loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
SO MOVE ME, BABY (BL)

SO MOVE ME, BABY (BL)

Brictorique · 12 chapters · 15,282 words

SO MOVE ME, BABY (BL)

SO MOVE ME, BABY

written by BRICTORIQUE.

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional.


ABOUT THE STORY:

Hi-Hello, sa inyo na magbabasa ng kwentong ito na inspired ng pelikulang Step-Up.

BL themed and short story ang kwentong ito kaya kung homophobic ka, mangyari lamang na pakilisan na agad ang kwentong ito at humanap ka ng pabor sa iyong panlasa. Para lang ito sa mga magbabasa na hilig ang ganito at para na rin sa mga taong kuryoso sa ganitong tema.

Mangyari lang din na i-add sa inyong reading list ang kwentong ito kung inyong naibigan. Kahit hindi ninyo na ako i-follow, ayos lang. Respeto nalang sa aking likha.

Wala akong specific character in real life na maaaring ihalintulad sa mga tauhan dito sa kwento, na mas gusto ko rin dahil nais kong gumawa kayo ng imahe sa inyong isipan na sayon sa inyong panlasa. Iyon lang.

Isang palaisipan pa sa akin kung kailan ko officially ipa-publish ang unang bahagi ng kwento.

Date Created: July 4, 2015

SO MOVE ME, BABY : 1

Hi, the name is Elion Ramirez . Third year college student sa kursong Mechanical Engineering at Leader ng sikat at kilalang dance group na Atlas.

Siguro ’yung iba sa inyo nagtataka bakit Atlas ang pangalan ng dance group namin. Well, for starters, paki ninyo ba? Ang mahala magagaling kaming sumayaw. Ilang competetion na kaya ang naipanalo namin ’no! Excuse me! Second, bakit laging kailangang malaman ang kahuluhan ng mga bagay-bagay? Pwede bang leave it as it is nalang? Like ’yun ang pangalan ng grupo namin dahil ’yun ang gusto namin. That’s it.

At dahil nga nasa isa kaming dance group, ang tugtog ang siyang tumatayong electricity naming mga dancers para gumalaw at ang malulupit naming mga galaw ang siyang dahilan bakit yumayanig ang dancefloor dahilan para maipanalo namin ang bawat competetion na nasalihan dahil kapag kami na ang humataw sa dance floor, siguradong hindi ka lang mapapa indak, mapapahanga ka rin namin at maeenganyo na matutong sumayaw gaya nalang ng paborito kong dance group nuon, ng paborito kong dancer, na siyang dahilan paano ko nadiscover ang hilig at talento ko sa pagsasayaw.

Nuon, hindi ko talaga hilig ang pagsasayaw. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na darating ang araw mapapasali ako sa isang dance group at magiging leader pa nga ng nasabing grupo. Pero after that night, nagbago ang lahat. Na-360° ang kabuuan ko. Para bang na-hard reset. Oo, tama ganuon nga.

Kung hindi dahil sa grupo na ’yun, hindi ko malalaman na may talent ako sa pagsayaw, and to be honest, hindi lang din dahil sa grupong iyon ako napahanga kundi pati na rin sa misteryosong main lead na nasa gitna ng dalawa pa niyang ka-grupo na siyang tumatayong second in command ng main dancer. They were the former popular dance group in the underground during my highschool years, Reize. 

Kung ikukumpara mo ang style namin sa style nila ay siguradong wala kaming panama sa kanila. Ganuon sila kahusay. Kahit nga siguro tanggalan mo sila ng tugtog ay mapapa wow ka pa rin at mapapa indak sa sayaw nila. Thou never silang nag try na tumapak outside underground. Hindi ko rin alam kung bakit dahil alam ng lahat nuon na nakakatanggap sila ng iba’t-ibang malalaking offer para lang sumayaw sa labas ng underground pero wala. Mukhang gusto nilang maging exclusive lang ang kanilang grupo sa iisang mundo.

I want to personally thank them kapag nabigyan ako ng pagkakataon na muli kong makita ang grupo nila na sumayaw, mapa entablado o underground, makita ko lang ulit ’yung leader ng Reize ay pwede na ako mamahinga as main dancer ng Atlas.

Paano kasi ng unang beses kong mapanuod ang grupo nila nuong highschool ako ay siya na din palang huling beses nilang pagsasayaw. They left without any trace. Leaving everything behind without any of them revealing their true identity to anyone.

Oh, how I wish I can meet them again and up close. ’Yung tipong makikilala ko isa-isa ang bawat miyembro ng Reize na siyang hinangaan at naging inspirasyon ko sa pagsasayaw. Paano kasi, ng mapanuod ko sila ng gabing ’yun, sa likuran kami ng stage naka pwesto ng dalawa ko pang kaibigan at wala ni isa sa amin nagkaruon ng chance na makita ang mukha ng kahit na sino sa kanila kahit after nila magsayaw.

Paano ba naman, ang naisip kasi nilang outfit every time na tatapak sila sa dancefloor, mala pang Jabbawockeez kaya wala talagang nakakaalam sino sila behind those masks. Ang tanging pinanghahawakan ko lang at ng iba, eh ’yung ideya na babae ’yung main lead. Paano ko nasabi? Eh sa ang haba ng buhok eh! Impossibleng hindi babae ’yun lalo pa bawal magpahaba ng buhok ang gaya naming mga lalaki sa school kaya alam kong babae ’yung main lead kasi ang alam lang din ng ibang gaya ko na fan nila eh highschool students din sila gaya namin ng mga panahong ’yon ang members ng Reize.

Gosh, it’s my dream that I really want to fulfill. Na mapanuod ko silang muli sa dance floor at kapag nangyari iyon, kakapalan ko talaga ang mukha ko at makikipag meet-and-greet sa main dancer ng Reize because from that moment on, I knew, I fell inlove with her without her knowing.

SO MOVE ME, BABY : 2

“Oh, tubig oh.” sabi ni Ry, short for Rydell sa akin, sabay hagis ng isang bottled water papunta sa direksyon ko na siyang sinalo ko at agad na binuksan para inumin. 

Katatapos lang naming magpractice ng gagamiting chore para sa nalalapit na street dance competition. Isang taon nalang at gagraduate na kami sa college kaya sinusulit na talaga namin ang mga competition na sinasalihan namin.

Nakakapagod ang practice pero alam kong magiging worth it din ang lahat kapag muli kaming nanalo this year sa nasabing competition. Isang panalo nalang ang kailangan para maka grandslam. Kapag nangyari ’yon, kami na ang sunod sa yapak ng Reize bilang pinaka magaling sa lahat ng mga dance group ngayon.

Kaming tatlo lang ng highschool bestfriends ko ang nandito ngayon sa studio dahil wala pa ’yung ibang naming ka-members. Lagi kasi kaming nauuna na tatlo magpractice kesa sa kanila. Ewan nga ba. Siguro kasi iba din kapag kaming tatlo lang ’yung magkakasama na sumasayaw sa harap ng malaking salamin. There’s this unexplainable comfortability between us three but not in a romantic way of course.

Meet Ry and Ren, short for Soren. They are my best buds and the best thing that we all share in common, is we all dance and second, we are all fans of Reize. Gaya ko, hindi din nila nakita ang mukha ng kahit na sinong members ng nasabing grupo. Well, wala naman talaga nakakakilala sa kahit na sino sa kanila. Ganuon sila ka-mysterious. Parang sumayaw lang sila, nag iwan ng legacy sabay layas like legit. Very Reize.

“Malapit na kompe! Excited na ako pero at the same time maiinis na naman ako dahil makakasagupa na naman uli natin Espen,” nakangusong sabi ni Ren.

Oh, I almost forgot about the other group na lagi naming nakakalaban sa dulo ng bawat competition na sinasalihan namin. Kapantay naman sila sa kasikatan. Sila ang grupong nabanggit ni Rei— ang Espen.

“Oo nga no? Pero alam mo kung ano ang mas nakaka excite?” tanong ni Ry sa amin.

“Ano?” tanong ko.

“Ano pa ba? Syempre ’yung pagdating ni Esme dito,” sabay na sabi ni Ren at Ry na akala mo bnluetooth sa kanya ni Ry ang nasa isip niya at parehas sila ng naisip.

T’chk, oo nga pala. How could I forget? It has been three weeks since it started na naging kami ni Esme ng dahil sa pustahan/dare sa akin ng dalawang kumag na ito.

Meet Esmeray Garcia. Esme or Ray for short depende sa closeness level ninyo sa isa’t-isa. Esme is my uh, how should I say it, girlfriend? Boyfriend? Esme kasi is an out gay. Hindi naman siya balahura na klase ng bakla. Mahinhin siya na parang babae. Well, actually allow me to correct that. Feminine talaga siya kumilos bukod sa ’yung katawan niya mukha ding sa babae. Balingkinitan so yeah, who would suspect na hindi siya babae kapag una siyang nakita? So, hmm yeah. Let’s say Esme is my girlfriend.

Oh, let me rephrase that. Sorry. My girlfriend for three months max and soon to be ex. You ask why? Kasi after three months, expired na ang dare sa akin nina Ry at malakas ang pakiramdam kong magkakabalikan na din kami ng ex kong si Nica. Today marks the last week of our three month relationship.

Also, let me tell you this. Sa luob ng three months na kasama ko siya, hindi man lang ako na-fall sa kanya because even though masaya siya kasama at mabait, she’s kinda weird actually. A nerd and most importantly, wala siyang kahilig-hilig sa pagsasayaw.

Esme always says na wala siyang talent sa pagsasayaw but then also say lines like, “Dance is lifeless if you can’t dance without a music.”. Weird, right? Hindi nga siya marunong sumayaw eh pero kung magsalita akala mo may pinanghuhugutan siya.

Hindi ko nga alam kung sinasadya niya pero parehas kaliwa paa niya kapag sumayaw. Inaya ko kasi siya ng minsan na mag DDR sa mall, ayun. Talo. Baba ng score. Tapos ng minsan, ehem, hindi sa stalker ako ha, nagkataon lang na may P.E sila at pinagsayaw sila ng prof nila ayun puro kaliwa ulit ang gamit niya kahit na pwede naman niyang pag aralan para ayusin.

However like I said, ’yung naging dare sa akin nina Ren may hatid na benefit dahil simula ng naging kami ni Esme halatang pinagseselosan siya ni Nica kahit ba bakla ito. Bad mood siya sa tuwing isisingit ko out of nowhere si Esme sa usapan. Aba dapat lang magselos siya dahil hirap na hirap akong umaktong sweet kay Esme para lang pagselosin siya. I want her to plead, to beg na balikan ko siya, as my way of revenge to her sa pakikipag hiwalay niya sa akin just because of a stupid reason na she wants some fucking space. As if namang pinag higpitan ko siya!

Thou hindi naman ako heartless na tao. Of course, I feel bad for Esme pero wala talaga. Kahit attracted ako to both genders, si Nica pa rin gusto ko. There’s nothing wrong with Esme, sadyang hindi ko lang talaga makita sarili ko sa kanya romantically even when it’s the other way around for Esme to me.

“And here comes, Esme!” energetic na bati sa kanya ni Ren pagpasok nito sa backdoor ng studio namin.

Hindi ko siya nilingon dahil alam kong lalapit naman siya sa akin para batiin ako personally. Hindi ito ’yung tipong ako ’yung lalapit sa kanya gaya ng ginagawa ko kay Nica, and for sure kasama na naman niya ’yung kapwa niya weirdo na mga kaibigan.

“Elion,” nakangiting bati niya sa akin sabay yakap ng mahigpit na makalapit ng tuluyan.

“Hi, babe,” I replied with a smile. Syempre hindi naman ako bastos na tao though hindi nakaligtas sa akin ’yung ngisi nina Ry sa eksena namin ni Esme. Mga gago talaga.

“Ako lang mag isa ngayon kasi busy ’yung dalawa eh.”

Buti naman kundi nakakita na naman ako ng babaeng mukhang naka shabu at gaya kong bisexual na lalaki din gaya ko at birth na kain ng kain dito studio namin.

Dapat hindi nalang siya tumuloy kung siya lang mag isa. Panay pa naman ito papansin sa akin kapag hindi niya kasama ’yung dalawa niyang kaibigan. Mas okay din sigurong nandito ang mga kaibigan niyang iyon kasi that way hindi lang sa akin ang focus ng tingin niya.

“Busy?” tugon ko.

“Tinatanong pa ba ’yan, pre? Syempre naghahanap din ’yung dalawang kaibigan niya ng makaka date kasi naunahan pa sila nitong si Esme, di ba? Tama ba ako?” nakangiting tanong ni Ren sa kanya na may pagkindat at hindi ko alam kung bakit pero bahagya akong nainis duon. Gago lang?

T’chk, as if namang may magkaka gusto sa dalawang kaibigan na ’yun ni Esme.

“Naku, hindi! May inaasikaso lang na project si Ahvi. Nakalimutan niya kasing ngayon ’yung deadline. Si Masen naman, ayun. Nasa guidance. May pinatulan kasing second year,” paliwanag nito na para bang normal lang ang lahat ng sinabi niyang ’yon sa amin.

“Ang weird talaga ng samahan ninyong tatlo! Parang ikaw lang ang matino.” hindi nakatiis na komento ni Ren ng nakangiti dito. Tangina nito ni Ren, panay ngiti kay Esme. Crush ba niya ’tong girlfriend ko?

“Ay naku, hindi ah! Luko-loko din ako minsan gaya nila. Depende sa mood.” tugon niya na nginitian din pabalik si Ren. Damn, why is she smiling like that? Hoy, ako boyfriend dito hindi tropa ko!

Sa kalagitnaan ng paguusap namin ay muling bumukas ang pinto ng studio at si Nica ang iniluwa nu’n na naka off shoulder at kita ang cleavage sa suot niyang damit na pinaresan ng maikling short. Damn, so hot.

“Oh nandito na pala kayong tatlo,” nakangiting bati niya sa amin, ignoring Esme’s presence.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Not caring kung nand’yan si Esme o wala. Wala naman akong nakitang hindi ka aya-aya na reaksyon sa mukha ng isa. Dapat ba meron? Bakit parang nageexpect ako na dapat meron? Weird. Nakakahawa na yata ako sa kaweirduhan ng girlfriend kong ito.

“Hurry up, aalis tayo! Tinext ako ni Jonel na sa plaza daw tayo mag practice today instead na dito sa studio para maiba ambience.”

“What? Plaza? The heck.” tugon ni Ren na halatang ayaw umalis ng studio.

“You have no choice guys. Nanduon na ’yung iba at tayo nalang ang hinihintay.”

“Luh, sino ba leader ninyo ng makausap ko?” pabirong sagot ko, but oh well. No hard feeling naman since hindi naman ako mahigpit sa mga members ko. As long as maayos nila nagagawa ang part nila.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at nilingon si Esme na nasa tabi ko pa rin at hindi umiimik. Nanduon lang siya. Tahimik at pinagmamasdan kami.

“Uhm, Esme..”

“Sige na. Okay lang. Galingan ninyo sa practice.” nakangiting sabi nito pero pakiwari ko ay hindi siya masaya, pero ano bang magagawa ko? Importante practice namin at saka maghihiwalay na din naman kami soon. Nakakailang hakbang palang siya palayo sa amin ng biglang nag ala Jollibee si Ry sa kanya.

“Hatid na kita, Esme.” sabi nito at sasabay na sana sa girlfriend ko maglakad kaso inunahan ko. Gago kasi! Ako boyfriend n’yan paalala ko lang ha?

“Ako na maghahatid. Mami-miss ko ’tong inspirasyon ko eh,” maangas kong sabi sabay akbay kay Esme na namumulang nagulat sa sinabi ko sa kanya. Well, kahit ako nagulat. Saan galing ’yung sinabi ko?

SO MOVE ME, BABY : 3

Kasalukuyan kaming nagpa-practice ng mga kagrupo ko dito sa plaza at habang nasa practice, hindi mawala sa isip ko ’yung pag iwan ko kay Esme. I mean, technically hindi ko naman siya iniwan aware naman siya saan kami pupunta at para saan pero kasi, bakit hindi ko siya inaya na sumama sa amin gayong alam kong vacant naman niya?

Shit. Sobrang sama ko na ba? Nakonsensya tuloy ako sa nangyari sa kanya.

Aish, talaga ba, Elion? Hayaan mo na ’yun. Hihiwalayan mo na rin naman, sabi ng isip ko pero hindi pa rin ako makampante.

Lumayo kaming tatlo nina Ren sa iba naming members ng may mag request ng time-out sa akin.

“Mga pre, alam ninyo ba?” bungad nito.

“Hindi pa pre. Share mo muna.” pilosopong sagot ni Ry sa kanya.

“Gago! Anyway, alam ninyo ba may nalaman ako tungkol sa Reize sa napasukan kong forum kanina ng papunta ako ng studio. Lahat pala ng sinalihan nilang kompe kahit ng nasa underground sila, iba-ibang pangalan binibigay nila at hindi lang iyon! Ang malupit d’yan, wala talaga kahit organizers mismo nakakita sa tunay na identity ng mga members! Angas ’no?”

“Wait, kung iba-ibang pangalan ang binibigay nila, ibig sabihin may chance na never silang nagbigay ng real name nila?”

“Mukhang ganuon na nga. May mga nagtangka din kasi na halungkatin ang identity nila sa mga pangalan na binigay nila before kaso wala ni isa sa mga ’yun ang nakahanap sa kahit ni isang members ng Reize. Tinry ko nga rin kaso wala din ako nahanap,” pagpapatuloy nito.

“Pero impossible naman yatang as in walang nakakakilala ni isang tao sa mga members ng Reize?” sabi ko at napabuntung-hininga.

“Oo nga, for sure baka kilala sila ng DJ or ng host o di kaya ng isa sa mga judges,” segunda ni Ry sa sinabi ko.

“Sa totoo lang, naiinis ako sa Reize pero at the same time nahihiwagahan ako sa kanila. Imagine, 3 years sila halos namayagpag sa underground pero wala ni isa sa mga fans tulad natin ang nakakaalam o ang makapag bigay man lang ng matinong description sa mga members nila. Kung bakit naman kasi ayaw nila magpakilala sa totong identity nila,” naka busangot na sabi ni Ren.

Habang patuloy sa pagdadaldalan ang dalawa tungkol sa Reize, heto ako at hindi na umiimik sa usapan. Gaya nila ay gusto ko din makita ulit at makilala ng personal ang bawat miyembro ng nasabing grupo.

Bakit nga ba hindi at ayaw nila ipaalam sa kahit na sino ang tungkol sa totoo nilang identity? Don’t they want the fame? But they reign for almost 2 years kaya impossibleng hindi nila gusto ang spotlight na nakuha nila sa galing ng grupo nila.

“Uy, pre! Natahimik ka na d’yan. Miss mo si Esme ’no?” pangaasar ni Ry sa akin.

“Gago! Hindi.” sagot ko ng may pag irap.

“Hindi daw? Eh bakit parang ang lalim ng iniisip mo mula pa kanina ng umalis tayo papunta dito?” tanong ni Ren. Halata ba?

“Hindi! Mga gago kayo. Tigilan ninyo nga kababanggit sa kanya.” nakabusangot kong sabi.

“Hoy kayong tatlo! Kanina pa tapos break natin!” sabay-sabay kaming napatingin sa naka pamewang na si Nica at hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti ng makita ang hitsura niya. Ang strikta naman nito! Daig pa math teacher ko ng elementary.

Yes, Nica’s pretty but, I don’t know why, and I still don’t understand kung paanong kahit ng kami pa, unsure ang feelings ko sa kanya na mas lalo lang tumindi ng naging girlfriend ko si Esme. Hindi sa nagkaka gusto na ako sa kanya, no, pero hindi ko maitatangging mabait siya, masarap kasama at pure hearted kaya hindi ko alam kung paano ako makikipag break sa kanya after ng kompe. Ayaw ko naman sayangin ’yung opportunity ko with Nica na magkabalikam kami kasi siya nga dahilan bakit din ako pumayag sa dare nina Ren pero ewan! Naguguluhan ako sa nangyayari sa akin.

“Practice na ulit? Ano ba iyan!” maktol ni Ry.

“Oo, kaya kung ako sa inyo balik na kayo du’n. Kanina pa sila naghihintay.”

“Sige na nga! O’sya mauna na kami sa inyo ni Ren,” nakangising sabi ni Ry na may nalalaman pang paghatak kay Ren na akala mo na-infect na either sino man sa amin ni Nica sa pagmamadali niya sa isa. Gago talaga ’tong si Ry! Hahabulin ko sana sila para konyatan kaso pinigilan ako ni Nica.

“Uhm, yes?”

“I want us back.”

SO MOVE ME, BABY : 4

It has been two days mula ng sabihin sa akin ni Nica na gusto niyang makipag balikan. At first, akala ko namali lang ako ng dinig o nananaginip kaso hindi. Legit niyang sinabi iyon sa akin na she wants us back.

Sabi pa niya na it was a mistake na makipag hiwalay siya akin and that she can’t help but feel envious whenever she sees me with Esme. She felt like she had already been replaced to which technically, yes.

Sa totoo lang, kahit two days na ang nakalipas hindi pa rin ako makapaniwala. Nakaka gulat naman kasi dahil hindi ko inakalang magiging ganuon siya ka straight forward sa pagsasabi but isn’t this what I wanted? I want her back to my life?

There’s this part of me na natuwa dahil effective ang pagpapaselos ko using Esme but at the same time there’s a part of me that is disappointed.

Disappointed sa fact na kung hindi ko pala ginawa ang bagay na ’yon, ang makipag relasyon sa iba, she won’t admit to herself na nagkamali siya at marealise na gusto niyang ipagpatuloy namin ang nasira na naming relasyon dahil sa kanya with her lame excuse kung bakit siya nakipag hiwalay sa akin in the first place.

I should have answered her right then and there na oo, kami na ulit at masaya ako na finally narealise niyang mali siya sa naging desisyon niya pero hindi. Hindi ko nagawang sang ayunan ang gusto niyang mangyari. Hindi ako nakasagot sa kanya dala ng sobrang pagkabigla. Pwede pala mangyari ’yung ganuon ’no? Akala ko impossible pero possible pala.

Hindi ko din kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.

Hanggang ngayon iniisip ko din kung tama bang hiwalayan na si Esme para magkabalikan na kami ni Nica because in the first place, ’yon naman talaga ang sense ng pakikipag relasyon ko kay Esme but… ugh! I don’t know. I don’t what to do. I don’t know what to say or to react to everything that is happening lately. It’s making me uneasy.  Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam and I hate it.

Nakokonsensya na yata ako sa pinasok kong kalokohan. Sa pagsisinungaling ko kay Esme at sa pag gamit ko sa kanya. Esme had been nothing but good to me since the start ng mag confess ako kuno sa kanya at ligawan siya. Kahit kasi pustahan o dare lang ang gawing girlfriend siya kahit na bakla siya at may pagka weird, again like I said, naging mabait siya sa akin. As in mabait talaga. Isa siya sa mga tao sa university na bukod kina Rey at sa mga kaibigan niya na sina Avhi at Masen ang hindi ako tinignan at tinuring na parang celebrity inside and outside school gaya ng nakararami. It’s like behind those eyes, Esme see right through me that I’m just a regular person like everyone else.

Sa luob ng two months, three weeks and three days na kami, never siyang humiling ng kahit na ano sa akin, including kiss o hug. Tuwing yayakapin niya ako after asking for my consent, napapagya nalang din ako sa kanya dahil ewan ko ba. Siguro kasi para siyang batang nakakahawa ang kasiyahan sa buhay na hindi ko alam saan niya hinihugot ang sayang ’yon na meron siya.

Akala ko nga ng sagutin niya ako, ng maging kami ay ipapaalam niya sa kahit na sino ang tungkol sa amin, not that I give a damn but Esme didn’t. Malayo kay Nica na ng naging kami kulang nalang pati sa national tv i-broadcast niya.

Madalas si Esme ang pumupunta sa akin. Ayaw niyang pinupuntahan ko siya sa classroom niya at kung ihahatid ko naman siya pauwi sa kanila ay hindi siya sa mismong bahay nila nagpapahatid kundi sa kanto malapit sa kanila. It’s not like strict parents niya, heck Esme’s parents knows about our relationship. May basbas kumbaga and yes, they’re aware we’re both same-sex but they just don’t care. Kung sabay naman kaming papasok, pinapa una niya ako sa gate para wala sa amin makakita ng magkasama na pwede kaming pag chismisan. Weird ’di ba?

Expected kasi ng lahat na kapag sikat ang partner, dapat ibroadcast sa lahat to show how lucky and proud you are, right? But with Esme? It’s different.

Nainis pa nga ako sa sarili kong biro sa kanya na baka side-boyfriend niya lang ako kaya siya ganuon pero tinawanan lang ako. That’s also the reason why kung bakit nakasama ko na siya sa bahay namin before a few times para mag sleep over (at para bantayan kung sakali ngang may side-man siya) kasi ayaw niya akong ipag sleep over sa kanila and my mom, my mom na mataray to everyone including Nica, ayun. Biglang naging super bait. Akala ko nga balak niya ng ampunin si Esme kasi mas natutuwa pa siya kapag nanduon ito sa bahay kesa sa akin. Pfft.

Haya heto ako ngayon. Hindi malaman bakit ganito ang nararamdaman. Hindi ko naman gusto si Esme pero bakit may pumipigil sa akin na kung ano na hiwalayan siya?

“Nandito uli si Nica, pre ah. Umamin ka nga, kayo na ba ulit?” tanong ni Ry.

“Oo nga, ’di ba dapat may klase ’yan ngayon eh bakit nandito ’yan? Nag break na kayo ni Esme? Aga naman! Nakalimutan mo yatang three months dapat,” dagdag ni Ren.

“Mga gago! Hindi pa kami nagbi break at mas lalong hindi ko nakakalimutan ang usapan nating tatlo. Wala akong balak ilibre kayo sa buffet.” natatawang sabi ko.

“Sayang! Sabihin ko pa naman sana ligawan ko after si Esme,” biro ni Eren pero hindi ako natawa. Bagkus napakunot ang nuo ko. Puta? Ano daw? Liligawan niya girlfriend ko after ko?

“Tangina mo, bro code ’pre! Ekis ’yan,” agad na sabi ni Ry ng mapansin nito reaksyon ko, “Pero kung ganuon naman pala, bakit nga siya nandito? Kahapon din nandito siya.”

“Hindi ko din alam.” walang gana at kibit-balikat kong sagot sa kanila.

Sumandal ako sa pader at ipinikit ang mga mata ko. I need a break. Naguguluhan na ako sa nangyayari sa akin.

“Hi sa inyong dalawa. Hi Elion,” bati ni Nica sa amin with her sweet smile that happens to be quite nauseous for me at that moment.

Tumabi siya sa akin pero hindi ko siya nilingon. I don’t have the energy to do so, not because I’m tired, ayaw ko lang talaga siyang lingunin. Gusto ko ngang mapag isa eh kaso nandito na naman siya. Hindi pa ba darating si Esme? Vacant niya alam ko ng ganitong oras eh. Psh, hindi ako stalker ha! Nakabisado ko lang schedule niya.

“Is there something wrong?” tanong ni Nica.

Naramdaman ko ang ginawa niyang paghawak sa braso ko dahilan upang mapadilat ako at lingunin siya. Ugh, what does she want? Can’t she see I want to rest?

Ang kaso, paglingon ko sa kanya, kinabig niya ang mukha ko and before I know it, magkalapat na ang mga labi naming dalawa sa isa’t-isa. Na-blanko ang utak ko sa ginawa niyang iyon at alam ko sa sarili ko na sa mga oras na ito dapat matuwa ako sa ginawang niyang iyon pero bakit iba ang nararamdaman ko? Parang ang bigat. Parang may mali. Hindi tama eh.

Kesa mabigwasan ko siya este may magawa akong hindi maganda sa kanya, nilayo ko nalang ang sarili ko sa kanya at lumabas ng studio. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ng dalawa kong ugok na kaibigan. Gago? Nandito pa pala ’tong mga ito. Nawala sa isip ko. Akala ko umalis na sila kanina.

“Pre, ano iyon? Bakit ka niya hinalikan? Akala ko ba hindi pa kayo nagkakabalikan?”

“Hindi ko alam, mga pre. Hindi ko alam.” sa inis ko ay ginulo ko ang buhok ko at itinago ang mukha ko sa palad ko.

“Ano ba talagang nangyayari sa inyo ni Nica? At saka bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi ba dapat masaya ka? Eh bakit parang ayaw mo pa yung nangyayari?”

“Huwag mong sabihin sa amin na nahulog ka na kay Esme? ’Di ba ang usapan gagamitin lang natin siya at hindi ka mafa-fall sa kanya? Anong nangyari?”

“Ewan ko! Pwede bang iwanan ninyo muna ako?” inis kong sabi at tinalikuran sila para pumunta sa kung saan na ako lang ang nanduon at makakapag isip ako ng maayos sa sitwasyon ko na kinalalagyan ko ngayon.

Aminado akong gusto ko talagang magkabalikan kami ni Nica pero how about Esme? Paano siya?

Hindi ko siya kayang iwan nalang ng basta. Afterall, hindi naman din ako papayag na gawin siyang girlfriend ng dahil sa dare. There’s something about Esme na sa kanya ko lang naramdaman. It’s like a familiar feeling na hindi ko pa maexplain sa ngayon.

SO MOVE ME, BABY : 5

Sa paglalakad ko ng walang patutunguhan, nakarating ako area ng univeristy namin kung nasaan ’yung lumang building na next month ay ipagi-giba na ng management.

Patuloy lang ako sa paglalakad ko hanggang sa may marinig akong humihikbi. Saan galing iyon? Hindi kaya may multo dito kaya inabandona bukod sa luma na?

Hinanap ko kung saan nanggagaling ’yung humihikbi at laking gulat ko ng makitang si Esme ’yon. Teka bakit siya umiiyak? May nang away ba sa kanya? Nag away ba sila ng mga kaibigan niya? Pero paano kung hindi pala mga kaibigan niya ang dahilan kung bakit siya umiiyak? Paano kung ibang tao?

Napakawalang puso naman ng nagpaiyak sa kanya! Hindi dapat umiiyak ng ganito ang gaya niya. Malaman ko lang talaga kung sino, mabubugbog ko iyon ng wala sa oras.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at marahang hinawakan ang balikat niya.

“Esme..?” malumanay kong tawag sa kanya ng makalapit at ng mag angat siya ng tingin at makita ako, halatang nagulat pa siya pero kalaunan, ng makabawi ay bigla nalang niya akong sinampal. Aray ha? Bumakat yata sampal niya sa pisngi ko!

“Anong problema mo? Bakit mo ako sinampal?” inis kong tanong habang marahang mina-massage yung pisngi kong sinampal niya. Ako na nga ’tong concern, ako pa nasampal. Suminghot siya at pinagkatitigan ako maigi. Kinabahan ako dahil first time kong makita ’yung ganuong tingin niya sa akin. Parang mangangain!

“Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Naiinis ako sa iyo! Pero mas naiinis ako sa sarili ko! Sinungaling ka! Manloloko! Pinagpustahan ninyo lang pala ako ng mga kaibigan mo para lang pagselosin si Nica! Para balikan ka niya! Akala ko pa naman… napaniwala mo akong sincere ka sa mga pinakita mo sa akin pero hindi! Ang tanga ko na nagtiwala ako sa’yo!”

Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko sa narinig na sinabi niya. Kita ko ang galit at disappoint sa mga mata niya habang humahagulhol siya sa harapan ko.

Bigla akong nakaramdam ng hiya para sa sarili ko pero higit sa lahat ay nasaktan ako ng tawagin niya akong sinungaling at manloloko. Ang sakit! Ang sakit pala na manggaling sa kanya ang mga salitang iyon.

“Esme, let me explain. I want you to know na..” sabi ko at agad na hinuli ang kamay niya para hawalan pero hinila lang niya iyon palayo sa akin.

“Ano pa ba ang kailangan kong malaman ha, Elion? Na kasalanan ko naman kasi nagpaloko ako sa iyo? Oo, siguro nga kasi nagtiwala ako sa’yo. Na akala ko, totoong gusto mo ako kahit bakla ako. Ano, dapat ko bang lunukin ang pride ko at patawarin ka kasi tao ka lang naman na nagkakamali? Elion, buti sana kung hindi mo alam ang pinag gagagawa mo pero hindi! Alam mo! But still ginawa mo! Ano pa bang gusto mo? Umasa ako na ako ang pipiliin mo? Na kahit makita ko na kahalikan mo si Nica, hahayaan ko lang kasi mahal kita? Oo, bakla ako pero hindi ako martyr!”

Hindi na ako maka imik habang pinagmamasdan siyang ilabas ang galit niya sa akin. Galit sa nagawa ko. Buti na nga lang at nandito kami sa lumang building dahil kung hindi baka naka istorbo na kami ng mga nagka klase sa lakas ng boses niya pero ayus lang, mas gugustuhin kong ilabas niya ang galit niya sa akin dahil tama siya, mali ang ginawa ko, sinaktan ko siya. I deserve this. I deserve his anger but what hurts me the most at ang tingin ko hindi ko deserve na makita at deserve niya ay ang umiyak siya sa harapan mo dahil sa kagaguhan ko.

Damn, how did I end up hurting this pure soul? Nakita at narinig niya ang lahat sa amin kanina. Damn! Ang bobo! Ang bobo ko!

“Esme, please! Could you just please let me explain first?” sumamo ko dahil mukhang wala siyang balak na pakinggan ang side ko at medyo naiinis na ako dahil ayaw niya akong pakinggan. Totoong tinarantado ko nga siya but still! Allow me to explain!

“Para saan pa? Tama na ang mga nakita at narinig ko. Tanggap ko ng hindi mo ako gusto at hindi kailanman na magugustuhan kasi hindi ako si Nica! Kasi hindi ako babae tulad niya! Kasi bakla ako! Na pang good time lang ako sa paningin mo! Please, ayaw ko ng makarinig ng kahit na ano pa sa’yo. Please! Huwag mo ng dagdagan ’yung sakit na nararamdaman ko ngayon!”

Aalis na sana siya kaso hinawakan ko siya ng mahigpit sa pulsuhan niya. Hindi siya aalis! Walang aalis hangga’t hindi niya naririnig ang side ko!

“Elion! Ano ba? Bitiwan mo ako!”

“No! Hindi ka aalis! I want you to hear my side,” sabay hila sa kanya palapit sa akin. Nagpumiglas siya kaya cinorner ka siya in a way that will intimidate him dahil hindi agad siya naka kilos sa ginawa ko, “Oo, aaminin ko! Ginamit nga kita ng una. Na hindi kita gusto pero… ewan ko! Ewan ko anong ginawa mo sa akin. Kung ginayuma mo ba ako or what but you made think twice sa gusto ko mangyari sa amin ni Nica. Wala na ’yung orihinal na ako na walang pake sa mararamdaman mo. Bigla mo akong napa kambyo sa katarantaduhang pinasok ko so please, hayaan mo ako itama ang nagawa ko.” natawa siya ng pagak sa sinabi ko.

“I knew it! Sabi ko na nga eh tama ako. Paiikutin mo ako para magbulag-bulagan ako sa ginawa mo sa akin. Gusto mong patawarin kita para ma-lessen ang konsensya mo sa ginawa mo sa akin tapos ano? Gagawin mo ulit kasi alam mong patatawarin naman kita? Gago!”

“Esme, that is not what I—”

“Elion, let’s stop this. Tutal patapos naman na ang pagpapanggap mo sa relasyon ito. Ler’s break up. Maghiwalay na tayo. Tama na. Ayaw ko na,”

Nanlamig ang katawan ko at nandilim ang paningin ko sa narinig kong sinabi niya. This isn’t the same na naramdaman ko ng makipag hiwalay sa akin si Nica. Oo, nilaban ko ang “kami” but not like this. Parang may kung anong na-trigger sa akin ng si Esme ang nagsabi na maghiwalay na kami.

“Fuck no!” bulyaw ko na kinapikit niya, “Hindi! Hindi tayo maghihiwalay! Hindi ka makikipaghiwalay sa akin!”

“Elion, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hinahayaan na nga kita sa buhay mo eh! Pinapabalik na kita kay Nica.”

“I said, no! Kung ang kapalit ng pagbalik ko eh hihiwalayan mo ako, no!”

“Kailangan may isa sa ating mag let go, Elion. Alam mo ’yan. Hindi ba’t ito naman talaga ang plano? Bumalik na si Nica sa’yo. Etsapwera na ako sa kwento ninyo kaya sige na. Maghiwalay na tayo. Hahayaan ko nalang itong mga nangyari sa atin. Hindi ako magtatanim ng sama ng luob sa’yo at pinapatawad na kita. Sige na, pakawalan mo na ako. Kailangan ko pang bumalik sa klase.”

Lalo ko siyang cinorner ng nagtaka siyang kumawala sa akin. Hindi! Hindi ako papayag sa gusto niya. Ayaw kong makipag hiwalay siya sa akin! Ayaw kong maghiwalay kami!

“Sabi ngang ayaw ko, ’di ba? Bakit? May mga nakapila ba sa’yo na kasunod ko kaya atat kang maghiwalay tayo?” hindi ko alam saan galing ’yon siguro dahil bigla kong naalala ’yung mga time na may mga bumabati sa kanya na lalaki na iba makatingin sa kanya tapos ’yung sinabi pa ni Ren ng nakaraan.

“Ha? Anong pinagsasasabi mo?”

Naningkit ang mga mata ko at ewan ko ba kung bakit pero ng mapatingin ako sa leeg niya bigla akong natakam. Gusto ko siyang lagyan ng tanda na akin siya. Na may boyfriend siya para alam ng lahat na hindi siya single. Na may partner siya at ako iyon.

“Elion! Anong— fuck ,” nahigit niya ang paghinga niya ng sunggaban ko ng halik ang leeg niya. It’s not like we haven’t done this before but fuck, why do I suddenly find this hot all of a sudden? Why do this argument that we have is turning me on so bad that it makes me possessive over him?

“P-please.. Elion.. s-stop, I.. mmh—” Esme pleaded habang sinusubukan niyang manlaban but the more I am not letting him na makawala sa akin. Mas lalo akong na-trigger ng marinig ko ang kumawala niyang pag ungol.

“We’re not breaking up, Esme. You’re mine.”

“I fucking hat—” there’s tears rolling down his cheeks bago ko ilipat from his neck to his lips ang labi ko. Pinigilan niya pa ng una but I didn’t let him.

“We both know that’s a lie, babe. Deep inside you love me, you still do, kahit galit sa akin at sa nagawa ko sa iyo. Your anger is the one speaking for you right now and allow me to fix that, babe. Hindi tayo maghihiwalay. Wala akong babalikan dahil akin ka, Esme. Fuck I care with Nica,”

“Yes, you’re right, but I don’t want us anymore kaya please, hayaan mo na ako sa gusto ko,” Esme pleads, and with all his remaining strength, itinulak niya ako ng malakas dahilan para saglit akong ma-out of the balance. Sinubukan ko siyang habulin at hilain pabalik but he kept on running and running hanggang sa hindi ko na siya maabutan. He did that without even looking back at me. Fuck. Fuck it!

No! This isn’t happening.

I want to make things up with him. Ayaw kong maghiwalay kami but how? He doesn’t want to do anything with me anymore.

Duon ko lang narealise na napa upo na pala ako sa sahig at napa hikbi dahil hindu ako makapaniwala sa sarili ko na tinarantado ko at pinakawalaan ko ang gaya ni Esme all just for Nica? Fuck!

SO MOVE ME, BABY : 6

Isang linggo na ang nakalipas mula ng huling pagkikita namin ni Esme at technically, kung iisipin tapos na din talaga kami base sa napagkasunduan namin nina Ry. Niloloko ko ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ako nagaalala sa kanya. Alam ko naman na sobra ko siyang nasaktan sa nangyari pero hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya. Sinubukan kong puntahan siya sa classroom niya, sa bahay nila ng malaman kong magiisang lingo na pala siyang hindi pumapasok pero wala. Wala akong nakita sa kanila o nakausap man lang.

Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam ano ng nangyari sa kanya. Tinry ko siyang tawagan, i-text pero mukhang bnlock niya ako gaya ng pag block niya sa akin sa social media. Araw-araw akong dumadaan sa bahay nila pero ni anino niya o kahit na anong ingay mula sa luob ng bahay nila wala akong marinig. Impossible naman sigurong bigla silang nag lipat bahay, right?

I tried reaching out to her friends but damn. They won’t tell me anything about Esme kahit na para na akong sirang plaka kakaulit na I want to make things up with my girlfriend. Yes, girlfriend not ex kasi hindi naman ako pumayag maghiwalay kami. One-sided lang eh. Kaso ’yun, muntik akong sapakin ni Soren sa galit niya sa akin. Samantalang si Ahvi, ayun. Disappointed.

But still, I tried my best na dumaan araw-araw sa kanila. Nagbabaka sakali na baka maabutan ko siya while leaving one piece of tulip and rose together tied with a yellow ribbon. Favorite niya kasi yellow.

“Elion,” tawag sa akin ni Nica. Nakataas ang kilay nito at naka pamewang. Shit, saka ko naalala na nasa practice pala ako.

Today marks one month mula ng mawalan kami ng communication ni Esme. I already saw him last week pero hindi ko magawang lumapit sa kanya. Ewan ko ba parang bigla akong nahiya. Buti naman at pumasok na din siya. He looks happy surrounded by people at ayaw ko namang mawala ’yung ngiti sa labi niya pag bigla akong nagpakita. But I still leave the usual flowers sa bahay nila. Hindi ko nga alam kung nakukuha niya or kung nakuha man niya, baka tinatapon nga lang niya dahil para sa kanya hiwalay na kami. Napakagat ako sa labi ko sa isiping ’yon. Gago mo kasi, Elion!

“Pre, ayos na. Sa susunod na araw na ’yung kompe. Kung ano man ’yang iniisip mo, kalimutan mo muna. Kailangan nating seryosohin itong practice kung gusto natin maka grandslam,” sabi ni Ren.

Asar! Sa pagiisip ko ng sobra kay Esme nawawala ako sa focus. Parang hindi ako ang main lead. Pero ano bang magagawa ko eh sa hindi ako makapag concentrate dahil hello? Si Esme, na girlfriend ko usapan dito.

“Kayo na muna ang mag practice. Time-out lang ako saglit,” sabi ko at agad na lumakad palayo sa kanila.

Umupo ako sa tabi ni Ry at sinandal ang ulo ko sa pader ng studio. Napabuntung-hininga ako ng sumagi uli sa isip ko ’yung nakita ko kaninang umaga ng papunta ako dito. Nakita ko si Esme kasama ang mga kaibigan niya at iilang mga lalaki na hindi ko kilala na mukhang taga university din at ewan ko, nainis ako dahil nakita ko ’yung isa sa kanila na niyayakap-yakap si Esme kahit na mukhang magba-barkada silang lahat.

“Hindi pa rin ba kayo okay ni Esme?” tanong ni Ry. Nalaman kasi nila ni Ren ang nangyari ng mismong araw na iyon pagbalik ko ng studio na badtrip at mugto ang mga mata.

“Hindi. Hindi pa rin.” sagot ko sabay kuha ng bottled water at binuksan ’yun para lagukin ng isahan. Kung alak lang ito natuwa pa ako.

Napabuntung-hininga siya.

“Sorry talaga, pre. May mali din kami sa nangyari. Hindi sana magkaka ganito, hindi ka sana magiging ganito kung hindi namin pinilit ipagawa sa’yo ’yung stupidong pustahan natin na iyon. Nadamay pa tuloy si Esme sa kagaguhan natin.”

“Hindi naman ako pumayag na maghiwalay kami so technically kami pa rin kaya nga gusto kong mag sorry sa kanya. Gusto kong ayusin ’yung relasyon namin pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam saan magsisimula o paano ko siya kakausapin.”

“T’chk, t’chk. Mukhang tinamaan ka nga talaga kay Esme,” nakangising sabi nito, halatang nangaasar pero paki ko? Totoo naman, “Kung sabagay, napaka down-to-earth niyang tao kaya impossibleng hindi ka mahulog sa kanya. To be honest, nakakatuwa nga kapag pumupunta siya dito. Ewan ko ba, looking forward kami lagi ni Ren na dumaan siya dito para makita ka.”

Agad ko itong nilingon. Iba kasi dating ng sinabi nito sa akin. Napa kunot ang nuo ko.

“Girlfriend ko ’yun, gago!”

“Alam ko, ito naman! Hindi naman namin aagawin sa iyo. Sinasabi ko lang.”

“Good” sabi ko at muling bumuntung-hininga, “Pero ayos lang. Kasalanan ko din naman kasi pumayag ako sa kagaguhan ninyo. Deserve ko ang galit niya sa ginawa ko.”

Nagkatinginan kami at sabay na napatingin sa mga ka-grupo namin na abala pa rin sa pagpa practice nila sa harap ng salamin.

“Ito suggestion ko lang. Nasa iyo pa rin kung gagawin mo. Kung ako sa iyo, mag focus ka nalang muna sa darating na kompe. Mas okay kung manalo muna tayo bago mo uli kausapin si Esme at humingi ng sorry sa kanya. Tingin ko kasi hindi siya matutuwa kapag natalo tayo knowing na baka dahil sa naging away ninyo ang dahilan kung bakit hindi ka nakapag focus given na ikaw ang main dancer. Knowing Esme, kahit hindi naging maganda ang huling pagkikita ninyo, hindi niya hihilingin na matalo tayo. Ipakita mo sa kanya na kaya mo, kaya natin. Sobra ang tiwalang meron siya sa’yo. Hindi sa exaggerated ako pero kita ko sa mga mata niya ang respeto at paghanga niya sa iyo bilang tao. Mapapatawad ka din niya for sure hindi ko lang alam kung kailan.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Tama siya, knowing Esme, dapat ko ngang sundin ang payo nitong si Ry.

Naalala ko, kahit ng una palang kami nagkakila, lagi niya ng sinasabi na malaki ang tiwala niya sa akin at sa Atlas na mananalo kami ano mang kompe ang salihan namin dahil nakikita niya na masaya ako, kami, sa ginagawa namin na siyang importante para sa isang grupo lalo na sa mga dancer na tulad namin.

Tama. Ipapanalo ko ang competition hindi lang para maka grandslam ang Atlas kundi para na rin kay Esme. At saka ako hihingi ng tawad sa nagawa ko sa kanya. Susuyuin ko ulit siya and this time, magiging seryoso na ako sa relasyon namin. Sana lang hindi pa huli ang lahat para sa akin, sa aming dalawa.

Dumaan ako ulit sa kanila gaya ng nakasanayan ay mukhang may mga bisita yata siya sa kanila. Ang ingay eh. May mga nagtatawanan at may upbeat songs akong naririnig. Ang cool nga eh. Pwedeng ipang salang sa kompe tugtugan nila. Nakaka indak pero syempre bago ko pa makalimutan ang pinunta ko dito, kinuha ko sa bag ko ’yung usual flowers na iniiwan ko sa kanila at inipitan ’yun ng ticket para sa nalalapit na kompe at inilagay ’yun sa mail box ng gate nila bago tuluyang umalis.

Sana pumunta siya.

SO MOVE ME, BABY : 7

Isa-isa kong tinitignan ang mga ka-members ko habang nasa isang room kami na laan para sa Atlas. Halatang lahat kinakabahan dahil dito magkaka alamanan kung makaka grandslam ang grupo namin o hindi. Kahit dinig mula dito ang tumutugtog na kanta mula sa labas na piyesa ng nakasalang na dance group ngayon ay dinig ko pa din ang malakas na tambol ng puso ko sa kaba at excitement. Shit, this is it pansit!

“Sana manalo tayo mamaya para grandslam na ang Atlas,” biglang sabi ni Ren.

“Anong sana? Dapat! Dapat manalo tayo at mananalo talaga tayo, ’di ba, Elion?” tugon naman ni Ry at saka tumingin sa akin.

“Oo! Mananalo tayo!” sabi ko with conviction. Claiming it to the highest power. Mananalo kami. Kailangan. Para sa grandslam at para kay Esme. Teka, pumunta kaya siya? Nandito na kaya girlfriend ko?

“’Yan! Tama, tama. Mindset lang guys. Kailangan natin manalo kasi kung hindi, baka mabawasan confidence ni Elion makipag usap kay Esme para magkabalikan sila. Hindi ninyo naman siguro gustong mag comeback ulit kami nitong si leader natin?” nakatawang sabi ni Nica sa mga kasama namin. Nakantsyawan pa tuloy nila ako.

But I can’t help myself not to smile sa sinabi ni Nica. Buti nalang at sports siya. Nasabi ko na kasi sa kanya ang lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa totoong nararamdaman ko para sa kanya at sa girlfriend kong si Esme. Masaya ako dahil naintindihan niya ang side ko kahit na halata sa kanya ang panghihinayang na hindi na pwedeng maging kami ulit dahil iba na ang ihip ng hangin. Kung dati siya, ngayon si Esme na.

Nag practice uli kami sa huling pagkakataon at bago pa namin tuluyang matapos ang choreo namin ay biglang may kumatok sa pinto at iniluwa nu’n ang isa sa mga organizers nitong kompe.

“Excuse me, Atlas! Patapos na ’yung nakasalang na grupo sa labas at kayo na ’yung sunod na sasalang. Good luck sa inyo!”

Halu-halo ang naging reaksyon naming lahat dahil well, kami na ang sunod. Whew! Ito na! Dito na magkaka alaman. Para mabawasan ang kaba na nararamdaman ng bawat isa sa amin ay nag group hug kami.

“Grandslam, Atlas!” malakas kong sabi na siyang inulit din nila na mas doble ang lakas.

Habang isa-isang lumalabas ng kwarto ang mga ka-members ko para pumunta ng stage, saglit kong pinuslit tignan ang picture namin ni Esme na siyang wallpaper ng phone ko.

“Sana nandito ka, pero kung wala ayos lang din. Ipapanalo ko pa rin ’tong kompe na ito para sa iyo, my number fan,” nakangiti kong bulong sa sarili at mabilis na hinalikan ang screen bago tuluyang iwan ang phone ko at lumabas ng kwarto.

Inikot ko ang tingin ko sa venue at katulad ng dati, pito lang ang naglalaban-laban para sa competition na ito. Only the best of the best groups can qualify in this event.

Nakita ko ang grupo ng Esme sa harap ng stage na ngingisi-ngisi sa amin. T’chk! Hindi pa nga tapos ang laban, akala mo sila na ang nanalo sa kayabangan nila. Maghintay lang talaga sila. Sa amin ng Atlas ang grandslam!

Inikot ko ulit ang tingin ko sa venue and this time, sa audience na ako nakatingin. Nagbabaka sakaling makita ko si Esme. Baka lang naman, ’di ba? Kasi lagi naman siyang pumupunta sa mga sinasalihan naming kompe kahit ng hindi pa kami. Besides, hindi pa naman kami nagii-start na sumayaw. Pwede pa lumutang ang isip ko sa girlfriend ko. Iniinterview pa ng host ang bawat isa sa amin na members ng Atlas.

Suddenly, out of the corner of my eye ay parang nahagip ko si Esme. My girlfriend’s here? Biglang kumalabog ng sobra ang dibdib ko sa saya pero ng subukan kong hanapin ulit siya ay hindi ko na siya makita. Hindi naman siguro ako namalik-mata, ’no?

“Atlas, do you think kayo maiuuwi ninyo ang Grandslam tonight?”

“Oo!” kumpiyansang sagot ng mga ka-members ko dahilan para maghiyawan ang mga fans namin.

“Then, what are we waiting for? Give it up for Atlaaaaaaaaassss!”

Muling naghiyawan ang audience ng patugtugin na ng Dj ang piyesa namin, hudyat na simula na ng pagpapakitang gilas ng Atlas sa harap ng mga hurado sa stage.

Hindi na ako nabigla na kami ng Espen ang maghaharap sa dulo after ng elimination round at aaminin ko, nagulat ako dahil hindi ko inexpect na ang ganda ng choreo nila ngayon kesa ng mga nakaraan. May naiba at hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil tiyak kong matatalo kami. Hindi sa pinapangunahan ko pero alam ng mata ko ang nakikita ko at ganuon din ang mga judges. Shit.

Hindi talaga magandang nagsasalita ng hindi tapos. Kaya siguro ganuon nalang ’yung pag ngisi nila sa amin kanina kasi alam nila. Alam nila na sila ang mananalo ngayong gabi at hindi namin maiuuwi ang grandslam.

Kaya pala, hati-hati ang mga members na isinalang nila bawat round dahil ’yung pinaka magagaling ang ilalaban nila sa amin dahil at some point medyo bababa ang energy namin sa oagsasayaw sa bawat round. Shit, bakit hindi ko naisip ’yon?

Wala namang nabanggit sa rules na bawal gawin iyon. Shit talaga! Matatalo yata kami.

“Shit, paano ’yan? Hindi natin pwedeng gamitin ’yung isa pa nating choreo ngayon dito dahil bukod sa hindi pa natin kabisado mas energy consuming iyon.” sabi ni Nica.

“Oo nga, tangina! Wala tayong reserved gaya nila. Sila fresh na fresh pa rin kahit naka ilang rounds na palibhasa parte ng plano nila na hindi lahat ng members pasayawin at itira ’yung pinaka magagaling” dagdag ni Ren.

“Hayaan na natin. Nangyari na. I-execute nalang natin ’yung choreo natin na panlaban sa kanila. Baka may mangyaring himala. Baka paburan tayo ng mga judges dahil isang panalo nalang naman.” sabi ni Ry but I doubt gagawin nila iyon kita naman kung gaano ka-effort ang ginawa ng Espen sa kompe ngayon compare sa mga nauna.

Napahilamos ako sa mukha ko.

Shit. Matatalo talaga kami pero hindi ko pwedeng hayaan na wala kaming gawin. ’Di bale na, mas reserve kami o wala gaya nila, sasayaw kami, mananalo kami.

Nanginginig na ang mga paa kong tumayo sa pagkakaupo namin sa pagod sa huling choreo na ginawa namin makapasok last sa last round, ng tawagin ang grupo namin para sa last shot for the last round with Espen kaso laking gulat ko ng bigla nalang may sumigaw mula sa pinto ng venue.

Naglingunan ang lahat sa kanila. Lahat nagulat dahil hindi ineexpect ng mga nanduduon na gaya ng Espen may reserve din kami pero mas nagulat ako dahil si Esme iyon kasama ang mga kaibigan niya.

Anong nangyayari?

SO MOVE ME, BABY : 8

Aaminin ko, nagulat akong makita sila Esme, Ahvi at Masen pati yung mga kasama nilang lalaki na nakita ko nuon ng minsang papunta ako sa studio para mag practice ng choreo. Anong nangyayari? Pero ang mas mahalaga, anong maitutulong nila sa sitwasyon namin ngayon sa competition?

Hindi ko pwedeng sabihin na sila ang reserved members namin dahil hindi naman talaga at isa pa, hindi sila marurunong sumayaw! Well, actually, hindi ko alam. Si Esme lang naman ang alam kong hindi.

“At sino naman kayo? Parang ngayon lang namin kayo nakita. Wala akong maalala na may reserved members ang Atlas gaya namin. But whatever, obvious namang kami ang mananalo ngayong gabi,” maangas na sabi ni Chris na siyang main dancer at leader gaya ko ng Espen.

“Sure ka na dyan sa sinasabi mo?” mataray na sagot ni Avhi sa kanya. Nabigla kami nila Ry dahil ibang-iba ang attitude nito sa usual na nakita namin nuon kapag nasa studio namin sila. Sabi ko nga before paranga naka shabu itong ai Avhi tutula lang madalas. Sinapian ba siya ngayon o tumigil lang siya sa pag gamit ng pinagbabawal? Joke!

Walang pakundangan na binato ni Avhi ang suot niyang maluwang na long sleeve kay Chris. Woah! Sapul.

“Putang—”

“Ako lang ba o ang hot ngayon ni Avhi?” biglang sabi ni Ry sa amin. Paano kasi, nakasuot ng short shorts si Avhi na pinaresan ng itim na bra. Kitang-kita ’yung hubog ng katawan niya na mala model kaya ayun. Focus ang mokong kong kaibigan sa nakalatag sa harapan niya.

“Gagu ka! Naka shabu ka ba today, pre? Pero infairness ang ganda ng outfit niya. I mean, nila. Mga mukha talaga silang dancer.” sabat ni Ren.

“Sa’yo na iyan. Souvenir mo! Baka ito na talaga ang una’t-huli na makikita mo kami sumayaw.”

Sunod akong napatingin kay Masen at gaya pa rin siya ng dati. Cool ang datingan at parang kahit anong oras na hamunin siya ng away ay ready to fight siya.

“Ayun ’o! Tara na! Ayaw kong pinaghihintay ang dance floor!” nakangisi at confident na sabi ni Masen. Huh? Ano daw?

Inalis na din ng mga kasama nilang lalaki ang mga suot nilang shirt pagkakita nila sa ginawa ni Masen at ngayon mga nakasando nalang sila. Infairness, mukhang batak sa gym itong mga ito hindi lang halata sa suot nila lalo na sina Masen at Avhi.

Tuluyan ng tumapak sa entablado sila Avhi at ewan ko ba kung ano meron sa kanila pero halatang hindi lang kami ang nakaramdam nu’n kundi pati na din ’yung ibang nanduduon sa kakaiba nilang awra. Kung kanina pangisi-ngisi ang Espen dahil sigurado na silang sila ang mananalo biglang kinabahan ng dumating sila.

Nakita kong nakatayo pa rin si Esme sa pwesto niya at napa buntung-hininga sa mga kasama niya. Nagtititigan sila na oara bang naguusap na sila-sila lang ang nakakaintindi. Bigla siyang lumingon sa gawi ko, kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na lumakad papunta sa kanya.

“Esme! T-teka lang, ano.. I mean, buti nakapunta ka, kayo, pero kasi hindi kayo marunong sumayaw! Hindi pwedeng kayo ang lumaban para sa amin lalo pa—”

“Nandito kami hindi para umepal lang kundi para ibigay sa inyo ng Atlas ang grandslam.”

Lalakad na sana paalis si Esme kaso agad kong hinawakan ang kamay niya. Goodness! I miss these hands on mine.

“Esme, babe.. ano…  hindi mo naman ito kailangang gawin eh lalo pa’t wala kang kinalaman dito. Kayo ng mga kaibigan mo. Kasalanan ko naman kung bakit—” sabi ko na hindi ko na naman nabuo.

Bakit ba kasi sila nandito? Ayaw kong makita silang sumayaw hindi dahil nahihiya ako para sa gagawin nila kundi dahil ayaw kong mapahiya sila sa harap ng maraming manunuod na nandito ngayon. Gaya nga ng sinabi ko, hindi sila marurunong sumayaw.

Hindi ko nabuo ang gusto kong sabihin dahil pinigil ’yon ng hintuturo ni Esme habang nakatitig siya sa mga mata ko. Walang bakas na kahit na anong galit o hinanakit anong makita sa mga iyon.

“Naalala mo pa ba ’yung sinabi mo sa akin? Nang unang beses tayong magkakilala? Lagi mong bukambibig na mahal mo ang pagsasayaw at ito ang nagpapasaya sa iyo. Tama ka dahil ako mismo, nakita ko iyon sa iyo.” isang buntung-hininga ang pinakawalan niya at malumanay na hinaplos ang mukha ko, “Elion, hindi mo na kailangan pang pilitin na manalo ang grupo ninyo bago ka humingi ng sorry sa akin dahil manalo man kayo o hindi, napatawad na kita. Ang gusto ko lang, makita ko ulit sa mga mata mo na masaya ka at ’yung patuloy na pagmamahal mo sa sining na pinili mo. Sisiguraduhin kong makukuha ng Atlas ang grand slam para makita pa kita ulit na sumayaw at dahil ito ang hiling mo, ’di ba? Kaya hindi ko hahayaang maagaw iyon sa iyo. Magtiwala ka sa akin, sa amin.”

Umurong bigla ang mga salita na gusto ko sana sabihin sa kanya dahil sa mga narinig kong sinabi niya sa akin. Shit, how.. how did I even dare to hurt this pure, innocent soul?

Naramdaman ko nalang na pinitik niya ako sa nuo para bumalik ako sa realidad sabay abot sa akin ng hinubad niyang shirt bago tuluyang umalis at samahan ang mga kaibigan niya sa entablado.

“Excuse me, bago kayo magsimula na sumayaw, kayo ba ang reserved members ng Atlas? ’Coz it seems like ngayon lang namin kayo nakita,” sabi ng host sa kanila.

Tinignan ni Avhi ’yung host maigi sa mata bago tumingin sa mga kasama niya na tumango sa kanya.

“I guess, you could say that. Hindi kasi namin gustong pinaaalam ’yung about sa amin peeo tingin ko hindi na namin kailangan pang sabihin sino kami dahil malalaman ninyo din naman kapag nakita ninyo na kaming sumayaw.” confident na sabi nito. Napanganga naman ang host.

“Dj! Isang malupit na hagupit nga uli d’yan gaya ng nakasanayan!” utos ni Masen.

Ha? Uli? Gaya ng nakasanayan?

Nagkatinginan kami nila Ren sa isa’t-isa.

Kilala nila yung Dj? How? When? Where?

Nakita kong ngumiti sa kanila yung Dj at nag formation na sila gaya ng usual sa choreo.

Pagsalang ng tugtog na nilaan sa kanila ng Dj na 2000s beat at humataw sa pagsasayaw, halos mapanganga ako sa gulat. Hindi lang ako pati ’yung iba na nandidito sa venue.

Akala ko ba hindi siya marunong sumayaw? Ano itong nakikita ko ngayon? Mas magaling pa siya sa akin, sila na sumayaw sa amin at maging sa Espen.

Ramdam na ramdam ko ang pinalakas nilang awra habang sumasayaw sila. Para bang gusto kong sumali sa pagsasayaw nila. Mas lalo akong nainspire sumayaw dahil sa mga moves na pinapakita nila. ’Yung una at huling beses na nakaramdam ako ng ganitong klaseng hype ay sa Reize.

“Parang pamilyar sa akin ’yung ibang moves nila.” dinig kong sabi ni Ren.

“Akala ko ako lang. May kaparehas nga sila ng style eh,” segunda ni Ry.

Inilibot ko ang tingin ko sa audience, maging sa hilera ng mga judges at laking gulat ko na makitang mga nakanganga sila, as in literal na naka nganga!

Samantalang ang Espen pati na din ’yung iba pang mga dance groups na natalo na ay naguusap-usapan din gaya namin sa mga pwesto nila habang pinapanuod ang pagsasayaw nila Esme.

“S-sila nga!” pagkumpirma ni Nica.

“Ha? Ano ’yon, Nica?” tanong ni Ry.

“Sila ’yung grupong Reize! Sila yung sikat na underground group 3 years ago!”

Para namang nagpantig ang tenga ko sa narinig na sinabi ni Nica.

Ang grupong hinangaan ko, na siyang nag inspire sa akin na sumayaw, ang dahilan kung bakit ako naging dancee at leader ng Atlas, at kung bakit nandito ako ngayon sa competition na ito para sa grand slam…

Sila?

Mga miyembro sila ng Reize? Paano? Like, how? ’Ni wala man lang bakas na mga dancer sila kahit ng una ko silang makilala.

Si Ahvi na madalas tulala at wala sa wisyo kausap at si Masen na hindi nawawalan ng pagkain at nakaka away sa university?

More importantly, si Esme, na ang pagkakakilala ko ay walang alam sa pagsasayaw at walang talent sa pagsasayaw?

Miyembro ng Reize? At mukhang silang tatlo pa nga ang main three gaya ng, gaya ng nakita ko nuon, ng gabing ’yon sa likod ng stage kasama sina Ren.

“Nica! Wag ka namang magbiro ng ganyan! Respetadong grupo ang Reize at hindi sila basta-basta na kung sino man sa kanto kahit na 3 years na silang tumigil sa pagsasayaw,” saad ni Ren pero umiling lang sa kanya si Nica at pinanindigan ang sinabi niya.

“Hindi! Sila talaga ang Reize! Pamilyar sa akin ’yung dalawa sa kanila at hindi pwedeng magkamali ang memorya ko. ’Yung dalawa na iyon! Miyembro sila ng Reize! Tandang-tanda ko pa ng hindi sinasadyang makita ko mukha nila after ng naging performance nila sa isang kompe na sinalihan nila kaya alam ko sila ang Reize!”

Ibig sabihin yung grupong matagal ko ng hinahangaan, ’yung grupong gusto kong makita ulit ng personal, ’yung akala kong baba na main dancer na nagustuhan ko ng gabing iyon… napatingin ako unconsciously kay Esme na nasa gitna nina Masen at Avhi na todo bigay pa rin sa pagsasayaw na akala mo bukas gugunaw na ang mundo sa tindi din ng pagkalampag ng stage sa bawat indak nila. Bigla kong nahigit ko ang paghinga ko.

Damn!

Saglit na tumahimik ang paligid matapos silang sumayaw. Nakakabingi ang katahimikan. Tanging ang paghabol lang nila sa kanilang paghinga ang maririnig hanggang sa nabasag ang katahimikan ng may isa sa mga nakaupong audience ang tumayo ng may paghiyaw at palakpak.

“Welcome back, Reize!”

After nu’n sunud-sunod na ang congratulatory na nakuha nila mula sa mga manunuod. Medyo kinabahan ako sa fact na ganu’n-ganu’n lang pala nila kami kakainin sa stage kung hanggang ngayon pinili nilang magpatuloy sa pagsasayaw. Shit, scary!

“Go, Reize! Go, Reize! More! More! More!”

“Tapos na laban! Panalo na Reize!”

Agad lumingon sa akin sila Ry.

“What?”

“Hindi naman sila kasali sa kompe, ’di ba kaya bakit sila panalo?”

“’Yun nga eh pero pasalamat nalang tayo hindi talaga sila kasali kundi olats talaga.”

“Ibig sabihin ba nu’n tayo ang nanalo? Pinalabas nilang sila ang reserved members natin but in the end, narealise ng mga nandito na sila ang Reize.”

“Oo nga ’no? Baka naman i-disqualify ng mga judges ang entry nila.”

“Eh ’di, ipakita nalang natin sa kanila, lalo na sa Reize na hindi nila tayo pinalaking mahina! Na kaya natin gaya nila!”

Sa pagkakataon na ’yon, nagtayuan na lahat ng audience pati na din ’yung mga kasaling grupo sa kompe at pinalakpakan ang Reize ng may paghiyaw. Ang iba pa nga sa kanila may pa-victory dance, akala mo sila ’yung nanalo eh. But oh well, this group really never fails to amaze and inspire me.

Tumayo na din ang mga judges at ginaya ang the rest na nanduduon. Everyone was happy that they are back and I can’t help but not to smile to myself. Ibang klase talaga ang grupo na ito. Kapag sila talaga ang sumayaw, impossible na walang maka kilala sa kanila. That’s how influential they are in the world of dance. Yung mga moves nila na pinakita nila sa entablado, panigurado magkaka hangover ka pagkatapos maiinspire ka na maging gaya nila.

Next thing I knew, hawak ko na, hawak na namin ang trophy na kanina ay akala ko hindi na namin maiuuwi ng grupo ko.

Oo. Nanalo kami. Nanalo kami dahil sa Reize. Nanalo kami dahil ayaw nilang makita na matalo kami. Nanalo kami dahil ipina panalo nila ang last round ng kompe na sagad pa ang scores ng mga judges para sa mga moves na ipinakita nila kanina.

Akala ko hindi tatanggapin ng Espe ang naging desisyon ng mga judges na panalunin kami dahil sa tulong ng Reize pero nagulat ako ng bigla nalang nila kamayan ang bawat isa sa mga miyembro nito. Fan din pala sila ng Reize. Tulad ko, nainspire din sila ng nasabing grupo. Hindi nga nakatakas sa paningin ko ’yung ginawi ni Chris na pag yakap kay Esme. Buti nalang at mabilis lang ’yon kundi baka napa away na ako. Girlfriend ko ’yun mga pre! Ako lang pwede yumakap saka mga friends niya sa kanya.

“Pwede ba kitang maka date bukas sa victory party? Please! Please, pumayag ka! Please!” sumamo ni Ry kay Avhi.

“Tse! Iligo mo ’yan! Hindi ako basta pang display lang porket maganda ako at maganda katawan ko,” mataray na sagot nito sa kanya.

“Eh hindi naman kasi katawan mo niyayaya ko maka date kundi ikaw mismo. Sayang naman ’yang ganda mo kung hindi maipapares sa kagwapuhan ko!” banat nito.

“W-what? Eh kung ipasapak kaya kita kay Masen? Ang hangin mo! Nakakatangay!”

“Eh di, magpatangay ka na. Sasaluhin naman kita,” nakangising tugon nito.

Napangisi nalang ako sa narinig ko na usapan nila sa likuran ko. Lakas talaga mambola nitong si Ry. Mamaya ipasapak talaga siya ni Avhi kay Masen. Always ready pa naman sa rambulan ’yun.

Natawa na nga lang ako kanina after nilang sumayaw kasi tumakbo agad sa stage ’tong si Ry para ipasuot dito ang damit niya. Sobrang protective akala mo boyfriend. Hindi din niya hinayaang matagal ang pakikipag kamay nito sa mga lalaking fans niya.

“Ano! Pwede bang—”

“Oo, basta ba walang magagalit saka cool ka sa gaya ko,” kibit-balikat na sabi ni Masen.

“Syempre wala! Ikaw lang sapat na!” mabilis na sagot ni Ren sa kanya. What the fuck? Bisexual din ba ’tong si Ren? Pero mas okay ng si Masen maging jowa niya ng matigil pagiisip ko na crush niya girlfriend ko.

“Basta bukas, sunduin mo ako. Wag kang male-late.”

Nakaka inggit! Buti pa ’tong mga ito may ka date na bukas sa victory party samantalang ako wala pa. Nganga!

Pending pa kung mapagbibigyan o hindi. Syempre alangan namang i-claim ko agad na si Esme mamaya ayan na naman at maunsyami. Nadala na ako sa muntikan ng mangyari sa amin ng Atlas kanina.

Namalayan ko nalang na tumabi sa akin sa stage ang host at nakangiti itong tumingin sa akin. Ah, malamang itatanong na naman nito anong pakiramdam na pasok na kami sa grandslam at ano na next na plano namin bilang ako ang siyang leader ng Atlas.

“Elion, mawalang galang na pero marami kasi ang nagtatanong sa mga audience natin kung sino ang date mo para bukas sa victory party! So, ako na ang maglalakas luob na magtanong kung sino nga ba?”

Naghiyawan ng malakas ang audience at nablanko ako sa isasagot.

“Uh—” sinong sasabihin ko?

SO MOVE ME, BABY : 9

Mamayang gabi na ’yung victory party pero heto ako at hanggang ngayon hindi ko alam kung aattend ba ako, o hindi. O kung aattend man, baka solo lang. Nahihiya kasi akong tanungin si Esme after everything that had happened. Isa pa, hindi ko rin naman sinagot ’yung tanong ng host sa akin kagabi kahit na alam ko sa sarili ko na gusto kong si Esme ang partner ko at makasama sa victory party kasi part siya ng dahilan kung bakit naiuwi namin ng Atlas ang grandslam.

Syempre kahit sabihin niyang pinatawad niya na ako, alam kong hindi ganuon kadali ibalik ang dati. Pero handa naman akong gawin ang lahat mabawi ko lang ulit ’yung dating kami.

“Mga pre! Susunduin ko pala mamaya sa kanila si Avhi. Sa venue nalang tayo magkita-kita,” excited na sabi ni Ry.

“Nuks naman! Napaka gentle dog ah,” nakangising pang iinis ni Ren sa kanya.

“Gago! Syempre! Ganuon ako ka dedicated. Teka nga! Wala kang ka-date ’no?”

“Sino sabi? Ka-date ko si Masen.”

Napanganga naman si Ry at agad na tumingin sa akin. Nagkibit-balikat lang ako.

“Tangina mo! Buti naman! Akala ko si Esme pa rin eh,”

This time ako naman ang napalingon kay Ren. Tangina, sabi ko na nga ba eh! Agad ko itong sinamaan ng tingin at hahablutin ko sana siya kaso mabilis ang gago at nakalayo agad sa akin. Pfft.

Napabuntung-hininga ako ng marealise ko na natupad na ang pangarap ko na makita uli mag perform ang Reize at makilala ang main dancer/lead nila na turns out si Esme

Pero back to reality, ako lang pala walang ka-date mamaya sa amin. Si Nica sana as friendly date pero nope. We don’t go there. Stick to Esme lang tayo. Tawagan ko na kaya siya or puntahan sa kanila? Aish!

“Pre! Sasayawin ba natin uli yung sinayaw natin kagabi? Eh di ba tagilid tayo dun? Choreo ng Reize nagpapanalo sa atin eh,”

“Hindi na natin kailangan sumayaw mamaya sa victory party sabi kasi sa akin nung tumawag na organizer sa event kagabi, may nakuha na silang sasayaw para mamaya. Siguro ’yung mga kinuha nila is same group lang na mga kasali din kagabi.”

“Eh anong gagawin natin mamaya? Aakyat lang tayo ng stage para mag speech?”

“Parang ganun na nga. Tapos magpapa labas nalang sila ng documentary about sa grupo natin na Atlas. ’Yun ganuon lang.” 

“Boo! Akala ko pa naman sasayaw tayo.”

“Tapos Espen pala ’yung kinuha nila ’o!”

“Putek ’yan pag ganyan! Umayos sila mamaya sa pagsasayaw nila dahil kung hindi naku!” nakangusong sabi ni Ren.

“Pero mabalik tayo sa usapan, ikaw pre? Sinong ka date mo mamaya? Wag mong sabihing wala!”

“Oo nga, at wag mong sabihing hindi si Esme.”

“A, e, wala?”

“Wala? Anong wala?”

“Wala. Solo akong aattend,” kibit-balikat kong sagot sa dalawa. Agad naman silang napanganga. Ineexpect kasi nila, by now nakapag usap na kami ni Esme at kami na ulit at siya ang partner ko mamayang gabi.


Nasa venue na ako ng mapansin kong all white pala ang suot ko. Gago? Para akong groom na aattend ng kasal! White pants, white long sleeve, paired with chaleco and white rubber shoes. Nice, very nice. Kaya pala ganuon ’yung mga nakukuha kong congratulations kanina sa mga nakasalubong ko. Tanginang ’yan! Bakit kasi lutang ako kanina habang naghahanap ng masusuot eh.

Pumwesto ako sa isa sa mga bakanteng table habang hinihintau na dumating sila Ry.

Nakatambay lang ako sa isa sa mga table para sa mga guests habang hinihintay ko na dumating sina Ren. Agad akong napalingon sa tumapik sa balikat ko at tumabi sa akin.

“Ay wow! Congratulations?” natatawa nitong bungad ng mapansin ang outfit ko.

Napanguso ako.

“Saan ang bride mo, or should I say groom too?” pilya nitong tanong at siniko ako.

“Wala. Ako lang mag isa.”

“What? Nireject ka ni Esme? Ouch!”

“Hindi ah! Ano, hindi ko lang siya natanong kung pwede siya kasi umalis agad siya after nating manalo.”

“Aww, sana sinabihan mo ako kanina para may partner ka pa rin. Ang lungkot naman walang date ang leader namin.”

“No offense pero ’di baleng solo ako kung hindi lang naman din si Esme,” sagot ko na nakapag pangisi kay Nica, “Ikaw?Sino ka-date mo?”

“Sino pa ba? Syempre yung kuya ko. Tuwang-tuwa nga siya ng malaman niyang tayo ang nag grand slam with the help of Reize. Gusto nga niya makita sila eh. Pupunta ba sila?”

“’Yan ang hindi ko alam. Mukhang sina Masen at Avhi lang ang pupunta dahil date sila ng dalawang kumag.”

“WHAT?! Hindi sila pupunta? Ano ba iyan! Kawawa naman yung kuya ko. Excited pa naman siyang makita sila.”

Nagulat nalang ako ng biglang may sumabat sa usapan naming dalawa ni Nica at naki upo sa table namin. Nasaan si Masen?

“Huy, Elion! Akala ko ba wala kang ka-date Yawa ka! Hindi mo sinabi na si Nica pala,” akusa ni Ren sa akin.

“Uy! Hello, Ren! Tange! Hindi ako kadate niya, kadate ko ’yung kuya ko! Sumama siya sa akin kasi gusto niya makita Reize! Eh kaso sabi naman nitong si Elion baka hindi daw magpunta dito ang grupo nila so sina Avhi lang makikita ng kuya ko pero keribels naman na siguro ’yon. At least na-meet niya ’yung dalawang members nila. Ikaw? Saan ka-date mo?”

“Nag-cr lang lang.”

Sa hindi kalayuan sa table namin, nakita namin si Ry mag-isa mula sa entrance nitong event hall. Bakit siya lang? Nasaan si Ahvi?

“O, saan si Ahvi? Akala ko ba sabay kayo darating dito?” tanong ni Ren.

“Oo nga! Sabay nga kami. Nag cr lang siya at pinauna niya na ako dito. Sabi niya susunod nalang daw siya.”

“Akala ko pa inindian ka na eh,” pang aasar ni Ren.

“Gago! Sa gwapo kong ’to?” tugon sa kanya ni Ry.

Unti-unti ng dumadami ang tao sa event hall at nakita ko pa ang grupo ng Espe at mukhang sila nga ang kinuha na sasayaw mamaya ng mga event organizers. Saya siguro ng mga ito. Sa kanila spotlight eh.

Maya-maya pa ay nagdilim na ang event hall at nagkaruon ng spotlight sa gitna na siyang magiging stage ng mga sasayaw at ng host.

“Good evening, Ladies and Gentlemen! Pleased to see you all. Tonight we’re here to celebrate Atlas’s grandslam win! First on our list is to show you a documentary about them and from where they started. Enjoy!”

Nabaling ang atensyon ng lahat sa rumehistro na documentary ng grupo namin sa wide screen tv na nanduduon sa venue.

Habang nanunuod kami ay may lumapit sa amin na lalaki na pakiwari ko ay members ng isa sa mga dance group kagabi at inabutan kami tig iisang rose nina Ry.

“Teka, para saan ito?” nagtatakang tanong ni Ren sa nagbigay.

“Ibigay ninyo po sa isasayaw ninyo mamaya. Sige po, bye! Congratulations po ulit sa inyo.” sabi nito sabay karipas ng alis.

Nagkatinginan kaming tatlo pati si Nica nagtaka.

“Baka ibig niyang sabihin ibigay ninyo ’yan sa mga date ninyo?” ani Nica.

“Pero wala namang ka-date si Elion?”

“Gago? Ipaalala talaga, Ry?”

“Thou bakit mukhang tayo lang meron nito? ’Yung iba wala ’o. Tignan ninyo.”

Agad nilibot nila Ren ang tingin nila sa ibang nanduduon. Weird. Bakit kami lang may ganito? At saka, talaga ba? Magbibigay kami ng bulaklak sa members ng Espen? Yawa!

Bakit hindi nalang mismo mga lalaki na members nila ang magbigay ng mga rosas na ito dun sa kagrupo nilang mga babae?

“O, saan na pala si Avhi? Kanina pa siya wala ah?” paalala ko.

“Oo nga eh. Tinext ko na kaso hindi pa nagre reply. Hanapin ko nalang muna siguro. Baka nandito na siya at sa ibang table lang naka pwesto.”

Muli na namang dumilim ang event hall ng matapos ang documentary film na pinanunuod ng lahat at sunod kaming nakarinig ng yabag ng sapatos. Not just any ordinary shoe noise pero ’yung tunog ng sapatos na may beat in harmony.

Now Playing: Bailando - Spanish Ver.

Nasa gilid malapit ang grupo namin sa sinasabi nilang dance floor kaya naman ng biglang bumukas muli ang ilaw sa gitna ng event hall ay napanganga ako sa nakita ko.

Shit. Esme?

He’s wearing a red, silk long sleeve paired with black pants and boots. Hindi nakaligtas sa akin na naka two buttons down ’yon. I clicked my tongue inside my mouth.

Kasama niya, of course, sina Avhi na naka fitted fuschia dress na may slit sa side at si Masen na naka purple na long sleeve. With them, are their other members na naka mga naka puti, pero ang hindi ko inasahan kasama nila sa entry nila ang Espen.

Ganuon pa man, I couldn’t care less dahil ang atensyon ko na kay Esme lang. Fuck, so pretty. So mesmerizing.

Bawat hakbang ng mga paa niya at pilantik ng kamay pati ng bewang niya ay sinusundan ko maigi ng tingin. Nakaka akit ang paggiling na ginagawa niya. Pakiramdam ko tuloy gusto ko ng tumayo sa kinauupuan ko at pumunta sa gitna para samahan siya sa pagsayaw. Shit. Just give me one chance, susunggaban ko agad ’yon. I want to be Esme’s partner. I badly need our bodies next to each other.

Then I saw Esme smile towards my direction with a playful, seductive look in his eye.

Agad napa kunot ang nuo ko ng mapunta sa tabi ni Esme si Chris and wrapped his arms around my girlfriend’s waist.

Okay! That’s it. No one touches Esme unless it’s me! I’m the boyfriend. He is mine!

“Go boys! Ayaw ninyo naman sigurong maagaw sila ng Espen,” dinig naming sabi ni Nica sa amin nina Ren.

Nagulat ako ng marealise na hindi lang pala ako kundi pati sila gusto na ding sumali sa joined performance ng Reize at Espen.

Sinabayan namin ang beat ng kanta at isa-isa kaming umentrance ng matindi. Agad kong hiningi ang kamay ni Esme from Chris and luckily he gave his and smiled. Napa iling nalang si Chris ng ngisian ko siya.

Inikot ko si Esme para lumapat ang likod niya sa dibdib ko habang yakap ko ang bewang niya sa pag giling niya pababa. Ugh, shit. So fucking hot.

“Sayang, akala ko si Chris masasayawan ko nu’n,” pangaasar ni Esme sa akin. Napadiin unconsciously ang hawak ko sa bewang niya. Kasi naman eh! Buti nalang pala.

“Buti nalang pala at napigil ko. Bakit ka nagpapa hawak sa bewang mo?” baritono kong bulong sa tenga niya.

“Part ng choreo ’yun. Bakit? Selos ka?”

“What do you think? Akala ko hindi kayo pupunta dito tapos ’yun pala nandito ka, makikita kitang may lalaking humahawak sa iyo, ano sa tingin mo mararamdaman ko? “ tanong ko sa kanya at saka siya iniikot para saluhin mid fall at hatakin uli patayo.

“Wow! Ako pa ngayon ang may kasalanan? Bakit? Tayo na ba ulit?”

Napangisi ako, “Bakit sino bang nagsabing naghiwalay tayo? Pumayag ba ako?”

Umiling lang siya sa akin at ng matapos ang tugtog ay hawak-hawak ko siya sa bewang niya habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa balikat ko.

Hindi kami nagpatinag sa palakpakan at hiyawan sa paligid kahit na tapos na ang sayaw at kapwa pa rin kaming nakatitig sa isa’t-isa, parehas na nilalanghap ang hininga ng bawat isa.

“Elion, tapos na ’yung sayaw,”

“Alam ko.” maikling tugon ko sa sinabi niya bago siya halikan sa labi niya sa harap ng napakaraming tao. O bakit? Girlfriend ko ito.

When our lips parted, nakita kong namula ang magkabilang pisngi niya dahilan para bigla niya akong yakapin at isiksik ang ulo niya sa dibdib ko. I smiled.

Ang rupok namin parehas ah.

Nakita ko namang nakangiti sa akin sina Ry at Avhi na magka holding hands samantalang nag okay sign si Ren sa amin habang naka akbay siya kay Masen.

Mukhang after ng gabing ito hindi na lang kami basta magiging busy sa acads at pagsasayaw kundi pati na rin sa love life.

SO MOVE ME, BABY : 10

Kasalukuyan kaming naglalakad sa open area ni Esme habang naka akbay ako sa kanya at parehas na nagtatawanan.

“Asa ka! Akala mo papaligaw ako ulit sa iyo? Mag dusa ka d’yan!” malakas pala ’tong mang asar basta nakarami na siya ng inom ng wine. Buti nalang pala at pinigilan ko na kasi baka mamaya ano pa magawa eh or rather, ako. Baka iba magawa ko sa kanya dahil iba ’yung kakulitan niya tonight.

“Sus, ’tamo magpapaligaw ka uli sa akin kasi crush mo ako, di ba?”

Bigla namang may epal na sumabat sa paguusap namin ni Esme.

“EHEM! EHEM!”

Sabay kaming napalingon sa taong nangistorbo sa amin. Napangisi ako ng makitang si Ren ’yon na naka akbay sa balikat ni Masen na namumula. Halatang nahihiya sa kakapalan ng mukha ni Ren.

“Masen! Akala ko ba—?” nakangising sabi ni Esme sa kaibigan pero agad naman siyang pinigil ni Masen sa balak niyang sabihin.

“Mali ka ng iniisip! Shuta na ’to, wala lang kasi siyang partner eh naawa naman ako,” nakangusong sabi nito pero si Ren abut-abot ang ngiti. Halatang kinikilig.

“Sus kunwari pa, sabi ko na nga ba crush mo ako eh!”

“Tse! Wag kang mangarap d’yan!” inirapan ni Masen si Ren. Tumaas naman ang isang kilay ng kaibigan ko sa kanya at napangisi. Halatang may kagaguhan na balak sabihin.

“Weh? Eh ano ’yung sinabi mo sa akin kanina na ta—” sabi ni Ren na hindi niya naituloy ng bigla nalang hatakin ni Mason ang suot niyang neck tie at halikan siya sa labi. Natulala kami parehas ni Esme sa ginawang iyon ng kaibigan niya samantalang parang naging estatwa naman si Ren sa bilis ng pangyayari.

“O, marunong ka din naman pala shumut up!” sabi nito bago tumingin sa amin, “Sige! Iwan na namin kayong dalawa. Pasensya na sa istorbo. Kita nalang tayo bukas sa school!” nakangiting sabi nito bago muling humarap kay Ren at sinuntok ito sa braso niya.

“Tara na! Mamaya bawiin ko ’yung sinabi ko sa iyo kanina eh!” agad nahimasmasan si Ren sa narinig at patakbong sinundan si Masen na pabalik na sa luob ng venue.

Naintriga tuloy ako anong sinabi ni Masen kay Ren. Alamin ko nga bukas.

Nang kami nalang ulit ay nagsimula ulit magkwento si Esme ng kung anu-ano na hindi niya masyadong ginagawa before. Ngayon alam ko na paano nabuo ang Reize at ’yung mga competition na sinalihan nila before at mga naging hardships nila bilang isang grupo. Pero, sa kabila ng mga naikwento niya, may isang bagay pa rin ako na gustong malaman. Isang bagay na importanteng malaman ko.

Napahinto ako sa paglalakad namin ng may matanaw ako mula sa hindi kalayuan.

“Bakit?” tanong ni Esme, sabay tingin din sa direksyon na tinitignan ko. Agad niyang hinawakan ang braso ko at hinatak paalis.

Nang makalayu-layo kami ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Jusmiyo! Sa lahat pa ng pwede mong makita bakit ’yun pa?

Si Ry talaga ’o! Parang hindi na basta halikan ginagawa ng dalawang ’yun kanina eh! Kaya naman pala bigla nalang silang nawala kanina sa venue. Iba na pala inaatupag.

Patuloy kaming naglakad ni Esme hanggang sa napahinto kaming dalawa sa tapat ng isang fountain. Umupo kaming dalawa sa gilid nun at tumingin sa mga bituin sa langit.

“Elion.”

“Esme.”

Napatawa kami at kapwa ding nahiya ng magkasabay kami sa pagtawag sa isa’t-isa.

“Mauna ka na,” saad niya.

“Hindi. Ikaw na. Ano bang sasabihin mo? “ tanong ko sa kanya.

“Hindi! Ikaw ng mauna! Nakalimutan ko bigla ’yung sasabihin ko eh!”

Aish! Obvious naman ng palusot niya pero mukhang ako rin yata nakalimutan ko na din balak kong sabihin sa kanya. Joke!

“Uh, ano tungkol lang sa nakwento mo kanina, anong dahilan at binuwag ninyo ang Reize? Bakit kayo umalis sa spotlight? Bakit hindi ninyo pinaalam sa kahit na sino na ’yung gabing napanuod kita, namin kayo na iyon na din pala ang huli ninyong sayaw?”

Saglit niyang nilayo ang tingin niya sa akin. Napakagat sa labi niya at mukhang pinagiisipang mabuti kung sasabihin ba niya sa akin ang rason o hindi.

“Kung ayaw mo or hindi mo kayang sabihin, ayus lang! Hindi mo kailangan piliting sabihin sa akin.” agad niya akong nilingon.

“Gusto mo ba talagang malaman?”

Biglang umihip ang malakas na hangin sa paligid at nagkatitigan uli kaming dalawa.

Napalunok ako sa kaba sa maaari niyang sabihin sa akin na sagot sa tanong ko. Muli niyang nilayo ang tingin niya sa akin at tumingala sa madilim na langit na pinalamutian ng mga bituin.

“Naalala mo pa ba ’yung sinabi ko paano kami nabuo as group? Nagkataon lang na mahal namin ang pagsasayaw and we used that to our advantage to do what we love and to inspire others na rin on what we do. Gaya ng iba, I’m just average high school student na nagkaka crush pero ’yung crush ko na ’yon eh sa ibang school nagaaral. Infact, their school was in tight competition with ours. Then as our group Reize, started to gain fans, me and my friends started thinking of stepping out of the spotlight since nagawa naman na namin ang gusto namin as planned and graduating na rin kasi kami that time.” kwento niya sabay ngumiti ng pagka ganda-ganda ng may maalala sa kwento niya.

“Then you know what? Something funny happened the night of our last performance. I saw my crush watching! I smiled as he smiled with his friends. And I know just by looking at him, he has the guts to be a dancer and the main lead of a dance group that will be popular sooner or later. Then a funny thought popped in my head. What if I asked him out? What if I tell him na crush ko siya matagal na? But no. I didn’t. I chickened out dahil hindi ko kaya at isa pa, lalaki pa rin naman kasi ako and the thought of me being rejected by my crush will haunt me bigtime.”

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya pero ewan ko ba, bigla akong nakaramdam ng inggit duon sa sinasabi niyang crush niya. Pero anong kinalaman nu’n eh nasabi naman niya na ang dahilan ng pagka buwag nila? Na mutual decision nilang members iyon. I don’t get it.

“Ewan ko ba among pumasok sa akin ng oras na iyon. Nag wish ako na sana, sana magkabaliktad kami ng posisyon. ’Yung siya naman ’yung dancer tapos ako ’yung regular fan on the side kaya winish ko rin kasabay nu’n na sana hindi mag stay siya hanggang sa last performance, which is ’yung sa amin. Ano sa tingin mo nangyari?”

“Uh, I guess nag stay siya?”

Kinikilig siyang humagikhik, “Oo! Ang guess what? Binigay ko lahat ng energy meron ako ng gabing ’yon from the usual, para lang ma inspire ko siya at balang araw siya naman ang nasa posisyon ko.”

Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kung ano ng marinig ko ang sinabi niya. Para kasing kilala ko ’yung tao na tinutukoy niya pero at the same time hindi ko rin sure kung tama ang hinala ko.

“A year after, nangyari ang winish ko. Akala ko nga malabo ng matupad but it did. As I lived an ordinary life, he became popular and the main dancer of a dance group. Nalaman ko din na it was because of our group, Reize. To my surprise, parehas pala kami ng university na pinapasukan. Kaya ayun, syempre hindi naman masamang mangarap na baka alam mo ’yun, pwedeng maging kami kasi di ba? Hihiling na nga lang dapat ’yung sagad na! Kaya nung araw na mapansin niya ’yung existence ko at ng araw na ligawan niya ako ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sinagot ko agad siya! Tapos dun ko naisip, tama pala talaga na siya ’yung sikat sa amin kesa ako kasi—” hindi na niya natuloy ang mga sasabihin niya dahil agad ko na siyang kinabig at hinalikan sa labi. I don’t want to hear  anymore of what Esme is about to tell. Those are already enough. A takeaway na ako ’yung tinutukoy niya sa kwento niya.

I held Esme’s cold hands and wrapped them on my neck as I pull him close to me. My tears were already rolling down on my cheeks without me knowing.

The truth is, I am now cursing myself on how stupid I was to play with Esme’s heart, who had admired me on the first place and tried his best to inspire me para mangyari ang winish niya. Daan para madiscover ko din ang talento ko sa pagsasayaw. Damn!

I’m so clueless of everything and yet she believed in me and loved me even way back then when I wasn’t who I am now.

Saglit niyang pinutol ang halikan namin and wiped my tears away.

“Ssh! Why are you crying?”

“Because I’m so stupid and clueless! I hurt the one who believed in me and loved me even before when I’m just a regular guy.” I replied, as I look at him straight in the eye.

She smiled bitterly.

“Oh, so you did notice that it was you who I was referring in my story,” sabi niya.

“Of course, I noticed! It is very obvious!” sabi ko, saka tumayo sa kinauupuan namin.

Tumayo na rin siya sa kinauupuan niya at lumakad ng bahagya palayo sa akin.

“Tara na! Balik na tayo sa luob at baka hinahanap na nila tayo.” aya niya at tumalikod na sa akin para maglakad ulit.

So, is that it? Hanggang dun nalang ba? Hindi ba kami magkakalinawan kung pwede ba naming ituloy ang relasyon namin since hindi naman ako pumayag sa gusto niya?

“Hey, Esme? Since you shared me your secret, you want to hear mine too?”

Napatigil sa paglalakad at nilingon ako.

“There’s this girl whom I fell inlove with the first time I laid my eyes on her. She’s like Cinderella, but the only thing she left for me that night wasn’t a shoe but memories of her, dancing. She left me completely breathless and made me want her more. Funny enough, the day I discovered my talent, I promised to myself that I would find her and I will tell her that she was indeed my first love and still do,” nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi nilalayo ang tingin ko sa mga mata niya.

I saw his eyes turning watery as he listens carefully to what I was saying and then, before continuing. I do not want to make this longer for Esme or me either.

“And guess what? I found out she wasn’t really a she but a he all along . Never have I thought that the girl whom I wished to see again was just beside me all this time, hiding in a man’s body. And now… what I wish now is, for him to know how much I am thankful for him in coming into my life and loved someone like me and that I love him too.”

“I-Is that true? Please, tell me you aren’t lying,” he says in a shaky voice, as his tears rolls down his cheeks. I went near him and wiped his tears away similar to what he did earlier to me. Oh goodness, I love Esme. Bakit late ko lang narealise ang bagay na ito kahit ng hindi ko pa nalalaman na siya ’yung taong hinangaan ko at ang grupo niya? Maybe I was just in denial kahit na may mga obvious signs na during our relationship.

“Yes, babe. I am not, and I don’t want to lie to you again. One lie; one mistake is already enough. I don’t want to hurt you again. So believe me when I say, I loved you the first time I laid my eyes on you kahit na hindi ko nakita anong hitsura mo because you really don’t need a face when you truly love someone. You will just feel it. It’ll be a sense of familiarity which only your heart can recognize even when your mind says otherwise,” sabi ko at hinayaan lang siya na yakapin ako habang marahan kong pinapatakan ng halik ang ulo niya.

“Elion?”

“Yes, babe? Pababalikin mo na ba ako sa’yo?”

“Liligawan mo ba ako ulit?”

“Bakit naghiwalay ba tayo?” pilyo kong tanong. Agad naman niya akong sinimangutan. Natawa naman ako sa sarili ko because I find it cute. He is cute.

“Sige na nga, tutal gaya ng sinabi mo hindi naman mutual ang hiwalayan natin. Pero! Pero liligawan mo pa rin ako kundi maghihiwalay na talaga tayo for real.”

“Yes, babe pero huwag ka ng umasa na papayag ako makipag hiwalay ka kapag niligawan kita ulit.”

“Apaka duga mo ’no?”

“Ikaw usapan dito, babe. Hindi ako papayag makawala ka pa. Swerte ko na sa’yo o,”

“Ewan ko sa’yo! Napaka bolero mo!” nakangiti ako nitong inirapan habang ginagayak ko siya para mag sweet dance kami dito sa tabi ng fountain.

“Baby, let’s dance until it is no longer just our bodies intertwined but our hearts and soul too.” bulong ko, before I start humming a familiar song by Hozier as I start swaying our bodies, getting lost in each other’s touches, getting lost in each other’s world.

So move me, baby

Shake like the bough of a willow tree

You do it naturally

Move me, baby

So move me, baby

Like you’ve nothin’ left to prove

And nothin’ to lose

Move me, baby

SO MOVE ME, BABY (BL)

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional.


FROM THE AUTHOR:

Taos puso ang aking pasasalamat sa pagbibigay ninyo ng oras sa pagbabasa ng aking unang BxB na aking isinulat taong 2015 at pinublished ng 2018.

Anyway, gaya nga ng sinabi ko nuong una palang, inspired ang kwentong ito ng pelikula na Step-Up. Hindi ko alam kung nagustuhan ninyo ba or nabigyang hustisya ko yung kwento pero para sa akin, masaya ako na naisulat ko ito. Regarding naman sa title ng kwentong ito, hango ito sa linya ng isa mga kanta ng artist na si Hozier na pinamagatang Movement.

And before I end this note, muli, maraming salamat sa pagsama kina Elion at Esme sa sayaw ng kanilang buhay pag-ibig.

Hanggang sa muli.

Salamat sa pagbabahagi ng iyong kaweirduhan, Brictorique.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.