loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Son of Lilith (BXB) COMPLETED

Son of Lilith (BXB) COMPLETED

CHAKASALSAL · 31 chapters · 14,047 words

BABALA

MOVIE STYLE WRITING

&

BOOK STYLE WRITING

CHAPTER 1

Nasa kalagitnaan ako ng malalaking alon ng apoy!

“Asan ako?!”

“Tulong! Tulungan nyo ako! Parang awa nyo na!”

Paulit-ulit kong isinisigaw iyon, pero tuluyan pa rin akong nilalamon ng apoy. Pero bakit parang hindi naman ako nasasaktan?

“Anak.”

Isang tinig ang aking narinig.

“Ma!!!”

Bigla na lang akong nagising. Isa palang panaginip.

“Anak! Buti at nagising ka na. Kanina pa kita ginigising kasi late ka na sa job interview mo,” sabi ni Mother Teressa.

Ako nga pala si Jay Reyes. Graduate na ako ng kolehiyo at ngayon ay may job interview pala ako. Kaya dali-dali kong kinuha ang tuwalya at nagmamadaling pumunta sa banyo para maligo.

Habang naliligo ako, gusto ko palang sabihin na nakatira ako sa isang bahay ampunan na tinatawag na Angel’s House. Si Mother Teressa na ang tumayong nanay ko dito. Kwento niya sa akin, nakita niya lang daw ako noon sa harap ng gate na umiiyak, kaya dinala niya ako dito at siya na ang nagpalaki sa akin.

Natapos na akong maligo kaya agad akong lumabas ng banyo at nagbihis.

“Punta na po ako,” paalam ko kay Mother Teressa.

“Ingat ka. Galingan mo. May nilagay na akong tinapay diyan sa bag mo,” sigaw niya pabalik sa akin.

“Galingan mo, kuya!” sigaw din ng mga bata na tinuturing ko nang mga kapatid. Kinawayan ko sila at saka ako pumara ng tricycle.

CHAPTER 2

Jay POV

Naghahanap ako ngayon ng trabaho, at gusto kong mag-apply bilang secretary sa Brillantes Empire — isa sa pinakamalalaking kompanya sa paggawa ng mga buildings. Dalawang kompanya ang laging naglalaban sa larangang ito: ang Brillantes Empire at ang Tesoro Incorporation. Pareho silang maganda at dekalidad ang mga proyekto, pero mas gusto ko talagang mag-apply sa Brillantes Empire kasi doon nagsipasukan halos kalahati ng mga kaklase ko sa BSBA.

Nandito na ako ngayon sa harapan ng building nila, at grabe, ang ganda at ang laki talaga! Pumasok na ako at napansin kong marami rin palang katulad ko na nag-aapply ng trabaho dito sa Brillantes Empire.

Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng disenyo sa loob ng building.

Bigla akong naihi kaya hinanap ko muna ang CR. Mabuti na lang at nakita ko agad. Pero habang papalapit ako, napansin ko ang isang babae na parang may sinasabi sa janitor.

“Ano ba?! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! Janitor ka na nga, tanga-tanga ka pa!”

Sabi ng babae na feeling ko mag-aapply din ng trabaho. Nilapitan ko sila at nagsalita ako.

“Hindi naman po tama yung sinabi nyo. Ang pagiging janitor ay marangal na trabaho. Okay lang po ba kayo?” tanong ko sa janitor, at tumango naman siya bilang sagot.

“Ang dami mong dada, bakla. Makaalis na nga, late na ako sa interview,” taas kilay na sabi ng babae sa akin bago umalis.

“Sige po, ihi muna ako kasi may interview din akong naghihintay,” nakangiti kong sabi sa janitor bago ako pumasok sa CR.

CHAPTER 3

Jay POV

“Pasok kayo,” sabi ng isang employer. Lima-lima lang ang pwedeng pumasok, at kasabay ko pa yung babae kanina na nakita ko sa CR.

Tumayo na ako kasi ako ang panlima na papasok.

“Why would we hire you in our company?” tanong ng isang panelist na nasa gitna ng tatlong nag-i-interview sa amin. Sumagot sila isa-isa, at straight English pa silang apat, lalo na yung babae kanina sa CR. Halatang sanay at magaling talaga siya.

“You,” sabi nila sa akin sabay baling ng tingin sa puwesto ko.

“The company should hire me because I have the talent, capabilities, and attitude that the company needs not just today and the present but also in the near future.” Short but direct to the point. Ewan!!! Hahahaha. Dahil lang siguro sa nerbyos ko kaya hindi ko na nasabi yung talagang prinaktis ko para sa tanong na ito.

Tumango naman yung tatlo, pero nakita ko yung babae na umirap pa sa akin.

“Salamat at tatawagin namin kayo mamaya, mga 3 p.m., kung tanggap kayo o hindi,” sabi ng nasa gitna. Lumabas na kaming lima.

Tinignan ko ang oras sa lumang cellphone ko na touchscreen. Ito pa yata yung pinakaunang touchscreen na cellphone na inilabas ng Cherry Mobile, pero gumagana pa naman.

12 p.m. pa lang, kaya naisipan ko na lang na mamasyal muna sa katabing mall ng building, na pagmamay-ari din ng Brillantes Empire. Lakarin mo lang ng mga 10 minutes.

Kaya sumakay na ako ng elevator, bumaba sa first floor, at nilakad na lang papunta sa mall. Sayang pa ang pamasahe. Di nyo ako masisisi — noong college days nga namin, kahit ang lapit-lapit lang ng pupuntahan, sasakay pa rin ng tricycle! Hahaha.

CHAPTER 4

Jay POV

Naglalakad ako at nagwi-window shopping lang ang style ko ngayon. Habang naglalakad, may nakita akong batang lalaki na nakatingin sa stall ng bilihan ng ice cream.

Nakita ko ang suot niya, naka-duck outfit pa siya kaya kitang-kita ang ka-cute-an ng bata.

“Hello,” sabi ko sabay luhod sa harapan niya.

“Hello,” sabi niya sa maliit na boses. Napahawak ako sa kanyang pisngi at sinabi,

“Ang cute-cute mo,” sabi ko.

“Stop it,” sabi niya sabay hawi sa kamay ko.

“Sabi ni Daddy, don’t talk to strangers daw,” sabi niya.

“Awwww, pero nakikipag-usap ka na sa’kin,” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Oo nga no,” sabi ng bata sa maliit na boses at napahagikhik pa siya.

“Asan ang Daddy mo?” tanong ko sa kanya.

“Busy po, may business meeting siya,” sabi niya. Ang galing ng batang ito sumagot at magsalita, hmmmm.

“Ilang taon ka na?” tanong ko, at tinaas niya ang kamay sabay pakita ng apat na daliri, pahiwatig na apat na taong gulang na siya.

“Bakit ka nandito? Gusto mo ba ng ice cream?” tanong ko ulit. Biglang nagningning ang mga mata niya nang marinig ang salitang ice cream.

“Kuya, isa nga pong chocolate d’yan, yung nakabaso,” sabi ko sabay labas ng 20 pesos.

“Sir, 50 pesos po,” sabi ng tindero. Napahiya naman ako ng kaunti. Akala ko kasi 20 lang.

Tinignan ko ang wallet ko, at nakita kong 100 na lang ang natitira kong pera. Pero nung nakita ko ang bata na nakahawak sa damit ko habang hinihintay ang ice cream, binalewala ko na lang. Binigay ko ang 100, kinuha ang ice cream, at iniabot sa kanya.

CHAPTER 5

Jay POV

Kinakain na ng bata yung ice cream na binili ko para sa kanya.

“Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ko sa bata.

“GM,” sagot niya sa akin. Habang kumakain siya, napansin ko na may bakanteng upuan kaya naisipan kong umupo muna kami habang inuubos niya ang ice cream.

“Upo muna tayo dun,” sabi ko, at tumango naman siya.

Dalawampung minuto na ang nakalipas at naubos na rin ni GM ang kanyang ice cream, pero wala pa ring naghahanap sa kanya.

Pagkalipas ng sampung minuto, halata kong nabobored na si GM. Kaya naisipan ko na dalhin muna siya sa arcade na nasa second floor, kasi nasa third floor kami ngayon.

“Laro muna tayo habang hinihintay natin yung daddy mo?” sabi ko sa kanya. Napakunot ang kanyang mga kilay, dahilan para mas lalo siyang maging cute.

“Hindi mo ako ikikidnap?” tanong niya na ikinagulat ko. Ang galing, ang bata pa pero alam na niya yung salitang kidnap.

“Hindi po,” sabi ko sabay taas ng kamay.

“Pinky swear?” sabi niya. Napangiti ako at nakipag-pinky swear sa kanya.

“Tara na, laro muna tayo sa arcade sa second floor,” sabi ko at inilahad ang kamay ko sa kanya. Humawak naman siya sa akin at bumaba na kami sa second floor gamit ang escalator.

Sinamahan ko si GM sa paglalaro, at nakita ko sa kanyang mga mata na ang saya-saya niya. Ang lakas ng tawa niya kasama ang ibang bata na kaedad niya. Nakisama na rin ako sa kanya sa paglalaro — mga bagay na hindi ko naranasan noong bata pa ako. Kaya hindi ko namalayan na nag-eenjoy na rin ako sa pakikipaglaro kay GM.

CHAPTER 6

Jay POV

“Sir, nandito po ang bata.”

Habang naglalaro kami, may narinig akong boses.

“GM!!” Napatingin kami ni GM sa nagsalita at nakita namin ang isang binata na sobrang gwapo. Maputi, matangkad, makisig ang katawan. Hindi ko maipaliwanag pero ang linis niyang tignan. Na-realize ko na lang na tumakbo si GM papunta sa binata at sumigaw ng,

“Daddy!” sigaw ni GM habang tumatakbo papalapit. Binuhat siya ng binata at yinakap.

Nang makita ako ng binata, agad kong napansin ang nanlilisik niyang mga mata.

“Ikaw!? May balak ka bang kidnapin ang anak ko!?” sabi niya na ikinagulat ko. Sasagot na sana ako para magpaliwanag nang biglang nagpumiglas si GM mula sa mga bisig ng kanyang daddy at tumakbo pabalik sa kinatatayuan ko.

“No daddy! He’s a friend! He bought me ice cream too!” sigaw ni GM. Nakita ko pa na tinaas niya ang kanyang dalawang kamay na parang gusto niyang magpabuhat sa akin. Nagulat ako pero binuhat ko na lang siya.

Nagulat din ang binata pero nawala rin agad ang kanyang gulat at lumapit sa akin.

“Pasensya ka na at yun ang nasabi ko sayo. Thank you for taking care of my son,” sabi niya sabay kuha kay GM mula sa mga bisig ko.

“Okay lang po,” sabi ko sabay ngiti kay GM na naka-thumbs up pa.

“Kung ganon, mauna na kami. Salamat ulit,” sabi ng binata at umalis na sila.

Habang pinapanood ko silang papalayo, bigla kong naalala yung result ng interview. Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong 2:40 na. Eh 3 p.m. pa naman lalabas yung result!

CHAPTER 7

Jay POV

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa Brillantes Empire. Baka kasi mahirap na kung wala ako doon tapos biglang sabihin na pasado ako.

Pagdating ko, nakita ko na nandoon na lahat ng kagaya kong na-interview. Binilisan ko ang lakad at lumapit sa pwesto nila.

“Let’s proceed to the conference hall,” sabi ng isang empleyado, at nauna na siyang naglakad. Kami naman, sumunod na lang sa kanya.

Pagdating namin sa conference hall, sinabi ng interviewer na maghintay muna kami kasi meron daw hinihintay na importanteng tao. Doon na ako biglang kinabahan.

Ilang saglit lang, pumasok ang hindi ko inaasahang tao na nakasuot ng formal attire. Ang matanda na naglilinis sa CR kaninang umaga. Tama ang nabasa nyo, pumasok yung janitor na ngayon ay naka-formal attire.

“Let’s welcome the owner of Brillantes Empire, Mr. Geo Brillantes,” sabi ng empleyado. Umupo siya sa lamesa na nasa gitna at tinignan lahat ng mga resume.

Ilang sandali pa, nagsalita si Mr. Geo.

“Diane Acenas,” sabi niya. Sa hindi inaasahan, tumayo yung babae na nagdisrespect sa matanda kaninang umaga. Tinignan ko siya at nakangiti pa habang parang nakangisi, na para bang sigurado siyang makakapasok. Siguro nakalimutan na niya ang ginawa niya kanina, o baka hindi niya namukhaan ang matanda na tumawag ng pangalan niya.

“You’re not accepted. You may now leave the building,” sabi ni Mr. Geo, na ikinagulat naming lahat, lalo na ng babae.

“What!? But why? Maganda naman ang record ko and I also graduated with flying colors, so why would I not be accepted?” taas kilay na sabi ng babae.

Biglang natahimik ang lahat dahil sa pagtaas ng boses niya.

CHAPTER 8

Jay POV

“Yes, you have a good record and I praise you for that,” maikling sabi ng matanda pero biglang sumabat ang babae.

“Then why am I not accepted?!” nakangising tanong ng babae kay Mr. Geo.

“Will you let me finish, young lady?” tanong ni Mr. Geo sa kanya, at natahimik ang babae.

“For your information, Ms. Diane Acenas, you have a good track record but you don’t have a good attitude. You’re beautiful on the outside but ugly on the inside. The quote of this Empire is ‘ATTITUDE IS A MUST,’ and you don’t have what it takes to be part of the company. That is why you may now leave,” mahabang sabi ng matanda.

Natameme na lang ang babae, kinuha ang handbag niya, at dali-daling lumabas ng opisina.

Pagkatapos ng nangyari, tinuloy na ang pagbasa ng mga pangalan ng mga nakapasa sa interview.

Paunti na ng paunti ang mga kasamahan ko at hindi pa rin tinatawag ang pangalan ko. Biglang sinabi ng matanda,

“Lahat ng hindi natawag ay pwede nang umalis. Hindi kayo tanggap sa trabaho. But do not let this bring you down, people. Always try and try until you succeed,” nakangiting sabi niya. Nalungkot ako at tumayo na mula sa aking kinauupuan, nang biglang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, isa pala sa mga empleyado na nag-interview sa akin.

Sa paghawak niya sa kamay ko, napatingin ako sa harapan nang magsalita si Mr. Geo.

“Jay Reyes, hindi ko makakalimutan ang binatang tumayo para sa akin nung nagpapanggap akong janitor kaninang umaga. That is why meron akong iaalok sayo na ibang trabaho,” sabi ng matanda na ikinakunot ng aking noo.

CHAPTER 9

Jay POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Mr. Geo, kaya medyo kinabahan ako nung sinabi niyang meron siyang ibang iaalok sa akin.

“Ang trabaho na inaalok ko sayo ay…”

“Lolo!” sigaw ng isang bata, dahilan para mapahinto si Mr. Geo sa sasabihin niya.

Tumakbo ang hindi ko inaasahang bata papunta sa matanda. Si GM! Sumunod din pumasok ang kanyang daddy.

“Sakto, nandito na pala kayong dalawa. Let me introduce you to your new secretary, Josh,” sabi ng matanda. Doon na lang nag-register sa utak ko ang sinabi ni Mr. Geo na magiging secretary ako ng gwapong nilalang na ito. Tumingin si Josh sa kinatatayuan ko pero dedma lang ang tingin niya.

“Kuya!” masayang sambit ni GM at nagpumiglas pababa mula sa bisig ng matanda. Lumapit siya sa akin at tinaas ang kamay na senyales na gusto niyang magpakarga. Binuhat ko siya at pinisil ang kanyang ilong, dahilan para mapahagikhik si GM.

“That’s new. I didn’t know that GM can be friendly to another person except his family only,” gulat na sabi ni Mr. Geo.

“I too, Dad. I was also shocked,” sabi naman ni Josh. Napakunot-noo na lang ako.

“Where was I? Ah yes, my offer to you, Jay. Will you accept it?” tanong ni Mr. Geo sa akin sabay tingin sa akin nang diretso sa mata.

“Yes naman po, Mr. Geo. It is an honor to become the secretary of Sir Josh,” nakangiti kong sabi kay Mr. Geo. Tumango-tango naman siya na may ngiti sa mukha, pero si Josh nanatiling nonchalant lang.

CHAPTER 10

Jay POV

“Kuya Jay, wakey wakey,” sabi ng isang maliit na boses habang natutulog ako. Kaya dinilat ko ang aking mata at nakita ko ang nakangiting cute na bata sa harapan ko.

Nagtataka kayo kung nasaan ako. Well, nandito lang naman ako sa mansion ni Sir Josh. Bakit? Yan siguro ang tanong na pumapasok sa isipan ninyo.

Flashback…

Pagkatapos kong umoo sa offer ni Mr. Geo, lumabas na sila ni GM sa room at natira na lang kami ni Sir Josh.

“I have also another offer for you,” biglang sabi ni Sir Josh.

“Ano po yun?” tanong ko.

“Live with me,” sabi niya na ikinagulat ko. Abah! Hindi porket gwapo siya ay papayag na akong iuwi niya ako.

“Thank you, sir, pero work lang po talaga yung pinunta ko dito. At saka may boyfriend na po ako,” sabi ko, na nagpakunot naman ng noo ni Sir Josh.

“What are you talking about? I’m talking about my offer. Live with me, with us, because I can see that my son really likes you. But also, I don’t want my secretary being late during work,” mahaba niyang sabi.

Napa-isip naman ako. Para na rin madagdagan ng space sa bahay ampunan kasi medyo dumarami na rin ang mga bata doon at lumalaki na sila, kaya…

“I know it’s a lot to process pero dadagdagan ko ang sweldo mo. I just also want na may kalaro si GM. And again, as you can see, he likes you,” sabi niya. Nagpintig din ang tenga ko nung marinig ko yung “dagdag sweldo,” kaya naman…

“Sige po sir, ihahanda ko na lang po ang mga gamit ko. Pakibigay na lang po sa akin ang address ninyo para alam ko po kung saan kayo nakatira,” sabi ko.

“No, I will call my driver later so that you can start packing your stuff and move right away to my house,” sabi niya. Kaya tumango na lang ako.

Flashback end…

Ayan lang naman ang nangyari sa akin. Sa Eden Subdivision pala nakalocate ang mansion ni Sir Josh, kung saan nakatira mostly mga mayayaman dito sa Pilipinas, mga kilalang artista, at iba pa. Grabe talaga, mansion na mansion! Ang bahay ay may second floor at binigay sa akin ang pinakadulong kwarto. May anim na kwarto dito sa second floor: kwarto ni Sir Josh, kwarto ni GM, visual room kung saan nagmo-movie marathon si GM (pinasyal pa ako ng bata dito nung lumipat ako, tuwang-tuwa siya), office room ni Sir Josh, isang malawak na guest room na kayang matulugan ng apat, at isa pang room sa dulo, yun ang akin.

Sa baba naman nandoon ang mga kwarto ng yaya at iba pang workers dito sa mansion.

“Sige, baby GM, baba ka na at maliligo lang ako saglit,” sabi ko sa kanya at kiniliti ko siya.

“Okay po,” sabi niya. Ang cute talaga! Lumabas na si GM sa kwarto kaya pumasok na ako sa banyo para maligo.

CHAPTER 11

Jay POV

This is my first day of work at excited na ako. Kasi kung iisipin mo, may pera ka na every kinsenas hahahaha money! At makakatulong na rin ako sa gastusin sa bahay ampunan, kahit mga gamit man lang sa school ang mabili ko para sa mga bata. Yun ang maganda sa bahay ampunan, hindi nila hinahayaan na hindi makapag-aral ang mga bata doon. Kaya naman gagawin ko rin ang makakaya ko para makatulong at maibalik kahit papaano ang naitulong nila sa akin.

“Kuya, let’s goooo!” sabi ni GM sa akin kaya bumaba na kami mula sa second floor.

Lumabas na kami ng mansion at nakita naming naghihintay na ang van para sa amin.

Una muna naming hinatid si GM kasi madadaanan namin ang kanyang school, ang Belzebub Elementary School. Mostly mayayaman ang nag-aaral sa paaralan na ito.

“Bye Dad, bye Kuya Jay!” kaway at sabi ni GM nang makababa na siya, kasama ang kanyang yaya na si Yaya Marie.

“Ingat kayo,” sabi ko na lang, at hindi ko namalayan na nasanay na ako na ganito ang sinasabi ko tuwing nagpapaalam ang mga bata sa bahay ampunan.

Tumingin ako sa harapan at napansin ko sa rear mirror na nakatingin sa akin si Sir Josh kaya medyo nahiya naman ako.

Nandito na kami sa Brillant Mall at dumiretso na kami sa third floor kasi doon ang office ng mga employees ng Brillant Mall. Sumakay na kami ng elevator at paglabas namin, nakita ko ang mga table at mga empleyado na busy sa kanilang ginagawa.

Naglakad na kami sa gitna at nakita ko na ang office ni Josh. Napansin ko rin ang isang table sa labas ng opisina niya.

“Edie,” sabi ni Josh. Josh na lang, nakakaumay na rin kasi yung may “sir” palagi.

“Yes sir,” sagot ni Edie.

“Ikaw na ang bahala at magpaliwanag sa mga gagawin niya,” sabi ni Josh kay Edie. Tinignan ako ni Edie tapos tumango kay Josh. Umalis na si Josh sa harapan ko at pumasok sa kanyang opisina, kaya naiwan na lang ako kasama si Edie.

CHAPTER 12

Jay POV

“Okay, let’s start this!” sabi ni Edie at nakangiti siyang tumingin sa akin.

“Hi, ako nga pala si Edie. Nice to meet you,” sabi niya sabay abot ng kanyang kamay.

“Ako nga pala si Jay Reyes, bagong secretary ni Sir Josh,” sabi ko naman at inabot ang kamay niya.

“Naaamoy kita, gosh! Buti naman at may makakasama na akong gay na kagaya ko sa work. Like, nakaka-suffocate kaya ang mga girls dito!” sabi niya sabay flip ng hair kahit di naman mahaba, kaya natawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya.

“Ano yung narinig ko, aber!?” sabi ng isang babae na may hawak na kape.

“None of your business, woman!” singhal ni Edie sa kanya, at natawa na lang yung babae. Napatingin siya sa kinatatayuan ko kaya ngumiti naman ako.

“Siya na ba ang bagong secretary ni Sir Josh? Nice to meet you, I’m Claire,” sabi niya at nakipagkamay ako.

“Jay Reyes,” sagot ko naman.

“This will be your table from now on,” sabi ni Edie sabay lapit sa table na medyo maluwag sa labas ng office ni Josh.

“Buti na lang at ikaw ang naging secretary ni Sir Josh, at hindi na naman isang mala-pokpok na babae,” sabi ni Claire. Na-curious ako kaya napatanong ako.

“Bakit, may nangyari ba sa dating secretary na papalitan ko ngayon?” tanong ko kay Claire.

“Ayun, puro paganda at tudo landi kay Sir. Napuno na ang boss natin, ayun pinatalsik! Deserve!” sabi ni Claire.

“Kaya ikaw, pagbutihin mo ang trabaho mo as his secretary. Medyo maselan si Boss Josh, lalo na sa oras, sa mga business deals, at sa iba pa na konektado sa Brillant Mall at sa Brillantes Empire,” mahabang sabi ni Edie. Medyo kinabahan naman ako.

“Okay, itutuloy ko lang ulit yung ginagawa ko. Just call me na lang if may kailangan ka,” nakangiting sabi ni Edie sa akin at umalis na silang dalawa ni Claire.

Nilagay ko na ang aking mga gamit sa table at inayos ang mga files na hindi pa naka-ayos.

CHAPTER 13

Jay POV

Tringgg… tring…

“Yes sir, okay po,” narinig ko ang sagot ni Edie habang nasa upuan niya, tapos binaba niya ang tawag.

“Psst! Lezgoo sa office ni boss, pinapatawag tayo,” sabi ni Edie sa akin.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at kumatok muna kami sa pintuan bago pumasok.

Nakita ko si Josh na nakaupo habang pumipirma ng papeles, suot ang kanyang eyeglass na mas lalong nagpagwapo sa kanya.

Akala ko wala na siyang igagwapo, pero meron pa pala.

“There is a business proposal kay Mr. Sanchez, and I want you to get his signature,” sabi niya sa amin.

“Make it faster. Nasa Cafe de Luna siya ngayon, two blocks from here. Because the Tesoro Incorporation also wants his signature, kailangan maunahan natin sila,” dagdag niya pa. Kaya dali-daling kumilos si Edie, hinila ako at nagsabi kay Josh,

“Right away sir!” sagot niya, at mabilis kaming lumabas ng opisina.

“Anong gagawin?” takang tanong ko.

“Basta ihanda mo na lahat ng dapat ihanda. Lalarga na tayo papunta sa Cafe de Luna,” sabi niya, at binilisan na namin ang pag-alis mula sa mall para makuha ang pirma ni Mr. Sanchez.

Palabas na sana kami ng mall nang biglang sumakit ang tiyan ko.

“Wait lang, natatae ako,” sabi ko kay Edie.

“What!? Bakit ngayon pa?” sabi ni Edie.

“Mauna ka na lang at susunod ako,” sabi ko.

“No way! Halika na at samahan kita, bilis!” sabi niya, kaya binilisan namin ang punta sa CR.

Nakasakay na kami ng taxi at on the way na kami sa Cafe de Luna.

Pagbaba namin ng taxi, binilisan namin ang pagpasok sa cafe.

“Ayun siya!” sabi ni Edie sabay turo sa isang lalaki. Pero nagulat ako kasi nakita ko rin doon si Diane, yung babae na kasabay ko sa interview. Napatingin siya sa gawi namin at ngumisi.

Lumapit kami sa table nila at narinig ko ang sabi ni Diane.

“Thank you very much, Mr. Sanchez, for trusting Tesoro INC.,” sabi niya, tapos tumayo at nilapitan kaming dalawa ni Edie.

“Sorry gays, you’re late,” sabi niya na nakangisi, at umalis na sa harapan namin.

“If you’ll excuse me, I still have important matters to do,” sabi ni Mr. Sanchez at umalis na rin.

“Sorry Edie, kasalanan ko ito,” sabi ko kay Edie.

“No, it’s okay,” sagot niya sa akin.

“Bullshit! Ang simple lang ng gagawin nyo, di nyo pa nagawa! I said make it faster pero ano!? Naunahan pa kayo ng Tesoro INC.!” galit na sabi ni Josh.

Magsasalita na sana ako para aminin na kasalanan ko pero pinigilan ako ni Edie.

“Sorry po boss, we will not let this happen again,” sabi ni Edie.

“Dapat lang! Now get out of my sight!” sabi ni Josh. Kaya umalis na kami sa opisina niya.

CHAPTER 14

Jay POV

Isang buwan na ang nakalipas simula nung pinagalitan kami ni Josh at nakatatak pa rin iyon sa akin. Kaya sa isang buwan na iyon, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para matutunan ang lahat ng dapat gawin ng isang secretary. Sa isang buwan na iyon, marami na rin akong na-close na deal at laging nakaka-kompetensya si Diane ng Tesoro INC., pero hindi ako nagpapatalo sa kanya kahit ginagamit niya ang kanyang female card.

Pero sa isang buwan na pamamalagi ko sa mansion ni Josh, masasabi kong sanay na sanay na ako sa ginagawa ko sa loob ng mansion at kilalang-kilala ko na rin ang mga kasambahay at mga drivers doon. Close na close ko na rin si GM at palaging pumupunta siya sa kwarto ko. Minsan, doon na rin siya natutulog kapag kinukuwentuhan ko siya ng mga pambatang kwento.

Hindi ko rin maikakaila na sa isang buwan na iyon, marami na ring nangyari sa pagitan namin ni Josh — joke! Sadyang nahulog lang talaga ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam! Sa bawat tingin niya sa akin o kahit sulyap lang, talagang napapatibok niya ang puso ko. Pero sinusubukan kong isa-walang bahala ang nararamdaman ko para sa kanya kasi baka mahirap na at matulad ako sa huling secretary niya. At hello! Bakla ako! Si sir magkakagusto sa’kin? In my dreams!

“Beh! Meryenda tayo dun sa baba,” sabi ni Edie. Inayos ko muna ang aking lamesa bago kami bumaba at gumayak na kaming dalawa.

CHAPTER 15

Third POV

“This is bullshit! Lagi na lang tayong nauunahan ng Brillantes Empire, lalo na yang Brillant Mall na yan! We need to do something!” galit na sabi ng lalaki sa kanyang kinauupuan.

“That is why we need to make a move already,” sang-ayon naman ng isang boses.

“Ako na ang bahala, just relax,” sabi ng isang boses na halatang gustong magpa-impress sa lalaking nakaupo sa gitna ng malawak na lamesa.

“Okay, you can do your thing. Just make sure na mapapatigil natin ang kumpanyang yan kahit ilang araw lang,” sabi naman ng lalaki na nasa gitna.

Tumayo ang isang lalaki at sinabi sa lalaki sa gitna,

“Makakaasa ka,” at lumabas na ito ng meeting room.

“Hello,” sabi ng lalaki.

“Yes boss?” sagot naman ng isang boses sa cellphone.

“Proceed with the plan. Meron na tayong go signal,” sabi ng lalaki sa kausap.

“Matagal na kaming naghihintay sa go signal na yan. We’re on it, boss,” sabi ng kausap at binaba na ng lalaki ang cellphone na hawak niya bago muling pumasok sa meeting room.

“Ihanda na ninyo ang ating mga gamit. May trabaho na tayong gagawin,” sabi ng leader nila.

“Yes boss,” sagot naman ng kanyang mga kasamahan.

txt message

Binasa ng lalaki ang mensahe at napangiti siya sa kanyang nabasa.

“Nakuha ko na ang impormasyon sa target natin. Bukas na bukas ay isasagawa na natin ang ating mga plano,” sabi ng leader nila sa kanyang mga kasamahan.

CHAPTER 16

Jay POV

“Bangon na dyan, batang paslit,” sabi ko kay GM pero dumilat lang siya tapos muling pumikit ang kanyang mga mata.

“Aba aba,” sabi ko at kiniliti ko siya kaya napahagikhik ang bata sa tuwa.

“Okay okay! Stop na kuya Jay, babangon na me,” sabi ng bata at bumangon na sa pagkakahiga. Anong bago! Dito na naman natulog si GM sa kwarto ko.

“Bangon na at ako na ang magpapaligo sa’yo,” sabi ko at binuhat ko siya kasi nagpabuhat ang bata.

Natapos na kaming maligo at pinunasan ko muna si GM bago ko sinabi sa kanya na hintayin niya akong makapagbihis muna, at isusunod ko siyang bibihisan sa kanyang kwarto.

Nabihisan ko na si GM at bumaba na kami mula sa kwarto tapos dumiretso kami sa kusina. Nakita namin na nakaupo na si Josh sa hapag-kainan.

“Take your seat,” sabi niya, kaya naupo ako sa harap ng kinauupuan niya at si GM naman ay umupo malapit sa akin.

Sinimulan na naming kumain at sinusubuan ko si GM kasi nagpa-cute ang bata.

“GM, you can already eat on your own. Wag mo nang abalahin ang kuya Jay mo,” sabi ni Josh sa kanya na parang sermon, kaya naman napasimangot si GM sa kanyang daddy. Kaya nagsalita na lang ako,

“Okay lang po sir Josh,” sabi ko at ngumiti sa kanya.

“Okay lang daw, daddy,” sabi naman ni GM na parang inaasar ang ama niya.

“Ikaw bahala,” sabi ni Josh sa akin.

Gosh! Yung mga mata niya na nakatingin sa akin! Parang natutunaw ako!

“Kuya Jay, subuan mo’ko,” sabi ni GM at napatawa na lang ako sa cute na batang ito.

CHAPTER 17

Jay POV

Tring… tring…

Kinuha ko ang telepono at sinagot ito.

“Come to my office,” sabi ni Josh sa kabilang linya at binaba na ang tawag.

Tumayo na ako, kumatok sa pintuan, at pumasok.

“Yes sir, ano po ’yon?” tanong ko sa kanya at tumingin siya sa kinatatayuan ko.

“Wala yung driver na magsusundo kay GM sa school niya, at sa oras na ito ay naghihintay na ang anak ko dun mag-isa,” sabi niya sa akin. Wala din kasi ang yaya ni GM, bigla itong nagkasakit kaya iniwan muna si GM sa pangangalaga ng teacher nila.

“Ikaw na muna ang magsundo sa kanya. You can have your early out this afternoon,” sabi niya sa akin.

“Sige po sir,” sabi ko at lumabas na ng opisina, tapos hinanda ko ang aking mga gamit.

Sinabi ko na kay Edie kung bakit ako mag-eearly out ngayon kaya naggayak na ako para masundo si GM sa kanyang school.

Sumakay na ako ng taxi at malapit na ako sa school ni GM nang makita ko na may kausap siyang isang lalaki na nakamask. Kita ko sa mukha ni GM na parang natatakot siya kaya bumaba na ako ng taxi.

“GM!” tawag ko sa pangalan niya at biglang binuhat ng lalaking nakamask si GM, ikinagulat ko iyon kaya dali-dali ko siyang hinabol. May sasakyan na tumigil sa harapan nila, binilisan ko pa ang takbo ko at nahablot ko ang buhok ng lalaki.

“Kuya Jay, help me!” iyak na sabi ni GM sa akin pero biglang may bumaba pang isang lalaki at may tinakip sa bandang ilong ko, dahilan para mawalan ako ng malay.

“GM,” yan na lang ang huli kong nasabi bago ako tuluyang mawalan ng malay.

CHAPTER 18

Josh POV

Busy ako sa pagbabasa ng mga papeles nang biglang may pumasok sa aking opisina, na talaga namang ikina-irita ko.

“Don’t you know how to knock!” bulyaw ko kay Edie.

“Sorry sir pero… nakidnap po si GM, ang anak nyo,” tarantang sabi ni Edie na ikinatayo ko agad mula sa aking upuan.

“Call the police right now! Make it faster!” sabi ko.

“Done na po sir, they are now tracking the car down,” sabi ni Edie at napa-upo na lang ako muli sa aking upuan.

Lord, ikaw na bahala sa anak ko. Wag mo siyang pababayaan.

Bigla kong naalala si Jay.

“Eh asan si Jay?” tanong ko.

“Kasama din po siya sa nakidnap sir,” sabi ni Edie.

Kinuha ko na ang aking mga gamit at lumabas ng opisina para pumunta sa police station.

Buti na lang may extra akong sports car sa garahe ng mall, just in case of emergency.

Mahilig kasi ako sa sports car pero wag na muna nating pag-usapan yan. Ang importante ngayon ay ang kalagayan ng anak ko at ni Jay.

Nandito na ako sa police station at bumungad sa akin ang kapatid ko na si Jerry, na isa ring pulis.

“So what’s the news? Na-track na ba ang kotse na kumidnap sa anak ko at sa secretary ko?” tanong ko sa kanya.

“Sadly to say, hindi nakarehistro ang van na ginamit nila kaya nahihirapan kaming i-track. Kaya naka-asa na lang kami sa mga CCTV na posibleng dinaanan nila,” mahabang paliwanag ng aking kapatid.

“Are you kidding me! Baka kung ano na ang ginawa sa anak ko!?” bulyaw ko sa aking kapatid.

“Relax dude, we’re also doing our best here. So I need you to relax and just cooperate with us,” sabi niya sa akin kaya napa-upo na lang ako sa bakanteng upuan, out of frustration. Hinawakan naman ng kapatid ko ang balikat ko.

“I hope my son is okay, Jerry,” mahinang sabi ko sa aking kapatid.

CHAPTER 19

Josh POV

Limang oras na ang nakalipas at wala pa rin kaming nakukuhang lead sa mga kumidnap sa anak ko at kay Jay nang biglang…

Ring tone…

May biglang tumawag sa akin mula sa unknown number kaya sinagot ko ito.

“Hawak namin ang anak mo,” sabi ng nasa kabilang linya kaya napatayo ako mula sa kinauupuan ko.

“Asan ang anak ko!? Sabihin mo!” malakas kong sabi na agad kumuha ng atensyon ni Jerry. Niloudspeaker ko ang tawag para marinig din nila ang sinasabi ng kidnapper.

“Track their phone now,” mahinang sabi ni Jerry sa kasamahan niya at sinenyasan akong ituloy pa ang pakikipag-usap para ma-track nila ang lokasyon gamit ang tawag.

“Anong kailangan ninyo? What do you want from me para ibalik ninyo ang anak ko at ang secretary ko?” tanong ko sa nasa kabilang linya.

“Simple lang. Mayaman ka naman, gusto namin ng limang milyon kapalit ng dalawang ito. Bukas, 4 PM, dito sa pinaka-unang abandonadong building na makikita nyo pagpasok nyo sa Barangay Cabaroan,” mahabang sabi niya.

Nag-thumbs up si Jerry bilang senyales na nakuha na nila ang eksaktong lokasyon ng tumawag.

“Sige, makakaasa ka. And please don’t hurt them,” pakiusap ko at binaba na ng kausap ko ang tawag.

“Nakuha na namin ang kanilang lokasyon. Instead na hintayin pa natin ang bukas, mas magandang surpresahin na natin sila ngayong gabi,” sabi ni Jerry. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

“Men, get ready and let’s proceed with the rescue operation,” sabi ni Jerry at naghanda na rin ako.

Nandito na kami sa isang lugar na iba sa sinabi ng kidnapper kung saan dapat kami magkikita bukas.

Sinenyasan ni Jerry ang kanyang mga kasamahan at pumwesto sila sa bawat sulok na medyo malayo sa building para mapalibutan ito. Buti na lang gabi kaya hindi sila kita. Biglang may lumabas na dalawang nakamaskara at mukhang sila ang nagsisilbing guwardiya.

Bang! (tunog ng baril sa loob ng building)

CHAPTER 20

Jay POV

Ilang oras na ang nakakalipas at nandito pa rin kami sa isang abandonadong building na hindi ko alam kung saan banda dahil madilim.

Kanina pa umiiyak si GM at ramdam ko ang takot niya kaya ginagawa ko ang lahat para mapatahan lang siya.

“Patahimikin mo nga iyan!” sigaw ng isang lalaking nakamaskara. Pinapatahan ko si GM sa aking mga bisig.

“Tahan na GM… shhh… shhh…” mahinang sambit ko habang hinahaplos ang ulo niya.

Naawa ako kay GM kasi magiging malaking trauma ito sa kanya paglaki.

Pero umiiyak pa rin si GM.

Nagdabog yung lalaki at biglang nagpaputok ng baril.

Bang!

“Putang-ina ng batang ’yan! Ayaw tumigil! Pasabugin ko kaya bungo nyan!” galit na sabi ng lalaki. Niyakap ko ng mahigpit si GM at nang palapit na yung lalaki sa amin, tiningnan ko siya nang masama, nanlilisik ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, lalo na nung tinutok ng lalaki ang baril sa amin. Para bang may gustong kumawala mula sa aking dibdib.

Kinasa na ng lalaki ang kanyang baril at tinutok sa amin, saka…

Sa pangalawang pagkakataon:

Bang!

Josh POV

Nang marinig namin ang putok ng baril, agad gumalaw ang mga pulis na nakapaligid sa building. Biglang may narinig pa kaming isa pang putok na mas lalong nagpakaba sa akin.

Wag naman sana…

Binilisan namin ang pagpasok. Nauna si Jerry at sinipa ang pintuan.

“Walang gagalaw!” sigaw niya. Pero nung nakapasok na ako, hindi namin inaasahan ang aming nakita.

Nakita ko na nakahandusay ang lahat ng lalaking nakamaskara, at nakita ko si GM na umiiyak habang katabi niya si Jay na wala nang malay. Tumakbo akong lumapit sa kanila. Napansin ko ang isang lalaking malapit sa pwesto nila na may butas na ang noo.

“Clear the whole building,” utos ni Jerry sa mga kasamahan niya.

“Anong nangyari dito? Nakakatakot… lahat ng mga lalaki sa loob ng building ay putol ang ulo at ito naman may butas sa noo,” sabi ni Jerry. Litong-lito din ako pero nauuna ang takot ko, kaya isinantabi ko muna ang pag-iisip.

“I don’t know Jerry, but I don’t care as long as they are safe now,” sabi ko. Binuhat ko na si GM at pinatahan siya.

Hinintay na lang namin ang ambulansya para madala na si Jay sa ospital.

BABALA

BOOK STYLE WRITING

CHAPTER 21

JAY POV

Nandito na naman ako, nakatayo sa gitna ng nagbabagang alon ng malalaking apoy at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

“Tulong!!!”

“Tulungan nyo ko! Parang-awa nyo na!”

Yan ang malakas kong sigaw pero parang walang nakakarinig sa akin.

“Kuya Jay, kuya Jay,” bigkas ng maliit na boses na naririnig ko.

“GM? GM!?” naiiyak kong sambit ng pangalan niya. Naalala ko na nakidnap pala kami.

“Lord, sana ligtas si GM. Kahit siya na lang Lord,” mahina kong dasal habang pumapatak ang aking luha.

JOSH POV

Nasa labas kami ng kwarto ni Jay dito sa ospital. Sinabi ng doctor na okay na daw ang lagay niya pero maya-maya lang biglang nagsitakbuhan ang mga nurse kasama ang doctor na tumingin kay Jay kanina. Bago siya pumasok, hinarang ko muna.

“Anong nangyayari doc?” tanong ko.

“Bigla na lang nagwawala ang walang malay na katawan ng pasyente,” sagot ng doctor.

Eksakto namang dumating si GM, buhat-buhat ni Jerry dahil bumili sila ng pagkain at nakita ang eksena.

Bumaba si GM at agad tumakbo papunta sa akin, pumasok kami pareho sa kwarto. Nakita namin na pinagtutulungan nilang hawakan ang katawan ni Jay para hindi mahulog mula sa higaan.

Sa nasaksihan ko, para bang may tumutusok sa aking dibdib. Hindi ko alam ang eksaktong nararamdaman ko pero may parte ng puso ko na nananalangin na sana bumuti na ang lagay ni Jay. At may parte rin na gusto ko pa siyang makita, gusto ko pa marinig ang boses niya, pero hindi ko maintindihan ang feeling na ito.

Nakita ko si GM na umiiyak habang binibigkas ang pangalan ni Jay. Masakit makita ang anak ko na ganito kasi napalapit na siya kay Jay. Halos si Jay na ang tumayong kuya, minsan parang ina pa sa kanya sa mahigit isang buwan na naninirahan siya sa mansion.

Ng biglang tiiiiiiiiiiiitttttt…

Yan ang tunog na narinig namin at biglang tumigil lahat ng tao sa kwarto.

Lumapit ang doctor sa amin.

“Ginawa na namin ang lahat. Lalabas muna kami para mabigyan namin kayo ng oras,” sabi ng doctor.

Lumabas sila at tumakbo si GM sa walang malay na katawan ni Jay.

“Condolence bro,” sabi ni Jerry sa tabi ko. Umiiyak pa rin si GM habang hawak ang kamay ni Jay.

“This is not real… Hindi ko pa alam yung nararamdaman ko sa kanya tapos ganito na ang nangyari? Is this a joke?” mahinang sabi ko at pumatak na ang luha ko.

Nag-flashback sa akin yung mga eksena sa mansion.

Yung time na naglalaro sila ni GM sa loob ng dalawang linggo na nandun siya. Narinig kong sabi ni GM na gusto niya ako makalaro pero sinabi ni Jay:

“Wag na muna GM, pagod ang daddy mo, dapat magpahinga din siya.”

“Eh pagod ka din naman po eh, pero nakikipaglaro ka pa rin sa akin,” tampo ni GM.

“Shhh wag tampo ang baby namin, okay lang ako, super beki kaya to hehe. Tsaka wag si daddy mo, papanget yun, ang gwapo-gwapo pa naman,” sagot ni Jay na nagpangiti sa akin.

“Yiiieee crush mo si daddy no?” tanong ni GM.

Hindi ko alam kung bakit pero lumapit ako ng konti para marinig ng mabuti ang sagot ni Jay.

“Medyo hahaha,” tanging sagot niya. Napakunot ang noo ko nun.

Naisip ko, mahirap ba akong gustuhin? Gwapo naman ako, maganda ang katawan, matangkad, mayaman. Tsk… Kaya sa mga sumunod na araw, pinahirapan ko siya ng wala naman akong alam na dahilan. Naiirita lang ako sa “medyo” na sagot niya.

Pero tingnan mo siya ngayon. Wala ng malay habang… hindi ko pa rin alam ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ng biglang tit tit tit tit tit

Yan ang tunog na narinig namin at biglang dumilat ang mata ni Jay. Rinig din namin ang malalim niyang paghinga.

“Praise the Lord! Tawagin ko lang ang doctor!” sabi ni Jerry at dali-daling lumabas ng kwarto.

Lumapit ako sa kama ni Jay habang pinapatahan niya si GM. Napatingin siya sa akin.

“Josh,” mahinang sabi niya.

Oh, I love hearing my name from his soft voice.

“I’m glad you came back to us,” nakangiti kong sabi sa kanya. Pero sa loob-loob ko nagtatanong pa rin ako, “Paano nangyari yun?”

JAY POV

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok ang doctor sa kwarto at lumapit sa akin para i-check up ako.

“His vitals are okay and normal. This is a miracle,” sabi ng doctor.

“Anong miracle po?” tanong ko.

“You died just a minute ago, and yet you are here talking to us now na parang wala lang,” sagot niya na ikinagulat ko.

Huh!? Ako… namatay!?

“Mas mabuti na lang na wala nang ibang makakaalam sa nangyaring ito sa kwartong ito. Knowing na Brillantes Empire ang biggest shareholder ng hospital,” sabi ni Josh, seryoso ang mukha. Tumango na lang ang doctor at sumang-ayon.

Nagpaalam na ang doctor at sinabi na kailangan pa rin ng follow-up check-up para masigurong okay na talaga ako.

Lumabas muna si Josh kasama si GM at si Jerry. Nakita ko sa mukha ni GM ang saya. Nagkatinginan kami ni Jerry at parehong parang walang masabi.

“Well, that’s wild,” sabi na lang ni Jerry.

“Daddy bili tayo ng ice cream para kay kuya Jay,” sabi ni GM saka hinila si Josh.

“Oo, tara. Puntahan ko lang kapatid natin sa office niya dito sa hospital,” sabi ni Jerry at umalis na rin.

Nakapamili na sila ng ice cream at bumalik na sila sa hospital. Binuksan nila ang pinto ng kwarto ko at nakita nila akong nakapikit, akala nila tulog ako. Lumapit sila sa akin pero binuksan ko ang mga mata ko.

“Kuya Jay, may dala kaming ice cream para sa’yo,” sabi ni GM.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa pero ramdam ko ang pag-init ng mukha ni Josh nang makita niya akong nakangiti.

“Sorry GM pero bawal pa sa akin ang kumain,” sabi ko na nagpalungkot kay GM.

“Hayaan mo, pag gumaling na ako, kahit anong pagkain pa gusto mo, kakainin nating dalawa,” sabi ko. Ngumiti na ulit si GM at siya na lang ang kumain ng mga pinamili nilang ice cream.

CHAPTER 22

JAY POV

Isang buwan na ang nakalipas mula nung namatay ako sa hospital at biglang nabuhay.

Isang buwan na rin ang nakalipas at nag-iba din ang pakikitungo sa akin ni sir Josh. Para bang bumait siya at todo asikaso sa akin. Pero don’t get me wrong, hah! Kasi gusto ko yung nangyayari, wahahaha!

Pero isang buwan na rin na lagi kong napapanaginipan yung nangyari sa mga lalaking naputulan ng ulo sa di ko malaman na dahilan kung bakit naputol ang mga ito.

Sa tuwing natutulog ako, yun ang minsang lumalabas sa aking panaginip at minsan naririnig ko din ang isang boses na tinatawag akong “anak.”

Habang mataimtim akong nag-iisip, biglang sumulpot si GM sa kusina habang umiinom ako ng tubig. Katatapos ko lang kasing magluto.

Hindi ko pala nakuwento sa inyo na sinabi pala sa akin ni sir Josh na mag-full time babysitter na lang ako. Dodoblehin daw niya ang sweldo ko, basta bantayan ko lang mabuti si GM dito sa mansion, sa school, at kung saan man siya pupunta. Hindi na ako umayaw at pumayag na lang. Mas madali pa ang trabaho, at isabay mo pa na mabait si GM kaya okay na okay lang sa akin maging yaya niya. Sanay na rin naman ako sa mga kapatid ko dati sa bahay-ampunan.

“Upo ka na dito at ipaghahanda na kita ng kakainin. May pasok ka pa,” sabi ko sa kanya.

Umupo na nga ang cute na bata.

“Anong ulam kuya Jay?” tanong niya.

“Hotdog,” sabi ko.

“Na naman?” pabirong sabi ng bata.

Hindi ko naiwasang kilitiin siya at sabihing, “Ano naman ngayon?” Napahagikhik ang bata dahil sa kiliti ko.

“Yan ang breakfast natin ngayon with fried eggs. Tapos nagluto ako ng adobo na babaunin natin papuntang school mo,” sabi ko na nakangiti.

“Yey! You know that I love adobo!” sabi niya at natawa ako sa reaction niya.

“Kapapanood mo yan sa anak ni Melai,” sabi ko sa kanya at natawa na lang si GM.


“Gm! Baba na d’yan at male-late ka na!” sigaw ko sa kanya kasi nasa first floor ako at hinahanda yung bag niya habang siya naman ay nasa second floor nagpapalit ng damit.

“Coming kuya Jay!” sagot niya. Diba! Four years old pa lang yan pero ang galing na magsalita.

Patakbo siyang lumabas ng kwarto at mabilis bumaba sa hagdan.

“Magdahan-dahan ka lang sa pagbaba d’yan!” sabi ko pero tuloy pa rin siya sa pagtakbo. Bigla siyang namali ng hakbang.

“Gm!” sigaw ko.

Sa di ko maipaliwanag na dahilan, biglang nag-slow motion ang paligid. Pero hindi ko na inisip yun dahil ang importante mailigtas ko si GM. Tinakbo ko agad kung nasaan siya. Pagkalapit ko, bumalik sa normal ang bilis ng paligid at nasalo ko na siya.

“Wow! Kuya Jay, are you a vampire?” tanong ni GM. Nagulat man ako sa nangyari, mas nangibabaw ang galit ko sa kanya.

“Sabi ko magdahan-dahan ka! Yan tuloy, muntikan ka nang mapahamak!” sermon ko sa kanya. Nakita kong papaiyak na siya kaya binuhat ko na siya pababa ng first floor at umupo kami sa sofa.

“Sorry na kuya Jay,” sabi niya at tuluyan na siyang umiyak. Pinunasan ko ang sipon at luha niya. Ngayon ko lang siya nakita umiyak ng ganito kasi ngayon ko lang din naman siya nasigawan ng gano’n.

“Sorry din at nasigawan kita kanina. Iniisip ko lang kasi kapakanan mo. Ayokong may mangyaring masama sa’yo. Kaya sorry na, tahan na, okay na,” sabi ko habang pinupunasan siya.

“Oh, ayan na, pogi na ulit ang baby ko,” dagdag ko para mapatawa siya at tumigil na nga siya sa pag-iyak.

Tumayo na kami at tinawag ko si Yaya Marie para tulungan akong buhatin ang bag niya papunta sa labas ng gate kasi nandun na ang kotse.

Habang papalabas kami ng mansion, napatingin ako ulit sa hagdan at napaisip.

Ano ba talaga ang nangyari kanina?

Bakit ang bilis kong tumakbo?

Bakit biglang bumagal ang paligid?

May mali ba sa akin?

Bampira ba ako?

Pero vampire? Eh nakakalabas naman ako sa araw. Diba nga pag vampire, nasusunog sila pag naarawan, kaya mukhang hindi.

“Kuya Jay, let’s go na po,” sabi ni GM kasi nakalayo na sila ng kaunti.

Binali-wala ko na lang ang iniisip ko at dali-dali ko silang hinabol.

Sumakay na kami sa kotse at ready to go na papuntang school ni GM.

Habang papaalis kami ng mansion, napansin ko sa may kanto ng bakod ang isang babae na nakasuot ng itim. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.

Pagtingin ko ulit sa side mirror, nandun pa rin siya. Nakatingin pa rin sa akin, nakangiti na parang may ibig sabihin ang ngiti niya.

Ang creepy lang. Sino kaya yun?

CHAPTER 23

JAY POV

Nandito kami ngayon sa kusina at nagluluto ng mga handa para mamayang gabi. May Year End party kasi dito sa mansion ni Josh para sa kompanya niya. Kaya heto kami, magkanda-ugaga sa dami ng ginagawa.

Maya-maya lang, sumulpot si GM sa kusina.

“Kuya Jay, let’s play,” sabi niya sa akin.

“Wait lang, baby. Nagluluto pa kami dito,” sagot ko naman.

Biglang nagwala si GM.

“No! No! No! Gusto kong maglaro tayo! Let’s play!” umiiyak pa siya at pumapadyak sa harap namin. Nilapitan ako ni Yaya Marie.

“Kami na lang dito, Jay. Kalaro mo na lang si GM. Ikaw lang naman gusto niyang kasama,” sabi niya.

Tumango ako, tinanggal ang apron ko.

“Sige po. Iwan ko muna kayo dito mga ate. Pag kailangan nyo ako, tawagin nyo lang ako,” paalam ko.

Lumapit ako kay GM na umiiyak pa rin, at binuhat siya.

“Tahan na. Anong gusto mong laruin?” tanong ko, sabay punas ng luha niya.

“Ang OA mo kanina, ha!” sabi ko sabay kiliti sa kanya. Napatawa tuloy ang bata.

“Eh baka dimo ako kalaro pag di pa ako umiyak sa harap ng iba eh!” sagot niya. Kanina pa kasi niya ako kinukulit pero sinasabi ko lang na busy pa ako, mamaya na. Kaya pala iniyak na lang niya para wala na akong masabi.

Nagsisidatingan na ang mga bisita at mga empleyado ng kompanya ni Josh. Nakita ko sina Edie at Claire na kumakain, kaya lumapit ako.

“Eat well,” sabi ko na ikinagulat nila.

“Friend! Kanina ka pa namin hinahanap!” sabi ni Edie, sabay hila ng upuan para umupo ako.

“Kanina pa ako nakatayo dun sa gilid, tinitignan ang mga bisita. Baka kayo na-busy sa pagkain at di nyo na ako hinanap,” sabi ko, natawa na lang.

“Actually, medyo tama ka dun,” natatawang sabat ni Claire. Nagtawanan na kami.

“Mommy Jay! Mommy Jay!” sigaw bigla ni GM na ikinagulat ko. Mommy? Napakunot ako.

“Hinahanap ka na ni Daddy,” sabi niya sabay wink. Ano na naman to!

“Friend! Dimo naman sinabi na asawa mo na pala si sir Josh! Ack! Nakakasakit ka na ng damdamin!” sabi ni Edie, hawak pa dibdib niya na parang nasasaktan.

“Gaga! Iwan ko muna kayo dyan,” sabi ko. Hinawakan ko kamay ni GM at nagtungo kung nasaan ang daddy niya.

Biglang

“Hello sweetie,” bati ng isang binata sa harap ko. Ang gwapo ha, in fairness.

“Hello din sayo,” sagot ko.

Magsasalita pa sana siya pero may sumabat sa likod niya. Si Josh, at parang umuusok na ang tainga.

“What do you think you’re doing, Gavin?” sabi ni Josh.

Gavin? Parang familiar… Ah! Kapatid ni Josh. Kaya pala gwapo, nasa lahi nila.

“Chill brother, kinikilala ko lang ang taong nagpapabaliw sa nakababata kong kapatid,” sabi ni Gavin. Napula bigla mukha ko.

“Oh shut up. Let’s go, Jay,” sabi ni Josh at hinila ako.

“Josh, san tayo pupunta?” tanong ko habang lumalapit kami sa pinakamagandang table kung saan nakaupo ang ama niya, si sir Geo. Kinabahan ako bigla.

“Dad,” tawag ni Josh sa atensyon ng ama niya. Tumingin si sir Geo mula ulo hanggang paa ko, seryoso ang mukha. Kinabahan lalo ako.

“Dad, meet my girlfriend… soon to be wife,” sabi ni Josh.

Nanlaki ang mata ko. Kinabahan ako lalo kasi iba na ang tingin ng ama niya.

Hindi ko kasi nasabi sa inyo: dalawang linggo matapos yung incident, palagi na akong binibigyan ni Josh ng bulaklak pag-uwi niya galing trabaho. Gustong-gusto ko yun, feeling ko babae na ako. Minsan din, kasama ko siya sa pool area, nagtatanong siya ng kung ano-ano para lang may mapag-usapan kami. Gusto ko rin yun.

Meron pa na sinamahan niya akong bumisita sa Angels House, yung ampunan ko. Sa mga simpleng bagay na yun, doon ako nahulog sa kanya. Pero hindi ko alam na ipapakilala niya pala ako sa tatay niya… bilang girlfriend, at ang malala — soon to be wife! Pero okay lang naman, gusto ko rin naman to hahaha.

Tumayo si sir Geo, seryoso pa rin, at lumapit. Tinaas niya ang kamay na may hawak na wine. Napapikit ako kasi naalala ko yung eksena sa pelikula na ibubuhos ang laman ng baso.

“Cheers to my son! May girlfriend na rin siya, sa wakas!” sigaw ni sir Geo.

Napadilat ako. Nakita ko nakangiti si sir Geo, pati si Josh. Lumapit na rin ang mga kapatid niya. Nagpalakpakan ang mga bisita.

Niyakap ako ng mga kapatid niya at sinabing “Congrats! Welcome to the family.”

Huling yayakap na sana si Gavin pero pinigilan na ni Josh. Natawa na lang ako.

“Welcome to the family. I’m happy dahil sayo nagbago ang anak ko. Simula nung mawala ang ina ni GM, para na siyang robot, puro trabaho. Pero nung dumating ka, bumalik ang anak kong si Josh — masayahin at mapagmahal sa pamilya. Kaya thank you,” mahaba pero nakakatouch na sabi ni sir Geo, sabay yakap sa akin. Napaiyak ako.

“Why are you crying, my dear?” nag-aalalang tanong ni sir Geo.

“Ganito pala ang yakap ng isang ama,” sagot ko habang tuloy ang tulo ng luha ko.

“Oh dear, you can call me Dad too,” nakangiti siyang sabi, sabay yakap ulit.

“So can I call kuya Jay… mommy or dada?” cute na tanong ni GM.

Naghiwalay kami ng yakap at sinagot ko.

“You can call me dada o kahit ano, baby,” sabi ko habang pinupunasan ang mukha ko.

“May dada na ako, Daddy!” tuwang-tuwang sigaw ni GM kay Josh. Tumakbo siya sa akin, nagpabuhat, at niyakap ang mukha ko.

“I love you, dada ko,” sabi ni GM at hinalikan ang bawat sulok ng mukha ko. Nagtawanan ang pamilya.

“Well, let the celebration continue!” sabi ni sir Geo. Nagpatuloy ang tugtog.

Lumapit si Josh sa akin, nakangiti.

“So asawa na kita,” sabi niya. Hinila ang mukha ko at hinalikan ako sa harap ng lahat.

Ang sarap ng labi niya! Gosh!

CHAPTER 24

Jay POV

Natapos na ang party at nagsi-alisan na ang mga bisita. Yung magkakapatid at si sir Geo ay dumiretso na rin sa kani-kanilang mga silid.

Ito ang maganda sa mansyon ni Josh: may kanya-kanyang kwarto pa rin ang kanyang mga kapatid. I think ganun din sa mga mansyon nila.

“Masaya ba ang asawa ko?” tanong ni Josh habang paakyat na kami sa kwarto niya.

“Nakakagulat ang mga kaganapan kanina, pero masaya ako,” sabi ko at tumingin ako sa kanyang mga mata.

Pero sa hindi malamang dahilan, parang biglang uminit ang katawan ko nung nagtitigan kami. Kaya bigla ko siyang hinila at hinalikan sa labi.

Binuhat ako ni Josh habang patuloy ang aming halikan, saka niya ako dinala sa kanyang kwarto. Binuksan niya ang ilaw at inihagis ako sa kama.

Ito na ba? Isusuko ko na ba ang bataan? Tinanggal na ni Josh ang kanyang mga damit habang nakatitig sa akin ng malagkit. Ganun din ang ginawa ko, hinubad ko ang lahat habang nakatitig sa kanya. Boom! Bumalandra ang aming mga hubad na katawan.

Kitang-kita ko ang kanyang magandang katawan, lalo na ang malaki niyang alaga. Napalunok na lang ako bigla. Lahat ng ito ay bago sa akin, pero ayokong pigilan ang init na nararamdaman namin. Kaya lumuhod ako sa harap ni Josh at sinubo ang kanyang alaga. Hindi ko alam ang tamang paraan pero ginaya ko na lang ang napanood ko sa porn dati.

Sa una, nahirapan pa ako dahil nag-aadjust pa ang panga ko. Hanggang sa nasanay din ako. Hinawakan ni Josh ang ulo ko at sinimulan niya akong bayuhin.

Hindi ako makahinga pero nasasarapan ako, kaya hinayaan ko lang. Mas lalo pa akong nalibugan nang marinig ko ang kanyang mga ungol.

Kahit nahihirapan ako sa laki at haba ng kanyang alaga, diniin ko pa lalo ang pagkakasubo hanggang sa maabot ang kaibuturan ng lalamunan ko. Ang sarap, shet!

Binuhat ako ni Josh, pinatuwad sa kama, saka dinilaan ang aking pwet na talagang nagustuhan ko. Pinasok niya ang kanyang dila, sunod ang daliri. Pagkatapos, nilawayan niya ang kanyang alaga at dahan-dahang ipinasok sa aking butas.

Sa una, hirap kaming ipasok kasi ang laki talaga.

“Relax, love. Hinga nang malalim,” sabi ni Josh.

Sinubukan kong kumalma hanggang sa naipasok na niya nang tuluyan. Hanggang sa binilisan na niya ang pagbayo na talaga namang nagpabaliw sa akin. Minsan binabagalan niya pero ako naman ang hayok, ginagalaw ko ang aking pwet para mas bumilis ang paglabas-masok ng alaga niya.

Iba’t ibang posisyon ang ginawa namin. Tatlong beses na akong nilabasan, limang beses naman siya. Hindi na namin namalayan ang oras. Napapikit na lang ako sa sobrang pagod.

Anak. Anak.

Bigla kong iminulat ang mga mata ko at nakita na naman ang sarili ko sa gitna ng naglalakihang apoy.

Andito na naman ako? Bakit ba lagi na lang dito?

“Anak.”

Yan ang tinig na naririnig ko.

“Mama!? Mama!? Asan ka!?” sigaw ko habang naglalakad sa gitna ng apoy.

“Si mama mo to… Mama Li… Lith…”

Josh POV

Mahimbing akong natutulog nang marinig ko na parang may umiiyak sa tabi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ng taong mahal ko na umiiyak. Ginising ko na siya para hindi mabangungot.

“Jay, love, gising na. Baka bangungutin ka nang tuluyan,” sabi ko habang niyuyugyog ko siya ng kaunti. Iminulat niya ang kanyang mga mata.

“Okay ka lang?” tanong ko. Bigla niya akong niyakap.

“Payakap muna ako,” mahina niyang sabi. Napangiti ako dahil ang cute niya talaga, pero binalewala ko muna yun. Hindi ito ang tamang oras para kiligin.

“Bakit? Masama ba napanaginipan mo?” tanong ko.

“Oo, napanaginipan ko na naman yung sarili ko na nawawala sa gitna ng malalaking apoy at hinahanap si mama,” sagot niya.

“May nakita ka ba?” tanong ko.

“Maraming beses ko na tong napapanaginipan pero ngayon ko lang narinig ang pangalan niya,” sabi niya.

“Ano naman iyon?” tanong ko ulit.

Tiningnan niya ako sa mata. God, I really love those eyes. Nakakalibog, pero kidding aside…

“Lilith,” sabi niya.

Pagkarinig ko ng pangalan na yun, parang may kung anong kilabot akong naramdaman.

“Pero matulog muna tayo, inaantok pa ako dahil tinodo mo kagabi,” mapanlokong sabi niya.

“Baka gusto mo pang ulitin?” pabirong tanong ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang itinaas ang kumot at sinubo ang alaga ko. Napaigtad ako.

Akala ko ako lang ang malibog, pati pala siya. But I like it!

Hinawakan ko ang kanyang ulo at sinasagad ang pagkakasubo para maramdaman ko ang init ng bibig niya.

Bigla siyang bumitaw at inalis ang kumot. Inupuan niya ang alaga ko. Kitang-kita ko ang katawan niya, slim na may kaunting abs.

Taas-baba siyang gumalaw, binibilisan at sinasagad. Napapatirik na lang ang mata ko sa sobrang sarap.

Shet! Nilabasan na ako.

“Isa pa?” tanong ko kay Jay, pero biglang…

“Dada? Daddy?” sabay katok ng maliit na boses sa labas ng kwarto namin. Well, kwarto na namin mula ngayon, nakangiti kong naisip.

“Pass na muna, nandiyan na si GM,” nakangiting sabi ni Jay.

“Masakit man sa kalooban pero… yes boss,” sabi ko na nagpatawa sa kanya.

“Yes baby, hintayin mo lang ako d’yan,” sabi ni Jay at pumunta sa banyo.

Oh, I really love him — and his ass. But most especially, HIM.

CHAPTER 25

Jay POV

Nandito kami ngayon sa Boracay para magbakasyon, at gusto ko rin ito para kahit paano makapagpahinga at makita ang islang ito.

Naglalaro si Gm malapit sa dagat, habang si Josh naman ay bumili ng maiinom na shake kasi lately parang nagke-crave talaga ako ng mango shake.

Habang nakaupo ako at nakatingin kay Gm, may kung anong malamig na dumampi sa pisngi ko. Nang tinignan ko, nakita ko si Josh na hawak ang mango shake habang nakangiti.

Napangiti ako sa ginawa niya, saka kinuha ang shake na inabot niya.

“Ikaw talaga, ano naman ang binili mo para kay Gm?” tanong ko sa kanya.

“The usual, yung paborito niyang choco shake,” sagot niya.

“Baby, nandito na yung choco shake mo,” sabi ko. Tumakbo si Gm palapit at kinuha ang shake, saka umupo sa tabi ko. Ako naman ay ibinaba ang iniinom ko at inayos nang kaunti ang buhok ng batang cute na ito.

“Nag-eenjoy ba ang anak ko?” nakangiting tanong ni Josh kay Gm, at tumango lang siya kasi may straw pa sa bibig niya.

Maya-maya, sinabi ko kay Josh na maglalakad-lakad muna ako para bumili ng mga pasalubong para sa mga bata sa Angels House.

Sasama pa sana si Josh, pero sinabi kong bantayan niya muna si Gm na naglalaro ulit malapit sa dagat. Mahirap na, baka may nakamasid na naman sa amin tulad ng nangyaring pagkidnap noon kay Gm.

Buti na lang may kasama kaming mga bodyguards ngayon na nakasuot ng pang-bakasyon para hindi halata at hindi mailang ang ibang tao dito sa Boracay.

Hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako sa pwesto namin, at biglang may nabangga akong tao. Hindi ko sinasadya kasi nakatingin ako sa dagat habang naglalakad.

“Ay, sorry po,” sabi ko. Nakita ko ang dalawang lalaking magkahawak-kamay. Siguro mag-jowa sila. Pero nang tingnan ko ang matangkad at gwapong lalaki, seryoso siyang nakatingin sa akin.

“At bakit may demonyo na nakalabas sa empyerno at naglalakad dito sa mundo ng tao?” sabi niya sa akin. Napakunot ako ng noo.

Demonyo? Ako ba ang tinutukoy ng lalaking ito?

“Pinagsasabi mo?” sagot ko sa kanya.

Nagulat na lang ako nang biglang pumula ang mata ng lalaki at hindi na ako makasigaw o makagalaw.

Umilaw ang kanyang kamay, at ikinagulat ko iyon.

“Bumalik ka sa empyerno at huwag na huwag kang lalabas,” sabi niya, pero biglang kinurot siya ng kasama niyang mas maliit at cute na lalaki.

“At sinong nagsabing gawin mo yan, aber?” sabi ng maliit na lalaki.

“Love naman! Ito na oh, ibabalik ko na siya sa empyerno,” sagot ng matangkad na lalaki habang hawak ang kinurot na parte.

“Shhh! Ako na ang kumausap sa kanya. Tanggalin mo yung mahika para makapagsalita siya,” sabi ng maliit na lalaki. Tinanggal ng matangkad na lalaki ang mahika, at agad akong nakasigaw.

“Tulong! Tulong!” sigaw ko. Bigla akong sinampal ng maliit at cute na lalaki.

“Manahimik ka! Pashnea! Eme! Ako lang ang magsasalita, diba?” sabi niya sa akin pagkatapos niya akong sampalin, medyo malakas.

“Hi, ako nga pala si Quin at ito ang asawa kong si Devon. And yes, he’s a demon,” sabi niya.

“Demonyo?!” gulat kong sagot.

“Tama! Correct! Perfect! Demonyo nga! At itong asawa ko, nakakadetect ng kapwa niyang demonyo. Kanina nga lang sinabi niya na isa kang demonyo,” sabi ni Quin.

“Hindi ko alam yang pinagsasabi nyo! Hindi ako demonyo!” galit kong sagot. Biglang lumakas ang hangin.

“Nararamdaman mo ba na parang biglang lumakas ang ihip ng hangin?” tanong ni Quin.

Napansin ko nga na lumakas ito.

“Bakit naman? Anong konek ng hangin sa pagiging demonyo ko?” tanong ko.

“Exactly! Ikaw ang dahilan kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin. Dahil yata yan sa emosyon mo,” sabi ni Quin. Parang sinampal ako ng realidad, pero ayokong maniwala na isa akong demonyo.

“Hindi ako demonyo! Pakawalan nyo ako! Para makaalis na ako dito! Tulong!” sigaw ko ulit.

“Sir Jay!” sigaw ng isa naming bodyguard at nagpaputok ng baril.

Pero biglang tumigil ang oras. Kitang-kita ko ang bala na parang huminto sa ere.

“Isang tanong, isang sagot. May nangyari na bang kababalaghan sa’yo?” tanong ni Devon. Naalala ko yung nangyari kay Gm sa hagdan at mga napapanaginipan ko.

“Me… mer… meron,” utal kong sagot.

“At yan nga kaibigan ang nagsasabing isa kang demonyo,” sabi ni Devon.

“By the way, he is Devon, the Prince of Hell,” pakilala ni Quin. Nagulat ako.

“So… ama mo si Lucifer?!” gulat kong tanong.

“Yup, the one and only Lucifer,” sagot niya na nakangisi.

“Tapos asawa mo siya, Quin? So, demonyo kayong dalawa?!” tanong ko.

“Nope, sister! I’m human and he’s a demon. Nainlove siya sa akin. Basta! Mahabang kwento. Basahin mo na lang yung story namin ni love sa ‘My Cute Demon Kid.’ Maganda yun!” nakangiting sabi ni Quin.

“Nag-promote ka pa talaga love, hahah,” tawa ni Devon kay Quin.

Habang pinapanood ko silang nagkukulitan, nakarelax na ako kaya sinabi ko, “Okay na, pakitanggal na yung mahika sa akin para makagalaw na ako. At kung kaya mo mahal na prinsipe, patulugin mo na rin yung bodyguard ko at tanggalin ang memorya niya sa nangyari ngayon para safe ako sa asawa ko.”

“Bakit!? Yaya mo ba ako?!” sungit na sagot ni Devon, pero binatukan siya ni Quin.

“Gawin mo na!” sabi niya. Nagdabog man, sinunod pa rin ni Devon ang sinabi ko.

Wow, under pala ng isang tao ang isang demonyo, hahah. Natawa na lang ako.

Takot ako, pero isinantabi ko muna kasi may kailangan akong malaman sa nakaraan ko. Kung isang demonyo ang makakasagot nun, gagawin ko ang lahat. Kakapalan ko ang mukha ko para makipagkasundo kay Devon o kahit kay Lucifer, dahil sinabi nilang demonyo rin ako.

Mahirap tanggapin, pero kung ang pagiging demonyo ko ang daan para mahanap ko ang aking ina at malaman ang buong kwento ng pagkatao ko, gagawin ko ang lahat para makausap si Lucifer at makipagkasundo.

CHAPTER 26

Jay POV

“Okay na, wala na siyang maaalala pag binalik ko na ang takbo ng oras dito sa pwesto natin,” sabi ni Devon sa amin ni Quin.

“Mahal na prinsipe, may hiling sana ako,” sabi ko kay Devon at napatingin silang mag-jowa sa akin.

“At ano naman yun?” kunot-noong tanong ni Devon.

“Gusto kong makipagkasundo kay Lucifer,” sabi ko.

“Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?” tanong niya, halatang nagtataka.

“Meron akong gustong mahanap. Gusto kong mahanap ang aking ina,” sagot ko.

“Madali lang hanapin ang iyong ina kung tao siya,” sabi ni Devon.

“Bakit hindi ka na lang sa kanya humingi ng tulong love?” tanong ni Quin kay Devon.

“Wala akong ganoong kapangyarihan, kaya kay ama na lang siya magpapatulong,” paliwanag ni Devon kay Quin.

“Pero ano ang kwento mo? Hindi ka ba talaga galing sa empyerno at lumabas dito sa mundo para maghasik ng lagim?” seryosong tanong ni Devon sa akin.

“Wala akong intensyon na saktan ang mga taong napamahal na sa akin. Kasi ipinanganak na ako dito sa mundo ng mga tao,” sagot ko.

“So, maaring ang iyong ina o ama ang demonyo at tumakas lang sila mula sa empyerno,” sabi ni Devon.

“At dahil gusto mong makipagkasundo kay ama, pwede kitang dalhin doon,” dagdag pa niya.

“Pag pumunta tayo sa empyerno, paano ang iiwan ko dito? Sina Josh at Gm?” tanong ko, may halong pag-aalala.

“Wag kang mag-alala, magkaiba ang takbo ng oras dito sa mundo at sa empyerno. Love, sama ako, kamustahin ko lang si Ate Agatha,” sabi ni Quin kay Devon.

“Tayo na love. At ikaw… Jay, ’di ba?” tanong ni Devon.

“Jay nga,” sagot ko.

Kinumpas ni Devon ang kanyang kamay at lumitaw ang isang bilog na ilaw — ito na yata ang lagusan papuntang empyerno. Naglakad silang dalawa, at sumunod ako.

Pagpasok ko, nakita ko ang isang napakagandang kaharian na napapalibutan ng apoy at lava. Naglakad kami papunta sa malaking pintuan, at bigla itong bumukas nang mag-isa.

“Quin!” masayang sabi ng isang boses. Napatingin kami at nakita ko ang isang magandang babae na lumapit at niyakap si Quin.

“At ang kapatid ko na sakit sa ulo, si Devon,” nakangising sabi ng babae kay Devon.

“Hindi ako sakit sa ulo! Tanungin mo pa si love,” naka-pout na sagot ni Devon.

“Asus! Wag ako! Bakit nga pala kayo naparito? At sino yang kasama ninyo?” tanong ng babae, sabay tingin sa akin.

“Gusto niyang makipagkasundo kay ama,” sagot ni Devon.

“Interesting… dito tayo,” sabi ng babae at nauna nang naglakad. Sumunod kami.

“Sya nga pala, si Ate Agatha, kakambal ni Devon,” bulong sa akin ni Quin.

“So, tell me, bakit gusto mong makipagkasundo sa aming ama, ang nag-iisang Lucifer? Hindi ka ba natatakot na baka buhay ang kapalit?” seryosong tanong ni Agatha.

“Gusto ko lang mahanap kung nasaan ang mama ko… ang mga magulang ko,” sagot ko.

Sa harapan namin, may nakita akong malaking trono, at doon nakaupo ang kinatatakutan ng buong sangkatauhan — si Lucifer.

“Naparito kayo, Devon,” umalingawngaw ang malalim na boses ni Lucifer. Natakot ako, pero wala nang atrasan.

Nilakasan ko ang loob ko, naglakad ako at lumapit.

“Mahal na hari,” sabi ko. Humarap siya at tinignan ako. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.

“Lilith…” sambit niya, na ikinagulat ko. Yun ang pangalang lagi kong iniisip kung sino ang aking ina.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Kita ko ang lungkot sa kanyang mata.

“Paano mo kilala ang mama ko?” tanong ko.

“Ama… Lilith? Bakit nyo binabanggit ang pangalan ni ina dito?” tanong ni Devon, halatang nagulat.

“At paano mo nalaman ang pangalan na Lilith?” tanong din ni Devon sa akin.

Lumayo ako kay Lucifer at tinignan silang lahat, saka ko binalik ang tingin sa kanya.

“‘Lilith’ ang sabi ng isang boses sa panaginip ko. Sinabi niya na siya ang mama ko,” naiiyak kong sagot.

“Kaya ako nandito… para makipagkasundo sa inyo, mahal na hari, para mahanap ko ang mama ko. Ito oh,” sabi ko, sabay pakita ng kwintas. “Sinabi ni Mother Teresa na suot-suot ko na daw ito nung natagpuan nila ako sa gate ng bahay-ampunan.”

Pagkakita nila sa kwintas, nagulat silang lahat.

“Kapareho ng kwintas ni ina na binigay niya sa akin nung bata pa tayo, Devon,” sabi ni Agatha. Kinumpas niya ang kamay at lumabas ang isa pang kwintas — kapareho ng akin.

Biglang umilaw ang dalawang kwintas, lumipad sa ere, at nagsanib.

Maliwanag na liwanag ang lumabas, at mula doon ay lumitaw ang pigura ng isang babae na kamukha ko.

“Mama… mama ko…” mahina kong sambit, at pumatak ang luha ko.

Biglang nagsalita ang pigura.

“Kung napapanood nyo ito ngayon, mahal kong Lucifer, at ang dalawa kong anak na sila Devon at Agatha, ibig sabihin ay nakatungtong na sa empyerno ang anak ko… ang anak natin, Lucifer. Buntis ako nung lumabas ako sa mundo ng tao,” mahabang sabi ni mama.

Napatingin ako kay Lucifer, at sila Agatha at Devon ay nakatingin din sa akin.

“Matagal na akong nagdududa kung bakit walang naghahanap sa akin. Matagal na akong naghahangad na magkaroon ng ama,” mahina kong sabi habang umiiyak.

“May bunso pala kami,” nakangiting sabi ni Agatha, at mabilis niya akong niyakap.

“Kaya pala parang may kakaiba akong naramdaman sayo nung una kitang nakita,” sabi naman ni Devon, sabay yakap. Mas lalo akong napaiyak.

“May kapatid pala ako… may ate at kuya pala ako,” sabi ko habang humahagulgol.

Pagkatapos, lumapit si Lucifer, iniabot ang kamay niya na parang nagyayaya ng yakap.

“Papa…” nakangiti kong sabi, at yumakap ako sa kanya.

Devon POV

Kitang-kita ko ang saya ni ama habang yakap si Jay — ang bunso pala namin. Hinawakan ni Quin ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti. Humawak din si Agatha sa balikat ko at sabi niya:

“Matagal ko nang hiniling na magkaroon tayo ng nakakabatang kapatid… natupad din.”

Magsasalita na sana ako nang muling nagsalita ang pigura ni ina.

“At kung napapanood nyo na ito, maaaring wala na ako o hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Kasi may humahabol sa amin na mga anghel noong nagdadalang-tao ako sa anak natin, Lucifer. Sila rin ang dahilan kung bakit hindi ako makabalik sa empyerno. Kaya namuhay ako bilang tao sa mundo at doon ko ipinanganak ang anak natin. Pero lumala ang paghahanap nila kaya iniwan ko ang anak natin sa bahay-ampunan at iniwan ang kalahati ng kwintas. Sana, pag nakabalik siya dito, malaman ninyo ang lahat sa pamamagitan ng mahika sa kwintas. Gagawin ko ang lahat para mabuhay, kaya sana gawin nyo rin ang lahat para mahanap nyo ako. Sa mga anak kong kambal, sa asawa ko, at sa bunso natin… mahal na mahal ko kayo,” sabi ni ina. Biglang may malakas na tunog at nawala ang pigura.

“Mga anghel…” malalim na sabi ni ama at biglang nagdilim ang paligid.

Pero hinawakan ni Jay ang kamay ni ama, at unti-unting kumalma ang silid.

Nabigyan ako ng pag-asa na makukumpleto ulit ang pamilya namin. Gagawin ko ang lahat para mahanap si ina.

CHAPTER 27

Jay’s POV

Matagal kaming nagkwentuhan dito sa may balkonahe ng palasyo.

Bigla kong naalala sina Josh at GM.

“Oh my gosh! May kasama pala ako sa mundo ng mga tao,” napasinghal ko.

“Relax, bunso. Pag nandito ka sa impyerno, mas mabilis ang takbo ng oras. Isang minuto o oras lang ang katumbas niyan sa mundo ng tao,” sabi sa akin ni Ate Agatha.

Medyo nahihiya ako na tawagin silang ate, kuya, at papa. Pero sabi ni Papa — si Lucifer — okay lang daw na tawagin ko sila kung anong gusto ko.

“Ahmmm, pwede na po ba akong bumalik?” nahihiyang tanong ko.

“Ngayon na?” tanong ni Papa, at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Tumayo ako, lumapit sa kanya, ngumiti, at nagsabi, “Babalik din ako dito sa palasyo. Kayo ang tahanan ko. Ito ang tahanan ko.” Sabay tingin kina Ate Agatha at Kuya Devon.

Tumayo si Ate at lumapit sa akin, tapos niyakap niya ako.

“Well, mami-miss kita. Or what if dumalaw ako sa bahay nyo sa mundo ng mga tao? Gusto ko ring makilala yung taong nagpapatibok ng puso ng bunso namin,” pabirong sabi ni Ate.

“No worries, nandoon ako, at dapat makita ko talaga ang lalaking yun,” seryosong sabi ni Kuya.

Seryoso ko rin siyang tiningnan. “At bakit, Kuya? Anong gagawin mo sa kanya?” tanong ko. Tumayo si Devon, lumapit sa akin, biglang ginulo ang buhok ko at sabi:

“Wala lang, bunso. Gusto ko lang naman siyang makilala eh,” naka-pout pa niyang sabi.

“Panget mo!” sabi ni Ate kay Kuya. Nagkatawanan kami sa asaran nilang dalawa.

“Oh siya, basta bisitahin mo kami dito, anak. At wag kang mahihiyang tumawag sa akin pag may kailangan ka,” sabi ni Papa.

“Paano po ako tatawag sa’yo, Papa?” tanong ko.

“Banggitin mo lang ang pangalan ko,” nakangiti niyang sabi.

“Pati ako rin, bunso. Banggitin mo lang pangalan ko,” sabi ni Ate.

“And also me,” sabi ni Kuya.

“Okay, babalik na po kami sa Earth, Ama, Ate. Tayo na guys,” sabi ni Quin.

Bumukas ang lagusan sa harapan namin.

“Let’s go,” sabi ni Kuya.

Babalik na sana kami nang…

“Papa, mahahanap din natin si Mama,” nakangiti kong sabi. Tumango silang lahat.

Kumaway ako sa kanila at naglakad papunta sa lagusan.

Isang puting ilaw ang bumungad sa akin at pagdilat ko, nasa beach na ulit kami kasama sina Quin at Kuya Devon.

Nakita ko na wala na yung guard.

“Wag kang mag-alala, bunso. Siguro bumalik na yung guard dun sa pinanggalingan niya. And for now, mag-eenjoy lang muna kami ni love. Tawagan mo ako pag kailangan mo ng tulong ni Kuya, okay?” sabi ni Kuya. Tumango ako, at bumalik na ako kung nasaan sina Josh at GM.

“Saan ka nanggaling?” tanong ni Josh nang umupo ako sa tabi niya.

“Diyan lang sa tabi-tabi,” sagot ko.

“Nakabili ka ba ng panregalo mo sa mga kapatid mo sa bahay-ampunan?” tanong niya, tinutukoy ang mga bata sa Angel’s House na parang mga kapatid ko na rin.

“Ay oo nga pala! Nakalimutan ko na. Babalik na lang ako bukas para magtingin-tingin ng ireregalo,” yun na lang ang sinabi ko. Kasi paano ko naman sasabihin na galing akong impyerno — baka isipin niyang nababaliw na ako.

Natapos na maglaro si GM at ramdam na rin namin ang init, kaya tinawag na namin siya para makapagpalit na. May pina-reserve si Josh na kwarto sa hotel na tinutuluyan namin.

Third POV

“Oras na para magpatulong sa kanya,” sabi ng isang boses.

“Sigurado ka? Pag nagpatulong tayo sa kanya, dapat may kapalit na buhay,” sagot ng isa.

“Edi kumuha na lang diyan sa tabi-tabi!” singhal ng isa pa.

“Dapat na natin silang pabagsakin. Kung kinakailangan ng isang buhay para makausap siya, wag na tayong magpaligoy-ligoy pa,” sabi ng boses ng lalaking nakaupo sa gitna ng mahabang lamesa.

Pumayag ang lahat ng tao sa kwarto.

Sinensyasan nila ang isang bodyguard na maghanap ng tao. Lumabas ito, sumakay sa van, at naglibot sa syudad. May nakita silang batang naglalakad mag-isa, kaya walang pag-aalinlangang binuksan nila ang pinto ng van, dinampot ang bata, at pinaharurot ang sasakyan.

Kinabukasan…

Naka-upo ulit ang mga tao sa kwarto, hinihintay ang bodyguard. Nang bumukas ang pinto:

“Ito na po, sir,” sabi niya, buhat-buhat ang batang tulog.

Tumayo ang leader nila, may ngiti sa labi.

“Magaling, magaling. Meron na tayong iaalay. Tuloy ang seremonya,” sabi niya sabay tawa ng masama.

“Sigurado ka boss? Bata pa yan. Baka i-report sa pulisya at masangkot tayo sa kidnapping,” sabi ng isa.

“Wala akong pake! Matagal na natin itong ginagawa. Babayaran ang mga pulis at mananahimik sila. And don’t worry, may kakampi tayo sa lungga ng mga pulis,” nakangising sagot ng leader.

CHAPTER 28

JAY POV

Tringggg…

Biglang tumunog ang telepono sa kwarto. Kagagaling ko lang din sa banyo.

Nakalabas na pala sina Josh at Gm, kaya dali-dali akong lumapit kung saan naroon ang telepono.

“Hello,” sabi ko.

“Gusto mo bang makita ang ina mo?” sagot ng isang boses sa kabilang linya na siyang ikinabigla ko.

“Hello! Sino ’to!? Nasaan ang mama ko!?” may galit na sa boses ko.

“Kung gusto mong makita ang ina mo, pumunta ka sa address na ipapadala namin sa’yo. Dapat wala kang kasama,” mahaba niyang sabi bago ibinaba ang tawag.

“Hello! Hello!” sigaw ko, pero wala na. Ibababa ko na ang telepono nang bigla akong makatanggap ng text message mula sa unknown number. Akala ko address ang nakalagay, pero puro salita lang ang nandun.

Naguguluhan ako kaya tinawag ko si Kuya Devon sa isip ko.

Kuya, kailangan kita, bigkas ko sa sarili. Ilang saglit lang ay lumitaw siya.

“Ano yun, bunso?” tanong niya.

“Kuya, may tumawag at sinabi nilang hawak nila si Mama,” sabi ko, pilit na ngumiti pero bakas ang pag-aalala sa mukha ko.

“Sino? Nasaan siya!?” mabilis na tugon ni Kuya.

“Sinabi nilang magsesend sila ng address pero iba naman ang dumating, kaya tinawag kita para makita mo,” paliwanag ko sabay pakita ng text message.

“Isa itong spell papunta sa isang lugar, pero baka patibong,” sabi ni Kuya.

“Kuya, wala akong pakialam, si Mama ’to!” naiiyak kong sagot. Nilapitan ako ni Kuya at niyakap.

“Kumalma ka lang, bunso. Oo, pupunta tayo, pero pag-uusapan muna natin ito kina Ate at ni Ama,” sabi niya.

Biglang pumasok sina Josh at Gm.

“Sino ka!?” galit na tanong ni Josh.

“Let me explain,” sabi ko.

Makalipas ang isang oras ng pagpapaliwanag na kapatid ko si Kuya Devon at nahanap ko na ang pamilya ko, kumalma rin si Josh at Gm. Pero sinabi ko na hinahanap pa rin namin si Mama.

“May pupuntahan lang kami ni Kuya Devon, Josh at baby Gm,” sabi ko.

“Sasama ako. Gusto kong tumulong sa paghahanap ng mama mo,” seryoso niyang sagot. Napatingin ako kay Kuya at nakita ko sa mata niya ang pahiwatig na huwag, baka mabunyag ang sikreto namin.

“Huwag na. Kontakin mo na lang ang mga connections mo para hanapin si Mama. Gagawin din namin ang makakaya namin. Mag-iingat kayo, mahal,” sabi ko sabay yakap kay Josh at Gm bago kami umalis.

JOSH POV

Parang may hindi sinasabi sa akin si Jay, pero binalewala ko na lang at nagfocus sa paghahanap ng nanay niya.

Tinawagan ko lahat ng connections ko, pati na rin ang mga kapatid ko, at sinabi ang sitwasyon.

Mahahanap

din natin ang mama mo, mahal.

JAY POV

Paglabas namin sa kwarto, hinawakan ako ni Kuya at bigla kaming naglaho. Pagmulat ko, nasa harap kami ng isang bahay.

“Asan tayo, Kuya?” tanong ko.

“Nasa bahay namin ni Mahal,” sagot niya at naglakad papasok.

“Oh, Jay, mahal?” tanong ni Quin.

“May pupuntahan kami ngayon. Pag nakita mong umilaw ang kwintas, tawagin mo si Agatha at ipabasa itong message na ifo-forward namin,” sabi ni Kuya sabay abot ng kwintas kay Quin. Finorward ko naman ang mensahe.

“Tayo na,” sabi ni Kuya sabay hingi ng cellphone ko. Binasa niya ang laman ng text.

Thýra

se

mystikó

tópo

,“ bigkas niya at biglang lumabas ang isang pintuan.

Naglakad kami papasok. Tumingin si Kuya kay Quin at ngumiti, ganoon din ako, bago namin binuksan ang pinto.

Sumabog ang matinding ilaw at sa una naming nakita ay ang babaeng matagal ko nang hinahanap—si Mama. Gusgusin siya, punit ang damit, nakakadena ang kamay at paa habang nakabitin sa ere.

May mga taong nakapalibot pero natatakpan ang mga mukha. Ang mas ikinagulat ko, may dalawang anghel na nakapuwesto sa kaliwa’t kanan ni Mama.

“Kuya, bakit may mga anghel?” tanong ko.

“Mga anghel ang kalaban natin! Sino kayo?! Pakawalan n’yo ang ina ko!” galit na sigaw ni Kuya. Kumumpas siya ng kamay at lumabas ang apoy, pero biglang naglaho ang isang anghel at sinalag iyon.

“Katapusan n’yo na, mga demonyo!” sigaw ng anghel sabay sagupa kay Kuya.

Isang anghel ang susugod sana sa akin nang biglang—

“Bunso!” tawag ni Kuya, pero dumating si Ate Agatha at sinalag ito.

“Ate! Paano ka nakarating dito?” gulat kong tanong.

“Sinabihan ako ni Quin,” sagot niya habang nakikipaglaban.

Ako naman, nanghihina pero binalewala ko at tumakbo palapit kay Mama. Biglang hinarang ako ng mga taong bantay. Nilabanan ko sila hanggang sa itutok nila ang baril kay Mama.

“Tumigil ka kung ayaw mong barilin namin ang babaeng ito,” banta ng isa.

Biglang dumilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyari.

DEVON POV

Naramdaman kong nag-iba ang hangin kaya napatingin ako kay Agatha. Sabay naming tinignan ang gawi ni Jay.

Nakita naming lumipad siya sa ere—nakawangis demonyo na. Kumumpas siya ng kamay at sabay-sabay naputulan ng ulo ang mga taong bantay.

Habang nagugulat kami sa nangyayari, sinugod na naman kami ng mga anghel.

AGATHA POV

Gusto kong pigilan si Jay, pero inipit kami ng mga anghel gamit ang artifact.

“Demonyo! Itigil mo na ’yan o papatayin namin ang mga kapatid mong demonyo!” banta nila.

THIRD POV

Tumingin si Jay gamit ang malamig na mata sa mga anghel.

“Binibigyan ko kayo ng pagkakataon na pakawalan sila kung gusto n’yong mabuhay,” malumanay niyang sabi.

“Hah! Isa ka lang hamak na demonyo!” sagot ng anghel—pero bigla itong parang nasakal. Pati ang isa pang anghel.

“Mga anghel kayo, pero mas masahol pa kayo sa mga demonyo,” malamig na sabi ni Jay bago niya sila pinugutan ng ulo at sinunog ang kanilang mga pakpak.

Lumapit siya kay Mama at kumumpas ng kamay. Nawala ang mga kadena at unti-unting bumaba ang walang malay na katawan niya.

Bigla namang lumitaw sa tabi ni Mama sina Devon at Agatha.

Bumaba si Jay, umiiyak habang demonyo pa rin ang anyo.

“Kuya, Ate, anong gagawin natin?” tanong niya.

“Pagalingin mo siya, Jay,” sagot ni Devon.

“Paano?” gulat kong tanong.

Hinawakan ni Agatha ang kamay ko at tinapat sa puso ni Mama.

“Isipin mong pinapagaling mo siya—mangyayari ’yon.”

Flashback – Agatha POV

“Ang kapatid mo ay nagmana ng kakayahan ng ina n’yo na magpagaling,” sabi ni Ama sa akin.

Back to Present

Hindi ko alam kung paano, pero inisip kong gumaling si Mama. Biglang nagliwanag ng pula ang katawan niya.

Pag nawala ang ilaw, nakita naming unti-unting dumilat ang kanyang mata at ngumiti.

“Kayo na ba ’yan, mga anak?” mahina niyang sabi.

Ng nakita ko na syang nakangiti ay niyakap ko ito agad habang sinusupurtahan ang bandang ulo neto

“Payakap nga rin sa kambal kong mga anak,” dagdag niya. 

Nagyakapan kaming lahat habang umiiyak sa muling pagkikita namin.

FINAL CHAPTER

Jay Pov

“Gm! Halika na dito at kakain na tayo,” sabi ko, at tumakbo ang bata papunta sa akin.

Isang taon na pala ang nakalipas at bumalik na ulit sa dati ang buhay ko. Heto kami ngayon ni Josh. Pero wag ka kasi nagpropose pala siya sa akin. We are engaged already, at si Josh naman ay hindi na makapaghintay na ikasal kami. Ang gusto niya sana ay agad-agad, na pagka-propose niya ay kinabukasan kasal na kaagad. Kaya natatawa na lang ako kapag naiisip ko ang senaryong iyon.

Ding dong.

“Baka si Lolo at Lola na ’yan, Dada,” sabi ni Gm. Oo nga pala, dada ang tawag ng cute na batang ito sa akin.

Naipakilala ko na sina Ate, Kuya, Mama, at Papa kina Josh at sa buong angkan niya, pero hindi pa rin nila alam ang misteryo at kababalaghan na bumabalot sa aming pamilya.

Tinakbo ni Gm ang pintuan at dali-daling binuksan iyon.

“Hello sa paslit na bata,” sabi ni Kuya at binuhat si Gm.

Lumapit naman ako sa kanila at niyakap sila isa-isa.

“Nasan ang asawa mo, nak?” mababang tanong ni Papa.

“Sorry po, medyo natagalan po akong magbihis,” sabi ng boses na bumaba sa hagdan. Nakita ko si Josh na inaayos ang kanyang damit.

Natawa naman ako, pero nilapitan ko siya at inayos ang kanyang buhok.

Lumapit siya kina Mama at Papa para magmano.

Kinamay naman niya sina Kuya at Ate.

“Nakahanda na ang makakain. Kain na tayo,” nakangiti kong sabi para maibaling nila ang atensyon sa akin, kasi ramdam ko ang kaba ni Josh. First time kasi niyang makasamang kumain ang pamilya ko.

“Pasensya po at busy ang mga magulang ko ngayon kaya hindi sila makakasama sa dinner na ito,” paliwanag ni Josh.

“Ano ka ba, nak, okay lang,” sabi ni Mama.

“Hindi okay,” sabi ni Papa pero biglang napa-aray dahil kinurot siya ni Mama na ikinatawa namin nina Ate at Kuya.

“Oh siya, kumain na tayo,” masayang sabi ni Mama, at nagsikainan na nga kami.

Habang kumakain, napatulala ako sa aking nakikita. Hindi ko in-expect na makikita ko ulit ang aking mga magulang at may mga kapatid pa ako ah. Hindi ako makapaniwala na masaya na ako ngayon, at sana wala nang darating pang problema.

Biglang may naglagay ng ulam sa plato ko. Paglingon ko, nakita ko si Josh na nakangiting nagsabing, “Kain na.”

Ngumiti ako pabalik at sinimulan nading kumain.

The End is not yet the END


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.