Sining Ng Salita (Tagalog Poetry Compilation 2019-2020)
Danmax Orange · 14 chapters · 1,876 words
Sining Ng Salita
Naririnig mo?
Mga hinaing, Napakatining Waring halinghing
’di, ’no?
Pakinggan mo…
At ika’y magkamali
@/$-’6
1. Ang Hiling Sa Dilim Ay Liwanag
ANG HILING SA DILIM AY LIWANAG
Himig Tinig Na ‘di naririnig
Bibig na nakatali Mga taingang bingi Sa dilim may humikbi
Lungkot Takot Sa katawa’y bumabalot
Tunog Kalabog Wari’y may binubugbog
Iyak Tiyak… Sa buhay ay wala nang galak
Mundo Hayaan mo Ikaw ay lisanin ko
Kaluluwa Nagmamakaawa Na kumawala
Ang buhay Na sa’kin inalay Sana bukas ay hihimlay
At ang aking ngalan Nawa’y matandaan Ng kung sino man ang may kagagawan At dahilan Ng aking kagustuhan Na lahat ay iwan
Ang mga alaala Na puro pagdurusa Ay hindi na Maibabaliktad pa
Diyos ko! Sana sa kalangitan mo Ako’y patuluyin mo
Nang maramdaman muli ang saya Sa buhay ko’y wala na At doon sa akin ay maipapadama
Ang hiling Sa dilim Ay liwanag sa puso’t damdamin.
2. Ako Si Alaala
AKO SI ALAALA
Pagkabilang ng tatlo Lilipad ako Upang makalimutan mo Ang bangungot na ako
Kamusta na Hindi mo na ako nadadaanan At kapag nagkataon naman Ay pilit na iniiwasan
Ganoon ba ako kapait Para ayaw mong makita kahit saglit Sa sulok nalang ako nakaipit Hindi napakawalan, hanggang ngayo’y bitbit
Naiintindihan ko Kung bakit nag-iiba ang nararamdaman mo Kapag ako’y biglang susulpot sayo Hanggang sa ako na ang lumayo
Kung sayo’y napakasakit Sa’kin ay mas higit Dahil wala nang mas sasakit Sa ginagawa mong pagpilit
Alam kong ayaw mo na Na gusto mo na akong mabura Kaya ako’y maglalaho na Sa pagiging mapait na alaala
3. Adik Sa’yo
ADIK SA’YO
Humahalimuyak sa aking sistema Ang amoy mong matindi ang gayuma Sa tindi ng iyong dating at tama Sino ba naman ang hindi mahahalina?
Sa umaga’y ikaw na ang hanap-hanap Hindi kumpleto kapag hindi ka nalalanghap Sa init mong dala na sa’kin ay lumalaganap Nagdudulot ng matinding ligaya at sarap
Hindi magiging buo ang araw Kapag hinayaan ang sarili na sa’yo ay mauhaw Pinababayaan mo ang antok na pumanaw At ang kasiglahan ay umibabaw
Ikaw ay simpleng kape lang sa umaga Ngunit sobra ang pagkaadik ko sa’yo Daig pa ang shabu at marijuana Sa sobrang lakas ng pagkatama ko sa’yo
4. Kalma, Thesis Lang ’Yan
KALMA, THESIS LANG ’YAN
Isa ka rin ba sa libo-libong estudyanteng ‘di makatulog Dahil sa dami ng proyektong sa isip ay bumubulabog Nagsasabing: “Tama na, suko na, utak ko’y nabubugbog” Ang hiling mo lang naman sa gabi ay makatulog
Madami pa ang oras na kailangan ilaan para diyan Kalma lang, ngunit huwag mo naman itong pabayaan Suhestyon ko lang sa’yo ito bilang kaibigan Hinga muna ng malalim, kalma, thesis lang ‘yan
Walang magagawa ang pag-iyak at paghagulgol Kung sa pagbabasa at pagta-type mo ito igugugol Sa mga ganitong oras na ‘tila ika’y naghahabol Kalma, matatapos din ‘yan nang hindi ka mauulol
Kaya kung iniisip mo na pinapatulog na kita ngayon Hindi! Alam kong binabasa mo to sa ganitong pagkakataon
Hindi sa minamadali kita May thesis ka pa Gising, gising at gawin mo na Pero kalma lang, kaya mo ‘yan.
5. Ang Bagong Ako
ANG BAGONG AKO
Madilim Malalim Ang aking mata Kakaluha
Hindi na maibabalik Ang dating ihip ng hangin Na may dating pananabik Sa pagkikita nating muli
Kupas na Ang mga magagandang alaala Na sa litrato nalang Malinaw na makikita
Alam ko na ang mga kulay Na iyong ibinigay Sa aking mundo Na gumuho Ay naglaho Dahil sa labis na pagtatalo At ‘di pagkakasundo
Magiging puti’t itim O kaya’y mananatili nalang sa walang hanggang dilim
Nakakairita Ngunit nais parin kitang makita
Sa ‘di malamang dahilan Na baka dahil sa kahihiyan O kaya paghihinayang Sa nakaraan Na ‘di natinag At mabilis na natibag
Sa bagong araw na bagong ikaw Alam ko, Ito ang bubuo Sa bagong ako.
6. Tanaw Ng Inggit
Ako ba’y nalulungkot O kaya’y nababagot Sa buhay na puro gulo’t Sa dilim nababalot
Isang tanaw sa bintana May saya na hindi sa loob makikita Subukan ko mang lumabas at magpakita Lubos lang akong mahihiya
Maraming bagay ang mayroon sa iba na wala ako Na hanggang ngayo’y kina-iinggitan ko Para bang habambuhay nalang ganito Na ang hangarin ay hindi tutungo sa pagiging totoo
Ang mga tao nga naman Ay walang hanggan ang paghahanap sa saya Kahit na marami silang bagay na wala sa iba Hindi pa rin iyon sapat sa kanilang mata
Sana nama’y dumating ang araw Na mapagtanto ang kayamanan umaapaw Mula sa mga taong ulam ay tirang sabaw Sila man ay busog, nananatiling paring uhaw
Wala na akong magagawa Darating din ang aking tagumpay Darating din ako diyan sa saya Darating din ako diyan sa ginhawa.
7. Bawat Minuto
BAWAT MINUTO
Hapo mula eskwela Sa kwarto muna hihiga At ipapahinga Ang puso’t isipang pagod na
Kutya o panghuhusga Walang tumatakas sa’yong tainga Wala ka namang ginawa Pero sa mali ka pa rin sa kanila
Dinama mo ang malambot na kama At pumikit sa sakit na nadarama Sigaw ng puso’y tama na Gusto ko nang magpahinga
Malungkot ang gabi sa’yo At ang bawat piraso Ng pagkatao mo Ay hindi na buo
Wasak ka na Tinatamad pa Wala nang pag-asa Ang buhay kong walang halaga
Bawat minuto Ay tinitiis mo Sa sakit ng ulo’t puso Ay iniinda mo Para sa pangarap na pinanghahawakan mo
Kailan mo ba matatanggap Ang buhay mong puno ng paghihirap At bakit Napakasakit Ng pagmamaliit Na sa puso’y pinupunit
Sa sarili man o ibang tao Mga bagay sa’yo ay may nasasabing negatibo At tila ba ay tumagos Sa iyo na parang tulos
Ikaw muna’y hihiga Sa bawat minuto’y maging masaya At isipin na Ang buhay ay nakakapagod na
8. Sumilong Sa Tanglaw ng Buwan
SUMILONG SA TANGLAW NG BUWAN
Madalas kong inaabot Ang buwan sa malayo Dahil sa hiwagang bumabalot Ako’y naging kuryoso
Bakit kaya tumataliwas Ang liwanag ng buwan sa dilim Kung pwede namang buong kalangitan ay umaliwalas At gawin ng Diyos na maging buong itim
Minsan ako’y napapaisip Kung tanaw ba ako ng buwan Kahit isang pasada ng tingin Hanga ako sa kaniyang kahiwagaan
Subukan ko kayang gumawa ng pakpak At lumipad sa himpapawid? Upang makita ko ng lubusan Ang hitsura nito sa malapit
Para sa akin ay hindi pa sapat Ang nakikita ng mata sa malayuan Ano nga ba ang misteryo ng buwan Na ang posisyon ay kataas-taasan
Ako ay malalim na humiga Sa malamig at mahamog na hangin sa damuhan At sa ilalim ng buwan Sumilong at dinama ang ilaw na mula sa kaniya
Ang simpleng kasiyahan Na aking nararanasan Sa tuwing gabi hanggang umagahan Dala ng admirasyong hindi alam ang dahilan
9. Nawawalang Puso
NAWAWALANG PUSO
Sa pagkawala ng landas Ng pusong kumalas Sa loob ng mapanakit na rehas Ay pinilit na tumakas
Matindi ang pagkakapinsala Ng pusong sugatan na lalo lang lumala Sa daan ‘tila pulubing walang-wala Sa gilid ay umupo at tulala
Mahirap takasan ang tadhana Aking masamang kapalaran ay iginuguhit na Sa maliwanag na buwan ako’y tumingala Sawi kong diwa, kahilinga’y ‘sana tama na’
Paglalakbay na may hapong ‘di napapawi Sa kabila ng pagiging sawi Nais ko nang umuwi Ayokong malunod sa gitna ng gabi
Bago pa ko pumikit at makatulog Isang liwanag sa’kin ay tumungo Sa isang iglap ay nasa langit na ako ‘Di akalain dito pala ang magiging tungo ko
“Anak, wala ka na sa mundo,” Dinig ko sa isang tinig, mula sa Panginoon “Isasama na kita sa kaharian ko.” Sa wakas, nakabalik na ‘ko sa ligayang tinatamasa ko
10. Wangis Na ’Di Tanggap
WANGIS NA ’DI TANGGAP
Aambang susulong At biglang uurong Pa’no ko ba ipapakita ang aking sarili Gamit ang mukha kong ‘di kawili-wili
Mabigat ang pagbagsak ng ulan Mag-isa sa hallway, pader ang sandalan Maraming mag-aaral ang pakalat-kalat Wari’y nagtatakbuhan ang lahat
Kasing bigat ng bawat patak ang aking yabag Aking nguso’y sayad na sa lupa Dala pa ng aking kapangitan Ang isang kahihiyan na hindi ko matanggap
Kailan ba ako mapapansin ng mga ito Kahit sino man na makausap kong tao Sasaya na ‘ko Isang atensyon lang sa direksyon ko
Ang aking mapait na mundo Walang kaibigan, walang kasundo Walang kasama, walang kakwento Walang malapitan upang yakapin ako
Buntong hininga sa bawat pangyayari Sabay takbo sa daanang maputik ‘Di alintana ang pagbagsak ng tubig “di na nasanay,” tanong ko sa sarili
11. Baliksulyap
BALIKSULYAP
Tapos na ang maliligayang panahon Ang pagkabata’y pilit kong nililingon Mga henerasyong kay bilis naglaon. Tulad ng paglagas ng dahon
Sa ilaw sa isang lumang lampara At sa sulyap sa ningas ng aking mata Muling nanumbalik ang mga alaala Na ako pa’y nangangarap pa
Sa bawat araw na nililikha Kada piraso ng aking buhay ang nawawala At sa kabila ng mga kasalukuyang iniinda Ay pinipilit pa ring maging masaya
Darating ang araw, ako’y yayaon At habambuhay sa lupa’y nakabaon Sa wakas, sa huling pagkakataon Sa langit na ‘ko muling babangon
12. Kinalimutan
KINALIMUTAN
Sino ka ba? Para sabihin sa’kin na ako’y tanga Na ako’y gago, walang kwenta? At bakit ba?
Sa natatagong husay na mayroon ako Ay siya namang pinagtatawanan mo Sa aking bawat ipinagmamalaking talento Ay hindi sapat upang pabilibin ang tulad mo
Pawis ay tagiktik sa pagbangon Sige lang ng sige kahit pagod na pagod Pinipilit na iyong ipagyabang at itaas-noo ‘Di pa rin sapat sa’yo
Mahal, kung ako’y iyo’ng iyo Bakit kahit piraso ko’y ayaw mo Sa tuwing lalapit ako Ay siya namang iyong paglayo
Naglalarong tadhana Ikaw pa ang minahal Ikaw pa ang susumbat Na ako’y hindi pa sapat
Sino ka ba talaga? Para sabihin ang mga masasakit na salita Na wala akong halaga Hanggang sa hindi na kita dama
Mabilis man akong nahulog Ay hindi mo pala sinalo Kaya akong nauntog At sa panaginip lang naiwang natutulog
At ang pinakamasakit Ay ang iyong pag-alis Kasabay ng malamig na hangin Ang aking munting himig
Huminga ako ng malalim Nag-isip ng taimtim At muling dumilat ‘Magiging ayos din ang lahat’
Hindi sayo nakabatay ang magiging ako Mahal kita, pero ikaw ang may ayaw nito Pinipilit lang kita, ginagamit mo lang ako Saka biglang tatakbo Lahat naman kasi ginawa ko Para maging perpekto Na papasa sa kagustuhan mo At hindi ang ikakahiya mo
Ayos lang sana kung iiwan mo lang ako Pati mga salita ay iniwan mo Na sa dibdib ay aking tinamo Matinding galos ng husga na tila kutsilyo
Oo, suko na ko sayo Kaya nga hinayaan nalang kita lumayo Humanap ng maipagmamalaki mo At hindi ang tulad kong bigong-bigo
Heto na, kakalimutan na kita Sa ating muling pagkikita Tatanungin kita, ‘sino ka ba?’ At ngayon ay malalaman mo na
Just saw this piece two years ago. Grade 10 pa ’ko nun. Sarap ulit pagtawanan yung drama ko sa life noon.
13. Kailan Ba Naging Hindi?
KAILAN BA NAGING HINDI?
Salita Kailan ba Naging bago Sa pandinig ko
Luha Pumapatak Araw-araw Gabi-gabi
Insipirasyon Sa buhay Sila ay Hindi na nagbibigay buhay
Sapagkat Ako’y talunan Kailanman Hindi pinagmamalaki
Napakasakit Kailan ba Naging bago Sa akin Ang lahat
Kailan ba Hindi ako nasakal Hindi ako nasaktan Hindi ako nasabihan Ng mga nakakalalasong kemikal Ng mga laway nilang tumuturit pabigla-bigla
Kailan ba ‘ko naging sobra? Kailan ba ‘ko naging sapat?
Kailan niyo ba nasabi na minsan Ako’y katanggap-tanggap?
Hindi ko alam Hindi ko malalaman Hindi ko na kailangan alamin dahil ang totoo… Kahit minsan hindi nangyari ‘yon
Sana pagdating ng araw tatayo ako At sa pagtayo kong iyon ay malalaman niyo Kung sino ang hindi dapat pahalagahan Na hindi niyo na kayang pakawalan Sa buhay na malapit ang katapusan
Kung huli na, ‘tsaka niyo sana pagsisihan Ang pait, ang hapdi, ang kirot Sa puso ng taong ‘di niyo pinahalagahan
Kailan ba naging “hindi”? Hmm… yung naging kayo.

