ako sa narinig ko para kay Art.
Hindi na nakaalis si Art sa kaniyang kinatatayuan at malayang lumisan naman Cathy na tunay na maganda pero ugaling gabi dahil masyado siyang makati.
“Bro, okay kalang ba?” sabi ko nang sandaling umalis ako sa pinagtataguan ko.
“Iwan mo muna ako, Leroy.” Utos niya.
“Pero -” hindi ko na natapos ang sasabihin ko lalo na at sa unang pagkakataon ay nasagiwan niya ako ng sobra na talaga namang tumagos sa aking dibdib.
“Sinabi ng iwanan mo muna ako! Nakakaintindi ka ba?!”
Hindi na ako nagsalita pa at umalis nalang. Siguro ay nasaktan talaga si Art dahil nang silipin ko siyang muli ay sinira niya ang bitbit niyang gitara. Tila hindi kinakaya ng mata ko ang mga nangyayari pero dahil ayaw kong makadagdag sa kaniyang galit ay minabuti ko nalang na umuwi.
Habang nasa sasakyan ako, nakita kong nakarehistro roon ang pangalan ni Art pero hindi ko sinagot. Ayoko na ulit mabulyawan dahil nasasaktan ako.
“Sir, kanina pa ho tumutunog ang cellphone niyo. Hindi niyo po ba ’yan sasagutin?” Magalang na tanong ng binatang UBER driver.
“Hayaan mo siya. Hindi naman ako kawalan sa kanya dahil gago ang isang ’yan!” singhal ko at sumandal ako sa head board.
“Sige po, Sir. Sabi niyo, e.” Aniya at hindi ko na siya pinansin pabalik.
Pero ilang ring pa ang naganap kaya naman wala akong choicen kundi ang i-off ang cellphone ko. Bubulyawan niya ako tapos tatawag-tawag siya! Magdusa siya ngayong ara LANG. Sabi ko sa aking isip. Ngunit talagang madaya ang tadhana dahi hindi ko natiis si Art at in-open ko ang aking cellphone at tinawagan ko siya pabalik.
“Hello, Art? Na-low bat lang ang phone ko kaya hindi kita nasagot.” Pagpapaliwanag ko kaya naman napatingin sa akin ang driver na katabi ko sabay ngiti ng nakakaasar.
“Ganoon ba? Sige, hintayin nalang kita sa may seven eleven malapit sa school.” Sagot niya sa kabilang linya at agad niyang ibinaba ang kabilang linya.
“Kuya pakabalik sa may seven eleven malapit sa campus.” Utos ko sa driver na kanina ko pa napapansin ang ngiti from ear to ear. Isa pang ngiti at makaksapak na talaga ako.
“In love ka, tama ba? At sa bestfriend mo pang lalaki, ’no?” Panunuya niya na ikinais ko dahil tumpak na tumpak sa totoong kalagayan ko.
“Hindi ako in love ’no. Tsaka tigilan mo nga ’yang pagngiti-ngiti mo dahil naaasar ako! Gusto mo hindi kita bayaran?” pabalik ko sa kanya.
“S-sabi ko nga hindi ka in love sa bestfriend mong LALAKI.” Mahina ngunit pakilig niyang sabi.
“May sinasabi ka ba? Ayusin mo ’yang trabaho mo at baka masesante ka ng hindi oras.” Pagbabanta ko rito na parang hindi naman siya natinag.
“Alam mo, na-in love na rin ako sa bestfriend ka dati kaya ’wag mo akong lokohin. Kita kaya sa mata mo ang sincerity noong tumawag siya. Payo ko lang sa’yo, i-enjoy mo ang moments na magkasama kayo at ’wag mo’kong tularan dahil ni minsan ay hindi ko nagawang maipagtapat at masabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.” Ang advice nito sa akin.
Akala ko ay ako lang ang nakakaranas noong ngunit maging siya ay ganoon din pala ang karanasan.
“O-okay, sabi mo ’yan, e.” Sagot ko pabalik.
Ilang minuto pa ang lumipas at narating ko na ang Seven Eleven kung saan nakaupo si Art sa labas. Kaya naman agad akong nagbayad ng tama at hindi ko na nilingon pa ang atribidang driver na’yon. Ang dami kasing alam e halos magka-edad lang naman kasi. Mas matanda lang siya ng isang taon sa’kin.
“Kala ko ay hindi ka na darating, e.” Aniya.
“Medyo traffic lang kasi kaya medyo napatagal. So, ano palang atin?” tanong ko naman.
“May plano kasi ako. Gusto kong magkabalikan kami ni Cathy kaya’t kailangan ko ng tulong mo.” Ang pagbubukas niya ng topic about kay Cathy. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-react pero nagpasya akong ngumiti kahit taliwas iyon sa aking nararamdaman.
“Hindi ba may nobyo na si Cathy? Susulutin mo, ganoon ba?” tanong ko nang sandaling mapagtanto ko ang kahibangan niya sa buhay.
“No. Single na single siya kaya walang dahilan para mag-alala ka. Tsaka isa pa, nalaman kong nag-break na sila noong mukang kulugong si Jerome two weeks ago pa.” Masaya niyang pagpapaliwanag kaya naman kahit masakit ay napangiti na lang din ako.
“Kung gano’n, anong plano mo?” tanong ko.
“Basta, madali lang naman. Magse-set ako ng date sa restaurant ni Uncle George at doon ko siya muling liligawan.” Masaya niyang ngiti na alam kong totoong-totoo.
Marami pa kaming napagkwentuhang dalawa at hanggang sa umuwi na kami ay bakas pa rin sa mukha niya ang pagka-excite at pagkapanatag na magiging silang muli ni Cathy. Hindi ko naman sinira ang moments niya at talagang full support ako sa pagbabalikan nila habang masaya kong sinisira ang sarili kong puso.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang mapansin ko na tumutulo na pala ang aking mga luha na hirap na hirap kong pigilan.
Ang dami naman kasi d’yang iba pero bakit kay Art pa ako nagkagusto? Tanong ng isang bahagi ng utak ko.
Narinig ko pang tinawag ako ni Art pero nagbingi-bingihan ako dahil baka makita niya na umiiyak ako dahil sa kanya. Sakto namang may nakapara na ako ng taxi at mabilis itong umandar patungo sa aking tinitirahan.
Habang nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mga mata na hindi ko alam kung bakit kusang naglalaglagan.
Ngayon alam ko na kung bakit ako nasasaktan. Marahil ay dahil sa nagbabakasali pa rin ako na matunugan at masuklian ni Art na mahal ko siya kahit na alam ko naman na kahit bumaha pa ng luha ko ay wala pa ring takas ang buhay ko sa salitang SIGURO.
To be continued!
SIGURO-PART IV
Ahnn So-hee as Cathy! Enjoy reading!
SIG
URO- Part IV
LEROY
Lumipas ng mabilis ang mga araw at mamayang gabi na ang pinakahinihintay na gabi ni Art. Sa katunayan ay umaga palang ay naihanda na namin ang buong lugar. Hindi lang ako nakitulong sa pag-aayos ng venue kundi pati na rin ang buo naming block section ay nakitulong na rin. Dahil sa tulong ng aming section ay napadali ang pagse-set-up ng plano.
“Ang swerte naman ni Cathy, ’no? Biruin niyo ay nag-effort pa ng ganito si Art para lang masagot siya ni Cathy. Hay, sana ako nalang si Cathy.” Ang wika ng isa kong babaeng kaklase na nagngangalang Faith.
“Talagang swerte dahil in love na in love itong si Art sa kanya.” Pagsang-ayon naman ng isa kong kaklase na si Joseph.
Tila hindi ko na kaya pang makinig sa mga sinasabi nila kaya naman naglakad-lakad muna ako sa labas ng naturang restaurant para naman kahit papaano ay makahinga ako sa pagkakasakal ko sa sarili kong tali.
Alas singko na nang hapon nang makabalik ako sa restaurant ng Uncle George ni Art. Halos lahat ng mga roon ay ready na sa pagdating ni Cathy kaya naman maging ako ay nakiusyoso na rin.
“Kinakabahan ako, Leroy. Baka kasi ay hindi niya ako siputin,” pag-aalinlangang turan ni Art sa akin.
“Darating si Cathy, tiwala lang!” pagpapalakas ko sa loob niya.
“Sana nga,” ang wika ni Art sabay buntong hininga.
Ilang minuto pa ang lumipas at nag-signal na ang kaklase kong si Michael na nand’yan na raw si Cathy. Lulan ng isang itim na kotse ay lumabas doon ang napakasimpleng si Cathy. Nakasuot ito ng isang simpleng white dress na lalong nagpaganda sa kaniya.
Halos lahat kami ay kabado sa mga sandaling ’yon lalo na ng makapasok si Cathy sa pintuan ng restaurant.
Agad na nagsimula ang pakulo namin at nagsimulang magplay ang melodramatic na pagtipa sa Piano ng isa kong kaklaseng si Dominic. Kasabay ng kaniyang pagtipa ang isa-isa naming pagbibigay ng puting rosas kay Cathy na halatang nabigla rin sa pangyayari.
Ilang rosas na puti na ang kaniyang hawak hanggang sa ako na ang nag-abot ng rosas na sinundan ni Art na halatang kabado.
“Ang mga rosas na ’yan ay simbolo ng tunay na pagmamahal ko sa’yo. Kaya’t sana ay mapasagot kitang muli sa pangalawang pagkakataon.
“Hindi mo na kailangan pang mag-effort ng ganito dahil okay na akin kahit simpleng panliligaw lang ang gagawin mo.” Sagot ni Cathy na talaga namang nagpakilig sa bawat-isa, maliban sa akin na nagpapanggap lamang na masaya.
“Kung ganoon, pwede ba kitang maisayaw?” tanong ni Art sa babae habang inaabot nito ang kamay niya.
“Oo naman,” wika nito bilang pagsang-ayon.
Nagsayawa ang dalawa na akala mo ay mga bida sa Korean novela. At lumipas pa ang mga minuto na at tuluyang nang naupo ang dalawa. Ipinaghila pa ni Art si Cathy na tila ba bawal itong mapagod ng husto kapag kasama siya.
Habang nakaupo kami ay nag-iba ang timplan ng lahat lalo na nang tumayo si Art at kinuha ang mikropono at lumuhod ito sa harap ng nililigawan.
“Bata palang tayo ay gustung-gusto na kita. Hindi ko alam kung bakit pero habang tumatagal ay mas lumalalim ang pagmamahal ko sa’yo. Malungkot ako kapag wala ka sa tabi ko. Napapraning ako kapag may kasama kang ibang lalaki. Hindi man ako perperktong lalaki at perpektong tao para sa’yo ay nangangako akong mamahalin kita hanggang sa abot ng makakaya ko. Kaya, Cathy, can you be my girl friend again?” Tanong niya na talaga namang dumurog sa puso ko. Naisip ko tuloy na sana ako nalang si Cathy para hindi ako nasasaktan ng ganito dahil sa kanya.
“Oo, Art. Sinasagot na kita!” sagot ni Cathy na literal na dumurog sa aking dibdib.
“Talaga? Sinasagot mo na ako?“pag-uulit ni Art na walang paglagyan ang tuwa. Bilang sagot ay tumango si Cathy at agad naman siyang niyakap ni Art ng mahigpit sabay sigaw ng, “Yes!”
Tila tapos na ang role ko sa istora niya dahil alam kong kay Cathy na muli iikot ang mundo niya. Dahil sa sobrang saya ng bawat-isa ay umeskapo na ako dahil hindi ko na kaya pang tumagal sa lugar na iyon habang nakikita ang taong mahal ko na pinapasaya ng iba.
Napaisip tuloy ako kung ano ang laban ko kay Cathy? Walang wala. Wala akong laban sa tunay na babae at sa mahal ng mahal ko.
Habang nasa estado ako ng paglalakad ay naaalala ko bigla kung paano ako nagpakatanga kay Art. Kung paano ko ginugol ang oras ko sa kanya na isang tawag lang niya ay darating na ako.
Tanga tanga ko pala talaga! Hindi ako nagtitira para sa sarili ko.
“Ano ba? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Makakapurwisyo ka ng nagtatrabaho, e!” bulyaw ng isang driver na nagbalik sa akin sa tamang pag-iisip. Muntikan na palang akong mabangga ng taxi dahil sa labis kong pag-iisip.
“Sorry po!” ’yon na lamang ang aking nasabi kasabay ang paglakad ko kung saan.
Lakad lang ako ng lakad habang umiiyak hanggang sa may tumigil na sasakyan sa harap ko at bumababa ro’n si Kuya Mark at wala akong nagawa kundi ang yumakap kay sa kanya habang humahagulhol ng iyak.
Makalipas ang bangungot na araw na iyon sa aking buhay ay nagkasakit ako at si Kuya Mark ang nag-aalaga sa’kin. Wala akong sinasabi sa kanyang dahilan kung bakit natagpuan niya akong naglalakad habang nanlulumo noong araw na ’yon sapagkat ayoko na ring palakihin ang mga bagay bagay.
Siguro ay nararapat na rin akong lumayo para sa ikabubuti ko at ng aking puso.
Doon nabuo ang ideya ko na umiwas na ng tuluyan dahil ayoko na talaga. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na.
“Anong iniisip mo ngayon? Okay ka na ba?” Ang tanong ni Kuya Mark sa akin nang makita niya akong nakatulala sa kisame habang katabi ko siya.
“Wala naman akong iniisip, Kuya. Nagtataka lang ako dahil napaka-ironic ng buhay. ’Yung tipong ang gusto ko ay hindi ka gusto, ’yung mga ganoong bagay ba.” Pagpapaliwanag ko.
“Ganoon talaga, bro. Hindi kasi itinadhana na ang gusto nating tao o bagay ay makukuha agad natin. At isa pa, challenge iyon sa’tin para magsumikap pa para makuha ang mga bagay na gusto natin.” Saad niya habang ginugulo ang buhok ko.
Hindi na ako nakapagsalita pa at minabuti ko nalang na yakapin si Kuya na parang bata.
Naging mabilis ang aking paggaling at ni isang text ay wala akong nakuha mula kay Art. Halatang wala na siyang kailangan sa akin. Paano ba naman ay sila na ni Cathy, ang babaeng mahal niya.
Ganoon naman talaga ang buhay kaya naman nang araw ding iyon ay nagpalit ako ng sim card at nagpa-enroll na rin ako at lumipat ako sa kabilang block.
Ngayon ay pinagbubuti ko na rin ang aking sarili dahil pagod na akong gamitin at pagod na rin akong magpakatanga sa taong kailanman ay hindi ako magagawang mahalin. Mahirap man ito para sa’kin ay kakayanin ko ito kahit na hindi ako nakaka-SIGURO kung kakayanin ko ito lalo na’t mahal ko ang involve rito.
To be continued!
SIGURO-PART V
Kento Yamazaki as Inake Enjoy reading!
SI
GURO- Part V
LEROY
“Anak, napakaputi mo na o,” sabi ni Mama habang ikinukumpara ang kanyang balat sa aking balat na totoo namang napakaputi na.
“Ma naman, s’yempre ay dahil po ’yan sa iniinom kong glutathione.” Pagpapaliwag ko.
“Makapagpabili nga rin niyan sa Kuya Mark mo nang mabaliw lalo ang Papa mo sa’kin,” tumatawa-tawang wika ni Mama.
Ganoon na nga ang nangyari sa’kin. Minabuti kong magpagwapo na lang ng husto. Naging regular din ang pagwo-work out ko ng abdominal muscle rito sa bahay dahil ayokong magtungo sa gym. Nasusuka kasi ako kapag nakakakita ako ng sobrang lalaking muscle ng mga lalaking nag-gi-gym doon na akala nila ay sexy silang tingnan. Borta nga sila pero hindi naman sila gwapo. Kumbaga sa pagkain ay maihahalintulad sila sa hipon na kain katawan at literal na tapon ulo.
Minsan ay sumasagi pa rin sa aking isipan si Art at hindi ko maiwasang malungkot dahil doon. Sa kabilang banda naman ay namumuhi ako sa kanya dahil hindi man lang niya ako nagawang kamustahin kahit sa social media accounts niya.
Malamang ay wala na siyang pakialam sa’yo dahil masaya na siya sa piling ni Cathy!
Bulong ng isang parte ng aking isipan. Naiisip ko tuloy bigla na sana ay hindi ko na lamang siya nakilala para hindi ako nahihirapan ng ganito. Gwapo nga ako pero nagkagusto ako sa lalaki.
–
Mabilis pang nagdaan ang mga araw at isang araw nalang ay pasukan na uli. Huling taon ko na sa kolehiyo kaya’t kailangan ko pang pagbutihin ang aking pag-aaral upang hindi naman ma-disappoint ang mga magulang ko sa akin.
Dahil one week na lang ay magbubukas na naman ang panibagong yugto ng buhay ko ay nagtungo ako sa National Bookstore upang bumili ng binder notebook at iba pang mga gamit para sa pagpasok ko. Bumili na rin ako ng dalawang G-tec na 0.3. Dalawa dahil madalas ang nakawan ng ballpen sa’min na kahit malaglag lang saglit ay mawawala na rin itong parang isang bula.
Nasa ganoon akong estado ng aking pag-iisip nang umagaw pansin sa akin ang isang magandang bag na kulay gray. Ngunit nang lalapitan ko na ito ay sakto namang nakuha na ito ng isang lalaki.
“Excuse me,” sabi ko at humarap siya sa’kin. Doon ko nakilala kung sino ang lalaking ’yon. Walang iba kundi si Inake, ang kababata ko.
“Yes? Pwede ka ng dumaan,” pamimilosopo niya sa akin.
“Inake, bibilin mo ba ’yang bag? Kasi kung hindi ay ako na ang bibili niyan.” Sambit ko sa kanya habang nakakunot na noo niya akong tiningnan mula ulo hanggangt paa.
“Oo, bibilin ko ang bag na’to. Tsaka, bakit mo ako kilala? Kilala ba kita?” tugon niya na may pagtataka. So, hindi niya nga ako nakikilala. Sabagay, nagpabago rin kasi ako ng hair style at pumuti ako ng sobra. Dahil sa inis ko na rin siguro dahil nalimutan niya ako ay ipinakita ko sa kanya ang larawan naming dalawa noong Junior high school pa lamang kami.
“Leroy?!”’ Sigaw niya at niyakap naman niya ako. Dahil sa ginawa niya ay nabitawan niya ang bag na hawak niya at kinuha ko iyon at dumiretso sa counter upang magbayad.
“Sige, pipili nalang ako ng ibang bag. D’yan ka mula,” sinapok pa niya ako ng pabiro sabay sibat para kumuha rin ng bag.
Nang makapagbayad kami ay agad ko siyang sinapak, dahilan para magulat siya.
“Ang sakit no’n!” singhal niya habang nakahawak sa pisngi niya.
“Kulang pa’yan sa pang-iiwan mo sa’kin dito!” pagmamaktol ko naman. Hindi ko namamalayan na naiiyak na ako dahil sa wakas ay dumating na si Inake, ang bestfriend ko.
“Sorry na, hindi ko naman gustong iwan ka rito. Alam mo naman si Mama, gusto ay doon ako sa Japan mag-aral.” Pagpapaliwanag niya.
“Pero bakit hindi ka man lang nagpasabi na nandito ka na sa Pilipinas? Tsaka hindi ko gusto ’yang bakal sa ngipin mo!“galit-galitan kong turan.
“Na’ko, ganoon talaga dapat.” Maikli niyang sagot sa’kin.
“Sa iisang subdivision lang naman tayo nakatira pero pero talagang pinaglihiman mo pa ako?! D’yan ka na ngang kumag ka!” nagtatampon kong sabi bago ko siya iwan.
“Sa’n ka pupunta?” ang tanong niya sa akin habang hawak hawak ang aking kamay.
“Pauwi na! Paano ba naman kasi ay ’yung kaisa-isang bestfriend ko ay tila nakalimot na ata. Na hindi man lang nakaalala na sabihan ako na nakauwi na pala siya. Napaka-selfish!” ang pagpapatama ko. Dahilan para iharap niya ako sa kanya at halikan sa aking labi. Napatahimik ako sa ginawa niya dahil hindi ko iyon inaasahan.
“E, ’di tumahimik ka.” Aniya sabay tawa.
“B-bakit mo’ko hinalikan? tanong ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa kaniyang ginawa.
“Ganoon kasi sa amin sa Japan. Hindi uso ang suntukan do’n. Uso ro’n ang halikan ang katalo para manahimik. At ’yon ang ginawa ko sa’yo. Effective naman, ’di ba?” pagpapaliwanag niya na talaga namang nagpatawa sa akin ng malakas.
“Nagpapatawa ka talagang tao ka. Ilang taon tayong hindi nagkita tapos ninakaw mo ang u—wala! Tara na nga!” inis kong sabi.
“Okay, tara na!” sabin niya sabay tawa.
Habang nasa byahe kami ay puro halakhakan lang ang ginawa naming dalawa. Puro kasi kalokohan ang throwback moments naming dalawa na siyang main topic.
“E, ’di wow! Lokohin mo ang tatay mong Hapon!” pang-aasar ko nang sabihin niyang dito na siya magpapatuloy ng pag-aaral.
“Kung ayaw mong maniwala, okay lang naman sa’kin. Basta ’wag kang mabibigla kapag nakita mo ako sa campus.” Aniya sabay tawa.
“Ilang taon ka na nga uli?” Tanong ko na kunwari ay hindi ko alam na bente lang siya na mas matanda sa’kin ng ilang buwan.
“Ewan ko sa’yo! Aasarin mo lang akong matanda, hindi mo pa magawa,” sabi niya sabay tawa.
Habang magkasama kami ni Inake ay talaga namang sobrang saya ko dahil bukod sa nagkakaroon ako ng kasiyahan ay nagiging panatag ako na hindi na muli akong mag-iisa.
“Ma, Pa, narito po si—” at hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nasa loob na rin pala si Tita Ritz na masayang nakikipagkwentuhan kay Mama.
“Iyan na ba ang anak mo?” Tanong ni Mama sabay turo kay Inake na todo pa-cute. Tuktokan ko nga ng isa.
“Oo, iyan si Inake. Malaki’t gwapo na rin gaya ng Anak mo.” Saad ni Tita Ritz na talaga namang masayang-masaya dahil siguro nakita na niya si Mama.
“Oo nga, Mare, Ikaw naman anak, mukang close pa rin kayo ng kababata mong si Inake, tsaka bagay na bagay kasong magkasama dahil parehas kayong pogi!” Masayang sabi ni Mama.
“Ganoon po talaga, Tita. Ang magkaibigan ay magkaibigan kahit na may distance or kahit na ilang taon pong hindi kayo nagkita. Gaya niyo po ni Mama, mag-bestfriend pa rin po kayo hanggang ngayon,” pagpapaliwanag ni Inake.
Sa totoo lang ay nagkakausap naman kami ni Inake sa messenger noon kaso nga lang ay naging busy ang bawat isa kaya’t umabot ng taon na hindi na kami nagkakausap masyado. Marahil na rin siguro sa pagkakagusto ko kay Art na ang gusto naman ay si Cathy.
Sana sa paglipas ng panahon ay maging okay ang lahat maka-recover na rin ako sa pagmo-move on ko kay Art. Kaya kahit mahirap ay magbabakasakali akong kahit hindi SIGURO ay magawa ko ang mga bagay na magpapalaya sa’kin mula sa kanya.
To be continued!
SIGURO-PART VI
Choi Woo Shik as Leroy Enjoy reading!
SIGURO- Part VI
LEROY
Nagsimula ang isang napakagandang araw ko bilang isang ganap na fourth year college student at masasabi kong masaya ako dahil kaunti nalang ay maaabot ko na ang goal ko sa buhay.
“Anak, hindi naman namin hinihingi na maging laude ka gaya ng kuya mo, ang gusto lang namin ay maka-graduate ka at makapagtrabaho o ano mang gusto mong gawin sa buhay mo.” Sabi ni Papa nang sabihin kong gusto kong maging laude gaya ni Kuya.
“Basta, Pa. Lahat ng effort niyo ni na Mama, pati na rin ni Kuya ay susuklian ko pagdating ng panahon. Alam kong maaga pa para rito pero pa, salamat po dahil ikaw ang naging Papa ko. The best ka!” pasasalamat ko kay Papa na kahit ayaw niya sa mga bakla ay mahal ko pa rin siya. Kaya nga pinipilit kong magpakatino para lang sa kanya, e.
“Walang ano man, Anak. Tungkulin namin ang bigyan kayo ng magandang buhay kaya’t gawin mo ang best mo para sa magiging pamilya mo in your near future.” Sabi ni Papa na medyo hindi ko pa alam kung mangyayari pa o ba.
Halos marami pa kaming napag-usapan ni Papa at talaga namang super saya sa pakiramamdam.
’Di rin nagtagal ay isinabay na ako ni Papa sa kaniyang pag-alis dahil wala naman si Kuya na sa pagkakaalam ko ay busy dahil tambak ang paper works. Journalist kasi si Kuya kaya halos hindi na siya makapagpahinga masyado sa bahay.
Namiss ko tuloy si Kuya. Syempre namiss ko rin ang pabaon programme niya para sa akin.
“Anak, enjoy your day!”’ masayang sabi ni Papa nang sandaling makababa ako sa sinasakyan namin.
“Kayo rin po, Pa, mag-ingat po kayo!” ako naman at kumaway ako nang makaalis na ang sasakyan ni Papa. Napabuntong hininga nalang tuloy ako dahil hindi pa yata ako handa sa battle field ko ngayong araw.
Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapatawa dahil naging instant head
turner ako dahil siguro sa improvement ng aking mukha at katawan.
Hindi ko naman iyon pinansin at umakyat na ako sa aming building. Doon ay nadaanan ko ang mga dati kong kaklase at hindi nakaiwas sa aking mga mata ang presensya ni Art na busy sa pagkuting-ting sa kaniyang cellphone.
Siguro ay busy ito kay Cathy.
Kay nino pa nga ba? Hindi naman pwede sa’yo. Bulong ng aking isipan.
Dahil sa pag-iisip kong iyon ay iniiwas ko na lang ang aking mata sa naturang silid kung saan naroroon ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Nang mararing ko ang room ng block 4B ay napatingin sila sa aking lahat, lalo na ang mga babae. In-ignore ko lang sila at naupo ako sa likod.
“Grabe, ang pogi ng kaklase nating bago! “
“May girl friend na kaya siya?”
“Nako, ang sarap niya!” ilan lamang sa mga katagang narinig ko mula sa aking mga bagong kaklase.
Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na ang aming professor sa Capital Markets at nagbigay siya ng ilang lecture at nagpa-quiz. Hindi naman ako nahirapan sa quiz kaya naman garantisadong perfect score ang aking nakuha.
“Who got the perfect score?” ang tanong ni Ma’am Priza na dati ko ring professor sa basic accounting noong first year ako.
“Siya po, Ma’am. He got the perfect score!” sabi ng katabi kong babae na siyang nag-check ng aking papel.
“Well, hindi na bago iyon kay Mr. Santos, dahil estudyante ko siya noong first year. Hindi mo ako binigo, Mr. Santos sa pagbibigay ko sa’yo ng flat one noon.” At nagpalakpakan ang aking mga kaklase sa papuri ni Ma’am sa’kin.
Kung alam lang ni Ma’am na nag-advance na ako sa pagbabasa ng syllabus at humiram na ako sa library ng mga libro para sa ikabubuti ng grades ko. Napangiti nalang tuloy ako at nagpasalamat kay Ma’am Priza.
“Thank you po, Ma’am! Makakasa po kayo na pagbubutihin ko pa po ang pag-aaral ko.” Tugon ko.
Dahil sa pagpuri sa akin ni Ma’am Priza ay mas lalo akong naging tampulan ng papuri sa aming klase. Kung alam lang nila na ang Leroy na ito ay na-friend zone ng isang lalaki.
“Tara, bro, sabay ka na, doon sa second floor ang next subject natin kaya tara na!” ang paanyaya ng isa kong kaklase na naka-earphone pa.
“S-sige, tara!“nakangiti ko namang tugon.
Medyo nakakapagod maglakad mula fourth floor hanggang sa second floor pero ayos lang iyon para sa’kin. Tsaka isa pa ay huling taon na rin naman ng paghihirap ko sa kolehiyo.
Habang naglalakad ay nakita ko si Art at nagkatinginan kami kaya naman ay umuwis na lang ako. Pero bakit gano’n, feeling guilty ako? Dahil ba malungkot siya o dahil ba .. basta! Hindi ko nalang inisip dahil hindi ko balak tumalon sa patag at paasahin ang sarili ko sa mga bagay na kailan man ay napakalabong mangyari. Alam kong gagamitin lang ako ni Art para makapasa siya. Sawang-sawa na ako.
“Alam mo, ang tahimik mo. Namimiss mo ba ’yung dati mong mga ka-block mates? Pwede ka pa namang lumipat kung gugustuhin mo.” Ang wika ng kasabay ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala.
“Medyo pero hayaan na. Nandito na ako, e.” Sagot ko pabalik.
“Ikaw ang bahala,” aniya.
Habang nasa ganoong estado kami ng pag-uusap nang biglang may humila sa bag ko at iniharap ako sa kanya. Doon ko napagtanton na si Art ang taong iyon .
Kung tao pa nga ba siya dahil sa pagwasak niya sa puso ko. Bulong muli ng aking isipan.
“May problema ba?” tanong ng kasabay ko at nag-go signal ako para umuna na siya.
“Bakit ka lumipat ng block section?“malungkot niyang tanong.
“E, kasi, ano…”
“E, kasi ano?” aniya na sinundan niya ng isang mahigpit na yakap. Yakap na hindi ko na nagawang tugunan dahil nabigla talaga ako.
“Namiss kita! Bakit hindi ka na nagte-text? Bakit hindi na kita ma-contact? Tapos makikika nalang kitang nasa ibang section na!” ang kaniyang pagmamaktol na animo ay isang bata.
“Male-late na ako. Sige na.” Pagpapalam ko sabay takbo.
Totoong naman kasing malelate na ako sa next subject namin. Major pa naman iyon. Buti nalang talaga ay nakatakas ako kung hindi ay baka napaamin ako ng mokong na’yon. Bagay na hindi ko kailanman gagawin lalo na sa harapan niya.
Pero napaisip din ako bigla. Tama ba ang ginawa ko? Tama bang lumipat ako ng section at tama rin bang iwasan ko ang taong minamahal ko? At kung oo, hangang kailan ko kaya kayang panindigan ang bagay na’to? Anong sasabihin ko kada iiwas ako?
Bahala na. Basta ang mahalaga sa’kin ay makaiwas hanggang sa abot ng aking makakaya.
“Okay class, dismiss!” Yan ang sabi ng aming professor sa Philippine History with Politics and Governance.
Iyon lang pala ang ang gagwin niya, sana ay hindi nalang ako um-attend sa klase niya. Pero kung hindi naman ako um-attend ay baka nasabon na ako ni Art kanina pa.
Dati kapag iniisip ko ang pangalan niya ay sobrang saya ko, ngunit bakit ngayon ay tila nagpipira-piraso ang aking pagkatao kapag pumapasok sa aking isipan ang kaniyang pangalan?
May mga bagay nga talagang nagbabago at kailan may ay walang consistent kundi ang salitang SIGURO. Walang kasiguraduhan at maaaring kapatid pa ito ng salitang pabago-pabago.
To be
continued!
SIGURO-PART VII
Comment naman kayo para malaman ko kung may nagbabasa pa ba nito.
Enjoy reading!
SIGURO-PART VII
LEROY
Nakaupo ako sa oval upang magpahangin nang makita ko ang papalapit na si Art kaya naman mabilis akong umalis para hindi niya ako maabutan. Narinig ko pa nang tinatawag niya ang pangalan ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Erasa na siya sa buhay ko kaya dapat ay magtigil-tigil na siya sa kahibangan niya sa buhay.
Nang mapansin kong wala na si Art ay nagpahinga na ako at habol-hininga ako.
“Mukang napagod ka sa pagtakbo, a.” Ang nakakagulat na singhal ni Inake na nakasuot ng kanyang uniporme. Seryoso nga siya na lilipat na siya rito. Akala ko ay nagbibiro lang siya pero hindi pala.
“Wala ka na ro’n!” ang sagot ko pabalik, dahilan para mapapitlag ako dahil sa paghila niya sa tenga ko.
“Magtataray ko o makakausap ka ng matino?” pagbabanta niya. Whatever, hindi naman ako interesado sa mga sinasabi niya dahil mas interesado ako sa pagtakas kay Art.
“Bitaw!” sigaw ko at agad naman niyang ginawa.
“Kain na tayo, gutom na gutom na ako, e.” Ang sabi ni Inake habang hinihimas-himas ang kaniyang tiyan.
“Tara! Basta ba libre mo ay ayos na ayos sa’kin!” sabi ko at bigla kong naalala si Art na madalas akong ilibre matapos ang mahabang araw na nagdaan.
“Basic! Tara na dahil kawawa naman itong alaga ko kapag nagutom pa ako lalo,” aniya sabay himas sa tiyan niya.
Habang naglalakad kami sa hallway ay agaw pansin kami sa mga Tourism at HRM students kung saan nabibilang si Inake. Marahil ay nagagwapuhan lang sila kay Inake na nakasuot ng puting longsleeve.
Hindi rin nagtagal ay natanaw ko na ang canteen at masya ako dahil hindi ganoon karami ang mga tao.
“Nga pala, anong course mo?” ang tanong niya nang sandaling maka-order kami ng parehas na pagkain.
“Hindi kasi ’yon course! Degree Program ang tamang term.” Ang pagpapaliwanag ko na ikinakamot naman niya sa kaniyang ulo.
“Oo nga pala, nakalimutan ko na kasi,” aniya.
“Mag-aral ka kasi minsan, puro ka rin kasi papogi d’yan!” ang panunuya ko pa sa kanya na ikinanguso naman niya.
“Kakain ba tayo o magsesermonan?” tanong niya.
“Sabi ko nga!” tugon ko.
Nakailang kanin na ako nang mapansin kong papalapit sa’min si Art na may dalang tray. Buti nalang at matatapos na kaming kumain kaya naman kahit mabulunan ako halos ay pinili ko ito sabay tayo at hila kay Inake na tapos ng kumain.
Nasa ganoong tagpo kami nang mabundol namin ang isang babae. Doon ko nakonpirmang si Cathy iyon. Titig na titig siya sa akin akala mo ay nanalo sa loto kung makangiti.
“Okay ka lang ba?” tanong ko pero hindi pa rin siya sumasagot.
“Hey, Cathy, okay kana ba?” tanong kong muli.
“A, oo, okay lang ako, L-leroy,” aniya at bigla na lamang siyang umalis.
“Ang cute niya, ’no?” entrada naman bigla ni Inake habang tinatanaw ang pag-alis ni Cathy.
“Taken na’yon kaya tigilan mo ’yang paghanga sa babaeng ’yon,” ang sabi ko sabay inom ng aking hawak na bottled water.
“Sayang naman. Pero teka muna, bakit ka ba nagmamadali? ’Di ba wala ka na rin namang klase?” mga tanong niya at napalingon na lang ako sa loob ng canteen kung saan nakatingin sa akin si Art habang ang kaniyang mga mata ay nangungusap.
Patuloy lang ako sa pagpapanggap na hindi ko siya nakita at patuloy lang din akong umaasa na sana hindi siya ganyan kundi ay mapipilitan akong magpakatangang muli para sa kanya.
“H’wag ka muna kasing maingay d’yan dahil baka masuntok na kita ng wala sa oras kapag narinig pa kitang dumada ng dumada d’yan!” ang panankot ko kay Inake na sinuklian niya ng pagtawa.
“Takot ako,” at tumawa lang siya ng tumawa.
“Utot mo squre! Tigilan mo na nga ang pagtawa dahil baka magutom ako at ikaw uli ang magbayad ng kakainin ko!” pagbabanta ko. Imbes na sumagot ay hinipo niya ang aking leeg, batot at noo saba’y iling.
“Wala ka namang sakit pero bakit ganyan ka? Daig mo pa ang isang babae kapag may dalaw sila.” Ang sabi niya habang nakahawak sa baba.
“Ay, teka, d’yan ka muna, Leroy-sungit at kukunin ko lang ’yung legit na schedule namin.” Aniya sabay sibat.
Nakatanaw ako kay Inake nang makaramdam ako ng pagbigat ng aking pantog kaya naman dinala ako ng aking paa sa rest room at doon ako ay malayang nagbawas ng aking ihi.
Habang nagbabawas ako ay bigla na lamang pumasok sa loob si Art at dumiretso sa kinatatayuan ko.
“Sa wakas, nandito ka na rin sa harap ko. Marami kang dapat ipaliwanag sa’kin.” Panimula niya nang ma-corner ako s dulong bahagi.
“A-anong kailangang ipaliwanag ko sa’yo?” tanong ko
“Marami,” aniya habang papalapit ng papalapit sa akin.
“Okay!” sagot ko pabalik.
“Bakit ka umiiwas? May nagawa ba akong kasalanan sa’yo?” magkasunod niyang tanong.
“Hindi ako umiiwas at lalong wala kang nagawang kasalanan sa’kin. As in, WALA!” idiniin ko talaga ang salitang wala para matunugan naman niya ang nais kong ipahiwatig.
“Sino ’yong kasama mong lalaki? S’ya ba ang bago mong bestfriend?” Ang magkasunod ulit niyang tanong.
“Si Inake ’yon, kababata ko. Tsaka ikaw, Art, matanong kita. Bakit ang dami mong tanong?” ako naman ang bumuwelta.
“Syempre namimiss na kita. Ikaw ba naman ang i-block sa messenger, i-unfollow sa twitter at instagram at i-block sa phone, malamang ay mamimiss ko talaga ang taong nasa harapan ko. Idagdag mo pa ang pagpapalipat niya ng block section. Halatang-halata, Leroy.” Madamdaming niyang pagsasalaysay. Ngayon ko lang narinig ang side niya kaya naman ibayong lungkot ang lumukob sa akin.
Namimiss pala niya ako.
“Sorry, hindi ko alam na concern ka rin pala sa’kin. Bakit ba kasi ang manhid mo?” ang sabi ko na ipinabulong ko na lamang ang huling linya dahil hindi pa ako handang umamin na mahal ko siya morethan friends.
“Oo naman, concern ako sa’yo dahil mahalaga ka sa akin. Tsaka ano nga ulit ’yung huli mong sinabi?” Pagpapaliwanag at pagpapaulit niya.
“Wala! Tabi nga d’yan!” sabi ko habang sinusubukan ko siyang itulak papalayo pero huli na ang lahat dahil niyakap na niya ako.
“Please, ’wag ka nang umiwas sa’kin. Sinaktan na nga ako ni Cathy, pati ba naman ikaw?” malungkot niyang sabi na nagpalubag sa aking loob.
Hindi ko inaasahan ang rebelasyong sinaktan siya ni Cathy.
“Alam mo ba noong gabing sinagot niya ako ay ang gabing natapos din ang lahat sa amin?” tanong niya kaya naman ay napabitaw ako sa kanya.
“Anong sinasabi mo?” tanong ko dahil talaga namang nasasaktan ako para sa kanya.
“Totoo ang mga sinasabi ko at tanggap ko na na hindi kami para sa isa’t-isa ni Cathy.” Aniya sabay hila sa akin.
“E, anong plano mo?” ang tanong ko.
“Plano kong mapilit kang bumalik sa section natin dahil hindi ko kaya na wala ka.” Aniya.
“Kung hindi ko pa alam na aasa ka na naman sa’kin,” pang-aasar ko.
“Hindi naman masyado,” aniya sabay tawa.
Sa hindi ko malamang dahilan ay halos sumabog ang puso ko sa saya. Ngayon sigurado na ako na mahalaga ako sa buhay niya. Hindi man bilang kasintahan kundi bilang isang malapit na kaibigan.
Itatanim ko na’yan sa aking puso na marami akong bagay na ’di magbabago ngunit kahit hindi ako sigurado ay masayang-masaya ako at aasa na sa isang salita na dalawa ang kahulugan, SIGURO.
To be continued!
SIGURO-PART VIII
SIGURO-Part VIII
LEROY
“Oo, sinabi niya sa’kin na sinagot niya lang ako sa harap ng mga kaklase natin dahil ayaw niya akong masaktan. Pero tanga lang niya dahil mas nasaktan ako nang sabihin niyang hindi niya ako mahal. Nasayang ang effort ko sa maling tao. Totoong nasaktan ako kaya naman nagmukmok ako sa bahay at mas pinili kong ’wag magbukas ng cellphone dahil hindi ko kayang mabasa ang mga message niya na puro sorry lang naman. Tapos ikaw, bigla ka na lang ding lumayo. Ang sakit.” Pagpapatuloy niya ng kwento na sumagot sa napakaraming katanungan sa aking isipan. Ngayon ay malinaw na sa’kin ang lahat kaya naman agad ko siyang hinila papunta sa registrar.
“Buti naman at nagbago na ang isip mo.” Ang masayang sabi niya nang makapagpalit ako ng section.
“Ikaw pa ba? Malakas ka sa’kin e.”
“Let’s call it a day?“aniya sabay abot ng iniinom niyang flavoured water.
“O-okay.” Sagot ko sabay inom.
Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko sa mga sandali ito dahil indirect kong nahalikan si Art sa pamamagitan ng nguso ng boteng ininuman niya.
Nasa ganoong kaming posisyon nang maramdaman ko na nakaakbay na siya sa akin gaya ng nakasanayan niyang gawin kapag magkasama kami. Lihim tuloy akong napangiti habang nakatingin sa braso niyang nakapatong sa aking balikat.
Totoo nga ang sabi nila na kapag tiniis mo ang sarili mo ay ikaw rin naman ang malulungkot gaya ng nangyari sa aking bakasyon. Pero ngayon, sa tingin ko ay magigihng masaya na uli ako dahil hindi ko na muling titiisin pa ang aking sarili at hinding-hindi na ako muling lalayo pa kay Art dahil siya lang ang bukod tanging tao na inibig ko ng ganito.
“Arcade?” tanong niya.
“Arcade!” masayang-masaya kong sigaw at nagpaunahan kaming bumaba sa hagdan. Muntikan pa nga akong malaglag pero sige pa rin.
“Woah! Hiingal ako ro’n!” ang bulalas ni Art sabay upo.
“Haha. Weak!” pang-aasar ko pa.
Tunay na mabilis ang oras dahil wala pang ilang minuto ay nasa arcade centre na kami. Nariyang naglaro kami ng tekken at ako ’yung dakilang talunan.
“Nakakainis na!” singhal ko nang sa huling pagkakataon ay natalo na naman ako ni Art.
“Sige, isa pa baka this time ay manalo ka na.” Nakangiti niyang hirit. At dahil determinado akong talunin siya ay pumayag na ako.
“Game na game ako! Dapat matalo kita kaya ready na ako!“sigaw ko.
Parehas kaming pumili ng magkaibang hero at dahil gustung-gusto kong manalo ay halos masira ko na ang pindutan dahil sa pagkagigil ko. Ngunit sulit naman ng manalo ako sa round one.
“Yes!” sigaw ko at nag-ready para sa round two.
Muli ay halos masira ko ang pindutan pero sulit naman dahil nanano uli ako.
At ang pinakahuli ay ang round three na ako rin ang nanalo.
Nang matapos kami ay napakasama ng tingin sa akin ng nagbabantay doon kaya naman napatakbo na lang ako.
“Nanalo ako!” proud na proud kong sabi.
“Muntikan mo na ngang masira ’yong pindutan, proud ka pa?” pang-aasar niya sa’kin.
“Ganoon talaga, magaling ako e.” Proud na proud kong sabi na nagingb dahilan ng tawanan namin.
Mula sa Arcade ay nagpunta naman kasi sa Food court. Um-order kami ng Siomai na parehas naming paborito.
“Hoy, nakalimang order ka na a?!” ang singhal ni Art nang mag-request pa ako sa kanya ng isa pang order. Nabitin kasi ako.
“I-o-order mo ako ba ako o uuwi na ako?” pananakot ko.
“Sabi ko ng,” aniya sabay tayo para um-order.
Nang makalayo-layo siya ay nakita ko si Inake na papalapit sa aking kinaroroonan. Nagkunwari pa akong hindin ko siya nakita at umiwas ako ng tingin pero huli na dahil nasa harapan ko na siya.
“Sabi ko hintayin mo’ko sa tapat ng canteen pero hindi mo naman ako inintay. Tapos naabutan pa kita dito! Ang daya mo naman.” Pagmamaktol niya.
“Ang bagal mo kasi!” sagot ko naman.
“Hindi ako mabagal, ’no! Sinadya mo lang talaga akong iwanan. Isususmbong kita kay Tita mamaya!” pagpapatuloy niya.
“Magsumbong ka! Samahan pa kita!” sabi ko at nabigla ako nang sandaling lumapat na naman ang kaniyang labi sa aking labi sa pangalawang pagkakataon. Nas ganoon kaming posisyon nang makita ko si Art na nakatingin sa amin at nabitawan pa niya ang hawak niyang tray.
“Nakakarami ka na, ha! Wala ka sa Japan, gago!” sabi ko sabay kutos sa kanya.
“Nang-aasar ka kasi.” Natatawa niyang sabi habang nakahawak sa kaniyang labi.
Hindi ko na siya pinansin at lumapit ako kay Art na nakatayo na upang lumapit sa amin.
“Buti nalang at hindi natapon,” aniya sabay tawa.
“Haha. Buti nga dahil gutom pa ako.” Sabi ko naman.
Nakaupo na si Inake nang makabalik kami sa kinakainan namin. Sakto namang lapag ni Art ng tray nang bigla siyang mapatingin sa kaniyang relos.
“Shocks! Mag-aalasaisn na pala. I’m sorry, Leroy. Mauna na ako.” Aniya at madaling umalis na hindi man lang naririnig ang pagpapaalam ko sa kanya.
“S-sino ba ’yung lalaking ’yon?” tanong ni Inake na noo’y kinaiinisan ko dahil sa paghalik niya sa akin. Nakita tuloy ni Art at malamang ay na-turn off na’yon sa’kin.
“O, bakit nakabusangot ’yang muka mo?” ang tanong ni Inake nang mapansing nakasimangot akong nakatingin sa kanya. Imbes na sagutin ko siya ay inubos ko na lang ang dalawang order ng siomai at tumayo.
“Uy, magsalita ka naman,” panunuyo niya. Minsan talaga ang mga Hapon ay manhid. Nakakainis!
Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa makauwi kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto dahil walang tao sa bahay. Nakasunod pa rin siya sa akin pero hindi ko siya pinapansin.
Dahil nandoon siya ay wala akong choice kundi ang maghubo’t-hubad tsaka dumiretso sa banyo para mag-shower.
Masarap ang lagasgas ng tubig na tumatama sa aking katawan, sapat para guminhawa ang pakiramdam ko. Ngunit ang hindi ko ma-gets ay kung bakit bahalang-bahala ako? Dahil ba ito sa nakita ni Art na magkasugpong ang labi namin ni Inake?
“Bahala na nga!” mahina kong bulong bago tuluyang lumabas. Ngunit tinutuyo ko na lamang ang aking buhok nang makita ko siyang binabasa ang scrapbook ko.
Napabitaw tuloy ako sa tuwalya kaya’t nakabuyangyang ang aking katawan sa kaniyang harapan.
“Ano ’to? Bakit hindi ko mabasa?” tanong niya. Ngunit imbes na sagutin ko siya ay agad kong hinila sa kanya ang scrapbook ko.
“Kahit kailan talaga ay pakialamero ka!” sigaw ko sabay silid ng notebook ko sa aking bag.
“Okay na ang pakialamero kesa naman maging bulbulin gaya mo,” aniya sabay turo sa aking ari na pinapalibutan ng malalagong buhok na nakalimutang kong ahitin. Napataklob na lang tuloy ako at nagbihis ng mabilis.
Buti na lang talaga at hindi niya naisipang itapat iyon sa salamin kundi ay buking na ako. Bukod sa malalaman niya na paminta ako ay malalaman niya rin na gusto ko si Art.
“Dahil masyado akong natutuwa sa’yo, sasakalin kita!” singhal ko sabay hagip sa leeg ni Inake. Dahil nga nakaupo siya sa kama ay nahulog kami at napaibabaw ako sa kanya.
Sandaling nagkatitigan kami at nangungusap ang kaniyang mga mata. Huli na rin nang ma-realize ko na sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko habang magkalapat ang aming mga labi.
Sana joke pa rin ’to dahil hindi na ako natutuwa na sa ikatlong pagkakataon ay lumapat na naman ang labi niya sa labi ko.
Gusto ko rin ba ’to dahil? SIGURO..
To be continued !
SIGURO-PART IX
Enjoy reading!
SIGURO- Part IX
LEROY
“Ikaw na anak araw ka, namumuro ka na sa’kin!” sigaw ko nang sandaling magkahiwalay ang aming mga labi.
“Ang ingay mo kasi. Ang sungit mo pa kaya kita hinalikan,” natatawa niyang tugon habang hinihimas ang nasaktang likod.
“Sa susunod na halikan mo pa ako, F.O na tayo!” ang banta ko na sa loob-loob ko ay biro lang.
“Ano ’yung F.O?” ang tanong niya pabalik sa akin na naging dahilan ng aking pagngiti.
“Friendship over, gano’n! Kaya ikaw, ayusin mo dahil wala ka sa Japan!” singhal ko.
“Noted, Senpai!” biro niya.
“Sampalan kita r’yan e!” sabi ko pabalik.
Dahil sa sinabi ko, puwesto siya na tila ba sinasalag niya ang kamay kong gigil na na sa kanya. At imbes na kamay ko ang mag-landing sa muka niya ay binato ko siya ng unan at kinuyog para kilitiin. Tawa lang siya ng tawa habang naghaharutan kaming dalawa, bagay na na-miss kong gawin kasama siya. May isang tagpo tuloy ang biglang nag-flash back sa aking isipan noong mga bata pa lamang kami.
“Basta ako, kapag malaki na’ko, gusto ko magpatayo ng bahay sa tabi ng bahay mo para lagi nating makikita ang isa’t-isa.” Wika ni Inake na noon ay kumakain ng cake.
“Gusto ko rin ’yon! Pero paano naman si Kuya Mark? Dapat kasama rin natin si Kuya Mark para masaya tayo!” sagot ko naman.
“Syempre, kasama na si Kuya Mark doon. Ikaw talaga! Kumain na nga tayo!” nakangiti niyang turan, dahilan para makita ko ang ngipin niyang tadtad ng chocolate icing.
“Amos mo, Inake!” sabi ko sabay pahid sa muka niya ng icing na naipon sa gilid ng aking platong pinagkakainan. Dahil nga hindi pwedeng hindi makaganti si Inake ay hinabol niya ako at pinunasan din ng icing. Isa pang muli ay nagkahabulan kami at parehas kaming napagalitan ni Kuya Mark dahil nadumihan namin ang sofa sa salas na nagkataon namang bagong bili.
Nasa ganoong akong pag-iisip nang maramdaman ko na may pumitik sa noo ko. At doon ko nakumpirmang si Inakeng bwiset ang gumawa noon sa akin.
“Masakit ’yon ha!” singhal ko.
“Nakatulala ka kasi kaya ginawa ko ’yun.” Ang paliwanag niya na hindi ko na pinansin dahil nagugutom na ako.
“Inake, umuwi ka nga muna at magpalit sa inyo. Naaasar ako sa uniporme mo!” sabi ko na ikinakamot naman niya sa ulo. Akala ko ay aangal pa siya pero agad siyang nanakbo pababa ng aking kwarto at nakita ko nalang naglalakad na siya pauwi sa kanila. Gago talaga ang mokong e!
Gabi na nang makauwi si Mama at naabutan pa niya kami ni Yaya Dori na nagluluto ng laing na paboritong-paborito ko simula noong makatikim ako noon. Si Yaya rin kasi ang nagpakilala sa akin sa pagkain na’yon.
“O, anak, nalate ako kasi natagalan ’yung session namin ni Doc,” pagpapaliwanag ni Mama. Kinakarir talaga niya ang pagpapabata dahil na rin siguro sa impluwensya ni Tita Ritz na go na go rin sa pagpapaganda.
Kung sa tutuusin, maganda naman si Mama, dangan nga lamang na hindi siya kontento kaya hindi ko siya masisi na magpanda. Besides, ano ba namang gastahin niya ang pera niya sa pagpapa-derma at pagpapaganda ng kutis, lalo pa’t si Papa lang naman ang pinagpapagandahan niya?
“Okay lang po, Ma. Malaki na rin naman po ako e.” Ang paliwanag ko.
“Nako, Anak, ramdam na ramdam ko na mas lalo akong gumanda ngayon. Look at me, nagmuka raw akong teen-ager sabi ng Kuya mo.” Ang proud na proud niyang sabi.
“Maganda ka naman po talaga, Ma. Pero mas maganda ka po ngayon.” Ang pambobola ko na sinang-ayunan din ni Yaya Dori.
Matapos ang hapunan, nagbasa-basa na ako ng mga notes para bukas. At nang matapos na akong magbasa ay may kumatok sa pinto at siya namang pasok ni Inake na noo’y nakapantulog na.
“Sleep over!” aniya sabay wagayway ng kaniyang dalang bag.
“D’yan ka sa sahig matulog! Bawal ka rito sa kama ko!” biro ko.
“Ang hard mo sa bestfriend mo, ’no?” aniya habang binubulatlat ang kaniyang bag.
“Hindi naman masyado. Trip lang talaga kitang asarin,” sagot ko.
“Trip mo pala ako pero ito, para sa’yo!” may pagtatampong iniabot niya sa akin ang isang maliit na box.
“Ano ’to?” tanong ko. Akmang bubuksan ko na ang box nang may iabot pa siya sa aking damit.
“Pasalubong ko ’yan sa’yo. Tsaka na ’yung iba kapag hindi ka na masungit na parang lagi kang may dalaw.” Aniya at niyakap ko siya. Akala ko talaga ay wala siyang pasalubong sa’kin, meron naman pala at bawing-bawi naman siya.
“Salamat dito sa bigay mo. Super saya ko.” Ang sabi ko bago buksan ang box na hawak ko.
“No problem!” aniya sabay senyas na buksan ko na ang maliit na box. Habangn binbuksan ko ang box ay kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang laman nito. Baka mamaya puro kalokohan ang laman ng isang ’to.
Pero nang buksan ko ang box ay naglalaman iyon ng isang kulay gintong relos na Rolex ang tatak. Napasinghap na lang tuloy ako dahil matagal ko na ring gustong magkaganito. Naalala ko pa noong minsan na mag-share post ako sa facebook ng isang relos at kaparehas na kaparehas ito ng isang ’yon.
“Ingatan mo ’yan dahil tatlong buwan akong nagtyaga sa pagkaing bahay para mabili ko ang isang ’yan na alam kong gustung-gusto mo dahil nakita ko ’yan dati sa post mo.” Masaya niyang sabi na nagpasaya lalo sa akin.
“Gaya ng pagkakaibigan natin, iingatan ko rin ang bagay na’to.” Sabi ko sabay yakap sa nakangiting si Inake.
“Mabuti naman. Ingatan mo talaga ’yan. Pero bago ang lahat, magbihis ka na dahil magpa-party tayo!” sigaw niya na gumulat sa akin.
“Party?”
“Oo, party! At bawal tumanggi dahil may permiso na tayo mula kay Tito at Tita.” Masayang-masaya niyang sabi at nagpalit sa harapan ko ng walang ka kiyeme-kiyema.
“Sabi ko nga, Party!” ako naman ang nagsalita at nagpality ng damit na bigay niya.
White na sapatos, ripped jeans, at long-T na itim ang parehas naming suot na tila ba kambal kami at pinagbiyak na bunga. Dangan nga lamang na mas matangkad siya sa’kin dahil “5’10” siya at “5’9” naman ako.
“Halatang pinaghandaan mo’to, Inake. Halata e.” Sabi ko habang ang i-spray ng pabango.
“Hindi naman masyado. Slight na slight lang,” sabi niya habang nakangit.
“Tara na nga at baka abutin pa tayo ng madaling araw dahil sa’yo.” Sabi ko.
“Okay, boss!” aniya bilang pagsang-ayon..
Bago kami makaalis ng bahay, katakot-takot na bilin ang napala namin ni Inake. Nariyang magsuot daw kami ng proteksyon dahil baka raw makabuntis kami at baka rin daw magkasakit kami. If I know, magpa-party lang naman kami sa bar. Hindi naman kami sa motel pupunta. Si mama talaga!
“Opo, ma. Aalis na kami ni Inake.” Paalam ko dahil halos dalawapu’t-apat na minuto na halos kaming binibilinan ni Mama. Kumpara naman kay Papa na sinabihan lang kaming mag-ingat.
“’Basta ingatan mo ’yang kaibigan mo. Alam mo namang hindi ’yan mahilig sa social gatherings.” Si Mama bago kami tumango at sumakay sa taxi dahil hindi pwedeng ilabas ang kotse ni Inake kapag gabi na.
Weird talaga ng mga magulang. Sabi ko sa aking isipan.
“Excited ka na ba?” tanong ni Inake.
“Medyo kinakabahan din at the same time. Hindi kasi ako pala-ganito,—pala-party.” Pag—amin ko.
“Your best bro is here kaya easy lang.” Ang pampalakas niya sa aking loob.
At naging mabilis lang ang aming byahe kaya naman mas tumindi ang kaba at excitement na nararamdaman ko lalo na nang makababa kami mula sa taxi na kung maningil ay akala mo naman ay ginto at dinaig pa ang metro.
Bungad palang ng bar ay rinig na rinig ko na ang hiyawan sa loob na nagdulot sa akin ng excitement.
Hindi rin nagtagal ay nakapasok na kami sa loob at doon bumulaga ang napakaraming babae’t lalaking nagsisipaghiyawan kasabay ng musikang pang party.
Ngunit sa aking paglilibot ng tingin ay namalayan ko na lamang na may nakita akong pamilyar na muka na bigla na lamang nakihalubilo sa rami ng mga taong nagpa-party.
Hindi nagtagal ay nakaupo na kami ni Inake na noon ay um-order na rin ng isang bucket ng beer.
“Alak para mga taong may balak!” sigaw ng mga kabataan mula sa ’di kalayuan na halatang sanay sa bar hopping. Napatawa nalang tuloy kami ni Inake na noo’y masayang-masayang nakatingin sa mga nagsasayawang tao.
Ngayon ko pa lang naranasan ang mag-bar pero hindi ako papayag na hindi maging masaya ang akinhg unang subok kaya’t kahit nakakasuka ang amoy ng beer ay tinatad ko ng yelo ang baso ko at sinalin ang natitirang alak at nilagok na parang isang pro sa pag-inom.
“Easy ka lang. Hindi minamadalin ang pag-inom.” Paalala ni Inake pero hindi ko na siya masyadong marinig dahil okupado na ng musika ang aking pandinig.
“Sayaw tayo?” pag-aaya ko.
“T-tara!” naghe-hesitate niyang sabi bago tumayo.
Sakto namang pang-party goer ang kanta kaya naman nakigaya kami sa mga nandoon naghe-head bang na parang baliw.
Walang paglagyan ang aking ngiti habang ginagawa ko iyon at lalo na nang mas naging solid pa ang musika.
Halos tipsy na rin ako kaya naman nang matapos ang isang live na live na remix na kanta ay bumalik muna ako sa aking mesa kasama si Inake na todo alalay sa’kin.
“Ang saya, woah!” sigaw ko sabay ngiti.
“Ang saya nga. Hanep ang moves ng mga tao. Nakakaaliw! Kaya dahil d’yan, cheers!” aniya.
“Cheers!” sabi ko.
Aaminin ko, medyo hindi ko gusto ang lasa ng beer lalo’t ngayon ko lamang ito natikman, ngunit sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay may kalakasan din pala ako sa pag-iinom dahil nakaapat na akong beer ay hilo pa lang ako.
“Waiter! Waiter!” ako naman ang tumawag this time. Agad namang lumapit ang waiter at nagsalita ako.
“Isang bucket pa para sa mga taong ’di nasagot sa bakit,” singhal ko kaya naman napatawa ang natuwang waiter.
“S-sir, kagaya rin po ba noong kanina na may pulutan na?” tanong niya at tumango naman ako.
“Hoy, Leroy! Talagang malakas ka, ha! Baka mayari na tayo ni Tito nito.” Nag-aalala niyang sabi.
“H-hindi ’yan. Kapit lang!” sabi ko kaya naman napatawa nalang siya.
Mas lumalim ang gabi at mas sumarap ang inuman namin. Hindi rin naman papalag kapag nagkwentuhan kami kaya naman kahit hilong-hilo na ako ay nagsayaw pa rin ako ng nagsayaw.
“Woah! Party, party!” sabay naming sigaw ni Inake na nanliliit na rin ang mata. Tulak doon, tulak dito. Ganoon lamang ang nangyayari at paulit-ulit na rin kaming natumba peron hindi kami natinag dahil tonight is the night!
Habang nasa ganoong kaming posisyon nang makaramdam ako ng bigat sa aking pantog, kaya’t nagtungo ako sa comfort room kung saan rinig na rinig ko ang mga lalaking animo ay nagtatawag ng uwak dahil sa pagsusuka.
Nakapikit ako habang umiihi habang nakabukas ang pintuan. Hindi ko mabilang kung ilang minuto akong nagpakawala ng tubig ngunit masarap iyon sa pakiramdam.
Muli ay nagbalik ako sa aming table at nakita ko na nakaupo na roon si Inake habang namumulutan.
Ganoon na rin ang ginawa ko. Papikit-pikit na kaming dalawa ni Inake ngunit nagpasya pa rin kaming ubusin ang aming iniinom na alak.
Kung kanina ay napakaayos pa ng aking pakiramdam, ngayon naman ay napaka-uneasy ko na dahil feeling ko anytime ay bibigay na ako dahil sa kalasingan. Ngayon ko lang napagtatanto na masarap din palang uminom at magpakaya sa mga ganitong klaseng lugaw. At kahit hindi kasi nakaka-SIGURO sa lugar na ito ay tiyak na makakatakas ka mula sa bagay na gumugulo sa’yong puso at isipan gaya ni Art.
“U-uwi na tayo, I-inake,” ang putul-putol kong sabi bago ako mawalan ng ulirat.
To be continued!
SIGURO-PART X
SIGURO-Part X
LEROY
Napakasakit ng ulo ko nang magising ako. Buti na lamang at may malamig na tubig sa gilid ko kaya naman tinungga ko na ang pitcher na siyang lagayan nito. Nasa ganoon akong posisyon nang pag-inom nang mapagtanto ko na hindi ito ang aking kwato.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at nakita ko rin ang sarili kong nakasuot ng shorts at damit na hindi ko pag-aari. Hindi ko alam kung nasaan ako kaya naman nagpumilit akong tumayo ngunit bigla kong naradaman na nasusuka na naman ako. Lumingon ako sa kaliwa at sa gawing kanan kaya’t nakita ko ang banyo at agad kumala ang likidong nagmumula sa aking tiyan. Nakakadiri ang amoy nito at talaga namang masakit sa ulo.
Ito na siguro ’yung tinatawag nilang hang-over.
Noong matapos ako ay humarap ako sa salamin at saktong may mouth wash kaya naman walang pakundangangang iminumog ko iyon. Naghilamos na rin ako para mahimasmasan kahit konti.
Muli ay lumabas ako sa banyo at napagtanto ko na masaya rin palang magpakalasing. Pero kahit na ganoon ay natatakot ako sa magiging reaksyon ni Mama dahil hindi ako umuwi sa bahay sa kauna-unahang pagkakataon.
“Gising ka na pala.” Iyan ang apat na salitang gumimbal sa akin mula sa pag-iisip. Hindi pa roon nagtatapos ang aking pagkagimbal sapagkat ang mga salitang iyon ay galing kay Art.
“Ahh, oo. Pero teka, bakit ako nandito?” ang sagot ko.
“Mamaya ka na magtanong at kainin mo muna itong lugaw na binili ko sa labas.” Aniya na sinundan pa niya ng pagpipilit sa akin subuan ako.
“A-ako na, Art. Kaya ko na ito,” sagot ko.
“S-sige, sabi mo e.” Sagot naman niya at naupo sa aking tabi. Bahagya tuloy akong nahiya sapagkat nakatingin lang naman siya sa akin at pinapanood akong kumain.
“Kailan ka pa natutong mag-bar hopping?“ang tanong niya.
“Kagabi lang.”
“H’wag ka na ulit magba-bar, ha? Hindi bagay sa personalidad mo.” Concern niyang sabi.
“S-sige.” Tunay na hindi ko maitago ang aking kilig na nadarama sapagkat nararamdaman ko na concern siya sa akin.
“Mabuti naman dahil ayaw na uliit kitang nakikitang wasted kagaya kagabi.” Aniya kaya’t napangiti na lamang ako sa isip ko.
“Ano nga palang reason at nandito ako sa kwarto mo? Nasa bar ka rin ba kagabi? Paano ako nakarating dito?” sunod-sunod kong katanungan.
“Easy lang. Ipapaliwanag ko ang nangyari sa’yo kagabi,” panimula niya. “Kagabi, nakita kita sa loob ng bar kung saan nandoon din ako. Noong nagsasayaw ka, medyo hinihipuan ka na ng mga manyakis doon kaya’t nagkakatulakan dahil sa akin. Dahil nga sa pangyayari, hindi ko nilasing ang sarili ko dahil halata sa’yo na first timer ka sa mga ganoong klaseng lugar. May kasama ka pang hapon na lasing na lasing at nakatulog na ata ’yon sa mesa niyo. Ito pa ang nakakagulat sa’yo, ayaw mong magpaawat sa pagsasayaw kahit hilong-hilo ka na at suka ka na ng suka. Pasalamat ka dahil binantayan talaga kita, kung hindi ay baka na-rape ka na ro’n. Ang lalagkit pa naman ng mga tingin sa’yo ng mga tao ro’n. Ito pa, grabe ka palang malasing dahil pati taxi ay sinukahan mo tapos pati ako ay hinal—, I mean hinaluan mo pa ng suka. Don’t worry dahil inalagaan naman kita kahit ang bigat-bigat mo,” ang napakahaba niyang kwento.
Napakamot na lang tuloy ako sa aking ulo dahil hiyang-hiya ako sa kanya.
“Salamat, Art. Buti nalang at nariyan kundi ay baka nga na-rape na ako ro’n sa lugar na’yon kundi mo’ko inasikaso ng ganito,” sabi ko.
“Ikaw pa ba? Malakas ka sa’kin e. Kaya’t ’yang lugaw ay ubusin mo na dahil lumalamig na,” sabi niya at nagtawanan nalang kami.
Napakarami pang naikwento si Art sa’kin patungkol sa nangyari kagabi. Pati pananaginip ko ay naikwento niya sa akin. At sa katunayan ay inalagaan niya ako hanggang sa makatulog. Nagka-eyebags pa tuloy siya ng very light.
“Pero bilib pa rin ako sa’yo. Ang lakas mo kasing mag-inom.” Aniya.
“Dalawa’t kalahating bucket? Malakas na agad?” tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
“Oo naman. Ang dami na kaya no’n!” aniya.
“Teka, bahay mo na ba ito?” pag-iiba ko ng usapan.
“Oo e,” aniya.
Kahit na napakasakit ng aking ulo ay napagpasyahan kong magpahatid sa sakayan ng taxi patungo sa bahay namin dahil may pasok pa ako mamayang alas dos ng hapon.
Mag-isa lang sana akong uuwi pero nagpumilit talaga si Art at siya na mismo ang naghatid sa akin gamit ang kotse ng Mama niya.
Nang makabyahe kami ay nakaramdam ako ng sakit pa rin ng ulo kaya’t minabuti kong umidlip muna. Nasa kalagitnaan ako nang aking pagtulog nang maramdaman ko na para bang may dumadampi sa aking labi. Ngunit tila ba nananaginip lang ako lalo’t nang imulat ko ang aking mata’y nagmamaneho pa rin si Art sa aking tabi.
Pero bakit parang totoo? Tanong ng isip ko habang nakahawak ako sa aking labi na noo’y tila basa sa hindi ko malamang dahilan.
“Okay kalang ba?” tanong ni Art habang nakatigil na sa harap ng guard house sa aming subdivision.
“Oo. Medyo nahihilo lang ako.” Sabi ko.
“A, Leroy,” aniya sabay hinawakan ang isa kong kamay.
“Text mo’ko agad kapag nasa schoo ka na,” aniya at umarangkada na.
“S-sige,” at hindi ko na naitago ang ngiti sa aking mga labi. Kilig na siguro ang dahilan kung bakit ako nakangiti. Ikaw ba naman ang hawakan ng mahal mo ang kamay mo.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa harapan na kami ng aming bahay.
“Salamat, Art. Ingat ka sa pagmamaneho mo.”
“Ikaw din. Balitaan mo ako ha?” aniya at umalis na papalayo. Nakahinga naman ako ng maluwag nang umalis siya at talagang naghuhurumentado ang aking puso sa saya. Saya na siya lang ang tanging makakagawa.
Suot ko pa rin ang shirt niya na medyo malaki sa akin ng konti pero ayos naman dahil sa kanya galing. Nasa ganoon akong pag-iisip nang makita ko sa ’di kalayuan si Inake na papalapit sa akin.
“Leroy!” tawag niya at bumuka ang gate kung saan bumulaga si Mama at niyakap ako.
“Ngayon kalang umuwi ng ganito, Leroy. Hindi mo na ba ako love?” ani Mama nang bumitaw bumitaw kami sa isa’t-isa mula sa pagkakayakap.
“Sorry po, Ma. Sa kaibigan ko naman po ako natulog at inihatid pa ho niya ako. Tsaka alam mo naman pong love na love kita e.” Sabi ko naman kay Mama.
Marami pang naging talak si Mama bago siya umalis ng bahay.
“Opo, Ma. Hindi pa po ako ready na maging tatay kaya ’wag po kayong mag-alala.” Sabi ko at siya namang sibat paalis ni Mama na nagmumurang kamiyas.
“Ikaw, bakit mo ako iniwan kagabi?” tanong ni Inake.
“Manahimik ka dahil masakit ang ulo ko!” cold kong sagot at umakyat ako sa kwato ko at nahigang muli. Pero dahil likas ang kakulitan sa katawan ni Inake, sinundan pa niya ako sa kwarto at nakikain pa habang dada ng dada.
“Ikaw Hapon ka, maliligo ka minsan, amoy alak ka!” sabi ko kahit mabango pa rin naman siya. Siguro ay naligo na ang isang ’to.
“Ikaw ang amoy alak. Sige na, maligo ka na at baka masuka ka pa d’yan sa damit mo.” Pagtataboy niya sa akin patungo sa banyo. Kaya’t no choice ako kundi ang maligo.
Akmang huhubarin ko na ang damit na suot nang maalala ko na kay Art nga pala itong damit. Another one to keep na naman para sa akin. Hay, buhay!
Ang hirap ma-in love lalo na sa kaibigan mo. Bukod sa walang kasiguraduhan na magiging kayo ay nakakatakot din makasira ng pagkakaibigang nabuo niyo. Gaya ko, na-fall lang naman ako kay Art at patuloy akong napo-fall hanggang sa masaktan ko ang sarili ko sa bagay na kailaman ay IMPOSIBLE na SIGURO. Dahil mananatili akong kaibigan at hanggang doon nalang kami..
To be continued!
SIGURO-PART XI
DEDICATED TO:
jodeyzjedoyz, ethan1992 at shanesaints80
Enjoy reading!
SIGURO-Part XI
LEROY
“Amoy alak ka, bwiset!” sigaw ko sabay kalas sa yakap ni Inake sa akin nang sandaling magising ako mula sa pagkakatulog. Kapwa kasi kami tinamaan ng antok at kapwa kami masakit pa rin ang ulo dahil sa alak. Gayunpaman, minadali ko na rin ang tumayo para makapagbihis na. Male-late na kasi ako sa klase ko.
“Bangon na!” sigaw ko para magising ang mokong. Pero dahil talagang napakatibay niya ay mas minabuti ko na lamang na bunutan siya ng buhok sa patilya niya. Dahilan para ito ay magising at mag-amok.
“Kupal ka! Alauna y medya na. One hour na lang at late na tayo!” sabi ko habang itinatayo siya. Napakakulit din ng isang ’to e. Akala ko ay matitinag na ay hindi pa pala. Nasa ganoong kaming posisyon ng bigla na lamang niyan akong halikan na naging dahilan upang mawala ako sa aking normal na pag-iisip.
“Babangon na, Minikui!(read as minikuyi)” sagot niya. Hindi ko naman naintindihan ang huli niyang sinabi pero alam kong pang-aasar iyon sa akin.
“Natandaan mo ba ang sinabi ko sa’yo noong huli mo akong halikan?” nagbabanta kong tanong sa kanya na ipinagwalang bahala na lang niya. Dumiretso siya sa banyo at iniwan akong nakanganga sa ginawa niya. Tarantado talaga ang isang ’yon. Matagal bago siya lumabas sa banyo at nakita ko na lamang siya na ginagamit ang toothbrush ko na naging dahilan para mas mainis lalo ako sa kanya.
“Labas! Lumabas ka sa kwarto ko!” sigaw ko. At muli ay hindi na naman niya ako pinansin at nagsasayaw pa siya habang nagtu-toothbrush. Malakas din ang sapi ng isang ’to e. Dahil nga sa inis ko, hinayaan ko nalang siya. Tsaka, ang immature ko naman masyado kung pati toothbrush ay pag-aamukan ko na rin.
Halos inabot na siya ng ilang minutong pang-iinis sa akin bago siya umalis at nagtungo palabas ng kwarto.
“Sabay na tayong pumasok. Magbibihis lang ako,” aniya at tuluyang nilisan ang bahay namin.
“Ikaw, bakit ang lakas mong mang-asar?” tanong ko nang sandaling makasakay ako sa kotse niya.
“Gusto ko e. Tsaka ang sarap mong inisin kasi pikon ka,” natatawa pa niyang sagot bago pinaandar ang kotse.
Buong byahe lang akong nanahimik at minabuti ko na lang na tingnan ang aming dinaraanan. Medyo hilo pa rin ako ngunit mas minabuti kong magbasa ng notes para mamaya. Ayoko kasing mapahiya sa first meeting namin ng mga professor at sa harapan ng mga kaklase ko. And besides, lumipat na rin uli ako ng section kaya mas mawiwindang silang muli.
“Nga pala, Leroy, saan ka natulog at anong nangyari sa’yo after nating malasing?” pagbasag ni Inake sa katahimikan.
“Sa bahay ng kakilala.” Sagot ko.
“A, mabuti naman. Magdamag ka kasing hinanap ni Kuya Mark. Nakapatay pa ang cellphone mo kaya halos umaga na siya nakatulog at nasermonan pa niya ako dahil bakit daw hindi tayo magkasabay na umuwi.” Ang rebelasyon ni Inake.
Kung ganoon pala ay naabala ko pa si Kuya sa aking katangahan. Next time kokontrolin ko na ang dami ng alak na iinumin ko. Babawi ako sa kanya mamaya.
Magsasalita na sana ako pero walang lumabas sa bibig ko kundi buntong hininga. Nakakahiya lang kasi talaga kay Kuya Mark. Napuyat pa siya dahil sa akin.
Ten minutes bago mag-alas dos y medya, nakarating kami sa school. Madaling-madali kami parehas dahil parehas kaming may klase.
“Sabay tayo mamaya. Five ang labas ko at hintayin mo ako rito.” Ang sabi ko bago nanakbo papunta sa aming College. Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil nagmamadali ako. Sa akin kasing palagay ay nandoon na ang aming guro.
Nanakbo ako nang nanakbo hanggang sa makita ko si Art na naghihintay sa may bench kaya’t nakitakbo na rin siya hanggang sa marating namin ang aming classroom.
On time naman kaming nakarating sa aming classroom at masaya akong win-elcome ng mga datihan ko na ring kaklase. At tatlong minuto ay dumating na ang professor namin sa Strategic Financial Management na si Sir. Escosa.
“Ang boring naman magturo ni Sir. Nakakaantok!” reklamo ni Art na noo’y humihikab na.
“Mag-ayos ka! Tandaan mo, 2.5 ka r’yan last sem dahil tinutulugan mo ang klase niya. Tsaka graduating na tayo kaya ayusin mo!” supalpal ko naman sa katamaran niya sa buhay.
“Makikinig na, Bos!” mahina niyang anas bago tuluyang umayos ng upo.
Naging maayos ang aming isa at kalahating oras na klase. Lahat ay determinadong matuto at maka-graduate ngunit paglabas namin ng klase ay naglabasan ang mga totoong mga hinaing nila sa buhay.
“Nakakabagot naman kasi talagang magturo si Sir, daig pa yata ng lolo ko ’yun magturo, e.” Ang singhal ni Joseph.
“Sa true! Muntikan na rin ngang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko e, dahil kay Sir.” Ang sabi ni Faith na talaga namang nagpatawa sa lahat.
Sa tutuusin, ayos naman talagang magturo si Sir. Escosa. Dangan nga lang na may hinanakit ang karamihan sa mga kaklase kong nakakuha ng 2.25 hanggang tres noong nakaraang mga semester.
Buti na lamang at napanatili ko ang record ko na 1.25 at masaya na ako ro’n.
“Next subject, kay Ma’am pa-photo copy naman!” si Michael naman na noo’y iwinagayway pa ang kaniyang cellphone. Totoo naman ang sinasabi ni Michael patungkol sa susunod naming guro. Marami kasi siyang hinihinging requirements na photo copy at modules na hindi naman namin nagamit dahil lagi nalang siyang nagpapa-report.
Muli ay nagtawanan na naman ang buong klase lalo na nang malaman nilang wala si Mrs. Manlapig na professor namin sa Special Topic in Financial Management.
Ang mahal mahal ng tuition sa Unibersidad na ito tapos hindi magtuturo? Nakakalambot lang! Sabi ko sa aking isipan.
Dahil nga wala naman kaming klase, halos lahat kami ay nagtungo sa pinakamalapit na Mall at doon ay binulabog namin ang arcade center.
Ilang sandali pa ay nagpaalam muna ako upang mag-cr dahil ihing-ihi na talaga ako.
Mabilis pa sa alas singko akong umihi at habang naghuhugas ako ng aking kamay ay may humawak dito at nakita ko ang ngisi ng isang lalaki na halatang may ipinahihiwatig. Dahil wala naman akong pakialam sa kanya ay mas minabuti kong mag-spray ng sanitizer sa aking kamay at nagtuyo na rin after.
Nasa ganoon pa rin akong posisyon nang lumapit siya sa akin.
“Anong pangalan mo, Pogi? Game ka ba?” ang tanong niya na bumalot sa akin ng kakaibang pandidiri. Hindi naman siya panget pero talagang hindi ko siya maunawaan.
“Hindi kita kilala kaya umalis ka sa daraanan ko.” Mahina ngunit malaman kong sabi.
Hindi pa rin talaga siya natinag sa aking sinabi sapagkat hinawakan niya ako sa aking isang kamay ay nagsalita.
“Masasarapan ka naman dito kaya pumayag ka na. Mabilis lang.” Nakakasuka niyang tinuran.
“Alam mo, ang libog mo. Borta ka nga, baboy mo naman. D’yan ka na nga, bastos!” sabi ko bago lumakad. Konti pa lamang ang aking naihahakbang ngunit nang mapalingon ako sa kanya ay nakita kong nakabulagta na siya sa sahig at iyon ay dahil kay Art na sinusuntok pa rin siya.
Akmang aawatin ko na siya nang kusa na siyang tumigil.
“Sa susunod piliin mo ang babastusin mo ha, gago!” aniya at mabilis akong hinila palayo sa duguang lalaki na’yon.
“Ayos ka lang ba?” tanong niya na nagpakilig sa kalooban ko na hindi ko ipinahalata sa kaniya.
“Ayos lang ako. Ikaw ba?” tanong ko.
“Ayos lang ako, Leroy.”
“Pero alam mo, hindi mo na dapat ginawa iyon dahil kaya ko naman ang sarili ko, e,” paliwanag ko.
“Kaya mo nga, e nakaamang na nga siya na suntukin ka kanina kung hindi lang ako nakalabas sa banyo at inunahan siya. Pasalamat ka dahil mahal—, mahaga ka sa’kin, kundi ay hinayaan na kitang mabugbog no’ng gagong ’yon.” Sabi naman niya habang nakaakbay sa akin.
“ E, ’di salamat, Leroy.
Nasa ganoong posisyon kaming dalawa nang maalala ko bigla si Inake kaya’t nag-text ako sa kanya na mauna na ng umuwi dahil may lakad kaming magkakaklase.
Tsaka ayaw ko munang sirain ang moment na mayroon kami ni Art ngayon. Mahal ko nga talaga ang isang ito at ’yung lang ang bagay kung saan ako nakakaSIGURO.
To be continued!
SIGURO-PART XII
DEDICATED TO:
galaxticowboy and Karm2Kram
Enjoy reading!
SIGURO-Part XII
LEROY
Everything seemed perfect nitong mga nagdaang araw. Maayos ang acads ko. Maayos din ang nararamdaman ko para kay Art at umaasa pa rin ako na someday ay mapansin niya rin ’yong effort na ibinibigay ko para sa kanya; para mapasaya siya.
Pero isang gabi, late na akong nakauwi dahil nagkatuwaan kaming magkaka-blockmates na manood ng sine. Paghakbang ko pa lamang sa pintuan ng aming bahay ay isang malakas na suntok ang tumama sa aking muka.
“Gago ka! Bakla ka pala?!” umuusok ang ilong ni Papa habang sinasambit niya ang mga katagang iyon.
“P-pa,” tawag ko. “Magpapaliwanag po ako.” At muli ay tumama na naman sa aking muka ang isang suntok na galing kay Papa. Hawak niya ang scrapbook ko na malaking pruweba ng aking tunay na pagkatao. Baligtad man ang mga nakasulat na letra roon ay hindi ko iyon maililihim kay Papa dahil siya ang nagturo sa akin ng ganoong estilo ng pagsulat.
“Ano pang ipapaliwanag mo?” singhal niya. “Eto na ang pruweba!” sigaw ni Papa. Oo nga at nandoon si Mama at si Kuya, ngunit wala ring silbi dahil si Papa ay si Papa. Hindi siya nagagalit ngunit iba ngayon.
“Pa, s-sorry po. Hindi ko po sinasadyang maging ganito. Opo, bakla po ako pero hindi naman po ibig sabihin noon ay masama na po akong tao!” pagpapaliwanag ko.
“Ang bakla ay bakla!” sigaw niya. “Hindi kita pinalaki para maging bakla lang!” pagpapatuloy ni Papa na noo’y umaagos na ang luha sa kaniyang mga mata. Napakalaking disappointment nga naman kasi na ang isang maton na kagaya niya ay magkakaroon ng isang anak na baklang kagaya ko.
“Sorry po, Pa.” Nakaluhod na ako nang mga sandaling iyon ngunit mas nanggalaiti si Papa kaya’t isa pang sampal ang kaniyang ginawad sa akin.
“Pa, tama na po!” awat naman ni Kuya na noo’y umiiyak na rin. Tumingin ako sa mata ni Papa ngunit para niya akong sinusunog sa paraan niya ng pagtitig. Napaiwas na lamang ako at napatitig kay Mama na umiiyak. Marahil ay ayaw na rin sa akin ng aking ina. Sino ba naman kasi ang may gusto na bakla ang anak nila, ’di ba wala?!
“Sa’n kami nagkulang ng paalala sa’yo, Leroy?” tanong ni papa. Umiling lang ako dahil napakabuti nilang magulang sa akin.
“Pa, tama na po.” Si Kuya Mark uli.
“H’wag kang makialam dito, Mark!” pagtataboy niya kay kuya na wala nang nagawa kundi tabihan si Mama.
“Halos gawin kong araw ang gabi para lang mabigyan ka ng ganiyang buhay pero binigo mo ako, Leroy. Binigo mo ako!” singhal niya. Muli ay umagos ang mga luha sa aking mata papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad ngunit isang sampiga muli ang kaniyang ginawad sa akin. Hindi ko alam pero sandaling nanahimik ang aking mundo. Nabingi ako sa katahimikan at maigi kong ninamnam ang sakit na mula sa puso ko at hindi dahil sa sampal ni Papa sa aking mukha.
“Polo, tama na iyan! ’Wag mong saktan ang anak mo!” awat ni Mama sabay yakap sa akin.
“Wala akong anak na bakla kaya mas maganda pang lumayas ’yang salot na’yan!” ang huling sinabi ni Papa bago ako ipagtabuyan nito palabas ng aming tahanan.
“P-pa, ’wag!“pagmamakaawa ko ngunit sinikmuraan lang ako ni Papa na naging sanhi ng pag-agos ng dugo sa aking bibig.
“Dori, ilabas mo ang mga gamit ng baklang ito at ’wag hahayaang makapasok sa loob ng pamamahay ko dahil walang puwang ang bakla sa bahay na ito!” Sigaw ni Papa sa akin. Literal, pisikal at emosyonal na nasaktan ako dahil sa tagpong ito.
Bitbit ang dalawang maleta, emosyonal akong sinulyapan ni Mama at ni Kuya . Alam kong kapwa nila ako gustong tulungan ngunit mas matindi ang galit sa akin ni Papa dahil sa kaniyang nalaman. Bakla ang kaniyang bunso at hindi niya iyon kailanman matatanggap; napakasakit na katotohanang nakaukit na sa aking puso.
Akala ko ay sa mga teleserya at mga pelikula lamang may ganitong tagpo kung saan hindi matanggap ng ama na bakla ang kaniyang anak, ngunit nagkamali ako sapagkat kahit pala sa totoong buhay ay maaari itong mangyari at ako ang isa sa mga taong minalas-malas.
Malamig ang simoy ng hangin, may kadiliman na rin sa paligid kaya’t nagpasya akong tumuloy muna sa isang hotel. Sa aking pag-stay sa hotel na ito, lalo ko lamang naramdaman ang kalungkutan at magdamag akong naglabas ng sama ng loob. Tumatawag si Kuya at Mama ngunit hindi ko sinasagot. Baka kasi mamaya ay madamay pa sila sa galit sa akin ni Papa.
“Bakit ganoon kahirap maging bakla? Ganoon ba talaga kami kahirap na tanggapin?” tanong ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama. Nasa ganoong pag-iisip ako nang may isang senaryo sa aking utak ang nagbigay lumbay sa aking mga mata habang akim itong inaalala.
“Pa, paglaki ko gusto ko ring maging business man gaya mo. Tapos bibili ako ng car na marami. Tapos si Kuya Mark, I’ll buy him a big toy. Tsaka bibili rin akong house at I’ll make a great family!” masayang sambit ko habang kaharap ko ang may kaarawang si Papa .
“Napakabata mo pa para mag-isip ng ganyan. Pero if that’s your dream, strive for it!” wika ni papa at kinalong pa niya ako at nakipaglaro siya sa amin ni Kuya.
“Pa, bakit po may bad guys?” tanong naman ni kuya habang nanonood sa aming telebisyon.
“Dahil may good guys,” sagot ni Papa.
“Gaya niyo po, ’di ba Pa?” tanong ko naman.
“Oo good guy si Papa kaya dapat kayo rin ni Kuya.” Paalala niya sa amin.
“Yes na yes po, pa!” sabay naming sabi ni Kuya.
Dahil sa naturang alaala ay lalo lang nadagdagan ang bigat ng aking nararamdaman. Pakiwari ko nga ay lalo ng lumiit ang aking mata dahil sa kakaiyak.
Dumagdag pa sa aking isipin ang aking pag-aaral. Napaisip tuloy ako kung ano nalang ang mangyayari sa’kin nito. Baka mamatay ako kapag nagkataon; hindi pa naman ako sanay na mag-isa.
Sabado na nang tanghali nang magtungo ako sa pinakamalapit na ATM machine upang mag-withdraw. Ubos ko na kasi ang isang libo ko sa pag-stay sa pangit na kwarto na inokupahan ko sa buong magdamag.
Sinubukan ko muna ang isa kong account pero naka-block ito na alam kong kagagawan ni Papa. Dahil na rin doon ay ang aking isa pang personal na account ang ginamit ko kaya’t tiningnan ko muna ang savings ko na napagtanto kong nasa thirty-six thousand na ang laman. Napapikit na lang tuloy ako at napahinga ng malalim at sinabing “ kaya ko ’to! “
Nag-withdraw ako ng limang libo at maingat ko iyong isinilid sa aking maleta at sinusian ko muli ito.
Sa isang eatery ko napagpasyahang magtanghalian. Agaw pansin nga ako dahil bukod sa dalawa kong dalang maleta ay may kaunti pa akong galos sa aking pisngi.
“Tita, saan po ba rito may boaring house na malapit at mura?” tanong ko habang kumakain.
“Liliko ka lang d’yan sa may kanto at sa may kanan, sa gilid ng basketball court ay may gate roon. Doon na mismo.” Sagot niya na ikinapagpasalamat ko.
Makalipas ang aking pagkain ay agad kong sinunod ang mga sinabi ni Tita. Nasa court palang ako ay nakaradam na ako ng lungkot dahil kailangan ko nang mabuhay mag-isa.
CB Boarding House, ’yan ang nakaimprenta sa isang gate na sa tingin ko ay ang tinutukoy ni Titang tindera.
“Magandang araw po!” masigla kong sabi sa isang babaeng sa tingin ko ay na sa mid thirty. “May available pa po ba kayong kwarto?” tanong ko.
“Pasok ka muna.” Panimula niya at pumasok naman ako.
“Mangungupahan ka ba talaga?” tanong niya at sinipat ako mula ulo hanggang paa.
“Bakit po? Masama po ba?” tanong ko.
“Masyado ka kasing kutis mayaman kaya nagtataka lang ako na mangungupahan ka. For sure ay naglayas ka sa inyo.” Intriga pa niya habang tumitingin sa aking dalang maleta.
“Anyway, I’m Carla at ako ang kapatid ng may ari nitong boaring house na ito.” Aniya at nakaipagkamay sa akin.
“Tungkol po sa kwartong uupahan ko, pwede bang wala akong kasama?” tanong ko.
“Maaari naman. Tsaka ’wag kang mag-alala dahil sa second floor ay puro pang-isahang kwarto lamang ang naroon.” Pagpapaliwanag niya at nagtungo nga kami sa itaas.
Maganda naman ang mga silid. Pinaghalong kahoy at semento ang yari na binuhay ng kulay caramel at brown na pintura.
“Dito sa isahan, one thousand five hundred ang upa. Hindi kasama ro’n ang tubig at ilaw. May sariling banyo, at doon sa gilid dulong iyon ang lababo.“pagpapaliwanag niya. Napadako naman ang tingin ko sa lababong nasa may dulo. Maayos naman iyon pero bakit kailangang nasa labas pa? Tanong ko sa aking isipan.
“Sige, uupahan ko na ang kwartong ito.” Sabi ko at ipinaliwanag niya pa sa akin ang rules at regulations ng bahay na may photo copy pa.
“One month deposit, one month advance policy dito at ’wag kang mag-alala dahil may refund naman.” Aniya.
Marami pa kaming napagkasunduan at nahantong din naman sa pag-aayos ko sa ika-apat na kwarto malapit may hagdanan.
“Basta kapag may kailangan ka pa, Pogi, sabihin mo lang. Nasa baba lang ako.” Aniya at nagpaalam na rin dahil na-settle ko na rin naman ang payment ko.
Habang naglilinis ako, naisip ko tuloy kung bakit humantong sa ganito ang sitwasyon ko gayong maayos naman ang lahat nitong mga nakalipas na linggo.
Baka talagang may mga bagay na kahit gaano natin yakapin ay darating pa rin ang araw na mababago at mag-iiba ang lahat gaya ng SIGURO sa tadhanang nakaukit na sa palad ko.
To be continued!
SIGURO-PART XIII
Siguro-Part XIII
LEROY
Mabilis kong natapos ang paglilinis ng aking bagong kwato at isinaayos ko na rin ang laman ng aking dalawang maleta. Ang problema ko na lamang ay ang electric pan at extension na pagsasaksakan. Dahil nga sa kulang pa ang kagamitan ko sa aking kwato ay mas minabuti ko munang maligo at mabilis na umalis para magtungo sa Mall upang bumili ng kobre kama, kumot, unan at iba pang kailangan ko sa kwarto para maka-survive.
Habang namimili ako ng pinggan, hindi ko maiwasang manghinayang sa buhay na meron ako before. Halos kahapon lang ay masarap pa ang aking buhay ngunit tila hindi ako pinapaboran ng tadhana.
“Sir, okay ka lang po?” tanong sa aking ng sales lady na nagpabalik sa akin sa normal kong pag-iisip. Napapikit- mata nalang tuloy ako at nagtungo sa counter para magbayad.
Inabot ng halos tatlong libo ang nagastos ko kaya naman kahit hiniyang na hinayang ako ay napilitan akong gumasta para sa sarili ko. Besides, ako rin nama ang makikinabang.
Inake, Kuya, nasa’n na ba kayo? Kailangan ko ng tuloy niyo. Bulong ko sa aking isipan.
Saktong nag-aayos ako ng aking mga pinamili nang mag-appear ang pangalan ni Inake sa screen ng cellphone ko, kaya’t agad kong binasa ang mensahe niya sa akin.
From: Inake
Kamusta ka na, Leroy? Text mo agad kung nasa’n ka dahil nami-miss na kita :(
Dahil sa mensahe niyang iyon, hindi na ako nagdalawang isip na i-text siya pabalik. Miss ko na rin kasi siya dahil lagi naman siyang nand’yan para sa;kin kahit noong mga bata pa lang kami. Halos lahat ng nang-aaway sa’kin noon ay siya ay kumakalaban dahil sabi niya ay ganoon ang totoong magkaibigan.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang makaramdam ako ng gutom. Tamang tama lang dahil bumili ako ng kanin at ulam sa may karinderya kanina. Hindi pa muna ako kumain dahil inaayos ko pa ang kobre kama at ang electric pan na binili ko sa mall kanina.
Matapos ’yon ay tagaktak ang pawis ko dahil sa pagod. Nagpahinga tuloy muna ako at hindi ko namamalayang nakaidlip na ako sa aking kami.
Muka ni Inake ang bumungad sa akin nang magising ako. Pinagmamasdan lang niya ako pero halata ko sa muka niya ang sinseridad.
“Okay ka lang ba?” tanong niya.
“Okay lang naman.” Sagot ko pero bago ang lahat ay niyakap ko na siya nang napakahigpit at humahulhol ng iyak. Akala ko ay naubos na ang luha sa aking mga mata ngunti hindi pa pala. Sariwa pa rin ang aking mga mata mula sa paghihinagpis na hindi ako matanggap ni Papa bilang ako at pinalayas pa niya.
“Tahan na. Magiging okay din ang lahat. Sasamahan kita dito.” Sabi niya habang mahinang tinatapik-tapik ang likod ko bilang pang-aalo. Dahil sa mga sinabi niya ay hindi maiwasang isipin na blessed pa rin ako dahil nand’yan si Inake na hindi ako iiwan. Oo nga’t puro siya kalokohan ngunit sa mga ganitong usapan ay seryoso siya at sincere sa akin lalo’t kaming dalawa lang naman ang mag-bestfriend sa mundong ’to.
“Tahan na,” aniya habang inaalo ako. “Nandito lang ako.” Aniya.
“S-salamat, Inake.” Sabi ko. “D’ best ka talaga!” umiiyak kong bitaw bago humarap sa kanya.
Matapos ang tagpong ’yon ay awang-awa sa akin si Inake at matagal na raw niyang alam kung ano ako. Para saan pa raw ang silbi ng pagiging magkaibigan namin kung hindi niya iyon makikita at mapapansin.
“H’wag ka nang umiyak dahil lalo ka lang pumapangit.” Asar niya.
“Loko! Mas panget ka kaya!” at nagtawanan kaming dalawa.
“Kumain ka na ba?” tanong niya.
“Hindi pa, pero bumili ako kanina ng kanin at ulam sa labas,” sabi ko sabay turo sa kinalalagyan ng binili ko kanina na nakapatong sa may maliit na lamesa.
“Magbihis ka na at kakain tayo sa labas.” Aniya.
“H-hindi mo naman kailangang ga—,” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan n’ya ang bibig ko gamit ang kamay niya.
“Aarte ka pa?” ang tanong niya.
“Hindi naman sa gano’n, ang gusto ko lang na—–” muli ay hindi na naman niya ako pinatapos magsalita dahil sinakop ng labi niya ang labi ko sa ika-apat na pagkakataon. Napatigagal ako sa ginawa niyang iyon at pinakiramdaman ko ang sarili ko. Iba kasi ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil sa pakiramdam na iyon, hindi ko namamalayan nakatulala lang ako sa kanya.
“Gago!” tulak ko sa kanya palayo.
“Ang dami mo kasing satsat.” Natatawa pa siya habang nakatingin sa akin na kasalukuyang nilulukob ng hiya at inis sa ginawa niya. Hindi ko tuloy maiwasang pang-initan ng muka dahil sa mga kalokohan niya sa buhay.
“Oo nalang! Magbibihis na ako.” At nagbihis na nga ako ng isang normal na shorts na maong at puting t-shirt at nagsuot lang ako ng simpleng sapatos na itim.
“Damihan mo ang kain dahil muka kang stress.” Aniya habang kumakain kami sa isang simpleng restaurant na madalas naming puntahan at kainan.
“Okay, sabi mo e.” At nilantakan ko ang order kong carbonara.
“Nga pala, sabi ni Kuya Mark, ibigay ko raw sa’yo ’to.” Aniya sabay abot sa akin ng sobre galing sa bag niya.
“A-ano raw ’to?” tanong ko habang kumakain pa rin.
“Hindi ka raw niya kasi pwedeng lapitan at mayayari siya kay Tito Polo kapag nalaman nito na nakikipagkita siya sa’yo. Miss ka na raw agad ni Kuya at umiiyak pa nga siya habang inaabot sa akin ang sobreng ’yan. Magagamit mo raw ’yan.” Pagpapaliwanag ni Inake. Sa mga sinabi niya ay hindi ko tuloy maiwasang malungkot dahil kay Kuya na una kong pinagsabihan ng lahat ng gumugulo sa aking sarili.
Mahal na mahal talaga ako ni Kuya Mark
Sabi ko sa aking isipan.
Nang matapos kaming kumain ay isinilid ko na sa aking sling bag ang sobre na naglalaman ng pera. Minabuti naming maghintay ng taxi dahil wala namang dalang sasakyan si Inake dahil nga gabi na.
“Inake, salamat!” sabi ko sabay yakap sa kanya.
“Nako, ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa’kin. Bestfriend tayo e.” Sagot naman niya sabay yakap sa akin pabalik.
“H’wag mo’kong iiwan, Inake, ikaw at si Kuya nalang ang makakapitan ko ngayon,” sabi ko sabay bitaw sa pagkakayakap.
“Kahit hindi mo naman sabihin, nand’yan lang kami ni Kuya Mark para sa’yo.” Aniya.
Malaki pa rin talaga ang pasasalamat ko kay Inake dahil noon pa man ay hindi na niya ako pinabayaan. Oo nga’t ilang taon siyang nawala ngunit bumabawi siya ngayon bilang isang kapatid at matalik kong kaibigan.
Naging mabilis lang ang naging byahe namin at talaga namang puro pagpapatawa ang ginagawa ni Inake habang nasa byahe kami. Ayaw niya raw kasing malungkot ako dahil hindi ko naman deserve ang malungkot.
“So, dahil gabi na rin; dito na ako matutulog!” aniya at pinangunahan pa ako sa paghiga sa kama ko. Itinodo pa niya ang electric pan at itinapat sa kanya. Ang lakas e.
“Isod ng konti!” sabi ko kay Inake at umisod naman siya. Kasya naman kami sa kama kaya naman pinatay ko na nag ilaw at nagdasal muna ako bago ako pumikit.
Sa mga sandaling ito, masasabi kong mahirap nga talaga ang mabuhay na malayo sa pamilya, pero hangga’t nand’yan ang kaibigan, hindi-hindi mo mararamdaman ang pag-iisa.
Ang higit sa ahat, matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa kahit hirap kang magpaka-SIGURO kung kakayanin mo ba.
To be continued!
SIGURO-PART XIV
Dedicated to:
MikeAllanTorres, Karm2Kram, daringgreen, galaxticowboy, and shanesaints80
Siguro-Part XIV
LEROY
Mabilis na lumipas ang mga araw at isang isa’t-kalahating buwan na rin akong naninirahan sa boarding house. Naroon ang mg sandaling nalulungkot ako dahil malayo ako sa pamilya ko. Si Inake, lagi lang siyang nand’yan sa tabi ko kapag kailangan ko siya. Si kuya Mark naman, nasa probinsya ng Quezon dahil doon s’ya naka-assign na magtrabaho. Samantala, si Mama at Papa ay hindi na ako tuluyang inalala pa.
Nariyang nagkakasakit ako pero kailangan kong magpakatatag. Ilang beses na rin akong na-food poison kaya’t ako na mismo ang nagluluto ng pagkain ko upang makatipid na rin.
At kung tatanungin niyo ako tungkol kay Art, ganoon pa rin naman ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin siya at hindi ko na kaya pang pigilan ang nararadaman ko para sa kanya.
“Leroy, kanina ka pa tulala r’yan.” Sabi ni Art na noo’y kaharap ko habang kumakain. Nakatitig pala ako sa muka niya at kanina ko pa siya tinititigan.
“W-wala, may naalala lang ako. Prelim na pala natin next week.” Sabi ko sabay inom ng tubig.
“Oo nga, ’no? Next week na pala.” Aniya.
“Mag-aral ka ha, Art. Hindi ka papasa kapag hindi ka nag-aral this time.” Sabi ko.
“Oo naman, ako pa ba?” confident niyang sagot.
“Okay.” Sabi ko at inubos ang natitirang kanin sa pinggan ko.
“Bakit ang hina mo atang kumain ngayon?” pagtataka niya. “Hindi ba dati tatlo hanggang apat na kanin ang lagi mong in-o-order?” tanong niya.
“A-ah, diet kasi ako.” Pagpapalusot ko na ang totoo naman ay nagtitipid ako. Tinanggal na kasi ang scholarship ko kaya nama kailangan kong magtipid dahil magbabayad ako ng tuition bukas. Ilang libo rin ’yon.
“G-ganoon ba?” tanong niya.
Um-oo na lang ako para hindi na siya mangulit pa.
Kung alam lang ni Art ang pinagdaraanan ko ngayon dahil kay Papa. Paanong natiis ako ng ganoon katagal ni Mama at Papa? Parang hindi nila ako naging anak!
Nang sandaling matapos na rin siyang kumain ay may nag-text sa kanya at nagpasya na siyang magpaalam muna at susunod na sa susunod naming klase. Dahil nga sa duda ako sa kanya ay palihim ko siyang sinundan.
Laking gulat ko nalang nang makita ko siyang kasama si Inake sa likod ng Library. Habang nagkukubli ako sa isang pader ay minabuti kong makinig sa kanilang usapan.
“Hindi ko na papatagalin pa itong usapan natin at sasabihin ko na ang dahilan kung bakit kita gustong makausap.” Ang panimula ni Inake sa tonong hindi niya usual na ginagamit. Masyado kasing seryoso.
“Ano ba ’yon, bro?” tanong naman ni Art na kalmang-kalma lang.
“Gusto kong humingi ng tulong sa’yo para kay Leroy.” Aniya na ikinagulat ko.
“A-anong tungkol kay Leroy?” sagot naman ni Art.
“Pinalayas siya sa kanila at ako nalang ang maaasahan niya ngayon. Nakatira siya sa isang boarding house malapit dito at alam kong hirap na hirap na siya. Pero ang pinag-aalala ko ngayon ay kung paano ko pa siya tutulungan lalo na’t pinagbantaan ako ng mga magulang niya at ng mga magulang ko rin. Gusto ko na ipagkatiwala sa’yo ang bestfriend ko. Pwede mo bang gawin ’yon?” mangiyak-ngiyak na pagpapaliwanag ni Inake.
“T-teka, hindi ko maintindihan.” Sabi ni Art. “Bakit ngayon mo lang sinabi? Tsaka, bakit hindi sinasabi ni Leroy sa’kin?” dugtong niya.
“Kasi ayaw niyang maging pabigat. Sorry, bro, dahil ikaw lang ang lagi niyang kasama sa school kaya nagtyaga akong kunin ang numero mo sa mga kakilala ko na kilala ka.” Aniya na nagpabuhos sa mga luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata.
“Basta, ’wag mo siyang pababayaan. Mahal na mahal ko ang bestfriend kong ’yon kahit na napakataray at laging masungit ang isang ’yon.” Saad ni Inake.
“Makakaasa ka, bro. Hindi ko papabayaan si Leroy dahil mahalaga rin siya sa akin.” Sabi naman ni Art. Hindi ko na pinakinggan pa ang kanilang pag-uusap at dumiretso na ako sa susunod kong klase.
Halos kasunuran ko lang dumating si Art sa classroom. Marahil nang umalis ako ay siya n’ya ring pag-alis sa likod ng library.
“Art, bakit ka nakangitin d’yan? Muka kang tanga!” sabi ko pero pinitik n’ya lang ako sa noo.
“Bakit parang ang dilaw ng uniform mo?” puna niya. Paano ba naman kasi ay ako ang naglalaba ng mga damit ko. Ang mahal kasi ng laundry kaya kahit mahapdi sa balat ay tinitiis ko nalang.
“W-wala ’to. Napadikit lang ako sa kalawang kaya nagkaganito,” sabi ko.
Tiningnan niya muna akong mabuti bago siya umiling at bumuga ng hangin. Siguro kung hindi ko alam na alam niya ang kalagayan ko ay magtataka ako. Minsan ko na ring sinubukan na sabihin sa kanya pero ayaw kong kaawaan niya ako dahil sa kalagayan ko lalo’t kaya ko naman ang sarili ko.
Lumipas pa ang mga oras at sa wakas ay natapos ang napakahabang araw.
Dahil nga walking distance lang naman ang boarding house ko mula rito sa school ay minabuti kong magmadali nang maghiwalay na kami ng landas ni Art.
Pagbukas ko palang ng pinto ay sumunod na sa akin na dumating si Inake na itinulak ko sa kama at hinalikan.
Dahil sa ginawa ko, gulat na gulat siya pero hindi naglaon ay lumaban din siya ng halik at ang huli ay umibabaw siya sa akin at hinalikan niya muli ako.
“Ito ang way ko para pasalamatan ka, Inake kaya angkinin mo na ako.” Sabi ko pero hinalikan niya lang ako sa noo at ngumiti.
“Sapat na ang halik mula sa bestfriend ko,” aniya sabay tulo ng mga luha sa aking mga mata lalo na nang maalala ko ang mga pinag-usapan nila ni Art kanina.
“Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa akin.
“Alam ko na lahat, Inake. Hindi mo na kailangan na magpaliwanag pa. Sapat na sa’kin lahat ng mga naitulong mo.” Sabi ko sabay yakap sa kanya.
“S-sorry, Leroy. Hanggang dito nalang talaga ang kaya kong gawin. Baka ako naman ang mapasama at baka ibalik ako sa Japan at tuluyan na tayong hindi magkita ’pag nagkataon. Gusto pa kitang tulungan kaya’t hayaan mo na si Art muna ang tumulong sa’yo. ’Wag kang mag-alala dahil aalagaan ka niya gaya ng ginawa ko.” Pagpapaliwanag niya habang lumuluha ako.
“Salamat sa lahat, Inake. Hindi ko alam kung makaka-survive ba ako nitong mga nagdaan kung wala ka. Ingatan mo rin ang sarili mo. H’wag mong kakalimutang mag-text.” Sabi ko at tumango naman siya.
“Leroy, ingatan mo ang sarili mo parati, ha?” aniya at nakiiyak na rin nang mahalikan niya ako.
At kinabukasan nga ay walang pasok at nakita ko mula sa kalayuan ang kotse ni Art. Bumaba siya roon at agad akong lumabas para makita ko siya.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko nang makalabas ako sa gate.
“Susunduin ka. Doon ka na sa’min titira.” Sabi niya.
“P-pero h-hindi naman kailangan e,” sabi ko.
“Nasabi na sa akin lahat ni Inake, yung kababata mo ang lahat kaya sumama ka na sa’kin. Doon sa bahay ay hindi ka na mahihirapan dahil ako at si Mama lang naman ang nakatira roon.” Sabi niya.
Marami pa kaming napagtalunang dalawa dahil para siyang timang na kay bilis magpasya. Mantakin mo ba namang palipatin ako agad sa kanila ng padalus-dalos?
Since wala naman akong choice ay mabilis niya akong nakumbinsi at hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa gusto niya.
Ngayon ko lang napagtanto na may mga bagay na mangyayari kahit hindi ka SIGURO kung mapapabuti ka pa rito.
Itutuloy!
SIGURO-PART XV
Enjoy Reading!
SIGURO—Part XV
LEROY
Isang linggo na matapos kong lumipat sa bahay nina Art. Tanggap na tanggap ako sa bahay nila lalo’t mag-isa lang naman palagi itong si Art dahil si Tita Carol ay busy sa business nitong Bakeshop. Samantala, minsan ay hindi ko pa rin maialis sa aking isipan kung bakit narito ako imbes na nasa bahay at puder ako ng mga magulang ko. Ni wala nga atang nakakaalala na Birthday ko na bukas.
“Anong iniisip mo?” ang tanong ni Art habang isa-isang sinusuri ang mga exam results namin .
“Wala naman. Nami-miss ko lang ang family ko.” Sabi ko sabay talon sa kama.
“I’m sure nami-miss ka rin nila.” Sabi naman niya at halatang pinapalakas niya lang ang loob ko sa mga sandaling ito.
“Nga pala, halimaw ka raw sabi ng mga kaklase natin dahil lahat ng exams natin ikaw ang highest!” masayang-masaya niyang kwento.
“Hayaan mo na sila. Nag-review lang talaga ako kaya nakapasa ako. Kaya ikaw, galingan mo pa ang pangongopya at baka mag-laude ka pag nagkataon.” Biro ko na tinawanan lang niya habang kakamot-kamot na pumasok sa banyo upang mag-shower. Paano ba naman kasi ay nag-badminton kami pagkatapos naming magsimba.
“Nga pala, settle naman pala lahat ng expenditures mo sa school e. Tinatakot ka lang siguro ng Papa mo para sa susunod na sem kaya pinaputol niya ang scholarship mo.” Ang pahabol n’yang kwento na nakapagpasaya sa akin.
“Mabuti naman dahil maitatabi ko ang natitira kong pera para sa susunod na sem.”
OJT nalang naman kami kaya’t hindi na ako nagaalinlangan pa sa mga bagay na ’yon.
“Good!” aniya at mabilis na pumasok sa banyo. Habang nasa banyo siya, minabuti kong ipahinga muna ang pagod kong isip.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil ganito naman talaga ang nakasanayan kong gawin kapag kaarawan ko na. The fact na maaga ang pasok namin ay iniisip ko rin dahil ayoko namang maging certified na palamunin ng taon kaya’t minabuti kong mag-toast ng tinapay, magluto ng fried rice at nagprito rin ako ng ilang hotdog at itlog para sa amin nina Art at Tita Carol.
Matapos kong makapagprito ay ginising ko na si Art na nakabukaka pa talaga sa pagtulog. Gwapo lang siya pero walang kaarte-arte sa sarili.
“Ang sarap naman nito,” bola ni Art habang nilalantakan ang sinangag na niluto ko.
“Bola ka na naman! Kumain ka na nga lang!” sabi ko.
“Nako, Leroy, hindi nagbibiro ’yang si Art dahil masarap naman talaga ang luto mo,” papuri naman ni Tita na nagpangiti sa akin.
“Nako, Tita, salamat po!” saad ko.
Naging mabilis pa ang mga oras at talaga namang walang sino man sa mga kakilala ko at mga kaklase ko ang nakaalala sa kaarawan ko. Napilitan nalang tiloy ako sa pagngiti kahit na nahihirapan ako.
Dati kasi kapag birthday ko nand’yan si Mama para ipagluto ako ng paborito kong carbonara at talagang may simpleng regalo pa sila nina Papa at Kuya sa akin.
“Okay na ang lahat!” sigaw ni Kuya na narinig ko nang makababa ako sa cab na sinasakyan ko mula sa paaralan. Dahil sa narinig ko ay nagmadali na lamang ako sa pagtakbo papasok. Ngunit nasa gate pa lamang ako nang sumambulat na sa akin ang surpresa sa akin nina Mama dahil sa ika-18 kaarawan ko na.
“Happy birthday, Leroy!” sigaw ng mga kaklase, pamilya at mga kakilala ko.
Hindi ko tuloy mapigilang maiyak sa tuwa. Paano ba naman kasi ay napakarami na ngang bumati sa akin sa school ay may ganito pang ganap na hindi ko inaasahan. Mapapatawa ka nalang talaga sa sobrang saya e.
“Ma, Pa, Kuya, salamat po sa pa-party niyo. Sobrang saya ko!” sabi ko kaya naman nag-family hug kami at matapos iyon ay inabutan ako ni Papa ng isang maliit na box na sinundan naman ni Mama ng isa pang medyo malaking kahon habang kay Kuya naman ay isang paper bag na maliit.
Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang mga regalo nila kaya’t inuna ko ang regalo ni Kuya. Nang buksan ko ang paper bag ay bumulaga sa akin ang dalawang libro ni Paulo Coelho na may titulong: The Alchemist at 11 minutes na laging sold out sa National Bookstore.
“Woah! Salamat, Kuya! Favorite Author ko si Paulo Coelho!” at niyakap ko si Kuya na noo’y tawa ng tawa.
“Alam ko kasing iyan ang tipo mong babasahin dahil mana ka sa’kin.”
“Sabi mo e.” Sagot ko at sinimulan ko nang buksan ang regalo ni Mama na naglalaman ng recipe book at isang apron na may nakaburdang “CHEF LEROY”
Dahil nga sa mahilig akong magluto ay talaga namang natuwa ako kay Mama kaya’t niyakap ko siya’t pinasalamatan.
“Ma, malaking tulong po ito para ma-improve pa ang cooking skills ko.” Masayang-masaya kong sabi at hinalikan ko siya sa pisngi.
“Mana ka kasi sa’kin na mahilig magluto kaya’t ’yan ang unang pumasok sa isip ko noong nagpunta ako sa Mall.” Sabi ni Mama at isinunod ko naman ang kay papa na nagpanganga sa akin dahil bagong modelo iyon ng Iphone! Iphone 7 lang naman ang regalo ni Papa.
“Ang cool ng regalo mo, Pa! Ang mahal nito.” Singhal ko matapos kong halik-halikan ang hawak kong cellphone.
“Mahal nga pero mataas naman kasi ang naging grades mo last semester kaya that’s your reward. Basta pagbutihin mo pa ang pag-aaral mo dahil iyan lang ang bagay na hindi pwedeng mawala sa’yo.” Sabi ni Papa at tumango naman ako.
Naantala ang aking pagbabalik-tanaw nang maramdaman ko na may humihila sa bag ko. Si Art lang naman na hawak ang bago niyang gitara.
“Saan mo ba kasi ako dadalin?” tanong ko.
“Sa susunod nating klase, malamang!” at napatawa nalang ako nang maalala kong male-late na kaming dalawa dahil sa pagtambay sa ilalim ng akasya.
“T-tara let’s go!” aniya ta wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa klase namin na parang nakawala sa hawla ang bawat-isa dahil may mga kaniya-kaniyang mundo.
May mga nagse-selfie, may nagkakantahan, may nake-kwentuhan, in short mukang mga ewan.
“Muntikan na tayong ma-late, woah!” aniya at nagsitinginan ang mga kaklase namin kay Art at naghalakhakan dahil sa parang ewan niyang entrada.
Ilang sandali pa ay dumating na ang guro namin at halos hindi ako nakinig dahil okupado ang isip ko.
Nang mag-lunch break ay wala akong gana, ganoon din noong last subject namin. Napakalungkot na araw. Gusto ko na itong lumipas dahil tila isang ordinaryong araw din lang naman ang araw na ito.
Dahil sa lungkot ko ay nagpunta ako sa roof top at doon ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pagod na pagod na ako! Parang bibigay na ako kaya naman tumayo ako sa gilid at akmang tatalon na ako nang hilahin ako ni Art na naging sanhi para matumba kaming dalawa.
Napaka-awkwar ng aming posisyon dahil nasa taas niya ako at ramdam ko ang maiinit niyang hininga.
“Ano bang naiisip mo at tatalon ka? Ikaw na rin ang may sabi sa’kin na magpakatatag lang ako pero ikaw itong agad na susuko? H’wag namang gano’n!” aniya habang nasa ganoon posisyon pa rin kami.
Ako na ang mismong kumalas at hindi ako nagpaliwanag at nagtatakbo nalang ako pababa ng roof top.
Sa totoo lang ay palagi kong pinapalakas ang loob ng iba lalo na kapag may bumabagsaka sa isa sa amin sa mga exam. Walang sawa kong sinasabi may second chance pa para bumawi pero kapag pala sa sa sarili mo na ia-apply ay tunay na napakahirap gawin.
Minsan nga iniisip ko kung bakit ba kasi ako naging bakla. Bakit kailangan ko pang ma-in love sa kapwa ko lalaki gayong may hitsura naman ako. Ganoon nga ata talaga ang buhay, lagi kang aasa sa salitang SIGURO.
Itutuloy!
SIGURO-PART XVI
SIGURO-Part XVI
LEROY
Natapos ang napakahabang oras sa klase at sa wakas ay makakauwi na rin ako. Ngunit bago ako umuwi kasabay ni Art ay nagtungo muna ako sa cr para umihi.
Matapos kong magpalabas ay naramdaman ko na lamang na may nagbusal sa bibig ko dalawa pang lalaki ang nakahawak sa aking kamay kaya’t para akong tanga na nagpupumiglas habang unti-unti akong nahihilo at nawalan ng malay..
Halos ilang oras yata akong nawalan ng malay at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakagapos at sa ’di kalayuan ay naririnig ko na ang wang wang ng mga pulis na tila ba ready akong isalba mula sa pagkakagapos ko.
“Kayo, sino ba kayo, ha?” siga ko ngunit hindi pa rin sila nagsasalita.
“Pipi ba kayo?” sabi ko uli habang pinagmamasdan ang mga naka-mask nilang mga muka.
Dahil magmumuka lang naman akong timang ay nanahimik na lang ako.
Lord, please, ikaw na po ang bahala sa akin. Hindi ko pa po gustong mamatay. Dasal ko sa aking isip. Nasa ganoong posisyon kami nang bigla kong marinig ang putukan sa labas. Hindi nga ako nagkamali at nakita kong pumasok ang isang police at kinalagan niya ako. Dahil sa takot ay nagtatakbo ako sa labas at nakita ko ang mobile ng mga police at narinig ko pa ang napakaraming putukan.
Nariyan pang nakasakay na kami sa sasakyan ngunit may mga naririnig pa rin akong putukan dahil nagpapaunahan ang mga kidnapper at ang mga police, walang nagpapatalo hanggang sa bigla na lamang tumigil ang pulis na pagpapatakbo ng kotse at pakikipagpalitan ng putok dahil may nakita akong tama sila sa dibdib at isa naman ay sa tiyan. Napaiyak nalang ako ng sobra hanggang sa may isang lalaking naka-mask ang nagbukas ng pinto ng kotse at hinila ako papalabas. Manlalaban pa sana ako ngunit nakatutok na ang baril niya sa aking ulo at nagsidatingan ang dalawa pa niyang kasamahan at piniringan, binusalan at tinalian nila ako sa kamay ng walang kalaban-laban. Anong laban ko sa baril?
Pakiramdam ko ay ang hina-hina ko. Wala man lang akong nagawa.
Habang naglalakad kami ay iyak lang ako ng iyak hanggang sa huminto kami at nagulantang ako nang makita ko ang mga kaklase ko na nakasuot ng parang binihag na costume.
“Happy birthday, Leroy! Surprise!“sabay-sabay nilang sabi na lalong nagpabuhos ng emosyon ko kaya’t wala akong nagawa kundi ang mapaluha sa tuwa.
“Sorry kung kailangan ka pa naming ipa-kidnap. Masyado kasing maikli ang oras kaya kailangan mo muna ng konting aksyon.Tsaka, ang cute mo palang umiyak. Pwede ka na ring aktor!” sabi ni Art na nagtanggal ng mask sa muka.
“Ang dami niyong pakulo. May pa-kidnap kid nap pa kayong nalalaman, I love you all!” mabilsi kong sambit at nag-group hug kaming magkakaklase.
Nalaman ko na lahat ng pakulo nila. Mula sa mga police na talagang epek na epek sa barilan scene nila, lalo a ’yong dugo. Sa kabilang banda naman, para kaming mga grupo ng bihag na masayang nagpa-party.
Sa tulong aking mga kaklase ay nabuo ang birthday ko na akala ko ay hindi na mangyayari. Salamat kay Art na effort ang ibinigay para mapasaya ako.
“Tig-iisang tagay para sa klaseng maingay!” sigaw ni Michael na pasimuno ng ingay.
“TAGAY!” sigaw naman ng lahat. Matapos naming magsitagay ay nilantakan naming lahat ng nakakamay ang kanin at ulam na in-order nila mula sa restaurant ng Unce ni Art na si Tito George.
Masayang-masaya ang bawat-isa lalo na’t lahat kami ay nagutom sa napakasayang sayawan at kulitan. Humantong pa sa nagkaagawan dahil halata namang matatakaw kaming lahat.
At matapos naming kumain ay sinindihan na ang kandilang nakatusok sa cake at doon ay humiling ako na sana ay maibalik sa dati ang lahat.
Matapos ko palang na hipan ang kandila ay kanya-kanya na kaming kainan at pahiran ng icing sa muka. Hindi ko maikakailang napakasarap nito sa pakiramdam.
“Tadtarin ang birthday boy!” sigaw ng karamihan kaya’t wala akong nagawa kundi makipagpahiran sa kanila ng icing.
Ngunit ano nga ba namang laban ko sa napakaraming kamay na pumupunas sa muka ko? Wala! Kaya ang aking mukha ay nagmistulang cake na buhay dahil sa icing na nasa ibabaw.
Halos mapuno ng halak-hakan ang lugar at masaya talaga ako lalo na nang maramdaman ko na naiiyak na naman ako.
Lupaypay na ang ilang ngunit patuloy pa rin naman ang mas nakakarami sa pagsasaya. May mga kumakanta at may sumasayaw, ngunit ang pinakaumagaw sa aking pansin ay pagkanta ni Art ng awiting Fix You ng Cold Play
“When you try your best, but you don’t succeed
When you get what you want, but not what you need
When you feel so tired, but you can’t sleep
Stuck in reverse…“
Unang birada pa lamang ni Art at tunay na tumatagos na sa aking puso.Hindi ko mawari ngunit tila ba nagre-reflect sa akin ang liriko ng kanta. Hindi ko rin tuloy maiwasang mag-assume na para sa akinn talaga ang kantang ’yon.
“And the tears come streaming down your face
When you lose something you can’t replace
When you love someone, but it goes to waste
Could it be worse?“
Lalo ko pang naramdaman ang sinasabi ng kanta nang sandaling pumikit siya at nagsimulang mag-strum.
“Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you“
Sana nga ay siya ang ilaw na iyon kahit na malabo lalo’t napakaraming beses na akong natalo sa buhay. Nariyang nadapa ako pero umaasa ako na siya ang maging liwanag na iyon sa buhay ko na kailanman ay hindi magiging madilim para sa isang katulad ko.
Nang matapos kumanta ni Art ay ako naman ang umagaw ng gitara at mikropono at nagsalita.
“Itong kantang ito ay para sa ating lahat. Hindi ako pala-kanta pero ngayon ay kakanta ako para sa inyo.” Doon sila natigilan at kinanta ko ang paborito kong kanta na isinulat at inawit ni Luigi D’avola na may title na Take A Chance.
“She’s been beaten down
Trampled on.
She swore to herself that she’d never
Ever love again,
For a while,
For a while.
’Cause love is for fools that’s what she said“
Gusto sanang palitan lahat ng she ng “he” pero hindi ko gagawin ’yon dahil kahit indirect ay maramdaman sana ni Art ang nararamdaman ko para sa kanya. Sana ’wag siyang manhid.
“And she’s insecure and she goes out the door
’Cause her hearts been broken too many times before
And she’s insecure just like before.
But hey take a chance on me.“
Dahil sa linyang ’yan ay naalala ko tuloy noong mga sandaling broken na broken siya dahil kay Cathy at hiniling ko na sana ay ako nalang si Cathy para mahal niya rin ako.
“’Cause somebody tore your heart
And threw it away“ Gaya ng ginawa ni Cathy sa’yo, Art.
“Never to come back again
No oh ouh whou.“ Lalo ko pang pinag-igi ang pagkanta para mas maramdaman niya ang pagmamahal ko sa kanya.
“Now you’re terrified and now you’re afraid to fall
But baby i know you’re hurt but take a chance on me
My dear.
We’ll pick up the pieces we’ll pick up the pieces
And we’ll be
We’ll be alright from here.“
Matapos kong kumanta ay naghiyawan sila dahil akala raw nila ay hindi ako kumakanta at wala akong talento kundi ang maka-highest sa mga examination na meron kami.
“Bago ang lahat, nagpapasalamat akong muli sa pa-surpresang ’to. Masayang-masaya ako! Woah!” sabi ko at nagparty-party na kami na para bang mga bata.
Pasado alas dose na nang madaling araw nang masaid ang mga kaklase ko. Halos pagod kaming lahat at ang iba ay may tama pa ng alak. At gaya ko, minubuti kong ubusin ang beer na hawak ko at doon ko na lamang naramdaman na inaantok na ako at hindi ko alam kung tama pa ang nararamdaman ko kay Art kahit na hindi ako nagpapaka-SIGURO na mamahalin niya rin ako pabalik. Ang sa’kin lang kasi ay mahal ko siya at hindi ko alam ang gagawin ko para malimutan ang bagay na’yon.
Itutuloy
SIGURO-PART XVII
Arts’s Gift Enjoy Reading!
SIGURO-Part XVII
LEROY
Masakit ang aking ulo nang sandaling magising ako. Medyo naparami ang inom ko kagabi kaya’t para rin akong timang nang makita ko ang sarili kong hubo’t-hubad sa tabi ni Art. Nakaunan pa ako sa kanyang braso kaya naman kinalas ko iyon at pinagbuti kong alalahanin ang nangyari kagabi sa’kin.
“Hey, Leroy, gising! Hindi ’yan ang kama mo!” ’yan ang gumising sa akin habang nakahiga ako sa gillid ng swimming pool.
“Amoy alak ka kaya tara na sa loob,” aniya at inakay niya ako sa loob ng aming kwarto at dumiretso kami sa banyo.
Agad niyang binuksan ang shower at tinanggal niya ang suot ko at itinapat ako sa shower at doon ay sinabunan na rin niya ako.
“Inake, ba’t ang liit ng mata mo?” sabi ko habang nakatingin sa kaharap ko.
“Hindi ako si Inake. I’m Art!” aniya pero hindi ako naniwala.
“B-baliw ka talaga, Inake!” sabi ko at hanggang doon na lamang ang aking natatandaan.
Sa mga sandaling ito, tila ba nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa ni Art sa’king pag-aalaga. Hindi ko tuloy iwasang mahiya dahil feeling ko ay sumosobra na ako. Pero gayonpaman, ibayong kilig pa rin ang nararamdaman ko dahil inalagaan ako ng taong lihim kong minamahal.
Dahil nga sa tulog pa siya ay minabuti kong magbihis na muna at pulutin ang nagkalat na damit sa sahig.
Tanghali na pero tulog pa rin si Art kaya’t minabuti kong matulog nalang din muna. Nakapagpaluto na rin naman ako sa katulong kaya’t kapag nagising si Art ay ready to serve na para sa kanya.
Dahil dalawa ang kama sa loob ng kwartong ito ay nahiga na ako sa kama ko at doon ko nakita ang dalawang kahon na mula kay Art at Inake. Halos bumilog ang mata ko lalo na nang buksan ko ang unang kahon na mula kay Inake. Naglalaman ito ng isang pares ng sapatos na ‘in’ na ‘in’ ngayon. Saktong-sakto lamang ito sa sakin at talaga namang nag-effort pa siyang magsulat.
To: Lero Panget,
Hindi na kita mababati ng personal kaya’t hayaan mong sa sulat na ito nalang kita batiin. Ayon, hindi nalang ako ang twenty sa ating dalawa! MATANDA ka na rin!
I-enjoy mo lang ang araw mo at ang pares ng sapatos na ito ay sumisimbolo sa pagkakaibigan natin na kapag wala ang isa ay wala na ring silbi ang kapareha. Muli, Happy birthday, Art!
-Inake
Dahil sa mga sulat na iyon ni Inake, mas lalo ko lang siyang na-miss. Nakakainis lang dahil tanging pagtulo lang ng luha sa aking mga mata ang kaya kong gawin sa mga sandaling ito.
Ilang minuro rin akong nasa ganoong posisyon nang mapagpasyahan kong buksan naman ang regalo ni Art sa akin. Isa itong simpleng necklace na may palawit na gitara. May nakalagay pang maliit na sulat na HEART, ART AND SOUL.
Agad ko iyong isinuot sa aking leeg at napakaganda nito.
“Salamat, Art!” sabi ko at huli na nang mapagtatanto kong nasa harapan ko na si Art na halatang bagong gising.
Ilang segundo kaming nagkatitigan pero hindi ako nakatagal at bumitaw ako sa pagtitinginang iyon.
“G-gising ka na pala?” sabi ko pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin kaya naman nakaramdam ako ng pagkailang.
“Anong problema mo?” ang sunod ko namang tanong at talaga namang hindi pa rin niya sinagot bagkus ay tumawa lang siya ng pagkalakas-lakas habang nakahawak pa sa t’yan.
Baliw!
“Bagay sa’yo ’yang necklace. Ingatan mo ’yan!” aniya sabay tayo papuntang banyo. Doon ay naiwan akong nakatanga sa kama at sinundan ko pa ng buntong hininga.. Nakakagigil ang isang ’yon!
Lumipas pa ang ilang mga sandali at dumating na ang aming midterm. Lahat kami ay todo review dahil ang hirap talaga ng naging topic namin lalo na sa Finance.
Nakakainis mang isipin ngunit mas lalo akong naging determinadong galingan pa dahil sa paraang ito ko lamang mapapatunayan ang aking sarili lalo na kay Papa.
Sa katunayan nga noong isang araw ay nakasalubong ko siya sa harapan ng Mall kasama si Mama pero hindi ko sila pinansin dahil ilang beses ko rin naman silang tinawag noon pero hindi nila ako nagagawang lingunin man lang.
“Kain ka muna. Masyado kang seryoso mag-aral d’yan e. Baka mabaliw ka na n’yan.” Ang sabi ni Art na noo’y may bitbit na cookies na padala raw ni Tita Carol mula sa bakeshop nila sa may Ortigas.
“Hindi naman. Gusto ko lang makakuha ng magandang result. Alam mo na, OJT na natin next sem kaya kailangan seryoso na talaga tayo lalo ka na!” sabi ko at kumamot lang siya sa ulo at ngumiti.
“Nag-aral na kaya ako kanina.” Paliwanag niya at napailing na lang ako.
At lumipas pa nga ang ilang mga araw at naging maganda ang result ng mga exam namin ni Art. Namayagpag pa rin ako sa klase at isang hapon ay nagtungo akong faculty upang mag-submit ng mga projects. Siyempre ay ginawa ko na rin si Art na unang nagpasa ng kaniyang papel para hindi mahalata ng professor namin.
“Good job, Mr. Santos!” panimula ni Mr. Escosa na prof namin sa Strategic Financial Management. “Pinahanga mo ako sa husay mo. Sana ay ipagpatuloy mo lang ’yan dahil isa kang masipag at matalinong estudyante. Biruin mo ay lahat ng test na ibinigay ko ay parating ikaw ang nangunguna.” Dugtong pa ni Sir.
“Thank you, Sir! Kailangan po kasi talagang mag-aral ng maayos para sa future.” Sagot ko naman sabay kamot sa ulo.
“Nga pala, alam ko lahat ng ginagawa mo. Pati ang love life mo,” aniya na nakapagpalunok sa akin ng sunod-sunod.
“P-po, Sir? Love life?” maang-maangan ko.
“Don’t deny it Mr. Santos dahil kitang-kita ko sa mga mata mo kapag nagkaklase tayo na mainit ang tingin mo kay Mr. Omesa. Tsaka, alam ko rin na ikaw ang gumagawa ng mga projects niya. Halata ko kasi sa linis ng pagkakagawa. Kahit sa mga examinations na ibinibigay ko, lagi siyang pasa at dahil iyon sa iyo. Don’t worry dahil nakikita ko ang sarili ko sa iyo no’ng nag-aaral pa ako.” Aniya.
“Sir, so you mean, gay ka po?” mahina kong tanong at tumango siya.
“Probably, yes.” Aniya na gumimbal sa akin. “And sabi ko nga sa’yo, gaya mo rin ako noon. I fell in love with your dad at pinagsisisihan ko kung bakit ako na-inlove sa isang lalaking gaya ng Daddy mo.” Aniya na mas gumimbal pa sa akin.
“P-pero paano po nangyari ’yon, Sir?” tanong ko.
“Noon, magkaklasse kami ng daddy mo sa Marketing noong first year kami.” Pagsisimula ni Sir kaya’t mabuti akong nakinig.
“Masasabi kong unang kita ko palang sa kanya ay nagkagusto na ako agad sa daday mo. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa team captain ng volleyball team na sobrang bait at kaibigan ng lahat?” tanong niya. “Walang hindi magkakagusto sa Daddy mo. Hanggang sa lumipas ang mga panahon at naging magkaibigan kami. Nariyang ako na ang gumagawa ng mga assignments at projects niya dahil parati siyang busy sa pagpa-practice. Sa paglipas pa ng mga panahon ay lalo pa kaming naging malapit sa isa’t-isa. Inililibre niya ako sa labas kapag pinapagaya ko siya sa exams at talagang proud na proud siya na kaibigan niya ako hanggang sa noong magtatapos na ang end of semester noong third year kami, rinig na rinig ko mula sa daddy mo ang mga katagang ‘ganoon talaga kapag pogi. Tsaka, ganoon talaga, gagamitin ko si Marwin para makapasa pa ako sa iba pang mga subjects.’ At napakarami pang masasakit na salita akong narinig mula sa kanya. Sobrang sakit no’n kaya’t simula nang mag-fourth year kami ay umiwas ako sa kanya hanggang sa maka-graduate ako.” Kwento ni Sir na talaga namang tagos na tagos sa puso ko.
“Hindi ko po alam na may ganyang kwento sa pagkabinata ni Papa. Ako na po ang nagso-sorry.” Sabi ko ngunit ngumitin lang siya at nagpahid ng luha sa mga mata.
“Hindi mo kailangang mag-sorry sa akin dahil twenty-six years ago na iyon. Besides, sinabi ko lamang sa iyo ang mga bagay na ’yon upang mabuksan ang isip mo na ’wag magaya sa nangyaring kabiguan sa akin noon.” Sabi pa niya at nagpunas ng luha.
“Alam mo ba na nagsisisi ako na hindi ko man lang siya pinakinggan at hindi ko man lang sinubukang ipaalam ang nararamdaman ko para sa Daddy mo?” At umiling nalang ako.
“Pwes, gusto ko na sundin mo ’yang puso mo. Marami problema pa ang darating sa’yo kaya’t magpakatatag ka at ’wag na ’wag mong sasayangin ang bawat sandali sa iyong buhay.”
“Thank you, Sir! Gagawin ko po ang mga sinabi niyo.”
Marami pang ibinilin si Sir. Escosa sa akin. Pero isa lang ang gumugulo sa isip ko… at iyon ay si Art. Ayokong magaya sa kwento ni Sir Escosa noong college siya at ayokong masaktan at maiwan mag-isa ako kapag tumanda.
Tiyak kong hindi nalalayo ang kwento ni Sir Escosa sa buhay ko kaya’t sa panahon kong ito ay gagawin kong oo ang bagay na para bang isang SIGURO na walang kasiguraduhan.
To be continued!
SIGURO-PART XVIII
SIGURO-Part XVIII
LEROY
Isang linggo na ang nakakaraan mula ng magkausap kami ni Sir. Escosa at napakalaking impact no’n sa buhay ko dahil may ilang pananaw ako sa buhay na nagbago. Ngayon ang malabo na lang sa akin ay kung bakit galit si Papa sa mga bakla gayong naging kaibigan naman niya si Sir Escosa noon.
However, hindi na ako nag-aksaya ng oras dahil handa na ang aming block section para magtungo sa gymnasium kung saan ginaganap ang ilang parte ng inter-campus event gaya ng battle of the bands iba pang pagtatanghal kung saan kalahok si Art sa pagalingan sa pag-awit.
“And for our next contestant, let’s give it up to Mr. Art Omesa!” ’yan ang sabi ng MC at doon lumabas si Art na nakasimpleng formal attire na mas lalong nagpatingkad ng kaniyang kagwapuhan. Sa katunayan ang hindi ko pa talaga alam ang kakantahin niya ngunit alam kong OPM ang tema ng patimpalak kaya’t alam kong OPM ang kakantahin niya.
Tumahimik ang paligid sandali at doon ay umentrada ang napakagandang awitin.
“Nag-iisa at hindi mapakali
Ibang-iba pala pag wala ka sa aking tabi
Pinipilit kong limutin ka
Ngunit di magawa
Sa bawat kong galaw
Ay laging hanap ka…“
Entrada pa lang niya ay nagsigawan na ang mga kababaihan at ’sang kabaklaan lalo na’t isang gwapong lalaki ang kumakanta sa harap nila ngayon. Sa kabilang banda, iniisip kong para kay Cathy ang awiting inaawit niya ngunit mas sinariwa ko na lamang sa isip ko na kanta lang ’yon at walang attachment ng feelings para kay Cathy na nangyayari dahil noong sinusubukan kong i-open ang topic na patungkol sa babaeng ’yon.
“Nag-iisa ang isang kagaya mo
Na nagmahal at nagtiyaga
Sa isang katulad ko
Bakit nga ba di ko man lang nabigyan ng halaga
Nagsisisi ngayong wala ka na.♪♪♪“
Sana nga ako nalang ang pinag-aalayan niya ng awiting inaawit niya ngunit napakalabo sigurong mangyari ng mga iniisip ko
“Kulang ako kung wala ka
Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa
Puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka… ♫♫♪“
Kung kanina ay napuno ng hiyawan ang paligid dahil unang verse, ngayon naman ay kabaliktaran ang nangyari sapagkat kahit ang section namin ay tumahimik at nakinig sa napakagandang boses ni Art na halatang nilapatan niya ng puso para madala kaming lahat.
“Nag-iisa sa bawat sandali
At tila ba biglang nahati ang aking daigdig
Umaasa na sana’y maging tayong dalawa muli
Sa puso ko’y wala kang kapalit…
Ooohh…
Kulang ako kung wala ka
Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa
Puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka.
♪♪♫
Kulang ako, kulang ako kung wala ka…♪♪♬“
Masigabong palakpakan at hiyawan ang natanggap ni Art mula sa kaniyang mga tagasuporta at maging ang mga estudyante mula sa ibang campus ay nakihiyaw na rin. Lalo na tuloy siyang makikilala dahil sa husay niya sa pag-awit.
Mabilis na natapos ang iba pang mga mang-aawit at lahat sila ay nagpamalas ng hindi matatawarang husay sa pag-awit. Kayat nang ilabas na ang resulta ay kabado ang lahat…kabilang na kami roon.
Isa-isang pinapunta sa unahan at unang tinawag ang third placer na nagmula sa ibang campus at sumunod ang second na nasungkit ni Art at masaya naman kami dahil kami rin ang nakasungkit ng kampeyonato.
Maluha-luhang lumapit sa amin si Art at lahat kami ay parang timang na nagsisisigaw hanggang sa matapos na ang iba pang competition.
“Ang galing mo, pre! Ma- ART ka rin pala kahit sa pagkanta!” ani Joseph at nagtawanan pa kami.
“Hanep ang version ng Kulang Ako Kung Wala Ka..♪” Mamiyok-miyok na sabi ni Michael at bigla pang kumulog na lalong nagpalakas sa tawanan namin.
“Ako pa ba? Syempre para naman may legacy itong block natin bukod kay Leroy na nag-champion sa ginanap na Quiz Bee last Monday, ’di ba?” aniya at umakbay pa sa akin na sinang-ayunan naman ng mga kaklase ko.
“Teka, ano nga ulit ’yong legacy?” tanong naman ni Faith na halatang nagbabaliw-baliwan sa tanong niya.
“Legacy, ayon ’yong parang libro na maraming model na naka-post..” sagot naman ni Joseph na kinutusan ni Art.
“Gago, Magazine ’yon!” at muli ay naghakhakan na naman kami hanggang sa magsimula na kaming magsiuwian.
“Kitakits na lang tayo sa Lunes, guys!” sabi ko at sumakay na kami sa taxi ni Art na masayang-masaya bitbit ang tropeyong napanalunan niya. Mahusay na rin naman siya dahil biruin mo na sa loob ng dalawampung tao na naglaban ay nag-second place siya. Lalo lang akong nagkakagusto sa kanya.
Habang nasa byahe kami pauwi ay tumawag si Inake at agad ko iyong sinagot.
“Hello, Inake?” sabi ko.
“Hello rin, Leroy! Miss na kita!” sabi niya sa kabilang linya
“Miss na rin kitang loko ka!” sabi ko naman.
“Grabe sa loko a? Nga pala, kamusta ka? Okay ka lang ba d’yan? Tsaka bakit parang namayat ka ata? ’Wag mong sabihing may nangyayari na sa inyo ni Art? Mapapatay ko ’yan!” sigaw niya sa kabilang linya na naging dahilan para mag-init ang muka ko.
“Ayos naman ako pero ’yang iniisip mo ay malabong mangyari! Lamog ng utak mo!” sabi ko at hindi ko inaasahan na bigla nalang nalaglag ang cellphone ko dahil tinamaan iyon ng tropeyo ni Art.
“S-sorry,” aniya at sabay pa naming niyuko ang cellphone ko para kunin. Akmang dadamputin ko na iyon nang pumatong ang kamay ni Art sa kamay ko na naging dahilan ng paghuhurumentado ng puso ko. Napatingin pa ako sa kanya at agad akong umiwas at tumingin sa bintana.
“Sino pala ’yong kausap mo? Katipan mo? Pakilala mo naman ako.” Aniya at halata sa muka niya ang inis na hindi ko alam kung bakit.
Napatingin muli ako sa cellphone ko at nakita kong nandoon pa rin sa call si Inake kaya’t sinagot ko muna.
“Ite-text nalang kita. Mahina kasi ang signal dito. Bye!” sabi ko at humarap kay Art.
“Ano nga uli ’yong tanong mo?” pag-uulit ko.
“A, wala. Sabi ko nandito na tayo at nagbayad siya sa taxi saka kami bumaba.
Nauna na siyang maglakad at naiwan tuloy ako sa labas ng gate na mag-isa.
Pagdiretso ko palang ng kwarto ay nakahiga na si Art at nakaharap ito patalikod sa higaan ko.
“Nga pala, congrats sa’yo, Art! Grabe ang husay mo kanina!” pagpupuri ko sa kanya pero hindi naman niya ako pinansin at ang weird niya dahil lumabas agad siya ng kwarto at nang sundan ko siya ay bumalik uli siya sa kwarto.
Ako na ang napagod sa kakasunod sa kanya pero ang mokong ay tuloy pa rin sa pabalik-balik niyang paparoo’t-paparito.
“Ano ba, Art! Nahihilo na ako sa’yo! Tumigil ka nga muna!” sabi ko na ginawa naman niya.
“Ano bang problema mo?” tanong ko at tumingin ako sa mata niya.
“Matalino ka, ’di ba? Alam mo na siguro ang sagot!” aniya peron hindi ko pa rin siya ma-gets!
“Hindi kita maintindihan, Art!
Sabi ko pero dumiretso lang siya sa kwarto.
Ayokong mag-assume pero galit kaya siya sa akin?
Pwedeng oo, pwede, hindi, at SIGURO. Pero bakit?
T
o be continued!
Playlist:
Chasing Cars by Snow Patrol,
Fix You by Coldplay and
Kulang Ako Kung Wala ka by Eric Santos.
SIGURO-PART XIX
SIGURO-Part XIX
LEROY
Hating gabi na ngunit gising na gising pa rin ang aking diwa. Iniisip ko pa rin kasi ang dahilan kung bakit gano’n alang ang inasta ni Art kanina. Baka siguro kailangan ko nang umalis rito. Sabagay, dalawang buwan na rin naman ako rito mahigit. Baka masyado na akong pabigat sa bahay na ito.
Kaya habang kasagsagan ng gabi ay inayos ko na ang ilan ko pang mga gamit na nakalabas sa maleta ko at bukas na bukas din ay ready na akong magpaalam.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Art habang nakatingin sa akin. Akala ko ay tulog na kasi siya pero gising pa rin pala s’ya kagaya ko.
“Nag-eempake na. Baka kasi sobra na akong pabigat sa bahay niyo. Kaya bukas na bukas din ay aalis na ako. Sorry nga pala kanina, nagtamo ka pa yata sa akin.” Sabi ko at umiling lang siya.
“Sa tingin mo kaya ako naiinis sa’yo ay dahil pabigat ka sa bahay na’to?” at tumango naman ako. “Then you’re probably wrong!” aniya at lumapit pa siya sa akin at sa sobrang lapit niya sa akin ay halos magkalapat na ang mga labi namin. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumapat ang mga labi niya sa labi ko na naging dahilan ng pagkagulat ko. Mulat na mulat ang mata ko nang mga sandaling kumalas siya sa pagkakahalik ay nagsalita pa siya.
“Iyan ang dahilan kung bakit nainis ako iyo kanina!”
“Pero paanong?” Hindi pa rin kasi klaro sa isipan ko ang lahat. Na para bang tumigil sandali ang mundo ko at hindi ko mapigil ang puso ko sa pagtibok ng mabilis. Isang halik pa lamang ’yon pero tila ba nakuha na niya ang buong mundo ko.
“Mahal kita at nagseselos ako kapag may kausap kang iba!” aniya na naging dahilan para mapaupo ako sa kinatatayuan ko.
“M-mahal mo’ko?” tanong ko at muli ay sinunggaban niya ako at hinalikang muli.
“I love you!”
“Mahal din kita!” sabi ko.
Nasa ganoong estado ako ng kasiyahan nang bigla akong magising dahil sa vibration na nagmumula sa aking cellphone. Kung gayon ang lahat ng mga naganap ay likha lamang ng aking imahisnayon. Hindi niya ako mahal at never niya akong mamahalik dahil bakla ako! Baklang hindi alam kung paano ipapaalam sa mundo ang tunay na ako.
Bigla na lamang tuloy akong napaupo at ipinatong ko ang mga braso ko sa tuhod ko at nagsimulang umiyak. Napag-isip-isip ko lang tuloy bigla na hanggang magkaibigan nga lamang ata talaga kami at hanggang doon na lang ’yon. Katok na rin siguro sa akin ang napakagandang panaginip na ’yon para mamulat ako sa pangarap kong kailanman ay napakalabong mangyari.
Dahil nakasanayan ko na rin ang mag-ehersisyo sa umaga, nag-jogging na lamang ako at minabuti ko ring i-focus ang sarili ko sa aking ginagawa.
Nasa kasagsagan ako ng aking pagtakbo nang may mabangga akong babae. Hindi ko intensyon na gawin iyon kaya’t nagtangka akong humingi ng tawad.
“Miss, sorry.” Sabi ko at doon ko nasilayan ang babaeng dahilan kung bakit hindi ako magustuhan ni Art.
“L-leroy!” sigaw niya at niyaya niya akong maupo.
“Nako, wala ’yon. Hindi naman ako nagalusan. Perfect timing na rin para makilala naman kita. By the way, natanggap mo ba ’yong regalo ko sa’yo noong birthday mo tapos ’yong mga pagkaing ipinabibigay ko sa’yo?” sa rami ng sinabi niya ay mas lalo akong naguluhan. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero nagsalita pa rin ako.
“Wala naman akong natatanggap na kahit ano sa’yo e.” Sagot ko na ikinabigla niya.
“Bakit wala?Ipinaabot ko lahat ng mga binibigay ko sa’yo kay Art dahil magkaibigan naman kayo. Sabi niya nagugustuhan mo naman daw pero bakit sabi mo ngayon e, wala?” wika niya na lalong nagpabuo ng isang ideya sa isip ko.
“Sorry talaga pero wala akong natatanggap na regalo at mga pagkain na mula sa’yo. Pasensya ka na.” Ang sabi ko na ikinagulat niyang muli.
“Gano’n pala. Sige, ako nalang ang mag-aabot sa’yo ng pagkain sa personal kaya pwede ko bang makuha ang number mo?Ayaw kasing ibigay ni Art dahil magagalit ka raw.” Sabi niya at ibinigay ko naman agad sa kanya. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay nag-text na siya at doon rin ay idinagdag ko siya sa aking contacts.
“Buti naman at nakausap na kita ngayon. Masaya ako. Masayang-masaya.” Ang pikit-mata niyang tinuran at lalo tuloy lumabas ang magaganda niyang dimples,.
“S-sige, mauna na ako, nagdya-jogging pa kasi ako e.” Sabi ko.
“Ako rin kaya! Kaya tara na, sabay na lang tayo!” aniya at wala na akong nagawa kundi ang makisabay sa kanya.
Mabait naman si Cathy ngunit talagang halatang-halata ko na nagpapa-cute lang siya sa akin.
Nasa kalagitnaan kami ng pagtakbo nang matisod siya at muntikang masubsob sa sementong kalsa. Buto na lamang at nasalo ko siya kaya’t hindi iyon nangyari.
“Salamat, Leroy! Muntikan na ako. Buti nalang at nasalo mon agad ako.” Pagpapasalamat niya.
“Walang ano man ’yon.” Sabi ko at ipinagpatuloy ko na ang pagtakbo.
Matapos naming mag-jogging ay umuwi na ako pabalik sa bahay nina Art. Ngunit papasok pa lang ako ng gate nang bigla niya akong hilahin at isandal sa pader.
“Anong problema mo, Art?” tanong ko pero imbes na sagutin niya ang tanong ko ay tumawa lang siya at nakisabay na rin ako.
Anong problema ng isang ’to? Mukang tanga sa totoo lang!
Sabi ko sa aking isip at pumasok na ako sa loob para maglinis na ng sarili.
Naging mahaba ang maghapon ngunit kapansin-pansin ang pagsulyap sa akin ni Art lalo na kapag tumutunog ang cellphone ko. Ka-text ko kasi si Inake at Cathy na parehong parang tiwang ka-text. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti lalo na sa huling text sa akin ni Inake.
From : Inake
Alam mo bang sa Japan, walang umaga at gabi ro’n?
Kasi puro kami Hapon do’n
Tawa lang ako nang tawa hanggang sa bigla kunin ni Art ang cellphone ko.
“Tawa ka ng tawa! Nabibingi ako!” aniya at natahimik nalang ako lalo na’t wala naman akong karapatan na sumagot dahil bahay niya ito. Kinuha ko na lang din ang cellphone kong pinatay niya na hindi ko alam kung bakit.
Nawiwirduhan na talaga ako sa isang ’to, isa nalang talaga at masasgot ko siya ng malupit.
“Nga pala, may sinabi sa akin si Cath,” panimula ko na nagpalaki sa mata niya pero agad din namang lumiit.
“Ano raw sabi?” seryoso niyang sabi.
“May mga pinabibigay daw siya sa’kin pero hindi mo ibinibigay. May problema ba? Ex mo na siya, hindi ba?” hindi ko napigilan ang aking sarili. Uminit na rin kasi ang ulo ko dahil sa kasungitan niya ngayong araw.
“Meron nga!” aniya.
“So, totoo nga? Tapos bakit hindi mo naman ibinibigay sa’kin?”
“Para ano? Para landiin ka niya? Tandaan mo, ex ko na siya at ayaw kong lapitan mo pa siya dahil nakaka-SIGURO ako na gusto ka niya. Gustong-gusto ka niya!” aniya bago tuluyang sumibat palabas ng kwarto.
Hindi ko na talaga siya mabasa. Ano bang problema niya? Kung meron, sana naman ay sabihin niya dahil konti nalang bibigay na rin SIGURO ako.
To be continued!
SIGURO-PART XX
Enjoy reading!
SIGURO-Part XX (SPG)
LEROY
Sabi nila, kapag daw mahal mo ang isang tao ay uunawain mo siya dahil hindi lang daw ang taong iyon ang minahal mo kundi anh buo niyang pagkatao. Ngunit sa aking palagay, hindi mo rin talaga maiintidihan ang isang tao hangga’t hindi mo papakinggan ang side niya.
“Art, sorry na.” Panunuyo ko ngunit hindi talaga niya ako nagawang pansinin.
“D’yan ka na nga! Wait, niaayos ko na rin ang lahat ng gamit ko. Napag-isip-isip ko kasi na baka masyado na akong pabigat sa’yo. Hayaan mo at babayaran kita kapag nagsimula na akong mag-OJT.” Sabi ko na bilang panakot na ikinakunot ng noo niya.
“Ano ba talagang problema mo?” sigaw niya na dapat ako ang nagsasabi. Unti-unti pa siyang lumapit sa akin at ibang kaba ang nararamdaman ko lalo na nang iangat niya ako.
“Ikaw, masyado kang manhid! Mahal kita at naiinis ako kapag may ka-text, katawagan at kalandian kang iba!” bulalas niya na naging sanhi ng panlalambot ng tuhod ko.
“No, nagbibiro ka lang!” Sabi ko ngunit isang halik ang tumapos ng lahat ng katanungan sa aking isipan.
“Lalaki ako at alam kong alam mo iyon, pero iba na ang tama mo sa’kin. Hindi ko kayang nalulungkot ka. Ayaw kong lagi kang nag-iisip ng malalim at higit sa lahat, ayaw kong nakikipaglandian ka sa iba!” nakakagimbal niyang sabi hanggang sa mapaluha na lamang ako at napayakap sa kanya.
“Alam mo, matagal kong hinintay na magkaroon ako ng pagkakataon na sabihin sa ’yo kung gaano kita kamahal. Pero hindi ko inaasahan na may mararamdaman ka rin sa akin pabalik. Mahal na mahal kita, noon pa.” Sabi ko at humarap sa naman sa kanya uli.
“Alam ko na mahal mo ako noon pa. Noong first yeat palang tayo ay alam kong iba ang pagtingin mo sa’kin at ayoko ng sayangin ang pagkakataon na ito upang sabihin sa’yo kung gaano kita kamahal. Kaya mula ngayon ay tayo na.” Aniya at unti-unting naglapat ang aming mga labi.
Dala ng pinaghalo-halong emosyon ay naging mas mapusok ang aming naging paghahalikan hanggang sa unti-unti niyang tanggalin ang aking mga suot na damit.
Mula sa labi ay kinagat niya ang aking leeg at minabuti niyang halikan ako sa parteng iyon na nagdudulot ng bulta-bultaheng kuryente hanggang sa maghubad na rin siya ng kaniyang kasuotan.
Gaya ng ginawa niya ay inuna ko ang leeg hanggang sa kaniyang matipunong dibdib. Pinagsawa ko ang aking labi sa kaniyang utong at halos mabigkas na niya ang lahat ng patinig sa alpabeto dahil sa sarap.
“Isubo mo na!” pagsusumamo niya na siya namang ginawa ko.
Bago sa aking ang ganito kaya’t hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang ginawa ko na lamang ay hinawakan ko ang kanyang naghuhumindik na pagkalalaki at isubo ko ang ulo nito at halos hindi pa ako mangalahati at nabibilaukan na ako.
“Sa una lang ’yan. Basta ’wag mong isasayad ang mga ngipin mo.” Paalala niya na siya namang ginawa ko.
Ngawit man ang aking panga ay minabuti kong sundin lahat ng kaniyang pinagagawa. Hindi pa nagtatagal ay nakuha ko na rin ang tamang ritmo at halos sabunutan niya ako habang binabayo.
“Malapit nako!” sabi niya kaya’t pinag-igi ko pa ang ginagawa ko hanggang sa may mainit na likido ang umagos sa aking bibig. Hudyat iyon na nilabasan na siya.
“Mahal na mahal kita!” aniya at tinabihan niya ako sa aking higaan.
Isang napasayang pangyayari pa rin ito sa aking buhay.
Sino ba naman ang mag-aakala na ang lalaking lihim kong minamahal ay nobyo ko na ngayon? Parang kahapon lang ay tila isang malaking palaisipan para sa akin kung may chance ba na maipagtapat ko sa kanya ang aking tunay na nararamdaman, ngunit mas nakakabigla para sa akin na siya pa itong unang magtapat.
Maraming bagay akong nalaman nang sandaling magkaharap kami sa higaan. Nalaman kong naiinis siya sa akin noong nakaraang gabi dahil mas inuna ko pa raw na makipag-usap thru phone sa iba kaysa ang purihin siya sa pagkapanalo niya. At tungkol naman sa aming relasyon, gusto niyang lumuyo ako sa ibang mga lalaki dahil nagseselos siya.
“Bukod sa akin ay si Inake lang ang pwedeng lumapit sa’yo. Masasaktan sila sa akin kapag nagkataon,” ang sabi ni Art at um-oo ako bilang sagot.
Tunay ngang naging masaya ang aming weekdays, nariyang nagsimba kami ng sabay, namasyal sa mall at kung anu-ano pa. Ngunit bago matapos ang napakasayang araw namin ay tila ba napansin ko ang isang tripod sa likod ng isang kortina at doon ay may camera. Luckily, patay naman iyon kaya’t hinayaan ko na.
Lunes na naman at panibagong yugto para sa akin ito dahil ito unang araw na papasok kami sa school hindi bilang mag-bestfriend kundi magkasintahan.
Dahil nga kami na ni Art, naging mas extra ang effort na ibinibigay niya kaya naman sobrang saya ko dahil sa kanya. Nariyang lumalabas siya sa school para bumili lang ng gusto kong pagkain. Ako na yata ang pinaka-swerteng lalaki sa mundo sa mga sandaling ito.
“Para sa mahal ko!” aniya ta sinubo niya sa akin ang ice cream na binili niya sa labas ng school.
“Para sa mahal ko!” ako naman ang nagsubo sa kanya at doon ay nagtawanan kami. After ko siyang subuan ng ice cream ay napatitig akong maigi sa kaniyang muka. Napakaperpekto para sa isang tao.
“Nai-in love ka na naman sa boyfriend mo?” tanong niya at tumango naman ako.
“Sa’yo lang ako nagkaganito.” Pag-amin niya.
“Ako rin! Ikaw lang ang tanging lalaki na minahal ko sa tanang buhay ko. At hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa’kin. I love you!” sabi ko at niyakap naman niya ako at hinalikan sa noo.
“Isang halik para sa boyfriend kong may saltik!” sabi niya at sinikmuraan ko nga ng isa.
“Umayos ka nga! Wala akong saltik ’no! Baka naman ikaw ang may saltik ? Kaya ito ang pitik para sa boyfriend kong mukang itik!” sabi ko at natawa nalang siya.
“Okay na, pare. Kami na oo, i-ready mo na na ang paglipat sa account ko ng pera.” ’Yan ang narinig ko bago ako pumasok sa kwarto namin ni Art. Kakatapos ko lang kasing magluto dahil gusto raw niya ng adobo.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad niyang ibinaba ang hawak niyang cellphone at tinanong ko siya.
“Sinong kausap mo, Art?” tanong ko.
“A, si mama, sinabi ko na ilipat na sa account ko ’yong allowance ko.” Pagpapaliwanag niya at doon ay agad ko siyang hinila sa hapagkainan dahil naka-ready na ro’n ang kakainan naming dalawa.
“Ang sarap! Parang chef ang nagluto nito a!” suhest’yon niya sa gitna ng aming pagkain.
“Nambola ka pa! Adobo lang kaya ’yan!”
“Luto mo ’to, ’no! Kaya para sa akin, hindi ito basta adobo lang! May feelings kayang nakalahok dito!” aniya at sinubuan pa ako.
Matapos iyon ay napangiti nalang ako hanggang sa ma-realize ko na ito na SIGURO ang ‘oo’ sa matagal ko ng tanong na: mamahalin din kaya ako ni Art pabalik gaya ng pagmamahal ko sa kaniya?
Sa ngayon, magpapaka-SIGURO na muna ako na maging masaya para naman sa buhay ko ay nasabi kong naging masaya ako kahiit minsan lang…
To be continued!
SIGURO-PART XXI
SIGURO-Part XXI
LEROY
Halos ilang linggo na rin kaming mag-on ni Art. Maayos naman ang lahat at talagang napaka-sweet niya. Nariyang tabi na kaming natutulog at magkahawak pa ang mga kamay.
“Sa tingin ko, ako na ang pinaka-swerteng lalaki sa mundo!” aniya sabay halik sa labi ko.
“Bakit naman?”
“Tinatanong pa ba ’yan?” tanong ko.
“E, bakit nga kasi?” maang-maangan kong tanong.
Bago niya sagutin ang tanong ko ay humiga muna siya sa tabi ko at humarap sa kin. Kasalukuyan kaming nasa bubongan ng bahay dahil gusto niyang mag-star gazing.
“Kasi, ang pinaka-cute at pinaka-genius ng klase natin ay kasintahan ko na ngayon. Sino ba naman ako? Gwapo lang!” aniya at nagtawanan kaming dalawa.
“Ewan ko sa’yo!” kinikilig at nakangiti kong sabi.
“Gwapo naman talaga ako e!” paawa effect niya na tinawanan ko na lang. Gaya ng mga bituwin, naka-link ako sa taong mahal ko. At gaya rin ng mga bituwin sa kalangitan, masasabi kong isa ako sa mga nagkikinang dahil sa pagmamahal ni Art.
Matapos ang ilang pang mga linggo ay naging maayos naman ang lahat maliban na lamang noong nakita niya akong kasama ko si Inake sa canteen.
“Ano bang problema mo? Bestfriend ko si Inake kaya ’wag kang mag-alala.” Sabi ko nang sandaling komprontahin ko siya.
“Ayon na nga e, bestfriend ka niya at ang sweet sweet niyo sa isa’t-isa! Parang kayo pa nga kaysa sa ating dalawa e!” pagmamaktol niya.
“Nagseselos ka ba?” tanong ko.
“Hindi!” aniya at naglakad palayo sa’kin.
“Anong problema? Bakit iniwan mo’kong mag-isang kumakain? Busog ka na ba?” tanong naman ni Inake na sinundan pa ako rito sa labas ng canteen.
“A, hindi naman. Tara na sa loob dahil marami pa akong ike-kwento sa’yo.” Sabi ko sabay hila sa kaniyang kamay.
Nang makapasok kami sa loob ay kumain lang kami ng kumain hanggang sa hindi ko mawari kung bakit ako nakaramdam ng kakaibang tuwa at gaan ng loob habang nakikipag-kwentuhan kay Inake. Marahil ay na-miss ko lang talaga si Inake at wala ng iba ng iba pang dahilan.
“Ikaw, kamusta naman ang pag-aaral mo? Finals na next week at sa susunod na semester ay OJT na natin. Excited na nga ako e.”
“Excited din naman ako sa OJT ko. Tsaka about sa pag-aaral ko, ayos na ayos naman. Gaya pa rin noon.” Sabi niya at napangiti ako dahil masipag talagang mag-aral si Inake at matalino pa. Bagay na hindi ko nakikita kay Art na akinhg nobyo.
Kinagabihan, nadatnan ko si Art sa bahay at halata ko sa kanya na hindi maganda ang pakiramdam niya. Nang i-check ko ang temperature niya ay nasa 38° C mahigit. Kaya’t wala na akong inakasaya pang oras at naghanda ako agad ng isang basin at towel para mapunasan ko siya. Matapos ko siyang punasan ay nagluto naman ako ng noodles at agad ko siyang pinakain.
“Sabi ko naman kasi sa’yo na ’wag kang magpapaulan, nagpaulann ka pa! Pasaway ka talaga e!” sabi ko habang pinapakain siya. Bilang tugon ay ngumiti lang siya at kahit pala may sakit siya ay napaka—gwapo pa rin niya sa aking paningin.
“Uubusin mo’tong lahat at iinom ka ng gamot after.” Sabi ko at tumango naman siya na parang batang sumusunod na kaniyang magulang.
Naubos naman n iya ang noodles at agad ko siyang pinainom ng gamot at pinainom ko rin siya ng tubig.
“Magpahinga ka na d’yan” sabi ko at inaayos ko pa ang higaan niya.
“Sorry, Leroy!” aniya at saka nahiga. Hindi ko masyadong narinig ang mga sinabi niya pero alam kong nagpapasalamat siya sa akin.
“I love you, Art. H’wag ka na ulit magkakasakit dahil pakiramdam ko ay nagkakasakit din ako.” Sabi ko.
Dahil sa kalagayan niya, magdamag ko siyang binatayan at mabuti naman na bumaba na ang temperatura niya. Pwede na siguro akong mag-nurse nito.
“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ko nang sandaling magising siya.
“Ayos na ayos na! Salamat, Leroy ko!” aniya at hinalikan pa niya ako sa labi. Tila nakahinga naman ako ng maluwag dahil ayos na siya.
“Buti naman! Pinag-alala mo’ko e. Mahal na mahal din kita at hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin dahil ano pa’t minahal kita kung hindi naman kita maaalagaan. Ang buhay mo ay parang buhay ko na rin kaya’t ’wag na ’wag mong kakalimutan na hindi lang kita nobyo dahil gusto kong maging akin ka, bagkus ay minahal kita dahil mahal ko lahat lahat sa iyo. Kahit na tamad ka, papogi lang ang alam at seloso ay mahal na mahal kita. I love you!”
“Mahal na mahal din kita, Leroy!”
At lumipas na nga ang napakarami pang araw, nariyang sinuong namin ang finals para maka-akyat kami sa stage para tumanggap ng diploma kalaunan. Team work talaga ang nangyari sa mga kaklase kong naghihikahos at patuloy na iginagapang ang mga scores nila para sa mataas na at passing grades. Sa halos apat na taon namin bilang magkaka-block mates at bilang magkakaklase ay masasabi kong hinubog na kami ng panahon at iba’t-ibang situation.
“Putek ka, Leroy! Congrats sa’yo! Halimaw ka talaga!” iyan ang sabi ni Joseph nang makita namin ang exam result sa bulletin board. Nangunguna ang pangalan ko sa lahat ng subjects namin kaya’t halos mapaluha ako na nagawa ko.
“Nagtyaga lang talaga ako para makapasa kaya salamat!” sabi ko at halos lahat kami ay naghiyawan dahil walang bumagsak sa amin.
Matapos ang pagsasaya namin, hindi ko nakita si Art kaya’t nagtungo ako sa banyo ako sa building ng Businee Administration.
Wala ng estudyante ang nakambay o nagkaklase rito sapagkat Friiday na rin naman at talagang napakaliit ng chance na nandito si Art. Ngunit gaya nga ng sinabi ng ilan kong mga kaklase, narito daw si Art kasama ang ilan pa naming mga kaklase.
Papaakyat pa lamang ako ay nakakita ako ng mga anino na nagmumula sa itaas. Ngunit mas lalo akong nagulat nang marinig ko si Art na magsalita.
“Solid talaga ako! Biruin niyo, ang ultimate genius ng ating klase ay napaikot ko na parang trumpo sa mga kamay ko.” Aniya na ilang daang beses nagpaulit-ulit sa aking isipan.
“Panalo ka sa pustahan tapos, pasa ka pa sa exam! Kung alam ko lang na ganyan si Leroy, baka nagpagamit na rin ako sa kanya.” Sagot naman ni Joseph na nakumpirma kong nagsalita. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko hanggang sa hindi ko napigilang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata.
“Gago! Makaka-graduate na tayo kaya mas maganda na rin na nanalo ako sa pustahan. Dagdag legacy sa block section natin. Woah!” sigaw niya at tuluyan na akong humakbang papalayo sa kinaroroonan nila.
Hindi kinakaya ng aking puso ang mga naririnig ng tenga ko.
Akala ko mahal niya ako pero hindi pala. Isang malaking tanga ako dahil wala akong kamalay-malay na pinagpustahan lang pala nila ako.
Nagbalik tuloy sa isip ko ang pagiging tanga ko nitong nakaraang mga linggo.
Tunay ngang naging masaya ang aming weekdays, nariyang nagsimba kami ng sabay, namasyal sa mall at kung anu-ano pa. Ngunit bago matapos ang napakasayang araw namin ay tila ba napansin ko ang isang tripod sa likod ng isang kortina at doon ay may camera. Luckily, patay naman iyon kaya’t hinayaan ko na.
Iyon pala ang purpose ng camera at tripod na ’yon. Para ipakita niya kung gaano ako katangang nagmamahal sa kanya.
Pangalawa pang senyales ay noong narinig ko siyang may katawagan.
“Okay na, pare. Kami na oo, i-ready niyo na na ang paglipat sa account ko ng pera.” ’Yan ang narinig ko bagon ako pumasok sa kwarto namin ni Inake. Kakatapos ko lang kasing magluto dahil gusto raw niya ng adobo.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad niyang ibinaba ang hawak niyang cellphone at tinanong ko siya.
“Sinong kausap mo, Art?” tanong ko.
“A, si mama, sinabi ko na ilipat na sa account ko ’yong allowance ko.” Pagpapaliwanag niya at doon ay agad ko siyang hinila sa hapagkainan dahil naka-ready na ro’n ang kakainan naming dalawa.
Isa akong napakalaking tanga na nabulag sa pag-ibig na akala ko ay totoo.
Ngayon ay napakalinaw na sa akin lahat. Wala akong halaga sa kanya maliban sa gamit na pwede nalang niyang ibasura ng basta-basta.
Ito na SIGURO ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Tama nga si Papa, salot kaming mga bakla at walang magmamahal sa amin ng totoo. ’Yan ang naSISIGURO ko.
To be continued!
SIGURO-PART XXII
SIGURO-Part XXII
LEROY
Isa na ata sa pinakamahirap na itago ay ang emosyon. Masyado kasi itong dominante at ayaw paawat. Gaya na lamang ng lungkot na aking nadarama sa mga sandaling ito. Napakaraming what if’s na tumatakbo sa isip ko na sinabayan pa ng pagbagsak ng mga dahon ng puno ng akasya.
Akala ko ay nakabuo na ako ng isang napakagandang story na mala- fairy tale pero hindi pala ako cartoon or disney character dahil isa akong tao. Tao na may puso na kasalukuyang nawawasak ng sobra-sobra.
“Hey, anong ginagawa mo r’yan?” si Inake na noo’y hindi ko napigilang yakapin at pagbuhusan ng aking mga hinanakit sa buhay.
Masyado na kasing unfair ang mga nangyayari.
“Ssshhh!! Tahan na, Leroy.” Aniya pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagluha.
Marami rin kasi ang tumatakbo sa aking isipan. Ano nalang ang mangyayari sa’kin kapag bumalik ako sa pagbo-boarding house? Eh, kakaunti na lang naman ang pera ko sa bank account ko.
Anong mangyayari sa’min, sa’kin kapag nakipag-break ako. Napakahirap magdesisyon lalo na’t ako lang ang mahihirapan sa bandang huli. Ako lang ang masasaktan at matatalo sa bandang huli ng laban.
“May mga bagay kasi na never umayon sa gusto nating mangyari kaya expect mo na masasaktan at masasaktan ka. Kaya’t ’wag ka nang umiyak dahil hindi matatapos ang paghihirap mo kung iiyak ka nalang d’yan.” Sabi ni Inake na hindin ko alam kung saan niya nahuhugot ang mga ganoong salita.
“P-pero ang sakit kasi… sobra. Tapos pinagpustahan pa ako! Matutuwa ka ba sa nalaman mo? Matutuwa ka ba na ang kababata mo na halos kadugtong ng bituka mo ay sinaktan lang ng kung sino?! Sabihin mo!” sigaw ko at hindi ko na napigilan ang tindi ng aking galit na nararamdamn.
“Syempre, hindi kita gustong masaktan. Hinding-hindi!” sabi niya at pinunasan niya ang mga luhang lumalandas sa aking mata sabay ngumiti.
“Ikaw nalang ang meron ako ngayon, Inake. Si Kuya, wala na ring paramdam. Sina Mama at Papa, ayon pa rin, tinitiis pa rin nilang nasa ganito ang kalagayan ko.
Miss ko na ang dati kong buhay. ’Yon bang humahanga lang ako kay Art at magkaibigan lang kami. Mas masaya pang gano’n e. Hindi ako nasasaktan ng sobra..
“Mabuti pa ay doon ka nalang uli sa boarding house na tinuluyan mon dati.” Suhestiyon niya na hindi ko na tinutulan.
“Kaya tara na’t ’wag ka nang umiyak dahil nalulungkot ako.” Aniya at sinunod ko naman siya pero hindi pa rin talaga mapigil ang hindi maiyak kada maaalala ko ang mga sinabi niya patungkol sa akin.
Lulan ng kotse ni Inake ay bumaba kami sa tapat ng gate nina Art at walang pasabi kong tinungo ang kwarto ko at naramdaman ko nalang na may pumiring sa akin gamit ang mga kamay.
Malamig iyon at kahit anong alis ko ay hindi niya inaalis kaya’t ginabayan niya ako habang naglalakad. Ilang sandali pa ay sumambulat sa akin ang mga kaklase namin, si Tita Carol, si Kuya Mark na may hawak na mga rosas may nakalagay na “Happy first monthsary, Leroy!”
Hindi ko alam kung palabas lamang ito ngunit binulungan ako ni Inake na sumakay nalang daw ako para malaman ko ang lahat.
Isa-isang naglapitan ang mga kaklase ko at iniabot ang halos nasa 31 na white roses. Puro pagko-congratulate ang sinabi nila hanggang si Tita Carol ay may hawak ring rosas at nagsalita.
“Alam ko lahat ng tungkol sa inyo ng anak ko. Alam ko rin na napakabait at matalino kang bata. Unang kita ko palang sa’yo a gustung-gusto na kita at hindi na ako tumutol nang magtapat sa akin ang anak kong si Art gamit ang video kung saan ay hinalikan ka niya at naging kayo sa loob ng kwarto. Kaya, Hijo, pakiingatan ang anak ko. Mahal na mahal ka niya. Happy Monthsary sa inyo” Sabi ni Tita Carol.
“Opo, T-tita, aalagaan at mamahalin ko po si Art sa abot ng makakaya ko,” sabi ko dahil nag-aalala pa rin ako dahil sa mga narinig at nalaman ko kanina.
“Bunso, alam kong kayang-kaya niyo ni Art na magtagal dahil kita ko sa mga mata niyo na mahal na mahal niyo ang isa’t-isa. I’m very proud of you, Leroy! Happy monthsary sa inyo ni Art!” sabi ni Kuya.
Huling nagsalita si Inake na tatawatawang inabot sa akin ang huling dalawang puting rosas.
“Sorry kung pinaiyak ka namin ni Art. Basta ang gusto ko lang malaman mo ay nandito lang ako sa mga oras na kailangan mo ng tulong ko. I’ll always be your bestfriend. Masaya ako para sa’yo.” Aniya at niyakap ako.
Hindi ko na napigilan maluha dahil last na lang ay si Art naman ang lumabas dala ang isang malaking teddy bear na kulay pink at may hawak pa siyang chocolate at isang kumpol pa ng rosas.
“Bakit ka umiiyak?” tanong niya habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata. Akala ko kasi ay hindi niya kayang gawin ito ngunit nagkakamali ako dahil hindi na siya nahihiya sa sasabihin ng iba na kaming dalawang pinaka-gwapo sa klase ay may relasyon.
“Kasi manloloko ka!” sabi ko na nakapagpatawa sa lahat lalo na kay Inake.
“Bakit naman kita lolokohin?” tanong niya.
“Nahuli ko, narinig ko!” sabi ko pero tumawa lang uli silang lahat na animo ay pinagkakaisahan ako.
“Tanda mo ba noong narinig mo akong may kausap na cellphone?” tanong niya at naalala ko bigla.
“Okay na, pare. Kami na oo, i-ready niyo na na ang paglipat sa account ko ng pera.” ’Yan ang narinig ko bagon ako pumasok sa kwarto namin ni Inake. Kakatapos ko lang kasing magluto dahil gusto raw niya ng adobo.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad niyang ibinaba ang hawak niyang cellphone at tinanong ko siya.
“Sinong kausap mo, Art?” tanong ko.
“A, si mama, sinabi ko na ilipat na sa account ko ’yong allowance ko.” Pagpapaliwanag niya at doon ay agad ko siyang hinila sa hapagkainan dahil naka-ready na ro’n ang kakainan naming dalawa.
“Sinadya kong laksan ang boses ko para marinig mo ang pinag-uusapan namin ni Inake. At tungkol naman sa tripod at camera, ginamit ko ’yon para mai-recor kung paano naging tayo at nanalo ako sa pustahan namin ni Inake malabo raw mapasagot kita dahil iba raw ang gusto mo. Dahil alam kong ako lang naman nag mahal mo, nakipagpustahan ako dahil 5k din ’yon, ano. At about naman sa mga narinig mo kanina, planado rin ng klase ’yon at scripted na tunay. Sorry kung napaiyak kita. Gusto ko lang masiguro kung gaano mo ako kamahal at kung gaano kita mapapasaya sa araw na ito.” Aniya at hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak habang mahina ko siyang sinusuntok sa dibdib.
“Ito, para sa’yo. Sorry, pinaiyak ka pa namin,” aniya sabay turo sa mga ka-blockmates ko na tuwang-tuwa sa amin ni Art.
“Gago ka! Isosorpresa mo lang ako, sasaktan mo pa ang damdamin ko! Gago ka, gago!” sigaw ko at halos lahat sila ay kilig na kilig lalo na nang ibaba niya ang hawak niya at isinuot ang white na shirt na may tatak na kutsara na may naka-imprentang big at little naman sa akin.
Ang huli ko na lang narinig sa mga kaklase ko ay ang salitang “KISS!” na siya naman naming ginawa. Saksi ang mga kaklase namin, si kuya, ang kaibigan kong si Inake, at maging si Tita Carol sa isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay magkarelasyon naming dalawa ni Art.
Akala ko maghihiwalay na kami pero hindi pala. Kaya’t napakalaking pasasalamat sa Diyos iyon para sa akin.
“H’wag mo na uli akong sosopresahin ng grabe ha? Pangalawa mo na’to! Una noong birthday ko tapos ngayon naman? Baka sa pangatlo ay mabiyak na ang puso ko sa susunod mong sorpresa. Mahal na mahal kita at para sabihin ko sa’yo na kahit naman hindi mo ako sopresahin ay masaya na ako kahit sa simpleng I love you mo lang.”
“Gano’n kita kamahal at hindi ako magsasawa na mahalin ako. Tandaan mo, tandaan niyo!” sigaw niya.
“Na itong gagong ’to, tamad at pasaway na gaya ko ay in love na in love sa lalaking nasa harapan ko.” Aniya at binitawan ko muna ang hawak kong teddy bear at rosas at hinila ko siya sa damit at hinalikan ko siya at hindi pa ro’n nagtatapos. Dumukot ako sa bag kong dala ng isang maliit na kahon at inabot ko iyon sa kanya.
“Akala mo ikaw lang ang may sorpresa? Sorry, ako rin! Kaya ’wag mo nang patagalin at buksan mo na ’yan!” sabi ko na ginawa naman niya.
Pagkabukas na pagkabukas niya noon ay bumungad sa kanya ang pares ng singsing na may nakaukit na pangalan namin.
Dahil sa tuwa niya ay isinuot niya iyon sa akin at isinuot ko naman sa kanya ang isa pa.
“Mahal na mahal kita, Art!” sigaw ko dahil napakalakas na ng musika sa paligid namin.
“Mahal na mahal din kita, Leroy!” aniya at muli ay naglapat ang mga labi namin at nagsiyahan ang bawat-isa.
Ngayon alam ko na na NAKAKASIGURO na ako sa pagmamahal ni Art na noon ay ni SIGURO ay hindi ko masabi..
To be continued !
SIGURO-PART XXIII
Note: Tinatamad akong mag-bs kaya cut lahat kapag bs na.
Enjoy reading!
SIGURO-Part XXIII
LEROY
“Bakit mo’ko mahal?” tanong ko matapos ang nangyayaring pagniniig naming dalawa.
“Hindi ko rin alam. Basta ang natatandaan ko lang, hindi kita kayang mawala sa buhay ko. Na-realize ko ’yon no’ng nag-break kami ni Cathy.” Sabi niya.
Napangiti nalang ako bilang tugon sa kanya. Kakatuwa lang isipin na ngayong gabi ay isinuko ko ang lahat ng akin sa kanya. Hindi lang ang katawan ko ngunit ganoon din ang aking sarili.
“E, ikaw, bakit mo ako mahal?” tanong naman niya sa akin.
“Sa totoo niyan, hindi ko rin alam kung bakit minahal kita. Basta naramdaman ko nalang na mahal kita kahit na napakatamad mong tao. Tsaka kahit na marami kang flaws, perpekto ka pa rin sa mga mata ko.” Sabi ko at sinelyuhan niya ako ng halik.
“Good night, Leroy.” Sabi niya.
“Good night din, Art ko!” sabi ko at yumakap ako sa kanya habang parehas kaming walang saplot sa aming katawan.
Kinabukasan ay ramdam ko pa rin ang ibayong hapdi sa aking butas at hindi ako makalakad masyado dahil doon. Iyon naman ang pang-aasar sa akin ni Art.
“Oh, bakit parang hirap kang maglakad. Masyado ba kitang napwersa kagabi? Tatlong rounds lang naman tayo a,” panunuya niyang mga tanong na talaga namang nagpainit ng muka ko dahil baka narinig ni Tita Carol ang mga sinabi niya.
“Gago ka!” sabi ko. “H’wag ka ngang masyadong bulgar d’yan! Nakakahiya kay Tita!” sabi ko.
“Eh, ano naman kung marinig ni Mama? Besides, nobyo mo naman ako kaya wala kang kailangang ikahiya dahil proud pa nga ako e.” Aniya at kumain na lang ako dahil baka mabaliw ako sa kausap ko.
“Biro lang naman, ang sungit naman ng mahal ko e. Halos sumuko ka na nga sa’kin kagabi dahil sa sarap.” Dahil sa mga sinabi niya ay naibuga ko sa muka niya ang laman ng bibig ko.
“Ang bastos ng bibig mo!” nanggagalaiti kong sabi.
“Sorry na po.” Aniya at tumatawang pinunasan ang muka niya.
Matapos naming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto dahil naiinis ako sa isang ’yon.
“Hey, ayos ka lang?” at hinarang niya ako sa harapan ng pinto. Hindi pa rin ako sumagot sa kanya dahil hindi ko siya feel kausapin.
“Hindi na po mauulit. Nakakaproud lang kasi na ako ang una mo tapos suot mo pa ’yang t-shirt ko na medyo maluwang sa’yo.” Sabi niya habang nakatingin sa akin.
“Dahil d’yan, no score for one week. Masakit pa!” sabi ko at ngumuso naman siya. Dahil kanina ko pa siya tinitiiis ay hinalikan ko ang naka-pout niyang labi.
“Pabebe!” asar niya at hinila ako papasok sa loob ng kwarto.
“Paki mo ba?” sabi ko at itinulak ko siya pahiga sa kama.
“Easy lang naman, Sir!” aniya na tinawanan ko lang.
“Isod! Hihiga ako!” utos ko na siya naman niyang ginawa.
“Boss, higa na po kayo!” pang-aasar niya.
Nahiga naman ako sa braso niya at walang kaarte-arteng hinalikan ko siya.
“I love you, Boss!” sabi ko na medyo korni pakinggan pero kinikilig ako.
“I love you too, Boss!”
Naging mahaba ang week end na nagdaan para sa amin ngunit hindi nangangahulugan noon na magiging malungkot iyon para sa amin lalo na ngayon na kami na.
“H’wag mong ikasagad.” Sabi ko.
“Konti nalang. Konting tiis pa.” Siya naman na medyo pawisan na.
“Malapit na ba?” sabi ko.
“Oo, malapit na.” Sagot naman niya.
Nasa ganong posisyon kami nang pumasok si Tita Carmen sa loob ng kwarto. Napahawak siya sa kaniyang bibig at nawindang dahil sa kaniyang nasakasihan.
“B-bakit dito kayo nagpuputolan ng kuko?” tanong ni Tita Carol sa amin.
“Ano naman pong masama, Ma?” tanong ni Art.
“Ah, wala.. wala namang masama. Sige, r’yan na muna kayo.” Sabi ni Tita Carol at sabay kaming napahalakhak ni Art dahil parehas naming napagtanto ang mga sinabi namin kanina. Mukang na-misunderstood ni Tita Carol ang mga narinig niya.
After one week, masayang-masaya ang lahat dahil sa grades nila. Luckily, isa si Art sa mga ’yon.
“Anong GWA mo, Art?” tanong ni Michael na noo’y nakakuha ng 1.95 na GWA.
“1.80, bakit?” aniya. Proud na proud ang mokong dahil sa na-achieved niyang iyon.
“E, ikaw Joseph, anong GWA mo?” tanong naman ni Michael kay Joseph.
“Dos, mga bes!” aniya na akala mo ay namatayan sa General Weighted Average niya na dos. ’Yong iba nga r’yan ay 2.5 pababa masaya na.
“Ang arte mo! Hindi mo naman ikakabagsak ’yan! Mahalaga ay makakagraduate tayong lahat!” sabi ni Faith na pasok bilang isang Cum Laude sa GWA niyang 1.55.
“Kaya nga, ang arte mo!” sang-ayon naman nila sabay tingin sa akin. Sa totoo lang, wala akong planong sabihin sa kanila ang Average ko dahil hindi ito ang pinakamataas na Average na nakuha ko.
“Hindi mo pa rin sasabihin ang Average mo sa’min o baka naman gusto mong sa registrar pa kami magtanong?” si Faith naman ang nagsalita na akala mo ay mapipilit nila ako at ang registrar.
“Mababa nga e.” Sabi ko.
“Ano nga kasi?”
“Dos rin,” nanlulumo kong sagot.
“Asa!” silang lahat at lumapit na sa akin si Art at binulungan ako.
“Hindi nga? Nagbibiro ka ba?” Iyan ang ibinulong niya sa akin.
“Muka ba akong nagbibiro?” sabi ko pero halatang hindi pa rin sila kumbinsido.
“Next time ko nalang sasabihin.” Sabi ko at nagtatakbo ako papunta sa Oval dahil nandoon na lahat ang iba pa naming mga kaklase. Dahil no choice sila ay nakitakbo na lang sila.
Habang tumatakbo ay naramdaman kong hinawakan ni Art ang kamay ko at napatingin ako ro’n.
“Ang daming tao, nakakahiya!” sabi ko sa kanya pero umiling lang siya.
“Wala akong pakialam! Boyfriend mo ako kaya maiinggit nalang sila!” aniya at kinilig naman ako ng sobra sa sinabi niyang iyon.
Wala pang dalawang minuto ay narating na namin ang ground at doon namin nakita si Sir. Escosa at lahat kami ay pinaupo niya.
“Siguro ay wala kayong ideya kung bakit tayo nandito, tama ba?” wika ni Sir na noo’y nakatingin sa kamay namin ni Art na magkahawak pa rin sa mga sandaling iyon. Bumitaw nalang tuloy ako pero makulit si Art dahil kinukuha niya lang lagi ang kamay ko.
“Yes, Sir! Bakit niyo nga po pala kami ipinatawag dito?” tanong ng isa kong kaklaseng babae na si Karla.
“Well, mas mga annoucement ako para sa section niyo at para sa College natin. Kaya makinig kayong mabuti.” Aniya at um-oo namin kaming lahat.
“Una, babatiin ko ang section niyo dahil kay Art na nag-second place sa ginanap na Inter Campus vocal solo category,” sabi ni Sir at pumapakpak naman kaming lahat habang nakatingin kay Art na proud na proud sa sarili.
“Pangalawa ay congrats dahil wala akong binigyan ng dos or tres sa inyo dahil last year niyo na ito kaya deserve niyo ang inaasam niyong uno.” Obvious naman iyon dahil lahat ng mga nakita kong grade nila sa Finance ay lahat, flat one. Bagay na hindi nila nakuha sa nagdaang anim na semestre.
“Salamat, Sir! Magiging proud na sa akin si Papa nito!” ang hirit ni Joseph na kanina lang ay nanlulumon sa GWA niya.
Halakhakan ang lahat at maging si Sir ay first time namin nakitang tumawa na may tunog.
“Anyways, ito pa ang nakakagulat na in-annouce kanina sa faculty.” Pabitin niya at halos lahat kami ay naghihintay ng sunod ng sasabihin.
“Ano po ’yon, Sir? Tanong ko dahil hindi na rin ako makapaghintay.
“Isa sa inyo ang nagtala ng pinakamataas na General Weighted Average para sa isang senior graduating student!” masayang sabi ni Sir na siyang naging dahilan para magtinginan silang lahat sa akin.
“Kung hindi niyo naitatanong sa’kin. Graduate ako sa paaralang ito sa parehong kurso na kinukuha niyo. Noon ay ako ang kauna-unahang naging Magna Cumlaude sa aming batch at ni wala ni isa pang sumunod pa rito sa nagdaang mga taon dahil parating nagmumula sa College of Teacher Education, College of Accountancy at College of Engineering and may honor at nagla-laude. Ngunit!” pabitin muli ni Sir.
“Ngunit sa pagkakataong ito, kasabay ng pagkakaroon ng apat na Cumlaude sa klase niyo ang pagkakaroon ng isang natatangi at napakahusay na mag-aaral na mag-uuwi ng pinakamataas na karangalan na makukuha ng isang estudyante sa kolehiyo. Ang inyong future Suma Cumlaude,” pagtigil ni Sir na tumingin sa akin na nagpa-wow naman sa lahat.
“Walang iba kundi si Leroy na bumura sa aking record bilang Magna Cumlaude.”
Napasigaw naman ang lahat dahil sa rebelasyon ni Sir.
“Akala ko ba, dos ang GWA mo?” sabi ni Faith na noo’y mukang timang na tumatawa.
“Congrats, Leroy! MAMAW KA!” Sigaw ni Michael, Joseph at Marlo na kinuha pa ang term na iyon sa Dota.
“Hindi pa r’yan nagtatapos ang lahat.” Pagsingit naman ni Sir.
“Marami sa inyong makakatanggap ng outstanding student award dahil mahusay naman talaga ang inyong klase.” Huling sabi ni Sir at para kaming mga tanga na nagtatatarang.
“Pero, Sir, ’di ba may OJT pa naman kami? Bakit in-annouce niyo agad sa amin?” tanong ko.
“Gaya nga ng sabi ko, matalino kang bata. Mahusay ang block section na kinabibilangan mo at higit sa lahat, congrats sa love life mo. Hindi nagkatulad ang kapalaran natin.” Sabi ni sir at niyakap pa ako.
“Mabuhay, BSBA 4A!” sigaw ni Art.
“Mabuhay!” sabi naman naming lahat.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga sinabi ni Sir sa akin pero mas matutuwa SIGURO ako kung malalaman ito ni Papa na malaki ang tiwala sa kakayahan ko bilang anak na rin niya.
Dear Tadhana,
Pwede naman SIGURO akong ilapit kay Papa kahit na masakit pa ang mga sinabi niya sa akin noon.
To be continued!
SIGURO-PART XXIV
Jung Yong Hwa as Art. Enjoy reading!
SIGURO-Part XXIV
LEROY
Maraming naganap sa mga sumunod na linggo sa aming buhay ni Art. Nariyang hindi maalis ang kaniyang pagkaseloso at isang araw habang masaya kaming nanonod ng movie ay may isang lalaki ang biglang sumulpot sa aming harapan na ikinaputla ng mukha ni Art.
“A-anong ginagawa mo rito, Pa?” tanong ni Art sa lalaking ama pala niya.
“Hindi mo ba ako na-miss, Art?” tanong naman ng Papa niya.
“Na-miss kita, pa, pero si Mama, baka himatayin ’yon kapag nakita ka rito..” sabi ni Art at yumakap siya sa Papa niya.
“Ako na ang bahala sa Mama mo. Tsaka, teka. Hindi mo ba ako ipapakilala sa Bestfriend mo?” anito sabay tingin sa akin. Ibayong kaba ang naramdaman ko pero hindi ko iyon ipinahalata.
“Hindi ko siye bestfriend, Pa.” Aniya.
“E, sino siya?”
“Boyfriend ko po, Pa!” proud na proud niyang sabi na gumulat sa Papa niya.
“Then, welcome to the family!” aniya sabay lapit sa akin.
“Ikaw pala ang nobyo ng Anak kong ito.” Sabi niya sabay turo sa anak niya. “Welcome to the family!” aniya at niyakap din ako.
“Salamat po, Tito!” sabi ko at natuwa naman si Art dahil hudyat iyon na sang-ayon sa relasyon namin ang kaniyang ama.
“Nandito ka na pala, Raymundo?” ang sabi naman ni Tita Carol na biglang umentrada. Halata ko sa boses niya ang kasarkastikuhan.
“Ah, oo. Pasensya ka na kung ngayon lang ako.” Sabi ni Tito.
“Mabuti naman na umuwi ka na at mag-iisang taon ka nang wala!” maluha-luhang sabi ni Tita Carol bago yumakap kay Tito.
“Hay, ang matatanda nga naman!” sabi ni Art at hinila niya ako papunta sa kwarto.
“Hindi mo ba na-miss ang Daddy mo?” tanong ko dahil para siyang tanga na nagyayakag na agad na umalis at pumunta sa schoo para makapag-enroll kami.
“Narinig mo naman ako kanina, sabi ko ay na-miss ko si Papa, ’di ba?” aniya. “Gusto ko lang na magkaroon ng time ’yong dalawa dahil alam kong marami silang dapat pag-usapan.” Ang pagpapatuloy niya na sinang-ayunan ko naman dahil at some point ay tama naman siya.
Nang makalabas kami sa kwarto ay nandoon pa rin si Tito at Tita na nag-uusap kaya naman nagpaalam na si Art.
“Ma, Pa, mauna na kami ni Leroy, magpapa-enroll na kami.” Aniya na sinundan ko naman.
“Maiwan na po muna namin kayo.” Sabi ko.
“Mag-ingat kayong dalawa, Hijo.” Sabi ni Tita.
“Sige, Hijo, Art, mag-ingat kayo!” si Tito naman.
“Sige po, mauna na po kami!” masigla kong sabi at hinala naman ako ni Art.
“Ang cool ng Daddy mo!” saad ko nang sandaling makasakay kami sa taxi. Ayaw pa rin kasi niyang gamitin ang kotse niya na matagal nang ibinigay sa kanya ni Tita Carol.
“Cool talaga si Dad!”
“Anyway, bakit nga pala ngayon lang ang Daddy mo?” tanong ko naman bigla sa kanya.
“Ah, ’yon ba? May nabuntis kasi siya sa probinsya.” Sagot niya na ikinagulat ko.
“Weh? Baka nakabuntis! Mukang hindi gagawa ng ganoon ang Daddy mo, ’no!” sabi ko naman dahil iyon naman talaga ang aking obserbasyon sa kaniyaang ama.
“Gusto mong malaman ang totoo?” at tumango ako. “May kinasama siyang gay at hindi alam ni Mama ’yon.” Casual niyang sagot na mas gumimbal sa akin.
“Straight and Daddy mo pero may gano’n?” sabi ko naman na gulat na gulat sa mga sinabi niya.
“Ewan ko! Basta alam ko pumatol siya sa bakla.” Sagot naman niya at nanahimik na lang ako dahil baka makasama sa kanya ang mga sinasabi ko.
“If you’re feeling guilty sa pagtatanong niyan, ’wag kang mag-alala. Okay lang sa’kin dahil joke lang naman ’yon.” Aniya at tumawa ng tumawa.
“Gago ka!” sabi ko at kinutusan ko nga ng isa sa ulo para magtigil.
“Aray! Ang harsh naman ng asawa ko!” aniya habang hinihimas ang parte ng ulo niyang nasaktan.
“Seryoso kasi ako tapos puro ka kalokohan!”
“Sorry na!” aniya sabay sandal sa balikat ko.
Nawala agad ang inis ko dahil sa ginawa niya kaya’t nanahimik nalang ako habang pinapakiramdaman siya.
“Minsan pasaway ka pero mahal talaga kitang mokong ka!” bulong ko sa hangin.
“May sinasabi ka ba?” tanong niya.
“Wala naman.” Sabi ko.
Matapos ang ilang minutong pagbyahe ay bumaba kami sa tapat ng school.
Sa aming pag-e-enroll ay nakita ko roon si Inake na naka-uniporme pa. Malamang ay ngayon ay mag-e-enroll na rin siya.
“Hoy, panget! Bakit hindi ka na nag-reply kagabi?” sabi ko sa kanya habang nagbabayad si Art ng tuition.
“Inaantok na kasi ako. Tsaka ang drama mo kaya kagabi.” Sabi niya na totoo naman dahil ang topic namin ay si Papa.
“Ewan ko sa’yo! Dapat ilibre mo’ko mamaya!” sabi ko at tumango naman siya.
“Katakawan mo! Pasalamat ka dahil tapos na akong mag-clearance, kundi ay tinaggihan na kita.” Aniya na ikinatuwa ko.
“Saglit lang, Inakeng-panet ha? Magbabayad lang akong tuition. Hintayin mo kami rito!” at nagtatakbo ako papunta sa kinaroroonan ni Art.
“Kausap mo pala ’yong Hapon mong ka-i-bigan.” Komento niya bigla.
“Oo, na-miss ko kasi ang isang ’yon.”
“Hindi ba’t gabi-gabi na kayong magka-text tapos miss mo pa rin?” tanong niya sa hindi niya normal na tono.
“Oo, pero iba pa rin sa personal! Tsaka, nagpapalibre ako sa kanya ng pagkain. Kaya tabi ka muna r’yan at magbabayad muna ako ng tuition.” Sabi ko at tumabi naman siya na walang sinasabi.
Matapos kong magbayad ay agad ko siyang hinila sa kinaroroonan ni Inake at nagkamustahan sila ng bahagya.
“Kamusta, bro!” sabi ni Inake.
“Okay naman, ikaw?” very casual niyang sagot kay Inake na nakangiti lang.
“Okay lang din. Pogi parin!” proud ang loud niya sabi sabay kindat sa akin.
“Lumalakas ang hangin dito sa admin’s building kaya ilibre mo na ako ro’n sa kinakainan natin lagi!” masaya kong sabi at hinila ko siya at nagtatakbo papalapit sa sasakyan niya.
“Uy, naiwan na natin ang boyfriend mo,” aniya. Dahil sa kaniyang mga sinabi at saka ko pa lamang naalala si Art na naglalakad pa rin papalapit sa amin. At nang makarating siya ay agad ko siyang pinasakay sa loob at pinagalitan.
“Bakit ba ang bagal mong maglakad kanina?” tanong ko nang makasakay na rin ako sa backseat katabi niya.
Imbes na sumagot ay nanahimik na lamang siya at umidlip habang nakaharap sa opposite direction. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil gusto kong marinig ang kwento ni Inake.
“So, balik tayo sa topic natin kagabi… Bakit ka nga pala sa Cebu mag-o-OJT? Hindi mo ba alam na mami-miss kita lalong, Panget ka?!” singhal ko sa kanya habang nagda-drive siya.
“Maganda raw kasi ro’n ang pag-aasikaso sa mga trainee na kagaya ko. Kaya ikaw, ’wag ka nang magtanong dahil pangit ka rin!” aniya at nakatikim siya sa akin ng isang pinong kurot sa gilid na ikinaiktad niya.
“Ang sakit no’n! Pikon ka talagang pangit ka!” tatawa-tawa niyang sabi hanggang sa makarating kami sa parati naming kinakainan na restaurant.
“Art, nandito na tayo!” panggigising ko sa kanya pero hindi naman siya nagigising.
Muli ko pa siyang ginising pero hindi pa rin siya kumikibo at nagbago pa ng pwesto. Dahil sa kulit niya ay lumabas ako at binuksan ko ang kabilang pinto na naging dahilan para masalampak siya pababa. Nakakatawa talaga ang pagkakalaglag niya dahil nakasabit ang paa niya sa ilalim ng upuan namin kanina. Sandal kasi siya ng sandal sa pinto ng kotse kaya ayan ang napala niya.
Pigil na pigiln ang tawa namin ni Inake dahil sa nangyari kay Art.
Ma-art-e kasi siya kaya dapat lang ’yon sa kanya.
“Ang sakit no’n ha! Pwede naman kasi akong gisingin ng ayos e!” pagpapaliwanag niya.
“Ang dami mong alam! Tulug-tulogan ka lang naman!” sabi ko at tumawa kami ni Inake. Busangot tuloy ang muka niya nang makapasok kami sa loob.
“Hindi ba masyado kang harsh d’yan kay Art? Sige ka, baka maghanap ’yan ng iba!” paalala sa’kin ni Inake nang magpaalam si Art sa akin para magbanyo saglit.
“Mahal ako ni Art kaya ’wag ka ngang nega r’yan! Kaltusan kita ng isa e!” Sabi ko sabay tawa.
“Hindi naman sa ganoon. Pinapaalala ko lang!” wika niya sa akin matapos niyang inumin ang iced tea.
“Oo na po, tatandaan ko ’yan!” pagsang-ayon ko sa mga sinabi niya.
Naging mabilis ang pagbabanyo ni Art kaya naman kumain na rin siya ng lasagna na in-order ko para sa kanya.
“Sabi ko naman sa’yo, ’wag kang masyadong magpa-cute ro’n sa mga kaklase mong babae. ’Yan tuloy may mga gusto sa’yo! Panget ka pa naman!” sabi ko sabay pisil sa pisngi niya.
“Panget, pangit ka r’yan! Pogi kaya ako sabi ni mama!”
“Sabi lang ’yon ni Tita sa’yo, pero panget ka talaga!” panunuya ko.
“Eh, ’di ikaw na!” aniya at nagtawanan kami.
Marami pa kaming napagkwentuhan ni Inake pero natapos ’yon nang tumayo si Art.
“Tapos na’ko. Una na ako sa inyo. Baka kasi naaabala ko kayong dalawa sa pag-uusap niyo. Ang sweet niyo kasi!” aniya at umalis. Sinubukan ko pa siyang habulin pero mabilis siyang nakasakay sa taxi at napahawak nalang ako sa bibig ko.
Na-set aside ko yata siya at SIGURO ay selos na selos siya sa amin ni Inake.
Ano ba’tong nagawa ko?! Bulong ko sa isip ko at bumuntong hininga nalang ako.
To be continued!
SIGURO-PART XXV
SIGURO-Part XXV (SPG)
LEROY
Nakauwi na ako sa bahay. Nakalipas na rin halos ang dalawang oras ngunit wala pa rin si Art. Hinintay ko siya sa labas ng gate ng bahay ngunit hindi pa rin siya dumarating.
Alam ko, maling-mali talaga ako. Nasabik ako masyado kay Inake at sa mga kakulitan naming dalawa. Pero ganoon pa man, nagkasala ako kay Art na nagselos ng sobra-sobra dahil sa ka-sweet-an naming dalawa ni Inake.
Simula sa araw na ito ay didistansya na ako kay Inake at hindi ko na papabayaan pa si Art dahil mahal ko siya at marami na kaming pinagdaanan.
“Oh, Hijo? Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?” sabi ni Tito Reymundo na noo’y halata kong ayos namang makitungo. Hindi ko lang maiwasang mangamba dahil natatakot ako sa ideyang baka kagaya rin siya ni Papa.
“Ah, e, hinihintay ko pa po kasi si Art dito.” Sagot ko naman.
“Si Art ba?” at tumango naman ako bilang tugon. “May kasama siya kaninang babae, Cathy ata ang pangalan no’n.” Pagtutuloy niya na bumasag sa aking isipan.
“Salamat po, Tito.” Sabi ko at nakita kong tinitigan niya pa ako mula ulo hanggang sa aking paa. At hindi ko namalayan na inakbayan na niya ako papasok ng bahay.
“Alam mo, boto ako para sa anak ko. Hindi ka lang matalino, muka ka ring mabait na bata.” Aniya na nagpataba ng aking puso.
“Salamat po, kung ganoon.” Sabi ko naman pabalik.
Nang makapasok ako sa bahay ay dumiretso ako agad sa kwarto at nakita kong wala nga si Art.
Dahil nga wala pa si Art naglinis muna ako ng kwarto at nakita ko ang pictures namin ni Mama, Kuya at Papa na magkakasama.
Dahil sa larawang ’yon ay napaiyak ako. Sa totoo lang kasi ay miss na miss ko na sila. Gusto ko na ulit silang makita.
“Pa, alam mo kahit na ganyan ka sa akin ay mahal na mahal kita, kayo ni Mama at Kuya… mahal na mahal ko kayo,” sabi ko at tuluyan na akong binalot ng kalungkutan.
Gabi na nang magising ako. Nakatulog pala ako sa sahig kanina. Saktong pagmulat ng aking mga mata ang pagpasok ni Art.
Muli ay nagpanggap ako nakahiga sa sahig at alam kong nakita niya ako. Ngunit imbes na lapitan niya ako ay nahiga na lang siya sa kama niya at hindi ako pinansin pa.
Ano ba talagang problema ng isang ’yon?
Bulong ng isang parte ng aking isipan.
Nagtatalo man ang aking puso at isipan ay mas pinili kong ibaba ang pride ko dahuil mahal ko ang involve rito.
Mula sa aking pagkakahiga ay nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran niya.
Hindi siya pumapalag pero ramdam ko ang inis niya sa akin dahil sa pangbabalewala ko sa kanya kanina. Hindi lamang iyon, mayamaya pa ay tinanggal niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya at nagtaklob siya ng kumot.
“Uy, sorry na po.” Malambing kong tinuran.
Hindi pa rin siya kumikilos kaya kiniliti ko siya sa paa niya pero ang siste ay nasipa niya ako at tumilapon ako malapit cabinet. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumama ang ulo ko sa kanto nito at ramdam ko ang sakit. Napahawak na lang tuloy ako sa likod ko na nasaktan.
Nasa ganoon akong posisyon nang magsalita siya.
“Okay kalang?” tanong niya pero hindi ko siya sinagot dahil nasaktan ako sa ginawa niya.
Buong lakas ay tumayo ako at sumagot.
“O-okay lang ako, magpahinga ka na.” Sabi ko at nahiga ako sa kama ko at nagtaklob din ako gamit ang kumot at unan. Doon ko rin ibinuhos ang luhang kanina pa gustong kumawala sa aking isipan.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak pero alam kong nasaktan ako sa ginawa niya. Hindi dahil sa pananakit niya sa akin kundi dahil sa pambabalewala niya sa akin.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa napahagulhol na ako at mayamaya lang din ay naramdaman ko na may yumakap sa akin.
“Sorry, hindi ko sinasadya.” Aniya at tinanggal ang unan sa mukha ko at iniharap ako sa kanya. Matapos ’yon ay pinunasan niya ang aking mga luha at hinarap ako sa kanya.
“Nagselos lang naman ako kanina sa inyo ni Inake. Pakiramdam ko pa, parang naisantabi lang ako. Kaya sorry na po.” Aniya at tumigil naman ako.
“S-sorry kung naramdaman mo ’yon. Promise ko, hindi ko na uulitin.” Sabi ko at niyakap niya ako.
“Sorry pa rin dahil nasaktan pa kita.” Sabi niya.
“Hindi mo naman sinasadya kaya okay na ako. Kwits na tayo!” sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko siya.
Una ay maiikling halik na kinalaunan ay mas naging mapusok.
Nariyang halos kainin na niya ang labi ko at nagtatama ang aming mga dila na animo ay mga espada. Kapwa kami hingal sa aming halikan at naramdaman ko ang alaga niya na kumikislot-kislot habang nakakandong ako sa ibabaw niya.
Dahil gigil na gigil siya sa akin ay hinubaran na niya akon ng damit pangtaas at baba. Pinagmasdan niya ang kabuuan ko at naghubad na rin siya.
“Mahal na mahal kita, Art!” sabi ko habang hinihimas ang dibdib niya pababa sa kaniyang abs na kinababaliwan ko.
“Mahal na mahal din kita, Leroy. Nagselos man ako kanina ngunit patunay lang ’yon na mahal talaga kita at ayaw kong nilalandi ka ng iba.” Sabi niya at hinalikan ako sa labi.
Hindi ko alam kung kikiligin ako sa mga sinabi niya o matutuwa pero mas pinag-igi ko lang na hawakan ang alaga niya at tinulak ko siya pahiga sa kama.
Puro ungo ang sinukli niya nang isubo ko ang alaga niya na may kahabaan. Sa totoo lang ay hindi iyon nagkakasya sa bibig ko dahil nasa anim o pito ang sukat nito. Taas baba lang ako ng taas baba hanggang sa buhatin niya ako at doon niya ako ipinangko sa kabilang kama at unti-unti niya akong inangkin..
Halos mawalan ako ng ulirat nang sandaling ipasok niya ang alaga niya sa akin sapagkat wala man lang siyang ginamit na condom.
Pinanatili niya munang napasok ang alaga niya sa loob ko at saka naman siya umayuda ng may pag-iingat at pagmamahal.
Matapos ang tagpong ’yon at makalipas ang ilang rounds sa amin ay hingal kaming pareho ngunit binalot pa rin ako ng kilig nang pahigain niya ako sa braso niya habang nakahawak ako sa alaga niya na mainit sa pakiramdam.
At bago matapos ang gabi ay ginawaran pa niya ako ng halik at nagpalitan kami ng I love you sa isa’t-isa.
SIGURO naman ay nagkakamali ang lahat ng mga nasa relasyon ngunit hindi iyon basehan upang tapusin niyo na ang inyong nasimulan. Dapat pa nga ay gawin niyong challenge iyon sa inyong relasyon upang mas mag-grow at tumatag ang sandigan niyong dalawa. At para sa akin, ang lahat ng SIGURO ay may kalakip na problema na tiyak na kapupulutan ng natatanging aral.
To be continued!
SIGURO-PART XXVI
SIGURO-Part XXVI
LEROY
Naging maayos ang relasyon namin ni Art simula noong gabing mangyari iyon. Nagkasundo na rin si Tita Carol at Tito Reymundo. Hindi man malinaw sa akin ang lahat kung ano ba talagang nangyari sa kanila ay nagpapasalamat pa rin ako dahil sa kanila at dahil sa pagtanggap sa relasyon namin ni Art.
Akala ko ay perpekto na ang lahat ngunit hindi pa pala dahil isang gabi habang mag-isa ako sa kwarto ko ay pumasok si Tito Reymundo. In-lock niya ang pinto at lumapit siya sa akin.
“Ano pong kailangan niyo sa’kin, Tito?” tanong ko.
“Tatapatin na kita. Hindi ikaw ang klase ng taong pinangarap ko para sa anak ko.” Aniya habang papalapit sa akin.
“P-po?” nagulat ako sa mga sinasabi ni Tito lalo na nang tumayo siya sa harapan ko.
“Akala mo ba ay hindi ko alam ang karakas ng mga kagaya mo?” aniya na lalong nagpapagulo s sistema ko. Hindi ko alam ang mga sinasabi niya.
“Hindi ko ho kayo maintindihan.” Sagot ko.
“Gusto ko,umalis ka na sa bahay na ito!“sigaw niya. “ Hindi ako sang-ayon sa relasyon niyo ng anak ko.” Sabi pa niya at hindi ako agad na nakapagsalita.
Akala ko po ba ayos lang kami sa inyo? Mga salitang gusto ko sanang sabihin pero pinangunahan ako ng emosyon ko. Takot ako at may respeto pa rin akong tao.
“Bakit hindi ka sumagot na bakla ka?! Hindi ba sex lang naman ang habol mo sa anak ko? Kaya ka nga pinalayas sa inyo dahil hindi ka tanggap e, ’dito pa kaya? Mas lalong hindi kita matatanggap. Kaya mamaya, pwede ka nang umalis!” sigaw pa niya at napayuko nalang ako dahil wala naman akong kalaban-laban.
“Bakit ba kasi nabuhay pa kayong mga salot sa mundo? Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa’yo ng anak ko dahil bakla ka lang naman! Walang silbi sa mundo!” mga kataga niyang dumurog sa puso ko.
Sa mga nagdaang araw at linggo pala ay puro pakitang-tao lang ang ginawa ni Tito Reymundon sa akin. Akala ko ay napakabait niyang tao ngunit kagaya lang din pala siya ni Papa. Mga wala silang puso at maliliit ang utak!
Marami akong gustong sabihin at ipukol sa kanyang mga salita. Na para naman matauhan ang kaniyang marupok na isipan na hindi lang ako basta bakla dahil isa rin akong hulwaran na marami pang gustong patunayan sa buhay.
“Kung ayan po ang paniniwala niyo. H’wag ho kayong mag-alala dahil bukas, pag-gising niyo ay hindi niyo na ho ako maaabutan dito.” Sabi ko kahit na ang dami kong gustong sabihin para idepensa naman ang sarili ko.
“Mabuti naman kung gano’n!” aniya at binigyan pa niya ako ng isang suntok sa muka na naging dahilan para tumaob ako papunta sa ibaba ng kam. Matapos niyang gawin ’yon ay tumawa siya at sumigaw pa.
“BAKLA!” at tuluyan na siyang lumabas sa kwarto.
Hindi ko alam kung bakit ko nararanasan ang bagay na ito. Sa pagkakatanda ko naman ay wala akong inargabyadong tao.
Kung kapalaran bang maituturing ito ay talaga namang napakasakit nito para sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak nang pumasok na rin sa isip ko si Papa na walang ginawa kundi kamuhian din ang tulad ko.
Sana hindi nalang ako naging bakla! Sana hindi nalang!
Nakaharap ako sa salamin, umiiyak pa rin ako dahil sa bigat ng aking puso. Idagdag mo pa ang pasa na meron ako sa aking mukha.
Sa loob ng halos ilang linggo ni Tito ay hindi ko akalain na nagbabalat kayo lamang pala siya na tanggap niya ako sa pamilya at tanggap niya ang relasyon namin ni Art pero hindi pala.
Alam kong marami pang kagaya ni Tito Reymundo at ni Papa na nagkalat sa Pilipinas kaya’t sa aking palagay ay hindi lamang ako ang nakaranas ng ganitong klase ng pananakit at pananakit ng Moral bilang tao.
Minsan iniisip ko rin kung bakit kailangan kong makaranas ng ganito gayong naging mabuting tao naman ako. Naging mabuting anak at kapatid.
Never akong sumuway sa mga magulang ko pero ang ganitong klase ng buhay ay hindi ko pinangarap na maranasan.
Naayos ko na ang aking mga gamit. Balak kong hindi magpaalam kay Art dahil alam kong masasaktan ko lang siya.
Ayokong magkagulo pa sa bahay kaya’t pasado ala una nang gabi ay lumabas na ako ng bahay dahil wala pa siya. Pero habang lumalabas ako sa bahay ay nakita ko si Art na nakaakbay kay Cathy.
“Hanggang dito na lang, Cathy. Hindi ka pwede sa loob e. Alam mo naman, baka magalit sa atin si Leroy.” Sabi ni Art at matapos iyon ay ginawaran pa niya si Cathy ng halik sa labi. Daig ko pa ang sinampal ng ilang ulit dahil doon kaya naman napatakip nalang ako bibig ko habang umiiyak na nagtatago sa garden.
“Salamat, Art. Next time ulit! Alam ko namang hinahanap-hanap mo pa rin ako.” Anito at saka umalis na.
Nang makaalis si Cathy ay siya ko namang pagsulpot. Masyado na akong nasasaktan sa mga nangyayari.
“Kanina ka pa ba r’yan, Leroy?” tanong niya. Hindi ko rin maipagkakaila na kabado siya dahil sa tono ng kaniyang pananalita.
“H-hindi naman. Tama lang para malaman ko ang lahat ng kagaguhan mo!” sabi ko habang umiiyak.
“Sorry, kung nasaktan kita pero mali ka ng iniisip.” Aniya.
“Ako? Mali ang iniisip ko? Eh, paano naman ’yong paghahalikan niyo na para bang hindi mo ako nobyo?” umiiyak kong sabi.
“Hindi naman sa ganoon, Leroy. Magpapaliwanag ako.” Aniya.
“Tama na, Art. Akala ko iba ka sa lahat. Akala ko na dahil mahal mo ako ay hindi mo ako sasaktan. Mas masahol ka pa pala kay Papa at Tito Reymundo!” tumigil ako halata sa kaniya ang pagkagulat. “Parehas kayong mga gago!” pagtutuloy ko.
“Tell me, anong nangyari kanina? Si Papa ba ang nanakit sa’yo? Siya ba ang may gawa niyan?” turo niya sa pisngi kong may pasa. “Sabihin mo!” sigaw niya pa.
“Wala namang magbabago kapag sinabi ko. Hindi ba nga gago ka naman talaga? Sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi nalang kita nagustuhan! Sana hindi ako nagpakatanga at nagpakagago sa’yo!” sigaw ko at niyakap niya ako.
“H’wag mo akong hawakan! Nandidiri ako sa’yo!” sigaw ko habang tinutulak ko siya palayo sa akin.
“Simula ngayon, break na tayo! Ayoko na!” sabi ko sabay talikod.
Muli ay niyakap pa niya ako pero lakas-loob ko siyang itinulak.
Masyado na akong nasasaktan. Masyado ng masakit. Hindi ko kinakaya.
“Leroy, ’wag mo naman akong ganituhin dahil nasasaktan ako. Please, ’wag kang umalis. Mahal na mahal kita.” Aniya at sa huling sandali ay humarap ako sa kanya.
“Sana inisip mo muna ako bago mo ako niloko! Sana inisip mo rin na masasaktan kapag nalaman ko ang ginawa mo! Malakas kang manloko pero wala ka namang paninindigan sa salitang mahal mo ako!” sabi ko at tulayan ko na siyang iniwan.
Dumudugo sa ngayon ang puso ko pero nakakaSIGURO akong makaka-move on din ako after nito.
To be continued!
SIGURO-Part XXVII
W-A-L-A-N-G FOREVER, Parang kayo ng EX at present mo––maghihiwalay din kayo!
Enjoy reading!
SIGURO-Part XXVII
LEROY
Lumipas ang magdamag na puro hinagpis at pagluha ang aking nadarama. Masyado na kasing mapait ang mga nangyayari sa akin at tila ba hindi ako dapuan man lang ng swerte na kailangan ko.
Namamaga ang aking mga maliliit na mga mata ngunit hindi ko maikakaila na sa bawat pagdurusa na nagaganap sa buhay ko ay nand’yan si Inake. Kagabi ay talagang tumakas pa siya sa bahay nila para lang maihanap ako ng matutulugan. At dito sa isang maliit na apartment na ito ako nagpalipas ng magdamag kasama siya.
Nandito rin si Kuya na talagang dinamayan din ako. Kung nasa bahay lang siguro ako, hindi ako makakaranas ng ganitong sakit.
“Basta kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sa’kin. Kailangan kong bumawi sa’yo bilang kuya. Medyo matagal-tagal ko na ring hindi nagagampanan ang pagiging kuya ko sa’yo.” Ang sabi ni Kuya at niyakap ko nalang siya dahil masakit din ang lalamunan ko dahil sa grabeng pag-iyak na ginawa ko buong magdamag.
“Ssshhh! H’wag ka nang umiyak dahil naiiyak din ako kapag nakikita kitang nahihirapan ka ng ganiyan. Lalaki lang ’yon, marami ka pang makikilala d’yan na mas better sa gagong ’yon. Ipinagkatiwala kita sa hayop na’yon tapos sasaktan ka lang pala. Nagkakagaguhan kami!” inis na sabi ni Kuya habang hinihimas-himas ang aking likod.
Dahil naiiyak pa rin ako sumubsob na lang ako sa dibdib ni Kuya at doon ko muling ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko.
“K-kuya, bakit hindi ako magawang tanggapin ng mundo-ang mga kagaya ko? Masama ba talaga kaming uri ng nilalang?” sabi ko bago ako humarap kay Kuya na noo’y kababakasan mo ng awa dahil sa nakikita niya akong nagkakaganito. Noon pa man kasi ay si Kuya na ang isa sa mga taong nagmamahal sa akin ng totoo.
“No, kailanman ay hindi kasalanan na naging bakla ka, o sino pa man. Ang mahalaga ay ’yong nagpapakatotoo ka sa sarili mo. Tsaka, hindi ka naman baklang-bakla, hindi ka bastusin, hindi ka kagaya ng iba na nagko-cross dress. Higit sa lahat, mapagmahal ka.Kaya ka nasasaktan ngayon.” Sabi ni Kuya Mark na talaga namang naging sanhi para muli ko s’yang yakapin ng mahigpit.
“Salamat, Kuya. Kung wala kayo ni Inake baka nagpakamatay nalang ako.” Sabi ko ulit.
“Basta ’wag na ’wag mong gagawin ’yon. Bakit? Kasi habang nabubuhay tayo, walang hanggang pag-asa ang meron tayo.” Saad ni Kuya.
“O, siya. Mauna na muna ako. Babalik ako mamaya pagkatapos ng trabaho.” Sabi ni Kuya at sinang-ayunan ko pa ang mga bilin niya.
Nang makaalis si Kuya ay hindi ko namamalayang nagbabalik tanaw na pala ako.
Flash back
Nagluluto ako ng almusal noong madatnan ako ni Tito Reymundo. Bagong gising lamang siya at talaga namang napakapositibo ng dating niya para sa akin.
“Good morning po, Tito!” sabi ko.
“Good morning din, Hijo! Maswerte nga talaga ang anak ko sa’yo dahil masipag ka at nagluluto pa.” Pamumuri ni Tito sa akin.
“Nako, salamat po. Gusto niyo po ba ng kape? Ipagtitimpla ko po kayo.” Nakangiti kong usal.
“Mamaya na, Hijo. Hayaan mo muna akong panoorin ka rito.” Sabi ni Tito at naupo sa lamesa.
“S-sige po.” At doon ay nagpasiklab at nagpakitang gilas ako kay Tito Reymundo. Nagluto lang naman ako ng fried rice, bacon, at itlog. Nag-toast din ako ng ilang tinapay at hinain ko iyon sa mesa.
Matapos ang ilan pang mga minuto ay natapos akong mag-ayos ng agahan kaya’t tinawag ko na si Art para kumain na.
“Mukang masarap ang mga niluto ng mahal ko a?” ang sabi ni Art nang makarating kami sa hapagkainan. Nandoon na rin si Tita Carol at si Tito Reymundo na masayang nakangiti sa amin ni Art.
“Mamaya na ang lambingan! Kain na muna.” Sabi ni Tita Carol kaya’t napatawa nalang kami ni Art at nagsimlang kumain.
“Anak, kailan niyo pala balak na maghanap ng kompanya na pag-a-apply-an para sa OJT niyo nitong si Leroy? May alam ako.” Sabi ni Tito na nagpangiti sa aming dalawa.
“Wala pa nga po, Pa, e. Kaya sige agad ako r’yan sa offer mo. Basta ba may bayad e.” Sabi ni Art.
“Mana ka talaga sa akin. Sigurista!” sabi ni Tito at nagsalita pa uli.
“H’wag kang mag-alala dahil nandoon naman ako.” Sabi ni Tito at tumingin sa magkawak naming kamay ni Art. Napabitaw tuloy ako.
“So you mean, doon sa company ni Tito kami magtatrabaho? Gusto ko ’yan, Pa!” sabi ni Art at tumingin sa akin habang si Tito naman ay tumango.
“Yes!” sabi ni Art at hinalikan ako sa pisngi sa harap ng mga magulang niya. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya at pang-initan ng muka dahil sa ginawa niya.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-alala nang mga sandaling kasama ko pa si Art at ang plastik niyang tatay nang may humalik sa labi ko.
“Bakit kasi ang lungkot-lungkot mo? Hindi ako sanay na malungkot ka! Ayokong mag-OJT sa Cebu na maiiwan kita ritong malungkot.” Sabi niya at niyakap ko lang siya dahil ang bigat-bigat pa rin talaga ng dibdib ko.
Napakabait kong tao para masaktan ng ganito. Halos apat na buwan ang relasyon namin ni Art na akala ko ay magtatagal pero hindi pala. Mabilis pa sa isang isang minuto niya iyong ibinasura na akala niya ay hindi ko siya mahal.
Si Cathy pala? Now I know.
Pilit niyang binura sa sistema ko si Cathy na may gusto sa akin para masolo niya. Pero bakit kailangang syotain niya pa ako, pagkatapos ay sasaktan din naman?
“Lagi nalang ba kita nakikitang umiiyak, Minikui?” (Read as: Minikuyi-Ugly) tanong niya na hindi ko pinansin.
“Paano pala kundi ako umuwi sa Pilipinas? Paano kaya ang buhay mo?” aniya habang nakayakap ako sa kanya.
“Hindi ko alam, Inake.. Sana ikaw nalang ang minahal ko para kahit anong gawin ko sa’yo hindi mo pa rin ako sasaktan.” Sabi ko kay Inake na noo’y nakatitig na sa umiiyak kong mga mata.
“Nako, mamaya ka na magdrama dahil hindi nakakapogi ’yan. Tsaka isa pa, ’wag mo na munang isipin ang lalaking ’yon at ang tatay niyang tang-ina! Nanggigigil lang ako kapag nakikita kitang umiiyak. Ikaw na bestfriend ko na never kong pinaiyak at sasaktan lang ng kung sino? Tang-ina nila! Mga gago sila!” singhal ni Inake na nagpanganga sa akin. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang siya nakapagmura ng gano’n kalutong.
Noon pa man ay hindi na talaga ako nagawang saktan o paiyakin man lang ni Inake dahil madalas ay ako ang nang-aaway sa kaniya noon kahit na lagi niya akong ipinagtatanggol. Salamat talaga at nand’yan si Inake sa buhay ko.
“H’wag ka nang magalit dahil lalo lang akong nasasaktan.” Sabi ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakarehistro ang pangalan doon ni Art at si Inake ang sumagot no’ n.
“Ikaw na gago ka, kasama na ang tatay mong hayop. Tigilan niyo na si Leroy. Lubay-lubayan niyo na. Lalo ka na, Art. Ipinagkatiwala ko sa’yo si Leroy pero anong ginawa mo? Sinayang mo lahat ng pagmamahal ng bestfriend ko sa’yo. Isa kang malaking gago, tang-ina mo!” ang nanggalaiting sagot ni Inake na sinubukan kong pigilan pero hindi siya nagpaawat.
“Sorry mo ang muka mo, Kuso yaro!”(Kuso Yaro-Bastard/tarantado) Sigaw pa niya at ibinaba na niya ang linya.
“Bakit mo naman sinigawan si Art?” singhal ko na ikinainis niya.
“Tanga ka ba? Sinaktan ka niya na bestfriend ko! Anong gusto mong sabihin ko, balikan ka niya? Kausapin ka niya? What the heck? Gago ka ba?” aniya sabay walk out.
Medyo natauhan ako ro’n sa sinabi niya pero masisisi niyo ba ako na mahal ko pa rin si Art at ayokong saktan siya pabalik.
Gusto ko lang na maging masaya na siya kahit na ang kasiyang ’yon ang unti-unting wawasak sa puso ko na kahit SIGURO itago ko ay kitang-kita naman.
To be continued!..
SIGURO-PART XXVIII
Enjoy reading!
SIGURO-Part XXVIII
LEROY
Matapos ang naging komprontasyon namin ni Inake ay nagmukmok lang ako hanggang sa maramdaman ko na naman ang kalungkutan. Nariyang nagbabalik ang mga alaala namin ni Art na magkasama. Iba pala kapag na-attached ka na sa isang tao. Hahanap-hanapin mo siya at kahit na anong ginagawa mo ay bigla nalang siyang papasok sa isipan mo. Masyadong mahiwaga ang pag-ibig.
“Malalim na naman ang iniisip mo? Hindi ba’t no’ng nag-sorry ka kanina sa’kin ay nangako kang hindi ka na magpapakamukmok d’yan? Pero look ito ka na naman, malungkot.” Ani Inake sabay buntong hininga.
Anong magagawa ko kung nalulungkot ako? Besides, nasaktan ako kaya natural lang na makaramdam ako ng sakit.
“Oo na, basta pagbalik mo dapat may dala kang carbonara at lasagna. Gutom na kasi ako,” sabi ko na ikinatuwa naman niya. Katunayan kasi ay maghapon na akong hindi kumakain dahil wala akong gana. Pero napag-isip-isip ko na baka naman ako ang magkasakit ng ulcer dahil sa ginagawa ko.
“Buti naman! Sige, una na ako. May isa kasing bata na Leroy ang pangalan na broken kuno dahil sa lalaking mahal na mahal niya.” Pang-aasar niya at tuluyang lumabas sa apartment.
Nakuha pa niya talaga akong asahin sa kalagayan ko? Mahusay na kaibigan!
Nang makalabas siya ay nagbuntong hininga lang ako at sumandal sa pader at naupo.
Habang nasa ganoong posisyonn ako ay naisipan kong magbukas ng facebook. Doon ay nakita ko ang posts ni Cathy na magkasama sila ni Art at meron ding magkahawak sila ng kamay, magkaakabay at marami pang iba. Magko-comment pa sana ako pero ayokong lumabas na bitter sa caption niyang : I’m badly in love with my man.
Man mo ang muka mo!
Dahil sa inis ko ay minabuti ko na ring i-block si Cathy at in-stalk ko naman si Art na nag-post ng: it’s over. Umani iyon ng napakaraming komento at halos lahat ay mga kilala ko. Meron mga nagtaka kung bakit, merong mga pumabor at nanlait pa sa akin na kesyo bakla naman daw ako kaya tama lang ang desisyon niya at meron din namang nagalit sa kanya dahil doon.
Gayunpaman, wala na akong pakialam sa kanya dahil simula sa araw na ito ay iwawaksi ko na lamang sa aking isipan na minsan sa aking buhay ay nagmahal ako at inibig ko siya ng tunay.
Habang nag-iisip ako ng mga ganoong bagay ay naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Medyo mahapdi na ang aking mga mata marahil dahil iyon sa magdamag kong pag-iiyak, ngunit hindi ko inaasahang bubuhos muli ito.
From: Art
“Patawarin mo ako, Leroy. Sana hayaan mo akong magpaliwanag. Mahal na mahal kita.”
Iyan ang text message na nabasa ko mula sa kanya. Ano pa kayang dapat niyang ipaliwanag? Malinaw na malinaw na iyon sa akin na nagkasala siya at niloko niya ako. Pinaniwala niya akong hindi na niya mahal si Cathy pero mali pala ako.
Mali na nagpakatanga ako isang kagaya niya.
To: Art
“Please… malaya ka na at ayoko na ring marinig ang paliwanag mo dahil gago ka, Art. Gago ka”
Iyan ang naging reply ko sa kanya matapos no’n ay pinatay ko na ang cellphone ko. Ayoko na talaga kasi.
Matapos iyon ay lumabas ako at nakakita ako ng isang tindahan. Doon ay bumili ako ng soft drinks at nakaupo naman sa tapat ko ang dalawang tambay na halos kaedaran ko lang din. Kapwa sila naninigarilyo at ewan ko ba kung bakitb ako naengganyong bumili rin ng isang kaha.
“Mga bro, pwede niyo ba akong turuan kung paano ’to? By the way, ako si Leroy. Taga r’yan lang ako. Sana maging kaibigan ko kayo.” Nahihiya man ako ay gusto ko talagang mabasag at lumabas sa aking sariling pagkatao. Ayoko na kasing maging mabait pa.
“Nako, pare, madali lang ’yan. Una ay sisindihan mo tapos hihithitin mo lang papasok.” Sabi ng isang halos kasingtangakad ko lang na medyo moreno.
“Ganito ba?” sabi ko habang ginagawa ko ang sinabi niya. Medyo natawa pa silang dalawa dahil sa ginawa ko. Medyo mapait ang lasa ng yosi pero determinado akong matutunan ’to at alam kong matutulungan nila akong dalawa.
“Hindi ganyan, bro. Akin na ’yang hawak mo.” At iniabot ko naman ang hawak ko.
“Pagkasindi mo ay i-hits mo at kapag gumuhit na sa lalamunan mo ay ayon na’yon. H’wag ka lang hithit buga dahil nakakahilo ’yon.” Sabi naman ng isa pang medyo maputing lalaki.
Dahil sa nakita kong demo nila ay ginawa kong muli iyon at masasabi kong hindi biro ang pagyoyosi. Una ay dahil sa lasa nito at pangalawa ay dahil na rin sa usok na gumuguhit sa lalamunan na kay kasama pang init.
Pero kapag naman nagtagal na ay medyo masarap sa pakiramdam.
“Ganyan nga, bro! Mabilis ka lang palang matuto e.” Sabi uli ng isa na medyo maputing lalaki.
Sa tagal kong nakatambay sa tindahan ay nakapalagayan ko sila ng loob at nakilala ko sila bilang sina Ethan at Jet. Si Jet ay ang moreno na kasing tangkad ko lang at si Ethan naman ang medyo maputing lalaki na mas matangkad ng konti sa amin ni Jet.
Palagay agad ang loob ko sa kanilang dalawa kaya’t mula no’n ay sinabi ko na lagi kaming tumambay doon kapag free sila. Syempre ay hindi naman sila tumanggi dahil halos ilang bahay lang naman ang layo ng bahay nila sa bahay ko.
“Paano ba ’yan, pre? Una na kami dahil may laro pa kami.” Sabi ni Jet.
“Sige mga bro, salamat sa oras niyo. Naabala ko pa kayo.” Nakangiti kong sabi.
“Hindi naman, bro. Basta kapag kailangan mo ng back up dito sa lugar natin, sabihin mo lang dahil katropa ka na rin namin dito. Sige, ingat ka ri, bro.” Sabi naman ni Ethan at naglakad na sila palayo.
Mag-isa nalang akong naiwan sa tapat ng tindahan kaya’t bitbit ang kaha ng yosi at isang lighter ay naglakad na ako pauwi. Medyo nakakahilo ang manigarilyo pero kahit papaano ay nakakalimutan ko ang sakit sa puso na meron ako.
Kung alam ko lang na yosi lang ang katapat nitong sakit sa dibdib ko ay matagal ko na itong sinubukan.
Sa kalayuan, natanaw ko na ang paparating na si Inake kaya’t nagmadali ako para itapon ang hawak kong yosi at itinabi ko na rin ang kaha ng sigarilyo kasama ang lighter.
“Bakit nandito ka sa Terrace?” tanong ni Inake nang makasok siya sa maliit na gate.
“Masama ba?” at umiling siya. “Besides, masarap ang hangin dito.” Dugsong ko pa.
“Okay. Basta kainin mo na’to dahil baka mamaya niyan ay mamatay ka na sa gutom.” Singhal niya habang inihahain sa akin ang dala niya.
“Maganda pa nga sigurong mamatay ako. Magandang ideya.” Sabi ko naman at tumawa pa ako.
“Muka kang ewan, Leroy. Ang drama mo masyado.” Sabi naman niya.
Nanganaglahati na si Inake sa pagkain na binili niya samantalang ako naman ay nawalan na agad ng gana matapos ang ilang subo palang.
Ganito pala ma-broken? Ang hirap.
Nasanay ako na lagi siyang nand’yan at ngayon na mag-isa nalang ako ay sobrang hirap. Na kada susubo ako ng pagkain ay naaalala ko siya at kada nalang lulunok ako ay imahe niya ang pumapasok sa isip ko na nagdudulot sa akin ng kakaibang sakit.
“Busog na ako. Takluban mo lang d’yan.” Sabi ko at nahiga na ako dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa.
“Hindi pwede! Ilang subo mo palang ay aayaw ka na? Sayang naman ang pinambili ko nito.” Aniya pero hindi ko nalang siya pinansin dahil hindi pa ako handang makipagtalo sa kanya dahil masakit ang dibdib ko.
Malamang ay dahil SIGURO ito sa lintek na Art na manlolokong ’yon!
To be continued!
Ѫ
SIGURO-PART XXIX
SIGURO-Part XXIX
LEROY
Lumipas na naman ng ilang daang minuto ng aking buhay at wala pa ring bago. Naghihintay pa rin ako sa pagdating ng oras ng mapapansin mo ako rito.
Pero talagang madaya ka.
Masyado mong siniseryoso ang buhay mo at nakalimutan mo na ang magsaya. Nalimutan mo na ring may kaibigan kang naghihintay na ang atensyon mo ay makuha. Ay mali! Mahal na pala kita.
Ang saya lang ng ating buhay. Na parang kanina lang kaibigan lang ang tingin ko sa’yo ngunit ngayon ay mas hinubog ito ng panahon na lagi tayong magkasama.
Sabagay, hindi rin naman kita masisisi…
Nilayuan mo lang naman ako noong nagtapat ako sa’yo.
Ang sabi mo kapatid lang ang tingin mo sa’kin at hindi na iyon lalalim pa.
Ang sakit lang isipin na simula rin no’n ay tila isa na akong bulang wala nang halaga sa iyong mga mata.
Unti-unti kang lumalayo na para bang hindi tayo nagkakilala.
Iyan ba ang paraan ng pag-iwas mo? Ang makipaglandian sa babaeng katabi mo habang para akong tangang naghihintay na mapansin mo.
Natapos ang klase at bumalik ulit ako sa aking ulirat…
Panaginip lang pala…buti nalang “HINDI” ’di ba?
Akala ko totoo na. Akala ko maagang madudurog ang puso ko gayong hindi ko pa nga nagagawang aminin sa sarili ko na mahal na rin kita.
Ano kasi, kaibigan lang ang tingin ko sa’yo at hanggang doon na lang iyon… sorry.
“Napakadrama naman ng plot mo.” Puna ni Inake nang mabasa niya ang aking isinulat na maikling istorya na ewan ko ba kung bakit ko naisulat. Namalayan ko nalang kasi na naisulat ko na.
“Wala kang magagawa dahil ’yan ang gusto kong concept!” sabi ko naman bago ko isinilid sa bag ko ang notebook na sinulatan ko ng istoryang iyon.
“Bitter ka lang kasi kaya pati isinusulat mo, pam-bitter din.” Pang-aasar niya nagpatahimik sa akin.
Hindi ko alam kung bakit napakasensitibi ko pero kailangan kong umakto na parang wala lang nangyari. Ngingiti ako ngunit hindi iyon nangangahuluga n na kailangan ko na ring maging tunay na masaya.
Minsan ay maganda ring itago ang lungkot sa likod ng sinungaling nating mga pagngiti at pagtawa.
“Bitter daw ako? Tsk! Wala na sa’kin ’yon. Ayos na ako.” Pagpapaliwanag ko pero umiling lang siya at humarap sa akin.
“Lokohin mo utot mo! Sa’kin ka pa nagsinungaling na bat aka. Ayos din!” aniya sabay dapa sa kama.
Ilang minuto rin siyang nakahiga sa aking munting tulugan nang mapagpasyahan kong tumambay muna sa terrace ng bahay.
Buti na lamang at may ganitong bahay kaming naupahan sa ganito kababang halaga. May isang kwarto, kusina, banyo, at itong maliit na gate at terrace.
Habang nakaupo ako sa sementong upuan ay nakita ko si Jet at Ethan. Kumaway ako sa kanila at tinawag naman nila ako upang lumapit sa kanila.
“Dito ka pala nakatira?” ang tanong ni Jet habang nakatingin sa apartment na inuupahan ko.
“Oo, e. Medyo maliit pero ayos na rin para sa akin na nangungupahan lang.” sabi ko naman.
“Ayos na kaya ’tong lugar mo, bro. Ang ayos na rin.” Sagot ni Ethan.
“Teka, bro, una na kami, may rayot kasi sa kabilang kanto, baka napaano na ang ibang tropa.” Ang entrada naman ni Jet at mabilis pa sa alas kwatrong nagtatakbo silang dalawa. Ni hindi na ako nakasalita pa dahil sa bilis nilang dalawa e.
Lunes na kaya’t nagpunta ako sa University para makausap si Sir Escosa. Siya kasi ang nag-aayos ng OJT ko.
“Balita na sa’yo, Leroy?” tanong ni Sir nang makapasok ako ng faculty room, partikular sa kaniyang table.
“Ayos naman po, Sir. Medyo stress lang nitong mga nagdaan pero kinakaya pa naman po.“sagot ko naman.
“Alam mo ba kung bakit kita ipinatawag dito?” tanong niya.
“Hindi ba po dahil sa OJT?”
“Mamaya natin pag-uusapan iyon. Gusto kong pag-usapan natin ang buhay mo.”
Panandalian akong napatigil sa pag-iisip at huminga ako ng malalim. Sa totoo lang ay ayaw kong magkwento sa ngayon dahil sa sariwa pa ang sakit na iniwan ni Art sa akin. Lalo pa’t ibinigay ko ang lahat sa kaniya pati ang aking buong pagkatao.
“Sige, ako nalang muna ang magke-kwento. Basta i-ready mo lang ang sarili mo sa pakikinig.” At tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kaniyang mga sinabi.
“Sisimulan ko ang kwento ko sa’min ng Daddy mo.” Napatingin ako sa kanya at hindi ako nagsalita dahil isa lang din siya sa mga nagpapasakit ng dibdib ko.
“Alam mo bang nagkauap kami ng dati mo noong Sabado lang? Marami siyang ipinaliwanag sa’kin kaya naman napatawad ko na siya ng buo.” Buti pa si Sir, napatawad niya na si Papa. Samatala ako, ito, mas lalo lamang lumalalim ang galit at pagkamuhi ko sa kaniya.
“Anong napag-usapan niyo, Sir?” tanong ko.
“Naikwento niya sa akin lahat-lahat. Nariyang nagawa niya lamang daw na gamitin ako dahil nape-pressure siya sa lolo mo. Paano’y panganay na anak ang daddy mo kaya dapat ay maganda ang reputsyon niya sa paaralan.” Paliwang ni Sir Escosa na hindi ko alam kung paniniwalaan ko b o hindi.
“Tandang-tanda ko pa noong sinabi niya sa akin na ginamit niya ako hindi dahil matalino ako kundi dahil sa karanasang sa akin niya lamang ikunuwento. Noong bata kasi siya ay nakaranas siyang molestiyan ng kaniyang tiyuhing bakla sa probinsya kaya’t tumanim sa isip ng Daddy mo na hindi dapat nirerespeto ang mga bakla dahil masasama sila. Bagay na hindi naman totoo. Nagpatuloy pa siya sa pagko-kwento hanggang sa mabanggit ka niya sa akin. Hindi raw niya akalaing makakarma siya dahil sa ginawa niyang pananakit noon sa akin at sa iba pang mga bakla na nakasalamuuha niya noon. Ang sabi pa niya ay napakasama niyang ama dahil maging ikaw ay nasaktan din niya. Alam mo bang umiyak ang daddy mo sa harapan ko? Iyon ang bagay na hindi ko nakita sa kanya sa loob ng maraming taon.” Tumigil muna si Sir at nagpunas ng luha dahil naiiyak siya sa mga istoryang lumalabas sa kaniyang bibig. Maging ako man ay naluluuha na dahil sa mga nilathala sa akin ni Sir. Na impormasyon.
“Kung makikita mo lang ang Daddy mo ay iyak siya ng iyat. Nakailang hingi siya sa akin ng tawad at maging sa’yo ay humihingi rin siya ng tawad. Hindi niya kayang sabihin sa ’yo ng harapan dahil alam niyang nasaktan ka niya. Kaya ako na mismo ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Polo sa iyo; ng iyong Daddy. Kaya umaasa ako na mapapatawad mo pa ang Daddy mo despite the fact na napagsalitaan ka niya ng masama at napagbuhatan ng kamay.” Dagdag pa ni Sir na tuluyang nagpa-iyak sa akin.
“Sana ganoon kadali lahat, Sir. Mahal ko naman si Papa pero hindi ko lang talaga kayang makita siya sa ngayon dahil galit pa ako sa kanya. Galit na galit pa ako sa kanya! Pare-parehas lang sila nina Art na manloloko at manggagamit ng kapwa. Kaya Sir, pwede na po akong makaalis kasi ayaw ko na Sir. Nasasaktan na po ako.” Sabi ko at hindi ko inaasahang yayakapin ako ni Sir.
“Alam mo, ganyan na ganyan din ako noon. Nakikita ko ang sarili ko sa’yo. Pero tandaan mo na mabilis ang oras at baka sa kakikimkim mo ng galit ay mawala sila ng tuluyan sa’yo. Sa halos dalampu’t anim na taon na ang nakalipas pero ang tangi ko lang natutunan sa pagmamahal ay dapat matuto kang magpatawad dahil ikaw din naman ang uusigin ng konsensiya mo. Na hindi mo ginawa ang dapat at pinili mong umiwas dahil nasasaktan ka. At para sa iyong puso na nasaktan, ganiyan talaga. May mga bagay na iniingatan ng pangmatagala dahil sila ay tatagal at meron din namang hindi worthy na hawakan dahil sila na mismo ang bumibitaw at lumalayo sa iyo.” Dagdag pa ni Sir at inabutan niya ako ng panyo dahil hindi ko mapigilan ang aking pagluha .
Napakaraming bagay ang itinuro sa akin ni Sir Escosa pero pakiramdam ko ay wala akong natutunan dahil okupado pa ang aking isipan lalo na nang makita ko si Cathy na kasama si Art at magkahawak sila ng kamay.
Akala ko ay wala na ang sakitv at kaya ko na. Pero talagang mali ako dahil isang sulyap ko lang sa taong maha ko na nasa piling ng iba ay pagpatay na para sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung nananadya ba ang tadhana at tila gusto akong saktan ng buo at wasakin ako ng paulit-ulit sa paraang hindi ko gusto.
Ito na naman ang luha ko, hindi ko na naman maSIGURO kung pati sarili ko ba ay niloloko ko.
To be continued…!
SIGURO-PART XXX
SIGURO-Part XXX
LEROY
Mabilis pa ngang lumipas ang mga oras at tila ba mapaglaro ang tadhana dahil isang hapon ay narinig kong nag-uusap si Inake at Kuya . Akala nila ay natutulog ako pero hindi naman talaga kaya’t minabuti ko nalang na makinig sa kanilang usapan.
“Hindi nga kasi pwede, Inake. Alam mo namang regalo sa akin ni Papa ang condo unit ko at kapag doon ko pinatigil si Leroy ay mayayari ako ni Papa. Kaya hanggang maaari ay dito nalang siya para naman malayo na rin siya sa gulo.” Tama nga naman si Kuya pero bakit nakakaramdam ako ng inggit? Dahil ba iyon sa condo unit na iniregalo sa kanya ni Papa o dahil mismo sa atensiyon at pagmamahal nila?
Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko.
“Basta, sinabihan na kita. Ayokong mapahamak si Leroy sa lugar na ito. Alam mo namang hindi matino ang lugar na inuupahan niya. Tsaka, nitong darating na sabado ay aalis na ako dahil OJT ko na s Cebu. Sino na ang magbabantay kay Leroy?” sagot naman ni Inake na as always ay kapakanan ko ang inuuna.
“H’wag kang mag-alala, Inake. Malaki nasi Leroy at alam kong kayang-kaya niyang mag-isa rito.” Sagot naman ni Kuya at na-realize kong tama naman siya. Hindi ko kailangan ng presensya niya dahil siya lang naman ang mahal ng mga magulang namin.
“Ikaw ang bahala r’yan. Basta binalaan na kita dahil nag-aalala lang naman ako kay Leroy. Bestfriend ko siya, Mark.” Sabi naman ni Inake.
Matapos ang usapan nilang iyon ay nag-iba na rin ang tingin ko kay Kuya Mark. Nariyan ding dumating ang pag-alis ni Inake at inihatid ko pa siya sa airport papunta sa Cebu City.
“Mag-iingat ka parati, Leroy. Seventy-five days lang naman ako mawawala kaya dapat kayanin mo lahat ng wala ako. H’wag mong kakalimutang tumawag sa’kin kapag may problema ka sa buhay mo. Madrama ka pa naman.” Entrada niya nang makababa kami sa cab na sinasakyan namin.
“Ang dami mong alam! Basta mag-ingat ka rin doon. Mami-miss kita, panget!” sabi ko at pinisil ko pa siya sa pisngi. Nasa ganoong posisyon kami nang bigla na lamang lumandas sa aking pisngi ang mga luhang hindi ko inaasahan.
“H’wag ka nang umiyak dahil baka hindi ako makatiis at hindi na ako umalis.” Aniya habang pinupunasan ang luhang lumalandas sa aking mukha.
“Mami-miss lang talaga kita. Hindi biro ang 75 days na wala ka. Ikaw na nga lang ang meron ako kaya kahit mahirap ay umalis ka na dahil baka sumang-ayon ako sa gusto mo.” Pagtataboy ko sa kanya.
“Oo na. Basta ang mga bilin ko sa’yo. Kumain ng tama sa oras, inom ng gamot kapag nilalagnat, text at call mo na rin ako pag may free time ka.” Aniya at niyakap ko nalang siya dahil sigurado akong mami-miss ko talaga siya.
“Hindi na ako bata pero mag-ingat ka roon.” Sabi ko at nang magbitaw kami mula sa pagkakayakap ay ngumiti siya at pinitik ako sa noo.
“Mami-miss ko ang kasungitan mong panget ka.” Sabi niya at umalis na sa aking harapan.
Kitang-kita ko kung paano siya lumakad palayo sa aking kinatatayuan. Mahirap man ito para sa akin ay kailangan kong mag-isa na naman.
Tatlong araw nang wala si Inake at siya namang bagong yugto para sa akin. Una araw ko sa trabaho at kailangan ay disenteng-disente ako sa harapan ng mga tao.
Nakasuot ako ng isang simpleng corporate attire na ni-required sa amin ng naturang kompanya. Inayos ko rin ang aking buhok upang magmukha akong disente. Nasa ganoon akong pagtingin sa salamin nang dumating ang cab na sasakyan ko papunta sa trabaho. Buti nalang at naimbento ang UBER na app dahi mas napapadali nito ang pagsakay ng mga pasahero. Iwas na rin sa mga pasaway at mapanikil na mga taxi driver.
Muli ay sumulyap ako sa salamin at in-lock ko na ang bahay.
Bungad ko palang sa building na pagtatrabahuhan kon ay namangha na ako sa laki ng building na meron ito.
“Good morning, Sir. Ask ko lang po kung saan pupunta ang mga mag-o-OJT na gaya ko?” Iyan ang tanong ng isang lalaking naka-business corporate attire na gaya ko sa information desk at sinagot naman siya nito.
“Proceed po tayo sa second floor at doon kayo titipunin lahat.” Sagot naman ng babaeat sinunod naman siya ng lalaki.
“Salamat, Ma’am!” sagot nito at tuluyang umalis.
Dahil sa kaniyang itinanong ay hindi na ako nagtanong pa dahil sumakay na rin ako sa elevator at naalala ko na sa Third floor nga pala ako in-assign noong isang araw. Na-orrient na rin ako pero muka akong tanga rito na kinakabahan.
Third floor
Gaya nang ginawa ko noong isang araw na kasama ko si Sir ay dumiretso ako para itanong ang gagawin ko sa mga nandoon. Saktong may mga kaklase akong nandoon gaya ni Joseph at Michael kaya’t sabay-sabay kaming in-assign sa Auditing section. Medyo marami pang sinabi sa amin at akala ko ay magkakasama kami pero pinaghiwa-hiwalay pa kami dahil gusto raw ng manager na isa sa amin ang makasama niya.
Dahil nagkakahiyaan pa ay ako na ang sumama sa isang babae at nakarating kami sa fifth floor at doon bumungad sa akin ang isang gwapong lalaki na sa tantya ko ay nasa edad thirthy something.
“Good morning po, Sir!” sabi ko pero hindi siya tumugon. Dahil doon ay binulungan ako ng babaeng kasama ko.
“Ganyan talaga si Sir pero mabait naman ’yan.” Aniya at nagsalita pa.
“Sir, siya na po ’yong sinasabi ng Tito niyo. Mauna na po ako.” At tumango naman ang lalaking medyo masungit na nasa harapan ko.
“So, you must be Leroy?” tanong niya at doon ay kinabahan na ako.
“Yes po, Sir!’ nakangiti kong sabi.
“Be ready in ten minutes dahil may meeting tayong pupuntahan. You’ll be my secretary from now on.” Aniya na ikinagulat ko.
“Po?” sabi ko pero hindi siya sumagot.
Napabuga nalang ako ng hangin dahil ganito pala ang pakiramdam ng first day of work.
“Here’s my schedule at dapat alam mo lahat ng iyan.” Aniya at iniabot niya sa akin ang isang clear folder na naglalaman ng schedule niya.
“O-opo, Sir!” sabi ko iinisa-isa ko ang mga nakalagay doon.
So, 8:30 ang meeting at kailangan naming lumabas kaya naman minabuti kong ilagay iyon sa aking bag.
Wala pang ilang minuto ay tumayo na siya at inaabot sa akin ang isang suitcase at sumakay kami sa elevator.
Pagdating sa first floor ay maraming bumati sa kanya kaya at may guard na rin kaming kasama papasok sa kotse niya.
“Sir, paano po—” hindi na naituloy ang sasabihin ko dahil isinuot niya sa akin ang seatbelt. Kapwa kami nasa passenger seat at nas unahan naman anng driver na alam kong body guard din at the same time.
“Salamat po, Sir.” Sagot ko.
“Next time, mag-ingat ka dahil hindi mo alam kung kailan magwawakas ang buhay.” Makahulugan niyang sinabi bago binuksan ang laptop niya at nagpipindot doon.
Ilang minuto pa kaming nasa byahe hanggang sa makarating kamin sa isang Hotel at nandoon ang napakarami pang mga businessman na kilala sa bansa.
Sa tingin ko nga ay nananaginip lang ako pero hindi dahil totoo ang lahat. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakita ko rin si Papa at nagkatinginan kami sa mata pero agad akong umiwas.
Nandoon din si Reymundong-gago at nakakatawa dahil magkausap pa sila ni Papa na nagtatawanan. Tama lang na tumawa sila dahil parehas silang mga gago.
“Kinakabahan ka ba?” tanong sa akin ni Sir at tumango naman ako.
“Ganiyan talaga. Kakabahan ka pero hindi parati. Anyway, kilala mo naman na siguro ako?” komento at tanong niya sa akin.
Sino bang hindi makakakilala sa isang Bryan Escosa na may ari ng textile and clothing company at may ari ng ilang telecomunication?
“Salama po, Sir. Sana maging kagaya niyo po ako someday..” sabi ko at sa unang pagkakataon ay ngumiti siya sa akin.
Nagsimulang mapuno ang naturang hall sa hotel at hindi ko inaasahan na lalapit si Papa kasama si Reymundo sa amin ng boss ko.
“Long time no see, Mr. Escosa.” Sabi ni Papa at tumingin pa sa akin.
“It’s been a while nga, Mr. Santos. Sana magkaro’n tayo ng some other time na makapag-usap na tatlo, hindi ba Mr. Omesa?” aniya sabay tingin kay Reymundo na ama ng manloloko at saksakan ng samang tao.
“I would love to, Mr. Escosa.” Sagot naman ni Reymundo na nakangiti pa.
“Well, that’s good to hear from the both of you.” Sagot naman ni Sir sa kanila.
Sa totoo lang ay napa-plastikan ako sa usapan nila dahil halata namang hindin nila gusto ang isa’t-isa dahil nababasa ko iyon sa kanilang mga mata.
“Nga pala, mukang bago ang secretary mo a? I hope you don’t mind introducing him to us?” sabi ng plastik na si Reymundo at sinenyasan naman ako ni Sir na magpakilala.
“Yes, I’m Leroy and I’m his new secretary. OJT palang po ito.” Sagot ko na tila ba hindi ko sila mga kilala.
“I see.” Sagot naman ni Reymundong-gago at nagsimula na ang meeting nila.
Nasa meeting sila at naisipan kong magbanyo muna. Humarap ako sa salamin at nagsalita.
“Kaya mo’yan, Leroy! Kayang—kaya mo!” sabi ko at saka ako lumabas ng banyo.
Grabeng challange ang unang araw na ito pero SIGURO naman ay makakayanan kong lahat ng ito.
To be continued!
;“z
SIGURO-PART XXXI
I need your comment, guys.
Enjoy reading!
SIGURO-Part XXXI
LEROY
Matapos ang unang araw ng OJT ko ay masasabi kong maayos naman ang lahat. Lalo na nang ihatid pa ako ni Mr. Escosa sa bahay ko.
“H’wag kang mahiya sa akin dahil ibinilin ka sa akin ni Tito.” Sabi niya nang makalabas ako ng kotse.
“Opo, Sir!” sabi ko at umalis na siya.
Hindi ko rin ma-spelling ang ugali ni Sir pero alam kong mabait siya gaya ni Sir na tito niya.
Napakarami talagang ugali ng tao pero ang kay Mr. Escosa ang hirap akong intindihin. Nariyan kasing nakasimangot siya maghapon at mamaya ay ngingiti sabay ito pa, hinatid pa niya ako.
Nasa kalagitnaan pa ako ng pagbubukas ng gate nang may humitong itim na kotse sa harapan ko. Doon bumaba si Art na nakasuot ng salamin. Dahil doon ay nagmadali akong makapasok at nagtatakbo pa ako upang hindi niya ako maabutan. Ngunit talagang mabilis siya dahil sususian ko palang ang susian ng pintuan ay nahawakan na niya ako sa kamay.
“Hanggang kailan mo ako titiisin, Leroy?” tanong niya.
“Hanggang umalis ka sa buhay ko.” Sagot ko.
“Hayaan mo kasi akong magpaliwanag sa’yo!” sinhal niya sa mababang tono.
“Hindi ko kailangang makinig sa taong mahilig manakit ng damdamin.” Sabi ko.
“Oo, aaminin ko na nagkamali ako sa’yo at hindi ko itatanggi iyon sa’yo. Pero sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon na patunayan sa’yo kung ganoo kita kamahal. Please.. Itatama ko na lahat sa pagkakataong ito para sa atin. Mahal na mahal kita, Leroy. At maniwala ka man sa hindi ay na-realize ko iyon ng mawala ka. Kaya please….bumalik ka na sa akin.”
Sarado pa ang puso ko para sa kaniya pero alam ko sa sarili ko na gusto ko siyang yakapin dahil mss na miss ko na siya.
“Akala mo ganoon kadali ang lahat? Pwes, pwede ka na ring umalis dahil erase ka na sa puso ko. Hindi ako babalik sa basura’t manlolokong kagaya mo!” Sabi ko at pumasok sa loob habang siya ay nakatulala dahil sa mga huling sinabi ko.
Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng bahay ay napahagulhol ako habang nasa likod ng pintuan. Hindi ko alam na walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya. Buti nalang ay hindi ako bumigay kanina.
“Leroy, hindi ako susuko hangga’t hindi mo ako pinapatawad sa nagawa ko.” Aniya sa labas at lalo lang akong umiyak.
Ilang oras ang nagdaan at nang silipin ko siya sa labas ay nandoon pa rin siya. Nakaupo lang sa terrace at parang batang nakayuko sa isang sulok. Kita ko rin ang pagpatak ng kaniyang mga luha na hindi ko naman alam kung totoo.
Masyado pang malaki ang galit ko sa kanya at hindi ko pa s’ya mapapatawad sa ngayon.
Ilang minuto pa ang lumipas at namataan ko si Kuya na paparating. Kabado na ako habang inaayos ko ang sarili ko. Pagpasok na pagpasok pa lang niya ay inupakan na niya si Art na hindi nanlalaban.
Dahil ayokong makita silang ganoon ay lumabas na ako at inawat ko si Kuya.
“Kuya, tama na!” sigaw ko habang hinaharang ko ang sarili ko.
“Dapat lang ’yan sa gagong ’yan! Sinaktan ka niyan at hindi ako papayag na saktan ka niyang muli!” sigaw naman ni Kuya habang dinuduro-duro pa si Art na noo’y nakaupo na.
“Tama siya, Leroy. Hayaan mong saktan niya ako, baka sa paraang ’yon ay mapatawadmo naman ako kahit papaano.” Sagot niya sa habang maamong nakatingin sa akin. Hindi ko akalaing masasabi iyon ni Art sa harap namin ni Kuya.
“Umalis ka na, Art! Umalis ka na!” pagtataboy ko na sinunod naman niya.
“Aalis ako pero hindi ako susuko sa pagbawi sa’yo, mahal na mahal kita.” Aniya at umalis.
Pinasadahan ko pa siya ng tingin habang unti-unting pumapatak ang aking mga luha. Wala na, natalo na ako. Tinitiis ko siya habang itong puso ko ang pinapahirapan ko.
“Tahan na, Leroy. Ang mga kagaya niya ay hindi dapat binibigyan ng pangalawang pagkakataon.” Sabi ni kuya at niyakap ako.
Buong magdamag ay naaalala ko si Art. Hindi tuloy ako nakatulog. Ito na siguro ’yong sinasabi nilang pagkabigo.
Kung anu-ano na ang ginawa kong klase ng pagtulog pero wala pa rin kaya naman tinawagan ko si Inake pero ang siste ay tulog na siya dahil hindi na niya sinasagot.
Alas dose na nang gabi pero talagang mahirap matulog lalo na’t mag-isa lang ako sa bahay na ito. Dahil na rin sa inip ko ay minabuti ko na lang na lumabas at naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako tulay kung saan tubig ang baba.
Doon ay sumampa ako at walang takot akong naupo. Magandang pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan ngunit mas maganda sana kung hindi ako mag-isa.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang mga sandaling nasa bubongan kami ng bahay nila habang masayang nakatitig sa mga bituin.
“Sa tingin ko, ako na ang pinaka-swerteng lalaki sa mundo!” aniya sabay halik sa labi ko.
“Bakit naman?”
“Tinatanong pa ba ’yan?” tanong ko.
“E, bakit nga kasi?” maang-maangan kong tanong.
Bago niya sagutin ang tanong ko ay humiga muna siya sa tabi ko at humarap sa’kin. Kasalukuyan kaming nasa bubongan ng bahay dahil gusto niyang mag-star gazing.
“Kasi, ang pinaka-cute at pinaka-genius ng klase natin ay kasintahan ko na ngayon. Sino ba naman ako? Gwapo lang!” aniya at nagtawanan kaming dalawa.
“Ewan ko sa’yo!” kinikilig at nakangiti kong sabi.
“Gwapo naman talaga ako e!” paawa effect niya na tinawanan ko na lang. Gaya ng mga bituwin, naka-link ako sa taong mahal ko. At gaya rin ng mga bituwin sa kalangitan, masasabi kong isa ako sa mga nagkikinang dahil sa pagmamahal ni Art.
Matapos ang masayang alaalang iyon ay napabuntong hininga na lang ako na sumasabay sa ihip ng hanging pang gabi.
“Leroy? Anong ginagawa mo rito?” iyan ang tanong sa akin ni Jet na noo’y nakasandong puti na tastas ang gilid.
“Wala, nagpapahangin lang.” Sagot ko at tumabi siya sa akin.
“Parang ang lungkot mo palagi? Wala ka bang pamilya?” tanong niya sa akin.
“M-meron naman. Hindi nga lang nila ako kayang tanggapin.” Sabi ko dahil wala rin namang silbi kung itatago ko pa sa kaniya kung ano ako.
“Mahirap ’yan pero sa’min ni Ethan ay okay lang. Siya nga anak lang sa labas ng isang businessman na nagngangalang, Polo, ata ’yon. At ako naman, si Mama nalang ang pamilya ko dahil iniwanan agad kami ni Itay noong bata pa lamang ako. Kaya bro, ’wag ka na rin sanang malungkot.” Aniya sabay akbay sa akin.
Pansamantalang nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa mga sinabi niya. Mayroon pa palang mga taong tatanggapin ako sa kabila ng kasarian ko. Buti pa ang mga mahihirap, open minded. Kumpara naman sa mga mayayaman na sarado ang isip at puros panghuhusga lang ang alam ng kanilang kamalayan.
“Salamar, Jet. Pero teka, sinong Polo pala ang tatay ni Ethan?” sagot ko naman.
“Ayon ba? Alam ko Santos ang apelyido ng tatay niya pero hindi iyon ang ginagamit niya dahil hindi naman sila ang tunay na pamilya.” Aniya na halos dumurog sa aking puso. All these years pala ay may anak sa labas si Papa at hindi alam iyon ni Mama?
“Ah, nagsasama ba ang magulang niya?” tanong ko pa dahila ang dami ko pang gustong malaman.
“Hindi na. Pero sinusustentohan naman si Ethan ng Tatay niya.” Bagay na hindi niya ginagawa para sa akin simula noong malaman niya ang totoo kong kasarian.
“Gano’n ba? Mabuti naman pala.” Sabi ko pa.
“Interesado ka yata kay Ethan? Type mo ba?” panunuya niya. Kung alam lang niya na kapatid ko sa labas si Ethan ay madidiri siya sa mga sinasabi niya.
“Hindi a. Hindi ako nagkakagusto sa tropa.” Sabi ko na alam naman nating isang kasinungalingan dahil si Art nga ay pinatos ko.
“Mabuti kung ganoon. E ’di ako nalang ang patusin mo,” biro niya sabay kiliti sa gilid ko. Ginantihan ko naman siya t hindi ko alam na ganoon pala kahirap magpanggap na hindi ka nasasaktan.
Halos ilang oras pa kaming tumambay at nagpasya na akong magpaalam dahil maaga pa ako bukas.
“Ihahatid na kita, tutal ay doon din naman ang diretso ko.” Sabi niya sa akin at hinayaan ko lang na lumakad kamii ng sabay.
Nang makarating kami sa bahay ko ay inalok ko pa siya ng kape pero tumanggi siya dahil inaantok na raw siya.
“S-sige, Jet, bukas nalang ulit. Salamat din sa pagsama sa akin do’n sa may tulay.” Pagpapasalamat ko pabalik.
“Nako, wala iyon. Para ano pa’t naging magkatropa tayo?” aniya pa at lumakad na palayo.
“Salamat uli! Ingat!” at kumaway ako palayo.
Mabilis siyang nawala sa paningin ko kaya’t pumasok na ako sa loob ng bahay at pumasok din sa isip ko na kaibiganin pa lalo si Ethan para makaganti ako kay Papa sa pag-iisang tabi sa akin..
Siguro sa paraang ito ay magiging masaya ako kahit na kalaban ko ang mundo..
To be continued…
+7
SIGURO-PART XXXII
Dedicated to: alkie02
Enjoy reading!
SIGURO-Part XXXII
LEROY
Maraming mga linggo ang lumipas at tuloy pa rin ako sa paglaban ko sa hamon ng buhay. Minsan ay iniisip kong umuwi sa amin pero talagang may kung ano ang pumipigil sa akin.
Naging okay naman ang performance ko bilang secretary ng owner ng kompanya at talagang hirap akong intindihin ang ugali ni Mr. Mauricio Escosa. Paano ba naman ay hindi siya magsasalita at kakaladkarin niya ako kung saan-saan. Ngunit ganoon pa man ay nakaka-survive naman ako.
Ngunit isang hapon habang nag-aayos ako ng mga papeles na nagkalat sa mesa niya ay nasermonan niua ako.
“Ano bang trabaho ’yan? Hindi ba matalino ka? Bakit simpleng pagta-type lang ng letter ay tatanga-tanga ka pa!” aniya sabay turo sa akin ng mali ko sa hard copy na hawak niya.
“S-sorry po, Sir. Ire-revise ko nalang po,” sabi ko na parang isang bata na napagalitan ng kaniyang mga magulang.
“Buti pa nga dahil walang lugar ang katangahan sa kompanyang ito!” aniya at inihagis sa akin ang limang kopyang hawak niya.
Halos malagutan ako ng hininga dahil doon kaya’t kinalma ko ang aking sarili at in-edit ang parte ng letra kung saan nagkamali ako ng pagkaka-encode.
Mabilis lang naman iyon pero talagang masakit pala ang masabihin ka ng tanga ng hindi mo naman kaanu-ano.
Matapos iyon ay ipinatong ko sa table niya ang limang printed na kopya.
“Sir, ayos na po.” Sabi ko at nagsenyas siyang umalis ako sa harapan niya.
Ganoon na nga ang ginawa ko. Nanliliit ako sa ginawa niya pero dahil doon ay mas lalo ko lang nararamdaman ang success. Wala namang nagsimulang hindin nahirapan, ’di ba? Kaya’t gaya ng mga istoryang aking nabasa sa online ay magiging determinado ako para patunayan sa mga taong nang-api sa akin na kaya ko.
–
Five na nang hapon nang makalabas ako sa kompanya. Naghihintay ako ng taxi nang may isang itim na kotse ang tumigil sa harapan ko. Malamang ay si Art na naman iyon. Paano ba naman kasi ay ilang ulit na niya akong sinusubukang ihatid pauwi sa bahay ngunit hindi naman niya ako nauuto.
“Sakay na, Leroy,” ang tawag niya sa akin pero hindi ko naman siya pinansin dahil ang kulit-kulit niya. Kahit na ilang beses niya akonhg kuliti ay hindi ko siya papansinin kahit na ang katotohanan ay gustung-gusto ko na ring sumakay at makipagkwentuhan sa kanya. Miss na miss ko na siya.
“Basta hindi ako aalis dito dahil alam kon g sasakay ka rin naman,” aniya pa.
“Alam mo ikaw, namumuro ka na! Umalis ka na dahil nabibwiset ako sa pagmumuka mo.” Sabi ko kahit hindi naman totoo.
“Nabibwiset pero noon ay alaga mo akong halikan kahit natutulog na ako,” mahina niyang sabi na narinig ko pa rin. Ewan ko ba kung bakit namula ang aking mga mukha sa sinabi niya pero hindi ko dapat ipahalata iyon.
“Noon ’yon at hindi na ngayon! H’wag mo nang ipaalala sa akin ang mga bagay na matagal ko na ring binura sa aking isipan. Masyado kang sentimental e manloloko ka nga!” singhal ko na ikinatahimik niya. Alam ko nama na nasosobrahan na ako sa mga sinasabi ko. Literal na tulak ng bibig ngunit kabig naman ng dibdib ko.
“Sige, kung iyan ang gusto mong paniwalaan. Basta ako, nandito lang ako,” aniya sa malungkot na tono na may epekto pa rin sa akin. Letse kasing puso ito, kung magmahal ay sobra-sobra!
Nandoon pa rin siya nang makasakay ako ng taxi. Hindi siya umalis pero nang papaalis na ang sinasakyan ko ay nakatanaw naman akon sa kanya habang siya ay nagpupunas ng luha na nanggagaling sa kaniyang mga mata.
Mayamaya pa ay nakaalis na ang sinasakyan kong taxi at nakaidlip din ako saglit pero agad din naman akong nagising dahil tumawag si Inake.
“Hello? Kamusta ka na, panget?” bungad niya.
“Panget mo nag mukha mongb Hapon ka!” sabi ko kaya’t narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.
“Oo nalang! Pero babalita ko lang sa’yo na ang gwapo mong kaibigan ay nasa food and veberage section dahil lagi akong pinagkakaguluhan ng mga guest doon sa receiving area. Ayaw daw ’yong ng may-ari,” sabi niya na ikinatawa ko.
“Ano naman ngayon? May magagawa ba ako?” pambabara ko naman.
“Okay, halata namang hindin ka interesado..” pagtatampo niya.
“Hindi naman sa ganoon. Medyo naiinis lang ako sa’yo kagabi dahil tinulugan mo na naman ako. Humanda ka talaga sa akin pag-uwi mo rito dahil kakalbuhin kita ng todo!” sabi ko sabay tawa. At hanggang parehas na kaming nakatawa.
“Ang saya mo ata ngayon? May nakain kabang hindi maganda, panget?” tanong niya sa kabilang linya.
“Hindi naman. Sabi mo kasi ay ’wag akong magpakalungkot kaya’t ginagawa ko lang,” sagot ko.
“Mabuti naman kung gano’n. Bawas isipin.” Sagot niya pabalik.
Hanggang sa narinig ko na tinatawag siya sa kabilang linya kaya’t nang magpaalam siya ay walan na akong nagawa.
“Basta kita tayo, soon…” sabi niya at ibinaba ko na ang linya ko.
Nasa ganoong posisyon ako nang tumigil na ang sinasakyang kong taxi. Hudyat iyon na kailangan ko na ring bumaba.Kaya naman agad akong nagabayad at nagmadaling buksan ang maliit na gate ng apartment.
Gaya ng aking nakasanayan, nandoon na rin si Art na naghihintay sa gilid lulan ng kaniyang kotseng itim Hindi ba siya nagsasawa? Ano kaya kung ipabugbog ko siya sa mga tambay dito? No! Hindi ko kayang gawin iyon kaya’t tama lamang ako na ang magpahirap sa kaniya.
“Sabi ko na nga ba at mauunahan kita e.” Nakangiti niyang sabi nang sandaling lumabas siya sa kotse niya.
“Pakialam ko?” sagot ko.
“Bakit ba ang sungit mo? Hindi ka ba nagsasawa na itaboy ako?” napakagandang katanungan na ang sagot ay oo, nagsasawa na ako dahil hindi ko na kayang makita siyang ganoon pero sa kabilang banda ay may parte ng aking pagkatao na gusto pa siyang pahirapan.
“Wala ka na ro’n!” sabi ko at pumasok ako sa loob at nakasunod na naman siya. Hinayaan ko lang siyang sumunod at nang makapasok ako sa loob ay nagbukas ako ng mini-ref at tinungga ko ang tubig na nasa bote ng mineral.
“Para kang aso d’yan sa labas ng pinto! Lumabas ka na nga!” singhal ko.
“Kaya dapat papasukin mo ako sa loob,” makulit niyang sagot na nagpainit ng bahagya sa ulo ko.
Dahil sa kulit niya ay hindi ko siya natiis at pinaupo ko siya sa maliit na sofa na nabili ko.
“D’yan ka lang, ha? Babalik agad ako,” sabi ko at tumango naman siya. Halos apat na minuto lang akong nagbihis at sinabi ko sa sarili ko na ready na akong pahirapan siya.
–
“Gusto mo talagang makabawi?” sabi ko at tumango naman siya.
“Gustong-gusto!” aniya kaya’t iniabot ko sa kanya ang map at hinayaan ko siyang magpunas ng sahig.
Imbes na umangal ay enjoy na enjoy siya sa kaniyang ginagawa kaya’t gaya ng plano ko ay tinext ko si Jet na pumunta rito sa bahay at sinabi ko sa kaniya ang plano.
“Tapos na!” aniya kaya’t pinasunod ko sa kanya ang banyo.
“Ito lang ba?” maangas niyang tanong at sinimulang brash-in ang paligid ng toilet bowl. Nakakaawang nakakainis siyang tingnan kaya’t iniwan ko siya roon na mag-isa.
Ewan ko lang kung hindi niya pa ako tantannan sa gagawin ko.
Buti nalang at mabilis na dumating si Jet at mag-isa lang siya. Sinabi ko sa kanya ang plano at pumayag naman siya basta ba ililibre kon siya sa may kainan mamaya.
Ilang sandali pa ang lumipas at ipinuwesto ko na ang aking sarili paharap kay Jet at nang marinig ko si Art na papalapit na ay hinalikan ko siya sa gilid ng labi niya. Kitang-kita ko kung ano ang reaksyon ni Art. Nabitawan niya pa ang hawak niyang tabo at walang pasabing sinuntok niya si Jet.
“Gago ka!” sigaw ni Art at hinarangan ko naman siya para hindi niya masaktan pa si Jet na halatang nasaktan sa ginawa niya.
“Tumigil ka na nga!” sabi ko at imbes na tumigil ay nagsalita pa siya.
“Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa sa akin, pero masakit.” Aniya sabay sibat paalis. Doon ako napaluha sa ginawa ko sa kanya.
“Okay ka lang?” tanong ni Jet sa akin.
“SIGURO,” sabi ko kahit na halata naman na pumapatak na ang mga luha ko.
To be continued!
N
SIGURO-PART XXXIII
SIGURO-Part XXXIII
LEROY
Matapos ang tagpong iyon ay tila nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi na niya ako kinukulit at hindi na rin niya ako pinupuntahan sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot pero nami-miss ko ang presensya niya.
“Bakit kasi ginawa mo pa ’yon? Iyan tuloy, malungkot ka ngayon.” Iyan ang sabi sa akin ni Ethan nang imbitahin ko silang dalawa ni Jet dito sa loob ng apartment.
“Ewan ko rin ba r’yan kay Leroy. Masyadong pinahihirapan ang sarili,” sabi naman ni Jet na sumasang-ayon sa mga sinabi ni Ethan.
“Anong magagawa ko kung gusto kong gumanti sa ginawa niya sa akin noon? Nasaktan ako at hindi basta-basta naghihilom ang pusong nasugatan.” Sabi ko naman sa kanila.
“ ’Yan ang hirap sa love na ’yan e, masyadong komplikado.“ Ang wika ni Ethan na noo’y umiinom ng juice na inihanda ko para sa kanila.
“Buti pa ay doon tayo sa amin maghapunanan dahil sabi ni Mama ay magluluto siya ng masarap na hapunan,” ’yan ang sabi ni Ethan na sinang-ayunan naman naming dalawa.
Hindi na kami nagpatagal pa sa loob ng bahay dahil hapon na rin naman at halos ilang oras na naming pinag-uusapan ang tungkol sa ginawa namin ni Jet noong nakaraan.
Simple lang ang bahay nina Ethan, mayroong terrace at at yari sa semento ang kanilang tahanan. Samantala, binuhay naman ito ng pintura na masarap sa mata.
“Pasensya na sa bahay namin, Leroy. Medyo makalat pero sana ayos kalang dito,” aniya.
“Ano ka ba? Hindi maarte itong si Leroy kahir na kutis mayaman pa ’yan,” dagdag pa ni Jet na noo’y umakbay pa sa akin.
“Tama! Wala sa akin ang bahay dahil mas maganda kung maganda ang ugali ng mga nakatira roon,” sagot ko naman.
Ilang saglit kaming nasa ganoon posisyon nang mapagpasyahan naming pumasok na sa loob.
Nang makapasok kami sa loob ay bumungad sa akin ang isang babae. Malamang ay iyon ang Mama ni Ethan.
“Nay, nandito na po kami!” ani Ethan at nagmano pa siya na ginawa rin ni Jet.
“Mano po,” ’yan ang ginawa ko at tiningnan naman niya ako.
“Siya na ba ’yong Leroy na ikinukwento mo sa akin, Ethan?” tanong nito sa anak.
“Opo, Nay! Siya na nga po si Leroy. Ang bago naming tropa ni Jet,” anito at tumango naman si Jet.
“Ang gwapo mo palang bata at mas gwapo kapa sa dalawang ito.” Sabi niya sa akin at napakamot nalang sa ulo si Jet at Ethan.
“Lamang lang sa’min ’yan ng ilang paligo, Tita. Hayaan nito at lulunukin ko ang sabon namin minsan para naman pumuti rin ako ng ganiyan,” biro ni Jet na nagpatawa sa amin.
“Paano ’yan, wala naman kayong sabon?” sabi naman ni Ethan at mas lalo kaming natawa.
“Eh, ’di iyak na si ako,” linyang millenial na sagot niya.
Dahil sa kakwelahan nilang dalawa ay napuno ng tawanan ang loob ng bahay nina Ethan . Nariyang nagparamihan kami ng cup ng kanin at ang matalo ay manlilibre ng isang bucket mamaya.
“Hinay-hinay lang kayo dahil baka ma-empatso kayo ng hindi oras niyan.” Ang paalala ni Tita Carmen sa aming tatlo.
Masarap na afritadang manok ang ulam namin at masasabi kong may class iyon.
“Nako, Tita. Malalaki na po kami kaya ang ma-empatso sa amin ay dakilang weak!” aniya at natawa lang si Tita Carmen sa amin.
“D’yan na muna kayo at marami pa akong tiklupin sa loob ng kwarto,” paalam ni Tita sa amin.
“Sige po, Tita!” sabi namin ni Jet na sinundan namin ng paglunok.
“Kami na po ang bahala rito, Ma. Tapusin niyo na po ang dapat niyong tapusin,” sabi naman ni Ethan at tumango naman si Tita.
“Sige, mga hijo. Magtakaw lang kayo r’yan at nakakatuwa kayo.”
Hindi na niya kami hinintay na makasagot at umalis na siya sa hapagkainan.
“Nakakalimang balik na ako!” sabi ko habang may laman pa ang bibig.
“Sixth!” si Ethan naman.
“Eight” namumualan na sagot ni Jet kaya naman napatingin kami ni Ethan sa isa’t-isa.
“Patay gutom!” sabi ni Ethan at tumawa naman ako.
Nang matapos kaming kumain ay pareparehas na masakit ang aming tiyan dahil sa dami ng aming nakain.
Hindi na rin nakapagtatakang si Jet ang nanalo dahil nakalabing –dalawang cup lang naman siya ng kanin na kumpara sa amin ni Ethan na parehas na naka-sampong cup.
“Woah! Ang sarap mabuhay!” sabi ni Jet at dumighay ng napakalakas.
“Dahil d’yan, ikaw ang maghuhugas!” sabi ni Ethan at parehas kaming tumawa.
“Hindi ba ako ang nanalo? Kaya dapat kayo ang maghugas na dalawa. H’wag kayong madaya!” pagmamaktol niya sa amin.
“Utot mo, square! Ang usapan ay manliliibre lang kami ng alak at hindi kasama ang paghuhugas ng pinggan doon. H’wag ka nang umangal dahil matakaw ka!” natatawang singhal ni Ethan. Wala tuloy nagawa si Jet kundi ang sundin si Ethan.
Sa akin pang pagmamasid sa kanilanh bahay ay nalaman kong dalawa ang kwarto nila. Ang isa ay sa kaniyang Nanay at ang isa naman ay sa kanya. Habang nagmamasid ako sa bahay nila ay napukaw ang atensiyon ko sa isang larawan kung saan kasama niya si Papa. Kapwa sila nakangito sa naturang larawan at hindi ko alam kung bakit binabalot na naman ako ng inggit.
“Ito ba ang tinitinggan mo?” ang entradang tanong ni Ethan bago niya tanggalin ang nakasabit na picture.
“Ahh, oo. Siya ba ’yong tatay mo?” tanong ko sa kanya.
“Siya nga si Papa at anak niya lang ako sa labas dahil may tunay siyang pamilya.” Panimula niya.
“Pero kahit na ganoon ay hindi ako nagtatampo sa kaniya dahil kada birthday ko ay lihim siyang nakikipagkita sa akin at sinasamahan niya akong kumain sa labas. Hindi niya rin ako nakakaligtaang sustentuhan kaya kahit na hindi kami buo ay parang buo na rin kami dahil hindi nakalimutan ni Papa ang responsibilidad niya bilang ama ko.” Kwento niya sa akin.
“Buti naman kung ganoon. Mabait pala ang Papa mo.” Sabi ko.
“Oo naman, hindi niya ako pinabayaa kahit na malayo siya. Sa katunayan nga ay regalo niya ang bahay na ito sa amin ni Mama noong nag-birthday ako last month.” Aniya at talagang binabalot ako ng inggit sa katawan ko.
“Mabuti talaga ang Papa mo. Iyong Papa ko kasi masahol pa sa hayop ang turing sa akin dahil nagawa pa nga niya akong saktan dahil ganito ako.” Sabi ko naman.
“May iba’t-ibang klase talaga ng tatay pero hindi ibig sabihin no’n ay wala na silang pagmamahal para sa kanilang mga anak. Siguro ay nabigo lang sila sa pangarap nila para sa anak nila, kaya gaya ng iyong ama ay na-disappoint lang sila sa nagingb resulta,” sabi niya at wala akong nagawa kundi sumang-ayon.
“Sana nga ay totoo lahat ng mga sinabi mo dahil ang anak ay yaman na dapat iniingatan at hindi ibinabasura na parang isang bote ng tubig.” Sagot ko.
“Ang lalim ng hugutan natin a?” biro naman niya at ngumiti ako ng peke.
“Haha. Change topic na nga,” sabi ko ay ibinalik na niya ang frame sa pinagsasabitan nito.
“Mabuti pa nga,” aniya.
Alas otso nang gab i nang makaalis kami. Sakay sa motorsiklo ni Ethan ay bumiyahe kaming tatlo patungo sa pinakamalapit na bar.
Medyo naninibago man ako ay kailangan kong sumakay sa gitna nilang dalawa.
Medyo tumagal ng ilan pang minuto kami nasa ganoong posisyon hanggang sa tumigil kami sa gilid ng isang hindi kilalanhg bar dito sa QC.
“Okay na tayo rito?” tanong ni Ethan.
“Ayos na rito basta may alak!” sagot ko.
“Tama ’yan” sabi naman ni Jet walang kiyemeng umentrada kami sa naturang bar.
Sa pinto palang ay may dalawang bouncer at kumapkap sa amin at nang matapos iyon ay pumuwesto kami sa isang round table at agad kaming um-order ni Ethan ng tig-isang bucket habang si Jet naman ang bumili ng additional na pulutan.
“Alak para sa mga taong mahilig lumaklak!” sabi ko habang itinataas ang baso na may lamang tube ice.
Nang magtama na ang mga baso namin ay in-straight namin ang beer at masarap iyon sa lalamunan.
“Woah!” sabay-sabay naming sigaw.
Maramin akong napansin sa naturang bar at pansin ko rin na maraming mata ang nakatitig sa amin pero hindi namin iyon inintindi dahil ang mahalaga sa amin ay mag-enjoy.
“Kita mo ’yong babaeng ’yon?” bulong ni Jet sa akin. “Kanina ka pa tinititiga,” dagdag pa niya.
“Anongg gusto mong gawin ko?” pang-aasar ko sa kanya.
“Wala naman, gusto ko lang sabihin,” aniya sabay tawa.
“Ikaw talaga, Jet, puro ka kalokohan d’yan!” singhal naman ni Ethan na nagbubukas ng beer.
“Eh, ’di wow! Joke lang kasi ’yon.” Aniya.
Mabilis naubos ang yelo kaya naman tinawag ni Ethan ang waiter at humingi pa siya ng yelo.
“Cheers, para sa magkakaibigan!” sabi ni Jet at sabay-sabay naming itinaas ang aming mga baso at sinabing, “cheers!”
“Ikaw, Leroy.. sa tingin mo, bakit ang hirap intindihin ng mga babae?” tanong niya.
“Kasi mga babae sila,” sagot ko na ikinatuwa naman niya.
“Sabagay.. Tama ka naman dahil ang mga babae ay mananatiling babae,” sagot naman niya.
Medyo marami pa kaming napagkwentuhan at nang magbago na ang tema ng mga tugtugin ay naubos namin ang dalawang bucket at um-order pa ako ng isa pa at agad kaming nangalahati.
Mukang hindi lang ako ang malakas mag-inom dahil kitang-kita ko sa kanilang mga mukha at kilos na hindi pa rin sila tinatamaan ng espiritu ng alak.
“Sayaw tayo!” mungkahi ni Jet na mukang tangang sumasayaw sa harapan namin.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at agad kaming nagsasayaw at masarap sa pakiramdam iyon.
Naging mas lively pa ang tugtugan at masasabi kong napakasarap sumayaw kahit na wala ni isa sa aming tatlo ang mahusay sumayaw.
Kung kanina ay nagsasayaw lang kami sa gitna ay nabago ang lahat dahil hinila kami ni Jet sa stage at doon kami nagsasayaw na mukang ewan.
Naging agaw atensiyon tuloy kaming tatlo at may mga babae pang nagse-cellphone kinukuhanan kami ng video habang nagse-sexy dance.
Matapos iyon at diretso na kami sa upuan at walang sawa kaming uminom ng alak.
“I-ihi lang ako,” paalam ni Jet kaya’t sumabay na rina ko. Syempre ay hindi nagpaiwan si Ethan na iika-ika na ring maglakad.
Nakapikit na ako habang umiihi at masasabi kong may tama na ako.
Matapos ang pagsi-cr ay balik kami sa table ayb tila mas lalong nagiging mas masaya ang tipo ng mga tugtog.
“S-sayaw pa tayo!” sabi ni Ethan at sumunod naman kami ni Jet.
Medyo nagkakatulakan na at medyo nawala na silang dalawa sa paningin ko.
Naramdaman ko nalang sa sarili ko na nakahiga na ako at SIGURO ay malayo na ako sa reyalidad na isa akong malaking patapon!
To be continued!
SIGURO-PART XXXIV
Magpo-promote lang ako ng upcoming story ko :) Kwento kung paano magmahal kahit sobrang nasasaktan ka na.
Enjoy reading !
SIGURO-Part XXIV
LEROY
Mainit. Maalinsangan sa pakiramdam . ’Yan ang mga dahilan kung bakit ako nagising. Ngunit ang isa pang ipinagtataka ko ay kung bakit kami magkatabi ni Art? Wala naman akong natatandaan na hinatid niya ako rito sa bahay dahil wala naman akong sinabi sa kanya na kung ano.
Gayumpaman, medyo kinilig ako ng bahagya dahik katabi ko siyang matulog. Ngunit palaisipan pa rin sa akin ang nangyari.
Nakapakaraming katanungan sa aking isipan ngunit ang hirap bigyan ng kasagutan dahil nga lasing na lasing ako at pakiramdam ko ay tuyot na tuyot ako sa kabila ng napakaraming ininom ko kagabi sa bar.
Nasa ganoon akong posisyon at nagbabalak akong gisingin siya pero naligo nalang ako matapos iyon ay ininom ko ang isang pitsel na tubig. Ininit ko rin ang lugaw na nasa lamesa at saka ako kumain.
Pasado ala-una na ng hapin pero sadyang tulog pa rin si Art.
Nakakatawa siyang panooring matulog dahil muka pa rin siyang pogi sa paningin ko.
–
“Sa susunod, ’wag ka na ulit magpapakalasing dahil nag-aalala ako sa’yo. Buti nalang at nakita ko sa I. G account mo kung nasaan ka at agad kong pinuntahan. “ iyan ang sabi niya sa akin nang ipagluto ko siya ng pagkain. Gulat na gulat ako pero kinikilig din sa parehas na pagkakataon.
“Salamat pero wala ka na sigurong pakialam sa mga gagawin ko sa buhay.” Sagot ko naman.
“Ang laki talaga ng galit mo sa’kin, ’no? Kung alam mo lang,” aniya. Hindi ko narinig ang kaniyang huling sinabi pero malinaw sa akin ang ila.
“Kumain ka nalangd’yan! Thug life ka masyado! Alas kwatro ng hapon gumising? Wow ha!” singhal ko sa kaniya.
“Kaysa naman sa’yo na alas kwarto ng umaga ay sumusuka pa at tinatawag ang pangalan ko,” nakangiti niyang pang-aasar.
Ano ba kasi talagang nagyari? Tanong ng aking mahusay na isip.
“Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Tantanan mo ako!” wika ko.
“Sige, bos!” aniya at pinagpatuloy lang ang pagkain.
Talagang sarap na sarap siya sa niluto ko at hindi ko iyon maipagkakaila.
“Hugasan mo ’yang kinainan mo at pwede ka na ring umalis pagkatapos!” sabi ko at kinuting-ting ko ang laptop ko.
Nag-browse lang ako ng kung anu-ano at nag-update rin ako ng status sa twitter.
“Wala ka bang gagawin kundi tarayan ako?” aniya nang matapos siya sa ginagawa niya.
“Ikaw, wala kang pakialam! Hindi na tayo at never na ring magiging tayo!” sigaw ko sa kanya kaya’t natameme siya. Maging ako man ay nabigla rin kaya’t kailangan ko itong panindigan.
“Kahit ano pang mga masasakit na salita ang sabihin mo sa akin, hindi ako matitinag dahil mahal kita. Natitiis mo man ako pero ako, ibahin mo. Kapag mahal ko, mahal ko talaga at hindi ako basta-basta sumusuko. Tandaan mo ’yan, Leroy.” Pagpapaliwanag niya.
Siguro kung hindi niya ako niloko ay kikiligin na ako, pero talagang iba ang epekto noon sa’kin na bawat salita na nagmumula sa kaniyang mga labi ay kay hirap na paniwalaan.
“Alam mo, Art, hindi kaba nandidiri sa mga sinasabi mo?” tanong ko.
“Bakit naman ako mandidiri sa’yo , e mahal kita?” tanong niya.
“Kasi halata namang hindi ako ang gusto mo. Mas bagay kayo ni Cathy. Babae siya at lalaki ka. Hindi gaya ko na bakla at itinuting na salot sa lipunan. Kaya kung ako sa’yo, siya na lang at ’wag na ako.”
Matapos iyon ay napabuntong hininga siya at tumitig sa akin.
“Alam mo, ikaw ang nagturo sa akin kung paano magmahal. Ikaw ang nagpamulat sa akin na hindi naman masamang magmahal sa kapareho mong kasarian. Ano pa’t pati si Papa ay kinalaban ko para lang patunayan ko sa’yo kung gaano kita kamahal. Hindi ako maarte, Leroy. Kapag sinabi kong mahal kita ay mahal kita at kahit ano pang sabihin mo ay hindi na mababago itong nararamdaman ko para sa’yo,” aniya.
Ewan ko kung bakit ako naluluha sa mga sinasabi niya. Dahil ba natatamaan ako o dahil mahal ko talaga siya at kahit na ginawan niya pa ako ng kasalanan ay walang nagbago.
“Mahal mo ako pero bakit mo ako niloko?” tanong ko sa kanya.
“Siguro, kailangan ko na ring ipaliwanag sa’yo ang lahat.” Sabi niya.
“Sige, makikinig ako,” sabi niya.
“Noon ay akala ko, mahal ko si Cathy kaya’t kahit hindi kami ay pumayag ako sa makipagkita sa kanya at isang gabi ay nilasing niya ako. Hindi ko alam kung na na-video-han niya at nai-record ang nangyari sa amin. Ginamit niya ’yon para i-black mail ako lalo na nang malaman niya ang tungkol sa atin.
Patay na patay siya sa’yo kaya’t iyon ang ginamit niya para layuan kita at lokohin. Sabi pa niya ay ilalabas niya ang video namin sa public kung saan ako lang nag kitang-kita sa video habang ang mukha niya ay naka-blurd at hindi iyon maganda dahil may tendency na hindi ako maka-graduate kapag kumalat ’yon. Kaya’t sa halip na ikalat niya iyon ay pumayad ako sa gusto niya at ’wag kang mag-alala dahil lahat ng files niya patungkol sa video naming ’yon ay burado na. Kaya please, sana isipin mo na hindi ko ginusto iyon dahil iniingatan ko lang ang reputasyon ko. Oo nga’t lalaki ako pero nakakahiya namang pagdating ng araw ay kumalat iyon sa madla at mapanood pa ng mga kamag-anak at magiging mga anak natin pagdating ng araw,“ pagkokwento niya na nagbigay linaw sa akin ng lahat. Umiiyak na rin ako dahil doon sa mga sinabi niya.
“B-bakit ngayon mo lang sinabi? Tanga ka ba!” sigaw ko sa kanya habang sinusuntok ko siya sa dibdib.
“Patawarin mo ako pero naduduwag lang ako kaya’t hindi ko agad sinabi sa’yo. Idagdag mo pa ’yang kasungitan mo at pagsasawalang bahala sa akin.”
“Basta, naiinis ako sa’yo! Akala mo ba at hindi ako makikinig sa mga sasabihin mo? Mas maiintindihan ko pa siguro kung noon mo pa sinabi! Masyado kang nababahag sa’kin.”
“Sorry na. Mapapatawad mo pa ba ako?” ang tanong niya habang niyayakap ko siya.
“Sa tingin mo?” tanong ko.
“Oo?” aniya.
“Oo naman! Pinapatawad na kita.” Sabii ko at nang akmang hahalikan niya ako ay umiwas ako.
“Pinapatawad lang kita pero hindi ko sinabing tayo na!” sabi ko naman.
“Aray ko! Sakit naman no’n, e’di pwede bang tayo nalang uli?” tanong niya.
“L-ligawan mo muna ako!” sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.
Tawagin niyo na akong utu-uto pero sinunod ko lang ang payo ng puso ko.
“Oo, liligawan kitang muli. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa araw na’to. Mahal na mahal kita, Leroy. Ikaw lang ay sapat na.” Aniya na mangiyak-ngiyak na habang nakaluhod pa sa harapan ko.
“Basta’t ’wag mo ng uulitin dahil mamatay na ako kapag nangyari ’yon.” Sabi ko at pinatayo ko siya.
“Pangako ko sa’yo, makakasiguro kang hindi ko na uulitin iyon. Magiging open na ako sa’yo kahit na ano pang bagay ’yan,” aniya habang nakataas pa ang kanang kamay bilang panunumpa.
“H’wag kang mangako, gawin mo nalang!” sabi ko at ngumiti sa kanya.
Pasaway itong puso ko at hindi ko siya natiis. Masyado ko lang siyang mahal at kahit na anong gawin ko ay siya pa rin si Art na unang lalaking pinag-alayan ko ng pagmamahal ko.
Alam kong hindi pa rito nagtatapos ang lahat pero hangga’t nand’yan si Art ay kakayanin ko. SIGURO naman ay may ngiti na sa aking mga mata at sisikat na ring muli ang bagong kapalaran sa aming buhay.
To be continued!
SIGURO-PART XXXV
SIGURO-Part XXXV
LEROY
Napatawad ko na si Art at masarap iyon sa pakiramdam. At gaya ng kaniyang sinabi ay tuloy lang siya sa panunuyo sa akin. Minsan nga ay OA na rin siya dahil pati si Jet at Ethan ay pinagseselosan.
Halos hatid-sundo na nga rin ako sa kanya kaya’t ganado akong ngumiti at magtrabaho sa bawat araw. Napapansin din iyon ng boss ko na si Mr. Escosa at madalas na rin niya akong mapuri kaysa pagalitan.
Nakakatawa lang isipin na lahat talaga ng tao at bagay ay nagbabago.
“Good job, Mr. Santos! Mukang inspired ka parati sa trabaho, a? Tell me, may kasintahan ka na ba na nagpapasaya sa’yo?” komento niya nang magawa ko na lahat ng pinapagawa niyang presentation design.
“Hindi naman po, Sir. I just love my job po,” sagot ko.
“That’s good. Ganyan na ganyan din ako noong nagsisimula pa lang akong magtrabaho. I’m always looking on the bright side of life and I was a career-driven too.” At tumingin siya sa akin.
“ Sayang nga lang at wala namang nagpapasaya sa akin ngayon dahil sa trahedyang naganap sa pamilya ko a couple of years ago,“ malungkot niya saad.
“Bakit po, Sir? What happened po?” tanong ko.
“Car accident.” Panimula niya.
“I was the driver that time and I was not feeling good too, pero nagmaneho pa rin ako. Hindi ko naman alam na iyon na pala ang hudyat upang mawala ang dalawa kong anak na Carlo at Ivan at ang pinakamamahal kong asawa.” Malungkot niyang simula.
“Sorry, Sir. Hindi ko sinasadyang i-open ang topic na’yon.
“No, don’t feel sorry. Besides, this is my first time na mag-open sa isang empleyado.” Sabi pa niya.
“Sana okay lang sila ngayon, kung nasaan man po sila,” pakikisimpatya ko.
“That time sana hindi nalang ako nabuhay. Kitang-kita kong kung paano mamatay sa mga kamay ko ang dalawa kong anak kasama ang Mommy nila. Ang sama-sama kong tao! I fucking hate my life!” at doon ko natunghayan ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata.
“Sir, ayos lang po ba kayo? Kung gusto niyo po ay ititimpla ko kayo ng juice..” sabi ko.
“No, I’m fine, Leroy. Iwan mo muna ako sandali,” aniya at sumunod naman ako.
Dahil sa mga isinalaysay sa akin ni Mr. Escosa ay hindi ko maiwasang malungkot. Kaya pala masyado siyang moody ay dahil may pinanghuhugutan naman pala talaga siya.
Mas masakit pa yata sa ginawa sa akin ng Papa ko ang nangayari sa pamilya niya na namatay dahil sa car accident. Kahit nga kaninang magkausap kami ay hindi ko alam ang sasabihin ko. Ni hindi ko man lang nasabing ’wag niyang sisihin ang kaniyang sarili dahil walang may gusto no’n.
Parang nag-iba bigla ang ihip ng hangin at nagbabadya pa yata na umulan. Iyan kasi ang nakita ko sa aking balintataw.
“Sa shorcut na lang tayo dumaan dahil tiyak na baha doon sa daan papaunta sa inyo,” iyan ang mungkahi ni Art dahil sa nagsimula na ngang umambon.
“Ikaw ang bahala. Ikaw nama ang driver e,” sabi ko.
“Sabi ko nga po, boss!” tatawa-tawa niyang sagot at lumiko na siya para mag-U turn.
Marahil dahil sa pagod ko ay nakatulog ako na may nakasaksak na earphone sa aking tenga.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-idlip nang maramdaman kong may bumubuhat sa akin. At nang imulat ko ang aking mga mata ay pasan ako ni Art kaya’t nagpababa ako dahil hindi kami makakapasok sa loob ng bahay pero mali ako dahil bukas na ang gate at pinto.
Malamang ay binuksan niya iyon habang natutulog ako.
“Mauna na ako, Leroy. May tatapusin pa akong report para bukas.” Aniya. May pa-report-thingy na siya ngayon ha? Nag-iba na nga siya.
“Sige lang. Tapusin mo na ang report mo sa bahay niyo at galingan mo,” paalala ko at tumango naman siya.
“Teka!” pahabol ko nang mapansin kong malakas pa rin ang ulan.
“Dalhin mo na itong payong at ibalik mo nalang sa’kin bukas,” saad ko at iniabot ko pa sa kanya ang payong na ginamit niya kanina.
“Sige po. Mauna po ako. I love you po!” aniya at ninakawan pa ako ng isang halik sa labi at sumibat na siya paalis.
Habang nagmumuni-muni ako ay may kumpol ng rosas akong nakita sa mesa at lahat iyon ay puti. Nakakatuwa namang pagmasdan kaya’t inamoy ko na rin. Kalakip din ng mga kumpol ng rosas ang tula na iniwan ni Art.
Bulaklak na mahalimuyak,
Para sa mahal ko.
Ako’y nagagalak.
Iaalay yaring puso
,
Sa’yo lamang iiyak.
H’wag mo sanang kalimutan,
Pagtawag ko sa’yong pangalan.
Magmamahal ng tao,
Ngunit Leroy lang ngalan.
Gaya ng mga rosas,
Sa’yo lang ako may oras.
May mga sandali mang lipas ,
Ngunit pangako ko’y hindi kukupas..
Pagmamahal na ala’y ko,
Sa’yo lamang ilalabas..
-ART
Ibayong saya ang lumukob sa akin nang sandaling mabasa ko ang nakakakilig na tulang iyon. Simpleng-simple lamang ’yon ngunit nagpapatunay lamang iyon na mahal niya akong talaga.
Sabi kasi sa nabasa ko, na kapag ginawan at binigyan ka ng tula ng manliligaw mo ay totoo ang pagmamahal niya para sa’yo.
Nasa ganoong estado ako ng pagkakilig nang mag—ring ang cellphone ko.
Nang tingnan ko ang nakarehistrong pangalan ay si Inake ang nakita ko.
“Hello!” sabi ko.
“H’wag ka ngang sumigaw, pwede?” aniya.
“Sorry naman, na-miss lang kitang panget ka! Ilang araw ka kasing hindi man lang nagte-text or tumatawag.”
“Masyado kasing busy. Pero kamusta naman ang panliligaw sa’yo ni Art? Okay naman ba?” Tanong niya at kinilig tuloy ako.
“Oo naman! Ito nga’t ginawan pa ako ng tula kasama ang kumpol ng rosas.” Kinikilig kong sabi.
“Buti naman. Pero tandaan mo na isang maling move niyan ay mapapatay ko ang isang ’yan!” singhal niya.
“Ang tapang mo naman masyado! Basta ako na ang bahala. Ako na mismo ang magpapabugbog sa kanya pag ginago pa niya ako.” Sabi ko naman pabalik.
“Okay! Ikaw ang may sabi niyan ha?” aniya.
Marami-rami pa kaming napagkwentuhang dalawa at puro kabulastugan pa rin si Inake.
“Miss na kitang Hapon ka!”
“Madaling araw kaya ako.” Napatawa nalang ako sa kapilosopohan nitong kausap ko.
“Okay, ako nga tangahali e,” pagsingit ko pa.
“Ako nga walang pakialam e.” Pang-aasar niya sa akin.
“Bwiset!” sabi kon at sabay kaming humalakhak na dalawa.
“Pero totoo, miss na talaga kita. Wala na kasing nanlilibre sa’kin ng carbonara at lasagna,” sabi ko.
“Utot mo po, square!” sabi niya kaya naman natawa nalang ako.
“Bilog naman ang iyo,” sagot ko.
“Triangle po sa’kin!” sigaw niya sa kabilang linya.
“E, ’di triangle! Ang dami mong alama, maligo lang talaga ang hindi!” pang-aasar ko.
“Naliligo naman ako, kaso minsan lang,” tatawa-tawa niyang sagot.
Alam naman naming hindi iyon totoo pero talagang ganito kaming dalawa mag-usap. Masyadong mahusay sa larangan ng kakulitan.
“Sabi ko na nga ba e.” Dugtong ko.
Tila kay rami pa naming napag-usapan at natapos nalang ’yon ng kumulo nag tiyan ko.
Doon ko rin napag-alaman na wala pa akong lutong ulam.
Kaya nang mahugot ko ang saksak ng rice cooker ay lumabas na ako para bumili ng can goods. Ngunit lalabas palang ako nang mamataan ko sina Jet at Ethan. Pareho silang nakakapote at may dala namang supot si Ethan.
“Gabi na a? Pasok muna kayo sa loob at naulan pa.” Sabi ko at ganoon na nga ang ginawa nila.
“Pinapadala kasi ni Mama sa’yo ’tong tsamporado na niluto niya.” Sabi ni Ethan na noo’y halatang giniginaw.
“Si Tita talaga. Nag-abala pa e.” Sagot ko at kinuha ang dala niyang supot namay laman na tsamporado.
“Alam mo naman kasi si Tita, basta gwapo ang kabarkada ni Ethan, kuhang-kuha ang loob,” sabi naman ni Jet na noo’y tatawa-tawa pa.
“Pogi ba ako?” tanong ko at sabay pa silang tumawa at sumagot.
“Oo!”
“Kayo rin naman e.” Sabi ko at napakamot sila ng ulo, lalo na si Jet.
“Maliit na bagay,” sabi pa ni Jet na binatukan ni Ethan.
Matapos ’yon ay tawanan kaming tatlo.
“GGSS ka, putcha!” dagdag pa ni Ethan kaya’t lalo kaming natawa.
Naisip ko tuloy kung dapat ko pa nga bang pahirapan si Ethan at bawian si Papa sa pamamagitan niya gayong napakabait naman niya sa akin.
“Huy, natulala ka na r’yan!” saway ni Ethan at doon na bumalik ang aking normal na pag-iisip.
“Wait lang, isasalin ko lang ’yong tsamporado. Hindi pa kasi ako kumakain,” sabi ko at ganoon na nga ang ginawa ko.
“Tamang-tama pala ang punta namin,” sabi ni Ethan.
“Medyo tinamad kasi akong magluto kaya gano’n,” sabi ko.
“Hindi ka ba nalulungkot dito na mag-isa ka lang?” tanong ni Ethan nang makabalik ako sa salas dala ang tsamporado na may tuyo.
“Hindi naman. Sanay na rin kasi ako,” sagot ko at bumalik ako sa pagkain
Medyo humalo na ang gatas sa tsamporado pero ayos pa rin dahil masarap naman.
“Bro, dadaan daw si Ralp at gusto ka rin daw niyang makilala,” sabi ni Jet na noo’y naghihintay ng sagot ko.
“Why not?” sabi ko at kumain sa harap nila.
“Mabait naman ’yon si Ralp kaya tiyak na magkakasundo rin kayo ng isang ’yon,” sabi naman ni Ethan.
“Sure! Sana nga ay maging kaibigan ko rin ang isang ’yon.” Sabi ko naman at kumain na.
Si Ethan ay nanonood sa laptop ko ng mga shortfilm sa youtube at ganoon din si Jet habang ako naman ay sarap na sarap sa kinakain ko. Tamang-tama kasi sa tag-ulan.
“Ang sarap pala talaga luto ni Tita Carmen. Nabusog ako!” ang sabi ko nang matapos kong maubos ang kinakain ko. Medyo nadumihan nga rin ang damit ko pero ayos lang.
“Si Mama pa ba?” sagot ni Ethan at dumiretso na ako sa kusina para maghugas ng kinainan ko. Matapos iyon ay nagpalit na rin ako ng damit.
Ilang saglit pa ay naririnig ko na silang nagtatawanan sa salas kaya’t nang mai-charge ko ang cellphone ko ay lumabas na rin ako agad.
“Leroy, siya nga pala si Ralp,” panimula ni Ethan. Mabuti kong pinagmasdan si Ralp at masasabi kong cute naman siya dahil sa kaniyang tindigan, maputing mga ngipin at morenong kulay ng balat. Idagdag mo pa ang mata niya na nangungusap kung iyonhg tititigan. Masasabi kong siya ’yong mga tipo ng lalaki na ang hirap hindian.
“Nice to meet you, Leroy!” ’yan ang sabi sa akin ni Ralp na noo’y inaabot ang kamay sa akin.
“Nice to meet you rin, Ralp!” at nag-shake hands kaming dalawa.
Mabilis kong nakapalagayang loob si Ralp dahil gaya ni Ethan at Jet ay mabait din siya at mapagbiro.
“Sige, bugtong-bugtong, hindi tao, hindi hayop, lumilipad at sumisipsip ng dugo,” ’yan ang tanong ni Ralp sa amin.
“May ganoon ba?”’ panirang sabi ni Jet.
“Oo naman!” sabi naman ni Ralp.
Maigi naming inisip ang sagot pero wala pa ring nakakuha.
“Lamok ba’to?” si Jet uli na kinaltusan ni Ethan ng isa.
“Hindi nga hayop e, gago ka ba?” swabeng tanong ni Ethan.
“Hula lang naman, baka kasi lumusok..” palusot ni Jet.
“Hmm.. ano palang sagot?” tanong ko.
“Napkin with wings!” pagbubunyag ni Ralp at nagtawanan kaming lahat. Oo nga naman.
–
Marami pa kaming napagkwentuhan at ginawang kabulastugang apat kaya naman dito na rin sila natulog. Pero nang sumapit ang alas-singko ay doon ko naman sila ginising dahil baka maabutan sila ni Art. Yari ako pag nagkataon.
“Mga bro, next time nalang uli tayo tumambay dito sa bahay. Maybe sa Sabado,” wika ko at tumango nalang sila.
“Salamaat pala, Leroy!” nakangiting sabi ni Ralp at hinila na siya ni Jet palabas ng bahay.
“Wala ’yon! Ingat kayo!” sabi ko naman.
“Sige na, Leroy. Uuna na kami dahil baka hinahanap na rin ako ni Mama. Hindi kasi ako nagpaalam,” sabi ni Ethan na nakaakbay kay Jet at Ralp.
Hindi ko na sila sinagot pa at minabuti ko nalang na pagmasdan ang tatlong makukulit na lalaking ’yon .
Ang saya pala magkabarkada at masarap sa pakiramdam na meron kang kasama. Kaya’t para sa akin, SIGURO ay dapat ko silang ingatan.
To be continued!
SIGURO-PART XXVI
SIGURO-PART XXXVI
LEROY
Ilang minuto na ang lumipas at naligo na ako. Sakto namang dating ni Art. Buti nalang talaga at hindi niya naabutan ang mga kasama kong natulog dito sa salas kanina.
“Kanina ka pa?” tanong ko sa kanya at hindi siya sumagot, bagkus ay nakatingin siya sa naka-charge na cellphone malapit lamesa.
“Sinong natulog dito at naiwan pa yata ang cellphone niya?“aniya sa hindi normal na tono.
“Ah, e. Sa kaibigan ko ’yan,” paliwanag ko. Doon ko rin naalaman na kay Ralp ang cellphone na iyon.
“Kaibigan?” sabi niya at ipinakita pa niya ang naka-wallpaper doon sa cellphone n ’yon. Si Ralp.
“Kaibigan ko nga kasi ’yan,” sabi ko at matapos iyon ay may kumatok sa pinto at siya ang nagbukas no’n.
“Ler—” hindi pa niya naitutuloy ang sasabihin niya dahil sinuntok na siya ni Art kaya’t natumba ito sa terrace.
“Gago ka!” sabi ni Art sa nakatumbang si Ralp. Hindi ko na namalayan na nagkasuntukan na silang dalawa kaya’t humarang ako para saluhin ang suntok ni Art ng nakatalikod.
“Tama na, Art! Sinabi ko naman sa’yong kaibigan ko lang si Ralp at para sabihin ko sa’yo, nanliligaw ka palang!” hindi ko rin inaasahang lalabas ’yon sa aking bibig. Marahil ay dahil iyon sa emesyon ko.
“S-sorry, Leroy.” Sabi ni Ralp sa akin habang si Art naman ay sumibat na paalis.
“H’wag kang mag-sorry. Tara muna sa loob at gagamutin ko ’yang sugat mo,” sabi ko at ginawa naman niya ’yon.
“Manliligaw mo pala ang isang ’yon?” tanong ni Ralp sa maamo pa ring tono.
“Mamaya ka na magsalita dahil mahapdi ito.” Sabi ko at nilinis ko ang gilid ng labi niya na pumutok.
Matapos ’yon ay iniabot ko sa kanya ang cellphone niya na naging dahilan ng gulo. Masyadong kasing seloso ang isang ’yon.
“Seloso naman pala ng manliligaw mo.” Panimula niya. “Tiyak na mahal na mahal ka no’n siguro.” Dagdag pa niya na inisip ko rin.
“Hayaan mo siya. May topak ang isang ’yon.”
“Muka nga!” aniya at nagtawanan pa kaming dalawa.
Samantala, nang matapos iyon ay umalis na siya at nang sulyapan ko siya ay nakita ko pa rin ang kotse niya doon kaya naman nagmadali na rin ako para lumabas.
“Leroy!” tawag niya sa akin ngunit hindi ko siya nililingon.
“Leroy, sorry na po,” aniya at niyakap ako sa likod ko kaya’t napangiti ako ng tago.
“Bitawan mo nga ako!” sabi ko at patuloy akong naglakad palayo pero sinusundan pa rin niya ako.
“Sorry na po. Inuna ko ang init ng ulo ko. Masisisi mo ba ako kung nagseselos ako?” sabi niya at humarap ako sa kanya.
“H’wag mong pagselosan ang kaibigan ko. Masyado ka ng over acting. Kung hindi pa kita pinigilan kanina ay hindi ka titigil. Daig mo pa ang hindi nag-aral.” Sabi ko.
“Sorry na po. Nadala lang ako ng emosyon ko. Pero kinausap ko na naman siya kanina at humingi ako ng tawad sa kanya.” Sabi niya pa.
“Mabuti naman kung gano’n,” sabin ko at tila isang posporong may sindi akong nahipan sapagkat nawala ang galit ko agad-agad at napatawad ko na agad siya.
“Hindi na po mauulit. Pangako!” sabi niya pa at nakataas na naman ang kanang kamay niya.
“Gawin mo nalang! Ang dami mong sinasabi!” sabi ko at pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse at sumakay ako.
“May mga bago ka palang kaibigan, hindi mo man lang sinabi sa akin,” aniya na may tonong nagtatampo.
“Dapat ba lahat alam mo?” sarkastiko kong sagot.
“Hindi naman sa gano’n.”
“So dapat ay hindi ka mag-inarte r’yan.” Pang-aasar ko.
Balak ko naman talagang sabihin ’yon sa kanya pero wala pang tiyemp para roon dahil magsayado rin siyang busy gaya ko.
“Nga pala, one week akong mawawala dahil may seminar kaming dadaluhan sa Iloilo,” paalam niya.
“Sige lang. Kailangan mo ’yan sa trabaho,” sabi ko naman bagama’t may parte ng sistema ko na ayaw siyang umalis.
“Salamat!” aniya hanggang sa makarating kami sa harapan ng kompanya.
“God bless sa work mo, I love you!” aniya kaya’t napatingin ang mga iba pang mga empleyado sa akin. Pansamantala tuloy akong binalot ng hiya at gusto ko nalang lamunin ng lupa papasok sa loob.
–
Ilang araw na ang lumipas at naninibago ako na walang nangungulit sa akin. Walang sumusundo at walang nagpapabebeng lalaki na Art ang pangalan.
Biyernes ngayon at sakto naman na nakabili na ako ng smart tv na 40 inches ang laki. Maganda naman iyon kaya’t sapat lang para hindi ako mabagot ngayong gabi. Nag-text na rin ako kay Jet, Ethan at Ralp na dito na ulit matulog dahil wala akong kasama. Uso pa naman ang tokhang. Malay mo ay mapagbintangan pa ako kaya’t okay na rin ’to.
Ilang sandali palang matapos kong um-order ng pagkain sa Greenwhich ay dumating naman ang tatlo na pare-parehas may taklob sa muka. Napansin ko agad iyon kaya’t nang hinila ko si Ethan ay nakita ko ang pasa sa kanyang pisngi at gano’n din ang dalawa na putok ang kilay at gilid ng labi.
“Anong nangyari sa mga muka niyo?” tanong ko sa kanila dahil nag-aalala talaga ako.
“Nadapa lang,” palusot ni Jet na kahit lolo kong patay na ay hindi maniniwala.
“Yong totoo? Siguro ay nakipagbugbugan na naman kayo sa may kanto,” sabi ko sa kanila at tumango naman sila.
“Nagba-basketball kasi kami kanina at nagkadayaan at inupakan itong si Ralp kaya nagkagulo ro’n. Kaya ’wag ka nang mag-alala dahil sanay na kami,” nakangiti at proud na paliwanag ni Ethan.
Pinagsasapok ko tuloy silang tatlo ng tig—iisa para magtanda.
“Ang gulo hindi laging sa kamao dapat winawakasan, dapat sa mabuting usapan.” Paliwanag ko.
“Tsaka, ang gagwapo niyo tapos magpapakabasag ulo lang kayo? Mabuti pang magbakal-bote nalang kayong tatlo!” sabi ko sa kanila.
Tawanan tuloy sila sa sinabi ko.
“Nakikinig ba kayo?”
“Yes, boss!” sabay-sabay nila sabi.
“Mabuti naman! Nakakainis kaya ang palaaway na tao. Parang hindi nag-aaral,” dagdag ko pa sa kanila.
“Nga pala, bukas ay 20th birthday ko na at iniimbitahan kita,” sabi ni Ethan na gumulat sa akin. Kung ganoon ay mas matanda lang ako sa kaniya ng ilang buwan.
“Sige ba! Basta bukas samahan niyo ako sa Mall at magpapagupit tayong apat. At’wag na rin kayong mag-alala dahil libre ko.” Sabi ko sa kanila at napakamot pa ng ulo si Ralp.
“Gusto ko ’yan!” sabi ni Jet.
“Syempre, ako rin ’no!” sabi ni Ralp.
“Ako rin!” si Ethan naman.
Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan at nanood ngv TV nang dumating ang delivery.
Agad akong lumabas at nag-settle ng bill at lahat pala silang tatlo ay nasa likuran ko.
Wala naman akong nagawa kundi gawin silang taga-bitbit ng in-order ko.
“Food trip!” sigaw ni Ralp at Jet nang makapasok kami sa loob. Para silang mga timang dalawa pero masaya rin naman sa parehong oras.
“Maghinay-hinay nga kayo r’yan. Nakakaumay din ang lasagna,” sabi ko at nilantakan ko ang toast bread at lasana sa harapan ko.
Sa lapag lang kami kumain pero mas solid naman.
“Ngayon lang ako nakakain ulit ng ganito, bro. Salamat!” saad ni Jet na sara na sarap sa kinakain niyang lasagna at chicken. Take note: dalawang order iyon.
“Ano ka ba? Para saan pa’t naging magto-tropa tayo, hindi ba?” sabi ko naman at nag-cheers kami gamit ang baso nama’y lamang iced tea.
Noon ay akala ko mga bisyo lang ang meron sila pero hindi naman pala iyon totoo dahil paminsan-minsan lang sila naninigarilyo at ngayon nga ay tinigilan na nila iyon dahil sabi ko sa kanila na hindi iyon maganda. Sa kabilangg banda, sila naman ang naging instant mga kapatid ko. Hindi na rin kasi nabisita rito si Kuya na hindi ko naman kinokuwestyon dahil busy s’ya sa trabaho niya at isa pa ay kapatid niya lang naman ako.
“Astig ka talaga, Leroy. Sana ay naging kapatid nalang kita,” sabi ni Ralp kaya’t napatingin ako kay Ethan na busy sa kinakain niya.
“Ako rin! Sana kapatid ko na lang kayong tatlo dahil kayo ang tatlong pinaka mga totoong tao na kilala ko. Walang arte sa katawan.” Sabi ko sa kanila dahil iyon naman talaga ang totoo.
Si Jet, maagang namatayan ng tatay at si Ethan naman ay anak ng Papa ko kay Tita Carme at tanggap ko na siya bilang kapatid ko. Si Ralp naman ay nakatira sa Tito niya dahil hiwalay ang mga magulang nito.
May mga kani-kanila silang kwento pero sa kabila no’n ay masaya pa rin sila.
“Ikaw rin naman. Wala ka ring arte sa iyong katawan.Kung sa tutuusin nga ay hindi mo kami dapat na pinagkakatiwalaan dahil hindi naman kami matitinong tao. Tsaka, kahit na ganito kaming mga basag-ulo ay pinagtyatyagaan mo kami.” Sabi ni Jet na nakapagpasaya sa akin.
Kinabukasan…
Maaga akong gumising para ipagluto sila ng almusal pero inantok uli ako dahil kulang ang tulog ko.
Magkakatabi kaming apat dito sa sala at sapin lang namin ay ang maliit na powm kung saan nagkasya naman kami.
Para nga kaming sardinas lalo na ngayon.
Napangiti nalang tuloy ako dahil sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng tropa kong maituturing. Sa block kasi namin ay magkakaklase lang ang turingan namin.
Minsan tuloy ay napaisip ako na paano kaya kung sina Mama at Papa ay makikita ako ngayon, magiging masaya rin ba sila para sa akin.
Ewan, SIGURO, pero mukang HINDI.
To be continued..
SIGURO-PART XXXVII
SIGURO-PART XXXVII
LEROY
“Under cut ang gupit nilang tatlo, Ma’am,” sabi ko nang tanungin ako kung ano raw ang gupit nila.
“S-sige po, sir!” sabi no’ng babae sa akin at lumabas muna ako para bumili ng regalo para sa kapatid ko. Buti nalang talaga ay nagdala ako ng bagpack. Malaking tulog iyon para sa akin.
Doon ako nagpunta sa shoes section. Buti nalang talaga at nalamang ko angv size ng paa niya dahil parehas lang kaming dalawa ng sukat.
Nakakita ako ng isang Nike na nagkakahalaga ng humigit-kumulang apat na libo pero binili ko pa rin ’yon dahil ilang taon ko rin siyang hindi naregaluhan.
Matapos akong makabayad ay nakita ko si Kuya at Mama kaya’t nagtago ako dahil hindi naman nila ako nakita. Buti pa sila ay nagkakasama ng ganito habang ako ay hindi man lang nila naaalala man lang. Nadagdagan tuloy ang inis ko kay Kuya Mark at ganoon din kay Mama na tila nakalimot na nanay ko siya at anak niya ako. Pero bago pa bumuhos ang luha ko ay minabuti ko na ring bumili ng t-shirt na para sa aming apat. Naka-imprenta roon ang salitang Squad na usong-uso ngayon. Mura lang naman kasi kaya’t binili ko. Isang daan at limampong piso kada isa pero hindi ko na iyon naisip dahil para sa akin ay ngayon ko lang naman gagawin ito.
Halos ilang minuto pa akong naglibot sa mall at nakakita rin ako ng tiyempo para bumalik nasa loob ng salon.
Tapos na silang gupitan at naiinis ako dahil para na talaga kaming magkakapatid nito.
“Pogi na ba ako?” tanong ni Jet na naka-pogi sign pa.
“Poging lamig!” sabi ko at saka tumawa.
“Ang mahalaga nandoon ang salitang pogi!” pagdepensa niya pa.
“Pero lamig pa rin!” pang-aasar naman ni Ethan at nagtawanan kaming apat.
Nagpicture pa kami sa loob ng salon at talagang may mga willing na picture-an kami. Mayroon pang nag-alok na maging modelo kami at ang isinagot nalang ni Ethan ay, “ Siya po ang manager namin kaya siya ang may hawak sa amin.“
Matapos iyon ay dumiretso na kami pauwi. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ata ako makakasakay ng jeep kaya’t medyo kabado ako.
“Tara na, Leroy! Sakay na!” sabi ni Ralp sa akin pero hindi ko talaga trip ang jeep.
“Kumapit kalang sa bakal at hindi ka mahuhulog,” iyon pa ang sabi ni Jet at sumakay na ako.
Marami ng babae ang nakatingin sa amin at ang ilan ay palihim kaming kinukuhanan ng larawan at sabay pa noon ay ang pagpapansin ng mga ito pero dedma lang kami dahil lahat kami ay busy sa pag-uusap.
“Eto pala ang pakiramdam na makasakay sa jeep.” Sabi ko habang nagpupunas ng pawis.
“Rich kid siguro si Kuya. Halata naman sa balat e. Tingnan mo at namumula pa ang pisngi!” iyan ang narinig ko mula sa isang babaeng nasa tapatan ko. Kinikilig-kilig pa siya habang nagke-kwento sa kaibigan niya. Sa tingin ko ay mga menor de edad palang sila pero kung kiligin sila ay konting kalabit mo lang ay makukuha mo na.
Kung sila ang pag-asa ng bayan ay malabo na ang bayan at ang kinabukasan nito.
“Okay ka lang Leroy?” tanong ni Ethan sa akin dahil nakatakip ako ng bibig. Paano ba naman kasi ay amoy maasim na nagmumula sa unahan ko.
“Okay naman ako. Medyo maasim lang talaga.” Sabi ko at nag-react naman ang nasa unaha n kong lalaki.
“Ako ba ang pinapatamaan mo?” tanong niya at humarap pa sa amin.
Bungod pala sa kilikilin niya ay mabaho pa ang hininga niya. Napatakip nalang talaga ako ng banyo at nagsalita.
“Hindi naman ho siguron kayo ’yong maasim, hindi po ba?“wika ko.
“Aba’y oo! Hindi ako iyon!” aniya sabay singhot-singhot sa magkabila niyang kilikili. Medyo napakunot ang noo niya sa naamoy at nagsalita pa siya.
“Tama ka, Hijo. Hindi nga ako ang maasim dahil kakaligo ko lang kanina bago ako umalis. Fresh pa rin ako.” Aniya at natawa nalang ako pero hindi ko talaga mapigilan mandiri sa mga sinasabi niya.
“Palit tayo ng puwesto, Ethan.” At iyon nga ang ginawa namin dahil hindi ko na kaya pa ang amoy niya. Pamatay!
“Sinabi ko naman sa’yo na sa’kin ka tumabi, ’yan tuloy sa maasim na nilalang ka napatabi!” malakas na banat ni Ralp kaya’t napatawa ang mga babae at siya namang hudyat para umusok sa gait ang mamang katabi ko lang kanina.
“Ako ba ang pinapatamaan mo, toy?” tanong niya kay Ralp na pasigaw. Naagaw n’ya nagv atensiyon ng mga pasahero at talagang palapatol itong si Ralp.
“Oo. Ikaw lang naman ang katabi ni Leroy kanina e,” sabi niya habang tinuturo ako. “Kaya ’wag ka na, ang amoy mo abot hangang fairview!” sabi niya at nagtawanan pa ang mga nakarinig.
“Aba’t maangas kang bata ka ha!” nanggagalaiti niyang sigaw at nagbadya siyang maglakad palapit sa amin pero mukang kampi sa amin ang driver dahil bigla siyang pumreno kaya’t sumubsob ang naturang lalaki.
“Pakisuyo nga ng bayad sa lalaking ’yan. Sinisira mo ang trabaho ko!” sabi naman driver at naghalakhakan kami sa loob.
“Ano pang hinihintay mo?” si Ethan naman ang nagsalita. “Baba na!” ma-awtoridad niyang singhal at naiinis pa lalo ang lalaki kaya’t inundahan niya ng suntok si Ethan pero agad siyang nasuntok ni Jet sa mukha at tamame ito. Mukang nahilo ang mokong at mabilis na bumaba.
“Ayos!” sabi nilang tatlo at tumawa naman ako.
“Masarap palang manood ng live na aksyon paminsan-minsan.” Sabi ko sabay tawa.
“Loko!” sabi ni Rapl at pumara naman ni Ethan.
Halos magtatanghali na rin pala kaya’t nang makababa kami ay kinuha ko mula sa paper bag na hawak ko ang tig-iisa naming t-shirt at binigay ko isa-isa sa kanila.
“Suotin niyo mamaya ’yan ha?” sabi ko naman.
“Woah! Ang astig!” sabi ni Ralp at Jet.
“Salamat, Leroy! Astig ka talaga!” sabi naman ni Jet at talagang wagas pa ang ngiti sa kaniyang mukha na umabot hanggang sa Balintawak hanggang dito sa subdivision na ito.
“Basta suotin niyo mamaya ’yan, pare-parehas tayo dapat ng suot dahil para ko na rin kayong mga kapatid.” Sabi ko at sumigaw naman si Ethan na hindi pa namin binabati kahit na kaarawan niya na.
“Group hug!” natatawa pa siya noon pero ginawa naman namin kahit na mukha pa kaming mga bata.
“Lucky talaga kami na naging kaibiga ka namin, Leroy. Sana hindi ka magbago,” ani Jet nang sandaling magbitaw ang aming mga braso.
“Wala ’yon! Kayo talaga! Paano ba ’yan? Mamaya nalang tayo uli magkita-kita. Nakakasawa na rin kasi ang mga muka niyo!” biro ko at napangiti nalang silang tatlo.
Alas kwatro ng hapon nang magpasya akong pumunta sa bahay nina Ethan.
Malayo palang ako ay tanaw na tanaw ko ang kotse ni Papa at doon din ay nakatayo siya kausap ni Ethan kaya’t nagtago ako sa isang puno at nakinig muna ako sa usapan nila.
“Anak, happy birthday sa’yo. Nawa ay hindi ka magtampo sa akin sa kabila ng maraming taon na hindi tayo magkasama. Sana ay maging masaya ka sa araw na’to.” Sabi ni papa na may kasamang sinseridad.
Muli ay binalot tuloy ako ng inis at inggit kay Ethan dahil sa effort na ibinibigay ni Papa sa kanya.. Kumpara kasi sa birthday ko ay nand’yan si Papa sa tabi niya at binata siya ng happy birthday, habang ako noon ay naghihintay na parang tanga sa bahay nina Art.
Nilukod ako ng lungkot at hindi ko alam na malaya na ring pumapatak ang mga luha sa aking mga mata dahil sa aking nasasaksihan.
“Salamat, Pa. The best ka talaga!”
“Basta ikaw, anak!” may pa-anak epek na siya ngayon? Madaya siya!
“Sige na po, Pa. Hindi ba’t may meeting pa kayo? Salamat din pala sa regalo at presensya niyo ngayong araw.” Ani Ethan at niyakap ang AMA niya!
“Salamat din, Ethan. Umaasa akong magiging masaya ka ngayong birthday mo,” aniya at sumakay sa kotse niya.
Bahagya akong pinanghinaan dahil doon ngunit hindi ko na piniling magpakita ng lungkot. At ilang minuto lang ang lumipas ay lumitaw nalang ako.
Marami-raming tao at ang ilan sa kanila ay kaibigan at kaanak nina Ethan sa mother side. Hindi rin nagtagal ay nilibot ko ang paningin ko at namalayan ko nalang na nasa tabi ko na si Jet at Ralp na nakasuot ng parehas ng T-shirt na suot ko at ni Ethan.
“Ang tagal mo naman!” sabi ni Jet sa akin.
“Medyo naglinis pa kasi ako ng bahay,” paliwanag ko.
“Gano’n ba? Sige, d’yan na muna kayo at ibibigay ko lang ito kay Ethan.” Sabi ko sabay pakita sa kanila ng regalong dala ko. Mabuti naman at tumango lang silang sabay at itinuro ni Ralp kung nasaan si Ethan.
“Nasa salas lang si Ethan kaya puntahan mo na agad!”
“S-salamat…bro!” sabi ko naman at umalis na agad.
Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko siyang kausap si Tita Carmen at parehas silang napangiti nang makita nila ako.
“Nand’yan ka na pala, Hijo? Mabuti naman at nakarating ka.” Sabi ni Tita at nagmano naman ako sa kanya.
“Oo nga po e.” Sabi ko pabalik.
“Maiwan ko na muna kayo at marami-rami pang bisita sa labas.” At umalis na nga si Tita sa harapan namin.
“Happy birthday, bro. Regalo ko sa’yo.” Sabi ko sabay abot sa kanya ng dala kong paper bag na sinselyuhan ko ng maayos.
“Salamat, bro!” aniya.
Pinagtama namin at mga balikat namin at sinabi ko sa kanyang buksan na na ang regalo ko sa kanya.
“Ikaw talaga.. nag-abal ka pa rito. Sapat na kaya ’yong pagsama at paglibre mo sa’min kanina sa Mall at itong t-shirt na ito.” Aniya habang nakaturo sa suot niyang damit.
“H’wag na ngang maraming drama dahil mukang ewan!” sabi ko at binuksan niya ang regalong bigay ko.
“Wow! Astig nito!” sabi niya nang mabuksan na niya ang regalo ko sa kanya. Napangiti nalang tuloy ako dahil masayang-masaya siya. Sinukat pa nga niya e.
“Hanep ka, bro! Ang saya ko dahil dito!” at niyakap pa niya ako.
“Walang anuman!” maluhaluha kong sabi dahil napasaya ko ang kapatid ko.
Agad na lumipas ang oras at nang maubos na halos ang mga bisita ay naglabas si Ethan ng alak at pinaalalahanan kami ni Tita Carmen na moderate lang daw dapat ang pag-inom. Ngunit para sa gaya kong mabigat ang dibdib, kailangan kong magpakalunod dahil sawang-sawa na ako.
“Easy, bro! Nakaapat ka na agad.” Paalala ni Jet pero sige lang ako sa pag-inom.
“Hayaan niyo ako dahil birthday naman ni Ethan. ’Di ba nga, Ethan?” tumango naman si Ethan.
“Cheers!” ako uli at umiling-iling nalang si Ralp.
“H-happy birthday, bro!” sabay-sabay pa kaming tatlo at nagpaunahan kaming laklakin ang isang bote ng beer.
Ito yata ang unang beses na tila tinamaan agad ako at ilang saglit pa ay nasusuka na ako.
“Bro, buti pa ay magpahinga ka muna sa loob,” sabi ni Ethan.
“Ikaw ang magpahinga sa loob dahil hindi mo naman alam ang pakirmadam ng isang tabi ka ng magulang mo!” wika ko pero hindi ko na naririnig pa ang sarili ko. Tumutulo na ring ang luha ko pero pinakalma pa rin ako ni Jet, Ralp at Ethan.
“Easy lang, bro. Malalampasan mo rin ’yan.” Sabi naman ni Ralp.
“M-malalampasan ko nga SIGURO… pero kapag patay na ako.” Sabi ko at unti-unting nandilim ang paningin ko.
To be continued…
SIGURO-PART XXXVIII
Note: Naging busy po ako sa mga nagdaang araw dahil may pasok na po kami. Nawa ay maintindihan niyo po. Salamat!
’Wag niyo na ring kalimutan na mag-iwan ng kumento para sa parteng ito.
SIGURO-Part XXXVIII
LEROY
Nakadantay sa akin ang kamay ni Ralp at nakayakap naman sa akin si Jet nang ako ay magising. Masyadong masakit ang aking ulo ngunit sapat lang para matandaan ko pa rin ang mga nangyari kagabi sa birthday ni Ethan.
Nagpakalasing ako masyado kaya naman black out ang sistema ko.
Nagkusot ako ng aking mata at doon ay tumayo ako para sana umalis na ngunit pagbukas ko palang ng pinto ay bumulaga na sa aking paningin si Ethan.
“Buti naman at gising ka na,” aniya.
Hindi muna ako sumagot dahil wala akong maisip na matino.
“Santos din pala ang surname mo,” aniya na hindi ko na ikinagulat dahil nabasa naman niya kahapon iyon sa maliit na card na nakapaloob sa regalo ko sa kanya.
“Sorry pala kagabi ha? Medyo pagod kasi ako sa trabaho nitong mga nagdaang araw kaya sa alak ko naibunton lahat..” s’yempre ay iniba ko ang usapan dahil hindi iyong topic ang gusto kong bumungad sa akin ngayong umaga.
“W-wala ’yon. Ikaw pa ba? Parang kapatid na rin naman kita at basic lang naman na buhatin ka,” tatawa-tawa pa niyang sagot.
“Sige, Ethan, mauna na ako dahil kailangan ko na ring maligo dahil amoy alak pa rin ako,” paalam ko.
“Sige, pero sagutin mo muna ang tanong ko.” Aniya.
“Alin ba ro’n?” pagmamaang-maangan ko.
“Kung Santos din ba ang surname mo?” aniya.
Medyo kumirot ang aking ulo sa tanong niya kaya’t sumagot nalang ako.
“Oo.” Maikling sagot ko sa pamamagitan ng dalawang nabanggit na letra.
“Ahh.. ako rin e. Hindi kaya tayo magkamag-anak?” malaman niyang tanong na alam na alam ko naman ang sagot.
“Ewan ko lang din,” sagot ko.
“Mark Santos at ikaw, Leroy…” pagpipigil niya na ikinainis ko.
“Oo, kapatid ka namin ni Kuya Mark at hindi ko matanggap na ikaw, na anak sa labas lang ng Papa ko ay nabibigyang halaga! Samantalang ako, na tunay niyang anak ay walang halaga sa kanya! Masaya ka na?” sabi ko at doon naman sumulpot si Kuya Mark na hindi ko alam na naroon pala.
“H’wag mong pagsalitaan ng ganiyan ang bunso nating kapatid, Leroy. Hindi ka pinalaking bastos ng mga magulang natin…” aniya.
“Isa ka pa, Kuya! Kayong dalawa lang naman ang mahal ng mga magulang natin!” sabi ko sabay punas sa mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.
Masyadong masakit..
Hindi ko kinakaya.
“Hindi ’yan totoo, Leroy!” singhal niya.
“H’wag mo na ngang bilugin ang ulo ko, Kuya! Hindi mo ako mapapaniwala sa mga salita mo dahil isa kang sinungaling! Ikaw na lahat!..“pumiyok pa ako. “Ikaw lang naman ang paboritong anak nina Mama at Papa. Syempre, ikaw na rin ang “best kuya” para d’yan kay Ethan!“ sigaw ko.
Dahil sa aking mga sinabi ay isang malakas na suntok ang kumawala sa kamay ni Kuya Mark at tumama iyon sa aking muka na naging dahilan para umagos ang dugo ko sa kilay. Samantala, nang tingnan ko siya sa mukha ay tila ba nagulat siya sa kaniyang ginawa lalo na nang umagos ng walang humpay sa aking mga mata ang mga luha na hirapan akong pigilan.
“S-sorry, Ethan..”
“W-wala na, nagawa mo na! Pinatunayan mo lang na pareho lang kayong apat nina Mama at Papa! Hindi ako mahalaga sa inyo! Puro kayo mga sinungaling at mapagpanggap na mga tao!” sabi ko at nagtatakbo palabas. Narinig ko pang sinisigaw ni Kuya ang pangalan ko pero hindi ako nakinig dahil simula sa mga sandaling ito ay pinuputol ko na ang kaugnayan ko sa kanilang lahat.
“Leroy!” sigaw ni Ethan na tumatakbo pa ngunit hindi ko siya pinansin dahil hindi ko siya balak na pansinin at lingunin man lang.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagkulong at nag-iiyak.
Sa aking tanang buhay, kanina lang ako nasaktan ni Kuya Mark ng ganoon dahil lang pinagsalitaan ko sila ng masasakit na salita. Noon ay halos ipagtanggol niya ako sa lahat ng mga kalaro namin pero ngayon ay iba na. Mas mahalaga sa kanya si Ethan.
Simula sa araw na ito ay mas magiging matapang ako at hindi ko na sila pag-uukulan pa ng panahon dahil mga hayop sila at walang puwang ang mga kagaya nila sa aking buhay.
“Leroy, buksan mo’to!” sigaw ni Kuya mula sa labas.
Nakailang ulit pa siyang sumisigaw ngunit hindi ko iyon pinansin dahil wala na akong pakialam sa kanya o kung sino man lang sa kanila.
“Hello, Leroy!” Iyan ang sabi ni Inake nang mag-text ako sa kanya na kailangan ko siya ngayon.
“Hello, Inake. Miss na miss na kita,” sabi ko habang humahagulhol.
“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” nag-aalala niyang tanong kaya’t ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari.
“Mahirap ’yan, Leroy pero… sige, susuportahan kita sa gusto mo dahil mahalaga ka sa akin at alam ko naman na kaya mo ’yan. Soon ay mapapatawad mo rin sila,” sabi niya.
“Salamat, Inake! Ikaw nalang ang meron ako ngayon sa buhay ko at hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan..” sabi ko.
“Basta ’wag ka nang umiyak dahil naiiyak na rin ako sa mga nangyayari sa buhay mo. Kapag uwi ko at kapag naka-graduate tayo, buti pang mag-Japan nalang tayong dalawa para hind ka na nahihirapan sa buhay mo rito sa Pinas. Malapit ka nga sa mga pamilya mo pero hindi ka naman mapahalagahan ng tama? Hay!” aniya na talaga namang nagpaluha sa akin. Hindi na ako tutol sa mga sinasabi niya dahil alam ko na mas mabuti pang ’wag nalang akong manirahan pa rito sa Pilipinas dahil mas masakit pa ang buhay dito.
“Sige, Inake. G-gagawin ko lahat ng mga sinasabi mo. Hindi ko na rin kasi kaya pa ang sakit dito sa puso ko. Akala ko kaya ko , pero pa rin pala. Masakit pa rin lahat pero wala akong magawa dahil ganito ako. Isang bakla at wala akong puwang sa mundong ito..” sabi ko.
“D’yan ka naman mali dahil tanggap kita kahit na bakla ka pa o ano mang uri ka pa ng tao!” aniya.
Dahil sa sinabi niya ay mas lumakas ang tiwala ko sa aking sarili na may mga taong magmamahal at magtitiwala pa rin sa akin at sa kakayahan ko kahit na isa akong bakla.
“Inake, Salamat!” sabi ko habang umiiyak pa rin.
Marami pa siyang naging bilin at naputol na lang ang aming pagkakausap dahil tinawag na siya ng manager nila doon sa Cebu.
SIGURO ay hanggang dito nalang muna ang laban ko pero alam kong kakayanin ko ito kahit pa anong mangyari..
To be continued!
SIGURO-PART XXXIX
Warning! Sabaw na sabaw pa ang isip ko.
Comment your reaction below.
SIGURO-Part XXXIX
LEROY
Halos ilang araw na pag-iyak ang aking ginawa pero wala pa rin e. Masakit pa rin. Nararamdaman ko pa rin ’yong kirot sa aking puso. Masyado pala akong mapagmahal kaya siguro ay nasasaktan ako.
“Leroy, buti galing na ’yang nasa kilay mo,” ’yan ang bati sa akin ni Michael na nasa Finance department.
Kinapa ko pa ang aking kilay na ilang araw na ring may putok dahil sa suntok sa akin ni Kuya. Nakakainis nga dahil pati sa boss na si Mr. Escosa ay kailangan ko paring magsinungaling na nadulas lang ako sa banyo.
“Oo nga ’no? Alalang-alala kasi sa’yo si A—” hindi na naituloy ni Michael ang sasabihin niya dahil pinigilan ni Joseph sa pamamagitan ng pagtakip niya ng kamay sa bibig nito.
“Medyo galing na nga siya at konting pahid lang ng ointment ay mabubura na rin ’to.” Dagdag ko pa.
“S-sige, Leroy…mauna na kami sa’yo.” Anila na nagmamadali na dahil lalampas na sila sa oras ng breaktime.
“Sige, good luck sa mga ginagawa niyong pagbabalance,” pahabol na pang-asar ko pa sa kanilang dalawa at bumalik na rin ako sa opisina ni Mr. Escosa.
“What took you so long?” ang tanong agad sa akin ni Sir nang makaupo na ako sa working area ko.
“Sir, puno po kasi ang elevator kaya I used the stairs instead,” paliwanag ko na naintindihan naman niya. Medyo hussle talaga ngayon sa trabaho pero sige lang ng sige para sa ikabubuti ko at ng aking marka.
Nang kinahapunan na ay minabuti kong dumaan sa National Bookstore at bumili ako ng book ni Paulo Coelho na Eleven Minutes. Habang bumibili ako ng libro ay may kamay akong nahawakan at nagulat nalang ako nang makita kong si Art pala iyon.
Tila tumigil ang aking mundo at siya namang pagyakap niya sa akin kahit na naglalaglagan na ang ilan pang mga libro na nandoon. Humigpit nang humigpit ang kaniyang yakap hanggang sa naramdaman ko na rin ang pagyakap ko sa kanya habang malayang dumadaloy ang luha sa aking mga mata.
“Na-miss kita,” aniya habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Humihikbi-hikbi pa ako habang umiiyak.
“A-ako rin, na-miss kita.” Sagot ko naman pabalik.
Sandaling naputol ang aming pag-uusap nang sitahin kami ng guard na nagbabantay.
“Ah, mga Sir..” hindi na rin naituloy ng guard ang sasabihin niya dahil nagsalita na ako agad.
“Pasensya na, Kuya. Aayusin nalang namin ’to,” sabi ko pa sabay turo sa ilang librong nagkalat.
Matapos iyon ay niyaya ko siya sa bahay dahil gusto ko siyang ipagluto.
“Kamusta pala ang buhay mo these past few days na wala ako? Kumakain ka ba ng tama? Inaasikaso mo ba ang sarili mo?” tumango nalang ako kahit ang totoo ay hindi.
“Ako pa niloko mo, Leroy. Muka kang namayat!” aniya na hindi ko maitatanggi. Halos simula kasi noong gabing ’yon ay hindi ako makakain ng ayos at wala rin akong matinong tulog na matatawag. Inisip ko na nga rin na kitilin ko na lamang ang buhay ko para matapos ang lahat.
“Leroy.. hindi ka na sumagot..” ulit niya pa sa akin dahil napatulala na ako dahil sa iniisip ko kanina.
“Ano ’yon?” tanong ko sa kanya pero umiling lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Nasa byahe kami at nakaramdam naman ako ng antok kaya’t minabuti ko munang matulog.
“Gising na, Leroy..” ang sabi ni Art na bumulaga sa aking harapan. Tapat na tapat pa ang muka niya sa mukha ko kaya’t napalunok ako ng wala sa oras.
Napatitig na rin ako sa labi niya na noo’y perpektong-perpekto sa aking mga mata. At namalayan ko na lang na magkalapat na ang aming mga labi.
Damang dama ko ang sandaling pagdamping ’yon na nangyari sa aming dalawa. Bigla ko tuloy naalala na hindi ko pa nga pala siya sinasagot kaya’t nagmadali akong lumabas sa kotse niya at minadali ko ring susian ang nakakandadong gate at pintuan.
“Mag-isa ka pa rin ba rito?” ang kaniyang tanong nang makasunod siya sa loob.
Bilang sagot sa kanyang katanungan ay tumango ako at nagsimula naman siyang manood ng T.V. Naka-t-shirt siyang puti at naka-boxer shorts kaya’t kitang-kita ko ang hubog ng kaniyang katawan mula sa aking kinatatayuan.
“D’yan ka muna, Art, ha? Ihahanda ko lang ang lulutuin ko para sa dinner,” paalam ko at tumango naman siya.
Balak ko siyang ipagluto ng sinigang na baboy ngayon kaya’t naggayat na muna ako ng mga sangkap na naka-ready na kanina bago ako umalis.
Sana magustuhan ni Art ang lulutuin ko. Hindi ko maiwasang hilingin sa loob ng aking isipan.
Nabalatan, nagayat at napakuluan ko na ang mga sangkap nang maisipan kong silipin siya roon sa salas.
Wala siya roon pero bukas ang T.V at may isang boquet ng white roses na naroroon. Ilang sandali pa ay nakita ko na nagbukas ang pinto at nakita ko na papasok na si Art kaya’t napaluha na ako bigla dahil may dala siyang isang malaking teddy bear.
Dahil doon ay biglang tumalon ang aking puso at napuno ito ng galak.
Napansin na rin niya na naroroon ako kaya’t nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.
Hawak ang boquet ng rosas at teddy bear ay lumuhod siya sa aking harapan. Maluha-luha ako doon pero mas naiyak ako sa mga sinabi niya.
“Minsan ko ng sinayang ang pagkakataon na alagaan ka. Minsan ko na ring nasaktan ang puso mo. Minsan ko na ring pinabayaan ang mahal ko na Leroy ang pangalan. Pero sana sa pagkakataong ito ay hayaan mo akong mahalin kita sa abot ng makakaya ko. Alam kong hindi ako perpekto pero gagawin ko ang lahat para hindi ka na uli mawala at masaktan.. Kaya please… Leroy… Can you be my boyfriend?” Maluha-luha niyang wika na sinamahan pa ng mga luhan pumapatak sa kanyang mga mata.
“Hindi mo na kailangang gawin ’yan dahil noong mga sandaling wala ka sa tabi ko ay na-realize ko kung gaano kita kamahal at ayaw kitang mawala pa. Sana sa pagtanggap ko sa’yo pabalik ay hindi mo na ako ulit sasayangin..” sabi ko at hinalikan ko siya na kanya namang tinugunan.
Nabitawan ko na ang hawak kong rosas pero hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi. Nasa ganoon kaming posisyon nang maalala ko na may niluluto ako kaya’t napatakbo ako pabalik sa kusina na siya namang ikinakamotb niya sa ulo.
Kapwa pa kami napatawa pero mabilis lang din naman ay bumalik ako. Hindi pa man ako nakakasalita ay inangkin na niya agad ang aking labi pero nagulat nalang ako nang biglang natumba siya Art.
Hindi pa roon nagtatapos lahat dahil napagtanto ko na sinusuntok pa rin siya ni Kuya Mark kaya’t umawat na ako.
“Ano bang problema mo, Leroy?” sigaw ni Kuya Mark.
“Ikaw, kayo! Kayo ang problema ko! Walang kasalanan ’yong tao tapos bigla kang eepal at sasaktan siya. Kung ganiyan ka palagi ay mas mabuti pang kalimutan mo nalang na naging kapatid mo ako!” sabi ko at niyakap ko si Art.
“Dahil sa lalaki nagiging ganyan ka? Hindi ka ba talaga madadala? Sinaktan ka niyang ’di ba?” sigaw niya pa sa akin.
“Oo, sinaktan ako ni Art pero hindi ibig sabihin no’n ay wala na siyang karapatan na bigyan pa ng pangalawang pagkakataon. Kapag mahal mo, hindi ka magsasawa. At sa kaso ko, KUYA… nagmahal lang ako!” sigaw ko pa.
“S-sige, Leroy.. kung sa ganyang paraan ka magiging masaya, the go! Hindi na kita papakialaman pa.” Aniya sabay alis.
At sa kaniyang pag-alis ay bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Niyakap nalang ako ni Art at umiyak na naman ako. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na SIGURO ay mali nga talaga ang umibig sa ganitong klase ng kasarian na meron ka.
To be continued..
SIGURO-Part XL
SIGURO-Part XL
LEROY
“Kapag umiiyak ang langit ay pumapatak ang ulan..
Kapag ngumingiti ang langit, sumikat ang araw…“
Sabado nang umaga. Malaya kong pinagmamasdan ang kahubaran ni Art. Ilang araw na rin pala simula nang maging opisyal na magkarelasyon kami. Masarap iyon sa pakiramdam at sa tingin ko ay mahirap alisin ’yon sa aking sarili.
Habang nasa ganoong akong posisyon ay napatingin ako sa aking cellphone at napagtanto ko ang petsa sa kalendaryo.
Parang kailan lang noong umalis ako sa bahay namin dala ang masasakit na salitang ipinukol sa akin ng aking ama na kailanman ay hindi ako maiintindihan.
Ayokong magtanim ng galit sa kanila ngunit sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga ginawa nila sa akin ay bumabalik din ang sakit na nakaukit na sa puso ko.
Nakatingin ako sa kisame, humihinga ng malalim at hinihintay ko na magbago ang sikulo ng buhay kung saan hindi ko na mararamdaman ang kakulangang ito sa aking puso.
Kakulangan na pamilya ko lamang din ang makakapuno.
Sandaling segundo lang din ang lumipas nang biglang nalaglag ang paso na nalakagay sa maliit na lamesa malapit sa paanan ko.
Ibayong kaba ang lumukob sa akin no’n kasabay ng pagkagising ni Art.
“A-ayos ka lang?” iyan ang bungad niyang tanong dahil halata pa rin kasi sa aking mga mata at mukha ang bakas ng mga luhang hindi ko inaasahang papatak.
Hindi ko nagawang sagutin siya sa kaniyang katanungan, bagkus ay humagulhol na lamang ako ng pag-iyak sa hindi ko malamang kadahilanan.
Yakap-yakap niya ako at hinahalik-halikan pa niya ang aking ulo na siyang nagpagaan sa aking loob ng bahagya. Nasa ganoong posisyon pa rin kami ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Nakarehistro roon ang pangalan ni Kuya na kamakailan lang ay napatawad ko na rin dahil si Kuya ay si Kuya at alam kong pinoprotektahan niya lang ako. Ngunit ang hindi ko lamang gusto sa kaniyang ginawa ay ang mabilis niyang pag-abanduna sa akin at sa paglilihim niya tungkol sa kapatid namin sa labas na si Mark.
“Sagutin mo na..” utos sa akin ni Art dahil matagal na akong nakatitig sa cellphone ko na kanina pa rin tumutunog.
“Hello, Leroy.. Nasa ospital si Mama at kailangan ka niya ngayon.”
’Pagkarinig ko pa lang ng mga katagang ’yon mula kay kuya ay halos mabitawan ko na ang cellphone ko at nagsimula na akong umiyak.
“N-nasa’ng ospital kayo? Papunta na ako.” Wika ko pabalik.
Matapos sabihin sa akin ni Kuya ang lokasyon ng Ospital ay minabuti kong yagyagin si Art na magbihis dahil kailangan daw ako ni Mama. Kahit naman naging mahina si Mama at nagpakontrol siya kay Papa ay nanay ko pa rin siya at hindi ’yon maaalis kailanaman.
Nakapagpalit na ako ng matinong damit at nag-toothbrush din ako pero bigla akong niyakap ni Art at nagsalita. “Nandito lang ako.”
“Salamat, Art!” wika ko pabalik at mabilis kaming umalis lulan ng kaniyang dala-dalang oto.
Pasado alas otso y medya nang marating namin ang kinaroroonan nina Kuya.
“Good morning, Ma’am! May naka-confine ba ritong Mrs. Santos?” tanong ni Art at itinuro sa amin ang room number 62.
Mabilis kaming nagtatakbong dalawa hanggang sa marating namin ang pasilyo kung saan naroon sa labas si Papa. Nakayuko siya ngunit alam na alam ko na si Papa iyon. Napatigil tuloy ako saglit at alam kong hindi ko pa kayang harapin si Papa lalo na’t sa kaniyang gilid ay naroroon si Ethan na dapat ay ako.
Selos. Si Mama. Galit. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong unahin.
“Kaya mo ba?” tanong ni Art na noo’y nakahawak sa aking kamay ng mahigpit.
“H-hindi ko alam.” Sabi ko na sinabayan ko pa ng pag-iling.
Ilang minuto lang kaming nakatayo ro’n at napansin iyon ni Ethan at bumulong siya kay Papa kaya’t napalingon ito sa aming kinaroroonan.
“Tara na, Art.” Sabi ko dahil papalapit sa amin si Papa at Ethan.
“H’wag. Kailangan ka ni Tita ngayon,” aniya na nagpigil sa akin na umalis. Tama naman siya. Kailangan ako ni Mama.
Mabilis akong nakumbinsi ni Art at naglakad ako kasabay siya. Magkahawak pa ang aming mga kamay ngunit huli na nang hawakan ni Papa ang kamay ko at niyakap niya pa ako. Mahigpit ’yon at nabitawan ko pa ang cellphone ko.
“S-sorry, Leroy.” Sabi ni Papa at naramdaman ko na may luhang pumapatak sa aking balikat. Galing ’yon kay Papa.
Hindi ko inaasahan na gagawin ’yon ni Papa ngunit alam kong totoo iyon kaya’t napuno ng iyakan ang aming kinaroroonan dahil s amin ni Papa.
Ilang sandali pa ay kumalas na si Papa sa pagkakayakap ay hinawakan niya ako sa balikat gaya ng ng ginagawa niya kapag may nagawa siyang pagkukulang noong bata pa kami.
“Hinahanap ka na ng Mama mo sa loob. Pumasok ka na dahil gaya ko ay miss na miss ka na rin niya.” Ang wika ni papa na siya namang ginawa ko.
Nagkatinginan pa kami ni Art at nginitian niya ako at ganoon din si Ethan.
“Sige po, Pa.” Sabi ko bilang pagtanggap muli sa kaniya bilang aking magulang. Hindi ko man masabi ang mga tamang salita ay alam ko, gaya ko ay hirap din si Papa na magsimula ng mabigat na topic dahil mahalaga ngayon ay si Mama.
Wala na akong inaksayang oras at agad akong pumasok sa loob.
Nakahiga si Mama sa kama habang si Kuya naman ay nasa gilid niya.
“Buti naman at dumating ka, Bro.“sabi ni Kuya at niyakap pa ako. Dahil miss ko na rin si Kuya ay niyakap ko siya pabalik. Masyado mang gasgas ang linyang sorry sa araw na ito ay siyang sinabi ko dahil naging immature rin ako these pas few days.
“Anong nangyari kay Mama?” tanong ko.
“Malma lang ang naging UTI ni mama dahil sa pag-take niya ng kung anu-anong gamot kaya’t kagabi ay nagpadala na rito dahil namimilipit na siya sa sakit. At ’wag kang mag-alala dahil mamaya rin ay lalabas na tayo dahil mabilis lang naman ang resulta sa mga test na ginawa sa kanya,” Sagot ni Kuya na nagpakalma sa akin.
Ganito talaga ang mama. Kapag may nararamdaman ay gusto niyang magpa-confine agad sa Ospital. Sayang daw ang pera kung hindi naman daw iyon magagamit ng ayos at mailalaan ng tama.
Kung sa tutuusin naman ay hindi na kailangan pa na isugod si Mama rito dahil may Family doctor kami pero dahil may pagkasigurista si Mama ay nandito siya ngayon.
“Kuya, Sorry ulit dahil sa pagiging immature ko. Pero bakit kailangan mo pa kasing saktan si Art? Minsan hindi kita maintindihan, Kuya.” Sabi ko sabay yakap sa kanya na parati kong ginagawa noon pa kapag may kasalanan ako kay Kuya.
“Sorry din, Leroy. Nag-aalala lang ako sa’yo bilang Kuya mo. Sinaktan ka rin ni Art kaya nawaga ko ’yon pero pinatunayan naman niya na mahal ka niya dahil maging si Papa at Mama ay niligawan niya rin. Tanggap ka na ng pamilya. Uwi ka na rin, ’di na kami galit.” At nagtawanan kami ni Kuya kahit na may luhang pumapatak sa aking mga mata.
Ang bilis masyado ng pangyayari. Marami pang katanungan sa isip ko na nagnanais ng kasagutan pero isa lang ang masasabi ko—masaya ako.
Masaya ako na SIGURO ay hindi matatarawaran o mapapalitan ng kahit ano pang bagay sa mundo.
To be continued….
SIGURO-PART XLI
NOTE: DAHIL BIRTHDAY KO TODAY, HERE’S MY UPDATE PARA SA INYO. MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT!
SIGURO-PART XLI
LEROY
Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo at tila ba kakaibang saya ang nararamdaman ko dahil finally, tanggap na ako ng pamilya ko. Hindi man ganoon kabuo ay talaga namang masaya ako.
“Kanina ka pa yata nakangiti d’yan?” iyan ang naging tanong sa akin ni Art na noo’y kumakain ng ice cream.
“Masaya lang ako,” tugon ko sa kanya.
“Buti naman.” Aniya sabay tawa.
Linggo ngayon at walang pasok sa trabaho kaya ito kami, ginugugol ang oras para sa isa’t-isa. Ilang araw linggo na rin kasi ay matatapos na ang OJT namin.
Sa wakas ay makikita ko na rin si Inake. Miss na miss ko na kasi ang isang ’yon.
Habang nasa ganoong pag-iisip ako nang nakita kong nakaamba sa bunganga ko ang kutsara namayroong laman na ice cream. Napangiti nalang ako matapos kong isubo ’yon.
Nang maubos ang ice cream ay mabilis pa sa alas singko akong hinalikan ni Art sa labi kaya’t lasang-lasa ko ang tamis ng laway niya. Kapag pala mahal mo ang isang tao ay hinding-hindi ka magsasawa sa kanya. Alam kong masyado pang maaga para sabihin ko iyon pero laman iyon ng aking puso.
“I love you, Leroy!”
“I love you too, Art!”
Matapos maglapat ng aming mga labi ay mas uminit ang tagpo sa aming pagitan. Nariyang binuhat niya ako papasok sa aming kwarto at doon namin ipinakita ang pagmamahal namin para sa isa’t-isa.
“Mukang masaya ka yata ngayon, bro?” tanong ni Ethan na binisita ako kasama si Ralp at Jet. Umalis kasi si Art dahil tumawag ang Daddy niya.
“Bakit, bawal ba?” tanong ko naman pabalik.
“Oo nga naman, bro!” sapaw naman ni Jet.
“Sabi ko nga,” sagot ni Ethan at nagtawanan naman kami.
Yes, balik sa dati ang aming samahan at tinawagan ako ni Inake.
“Hello, iyakin?” Entradang tanong niya agad sa kabilang linya.
“Hindi na kaya! Itong Hapon na’to!” tatawa-tawa kong sabi.
Napatingin naman sa akin ang tatlo na takang-taka kung sino ang kausap ko.
“Ikaw naman, Pinoy panget!”
“Pogi kaya ako!”
Napatawa naman ang tatlong ungas pati na rin si Inake na akala mo naman ay ang popogi. Itsura nila!
“May dugo ka ring Pinoy kaya ’wag ako!” sabi ko naman.
“S-sabi ko nga po.”
Eh ’di natahimik ang loko.
“Kamusta ka pala d’yan? Okay ka lang ba? Manlilibre ka ’pag uwi mo! Miss na kitang Hapon ka!” sabi ko.
“H’wag mo akong isipin dahil ayos naman ako rito. I’m doing great at ilang linggo na lang din naman ay uuwi na ako d’yan.” Sabi niya na ikinatuwa ko naman.
“Good. Miss na kasi kitang pangit ka!”
“Miss na rin kita, Pangit! Sana hindi ka na stress pagbalik ko d’yan.” Aniya at natatawa naman akong sumagot.
“S’yempre naman ’no!”
“Good! Ibababa ko na, kinamusta lang kita.” Hindi na ako nakasagot at ibinaba na niya agad dahil may ginagawa raw siya.
Dahil doon ay mas lalo ko siyang na-miss at ang tatlong ito naman ang umintriga sa akin.
“Sino ’yon?” Si Ethan.
“Si Inake, kaibigan ko.” At hindi na sila nag-usisa pa kahit sa kanilang mga mukha ay may mga katanungang hindi nila nais malaman ko lalo na’t nagkatitigan pa sila sa isa’t-isa.
Ngunit kung ano man iyon ay wala na akong pakialam dahil si Inake ay kaibigan ko lang.
Pagabi na nang magising ako mula sa pagkakahimbing sa sofa bed at ganoon din ang tatlo na ginawa pang unan ang isa’t-isa. Lahat kami ay topless dahil medyo may kainitan. Naglaro pa kami ng car games at ang siste ay nagpapahiran pa kami ng uling sa mukha.
Natawa nalang tuloy ako at sinbukan kong mahiga muli pero hindi na ako dinalaw pa ng antok.
Kaya’t para hindi naman maubos ang aking oras ay minabuti kong magluto na lamang ng gabihan.
Sinimulan ko ang pagsasaing at ang sinimulan ko na ring gayatin ang mga gulay na sangkap sa sinigang na lulutuin ko.
Habang naggagayat ako ay naalala ko bigla noon na nagluto kami ni Inake nito.
“Bakit kasi ang liliit naman ng gayat mo!?” singhalm ko kay Inake na tatawa-tawa pa sa kapalpakan niya. Hindi naman totoong mali ang gayat niya, trip ko lang siyang asarin dahil perfect ng pagkakayat niya.
“Ay, napaliit ba? Bili nalang tayo ng luto.” Aniya na tinawanan ko matapos noon.
“Bakit ka natawa?” tanong niya sa akin na nagtataka.
“Ang cute mo kasi.”
“Matagalo na!” sabi naman niya.
“Oh, gayatin mo nalang itong gabi. Bugbugin kita d’yan e!” ako naman ang nagsalita.
“Sabi ko nga po,” sunod naman niya.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nagbalik ang tagpong iyon sa aking isip at talaga namang nalulungkot ako sa hindi ko rin malaman na kadahilanan.
Siguro ay nami-miss ko lang siya masyado.
“Ang bango naman!” sabi ni Ralp na noo’y nasa likod ko. Medyo nagulat pa nga ako dahil bigla siyang sumulpot.
“Nakakagulat ka naman!” wika ko.
“Sa’yo nga ako nagugulat e. May nobyo ka na tapos feeling ko may gusto ka pa kay Mr. Hapon…” sagot niya na nagpatigil sa akin.
Halos hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya.
Humugot muna ako ng kaunting hininga at nagsalita.
“Baliw ka, Ralp! Magkaibigan lang kami at mahal ko si Art. Iyon lang.”
“Sabi ko nga…” makahulugan niyang tinuran bago tuluyang nawala sa aking paningin.
Mabilis na naluto ang sinigang atb nandoon na sila sa salas kaya’t naghain na ako para sa amin. Medyo lumilipad ang aing isip dahil kay Inake pero hindi ko iyon ipinahalata dahil baka ano pang isipin ni Ralp.
“Ang sarap talaga ng luto mo, kapatid! Mapaparami ang kain namin nito..” sabi ni Ethan at nginitian ko naman siya bago ako naupo.
“Dapat lang, ’no?! Niluto ko iyan para sa inyo dahil nakakahiya naman sa inyo. Ipit na ipit sa inyong tatlo ’yong sofa bed.”
Nagtawanan kaming apat at nagulat ako ng umentrada bigla si Art.
“Bro, kain!” ang sabi ni Ethan at si Ralp at Jet naman ay todo ipod para makasingit si Art.
Todo aksyon naman ako dahil alam kong pagod at gutom si Art mula sa pagbyahe at trabaho niya.
“Tama, kumain ka lang dahil alam kong pagod ka.” Ang sabi ko habang nakangiti at hinalikan naman niya ako sa pisngi kahit na nandoon ang tatlo.
“Sweet!” sabay na sabi ni Ethan at Jet habang si Ralp naman ay nakangiti lang na nagmamasid ng aking kilos..
Nakakainis mang isipin pero tila naguguluhan ako sa nais niyang iparating..
To be continued…
SIGURO-Part XLII
Note: Masyado busy lang pong sa pagpapakatanga, acads, sports.. etc. Babawi ako sa inyo sa month na ito :)
SIGURO-Part XLII
(10/11/17)
LEROY
“Malalim ata ang iniisip mo?” bungad ni Art sa akin. “Ilang linggo ka ng ganyan.” Dagdag pa niya.
“Okay lang ako, ’no? Pagod lang ako sa trabaho,” sabi ko.
“Sabi ko naman kasi sa’yo e, ’wag mong isubsob masyado ang sarili mo sa trabaho..”
“Two days nalang naman, babalik na uli ang lahat sa dati.”
Sabi ko at sinimulan ko ng mahiga sa tabi niya.
“Ayos ka lang talaga, ha?” aniya at hinalikan ako labi.
“Bakit ganito ang nararamdaman ko?” tanong ko sa aking isipan na talaga namang magulo pero pinipilit kong labanan dahil hindi iyon maganda. Kahalikan ko si Art pero larawan ni Inake ang nasa isipan ko. Malma na’to.
“H’wag ngayon, Art…” pagpipigil ko sa kanya habang hinuhubad niya ang aking damit.
“S-sorry.” Ang sabi niya at niyakap na lamang ako.
Nakatulog kami sa ganoong set-up at alas kwarto ng umaga nang magising ako na wala sa tabi ko si Art at nakita ko siya sa kusina na nagluluto. Naka-apron siya habang sumisipol-sipol pa. Ang cute niyang tingnan kaya’t pinagmasdan ko lang siya habang naggagayat ng bawang.
“Mahal, gising ka na pala..” aniya at mabalis pa sa alas tres niya akong hinalikan.
“Hindi pa ako nagto-toothbrush e!” pagmamaktol ko.
“Eh, ano naman? Mahal kita kaya wala akong pakialam kahit na ano pa ang amoy mo..” aniya kaya naman hinalikan ko siya sa labi at dumiretso sa banyo para mag-mouthwash muna at maghilamos na rin.
Matapos kong maghilamos ay napatingin ako sa salamin at napangiti dahil si Art ang bumungad sa akin kasama ang mga banat niyang hindi nakakasawa.
“Pogi na nga masarap pa..?” aniya habang naka-pogi pose.
“Ano ’yon? Masarap lang…walang pogi.” Pang-aasar ko.
“Pero mahal mo naman..” sabi pa niya at niyakap ko pa siya matapos niyang isalin ang sinangag na niluto niya.
“Mukang masarap!” sabi ko.
At hindi nga niya ako binigo dahil tunay na masarap ang mga niluto niya. Gayunpaman, hindi ko ipinahalata sa kanya na nasasarapan ako.
“Masarap ba?” tanong pa niya habang nakamatyag sa bawat pagnguya ko.
“Pwede na.” Matipid kong sagot na naging dahilan para siya naman ang sumubo ng pagkain na niluto niya.
“Masarap naman a!” aniya at magsasalita pa sana ako pero biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya nagmadali siyang kunin iyon. Pinanood ko lang siya na nagmamadali sa pagsagot habang ako’y patuloy na kumakain.
“Hello, oo.. Mga eight.” Iyan ang narinig ko sa kanya at tila ba may something na hindi ko ma-figure out. Basta parang may mali.
“May mali ba?” tanong ko sa kanya at umiling naman siya.
“Emergency daw sa opisina ni Papa. Sabi ko mga eight ako makakapunta.” Ang sagot niya.
Patuloy lang kami sa pagkain at sabay na kaming naligo dahil may kaniya-kaniya kaming trabaho.
Naging mabilis pa ang mga araw at hindi ko na namamalayan na tapos na ang “On the Job Training” ko at masaya ako dahil finally, nakuha ko ang flat one na hinahangad ko.
“Mahal, male-late na tayo sa pagsundo kay Inake.” Ang sabi ni Art sa akin kasi ito ang araw kung kailan namin susunduin si Inake sa Airport.
“Two hours pa po. Excited ba ang apelyido mo?” panunuya ko.
“Sabi ko nga po.” Aniya at naidlip sa sofa.
At habang nasa ganoong siyang posisyon at nagbukas ang kanyang cellphone at may nabasa ako ang message mula sa hindi nakarehistrong numero at ang sabi ay:
“Hindi ko alam ang gagawin ko. Hin—,”
Hindi ko tuluyang nabasa ang buong mensahe dahil naka-lock ang phone niya at sigurado naman akong wala lamang iyon. Unregistered nga e.
“Babe, parang kailangan na nating umalis dahil baka abutin pa tayo ng traffic e.” Sabi ko naman pero bigla siyang napailing nang mahawakan niya ang phone niya.
“Babe.. hindi kita masasamahan sa pagsundo sa bestfriend mo.. May biglaang meeting daw kasi si Papa. Pasensya ka na.” Aniya at medyo nadismaya ako pero wala naman akong magagawa sa bagay na iyon.
“S-sige.. Mag-ingat ka nalang. Na-text ko na rin si Ethan na sumunod sa airport.” Sabi ko na medyo nagtatampo ang tono.
“S-sorry, babe. Babawi ako.. pangako..” aniya at hinalikan ako sa labi. At dahil nalulunod na ako sa halik niya ay napangiti nalang ako pagkatapos at kinurot ko ang kanyang pisngi.
“Sige na, babe. Mauna ka na dahil baka kailangang kailangan ka talaga ni Tito ro’n. I love you!” sabi ko at hinalikan ko pa siya.
“Ang swerte ko talaga sa’yo!” sabi naman niya pabalik at hinalikan din ako.
“Oo naman, kaya ’wag mong lolokohin.” Sabi ko naman at tila may gumuhit na kung ano sa lalamunan niya.
“Oo naman po.” Sabi niya at tuluyan nang umalis.
Malayo-layo pa ang byahe kaya naman sumandal ako kay Ethan na nakaputing t-shirt at ang mokong nakigamit pa ng pabango ko kaya naman halos magkaamoy na kaming dalawa. Pero habang nasa byahe kami ay bigla akong nagulat dahil sa sinabi ni Ethan.
“Hindi ba si Art ’yon?” tanong niya.
“Saan?”
“Ayon o!” turo niya sa naka-white na lalaki na may kahawak na babae.
Pero dahil nakatalikod ang lalaki at si Art ay naka-black at nasa opisina ng Daddy niya ay hindi ako naniwalang si Art iyon.. At isang bagay pa; tumatakbo ang sasakyan kaya’t hindi ko talaga nakita ang itsura ng lalaki’t babaeng ’yon.
“Ethan, kung anu-ano ang nakikita mo e. Mag-cellphone ka na nga lang d’yan!” sabi ko at ngumiti naman siya.
“Sabi ko nga po.” Aniya at nagtawanan kami. Pero sa aking palagay ay mas masaya kung kasama namin ni Jet at Ralpm para solid kami. Wala e, busy daw ’yong dalawa sa pagkakarera. Mahuhusay talaga.
“Malapit na pala tayo, bro.”
“Kaya nga.” Nae-excite kong sagot.
Mas lalo pang nadagdagan ang excitement ko nang makababa kami ng taxi cab.
Para kaming mga batang nakawala sa hawla namin ni Ethan dahil talagang pinupukpok ko siya na tumakbo ng mabilis para on-time naming makita si Inake na miss na miss ko na.
“Halatang excited na excited ka e.” Aniya nang makalampas na kami sa mga guard.
“Bestfriend ko ’yon ’no! NATURAL ma-miss ko ’yon!”
“Bestfriend daw.” Mahina niyang bulong na hindi ko gaanong narinig dahil sa sobrang hina.
“May sinasabi ka?” tanong ko at ilang saglit lang ay umiling siya.
“INAKE!!!!!!!” sigaw ko nang makita ko si Inake na may dalang maleta at malaking bag. Sobrang saya ko talaga at hindi ko inaasahang madudulas ako at buti nalang at naitayo ako agad ni Ethan kaya tuloy ako sa takbo kahit na tawa na ng tawa si Inake.
“Hayop ka! Tawa-tawa ka d’yan!” sabi ko habang nakayakap kay Inake.
“Ang cute mo kasing madulas. Na-miss kita.” Aniya kaya napaluha ako dahil sa saya.
“Na-miss kitang Hapon ka! Iniwan mo’kong mag-isa!” sabi ko at tatawa-tawa na naman siya na niyakap ako habang ang muka ko ay nasa balikat niya.
“Sorry na agad.” Sabi niya at nagtawanan kami sa hindi namin malamang kadahilanan.
“Mga baliw.” Kumento ni Ethan at nagtawanan na naman kami ni Inake and this time mas malakas. Ang sarap lang sa pakiramdam.
Nandito na ang bestfriend ko… Inake.
To be continued..
SIGURO-PART XLIII
Note: Bibigayan ko ng POV si Inake at Art kapag umabot ng 20 comments :)
SIGURO XLIII
LEROY
“Sinabi ko naman kasi sa’yo na ang pangit pangit mo noon pa, ayaw mong maniwala.” Ang pang-aasar ni Inake sa akin habang yakap-yakap ko siya.
“Tado! Miss na miss lang kita kaya ‘wag ka nang umarte! 75 days ka ring nawala sa tabi ko.” Tumingin ako sa maaliwalas niyang mukha.
“Manlilibre ka!” sabi ko sabay tawa naman niya.
“Basic naman na ‘yon. Matakaw ka pa rin talaga!” aniya at nagtawanan pa kami. Huli na nang ma-realized ko na nandoon nga rin pala si Ethan.
Nakatingin lang siya sa amin ni Inake na nagyayakapan sa isa’t-isa.
“Ah, Inake.. si Ethan nga pala— kapatid ko.” At nag-wave naman siya ng kamay.
“Kamusta, bro?” sabi pa ni Inake at sumagot naman si Ethan.
“Okay lang, bro,” at doon ay nag-shake hands silang dalawa.
Sandali lang din ang lumipas at pumara na kami ng taxi at dahil nga matagal kaming hindi nagkita ni Inake ay hindi ko binitawan ang kamay niya. Wala akong pakialam sa mga matang nakamatyag sa amin ng bestfriend ko.
“Hindi naman siguro tatakbo ‘yang si Ethan, bro.” Sabi ni Ethan sa akin at napatawa nalang ako sa bulong niya at mas lalo ko pang hinigpitan ‘yon dahil sa passenger seat kami naupo.
“Ba’t ang tahimik mo, Inake? Pagod ka ba? May masakit ba sa’yo? Masama ba ang pakiramdam mo?” Iyan ang tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.
“H-hindi k—,” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sapagkat hinalikan niya ako sa labi ng walang pasabi. Mabilis lamang iyon at hindi ko alam kung bakit napatigagal at napatitig ako nakangiti niyang muka. Parang may slow-motion at parang nabingi ako saglit.
“Na-miss din kita pero masakit pa talaga ang ulo ko, Leroy.” Aniya at hinayaan ko siyang sumandal sa balikat ko.
Mabilis talaga siyang dalawin ng antok ngayon pero wala akong pakialam dahil gusto kong amuyin siya. Hindi kasi nakakasawa ang amoy niya.
“Leroy, baka maubos na ang amoy ko niyan..” kumento niya kahit nakapikit kaya napatawa na lamang ako.
“Eh, ano naman? Ang bango mo e!” reklamo ko at umiling nalang siya.
“Sabi ko nga po, Sir!” pagdidiin niya at hinawakan ang kamay ko at saka niya iyon kinagat.
Napasigaw talaga ako ng malakas at naagaw tuloy lalo namin ang atensyon ni Ethan at ng driver.
“Bakit ka kasi nangangagat? Aso ka na ba ngayon? Baka may rabbies ka? Mahirap na!” pang-aasar ko.
“Loko!” aniya at pumikit na muli.
“Sabi ko nga.” At tumawa nalang siya kahit nakapikit ang mata.
Magtatanghali na nang makarating kami sa kanila at nakakatuwa lang dahil tulog na tulog pa rin siya.
“Bro, Hapon, gising na! Nandito na tayo sa inyo.” Sabi ko habang tinatapik-tapik ko pa ang kaniyang balikat. Nagkusot-kusot siya ng mata sandali at nag-unat at tuluyang na ring bumaba mula sa taxi. Ako na ang nagbayad sa taxi driver at si Ethan na ang nagbaba ng ilang gamit ni Inake.
“Ano, tatayo nalang ba tayo rito sa harapan ng bahay niyo? Ayon lang ang bahay namin, oh! Baka gusto mo, doon nalang tayo umuwi?” pang-aasar ko at agad niya akong hinila papasok sa loob ng bahay nila na noo’y nakasara pa ang gate.
“Wala si Mama ngayon kaya ako na muna ang magluluto ng pagkain natin.” Sabi ni Inake nang makapasok kami sa loob ng bahay nila. Hindi ko alam kung bakit sinabi niya iyon dahil may kasambahay naman sila na pwede niyang utusan para gawin ang bagay na iyon—pagluluto.
“Ako na lang ang magluluto. Magpahinga ka d’yan,” iyan ang sabi ko. At bilang tugon, nakita ko sa mata niya ang saya at bahagya niya akong inilapit sa kanya at wala pang isang iglap ay magkalapat na ang aming mga labi.
“Loko ka talaga!” sabi ko.
“I miss you too!” sagot niya at nagtungo sa kwarto niya. Si Ethan naman ay nasa salas nakahiga siya sa sofa. Ano nalang kaya ang sasabihin ni Ethan kapag nakita niyang hinahalikan ako ni Inake o kaya ay naghahalikan kami? Erase! Erase! Erase! MAGKAIBIGAN LANG KAMI.
Mabilis lang ang ginawa kong pagluluto dahil gutom na rin ako. Nagsigang lang ako ng baboy at nagprito ng shanghai na ready to cook na nasa fridge nila.
Akmang tatawagin ko na sana si Ethan nang makita ko siya sa likod ko at ngumiti muna bago nagsalita.
“Ang sweet niyo ng bestfriend mo, ‘no?” aniya at kinabahan ako dahil baka nakita niya kami ni Inake kanina.
“Ah, oo. Simula bata magkaibigan na kami.” Sabi ko.
“Pero normal ba ‘yong halikan ka niya kahit kayo na ni Art?” aniya at tinakpan ko ang bibig niya dahiil baka may makarinig na katulong.
“Nadala niya kasi ‘yong kultura nila sa Japan kaya ganoon siya.” Ako naman ang sumagot.
“P-pero parang hindi maganda tingnan. Kawawa si Art.” Aniya at na-guilty naman ako bigla dahil sa sinabi niya.
“Hindi ko rin alam e. Noong una nagagalit ako sa kanya kapag ginagawa niya ‘yon sa’kin kahit sa public, pero nasanay na ako kasi bestfriend ko si Inake at sana hindi na makalabas ‘yon sa pagitan nating dalawa.” Seryoso kong sagot sa nakababata kong kapatid.
“Naiintindihan naman kita sa parteng ‘yan. ‘Wag niyo lang dalasan kasi baka isipin ko na kayo ni Inake kaysa sa inyo ni Art.” Makahulugan niyang tugon at saka dinala ang ilang pagkain sa mesa.
Sandali akong napatigil at napaisip pero wala e, masaya ako kahit bawal.
“Inake, kumain ka na bago ka magpahinga.” Sabi ko kay Inake na nakahiga sa kama niya. Nakatalikod siya sa akin at nagulat ako nang hilahin niya ako pahiga sa kama at pinupog niya ako ng halik.
“Gago! Ano ba?!” sabi ko at saka ko siya tinutulak hanggang sa malaglag kami sa sahig. Ang siste ay nasa ibaba niya ako at hindi ko alam kung bakit ako ang unang humalik sa labi niya at malalim iyon sa pagkatataong ito.
“I miss you, Inake!” sabi ko at saka ko siya niyakap at iniwang nakatanga sa kwarto.
“LOKO!!!” Sigaw ni Inake at napatawa naman ako habang tinutungo ang hapag kainan.
“Mukhang masaya ka talaga sa bestfriend mo. Iba ‘yong ngiti mo e,”’ sabi ni Ethan na noon ay nagsisimula na ring kumain.
“Hayaan mo na ako. Na-miss ko ang bestfriend ko. Na-miss ko ‘yong best buddy at kapatid ko.” Masaya kong sabi at hinainan ko na rin si Inake ng pagkain sa plato na naglalakad na papalapit sa’min.
“Nga pala, parang missing-in-action ang boyfriend mo?” tanong ni Inake at nagkatinginan naman kami ni Ethan na bahagya pang napaubo sa hindi ko malamang kadahilanan.
“Ah, busy sa trabaho ‘yon. Alam mo naman ‘di ba na sa Daddy niya ‘yon nag-OJT?” sagot ko pabalik.
“Sabi ko nga po.” At nagtawanan kaming tatlo.
“Kamusta naman ang kaibigan kong Hapon sa Cebu?” tanong ko nang makaupo siya.
“Team delata po,” at napatawa naman kami ni Ethan.
“Kawawa ka naman pala sa Cebu.” Tumawa ako saglit. “Iniwan mo kasi ako,” at napaubo na naman si Ethan ng makahulugan.
“Para sa ekonomiya naman kasi ‘yong OJT na’yon.” Aniya at tuluyang kumain.
Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa ihatid ko na si Ethan sa bahay dahil gusto niya na magkaroon kami ni Inake ng mas mahaba pang time together.
“Ingat ka, bro. Sabihin mo sa’kin kapag nasa bahay na si Art ha?” Paalala ko bago siya sumakay muli ng taxi.
“S-sige, te-text nalang kita.” Aniya at tuluyang umalis angg sinasakyan niyang taxi cab.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at sa gulat ko ay buhat-buhat na ako ni Inake.
“Ibaba mo nga ako!” pag-angal ko.
“Hindi!” aniya at buong lakas niya pa rin akong dinala sa loob ng bahay.
“Anong trip mo?” sabi ko pero napaka-clingy niya dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran.
“Masama bang maglambing ako sa bestfriend ko na ilang buwan kong hindi nakita?” simula niya. “Simpleng yakap lang naman para makabawi man lang sa mga time na umiiyak ka habang kausap ako sa telepono. Kung alam ko lang na iiyak ka lang habang wala ako, e ‘di sana dito nalang ako nag-OJT. Alam mo namang ayaw na ayaw kitang umiiyak kasi mahalaga ka sa’kin.”
“Kasi..” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil hindi ko naman narinig ang huli niyang mga salitang sinabi dahil kinurot ko siya sa t’yan.
“Ang drama naman po ng bestfriend ko. Nakaka-touch naman po. Kaya mahal na mahal kita e.” Sagot ko pa bago ko siya pingutin na ikinapilipit niya.
“Mahal mo pero sinasaktan mo? Hindi na tayo bati!” pabebe niyang sabi at saka kami nagtawanang dalawa.
Na-miss ko talaga ang pangit na’to e.
To be continued…
SIGURO-PART XLIV
SIGURO-PART XLIV
LEROY
Ilang beses na ba kaming humalakhak ni Inake sa buong maghapon? Hindi ko na kasi mabilang.
“Anong trip mo?” tanong ko nang sandaling punasan niya ako sa mukha ng ketchup.
“Ikaw. Ikaw ang trip ko ngayon,” nakangiti pa siya noon at siya na rin mismo ang nagtanggal ng ketchup sa muka ko. Ang kulit!
“Okay kalang? Buti wala kang jet lag, Hapon.” Sambit ko para maiba naman ang usapan namin.
“Ako pa ba?” aniya.
“Bakit ang yabang mo?”
“Kasi gwapo.” Sagot naman niya.
“Gwapo pa nga ako sa’yo!” sabi ko bago ko ininom ang pang-apat na bote ng beer.
“Okay, Idol.” Pang-aasar niya.
Hindi ko muna siya sinagot bagkus ay pinagbukas ko siya ng isa pang bote.
“Pang-lima ko na’to, ’di ba?” ang tanong niya nang iabot ko sa kanya ang bote.
“Opo, Sir. Pero ’wag kang mag-alala dahil ako rin naman po.” Sabi ko.
Kung isasalarawan ko si Inake ay medyo namumungay na ang kaniyang mga mata. Ayos pa naman siya at alam ko ’yon dahil ako nga ay medyo nahihilo lang pero alam ko pa ang lahat ng ginagawa ko.
“Ang lakas mo na ngayong mag-inom, ’no?” ang tanong niya.
“Hindi ko rin alam e.” Sabi ko kasi the matagal na rin akong hindin umiinom dahil magaan naman ang dibdib ko ngayon. Tanggap na ako sa pamilya at ayos din ang acads ko.
“Sabi ko nga. Pero tanda mo noong grade school tayo? Nag-iinuman sina Oji at Papa no’n taposb curious tayo sa lasa ng alak kaya ninakaw natin ’yong isang bote at ininom natin.” Pagke-kwento niya.
(OJI-UNCLE)
“Oo, tapos nasarapan ka sa lasa. Ang masaklap nga lang, napagalitan tayo ni Oji kasi nahuli niya tayong umiinom.” Natatawa kong pagsasalaysay ng kakulitan namin noong mga bata kami.
“Ang bagal mo kasi noong uminom kaya tayo naabutan ni Papa.” Dagdag pa niya tunay na tunay naman dahil nadidiri pa kasi ako noon dahil sa amoy pa lamang ay nakakabingot na.
“Ang kulit mo rin kasi e.” Sabi ko pa at nagtawanan kami.
“Pero maiba tayo, Inake.” Tumahimik ako saglit para uminom ng beer.
“Ikaw, Inake… kailan mo balak magpakilala ng babae sa’kin? Tumatanda na tayo, ga-graduate na.. wala ka pa rin bang napupusuan?” seryoso kong tanong.
“Mukang m-malabo.” Sagot niya.
“Bakit naman?”
“Hindi na kasi single ’yong taong nagpatibok ng puso ko. Malaya ko lang siyang nakikita at nalalapitan pero hindi ko siya pwedeng angkinin.” Seryoso niyang sagot at nag-isip naman ako kung sino ’yong ma-swerteng nagpatibok sa puso ni Inake.
“Uy, kilala ko ba ’yon?”
“Kilalang kilala!” at lumagok uli ng alak.
“Ang swerte naman niya.” Swerte naman talaga kasi siya. Bukod sa gwapo, matalino, may pangarap din kasi si Inake sa buhay.
“Swerte nga pero malabong magkakulay ang buhay pag-ibig ko. Taken na kasi siya.” At tumitig siya sa aking mga mata na tila ba nangungusap iyon.
“Marami pa naman d’yang iba. Ikaw talaga! Hayaan mo na siya. Taken na pala e.” Sagot ko naman.
“Hindi naman kasi ganoon kadali lahat. Mahal ko ’yong tao na’yon.. kahit pa pag-aari na siya ng iba. Malas ko , kasi hindi ko inagahan ang pagpaparamdam. Sana doon palang sa mall sinabi ko na sa kanya na na-miss ko siya at bumalik ako sa Pinas kasi nami-miss ko na siya.”
Hindi ko siya gaanong napakinggan dahil lumalagok ako ng alak.
“Darating din ang para sa’yo, Hapon.”
Sabi ko pa.
“Sana nga. Manhid kasi ’yong minahal ko.” Siya naman ang sumeryoso at hindi ko namamalayan ang dami ng alak na nainom namin. Nakailang pabalik-balik na sa kusina ang katulong nila pero ngayon ko lang naramdaman ang hilo. May tama na nga ako at alam ko si Inake rin.
Hanggang sa hilong-hilo na ako. Naramdaman ko nalang na niyayakap ko si Inake habang sabay kaming naglalakad papasok sa loob ng kwarto niya.
Naghiwalay na kami mula pagkakayakap namin sa isa’t-isa at parehas kaming laglag sa kama niya.
“M-madaya ka, L-leroy. Hindi mo’ko hinintay. Mahal pa naman kita.” Aniya at hindi ko alam kung bakit tila nabuhay ang dugo ko sa katawan at humarap ako sa kanya. Gusto kong kumpirmahin sa kanya kung totoo ba iyong sinabi niya. Baka kasi nasabi niya lang iyon dahil sa alak, o nasabi niya talaga iyong gusto niyang sabihin dahil sa alak?
Nahihilo man ay pinatay ko ang ilaw at nahiga ako agad sa tabi ni Inake na agad na dumantay sa akin at niyakap pa ako.
“Madaya ka, Leroy.” Aniya at inulit-ulit niya iyon kaya humarap na ako sa kanya na hindi ko alam na seselyuhan niya ang aking labi ng masarap na halik na hindi ko ata kayang pigilin. Hindi ng yata dahil mas lumalalim ang halik namin at hindin ko iyon kayang pigilin pa.
Naging mas marahas ang sumunod pang mga halik haggang sa naramdaman ko na lamang ang lamig mula sa aircon dahil nahubad na niya ang aking damit at ganoon din ang kaniya. Madilim man ay alam ko mali ito. Ngunit bakit tila hindi ko mapigilan ang sarili kong katawan? Ang hirap maimpluwensyahan ng alak. Mawawalan ka na ng kontrol..
Hanggang doon lamang ang aking naalala dahil hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari…
To be continued…
SIGURO PART XLV
Note: Ngayon lang nagka-free time mag-update. Sorry.
SIGURO-Part XLV
LEROY
Mabigat na ang ulo ko nang bumangon ako mula sa aking hinihigaan. Buhay pa naman ako ngunit wala akong maalala sa nangyari kagabi at kung bakit ako naka-shorts na lang at nasa tabi ko pa si Inake na malayang natutulog.
Mukhang naparami ang naimom ko kagabi at hindi ko inaasahan na malalasing ako ng ganito.
Tiningnan ko rin agad ang cellphone ko na nasa sahig na. Buti na lamang at hindi nasira. Regalo pa naman iyon sa akin ni Kuya.
Ilang missed calls ang natanggap ko mula kay Kuya at maging ganoon din kay Art na alam kong naghihintay na rin ng text ko.
“Ayoko ng mag-inom!” Ayan ang naibulalas ko habang isinusuot ang aking damit. Hindi ko na ginising pa si Inake na naka-shorts at mas minabuti kong kumutan nalang siya bago ako lumabas ng kwarto.
INAKE
Ang hirap ma-inloved sa bestfriend. Ang hirap na sa bawat segundo, minuto, oras at araw na kasama mo siya hindi mo siya matawag na iyo. Bakit ba ang daya-daya ng mundo? I am inloved with my bestfriend at hindi ko gusto ang pakiramdam na nagtatalo sa isip at puso ko.
Sa bawat oras gusto ko siyang makita, sa bawat oras gusto ko siyang nakakasama. Ang hirap lang gawin kasi nand’yan na si Art sa buhay niya. Si Art na wala akong nakikita kundi pagmamahal lang para kay Leroy. Eh, ako? Ano namang laban ko sa kanila?
Kada halik na igagawad ko kay Leroy ay tila ba ayoko na itong tigilan. Madaya na kung madaya pero noon pa man gusto ko na si Leroy. Mahal ko siya na kahit na hindi siya babae ay nahulog pa rin ako sa kanya. Kundangan na ngang magsinungaling at gawin kong paraan iyon para lamang manakawan siya ng halik at yakap na sa kanya ko lamang naman talaga nagagawa.
“Inake,” sabi ko sa sarili ko habang nakahawak sa mga labi ko na kagabi ay nalapatan ng mga labi ng taong mahal ko.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ng mapait habang inaalala ang mga sinabi niya sa akin kagabi.
“G-ginayuma mo ba ako?”
ang kaniyang tanong.
“Bakit naman kita gagayumahin?”
“Eh, bakit lagi kitang nami-miss na Hapon ka! Ang pangit-pangit mo kaya! Na gusto ko parati ikaw lang ang kausap ko at ayoko kong may lumalapit sa’yong iba. Hindi ko’to gusto na pati halik mo nami-miss ko rin,” aniya na nagpangiti sa akin. Nahihilo man ako ay malinaw iyon sa akin.
Sinong hindi mapapangiti roon? Sino? Sinong hindi magkakaroon ng kumpiyansa?
“Leroy!!!” bigla ko na lamang na-realized na may kiss mark ako sa bandang dibdib na pulang-pula. Mahusay na bata.
Agad akong nagbihis at inayos ang mga nagkalat na libro sa mesa na inuupuan ko. Lintek na Leroy ’yon, ginugulo ang isip ko.
“S-sige, tumanggi ka at hindi na kita papansinin!” Iyan ang sabi ni Leroy habang nanggigigil na ngiti. Gustong-gusto niya raw kasing lagyan ng “chikinini” ang leeg ko.
“Oo na, Leroy! Ang dami mong alam!” at hindi na niya ako hinayaang magsalita pa ng mga gusto kong sabihin dahil hinila niya ang aking damit hanggang sa naramdaman ko nalang ang kiliti na naging medyo masakit sa ginagawa niya. Parang hinihila niya ang dugo ko sa dibdib na buti na lamang ay hindi sa leeg.
“T-tama na,” sabi ko na hindi ko nasabi ng ayos dahil sinipsip niya ang kanang utong ko na nagdulot ng kakaibang kiniliti sa akin hanggang sa umangat siya para halikan ang aking mga labi.
“Hay, na’ko!” sabi ko habang hinihimas ang medyo kumikirot kong ulo.
LEROY
“Babe, bakit ngayon ka lang umuwi?” ang tanong ni Art na noo’y nakasando lang na green at shorts na maong.
“Kasi, dumaan pa ako sa bahay at doon na ako natulog,” sagot ko.
“Ganoon ba?” Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit.
“I love you!” aniya at hinalikan ako sa labi na ginantihan ko naman at napatihgil ako dahil mayroon akong naalala..
Si Inake.
“I-I love you too, Babe!” sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
“Nga pala, kamusta naman ang lakad niyo ni Tito kahapon?” tanong ko na tila ba gumulat sa kaniya.
“A-ah, okay naman. Medyo ginabi na rin kami ni Papa pero ayos naman ang outcome.” Sagot niya.
“Mabuti naman.”
“’Kumain ka na ba?” tanong pa niya.
“Opo. Sa bahay na ako pinakain ni mama e. Ikaw po ba?” ako naman ang sumagot.
“Hindi pa e.” Nakakaawa niya tugon kaya’t agad akong lumapit sa kanya at hinalikan ko siya at nagsalita naman ako.
“Ipagluluto po kita, Babe. Wait ka lang d’yan,”
“I love you! You’re the best boyfriend ever!” aniya at napangiti na lamang ako na nagtungo sa kusina.
“Bolero ka, Babe!” singhal ko at naalala ko bigla..
May nangyari sa amin ni Inake kagabi..
To be continued!
SIGURO-PART XLVI
Choi Woo Shik as Leroy Kento Yamazaki as Inake Jung Yong Hwa as Art
ENJOY READING!
SIGURO-Part XLVI
LEROY
“Anong sinasabi mong may nangyari sa’tin? Loko ka ba?” iyan ang sabi sa akin ni Inake na ngayon ay nakadapa sa sofa ng bahay dahil binisita niya ako.
“Kasi, may chikinini rin ako sa dibdib!” singhal ko sa kanya.
“Baliw ka! Ganti ko lang ’yan sa’yo kasi nilagyan mo rin ako. ’Wag kang mag-assume, Leroy.” Aniya sabay tawa ng nakakaasar.
Klaro na ngayon lahat sa isip ko. Wala ngang nangyari sa amin ni Inake. Thanks God! Hindi ko yata maaatim na gawin ’yon kay Inake dahil mahalaga siya sa akin at ayokong masira ang pagkakaibigan namin.
“Alam mo, ikaw, Leroy-loko ka rin, eh! Kung nagpo-focus ka d’yan kay Art. Mamaya naaahas na ’yan sa’yo, hindi ka pa rin aware.” Aniya sabay tawa.
“Ikaw ang maloko! Pati ba naman si Art pinagdududahan mo?” sabi ko at medyo nagytaka rin ako ng konti dahil sa sinabi niya.
“Malay lang naman natin kung anong pinagkakaabalahang business niyang boyfriend mo, ’di ba?” Batos pa niya.
“Tantanan mo’ko, Inake!” singhal ko bago dumiretso sa kwarto para magligpit.
“Bahala ka!” narinig ko pang sigaw niya at tsaka tumawa pa ang baliw.
Makalat ang kwarto dahil hindi na ako nakapagligpit kanina dahil nagmamadali si Art na umalis. Nandoon ang pantalon niya na may boxer shorts at sa pagdampot ko ng mga gamit niya ay may nalaglag na kung ano. At nang sandaling damputin ko na ang maliit na bagay na iyon ay bigla akong kinabahan at mas lalo pa iyong nadagdagan nang makita ko kung ano iyon.
PREGNANCY TEST.
Nakatihiya iyon sa aking palad kaya’t kitang-kita ko ang dalawang guhit na isa lamang ang ibig sabihin: POSITIBO.
Pero ang ipinagtataka kon ay kung sino at bakit mayroon siya nito? Nakabuntis ba siya?
Hindi ako mapalagaya ay hindi ko na rin napigilan na maiyak.
“Inake!!” sigaw ko at segundo lang din ay nasa kwarto na siya.
“Anong m-mer..” hindi na niya natapos pa ang nais niyang sabihin dahil ipinakita ko na agad sa kanya ang pregnancy test na may dalawang linya.
“Kay Art ba ’yan?” ang tanong niya sa akin.
“Oo.” Sabi ko ay napaiyak na lang ako dahil sa lungkot.
“Sigurado ka ba sa gagawin natin?” tanong ko kay Inake na ngayon ay nagda-drive ng kotse niya na gamit namin para puntahan si Art sa trabahon niya.
“Hintay-hintay ka lang,” sabi naman niya at wala pang limang minuto ay sumakay na si Art sa kotse niya at sinundan iyon ni Inake.
“H’wag mong hahayaang mawala sa paningin mo ang sasakyan niya.”
“Okay.” Aniya at nag-focus siya ng ayos sa pagmamaneho hanggang sa ilang minuto pa naming sinundan ang sasakyan niya. Tumigil iyon sa tapat ng isang building.
“Hayaan mo munang makababa at saka tayo kikilos.” Sabi niya at ayon na nga ginawa namin.
Nasa entrada pa lamang kami ng condo ay nakita ko na si Art at nagmamadali siya. May bitbit pa siyang supot na alam kong hindi para sa akin iyon.
“Ayan na.” Aniya at ilang pagpipigil pa ang ginawa ko hanggang sa pumasok siya sa isang unit.
Tensyon na tensyon man ay tinapangan ko pa rin at dahan-dahan kong binuksan ang pinto at hindi nila iyon napansin.
“Ang sweet mo talaga.” Dinig na dinig kong boses ni Cathy.
“Ikaw pa ba? Para sa baby.” Masaya pa niyang tugon na dumudurog sa puso ko.
Hindi ko na hinayaan pa na makinig pa sa usapan nila dahil sinaktan na naman niya ako. Wala akong laban sa babae, lalo na’t nabuntis pa niya ito.
“Okay lang ’yan.” Narinig kong sabi ni Inake at umiiyak akong yumakap sa kanya.
Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na ayaw ko na ng alak pero hindi sa pagkakataong ito. Nasaktan ako at alam kong way ko ito para ilabas lahat ng sakit na naipon sa dibdib ko.
“Alam mo, ganyan talaga ang life, parang buhay..” ang biro ni Jet na bigla na lamang nagbiro pero walang tumawa sa biro niyo kundi siya lang din.
“Baka naman talagang may reason kung bakit nandoon si Art sa condominium unit no’ng Cathy,” si Ethan naman ang sumingit.
“Hindi pa ba klaro ang nasaksihan at narinig ko?” tanong ko sa kaniya.
“H-hindi ko alam.” At nanahimik na siya.
“Magwalwal nalang siguro tayo at nang masiyahan naman tayo! Tama na muna tayo sa drama!” ang suhestiyon namang entrada ni Ralp na inangat pa ang bote ng beer at ganoon ang ginawa naming lima.
“Para sa mga niloko!” ang sabi ni Jet uli at ako pa ang unang nag-angat ng bote ko at lahat naman sila ay sumunod na parang awkward sa kanila noon.
“Walwal!!” ang sigaw ni Ethan at nagparty-party kami kasabay ng pag-play ng DJ ng mga music na upbeat talaga.
Maraming babae na nag nagsilapitan sa amin ngunit wala akong pakialam sa kanila dahil lutang ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong maramdaman ang sakit na ito.
“Sayaw lang ng sayaw!” sabi ko na lumuluha na. Nalingat na rin sa aking mata sina Inake, Ralp, Jet at Ethan dahil sa kakasayaw at dahil na rin sa liwanag. Luminga-linga pa ako sa paligid pero hindi ko sila makita dahil patay sindi ang mga makukulay na ilaw. Hindi ko rin namamalayan na nasa gilid na ako at may natamaan yata ako.
“S-sorry.” Pagpapakumbaba ko.
“ Okay lang ’yon. Anyway, mag-isa ka lang ba?“ ang tanong niya na rinig ko pa naman dahil malapit kami sa isa’t-isa.
“Hini, may kasama ako kaso nagkawatak-watak kami.” Sagot ko pabalik.
“Sa gwapo mong ’yan, dapat hindi ka humihiwalay sa mga kasama mo. Mamaya mapa’no ka niyan. Marcus nga pala.” Nakangiti niyang sabi at aabutin ko pa lamang ang kamay niya ay nakita ko na siyang bumulagta at isang pamilyar na pigura ang nakita ko at hinila ako palayo.
“Gago! Layuan mo ang boyfriend ko!” sabi ni Art at doon ko nakita sina Inake na nakatingin sa’min.
“Tara na. Uuwi na tayo.” Aniya na may tonong nang-aamo.
“Ikaw na lang ang umuwi ng mag-isa! Kaya ko ang sarili ko!” pagpupumiglas ko.
“Hindi pwede ’yan, Babe. Lasing ka na at ayokongv nagkakaganyan ka. Ano ba kasing problema?” Nag-aalala niyang tinuran.
“’Problema? Ikaw!” at dinuro ko siya sa dibdib. “Ikaw ang problema!” at naramdaman ko na lang ang yakap niyang mahigpit.
“Hindi uuwi si Leroy.” Sabi ni Ethan na noo’y hawak ang kamay ko.
“Sama-sama kaming pumunta rito, sama-sama rin kaming uuwi.‘’ Aniya na tinutulan ni Art.
“Pero, Bro.. may hindi lang siguro kami pagkakaintindihan ni Leroy. Hayaan niyo na akong iuwi siya.” Ang sagot ni Art na kababakasan ng sinseridad.
“Sige na, Bro. Hindi sasama si Leroy ngayon. Sa amin sasama si Leroy.” Si Inake naman ang nagsalita at tuluyan akong napapunta sa kanilang apat.
“Bro, kaibigan ka lang, ’di ba? H’wag kang mangialam dito!” piglas ni Art.
“Eh, ano?” si Inake naman ang nagsalita. At bago pa mas uminit lalo at malagay sa away ay itinaboy ko na si Art palayo.
“Umalis ka na muna, Art. Hindi ako sasama sa’yo..”
Masakit man ito para sa akin ay alam kong ito ang tama dahil ayokongb magkaroon ng away at para SIGURO na rin sa puso kong nalulungkot…
To be continued!
֝7+a
SIGURO-PART XLVII
SIGURO-Part XLII
LEROY
“Tahan na, Leroy.” Sabi ni Inake habang yakap nila akong apat.
“Masakit pala.” Sabi ko sabay tawa at nagtatakbo ako palabas sa Disco Bar at hinanap ko si Art at nakita kong nakaparada ang kotse niya sa kabilang kalsada kaya’t madali pa sa alas tres na tumawid ako ngunit hindi ko inaasahan na may yayakap mula sa likod ko.
“S-sabi ko na nga ba, e. Hindi mo ako matitiis.” Boses ni Art.
“Narinig ko lahat, Art. Kailan mo pa ako niloloko?” wika ko.
“Niloloko? Hindi kita niloko kahit kailan.” Aniya at nagkaharap kaming dalawa.
“H-hindi mo ako nilolok? Eh, ano ’yong pregnancy test na nakita ko sa pantalon mo? Si Cathy? ’Yong pagpunta mo sa Condo niya? Ngayon mo sabihing hindi mo ako niloloko!“nangingiyak-ngiyak kong paliwanag. Bakas sa muka niya ang pagkagulat kaya laloa akongb nawiwindang na baka nga totoo.
“Hayaan mong bukas ko sabihin lahat sa’yo. Pangako, hindi kita niloloko.” Ang sabi ni Art na nangingiyak-ngiyak.
“Bakit hindi pa ngayon?” Bakit hindi pa ngayon!“ sigaw ko at nakita kong nakatingin sina Inake, Ethan, Ralp at Jet mula sa malayo habang si Art naman ay napipi.
“Kasi hindi mo’ko papaniwalaan ngayon kapag sinabi ko sa’yo. Nakainom ka ng alak.” Paliwanag niya.
“Bakit nga hindi pa kasi ngayon, Art!” sabin ko at bigla na lamang niya akong niyakap at kumalas ako.
“Aasahan ko bukas ang paliwanag mo, Art. Mahal kita at alam mo ’yan.” Sabi ko at hinalikan niya pa ang kamay ko bago ako bumalik kay na Inake.
“Asahan mo. Mahal na mahal kita!” at umalis na siya.
–
“Tama ’yan, Leroy. Paghirapan niya ang sorry mo.” Si Ralp ang nagsalita.
“Ayoko nalang munang pag-usapan.” Sabi ko at ayon na nga ang ginawa nila. Hindi na kami bumalik sa loob dahil sa gulong nagawa namin doon kaya’t humanap kami ng videoke bar at mabilis namin iyong nagawa dahil dikit-dikit lang naman ang mga bar sa lugar na ito.
“Ganyan talaga kapag nagmamahal. Laging kabuntot niyan ang salitang sakit na hindi mo maiiwasan.” Si Jet na tumatagay ng alak na tila ba alam niya lahat ng nararamdaman ko.
“Tama ’yan, bro.” Ang dagdag pa ni Ethan.
“Ayos ka lang ba talaga, Leroy? Pwede naman na umuwi na tayo kapag hindi ka okay.” Nag-aalala niyang tinuran. Kilala talaga ako ni Inake. Alam na alam niya ang mga dapat at hindi para sa akin. Kaya kahit na alam kong may isa akong masasandalan na gaya niya sa oras ng problema.
“Inake, okay lang talaga ako.. H’wag niyo akong intindihin, guys. Mag-enjoy nalang tayo sa gabing ’to.” Pilit na ngiti kong sabi.
“Sabi mo ’yan, bro.” Si Ralp at Ethan ang sumagot.
Sa paglipas ng mga oras ay napakarami na rin ng alak na nainom namin. Hilo na rin ako at halos bagsak na rin ang talukap.
Walwal na nga yata itong totoo dahil nag-aagawan na rin sila sa mic at kahit gusto kong ngumiti ay hindi ko magawa dahil ayokong plastikin ang sarili ko.
“Uwi na tayo.” Yaya ko at nagbayad kami agad ng bill. Sakto naman na hindi pa lasing si Inake kaya’t nagsiksikan kami sa loob ng kotse niya. Ako sa tabi niya at ’yong tatlo sa likod.
“Ingat sa pagmamaneho, Inake.” At ipinikit ko na ang aking mg mata.
Sa apartment tumigil si Inake at inabot ko sa kanya ang susi ng gate at pinto at sunud-sunod na pumasok sina Ethan, Jet at Ralp at bumulagta sila sa salas habang si Inake naman ay sa kwarto ko pinatulog dahil sa sofa ako pumuwesto
Sa kalagitnaan ng pagtulog namin ay naalimpungatan ako dahil naririnig ko si Inake na nagsasalita at umiiyak.
“Sa dami naman kasi ng mamahalin mo, bakit hindi pa ako? Kaya ko namang pasayahin ka. Kaya kong maging mabuting boyfriend sa’yo. Wala ka ba talagang nararamdaman sa akin kahit na katiting lang? Hindi ba pangalan ko ang tinatawag mo noong kailangang-kailangan mo ng iiyakan? Sa akin, kapag ako ang minahal mo, hindi ka iiyak dahil mahal kita, Leroy. Hindi mo lang ba napapansin ’yon? Sorry kung nagsinungaling ako tungkol sa nangyari noong gabing umuwi ako galing Cebu. May nangyari sa atin at hindi ako nagsisis dahil pangalan ko ang tinatawag mo habang ginagawa natin iyon. I love you, Leroy kahit na na napakamanhid mo. Mahal na mahal ka ng bestfriend mo.” Narinig ko ang paghikbi at naramdaman ko rin na hinalikan niya ako sa pisngi at hindi ko alam kung bakit pumapatak ang luha ko.
Hindi ko gustong saktan si Inake pero mahal ko si Art at alam ko iyon sa sarilin ko. All these time pala may gusto ka sa akin, Inake… Bakit hindi mo sinabi?
“Partawarin mo ako, Inake.. Naging selfish at insensitive ako sa nararadaman mo. Hindi kita inisip. Sana ikaw na lang ang minahal ko.. SIGURO… hindi ako nasasaktan ng ganito..” Bulong ko sa isip ko habang nararamdaman ko ang paglalakad niya palayo.
To be continued!
SIGURO-PART XLVIII
Note: I need your comments, guys :) Ilang Chapter nalang po :)
SIGURO-Part XLVIII
LEROY
Tahimik lang akong nakaupo sa kotse ni Art habang nasa byahe kami. Ayokong magsalita. Hinihintay ko na siya ang mag-approach.
“Mahal.. sorry kung akala mo na niloko kita.” Panimula niya na nakahawak sa aking kamay. Hindi ako sumagot dahil baka anytime ay maiyak ako bigla.
“Maiintindihan mo rin ako mamaya..” aniya at ako naman ay nagsawalang bahala at tumingin sa labas.
Medyo matagal-tagal ang byahe kaya naman nakatulog na ako buong byahe at namalayan ko na lamang na may labing dumampi sa aking labi.
“I love you, Leroy!” ang masayang tinuran ni Art na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
“Nandito na tayo.” Sabi niya at nakita kong nasa tapat kami ng isang malaking bahay na hindi ko alam kung kanino.
Bumaba na siya ng mabilis at pinagbuksan ako ng pinto at siya namang pag-doorbell niya sa naturang bahay. Si Cathy ang una kong nakita at ang niyakap pa niya si Art.
Masayang-masaya silang dalawa ngunit nagulat ako nang may isa pang lalaki ang lumabas at doon ko nakita si Joseph..
“Nand’yan na pala kayo, Bro. Pasok kayo sa loob.” Aniya at ganoon na nga ang ginawa namin.
“Nakakatuwa naman kayong dalawa. Parehas kayong gwapo tapos crush ko pa kayo noon tapos kayo pala.” Ang nakangiting sambit ni Cathy na kung landiin ang boyfriend ko ay akala mo wala ako sa harapan nila.
“Ahh.. Oo naman. Mahal ko itong si Leroy e.” Sabi ni Art na proud na proud sa mga sinabi niya.
“Ikaw, Leroy.. Mahal mo ba si Art? Parang hindi naman e.” Pang-aasar ni Cathy.
“Ano ka ba, Cath. Syempre, mahal na mahal ni Leroy ’yang si Art. Halos ’yan na nga ang nagawa ng projects ni Art sa school. Kopyahan. Taga-gawa ng assignments at bestfriend kuno pa ’yang nalalaman pero mahal na mahal naman niyan si Art. Hanga nga ako d’yan e. Kinaya ang apat na taon na pag-iintay kay Art. Friendzone-no-more na.” Nakangiting singit ni Joseph na ikinahiya ko. Tama naman lahat iyon.
“Ang sweet!!” sabi ni Cathy at niyakap niya kami ni Art.
“Hindi talaga ako nagsisisi na i-give up ka, Art. Biruin mo na may Leroy pogi na handang magmahal sa’yo.” Banat na niya.
“Kaya nga gusto kong linisin ang pangalan ko sa kanya e. At alam kong kayo ni Joseph ang makakatulong sa akin.” Aniya at hinawakan niya pa ang kamay ko.
“Buntis ako, Leroy at si Joseph ang Daddy. Two months na akong pregnant at itong bahay na ito ay bahay nina Joseph. Dito muna ako. At ’yong nakaikwento sa’min ni Art na nakita mo siya sa Condo at wala lang ’yon dahil naglilihi ako sa asawa mo.”
Sa mga katagang sinabi niya ay halos nabasag ang kung ano sa akin at sobrang nahihiya ako sa sarili ko dahil ko pala dapat siya pinaghinalaan.
“Klaro na po ba ang pangalan ko?” tanong ni Art na nakangiti.
“I love you, Mahal. I’m sorry.” Naluluhang sabi ko bago ko siya niyakap at hinalikan.
“Kiri niyo po.” Si Cathy ang nagsalita bago yumakap sa nobyo niyang si Joseph.
“Wala ’yon sa’kin, Mahal. Tandaan mo lang na hindi ko ugaling manloko ng tao.” Sabi pa niya at ginawaran niya ako ng isa pang halik. “Mahal na mahal kita. Leroy.”
“Mahal na mahal din kita, Art.” At muling naglapat ang aming mga labi.
Hindi ko na namalayan ang oras na iginugol namin kasama si Cathy at Joseph kaya’t napagpasyahan na namin ni Art na dito na rin magpagabi. Sa katunayan na matapos ng hapunan ay diretson kami sa guest room at doon ay pinagsaluhan namin ang magdamag.
“Hindi ko kayang saktan ka kaya ’wag mo na ulit akong itataboy palayo ha? Mahal na mahal kita.” Aniya habang nakayakap sa akin.
“Opo. I love you too!” sabi ko ay doon ay ipinikit ko na ang aking mata.
Maaga kaming nagisiing ni Art dahil baka abutin pa kami ng traffic dahil nasa Calauan, Laguna pala kami.
Ilang oras din ang byahe patungong Quezon City kaya naman kahit tulog pa si Cathy ay nagpaalam na kami kay Joseph na magiging tatay na pala.
“Bro, alis na kami. Paano ba ’yan? Alagaan mo si Cathy, ha?” at nag-bro hug silang dalawa.
“Ikaw din, bro. Alagaan mo si Leroy. Mahal na mahal ka niyan.” Sagot pa ni Joseph.
“Oo naman! Mahal ko ’to, e.” At inakbayan niya pa ako bago kami tuluyang sumakay na sa kotse niya.
“Ma, Pa.. si Art po. Boyfriend ko.” Iyan ang entrada ko kay na Mama at Papa na noo’y nakaupo sa salas ng aming bahay. Dito kami dumiretso upang ipakilala ko na si Art sa mga magulang ko.
“Maiwan mo na muna kami rito, Leroy.” Sabi ni Papa habang si kuya naman ay tumango sa akin. Senyales na dapat ay umalis na muna ako.
Kinakabahan ako sa paraang si Art ay kilala na ni Kuya habang sina Mama at Papa ay hindi pa.
“Sige po, Pa.. Ma.” At dumiretso ako sa kwarto ko.
Curious ako sa mga pinag-uusapan nila kaya idinaan ko na lamang sa pagpapatugtog ang lahat.
Ngunit hindi talaga sapat na nandito lang ako kaya’t aligaga akong sumilip sa pinto at narinig kong nagtatawanan na sila.
At kung ano man iyon, SIGURO naman ay tanggap nila na si Art na noon pa man ay mahal na mahal ko. Mula sa kapalpakan niya sa buhay college at sa pagpapakilig niya…
To be continued!
SIGURO-PART XLIX
SIGURO-Part XLIX
LEROY
Matapos ang araw na nagkausap si Art at ang mga magulang ko ay dito na muli ako sa bahay nakatira. Malaya na rin siyang nakakadalaw dito kahit wala sila mama.
Si Inake naman, dalawang linggo na akong hindi kinakausap at hindi ko iyon gusto dahil hindi ako sanay na wala siyang pakialam sa akin. Alam ko naman na nasaktan ko siya pero hindi ko kayang wala siya sa sistema ko.
“Oh, anong iniisip mo?” tanong ni Kuya Mark sa akin dahil napatunganga ako bigla.
“Si Inake, Kuya.” Diretsahang kong sagot.
“Eh, anong meron kay Inake? Tapat bahay lang natin ang bahay ng mga ’yon, ah? Bakit hindi mo puntahan para magkausap kayong dalawa?”
Napaisip din ako sa sinabi ni Kuya kaya’t nagtatakbo ako agad papunta sa bahay nila.
Pagka-doorbell ko palang ay nakita ko na siya sa salas na nanonod ng kung ano mang movie.
“Hoy!” singhal ko sa kanya tsaka ko siya binato ng unan.
“Ano?” sagot niya sa paraang patanong.
“Bakit hindi mo na ako pinapansin?” tanong ko pero hindi naman siya sumagot, bagkus ay ipinagpatuloy lang niya ang panonood niya na parang wala ako sa tabi niya.
“Inake?”
Hindi pa rin siya sumasagot.
“H’wag mo naman akong pahirapan ng ganito.” Dagdag ko pa.
“H’wag mo rin akong pahirapan, Leroy. Akala mo madali sa’kin lahat?” aniya na nagpagulat na akin. Napatigil na lang ako bigla dahil napaka-selfish ko na naman.
“Hindi mo’ko mahal,’di ba?” napaisip ako. “H’wag mo akong pahirapan n mag-move on kasi hindi lang ikaw ang may karapatang maging masaya. Madaya ka rin, e. Ako naman, tanga dahil hinayaan ko ang sarili ko na mahulog pa lalo sa’yo. Masakit na makita kang masaya dahil kay Art pero hindi ako selfish gaya mo para ipagpilitan pa nag sarili ko sa’yo. Hindi mo ako gusto. Hayaan mo akong mag-move on!” aniya sabay lakad patungo sa kwarto niya.
Halos hindi ko kinaya ang sinabi niya kaya naman sinundan ko siya.
“Inake, sorry.” Iyon lang ang nasabi ko bago niya ikandado ang kwarto niya.
Wala rin akong nagawa kundi ang umihip ng malakas at bumuga ng hangin.
Hindi ko alam na nasasaktan ko na si Inake pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit tila may parte ng puso ko ang nadudurog kapag nakikita ko siyang malungkot. Ang gulo. Hindi ko mawari kung ano ito. Siguro dahil magkaibigan kami ni Inake at hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan dahil sa akin.
Bakit ba humantong lahat sa ganito?
“Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil sa mga ikinuwento mo pero ang tama mong gawin ay hanapin mo d’yan sa puso mo ’yong taong gusto mo talaga. Baka sa huli magsisi ka na hindi mo sinunod ang puso mo. May masasaktan at masasaktan sa desisyon mo pero hindi ibig sabihin no’n ay masama ka na. Maging praktikal ka, Baby bro. Hindi titigil ang mundo para sa’yo. Tuluy-tuloy ang buhay kaya ’wag mong hayaan na mahinto ka nalang sa ganitong estado kung saan nakikita kong mahal mo na rin siya Inake pero hindi mo mabigyan ng chance kasi nabulag ka sa pagmamahal mo kay Art.” Ang payo ni Kuya matapos kong ikuwento ang ilang porsiyento ng naguguluhan kong buhay pag-ibig kay Kuya. Hindi ko rin isinama ’yong nangyari sa amin ni Inake noong gabing iyon dahil baka mapatay niya ako.
“Ang hirap, Kuya. Ayokong nakikitang malungkot si Inake pero ayoko rin saktan si Art.” Sagot ko.
“Matalino ka, Leroy pero sa ganitong bagay ka pa naman ba hihina? Alam mo na ang sagot diyan. Hindin ko kailangan na bigyan ka pa ng sagot dahil alam na alam mo ang sagot d’yan sa katanungan na gumugulo sa isip mo. Basta tandaan mo lang na kahit ano pa mang desisyon mo, susuportahan kita dahil ikaw pa rin ang baby bro ko.” Aniya at niyakap ko siya. Hindi ko rin namamalayan na tumutulo na nag luha ko.
“H’wag ka nang umiyak, Leroy. Ayokong ganyan ka.” Aniya kaya’t pinunasan ko ang luha sa aking mga mata.
At lumipas ang araw at halos hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip. Maaga rin akong nagtungo sa Unibersidad na pinapasukan ko para alamin magbayad sa graduation at sa graduation ball. Isang linggo na lang kasi ay lilisanin na namin ang Unibersidad na ito na naging parte ng apat na taon ng buhay kolehiyo ko. Maraming ala-ala ang maiiwanan pero hindi iyon mawawala sa aking isipan. Simula pa lamang noong first year ako kung saan naligaw pa ako ng klase at napagalitan ako ng Professor ko sa Biological Science dahil late ako ng tatlompu’t isang minuto. Napapangiti nalang tuloy ako lalo na noong mapadako ang mata ko sa Oval kung saan kami madalas mag-perform para sa Physical Eduction at even sa Humanities namin. Hindi ko akalain na aabot ako sa puntong ito na babalik ang mga alaalang iyon sa aking isipan.
“Leroy!” ang tawag ng kaklase kong si Michael na kasama si Faith at base sa aking palagay at sila na dahil magkahawak sila ng kamay. Na-miss ko rin ang dalawang ito na kumumpleto sa buhay kolehiyo ko.
“Uy, Micheal, Faith! Kamusta kayo? Grabe,ang tagal nating hindi nagkita.”
“Okay naman kami. Ikaw ba? Four months tayong hindi nagkita, e.” Si Michael.
“Okay lang naman ako. Magpapapirma sana ako ng clearance kayo rin ba?”
“Oo e.” Si Faith naman ang sumagot.
“Mukang marara-rami na ’yang inyo, a? Sige. Una na muna ako. Nga pala.. stay strong!” sabi ko at saka nagtatakbo ako kasi nakita ko si Inake na naglalakad.
“Salamat, Leroy!” at hindi na ako lumingin pabalik.
“Inake!” singhal ko pero mas binilisan niya ang kanyang lakad at hindi ko namamalayan na natisod na ako sa isang ugat at unang tumama ang braso ko at talaga namang napakasakit nito.
Doon pa lamang siya lumingon sa akin at mabilis pa sa alas kwatro niyang ininspeksiyon ang katawan ko.
“O-okay ka lang ba?” ang nag-aalala niyang tanong.
“Kailangan pala na magkaganito muna ako bago mo ako pansinin?” Maluha-luha kong sabi at hindi ko namalayan na niyakap na pala niya ako at sa kalayuan at nakita ko Art at mabilis akong kumalas sa pagkakayakap kay Inake na na-misinterpret niya.
Akmang hahakbang na siya palayo nang biglang dumapo ang kamao ni Art sa muka niya at hindi ko iyon nagustuhan.
“Art, tinulungan lang ako ng bestfriend ko! H’wag mo siyang saktan!” Sigaw ko at tsaka lang siya tumigil sa pakikipagbuno kay Inake.
“Sorry.” Aniya at nag-walk out. Wala talaga silang malay na sobrang sakit ng kaliwa kong braso at hindi ko ito maigalaw.
Inuna pa niya ang selos at pagwo-walk out.
“Inake, ’yong braso ko hindi ko maigalaw.” Umiiyak kong sabi at tinuro ko ang hawak-hawak ko ang kaliwa kong braso
“Dadalin kita sa clinic.” Aniya at binuhat niya pa ako.
“Napaano ka, Leroy?“ang tanong ng Doctor-in-charge na si Dr. Jason sa akin.
“Nadapa po kasi ako at hindi naging maganda ang tama ng kaliwa kong braso.” Sagot ko at agad na sinuri niya ito.
Alalang-alala si Inake sa akin kaya’t tinawagan niya si Art at agad namang nagpunta si Art dito na humihingi ng sorry.
“Minor injury lang naman ang natamo, Art. Mga ilang araw, okay na rin ’yan.” Sabi ni Doc at alam ko naman iyon sa sarili ko dahil nag-iinarte lang ako at alam niya iyon. Guston ko kasing makita kung sinong concern sa kanila at parehas naman silang may ganoong.
“Sige, Leroy, Magpagaling ka. I love you..” aniya at hindi ko masyadong narinig ang huli pa niyang mga sinabi pero alam ko ay para sa ikabubuti ko naman iyon.
“Sige, Inake..” sabi ni Art at niyakap ako.
“Sorry, Leroy. Nadala lang talaga ako ng selos.” Aniya.
“Tara na, Art. Ihatid mo na muna ako sa amin.”
“S-sige, Art. Pwede mo nang ihatid pauwi si Leroy.” At kinindatan ako ni Tito Jason. Oo, tito ko siya at tatawa-tawa siya siya.
Malabong nga yatang malinawan ako pero sandaling matagpuan ko ang sagot ay hindi na SIGURO ang nasa sa isip ko dahil TIYAK at SIGURADO na ang magiging sagot ko.
To be continued..
SIGURO-PART L
Durog kayo rito :) Comment po kayo :)
SIGURO-Part L
ART
“Sorry, Art. Hindi ko kayang pilitin ang Daddy mo na gustuhin si Leroy. Baka tama siya na you must find a girl.”
“Hindi, Ma. Leroy is the only person who let me love without boundaries. And mom, ngayon pa po ba? Mahal na mahal ko na po si Leroy. And seeing him happy makes me happy too.” Ang paliwag ko kay Mom sa kauna-unahang pagkakataon.
“Seeing you like that, mahal na mahal mo nga si Leroy. At kapag ganyan ka, hindi na kita mapipigilan. Malaki ka na nga talaga.” Sagot ni Mama at agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi gaya ng parati kong ginagawa.
“Tama ba ’yong mga narinig ko?” ang entradang tanong ni Papa.
Yumuko ako saglit at agad akong nagsalita.
“Opo, Dad.” Sagot ko at ngumiti lang siya na hindi maganda.
“Susuwayin mo talaga ako? You never failed to disappoint me, Art.” Sabi niya.
“Ikaw din po, Pa. You never failed to disappoint us. Kami ni Mama. Akala mo hindi ko alam na patuloy ka pa rin na umuuwi sa kabet mo? Kaya pa, bago mo ako subaybayan bilang Ama ko, magpaka-ama ka muna sa’kin ng maayos at ’wag mong lokohin si Mommy.” At isang malakas na sampal ang natanggap ko kay Papa at imbes na masaktan ay hindi ko naramdaman iyon dahil kay Mama.
“Tanggap ko na niloloko mo lang ako, Raymundo pero ang saktan mo ang anak ko ay hindi ko mapapayagan! Lumayas ka na! Hindi ka namin kailangan sa buhay namin ng anak ko!” at ginawaran niya ng isang sampal si Papa.
Hindi na siya umimik dahil nasabon na namin siya ni Mama.
“Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na!” ang pag-uulit Mama at niyakap ko siya.
Ganoon na nga nga ang ginawa ni Papa. Umalis siya sa harapan namin at bumuhos ang luha sa mga mata ni Mama.
“I’m sorry, Ma..” sabi ko.
“H-hindi mo kailangang mag-sorry, Anak. Hindi ako mahal ng Daddy mo dahil may iba siyang babae kaya ikaw, maging loyal ka.” Aniya at niyakap ko siyang muli.
“Opo, ma.” Sabi ko.
Nasa ganoong posisyon kami ni Mama nang may biglang tumawag sa akin.
Si Inake iyon kaya naman mabilis kong sinagot.
“Magkita tayo mamaya sa school ground ten o’clock may importante akong sasabihin.” Diretsahan niyang sabi.
“S-sige.” Sabi ko at agad naman niyang ibinaba.
“Ma, maiwan ko na po muna kayo, d’yan. May aasikasuhin lang po akong importante sa school.” Ang pagpapaalam ko.
“S-sige, anak. Mag-ingat ka,” aniya at tuluyan na akong umalas dahil trenta minutos na lang ay mag-aalas diyes na ng umaga.
Lulan ng aking kotse ay mabilis akong nag-drive at eksaktong alas d’yes at nasa oval na ako ng paaralan. Minataan ko rin siyang nakaupo sa gilid ng puno ng acacia kung saan madalas ko silang nakikita ni Leroy na kumakain noon.
“Nand’yan ka na pala..” ang kaswal niyang tinuran.
“Ano ’yong sasabihin mo sa’kin, bro?” diretsahan kong tanong sa kaniya.
“Mahal mo ba si Leroy?” tanong naman niya.
“Alam mo ’yan, Inake. Saksi ka kung paano ko siya sinorpresa noon at kung paano ko nakuha ang sagot niyang oo. Isa ka rin sa mga tumulong, hindi ba?” sabi ko at totoo naman talaga iyon sapagkat kakuntyabe ko siya noon.. noong hindi ko pa alam at nakikita ang pagkagusto niya kay Leroy.
“Sagutin mo nalang ang tanong ko, Art.”
“Oo naman. Mahal na mahal ko si Leroy.” Ang sagot ko na hinihintay niya kanina pa.
“Mabuti naman. Alam mo kasi mahal ko rin si Leroy hindi lang dahil magkaibigan kami, kundi dahil noon pa man, siya na. Sabay kaming lumaki at halos lahat ng gusto niya, gusto ko rin. Kaya ikaw, gusto rin kita para sa kanya. Masakit man para sa akin na makita siyang masaya sa piling ng iba, masaya na rin ako. ’Di ba, ganoon naman talaga kapag mahal mo?”
“Sorry to hear that, bro.”
“You don’t need to say sorry kasi lalo lang akong naaawa sa sarili ko. Pero bago ko siya i-let go, masaya akong sabihin na masaya akong minahal mo siya. Ikaw nag lagi niyang bukambibig sa akin simula noong dumating ako from Japan. At kung hindi mo pa rin alam, ikaw din ang dahilan kung bakit siya napaalis at itinakwil noon ng pamilya niya. Nabasa ng Daddy niya lahat ng tungkol sa’yo na nakasulat lahat lahat.. ng pagkagusto at pagkahumaling niya sa’yo. Pero hindi kita sinisisi.. Gusto ko lang ipaalala sa’yo na maraming bagay ang isinakripisyo ni Leroy para sa’yo kaya please lang. ’Wag na ’wag mo siyang sasaktan. Mahalin mo siya dahil mahal mo siya.” Ang nakakagimbal niyang mga sinabi na tumanim lahat sa isip ko. Hindi ko kasi alam na iyon pala talaga ang dahilan kung bakit siya itinakwil ng parents niya noon. But then, I was so happy to know all of those sacrifices he did for me.
“Bro, hindi ko maipapangako na hindi kami hindi ko siya sasaktan. Pero maipapangako ko sa’yo na hindi ko siya iiwan dahil mahal ko siya.” Sagot ko.
“Mabuti naman, Art. Aasahan ko ’yan. Ngayon, wala ka ng kaagaw. Sa’yong –sa’yo na si Leroy kaya gawin mo ang best mo para hindi siya mawala sa’yo. Mahalin mo siya morethan I did.” Sabi niya at tuluyan na siyang umalis sa aking harapan.
“Bro! Salamat!” ang pahabol ko pang sigaw at doon ako nakaramdam ng kaginhawahan dahil wala na akong kaagaw pa kay Leroy.
“Leroy, ito na ang start para sa ating dalawa.” Ang sabi ko at tuluyan ko na ring nilisan ang oval.
Dahil sa sobrang saya ko ay tinawagan ko si Leroy at agad naman niyang sinagot.
“Hello, Mahal?” aniya.
“I love you, Leroy!” ang sabi ko.
“I love you too, Mahal.” Sabi niya pabalik.
“See you sooner.” Sabi ko.
“See you rin,” sagot niya pabalik. At nagpaalam naman ako na ibababa ko na.
No one will know what will gonna happen next, but I am ready to fight against life and with Leroy with me, I am hundred percent strong.
Noon akala ko wala lang itong nararamdam ko kay Leroy pero iba pala talaga. Noon pa man sa Library, meron na. Hindi ko lang talaga ini-acknowledge.
[CHAPTER 1]
“Hey, nandito ka na pala! Maupo ka na at baka mangalay pa ’yang paa mo sa kakatayo d’yan.” Ang biro ni Art habang nakatingin sa kanya at sa hindi ko mawaring kadahilanan at naiilang ako kaya’t napatawa nalang ako tsaka umiwas. Napagalitan nga rin kami ng Librarian dahil sa ingay namin.
“Kamusta pala nag thesis? Ang tanong ko.
“Okay na. Defense nalang ang kailangan at wala na tayong problemang malaki.” Pagpapaliwanag niya na ikinatuwa ko.
“Buti naman kung ganoon. At dahil d’yan, libre kita ng dinner mamaya!” sabi ko sabay yakap sa kanya dahil sa sobrang tuwa.
“Mabuti naman at baka lumipat na ako sa ibang block kapag hindi mo ako inilibre. Tsaka, ikaw, pabasa-basa ka pang nalalaman, e tamad ka namang tao.” Ang nakakainis niyang sagot na hindi ko alam kung bakit naiinis ako pero hindi ko ipinahalata. Hindi ako naiinis dahil sa salitang tamad, naiinis ako sa ideyang lilipad na siya ng block.
“Sama mo namang magsalita. Sa hindi ko naman talaga hilig ang aral-aral na’yan, anong magagawa ko?” Pagdepansa ko sa sarili ko.
“Pero hindi kita papakopyahin sa Statistics mamaya. Finals pa naman.” Panunuya niya sa akin.
“E, ’di ’wag. Nag-review ako hano!” Pagpapaliwanag ko kunwari.
Natawa nalang ako bigla sa alaalang iyon.
Naglakad-lakad pa ako at marami akong nakikitang nagpapa-clearance.
[CHAPTER 2]
“Parang ang init ata ng ulo mo kanina pa? May problema ka ba?” Tanong ko sandaling makita ko siya sa labas ng faculty room.
“H-hindi. Wala ’to,” palusot niya na alam ko naman na dahil sa clearance.
“Wala raw.” Panunuya ko na ikinainis niya.
“Wala nga! Ang kulit mo!” Medyo napalakas niyang sabi na ikinagulat ko. Baka nga naman kasi masyado akong makulit.
“S-sorry. Medyo mainit ang ulo ko.” Pahabol niya na nagpangiti sa akin.
“Naiintindihan naman kita kaya tara nasa canteen dahil napirmahan na ni Sir Ulap ang clearance natin.” Paanyaya ko na nagpasaya sa kanya dahil si Sir Ulap nalang ang walang pirma sa kanyang clearance dahil sa napakahirap nitong hagilapin at maarte pa.
“Wow! Paano mo napapirma si Sir ng gano’n gano’n nalang?” Duda pa niyang tanong.
“Wala naman,” sabi ko sabay nag-pose na nakahawak sa baba.
Halata namang napasaya ko siya kaya napangiti nalang din ako
“Siguro ay nilandi mo’yong Ulap na’yon at kumagat naman siya.” Pahabol pa niya na totoo naman. Konting pakilig lang kasi kay Sir ay bumigay na agad na pumirma.
“Exactly!” anas ko na naging dahilan ng aming tawanan.
Nakaakbay ako sa kanya habang papunta kami sa school canteen. Medyo maraming tao noong makarating kami pero dala ng aming gutom ay nagtyaga na rin kami pumila.
“Sinigang para sa mga tulad kong tigang!” ang biro ko nang maka-order kami.
“Adobo para sa mga taong bobo!” ang pagbibiro niya sabay tawa. Napuno pa ng tawanan ang aming table lalo na’t magaling ako sa kalokohan.
“Ang dami mong alam, mag-aral lang ang hindi.” Pang-aasar pa niya na nagpalakas ng tawanan naming dalawa.
“Kapag ako nagseryoso na next sem, who you ka sa’kin!” Sabi ko na ilang ulit ko na ring nasabi kada sem.
“Utot mo, square! Iyan din ang sabi mo noong nakaraang semester. ’Wag ako! ’Wag ako, iba nalang.” Ang pambabara niya sa akin.
“Okay, sabi ko nga po, Boss!” sabi ko na naging dahilan para matigilan siya. Tinawag ko lang naman siyang boss. Weird.
Nakailangang cup pa kami ng rice nang mapagpasyahan naming maglibot-libot sa school. At habang naglalakad kami ay napadako ang mata namin sa bulletin board na may nakapaskil na larawan ni ko noong nag-perform ako noong nakaraang linggo sa ginanap na Music Idols ng aming campus na ilalaban para sa inter campus this summer.
Ang sarap balikan ng mga araw na’yon. Napapangiti nalang ako.
Ito na SIGURO ang simula ng lahat. Ang pagle-let go ni Inake.
To be continued..
M
SIGURO-PART LI
NOTE: Hirap na hirap talaga akong tapusin ang istoryang ito lalo na’t mahal na mahal ko ang mga karakter na ginamit ko sa istorang ito. ’Yong tipong kahit hindi ganoon kadami ang votes ay masaya na ako sa mga comments na nagpapataba ng puso ko. Though hindi ko maiwasang isipin kung bakit kailangan na magwakas ang SIGURO, kailangan ko iyong gawin dahil hindi lahat ng bagay ay permante. Sapat na ’yong mga sagot ng mga napagtanungan ko at ang puso ko ang magde-decide para sa next update ko :) Muli, I want to read your comments here kung SOLID PAGER kabang talaga..
SIGURO-Part LI
LEROY
Magkahalong kaba ang aking naramdaman nang sandaling makita ko ang aking pangalan sa listahan ng mga laude. Nakakatuwa lamang isipin na ang bunga ng aking pagsusunog ng kilay ay matutumbasan na ng tamang bunga. Ngunit sa kahit pala matalino ka na ay may mga bagay ka pa rin na dapat malaman.
Gaya na lamang ng aking isipan at puso na madalas na nagtatalo. Mahal mo ’yong tao pero hindi mo maibigay ng buo dahil may something strange na pakiramdam na gumugulo. Mga ganoong lohikal na bagay.
“See? Lahat ng paghihirap ay nagbubunga ng maganda.” Iyan ang bungad sa akin ni Sir Escosa na nasa likod ko pala.
Napatawa na lang ako bago nagsalita.
“Mana po sa inyo, Sir.”
“No. You are unique on your own, Leroy. Simula pa lamang noong una kitang makita, alam ko na na may potential ka sa maramingbaspeto ng buhay. Kaya naman, keep it up!” aniya.
“Thank you po, Sir!” masaya kong tugon.
“You’re always welcome, Leroy. Congratulations uli!” aniya pa at hindi na ako hinintay na makapagsalita dahil mabilis pa sa alas singko na naglakad si Sir palayo.
“Ingat po, Sir!” iyan ang naibulalas ko bago ako umalis at magtungo sa room namin.
Nagdoon ko nakita ang aking mga kaklase na masayang-masaya habang nagsusulat sa damit ng bawat isa.
Unang bumungad sa akin si Faith na may hawak na marker at walang isang segundo ang lumipas ay agad niya akong sinulatan sa kwelyo ng aking suot na polo at nang basahin ko iyon ay nakasulat ang: BSBA IV-A <3
At ako naman ang nagsulat sa kanya gamit ang market ko.
“God bless!- Leroy <3”
“Conrats! Ga-graduate na tayo for real!” aniya at niyakap pa ako.
“Sa’yo din, congrats! Reality na ang sunod after college.” Sabi ko naman pabalik.
“Oo nga e. Kayang-kaya natin ’to. Magkakahiwalay lang ang section natin pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi na tayo magkakaibigan. Still, tayo pa rin ’yong 1A na nag-angat sa college natin.”
“Drama! Haha. Pero all these years, hindi natin namamalayan na ang bilis pala talaga ng oras. Kaya Faith, congrats sa’yo at sa inyo ni Michael.” Ako naman.
“Pagbigyan mo na. Ga-graduate na tayo e.” At doon ay dinumog ako ng 4A na dati kong naging mga kaklase noong unang linggo ng first semester ko.
Mayroon pang nagbigay ng flowers at chocolate at halos mapuno ang ibabang parte ng damit ko ng puso dahil sa mga message nila. Nakakatuwa lang isipin na may nag-aadmire pala sa akin kahit papaano.
“Kyahh! Kyahh! Pembarya!?” natatawang sabi ng dati kong mga naging kaklase at hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi ako pumiglas at ngumiti lang ako at doon ay sunud-sunod na ang humalik sa aking pisngi.
“Gwapo, matalino at mabait, sa’n ka pa? Lodi!” sabi ni Jerome at nahiya ako ro’n bigla.
“Hindi naman.” Tatawa-tawa kong tinuran.
“Lodi, pasulat na, ha?” at doon ay nagsulat si Jerome sa damit ko ng : Good luck sa new journey mo after college.
At kahit ako man ay nagsulat din ng mensahe ko sa kanya.
Halos puno na ang aking damit at lahat na ng kaklase ko ay nakapagsulat sa aking damit. Nakapagsulat na rin si Art ng malaking locked at initials niya bago nagpaalam na magsosolo raw muna siya at mag-iikot sa campus.
“Mag-ingat ka.” Ang paalala ko bago siya humalik ng mabilis sa pisngi ko at nagtatakbo.
“Opo!” sigaw niya at pinagmasdan ko na lamang siyang makalayo sa aking paningin.
Ang ganda na sana ng araw na ito pero hindi ko alam kung bakit tila ba may kulang pa rin. Hindi ko itatanggi pero hinahanap ko si Inake.
Hindi ko alam kung bakit ko siya iniisip pero wala rin naman akong magawa para i-divert ang atensiyon ko sa iba. Masyadong masakit ang mga bagay bagay na nangyari. Hindi ko pa rin kasi siya nakakausap. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang maramdaman ito.
“Anong iniisip mo, Mr. Santos? Missing something or maybe someone?” ang sunud-sunod na tanong ni Ma’am Priza na teacher ko dati sa Capital Market at sa Accounting.
“Honestly speaking Ma’am, I’m torn Priza na teacher ko dati sa Capital Market at sa Accounting.
“Honestly speaking Ma’am, I’m torn Priza na teacher ko dati sa Capital Market at sa Accounting.
“Honestly speaking Ma’am, I’m torn apart at this very moment and I don’t know kung sino pong pipiliin ko. Ang bestfriend ko na hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya kapag wala siya at kapag hindi ko siya nakikita o ang current relationship ko na hindi ko na pinag-alayan ko ng buhay kolehiyo ko? Ma’am… choosing between the two of them is pretty hard..” malungkot kong pagke—kwento.
“You know what, Mr. Santos? You already know the answer to your question. Ayaw mo lang makasakit kaya nahihirapan ka. Just follow your heart, Hijo. Life won’t throw you that problem kung hindi mo ’yan kayang solusyunan. Basic na ’yan sa’yo.” Sabi ni Ma’am at medyo tinamaan ako.
“S-salamat po, Ma’am! Tama nga po siguro kayo. Takot langb akong makapanakit ng iba,” Saad ko.
“No problem. Oh, paano, Mr. Santos? I’ll go ahead na.. See you!” masaya niyang sabi at nagpaalam na rin ako.
Makalipas ang ilang minuto ay talaga namang hindi mapakali ang aking paa dinala ako nito sa College of Tourism kung saan nakita ko si Inake na may kausap na babae at sobrang napakasaya nila. Hindi niya in-acknowledge ang presensya ko kaya naman napakasakit no’n para sa akin.
“Uy, congrats!” ang sabi ng dati kong kaklase noon sa Grade school na si Arvin at nagsulat din siya sa damit ko.
“Ikaw din! Ang pangit mo pa rin pero congrats!” at nagtawanan kami ng sabay ni Arvin. Hindi ko alam na magkaklase pala si Arvin at Inake na noon pa man ay mga kaibigan ko noong bata pa lamang kami. Who would have thought nga naman?
“Yabang nitong nerdy na’to!” at pabiro niya akong siniko kasi hindi ko pa nasusulatan ang damit niya.
At ganoon na nga ang aking ginawa. Nagsulat ako sa damit niya ng CONGRATS, ARVINONG PANGIT!- Leroy <3
At nagtawanan uli kami.
Matapos iyon ay nakita ko na siyang sumama sa lalaking nakaupo sa may bench kanina at sa pagkakalam ko ay sila noon simula pa noong first year college kami. Nakakamangha at nakakainggit lang sila. Ako kaya? Nakakatawa lang na iniisip ko iyon gayong may Art na nagmamahal sa akin.
“Leroy! Tara na!” ang wika ni Art at hindi ko na nakita si Inake pa dahil nauna na siyang umalis.
“T-tara!” Iyon na lamang ang aking naisagot at lumisan na kami sa naturang college.
Dear Tadhana,
SIGURO pa rin ba hanggang ngayon?
To be continued!
SIGURO-FINALE
NOTE: I WANT TO READ YOUR COMMENTS BELOW! LAST REQUEST KO SA INYO :)
SIGURO-FINALE
LEROY
“Sa loob ng ilang taon ng pagpapanday, itong araw na ito ang siyang patunay na lahat ng paghihirap ay magbubunga ng tagumpay.” Ang panimula ko habang suot ang itim na toga na matagal ko na ring hinintay na maisuot.
“Ngayon na yata ang pinakamasayang araw na daraan sa ating buhay. Masasabi ko ring malunkot sapagkat magkakahiwalay na tayo.
Hindi biro ang mga gabi na tayo ay mga napuyat dahil sa thesis, research at paper works. Hindi rin biro ang failed exams. Pero hindi dahil bumagsak tayo noon ay hindi na tayo matututo. Nakakatuwa nga lamang isipin na kahit na maraming pagsubok ang nagdaan ay nariyan pa rin tayo at patuloy na lumaban.
Kaya sa inyong lahat na naririto, palakpakan niyo ang inyong mga sarili.“ At doon nga ay nagpalakpakan sila.
“Muli nating balikan ang mumunting mga alaala na nag-iwan ng napakaraming lesson sa aking buhay bilang isang estudyante ng ating mahal na Unibersidad.
Noon ay isa pa lamang akong totoy na pilit hinahanap ang room na TBA.“ At nagtawanan sila.
“Hindi ba’t hindi lang ako ang naghanap ng TBA na’yan? Marami tayong na-late at naligaw noong unang pasukan. Nakakatawa pa ngang isipin na wala pa akong pakialam noon sa sasabihin ng iba sa braces na meron ako sa aking ngipin. Idagdag mo pa ang team building ng mga freshmen na puro nakaitim dahil nga pagmamantyahin ang pag-welcome nila sa atin.
Ang bilis nga talaga ng pangyayari. May mga relasyon na nagwakas at may mga pagkakaibigang naging wagas. Pero iba pa ring talaga kung may tropa kang wagas manlaglag sa mga bagay-bagay.
Noon.. takot akong humarap sa mga tao. Takot akong mag-recite at magsagot ng mathematical equation sa board. Pero dahil takot akong ma-singko ay sige lang ako para sa uno.
Oo.. TAKOT ako na bumaba ang marka dahil isa ako sa mga conscious sa grades nila. Pero kahit pala mataas ’yong grades mo ay hindi pa rin sapat kung boring ang buhay kolehiyo mo.
Hindi dahil huwaran akong estudyante ay perpekto na ako. May pagkakataon din sa buhay na naligaw na rin ako. Naligaw sa paraang napalayo ako sa pamilya ko dahil sinunod ko ang puso ko.
Marahil ay tatawanan niyo ako kung aaminin ko sa inyo. Apat na taon akong taga gawa ng assignment, taga-supply ng mga lecture at nagpapakopya rin sa mga exams na medyo may twist ng harassment. Oo, sinunod ko lang ang gusto ko. Baka kasi sa paraang ’yon ay magustuhan niya rin ako. Binago ko ang sarili ko. Sinimulan ko rin maging ako para masabi kong masaya ako.
Salamat sa Diyos dahil naging masaya ako kahit na sa mga sandaling ito ay nawawala ako. Nawawala ako dahil sa maraming bagay. Isa na roon ang paglinisan sa naging aking pandayan ng mga lohikal na bagay.
Sa mga guro na hindi ko na masasabi at maiisa-isa, gusto ko lang sabihin na salamat. Salamat sa pagtit’yaga na turuan kami ng mga bagay bagay na kailangan naming. Ga-graduate kami pero hindi naming makakalimutan ang mga pagpapahirap at pagbibigay niyo ng challenges sa buhay naming.“ Muling nagtawanan ang bawat isa.
“Kay manong guard na naging laman ng freedom wall at campus paper, salamat dahil tinuruan mo ang bawat-isa na maging responsableng mag-aaral. Nakakatawa nga kayo kapag inaaway kayo ng mga estudyanteng hindi nakauniporme at walang I.D. Manong, salamat sa inyo ng swabe!” sigaw ko habang isa-isa na silang nagtatawanan. Marahil ay naranasan din nilang mahuli ng guard.
“Isa pang bagay na nagpasaya at kumumpleto ay ang barkada. Barkada na kasama natin sa hirap at ginhawa. Kapag nalulugmok ka sa lungkot at kapag nababalot ka ng poot at hindi sila nakakalimot. Mahal na mahal ka nila kaya’t ’wag ka ring makakalimot na pasalamatan sila.
Marahil nga ay hindi ko pinaghandaan ang speech kong ito pero gusto ko kasi na maging memorable ang araw na’to. Para sa’yo ’to, Pa.
Sinabi mo sa akin noon na ang sekswalidad ay isang malaking balakid.. pero Pa, mali ka dahil maraming bagay akong natutunan dahil sa ganitong klase ng buhay. Minsan niyo na po akong itinakwil at lahat ng pahirap ay ginawa niyo sa’kin. Ngunit kahit ganoon ay hindi ko po kayo kayang kagalitan at pagtaniman ng sama ng loob. At gaya ng kuya ko na nag-uwi ng pinakamataas na award sa araw ng kaniyang graduation ay iniaalay koi tong lahat sa aking pamilya. Hindi ko mararating ang puntong ito kung wala kayo. Mahal na mahal ko kayong lahat.“ Nagsisimula na akong umiyak at ganoon din ang mga tao sa paligid.
“Ayoko pa sanang tapusin ang speech kong ito pero kailangan dahil may buhay tayo na kailangan buuin sa labas. At parati niyong pakatatandaan na magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng bagay, maliit man iyan o malaki.”
–
Naging emosyonal ang lahat ng ideklarang graduate na kami. Lahat ay nag-iiyak at mayroon pang naghihiyawan.
“Uy, congrats!” si Joseph habang kasama si Cathy.“
“Sa inyo rin, congrats!”
At doon ay isa-isang nagsilapitan ang bawat-isang nakakakilala sa akin sa bawat-isa.
“Hindi ko kayo malilimutan.” At doon ay naghiwa-hiwalay na kami.
“Bro, you did well!” sabi ni Kuya Markat niyakap ko siya.
“Salamat, Kuya!” sagot ko pabalik.
“Uy, bro! Congrats!” si Ethan naman ang nagsalita mula sa likod ko at nag-group hug kami nina Jet at Ralp.
“Walwal na us!” sabi ni Leroy na bigla namang dumating. At sa kaniyang pagdating ay siya namang bigat ng aking dibdib.
“Congrats, bro!” si Ethan at Ralp na sabay nagsalita.
“Salamat! Pwede ko bang hiramin saglit ang babe ko? Tito, Tita.. Kuya..?”
Sumang-ayon naman ang lahat kaya’t nang mahawakan niya ang kamay ko ay nagtatakbo na kami patungo kung saan. At nang mapagtanto ko kung nasaan kami ay nasa Room 28 kami ng CBA at doon ay bigla niya akong hinalikan.
“Anong problema?” ang tanong niya nang matigilan ako sa pagtugon sa halik niya. Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa tanong niya at napayuko ako dahil hindi ko talaga alam ang tamang isagot sa kanya.
“Let’s end this.” I stated na nagpatulo ng kaniyang mga luha.
“W-why? B-bakit? May nagawa ba ako?” umiiyak niyang tanong.
“W-wala. Wala kang ginawa.” Sagot ko pabalik.
“Then why? Hindi mo na ba ako mahal?” Tanong niya.
“Please… ayusin natin ’to, Leroy. Mahal na mahal kita. H’wag mo akong ganituhin, please.” Nakaluhod na siya habang umiiyak sa aking harapan.
“H’wag kang lumuhod, Art. H’wag mong gawin sa sarili mo’yan dahil nahihirapan din ako.” Sagot ko.
“Si Inake ba? Siya ba, Leroy?” ang tanong niya at hindi ako agad nakasagot.
“Si Inake nga.” Aniya at tumango ako
“S-sorry, Art. Hindi ko alam ang gagawin ko.”
“A-ako ba? Alam ko ba ang gagawin ko?” hindi muli ako nakasagot.
“Sorry, Art.” Sabi ko at niyakap ko siya. Iyak lamang siya ng iyak kaya naman napaiyak na rin ako.
ART
Libo-libong sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Knowing that he loved someone hurts at hindi koi yon ma-absorb.
“Masakit din ’to sa’kin, Art kaya sana mapatawad mo ako.” Ang masasakit na sagot niya sa akin na hindi ko alam kung paano koi da- digest sa aking Sistema.
I never thought na mangyayari ang araw na ito dahil ramdam ko naman na mahal na mahal niya ako. Pero masama nga talagang mag-assume dahil masasaktan ka lang.
“Masakit sa’yo? Nagpapatawa ka ba, Leroy?” singhal ko.
“Halos madurog na’tong puso ko sa pagkabigla dahil sa mga sinabi mo tapos sasabihin mo na mahirap din sa’yo ’to? You are so selfish, Leroy! You let me feel the love na hindi naman pala magtatagal at lalong-lalo nan a hindi naman pala para sa akin. All this time, I belived na ikaw na ’yong perfect for me, but I was wrong. Sasaktan at iiwan mo rin pala ako.” Umiiyak kong wika.
“Ayaw na kitang lokohin pa, Art kaya nagpakatotoo na ako sa nararadaman ko. I don’t want to hurt you anymore that’s why I’m doing this.”
“Please.. Leroy. Baka naman naguguluhan ka lang. Saang part ko ba dapat pang dagdagan ng effort? Sa kiss? Sa mga regalo? Sa kama? Tell me, Leroy! ’Wag mo lang ako iwanan.” Pagmamakaawa ko.
“You did everything to make me happy pero hindi na kita mahal, Art kaya sorry, patawarin mo ako.”
“Sorry? Haha, sorry. Ang daya mo naman, Leroy! Ang daya daya mo!“pilit akong ngumiti kahit na tumutulo ng kusa ang aking mga luha.
“Please.. let me go, Art. Ayaw na kitang saktan pa.”
“Pero you’re already hurting me.”
“Please.. Art, don’t make this hard for me.”
“If that’s what will make you happy, go! Leave me! D’yan ka naman magaling, ang saktan ako! Hinayaan mong umikot ang mundo ko sa’yo tapos ibabasura mo ako ng ganito? ’Di ba noon mo pa ako gusto? Sinabi mo pa kanina sa speech mo na isa ako sa naging inspirasyon mo pero bakit ganoon? ANONG NANGYARI SA’TIN, Leroy!?” madamdaming kong tugon.
“Hindi ka na makakhanap ng kagaya ko, Leroy kaya please.. ’wag naman ganito.” At muli pa akong lumuhod sa harapan niya at niyakap ko pa ang kaniyang mga binti at namalayan ko na lamang na yakap na niya ako. Muli niyang iniangat ang aking mukha at hindi ko alam kung gaano na ako mukang kaawa-awa sa harap niya.
“I love you, Art pero mas mahal ko si Inake. Kaya sana maintindihan mo ako. Pogi ka, business minded, may sense of humor, talented at alam ko na may mas better na darating sa’yo.. sa buhay mo para pasayahin ka gaya ng ginawa ko sa’yo.”
Upon hearing those words coming from him hurts at hindi ko alam kung kaya ko pa bang magsimulang muli ng panibagong buhay na hindi ko na siya kasama.
“You mean everything to me, Leroy. You know that your happiness is my happiness too kahit na ang kasiyahang ’yon ay hindi sa piling ko ay gagawin ko. Leroy, mahal na mahal kita. Free ka na balikan ako kapag hindi ka na niya mahal at kapag nahihirapan ka. Basta nandito lang ako para sa’yo. MAHAL na MAHAL KITA, LEROY.”
“Salamat, Art.” At unti-unti siyang bumibitaw sa pagkahawak ng kamay ko kaya naman ang sakit sakit ng araw na ito.
LEROY
“ INAKE!“ Sigaw ko nang sandaling makabalik ako sa gymnasium. Nakailang sigaw pa ako pero walang Inake ang sumagot. Pinagtitinginan na nga ako ng iba pero wala akong pakialam.
“Ah, Leroy.. ngayon ang flight ni Inake pabalik sa Japan at for good na siya ro’n,” ang sabi ni Kuya Mark sa akin kaya naman inagaw ko agad ang susi sa kanyang kamay at nagmadali akong magtungo sa parking lot.
Kailangan ko siyang maabutan.
“Hindi ka marunong mag-drive, Pangit!” iyan ang narinig ko sa likod ko at pamilyar iyon sa akin. At nang lingunin ko ang taong ’yon ay nailaglag ko ang susi na hawak ko.
“Pakialam mo ba?” sagot ko pabalik habang umiiyak sa tuwa. Hindi ko yata alam ang gagawin ko.
“Pakialam ko?” Kunot noo niyang tugon at hindi ko na pinatagal pa ang sandali dahil buong pwersa ko siyang hinila papalapit sa akin at hinalikan ko siya ng wagas.
Banayad na banayad ang halik na iyon at naghiwalay lamang kami nang marinig ko ang palakpakan na nagmumula kay na Kuya. Wala nang hiya-hiya dahil mahal ko si Inake.
“Ikaw ang mahal ko, Inake! You mean everything to me kahit na ang baliw baliw mo. At na-realize ko na hindi ko kayang mawala ka. Buti nalang at wala ka pa sa Airport dahil baka hindi ko kayanin at sundan pa kita sa Japan.” Habol hininga kong sabi.
“What do you mean?”
“Mahal kita at hindi kita kayang pumunta sa Japan na hindi ko man lang nasasabi ang totoo kong nararamdaman.” Sagot ko pa.
“Anong Japan? Hindi ako pupunta sa Japan, ’no!” sarkastiko niyang sabi kaya napatingin ako kay Kuya na tatawa-tawa.
“Kuya!!!!” sigaw ko at hindi ko namalayan na hinablot na ako ni Inake at hinalikan ng isa.
“Mahal din kita, Leroy at hindi mo alam kung gaano mo ako pinasasaya. Pero teka lang.. paano si Art?”
“We broke up and pinili kita over him. Ayaw mo ba?” sabi ko.
“Gusto!”
“Hep! Hep! Hep! Anong arte ’to, Inake at Leroy?” biglang entrada ng Mommy ni Inake.
“Ma naman e, I told you about this already!” sabi ni Inake at natawa naman si Tita.
“I know. Commercial lang naman, ikaw talaga!” at nagtawanan kaming lahat.
“Continue na!“si Kuya pa.
“So tayo na ba?” tanong ko.
“Ewan ko sa’yo. SIGURO?” aniya.
“Ayoko na ng SIGURO dahil gusto ko ay OO!”
“Eh, ’di OO, tayo na!” sagot niya at naglapat muli ang aming mga labi.
Tunay ngang masalimuot ang buhay. Tunay nga na kailangan lagi kang may kaagapay. Noon ay hindi ka makasiguro dahil parating ewan, bahala na at siguro ang takbo ng isip mo. PERO sa sandaling mahanap mo ang taong para sa’yo magiging POSIBLE ang SIGURO.
END
(Novermber 25, 2017)
Self pub or not?
Maikli lang po ito, promise!
Matagal ko na pong natapos ng istoryang ito pero alam kong hindi pa rin tayo nakaka-move on sa nangyari kay Art, Leroy at Inake. Pero gano’n pa man, gusto kong malaman niyo na kailangan ko ng tulong niyo. I mean, gusto kong ma-i-self publish itong istoryang ito. At doon, ilalahad ko ang mga nangyari after ng FINALE at magdaragdag din ako ng ilang chapter para sa mga maka-Art-Leroy na love story at ganoon din para sa Side ni Inake.
Pero mukang mahihirapan ako. Ni hindi ko nga alam kung makakabenta ako, or may bibili ba. Pero alam niyo ’yon, I am really inspired na mai-publish itong istoryo kong ito.
Problems:
- Hindi ako marunong gumawa ng book cover para sa hard copy.
- Wala akong masyadong pondo kaya balak ko sana na ’yong mga mag-aadvance ng payment nila for the book itself ayo’n ang gagamitin kong pang-down sa publishing house na ko-contact-in ko.
- Pondo uli
- Baka walang bumili like alam naman natin na hindi lahat kayang um-afforf ng book version.
Pero isa lang maigagarantiya ko sa inyo, mababago ang flow ng istorya lalo na sa idaragdag kong mga parts.
PS. Sana matulungan niyo ang inyong lingkod.
Free kayong magkumento at mag-send ng message sa akin.
Mahal ko kayong lahat! :)
SIGURO BOOK 2
BOOK 2: TEASER
ART
“Tama na ’yan.” Someone said while I was drinking my last beer.
“Leave me alone! Gusto kong mapag-isa.” Walang gana kong tugon.
“Broken?” Pangungulit niya pero I am not in the mood to catchup.
“Suplado!” Aniya pero wala akong pakialam sa kanya dahil ang focus ko ay ang puso ko. Nilulunod ako ng mga alaala.
Isang buwan na pala simula noong iwan ako ni Leroy para ipagpalit sa supot na hapon na ’yon.
“Pangit ba’ko?” I asked randomly.
“Let me check.” Pasimula ng lalaking katabi ko rito sa bar counter.
“Chinito. Matangos ang ilong.” Tapos nilapit niya ang muka niya sa dibdib ko bago nagsalita. “Mabango. Masarap!” Ngingiti-ngiti niyang sagot na animo’y adik na nakasinghot ng katol. Gay.
“I asked you kung pangit ba’ko. Hindi mo sinagot ang tanong.” Pag-uulit ko.
“Gwapo ka, gago!” Aniya at saka siya tumawa habang ako naman ay napakamot na lang sa ulo.
Gwapo ako pero bakit pinagpalit ako? Sabi ng isang bahagi ng utak ko.
“Iniwan ka, ’no?” Hindi ako kumibo. “Pinagpalit?” Tanong ulit niya.
“You’re right. Pinagpalit ako sa hapon.” Walang kagana-gana kong sagot.
“Aww! Kawawa ka naman pala.” Sabi niya pero wala akong pakialam at all.
Nakailang bote na ako ng iba’t-ibang klase ng alak at alam ko sa sarili kong hindi ko na kaya kaya naman nang makaalis ang maligalig na lalaki sa tabi ko ay sinubukan kong tawagan si Leroy at luckily he answered.
“Hello, Art ?” bungad niya.
“Hik!” Nasinok ako.
“Lasing ka ba? Nasaan ka?” Nag-aalala niyang tanong.
“Hindi. Nakainom lang.” Natatawa kong sagot pero hindi ko alam kung bakit sobrang saya kong naririnig ang boses niya.
“H’wag kang aalis d’yan, ha? Baka may mangyaring masama sa’yo.” Aniya at mas lumaki ang ngiti sa mga labi ko.
Alam kong mahal pa ako ni Leroy kaya gagawin kong lahat para bumalik siya sa’kin. Even this dirty tactics, gagawin ko para bumalik lang siya.
Hey!
Posted na ang book 2 na pinamagatan kong “ART OF LETTING GO.”
Sana mabasa niyo po. Kwento naman ni Art iyon. Add niyo na agad sa reading list niyo.
Salamat!
Annoucement!
Hi, Guys! Promote lang ako ng bago kong sinusulat. Halik sa Hangin. Mayroon na siyang 10 parts na daily ko in-a-update.
Sana ay basahin niyo rin ito kapag may time kayo. Salamat! Anyway, I am open for collaboration. Send lang kayo ng message sa akin at add niyo rin po ako sa fb account ko na Thep Sanchez. Usap po tayo ro’n. Salamat!

