Sireno: Ang Sedesan
crosychaya · 1 chapter · 5,222 words
Sireno: Ang Sedesan
Malungkot na nagtungo ako sa mabatong bahagi ng dalampasigan ng gabing iyon. Hindi alintana ang malalakas na hampas ng alon.
Hindi ko mapigilang sisihin ang mundong kinalalagyan ko dahil sa mga pasakit na nararansan ko at kasama na duon ang paghihiwalay namin ni Jake kanina sa tawag. Hindi ko alam ang dahilan nya kung bakit gusto nyang makipaghiwalay ngunit hindi na ako nakapagsalita pa at napigilan ang balak nya ng ibaba na nya ang tawag.
Tatlong taon din kami nagsama ni Jake at sya ang pinakaunang lalake na minahal ko kaya hindi rin maalis sakin ang masaktan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nya kung bakit gusto nyang makipaghiwalay pero isa lang ang naiisip ko at iyon ay ang hindi ko pagpayag sa tuwing gusto nyang makipagtalik sakin.
Walang nangyayareng pagtatalik samin sa loob ng tatlong taon kaya hindi ko din sya masisisi kung bakit nagsawa na sya pero hindi ko din lubos maisip na duon ba dapat binabase yung pagmamahal mo sa isang tao. Nasa maynila sya ngayon kaya walang paraan para mapigilan ko sya.
Ilang beses ko din syang tinawagan ngunit hindi na nya iyon sinasagot at hindi na ako nakatawag ng magsabing busy na ang line.
Napasabunot na lang ako sa aking buhok habang umiiyak dahil sa sakit at biglaang pangyayare.
Hindi ko na lang din pinansin ang hampas ng mga alon na tumatama ngayon sa paanan ko. Hindi alintana ang maaaring pagkalunod kung sakaling alunin man ako ng mga alon.
“Tulong!.” Naghuhumikahos na sigaw ko ng hilahin ako ng alon patungo at dalhin sa malalim na parte ng dagat.
Napaiyak na lamang ako ng mga oras na iyon marahil iyon na siguro ang huling sandali ng buhay ko. Nalulunod na ako at hindi ko na kayang labanan ang malalaking alon hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dagat.
Napaubo ako at nailuwa ang mga tubig na pumasok sa baga ko. Hindi ko alam kung buhay pa ba ako o umaasang buhay pa. Nanghihinang iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa aking harapan ang mukha ng isang lalaki. Nagulat ito at agad na umalis.
Hinabol ko naman ito ng tingin pagkabangon ko pero ang tanging nahagip lang ng mga mata ko ay ang parang buntot ng isda. Ipinikit kong muli ang mga mata para gisingin ng maigi ang aking diwa.
Inilibot ko na lang ang paningin kung saan ako naroroon. Nakakapagtaka man dahil hindi ko alam na may makakakita pala sa pagkalunod ko pero kahit ganuon nagpapasalamat pa din ako. Napaisip din ako kung bakit dito nya ako dinala sa kuweba. Nagtaka na din ako dahil nasa tabi ko ang cellphone ko.
Kinabahan na ako sa puntong iyon dahil imposibleng pati cellphone ko ay mailigtas din mula sa pagkakalunod at alam kong nabitiwan ko na iyon ng una palang akong hilahin ng alon.
“S-Sino nandyan?.” Pagtatanong ko habang hinahanap ng mata ko ang lalaking nagligtas sa akin.
Napatingin naman akong bigla sa ibabaw ng tubig ng may biglang umahon duon ngunit tanging mata lang ang aking nakikita. May kadiliman sa loob ng kuweba pero nahahagip naman ang bukana niyon ng liwanag ng buwan.
“S-Salamat sa pagliligtas mo sakin.” Sabi ko habang pilit na inaaninag sa dilim ang tao.
Muli itong umalis at pakiwari ko’y muling lumusong pailalim sa tubig. Binuhay ko naman ang cellphone ko kahit pa alangangin. Binuksan ko ang flashlight para sana makita ang lalaki.
Muli naman itong umahon sa tubig. Agad na inilawan ko naman ito. Natigilan akong bigla sa nakikita ko dahil natutunghayan ngayon ng mga mata ko ang angking kakisigan ng nilalang na ito.
“S-Sabi ko salamat sa pagsagip mo sa akin.” Mautal-utal kong sabi ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya bagkus nginitian lang ako nito saka lumubog ulit sa tubig.
“Kuya!.” Natatarantang tawag ko sa kanya.
Inilawan ko ang bawat bahagi ng tubig sa bukana ng kuweba para hagilapin sya ngunit nabahala akong bigla sa tagal nyang umahong muli.
Bigla naman akong kinabahan dahil baka may kumuha o humila sa kanya mula sa ilalim kaya napaatras ako sa isang parte ng kuweba. Hindi ko naman maiwasang hindi matakot dahil baka ako ay kunin din. Nilinga ko ang paningin sa buong kapaligiran para ihanda ang sarili sa sakaling pagkuha din sa akin.
Sumilip naman ako sa labas ngunit tanging malawak na dagat lang ang nakikita ko kaya naghihinala na din tuloy ako kung sino ba talaga ang nagligtas sakin gayong malalim na ang gabi at imposibleng may makakita pa sakin.
Napatingin naman ulit ako sa tubig ng makarinig ako ng lagaslas at nakita duon ang lalaki.
“Kuya, tinakot mo ko. Kuya gusto ko na pong umuwi samin.” Sabi ko at saka naman paglapit nya.
Sinalubong ko naman ang paglapit nya upang makita sa malapitan ang mukha nya.
“Maaari ka lang makabalik sa inyo kung pauunlakan mo ako at sa mga oras na ito ay nagngangalit pa ang dagat.” May pagkatalinhaga nyang sabi.
Agad naman akong sumilip sa labas ng kuweba ngunit panatag at tahimik naman ang dagat.
“Ganun ba. Maghihintay na lang ako na mag-umaga.” Sabi ko na lang.
Hindi ko na naman sya pinigilan ng ilapat nya ang mga braso sa ibabaw kung saan ako naruon. Napalunok naman ako sa nakikita ko dahil sa matipuno at matikas nyang braso’t balikat. Idagdag pa duon ang makisig nyang mukha.
“Hindi ka ba nilalamig, kuya?.” Pagtatanong ko upang makaiwas sa temptasyon.
“Ako’y hindi tinatablan ng lamig.”
“Ako nga giniginaw na sa basang damit ko tapos ikaw pa kaya na walang pangitaas.”
Hindi na naman ako nakaramdam ng takot dahil may kasama na ako sa loob ng kuwebang ito. Lumapit ako sa kanya para masilayan ng maigi ang kanyang mukha.
“Tulungan na kitang umahon.” Pang-aalok ko.
Nakahawak na ako sa kamay nya ng mapansin ko ang tainga nyang patulis at ang mataas na palikpik sa likod nya.
Agad na napabitaw ako sa kamay nya at napaatras. Nakikita ko iyon dahil sa ilaw na nanggagaling sa cellphone ko.
“A-Ano ka?.” Puno ng takot kong sabi.
“Wag kang matakot.”
“A-Anong gagawin mo sakin? B-Bakit mo ako dinala dito?.”
“Huminahon ka. Wala akong gagawing masama sa iyo.”
“Wag kang lalapit.” Pigil ko sa kanya sa pagtatangka nyang umahon at sumampa sa kinalalagyan ko.
“Wala kang dapat ikabahala.”
“Sabihin mo muna sakin kung ano ka at bakit mo ko dinala dito.” Napapalunok na lang ako dahil sa kabang nananalaytay na ngayon sa dibdib ko.
“Isa akong sireno at nakita kita mula sa ilalim na nalulunod kaya agad kitang sinagip.”
“S-Sinabing wag kang lalapit eh!.” Pagpapakita ko ng tapang sa kabila ng takot na aking nadarama.
Hindi na ako nakapagsalita pa ng sumampa na sya sa ibabaw at duon kitang kita ng dalawa kong mata ang kalahati ng katawan nya. Hindi ko naman maiwasang hindi matakot kaya mabilis na gumapang ako para makalayo sa kanya. Napatigil na lang ako ng mabilis syang nakapunta sa harapan ko. Naiyak na lang ako dahil sa isiping baka gawin nya akong pagkain.
Naaninag ko ang mukha nya ng biglang magliwanag ang paligid. Lumiwanag ang buong kuweba at sabay nuon ang pagliwanag din ng buntot nya.
Nanigas ako ng bigla nyang hawakan ang baba ko at bahagyang iangat. Kitang kita ng mga mata ko kung paano nya ako langhapin. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko sa pagtulo. Duon na ako tuluyan nakaramdam ng panginginig ng buong katawan.
“Gusto ko na pong umuwi samin.” Naiiyak kong sabi.
“Wala sa isip ko ang saktan ka, tao.”
Inabot nya ang kamay ko at sa gulat ko ng halikan nya iyon.
“Panahon ngayon ng pagbuo para saming mga sireno na naghahanap ng aming mapagpupunlaan.”
“B-Bakit pa po kayo nandito?.” Pagtatanong ko sa kabila ng pagiyak ko.
“Nandito ako dahil akin ng nahanap ang aking makakasipi.”
Nanlaki naman yung mga mata ko at agad na napaatras.
“H-Hindi mo ako pwedeng makasipi.” Labis na pagtutol ko.
“Ikaw ang aking napili.”
“Tao ako at lalaki ako kaya lubayan mo ko.” Sigaw ko sa kanya.
“Nais naming mga sireno ang sariwa at birhen pang sirena.”
“H-Hindi na ako birhen. M-Marami na akong nakatalik.”
“May kakayahan kaming makaamoy. Naaamoy kong birhen ka pa kaya ikaw ang pinipili kong makasipi ngayong gabi.”
“Hindi! Ayoko! Hindi ako naniniwala. Alam kong balak mo lang akong kainin.” Sabi ko saka agad na tumalon sa tubig at nagmamadaling winasiwas ang mga kamay at paa para makaalis na duon.
Nilingon ko ang pinanggalingan ko at nakita kong wala na sya ruon. Nagpalinga linga naman ako kahit pa na kinakabahan dahil alam kong nandyan lang sya sa paligid. Hindi ko naman maiwasang hindi matakot dahil sa isiping isang nakakatakot na nilalang ang kasama ko at nakatingin sakin kung nasaan man sya.
Napatingin naman agad ako sa ilalim ng tubig ng may maramdaman akong gumalaw duon. Sa takot na baka hilahin nya pa ako at ibalik sa kuweba ay nagpatuloy na lang ulit ako sa paglangoy.
Ramdam ko na ang pagsunod nya at natatakot ako sa maaari nyang gawin sakin.
“Tulong! Tulungan nyo ko!.” Naiiyak kong sigaw kahit pa imposibleng may makarinig sakin sa kalagitaan ng dagat.
“Hindi ka nila naririnig sapagkat ikaw ay nasa mundo ka namin.” Sabi nya ng bigla syang sumulpot sa harapan ko.
Mabilis na napaatras naman ako palayo sa kanya. Inilibot ko ang paningin at tanging dagat lang ang makikita pati na din ang napakalaking buwan na animo’y ubod ng lapit.
“Ibalik nyo na po ako sa amin. Patawarin nyo po ako kung may nagawa man po ako sa inyo.” Pagsuko ko habang humihingi ng paumanhin.
Naramdaman ko ang paghawak ng kamay nya sa baywang ko. Labis naman ang kaba na nararamdaman ko dahil nahahawakan na nya ako. Dinig na dinig ko na din ang pagpintig ng puso ko sa mabilis na pagkumpas nito. Naluha na lang ako dahil sa isiping wala akong kakayahan para makalaban.
“Ika’y tumigil na sa pagdadalamhati. Halina’t bumalik na tayo sa aking tahanan.”
“Parang awa nyo na po. Ibalik nyo na po ako sa amin. Hindi po ako magkukuwento tungkol sa inyo.”
Hindi nya ako pinakinggan bagkus bigla nya akong hinalikan sa labi at hindi ako nakapalag dahil sa nanghihina ako. Naramdaman ko ang pagdausdos ng dila nya hanggang sa lalamunan ko. Lalo akong nanghina at halos tumirik na ang aking mata. Alam kong katapusan ko na kaya nagpaubaya na lamang ako.
Nagdilim ang aking paningin at namulat na lang akong muli ng marinig ko ang tinig ng sirenong balak akong kainin.
Idinilat kong muli ang mga mata at labis akong nabighani sa nakikita ko. Nasisilip ngayon ng mga mata ko ang kailaliman ng dagat at nagliliwanag iyon. Tumingala ako at labis naman akong natakot dahil nasa ilalim na ako ng dagat.
“Wag ka mag-alala. Pansamantala kitang binigyan ng kakayahan na makahinga sa ilalim ng tubig.”
Pinakiramdaman ko ang sarili at ako’y nakakahinga nga. Labis naman akong nagalak dahil ito ang unang pagkakataon na makakahinga ako sa ilalim ng dagat.
“May mga sirena na palapit satin.”
“Ang totoo mga sireno rin sila kagaya ko. Lumalapit sila sa gawi natin dahil naaamoy ka nila.”
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya.
“B-Bakit? Kakainin ba nila ako?.”
“Naaamoy ka nila dahil sa pagkabirhen mo.”
“Pero isa akong tao at isa akong lalaki na katulad nyo.”
“Lingid sa iyong kaalaman na maraming birhen na babaeng sirena ang nagpapanggap na sireno upang hindi sila mabuntis.”
“K-Kailangan ko ng umalis. Hindi maaari ito.” Sabi ko habang nakatingin sa mga sirenong papalapit sa gawi namin.
“Alam kong hindi ka nagsisinungaling na lalaki ka. Kung hahayaan mo kong makasipi ka, ika’y makakabalik sa mundo nyo.”
“Malapit na sila.” Natatakot kong turan saka lumangoy.
Hindi ko alam kung lumalangoy ba ako dahil hindi ko maramdaman ang tubig pero lumulutang ako.
Napatigil ako ng bigla akong makulong sa isang malaking bula.
“Tigilan nyo sya dahil sa akin na sya nangakong makipagsipi ngayong gabi.”
“Nakapanghahalina ang kaniyang pagkabirhen, aking kapatid.” Hindi ko naman alam kung saan ako aatras dahil napapalibutan ang bulang kinakalalagyan ko ng lima pang sireno na tinawag syang kapatid.
“Sya’y inyong lubayan!” Pagpapaalis nya sa mga kapatid nya.
“Ako’y nagtataka sapagkat wala syang buntot ng katulad sa atin.”
Hindi naman maalis ang kabang dumadaloy sa kaibuturan ko.
“Sapagkat isa syang tao.”
“Isang tao? Isang kalapastanganan sa ating kaharian ang magdala ng tao. Makakarating ito sa mahal na hari.”
“Hindi ka marapat na mabahala dahil akin ring buburahin ang ala-ala nyang nakarating sya dito sa mundo natin.”
“Palalagpasin ko ito at sa lalong madaling panahon ay maialis mo na ang tao rito bago pa ito malaman ng hari.”
Nawala na ang bulang kinalalagyan ko ng umalis na ang mga kapatid niya. Hindi na ako nagdalawang isip pa para tumakas at dali daling ikinampay ang mga kamay at paa ngunit napahinto ako at napalingon sa gawi ng sirenong nagligtas muli sakin.
Lumangoy ako pabalik sa kinaroroonan nya.
“Wala ng maaari pang umagaw sa iyo sa akin. Kung iyong mamarapatin, hayaan mong ako’y iyong makasipi.”
“Pero?” May pagaalinlangan kong sabi.
“Alam kong natatakot ka. Akong bahala sa iyo, tao.”
“P-Pumapayag na ako.” Turan ko dahil bilang pasasalamat na din sa pagliligtas nya sakin.
“Labis akong nagagalak, tao.” Sabi nya at nakita ko naman ang pagpalakpak ng dalawa nyang tainga.
“Lacxen ang pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?” Napatanag na naman ako dahil ramdam kong hindi nya talaga ako balak saktan.
“Ano ang pangalan?”
“Wala ba kayo nun dito? Kumbaga kung anong tawag sa inyo.”
“Ang tawag samin ay mga sireno.”
“Mukhang hindi mo nga alam. Yung pagkakakilanlan ba? Yung madalas itawag sayo ng iba pang sireno.”
“Madalas nilang itawag sakin ay Sedesan.”
“Ano namang ibig sabihin nun?”
“Ang sedesan ay nangangahulugan na natatanging biyaya ng karagatan. Sa lahat ng sireno at sirena sa dagat ay tanging ako lamang ang may kakayahang makipagusap sa mga tao.”
“Pero bakit naririnig ko sila?”
“Dahil din iyon sa kapangyarihan ko.”
Napatingin na lang ako sa mga mata nya habang lumalapit sa gawi ko. Naramdaman ko ang pagdapo ng mga palad nya sa likod ko. Napasilip akong bigla sa katawan ko ng makita kong wala na akong saplot.
Hinanap ko naman kung saan napunta ang damit ko ngunit hindi ko na nakita pa iyon.
“Hayaan mong basbasan kita ng aking pagkabirhen.”
“Birhen ka pa?”
Lumapit sya sakin at idinikit ang katawan sa katawan ko. Hindi ko alam kung paano ba nila ginagawa ang pagsisipi. Nagtungo sya sa likuran ko at hinawakan ang dalawa kong kamay na ubod ng banayad.
Iginiya nya ako sa marahan na paglangoy at pag-ikot sa kung saan man nya gustuhin. Habang tumatagal nagtataka na ako kung bakit wala pa ring nangyayare.
“Akala ko ba makikipagsipi ka sakin?” Nagtataka kong tanong.
“Akin ng ginagawa.”
“Wala naman tayong ginagawa maliban sa paglangoy.”
“Magkaiba ang paraan ng pagsisipi ng mga sireno sa tao.”
Bigla naman ako nakaramdam ng madulas na bagay na bumabalot ngayon sa maselang bahagi sa harapan ko. Natakot naman akong bigla dahil hindi ko nakikita ang ari ko sapagkat nababalutan iyon ng parang palikpik.
“Wag kang mabahala. Inihahanda lamang kita.”
“Ganito ba kayo makipagsipi?” Sabi ko dahil wala pa din kaming tigil sa paglangoy.
Kung tutuusin mas malaki sya sakin ng kaunti.
Tanging narinig ko na lang mula sa kanya ay ang mahinang paghuni. Nakaramdam naman ako ng madulas na bagay na pumapasok na ngayon sa butas ko. Madulas iyon at mahaba. May parang maliliit din na sinulid ang kumakapit ngayon sa dalawa kong bola at ang iba ay pumasok pa sa maliit na butas ng aking ari.
Agad na napasinghap ako dahil sa kakaibang sensasyong nadarama ko. Napakabanayad at napakalumanay. Ang gaan at hindi ako makaramdam ng kahit na anong pagkabigat. Ramdam na ramdam ko sa loob ko ang pagindayog ng pag-aari nya. Hindi ko magawang masilayan iyon para tignan kung ano bang hitsura nuon dahil nakatalikod ako at nababalot ang pag-aari ko.
Nagtungo kaming muli sa kuweba. Inilapat nya ako sa malaking bato duon habang nasa likuran ko pa din sya.
Hindi na ako nakapagsalita pa ng tuluyan na nya akong maangkin. Napapikit na lang ako at napaliyad. Napahigpit na lang din ang pagkakahawak ko sa kamay nya habang ang dalawang binti ay nakapatong na sa likod ng buntot nya.
“Hindi ka mabubuntis at mananatiling birhen ngunit mabibiyayaan kita ng isang kapangyarihan.”
“Ano namang kapangyarihan iyon?”
“Sa iyo ko lamang ito sasabihin at mangako ka na mananatili itong lihim kahit pa sa mundo ng mga tao.”
“Susubukan ko.” Sabi ko dahil ayaw kong mangako.
“Hindi ko buburahin ang ala-ala mo at maari ka paring makapunta dito sa mundo namin anong oras mo man gustuhin.”
“Bakit?”
“Dahil marami pang pagsisipi ang nais kong gawin ng kasama ka.”
“Hindi ako ang kailangan mo. Isang sirena ang kailangan mo.”
“Isang kalapastanganan sa aming kaharian ang umibig sa isang tao at isa ding kasalanan sa amin ang umibig sa kapwa namin sireno ngunit ako’y nakakaramdam ng pag-ibig para sa iyo.”
Natigilan kaming pareho ng may nakakakiliting sensasyon kaming naramdaman sa mga pagitan namin. Naramdaman ko naman na ang unti unti nyang pagkalas sakin. Dali dali naman akong humarap sa kanya.
“Hindi mo ako pwedeng mahalin.”
“Ibibigay ko sayo ang perlas na ito. Kapag nakita mong lumiwanag ito. Agad na magtungo ka ng dalampasigan para ako’y salubungin.” Sabi nya habang isinusuot sakin ang isang kuwintas.
“Pero hindi sa lahat ng oras ay nasa laot ako. Nagkataon lang na nasa dalampasigan ako kanina.”
“Ika’y magpahinga na lamang. Ikinagagalak kong mabiyayaan ng iyong katawan.”
“Salamat din, Sedesan. Hindi ko malilimutan ang gabing ito.” May ngiti sa labi kong sabi saka umahon na mula sa tubig.
“Ipikit mo na ang iyong mga mata. Ako’y narito lang at magbabantay sa iyo, Lacxen.”
Napangiti na lang ako. Hinawakan ko sya sa mukha at pinagmasdan iyon. Hindi ko aakalain na may mga sireno palang makikisig at matitipuno. Hindi ko rin aakalain na may magkakagusto din sakin na isang sireno. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at saka marahan syang hinalikan sa labi. Tinugon naman nya iyon. Hindi naman ako nagtagal sa paghalik sa kanya at ibinalik na lang muli ang sarili sa pagkakahiga.
“Pagmulat ng iyong mga mata’y wala na ako.”
Nag-alangan man akong pumikit dahil hindi ko na sya makikita pero kailangan ko na ding makabalik sa mundo namin.
“Salamat ulit sa pagliligtas mo sakin, Sedesan.” Sabi ko saka ipinikit na lang ang mga mata.
“Aking ikinalulugod. Paalam, Lacxen.” Huling tinig na narinig ko mula sa kanya.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at agad ding iminulat.
Nasilaw ako sa sikat ng araw na tumatama sa direksyon ko kaya agad na isinilong ko ang paningin sa ilalim ng sariling palad. Ibinangon ko ang sarili mula sa pagkakahiga sa buhanginan ng dalampasigan.
Tama nga sya na hindi ko na sya makikita dahil nasa mundo na ulit ako ng mga tao. Ang mundo namin.
“Lacxen? Kuya?” Rinig kong tinig ni Venda na kapatid kong babae.
Nakunot naman ang noo ko dahil sa ibang hitsura nya.
“Venda, bakit parang dalagita ka na?” Pagtataka ko.
“Kuya, ang buong akala namin ay wala ka na.” Naiiyak nyang sabi saka yumakap sakin.
“Saglit lang naman akong nawala ah!” Naguguluhan kong sabi.
“Anong saglit lang? Tatlong taon ka ng wala. Hindi na kami umaasa na makikita ka pa namin.”
“Tatlong taon?” Gulantang kong sabi.
“Saan ka ba kase galing, kuya?” Sabi nya sa pagitan ng mga hikbi nya.
“Hindi ko pwedeng sabihin sayo. Pwede bang wag ka ng umiyak? Naiinis lang ako.”
“Dapat malaman na ito nila inay at itay pati na din ng kapatid natin.”
“Teka lang, hindi kaya mabigla sila at matakot dahil sabi mo nga tatlong taon na akong nawawala.”
“Natakot ba ako ng makita kita? Diba hindi.”
“Halika na.”
“Sandali lang, Kuya. Alam mo bang wala kang suot miski ano.”
Agad naman akong napasilip sa katawan ko. Pinabalik ako ni sedesan ng wala man lang miski anong saplot. Bigla naman akong nakaramdam ng inis pero saglit lang iyon.
“May nakita ka?”
“Kaunti lang.”
“Isipin mong wala ka na lang nakita.”
“Itapis mo muna itong dala kong tuwalya. Mabuti na lang kakatapos ko lang maligo sa dagat.”
Itinapis ko na lang ang tuwalya nyang dala upang takpan ang maselang bahagi ng aking katawan.
“Tara na.” Pang-aaya ko na sa kanya para bumalik na ng bahay.
“Yung totoo, saan ka ba talaga galing kuya?” Pangungulit pa din nya.
“Wag mo ng alamin.”
“Ano yang nakasabit sa leeg mo?” Pagtutukoy nya sa kuwintas na binigay sakin ni Sedesan.
“Bigay lang ito ng isang kaibigan.” Sabi ko saka sumulyap sandali sa dagat.
“Ah! Naging palaboy ka ba, Kuya? Kaya wala kang suot kahit ano.”
“Kung may pagkakataon lang na pwede kong ikuwento sayo pero hindi pwede. Ayaw kong sumira ng pangako.” Mahinang sambit ng bibig ko.
Nagtungo na lang kami ng bahay at halos lahat sila nabigla ng makita ako. Nakita ko naman ang unti-unti nilang pagluha.
“Anak ko,” Umiiyak na sabi ni mama habang patakbong lumapit at yumakap sakin.
“Ang tagal ka naming hinanap.” Umiiyak ding sabi ni Kuya Hector.
“Wag na po kayong mag-alala naging maayos naman po ang buhay ko ng mawala ako.” Pagpapatahan ko sa kanila dahil hindi ko din kayang makita na lumuluha ang mga mata nila.
Lumipas ang ilang araw at umilaw ang perlas na suot ko kaya dali dali akong nagtungo sa dagat ng gabing iyon.
“Sedesan,” Paghahanap ko sa kanya dahil sabik na din akong makita sya.
“Lacxen, nandito ako.” Rinig kong tinig nya kaya hinanap ko ang pinanggalingan ng boses.
Masiglang nagtungo ako sa mabatong bahagi ng dalampasigan.
“Ilang araw akong nangulila sa iyo.” Bungad nyang sabi sakin habang may nakaukit na ngiti sa labi.
“Miss din naman kita, Sedesan.” Sabi ko saka hinalikan sya sa labi.
“Gusto ko sanang makapiling ka ngayong gabi at muling makasipi.”
Bigla naman akong nag-alinlangan.
“May tanong lang ako?”
“Ano iyon, aking minamahal?”
“Paano mo nalaman ang salitang yan?” Galak kong sabi.
“Aking pinag-aralan. Ano nga pala ang iyong itatanong.”
“Magkaiba ba ang oras sa mundo nyo sa mundo namin.”
“Kung iniisip mo na mawawala ka ulit ng matagal. Hindi kita dadalhin sa mundo namin ngayon. Dito sa mundo nyo ako makikipagsipi sa iyo ngunit sa ilalim ng dagat.”
“May kasalanan ka pa pala sakin.”
“Ano iyon, aking minamahal?”
Hindi ko naman maikubli ang kilig na nadarama dahil nag-aral pa sya para lang matutunan ang salitang iyon.
“Pinabalik mo ko sa mundo namin ng walang saplot.”
“Patawarin mo ako pagkat aking nalimutan.”
“Hindi bale na. Pumapayag akong makipagsipi sayo ngayon.”
Lumusong na ako sa dagat. Agad nya akong hinalikan at ipinasok ang dila hanggang sa lalamunan ko katulad ng ginawa nya tatlong taon na ang nakalipas sa oras namin.
Sumisid na kami sa ilalim ng tubig at kagaya ng nangyare sakin sa mundo nila nakahinga akong muli sa ilalim ng tubig at nakikita ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng dagat.
“Paalam, aking minamahal. Hanggang sa muli.” Paalam sakin ni Sedesan ng makaahon na ako sa dalampasigan ng wala na namang saplot.
Hindi ko na lang pinansin at pinagmasdan na lang ang pag-alis nya hanggang sa huli ng paglagaslas ng buntot nya.
Ilang buwan ang lumipas at walang humpay sya sa pagbisita sa mundo namin. Gustuhin ko mang bumisita sa mundo nila ngunit hindi na pwede dahil ako’y hinahanap na ng kanilang hari at dahil sa isiping baka di lang tatlong taon ang abutin ko dun na isang gabi lang sa mundo nila.
“Marahil ito na ang huli nating pagkikita kaya nais ko sanang sulitin ang bawat sandali habang kasama ka, aking mahal.” Malungkot na sabi nya habang magkatabing nakahiga sa malaking bato sa ilalim ng maliwanag na buwan.
“Hindi naman sa tumututol ako. Gusto ko lang malaman.”
“Kailangan ko ng maghanap ng aking mapapangasawa dahil ako na ang papalit sa trono ng hari.”
“Naiintindihan ko.” Sabi ko habang hinihimas ang pisngi nya.
Naglapat muli ang aming mga labi at bumagsak sa tubig upang magsiping muli.
“Gusto ko sanang ikaw na lang ang aking makasama ngunit tutol ang karagatan para sating dalawa.”
“Hindi ka mabubura sa ala-ala ko.”
“Hangga’t nasa iyo ang perlas umaasa akong hindi mo ako malilimutan at ganun ka din sa akin.”
“Mahal kita, Sedesan.”
“Mahal na mahal din kita, Lacxen.”
Nangyare nga ang sinasabi nyang huli na naming pagkikita iyon. Lumipas ang isang taon na hindi na lumiliwanag ang perlas kaya itinago ko na lang iyon sa ilalim ng mga damit ko. Walang ibang inisip ang puso’t isip ko sa loob ng isang taon kundi sya lang.
“Miss na kita pero sa tingin ko kailangan na kitang ibaon sa alaala.” Sambit ko habang nakatitig sa dagat.
“Masaya akong nakilala kita sa buhay kong ito at labis akong nagpapasalamat sa iyo dahil hanggang ngayon buhay pa din ako at kasama ang pamilya ko.”
Tumalikod na ako sa dagat at pabalik na sana ng mahagip ng mga mata ko ang nagliliwanag kong kwarto sa taas ng bahay namin. Agad naman akong napalingon sa dalampasigan dahil alam kong sign yun na nandito sya.
Masayang tumakbo naman ako pabalik sa dalampasigan.
“Sedesan.” Tawag ko sa pangalan nya.
Ngunit walang sedesan ang nagpakita sakin o baka guni guni ko lang na umilaw ang perlas kaya umaasa ako ng ganito. Tinanaw kong muli ang silid ko pero nagliliwanag pa din iyon.
“Alam ko nandito ka pero nasaan ka?”
Napaisip naman ako at biglang naghinala kaya dali dali akong tumakbo pabalik ng bahay. Napahinto ako ng may makita akong nakahintong magarang sasakyan sa labas ng bahay namin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Kaya para mapawi ang kaba at paghihinala ko ay mabilis na pumasok ako ng bahay.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman sa nakikita ng mga mata ko. Nakikita ngayon ng dalawa kong mata ang sirenong minahal ko apat na taon na ang nakalilipas ngunit sa anyong tao at kinakausap sya ng pamilya ko.
“S-Sedesan?” Nabibiyak ang boses na tawag ko sa kanya.
Napagawi naman ang tingin nya sakin ng marinig ako.
“Anak, nandyan ka na pala? Manliligaw mo ba itong gwapong batang ito?” Masayang turan sakin ni Inay.
Agad na tumakbo ako palapit kay sedesan at yumakap ng mahigpit na sinalubong naman nya.
“Magkakilala kayo, nak?” Pagtatanong ni Itay.
“Malamang po, Itay. Manliligaw yan ni kuya kaya kilala nya yan.” Pagsabat ni Venda.
“I missed you.” Sambit nya na nagpabigla sakin.
Maluha-luhang tumingin naman ako sa mga mata nya.
“Na-miss din kita.”
“Manliligaw o kasintahan?” Usal ni kuya Hector.
“Lacxen, calm down, okay? I need to talk to your family.”
Nakakapanibago dahil ibang sedesan ang natutunghayan ko ngayon.
“Nandito po ako para sana hingin yung basbas nyo para sa magiging kasal namin ni Lacxen.” Hindi mababakas ang kaba sa tinig ng boses nya.
Nagulat naman ako sa sinabi nya.
“Kasal?” Sabay sabay namang usal ng pamilya ko.
“Yes, I want to marry Lacxen and I want to be with him, forever in this lifetime.” Sabi nya sabay tumingin sakin.
“Walang tututol miski isa samin basta masaya kayo at kung saan man susuportahan namin kayo.” Kinikilig na usal ni Venda.
“Kailan ba ang kasal? Bakit wala kaming alam dito, Lacxen?” Usal ni Itay.
“Tay, baka balak nilang surpresahin tayo.” Asik naman ni Kuya Hector.
“Ikaw ba’y seryoso sa anak naming iyan? Ano bang pangalan mo dahil ngayon ka lang naman namin nakita. Taga-saan ka ba?” Pagkikilatis ni Itay.
“Seryoso po ako sa anak ninyo at Sedesan po ang pangalan ko.”
“Kung ganuon kailan ba gaganapin ang kasal?”
“Three days from now.”
“Tatlong araw?” Gulat na sabi ni Inay dahil hindi makapaniwalang ganuon kabilis kahit ako nabibigla din.
Hindi man lang sya nanligaw or nag-propose pero kasal na agad. Naisip ko din na hindi na din mahalaga iyon bagkus dapat matuwa na lang ako dahil sa ikakasal na ako sa kanya at wala akong pagtutol duon.
“You don’t have to worry. Everything was already been settled. Ipapasundo ko na lang po kayo bukas para sa kasal namin ni Lacxen.”
Nakamasid lang ako sa nagsasalitang si Sedesan na balak pa akong pakasalan. Hindi ko alam kung saan isisilid ang tuwang naguumpaw dito sa aking dibdib. Hindi ako makapaniwala na may isang nilalang na para sakin dito sa mundo at tanging sireno pa ang nagtatangkang mahalin ako.
“Saan naman gaganapin ang kasal?” Si Inay.
“When you are all fetched by my driver. You are all be driven to my private plane because the ceremony will be held in New York.”
Labis naman ang tuwa ng mga magulang at mga kapatid ko pati na ang buong pamilya ko.
“Bakit ka pala bumalik?” Pagtatanong ko sa kanya habang nakayakap sya mula sa aking likuran at parehas nakatitig sa dalampasigan.
“Bumalik ako dahil mahal kita.” Sinsero nyang sabi.
“Paano nangyareng naging tao ka?”
“Naging tao ako dahil gusto ko. Ginusto kong maging tao para makasama ka.”
“Paano na yung kaharian nyo?”
“Wala na ang kaharian namin ng bumalik ako nung araw na sabihin kong huli na nating pagkikita iyon.”
“Bakit?” Pagtataka ko.
“Nilusob ang kaharian ng ibang angkan ng mga sireno. Sinakop nila ang buong kaharian at pinahirapan ang lahat ng mga kapatid ko ganun na din ang hari at ang magiging asawa ko. Wala akong nagawa nung mga oras na yun kundi ang tignan na lang silang lahat mula sa malayo.” Puno ng puot nyang sabi.
“Ayos lang sa akin kung ayaw mo munang pag-usapan.”
“It’s fine. Magiging asawa na kita kaya dapat alam mo ito.”
“Makikinig lang ako.”
“Pwede naman akong bumalik kung kailan ko gustuhin dahil may kapangyarihan naman ako at gusto ko din bawiin ang kaharian namin mula sa kamay ng mga mananakop.”
“Kung babalik ka, paano ako?”
“Hindi ibig sabihin na hindi na ako babalik. Gusto ko ding bumalik duon ng kasama ka. Pwede tayo maging tao at pwede din tayong maging sireno pero ang mas susundin ko ay ang panig mo. Ang pagiging tao. Handa akong magtiis para sayo dahil mahal kita.”
“Mahal din kita at handa akong maging sireno kahit anong oras para tulungan kang mabawi ang kaharian nyo.”
“Salamat ngunit sa pagkakataong ito pagmamahalan muna natin ang uunahin ko.”
“Isang taon akong nangulila sayo, Sedesan.” May lungkot na sabi ko.
“Isang taon din naman akong nagbantay at sumusulyap sayo.”
“Pero bakit hindi umiilaw yung perlas?”
“Dahil ayaw kong malaman mo na nandito ako.”
“Alam mo bang palagi akong naghihintay kaya labis na lang ang tuwa ko ng makita kitang muli.”
“Hindi na tayo magkakahiwalay dahil magiging mag-asawa na tayo.”
Napangiti naman ako sa isiping magiging mag-asawa na kami kapag naikasal kami.
“Marami akong gustong itanong pero hindi ko alam kung saan ko uumpisahan.”
“Alam ko naguguluhan ka pero handa akong sagutin lahat ng itatanong mo.”
“Saka ko na lang itatanong.”
“Hindi pa din ako makapaniwala na magiging asawa na kita.” Sabi nya kasabay nuon ang paghigpit ng yakap nya samantalang ako ay isinandal na lang ang sarili sa kanya.
“Hindi ko din lubos maisip na iibig ako sa isang sireno tulad mo.”
“I love you, Lacxen.”
“I love you too, Sedesan.”
Muling naglapat ang aming mga labi at masasabi kong isa iyon sa mga pinakana-miss ko dahil isang taon ko din ito hindi naramdaman. Wala ng tutumbas pa sa sayang nadarama ko ng gabing iyon lalo na’t kasama ko pa ang nag-iisang sireno na bumihag din ng aking puso.
Isang sireno sa kaanyuan ng tao. Wala na siguro akong hihilingin pa kundi ang maging masaya na lang sa mga darating na araw na kasama sya. Walang bagay ang makakatumbas sa kung ano man ang sinisigaw at tinitibok ng puso ko ngayon na walang ibang binibigkas kundi si Sedesan.

