Spartan Modre (COMPLETED)
knightmystery · 29 chapters · 29,817 words
A.
Plagiarism is a crime gagawa ako ng kwento ko gumawa ka ng sayo kung ayaw mong mapa tulfo.
This is a BXB series 5 of Possessive man, hope y’all enjoy the story of Spartan Modre and Grizzy Hollow. Dahil most requested silang dalawa ay eto na muna ang sisimulan ko. Kung hindi niyo pa nababasa ang series 1-4 kindly read din po iyon para hayahay ang inyong buhay.
Asahan po natin na may wrong grammar, typo etc. sa kwentong ito.
Unedited.
Ok…let’s start? Hehehehehe
Start
“Grizzy!” Frencio hissed “dalian mo baka mahuli tayo”
“Chill man, hindi naman ako katulad mong pang akyat bahay yung galawan” inis kong sabi
Binato ko ang bag ko sa kaniya na nasalo naman niya, aakyat na sa bakod nang marinig ang pailyar na boses
“Gago man nandiyan na si Sir!” nag pa-panic na sabi ni Frencio
Ang pangit kasama ni Frencio laging kabado, hindi ko kasi mahagilap si Mimir saan nanaman kaya nagpunta yun? hindi man lang ako isama, malapit na ang yabag sa pwesto ko kaya minadali ko na ang pag akyat, hinila ako pataas ni Frencio at tahimik kaming tumalon sa kabilang bakod, nag fist bomb kaming dalawa
“Saan tayo?” ngisi kong tanong habang ang mga mata ay nasa screen ng cellphone
“May laro ng basketball sa Martini, punta tayo?”
Dinilaan ko ang gilid ng labi
“Bawal magpapasok don ah?”
“Pwede yan, may mga kaibigan ako sa loob tutulungan nila tayong ipasok” he said
“Ghe, G ako”
Gamit naming dalawa yung kotse ko at papunta kami ngayon sa Martini University. Strict doon, ang pwede lang makapasok ay mga estudyante nila at hindi estudyante ng ibang university. Pinahawak ko kay Frencio ang manibela ng sasakyan at nirolyo ko pababa ang bintana at inilabas ang kalahati ng katawan napamura si Frencio at hinihila ako papasok ngunit hindi ko siya pinansin, malakas akong tumawa at tinaas ang dalawang kamay.
This is what life feels like.
You need to enjoy!
This boring Frencio huwag niyong gayahin, kapag matanda nay an magsisisi yan dahil hindi niya ginawang exciting ang buhay bilang isang teenager!
“What the fuck man?” hindi niya makapaniwalang sabi nang kinuha ko na ang manibela sa kaniya
“What the fuck man?” I mimicked him
Gaya ng sinabi ni Frencio ay tinulungan kaming makapasok ng mga kaibigan niya sa loob ng Martini, nagkaroon nanaman ako ng bagong mga tropa ngayon.
Nagtapikan kami ng mga balikat bago nagtungo sa court, start na yung game maraming estudyante ang nakaupo sa bleachers, sa right side ng court lahat ay nakapula habang sa left side naman ay asul may mga hawak din silang mga banners at pom pom pang cheer sa mga manlalaro.
Nilibot ko ang tingin sa paligid, naghahanap ng target, nang may mahagilap akong isang babae na kabilang sa cheer daners na papalabas ng court
“Saan ka pupunta?” tanong ni Frencio
“Hindi ako lalayo”
“Huwag kang magpapahuli lagot tayo nito”
“Hindi yan” tinulak ko ito papalayo “huwag mo akong sundan!”
“Tangina mo bumalik ka”
Tumakbo ako papalabas ng court at hinanap yung babae, where is she? nakakita ako ng isang estudyante, may suot na salamin at may dalang mga papel, tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ula ulo hanggang paa ko….
“Nakita mo ba yung babaeng kakalabas lang ng court? maiksi yung buhok tsaka may dalang pink na handkerchief?” tanong ko
“Hindi ka estudyante dito” mataray niyang sabi
Uhmmm, bago pa ako makatakbo ay abilis niyang hinawakan ang laylayan ng uniporme ko
“Sumama ka sakin” he said
“Lalabas na ako, lalabas na ako” pilit kong inaalis ang kamay niya pero dumating na ang mga kasaahan nito
Nakasimangot ako habang kaharap yung principal ng Martini, tinanong nito kung may kasama pa akong pumasok dito sa university nila syempre dahil isa akong mabait na kaibigan ay hindi ko sinabing may kasama ako bahala silang mag overthink diyan. Sinamaan ako ng tingin nung principal she’s fat at may malaking nunal sa tungki ng ilong, manipis ang buhok pero naka bun siya, kulay violet lipstick niya! hindi ba niya alam na nagmumukha siyang mangkukulam sa kulay ng labi niya? sa dami ng shades na pwedeng gamitin violet pa ang napili.
Tinikom ko ang bibig upang pigilan ang paglabas ng tawa
“Ano ang nakakatawa?!” pinanlakihan ako nito ng mata ng makita ang panginginig ng balikat ko
Mas tinikom ko ang bibig at yumuko, fuck! kita ko pagtalsik ng laway niya!
“Nag ri-ring na po yung number ng school niya” yung nakahuli sakin ang may hawa ng cellphone at nasa tabi ng principal
“Yung mga estudyante talaga nila mga sakit sa ulo” which is true naman, hindi ko na itatanggi. “umayos ka ng tayo!”
Umayos ako ng tayo, tumahimik na nang sinagot na ang tawag.
“Hello?” sabi ng kabilang linya
“May nahuli nanaman kaming isa sa mga estudyante niyong pagala gala dito sa Martini” nanggigigil na sabi nung Principal
“A student? may I know his/her name?”
Kinagat ko ang ibabang labi
Lumapit sakin yung nakasalamin at basta nalang hinila ang ID ko, bangasan kita diyan eh
“Grizzy Hollow” he said
Maya maya pa ay tumahimik ang kabilang linya, patay nanaman ako nito.
“Hello, this is Professor Spartan Modre and Grizzy Hollow is one of my student, im very sorry….” napapikit ako ng mariin “pwedeng pakibigay yung phone sa kaniya? I just want to talk to him?”
No…..please no—labag sa kalooban na kinuha ko yung phone at inilapat sa aking tenga
“I’m going to get you, you hard headed brat” he said in a serious tone
(don’t forget to vote and share your thoughts po)
Chapter 1
(Watch Heartstopper sa Netflix, boy to boy din po siya)
Bumukas ang pintuan at pumasok si Prof. Spartan, automatic akong napaiwas ng tingin at pinaglaruan ang ibabang labi…tagos na tagos yung sama ng tingin niya sakin ah! Baka naman matunaw ako nito Prof. Hehehehehe, kinausap nito yung Principal habang ako ay pinalabas na ng nakasalamin na estudyante, bago niya ako iwan ay inukutan muna niya ako ng mata.
Asshole!
“Pang ilang beses na itong nangyari!”
Sumilip ako at nakita yung Principal na pinapagalitan si Prof.
“Yung last na nahuli namin na galing sa inyo ay tinakas ang estudyante namin! Hindi na ako papayag na maulit ito, kung maulit man ay may kaparusahan na akong ibibigay sa mga mahuhuli” halos pumutok na ang ugat sa leeg niya, chill ka lang~~
Muling humingi ng tawad si Prof. Spartan, maya maya pa ay nagtama ang mata namin nang makalabas siya sa office, ngumiti ako at napakamot sa batok, hinila niya ako gamit ang bag kong nakasabit sa aking likod….malalaki ang bawat hakbang niya kaya minsan natitisod ako, may lakad pa ba siya at nagmamadali siya?
“Matitisod na ako oh” reklamo ko
“Get in” walang emosyon niyang sabi
“May dala akong kotse”
Maiiwan ko si Frencio kapag sumama ako sa kaniya, nasa akin pa naman yung susi ng kotse…..nakakatawa din naman kapag mag text sakin si Frencio at nag papanic dahil hindi ako makita bwahahahaha.
Prof. Spartan brushed his white hair using his fingers, tila nauubusan na ng pasensiya, nagtaas ako ng dalawang kamay.
“If you’re not getting in, are you waiting for me to carry you in?” Hinilot nito ang sintido
“Papasok na, huwag kang excited”
Sinarado niya na ang pinto at pumunta na sa driver seat, ipapakuha ko nalang kung kotse ko….
Hinubad ko ang suot na bag at tinapon sa backseat, tinaas ko ang dalawang paa at ipapatong na sana sa bintana ng bigkasin niya ang buo kong pangalan, ngumiwi ako at inayos ang upo. Wala talagang kasaya saya sa katawan niya, laging seryoso….hindi ko man lang siya nakikitang tumatawa, kapag ngingiti halatang napipilitan lang, ano kaya ang mission niya dito sa mundo?
Dahil sa ganiyan niyang ugali nakakainis siya, maganda siyang asarin pero kapag inaasar ko siya ako ang naasar. Hindi niya pinakikita sakin yung emosyon na gusto kong makita para masatisfy ako, madami na akong ginawa na ikaiinis niya katulad nang pangugulat ko sa labas ng cubicle, paglagay ko ng pekeng insekto sa leather bag niya, pag bato ko ng papel sa likod ng ulo niya, pag tusok ko ng thumbtax sa gulong nitong kotse niya.
Bigla kong naalala yung itsura niya kanina kaya hindi ko mapigilang mapangisi.
“Anong pakiramdam na makausap yung squid?” I asked
Hindi siya sumagot, busy siyang mag drive
Tignan mo, kinakausap pero hindi nasagot.
Tinuro ko yung Mcdo na madadaanan namin “drive thru tayo, gutom na ako”
Binilisan niya ang pag d-drive, sinasadya niya!
Nang mapark na niya ang kotse sa parking lot ay inis akong lumabas ng kotse niya aalis na ng tawagin niya ako.
“Bakit? Ayoko sayo”
I am disrespectful and i don’t care, i hate him!
He’s an asshole!
An emotionless Professor!
“Your bag” binato niya sakin yung bag ko at dahil hindi ko kaagad nasalo, tumama iyon sa mukha ko “im going to call your parents, Mr. Hollow.”
Sinuot ko ang bag at sinundan siya
“Don’t you dare” i hissed and gritted my teeth
“Lumabag ka sa rules, may exam ka ngayon pero nasa ibang university ka. Gusto mo bang maging repeater? Yesterday you didn’t attend my class, sinabi ko nang mag papa quiz ako, sinasayang mo ang pag papaaral sayo ng parents mo” mahaba niyang litanya
“Hindi naman ikaw ang nag papaaral sakin ah!” Sinipa ko ang plastic bottle na nadaanan
“Kunin mo yun at itapon mo sa basaruhan”
“Ayoko! Bleh!” Nilabas ko ang dila at iniwan na siya doon
Sino ba siya para magsabi sakin ng mga ganung salita?
“Grizzy!”
“Oh?”
“Saan si Frencio?” Tanong ng nakatatandang kapatid ni Frencio na si Francisca
“Nasa Martini, ang ganda mo ngayon ah?” Ngumiti ako
Pinagtaasan niya ako ng kilay
“Huwag mo akong simulan Grizzy” inis niya akong tinalikuran
Siya yung hinalikan ko sa comfort room last year, umamin kasi siyang matagal na akong gusto at pumayag naman siyang halikan ko pero pagkatapos nun may umamin din sakin isa pa at hindi ko naman yun inalok ng halik pero hinalikan ako, nakita ni Francisca at simula nung nangyari iyon naging masungit na siya sakin, wala na akong magagawa gwapo lang ako talagang maraming magkakagusto sakin.
“What’s wrong with you? Since you came here, you’ve looked like you ate shit” natatawa kong sabi nang umupo si Mimir sa harapan ko
“Screw off!”
Inabot niya yung juice na binili ko at sumimsim doon.
Simula nung sundan niya yung umeksena sa awayan namin nila Gordon parang lagi na siyang nakasimangot.
Tumunog yung phone ko at tinignan ko kung sino ang nag text
“Sino yan?” Tanong ni Mimir sakin at pilit na sinisilip kung sino yung nag text sakin
Spartan: pumunta ka dito sa office ko. Now.
Nag tipa agad ako ng ire-reply
“Si Prof. Spartan the emotionless hooman” sagot ko kay Mimir “pinapapunta ako sa office niya, pero ayoko”
“Gago baka may sasabihin lang sayo”
Grizzy: ayoko😛
Spartan: Grizzy Hollow, hindi ako nagbibiro
Grizzy: tinawagan mo ba yung parents ko?!
“Ano na?” Pang chi-chismis ng kasama ko
“Mukhang tinawagan niya yung parents ko, nahuli kasi ako sa Martini, si Prof. Spartan yung kumuha sakin” tumawa si Mimir at tumayo tsaka nagpaalam
Spartan: if you want to know, come here.
“Grizzy, sasama ka pa ba samin mamaya?”
Umiling ako sa kanila na nakaupo sa kabilang lamesa at nagtatawanan, soccer team.
“May gagawin ako mamaya, sa susunod nalang”
“Sayang, pero bahala ka”
Lumabas ako ng cafeteria at patakbong tinungo ang opisina ni Prof. Spartan.
Hindi na ako kumatok, pinihit ko nalang ang seradura
“What do you want from me?” I asked and walks towards him “magpapalit na talaga ako ng simcard”
“Subukan mo” he said
“Sinabi mo ba sa parents ko?” Bahala na nga kung sabihin niya o hindi, manhid naman na ako…..titiisin ko nalang sermon ni mama sakin.
Hindi niya ako pinansin, may kinuha ito sa kaniyang drawer at inilapag sa ibabaw ng lamesa, tinaas ko ang isang kilay at kinuha ang isang upuan at umupo doon, tinaas ang isang paa at pinatong ang siko sa tuhod.
“Para saan yan?” Nagtataka kong tanong
“Mag review ka dito sa harap ko at bukas ko ibibigay ang exam na, na missed mo ngayong araw pati na din ang mga quizzes” pinag cross nito ang braso
“Bakit naman kita susundin?”
“Im a Professor, Mr. Hollow”
“Hindi mo na dapat pang pinakikialaman kung nag aaral ba ako o hindi—”
“Anong gusto mong ibigay kong grade sayo? Kung ganon ay hindi na din dapat pang pakialaman ang grade mo? Automatic 0 ka”
“Sa ibang subject!” Inis kong sabi “sa ibang subject mataas grades ko!”
“Sa ibang sebject, pero yung sebject ko?”
I groaned
“Study Mr. Hollow, study” mahina nitong sabi sakto lang para marinig ko
“Aye aye!” Madiin kong sabi at lihim siyang inikutan ng mata
Nag vibrate ang phone ko kaya sinilip ko kung sino ang nag text pero narinig mo ang pagtikhim nang nasa harapan
“Focus!” He said
“May nag text, baka importante”
He just tsked at nagbuklat buklat ng pahina.
(Share your thoughts Mysties!!)
Chapter 2
I groaned and scratched the back of my head, muling may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya inis kong inalis ang unan sa ulo ko at tinakpan ang mukha. What the fuck is going on? Natutulog yung tao tapos may mang iistorbo? Hindi ako natulog kagabi dahil nag aya yung mga kaibigan kong maglaro ng online game, i need a peaceful sleep!
“Grizzy!”
“Mom!” Umiiyak na dumapa ako at binaon ang mukha sa unan “i don’t want to wake up!!”
Pumikit ako ng matigil na ang pangugulo sa labas ng kwarto ko pero akala ko ay wala nang susunod pa pero narinig ko ang pag click ng doorknob kaya inangat ko ang mukha, nakataas ang isang kilay ni mom at nilapitan ako, hinila niya ang kumot na bumabalot sa akin at binuksan ang kurtina dahilan ng pagliwanag ng buong kwarto, i started to whined and shakes my head when mom tries to pull me
“May pasok ka, Grizzy kaya huwag mo akong iyakan ah huh” she said
“Walang gagawin sa school” pagsisinungaling ko at nakipaghilahan na kay mom
“Are you sure?” Binitawan na nito ang dalawa kong kamay
Inis na binato ko ang hawak na unan sa sahig nang makaupo na sa gilid ng kama, 8:30 am na at late na ako ng 30 minutes kaya hindi na ako papasok. Napanguso ako at inalis ang muta, feel ko parang may nakalimutan ako ngayong araw? I yawned, may nakalimutan ba ako?
“Hindi na ako papasok mom, late na ako at tsaka hindi maganda pakiramdam ko” nguso kong sabi
Pagsisinungaling ko sa huli kong sinabi, nag isahang linya ang kaniyang labi, she pinched my nose bago lumabas ng kwarto ko para ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa, inihiga ko muli ang sarili sa kama at pumikit.
Hours passed
Lumabas na ako ng kwarto matapos kong maligo, basa pa ang buhok ko at hinahayaan ko na lamang itong tumulo pababa sa hoodie kong suot dahil ina-absorb naman nito yung mga butil ng tubig, umupo ako sa railings ng hagdan at pinadulas ang sarili pababa. Ganda ng tulog ko, wooh!! Maganda ang tulog maganda din ang gising! Nakangiti akong pumasok sa kusina at chineck ang laman ng ref, inabot ko yung pudding at kumuha ng kutsara.
Subo subo ang kutsara na pumunta ako sa sala
“This pudding is tasty” sabi ko sa sarili at tumango tango pa
“Grizzy, can you please open the gate?” Mom said, may suot itong gloves at madumi ang apron na suot. She’s busy, mahilig sa mga halaman at bulaklak yan eh.
“Ako na po Ma’am” sabi nung isang katulong namin
“No, you need to help me. Let my son open the gate”
“Hindi pa nga ako nakakaupo” reklamo ko
Pinanlakihan ako nito ng mata kaya padabog dabog akong lumabas at tinungo yung gate, kumunot ang noo ko ng makita kung sino yun. What is he doing here? Mabilis kong tinago sa likod ang nakasubo pa ding kutsara sa bibig ko, he cleared his throat.
“You missed your test and quizzes….again, Mr. Hollow” Prof. Spartan said
“Ma….masama pakiramdam ko” lumabas ako at sinarado ang gate namin upang hindi kami makita ni mom “bukas nalang, umuwi ka na…Prof. baka hinahanap ka na ng girlfriend mo”
“Nandito ako para kausapin yung parents mo” nasamid ako sa sariling laway sa narinig
“Grizzy, sino yan?!”
“W…wala mom”
Patay ako nito kapag sinabi ni Prof. Spartan kay mom ang lahat ng mga kalokohan ko! Knowing mom…she’s a beast! Hindi lang dahil sa na missed ko yung test at quizzes ang dahilan kung bakit nandito siya, syempre i g-grab na niya yung chance para isumbong ang mga ginagawa kong hindi magaganda.
Hindi ko hahayaan na mangyari iyon!
“Prof. promise bukas ko na talaga i t-take lahat ng mga na missed ko” nagtaas ako ng isang kamay “Promise”
“Let me talk to your parents, Mr. Hollow” Mariin niyang sabi
“Huwag mo ko isumbong!” Inis kong sabi, pilit kong pinahihinaan ang boses para hindi kami marinig “nakakainis!”
Pinag cross nito ang dalawang braso “ayaw mong malaman ng parents mo lahat ng mga kalokohan mo” napatingin siya sa basa kong buhok “paano ka magbabago kung hahayaan kita sa mga kalokohan mo? Hindi ka na bata Mr. Hollow, dapat alam mo na ang mga bawal. Drying your hair is not hard, you’re making a mess”
Paaalisin ko na sana siya ng bumukas ang gate, napapikit ako ng mariin at paulit ulit na napamura sa isip.
“Oh hello?”
Naglahad si Prof. Spartan ng kamay kay mom
“Hello, Mrs. Hollow. Im Professor Spartan Modre, estudyante ko ang anak niyo”
“And….uhmm do you need something?”
“Mom––”
“I want to talk to you Mrs. Hollow” pagpuputol niya sa sasabihin ko
“Oh my, come in. Maliligo muna ako dahil galing ako sa garden, hintayin mo nalang ako sa sala”
Tinapunan ako ng tingin ni Prof. Spartan at sumunod na kay mom.
Eleganteng umupo ito sa sofa at nilapag ang leather bag sa tabi niya, nilagyan ang kaniyang baso ng tea at nilapagan siya ng sandwich.
He fixes his glass
I scrunched up my face.
“Hindi na ako guguluhin, hindi na kita bibigyan ng sakit ng ulo basta huwag ka lang magsumbong” i really want to punch someone now! He’s pissing me off! “Are you listening to me?”
“I am listening” tinignan niya ako “but you can’t change my mind, im already here.”
“Kung gusto mo ngayon ko na sagutin yung ipapasagot mo sakin” lumapit ako sa kaniya, tumingala ito upang makita ako
He leans against the couch, tila may iniisip
Umupo na si mom sa harapan ni Prof. Spartan kaya dumagsa ang kaba ko, pinagpapawisan ako ng malamig ngayon!
“Can we start now?” Prof. Spartan asked
Tumango si mom at ngumiti
Lilipat na talaga ako ng school! Ayoko nang makita pa siya!
“This is about your son Grizzy Hollow” sinasadya ba niyang bagalan yung pagsasalita niya para mas lalo akong kabahan?
Tumingin sakin si mom “what about my son?” Bumalik ang tingin nito kay Prof.
Katahimikan
Bago pa magsalita si Prof. Spartan ay sinadya kong sipain ang lamesa kaya natapon ang laman ng baso nito sa kaniyang pants, ngumisi ako ng magulat ito
Tumayo siya habang si mom naman ay nagpakuha ng tissue
“Are you ok?” Nag aalalang tanong ni mom
“Im ok, Mrs. Hollow”
“Wait, ikukuha kita ng pants” nagmamadaling umakyat si mom sa hagdan
“Pano ba yan?” I clicked my tongue
“You did this” he firmly said
“Why are you blaming me?”
“It’s clear that you did this on purpose”
I licked my upper lip “ano naman kung sinadya ko––bakit…bakit ka lumalapit”
Mas lalo akong napasandal sa sofa nang lumapit ito, tumigil lang nang nasa harapan ko. Napalunok ako ng ilang beses lalo na ng ipatong niya ang dalawang palad sa head rest ng sofa at ilapit ang mukha sa akin, tinagilid ko ang mukha at kinuyom ang kamao.
“Stay away” i annoyingly said “you’re harassing me!”
“Im not harassing you, Mr. Hollow”
“I really hate you!”
“Ayaw mo sakin dahil ayaw mong tinatama kita” hindi ako sumagot
Lumayo na ito ng marinig ang yabag ni mom
“Here Professor Spartan, hindi pa yan nagagamit ng asawa ko. Can someone escort Professor Spartan sa restroom?”
Lumapit ang isang katulong at pinasunod sa kaniya si Prof. Spartan
“What happened? Para kang nakakita ng multo” mom chuckled
(Not a daily update, busy na ang ating author kaya asahan na hindi araw araw update at walang date kung kailan ang next update dahil biglaan lang po tayo dito hehehehe)
Chapter 3
“Ang aga aga yung mukha mo pang uwian na” umupo si Frencio sa tabi ko
Nandito kami ngayon sa field, hindi ko siya pinansin. Nakakainis talaga yung Professor na yun! Kailangan ko siyang bawian! Ipaghihiganti ko ang sarili ko! Maghanda siya sa pasabog na ibibigay ko sa kaniya, gagawin ko lahat para siya na ang sumuko at umalis dito sa unibersidad, ayoko sa kaniya no!
“May sakit si Mr. Pedrico” Frencio said
“Yung pwede nang tirintasin yung bigote?”
Natawa ito sa sinabi ko at tumango
“Nadisgrasya kasi, habang nasa hospital pa at nagpapagaling may papalit sa kaniya.” Siniko ako nito “maganda daw at sobrang talino!”
“Ano naman?” Inis kong tanong
“Ano naman? Hindi ka ba magiging masaya dahil may sexy nanamang Professor na dadagdag dito sa unibersidad?”
Tinaas baba nito ang dalawang kilay kaya napangisi na lang ako, ang umiikot lamang sa isip ko ngayon ay kung paano ako gaganti kay Professor Spartan, nagawa ko na halos lahat ng prank sa kaniya pero wala pa din akong napapala. I fished my phone out of my pocket at nag search sa google, nag scroll scroll ako pero walang magandang prank akong nakikita puro luma na at nagawa ko na.
Inihiga ko ang sarili sa derdeng damuhan at nakita ko si Professor Spartan na naglalakad sa kabilang side ng building nakahawak ang isa nitong kamay sa salamin tila pinipigilan ang pagdulas dahil nakayuko ito at nakatingin sa hawak na libro, sinamaan ko siya ng tingin at inikutan ng mata, sana madapa siya!
“Frencio” tawag ko sa katabi
“Oh?” Nasalo nito ang bola ng soccer at ibinalik sa mga naglalaro
“Alam mo naman na hate na hate ko si Professor Spartan diba?” Tinukod ko ang dalawang siko sa damuhan at inangat ang pang itaas na katawan “anong magandang gawin para makabawi ako sa mga nakakainis na bagay na ginagawa niya at sinasabi sakin?”
“Alam mo tama naman kasi ang ginagawa ni Professor Spartan, mali ka din kasi—–”
“Tanginamo akala ko ba magkaibigan tayo?”
“Nasa loob ang kulo nun baka ano pa ang magawa sayo kapag naubusan na siya ng pasensiya”
“Edi maganda!” Malakas kong sabi “kapag pinagbuhatan niya ako ng kamay pwede ko siyang ireklamo”
“Ewan ko sato Grizzy” tumayo ito at pinagpagan ang pang upo “bahala ka kung ano ang gusto mong gawin”
Tumayo na din ako at kinuha ang bag sa loob ng classroom, isinabit ko iyon sa likod at naglakad sa hallway……tinaasan ko ng kilay si Drown ng mapadaan sa gilid ko at may mga dalang libro. Nerd. Sunod ko namang nakita ay si Professor Spartan na lumabas ng library at may kasamang babaeng naka asul na bistida at medyo kulot ang buhok, siya ba yung sinasabi ni Frencio na papalit muna kay Mr. Pedrico?
Napatingin ako sa paligid bago tahimik na sumunod sa dalawa, nag uusap sila nakangiti yung babae ganun din si Professor Spartan pero tipid nga lang….naglalandian ba sila habang naglalakad? Pumasok sila sa opisina ni Professor Spartan, napataas ang isa kong kilay at patakbong tinungo ang harapan ng opisina at idinikit ang tenga sa pinto, wala akong marinig!
“Hoy anong ginagawa mo diyan?!” May guard na papalapit sa direksyon ko kaya tumakbo na ako papalayo
Ilang beses kong tinap ang mga daliri sa manibela ng sasakyan, natigil lang ng makita si Professor Spartan at yung bagong Professor na pumasok dito sa parking lot
Mabilis kong kinuha ang cellphone at pinicturan silang dalawa
“Kanina pa sila magkasama ah?” Sabi ko sa sarili
Yumuko ako upang tignan ang nakuha kong litrato, sinend ko kaagad iyon kay Frencio
Grizzy: may girlfriend na si Professor Spartan
Frencio: sinusundan mo sila?
Grizzy: bakit ko sila susundan? Ano sila gold?
Frencio: wag kang issue, baka magkaibigan lang
Naalis ang paningin ko sa screen ng cellphone nang pumasok na yung babae sa kaniyang sasakyan at kinawayan si Professor Spartan. Hinintay ko muna na mawala ang sasakyan nito bago ako lumabas dahilan ng pag tigil ni Professor Spartan sa pagpasok sa drivee seat, ngisi akong umupo sa hood ng kaniyang kotse at nilaro laro sa daliri ang susi ko.
“What are you doing?” Lumapit ito sa akin
“Girlfriend mo ba yun?”
“Siya muna ang papalit––”
“Oo o hindi lang” mas lumaki ang ngisi ko “iniiwasan mo ba ang tanong ko? Wala namang masama kung umamin ka na girlfriend mo siya, hindi naman siya estudyante kaya hindi ka mapapahamak”
“Umuwi ka na, anong oras na” he looked at his wristwatch
“Malaki na ako!”
“Malaki ka na pero hindi mo alam ibutones ang uniporme mo ng maayos” pinasadahan niya ako ng tingin
“Style yan! Hindi mo kasi alam kung paano…….pumorma”
Magandang pumorma si Professor Spartan wala lang talaga akong ma rebat sa kaniya kaya wala na akong choice kundi sabihin iyon
“Ano? Girlfriend mo ba o hindi?”
“She’s not my girlfriend”
“Maniwala psh, halos maghapon kayong magkasama….don’t fool me Prof.”
“So you’re stalking us?” Umangat ang itaas nitong labi
“H…hindi! Nakita ko lang kayo”
“What’s with the stutter?”
“Nambibintang ka eh!”
“Pumunta na tayo sa bahay niyo”
Sinamaan ko siya ng tingin, oo nga pala siya ang tutor ko, siya ang kinuha ni mom na tutor ko, hindi ko alam kung ano ang pinakain niya kay mom para pumayag na magkaroon ako ng tutor at yun ang lalo kong kinainis, kaya ko namang mag aral ng walang tulong nang kahit na sino.
“Professor Spartan, good evening” bineso ni mom si Professor Spartan ng makauwi kami
“Good evening Mrs. Hollow”
Bago pa magsalita si mom ay kinuha ko na ang kamay ni Professor Spartan at hinila na siya paakyat, pumasok kami sa kwarto ko at sinarado ko kaagad ang pinto dahil baka hindi siya tigilan ni mom.
Nang marealize kong magkahawak pa din kami ng kamay ay kaagad ko siyang nilayuan at pinakita ko sa kaniya kung paano ko lagyan ng alcohol ang kamay ko, walang emosyong nagtungo ito sa study table ko at nilapag ang mga pag aaralan namin ngayon.
“Come here and lets start” he tap the chair, sinesenyasan akong maupo sa tabi niya
“Maliligo muna ako, ayokong mag aral na walang ligo” nagkalkal ako ng masusuot sa cabinet at iniiwasang lingunin si Prof.
“Hurry up”
Dabog akong nagtungo sa loob ng banyo at tinigalan ang pagligo, kapag tatagalan ko dito ay maboboring na siya at aalis na. Ang tali talino ko talaga….
Kalahating oras ang tinagal ko dito sa loob ng banyo, nang lumabas ako nandon pa din siya at hinihintay ako! Nalugmo ako at nakangusong lumapit na sa kaniya.
“Buti at natapos ka na, akala ko ay balak mong matulog sa loob ng banyo” he said
“Balak kong magtagal don para umalis ka na” inis kong sabi at umupo na sa tabi niya
He put his arm over the head rest of my chair, para tuloy siyang nakaakbay sa akin ngayon….
Nagsimula na siyang magturo, tango lang ako ng tango kahit na hindi ko naman naiintindihan, minsan ay mas lumalapit siya sa akin dahilan ng pagkiskis ng braso ko sa kaniyang dibdib, kapag tatanungin niya ako at wala akong masagot ay tititigan niya ako hanggang masagot ko ang tanong niya.
“That’s it for today” he starts to pack his things
Umungol ako at patakbong tinungo ang kama
“Alam ko na kaya hindi mo na ako kailangang turuan”
Hindi ito sumagot
“Close your windows”
“Ayoko!”
Tinignan niya ako, he sigh at siya na ang nagsarado ng bintana ko.
“Im going now, see you tomorrow”
“See you never” i hissed
(Sorry for the lame chapter hehehehhe)
Chapter 4
“May chismis ako!”
Tinigil ko ang pagbabato ng lukot na papel sa likod ng kaklase kong nerd para tignan si Frencio, tinalo pa nito babae kung makasagap ng chismis
“Ano?” Bored kong tanong
Kakatapos lang naming magsama ng pinsan kong si Mimir para awayin si Gordon, epal si Gordon eh nakakainis yun kapag nakikita ko siya kumukulo na dugo ko, wala siyang ibang ginawa kundi makipag away, mayabang kasi tsaka takot sa kaniya karamihan sa mga estudyante dito feel niya boss siya ng lahat pero ibahin niya kami, walang magandang inaambag sa mundo. Pinanganak lang siya para siniraan mundo namin ni Mimir.
“May nakakita kay Prof. Hawaii…” si Professor Hawaii siya ang subtiture Prof na nakita kong kasama ni Professor Spartan ilang araw na ang nakakalipas “…at Professor Spartan na naghahalikan sa garden!”
Natawa ako at muling naglukot ng papel pero this time binato ko iyon kay Frencio na nasa tabi ko
“Maniwala….” inikutan ko siya ng mata
Imposible namang makipaghalikan si Professor Spartan eh gusto nun malinis ang kaniyang pangalan at ayaw niyang ginugulo siya kapag nasa loob siya ng Univ. ako lang ata ang pinapayagan niyang guluhin siya siguro dahil sanay na siya sakin….pero hindi pa din ako naniniwala na nakikipaghalikan siya kay Professor Hawaii, sa garden pa!
“Ayaw mong maniwala?” Nilabas ni Frencio ang phone at may pinakita sa aking video
“Ayoko nga tignan” tinaas ko ang dalawang paa sa upuan na nasa harapan
Dahil hindi inalis ni Frencio sa harapan ko ang phone niya ay napasilip nalang din ako, nanlaki ang mata ko ng makita nga si Professor Spartan na nakasandal sa puno habang nakahawak sa bewang ni Professor Hawaii at magkadikit ang kanilang labi, it’s not edited!!
Hindi daw girlfriend pero nakikipaglaplapan sa garden, utot mo!
“Naniwala ka na?” Frencio
“Ano naman kung naghahalikan sila? Matatanda na mga yan alam na nila ginagawa nila” sabi ko
“Sabagay, bagay naman silang dalawa eh parehong may itsura” he said
“Bakit kapag ba pangit ang pinartner sa may itsura, hindi bagay?” Taas kilay kong tanong
Napakamot ito sa batok kaya inikutan ko siya ng mata
Papasakay na sana ako ng kotse ko ng tawagin ako ni Professor Spartan, patakbo ako nitong nilapitan at inayos ang nahuhulog na salamin, ano nanaman kailangan niya sakin? Ahh oo nga pala, pupunta nanaman siya sa bahay para turuan ako….hindi ba siya nagsasawa na turuan ako? Wala naman akong natututunan sa kaniya
“What?!” Singhal ko
“Respeto, Mr. Grizzy Hollow.” Seryoso niyang sabi
“Pagod ako kaya huwag ka munang pumunta ng bahay” pumasok na ako sa driver seat at isasarado na ang pinto nang pigilan iyon ni Professor Spartan “can you let me rest?”
“What’s with you?”
“Gumilid ka, aalis na ako”
“Mrs. Hollow called me earlier, inimbitahan niya akong mag dinner sa inyo hindi ko naman magawang tumanggi” he said
“Hindi ba mahirap sabihin ang ayoko hindi naman magagalit si mom kapag humindi ka, sabihin mo crush mo lang si mom! Akala mo hindi ko napapansin ang uri ng tingin na binibigay mo sa kaniya! Tapos ngumingiti ka pa na hindi mo naman ginagawa sakin!”
“Paano kita ngingitian kung puro katigasan ng ulo mo ang pinakikita mo sakin? Wala akong pagtingin kay Mrs. Hollow, Grizzy so stop what you’re thinking”
“Pag nalaman to ni dad lagot ka sa kaniya!” Pagbabanta ko
“Im coming with you”
Natigil ang pagpupumilit niya ng may tumawag sa kaniyang pangalan, sinilip ko kung sino iyon
“Professor Hawaii” Professor Spartan said “why are you here? Going home?”
“Yes, natapos na din pag re-record ko” nagtama ang tingin naming dalawa “hi, anong nangyayari?”
“He’s being hard headed again” sinamaan ko silang dalawa ng tingin lalo na si Professor Spartan
“He’s a kid so what do you expect?” Natatawang sabi ni Professor Hawaii “come with us Professor Spartan, may little party na gaganapin sa bahay ni Prof. Melly”
“Im sorry, i can’t go––”
Sinarado ko na ang pinto ng sasakyan dahil ayoko naman magmukhang third wheel sa kanilang dalwa, kumatok si Professor Spartan sa bintana ng kotse ko at hundred percent na baka sasawayin nanaman niya ako dahil sa ugali ko.
Mabilis kong pinaandar ang kotse
Nang makauwi ay sumalubong si Mom
“Saan si Professor Spartan?” She asked
“I don’t know!”
Padabog kong sinarado ang pinto ng kwarto at nilagay lang ang bag pati sapatos na hinubad sa sahig
“GRIZZY!” my mom shouted outside my room “huwag mo akong pinagtataasan ng boses! Lumabas ka diyan ngayon din!”
“Shut up mom!” I angrily said and kicked my table
“Grizzy! Sasabihin ko ito sa dad mo”
Sabihin mo lang!
Nang tumahimik na ay napaupo ako sa gilid ng kama at sinuklay ang buhok gamit ang daliri, maya maya pa ay umiiyak na ako, mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto….nang makita si mom na nasa sala ay kaagad ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit
“Im sorry mom….sorry sinigawan kita” umiiyak kong paghingi ng paumanhin “im just tired”
“Anger issue….”
“I see”
Nagulat ako ng marinig ang pamilyar na boses, kumalas ako sa pagkakayakap kay mom at nanlaki ang mata ng makita si Professor Spartan na nakaupo sa harap namin at naka cross ang dalawang hita
“Bakit ka nandito?” Tanong ko
“Wipe your tears first” may pag aalala sa kaniyang tono pero ginawa ko nalang ang inutos niya
“Pinapunta ko siya dito anak” mom said
Nakita niya ang pagtakbo ko kay mom habang umiiyak na parang batang hindi nabigyan ng lollipop? That’s embarrasing! Dapat sumama nalang siya sa girlfriend niya hindi sumunod dito!
“Nag so-sorry naman siya kapag narealize niya ng mali ang ginawa niya”
Gusto kong pahintuin si mom sa pagsasalita ngayon, sinasabi niya ang mga gawain ko ehhh at alam ko na ang tumatakbo sa isipin ni Professor Grizzy na alam ko naman palang mag sorry, so? Kay mom lang naman ako nag so-sorry! Tinignan ako ni Professor Spartan, pinanliitan ko siya ng mata.
(Huwag na huwag niyong gagayahin si Grizzy, huwag niyong sisigawan ang parents niyo at kapag may nagawa kayong mali mag sorry kayo sa kanila dahil ang mga magulang natin nasasaktan din sila kapag masamang ugali ang pinakikita natin sa kanila)
Chapter 5
“Kailan mo balak mag asawa?” Tanong ni mom sa kaharap ko
Wala nang katapusan ang question and answer ng dalawa, lahat na ng tanong ay tinanong na ni mom….
Pwedeng kumain muna ng matiwasay?
Tinusok ko ang broccoli na nasa plato at pinasok iyon sa bibig bago tinaas ang tingin sa kaharap
“Wala pa po sa isip ko ang pag aasawa, Mrs. Hollow” he answered
Natawa si mom at pinunasan ang gilid ng labi gamit ang tissue, napanguso ako ng magtama ang mata namin ni Professor Spartan, nakakahiya pa din ang nakita niya kanina……buti ay hindi siya marunong mang asar kung hindi ay baka mapaalis ko siya dito, wala na akong pake kung pagalitan ako ni mom.
Magkasama na kami ngayon ni Professor Spartan sa kwarto ko, kakatapos ko lang gawin ang pinasasagutan niya sakin kaya nakahiga ako sa carpeted floor habang may bilog na unan at nanonood ng tom and jerry, narinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko imbes na lingunin siya ay dinampot ko ang remote at mas pinalakasan ang volume ng tv, kita ko sa peripheral vision na napahilot ito sa sintido. Napangisi ako at sinalo gamit ang bibig yung popcorn na binato ko sa hangin.
“Grizzy”
“Can’t hear you”
“This kid”
Tumayo ito, he walks towards me and bend his knees upang pantayan ako, he fixes his glass at pinakita sakin ang nakabuka niyang palad. Kumunot ang noo ko, dahil hindi ko na makita ang screen ay umusog ako at hindi siya pinansin ngunit muli nanaman siyang humarang.
I groaned and scratch my head
“Lower the volume, mabibingi ka…” he said calmly
Para hindi na siya lumapit pa sakin sinunod ko nalang ang inutos niya, pinahinaan ko ang volume
“Happy?” Inis kong sabi
“I’ll let you watch, 10 minutes. Pagkatapos bumalik ka sa tabi ko at itama natin ang mga mali mo” para naman siyang tatay ko
“Bukas nalang kasi, sinabi ko na sayo na wala akong gana ngayon pero makulit ka”
Tumayo na ito, tumunog pa yung buto niya….tumatanda na kasi eh
“10 minutes….” paalala niya
Biglang pumasok sa isip ko ang video na pinakita sakin ni Frencio kanina kaya imbes na mag focus ako sa panonood ay nasa halikan na ang focus ko, humiga na ako ng tuluyan at pinagmasdan ang likod ni Professor Spartan. Sasabihin ko ba sa kaniya na may video sila ni Professor Hawaii na naghahalikan sa garden o iitikom ko nalang ang bibig ko?
“Come here” matapos ang 10 minutes na binigay niya sakin ay tumayo na ako at bumalik sa tabi niya “mali ka sa number 10, 12, 15, 18, and 20”
Mahilig siyang ilagay ang braso niya sa likod ng upuan ko at minsan nararamdaman kong dumidikit na yung dulo ng mga daliri niya sa likod ko, nang iinis ba siya?
Inikutan ko siya ng mata at kinuha na ang ballpen na hawak niya
“May video kayo ni Professor Hawaii na naghahalikan sa garden” binaba ko ang ballpen na hawak at pinagcross ang hita tsaka humarap sa kaniya
He tilted his head, sigurado akong inaalala na niya ang halikan nilang dalawa
“Sabi mo sakin hindi mo siya girlfriend at katrabaho mo lang siya, may magkatrabaho bang naghahalikan?” Pinanliitan ko siya ng mata “sabi mo ayaw mo ng sinungaling pero bakit ka nagsinungaling?”
“Saan mo nakita?”
Sa mga palabas dapat manlalaki ang mata at mag papanic pero siya parang wala lang sa kaniya na may video at nalaman ko….so ibig sabihin, sila talaga?
“Sa video nga…pinakita sakin ni Frencio”
Binuka nito ang dalawang hita at hinarap ako, napasinghap ng hilahin niya ang upuan ko at ikulong ako sa pagitan ng kaniyang mga hita, the fuck is going on? Magsisimula na ba siyang pagbantaan ako? Na kapag pinagkalat ko ay hindi na ako makakakita ng araw kinabukasan? Ganito ba ang way ng pananakot niya?
Pinilit kong hindi dumikit ni kahit kunting tela ng sweatpants ko sa kaniyang gitna.
“M…masiyado kang malapit” ani ko
“What’s wrong?”
“This is wrong, pwede mo akong kausapin ng hindi ganito kalapit”
“Gusto kong makipag usap sayo ng ganito kalapit”
“B….bakit?”
“For you to understand clearly what im going to say about the video you saw”
“Huwag ka ng mag explain, wala namang masama sa pakikipaghalikan….”
“Hindi ko gusto yung halik na yun, nagulat nalang ako ng halikan niya ako…dahil sa gulat ko hindi ako nakapag react kaagad kaya hindi ko siya naitulak” he explained
“Sa ganda ni Professor Hawaii ikaw pa ang may ganang sabihing hindi mo gusto ang nangyari?!” Natawa ako
“It’s not about the beauty we’re talking about Mr. Hallow”
“Kung hindi mo pala gusto edi bakit hanggang ngayon magkasama pa din kayo? Dapat ay nilalayuan mo na siya”
“I can’t do that”
Kumunot ang noo ko
“Nangako ako kay Mrs. Buena na titignan ang kaniyang anak habang nasa university pa siya”
“Anak siya ng Principal?” May gulat sa tono ko, ang pangit ng principal namin paano siya magkakaroon ng napakagandang anak?
Kinuha nito ang ballpen at binalik sa kamay ko
“Start”
Pagdating sakin puro bawal sa kaniya tapos kapag sa ibang tao hindi niya magawang tumanggi, may favoritism ba to? Kaya ako naiinis sa kaniya eh kasi…..kasi nakakainis siya!
Hinatid ko si Professor Spartan hanggang sa gate, pinilit lang ako ni mom.
Hinawakan ko ang gilid ng gate at pinanood itong nilabas ang susi na nasa leather bag at binuksan na ang pinto nang driver seat.
“See you at school” he said
“See you never” bulong ko sa sarili
Inistart na niya ang makina ng kotse niya
“Zipper, Mr. Hollow”
Napatingin ako sa baba ko and suddenly he chuckled
Niloloko niya ako!
Pero…maganda ang ngiti niya, aishhh
“You’re wearing sweatpants, silly”
(tagal natin wala update no? Kaya bumabawi ang author dahil lab ko kayo…)
Chapter 6
Sinenyasan ako ni Frencio na samahan siyang makipag usap sa dalawang babaeng natipuhan niya pero busy akong manood sa mga babaeng nagsasayaw sa stage, nandito kami ngayon sa Bar slash stripper club ng kuya ni Frencio, kanina pa kaming nga alas tres ng hapon dito at ngayon ay…..sumulyap ako sa relo kong suot, limang oras na kaming nandito, ramdam ko na din ang pag iinit ng katawan ko dahil sa halo halong alcoholic drinks na pinainom sakin ng mga kaibigan ko, hindi ko man nakikita ko ang itsura ko sa salamin ay alam kong namumula na ako ngayon.
I want to go home but i can’t handle myself anymore, hindi ko naman maasahan tong mga kasama ko na magdrive dahil may mga tama na din sila.
Sinundo kasi nila ako at iisang sasakyan lang ang sinakayan namin, kaya hindi ko dala kotse ko.
“May kasama ka?” Lalapit na sana yung babae sakin ngunit pinigilan ko kaagad siya
“Sorry miss, not available” suminok pa ako na ikinatawa nito
Buti ay madali umalis na din siya, hindi na ako nag e-entertain ng mga babae kapag ganito na ang tama ko dahil hindi ko na ma control sarili ko….nakikipagtalik naman ako sa mga babae ngunit hindi kapag lasing.
Hinawakan ko ang head rest ng couch na pabilog upang iangat ang sarili, nang makatayo ako ay umikot ang paligid at nag doble doble na ang nakikita ko, may tumapik sa likod ko at may sinasabi niya na hindi ko na maintindihan.
Fuck im going to puke!
Nagmamadali kong tinungo ang restroom na malapit lang din sa pwesto namin, napaluhod na ako sa sahig nang makapasok sa isa sa mga cubicle, napahawak ako sa magkabilang side ng bowl at inilabas lahat ng nakain at nainom ko
Nang matapos ay nanghihinang sumandal ako sa gilid at pinunasan ang bibig gamit ang likod ng palad, gusto ko ng ice cream….ice cube….ice….basta gusto ko ng malamig sa bibig ko.
I fished my phone out of my pocket ng mag ring iyon
Pinadausdos ko na ang katawan pahiga sa sahig, ang upper body ko ay nasa loob pa din ng cubicle habang ang lower body ay nasa labas na ng cubicle, napapatingin sakin ang mga napasok sa banyo para umihi.
“Mr. Hollow!” Sabi ng kabilang linya
“Yow, zup” nilapag ko sa sahig malapit sa tenga ko ang phone at ipinikit ang mga mata
“Where are you? What’s with the noise?”
“Who’s…..this?” Ngumuso ako
“It’s Professor Spartan, where are you? Are you drunk?”
“How do you know?”
I laughed and shakes my head, my professor is so brainy….alam niyang lasing ako, ano kaya pinakain sa kaniya nung bata pa siya?
“Ilan nainom mo?” He asked
Tinaas ko ang dalawang kamay at nagsimulang binilang ang ininom ko
“Hindi ko na mabilang” naramdaman kong basa ang pisngi ko at doon ko na realize na umiiyak na pala ako dahil hindi ko na matandaan kung ilan shots ang ginawa ko, bakit hindi ko matandaan?
I sniff and sob
“Sabihin mo kung nasaan ka at pupuntahan kita”
“Restroom~~”
“Anong pangalan ng bar na yan?”
“It’s a bar slash strippers club~~” Binangon ko ang sarili kasabay nun ang pagbukas ng pintuan ng restroom at pagpasok ng dalawang naghahalikan, nagsimula na silang hubarin ang kasuotan hindi man lang nila napansin na nandito pa ako
“Uhmmmm shit” ungol ng babae
“Mr. Hollow! What’s that?!” May halong galit sa tono ng kausap ko sa kabilang linya
“Hey!” Tinawag ko ang dalawa na nasa harapan “im still here!”
Hindi ako pinansin kaya ngusong lumabas nalang ako ng restroom
“Excuse me, im going home” pinagtutulak ko ang mga taong humaharang sa daan ko, nakakarinig ako ng reklamo sa kanila ngunit pinagpapatuloy ko lang ang pagtulak
Hanggang sa may humawak sa braso ko
“Gago ka ba dre? Tinapakan mo sapatos ko oh” inis nitong sabi
“Here, take my phone” kinuha ko ang kamay niya at nilapag doon ang phone ko “you can have my phone now~~”
“Tangina pala nito—”
“Mr. Hollow!” May tao pa pala sa kabilang linya “stay where you are—”
“Uncle?”
Humikab ako at hinila ang braso ko pabalik, i bent my knees at niyakap iyon, nasa gitna kami ng stage at natutulak ako ng mga taong nagsasayawan.
“Estudyante mo to? Ghe ghe sabihin ko sayo kung nasaan kami….oo……..lasing na ang loko, pinagtutulak lahat ng tao dito buti nalang hindi siya sinuntok……oo na ako bahala”
May bumatok sakin kaya galit akong tumingala, yung may hawak ng phone ko.
“Aral muna bago walwal” ani nito sakin at binigay ang phone sakin
Pinatayo niya ako at pinasan sa kaniyang likod
Naramdaman ko na ang hangin na tumama sa aking mukha, kahit nakapikit ay alam kong nasa labas na kami ngayon ng bar……rinig ko na kasi ang mga sasakyan at mga taong nag uusap usap, malayo na kami sa mga sumisigaw dahil sa kasiyahan at amoy ng mga usok galing sa vape at alak.
“Kingina nito ang bigat bigat”
Ilang minuto ang nakalipas ay may kumuha sa akin sa likod ng lalaki at kinarga naman ako na parang bagong kasal, dinilat ko ng kaunti ang aking mata upang makita kung sino naman ang kumarga sakin…..but i can’t see him clearly.
“Uncle 5k lang, ang bigat niyang estudyante mo, dagdagan mo ulit ng 6k kasi kung wala ako baka napaaway na yun sa loob”
“You should go home Kino, babae nanaman inaatupag mo”
Inunat ko na ang katawan ng maihiga ako sa loob ng sasakyan, the smell feels familiar.
“Mr. Hollow”
“Hmm??”
“Look at yourself right now”
“I want to bite something cold” mahina kong sabi
Tumahimik kaya inayos ko ang upo at sinulyapan ang nasa driver seat, may kinukuha ito sa backseat at nang maabot ay nilagay niya sa ibabaw ng lap niya ang isang plastic ng icecream….
Kumuha siya ng isa at inalis sa plastic, he grabs my jaw at kusang bumuka ang bibig ko….napakunot ang aking noo ng napatigil siya at ilang beses lumunok.
“Hot” i said
Dinampi dampi niya ang dulo ng icecream sa dila ko bago niya ako inalalayang kainin iyon….naginhawaan naman ako ng lumamig ang loob ng bibig ko.
(Busy ang author kaya tagal ng update~~~aral aral tayo para hindi mababa ang grades okay?)
Chapter 7
“Huwag mo muna ako iuwi, magagalit si mom sakin”
Umayos ako ng upo at pilit na inaabot ang braso ng nagmamaneho ng sinasakyan ko
“Pinaalam ko na matutulog ako sa bahay ng kaibigan ko~” bumahing ako at kinapa ang button para buksan ang bintana
I need fresh air, narinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan ng mairolyo ko na pababa ang bintana at ilabas ang aking ulo, bumagal ang pagmaneho nito at ramdam ko ang mahigpit niyang paghawak sa bewang ko, pinababalik ako sa pag upo ng maayos, i groaned and yawned.
Hindi nga niya ako inuwi, kasi kapag inuwi niya ako hindi ko patatahimikin ang buhay niya…..nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto and my drunk ass can’t remove the seatbelt so he insisted to remove it. Nang makalabas na ako ay isinandal ko ang likod sa gilid ng kotse niya at ibinuka ang mga mata, maliit na bahay na gawa sa magandang klase ng kahoy ang nasisilayan ko ngayon, tumaas ang kilay ko at tinignan ang katabi, this is his house?
Ang inaasahan ko sa bahay niya ay mala palasyo, wow….
Pero kahit maliit ang bahay ay halatang elegante pa din tignan, hinawakan nito ang bewang ko upang alalayan akong makapasok sa loob.
Inilayo ko ang sarili sa kaniya at sinamaan siya ng tingin, hindi niya ako pinansin. Hinubad niya ang kulay asul na coat at isinabit sa balikat. Ginaya ko ang ginawa niya….inalis ko din ang sapatos na suot at inilagay sa gilid, ginulo nito ang buhok ko tila natuwa sa ginawa ko.
“Bukas ng umaga ay ihahatid kita sa bahay niyo” he said
Sinundan ko siya hanggang matigil kami sa isang pintuan, binuksan niya iyon at sumilip ako kung anong meron sa loob.
Kwarto niya……
“Matulog ka sa sofa”
“Me? Ayoko” tinulak ko siya paalis sa daan ko at tumakbo patungo sa kaniyang kama
Napangiti ako, ang lambot ng kama para akong nakahiga sa ulap pati din ang mga unan niya~~
Bedsheet to pillow sheet lahat silk, kulay brown ang kulay ng kwarto niya at dim ang ilaw….maraming libro na nasa side table at may study table din na alam kong hindi naman mawawala sa kaniya dahil mahilig siyang mag aral at mag basa, ang boring ng buhay niya….
“Sofa, Mr. Hollow. That’s my bed”
“Can’t we share?”
“I don’t share”
Pinatong ko ang dalawang unan upang mapanood ang mga susunod na gagawin ni Prof. Spartan, nakasabit na sa gilid yung coat na inalis niya at naghahanap na siya ng damit na isusuot pang tulog.
Huhubarin na sana niya ang polo na suot ng maramdaman na nakatingin ako sa kaniya, ngumisi ako nang magtama ang mata naming dalawa, makikita ko na din sa wakas ang katawan niya na pinagnanasaan ng mga babaeng estudyante niya pati na din ang mga kapwa niya teachers, tignan nga natin kung maganda talaga kapag wala nang polo na humaharang, ipakita mo Professor Spartan ang katawan mo sakin….siguro ay nahihiya siya….
Pareho naman kaming lalaki kaya dapat hindi na siya mahiya
“What im going to do next is not suitable for children” napataas ang kilay ko sa sinabi niya “close your eyes, Mr. Hollow”
“We’re both men and im not a child anymore” inikutan ko siya ng mata
Napailing ito, kumuha ng damit at pumasok sa isang pinto na sa tingin ko ay banyo niya
Nakabukas naman yung aircon pero naiinitan padin ako at pinagpapawisan, kahit nahihilo ay pinilit kong bumangon at lapitan ang pintuan ng banyo, dahan dahan kong inikot ang seradura ng pinto at sumilip kung ano ang ginagawa niya, he’s only wearing a boxer shorts and brushing his teeth, pinasadahan ko ng tingin ang buo niyang katawan, parang ilang taong hinulma ng diyos ang katawan niya, the world is unfair….nung umulan ng kagandahan ng katawan lahat ay sinalo ng taong ito.
He’s neat, his hair, his face, his body…..NEAT!
Walang makikitang ni isang dumi na nakadapo sa kaniya
I swallowed a bit at nang makaramdam ng muling pag init ng katawan ay sinipa ko nalang ang pinto pabukas para hindi halatang kanina pa ako nasilip sa kaniya, nagulat ito sa ginawa ko
“What the—Mr. Hollow, knock before you enter. Alam mo din na nandito ako sa loob––”
“Im hot” pinakita ko sa kaniya ang namumuo kong pawis sa noo at leeg “i feel hot”
Nagmumog ito at sinuot ang kulay pulang tshirt
“Follow me”
Sinundan ko siya at nag stop kami sa kusina, nagsalin ito ng malamig na tubig sa baso at nilagyan pa ng apat na ice cube
“Here, drink this” sumandal ito sa tabi ko hinihintay na inumin ko ang nasa baso
“But my body is burning hot right now”
Naiiyak kong sabi at nilagok ang nasa baso pero wala pa ding nangyari, mas uminit pa ata ang katawan ko
“You’re just drunk, Mr. Hollow…..you only need to sleep, bukas wala na yan”
“No!” Inis kong sabi at sinipa ang tuhod niya
“Grizzy….don’t make me start, come…let’s sleep”
“I can’t sleep! Ang init at tignan mo….” nginuso ko ang gitna ko
“Boner? Take a shower”
Umiyak na ako at umiling, sinabi ko sa kaniya kung anong dahilan at bakit ako tinigasan at pinag initan ng katawan, nakataas ang isa nitong kilay habang pinipigilan ang pag angat ng itaas na labi.
He wants to laugh!
“Dahil sakin?” He asked “because you saw my body?”
Tumango ako hindi pa din tumitigil sa pag nguwa sa harapan niya
“What do you want me to do then?”
“I don’t k…know—don’t laugh!”
“Hindi ako tumatawa” mukha mo hindi tumatawa! “Hindi ko inaasahan na titigasan ka dahil sakin Mr. Hollow, are you gay?”
“Im not! My favorite color is blue! I love transformers!”
“Hindi ko tinatanong kung ano ang paborito mong kulay at laruan, tinatanong ko kung bakla ka ba” lumapat ang isa nitong palad sa lamesa habang ang isa naman ay nasa bewang na niya, nakaharap siya sakin at medyo malapit na din
“Hindi” pinunasan ko ang luha ko at tumingala upang makita siya ng maayos “hindi ako bakla….”
“Hmm, you’re just drunk Grizzy….”
Tumango ako
“Do you like Professor Hawaii?” I asked out of nowhere
“No” he shakes his head
“She’s sexy and beautiful”
“And?”
I can’t stop myself from talking
“I don’t want you to be with her”
Tumaas na ang sulok ng kaniyang labi
He wants to hear more
“Tell me why you don’t want me to be with her? Hmm…..im listening” he fixes my messy hair.
(Ipagpapatuloy ko ang update ko kapag bakasyon na o di kaya ay tapos na ang research namin~~salamat sa patuloy pa ding sumusuporta kahit na matagal ang update ng author)
Chapter 8
Isang linggo na ang nakakalipas nung gabing naki crash ako sa bahay ni Prof. Spartan dahil baka punuin ako ng sermon ni mom dahil sa pag uwi ko ng lasing at galing sa bar. Dahil sa hiya ko nang maalala ang pinagsasabi ko nang gabing iyon pinili kong umiwas sa kaniya, pinaramdam ko talaga ang pag iwas at hindi ko pag pansin kapag tinatawag niya ako sa klase niya pero ni isang bakit iniiwasan mo ako? Hindi ko narinig na lumabas sa bibig niya! Parang wala siyang pake!
Dahil naging busy ang schedule niya bilang isang Professor hindi muna siya pumunta ng bahay para turuan ako, parang feeling ko nga siya ang umiiwas sakin.
Bahala siya sa buhay niya wala naman akong pakialam kung lumayo siya sakin mas maganda na nga yun para hindi ko makita yung mukha niyang nakakainis.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang pinsan kong si Mimir na kasama si Drown, napataas ang kilay ko dahil masiyadong malapit sila sa isa’t isa na halos maghalikan na sila, bakla ba yung pinsan ko? Kasi nitong mga araw pansin ko na silang dalawa na ang magkasama at hindi lang basta magkasama kundi touchy touchy pa sila.
Muling dumating ang time na klase na ni Professor Spartan, sabay kami ni Mimir na pumasok sa klase at nang maupo ako ay ginawa ko kaagad na unan ang bag tsaka pinalaylay ang dalawang braso, bumuntong hininga ako at pinikit ang mga mata, tumahimik na ang paligid senyales na nandito na siya sa loob, ang tunog ng kaniyang black shoes ang tanging naririnig sa buong classroom kasabay ng paglagay nang kaniyang mga gamit sa lamesa at pagtapik ng hintuturo niya sa blackboard.
Gusto ko man iangat yung ulo ko hindi ko magawa, nakakatamad eh
“One whole sheet of paper, students. May quiz tayo ngayon” he said using his baritone voice
“Penge ako”
“Sino may ballpen, pahiram naman”
Bulungan sa paligid, maliban sa iisang black ballpen wala na akong gamit sa loob ng bag. Sa pagmamadali ko kasing pumasok kanina nakalimutan kong nasa study table pala mga gamit ko napansin ko lang na naiwan ko nang bumaba ako sa kotse ko at buhatin ang bag.
Nakarinig ako ng yabag papalapit sakin, maya maya pa ay may humila sa likod ng uniporme ko dahilan ng pag angat ko
“Tsk” inis na inalis ko ang kamay nito
“May quiz tayo ngayon Mr. Hollow” he said
“I know” i hissed, kakasabi niya lang kanina
“Where is your paper and ballpen?”
Pinatingin nito ang mga kaklase kong nakikichismis sa aming dalawa, nahuli ko naman ang pag ngisi ni Mimir sa akin natutuwa dahil alam nitong aawayin ko nanaman si Professor Spartan.
Pinag cross ko ang braso at sumandal sa kinauupuan, itataas na sana ang dalawang paa sa desk ng ipakita ni Prof ang stick na dala.
“Ayoko mag quiz” inis kong sabi “bigay ka ng bigay nang quiz, ano ba mapapala namin diyan kapag naka graduate na kami? Yung itatanong mo ba samin magagamit namin sa trabahong kukunin namin––”
“Why don’t you zip your mouth, grab a sheet of paper hold your ballpen and start answering the quiz?” Pagputol niya sa sinasabi ko
“Make me” naghahamon kong sabi at ngumisi
Humawak ito sa likod ng upuan ko at inilapit ang mukha sa akin
“Ayaw mo naman atang malaman ng lahat na tinigasan ka sakin, diba?” Mahina lang ang pagkakasabi niya sakto lang para marinig ko at hindi marinig ng iba
Kinuyom ko ang kamao at walang paalam na hinugot ang papel ng nasa harapan ko, bumalik na sa harapan si Professor Spartan at nagsimula na siyang mag pa quiz.
“Ano yun? Ano yung sinabi ni Prof?” Curious na tanong ni Mimir nang makalabas kami sa classroom
Peke akong tumawa at pinaikot ikot ang bag sa kamay
“Gago dre may sinabi siya sayo, kita ko gumalaw yung bibig niya tapos parang nawalan ng kulay mukha mo” tumawa ito at sinuntok pa ang braso ko
“Nawalan ng kulay dahil sa inis!”
“Nainis na din ata sayo….” napatigil ako sa paglalakad
“Nainis sakin? Bakit?”
“Sumusobra ka na?” Wow coming from my great cousin “tsaka pati na don sa paggasgas mo sa kotse niya”
“Hindi ko naman alam na tatama yung bato na nasipa ko sa kotse niya, lahat tayo nagkakamali”
Naghiwalay na kami ng direksyon may pupuntahan pa daw ito, nakipagsiksikan ako sa mga estudyanteng nasa gate para ipaabot ang bayad sa mga nagtitinda ng fishball, kikiam etc.
“Siomai” sabi ko at kumuha ng bente sa bulsa “hindi maanghang”
Matapos ang ilang minutong pakikipagsiksikan ay nakuha ko na din yung siomai ko.
Ayaw mo naman atang malaman ng lahat na tinigasan ka sakin, diba?
Muling pumasok sa isip ko ang sinabi niya, lasing ako nun! Hindi ko naman ginusto na tigasan sa kaniya!
“Hi, Mr. Hollow. Right?” Professor Hawaii wearing a yellow fitted dress, medyo nagpapakita na din yung cleavage niya at bakat na bakat ang matambok niyang pang upo, naka messy bun at para siyang kumain ng mamantika na pagkain dahil sa kaniyang labi.
“I need you to bring this papers kay Professor Spartan” bakit hindi ikaw ang magbigay? Bakit ako ang nakita niya?
Kinuha ko ang papers na bigay niya kaya nakasimangot kong tinahak ang opisina ni Professor Spartan. Binuksan ko ang pinto ng walang katok katok, nagtaas ito ng kilay ng makitang ako ang pumasok, nilapag ko sa lamesa niya ang dala
“Bigay ko daw yan sayo sabi ni Professor Hawaii” kumalat ang amoy ng siomai dito sa loob ng opisina niya
“Care to share?” Nginuso nito ang siomai ko
“I bought this using my own money”
Dinampot nito ang itim na wallet at kumuha ng 500
“Bilhan mo ako”
“Ano ka sinuswerte?” Inis na tumawa ako “bahala ka nga diyan” tumalikod na ako
Hindi ko dapat siya kinakausap!
“Lock the door”
“You mean close the door?” Sa pagharap ko sa kaniya ay nakatayo na ito at papalapit sa akin
“Lock the door Mr. Hollow”
“Hindi pa ako nakakalabas” napaatras ako nang mas lumapit pa siya sa akin hanggang tumama ang likod ko sa pinto, nang makalapit na siya ay na corner na niya ako
Nilock niya ang pinto
“B…bakit?”
“Nothing” hindi nakaiwas sa paningin ko ang mata niyang dumapo sa labi ko
Kinuha nito ang pantusok ng siomai, tumusok siya ng isa at pumasok sa bunganga ng buo….
“Hmm, yummy” paos nitong sabi at muling tumusok pero sa tinapat na niya iyon sa bibig ko “open your mouth”
“Kaya kong kumain ng siomai nang hindi sinusubuan at p…pwede lumayo ka sakin?”
“Im your Professor, you must obey me. Now, open your mouth”
Sinamaan ko siya ng tingin at binuka ang bibig, lumayo na ito ng maisubo sa akin ang siomai. The fuck?
(Ganiyan pala ang way ng pagkain ng siomai, kaya pala wala akong gana kapag nakain ng siomai mag isa😔😔)
Chapter 9
“Bakit ka natawag? Im busy, okay?” Nilapag ko sa gilid ang phone habang naglalaro ng Ps4
Kumunot ang noo ko dahil sa ingay ng background niya, mukhang may dinaluhan siyang party ah? Tawanan at sigawan ang naririnig ko, ngunit dahan dahan ding humina na sa tingin ko ay lumayo siya sa ingay, why is he calling me? It’s 11pm in the evening, tumawag na siya kanina para sabihin sakin kung ano ang sasagutan ko sa papers na pinasama niya sakin pauwi dito sa bahay.
“Its 11pm Mr. Hollow, bakit hindi ka pa din natutulog?”
“Fuck!” Inis na sinipa ko ang unan na nasa paanan nang matalo sa laro
“Ano ginagawa mo?” He asked
“Playing”
“Itigil mo na yan, matulog ka na”
“Bakit ba pinapatulog mo ko? Para kang si dad”
Speaking of dad, kakauwi niya lang kaninang umaga galing sa Australia, kinamusta ang pag aaral ko at ang grado ko, walang sawang tinanong din sa akin kung may girlfriend na daw ba ako. Pumunta sila ni mom sa kwarto at hindi ko na kailangan pang hulaan ang gagawin nila sa loob, iniimagine ko palang silang dalawa ay nasusuka na ako….ang tatanda na nila ahhh….
Nang tinamad na ako sa paglalaro ay humiga na ako sa kama at tinignan ang phone na katabi, pinatay na niya yung tawag….sino kaya mga kasama niya ngayon?
Hindi ako makapaniwala na dumadalo din siya sa mga party. He’s a big boring Professor.
Tumunog ang phone ko at nag pop ang message ni Professor Spartan, ngusong pinindot ko at binasa ang message niya.
Spartan: Im with my friends, birthday ng isa sa kanila
Ngumiwi ako at nagtipa sa keyboard
Grizzy: tinatanong ko ba?
Hindi na siya nag reply kaya niyakap ko nalang ang unan at pinikit ang mga mata.
“Papasok ka na?” Napatigil ako sa paglabas ng bahay ng marinig ang boses ni dad
Humarap ako sa gawi niya, he’s reading a newspaper habang naka de kwatro at may hawak na kape.
“Yes, dad” i answered
“May niluto ang mom mo, kumain ka muna bago umalis”
“Sa school nalang ako kakain”
“Suit yourself” sabi nito at sumimsim sa kape
Napaikot nalang ako ng mata bago tumakbo patungo sa naka park na kotse at pumasok sa loob.
Naglalakad na ako sa hallway papunta sa classroom ng may humawak sa braso ko, napatigil ako at tinignan kung sino iyon, si Snow….yung isa sa mga ka fling ko noon, pinanganak siya sa South Korea pero lumaki dito sa pinas, singkit ang mata niya at sobrang puti ng balat niya.
“Hey?”
“Nahulog mo” ngiting inabot niya ang susi ng kotse ko
“Saan mo nakita?”
“Mag thank you ka muna” ngumuso ito
“Thank you” tumalikod na ako pero humarang naman siya sa dinaraanan ko
“Ghinost mo ko Grizzy, alam mo naman na gustong gusto kita…..” dinilaan ko ang ibabang labi at napahawak sa batok
“Hindi ako interesado sayo—”
“Ganun nalang yun? Nakahanap kalang ng bago walang paalam ka nalang na aalis at iiwan ako?”
“C’mon Snow, kilala mo ako. Alam mo ang gawain ko”
“What’s happening here?” Dumaan sa gitna namin si Professor Spartan kaya napalayo kami ni Snow sa isa’t isa
Tinaasan ako ng isang kilay nito
“I want you again Grizzy, kahit sa ayaw at gusto mo!” Tumakbo na palayo si Snow at umalis na din ang ibang estudyanteng nakikiusisa sa nangyayari
“She wants you…again?”
Sinabayan na ako nitong maglakad
“She’s one of my past flings, she’s crazy….”
“Itigil niyo ang mga ganiyan, hindi magandang tignan. Hindi nakakagwapo ang madaming babae”
Gawin mo pa akong boring kagaya mo
Tahimik lang akong nakasandal sa kinauupuan hanggang mag bell hudyat na tapos na ang klase, lahat ng kaklase ko ay nagsitayuan na at nagsilabasan, ako ay parang na glue at hindi magawang makatayo, parang wala akong lakas na gumalaw.
“Why are you still here?” Nasa gilid ko na si Professor Spartan, hindi na nakabutones ang tatlong butones ng kaniyang asul na polo
Hiniga ko ang ulo ko sa desk
“I feel sick” mahina kong sabi and he didn’t hear me, so he bent his knees upang pantayan ako ng laki, humawak ito sa armrest ng upuan “i feel sick” muli kong sabi
Dumikit ang likod ng palad niya sa noo ko
“Ipupunta kita sa clinic”
Umiling ako
“Iuwi mo ko”
He brushed his hair back at inalalayan ako hanggang maisakay ako sa kaniyang kotse
“Huwag susuka sa kotse ko, Mr. Hollow”
“Susukahan ko” pang aasar ko
“Hindi kita iuuwi sa inyo kapag sinukahan mo”
“Kung ganon saan ako mo dadalhin?” Ngumisi ako at niyakap ang dalawang tuhod
Sinulyapan niya ako sandali bago pinaandar ang makina ng kotse, bumaba ang tingin ko sa mga daliri nitong nasa manibela, his long slender fingers…..
Kapag humahawak siya ng libro ay para siyang humahawak ng sanggol, makikitaan na alagang alaga ang mga nahahawakan niya, when his touching my skin…..nawawala ako sa sarili, may mahika ba siya?
“Did your hands choke someone?” I asked out of nowhere
“Goodness Mr. Hollow, i don’t want to ended up in prison”
I chuckled and tilted my head
“I mean kapag may ka sex ka….you know yung ibang mga babae gusto nila sinasakal habang binabayo sila–”
“Im a virgin”
Napatakip ako sa bibig, the fuck? Hahahahaha this gorgeous man is a fucking virgin? Are you kidding me? Grabe yan ah, hindi ko kaya yan
“Seryoso?!” Pinigilan kong tumawa dahil ayoko naman na ma offend siya
“Hmm” he nods his head “meron akong daliri na pwede ipasok sa kahit anong butas kaya bakit ko gagamitin ang alaga ko?”
“What the hell….”
“Meron ding tinatawag na masturbate at blowjob—pinangako ko sa sarili ko na ang taong pakakasalan ko ay ang taong papasukan ko, do you understand?”
“Matanda ka na, bakit hindi ka na humanap ng mapapangasawa?”
Nawala bigla lahat ng nararamdaman ko kanina dahil sa nalaman ko.
“Wala pa akong nahahanap”
“So maghahanap ka talaga?”
Tinignan niya ako, pinipigilan niya ang pag ngisi!
“Sino ba ang gusto mo para sakin?” Tanong niya
“Bakit ako ang tinatanong mo?” Inikutan ko siya ng mata “kapag pinili ko yung tindera sa canteen, siya ang pakakasalan mo?”
“Hell no”
“Ikaw ang pumili ng pakakasalan mo, huwag kang umasa sa iba.” Tumingin ako sa bintana at nilaro ang mga daliri
(Malapit na bakasyon, makakapag update nanaman ng maayos ang author)
Chapter 10
Wala ako sa mood ngayong araw, pangit ang gising ko at puyat ako tapos ang makakasama ko sa iisang bubong ay ang dalawang taong parang mga linta na sobrang dikit sa isa’t isa at walang sawang naglalandian sa harapan ng hapag? Hindi ba nila magawang tumigil muna at pakiramdaman kung ano ang nangyayari sa anak nila?
Gamit ang tinidor ay tinusok ko ang hotdog nang mahagip ng tingin ko na hinalikan ni dad si mom sa labi, im outta here….
“Where are you going, hindi ka pa tapos kumain Grizzy” sabi ni mom at sinundan ako ng tingin
“Papasok na ako” sabi ko at lumabas ng kusina “dad!”
Lumapit ako sa cabinet at binuksan iyon, nakita ko ang wallet ni dad, kumuha ako ng limang libo bago muling binalik sa loob ng cabinet ang wallet.
“Kumuha ako sa wallet mo!” Paalam ko
“Kumuha ka na kanina ah?” Rinig kong sabi nito
“Babayaran ko naman, sige na aalis na ako……maglandian na kayo diyan” syempre mahina lang ang huling sinabi ko baka masuntok ako ni dad eh
Tumigil ako sa starbucks at bumili ng frappe, hindi ito para sakin…..para ito kay Professor Spartan––eto na ang ibabayad ko sa kaniya dahil pinagluto niya ako ng sinigang nang may sakit ako, kasi nang maiuwi niya ako sa bahay hindi mahagilap ang mag asawa at sinabi ng isa sa mga katulong namin na nag date daw kaya si Prof nalang ang nag alaga sakin habang wala pa sila.
Dahil maaga akong nakarating sa school ay dumiretso muna ako sa opisina ni Professor Spartan, i cleared my throat at sinigurado kong naka butones ang uniporme ko at maayos ang pagkakasuklay sa aking buhok. Tinaas ko ang isang kamay at kumatok sa pinto bago binuksan, napakunot ang noo niya ng makita ako….taas noo na nilapag ko ang binili sa lamesa niya.
I’m sure that he’s praising me silently.
Umayos ito ng upo at binaba ang librong binabasa
“For me?”
Tumango ako “for you”
“Anong kailangan mo?”
Nawala kaagad ang ngiti ko at napalitan ng simangot “masama bang bilhan kita ng maiinom dahil inalagaan mo ko ng may sakit ako?!”
He massage the bridge of his nose.
“Isang linggo na ang nakalipas Mr. Hollow, simula nun ay lagi ka nalang nagbibigay sakin ng kung ano ano…nung isang araw tsokolate, kahapon bulaklak and now—im sure na may kailangan ka sakin, sabihin mo na hindi yung nag uubos ka ng pera mo”
“Hindi ko pera pinambibili ko, pera ni dad” nguso akong pumunta sa couch nito at umupo doon
Mas lalong namoblema ito sa sinabi ko, wala namang masama kung gawin ko ito sa kaniya…..
Ayaw niya nun? Nagiging mabait na ako at pumapasok ng maaga? Active na din ako sa subject niya at hindi na ako nag sskip kapag klase na niya, hindi din ba niya napapansin na maayos na ang itsura ko ngayon? Wala pa akong narinig sa kaniya na wow, you look neat, Mr. Hollow o di kaya ay you changed tsk.
“Hindi mo na kailangan gawin ang mga bagay na ito dahil lang gusto mong magpasalamat sa pag aalaga ko sayo ng may sakit ka Mr. Hollow, estudyante kita, kargo kita” mahinahon niyang sabi
Inikutan ko siya ng mata at inis na ginulo ang buhok.
Nakikipag laro ako ng soccer sa mga kaibigan ko at nang manalo kami ay nagsitapikan kami sa balikat at uminom ng tubig, may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko tinignan kung sino iyon.
“Good game” sabi sakin nung mga nakalaro namin
“Sa susunod ulit, kapaf free kayo” sabi ko at tinanguan sila
“Grizzy! Ilang beses na kitang tinawag, alam kong naririnig mo ako” may dalawang pares ng itim na sapatos ang tumigil sa harapan ko at dahil nakaupo ako sa damuhan kailangan ko pang tumingala “let’s talk”
“Ayoko”
“I still want you!” Parang batang sabi ni Snow
“Arcade tayo, Grizzy” yaya ng mga kaibigan ko kasama na si Frencio na may kausap
Nilapat ko ang palad sa tuhod at inangat ang sarili patayo
“Grizzy please……”
“Ano ba Snow?! Ayoko nga diba, bakit ang hirap mong umintindi?!” Inis kong sabi
Ang tapang ng pabango niya hindi nagugustuhan ng ilong ko. Pinunasan ko ang pawis sa noo at leeg tsaka nalapitan na ang mga kaibigan
“Ginugulo ka?” Hinarap na ako ni Frencio at tinignan ang gawi ni Snow
“Ayaw tumigil” sagot ko
“Gwapo mo kasi” ngiting sabi ni Frencio sakin
“Alam ko, matagal na….” humalakhak kaming dalawa
“Mr. Hollow”
Napatigil kami sa pagpunta sa parking lot, si Professor Spartan na nililinis ang salamin sa mata gamit ang kaniyang polo
“Mauna na kayo, sunod nalang ako” pinauna ko na sila, tinapik ni Frencio balikat ko at nang kami nalang ni Prof ay nilapitan ko siya “bakit?”
“Wala pang uwian” he said
“Wala din namang gagawin, vacant na din namin”
Magsasalita pa sana ito ng umeksena si Professor Hawaii, mapupunit na pisngi niya sa laki ng ngiti dahil sa kaharap.
“May mini party mamaya, sasama ka ba Professor Spartan? Ikaw nalang lagi ang wala, huwag ka sanang tumanggi ngayon” Professor Hawaii said, nagtama ang mata naming dalawa kaya peke akong ngumiti “nandiyan ka pala, Mr. Hollow.”
Diba obvious?
“Susubukan kong pumunta” sabi ni Professor Spartan
“Really? Thank you~~~” gusto niyang yumakap pero pinipigilan niya ang sarili niya “sige, im going na dahil may kailangan pa akong gawin”
Kumaway ito sa aming dalawa
“Pupunta ka?” Tanong ko ng makaalis na si Professor Hawaii
“Susubukan” he said
“Kung pupunta ibig sabihin crush mo si Professor Hawaii”
“Kapag hindi?”
“Edi hindi!”
“Grizzy!” Tawag na ng mga kasama ko sakin
“Kung sumama ka sa kanila……” humakbang ito ng tatlong beses palapit sakin “……may gusto ka sakin”
Dahan dahang gumihit ang ngisi sa kaniyang labi
“T…tse!”
Tumakbo na ako papasok sa parking lot
“Alis na tayo” pumasok ako sa loob ng kotse at sinimulan ang makina
Nang makalabas sa parking lot nakita ko si Professor Spartan na nakasandal sa poste at nilalaro ang kaniyang labi.
(Luvlots mystiesss)
Chapter 11
Humikab ako bago binaba ang ballpen na hawak
“Spartan—”
“Professor Spartan” pagtatama nito sakin
“Wala naman tayo sa school kaya pwede na kitang tawagin sa pangalan mo lang, tsaka matagal na tayong magkakilala” ngumuso ako at inabot ang papel sa kaniya
Tinignan niya muna ako bago tignan ang mga sagot ko, he slightly nod his head kaya napangiti ako…..matalino naman talaga ako eh~~
“Wala sila mom dito” sabi ko kahit alam naman niyang wala sila dahil may pinuntahan “gusto mo bang lumabas tayong dalawa?”
Humiga ako sa kama at niyakap ang mahabang unan, hindi man lang niya ako tinignan! Hindi din niya pinapansin ang mga sinasabi ko! Hangin ba ang kausap ko? Inis na napaikot ako ng mata at kinuha ang phone, maglalaro nalang ako kaysa naman makipag usap sa taong hindi man lang ako bigyan ng atensyon kahit isang segundo, dapat kasi kapag nandito siya sa bahay ako lang dapat ang nasa isip niya, dinadala niya din kasi dito mga records ng mga estudyante niya at dito pinagpapatuloy ang trabaho.
May kumatok sa pinto at pumasok ang isang katulong na may dalang blueberry pie at juice para kay Professor Spartan.
Gusto ko ulit pumunta sa bahay niya, sumama nalang kaya ako sa kaniya pauwi?
Inangat ko ang sarili at tinawag siya
“Sa bahay mo ako matulog ah?” I said while raising both of my eyebrows
“No” pagtanggi niya
“Bakit? Ang arte mo ah”
“Marami akong gagawin mamaya, ayoko ng pasaway sa paligid”
Napahawak ako sa dibdib, kunyari ay nasaktan sa sinabi niya.
“Hindi ako magpapasaway doon, pramis” tinaas ko ang isang kamay bago tumayo at lapitan siya
Hindi siya sumagot, silence means yes….
Parang inasinan ang puwet kong pumunta sa cabinet at naglagay ng mga damit ko sa gym bag
“Isang gabi lang Mr. Hollow pero bakit buong cabinet mo na ang dadalhin mo?”
“Malay mo mag stay pa ako doon ng matagal”
Nang makarating sa bahay niya ay nilapag ko sa sahig ang bag na dala at pumunta sa kusina, binuksan ang ref tsaka tinignan ang loob nun, mukhang kaka grocery niya lang kasi puno eh. Kumuha ako ng tobleron, ang sarap naman tumira sa bahay na ito dahil ang daming pagkain….
Umupo ako sa marble table na nasa harapan lang ng sink at pinanood si Professor Spartan na niluwagan ang necktie at inalis ang tatlong butones ng puting polo, i think magsisimula na siyang magluto ng panghapunan….kailangan ba niya ng tulong? Bahala na, baka makaistorbo lang ako, papanoorin ko nalang siya.
Nilagyan nito ng tubig ang hawak na baso at nilapag sa gilid ko
“Uminom ka ng tubig pag ubos mo na yan” he said
Magluluto siya ng Sinigang na baboy!
Hindi ako nakatagal sa panonood sa kaniya kaya ng ma bored ay bumaba ako at pumunta sa sala hanggang makalabas ako ng bahay niya, nakakita ako ng bola ng basketball na ikinatuwa ko…..wala nga lang akong makitang ring dito, so i just dribble the ball at binabato sa dingding at nag b bounce pabalik sakin.
“Mr. Hollow”
“Oh?” Sigaw ko pabalik
Hindi na siya sumagot, anong kailangan nun?
“Bakit mo ako tinawag?” Dala dala ang bola na pumasok ako muli sa loob
“Huwag kang maglaro dito sa loob”
Binato ko ang bola papalabas kaya napabuntong hininga ito
“Bakit mo ko tinawag?”
“Just checking if you’re still here” tuluyan na niyang tinanggal ang necktie at inalis na din ang kaniyang polo, so he’s cooking half naked right now
Nag f flex ang muscle niya…..
Ganitong scene ang naririnig kong sinasabi ng mga babae sa school, yung kasintahan nila na lulutuan sila ng makakain habang walang suot na pang itaas…..am i experiencing every girls dream right now? Napalunok ako at pinaypayan ang sarili
“Prepare the table” utos nito
Nagsuot na ng damit si Professor Spartan matapos magluto at ilapag sa hapag ang ulam at kanin, sabay na kaming kumain na dalawa….
“I want to live here” tumigil ito sa pagsubo upang tignan ako
“No”
“Seryoso ako, gusto ko tumira dito…..” nilaro ko ang taba ng baboy gamit ang kutsara “mag aaral ako ng maayos….” halos pabulong kong dagdag
“How about your parents?”
“Balak ko din naman humiwalay sa kanila next year eh”
“Why?”
“Malaki na ako!”
Napagdesisyunan ni Professor Spartan na tabi kaming matulog sa kaniyang kama, nakasandal na ang likod niya ngayon sa headboard habang may laptop na nakapatong sa kaniyang tiyan, kakatapos niya lang maligo kaya nagkalat sa buong kwarto ang mabango niyang amoy.
Naka indian sit naman ako at nakapwesto sa paanan niya, busy akong manood ng Zombieland….wala kasing ps4 sa bahay na to, yayain ko sana siyang maglaro pero knowing Professor Spartan? Tsk….he’s a boring person. Pasalamat siya at willing akong pumunta dito sa bahay niya para mag sleep over
This is bullshit!
Napatingin ako kay Professor Spartan para pakiramdaman kung naingayan ba siya sa pinapanood ko, kasi naman kahit na mahina yung volume bigla bigla naman nalakas yung sa tv kapag pumapatay na sila ng mga zombies…
“She’s cool” i mumured
“Patayin muna yung tv”
“Nanonood pa ako” ngumuso ako
Inalis na nito ang suot na salamin at nilapag na sa gilid ng kama yung laptop, he’s ready to sleep…..pero 7 palang ng gabi, mga ganitong oras ay naglalaro pa ako sa phone ko o di kaya ay nasa labas kasama ang mga kaibigan. Ang boring talaga ng buhay niya pero ginusto ko naman na pumunta dito kaya pagbigyan ko nalang siya
Humiga na ako sa tabi niya, yayakapin na sana siya ng maglagay siya ng mahabang unan sa gitna at tinalikuran ako
“Goodnight, Mr. Hollow”
Ngiting pinatong ko ang dalawa kong legs sa hita niya ngunit inalis lang din niya, ang arte
“Nag crave ako sa french fries, pa grab tayo?” Sabi ko habang nakatitig sa kisame
Hindi siya nagsalita, tulog na ba siya? Umupo ako at dahan dahan inalis ang nasa gitna bago inilapit ang katawan sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit
“Mr. Hollow” inis na siya….
(Slow update, busy ang Author…….eto muna ang mailalapag ko sa inyo ngayon. Salamat sa paghihintay mwuahhh)
Chapter 12
Umayos ako ng tayo mula sa pagkakaupo sa hood ng kotse ng makita ang pamilyar na kotseng pumasok dito sa parking lot, binato ko lang sa gilid ang toothpick na hawak at patakbong tinungo at ako na ang nagbukas ng pinto niya, napataas ang kilay nito pero kinuha nalang ang leather bag na nasa passenger seat at dahil mabait akong estudyante at nasa tamang landas na ang aking tinatahak ay inagaw ko iyon sa kaniya upang ako na ang magbuhat.
Praise me! Pero kung ayaw mo hindi kita pinipilit, ngumiti ako abot sa tenga at sabay na lumabas ng parking lot. May mga bumabati kay Professor Spartan at napapagawi din ang tingin sakin, huwag kayong mag alala hindi na ako katulad ng dati, bati na kaming dalawa ngayon nung isang gabi nga ay doon pa ako natulog sa bahay niya at nasa iisang kama lang kami ah!
Para ko na din siyang kaibigan, bro bro ba~
Napadaan kami sa library, nag sign sakin si Grizzy kung bakit daw nakabuntot ako sa kaaway ko noon pero pinakita ko lang sa kaniya ang gitna kong daliri.
“Ako na magbubukas” labas gilagid na pinihit ko ang seradura ng pinto at nauna na din pumasok sa opisina niya
“Makakaalis ka na” medyo paos niyang sabi at kinuha ang leather bag niya sa kamay ko
“Maaga pa naman at mamaya pang mga 8:30 simula ng klase….” pinakita ko ang wrist watch sa kaniya “7:50 palang, may gusto ka bang ipabili sakin? Maiinom? Makakain?”
“Kumain na ako sa bahay” tumingin ito sa salamin na nasa lamesa at inayos ang medyo nagulong buhok sa harapan “you may go now, Mr. Hollow”
“Bakit ba lagi mo nalang ako pinapaalis? Ang sama sama mo” pinakita ko ang pag ikot ko sa kaniya ng mata para naman ma feel niyang na nasasaktan din ako kapag pinapaalis niya ako
Sabay kaming lumingon sa pintuan ng bumukas iyon, Professor Hawaii! Nakabagsak ang buhok niya at medyo mild ang suot na make up…..bago din ang kulay ng kuko niya at may dala siyang kape na mukhang galing pa ata sa libing o di kaya ay yung maghuhulog ng limang piso para makakuha ng kape yung makikita sa mga tindahan na nasa gilid gilid.
“Good morning Mr. Spartan, here is your coffee”
Tumango lang si Professor Spartan at pitong segundo niyang pinag aralan ang ayos ni Professor Hawaii!
“Salamat pala dahil hinatid mo ako sa bahay kagabi ah? Kung wala ka siguro baka may masama nang mangyari sakin” dagdag pa nito
Kumunot ang noo ko, hinatid? Tinawagan ko si Professor Spartan kagabi at sabi niya ay hindi siya umalis ng bahay dahil marami siyang ginagawa! Nagsisinungaling ba siya sa akin? Inis na tumalikod ako pero natigil dahil naalala kong kahit na magmaktol ako at hindi siya pansinin ay wala siyang gagawin kundi hindi din ako pansinin at mag focus sa ginagawa ang ending ako pa din ang lalapit para kausapin siya!
Umupo ako sa couch at pinag cross ang braso
Gusto lumapit ni Professor Hawaii kay Professor Spartan, halata naman sa kilos niya eh…
Umalis na si Professor Hawaii ng maramdaman na wala nang balak pang magsalita si Professor Spartan. Tinapik tapik ko ang hintuturo sa braso ko at nag iwas ng tingin nang makitang titingin siya sakin, sinungaling! Anong nasa bahay lang?! Kapag ba hindi ko narinig kay Professor Hawaii na hinatid siya nito ay magpapatuloy siya sa pagsisinungaling? Sabi niya ay ayaw niya sa sinungaling pero talagang siya ang nagsisinungaling sa aming dalawa!
He’s a traitor!
“Ilang beses niya akong tinawagan matapos nang pag uusap nating dalawa, she’s drunk and she’s with no one….” kunyari ay hindi ko siya pinansin “wala na din akong choice kundi puntahan siya at iuwi sa kanila—”
“Alam mo address niya? Pumunta ka na ba sa kanila noon?”
“Nakita ko sa wallet niya, hinatid ko siya. Kinuha siya ng katulong niya ng marating namin yung gate nila at pagkatapos nun dumiretso na ako sa bahay at natulog” inayos nito ang suot na salamin at dinilaan ang itaas na labi habang may sinusulat sa berdeng notebook
Ano namang paki ko?
Hindi na ako nagpaalam na aalis, imbes na tumuloy sa classroom mas pinili kong pumunta sa court at naabutan si Frencio na nanonood ng laro ng mga kaibigan naming basketbolista
Siniko ko ito ng makaupo ako sa tabi niya
“Nakita kong magkasama kayo ni Professor Spartan kanina ah….ikaw pa nagdadala ng bag niya, may binabalak ka ba? Pabulong naman….” natatawa niyang sabi at ilalapit na ang tenga sa akin ng itulak ko siya palayo
“Gago nagbago na ako”
“Utot mo Grizzy”
“Kung ayaw mo maniwala hindi kita pinipilit”
Nag bell na hudyat na simula na nang klase, tumayo ako
“Saan punta mo?” Tanong ng isa sa mga kabigan ko habang pinupunasan ang pawis sa leeg at braso
“Punta na sa classroom, start na ng klase” sagot ko
Nagtawanan silang lahat kaya napakunot ang noo ko
“Bro, are you serious? Bumaliktad ba utak mo?” Nag apir pa sila
“B…..Bakit?” Medyo naiinis ko ng tanong
“Wag na tayong pumasok, hindi ka naman nasunod sa mga patakaran diba? Bakit para atang hindi ka na yung Grizzy na kaibigan namin?” Pinatitigil sila ni Frencio pero mas lalong lumakas pa ang tawanan “papasok daw kasi oras na ng klase! Bwahahahahaha”
“Gago good boy na yan pffft”
Kinuyom ko ang kamao
“Pumasok ka na Grizzy baka mapagalitan ka pa––” dumapo ang kamao ko sa mukha ng isa sa kanila “the fuck bro?!”
Hawak ang napuruhang pisngi ay sumugod ito sa akin, ang iba na kasama namin ay pinaghihiwalay kaming dalawa….kumirot ang ibabang labi ko dahil natamaan ng kamao niya. Halatang sarkastiko ang mga salitang binabato niya sakin at bini brainwashed niya mga ibang kasama namin para sa dulo ay asarin pa nila ako…..bobo kasi siya at tinakwil na ng mga magulang kaya sa mga kaibigan nalang siya umaasa eh
“Hoy!” May guard na lumapit, doon na kami tumigil
“Takbo!” Nagtakbuhan ang mga ito kaya kami nalang ni Frencio ang naiwan na kaharap ng guard
Ang ending ay napunta ako sa principal office at pinatawag ang parents ko, tahimik lang ako na nasa gitna ni dad at mom dahil tapos ko naman nang sagutin lahat ng tanong kung bakit kami nag away ng isa kong kaibigan.
Hindi sakin nagalit ang principal lalo na ang parents ko, sino ba ang magagalit kung ang rason ko ay aalis na ako para pumunta sa classroom dahil oras na ng klase? Ipapatawag nalang daw ang grupo ng mga kaibigan ko para pagsabihan.
Tinitignan ni mom ang pumutok kong labi at gasgas sa baba ng mata ko, nang makalabas kami ng opisina nagulat pa kami dahil sa biglaang pagpapakita ni Professor Spartan. Para naman tong kabute
“Are you okay? May i see your face?” May bahid na pag iingat na ipinatingala niya ako upang makita niya ng maayos ang mukha ko “Linisan natin yan—Mr. and Mrs. Hollow”
“Ay naku, kasi tong anak ko hindi man lang limitahan ang mga kaibigan…..hindi kasi niya alam kung sino ang peke at hindi peke. Grizzy, hindi padamihan ng kaibigan ang kailangan, madami nga pero peke naman. Mas maganda na bawasan mo at kilatisin mo, tignan mo ngayon” ani ni mo.
“Tama ang mom mo” pag sang ayon ni dad
(Hi pi~~~~)
Chapter 13
I hissed when Professor Spartan nearly touch my bruise lips, nakaupo kami ngayon sa couch nito dito sa loob ng kaniyang opisina. Magdamag akong nakabusangot habang pinababayaan siyang gamutin ang mga gasgas sa mukha ko, gusto ko nang umuwi at sumabay kala dad pero nagpumilit si Professor Spartan at hinila ako patungo dito.
Pinanood ko ang pagtayo nito ng matapos na ang ginagawa, i cross my arms and legs
“Bakit napaaway ka?” Kalmadong tanong nito sakin at sumandal sa kaniyang table, nakalapat ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng lamesa.
Hindi na ako magugulat kung may biglang sumulpot na photographer dahil lang sa lalaking ito na nakasandal lang naman pero ang lakas na ng dating. Kung pinanganak lang akong ganiyan kaperpekto siguro lagi akong naglalakad sa mga public places at buong pusong tinatanggap lahat ng mga compliments, baka nasa akin na din lahat ng mga babae sa mundo!
Napangisi ako sa tumatakbo sa isipan
“Im asking you, Mr. Hollow”
I frown
“Isip bata lang yun––”
“Ikaw din naman”
Inikutan ko siya ng mata bago kinuwento ang nangyari kanina, tumango tango ito—nilalaro na ang kaniyang ibabang labi. Napalunok ako kahit walang laway dahil habang natagal siya sa posisyon na iyan ay para bang gustong gumalaw ng mga paa ko at lapitan siya…..masiyado na ata akong feeling close sa kaniya na naiisip kong halikan siya ngayon, pero ok lang naman kung halikan ko siya kasi––ginulo ko ang buhok at tumayo.
Hindi mo siya pwedeng halikan Grizzy! He’s your fucking professor!
Baka isipin niyang weird ako.
Bakit ko ba iniisip ang mga ganitong bagay eh wala naman akong gusto sa kaniya?
“Staring is rude….” nag iwas ako ng tingin
“Uuwi na ako” nguso kong sabi
“Do you want to have a dinner at my place?” Tanong nito at tinaasan ako ng isang kilay, waiting for my answer
First time siyang mag aya kaya bakit ako tatanggi? Ngumiti ako na para bang nanalo sa lotto
Matapos ang nakakapagod na araw ay dumiretso na ako sa parking lot at nakita si Professor Spartan na binuksan na ang pinto ng kotse niya, pinatunog ko na din ang akin kaya napalingon siya sa direksyon ko.
“Susundan ko nalang kotse mo” i said and throw my bag inside my car
He nods his head
“Ano lulutuin mo??” Tanong ko matapos lumabas sa kaniyang banyo, i took a shower since i don’t want to be smelly in front of him baka hindi na ako yayain ulit mag dinner dito eh
Sinilip ko ang ginagawa niya, he’s chopping an onion and garlic
“Curry” tipid niyang sagot
“Uyy masarap!” Nag start akong mag shoot gamit ang imaginary ball sa imaginary ring, ilang beses ko iyong ginawa hanggang magsawa at panoodin nalang ang pagluluto niya “kailan mo balak mag asawa?”
Lumapit ito sa sink at naghugas ng kamay
Isang minuto bago siya sumagot “kapag nakapag tapos ka”
I tilted my head
“Eh?”
Gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi at pinagpatuloy na ang ginagawa, kapag nakapagtapos na ako? Napasinghap ako at madramang napatakip sa bibig ng maintindihan ang sinabi niya.
“Ganun na ba katigas ang ulo ko at hintayin mong mawala na ako ng tuluyan sa school para makapag asawa ka?!” Kunyaring nagpunas ako ng pekeng luha
Hindi na niya ako sinagot
Ang sama naman pala niya.
Habang nakain ay mahina kong sinisipa sipa sa ilalim ng lamesa ang legs niya, hindi naman siya nagrereklamo…..
“May narinig pala ako kanina na usap usapan tungkol sa gaganapin na two days and one night na fieldtrip, three days from now….” i hissed the last words
“Hmm, isa ako sa mag h-handle ng mga students.”
“Pwede ba akong sumama?” Nag puppy eyes ako pero tinigil ko lang din dahil hindi naman siya nakatingin sakin, he’s seriously eating his food!
“Hindi kasali ang section niyo”
Binaba ko ang kutsara para uminom ng tubig, inikutan ko pa siya ng mata at lihim na minura ng slight.
“Sama ako, im going to behave, tsaka the more the merrier diba?” Tinaas baba ko ang kilay
“Saturday at sunday naman yun” dagdag ko pa
“Wash the dishes” utos niya sakin matapos namin kumain
“Hindi ako gagalaw sa kinauupuan ko kapag hindi mo ako sinama!” Inis kong sabi
“Suit yourself” kinuha na nito ang mga hugasin at siya na ang naghugas, siya na din ang nagpunas ng lamesa at dumiretso na sa kwarto
“Spartan!!” Pasigaw kong tawag
Pinabayaan lang talaga ako dito! Nakakainis!
Padabog akong tumayo
“Im going home!”
Dinikit ko ang noo sa pintuan nito
“Im going home, Spartan––” lumanding ang mukha ko sa matigas niyang dibdib ng biglang bumukas ang pintuan
I groaned at napahawak sa noo
Parang nag tumigil ang oras nang magtama ang mata naming dalawa, he grabs both of my arms para ilayo ako sa kaniya but suddenly my lips touch his.
Sa pagdikit nang labi naming dalawa ay wala man lang ni isa sa amin ang lumayo, tumahimik ang buong paligid maliban sa puso naming nagkakarerahan, walang pumikit sa aming dalawa pareho kaming nakatitig sa isa’t isa….may kung anong gumalaw sa loob ng aking tiyan dahilan ng pagpula ng mukha at ng aking tenga.
Pumikit na ito at hinila ako papasok sa loob, hinila niya lang ang pinto pasara gamit ang kaniyang paa upang hindi maghiwalay ang labi naming dalawa. Nagsimulang gumala ang kamay nito sa likod ko habang ang isa ay nasa aking batok, pinalalalim pa lalo ang halikan naming dalawa, napadaing ako ng dumikit ang matigas na bagay sa aking puson.
Isinandal niya ako sa dingding, he trace my jaw and slowly grabbing my two wrist and put above my head, hingal na naghiwalay ang labi namin….dinilaan nito ang pang itaas na labi at idinikit ang noo sa aking noo.
“This is a crime….this is your fault Mr. Hollow, you’re a walking temptation. Matagal ko nang pinipigilan ang sarili ko…and now im willing to take a risk” tumatama ang hangin na lumalabas sa kaniyang ilong at sa bibig sa aking pisngi
Sa pagtama ng hininga niya sa balat ko ay doon na uminit lalo ang katawan ko, i want more….
(Read well and let me read your thoughts mysties!!)
Chapter 14
“Hindi ka ba papasok?! Anong oras na”
I groaned at tinakip ng unan ang tenga, my mom keeps knocking my door kulang nalang ay sirain niya iyon.
“Im not going to school mom!” I shoured back para marinig ako
“Are you ok? Why are you locking your door ba? I want to come in so i can check you”
“Mom! Im ok!”
Inis na kinamot ko ang batok
“Hmp! Go downstairs kung gusto mong kumain. Aalis lang kami ng dad mo, may papabili ka ba?”
Hindi ko na pinansin si mom at pinagpatuloy ang pagtulog. Nagising lang ako sa ilang beses na pag vibrate ng phone kong nasa ilalim ng unan, kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang caller. Agaran akong napaupo at pinatayan siya ng tawag, napahawak ako sa dibdib, Fuck! Fuck! Fuck!! Hindi ko alam kung paano harapan si Spartan—yeah sabi niya sakin ay Spartan nalang itawag ko sa kaniya kapag wala kami sa loob ng school.
Nag make out kami! He suck me, i suck him!
Tatlong araw na nga akong hindi napasok, tatlong araw ko na din siya iniiwasan! That’s my Professor, walang hiya din kasi ako….ang tanga tanga mo talaga Grizzy imbes na kasi patigilin ko siya sa mga susunod niyang gagawin sakin nung gabing iyon ay ako pa talaga ang nagpatuloy sa ginagawa niya.
I need to divert my attention to something else!
Ang akward pumasok sa klase niya lalo na at alam kong sinubo niya ang alaga ko at sinubo ko ang alaga niya.
Yayayain ko nalang si Frencio sa bar!
Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa bintana, kagat kagat ang kuko sa hinlalaki na hinintay kong sagutin ni Frencio ang tawag.
“Hey, hindi ka pumasok” pambungad ni Frencio
“Nasaan ka? Punta tayo bar, wala akong magawa dito”
“Sorry Grizzy, family dinner sa susunod nalang”
“Sige sige”
Nagtungo ako sa banyo at naghilamos bago nagsuot ng black tshirt na pinatungan ng denim jacket habang sa pang ibaba naman ay black trousers at flat shoes. Im good to go
Narating ko na ang bar at pinakita ko sa mga bouncer ang ID ko, nasanay akong may kasama mag bar kaya medyo nailang ako ng makapasok dito sa loob. Iba’t ibang amoy ng alak ang naging pabango dito sa loob at ang party ball na nakasabit sa kisame ang nagbibigay ilaw sa stage na nasa gitna.
“Excuse me” tumabi ako ng mapadaan ang grupo ng mga kababaihan na lasing na at mukhang pauwi na din
Napakamot ako sa batok at pumunta sa bar counter
“Tequila” order ko
“Tequila, here we go”
Nandito ako para malibang at kalimutan ang nangyari three days ago pero bakit mas na stress ako lalo?
Kinuha ko ang tequila na inorder at naghanap ng mauupuan, nakakita ako pero medyo malayo sa pwesto ko….i sigh, habang naglalakad papunta sa bakanteng pwesto ay may naglapag ng leather bag sa ibabaw ng lamesa, my eyes widen at mabilis na umatras at nagtago sa nagkukumpulang mga tao hanggang makaakyat na ako sa second floor at sumilip sa gawi na yun.
Why is he here?!
Sa dinami dami ng bar na pwedeng pasukan niya ay dito pa talaga? Nananadya ba ang tadhana?
Mag isa niya lang—–he’s with Professor Hawaii at may tatlo pang Professor. Professor’s night ba to?
Umupo na si Spartan at tumabi sa kaniya si Professor Hawaii, nag uusap silang dalawa…
“Grizzy?”
Napaayos ako ng tayo at napamura dahil napatalsik kunti sa denim jacket na suot ang tequila na hawak.
“Hubarin mo muna yan baka matuyuan ka” she’s going to take my denim jacket off when i stop her
“Snow, kaya ko”
Nilapag ko ang tequila sa lamesa na nasa tabi at inalis ang denim jacket at sinabit lang iyon sa balikat ko.
“May party isa kong friend…gusto mo bang sumama?” Aya nito sa akin
“Hindi na, salamat nalang” hindi maalis ang tingin ko sa pwesto nila Spartan
Napansin ko din ang paglingon ni Snow sa tinitignan ko
“Nandito pala sila Professor Spartan? Bagay talaga sila—”
“Hindi ah!”
Kumunot ang noo nito “huh? Bakit? Gusto mo ba si Professor Hawaii?”
“Wala akong gusto!”
“Kukuha ako ng drinks sa baba, gusto mong sumama?” Snow
Hindi pa ako nakakasagot ay hinila nalang niya ako basta basta, tinakip ko sa mukha ang jacket ng makababa na kaming pareho….damn it, change place na ata ako….
“Para kang natatae” Snow laughed
“Uuwi na ako”
Pinigilan naman nito ang braso ko ng magtangka akong umalis, nilingon ko pwesto nila Spartan at napansin na wala na siya sa kinauupuan niya, inilibot ko ang tingin sa paligid pero wala akong makitang Spartan, baka nagbanyo!
Tinatapik tapik ko lang ang mga daliri ko sa lamesa habang hinihintay ang mga drinks na inorder ni Snow, when she touch my arm
“Mahal pa kita, Grizzy……”
“Not now Snow, sinabi ko nang hindi na kita gusto”
“May iba ka na bang gusto at hindi mo ako ulit magustuhan? Kung meron ay ipakita mo sa akin”
Dahil ayokong marinig mga susunod na sasabihin ni Snow ay umalis ako sa tabi niya at hindi pinansin ang pasigaw nitong pagtawag sa pangalan ko.
Lumabas ako ng bar at kinapa ang bulsa na nasa susi ng makuha ay dumiretso ako sa kotse ko
“Mr. Hollow, it’s nice to see you”
Tumawa ako ng peke at binuksan ang pinto ng kotse
“Hey, n…nandiyan ka pala”
“Going home already?”
“Ahh o…oo k..kasi w…wala na akong m…magawa sa loob”
“Tapos na ba ang pasulyap sulyap mo sakin?” He smirked
Doon ko na siya hinarap, as usual maayos at sobrang linis niyang tignan.
He lick his dry lips kaya napagaya din ako
“How’s your date?” He asked
“Date? What date?”
“Huwag kang patay malisya” humakbang ito papalapit sa akin “i saw you with that girl inside…..”
“H…hindi kami nag ddate! Tsaka sabi kong ayoko sa kaniya!”
“The use of jacket is to keep your body warm hindi isabit sa balikat” hindi ko napigilan ang pagkuha nito sa jacket ko, napataas ang kilay niya ng makapa ang basa na natalsikan ng tequila kanina
“N…Natalsikan ng tequila” hinila ko pabalik ang jacket at pinasok na iyon sa loob ng kotse
“Hindi ka pumasok ng tatlong araw, dahil ba sa nangyari tatlong araw na ang nakakalipas––” napatigil ito sa pagsasalita ng makita na tinakpan ko ang dalawa kong tenga
Napasandal na ako sa kotse ng humakbang nanaman ito papalapit sa akin, he grabs both of my hands at inalis iyon sa pagkakatakip sa aking tenga
“Bakit ba?!” Galit kong sabi
“Kiss me” walang halong birong utos niya
“W…what?! Are you out of your mind?!” I hissed
“I miss your lips, Grizzy.”
“A…ang gusto ko lang ay makipagclose sayo pero m…mali na ata to Professor Spartan”
“Sana inisip mo yan noon pa, huli ka na Mr. Hollow” kinorner niya na ako at inilapit ang labi sa akin
Napakapit ako sa damit niya at wala sa sariling binuka ang aking bibig, his tongue explores my inside mouth. Lumayo na ang labi namin sa isa’t isa….sinamaan ko siya ng tingin. Mali ito! Pero hindi ko maitatanggi na nakaka adik ang mga halik na ginawa namin kanina.
“Stop glaring” muli niya akong dinampian ng halik sa labi “go home and rest, please….attend my lesson tomorrow. I miss you”
He ruffled my hair at bumalik na sa loob ng bar
(Luh, sana all nalang talaga~~~)
Chapter 15
“You’re here, Mr. Hollow”
Pagkapasok na pagkapasok palang ni Spartan sa loob ng classroom ay yan kaagad ang pinambungad niya, mahina akong napadaing at ginawang unan ang backpack.
Pumasok ako hindi dahil sa sinabi niya kagabi, pumasok ako dahil nagagalit na sa akin si mom at dad so i have no choice. Habang nag d discuss si Spartan sa harapan ay lumilipad ang isip ko, wala man lang napasok sa isipan ko na kahit isang sentence, hindi nagana ang utak ko ngayon haishhhh walang use ang pagpunta ko sa bar kagabi mas gumulo lang lalo utak ko!
Pumikit ako at hinayaan ang dalawang kamay na nakalaylay.
I saw Mimir smirking at tinaas baba pa ang kilay sa akin, i raised my middle finger na ikinailing niya.
Nakatulog ako sa klase at nagising lang ng marinig ang malakas na bell, pinunasan ko ang gilid ng labi bago inangat ang ulo.
“Ok, class…..bumalik sa upuan dahil may sasabihin ako” bell na ah?
Nag unat unat ako at sinandal ang likod sa upuan
“Alam kong alam niyong may fieldtrip sa kabilang section at hindi iyon natuloy dahil napag desisyunan ng principal na isama ang section niyo” nag ingay ang mga kaklase ko kaya tatlong beses na pinalo ni Professor Spartan ang hawak na stick sa board upang makuha muli ang atensyon nila “i want all of you to give this piece of paper…..” isa isa niyang nilapag papel sa mga lamesa ng mga kaklase ko
Pinagsalikop ko ang kamay at tinago sa ilalim ng lamesa, nang marating na niya ang pwesto ko ay tinaasan niya ako ng kilay, mabagal ang paglapag ng papel na hawak niya sa lamesa ko….. “to your parents” pagtuloy niya sa sinasabi niya kanina bago bumalik sa harapan “make sure na may pirma ng inyong magulang ang papel na iyan, walang pirma hindi makakasama.”
“Two days and night……4 days from now” rinig kong sabi ng katabi ko
“Aasahan ko ang pagparticipate niyo” nagtama ang mata naming dalawa
Umuwi ako sa bahay at binigay kaagad kay mom ang kailangan niyang pirmahan at ng malaman na si Professor Spartan ay makakasama namin sa fieldtrip walang pagdadalawang isip na pinirmahan niya.
“Sasama ba ako?” Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa pirma ni mom
Sinabunutan ko ang sarili at dumapa sa kama, pinilit ko pa si Professor Spartan na isama ako pero ngayon parang ayoko nang sumama, hindi sasama si Mimir dahil alam kong hindi yun mahilig sa mga fieldtrip fieldtrip tsaka may pinagkakaabalahan na siya…bumuntong hininga ako, pinaglalaruan lang ba ako ni Spartan? Kasi bakit niya ako magugustuhan eh wala naman akong magandang ginawa sa kaniya?
Oh di kaya ay baka sinasabi niya lang sakin ang mga salitang iyon at mga kilos na sakin niya lang pinakikita ay dahil gusto niyang tumino ako at mapaamo?
Baka yun nga!!!
Inabot ko ang phone na nasa side table at dinial ang numero niya.
“Hello?” Nag indian sit ako at nginunguya ang ibabang labi habang hinihintay siyang magsalita
“Napatawag ka? Hmm?” Tanong nito gamit ang malalim at medyo paos na boses
“B…Bakit ganiyan boses mo?!”
“Kakauwi ko lang galing sa scbool” napatango ako kahit hindi niya nakikita “miss me?”
Napaubo ako at pinatayan siya ng tawag pero nag ring ang phone ko, ilang beses ko munang tinapik ang pisngi bago sagutin iyon
“Binabaan mo ako? May problema ba?”
“Tinawag lang ako, ano bang pake mo kung ibaba ko yung tawag?” Nirolyo ko ang mga mata “are you trying to tame me?”
“Why?”
“Kasi biglaan ka nalang nagpapakita sakin ng motibo atsaka may nangyari na sating dalawa, tapos hinalikan mo ako at kung ano anong mga salita ang sinasabi mo sakin, naisip ko na baka ginagawa mo iyon para patinuin ako at mapasunod mo”
He chuckled
Tumatawa ba siya dahil nalaman ko ang sikreto niya?!
“Ano? Sumagot ka! Kung yun man ang plano mo….hindi ka magwawagi!” Inis kong sabi
“Bakit mo naman naisip ang bagay na yan?”
Hindi ako sumagot
“Kung gusto kitang paamuhin ay hindi sa paraan na kaya mo pa din akong sagot-sagutin, papaamuhin kita sa paraan na hindi mo ako makakalimutan at sigurado akong araw araw mo akong hahanap hanapin”
Napakunot ang noo ko, hindi din nagtagal ay nagets ko naman ang sinabi niya
Pinakalma ko ang sarili
Calm your ass, Grizzy!!
“May itatanong ka pa ba?” He asked
“Ano pa? M….maliban sa sinabi mo…..”
“I like you, Mr. Hollow”
“Gusto mo ako? Seryoso? Sa sobrang gwapo ko pati ikaw nagkagusto sa akin” tumawa ako “pero gusto ng parents ko magka apo….hindi din ako bakla, hindi mo a…ako m…mababaliko”
“I can bend a straigt ruler Mr. Holllow, don’t underestimate me”
“S….Sige, patatayin ko na yung tawag”
“Hmm, study Mr. Hollow…..”
Tinitigan ko ng ilang minuto ang black screen ng phone na hawak, masaya akong kasama si Professor Spartan lalo na kapag nasa bahay niya ako…..tapos naiinis ako kapag nakikita ko siyang kausap si Professor Hawaii pero hindi naman ibig sabihin nun gusto ko din siya!
(How can you tell if you like someone?)
Nag scroll ako sa google hanggang maagaw ng atensyon ko ang isang site, pinindot ko iyon at nagsimulang magbasa
- You feel safe with them
Nguya nguya ang ibabang labi na pinagpatuloy ko ang pagbabasa
- Life feels more exciting
“Time might seem to fly by when you’re together and crawl like a turtle after they leave…..” pahina ng pahina ang pagbabasa ko dahil nakaka relate ako! Kapag kasama ko siya ay parang ang bilis ng oras at minsan ayoko ng umalis sa tabi niya! Pero…..ganun din naman ako sa mga kaibigan ko, k…kapag kasama ko sila parang ang bilis ng oras
- You feel a little jealous of other people in their life
Pumasok sa isipan ko ang imahe ni Professor Hawaii at Professor Spartan, i squinted my eyes……
Marami pa akong nabasa na tumutugma sa akin, i groaned at binato ang phone sa gilid ng kama, so i really like him?
(Vote and don’t forget to share your thoughts~~~)
Chapter 16
Sumisipol sipol na bumaba ako sa kotse at tinago ang susi sa bulsa, maraming estudyanteng nandito sa parking lot at kinukuha ang kanilang mga gamit sa likod ng kanilang mga kotse, two days and one night lang kaming mananatili sa lugar na pupuntahan namin pero naka bagahe pa ang iba sa kanila, matindi din.
Hinanap ng mata ko si Frencio at ng makita ang loko ay patakbo ko siyang nilapitan at tinapik sa balikat, napatalon pa ito sa gulat kaya nataw ako. Masiyado siyang nakatitig kay Professor Hawaii na nakasuot ng fitted blouse at trousers—lahat ng mga estudyanteng lalaki ang nakatingin hindi lang si Frencio.
“Pumasok na sa mga bus na nasa harapan, huwag magtulukan” sabi ng isang Professor gamit ang Microphone
“Saan tayo?” Tanong sakin ni Frencio
Inikot ko ang tingin sa paligid, where is he?
“Grizzy!” Siniko ako ni Frencio kaya sinikuhan ko siya pabalik
“Bakit ba?” Inis kong sabi at hinigpitan ang kapit sa strap ng gym bag ng mahagilap ko na si Professor Spartan na paparating
“Sino ba tinitignan mo?” susundan na sana niya ang tinitignan ko ngunit mabilis ko siyang hinawakan sa magkabilaang balikat at tinulak tulak papasok sa bus na malapit lang sa pwesto namin “ang weird mo ngayon, pati kahapon at nung isang araw. May hindi ka ba sinasabi sakin?”
“Ako uupo sa tabi ng bintana” tinulak ko siya pagilid para maunang makaupo
Napailing nalang ito at naupo na sa tabi ko, binuksan ko ang kurtina at dahil nakatapat samin ang sikat ng araw ay napapikit ako at inadjust muna ang mga mata nang maidilat nagtama ang mata namin ni Professor Spartan, kagat kagat nito ang dulo ng ballpen habang may dalang puting binder.
Lumunok ako ng ilang beses lalo na ng ngumisi ito at inayos ang suot na salamin, what is he trying to do? Is he seducing me? 7am ng umaga ganiyan siya? Anong akala niya sakin….mahuhulog sa mga pa ganiyan ganiyan niya?
Nang makapasok na lahat ng estudyante sa mga bus ay isa isa na ding nagsipasukan ang mga Professor na mag babantay sa amin at sasama sa fieldtrip.
Tumayo ako at humawak sa headrest ng upuan na nasa harapan upang makita si Professor Spartan at Professor Hawaii dahil dito sila sa bus namin pumasok, tumayo ang dalawa sa harapan, magkadikit na ang kanilang mga braso dahil sa sobrang lapit at patingin tingin si Professor Spartan sa mukha ni Professor Hawaii, ano kaya ang iniisip niya ngayon?
“Sa fieldtrip na to kung sino ang katabi niyo ay yun na ang magiging partner niyo” simula ni Proffesor Hawaii
Nag apir naman kami ni Frencio, buti nalang siya ang katabi ko hindi na ako mahihirapan makipag communicate.
Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinabi ni Professor Hawaii dahil nakikipaglaro na ako kay Frencio ng online games.
Nagsimula ng umandar ang bus, nagsimula na din mag ingay ang mga estudyante.
“Professor Hawaii, kayo na ba ni Professor Spartan?” Tanong ng isang estudyanteng babae dahilan ng pag off ko ng phone at nagsimulang makinig
“Iniwan mo ako” inis na sabi ni Frencio “matatalo na nga natin yung kalaban eh”
“Ikaw nalang maglaro nawalan na ako ng gana tsaka baka mahilo lang ako” ani ko
Nag ayieeee ang lahat nang nasa loob ng bus, patuloy nilang inasar ang dalawa Professor.
“May pag asa ba si Professor Spartan kung ligawan ka man niya, Professor Hawaii?” Muling tanong sa kanila
“Students, tigil na” Professor Hawaii giggled
“Frencio, naglalaro ka? Dito ka muna sa likod, laro tayo” tumayo si Frencio at umalis sa tabi ko para makipaglaro
Ngumuso ako at tinapak ang paa sa likod ng kinauupuan nang nasa harap, i crossed my arms at pinanood nalang ang mga puno at bahay na nadadaanan namin, humikab ako at isinandal ang ulo sa bintana, nakalimutan kong magdala ng head pillow.
Akala ko bumalik na si Frencio pero si Professor Spartan pala ang umupo sa tabi ko, tinignan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin, medyo foggy na yung salamin niya dahil sa lamig na nagmumula sa aircon na nasa itaas kaya inalis niya ang suot na salamin at sinabit sa kaniyang pocket na malapit sa puso.
Iba ang dating niya kapag walang salamin, kasi kapag may suot siyang salamin sobrang strict niya tignan at parang lahat ng sasabibin sa kaniya ay seseryosohin niya at kapag wala namang salamin para siyang estudyanteng bulakbol at nakakatakot lapitan.
“baka gusto kang katabi ni Professor Hawaii”
“Are you jealous?” He asked and squeezed my thigh
Inalis ko naman ang kamay niya doon, baka may makakita sa amin! Hindi ba siya natatakot?
“Hindi ako nagseselos” i hissed at inilapit ang mukha sa kaniya
Bumaba ang tingin niya sa labi ko pabalik sa mata at muling bumagsak sa labi.
“I want to kiss you right now, would you mind to offer your lips to mine?” Naestatwa ako sa pwesto when be brushed my lips using his thumb
“H…Hindi ka ba natatakot na baka may makakita satin?” Siniksik ko ang katawan sa gilid upang lumayo sa kaniya, ang tagal ni Frencio!
“Im not scared, kung pwede lang ipag sigawan kong gusto kita” tumayo na ito at kinindatan pa ako
“Hindi ka man lang bumalik sa pwesto mo!” Sabi ko kay Frencio ng makababa na kami sa bus
“Napasarap yung paglalaro namin eh, ano pala sinabi sayo ni Professor Spartan? Pinagsabihan ka nanaman na mag aral?” He asked
Nag iwas ako ng tingin
“W…Wala siyang sinabi!”
“Oh bakit galit ka?”
Sa harapan namin ay papasok na sa gubat, nagsimula na kaming maglagay ng lotion para iwas kagat ng mga lamok o kahit na ano pang insekto.
Hindi din nagtagal ay pinasok na namin ang gubat hanggang marating na namin ang malawak na lupain at may ilog pa na sobrang linaw ng tubig.
Pagod na napahiga ako sa damo at binuhusan ng malamig na tubig ang aking mukha. This is tiring, gagawa pa kami ng tent~
“Stand up” hinarang ko ang likod ng palad sa mukha upang hindi masiyadong tumama sakin ang sinag ng araw, may pares ng sandals ang nasa tabi ng braso ko at inuutusan akong tumayo “Mr. Hollow”
“Im tired” i groaned
Hindi na ito nagsalita at naramdaman ko na ding umalis na siya, napaikot ako ng mata at ginawang unan ang gym bag.
(Saan ka punta? To the moon~~~kung may tanong kayo huwag mahihiyang magtanong joke lang mwehehehehe)
Chapter 17
“Kingina talaga” inis kong hinagis sa malayp ang kahoy na hawak at umupo sa malaking bato
“Wag ka ng magreklamo, dalian mo na hinihintay na tayo”
“Nang iinis ba siya?! Nagpagod tayong magpulot ng kahoy tapos sasabihin niyang mali ang napulot natin?! May sira ba mata niya? Bato ba ang pagkakakita niya sa kahoy?! Buysit, ang init init!” Sinipa ko ang maliit na bato na tumama sa sanga ng punong kahoy
“Mali naman kasi tayo” Frencio said “mali yung nakuha nating mga kahoy masiyadong makapal at malaki mahihirapan silang paapuyan yun, ang kailangan nating kunin medyo maninipis na kahoy”
“Bakit hindi kasi sila nagdala ng gas tas ibuhos nila sa kahoy at paapuyan?!”
Tirik na tirik ang araw, pawis na pawis na ako dito kakahanap ng kahoy na gusto ng Professor Hawaii na yun, bakit hindi nalang siya ang maghanap para naman hindi lang utos ng utos ang gawin niya at panglalandi kay Professor Spartan, obvious naman na gustong gusto din niya kung paano sila asarin ng mga estudyante.
Hindi ata fieldtrip ang punta ng babaeng yun kundi paglalandi, she doesn’t even know how to lit a fire and build a tent. Tsk….kainis na buhay to!
Muli akong bumalik sa paghahanap at ng makaramdam ng panlalagkit sa sarili ay hinubad ko ang suot na pang itaas, nagulat naman si Frencio ng makita ako pero nagkibit balikat nalang, itinali ko na ang mga nakuhang kahoy gamit ang straw, nilagay ko muna ang tshirt ko sa ibabaw ng balikat bago ipatong doon ang mga kahoy na nakuha.
“Careful Grizzy” paalala sakin ni Frencio
“I know” i hissed at inikutan siya ng mata
Nakalabas na kaming dalawa sa loob ng gubat at halos lahat ng mga mata ay nasa gawi na namin, magkasalubong ang noo, pawisan ang buong mukha, basa ang buhok at may dumi sa pisngi yan ang makikita nila sa itsura ko ngayon dahil yung babaeng nakatayo habang nakikipagtawanan sa mga estudyante ay maarte sa kahoy!
Binagsak ko sa gilid ng mga kawali ang kahoy na buhat buhat at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri, hindi ko pinansin ang mga nakatingin sa akin at tinatawag pa ang pangalan ko. Professor Spartan caught my attention again, he’s half naked too at naka tupi ang pants hanggang tuhod, may hawak siyang kahoy na matalim ang dulo. Nanghuhuli siya ng isda kasama pa ang ibang mga lalaking kaklase ko.
“Let’s start cooking” pumalakpak ang president ng section na nakikipag kompitensiya sa kabilang section
“Grizzy––”
Tinapik ko lang si Frencio at patakbong tinungo si Professor Spartan, hanggang tuhod lang naman ang lalim at hinayaan ko nalang din na mabasa ang suot na pang ibaba dahil may balak din naman akong maligo pagkatapos nito.
“Hey” dinilaan ko ang gilid ng labi
Mabilis ang pagtaas ng kilay nito sa akin ng makitang wala akong suot na pang itaas
“You’re wearing nothing but a fucking a pants” pabulong lang ang pagmura niya tanging ako lang ang nakarinig na alam kong talagang sakin lang niya talaga ipaparinig
“Same to you” nginuso ko ang katawan niya “trying to impress Professor Hawaii? Well i can clearly tell that she’s one hundred percent impressed, Professor Spartan….” i faked a laugh
“Go inside the tent and put some clothes, Mr. Hollow”
“Paano kung ayaw ko?” Ngumisi ako ng makita kung paano halos maputol ang stick dahil sa higpit ng kaniyang hawak “….at bakit ako lang ang pinagdadamit mo eh halos lahat ng mga lalaki wala ng pang itaas”
Napapikit ito ng mariin
“Huwag mo akong utusan Spartan” i emphasized the word Spartan and clicked my tongue
Hindi na niya ako pinansin at tinuon nalang ang atensyon sa panghuhuli ng isda, madami dami din ang nahuli at napagdesisyon nang iihaw. Matapos kong maligo sa ilog ay nagpalit na din ako ng sando at shorts na hanggang tuhod, nakihalubilo na ako sa mga kaklase ko at sumali sa mga laro nila.
Dumating ang hapon at nakahiga na ang karamihan sa damuhan, nakasilong ako habang naka indian sit sa ilalim ng puno….nang tabihan ako ni Professor Spartan, umatras ako dahil dumikit na ang braso nito sa akin, i heard him chuckled imbes na mamangha dahil sa ginawa niya ay nainis lang ako.
Matapos kay Professor Hawaii sakin naman ang punta?
“Sino mga kasama mo sa tent?” Nilingon ko siya
“Bakit mo tinatanong?”
Humangin ng malakas kaya gumulo unti ang buhok nito, sinubukan niyang ayusin pero humangin ulit kaya hinayaan na lamang niya, ako naddistract sa buhok niya ngayon….i bite my inside cheek at ako na ang nag ayos sa nagulo nitong buhok.
I cleared my throat.
“Why are you staring like that?” Parang any minute ay maghuhugis puso ang nga mata niya
Hindi ito sumagot at sinandal ang likod sa puno
“She keep looking at you” nginuso ko si Professor Hawaii na pasulyap sulyap sa katabi ko
“Hmm, i know”
“May balak ka bang ligawan siya?”
“Ikaw ang gusto ko Mr. Hollow”
“P….Pero hindi kita gusto”
Napasinghap ako ng lumapat ang palad nito sa dibdib ko, nakatingin siya sa malayo habang ako ay pabalik balik sa kamay at mukha niya ang tingin.
“Liar” he whispered
Inalis ko ang palad niya sa dibdib ko at mas lumayo pa sa kaniya
“Liar” he tilted his head and looks at me “ang puso mo na mismo ang nag tatraydor sayo, Mr. Hollow.”
“Naiinis ako sayo kaya hindi maayos ang tibok ng puso ko, huwag kang gumawa ng kwento diyan”
“You know that i really hate liars”
“So?”
Again, he chuckled
“Bakit ka ba nandito? Im trying to relax here”
“You’re watching us, umamin ka man o hindi alam kong nagseselos ka kaya ako na ang umalis sa tabi ng pinagseselosan mo. Deny it since you’re a denial king Mr. Hollow ngunit kung ipagpapatuloy mo ang pag ddeny mo mas lalo lang lalakas yang nararamdaman mo”
“Bakit ba pinagpipilitan mong may gusto ako sayo at nagseselos ako?”
“Dahil yun ang totoo”
“Hindi nga!” Napatingin agad ako sa paligid ng sigawan ko si Professor Spartan “fuck”
“Why are you shouting?” Lumapit sa akin ang medyo strict na Professor
Pilit akong ngumiti at umiling “wala po”
“Talaga ba?” Napatingin din ito sa kasama ko bago umalis
“Kasalanan mo to” tumayo ako at pinagpagan ang shorts
(Luvlots~~~)
Chapter 18
Pinalilibutin naming lahat ang malaking apoy na nasa gitna as usual sa mga ganitong fieldtrip hindi nawawala yung kantahan, kwentuhan, truth or dare tsaka marshmallow na nakatusok sa stick.
Madilim na ang paligid kaya kitang kita ang bilog na bilog na buwan at mga bituin sa kalangitan kapag nandito si mom at dad sigurado akong nakahiga na sila sa damuhan, magkayakap habang pinapanood mga bituin sa pagkutitap. Ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganito, mag stay sa malawak na lupain ng mga ganitong oras at malayang pinagmamasdan ang kalangitan.
Kumagat ako sa marshmallow bago nginiwian ang hindi na matigil sa pagigitara ni Professor Spartan at pagkanta ng mga estudyante, rinding rindi na ako sa paulit ulit na pusong bato wala bang ibang kantang pwedeng kantahin? memorize na memorize ko na yung lyrics eh
“Parang uulan” sabi sakin ni Greg isa sa mga kaibigan ko na ka section ko din pero bihira lang kami magpansinan dahil busy siya makipaglaro ng soccer yung team niya kasi laging nilalaban international.
“Parang lang naman” sabi ko
Nagkibit balikat nalang ito at tumayo
“Saan punta mo?” Tanong ni Frencio
Greg raised his two fingers at inilapit sa labi, napaikot ako ng mata. He’s going to smoke
“Where are you going?” Napansin siya ng isang Professor
“May kukunin lang sa tent” walang galang na paalam nito at patakbong umalis
“Grizzy, samahan mo ako…natatae ako eh” nandidiring tinignan ko si Frencio na nakahawak na sa tiyan
“Ikaw na, pati pagtae mo gusto mo ako kasama” tinulak ko siya ng hawakan niya ang braso ko
“Ang dilim dilim dito tsaka partner tayo kapag nawala ako kargo mo ako”
Pinanlisikan ko siya ng mata
Nagpaalam na si Frencio at ng payagan hinila niya ako patayo, bagot na nagpahila nalang din ako. Medyo malayo layo na kami sa pwesto at naririnig ko na ang pag iri niya, disgusting….
“Dalian mo!”
“M…Mauna ka na pala Grizzy, mukhang matatagalan pa ako. Sakit ng tiyan ko” nahihirapan ang loko ilabas ang sama ng loob niya, halata sa tono ng boses eh
“Bahala ka diyan” mahina kong sabi
Hindi na muna ako bumalik dahil wala din naman akong ginagawa sa lugar na iyon at ma boboring lang ako. Nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng jogging pants na suot ay naglakad lakad ako, buti nalang balot na balot ako kundi puno na ng kagat ng lamok katawan ko.
Napatalon ako sa gulat dahil sa malakas na kulog at kidlat, paksheyt naman bibigyan pa ata ako ng sakit ng puso! Tumalikod na ako upang bumalik at magpahinga sa tent ng makitang iba na ang paligid ko, did i just lost myself? Tumakbo ako at hinahanap ang daan palabas ngunit mas lalong naligaw ako.
I fished my phone out of my pocket, wala man lang signal!! Huwag naman sana akong magaya sa “Wrong turn” mahal ko pa buhay ko at kung mamamatay man ako mas pipiliin kong mabaril kaysa ma torture! Gusto ko pa makapag graduate!!
Binalik ko sa bulsa ang phone dahil wala namang silbi, nagpameywang ako at malakas na tuwa upang mapawi ang tumatakbo sa isipan.
“Fictitious lang ang palabas na yun paanong mangyayari sa totoong buhay? Tsk” napailing iling ako habang natawa
Pero dahan dahan iyong napawi ng makarinig ng kaluskos sa hindi kalayuan, i gulped at umatras ng tatlong beses, kumulog muli at dahil sa takot mabilis akong tumakbo halos madapa dapa na ako dahil sa mga ugat ng punong nakaangat, kung isasali ako sa karera ako ang panalo dahil hindi ko na nakikita pa ang nadadaanan dahil sa sobrang bilis ko.
Nakakita ako ng kweba na hindi kalakihan, pumasok ako doon kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, dinulas ko ang sarili paupo at pinatong ang dalawang siko sa magkabilaang tuhod while catching my breath, walang magandang dinudulot sakin ang fieldtrip na ito!
“I want to go home!!” Malakas kong sigaw “the fuck—where is my phone?”
Tumayo ako at kinapa kapa ang bulsa ngunit wala doon ang phone ko, naiiyak na dumapa ako at pinagpupokpok ang kamay sa sahig, malas! Malas! Malas!!!!
Wala atang balak humina ang ulan dahil patagal ng patagal ay palakas palakas, malakas din ang ihip ng hangin na dahilan ng pagsasayaw ng mga puno at bulaklak, napaayos ako ng upo at umatras para hindi matalsikan ng tubig.
Kung bumalik sana kaagad ako…..
Inihiga ko ang noo sa tuhod at pumikit.
“Grizzy! Grizzy!”
Mabilis pa sa alas kwatrong dumilat ako at tumayo, that voice is familiar
“Grizzy!”
“Im here!!” Sigaw ko upang magkarinigan kaming dalawa “inside a cave!!”
“Stay there! Pupuntahan kita!”
Parang asong nagpagpag ng buong katawan si Frencio ng makapasok dito sa loob, nagtalsikan pa sakin ang mga butil ng tubig ulan.
“Bakit ka nandito? Akala ko bumalik ka na?” Tanong ko
“Alam kong hindi ka pa nakabalik, kaya hinanap kita hanggang makita ko phone mo sa daan” nilahad nito sakin ang basang basa kong phone
Binuksan ko at tinignan ang signal, napangiti ako at tinawagan ang nagunguna sa contact list ko.
“Where the fuck are you?” Galit ang tono nito
“I…inside a cave in the middle of nowhere” kagat kagat ang hinlalaking sagot ko
“Bakit hindi kayo kaagad bumalik?”
“N…Naboring ako sa paghihintay kay Frencio kaya naisipan kong maglakad lakad hanggang hindi ko na alam kung saan daan palabas”
“Napaka tigas ng ulo mo Grizzy, huwag mong patayin phone mo at pupuntahan ko kayo” binaba nito ang tawag
“Sino tinawagan mo?” Frencio asked
“Professor Spartan”
Umupo ako sa tabi niya, kinakabahan ako dahil sa tono ni Professor Spartan….
Ilang minuto pa ay may mga Professor na nag rescue sa amin isa na doon si Professor Spartan na mahigpit akong hinawakan sa braso at hinila palabas ng cave, pinasuot na kami ng raincoat kaya hindi na kami nababasa, malalaki ang hakbang ni Professor Spartan at nakalayo na kami sa kweba, napangiwi ako ng bigla nalang niya akong isinandal sa puno
“B…Bakit?” Kinakabahan kong tanong
Nanlilisik ang mga mata niya at nagsisilabasan ang ugat niya sa leeg.
“Hindi ka ba nag iisip?! Paano kung may nangyari sayo? Bakit hindi ka manatili sa iisang pwesto lang huh?!” Napatakip ako sa tenga ng suntukin niya ang puno sa likod ko “bakit ang tigas tigas ng ulo mo?!”
Pinasadahan nito ng daliri ang buhok at hinila ako payakap sa kaniya
“Sorry” he whispered and caress the back of my hair “hindi ko sinasadyang masigawan ka, nag alala lang ako…..”
Dahan dahan kong inilapat ang dalawang palad sa kaniyang matigas na dibdib, naramdaman ko ang padampi dampi nitong halik sa bunbunan ko.
“Huwag mo ng uulitin to, papatayin mo ako sa pag aalala Grizzy” pagod nitong sabi
(Uyyyy daily update ang Author natin ah? May imspiration ata, joke lang hindi na kasi busy kaya araw araw may update)
Chapter 19
“Go inside and change your clothes, use my towel to dry your hair”
Nanginginig dahil sa lamig na pumasok ako sa tent ni Spartan, nagkatinginan pa kami bago niya itaas ang zipper ng tent, tumila na din ang ulan kaya hindi na maingay ang paligid tanging kidlat at kulong ang meron. Buti nalang ay matibay ang mga tent kung hindi baka basa na lahat ng mga gamit namin at tinatangay na ng hangin ang mga tent.
Nilapitan ko ang gym bag ni Spartan, bago ko buksan ay pinagdikit ko muna ang palad at kiniskis sa isa’t isa upang magkaroon ng kunting init.
Saan na yung towel niya? Puro damit lang nakikita ko dito…..natigil ako sa paghahalukay ng mahagilap ang wallet nito, kagat labing paluhod akong umupo at binuksan iyon, mas dumiin ang ngipin ko sa ibabang labi ng makita ang litrato ko sa loob, sumingit naman sa utak ko ang nangyari kanina, kung paano siya magalit at saktan ang sarili upang hindi ako ang saktan niya dahil sa pag aalala, lahat ng takot ko sa ginawa niya ay nawala sa isang mainit niyang yakap.
Alam kong naramdaman niya ang mabibilis na tibok ng puso ko na halos gusto ng lumabas sa ribcage, my heart only beats fast when it comes to him.
Binalik ko na sa loob ang wallet at binuksan naman ang isa pang bag doon ko na nakita ang towel na kulay itim, pinatong ko sa ulo ang tuwalya at tumayo upang lumabas na dahil wala dito yung damit ko pero may nagbukas ng zipper ng tent at pumasok si Spartan na dala dala ang gym bag ko.
“Here”
Inabot nito ang dala na kinuha ko naman, naglabas ako ng tshirt na asul at black sweatpants.
“Uhmm im going to change”
Nakacross ang dalawang braso nito habang mariing nakatitig sa akin, naiilang ako.
“Change” he said
“C…can you go outside?”
Napakunot ang noo nito
“R..respect my privacy, i…im going to get n…naked—”
“Hindi ka naman nahihiya tuwing naglalakad kang walang suot sa bahay ko” tumaas ang kilay nito
B…bakit nga ba ako nahihiya? Tama naman siya, hindi naman ako nahihiya noon—
“I already saw your teeny weeny Mr. Hollow” ani niya na ikinapula ng buo kong mukha kaya mabilisan akong tumalikod
He just chuckled at lumabas na din.
Kinabukasan ay maraming nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako at kung paano ako napunta sa kweba, hindi ko sinasagot lahat ng katanungan nila dahil kung hindi ako ayos edi sana wala ako sa harapan nila.
Mamayang hapon na din ang alis namin kaya nag aayos na ng mga kagamitan ang mga estudyante habang ang iba naman ay nakababad sa ilog kahit na medyo may kalaliman na dahil sa pag ulan kagabi.
“Mr. Hollow”
Pumeke ako ng ngiti ng humarap sa kaniya
“Professor Hawaii, may i help you?”
“Hindi na kita na check kagabi dahil busy akong tignan ang mga students, are you ok now?” Pinaikot ako nito upang icheck kung may sugat, gasgas o pasa sa akin
“Thanks to Professor Spartan” ngumisi ako “dahil sa kaniya walang nangyari sakin—samin ni Frencio, sobrang BAIT talaga niya kasi dahil sa sobrang takot ko kagabi sa nangyari sinabihan ako ni Professor Spartan na sa tent nalang niya ako matulog, MAGKASAMA KAMI SA IISANG TENT KAGABI” i emphasized the last words
I saw how her smile twitched
“Ganon ba? Good to know, kasi kung may mangyari sa inyo kami ang sisisihin ng mga parents niyo at kung ako din naman ang nasa sitwasyon ni Professor Spartan ganun din ang gagawin ko. ESTUDYANTE namin kayo eh” she pats my head, dahan dahan naalis ang ngisi sa labi ko
“Gusto mo si Professor Spartan diba?” Lumayo ako sa kaniya
Napatakip ito sa bibig at kinikilig na tumawa, fuck…hindi ako nagising ng maaga para lang masaksihan ang kalandian niya.
“Nag usap na kami tungkol diyan” she said “sabi niya ay hindi pa naman siya handa…so im willing to wait, gusto din kasi siya ni mommy eh” hindi ba niya iniisip mga nalabas sa bibig niya? Parang hindi siya Professor sa pinakikita niya ngayon
“Ahhhhh” tumatango kong sabi “maraming nagkakagusto kay Professor Spartan” isa ka na ba doon? Sabi ng kalahating parte ng utak ko na ikinailing ko
“I know Mr. Hollow, pero alam ko naman na gusto niya ako hindi niya lang sinasabi because he’s a busy man, mga estudyanteng katulad mo ang priority niya….ok, i have something to do, breakfast is ready kumain ka na” nginitian pa niya ako bago umalis
Kuyom ang kamaong pinanood ko siyang lumapit sa mga babaeng estudyanteng nagkukumpulan.
“Gagii dre” muntik na akong mapaluhod sa lakas ng palo ni Greg sa likod ko
Binawian ko naman ito, suntukin ko bungo mo eh!
Aakbayan na niya sana ako ng layuan ko siya ngunit mapaglaro itong ngumisi
“Greg…tangina mo…..huwag ako”
Mabilis niya akong dinamba kaya sabay kaming napahiga sa damuhan, malalakas na tawa ang lumabas sa bibig ko ng paibabawan niya ako at kilitiin sa tagiliran, pilit ko siyang tinutulak pero dahil sa pangingiliti niya ay nanghihina ako.
“Bwahahahaha s……stop”
“Mr. Sedion, Mr. Hollow….mukhang nagkakatuwaan kayong dalawa” boses ni Professor Spartan ang nagpatigil kay Greg at sa pag tawa ko
Umigting ang panga nito ng makita ang ayos naming dalawa, hingal at naluluhang pumikit ako at dumilat para tignan muli si Professor Spartan na walang emosyon ang mukha.
“Good morning Proffesor Spartan!” Puno ng energy na bati ng nasa ibabaw ko
“Stand up and help your classmates, Mr. Sedion”
Nagkakamot sa ulong umalis ito sa ibabaw ko at tumakbo papalayo.
“Balak mo pa bang humiga diyan at maghintay ng iibabaw sayo?” May bahid na inis na sabi nito sakin “if you want to flirt make sure na wala ako sa paligid, i don’t like what i saw earlier Mr. Hollow, huwag na sanang maulit”
“Are you jealous—bakit ba kita tinatanong eh halata naman” tinukod ko ang dalawang siko upang maiangat ang kalahati ng katawan “Greg is my friend, you can’t own me just because you love me”
“I can own you because i love you and i want you”
“You’re possesive, Proffesor Spartan” naglahad siya ng kamay sakin pero tumayo ako mag isa
“I know and im proud of it”
(Sorry sa matagal na update~~)
Chapter 20
“Good morning mom, dad” nagpadulas ako pababa sa railings ng hagdan na ikinagalit ni mom
“That’s dangerous, Grizzy!”
“Nag iingat naman ako—mom!” Umiwas ako para hindi nito makurot ang braso ko
“Saan ang pag iingat doon?” Tumabi na ito kay dad na pinapanood kaming dalawa
“Wala kayong lakad?” Umupo ako sa harapan nila at kumuha ng mansanas na nasa mini table sa harapan
Pinunasan ko muna ang mansanas gamit ang laylayan ng tshirt bago kagatan
“Your ninang invited us to her birthday party tonight” mom giggled and touch my dad’s chest
“Im not going”
Magbilis akong tinaasan ng kilay ni mom
“And why not?”
“Aalis kami ni Frencio mamaya, birthday din ng isa sa mga barkada namin—”
“Nagka ayos na kayo?” Seryosong tanong ni dad
“Marami kaming kaibigan ni Frencio hindi lang yung mga yun, dad” tukoy ko sa nakaaway ko sa court “tsaka hindi ko na din sila pinapansin, ganun din ang ginagawa nila”
“Alam mong ayokong ayokong sumasama ka sa mga walang ibang ginawa kundi maging bad influence sayo, Grizzy. Marami nang nababalitang pinapatay na kaibigan din ang may gawa”
“Alam ko naman ang gusto mong iparating dad” muli kong kinagatan ang mansanas
“Sumama ka sakin ng mom mo, gusto ka din makita ng ninang mo” tumayo si dad upang magkape kaya naiwan kaming dalawa ni mom sa sala
“Your dad is hot” namula ang mukha ni mom at maarte pang tinakpan ang bibig habang humahagikhik
Cringe.
“Kailan ka magpapakilala ng babae sa amin ng dad mo?” Pag iba ng topic ni mom
Ngumiwi ako at hindi ito pinansin
“May kinikita ka ba ngayon?”
“Meron na” i answered
Lumaki ang mata nito sa gulat, hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Dinampian ko ng halik ang mansanas na hawak bago binato sa trashbin na malapit lang sa pwesto ko, ngising binalik ko kay mom ang tingin.
“Who is she?!” She excitedly asked
Who is he
“Joke lang, busy ako mag aral mom kaya wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng kasintahan. Siguro kapag graduate na ako” tumayo ako at nagtungo na sa hagdan
Nagtampo naman ito, yan kasi masiyadong excited yan tuloy na disappoint.
7pm kami dumating sa bahay ng ninang ko, nakasuot ako ng americana ganun din si dad habang si mom naman ay naka long backless dress na kulay silver, nakalugay ang wavy na buhok at nakasuot din ng hoop earrings. Nasa likod ako ng dalawa ng makapasok sa malaking gate, may lumapit na babae sa amin na mukhang isa sa mga katulong nila ninang at pinasunod kami sa kaniya, ayokong sumama nagkunyari pa nga ako kaninang tulog pero pinabangon ako ni mom at nakaratay na sa kama ko ang susuotin ko.
Marami rami na din ang mga bisita, may glass pyramid na nasa gilid may parte sakin na gustong kunin ang glass wine na nasa ilalim upang mapanood kung paano magsihulugan sa damuhan ang iba pang glass wine. Sa katabi ng table ng glass pyramid ay mga bilog na lamesang puno ng mga mamahaling regalo.
Nakalagay ang kamay sa magkabilaang bulsa na nilapitan namin si Ninang na nasa isa sa mga lamesa at nakikipag chickahan sa mga kumare.
“Happy birthday, Gladyz” mom greeted
“Ohmygod, akala ko hindi na kayo dadalo.” Nagbeso beso sila “heto na ba si Grizzy?”
Tumango si mom “ang laki laki na, diba last na kita mo sa kaniya ay baby palang siya?”
“Yes yes! Hi, im Gladyz, highschool friend ako ng mom mo. Tama ang mom mo ang una at huli kong kita ay yung bininyagan ka kasi nga pumunta ako ng france dahil nandoon ang husband ko” niyakap ko ito at napangiwi ako ng halikan niya ang pisngi ko
“Nice to meet you”
Hindi ko siya kilala, sabagay hindi baby palang ako ng makita niya ako. Akala ko si Ninang Amara ang pupuntahan namin, si Ninang Amara lang kasi ang malapit kong ninang at laging may regalo sa tuwing dadalaw sa bahay.
“Sit down”
Umupo na kami sa bilog na lamesa, sinubo ko ang ubas na nakahain sa harapan ko.
“May lalaki din akong anak pero mas matanda sayo, pupunta siya dito mamaya hindi kasi dito ang bahay nun. Nakabukod na eh” kwento nito sakin
“Hindi ko pa nakikita ang lalaki mong anak Gladyz” nakangusong sabi ni mom “akala ko babae, kung babae sana ay ipapakilala ko kay Grizzy”
Kinilig naman ang dalawa habang ang kanilang mga asawa ay nag uusap tungkol sa business at mga sasakyan.
“Restroom” paalam ko kay mom ng tumayo
“Bumalik ka kaagad, i know you Grizzy” pinandilatan ako nito ng mata
Hinanap ko ang restroom at buti nalang ay hindi naman malayo, pumasok ako sa isa sa mga cubicle at binaba ang zipper. Sumisipol ako ng lumabas ng restroom at napatigil ng mapansin ang pamilyar na bulto, nagpupunas ng kamay gamit ang tissue na nilapitan ko iyon.
“Excuse me” napaatras ako ng may dumaan na waiter na may dalang mga wine na nakalagay sa tray
Nang maibalik ko ang tingin sa pamilyar na bulto nakatayo na ito sa harapan nila mom at may kasamang matangkad na babae.
Parang pinagtakluban ako ng langit at lupa ng malaman kung sino iyon, mabilis ang mga hakbang na bumalik ako sa lamesa at umupo, nagulat si Spartan ng makita ako, he’s with Professor Hawaii! Date niya si Professor Hawaii!
“Spartan this is Grizzy, inaanak ko.” Nilingon ako ni Ninang Gladyz “He’s my son, Grizzy. He’s a professor and his girlfriend—”
“Mom!” Seryosong saway ni Spartan
“What a small world!” Mom said “tutor siya ng anak ko”
“Really?!” Ninang Gladyz claps her hand
Girlfriend? Tsk.
“Hi po tita, tito” sabi ni Professor Hawaii
“Ang ganda naman ng gifriend mo Spartan” sabi ni mom at pinuno ng compliments si Professor Hawaii
“Magaling pumili ng taste ang anak ko, tsaka ngayon lang siya nag uwi ng babae dito sa bahay” teary eyed na ani ni Ninang Gladyz
“She’s not my girl—”
“Thank you po” pagpuputol ni Professor Hawaii kay Spartan
Halos masira ko na ang tela ng lamesa ng ipaghila pa ni Spartan ng upuan si Professor Hawaii habang naupo naman si Spartan sa tabi ko, naramdaman ko kaagad ang malaking palad niyang dumapo sa hita ko at pipisil na sana ng umatras ako ng unti.
“Hi Mr. Hollow, it’s nice seeing you here” ngiting sabi sakin ni Professor Hawaii kaya peke akong ngumiti sa kaniya
“You look beautiful” Grizzy whispered
“Handsome!” Pagtatama ko
“Hmm” he hummed
“Stop touching me! Baka magalit girlfriend mo” inis kong sabi
“Let’s talk later, in my room” he huskily said and ruffled the back of my hair
“Your room? Bakit bawal ba tayong mag usap dito?” Inikutan ko siya ng mata “natatakot ka bang mahuli tayong nag uusap ng girlfriend mo?”
“She’s not girlfriend” napatingin ito sa labi ko
“Grizzy, diba wala ka pang girlfriend?” Tanong ni Ninang Gladyz
Imbes na sagutin ko inunahan naman ako ni mom na malungkot na nagkukwento tungkol sa kagustuhan niyang maguwi ako ng girlfriend sa bahay
“May pamangkin ako na kaedad mo din—”
Natigil si Ninang Gladyz when Spartan cleared his throat
“He’s too young” Spartan said “kailangan niyang mag focus sa pag aaral, mom. Marami pang panahon para diyan”
“Gusto ko po siyang makilala Ninang” ngiti kong sabi
Sinamaan ako ng tingin ni Spartan pero nginitian ko lang siya
“Talaga?” Sabay pang sabi ni Ninang at mom “sige, mag sset ako ng schedule para magdate kayong dalawa”
Tumango ako at sumandal sa kinauupuan
Mamatay ka sa selos Spartan.
Hindi pwedeng ako lang ang naiinis ngayong gabi.
“Subukan mong pumunta” banta sakin ni Spartan “you’re mine, Mr. Hollow”
“Pag aari ka ni Professor Hawaii tsaka sabi ng mom mo siya lang ang unang babaeng inuwi mo dito, ang sweet mo naman.” Tinapik tapik ko ang balikat nito pero kinuha niya ang kamay ko ang nilagay sa ilalim ng lamesa at pinagsalikop ang kamay naming lamesa, uminit ang pisngi ko sa ginawa niya “a…ano ba!”
“I don’t like her” igting ang panga na sabi nito
Nagkibit balikat lang ako
(Planning to create another story “Capturing the Z’s” tatapusin ko lang tong kwento nila Professor Spartan at Grizzy.)
Chapter 21
Nagsisisi na talaga ako kung bakit pumayag pa ako kay Ninang Gladyz na mag set ng schedule para sa meet up namin ng pamangkin niya, nandito tuloy ako sa mall at naghihintay. Pinaghihintay ako…..ayoko pa naman na naghihintay lalo na at wala akong kasamang maghintay.
Tinapon ko sa malapit na trashbin ang bottle na may laman kaninang bulo shake, maya maya pa ay nagchat si Ninang Gladyz sakin at sinabi kung anong itsura ng pamangkin niya at dahil hindi ako madling magmemorize ng mukha kapag pinapaimagie lang sakin at sinabi ko nalang na ibigay ang picture.
Kung pwede lang na umuwi na ako pero baka sabihin niya kay Ninang Gladyz at ipaalam ni Ninang Gladyz kay mom.
It’s saturday kaya wala akong pasok.
Napataas ang kilay ko ng makita ang litrato ng babae sa screen ng phone ko, maya maya pa ay may nahagilap ako sa di kalayuan kaya patakbo ko iyong tinungo.
“Hi”
Humarap ito sa akin, siya nga! Long healthy black hair, hazelnut eyes, small pointed nose, and heart shaped lips. Magkatangkad kaming dalawa ngayon pero kapag hindi siya nakasuot ng takong baka hanggang balikat ko lang siya.
She smiled, may brace siya
“Hi, ikaw ba si Grizzy?” She asked
Tumango ako “ako nga, kanina pa kita hinihintay”
“Bigla nalang kasing nasira gulong ng kotse ko buti nalang ay nandiyan si Kuya Spartan, siya ang naghatid sakin—”
“Nasaan siya?”
Ngumuso ito at pinasadahan ang paligid bago may tinuro sa likuran ko
“Good morning, Mr. Hollow” napatalon ako papalayo dahil tumatama na ang hangin na lumalabas sa kaniyang bibig sa aking tenga
“Kinuwento na sakin ni Kuya Spartan ang lahat kaya huwag mo na akong gamitin pampaselos, aalis na pala ako kasi kanina pa ako tinatawagan ng mga kaibigan ko, btw im Sarah” tinaas ni Sarah ang phone nito
“P….Paano si Ninang?” I asked
“Don’t worry sasabihin ko nalang na you treated me well, adios” nag flying kiss pa ito bago umalis
Hinarap ko si Spartan na nakangisi at nakacross ang braso, he’s wearing a blue polo na naka fold hanggang siko, ang pang ibaba naman ay black pants at black shoes
While me im wearing a simple grey shirt na may print na speechless at pinartneran ng puting pants at puting rubbershoes. Bago pa ako magsalita ay hinawakan na ni Spartan ang braso ko at hinila na ako.
“Saan mo ako dadalhin?”
“Kung saan kita gustong dalhin”
“Anong kinuwento mo kay Sarah?!”
“I told her that we’re dating each other at tinatago lang natin ang relasyon natin since it’s forbidden” dating each other? Bakit hindi ako inform?
Pumasok kami sa steak house, nakangusong umupo ako habang si Spartan naman ay nasa harapan at binigay sakin ang menu, nang maramdaman ang paninitig nito sa akin ay inis kong tinakpan ng menu ang mukha at tinawag na ang waiter at sinabi ang order ko, bibigay ko na sana pabalik kay Spartan ang menu pero nasabi na niya sa waiter ang gusto niyang order kahit hindi nakikita ang menu, so….napunta na ba siya dito?
Kinagat ko ang ibabang labi at tinukod ang siko sa lamesa at pinatong naman ang baba sa palad.
“Drinks, sir?” The waiter asked us ngunit sa kasama ko nakatingin
“Mr. Hollow?” Nakataas ang dalawang kilay nito, naghihintay sa sasabihin ko
“Tea” simple kong sagot
Spartan fix his glasses at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa, i can’t believe na sinabi niya ang tungkol sa amin pero mukhang hindi din naman ipagkakalat ni Sarah ang tungkol doon tsaka hindi naman totoo ang kinuwento ni Spartan.
Tahimik lang ako ng dumating na yung order namin, pasulyap sulyap ako kay Spartan at sa kabilang lamesa na hindi matigil sa kakatingin sa kaniya.
Tinaasan ako ng kilay ni Spartan at tinignan ang kabilang lamesa, he lowly chuckled and tilted his head a bit
“Bakit?” Inikutan ko siya ng mata “jealous?”
Nagpatuloy ang paghila hila nito sa akin hanggang mauwi kami sa arcade, wala naman akong problema kasi lahat ng mga kinain at binili namin ay pera niya ang gamit kaya hindi nabawasan ang dinala ko ngayon.
“Saan gusto mong unahin?” Tanong nito
“Claw machines!” Hinawakan ko ang laylayan ng polo nito at hinila siya patungo sa mga nakahilerang claw machines
“Just hold my hand and not my polo, Mr. Hollow” he whispered behind me and placed one of his hand sa bewang ko
“M…maraming tao” halos pabulong kong sabi
Naghulog na ako ng dalawang token at piniling kunin si pikachu, napamura ako at marahang sinipa ang ilalim ng claw machine narinig ko ang pagtawa ni Spartan sa likod ko at hinawakan ang magkabilaan kong balikat sabay pagilid sakin.
“Kaya mong kunin? Madadaya claw machine dito” ani ko
He kissed the two tokens bago inihulog sa claw machine
“Kapag nakakuha ako hahalikan mo ako dito mismo” ngisi niyang sabi
“B..baliw, magpusta pa ako ng sampung libo wala kang makukuha”
“Hindi pera ang gusto kong ipusta Mr. Hollow kundi yung labi mo” mas lumaki ang ngisi nito, uminit ang pisngi ko at nag iwas ng tingin
Sa unang beses na subok ay meron itong naitaas ngunit nahulog kaya muli siyang sumubok, sa pangalawang beses ay wala pa din kaya ako na ngayon ang nakangisi habang siya ay halos magdikit na ang kilay.
“Umatras ka na hahahaha” nakapameywang kong sabi
“Not now” umiiling nitong sabi
Inakbayan ko ito, napatingin ito sa akin, tinaasan ko siya ng kilay.
“Binigyan mo lalo ako ng rason para ipagpatuloy ang ginagawa” sabi niya kasabay ng pagpindot sa pulang bilog, nanlaki ang mata ko ng may makuha ito at inihulog na
Nakangising kinuha niya ang kamay ko at inilapag doon ang si Pikachu
“Pikachu kapalit ng pikakiss” he said
Ngumiwi ako “corny mo Spartan, saan ka natuto niyan?”
“Inlove eh” kibit balikat nitong sagot “where’s my kiss?”
Napatingin ito sa labi ko, hahalikan na niya ako ng pigilan ko siya at hilahin papunta sa restroom na malapit lang sa arcade, pumasok kami sa cubicle at halos pumutok na ang buo kong mukha dahil sa pamumula.
“Oh…” mapaglarong tingin ang binabato nito sa akin “naughty”
“H..hindi kita hinila dito para mas humaba pa ang kiss na p…pustahan, baka may makakita sa atin kapag d…doon mo ako––you know what? Just kiss me”
Isinandal ako nito sa likod ng pintuan at pinagdikit na ang aming labi, kusang bumuka ang bibig ko kaya nakapasok ang dila nito. Niyakap ko ng mahigpit si Pikachu, Spartan bite my lower lip and suck my upper lip. Hinahayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya, uminit na ang buo kong katawan at may dumaloy na electricity pababa sa katawan ko dahilan ng pagtigas ng alaga ko.
“You’re getting horny, Mr. Hollow. Horny for me” hinihingal nitong sabi habang nakapatong ang noo sa balikat ko
(Horny momintsss nga naman)
Chapter 22
Pinunasan ko ang luha gawa ng paghikab habang nakatingin sa harapan, si Professor Spartan na nagtuturo dahil may long quiz kami mamaya sa kaniya. Lahat ng babaeng kaklase ko active na active pero halatang gusto lang magpapansin, muli akong humikab.
Napatingin ako kay Mimir na nagbato ng crumpled paper sa akin, ngumisi ito at pinapupulot ang papel na dumiretso sa sahig, pinulot ko iyon at binuksan ang loob. May drawing na kamay na nakataas lamang ang middle finger.
Binato ko ang papel pabalik at tinaas ang gitnang daliri ko, muli itong nagbato ng papel sa akin.
Balita ko aalis ka ah?
Paano mo nalaman? I mouthed
Nakita ko ang pagdukot niya ng phone kaya nagmamadali ko din kinuha ang phone ko
Mimir: narinig ko lang si mom na pinag uusapan ang tungkol sa pag alis niyo
Nagtipa kaagad ako
Grizzy: biglaan lang din, doon na daw ako magpapatuloy ng pag aaral. Lola needs me.
Mimir: tangina mo eh, ikaw paborito kaya talagang wala kang takas sa mga ganitong bagay. Samahan mo nalang si lola hanggang gumaling siya tapos balik ka dito.👌🖕
Grizzy:🖕🖕🖕🖕🖕🖕🖕🖕
Bumuntong hininga ako, nung isang araw kasi tumawag ang nag aalaga kay lola na na hospital daw ito at nanghihina, she wants to see me at makasama. Napamahal na sakin si lola kaya pumayag nalang din ako kala mom na sumama at doon na ipagpatuloy ang pag aaral. I love my lola, siya din kasi ang naging sandalan ko noong mga panahon na kailangan na kailangan ko ng taong makikinig sa akin, siya din ang naging guardian ko ng buy sila mom at dad.
Sasabihin ko nalang kay Spartan mamaya, honestly wala pa naman ako talagang planong sabihin sa kaniya dahil sa pag kakaalam ko next month pa ang punta namin sa Canada pero dahil mas lumala ang karamdaman ni Lola sa saturday na mismo ang alis namin two days from now.
Lola is my everything.
She’s my light
“Get one whole sheet of paper” nabalik ako sa wisyo ng itap ni Spartan ang stick na hawak sa board
Napakamot ako sa batok at humingi ng papel, nagtama ang mata namin ni Spartan, ngumisi ito at inupo ang kalahating pang upo sa gilid ng lamesa at marahang pinalo palo ang stick sa palad nito.
Nagsimula na siyang mag pa quiz. Hundred percent sure akong ma zzero ako dahil hindi ako nakinig sa sinasabi niya kanina at nag iisip ako ngayon ng plano kung paano ko sasabihin sa kaniya na aalis na ako at mag asal abroad.
“No cheating, face your papers and not your seatmates” tumayo ito at nagsimulang maglakad lakad “Mr. Fernandez, i saw your your eyes.”
Natapos ang quiz at tama nga zero ang nakuha ko, tinawana lang ako ni Mimir na 10 ang nakuhang score. Napailing si Spartan sakin, i can clearly tell that he’s disappointed. Kinagat ko ang daliri at nag ring hudyat na breaktime na, nagsi ayusan na ng gamit ang mga kaklase ko at lumabas na kasama ang mga kaibigan.
Yayayain ko na sana si Mimir sa cafeteria kaso wala na siya.
Kamot kamot ang batok na naglakad ako papunta sa harapan ng lamesa ni Spartan, busy siyang ilagay ang mga papers sa leather bag niya.
“Can we talk?” Hihimatayin na ako sa kaba ko, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya sa sasabihin ko eh.
“May meeting ako, we can talk later….sa office ko” tumayo na ito ay ginulo ang buhok ko “may problema ka ba? Bumalik nanaman sa mga zero nakukuha mo.”
Umiling ako
“Meet me at my office” paalala niya sakin
Bumalik ako sa upuan ko.
Napatingin ako sa phone kong biglang nag ring, it’s mom.
“Grizzy!” She’s panicking
“Mom, what’s happening?” Kinabahan na din ako
“Your lola, nag stop ang puso niya kanina pero bumalik din kaagad. Umuwi ka na, hindi na ako mapakali pa kaya aalis na tayo ngayon.”
“P…pero mom—”
“Come home Grizzy!”
Wala na akong nagawa kundi kunin ang bag ko at tumakbo palabas, mukha ni Spartan ang pumasok sa isip ko. Bahala na, tatawagan ko nalang siya mamaya at ieexplain lahat lahat, alam ko naman na maiintindihan niya.
“Lola” hinila ako ni lola payakap sa kaniya
She started sobbing
“Lola, im here. Be strong ok? Uuwi din tayo pagkatapos nito” pagkausap ko
“Hijo, im so happy that you’re here. Natakot ako kanina……i thought im going to die na hindi ka nakikita at nayayakap”
“Hindi ka mamamatay lola, bata ka pa, sayang ganda mo”
Pinalo nito ang dibdib ko at tumawa ng mahina, nag usap pa kami ni lola tungkol sa mga nangyari sakin nung wala siya sa tabi ko. Pagod na isinalampak ko ang katawan sa sofa ng sila mom at dad naman ang kinausap ni lola, jetlag ako dahil sa biyahe. Hindi pa ako nakapagpalit dahil ngmamadali sila mom kaya hanggang ngayon ay suot suot ko pa din ang uniporme ko.
Binuksan ko ang phone ko at napakunot ang noo ng makita ang pagsabog ng chats sa gc ng school ko.
Sabi ko na nga ba
Bagay na bagay talaga sila
Ayiiieee gagawa ako ng fanpage!!
Mahihimatay ako sa kilig!
Anong meron?
Sa mga wala pang alam sa mga nangyayari click the link below😊😊
Dahil sa kuryosidad ay pinindot ko ang link, dagsa dagsang larawan ni Spartan at Professor Hawaii ang nakita ko, sa limang pictures ay magkaharap ang dalawa sa nasa rooftop sila ng isa sa mga building ng school, sa tatlong pictures ay medyo nagkalapit na ang agwat nila hanggang mas madami ang mga litrato ng magkadikit na ang labi nilang dalawa.
Nabitawan ko ang phone ko kaya napatingin sila mom sa akin.
“My phone slipped” i said “lalabas muna ako”
Nang makalabas ng hospital ay umupo naman ako sa isa sa mga bench dito sa garden at muling tinignan ang mga litrato. Hindi kami ni Spartan pero gusto niya ako, g…gusto ko din siya. Hindi niya naman ako niligawan pero pinararamdam niya talagang gusto niya ako but why….why did she kissed Professor Hawaii? Edited ba to?
He told me na may meeting siya pero bakit nasa rooftop at may kahalikan?
Muntik ko nanamang mahulog ang phone ng makita ang pangalan ni Spartan sa screen.
Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi pero sinagot ko din lang.
“Where are you? Hindi ka pumunta ng office ko, nakauwi ka na ba?”
“W…Wala ako sa bahay”
“Kasama mo mga kaibigan mo?”
“Im with my family here in Canada”
Tumahimik ng ilang minuto ang kabilang linya
“What are you talking about?”
“Wala ako sa pinas” lakas loob kong sabi “dito na ako sa Canada magpapatuloy ng pag aaral”
“Why didn’t you tell me? Give me your address, pupunta ako diyan”
“Can you explain the pictures na trending na sa buong school?” Tumingala ako upang hindi magsihulugan ang mga luha
“What pictures?”
“Naghahalikan kayo ni Professor Hawaii sa rooftop”
“Let me explain, calm down ok? I need you to listen at huwag mo akong babaan ng tawag hangga’t hindi ako natatapos magsalita. Im going to explain everything to you….you need an explanation baby, im going to give what you deserve….listen, ok?”
Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita
“Nakikinig ka ba? Nandiyan ka pa ba?”
“Yes”
“Hinila niya ako patungo sa rooftop, wala akong balak magtagal doon kaya nang makarating kami sa rooftop ay nagpaalam na akong may gagawin pero hinarangan niya ang pinto pababa. Im confused and asked if she needs something but she starts to walked towards me and kissed me without my permission, baby. I want you to believe na hindi ko gusto ang ginawa niya at tinulak ko siya palayo……come back now”
“Hindi naman ako umalis dahil sa pictures niyong nakita ko dahil ngayon ko lang din naman nakita, pumunta kami dito dahil may sakit si lola. She needs me” wika ko
“Give me your address, pupuntahan kita—”
“If y….you really love me, you’re w…willing to wait for me.”
“I love you Mr. Hollow, im willing to wait….at the sametime i can’t dahil nasanay na ako sa presensiya mo”
“Hintayin mo akong maka graduate, don’t entertain girls….Spartan.” mahina kong sabi
Pinunasan ko ang luha ko, nagsayang pa ako ng luha, si Professor Hawaii lang pala ang humalik at hindi si Spartan. Pinagdarasal ko na sana bumalik na yung dating professor para maalis na siya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Spartan sa kabilang linya.
“Im going to wait…..”
(Sanaoll hinihintay)
Chapter 23
6 years later
“Na miss mo ba ang pinas lola?” Tanong ko kay lola ng makapasok na kami sa van na magpupunta sa amin sa bahay “na miss mo ba?” Pag uulit ko dahil mukhang hindi niya ako narinig
“Huwag mong guluhin ang lola mo at napagod yan sa biyahe” saway sakin ni mom
“Fasten your seatbelt” dad said
“Na miss ko ang klima ng pinas” ngumiti si lola sakin at hinawakan ang kamay ko “mas excited ka pa kaysa sakin ang laki ng ngiti mo”
Namula ako ng maalala ang pag uusap namin ni Spartan kagabi, gusto niya sana kaming sunduin sa Airport pero tumanggi ako dahil may susundo na sa amin. Naka graduate na ako last year, naaalala ko nga kung paano ngumiti ng mga panahong iyon si Spartan parang mas masaya siya kaysa sa parents ko.
Ngayon na graduate na ako pinapangako ko na ipagpapatuloy ko ang meron sa amin ni Spartan, alam na din nila mom ang tungkol sa amin ni Spartan sa una ay medyo hindi nila nagustuhan dahil bawal na bawal naman talaga ang tungkol sa amin pero hindi din tumagal ay pumayag nalang din ng malaman na handang maghintay si Spartan minsan nga si mom na ang natawag kay Spartan kapag busy ako at hindi magawang sagutin mga tawag niya.
Nakauwi na kami sa bahay, kinuha ko kaagad ang phone ko upang tawagin si Spartan, nag ring ng ilang beses bago nito sinagot.
“Nakauwi na ako”
niyakap ko ang unan at tumingin sa paligid ng kwarto ko, walang pinagbago ganito pa din ang itsura ng umalis ako.
“Punta ka dito mamayang dinner” sabi ko
“Ok, i miss you….i love you” he said
“Kakagising mo lang?” I asked dahil sa medyo groggy nitong boses
“Yeah baby, nakatulog ako sa kakahintay ng tawag mo”
Napakagat naman ako sa ibabang labi
Tinulungan ko na si lola na ayusin ang mga gamit na dinala nito, magbabakasyon lang si Lola dito para naman maka relax tsaka pinilit ko din kaya wala nang nagawa pa.
“Mom, pupunta dito si Spartan mamayang dinner” sabi ko kay mom ng madaanan siya
“Im so excited” kinikilig na sabi nito
Malawak ang ngiting nakatayo ako sa labas at gate at hinihintay ang pagdating ni Spartan, i can’t wait to see him sa totoo lang kasi nalakasawa tignan ang mukha niya sa screen ng phone ko gusto ko ng makita siya sa personalan, hindi ko din naman magawang halikan mga pictures niya dahil feeling ko may mga nanonood sa akin sa paligid, feel mo din ay nababaliw na ako kapag ganun.
“Spartan!!!” Tumalon talon ako na parang bata ng makita ang kotse ni Spartan na tumigil sa harapan ko
Lumabas ito ng kotse niya na may dalang nagkukumpulan na bulaklak
Dahil sa bagal niyang gumalaw at lumapit sakin, tinakbo ko nalang ang pagitan naming dalawa at tinalon siya, pinalibot ko ang legs sa kaniyang bewang, napahawak naman ito sa pang upo ko at naibaba sa hood ng kotse ang bulaklak na dala. Pinaghahalikan ko ang leeg nito at pisngi lastly ang malambot niyang labi.
“Fuck” he chuckled lowly “i love you baby”
“I love you~~”
“I miss your warm, the taste of your lips, your smile, your face, i miss everything baby. Now that you’re here in front of me, im going to cherish you and love you until my last breathe” dinampian niya ng halik ang pagitan ng kilay ko bago ako ibinaba
“Is that for me?” Turo ko sa mga bulaklak
“This is for your mom and grandma, baby”
Ngumuso ako at tinuro ang sarili “where’s mine?”
“Me” parang ahas na pumalibot sa bewang ko ang braso nito at hinila na ako papasok ng bahay
Narinig ko ang tili ni mom ng makalapit na kami sa pinto, mabilis siyang lumapit sa amin at nakipag beso sa kasama ko.
“Mas lalo kang gumwapo!! I like your hair, Spartan….goodness tumangkad ka din”
Ang daming napansin ni mom habang ako ay hindi man lang napansin na humaba ang buhok ni Spartan, he’s still a Professor pero hindi na school ko noon kundi sa ibang school na at ako ang dahilan kung bakit siya lumipat, nakakainis kasi si Professor Hawaii hindi matigil sa kakakulit kay Spartan at nabalitaan ko kay Grizzy na hindi na sub prof si Professor Hawaii talagang pinagpatuloy na niya ang pagtuturo sa school na yun.
“Good evening tito” nakipag handshake si dad at Spartan at sabay na silang pumasok na dalawa
Pinainggit naman sakin ni mom ang bulaklak na ibinigay ni Spartan kaya inikutan ko nalang siya ng mata at pumasok na din.
Tuwang tuwa si lola ng makatanggap ng bulaklak, naalala daw niya si lolo na lagi siyang binibigyan ng bulaklak.
Magkatabi kami ni Spartan na naupo sa harap ng lamesa si lola at mom naman ang nasa harapan habang si papa ay nasa gitna
“Kamusta naman?”
Nagpatuloy ang pag uusap ni dad at Spartan habang kumakain, halos buong gabing nandito si Spartan ay si papa ang kausap niya kaya nga inimbitahan ko siya dito para makasama siya at hindi magpaagaw ng atensyon kay papa.
“Why?” Spartan asked ng tumayo si dad at iwan kaming dalawa dito sa garden
“Gusto kitang masolo pero si dad—”
Natigil ako ng halikan niya ang labi ko.
“Kailangan ko mag paimpress sa dad mo para madagdagan pogi points ko” ngising sabi niya
“Graduate na ako”
“I know” he nods his head
“Malaki na din ako” tumango ulit ito “tsaka sakin na ipapamana ni dad lahat ng pinaghirapan nila ni mom”
“Hmm, and?”
“Pwede na ba akong tumira sa bahay mo?” Nag ngiting aso ako
“Yeah” tumango ito
“Bakit parang ayaw mo?!” Ngumuso ako at lumayo ngunit hinila niya ako palapit
“Gusto ko”
“Kamusta na pala yung kaibigan mo?” Nagkwento kasi sakin noon si Soartan tungkol sa lalaking kaibigan niyang nabuntis at tinakbuhan ang tatay ng bata na nasa loob ng tiyan niya dahil nag cheat daw
“He’s ok, healthy silang dalawa ng anak niya.”
Napapikit ako ng pinisil nito ang pisngi ko
“Your cheeks are chubby” he calmly said
Pinigilan kong mapangiti dahil doon, naging chubby na din ako dahil hindi ako tinigilan ni lola na pakain ng matatamis, lagi kasi sila ni mom nakatambay sa kusina yun na din ang bonding time nila.
“Ayaw mo ba? Lumaki na din ng unti ang braso at hita ko….pati na din yung tiyan ko” paano kung iniisip na niya ngayon na pumanget ako imbes na mas maging gwapo? Ngayon tuloy ay gusto kong magkaroon ng kapangyarihan na makabasa ng isipan
“I love it….kahit maging dambuhala ka pa” pinalo ko ang braso nito kaya muli siyang tumawa ng mahina “im serious baby, huwag mong isipin na aayawan kita dahil nagbago ang katawan mo, ako ang nakasubaybay sa pagiging chubby mo” he ruffled my hair “as long na ikaw si Grizzy Hollow, mamahalin kita ng buong buo”
Lalanggamin na kami ni Spartan, siguro sa sobrang tamis namin ngayon ay hindi na kami kakayanin ng mga langgam sila na mismo ang lalayo.
“Can we go to my room?”
“I can’t” mabilis niyang sagot “iba ang ngiti mo, Mr. Hollow”
“G…Gusto ko ng gawin” i hissed
“You naughty little hollow”
Chapter 24
“You’re so happy, i can see your eyes shining from afar” Frencio sat in front of me while holding a glass of rum
I smile and bite my lower lip when a flash of memory from last night pops inside my head. It’s really nice to see Frencio here, nakita ko na din ulit sa wakas ang pagmumukha niya, wala din kasi akong gaanong naging kaibigan sa Canada dahil medyo hindi ko natitipuhan ang mga ugali nila doon.
Pinagdikit namin ang inuming alak bago sumimsim, itinukod ko ang dalawang siko sa lamesa at hinarap ang mga nagsasayawan sa dancefloor.
“Sino kasama mo?” Frencio asked
“I came here by myself” i answered “pero may susundo sakin mamaya” ngumisi ako ng ngiting kumunot ang noo nito
“Your girlfriend?”
“Shit man, wala naman akong sinabing may girlfriend ako at kung meron man hindi ko hahayaang manundo iyon sa akin” umiiling na inikutan ko siya ng mata
“Base sa ngisi mo kanina hindi kaibigan ang gusto mong iparating sakin, Grizzy”
Sabay kaming napaangat ng tingin ni Frencio ng may babaeng lumapit sa kaniya at may ibinulong, umiling si Frencio at tinanggihan ang papel na ibinibigay sa kaniya ng babae na may numero niyang nakasulat. Natawa ako ng makaalis na ang babae at makahinga ng maluwag si Frencio.
Nagtaas ng dalawang kamay si Frencio ng makita ang uri ng tingin na ibinibigay ko sa kaniya “i have a girlfriend, Grizzy. Im taken and not going to entertain anyone here”
“Then why are you here?”
“We fought earlier”
“Who’s wrong and who’s right?”
“She doesn’t want to bear my child” nag order pa ng maiinom si Frencio at biglang sumeryoso ang mukha
“Perhaps she’s not ready yet”
Malalim ang binuga nitong hangin
“Let’s not talk about that, kaya nga ako nandito para makalimutan muna yun” ngumiti na ito kaya hindi nalang din ako nagtanong pa
Nilapag ko ang baso ng alak sa lamesa ng maramdaman ang pag vibrate ng phone ko, nagpaalam muna ako kay Frencio upang sagutin ang tawag. Nang makalabas ng bar ay idinikit ko ang phone sa tenga at sumandal sa dingding.
“Nandito ka na?” Kagat labing ngumiti ako at sinipa ang maliit na bato na rumolyo naman papunta sa isang gulong ng kotseng naka park
“Almost there, wait me outside and let’s go home”
“Iuwi mo ako sayo, Spartan”
“Hmm, i will baby”
Bumalik ako sa loob ng bar at kinuha ang bag ko, nagtataka namang tumayo si Frencio at mukhang ayaw pa akong paalisin.
“Sa susunod nalang ulit” sabi ko
Hindi ko na siya hinintay na magsalita at lumabas na ako, nang makita ang kotse ni Spartan na nasa harapan ko na ay may kung anong init ang humimas sa puso ko. Hinalikan ko ang kaniyang labi ng makapasok sa loob ng kotse niya.
“Madami kang nainom?” Tanong nito
Habang tumatagal mas nagiging hot siya sa paningin ko, galing siyang school niya at dahil may meeting ngayon lang niya ako nasundo.
“Lord of hasting is a fine man” sabi ko sa sarili habang nanonood ng Bridgerton dito sa loob ng kwarto ni Spartan
Nakita ko sa peripheral vision ko si Spartan na napatigil sa pagpindot sa laptop niya at tinignan ang lalaking tinutukoy ko, dahil busy naman si Spartan ay pinili ko nalang na maghanap ng magandang panonoorin kaya heto ako ngayon nakahanap na ng magandang palabas. Napakaganda ni Daphne kung hindi lang si Spartan ang nagpatibok ng puso ko baka gumawa na ako ng fanpage para sa kaniya.
“That man?” Tinuro nito si Simon
“Yeah” tumayo ako at lumapit sa kaniya
Umupo ako sa hita niya at itinaas ang dalawang paa at pinatong sa lamesang basa harapan, pinatong naman ni Spartan ang baba niya sa balikat ko at gumapang ang kamay sa aking tiyan
“Sino ang pipiliin mo? Ako o siya?” Tukoy niya kay Simon
“Syempre ikaw!” Hinalikan ko ang tungki ng kaniyang ilong at humagikhik “ikaw lang ang pipiliin ko gaya ng araw araw mong pagpili sakin”
“Paano kung nag away tayo at nagkita kayong dalawa?”
“Edi makikipagbati ako sayo” tanong ng selosong Spartan nga naman~
“Stay quiet baby and let me do my work” bulong niya
Ngumuso nalang ako at pinagpatuloy ang panonood habang nakaupo pa din sa hita ni Spartan.
(For the short chapter muna ang ferson)
Chapter 25
“Are you listening Grizzy?”
Napanguso ako ng batuhin ako ni dad ng lukot na papel
“Nakikinig ako dad”
“Kung ganon irecite mo ngayon din lahat ng sinabi ko sayo” pinag cross nito ang mga braso habang ako naman ay nag asong ngiti “how can i hand our family business to you if you can’t even listen to me”
Sumandal ako sa swivel chair at pinaikot ikot ang ballpen sa daliri, natigil si dad sa pagtingin sakin ng tumunog ang phone niya. Nandito ako ngayon sa opisina ni dad dahil tinuturuan na niya akong mag handle kaso maling oras at araw ang pagturo niya dahil puyat ako at hindi maganda ang gising. Walang ni isang word ang napasok sa utak ko ngayon.
Inabot ko ang salamin sa mata ni dad at kung gaano kabilis ang pagsuot ko noon ganun din kabilis ang pag alis, napanganga ako dahil sumakit unti ang likod ng ulo ko at umikot ang paligid. What the heck? May mahika ba ang salamin na yan at ginagawang may hang over ang taong magsusuot?
Tumayo na ako sa pagkakaupo at lumabas na ng opisina, ang tagal ni dad eh tsaka gusto kong makita si Spartan.
Dahil miss ko na siya nag drive ako patungo sa school niya, pinark ko sa gilid ang kotse at tinanguan ang guard na nasa nakaupo sa gilid ng gate, pumasok na ako sa loob at napatango tango dahil hindi naman gaano kalawak ang school ground at hindi din pataasan ng building, ang unang makikita pagkapasok ng gate ay ang basketball court.
“Hey”
“Po?” Nang makaharap ang dalawang babae sakin ay nagsikuhan pa ang dalawa
Ngumiti ako “saan dito yung opisina ni Spartan Modre?” I asked
“Yung hot na teacher natin”
“Ikaw na magsabi”
Bulungan ng dalawa
“S….Sumunod nalang po kayo samin, doon din po kasi punta namin” pinakita nito ang mga papers na dala “pinapadala din po kasi samin ni Teacher Spartan tong mga papers, nagpa quiz kasi siya kanina”
“Magaling ba siyang magturo?”
Yung isa naman ang sumagot “masungit po pero siya lang ang teacher dito na magaling magturo, hindi niya po hinahayaan na may nakakazero sa quiz niya”
“Hmmm, may nagkakagusto din ba sa kaniya dito?”
“Halos lahat ng babae dito sa schooo m…may gusto kay Teacher Spartan”
Hindi na ako magugulat pa dahil alam ko naman kung gaano kagwapo ang lalaking yun.
Binasa ko ang labi ng tumagil na kaming tatlo sa kahoy na pinto, kumatok ang dalawang babae ng sabay at ng marinig ko ang boses ni Spartan sa loob ay binuksan na ng dalawa ang pinto, pinauna ko muna sila bago ako sumunod.
Nakaupo si Spartan sa lamesa niya habang may ballpen na nasa likod ng kaniyang tenga at may hawak na coupon bond, his hair is a bit messy but he looks more handsome.
“Teacher, yung mga nacheck-an na namin” binigay nila ang papers kay Spartan na nakatingin na sakin
“Ilapag niyo diyan at bumalik na kayo sa classroom niyo”
Nagmamadaling lumabas ang dalawa at sinarado ang pintuan, dinamba ko naman ng yakap si Spartan at inamoy ang leeg nito.
“Why are you here?”
“Sumasakit lalo ulo ko kay dad, kinakawawa niya ako. Hindi niya ako pinagpapahinga” sumbong ko at muling inamoy ang leeg niya
“Are you hungry?”
Inilayo niya ako ng kaunti sa kaniya upang makababa siya sa pagkakaupo sa ibabaw ng lamesa, he brush his hair using his fingers at kinuha ang wallet na nasa leather bag.
“Breaktime mo?”
“Yeah”
Pumunta kami sa cafeteria ng school hindi malaki ang cafeteria at hindi siya aircon, puro ceiling fan lang at mga monoblock chairs at plastic table lang hindi katulad sa dati naming school, napansin naman ni Spartan ang pagtingin tingin ko sa paligid kaya hinawakan nito ang braso ko at idinikit ako sa kaniya
“This is a public school Spartan” he whispered “hindi to kagaya ng school mo noon, pero masasarap ang mga pagkain nila dito. Maghanap ka na ng mauupuan dahil mamaya marami ng estudyante”
Ginulo nito likod ng buhok ko, may mga nakatingin samin ni Spartan at nakangiting nagbubulungan, naghanap ako ng mauupuan at sinigurado kong natatamaan ang pwesto namin ng electricfan dahil sobrang init.
“Mga jowa po ba kayo ni Teacher Spartan?” Sabi ng nasa kabilang table “kaya pala familiar ka po”
“Why?” Kumunot ang noo ko habang nakangiti
“Kasi po nung inasar namin siya na walang jowa tinigil niya po pag ddiscuss niya at halos lahat po ng picture mo simula student ka palang pinakita niya samin” they giggled
Namula naman ako at napayuko
Natigil lang sila ng dumating na sa harapan ko si Spartan at nilapag sa ibabaw ng lamesa ang dalawang plato na may one cup of rice at tatlong bowl nang mga ulam. Adobo, sisig at sabaw ng sinigang na baboy.
Walang ganito sa amin.
Mas dumami na ang nakatingin sa amin kaya naiilang na ako
“Don’t mind them” Spartan said “eat your food”
Sumubo ako
“P….Pinakita mo daw sa mga estudyante mo pictures ko?” Nahihiya kong tanong
Tumigil ito at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang tissue kaya inulan kami ng asar ng mga nasa paligid.
“Shhh students quiet” natahimik kaagad ang lahat sa sinabi ng kaharap ko “yeah, gusto kitang ipagyabang”
Cause of death ko si Spartan masiyado niya akong pinakikilig eh.
Inis na tinaboy ko ang langaw na umaaligid na sa plato ko.
Hindi ako busog na lumabas ng cafeteria dahil nakakailang talaga ang mga nasa paligid at may langaw na dumapo sa pagkain ko, hindi naman sa maarte ako pero kasi dati ng nakapatay ako ng langaw ay may uod sa tiyan nito kaya simula noon hindi na ako kumakain ng nadapuan na ng langaw dahil baka mag iwan sila ng uod na maliliit.
“Anong oras uwi mo?” Tumingala ako upang makita siya, tumangkad talaga eh….akala ko pa naman babalik ako dito sa pinas na magkasingtangkad na kaming dalawa
“5-6pm” he answered “go home, susunduin nalang kita sa bahay niyo”
“But i want to stay here with you, panoorin kitang magturo”
“Hindi ako makakapag focus kapag nasa paligid ka Mr. Hollow”
“Edi isipin mo nalang na wala ako sa paligid”
“I can’t” dinampian ako nito ng halik sa noo “go home, baby”
“Maya maya na” bumalik na kami sa opisina at 15 minutes nalang ay klase na niya “buti naman may aircon dito sa opisina mo”
He hummed
“Mag alaga tayo ng aso Spartan” dinukot ko ang phone nitong nasa lamesa, alam ko ang password niya dahil binigay niya iyon sakin
Pumunta ako sa google at sinearch ang aso na natitipuhan ko this past few days.
“I want this” pinakita ko ang litrato kay Spartan “look!”
Tinigil nito ang pagtingin sa records niya
“Golden retriever?” Tumango ako “baka hindi mo maalagaan”
“Hindi naman ako bibili kapag alam kong hindi ko maaalagaan” inikutan ko siya ng mata at nag scroll scroll pa “wala ka namang allergy sa aso, wala din ako.”
“My class is about to start” napaangat ako ng mukha at tinignan siya, lumapit ito sakin at nilapat ang palad sa batok ko. “Be a good boy and don’t cause me trouble, baby”
“I will” matamis akong ngumiti
(Paano naman ako? Charrr don’t forget to vote mysties mwuahhhh)
Chapter 26
“Good morning, Mr. Hollow” ngumuso ako ng marinig ang tinawag nito sakin, lumapit ito sakin at hinalikan ang noo ko “breakfast is ready, ikaw nalang ang hinihintay ko”
Magsasabi pa sana ako ng 5 more minutes kaso baka gutom na siya kaya kahit na inaantok pa din ay bumangon na ako at hinayaan muna ang sariling matulala ng i minute, umalis na si Spartan sa gilid ko at kinuha ang kape niyang nakapatong sa study table.
Nang makakuha na ako ng enerhiya ay umalis na ako sa kama at hinila ang sarili patungo sa banyo
Matapos ang morning ritual ko ay sabay na kaming bumaba ni Spartan, pinaghila niya ako ng upuan at siya na din ang naglagay ng kanin at mga ulam sa plato ko. I mouthed thank you at nagsimula nang kumain, nakaharap nanaman siya sa dyaryo niya, parang si dad na siya kumilos.
“May lakad ka ba ngayon?” He asked me
Mamaya pa ang pasok niya kaya nakapambahay siya ngayon, umiling ako at sumubo
“Do you want to come with me?” Nag angat ito ng tingin
Our eyes met, tipid niya akong nginitian at tinignan ang plato ko kung marami na bang nabawas na pagkain.
“Sasama ako” i answered
He hummed at binalik na ang atensyon sa dyaryong binabasa
Nauna na akong bumaba sa kotse niya at napatingin sa mga high school students na kinawayan ako at binati, naramdaman ko ang palad ni Spartan sa aking likod at marahan na akong itinulak upang magsimula nang maglakad. Sunod sunod nang bati ang natatanggap ni Spartan na tango lang ang isinasagot.
Katulad ng laging ginagawa nito ay iniiwan niya ako sa opisina niya, umupo ako sa swivel chair at humikab.
“Wait for me here, if you want to take a walk outside go ahead pero huwag ka nang lumagpas ng gate” he said
Tumunog ang phone ko kaya napasulyap siya sakin
“Si mom” baka sabihin pa nito na may kausap akong iba eh hahahahaha
Ngumiti ako at pinakita kay Spartan ang message sakin ni mom
“Mom wants to invite for dinner later, na miss ka”
“Hmm, tell her that were coming.” Dinampian niya ng halik ang aking labi, ngumisi ako at hinila ang collar niya ngunit pinigilan niya ako
“Not now, Mr. Hollow. May klase pa ako…..”
Ngumuso ako at inirapan siya, wala akong ginawa kundi matulog at manood ng mga movies sa netflix hanggang dumating ang hapon at tapos na ang klase ni Spartan, nauna na akong sumakay sa kotse niya at ako na din ang nagpaandar dahil may ibibigay muna siya sa principal, diretso na din kami ngayon sa bahay nila mom para doon mag dinner.
“Napatagal yung klase mo” kausap ko kay Spartan ng makaupo siya sa driver seat
“Marami akong pinagalitan” his hands touch the steering wheel “kaya medyo natagalan ako”
Nagkibit balikat nalang ako.
Inulan kami ng yakap at halik sa mukha ni mom ng makarating kami sa bahay, agad na hinanap ng mata ko si lola dahil siya lang ang na miss ko si mom naman kasi ay laging natawag at kapag tumatawag si lola ay tulog kaya hindi ko nakakausap.
Malakas at masaya kong tinawag si lola na nasa kusina at nag ba bake ng cookies, tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod
“I miss you, apo”
“I miss you too, lola”
“This is for you and your boyfriend” nginuso niya ang tupperware sa gilid na puno ng cookies “make sure na kakainin niyo yan ah?”
“Good evening, lola” Spartan kissed lola’s cheek
“Ang gwapo gwapo talaga” ngumiwi ako ng nahihiyang takpan ni lola ang mukha at parang teenager na nag bblush
“Lola, taken na si Spartan at tsaka sa akin na yan kaya huwag kayong kiligin” kumapit ako sa braso ni Spartan na natatawa sa nakikita
Kukurutin na sana ni lola ang tagiliran ko ng mabilis pa sa alas kwatrong nakailag ako at dumiretso na sa hapag, grabe ngayon lang ako nakaramdam ng gutom nagwawala na din yung mga alaga ko sa tiyan, i need to eat!!! Medyo OA ako pero wala na akong magagawa dahil nagwawala na mga bulate ko.
Pinagalitan ako ni mom ng makitang nauna na akong kumain, binigyan ko lang siya ng ngiti.
“Kailan kayo magpapakasal ng apo ko?” Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilan ang pagpapaulan ng kanin
“Kung sa pera ang pag uusapan wala naman po kaming problema, im financially stable and i can buy what Grizzy wants but the problem is…..” nilingon ako ni Spartan, tinaasan ko siya ng kilay “im not sure if he wants to get married”
“Hahahahaha i think he’s hundred percent ready Spartan” mom said
Nakitawa nalang si dad
Bakit naman niya iisipin na hindi pa ako ready? Kung siya lang din naman ang ipapakasal sakin hindi pa siya lumuluhod sa harapan ko ay mag o oo kaagad ako, matapos kumain ay nagtungo kaagad si dad at Spartan sa garden sigurado akong aayain ni dad na uminom yun lalo na at nakita ko ang isang maid namin na may dalawang bucket of ice at wine.
Nasa sala naman ako at si mom while lola….she’s sleeping, hindi niya kaya ang nagpupuyat eh.
“Baka naman pasaway ka at ginugulo lagi si Spartan” sabi ni mom
“Im not a kid anymore mom tsaka hindi naman siya nagrereklamo kapag minsan ay gumugulo ako”
She heaved a sigh at sinuklay ang buhok ko patalikod
“Alam kong alam mong pareho kayong lalaki at hindi makakagawa ng anak” malambot itong ngumiti
“We can adopt mom”
“Alam mo noon hinihiling ko lagi na dadating yung araw na napapalibutan ako ng mga apo ko galing sayo, nagtatawanan sila at naghahabulan habang kami ng dad mo ay pinapanood sila.”
Hinawakan ko ang isa nitong kamay at idinikit sa aking pisngi
“Pero ngayon ang hinihiling ko ay sana tumagal kayo ni Spartan, kahit wala na akong apo ang gusto ko ay panatilihin niyong matatag ang relasyon niyong dalawa. Pinaka importante sa relasyon ay ang pagtitiwala, dahil nasira ang tiwala niyo sa isa’t isa ay mawawala lahat.”
“We trust each other” i said
“That’s good to hear” tumayo na ito at pinagpagan ang bistidang suot “let’s go to tje garden, samahan natin ang dalawang nagpapatibok sa puso natin”
Kinilig ako sa sinabi ni mom at sumunod na din sa kaniya
Nagtatawanan si dad at Spartan ng maabutan namin dito sa garden
“Oh bakit hindi ka nainom?” Mom asked Spartan ng makitang hindi pa nagagalaw ang baso nito na may lamang alak
“I want to drive Spartan safely, tita” he answered
“Ano ka ba, dito nalang kayo magpalipas ng gabi”
“May klase pa bukas si Spartan mom, maya maya ay uuwi na din kami. Sa birthday nalang ni dad, malapit naman na eh ilang araw nalang” niyakap ko si dad
“Do you want to go home?” Spartan whispered
“Ikaw? Do you want to go home?” I glance at my wristwatch “9pm na, you need to sleep early may klase ka ng 8am”
“Magpaalam muna tayo” he said na ikinatango ko
“Aalis na po kami, tita, tito….thanks for inviting us here”
“Sige, ingat sa daan ah?” Chorus na sabi ni mom at dad
Magkahawak ang kamay na lumabas kami ng bahay at pinagbuksan ako ng pinto ni Spartan bago pumasok sa loob ay niyakap ko siya
“I love you”
He kissed the top of my head “i love you too, Mr. Hollow”
The end
a/n
As clearly as you can see my mysties im not really good at writing endings kaya sorry mwehehehehehe, magaling lang ako sa simulang chapter pero kapag ending na ay hindi.
Salamat sa pagbabasa ng kwento ni Spartan at Grizzy kahit na maiksi at halatang nagmamadali ang Author hehehe, please read kung may time kayo at hindi busy “The Masochist Game” pero kung ayaw niyo, oks lang.
Adios~~~~

