loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION

KCMaddalena · 66 chapters · 53,266 words

AUTHOR’S NOTE

PAALALA

ANG MGA

STORYANG

ITO AY

HANGO

SA

TOTOONG

KWENTO, ITO AY AKING MGA COLLECTION

IHANDA

ANG INYONG MGA

SARILI

SA MGA ONE SHOTS STORIES SA

LEBRONG

ITO.

MASINDAK

KUTOABAN

KABAHAN

KILABUTAN

KUNG MERON

KAYONG

NAKAKAKILABOT

NA KWENTO AY PWEDI NIYO

ITONG

IBAHAGI

.

SALAMAT

31 SECONDS

Hi

This happened recently lang, this month of june.

So, here it goes. One night, i was waiting for my boyfriend to call me once he got home, lumabas sila nung gabing yun with his workmates.

While waiting, nakatulog ako.
Btw, ako yung tipo ng tao na pag naalimpungatan sa pagtulog e tandang tanda parin ang nangyayare kahit lasing na lasing pa sa antok.

I woke up past 11pm na! Haha so tinawagan ko agad sya. He sent a text message around 10pm, so i called him, he’s probably still awake sabi ko sa isip ko. He answered the call and i confronted him and asked him kung bakit di sya tumawag e nauwi na pala sya ng 10pm.

Nagulat sya, sabi nya
“Tumawag ako, mukhang antok na antok kapa e. Kaya sabi ko sayo tulog kana muna bukas nalang kita tatawagan

ulit

,”
Nagtataka naman ako. Kasi wala ako naaalalang nagising ako sa pagkatulog ko at sumagot ng tawag nya.

As in wala talaga.

Mababaw lang ang tulog ko noon, kasi nga inaantay ko din mag ring ang phone ko at alam kong tatawag sya.
Ako:
“Hindi ka tumawag. Edi sana di na kita

sinita

,”

Sya
:
“Tumawag nga ako, eto nga nasa call log ko pa,”

Ako
:
“Alam ko kung natawag ka bae, wala naman ibang sasagot ng tawag mo kundi ako,”

Sya
:
“Eto nga o, 31 seconds pa nga e, check mo sa phone mo,”

Chineck ko phone ko like what he instructed me to do.

Meron ngang received call, dated on that same day, 10:12pm, call duration: 31 seconds.

Ako
:
“Hala. Wala ako naaalalang sumagot ako ng phone. Hindi man nga lang ng ngring e!”

Siya
:
“Ba malay ko sayo, sino bang kasama mo jan?”

Tumingin ako sa paligid ng kwarto ko. Madilim, patay ang ilaw, ako lang mag isa.

All of a sudden, kinilabutan ako.

Parang biglang nanlamig, feeling ko may nakatingin sakin. Dali dali akong tumayo at in-on ang ilaw. Nasa kabilang linya padin si boyfie.

Ako
:
“Wala, ako lang mag isa..”

Just who the hell did he

talked

too?

Medtechngbuhaymo

GUESS WHO?

This happen when me and my sister (Yesha) go to 7/Eleven twelve midnyt.

We thought to buy some midnyt snack kasi habit na namin yan yung kumain ng late before we sleep. Malapit naman yung convenience store sa house namin kaya nilalakad lang namin ni Yesha.

During that time, hindi pa kami tapos to choose what we are having to eat. Yesha still didn’t decide yet so pumunta ako sa may chips area para maghanap.

While looking, I notice a girl standing behind my back. Hindi ko siya nakita kanina pagpunta ko sa chips area then nagulat ako kasi bigla na lang siyang sumulpot sa likod ko. She is facing a wall kaya hindi ko makita yung hitsura niya.

She’s wearing black dress tapos nakayapak lang siya. At some point, hindi ko na lang siya pinansin, nung makapili na ako ng chips na kakainin ko ay pumunta naman ako sa drinks area. Pagbukas ko nung fridge, nakita ko dun sa reflection ng salamin (ng ref) yung babae na naman na nakatayo sa likod ko.

Agad ko siyang nilingon pero wala akong nakita, when I look again at the mirror nandoon parin yung babae and still, nakatalikod parin siya sa akin. I felt scared that time, kumuha na agad ako ng canned softdrinks tsaka ko na pinuntahan si Yesha na kakatapos lang din kumuha ng foods niya saka na kami naglakad papunta sa counter to pay.

Habang naghihintay ay meron akong nakitang group of friends na sabay sabay lumabas ng 7/Eleven. They are talking so loud, sapat para marinig ko yung pinag-uusapan nila. At some moment, narinig ko dun sa isang babae na pumunta lang pala sila ng 7/Eleven para magpagpag, natural na galing silang magkakaibigan  sa lamay.

Then nung tuluyan na silang makalabas ng convenience store ay doon ko ulit nakita yung babae. I’m thinking that time ito siguro yung patay na pinuntahan ng magkakaibigan kanina. Nasundan talaga sila ng kaluluwang yun hanggang sa 7/Eleven.

Mabuti na lang dahil nagpagpag talaga sila muna bago umuwi dahil mukhang hindi na sila nasundan nung babae.
   After naming magbayad sa counter ay kaagad kong niyaya si Yesha na umuwi na. Nakita ko pa yung babae na nakatayo parin sa loob ng 7/Eleven nung nilingon ko siya galing sa labas. Still nakatalikod parin siya sakin kasama yung ibang mga spirit na nandoon sa loob ng convenience store.

Ginawa na din talagang habit yung 7/Eleven as a pagpag place. Kawawa naman yung mga taong nagwowork sa 7/Eleven ng ganung oras dahil andami kong nakitang mga spirits na pakalat kalat sa loob hindi ko lang pinapansin. Yung naka black dress lang na babae yung naka-agaw sa akin ng attention dahil sa mabigat na aura niya. Mabuti na lang ay hindi siya nananakit.

Kaya sana sa mga galing sa lamay diyan at need ng place para magpagpag. ‘Wag lang ho sa 7/Eleven kayo magpagpag, maraming lugar para mailigaw yung spirit at hindi ka masundan. ‘Wag kang tamad maghanap, okay? Yun lang, salamat sa pagbasa.

Ate_Mong_May_ThirdEye

SALAMAT SA MGA PUSA

This happened last year. Work from home ang set up ko at graveyard shift ako. Mayroon kaming 16 pusa na kasa-kasama kong magpuyat sa buong shift ko. Maliit lang kasi itong bahay namin so laptop at monitors ko halos nasa pinto na namin naka lagay at sa likod ko kaagad yung ref. Walang space para makadaan kung sino man ang nasa likod ko, dahil wala naman talagang dadaanan.

Tulog naman na lahat during
working hours ko. Yung pinto namin, screen lang tapos may blackout curtains lang.
(Gate kasi talaga sya tapos yun na rin yung pinaka pinto).

Around 4:30 am paumaga na to. Alam ko yung saktong oras kasi nasa tapat ko yung mismong orasan. Tsaka time is life sa aming mga nasa BPO Industry. Nagtatahulan yung mga aso, yung tahol na mahina muna galing sa malayo tapos lumalapit na mga tahol (kasi bawat bahay dito may mga aso).
Papalakas yung mga tahol.

Hanggang sa maramdaman ko na nasa tapat na ng pinto namin kung anuman yun. Sigurado akong hindi yun tao kasi walang kaluskos sa labas at sabay sabay na umaalulong yung mga aso. Parang lumaki yung ulo ko nun, feeling ko parang si Doraemon na lumobo. Tumayo ako sa pinto pero hindi ko tanaw ang labas dahil nga may kurtina. Gusto ko lang makiramdam pero yung feeling na nakatayo din sya  o sila sa tapat ko na kurtina lang ang pagitan namin. Ang creepy part, nagsend ako ng message sa gc namin sa office.

‘help! something’s wrong’

tapos yung Skype ko biglang nag prompt nang ‘This message is too long. It cannot be send’

Talaga ba? As in hindi ko masend.

Mga anak ko lang kasi yung kasama ko dito bahay tapos yung lahat ng pusa ko pati yung apat na nasa taas ng ref nakapwesto ay nagsipagharap na rin sa pinto at lahat sila ay galit na nakataas yung balahibo. Napaatras ako nun kasi as in lahat nung 16 na pusa para silang army na pumila at humarang sa gate .

Mga 2 to 3 minutes silang ganun tapos maya maya, parang walang nangyari. Umalis lang sila at kanya kanyang balik ng tulog sa pwesto tapos narinig ko na lang din na papalayo na yung kahol ng mga aso hanggang sa nawala na ng mga 5:02am.
Hindi ako nakatulog sa nangyari na yun. Naghingi ako ng copy ng cctv sa baranggay, sa mismong oras na yun. pero ang nakita lang namin ay yung aso ng katabi naming unit na tahol ng tahol sa tapat namin na parang may tinatahulan na ang daming ewan kung ano man yun.

Salamat sa mga pusa ko. Pakiramdam ko, hindi sila nakapasok dahil sa mga pusa.

kwin

BATAAN

Nadatnan naming amoy kulob yung dorm na tutuluyan namin sa loob ng dalawang linggo. Kailangan naming tumira doon kase malayo ang pinanggalingan namin at may 2 weeks duty kami sa isang mental hospital sa Bataan. Bago pa man kami makarating, usap-usapan na sa College namin ang mga istorya at kwento ng kababalaghan ukol sa dorm na yon na taon-taong tinutuluyan ng mga estudyanteng maduduty sa mental hospital na iyon…

Para syang dalawang bahay na pinagdugtong ng hagdanan sa gitna. May limang kwarto ito. Dalawa sa baba at tatlo sa taas. Right room sa baba yung mga clinical instructors tapos kami sa may left. Sa right room sa taas yung mga lalaki tas meron ding isang grupo ng babae sa left side sa taas. Pero yung isang kwarto dun sa taas, sarado at parang ginawang bodega. Pero kahit na mga kutson at kama lang yung laman nun, may kung ano na hahatak na atensyon mo para tumingin at titigan yung maliit sa siwang sa pinto nito.

Day1:
Abala ang lahat sa labas sa pagprepare ng hapunan. Naiwan ako sa loob ng kwarto namin. Tahimik, ako lang mag-isa at walang kasama. Nasa taas ako ng double deck habang naglalaro sa ipad nang mapansin ko yung black na reflection sa lumang tv. Para syang itim na aura. Tumingin ako sa angulo kung nasaan yon pero wala. Ibinalik ko ang tingin sa tv pero andun pa din ito, animo’y itim na tela na lumulutang sa hangin. Natakot ako. Dumapa ako sa kama para hindi na ako matingin sa tv. Subalit may narinig akong mga tapak ng tsinelas na galing sa cr. Naglalakad. Dinig na dinig ko habang pumapakat ito sa tiles at patuloy na naglalakad. Nagtext ako sa kaklase ko na bumalik na sa loob dahil natatakot na ako. Sabay silang lahat pumasok, yung mga CI namin at sabay-sabay kaming nagdasal. Akala ko, tapos na ang lahat pero umpisa pa lang pala ito ng mga kababalaghang mangyayari sa dorm na yon…

Day2:
Naliligo kami sa hapon pagkatapos namin magduty. May cr sa loob at may apat na cubicle ding cr sa likod. Dun ako sa cr sa loob maliligo, inaayos yung sabunera, damit at tuwalyang gagamitin ko nang may marinig akong parang hangin.
""Shh.. shh.. shhhh"".
Naisip ko na baka tubo lang tubig sa may gripo. Pero, bigla akong  kinilabutan. Nabalot ako ng pagkatakot. May bumulong sa tenga ko ng pangalan ko. Boses ng isang babae. Marahan akong lumabas ng banyo na parang walang nangyari. Ayaw ko naman kasing isipin nilang nagpapapansin na naman ako at ayaw ko din sila matakot.

Lumilipas ang mga araw at parang nasanay na lang din kami na may nagpaparamdam sa dorm na yon. Oo, hindi lang ako ang may nararamdaman doon. May mga gabi na may naririnig silang malalakas na yabag ng paa mula sa taas subalit tulog na daw nang mga oras na yon ang mga tao sa taas. May mga batang nagtatawanan paakyat ng hagdan at kakatok pero pagbukas ng pinto, wala namang tao. Bagkus ang sasalubong ay isang ihip ng hangin mula sa bakanteng kwarto. Minsan pa nga’y may dadaan na kulay puting tela mula sa pader pababa ng hagdan.

Ang ikinabahala namin ay nang mag-umipisa ""sila"" na gumalaw ng mga gamit. Yung bag ko na may pera at mahahalagang gamit, bigla na lang nahulog mula sa kinalalagyan nito. Sinabi sa akin ng isa kong kaklase na nakarinig din ng bulong ng kanyang pangalan na huwag ko ilagay patayo ang mga libro sa taas ng tinutulugan ko, baka daw kasi mabagsakan ako nito kapag pinakeelaman na naman ""nila"" yung gamit ko. Ang ayos ko ng mga libro ay malaki hanggang maliit. Nung hiniga ko yung mga libro, malaki papaliit pa rin ang pagkakaayos nito. Pero pagkagising ko, yung mga libro, gulo-gulo na yung ayos.

Huling araw ng pagtuloy namin doon nang sabihin sa akin ng isa kong kaklase na may nakita syang nakasunod sa aking babaeng nakablack na sando galing cr. Nung araw na may bumulong sa akin. Parehas sa kwento ng isa pa naming kaklase na may nakita daw syang babaeng nak-itim na gulo-gulo ang buhok na nakaupo sa tabi ko habang ako’y natutulog…

Pag-uwi namin, pumunta ako sa burol ng tatay ng kaklase ko nung high school. Kasama ko yung dalawa kong bestfriend. Pagpasok namin ng bahay, eto ang sinabi ng kaklase ko:
""Oh, nasaan na yung isa nyo pang kasama? Apat kayo kanina sa labas nang nakita ko kayo""

myelin shealth

BUTTERFLY MADNESS

Kwento ko lang itong experience ng tita ko. Hindi naman sya nakakatakot but it’s worth it naman kung mabasa niyo kasi kakaibang klaseng experience sya. Ginandahan ko na yung title para macurious din kayo kung bakit ganyan yung tinitle ko. Anyway sisimulan ko na yung kwento.

Yung tita ko nakapangasawa ng Canadian. Taong 2018 nang umalis sya sa Pilipinas at tumira na siya doon sa asawa nya, doon na rin sya ikinasal. Naging maganda naman yung unang linggo nyang pagtira dun hanggang sa nagtagal na sya at nasanay na sya sa loob ng isang taon. Tuwing gabi ay umaalis  yung asawa nya ng bahay para pumasok sa trabaho kaya naiiwan si Tita mag-isa. Nightshift kasi nakalimutan ko kung anong work nung lalaki. Di naman daw natatakot si Tita sa bahay na mag-isa, ang mindset nya kasi is mas nakakatakot pa daw yung buhay kesa sa patay na. Atsaka wala naman talagang multong magpaparamdam sa bahay na yun kasi napa blessed na raw yun. Pagkaka alis ng bahay ng kanyang asawa saka na sya direcho matutulog.

FF. So eto na nga yung totoong kwento ni Tita sa akin. Meron daw syang kapitbahay (katapatan lang ng bahay nila) na weirdo daw yung nakatira. Di nya naman intensyon raw na gamitin yung word na
“weirdo”
para idescribe yung tinutukoy nya pero base kasi sa kinikilos daw nito ay napakaweird talaga.

Bago matulog si Tita, palagi nya munang sinasara yung kurtina sa bintana ng kwarto nila. Edi syempre mapapasilip sya bintana kasi isasara nya ng kurtina. So napatigil daw sandali si Tita sa pagsara nang mapansin nya yung kapitbahay nyang babae na nasa labas ng bahay, nakatayo ito sa harap ng bahay nito.. Meron daw itong kapit kapit na parang malaking vase tapos kitang kita ni Tita na may mga paru-parong lumillipad palibot doon sa babae. Nagtaka ito sa nakita nya, hindi nya namumukhaan yung babaeng kapitbahay nya kahit na palagi naman syang lumalabas ng bahay. Akala nga raw ni Tita walang nakatira doon sa katapat ng bahay nila dahil sa sobrang tahimik. Ni presenya nung taong nakatira doon ay hindi nya maramdaman.

Tapos ang weird lang dahil nakita lang nya yung kapitbahay nila nung time na yun, kung kailan gabi nila. Napansin ni Tita na nakayuko yung babae habang nakatingin doon sa vase na hawak hawak nya, tapos andaming mga butterfly na lumilipad sa paligid nya (na nakakapagtaka talaga). Nakasuot lang yung babae na puting dress tapos nakapaa lang ito. Dahil nga gabi nya yun nakita at hindi naman masyadong malakas yung ilaw nung kapitbahay nila ay hindi nya makita yung hitsura nito. Nung una napa-isip si Tita kung anong ginagawa nung babae sa labas ng dis oras ng gabi tsaka bakit may kapit kapit syang vase at bakit may mga butterfly na nakapaligid sa kanya? Napabulong na lang si Tita ng ‘weird’ bago nya tuluyang sinara yung kurtina at saka na natulog.

Kinaumagahan din nunn, hindi nya muna kwinento sa asawa nya yung nangyari. Nagtry pa syang lumabas ng bahay para silipin kung makikita nya yung babae ng umaga pero wala syang napansin. Parang wala talagang tao that time. Still pala-isipan parin sa kanya yung kapitbahay niyang babae hanggang sa sumapit ang gabi. Pagka-alis nung asawa nya ng bahay ay saka na sya pumasok ng kwarto para matulog na. As usual, ganun din yung gagawin nya bago matulog, ang isara ang kurtina. Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman nyang nakitang yung babae. Kung ano yung nakita nya kagabi about doon sa babae ay ganun ulit din yung nakita nya. Nakasuot parin ito ng white dress habang nakatayo sa labas ng bahay nila kapit kapit yung vase at may mga butterfly ulit na lumilipad sa tabi nya.

Inakala nya na guni-guni lang yung nakita nya pero kahit kinusot na ni Tita yung mata nya ay kitang kita niya parin yung babae.
Nakabukas ulit yung ilaw ng bahay nito pero sa loob lang tsaka mahina. Ano na naman daw yung ginagawa nung babae sa labas ng bahay nya ng gabi at bakit may kapit kapit na naman syang vase?

Akala ni Tita ay coincidence lang yung nangyayari, na hindi na yun mauulit sa mga susunod pang gabi. Akala lang pala nya…
Dahil tumagal ng isang linggo na nakikita nya yung babae gabi-gabi na nasa labas ng bahay nya. Same lang din yung suot, yung hawak hawak nito, at meron pa rin mga butterfly na lumilipad.

Sa point na yan, naka feel na si Tita na there is something wrong to her neighbor. Hindi sya natatakot ah pero nag-aalala lang ito sa kinikilos nung babae. Tuwing umaga naman na sumisilip sya sa bahay nung  babae ay hindi nya ito nakikita pero kapag sasapit na yung gabi, doon na sya susulpot. Magsstay pa sa labas ng bahay nya ng gabi then kinaumagahan ay mawawala ulit.

Sa matinding pag-aalala nya doon sa kanilang kapitbahay, habang kumakain silang mag-asawa ng lunch ay nakwento nya ito sa asawa nya. Lahat lahat. Habang nagkwekwento si Tita ay napansin nito yung mukha ng asawa nya na nagtataka sa kwinekwento nito. Nung natapos magkwento ni Tita ay tinanong nya yung asawa nya kung sino yung kapitbahay nila.

Napalunok na lang daw yung asawa nya at parang nagdadalawang isip pa kung sasagot ba sya o hindi. Pero dahil sa pamimilit ni Tita ay napasagot din nya yung asawa nya.
So nagstart nang magkwento yung asawa nya about dun sa kapitbahay nila.
Hindi alam ni Tita yung mararamdaman nya ng sabihin nito na
“PATAY NA DAW”
matagal na  yung taong nakatira doon sa tapat ng bahay nila. Akala ni Tita nagbibiro lang yung asawa nya pero hindi raw, seryosong seryoso itong nagkwekwento at napansin nya na nagtataasan yung balahibo nito habang nagkwekwento.

Matagal na raw patay yung kapitbahay nilang babae. Namatay raw ito sa isang severe na sakit. Mahigit 7 months na raw na wala talagang nakatira sa bahay na yun. Abandonado na nga raw yun kung tutuosin, kaya talagang walang taong nakatira dun. At tuwing gabi ay madilim doon.
Yung bangkay raw nung babae, hindi inilagay sa kabaong. Pina cremate raw ito. Kaya nakalagay yung abo nya sa tinatawag na ‘Urn’, tapos nakalagay lang raw yung urn  sa loob ng bahay nito.

Bago mamatay raw yung babae ay nagpatulong pa daw ito sa asawa ni Tita na ayusin yung nasira nitong cage. Akala nung asawa ni Tito ay may alaga itong ibon pero pagkapasok nya sa loob ng bahay nito ay tumambad daw sa kanya yung sandamakmak na mga cage na naglalaman ng mga butterfly. Yun daw pala yung alaga nito.

Matapos magkwento nung asawa ni Tita ay hindi na alam ni Tita kung ano ang mararamdaman nya dahil sa rebelasyong nalaman nya. Kung kikilabotan ba sya? o maaawa pa lalo? o malulungkot dun sa sinapit nung kapitbahay nila?

Nagpapakita pala sa kanya yung ‘kaluluwa’ na nung babae nang hindi nya alam. Yung kapit kapit nitong vase ay isang urn pala kung saan nandoon yung abo nya. Tapos kaya pala may nakapalibot sa kanyang maraming butterfly ay dahil yung babae ang amo nila.

Tinanong sya nung asawa nya kung ilang gabi nyang nakita yung aparisyon nung babae. Sinagot nya naman ito ng mahigit ng 1 week na.

.
.

Ilan  days meron sa isang linggo?

7

""Mahigit 7 months na raw na wala talagang nakatira sa bahay na yun. Abandonado na nga raw yun kung

tutuosin

, kaya talagang walang taong nakatira dun.""

Biglang itong na-realize ni Tita na mas lalong nagpasindak sa kanya.

Dito ko na lang tatapusin yung kwento na to, kasi natatakot na ako HAHAHAHHAHA. Salamat na lang po kung mapopost niyo ito admin! Ayoko na lang mag talk.

BANYO NG SCHOOL

Nangyari po ito nung ako’y grade 1 palamang.

Umaga noon.Nasa school kami dahil may pasok.Katatapos lang ng klase namin at recess na.Naiihi ako kaya nagpasama ako sa klaklase ko papunta sa cr sa labas ng aming room.Yung cr kasi namin sa school nasa ilalim ng hagdan papunta sa secondfloor.Bale tigkabila ang cr dun.Isa sa kabilang hagdan at isa rin sa kabilang hagdan.

Ako naman,napili ko sa kabilang handan magcr dahil narin sa di ko bet magcr dun sa malapit lang sa room namin.So habang naglalakad kami ng classmate ko ay nagkwentuhan muna kami.Nang makarating kami sa cr ay sinabihan ko siyang magbantay sa labas para may kasama ako.Wala kasing tao that time dahil ang lahat ng students ay nasa classroom na dahil patapos narin ang breaktime.

Binuksan kona ang pinto ng cr at bumungad sa akin ang napakaduming paligid.As in masusuka ka talaga kapag nakita mo dahil may nakakalat na dumi yes dumi ng tao at puro sulat pa ang mga pader.Di naman malaki yung cr.Bako ko sarahan ang pinto ay sinilip ko muna kung nasa labas pa ba yung kaklase kong babae.

Nandun naman siya at naghihintay parin sakin.Isinara kona ang pinto ng banyo at tumingin ulit sa paligid.Hindi ko alam kung iihi ba ako kasi sobrang baho at dumi talaga kaya habang nanduon ay nakatakip ang aking ilong.Nang di ko matiis ay hindi ko na itinuloy ang pag-ihi kasi diring-diri na talaga ako.

Bubuksan kona ang pinto pero ng bubuksan ko ito ay hindi ito mabuksan.Nagulat ako that time kasi kahoy lang naman yung pintuan at tsaka hindi ito nakalock.Akala ko pa non ay prinaprank lang ako nung kasama ko pero napansin kona wala na pala sya sa labas.
Nagpanic na ako that time at naiiyak na talaga ako habang pilit na binubuksan ang pintuan.Hindi ko alam kung sa paanong nagsara yun oh baka mayroong nagsara ng kusa at pilit na pinipigilan mabuksan.Napaupo na ako sa sahig at hindi na naisip kung gaano kadumi ang aking inuupuan.Tumingin ako sa paligid ng banyo.

Naiisip ko that time ay magdamag nalang ako dun sa loob dahil nawalan na talaga ako ng pag-asang makakalabas ako.Nang subukan ko ulit ay nagulat ako at nasayahan dahil nagbukas na ang pinto ng cr.Tumingin ako sa labas at walang katao-tao.Nagmadali akong tumakbo papunta sa classroom namin at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.Halo-halong emosyon at tila nagtataka parin kung bakit nagsara yung pinto ng ganon.
Simula noon hindi na ako muling pumunta sa cr na yun dahil narin sa trauma.

-yt

JOGGING

So mahilig si uncle (achilles) mag jogging 4:30 non nag joghing sya papunta sa isang village then takbo takbo lang naka headset pa sya non may dalang energy drink at panyo .

Binati nya si mamang guard ng  good morning jogging lang boss.”   then yon binati din sya paballik ingat ka boss dapat mga maliwa liwanag kana nag jogging baka may makasabay kang kung ano dyan.

Syempre na weirduhan si tito ko tumango  lang sya then start na sya sa pag jogging maya maya ay di nya inaasahan yung mangyayari

Alam mo ba yung feeling na may nasa likod nyo, binaliwala lang ni uncle yon then pag linga nya ay may kasabay na pala sya sa pag takbo babatiin nya sana kaso mukang focus ito sa pag takbo.

Nakaikot na sya kasabay ang lalaking
nagjo jogging palapit na sila kay manong guard ang akala ni tito eh same lang ng way sila kasi aalis din yung guy sa village.

Iinom na sana sya ng energy drink ng may mapansin sya, pag yuko nya yun ay walang paa ang kasabay nya mag jogging. Nakalutang lang ito mistulang kalahati lang ang katawan dun na nanlaki at namawis ng malapot ang uncle ko nakapikit na si uncle ngunit tuloy lang sa pag takbo.

May nabangga sya alam nyang tao iyon ayw na ni tito na dumilat kasi iba na yon e

(POV ni tito)

nakakakilabot na yon kanina kopa nakasabay mag jogging pero wala namn pa lang paa. May yumugyog sa akin ngunit pikit pa rin ang aking mata baka pag dilat ko eh walang paa at nakatingin na sakin ang kasama ko ,
mas lalong lumakas ang yugyog sakin na tila ba gusto akong pamulatin ng marinig ko ang

Pre pre ayos ka lang ba bat tumatakbo ka na parang may nanghahabol sayo at bat nakapikit mata mo?

Minulat ko ang mga mata ko si manong guard pala sinuri ko sya baka wala ding paa potcha meron naman na weiduhan na ang gwardya sakanya ng maibigkas nya ang

B-boss nakita moba yung naka sabay ko pabalik dito..

Ha? Pre ikaw lang mag isa

Nagimbal ako sa narinig ko potcha feel ko na totoong may kasama ako nung oras na yon e

Ah boss may nakasabay ako t*****a walang paa

Ah yun ba? Naguluhan ako bat parang di man lang sya nagulat sa kinwento ko

May binatilyo kasing laging nagja jogging dito noon pre eh nasagasaan ng truck ayon lasug lasong ang kalahati ng katawan kaya kung sino ang matipuhan nong sabayan aba maihi kana sa takot potcha pre naransan kona yan ng nag ikot ako

Ah ganon ba sige una na ako.”

Papaalis nako ng lumingon ako nagulat ako sa nakita ko kasi katabi na nung guard yung binàtilyong kalahati na lang ang katawan.

-Clouds

CREMATORIUM 2012

It was around April 2012 when I experienced this. Please hide my identity.

Just call me Vanessa. So here’s my story…

Just right before my graduation on April 2012, I was hired as an Auditor sa isang Accounting and Auditing firm. Syangapala, meron na rin akong classmate na mas naunang na-hire sa same firm for about 3 months na rin bago ako na-hire. Let’s call him Michael. Si Michael ang nagrefer sa akin sa firm na yun.

For the first two weeks there, ok naman. Everything was normal. Busy lang sa office works, compute dito, compute doon. Naghahabol ng deadline for tax submission. Our boss that time had assigned respective companies na tatapusin namin ang paper works - and that includes going to their actual offices and dun na mismo namin gagawin yung pag-o-audit . Isa sa mga companies na naassign sa akin at kay Michael ay itong Crematorium located in ****g City. Isa itong kilalang crematorium ngayon ngunit nung mga panahong yun ay nagsisimula pa lamang makilala.

Itong crematorium na ito ay may katamtamang laki (that time), maganda at masasabe mong may kaya lamang ang makaka-avail ng serbisyo. Pagpasok mo pa lamang sa gate ay napakaganda. Maging ang kanilang office ay maganda.Ngunit mapapansin mo din yung ilang bahagi ng lugar na iniimprove pa. Dumating kami sa kanilang office ng mag-aalas 3 na ng hapon dahil may mga nauna pa kaming clients na pinuntahan kasama si Michael.

Sinalubong kami ng guard at inabisuhang dumiretso sa main office building. Tila alam naman ni Michael kung saan. Nakarating kami doon at sinalubong kami ng Secretary sabay dumating rin ang may-ari. Kami ay pinakilala sa iba nilang empleyado at inilibot sa ilang offices nila - kabilang ang chapels nila maging ang crematorium kung saan nagaganap ang actual na pagkecremate. Ngayon lamang ako nakakita nun. Hindi mo rin magugustuhan ang amoy, dahil tila nangingibabaw yung amoy ng nasusunog na buhok ngunit malinis naman ang lugar ng kami ay dumating. Hindi kami aktwal na nakapasok hanggang bungad lng pero maamoy mo tlga ung kakaibang yun. Sa sobrang curious ni ate mo ghirl ay tinanong ko na din yung may-ari (napakabait namang sumasagot ng may-ari sa mga tanong namin) kung kelan huling ginamit ang crematorium room. Sinabe nyang may katatapos lang na icremate ng 1PM ng hapong yun. Maliban pala sa cremation, sila rin nag ooffer ng karaniwang burol at libing. Matapos ang mabilisang paglilibot ay inakala kong babalik na kami sa office building kung nasan ang kanyang Secretary, kung saan kami magtatrabaho at tatapusin ang pag-o-audit.

Ngunit dinala nya kami sa medyo tago at di naman kalayuan na building mula sa pinaka-main. Dito daw talaga yung office ng mga Accounting Staffs nya. Sa pagtataka ko ay wala namang tao doon. Yung office ay maliit lang pero modern. Di mo aakalaing nasa loob ka ng lugar kung nasan andun din nakalibing ang mga patay. May desks at dalawang computers na mga bago pa. I complimented the place. Natuwa yung may ari at sinabe nyang pinagawa nya talaga yun para daw hindi naman magmukhang “patay” yung lugar. Yun nga lang daw, nagresign yung dalawang accountant ng sabay isang buwan bago yung takda naming punta. Nakalimutan ko palang banggitin, yung may-ari na kausap namin was an Expat (hindi ko maalala kung ang asawa nya ba ay isang Pinay). Niloloko pa nga nya kami na baka raw pwede nya kami i-hire maging Accountant na lang ng business nya. Sa isip ko, pwede pero parang mas ayoko. Ewan ko, bigla akong kinilabutan. Back to the story, iniwan nya na kami at sinabing babalikan kasama ng mga papers na hinihingi namin para tapusin yung audit.

Naupo kaming dalawa ni Michael. Habang naghihintay na bumalik yung may-ari ay lumibot ako sa paligid ng office. Yung inaakala kong mga typical vases na nakadisplay ay sya palang mga urns na binebenta rin nila sa mga customers na may namayapang kamag-anak. Maganda ang pagkakadisplay roon at aakalain mong ito ay mga precious jewels na nakakahon sa mga clear glass at naroon din ang ilang mga necklaces at other jems na kasama sa mga binebenta na karaniwang isinasama sa mga namatay na kaanak. Masasabe mong pang mayaman nga ang nag-aavail ng services dito.

Dumating ang secretary at nagbigay ng meryenda  (na di ko kinain kasi ewan ko iba nasa isip ko- siraulo ko din noh?)at sinabihang babalik ang may ari after 10 min.

Napatanong ako kay Michael kung nasan ang mga kabaong sapagkat amin itong bibilangin. Yes, tama kau. bibilangin namin. Dahil ito ay kasama sa mga inventories ng kumpanya. Nagkasabay namang ako’y naiihi at tinanong ko c Michael kung nasan ang CR. Itinuro nya ako sa pinto na nasa sulok ng office. Hindi ko alam kung bakit ako nilalamig. Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon na nakatutok sa amin o sa kung ano anong pumapasok sa isip ko. Lumapit ako sa pinto at ito’y binuksan. Laking gulat ko ng nakasunod pala sa akin si Michael at itinulak ako ng marahan. Napasigaw ako ng malakas. Dahil ang laman ng kwartong iyon ay mga kabaong… Naaninag ko yun mula sa liwanag na nanggaling sa office. Tawa ng tawa si Michael sa akin. Pinagtripan ako ng mokong. Nakapag-audit na pala syang minsan at alam nya na mga kabaong ang laman nun. Umurong bigla yung ihi ko. Sinara ko na ulit yung pinto at bumalik na lang ako sa upuan ko. Pero di ko na maalis yung kaba ko na makita yung mga kabaong. Iba na yung naimagine ko dun. Naisip ko kung may laman ba yun o gamit na ba ang mga yun.

Habang inaalis ko sa isip ko yun ay tawang tawa pa rin c Michael sa akin. Para daw kasi akong nakakita ng chanak! Sabay namang dumating ang may ari at napansing tinatawanan ako ni Michael. Nagkwento naman c Michael at nakitawa na rin ang may-ari (mabait talaga sya). Sinabihan nya pa ako na mas matakot dapat ako sa buhay. Umalis din naman sya agad pgkabigay ng mga kailangan namin.

Hindi na rin ako pumayag na ako yung magbilang ng kabaong at sinabihan si Michael na sya na ang magbilang ng kabaong bilang ganti sa pang-gugoodtime nya sa akin.

Natapos nya ang pagbibilang at napansin nyang seryoso na ako sa pagtatrabaho. Para di na daw ako matakot at magsasounds na lang sya. Sinasabayan namin yung mga kanta pero alam kong di ako mapakali habang nagtatrabaho.May ibang lamig akong nararamdaman pero binalewala ko na lang. Sinabihan ko syang umuwi na kami agad pagsapit ng alas 5.

Sa kalagitnaan ng kantang “just the way you are”(o, di ba naalala ko talaga yung kanta) may tila humahalong hikbi akong narinig…Tumingin ako ke Michael, napatingin din sya sa akin. At kami’y nagka inlaban (joke), tila iisa ang nasa isip namin pero tumawa na naman c Michael ( weird na lalaking yun o nagtatapang tapangan lang). Pinagpatuloy namin yung pagtatrabaho, hanggang sa malapit ng matapos yung kanta.. Talagang lumakas yung paghikbi at malinaw na malinaw na sa pandinig ko…na parang humihikbi na mismo sa tenga ko..palakas ng palakas..Sarado yung main door, pati yung pinto kung nasan yung mga kabaong.

Hindi namin alam kung saan nanggaling yung hikbi ng babae…Bumibilang na ako sa isip ko sabay tayo at takbo palabas ng main door. Sumunod din sa akin c Michael. Kinonfirm ko sa kanya kung narinig nya din ba yung hikbi at umo-o sya. Nakita pala kami ng guard na tumatakbo palabas nun dahil ang office ay glass wall lamang.

Nung sinabe namin sa guard ang dahilan, hindi man lang sya nagulat. Sinabe pa nga nyang minsan sa pagroronda nya sa gabi ay may nakita sya minsang babae sa opisinang yun ng disoras ng gabi.

Nakiusap lng kami na kunin yung aming mga gamit at sinabeng babalik na lamang kinabukasan. Pero hindi na ako muling sumama dun. Nakiusap na lang ako na magpalit kami ng isang client. Hindi na rin sila nag-o-audit dun na aabutin ng hapon o takipsilim. Madalas ay umaga na lamang.

Hindi ko na din alam kung hanggang ngayon ay client pa rin yun ng dati kong boss dahil nagresign na rin ako after 7 months nun at sumubok sa corporate world.

Pasensya na sa mahabang kwento. Madame pa akong baong kwentong kababalaghan. Sa susunod na pagkakataon na lamang siguro. Salamat sa pagbabasa.

UKAY-UKAY STORE

Hi everyone and admin. Using my dummy account to hide my identity. Hehehe so ayon, common naman na tong gantong kwento. Pero syempre share ko pa din experience ko sa ukay since addict ako sa ukay ukay ahahaha. So ito na nga,  may magandang ukay ukayan dito sa amin sa pasig na every week sale sila hanggang 10 pesos. 7pm yun, kasama ko jowa ko kumain kami tusok tusok at nag ukay na din 50/100 pa sila nun (meaning 50 pinaka mababa, 100 pinaka mataas).

Ayon nga, may napili si jowa na vintage na sweeter/ sweater (kayo na bahala umintindi HAHAHAHAHHAHAHA)  50 pesos lang sobrang ganda pa. Sukat ko daw kung bagay. Para daw kaseng bagay sa akin. Pag kase namimili ako don sinusukat ko muna talaga. So pagtingin ko sa fitting room nakasarado kurtena tapos may kamay akong nakita. Yung kamay na naka angat kapag maghuhubad ka. Ganun, so sabi ko sa jowa ko wait lang kase may tao pa. 15 mns na pero hindi pa din nalabas yung babae so sinabi ko sa jowa ko na wag nlng,bilhin nlng since matagal yung babae at kasya naman na sakin yun. Pero sabi ng jowa ko. Teka lang daw, tatanong sya sa tindera. Sabi nung tindera, ayy wala ma’am.

Walang tao jaan kanina pa. Nakasara lang yan pero walang tao. Binuksan ni ate, at wala ngang tao. Naloka ako,alam ko talagang may tao don kase kitang kita ko yung kamay.  Sinabi ko sa jowa ko yon. Wag ko na lang daw isipin baka namalik mata lang ako.

Hahahaha nahirapan ako matulog nun mars. Pati yung tindera naloka sa akin. Hhahaha  so ayon khit may experience ako don lagi pa din ako nagsusukat don at buti na lang hindi na naulet. Pero mabigat feeling ko don sa fitting room.

Pero anyways tuloy pa din hanggat walang masamang gagawin sa akin don. 😆 Tapos share ko na din pala yung isang store nila, tawid lang din nun tas lakad ka onti. Doon naman may second floor pero walang na akyat don at walang bantay. Pero since curios nga ako sa tinda doon kase first time na may paninda sila  sa taas so umakyat ako.

Habang pa akyat ako sa hagdan at papalapit sa taas  sobrang pa bigat ng pabigat din sa pakiramdam. Pero tumuloy pa din ako kase may nakita akong maganda sa dulo. Habang papalapit ako ng papalapit don nararamdaman kong parang may nakatingin sa akin, so wala paki pili pili lang ako , tingin don at dito. Tapos habang pa tagal lalong   pabigat ng pabigat yung pakiramdam ko at nahihirapan na talaga ako huminga sa sobrang bigat sa feeling na parang any moment mawawalan na ako ng hininga sa takot na baka mahimatay ako don mag isa dali dali akong bumaba na takot na takot.

Pagbaba ko gumaan agad pakiramdam ko at doon na ako panay hinga. Parang yung feeling na ngayon ka lang ulet nakahinga basta ganun hahah.  Sabi ng jowa ko ano daw nangyayari sakin. Sinabi ko sa kanya yon. Sabi niya bat pa daw kase ako tumuloy. Yung mga tindera nga daw hindi nagbabantay don eh tas pumunta pa daw ako don. So ayon lang, pinagpawisan ako malamig nung nakalabas na kami don at nanlalamig pa din ako sa takot. Grabe kase don, first time ko maka experience ng ganun na parang na suffocate ako ng sobra at mabigat buong katawan.

Pero anyways thankful ako at nakababa ako ng maayos. Yung hagdan pa naman don hindi safe. Thank you admin kung mapopost man to. Mag iingat tayong lahat. God bless po

KULAY APOY NA BUWAN

Please! humihingi po ako ng konting oras para basahin niyo to. Alam ko pong nakakatamad mag basa ng mahaba pero please kahit sandali lang.🙏

Hello everyone , I just wanted to share this hindi para mag demand na magpasikat. Nabobother kasi ko Last night kasi nagtry ako maglucid dreming alam niyo naman na siguro kung ano ang ibig sabihin ng LD and naging worth it naman siya kaso lang bigla akong nagising dahil sa vibration ng kamay ko dahil yung mismong scene sa dream ko is may nakita akong isang lagusan, pinto siya na nakalutang sa ere at ito’y aking  nilapitan at pinasok, pag nag lulucid dreaming ka kasi lahat pwede mong gawin. Lumipad, tumalon ng mataas, at wala kang kamatayan don kahit barilin ka ng ilang beses hindi ka tatablan then yun na nga kaya nagawa kong lapitan ang pinto dahilan na din na kaya kong lumipad but after that na napasok ko ang pinto, pag labas ko dito ay nasagasaan naman ako at ang pinaka napuruhan ay yung kamay ko, nasagasaan siya ng gulong kaya nagvibrate yung kamay ko at don ay tuluyan na akong nagising. Mga 5mins sinubukan ko ulit mag LD kaso ang problema iba na ang napanaginipan ko and I think hindi na siya LD kayo nalang ang bahalang humusga kung magandang pangitain ba ‘to or masama.

Dahil sa mga nangyayari sa mundo natin ngayon na mas lalo pang lumalawak yung virus (covid-19). Maraming namamatay, nagugutom, nahihirapan at Nawawalan ng pag-asa. Kaya eto na nga, Nung tinry kong mag LD hindi na siya nagwork at ibang panaginip na. I remember the old woman na kinakausap ako while were facing at the calendar then she pointed her finger to the calendar at ang nakita ko is yung “December” she was tell me something seriously na hindi ko matandaan. Then naalala ko lang sa date is may “8” I dont know kung 18,28 or 8. Hindi ko na nakita kung anong year. Basta naguusap kami at ineexplain niya yung possible na mangyayari sa date na yon. After that, naglakad ako kasama yung “girl” hindi ko siya kilala basta ang alam ko lagi ko siyang kasama.(I hope makilala ko siya sa susunod na LD) Gabi na non at habang naglalakad kami may nakita kaming mga tao na naka “PPE” o sa ibig sabihin Personal Protective Equipment. Naisip ko din na sila ay mga “FRONTLINERS” Habang papalabas sila sa Hospital nakita namin na masasaya sila as in nagkakagulo sila sa sobrang saya habang tinatanggal ang mga suot nilang proteksyon. Nacurious din ako kaya tinanong ko ang isa sa kanila and he says na yung mga patients nila na may Covid-19 ay gumaling na, I just being shocked and confuse kasi sabi pa nito sakin hinihintayin nalang nila na lumabas ang Malaking buwan na malaapoy ang kulay at sobrang kaakit akit sa paningin ng maraming tao, Maraming maeenganyo na kuhanan ito dahil sa kulay at laki na parang may pinapahiwatig sa mundo. Tumaas ang mga balahibo ko sa narining ko at syempre medyo napaisip ako nun. Tatanungin ko dapat kung bakit nila hinihintay yung Buwan na yon pero bigla na siyang tinawag ng mga kasamahan niyang doctor at sabay sabi nito sakin habang umaalis ay “Mamaya hintayin niyo ang malaking buwan na iyon at kuhanan niyo ng litrato”. Kahit may halong kaba at pag-aalinlangan sinunod nalang namin yung sinabi niya sa kadahilanan na gusto din namin malaman kung ano ba talaga ang ibig sabihin nun? Hindi kami umalis sa lugar na yon hanggat naabutan na namin ang pag litaw ng buwan. Kita sa mga mukha ng mga “FRONTLINERS” na sobrang saya nila hindi pa ganun kabuo na nakalitaw ang buwan pero sabik na silang makuhanan ng litrato ang buwan na malaapoy ang kulay sa sobrang tingkad at laki. Habang kami naman ng kasamahan kong babae ay umakyat ng bubong upang makita ang buwan at makuhanan din ng litrato. Halos lahat sila ay nagaagawan ng pwesto para masilayan lang ang buwan na iyon, bago pamandin lumabas ang buwan ay nagtatalon na sila sa tuwa at ang kasamahan kong babae ay naglaho ng kusa. Hindi ko na natanong kung bakit nila ito inaabangan at bakit itoy importante para sa kanila na masilayan. Dama ko ang panghihinayang dahil naputol ang panaginip ko dahil sa ingay ng mga manok at aso, sobrang haba nadin ng panaginip ko kaya siguro naputol na ito.

April 08, 2020 Wednesday
5:50 PM

Habang naguurong ako ng pinggan my father called me and he tell me na tingnan ko daw yung “Araw” salungat sa panaginip ko which is ang “Buwan” sobrang ganda daw at matingkad ang kulay na parang apoy. Then biglang nag sink in sa isip ko yung dream ko about sa “Buwan” so nilapitan ko ang papa ko at sabi niya tingnan ko daw sa salamin kasi may reflection naman siya don. Makikita mo siya sa mismong salamin yung araw then I fully shocked sa nakita ko dahil ito yung nasa panaginip ko, itong ito talaga. Ito yung inaabangan ng mga “Frontliners” ang pag litaw ng buwan. Dali- dali kong kinwento ito sa mama at papa ko but they not pay me their attention. My mother laugh and hinayaan ko nalang at inisip ko ulit yun. Bumalik ako sa ginagawa ko and napa wow and a little bit of nervous nagkatotoo yung panaginip ko, bumilis din ang kabog ng puso ko. Tapos biglang sinabi ng papa ko na kuhanan ko daw ito ng Picture na mas lalo pang nagpabilis ng tibok ng puso ko dahil ito din ang utos ng isang frontliner sa amin, ang kuhanan ng litrato ang “Buwan”. Then hindi ko nalang sinunod ang papa ko at hindi ko na ito kinuhanan at tinapos ko nalang mag urong ng mga pinggan. Hindi talaga ko makapaniwala na sa isang panaginip ko ay magiging totoo. Habang inaalala ko ang lahat sa panaginip ko my mother told me na masamang pangitain ito but for me hindi siya masama dahil ang nasaisip ko nun ay Magiging okay na ang lahat, mapupuksa na ang virus sa mundo at I think Ito na ang sagot sa tanong ko kung
“bakit nila inaabangan ang paglitaw ng malaking buwan na may malaapoy na kulay?”
kaya lamang nila hinihintay at kung bakit sabik sila sa pagsilip ng buwan ay dahil yun ang sign na malapit ng mawala sa mundo ang virus.

April 09, 2020 Thursday

Umaga, pag gising ko sabi ng mama ko nabalita sa tv yung “Araw” na malaki na may malaapoy na kulay. Ang sabi pa nito sakin yun daw ang sign na malapit ng mawala ang Covid-19 at tayo’y makakapamuhay na ng mapayapa, ito ang sambit ng mama ko sa napanood niya. Hindi na ko nag taka bagamat akoy lumigaya dahil sa isang panaginip ko na tila ba’y isang pahiwatig. Kung mapapansin niyo sa kwento ko ito’y kabaliktaran ng panaginip ko. Ang buwan na may malaapoy na kulay sa gabi salungat nito ay malaking araw na malaapoy ang kulay sa hapon. Sabi nga ng matatanda kapag nanaginip ka ng masasama itoy kabaliktaran ng kabutihan. Parang sa buwan at araw. Buwan, kung saan tayo ay nagdurusa at nahihirapan, maraming nawawala sa mundo, nagugutom, at pinanghihinaan ng loob.
Araw, na kung saan magiging maayos na ang mundo at tayo ay magiging malaya na. 🙂 at dun na nagtatapos ang kwento ko I hope na nagustuhan niyo ang kwento ko, hindi man ako ganon katalinhaga magkwento atleast naging ok na ko dahil nashare ko sa inyo ito.😊

Ano’t anupaman ang pagsubok na ating haharapin wag tayong susuko. Kapit-kapit at magtulong-tulong para walang mapagiiwanan. Sa sitwasyon natin ngayon tayo ay naging matatag, at nagkaroon ng puwang sa mga bagay-bagay. Na kung saan naipapakita natin ngayon ang pagmamahalan,pagtutulungan at pagpapakumbaba 💓

PUGOT NA ULO

Maraming beses na akong nakarinig ng mga kwentong tungkol sa taong namatay pagtapos makita ng kakilala nila (minsan hindi kilala) na wala silang ulo, hindi to partikular na pugot ang ulo kundi bakante lang ang parte ng katawan kung nasaan dapat ang ulo.. Nangyayari kahit saan,minsa naman nakukunan at lumalabas sa litrato. Naniniwala ka ba?? Ngayon malalaman mo  ang kasagutan sa lahat ng tanong mo.

7 yrs old lang ata ako nung una ko tong marinig na pinagkukwentuhan ng nanay ko at lola ko dati sa probinsyang pinagbabakasyunan namin (di ko na maalala kung saan). Galing ng ikalawang palapag ng bahay may nakita ang nanay kong lalaking naglalakad habang nagbabasa ng dyaryo sa kalsada, pero wala daw itong ulo. sinabi nya yun sa lola ko at ang sabi ni lola eh hindi daw yun multo kundi isang taong malapit ng mamatay.

Isang araw naman nanonood ako sa t.v. ng balita, may balita tungkol sa isang freshly graduate student na nakunan daw ng litrato sa kanilang katatapos lang ng graduation ceremony. Wala syang ulo sa litratong un. Inanalisa ang nasabing litrato at dinala sa mga experto.

Una sa isang paranormal expert na nagsabing maaaring may masamang mangyari sa taong nasa litrato sa ganung sitwasyon. Ipinaliwanag din nya na dahil daw yun sa espiritung malapit sa taong yun (pwedeng kapamilya, kaibigan etc.) na sadyang hinarangan ang ilaw na dapat eh tatama sa ulo kaya ganun ang kinakalabasan wala kang makita dahil wala nga namang tumamang ilaw sa part na yun.

Ginagawa daw ito ng espiritu bilang babala sa mahal nila sa buhay na may paparating na panganib na maaari nilang ikamatay.
Sunod sa ininterview ang video and graphics expert na tumingin sa litrato. Genuine daw at walang edit ang litrato. Pagkatapos ipakita at ipaliwanag kung paano ang proseso ng ginawang examine, nasabi nalang nito sa nag iinterview na mag ingat ang istudyante sa litrato.

Paglipas ng isang linggo nabalitang buhay pa naman ang estudyante sa litrato. Hindi sya pinayagang lumabas ng bahay ng isang linggo.
Nakwento naman ng kaibigan ko ang nangyari sa kanila ng mga barkada niya sa probinsya nila dati. Kaya niya yun nakwento dahil tinanung ko sya kung naniniwala sya sa kwento ng nawawalang ulo.

ako: naexperience mu na ba yun pre?

sya: totoo yun, may nangyari ng ganun samin dati sa bulacan (province nila), birthday ng utol ng barkada ko nun nagkainan kami sa kanila. Nakita na lang namin yung isa naming kasama na walang ulo, Pero kinakausap namin sya, sumasagot naman. Nagawa pa nga biruin yun eh, tinanong ng

isa

naming kasama “pare wala kang ulo??”. Tapos nagulat nalang kami yung isang kasama naming nakaitim na damit naghubad ng damit tapos tinaklob dun sa kasama naming walang ulo tapos tumakbo palabas ng bahay. Hinabol naman sya ng tinakluban nya. Tapos kinabukasan nabalitaan nalang namin patay na yung barkada naming tumakbo palabas ng bahay.

ako: bakit daw namatay??

sya: kasi naabutan sya eh. Ganun daw yun pag may nakita kang walang ulo tatakpan mo yung ulo ng itim na tela tapos tumakbo ka na, umuwi ka tapos maligo ka agad, o kaya kung may madadaanan kang ilog o sapa lumusong ka na agad, pag inabutan ka ng tinakluban mo ng itim na tela malilipat sayo ang dapat na mangyayari sa kanya, parang

sumpa

.

Pamahiin

daw yun sa probinsya nila. Tinanong ko sya kung ano ang kinamatay ng barkada nya, ang sabi nya kinabukasan daw hindi na

nagising

, Yung nakita raw nilang walang ulo buhay parin hanggang

ngayun

.

Bago ang kwento ng kaibigan ko na yun narinig ko na ang urban legend tungkol sa UP diliman kung saan ang driver ng jeepney ang nag iisa nyang pasaherong estudyante sa sidemirror na wala itong ulo. Sabi sa kwento iniba ng driver ang nakasanayang ruta para maiwasan ang posibilidad na may masamang mangyari at sinabihan ang estudyante na sunugin ang kanyang damit sa oras na pag dating nya sa kanilang bahay. Nang tanungin ng estudyante kung bakit, sinabi ng driver ang nakita nya bago sya nag iba ng ruta.

Nung 1970’s nakatira pa daw ang mama ko nuon sa Old Balara Q.C. , meron daw isang siga dati sa kanila na napag isip isip na magbagong buhay, Yung mga dating nakaaway nya ay naging kaibigan nya.

Pero isang araw hindi na nakauwi pa ang lalaki. Sabi sa kwento inaya daw ito ng inuman ng mga kaibigan nya na dati nyang mga naging kaaway, Sa bahay kung saan sila nag inuman narinig ang mga pasigaw na pagmamakaawa galing sa dating siga sa lugar nila na unti unting pinapatay, paano? lahat lang naman ng pwedeng putulin sa katawan nya pinutol pagkatapos nyang pahirapan sa bugbug, simula sa mga daliri sa paa.. paakyat (including sex organ), sa mga daliri sa kamay isa isa.. tenga.. at ang pinaka huli ang leeg.

Narinig ng mga tao ang mga sigaw pero walang nagtangkang tumulong.

Kinaumagahan walang lumabas ng bahay dahil sa takot, nakita ng mga parte ng katawan sa ibat ibang lugar pero di na nila nabuo pa. Ang sabi ng ilan ang pinakamaraming parte ng katawan ay tinapon sa malaking hukay dati na ngayon ay pinaglalagyan ng pundasyon ng broadcast tower ng channel 13.

Sabi ng nanay ng namatay, bago ang gabing umalis ang kanyang anak, nakita nya daw ang anak nya na bagong ligo at nasa harap ng salamin. Kausap nya ito pero ng tingnan nya ang anak nya, wala itong ulo pati ang repleksyon nito sa salamin. Hindi nya daw alam na masama ang ibig sabihin non.

ANNABELLE

Simula nung napanood ko yung Annabelle na movie when I was a kid ay nagstart nang ma trigger yung takot ko pagdating sa mga manika. Dahil kay Annabelle ay nagkaroon na ako ng Pediophobia (fear of dolls), at pinagsisisihan ko talaga na pinanood ko sya.

Sino ba naman ang hindi kililabutan kung magkakaroon ka ng manika na may sa demonyo tapos ang eerie pa nung itsura nung doll? Kahit din naman siguro kayo ay natakot rin kay Annabelle. Pati nga mama ko ay ayaw na ayaw maalala yung itsura ng manika kasi hindi talaga sya fan ng mga horror.

Everytime na may makikita akong mga manika, napapaiyak na ako sa takot. Parang meron kasing something sa mga eyes nila na kapag tiningnan mo ay ang creepy talaga. Hindi ko sya maexplain pero sana magets niyo yung point ko. Idagdag niyo pa yung mga mukha ng manika na feeling ko anytime bigla na lang silang kukurap o di kaya ngingiti. Tapos na-iimagine ko pa na dahan dahan na lang nagrorotate yung ulo niya palingon sayo. Tangina! Ang creepy talaga.

There is one time na binilhan yung kapatid ko ng doll nila mama. Nabili lang nila yun sa divisoria. Yung itsura nung manika ay may kasing hawig kay Annabelle. Yung white dress, yung pagka double tails hair tapos orange pa yung kulay, tapos meron syang malalaking mata at putok na putok na red blush-on.

Nung nakita ko yan na hawak hawak ng kapatid ko, inakala ko na si Annabelle na yun. Napamura ako sa takot kasi bakit bitbit nya yung ganung manika tsaka bakit ganun na laruan yung nabili nila mama eh alam naman nilang takot nga ako sa mga manika. Grabe yung takot ko nung makita yung manika, sinabi ko dun sa kapatid ko na itapon nya na yun kasi baka may sa demonyo rin yung manikang yun. Sila mama naman pinagsabihan ako na hindi naman daw totoo yung mga possessed dolls lalong lalo na si Annabelle in real life. Sa mga horror movies lang daw yun nag-eexist. Normal lang daw na manika yung binili nila dun sa kapatid ko kasi yun yung gusto nya na laruan, binilhan lang nila nung mapadaan sila sa isang divisoria raw na tago.

At that point, wala naman na akong nagawa kasi laruan na sya ng kapatid ko. Alangan naman na itapon ko yun ng basta basta eh baka umiyak pa yung kapatid ko sa ginawa ko tsaka baka magalit pa sa akin yung parents ko. Magkamukha lang naman sila ni Annabelle ng slight pero isa parin syang normal na doll.

Nung unang araw talagang tinatak ko sa isip ko na normal lang syang manika, walang something sa kanyang kakaiba. Not until one night, habang natutulog ako ay nagising na lang ako dahil may narinig akong kaluskos sa kwarto ko. Ang ingay nya kaya nagising talaga ako. Nung time na yan, akala ko pusa lang namin yun kaya naisipan ko na lang bumalik ulit sa tulog. Papikit na ako ng mas lalong lumakas yung kaluskos. Tunog na kung saan hindi ko na masasabing pusa  na namin yung gumagawa nun. Bumangon na ako sa pagkakahiga para i-check kung ano yung kumakaluskos at saan yung nanggagaling. Nasa may ilalim ng kama ko. Kinuha ko yung flashlight ko sa may drawer katabi ng kama ko saka ko sinilip yung ilalim ng kama ko. Pagkabukas ko ng flashlight, tumambad agad sa akin kung ano yung kumakaluskos sa may ilalim ng kama ko. Kitang kita ko talaga kung paano gumagalaw ng mag-isa yung manika nung kapatid ko sa may dulo.

Di ako makapaniwala sa nakita ko, akala ko po talaga sa mga horror movies lang sya nag-eexist pero nung nakita ko kung paano mag-isang sumasayaw yung manika, nagtaasan yung mga balahibo tsaka halos mahimatay ako sa takot. Naramdaman ko na lang na parang nanigas yung katawan ko tapos bigla na lang akong napatulala. Pagkabalik ng ulirat ko, huli ng lahat dahil nakita ko na lang yung manika na nasa harap ko na. Magka face to face na kami. Ang naalala ko na lang that time ay nawalan ako ng malay tapos nagising na lang ako na nakahiga na sa may sahig.

That day rin ay nagka lagnat ako at maraming napansin sila mama na mga bruises sa katawan ko. Tumagal yung lagnat ko ng ilang araw kaya hindi na ako nakakapasok sa school. Nagsimula nang mag-alala sila mama kaya naisipan nila munang dalhin ako sa doctor quackquack bago magdecide magpa hospital. Tinawas ako ng albularyo, sinabi sa amin yung rason kung bakit ako nagkasakit. Nung ipakita nya sa amin yung palanggana na may tubig kung saan nya ipinatulo yung kandila. Nanlaki yung mata namin ng kumorteng manika sya ng kapatid ko. Sabi ng albularyo, may nakasanib daw na ligaw na spirit sa manikang yun, talagang lapitin daw ng iba’t ibang kaluluwa yung manikang yun dahil yung totoong may-ari pala nun ay isang ‘mambabarang’. Hindi kami makapaniwala sa sinabi nung albularyo.

Gulat na gulat lang talaga kami. Eh that time kasama namin magpatawas yung kapatid ko tapos bitbit pa nya yung manika nya na kamukha ni Annabelle. Sinabi sa amin ng albularyo na kung pwede raw na kunin niya yung manika bago pa man pati sila mama’t papa pati yung kapatid ko ay madamar. Eh matapos marinig yun ng kapatid ko walang pag-aalinlangan nyang binigay kaagad dun sa albularyo yung manika nya tapos sabay yakap kay mama. Natatakot na eh. Umuwi din kami kaagad pagkatapos then kinabukasan nawala na rin yung lagnat ko pati yung mga bruises ko sa katawan.

Hanny

SAPI, BUTI HINDI NA TULOY

Maikling kwento lang po toh kase di ako gumawa ng magandang confession,pagpasensyahan nyo na kung magiging magulo ang istorya ko

Nangyari ito nung february 26 (the exact date) nasa kalagitnaan kami nv klase namin,nagtuturo pa yun ng time na yun ang teacher namin sa english (im a grade 8 student).Yung pakiramdam ko nung is masarap kasi mahangin,napapalibutan ako ng hangib ng dahil sa e-fan na tumama sa akin pero habang tumatagal ay umiinit na ang pakiramdam ko.Tapos bigla akong napayuko (para akong nawalan ng malay na nagising agad) umupo ako ng tuwid at nakita ko napansin yun ng katabi kong classmate.Tinanong nya ako kung okay lang ba ako pero hindi ko siya sinagot hanggang sa nagrequest akong kurutin nya ako ng malakas.

Ayaw pa nya sa una dahil nagalala sya na baka magkasugat yun dahil sa masakit siyang mangurot pero sinabi ko na gawin para lang sakin.Kaya kinurot nya ako ng malakas pero nagulat ako ng malaman ko na hindi ko nararamdaman nya ang kurot nya sa amin.Sinabi ko na laksan pero sabi nito yun daw yung ikakalakas ng kurot nya,yung pinakamasakit.

Pinatigil ko yung pagkurot nya sa akin at muli na naman akong binanas,tumagaktak na naman ang mga pawis ko.Parang mayroon sa loob ng katawan ko na elemento,parang yung kaluluwa ko ay nakikipaglabanan sa masamang espiritu para sapian ako pero nagpapakatatag ako na lumabas sa kanya.Hanggang sa buong lakas kong pinilit na kunin sa bulsa ko yung aking rosary,pagkakapit ko dun muling lumuwag yung pakiramdam ko at paghinga.

Uminom ako ng tubig na dala ko at sinabi ko sa nakatabi kong kaklase ang mga nangyari,Sabi ng kaklase nya ay pansin nya rin daw yung mga kakaibang galawan ko ,tingin daw ako ng tingin sa tabi ko at yung kamay ko ay nakatiklop para akong manununtok ng tao.Sa totoo lang di ko yun napansin na ginawa ko yun.

Sana mabasa niyo ang kwento ko kahit di namah nakakatakot

Angela

DEATH SEQUENCE

We are experiencing this kind of surreal scenario right now,as in ngayon po. I don’t know if this kind of stuffs is nagkakataon lamang or what pero let’s stock parin po kay God, because everything happens for a reason.

This last December 2019 nanganak yung pinsan ko for her first child, pretty healthy Baby girl po ito,but after a week she gave birth,bigla nalang pong nanghina yung Lola namin,as in really sick,so ill to tha point na di na makatayo to pee and poop,so dun na nya sa bed nya ginagawa yung dapat na sa banyo gawin,yes po matanda na si Lola pero malakas pa naman sya bago nanganak yung pinsan ko,sya pa nga yung nagluluto ng pagkain,naglilinis naghuhugas ng plato and other kind of choirs to do,pero yun nga a week after nanganak nung pinsan ko ay bigla nalang sya naging ganun,ikinagulat naming lahat yun,gusto namin syang ipa check up pero sya yung umaayaw,mataba si Lola at sobrang bigat nya kapag pinapaliguan at pinapalitan ng diaper,tatlong lalake ang nag bubuhat sakanya.

Nung nakita ko yung sitwasyon ni Lola ay alam kong hindi na sya magtatagal pa,siguro bukas o sa susunod na araw ay mamamatay na sya,ganun yung nakikita ko pero di ko sinabi kila Mama,Pangatlong araw na,ganun parin si Lola,habang nakikita nya sila Tita na nahihirapan sa pag aalaga sakanya sinabi nya na gusto na daw nyang mamatay kesa maging pabigat pa,sobrang hina na ni Lola,habang nagsasalita sya ay para syang mauubusan ng hininga,sobra kaming natakot nung mga oras na yun dahil para syang namamaalam,lahat ibinilin nya pati ang damit na isusuot nya sa burol nya,yung St.Peter life plan na matagal na pala nyang hinuhulog hulugan ng hindi namin nalalalaman,lahat ng mga kakaylanganin nya ay naihanda na pala nya,upang saganon ay hindi na daw kami mamroblema,emotional na kami nun kasi sobra kaming natouch sa mga sinabi nya,after syang pinaliguan at pinakain ay ginupitan sya nung isa kong pinsan dahil medjo malago na yung buhok nya(naka
boys haircut si lola)uso kasi yun sa mga matatanda.

So yun nga,after nun ay pinahiga na si lola sa silyon at nag pahinga, at maya-maya pa around 2 pm ng December 17 binawian na sya ng buhay.

7 days ang burial ni Lola, December 24 sya inilibing,after ng libing ay may naganap pang salo-salo sa bahay nila Lola,nag pasya si Mama na iuwi yung mga leftovers kasi sayang daw,but according to the Christian Beliefs ay hindi daw pwedeng mag uwi ng pagkain na nagmula sa patay,kung hinde ay maiiuwi mo raw ang MALAS, hindi po kami Katoliko kaya hindi po kami whole heatedly na naniniwala sa mga ganyang pamahiin kaya nag uwi parin kami kasi nga sayang,and besides Lola naman namin yung namatay at katabi lang ng bahay namin ang bahay ni Lola.
Lahat ng inuwi naming leftovers ay dinivide namin at ipinamahagi sa iba pa naming kapit bahay,isa na sa pinagbigyan ni Mama ay sila Lola Karing(not her real name) kapatid sya ni Lola.

So ayun na nga,lahat ng leftovers ay naipamahagi na namin at hindi ito nasayang. Dumaan pa ang isang linggo ng si Papa naman ay biglang nagkasakit,habang tumatagal ay lumalala ang sakit ni Papa kaya nagpasya si Mama na dalhin na sa Hospital upang sya ay masuri,akala namin noon ay mako-confine si Papa pero niresetahan lang sya ng napakaraming gamot,gumastos si Mama non pero ayos lang basta gumaling si Papa. Ng gumaling si Papa ay sya namang naaksidente si kuya sa trabaho,nagulat kami kasi maaga syang nakauwi at pilay-pilay na maglakad,may bandage ang kanyang talampakan,nakaapak pala ito ng pako at medyo malubha ang tama,kaya agad naman syang dinala ni Mama sa Health Center upang  paturukan ng pang anti-tetano,nilagnat din si kuya ng ilang araw kaya ilang araw din syang di nakapag trabaho.

Sumunod naman na nagkasakit ay ang anak ni kuya na si Baby Ken(not it’s real name) wala pang isang taong gulang si Baby KenKen,iyak ito ng iyak at di namin alam ang gusto,ayaw naman mag dede,para syang nasasapian dahil kung umiyak ay parang sinasaktan,one time pa nga habang sya ay umiiyak may tinuturo sya pero di namin nakikita para syang nakakakita ng nilalang out of nowhere,ilang araw at gabi ding ganun si Baby Ken,bumili sila Mama ng mga gamot nya pero di ito effective,kaya nag pasya ulit si Mama na ipa check-up ito,at sabi ng Dr ay namamaga daw ang tonsil ni Baby at unusual ang tubo ng ngipin,neresetahan ito ng gamot at kinalaunan ay naging Ok naman na si Baby. Sunod sunod pa ang nilagnat at nagkasakit saamin nun pero inaagapan namin thru medicines. Dahil sa mga nangyari ay na-realize ni Mama na baka totoo nga yung kasabihan,totoo nga siguro yung paniniwala ng mga Katoliko,na naiuwi namin ang MALAS.
Lumipas ang isang Buwan
JANUARY ALL IS WELL

Si Lola Karing naman ngayon ang nagkasakit, actually matagal ng may sakit si Lola Karing pero this time ay mas lumala pa ito at mas naging komplikado,nagkaroon na naman ako ng pangitain katulad nung kay Lola,nakita kona  naman kasi na bukas o sa susunod  na araw ay mamamatay na din si Lola,at nangyari nga. Namatay si Lola Karing.
Naalala ko isa si Lola sa binigyan namin ng leftovers.

Hais nakakatakot tuloy isipin.
Medyo matagal ang burol ni Lola Karing,more than two weeks siguro kasi may hinihintay pa silang anak nya na uuwi from America.
Sa burol ni Lola ay nagkaroon ng socialization between our families,lahat ng relatives ay nag titipon tipon at nagkakausap,sa pagkakataong ito ay nagkakaroon kami ng oras sa isat-isa dahil dati ay sa loob lang ng kanya kanyang bahay namin kami namamalagi, sa pagkakataon ding ito ay mas nakilala ko si Claire(not her real name)Matagal ko na syang kilala,but not entirely and personally,siguro ang alam ko lang sakanya ay ang name nya at kaninong anak sya. Pero this time, mas nakilala ko sya,sya yung unang lumapit saakin at nakipag kwentuhan,mahinhin tong si Claire at inosente pa,13 yrs old ba naman. First impression daw ni Claire saakin ay masungit which is opposite ng personality ko,coz’ Im not. Mas naging close kami ni Claire.

One lunch time dun kaming lahat kumain sa burol,nakita ko si Claire na inuutusan ng Nanay nyang mag uwi ng pagkain sa Tatay nya,naalala kona naman yung pamahiin pero hinayaan ko nalang,palagi itong ginagawa ni Claire,palagi syang naguuwi ng food galing sa burol,hanggang sa natapos na ang burol at nailibing na si Lola.Madalas padin kami nag ke kwentuhan ni Claire everytime na magkita kami sa labas,minsan nga bumibisita pa sya sa bahay.

Lumipas muli ang Isang buwan
MARCH ALL IS WELL
April,bago mag Semana Santa napadaan si Claire sa bahay saktong nasa corridor kami that time with Baby Ken,nakipaglaro sya saglit kay Baby,pero ayaw sakanya nito kasi naman naka face mask sya kaya natatakot si Baby,I ask her why naka face mask ka? May Covid ka HAHA biro ko tas sagot nya,sinisipon kasi ako Te kanya den nung paalis na sya sabi ko,Claire pahinge ako ng mangga nyo,sabi nya halikana sama kana sakin,sasama na sana ako kaso pagabi na kaya nagpasya akong bukas nalang,sige ikaw bahala sabi nya tapos umalis na sya.

Kinabukasan Biyernes Santo nabalitaan naming isinugod si Claire sa Hospital dahil kaninang madaling araw daw ay hindi nya maigalaw ang kabilang bahagi ng katawan nito,the whole neighborhood and family was in shock and unconscious that time lalo na ako,dahil masama ang nakikita ko kay Claire,katulad ng pangitain ko sa Lola ko at kay Lola Karing. At yun nga Biyernes Santo 2 pm onwards binawian na si Claire,at ang ikinamatay nito ay High Blood.

Isa sa di namin makalimutan na sinabi ng Dr. na huling sumuri sa mga labi ni Claire bago dalhin sa morgue ay wala daw itong mga ngipin. Which is the creepiest thing!
Ngayon po ay kasalukuyang naka burol si Claire,hindi na siguro tatagal pa ang burol due to the current pandemic.

SAPI

True story

Nakaraang taon lang nung mag pasya kaming mag ppnsan na umuwe nalang ng probinsya at dun nalang manirahan dahil sa hirap din ng buhay sa LAGUNA ako nga pala c R kapatid kung c K at pinsan kung c adrean

Ganito un mag kakasama kami sa iisang bahay sa quezon na binigay saken ng aking tito efren .allmost 3months lang ang itinagal namin sa lugar namin .alam nyo kung bakit .past forward isang gabi nag away away kame ako kapatid ko at pinsan ko nag karon ng sumbatan sa pagitan ko at ng pinsan ko .kaya naman nag pasya sya na bumukod nalang samen at umuwe nalang sa lugar ng papa nya .nag babalak na syang umalis kinaumagahan kaya naman gzto nyang kumuha ng mga gulayin sa bukid ng ninong ko.kaso dahil nga sa may tampohan kameng mag ppinsan nag iisa na lang syang pumunta ng bukid sa dis oras ng gabi .bago pa man makarating sa bukid kelangan munang dumaan sa isang sapa na nasa ilalim ng gubat .

kwento nya samen na bago pa man sya makarating ng bungad ng sapa may narinig na syang sit sit na inakala lang nyang isang huni ng ibon kaya ipinag sa walang bahala nalang nya .kaya lang nung nasa mismong sapa na sya dun na sya nakarinig ng mag katagang huwag kang lilingon dahil na din sa takot na nararamdaman nya hindi nga sya lumingon .maraming itinatanong sa kanya ang boses na kanyang naririnig at wala naman syang ibang ginawa kung hindi ang tumanga na ang ibig sabihin ay pag sang ayon o OO hanggang sa makarating na sya sa bukid pakiramdam nya nakamasid lang sa kanya ang boses na kanyang naririnig kanina lang .

hanggang sa matapos na syang manguha ng mga gulayin ng papa uwe na sya muli nanaman nyang narinig ang boses hanggang sa tuluyan na syang makarating sa bukana ng sapa at dun nya inisip na ligtas na sya kaya naman kahit na nag ddalawang isip man sya eh lumingon pa dn sya. Dun nya nakita ang isang babaeng naka puti na hindi masyadong kagandahan pag katapos nun dali dali na syang umuwe .
Nang matapos nyang mag kwento sabi nya samin na nag ddalawang isip sya na ikwento samen baka daw kac may masamang mangyari sa kanya.

Maya maya bigla nalang syang dumaing ng pananakit ng katawang hindi nya maigalaw ang mga paa nya kaya nag takbuhan kame papalapit sa kanya at. Ung nakita kung un ang hinding hindi ko malilimutan kelan man un din ang dahilan kung bakit kame umalis ng quezon.
Balik tau: nadatnan ko na nanlilisik ang mga mata nya nananarak at umiikot ang kanyang isang mata sobrang lakas nya kaya kelangan pang pagtulung tulungan ng mga kapit bahay namin para d sya maka takas gzto nya kacng tumakbo papuntang gubat.sobrang kilabot ang nararamdaman ko ng mga oras na un .

SUNDALO SA ILALIM NG KAMA

Hi po!!! So, nangyari tong story na to nung mag punta kami sa Binangonan para maki fiesta sa mga kamag anak namin. Tatlong araw kami doon at sa tatlong araw na yon, walang gabi na hindi kami nag kekwentuhan ng nakakatakot. Ang creepy pa ng lugar. Para syang pa bundok. Hirap maka akyat mga sasakyan kasi sobrang taas ng lugar. Hindi din uso mga magagandang bahay. Puro simple at kahoy lang. Provincial type. Ganon.

Sa tapat ng bahay ng lola ko may buntis na nakatira sya lang mag isa kasi kailangan daw mag trabaho ng asawa nya sa ibang lugar. Nakakakwentuhan din namin sya at minsang nakwento nya na may something sa loob ng bahay na tinitirahan nya. Lagi syang binabangungot, lagi syang sinisitsitan sa bintana, tapos laging may nakatayo sa uluhan nya na matangkad na lalaki. Lahat ng karanasan nya naikwento nya saamin. Kaya minsan doon sya samin nakikitulog.

Then isang gabi, hindi sya samin natulog. Mahimbing kaming lahat na natutulog nang biglang may narinig kaming babaeng nag sisisigaw. Sobrang gulat kaming lahat kasi ang akala namin nanganganak na sya. Tumakbo sya samin at nagmamakaawang pag buksan ng pinto. Nung pag bukas namin ng pinto nag madali syang pumasok sa bahay habang naiyak at hawak ang tiyan nya. Nung huminahon sya doon lang sya nag kwento.

Hindi daw sya makatulog nung gabi na yon. Napaka lamig daw. Meron nanaman daw nag lalakad pero hindi nya daw pinansin. Nung tumigil daw, nagulat sya ang akala nya nalindol na kasi yung kamang hinihigaan nya umaalog. Para syang niyuyugyog. Tila ba may kung anong malakas daw na gumagalaw sa kama. Tinignan nya yung mga gamit nya pero yung kama lang daw yung nagalaw. Sa sobrang takot, gusto nyang lumabas at saamin na matulog nung lalabas na sya kukunin nya tsinelas nya sa ilalaim ng kama pero laking gulat nya ng may sundalong nakadapa masama ang tingin ng mga mata at naka ngiti sa kanya. Pulang pula ang mga mata at napaka lakas daw ng tawa. Doon na daw sya nag sisisigaw. Ang akala nya malalaglagan sya ng anak sa sobrang takot…

-JoshMetawin

BANGUNGOT

gusto kong ishare yung karanasan ko.. iDK kung panaginip o gising ako.. Tatlong beses ko ng naexprience to..

First,
Mga 2am ng madling araw, year 2007, nagising ako para sana uminom ng tubig at mag cr na dn sana. Pero napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at may nakita akong di itsurang tao, pero alam kong lalaki sya. So, ayun na nga bigla akong natakutan kaya imbis iinom akong tubig at mag cr di na ko naglakas loob dahil nasa madilim buong bahay at bago ako makapuntang kusina at banyo mkikita ko ang labas ng bahay.. After kong makita yung nasa bintana na nakakatakot, nagtalukbong ako ng kumot nun, yung bintana ko di pa nakasalamin yun, natatakpan lang ng linolium at kahoy na maninipis para patakpan. Yung nilalang na nasa labas ng bintana ng kwarto ko pilit sinisira yung pagkakatakip sa bintana ko, sa takot ko di ako makagalaw at makasigaw, dahil sa nipis at linaw na rin ng kumot ko kaya naaanag ko kahit konti yung nilalang nayon.. Mag 3am na siguro nung parang tumigil yung pagsira nya sa bintana ko kaya medyo napanatag ako at nakatulog.. Pero pag gising ko ng umaga, sira sira ang bintana ko, hindi yung sirang alis ang linolium kundi yung sira na parang puro kalmot at yung ibang kahoy na nakatakpan sa linolium na nakapako at nakasira at nahulog na yung iba. Kaya di sya panaginip dahil totoo ang sira sa bintana ng kwarto ko…

Second,
Mga 12am pasado naman ng madaling araw, year 2008 or 2009 siguro to nangyari, nagising ako ng pasado alas dose ng madaling araw para sana umiinom, pero aalisin ko palang sana yung kumot ko ng may nakaupo sa paanan ko na maitim na nilalang na bata na naka side view sya banda sakin, dahil may maliit akong ilaw nun sa kwarto ko, naaninag ko yung shadow nya pati na rin syang nakaupo sa paanan ko, sa sobrang takot ko, parang feeling ko naparalyze buong katawan ko dahil ultimong galaw ng daliri sa paa at kamay ko di ko maigalaw at nanuyo ang lalamunan ko di ako makapag salita lalo na ang makasigaw. Sa sobrang takot ko pikit lang ang ginawa ko, sabay dasal. Pero ramdam kong di pa sya umaalis at di naman din gumagalaw. Mabigat yung pakiramdam ko nun dahil sa itim na nilalang na yun na may anino.

Hanggang sa naalala ko yung sinabi ng pinsan ko sakin dahil sa nangyari sakin na mababasa nyo na nasa taas, na pag natatakot daw ako sabihin ko lang (‘Pag namatay ako, kargo nyo kaluluwa ko sa taas’) at sabayan ko ng tawag kay God. Habang sinasabi ko sa isip ko yan gumagaan yung pakiramdam ko at unti unting naigagalaw ko mga daliri ko.. Mga 30mins pa bago ako makatulog ulit.. Nung kinwento ko sa lola ko yung nangyari na yun sabi nya binabangungot lang daw ako. Pero ewan ko parang totoo..

Third,
Same experience sa second pero pinag kaiba lang puro shadow sya na lumalaki at lipat lipat sa bandang paanan ko.. Gaya ng ginawa ko sa second, ginawa ko yung sinabi ng pinsan ko at tumawag lang ako kay God..

Pero buhat nun pg last encounter ko ng katulad nito di na ulit naulit sakin yun.. Pero mas nakakatakot talaga yung unang una..

May iba pa kong karanasan pero di na katulad ng ganito..

Kath
From Tarlac

JAPAN NOT SO FUN

Part of my job sa travel agency is to assist our corporate clients during their incentive tour. Since we are the ones who arrange their travel and coordinate with our suppliers from overseas, (from tour operator, hotel, transpo, etc.) we accompany the group just to make sure na walang magiging problem during their trip. So ito na nga, I have a group going to Japan that time, one week kami dun. During the first few days is sa Tokyo kami nagstay.

Of course, more on city tour kami sa Tokyo. Everything was okay naman until nagpunta na kami sa part ng pa-Mt. Fuji during our 3rd day. Province na kasi yun so ilang hrs na travel from Tokyo. Okay naman yung first day namin, we went to a snow resort & Oshino Hakkai before spending our night sa hotel dun. Typically, hotel rooms in Japan are much smaller compared sa size ng hotels sa Pinas, most especially in Tokyo.

But since nasa province nga kami, medyo malaki yung rooms dun sa hotel na pinagstayan namin. Lahat ng rooms ay based on quad-sharing. But as for me, since ako lang mag-isa, ako lang sa room. Sanay naman ako kasi almost every business trip namin, mag-isa lang talaga ako sa room. It was indeed a very tiring day lalo na para sakin dahil ako yung nagaassist sa kanila. So pagpasok ko ng room, medyo naamaze ako at first since maluwang sya. Super laki nya for me kasi 2 queen beds yung nandun kahit magisa lang ako.

Tatami-style din yung rooms, medyo traditional Japanese style na may modern touch. So pagpasok mo ng room, may rest room sa left side, separate door ang toilet at yung isang door naman is bath tub. Then after nun is yung 2 queen-size beds then may TV and phone sa harap.

Then sa pinakadulo is merong maliit na Japanese style tea table, yung mababa lang na walang upuan then beside it may white curtains na cinocover yung view outside. Pagopen ko, puro malalaki at matataas na puno lang yung nakikita. It may seem relaxing pag sa umaga but I don’t think sisilip ako pag gabi na.

Nothing creepy at first naman but since pagod ako, I decided to take a bath pagbalik namin ng hotel. So nasa bath tub ako nagmumuni muni then suddenly may kumatok ng tatlong beses pero alam ko hindi sa door galing yung katok kasi feeling ko sobrang lapit lang. So tinry ko katukin yung door sa bath tub and shocks! Alam ko na yun yung tunog na narinig ko. How come na may kakatok dun eh ako lang naman mag-isa sa room at nakasarado yung front door ko? So okay deadma lang kasi ayoko matakot since magisa lang ako sa room.

Nagprepare na din ako for assembly namin since magdidinner kami sa hotel. I cannot talk to anyone kasi syempre, ayoko naman na matakot yung group na kasama ko. After dinner, bumalik na ulit sa kanya kanyang rooms. So ako balik sa room ko, ang eerie na ng feeling ko kaya sabi ko magaayos nalang ako ng mga gamit ko for tomorrow.

Then nung nagaayos ako ng gamit ko sa bed, biglang may mabilis na dumaan sa harap ko. Parang white figure lang sya pero mabilis lang like in a single snap nawala na agad sya sa paningin ko. I know for sure na meron kasi nakita ko mismo. Di ako mapakali that time so to distract myself, binuksan ko yung TV. Kahit walang english channel, nilipat ko sa cartoons kahit Japanese salita haha. Nakipagvideo call din ako sa family ko pero inantok din ako after a while. Then nung matutulog na ko, I noticed yung bed na katabi ko is vacant since 2 queen-size beds nga sya.

Naalala ko yung sabi ng friend ko na pag magisa ka lang sa room and may spare na higaan, wag mong iiwan yung isang bed na maayos as if may inaantay kang humiga dun. So yung luggage ko nilagay ko sa kabilang bed and nilagay ko din yung ibang damit ko dun. Fast forward, dahil na din sa sobrang pagod ko. Nakatulog na ako. Nagising ako kasi nagriring yung phone ko sa room.

I thought baka yun yung room wake up call namin ng 6am. Nagrequest kasi ako sa front desk na tawagan lahat ng rooms namin ng 6am para makapagassembly kami ng 7am sa restaurant ng hotel for breakfast. I grabbed my phone muna to check the time before answering the call and to my surprise, around 3am palang! Inisip ko nalang baka may emergency kasi alam ng executives na kasama ko yung room number ko. I even told them na tumawag lang sa room ko if may need sila. When I answered the phone, I said
“Hello?”
I waited for few seconds pero walang sumasagot. Yung alam mo na meron sa kabilang line pero dead air.

As in dead air. Nagpapakiramdaman lang kami pero binaba ko na din since wala naman sumasagot. Imposible din naman na may magprank call sakin kasi executives lang ang nakakaalam ng room number ko. I don’t think gagawin nila yun as joke. Sobrang takot ko talaga nun kaya di na din ako nakatulog ng maayos. Alam mo yung nakapikit ka lang pero gising yung diwa mo? Feeling mo may nagmamasid sa bawat kilos mo kaya nakasiksik lang ako sa corner ng kama ko habang nakacover ng kumot.

Nang biglang nagring nanaman yung phone! Pagsagot ko may nagsalita, ang sabi,
“Good morning, this is your wake up call.”
Grabe yung kaba ko. Pagcheck ko sa time 6am na pala so nagprepare na din ako at naligo. During breakfast, tinanong ko sa group if may tumawag ba sakin around 3am. Wala naman daw dahil tulog sila lahat sa pagod. Anyway, it is one of the most memorable trip sa buhay ko. Pray lang tayo lagi. God bless. 😊

~ XiaoXiao

BABAE SA VIDEOKE

Ako po si Delia! Tuwing gabi ay palagi akong naghihintay dito ng update para sa bagong stories at nagbabasa muna ako dito bago ako matulog.

High school po kami ng ate ko nang mangyari itong kababalaghan sa buhay ko. First year high school naman ako at fourth year naman yung ate ko. Dahil bagong estudyante palang ako sa school na pinag-aaralan niya ay wala pa akong mga kaibigan. Kinikilala ko palang ang mga kaklase ko. Dahil may kalayuan po ang school sa aming bahay, nag bedspace po kami ni ate. Tuwing linggo ay gumagala ang ate ko kasama ang mga kabarkada niya, dahil ayaw nya akong mag-isa sa boarding house, isinama niya po ako. Pumunta po kami sa videoke house. Mahilig kasi kumanta ang barkada ni ate . Eto na ang naging bonding nila.

Kaunti lang ang tao sa videoke house dahil maaga pa naman. Sabi kasi na kapag lumalim na yung gabi ay dumadami na yung mga taong dumadating, karamihan ay mga lalaki dahil nagiinom sila. Kaya habang maaga pa ay sinolo na nila yung videoke. Bumili pa sila ng maraming token at pagkatapos nilang makapili ng kanta ay pinuno nila ito sa videoke. Talagang ayaw po nilang magpasingit.

Noong mga panahong po yun ay masasabi ko na pasaway yung barkada ng ate ko pero masaya naman silang kasama. Lima po sila.
Tatlong babae, isang lalaki at yung isa naman ay bakla. Mas maingay at mas masaya kapag may baklang kaibigan.

Habang nagkakantahan sila ay paunti unti na rin dumarating ang mga tao. Ang iba ay nakiki asosyo dahil talagang mahusay kumanta ang bakla nilang kaibigan. Nagulat ako ng makita na marami na palang nanonood sa pagkanta nila. Narinig ko kasi ang bulongan ng mga nakikinood na kumakanta na naman daw ang magaling na bakla. Kilala na pala yung kaibigan ng ate ko sa videoke house dahil sa husay niyang kumanta.

Mayamaya ay napansin ko na may dumaan sa harap na isang babae. Nakaputi sya  at may mahabang buhok. Nakayuko syang dumaan sa harap ng videoke na para bang nag excuse, pero nagulat ako nang bumagal yung lakad nya na parang naka slow
motion yung galaw. Nang bahagya siyang nakalampas sa videoke ay nakita ko ang screen na parang nawalan ng signal. Sandali itong nagloko. Nagtawanan ang mga nanonood dahil kanchaw nila ay hindi na kinaya ng videoke ang husay sa pagkanta ni bakla.

Sinundan ko po ng tingin yung babaeng dumaan. Pumwesto po sya sa may dulo ng mesa (bakante ang mesang yun), doon sya umupo. Parang napakaseryoso niya. Nakatungo yung ulo niya kaya halos nakabagsak ang buhok nya sa mukha.
Mahaba ang bangs niya kapantayan ng ilong. Ang tanging nakita ko lang ay ang kanyang labi na sa tingin ko ay itim na lipstick ang ginamit.
Nagtataka ako doon sa babae dahil  napakaputi niya, manghang mangha ako sa kutis niya (morena po kasi ako at gusto kong pumuti pero kahit anong gamit ko ng papaya soap at whitening lotion ay hindi naman umeeffect sa akin).

Bigla akong napatakip ng tenga dahil biglang nag ground ang mic. Napakatinis ng tunog nito, napakasakit sa tenga. Biglang nilapag ni bakla yung mic sa ibabaw ng mesa. Nawala naman kaagad yung matinis na tunog nito. Ilang sandali ay dinampot nya ulit yung mic dahil inutusan sya ng isa sa kaibigan ng ate ko na kumanta ulit, baka lang daw nagalaw ang mic.

Itinulot ni bakla ang pagkanta, mayamaya ay biglang nagloko yung kanta sa videoke, para itong pirated cd na tumalon talon. Agad naman pinuntahan ng may-ari ang videoke machine para tingnan. Inayos nya yung loob ng videoke, pagkatapos ay sinabing ‘okay naman daw’. Iniabot nya ang mic kay bakla at sinabing subukan ulit. Pinahinto nila yung kanta para ang sunod na lang na kanta ang magplay, pero nagulat na lang kaming lahat na ang tumugtog ay yung kanta na inihinto.
Sinabi pa ng kabarkada ng ate ko na paki-stop dahil tapos na nga ang kantang yun. Nang pindutin ang stop ay nagulat kami dahil yun na naman yung kantang nagplay. Tiningnan namin ang nakareserve na numero. Isang numero lang ang nakareserve . Inistop ulit ito pero nandon parin. Hindi naalis yung nakareserve na kanta.

Nagtataka kami kasi alam naming may sampu pa kaming kanta na nakareserve pero isang kanta lang ang nandon at paulit ulit lang na bumabalik. Pinatay ng may-ari ang videoke at muling sinetup. Nang gumana na ito ay nakita namin na puno ang reserve at iisang numero lang ang naroon.

Kinilabutan na kaming lahat, mayamaya lang ay may bigla akong narinig na tumatawa sa may likuran. Lumingon ako at nakita ko yung babaeng nakaputi na sya pala yung tumatawa habang nakaturo pa yung kamay sa videoke. Napahawak pa ako sa damit ng ate ko at sinabihan ko syang umuwi na kami dahil hindi ko na gusto yung nangyayari.
Inginuso ko sa kanya yung nakita kong babae sa may dulo ng mesa pero nagtaka ako dahil ang sabi nya ay wala naman nakaupo roon pero KITANG KITA ko yung babaeng nakaupo sa mesang yun.

Hinatak ko na yung ate ko palabas ng videoke house at pagkatapos ay kasunod na pala namin yung barkada niya. Narinig pa namin yung mga taong nanood na bumalik daw kami sa susunod, nagloloko lang daw ang videoke. Gumala muna kami sa palengke at kumain sa karinderya bago kami umuwi ng boarding house. Nang nakauwi na kami, saka ko ikwenento ang nakita ko.

Hindi naman naniwala yung ate ko dahil hindi naman nya nakita. Nagkibit balikat na lang ako pero yung ate ko ay nanghihinayang dahil may natitira pa kaming kanta doon na hindi nila nagamit. Pero masaya na rin ako dahil baka kung nagtagal pa kami ay baka mas lalo pang magalit yung babaeng nakita ko. Inisip ko na baka ayaw na nyang kumanta si bakla, pero kung ano man ang dahilan nya… basta umalis na kami at ligtas kaming nakauwi.

Ngayon po mga kasindak ay may sarili na akong pamilya. Marami nang usong kagamitan ngayon kaya hindi na kailangan pang pumunta ng videoke house. Ang kaibigan pong bakla ng ate ko noon ay lagi nang naiimbita para maghost sa mga event ngayon. Mahilig parin po syang kumanta.

Hanggang dito na lamang po mga kasindak at marami pong salamat sa inyo!

APAT NA KATOK

Meron na naman akong isheshare sa inyong urban legend story na alam ko. Sana magustuhan niyo!

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Bale meron bagong kasal na mag-asawa yung pumunta sa isang cabin para sa honeymoon nila. Gabi yun nangyari at nakalocate yung cabin malayo sa ibang bahay, mahigit ilang meters yung layo ng mga bahay. At that night din, mayroong storm na nagaganap. Malakas yung ulan at hangin. Pagkarating ng mag-asawa doon sa cabin ay biglang nagbrownout. Dahil nga gusto nilang maging special ang kanilang honeymoon ay napag-isipan nung lalaki na aalis muna siya para bumili ng marami pang kandila kasi isa lang yung kandila na nasa cabin at paubos na rin. Yung babae ayaw paalisin yung asawa niya dahil natatakot siya. Madilim din kasi yung nakapalibot sa buong cabin, at hindi rin ligtas na lumabas dahil malakas yung ulan at hangin. Yung lalaki naman ay tumanggi, sinabihan niya yung babae na babalik din siya kaagad. I-lock lang niya daw yung pinto. Kakatok yung lalaki ng apat na beses kung nakarating na siya. Kapag hindi apat na beses yung katok na maririnig niya hangga’t maaari ay wag niyang bubuksan yung pinto.

So pumayag naman itong si girl sa napag-usapan nila. Kaagad namang umalis yung asawa niya. Pagkaalis ay sinarado at nilock niya agad yung pinto. Naghintay lang siyang dumating ang asawa niya ng ilang minuto habang naririnig parin niya ang malakas na ulan at hangin sa labas. Tumagal ng ilang minuto ay hindi parin bumabalik yung asawa niya, hanggang sa tumagal na ng isang oras. Nag-aalala na yung babae. Nakakaramdam na din siya ng takot lalo pa’t brownout at malakas yung ulan at hangin. Makalipas ng ilang oras ng paghihintay, bigla siyang nakarinig ng katok.

‘Tok!… Tok!… Tok!’ Mabagal lang yung pagkatok, may agwat ng ilang segundo bawat katok
Nang mapansin niyang tatlong beses lang yung katok ay natakot na siya. Meaning ay hindi iyon ang asawa niya. Sa pangalawang beses na naman ay mayroon na namang kumatok. Napatayo na siya sa kinauupuan niya ng marinig yun.
‘Tok!… Tok!… Tok!… Tok!… Tok!…’
Limang beses yung katok. Nabahala na yung babae sa nangyayari. Nanginginig na siya sa takot at the same time ay kinakabahan/nag-aalala na rin. Hindi na niya alam kung anong nangyari na sa asawa niya.

Hindi niya alam kung sino yung kumakatok sa pintuan. Tumigil na yung ulan sa labas pero dinig parin niya yung malakas na hangin. Nagkaroon na rin ng kuryente sa cabin kaya kahit papaano ay gumaan na yung pakiramdam nung babae. Sa pangatlong beses, habang patuloy parin sa paghintay yung babae ay mayroon na naman siyang narinig na katok.
‘Tok!… Tok!… Tok!… Tok!…’
Nang marinig niya na yung katok sa pinto ay apat na beses, dali-dali siyang tumakbo papunta sa pinto at binuksan ito. Halos mamutla sa takot at gulat yung babae. Nanlaki yung mata niya ng tumambad sa kanya yung ulo ng asawa niya na nakasabit sa may pinto. Dugu-dugoan. Kasabay ng malakas na hangin ay ang pagswing at paghampas ng pugot ng ulo ng kanyang asawa sa pintuan na gumagawa ng ingay na parang kumakatok.

All this time, yung naririnig ng babae na kanina pang mga katok ay dahil sa paghampas ng nakasabit na ulo ng kanyang asawa sa pintuan dahil sa malakas na hangin.

ESTRANGHERO

GUSTO KO LANG PONG MAGKWENTO NG EXPERIENCE KO NANG MINSANG MAGPUNTA KAMI NG PGH NG KAPATID KO, DAHIL KINAKAILANGAN NAMIN DALAWIN SI LOLO. NAUNA NA AKO NUN SA KUYA KO KASI GALING PA PO SYA NG TRABAHO AT AKO NAMAN AY WALANG PASOK SA SCHOOL.

PAGDATING NA PAGDATING KO SA PGH. NAGTEXT AKO SA KANYA NA SABAY KAMI PUMUNTA AT HIHINTAYIN KO NA LANG SIYA SA BENCH DOON NA INUUPUAN NG MGA DUMADALAW. NAGLALARO AKO NUN NG MOBILE LEGENDS NANG MAPANSIN KO NA MAY TUMABING LALAKI SA AKIN.
BIGOTILYO AT MALAKI YUNG TIYAN TAPOS NAKITA KO NA NANONOOD LANG SYA SA PAGLALARO KO.


MUKHANG

MASAYA YUNG

NILALARO

MO ‘BOY AH!!!"".
  SABI SA AKIN NUNG LALAKI.
HINDI KO SIYA PINANSIN SYEMPRE. NAKAKAINIS KAYA KAPAG MAY NAKIKIPAGUSAP TAPOS FEELING CLOSE.

PAGKATAPOS NUNG LARO KO TSAKA KO LANG TINIGNAN YUNG LALAKI. NGINITIAN NYA AKO KAYA NGUMITI RIN AKO. TUMAHIMIK NA SIYA. MEDYO INAANTOK NA AKO NUN KASI ANTAGAL DUMATING NI KUYA TAPOS HINDI PA NAGTETEXT  KUNG ASAN NA SYA, KAYA NILIBANG KO MUNA YUNG SARILI KO SA PAGTINGIN TINGIN SA MGA TAO. AYAW KO NA KASI MAGLARO DAHIL BAKA NAIINGGIT KO NA YUNG LALAKI.

MAYA MAYA NAGULAT AKO KASI MAY BATANG TUMATAKBO SA MAY HALLWAY. ANG DAMI PA NAMAN NUN NATUTULOG TAPOS ANG INGAY INGAY PA NG TSINELAS NUNG BATA.

""

HAYAAN

MO NA YAN""
SABI ULIT NUNG LALAKI KAHIT HINDI KO NAMAN KINAKAUSAP.

""ANG

INGAY

PO EH BAKA

MAGISING

YUNG MGA

NATUTULOG

""
SAGOT KO.

""HINDI NAMAN YAN BATA EH""
PABULONG NA SABI SA AKIN NUNG LALAKI.
NATIGILAN AKO.

""ANG SABI KO, HINDI NAMAN BATA YANG

TUMATAKBO

.

IBIG

KONG

SABIHIN

,

MATAGAL

NA YANG WALA DITO SA

MUNDO

.

TIGNAN

MO MAMAYA KAPAG

TUMAKBO

ULIT

.

SUNDAN

MO NG

TINGIN

AH""
DAGDAG PA NYA.

PAGKATAPOS ,, SINUNOD KO YUNG SABI NUNG LALAKI. TINIGNAN KO YUNG BATA HABANG TUMATAKBO. NANLAKI YUNG MGA MATA KO NANG TUMAGOS YUNG BATA SA MGA TAO, TAPOS BUMALIK NA NAMAN SA DIREKSYON NAMIN AT MULING TUMAGOS SA MGA NAKAKASALUBONG NETO.

""KITA MO NA YUNG

SINASABI

KO""
NATATAWANG SABI NUNG LALAKI.

""TAYO LANG YUNG

NAKAKAKITA

DOON SA BATA. KANINA PA YAN KAHIT NUNG WALA KA PA DITO""

PAGKASABI NUNG LALAKI
BIGLA AKONG NAGULAT DAHIL MAY TUMAPIK SA BALIKAT KO.  SI KUYA.

HINDI NA NYA TALAGA  AKO TINEXT DAHIL NAKITA NA NYA AKO PAGKARATING  PALANG. NAGLALAKAD LANG KAMI NUN NI KUYA PAPUNTA SA KWARTO KUNG ASAN SI LOLO NANG BIGLANG MAGTANONG SYA SA AKIN.

""MAY KAUSAP KABA SA PHONE KANINA? PARA KANG

NAGSASALITA

NG MAG-ISA""

HINANAP KO YUNG LALAKI AT TINIGNAN KUNG SAAN KAMI UMALIS NI KUYA.

WALA!!!

NAISIP KONG  BAKA UMALIS NA RIN PAGKAALIS KO DAHIL WALA NA SYANG MAPAPANOOD NA NAGLALARO.

""YUNG

LALAKING

BIGOTILYO

, KUYA! YUNG KATABI KO! YUNG NAKA GREEN NA

TSHIRT

. HINDI MO BA NAKITA?""

“SERYOSO KA?”
TANONG PA NI KUYA..

""

PAGDATING

NA

PAGDATING

KO KASI, NAKITA KO NA WALA KA NAMAN KATABI KAYA TINANONG KITA AGAD”

PAGKASABI NYA NUN TSAKA LANG NAGTAASAN YUNG MGA BALAHIBO KO SA BRASO. AT DOON NAALALA KO ULIT ANG ISA SA ARAL NG BUHAY NA MADALAS ITURO NG MGA MAGULANG KO.

‘WAG MAKIPAGUSAP SA MGA ESTRANGHERO’

KING JAMES

ANG UMIILAW NA TALI

Noong bata pa ako madalas akong mag sleepwalk. Sobrang lala. Yung una ay nagising na lang ako na nasa kakahuyan na.
Takot na takot ako nun dahil sobrang dilim. Tapos kung ano ano pang ingay ang naririnig ko.

Paiyak na ko nang makita akong umiilaw na tali. Syempre bata ako non e kaya amazed na amazed ako sa pag-ilaw nun.
Nakalimutan ko ng umiyak nung pulutin ko ang tali at nalaman kong ang haba nun.

Sinundan ko yung tali. Tapos napatalon talon ako nung matanaw na yung bahay namin. Tumakbo na ko.
Pagdating sa harap ng bahay nakita ko si mama na kausap ang dalawang pulis at umiiyak si mama.

Binitawan ko na yung tali at patakbo na kay mama. Niyakap ko sya ng mahigpit. Gulat na gulat si mama. Habang yung dalawang pulis, nakangiti pero pinagsabihan nila kong wag na kasi akong lumabas sa bahay pag gabi na para hindi na iiyak si mama.

Nangako ako sakanila. Pero hindi ko natupad. Nagtuloy tuloy ang pag iisleepwalk ko. Hanggang sa nalaman sa school. Nag-ambagan yung mga pta officers at mga teachers para maipatingin ako sa espesyalista.

Kaya lang walang nagbago. Halos gabi gabi pa rin akong nag iisleepwalk. Pinapangako ako ni mama na wag na wag kong sasabihin kahit na kanino na tuloy pa rin ang pag iisleepwalk ko.
Nangako ako. Mahal na mahal ko si mama e. Ayokong umiiyak sya ng dahil sakin.

Kaso isang gabi, imbes na sa kakahuyan ako magising ay sa gitna na ng kalsada. May apat ding aso na tinatahulan ako kaya ako nagising.
Ang laki pa man din ng takot ko sa aso. Ilang beses na kasi akong nakagat.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa totoo lang. Pa isa isa rin ang paghinga ko kasi natatakot talaga ako.
Tapos may narinig akong parang nalaglag sa gilid ko. Paglingon nanlalaki ang mga mata ko sa tuwa. Yung umiilaw na tali!

Kinuha ko agad yun. Yung mga aso naman bigla na lang umalis. Para silang natakot na ewan.
Yung tali na naman ang ginawa kong gabay para makauwi.
Ang problema nga lang, mukhang napalayo talaga ako. Masakit na kasi ang mga paa ko pero hindi ko pa rin natatanaw ang bahay namin.

Umiiyak na ko nung umaga na, hindi pa rin ako nakakauwi. Pinigilan ko lang umatungal nung mapagtanto kong nasa palengke na ko.
Hawak ko pa rin yung sinusundan kong tali. Pero siguro dahil umaga na, hindi na ito umiilaw.

Tapos may nabangga ako. Pagtingala ko, nakilala ko yung babae. Teacher sya sa school pero di ko alam kung anong grade. Nakasiksik sa bag nya yung dulo ng taling sinusundan ko.
Nakilala nya ako at mabuti na lang. Sya ang nag-uwi sakin sa bahay. Naabutan namin si mama na nagluluto ng almusal.
Yumakap agad ako kay mama at nagsorry. Pero hindi umiimik si mama.

Yung teacher ang nag-utos sakin na maligo at mag-ayos na ko para makapasok ako.
Naririnig kong nag-uusap sila ni mama pero hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nila dahil nasa banyo ako.

Pero tanda ko ang araw na yun kasi, sa araw na yun natigil ng apat na taon ang pag-iisleepwalk ko.

Nung magkatorse na ko saka na naulit. At yun na rin ang huli.

Periodical namin kinabukasan kaya sabi ko sa sarili ko, magrereview ako buong gabi. Kaso pagkatapos kong kumain, nakaramdam agad ako ng antok.
Kahit anong gawin kong balentong hindi ko malabanan ang antok.
Nang magising ay nilalamig ako. Basang basa ang pakiramdam. Mejo sabog sabog pa ko dahil kagigising lang. Ang buong akala ko nag isleepwalk ako papunta ng banyo at nadulas kaya ganoon ang pakiramdam ko.
Kaya lang ng lumubog ako sa tubig ay doon ko nalamang wala ako sa banyo kundi nasa ilog.
Marunong akong maglangoy aso pero madali lang akong mapagod at dahil sa nagpanic ako, napunta agad ako sa ilalim.
Ang nasa utak ko kasi nun baka lingkisin ako ng mga sawa na tambay sa ilog pag malalim ang tubig.
Mas nagpanic tuloy ako nung may maramdaman akong pumulupot sa bewang ko. Akala ko katapusan ko na. Sinusubukan kong sumigaw.

Tapos mayamaya naramdaman ko na lang na nasa pampang na ko. Pagtingin ko sa katawan ko, nakapulupot sa bewang ko ang umiilaw na tali.

Pinilit kong tumayo. Nahihilo kasi ako tapos nasusuka. Nakailang tumba ako nang maisip kong gumapang na lang. Sinusundan ko ang umiilaw na tali.
Malapit lang ang bahay namin sa ilog pero parang ang layo layo ko na naman. Nang maabot ko ang dulo, pagtingala ay nagtaka ako nung malamang hindi ako sa bahay namin dinala ng tali. Kundi sa bahay nila lolo.
Nakaisang katok lang ako sa pinto bago ako mawalan ng ulirat.

Nagising ako sa ospital na. Umiiyak sila lolo at lola. Ewan ko kung bakit hindi ako nagtanong o umangal nang sabihin nila sakin na sakanila na ako titira.

Saka na lang ako nagtanong paglipas ng labing limang taon. Nang makita ko yung kaputol ng umiilaw na tali sa drawer ng gamot ni lolo. Hindi umiilaw pero sigurado akong yun yun.

Hindi ako totoong nag iisleepwalk noon. Si mama ang nagdadala sakin sa mga lugar kung saan ako nagigising noong bata pa ako. Itinigil nya lang ng mahuli sya nung teacher na relax na relax habang nawawala ako.

Nung katorse ako, nilagyan nya ng ilang pirasong sleeping pills ang inumin ko ng gabing yun para hindi ako magising kahit kaladkarin nya ko.
Kaya nahihilo at nasusuka ako non.
Nang dumating sya sa ospital nagwala sya. Bakit daw hindi ako mawalawala sa buhay nya?
Bakit ako yung nabuhay at hindi si papa.
Doon na napagtagnitagni nila lola lahat.
Ako ang sinisisi ni mama sa pagkamatay ni papa.

Dalawang taon pa lang kasi ako ng magkaroon ng flashflood sa dati naming tinitirhan. Natangay kami ni papa.
Pero malaki ang pag-asa nila lola na makakaligtas kaming mag-ama dahil magaling lumangoy si papa at rescuer sya. Alam nilang makakahanap sya ng paraan.
Kaya matapos ang halos isang araw, ng makita nila kami. Ako nakatali sa likod ni papa, akala nila pareho kaming buhay.
Tumatawatawa pa raw kasi ako nun ng makita sila.

Pagka angat nga lang nila samin sa tubig baha, nalaman nilang wala na si papa.
May sugat sya sa ulo na syang dahilan kung bakit sya nalunod. Sabi nila nawalan syang malay.
Yung taling pinangtali sakin ni papa sa likod nya sabi ni lolo katulad nung taling nakita nilang nakapulupot sa bewang ko nung gabing muntikan na kong malunod sa ilog.

Sa kabila ng mga nalaman ko, hindi ako nagalit kay mama. Kasi mama ko sya e kahit anong mangyari. Mahal na mahal ko si mama.

Paglipas ng ilang taon matapos kong malaman ang totoo, nagkasakit si mama. Inalagaan ko sya kahit itinataboy nya ko.
Tapos nung okay na sya, sinamahan ko namang umuwi dito sa pilipinas sila lolo.

Iilang araw pa lang ako dito nun, tinawagan ako ng kaibigan ko. Sabi nya patay na si mama. Yung bakasyon nila lolo pinutol agad nila. Bumalik kami agad agad sa amerika.
Nagbigti si mama. Nang ipakita nila samin yung taling ginamit nya sabay kaming naiyak nila lola.
Katulad yun ng umiilaw na tali. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nya yun nagawa. Kasi nung may sakit sya. Kwinento ko sakanya yung tungkol sa umiilaw na tali.
Sabi ko naniniwala akong si papa yun. Umiyak nun si mama.
Sana hindi ko na lang kwinento sakanya. At ngayon, hindi ko na alam kung gusto ko pa bang paniwalaan na si papa ang nagliligtas sakin noon.
Kasi kung sya, bakit nya pinatay si mama?

Pyoks S.

INGGIT

medyo desperada na ko kaya nagmessage na ko sainyo. alam ko mahaba to pero sana magtyagaan nyong basahin. sobrang kailangan ko lang ng tulong. ngayon pa lang sinasabi ko na na may nagawa akong mali. alam ko na yun. wala nalang sanang masasamang comments dahil di namn nakakatulong. kahit di nyo sabihin alam ko namang wala kong kwenta. hindi nyo na kailangan ipamuka

ako po si maris. bata pa lang ako ang lungkot lungkot na ng mundo ko. maagang namatay ang tatay ko at nag asawa ulit ang mama ko na walang amor sakin. madalas sakin binubunton ang galit nya kahit wala naman akong kinalaman. may dalawa akong kapatid sa ina. bale anak sila ng stepfather ko.

mahirap lang po kami. yung bahay namin maninipis na kahoy at yero lang, lupa ang sahig saka papag ang higaan. hindi kami nakatira sa probinsya pero ganito ang buhay namin. isang kahig, isang tuka.

bukod sa napakawalang kwentang pamilya, mahirap na nga kami,  hindi na nga ko kagandahan, wala pang binigay saking talino. napakamiserable ko.

grade 3 na ko non pero wala pa din akong kaibigan. sino ba kasing may gusto sa pangit na repeater at mukang basahan pa ang uniform. hanggang sa nakilala ko sya. si Xy, transfer galing ibang bansa. kung bat sya nasa public? malay ko. pero halata na mayaman sila. maganda sya saka naging top 1 ng klase.  naging magkaibigan kami. medyo malapit lang ang bahay namin sakanila eh. kaya madalas dinadala nya ko sa bahay nila, pinapakain at binigyan ako ng mga gamit ng magulang nya. siguro ay naawa.

hanggang sa grade 4 di na kami magkaklase. nasa sec. 1 na sya at maganda pa din ang takbo ng pag aaral nya. ako naman huminto nalang. sabi kasi ng nanay ko bobo naman kaya walang mangyayri kahit mag aral pa ko. namasukan nalang ako sa isang maliit na karendirya. pero kahit ganon, regular kaming nagkikita ni xy. hindi sya nakakalimut kahit din naman ako. hindi namn kasi sya mahirap pakisamahan dahil maganda talaga ang personality nya. lagi kang tatawa o ngingiti. magaan kausap. inshort. madaling mahalin

fastforward. nagdadalaga na kami non. nakapasok sya sa isang science highschool dito. ako ganon pa din. pero doon nagsimula lahat ng tanong na ‘bakit’ kapag mamamasyal kami, talagang napapatingin yung mga tao lalo mga lalaki sakanya. tisay kasi sya, maalon yung buhok tapos sobrang ganda ng mata. may lahi kasing foreigner. samantalang ako, eto. negra na mataba at pango. madalas nanliliit ako kapag kasama ko sya. lalo akong nagmumukang basura kasi. nagkaroon naman na ko ng mga kaibigan. ganon din si xy, pero sya naging one of the boys. kasama sya nagbabasketball at magdota. dahil don lalong dumami nagkakagusto sakanya. naiinis ako kasi para syang prinsesa na maraming princecharming.

bakit may mga taong ginawa na maganda? matalino at masaya sa buhay. samantalang yung iba kagaya ko. lumalim yung inis ko non. parang lahat nalang kasi ng tao nagugustuhan sya. simula non natuto ako na siraan sya ng palihim. kapag nasa bahay nila ako. napapasimangot ako kasi ang rangya-rangya ng buhay nya. doon ako natuto manguha ng gamit nya. lotion, pabango, damit at kung ano ano pa dahil sa paniniwalang deserve ko din yun. alam ko mali. pero naranasan nyo ba yung sobrang nakakapagod ng maawa sa sarili at nakakagalit na lahat ng pangarap ko sa sarili ko nasakanya. na lahat gusto ko sa buhay. nasakanya samantalang wala syang Diyos. oo. sabi nya sakin di sya naniniwala. di ko ginawang bigdeal kasi latina sya at di naman pinay talga  di naman talaga sya taga pinas. naisip ko na baka ganon kasi ang mga tao sa bansang pinanggalingan nya

Valentines noon nang bumisita ako sa bahay nila. ang sabi ng mama nya naliligo pa daw sya kaya umakyat muna ako sa kwarto nya.  marami syang natanggap na chocolates, flowers , bear at kung ano anong regalo. doon sa nakita ko nainis ako. kaya kagaya ng dating gawi.kumuha ako ng gusto ko doon. imported na chocolate, at isang kwintas na napansin ko kaagad kasi ang ganda ng design. mukang mamahalin pa nga dahil kimikinang pa. typical na butterfly lang ang design non pero mamhalin ang dating. nilagay ko yun sa bag ko ng patago.

kinagabihan noon, namatay ang nanay ko. natagpuan ang bangkay nya na may bakat ng lubid sa leeg. bugbog at madaming pasa na na parang pinaghahampas ng tubo sa ulo at katawan. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko non. di naman sya mabuti sakin pero nakita ko pa din yung sarili ko na iniiyakan sya.

dahil don, kinuha kami ng mga kamag anak ni mama sa probinsya. dahil don.ang tagal kong di nakausap si xy. August 14, namatay naman ang kapatid ko. pero bago yon ay sinapian pa sya. iyak ako ng iyak non dahil mahal na mahal ko sila. at di ko makaya yung pagpapahirap saknya habang sinasapian sya. bumubula ang bibig nya ng dugo at nalalagas ang ngipin nya. kitang kita ko kung pano sya nahihirapang huminga. pastor ang tinawag namin para mapaalis ang sumapi sakanya pero pagkaalis non ay saka din binawian ng buhay ang kapatid ko. marami syang latay at parang paso sa katawan pagkatapos.di naman galing sa pastor iyon dahil di sya sinaktan physically ng pastor.

dahil don. nagpunta kami sa magaling na  albularyo. kilala sya sa probinsya namin at pagpasok ko palang ng pinto ay agad na sinabi nya

‘hija, may karga ka’

kabadong kabado ako non. ang iniisip ko, baka may nakasunod sa akin. kahit natatakot ako, tumuloy ako. pinaupo ako at kahit wala pa kong sinasabi sa albularyo ay binigyan ako agad ng libro.

‘alin dyan?’ tanong sakin nung albularyo. nung binuksan ko. litrato ng mga alahas. sunod sunod kung nilipat yun. at dun nahagip ang isang larawan.

isang butterfly na pendant na aakalain nong normal lang pero may nakaukit na mata sa gitna. don kumabog ng husto yung dibdib ko. suot ko non yung kwintas kaya tiningnan ko mabuti. may nakaukit nga ding mata. hindi na ko nakapagsalita non kaparehong kapareho ng nasa lumang libro.

bumuntong hininga non yung albularyo bago sinabi saakin.

‘anim na buwan ng nakakaraan noong may namatay sainyo hindi ba? pagkatapos ng anim na linggo ay may panibagong kukunin. pagktapos ng anim na araw, ikaw na ang susunod. saan mo nakuha ang kwintas?’

doon na ko humagulgol ng iyak. doon ko kinuwento ang lahat. ang paliwanag saakin ng albularyo, ang nanay ko ang pinakaginawang alay kaya ito pinatay. at matapos ang anim na buwan mula ng mamatay ito ay susundan ito ng isa pang malapit na kamag anak. parehas din daw ang dadanasing hirap. doon ko naalala ang itsura ng nanay noong kinuha ang bangkay ay kaparehas na kaparehas sa nangyari sa kapatid ko kahit wala namang bumugbog dito. pagkatapos ng anim na linggo mula ng mamatay ang kapatid ko ay malamang na ang natitira ko nalang na kapatid ang kukunin. at ako na ang susunod matapos ang anim na araw.

ang sabi sakin ng albularyo. ibalik ko ang kwintas. naisip ko na iwan ko nalang sa kwarto ni xy kung san ko iyon nakita pero hindi daw doon mapuputol ang nangyayari. dapat daw ay ibalik ko ng personal sa may-ari at dapat ay kusang loob daw tanggapin ng mga kamay nya iyon.

wala akong pera kaya hindi ako nakabalik agad sa dati naming bahay kung saan malapit si Xy. inabot ng 3 linggo matapos ang pagkamatay ng kapatid ko bago ako nakabalik.

hindi ko magawang aminin kay xy na ninakawan ko sya sya kaya sinabi ko na may nakita akong kwintas malapit sa kwarto nya at tinggin ko ay nahulog galing sakanya yun.

pero ang nakakabahala don ay hindi nya tinanggap. ang sabi pa nya hindi daw saknya ang kwintas. at kung napulot ko man daw iyon. saakin nalang daw. bagay lang daw na sa katulad ko mapunta iyon. iba ang tono ng  pananalita nya non. hlatang may ibig sabihin ang ngiti nya bago sya umalis. pagkatapos non ay naging mailap sya. lagi syang busy daw at di na madaling makontact at makita. hindi ko na po alam ang gagawin ko. unti unti akong napipiga bawat araw na nababawas. hindi ko na alam kung paano ba. sana may makatulong po.

BUBONG

So eto na nga sorry kase hindi ako magaling mag kwento pero share ko padin to kase di ko talaga makalimutan

2015 nung nangyare samin to , bale apat kaming magkakapatid na magkakasama sa isang bahay at kapit bahay lang namin si mama and yung stepfather ko. Try nyo nalang imagine-nin yung bahay namin ah kase ganto, ang pagitan lang nung bahay namin nila mama ay poso banyo at dirty kitchen.
Nung mga time na yon buntis ang ate ko 9 months at ako ang palagi nyang katabi. Sa isang kwarto kami natutulog na kurtina lang ang nakaharang sa pinto pinag gigitnaan ng dalawang kwarto yung maliit na sala namin. Sa kabilang kwarto naman natutulog ang bunso namin at ang isa ko pang ate na di pa halos makalakad ng maayos dahil naagasan. (yung baby nya na fetus ay inilagay sa bote nung Elshadai na may langis)

Bandang 11 pm masarap na yung tulog ko kase malamig yung kwarto namin kahit walang Electric fan. Nagising ako nung bigla akong kinalabit ni ate Cess(buntis ). Nakatingin lang sya sa taas at patuloy ang pag gising saakin. Pagmulat ko, ang unang napansin ko ay ang paggalaw nung kulay orange na bumabalot sa wire ng kuryente. Tuloy tuloy ang pag galaw nito na para bang nadadali yung kalahati sa labas (yero lang ang bubong namin at wala g kisame) palakas ng palakas ang pag ugoy ng wire at may parang humahakbang na sa bubong namin. Wala akong ibang nasambit sa ate ko kundi
“nasan yung bawang mo?”
agad nyang kinuha ang ilang piraso ng bawang at walang usap usap ay sabay kaming tumalon paalis ng kama at pumunta sa kabilang kwarto. habang ginigising namin ang dalawang kapatid ko nagulat kami ng makita namin na yung umaakyat sa bubong ay tila sumusunod saamin . Nakakapagtaka na sa tapat ng buntis kong ate lang tumitigil ang kung ano mang nasa bubong nung gabing iyon. Grabe na ang takot at kaba ng dibdib ko halos di na ako makapag salitaa ng maayos habang ang ate ko naman ay halos hampasin na ang tyan nya dahil hindi na gumagalaw ang bata sa loob ng tyan nya.

Nang magising ang dalawa pa naming kapatid ay nagpasya kaming bumalik sa kabilang kwarto ngunit laking gulat nalang namin nang biglang pag takbo ng ate koy syang sunod naman ng kung ano mang nasa taas . Dun na kami nagsimulang magsisigaw ng malakas

“mama! Tulungan nyo kami! MAMAAAAAA!”

Paulit ulit naming sigaw ngunit tila walang nakakarinig sa mga sigaw namin. Muli bumalik kami sa kabilang kwarto upang kunin ang bibliya at ang maliit na “mama Mary” ganon padin ang nangyare kung saan napwesto ang kapatid kong buntis ay dun sin tumitigil sa tapat nya ang nasa bubong.
Nang akmang kukunin na ni ate Shane( kapatid kong naagasan) ang bibliya at mama Mary, bigla syang kinilabutan at sinabi saamin na may nakasilip daw sa maliit na bintana namin . Nakabaliktad na tila demonyo.
Hindi nako nakapag pigil kahit hawak ko ang bibliya at hawak ng ate ko yung mama Mary ay napasambit nalang ako ng “murahin mo! Ganon daw yun mawawala daw yun”
Natawa nalang ang kapatid ko  ngunit nang kumaluskos uli ang nasa taas ay Agad kaming tumakbo sa may sala at don na kami nag usap usap kinuha namin ang mga basyo ng malalaking mineral at pinaghahampas namin sa yerong pader na pumapagitan sa kwarto at banyo. Sabay ng pag hampas ay ang pag sigaw namin ng
“MAMA TULUNGAN NYO PO KAMIIIII MAAAAA!”

paos na paos na kami ni Rvin ang bunso kong kapatid ngunit tila wala nakakarinig sa pagtili naming dalawa. Naiiyak na ako sa sobrang takot dahil parang binubuklat na ang yero sa may kwarto nung oras na yon.
Biglang nagsalita si ate Shane.

“kahit anong mangyare wag na wag nyong bubuksan ang pintuan . Lalabas ako at gigisingin ko si mama. Kahit anong sabihin ko wag na wag nyong bubuksan kahit mag makaawa pa ako”
matapang na sambit ni ate shane sabay labas ng pinto habang hawak ang napaka payat na patpat.
Umiiyak na ako sa kilabot

Nakakapag taka na walang nakakarinig sa malalakas na sigaw namin at sa paghampas namin sa pader na yero

Maya maya pa ay lumabas na si mama at narinig na namin ang katok nila ate. Di na kami nagdalawang isip at lumabas na din kami
Dun ay sinabi ni mama na wala daw silang naririnig
Paglabas namin ng bahay ay lumabas din ang ilang kapit bahay. Tanging katok at boses lang daw ni ate shane ang nakapag pagising sa kanila
Paano nangyare yun? E sira sira naman ang bintana namin at tagus tagusan ang kung ano mang tunog sa labas at loob?
Dun ay sinabi ng kapit bahay namin na nubg sumilip sya sa labas ay nakita nya na lahat ng aso sa looban namin ay nakatingin sa bubong namin habang umaalulong ng gabing iyon.

Yun lamang salamat sa pag babasa
-queen

LAGARE

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kendra nakatira lang kami sa isang compound na nirerentahan namin dikit² din ang bahay dun kaya hindi ka talaga matatakot kasi maraming tao. Pero nung bandang ala una ng madaling araw nagising ako kasi nakarinig ako ng naglalagare sa labas at ang lakas pa ha parang totoong tao talaga ang may gawa. Pero napaisip ako impossible naman na may mag lalagare ng bandang ala una sa madaling araw, gusto ko sanang silipin sa may bintana kaso grabe yung kabog ng dibdib ko hindi ko kaya. Dahil sa takot ko naiihi nako nun pero hindi ako tumayo para umihi nakahiga lang ako pinapakinggan ang naglalagare hanggang sa tumigil ito. At maya² nawala na din yung kaba ko at nakatulog ulit ako. Paggising ko ng umaga akala ko ako lang yung nakarinig pero pati pala isa naming kapitbahay narinig din nya yung narinig ko ayun mas kinabahan ako kasi akala ko hindi talaga totoo yung narinig ko. Ayun natakot nako pag nagigising ako ng madaling araw kasi naiisip ko palagi yung narinig ko. Yun lang ewan ko lang kung natatakot kayo pero para sakin its so terrified as in.

Thank you sa mga nagbasa hanggang sa huli ng kwento!!

-Kendra

GHOSTFACE

HI PO!

Anyways, magaalas-dos na ng hapon nun nang makarating kami ni Bob sa bahay ni Ashley. One ride lang naman sa tricycle papunta kela Ashley atsaka hindi naman medyo malayo yung bahay nya sa amin dahil kalapit baranggay lang namin siya.

Pagkarating namin sa kanila, huminto muna kami sa tapat ng bahay nila Ashley at chinat ko siya thru messenger ng “lumabas kana!”.
Nagseen naman agad sya at ang sabi nya ay palabas na daw sya may aayosin lang sa bahay nila.

So nilibot muna namin ni Bob ng tingin yung labas ng bahay ni Ashley. Ang ganda ng pagkakagawa. Very match yung mga color ng pader. May second floor pala yung bahay nila Ashley at mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko yung bintana ng kwarto niya sa may taas.

Nung mapadaan yung tingin ko sa bintana ng kwarto ni Ashley. Di ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi sa napansin ko? Meron kasi akong napansin na something na ‘mukha’ na nakadungaw sa may bintana. Sa pagkakakita ko, mahaba yung buhok niya. Mukha ng isang babae yung nakadungaw doon. Hindi ko siyang masasabi na si Ashley yung nakasilip doon kasi base dun sa kulay ng buhok nung babae ay pure black sya, red hair naman si Ashley.
Tapos iba din yung hitsura ng mukha nya kung icocompare sa mukha ng kaibigan namin. Hindi ko nga masabi kung mukha ba yung nakikita ko dahil wala akong nakikitang ilong at bibig, malalaking mata lang talaga na titig na titig sa akin.

Para akong na-hypnotize sa mga titig nung misteryosang babae. May weird kasi sa mga titig na yun na napa-akit ako at the same kinikilabotan ako. Napabalik na lang ako sa ulirat nang tapikin ako ni Bob saka ako sinigawan ng
“hoy!”.
Lumingon naman ako sa kanya na may pagtataka na tingin.

“Ano bang

tinitingala

tingala mo dyan sa taas pre? Ang tagal mong

nakatitig

doon, para kang

nakakita

ng multo”
biglang tanong sa akin ni Bob.

Sasagotin ko sana sya about dun sa nakita ko sa may bintana nang saktong lumabas na si Ashley na nakaready na. Pagkasara nya ng pinto, sabay nilock nya ito na ipinagtaka ko.
May tao pa sa loob ng bahay nila sa may kwarto nya, bakit nya yun ila-lock?

Nung lumapit sa amin si Ashley, naitanong ko sa kanya kung mag-isa lang ba sya doon sa bahay nila. Napa WTF na lang ako nang tumango siya.

Umalis

yung mga kasama ko sa bahay,

iniwan

nila ako. I mean

nagpa-iwan

pala ako para

makasama

ako sa gala

niyo

HAHAHA”
Sabay sabi niya.

Muli akong napatingin doon sa may bintana ng kwarto ni Ashley. Wala na akong makitang mukha na nakadungaw doon.

“Ikaw ba yung

nakasilip

kanina doon sa

bintana

kanina?”
Tanong ko kay Ashley sabay turo.

“Hindi! Nasa baba na ako

pagkachat

ko sayo nang may

aayosin

lang ako sa bahay namin. Hindi na ako

tumaas

kasi nakakapagod.

Bakit

???”
Sagot nya naman sa akin.

Hindi na lang ako umimik. Feeling ko bigla akong namutla at nanigas yung katawan ko sa kinatatayuan ko. Narinig ko na lang basta si Bob na niyaya na kaming umalis na, kaya sumunod na ako sa kanila.

Muli akong lumingon doon sa may bintana bago ako tuluyang maka-alis, at doon ay nakita ko na naman yung mukha na nakadungaw ulit at titig na titig sa akin yung malalaki nyang mata.

So hanggang dito na lang po yung kwento ko. I hope na nagustuhan niyo yung kwento ko for today. Ingat po kayo palagi mga kasindak.

-Astro☪️

TRINOMA FOUNTAIN

Alam niyo ba ung fountain na nasa labas ng trinoma malapit sa starbucks? Oo, un ung tinutukoy ko sa kuwentong ito. Galing kami sa date ng girlfriend ko at syempre dahil pagod sa kakalibot sa loob ng SM North at Trinoma nagdecide naman kami magpahinga sa labas malapit sa may nagpapatugtog na banda. Dahil maganda ang pwesto at ang set-up ng lugar ay umupo kami ng girlfriend ko sa gilid ng fountain na ito. Padilim na din noon parang alas-singko na ng hapon. Usual sa magkasintahan, nakahawak ako sa bewang ng girlfriend ko tapos sya nakatanday naman ang ulo nya sa balikat ko.

Alam nyo walang mas sasarap pa sa feeling kundi ang magkasama kayo ng mahal mo. Kampante lang kami na nagkukuwentuhan dahil komportable naman kami sa isa’t-isa. After namin mag-usap, tumahimik kami saglit habang nakatingin sa malayo. Narinig ko na parang may mahinang ungol pero di ko alam saan nanggaling. Ako naman inisip ko na baka si gf ko lang pero ang weird lang bakit naman nya gagawin un? Parang humihikbi pero mahina lang. So ako naman tiningnan ko si gf nakangiti lang sya. Halatang masaya sya na magkasama kami. Lalo akong nagtaka kung saan nanggagaling ung mahinang ungol. Hindi pa rin kasi humihinto.

This time para nang umiiyak ang naririnig ko. Iyak ng isang babae. Kaya nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na may iba pang nakaupo sa fountain na iyon. Puro magnobyo at magnobya din. Lahat sweet, yung iba magkayakap, ung iba naman nagsusubuan (bawal green-minded wholesome ako magkuwento.) So nagtaka ako lalo kung sino ang umiiyak na babae given na may bandang nagpapatugtog malapit sa amin at maingay din ang mga sasakyan at ang lagaslas ng tubig galing sa fountain sa likod namin.

Medyo awkward lang kaya tinanong ko si gf kung may naririnig ba siyang kahit ano:

Ako: Chubs, may naririnig ka bang kung ano?

Gf: wala naman.

Ako: Wait,

tahimik

ka tapos

pakinggan

mong

maigi

.

Gf: (

tahimik

na

nakikinig

) may

umiiyak

pero

mahina

lang.

Ako: (Nagulat ako) Narinig mo din

un

?

Pagkasabi ko nun saka biglang umatungal sa iyak ang babae. Ung parang iyak ng babaeng depressed na depressed na halos pasigaw na ang iyak tapos nanginginig.
“Wuuuu…

waaaaaaahhh

..ahh..ahhh..ahh!! Hmmm

waaaaahhh

…ahh..ahhh…

aaahhh

!!!!”

Parang alam nya na napansin namin sya. Ang weird pa kasi paglingon namin ng gf ko at hinanap namin kung sino ang umiiyak wala namang babaeng umiiyak. Ito pa ang matindi, nung tinanong ko ang gf ko kung saan nya naririnig ang iyak parehas pala kami na naririnig ang iyak mismong sa fountain na may tubig! Never kong tinanong ang gf ko kung may naririnig syang iyak at ang tanong ko lang kung may naririnig syang kakaiba pero tumugma ang naririnig namin. Gusto ko lang kasi iconfirm na hindi ko lang guni-guni ang lahat. Parehas pa kaming nagulat noon.

Nagtanong si gf kung anong gagawin namin sabi ko hayaan na lang namin ung multong umiiyak tutal di naman siya nagpapakita pero aminin ko triny ko siyang kausapin sa isip pero wala siyang sinasabi sakin. So hinayaan na lang talaga namin. Si gf naman wala lang sa kanya parehas naman kaming weird lol!

Shineshare ko to para di magpasikat kundi dahil totoo namin itong karanasan. Gusto ko lang din malaman kung kami lang nakaexperience nito sa Trinoma. Shinare ko din ito sa ibang kakilala at may kaibigan akong nagsabi na may nakita siyang babae sa fountain na un na paulit ulit na nagtatapon ng barya pero di naman daw umiiyak. Alam daw nyang patay na ito. Kayo ba nakita nyo na rin yung babae sa fountain ng trinoma?

**Blackhat AKA Theophilus
(Paranormal Philippines)

Marikina

WAKWAK

Hi po, sana ma post hehehe pakitago na lang po ako sa pangalang Ands. Gusto ko lang ma share yung encounter ko about sa creature na kung tawagin dito sa province namin ay “wakwak”.

Nangyari to year 2021 buntis ako sa baby ko. Actually that time hindi ko pa alam na buntis ako during my 1st and 2nd trimester, nalaman namin na buntis ako malapit na ko manganak hindi naman kasi halata gawa ng chubby ako. Kung titingnan mo ko normal lang na malaki at parang laging bloated ang tummy.

Eto na nga, nung nasa 1st trimester pa lang ako hindi ko akalain makaka experience ako na para akong nag iisleep paralysis yung tipong gising yung diwa mo, nakikita mo yung paligid mo at the same time hindi ka makagalaw. Grabe yung takot ko non kasi first time nangyari sakin yon. Ang una kong nakita sa panaginip ko non yung pamangkin ko na babae. That time mag isa lang ako natutulog sa kwarto namin ng kapatid ko non sa second floor ng bahay namin. Don sa second floor ng bahay namin isang kwarto lang yon tapos may malawak at malaking veranda. Yung pamangkin ko nakaupo siya sa sahig tapos umiiyak siya, mga dalawang metro yung layo niya sakin pero gaya ng sabi ko hindi ako maka galaw kahit natatakot ako wala akong choice kundi tumitig sa kanya at habang ginagawa ko yon unti-unti siyang lumalapit pero hindi siya gumagapang or gumagalaw sa pwesto niya para siyang glitch mawawala tapos babalik pero pa unti-unti ng nalapit. Sa sobrang takot ko sinubukan kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko, ginagalaw ko yung katawan ko hindi ko magawa hanggang sa nagdasal ako ng paulit ulit. Mga 3 beses kong naulit yung dasal ko at tinarawag si God hanggang sa nagising ako kasi nagalaw ko yung hinliliit ko sa paa. Sakto pag gising ko may tumunog sa bubong namin na parang may tumalon. Pero that time hindi ko naisip na wakwak yon gawa ng hindi ko pa alam na buntis ako.

Dalawang beses pa nangyari sakin ang pang yayari na yon, yung sunod nakahiga ako ulit kung anong posisyon ko yun talaga nakikita ko, yung higa ko kasi yung paanan ko nasa pinto, that time yung pinto ng kwarto bumukas tapos nasa labas yung pamangkin ko na babae ulit, pero this time may hawak siyang kutsilyo habang papalapit sakin tapos naka ngiti siya. Natakot ako syempre kasi hindi ko alam gagawin ko.

Pinipilit ko magising hindi ko magawa mas matagal akong nagising kesa sa unang gabi na nanaginip ako, nabalik ko ng 6 na beses yung dasal ko. Nung nagising ako ulit this time sa may pinto na ng kwarto yung kumalabog kaya that time binuksan ko lahat ng ilaw sa 2nd floor at hindi nako nakatulog hanggang mag umaga. Ang last ito yung pinaka scary kasi naka dapa ako non, yung feeling na tulog ka pero yung diwa mo gising tas nakikita mo yung paligid mo, that time gusto ko magising kasi sabi ko sa sarili ko parang nananaginip na naman ako tapos parang ang bigat ng feeling ko that time sa peripheral vision ko may nakita ako na nakaupo sa likod ko natatabunan ng buhok yung face niya basta malaki siya tas nakaupo siya sa likod ko.

Nag pray ako, sinusubukan ko galawin yung mga daliri ko sa kamay at paa pero lahat yon may nakahawak kaya naiiyak na talaga ako tas ilang beses ko ng inuulit yung dasal ko sumisigaw nako tinatawag yung name ni God then yung mama ko pero wala. Nawalan ako ng chance na non na magigising kaya sa huling dasal ko sabi ko na sana tulungan ako ni lord na magising kasi takot na takot na talaga ako. At sa awa ng diyos! Nagising ako sa ganong posisyon. Talagang may tumutulo na luha sa mata ko tas grabe yung pawis ko. This time yung kumalabog nasa pinto na ng kwarto! May isang pinto pa kasi sa labas bago yung sa kwarto. Kaya sa sobrang takot ko binuksan ko ulit yung lahat ng ilaw at hindi nako natulog. Kinaumagahan sinabi ko sa family ko yon, natakot sila para sakin lalo na ako lang mag isa natutulog sa taas kaya pinalipat nila ako sa baba para may kasama nako matulog.

Ff. After few months nalaman na preggy ako then that time hindi kami magkasama sa bahay ng partner ko nasa bahay parin namin ako kasi sini settle pa nila yung tutuluyan ko sa bahay ng partner ko hindi pa nila ako pinapapunta gawa nga ng buntis ako at may patay sila (yung lola niya dahil may breast cancer) bawal daw sa buntis makakita ng patay (ayon sa pamahiin) dahil daw once na manganganak kana eh hindi kana makakairi dahil aantukin ka raw at makakatulog.

Ff. Another experience and this time naniwala na talaga ako na totoo ang wakwak dahil natutulog ako sa kwarto ng ate ko kasama yung dalawa kong pamangkin at asawa niya, nakahiga ako malapit sa bintana para hindi ako gaano ma tamaan ng aircon. This time ang napanaginipan ko yung kapatid kong babae yung sumunod sakin, kasama ko siya sa bahay ng ate ko that time pero hindi kami magkasama sa kwarto. Hinahanap niya raw ako sa panaginip ko, since hindi niya ko makita nagwawala siya yung tipong matamaan ka lang niya lilipad ka talaga kasi sobrang lakas niya. Kahit hindi niya ko nakikita pero ako kitang kita ko siya hanggang sa napigilan na siya sa pag wawala niya. Hinawakan na siya ng boyfriend niya at ng kuya namin tsaka pa ko lumapit sa kanya.

Nasa likod niya ko kaya pag tawag ko sa kanya unti² siyang lumingon sakin tapos biglang nagbago yung expression niya na biglang namula yung mga mata niya tas yung smile niya umabot hanggang tenga (parang sa truth or dare na movie kung familiar kayo) tas nagulat ako kasi bigla siyang tumawa na sobrang sakit sa tenga tas bigla nako nagising naramdaman ko yung luha ko sa gilid ng mga mata ko tas naka dilat nako that time pero hindi ko magalaw agad yung katawan ko pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin yung pamangkin ko na lalaki na katabi ko tsaka kuya ko na nasa kabilang side ng bed. Pag tawag sakin ng pamangkin ko dun pa ko nakagalaw tas diretso bangon.

Tinanong ako ng kuya ko kung ano daw napanaginipan ko tas bakit daw ako umuungol na parang hindi mapakali then kinuwento ko yung napanaginipan ko after that hindi ko hinintay yung sasabihin niya kasi dumiretso ako sa cr (may cr sa kwarto) pag labas ko tinanong agad ako ng kuya ko kung may pangontra ba ko or nag itim ba ko ng panloob. Sabi ko wala, sabi niya sakin inaaswang daw ako kasi pag punta ko sa cr may parang tumama na lumipad sa bakal na barendilyas sa taas tapos sa sobrang laki daw nung bumangga nag vibrate, naririnig niya pero ako wala. Natakot nako nun kasi napag tagpi² niya yung mga panaginip ko nung nasa taas ako. Ganon daw yon may mga aswang daw na dadalawin ka sa panaginip mo para makuha nila yung nasa sinapupunan mo.

Sinabihan na lang niya ko na wag na humarap sa may bintana tsaka tabunan ko raw yung tummy ko that time nasa 8 months na tummy ko kaya malaki na talaga. Ginawa ko nalang chinat ko yung partner ko tas hindi nako nakatulog. Kinaumagahan dumating siya na may dalang pangontra na tinali niya sa tummy ko tsaka bracelet sa kamay ko.

Ff. Sept. 15 ito yung araw na lumipat nako sa kanila tinapos lang nila na malibing at matapos ang ika 9-days ng lola ng partner ko bago nila ako pinalipat. Hindi ko talaga limot tong araw na to kasi ito yung araw na winakwak ako ulit this time sa bahay na ng parent ng partner ko. Nanaginip ulit ako ng nakakatakot this time friend ko yung napanaginipan ko tas nasa iisang bahay lang kami bigla ba naman siya nag transform na nakakatakot na image na hindi ko talaga ma explain. Nagising ako kasi may nangingibabaw na boses sa tenga ko na “wak-wak” pabalik balik tas nagsimula na humilab yung tiyan ko sobrang likot ng baby sa tummy ko.

(rinig mo lahat kasi yung bahay kahoy lang pero up and down siya, nasa 2nd floor kami niyan) chineck ko anong oras na at alas 10 pa kaya ginising ko yung partner ko ang kaso nauna pa magising yung mama niya na agad pumasok sa kwarto kasi hindi naman namin nilalock tinanong niya ko bakit kaya sinabi ko yung napanaginipan ko tsaka yung naririnig ko sabi niya wag daw ako maingay na kasi naririnig din daw niya. Tinanong lang niya ko kung ano daw color ng panloob ko sabi ko puti tas naka white dress ako that time kaya sabi niya magbihis daw agad ako ng itim. Habang nagbibihis ako don pa nagising yung partner ko. Yung mama na niya nagsabi kasi hindi ko talaga makaya na gawa ng yung tyan ko humihilab kasi galaw ng galaw si baby. Sobrang hina lang ng boses nung aswang pero feeling ko nasa malapit siya kasi ang bigat talaga ng feeling ko tas yung tyan ko masakit.

Narinig ko na lang na sumusuka yung kapatid ng partner ko sa baba dahil lasing pero andon pa rin yung aswang kaya hindi ko alam kung matatawa ako or matatakot para sa kanya. Sabi ng partner ko matulog nako sabi ko hindi ako makatulog, sabi niya bbntyn niya ko kaya nun nakatulog ako kasi niyakap niya na yung tyan ko tas nakaharap ako sa kanya so yung tyan ko natatago. Mga 5:00 am nagising ako tas nakita ko yung partner ko nag si cp.

Tinanong ko siya bakit ang aga niya matulog, sabi niya hindi pa siya natutulog gawa ng umalis daw yung wakwak malapit na mag alas 5. Sabi ko bakit hindi nlng siya natulog nung natulog nako sabi lng din niya mas ok na yung sigurado kasi baka raw atakihin ako dahil may ibang wakwak na talagang pumapasok sa loob ng bahay nag babalat anyo na hayop daw. Tas nung nag breakfast na kami mga alas 7 dun na namin napag usapan yung nangyari kagabi. Sabi ng cousin ng partner ko narinig nga rin daw niya na nasa tapat mismo ng bintana niya.

Yung bintana na yon nakahilera din sa bintana namin sa taas kaya don daw naka pwesto tas sobrang langsa daw na parang nanuyo na dugo as in. Yung kuya naman ng partner ko iihi lang daw sana siya pagbaba niya ang kaso naka amoy siya ng sobrang langsa na parang nabubulok na daw talaga na dugo kaya nasuka siya sa sobrang baho.

Masasabi kong totoo sila, noon hindi ako naniniwala pero nung naranasan ko siya mismo talagang nagbago yung paniniwala ko. Yun lang thank youuu sa pagbasa!

PICTURE

Tawagin nyo nalang ako sa pangalang MJ hehehe that’s my Nickname. Isa po akong silent reader since year 2020 and ngayon lang ako nag share ng creepy story sa inyo..

So Simulan ko na ang story. Nangyari po ito noong January 16, 2023 so until now fresh pa ito sa akin.

Wala pong pasok noong panahon na yun kaya I stayed in my bedroom. Ako lang po mag-isa nung time na yun kasi May lakad yung mga ka sa may ko (by the way nag stay in ako sa church, so kebale isa po akong church staff). Yung isa kong kasama na tatawagin natin sa pangalang Paul ay nag paalam sya sa akin na may pupuntahan daw ka so ayun pumayag ako pero may condition hehehe I ask him na iiwan na ang kanyang cp sa akin para kahit ako lang mag-isa ay Hindi naman boring. So ayun umalis na si kuya Paul and ako nalang mag-isa.

Around 12:15pm ay naliligo na ako para syempre fresh naman ako😅. So ayun around 12:26pm ay naka ayos na ako and I started to use the phone. Since mahilig naman ako sa tiktok ang picture² ginawa ko nalang yun as my hobby and there nag titiktok ako.

Around 12:34pm nag pasyahan ko na mag oonline muna baka sakaling may nag chat sa akin so ayun pag open ko sa acc ko wala ngang nag chat😅. So I decided to take a picture nalang through Snapchat filters or IG filters hehehe.. While I was taking a picture to my self, bigla nalang na hulog yung ballpen ko sa tapat ng kama ko. Nagtaka lang ako kasi bakit nahulog yung pen ehh wala namang hangin.

So kinuha ko nga yung pen ko then bumalik ako sa aking ginagawa ang while I take a picture to myself again, naramdaman ko yung malamig na hangin na para bang may umiihip sa tabi ko but I ignored it. So ayun pagod na nga ako sa pag picture² I checked yung mga photos sa gallery para i mamyday ko. While nanood ako, I was shocked nang nakita ko yung isang picture ko. May isang Batang babae sa may bandang gilid ko na may dalang doll ang naka white dress and she’s wearing a black shoes and white socks.

Kaya nga pala may naramdaman akong malamig na hangin kasi yun pala ang ibig sabihin noon. While checking the other pic naman ay naku parang nakikilabotan na talaga ako.. Akala ko isang bata lang ang na kuhanan sa mga pics ko ehh di lang naman pala sya nag-iisa marami pala sila.. aside sa bata na nakuhanan sa pic ko ay mayroon palang isang babae sa bandang likoran ko na kulay Puti din ang suot and curly ang buhok and may Kadena sa kanyang leeg and not only them mayroon pang isang Black shadow na tabi ng isang babae na may Kadena sa leeg.. nung nakita ko yung mga pic nayun ay nanayo ang mga balahibo ko sa takot but Hindi ako ang papadala sa takot kasi Alam ko na the more akong matakot, the more na din silang mag paparamdam sa akin.

So ayun na alala ko yung tinuro ni Pastor sa akin na kapag maramdaman ko yung takot ay E-re rebuke  ko lang so ayun nag rebuke ako
” In the blood of Jesus Christ

alis

kayo mga

masamang

spirito

.

I the

name of Jesus Christ

alis

kayo mga

masamang

spirito

.”
I repeat it 7 times until I feel free and gugmaan na yung ginhawa ko. Around 1:57pm ay naka uwi na si kuya Paul and ayun ikinuwento ko sa kanya lahat and na ni ni wala din naman sya dahil may third eye pala sya and then I share this to our pastor and kinabukasan ay kina cast out na nila yung mga masasamang spirits and simula noon di ko na naramdaman yung takot and when I take a picture, di ko na sila nakita ulit..
    
             
☆࿐ཽ༵༆༒Wakas༒༆࿐ཽ༵☆

GHOST STUDENTS

Ako yung tipo ng taong hindi matatakutin, yung tipong walang pakialam sa kung ano ang kahulugan ng salitang kababalaghan. Ngunit nabago ang pananaw ko ng ako mismo ang makasaksi sa nangyari sa aking kaklaseng si Ian. Noong nakalipas na taon lang nangyari, nasa lungsod kami ng Naga para ipagamot siya sa Albularyong nagngangalang “Tiyo Del”. Pagkarating namin sa bahay ng albularyo ay wala siya dun sa kanila. Nasa ocampo daw sa taas ng bundok at nanggagamot, kinabukasan pa ng hapon ang uwi. Dahil sa kapos ang pamasahe at malayo ang lugar namin sa Naga, ay napagdesisyunan nalang namin na manatili dun at hintayin ang manggagamot hanggang kinabukasan. Mabait ang asawa at mga anak ng manggagamot kaya pinayagan kaming maki tulog sa kanila. Kahit sa may upuan sa labas kami ng bahay matulog, Kasi ang sabi namin sa asawa ng manggagamot baka sa Bus na sasakyan namin ay umatake nanaman ang sapi ng kaibigan ko, pagnagkataon pababain kami ng driver na wala sa oras at alanganin. at pagabi na kaya mukhang delekado kaming bumiyahe pa. Sabi ng asawa ng manggagamot ay ligtas naman daw kami sa loob ng bakuran nila dahil may orasyon daw iyon. (bigkas ng asawa). pakatapos naming kumain ay saglit kaming bumili ng sigarilyo at umupo sa upuang gawa sa kawayan sa gilid ng kalsada. ng bigla na lang nagkumos ng kamay si Ian at nanlisik ang mata. syempre alam ko na ang kasunod. tinanong ko siya,
“sino ka?”
kasi alam kong hindi si Ian ang katabi ko.. sambit ni Ian,“nasan ang bag ko, manunuklay ako”. undercut ang buhok ni Ian na malago at medyo kulot sa taas. inabot ko ang suklay nya,
“ito na ang

suklay

mo”,
nanuklay na at para bang inayos nya ang kwentas nya at nag astang may hikaw siya. sambit pa nya,

salamat

”.
sinindak ko si Ian gamit ang malakas na pagtapak ng paa ko sa lupa.

at biglang bumalik sa katinuan si Ian na parang nanghina at medyo nauutal magsalita. unti unti na din namula ang labi nya.. alam ko sa sarili kong siya na yun. tinanong ko siya,
“san ka pumunta?”
sabi niya
“sa

dulong

eskenita

na walang

ilaw

,

sinasama

nila ako, pero di ako

sumama

”.
dagdag kong tanong,

sinong

sila?”,
sambit nya,
“mga

estudyanteng

babae, dumaan sila. mga naka

uniporme

na may logo na

bilog

ang

uniporme

na may mga

dugo

, at yung buhok nila parang

umaalon

alon na sobrang

gusot

.

nakisuklay

yung isa. mga 15 sila,

puro

babae”
ako,
“ahh.. san daw sila

pupunta

?”
sabi ni Ian,
“sa may

malawak

na

palaruan

, na may nag

iisang

ilaw

na

bukas

, parang oval”.
kaya hinatak ko na siya papasok ng compound ng manggagamot at tinanong ko ang asawa ng manggagamot kong anong eskwelahan ang may bilog na logo, at kung saan may malaking oval.. pero ang pumasok sa isip ko kong hindi sa lumang catholic school sa lugar na yun dun sa may kabisera ng bikol, kung saan ang capitol. ayuko manakot, gawa lang yun ng isip ko yung mga lugar na naisip ko kasi yun ang malapit eh. natulog nalang kami bukod sa pangyayaring yun ay marami pang kaganapan ang nangyari.. masyado nang mahaba. haha sorry po. ipost ko nalang ulit yung mga ngyari pa.

Garnetian
Iriga City

HINDI INAASAHANG BISITA

Mahaba-habang usapan rin ang nakalipas nang mapagpasyahan naming magkakapatid na matulog na. Alas dos ng madaling araw na rin kasi nun, at inaantok na kami.

Pumasok na sina kuya at ate sa kani-kanilang mga kwarto, habang ako ay pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pagkabukas ko ng ref ay nakita ko ang huling piraso ng cake na kinain namin kanina. At dahil medyo nagutom rin ako, ay walang kaabog-abog ko ‘yong kinuha.

Pagkatapos kung kumain ay pumunta ako sa lababo para maghugas ng pinagkainan nang aksidenti kong nahulog ang aking kutsara. Dali-dali ko itong pinulot. Muntikan ko pang saktan ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Mabuti na lang di sila nagising, kundi lagot talaga ako kay mama na kanina pa natutulog.

Makalipas ang ilang sandali, ay may narinig ako na parang may pintong bumukas na lumikha ng langitngit na tunog. Kaagad akong napatingin sa pintuan namin, pero wala namang bumukas. Binalewala ko na lang ‘yon. Inisip ko na baka guniguni ko lang ‘yung narinig ko.

Habang naghuhugas ako ng platito at kutsara ay may nagahip ‘yung peripheral vision ko na parang may dumaan. Kaagad akong napalingon sa likuran ko. Wala akong nakita. Pero ramdam ko talaga na may dumaan.

Nagsimula na akong kabahan. Pero binalewala ko na lang ulit ‘yon at nagpatuloy sa paghuhugas.

Inaantok

na talaga ako,”
bulong ko sa aking sarili.

Nang matapos ako ay nag banyo muna ako para umihi. Pagkalabas ko ng cr ay napatigil ako nang may nakita akong isang aninag ng taong nakatayo kung saan nakapwesto yung bintana namin. Sakto lang ‘yung liwanag sa labas na pumapasok sa bintana para makita kung may nakatayo sa tapat nun.

Ilang minuto siyang nakatayo ro’n, at gano’n din ako habang nakatitig lang sa kaniya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nagsimula na akong pagpawisan nang malamig. Nangangatog rin ang mga tuhod ko na para bang anong oras ay babagsak ako.

Kahit nahihirapan akong ibuka ang bibig ko ng mga oras na ‘yon ay sinikap ko pa ring magsalita.

“S-sino p-po sila?”
tanong ko.

Mas lalo lang tumindi ang ang nararamdaman kong takot nang wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

Nakita ko na lang na dahan-dahan na siyang lumalapit sa ‘kin, at unti-unti rin siyang tinutubuan ng mga galamay sa likod. At sa mga sandaling ‘yon ay bigla ko na lang naalala yung kuwinento sa ‘kin ni lola, na kapag may nahulog na tinidor o kutsara, may dadating na bisita.

— Ryukshin

BOARDING HOUSE FOR RENT

College student ako noon ng mapagpasyahan kong mangupahan malapit sa aming school. Nakahanap din naman agad ako ng malilipatan at kasama ko din ang aking kaibigan na si Lyn. Bali two storey house eto na kulay yellow. May limang kwrto sa baba, tatlong cr, malaki din ang kusina at living room. Ang sa taas ay hindi pinaparentahan ng may-ari naka lock din ang mga pinto neto at mga bintana. Nasa ibang bansa kase ang may-ari ng bahay ang purpose nya lang talaga kung bakit pinarent nya is para magkatao. May taga linis din dito na pumupunta every week. Masaya naman doon at lahat ng mga umuupa ay mababait. Puro babae lang din kami na pawang nag-aaral din sa school na pinag-aaralan ko. Kapag weekend ay nagsisipag-uwian din naman ang ibang mga estudyante. Ang naiiwan lang doon ay yung sa mamalayong lugar nangaling at isa na ako dun.

Sabado ng gabi napagpasyahan ng sa kabilang room na sina ate Dea, ate Ayya at ate Becca (pawang mga education student) na manood ng Miracle in Cell No.7 yung kdrama. Tinawag nila kami sa aming room. Btw si Lyn at ako ay magkasama sa iisang kwrto. Kapag kase weekends yan lang ang libangan namin parang bonding na din kapag hindi busy. Bali lima lang kaming naiwan doon. Pagpasok namin sa kabilang room kanya kanya na kaming hanap ng pwesto. May mga chichirya din silang binili para hindi daw antukin agad. Napapagitnaan ako nila ate Becca at Lyn. Maya maya naging tahimik na ang mga kasama ko tinignan ko sila akala ko nakatulog na pero kanya kanya palang pahid ng luha at sipon😂. Nakakaiyak naman talaga ang palabas na yun. Kaya hinayaan ko nalang sila at nagfocus ako sa pinapanood. Bandang 1am nagulat kami may biglang bumuhos na tubig sa labas ng bintana at galing sa taas.

Parang isang batya na binuhos at mabuti nalang sarado ang sliding window ng aming kwarto. Nagulat pa kami kase ang tahimik na ng mga oras na yun. Sabi ni ate Dea hala paanong magkatubig eh wala namang ulan at walang tao sa taas. Nagkatitigan nalang kaming lima at nagpasyang ipabukas ang panonood. Doon na din kami na tulog ni Lyn kase natatakot na din kaming lumabas ng kwarto. Pinagdikit dikit nami ang mga higaan at nagsiksikan kami sa pagtulog.

Pagkaumaga inusisa namin ang buong bahay kung may ibang tao ba na nakapasok. Pero naka lock padin ang pinto sa taas. Wala ding nasirang mga pinto at bintana at wala din namang nawawalang gamit.

Bandang 4pm bumili kami ng lulutuing ulam for dinner. Nag-ambagan lang kaming lima para sa mga sangkap at ako ang nagluto.

Tumulong din si Lyn sa pag-aayos ng mesa. Si ate Dea at ate Ayya naman ay inisa-isa ang mga bintana at pinto na i lock para di na maulit ang nangyari ka gabi. Habang si ate  Becca nakaupo lang sya sa mesa naglalaptop. Bukas ang kwarto nila ate Dea at open din ang ilaw sa loob. Nagtaka si ate Becca at tinanong nya si Lyn
“may ibang boarders ba na

dumating

ngayon Lyn?
Sumagot naman si Lyn na
ate wala naman

bakit

mo na tanong?
Bigla nyang hinila papuntang kusina si Lyn. hala di mo ba nakita my anino ng lalake sa room namin? Kitang kita ko anino talaga sya ng lalake. Nakita ko si Lyn na nagulat at sumiksik kay ate Becca.

Tinanong ko sila kung ano ang nangyari at kung ano ang binubulong ni ate Becca ky Lyn. Hindi nila ako sinagot kaya dumiretso ako sa mesa para ilagay ang niluto kung ulam. Paglapag ko ng ulam nabigla ako kase pagtingin ko sa kwarto nila ate Becca may anino ng lalake na nakatayo mismo sa bukas na pinto.

Pero kung titignan wala namang tao animo lang talaga. Sa gulat ko dali dali akong tumakbo papuntang kusina para puntahan sila Lyn. Sinabi ko sa kanila na may nakita akong anino at mas lalo lang kaming natakot. Maya maya nag-aya na sila ate Dea na kakain na daw. Nag-aalinlangan pa kami kung sino ang mauna na pumunta sa mesa. Pero pagbalik namin wala na ang anino. Pagkatapos kumain at maglinis ng katawan. Sinabi namin sa dalawa naming kasama ang nakita namin dahilan para dun sila natulog sa kwarto namin ni Lyn.

After 1year umuwi ang may-ari ng bahay tinanong namin kung wala ba syang nararamdaman sa bahay? Ang sagot nya “meron pero mga bantay sila ng bahay ko at hindi naman sila nananakit. Hindi ko lang sinabi sa inyo na meron talagang nagmumulto dito  baka kasi umalis kayo.

TUNOG NG TAKONG

Btw,ang kwento na ito ay totoo po at ayon sa naranasan ko noong bata pa ako nung nakatira pa kami sa dati naming tirahan.

Nakatira kami sa bahay na gawa lamang sa kawayan at kahoy.Malaki naman ang bahay namin at malapit sa ilog.Bale napapalibutan kami ng mga punong saging at iba pang puno na itinanim nina mama sa aming bakuran.Dalawa kaming magkapatid at ang mama ko ay isang housewife.Si Daddy naman ay isang Tourist Diver.Sa mga hindi po nakakaalam kung ano yun,siya po ay isang Diver Instructor.Nagtuturo ng pagdadive sa mga turista na pumunta sa pilipinas.

Sa bahay namin ay madami na talagang mga pangyayaring nakakatakot pero sa susunod ko nalang po ikwekwento.So eto na nga…Gabi nun mga 8pm nasa kusina kami ng kapatid ko naglalaro.Katapat lang namin ang pintuan palabas ng bahay,bukas ito ng kaunti kaya medyo kita ang itsura sa labas.

Si mama naman ay busy sa pagluluto sa may dulo pa ng part ng kusina namin.Malaki kasi ang kusina namin at kami ay nasa tabi ng ref.Busy kami sa paglalaro ng nanay/tatay ng biglang lumakas ang hangin sa labas.Ang mga dahon ay nagsiliparan papasok sa may labas ng pintuan.Bigla naman akong napatingin sa labas at pagkatingi’y bumalik na ulit sa pakikipaglaro sa aking kapatid ng biglang may narinig akong naglalakad ng tila ay nakatakong.

Talagang maririnig mo dahil sa sobrang tahimik ng paligid ng bahay.Pati kapatid ko ay napalingon sa may pintuan na nakabukas.Nagkatinginan kaming dalawa at napatakbo sa gawi ni mama sa sobrang takot.Nang sabihin namin kung anong nangyari ay pumunta siya sa may pintuan para silipin kung may tao ba sa labas.Nakatingin lang kami sa labas habang naghihintay sa susunod na mangyayari pero wala ng iba pang nangyari.Nakahinga ako ng maluwag kahit sa totoo’y natatakot parin ako.Tumingin si mama sa amin na may dala paring syansi.Sinabi niya sa amin na nung nandun daw sya sa kusina ay narinig din daw niya ang tunong ng takong na palakad sa likod ng aming bahay.Rinig na rinig ito dahil tanging kawayan lamang ang harap ng aming kusina at isa pa ay malalaki ang butas nito dahil sa disenyo.Matapos niya itong sabihin sa amin ay ipinasarado niya sakin ang pinto.Sobrang natatakot parin ako na lumapit roon kasi baka biglang magparamdam ulit yung bagay na yon.Bilis-bilis ko nalamang isinara ito at patakbong pumunta ulit sa kusina malapit kay mama.Kahit ang kapatid ko ay nandoon rin malapit sa kanya dahil natatakot parin talaga kami sa nangyari.
So yun lamang po yung story ko na isa sa nakakatakot na experience ko nung bata pa ako.Sana po ay inyong nagustuhan.

-yt

SLEEP PARALYSIS

February 14 ngayong taon nang maranasanan ko ito sa bahay namin. Mga 12 PM o tanghali ko ito naranasan nong natulog ako, gaya nong nabasa ko dito mag isa lang din ako that time kasi sina mama at papa ay umalis para bumili ng mga gamit sa bahay. After ko magsaing natulog na lang ako para pagdating nina mama ay ulam na lang ang lulutuin. Bago ako matulog pinatay ko yung TV namin at pumasok na ako sa kwarto ko para matulog. Pagising gising ako dahil inaantay ko nga  dumating sina mama pero wala pa din sila kaya pinikit ko ulit ang aking mata at tumulog.

Maya maya nagising ulit ako dahil nanaginip ako na may isang bata ang lumapit sa akin tapos balak nya akong palakulin ang aking mga paa kaya agad akong nagising at tiningnan ko yung bandang paa ko at napansin ko na wala pa din sina mama kaya pinagpatuloy ko ulit ang aking pagtulog.

Ilang minuto lang siguro non nagising ulit ako. Hindi ko alam kung totoo na nagising ako or kasama na iyon sa panaginip dahil sa mismong kwarto ko lang nangyari ang lahat lahat kaya naniniwala ako na gising ang diwa ko  at totoo ang aking bawat paggising.

Balik sa story, ayon na nga nagising ulit ako tapos nagtaka ako dahil bakit buhay yung TV namin na samantalang ako lang naman ang tao sa bahay kaya inisip ko na baka dumating na sina mama pero ilang saglit lang nakikinig ko sa labas na padating palang  si papa tapos si mama huling dumating kaya sobrang naguluhan ako kung sabay sila dumating e sinong magbubukas ng TV namin?!.

Nong nasa loob na si mama ng bahay. Tinawag ko siya at pumunta naman siya sa kwarto ko at pagdilat ko ng aking mga mata isang babae ang aking nakita na kawangis ni mama  sa bandang paahan ko. Wala siyang mukha at natitig sa akin. Hindi ko na nagawang tuluyang imulat  yung mata ko pero sa pangalawang pagkakataon, idilat ko ulit ang aking mata pero andon pa din yung kamukha ni mama sa bandang  paa ko na pinagmamasdan ako.

Sobrang kabado na ako at takot na takot. Nagsisigaw ako at tinatawag sina mama pero nong tumagal at gusto ko nang bumangon sa pagkakahiga hindi ko na maigalaw ang aking katawan at wala na din akong boses na para bang may humahawak sa akin para hindi ko maigalaw ang aking paa at kamay. Naalala ko yung nabasa ko about sa Sleep Paralysis na kwento. Maging kalmado lang at magdasal at iyon nga ang ginawa ko nagdasal ako at ilang saglit lang bigla akong nagising at agad bumangon.

Doon ko napagtanto na hindi pala totoo na dumating na sina mama. Ako pa din pala ang mag isa sa bahay. Dumating sina mama mga alas 2 ng hapon.

Kaya nong gabi ginawa ko ang lahat para hindi makatulog at pilit nilibang ang sarili dahil paano ba naman ako makakatulog kung sa mismong kwarto ko nangyari ang lahat kung saan yung kamukha ni mama ay  doon ko nakita sa bandang paahan ko sa kwarto kapag natutulog ako.

Aminado akong puyat dahil sa pag aaral at ml. College na ako at nagboboarding house lang ako kaya bihira ako bumalik sa amin pero bukas babalik ulit ako don dahil sembreak naman kaya bahala na. Ilang araw na din naman ang nakalipas .

-Akihiro

THE KNIFE

Hello po i just wanna share my experience po bali antagal napo nito di ko po talaga to makakalimutan di talaga nakakatakot pero medyo lang.
As far as i can remember bata pa talaga ako noon i think nasa 11 or 12 pa ata ako noon and I will be turning 21 this year.

Kami kami lang magkakapatid magkakasama sa bahay and ako lang mag isa nun kasi absent ako. So i was with my friends nasa labas kami nag lalaro ng water metrics sa mga nakaka alam kaway kaway kayu diyan so go back to the story naglaro kami ng naglaro hanggang nag sawa then one of my friends decided na pahinga muna then uminom muna ng tubig kasi hingal na hingal kami lahat ng friends ko and we decided na dun sa bahay namin kami iinom ng tubig lahat were like 6 people that time pagkatapos namin uminom ng tubig there is one friend of mine decided to play spirit of the glass i have a board na gagamitin sa pag lalaro nito my sister own it kaya meron kami kasi triny na namin yan with my sister.

Kumuha ako ng glass na gagamitin para patungan ng fingers namin and we start playing it but my friends made fun of it sila yung nag cocontrol kunwari may sumagot pero sila lang nagpapagalaw nun kaya we decided to stop since binibiro lang nila yung ginawa namin and were not aware what will happened next. There is a thing na lagi namin ginagawa kapag nasa bahay kami ng mga friends ko mag talukbong ng kumot, so that time nakatalukbong kami lahat so nasa loob na kami ng kumot when we heard a noice na parang sumirado yung pinto, naka open lang kasi yun habang naglalaro kami ng spirit of the glass so we were scared that time na and no one decided na lumabas kasi kami lahat takot na tako na dahil sa pinto na biglang sumirado e hindi naman mahangin that time, then mga ilang minuto we heard a noice like there is something cracking then i decided na sumilip kahit takot na takot ako nun talagang na curious ako kung ano na naman yun, pagsilip ko una talagang nahagip ng mata ko is yung knife na talagang naka tapat sa amin pero naka dikit sa ding ding kahoy kasi yung bahay namin and we have this hobby na pinapasok namin sa kwarto yung knife para iwas you know na iisa lang po kasi kwarto namin and dun kami lahat natutulog and nasa labas kusina na agad kasi were poor po but lets go back, nung nakita ko yung knife i was really scared that time na di ko talaga na tangal yung tingin ko dun sa knife its like naka magnet yung mata ko sa knife and i was like naiiyak that time kasi what happened next is yung knife eh unti unting tumataas na para bang may humahablot sa kanya sa kinalalagyan niya talagang i heard my friends calling me nag tatanong kung ano ba nakikita ko, ano ba yung narinig nila and i dont have the guts to answer kasi naka focus yung mata ko sa knife and the next thing happened is so scary naka lutang na yung knife that time and parang ready na tumilapon samin and talagang ginawa ko lahat para lang maka galaw saka ako sumigaw at tumakbo sa labas lahat ng friends ko tumakbo din papunta sa labas then i share kung ano yung nangyare and after that  i was shock kasi sabi nung isa kung friends bago sila naka labas yes nakita niya yung knife bumalik na sa pwesto na parang hindi na galaw kasi subrang naka ipit sa pader. We were so scared kaya na isipan ng friends ko lumabas and dun na then ako nag antay hanggang umuwi mga Kapatid ko galing school. And kwenento ko sa mga Kapatid ko yung nangyare and tinapon na nila yung thingy alam niyo na.

Thats it I hope you like my story its not so nakakatakot but still creepy.

UNAN

Nagwowork pa ako nun bilang call center agent sa may Taguig. As far as I remember, 8 ng gabi nun at nagkaroon muna kami ng breaktime kasama yung team ko sa building namin. Yung karamihan sa amin ay pumunta sa pantry para kumain, ako naman ay dumirecho sa sleeping quarters para umidlip ng konti. Hindi naman ako nagugutom nun at kinulang talaga ako sa tulog kaya naisipan ko na lang magpahinga sa breaktime. So nung pagpasok ko dun sleeping quarters, madilim, nakapatay yung ilaw.

In-on ko yung ilaw at bumungad sa akin yung malawak na kwarto at maraming kama. Yung kama ay nasa magkabilaang side ng kwarto kaya’t parang may pasilyong doon. So napagpasyahan ko na lang dun na lang ako sa may kama malapit sa pinto matutulog para pagkagising ko ay mabilis na akong makalabas. Bago ako matulog ay napansin ko yung isa kong workmate sa team namin na si “Beth” (not her real name) na nasa may bandang dulo ng kama, nakatalikod sya sa akin habang nakaupo sa kama kaya kitang kita ko yung mahaba nyang buhok. Nung una nagtaka ako kung paano siya kaagad nakapunta dito sa sleeping quarters gayong sa pagkaka alam ko ay ako lang naman mag-isa yung matutulog dito. Pagka breaktime nga namin ay dali dali na akong tumakbo papunta dito kaso gustong gusto ko nang matulog, dapat mapansin ko siya na nasa may unahan ko na papunta rin. Hindi ko na lang yun pinansin.

Sunod sunod na yung hikab ko kaya pagkahiga ko sa kama ay diretso tulog na ako. Actually, it’s been my first time na natulog ako sa sleeping quarters namin. Pumupunta naman ako dito kasama yung mga katrabaho ko, sila yung natutulog doon habang ako tumatambay lang at nagpo-phone. Kaya nung araw na yan, dyan ko lang na-feel kung gaano ka comfortable matulog dito.

Back to the story na tayo. Idk kung ilang oras na akong natutulog nun, basta kailangan ko talagang magpahinga that time. Mahimbing na akong natutulog nun ng out of nowhere nagising ako bigla nagreact yung katawan ko na hindi na ako makahinga. Pagmulat ko, doon ko nakita na merong isang tao na pilit dinidiin sa mukha ko yung malambot na unan. As in grabe yung pagkakatakip nya ng unan sa buong mukha ko kaya unti unti na akong nahihirapan huminga. Doon na ako nagparasisigaw pero alam kong hindi yun malakas kasi may nakatakip na unan sa mukha ko.

Nagpupumiglas na rin ako at pinipilit itulak yung unan paalis sa mukha ko.
Beh, naiiyak na rin ako nun kasi feeling ko talaga katapusan ko na nun. Malapit na rin kasi akong mawalan talaga ng hininga dahil sa grabeng pagkakatakip sa akin ng unan, nasu-suffocate na ako. Binigay ko na yung buong energy ko para itulak yung unan paalis sa mukha, sinasabayan ko na rin ng paghingi ng tulong kay lord na makaligtas ako. Nang unti-unti ko nang naaalis yung unan ay may nasilayan akong mahabang buhok. Napaisip ako bigla, si Beth yung gumagawa sa akin nun.

Gusto niya akong patayin. Nang tuluyan ko nang maalis yung unan sa mukha ko ay naramdaman ko na lang na biglang gumaan yung unan at walang nang dumidiin sa mukha ko. Napabangon ako bigla habang hinihingal. Grabe yung paglanghap ko ng hangin nun kasi muntik na akong mamatay eh. Hindi ko talaga ineexpect na mangyayari sa akin yun. Habang nahihimasmasan ay nilibot ko yung paningin ko sa kwarto ko.

Ako na lang mag-isa sa loob, biglang tumakas si Beth. Siguro ay nagui-guilty sa ginawa nya sa akin. Akala nya ata mapapatay nya ako. Si Beth lang naman yung gagawa sa akin nun kasi sya lang yung kasama ko sa sleeping quarters, tsaka nakita ko rin yung mahaba nyang buhok kaya sya lang yung pinagsususpetyahan ko na gustong patayin ako.

Idk kung bakit nya ginawa yun sa akin, eh wala naman akong kasalanan sa kanya at hindi naman kami magka-away. Nakaramdam na ako nun nang galit kay Beth kaya kaagad akong umalis sa sleeping quarters at hinanap siya para komprontahin. Pagpunta ko sa workplace namin, nakasalubong ko yung TL namin. Doon ay tinanong ko siya kung nasaan si Beth. Galit na galit na ako that time. Tinanong naman ako ng TL namin ng
“bakit?”.
Kwinento ko sa kanya yung ginawa sa akin ni Beth habang natutulog ako sa sleeping quarters. Pagkatapos kong magkwento, napalaki na lang yung mata nya sabay sabing

“Hindi mo ba alam na absent si Beth ngayon? Hindi sya papasok kasi birthday ng nanay nya magcecelebrate silang magpapamilya. Saka hindi naman yun magagawa ni Beth sa’yo.”

Speechless na lang ako ng mga oras na yan.
Pinakita pa sa akin ng TL namin yung chat sa kanya ni Beth sa Messenger na nagpapaalam sya sa kanya na hindi sya muna papasok nung araw na yan. May pinakita rin sa akin si TL na facebook post ni Beth. 7:24pm nagpost si Beth ng picture niya kasama yung nanay nya at may mga handa sa lamesa. May caption pang “Happy Birthday Nanay!”.

Doon na lang ako bigla akong napatulala.
Kung hindi pala si Beth yung gumawa nun sa akin, sino pala yung gustong pumatay sa akin. Mahabang buhok yung nakita ko. Si Beth lang naman yung long hair sa team namin.

Narinig ko na lang na nagsalita yung TL namin at halos kilabotan ako sa narinig ko.

“Wag ka nang matutulog mag-isa doon sa sleeping quarters. Nangyari na din sa akin yan nung matulog ako doon mag-isa.
May nagpaparamdam pala doon na babae.”

⊙⁠﹏⁠⊙

Kaya pala nagpapasama sa akin yung mga kaworkmates ko na pumuntang sleeping quarters para makatulog sila… ng ligtas.

Umalis na rin kaagad ako sa company na yan after 2 weeks dala ng trauma at takot na binigay sa akin sa loob na building na yan.

HOTEL GEYLANG SINGAPORE

Kwento ko lang yung medyo nakakatakot
na nangyari samin ng common-law ko way back years ago..
November 2012, We decided na mag-vacation leave
sa Singapore.. 1 month kami nagstay dun balak na nga sana namin dun magwork kaso bihira ang direct hire at
medyo malaki ang bayad sa agency kaya hindi na tinanggap ang offer nila..

Take note, dito naranasan namin ma-scam sa paupahang condo buti na lang may pinsan akong sumaklolo para makabalik ulit kami sa Middle East.. So ito na nga,
Bumili lang kami ng ticket sa DNATA (mura ticket dito)
which we found out na dapat pala tour package na kinuha namin dahil napadpad pa kami sa Haunted Hotel ng Singapore.. Lumapag ang eroplano sa Changi Airport, nagstay muna kami dun ng ilang oras sa paghahanap ng place na matutuluyan, Prior sa flight namin may nakausap na kami na dapat dun kami magsstay kaso biglang hindi na available pagdating namin sa SG..

Kaya ayun todo hanap kami sa online ng keri lang sa budget na hotel kaso wala kami nahanap na mura.. Dahil sa inip at pagabi na nun sumakay kami ng taxi at sabi namin sa driver ihanap kami ng medyo malapit lang sa airport na murang hotel or kahit hostel.. Sabi ng driver

“Ok, I know many cheap hotels, I’ll get you there”

Natuwa naman kami at ngpasalamat..
Dinala kami sa Geylang, sabi ng driver pwede muna daw kami magtanong kung may available pa..
Kaya bumaba ako sa unang hotel, unfortunately fully-booked na ung standard room pati deluxe room kaya puro may kamahalan na room na lang.. Kaya dinala ulit kami sa pangalawang hotel, medyo maliit lang pero as usual fully-booked ulit..

Parang 2 or 3 kanto lang mula sa napagtanungan namin, Dito na sa pangatlo, bumaba ulit ako at nagtanong sa receptionist kung may available.. Tinanong muna aq kung 1st timer sa SG..Sumagot naman ako ng yes..Sabi meron daw nag-iisang deluxe room na bakante pero presyong standard room lang daw pag nag-check in kami nung gabi na yun.. Sabi ko pa swerte namin may paganyan pala pag 1st timer na tourist sa SG.. Nagbayad muna kami, Then ayun nga may nag-assist sa maleta namin paakyat sa
“4th Floor
” Sabi pa samin
“Enjoy your stay”
Pagpasok namin ang bigat ng ambiance, though medyo kumpleto may tv, ref, coffee maker,electric kettle, blower, walk in closet, may pa-snacks at kung anu ano pa na kadalasan naman nasa hotel..

Kapansin pansin ang napakalaking salamin sa harap mismo ng kama..Ewan ko ba nung pgtingin ko pa lang dun kinilabutan agad ako (pero hindi dahil sa ichura ko ah hehe).. Ok naman ang interior ng kwarto pero nakakakilabot sa pakiramdam parang may mga matang nakamasid
(ganun yung feeling)

1st night
Nung mga oras na yun sobrang hina ng wifi, nakakainip mag-online..Kaya kumain muna kami ng dinner dahil sa may baon kaming pagkain hindi na kami bumili..Pagtapos nun dahil sobrang pagod sa byahe nakatulog agad kami..
Ilaw lang ng lampshade ang bukas, Nang naalimpungatan akong may nagbababa ng comforter paglingon ko sa partner ko tulog na tulog siya.. Take note medyo mabigat ung comforter kaya imposibleng hanginin dahil sa aircon..
Pero isinawalang bahala ko dahil nga sa antok at pagod..

Kinabukasan pagtapos kumain ng almusal
Gumala muna kami, lakad here, lakad there, lakad everywhere ang peg para kahit paano maging familiar kami sa place.. Nakita namin sa katanghalian tapat may mga prostitute na nagkalat, no wonder nasa “red district” nga pala kami.. Kumain kami ng lunch sa maliit na kainan malapit sa hotel.. At pagtapos nagpaikot ikot ulit sa geylang, nagfoodtrip pa kami ng streetfood infairness ang sasarap ng pagkain dun.. Bago gumabi nakabalik na kami sa hotel..
Nagoonline ako nun pero mabagal pa sa pagong, kaya tumawag ako sa reception, ang sabi stable naman daw ang internet hindi nya daw alam bakit sa room lang namin may problema.. Kaya nag-ayos muna kami ng gamit bago kumain ng hapunan.. After nag-movie marathon na lang kami kesa antayin bumilis yung wifi..

2nd night,
Nakatulog na kami
nagising akong bukas ung tv, pagkaalala ko
ako huling natulog at ako mismo nagpatay ng tv..
Habang iniisip ko kung napatay ko ba talaga yun
bigla ba namang namatay yung tv.. Shit na malagkit!!! At ito pa! Kitang kita kong may nakatayo sa gilid ng kama..
Paano ko nakita? Yung malaking salamin katabi ng wall- mounted na tv (imaginin nyo)
Confirmed na hindi lang kami ang nagsstay dun.. Ito na nga dahil sa takot ko, hindi ko alam paano pa ako nakatulog nung gabing yun..

Kinaumagahan,
Sa labas kami nag-agahan nagtanong ako sa partner ko kung may napapansin ba siya sa room namin.. Sabi niya
natakot daw siya nung magising siya madaling araw na biglang may humiga sa kama katabi namin dahil lumubog ung kutson (imaginin nyo ulit)
At ito pa yung tsinelas ko napadpad sa ilalim ng kama
pagkapa ko biglang nanlamig kamay ko at hindi ko ito makuha imposible kasi abot ko yun, pagtingin ko kitang kita ko kung paano lumayo yung tsinelas na parang may humihila SHIT!!!

Kaya nagpasya kami humanap ng malilipatan
Nakapagbook kami sa isang hostel na malapit dun kaso
kinabukasan pa daw available.. Dahil nga sa mas mura
yung rate pumayag kami na kinabukasan pa makakapagcheck-in..

Last day & night,
Bumalik kami sa hotel, nagayos ng maleta namin
Then nung magtatanghalian na bumaba partner ko para bumili ng kakainin namin medyo ilang kanto pa yung bibilhan nya, kaya naligo na muna ako
Ilang sandali lang na pagpasok ko sa banyo, narinig kong bumukas yung tv at nilaksan pa talaga ang volume,
Sa isip isip ko, “Ambilis naman makabalik”
Nung nagsasabon na ako, pilit binubuksan yung pinto
ng cr, dun na ako nagtaka dahil hindi naman nakalock yun,
Kahit may sabon pa binuksan ko yung pinto
Walang tao, inisip ko baka pinaprank ako kaya sinilip ko ung hole sa pinto wala pa talaga partner ko,
kinuha ko remote at pinatay yung tv..
Pagbalik ko sa cr nagflush ung toilet at binuksan yung shower Putragis talaga!!! Nagmadali akong magbanlaw at kamuntikan pa akong madapa nung time na yun..
Nakabihis na ako ng umupo ako sa kama habang nagsusuklay , Biglang may humihinga,
yung malakasang inhale at exhale.. Pucha!!!
Lakas loob kong hinanap kung saan nanggagaling
Shit!!! Sa ilalim ng kama, patakbo na sana ako palabas
Nang biglang may kumatok, yung partner ko dumating
dala yung pinamili niyang pagkain namin..
Ano daw nangyari sakin? Hindi ko makwento dahil
mas matatakutin pa ito kesa sakin..
Bumaba kami at gumala ulit sa geylang
kinabisado namin saan ang sakayan ng bus at anong oras yung schedule.. Napansin namin hindi lang pala sangkaterbang prostitute meron dun,  pti sangkaterbang adik meron din, kabilaan ang bentahan ng kung anu-anong illegal pero hindi kami nagpahalatang tumitingin sa kanila pasalamat na lang kami hindi kami napagtripan..

Heto na huling gabi
Pagtapos manood ng balita, matutulog na sana kami..
Maya maya pa, lumubog yung kama, Shit!!! Ramdam namin
dalawa at gising na gising pa kami.. Nagkatinginan kami
at nagtalukbong, walang usap usap at nakatulog kami..
Nagising akong hinihila pababa yung kumot namin
nakikipaghilahan ako sa pag-aakalang partner ko
yun.. Pucha!!! nakita kong tulog na tulog partner ko,
At hinayaan kong mahila pababa yung kumot namin
Hindi ako nakagalaw, Hindi ako nakapagsalita
Nang may babaeng nakatayo
hawak hawak yung kumot namin!!!!!
Dahil sa kilabot, Hindi ko mamukhaan dahil iniwas ko agad ang tingin ko, Pero rinig ko yung sinabi niya “HEEELLLPPP”

Hindi na ako nakatulog nung gabing yun,
nakapikit lang ako at ramdam ko nakakatitig lang siya sa amin buong magdamag..

P.S
Isearch nyo na lang para malaman ninyo kung anong hotel.. Keywords: “geylang, murder at 4th floor” at makikita nyo na kung bakit nagparamdam samin yung babae..

Maraming Salamat po ulit..

A’chi

HOTEL GEYLANG SINGAPORE

Kwento ko lang yung medyo nakakatakot
na nangyari samin ng common-law ko way back years ago..
November 2012, We decided na mag-vacation leave
sa Singapore.. 1 month kami nagstay dun balak na nga sana namin dun magwork kaso bihira ang direct hire at
medyo malaki ang bayad sa agency kaya hindi na tinanggap ang offer nila..

Take note, dito naranasan namin ma-scam sa paupahang condo buti na lang may pinsan akong sumaklolo para makabalik ulit kami sa Middle East.. So ito na nga,
Bumili lang kami ng ticket sa DNATA (mura ticket dito)
which we found out na dapat pala tour package na kinuha namin dahil napadpad pa kami sa Haunted Hotel ng Singapore.. Lumapag ang eroplano sa Changi Airport, nagstay muna kami dun ng ilang oras sa paghahanap ng place na matutuluyan, Prior sa flight namin may nakausap na kami na dapat dun kami magsstay kaso biglang hindi na available pagdating namin sa SG..

Kaya ayun todo hanap kami sa online ng keri lang sa budget na hotel kaso wala kami nahanap na mura.. Dahil sa inip at pagabi na nun sumakay kami ng taxi at sabi namin sa driver ihanap kami ng medyo malapit lang sa airport na murang hotel or kahit hostel.. Sabi ng driver

“Ok, I know many cheap hotels, I’ll get you there”

Natuwa naman kami at ngpasalamat..
Dinala kami sa Geylang, sabi ng driver pwede muna daw kami magtanong kung may available pa..
Kaya bumaba ako sa unang hotel, unfortunately fully-booked na ung standard room pati deluxe room kaya puro may kamahalan na room na lang.. Kaya dinala ulit kami sa pangalawang hotel, medyo maliit lang pero as usual fully-booked ulit..

Parang 2 or 3 kanto lang mula sa napagtanungan namin, Dito na sa pangatlo, bumaba ulit ako at nagtanong sa receptionist kung may available.. Tinanong muna aq kung 1st timer sa SG..Sumagot naman ako ng yes..Sabi meron daw nag-iisang deluxe room na bakante pero presyong standard room lang daw pag nag-check in kami nung gabi na yun.. Sabi ko pa swerte namin may paganyan pala pag 1st timer na tourist sa SG.. Nagbayad muna kami, Then ayun nga may nag-assist sa maleta namin paakyat sa
“4th Floor
” Sabi pa samin
“Enjoy your stay”
Pagpasok namin ang bigat ng ambiance, though medyo kumpleto may tv, ref, coffee maker,electric kettle, blower, walk in closet, may pa-snacks at kung anu ano pa na kadalasan naman nasa hotel..

Kapansin pansin ang napakalaking salamin sa harap mismo ng kama..Ewan ko ba nung pgtingin ko pa lang dun kinilabutan agad ako (pero hindi dahil sa ichura ko ah hehe).. Ok naman ang interior ng kwarto pero nakakakilabot sa pakiramdam parang may mga matang nakamasid
(ganun yung feeling)

1st night
Nung mga oras na yun sobrang hina ng wifi, nakakainip mag-online..Kaya kumain muna kami ng dinner dahil sa may baon kaming pagkain hindi na kami bumili..Pagtapos nun dahil sobrang pagod sa byahe nakatulog agad kami..
Ilaw lang ng lampshade ang bukas, Nang naalimpungatan akong may nagbababa ng comforter paglingon ko sa partner ko tulog na tulog siya.. Take note medyo mabigat ung comforter kaya imposibleng hanginin dahil sa aircon..
Pero isinawalang bahala ko dahil nga sa antok at pagod..

Kinabukasan pagtapos kumain ng almusal
Gumala muna kami, lakad here, lakad there, lakad everywhere ang peg para kahit paano maging familiar kami sa place.. Nakita namin sa katanghalian tapat may mga prostitute na nagkalat, no wonder nasa “red district” nga pala kami.. Kumain kami ng lunch sa maliit na kainan malapit sa hotel.. At pagtapos nagpaikot ikot ulit sa geylang, nagfoodtrip pa kami ng streetfood infairness ang sasarap ng pagkain dun.. Bago gumabi nakabalik na kami sa hotel..
Nagoonline ako nun pero mabagal pa sa pagong, kaya tumawag ako sa reception, ang sabi stable naman daw ang internet hindi nya daw alam bakit sa room lang namin may problema.. Kaya nag-ayos muna kami ng gamit bago kumain ng hapunan.. After nag-movie marathon na lang kami kesa antayin bumilis yung wifi..

2nd night,
Nakatulog na kami
nagising akong bukas ung tv, pagkaalala ko
ako huling natulog at ako mismo nagpatay ng tv..
Habang iniisip ko kung napatay ko ba talaga yun
bigla ba namang namatay yung tv.. Shit na malagkit!!! At ito pa! Kitang kita kong may nakatayo sa gilid ng kama..
Paano ko nakita? Yung malaking salamin katabi ng wall- mounted na tv (imaginin nyo)
Confirmed na hindi lang kami ang nagsstay dun.. Ito na nga dahil sa takot ko, hindi ko alam paano pa ako nakatulog nung gabing yun..

Kinaumagahan,
Sa labas kami nag-agahan nagtanong ako sa partner ko kung may napapansin ba siya sa room namin.. Sabi niya
natakot daw siya nung magising siya madaling araw na biglang may humiga sa kama katabi namin dahil lumubog ung kutson (imaginin nyo ulit)
At ito pa yung tsinelas ko napadpad sa ilalim ng kama
pagkapa ko biglang nanlamig kamay ko at hindi ko ito makuha imposible kasi abot ko yun, pagtingin ko kitang kita ko kung paano lumayo yung tsinelas na parang may humihila SHIT!!!

Kaya nagpasya kami humanap ng malilipatan
Nakapagbook kami sa isang hostel na malapit dun kaso
kinabukasan pa daw available.. Dahil nga sa mas mura
yung rate pumayag kami na kinabukasan pa makakapagcheck-in..

Last day & night,
Bumalik kami sa hotel, nagayos ng maleta namin
Then nung magtatanghalian na bumaba partner ko para bumili ng kakainin namin medyo ilang kanto pa yung bibilhan nya, kaya naligo na muna ako
Ilang sandali lang na pagpasok ko sa banyo, narinig kong bumukas yung tv at nilaksan pa talaga ang volume,
Sa isip isip ko, “Ambilis naman makabalik”
Nung nagsasabon na ako, pilit binubuksan yung pinto
ng cr, dun na ako nagtaka dahil hindi naman nakalock yun,
Kahit may sabon pa binuksan ko yung pinto
Walang tao, inisip ko baka pinaprank ako kaya sinilip ko ung hole sa pinto wala pa talaga partner ko,
kinuha ko remote at pinatay yung tv..
Pagbalik ko sa cr nagflush ung toilet at binuksan yung shower Putragis talaga!!! Nagmadali akong magbanlaw at kamuntikan pa akong madapa nung time na yun..
Nakabihis na ako ng umupo ako sa kama habang nagsusuklay , Biglang may humihinga,
yung malakasang inhale at exhale.. Pucha!!!
Lakas loob kong hinanap kung saan nanggagaling
Shit!!! Sa ilalim ng kama, patakbo na sana ako palabas
Nang biglang may kumatok, yung partner ko dumating
dala yung pinamili niyang pagkain namin..
Ano daw nangyari sakin? Hindi ko makwento dahil
mas matatakutin pa ito kesa sakin..
Bumaba kami at gumala ulit sa geylang
kinabisado namin saan ang sakayan ng bus at anong oras yung schedule.. Napansin namin hindi lang pala sangkaterbang prostitute meron dun,  pti sangkaterbang adik meron din, kabilaan ang bentahan ng kung anu-anong illegal pero hindi kami nagpahalatang tumitingin sa kanila pasalamat na lang kami hindi kami napagtripan..

Heto na huling gabi
Pagtapos manood ng balita, matutulog na sana kami..
Maya maya pa, lumubog yung kama, Shit!!! Ramdam namin
dalawa at gising na gising pa kami.. Nagkatinginan kami
at nagtalukbong, walang usap usap at nakatulog kami..
Nagising akong hinihila pababa yung kumot namin
nakikipaghilahan ako sa pag-aakalang partner ko
yun.. Pucha!!! nakita kong tulog na tulog partner ko,
At hinayaan kong mahila pababa yung kumot namin
Hindi ako nakagalaw, Hindi ako nakapagsalita
Nang may babaeng nakatayo
hawak hawak yung kumot namin!!!!!
Dahil sa kilabot, Hindi ko mamukhaan dahil iniwas ko agad ang tingin ko, Pero rinig ko yung sinabi niya “HEEELLLPPP”

Hindi na ako nakatulog nung gabing yun,
nakapikit lang ako at ramdam ko nakakatitig lang siya sa amin buong magdamag..

P.S
Isearch nyo na lang para malaman ninyo kung anong hotel.. Keywords: “geylang, murder at 4th floor” at makikita nyo na kung bakit nagparamdam samin yung babae..

Maraming Salamat po ulit..

A’chi

WHERE’S CHRISTINE

This is the story of my fav cousin, Cristine.

I am 5 years older to Cristine, 4 years old pa lang siya, sumasali na siya sa mga singing contest sa school. 4 silang magkakapatid, at siya lang yung madaldal, clingy, clumsy, and fav ng mga tita namin, even though napaka mean kid niya. Kapag nakakarinig siya ng bagay na naoffend siya o hindi niya gusto, mabilis siya sumagot pabalik. And always on Top din si Cristine, hindi ko alam sakanya, kahit puro t.v. lang at music ang inaatupag, matalino pa rin siya.

Dumating yung time na, biglaang laki nang pinagbago sa pamilya. 2009, nawala for 1 week si Cristine, walang nakaka alam kung nasaan siya, hindi siya matawagan, walang tumatawag for ransom, or threat, wala ni isang anino or clue kung patay na ba siya o hindi pa.

Unang araw palang nag aalala na ang lahat, 6years old palang si Tin, anong laban ng 6years old na bata? Halos mabingi ako sa sobrang tahimik ng bahay, madami naman kami dito, pero ni wala kang nakakasalubong kahit umupo kapa sa hagdan, siguro sa laki ng bahay, hindi mapuno ng siyam na tao, kay lolo kasi itong bahay, and ngayon doon naman siya nakatira sa isa niya pang bahay kasama yung mga tita naming mga wala pang asawa.

24 hours na, bago magawan ng aksyon ng mga pulis. Sabi nila non, wala daw nakakita sakanya sa school nung araw na yon, ni hindi nga daw siya pumasok, hindi din daw siya napansin ng guard kung pumasok na ba siya o hindi, pero sabi ni tita (mama ni tine) hinatid pa nga daw niya si tine sa kahapon. E that time, hindi pa uso yung cctv sa tapat ng school nila, private pero walang cctv hanep e no hahaha. Habang nag uusap sila sa tapat ng school, may lumapit na babae, sabi niya non, baka pwede niya icheck cctv nila, kasi ilang lakaran lang yung bahay nila and hagip yung harap ng school ng kaunti.

Bakit ko alam? Because I was there, and eleven na ako that time, everything was unforgettable since Cristine was suddenly gone.

2nd day, ipinatawag si tita (mama ni tin), para tingnan yung cctv record nung araw na nawala si tin. Sabi ng tita, pag pasok daw ni Tin, lumabas siya nung nakaalis na siya, at galit na galit siya ano daw ginagawa ng guard that time? Paano pa nakalabas si Tin? Naglakad siya, hanggang may nasalubong daw siya, then doon na daw siya sumama. Hindi na makita sa cctv yung itsura kung matanda ba o ano, dahil papalayo na sa cctv yung pinuntahan nila. Naghanap hanap pa sila tita if may ibang bahay pa na may cctv or kanto, wala na. Dahil, sa way na yun, papunta ng gubat, wala na gaanong mga bahay. Hindi naman masisi ni tita yung guard, dahil bago lang siya that time, hindi niya pa namumukhaan lahat.

Inabot ng halos isang linggo, walang update, walang nangyayari, halos hindi na sabay sabay kumain sa almusal, hapunan, puro balita nalang pinapanood baka sakaling may maibalita na pwedeng clue if si Cristine ba iyon, pero wala talaga.

7th day ng pagkawala ni Cristine, halos nanlulumo na ang lahat kasi wala na siguro talaga si Cristine. Nagpapakita na daw si Cristine sa panaginip ni tita na nakauwi na daw siya. Umiiyak na lagi si tita, yakap yakap yung fav na damit ni Cristine.

That time, nagsama sama na kaming kumain, maliban sa ate ni Cristine na si Crisa, busog daw kasi siya, tahimik, na malamig, pero parang kasama namin si Cristine. Biglang may kumatok sa pintuan, tatlong beses, tumunog pa phone ni tita, pinacheck sa akin habang papunta sila ni tito sa pintuan, paghawak ko sa phone, tumunog ulit…

Text Message 8:00pm

Cristine: Ma I miss you

Cristine: I am home

Nanginig ako, halos nabitawan ko yung phone ni tita, napatingin sila lahat sa akin umiiyak na ako, lumapit sa akin si tita tanong siya ng tanong ng bakit, pagbukas ni tito ng door, walang tao. Tiningnan ni tita kung ano nabasa ko and she freaked out, lumapit sila lahat, then suddenly the door heavily closed, hindi sa front door, kundi sa taas isa sa mga kwarto ang nagsara. It feels so heavy kahit nasa isip ko baka si Crisa yon,  tito called her but she wasn’t answering, baka matutulog na siya.

Pinapakalma nila mama si Tita, habang tumatawag sa pulis si tito, yung iba tinatapos na yung pagkain. May biglang nagpatugtog sa taas, maririnig mo talaga dahil sa tahimik ng tahanan after nung pagsara ng pinto, nagkaroon talaga ako ng malupitang goosebumps that time, dahil si Tin lang ang nagpapatugtog sa bahay, nataranta pa ang lahat nang tumili si ate Crisa ng “AAAHH PAPA!” Tumakbo halos lahat sa itaas, napatigil si tito nung nakapwesto si ate Crisa sa tapat ng kwarto ni Cristine. Pagtingin namin, nakaupo si Cristine sa higaan niya, dala ang bag niya, malinis ang mga damit, kahit ang sapatos niya, dahan dahan siyang lumingon at ngumiti,

“Hi, I am home”…

Saan nagpunta ang 6 years old na si Cristine? … .


LOOP

Ang papa ko dating truck driver sa saudi. Nung makapagtapos ang dalawang ate ko ng college at makapagtrabaho na sinabihan nila syang umuwi na. Humirit si tatay ng isa pang kontrata. Yun pala may balak na sya pagka hindi na sya babalik ng saudi. Sa loob ng tatlong taon nag ipon sya para makapag pundar ng isang tricycle na pinapasada nya sa pinsan ko at isang suv. Naging grab driver si papa. Sya kasi yung klase ng tao na ayaw ng walang ginagawa. Hatid nya rin ako lagi sa school. Pag uwian ko na rin andyan na sya. Hindi naman ako pala galang tao kaya school-bahay lang ako.

Mas gusto kong nakahiga ako nagifb. On this particular day maaga uwian ko kasi yung teacher last  subj wala. Siguro naghintay ako kay tatay ng kalahating oras kasi may pasahero sya nung tinext ko sya. Mauuna na dapat ako kaya lang sabi nya hindi at magsasamgyup kami nila nanay dadaanan daw namin si nanay sa bahay. Doon ako tumambay sa labas ng lib kasi may free wifi. Tas nagtext na si tatay. Labas na kong school. Pagsakay ko alis na kami  tas may tumawag kay tatay tamang tama kasi red yung ilaw. Sinagot nya.

Naku

ma’am pasensya na po kasama ko na kasi bunso ko sa iba na lang ma’am”
patingin tingin sya sakin tapos nung magkatinginan kami nag excuse sya sa kausap nya.

Inaarkila

ako nung

estudyante

sa

uste

anak sa bulacan daw”

“Baba na lang po ako sa sabado na lang po tayo mag

samgyup


ready na kong bumaba tapos hinawakan ako ni tatay sa braso

“Sama ko na lang sya ma’am. Sige po

sigurado

ma’am ha dun lang ma’am”
binaba nya cp nya tumingin sakin.
“May

naholdap

na naman sa

bababaan

mo anak

katirikan

ng araw kaya ayoko. Maaga pa naman kaya

makaka

samgyup

pa tayo

pagkabalik

. Para sabay na rin sa

hapunan

So mula sa school ko, nagpunta kaming ust. Babae. Ang ganda. Nainggit ako sa poreless na mukha. Sa likod sya umupo. Nakashades sya tapos para syang nilalamig. Tinulungan namin sya ni tatay sa mga dala nya. Kami lang talaga ni tatay lumabas ng sasakyan sa pakiusap nya. Palabas na kami ng cubao nung bigla syang umiyak. Nung tinigil ni tatay yung sasakyan kasi nagulat talaga kami bigla na lang syang umiyak sabi nya wag gusto na nyang makauwi. Kaso iyak talaga sya ng iyak. Kapapasok pa lang naming bulacan nung may maraanan kaming sari sari store. Tinabi don ni tatay kahit nakikiusap na si ate girl na magdrive lang sya. Si tatay bumaba bumili syang tubig at biscuit. Ako naman sa rearview mirror tinitignan yung babae. Tanggal na shades nya iyak talaga sya mugto na mata nya pulang pula na mukha. Tas napatingin ako sa likod. Parag may silhouette ng tao sa pinakalikod. Kaya lang paglingon ko wala. Natakot ako pero konti pa lang. Pagsakay ni tatay inabot nya sakin isang bote at biscuit tas ganun din kay ate.

“Sige na

iiyak

mo na dito”
si tatay habang sinasabi yun sa rearview lang din sya nakatingin. Bigla syang napalingon sa likod. Tingin ulit sa rearview. Tingin sa labas. Bago sya magdrive ulit pumikit sya nagdasal. Natatakot man tumingin ako sa rearview. Andon na naman ung silhouette. Di na ko tumingin sa likod. Inabala ko sarili ko sa cp ko basa basa ng kwento ni cecelib para mawaglit takot ko. Tas may nag udyok sakin na tumingin sa bintana. Yung sari-sari store ulit na pinagbilhan ni tatay. Tingin ako kay tatay. Di nya ko tinignan pero hinawakan nya ko sa kamay. Mahigpit. Tuloy lang sya sa pagdadrive. Ikatlong pagdaan na namin sa sari-sari store yung cp ni tatay dun ko napansin naka off na. Ikaapat ng balik namin. Inopen ko data ko. Wala. Kahit E man lang wala. Ika lima, ika anim. Ika pito tumigil si tatay sa tapat ulit ng sari sari store. Si ate girl oblivious pa rin sa kung anong nangyayari. Nag aalala ako kay tatay kaya bumaba rin ako. Tinawag ko sya.

bumalik

ka sa

sasakyan

ciara! ’
sigaw nya. Sa takot ko balik ako sa loob. Sumunod din agad si tatay. Drive sya ulit. Nakisabay na ko sa pag iyak ni ate girl nung ikawalong pagdaan namin sa sari sari store. Si tatay bumaba ulit. Dala nya yung extra nyang damit. Sinabit nya dun sa harap ng tindahan. Silip ako sa bintana. Yung kalsada sa harap namin, yung sari sari store lang ang may ilaw. Streetlights as in wala. Pagsakay ni tatay drive ulit. Sampong beses na. Talagang paikot ikot lang kami kasi andun sa may pinagsabitan ni tatay yung damit nya. Sabay kaming tumingin sa rearview. Andun na sa tabi nung babae yung silhouette.
‘ma’am anong gagawin mo sa paghahatiran namin sayo?’ tanong ni tatay. Natigil yung babae.

‘po?’

‘sampong

beses

na

tayong

nagpabalikbalik

sa

tindahang

ito ma’am’
drive ulit si tatay. This time ung babae nakatingin na sa bintana. 11th time andun na naman kami sa sari sari store. Andon pa rin damit ni tatay. Iyak sya. Yung silhouette pagtingin ko sa rearview hinahaplos si ate girl sa buhok.

‘anak

bakit

anong problema?
sa buong panahong pagiging grab driver ko madalas na kitang maisakay. Lagi nyo na kong inaarkilang magkakaibigan. hindi ka naman dating ganyan. bakit anak?’ habang sinasabi un ni tatay nakalingon sya kay ate girl. Tas lingon sya bigla sa rearview. Humawak ako sa kamay nya eh. Ung silhouette kasi hinahaplos ung tyan ni ate girl. As in silhouette lang sya hugis tao pero kahit may ilaw di makita physical features nya.
‘dito ka sa gitna namin ng anak ko anak halika dito’ sunod naman sya. Dun na sya nagsalita.

‘sabi nya po hiwalay sila ng asawa nya pero nung sinabi kong buntis ako sinabi nya hindi pwede ipalaglag ko raw po’ nagmura si tatay tapos niyakap sya. Nakakarelate kami ni tatay kasi ung pinakapanganay kong ate naanakan din ng may asawa. Sundalo. Di nya sinabing may asawa sya kay ate.

‘ipapalaglag mo?’ tanong ni tatay tango lang sya ng tango ako naman hinahaplos sya sa likod. Naalala ko ate ko pero atleast si ate ko okay na ngayon. Cute cute nga ng pamangkin ko eh. ‘dahil sinabi nya? Bakit hindi mo ba mahal anak mo?’

‘parents ko po magagalit patitigilin po ko baka palayasin ako’

‘alam mo na ganito din anak ko panganay ko pa. Niloko din sya. Kami ng asawa ko nagalit din sino bang magulang ang matutuwa na mabubuntis anak mo eh di pa nya kayang buhayin anak nya? Nasa saudi ako nun iyak ako ng iyak sinisisi ko sarili ko kasi malayo ako sakanila kaya siguro nakulangan sa gabay ng isang ama. Pero alam mo ba pagkakita ko sa apo ko nawala lahat ng galit ko. Tanggapin mo anak galit nila. Kasi di mo matatanggi may kasalanan ka rin. Kung patitigilin ka kailangan naman un dahil nga manganganak ka. Pero sinasabi ko sayo kung ang isang magulang mahal na tunay ang anak nya, mas mahahalin pa nilang higit ang apo nila’

Taga cavite si ate girl. Bago magdrive si tatay hinawakan sya nung silhouette sa braso. Sunod ako. Tapos hinalikan nya si ate girl sa buhok. After nun nakalabas na kami sa loop na ginawa nya. Hinatid naming cavite si ate girl. Habang nasa byahe tinawagan ni ate girl mama at papa nya.

Sorry sya nang sorry. Iyak pa rin sya nang iyak. Pero pagdating namin sakanila nakaabang na mga magulang nya sa gate. Niyakap sya. Nag usap si tatay at yung papa nya. Iyak ng iyak ung mag asawa nung sabihin ni ate girl balak nya. Sinampal nga sya ng papa nya. Nalaman namin ni tatay na doktor pala. Sunod na gabi kami nakapag samgyup nila tatay. Nakwento namin kay nanay.
‘anghel un. Maniwala kayo sakin. Siguro unf anghel dela guardia mo mahal nag usap sila nung anghel dela guardia nung babae na pakausap sayo ung bata kasi may words of wisdom ka’ sabi ni nanay

‘wala namang

pakpak

nay

bulto

lang daw eh’
ate kong pangatlo

Pinanlakihan syang mata ni nanay ‘espirito sila dito sa mundo para silang liquid na kahit anong form magagawa nila. Nabasa ko un sa kwento dun sa page na sinusubaybayan ko. Naniniwala ako don kasi totoo ung mga anghel na nagbababala balikan ko mamaya anong pangalan nung sender’

Irish

CREEPYPASTA 666

So yung story ko ay about samin ng bestfriend ko when she tried to search this video.

Years ago (I can’t remember exactly when) magisa ako sa bahay. Syempre akong si matatakutin nagtawag ng kaibigan na makakasama sa bahay hanggang sa dumating ang parents ko. So ayun na nga, dumating si ana, nanuod kami ng movie and nagkwentuhan. Nakwento nya sakin yung about sa creepy video na creepypasta 666 daw. That time fresh pa yung vid so curious na curious sya don lalo na may kumakalat daw na creepy na story about dun. Sabi nila wag mo daw papanuorin yun ng magisa kasi may namatay na daw dahil dun. So ayun di ko tinry panuorin. Matatakutin nga ako. E kaso makulit ang best friend ko nagpumilit sya panuorin yun. So sabi ko, sige pero maliligo muna ako. Iniwan ko sya sa kwarto pati laptop ko.

Then habang naliligo ako, narinig ko yung aso ko may kinakahulan. Weird. Kasi di ganun tumahol ang aso ko. Yung tahol nya galit na galit sya at yung ingay ng tahol nya ay nanggagaling sa kwarto ko. So nagmadali ako sa paliligo. Nagtataka na talaga ako kase kilala ng aso ko si ana. So nagbihis ako, lumabas ako ng banyo at dumiretso sa kwarto. Pagdating ko andun yung aso ko nakakagat sa kamay ng best friend ko. Pero yung kagat na hindi nya intention saktan to tinatanggal nya yung kamay ng best friend ko sa laptop. At yung best friend ko. Tulala.

Tulala padin sya nun. Natataranta na ko kaya nasampal ko sya. Bigla syang natauhan. Bigla syang umiyak at niyakap yung aso ko.

Kumuha ako ng tubig at pinainom sa kanya hinintay ko syang kumalma.

Maya maya nagkwento sya. Sinearch nya daw yung vid. Tapos bigla naghang yung laptop tinry nya ayusin at habang ginagawa nya yun the screen turned red. All bloody red. Natakot na sya kasi ganun daw yung sa story na narinig nya about sa vid. Tinry nya bitawan yung laptop pero di nya magawa di makawala yung kamay nya. Then pumasok yung aso ko sa kwarto at nagtatatahol. Akala nya sinapian ng demon yung aso ko. Akala nya lalapain sya. Pero narealize nya nung tignan nya to hindi sya yung tinatahulan nakatingin sa likod nya yung aso ko. Hindi daw sya makalingon natatakot sya kung anong meron dun. Di tumigil yung aso ko sa pagtahol at pagtulong sa kanya tanggalin yung pagkakahawak nya sa laptop pero wala, di nya maalis, alam nyang may tao padin sa likod nya takot na takot na sya. Umiiyak sya nung kinukwento nya yun. Di nya naramdaman ang pagdating ko. Parang naninigas katawan nya sa takot. Nakahinga lang sya ng maayos nung nawala yung presensya ng tao sa likod nya at nabitawan nya yung laptop.

Natatakot nadin ako nung nagkukwento sya pero diko pwede ipakita yun. Kailangan may magcomfort sa kanya.

So ayun sinamahan parin nya ako kahit natatatakot sya. Hinintay namin yung parents ko. Nakatulog si ana nun. Napagod siguro kakaiyak. Ako naman tinabihan ko lang sya sa higaan, trying to fell asleep. Pero di ako makatulog. I faced the wall (katabi kasi nung kama ko yung pader) Dim yung light. Perfect para makatulog. Pero bago ko pa maipikit yung mata ko, I saw a shadow. Nagreflect sa pader. Parang bumangon sya mula sa kama so lumingon ako tinignan ko si ana at fuck tulog sya. Ano yung shadow na nakita ko? I really tried to fell asleep pero pabalik balik yung shadow. Naaaninag ko sya. Fuck fuck fuck fuck!!! Pabalik balik sya. Lumilibot sya sa kwartoooo!

I tried not to scream! Natatakot na talaga ako nun. I stay awake hanggang sa dumating ang parents ko.

Kinabukasan umuwi na si ana. Tinago ko yung laptop. Di ko na ginagamit. Minsan ginagamit ng pamangkin ko pag hinihiram nya. Ako, ayoko, natatakot ako.

Ayaw maniwala ng parents ko sa nangyare. But I begged them na lilipat nalang ako ng room. Pumayag naman sila.

And until now, that shadow is still roaming in that room. I know. Minsan pag nagagawi ako sa kwartong yun ay nakikita ko parin sya.

Blank
Pasay City

KULTO

May kahabaan po ang aking kwento na ibabahagi ako sa inyo ngayong gabi.
Hindi naman siya gaano nakakatakot pero i’m sure na maraming makakarelate na tao na nakakita na ng kulto gaya ko. Sa mga hindi pa at hindi pa alam kung ano ba ang kulto. Ito ang maiisagot ko.Isa silang grupo ng mga taong nakasuot ng itim na jacket ganun pero hindi siya exact na jacket. Isipin niyo na lang yung suot ng grim reaper o si kamatayan ganun din ang suot ng mga kulto tapos may dala dala silang kandila. Kadalasan silang nagpapakita tuwing 12 in the midnight. At kapag sasapit na ang hatinggabi ay kakatok na sila sa bahay ninyo.

Mahaba habang explanation ang naiexplain ko kaya back to my creepy story. Please admin! Hide my name. Kayo na ang bahala magpangalan sakin.
Okay let’s start.

Nagsimula ang lahat nung nakatira pa kami nun sa Cavite. Alam niyo ba yung sinasabi nilang Cavite Cult so sa lugar na yun ay malapit kaming nakatira. Walang alam pa si mama sa mga kulto kulto na yun basta kapag sumapit na ang takipsilip ay isa isa na nya kaming tatawagin ng aking mga kapatid.Ang panakot lang nya sa amin ay kapre. Kukunin daw kami ng kapre.
Ang KJ nuh pero syempre dahil bata pa ako nun tapos yung iba ko pang kapatid.Mabilis kaming tatakbo papasok ng bahay kasi takot kami nun ng sobra sa nilalang na kapre.

One night, sila mama, tita at iba pa nyang kakumareng kapitbahay ay nag inuman sa bahay. So kami ay naglalaro lang sa labas kasi may malawak na carpet sa tapat ng bahay namin. Wala kaming kaharap na bahay at ang harapan namin sa labas ng bakuran ay madamong parte na.

Naglalaro kami nun anim ng habulan,tapos habang hinahabol ko sila kasi ako that time yung taya,bigla akong nakamoy ng isang nasusunog na kandila. Sobrang baho ng usok na yun! Napatigil ako sa pagtakbo at sinabi ko sa mga kalaro ko na papasok muna ako sa bahay iinom lang sandali. Pagkapayag nila pumasok na kami sa bahay at uminom kami ng tubig.Nakatingin ako sa aming oras habang ako ay umiinom. 10 na pala ng gabi.Nevermind! Back to laro ako at hinabol ko ulit sila. 11 ng gabi natapos ang inuman nila mama kaya nagsiuwian na ang mga kalaro ko kasama ang mga mama nila na kainuman din ni mama. Kaming dalawa ay niligpit na yung mga pinanggamit sa panginom.Baso,plato,shot glass,pitsel at iba pa. Tapos inayos ko na yung lamesa at saka na ako nagbanig sa may sala. Doon muna kaming dalawa ni mama matutulog kasi lasing na lasing na si mama,hindi na nya kaya. Yung iba kong kapatid nasa kwarto natutulog katabi sila lola.

So tumingin ulit ako nun sa orasan alas dose na pala ng gabi. Humiga na ako sa banig at nagsimulang matulog pero hindi ako makatulog. Tinamaan ako ng insomiac!!.Tapos naamoy ko na naman yung kandila na naamoy ko kanina.
Bumangon ako at nagtakip ng ilong, sa labas ng aming bahay nakarinig ako ng mga boses ng taong nagdadasal. I know na nagdadasal sila kasi ang hina ng kanilang boses tapos yung salita nila hindi ko maintindihan. Hindi Filipino ang kanilang Mother Tounge.

So nagdecide akong silipin yun sa bintana kasi nagtataka na ako. Paghawi ko ng kurtina sa sliding window namin. Tanaw na tanaw ko yung mga tao na NAKAITIM. MAGLALAKAD SILANG LAHAT HABANG MAY HAWAK NA KANDILA. Sa may una unahan nila ay may isang tao mala kamatayan ang itsura kasi may dala dala itong mahabang scythe. Kinilabutan na ako, lumamig ang hangin sa labas na pumasok sa loob ng aming bahay. Lalo tumindig ang buhok ko sa katawan nang makita ko yung isang lalaki na kasama sa grupo nila ang lumapit sa bahay. Yung kurtina isinara ko tapos lumapit ako kay mama habang nakatingin lang sa pinto.

Tok!! tok!! Tok!!!

Hindi ako umimik. Nanginginig na ang buong katawan ko lalo na ang bibig ko. Matindi na yung kapit ko kay mama at parang gusto ko nang umiyak. Kumatok na naman yung lalaki pero palakas ng palakas ang katok niya.Umiiyak na ako ng tahimik kasi ayoko ko itong mapansin ng lalaki. Patuloy parin sa pagkatok yung lalaki. Hindi na ako nagtimpi pa,umiyak na ako ng todo tapos sumigaw ako ng malakas at ang sinigaw ko

Umalis

na kayo ,hindi ko kayo

pagbubuksan

ng

pintuan

!!”

Sa sigaw ko nagising sila mama at iba pang kasapi namin sa bahay.Tinanong ako ni mama at lola kung bakit ako smgaw. Hindi ako umimik kasi takot parin ako nun. Tinuro ko na lang yung bintana namin. Si lola sumilip sa bintana at matapos nyang sumilip may sinabi siya samin

Kulto

!!

Kulto

yung

kumatok

sa bahay natin.Mabuti na lang hindi mo

pinagbuksan

Apo at saka

mabuti

walang

tsinelas

sa labas ng bahay”
sabi ni lola

Bakit

ma?”
Tanong ni mama

“Kung ilang

tsinelas

ang nakita nila sa labas ng bahay,

ganun

din ang

bilang

ng taong

kanilang

papatayin

nila”
sagot ni lola

Nagusap muna yung dalawa habang ako ay nakatulog sa takot. Kinabukasan ay dinapuan ako ng lagnat, sobrang taas ng lagnat. Hindi na ako dinala sa ospital at sa albularyo ako dinala.
Sabi ng albularyo kela mama, normal lang daw na lagnatin ang bata nakatulad ko kapag nakakita siya ng kulto. Gagaling din ako kaagad. May ibinigay sakin yung albularyo na porselas, proteksyon para sa mamasamang espiritu.

Ps;yung porselas na ibinigay samin ng albularyo ay naiwan namin sa dati naming bahay sa Cavite.Lumipat na kami sa Malabon kung saan nagtatrabaho si papa.Ako ang nagsuggest na dun lang tumira sa Malabon para malapit lang kay Papa.
Naiwan sila lola at iba ko pang tiyuhin sa bahay namin sa Cavite ,bumibisita naman kami dun pero after 2 months.

Pro30Huawei

OLD

Hello! This is my first time na magshare ng story dito. Just call me Tin, etong ikwekwento ko sa inyo ay personal experience ko na hindi ko makakalimutan. Just bare with me dahil hindi ako marunong magkwento. Let’s start!!!

Nangyari ito wayback 2019. 9pm na nun papunta ako nun sa 7/eleven para bumili nung spicy noodles tapos snacks na rin. Mahilig kasi ako kumain bago matulog, pampa-antok ko lang sya. Pagpasok ko sa 7/eleven, tatlo lang pala kaming nandoon sa loob. Ako at yung dalawang lalaki na nagtatrabaho dun. So bumili na ako ng maraming chichirya tapos ilang chocolates din tapos dalawang spicy noodles tig-isa kami nung brother ko. So habang kumukuha ako ng chichirya, may sumulpot na lang sa tabi ko na matandang babae. Nakatayo sya malapit sa akin tapos nakatingin sa akin. Alam niyo yung tingin nya parang may atraso ako sa kanya. Ang sama kasi. Nakapaa lang sya tapos maputik pa yung paa nya. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya doon sa tabi ko at bakit sya nakatingin sa akin ng masama. Napakurap na lang ako ng ilang beses tapos napatigil sa pagkuha ng chichirya.
Triny kong ngumiti para magpakita ng good approach sa kanya, pero napatigil ako saglit nang mapatingin ako doon sa may malaking bilog na salamin sa itaas (alam niyo ba yun mga kasindak, kapag pupunta kayong 7/eleven may makikita kayong bilog na salamin na nakakabit sa taas, may mirror shot pa nga yung iba dun e). So ayun pagkatingin ko doon sa salamin, laking gulat ko nang wala akong makitang reflection nung matandang babae sa salamin. Sarili ko lang reflection yung nakita ko. Tumaas yung balahibo ko sa katawan, kinikilabutan na ako that time. Dahan dahan akong bumalik ng tingin doon sa matandang babae. Nanlaki po yung mga mata ko nang makita ko yung hitsura na nagbago. Wala ng pupil yung mga mata nya tapos punong puno ng sugat yung mukha niya. Napakaripas ako nang takbo bitbit yung mga nakuha kong chichirya papuntang counter. Mangiyak ngiyak na ako nun habang sinasabi ko dun kay kuyang nasa counter na meron akong nakitang multo dun na matanda. Si kuya naman pumunta naman sya kaagad doon sa lugar kung saan ko nakita yung matanda, kasama nya yung isa pang lalaki na nagtatrabaho din dun. Hinintay ko sila sa may counter at sobrang natatakot na talaga ako. Pagkabalik nila, sinabi nila sa akin na wala daw silang nakitang matanda dun pero mayroon daw bakas ng putik na ‘footprints’ daw. Gusto ko  sanang makita ko yung sinasabi nila kaso ayoko nang bumalik dun. Pinapunch ko na kay kuya lahat ng nabili kong chichirya para makauwi na ako agad. Habang nagpupunch si kuya ay nagkwento sya sa akin na tambayan daw talaga yun ng mga multo. Doon kasi madalas yung mga tao nagpapagpag kapag galing sa lamay. Akala nila bibili sila kasi pumapasok pa raw sa loob pero nagpapagpag lang pala.

After nun, binayaran ko agad si kuya saka na ako na umalis. May nakasalubong pa ako nun na  group of friends na papasok rin sa loob ng 7/eleven, tsaka na ako nagpara ng tricycle pauwi. Pagkarating ko sa bahay, hinanap agad sa akin nung brother ko yung spicy noodles pero sinabi ko sa kanya na hindi na ako nakabili. Kwinento ko agad yung nangyari sa 7/eleven sa brother ko habang nilalantakan namin yung mga chichirya at kahit sya mga kasindak ay kinilabotan din.

Salamat po mga kasindak sa pagbabasa. Sorry kung hindi siya masyadong nakakatakot😊. Hanggang sa susunod ulit! Magsha-share pa ako ng ilan ko pang nakakatakot na karanasan dati.

Tin
Palawan

FIRST DAY OF SCHOOL

Noong 1972, mayroong isang batang lalaki ang masayang naglalakad papasok sa kaniyang paaralan. Ang araw na yun ay first day of school, kung kaya’t excited na syang bumalik ulit sa pag-aaral at makasama ang mga ilan sa kanyang mga kaklase, mapa-dati nyang kaklase o bago. Pagkarating nya sa kanilang magiging room ay nakita nya yung mga dati niyang naging kaklase na nag-kwekwentohan. Hindi pa naman nagsisimula ang klase nila kaya naisipan nya munang sumali sa kanila sa pag-uusap. Natutuwa sya dahil muli niya na naman nakasama yung mga dati nyang kaklase at magsasama na naman sila muli ng isang taon. Marami silang naging kwento sa isa’t isa, kung ano mga ginawa nila nung bakasyon. Nagtatawanan pa sila dahil naging magkakaklase na naman sila. May mga bago din naman silang naging kaklase na kasama nila kaya’t nakipagkilala na sila dito. Makalipas ng ilang minuto ay nagsimula na ang kanilang unang klase. Syempre sa araw na yun ay nagpakilala muna sila lahat isa-isa sa harap, tapos ay nagkaroon sila ng masayang activity. Pagkatapos nun, ay nagsimulan na yung oras para sa kanilang recess. Lahat sila ay nagsimula nang ilabas ang kanilang mga baon. Juice, dalawang biskwit at isang hopia ang naging baon ng batang lalaki.

Yung iba ay kumakain at yung iba naman ay naglalaro sa labas. Nang matapos kumain ng batang lalaki ay naisipan nya munang lumabas at nagbabalak sumali sa mga kaklase nyang naglalaro. Papalapit na sana sya sa mga naghahabulan hanggang sa naagaw ng atensyon niya yung isa nyang kaklase na lalaki na nakaupo lang mag-isa sa sementong upuan. Pinapanood maglaro yung iba nyang mga kaklase. Nung mapansin nung batang lalaki na nag-iisa lang yung kaklase nya doon at parang malungkot pa ay nilapitan nya ito at nakipag-usap. Nung una ay medyo naiilang pa yung lalaki pero dahil napansin niya na gustong makipag-kaibigan sa kanya nung batang lalaki ay kinausap nya na rin ito.
Habang sila ay nag-uusap ay biglang kumalam yung tiyan nung lalaki ng malakas, sapat para marinig iyon ng batang lalaki.

Nagrecess

ka na ba?”
Tanong nung batang lalaki sa kanya.

Umiling yung lalaki sabay sabing
“Wala akong baon”.

Nakaramdam ng awa yung batang lalaki dahil gutom na gutom na talaga yung kaklase nya kaya naisipan nyang ibigay sa kanya yung natira nyang baon. Isang hopia at biskwit, hindi niya naman naubos yung baon nya at busog na rin sya kaya binigay nya na lang yun. Napangiti naman yun lalaki at nagpasalamat sa kanya. Kinain na niya yun agad dahil nagugutom na talaga sya. Yung batang lalaki naman ay patuloy parin sa pagkwekwento habang nakikinig naman sa kanya yung lalaki habang kumakain.

Matapos maubos nung lalaki yung ibinigay sa kanyang baon ay nagpasalamat ulit sya dun sa batang lalaki. Nagwelcome lang sa kanya iyon sabay sabing
“anong pwede nating gawin habang recess pa?”.

Sumagot naman bigla yung lalaki ng

“Maglaro na lang tayo, mamamatay na rin naman ako”,
malungkot niya itong sinabi. Nagulat naman yung batang lalaki sa naging sagot neto kaya sinabi na lang nya na
“bad yung sinabi mo, wag mo sasabihin yun sa sarili mo magagalit sayo si papa Jesus”.
Pilit lang ngumiti sa kanya yung lalaki saka na niya niyaya yung batang lalaki na maglaro.
Habang naglalaro ay meron napansin yung batang lalaki na matandang lalaki na nakatayo sa likod ng puno ng acacia at masamang nakatingin sa kanila. Hindi na lang niya ito pinansin dahil sa pag-eenjoy nilang maglaro, hanggang sa tumigil muna sila sa paglalaro dahil kelangan daw munang umihi nung batang lalaki. Nagpaalam pa siya muna doon sa lalaki bago siya tumakbo papuntang cr at nagsimulang umihi. Pagkabalik nya ay wala na dun yung lalaki sa lugar kung saan sila naglalaro. Bigla itong nawala. Kung kaya’t naisipan niyang hanapin iyon dahil mag-isa lamang yung lalaki. Kung saan saan siyang lugar na parte ng school nakapunta sa paghahanap. Tinatawag ng malakas yung pangalan niya
Hanggang sa meron siyang napansin na mga taong nagkukumpulan at nakapalibot sa may likod ng puno ng acacia. Mabilis siyang tumakbo doon para makita kung anong pinagkakaguluhan nila doon.

Pagkarating nya ay nagulat sya sa tumambad sa kanya. Nakita niya yung kalaro niyang lalaki na tadtad ng saksak sa dibdib at may hiwa ang leeg. Dugo-duguan ito.
Halos lahat ng mga tao, teachers at mga estudyante doon ay nag-iiyakan na at humihingi ng tulong dahil sa nangyari. Hindi siya makapaniwalang makikita niya yung lalaki na patay na lang bigla. Gusto niya sanang lapitan iyon pero pinigilan siya nung mga teachers at lahat ng estudyante doon ay pinapasok sa loob. Nung araw na yun ay pina-suspend kaagad yung klase at pinasundo yung mga estudyante sa school ng kanilang mga magulang. Naging usap-usapan na ang nangyaring insedente dun sa lalaki. Nakaramdam na din ng takot yung ibang mga magulang habang sinusundo nila ang kanilang mga anak. Ang iba sa kanila ay kaagad nang umuwi. Pagkarating nung mga magulang ng batang lalaki sa school para sundoin sya ay agad silang umuwi. Nag-alala sila sa kanilang anak, akala nila ay meron na sa kanyang nangyaring masama kaya sila pinasundo. Yung batang lalaki naman ay speechless at hindi alam kung anong mararamdaman nya sa nangyari.

Kinalaunan ay nadiskubre/nahuli na ng mga pulis yung suspek sa pagpatay dun sa lalaking bata. Lahat ng tao ay nagulat nang malaman nila na ang kanyang sarili pang tatay ang pumatay sa kanya. Ayon sa mga pulis, ang naging rason raw kung bakit yun nagawa nung tatay ay dahil gusto niyang maghiganti doon sa ginawa ng kanyang asawa na panloloko sa kanya. Gusto niyang malaman ng asawa niya na pinatay nya yung kaisa isa nilang anak dahil sa ginawa nitong pag-iwan at pag abandona sa kanila. Sinabihan or binantaan na pala daw nung tatay yung anak niya na papatayin nya raw ito pagpasok niya ng school, pagkarecess nila. At ginawa nga nya naman yun.

Biglang naalala nung batang lalaki yung nakita nya sa may likod ng acacia (kung saan namatay yung lalaking bata) yung matandang lalaki na masamang nakatingin sa kanila habang naglalaro. Nung magsink-in na doon sa batang lalaki yung nangyari, napahagulgol na lamang ito ng malakas.

Eto po yung kwento ng lolo ko nung siya ay bata pa. Karanasan niya ito nung grade 5 pa siya na nangyari nung first day of school.

ASUL NA MATA

just wan’t to share a short creepy story of my best friend.

Actually, kaka-kuwento lang n’ya nito sa’kin last week but it’s already happened long time ago. Kalilipat lamang ng Ate ng kaibigan ko sa isang apartment, then one time naalimpungatan ito dahil may naririnig na ingay na parang nang-gagaling sa kusina. Magkakadikit lamang ang mga kwarto kaya’t maririnig mo talaga ang mga ingay na nang gagaling sa katabing kwarto. Sa isang banda ay bumangon s’ya sa kanyang pagkakahiga because of her curiousity, dahil sino nga ba  naman ang matinong tao ang mangangalampag ng mga kitchen tools sa dis oras ng gabi, then may napansin s’yang maliit na butas kaya’t sinilip n’ya ito. Ang tanging nakikita n’ya lamang sa kabilang kwarto ay tanging puro kulay asul lamang. Ipinagsa walang bahala n’ya na lamang ito dahil inisip n’ya na baka epekto lamang ito ng biglaan n’yang pagkagising, kaya naman bumalik na s’ya sa kanyang pagkaka-tulog. Kinabukasan, naikuwento n’ya ito sa may ari ng apartment ngunit kinalabutan s’ya sa kanyang nalaman. Dati daw palang may nakatirang matanda don na do’n na inabot ng pagkamatay at ang lalo pang nakapagpakilabot sa kanya ay “ASUL” daw ang mga mata nito.

that’s all i hope nagustuhan n’yo thank you for reading hehe.

SHADOW

anyway, i would like to share my true creepy experience. Nangyari po ito last 2016. Apat kaming makakapatid at nakatira kaming magkakapatid sa bahay ng lolo at lola namin kasi yung mom ko OFW at wala na kaming father kasi naghiwalay sila ng mama ko (hindi pa po siya patay ha). Kami lang naiwan sa bahay nun kasi yung lola ko madalas wala kasi baon sa trabaho niya kahit matanda na siya, siya pa rin inaasahan sa mga trabaho. she works in an insurance company at minsan nadadamay ang lolo ko dahil driver siya ng lola ko.  so ayun na nga kami lang magkakapatid sa bahay. kami nalang ng ate ko ang gising, yung dalawa naming kapatid ay tulog na. nanunuod lang kami ng tv non, tahimik na kasi mga 12:30am na yun ng madaling araw tanging ang tv nalang ang maririnig. Biglang may kumatok, narinig ko yun kaya napatingin ako sa pinto tapos kumatok ulit tatlong beses. tumingin ako sa ate ko na patuloy lang nanunuod kaya tinanong ko siya kung narinig niya ba yun, sinagot niya naman ako ng
“ang

alin

?”
sabi ko
“may

kumakatok

ngayon lang”.
inutusan ko siyang hinaan ang volume ng tv para marinig niya. Nang mahinaan na niya yung tv, napatingin din siya sa may pintuan nag aantay kaming dalawa na may kumatok at meron nga. Ang nakakatakot pa dun palakas ng palakas ang katok. nag lakas loob ang ate kong mag tanong
“sino yan?”
walang sumagot at tumigil na din ang pag katok

kahit hindi namin aminin sa isat-isa halata sa mga ekspresyon namin ang sobrang takot. pinataasan ulit namin ang volume ng tv at nagpatuloy sa panunuod.
Sa bandang likod ng tv namin, may malaking bintana na may kurtinang puti at kita ang anino sa kung sino man ang dadaan sa labas. Maya maya, may dumaang babae na mahaba ang buhok. mahina lang ang paglalakad niya sapat para sigurohing di kami namamalikmata ng ate ko. pagkawala ng anino ng babae sa bintana, nagkatinginan kami ng ate ko.

wala kaming nasabi sa isat isa , mga ilang minuto bumalik na naman ang anino.  kahit naglalakad siya sa may bintana namin, wala kaming naririnig na footsteps. dun na kami kinilabutan ng sobra.
Sa pangatlong beses na pagdaan ng babaeng anino sa may bintana namin, huminto ito sa gitna at unti unting humarap sa amin. Kahit anino lang ang nakikita ko sa kanya ramdam ko na nakatingin siya sa amin. Pag tingin ko sa ate ko nakatitig lang siya sa bintana habang umiiyak parang hindi niya alam ang gagawin. ganun din ako, nanlamig ang mukha ko at hindi ako makagalaw nakatingin lang kami sa anino ng babaeng yon hanggang sa dumating sila lola at natamaan ng ilaw ang bintana galing sa ilaw ng sasakyan ni lolo kaya ito nawala agad.

parang bumalik kami ng ate ko sa aming mga sarili, nang marinig namin ang busina ng sasakyan, senyas nila lola na papasukin namin sila. Binuksan ko kaagad ang ilaw sa sala at binuksan ang pinto habang si ate ay patuloy sa pag iyak sa sofa at ngayon ko lang din napansin na sobrang namumutla siya dahil sa takot. pag pasok ng lola ko, napansin nya agad si ate at yun na nga ako na ang nag kwento sa lahat ng nangyari at ang sabi ng lola ko, dapat hindi na daw kami nagpalipas ng madaling araw kasi pati raw siya nakakaramdam ng hindi maganda minsan pag gabi na dito sa amin. So after nun, kinaumagahan, nagpa house blessing ang lola ko agad2 and thankfully hindi na kami naka experience ng ganun.

yun lang, marami pa akong naranasan na personal horror experience talaga pero next time nalang siguro. sorry medyo mahaba tong storya na to. ingat kayong lahat 🫶🏻

EVIL SPIRIT

Anyways, ang kwento na ito ay hindi ko experience, sa pinsan ko to sa father side. Gagamitin ko na lang yung POV nya para hindi na ako mahirapan.

POV:
Feb.24,2019 during this night di ako makatulog, sobrang lamig ng kwarto ko. Lagi akong bumabangon di ako mapalagay. off ilaw hanggang sa pinilit kung matulog. naka idlip na ako. Naka tagilid ako habang nakakumot. bigla nalang gumalaw iyong kama na parang may humiga at tumabi sa akin. pero that night wala ang kapatid ko sa bahay mag isa lang ako. Hanggang sa nanigas iyong katawan ko, nangisay ako ng bahagya, bumagal ang paghinga ko, parang may kung anong pwersa na pumapasok sa katawan ko. parang hinihila palabas ang kaluluwa ko mabuti nalang kaagad kung naimulat ang aking mga mata at nakagalaw ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Alam kung may nakatingin sa akin na hindi nakikita ng ordinaryong mga mata. natagalan bago ako makatulog ng tuluyan. And so on lunes ng gabi ganoon pa rin. Parang may iba akong katabi sa pagtulog. Ramdam ko talaga iyong paglubog ng kutson na may humiga. Hanggang sa binangungot ako may kasama akong batang babae di ko siya kilala pero pareho kaming nakaputi. Tumatakbo kami sa kawalan sa isang malawak na kalsada. hinahabol kami ng kung ano. Hawak kamay kami ng bata at may bangin sa gilid. Sa ibaba may bahay at malabong ang damo. doon kami gumulong ng bata at nagtago sa malabong na damo. Nagising ako na pagod na pagod. di ako makatayo feeling ko tumakbo ako ng sobrang layo. Hinihingal ako pinilit kung tumayo pero para akong mahihimatay sobrang pagod ako na ewan. Ang bigat din sa pakiramdam.
May mga pangyayari talaga sa buhay ko na mahirap eh explain. Sometimes i don’t have any idea bakit ko nararasan ang ganito? Ang weird lang bakit may ganitong biglang susulpot sa panaginip ko? Oh ano pa man lalo na sa oras ng pagtulog at malalim na gabi. Kaya lagi akong nag dadasal. Pray before you sleep is a must.

CREEPY AGAIN AND AGAIN

Discuss ko lang ang bahay ganito kasi sa ilalalim ng lupang kinatatayu-an ng mga bahay ay may kweba. lahat ng taong taga rito alam iyon. even me and my friend sinilip namin ang bukana ng kweba na hugis bilog sa napapalibutan ng naglalakihang talahib lower part. malapit ito sa ilog tapos gilid lang ng malaking puno ng acacia na halatang may nakatira. sa ibaba na part iyong may mga talahib nandon ang lagusan. pinaglaruan pa namin ito kasama ng mga dati kung kababata sa dati naming tirahan. ulo lang namin iyong nakapasok need mo gumapang para tuluyang masilip ang pinaka loob shempre madilim. pero nakakatakot tingnan. saglit lang kami tapos umalis kami kasi baka mabulabug ang mga nilalang doon. sabi ng pinaka lumang residente friend kami nito si Ate Jing may malaking ahas umano sa ilalim ng kweba. alaga ng encanto. may kayamanan kasi na walang may alam kung sino ang may ari? nakatago sa loob ng kweba. simula ng lumipat kami napansin ko na rin ang grupo ng mga treasure hunters kasu bigo sila. lahat ng sumubok bigo. nilagyan nila ng lason oh bitag ang entrance para sa sinumang tumangka na pumasok at kunin ang kayamanan kuno? sabi ni Ate Jing ang ilalim parang tunnel na sobrang haba. na gagapang ka lang para maka-usad at maka-galaw. kung may acacia pa south ito ang puno kung pa slanting tapat talaga sa bahay ng tiyahin ko. at kung pa north may puno din ng acacia unahan near sa highway. parang connectado ang dalawang puno.

  1. Maliit na Nilalang

Isa-isahin ko na ang mga paranormal encounter simula ng lumipat ang relatives ko kasama na ako doon. tanda ko hapon noon maganda ang view ng nature since malapit sa ilog ang bahay at makikita mo lang ang mga bukirin sa kabilang lugar. basta perfect ang aura ng araw nag hahalo ang rays na yellow,orange, at sky blue napansin iyon ng Tiyahin ko kaya tinawag niya ako para sabay na pagmasdan namin ang kalikasan. nasa harapan lang kami ng bahay. bigla nalang sumigaw ang Tiyahin ko.
(Convo like this)
Sya: Lorry! tingnan mo iyong sanga ng acacia gumalaw parang niyugyug ng kung sino! (sabay turo sa sanga)

Kanina pa ito gumalaw na parang may humawak sa sanga na kay laki tapos niyugyug. imagine may tao tapos naka-apak sa sanga while naka hawak sa isang sanga tapos lumulundag-lundag aa ibabaw? ganon. pinagtataka namin walang malakas na hangin para ma move ang sanga as in wala? at kung hangin ang may kagagawan dapat lahat ng dahon ng puno ay nag sigalawan? pero ang nakita namin ay sa part na iyon lang talaga may movement. nilapitan namin unti-unti. ito ang napansin namin.

Sya:Lorry! tingnan mo may maliit na naka-tayo sa sanga!” (sabay turo)
Ako: lah? Oo, nga nakikita ko Tiyang oh! hala para big version ni Thumbilina! ( Shaks)

Nagpalakad-lakad ito sa malaking sanga at lumulundag-lundag pa.

Bigla akong hinila ng Tiyahin ko palayo kasi baka mahuli kami. hindi ko ma describe kung ano echura niya anyo lang parang big version ni Thumbilina payat, malaki siya slight kay thumbilina. i dunno kung ano siya? hindi naman siya dwende. elemental sya. naglalaro sa sanga ng acacia.

  1. (ENCANTO I GUESS?)
    Lagi ako binibiro ng Tiyahin ko na liligawan umano ako ng Encanto dahil aware na ang mga paranormal beings na nakikita at na se-sense ko sila. shempre tumatawa lang ako lakas ko kaya mag mura lol. i’m bitchy kaya wala akong encantz na ma a-attract lol. nagsimula na naman ang napaka weirdo na pangyayari sa buhay ko ng maka-uwi ako galing CDO dahil bridesmaid ako sa kasal ng tiyahin ko. school days wala ang mga pinsan ko. ako at ang tiyahin ko lang sa umaga. kasalukuyan akong nag pa-pahinga pagkatapos maglinis ng bahay. binuksan ko ang pinto kasi mainit. naka-upo lang ako at nakasilip sa katapat na bintana ng biglang may sumipol. akma lang na marinig ko. kasabay ang isang sitsit na may bonus na hagikhik boses ng lalaki. napalingon agad ako sa pinto. pero wala naman akong nakita. tumayo ako sinilip kung may tao ba sa labas pero wala akong nakita. kapitbahay namin walang tao bahay nila. ang tanong sino iyon? eh kilala ang lugar namin bilang ghost town wala kang makikitang tao sa labas nor bata dahil lahat ng residente ay prefer magkulong sa bahay. sobrang tahimik.

  2. (SYA BA YUN?)
    Bago ako pumunta ng CDO mahilig kasi ako mag make-up at kumanta sa harapan ng salamin. habang nanalamin ako at kumakanta nakita ko ang reflection ng isang lalaki na matangkad brown ang kulay ng buhok nakatalikod. naka suot ng puti parang pantulog kasi silk na kulay white ang tela. naka open half ang pinto ng kwarto ko dun ko siya nakita na nakatayo na nakatalikod sa akin. nagsimula akong kilabutan ng gumalaw siya tapos tumagos siya sa pader. dito ako kinilabutan grabe. iyong ibang experience ko normal lang. di ako takot. school days yun ako lang ang nag e-exist lol sa domain namin. iyong pinsan kung lalaki college maaga ang pasok so impossible na pinsan ko iyon. na eh kwento ko ito sa tiyahin ko.

4.(PINAGLALARUAN)
Nasa plug ng kwarto ko naka saksak ang connection ng kuryente ng tiyahin ko. timing pag pasok ko sa kwarto naka- uwi na ako dito galing CDO. sumigaw tiyahin ko gabi iyon. tinanggal ang wire na connection nila. sabi ko hindi ako iyon. impossible na matanggal sa pagkakasaksak dahil mahirap itong tanggalin at sobrang lalim ng pagkasaksak nito sa plug? i dunno plug ba tawag sa saksakan? pa ulit-ulit iyon kaya kina-usap ko na wag nila paglaruan ang wire kung sino man sila.

5.(BLURRY WHITE GUY)
Minsan sa umaga pag wala akong magawa nag dra-drawing ako malakas 6th sense ko nararamdaman ko na may humahawak sa isa kung braso. feel ko iyong fingers ng kung sino man iyon? napapahinto ako kasi parang pinag-tri-tripan na hawakan. till may nakita akong lalaki naka-upo sa ibabaw ng lamesa same guy. blurry ang mukha naka-harap sa akin nag tayuan kusa balahibo ko. saka iyong hangin kakaiba super lamig. eh kung tutuusin mainit nga dapat.
this guy basta simula ng maka-uwi ako from CDO ito gumagambala sa akin. lalo na sa sala pag nag mu-muni-muni ako, kumakain, nag ce-cellphone mararamdaman ko someone is staring at me. saka iyong amoy niya ha amoy imported na pabango. aamuyin ko buhok ko hindi naman amoy pantente iba eh. can’t describe at lalamig na naman ang hangin. iyong mapapakuha ka ng kumot tatakip mo sa katawan mo. wala namang ulan. ang pinaka worst katabi ko siyang matulog. i can feel somebody is next to me. parang may tumutulak sa akin na umusog kasi wala siyang space? imagine how horrible is that? off ang ilaw at again na amoy ko na naman ang imported cologne kung tawagin ko. tapos heto lumamig na naman ang hangin. hindi ako makatulog nito. iyong kumot ko ni level ko sa tiyan ko tapos mas lalo akong kinilabutan. kaya nag talukbong ako tapos tumagilid. hanggang sa may naramdaman akong fingers na pinasadahan ang likod ko habang natutulog. i want to scream pero ayoko bulabugin tiyahin ko in the middle of the night. alam mo iyong palad na tinapal sa likod mo? habang binalot mo katawan mo sa kumot? (creepy) tumagilid lang ako sabi ng papa ko safeway ito anti bangungot. at isa pa? ayoko ma rape ng ibang nilalang pag tumihaya ako lol. iniisip ko baka sakyan ako till di na ako makagalaw katakot! while writing this na se-sense ko siya naka-upo siya sa ibabaw ng plywood na division ng kwarto open space? pi-picturan ko pag may time gabi kase pangit kuha ng cam ko. nandito pa rin ang malamig na hangin not normal at ang amoy na parang imported cologne na floral. 1 week ko na siyang katabi. hindi ko alam kung ano siya wala naman kasi akong 3rd eye. 6th sense lang. hindi ako matatakutin pero kusa kinikilabutan ang katawan ko. sa sala nandon din siya hanggang sa makatulog ako. hindi ko alam kung ano pakay niya sa akin? isa ba siya sa nakatira dito sa bahay? marami kasi sila dito iba-iba. ngayon ko lang siya napansin fully.

  1. (TATLONG MATA SA PADER)
    Dito ako kinilabutan i think 4 pm madaling araw madilim pa. na alimpungatan ako at sakto sa pader pa talaga ako nakaharap. pagkamulat ko. i saw 3 pair of eyes. kulay yellow i dunno kung demonyo ba oh hindi? kilabot part is gumagalaw pa west ang mga mata. tapos nakatitig lang sila sa akin. kahit tamad ako bumangon at inaantok pa ako nito. dali-dali akong bumangon sabay On ng ilaw. ayaw nila sa liwanag. maya-maya after ko eh on pinatay ko ulit ayun tuluyang nawala. ayaw pa rin umalis ng lalaking ito sa kwarto ko baka isa nga din siya dito na nakikitira. hindi ko na eh me-mention ang iba pang paranormal beings.

dwende nanahimik na minsan pinagmamasdan lang nila ako mag drawing gagapang parang bata sa ilalim ng mesa pero di naman nanakit. nawawala lang din.
bago lang talaga sa akin si boy na may suot na puting silk na damit. tang ina talaga tumatabi sa akin pag natutulog. expire na yata itong mga asin na nilagay ko sa kwarto bilang pang harang maging itong gawa2 kung pangontra sa loob ng maliit na bote tubig na may asin. marami pa akong kwento pero too long to narrate sa susunod naman. i dunno kung natakot kayo oh hindi? typo and error pasensya.

Sa may 3rd eye baka may idea kayo lalaki, matangkad tama lang, brown ang buhok, blurry mukha, suot na damit parang pantulog silk tela kulay puti upper mahabang jacket at pantulog na pajama? parang ganon hahaha so weird. hays! nag si-simula na naman silang mang gulo while typing this lol.

ABORTION

Nakakainis basahin no? Pero yan ang ibabahagi ko sa inyo. Taong March 2015 ang taon kung kailan ako naggraduate ng college, walang mapagsidlan ng saya ang aking puso nun. Dahil para sakin tapos na ang isang kalbaryo ng buhay ko na sa wakas makahanap nku ng trabaho pero un pala ang akala ko.

Buwan ng Mayo taong ding eun, nagapply ako sa isang mall dito sa probinsya namin (Capiz) kung saan pinalad naman akung matanggap bilang isang utility clerk sa isang Dept. kahit sales assistant naman talaga ang position na nilagay ko. Un na nga aside diyan, may long time boyfriend naman akong ngtatrabaho na din malapit sa mall bilang security sa isang estab. Bali magkasama kami sa isang boarding house na lingid sa kaalaman ng magulang ko .

Then lumipas ang dalawang buwan, naramdaman ko ang kakaibang pagbabago sa katawan ko ung sintomas na ng isang nagdadalang tao. Una inakala ko baka may sakit lang ako pero hindi ganun un. Dun na nagsimulang nagbago, naging balisa naku, maraming pumapasok sa isip ko. Sinisisi kuna sarili ko ndi ako naging maingat ganun. Pano na trabaho ko dahil di pwede ang buntis pag di kapa regular. At higit sa lahat ang sasabihin ng mga tao lalo na ang mga magulang ko siguradong magagalit sila sakin. Bumukod ako ng tinutuluyan wala pang me alam nun kahit ang nobyo ko pa.

Sa nilipatan kng bhouse mas gusto kung mapag isa palagi para makaiyak ako, 6 kami sa iisang kwarto puro estudyante, ako lang ang hindi. Pag gumising ako sa umaga wala na sila sapagkat 10 am ang pasok ko then pag uwi tulog nadin sila kasi 9pm out ko kya wala akong makausap. Wala akong pinagsabihan kahit sino kaya napadalas na noon ang pagsakit ko sa sarili ko gaya ng sinusuntok ko ang sikmura ko, nag attempt nadin akung magpakamatay nun dahil hindi..hindi ko tanggap ang bata. Di ko lubos maisip maging isang ina. Di ko alam ang gagawin ko until one day na meet ko siya.

D ko matandaan panu ko sya nakilala basta nagising nalang ako kausap kuna sya at dinadaing ang problema ko. Basta nagkikita kami pag out kuna sa trabaho lagi syang nakaabang sa kabilang kalsada at pakiramdam ko may kakampi ako.
At isang gabi habang kausap ko sia.

Ramdam

ko Ang

paghihirap

mo!”
saad niya sakin. Wala akung imik nun dahil oo tama naman talaga sia.

“At sana

makatulong

ito kung

naisin

mo”

Sabay abot ng isang maliit na supot, tiningnan ko siya sabay abot ng supot
“anu to?”
tanong ko.

Tatlong

tableta

kung yan sa

palagay

mu ang

makapapagaan

sayo”.
Sabay talikud at lakad palayo sa akin.

Pagkatapus nun ay napagdisisyunan konang ituloy ang planu ko ng makita ko Ang laman ng supot. Bahala na, saka ako natulog ng gabing un. At sa gabi ding un ay nanaginip ako, unang scene , isang batang pilit may inaabot ang kamay kahit puro kadiliman Ang nakapalibot dito. Sunod ay nasa isang jeep daw ako habang nakahiga paharap sa pinto ng bigla nalang may nalaglag mula sa akin palabas ng pinto ng jeep habang umaandar at tanging umbilical cord lang ang hawak ko. Sunod ay ang nakakatakot ng parang hayop na nakatingin sakin habang kinakain nito ang umbilical cord na hawak ko kanina. Last ay batang lumuluha ng dugo habang pilit inaabot Ang aking paa.

Pakiramdam ko tumakbo ako ng malayo kayat hapung hapu ako ng magising. Sariwa pa talaga sa isip ko ang panaginip ko alam kung inuusig ako ng aking kunsinsya, kayat tahimik akong umiiyak habang pinipiga ang aking tyan. Patawarin nawa ako ng may kapal pero hindi ko pa kaya, di pa ako handa. Hanggang sa nkatulugan ko, naulit muli ang aking unang panaginip at may na dagdag pang ibang pangyayari na di malinaw.

Nagising ulit akong ganun parin kumakabog ang dibdib kaya napasabunot naku. Ano ba ang dapat kung gawin, tulungan moko Diyos ko, gabayan mo ko? Di ko alam Pero un ang bulong ko sa sarili ko. Kahit di ko maalala o magets ang iba kung panaginip sa gabing un pakiramdam ko nakakabaliw. Di ko na alam ang gagawin ko mas gugustuhin ko nalang mamatay. Inulit ulit ko ang pag usal ng tulong sa kanya ng tumunog ang cp ko. Dun naku bumigay ng makita kung si mama ang tumatawag. Ala singko na pala ng umga nun, una pinigilan ko muna ang hikbi ko. Kinamusta ako, kailan daw ako uuwi, wala akung tugon nun kundi hikbi lang. At dun ko lubos naisip na muntikan nakung malayo, muntikan nakung maligaw ng desisyon. Si mama, kailangan ko sa time na yun si mama kahit anu mang maging kapalit kailangan kung tanggapin.

“Day, kung di muna kaya ang trabaho mo

umuwi

ka muna”.
Yan Ang sabi ni mama bago ko pinatay, di ko kasi mapigilan ang hikbi ko. Marami paring pumapasok sa isip ko na dapat ko talagang ituloy mag abort. Ma, sorry..kinuha ko sa ilalim ng unan ko ang supot  at ang nakaboting tubig. Nasa palad ko na ng bigla namang tumunog ang kampana ng simbahan.

Blangko parin ako , at linggo ng araw na un pero napagdisiyunan kong wag muna pumasok kahit kakadayoff ko lang ng Friday. Bahala na mapagalitan, gumayak na ako at tinungo ang lugar kung saan matagal ko ng di napuntahan.

Pagpasok ko palang isang  payapang katahimikan ang sumalubong sa akin isang oras na nun qng lumipas ng matapus ang huling mesa pero may ilan paring mga tao ang nagdadasal. Umupo ako sa pinakagitna, tanging huni ng mga naglalarong ibon ang aking naririnig.

Nandito ako upang humingi ng tawad, sa mga kasalanan kung nagawa, alam kung di ako naging mabuting tao at di naging tapat Sayo. Pero sana ay bigyan mu ako ng lakas at iyong gabay upang maliwanagan ang aking isip at damdamin
piping usal ko sa kanya habang tinitingnan ang malaking nkadipa niyang replika sa altar.

Hindi pa ako handa Diyos ko. Anu ang dapat kung gawin? Kaya kung sana kung di para sa akin mas mabuting kunin nyo na at kung para sa akin kahit mahirap ay aking tatanggapin
mukhang nkakainis pero yan talaga ang inuusal ko noon sa kanya.

Di ko alam pero bigla nalang umagaw ng pansin ko ang isang ibon una lumilipad Ito palibot sa mga chandelier saka dumapo kay baby Jesus, ung karga ng isang kamay ni Mama Mary. Di ko maintindihan pero bigla nalang akong kinilabutan nun.

Sorry po kung di siya halos kagandahang kwento o nkakatakot pero para sakin kasi maliban sa mga multo, aswang o anu pa mang nilalang mas matakot tayo gumawa ng kasalanan mas matakot tayo sa kanya. Salamat po. Yan kc ang para sa akin na katakot takot kung karanasan na di ko makakalimutan.

PS: Mag 3 years old napo baby girl ko ngayon at napakasweet .

MEMO

ONE MISSED CALL

Experience namin ito ng
girlfriend ko. Taong 2015 sya nangyari (September 27). Nang araw na yan nagpaalam muna sa akin si babe na baka kung anong araw na daw siyang makakauwi dahil may kailangan pa silang tapusin sa school. Kay tito (papa nya) na lng sya mapasundo. Sinabi rin nya na mag-usap na lang kami kinabukasan dahil hindi sya sigurado kung makakatawag pa sya sa akin dahil baka kung anong oras pa sila matapos.

Naintindihan ko naman agad sya at hindi na ako tumanggi. Naisip ko na rin ng araw na yun na hindi kami magkakaroon pa ng chance na mag-usap dahil busy sya sa school. Na hindi naman yun big deal para sa akin. Makikita ko pa naman sya kinabukasan.
Kaya nung gabing yun, 9pm pa lang ay nagpahinga na ako.

Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng pahinga ko. Meron kasi akong naramdaman na kumapit sa braso ko ng mahigpit, e ako lang naman yung tao sa kwarto ko. Dahil nga nagising na rin ako that time, naisipan kong imessage si babe kung nakauwi na ba sya ng ligtas. Pagkabukas ko ng aking phone ay 3:14 ng madaling araw na pala. Tapos mayroon akong nakitang nag notif na one missed call. Saktong 3 am tumawag. Nung mabasa ko yung number, si babe pala yung tumawag sa akin.

Hindi ko maiwasang magtaka doon. Usually kasi kapag tatawag si babe sa akin ay sa messenger na, hindi na sya ma-dial. Alam ko rin na hindi sya sanay sa ganun at adik talaga sya sa lahat ng socmeds. Tsaka bakit sya tatawag sa akin e sinabi nya na bukas na lang kami mag-uusap.
Iwinaglit ko na lamang yun. Baka kako wala lang internet si babe kaya doon na lang niya naisipang tawagin ako, tapos baka may gusto lang syang sabihin sakin kaagad kaya sya tumawag. Baka lang.

Binuksan ko na lang yung WiFi ko para mag-internet tutal ay hindi na ako nun tinatablan pa ng antok. Pagkabukas ko, may nagpop-up na notification mula sa messenger. May nagmessage sa akin, si babe.

’***** Sent you a photo’

Kaagad kong chineck yung chat nya. Nakita ko na nagsend sya ng picture saktong 3am din ng madaling araw (kasabay nung pagtawag nya sa akin). Napakunot yung noo ko sa nakita kong pic na sinend nya. Pure dark lang yung nakikita ko, parang nasa isang madilim lang yun na lugar. Nilakasan ko yung brightness ng phone ko para makita talaga yung pic. Ang tanging nakita ko lang ay mga upuan. Tapos the rest madilim na talaga.

Medyo nabahala na ako sa nangyayari. Bakit naman si babe magsesend sa akin ng picture na ganito? Bakit saktong 3am pa sya nagchat sa messenger? Kasabay pa nung  pag-call nya sa akin. Edi ang ibig sabihin, may internet pala sya dahil nagchat sya sa akin sa messenger, nakapagsend pa ng picture na hindi ko maintindihan. E bakit pa sya tumawag sa call thru phone call kung pwede naman tumawag sya sa akin thru messenger tutal nakapag-online din pala sya ng alas tres ng madaling araw.
Naguguluhan na ako sa nangyayari.

Kaya nung bandang 7am nun. Kaagad akong umalis papunta sa bahay ng girlfriend ko. Pagkarating ko doon, naabotan ko siyang nag-aayos na. Papasok na pala sya. Syempre nagkaroon agad kami ng pag-uusap. Kamustahan ganun hanggang sa naipasol ko na yung topic na gusto kong pag-usapan namin. Yung nangyari kaninang 3am. So kwinento ko lahat sa kanya yung nangyari, yung pagtawag at pagsend nya sa akin ng picture ng alas tres ng madaling araw. Naitanong ko pa sa kanya kung bakit nya ginawa yun?

Siya naman, napatigil sandali sa pagsuot ng kanyang sapatos dahil sa mga nasabi ko.
Napa
“huh?”
sya tapos nagtataka. Ipapakita ko pa nga sa kanya sana yung missed call at yung pic na sinend nya kaso naiwan ko pala yung phone ko sa bahay.

“Babe. Naiwan ko yung phone ko sa loob ng classroom namin. Nakalimutan kong dalhin dahil ang daming ginawa namin kagabi. Tingnan mo oh wala akong hawak na phone. Kaya impossible yang mga sinasabi mo sa akin na tumawag ako sayo at nag chat pa”
sagot sa akin ni babe.

Napakamot na lang ako ng ulo sa sinabi nya. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko nun. Kung matatakot ba ako or tatawanan na lang yung sinabi ni babe. Wala talaga sa kanya yung phone nya. Naiwan nya talaga sa room nila. Kung naiwan nya pala yun sa school nila, sinong tatawag sa akin at magchachat?

Bigla akong kinilabutan ng maalala ko yung pic na minessage sa akin ni babe. Madilim syang lugar na may mga upuan akong napansin. E sa classroom ni babe, may mga upuan talaga dun. Kahit si babe ay hindi rin maiwasang matakot.

Hindi ko na alam ang gagawin ko nun. Basta nung pagpasok  ni babe sa school nila ay sumama ako. Sinabihan niya rin naman akong sumama sa school nila para maniwala talaga akong naiwan nya sa phone nya sa room. Pagkarating namin doon, naabotan namin yung iba nyang kaklase na nandoon na. Hinanap nya kaagad yung phone nya kung saan nya lugar naiwan. Hanggang sa nakita ko yung phone nya na nasa isang desk malapit sa whiteboard.

Tinanong pa nya ako kung saan ko daw nakuha yung phone nya, tinuro ko naman yung desk. Sinabi nya sa akin na hindi nya raw doon nailapag yung phone nya.
Binigay ko agad kay babe yung phone nya at mabilis niya namang binuksan yun. Chineck niya kung talagang may tumawag sa akin sa phone nya, nanlaki yung mata nya na meron nga talaga at 3am sya tumawag sa akin. Sinabi ko naman icheck nya yung chat nya sa akin sa messenger para makita nya yung pic. Pagkabukas nya ng data nya (may internet yung data nya) at pagcheck nya sa messnger.

‘You sent a photo’. Chat nya sa akin.

Pagtap nya, bumungad sa amin yung picture na sinend nya. Napasigaw kami sa matinding gulat at takot nang bumungad sa amin yung picture.
‘May mukha na ng batang nakangiti sa may left side ng picture’. Hindi ganun yung nakita kong nagsend sa akin. Madilim talagang lugar yung nakikita ko tapos may napapansin lang akong upuan, pero doon sa nakita namin ni babe. May mukha ng bata kaming nakita na nakangiti sya hanggang tenga tapos kinunan yung picture sa loob ng class room nila.

Kaagad kong pina-unsent yung picture na yun kay babe na mabilis nya namang ginawa. Yung iba nyang kaklase na kasama namin doon ay sunod sunod na nagtatanong sa amin kung anong nangyari. Nagkatinginan lang kaming dalawa ni babe na puno ng takot at sindak yung mukha namin at hindi namin sila kayang masagot.

After nun, umuwi na muna ako sa bahay nung nagstart na yung class nila babe. Ayaw pa nga sana nyang pumasok at iwanan ko sya sa room nila kaso sinabi ko na may mga kasama naman sya na doon na kaklase nya kaya dapat hindi sya matakot. Sinabihan ko na lang yung iba nyang mga kaibigan dun na tumabi na lang sila kay babe para mabawasan yung takot nito.

Isa po yan sa mga hinding hindi naming makakalimutang horror experience na nangyari sa tanang buhay namin. Pala-isipan parin sa amin yung bata sa picture. At sa tuwing naaalala ko yung mukha nung bata na yun, kinikilabutan ako ng sobra.

Clint

ATENTO DE DAVAO

Tawagin niyo na lang po akong “Tope”. May kwentong kababalaghan akong
ibabahagi sa inyo at sana ay mapost ito admin.

Sa ngayon po ay huling taon ko na sa Ateneo de Davao. Nung baguhan palang akong estudyante dito ay nakakita po ako ng isang babaeng naka-itim. Black lady po yata ang tawag nila dun. Akala ko nga ay namamalikmata lang ako nun’ nang papunta ako ng faculty room, pero kitang kita
ko na may pumasok doon na babaeng naka-itim. Sayad pa ang laylayan nito sa sahig. Natawa nga ako nun dahil para itong naka Halloween costume, pero nung pagkarating ko sa faculty. Naitanong ko kay ma’am na nasa loob kung nasaan yung babaeng nakaitim na pumasok dito. Sinabihan pa nga ako nito ng ‘umayos’ dahil sya lang naman ang nandoon pero ipinilit ko talaga nun kay ma’am, na totoo yung babaeng nakita ko na pumasok dun.
Nahampas pa ako nito. Wag daw akong nananakot. Halos nga na ayaw nya raw doon pumasok mag-isa, tinakot ko pala sya.

Madalas ko pa din nakikita yung babaeng nakaitim na pumapasok sa loob ng faculty room. Kapag sinusundan ko naman sya papunta dun ay bigla na lang syang nawawala na parang bula. Minsan ay nakikita ko pa siyang pumapasok sa cubicle at doon ay naririnig ko yung iyak nya. Pero kapag pupuntahan ko naman ay makikita ko na lang na wala na pala siya sa loob ng cubicle. Nasa kisame na pala, matalim na nakatingin sa akin.

Huli ko na lang nalaman nun na haunted pala ang lugar na yun. Kwento naman nung security guard namin na may nakita raw itong grupo ng sundalong nagmamarcha nang maglibot ito ng campus ng hatinggabi.
Marami pa raw syang naririnig na kakaiba tuwing duty nya. Meron raw isang engineering student na nagkwento sa kanya na meron raw syang nakitang madaming mukha sa loob ng katabi nilang classroom na sumulpot na lang bigla mula sa madilim na classroom na yun. Yung time na daw yan ay late na sila nakauwi dahil need nilang matapos yung plates nila. Tapos pagdaan niya nga raw doon sa kabilang room, hindi niya ineexpect na may makikita sya ron.
Binangungot raw sya nung gabing yun at nahirapan nangmakatulog dahil sa nangyari.

Marami pa sanang gustong ikwento sa akin yung security guard namin na mga horror stories tungkol sa school pero hindi ko na siya pinakwento. Karanasan ko pa nga lang nakakatakot na, paano pa kaya yung iba?

-Tope

KNOCKING

Wayback March 2016, malalim na yung gabi at ako na lamang yung gising sa amin. Tulog na yung mag-ama ko sa kwarto. Bale nagwowork pa ako nun sa business namin pero home-based lang kasi ayokong maglabas labas nun.

Busy akong nakatutok ng mga oras na yun sa laptop tapos humihigop higop lang ako ng kape pampawala ng antok. Habang nagtatrabaho, nakita ko yung anak ko na lumabas ng kwarto. Napansin ko na straight lang siyang naglakad palabas, parang hindi nanggaling sa pagtulog. Nagtaka ako kung bakit siya nagising at lumabas ng kwarto niya kaya tinanong ko siya kaagad.

“Kish, Is there any problem?”
Sabay lapit ko sa kanya na nakatigil lang na nakatayo sa may pinto ng kwarto niya.

Tumingin siya sa akin ng seryoso. Walang emosyon yung mukha niya. Ilang sandali pa bigla siyang nagsalita at sinagot yung tanong ko.

“There is someone knocking at the door”

Walang emosyon niyang sagot.

Nagdikit yung kilay ko sa sinabi niya. Kasabay nun nang may biglang kumatok ng malakas sa pinto. Sunod sunod yung katok. Napalingon ako agad sa pinto ng mabilis.
Nakaramdam na ako ng hindi maganda sa mga katok na yun. Napagpasyahan ko na icheck ko kung sino yung kumakatok sa pinto kaya sinabihan ko muna yung anak ko na magstay lang muna siya sa loob ng kwarto niya.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa bintana. Doon ko balak silipin kung sino man yung kumakatok sa pinto. Paghawi ko ng kurtina sa bintana, doon ko na nakita kung sino yung kumakatok sa pinto. Dahil na rin sa liwanag na nanggagaling sa lantern namin sa labas ng bahay ay nakita ko kung sino un.

Matangkad na babae mga 5 foot yung taas. Nakasuot siya ng mahabang black dress at naka-paa lang. Nakita ko na wala siyang mukha tapos basa yung buhok niya. Doon na ako biglang kinilabutan. Akala ko ay guni-guni ko lamang yung nakikita ko sa labas kaya kinusot ko yung mata ko. Pagmulat ko ay totong may misteryosong babaeng kumakatok sa pinto but that time, nakalingon na siya direkta sa akin. Kahit wala siyang mukha ay naramdaman ko yung pagkakatingin nya sakin.

Mabilis akong umalis sa pagkakasilip sa bintana at tumakbo papasok ng kwarto ng anak ko. Kaagad kong sinarado yung pinto.
Namumutla na ako dahil sa matinding takot. Gusto kong i-make sure na okay lang yung anak ko na si Kish kaya mabilis akong lumingon sa kanya. Pero paglingon ko, wala akong nakitang Kish sa harap ko.

Wala siya sa kwarto niya. Mag-isa lang ako sa loob.

Wala siya sa kwarto niya.

Wala.

Oo nga pala. Naaalala ko ng mga oras na yan na wala yung anak ko sa kwarto niya. At that night, sa kwarto namin ng daddy niya siya natutulog nun. Magkatabi sila.

Bakit ko siya nakitang lumabas sa kwarto niya gayong nasa kwarto namin siya natutulog? Nakakagulat. Nakakatakot. Nakakasindak.

Berta
Zamboanga

SALAMIN SA PANAGINIP

Fresh pa to nangyari sa akin, Hindi ko lang alam kung matatakot kayo sa kwento ko pero base sa na experience ko, nakaka kilabot talaga.
I have this attitude na ayaw mawalan ng communication sa pamilya at malalapit na kaibigan o kakilala kaya lagi akong nangangamusta through text, chat or calls. Wala akong palya before, from time to time lagi akong nag tetext pero nung nagka lockdown hindi ko na nagawa.

Last night nanaginip ako, hindi ko na maalala ang buong detalye pero may scene talaga na hindi maalis-alis sa isip ko. Sa panaginip ko, nakaharap ako sa isang salamin. Hindi ko alam kung bakit pero para akong may pinapanood kahit yung salamin parang mahamog. (Alam nyu yung salamin pag binubugahan mo ng hininga mo, yung parang blurred ganon, basta imaginin nyo na lang.) So ayun nga, nakatayo lang ako sa harap nun, hindi ako makagalaw. Parang may hinihintay akong mangyari. Tapos maya-maya, biglang may nakita akong isang babae dun sa salamin. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Katamtaman ang tangkad niya, maputi, shoulder length ang buhok. Naririnig ko ang mahinang pag hikbi niya, katakot takot na hikbi. Waring naghihinagpis ang damdamin. Di nagtagal, tumuntong siya sa isang bangko na ngayon ko lang din napansin. Kinabahan na ako dahil nawawari ko na ang kanyang balak na gawin. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko maibuka ang aking mga labi. Gusto ko siyang puntahan subalit wari ko ay napako na ang aking paa sa kinatatayuan. Wala akong magawa kundi ang manatiling nakaharap sa salamin habang pinagmamasdan siyang unti unting pinapasok ang lubid sa kanyang ulo patungo sa leeg. At halos mawalan ako ng ulirat ng sipain niya ang bangko at mangisay. Iyak ako ng iyak, takot na takot. Alam nyo yung feeling na masaksihan ang isang tao na mawalan ng buhay sa harap mo, wala kang magawa. Hirap na hirap ako, halos ipikit ko ng mariin ang mga mata ko pero nanatili itong nakadilat. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa takot, awa at lungkot. Maya maya nga ay mas lalo pa akong nanlambot ng unti-unting umikot at napaharap ang taong iyon at nasilayan ko ang mukha ng bangkay. Ang aking matalik na kaibigan. Napa sigaw na ako ng malakas. Tapos nun nagising na ako.

Pagkagising ko, chinat ko siya agad. Kahit malalim na ang gabi hindi na ako nagdalawang isip. Hindi siya online pero agad ko din nawari na naka off lang pala ang active status niya dahil nakita kong nag view siya sa message ko. Hindi na ako nagpaligoy ligoy, tinanong ko na agad kung anong problema o may problema ba siya na napakalaki. Pagkatapos nun ay tumawag siya. Umiiyak. Ang iyak na yun ang narinig ko sa panaginip ko. Nag kwento siya na sobra na pala ang dinadala niyang problema at depress na daw talaga siya. Nung tinanong niya ako paano ko nalaman, doon ko isinalaysay ang naging panaginip ko. Nakumpirma ko na muntikan na daw talaga siyang magpatiwakal kung hindi daw ako nag chat sa kanya.
Yung kaibigan ko na yun, masiyahin yun at hindi mo makikitaan ng bakas ng kalungkutan. Yun pala, napakabigat pala ng pinapasan niyang problema na hindi man lang namin napansin.

Sana po, magsilbing aral sa inyo ito. Maglaan po sana tayo ng kaunting oras para kausapin at kamustahin ang mga taong nasa paligid natin dahil hindi natin alam na may pinapasan pala silang bigat sa dibdib. Ang mga taong depress, hindi sila mag oopen up sa atin, isasarili lang nila iyon dahil iniisip nila na baka maging pabigat lang sila. Pero hinihintay din nila na mapansin nating may mali sa kanila.

  • Duday

MANGALYONG DEWENDE

Naranasan niyo na bang mawalan ng mga bagay na kung san ay dadalhin mo na o gagamitin ngunit
biglang mawawala sa pinagtaguan mo at biglang lilitaw din pag di mo hinahanap.

Sa unang araw sa inu-upahan namin ay wala namang kakaiba
hanggang minsan ay kung san nagmamadali ka para umalis o gagamitin muna ang bagay na kailangan mo ay tsaka naman ito
mawawala bigla sa pinagtaguan mo.

Nagttrabaho kasi ako bilang kasambahay at uwian kung hapon
minsan kasi ay may pag kaburara talaga ako lalo pag pagod na galing trabaho. Mahilig ako mag- patong ng mga gamit  ko sa taas ng mesa o sa mga lagayan ko lagi.

Day off ko nun araw ng linggo
at tanda ko talaga na nilapag ko ang nail cutter na gagamitin ko para mag maglinis ng kuko.Hanap ako ng hanap kung sang sulok
ng mga lagayan hanggang sa napagod na ako ng kakahanap.

Kung kaya bumili nalang ako ulit ng nail cutter di kasi ako kuntento pag walang nail cutter sa pag lilinis ng kuko pumunta ako sa palengke at bumili pag balik ko nagtaka ako na nakita ko ang nail cutter na nakapatong sa taas ng mga display.

Kaya nainis ako dahil kanina pa ako naghahanap hanggang nakabili na ako ng bagong nail cutter tinago ko nalang ang bagong nabili ko at ang luma ang ginamit ko sa paglilinis .

May pag kakataon pa  na ang inihanda kong damit o gamit para
sa pagpasok ko kinabukasan ay biglang nawawala sa pinag patungan ko dahil dun ay umiinit talaga ang ulo ko lalo nag mamadali na ako at nababalingan ko ng galit ang aking asawa .

Na baka siya ang gumalaw sa pinaglagyan ko pero pag tatanungin ko siya hindi naman daw niya ginagalaw kung kaya mag hahanap nalang ako ulit ng susuotin ko dahil nag mamadali na din ako dapat kasi mga 7 oclock ay sa trabaho na ako.

At may pangayayari pa na minsan  ang nga singsing o  jewelery na
mga mumurahin lang naman ay
biglang nawawala sa lagayan ko
kung san na hinahanap ko na ay biglang mawawala at ilang araw din ay biglang nalang lilitaw sa lagayan ko kung kaya napapakamot ulo nalang ako.

Minsan pa nga ang nga suklay ko at tali sa buhok kung kaya minsan
sinusuklay ko nalang ng kamay ang buhok ko dahil sa nag mamadali na ako inis man ako
pero wala ako magawa dahil di ko naman alam kung sino ang nagtago ng mga bagay na yun.

May pag kakataon pa ngang
nag sasalita ako mag isa minsan dahil sa galit ko sinasabi kong baka may multo ang bahay namin kung bakit kame lang naman ng asawa ko ang nakatira .Pero laging nawawala ang mga gamit namin at bigla ring lilitaw sa lagayan namin.

Hanggang naalala ko nga ang mga kwento ng lolo ko sa amin na may sadya talagang ganun na  nangyayari sa bahay biglang nawawala at lilitaw rin ito pagdating ng ilang araw.

Dahil cguro sa mga nilalang na tinatawag na mangalyong duwende sila daw kasi ay tagabantay din sa mga tahanan sila yung uri ng duwende na mahilig magtago ng mga gamit sa bahay at ibabalik din kalaunan sang ayon sa kwento ng aking  lolo ko .

At mahilig din sila manguha ng mga bagay na makinang sa mga paningin nila kaya nasabi ng lolo na mangalyo yun dahil sa may especial na taglay si lolo na makakita sa mga nilalang na ito na  di natin nakikita at sana ay magustuhan niyo ang aking kwentuhan .

Salamat

QUARANTINE FACILITY

Hi Guys. Since may nag-send dito ng story na about sa COVID-19, gusto ko din i-share yung experience ko sa isang quarantine facility last 2020. First time ko po talaga magsulat ng story dito kaya po sana pasensya na po in advance. Pero matagal na akong avid reader dito since 2015. 🤘🤘🤘And please po paki-hide yung identity ko kasi bukod sa creepy experience ko share ko din yung nakakalokang experience ko as COVID PATIENT

Sorry mahaba yung intro. So ito na nga, July 10,2020, nanganak ako sa bunso ko sa isang ospital sa tondo. Hindi ko na ise-share yung pagpapahirap na ginawa nila sa akin bago nila ako asikasuhin. FF so ayun na nga,nanganak na Ako,CS Kasi 4.5 kilo yung baby ko. Nung nawala na yung epekto ng anesthesia,inilipat agad ako sa recovery room. Bale pagpasok ko don, 3 kami isang lalaki tapos isang babae,tapos ako. After non,nakatulog ako gawa na din siguro ng pagod. Pagkagising ko 8am, biglang pumasok Yung nag e-x-ray. Pinatagilid nya ko shuta binigla niya ko tapos nagmamadali pa siya e sabe ko kuya may tahi ako oh,Wala pang 24 hours. Tapos ayun kumalma Siya tapos tinulungan niya ko although sobrang SAKIT talaga.

Bigla niyang inilagay Yung x-ray board sa likod ko Wala man lang pagpunas e basang-basa yun ng pawis tapos hirap pa ko huminga Kasi bukod sa walang electric fan napaka-init ng panahon. Tapos alam niyo ba Yung result? May tubig daw sa baga ko? Wth. Gulat talaga ko non kasi hello, may work ako before ako manganak so ibig-sabihin nakapag-pa x-ray Ako so Bakit noon Hindi na detect? So na-conclude ko na dahil nga pawis na pawis ako that time tapos hindi nila nai-consider na Wala pang 24 hrs na nakapanganak Ako, nasa recovery stage palang Ako tapos x-ray agad? Ito pa, after ko i-x-ray, 11 am si-nwab agad kami. Bale sa recovery room naging anim na kami. Tapos sa anim na Yun, alam ko Yung Isa sa amin ay mayroong special treatment kasi bukod sa nakahiwalay sya samin,Kasi kami magkakatabi Yung bed Siya 6 beds Ang pagitan sa amin,e Meron pa siyang bell para pag tatawag Siya Ng help,papatunugin niya lang. Tapos after namin I swab. Nanghingi Yung patient na Yun Ng oxygen Kasi nahihirapan Siya huminga.

FF. 1pm may result na, which is takang taka Ako Kasi 1 week bago lumabas ung result dba? BakiT sa amin 2 Oras lang? Pumasok ung Isang nurse tinawag Yung surname naming Lima na magkakatabi. Syempre ako taas lang ng kamay Kasi nga hindi ako makagalaw dahil sa tahi ko. Sabe Nung nurse, lipat kayong Lima sa COVID room. Positive kayong lima. Doon ako naniwala na talagang humihinto na nga yung oras or yung paligid once na nasha-shock ka. Natulala talaga ko,parang ayaw mag- sink in sa utak ko yung sinabe nung nurse. Bumalik lang yung wisyo ko nung nasa harap ko na yung isang lalaking nurse para itulak yung bed ko.

Tapos habang tina-transfer kami, pumasok bigla sa utak ko na
“Wait,parang may Mali?”.
Kaming mga normal lang naman positive yung special patient negative? Like wtf? Siya yung naka oxygen tank. Napamura ako sa isip ko.

FF. Pagkalipat ko don. Inilipat agad kami kinagabihan sa mga private room bale sa isang room 2 patient. Malaki Yung room 2 beds. Isang restroom. Tapos Yung sistema papasok lang sila kapag kukuha Ng dugo,check Ng bp. May ituturok na gamot sa dextrose.

Sa pagkain naman,kakatok lang tapos kami na bahala na kumuha,pati mga kumot tsaka hospital gown Kasi need namin araw araw magpalit. E dahil nga may tahi ako Buti nalangabait Yung nakasama ko at normal Yung panganganak niya (pero namatay yung anak niya🥺) Siya yung kumukuha ng pagkain ko which is cerelac lang at milk. Always nilang tinatanong kung ano nararamdaman namin,sinasabe namin ok lang kami,Kasi ok lang Naman talaga kami. Tapos ayaw nila pabuksan aircon BAWAL daw kasi kakalat daw yung virus. E sa isip ko non Hindi Naman air borne Yung virus diba? So hinayaan ko nalang nagpadala nalang Ako electric fan. Until one day pumasok ung Isang nurse,sorry Wala talaga akong idea kung Anong itsura nila o surname nila dahil nga sa PPE. Pero sure ako na babae siya. May hawak siyang syringe so alam ko na may ituturok siya sa dextrose ko, pero nagtaka Ako Kasi iba siya sa mga nauna.

White siya,liquid oo,pero makapal na texture. Alam niyo yung gamot na tinitimplahan ng tubig? Ganun Yung texture niya makapal kumpara sa ibang syrup. Kita mo talaga yung kapal niya, tapos habang tinuturok niya biglang uminit buong katawan ko pati ULO ko mabigat, tapos Ang sakit sobra,parang puputok ugat ko. Tapos ung dibdib ko ang init ung parang burning sensation talaga na Hindi na Ako makahinga. Sabe ko, mam.

Tama na Po. Hindi ko na Po kaya. Kasi dahan dahan niya lang yun tinuturok. Sabe niya mam, ***** Po ito. Hindi pwede i-skip pero kung mag-iinsist pa kayo need niyo pumirma  Ng waiver. Sabe ko Sige Po,pipirma nalang Ako Kasi Wala Naman Ako nararamdaman e, pero Jan Ako magkakasakit sa tinuturok niyo. Pati yung isang kasama ko pumirma din, ayaw niya din kasi same kami walang ubo,walang sipon. Healthy kumbaga. Pero after non kasi naturok sakin
Yung Kalahati, nag start na Ako sipunin,tapos ubuhin tapos nawala Yung panlasa ko AS IN.
DOON ko na napagtanto,may iba. May foul play. Kasi kahit Wala Kang sakit bibigyan ka na nila Ng sakit para lang may masabi na positive. Tapos Yung mga namatay? Feeling ko dahil sa gamot na Yun e Kasi kung mahina ka talaga Hindi mo kakayanin yun. Lalo na kung Wala Kang lakas Ng loob tumanggi.

FF. Pang 5th day namin sa room. Normal Naman lahat until nag 6pm bigayan na Ng pagkain, kumatok na Yung nagbibigay Ng food. Kinuha na Ng Kasama ko, ayun kumain kami. 8pm tapos nakahiga lang kami,nagce-cellphone. May kumatok. Dedma,katok ulit,nagkatinginan kami. Pangatlo, tapos hindi na umulit. Yung katok nya is isa lang as in. “Tok”. Ganun lang. Pero malakas. Sabe ko, kakapalit lang natin ng kumot a? Tapos na din pagkain?. Edi inantay namin Kasi baka mamaya nagra-round lang. Check Ng bp ganun. Isa, dalawa ,tatlo,apat,Lima. Limang minuto na ,walang pumapasok. Edi Yung Kasama ko tumayo na. Pagbukas niya Ng pinto,walang tao. Walang tao sa hallway. Nagkatinginan kami pero Yung tingin na yun alam Kong parehas kami Ng tanong. SINO YUN?

FF. Pang 7th day na namin at araw na din Ng transfer namin sa PICC. So alam niyo Naman kung gaano kalaki Yung PICC DIBA? TSAKA naipakita Yung itsura nun as quarantine facility sa 24 Oras. Basta kahoy ung mga room na pa-square may Isang bed, may Isang lamesa at upuan. Yung room kurtina lang Yung pinto. Napaka lamig Nung aircon(naisip ko sabe sa ospital BAWAL daw sa positive patient Ang aircon pero Dito sobrang lamig. Nagtitipid lang yata e hahaha) dahil nga kahoy lang, madidinig mo Yung malapit sa yo. Lalo na kung tumatawa ,umiiyak, kumakanta Lalo na ung nasa talikuran mong kwarto. Pagpunta ko don, nasagap ko agad Yung tsismis. Na Yung nasa likod ko na patient is ayaw lumabas. Ayaw kumain, ayaw din makipag-interact. Namatay daw Kasi yung anak niya sa NICU, di ko alam saan siya nanganak. Tapos namatay din daw yung asawa niya, atake daw  Kasi na shock after knowing na namatay yung anak nila tapos nag positive pa siya. Edi syempre Yung babae naiintindihan ko Siya Kasi Yung mag ama niya Hindi man lang niya Nakita or nakasama kahit man lang Yung bangkay diba. Cremate agad. So Gabi-gabi umiiyak Siya. Iniintindi ko nalang kahit mejo nakakabulahaw Kasi nga magkatapat kami at dinig na dinig ko iyak niya. Pero iniintindi ko nalang, kahit Umaga.

Doon Kasi sa PICC walang nagra round kung may kailangan ka ikaw ang maghahanap sa kanila or ring a bell. Pero wala.ka talagang makikitang nurse tanging janitor lang. Pero may cctv sa hallway. Hallway lang kita Kasi everytime na may nakatambay sa labas maririnig mo pasok Po sa loob, Lalo na Po Yung mga nagkukumpulan,ganern,parang PBB LANG ANG PEG. HAHAHA
4th day, normal Naman Ang lahat. Pero Nung sumapit Gabi. 8pm ,lahat nasa kwarto na. Ako Naman nagce-cellphone. Tapos biglang humagulgol.yung babae sa likod Ng kwarto ko. As in hagulgol talaga. Tapos malakas Siya pero Yung tunog niya parang kulob. Parang nasa Isang box ganun Yung tunog. So Ako, dedma Kasi ganun Naman Siya Gabi Gabi. Pero lumalakas. Tapos nakaka istorbo na. Hanggang 9:30 pm sabe ko parang Hindi Naman na yata Tama Yung ganun Kasi tuloy tuloy. Tapos maingay, Kasi umiiyak din Ako pero Hindi ganun katagal. Tapos sumilip na Ako sa labas tinabing ko lang Yung kurtina. Silip ko kaliwa,walang tao. Kanan, nasa dulo Yung janitor nakaupo, naka PPE. Nagce-cellphone. Like wth? Ako lang ba nakakarinig non? Ako lang ba Ang naiingayan? Walang magrereklamo na iba? Kaya sabe ko Sige dedma baka sabihin makasarili Ako or Hindi Ako marunong umintindi. Kaya pinilit ko nalang matulog. Tapos 2 am nagising Ako. Kasi naalimpungatan Ako sa iyak Nung babae. Mahina, pero consistent Yung tunog. Nag-CR Ako. Tapos tulog ulit. Kinabukasan, 7am Ako nagising, may nagpi-pray kasi pag ganung oras after non pila na para kumain. Nung nakapila na kami, biglang may nagtakbuhan papunta don sa cubicle namin, violet samin tapos dilaw sa lalaki. Mejo malayo ung kuhaan Ng pagkain, Kasi Malaki Yung PICC DIBA? Edi kami napatingin. Gusto ko man makiusisa Hindi ko magawa Kasi nga masakit pa din Ang tahi ko at dahan dahan Ako naglalakad. After kumuha Ng foods, balik agad Ako pero Ako Yung nahuli Kasi nga dahan dahan akong naglalakad. Tinanong ko yung Kasama ko na nakasama ko din sa hospital magkatapat kami Ng room. Sabe ko Anong nangyare? Sabe niya ”
Be, Yung nasa

likuran

mo na kwarto, patay na.

Kagabi

pa daw Yun

sabe

Nung doctor Kasi

matigas

na, kung Hindi 7pm , 8pm Yun after

kumuha

Ng

pagkain


. Na-shock Ako, sino bang Hindi? Kasi kung patay na Siya Nung Oras na Yun? Sino Yung naririnig ko? Kaya ba parang Ako lang Yung nakakarinig? Mula nong araw na Yun Hindi na Ako nakatulog Ng maayos Hanggang sa madischarge Ako. Hinding Hindi ko makakalimutan Yung pangyayareng iyon.

Sorry mahaba. Thank you sa Patience at sorry sa mga capital letter Kasi nag o-auto correct sa keyboard ko. Hehehe

  • Lady D.

KAMAY AT NURSE

Year 2010 nung naospital ang isa sa kapatid kong kambal dahil sa dengue. Ilang araw na lagnat din yun at ng makatatlong araw, nagkarashes na sya sa bandang dibdib.

Nung araw na pinacheck up sya nila mama para malaman if totoong dengue nga, pinaconfine na sya diretso dahil nagpositive ang result ng blood nya sa ginawang blood examination. Na-confine sya sa St. Jude ( di ko na sasabihin kung saang lugar ha hehe basta alam nyo na name ng hospital ).

5 araw din kami dun. Unang gabi kasama ako sa bantay nya, ako at si mama.apat ang bed sa room, semi private pero isa lang syang patient dun. Unang gabi kagaya ng isang buwan ko na na dinaranas nagising na naman ako ng ilang minuto before 3am (kahit sa bahay nun ganun ako nagigising ako between 2:30am to 3am magiisang bwan ko na iniinda).

Di ako makahinga para akong hinihika, para akong nalulunod,( umubo ubo ako para medyo makaluwag sa paghinga ko nun dumilat ako nakatingin sakin yung nurse at kapatid ko kinukuhaan sya ng temperature ) nung umalis ang nurse nagbiro pa kapatid ko na muntik na daw ako pasakan ng dextrose nun nurse  kasi ubo daw ako ng ubo hehe (mama ko sarap pa din ng tulog nun) pero ako di na ko nakatulog nun. Pangalawang gabi kasama ko kapatid ko nag cr kami, mga bandang 8pm pa yun. Dalawa lang kami sa c.r. Yung door ng cubicle dun makikita mo yung paa if may tao sa loob.

Nag c.r kapatid ko, ako nagsalamin. Mamya maya impit syang sumigaw parang gulat tas minura ako. E di napatingin ako kakalabas nya lang sa cubicle
“sino yun?”
sabi nya sabay tumawa. Sabi ko
“yun

alin

?”
me humawak daw sa paa nya habang asa cubicle sya. Nagulat sya paglabas nya asa malayo ako kasi medyo malayo pwesto ng salamin dun akala nya daw kasi ako yun. Nakita nya pa daw yung kamay itim na kulubot .

Sa ilang araw kong pagpunta sa hosp. na yun di ako gumagamit ng elevator. Sa 3rd floor naka-admit kapatid ko, if maglalakad ka mararamdaman mu yung katahimikan pag nsa hallway ka, pero mas gusto ko na yon kasi ewan ko ba pero di ko carry ang kilabot pag asa harap ako ng elevator. May time pa na almost 1am na, nakisuyo pa kapatid kong magpabili ng tissue sa labas, e nagpapatay din pala ng ilaw sa hallway pag ganung time. Pumunta ako sa elevator pero di talaga carry tinakbo ko yung hagdanan nakasalubong ko pa yung janitor nag ma-mop. Nanlaki yung mata  (halatang gulat (kala ata nya that time multo ako ,kasi maluwag na T-shirt white suot ko tas patay pa ibang ilaw mahaba pa buhok ko)  Ako ?? ayun gulat din di lang nagpahalata.
Nung pang apat na araw, hapon, bandang 1pm naguusap kami ng kapatid kong nakaadmit (wala sila mama kasi umuwi saglit) habang naguusap kami panay lipad ng bangaw (malaking langaw) paikot ikot samin minsan dadapo pa samin (feeling close ) e nainis ako, mabilis ko syang dinakma nakulong sya sa palad ko, sakto bigla may nagsipasok na nurse may kasamang pasyente na matandang babae.

Nahiya ako pakawalan yung langaw kasi syempre alam nating madumi yun baka sabihin nila nanhuhuli ako ng bangaw sa hosp. aircon pa man din sa room saka lumapit yung isa kinausap kapatid ko. Nagpaalam ako sa kapatid ko na sa cr ko na papakawalan yung bangaw kaya lumabas ako saglit papunta C.r. Nung papasok na ako yung kamay ko malapit na sa door knob, may kamay na nauna saking humawak sa doorknob at pumasok nakaponytail ang hair nya na di kahabaan, nakauniform sya na parang nurse na color baby blue slacks at poloql.

Ginawa ko pinakawalan ko na sa labas ng c.r yung bangaw bago ako pumasok. Pagpasok ko para maghugas ng kamay, walang tao sa cr. Walang nurse, kahit saang cubicle.
The next day inilabas na namin kapatid ko kasi parang wala din, isa sa kawork ni papa ang nagsabi habang nasa terminal sila na
“Pre asa hospital pala anak mo,

ilabas

mo sya

dalhin

mo sa bahay iba ang sakit nya”
nagulat si papa kasi wala naman sya pinagsasabihan. Dinala sya nila mama sa bahay ng kawork ni papa (manggagamot din pala , pero di nya pinagsasabi ayaw nya kasi ng responsibilidad,isa pa di sila tumatanggap ng bayad).

May nagkagusto daw pala sa kapatid ko na tikbalang sinusundan daw sya kahit saan, tahimik lang kasi yun (di tulad ko ,) isang gabi lang sya ginamot nun at after nun nakapasok na sya ulit sa school slightsmile emoticon.

God Bless Us All

DELIKADOORS

Ang kwento na ito is all about
lucid dreaming. Madalas po akong nakakaranas ng lucid dream, three times a week. Hindi na siya bago sa akin kasi since 9 years old pa ako ay nae-experience ko na ito. Nasasanay na ako at nacocontrol ko na ng maayos ang paglulucid ko.

Marami na akong napupuntahang lugar na hindi pangkaraniwan. Mga fairytale forests, castles, cloud and candy city atbp. Usually, ay mga magagandang lugar yung nakikita ko sa lucis dream. Madalang lang yung mga unusual places na magpapa-feeling sa akin na hindi ligtas dito maglakbay.

Isa na dito yung isa ko lucid dream, na kung saan inakala ko ng gabing yan na maglulucid ako sa isang futuristic city. Pagmulat ko na lang ng mata ko ay napakaraming pinto yung tumambad sa akin. Iba’t ibang kulay at hugis ng mga pinto yung nakikita ko. At lahat ng mga ito ay nakapalibot sa akin. Alam ko na may something wrong dyan sa lucid dream mo. Feeling ko na merong hindi maganda sa loob ng mga pintong yan kapag isa sa mga yun ay pumasok ako. Delikado kumbaga ata yung nasa loob. Dahil nga naisip ko agad yan, hindi ko na inudyok yung sarili ko na tumuloy pang pumasok sa ilang mga pintuan na yun. Bale ang ginawa ko na lang, naglakad na lang ako palapit doon at tinapat ko ang aking tenga para marinig kung ano mang meron sa loob.

Una akong lumapit sa kulay asul na pinto. Pagkatapat ko ng aking tenga doon, naririnig ko yung malalakas na hampas ng alon na sobrang nakakatakot. Yung sound niya parang may tsunaming nagaganap sa loob. Hindi na ako tumagal doon sa pakikinig dahil ako yung tipo ng tao na may takot sa mga bodies of water gaya ng karagatan at dagat. Lumayo agad ako doon at lumapit naman sa isang pinto katabi ng asul na pinto.

Hugis oblong siya tapos kulay beige. Pagkatapat ko ng tenga doon sa pinto. Napalayo agad ako dahil naririnig ko dun yung mga tunog ng matatalas na bagay gaya ng kutsilyo, sibat at chainsaw. Naisip ko na baka may patayan na nagaganap doon sa pinto na yun, parang may mga killer sa loob.

Hindi naman ako nagtagal doon sa oblong door na yun kasi natatakot na ako🙂. Gusto ko na sanang gumising na that time pero naakit yung mga mata nung isang pinto sa may bandang kaliwa ko. Kulay orange siya na nagrered tapos may mga curvilinear na design. Dali dali akong naglakad palapit doon, inakala ko kasi na parang medyo maayos ayos pa naman yung nasa loob ng pinto na yun dahil sa design niya. Nung pagkatapat ko ng tenga ko sa pinto para mapakinggan kung ano mang meron sa loob. Nanlaki yung mata ko sa narinig ko, yung mga balahibo ko sa katawan nagsitayuan. Narinig ko yung sigawan ng mga tao na parang nasasaktan at humihingi ng tulong. May naririnig din akong tunog ng apoy na may tinutupok at sinusunog na kung ano. Kung iisipin mo siya ay isa lang na bagay ang papasok sa utak mo. Ang laman pala nung pinto na yun ay lugar ng impyerno.

Hindi ako makapaniwala na maririnig ko yan mismo sa panaginip ko pa. Nakakasindak yung mga sigawan ng mga tao dun sa loob tapos nanghihingi pa ng tulong na parang totoo talaga siya. Ibang klase yung naging lucid dream ko ng gabing yan.
Hindi na ako nagstay pa ng matagal at mabilis ko na lang na ginising yung sarili ko pabalik sa realidad.

  Isa yan sa mga unforgettable lucid dream ko at ito rin yung dahilan kung bakit nakakaramdam na ako ng takot maglucid dream. Hindi ko sure kung kailan ako ulit makaka-experience ng ganyang klaseng panaginip kasi anytime talaga, pwede ulit yan mangyari. Pinagdadasal ko na lang na sana maging maayos na lang palagi yung lucid dreams ko. At ayokong maipahamak yung sarili ko dahil sa kasalanan ko din.

Maraming salamat sa pagbabasa. Kung isa ka din sa mga nakaranas na ng lucid dream ay alam kong magegets mo ako ng maayos:)

Brent

THE DEVIL WORSHIPER

Honestly po hanggang ngaun naiiyak ako kapag naalala ko ung confession niya at hindi ako makapaniwala na makakakilala ako na sumasamba dati kay Satan.

Dati nababasa ko lang sa mga horror stories o sa google tungkol sa mga taong iba ang sinasamba at nagiging member ng illuminati pero iba pala ang feeling kapag nakilala mo na in person.

Hindi ako namimilit na maniwala kayo at hindi ako gumagawa ng kuwento para lang may maipost ito ay base sa naranasan ko sa workplace na pinapasukan ko ngaun.

I have an officemate na she proudly confess sa office na she is Devil Worshiper, she always pray to Satan, member din siya ng illuminati at nag aalay siya sa Panginoon niya mapagbigyan lang ang hinihiling niya.
Pero sabi niya DATI DAW iyon at hindi ngaun
hanggang ngaun nanggagamot siya pero nung nalaman ko iyon tumayo talaga ang balahibo ko at natakot ako.
Aware naman po ako na hindi dapat maging judgemental at irespeto kung ano man ang paniniwala nila.

May tanong lang po sana ako
Tama po ba Ang pagkakaintindi ko the moment that they sold their soul to the Devil may mga demons na nakakapit sa kanya kapag nag asked ng help sa mga exorcist paano malalaman kung totally free na siya at di na siya guguluhin pa dahil sa past niya.

Paano niyo po pakikitunguhan Lalo na sa workplace.
Bago pa namin nalaman un sa office nagbibigay siya ng pagkain pero ako tinanggap ko pero di ko kinain tinapon ko lang din sa CR pag break time sorry po alam ko mali ang magsayang ng pagkain at I feel sorry po talaga sa ginawa ko iyon.
Mahirap kasi tumanggap ng pagkain sa totally hindi mo naman kilala Lalo na sa workplace baka mamaya may halong dasal at gayuma.

Kailangang kailangan ko po talaga ng work at ang hirap maging tambay Lalo na magpapasko kaso nung nalaman ko ito.
Pinanghihinaan ako Ng loob.
Naikwento ko ito sa Mama ko ang sabi niya mas makapangyarihan si God magdasal ka bago ka pumasok sa trabaho at huwag ka tatanggap ng pagkain kasi baka magayuma ka at maging sunud sunuran ka. Mahirap magtiwala sa panahon ngaun.

Meron po ba dito nakaranas ng katulad sa akin paano kayo makitungo kasi ako hanggang ngaun nag iisip pa rin ako kung papasok pa ba o hindi na dahil sa nangyari.
Yesterday at 2:02 PM ·
Sana’y Wala Ng Wakas
The Devil Worshiper

Hello sa mga admin and members of the group.

Honestly po hanggang ngaun naiiyak ako kapag naalala ko ung confession niya at hindi ako makapaniwala na makakakilala ako na sumasamba dati kay Satan.

Dati nababasa ko lang sa mga horror stories o sa google tungkol sa mga taong iba ang sinasamba at nagiging member ng illuminati pero iba pala ang feeling kapag nakilala mo na in person.

Hindi ako namimilit na maniwala kayo at hindi ako gumagawa ng kuwento para lang may maipost ito ay base sa naranasan ko sa workplace na pinapasukan ko ngaun.

I have an officemate na she proudly confess sa office na she is Devil Worshiper, she always pray to Satan, member din siya ng illuminati at nag aalay siya sa Panginoon niya mapagbigyan lang ang hinihiling niya.
Pero sabi niya DATI DAW iyon at hindi ngaun
hanggang ngaun nanggagamot siya pero nung nalaman ko iyon tumayo talaga ang balahibo ko at natakot ako.
Aware naman po ako na hindi dapat maging judgemental at irespeto kung ano man ang paniniwala nila.

May tanong lang po sana ako
Tama po ba Ang pagkakaintindi ko the moment that they sold their soul to the Devil may mga demons na nakakapit sa kanya kapag nag asked ng help sa mga exorcist paano malalaman kung totally free na siya at di na siya guguluhin pa dahil sa past niya.

Paano niyo po pakikitunguhan Lalo na sa workplace.
Bago pa namin nalaman un sa office nagbibigay siya ng pagkain pero ako tinanggap ko pero di ko kinain tinapon ko lang din sa CR pag break time sorry po alam ko mali ang magsayang ng pagkain at I feel sorry po talaga sa ginawa ko iyon.
Mahirap kasi tumanggap ng pagkain sa totally hindi mo naman kilala Lalo na sa workplace baka mamaya may halong dasal at gayuma.

Kailangang kailangan ko po talaga ng work at ang hirap maging tambay Lalo na magpapasko kaso nung nalaman ko ito.
Pinanghihinaan ako Ng loob.
Naikwento ko ito sa Mama ko ang sabi niya mas makapangyarihan si God magdasal ka bago ka pumasok sa trabaho at huwag ka tatanggap ng pagkain kasi baka magayuma ka at maging sunud sunuran ka. Mahirap magtiwala sa panahon ngaun

.Meron po ba dito nakaranas ng katulad sa akin paano kayo makitungo kasi ako hanggang ngaun nag iisip pa rin ako kung papasok pa ba o hindi na dahil sa nangyari.

LD2022

TAKOT

Share ko lang ..mga tatlong taon na ang nakalipas ng mangyari to sakin..7pm nun nung mag isa ko lang sa bahay dahil nasa byahe pa sila papa from manila.nanunuod lang ako ng tv nun habang nakahiga sa sala.and then maya maya nakaramdam ako na kailangan kong umihi.kaya nagbanyo ako saglit iniwan kong nakabukas ang tv.pag balik ko iba ang channel ng tv nagtataka ako dahil wala namang ibang tao dun para maglipat ng channel.tapos mayamaya pa biglang bumukas ung gripo sa banyo .medyo kinilabutan nako nun sumabay pa ang malamig na ihip ng hangin which is hndi ko alam kung san nanggaling eh sarado naman lahat ng bintana pati narin pintuan.

pero ganun pa man naglakas loob parin ako pumunta sa banyo para isara ang gripo tapos pagbalik ko sa panunuod nagbukas nanaman ulit this time di ko na sinara bagkus ang tv nalang ang sinara ko at nagmadaling magtalakbum ng kumot sa sobrang takot ko ..di ko namalayang nakatulog ako.ididilat ko palang ang mga mata ko nang makaramdam ako ng kakaiba na para bang may nakatitig sakin mga 12 na ng madaling araw…pagmulat ko ng mga mata sht tngn* may isang babae na palang palutang lutang sa harapan ko..pag ikaw pala ang nasa mismong karanasang ganito di ka makakakilos agad para tumakbo ung para bang naparalized ka at di mo maigalaw buong katawan mo…lalo pa’t dilat na dilat ang mga mata nya at umiiyak ng dugo nakatitig sa akin na para bang gusto nya akong patayin …di ko alam ang gagawin ko…halos mangiyakngiyak na at gustong gusto ko ng tumakbo pero di ko talaga magawa at ang pinaka nakahihimatay na pang yayari ay yung mabilis syang nakalapit sa akin at hinawakan ang dalawang braso ko ramdam na ramdam ko ang sobrang lamig ng mga kamay na nagpupumiglas ako at iyak ng iyak hanggang sa papalapit na ng papalapit ang muka nya sa muka ko..pumikit nalang ako at nagdasal ng paulit ulit..walang tigil ang pag hingi ko ng tulong sa itaas.. hanggang sa makaramdam ako ng ginhawa .

wala ng mga malalamig na kamay ang nakahawak sa mga braso ko .kaya unti unti ko ng minulat ang mga mata ko..at pagtingin ko ay wala na sya saktong pagdating naman nila papa..dalidali kong kinuwento sa kanila ang mga nangyari…dun ko napatunayan na talagang nandyan lang ang diyos para tulungan tau at iligtas sa ano mang masasamang espirito o ano pa man.kaya wag na wag natin syang kalimutan at ugaliing magdasal ng magdasal dahil un lang ang tanging maisusukli natin sa kanya.thats why i thanks God so much.

2:07

Nanay na ako limang taon na panganay ko tapos bunso ko naman iisang taon pa lang. Bago ko sya ipanganak nagawa na bahay namin. Bale yung lupang kinatitirikan mana ng asawa ko sa lolo nya bilang paboritong pagalitan ng lolo nya noon. Marami namang mga bahay sa lugar kaya lang yung kinatitirikan ng bahay namin napagitnaan ng dalawang fishpond. So wala kaming literal na kapitbahay kundi katapat bahay. Kekendeng ka muna patawid sa kalsada bago ka magkaroon ng katsismisan.

Kaya nga lang po dahil dayo ako sa bayan nila wala akong masyadong kaclose sa mga taga roon. So yung bahay namin bagong gawa lang. Dahil katoliko asawa ko at pamilya nya kahit ayoko sanang padasalan at pasukan ng mga rebulto yung bahay namin wala akong magawa. Saktong isang buwan ng bunso namin, sinabay na binyag. After 2 days flumight na asawa ko padubai. Ang naging kasama namin ng mga anak ko sa bahay yung kapatid kong lalaki at yung pamangkin naman ng asawa ko, lalaki rin.

Isang linggo ng nakaalis asawa ko, nagpamani-pedicure ako. Tapos nung makita nung mga katapat bahay namin nakisunod na rin sila. Eh bilang ako ay sabik sa kakwentuhan natuwa ako sa pagparine nila sa bahay. Nagpabili akong merienda sa kapatid ko. Naging kaclose ko na mula nun si toyang. Palayaw nya yan. Isang araw hiniram ng biyenan ko mga bata dun muna sila ng tatlong araw ika nya. Nagabihan ako sa daan pero hindi naman ako nag isip na may masamang mangyayari sakin dahil nga kilala asawa ko sa lugar. Hindi rin ganun kalayo yung bahay ng biyenan ko mga limang minutong lakad lang. Kaya lang nung paliko na ko at nasa anim na bahay na lang ang layo ko samin may biglang humarang na malaking kambing sa gitna ng daan. Di naman ako natakot, agad.

Aba kambing lamang iyon. Kaya lang kinabahan ako ng slight nung paghakbang ko sa kanan para sana ay iwasan ko bigla ring hakbang nito sa kanan. Sinunod ko kaliwa, syang hakbang naman nito sa kaliwa. Napaatras ako ng isa. Syang abante naman nito sakin. Nabulalas ko pa aba para kaming nagtatanggo. Para bagang doon na ko natauhan na kambing lang ay kinakabahan na ako. Kaya abante na ako. Pero ang tampalasan bigla akong binuno. Napahandusay ako sa kalsada. Masakit ang tyan ko.

May basa. May bumusina bigla. May nagtayo sakin. Tapos pagkasabi ng nagtayo sakin ng dugo napatingin ako sa kamay ko. May dugo nga. Nagkamalay ako nasa ospital ako. Umiiyak biyenan ko bakit daw ako tuloy tuloy kasi sa kawayan na nakahambalang sa daan. Si toyang nag-ssssh sakin ng pasikreto. Di nya ko kinausap hangga’t hindi ako nakalabas ng ospital. Ang sabi pa nya sakin, mag-usap kami sa ibang lugar wag sa barangay namin. Kaya nung nagpadala ang asawa ko pati asawa nya, magkasama kasi sila sa iisang kompanya, inaya ko syang mag grocery sa kapitolyo.

Sinama naming pareho mga panganay namin. Nung nasa foodcourt na kami at lumalamon na mga bata, tumabi sya sakin at may pinakitang picture. Totoy pa asawa ko sa picture. Parang class picture. Nandon din kasi asawa nya. Mas bata kami ni toyang sa mga asawa namin. ‘yan’ sabi nya. ‘ex yan ni alex. Bumalik na sya last week’ kinuha nya phone nya at may tinype. Pinakita nya sakin.

Sya yung sinasabi ni ross na kambing

Si ross yung tumulong tumayo sakin. Kahit probinsyana ako, di naman ako naniniwala noon sa mga kung ano anong bagay lalo multo, engkanto o aswang. Kaya tinawanan ko sya. ‘sige kung ayaw mong maniwala. Para na lang sa kaligtasan ng mga anak mo, pag yang babaeng yan ay nagpunta sa bahay mo wag mo syang aayain pumasok’. Hindi ako naniniwala noon sa ganon pero naniniwala ako sa kayang gawin ng desperada at obsession. Di nagtagal nasa gate na namin yung babae sa picture. Na insecure ako sa ganda dagdag mo pang ang sexy. Ang amo ng mukha.

Kaya lang nagreplay yung sinabi ni toyang sakin. Pinapasok ko sa kwarto panganay ko sabi ko bantayan nya kapatid nya. Nilock ko pinto sa kusina, chineck ko rin mga bintana saka ako lumabas sa terrace namin. ‘ano yun?’ tanong ko. ‘si alex?’ tanong naman nya. Alexander pangalan ng asawa ko.

Kunwa di ko gets sinong alex. ‘si alexander +++++ +++++++’ sinabi nya pati middlename ng asawa ko, yung dalawang kamay ko biglang nagpamewang. ‘ako si chinne +++ +++++++ asawa nya ko pero wala sya dito ngayon nasa dubai’. Tagal nyang nakanganga tapos nagtanong lang ulit kung pwedeng pumasok. Sinagot ko syang hindi. Kinagabihan dumating dalawang biyenan ko. Parang aligaga. Si tatay sinara agad mga pinto at bintana. Bago isara ni nanay yung pinto ng kwarto narinig kong binibilinan nya yung kapatid ko at apo nila na wag ng lalabas ng gabi. Si nanay naman kinausap ako. Tungkol sa ex ni alex.

College na raw si alex nung maging sila nun. Yung si selena, si ex, bagong salta sakanila dalawang taon bago grumaduate ng highschool. Ang kinagulat ko katulad kong batagueña. Nung naging si alex at selena, namayat ng sobra si alex at naging mainitin ang ulo. Dahil nagbago ang anak nila, sabi ni nanay kinausap nila ni tatay si selena nung minsang bumisita ito sa bahay nila. Pero minamasama ng loka ang pagkausap sakanya. Nagpanggap itong buntis. Paniwalang paniwala sila dahil may pinakita itong pt na positive. Dalawang buwan bago nila malaman na hindi pala totoo, naghiwalay sila. Kinilabutan ako sa sumunod na kwento ni nanay.

Nag anak sa binyag sila alex kasama si selena. Kaklase kasi nila nung highschool yung may anak. Si selena nasa may kusina isa sa mga nagprisintang tumao doon dahil nga napakarami ng bisita. Uso kasi dito yung mga pabitbit sa mga ninong at ninang kasal man o binyag. Si selena nag abot sa asawa ko ng pabitbit nya. Okay pa habang pauwi. Kahit nung nasa bahay na sya. Pero nung ilalahok na sana sa munggo yung lechon manok na nasa pabitbit, nagsisigaw si nanay.

‘chinopchop ko kasi anak yung akala ko manok. Dahil pagod ako galing sa sibuyasan namin nalutang ang utak ko nabudburan ko ng asin. Kaya laking gulat ko ng mapalitan ng bayawak na malaki at puro uod yung nasa chopping board’ Nung binasura, umulan bigla. Takbo si alex papasok sa bahay.

Pagtila ng ulan lumabas ulit si nanay para itapon yung iba pang basura. ‘naging manok ulit anak. Chop chop na manok. Ang tatay mo may naisip, kinuha nya yung thong at inisa isang ilagay sa semento yung laman at binudburan nya ulit ng asin. Naging chop chop na bayawak ulit. Kaya anak mag ingat ka. Ang nanay nya binaril dahil sa marami ng nakulam. Yun pala kaya umalis sila sa lugar nila dahil marami na syang naperwisyo. Hindi pa rin pala tumigil. Sa lamay ng nanay nya napakaraming kuto, ipis, tipaklong na lumalabas sa kabaong. Sa buong paligid din ng bahay nila nakakabingi ang kokak ng mga palaka. Mag ingat ka anak.

Kung gusto mo doon muna kayo sa bahay’ kaya lang matigas ang ulo ko. Para kasi sakin, di dapat katakutan ang mga mangkukulam. Isa pa, hindi ako magpapatalo sa takot ko. Nanay ako eh. Sumunod na gabi sobrang ingay ng mga kulisap. Sa sumunod na gabi nagkoconcert na rin mga palaka. Umaga, humahangos si nanay at tatay. Kasama nila yung albularyo sa barangay. Hindi ako naniniwala sa mga albularyo. Hindi dahil sa hindi ako naniniwalang kaya nilang magpagamot.

Alam ko kasing hindi galing sa Dios ang pang gagamot nila. Ayoko talaga sakanila kahit sa mga faith healer, nagpapabayad man o hindi. Kaya sinabi ko talagang direkta na hanggang paligid lang sya ng bahay di sya papasok. Si toyang binigyan ako ng mga cactus. Tapos limang bala ng bentedos. ‘wala ng pulbura yan. Ayaw ng mga mangkukulam dyan kahit aswang. Bulsa mo lang lagi pati sa mga anak mo’. Pero tila baga at nagalit pa si selena sa nangyari. Nung gabing yun nagising ako sa pagsigaw ng kapatid at pamangkin ko.

May tao raw na nakasilip ng patiwarik sa bintana. Lalaki. Si toyang tumawag bigla at sinabi nyang may tao nga sa ibabaw ng bubong. Lalaki. Sabay sigaw nya. Sinilip ko bahay nya sa bintana. May nakatiwarik na ring tao sa bintana ng kwarto nya. Kapatid ko naman kumuha ng itak at kutsilyo at hinasa. May nagdabog sa yero lumingat yung gilid ng kisame sa lakas ng dabog. Pero tuloy pa rin kapatid ko. Umiyak mga anak ko sa kwarto sabay kami ng pamangkin ng asawa kong pumasok.

Nandon si selena. Ang lakas ng hangin. Naka kurtina kasi bintana sa kwarto at nakaladlad pero ang lakas ng hangin kaya umaangat kaya nakikita namin sya. Nagsasalita sya di ko maintindihan pero biglang nagtakip ng tenga pamangkin ko sabi nya maingay. Kapatid ko pumasok sa kwarto hinawakan nya kamay ko. Yung panganay kong anak, nakipaghawak din ng kamay sakin at hinawakan nya rin kamay ng kapatid nya. Pamangkin ko kahit parang nabibingi pa rin humawak na rin sa isang kamay ng bunso ko at kapatid. Nakagawa kami ng bilog. Kapatid ko tinanguan panganay ko.

‘Jesus’ Simula ng anak ko. ‘plist po palitin mo na mga demon plist po’. Kung ganu kabilis silang lumitaw syang bilis nilang nawala. The power of faith and prayer. Kaso hindi sila natinag. Every night binibisita nila kami. Si toyang din. Hindi na sila scary para samin sa bahay, naging nuisances na lang sila.

Pero ingat na ingat ako sa pagkain ng anak ko. Marami na kong naging kaibigan dahil sa nightly visitor namin. Concern mga ibang tao samin. Nag organized sila ng patrol hindi lang ng mga tanod. Kaya lang hindi naman pwedeng buong magdamag may patrol. Lalo at mga civilian yung karamihan may ibang trabaho pag umaga. Tinawagan ko mama ko na nasa manila kasama ng kuya ko. Sabi lang nya pasasaan at titigil din sila. Nagkatotoo nga.

Isang linggong tumigil. So napanatag ako at ayon sa mga bago kong friends hehehehe isang linggo na rin nilang hindi nakikita si selena. Panganay ko saling pusa sa daycare. Sa daycare may sched ang mga parents sa pagluluto ng feeding. One faithful day isa ako sa nakasched na magluto. Dahil nasa loob sya ng room hindi na ko nag isip ng kung ano, nagconcentrate akong magbalot ng gulay sa wrapper. Tumunog phone ko. Kuya ko. Ang choppy ng line. Pero sapat na yung dalawang salitang naintindihan ko para iwanan ko yung ginagawa ko at icheck anak ko sa room. Wala sya.

Tinawagan ko kuya ko for the first time sa loob ng maraming taon humingi ako sakanya ng tulong. Maayos na yung line. Sabi nya nasa tricycle na sya papunta sa daycare center. Ganon kasi kuya ko after nya maaksidente pero sa susunod na lang na kwento. Pinigilan kong umiyak. Kasi umiiyak na nga biyenan kong babae, biyenan kong lalaki kulang na lang sakalin nya yung daycare worker bakit nakalusot yung pagkuha sa anak ko. Kaso sakin alam kong di sya nagkulang, ginaya kasi mukha ko. Sabi nya kasi sakin, ako yung kumuha sa anak ko, mukha ko.

Kapareho ko ng damit. Pagdating ng kuya ko saka ako umiyak ng tahimik habang nakayakap sakanya. Pinatawagan nya sakin asawa ko. Nakita nya raw kasing naghahanda para umuwi sa pilipinas wag ko raw pauuwiin. ‘tinawagan mo ako chin, pagkatiwalaan mo ako babalik si tristan satin eksaktong alas dos siete ng hapon’ sabi ni kuya. Totoo ngang naghahanda na si alex para umuwi. Naichat na sya ni selena an hour before mawala anak ko na makikita nya lang buhay si tristan oras na umuwi sya. Nag iiyakan kami ng asawa ko sa vc nung sumingit si kuya. Lumayo sya sakin kasama phone ko. Pgbalik nya kalmado na asawa ko.

Si kuya nagluto ng tanghalian andaming tao sa bahay. Para akong hihimatayin pagpatak ng 2:06. Si kuya nagkacountdown sila ng kapatid namin. Pagbangggit nila ng 57, may tumigil na tricycle. 58, bumaba driver binuksan yung pinto ng sidecar. 59, bumaba anak ko sabay takbo papasok sa bahay, 2:07 nasa loob na ng bahay anak ko. 2:08 nagsigawan kaming lahat ng papuri sa Dios. At nagkwento ang anak ko, tuloy tuloy syang nagkwento habang nakaharap sa laptop kausap papa nya. Alas tres nung dumating yung kagawad, dala bag ng anak ko, basa. Nakita daw sa ilog. Yakap ng bangkay ni selena. Ang nakapagtataka lang ang kwento ng driver na nakakita sa anak ko. May kasama raw itong batang babaeng naka school uniform. Yung batang babae pa raw ang nagsabi ng address at nagbayad ng pamasahe. Dagdag pa ng driver nung lingunin nya ulit yung batang babae, wala na. Mas nakakapagtaka nung dinescribe ng kuya ko yung itsura ng batang babae pati kulay ng damit nito umuo nang umuo yung driver. Yung bata ding yun ang nagsabi kay kuya na puntahan ako. Pagbabang pagbaba nya ng bus nagkaroon sya ng premonition. Hanggang ngayon hindi pa rin natigil yung mga bisita namin sa gabi. Wala na si selena, pero yung demonyong nagbuyo sakanyang gawin ang mga bagay na yun, buhay na buhay pa. Ginugulo ako, pati asawa ko na nasa ibang bansa. Kaya lang alam nyo? Demonyo lang yan.

Mas malakas si Yahweh sakanila kahit magkampihan pa silang lahat.

WHEN THE NIGHT FALLS

Karanasan ko po ito patungkol sa maliit na apartment na inuupahan namin ngayon ng bestfriend ko.

It was my biggest regret so far.

Una kaming napadpad doon nang ma-meet namin itong si Miko. Nakilala lang sya ni Joy, bestfriend ko sa facebook, nagtratrabaho kasi ito sa call center at mataas ang sahod na kinikita, at dahil ganoong klasing trabaho ang hinahanap ni Joy nakilala nya ito at naging kaibigan.

At first tiwalang tiwala kami sakanya na hindi nya kami lolokohin na maganda at maayos ang lugar na tutuluyan namin.

Hindi nya naman kami binigo doon kasi maganda ang tinuluyan namin at maganda ang takbo ng trabaho ni Joy bilang call center. While ako nagpaparttime job lang, may kapamilya din kasi ako dito na may magandang negosyo na restaurant kaya doon ako nagtrabaho habang nag aaral sa college online class.

Nagsimula ang lahat noong umalis si Miko sa apartment.

Doon din kasi sya naninirahan pero nasa third floor yung apartment nya, habang kami nasa 4th floor room 33 na syang ikalawang pinakamataas sa apartment.

Gabi noon nang makasalubong ko si Joy sa elevator, may dala na itong tumbler at bag na halatang papasok palang sa trabaho. Nightshift kasi sya. Habang ako papauwi na.

Minsan nalang kami nagkikita nito kahit na magkasama kami sa iisang apartment, iba kasi schedule namin sa trabaho.

Lumabas lang sya sa elevator at nagkwentuhan kami saglit, nasabi rin nyang umalis na daw si Miko na walang pasabi. Pero bago pa man kami nagpaalam sa isat isa sinabihan nya akong mag iingat kasi may lasing sa itaas pero ang pogi daw.

An landi talaga.

Nang makarating sa itaas may naabotan nga akong nakatayo sa harap ng katabing apartment namin, hindi kita ang mukha kasi nakablack jacket na parang mamamatay tao sa isang pinikula.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Papasok na sana ako sa apartment nang may marinig akong kaluskos sa kabila pang apartment. Kinilabutan agad ako dahil matagal na rawng walang nakatira doon, at dali daling sinara ang pinto.

Pagkalipas ng ilang oras, natatandaan ko kalahating gabi na iyon. May biglang kumatok sa pinto, binuksan ko lang ng ilang centimetro ang pinto habang nakasabit lang ang chainlock kaya kung may magpilit mang pumasok ay hindi agad makakapasok.

Nakita ko ang isang lalaking tansya ko ay nasa 30s ang idad, nakapantulog ang suot. Bakas ang pag aalala sa mukha nya sabay sabing kong okey lang ba kami.

Sinong kami? Nagtaka agad ako. Ngunit ang sabi lang nya may nagsisigawan at umiiyak daw sa apartment na’to. Seryoso nyang sabi kaya bigla akong kinabahan.

Ako lang kasi mag isa dito habang nanonood ng youtube.

Habang nakatingin lang ako sa lalaki at nakasilip lang dito sa pinto, napansin kong may tao na sa likod nya, iyong lalaking nakajacket na black, may hawak itong kutsilyo.

Nagulat nalang ako bigla at hindi makapaniwala nang __sinunggaban ng saksak sa leeg ang lalaking naka pantulog ang suot.

Nakapanlulumo talagang makita ang kaganapang iyon.

Agad agad kong isinara ang pinto habang pilit pinapakalma ang sarili, nanginginig narin ako sa takot ng gabing iyon.

Ngunit pinilit kong makatawag sa pulis.

Lakas ng pintig ng puso ko nu’n butit may katinuan pa’ko.

Nang makarating ang pulis ay wala itong nakitang katawan o pagpatay. Sinabi rin nila sa’kin na hindi bago sakanilang may biglang tumawag galing sa apartment nato, at ganoon din daw ang sinasabing may sinaksak na lalaki.

At ito ang buong kwento sa likod nun. May magkaibigan din daw na nakatira dito 2 years ago, walang awa silang pinatay ng tatlong lalaki, iyong isang babae raw na isa sa magkakaibigan ay ginahasa bago tuluyang patayin, doon raw ito sa kabilang apartment pinagsawaang gahasain doon sa kung saan nakaharap kanina ang lalaking nakablack. At sa kabilang apartment naman nilagay ang mga katawan nila at sinunog. Iyon namang lalaking nakasuot ng pantulog ay nadamay lang, siya raw ang saksi sa pangyayaring iyon.

Hanggang daw ngayon ay hindi pa nila nahahanap ang isa sa pumaslang sa magkaibigan na nakatakas. Wala daw silang litrato o kung ano, at ang tanging hawak lang nila ay iyong lalaking nakapantulog ang suot na nakahiga parin sa hospital hanggang ngayon. Nacoma raw ito plus truamang natamo sa pangyayari kaya hanggang ngayon hindi parin nagigising.

Subrang panlulumo ang naramdaman ko ng malaman iyon. Ang tinitirhan namin ngayon at dalawang katabi nito ay lugar kung saan may nangyaring kadumaldumal na crimin.

Diba mapapawh*tthepak ka nalang?

At bakit naman kaya nakakapagparamdam dito ang nakahimlay ngayon sa ospital?

Napapaisip nalang ako na baka may gusto syang iparating sa’min. O baka binabalaan nya lang kami na huwag dito tumira.

May kasabihan pag hindi mo alam ang buong pangyayari, hindi mo malalaman ang buong kwento.

It was april 2 kinabukasan, nang napagdisisyunan naming hindi umalis sa apartment since nangyari na ang nangyari, natapos na ang tapos. Siguro’t nasa isip din namin noon na imposibling bumalik ang lalaking pumatay sa magkaibigan 2years ago sa lugar ng krimin. Tange lang ang gagawa nang ganun. At tsaka binabalak ng mga residente dito na palagayan ng mga cctv since sa ibaba lang meron, sa may elevator at entrance stairs.

At dahil nga mura lang ang apartment ayaw pakawalan ni Joy iyon, nasasayangan din sya kasi maganda talaga ang lugar, kahit ako. Ang problema lang talaga ay iyon ngang nakaraan nito.

Medyo natruama nga ako sa nangyari pero hindi ibig sabihin na hindi ko iyon agad malilimutan.

Sa subrang busy mo talaga para sa future wala kang ibang maiisip kundi dapat kang mabuhay, trabaho at aral ang uunahin. Melodrama ika nga yung genre ng buhay namin.

*Forward (para hindi mairita yung readers sa tagal haha)
Isang linggo ang lumipas pagkatapos mangyari iyon. Pagkauwi ko ng apartment alas 8 ng gabi wala na si joy, ganun parin pagkatapos ng online class nood ng movie tapos kain at tulog.

Nagising nalang ako ng may biglang kumalabog sa pinto, syempre kinabahan ako at natakot, pero nang marinig ko ang boses ni joy ay naglaho lahat ng kaba ko
“Ako to!”

Sigaw

nya.

Habang papalapit sa pinto may biglang tumawag sa’kin si Joy, kaya agad ko itong sinagot. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla nyang sinabing

“Wag na wag mong bubuksan ang pinto”
iyon yung bungad nya sa’kin

“May dalawang taong nakaharap sa apartment, hindi pala sila tao, siguro sila ‘yong sinabi mo saking dalawang pinatay kasi sunog at lasuglasug ang mga katawan nila. Nandito aki sa may hagdan kitang kita ko sila.”
patuloy pa nyang sabi. Napaatras pa’ko ng kunti sa pinto, tumakbo nalang ako sa kwarto nang biglang naputol ang kabilang linya/tawag.

Napadasal nalang ako ng mataimtim sa subrang takot nung gabing yun habang nakatalukbong sa kumot. Hindi ko na naisip kung anong nangyari kay Joy kong bakit biglang naputol ang tawag, malaki na’yon kaya na nya sarili nya at subrang kapit na kapit iyon sa diyos, baka nga naging madre sya noon nung hindi ko sya napigilan, syempre samin na’yon haha.

Maya maya nun mga ilang oras dumating na talaga yung totoong Joy, sinabi pa nya sakin na bigla dawng lumabas yung nakatira galing sa isang apartment na katabi nung hagdan kaya sya nagulat at nabitiwan cp nya dahilan kaya naputol ang tawagan namin.

Hanggang dito na muna.

_Jom.

BABAENG NAKA LUTANG

SO IM HAIDEE NOT MY REAL NAME.
Nangyare eto nung November 1 2022 fiestang patay magkakasama kami nagpuntang ng buong family ko sa puntod ng mga Lola, Lolo tita and Tito ko and then Bago kami nagpunta sa sementeryo napag isipan naming bumili muna ng kandila tapos pagkain na iaalay sa kanila kasi tradition na Dito sa amen na kapag pupunta ng sementeryo magdadala ka ng kandila at pagkain ganon fast-forward naka tirik na kami ng kandila and naialay na din mga foods tapos naisipan na Namin umuwe medyo pagabi na kami nakauwe at dumaan pa kami sa mga tumba tumba HAHAHAHAHAHA sumilip silip lang naman kami and then pagdating Namin sa Bahay napagplanuhan namin nung dalawang Kong pamangkin na doon sila sa kwarto ko matulog for one time lang kasi wala din silang kasama sa house nila bale nakatira ako sa bahay ng Lolo at Lola ko and then ayun na nga nag aayos na kmi ng higaan after namin kumain tapos nahiga na din kami mga bandang 10 or 11 na yata ng maisipan na naming matulog kasi inaantok na kmi bale nauna na pala natulog ung Isa kong pamangkin tapos sumunod na kaming dalawa nung Isa ko pang pamangkin tapos nakatulog na kami naalimpungatan ako ng mga bandang 3:14 masi chineck kopa ung orras sa phone ko at ang ingay nga sa labas ng kwarto ko tapos after ko I check ung time pinikit ko ULET mata ko and then nakikiramdam lang ako sa paligid ko Kase kinikilabutan ako that time ewan ko din kung baket and then lumipas Ang ilang minuto may naririnig akong naglalakad sa hagdnan ng bahay tapos ang bibigat ng yapak tapos diko pinansin baka si Lola lang kaya diko din chineck tapos a minute after nnman meron namang naglalarong mga bata Ang ingay ng bola nila sabiko sa isip ko di kaya naririnig ni Lola or ng mga pamangkin ko yon so diko nnman pinansin pero natatakot nako after non nakaamoy ako ng mapanghi as in sobrang panghi niya tapos napaupo nalang ako kasi feel ko talagang dina normal and then I tried to open my door sa room ko pero nauunahan ako ng TAKOT pero dikona iniisip yun binuksan kona chineck ko Wala namang tao Wala na din ung ingay pagkasara ko ng door ko may tumatawang babae sa gitnang kwarto tatlo Kasi kwarto doon nasa pinaka dulo kami tapos sa kabilang dulo ung Lolo at Lola ko tapos bakante sa gitna after ko marinig yun binuksan ko nnman ung pintuan ng kwarto ko at chineck ung kabilang kwarto Kasi dikona magawang makatulog sa sobrang disturbing ng mga nangyayare and then lumabas ako ng kwarto tawa pa din ng tawa then dahan dahan akong pumunta sa gitanang kwarto to check kung anong Meron doon Kasi nga may tumatawang babae at anlakas ng tawa niya and then I saw a girl na nakalutang and ang saya saya niyang sumasayaw ng ballerina as in kitang kita ko siyang sumasayaw ang ganda ganda niya tapos ako di ako makagalaw nakatitig lang ako sa kanya tapos mga ilang seconds lang nakita niya ako tumingin siya sakin pero mukha siyang mabait ang ganda ganda talaga niya tinititigan niya lang ako and after that biglang nagbago ung mukha niya lumuwa ung mata niya tapos ung kamay paa buhok niya natanggal dikona alam gagawin ko kasi sobrang panget na niya dinako makagalaw and then nung tumalikod siya merong mukha ng bata sa likod niya ang tatalim ng ngipin after non sigaw nako ng sigaw tumakbo ako sa kwarto ko hanggang sa nagising sila Lola at pinuntahan ako sa kwarto to check me Sabi sakin ng Lola ko ang ingay ingay mo anong oras na madaling araw palang tapos kinukwento ko sa Lola at loloko yon at pinaniwalaan din nila ako kasi Nakita na din daw nila yun after non kasama na namin matulog ung Lolo at lolako sa kwarto malawak naman kama ko kaya kasya kami tapos ung dalawa Kong pamangkin iyak na ng iyak sa TAKOT pero nakatulog din sila ulet after non pumunta nako ulet sa totoo naming bahay sa mama ko at don nako na lagi, bumibisita bisita nalang ako sa Lolo at lola ko pero madalang na kasi ung trauma ko don sa nakita ko.

yun lang sana nagustuhan niyo.

LAST TRIP

.

“Oh, last trip na! Sakay na kayo!”
sigaw ni manong habang iwinawasiwas ang kanyang kamay sa ere upang senyasan ang mga estudyanteng sumakay sa kanyang jeepney. Ilang mga estudyante ang patakbong tumungo sa paradahan ng jeepney na tila natatakot maiwanan ng byahe.
.
Habang naglalakad ako patungo sa jeep, ramdam na ramdam ko ang hapo sa maghapong pag-eensayo ng aming sayaw. Intramurals na at isa ako sa mananayaw na kasali sa pinakahihintay na Hip-Hop Competition. Dalawang araw na lamang bago ang aming kompetisyon kaya naman puspusan ang aming ginagawang ensayo. Tumingin ako sa aking cellphone at tinignan ang oras – alas sais na ng gabi.
.

“Oh, Miss, sakay ka na! Isa na lang at aalis na. Last trip na ‘to!”
sabi sa akin ni manong driver.
.
Nagdalawang-isip ako sa pagsakay.
.

“Baka naman kalahati lang ng pwet ko ang maiupo ko, Manong,”
pabiro kong sabi kay manong driver.
.
Napatawa ito nang bahagya.
“Sige, pag kalahati lang ang upo mo kalahati lang ang bayad mo.”

.
Nginitian ko ang driver. Agad na akong tumungo sa likuran ng sasakyan. Pagakyat ko ay agad naman akong binigyan ng pwesto ng mga estudyanteng kasabay ko malapit sa bukana ng jeepney.
.

“’Yun! Maluwang pa pala,”
nasabi ko sa sarili ko.
.
Isinandal ko ang aking ulo at doon ay unti-unti ko nang naramdaman ang pagod ng aking katawan. Halos pumintig ang aking mga ugat sa paa sa sobrang indak at padyak sa pag-eensayo.
.
Sa loob ng jeepney naroon ang mga tipikal na mga estudyante – maingay at masayahin. Maririnig ang halakhakan ng mga ito habang pinag-uusapan ang mga napanood nilang mga sports events kanina.
.

Manong, bayad po,”
sabay abot ko ng siyete pesos na pamasahe sa aking katabi na siya naming ipinasa hanggang sa umabot kay manong driver.
.
Paglipas lamang ng ilang segundo ay binuhay ng driver ang makina ng kanyang sasakyan at tinahak na nito ang daan patungong bayan. Ang sasakyan ay pinuno ng sariwa ang malamig na simoy ng hangin kaya naman hindi ko naiwasang antukin sa byahe. Unti-unting pumikit ang aking mga mata ang sa isang iglap ay nakaidlip na ako.
.
Ngunit hindi pa tumatagal ang byahe ay biglang binalot ang sasakyan ng kakaibang lamig. Napilitan kong imulat ang aking mga mata dahil tagos sa aking kalamnan ang lamig. Tumingin ako sa labas ng jeep at napansin kong napakadilim na ng paligid. At hindi natural ang dilim na ito dahil ni isang ilaw sa labas ay wala akong matanaw. Tanging ang ilaw lamang na nagmumula sa jeep na aking sinasakyan ang aking naaaninag.
.

Naku

! Brownout pa yata,”
nasabi ko sa sarili ko.
.
Agad kong kinuha ang aking cellphone sa bag ko at tinignan ang oras – alas sais ng gabi. Dito na ako nagtaka.
.

“Huh? Alas sais parin? Sira ba itong cellphone ko?”
tanong ko sa sarili ko. Ang buong pagkakatanda ko ay alas sais na bago pa ako sumakay ng sasakyan. Binalik ko ang aking cellphone sa bag at pinagsawalang bahala ko na lamang ito.
.
Ilang Segundo ang lumipas ay bigla akong may napansing mas kakaiba. Ang mga kasabay kong mga estudyante na kanina ay nag-gigitgitan at nag-haharutan, ngayon ay tahimik at walang imik na nakaupo. Ni hindi sila gumagalaw at nakatingin lamang sa sahig ng jeep. Bawat isa sa kanila ay tinignan ko ng maigi at ako ay nagimbal sa aking nakita: maputla ang kanilang mga balat na halos kulay yeso na sa puti at lubog at mapusyaw ang mga mata. Sinubukan kong hawakan sa braso ang aking katabi. Pagdampi ng aking kamay ay halos mapaso ako sa lamig ng kanyang balat.
.
Unti-unti akong binalot ng takot. Ang lamig na kanina ko pa tinitiis ay lalo pang tumindi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Luminga-linga ako, humahanap ng kung sino mang taong makakapagpaliwanag nang kung ako ang nangyayari. Sa aking pag-linga ay napadako ang aking mga mata kay manong driver. Patuloy parin siya sa pagmamaneho.
.

“Ma… Manong. Na… nasaan na po tayo?”
pautal kong nasambit, pinipilit na itago ang takot na aking nararamdaman.
.
Pagkasabi ko noon ay biglang napatingin ang driver sa salaming nakasabit sa kanyang harapan at nagtama ang aming mata. Bigla niyang inihinto ang sasakyan. Makikita sa kanyang mga mata na nagulat siya sa aking pagtatanong.
.

“HINDI KA DAPAT

NARIRITO

!”
sambit ng driver, gamit ang boses na napakalaki at napakalalim. Ibinaling ng driver ang kanyang ulo sa aking direksyon at doon ko nakita ng mabuti ang itsura niya. Maputi ang kanyang balat tulad ng mga kasama kong pasahero. Ngunit ang kagimbal-gimbal na aking nakita ay ang kanyang mga mata – pula at nanlilisik.
.
Pagkakita ko sa kanyang mukha ay nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Tumindi lalo ang lamig sa paligid na tila binubuhusan ako ng nagyeyelong tubig. Hindi ko na maigalaw ang aking mga paa at kamay sa sobrang takot na aking nararamdaman. Gusto kong sumigaw… umiyak… ngunit hindi ko magawa. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang mga mata. Ramdam kong nang-hihina ang buo kong katawan.
.
Sa mukha ng driver, isang makapanindig-balahib­ong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi sabay sambit ng…
.

“Ngayon, akin ka na!”

.
Lalong nang-hina ang buong katawan ko. Pinilit kong labanan ito. Pinilit kong ilayo ang aking mga mata sa kanyang mukha… at ako’y nagtagumpay. Inipon ko ang natitirang lakas ng aking katawan at tumalon palabas ng jeep. Saktong pagbagsak ng aking katawan sa sementadong daan ay biglang…
.
Beep! Beep!
.
Pabigla akong nagising sa aking pagkakaidlip nang marinig ko ang malakas na busina ng jeep na aking sinasakyan. Hinahabol ko ang aking paghinga at basa ng pawis ang aking buong katawan. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga estudyanteng nagkukulitan sa loob ng jeep.
.

“Ate, ayos ka lang ba?”
tanong ng isang estudyanteng kaharapan ko.
.
Hindi ako nakasagot agad. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang panghihina ng aking katawan. Tumingin ako sa kanya, tumango ng bahagya at pinilit na ngumiti.
.

“Ma…Manong, para na po!”
halos pasigaw kong nasabi.
.
Tumingin sa akin driver at ngumiti. Bigla kong naalala ngiti niya sa aking panaginip. Pagkahinto nang jeep ay halos patalon akong bumaba. Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang aking kaibigan.
.

“Pwede bang ma…

makitulog

na lang ako sa boarding house?”

.
Kinabukasan, wala man akong ganang pumasok ay pinilit ko paring pumunta sa eskwelahan. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi mawaglit sa isip ko ang nangyari kagabi. Bawat maalala ko ang makapanindig-balahib­ong ngiti at nanlilisik na mga mata ng driver sa aking panaginip ay hindi ko maiwasang matakot at mangilabot. Sa aking paglalakad ay nadaanan ko ang kumpol ng mga tao nakatayo malapit sa OSA. Bakas sa mga mukha nila ang lungkot. Sa di kalayuan ay nakita ko ang aking mga kaibigan. Tinanong ko kung bakit maraming tao sa OSA, at ako ay nagimbal sa narinig kong paliwanag…
.

“Hindi mo ba

nabalitaan

? ‘Yung last trip kagabi nabangga ng truck! Namatay lahat ng sakay.”

PS. Sa kaibigan kong experience ito.
Share ko lang to dito naman sa Sindak.

Credits po sa Spookify.

UNTITLED

October 2015 po noon. Nagpunta po ako sa Tacloban Leyte kasama ang mga kapwa kong youth para umattend sa isang event para sa mga youth doon. Madaling araw na po kaming nakauwi. Pagod na pagod ako sa biyahe dahil 4 na oras na biyahe yon mula Tacloban pauwi sa Palompon. Pagdating ko sa bahay ay wala na akong ibang ginawa at humiga na ako agad sa sahig. Hindi na nga lang ako nagbihis dahil sa pagod. Sa kinahihigaan kong sahig, may dalawang sofa na magkatapat. Bale nasa gitna ako ng magkatapat na sofa. Mayroon po akong dalang scarf noon na hinagis ko lang sa so sofa sa bandang kanan ko at agad di akong natulog. Habang tulog ako kay bigla akong nakaramdam ng kakaibang lamig na parang ginigising ako. Nanindig ang mga balahibo sa buong katawan ko pero hindi ko parin binuksan ang mga mata ko dahil natatakot ako na baka may makita na naman ako ulit. Unti unting lumamig ng lumamig ang paligid ng bigla kong maalala ang scarf na nilagay ko sa sofa. Dinilat ko ang aking mga mata upang hanapin sana ang scarf at gamiting kumot ng bigla kong napansin ang isang lalaking nakaputi na nakaupo sa may kaliwang banda na sofa. Hindi pa ako masyadong natakot dahil nakalingon naman ang kanyang ulo sa kusina namin. Tinitigan ko ng maigi ang ulo nya ngunit wala akong masyadong maaninag dahil sa dilim ng paligid. Nagtaka ako kung sino ang lalaking yon at naisipan kong bumangon ng bahagya upang tingnan ang kanyang mukha. Laking gulat ko ng bigla syang lumingon sa akin at inilapit ny ang kanyang mukha sa akin. Naiyak ako sa takot dahil ang lalaki palang iyon ay ang lalaking sunog ang mukha na unang nagpakita sakin doon sa school. Sa lapit ng mukha nya ay nakita ko ang buong itsura ng mukha nya na sunog na sunog at lutong luto na ang balat nay may mga dugo dugo na tumatagas galing sa mga mata nya. Wala na akong nagawa at umiyak nalang ako sa takot. Pumikit nalang ako habang umiiyak sabay sabing sana ay lubayan na ako ng kaluluwang yon. Ilang minuto ang lumipas ay dinilat ko na ang mga mata ko at wala na ang sunog na lalaki. November 2, 2015. Nagpunta ako sa sementeryo upang ipagdasal ang kaluluwa nung sunog na lalaki. Habang nagdadasal ako ay bigla akong nakaramdam ng malamig na simoy ng hangin sa bandang likuran ko ngunit hindi ko nalang pinansin. Mula noon ay hindi na muling nagpakita pa sa akin ang lalaking may sunog na mukha. Maraming salamat po sa pagbasa ng aking kwento. Godbless po!

KALUSKOS SA KISAME

Let me share my scary experience with you all everyone.

Hi everyone I’m Kei I’m 16 years old obviously it’s not my real name for privacy purposes.

This story happened in 2011 if I’m not mistaken at Pandacan Manila and I was 5 years old at that time and buntis nun si mama sa kapatid kong babae.

This time kase I think kakalipat lang namin sa bahay ng lola ko which is tita ni papa nangungupahan lang kami sa mga panahong ito kase hindi pa namin kayang bumili ng bahay or kumbaga mag down payment sa liit ng sahod ni papa second floor house sya and medyo may kalumaan na din pero di naman ganon kahalata sa personal at sa tapat ng bahay na yun ilang kilometro lang matatagpuan mo na ang riles ng tren yess tapat kami ng riles and yung place dun is parang squatter pero di naman ganon kadumi or kagulo maayos at masaya naman yung pamumuhay namin dun.

At first sobrang saya at excited ko kase second floor yung bahay na lilipatan namin and nanggaling kase kami sa maliit na bahay walang sala at kusina parang unting lakad mo lang nasa cr ka na. Kasama namin sa bahay ng lola ko yung dalawa kong tito yung isa kapatid ni papa at yung isa naman pinsan niya pinapaupahan ni lola yung dalawang kwarto sa itaas which is sa second floor para narin siguro may kasama siya at may source siya ng pera para sa mga gastusin sa bahay yung isang kwarto katapat lang ng terrace at yung isa namang kwarto which is yung inupahan namin may malaking bintana.

Malaki laki narin ang tyan non ni mama at minsan nahihirapan na den syang gumalaw kaya pala lagi syang badtrip saken malapit ng lumabas yung kapatid ko noong time na yun kase sobrang likot na niya minsan nasasaktan na si mama.

Gabi na nun patulog na kami ni mama kaming dalawa lang nun sa kwarto and hindi makakauwi si papa kase may pinuntahan siya hindi rin sinara ni mama yung pinto para hindi na siya mahirapang bumaba kung maiihi man siya maaga kami natulog siguro mga 7:00 or 8:00 pm nakahiga na kami.

Fast forward alas onse na ng gabi ng bigla akong naalimpungatan sa ingay na naririnig ko parang may kumakaluskos nung una hindi ko pinansin kase baka pusa lang na nakikipag away pero hindi talaga sa ilang beses na sinubukan kong matulog mas lalo lang akong nagigising kaya nag desisyon na akong tumayo nakita ko si mama na nakahiga parin at sinusubukang matulog dahil sa pagod
” Ma ano po yung

kumakaluskos

sa

kisame

? ”
tanong ko kay mama

Pusa

lang yan

huwag

mong

pansinin

. ”
sagot ni tito habang hinahampas ng walis tambo ang kisame namin para patigilin ang ingay.

Off course na curious rin ako kung pusa ba talaga yun pero the more na na i imagine ko yung tunog parang hindi talaga pusa kinakalmot niya talaga yung kisame namin na parang galit na galit at gutom na gutom buti na lang gawa sa kahoy na malapad yung kisame namin sinubukan kong tumulong  para mapa alis yung gumagawa ng ingay sumigaw, nag ingay, pinalo ko na den ung kisame habang naka patong sa upuan ngunit nagpatuloy parin ito sa pagkalmot hindi ko alam kung matatakot ba ako or maiinis pero ang tanging naaalala ko na lang ay gusto kong protektahan ang kapatid ko nagdasal na rin ako sa Diyos para sa proteksyon at gabay nya sa amin. Antok na antok na rin ako nun pero ginigising ko talaga yung sarili ko para bantayan si mama pero sabi ni tito matulog na daw ako masama daw magpuyat siya na lang daw ang magbabantay kay mama kaya ayun sumunod na lang ako pinatulog niya ako sa kwarto niya at nakatulog naman ako agad agad.

Kinabukasan ay nagkwentuhan sila tungkol sa nangyari napag isip isip den nila kung saan dumaan yung aswang na nag ingay sa kisame namin sabi nila baka dumaan daw sa alulod kase malaki yun pwede syang magkasya dun o di kaya naman ay gumawa sya ng paraan para makalusot dalawang gabi den siyang nag ingay sa kisame ng kwarto namin imbes na matakot ay nagtiwala na lang ako sa Diyos na walang mangyayaring masama samin pagkatapos nito ay tumigil na din ang ingay hanggang sa nanganak na si mama kaya naging alaala na lang para sa amin ang kaluskos sa kisame.

<8

Kei

END FOR THE FIRST SINDAK COLLECTION

SALAMAT SA PAG BABASA, ASAHAN NIYONG SA SUSUNOD NATING PAG KIKITA AY IBANG SINDAK NAMAN ANG INYONG MARARAMDAMAN

HINDI LANG PO TAYO ANG NANINIRAHAN SA MUNDONG ITO MAAARING NASA PALIGID LANG SILA NAKA MASID AT NAKA TINGIN SA ATONG BAWAT GALAW

MAY HATID SILANG
KABA
KUTOD
SINDAK
AT KILABOT

MAG INGAT BAKA NASA TABI MO NA SILA HINDI MO LANG ALAM…

CIAO!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.