loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
STARING AT SUMMER (BL•ON-GOING)

STARING AT SUMMER (BL•ON-GOING)

Brictorique · 55 chapters · 96,057 words

STARING AT SUMMER (BL)

STARING AT SUMMER

w

ritten by BRICTORIQUE.

Hi sa magiging readers and/or followers ng kwentong ito na aking isinulat base sa aking malikot na imahinasyon.

Kung ikaw ay hindi kumportable na magbasa ng pagmamahalan sa pagitan ng parehas na kasarian ay mangyari lamang na iyong lisanin ang aking likha at maghanap ng iba na aayon sa iyong panlasa. At, kung ikaw naman ay nakapagbasa na ng ilan sa aking mga nagawang kwento ay ako na ang magsasabi na iba ito sa mga nauna dahil bukod sa hindi ito magiging short story ay wala din itong magiging A/N sa dulo ng bawat kabanata.

Rated SPG kaya bahala kayo kung gusto ninyo itong subaybayan. About sa title, ewan ko ba bakit iyan ang naisip ko, basta ang alam ko nagbigay ito ng “ding” signal sa akin na correlated sa unang novel na nagawa ko (Autumn Meets Winter). Nais ko din linawin na hindi ito magiging karugtong ng nasabing kwento dahil kaiba ito mula sa nauna. 

I strongly believe that there is no limitations when it comes to love whether it is economic status, race, intelligence, or gender.

Lastly, this story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional. I hardly advised not to copy my work as all people have different mindset and ways of imaginations that they wished are real so please, create your own story line.

Let’s all be happy and embrace LOVE.

STARING AND SUMMER ( I )

Oh my god! Ito na!

Nandito na ako sa tapat ng lugar na dahilan bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Dala marahil ng kaba at excitement. Finally! Nandito na ako sa stage ng buhay ko na ito.

‘College Life’.

Huminga ako ng malalim at marahang bumuga pagkatapos ay nilunok ang kung anong bagay na mahirap lunukin sa lalamunan ko. Ramdam ko rin ang panlalamig ng katawan ko ganuon din ang pawis na alam kong nasa nuo ko.

Ano kayang naghihintay sa akin nandito?

“Hoy, ’te! Ano? Tatayo nalang ba tayo dito habang marami ng estudyante ang dumaan sa atin?”

Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ng best friend ko at kinakapatid ko na si Sam. Hindi man halata sa kanya pero alam ko maging siya kinakabahan din gaya ko.

“Huwag mo nga siyang guluhin! Malamang nagna narrate pa iyan sa isip niya na parang isang bida sa kwento.” nagpipigil na tawang sabi ni Samuel na siya ding best friend at kinakapatid ko.

“Tara na nga! Ang eepal naman eh!” naka pout kong sabi at sabay-sabay kaming pumasok sa malaking gate ng magiging semi-house namin for the next four or five years kung hindi man kami babagsak sa isa sa mga subjects namin. Madami kasi ako naririnig na mahirap daw ang college life at maraming nagda-drop out nalang at nagtatrabaho.

S’ya nga pala, ako si

Aelius Davis

. Nineteen years old. Incoming first year college student sa kursong Bachelor of Science in International Tourism Management. In short, gala lang talaga ako kaya ito ang kinuha kong course.

Let me introduce you as well to my two bestfriend and kinakapatid na kambal na sina Sam and Samuel Perez. Incoming first year college student sila sa magkaibang course.

Si Sam nag take ng BS Entertainment and Multimedia Computing samantalang si Samuel naman ay BS Marine Engineering. Parehas na maganda at gwapo itong kambal kaya naman popular sila ng high school. Paano ko naman sila naging best friend at kinakapatid? Well, ’yung mga nanay kasi namin magkaibigan kaya naman syempre alam ninyo na kung bakit. Bukod pa iyon sa pati mga lola namin magkaibigan din at ’yung bahay namin magkatapatan lang. Parehas din na OFW ang mga parents namin kaya vibes talaga namin ang isa’t-isa.

Hiwalay na ang mga magulang nina Sam at Samuel samantalang biyuda naman ang nanay ko. Loko kasi. Ikaw ba naman mag asawa ng matanda pero hindi siya ubod ng mayaman kundi sakto lang according sa nanay ko at isa siyang griyego.

Kila Sam at Samuel na bahay ako madalas tumambay dahil ayaw ko sa bahay namin. Ako lang kasi ang mag isa duon mula ng pumanaw ang lola ko due to natural causes ng high school at dahil nga nagaaral pa ako, hindi pa pwedeng tumigil sa pagtatrabaho ang nanay ko sa ibang bansa lalo pa’t magastos itong kinuha kong course.

Mas matanda ang kambal sa akin ng isang taon. Magkaiba din ang mga hilig nila gaya ng gender nila bilang kambal. Parang wala nga silang pinagkakasunduan maliban kapag may naisip silang kalokohan.

Si Sam mahilig sa kahit na anong bagay na related sa zodiac sign. Jusko. Parang araw-araw o oras-oras nagbabasa ng horoscope sa mga social media accounts na fina-follow niya. Mahilig din siya magbasa ng yaoi. Minsan nagugulat kami ng kakambal niya sa kanya kasi bigla nalang siyang parang sinasapian sa sulok. Samantalang si Samuel, typical na lalaki. Mahilig sa computer games pero mahilig din siya mangolekta ng iba’t-ibang figurines ng ship related. Nakakatawa nga dahil ang unang ship figure na meron siya ay ’yung merry-go-round ng One Piece. Feeling ko nga kaya niya kinuha ’yung course niya ngayon ay dahil kay Nami. Mahilig din siya magbasa ng yuri kaya minsan nagugulat nalang kami ng kakambal niya na bigla-bigla siyang ngumingiti na parang manyak sa isang sulok.

At ako? Ano ako?

Tao syempre. ’Di joke lang!

But seriously tao ako na may normal na buhay gaya ng iba. It’s just that ’yung gender ko lang ang hindi normal. I’m not saying na abnormal ang mga gaya ko pero we just don’t fit on the regular sex orientation. Part ako ng LGBTQ+. I’m a soft gay.

Am I closeted? No. Aware ang mga tao sa paligid ko at tanggap ako ng mga taong malalapit sa akin lalo na ang nanay ko. Parang hindi na nga sila nagulat ng umamin akong bakla ako. Parang natural lang sa kanila at hindi nabawasan ang pagkatao ko. Sabi kasi nila obvious naman daw dahil ang feminine ko masyado kumilos.

Anong pinagkakaabalahan ko bilang isang soft gay? Well, social media syempre. Wala akong facebook, sorry. Ang meron lang ako instagram na aesthetic dahil mother nature ang mga posts ko at kung minsan mga random like coffee with books or body parts ko or outfit of the day ko but not featuring my face. Meron din akong twitter kung saan naka follow ako sa mga random personalities at para na rin duon magbasa ng mga latest happenings ng mundo, at syempre meron din akong tiktok account kung saan sinasayaw ko ang mga sikat na songs nowadays but again, naka masked ako. Ayaw ko kasi magpakita ng mukha kasi nahihiya ako sa hitsura ko. Baka mabashed ako. Duon naman meron akong 89k subscribers. And lastly, meron akong wattpad account. I’m a silent reader of any genre ’coz not because I’m gay I am bound to only read gay genres.

Eh kamusta naman ang hitsura ko tanong ninyo dahil hindi ako confident sa mukha ko?

Well, let’s start from head to toe kagaya ng kung paano dinedescribe ang mga character sa stories.

’Yung hair ko maihahambing ko kay Xi Men ng F-4. Kung napanuod ninyo ’yung Meteor Garden eh malamang may idea na kayo. Maliit ’yung mukha ko. Oval ganuon. I have a pair of large blue eyes. Parang ’yung sa manika kasi makapal din pilik mata ko. Sa sobrang agaw pansin ng mata ko sa madla gaya ng kantang ocean eyes ni billi eillish, nag start na akong mag contact lens ng third year high school ako. Madalas kasi akong matanong kung anong lahi ko daw eh kapag naririnig ko iyon breed ng aso agad naiisip ko. Anyway, going back sa pagdedescribe ng features ko, I have small pointed, nose and a cupid’s bow lips. Petite ako at hindi ko alam kung bakit. Isa din sa napapansin sa akin kapag nanamit ako ng v-neck ay ’yung collar bone ko. Maganda daw. Ewan ko sa kanila. Hahaha. At dahil nga petite ako mukhang ’yung mga fats sa katawan ko napupunta sa pwetan ko. Iyon kasi ang sunod naman na napapansin sa akin. Fair white ang kutis ko at 5’5 naman ang height ko. And ’yung mga kamay ko naman sabi nila kamay ng babae at ’yung paa ko pang egyptian.

Iyon lang naman ang about sa hitsura ko. Oh ’di ba?! Ang panget! Kaya hindi ako confident sa hitsura ko. Hindi ako gaya ng ibang gay na maganda at mas lalong wala ako sa one percent na ganda ng isang tunay na babae. I’m just your typical gay na madalas maging tampulan ng tukso ng high school na fortunately hindi ko naexperience ng full blast dahil friends ako sa dalawa sa mga popular students ng school namin nuon.

“Wala ba tayong magkaka parehas na break?” nagaalalang tanong ni Sam sa amin.

“Mukhang wala, sis. Feeling ko nga magkakaiba din tayo ng building.” tugon ko.

“Text-text nalang tayo pagkatapos ng bawat isang subject natin. For sure naman hindi agad magtuturo ang mga teacher kasi first day natin saka sabay-sabay naman tayo uuwi mamaya eh so, yeah. Text-text nalang.” nakangiting sabi ni Samuel sa amin ni Sam.

“O’ sya! Maiwan ko na kayo. May class ako ng 7:30. Baka ma-late pa ako sa first day ko. See you later guys.” paalam ko sa kanila habang kumakaway paalis.

“See you later din.” sabay na sabi ng kambal at nakita ko sila na saglit pang nag usap at maya-maya ay naghiwalay na din ng landas.

So, saan dito ang building ng BSITM? Ang lawak ng buong building. Feeling ko ilang buwan pa ang kakailanganin ko bago ko makabisado ang lugar na ito.

Mahigpit kong hinawakan ang handle ng back pack ko at bumuga ng malalim na hininga. Lumapit ako sa lalaking naka side view pero alam kong school representative dahil sa suot niyang sash.

“Hi. Saan po dito ’yung building ng Tourism?” tanong ko na may ngiti sa aking labi.

This is it. Embrace college life. 


STARING AT SUMMER ( II )

Humarap sa akin ’yung representative na pinagtanungan ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko gusto kong magtago o maging kasing liit nalang ng langgam sa way ng pagtingin niya sa akin ng bigla siyang ngumiti. Woah?!

Duon ko lang din napansin na naka light make up siya at ang ganda niya para sa isang lalaki and not to mention na kaparehas pala ng suot kong uniform ang suot niya.

“Another gay in town, I see. The name’s Thotel. Like a Thot in a hotel. Like it? You should. And our building is right there.” sabay turo sa hindi kalayuan na building ng hintuturo niya at muli akong tinignan, “What your name, bitch?”

Nabigla naman ako sa pagtawag niya sa akin ng bitch. Masyado akong nafocus sa mukha niya at sa energetic niyang personality.

“A-Aelius. Aelius Davis.” nahihiya kong sagot.

“Oh. Pretty name. I like you already.” sabi niya at nilahad ang kamay niya, “Reg card?”

Huh? Bakit niya hinihingi? But never the less inabot ko ito sa kanya.

“Oh. Kakagaling ko lang dito kanina. Anygays, no problem. C’mon. Dadalhin kita sa room mo. For sure, may magiging friend ka agad duon.” sabi niya at inakbayan ako at agad na kaming naglakad papunta sa building na tinuro niya sa akin kanina.

Naiilang man pero mas lamang sa akin ang pagka amazed dito kay Thotel. Ang taas ng confidence niya bilang gay. Catwalk ba naman kahit na katabi niya ako na parang pabebe girls kung maglakad. In fairness, ang bango din niya.

“So, a piece of advice for you bitch. This is college. Hindi na ito parang zoo ng high school ka. College is like gay pride parade. Only the boldest will be notice and if you aren’t, then magtiis ka maging on the side audience and if you’re lucky enough, baka mahawakan ng mga popular pips ang kahit dulo ng daliri mo.” sabi niya habang umaakyat kami ng hagdan at bumabati sa ibang mga estudyante na kasabayan namin.

Dumating kami sa tapat ng isang room na may iilan ng mga estudyante ang nasa luob.

“Mamshiii!!!” excited na tawag ng isang sa tingin ko gaya namin ni Thotel at lumakad papunta sa amin, “Ang bilis mo naman mag comeback! Akala ko mamaya pa ulit kita makikita.”

Napatingin ito sa akin at binalik ang tingin kay Thotel.

“Siz?!” tanong niya, no. Wait. It’s more of like confirming kung tama ang vibes niya sa akin. Napatitig ako sa taong nasa harap ko and wow. Ang gwapo niya para isang gay. Pansin ko ah. Karamihan sa part ng LGBTQ+ may mga hitsura ’no? Ako lang yata ang naiba sa kanila. Alien yata ako hindi tao.

“Yes, siza! O’sya. Maiwan ko na kayo. Gotta work my ass out pa sa ibang students. Baka may makita akong prospect Zaddy.” sabi ni Thotel at humarap sa akin, “Told you. May magiging friend ka agad dito.”

At pagkatapos nu’n ay nag hair flip siya at catwalk na umexit paalis.

“So, what’s your name, siz?” tanong ng nasa harap ko at naglakad papunta sa pwesto niya kung saan unconsciously sinundan ko siya at umupo sa katabing bakanteng upuan.

“Aelius. Aelius Davis.” nahihiyang sagot ko but I managed to flash my smile at him.

“Oh. Pretty name. I wish mine too. Anygays, call me Dyossa.” confident niyang sagot at nag model pose pa. Hindi ko tuloy napigilang hindi mapangiti at maamazed. Grabe. Ang coconfident gays nila samantalang ako wala sa ni one percent nila.

Hindi naman sinasadyang mapatingin ako sa suot niyang identification card.

“Pero sabi sa I.D. mo ang pangalan mo ay Josh–.”

“Oh my god! Don’t you dare say that name! That’s not me! It’s a different person, okay?” obvious sa mukha niya ang disgust at para siyang aatakehin dahil may pahawak pa siya in a maarte way sa dibdib niya ng kamay niya.

“Okay, Dyossa.” sabi ko at ang lawak ng ngiti niya abot hanggang tenga. Hahaha.

“Yes, that’s me.”

Napatigil lang kami ng biglang pumasok ang mukhang terror na matandang babae sa luob ng classroom. Uh-oh. Ito na nga ba ang sinasabi ko about college life.

Matapos ang dalawang subject namin ay sa wakas break na for one hour.

Syempre gaya ng nakasanayan from elementary, high school at senior high, nagpakilala ang bawat isa. Nangibabaw agad si Joshua este Dyossa sa klase at nabotong class president. Samantalang ako, for some reason, dahil sa kalokohan niya naiboto ako ng klase bilang vice president. Jusko #GayPower at #GayRules agad on the very first day ng college life ko.

Hindi ko rin inexpect na kakayanin ko ang one and half hour ng dalawang magkasunod na subjects namin. At totoo nga ang balita, kapag college ka, kakailanganin mo ng iba’t-ibang sizes ng index cards pati colors dahil depende sa professor mo kung gusto niya ng colorful o plain color. Hindi pa kasama duon ang yellow paper na may hihingi kaliwa’t-kanan kapag naglecture agad ang professor on the first day of school at nagpa quiz gaya ng professor sa second subject namin.

Tinext ko na ’yung kambal pero mukhang mga nasa klase pa sila kaya si Dyossa muna ang makakasama ko mag break.

“Anong facebook mo, siz? Aadd kita.” tanong niya habang abala sa pagdutdot sa hawak niyang cellphone.

“Wala akong facebook.” tugon ko at binigyan niya ako ng ‘are you serious’ look, “I mean, wala akong facebook pero instagram saka twitter meron ako.”

“Oh, good. Akala ko wala eh.” sabi niya na parang nakahinga ng maluwag, “Very celebrity attitude ah. Instagram saka twitter lang ang meron. Anygays, what’s your username so I can follow you. Follow back mo rin ako ah.”

Binigay ko sa kanya ang username ko at habang abala siya sa pagdudutdot habang naglalakad kami at hinahanap ang cafeteria ay bigla nalang may pumagitna sa amin at inakbayan kaming dalawa.

“Hello, mga siz! Break ninyo?” tanong ni Thotel.

“Oo. One hour break. Nasaan dito ’yung cafateria? Kanina pa kami paikut-ikot dito hindi pa rin namin nakikita.” sabi ko habang lumilinga sa paligid at tinitignan ’yung mga nakakasalubong naming ibang estudyante.

“One hour lang? Bitin. Anygays, tara at sasamahan ko kayo sa cafeteria.”

“Teka, mamshiii. Wala ka bang klase?” tanong ni Dyossa.

“For today and tomorrow lang naman dahil ako ang course representative para sa mga incoming freshmen. Ayaw ninyo ba ako kasama? Hindi ako belong?” madrama niyang tanong kaya natawa ako.

“Gusto syempre.” sabay naming sagot ni Dyossa.

“Not to mention parang unti lang kalahi natin sa course natin.” sabi ni Dyossa sabay pasok ng cellphone niya sa bulsa niya, “Hoy, Aelius! Nafollow na kita ah! Follow back ka.”

“Akala mo lang unti. Closet lang ’yung iba.” tugon ni Thotel at kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya at siya naman ang nagdududutdot, “Anong username mo, bitch? Follow back ha?”

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya dahil may umagaw ng pansin ko habang naglalakad kami.

Isang lalaking naka dukwang sa grills ng third floor at mukhang malalim ang iniisip.

Tao ba siya o isang deity? Ang gwapo!

Sa dinami-dami ng nakita kong gwapo, siya ang pinaka gwapo sa lahat! Swear!

“Bitch, anong sabi–? Oh. Mukhang alam ko na bakit natameme ka.” dinig kong sabi ni Thotel na mukhang nakatingin din sa tinitignan ko. Muli kong binalik ang tingin ko sa daan pero mukhang pati si Dyossa duon na rin nakatingin sa tinitignan ko kanina.

“My god, mamshiii!!! Ang gwapo!!! Single ba iyan?” kinikilig na tanong ni Dyossa.

“Single and ready to fuck everyone, siz. If I were you, I’ll choose na hanggang crush lang ako d’yan kay Naito. Walang sineseryoso iyan dito mapa babae o binabae na nagkagusto sa kanya at nag step ahead ng game sa kanya. But no one can deny he’s hot as summer but he’s attitude is as cold as winter.”

“Anong year na siya? Shit! Kahit ma fuck lang ako once okay na sa akin. Very Zaddy vibes!!!” malandi at kinikilig na sabi ni Dyossa.

Hot as summer but the attitude is as cold as winter? Woah.

“Hmm, bad boy kink, huh?” impressed na sabi ni Thotel.

Habang abala sila sa paguusap na dalawa muli kong nilingon ’yung lalaki sa pwesto niya na ang sabi ni Thotel ay Naito ang pangalan at napalunok ako sa hiya at agad na umiwas ng tingin ng mapansin kong nakatingin siya sa akin, este sa amin pala.

Malamang naingayan siya dito sa dalawang kasama ko. Ang bulahaw kasi mag usap kahit na magkatabi lang.


STARING AT SUMMER ( III )

“Uy, siz! Una na akong umuwi ha? Strict kasi parents eh.” paalam ni Dyossa sa akin ng nasa labas na kami ng gate ng university, “Sure ka talagang hindi ka sasabay?”

“Hindi. May hihintayin pa ako eh. Sige, ingat.” nagbeso-beso kami sa isa’t-isa at lumakad na siya paalis samantalang ako naiwang nakatayo duon at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko para itext ang kambal.

So far, okay naman ang first day. Hindi ko lang sure sa mga susunod na araw.

Napabuntung-hininga ako. Mukhang matagal pa mag out ’yung kambal at ayaw ko namang tumayo dito ng matagal. Luminga ako sa paligid at naghanap ng computer shop.

“Open time po, kuya.” sabi ko sa nagbabantay ng comp shop habang marahang pinupunasan ng panyo ang nuo ko dahil sa pawis.

Nilibot ko ang paningin ko at hindi ito yung typical na comp shop na puno ng mga pawisang bata. Medyo dim ’yung ilaw ng comp shop na ito at ang lakas pa ng patugtog ng nagbabantay. Buti nalang maganda ’yung kantang tumutugtog. May aircon din. Mukhang puro lalaki lang na naglalaro ang nandito. Naririnig ko kasi ’yung mga sinasabi nila. Parehas ng kay Samuel kapag naglalaro siya ng computer games.

Pumunta ako sa dulong bahagi kung saan sinabi ni kuya na pumwesto ako at agad na nag log in sa wattpad account ko. Magbabasa nalang muna ako ng fan fiction.

“Hoy, tangina. Sino bang nagyou youtube d’yan?” sigaw ng isa sa mga naglalaro na mukhang may pinariringgan. Syempre hindi ako affected. Nagwa wattpad lang naman ako. Thou natetempt ako mag youtube dahil ang ingay ng mga naglalaro dito. Napapangibabawan na ’yung tumutugtog na kanta sa background.

Hanggang sa hindi ko na kinaya ang ingay. So be it. Magyou youtube na ako.

Habang tinatype ko sa search button ’yung gusto kong pakinggan na kanta, umagaw ng atensyon ko ’yung nasa harapan ko na kapwa ko customer. Hindi ko man kita ang mukha niya pero sapat na iyon para makaramdam ako ng kakaiba sa baritono niyang boses.

“Ugh, fuck.” he groaned.

Napalunok ako at kumalabog ang dibdib ko. Inabot ko ang panyo kong nasa tabi ng mouse at pinunasan ang sa tingin ko ay pawis sa nuo ko.

Agad kong sinuot ang headset na nasa kaliwa ko at pinatugtog ang kantang sinearch ko at bumalik sa pagbabasa. Nagbabaka sakaling makalimutan ko ’yung narinig kong boses ngayun-ngayon lang.

Hindi ko nilakasan ng todo ang volume ng pinapakinggan ko kasi baka may biglang mag ikot na isa sa mga naglalaro at hanapin kung sino ’yung nagyou youtube mayari pa ako. Para maexit ko agad sa tab if incase may magreklamo na naman.

Dahil naka auto play ang youtube, iba’t-ibang kanta ang nagpe-play contrast sa binabasa ko hanggang sa. . .

Mapunta ako sa SPG part at saktong tumugtog ang kantang Heaven ni Julia Michaels.

Masyadong intense ’yung part ng binabasa ko lalo pa grabehan ’yung pagkaka detail describe ng author na siyang sinabayan pa ng sensual na kanta kaya para kahit papaano ay makahinga ako at hindi mahimatay dito dahil sa binabasa ko inalis ko muna ang tingin ko sa screen at sakto akong napatingin sa lalaking nasa harap ko na tumayo kasama ang hindi ko sigurado kung mga kaibigan niya o kaklase niya pero nabigla ako ng marealized ko kung sino siya. Oh god! Siya ’yung lalaki kanina sa third floor. Si Naito!

All good boys go to heaven but

Bad boys bring heaven to you

Saktong sa linya na iyon ay nagkatitigan kami.

This time, hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Parang may kung anong pwersa ang pumipigil sa akin na alisin ang tingin ko sa mga mata niya. 

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Thotel kanina sa amin ni Dyossa.

“. . . But no one can deny he’s hot as summer but he’s attitude is as cold as winter.”

Bumalik ako sa ulirat ng madako ang tingin ko sa nakangising labi niya. Oh shit. Anong nangyari sa akin? Gaano na ako katagal nakatitig sa kanya?

Bago ko pa maiwas ang tingin ko sa kanya ay naunahan niya na ako at umalis kasama ang iba. Napasandal ako sa inuupuan ko at napabuntung-hininga.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit hanggang sa makalabas sila ng comp shop ay sinusundan ko siya ng tingin.

Kinuha ko nalang sa bulsa ko ang cellphone ko at tinignan kung may text na ba ’yung kambal at sakto namang naka receive ako mula kay Sam na nagsasabing papunta na siya ng gate kaya agad na akong nagpa out at bumalik sa tapat ng gate ng university.

“Kamusta first day ninyo?” tanong ni Samuel habang nakasakay kami sa luob ng jeep at katatapos lang magbayad ng pamasahe.

“Nagbigay agad ng requirements for finals ’yung ibang prof namin.” tugon ni Sam.

“Sa amin din eh. Ang dami ding terror na prof sa amin. Sa inyo ba, Aelius?” tanong ni Samuel at nilingon ako ng kambal.

“Gaya din ng sa inyo. Nagbigay na rin ng requirements for finals minus lang ’yung maraming terror prof. Ang marami sa amin, mga magaganda at gwapong prof.” tugon ko.

“Parang gusto kong mag shift sa inyo ah?” pabirong saad ni Samuel, “Teka, wala bang nang away sa iyo kanina? Sabihan mo lang kami ni Sam at kami ng bahala.”

Ganyan sila kasi ayaw nilang mabully ako dahil sa sexual orientation ko.

Umiling ako, “Actually, may dalawa na nga akong bagong kaibigan eh.”

“That’s good. Ipakilala mo sila sa amin ni Samuel kapag may libreng oras.”

Pag uwi namin ay dumiretso muna ako sa bahay nina Sam at Samuel para duon makikain ng dinner as ordered by Lola Tessa. Actually sa kanila din ako kumakain ng agahan at meryenda. Siya na kasi ang parang sunod na nagaalaga sa akin after mawala ng lola ko.

Nasa sahig ako nakaupo habang gamit ang laptop ko at gumagawa ng assignment at nagsa soundtrip sa youtube music (ehem, premium gamit ko) ng biglang may nag notif sa akin. Automatic na tumigil ako sa ginagawa ko ng makita kung ano ito at agad na pinause ang pagpapatugtog ko at cnlick ang bagong upload ni voiceofwinter .

Kung nagtataka kayo kung sino siya. Isa siyang youtuber na ang focus ay ASMR. Wala pang kahit na sino sa subscriber niya (including me) ang nakakakita sa mukha niya. Pero shit. Million ang subscriber niya dahil sa eargasmic niyang boses. ’Yung klase ng ASMR niya is pagre-review ng different novels and somehow pahapyaw na pagkukwento what the book is all about. Aaminin ko wattpad reader ako pero dahil sa kanya napapa download ako ng pdf ng mga librong nirereview niya. Ganuon kalakas ang hatak niya sa akin at sa iba pang subscriber niya.

Pumikit ako habang pinapakinggan ang boses niya hanggang sa matapos ang video. Ugh. Shit. Napahawak ako sa bumukol sa short ko at namula. Only this person can make me hard using his voice. Hindi ko maimagine paano kung makita ko pa siya ng personal. I violently shook my head bago pa lumala ang imagination ko at tinungo ang cr. 


STARING AT SUMMER ( IV )

Kinabukasan, habang nasa jeep kami ng kambal papasok ay saka ko palang finollow back sina Thotel at Dyossa.

Dapat talaga kagabi ko pa ito ginawa kaso kasi napunta ’yung attention ko kay voiceofwinter kaya hindi ko na nagawa pang gawin ang ginawa ko nagyun-ngayon lang.

Pagpasok namin ng gate ng university, nagpaalaman na kami sa isa’t-isa at habang papunta ako sa building ko ay bigla nalang may umakbay sa akin. Agad ko itong nginitian ng makilala ko kung sino siya.

“Good morning, Thotel.”

“Ay wow! Good morning too, sunshine.” tugon niya at sinamahan ako paakyat ng room ko. Nagtaka ako dahil sumama siya hanggang sa luob at binati ang ilan sa mga kaklase kong nanduduon na at umupo sa pwesto ni Dyossa dahil wala pa siya.

Nang makita ko ang suot niyang sash na gaya ng sa kahapon ay saka ko lang naalala na hanggang ngayon ay exempted siya sa pagpasok sa classes niya dahil siya ang course representative para sa mga incoming freshmen.

“Bakit ka pala nandito? Hindi ka pa magaassist ng mga students?” tanong ko habang marahan na pinupunasan ang nuo ko ng panyo at kinuha sa lace ng I.D. ko ang nakaipit na pastel hairclip na nakita ko kanina sa drawer ko sa bahay at nilagay sa gilid ng buhok ko para hindi ako mahirapan kapag nakayuko at nagsusulat dahil lang sa sumasanggi ang buhok ko mukha ko.

Napansin ko naman ang pagtitig ni Thotel sa akin kaya kumaway ako sa harap nito para makuha ang atensyon niya.

“Sorry.” sabi niya at inayos ang posture niya, “Alam mo ang ganda mo. Mukha kang babae. Share mo nga anong secret mo?!”

“H-huh? Ako? Maganda? Luh. Joker ka ha?” nahihiyang sabi ko at tinakpan ang kalahati ng mukha ko ng panyo. Feeling ko kasi kapag ginagawa ko ito hindi maoobvious ang pamumula ng pisngi ko.

“Ito si siz, parang others! Mukha ba akong nagjojoke? Ang ganda mo kaya seryoso. Naalala ko nga kahapon kinailangan pa kitang titigan maigi kasi akala ko babae ka.”

Magsasalita na sana ako kaso biglang may bulahaw na dumating. Joke!

“Mamshiii!!!” masayang nagtatakbo na parang penguin papalapit sa amin si Dyossa at bineso kaming dalawa, “Anong ginagawa mo dito?”

“Ah yeah, about that. .” nilibot niya ang tingin niya sa room at saka tumayo, “May iaannounce ako sa inyo. Pakisabi nalang sa iba ninyo pang classmates na wala pa dito. Need ko pa kasi iannounce ito sa ibang class, okay?”

Pumunta siya sa harapan at pumalakpak ng tatlong beses.

“May I have your attention everyone as you know you should.” very sassy niyang panimula at pumamewang.

Ano kaya ’yung announcement niya?

Lahat kami na nasa luob ng room at tumingin sa kanya at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

“There will be an upcoming freshmen party this Saturday evening and all of you are required to participate dahil may attendance. Ang hindi pupunta, rot in hell! So that being said, ’yung mga introvert d’yan you have no choice but to attend. Hindi namin kayo ifoforce na magsalita, okay? There will be a lot of food and drinks sa party na iyon so you might want to focus on foods nalang if you don’t want to interact with the others and sa mga extrovert d’yan, congratulations! Hope you enjoy the party at mahanap ang possible date ninyo for one week or the next few months without label. Anygays, that’s all. I’ll see you all there on Saturday and be on your best dress but not on behavior ’coz we’ll be serving alcoholic drinks.” kumindat pa siya sa huli niyang sinabi at kumaway sa amin bilang paalam bago lumabas ng room.

Pagkaalis ni Thotel biglang umingay yung room dahil sa sinabi niya.

May iba excited. May iba nagrereklamo bakit sapilitan. At ako? Hindi ko alam kung excited ba ako or mas gugustuhin kong tumambay sa bahay para makinig lang sa ASMR ni voiceofwinter.

“May mga aattend kayang higher year o puro freshmen lang?” tanong ni Dyossa sa akin. As if namang alam ko ’yung sagot sa tanong niya.

Agad na tumahimik ang buong klase ng bigla ’yung isa sa mga kaklase naming nakatambay sa labas ng room pumasok at sumigaw ng, “Nandyan na si Ma’am Terror!!!”

At kagaya ng kahapon, agad kaming umupo sa mga upuan namin at nagpaka mabuting estudyante sa mga professor ng mga sumunod na oras.

“Sa wakas! My favorite subject ko na mamaya.” saad ni Dyossa na may pag unat pa.

“Ano? P.E?” tanong ko habang marahang sinusuklay ang buhok ko.

“Oo. Alam mo kasi duon daw tayo sa malaking gymnasium magp P.E at balita ko may mga ibang course tayo na makakasabay. Syempre excited akong rumampa duon. Baka makakita ako ng Zaddy!”

Naiiling nalang ako habang nakangiting tinitignan siya sa salamin at parang ewan na kinikilig sa imaginary scenes na pwede mangyari sa kanya mamaya.

Thirty minutes bago magsimula ang P.E class namin ay nagpalit na kami ni Dyossa into our P.E uniforms sa cr ng mismong gymnasium. Muntik pa kaming maligaw sa kahahanap pero buti nalang may mga napagtanungan kami at itinuro sa amin ang daan.

Inalagay namin sa locker ang mga gamit namin at dumiretso sa first floor kung saan binati kami ng napakalawak na basketball court. Woah! Hindi ko inexpect na may ganito dito kasi ’yung duon sa ground floor may malaking swimming pool sa left side at gym naman sa right side.

“Woah! Ang laki! Ano kaya ’yung nasa taas?” tanong ni Dyossa sa sarili niya or sa akin habang nililibot ang tingin niya sa itaas na bahagi hanggang sa, “Siz! Siz, tignan mo dali!”

“Huh? Anong meron?” napatingin na din ako sa itaas at nakita ko ang isang grupo ng mga lalaking malalaki ang katawan na tumatakbo paikot. May mga hitsura din sila pero ang mas umagaw ng pansin ko ay ’yung lalaking nasa unahan. Si Naito.

“Oh my god! ’Yung imaginary vagina ko tumitibok na naman!” sa gulat ko sa sinabi niya ay agad ko siyang nilingon. Nakakaloka talaga ito! Baka sa susunod ma adopt ko na itong ugali niya.

Muli akong tumingin sa grupong nasa itaas at kapansin-pansin na ’yung mga nasa likuran halatang pagod na pero ’yung nasa harap lalo na si Naito, walang bakas ng pagkapagod kahit na tumatagaktak na ang pawis sa nuo niya. Napalunok ako at agad na pinamulahan ng mukha ng maalala ko na naman ’yung nangyari kahapon sa comp shop.

“Uy, Pres! Vice! Nandito na si Sir.” tawag sa amin ng isa sa mga classmates namin pagkatapik nito sa mga balikat namin kaya sinundan namin siya kung saan naka pwesto ’yung mga kaklase namin at nag indian sit. Sabay kaming nagkatinginan ni Dyossa at napa simpleng ngiti kasabay ng pagkibit ng aming mga balikat ng makita namin ang hitsura ng instructor namin. No offense ha? Pero bakit kaya ’yung mga instructor madalas sa P.E mukhang hindi healthy living ’no?

Hindi ako makapag focus sa sinasabi ng instructor namin dahil ’yung grupo nila Naito tumigil na sa pagtakbo at ngayon nakasandal sa grills at nakatuon ang atensyon sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako lalo na kay Naito. Pakiramdam ko kasi nakatingin siya sa akin. O baka naman delulu lang ako? Pero hindi eh! I mean, baka naalala niya ako duon sa nangyari kahapon?

“Hoy, siz! Panay ang tingin natin sa itaas ah?!” bulong ni Dyossa pagka siko niya sa akin at paglingon ko sa kanya ay nakita ko ang nakangisi niyang mukha.

Hindi ko siya inimikan dahil baka mamaya kung saan pa mapunta ang usapan. Nagsasalita pa man din yung instructor namin.

Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa sinasabi ng instructor namin at tinakpan ang kalahati ng mukha ko ng panyo.

Pagdating ng uwian gaya ng kahapon ay nauna si Dyossa sa akin umuwi. Hindi na namin nakita si Thotel maliban lang kaninang umaga. And this time, halos magkasunod lang kami ni Samuel na nakarating sa labas ng gate. Sayang! Hindi ko naipapakilala sa kanya si Dyossa. Malamang matutuwa iyon na makilala siya kasi I made a new friend almost immediately. Thankful nga ako dahil si Samuel ’yung tipo ng tao na walang pakialam sa gender label. Mas nagfofocus siya sa personality at wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa kanya being friends with the third sex. Actually parehas sila ni Sam. Kambal talaga sila.

“Hindi pa tapos klase nung isa?” tanong sa akin ni Samuel.

“Luh. Maka isa ka d’yan. Kambal mo iyon ’uy. Mukhang hindi pa yata. Magtetext naman iyon bago lumabas ng room nila. So, anong gagawin natin?”

“Tara kain tayo. Nagugutom ako.” at sinundan ko siya papunta sa hilera ng mga kainan kung saan maraming mga estudyante ang bumibili, “Anong gusto mo? Libre ko.”

“Ugh! Ang sarap talaga sa ears pag libre!” saad ko at may pahawak pa sa dibdib ko para ipakitang na touch ako sa sinabi niya na kinatawa lang niya, “Uhm, gusto ko itry ’yung fried cookies. Nakita ko kanina ’yung isang estudyante kumakain nu’n. Mukhang masarap eh.”

Huminto kami sa tapat ng isang kainan na may karatulang ‘Kainan ni Kuya Pitt’.

Agad kaming binati ng isang lalaki na mukhang nasa mid-50s na I assume siyang may-ari nitong kainan at ang pangalan ay Kuya Pitt ng may ngiti sa kanyang labi.

“Anong mabili dito sa inyo, kuya?” tanong ni Samuel at agad na umupo sa bakanteng upuan na siyang tinabihan ko.

“Ay marami, Boss! Meron tayo ditong fried cookies, ito talaga mabili ito. Meron ding lumpiang shanghai saka fries. . .” at marami pang sinabi si Kuya Pitt kaso ang focus ng mata ko ay nanduon na sa bagong hango niya na fried cookies. Naglalaway na nga ako habang pinagmamasdan ko eh.

“Sige Kuya Pitt, isang order ng fried cookies tapos dalawang pirasong jumbo lumpiang shanghai.” dinig kong sabi ni Samuel.

Habang inaasikaso niya ang order namin ay muli siyang nagtanong. Mukhang entertainer type na may ari ito kaya siguro hindi nawawalan ng customer kasi saglit palang kaming nakaupo dito ni Samuel ilang suking estudyante niya na ang dumaan at lahat sila parang tropa kung ituring niya. Cool.

“Bago lang kayo dito ’no? Hulaan ko Marine Engineering ka,” sabi niya at tinuro si Samuel, “At ikaw Tourism? Tama?” sabay turo naman sa akin.

Parehas kaming tumango ni Samuel.

“Aba, mukhang kabisado ninyo na mga uniform dito per course ah?”

“Aba’y oo naman! Fifteen years na akong nagtitinda dito.” nakangiting tugon nito at inabot sa amin ang mga order namin, “Napatapos ko na nga ’yung dalawang anak ko ng college ng dahil sa pagtitinda ko dito.” at halata mo sa kanya ang pagiging proud sa sinabi niyang iyon.

“Angas ninyo naman, Kuya Pitt. Saludo!” sabi ni Samuel at literal na sinaluduhan siya.

Habang abala sila sa paguusap, abala naman ako sa pagkain ng fried cookies ko.

Maya-maya. . .

“Uy, Sam!” bati ni Kuya Pitt kaya agad kong hinanap ang binati niya at laking gulat ko na si Sam ito na kakambal ni Samuel.

“Hi, Kuya Pitt.” nakangiting bati ni Sam sa kanya at umupo sa tabi ko.

“Magkakilala kayo?” tanong ni Samuel sa kanya.

“Oo. Dito ako kumain kahapon ng break ko eh.” tugon niya, “Kuya Pitt, isang order nga ng hashbrown with fries.”

“Alright. Coming right up.” at inasikaso nito ang order ni Sam.

“May nag announce ba sa klase ninyo about sa freshmen party sa darating na sabado?” tanong ni Sam.

“Oo. Bawal nga daw hindi pumunta kasi may attendance daw.” sagot sa kanya ni Samuel.

At hinayaan ko nalang na sila munang kambal ang mag usap dahil ang focus ko napunta na naman sa isang pamilyar na mukha. Syempre sino pa nga ba? Eh di si Naito!

Ang gwapo talaga niya kahit sa malayo at mas nakakadagdag sa kagwapuhan niya ’yung awra niya na pagka masungit kahit na hindi na hindi magkasalubong ang kilay niya sa mga oras na ito dahil poker face lang naman siya na naglalakad mag isa dala ang mga gamit niya at may nakapasak na earphones. Pauwi na kaya siya? Kasi hanggang 7:30 ng gabi balita ko may mga nagkaklase pa rin dito.

And for some reason, napatingin siya sa gawi ko and like magnets, our eyes meet.

Hindi ko alam pero parang may something sa akin sa tuwing magkakatitigan kami. At katulad kahapon, siya ang unang umiwas ng tingin sa akin.


STARING AT SUMMER ( V )

“Nakahanap ka na ng isusuot mo para bukas?” tanong ni Sam habang parehas kaming nakaupo sa sahig at nakasandal ang mga likod namin sa gilid ng kama.

So, incase hindi ko pa nakukwento sa inyo, days off lang namin ang pinagka pare-parehas naming tatlo. Well, not totally. Wednesday lang ang pinagparehas naming tatlo.

Wednesday and Saturday kasi ang off ni Samuel samantalang parehas kami ni Sam na Wednesday at Friday at dahil Friday ngayon at walang Samuel na nasa paligid heto kami at iniisip ang maaaring mangyari sa freshman party bukas.

“Hindi pa nga eh. Mall tayo?” yaya niya.

Bumusangot ako, “Ayaw ko nga! Scam iyang mga binebentang damit sa mall. Sobrang pricey para sa plain design malas mo pa kung hindi maganda tela. Isa pa, nakalimutan mo na ba? Malapit na ’yung balak nating puntahan na convention ni Samuel.”

“Ay oo nga pala. May point ka d’yan. Eh di anong gagawin natin? Wala akong maisip na pwedeng isuot na magsta-standout ako sa karamihan.”

“Eh kung mag ukay tayo?” tinignan ko siya at ngumiti siya ng pagka ganda-ganda.

“Oh eh anong pang hinihintay natin? Tara at mag ukay shopping!” excited niyang sabi at agad na tumayo para magpaalam kay Lola Tessa.

Kalahating minuto mula ng makaalis kami sa bahay nila. .

“Ang init! Tangina! Panget ka bonding ng araw!” reklamo ni Sam habang naglalakad kami at magkahati sa iisang payong na hawak ko.

“Ano bang ineexpect mo? Magii-snow? Saka hello? Walking distance nga lang ’yung bahay ninyo dito sa pupuntahan nating ukay.”

Ngumisi siya at bumuntung-hininga.

“Swear, kung hindi lang dahil sa gusto kong mag standout para sa party na iyon bukas hindi ako mageexert ng effort para lumakad ng ganito kalayo.”

Tinawanan ko nalang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarting kami sa pupuntahan namin.

“In fairness, ngayon lang ako nakapasok ng ukay na may aircon. Maganda pala dito. Balik tayo dito next time ha?” sabi niya habang nagtitingin ng mga nakahilerang damit.

“Parang hindi yata iyan ’yung Sam na kasama ko kanina ng papunta?” biro ko at siniko niya ako.

“Shut up. Maghanap ka nalang din ng isusuot mo d’yan para bukas.”

Let’s all be honest here, mas magaganda pa ang mga damit na nasa ukay kesa sa mga nasa mall na bukod sa gaya ng sinabi ko kanina na pricey, plain design, at kung minsan ay panget ang tela, ay dito sa ukay halagang 100 pesos mo malayo na ang mararating. Bonus pa ’yung iilan kung makasakto ka ng branded na in very good condition.

Hindi namin namalayan ni Sam ang oras dahil sa pagkawili namin sa pagtingin ng mga damit na binebenta sa ukay. Ang daming great finds and what’s good about it is nakabili ako ng matching outfit sa halagang 200 pesos samantalang siya, bumili lang siya ng dress na very fitting sa kanya at mukha siyang yayamanin. Ako hindi ko alam kung anong hitsura ko bukas kapag sinuot ko na ito basta ang alam ko lang okay siya sa paningin ko.

“Ugh! Grabeng init pa rin! Anong oras na oh? Para tayong niluluto sa oven.” reklamo ni Sam pagkalabas namin ng ukay dala ang mga pinamili namin.

Nakauwi kami ng matiwasay na dalawa matapos naming mag desisyon na mag tricycle nalang pauwi at pagdating namin ng bahay ay sakto naming naabutan ang papasok palang sa luob na si Samuel. Agad namin siyang sinugod at pinabigatan ni Sam.

“Aish. Putangina. Ang bigat ninyong dalawa! Mag diet nga kayo.” natatawang sabi nito habang inaalis ang braso namin ni Sam na naka akbay sa kanya.

“Hoy, gago! Bibig mo. Sumbong kita kay Lola eh.” banta ni Sam.

“And excuse me, hindi kami mabigat ’no. We’re perfectly healthy and sexy.” dagdag ko.

Nagmerienda kaming tatlo at pinagsaluhan ang nilutong ginataang mais ni Lola Tessa bago namin napagpasyahan ni Sam na lumabas ulit para ipa laundry yung binili naming damit kanina sa ukay kasama si Samuel. After namin ibigay sa laundry yung damit namin ay dumaan pa kami ng convenience store at bumili ng chips at ice cream bago umuwi para mag dinner at pagkatapos ng dinner ay umuwi na ako sa bahay namin para matulog.

Ewan ko kung anong meron sa akin pero gumising akong maganda ang mood kaya para magtuluy-tuloy ito ay nagpatugtog ako ng old songs sa Spotify under the playlist of voiceofwinter na minsan niyang shinare sa amin na mga subscribers niya ng may magtanong anong mga songs ang mairereccomend niya na suitable for all ages.

Hindi muna ako pumunta sa bahay ng kambal at kumain lang ng cereals for breakfast at pagkatapos ay nag body scrub at naglagay ng clay mask sa mukha ko at cold cucumber sa eyes ko para marelax. After kong mag ‘self-care’ ay humarap ako sa malaking salamin na nasa kwarto ko at nagsasasayaw. Ewan ko ba. Sobrang ganda talaga ng mood ko ngayong araw at hindi ko mawari kung bakit. Shocks! Baka may mangyaring hindi maganda sa akin mamaya sa party, sa tingin ninyo?

Napatigil ako sa pagsasayaw ng marinig kong tumunog ang cellphone ko at makitang mag message si Sam na kuhain na namin ’yung pina laundry namin kaya naman dali-dali akong lumabas ng bahay para puntahan yung laundry shop at kunin ang damit namin para mamaya sa party. Bago kami umuwi ay bumili muna kami ni Sam ng isaw sa napadaang naglalako kaya syempre dahil gawain namin nito na kumain ng street foods ng highschool ay bumili kami. Kinain niya agad yung kanya samantalang ako inuwi ko nalang sa bahay dahil hindi pa naman ako gutom. Mamaya ko nalang siguro kakainin bago kami umalis.

Alas kwatro na ng hapon ng mapagpasyahan kong mag asikaso at naka ilang balik ako sa salamin para tignan ang sarili ko sa suot kong damit. Hindi ba masyadong stand out itong damit ko sa party mamaya? Wala kasi talaga akong ideya kung ano bang damit isuot sa college party. Hay naku naman! Pagtapos kong ayusan ang sarili ko at maglagay ng kaunting make up ay umalis na ako ng bahay ay pumunta sa bahay ng kambal kung saan binati ako agad ni Lola Tessa sa suot ko. Syempre hindi ko kinalimutan na kainin ’yung binili naming isaw kanina.

“Aba, bagay na bagay sa iyo ang suot mo Aelius. Mukha kang foreigner! Model ba. Bakit kaya hindi mo mag try mag model ’nak?”

Agad naman akong pinamulahan ng mukha sa sinabi niya, “Naku, ’La. Walang-wala po itong mukha ko sa mga totoong model.”

“Aba wala talaga kasi mas maganda ka sa kanila. Tignan mo nga iyan oh,” lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang mukha ko, “Kung hindi ko alam na lalaki ka, iisipin kong babae ka eh. At saka, huwag mong iisipin na mas maganda o gwapo ang ibang taong nakapaligid sa iyo dahil iba-iba ang pagtingin ng tao sa kagandahan ng isa. Basta tandaan mo, ano man ang sabihin na hindi maganda sa iyo ng ibang tao, pasok sa isang tenga. .”

“Labas sa kabilang tenga.” natatawang pagtapos ko sa balak niyang sabihin.

“Tama. O’sya, akyatin mo na duon ’yung dalawa kay baka hindi pa nagaasikaso ’yung mga iyon. Naku. Hindi pwedeng hindi ninyo maenjoy ang buhay sa kolehiyo.” nakangiting sabi niya bago ako iniwan at tumungo sa kusina.

Tumalima ako sa sinabi ni Lola Tessa dahil may chance na baka hindi pa nagaasikaso ang kambal. Bka mamaya busy pa si Samuel sa kakalaro ng computer games at si Sam naman ay sa pagbabasa ng yaoi. Hindi ko na kailangan pang kumatok pagdating sa kwarto ng kambal dahil nakabukas na ito at naabutan sila na nagaasikaso palang. Napahinto sila sa ginagawa nila ng mapansin nila ang prisensya ko at hindi agad nakaimik.

“Ano? Naka pause nalang ba kayo d’yan hanggang mamaya?” nakangising tanong ko at tuluyan ng pumasok sa kwarto nila at umupo sa gaming chair ni Samuel ng naka crossed-legs.

“Muntik na kitang hindi makilala.” saad ni Samuel na panay ang tingin sa akin habang naghahanap ng isusuot niya sa party.

“Ang ganda mo ’te! Palit tayo katauhan kahit one day lang. Dali, ng maexperience ko how to be a gorgeous gay like you.” nakangiting sabi nito na halata ang pagka amazed sa hitsura ko.

“Ewan ko sa iyo, Sam. Magbihis ka na duon ng maayusan kita. Dali na.” sabi ko habang dinudutdot ang phone ko para magbasa ng binabasa ko ngayon sa wattpad na kwento.

“Ito na. Taray naman ng baklang ito. Buti nalang maganda ka. Hmmp.” nakanguso niyang sabi at padabog na birong lumabas ng kwarto para magbihis sa cr. Nailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa.

“Aelius, ano sa tingin ko suotin ko? Itong tee shirt or white na long sleeves?”

Inangat ko ang tingin ko ng marinig ko ang tanong ni Samuel at agad kong kinagat ang dila ko at sinubukan na pakalmahin ang sarili ko ng makita ko siyang naka topless. Suot naman na niya ang pants niya pero syempre, sa natural na ganda ng hubog ng katawan niya, sino bang hindi mafofocus ang tingin sa abs na meron siya.

“Uhm, hmm. .” nilihis ko ang tingin ko sa abs niya at tinuon ito sa dalawang magkaibang damit na hawak niya, “Okay yung long sleeves.”

“Okay.” tugon niya ng may ngisi sa kanyang labi. Huh? Bakit ganuon yung mukha niya? Nakita niya ba ’yung nangyari kanina? Hala, shit. Nakakahiya!

Sakto namang bumalik si Sam suot ang baby blue silk dress niya na hanggang tuhod at sleeveless. Ang ganda talaga ng babaeng ito. Bagay na bagay din ’yung kutis niyang morena sa kanya. Paglapit niya sa akin ay agad ko na siyang tinulungan sa kanyang hair and makeup at pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na kami at ready ng pumunta sa party sa school. Habang nasa luob kami ng taxi ay saktong naka receive ako ng message kina Thotel at Dyossa na magkita kami sa entrance ng gymnasium kung saan gaganapin yung party at um-oo naman ako sa kanila. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng maramdaman ko ang pagsakit ng tiyan ko. Akala ko ng una kabag lang pero hanggang sa makarating kami sa venue ay masakit pa rin ito at para bang kumukulo.

“Ay hindi naman ako nainformed mga model din pala ang kakatagpuin namin!” bungad ni Dyossa na may pahawak pa sa kanyang dibdib para ipakita na nagulat siyang makita ang hitsurahan namin. Natawa nga ako kasi ang ganda naman ng outfit niya pero kung magsalita akala mo mukhang mahirap ang datingan. Parehas sila ni Thotel. Akala ko nga mga totoong models ang kinatagpo namin. Hahaha.

Nagbeso-beso kaming tatlo at pinakilala ko sina Thotel at Dyossa sa kambal at ganuon din ang kambal sa kanila. Nagulat nga ako dahil agad na nag click ang apat lalo na si Dyossa. Tuwang-tuwa siya kay Samuel at bulgar na sinabi na crush niya ito kaso hindi nagpatalo si Thotel at inasar siya na may crush din siya dito kaya tawa lang kami ng tawa ni Sam sa gilid habang pinagatatalunan ng dalawa si Samuel na halatang ineenjoy ang sandaling iyon.

Pagpasok namin sa luob ng gymnasium kung saan ginaganap ang pasimula ng party ay sinalubong kami ng magarbong dekorasyon at ang malakas na kalabog ng stereo sa tugtuging Material Girl ni Madonna. Marami-rami na rin ang estudyanteng nanduon mula sa iba’t-ibang course na gaya naming first year wearing their ‘okay’ outfits kaya hindi nakapagtatakang mapatingin ang karamihan sa pagdating namin. Siguro dahil kinda ‘flashy’ ang suot namin at hindi pangkaraniwan at saka dahil na rin sa hyper na si Dyossa na nagsayaw-sayaw agad sa saliw ng tugtugin.

Pag upo namin sa table na nahanap naming bakante pa ay agad akong nagpaalam sa kanila na pupunta muna ng cr dahil hindi ko na talaga kaya ang pananakit ng tiyan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng agad kong mahanap ang cr at wala akong naabutan na kahit na sino pagpasok ko sa luob kaya agad pumunta sa dulong cubicle para duon maglabas ng sama ng tiyan ko. Nakahinga ako ng maluwag matapos mawala ng pananakit ng tiyan ko kaso agad din iyong napalitan ng pagka alarma ng marealized kong walang tissue sa luob at wala din akong dala na kahit na anong pwede kong magamit na dala ko bukod sa sarili ko.

What. The. Hell.


STARING AT SUMMER ( VI )

Hindi ko alam kung anong gagawin ko mula ng malaman ko na walang tissue ’yung napasukan kong cubicle. Ugh! Ang malas ko naman ngayong araw!

Nagmadali kasi akong pumasok ng hindi man lang chine-check kung may magagamit ako after kong maglabas ng sama ng tiyan. Ano na ngayon ang gagawin ko?

Hindi ko rin dala ang cellphone ko at mukhang walang papasok dito sa cubicle na ito hanggang mamaya. Bakit kasi hindi nalang ako naging babae? For sure, ’yung cr ng mga babae ngayon puno dahil lagi namang grupo-grupo kung mag cr ang mga babae kahit na isa lang naman talaga sa kanila ang iihi. No offense pero iyon ang napapansin ko mula pa nuon.

Pero kung iisipin, kung may pumasok man dito sa cr kung nasaan ako, bukod sa nakakahiya ay hindi ko alam kung tutulungan ako sa problema ko. Ugh. Sana lang makaramdam ’yung mga kaibigan ko sa labas at may mag check sa akin kung nandito pa ako sa luob. Much better kung si Samuel kasi hindi ako mahihiya mag utos duon na kuhaan ako ng tissue kung saan man meron sa parte ng cr na ito o ng mismong venue na ito. Nakakainis! Sira ang awra ko! Malamang ang baho ko na. Ilang minuto na akong naka tengga dito sa luob kung saan ako tumae. Ugh.

Mula sa pwesto ko ay narinig kong nagsalita na ang host ng event at nagpalakpakan na rin ang mga nasa labas. Nagsisimula na ’yung party pero heto ako at na stuck dito sa kubeta. Hindi na ako magtataka kung paglabas ko nakadikit na sa akin itong inidoro. Malas talaga.

Kung alam ko lang ganito mangyayari sa akin hindi na sana ako pumunta. Nakakahiya at hindi ko makakalimutan itong sandaling ito ng buhay kolehiyo ko.

Maya-maya ay narinig kong bumukas ang pinto ng cr hudyat na may pumasok pero nagtaka ako ng may marinig akong boses ng babae ng parang winisikan ng asin at suka sa tono ng paghagikhik niya. Ano bang tinitira ng babaeng ito at ganuon yung boses niya kapag tumawa? At teka nga. Bakit may babae dito sa cr ng lalaki? Don’t tell me shibulibambam ito? Not that against ako sa mga kalahi ko pero di ba dapat kahit papaano respeto pa rin dahil cr ito ng lalaki? Gets ninyo ba yung point ko? Like, kung ako lalaki at umiihi ako sa labas na part at may pumasok na babae eh malamang sa malamang mapasigaw ako sa gulat at mataranta.

Sinubukan kong idistract ang sarili ko sa ingay na nagmumula sa event sa labas pero saydang mas nakaka distract ang boses ng dalawang taong kasama ko ngayon dito sa cr na walang kaalam-alam sa prisensya ko dito sa kabilang dulo ng cubicle kung nasaan ako.

Nang una wala talaga akong ideya anong gagawin nila dito sa luob ng cr dahil hello? Ayaw kong magpaka judgmental at malay ko ba kung friendship goals nila umihi ng sabay sa cr but not until ng mga sumunod na sandali na ako mismo ang nahiya sa gagawin nila. Oh fuck. Bakit ba ako nandito? Ugh.

Pangalawang kamalasan - maipit sa isang sitwasyon na malaswa na wala kang kawala.

“Claec, baby, please.” maarteng pakiusap ng babae sa kasama niya.

“Kneel.”

Saglit na katahimikan ang namayani at ewan ko ba, may part sa akin na inaabangan ang sunod na mangyayari. Hindi sa chismosa ako ah? Basta. Wala rin naman akong choice eh kasi maririnig at maririnig ko pa rin sila kahit takpan ko pa ang tenga ko.

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatakip sa bibig ko ng makarinig ko ng isang malakas na sampal. Hala. Anong nangyari? Sinampal ng babae ’yung kasama niya? Kung sabagay, deserved. Utusan ka ba namang lumuhod? Ano ka alipin? Lakas din ng amats ng kasama niya.

“C-Claec. . “ napakunot ang nuo ko ng marinig ko ang boses ng babae. Para itong nagulat na maiiyak. Oh shit. So ’yung Claec ang sumampal duon sa babae? Teka iolence against women iyon ah. Inaabuso ba itong babae ng kasama niya? But thinking about earlier, mukhang ’yung babae ang naghaharot. Teka nga. Bakit ba ako angpapaka stress sa mga ito? Gusto ko lang naman ng tissue ng makaalis na ako dito sa kinalalagyan ko ngayon.

“Do what I only ask you to do.” napalunok ako ng marinig ko ’yung boses ng lalaki ng malinaw. Napalunok ako. Hindi ko maintindihan pero parang pamilyar sa akin ’yung boses niya?

Maya-maya ay muling nagsalita ’yung lalaki.

“Now do what you got to do.”

Huh? Ano iyon? Pero nasagot din ang tanong ko sa sarili ko makalipas ang ilang minuto ng may marinig akong parang something na hinihigop at reumehistro sa akin ang isang malaswang senaryo. Oh fuck shit. Napatakip ako sa mukha ko kahit na alam kong wala namang makakakita sa akin ngayon dahil hiyang-hiya talaga ako sa sitwasyon ko ngayon.

Matapos ang ilang minuto ay sa tansya ko tapos na ’yung babae sa dapat niyang gawin duon sa kasama niyang lalaki pero ng akala kong hanggang duon lang iyon. Hah. I was served wrong by these two unknown horny people dahil maya-maya ay mukhang ginawa na talaga nila yung ‘deed’ dahil narinig ko ’yung ungol ng babae na sarap na sarap sa ginagawa nila but hindi naman sa pagiging usisero, parang hindi ko naririnig na umuungol ’yung lalaki? Like what the fuck? May nakikipag sex bang hindi umuungol? Not that I know because I have zero experience sa pakikipag sex pero iyon nga lang magsalsal ka uungol ka eh iyon pa kayang may ka sex ka hindi ka uungol? The hell. Pero teka nga, bakit ko nga ba iniintindi itong mga ito?

And then ng akala ko wala ng mas ilalala pa ’yung maipit ka sa dalawang gumagawa ng kahalayan eh d’yan ako ulit nagkamali! Guess what? Nabahing ako - ng malakas.

Ugh! Grabe na kamalasan ko today!

At halatang nagulat ’yung dalawang gumagawa ng milagro dahil sa naging pagbahing ko. Oh shit! Paano nalang kung puntahan nila ako dito at katukin? Oh god! No, no, no! Hindi pwede! Ayaw kong makita nila ako ng ganito ang hitsura ko!

“W-What’s that? Is there someone here?” halatang kinakabahan ’yung babae ng dahil sa akin.

Aba, dapat lang ’no! Nakakahiya kaya ’yung ginagawa nila ngayon dito sa cr. Place ito kung saan umiihi, nagaayos ng mukha at naglalabas ng luob ang mga tao hindi para mag sex! My gosh!

“Shut up and finish what you’re doing. Aren’t you a bad girl you say? Or did you just lie so you can get a feel of my dick on your dirty pussy hole? Hmm?”

Nang marinig ko yung sinabi ng lalaki ewan ko ba. Pinawisan ako ng malamig and what’s worse is that pagtingin ko sa ibaba ay nakita ko ang alaga kong nakatayo at nanlaki ang mga mata ko dahil duon. Oh shit! Shit! Did I just? I mean, how? Did has never had happened to me unless kay voiceofwinter lang. The heck?! I’m capable of getting turned on by another voice other than him?

Matapos ang ilang minutong hindi ko alam kung gaano tumagal ay natapos din ang dalawa sa kababalaghang ginawa nila at nakahinga ako ng maluwag pero hindi ko pa rin magawang hawakan ang sarili ko para pababain ang naka flag ceremony kong alaga dahil first and the only reason I’m not relieving myself yet is becase hindi ko kayang isupress ang ungol ko, okay?

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig kong bumukas nag pinto ng cr. Mukhang umalis na yung dalawang asungot pero syempre mali na naman ako dahil naiwan pala ’yung isa sa kanila. Teka bakit parang wala pang nakakahalata sa mga kasama ko na hindi pa ako bumabalik magmula kanina ng nagpaalam ako mag cr? Don’t tell me nakalimutan na nila na kasama nila ako? Oh c’mon!

Bumalik ako sa ulirat ng makarinig ako ng yabag ng mga paa papunta sa cubicle kung nasaan ako. Napalunok ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Kumatok ito sa pinto bago nagsalita.

“Hey there, I know you heard what me and the slut did and I apologize for that. I hope you don’t tell anyone about it.”

“U-uh. . Oo! W-wala ako sasabihan.”

“Good.”

Alam kong nakakahiya pero lalakasan ko na ang luob ko sa gagawin ko tutal puro kamalasan na ang nangyari sa akin eh, wala naman sigurong masama kung dagdagan ko na ng kahihiyan di ba? Whew!

“U-uh. . A-ano. . K-kuya!. . Ano kasi. . May tissue ba d’yan sa labas? Pwedeng abutan mo ako? Kailangan ko kasi eh! Walang tissue dito sa luob! U-uh, kanina pa kasi ako nandito eh wala akong mapakiusapan. Uhm, hello? . . May kausap pa ba ako? Hello? Aish! Bwisit ka kuya!” sigaw ko sa inis ng marealized kong nakaalis na ’yung lalaki kanina na gumawa dito ng kababalaghan sa luob ng cr kasama yung babae niya. Aish! Malas! Ang malas-malas ko talaga!

Hindi na ako makakaalis dito. Dito na ako forever. Ito na ang magiging ba–!

“Open the door.” nagulat akonng marinig ko ’yung pamilyar na boses kanina at wala sa sarili kong binuksan yung pinto ng cr only ro realized na nasa nakakahiyang senaryo pala ako kaya muntikan ko ng isara ito ulit kaso pinigil ito ng lalaki kaya may maliit na awang na sapat para magkasya yung iniabot niyang tissue na nakabalot pa at isang mineral bottle. Hindi lang ’yung binigay niyang mineral bottle ang umagaw ng pansin ko kundi pati yung kamay niya. Oh shit! Ang ganda ng kamay niya. Maugat! Napa sampal ako mentally sa isip ko dahil nasa gitna na ako ng nakakahiyang sandali ng buhay ko pero nakukuha ko pang, uhm, kiligin ng dahil lang sa kamay?

“There’s a bidet at the back in case you don’t know and the water bottle is just for you to drink for you to avoid getting dehydrated incase you’re having LBM.”

“U-uh, t-thank you.”

“You’re welcome.”

Pagkatapos ay umalis na siya ng tuluyan kaya wala na akong inaksayang oras at agad na naghugas at ginamit ang tissue na binigay niya. By the time na matapos ako ay syempre alam ninyo na ang isa ko pang ginawa - ang pababain ang flag ceremony ko. Paglabas ko ng cubicle ay agad akong naghugas ng kamay ko at sakto namang pumasok nina Samuel at Thotel na halatang nagaalala na sa akin dahil sa tagal kong nawala.

“Hoy bitch! Anyare sa iyo? Akala namin nahigop ka na ng inidoro kanina ka pa namin hinihintay bumalik!” bungad ni Thotel sa akin.

“Oo nga. Masama ba pakiramdam mo?” tanong ni Samuel sabay kuha ng wallet niya at kalkal ng kung ano sa laman nu’n na hindi pera.

“Tinawag ako ng kalikasan at mabuti nalang may nag magandang luob na binigyan ako ng tissue kasi ’yung napasukan kong cubicle naubusan.” paliwanag ko at automatic na nagsabay sina Thotel at Samuel na nagtakip ng mga ilong nila bilang pangaasar kaya tinaasan ko sila ng kilay.

“Excuse me lang ha! Wala kayong rights gumanyan matapos kong mag suffer dito ng napakatagal!”

“Ito naman hindi mabiro. Naghugas ka na ba ng kamay mo?” nakangiting tanong ni Thotel at narinig kong humagikhik si Samuel.

“Tigilan ninyo ako ah! Naghugas na ako ng kamay kahit amuyin ninyo pa iyan!” tugon ko at nakangiting inilapit sa mga mukha nila ang kamay ko kung saan sila nag violent reaction na akala mo ikamamatay nila yung malinis kong kamay.

“Aelius!”

“Bitch, ano ba? Oh my god!”

“Hahaha! OA ninyong dalawa ha!” napalingon ako kay Samuel ng abutan ako nito ng gamot para sa LBM na agad ko namang ininom.

“Saan galing iyang mineral water mo? May dala ka bang ganyan kanina?” takang tanong ni Samuel sa akin.

Umiling ako, “Bigay sa akin ito ng tumulong sa akin kanina. Sabi niya inumin ko raw baka madehydrate ako kasi may pakiramdam siyang nag LBM ako.” paliwanag ko.

“Aww! Ang sweet naman ng lalaking iyon! Anong pangalan? Nakuha mo?”

Oo nga no. Ano nga ulit ’yung pangalan ng lalaking iyon?

“Oy, mamaya na iyang daldalan ninyo. Duon na sa labas. Baka hanapin na tayo ng dalawa duon at kung ano na isipin ng mga iyon.” paalala ni Samuel.

“Oo nga! Tara na, malibog pa naman isip nu’n ni Dyossabel!” natatawang sabi ni Thotel at bago kami lumabas ay tinapon ko yung water bottle sa trash can. Sa wakas! Nakalabas din ng cr!

Pagbalik namin sa table namin ay halatang nagulat sina Sam at Dyossa sa akin pero hindi ko nalang pinansin dahil natuon ang atensyon namin sa nangyayaring pa games at tawa kami ng tawa. Trip to jerusalem ba naman eh. Nakakatawa kaya makitang nagaagawan yung mga participants sa upuan na para bang duon nakasalalay buhay nila. Hahaha.

Akala ko nabawi ko na ang nangyaring kamalasan sa akin kanina duon sa cr pero again, nagkamali ako dahil narinig kong tinawag ang pangalan ko ng hosts ng party para sa sunod na palaro - Paper Dance. Shit! ’Yung pinaka awkward na game na naimbento lalo na kung hindi mo kilala yung magiging kapareha mo sa game.

“Go bitch!” dinig nina Sam, Thotel at Dyossa samantalang panay “Woo!” naman si Samuel kaya hiyang-hiya ako sa pwesto ko habang nakatayo at napapaligiran ng iba’t-ibang estudyante mula sa iba’t-ibang course.

Habang nagbibigay ng instructions yung hosts sa palaro nila na pretty much alam na ng lahatbng nandito kung paano nilalaro ay napatingin ako sa pwesto ng mga kaibigan ko at napakunot ang nuo ko ng mapansin ko ang mukha ng kambal na seryosong nakikinig sa sinasabi ng nagha hyper ventilate na si Thotel at parang nababaliw na si Dyossa na may tinuturo na kung ano sa akin kaya syempre agad kong chineck ang sarili ko baka kasi may something na nakakahiya hanggang sa matigil ako sa ginagawa ko ng may marinig kong pamilyar na boses na nagsalita sa tabi ko at inakbayan ako.

“He’ll be my partner.”

Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko at halos lumuwa ang mata at mahulog ang panga ko ng marealize kung kanino ang pamilyar na boses na iyon. Here, my friends, standing on my right, Mr. Naito or should I say Claec na kaninang kasama ko sa cr at tinulungan ako na may nakajugjugan na kung sinong babae? Choose.

Napalunok ako at parang nag slow-mo ang lahat sa paligid ko. Tanging na kay Naito lang ang focus ko. Shit.

Halos similar ang suot naming damit. Mas corporate looking nga lang ang kanya pero damn, hindi ko itatanggi na sobrang bagay nu’n sa kanya at mas nakadagdag pa sa dominant look niya ang suot niyang chain necklace at bracelet na kinaparehas namin tho silver yung kanya at gold naman ’yung akin at syempre, gaya ng nasabi ko kanina, halos similar yubg damit namin ang pinagkaiba lang ay naka leather pants ako.

Grabe! Tao ba siya? Paanong nag exist ang gaya niyang deity sa lugar ng mga mortal gaya ko?

Agad kong nilayo ang tingin ko sa kanya ng may mag abot sa amin ng manila paper kung saan kami tatapak kapag huminto yung patutugtugin na kanta. Nang marealized ko na siya ang makakapareha ko sa larong ito ay agad akong nataranta. Shit! Natatandaan niya kaya na ako ’yung kanina sa cr?

[ Now Playing: Ayy Macarena by Tyga ]

Pagsimula ng tugtog ay hindi ko alam kung maaawkwardan ba ako or what dahil alam ko exactly ang meaning ng kantang iyon. Naghiyawan naman ang ibang mga estudyante na pinapanuod kami. Ugh! Lalo tuloy akong hindi makapag focus dahil naiilang ako sa dami ng mga matang nakatingin sa amin. Hindi kasi nakakatulong yung tingin ni Naito na binibigay niya sa akin. Sobra talaga akong naiilang! Iba yung titig niya sa akin eh. Hindi ko mawari at duon ako kinakabahan!

Hindi ko magawang ienjoy yung laro dahil nga sa hiya pero ilang minuto bago matapos ang laro kung saan tatlo nalang kami ay bigla ko itong naenjoy dahil nagiging competetive na ang lahat at iyon ang gusto ko dahil nawawala ang pagiisip ko kapag napapaligiran ako ng mga competetive sa paligid at dala na rin ng kung tawagin ay adrenaline rush.

Sa bilis ng mga pangyayari ay halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan ng mga tao sa paligid. Nang una hindi ko maintindihan kung bakit pero ng marealized ko kung anong nangyayari, napahawak nalang ako sa leeg ni Naito habang buhat-buhat niya ako sa bisig niya at nakatingin sa akin at nakangisi.

Oh shit.


STARING AT SUMMER ( VII )

Linggo ngayon pero imbis na magkaruon ako ng peace of mind matapos ng nangyari kahapon sa party ay nagising akong bino-bombard ng mga kaklase ko sa instagram at twitter account ko. Hindi na ako magtataka kung paano nila nalaman ang socmed ko dahil for sure, si Dyossa ang nagkalat nu’n sa kanila. Ang nakakaloka pa, nailagay pa sa page ng school namin ang picture ng naging pagbuhat sa akin ni Naito sa party. Paano ko nalaman? Ang daming nagta-tag sa akin sa retweets nila sa official twitter ng university namin. Pati sa facebook meron din dahil sinendan ako ng screenshot ni Sam. Grabe. Ganuon ba kasikat si Naito sa buong university at parang ganuon ka big deal ang involvement ko duon? I mean, ganuon ba talaga ka seryoso ang mga tao sa pangingialam sa buhay ng may buhay? Paano kung parehas kami ni Naito na straight at hindi ako bakla tapos ginawa niya ’yung ginawa niya sa akin at kumalat sa socmed? Hindi ba iyon nakakailang o nakaka inis para sa aming dalawa? Hay naku. Mga tao talaga oh.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko talagang masyadong naiinvolve ang sarili ko kung kani-kanino at pinapangalandakan ang mukha ko sa socmed. Sana bukas ng umaga hindi na ito maging topic sa school dahil ewan ko nalang talaga baka makapag taray ako sa ibang tao na hindi ko naman close. Lubayan sana ako ng topic na iyan bukas at sana ganuon din si Naito dahil nakakahiya din duon sa tao. Well, hindi pa kasama duon ’yung alam ninyo na? ’Yung involvement ko rin sa ginawa niya at ng mystery girl na kasama niya sa cubicle duon sa men’s cr. Kinikilabutan pa rin ako at nahihiya sa sarili ko sa nangyaring iyon. 

Sana hindi kami magtagpo bukas dahil hindi ko rin talaga alam kung paano ko siya haharapin. Baka may magawa akong katangahan na matatandaan niya o ng lahat na makakakita sa amin. 

Nakahiga pa rin ako sa kama ko at nakatingala sa kisame matapos kong mapagod sa mga nakikita at nababasa about sa nangyari sa party kaya naisipan ko nalang na mag soundtrip habang nakatitig sa kawalan. Dinadama ang hindi gaanong kainit na pagtama ng sinag ng araw mula sa bintana ko. Maya-maya ay sinabayan ko na rin ang tumutugtog na kanta sa background.

Linggo ngayon, oo pero hindi ko feel makinig ng old song. Pero kung makikinig man ako ng old song may isa lang akong paboritong pinakikinggan. 

Anyway, kung nagtataka kayo anong kanta ngayon ang pinapakinggan ko at baka gusto ninyo rin isoundtrip, Life Goes On lang naman ni Oliver Tree. Sobrang ganda ng beat at meaning ng kanta. Malalim. Pakiramdam ko nga umiikot ang kama ko at ang kisame ang optical illusion na tinitignan ko hanggang sa ma-hypnotize ako at isiping baka hindi ito ang realidad pero syempre walang ganuon. Hahaha. Epekto lang ito ng sobrang pagiging emerse ko sa kanta. 

Bago tuluyang matapos ang kanta ay bumangon na ako para mag ayos ng kama at maligo ng maka dayo na ako sa bahay ng kambal kong bestfriend. Baka nagtataka na iyon hindi pa ako dumadayo duon para mag almusal. Hahaha. Mahirap na baka ma absenan ako sa attendance. 

Patawid palang ako sa bahay ng kambal ng narinig ko na ang ginawang pagsipol sa akin ni Samuel na abalang nagdidilig ng mga halaman ni Lola Tessa at naka topless. Napangisi ako. Hindi ko naman itatanggi na maganda ang hubog ng katawan niya at magandang lalaki siya.

“Aga-aga, Samuel, mina-manyak mo na agad ako.” nakangisi at mataray kong sabi bago ako tuluyang makapasok sa gate nila. 

“Gusto mo naman eh.” tugon niya, “S’ya nga pala, mukhang start na ng pagsikat mo sa school simula bukas ah? Mukhang kailangan naming mag doble bantay sa iyo ni Sam.” pabiro niyang sabi na kinatawa ko.

Mukhang alam na yata niya ang chika ngayon sa socmed. Kung sabagay, hindi naman na ako magtataka. Laging online ito gaya ni Sam. Ako magoonline lang kung kailan ko maisipan.

“Sira. Hindi naman ako artista at saka huwag ninyo ngang gawing big deal ’yung nangyari duon sa party. Nakakahiya duon sa isa mamaya sabihin pinagnanasaan ko siya eh sa hindi naman.” saad ko, pero syempre sino bang niloko ko? Unang kita ko palang sa kanya ramdam kong attracted na ako sa kanya pero ayaw ko lang isipin masyado kasi impossibleng magka gusto ang gaya niya sa katulad ko. Isa pa, ang mga happy ending sa mga baklang gaya ko mas madalas sa movie o libro lang nangyayari gaya ng pagpo-portray ng nakararami sa romance sa mga hetero. 

“Sus. Baka nga siya ang may pagnanasa sa iyo. Siya itong bumuhat sa iyo eh.” 

“Binuhat niya ako para manalo kami sa game. Competitive siya eh. Tignan mo naman. Worth it yung ginawa niyang pagbuhat dahil nanalo kami. May one week free lunch kami sa cafeteria ng school.” Totoo iyon. Dahil sa ginawa niyang pagbuhat sa amin na naging sobrang big deal eh nanalo kami sa palaro na iyon at nakakuha kami ng tig isang free meal voucher for one week sa cafeteria ng school. Speaking of that, may chance kaya na magkita kami sa cafeteria? Hala. 

Matapos ng naging paguusap namin ni Samuel ay tuluyan na akong pumasok sa luob ng bahay kung saan naabutan ko si Lola Tessa na nag gagantsilyo sa sofa samantalang nasa dining table naman si Sam at abala sa pagtatype sa laptop niya.

Nagmano muna ako kay Lola Tessa bago umupo katapat ni Sam na mukhang hindi pa rin ramdamn ang presence ko habang kumakain ng almusal. Kung hindi ko pa siguro sinabayan ng pagkanta ko yung tumutugtog na kanta sa background mula sa laptop niya eh hindi niya talaga malalaman na nasa harap niya na ako. Halatang nagulat pa siya dahil bigla nalang siyang may narinig na boses sa harap niya at muntik na siyang sumigaw na kinatawa ko. 

“Sobrang senti naman ng pinapakinggan mo, Sam. Broken hearted ka ba?” tanong ko habang nagpapalaman ng peanut butter sa gardenia bread.

“Hindi porket Bitch Broken Heart ni Billie Eillish pinapakinggan ko eh broken na ako.” mataray nitong tugon habang patuloy pa rin siya sa pagta type niya.

“Ano iyang ginagawa mo at ang aga-aga eh busy ka na agad. School works?” 

“Hindi. Nagco-comment lang ako sa mga forum about sa mga binabasa kong manga ngayon at kasalukuyan akong nakikipag argue sa isang anon tungkol sa isa sa mga character ng current fave manga ko. Epal kasi. Napaka I-Know-It-All si anon. Hindi pa nga lumalabas yung sunod na chapter sa kwento dami na agad niyang predictions tapos syempre yung iba naniniwala at naiinis kasi akala nagiispoil siya. Nawawala yung fun at excitement ng ilan sa pagaabang ng susunod na mangyayari. Akala mo naman si anon yung author.” 

“Well, hindi ka sure. Malay mo naman yung anon na kaaway mo eh yung mismong author na pala. Alam mo naman may mga klase ng author na pang out of this world ang personality.”

“Ah basta. Malakas ang kutob ko na itong anon na ito eh talagang epal lang at hindi siya yung author. Speaking of author, sino nga ulit yung kinwento mo sa akin dati na author sa wattpad na binabasa mo na feeling mo kakilala mo?” 

“Ah si Brictorique.” ever heard of that author? Actually hindi ko alam kung anong sexuality ng author na iyon at ayaw ko naman mag assume basta alam ko siya yung tipo ng manunulat na sa lahat ng librong ginagawa niya unti ang bed scene pero siguro dahil hindi niya pinapangalandakan na ang mga bakla ay sex lang ang habol and for that I admire that author. 

“Oo iyon. Bakit mo nga pala nasabing kilala mo siya?” 

“Pakiramdam ko lang kilala ko siya o siguro dahil parang siya yung mga tipo ng Tita na kapag nakausap mo in person puro about life and enjoying life ang sasabihin sa iyo. Bakit mo nga pala biglang naalala yung author na iyon?” natatawang sabi ko. Yikes. Sana hindi ma-offend yung author na iyon kapag nalaman niya ang sinabi ko.

“Out of context o siguro dahil naalala ko lang din siya dahil sa may nabasa akong kwento niya dati sa cellphone mo. ’Yung about sa painter something. Actually nagustuhan ko. May pagka angst kasi thou syempre alam mo naman mas preferred ko pa rin ang english language.” saad niya at nakuha pa niyang kumindat sa akin sa huli niyang sinabi. 

“Ay, for sure ito magbabalik-luob ka sa kanya. May nabasa kasi akong post niya ng nakaraan na gagawa siya ng english na boy love story. Hindi ko nga lang alam kailan niya ipu-publish pero kapag napublish niya na sasabihan kita. For sure maganda iyon pero pakiramdam ko rin maiiba ang writing style niya dahil nga magiging english iyon.” 

Patuloy kaming nag usap ng random ni Sam hanggang sa mauwi kami sa paglabas namin ngayon ng bahay nila para bumili ng. . Guess what? Tattoo stickers.

Hindi ko alam anong naisipan namin pero heto nga at kasalukuyan na kaming pumipili na dalawa ng sticker designs na gusto naming bilhin dito sa mall. 

“Ay ano ba iyan.” nakanguso kong saad ng makitang walang kapares yung tattoo sticker na sun ang design na nakuha ko. 

“Oh bakit?” tanong ni Sam ng makalapit siya sa akin hawak ang napili niyang design na pentagram. Napa iling ako at napangisi sa kanya. Minsan naiisip ko siguro itong si Sam sa dati niyang buhay mangkukulam eh. Ang hilig-hilig sa mga witch designs pero kapag tinatanong mo kung mahilig siya duon sasabihin niya namang hindi at nagkataon lang. Hahaha.

“Walang kapares yung sun ko. Ayaw kong sun lang. Dapat may moon.” 

“Eh baka out of stock na. Para ka namang tanga eh. Hindi naman by pair yung tattoo sticker na bibilhin natin not unless gusto mong isiksik yung moon design sa sun eh baka mamaya imbis na aesthetic ang mangyari eh disaster ang kalabasan. At saka, look. Sa personality na meron ka, hindi bagay sa iyo ang moon. Isa kang sun. Nagra-radiate ang beauty mo sa lahat eh ang moon? May air of mystery, ganuon ka ba? Ganuon ba ang tingin namin sa iyo? Hindi.”

Napa eye roll ako sa sinabi niya. Ano namang masama kung gusto ko ang moon? Kung gusto kong magkasama sila ng sun? Hay. 

Naka nguso naming tinungo ni Sam ang counter para bayaran ang napili naming stickers ng magsalita ang cashier ng turn ko na.

“Aba, last na stock na ito ng sun na design namin sa sticker, Sir ah. Swerte mo naman. Parehas kayo ng isa naming customer kanina kaso ’yung kanya naman moon ’yung design.” 

Automatic kaming nagkatinginan ni Sam and oh boy, alam na alam ko yung pag bilog ng mata niya at biglang pag ngiti ng malisyosa. Kaya hindi na ako nagulat ng paglabas namin ng pinasukan naming store ay nagtititili ang walang hiya at todo hampas pa sa braso ko. Feeling ko nga para akong na-hazing pero sa braso. Kaloka itong babaeng ito. 

“Sam kapag hindi ka pa talaga tumigil kakahampas sa braso ko, papasok akong purple itong braso ko bukas at aakalahin ng lahat na ARMY ako.” natatawang sabi ko habang pilit na pinoprotektahan ang braso kong kanina niya pa hinahampas sa kilig niya. 

“Ito naman kasi. Bakit parang hindi ka man lang excited or kinikilig sa ganu’ng klaseng coincidence? Malay mo yung soulmate mo na pala ’yung nakakuha ng last stock din na moon na gustung-gusto mo rin bilhin kanina.” 

Dahil sa sinabi niya ay may bigla akong naalala. Napangiti ako ng hindi sinasadya at napatingin sa kamay ko kahit na wala namang nakasuot sa alin man sa daliri ko na singsing. 

Magkikita pa kaya kami ulit ng batang nakilala ko sa ilalim ng puno ng mangga?

“Uy, Aelius. Nakikinig ka pa ba sa sinasabi ko?” bumalik ako sa realidad ng mapansin kong sobrang lapit na ng mukha sa akin ni Sam so in my self defense mode eh agad kong tinulak ang mukha niya palayo sa akin.

“Aray naman ha. Medyo malakas iyon, baklita ka. Hmmp.”

“Eh bakit naman kasi kailangan mo pang ilapit ng husto iyang mukha mo sa akin. My god. Paano kung bigla nalang may unknown force at naitulak ang isa sa atin at nagkahalikan tayo? Gosh, ayaw kong babae ang first kiss ko ’no.” sabi ko at pinahalata ko sa kanya ang pandidiri ko.

“Ay wow naman. Ikaw pa talaga ang lugi sa atin ha? Sa ganda kong ito?” 

Habang nagtatawanan kami out of sa mga walang kabuluhan na pinaguusapan namin paglabas ng mall ay nakakita sa hindi ko kalayuan ng nagbebenta ng streetfood kaya syempre ano pa nga ba? Eh ’di bibili kami at kakain. Kaso ng makalapit kami sa nagtitinda ay bigla kong naalala ’yung nangyari sa akin ng sabado. ’Yung naging pagsakit ng tiyan ko. Hindi kaya dahil sa nakain kong streetfood iyon?

Nawala ako bigla sa kalagitnaan ng pagiisip ko ng may marinig akong pamilyar na boses sa akin pero at the same time pinigilan ko ang sarili ko na hindi pangilabutan sa way ng pakikipag usap niya sa tindero. Sana hindi halata sa facial expression ko ang pandidiri sa babaeng nagsasalita. 

“Hey, Manong. Can you ihaw me five sticks of zigzags and three sticks of turtle necks over there, please?” 

Unti-unting pumihit ang ulo ko sa direksyon ni Sam and to my surprise, hindi man lang tinago ni Sam ang disgust look sa mukha niya habang nakatitig duon sa babaeng bumibili kaya pati ako napatingin na rin. Hmm, maganda naman ’yung babae at mukhang mayaman. Conyo language eh. ’Di ba uso ’yon sa mga mayayaman at galing sa malaking school? Pero anong ginagawa ng isang gaya niya sa ganito? Not that I’m judging pero syempre hindi lahat ng tao maa-amaze kapag nakasalamuha ng gaya niya. ’Yung iba maiirita gaya nalang namin ni Sam.

Pero kung akala namin wala ng mas ilalala ang mga sandaling ito sa babae, eh agad kaming napanganga sa tindero ng sumagot ito duon sa babae.

“How about your favorite Wagyu cubes?”

What the. .? Tinignan ko agad kung nasaan ’yung wagyu cubes na tinutukoy ni manong at pagtingin ko ay yung betaxmax pala ang tinutukoy niya. Anag ng tokwa. Bakit pa nga ba ako nagugulat eh ’yung sinabi kanina ng babaeng ito eh Zigzags daw na isaw naman samantalang yung turtle necks naman na tinutukoy niya eh leeg naman ng manok kaya nagtaka ako bakit turtle ang tinawag niya eh obviously sa chicken iyon at endangered na ang mga pawikan ’no.

“Nah, not this time.” 

Imbis na nagcocontemplate pa sana ako ngayon kung kakain ba ako ulit ng streetfood dahil sa nangyari sa akin kahapon eh napabili nalang ako dahil sa stress. Gusto ko ng may mangunguya. So ayun, I ended up buying five white small spaceships and neon balls. Hahaha. 

Habang kumakain kami ni Sam na libre niya ay napansin ko ’yung babae kanina na tawagin natin sa banyag na Miss Conyo na nakatingin sa amin. Ay, mali. Sa akin. Anong problema nito?

Sumimple akong tingin sa kanya kaso na wrong move ako sa ginawa ko dahil iyon na ang naging start ng conversation namin na ayaw ko man sana na mangyari ay nangyari.

“Oh my gosh. Its you nga. The one in the news.”

“H-huh?” maang kong sabi pero mukhang may idea na ako sa balak niyang sabihin. 

“’Yung binuhat ni Claec, my baby.” may himig ng pagtataray niyang sabi and no, hindi ko nakaligtas sa paningin ko ang pag irap niya sa akin. Sarap hilain ng eye balls niya eh tapos tusukin ko ng barbecue stick at ihawin tapos ipakain sa aso. Charot. Mabait ako. Epekto lang ito ng pagiging friends ko kina Thotel at Dyossa. Hahaha.

“Uhm yeah so?” 

“Nothing. I just want to let you know that he’s my baby.” and then it hit me. Now I know bakit pamilyar sa akin ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung kasama ni Claec sa luob ng cubicle kahapon. Napangisi ako dahil duon lalo pa ng maalala ko kung paano siya ka desperate na makipag chukchakan kay Naito. 

“Yeah, don’t worry. Hindi ko naman aagawin ang baby mo. In fact, sasabihin ko pa nga sanang huwag mong kalimutan na hindi padedein ang baby mo. Alam mo naman ang mga baby mahilig dumede at kung wala siyang made-dede sa iyo eh baka humanap siya ng iba.” saad ko bago tinapon ang wala ng laman na plastic cup ko ng pagkain at pinakatitigan ang sa tingin ko A-cup niyang dibdib bago kami tuluyang umalis ni Sam para umuwi. 

Habang nasa sasakyan kami, hindi magkamayaw ng kakatawa si Sam dahil sa nangyari.

Sana hindi ko rin makita ang babaeng iyon bukas sa campus bukod kay Naito kundi yari na. 


STARING AT SUMMER ( VIII )

Alas siyete na ng gabi ng mapagpasyahan kong umuwi na sa amin after kong maki-dinner kila Lola Tessa at syempre matapos ’yung pag dikit namin ng tattoo sticker sa isa’t-isa ni Sam. Tinatakot pa nga kami ni Samuel dahil baka akalain ng mga tao sa university na nagpa-tattoo kami at hindi kami papasukin or worst eh ang ma guidance kami. As if namang matatakot kami duon. Ano kami, highschool? Elementary? Besides, wala naman dapat nakakatakot sa guidance kasi kung hindi ka walang gagawin lang sa guidance at makikipag kwentuhan sa mga taong nanduon eh pangangaralan ka nila. Pero kung ako mas preferred ko ’yung pangangaralan ako kesa walang gagawin at makikipag usap ng nonsense sa kung sino mang naka tao duon. 

Nakahiga na ako sa kama ko nu’n at hinihintay na dalawin ng antok ng maisipan kong picturean ang nasa left wrist ko. Syempre dahil aesthetic ang gusto ko, minake sure ko na nasisinagan ng liwanag ng buwan na tumatama sa bintana ko ang tattoo na nasa kamay ko at nag caption ng: “Where are you, my moon?”. Oh di ba? Ang drama. Pagkatapos ko maipost iyon at nagpasya na akong matulog. Maaga pa ang pasok ko bukas.

Kinabukasan, pagdating namin ng university nina Sam at Samuel, sa gate palang naku. Umani na agad ako ng tinginan at ngitian at bulungan sa mga estudyanteng nakakasalubong namin. Hindi na ako magtataka kung bakit. Malamang nakilala nila agad ako biglang yung baklang este estudyanteng binuhat ng kapwa estudyante at sikat na si Naito. Pfft. Okay lang sana kung tinginan at ngitian lang. Keribels ko pa iyon tiisin kasi sanay naman na ako sa mga mapang husgang nilalang pero yung magbubulungan pa? Mukha ba akong may ginawang masama bukod sa pagiging bakla? Syempre hindi ko maiwasan na ma-anxious kasi malay ko ba kung anong klaseng kasamaan na ang sinasabi nila tungkol sa akin. Hay naku naman. Umagang-umaga at lunes na lunes ganito ang magiging bungad sa akin. Sana talaga mawala na agad ng pake ang mga tao sa nangyari duon sa party ng sabado.

“Samahan ka ba namin sa room mo?” dinig kong tanong ni Samuel na halatang nag aalala. Napansin siguro niya o nila ni Sam ang pagiging uncomfortable ko sa nangyayari ngayon.

“H-hindi na. Kaya ko naman. At saka may klase din kayo ’di ba? Sige na. Iwan ninyo na ako. Kaya ko naman mag isa.” nakangiting tugon ko. Ayaw ko naman kasing hanggang college eh masasanay akong pino-protektahan nila ako. Nahihiya din ako sa kanila kahit na bestfriends ko ang kambal na ito. 

“Sure ka talaga, Aelius?” paninigurado ni Sam na nakatitig maigi sa akin, “Kasi okay lang sa akin na makipag sabunutan ng ganitong oras kapag may umaway sa iyo ngayon.” pinakita niya pa sa akin ang kamao niya na kinatawa ko. Lumalabas na naman ang pagka war freak ng babaeng ito.

“Oo nga. Sure na sure. Kaya ko ito kaya sige na. Mag hiwalay na ito at magsi pasok sa kanya-kanya nating mga klase. Bye. Ingat kayo.” saad ko at kumaway sa kanila habang lumalakad ako palayo papunta sa building ko. 

Nang makalayo ako sa kanila ay napa buntung-hininga ako. Sana hindi ko talaga makita ngayong araw si Naito o ’yung babae kahapon na naka chukchakan ni Naito dahil kung hindi. . Hay naku talaga. Hindi ako makakalaban dahil ayaw kong pumanget ang umage ko dito sa university at kumalat ang info na iyon sa mga professors. Very no, no way and not gonna happen iyon sa akin. Whew. 

“Magandang umaga, Mrs. Naito.” energetic na bati ni Thotel ng makarating ako at makitang naka tambay siya sa harapan ng classroom namin kasama si Dyossa na nakangiting wagi at agad akong bineso. 

“Huh?” tugon ko at napalingon sa likod para hanapin sino yung binabati ni Thotel but regardless ay lumapit ako sa kanya para makipag beso. 

Agad namang natawa si Dyossa, “Grabe, Ae. Ang slow ha. Ikaw ’yung binabati ni Mumsh.”

“Huh? Ako? Eh hindi naman Naito ang apelyido ko.” kunut-nuo kong sabi. Teka nga, pinagti-tripan ba nila ako dahil duon sa very-should-not-be-big-deal-issue ko with Naito?

At sa sinabi kong iyon ay natawa na rin si Thotel at napa iling, “Wow. First time ko yata nakakita ng taong or should I say bakla na walang tama kay Naito. I mean, akala ko na crush at first sight ka sa kanya ng unang beses na makita ninyo siya nitong si Dyossa but now, you’re proving me wrong. Aren’t you attracted to him?”

Sa tanong na iyon ay napa isip ako. Well, hindi ko naman maitatangging napaka gwapo ni Naito. Like, he’s like a winter deity and his eyes speaks a lot of mystery but I don’t also want to make a big deal sa nangyari duon sa party ng sabado. Hindi porket nangyari ay bagay na iyon ay maa-attract na ako agad sa kanya other than physical. Hindi ko pa naman lubos na kilala ’yung tao at saka hindi ko alam kung comfortable ba siya na may nagkakagusto sa kanya na nasa third sex. Ayaw ko namang maging uncomfortable siya sa mga tulad ko. I respect him as a person. 

“Right now, physical attraction is a yes but other than that, I rather not jump to any conclusion kasi study first muna ako.” nakangiti kong sabi at kita ko kung paano maging malisyosa ang mukha ng dalawa dahil sa sinabi ko.

“Hay naku, study first daw. Pa-virgin ’te?” nakangiting saad ni Dyossa.

“Iyan din ang sinabi ko sa sarili ko before but look at me now, naka ilang boyfriends na ako.” proud na sabi ni Thotel at nag imaginary long hair flip pa sa amin. 

“Wait, what? Nagka boyfriend ka na Mumsh? Oh god. Teach me your ways, senpai.” maharot na sabi ni Dyossa na akala mo ’yung mga character sa anime na malalaki ang hinaharap. 

Bago pa makasagot sa amin si Thotel ay nakita na namin ang papa akyat naming professor sa first subject kaya nagpaalam na siya sa amin at agad naman kaming pumasok ni Dyossa sa luob ng classroom. 

After ng dalawang magkasunod na subject namin ay sa wakas nagkaruon na kami ng 30 minutes break kaya naman ngayon ay nagpasya kami ni Dyossa na kumain muna sa labas ng univ kung saan nakahilera ang mga iba’t-ibang kainan. Nag decide kami na mag rice meal because why not? Isa pa, matagal pa ulit bago ang sunod na break namin na 1 hour and 45 minutes at sa mga oras na iyon ay gusto namin na tumambay este siya lang pala dahil sasamahan ko lang siya manuod sa gymnasium dahil may inaabangan daw siya duon na magpa practice mamaya. 

I wonder kung sino iyon thou may kutob akong kung sino man iyon ay paniguradong crush niya. 

Pumasok kami sa karinderya na ang tawag ng nakararami ay pink house na siguro ay dahil lahat ng nasa luob ay kulay pink. I mean yung mga gamit. Like yung lamesa, upuan, mga apron na suot ng nagta-trabaho duon pero hindi yung pagkain na sineserve nila syempre. After naming maka order at maka upo sa pwesto na napili namin ay biglang nagsalita si Dyossa.

“In fairness sa kainan na ito ah, hindi ko malaman kung nasa barbie world tayo o club sa tugtugan nila. I applaud kung kanino man sa nagtatrabaho dito ang may may-ari ng playlist na ito. Very bet yung vibes, ’te.” saad niya habang sumasayaw ng nakaupo na parang walang ibang estudyanteng nakakakita sa kanya mula sa pwesto namin. 

If incase curious kayo anong klaseng tugtog ang nandito sa pink house eh alam ninyo yung Summer Deep Music na channel sa youtube? Ganuon siya. ’Yung Ibiza Summer Mix na type. Don’t ask bakit alam ko. Kakaiba ang algorithm ng youtube sa madaling araw. Hahaha.

Matapos naming kumain ay dumiretso kami sa isang computer shop malapit sa kinainan namin para magpa print ng assignment para sa susunod na subject at pagpasok palang namin ay sumalubong na agad sa amin ang nakaka nostalgic at the same time ay nakakangiwing pamilyar na pang jejemon na kanta. Any guess what song that is? Ganda mo by Cue C lang naman and oh my goodness gracious, yung mga estudyante na nandito sa luob deadma lang. Parang normal lang sa kanila ’yung naririnig nila o baka dahil busy din ang karamihan sa mga lalaki na maglaro ng computer games. Parang akala mo hindi sila magkakatabi kung mag sigawan at mag murahan eh. Tsk, tsk. 

“Angas ng tattoo mo, boss ah.” puri ng bantay ng computer shop sa akin na nahuli kong nakatingin sa kaliwang kamay ko kung nasaan ’yung sticker tattoo ko, “Saan mo pinagawa?”

“Nau, kuyang pogi hindi legit na tattoo iyan. Bawal kami sa totoong tattoo. Baka ma guidance kami kapag nagkataon.” sagot ni Dyossa para sa akin na siyang tinanguan ko bilang pag sang ayon. 

“Talaga? Hindi iyan totoo? In fairness ah. Mukhang legit tattoo. Alam mo kanina din may estudyante dito na may ganyan din sa kamay niya pero iba design. Hindi ko nga lang alam kung tunay ’yung kanya o hindi.” 

“Talaga po? Anong design?” ewan ko ba bakit bigla kong natanong iyon.

“Moon naman ’yung kanya. Kabaligtaran ng sa iyo.” parang nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang naging sagot niya. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin kahapon ni Sam sa mall. Agad akong umiling-iling. Impossible. Baka nagkataon lang. 

Pabalik na kami ni Dyossa sa campus ng may bigla siyang maalala. 

“Hoy, ’te. Bakit pala hindi tayo sa cafeteria kumain kanina? Hindi ba may voucher ka duon na libreng pagkain for a week?” 

Agad akong napakamot sa batok ko, “Uhm, oo nga ’no? Nawala sa isip ko.” Actually naalala ko naman na may voucher ako duon sa cafateria. Ayaw ko lang talaga kumain duon kasi baka magkita kami ni Naito. Mahirap na. Baka aware na rin siya sa issue ng tungkol sa amin na bini-big deal ng karamihan sa mga estudyante dito sa univ. Ayaw kong magkaruon ng ilangan sa part namin kahit na syempre aware naman akong awkward na ’yung first meeting namin duon sa men’s cr. 

“Weh? Nakalimutan mo o may iniiwasan? Hmm, kilala ko ba iyan? Oh let me guess.  .” saad niya at umakto pa na nagiisip ng bigla nalang itong may itinuro sa kung saan, “Oh there. Si Naito oh.” 

Ewan ko ba kung bakit pero automatic na nag init ang sistema ko probably sa hiya at agad na napa yuko at hinatak si Dyossa papunta sa classroom namin para sa next subject. Narinig kong tumatawa siya pero hindi ko nalang pinansin hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin na hingal na hingal ako. 

“Confirmed. In denial ka lang but I think may crush ka kay Naito, Aelius.” nakangisi niyang sabi.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Oh god. No, it can’t be true. 


STARING AT SUMMER ( IX )

“So, kailan mo narealized na may crush ka na sa kanya?” tanong sa akin ni Dyossa sa kalagitnaan ng discussion sa klase. Buti nalang hindi pa kami nahuhuli ng professor namin sa ginagawa nitong loka na ito kundi mayayari kaming dalawa. 

Paano ba naman. Ayaw kasing i-drop ’yung topic about sa pagkakaruon ko daw ng crush duon sa isang iyon eh sa wala naman talaga at hindi naman ako in denial. 

“Hmm, ng unang kita ba natin ito sa kanya last week or dahil duon sa nangyari sa party ng sabado kaya mo narealized na crush mo siya?” patuloy niya sa pagdaldal.

“Tumigil ka na nga. Sinabi ko na sa iyo kanina hindi ko nga siya crush.” pabulong kong saway sa kanya habang patuloy sa pagte-take down notes para naman may maaral ako mamaya sa bahay or mamaya kapag nagpunta kami ng gymanasium kasi as of now, wala na akong maintindihan sa dinidiscuss dahil sa mga pinagsasasabi nitong si Dyossa.

“Confirmed talaga, ’te. Crush mo siya. Sobrang in denial mo.” kahit hindi ko man kita alam kong nakangisi siya sa sinabi niyang iyon.

Ugh, sana hindi siya ganito hanggang mamaya. 

But I was proved wrong dahil pagkalabas na pagkalabas ng professor namin ng classroom ay muli na naman niya akong ginulo about sa specific ‘issue’ na iyon which is yung pagkakaruon ko ng said crush kay Naito na hindi at wala naman talaga.

“So, I did some research kanina,” panimula niyang sabi, “And guess what I found?”

“Huh? Research? Kailan ka nag research at saan?” 

“Kanina habang nagtuturo si Sir. Busy ka kakasulat kaya hindi mo napansin na nagcecellphone ako. Anyway–” 

“What did you just said? Nag cellphone ka habang nagdidiscuss si Sir? Hindi ba bawal ang cellphone sa klase? Buti hindi ka nahuli?”

“Paano ako mahuhuli eh nasa likod tayo nakaupo and besides hindi naman ako nagpapa obvious na nagcecellphone so going back to what I was saying, sabi ni President Google, may apat na klase ng crush. Number one is Friendly or Platonic crush. I guess no need to explain na what does that mean so. down to the second one which is Admiration crush. So dito, perfect example nito yung sa mga celebrity. ’Yung nagugustuhan natin sila pero syempre not romantically kasi nga hello? As if namang mapapansin ka ng gaya nila. Third is Passing crush. Ito aminado ako this is me every day. ’Yung may nakita lang akong gwapo sa kung saan crush ko na agad kahit na alam ko namang maliit ang chance na makita ko ’yung tao na iyon ulit. And lastly, Romantic crush. So dito ito yung nagkaka crush ko tapos pinagpapantasyahan mo sila like magkahalikan kayo or magkayakapan and so. Alin ka sa tingin mo duon sa mga nabanggit ko? Thou may idea naman na ako alin ka duon I just want to hear your side.”

Mahaba man ang sinabi niya ay I’m positive na duon ako sa ‘admiration crush’ nabibilang dahil siguro sikat siya sa school na ito at maganda ang physical attributes niya but that’s just that. Pero kung sa akala ninyo ay sasabihin ko ito kay Dyossa, nuh-uh. Not gonna happen. Over my dead, sexy lustful body. Joke. 

“Again, wala akong crush sa kanya.” 

“Okay, so under admiration crush ka and still in denial.” saad niya and more like sinabi niya iyon sa sarili niya habang tumatangu-tango bilang pag sang ayon.

Napailing nalang ako sa kanya. Hay naku. Bakit ba bini-big deal niya ito? I mean, if may crush siya kay Naito, I wouldn’t care less. Halata namang maraming nagkakagusto sa isang iyon pero napaka impossible na sa mga nagkaka crush sa kanya ay may magugustuhan siya. Suntok iyon sa buwan lalo pa at may something sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Para bang off limits sa kanya ang maging attached sa kahit na sino. 

“Ngayon para mapatunayan ko sa iyo na may crush ka sa kanya at in denial ka lang, mago-oplan Hot to Get Naito’s Attention tayo sa iyo at imomonitor ko ang magiging reaction mo sa kanya whenever he is around. I mean, wala namang mawawala sa iyo sa gagawin natin. You never know, baka makuha mo talaga ang atensyon ni Naito sa iyo.” excited at kinikilig niyang sabi na may pag kindat pa sa akin.

Anong Oplan: How To Get Naito’s Attention ang sinasabi niya? There’s no way I would say yes to that. Nakakahiya naman duon sa tao kapag nalaman niya. Mamaya isipin pa nu’n na desperado akong tao. Gosh, nakakahiya. 

“Ewan ko sa iyo, ’te. Nagugutom ako kaya tara dito sa cafeteria. Bibili akong pagkain.” saad ko na siyang sinang ayunan niya naman. 

Medyo maraming tao ngayon dito sa luob kahit na hapon na at syempre dahil ito ang pinaka malapit para mapatid ang gutom ko eh makikipila nalang ako para makabili ako ng pagkain.

Nilibang ko muna ang sarili ko sa ingay ng mga nandito sa luob na sinabayan ng tugtog na nagmumula sa radyo. Abala kasi si Dyossa sa pagdutdot niya sa cellphone niya. Sa wakas. Tinantanan niya na ako sa crush thingy na iyan kasi wala naman talaga.

Nakatingin ako sa mga pagkain na nakahilera sa gilid ko at umisip kung ano sa mga iyon ang bibilhin ko ng mapansin ko ang mga daliri ng nasa harapan ko sa pila. Napalunok ako. Shit. May hand fetish yata ako but well, what can I say other than ang ganda ng kamay niya. I wonder how good those will fit perfectly to my throat if this person in front of me decides to choke me in bed.

Agad akong napailing ng marealized ko ang naisip ko. Oh gosh. What the hell am I even thinking?

Pero in fairness, ang ganda din ng likod nitong nasa harapan ko. Nagg-gym siguro ito?

“Uy ’te. Ito na. Nakahanap na ako ng tips about sa Oplan natin.” agad kong nilingon si Dyossa. Hindi pa rin pala tumitigil ang isang ito. Jusko po.

“Ay naku, bahala ka d’yan. Hindi ako magpaparticipate.” 

“Sabi mo lang ’yan. Anyway, ang first step is to spend extra time to your appearance pero sa hitsura mong iyan hindi mo na need, okay? Step two naman is to look different daw. Dito napaisip ako. I wonder anong type niya like sa pananamit para makuha mo ang atensyon niya and step three. .” patuloy niyang litanya pero nawala ang focus ko sa sinasabi niya ng marinig ko ang malalim at mala winter night vibes na boses na nasa unahan ko na nakapila.

Why does he sound familiar to me?

And the question in my head was immediately answered ng mapansin kong tumingin sa akin ang matandang tindera na may ngiti sa kanyang labi. Hindi ko tuloy alam anong meron at kung ngingitian ko di ba siya. Teka, bakit ba ito nakatingin at nakangiti sa akin? 

“Kayo ’yung nasa facebook post ng university, ’di ba?” 

Umawang ang bibig ko sa sinabi ng babae at agad na luminga sa paligid hanggang sa salubungin ako ng isang pamilyar na ngisi and to my surprise, nagmula iyon sa lalaking nasa unahan ko and it was no other than. . .

“Uy, si Naito pala ito oh.” naka ngiti at halatang excited na sabi ni Dyossa. Oh god. Sana wala siyang masabing kung ano sa taong ito. Jusko po, “ Hi, Naito. Ako pala si Dyossa friend nitong si Aelius and I’m sure kilala mo siya, yes?“

“Yeah, I just hope he’s the same way to me.” nakangiti nitong sabi. Kahit hindi ako directly nakatingin sa kanya alam kong gaya ng babae na nasa harapan namin ay nakangiti at nakatitig siya sa akin. Hindi ko tuloy alam paano ako magrereact kaya tumango lang ako bilang sagot.

“Naku, pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko ha? Hindi naman siya ganito  on normal days. Anyway, ikaw lang mag isa?” 

“Yeah, I decided to have lunch muna bago pumunta ng gymnaisum .”

“Uy, ’te. Gymansium daw oh.” nakangising sabi ni Dyossa sa akin na may pag squeeze pa ng left arm ko. Muntik na nga akong mapa aray kasi obviously kinikilig siya sa mga oras na ito pero ako hindi. Naiilang ako at hindi ko alam kung bakit kasi parang bukod pa sa ilang ang nararamdaman ko, “Actually duon nga din ang punta namin ngayon. Gusto mo sabay nalang tayong tatlo na magpunta duon?”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dyossa at bago pa makasagot si Naito ay nakaisip na ako ng not-so-perfect excuse. Oh gosh. Ano ba itong nangyayari sa akin?

Nagkunwari akong tumingin sa relos na suot ko at mabilisang tumingin kay Naito at kay Dyossa pero more like pinandilatan siya, “Uhm, a-actually mukhang hindi na natin siya masasabayan kasi kakain pa daw siya at saka, ’yung n-naghihintay sa atin duon baka naiinip na kaya tara na.” 

Hindi ko na hinintay pang makapag react ang sino man sa tatlo at agad na hinatak si Dyossa palabas ng canteen pero bago kami tuluyang makalabas ay narinig ko ang sinabi ni Naito.

“See you later, Aelius.” 

This time, hindi lang basta hatak ang ginawa ko sa kasama kundi sinama ko na rin siya sa pagtakbo. Shit. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit may parang kung ano sa luob ko na dahilan ng pag init ng mukha ko? And no, wala akong crush sa kanya. Wala talaga. 


STARING AT SUMMER ( X )

“Ito kasi ayaw pang umamin na crush mo si Naito eh wala namang masama. Marami namang nagkakagusto din sa kanya at hindi lang tayo. Saka alam mo, Aelius, kung sakali mang mapansin ka niya wala iyon sa akin kung iyon ang inaalala mo. Hahaha! Madami pa naman akong reserbang crush at saka bagay kayo tignan, sis!” kinikilig na litanya ni Dyosaa habang naglalakad kami papuntang gymnasium.

“Hay naku, ewan ko sa iyo! Hindi ko siya crush at kahit araw-araw ko pa iyon na sabihin sa iyo hindi ako magsasawang gawin iyon. Isa pa, kung mapansin man niya ako, it’s just because nagpapaka mabuting tao lang siya hindi dahil may gusto siya sa akin.”

Nagtaka ako ng bigla siyang napatigil sa paglalakad kaya pati ako napahinto na rin at kunut-nuo na napatingin sa kanya ng makitang ang ganda ng ngiti niya. Uh-oh. May nasabi ba akong hindi dapat?

“Kitams! May crush ka nga sa kanya! Hahaha! Ang sabi ko lang ay bagay kayo pero wala akong nabanggit na may gusto siya sa iyo. So technically, naiisip mo na baka magkagustuhan kayo sa isa-t-isa dahil gusto ka niya at ikaw papunta na rin duon!” masayang sabi niya at pumalakpak pa.

Napailing nalang ako at buntung-hininga sa kakulitan niya.

“Bahala ka nga. Isipin mo nalang ang gusto mo isipin basta tara na at pinagtitinginan na tayo ng mga nakatambay dito na kapwa natin estudyante dahil sa iyo.” nahihiya ngunit nakangiti kong sabi sa kanya.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating din kami sa gymnasium namin and oh boy, halos malula ako sa laki at lawak nito.

“Sino ba kasi pupuntahan natin dito?” muli kong tanong sa kanya pagkalampas namin sa mga bantay sa entrance. Siya kasi ang nag aya na pumunta kami dito kaya wala akong ideya kung sino o bakit kami nandito.

“Wait ka lang. Mamaya luluwa iyang mata mo kapag nakita mo.” with full confidence niya sagot at hinila ako papunta sa kung saan.

Maya-maya mula sa hindi kalayuan ay nakakita kami ng mga estudyante na nagkukumpulan sa gilid at takang napatingin ako kay Dyossa pero nagkibit-balikat lang siya. Umupo kami sa bakanteng bench na nasa malapit at maya-maya ay isang upbeat na music ang tumugtog at pumosisyon ang mga nagkukumpulan kanina sa gitna. Teka, sasayaw ba sila?

At agad na nasagot ang tanong ko ng bigla nalang mag cheer sa kanila si Dyossa kaya napatingin sila sa amin na bahagya kong kinahiya. Mga nakangiti naman sila siguro dahil masaya sila at alive na alive kung mag cheer itong kaibigan ko.

Duon ko lang napansin na ang dami na din palang ibang estudyanteng gaya namin ang nasa likuran namin. Ilang sandali pa matapos ang sa tingin ko ay practice sessions nila, narinig namin ang malalakas na tambol ng mga drums na tinatambol ng mga kalalakihan kaya upbeat na upbeat ang atmosphere sa paligid lalo na ng nag simulang mag chant ang mga ito - duon ko napagtanto na cheering squad pala ang pinunta namin dito ni Dyossa.

“Woo! Sana ako din tambolin ninyo mga kuya! Woo!” maharot na sigaw ni Dyossa. Jusko! Parang gusto ko na magpakain sa kahihiyan para sa kanya na ako ang nakakaramdam pero at the same time natatawa din ako dahil mukhang enjoy na enjoy pa ang mga drummer sa mga pinagsasasabi niya.

Bigla akong napatigil sa pagtawa sa kanya ng sa sulok ng mga mata ko ay makita ko ang isang pamilyar na mukha at agad siyang niyugyog.

“Uy! Uy! Si—!”

“GO MUMSH! DARNA!” energetic niyang bati kay Thotel na kinawayan muna kami bago sumali sa mga sa tingin ko ay kasamahan niya na sumasayaw sa gitna.

Oh wait.

Ibig sabihin member siya ng cheerleading squad?!

“Member siya?” tanong ko na halata ang gulat sa mukha ko.

“Oo, ’te! At nandito tayo para panuorin ang kaibigan nating cheerleader captain!” proud niyang sabi at automatic na naka jawdrop kong binalik ang tingin ko sa pinapanuod namin at may ningning sa aking mga mata na makita ang kaibigan ko si Thotel na masayang sumasayaw at ngayon nga ay hinahagis na sa ere ng mga kasamahan niya.

Matapos ang practice performance ng cheerleading squad ay lumapit sa amin ang nakangiting si Thotel. Syempre binati niya rin at nagpasalamat siya sa ibang manunuod na nanduon.

“Ang galing mo kanina.” puri ko ng umupo siya sa tabi ko at nag hair flip ng invinsible long hair niya sa amin.

“Of course! Kailangan bongga ang performance lalo pa ako ang captain.”

“Grabe mumsh! How to be you? Part ka na ng student council tapos member ka pa ng cheerleading squad!” singit ni Dyossa na amazed na amazed sa kabigan namin.

“Hay naku, overwhelmed lang kayo. Soon ganito na rin kayo gaya ko. Ah, oo nga pala, may try out ngayon ang volleyball team baka gusto ninyo sumali?” saad niya bago uminom ng tubig.

“Talaga?!” halos pasigaw na tanong ni Dyossa at halata sa kanya ang excitement.

“Naglalaro ka ng volleyball?” tanong ko at para bang may nag spark na kung ano sa kanya at tumayo siya sa pwesto namin at proud na proud na sinabing. . .

“Kung hindi ninyo natatanong, ako yata ang pinagmamalaking spiker ng volleyball team namin sa school ng highschool.” at pagkatapos ay kumindat pa.

“Oh eh kung ganuon pala, mag try out ka. Alam mo na ah kapag nakapasok ka sa team! Libre mo kami buy one take one na burger!” nakangiting sabi ni Thotel na sinang ayunan ko naman. Syempre ’no. Pagkain iyon. Hindi dapat tinatanggihan. Hahaha.

“Kahit lunch pa!” saad ni Dyossa.

“Pero maiba tayo, wala na ba kayong mga klase? Kasi kung wala, aayain ko kayo manuod ng try out sa kabilang part nitong gymnasium. May basketball tryout kasi duon ngayon at nanduon ’yung crush ko.” nakanguso na sabi ni Thotel sa amin at parang highschool na nagpapa cute na animo’y nasa harapan namin ang crush niya.

“Wala naman na. So, what are we waiting for? Off to gays paradise!” excited na sabi ni Dyossa and the next thing I know, hila-hila na ako nina Dyossa at Thotel sa magkabilang kamay ko papunta sa kung nasaan ang basketball tryout.

Napailing nalang ako ng makitang ang dami ng mga babaeng ang nanduduon pero what to expect pa nga ba eh kapag sinabing basketball team usually nandito talaga ang mga nagtatangkaran, magagandang katawan pati mukha na mga lalaki pero ang umagawa ng pansin ko ay ang makitang nanduon din si Sam pero hindi gaya ng mga duon na excited ay chill lang siya at nagcecellphone.

“Oh di ba si Sam iyan? Tara lapitan natin.” saad ni Thotel at iyon nga ang ginawa namin.

Paglapit namin sa pwesto ni Sam ay nabakas sa mukha nito ang gulat pero kalaunan ay ngumiti rin. Halatang natuwa na makita kami.

“Anong ginagawa mo dito, Sis? Hanap boylet ka rin gaya namin?” tanong ni Dyossa at napa tampal ako sa nuo ko mentally. Loko talaga ito.

“Oo nga. Bakit ka nandito?” usisa ko rin.

“Hay naku, kayo talaga! Malamang kaya siya nandito ay para suportahan ang kakambal niya na siyang papanuorin natin ngayon maglaro.” excited na sabi ni Thotel.

“Ha?!” sabay naming reaksyon ni Dyossa. Agad akong napatingin kay Sam at nakangiting tumango siya sa akin.

“Oo, magta-tryout si Samuel ngayon. Hindi nga lang niya pinasabi sa iyo kasi nahihiya siya eh at saka hindi rin niya ineexpect na pupunta ako dito kasi alam miyang hindi ako interesado sa ganito which is true pero nandito ako para suportahan siya.” sagot niya na may kasamang kindat.

“OMG! SO SI SAMUEL ’YUNG CRUSH MO MUMSH?!” may kalakasang sabi ni Dyossa at napatingin sa gawi namin ang karamihan sa mga nanduon sa lakas ng boses niya.

Halatang-halata naman ang pagpula ng mukha ni Thotel at halos mamatay kami kakatawa ni Sam dahil sa pagsambunot na ginawa ni Thotel kay Dyossa habang nagsasabing, “Ilalakas mo na nga lang boses mo hindi mo pa pinaabot hanggang sa kanya mismo sayang ’yung hiyang nararamdaman ko ngayon eh! Itong mga katabi lang natin nakarinig at nakapansin eh!”

“Aray naman, mumsh! Nashock lang din kasi talaga ako! Akala ko ako lang nagkaka crush sa kanya!”

“Ah basta one level higher ang pagka crush ko sa kanya!”

Bumalik kami sa realidad ng isang malakas na tugtugin ang umalingawngaw sa paligid. Venom remix ni Eminem ang tumutugtog at parang mga sinapian ang karamihan ng mga nandito ng bigla nalang silang magtititili ng maglabasan ang sa tingin ko ay ilan sa mga kasalukuyan ng miyembro ng basketball team.

Napalingon naman ako ng bahagyang lumapit sa akin si Dyossa at may ibulong, “Imagine kung makita mo si Naito na naka jersey, titili ka rin siguro.” nakangisi siyang lumayo sa akin at ewan ko ba. Parang gusto kong ituloy yung pagsabunot sa kanya ni Thotel na natigil.

Pero paano nga kaya kung makita ko siya dito at naka jersey? Ano kaya ang mararamdaman ko?

Syempre hindi ko naman nakalimutan na sinabi niyang pupunta din siya dito.

Aish, Aelius! Ano ba iyang pinagiiisip mo? Ano namang paki mo sa kanya eh hindi mo naman siya crush ’di ba? Study first nga tayo eh, ’di ba?!

Ilang saglit pa ay nakita na namin si Samuel na naka jersey at dinig ko ang pag cheer sa kanya ng dalawa kong kaibigan habang kami namin ni Sam chill lang sa mga pwesto namin at nagwi-wish na sana makapasok siya.

Syempre hindi ko naman itatanggi na ang ang gwapo tignan ni Samuel sa suot niya. Napalunok ako ng makita ang toned niyang pangangatawan at yung mukha niyang maamo pero alam mong may pagka dominante. Hay. Hindi ko nga alam paanong nawala ang pagka crush ko sa kanya nuon eh.

“Tsk, kahit maputol pa litid ninyo kakatili sa kakambal ko, hindi kayo papansinin n’yan. May nakakuha na sa kanya eh.” mahina ngunit sapat lang para madinig kong sabi ni Sam.

“Huh? Anong sinasabi mo, Sam?” tanong ko. Halata namang nagulat siya sa at agad na umiwas sa tanong ko. Para siyang kinakabahan sa pag ngiti niya sa akin.

“W-Wala! Sabi ko. . Oh ayan na pala! Si kambal na ang sunod! Panuorin mo!” sabi niya at agad na hinarap ang mukha ko sa direksyo kung saan nakatayo na si Samuel at may hawak na bola sa kamay niya.

Dahil sa lakas ng pag cheer nina Thotel at Dyossa sa kanya ay napatingin siya sa gawi namin at ngumiti at sakto namang, ewan ko, pagtingin niya sa akin ay saka siya kumindat. Dahil hindi ko alam kung anong naramdaman ko sa ginawa niyang iyon at inilayo ko ang tingin ko at napatingin sa likuran and to my surprise. . .

“N-Naito?” pabulong kong tawag sa lalaking nasa likuran namin na sakto namang napatingin sa akin at ngumiti.

Kanina pa ba siya nandyan?!


STARING AT SUMMER ( XI )

Buti nalang at narinig ko ang pagtili nina Thotel at Dyossa kaya nabawi ko ang tingin ko kay Naito papunta sa harap kung saan naka shoot si Samuel.

Pumalakpak nalang ako kesa maki tili kasi ayaw kong mamaos mamaya o kinabukasan. At saka bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang ang awkward na nasa likuran namin siya.

Teka nga, kung nandyan siya sa likuran namin at kung kanina pa siya d’yan, narinig kaya niya yung sinabi sa akin ni Dyossa? Oh god! Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.

Sakto namang tapos na si Samuel  kaya tumigil na ’yung dalawa sa pang malakasan nilang cheer. Akala ko walang makakapansin sa prisensya ni Naito but oh boy, what I was thinking is impossible. Remember, sikat nga pala siya dito sa school na ito.

“Uy, Claec! Kanina ka pa ba d’yan?” nakangiting bati ni Thotel sa kanya.

Pilit ko man iwasan eh hindi ko nagawa ng sipain ni Dyossa ang paa ko at pag tingin ko sa kanya ay nakangiti ito ng nakakaloka. Uh-oh. Hindi maganda ang kutob ko sa isang ito. Ano na naman kaya ang naiisip niyang gawin?

“Uy, hi! Nandito ka na pala! Pasensya ka na kanina ha? Hindi tuloy tayo nagsabay papunta dito eh kasi naman itong si Aelius parang may tinataguan. I wonder nga kung sino iyon eh. Crush niya siguro?”

Halos mamilog ang mga mata ko sa sinabi ni Dyossa. I mean, bakit ba ako apektado sa sinabi niya eh wala naman akong crush sa Naito na ito ah? Pero ang hindi ko maintindihan ay ang pagkalabog ng puso ko at ang love-hate ko ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya sa sinabi ng kaibigan ko.

“Ganuon ba? Hindi ba dapat kapag crush mo gusto mo lagi makita?”

“Ay, correct ka d’yan!” sabay na sabi nina Thotel at Dyossa samantalang siniko naman ako ni Sam at tinignan ako na para bang may alam ’yung dalawa kung sino ang crush ko na hindi ko pa kinukwento sa kanila ni Samuel.

“So, sino crush mo ’pre?”

Mas mabilis pa kay the flash ang ginawa kong paglingon sa kanya ng narinig kong tawagin niya akong ‘pre’. Anak ng tokwa! I feel offended! Sa ganda kong ito tatawagin niya akong ’pre?! But anyway, bakit ako maooffend eh tama naman din na dapat hindi niya ako i-judge na bakla ako ng dahil lang mga bakla ang kaibigan ko? Parang si Samuel lang sa akin.

“Bakit ’pre? Tutulungan mo ba ako mapalapit sa kanya?” tugon ko at talagang diniin ko ang pagsabi ng salitang ‘pre’ sa kanya.

“Ooohhh!” kahit halos pabulong na ang pag react nila Thotel ay narinig ko pa rin ito at obviously kahit hindi ko sila tignan alam kong mga nakangisi ito at tuwang-tuwa sa nakikita nila ngayon lalo na itong si Dyossa.

“Siguro oo pero baka sa akin ka mapa lapit at hindi sa kanya.” nakangisi niyang sabi kaya bago pa ako mamula ng husto ay tinalikuran ko na ito.

“Ang hambog mo naman yata, Mr. Naito.” sagot ko ng hindi nakaharap sa kanya kasi iyon lang ang nakikita kong paraan para makapag isip pa ako ng matino.

“Hambog man sa iyong paningin, puso mo ay kaya kong tambolin.” tugon niya at narinig ko ang pagtawa niya sa sinabi niyang korny na talastas. The audacity of this man!

Pero imbis na mainis itong mga kasama ko, ang mga walang hiya tuwang-tuwa at inasar pa ako.

“Ah sige, mauna na ako. May practice pa kami ng team ko.” paalam niya sa amin makalipas ang ilang minuto.

At hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon pero at the same time ay nalungkot ako.

“Huh? Agad-agad? Hindi pa tapos ’yung tryout ah?” tanong ni Thotel.

“Nagpunta lang ako dito kasi nagsabi ako kay Chris na manunuod ako ng tryout ng team nila eh ngayon na nakita naman na niya ako pwede na ako umalis.”

“Ay ganuon? Sayang naman. Teka, may tryout din ba yung team ninyo?”

Don’t tell me team captain din siya? Pero ng anong klaseng sport?

“Ay so busy ka na later? Sayang naman! Hindi mo ako mapapanuod mag try out sa volleyball.” nakangusong sabat ni Dyossa.

“Talaga? Uhm, try ko kung makahabol ako. May sasalihan kasi kaming competition this month kaya doble effort kami sa mga sessions namin.”

“Ay! OMG! Sana mapanuod mo ako! Gagalingan ko talaga sobra! Pero ano nga pala ’yung tea–?!”

Natigil sa pagtatanong si Dyossa ng saktong tumunog ang cellphone ni Naito. Agad nitong sinagot ang tawag sa di kalayuan sa amin at napansin ko ang pag kunot ng nuo niya kaya hindi na ako nagtaka ng pagbalik niya sa pwesto namin at agad na siyang nagpaalam ulit na aalis na.

“Ah sige mauna na ako ah? May emergency kasi. Try ko manuod sa tryout mo mamaya! Sige, una na ako!” paalam niya at nagmamadaling lumabas ng court pero nagawa pa rin niyang batiin ang mga nakasalubong niyang kapwa estudyante sa daan.

Ano kaya ’yung emergency na tinawag sa kanya?

“Ano ’yung team niya?” tanong ko out of nowhere na kinabigla ni Thotel pero sinagot pa rin niya samantalang nakangisi lang si Dyossa sa tabi ko.

“Ah, part siya ng Taekwondo. Siya ang Master nila o kumbaga team captain.”

“Woah? Taekwondo?” tanong ni Sam na parang hindi makapaniwala pero amazed at the same time sa nalaman.

Tumango naman si Thotel, “Oo. Black belter iyan eh. Sa katunayan, may iba pang types ng martial arts na black belter din siya. Nalaman lang namin iyan ng may estudyanteng mag stalk sa kanya online at bam! Kumalat na sa buong university ang tungkol duon.”

“Ano pa ’yung iba, mumsh?” usisa ni Dyossa na siniko ako at halatang excited na malaman.

Syempre aaminin ko, naastigan ako sa nalaman ko. Kaya naman pala maganda ang hubog ng katawan niya (not that pinansin ko pero halata kasi) at may awra siya na pagka dominante.

And speaking of pagiging dominante, naalala ko na naman ’yung eksena sa cr at agad akong umiling-iling para mawala iyon sa utak ko. Shit. How to unhear ba ang moment na iyon?

“Okay ka lang, ’te?” tanong ni Sam na siyang tinanguan ko bilang sagot.

“Black belt din siya ng Karate, Judo, Aikido saka uhm ano nga ba ’yung isa. . . ’Yung may kahoy. . Ah, tama! Kendo!” saad ni Thotel.

“Holy guacamole! Angas! Pang malakasan pala si Naito!” react ni Sam.

“Oo nga! O ’te! Dinig mo iyon? Safe ka pala kapag kasama mo iyang si Naito! Mapagtatanggol ka niya sa bad guys!” saad ni Dyossa na shinake hands pa ako. Loka talaga!

“Sino ’yung ipagtatanggol sa bad guys?” sabay-sabay kaming lumingon sa nagtanong at nakita namin ang papalapit sa amin na si Samuel na nagpupunas ng pawis sa kanyang nuo.

Agad siyang sinalubong ng nagtititili kong mga kaibigan. Tsk, tsk.

“Ano? Pasok ba?” nakangising tanong ni Sam sa kakambal niya.

“Syempre naman! Dumating ’yung lucky charm ko eh.” sagot nito kasabay ng isang matamis na ngiti sa kanyang labi.

“Huh? Sino? Ako ba?” tanong ni Thotel na may pahawak pa sa dibdib niya na parang na-touch sa sinabi ni Samuel.

“O baka naman ako?” paglaban ni Dyossa sa kanya na may pagyakap pa sa kaliwang braso nito.

“Hay naku, kayong dalawa! Tumigil kayo sa pangha-harass kay Samuel! Malamang ’yung lucky charm niya ay itong si Sam na kambal niya. Kayo talaga oh.” singit ko at nakita ko ang ginawang pag ngiti sa akin ni Samuel na siyang tinanguan ko.

Wala pang five minutes na nakaupo kaming lima na magkakasama ay nilinis na ang court na kanina ay puno ng mga basketball players at napalitan ng mga volleyball aspirants na gustong makapasok sa team. Syempre, time to shine na ni Dyossa. Nagpaalam siya sa amin na pupunta ng locker para kumuha ng pang palit na gagamitin niya sa biglaang tryout niya.

Magkatabi kami ngayon ni Samuel habang hinihintay na bumalik sina Sam at Thotel na nagpaalam na bibili ng merienda namin habang nanunuod ng tryout mamaya.

“Kamusta? Maganda ba ’yung laro ko kanina?” tanong ni Samuel sa akin habang nakatingin ako sa mga nagaasikso maglagay ng net sa gitna ng court.

“Oo. Ang galing mo nga eh.” tugon ko kahit na hindi ko masyadong napanuod ang mga pangyayari kanina dahil sa biglaang pagdating ni Naito.

“Ayos! Buti nagustuhan mo.”

“Huh?”

“I mean, uhm, masaya ako na nagustuhan mo kasi ibig sabihin kung nagustuhan mo malamang ganuon din ’yung ibang nanuod kanina kaya siguro nakapasok ako sa team. Hindi ko nga ineexpect na manunuod ka eh.”

“Actually, kahit ako rin hindi ko inexpect na makakanuod ako ng tryout at makikita kita na kasali sa mga pipiliin. Biglaan lang din kasi.”

Hindi na siya sumagot sa sinabi ko. Bagkus ay nakatitig nalang siya sa akin at nakangiting ginulo ang buhok ko.

“Samuel!” inis kong sita sa kanya na kinatawa niya.

“Sorry!” natatawa niyang paumanhin at inakbayan ako. Hindi ko nalang pinansin kasi ganito naman talaga siya sa akin at wala naman itong malisya sa amin lalo na sa akin kasi hindi ko na siya crush hindi gaya ng dati.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang volleyball tryout at gaya kanina ay madami ding tao na nanunuod ngayon at grabeng saya namin ng turn na ni Dyossa at nakapasok siya agad sa team. Sa saya din niya ay rumampa pa siya ala miss universe na kinatuwa ng ibang nandito ngayon. Grabeng energy talaga nito ni Dyossa, ano kaya tinitira nito?

Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang ang lungkot ko ng wala akong Naito na nakitang dumating para manuod kasama namin. Not that hinihintay ko siyang dumating ah. Nagsabi naman siya sa akin este sa amin kanina na ita-try niya, hindi naman niya direktang sinabi na pupunta o hindi siya makakapunta.

“Ah guys, magc-cr lang ako.” paalam ko habang abala sila sa panunuod sa mga natitirang aspirants.

“Samahan ba kita?” tanong ni Samuel sa akin. Hindi ko alam kung biro ba iyon kasi alam naman natin na kapag babae ang magc-cr, grupo-grupo sila kahit na isa lang naman talaga ang naiihi.

“Huwag na.” tugon ko at agad na umalis palabas ng court.

Habang hinahanap ko kung nasaan ang cr ay bigla kong naalala ’yung naging usapan kanina nila Thotel at Naito. Sabi ni Thotel siya ang kumbaga team captain ng Taekwondo team, hmm, saan kaya dito iyon? Nadinig ko din kasi na busy sila mag practice in preparation sa sasalihan nilang competition. I wonder kung saan ko sila makikita dito.

And hep, hindi ako pupunta duon para kay Naito, okay? Curious lang ako kaya gusto kong makita ang team niya.

Sa paghahanap ko ay nakalimutan ko ng naiihi pala ako pero worth it naman dahil nahanap ko ang agenda ko.

And right there, from where I was standing, nakalimutan kong tao pala ako dahil pakiramdam ko naestatwa ako ng makita ko ang hot este dominanteng awra ni Naito suot ang uniform niya at may ka sparing na ka team niya na kababagsak lang sa mat at bigla akong napaisip. . .

Ano kayang pakiramdam ng nakapaibabaw siya sa akin?


STARING AT SUMMER ( XII )

Nasampal ko ang magkabilang pisngi ko ng marealized ko kung ano ’yung pumasok sa isip ko. Shit. Bakit ko naisip iyon eh hindi ko naman siya crush?!

Isang buntung-hininga ang pinakawalan ko bago lumakad palayo sa kinaruruonan ni Naito at ng teammates niya. Masama ito. Feeling ko kapag malapit ako sa kanya nawawala sa katinuan utak ko.

Ginawa ko nalang ’yung tunay kong agenda at hinanap ’yung cr para icompose ang sarili ko. Laking pasalamat ko ng nahanap ko ito at ako lang mag isa ang nasa luob. Sa kalagitnaan ng pag ihi ko sa isa sa mga cubicle ay bigla kong naalala ’yung unang encounter ko kay Naito. Agad akong umiling-iling para makalimutan ang tungkol duon at buti nalang hindi kumalat yung ihi ko sa toilet seat kundi kadiri iyon. Ugh.

Naghuhugas na ako ng kamay ko sa sink ng biglang may pumasok at pagtingin ko sa salamin para tignan kung sino iyon ay laking gulat ko ng makitang si Naito iyon. Seriously?!

Mukhang hindi niya ako agad napansin dahil abala siya sa pagdutdot sa screen ng cellphone niya habang naka kunot ang nuo. Sino kaya yung kausap niya?

In fairness, ang gwapo pa rin niya kahit mukhang ang sungit niyang tignan.

Aelius, anong sinasabi mo?!

Napalunok ako at pinagpag ang basa kong mga kamay para matuyo ng makitang wala tissue na pwedeng ipang punas at dahil duon ay napunta sa akin ang atensyon niya. Yikes!

“Hey there, kitten.” nakangising bati niya habang lumalakad palapit sa akin.

Kitten? Sino? Ako ba iyon?

“Pfft! Are you okay?” natatawa niyang tanong sabay haplos sa pisngi ko. Para akong yelo na nakaramdam ng init kaya napapitlag ako at napa self defense mode sa kanya.

“Sinong tinatawag mong kitten?! At bakit mo ako hinawakan?!” masungit kong tanong sa kanya at pakiramdam ko nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa mga mata niya, “Close ba tayo, huh? Can’t remember!”

Lalo siyang natawa at hindi ko alam kung bakit. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Meron ba ha?

“W-woah! Woah! A-anong ginagawa mo?” nagpapanic kong tanong ng lumapit siya sa akin habang ako naman ay umaatras palayo sa kanya.

“May iba ba akong pwedeng sabihan ng kitten bukod sa iyo? Ikaw at ako lang naman ang nandito.” napalunok ako at halos maestatwa ng macorner niya sa pader ng isa sa mga cubicle na nanduon. Shit.

Bakit ganito? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi dahil sa takot pero sa excitement? Sobrang lapit niya din sa akin kaya muli kong naaamoy yung naamoy kong pabango niya ng buhatin niya ako duon sa palaro sa party at shit! Mas gwapo siya sa malapitan at naduduling na ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Shit! Anong gagawin ko?

“Tayong dalawa lang ang nandito, kitten.” bulong niya sa tenga ko at kinailangan kong kagatin ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na mapa ungol? Shit!

Maghulos dili ka nga, Aelius! Bakit ka uungol sa taong hindi mo naman karelasyon at higit sa lahat ay kailan mo lang nakilala? Umayos ka nga!

“U-Umalis ka nga sa harapan ko! Iba nalang pagtripan mo, pwede? Babalik pa ako sa court kung nasaan ang mga kaibigan ko kaya excuse me at aalis na ako.” saad ko at agad na nilayo ang tingin ko sa kanya at marahan siyang tinulak kaso ang loko hindi nagpatinag at ehem, bakit ganito ’yung dibdib niya? Ang tigas! Parang ang sarap. . .

“Not so fast, kitten. May atraso ka sa akin.” saad niya at lumevel sa akin para magkatitigan kami kaso pilit kong nilalayo ang tingin ko sa kanya, “Look at me.”

“A-Ayaw ko! Ano bang problema mo? Pwede kitang i-report sa student’s office ng harassment sa ginagawa mo!” pananakot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya and god! I felt weird hearing that. May kung anong sa luob ko na gustong kumawala.

“And do you think maniniwala sila kapag nagsumbong ka? Kitten, I run this university at kapag ginusto kong gawin sa iyo ang gusto ko, wala silang magagawa at ganuon ka rin.” he whispered seductively to my ear, dahilan para mapahawak ako ng hindi sadya sa braso niya. Para akong nanghina sa ginawa at sinabi niyang iyon. Oh god! Anong nangyayari sa akin? Anong ginagawa ng lalaking ito sa normal at tahimik kong buhay?

“And you asks what’s my problem? Ikaw. Ikaw ang problema ko, kitten. You caught my attention and you should be happy. Not everyone gets Naito’s attention and now, I want you to behave to Master and I’ll rew–! Fuck!” napatigil siya sa panghihipo niya sa akin ng walang sabi-sabi ko siyang sipain sa yagballs niya at mapaluhod habang hawak niya ito.

Hah! Dassurb!

Bago niya pa ako mahawakan muli ay tumakbo na ako palayo sa kanya pero ganuon pa man dinig na dinig ko ang sigaw niya mula sa luob ng cr. Halos dumagundong ang puso ko dahil bakas na bakas duon ang galit.

“Watashi wa anata no karada ni kore no daikin o harawa semasu!”

[ Trans. I’ll make your body pay for this! ]

Huh? Ano daw? Bahala siya d’yan!

Kasalanan niya naman. Deserved niya iyon! Ang lakas ng amats eh nanghihipo ng walang dahilan! Naka katol ba siya? Ano nasinghot niya?

Kanina naman ang ayos-ayos niya kaso bigla nalang parang sinapian. Whew! Buti natakasan ko siya.

Sana hindi kami magkita bukas o sa mga susunod na araw o kahit kailan man. Kainis na iyan!

Pati ako dinadamay sa pagiging malibog niya. Virgin na virgin pa ako!

Habul-habol ko ang hininga ko ng  makabalik ako sa kung nasaan ang mga kaibigan ko at taka silang napatingin sa akin.

“Anong nangyari sa iyo, ’te? Saan ka ba galing at hinihingal ka?” tanog ni Thotel.

“Oo nga. Ang tagal mo bumalik. Nag cr ka lang ba o may iba ka pang pinuntahan?” dagdag ni Samuel.

Naalala ko ulit yung nangyari kanina kaya agad akong napailing at isang pilit na ngiti ang ginawad ko sa kanila.

“O-Oo. Nag-cr lang ako kaso naligaw ako pabalik kaya kinailangan kong maghanap ng tutulong sa akin ituro ang daan pabalik dito. Tumakbo na ako kasi baka hindi ko maabutan yung tapos ng tryout.” palusot ko.

“Hay naku, ’te! Tapos na ’yung tryouts ko! Buti nalang ng tinanong ko itong sila Fafa Samuel sabi niya napanuod mo naman daw akk  maglaro and. . .” bigla siyang nagtititili at hinawakan ang kamay ko para mag ikut-ikot kami, “Nakapasok ako! I can’t believe it!”

Nang huminto kami ay agad ko siyang niyakap at cinongratulate.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na masyadong inusisa ng mga kasama ko ang dahilan bakit natagalan ako sa pagbalik. Ayaw ko na din kasi alalahanin yung kanina pero ewan ko ba. Nang makauwi ako sa bahay at humiga sa kama, parang sirang plaka ang utak ko na nirereplay ang mga nangyari kanina pero this time parang slow motion.

Alam kong mali ang ginawa niyang iyon sa akin pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit hindi ko magawang magalit sa ginawa niya? O mandiri man lang dahil sa realidad na parehas pa rin kaming lalaki?

Dahil ba sa gwapo siya? Ibig sabihin ba nu’n kung panget ’yung gumawa ng ganuon sa akin mandidiri ako? Isusumbong ko agad ang ginawa niya sa akin?

And more importantly, ano ’yung mga salitang sinigaw niya kanina matapos ko siyang sipain?

Oh shit. Hindi kaya sinusumpa niya ako? Dati kaya siyang mangkukulam tapos nilagyan niya ako ng sumpa dahil sa ginawa ko sa kanya? Don’t tell me pag gising ko bukas panget na ako o di naman kaya ay naging palaka na ako at para bumalik ako sa dati kakailanganin ko ng true love’s kiss?!

Hala, teka lang naman! Hindi ako ready sa ganuon! Walang magkaka–?!

Napahinto ako sa pagiisip ko ng kung anu-ano ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko at pagtingin ko ay napangiti ako sa nabasa kong notification pero at the same time ay nalungkot din dahil sa nabasa kong description sa inupload na video ni voiceofwinter.

Hi, everyone. Dropping one of my drafts. I was supposed to do a live stream however I got badly injured by a wild animal today. Anyway, hopefully you’ll enjoy this and I hope to communicate with you all soon.<

Halaaa! Anong nangyari sa kanya? Anong klaseng wild animal ba iyon at hindi niya magawang mag live stream?

Nalungkot naman ako dahil duon. Hay! Malaman ko kang talaga anong klaseng wild animal iyon, hate ko na iyon! Anyway, papakinggan ko nalang itong pinost niya and hopefully mawala na sa isip ko iyang Naito na iyan!

Hindi siya pwedeng mag rent sa utak ko ng walang bayad kasi bawal at hindi ako payag. Hmmp!


STARING AT SUMMER ( XIII )

“Anong get-up iyan, Aelius?” nakataas kilay na tanong sa akin ni Sam pagkalabas ko ng gate namin kung saan hinihintay nila akong kambal.

“A-Ano, uhm, wala. Fashion.” palusot ko. 

Pinaningkitan ako ng mga mata ni Samuel, “Masama ba pakiramdam mo? Kasi kung oo, huwag ka na munang pumasok. Mamaya lumala pa iyan. Ipahinga mo nalang.”

Nahiya naman ako kay Samuel dahil inakala nito na may sakit ako. Nginitian  ko na lamang sila at nauna sa paglalakad. 

“Ayos lang ako. Gusto ko lang talaga mag ganito today.” muli ko silang nginitian to show them assurance na okay lang ang lahat pero ang totoo, kinakabahan ako pumasok today.

Alam ninyo naman kasi ’yung nangyari kahapon, ’di ba? Baka mamaya paabangan ako or worst si Naito mismo ang nagaabang sa akin sa labas ng gate ng university namin. #Highschooldays.

Mas mabuti ng nakaganitong disguise ako para hindi niya ako makilala - hopefully. 

Matapos ang halos 30 minutes na biyahe namin ay sa wakas nakarating na kami ng school. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang mga nakatambay na estudyante sa may gate. Whew, buti nalang pero better be prepared and keep my guard up pa rin. 

“Oh paano ba iyan, mauna na kami ah?” paaalam ni Sam bago kami maghiwa-hiwalay papunta sa mga designated rooms namin.

“Oo. Ingat kayo ah?” 

“Ikaw ang mag ingat, Aelius. Basta kapag feeling mo hindi mo na kaya, message or call mo lang kami ni Sam hahatid ka namin sa bahay, okay?” nagaalala pa ring sabi ni Samuel habang marahang ginugulo ang buhok ko. 

“Oo, pero rest assured okay lang talaga ako.” at pagkatapos ng maikling paalamanan na iyon ay naghiwa-hiwalay na kami. Nakayuko akong naglalakad kahit na may suot akong hoodie at may nakatakip na panyo sa bibig ko. Gosh! Sobrang init!

Bakit ba kasi ngayon pa napili ni haring araw na magpasiklab? Init na init na ako pero hindi ko naman pwedeng hubarin itong suot ko na hoodie. Mahirap na.

Malapit na ako sa classroom namin ng matanaw ako nina Thotel at Dyossa na pinagkatitigan pa ako maigi bago napalagay ang mga kamay nila sa mga bibig nila. Animo ay may chismis na nakakawindang silang nasagap sa kapit bahay. 

“Uy, sis! Anong get-up iyan?” natawa naman ako sa isip ko dahil parehas ng tinanong si Dyossa at Sam sa akin kanina. 

“Fashion.” tugon ko na may pilit na ngiti. 

“Fashion?! Sa gitna ng nagla lagablab na init ng araw? Ako Aelius hindi ko alam kung normal ba iyang pangangatawan mo o sadyang may tinataguan ka.” naka crossed arms na sabi ni Thotel.

“Oo nga, ’te, kasi kung may tinataguan ka, congratulations! Lalo mong pinadali ang paghahanap sa iyo. Lahat ng estudyante duon sa baba, mula dito sa pwesto namin kitang-kita namin na nakatingin silang lahat sa iyo.” dagdag ni Dyossa.

Nagulat at kinabahan naman ako sa sinabi nila. Shit, panget ba ’yung napili kong disguise?

“G-Ganuon ba ka obvious?” ang naitugon ko nalang.

Sabay silang tumago sa akin at parang naghihintay ng sunod ko na sasabihin. 

“Ano kasi, nagpe-prepare lang ako para sa mangyayari mamaya sa P.E. class. Sasayaw kasi tayo, ’di ba? Pang bawas hiya lang naman after kong sumayaw just in case magkalat ako at may makapanuod sa akin na hindi natin classmate kung sakali.” palusot ko.

Shit, ang dami ko ng sinabing palusot today pero okay lang. Hindi nila pwedeng malaman ’yung totoong dahilan kung bakit ganito ang get-up ko. Yari ako kapag nalaman nila. 

“Ay jusko, iyon lang pala ang dahilan ng ganyang get-up mo! Kinakabahan ka? Eh magaling tayong mga bakla sumayaw at saka isa pa, kapartner mo naman ako.” confident na sabi ni Dyossa na kinangiti ko.

Buti bumenta ’yung palusot ko sa kanila. 

“Masyado namang mahiyain, bitch! Nasa college na tayo, wala dapat pakialamanan sa trip natin ang ibang tao, ’no. Isa pa, once ka lang naman magka college kaya sulitin mo not unless gusto mong umulit ng isang sem.” natatawang sabi ni Thotel. 

Sumakto lang din talaga na may P.E. class kami ngayon at kailangan naming gumawa ng fitness routine per group kaya bumenta ’yung palusot ko sa kanila.

Sa isang group ay pito kaming members at si Dyossa ang leader namin. Bibigyan lang kami ng thirty minutes to an hour practice tapos ipe-present na agad namin at dahil hindi ako confident sa dancing skills ko ay nanduon na rin ’yung thinking na kailangan kong mag disappear after ng performance kaya bukod sa tinataguan ko si Naito ay tataguan ko rin ’yung mga ibang estudyante na makaka panuod ng nakakahiyang performance ko later.

Natapos ang tatlong sunud-sunod na subject namin ngayong araw na walang problema dahil walang recitation or quiz. Pure discussion lang at ngayon ay naka thirty minutes break kami bago ang katapusan ko. Joke. Ang P.E. class namin syempre. 

Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nakitang Naito sa paligid. Not that gusto ko siyang makita, duh? Tinataguan ko nga siya, ’di ba?

But for some reason, itong si Dyossa parang narinig yata ang iniisip ko at biglang nagsalita habang nakapalumbaba niyang iniinom ang red juice niya at hinihintay ang binili naming buy 1 take 1 na burger. Ayaw niyang kumain kami ng marami kasi makaka apekto daw iyon sa choreo na ginawa niya. Ayaw niyang ma-bloated kami. Kaloka nga kasi may nalalaman pa siyang ganito.

“Nasaan kaya si, Naito ’no? Parang hindi ko pa siya nakikita ngayong araw.” 

“Bakit mo hinahanap iyon? Hindi naman natin siya classmate or ka-course.” tugon ko at tinuon ang atensyon ko sa nilulutong burger ng tindera na malapit sa amin. Nagugutom na ako!

“Para may inspiration ka sa pagsayaw. Hanapin kaya natin siya, sis?” 

Agad ko naman siyang pinalo at hindi ko rin alam kung bakit. Nagulat siya ginawa ko pero kalaunan ay tinignan ako ng mapangasar. 

““Yiieee! Kinikili! So, confirmed. Crush mo talaga siya. Nahihiya ka eh.” 

“Ewan ko sa iyo. Bahala ka d’yan.” sabi ko at nag eyeroll sa kanya bago tumayo para kuhain ang order naming dalawa. 

Pagbalik ko ng pwesto namin ay kita ko kung paano ka-seryoso si Dyossa sa magiging choreo ng fitness dance namin. Hindi ko alam kung anong magiging kanta namin mamaya kasi ayaw niyang sabihin. Surprise nalang daw. Sus, daming alam. Hahaha. 

At dumating na nga ang subject na kinatatakutan ko. Namalayan ko nalang na nakatayo na ako sa harapan ng mga ka-members namin ni Dyossa habang si Dyossa bilang leader ng grupo ay tinuturo na sa amin ang magiging steps. Napalunok ako habang tinitignan ang choreo. Parang gusto ko yata mag back out? 

Nakakaloka ang lalambot pa yata ng katawan ng mga kasama ko sa pagsayaw. Gahd! Not to mention na kami lang ni Dyossa ang lalaki este gay sa grupo namin.

“Leader Dyossa, ano bang kanta natin? Ipractice na natin ng may music.” saad ng isa naming ka member.

“Mamaya malalaman ninyo. Mag practice tayo ng counting ang gamit. Okay, balik na sa positions ninyo. Uy ’te Aelius, dito ka sa tabi ko.” tawag niya sa akin at lumapit ako sa kanya.

“Bakit sa harapan ako? Pwedeng sa likod nalang ako? Ikaw naman leader eh.” nakabusangot kong sabi habang tinitignan ang ibang grupo na abala sa sarili nilang choreo at sa pangilan-ngilan na mga estudyanteng nandito ngayon sa court.

Itong court kung nasaan kami ngayon ay hindi ’yung nasa luob ng gymnasium. Literal na court lang talaga siya at may kalayuan siya sa gymnasium namin.

“Ay naku, tumigil ka Aelius! Dalawa na nga lang tayong bakla dito eh, tara na. Dito ka sa harapan. Sa tabi ko. Huwag ng maarte. Hayaan mo ’yung mga titingin sa iyo, inggit lang iyan kasi magaling kang sumayaw kesa sa kanila.” 

At ayun. Wala akong nagawa kundi tumabi sa kanya at maki-practice sa maharot naming choreo na ala female dance group. Ano kaya iyang music namin at naiintriga talaga ako ah.

“Okay, huwag kakalimutan girls, may ‘aww’ sa dulo ha?!” paalala ni Dyossa sa amin ng masiguro niyang nakuha na namin ang very easy na choreo na tinuro niya. 

“Teka, bakit may ‘aww’?” tanong ko habang bumabalik kami sa pwesto namin after kaming tawagin ng professor namin. 

“Basta.” nakangisi at kibit-balikat niyang sabi. 

Nagsimula na ang pagpe-present ng pitong grupo para sa klase namin kung saan kasali kami at halos ayaw ko na yatang tumayo sa pwesto ko ng mapansin ko na karamihan sa mga kaklase namin ay magagaling sumayaw.

’Yung iba naman ang lalakas mang trip habang hindi pa nila turn dahil chine-cheer nila in a pangga-gago way ’yung kaibigan nila na nagpeperform sa harap habang ’yung prof naman namin sa subject na ito tuwang-tuwa at vinivideo pa. Shit.

Hindi rin nakatulong na unti-unti ng dumadami ang estudyante mula sa iba’t-ibang course ang nakatambay dito para panuorin ang klase namin. Wala ba silang mga klase at nakikinuod sila sa amin? Gahd!

“Umayos kayo ah! Dapat sa atin ang pinaka maganda. Sunod na tayo.” paalala sa amin ni Dyossa habang nagpeperform ang group four sa harapan.

Shit. Feeling ko dumikit na ’yung pwetan ko dito sa inuupuan ko. 

Kapag ba sinabi kong inaatake ako ng asthma (kahit hindi naman dahil wala din naman akong ganuon) may maniniwala kaya? Ie-exempt kaya ako sa pagsayaw? Ugh.

Nabigla ako ng sunud-sunod ang ginawang pagpalo ni Dyossa sa hita ko kaya taka akong lumingon sa kanya, “Anong problema mo, ’te?” 

“Shutanggala, ’te! Tignan mo nandito ’yung Taekwondo team!” 

Kinakabahan kong sinundan ng tingin ang tinuturo niya at shit. Totoo nga! Nandito ang taekwondo team na mga naka uniporme pa nila and to make things worse, mukhang katatapos lang ng team nila mag practice (kung tama man ang hinala ko) at ngayon ay dito nila naisip magpahinga. At kung minamalas ka nga naman, napatingin sila sa klase namin at ganuon din si Naito at ng magtama ang mga mata namin ay napangisi nito ng nakakaasar. 

F.U.C.K.

“Shuta ang swerte natin! Ang po-pogi ng mga mga nasa harapan natin na manunuod. Oh mga girls, galingan natin ah. Tayo ang star today! Hindi tayo pwedeng matalo!” binalik sa akin ni Dyossa ang tingin niya at ngumisi, “O ’te, umayos ka ah? Gandahan mo performance nand’yan si Zaddy Claec. Akitin mo ng bongga!”

Bago pa ako makapagsalita ay tinawag na ang grupo namin.

“Group five, kayo na. “ nakangiti at halata mong enjoy na enjoy sa nangyayari ngayon na sabi ng prof namin. Shit, hindi ko talaga kaya.

“Uy ’te, tumayo ka na d’yan!” utos ni Dyossa sa akin habang hinahatak ako patayo kaso ako naman, ayaw magpatinag. Shit, okay na sana ako sumayaw eh kaso dumating pa itong nakakainis na lalaki na ito na gugustuhin kong huli kong makita sa buhay ko sa kolehiyo eh.

“A-Ayaw ko, ’te! Hindi ko kaya. Nahihiya talaga ako!” nagmamakaawa kong sabi pero ang walang hiya, hindi umeffect sa kanya ang ginawa ko.

“Sir oh, si Davis oh! Ayaw tumayo.” sumbong niya sa prof namin kaya agad ako nitong pinaningkitan ng tingin.

“Mr. Davis, pag hindi ka tumayo d’yan, see you sa next sem pero I must warn you, sasayaw at sasayaw ka pa rin sa klase lalo na kapag ako ulit ang prof mo.” pananakot nito sa akin kaya wala akong nagawa kundi tumayo.

Hindi nakatulong ang cheer ng mga sira ulo naming kaklase na lalaki ng tumayo ako at ’yung pag ngiti-ngiti ni Naito na parang aso. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang dead on the spot na itong walang hiya na ito ngayon. 

“Galingan mo, friendship.” pangaasar na bulong sa akin ni Dyossa, “Okay, positions and 1, 2,3. . “

Pag pindot ng kaklase namin sa cassette na dala ng prof namin ay unang beat palang ng tugtog, nanlaki na ang mga mata ko. Oh no, no, no!

“OYY, LUMABAN SI PAPA MATAPANG, OYY!” panimula ni Dyossa at wala akong nagawa kundi ang sayawin ang choreo namin kahit na deep inside gusto ko ng kainin ng lupa ngayon. 

Walang hiya! Kaya pala ayaw niya ipaalam anong music ang entry namin.

Remix ng tatlong kanta ng sexbomb ang tugtog namin. Ang mga kantang nakalagay sa remix ay Bakit Papa, The Spageti Song, at Halukay Ube. 

Para namang mga tanga ’yung nanunuod sa amin dahil mga tuwang-tuwa at bukod sa nagchi-cheer, pinipicturean or vinivideohan pa kami. Kapag ito talaga lumabas ulit sa social media ng school namin, ay naku!  Magda-dropout talaga ako. Kainis.

“Aww!” pang tapos namin sa choreo namin at lahat kami napatingin ng ang lakas ng palakpakan sa grupo ng takewondo team at nakita ko si Naito na kabababa lang ng cellphone niya.

Shit. Don’t tell me, kinuhaan niya ang kahihiyan ko? Oh gahd! Help me. 


STARING AT SUMMER ( XIV )

Pagbalik naman ni Dyossa sa mga pwesto namin after ng performance namin, halos itago ko na ang sarili ko sa likuran niya dahil sa hiyang nararamdaman ko. Ugh, nakakainis na nakakahiya. 

50% na hiya dahil sa choreo at tugtog na ginamit namin sa performance namin.

60% dahil lang sa pag exist ni Naito few minutes bago kami mag perform. 

At teka nga, bakit ba nandito pa rin sila ng team niya? Hindi pa ba sila aalis? Ilang minutes na sila nakaupo d’yan malamang naman nakapagpahinga na sila. Pssh. 

Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang hiyawan ng mga kagrupo ko at makita nalang si Dyossa na rumarampa ala Miss Universe sa harap namin at nagte-thank you. Anong nangyayari–? Ah, okay. Kami pala ang nakakuha ng pinakamataas sa activity ngayon. I guessed, worth it ’yung kahihiyan ko kanina. 

After ng last class namin ni Dyossa ay nagpasya siyang wag munang umuwi at samahan akong fumoodtrip ng street foods. Naiilang tuloy ako kapag may tumitingin sa akin kasi pakiramdam ko nakita nila ako kanina duon sa court na sumasayaw. 

“Uy ’te, ano ba iyan bakit nakayuko ka kumain?” 

“Ha? Bakit ano meron? Okay lang naman ako.” tugon ko at tinuloy ang pagkain ko ng kwek-kwek.

Kahit nakayuko ako, ramdam kong nakatingin siya sa akin, “Hmm, for real? O baka naman dahil hindi ka pa rin maka get over sa nangyari kanina na pinanuod ka ni Naito, hmm? Tell me.”

“H-Hindi nga! Ito naman! Nagco-concentrate lang ako sa pagkain and nothing else.”

“Sure ka ah? Okay sabi mo eh.”

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din kami sa pag foodtrip at oras na para umuwi si Dyossa.

“Saan ka ngayon, ’te? Mukhang matagal pa sila Papa Samuel.” nakapout niyang tanong habang inaayos ang pagkakasukbit ng side bag niya sa balikat niya.

“Baka mag mall nalang muna ako. Pwede naman na tayo makapasok anong oras natin gustuhin tutal college na tayo eh.”

Yes, one of the many perks ng pagiging college ang pwedeng gumala anytime sa mall hindi gaya kapag elementary or highschool ka kaya naman medyo mas may taste of pagiging adult talaga.

Sabay kaming sumakay ni Dyossa ng jeep at nauna akong bumaba sa kanya dahil gaya nga ng plano ay sa mall muna ako habang hinihintay ang uwian ng kambal. Wala kasi ako sa mood na tumambay ngayon sa computer shop.

Napansin kong unti lang ang tao sa mall kapag weekdays siguro dahil maraming nasa trabaho at ’yung iba pauwi palang o sadyang walang balak magpunta sa mall dahil may pamilyang inaasikaso. Nagiikot ako sa department store at panaka-naka akong napapatingin sa mga naka display na damit ng babae.

Ano kayang pakiramdam maging isang tunay na babae at hindi ’yung nagbibihis babae lang? Masaya kaya maging babae? Mas madali kaya ang buhay kung naging babae at hindi lalaki o gaya ko na isang bakla?

May isang part sa luob ng department store kung saan may mga nakahilerang damit at sa malapit ay may fitting room, ewan ko kung anong hangin ang nalanghap ko at naisipan kong magsama ng damit ng babae sa mga damit panglalaki na kinuha ko para isukat. Buti nalang nga at ’yung nagbabantay binibilang lang kung ilang hanger ang dala-dala at hindi na sinisipat anong mga damit ang isusukat kundi sobrang nakakahiya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok na ako sa cubicle kung saan ako magsusulat.

Ano ba kasing kalokohan itong naisip ko? Whew.

Pagkatapos kong maisukat ang mga panlalaking damit na ayon sa style ko ay kinakabahan ngunit excited kong kinuha ang dress na ewan ko, uhm, gusto kong makita kung anong hitsura ko na suot iyon.

Avocado green dress iyon na ang tela ay simpleng satin at plunging v-neck may pa-ekis din sa strap sa likod at hanggang kalahati ng hita ko.

Medyo nahirapan akong isuot iyon dahil nga sa tela. Nakakatakot kasi baka masira ko at kailanganin kong bayaran or kawawa naman ’yung next na makakakuha nito tapos hindi na-check at mabili ng may sira.

Matapos kong isuot ang dress ay matagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.

Ang ganda. Ang ganda ng fit ng damit. Makikita dito ang curve ng babaeng magsusuot nito lalo na at mas maganda ito kung may saktong sukat lang siya ng dibdib at hindi ’yung nakakalula na parang melon na tumatalbog although I’m not saying na panget magkaruon ng malaking dibdib dahil minsan kong naging crush si Ms. Vellum sa powerpuff girls ’no.

Next kong tinignan ay ang sarili ko suot ang dress. Hindi ko alam ang mararamdaman dahil naooverwhelm ako sa feeling na may suot aking dress.

Masaya ako dahil nakasuot ako ng isang dress pero at the same time ay napapangitan ako tignan ang sarili ko na nakasuot nito. Siguro dahil lalaki ako o baka dahil panget ako? Hay.

Makalipas ang halos 5 minutes na suot ang dress ay nagpasya akong hubarin na ito at suotin na ulit ang uniform ko.

Napakamot ako sa ulo ko ng paglabas ko ay hindi ko makita kung nasaan ’yung nagbabantay dito kanina at dahil ayaw ko naman na maghintay ng matagal ay iniwan ko nalang sa counter ang mga sinukat ko. Hopefully hindi ako namukaan ni ate kanina.

Napatingin ako sa oras na rumehistro sa screen ng cellphone ko at may isang oras at kalahati pa bago ako maka receive ng text message or call sa isa sa kambal na nagsasabing uwian na nila at papunta na sila dito sa mall kung nasaan ako kaya para hindi ako mainip at dahil pagod na rin ako ay nagpasya akong kumain nalang muna sa paborito kong donut store.

Kinakabahan ako habang nakapila sa cashier ng mapansin kong isang piraso nalang ’yung paborito kong donut. Shit. Baka may maunang makabili sa akin. Sana hindi bilhin nitong nasa harap ko ’yung favorite donut ko.

Pero para bang narinig ng nasa harap ko ang iniisip ko at ng siya na ang nasa harap mismo ng cashier. . .

“Miss, I’ll take that one piece choco butternut.”

Nnnooooooo!!!

Aba teka nga! Bakit pamilyar sa akin ang boses nitong nasa harapan ko?

Pasimple akong gumilid para makita ang side view ng mukha niya at sakto namang nilingon niya ako.

“Ikaw?!”

“Sinusundan mo ba ako?”

“Anong sinusundan ang sinasabi mo d’yan? Hoy, for your information nandito ako para bumili ng donut.”

“Same goes for me.”

Bigla kong naalala na binili niya ’yung kahuli-hulihang donut na gusto ko at nagpanic ako dahil alam kong wala na silang ilalabas na bago pa dahil anong oras na kaya para makakain ako ng cravings ko ay umisip ako ng paraan.

“Hoy! Baka nakakalimutan mo may atraso ka sa akin.”

“Atraso?”

“Huwag kang mag maang-maangan d’yan! Alam mo ’yung sinasabi ko! Kaya kung gusto mong patawarin kita eh akin na iyang choco butternut mo!”

“Aba! Ayos ka ah? Ano ka sinuswerte? Nakita mong binili ko na ’di ba? Malamang akin na ito. Bumalik ka nalang dito sa ibang araw para bumili ng binili ko. Uutakan mo pa ako. And for your information, ikaw itong may atraso sa akin at hindi ako. Remember, you kicked my pen–!!!” agad kong tinakpan ng kamay ang bibig ko at ako ang nakaramdam ng hiya sa balak niya sanang sabihin.

Sira ulo ba itong lalaking ito? Dito niya sasabihin iyan sa public place and most especially sa kaharap naming babaeng cashier?! Oh my god! This person!

“What the fuck are you doing?” asar niyang tanong ng matanggal niya ang kamay ko sa bibig niya.

“Hoy, ’wag mo akong ma fuck-fuck d’yan ah! Ikaw itong sira ulo na magsasabi ng pen–!” nanlaki ang mga mata ko ng marealized kong muntik ko na ring masabi ang dapat na sasabihin ng lalaking ito kanina. Shit!

Nakita kong ngumisi siya sa akin, “You can say the word fuck without getting ashamed might as well do the same thing with the word penis or cock or shaft or–!!!” sa inis ko ay isinalaksak ko sa bibig niya ang order niyang choco butternut sa bibig niya.

“Ang bastos mo!” asar kong sabi at pinandilatan siya.

Sabay kaming tumingin ng may marinig kaming tumikhim at makitang naka ngiting awkward sa amin yung babaeng cashier.

“Uhm, may order pa po kayo?”

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko sa realization na nag aaway kami ng lalaking ito sa harapan ng cashier pero nakahinga ako ng maluwag ng walang nakasunod sa amin sa pila maliban sa iilang customers duon na naka dine-in at nakatingin sa amin.

“W-Wala na po.” naiilang kong sabi at hahakbang na sana ako palabas sa nasabing store ng bigla akong hindi mahila ang katawan ko at pagtingin ko ay hawak-hawak ni Naito ang balikat ko. Potek!

“I’ll have one order of cold brew and. . . what do you want?” tanong nito sa akin. Aba! Anong hangin ang nalanghap nito? Ililibre ba niya ako?

“W-Wala! Aalis na ako.” at pilit na kumala sa kanya pero di ko magawa.

“Aelius, what do you want?” muli nitong tanong and this time parang may kung ano sa boses niya na nagbigay mg kilabot sa sistema ko kaya tinugon ko ang tamong niya.

“I-Icy choco.”

“Good.” muli siyang humarap sa cashier na parang walang nangyaring tensyon sa aming dalawa at inabot ang bayad niya dito at ilang sandali pa ay namalayan ko nalang na magkaharap kaming nakaupo sa table habang nasa harap namin ang tig isang drinks na inorder niya at hawak ko ang nakagatan niya ng choco butternut.

“Bakit ’di mo pa kinakain iyang choco butternut na binigay ko? Mabubusog ka ba n’yan sa paghawak at titig lang?”

“Wala naman kasi ako sinabi sa iyo na ibigay mo sa akin itong nakagatan mo na!” tugon ko at nag eye roll.

“Kasalanan mo iyan. Wala sanang bawas iyan kung hindi mo biglang sinubo iyan sa bibig ko.” naiilang niyang sabi at tumingin sa likuran ko at saka bumulong, “Hiyang-hiyang makarinig at magsabi ng Penis akala mo naman wala siya nu’n.”

Tinaasan ko siya ng kilay. Akala yata niya hindi ko narinig ang binulong niya, “May sinasabi ka ba, Naito?!”

Kumunot ang nuo nito sa akin.

“Will you please stop calling me Naito.”

“Eh anong gusto mong itawag ko sa iyo?” mataray kong tugon.

“Love.”

“Fuck you!”

Natawa naman siya naging reaksyon ko at sa inis ko ay kumagat na ako sa choco butternut para kumalma ako. Shit! Ang sarap talaga ng choco butternut.

“Quilris Claec is my first name.”

“Quilris Claec? W-woah? Ang ganda ng pangalan mo ah. Pang malakasan. Saan naman nakuha ng parents mo ang pangalan mo?”

“Well, my Father’s first name is Quilo and my Papa’s Arista and that’s how the name Quilris came up. For Claec, Papa just told me that name kinda sounds fitting so he added that.”

Hindi ko alam pero parang nag loading bigla ang utak ko sa sinabi niya.

Did he just say ‘Father’ and ‘Papa’ like it is two different persons?!

“Yeah, I know it’s weird but my parents are awesome.”

Saka palang ako natauhan ng marinig ko ang sunod niyang sinabi at naiilang akong ngumiti sa kanya. Shit, baka iniisip nito na na-awkwardan ako sa nalaman ko but to be honest, ang cool.

“N-no, I mean, your family isn’t weird. I actually find it unique.”

Kapwa kami napangiti ng magkatinginan kami and for some weird reason, may kung ano sa akin that suddenly made my heart warm.

“Thanks, Aelius.”

“You’re welcome, Quilris.”

Nagtaka ako ng parang nagulat siya sa ginawa kong pagtawag sa kanya.

“Is there something wrong?” tanong ko.

“No.” nilahad niya ang kamay niya sa akin, “So, friends?”

“Friends.” tugon ko at kinamayan siya.


STARING AT SUMMER ( XV )

Nakapalumbaba ako at nakatingin sa labas ng classroom namin. Iniisip kung gaano kabilis ang mga nangyari kahapon. Napangiti ako ng maalala ko ’yung naging handshake at conversation namin ni Quilris. Matino naman pala siyang kausap at hindi puro kalokohan.

Parang kailan lang naiinis ako sa kanya pero heto nga at magkaibigan na kami. Napatawad ko na siya sa ginawa niya sa akin at mukhang nagsisi naman na siya sa nagawa niya kaya okay na kami. Hay, magkakasalubong kaya kami today? Baka mamaya kasi magulat si Dyossa o si Thotel na magkaibigan na kami. Hindi ba weird iyon? I mean, kailan lang kasi nagbabangayan kami eh.

“Hoy, ’te! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?” bumalik ako sa realidad at napalingon kay Dyossa. Shit. Ako na pala ’yung kausap niya? Akala ko kausap niya pa rin ’yung classmate namin.

“Huh? A-Ano bang sinasabi mo?” nakangiwi kong tanong.

Napangisi siya sa akin, “Ikaw ah! Mukhang may hindi ka chini chika. Ano? May maganda bang nangyari sa iyo kagabi sa mall?”

Agad naman akong namula ng maalala ko ’yung eksena namin kahapon ni Quilris sa donut shop. Pinigilan ko ang sarili ko na mamula sa ala-alang iyon.

“Wala ah.”

“Weh? Meron eh! Sabihin mo na.”

“Wala nga. Ito talaga.”

“Talaga lang ha? Anyway, wala tayong klase sa second subject natin. Since English week ngayon kailangan lang natin umattend sa program na magaganap mamaya sa auditorium.”

“Ayos ’yan ah.”

“Ayos talaga kasi hindi magka klase eh pero balita ko manunuod tayo ng mangyayaring quiz bee mamaya so I have the feeling magiging boring iyon. Baka nga umalis ako mid part.”

“Oy grabe ka naman!” nakatawang sabi ko. Loko talaga itong si Dyossa. Ang saya kaya manuod ng mga ganuong klaseng event kasi may thrill sa pakiramdam kung sino ang mananalo.

“Whatever you say, Aelius.”

Mabilis na natapos ang first subject namin na puro lecture lang kaya agad na nagpa attendance si Dyossa sa mga kaklase namin. ’Yung iba nag attendance lang pero narinig kong pupunta ng computer shop, gagala sa mall, ’yung iba tatambay para mag inuman at unti lang halos ang pupunta talaga para manuod at hindi para maghanap ng pogi duon sa auditorium gaya ni Dyossa.

“Bilisan mo ’te! Dapat duon tayo sa gitna naka pwesto para maganda ’yung view natin sa mga lalabas at papasok.” excited na sabi ni Dyossa na hila-hila ang kamay ko habang umaakyat kami ng hagdan papuntang seventh floor.

Meron kaming elevator pero dahil maraming naka pila at ayaw namin parehas maghintay ng matagal eh nag decide nalang kami na maghagdan and true enough papasok palang kami sa luob ng auditorium eh naunahan pa namin ’yung mga nakita naming nakapila sa elevator kanina. Malamang nasa baba pa rin sila o ibang floor.

Agad akong napahawak sa magkabilang braso ko at kinuskos ang palad ko dahil sa lamig. Grabeng lamig dito sa luob. Parang hindi yata ako tatagal dito hanggang mamaya. Mukhang may galit ’yung nag set ng lamig ng aircon eh.

Kaunti palang kaming mga nandito sa luob at ’yung mga organizer ng program nito abala sa kanya-kanya nilang tasks kaya kinuha ko nalang muna ang cellphone ko sa bulsa ko at inabala ang sarili ko sa pag check sa social media. Umalis kasi saglit si Dyossa para hanapin ’yung professor namin dito sa second subject namin para ibigay ’yung attendance paper.

Nang maboring ako sa pag check sa social media, nag decide nalang ako na maglaro ng game na nasa phone ko. Yes, ‘game’ kasi isa lang naman ang laro sa cellphone ko at walang iba kundi Lop Bakery. Mukhang laro siya ng bata kasi ’yung main character dito is white na bunny na merong bakery at nagbebenta siya ng mga goods sa kapwa animals na nandito. Simple lang naman at cute ’yung game kaya nagustuhan ko.

Napa angat ako ng tingin ng may maramdaman at marinig akong umupo sa tabi ko at pagtingin ko ay si Miss Conyo pala itong tumabi sa akin. Napaayos ako ng upo at awkward na tinuloy ang paglalaro ko.

Pasimple ko siyang tinitignan sa peripheral vision ko at napa kunot ang nuo ko ng mapansin kong naka kunot ang nuo niya at pinagmamasdan ako at ang nilalaro ko. Anong problema nito?

Napatikhim ako at hinanap kung nasaan na maaari si Dyossa.

Ang tagal naman bumalik ng isang iyon.

Saang lupalop ba siya nagsususuot? O baka naman may nahanap na pogi kaya siguro ang tagal dahil nakikipag kwentuhan pa siya duon? Napailing nalang ako sa isiping iyon.

Hindi naman sinasadyang paglingon ko pabalik eh nagtama ang mga mata namin at agad niya akong tinaasan ng kilay. Ito ah, sinasabi ko sa inyo, pag ako nainis sa kanya sasambunutan ko talaga siya. Ang lakas ng topak eh akala mo aagawin ko sa kanya si Quilris. Ano ba kami nu’n? Magkaibigan lang naman. Akala mo asawa na siya nito ng awayin niya ako ng last time na magkita kami. Tsk.

“Oh, tignan mo nga naman! We meet again.” nakangisi niyang bungad sa akin.

Dahil wala ako sa mood na patulan siya eh hindi ko nalang siya pinansin at kinuha nalang sa bulsa ng bag ko ang earphones ko at pinasak iyon sa tenga ko. Habang pumipili ako ng kanta ay muli ko siyang narinig na nagsalita.

“Wow, bakit kaya ’yung mga baklang nagkakagusto kay Claec ang papanget ng ugali kahit na ang panget ng mukha nila at lalong walang boobs at pussy gaya ko na maganda na nga at isang tunay na babae na mapapansin niya.”

Napa buntung-hininga ako. Grabe, illusyunada! Kung sabagay, pinatulan ni Quilris sa cr kaya akala niya siguro siya na ang bet. Pero teka nga, bakit nga ba pinatulan niya ito in the first place kung ganito ang ugali ng babaeng ito? Kaasar ah.

Pinlay ko nalang ang music na napili ko at nag decide na hindi nalang pansinin ever ang existence niya ngayon sa tabi ko. Tsk, wala ba siyang balak lumipat ng pwesto?

Pagbalik ni Dyossa ay ramdam niya agad ang tensyon sa amin nitong si Ms. Conyo kaya naman pag upo niya ay agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya at tinext ako. Loka talaga.

Dyossa Ghurl

Hoy ’te, magkakilala kayo ng katabi mo?

Aelius Naito

Kinda?

Dyossa Ghurl

Shuta. Spill. Bilis.

Aelius Naito

Naka CUBICLE FUN ni Naito iyan ng party !

Ewan anong nalanghap tinatarayan ako !

Syempre papatalo ba ako?

Dyossa Ghurl

Kaya naman pala parang kakainin ka na ng bruha

Palit tayo upuan. Bilis na.

Ako dapat unang kakalmot kapag inaway ka nyan

Aelius Naito

Qaqa. Wag na.

Dyossa Ghurl

Sige na.

Wag ng maarte. Palit na tayo.

Napabuntung-hininga ako at nakipag palitan ng upuan ng tahimik kay Dyossa. Napansin ko ulit sa peripheral ko na nagtaas ng kilay si Ms. Conyo. Pag upo ko sa pwesto kanina ni Dyossa ay laking gulat ko na tinaasan siya ni Dyossa ng kilay at pumamewang.

“Meron ka, ’sis? Ang taray mo ah.”

“So?”

“Wala naman. Nakataas kasi kilay mo wala namang nangiinis sa iyo dito.”

Inis na naglipat ng tingin si Ms. Conyo at saka binaling ni Dyossa ang tingin niya sa akin na nagsasabing, “I win.”. Natawa nalang ako ng mahina sa kanya. Sira ulo talaga. Buti hindi nag amok ng away ’yung isa.

“Oh gosh, muntik ko ng makalimutan. May naghahanap pala sa iyo labas, ’te.”

“Huh? Sino?” taka akong nakatingin sa kanya at napalingon sa may entrance at exit ng auditorium kung nasaan kami. Sino naman maghahanap sa akin? ’Yung kambal? Eh alam ko may mga klase ’yung mga iyon.

“Ay nakalimutan ko ’yung pangalan eh basta hanap ka sa akin.” nagpapa cute na sabi niya, “Kaya sige na, lumabas ka na duon. Mamaya mainip iyon puntahan ka dito. Hmmp, mamaya nalang pagbalik mo ikwento sa akin ’yung atraso mong chika.”

“Huh?” muli ko siyang nilingon bago ako tuluyang lumabas.

“Sige na. Labas na. Fighting, sis!” sigaw niya at nag heart sign pa kaya nagtinginan sa kanya ’yung ibang mga estudyante na nanduon. Loka talaga.

Paglabas ko ng auditorium para tignan at hanapin ’yung kung sino man ang naghahanap sa akin ay bigla nalang may humila sa akin sa isang bakanteng room na katabi ng auditorium. Muntikan akong mapasigaw pero ng makita ko kung sino ang humila sa akin ay agad na kumunot ang nuo ko at hinampas siya sa kanyang braso.

“Aray naman, kitten.” saad niya habang hinihimas ang parteng pinalo ko.

“Kitten ka d’yan! Aelius, Quilris! Aelius.” saad ko sabay irap sa kanya, “Ano bang kailangan mo?”

“Ang sungit mo naman. Parang hindi tayo magkaibigan ah.” nakangiti sabi niya at sinandalan ang pintuan kung saan ako pwedeng lumabas sabay kumanta, “Oh kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta, daig mo pa ang isang kisap mata. . .”

Hindi ko naman napigilan na hindi mapangiti. Anong nalanghap nito ni Quilris?

“Anong relate ng kanta mo sa sinabi mo? At oo, hindi ko nakakalimutan na magkaibigan na tayo ’no. Teka nga, bakit mo ba ako hinahanap? Anong kailangan mo?”

Nanlaki ang mga mata ko ng iabot niya sa akin ang isang box ng doughnut at pagbukas ko halos nagningning ang mga mata ko sa saya.

“Choco butternut!” tili ko at agad na kumuha ng isa at kinagatan iyon.

“Gusto ko lang naman ibigay iyan. I feel bad kasi hindi mo na-enjoy ’yung kagabi kaya binilhan kita bago ako pumasok kanina.”

Hindi ko alam pero tumibok ng mabilis ang puso ko sa sinabi niya at pakiramdam ko nag init ang magkabilang pisngi ko sa hindi ko malaman na dahilan. Anong nangyayari sa akin?

“T-Thank you.”

“Tumatanggap din ako ng yakap in return.” nakangiting sabi niya at nawala ang nararamdaman ko kanina at agad siyang tinarayan.

“Yakap mo mukha mo! Duon ka magpayakap sa babae mo na katabi namin.” isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko ng maalala ko ’yung mukha ni Ms. Conyo. Tse.

“Sinong babae?”

“Tignan mo sa dami mong babae hindi mo na alam sino ’yung tinutukoy ko.”

“Siguro nga pero meron din namang mga lala—! Aray, teka lang naman bakit ka namamalo? Nagseselos ka ba?” imbis na tumigil ako sa pagpalo ko sa kanya ay mas lalo ko siyang hinabol para paluin habang siya tumatakbo palayo at ewan ko para kaming bata na nage-enjoy sa ginagawa naming ito dahil kapwa na kaming tumatawa.

“Tsk, babaero!” inis kong sabi ng mahawakan ko na ang doorknob, “’Yung tinutukoy ko ’yung naka sex mo sa cubicle ng araw ng party.”

Saglit siyang napaisip na napangisi kalaunan.

“So tama nga ako? Ikaw ’yung nasa dulong cubicle na nag ‘LBM’.” natatawang sabi niya na siyang kinahiya ko na marinig.

“Ano ba! Wag mo na ngang ipaalala. Hmmp.” lumakad ako papunta sa kanya at inabot sa kanya ang box ng doughtnut, “Ayaw ko ng kunin iyan! Alis na ako.” nakanguso kong sabi at lalakad na sana palayo pero agad niyang hinawakan ang kamay ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita ang seryosong mukha niya.

“Binili ko iyan para sa iyo. Sa iyo iyan kaya kunin mo kung hindi itatapon ko iyan sa basurahan.”

“A. .E. . A-Akin na nga iyan! Nagsasayang ka ng pagkain.” kinuha ko pabalik sa kanya ang box at nakayukong napalunok. Nakakatakot naman itong si Quilris! Awra niya palang parang luluhod na ako sa harapan niya.

“Good kitty. Ubusin mo iyan.” nagulat ako ng bigla niya akong isandal sa pader habang ang isang kamay niya ay nasa ulunan ko at nilapit ang mukha niya sa akin, “And don’t be jealous of the bitches, Aelius. You’re one step ahead of them.”

Napatango nalang ako sa sinabi niya at agad na lumabas sa silid na iyon at bumalik sa luob ng auditorium habang dama ko ang tibok ng puso ko na gustong kumawala sa dibdib ko at ang utak ko na na-blanko, na tanging si Quilris lang ang rumerehistro.


STARING AT SUMMER ( XVI )

Naiiling nalang ako na nahihiyang pinapatigil si Dyossa sa ginagawa niyang pagpigil niya ng tili dahil mas lalo lang siyang nakaka attract ng attention sa mga dumadaang estudyante sa harapan namin dito sa oval ng eskwelahan namin kung saan kami naka tambay.

Ang lakas ba naman kasi ng trip. Hindi niya ako tinantanan simula ng makalabas kami ng auditorium kanina hanggang sa sunod naming klase para lang malaman kung paanong himala na naging magkaibigan kami ni Quilris. Loka talaga. Kilig na kilig. Akala mo naman teleserye ang buhay ko at ng isa na may mangyayaring happy ending.

Well, sorry everyone but let’s all be realistic. Kahit naman sabihin nating pumapatol ’yung isa sa kapwa niya lalaki o bakla eh mas pipiliin pa rin niya na babae ang makasama siya hanggang sa ma-deads siya kasi at least iyon, magkaka anak siya. Isa pa, hindi naman porket parehas na gender ang parents niya eh he’ll end up like them, ’di ba? Please, don’t hate me. I’m just speaking reality facts versus expectation.

“Hoy, tumigil ka na d’yan. Pinagtitinginan na tayo oh.” sita ko sa kanya.

“Oh ano naman? Hayaan mo sila tumingin. Nageenjoy ako sa mga ganap sa buhay mo eh. Paki ba nila?” saad niya sabay irap akala mo inaaway siya ng mga dumadaan.

“O’sya, sige. Continue your pangingisay basta maya-maya tumigil ka na rin. It’s not something to be happy naman since you know, hindi naman na magpo-progress ang relationship namin other than as friends lang so better not keep your hopes up.” 

“Ay grabe ang nega mo, sis ah? Magbababasa ka nga ng mga romance ng hindi ka naman tunog bitter.” 

“’Te, kung alam mo lang, may wattpad account ako at madalas ako magbasa ng romance stories kesehodang hetero or homo pa ang genre or sad or happy ending. Iba kasi ang reality sa sinusulat ng mga writer sa kwento nila. Minsan nga ’di ba, kung sino pa ’yung hopeless romantic sila pa ’yung magagaling magsulat ng romance.” 

“Kung sabagay, may point ka. But still, I will not loose hope sa palayag kong ship.”

“Ship? Ano? K-Pop?” natatawang tanong ko.

“BTS.” sabay naming sabi ni Dyossa at parehas pa kaming kinikilig at pakiramdam ko ay nagniningning pa ang aming mga mata.

“EXO at GOT7 sakalam.” sabay kaming napalingon ni Dyossa sa nagsalita at pagtingin namin ay si Thotel iyon na tumabi sa akin. Nakangisi siyang pinakita ang nakasabit na keychain niya ng EXO at GOT7 sa kulay itim niyang wallet.

“Luh, dalawa kaming ARMY dito mumsh.” nakangusong sabi ni Dyossa na siyang binatukan naman ni Thotel.

“Gaga. Bakit binash ko ba BTS? Loka ito. Huwag ganyan, bitch. ’Wag gagaya sa mga toxic fans.”

“Anyway, wala kang klase?” pagiiba ko ng usapan.

“Meron. Patapos na nga ’yung break ko eh. Umepal lang ako kasi nakita ko kayo.” 

“Aww, love mo talaga kami mumsh.”

“Touched kayo?” natatawang tanong niya, “Nga pala, anong oras uwian ninyo?”

“Five pa. Why?” tanong ko.

“Gala or tambay bonding naman tayo.” aya niya sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni Dyossa. Well, sa akin wala namang problema since may freedom naman ako to accept or decline without asking permission to parents. Itong si Dyossa ang inaalala ko kasi minsan ko ng narinig sa kanya este lagi kong naririnig sa kanya na strict ang parents niya.

“Don’t worry, walang inuman na magaganap.” assurance ni Thotel.

Hinayaan ko na mag usap si Dyossa at Thotel habang nakapagitna ako sa kanila. Naiiling nalang ako na natatawa dahil tinuturuan ni Thotel itong si Dyossa paanong paalam ang gagawin sa parents para lang makasama namin ito mamaya samantalang si Dyossa naman kabado masyado na para bang nasa harapan lang namin ’yung mga magulang niya.

Pag alis ni Thotel para pumasok sa next class niya ay siya namang pagbabalik ni Dyossa sa usapan namin kanina.

“So, ayun na nga. Eh kung nagbabasa ka naman pala ng mga romance stories sa wattpad, huwag kang masyadong nega kasi you don’t know mamaya totoo naman pala ang happy ending sa mga gaya nating kabilang sa ikatlong lahi.”

“Totoo naman ang happy ending pero sa iilang tao lang sa mundo ang nakaka experience nu’n. Kumabaga, 1 out of 100.” 

“Ay grabe talaga siya oh. Sino ba mga author ng binabasa mong stories sa wattpad?”

“Brictorique. Actually kakabasa ko lang ng bagong one shot niya. Nakakagulat nga eh kasi first time niyang mag publish ng english na male x male na kwento.” 

“Oh gosh. Talaga? Nagbabasa ka rin ng mga gawa ni Brictorique? Same.  Fan ako ng Luna Series saka ng Yoonmin Fanfiction niya.”

“Alam mo. .” saad ko.

“Hindi kaya. .” pagtutuloy niya.

“Oh my gosh. Soulmates. Parang VMin.” tili namin na magkahawak pa ang mga kamay.

Mabilis na lumakad ang oras at namalayan ko nalang na papunta na kami sa meeting place namin nina Thotel ni Dyossa. Nagmessage ako sa kambal na hindi ako makakasabay ng uwi dahil kasama ko nga itong dalawa at pumayag naman sila. Akala ko nga sasama sila pero mukhang busy ’yung dalawa dahil may mga tatapusin pa daw sila parehas. Oh well.

Naabutan namin si Thotel na nakaupo sa isang bakanteng table na siya lang mag isa ang nakaupo at kumakain ng french fries at abala sa pagdutdot niya sa kanyang cellphone.

“Hi, mumsh!” energetic na bati ni Dyossa pagka upo namin katapat niya.

“Uy, hello. Nandito na pala kayo.” tinulak niya papunta sa amin ang kinakain niya na siya namang hindi namin tinanggihan.

Nilingon ko ang paligid at napansin kong medyo marami-raming estudyante ang nandito na nakatambay. Ano meron? Ganito ba lagi dito?

“Ano na palang gagawin natin?” tanong ko habang tumitibgin sa mga nakahilerang stores at may kani-kanilang binebentang pagkain. Nagutom ako sa kinain kong fries. Parang gusto ko magkanin! Hahaha.

“Tatambay dito. Bonding. Kumakanta ba kayo?”

“Ay ako, mumsh hindi ako singer pero kumakanta ako.”

“Same!” saad ni Thotel at nag apir silang dalawa, “Eh ikaw ganda?”

“Ganda ka d’yan! Hahaha, hindi eh.” sagot bago tumayo at itinuro sa kanila na magtitingin lang ako ng mabibili.

Duon ko lang napansin na may karaoke pala sa malapit kaya siguro nagtanong si Thotel kung kumakanta kami. In fairness naman grupo-grupo ang mga nandito. Speaking of groups, parang never kong nakita si Thotel na may group of friends.

Umorder ako ng chicken ala king na may extra rice at juice. Paano ba naman kasi ’yung choco butternut lang ang kinain ko kanina na bigay ni Quilris. Naki kain pa nga si Dyossa eh kaya hindi siguro nakapagtatakang makaramdam na ako ng gutom.

Pagbalik ko sa pwesto namin dala ang inorder ko ay napangiti si Thotel.

“Ngayon ka palang kakain ng rice? Hala, pagsabihan ko nga si Naito na sa susunod huwag donut ang ibili sa iyo.”

Nagulat naman ako sa sinabi niya at agad napatingin kay Dyossa na naka crossfingers sa akin. Hay naku!

“Sshh. Huwag nga kayong maingay. Mamaya may makarinig eh machismis pa ako saka ’yung isa.” naiilang kong sabi at nagsimula ng lantakan ang inorder ko. Laking pasalamat ko na hindi humingi itong dalawa kasi gutom na gutom talaga ako.

“Ano naman kung ma chismis? Wala namang paki duon si Naito at saka friends na kayo kamo ’di ba? And being friends with him also means dealing with issues na ’yung iba wala siyang totally na alam.”

“What do you mean?” kunut-nuo kong tanong.

“The usual issues na pinupukol kapag popular ka sa school at isang considered ‘bad boy’.”

Napaisip ako sa sinabi niya. I mean, I get it kung magka issues siya dahil sa pagiging not ‘bad boy’ but ‘fuck boy’ niya pero ang hindi ko ma-gets eh bakit pati issues na hindi naman pala siya ang gumawa or may kinalaman siya, pinupukol din sa kanya? I guess, I’m lucky dahil hindi ako popular kid sa school at kaibigan ko lang ang isang popular kid. Hindi naman siguro ako masasama sa issues niya ’di ba?

“Anyway, enough of Naito, since case closed na ang relationship ninyo. Friends na kayo. So, ano? Kanta na ba tayo?” excited na sabi ni Thotel.

“Game!”

“Taga palakpak ninyo lang ako.” saad ko habang iniinom ang juice ko.

“Ay hindi pwede ’yan! Kakanta ka!” nakangusong sabi ni Thotel at inabot sa akin ang song book samantalang naghukog naman si Dyossa ng barya sa coin slot ng videoke at inenter ang number ng kantang kakantahin niya.

Napailing nalang ako sa dalawa dahil sa ingay nila. Akala mo ang dami namin sa table eh. Pinagtitinginan tuloy kami pero karamihan naman sa kanila mukhang nageenjoy sa kaingayan ng dalawa samantalang yung iba deadma.

“Hoy ’te, ano na? Pili ka na ng kakantahin mo.” nakangusong sabi sa akin ni Dyossa at inabot sa akin ’yung songbook, “Ako na magbabayad sa token mo! Dali, dali!”

Nailing nalang ako at wala ng nagawa kundi magtingin sa songbook ng pwede kong kantahin.

Habang nagsesearch ako, nadinig kong may naghiyawang mga kalalakihan hindi kalayuan sa table namin pero hindi ko ito tinapunan ng tingin hanggang sa magsalita sina Thotel.

“Ay wow, may ka-competetion tayo ah!”

“Kumakanta si Naito, mumsh?!”

Naito? Agad akong hinanap si Quilris at nakita ko siyang nakaupo sa isang table kasama ang Taekwondo team na mukhang may get together at may songbook din na tinitignan.

“Kakanta siya?” tanong ko out of nowhere.

“Yiiee, gusto mo siyang marinig kumanta? Yiiieee! Sabi na eh! Crush mo talaga siya!” kinikilig na sabi ni Dyossa.

Agad naman akong napa busangot.

“Tinanong ko lang. Cruious lang.” saad ko at nag irap na kinatawa naman nila.

“Oh ano na palang kakantahin mo ng mai-enter ko na. Baka maunahan pa–!”

Sabay-sabay kaming napatingin sa table nila Quilris ng muli silang maghiyawan at nakita kong inabot kay Quilris ng ka-team niya ang mic.

Napalunok ako. Hindi naman siguro ganuon kagandahan boses niya ’di ba? I mean, hindi pwedeng lahat na sa iyo na, right? Sobra ka naman na yatang pinagpala kapag ganuon.

Nagsimulang tumugtog ang instrumental ng kakantahin niya at halos huminto ang pagtibok ng puso ko ng magkatinginan kami. I don’t know, parang kumikinang ’yung mga mata niya habang kumakanta siya at heto naman ako na parang nahihipnotismo niya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

Yes, this is where I belong

Fixing everything that is wrong

No looking back and stay strong

Climbing up that big wall

Don’t be afraid, you won’t fall

Now I’m home, you’re not alone

Let’s make a wish and pass it around

Like the sun in the sky, a kind of love

“Huy bitch! Okay ka lang? Nakangiti ka na d’yan! Hala! Delikado ka na.” nakangiting sabinni Thotel ng bumalik ako sa realidad.

Shit. Bakit nga ba ako ngumiti? Dahil ba ito sa magandang boses niya na para akong dinuduyan? Sa mga mata niyang nangaakit sa akin? Sa kinanta niya na parang may pinapahiwatig?

Tsk, tsk.

Mukhang delikado na nga yata ako gaya ng sinabi ni Thotel.


STARING AT SUMMER ( XVII )

Hindi ko alam kung paano nangyari pero sa bilis ng pangyayari, naiwan akong kasama si Quilris samantalang kinakawayan namin ang papalayong jeep kung saan nakasakay sina Thotel at Dyossa. Shit.

Paano nga ulit nangyari ito?

“Hey, kitten.” agad akong napalingon sa nakangiting si Quilris na nakahawak sa batok niya.

“Kitten ka d’yan! Aelius nga sabi eh!” pagsusungit ko. Para kasing ewan. Tawag ng tawag ng kitten. Friends kami, oo, pero isang tawag pa ng kitten hindi ako magdadalawang isip na sakalin na siya. Hahaha.

“Whatever. Tara na, ihahatid kita sa inyo.” nauna siyang naglakad na sinundan ko naman.

Hindi ko nga maalala na pumayag ako na sumabay sa kanya pauwi o ’yung gaya ng sinabi niya eh ihatid ako sa bahay namin peri dahil duon kina Thotel at Dyossa eh wala akong nagawa kundi um-oo nalang.

Pero kung sabagay, hindi na ako magtataka kung may sarili siyang sasakyan. Halata naman kasing mayaman siya.

Huminto kami sa isang big bike na mukhang mamahalin at maganda ang pagka jet black. Para nga itong kumikinang. Hindi sa disappointed ako dahil expecting ako na kotse ang sasakyan namin but I was surprised to be honest na maka experience ng isang lalaking galing sa well off family ang sumasakay sa motor. Like, well, obviously hindi naman mukhang cheap ang motor niya pero hello? Usual sa mga nababasa ko sa stories sa wattpad laging kotse ang pang balandra ng mga mayayaman but well, in my case, in my own story, motor ang pang balandra sa akin ng lalaking ito which is a good thing ’coz it is different and unique from the usual.

“Oh nakatulala ka na d’yan. Expecting kang kotse ’no?” naiiling niyang sabi.

“Hindi ah. Nagulat lang ako kasi usual sa mga college boys either sa palabas sa tv or sa mga books kotse lagi ang gamit nila lalo na kapag galing sila sa mayamang pamilya.”

“Well, sad to say kitten, hindi lahat ng mayayaman, pare-parehas ang trip sa buhay.” nakangising sabi niya at lumapit sa akin para isuot ang spare niyang helmet, “Hindi ka naman sigurong takot sumakay ng motor?”

“Uhm, about that. .”

“Yes?”

“First time ko itong sasakay ng motor.” napalunok ako at agad na pinamulahan sa sinabi ko. Shocks.

Ngumisi siya, “Well then, I’ll make your first time memorable.”

Hindi ko alam kung bakit pero ng sinabi niya iyon kung anu-anong pumasok sa isip ko na hindi ko naman dapat iniisip at ’yung pakiramdam ko, parang excited pa imbis na kinakabahan. Shit, ano ba itong ginagawa sa akin ng lalaking ito?

In a swift, nakasakay na ako sa likuran niya at bago niya paandarin ang motor ay hinila niya ang dalawa kong kamay payakap sa kanya. Sa gulat ko ay nagpumiglas ako.

“Kitten! Yumakap ka sa akin. Mahuhulog ka n’yan kapag hindi ka nakayakap. Bahala ka d’yan. Ikaw rin. Hindi kita masasalo.”

“T-Tsangsingan mo lang ako eh!”

“Ako? Baka ikaw. Ikaw yayakap eh.”

“Anong ako?! Hi-Hinding-hindi kita tsatsansingan! Manigas ka d’yan! Hindi ako yayakap sa iyo.” nakanguso kong sabi. Anong yakap? Tsansing lang siya!

“Alright, sabi mo eh.”

“FUCK! QUILRIS!” sigaw ko at agad na napayakap sa kanya ng bigla niyang ii-start ang motor at muntikan na akong mahulog. Imbis na magalala sa akin nakuha pang tumawa ng loko!

“Kitten! Nagmamaneho ako!” sita niya sa akin ng paluin ko ang braso niya.

“Deserve mo iyan!” irap kong sabi at niyakap nalang siya muli. Ineexpect ko na matatakot ako sa unang beses kong pagsakay ng motor habang bumibiyahe ito sa kahabaan ng kalsada pero hindi. Na-eenjoy ko siya ngayon. ’Yung malakas na hampas ng hangin sa akin, ’yung mga ilaw ng mga nadadaanan namin, ’yung gabi mismo, ’yung amoy ni Quilris (pero huwag ninyo nalang sabihin sa kanya baka lalong lumakas ang tama sa utak) na pinaghalong amoy berdeng mansanas at matapang na pabango na panglalaki ngunit tolerable at ’yung kamay kong nakayakap sa kanya. Mas malakas pa nga yata ang pag tibok ng puso ko ngayon kesa sa ingay ng ibang sasakyan na kasabayan namin.

Hindi ko tuloy namalayan na naisandal ko na pala ang ulo ko sa balikat niya.

Hay, ang sarap ng ganito. Parang gusto kong maulit pero syempre, obvious namang hindi dahil gusto ko mangyayari ulit. Friends lang kami ’no.

“Oh bakit tayo huminto?” tanong ko habang nililibot ang tingin sa hinintuan namin. Maraming mga nakahilerang streetfoods. Bigla tuloy akong nagutom.

“Wait here.” utos niya kaya kibit-balikat ko siyang sinunod.

Hindi ko napigilan na hindi makaramdam ng something warm inside ng makitang bumili siya ng mga binebentang streetfoods at dinala sa akin. Especially ng papalapit siya sa akin, for some reason, hindi nag slow mo ang paligid bagkus pakiramdam ko ng nagkatitigan kami, I felt like everything is just right. ’Yung para bang tama lang na siya ang kasama ko ngayon, sa mga oras na ito, I feel comfortable and at the same time happy with him being with me. Just us.

“I thought of bringing you sa resto pero by just looking at you and knowing for even just a short amount of time, mukhang hindi ikaw ’yung tipo ng tao na mageenjoy sa ganuon so I bought you here. Uhm, well, okay ba sa iyo?” sabi niya habang inaabot sa akin ’yung binili niyang mixed fishballs, kwek-kwek at squidballs. Napangiti ako. Wow ha? Na sense niya iyon?

Hindi sa hindi ko bet ang mga restos pero mas trip ko lang talaga ’yung normal lang na kainan. ’Yung nakasanayan ko.

Nag thumbs up ako sa kanya, “Yes, I like this way better kesa pumunta tayo sa resto.”

“Tayo.” nakangiti at pabulong niyang sabi habang nakatitig sa akin.

“Huh?” hindi ko kasi masyadong narinig ’yung sabi niya.

“Sabi ko, tara kain na. Baka lumamig pa.” at iyon nga ang ginawa namin. We both in silence, side by side. It wasn’t the type of awkward silence. To be honest, it was a comfortable one to which made me suprisingly smile.

“Ano? Masarap ba? Sarap ng sauce nila.” pagbasag ni Quilris sa katahimikan.

Tumango ako, “Yeah, magkano pala bili mo ng mabayaran kita.” bigla ko kasi naalala na nakakahiya naman kung libre niya pa pati ito eh nilibre na nga niya akonsa pamasahe sa pagsakay ko sa motor niya and not to mention ’yung binili niya pang isang box ng choco butternut sa akin kanina.

“Nah, you don’t have to. It’s my treat.”

“Pero. .”

“Since you’re really pushy, ilibre mo nalang ako sa sunod na punta natin ulit dito.”

“Sunod?” hindi ko alam kung bakit excited na excited ako ng narinig ko ’yung words na ‘sunod na punta namin’ mula sa kanya.

“Yeah, ayaw mo ba?”

“Hindi ah! Gusto ko nga eh. Sige sa next na punta natin.” nakangiti kong sabi.

“Alright, its a deal.”

After naming kumain ay nagpatuloy na kami ulit sa biyahe at sa wakas ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Iniabot ko sa kanya ang helmet na pinasuot niya sa akin.

“Uhm, ano. . Ingat ka.” nahihiya kong sabi pero at the same time nalungkot ako kasi ayaw ko pang matapos ang sandaling nakayakap ako sa kanya.

“Thanks, Kitten. See you tomorrow?”

“Uhm, I guess so. Basta mag ingat ka!” ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko sa hindi ko malaman na dahilan at bago siya tuluyang umalis ay hinaplos niya ang buhok ko sabay gulo nito at nagpaalam na para umalis.

Napahawak nalang ako sa buhok ko na ginulo niya habang tinitignan siya hanggang sa tuluyan na siyang makalauo at mawala sa paningin ko.

Napabuntung-hininga ako. Papasok na sana ako luob ng bahay ng may marinig akong tumikhim sa likuran ko at pagtingin ko ay agad kong nginitian si Samuel na nakasandal sa gate nila.

“Ginabi ka yata ng uwi, Aelius.”

“Ah, oo eh.” sabay kamot sa batok ko.

“Kumain ka na ba? Paghahanda kita kung hindi pa. Tulog na si Sam saka si Lola eh.”

“Ah hindi na. Kumain na ako.”

“Sure ka?”

“Oo.”

Napa buntung-hininga siya, “O’sya. Magpahinga ka. Ten o’clock na ng gabi. Maaga pa pasok bukas.”

Tumango ako.

“Oo. Good night, Samuel.”

“Good night, Aelius.”

Pagdating ko sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama ko at napatingin sa kisame. Kinapa ko ang kaliwang dibdib ko na may maayos na rhythm ng pagtibok pero ng masagi ko ang mukha ni Quilris at ’yung mga nangyari kanina, napangiti nalang ako ng bigla nalang bumilis ang tibok nito.

Hindi ko pa naman siya masasabing crush ko ’di ba?


STARING AT SUMMER ( XVIII )

Muli akong napabuga ng hangin at hindi ko alam kung dahil ba sa malakas na ulan sa labas o dahil sa naiinis ako at hindi pa kami ulit nagkikita ni Quilris nitong mga nakaraang araw dahil sa malakas na ulan after ng ihatid niya ako sa bahay. Pfft. Pesteng ulan! Bwisit na bagyo iyan!

“Ayos ka lang, sis? Init ng ulo natin ah.” sabi ni Dyossa na busy sa pagkain niya ng Mr. Chips. Busangot akong nakikuha sa kinakain niya at kinain iyon.

“Bwisit kasing bagyo iyan! Ayaw pang lumabas ng bansa!” inis kong sabi at kumuha ulit sa kinakain niya.

Natawa naman siya sa akin, “Bakit ’te? May usapan ba kayo ni Papa Naito na gagawin the next day after ng ihatid ka niya sa inyo? Ems! Hindi mo pa pala kinwento sa akin anong nangyari sa inyo ng iwan namin kayong dalawa ni mumsh!”

“W-Wala ah! Ano lang, uhm, ililibre ko lang siya pangbayad sa panglilibre niya sa akin ng kumain kami.”

Nanlaki naman ang mga mata niya at biglang tumili. Napatingin sa amin ’yung mha kaklase namin ng may pagtataka kaya agad ko siyang hinampas sa braso para tumigil.

“Oh my gosh! Nag date kayo?!”

“Baliw! Date ka d’yan! Parehas lang kaming gutom that time.” thou wala talaga akong idea na kakain kami at gutom ako ng mga time na huminto kami duon not until makita ko kung saan kami huminto.

“Sus! So, saang resto kayo kumain? Siguro sa hotel na resto iyan ’no? Oh my gosh! Spiel where ang location?!”

Napangiwi ako, “Hindi kami nag resto. Nag street foods kami.”

Natawa naman akk ng makita ang reaksyon niyang gulat at na weirduhan.

“Teka, street food ba kamo? Eh ’di ba mayaman si Papa Naito? Bakit duon kayo kumain?”

Agad ko siyang binatukan at inalala ’yung sinabi sa akin ni Quilris.

“Dyossa, hindi porket mayaman siya gaya na rin siya ng iba. Mas gusto ko nga ’yung ganuon eh. ’Yung marunong sa mga simpleng bagay.”

Napalitan naman ng ngiti at kilig ang expression niya at pinaghahampas ako sa kabilaan ng balikat ko.

“Hala, shit! Nakakakilig! Feeling ko sinadya niya din talaga iyon para maging comfortable ka sa kanya! Ahck! Pero wait, ginawa na rin kaya niya iyon sa iba? Hmm, kasi kung sa iyo palang niya iyon ginagawa, hmm! Achk! Confirmed! Feeling ko ikaw ang magpapa head over heels sa kanya ’te!”

Napailing nalang ako sa sinabi niya at napaisip. Oo nga ’no? Nagawa niya na kaya ’yung ginawa namin ng gabing iyon sa iba o sa akin palang? Hindi sa nagaassume ako peri hindi ko maintindihan kung bakit nanikip ang dibdib ko sa isiping nagawa na rin niya sa iba ang ginawa niya sa akin.

One hour break na namin nu’n at sabay kaming tumungo ni Dyossa sa canteen. Papasok na kami sa luob ng makita namin si Quilris na nakangiti at masayang nakikipag usap to no other than Ms. Conyo. Hindi ko alam kung bakit pero parang nainis ako na makita silang magkasama. Teka, bakit ako maiinis? Magkaibigan kami ni Quilris at hindi ko naman hawak kung sino at hindi dapat ang kausapin niya. We’re just friends.

“Ang harot ni Miss Sapsap.” mataray na sabi ni Dyossa. Naiiling ko lang itong tinugunan.

“Tara na sa luob. One hour lang break natin.” 

Pagpasok namin sa luob ni Dyossa agad kaming pumila sa counter pero hindi ko maiwasan na hindi tignan si Quilris pati si Ms. Conyo. Parang ang saya-saya nila. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang ang bigat.

“Hey, kitten.” napatingin ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin ng ako na ang kausap ng nasa counter para sa order ko. 

“Oh ikaw pala.” wala sa luob kong sagot na may pilit na ngiti. Okay na sana na nakita ko siyang nakatayo sa tabi ko at nakangiti kaso kita ko rin na papalapit sa pwesto namin si Ms. Conyo. Napa irap ako mentally. Tsk.

“Are you okay?” nagaalalang tanong nito sa akin sabay dikit ng likod ng palad niya sa nuo ko. Napa pitlag naman ako sa ginawa niya.

“O-Okay lang ako.” saad ko sabay kuha ng order kong sandwich habang hinihintay si Dyossa sa order niya. 

“Eh bakit parang ang low energy mo.” 

“Nagmamadali kami actually. One hour lang kasi lunch break namin.”

Agad namang kumunot ang nuo niya sa sinabi ko.

“One hour lunch break tapos ganyan lang ang kakainin mo?” 

Sasagot na sana ako kaso nakalapit na ng tuluyan sa amin si Ms. Conyo. Tinaasan ako nito ng kilay at nilipat ang tingin niya sa akin papunta kay Quilris at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Sa sobrang tamis para akong masusuka. 

“Magkakilala kayo, babe?” halos malaglag panga ko sa sinabi nito. 

Babe? As in, Babe na pang romantic calling? 

Lalong sumikip ang dibdib ko sa isiping iyon.

“Of course, we’re friends.” nakangiti ito sa akin at wala sa luob akong tumango at tinignan si Dyossa na kinukuha na ang order niya.

“Ah sige, mauna na kami. Bye.” saad ko at hindi pa halos nahahawakan ng maayos ni Dyossa ang order niya ay hinila ko na ito palabas ng canteen. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan nalang niya. Sa tingin ko ay may idea na siya kung bakit ko iyon ginawa. 

“Hey, Kitten. Wait up.” tawag nito ng makalabas kami ni Dyossa ng canteen. Humabol pala ito sa amin. Anong problema niya? Bakit niya kami sinundan? Iniwan niya pa yung ‘Babe’ niya duon para lang sa amin, sa akin na friend lang niya.

“Ano?” halata sa tono ko ang inis at pagkabagot. 

“Do we have a problem, Kitten?” 

“W-Wala. Bakit mo naman naisip iyan?” 

Napabuntung-hininga siya, “Nothing. Kita nalang tayo sa parking lot. Hihintayin kita duon.”

At lumakad na ito palayo. Napabuga ako ng hangin out of frustration.

“Ehem, first LQ.” nakangiting sabi ni Dyossa. 

“Ewan ko sa iyo. Bahala ka d’yan.” inis kong tugon at inunahan siya sa paglalakad. 

“Hoy, ’te. Hintay. Ito naman masyadong highblood. Meron ka ba? First day?” natatawang sabi niya pero hindi ko nalang ito pinansin hanggang sa makarating kami sa classroom. Hindi ko na rin kinain ’yung binili kong sandwich at binigay nalang sa kanya sa inis ko. 

Nasa second to the last subject na kami at naglalaban na ang antok at gutom ko. Hindi nga kasi ako kumain ’di ba? Tapos patuloy pa rin ang pag ulan sa labas. Kaya pagtapos ng last subject namin nagmamadali kaming lumabas ni Dyossa para makauwi. Nauna na kasi si Sam umuwi dahil half day lang sila ngayon at si Samuel naman wala talagang schedule ng pasok. 

Lumalakas ang ulan habang nasa biyahe kami at halos nakaka-kalahati na ang biyahe ng sinasakyan naming jeep ng bigla akong may maalala out of nowhere. 

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa taranta at nagtype ng message. Isesend ko na sana iyon ng bigla kong maalala na wala pala akong number ng lokong iyon.

Hindi naman siguro siya naghihintay duon ngayon, d’i ba? Ang lakas kaya ng ulan.

“Uy, sis. Saan ka? Malayo pa ’yung iyo. Hindi pa ako nakakababa. Mauuna ako sa iyo eh.” takang sabi nito ng bigla akong pumara. 

“Babalik akong school. May nakalimutan ako.” sigaw ko at nagmamadaling tumawid sa kabilang kalye para sumakay ng jeep pabalik ng school. 

Bakit ba ako nagaalala? Mamaya nakauwi na iyon eh. Pero kasi. . . 

Halos nabasa na ang kalahati ng damit ko ng nakasakay ako ng jeep at grabe na ang pagkalabog ng puso ko at panic dahil naipit pa sa traffic ang sinasakyan ko. Hay. 

Nang mapansin kong kaya ko naman na lakarin mula sa kung saan nakahinto ang sinasakyan ko ay bumaba na ako at tumatakbong sinara ang payong ko. Lalo ako matatagalan kapag pinilit kong sumilong sa payong ko dahil sa lakas ng hangin tinatangay na nito ang mga payong na nakabukas. Hinihingal at nilalamig na akong nakarating sa parking lot at sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang pigura na nakatayo at nakasandal sa motor nito.

“Quilris.” tawag ko ng makalapit ako sa kanya ng tuluyan.

Napalunok ako at nakaramdam ng lungkot ng makita kong mukhang kanina pa niya ako hinihintay at halatang nilalamig na din siya pero nakuha pa rin niyang ngumiti.

“Akala ko hindi ka na dadating.”

“Muntikan na pero naalala ko kaya bumalik ako.” 

Ngumisi siya at hinaplos ang buhok ko, “Dapat dumiretso ka nalang ng uwi. Tignan mo nabasa ka pa tuloy.”

“Eh ’di hanggang mamaya ka pa nandito kung mas pinili kong umuwi kesa balikan ka.”

In a swift, nakayakap na ako sa kanya at tinatahak namin ang kalsada habang umuulan ng malakas pero hindi ko na ito ramdam. I feel warm hugging him kahit na basa din siya. 

Napangiti ako. Tama lang ang desisyon ko na bumalik kahit na nabasa ako ng ulan.

“We’re here.” saka lang ako natauhan ng magsalita siya at saka ko nilibot ang tingin ko sa paligid.

“Nasaan tayo?”

“My house. Let’s go.” hinawakan niya ang kamay ko at pinauna akong pumasok sa luob ng bahay niya habang siya pinark niya pa ang motor niya sa luob ng gate, “Come, I prepared your bath. Once you’re done, tell me so I can lend you my clothes.”

Nahihiya akong tumango sa kanya bago tuluyang pumasok sa luob ng banyo. In fairness sa banyo ah. Malinis.

Pero teka, kung nasa bahay nila ako, ibig sabihin. . . Shit! Nandito ang magulang niya! Hala! Ano nalang sasabihin sa akin ng parents niya kapah nakita nila ako?

Bago pa ako makaisip ng sunod na iisipin ko na lalo ko lang ikaka stress ay nagsimula na aking maligo.

Matapos kong maligo at ibalot ang twalya na nakita kong nasa gilid ng pinto sa labas ng banyo ay hinanap ng mga mata ko si Quilris. Nasaan siya? Basa pa siya ng ulan at pinauna niya akong maligo kahit na siya ang may ari nitong bahay. Napatingin ako sa labas ng bintana at kumbinsido na ako na wala pang balak tumila ang ulan sa lakas nito which means mukhang magtatagal ako dito.

Lumakad ako ng tahimik habang hinahanap si Quilris ng mula sa kusina ay may narinig akong nagsalita.

“Pa, muntikan na kitang mahampas ng kaldero! Bakit kasi bigla-bigla ka nalang nasulpot at hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka pala.”

Huh? Boses iyon ni Quilris at Papa niya? So, nandito nga talaga ang parents niya ngayon? Hala!

“Why? Can’t I surprise my own son? Besides, you should be thankful na hindi ako napano sa pagdating ko dito. Hindi ko naman inexpect na bumabagyo pala. Lagot ako sa Daddy mo nito kapag nalaman niya.”

“Lagot ka talaga kay Daddy at lagot din ako sa kanya. Iisipin nu’n hindi kita inasikaso gayong alam ko na uuwi ka dito. Pa naman!” halata sa boses niya ang inis.

“Hay naku, habang tumatanda ka nagmamana ka sa kasungitan ng Daddy mo. Tsk, tsk. Siya nga pala, bakit hindi ka pa maligo? Basa ka ng ulan na bata ka oh! Ano ka ba naman, Claec! Alam mong ayaw naming nagkakasakit ka ng Daddy mo.”

“Mamaya na po.”

“At bakit? Ako lang naman ang nandito sa bahay at ikaw.”

“Basta Pa, mamaya na.”

Habang nakatayo ako sa gilid ng kusina at nakangiting pinagmamasdan ang bangayan ni Quilris at ng Papa niya ay huli ko ng namalayan na sapilitan na siyang hinila nito palabas ng kusina at bago ko pa maigalaw ang mga paa ko para umatras at magtago palayo ay nakita na nila ako.

Lagot.

“And who are you?” nakataas kilay na tanong ng Papa ni Quilris sa akin.


STARING AT SUMMER ( XIX )

Awkward.

Iyon lang ang masasabi ko sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon or should I say, expect the unexpected. Kung bakit naman kasi hindi ko naisip na, hello? Nandito ako sa bahay niya kaya malamang sa malamang eh nandito din ang parents niya.

Tagos sa kaluluwa ko ang tingin na binibigay sa akin ng Papa niya though hindi ko rin naman siya masisisi dahil nagulat siya sa biglaan kong pagsulpot sa bahay nila o baka naman dahil na rin sa ayaw ng mga magulang niya na nagpapapunta siya ng bisita dito sa bahay nila dahil natatakot ang parents niya na i-judge sila mag asawa o mas lalo na ang anak nila though hindi ko naman iyon magagawa lalo pa at kaibigan ang tingin sa akin ng anak nila. Hindi naman ako gaya ng iba na sa label lang na matatawag na kaibigan.

“Pa, you’re scaring him.” dinig kong sabi ni Quilris kaya muli akong napa angat ng tingin sa kanilang dalawa ng Papa niya at impit na nginitian sila.

“Psh, Quilris, ano ba?! Okay lang ako.”

“No, you’re not.” humarap ito sa Papa niya, “Pa, stop!”

Nagulat ako at napuno ng pagtataka ng biglang tumawa ang Papa niya sa sinabi niya. Akala ko ako lang pero pagtingin sa akin ni Quilris ay pati siya nakakunot ang nuo.

“Overly protective, son? Just like your Dad.” nakangiting sabi nito at ginulo ang buhok ng anak at saka lumapit sa akin. Nabigla ako sa ginawa niyang paghawak sa mukha ko at pagpisil. Kung iba lang ito, natampal ko na palayo ang kamay nila sa mukha ko pero there’s something sa way ng paghawak ng Papa niya ang pumigil sa akin na gawin iyon.

“What a pure, pretty boy. No wonder bakit dinala ka ng anak ko dito sa bahay.” nakangiting sabi niya and I must say, I don’t know how to feel about that. Is that a compliment?

Humarap ito muli sa anak niya at ngumisi, “I like him. He’s better than y’know .” at saka nag eye roll. Napansin ko naman ang pag iling ni Quilris at paglayo ng tingin niya sa amin.

Again, awkward.

But, who is he referring to?

“I’m sure you’re hungry, pretty. What’s your name?”

“Aelius po. Aelius Davis.”

“Aelius? Oohh, even your name is pretty. Fil-Am?”

“Hindi po. Half Greek po.” sagot ko at umupo sa round table na katabi niya.Tinignan ako nito maigi. Lalo na ang mga mata ko at mukhang alam ko na kung bakit.

“Naka contact lens po ako. Masyado po kasing agaw pansin ’yung kulay ng mata ko.”

“No, not just that, honey. Actually, it suits you having Greek blood. You’re pretty. Very. Kung hindi kita narinig magsalita kanina iisipin kong babae ka and kung babae ka nga eh baka sa mga oras na ito pinapagalitan ko si Claec.”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kaya siguro ganuon siya makatitig sa akin kanina. Wait, so okay lang sa Papa niya na magdala siya ng bisita basta hindi babae? Well, medyo gets ko kung bakit. Again, hindi ko itatanggi na gwapo ang anak nila but aside from that, syempre, parents house – their rules. Kailangan mong sumunod ang having good looks is not an exemption. 

Nabaling ang tingin ko sa pintuan ng kitchen ng hindi ko makita ang prisensya ni Quilris. Saan na nagpunta iyon?

“Naliligo pa iyon.” dinig kong sabi ng Papa niya na para bang nabasa nito ang iniisip ko at agad akong pinamulahan ng tingin, “Oh well, stay here. Magaasikaso lang ako ng kakainin natin, okay?” sabi nito pero dahil ang awkward naman kung maghihintay lang ako dito ay sumabay na ako sa pagtayo niya at sinamahan siya pa kusina.

Nagtaka ako ng makitang ngumingiti sa akin ang Papa niya.

Huh? May dumi ba ako sa mukha?

“Nagpapa impress ka ba sa akin, iho?”

“P-Po?”

“Wala. O’sya, sige, tulungan mo na ako maghanda. For sure, matutuwa ’yung isang iyon.” nginitian ko nalang siya sa sinabi niya kahit na ’yung huli hindi ko narinig.

Habang naghahanda kami sa lamesa ay napatingin ako sa suot na singsing ng Papa niya.

“Ang ganda ’no? Custom made itong singsing namin ng Daddy ni Claec.” nakangiting sabi niya at napahinto sa ginagawa niya para lang hawakan ang singsing na nakasuot sa daliri niya habang nakangiti.

Mukhang inlove na inlove ang Papa ni Quilris sa Daddy nito. Nakakatuwa siguro sila pagmasdan na magkasama and at the same time, heto ako at naiinggit dahil mukhang wala naman akong makakatagpo na gaya ng Daddy ni Quilris sa buhay ko. Swertihan lang talaga at hindi ako isa sa mga masu-swerte.

Biglang may nag ring ng cellphone kaya nawala kami parehas ng Papa ni Quilris sa kanya-kanya naming iniisip.

“Shit.” bulong niya sabay kuha ng cellphone nito na nasa suot niyang pantalon, “Ikaw na munang bahala ha? Nakalimutan ko kasing tawagan ang asawa ko pagdating ko dito.” isang kinakabahan na ngiti ang nasilayan ko sa mukha nito at mabilis na lumakad palayo sa kinaruruonan ko.

Napailing nalang ako habang inaayos ang mga plato sa lamesa ng may umagaw ng atensyon ko dahil sa mabangong naaamoy ko sa hindi kalayuan. Agad ko itong hinanap at pag landing ng mata ko sa kinaruruonan nito ay agad akong napalunok at naglaro ng tingin. Bumalik din ako sa ginagawa ko pero ramdam ko ang mabilis na pagtambol ng puso ko kasabay ang panginginig ng mga kamay ko.

“N-Nand’yan ka na pala.” ang tangi ko lang nasabi.

“Yeah, so, kamusta kayo ni Papa? Na-interrogate ka ba niya?” tanong nito at saka lumapit sa akin para tulungan ako. Shit, ano ba naman itong si Quilris? Hindi ba siya nahihiya na naka topless siyang lalapit sa akin?

Pero hindi ko rin naman mapigilan ang sarili ko na pasimpleng tignan ang katawang niyang, ehem, may abs. Parang ang sarap ngang hawakan para malaman kung legit ba iyon o baka namamalik-mata lang ako.

“Gusto mo hawakan?” bigla akong bumalik sa realidad ng marinig ko ang tinanong nito sa akin at agad siyang sinungitan.

“Anong hawakan pinagsasasabi mo d’yan? Eh kung tusukin kita ng tinidor?” inis kong saad at humawak ng tinidor at bantang itutusok ito sa kanya. Kainis na ito, eh bakit ko naman hahawakan katawan niya? Eww, ginawa pa akong manyak.

Natawa naman siya sa sinabi ko, “Oo o hindi lang ang sagot eh pero knowing you, iba ang sasabihin ng bibig mo sa sinasabi ng isip kaya. . .”

“QUILRIS CLAEC!” sigaw ko sa gulat ng hatakin niya ang kanang kamay ko at ihawak sa abs niya.

Shit, totoo nga. Hindi ako namamalik-mata. Totoo itong abs niya and on top of it, shit, ang tigas! At shit, nandito ako sa bahay nila tapos ganito ang eksena naming dalawa. Shit.

“See? Eh ’di ngayon alam mo ng masarap hawakan itong akin.” nakangising sabi niya at sa inis ko ay binawi ko kamay ko sa kanya ng marahas at inirapan siya.

“Sarap ka d’yan!”

“Yes, kitten and now that you know, don’t touch someone else’s except mine.”

“A-Anong. .?” for sure, legit na kamatis na ang mukha ko sa sinabi niya lalo pa ’yung gamit niyang tono ng boses eh sobrang nakaka akit sa pandinig ko kaya nga lang. . .

“Anong except mine pinagsasasabi mo d’yan?!” tanong ng Papa niya na naka pamewang na katatapos lang siyang batukan, “Oh, it’s your Dad. Go talk to him. Now!” pinandilatan niya ito ng mata ng mapansing mukhang tatanggi ang anak sa utos niya.

Inis na lumakad palayo sa amin si Quilris hawak ang cellphone na inabot sa kanya ng Papa niya and yet again, awkward. Naiwan akong kasama ang Papa niya na nakangisi sa akin.

Ano ba itong pinasok ko?


STARING AT SUMMER ( XX )

“Buti nalang nakarating na ako dito bago pa lumakas ng tuluyan itong bagyo ngayon ’no?” saad ng Papa ni Quilris sa amin habang kumakain kami ng hapunan.

Hindi ko tuloy alam kung makakauwi ako sa amin. Grabe kasi ’yung ugong ng hangin sa labas at ’yung hampas ng hangin. Buti na nga lang binalikan ko si Quilris kanina kung hindi, naku, baka na stranded na siya sa school.

Buti nalang nandito na kami sa bahay nila. Maayos at magkasama. Agad akong umiling sa pumasok na hangin sa isip ko. Saan galing iyon?

“Kailan ka ba dumating dito, Pa? To what I know dapat na-cancel na ’yung flight mo kung kanina ka lang bumiyahe dito pauwi.” seryosong sabi ni Quilris. Halata ang pagaalala sa mukha niya, “At for sure kung alam ni Dad na may bagyo ngayon dito, hindi ka niya patutuluyin na umuwi.”

“Last week pa.” mala anghel na nakangiting sagot nito sa anak niya.

“What?! Tapos ngayon ka lang umuwi dito sa bahay? Saan ka galing?”

Nakayuko lang akong kumakain habang nakikinig sa usapan nila. Pero at the same time, gusto kong matawa sa reaksyon ni Quilris sa Papa niya.

“Relax, Claec. Nasa bahay ako nila Tita mo. Ininvite kasi ako ni Tita Pearl mo sa opening ng clothing boutique niya eh syempre hindi naman ako pwedeng tumanggi at saka after that sinama nila ako sa bakasyon nila. You don’t have to worry, anak. Takot ko nalang sa Tatay mo kung may kitain akong kung sino.”

“As you should. Pero sana nagmessage ka man lang or tumawag sa akin kanina na uuwi ka dito sa bahay eh di sana inagahan ko ang uwi.”

“Eh di sana hindi kayo nakapag walking in the rain nitong si Aelius.” nakangiting sabi ng Papa niya and I swear, kung may bibig lang itong sahig ng bahay nila, open arms akong papakain ng buhay! Nakakahiya!

Nakakaloka si Papa este si Tito. Gosh!

“Pa! Naka motor kami. Kung naglakad kami, malamang sa malamang nasa kalsada pa kami dahil daig niya pa lotus feet sa bagal n’yan maglakad.”

Agad naman among nag angat ng tingin kay Quilris na nakangisi sa akin.

“Oh ano? Totoo naman ah!”

“Oh bakit? Wala pa nga ako sinasabi! Desisyon ka ah!” inis kong saad at sinipa ang paa niya sa ilalim ng upuan.

“Oh fuck! Bakit ka naninipa?” kunot ang nuo nitong inabot ang paa niya sa ilalim ng mesa at minasahe. Samantalang binelatan ko siya.

“Mamaya ka sa akin.” inis na bulong nito at saka bigla nalamang ngumisi.

“Claec!” tawag ng Papa niya sa kanya.

Buti nga. Nyenyenye!

“Wala, Pa. Sabi ko tapos na ako kumain ako na maghuhugas ng pinggan.”

“Good.”

Pagtapos naming kumain, kung saan sabay kami ni Tito natapos dahil nauna nga sa amin si Quilris, ay sinabihan ako nito na dito nalang matulog dahil kung pipilitin kong umuwi ay mahihirapan akong makahanap ng masasakyan o mas lalo ng magsusundo sa akin kaya minessage ko si Sam na wala ako sa bahay at nasa bahay ako ng friend ko kung saan naabutan ako ng malakas na bahagi ng bagyo kaya hindi ako makakauwi. Nag offer pa si Samuel na sunduin ako pero dahil nga sa sinabi ni Tito kanina ay tinaggihan ko ito.

As if naman kasing may mangyayaring masama sa akin eh nasa luob naman ako ng bahay at hindi sa labas na pwede ako matangay ng malakas ng hangin patungo sa kung saan.

Buti nalang din at hindi na nagtanong ang kambal kung sinong friend ang tinutukoy ko. For sure kasi kung nalaman ni Sam kung kaninong bahay baka nangingisay na iyon sa kabuangan niya at kung anu-anong kamanyakan na ang pumasok sa isip.

“O’sya, maiwan na kita ha? Magvi-video call pa kami ng Daddy ni Claec.” excited na sabi ni Tito at umalis na papunta sa kwarto nito habang ako nandito sa guest room at agad na naupo sa dulo ng kama.

In fairness, mukhang mayaman nga itong si Quilris. Speaking of that devil, nasaan na iyon? Parang kanina ko pa siya hindi nakikita?

Pero hayaan na nga. Baka nasa kwarto niya na iyon at busy sa kung ano man ang ginagawa niya. So, dahil nakaligo na ako, umayos na ako ng higa sa kama at kinalikot ang cellphone ko para mag browse sa social media and I ended up sa pagiinstall ng Wildrift. Hindi pa naman ako inaantok at wala namang pasok bukas kaya okay lang na ma-late akl ng tulog ngayon.

Pagka install ng laro sa cellphone ko ay agad akong nag start ng game. Syempre, si Evelynn hero ko. Main ko yata iyan. And the game starts.

Nagulat pa ako dahil mukhang nasali ako sa laro ng mga magkakakilala dahil naguusap-usap sila kahit na nagkalaban ang grupo namin well, maliban sa aming dalawa ng isa duon sa kabilang grupo.

“Oy, Winter! Salita ka naman d’yan! Para naman itong others oh. Itong si MabuhayPinoyLife003 lang naman ’yung hindi natin kakilala. Ay teka nga  MabuhayPinoyLife003, kakilala ka ba namin o hindi?”

Kahit na hindi ko kita ang mukha nitong mga kalaro ko o nila ako eh ramdam ko pa rin ang hiya sa sistema ko. Para naman din kasing tanga. Bakit kasi ganitong ginawa kong username ko? Ang weird tuloy kapag binanggit eh sa hindi ko naman inexpect magkakakilala itong mga kasama ko sa game at sa yung mga nauna kong gustong username may nakakuha na.

“Sshh, guys. Chill. Lalong mahiya magsalita iyang si Mabuhay. Right, Mabu?” ugh, bakit ganuon? Pakiramdam ko talaga may deep voice kink ako pero at the same time, bakit pamilyar ang boses niya sa akin?

“Yown! Nagsalita din si pareng Winter.”

“Oo nga, tangina! Kakasimula palang ng game may nakakalandian na agad. Meron na agad ‘My boo’!”

Nagtawanan sila at ’yung iba nag hum pa sa saliw ng tugtugin na My Boo nina Usher at Alicia Keys.

Winter?

Agad kong tinignan ang pangalan ng nagsalita kanina at shit.

WinterGreenOil ang username na nakalagay. Shuta! Matanda na yata ito eh! Bakit ganito ’yung username? May mas sasabog pa pala sa akin!

“Uy, My Boo ni Winter, wag kang mago-out ah! Five games tayo! Teka, sira ba mic mo bakit hindi ka nagsasalita?”

Ewan ko ba pero gusto ko na sanang mag out after ng first game namin dahil naa-awkwardan ako sa usapan ng mga magkakakilalang ito. Hindi ako gaano makarelate kasi puro mga kalokohan ang usapan nila thou dahil sinabihan ako mag stay, sige. Makikipaglaro pa rin ako kesa may masabi sila sa akin.

And then comes, 2nd game. Nagpalit ng hero ’yung ibang ka team ko at ’yung sa kabila maliban sa amin ni WinterGreenOil. Si Yasuo kasi gamit niya.

“Tanginang ’yan! Ibawi mo kami, Yasuo!” sigaw ng mga kateam ni Winter sa kabila sa team namin dahil siya nalang amg buhay sa kanila samantalang sa team namin tatlo pa kami.

And from that second game hanggang fourth game nagsimula ang pangiinis sa akin ng WinterGreenOil na iyon dahil halatang pinagiinitan niya ’yung Evelynn ko kaya sa inis ko ay napabukas na ako ng mic.

“Hoy, WinterGreenOil! Ako lang ba kalaban dito at ako lang kanina mo pa pinapatay?! Isa pa talaga, gagawin kitang Omega imbis na Efficascent!”

“Finally, napagsalita din kita.” ang tangi lang nitong sinabi at kasunod nu’n ay hiyawan ng mga kasama namin sa laro.

In the end, tatlo ang panalo nila WinterGreenOil samantalang dalawa lang sa amin. Kainis pa dahil sa last game, team nila ulit ang nanalo.

Nagulat naman ako ng mag la logout na ako ay nakareceive ako ng follow request sa mga nakalaro ko kanina pati kay WinterGreenOil na may message pa na kasama.

Nice Game. Next time ulit pero one on one na :) - Winter

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko duon sa message niya pero in the end, inaccept ko lahat ng nag follow sa akin.

Matutulog na sana ako ng biglang nag brownout sa luob ng kwarto at kumulog ng napaka lakas.

“Mama!” sigaw ko sa takot at nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.

Click

Halos takasan na ako ng dugo sa katawan ko ng marealized kong may ilaw pa sa labas ng kwarto ko at sa akin lang ang wala, lalo na ng makita ko si Quilris na mahigpit na nakahawak sa bewang niya na mamamatay sa kakatawa at hawak ang cellphone niya.


STARING AT SUMMER ( XXI )

Muntikan ng mabulabog ang bahay ng dahil sa ginawa sa akin ni Quilris pero naudlot iyon dahil ’yung prank na pagpatay niya ng ilaw sa kwarto kung nasaan ako at inakalang nag brownout ay tuluyan ng nagkatotoo. 

Ngayon, heto kami at magkakasamang tatlo sa master’s bedroom. Oo, kasama namin ang Papa niya. Nag insist kasi ito na sa iisang kwarto nalang kaming matulog na tatlo hanggang sa bumalik ang kuryente kesa hiwa-hiwalay kami at may mangyaring hindi masabi kaya syempre opportunity na ito na para sa akin na hindi ako matatakot mag isa dahil may mga karamay ako if incase. Isa pa, kaya medyo nawala na din ang takot ko ay dahil ehem, katabi ko lang naman si Quilris matutulog sa futon. Nag insist din kasi itong isa na ang Papa nalang niya ang matulog sa mismong higaan na nakalaan sa kwarto at sa sahig kami. I mean, futon. 

Nang una ayaw pumayag ni Tito pero dahil nahihiya din naman kasi akong tumabi sa kanya dahil baka humilik ako matulog or something eh sumang ayon nalang ako sa suggestion ni Quilris. Thou may couch naman dito at pwedeng duon nalang ako matulog ay hindi pumayag itong isa dahil una sa lahat, bisista ako kaya dapat kumportable ang tutulugan ko at pangalawa ay dahil baka may tumabi daw sa akin na hindi nakikita kaya syempre dahil tatakutin ako eh ’di sinunod ko nalang siya. 

Naunang makatulog sa amin si Tito samantalang kaming dalawa ay gising na gising pa. Well, ako kasi hindi ako basta-basta nakakatulog sa bahay ng iba. Don’t ask why. Hindi ko rin alam kung bakit. Habang si Quilris naman ayun. Busy sa kadudutdot ng cellphone niya. Malamang pinagtitripan niya ’yung mukhang tangang picture ko kanina matapos niyang gawin yung brownout prank niya sa akin. Tsk. 

Makatulog ka lang talagang lalaki ka, sisiguraduhin kong made-delete ko sa cellphone mo iyang nakakahiyang picture ko na iyan na for sure ipangba-blackmail mo sa akin. 

Pero ayun, mukhang hindi ko na magagawa ang plano ko dahil unti-unti na akong dinadalaw ng antok. Paano ba naman ang lakas ng ugong ng bagyo sa labas na sinabayan pa ng mahinang pag hum ni Quilris ng isang kantang pamilyar sa akin. 

Kinabukasan, pag gising ko, ang nakatitig na mukha ni Quilris ang bumungad sa akin at pagkatapos ay lumipat ang tingin ko sa bagay na nagpapabalik-balik sa mukha ko. Narealized kong pamaypay iyon. Wait, pinapaypayan niya ako habang natutulog ako?

Napatikhim ako at awkward na tinignan siya, “Uhm, pwede ka ng tumigil sa pag paypay gising na ako.”

Tumango lang siya at saka bumangon, “Maligo ka na duon. Ako na bahala mag ligpit dito. Wala pang kuryente eh baka mamaya pa bumalik tutal nakalabas na ng bansa ’yung bagyo.”

Agad kong sinunod ang utos niya at dumiretso ng cr para maligo. Hindi ko alam bakit pero hindi maalis sa isip ko ’yung eksena kanina.

Si Quilris, pinaypayan ako habang natutulog. Tapos bukod pa duon, nakatitig siya sa akin. At saka, walang bakas ng pagka awkward sa kanya ang sa amin kanina. Pero heto ako at halos mabaliw na sa kaiisip lang ng eksenang iyon.

Hay, Aelius, ano bang nangyayari sa iyo?

Masama na ito. Delikado na ako. Hindi pwede.

Tapos na ako maligo ng marealized kong bukod sa wala akong dalang twalya eh wala din akong dalang malinis na damit. Shit. May tao pa kaya sa labas?

Bahagya kong binuksan ’yung pinto ng cr para sumilip sana sa labas ng laking gulat ko nakatayo si Quilris at may hawak ng kung anong kailangan ko. Napalunok ako at pakiramdam ko namumula ang tenga ko.

“Oh. Maliligo ka hindi ka nagdadala ng kailangan mo.” saad nito at sabay ngumisi, “Balak mo sigurong maglakad ng naka hubo dito at akitin ako.”

“A-Anong pinagsasasabi mo d’yan? Eww, bakit kita aakitin? Ikaw nga eh, nakatayo ka d’yan sa labas ng pinto nitong cr. Siguro balak mo akong silipan o baka sinadya mo rin na hindi ipaalala sa akin itong mga kailangan ko para makita mo akong naka bold.”

“Paano kapag sinabi kong, oo?” lalong lumawak ang ngisi sa labi niya at binaba ang tingin niya sa exposed kong collarbone and I swear, kung hindi lang kami nandito sa bahay niya at wala ang Papa niya, sinalaksakan ko na ng maduming damit ko ang bunganga nitong lalaking ito. 

“Manyak.” sigaw ko at agad na sinara ng malakas ang pinto. Napasandal nalang ako sa pader ng marinig ko ang nakakainis niyang tawa. Bwisit. 

“If you’re going to masturbate, make it fast and think of me.” natatawang sabi niya habang sa pakiwari ko ay palabas na siya ng kwarto, “But I’ll appreciate if you ask for my help.”

“Ewan ko sa iyo. Bastos ka talaga. Manyak.” 

Jusmiyo. Bakit nga ba ako pumayag na maging magkaibigan kami ni Quilris? Hay, sakit sa ulo.

Pagbaba ko ay may nakahain ng pagkain sa lamesa kaya agad na rin kaming kumain ng agahan.

After nu’n, nagpaalam na ako kay Tito na uuwi sa amin tutal nakalabas naman na ang bagyo sabi ni Quilris. Ayaw pa nga sana ako pauwiin ng Papa niya kaso buti nalang pinaalala ni Quilris sa kanya na may naghihintay at nagaalala sa akin sa pag uwi ko kaya ayun, sinabihan nalang ako nito na dumaan ulit sa bahay nila kapag pwede ako. Syempre hindi naman ako tumanggi dahil si Tito iyon pero kung si Quilris ang magaaya at wala si Tito o ang isa niya pang tatay eh huwag nalang. Baka ano na namang kalokohan ang gawin nito sa akin.

Ako nag suggest na maglakad nalang kami sa paghatid niya sa amin tutal narealized kong hindi naman kalayuan ang subdivision kung saan ako nakatira sa kanila. Isa pa, marami din kasing nakatumbang puno pa sa kalsada kaya mahihirapan ang mga nakasasakyan na dumaan. 

Buti nga at pumayag siya sa suggestion ko. Akala ko aalma eh.

Sa paglalakad namin ay nadaanan namin ’yung park kung saan nakilala ko ’yung batang naging kahati ko sa favorite spot ko. Kamusta na kaya iyon? Humihinga pa ba siya? Naalala pa kaya niya ako? Kasi ako, oo. Naaalala ko pa siya at hinihintay ko pa rin siya na bumalik kahit impossibleng mangyari. Ewan ko ba.

Bago pa ako maging emosyonal eh nilipat ko nalang ang tingin ko kay Quilris at pagtingin ko sa kanya ay hindi ko mabasa ang ekspresyon na nasa mukha niya. Okay lang ba siya?

“Huy, okay ka lang?” tanong ko.

Impit siyang ngumiti, “Yeah, I just remembered something.”

“Ako rin eh pero more like someone.”

Tumango lang siya at hindi na nag follow up question. 

Nagkatinginan lang kaming dalawa at sabay na umihip ang malakas na hangin. 

“Tara na nga. Baka abutin tayo ng gabi pauwi sa inyo. Bagal mo pa naman maglakad.” natatawang sabi niya na siyang inirapan ko.

Pero bago kami tuluyan na makalayo sa park na iyon ay hinum ko ang isang pamilyar at paborito kong kanta sa hangin - Kanlungan. 


STARING AT SUMMER ( XXII )

Weekend ngayon at dahil malapit na ang Prelims namin ay napagpasyahan kong magpunta sa malapit na mall para sa isang coffee shop ako mag review. Hindi kasi ako makapag focus sa bahay at wala akong inspiration na makita. Gusto ko sana ayain ’yung kambal pero knowing them, last minute mag aaral iyang mga iyan dahil mas importante sa kanila ang hobbies nila. Bakit kaya may mga ganuong klase ng tao ’no? ’Yung uunahin nila hobbies nila o ’yung katamaran nila kesa sa importanteng bagay. Thou hindi naman ako nangja-judge. Sadyang hindi ko lang talaga makuha ’yung point.

Pagtapos kong manuod ng rick and morty habang kumakain ng milk and cereals ko ay nag asikaso na akong maligo. Habang nasa luob ako ng cr eh hina-hum ko ang kantang Kanlungan then naalala ko na naman ’yung batang saglit kong naging kaibigan. Hindi ko man lang nakuha ’yung pangalan niya. Tanging initials lang niya. Tanda ko pa nu’n, nasungitan ko pa siya pero kung gaano ko siya kabilis na sinungitan eh ganuon din kabilis niya akong napa amo na parang pusa. Hay, kamusta na kaya iyon? Malamang sa malamang straight iyon at baka nga nakalimutan niya na ako at ’yung naging eksena namin nuong mga bata pa kami.

Plain pink na t-shirt at faded skinny jeans ang napili kong suotin na pinaresan ng vans na sapatos. Hindi ko na masyado pang inintindi ang mukha ko dahil kahit ano namang gawin ko hindi naman magbabago hitsura ko unless, magparetoke ako na, well, bukod sa wala akong pera eh wala sa hinigap na gagawin ko ang bagay na iyon. Baka mayari ako sa nanay ko at sabihing hindi ako ang anak niya. Iyak nalang talaga ako kapag nangyari ang bagay na iyon. Hahaha.

Inayos ko sa bag ang mga dadalhin ko at after ten minutes, tapos na ako. Paglabas ko ng bahay ay sakto namang may dumaang tricycle at may bakante sa likuran kaya syempre agad ko na itong pinara para makasakay. Sa ngayon, ito nalang ang alam kong mura maningil ng pamasahe kahit walang discount at weekend maliban sa jeep. Guess magkano ang pamasahe? Ten pesos lang naman. Twenty pesos naman kapag special.

Pagdating ko sa babaan ng mga tricycle, ay lumakad ako ng hindi kalayuan papunta sa terminal naman ng mga jeep papuntang mall. Nakaka ilang nga dahil panay tingin sa akin ng mga babae na nakaupo sa harapan ko at mukhang magkakakilala sila. Magkakaibigan siguro. Paano kasing hindi ako maiilang, nagbubulungan pa sila saka simpleng nag ngingitian. Hindi ko tuloy alam kung crush ako ng mga ito o nilalait ako. Grabe, hindi ba nila nakita na mas mahinhin pa ako sa kanila kumilos?

Ilang minuto din ang tinagal ng biyahe at nakarating din ako sa mall. Napa buntung-hininga nalang ako ng makapasok ako ay sinalubong ako ng dagsa ng maraming tao. Hay, maling desisyon yata na sa coffee shop sa mall ko ginustong mag review. Pero syempre wala naman ako magagawa nandito na eh. Lumakad na ako papunta sa coffee shop kung saan ako magre-review at pagdating ko duon, ay isang buntung-hininga na naman ang pinakawalan ko. Seriously? Pati ito puno?

Napanguso nalang ako at nag decide nalang na mag ikut-ikot muna. Mamaya nalang siguro ako babalik kapag hindi na masyadong matao. However, hindi naman ako nageenjoy sa pagiikot dahil nga sa dami ng tao kaya ngayon, nandito ako sa parte ng department store kung saan walang gaanong tao eh hello? Nasa section ako ng mga binebentang salamin. Magkakaibang hugis at sukat at syempre hindi ko napigilan na ma-curious kung magkano ang mga binebentang salamin dito. Habang nagtitingin-tingin ako na akala mo ay may bibilhin, biglang dumapo ang tingin ko sa isa sa mga salamin na may reflection ng isang gaya ko na tumitingin din and most likely na bibili.

Napa awang ang bibig ko ng makita ang isang babae. Shit, dyossa. Napailing ako ng bigla kong maalala ang kaibigan kong si Dyossa. Pero anyway, ang ganda ng babaeng nasa harapan ko. Parang snow white ang kutis. Maliit ang hugis ng mukha, maamo. Basta, sobrang feminine. Ang ganda-ganda! Hay, hindi ko tuloy alam kung naiinggit ako na babae siya at maganda siya o type ko siya at baka hindi talaga ako bakla. Baka bisexual ako. Hay!

Bigla akong napatigil sa pagiisip ng kung anu-ano ng marinig ko ang isang boses na sa tansya ko ay ang sales lady sa section na ito, pero ang mas kinabigla ko ay ang boses ng sumagot at agad ko itong hinanap. Huh? Wala namang lalaki sa paligid ah? Muli akong lumingon ng marinig ko ulit ang boses ng isang lalaki hanggang sa mapagtanto ko na ang boses na narinig ko ay mula sa magandang babae na kasama kong nagtitingin ng salamin. Holy siomai! Talaga ba? Nanlaki ang mga mata ko at laking pasalamat ko na walang mga matang nakatingin sa akin ngayon dahil panigurado, mukha akong ’yung sa meme na babaeng halatang nawindang sa mundo habang may lumalabas na math equation na nilagyan pa ng nakakalokong background music.

Hindi pa sana ako kikilos sa kinatatayuan ko kung hindi lang may isa pang sales lady na lumapit sa akin at nag offer ng ibang mga salamin na meron pa sila. Lumabas ako ng department store na sobrang windang at hindi pa rin mawala sa isip ko ang nasaksihan ko. Umiling-iling ako at sinampal ang pisngi ko. Mukha siguro akong baliw sa makakakita sa akin.

Pagbalik ko sa coffee shop ay hindi na gaanong puno at may mapu pwestuhan na ako. Napangiti ako. Habang naghihintay ako sa pila eh natuon ang atensyon ko sa mala dambuhalang likod na nasa harapan ko. Okay, I know, ang OA ang pagkaka describe ko pero kasi ang lapad ng likuran niya. Well-built. Swimmer siguro ito. Tsk, tsk. Or baka hindi rin? Naalala ko kasi, ganito din ang likod ni Quilris. Speaking of that person, ano kaya ginagawa ng isang iyon? Not that I give a shit pero he’s my friend, right? I mean, he told me we are.

“Espresso Frappe, two shots, no whipped cream, and two pumps of sugar. Size is Venti.” straightforward na order ng lalaki and oh boy, napakunot nuo agad ako ng marinig ko ang malalim niyang boses at parang tangang tinignan ang mukha niya. Napatingin din siya sa akin at laking gulat ko ng malamang si Quilris ang nasa unahan ko sa pila.

“Ikaw na naman?!” may kalakasan kong tanong sa kanya.

Napailing lang ito sa akin at saka ngumiti, “Oo nga eh. Sinusundan mo siguro ako.”

Agad ko siyang tinaasan ng kilay, “Excuse me! Bakit naman kita susundan eh nandito ako para mag review. Eh ikaw? Pssh, baka ikaw nga itong sumusunod sa akin.”

“Nandito din ako para mag review.” sabay lingon sa mga nasa likuran ko at hinatak ako palapit sa kanya.

“Hoy! Ano bang—?!” react ko sa gulat at hinampas pa siya sa dibdib niya. Napatikhim ako dahil shit, ang tigas talaga. Very manly unlike me. Napailing ako sa biglang pumasok sa isip ko at nakitang minuestra niya ang kamay niya para kuhain ang dapat sanang turn ko sa isa pang kakabakante lang na cashier.

“Isabay mo na sa akin ang order mo para hindi matagalan ’yung ibang nakapila sa tagal mong maglilitanya sa akin.” pangaasar niya. Inirapan ko siya at hinarap ang cashier na nakangiti sa aming dalawa.

“Uhm, ano po. . Uh. .” tugon ko habang nagtitingin sa menu. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil kinakabahan ako at pakiramdam ko nakatingin sa akin lahat ng mga nanduon sa coffee shop at dahil duon, mas lalo akong hindj makapili ng gusto kong orderin. Shit.

“Strawberries and cream frapuccino. Size is venti also.” saad ni Quilris kaya napalingon ako sa kanya. Pinilian niya ba ako? Napansin naman niya ang pagtingin ko sa kanya kaya kinindatan niya ako at inakbayan. Ewan ko ba pero lalong bumilis ang tibok ng puso ko at parang uminit ang magkabilang pisngi ko.

“And the name, Sir?”

“Aelius. Write Aelius on both cups. That’s A-E-L-I-U-S. And here.” sabay abot sa kulay blue na papel sa cashier.

“H-Hoy, may pambayad ako!” nakanguso kong sabi.

“Did I ask you to pay?” napayuko ako sa tanong niya. Paano ba naman kasi ’yung tono ng boses niya parang galit. Eh ayaw ko namang gumawa pa ng eksena dito.

“Desserts po, Sir? Would you like to add?”

“Uhm yeah. Give me one slice of classic chocolate cake.”

“Okay po, Sir.”

Pagtapos niya kuhain ang sukli niya ay hinila niya na ako papunta sa bakanteng upuan malapit sa bintana.

“Stay there. Ako na kukuha ng order natin.”

Napatango nalang ako na parang aso. Napalunok ako habang pinagmamasdan ko siya sa pila kung saan kinukuha ang mga order. Ang lakas ng dating niya kahit sa malayo. No wonder kung bakit may mga parang kiti-kiting naaakit sa kanya gaya nalang ng babae sa harapan niya na panay ang lingon. I mean, maganda naman ’yung babae pero, girl, can you stop being so obvious?

Napanguso nalang ako ng mapansing parang nageenjoy naman din ’yung isa. Pssh. Eh di magsama sila. Kaya naman pala gusto niya siya nalang kukuha ng order. Eh pangalan ko kaya ’yung nakalagay sa cups! Bakit? Siya na ba ako ngayon? Hmmp!

Sa inis ko ay nilabas ko nalang sa bag ko ’yung mga dala kong reviewer. Magrereview nalang muna ako.

“Aelius?!” dinig kong tawag mula duon sa counter at paglingon ko ay nakita ko si Quilris na kinukuha ang tray sa barista na may lamang order namin. Napangiti ako. Excited na ako sa drink ko and not to mention kaya ako napalingon sa kanya ng sabihin niya ang drink na para sa akin is because, iyon ang madalas kong inoorder kaya nga lang for some reason, binalak kong ibahin ang order ko from the usual but then again for some reason, iyon ang napili niyang orderin para sa akin. Coincidence, maybe?

Pero muli na namang naningkit ang mga mata ko ng makita kong nakuha na ng babae na nasa unahan niya kanina ang order nito pero mukhang hinintay pa talaga nito si Quilris. Oh my god! Is she that desperate o talagang ganito na ang paraan ng pakikipag date ngayon? Knows no gender na kaya wala ng pakielamanan kung babae ang mauna mag approach?

Nakita kong nag usap sila ng babae at napalunok ako ng ituro ako ni Quilris at tumingin sa akin ’yung babae. Mukhang nagulat ito at napa irap nalang bago ibinalik ang tingin niya kay Quilris na may pahawak effect pa sa dibdib nito. Sus, namunas lang iyan! Naunang lumakad palayo ’yung babae na parang manok kung maglakad habang si Quilris iiling-iling lang na nakangiti hanggang sa makabalik sa pwesto namin.

“Oh bakit ganyan iyang mukha mo?” tanong nito sa akin.

“Tanong mo sa manok mo!” tugon ko at inirapan siya.

Nilingon ko siya muli ng mapansin kong hindi pa rin siya umuupo. Mukhang nagulat siya sa naging sagot ko sa kanya.

“A-ano?! Tatayo ka nalang ba d’yan?” naiilang kong sabi sa kanya at kinuha sa tray ang mga order namin at nilipat sa table.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan yung maselang bahagi ng katawan niya kaya agad akong nataranta at napalingon sa paligid. Walang hiya talaga ito! Ano na naman bang hangin ang nalanghap sarap niya?

“Bakit ganyan mukha ni Aelius?” tanong niya sa ehem, maselang parte ng katawan niya habang patuloy pa rin itong hinihimas. Sa hiya ko na baka may makakita sa ginagawa niya ay inagaw ko ang kamay niya at pinandilatan siya.

“Sira ulo ka ba? B-Bakit mo hinahawakan iyan? Nasa public place tayo!”

“Sabi mo tanungin ko manok ko, eh manok panabong itong akin. Lumalaban ito.” nakangiting sabi niya at bago pa siya makatawa eh kinurot ko na siya.

“Ang bastos mo talaga! Umupo ka na nga!”

Napabuntung-hininga nalang ako ng sinunod niya ang utos ko pero ayun. Tumatawa ang walang hiya! Hay, ikaw na talaga magkaruon ng kaibigan na sira ulo.

Hindi ko naman maiwasan na hindi makaramdam ng kakaiba ng makitang kahit tumatawa siya, nag effort siyang tusukan ng straw ang cup ko bago ang kanya at iabot ito sa akin.

“C’mon, let’s review.”

Napatango nalang ako ng in a split second biglang sumeryoso siya at kinuha na ang mga gamit niya sa sarili niyang bag at nagsimula ng mag review.

Hay, makakapag review ba ako ng maayos nito kung nand’yan siya sa harapan ko?

Good luck nalang talaga sa iyo, Aelius.

STARING AT SUMMER ( XXIII )

Dalawang oras na yata ang nakalipas mula ng mag review kami ni Quilris and so far, okay naman pala siyang ka-review mate dahil pag sinabi niyang review, review talaga ang gagawin niya. Hindi gaya ng iba, pag sinabi nilang review tapos may mangyari lang na kung ano, nadi-distract na agad.

Nakapahinga ako ngayon from review dahil baka mabuang na ako sa dami ng inaaral ko. Ten minutes lang naman.

Habang sinisipsip ko ’yung drink ko eh natuon ang atensyon ko sa pagtitig sa seryosong nagaaral na si Quilris. In fairness, ang hot niya tignan. I mean, what? Sinabi ko bang hot? Hindi, hindi. Wala akong maalala na sinabi ko iyon. Thou, ayun nga. Ang ganda niyang pagmasdan ng seryoso siya. Para bang kahit yata biglang kumulog ng malakas eh wala siyang pakialam.

Hindi naman siguro niya mamasamain kung titignan ko siya, di ba? I mean, wala sa akin ang focus niya.

Napalunok ako ng mapagmasdan ang hubog ng balikat niya, yung panga niya, ilong, ’yung labi niya, kilay niya, mga mata niya, buhok niyang masarap sigurong hawakan, at ’yung kamay niya. . Damn! I mean, maganda. Kamay talaga ng lalaki.

“Kitten.”

“H-Huh?” napatigila ko sa pagmamasid sa kany at bumalik sa realidad.

“Crush mo na ako, ’no?” nakangiting sabi nito sabay inom sa drink niya.

Inirapan ko siya, “Asa ka! Hindi ako nagkakagusto sa friends ’no.”

“So, mali palang kinaibigan kita?” bulong nito na hindi ko narinig.

“Ha? Anong sinabi mo?”

“Sabi ko, eh bakit ka nakatingin sa akin na parang crush mo ako?”

“H-Hindi kita tinititigan ’no! Nakatingin kaya ako sa mga dumadaan sa labas! Assuming ito!”

“Well, let’s see.” mapanghamon na sabi nito at preskong sumandal pa sa upuan niya habang nakatitig sa akin ng nakangisi.

“A-Ano ba?! Bakit ganyan ka makatingin?” inis kong tanong, sabay kuha sa drink ko. Kaso muntik ko ng mabuga ’yung iniinom ko sa panget ng lasa ng nahigop ko. The heck?!

Agad kong tinignan ang hawak kong cup at tinignan ng masama si Quilris.

“Akin na iyan! Bakit napunta iyan sa iyo?!” nakanguso kong tanong sabay  tulak papunta sa kanya ng drink niya. Grabe! Ang tapang ng lasa. Sumisipa eh. Ayaw matanggal sa dila ko pero bakit kung inumin niya ito parang sarap na sarap siya?

“Like I said, busy ka kasing nakatitig sa akin kaya hindi mo napansin na ’yung iyo yung dinampot ko para inumin. Ano? Sabi ko review hindi ako ang reviewhin mo.”

“E-Ewan ko sa iyo! Ha-hambog! Akin na iyan!” inis kong sabi habang pilit kinukuha sa kanya ang drink ko habang siya tatawa-tawa sa kalokohan niya, “Sisigaw ako dito kapag hindi mo pa binigay iyan!”

“Yes, please, kitten. But I prefer you doing that in private, when we’re both alone.” lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko nga pati tenga ko, namumula na ngayon. Nasaan ba hiya ng lalaking ito. Jusko naman! Alam ba ng parents niya mga kalokohan nitong ai Quilris? Ugh!

Inirapan ko nalang siya ulit at bumalik sa pagrereview ko. Bahala siya d’yan, hindi ko siya papansinin! Mang aagaw ng drink!

Maya-maya ay may lumitaw na straw sa harapan ko at pag angat ko ay nakita kong hawak ni Quilris ang drink ko at nakangiti sa akin.

“Anong gagawin ko d’yan? Okay na ako! Nagrereview ako dito. Sa iyo na iyan.” patampo kong sabi at hindi pinansin ang drink ko.

“Hey, kitten.” nilapit niya ang straw sa labi ko kaya muli ako nag angat ng tingin.

“Ayaw ko na nga sabi.”

“Sip.”

“Ayaw ko–! Err!” nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang panga ko. Not to tight but not to soft.

“Now, sip.” napatingin ako sa seryoso niyang mukha at napalunok. Napakagat ako sa labi ko at para akong maiiyak. Sobrang commanding naman kasi! Pero bakit ganuon? Bakit may part sa akin na parang nageenjoy sa ginawa niya? Oh god! I’m sick! Mas malala pa yata ako duon sa babae kanina. Oh my, holy siomai!

Nakatitig ako sa kanya habang sinisipsip ko yung inumin ko mula sa straw habang siya, ewan. Hindi ko mabasa anong tunatakbo sa isip niya base sa mga mata niyang nakatitig din sa akin though napansin kong napalunok siya.

“Good kitten.” Inalis niya ang kamay sa panga ko at inabot sa akin ang drink ko na siya namanh kinuha ng mga naginginig kong kamay mula sa kanya.

“S-Saan ka pupunta?” tanong ko ng bigla siyang tumayo. Bigla akong nagpanic. Aalis na ba siya?

“I’ll just go to the loo. You want to come with me?” tanong nito, iba from his usual deep tone of voice and I’m so sick to say na it’s turning me on.

“B-Bakit naman kailangan kasama pa ako? Mag cr ka na duon! Ako ng magbabantay sa mga gamit natin.” naiilang kong saad at bago pa siya makaalis papuntang cr eh napansin ko ’yung pantalon na suot niya na masyado yatang masikip sa kanya. Paano kasi, hindi naman sa pagiging manyak pero ang. . Ang ano. . Ang laki naman kasi masyado ng umbok! I mean, sa mga naririnig ko malaki naman ‘daw’ talaga ang alaga ni Quilris pero bakit siya magsusuot ng pantalon na parang hindi na makahinga ’yung alaga niya duon? Hindi ba masakit iyon? Hay, ewan! Bakit ko ba kasi iniisip itong mga ganitong bagay! Hindi ko dapat pinoproblema kung malaki ang alaga niya. As if naman, di ba?

Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na rin si Quilris galing cr.

“Bakit naman ang tagal mo yata?” tanong ko habang nililigpit ang gamit ko. Mag gagabi na kasi. Kailangan ko ng umuwi baka abutan ako ng traffic.

Nag kibit-balikat siya at inayos na rin ang gamit niya. Sabay kaming tumayo at naglakad palabas ng coffee shop.

Napalunok ako ng akbayan niya ako. Bakit ba sa tuwing gagawin niya ito sobrang weird ng tension sa pagitan namin ang nararamdaman ko or baka ako lang talaga?

“I actually masturbated that’s why.” bulong niya sa tenga ko kaya agad akong napalayo sa kanya at hinampas ang braso niya.

“Ang bastos mo talaga! Hindi mo naman kailangan sabihin sa akin iyan!” naka ngiwi kong sabi. Lalayo pa sana ako pero agad niya akong hinila palapit sa kanya at inakbayan habang tumatawa.

“You asked me so, you have the right to know the answer. Besides, you don’t have to act innocent and all, kitten. For sure, ginagawa mo rin naman iyon.”

Muli akong nakaramdam ng init sa magkabilang pisngi ko, “Alam mo, kung gagawin ko iyon, hindi ko iyon ibo-broadcast sa kahit na kanino gaya ng ginawa mo ngayon.”

“Why? Masturbation is normal. Dapat talaga i-normalize na ang pagsasabi ng pagma-masturbate. Besides, hindi ka naman kung sino lang. You’re my kitten.” napailing nalang ako sa kanya. Grabe! Saan ba nakukuha ng lalaking ito ang lakas ng luob niyang magsabi ng ganito? Ugh.

“Fertile ka siguro ngayon? Ang libog mo eh!” saad ko at marahang hinampas siya sa dibdib niya.

“Ano naman? Tutulungan mo ba ako sa libog ko? Kung hindi naman, I suggest huwag kang panay hawak sa dibdib ko, lalo mo lang pinapalala.”

“Pinapalala ang alin?” tanong ko. Don’t tell me, turn on sa kanya kapag hinahawakan ang dibdib niya? Napangisi ako sa naisip ko. Alright, pay back time, “Uhm, hindi ko gets.” dinulas ko ang kamay ko mula sa dibdib niya pababa sa tiyan niya.

“A-Aelius, stop.” saad niya at napansin ko ang paghinga niya ng malalim.

“Stop what?” at inulit ang ginawa ko na parang ina-assess kung 100% cotton ba ang tela ng damit niya.

“So, you want to play huh, kitten? Sure.” bulong niya sa tenga ko at bago pa niya ilayo ang mukha niya sa tenga ko ay dinilaan niya ang gilid nu’n na nagbigay kilabot sa akin. Ako naman ang humihinga ng malalim ngayon.

Hanggang sa makalabas kami ng mall papunta sa terminal ng mga jeep ay hindi ko na inulit ang pangaasar ko sa kanya. Pfft! Baka kasi kung saan pa mapunta kapag nagkataon. Jusko, virgin pa po ako at I want to stay virgin hanggamg maikasal. Well, kung mangyayari man na ikasal ako. Or kung hindi man, eh sana naman ’yung pagbibigyan ako is ’yung mahal na mahal ako at hindi ako iiwan.

“Teka, nag commute ka lang?” basag ko sa katahimikan habang nakapila kami.

Jusko, anong oras kaya ako makakasakay? Eh paisa-isa lang ’yung dating ng jeep.

“Yeah. Kung alam ko lang ganito sitwasyon ng pag uwi, sana dinala ko nalang ’yung motor ko.”

“Di bale, unting tiis lang makakasakay din tayo.”

Halos kalahating oras kami sa pila hanggang sa ng turn na namin, puno na ’yung mga upuan sa jeep pero pwede ang sabit. Hanggang dalawa nga lang. Okay sana kaso hindi ako marunong sumabit. Kaya nga lang, kung hindi ako sasabit, baka kung anong oras na ako makauwi sa bahay.

Sasabit na sana ako kaso bigla akong hinila paupo ni Quilris sa hagdan ng jeep at inabot ang bag niya sa akin.

“H-Hoy, anong ginagawa mo? Sasabit ako!”

“Hindi ka marunong sumabit. Halata naman sa hawak mo palang. Umupo ka d’yan at hawakan mo bag ko. Ako nalang ang sasabit.”

“M-Marunong ka?” like, ’yung mukha at astang iyan? Marunong ba talaga siyang sumabit?

“Oo, kaya be a good kitten at hawakan mo maigi ang gamit ko.” saad niya at umandar na ang jeep.

Hindi ako makalingon sa kaliwa’t kanan ko dahil sa hiya ko sa nagbubungisngisan na mga babae. Malamang dahil sa nakakita sila ng gwapong marunong sumabit.

Inis kong tinignan si Quilris pero ang unang sumalubong sa akin ay ’yung malaking umbok niya sa pantalon. Jusko, santa maria! Patnubayan ninyo po ako! Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko mula sa alaga niya papunta sa mukha niya at oh jusko po! Nakangisi sa akin ang demonyong Quilris!

Ugh, binawian ako ng walang hiya!

STARING AT SUMMER ( XXIV )

“Kabogera ka, sis! Sino inspiration natin d’yan at ang tataas ng nakuha nating score ng prelims! Ikaw ah! Sino ka-review buddy mo?” malisyosang usisa ni Dyossa habang naglalakad kami pababa ng hagdan papuntang canteen.

Kaloka itong si Dyossa, akala mo naman ako lang nakakuha ng mataas sa test eh sa ibang subject nga namin siya ang highest.

But speaking of review buddy, naalala ko na naman ’yung eksena duon sa jeep namin ni Quilris ng nakaraan. Hindi ko naiwasang hindi makaramdam ulit ng kung ano dahil duon. Bwisit talaga! Sa lahat ng pwede kong maaala, iyon pa talaga!

“Uy, hala! Bakit ka namumula?! Hoy! Sinong kasama mo nag review?! Ikaw ah! Parang others ayaw mag share!” may kalakasang sabi ni Dyossa kaya agad na napalingon sa amin ang ilan sa mga kasabayan naming maglakad.

“H-Hoy! Wala ah!” tugon ko at agad na naglayo ng tingin kaso agad ko ding binalik ang tingin ko kay Dyossa ng makarinig kami ng tilian hindi kalayuan sa pwesto namin.

“Anong meron?” sabay naming tanong sa isa’t-isa.

“Mukhang galing duon sa Quad. Tara silipin natin.” at hinayaan kong hatakin ako ni Dyossa patungo sa pinanggagalingan ng ingat at tilian. Duon ko lang narealized na isa sa mga kanta ng BTS ang tumutugtog. Automatic na nanlaki ang mga mata ko.

Shit! Hindi kaya. .?!

Hindi kaya may surprise performance ang BTS tapos napili ang school namin sa isa sa mga pagpe-performan nila? But then, sinampal ako ng reality na impossible iyon mangyari lalo pa at nasa pinas ako. Pero anong meron bakit at nagtitilian sila?

“Ay, shutangina, sis!” nagulat ako ng bigla akong niyugyog ni Dyossa na may kasamang hampas na animo’y sobrang urgent ang dahilan. Wait, urgent nga ba talaga?

“Aray naman! Ano ba meron?” tugon ko habang hinihimas ang braso ko.

“Si Fafa Naito! Dancer din pala ang walang hiya! Aaahhh! I LOVE YOU NAITO!” kapwa tili nito sa mga nagtitiliang mga estudyante.

“Pila sa likod, sis! Mahaba na masyado ang pila para sumingit ka!” sagot ng nasa gilid namin. Yikes!

Napatampal ako sa nuo ko at dahan-dahang hinanap ang taong sinabi niya at sa dami ng mga taong nanduon at kahit na nasa likuran kami ay nakita agad siya ng mga mata ko. Ewan ko ba bakit ganuon pero biglang nagso slow motion ang paligid at parang sobrang cinematic ng pagbagsak ng mga dahon mula sa malapit na malaking puno sa stage ng Quad.

In fairness, ang galing ng grupo nilang sumayaw. Anong meron? Bakit sila sumasayaw d’yan sa stage?

At bakit. . Bakit ang galing niyang sumayaw? Hindi ba dapat matigas ang katawan niya kasi hindi naman ito ang forte niya?

“J-Hope pa rin!” bigla kong sigaw na hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa. Buti nalang walang pumansin sa sinabi ko. Well, iyon ang akala ko dahil in a split second biglang nagkatitigan kami ni Quilris.

Pakiramdam ko humina ang tilian sa paligid pati ang tugtog na sinasayaw nila. Parang nasa harapan lang niya ako nakatayo at parang bigla kong nakalimutan na humihinga pala ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Bumalik ako sa realidad ng makita ko siyang ngumisi.

Shit. What was that, Aelius?

“Never, never fall. .” sabay ko sa kanta bago pa ito tuluyang matapos.

“Sis, tingin!” dinig kong sabi ni Dyossa kaya agad wala sa sarili akong lumingon sa kanya.

Click

“Hoy! Anong ginawa mo?!” tanong ko ng marealized ko ang ginawa niya at bigla akong nag panic at hindi ko rin alam kung bakit.

“Kinuhaan ka ng evidence na tama nga ang inaakusa ko sa iyo.” tugon nito sabay kindat.

Nanlaki ang mata ko sa realization ng tinutukoy niya.

“Hoy! Burahin mo iyan!” saad ko habang hinahabol siya para kuhain ang cellphone niya at burahin ang kuha niya sa akin. Shit. Tanga-tanga mo, Aelius!

“Hindi mo nga talaga siya crush, Aelius.” natatawang sabi nito habang tumatakbo palayo sa akin.

“Shuta ka, akin na iyang phone mo!”

At dahil sa habulan namin na iyon, na nakalimutan naming hindi na pala kami mga bata at nasa school kami, ayun.

Nakatama kaming dalawa ng professor na muntik na naming madaganan ng muntikan ko na ring maagaw kay Dyossa ang cellphone niya. Nanlaki ang mga mata ko sa realization na iyon pero again, huli na ang lahat kaya ang ending, heto kami ngayon sa guidance office.

Kakaalis lang ng professor na muntikan ng maaksidente dahil sa amin. Dadaan pa kasi siya ng clinic para ipa-check kung may nabali pang buto sa kanya or something. Yari kami parehas kapag meron. Tsk, tsk.

“Ikaw kasi eh!” bulong ko at pinandilatan siya ng mata.

“Ehehe. Worth it naman.” tugon nito at dinilaan pa ako.

“Oh kayong dalawa ano bang pinag aagawan ninyo sa cellphone at muntikan na kayong maka aksidente ng professor mga iho or iha, hmm?” nakatingin na tanong sa amin ng guidance councilor sa maliit niyang office. Mukha siyang mataray pero malakas ang kutob kong kalog ito. Feeling ko lang!

“Eh kasi ma’am. .” tugon ko agad para magpaliwanag.

“Vicki. Let’s not be too formal. I want you to be comfortable when I’m around. Anyway, going back to what you were saying?”

“K-kasi po. .” Shit, tatawagin ko ba siya sa pangalan lang niya? Hindi ba kawalang respeto iyon? “Siya po kasi! Bigla-bigla nalang akong pini-picturean!” saad ko sabay turo na mapang akusa kay Dyossa pero ang loko tumatawa lang sa kinauupuan niya.

Tumingin si Miss Vicki kay Dyossa at ngumiti.

“Bakit mo naman kasi siya pini-picturean? Crush mo ba siya?” nakangiting tanong nito at ang walang hiyang Dyossa bigla nalang nagsuka-sukahan.

“Zero percent, Miss Vicki! Eww! Over my dead body! Hindi kami talo n’yan!”

“Vicki.” pagtatama niya ulit sa pangalan niya without the Miss, “Okay, I see. So, care to tell me bakit mo siya pinicturean para habulin ka niya ng ganyan or rather, would you be generous enough to show me?”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Dyossa at napatingin ako kay Miss Vicki. Shit. Seryoso ba siya?

And in the end, kahit parehas kaming nagtataka ni Dyossa at gustuhin ko man na agawin iyon para hindi makita ni Miss Vicki eh wala akong magagawa. Isa pa rin siyang Guidance Councilor at ayaw kong maging bastos.

Sumandal siya sa recliner niya at dinutdot ang phone ni Dyossa, ilang segundo lang ay narinig ko ang ingay kanina sa Quad mula sa cellphone ni Dyossa. Walang hiya talaga! Video pa pala iyon! Akala ko camera lang. Maya-maya ay ngumiti siya at natapos na din ang video ng marinig ko ang ginawang pagtawag sa akin ni Dyossa.

“So, may crush ka kay Mister Naito?” malisyosa nitong tanong pag abot niya pabaik kay Dyossa ng cellphone nito.

“W-Wala po, Ma’am!” react konat napatayo pa talaga ako. Ramdam ko din ang pag init ng pisngi ko. Kasalanan ito ni Quilris eh! Bakit kasi sumayaw-sayaw pa siya? Bakit kasi nagkatitigan pa kami? Bakit kasi siya ngumisi? Ugh! Kasalanan niya ito! Hindi kami bati!

“Again, Vicki. But anyway, your feekings are valid, iho. Nothing to be shame about. Normal lang naman na magka crush tayo even if it is with the same gender. And you. .” sabay tingin kay Dyossa, “I know you’re just excited for the soon to bloom love life ng kaibigan mo but please, try not to let this one know. Tignan mo, sa habulan ninyo may muntik ng maaksidente. Remind ko lang, college na kayo at huwag masyadong malikot. Dapat hinhin effect lang para mapansin kayo ng crush ninyo.” sabi nito at kinindatan ako.

Magsasalita pa sana si Dyossa kaso biglang may tumunog ng cellphone. Narealize naming kay Miss Vicki pala iyon na biglang napangiti.

“O’sya, you two are dismissed. Ako na ang bahala kay Domingo pag bumalik. Go na. Magbabasa pa ako sa wattpad. Nag update na ng third installment ’yung favorite kong author sa Luna Series niya.”

Luna Series? Why does it sound familiar?

“Bye po.” paalam namin ni Dyossa sa kanya at paglabas namin ng Guidance ay parang bumalik din kami sa realidad sa ingay. Ang tahimik naman kasi sa luob eh. Hmmp! Anyway, nakalusot man si Dyossa today, gagawa pa rin ako ng paraan para mabura ko ’yung video na iyon sa cellphone niya at mas lalong hindi pa rin ako aamin na crush ko si Quilris! We’re just friends.

Naglalakad na kami pabalik sa classroom namin ng maalala ko ’yung sinabi ni Miss Vicki bago kami lumabas ng office niya.

Hmm, Luna Series? Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at nakailang dutdot pa bago ako biglang mapasigaw sa gulat at saya.

“Putangina! May third installment na nga!”

At ayun. Nakalimutan ko na ang tungkol sa nangyari kaninang habulan ng dahil kay Quilris at sa gutom ko dahil hindi kami nakakain ng break sa excitement ko sa bagong genre ng kwento ni Lady Brictorique. Hay!


STARING AT SUMMER ( XXV )

So hindi ko alam paano ko nilagay ang sarili ko sa ganitong sitwasyon but all I know is dahil ito sa letseng sinabi sa akin nina Thotel at Dyossa kahapon which leads me here. Ano nga ba kasi ang gusto kong i-prove sa kanya? Sa kanila ni Thotel? Na hindi ko talaga crush si Quilris? I mean, I could have just shrug it off pero ewan ko rin ba bakit sobra kong sineseryoso iyon. 

Eh kasi sa hindi ko naman talaga siya crush. We’re just friends. 

Hay, kung alam lang ng isang iyon ang mga ginagawa kong ito para lang hindi isipin ng mga kaibigan ko na crush ko siya. Ano kayang magiging reaksyon niya dito?

~ flashback ~

“Oh balita ko pina guidance daw kayo ng isang Prof ah?” tanong ni Thotel ng makasalubong namin siya sa hallway pabalik ng classroom namin.

“Ang bilis naman kumalat ng balita dito. Buti nalang pati ’yung pagkakaruon ni Aelius ng crush kay Naito hindi pa kumakalat.” may himig ng pangaasar na sabi ni Dyossa.

Oh god. Ito na naman siya kahit hindi naman.

“Hindi ko nga siya crush. My god. We’re just friend, okay? Friends.” tugon ko na may irap. 

Imbis na manahimik ’yung dalawa, nag apir pa at lalo ako inasar.

“Naku, iyan din ’yung narinig kong sinabi ng mga nagkagusto sa kanya pero look at them now. Still head over heels sa kanya.” naka cross arms na sabi ni Thotel na sinasabayan kami sa paglalakad.

“Kaya nga. Hindi mo ba alam, sis? The more you deny your feelings, the more it only gets stronger.” kibit-balikat na dagdag ni Dyossa.

“Hay naku, ewan ko sa inyo. Bahala kayo d’yan. Think whatever you want to think.” I said in defeat.

Nailing nalang si Thotel sa akin, “Anyway, kaya nga pala ako nandito is because I want to invite you two na samahan akong pumunta sa isang casino.”

“Huh? Nagsusugal ka pala, mumsh?” gulat na tanong ni Dyossa.

“Who says na nagsusugal ako? Of course not. Host kasi ako sa pupuntahan kong casino and I was given two free passes and since you two are my friends eh ’di syempre kayo agad ang naisip kong isama. So, pwede kayo?” 

Nagkatinginan kami ni Dyossa. I mean, sa akin walang problema kasi for experience din na makapunta ako sa ganuon thou itong si Dyossa ewan ko kung papayagan ng parents niya.

“Ako always pwede.” tugon ko.

“Ikaw, Dyossa?” 

“Let’s see if mapapayagan.” 

“Papayagan ka n’yan. Sabihin mo friends mo ang kasama mo at hindi tayo uuwi ng gabing-gabi at ihahatid ka sa bahay.” 

“Sige. Try ko pero pag hindi ako pinayagan, i-text ko agad kayo.” may bahid ng pagaalala sa mukha niya pero halata mong excited din siya gaya ko.

“Iyan. Ngayon, duon natin malalaman kung talaga ngang wala siyang crush kay Naito.” nakangising sabi ni Thotel.

“What do you mean?” kunot nuo kong tanong.

Kinindatan niya lang ako, “Maybe because open ka lang makikipag flirt kahit kanino ng walang ibang iniisip na masasaktan like, Naito?” 

“Oh my god. Kayo talaga. Sabi ngang hindi but sure. Fine, whatever.” 

At naghiyawan ’yung dalawa na kinailing ko nalang. Bahala sila d’yan. 

~ end of flashback ~ 

Kaya ngayon, heto ako at naglalakad paakyat ng MRT kung saan naghihintay sa akin sina Thotel at Dyossa.

One, yes. Pinayagan si Dyossa. Shocking, I know. Pangalawa, yes. Commute kami. Walang service. Hindi daw kasi enjoy at memorable kapag isang diretsong sakay lang kami papunta sa casino na pupuntahan namin. Daming hanash. Joke.

“Hitsura natin. Dapat nag taxi nalang tayo. Ang daming nakatingin oh.” bulong ko sa dalawa dahil halos ’yung karamihan sa mga nagaabang sa pagdating ng train nakatingin sa amin.

“Hayaan mo lang silang tumingin. Hanggang tingin lang naman sila.”

Pagdating ng train eh agad kaming nakapasok kaso mga nakatayo kami kasi puro lahat ng upuan may nakaupo. Nakakaloka pa dahil bawat station na daanan, pasikip kami ng pasikip sa luob. Gahd! I feel like sweating.

Pagbaba namin ng train, sasakay pa kami ng jeep after nun, lalakad pa. Kaloka! Ang sakit na ng paa ko. Feeling ko pagdating namin duon ang bantot ko na pero itong dalawa parang wala lang sila halatang nag eenjoy lalo na si Dyosaa. Kung sabagay, bihira itong mapayagan sa mga gala.

“Woah.” sabay naming nasabi ni Dyossa pagdating namin sa hotel na mala barko ang hitsura.

Palubog na ang araw ng makarating kami. Kung sabagay, gabi kasi ang event duon sa casino. Like, gabi naman talaga yata ang mga casino at walang morning? Right? I don’t know, okay?

“Let’s get inside ng makapag freshen up tayo.” tawag sa amin ni Thotel kaya agad kaming sumunod sa kanya.

Grabe. Halatang mamahalin ’yung buong building. Paano ba naman pagpasok namin ng CR, hindi ko akalaing CR pala talaga iyon. Akala ko kwarto. Ang bango, ang linis at kumikinang sa ganda? Ang high tech din ng mga gamit na nandito.

Syempre, hindi mawawala ang mirror selfie. Hashtag friendship goals!

“Okay, bitches I only have two rules for you and this is important and should be remembered at all cost and not to ever break, okay?”

Tinignan lang namin siya ni Dyossa ng may pagtataka.

“Understand?” nakataas kilay niyang tanong.

Napalunok ako samantalang si Dyossa agad na tumangu-tango.

“Understood.”

“That’s what I thought. So, one, if someone offers you a drink at hindi ninyo iyon nakita na ginawa ng bartender sa harap ninyo do not accept it no matter how trust looking the person is ’yung mago offer sa inyo and second and most important, do not dare to touch and eat a brownie.”

I mean, gets ko ’yung sa drink but the brownie?

“No worries. I have allergies sa brownies anyway.”

“Huh? You have? Since when?” tanong ko ng lingunin ko siya.

“Since I was born, sis. I have allergies sa nuts na nilalagay sa brownies.” nakangusong saad ni Dyossa.

Napa ‘o’ naman ako sa sinabi nito. I didn’t know that but now I do.

And time flies fast. Namalayan nalang namin na 7 pm na at nasa luob na kami ng venue at nakaupo sa isa sa mga bakanteng table kasama ang mga parokyano ng casino at mukhang kami lang ang underage pero nakapasok sa ganitong klaseng pagtitipon not that we’re sugarol. Yeah, not like that.

Nakakatuwang panuorin si Thotel na maghost. Like, bagay sa kanya. Samantalang kami ni Dyossa, masid-masid lang sa nasa paligid. Mostly si Dyossa na naghahanap ng pogi at pwedeng gawing sugar daddy.

“I’m bored, sis! Wala man lang party-party dito na may sayawan.” nakangusong sabi ni Dyossa at tinuro yung area kung saan may bartender.

“Inom tayo tara!” aya niya.

“Huh? Sira! Mamaya mahal alak d’yan. Nasa casino kaya tayo!” saad ko.

“Eh di maghanap tayo ng mukhang ililibre tayo. Look, mukhang mamaya pa hindi magiging busy si Thotel saka ang sabi naman niya is wag lang tayo iinom ng hindi natin nakikita kung paano iyon ginawa ng bartender ’di ba? So, we’re safe kasi duon tayo sa mismong harapan ng bartender pupwesto.” at ayun. Wala akong nagawa kundi magpahatak kay Dyossa papunta sa counter kung nasaan ang bartender na kasalukuyang nagmi-mix ng drinks ng iilang nakaupo duon.

Pag upo namin ay agad binati ni Dyossa ’yung bartender na agad kaming nginitian.

“What can I get for you, young ones?”

“Uhm, what can you recommend?” tanong ni Dyossa. Kundi ko lang siya kilala iisipin kong hindi ito ang first time niyang nakapunta ng casino but again, knowing his personality mabilis maging belong si Dyossa saan man siya magpunta. Parang si Thotel.

Habang naguusap sila ng bartender ay luminga ako sa paligid at agad na pumukaw ng atensyon ko yung lalaking katabi namin na isang pagitan lang ang upuan sa akin at nakangiti.

Napalunok ako.

I mean, he’s handsome. Like, very.

But if I’m going to compare him to Quil–! Oh c’mon, Aelius! You were suppose to show to tour two friends that you can flirt with anyone because you don’t have a damn crush to Quilris.

I felt my cheeks burn ng ngumiti siya sa akin. Agad kong binalik ang atensyon ko kina Dyossa but I can feel that the stranger beside me is still looking at me! Like, ugh!

“Here you go.” nakangiting sabi sa amin ng bartender at inabot ang dalawang kulay pulang inumin.

“Ano ito?” bulong ko kay Dyossa.

“Bloody Mary.” casual niyang sabi at agad na tinikman ito, “Ang sarap! You should try!”

At iyon ang ginawa ko and I must say, ang sarap nga. Alak ba talaga ito?

After naming maubos ’yung sinerve sa amin ni alak, we were about to go back sa pwesto namin but then we were stop by the bartender and handed us another drink.

“We didn’t order this.” takang sabi ni Dyossa ng magkatinginan kami.

“But he did.” tugon nito sa amin sabay turo sa direksyon na sinundan namin ng tingin and to my surprise ay ’yung katabi ko with one seat apart.

“Hello, darlings.” nakangiting sabi nito at walang pagaalinlangan na tumabi sa akin. Closing the one seat apart gap between us.

And that was the start of our small talk that went into a whole damn conversation between jusy the two of us kasi na-busy si Dyossa kaka flirt duon sa bartender at pag stories ng buong venue. So, I was somehow stuck with Vince na nanlibre sa amin ng drink, in his last year in college taking up Engineering, from a break up with his girlfriend saying she cheated on him and son of a company CEO.

Actually, ng una I was kind of interested pa but he keeps on talking and talking about himself and rarely asks me of anything but I can see that he is eyeing me from head to toe and that makes me uncomfortable especially now that I’m feeling dizzy. Hindi ko nga alam kung bakit. All I know is that I only had three drinks. I mean, one bloody mary and two manhattan.

“Where are you going?”

“I think I want to eat something sweet. I kind of feel dizzy.” lumingon ako para sana ayain si Dyossa para samahan ako pero ang sabi ng bartender ay pumunta daw ito ng cr.

“Let me help you.” I suddenly felt uneasy when he tried to hold on me but I just shrug it off. He’s just helping.

“You might want to eat this?” sabay abot sa akin ng brownie. Saglit akong nag loading. Wait, didn’t Thotel said to stay away from this?

“N-No. I’m good. I might just have to eat plain bread.” saad ko at aabutin na sana yung nakita kong nagiisang pirasong puting tinapay pero inilapit ni Vince ang hawak niyang brownie sa labi ko.

“Brownie is much better than plain bread. Here, a little bite won’t hurt.” saad nito, almost tempting sa tenga ko to which made me give up.

Siguro nga. Wala naman sigurong masamang kumagat kahit unti lang.

But oh, I was wrong.


STARING AT SUMMER ( XXVI )

“P-Please, I-I can go to. . . t-the washroom alone. I-I. . . d-don’t need you to accompany me.” pakiusap ko ng unti-unti parang nagliliyab ’yung katawan ko after kong makalahati ’yung brownie na dapat kurot lang ang ginawa kong pagkain.

“No, it’s not safe for you, baby. Look at you, you’re quite a mess.” saad nito at hinawakan ang mukha ko which somehow made its way to comfort my heated tingling sensation sa katawan ko. What the hell is happening to me?

But the more I try to push Vince away from me, the more my body is getting pumped up to the contact of our skin touching. I’m suddenly having weird thoughts. Like, I suddenly would want to know how his lips feels on mine. Wait, what? Am I drunk already?

Where’s Dyossa or Thotel anyway?

“Let’s go somewhere where we can start our fun now, shall we?” saad nito at hindi ko alam bakit ako napa-oo sa sinabi niya basta ang alam ko, I badly want to feel more of him.

Ugh, lalo nag iinit ’yung katawan ko. I need something or someone !

We were already so close to get out of the door when a strong hand pulls me away from Vince. I was about to protest but a familiar scent hugged my nostril. It was so damn comforting. Nakalimutan kong I was in a weird type of heat that needs to be relieved.

I was so focus with the familiar smell na wala na akong naintindihan sa mga nangyayari except that I can only sum up that there’s some people having an arguement near me. Oh god! Of all places? Dito pa nila napili mag away?

“And you! What the fuck do you think you’re doing?!” galit na tanong sa akin ng niyayakap ko ngayon. Wait, niyayakap? Oh wait, never mind. The smell is so nice.

“Sis, okay ka lang ba?” tanong ng isang pamilyar na boses.

“Shit, I shouldn’t have let you two out of my sight.” sabi pa ng isang pamilyar na boses.

Wait, where was I again and who am I with?

And then, my vision starts to get blurry and somehow make up a face and the first thing I saw was Quilris. Oh wow! How nice?! Hanggang sa ganitong sitwasyon ba naman? Siya pa rin ang makikita ko?

I mean, yeah, napapanaginipan ko siya minsan but quiet nalang kayo at huwag ninyo ng ipagkalat kung kanino. Especially kina Thotel at lalung-lalo na kay Dyossa.

But damn! Quilris looks so fine in his black suit. I swear I could kiss that bad boy facade infront of me right now. I mean, his lips are tempting me to do it so, why not?

I cupped his face and tiptoed up to him. I mean, this couldn’t be really him, right? Like, wala naman akong maalala na kasama ko siya papunta dito sa uhm, saan nga ulit ito? Never mind. I’ll shut up and kiss this not-so-Quilris man infront of me.

But when I was about to touch my lips to his, I was pushed away. 

“Stop! You’re not yourself, Aelius.” galit na sabi nito which made me shiver. 

I’m the worse. I really went to kiss a man who I see as Quilris and act like it was really him. If this was really him, I will be doomed. Hindi niya na ako kakausapin pagtapos nito kasi mawe-weirduhan siya sa akin but I’m really happy at the same time that I’m maybe, just maybe and hopefully drunk and this is really not him, right? Right. My head is just playing tricks on me. Oo, baka ngayon palang umeepekto ’yung alak na ininom ko.

“Oh shit.” I heard him say at kasunod nu’n ay ang paghaplos niya sa pisngi ko, “I’m sorry. I didn’t meant to shout at you. I’m sorry, kitten. I’m sorry. Please don’t cry.”

And then, being a stupid drunk me, I suddenly remember na kailangan ko ’yung totoong Quilris because I know in situations like this, he will be able to help me and keep me safe. I’m with a stranger! A total stranger that more or less a bad person na pwede ako kidnapin!

“Quilris Claec!” sigaw ko. 

“He’s a handful but I think I can manage. You guys sure na ayaw ninyong ihatid ko kayo?” dinig kong tanong nito sa kung sino man ang kausap niya.

“Quilris Claec! Kikidnapin ako! Help!” sigaw ko at nagpupumiglas sa nakahawak sa akin.

Siniko ko ito at narinig ko siyang napamura sa ginawa ko at dahil duon nakakuha ako ng tsansa para makatakbo palayo sa balak mangidnap sa akin kaso ng sinubukan kong tumakbo parang umuuga ang paligid ko. Bago pa ako matumba ay naramdaman kong umangat ang paa ko sa ere. Wow! Lumulutang ako!

“Wee!” tili ko at nag darna pose pa. Ganito pala feeling ni Darna kapag lumilipad siya. Humahagikhik ako at tuwang-tuwa sa fact na nakakalipad ako. Ang saya naman ng gabing ito. 

Narealized kong hindi na ako nakakalipad at nasa luob na ako ng sasakyan. Hala? So nakidnap pa rin ako ng estranghero kanina na kamukha ni Quilris?

Napayuko ako at nalungkot. Maya-maya ay umiyak na ako.

“K-Kuya, uwi mo na ako! Madaming magaalala sa akin. Lagot ka sa mama ko saka kay Lola Tessa tapos duon sa kambal kong bestfriend saka kina Thotel saka Dyossa! Papa-ambush ka nila, sige ka ikaw rin! Tapos. .  tapos kay Quilris! Sisirain niya itong sasakyan mo ng motor niya!” saad ko ngunit parang boses ko ng bata ang naririnig ko. 

Maya-maya ay huminto ’yung sasakyan namin at dahan-dahan akong tumingin sa nakadukwang sa akin. Napalunok ako ng makitang si Vince iyon. 

“V-Vince?” 

“Who?! Was he the dumbass earlier?” galit na tanong nito.

Bakit niya sinasabihan ang sarili niya ng dumbass?

“Sshh.” sabi ko at pinatahimik siya gamit ang daliri ko, “Allow me to kiss you para mapatunayan ko sa mga friends ko na wala akong crush sa isa kong friend.”

“What the–?”

“Or better yet. .” binuksan ko ang ilang butones ng suot kong polo because somehow the feeling from earlier came back.

“Oh fuck no! You’re really not in your right mind! I’m not okay with what you want without consent and a straight mind!” bulyaw niya sabay pigil sa balak kong gawin sa kanya na hindi ko naman masyado ng maintindihan because all I want is to release the heat in me.

“Aelius!”

I’m surprised I was able to climb into his lap kahit na pinipigilan ako ni Vince. A one little kiss wouldn’t hurt. Hindi ba niya na-gets na gagawin ko ito because gusto kong mapatunayan na wala akong crush kay Quilris and also a win situation for him kasi mahahalikan niya ako so why is he resisting? Such a baby.

“You really won’t listen to me, I see. I hope you don’t regret this by tomorrow.” he said and I felt his hand on my neck as he press a part of it and the next I knew, I blacked out.

STARING AT SUMMER ( XXVII )

Nagising ako sa sarili kong hilik. Grabe, humihilik pala ako matulog? Wala man lang akong kaide-idea dahil wala namang nagsabi sa akin na humihilik ako matulog. Like, nagsi-sleep over ako duon sa bahay ng kambal pero never ko naman silang naringgan ng pagrereklamo sa paghihilik ko, or baka naman ngayon lang nangyari ito kasi pagod ako? Baka nga.

Dahan-dahan akong umunat dahil sa weird na pakiramdam ko. Parang umiikot ’yung tiyan ko na lumulutang ang pakiramdam ko pero ang sakit din ng ulo ko. Hindi ko agad napansin na wala ako sa sarili kong kwarto.

Agad na namilog ang mata ko sa realization na wala ako sa sarili kong kwarto! Shit! Nasaan ako?!

Luminga ako from left to right. Una kong napansin ang magandang computer set-up, shelf na puno ng magagandang hard bound cover, black tiles, LED lights, at isang malaking aquarium pero wala akong makitang tubig sa luob o isda, instead parang mini forest ito. Tinitigan ko rin ’yung silk na bedsheet na hinihigaan ko na kulay pula at king sized na kama.

Teka, nasaan ba ako at kaninong bahay ito. Flashbacks from last night came into view. Shit! Agad kong nasapo ang ulo ko. Kasama ko pala sina Dyossa at Thotel kagabi! Nasa casino kami and then nagyaya si Dyossa uminom sa bar habang nagho-host si Thotel and then nakilala ko si Vince and. . and. . Shit!

Hindi kaya bahay ito ni Vince?!

Paano ako napunta dito? Nalasing ako? Bakit hindi ako inuwi nina either Thotel or Dyossa?! O baka naman bahay ng isa sa kanila ito? Hala, hindi ko na alam! Nabubuang na ako!

Agad akong tumayo paalis ng kama kaso muntik na akong matumba dahil parang yumanig yung ulo ko sa biglaan kong pagtayo. Para tuloy akong tangang humahawak sa dingding for support.

Paglabas ko ng kwarto, agad akong napakamot sa ulo ko. Bakit pamilyar sa akin ang bahay ba ito?

Agad namang nasagot ang tanong ko ng lumitaw sa gilid ng mata ko ang isang pamilyar na bulto pero agad din akong namutla sa nakita kong hawak nito este nakapulupot sa katawan niya. Hindi ko agad napansin na naka topless ito at tanging pants lang ang suot. Unconsciously napaatras ako dahil napansin kong lumalakad ito papunta sa direksyon ko ng may ngiti or ngisi sa kanyang labi.

“H-Huwag kang lalapit!” takot kong sigaw sabay sara ng pinto at talukbong sa kumot. Pero narinig kong bumukas pa rin ang pinto ng kwarto at muli akong napasigaw, “Lumayo ka sa akin, please! Lumayo ka!”

Inaanticipate ko ng lalapit ito sa akin bilang pang asar pero hindi. Kaya dahan-dahan akong sumilip sa pagkakatalukbong ko at nakita ko itong nakaupo sa magandang lamesa malapit sa pinto habang nakapulupot pa rin sa kanya ang nakakatakot na hayop na ni sa hinagap hindi ko akalaing makikita ko sa personal habang naka manspread ito. Napalunok ako at agad na nagtalukbong ng magkatitigan kami at napangisi siya.

“Buti naman gising ka na. Muntik na kitang ipahalik dito kay Dom para lang gumising ka eh.” natatawa nitong sabi.

“Bwisit ka!” inis kong sagot mula sa luob ng kumot, “Tuklawin ka sana n’yan!”

“Aww, how I wish, but Dom wouldn’t do that not unless she is hungry or mad but most likely she will just strangle you to death and eat you elegantly.”

Dom?

Muli akong sumilip sa talukbong ko. This time, para akong turtle na ulo ko lang ang nakalabas habang nakatitig sa nakapulupot sa kanya na itim na ahas but upon closer inspection, parang rainbow ito na kumikinang.

“D-Dom?”

“Yes, Dom. Short from Dominica.”

“Anaconda ba iyan?” inosente kong tanong. Iyon lang din kasi ang unang pumasok sa isip ko dahil bukod sa mahaba ito, ang haba din. Feeling ko ang bigat din niya!

Ngumiti siya at tumayo sa pwesto niya at lumipat sa dulo ng kama. Bale, dulo sa dulo kami. Napalunok ako.

“No, she’s a Motley Golden Child Phyton. A total beauty, I must say.”

“P-Phyton? H-Hindi ka ba natatakot na tuklawin n’yan?” tanong ko habang sinusundan ng tingin ang ahas niyang nasa higaan na gumagapang.

“No. To be honest, snakes are much more friendlier and calming to be with than most usual animals and even people. Society just sucks because they see them as violent and greedy reptiles but in reality, they only demand respect to which most couldn’t provide and you know what? If you show them respect they’ll give you their loyalty.”

Nanlaki ang mata ko ng marealize na gumagapang na ang ahas niya sa dulo ng talukbong ko.

“Q-Quilris!” sigaw ko sa takot.

“Sshh, hush kitten. She’s not going to harm you. Trust me.” saad nito at lumapit sa tabi ko. Hindi para kunin yung ahas niya kundi tanggalin ’yung talukbong ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya pero bago pa ako maka react para magpanic ay inakbayan niya ako at nakangiting tumingin sa akin at sa ahas niyang nasa hita ko na gumagapang.

“Oh, interesting.” dinig kong sabi niya.

“H-Huh? A-Ano sinasabi mo?” muli akong napalunok ng nasa tiyan ko na ito gumagapang.

Imbis na sagutin ako ay hinawakan niya ang kanang kamay ko at inilapit sa mukha ng ahas niya. Nanlaki ang mga mata kong tinignan siya.

“Trust me. Trust Dom.” nakangiting sabi nito. Napapikit nalang ako at naghihintay na makagat or matuklaw pero hindi. Naramdaman ko itong marahang lumipat sa kamay ko at pagbukas ko ng mga mata ko ay saktong nagkatitigan kami ng ahas niya. Parang tumalon ang puso ko ng bigla nitong nilabas ang dila niya pero muling marahang umiikot-ikot sa kamay ko.

“Wow. She’s already clingy to you. She’d never been that to anyone except me.”

“R-Really?” gulat kong tanong sabay pinagmasdan ang ahas niya na ngayon ay nasa hita ko na naman at mukhang duon niya ng naisipang pumirmi.

“Yeah.” nakangising sabi nito, “You’re really something, Kitten.”

Marahan nitong ginulo ang buhok ko at sumandal sa headboard ng kama at saka muling binalik ang tingin sa akin, “So, tell me, bakit hindi mo sinunod ’yung utos ni Thotel na huwag kumain ng brownies?”

“Brownies?” tanong ko at biglang nanumbalik sa akin yung mga nangyari kagabi bago ako malasing or mawalan ng ala-ala sa mga susunod na pangyayari, “Uhm, kasi. .”

“Because that motherfvcker asked you so, you being the obedient one eat it even when you’re hesitant to do it?”

Napayuko ako sa sinabi niya kasi tama naman siya sa sinabi niya.

“You could’ve been into trouble sa ginawa mong iyon. Lucky you, your friends saw you being all sickening sweet with that motherfvcker and I, too happened to be there to take care of you. Did you know how handful you were last night? And did you even know what was in that brownie that made you did whatever you did last night, hmm?”

Nakayuko akong umiling. Nahihiyang tumingin sa kanya. Nawala na nga sa isip ko na nasa hita ko pa rin yung ahas niya. For some reason, kumalma na din ako afterwards. Siguro dahil ewan ko, comfortable na ako na hindi niya ako kakagatin or tutuklawin.

“Just. . Next time, do what you’re told but with the right people not with just some stranger you just met.” napanguso ako ng haplusin niya ang ulo ko, “C’mon, you must be hungry. Sine-simmplehan mo na ng titig abs ko.”

Agad kong namula sa sinabi niyang iyon at bago pa ako maka react ay marahan niyang kinuha sa akin ang ahas niya at ibinalik sa malaki nito aquarium na nakita ko kanina.

Hindi ko namalayan na napangiti niya na ako mula sa pwesto ko ng makita kong halikan niya sa ang ahas niya sa ulo nito at parang normal lang sa akin na pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko na parang dati na namin itong ginagawa.


STARING AT SUMMER ( XXVIII )

Mabilis na lumipas ang mga araw at namalayan ko nalang patapos na ang first sem. So far, maganda ang pakiramdam ko na maganda din ang makukuha kong grades. Aba, dapat lang ’no! Nagaaral ako maigi para naman hindi nakakahiya sa nanay kong nagpapa-aral at sa akin.

Hindi ko na nga din namalayan na naging close na kami ni Quilris. Imagine, ’yung dating kinaiinisan ko ngayon close ko na? Hinahayaan ko nalang din sina Thotel at Dyossa sa kalokohan nilang pangaasar kapag nakakasama namin si Quilris o kaya nakikita nila na kasama ko siya kasi hindi naman sila nagpapahalata sa kanya or baka hindi lang din talaga pinapansin ng isa kasi hindi niya lang talaga trip ’yung mga gaya ko. Like, you know? I mean, sorry for the term pero fuckboy na kung fuckboy siya dahil wala siyang pakialam sa gender na makakasama niya during those ‘heat’ moments pero hindi niya rin siguro talaga nakikita ang sarili na tatanda kasama ang kapwa niya lalaki.

Nakakapagtaka nga rin kasi may time na kapag magkasama kami, masaya ako pero may part din sa akin na sumasama yung pakiramdam ko. ’Yung parang ang bigat na hindi ako makahinga kapag nakikita ko siyang nakikipag interact sa iba at nginingitian niya sila.

Tinatanggi ko pa rin sa isip ko na baka ‘crush’ ko na siya kasi ayaw kong masira ang friendship namin dahil duon at isa pa, nirerespeto ko ang pagkakaibigan namin. Ayaw ko namang ma offend siya kapag bigla nalang akong mag confess na gusto ko siya. Ano nalang iisipin niya sa akin?

Napatingin ako sa orasan na nasa pader. Psh. 01 am na pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Nagawa ko na lahat ng pwede kong gawin pero heto ako at hindi pa rin tulog.

I mean, wala namang problema kung late ako makatulog kasi wala naman akong pasok bukas kaso heto ako at alive na alive ang utak.

Nag scroll nalang ako sa internet at nagbaka sakaling mapagod ako at mabored kaka browse at maantok na rin kalaunan pero hindi lalo lang ako hindi nakatulog at nagutom pa ng makakita ako ng video ng nagluluto ng korean noodles. Shems. Naglalaway na tuloy yung bibig ko sa gutom. Pakiramdam ko nga rin kumukulo yung tiyan ko. Napabuntung-hininga ako. Ayaw ko namang bulabugin ’yung kambal para lang pumunta ng convenience store at bumili ng korean noodles at kapag naluto na saka ako aantukin or worse, sasakit lang ang tiyan ko kasi baka paresan ko pa ng kanin yung noodles at magiging dahilan ng sobrang pagka busog ko.

But, whatever. Gutom ako.

Siniguro ko munang disente ang mukha ko kahit na sa ganitong oras ng gabi impossible namang may makakita pa sa akin at pansinin at hitsura ko maliban kung may multo nga at. . .

Kinilabutan ako du’n!

Hay, naku! Ano bang pumapasok sa isip ko. Gutom lang ito malamang.

Paglabas ko ng bahay ay niyakap agad ang katawan ko ng malakas na hampas ng hangin at nakakabinging katahimikan. Jusmiyo. Pakiramdam ko kapag sumigaw ako dito, dinig hanggang kabilang kanto at mapapa baranggay ako sa gagawin ko.

Napalunok ako.

For the first ten minutes, tahimik at chill lang akong naglalakad habang nagcecellphone hanggang sa bigla nalang may narinig akong sumipol. Nang una, hindi ko pinansin baka kasi ’yung utak ko lang iyon na pinagtitripan ako pero ng umulit na at may narinig akong boses na nagsalita ay napalingon na ako pero hindi pa rin ako huminto sa paglalakad.

“Puta, pre! Akala ko babae! Ang kinis oh! Witwew!”

Agad kong binalik ang tingin ko sa daan at binilisan ang paglalakad. Ramdam ko din ang biglang pagkabog ng dibdib ko.

Mukhang hindi lang pala ako ang naglalakad ngayon dito sa street na ito.

Nakaramdam din ako ng pagka conscious dahil sa sinabi ng nagsalita kani-kanina lang.

Hindi ko naman kasi talaga inexpect na may makakakita sa akin kaya hindi na ako nagpalit pa ng suot ko. Kung curious kayo anong suot ko, naka simpleng white shirt lang  naman ako at brown shorts na halos pa tuhod ko na ang haba at tsinelas.

Hindi ko nalang pinansin ang dalawang lalaki na nasa likuran ko sa pag aakalang titigil din sila pero hindi. Lalo lang silang nagpapansin to the point na sinabayan na nila ako sa paglalakad at ’yung isa sa kanila inakbayan pa ako.

“Oh teka lang, masyado ka namang mapalag. Akbay lang eh.” natatawang sabi nito na siyang sinabayan pa ng kasama niya.

“Oo nga, para ka talagang babae kung umasta eh. Pahawak nga sa dibdib.” sabi nito sabay pisil sa dibdib ko na kinabigla ko kaya sa gulat ko ay agad kong hinampas ang kamay niya palayo sa akin.

“Pre! Kita mo ’yon? Pumapalag talaga oh!”

At nagtawanan sila habang nagpipilit ako pumiglas sa pagkaka akbay sa akin kaso dahil duon lalo lang nila akong inasar in their perspective dahil panay na ang hawak nila sa akin hanggang sa napasigaw na ako sa frustration dahil kinakabahan at nandidiri na ako at the same time.

Wala bang pamilya ang mga ito? Nanay, kapatid o asawang babae? Mukha namang hindi ko sila kasing edad dahil para na silang nasa 40’s pero hindi naman sila mukhang mga nakainom. So, naka droga kaya sila?

“Bitiwan ninyo ako! Ano ba?!” may kalakasan ko ng tugon, nagbabaka sakaling may makarinig at tumulong sa akin.

“Ang arte mo naman! Para kang babae eh hindi naman! Wala namang mawawala sa iyo!” sabi ng naka akbay sa akin na hinawakan ang panga ko.

“Uy pre, huwag mo namang takutin. Paano tayo magha-happy time n’yan?”

Hindi naman ako bata para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng salitang ‘happy time’ kaya bago nila ako mahila sa kung saan at nagpupumiglas na ako at nagsisisigaw hanggang sa maramdaman kong may malakas na pwersang tumama sa sikmura ko dahilan para matumba ako pero hindi tuluyan dahil sinalo ako ng isa sa kanila. Wala na akong magawa kundi ang maluha. Hindi ko namang akalain na ganito ang mangyayari sa akin.

Kung alam ko lang. .

Sana hindi ko nalang naisipan na lumabas. Sana pinilit ko nalang na makatulog kahit hindi talaga ako makatulog. Eh di sana. . Sana. .

Pumikit ako ng may luha sa mga mata ko, hinihintay na mangyari ang kung ano mang kahihinatnan ko na labag sa luob ko at walang kalaban-laban ng makarinig ako ng komosyon na para bang may nagsasapakan.

Habang naka fetal position ako at hawak ang sikmura ko ay unti-unti kong pinilit na dumilat at ang una kong nakita ay ang nakatayo ngunit nakatalikod na isang lalaking maayos ang damit at nakatapak ang paa niya sa umakbay sa akin kanina sa dibdib nito at ’yung isa sabunot niya sa nuo na nakaluhod na at duguan. Actually, parehas ’yung dalawa na duguan at parang hindi na aabot sa hospital kapag pinilit na dalhin. Putok na putok ’yung mukha.

Napalunok ako.

Oh jusko. Sino itong lalaking ito na bigla nalang sumulpot? Dapat ba akong matakot sa kanya? O gaya din niya sila?

Pero halos makalimutan ko saglit ang paghinga ng lumayo siya sa dalawa upang humarap sa akin.

“Kitten.” halos pabulong at puno ng pagaalala niyang tawag sa akin. ’Yung kanina niyang badtrip na mukha agad na umamo ng humarap siya sa akin, “Where were you hurt?” tanong niya at halos mataranta na siya sa paghahanap ng sugat o kung ano man sa balat ko.

Hindi ko naman mapigilan na hindi ma-overwhelm. Akalain mo nga naman ang tadhana. Napa iling ako at napatawa ng mahina habang ramdam ko ulit ang pagluha ng mata ko. Hindi ko napigilan na yakapin din siya.

Hindi siya nagsalita. Basta yumakap lang din siya. ’Yung tipo ng yakap na nagsasabing tumahan na ako kasi ligtas na ako sa piling niya.

Hindi ko na namalayan gaano kami katagal na magkayakap basta ang alam ko masaya akong siya ang nagligtas sa akin at kasama ko ngayon.

Parang kanina lang takut na takot ako sa kung ano mang mangyayari sa akin pero ngayon na nandito na siya at nasa bisig niya ako, bumilis ang tibok ng puso ko. ’Yung tibok ng puso ko na gaya sa mga naging crush ko nuon at nakakatawa mang sabihin dahil kung hindi pa ito nangyari, hindi ko pa marerealize na tama si Dyossa.

Mukhang may gusto na nga ako sa kaibigan kong si Quilris.


STARING AT SUMMER ( XXIX )

“I know you’re still not okay because of what happened so if you don’t mind, gusto mo bang kumain muna tayo bago kita ihatid sa inyo?” nagaalalang tanong ni Quilris sa akin habang naglalakad kami palabas ng police station matapos niyang ipahuli sa mga pulis ’yung nambastos sa akin. Nagkainitan pa nga dahil sinusubukan akong i-areglo duon sa dalawang lalaki dahil ‘naka inom’ lang naman daw ang mga ito pero hindi pumayag si Quilris at ng mga sandaling iyon I was relieved na siya ang nagligtas sa akin.

Tumango ako sa tanong niya bilang sagot at impit siyang napangiti.

“Alright, may alam akong kainan na bukas ng ganitong oras. Sana magustuhan mo duon. Masarap mga pagkain nila saka ’yuny ambiance maganda din.” saad nito at pinara ang papalapit sa amin na jeep. Marahan niyanh inabot ang kamay ko at pinauna akong makasakay.

May iilan ng pasahero ang nakasakay sa nasakyan naming jeep at hindi na ako nagulat ng mapatingin sila sa amin, more like kay Quilris dahil sa ayos nito. Teka, saan nga ba siya galing at ganitong oras na ay nasa labas pa siya? Impossibleng gaya ko siya na nagutom lang tapos naisipan din lumabas kasi naka posture siya ng maayos. Hmm?

“Sayang hindi ko nadala ’yung motor ko. Hindi ko din kasi inexpect na magkikita tayo.” nakangisi niyang sabi. Nalipat ang tingin ko sa kamao niya na nagkaruon ng mumunting gasgas dahil sa pakikipag sapakan niya kanina. Para bang sariling buhay na gumalaw ang mga kamay ko at inabot ang kanya para haplusin.

“It’s fine, kitten. You don’t have to worry.” saad niya at nilayo ang kamay niya sa akin.

Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa destinasyon namin.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa biglaang hampas ng malakas na hangin. Madaling araw air be like. . .

“Here.” halos itago ko ang mukha ko sa hiya ng maramdaman ko ang pagiinit ng pisngi ko. Bakit kanyo? Hinubad lang naman niya ang suot niyang jacket at sinuot sa akin.

Napangiti ako ng nakaakbay siya sa akin na tinungo namin ang luob ng sinasabi niyang kainan. Parang casa ang structure at vibes nito. May iilan na din na mga customer na nanduon.

Naiwan ako mag isa sa napili niyang table sa gilid na may kalapit na mini garden. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala siya dala ang order namin dahil nakatitig ako sa mga bulaklak na nanduduon.

“Are you liking the place? Sabi sa iyo maganda dito eh. Here.” inabot niya sa akin ang inorder niyang tapsilog kung saan kaparehas ng kanya at isang mangkok ng bulalo, empanada at hot chocolate.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa dami ng binili niyang pagkain for me samantalang tapsilog at kape lang ang kanya.

“A-Ang dami naman yata nito?”

“Unti pa nga iyan. Kumain ka ng madami para mabusog ka. For sure, kung lumabas ka ng ganitong oras ay malamang sa malamang gutom ka at hindi lang basta bored. Sige na, kumain na muna tayo. I know you’re hungry. I can hear tour stomach growling from here.” nakangisi niyang pangiinis sa akin.

Nagsimula na kaming kumain at sa kalagitnaan namin ng pagkain ng tahimik ay muli siyang nagsalita.

“Sa susunod kung wala kang kasama lumabas, magpa deliver ka nalang or better yet, text me. Sasamahan kita mag foodtrip kahit inaantok ako.” naka ngiti niyang sabi at inabot ang pisngi ko para haplusin. Napalunok ako sa ginawa niyanh iyon. Akala ko papagalitan niya ako dahil sa nangyari pero hindi. Kalmado lang siya makipag usap sa akin pero kapag naaalala ko yung kanina sa police station halos patayin niya na sa tingin at pakikipag usap yung mga nanduon.

“S-Saan ka pala galing at ganyan ang suot mo?” pagiiba ko ng usapan.

“Sa part time job ko sa club. Kaibigan ni Papa ’yung may ari ng pinapasukan ko so, yeah.” paliwanag niya.

“Part time job? Nagpa-part time job ka?” gulat kong tanong. Wala kasi sa hitsura niya na nagpa-part time job siya knowing na hectic ang schedule niya at galing sa may kayang pamilya.

Napangiti siya, “Again, kitten. Hindi lahat ng tao lalo na kapag may kaya sa lipunan, pare-parehas ang trip. I happen to go the other way around. Besides, it allows me to be independent and earn money without asking my parents to give me some.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Wow. Sobrang ibang-iba talaga siya kapag nakilala na siya ng lubusan ng isang tao. Gaya ko, hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya ng una. He’s really something else.

“Tignan mo nga naman, maga-alas singko na pala ng umaga. I need you to get home para makapagpahinga ka. May pasok ka ba sa school mamaya?” tanong niya habang naglalakad kami papuntang sakayan at naka akbay siya sa akin. May pangilan-ngilan na nga kaming nakakasalubong na papasok sa school at trabaho na napapatingin sa amin. ’Yung iba parang wala lang, o kaya may iba may hindi maipaliwanag na ngiti sa kanilang labi at ’yung iba nakataas ang kilay sa amin.

“Anong oras ang pasok mo? Gusto mo bang ihatid kita?”

Agad akong napailing, “H-Huwag na! Nakakahiya na masyado sa iyo. Masyado ka ng maraming nagawang positive sa akin today.”

“Hmm? So? We’re friends, right? So I think what I’m doing is just normal.”

Napakagat ako sa labi ko. Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko ng sabihin niya ang word na ‘friends’?

“Y-Yeah, but still. Masyado na kitang naabala. Dapat nga kanina ka pa nasa bahay ninyo kung hindi mo lang ako nakita kasama ’yung. . yung. .”

“Hey, there’s nothing, really nothing to worry, kitten. Hindi ka nakaabala sa akin. Well, if ayaw mong magpahatid sa akin sa school mamaya, it’s fine. Just be safe, okay? Don’t go out alone.”

Hanggang sa makauwi ako sa bahay, hindi mawala ang overwhelming feeling ko towards Quilris. Like, sobrang bilis. Hindi ko inexpect na mapagtatanto ko na may feelings na ako para sa kaibigan ko.

Nakatulala ako sa kisame at inaalala ang mukha ni Quilris and then, out of nowhere, biglang pumasok sa inaalala ko ang nakatitig niyang mukha sa akin kanina duon sa kainan.

Without me knowing, I was already smiling. He acts like my shining armor at ako yung damsel in distress.

Hay, I’m repeating history sa nangyayaring ito ngayon sa akin. Ganitung-ganito din iyon nuon kay Samuel and of course, alam ko kung ano ang kahahantungan nito. Me ending up broken and moving on with life without them knowing na minahal ko sila and that what makes me sad.

Ang hirap maging gaya ko na kabilang sa ikatlong kasarian. Oh how I wish na pinanganak nalang sana akong babae.


STARING AT SUMMER ( XXX )

Halos mapapikit ako sa lakas ng tili nina Thotel at Dyossa. Kung alam ko lang ganito ang mangyayari sana hindi ko nalang kinwento. Pakiramdam ko tuloy lahat ng mapapadaan at nakatambay na kanina pa dito sa amin na ang focus. Parang mga bulateng inasinan!

Kung nagtataka kayo bakit ganyan ang reaksyon nila, well, kinwento ko lang naman sa kanila ang nangyari sa akin kanina. Well, hindi naman intentionally sana at hindi dito sa quadrangle ng university kaso ayun. Nakakainis kasi ang ingay-ingay ng boses ni Samuel! Galit na galit ba naman. Eh okay naman na.

Naabutan kasi ni Samuel na inihatid ako ni Quilris sa labas ng gate ng bahay namin at syempre ayun, nang usyoso. Ang sungit pa nga ng pagkakatanong niya bakit daw kami magkasama ni Quilris kaso yung isa di siya sinagot at umalis na parang wala lang at dahil syempre ayaw akong tantanan ni Samuel, ayun. Nakwento ko yung dahilan bakit kami magkasama.

Hay, buti pa si Sam, sinabi lang na huwag ko ng ulitin iyon pero itong si Samuel jusko parang tatay kung makaasta. Well, hindi ko naman siya masisisi. But still. Si Quilris nga eh. . .

Bumalik ako sa realidad ng muli kong marinig ang kilig na tili ng dalawa.

“Aish, ano ba kayo! Tumigil na nga kayo! Ang dami ng nakatingin sa inyo.”

“Hindi ka man lang ba kinilig, bitch? My gosh! Parang eksena sa romance novels at teleserye ang nangyari sa iyo! Niligtas ka ng bad boy slash shining armor mo!” nakangiting sabi ni Thotel.

“Oo nga, sis! Kung ako iyon! Jusme! Tapos ano sabi mo? Nagdate pa kayo?”

“Sira! Anong date? Nag breakfast lang kami kasi parehas na kaming gutom.” paglilinaw ko pero well, deep inside, oo nga ’no? Parang madaling araw date. Napangiti ako sa isip ko.

“Hay naku, ’te! Pa-humble ka naman masyado. Ay teka, sandali ano itong natatapakan ko? Ay shit! Buhok mo pala! Ang haba kasi.” nakangising pangaasar sa akin ni Thotel na para bang natatapakan niya talaga ang buhok ko sa sahig. Napailing nalang ako. Mga sira talaga.

Saglit kong inalis ang tingin ko sa dalawa kong kaibigan ng biglang may marinig ako sa hindi kalayuan na parang nagcha-chant ng bilang ng 1-2-3. Paglingon ko, agad akong napalunok dahil automatic na nag zoom ang tingin ko sa isang tao.

Nagjo-jogging si Quilris kasama ang mga ka-team niya pero ganuon pa man, parang ang fresh pa rin niya. Hindi naman siya nakangiti pero bakit ako napapangiti? Pinagpapawisan na siya at obvious na basa na ang gitnang bahagi ng t-shirt niya pero parang pakiramdam ko ang bango niya pa rin. At saka, bakit ko iniimagine na kumakaway siya sa akin.

“Hoy, te! Ano ba iyan! Bakit ka nakatulala d’yan?!” dinig kong sabi ni Dyossa na parang nagpapanic. Kasunod nu’n ay naramdaman kong may humawak ng kanang kamay ko at itinaas sa ere at ginalaw-galaw. Agad kong tinignan kung sino iyon at pagtingin ko si Thotel na nakangiting wagi kaya agad kong binawi ang kamay ko at pagharap kong muli ay nakita kong nakatingin na sa akin ni Quilris at nakangiti at parang kumindat pa.

“Pasensya na, Papa Claec! Naglo-loading pa siya eh!” natatawang sigaw ni Dyossa sa kanila habang niyuyugyog ang balikat ko kilig. Shit. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa hiya dahil sa mga ito. Jusko!

“Hi, pretties!” sabay-sabay na bati sa amin ng Taekwondo team hanggang sa makalagpas sila sa amin.

Hindi ulit magkamayaw ng katitili yung dalawa kaya napailing na ako.

“Mga sira ulo talaga kayo! Nakakahiya!” namumula sa hiya kong sabi at halos itago ko na ang mukha ko sa palad ko ng mapansin ko ang tingin ng mga tao sa paligid namin sa akin.

Kung nagtataka kayo bakit parang mga wala kaming mga klase, that is because malapit na ang sembreak namin. Basically, clearance nalang naman na ang nilalakad ng mga kapwa ko estudyante sa pagpasok nila ngayon dito sa university.

“Sus! Kunwari ka pa! Umamin ka na kasi na crush mo na si Papa Claec!” pangaasar ni Dyossa.

Oo, crush ko na siya! Happy? Pero syempre sa atin-atin lang iyon. Ngayon pa nga lang grabe na nila ako asarin, what more pa kapag umamin ako sa kanila? Tsk, tsk.

“Hindi nga. Jusko, nakakahiya duon sa tao. Umayos nga kayo.” inis-inisan kong sabi.

Saglit kaming naghiwa-hiwalay na tatlo para lakarin ang kanya-kanya naming clearance sa mga subjects namin. Pero syempre, si Thotel lang naman talaga ang nahiwalay kasi kami ni Dyossa partners sa pagpapa clearance.

We’re halfway done ng biglang may humarang sa amin sa hagdan ni Dyossa. Nagkatinginan kami dahil hindi naman namin ito kilala. Nakangisi ito at nakatitig sa akin. Napalunok ako dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa isang ito.

“So, you’re that gay , right?”

“Excuse me, mawalang-galang na, pero dalawa kami dito so sino sa amin?” mataray na tanong ni Dyossa.

Agad kong hinawakan si Dyossa sa kamay niya ng magpang labi ang lalaking nakaharang sa tapat namin at ni hindi man lang tinapunan ng tingin si Dyossa at nanatiling nakatitig sa akin. ’Yung tipo ng tingin na nakapangliliit ng pagkatao.

“M-May kailangan ka?” halos pabulong kong tanong.

“Glad you asked. I thought you’re deaf.”

Alam kong sasagot si Dyossa para sa akin pero pinigilan ko ito.

“So, you’re that gay na nali-link kay Naito, hmm. I see. You look fuckable for a gay so I can see why he took an interest in you. Well, you see, me and Naito had been rivals since both of us entered this university and I’ll get straight to the point. Date me so I can show him that I can win our game this time around, what do you say?”

Napalunok ako at pakiramdam ko nagpantig ang tenga ko aking narinig.

Rivals? Date? Game?

Tinitigan ko mula ulo hanggang paa ’yung lalaking nasa harapan ko. Well, may hitsura siya pero wala sa level ni Quilris at kung paguugali naman din ang paguusapan, mas lalong walang-wala siya kay Quilris. Thou, tumatakbo ngayon at hindi mawala sa isip ko ’yung sinabing ‘our game’. Don’t tell me, kagaya ito ng sa mga napapanuod kong telenovela kung saan, pinagpupustahan ng mga lalaki ang babaeng bida but in my case, I am not a girl but rather a gay and to be honest, naninikip ang dibdib ko sa isiping baka laro lang at pakitang-tao ang inasal sa akin ni Quilris nitong mga nakaraan.

“Hoy, sira ulo ka ha! Ano bang nakain mo? Watusi? May sapak ka ba? Ang lakas naman ng luob mong bastusin itong kaibigan ko! At saka, kung totoo ngang may laro kayo na kung ano ni Papa Claec, wag ninyong idadamay itong si Aelius! Wag mo o ninyo siyang idamay! Mga isip bata kayo ha!” inis na sabi ni Dyossa at ayun, sa bilis ng pangyayari nakita ko nalang na napahawak sa pisngi niya ’yung nasa harapan namin at nakataas na ang kanang palad ni Dyossa. Oh shit!

“Did you just. .?” asar na nakangising tanong ng lalaki sa amin. Napahawak kami ni Dyossa sa isa’t-isa at napapikit nalang ako ng makita ko itong sasapakin ang kaibigan ko ng biglang. .

“Fuck off, Naito!” sigaw ng lalaki kaya agad kong napamulat ng mga mata ko. Bumilis din ang kabog ng dibdib ko.

“Yeah, I will.” tugon nito sabay sapak ng malakas sa lalaki dahilan para matumba ito sa harap namin.

Taranta naman kaming napalapit agad ni Dyossa kay Quilris dahil jusko po!

Naghalo bigla ang amoy ng Dean’s, Guidance, at Clinic sa paligid.


STARING AT SUMMER ( XXXI )

Kinakabahan akong nakatingin kay Quilris habang magkatabi kaming nakaupo kasama si Dyossa at sa tapat naman namin ay ’yung lalaking nambastos sa amin kanina. Hindi ko maiwasang mapangisi sa isip ko. Nawala ngayon ang kayabangan ng hambog na ito. Putok ba naman ang labi at may galos sa mukha at pasa sa kaliwa niyang mata. Ikaw ba naman makipagbugbugan sa isang black belter eh di ano siya ngayon, hmm? Tsk.

Napabuga ako ng hindi ko namalayan na kanina ko pa pinipigilang hangin sa katawan ko ng marinig naming lahat ang pagkalansing ng door knob at ang mga tunog ng sapatos na tumatama sa tiles na sahig hudyat na dumating na ang mga iba naming hinihintay dito sa luob ng principal’s office.

“So, tell me what happened at ikaw Mr. Naito ay binugbog itong si Mr. Legaspi?” galit na tanong ng Principal na may pagduro pa sa dalawang nasabing laki sabay tingin sa amin, “At kayong dalawa, anong kinalaman ninyo sa away at hindi ninyo man lang sila agad na inawat?”

“Eh, Sir, hindi naman po sa wala kaming ginawa. Nasurprise pa nga kami na sila na ang nagaaway dahil if I remember it correctly, kami po ang magka away nitong damuhong na ito sa bastos ng bibig niya sa amin ng kaibigan ko.” sagot ni Dyossa sabay duro duon sa lalaki na nakangisi na ngayon sa amin kahit na may bangas na ang mukha niya.

“What do you mean?” muling tanong ng Principal.

“Kasi Sir, in peace kami nitong naglalakad ng kaibigan ko tapos itong bastos na ito, bigla nalang sumulpot sa kung saan mang basurahan na hindi yata naitapon ng maayos ng kung sino, eh minaliit lang naman kami, Sir. Tinawag ba naman kaming bakla eh hindi naman namin siya inaano kahit mukha siyang bampira na nasobrahan hindi sa dugo kundi sa gluta, kaya siguro hindi namin siya agad napansin sa kinatatayuan niya kasi kakulay niya na ’yung pader ng building.” mataray na sabi ni Dyossa at nag eye roll pa.

Tumikhim sa amin ang principal at binalingan ng tingin ’yung lalaking nasa harapan namin.

“Totoo ba ang sinabi niya, Mr. Legaspi?” usisa nito.

Ngumisi naman ang nasabing lalaki sa amin at pinanliitan ng tingin si Dyossa sabay lipat ng tingin sa akin na parang nakakabastos, taliwas sa tingin na binigay niya sa kaibigan ko.

“Putangina mo talaga!” napapitlag ako ng mag mura ng malutong si Quilris at akmang tatayo para manugod na naman ng pigilan ko siya. Pati tuloy ako sinamaan niya ng tingin. Napalunok ako at agad na napabitaw sa braso niya. Agad akong napayuko. Shit.

“Mr. Naito!” saway sa kanya ng principal, “What is happening to you at bigla-bigla ka nalang nagmumura?”

“Dean, didn’t you just saw what this fucktard did? Nakakabastos po ang tingin na binigay niya sa mga kaibigan ko. I wouldn’t tolerate a look like that to my friends!” nangunguyom ang kamao niya sa galit na sagot dito.

Napabuntung-hininga ang Principal at muling nilingon ang nasabing lalaki.

“Mr. Legaspi, you still haven’t answer my question.”

“Oh yeah, sorry, Sir. Na-distract lang ako ang ganda kasi ng nasa harap ko. Uhm, I mean, ang gandang bakla .” sagot nito na pinagdiinan ang nakakainsultong salita sa dulo.

Balak na naman sanang tumayo ni Quilris kaso sinaway siya ng Principal.

Shit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Natutuwa ako dahil pinagtatanggol ako, kami ni Dyossa ni Quilris pero at the same time, nakapangliliit ang tingin ng nasa harapan namin at ang vibes ng mga nandito dahil sa kinalalagyan naming sitwasyon, well, maliban sa isa sa mga may authority na nandito.

“Mr. Legaspi, do you feel powerful kapag nakakapang insulto ka ng tao using their sexuality? Or are you somehow concealing something and you’re trying to hide it by doing what homophobes do because you think its the right to do? Or perhaps maybe because out of all gays in this university, Mr. Naito noticed a rare beau that isn’t you, hmm?”

“Miss Vicki!” may banta sa boses na sabi ng Principal.

Yep, she’s here. The guidance counselor, Miss Vicki.

“The fuck are you accusing me?” galit na baling sa kanya ng lalaki.

Ngumisi lang ito at nagsenyas ng isa sa mga daliri niya para patahimikin ang Principal. Damn.

“Then why are you pressed? I was just asking a general question. I didn’t directly claim you are gay and yet, look at you, you’re face is so red.” I can hear mockery in her voice but damn, she’s so hot! Kung straight lang ako, liligawan ko na ito eh!

Agad na nag iwas ng tingin ang lalaki at huminga ng malalim, “I’m not gay.” may gigil sa boses na sabi nito.

“Well then, tapos na ang paguusap na ito, Dean. It’s clear that Mr. Legaspi was the one who started a fight so it’s natural na ipagtatanggol nila ang sarili nila and Mr. Naito happens to be there as well to help defend them so, clearly, mabubugbog nga talaga siya but what has happened, happened. Now, I suggest that as punishment sa nagawa nilang iskandalo kanina is paglinisin nalang sila ng quadrangle na dalawa ni Mr. Naito. You know how our school doesn’t tolerate fights even thou the reason behind it is valid to punch someone in the face.”

Tumikhim ang Principal at napabuntung-hininga. Lahat kami nagaabang sa sasabihin niya.

“She’s right. What has happened, happened so before the day ends, kung ayaw ninyo ng panget na feedback sa good moral ninyo pagka graduate ninyo, maglinis kayo ng quadrangle but I assure you na sa susunod na may mangyari ulit na ganito, hindi lang bad feedback ang makikita ninyo sa good moral ninyo pati mga magulang ninyo ipapatawag ko din.”

“Yes! Miss Vicki saves the day!” mahinang pagbubunyi ni Dyossa sa tabi ko kaya impit akong napangiti at napatingin kay Miss Vicki na tumango lang sa amin at tumingin sa Principal na may ngisi at duon sa lalaki na ngayon ay napahampas sa table ng Principal sa galit niya sa naging hatol sa amin na punishment.

“Fuck, no! Hindi ako janitor para gawin ang trabaho na dapat sa kanila!”

“Mr. Legaspi.” may delikadong himig na tawag sa kanya ng Principal para pakalmahin siya.

“No! I will not! I don’t think I deserve this kind of punishment!”

“Mr. Legaspi, if I were you, tatanggapin ko na ang inoffer na punishment kesa namin, you know, mapalayas ka ng mansion ninyo. Remember what happened and what your father said the last time you were here when a female student accussed you of harrassing her, hmm?” nakangising saad ni Miss Vicki. Oh shit. Mukhang matagal na dito si Vicki dahil alam na alam niya ang drama ng bawat estudyante pati ang sa magulang nila.

Nag igting ang panga nito at bago tuluyang makalabas ng office ang mga nanduon at iwanan kami at napabuga ng hangin sa inis ang lalaki at napabulong ng may kalakasan.

“Fucking, bitch!”

“Wala ka talagang respe–?!” agad na kinwelyuhan ni Quilris ang nasabing lalaki at mukhang nagulat ito sa bilis at higpit ng pagkakahawak sa kwelyo niya at napalunok.

“Claec, let him go. It’s not worth it.” putol sa kanya ni Miss Vicki at lumakad palapit sa nasabing lalaki at ngumiti, pero hindi yung tipong ngiti na genuine at hinaplos siya sa pisngi.

“He’s not worth it.” saad nito sa lalaki at tinitigan ito bago tumalikod at lumakad kasabay ang Principal palabas ng pinto.

Naestatwa ang lalaki sa pangyayari at bago pa ako maka react dahil sa gulat sa nasaksihan ko ay naramdaman kong hawak na ni Quilris ang kamay ko at hinihila ako palabas ng office habang kasunod namin si Dyossa na binebelatan ’yung lalaki.

What the hell did just happened?


STARING AT SUMMER ( XXXII )

“Bakit kasi hindi ka nalang umuwi kesa nakabusangot ka d’yan habang pinagmamasdan mo ako na parang amo kita?” pabirong sabi ni Quilris habang may hawak na walis tingting at abalang nagwawalis hindi kalayuan sa kinauupan kong metal bench.

Inirapan ko siya at mas lalong nag pout. Kung possible man iyon.

“Eh sa nabo-bored lang naman ako dahil ayaw mo naman ako patulungin. Ayaw ko din namang umuwi agad dahil ayaw kitang iwan dito mag isa.” paliwanag ko at muling irap ng makita ko ang nakangising mukha niya. Napaka no brainer na ng ganyang kilos niya sa kahit na sinong nakakakilala ng pilyo niyang ugali este manyak pala.

“Kitten, it’s okay and much better kung umuwi ka na. Hindi ka kasama sa dapat mag serve ng punishment sa nangyari ngayong araw kung iyon ang inaalala mo. Tignan mo kakapilit mo na samahan ako, nauna ng umuwi sa iyo si Josh–” out of reflex ay pinigil ko agad si Quilris sa balak niyang sabihin na para bang nand’yan ang kaibigan ko at maririnig siya na sabihin ang sumpa.

“Dyossa!” halos pasigaw kong sabi at agad akong umirap ng lumingon sa amin ’yung isa pa naming kasama dito ngayon sa quadrangle na himala eh nakiki walis rin. I wonder kung may dumi ba sa part na winawalis niya siyang nakukuha.

“Uhm, yeah. Dyossa. Anyway, ayun nga nauna na sila umuwi kasi nagpipilit ka pa na samahan ako dito eh naka ilang sabi na ako na okay lang naman. Wala kang kasalanan sa nangyari. Kahit naman sino yata gagawin iyon lalo na kung bastusin ang kaibigan mo about sa sexualidad na meron siya, di ba?”

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang kiliti at warmth sa sinabi niyang iyon. Kung alam lang niya. ’Yung sinasabi niyang kaibigan niya na pinagtanggol niya, may gusto na sa kanya. Yikes! This guy is inlove with you, pare!

“Ah basta! Kahit anong sabihin mo sasamahan kita dito. Mahirap na. Mamaya pag alis ko, magsimula na naman kayo ng lalaki na iyan na magsuntukan dito. Tsk.” naka irap kong sabi at umaktong dinuduro ang lalaki sa kabilang dulo ng quadrangle.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya and I swear, talo ng tambol ng drum sa fiesta ang tambol ng puso kong kumakalabog.

“Why don’t you entertain me then, Kitten?” nakangiting pilyo niyang sabi at tinigil ang pagwawalis para umupo sa tabi ko.

Agad na kumunot ang nuo ko, “Anong entertain pinagsasasabi mo d’yan?” kinakabahan ako sa isang ito ah.

“Like sing for me, silly. Ano bang una mong naisip at namumula iyang pisngi mo? Don’t tell me. .?!” agad na namilog ang mata ko sa sinabi niya ng makita ko ang mapaglarong ngisi sa mukha niya na may tingin pa sa akin ng pataas-baba. Takteng lalaki ito!

“Hoy! Ang bastos mo! Wala namang akong naiisip na ganyan!” nagiinit ang mgakabilang pisngi kong sabi habang hinahampas siya sa kanyang braso na siya naman itong mamatay-matay kakatawa na lalo kong kinainis.

Hindi na ako magtataka kung mapatingin sa gawi namin ’yung isa pa naming kasama dito.

“Excuse me, wala akong sinabi na kahit ano. Ikaw itong bigla-bigla nalang kung anu-ano ang sinasabi. Tell me, kitten what were you thinking just now, huh?”

Sa inis at bilis ng kalabog ng puso ko tumigil nalang ako sa paghampas sa kanya at inirapan siya. Iniba ko din ang direksyon ng pag upo ko. Napansin ko naman sa gilid ng peripheral ko na napangisi ’yung isa duon sa gilid samantalang parang bata naman si Quilris na dinudutdot ang tagiliran ko pansinin ko lang siya. Kagat-kagat ko ang ibang labi ko para pigilan ang tawa ko. May kiliti kasi ako sa bewang.

“Ui, pansinin mo na ako. Joke lang eh!” maktol niya at kahit nakatalikod ako sa kanya ramdam ko ang pag pout niya, “Kitten! Yoohoo!”

Dahil unti nalang at hindi ko na kakayanin pang pigilan ang tawa ko sa walang humpay niyang pagsundot sa tagiliran ko ay tumayo na ako at tinignan siya ng masama. Way to go sa acting, Aelius!

“Bilisan mo na nga lang maglinis d’yan! Gusto ko ng umuwi!” sabi ko at inirapan siya at muling umupo.

“Masusunod, Boss.” sarkastiko niyang tugon ngunit ngumiti din naman bago sinunod ang sinabi ko.

Makalipas ang kalahating oras at sa wakas natapos din kami este silang dalawa sa paglilinis ng quadrangle. Syempre, nauna ’yung isa umuwi samantalang kami ni Quilris ay nagpahuli. Dinaanan pa kasi namin si Miss Vicki na surprisingly ay naabutan pa namin sa kanyang office at abala sa kung ano mang ginagawa niya.

Hindi ko nga napigilang hindi mapangiti kasi todo sorry siya sa nangyaring gulo kanina na para bang bata na takot maisumbong siya ng kanyang teacher sa magulang niya. Lalo pa ako natawa ng saktong dumating din ang Dean at inasar siya sa nangyari kung saan nadamay din ako saka si Dyossa kasi bakit daw ganuon ang naging reaksyon ni Quilris eh sa pagkakaalam niya hindi naman ito bayolente kaya may hinala siyang may natitipuhan ito sa aming dalawa ni Dyossa. Hay naku! Kung alam lang nila.

“Uuwi ka na ba?” tanong nito sa akin pagkalabas namin ng school gate.

“Alam mo sabihin mo nalang ng diretso kung balak mo akong ayain mag date, lover boy.” pabiro kong sabi sa kanya pero nanduon ’yung kakaibang kiliti sa sistema ko sa sinabi ko.

Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko, “Well, will you let me take you on a date, Kitten?”

Napalunok ako sa naging tugon niya. Nagbibiro lang naman siya ’di ba? I mean, sinasakyan niya lang ako sa sinabi ko? Di ba? Di ba?!

Bago pa ako makasagot ay pinara niya na ’yung dumaang jeep at hinila ako papasok sa luob. Hindi ko na nga nabasa ’yung karatulang nakalagay kung saan iyon papunta. Ni hindi ko na nga rin namalayan na nailibre niya na ako ng pamasahe.

“H-Hoy!” tawag pansin ko sa kanya na may kalakasan kaya agad na napatingin sa gawin ko ’yung ibang nakasakay. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang dahil duon pero itong si Quilris deadma lang at hinihintay akong magsalitang muli.

“A-Ano. . Bakit tayo nag jeep? Iniwan mo ’yung motor mo sa school?” nagaalalang tanong ko na halos pabulong at magtago na ako sa likuran niya kung possible man iyon. Well, mukha naman na akong nakatago sa likuran niya sa laki ng katawan niya eh. Para siyang shield ko. Hahaha.

“Ah, iyon ba? Hindi ko dala ’yung motor ko. Nag commute lang ako kanina.” sagot niya na nakalingon sa akin. Para tuloy kaming mag jowa na walang pakialam kung magdikit man ang mga mukha namin sa isa’t-isa.

Tumango nalang ako at nilipat ang tingin ko sa labas. Pagabi na at marami na ang mga tao mapa kaliwa o kanan. Mga nagmamadaling makapunta sa kanilang paruruonan lalo pa at walang pasok bukas.

“Nandito na tayo.” namalayan ko nalang na bumababa na kami ni Quilris ng jeep dahil hawak-hawak niya na ang kamay ko at inalalayan ako papunta sa sidewalk.

Napagtanto kong nasa isang tiangge kami. Nagtataka ko siyang nilingon.

“Anong gagawin natin dito?”

“Huh? Mamamasyal. Bakit? Hindi mo ba gusto ’yung ganitong klase ng lugar?”

“H-Hindi naman. Nakakagulat lang para sa isang taong gaya mo.” minsan nagtataka talaga ako kung bakit ’yung isang gaya niya na mayamang tao mahilig sa mga ganitong bagay na pang average to poor people. I mean, hello? Bihira kang mahanap ng ganitong tao.

“Alam mo kung anong mas nakakagulat?” bulong niyang tanong sa akin na halos ikahinto ng paghinga ko.

“A-Ano?”

Nagulat ako ng umangat ang kamay ko at halos maramdaman ko ang pagpula ng buong mukha pati tenga ko ng marealize na magka holding hands pa rin kami kahit na kanina pa kami nakababa sa jeep kung saan inalalayan niya ako makababa.

“Ito.” nakangising sabi niya at wala akong halos ibang makita o marinig kundi ang ngiti at mahinang pagtawa niya kaso minsan talaga sadyang may mga taong epal sa kaligayahan ng iba.

“Tangina!” mura ni Quilris ng biglang may epal na mukhang mabantot na lalaki ang dumaan sa gitna namin dahilan para mapagilid kami at mapahiwalay sa isa’t-isa.

Ang nakakainis pa may sinabi ’yung lalaki na iyon ng makadaan siya sa gitna namin, “Nakakadiri kayo dito pa kayo maglalandian!”

“Gago!” mura ko ng marinig ko iyon at agad na lumingon ’yung lalaki sa amin. Akala ko nga babalikan kami kaso gumanti nalang siya ng mura ng makitang nag middle finger ako sa kanya at paglingon ko kay Quilris para makita ang reaksyon niya sa ginawa ko ay nakita kong naka middle finger din siya at napatingin din sa gawi ko.

Ewan ko kung paano at bakit pero sabay kaming napatawa at nailing nalang sa nangyari at muling naglakad na parang walang nangyari dahil parang magnet na muling nagdikit ang mga kamay namin sa isa’t-isa.


STARING AT SUMMER ( XXXIII )

Napangiti ako dahil hindi gaya ng dati kapag gumagala kami nina Sam at Samuel sa ganito kasama ang mga Lola namin or kahit si mama kapag umuuwi siya para magbakasyon dito sa pinas, may kakaiba sa simoy hangin at ambiance ngayon ng tiangee o baka ako lang. Wala naman talagang kakaiba. Ganuon pa rin naman ang ingay, ang mga ilaw at dami ng tao na nagpupunta. Siguro iba lang dahil hindi lang basta kaibigan itong kasama ko ngayon kundi crush ko rin. I mean, naging crush ko rin naman nuon si Samuel pero iba itong pakiramdam ko nuon kesa ngayon. Hay, ewan!

Tsk, tsk. Masama ito. Masyado yata akong nahuhulog sa taong hindi ko sigurado kung ano talaga tingin at nararamdaman para sa akin pero siguro kahit saglit lang, okay lang na maramdaman at maranasan ko ito.

“Lalim n’yan ah. Kaya ko pa bang sisirin iyan, hmm?” tanong niya kaya bumalik ako sa realidad at napangiti.

“Iyan ba matinong tanong o isa na naman sa mga kalokohan mo?”

“Naku, mahirap pala na lagi kitang binibiro. Pinagdududahan mo ako eh. Sige, simula ngayon seseryosohin na kita.” nakangiting sabi niya at ayan na naman ang puso kong parang tangang wala ng bukas kung makadugdug kaya syempre ayun, nakatikim na naman siya sa akin ng hampas braso niya.

Para kaming ewan na dalawa dahil wala kaming direksyon kung saan ba talaga namin gustong pumunta. Panay nga tawag sa amin ng mga nakakasalubong namin hindi lang para bumili kundi para tumambay kami ng panandalian sa tindahan nila para pakatitigan ang kasama kong lalaki na obviously natutuwa sa nakukuha niyang atensyon tapos ako naman itong si tangang maiinis kahit na wala namang sapat na dahilan para gawin ko iyon.

“Saan mo gustong kumain?” tanong niya matapos kaming may hintuan na stall na may mga binebentang damit na pang babae. Hindi ko nga alam bakit kami dumaan duon eh wala naman sa aminh dalawa ang babae o nagbibihis babae or kapatid or girlfriend. Wait. Ang pala desisyon ko naman. Maka walang girlfriend naman ako dito sa kasama ko. Malay ko ba kung meron. Napa buntung-hininga ako. Hay, tigilan ko nga muna ang pagiisip ng hindi dapat bago pa masira mood ko.

“Hmm, eh kung duon kaya?” tinuro ko ang stall na may nagbebentang shawarma at saglit namang napaisip si Quilris bago ako hinila papunta sa stall na tinuro ko, “Pero kung may iba kang gusto kainan, go lang sa akin.” dagdag ko. Baka kasi napressure dahil gusto ko mag shawarma. Malay ko ba kung hindi niya pala trip ang ganyan.

“Duon ako sa gusto mo.” tugon niya at napakagat labi nalang ako at nagpahila sa kanya.

Napalingon naman ako sa katabi naming mamimili dahil panay ang gitgit nito sa akin. Hindi naman kami ganuon karami na balak bumili ng shawarma pero kung makagitgit sa akin akala mo nasa metro rail lang ang siste kapag hapon.

“Shawarma lang sa akin.” sabi ko at kukuhanin na sana sa bag ko ang wallet ko ng pigilan ako ni Quilris.

“Ako na. At magka kanin ka.” saad niya na para bang final na iyon at hindi na pwedeng baguhin. Aalma pa sana ako kaso nabayaran niya na. Inabot niya sa akin ang bag niya ng maka order siya ng pagkain namin.

“Sa iyo muna itong bag ko.” saad niya na hindi tumitingin sa akin after naming makahanap ng bakanteng table kung saan pwede naming kainin yung binili niya na pagkain namin.

“Huy, saan ka pupunta?” tawag ko sa kanya ng bigla nalang siyang lumakad palayo kaso hindi niya ako nilingon o sinagot man lang. Nagtataka man ay sinubukan ko nalang siya tanawin kung saan siya papunta hanggang sa hindi ko na makita ang likod niya.

Dumating na ang inorder niyang pagkain namin pero hindi pa rin siya bumabalik kaya kinabahan na ako. Alam ko namang bayad na ito eh pero nasaan ba kasi nagpunta ’yung lalaking iyon? Sa pagaalala ko ay binuksan ko ang bag ko para kuhain ang cellphone ko at kinabahan ako ng hindi ko ito makita. Shit. Agad kong kinapkap ang suot kong pantalon at nakahinga ako ng maluwag nahanap ko iyon duon. Huhugutin ko na sana iyon kaso bigla kong naalala na parang hindi ko nakita ang wallet ko sa tinignan kong bulsa ng bag ko. Dali-dali kong muling hinalungkat ang bag ko para hanapin ang wallet ko pero wala. Wala akong nakitang wallet. Nawawala ang wallet ko! Hala! Saan ko nilagay iyon?!

Alam ko nandito lang iyon eh! Nandito iyon ng uwian! Nakasara naman ’yung bag ko kanina bago ko ito buksan para hanapin ’yung cellphone ko. Saan napunta iyon? Hala! Paano ako uuwi nito? Jusko! Nakakahiya naman kung mangungutang ako ng pamasahe kay Quilris and speaking of that person, nasaan na ba siya?

Hindi kaya. . .

Napatampal ako sa nuo ko. Impossible iyon. Bukod sa mayaman siya, ano namang mapapala niya sa pagkuha ng wallet ko eh bente pesos lang ang laman nu’n at pictures namin nila Sam, Lola Tessa at Samuel, Thotel at Dyossa at ng Mama at Lola ko. Shit! Kahit mumurahin ’yung wallet ko na iyon na nabili ko 3 years ago sa isa din tiangge memorable sa akin iyon kasi katas iyon ng paluwagan bago ang christmas party namin nu’n at syempre pati ’yung mga pictures na nakapaluob duon. Hindi ko na nga namalayan na naluluha na pala ako pero bago pa tuluyang tumulo ang luha ko na para sa ibang tao ay kakabawan ay napapitlag at napasigae ako sa gulat ng bigla nalang may malakas na tumama sa harapan ko at pagtingin ko ay halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang wallet ko na hawak ng kung sino. Agad ko itong hinablot at tinignan at nag abot nito sa akin.

“Nahulog mo yata iyan kanina. Binalik sa akin ng nakasalubong ko.” maiksing sabi ni Quilris at umupo sa harapan ko. Napakunot naman ang nuo ko.

Huh? Paano nangyari iyon?

Sa dami ng taong nandito impossibleng alam ng nakapulot na siya o ang kasama niya ang may ari ng wallet na napulot niya not unless. .

“Ano nangyari d’yan sa kamao mo?” nabitawan ko ang wallet ko at agad na hinila ang kamay niya palapit sa akin kaso parang batang hinatak niya iyon pabalik kaya para kaming tangang naghihilaan ng kamay.

“W-Wala lang iyan! Kumain na tayo.” saad niya at nagtagumpay siyang mabawi ang kamay niya at sinumulan ng haluin ang shawarma rice niya.

Napabuntung-hininga naman ako.

Agad na napukaw ang atensyon ko ng sa hindi kalayuan ay may nagkakagulo. Teka, ano iyon?

“Kitten, kumain ka na.” ma awtoridad niyang sabi at sinamaan ako ng tingin ng tumayo ako para tanawin ang nangyayari sa hindi kalayuan.

“Sandali!” nakanguso kong sabi. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko maintindihan kung bakit at halos lumaglag ang panga ko ng mamukaan ko ’yung hinuli ng dalawang pulis na lalaki na putok ang mukha. Napalunok ako at dahan-dahang tumingin kay Quilris na abala sa kinakain niya.

Don’t tell me. .

“Quilris, ikaw ba may gawa nu’n?”

“What are you talking about?” tanong niya pero deep inside alam kong siya may kinalaman nu’n.

“Anong trip mo bakit binugbog mo ’yung lalaking iyon?” muli kong tanong kahit na may ideya na ako kung bakit.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan niya pang gawin iyon? I mean, pwede namang i-report nalang or hayaan nalang at ipanalangin nalang na karmahin sana yung lalaking iyon but, I mean, what the hell? Why?

“Like I said, I don’t know what you’re talking about.” kibit-balikat niyang tanong at hindi na ako nakipag argue pa at nagsimula nalang na kumain.

“Thank you.” bigla kong sabi sa kalagitnaan ng pagkain ko ng may lihim na ngiti sa aking labi. Huwag na kayo magtanong. Hindi ko rin alam kung bakit nakukuha ko pang kiligin sa ganitong sitwasyon.

Imbis na sagutin ako ay marahan lang niyang pinat ang ulo ko at ng matapos kaming kumain ay siya na ang nagdala ng bag ko at ganuon din ng bag niya. Nag ikut-ikot pa kami hanggang sa mapunta kami sa bilihan ng mga alahas na halagang fifty pesos.

Agad akong namili ng singsing sa mga naka display at habang nagsusukat ako ay napatingin ako kay Quilris na tahimik lang na nakatingin sa akin.

“B-Bakit?” tanong ko.

Umiling lang siya at hinayaan ko nalang. Hindi rin naman ito sasagot ng matino kapag tinanong ko.

“Akala ko bibili ka?” tanong niya pagkalayo namin.

Umiling ako, “Naalala ko meron pa akong singsing duon sa bahay. Hindi ko pa ulit nasusuot iyon. Sayang iyon kung bibili ako ng isa pa. Adjustable kasi ’yung singsing ko na iyon saka memorable iyon sa akin.”

“Care to share the story behind that ring of yours?” kuryosong tanong nito ng mapahinto kami sa bilihan ng mga accessories.

Napaisip ako sa tanong niya. Isha-share ko ba? I mean, kahit ’yung bestfriend kong kambal hindi alam ang tungkol duon kasi hindi ko kinukwento sa kanila ang story ng singsing ko na iyon.

Huminga ako ng malalim.

“That was given to me by my first love.”

“Woah.” namimilog ang mga mata niyang tugon.

“Uhm-hmm.” pag sang-ayon ko.

Nagulat ako ng may isuot siyang hair clip sa buhok ko.

“Ate, bilhin ko na. Magkano?” dinig kong sabi niya sa aleng nagtitinda.

Napatingin naman ako sa maliit na salamin na nanduon at pinagmasdan ang design ng hair clip na nilagay niya sa buhok ko. Napalunok ako. Shit.

What a coincidence. It was a sun designed hair clip. It was kind of nostalgic dahil similar iyon sa design ng singsing ko na galing sa first love ko years ago.

“Bakit ito?” tanong ko ng makalayo na kami. Ngumiti siya at tumingin sa akin.

“Para sa tuwing titignan mo iyan, maaalala mong sa akin galing iyan.”

Halos kumawala ang puso ko sa dibdib ko sa sinabi niya. Shit. Even ’yung sinabi niya ngayon, similar sa sinabi ng batang lalaki na iyon sa akin nuon.

“Oh bakit ganyan mukha mo? Aba, don’t tell me ako na ang second love mo? Thanks. I’m honored.” biro niya.

“In your dreams, Mister!” tugon ko pero hindi pa rin nawawala ’yung funny feeling sa akin dahil sa nangyari ngayun-ngayon lang.

Baka nagkataon lang.


STARING AT SUMMER ( XXXIV )

“Whew! Napagod ako duon ah? Pero nag enjoy ako. Salamat niyaya mo ako sa ganito.” pagpapasalamat ko habang naglalakad kami palayo sa tiangge.

“Sus, wala iyon. Thank you din at pumayag kang sumama.” tugon niya at tinignan ang oras sa relos na suot niya, “Kailangan na pala kitang ihatid sa inyo. Maga alas otso na ng gabi.”

Agad akong tumango ng sinabi niyang uuwi na kami pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan niya pa akong ihatid sa amin. As if namang may mangyayaring hindi maganda sa akin.

“Kaya kong umuwi ng mag isa ’no.” pagtatanggol ko sa sarili ko.

“Oh really? Aparrently, sa panahon ngayon kahit saan ka magpunta hindi na safe at mas okay ng mas kasabay ka umuwi kaya my decision is final, ihahatid kita pauwi sa inyo.”

Napanguso nalang ako at walang nagawa kundi sundin ang utos niya. Wala eh. Kapag siya ang nagsabi, tiklop ako. Ewan ko ba bakit ganuon.

“Tara na.” tawag pansin niya sa akin ng may pumarang puting mini bus sa harapan namin. Napakurap naman ako dahil hindi naman sa ignorante ako o ano pero, mahal ba pamasahe dito gaya ng sa normal na bus?

Umupo kami sa bandang likuran at siya muli ang nagbayad sa pamasahe namin. Siguro dahil wala na yung adrenaline rush o dahil sa lamig ng sinakyan namin eh bigla akong nakaramdam ng pinaghalong antok at pagod. Napalunok ako at pilit na inayos ang upo ko kaso kapag pumapaling ang ulo ko sa kanan sa tabi ng bintana ay hindi maiwasang tumama ang ulo sa tuwing aalos ang bus kaya ayun, ilang untog ang inabot ko hanggang sa maramdaman kong may marahang humatak ng ulo papunta sa kabilang side at bago pa ako makaalma ay tuluyan niya na akong napa sandal sa balikat niya habang marahang hinahaplos ang ulo ko. Maya-maya bago pa ako tuluyang makatulog sa biyahe ay narinig ko siyang bumulong.

“Kung hindi lang kaibigan tingin mo sa akin eh. . “

Huh? Anong ibig niyang sabihin? Pero hindi ko na nasagot ang sarili kong tanong dahil tuluyan na akong nakatulog sa kumportableng posisyon ko at sa homie feels niyang amoy.

Nagising nalang akong may humahaplos ng mukha ko at naka ilang kurap pa ako bago ko namalayan na nasa sasakyan pala ako at nilingon ko ang katabi kong si Quilris na nakangiti sa akin.

Shit. Paano ko ba naging kaibigan ang gwapong nilalang na ito? Tsk, swerte talaga ng seseryosohin ng lalaking ito. Araw-araw makikita iyang mukha niya na babaeng mapapangasawa niya.

“Oh, kagigising mo lang nagsasalubong na agad iyang kilay mo?” pangaasar niya sa akin kaya agad akong napa irap. Tsk, kung alam lang niya kung bakit. Kung bakit ba naman kasi ginawa lang ang lalaki para sa babae at vise versa. Pfft. Paano naman kaming mga nasa third gender? Hindi ba pwedeng magka inlovean ang straight sa hindi straight? Ugh.

“Alam mo tutal pababa na rin lang naman tayo, kumain muna tayo ulit. Gutom lang iyan.” sabi niya na siyang agad na nagpalingon sa akin at nagpangiti.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinanggigilan na siyang nagpa kunot ng nuo niya. Napangiti naman ako dahil duob. Ewan, basta.

“Kung hindi lang kita kaibigan eh. .” sabi ko at para bang narinig ko na iyon sa kung saan o kanino pero hindi ko maalala.

“Tsk, tara na nga. Kung anu-ano na pinagsasasabi mo.”

Pagbaba namin sa sinakyan namin ay dumaan muna kami sa isang streetfood at napabili ng kung anong random na pagkaing kalye. Nakakatawa nga kasi para bang nagiging tradisyon na namin itong dalawa. For sure, mami-miss ko ito kapag nagka girlfriend na siya or boyfriend or, ewan ko siguro kapag wala na siya sa university. Mauuna kasi siyang grumaduate sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya ng mahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya sinundan ko kung saan pang direksyon pumupunta ang mata niya at pagtingin ko sa gilid ko ay may kwek-kwek na nakalapit sa bibig ko. Wala sa sarili kong sinubo iyon na nagpangiti sa kanya. Ewan ko rin ba dahil out of nowhere sinubuan ko rin siya ng kinakain kong kikiam na siyang tinugon din naman niya.

Nakalimutan ko tuloy na nasa kalsada kami at may iba palang tao sa paligid kaya napabalik ako sa realidad ng tumikhim sa amin ’yung mamang tindero na pasimpleng nililipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Kalaunan hindi rin naman ito nakapagpigil pa sa gusto niyang sabihin.

“Kayo bang dalawa. . uh. . ganuon?” binitawan niya ’yung hawak niyang sandok at inilagay sa gilid ng pinaglulutan niya at sinenyas ang dalawang hintuturo niya at pinagtabi.

Natawa naman si Quilris samantalang ako halos mamula na sa hiya.

“K-Kuya, h-hindi po!” todo iling kong sagot sabay hampas sa braso ni Quilris. Bruhildo ito!

“Mukha bang kami po?” tanong niya pa na hindi nakatulong dahil tumingin sa akin si mamang tindero at ngumiti. May kislap sa mga mata niyang malisyoso. Ugh.

“Cute ninyo ngang dalawa eh. Ayos iyan. Wala namang masama kung mag jowa kayong dalawa. Wag ninyo nalang pansinin yung sinasabi ng iba na hindi maganda. Inggit lang iyon kasi hindi ganuon yung relasyon na meron sila o yung iba naman, may masabi lang.”

Nagulat naman ako sa naging sagot ng mamang tindero. Like, sa bruskong hitsura niya hindi ko aakalain na may ganuong mindset niya.

Duon naming nalaman na dalawa ni Quilris na kaya pala siya ganuon ay dahil may anak siyang bakla. Siya pa nga nagsabing ayaw niya nuon sa mga bakla at tutol siya sa hindi pagiging straight ng anak niya pero kalaunan ay natauham siya ng marealise niyang wala namang masama sa pagiging bakla ng anak niya o ng kahit na sinong gaya ng anak niya o sabihin na nating tibo, basta wala kang natatapakan na tao kasi at the end of the day pare-parehas lang naman ang mga bagay-bagay na ginagawa natin, it’s just that iba lang ang gusto ng mga puso natin. Mapa straight o curve man, respeto pa rin sa kapwa dapat ang pinapairal.

“Ang swerte mo at may kaibigan kang gaya niya. Sa panahon ngayon, mahirap ng makahanap ng kaibigan na totoong may malasakit at walang kapalit na hinihingi.” napatango naman ako sa sinabi niya kasi totoo naman. Kaunti lang ang circle of friends ko pero alam kong maaasahan ko sila.

“At ang swerte din ng kung sinong mamahalin mo, iho. Mukhang napalaki ka ng maayos ng mga magulang mo.”

Tumango din si Quilris sa sinabi niya at ngumiti, “I grew up with the best and open minded parents kahit na may pagka pasaway po ako.”

Matapos ang kalahating oras na pagtambay namin kasama ang mamang tindero na nakapalagayan namin ng luob at naging kaibigan namin ay naglalakad na kami ngayon ni Quilris pauwi sa bahay ko.

“So, what’s with the kahit na may pagka pasaway po ako thing?” pang aasar ko sa kanya. Ang tahimik naman kasi.

Ngumisi lang siya bilang tugon. Napanguso naman ako dahil duon.

“Ano nga?” pagpipilit ko.

“That’s nothing, kitten. Well, I mean, maybe that’s not nothing kasi nandito ako ngayon sa kung nasaan ako at kasama mo when I shouldn’t have been here in the first place kung hindi lang kami nagkaruon ng mini away ni Dad.”

“A-Away?”

Natawa naman siya sa naging tugon ko. Siguro dahil kasi parang tanga ’yung tanong ko o yung hitsura ng mukha ko ngayon.

“Yeah, pinatapon ako dito ni Dad para magtanda ako sa kalokohang nagawa ko and I guess, it kinda works kasi hindi na ako gaanong nasasangkot sa gulo. Well, not until makilala kita.” napangisi siya sa huli niyang sinabi na kina irap ko. What does that suppose to mean?

“So, anong sinasabi mo? Ayaw mo na akong kaibigan? Dahil ba ito duon sa nangyari kanina? Eh bakit ka ba kasi nakipag suntukan sa sira ulo na iyon kanina? Sinabi ko bang gawin mo iy–?!” natikom ang bibig ko ng tumigil kaming dalawa sa paglalakad at iharap niya ako sa kanya. Hindi ko namalayang napalakas na pala ang boses ko sa pagsasalita sa kanya kung hindi ko narealise na ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

“Wala akong sinabing ganyan, kitten. Alright? Ayaw kong putulin ang ano mang meron tayo at iutos mo man o hindi kapag nakita kong may umagrabyado sa iyo, mananapak at mananapak ako dahil desisyon kong gawin iyon. Hindi mo deserve na masaktan dahil sa kung ano ka o ng dahil sa akin, maliwanag? May kabuluhan ang pakikipag away ko kanina kaya wag na wag kang magiisip ng kung anu-ano d’yan, maliwanag?” seryoso niyang sabi sabay pitik sa ulo ko na agad nagpa realise sa akin ng sinabi niya.

Shit. Nakakahiya. Ano ba naman kasi yung mga pinagsasasabi ko kanina?

“S-Sorry.” nayuko kong sabi at pasimpleng inangat ang tingin ko sa kanya.

Napabuntung-hininga naman siya.

“Tara na nga. Iuuwi na kita. Kailangan mo ng matulog. Kung anu-ano ng naiisip mong kalokohan eh.” ang tanging nasabi nalang niya bago hilain ang kamay ko at magpatuloy kami sa paglalakad ng tahimik at magkahawak-kamay.

Pero imbis na kumalma ako ay hindi ko magawa. Ang lakas ng kalabog ng puso ko at ang daming katanungan na naglalaro sa utak ko ngayon dahil sa mga sinabi niya kanina.


STARING AT SUMMER ( XXXV )

“Dali na kasi, Ae!” nakangusong pilit ni Sam habang pilit akong niyuyugyog sa kinauupuan ko sa bahay nila.

Paano ba naman kasi pinipilit akong mag samgyupsal eh sa tinatamad nga ako. More like, inaantok pa dahil nga sobrang pagod ko kagabi. Anong oras na rin naman kasi nakauwi ni Quilris kagabi. Speaking of that devil, kamusta na kaya ’yung isang iyon? Ay teka, bakit ko ba iniisip? Pssh.

“Ayaw ko nga kasi. Bakit kailangan kasama pa ako?” tugon ko sabay higa na parang nasa sinapupunan ng nanay sa kanilang sofa.

“Sira ka talaga! Nakalimutan mo na ba? Nasa plano nating mag samgyupsal pagka sembreak natin. ’Di mo man lang ba na-miss bonding nating tatlo?” nagtatampong sabi nito.

Napabuga ako ng hangin. Shit. Oo nga pala. Naging usapan namin iyon before na magsasamgyupsal kami after ng first semester lalo pa at hindi na kami laging nagkakasabay o nagkakasama kahit sa mga free time namin dahil busy kami sa kanya-kanyang academics. Muli akong napabangon at napa unat. I guess I have no choice but to join them.

“Sige na. Tara na.” tugon ko at nagtatatalon naman sa tuwa si Sam at pasigaw na tinawag si Samuel para mag asikaso na ng makaalis kami.

Naka ayos naman ako ng lumabas ako ng bahay namin kanina ng tawagin ako ni Sam kaya hindi ko na kailangang magpalit ng damit. Isang simpleng cotton white round neck shirt na naka tucked in sa denim jeans ang suot ko na pinaresan ng white rubber shoes. Nagtataka siguro kayo kung bakit naka outfit na ako agad pero kasi natunugan ko na rin na mukhang magaaya si Sam ng gala kaya heto at nagbihis na ako ng pang alis bago pa ako pumunta dito at tama naman nga ang hinala ko.

Napataas naman ang kilay ko ng makita ang suot ni Samuel. Hala?

“Hoy, magpalit ka duon ng damit mo! Gaya-gaya ito!” alma ko.

Paano ba naman kasing hindi ako aalma halos similar yung suot namin maliban sa pinatungan niya ng black polo ang suot niya white shit sa luob.

“Oh ano naman? Hindi naman magkaparehas na magkaparehas. Saka ayaw mo nu’n? Matching tayo?” pangaasar nito na may kasamang kindat.

“Eh di inamin mo ring ginaya mo outfit ko!” himutok ko.

“Eh ano namang masama? Arte ah!”

Napa 360 degree eyeroll nalamang ako. Kung siguro sinabi niya itong ganito sa akin dati baka kinilig pa ako pero ngayon? Nah. Baka mamaya may makakita pa sa amin at magtaka bakit magkaparehas kami ng suot. Pfft.

“Teka nga bakit ang conscious mo yata today? Dati naman okay lang sa iyo kapag similar suot natin.” tanong niya at pinaningkitan ako ng mata.

“Ah. .Eh kasi. .” shit. Oo nga ’no? Dati naman nagkakaparehas kami halos ng suot pero hindi ako ganito mag react o baka kasi dahil lang siguro sa pang aasar niya kanina at naalala ko na naman nuon na nagka crush ako sa kanya. Hay, ewan ko ba. Ano bang nangyayari sa akin?

“Hoy, anong nangyayari d’yan?” biglang sabat ni Sam habang bumababa ng hagdan suot ang kulay gray niyang hoodie at sweatpants.

“Ano iyan? Bakit ganyan? Hindi naman gym ang punta natin.” paglipat ng atensyon ko sa kanya.

“Oh ano naman? Kesa naman makipag matching ako ng damit sa inyong dalawa.” mataray niyang sagot bago naunang lumakad sa amin ng pinto para magpaalam kay Lola Tessa.

Pagdating namin sa samgyupsalan na nasa mall ay agad kaming binigyan ng mauupuan. Iyon pala ay dahil nagpa reserve na si Samuel ng nakaraang linggo pa. Kaya naman pala kuntodo ang pilit si Sam kanina. Now I know.

“Ae, ano pala yung nabalitaan ko sa school na nasa guidance ka kahapon? Totoo ba iyon?” tanong ni Samuel habang abala siya sa pagluluto ng inorder naming karne. Taga kain lang kasi kami ni Sam. Oh ’di ba? Sarap buhay. Hahaha.

“Oo nga. Hindi ka din sumasagot sa mga texts at call namin kahapon kaya may kutob kaming na guidance ka nga talaga kaso ng dumating kami duon, pagsilip palang namin mula sa labas, wala naman kaming nakitang ikaw na nasa luob.” dagdag ni Sam.

Sasabihin ko ba sa kanila?

“Ae.” sabay nilang tawag sa akin ng hindi ko sila agad na sinagot sa mga tanong nila.

“Ah, promise ninyo munang hindi kayo magagalit?” naka peace sign kong sabi na may impit na ngiti sa aking labi.

Nagkatinginan ang kambal sa isa’t-isa at napabuntung-hininga.

“Alrigh, go ahead.” saad ni Samuel.

At sinumulan ko na nga ang pagkukwento mula sa nakasalubong namin ’yung nakakainis na lalaki kahapon at inaway kami ni Dyossa at siya namang to the resue at blessing in guidance and a knight in shining armor na dating ni Quilris at niligtas ako este kami ni Dyossa from the bad guy.

Binaba ni Samuel ang chopsticks niya at inis na tumingin sa akin.

“Bakit pati ikaw nadamay sa guidance? Hindi naman ikaw ang bumugbog sa mukha ng lalaking iyon kundi si Naito. In fact, ikaw pa nga itong binastos eh.”

Napailing naman ako. Bakit parang ang OA naman nitong si Samuel? Malamang kasama ako at si Dyossa kasi part pa rin kami ng pagaaway ng dalawang iyon.

“Hayaan ninyo na. Nangyari na eh. Isa pa, hindi naman talaga ako technically naka receive ng punishment kundi sila pa rin namang dalawa. Kinailangan lang ang presence namin duon ni Dyossa.”

“Tsk, hindi ka naman babastusin ng gagong iyon kung hindi ka naglalalapit sa Naito na iyon.”

Hindi ko napigilang mapataas ang kilay sa sinabi ni Samuel. Siguro may point siya pero hindi naman din aware si Naito na mangyayari iyon.

“Samuel, mabait na tao si Naito. Siguro nga chickboy siya. Hindi na natin maiaalis iyon pero hindi naman niya ginusto na may mapahamak dahil sa mga ginagawa niya and for sure kung masama siyang tao, hindi niya kami ipagtatanggol ni Dyossa gaya ng ginawa niya kahapon.”

Napabuntung-hininga na lamang si Samuel halatang hindi impress sa tinugon ko pero kasi hindi ko naman pwedeng hayaan na pagsalitaan niya ng ganuon si Naito. Kaibigan ko yung tao eh.

Pagtapos namin mag samgyupsal, nag aya si Sam na mag window shopping muna kami bago umuwi kaya iyon ang ginawa namin. Kaming dalawa ni Sam ang magkasabay na naglalakad samantalang nasa likuran namin si Samuel at ilang hakbang ang layo sa amin. Hinayaan ko nalang.

“Hoy, umamin ka nga.” panimula ni Sam habang nagtitingin siya sa mga nakahilerang damit. Long sleeve mainly samantalang ako sinisipat ko ang tela ng mga dress sa hindi kalayuan kung saan kami nakatayong dalawa.

“Huh? Anong aamin ko?”

“Pinopormahan ka ba ni Naito?”

Hindi ko alam kung dahil sa pagkabigla or what pero bigla akong naubo sa tanong niya. Sa gulat siguro kaya ganuon? Ano ba naman kasing klaseng tanong iyon, di ba?

“The heck, Sam?!”

Napangisi siya, “Namumula yung mukha mo! Oh my god!” nakangiti at kinikilig niyang usal kaya agad ko siyang hinampas sa braso ng hindi ganuon kalakasan para tumahimik siya. Tumahimik naman. ’Yung impit way of kilig naman ang sunod niyang ginawa na kinailing ko nalamang. Sira ulo talaga.

“Tunigil ka nga! Mag kaibigan lang kami ng tao. Hindi ba pwedeng maging mag kaibigan ang isang straight at isang curve? Close-minded mo naman.” nakanguso kong tugon at unconciously inbaot yung yellow dress na kanina ko pa tinitignan at idikit sa akin at tinignan ang sarili ko sa salamin at bahagyang inimagine na suot ko iyon pero agad ko ding tinigil kasi nalungkot ako, “Friends are meant to stay as friends. Super straight siya samantalang ako bakla. Alam naman nating in the end, ’yung mga gaya ko walang happy ending.”

“Ano naman kung magkaibigan kayo? Hindi ninyo naman mapipigil ang puso na mahalin kung sino ang gusto nitong mahalin? Also, ang ganda mo d’yan sa dress na iyan. Bakit hindi mo subukan mag cross dress?” inabot niya ang isa pang dress malapit sa akin at iyon naman ang tinabi sa harap ko para tansyahin kung bagay din sa akin tignan kaso biglang dumapo ang tingin ko sa grupo ng maiingay na babae na nakatingin sa amin at obvious na jina-judge ako base sa way ng tingin nila kaya agad kong sinita si Sam at agad na gets ng isa bakit biglang nag iba ang timpla ko kaya ’yung isa, walang prenong nag middle finger sa kanila. Double pa.

Dahil ayaw kong mapaaway kami, agad ko nalang niyaya ang kambal na lumabas ng department store.

Pag uwi namin sa mga sarili naming bahay ay agad akong humiga sa kama ko at tumingin sa kisame. Napabuntung-hininga ako at nagawi ang mata ko sa cabinet ko. Naalala ko ’yung pag puri sa akin ni Sam kanina. Napangiti ako. Kaya nga lang dumating ’yung mga asungot. ’Yung mga taong magpapaalala sa iyo ng realidad.

Dama ko ang paninikip ng dibdib ko dahil kinukwestyon ko na naman ang sarili ko sa mga bagay-bagay na sinabayan pa ng “What if?” thoughts ko ng biglang tumunog ang notif ko at pagtingin ko sa cellphone ko ay bigla akong napangiti. The reason?

Nag post lang naman si voiceofwinter .

Agad kong kinuha ang earphones ko at nagpatialon sa boses niya at sa mga kwento niya na parang katabi at kilala ko kung sino siya.


STARING AT SUMMER ( XXXVI )

Nakanguso akong nakatayo sa may tapat ng school gate namin habang hinihintay ang pagdating nina Dyossa at Thotel. Ayaw ko kasing maglakad diretso sa building namin mag isa lalo pa at hindi safe gawin iyon sa kalagitnaan ng Criminology Week. Nagkalat ang mga estudyanteng manghahatak sa iyo para i-budol ka na i-try ang booth nila pero hindi naman ako duon natatakot kundi sa Prison at Wedding Booths nila. Don’t ask me why, self-explanatory naman na siguro kung bakit. Hahaha.

Habang hinihintay ko sila ay biglang may umakbay sa akin and I swear, huminto ang paghinga ko at nagtayuan ang balahibo ko sa katawan. Oh no! Kahit pala sa labas ng school grounds hindi ligtas!

“Hey, napano ka?” nagpipigil tawang tanong sa akin ng isang pamilyar na boses at paglingon ko ay sinalubong ako ng amoy freshness at maaliwas pa sa sunglight na presence ni Quilris.

“Q-Quilris, ikaw pala.” nakangiti kong tugon. Nakahinga ako ng maluwag ng malamang hindi iyon estudyante ng Criminology department.

“Bakit? May iba ka bang ineexpect bukod sa akin?” masungit nitong tanong.

“O-Oo! Sina Dyossa at Thotel.”

“Good.” tugon niya na may kasamang ngisi, “Kumain ka na?”

“Oo. Bakit?”

“Samahan mo ako kumain. Nagugutom ako.”

“Pero baka hanapin ako ni–”

“Ako ng bahala magpaalam.” hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta somewhere kung saan saktong nakasalubong namin sina Thotel at Dyossa na nagchi-chismisan at halos manlaki ang mga mata nila ng makita kami bi Quilris na magkasama lalo na si Dyossa, well alam ninyo na kung bakit. Parang gusto ko nalang kainin ako ng lupa sa sobrang hiya ko sa mga oras na ito pero mas maganda kung sabay kami nitong lokong lalaki na ito.

“Kakain lang kami.” paalam niya ng hindi man lang kami humihinto sa harapan nila.

“Ay, go Papa Naito! Enjoy the five course meal!” malisyosang sigaw ni Dyossa samantalang nag hand act naman si Thotel ng mahalay. Napatampal nalang ako sa nuo ko. Paano ko ba naging kaibigan ’yung dalawang iyon?

Huminto kami sa isang convenience store at siya itong nagkukukuha ng kung anu-ano at nilagay iyon sa hawak niyang green basket samantalang ako nakasunod lang sa kanya at hindi alam anong gagawin.

Nakapila na kami sa counter ng bigla niyang galawin ang buhok ko.

“Inaayos ko lang ’yung hair clip mo. Mahuhulog na eh.”

Napalunok ako at ang bilis ng kalabog ng puso ko ng mapagtantong suot ko pala ’yung binili niyang hair clip para sa akin.

Matapos niyang bayaran ’yung mga binili niyang pagkain at sabay naming pinagsaluhan iyon kasi kahit anong tanggi ko, wala akong nagawa kasi nananakot siya na iiwan nalang niya ’yung pinamili niya at papasok nalang,  syempre ako naman si sayang ang pera, nakonsensya.

Napanguso ako ng bago kami lumabas ng convenience store at nakuha niya pang bumili ng ice cream. Syempre, this time hindi ako pumayag na siya lang ang bumili kaya bumili din ako pero hindi para sa akin kundi para sa kanya para siya naman ang mag suffer sa dami ng pinakain niya sa akin. Bahala siya bumula bibig niya. Dalawang ice cream ang kakainin niya. Napangisi ako duon.

Kumuha nalang ako ng random ice cream flavor kasi iisa lang naman ang brand nu’n saka lahat naman ng ice cream masarap eh, so. .

“Oh. .” nabigla ako ng pag abot ko sa kanya ng binili mong ice cream at inabot niya din yung binili niya sa akin.

“For you.” sa pagkabigla ko ay kinuha ko nalang at inabot sa kanya ang binili ko. Very bulgar naman ang kulay ng balot nitong ice cream. Pink talaga?

Habang abala kong tinatanggal ang balot ng ice cream ko ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Quilris sa tabi ko kaya agad ko siyang nilingon at napatingin siya sa akin na nakangiti at nangingislap ang mga mata.

“Anong nangyari sa iyo?”

Imbis na sagutin ako nagulat ako sa kanya ng ilapit niya sa akin yung binili kong ice cream para sa kanya at bigla nalang mag picture. Bigla ko din tuloy siyang nahampas.

“Hoy! Para saan iyon?”

“Para may pruweba akong binigay sa akin ito ng may crush sa akin.” natatawa niyang sabi na kinanuot naman ng nuo ko.

“Huh? Pinagsasasabi mo d’yan?” I mean, paano niya nalaman este anong pakulo nito? Suntukin ko kaya siya?

Pinakita niya sa akin yung bilog na takip sa ibabaw ng ice cream na tinanggal niya na meron palang nakalagay na corny na pick up line. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napasigaw ng, “Hoy! Hindi totoo iyan!” pero ’yung isa ayun, parang ayaw maniwala at lagpas tenga ang ngiti.

“Pizza ka ba? Crust kasi kita.” natatawang pangaasar niya sa akin, “Pasimple ka pa ah! Tsk, sabi ko na eh.”

Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko sa hiya sa pangaasar niya but not until I finally unwrapped the packaging of my ice cream. Napangisi ako. Time to make bawi!

“I-style mo, Quilris ah! Ice cream rose, really? Ah, how sweet! Baka naman ikaw talaga may crush sa akin at hindi ako?” pangaasar ko at halatang nagulat din siya na rose yung design ng ice cream ko kahit na same brand lang naman yung binili namin.

“Luh, set up iyan! Mali iyan! Balik natin iyan duon! Baka expired na iyan. Bakit ganyan hitsura n’yan?” masungit niyang tugon.

Ang cute pala nitong si Quilris kapag nagsusungit-sungitan. Hehehe.

“Sus, kunwari ka pa eh! Baka na–! Ay, teka! Anong nangyayari? Quilris!” sa gulat ko sa bilis ng pangyayari ay napahawak ako sa braso niya. Paano ba naman may mga naka white dress na mga babae na biglang humawak sa akin at pilit akong hinihila from somewhere.

“Wait, what’s happening?” pati siya mukhang nagulat kasi sa tabi niya meron na ding mga naka suit na lalaki at hinahatak siya palayo sa akin.

“Ah kasi may nag request sa booth namin na ika–!”

“Oy, oy! Anong kalokohan iyan! Sa amin iyan! Kaming unang naka spot sa kanila!” biglang sabat ng mga lalaking estudyante na naka police uniform. Oh shit. Oo nga pala! Criminology week nga pala! Bakit ang bilis kong nakalimutan na meron nga palang event ngayon dito sa school! Tinataguan ko pala ang mga ito!

“Ay aba, sa amin may nag request eh! Amin muna sila! Mabilis lang naman ’yung sa amin.”

“Hindi pwede! Nasa listahan namin na huhulihin ang mga kumakain ng ice cream! Kitang-kita naman oh!”

“Hala, kuya! Paano naging offense ang pagkain ng ice cream?” tanong ko habang si Quilris nakita ko sa peripheral ko na kinakausap yung nasa gilid niya na mga lalaki. Huhuhu. Sana magawaan niya ng paraan makatakas kami sa kanila.

“Mga Sir, ganito nalang para wala ng away. Pakiposasan nalang kami. Hayaan ninyo muna kaming ikasal bago ninyo kami ikulong. Mahirap na baka mag runaway bride pa ito eh.” dinig kong biglang sabi ni Quilris kaya biglang nagtilian ’yung ibang nanduon ng marinig ang sinabi niya tapos parang tanga ’yung mga pulis kuno na huhuli sa amin nag yehey at awoo pa habang nagmamadaling suotan kami ng posas.

Naningkit ang mga mata kong napatingin kay Quilris na ngayon ay ang lawak ng ngiti. Ngiting nakakaloko. Agad ko siyang hinampas gamit ang kanang kamay ko na nakaposas sa kaliwa niyang kamay.

“Aray!” nakanguso niyang tugon.

“Bwisit ka! Akala ko pa naman gagawa ka ng paraan makatakas tayo sa kanila.”

“Masyado ka namang kabado, kitten. Hindi pa naman ito totoong kasal.” tugon niya at mapaglarong kumindat sa akin.

Argh! Kahit kailan talaga! Napaka ng lalaking ito! Sarap sakalin.

“Tanggalin ninyo muna posas niya, aayusan namin siya.” utos ng babaeng katabi ko sa mga nakasunod sa amin na pulis.

“Mga Sir, bantayan ninyo siya ah. Baka takbuhan ako. Kawawa naman ako. Kahit wag na ako hindi naman ako tatakas eh.” panggatong pa ni Quilris kaya hindi ko napigilan na hampasin ulit siya sa braso niya pagtanggal ng posas namin.

Dinala ako ng mga kababaihan sa isang tent hindi kalayuan sa booth nila at nagulat ako ng bigla akong abutan ng long white dress ng isa sa kanila.

“Kanino po ito?”

“Sa iyo po, isusuot mo.”

Halos malaglag ang panga ko sa gulat. Umalma pa ako pero after awhile of harrassment (joke!), eh napasuot din nila ako ng dress. Not just that, sinuotan din nila ako ng wig at ng veil at nilagyan ng make up.

“B-Bakit ganyan kayo makatingin? Mukha akong tanga ’no? Aish! ’Yung damit ko nalang kanina ’yung susuotin ko tutal di naman totohanan itong wedding booth ninyo.” pag alma ko kaso bago ko pa magawa ang balak kong paghubad sa mga pinasuot nila sa akin eh ’yung isang malakas luob sa kanila tinulak ako paharap sa salamin at halos mamangha ako sa nakita ko sa salamin.

“Ang ganda mong bakla promise!”

“Oo nga, hindi halatang lalaki ka or bakla. Nagpi-pills ka ba?”

“Kabog! Uuwing masaya ang groom natin!” nag apir pa ang ilan sa kanila.

Napalunok ako habang pinagmamasdan ang hitsura ko sa salamin. Grabe. Oo nga. Tama sila. Parang hindi ako lalaki tignan.

“Oy, awat na d’yan. Naka ready na ’yung groom!” biglang sabat ng lalaking sumilip sa tent at napatingin sa akin, “Wow! Ang swerte ng groom.”

“True!” tugon ng mga babae.

Inabot sa akin ng isa sa mga babae ang isang boquet na gawa sa plastic at hindi ko napigilan na matawa. Grabe ah. Makatotohanan naman masyado itong booth nila. Kung ako prof nila, mataas makukuha nilang grade sa akin.

Paglabas ko ng tent kasama yung mga babae halos mapanganga ako, biglang nagkaruon ng red carpet at ang daming mga matang nakatingin sa akin kaya bigla akong naconscious dahil maraming napatingin sa akin at sa gitna ng kaba ko dahil baka makagawa ako ng kapalpakan ay dumapo ang mata ko sa taong nakatitig sa akin na nangingislap ang mga mata. Pag ngiti niya ay napangiti din ako. Hindi ko alam bakit biglang sa kanya nalang natuon ang atensyon ko but probably for good and obvious reasons. Ang gwapo niya sa suot niyang suit. Napahigpit ang hawak ko sa boquet.

Pagtapak ko sa red carpet patungo sa aking groom, ehem, biglang tumugtog ang violin version ng Capital Cities na Safe and Sound.

Biglang lumakas ang hangin ng nasa gitna na ako ng mala aisle na red carpet at may mumunting na mga dahon ang nahuhulog at saglit akong napapikit dahil baka mapuwing ako at pagdilat ko ng mga mata ko, muli akong sinalubong ng mga mata ni Quilris na nakatitig pa rin sa akin at pagtingin ko sa peripheral ko, ang daming estudyanteng nakalabas ang mga cellphone at mukhang pini picturean or vini videohan ang eksena naming ito. Paano ba naman sa gitna ba naman ng qudrangle ganapin ang wedding kuno na ito eh.

Nang makalapit ako sa harapan ay agad hinawakan ni Quilris ang kamay ko at nakatitig pa rin ng malagkit sa akin kaya naiilang kong hinampas ang braso niya.

“You look beautiful, Aelius.”

“I-Ikaw naman ang pogi mo sa suit mo.”

Tumikhim ang pari kuno namin at sinimulan na ang seremonyas kuno at pagkatapos ay naghiyawan ang mga attendees este kapwa estudyante namin ng ihayag ng pari kuno na officially married na kami tapos biglang may sumigaw ng “Kiss!”. Oh fuck.

“Sorry pero may dadaanan pa kaming prisinto.” maloko niyang tugon ay napahiyaw ako ng bigla ako nitong buhatin ala-bridal style na siyang kinapula ng mukha ko at pilit siyang sinasabihan na ibaba ako pero ang loko tuwang-tuwa sa kalokohan niya.

Hindi ko namalayan na nageenjoy din pala ako sa kalokohang ito.


STARING AT SUMMER ( XXXVII )

Pagkapasok na pagkapasok namin sa made-up jail ay nakasunod na agad sa amin sina Dyossa at Thotel na mga halatang nagpipigil ng kilig at tawa habang nakalabas ang mga cellphone nila at naka tutok sa amin ni Quilris. Mga sira ulo talaga. Tsk, tsk.

“Eh kung tubusin ninyo na kami kay quota na kami sa pagpapasaya sa inyo?!” saad ko habang naka hawak sa medyo makatotohanang grills dito sa made up jail kung nasaan kami nakakulong.

Ang awkward kasi. Bukod sa nakasuot pa rin ako ng wedding dress a.k.a naka crossdress eh nasa bungad lang ng school gate itong jail booth kaya halos lahat ng papasok at lalabas matutuon ang atensyon sa aming mga nandito sa luoban ng kulungan.

“Ay, ayaw ko nga! Mahal ng piyansa ninyo uy! Pangpa load ko pa ito mamaya.” tugon ni Dyossa.

“Eh magkano ba ’yung tubos?”

“Fifty pesos sa isang tao. So bale 100 kayong dalawa. Magkano din iyon.” dagdag ni Thotel habang nagkakatitigan sila ng isa sa mga bantay nitong jail booth. Ehem.

“Eh babayaran namin kayo kapag nakalabas kami!” nakanguso kong saad.

“Okay lang iyan. Thirty minutes lang naman eh. Wala naman tayong klase.”

“Anong wala? Meron kaya! Huy, meron tayong klase!” hampas ko sa braso ni Dyossa. Loka ito. Nakigaya sa schedule ni Thotel.

“Ay meron ba? Papa exempt nalang kita. Sabihin ko kay Mrs. Corpuz na nasa honeymoon ka. Payag iyon!”

“Sira ulo!” biglang nag init ang mukha ko sa sinabi ni Dyossa lalo pa ng marinig ko ang mahinang pagtawa ni Quilris sa tabi ko, “Anong tinatawa-tawa mo d’yan?”

Umiling lang siya pero nakita ko sa peripheral ko ng binalik ko ang tingin ko sa unahan na nag apir sila ni Dyossa. Napa mental eye roll nalang ako.

Mabilis lang na lumakad ang thirty minutes dahil nga puro kalokohan sina Thotel at Dyossa kaya kahit papaano tawa lang kami ng tawa ni Quilris. Grabe. Hindi pala talaga pwedeng magkasama ang dalawang ito. Sobrang chaotic nila. Imagine, nakisali na sila sa paghuli sa ipapasok sa jail booth! Nag change na yata sila ng course ng wala akong kaalam-alam.

Bumalik kami sa wedding booth para isauli ’yung mga pinasuot nilang costume sa amin at pahubad na ako ng suot kong dress ng biglang may humawi ng kurtina at bumungad sa akin, well, sino pa nga ba? Syempre si Quilris. Anong ginagawa nito dito?

“Oh? Bakit hindi ka pa nagbibihis?”

Ngumisi lang siya bilang tugon at hindi na ako nakaalma ng ilabas niya ang cellphone niya at magselfie kami. Hindi lang isa, o dalawa kundi halos naka sampu yata kami.

“Bihis na ako, Miss Gorgeously Stunning Unforgetable Wife of Mine.” pangaasar niya na may pag kindat pa at flying kiss kaya sa inis ko ay hinampas ko siya sa braso niya bago siya makalayo ng tuluyan. Nang makasiguro akong wala na siya ay muli kong hinawi pasara ang kurtina sa dressing room at bahagyang napa sandal sa gilid habang hawak ang kumakalabog kong puso. Bwisit talaga ’yung lalaking iyon!

Mabuti nalang natapos ng natiwasay ang araw na ito maliban sa may panaka-naka akong naririnig na kwentuhan ng ilang kababaihan, kabaklaan at kalalakihan tungkol sa naging one of a kind fake wedding of the century a.k.a namin ni Quilris ay wala na akong na ecounter na pwedeng maging nakakahiya at unforgettable at the same time ba experience. Para daw kasing makakatotohanan. Sus! Inggit lang sila.

Kasalukuyan akong nakatambay dito sa computer shop kung saan ko naabutan si Quilris nuon na kalaro ang mga kaklase/kaibigan niya. For some reason hopeful pa ako na makikita ko siya dito pero I guesa nag expire na ang niregister kong happy moments for today’s video. Joke.

Nandito lang naman ako pampatay oras habang hinihintay yung kambal na matapos sa kanya-kanya nilang klase. Abala ako sa pagbabasa ng wattpad ng maisipan ko tignan ’yung page ng university namin sa facebook. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang HD pictures namin ni Quilris sa fake wedding of the century pero nanduon din yung kakaibang kiliti sa sistema ko. Bumalik na naman kasi ’yung moment ng kanina kaya hindi ko napigilan na hindi mapangiti. Grabe, kahit hindi iyon totoo bakit ganuon nalang ’yung pakiramdam ko kanina? Halos sa kanya nga lang ako naka focus all through out ng sandaling iyon. Hay!

Delikado na ako.

Ang sabi ko pa naman sa sarili ko hindi ako mafa-fall sa kanya gaya ng nangyari nuon kay Samuel kasi nga ayaw kong, alam ninyo iyon? ’Yung kinaibigan mo para jowain type of vibes?

Pero kasi. .

Muli kong tinignan ’yung pictures namin ni Quilris and I could feel something ignite within me when I noticed how he looks at me with those loving eyes. Aish! Agad kong sinampal-sampal ang pisngi ko para gisingin ang sarili ko sa katotohanan.

Magkaibigan lang kayo. He doesn’t see you in that way, Aelius. Stop dreaming!

Kaya para hindi ako masyadong masaktan sa mga bagay na ako din naman ang nakaisip eh wala na akong pakialam sa mga ibang abala sa paglalaro duon ng computer games at nakinig ng mga playlists sa youtube hanggang sa napunta ako sa isang video na ang title ay: 8 signs a guy likes you!

Bago kaya mag react bakit ako interested, hindi ito para malaman ko kung interested sa akin si Quilris. This is for me kasi alam ninyo namang medyo may feelings na tayo sa kanya syempre baka unconaciously magawa ko itong mga naka indicate na bagay na ito sa kanya so para maiwasan iyon, panunuorin ko ito. I just want to keep it a secret gaya ng ginawa ko ng nagka gusto ako kay Samuel.

“Bakit parang. . Ay bold!” sigaw ko sa gulat ng biglang may humawak sa balikat ko habang may naaalala ako sa mga points na binabanggit duon sa topic na pinapanuod ko, “Kanina ka pa nand’yan? Si Sam?”

Natawa naman si Samuel sa akin kasi malamang yung hitsura ko kundi mukhang nakakita ng multo halatang may ginagalawang kabalastugan tapos naabutan ng magulang.

“Hindi, kakatayo ko lang dito halos. Nasa labas si Sam. Mag out ka na ba?”

Napangisi naman ako sa tanong niya. Ang double meaning kasi.

“Una sa lahat, matagal na akong out sa mga nakakailala sa akin. Pangalawa, oo maga-out na ako kasi baka naglulumpasay na ’yung kakambal mo sa labas.” natatawa kong saad habang naglalakad kami patungong counter para ipa out na yung station ko kanina.

“Nga pala, ano ’yung nakita ko sa pinost ng univ natin? Ikaw ba talaga iyon?” may pagka kuryosong tanong nito.

“Ah so nakita mo na pala?”

“So, ikaw nga iyon?” tugon nito na may halong saya at inis sa tono nito.

“Oo, bakit?”

“Sino ba nakaisip na pagbihisin ka ng ganuon? Ginawa ka naman nilang entertainment at pumayag ka naman. Pero in fairness, ang ganda mo duon. Ang ganda mo pala talaga kung naging babae ka.”

I suddenly felt off sa sinabi nito pero baka ako lang kaya hindi ko nalang masyadong inintindi.

“Maganda pa rin naman ako kahit na hindi ako naging babae saka ayos lang iyon, una at huli na iyon.”

“Aba dapat lang. Masyaso ng quota iyang Naito na iyan sa iyo.”

“Huh?”

Pero hindi ko na naklaro sa kanya kung anong ibig niyang ipahiwatig duon dahil tuluyan na kaming nakalabas ng computer shop at sinalubong ni Sam.


STARING AT SUMMER ( XXXVIII )

Nagising akong maganda at binabaha ng napakaraming notifications. What the?

Kinakabahan man ay mas inuna ko ang morning routine ko - ang magsoundtrip habang naliligo. Mini concert kumbaga. For sure naman hindi lang ako ang gumagawa nito.

Feel na feel ko yung sexy vibe ko habang naliligo. Pakiramdam ko nga main character ako at nagiislow mo ang camera sa akin habang nasa background ko ang kantang Wannabe ng Why Mona. Hindi sinasadyang napatingin ako sa salamin habang feel na feel ko yung moment at biglang for some weird reasons pumasok sa eksena ang pigura ni Quilris. Napalunok ako. Naalala ko ’yung suot niya kahapon at ’yung nagiging titigan namin sa harap ng salamin sa dressing room. Shit. Agad akong umiling-iling para gisingin ang sarili ko sa kahibangan ko. Jusmiyo, Aelius!

“Baliw na yata ako.” bulong ko sa sarili ko.

Matapos akong maligo ay agad akong naghanap ng isusuot kong damit para sa alone time/gala ko sa park na hindi kalayuan dito sa amin. Perks ng tinapos agad ang school works kagabi at rest day today. Excited na ako!

If anyone’s curious ano ang outfit ko well, yellow and white stripes lang naman na long sleeve na pinaresan ng jeans at rubber shoes na may yellow accent at simpleng gold chain. Syempre dapat kahit sa park lang ang punta ko, pang mukhang gagala ang datingan ko. Malay ninyo naman kasi may biglang mag aya sa akin gumala. Dapat laging ready. Hehehe.

I decided na sa labas nalang mag breakfast kaya bago ako lumabas ng bahay I made sure na dala ko ang white tote bag ko na may moon phase design kung saan nilalaman nito ang essentials ko. Hindi naman ganuon kainit kaya hindi na ako nagpayong pa. Nakapag sunblock naman ako so keribels lang. And today is a good day. Pansin kong daming bumabati sa akin kahit na hindi ko naman sila kilala. Karamihan mga lalaking nagjo-jogging. Panigurado kung nandito lang si Dyossa or Thotel ay kanina pa ako inaasar ng kung sino man sa kanila habang parang na-isprayan ng baygon na ipis. Hahaha.

Tumigil na ako sa pagbati ng mga hindi ko naman kilala at tinuon nalang ang sarili ko sa pagce-cellphone kaya hindi ko napansin ang papasalubong sa akin na nagjo-jogging at nauntog ako mala padee nitong dibdib.

“Ay, sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya! Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.” paumanhin ko habang marahang minamasahe ang nuo ko. Ang sakit!

“I should be the one saying sorry dahil intensyon kong mabangga ka talaga sa akin kahit na pwede naman akong umiwas dahil nakita na kita sa malayo palang.” natatawang saad nito. Teka, bakit pamilyar yung boses?

Agad kong inangat ang tingin ko and jusko po! Pakiramdam ko lumaglag ang panga ko sa kalsada at natuyo ang tubig sa katawan ko. From 60% of water bumagsak agad ito to 5%. Nakakauhaw! Saan ba pwedeng maki inom ng tubig? Dito sa kaharap ko? Charot!

“Quilris!” nakangiti kong bati na siyang kinangiti niya at marahang hinaplos ang buhok ko.

“Ikaw lang mag isa?”

“Ah, oo. Nagpapahangin lang.”

“Aba, ayos pahangin mo ah. Mukhang gagala ka.” nakangising sabi nito, “Sayang ayain pa naman sana kitang samahan ako mag jogging.”

Napatingin ako sa suot ko.

“Pwede naman. Mag jogging ka then mag walking lang ako sa gilid mo.” nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Shit, saan galing iyon?

“H’wag na. Tapos na rin naman ako. Nag almusal ka na?”

Binigyan ko siya ng meaningful look. Is he asking me on a date? On a broad daylight?

“Oi, Quilris hindi mo ako madadaan sa ganyan ah. Huwag mo ako itulad sa mga nakilala mo. Friends lang tayo remember?” naka cross arms ko pang sabi na siyang sinuklian niya rin ng weird face reaction.

“Wha-? Don’t tell me iniisip mong inaaya kita sa date?” nakangising tanong nito.

“Bakit hindi ba?” tugon ko at halos gusto ko ng magpalamon sa kalsada ng marinig ko ant eskandalosong tawa niya kaya ayun, madaming napatingin sa amin.

Ay shuta ka, Aelius! Ang assuming mo kasi eh, ayan tuloy! Nakakahiya ka!

“Grabe, ang pag aaya na pala ngayon na kumain is way of dating?” saad nito na halos hindi pa rin matigil sa kakatawa, “So kapag niyaya ko din pala ang parents ko na kumain, ibig sabihin inaaya ko sila makipag date sa akin?”

Sa inis ko pinaulanan ko ng palo ang braso niya. Mukha namang effective kasi tumigil na siya ng pagtawa at pinapatigil ako sa pagiging bayolente ko.

“Ito naman hindi mabiro. Alam mo gutom lang iyan eh. Kumain nalang tayo.” inakbayan ako nito pero inis ko pilit ko itong tinatanggal habang naglalakad kami kasi naiilang din ako sa mga nakatingin sa amin.

“Tsk!” ismid nito at tumigil sa paglalakad kaya medyo nauna ako sa kanya ng ilang hakbang.

“Anong kalokohan iyan?” inis kong tanong habang nakatingin sa kanya, “Tara na!”

“Ayaw ko.” tugon nito at tumingin sa nasa gilid niya, “Ayaw mong magpa akbay.”

Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko naglelevitate na ako sa kinatatayuan ko. What’s happening?

“Bakit kasi may pag akbay pa?”

“Eh ano naman? Bawal ka akbayan? May nakakahawa ka bang sakit? May ketong ka ba?” parang batang maktol nito.

“Anong ketong?! Wala akong ketong! Pinagsasasabi mo d’yan?!” patol ko.

“Eh wala ka naman palang ketong eh! Magpa akbay ka!”

“Eh sa ayaw ko eh!”

“Ayaw mo magpa akbay because?”

“Because. . Because ayaw ko lang!”

“Eh di kumain ka mag isa mo. Dito lang ako! Hindi ako aalis!”

“Ano ka bata? Tara na dito! Nagugutom na ako!”

“Eh di kumain ka nga! Go!”

Napabuga ako ng hangin sa pagtitimpi ng inis ko paano kasi galaw spoiled brat na hindi napagbigyan. Inirapan pa ako! Take note, inirapan ako ng isang Quilris Naito! Ugh!

Mabibigat ang hakbang kong lumapit sa kinatatayuan ni Quilris at kinuha ang kanang kamay nito para iangkla sa balikat ko. Dahan-dahan naman siyang napangiti.

“Tara na. Nagugutom na ako. Huwag kang ngumiti-ngiti d’yan hindi ka aso.”

“Eh ano pala ako?” tanong niya ng magsimula kaming maglakad.

“Tao.”

“Mali.”

“Eh ano ka? Alien?”

Ngumisi lang ito bilang tugon sabay baba ng kamay niya sa bewang ko.

“Nagbago na isip ko. Ayaw na pala kitang akbayan. Mas okay ng hawak kita sa bewang. Mamaya makawala ka pa eh.”

Napanganga naman ako mentally sa sinabi niya. Anong kalokohan na naman ba niya ito? Ugh! Ang weird ng mga tao ngayon! Kahapon si Samuel ngayon naman itong si Quilris. Nakakasakit ng brain nerves ah!


STARING AT SUMMER ( XXXIX )

“Ang dami naman nito!” nakanguso kong sabi habang tinitignan ang mga nilalapag niyang pagkain sa lamesa namin dito sa carinderia na pinasukan namin malapit sa simbahan.

“Madami ba iyan? Ang unti nga lang n’yan. Kumain ka ng maayos para hindi ka sobrang payat. Para kang may sakit eh.” aermon nito habang pinupunasan ng tissue ang kubyertos.

“Kumakain ako ’no! Hindi nga lang ganuon kadami.” inabot ko ang pinunasan niyang kubyertos at sinunod punasan ang gagamitin niya. Medyo napangiti ako duon.

“Hindi ko naman sinabing kumain ka ng madami. Ang sinabi ko kumain ka ng maayos saka wait, are you physique conscious? Well, don’t be. Hindi lang naman duon ang sukatan ng pagiging maburing tao.” tugon nito at sunod na nilagyan ng tubig ang mga baso namin pero mas nauna ang akin.

Naudlot ang pagkain ko ng matiwasay ng may marinig ko ang bungisngis ng ibang kumakain malapit sa amin. Paglingon ko ay dahil pala iyon sa lalaking kaharap ko. Napa irap ako ng hindi sadya. Bigla akong nairita at hindi ko alam kung bakit. I mean, for sure naa-attract lang naman sila kay Quilris kasi nga gwapo, malako katawan at amoy mabango but please! Hello? Nandito po ako. May kasama siya. Ugh! And FYI, hindi ako nagseselos ’no. Naiinis lang ako. Imbis na kumain eh.

“Hey.” nalipat ang atensyon ko kay Quilris ng maramdaman ko ang kamay nito na nakapatong sa kamay ko na nasa lamesa at nagaalalang ngumiti, “Hindi ba masarap ’yung pagkain?”

“Ah, hindi. Hindi. Naiingayan lang ako sa mga katabi natin.”

“Ah. Hayaan mo sila. Kasama mo ako kaya dapat nasa akin ang atensyon mo at hindi sa kanila. Tignan mo ako, sa iyo lang ako nakatingin.”

Heto na naman po yung tiyan ko na parang tangang nagba-bounce na parang bola sa sinabi niya. Kasi naman eh!

Para ma divert ang atensyon ko completely sa mga katabi naming kinaiinisan ko, completely forgetting na nakapatong pa ang kamay niya sa kamay ko ay nag isip ako ng topic kung saan curious ang marami ngunit maaaring sa piling tao lang niya sabihin. Friends naman kami eh. Baka lang sabihin niya sa akin. I mean, hopefully. Hindi ko naman ipagkakalat or gagamitin against him. Gusto ko lang din kasi malaman.

“Uhm, Quilris. .”

“Say it, kitten. Huwag ka na magpaalam pa kung pwede mo tanungin.” nakangisi niyang tugon habang nakatitig sa mga mata ko.

“Uhm, ano kasi. . personal?”

“Yeah, go ahead.”

Huminga muna ako ng malalim bago itanong ang gusto kong malaman.

“Hmm, nagtataka lang kasi ako. Mukhang galing ka sa well-off na pamilya pero bakit nandito ka sa bansang ito? I mean, mas maganda ang opportunity sa pinanggalingan mo so, bakit?”

Napangisi siya pero unti-unti iyon napalitan ng malungkot na ngiti hanggang sa naging straight line habang nakatitig siya sa mga nagdadaang mga tao sa labas nitong carinderia.

“You wouldn’t look at me the same way if I tell you.”

“Make me. I’ve known you for awhile now, Quilris. Hindi iyon basta-basta magbabago dahil lang d’yan sa sasabihin mo. I mean, people have a chapter in their life that they don’t want to talk about kasi pwede sila ma-judge but at the end of the day, that’s what makes them who they are today so, who am I to judge you or change the way how I see you?”

Muli siyang ngumisi at ginulo ang buhok ko kaya hinampas ko siya sa braso niya. Natawa lang naman siya sa ginawa kong iyon. Sira ulo talaga.

“So bakit nga?” ulit ko.

“I fell in love. Hard.”

Pagsabi niya nu’n, parang automatic na nag shut off ang paligid ko. Nawala ang irrelevant sa paligid at tanging si Quilris lang ang nakikita ko at naririnig.

“I. . How do I start? Uhm. .” napahawak siya sa likod ng batok niya at para siyang bata na hindi alam paano sasabihin sa magulang na may nagawa siyang kasalanan. It was cute. He’s cute.

“It started in high school. I met this girl. Her name is Akari. We attend the same school but with different sections. I’m in the pilot, she’s in the second. You know, like, A and the next is B. Something like that. She’s pretty and quiet. I mean, there are a lot of beauties in our school but she’s the only one that caught my attention. She’s average when it comes to IQ but she’s really fun to be with when there’s no ones around and outside school so we always hang out. Back then, my popularity at our school is same with my high school. A lot of confessions here and there but I don’t fuck around like I used to here. I’m that literal handsome, quiet, nerd you see in anime that has his heart and eyes only to one girl.”

Habang sinasabi niya iyon I can somehow feel bitter happiness in there. Probably kasi wala pa siyang napag kwentuhan nu’n. Nanikip ang dibdib ko but syempre ginusto ko ito eh. Tinanong ko ito and therefore, I should be open-minded about it and listen.

“Months of being friends, I can no longer hide the fact that I’m falling in love with her. I mean, like I said, she’s fun to be with. High school is the only place I could somehow enjoy my teen age life since my Father started to train me to be the next Heir.”

Heir? Of what? Company? The next CEO?

“So I confessed. Funny how the tables turned that I was the one handing her a letter on the staircase just before the semester break starts but I didn’t receive any immediate response from her on that day. She actually didn’t talk to me the whole semester break which broke me but after break ends, she gave me my most awaited answer and I was so damn lucky and happy at the same time that I thought my first attempt in dating is a failure. I was happy. She was too. We were both. I mean, for a while we were until I learned what my Father meant when he says not to fall in love with someone who’s just there for and gives you happiness.”

Sapat na ang tingin na binigay ko sa kanya at ang pagpisil sa kamay niya para sagutin ang tanong sa isip ko na, “What happened?”

“She made a fool out of me and I was willing to lower myself just because of the so-called love I have for her when all along it was just a one-sided love.”

My breath hitched not only when I heard him said that but also when I saw his eyes wanting to cry for remembering that chapter of his life and for all I know, I want to rip that Akari apart who hurt Quilris.


STARING AT SUMMER ( XL )

“Finally! Sembreak na! Woo!” sigaw ni Dyossa pagkalabas na pagkalabas niya ng room after niyang ipasa yung test paper niya sa proctor namin. Natawa nalang kami na naiwan dito sa luob lalo na ng sumigaw ’yung proctor na huwag muna siya magbunyi hanggat hindi pa niya nakikita ’yung grades niya.

After ng nakakaluhang 1 hour and 45 minutes para sa last subject sa huling araw ng exam na unfortunately ay Algebra ay naipasa ko na rin ang test paper ko. Okay, don’t judge me lalo na kung isa ka sa mga nahihirapan din sa math. Tsk.

“Ang tagal mo sa luob, Sis! Akala ko paglabas mo magiging ikaw na si Renè Discartes!” natatawang sabi niya sa akin.

Nginitian ko nalang siya bilang tugon. Wala kasi ako lakas na makipagbiruan sa kanya kasi sobrang na-drain ang utak ko sa mga numbers and letters na nasa test paper kanina. Sino ba kasi umimbenta ng lintek na Math na iyan? Huhuhu.

“So anong balak mo sa sembreak?” tanong ni Dyossa habang kumakain kami sa pink house kung tawagin dahil yung interior ng buong kainan kulay pink. Buti nalang talaga laat day na ng exams namin at last exam ’yung Algebra kaya makakahinga at makakatulog ako ng matiwasay panandalian. Ang kailangan ko nalang isipin after ng bukas ay yung makukuha kong grades for first sem.

“Hindi ko alam. Baka sa bahay lang ako. 2 weeks lang naman sembreak natin.”

“Ay, ang boring naman! Pero who am I to judge? Most likely parehas lang din tayo ng situation dahil kahit payagan ako ng parents ko na lumabas hindi ko rin naman alam saan ako pwedeng pumunta.”

“Ako may alam akong puntahan.” biglang pasok ni Thotel sa conversatiom na nasa likuran lang ni Dyossa na walang kaalam-alam.

“Saan?” wala sa luob na tugon ni Dyossa.

“Sa club!” energetic nitong tugon kaya agad na napalingon si Dyossa at para silang mga bulateng inasinan na nagtilian at nagtatatalon pa. Akala mo naman ngayon lang sila nagkita na dalawa. Natawa nalang ako.

“Pass ako. Bakit maulit ulit ’yung nangyari sa akin ng nakaraan. Mapagalitan ulit ako ni Quilris.”

Yeah, I still remember that day after I was almost taken advantage of whoever that narcissistic and perverted man was. Hindi naman niya pinagalitan bagkus pinangaralan niya lang ako at pinaalalahanan sa nagawa kong mali.

Agad na nagkatinginan sina Dyossa at Thotel sa isa’t-isa na may malisyosang mga ngiti. Alright, here we go again.

“Eh why not na isama nalang natin siya?”

Nanlaki naman ang mga mata ko sa suhestyon ni Dyossa. Jusko, nakakahiya kay Quilris. Friends lang naman kami at hindi ko naman siya boyfriend, mas lalong hindi ko siya magulang para magpaalam or isama namin siya sa trip nilang lakad naming tatlo. Mamaya kung ano pang isipin nu’n sa akin. Isa pa, baka maabala ko lang siya. May plano na siguro iyon for the sembreak plus may part-time job din siya baka maka istorbo pa ako sa schedule niya.

“Club? Why not we go camping instead? I know a place where we can. I can drive us there. You just have to bring what you need. Kung sa pagkain naman, we can just buy cook foods along the way or ihaw if you guys want.” dinig kong sabi ng pamilyar na boses sa tabi ko. Agad ko itong nilingon at sakto namang nilingon niya din ako at nginitian ako ng magkasalubong ang mga mata namin.

“K-Kanina ka pa nand’yan?” takang tanong ko.

“Oo, ’te! Lumilipad kasi isip mo kanina.” sagot ni Dyossa in behalf of Quilris.

“So? Are you still in for clubbing?” usisa niya sa dalawang kaibigan ko.

“You know what? Parang mas bet ko suggestion ko. So when do we go?” interesadong tanong ni Thotel.

“If your parents give you permission to go, we can tonight.”

Bumagsak ang panga ko sa gulat. Agad-agad? Narinig ko naman ang excited na pagtititili nina Thotel at Dyossa so I guess that’s a go for us.

Hindi ko alam kung bakit ganuon mo ako kabilis napapayag but here I am nagiimpake ng essentials para sa one night camping namin mamaya kasama sina Thotel at Dyossa. Nagpaalam ako sa kambal at kay Lola Tessa pero di ko sinabi na malayo ang pupuntahan at kasama si Quilris dahil kapag nalaman ni Sam ang tungkol duon aasarin niya ako at si Samuel? Baka hindi ako payagan at sermunan pa ako. Alalahanin ninyo nalang na protective ang kambal sa akin kaya ganuon lalo na si Samuel.

Nang matapos ako sa pag aaaikaso, hindi na ako naghintay pa na sunduin ako ni Quilris sa amin dahil baka makita pa siya nila Lola Tessa at interviewhin eh di nasira ang paalam ko sa kanila.

Alas kwatro na ng makarating ako sa mall kung saan nagsabi si Quilris na maggo-grocery siya at hindi na ako nahirapan sa paghahanapan sa kanya dahil sa malayo palang, alam ko na ang tindig niyang iyon kahit pa nakatalikod, mas lalo lang na emphasize na si Quilris nga iyon ng may makita akong parang mga kabuteng bulate na naka aligid sa kanya. Tsk.

“Kitten? Aish, sabi sa iyo hintayin mo nalang ako duon sa bilihan ng doughnut malapit sa parking lot para hindi ka mapagod sa paghihintay sa akin.”

“Ayos lang. Mas mabobored nga ako kung hihintayin lang kita duon. Teka, ano pa mga bibilhin mo?” usisa ko at naki usyoso sa hawak niyang listahan ng mga dapat bilhin. Nawala na sa isip ko yung tungkol sa mga naka aligid sa kanya kanina but aa if they matter right now lalo pa at nadidistract ako sa distance na meron kaming dalawa na siyang rason para maamoy ko ang panlalaking pabango niya. Parang ang sarap niya tuloy yakapin. Aish!

“Hey, kitten.” saka lang ako bumalik sa senses ko ng marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko este yung nickname niya for me.

“Huh? Bakit?”

“Sabi ko pagtapos natin dito, gusto mo bang kumain muna tayo habang hinihintay sila or mamaya nalang kapag nasa biyahe na? Mag drive thru nalang?”

“Mamaya nalang siguro kapag nasa biyahe na tayo baka kasi hindi pa din kumakain yung mga iyon sa excitement nila. Okay lang ba?”

Tumango naman siya sa akin at ngumiti. Jusmiyo! ’Yung mga bulate ko tuloy sa tiyan nagsilundagan.

“Kitten, ikaw na magbayad.” utos niya sa akin. Akala ko literal na ako ang magbabayad dahil sa tingin ko kulang ang dala kong cash sa kakaunti ngunit mahal na mga pagkain namin mamaya na kinuha niya, saka ko lang nagets ang ibig niyang sabihin ng iabot niya sa akin ang wallet niya. Nalula ako dahil una, hindi ko akalain na ganuon nalang ang tiwala niya sa akin na ipahawak ang wallet niya. Pangalawa, ’yung makahulugang tingin ni ate cashier na binibigay niya sa akin habang busy si Quilris sa pagtulong sa pagpack ng mga pinamili namin at pangatlo, ang pinaka grabe sa grabe, pagbukas ko ng pitaka mo, minus the fact na mamahaling brand ang tatak nu’n at may mga cards na hindi pipityugin at cash na makapal, eh mas natuon ang atensuon ko sa picture naming dalawa ng Criminology week. Ito ’yung sa fake wedding namin. Bakit meron siya nito? Hala siya!

“Ah Sir?”

“Sorry, sorry! Magkano po?”

Nanginginig kong kinuha ang cash sa wallet niya at agad na binalik sa kanya ng marealize kong nakatayo na siya sa gilid ko. Shit, awkward.

“Are you alright?” tanong niya ng makalayo na kami sa cashier hawak ang pinamilo niya.

Tango lang ang naisagot ko at akala ko may bibilhin pa kami ng mapahinto kami sa paglalakad

“Give me your bag.” utos niya.

“Huh? Bakit?”

Napabuntung-hininga ako ng hindi siya sumagot kaya alangan kong tinanggal ang pagkakasukbit ng mabigat kong back pack sa likod ko at inabot iyon sa kanya.

“There. Much better. Kung bakit naman kasi ang dami mo naman yatang dinala. Hindi naman tayo mawawala ng isang linggo.” natatawang sabi niya ng magsimula ulit kaming maglakad at dala niya na ang bag ko habang hawak pa rin ang paper bag samantalang ako, wala man lang ni isa na dala. Nahiya tuloy ako bigla.

Bakit ba nabiyayaan ako ng sobrang gentleman pero may pagka fuckboy na kaibigan? Kaya heto ako ngayon, fighting the urge not to fall inlove more to him. Ugh, ang hirap.

Bakit kasi sa kanya pa?


STARING AT SUMMER ( XLI

“Ay naku hindi naman kami na-inform pang malakasan pala kotse natin.” amazed na puri ni Dyossa pagkasakay niya sa luob ng kotse. Siya ang huling dumating sa amin kasi na-traffic pa daw siya papunta sa kitaan.

To be honest, miski ako nagulat ng makita ko ’yung logo ng kotseng dala niya. Sabi niya sa akin hiniram lang daw niya ito sa Tita niya. Nakakaloka nga dahil pinahiram ng Tita niya ’yung sasakyan sa amin na parang normal na brand lang ng kotse na makikita mo sa kalsada. This logo speaks status in the society! BMW ba naman eh.

“You guys hungry? Mag drive thru na ba tayo?” tanong niya sa amin habang nagmamaneho siya and I don’t know if its just me or what pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kamay niyang nakahawak sa manibela. Napalunok ako. Oh those slender, veiny hands of his and yung way pa kung paano siya humawak sa manibela. One hand! Sanay na sanay mag drive, aber?

“Ay sige, go! Bet ko iyan!” pag sang-ayon ni Thotel samantalang si Dyossa naman abala sa pagdutdot sa cellphone niya.

“Zaddy Claec! Pwede pa soundtrip?” nakangusong tanong ni Dyossa sabay tingin sa rearview mirror.

“Sure. Connect mo lang sa bluetooth nitong sasakyan.”

Magkatabi sa likurang bahagi ng kotse sina Dyossa at Thotel samantalang katabi ko naman si Quilris dito sa harap. Tatabi kasi sana ako kila Dyossa kaso dineny nila ’yung request ko pagkarinig nila na gusto ni Quilris na sa harap ako ma-upo. Tsk, mga loko talaga. Akala ba nila hindi ako aware sa ginagawa nilang pag push sa akin kay Quilris? Tsk, tsk.

Tahimik lang akong iniinom ’yung coke float ko habang kumakain at nagchi-chismisan sina Dyossa at Thotel sa likod habang may tumutugtog na kanta sa background. Pasimple akong napatingin kay Quilris para tignan kung may signs ng any discomfort sa kanya dahil sa ingay habang nagda-drive siya pero wala naman akong kahit na anong nakita maliban nalang sa panay ang tingin niya sa drink niya na hindi niya pa rin naiinom at sa fries. Napanguso ako ng marealize kong baka gusto niya kumain or uminom pero hindi niya magawa dahil tinutuon niya ang focus niya sa daan kaya syempre as a good person na may malambot na puso eh kinuha ko yung iced cold coffee niya at nilapit sa bibig niya. Gulat siyang napatingin sa inumin at sa akin.

“Sige na.” ang nasabi ko nalang habang nakanguso. Nakita ko namang napangiti siya sa ginawa ko at agad na sumipsip sa straw ng drink niya.

Bigla namang natahimik ang likurang bahagi ng kotse at kinakabahang hindi ako makalingon sa likod kasi alam ko na ang mangyayari kapag lumingon ako.

Narinig ko ang pekeng pag ubo ni Thotel.

“Parang ang tamis masyado nitong coke float ’no, bitch?” parinig nito.

“Oo nga, mamshiii!” pag sang ayon ni Dyossa na sinabayan din niya ng pagubo, “Real na real ’yung tamis eh! Kainggit! Este ang tamis, sobra!”

Napansin ko naman sa peripheral ko na nailing si Quilris at mukhang nagpipigil ng tawa kaya agad akong napabusangot at bunawi yung inumin mula sa kanya at ibalik iyon sa pwesto nito kanina. Nilingon ako ni Quilris pero hindi ko magawang lingunin siya pabalik at pinanatili ang tingin ko sa labas dahil ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

Ilang minuto din tahimik ang biyahe hanggang sa magsalita si Quilris. Paanong hindi tatahimik na-lowbat ba naman cellphone ni Dyossa plus weird enough eh sabay ding nakatulog ’yung dalawa sa likod. Napagod siguro sa sarili nilang ka-hyperan.

“Kitten.”

“Hmm?” tugon ko.

Pinakuha niya sa akin ’yung cellphone niya na nasa compartment at walang pagdadalawang isip na binigay sa akin ang password ng cellphone niya. Like, hindi ba dapat hindi niya sinasabi kung kani-kanino ang password niya kasi like, hello? Password is for security purposes or is it not?

“Staring At Summer?” tanong ko ng matapos ako sa pagta-type ng password niya. Hindi ko nga alam bakit ako naka ngiti at may kung ano sa tiyan ko na hindi ko ma-explain kung bakit.

“Yeah, why?”

“Bakit ganito password mo?”

“Special reason.” nakangiti niyang tugon at mabilisan akong nilingon na may matamis na ngiti sa kanyang labi.

“You love summer season? Eh ang init-init nu’n!” thou ang start ng summer ay birth month ko.

“Like I said. . . special reason . It reminds me of an event from my childhood. A person.”

“Oh, so is it safe to say na summer kayo nagkakilala? Is it a friend of yours?”

“Yes and no.”

“Anong yes and no?” taka kong tanong.

“Yes, we met on summer but no, we’re not friends. It was just a one time encounter and a fast one too.”

“Eh paano iyon naging special sa iyo?”

Napansin ko sa peripheral ko na nilingon niya ako habang tina-type ko ’yung kantang gusto kong i-play habang nasa biyahe kami.

“’Coz that kid was the first person to taught me how to flirt and own someone without them being aware of it.”

“Huh? Ano bang tinuro sa iyo ng batang iyon? Aga niyang humarot ah!” intriga kong tugon kaso aksidente kong napindot yung play button sa kantang napili ko kaya naudlot ’yung sasabihin niya sana sa akin na hindi na rin niya naituloy kasi na-hook na rin siya sa favorite song ko eh. I mean, well! Duh? It’s Noel Cabangon.

Natatandaan mo pa ba

Nang tayong dal’wa ang unang nagkita

Panahon ng kamusmusan

Sa piling ng mga bulaklak at halaman

Doon tayong nagsimulang

Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba

Inukit kong puso sa punong mangga

At ang inalay kong gumamela

Magkahawak-kamay sa dalampasigan

Malayang tulad ng mga ibon

Ang gunita ng ating kahapon

For some odd reason, nag flash back sa akin ’yung batang nakilala ko before na siyang first love ko. At first, akala ko puppy love lang or infatuation but it’s been years pero ang lakas pa rin ng tama ko sa imahe ng batang iyon sa isip ko. My crush before to Samuel couldn’t even compare and as for Quilris. . . Pasimple ko siyang nilingon at binuga ang usok ng sigarilyo ng walang ingay.

That same feeling towards the boy I met at the park before somehow resembles the feeling I have now with Quilris though alam ko namang napaka impossible na maging pang teleserye ang buhay ng tao kaya impossibleng siya ’yung batang iyon.

STARING AT SUMMER ( XLII )

Pagdating namin sa camp site agad naming inasikaso ’yung tutulugan naming tent. Nagulat pa kami nila Dyossa dahil pang malakasan ’yung dalang tent ni Quilris. Like, mukha namang hindi bagong bili ’yung tent niya so does it mean na mahilig mag camp itong lalaking ito o baka naman ’yung mismong pamilya niya?

And yeah, halos pasado ala singko na kami nakarating kaya naman minamadali na namin ang pagseset-up. Hindi naman dahil sa kami lang ang tao dito sa camping site, may mangilan-ngilan naman kaso malayo sa amin. Like perfect distance. Para kaming nasa isang exclusive barn na sobrang lawak na may access sa lake at front seat view sa mga lalabas na bituin mamaya.

“Salamat ng marami, Zaddy Claec!” pasalamat ni Dyossa kay Quilris ng ito na ang tumapos ng pagseset-up ng tent dahil mukha kaming damsel in distress na tatlo sa sobrang walang may alam sa amin paano iset-up ng maayos ’yung tent.

“No worries. Alam ko namang mahirap i-set iyan eh hinayaan ko lang kayo dahil nag offer kayo saka para ma-experience ninyo din.” sabi lang nito habang pinapaypayan ’yung pinapabaga niyang uling. Yes, magba-barbecue kami!

Nag take turns kami sa pagiihaw hanggang sa maging kami nalang ni Quilris ang natirang matibay. Paano ba naman, ayun sina Dyossa at Thotel busy makipag tsismisan sa ibang campers at mag selfie na pang post nila sa socmed.

“Are you happy being here?” out of nowhere na tanong ni Quilris sa akin.

“Oo naman. Sa totoo lang, first time ko ngang makapag camping. Alam mo ba dati ng bata ako gustung-gusto ko sumali sa boyscout dahil lang gusto ko maka experience mag camp kaso hindi ako pinapayagan kasi baka kung mapaano daw ako kaya happy ako na naka experience ako nito kahit na medyo late na. Thank you, Quilris.”

“You’re welcome, kitten. But really? What makes you want to experience camping? Dahil ba sa tent? Bonfire?”

“Maybe kasali na rin ’yang mga iyan duon but honestly, gusto ko kasi ma-experience ’yung mag star gazing ng gabi tapos nasa tapat ka lang ng tent habang may bonfire sa gilid tapos tahimik.”

“We can do that later kapag tulog na sila Dyossa.” sabi nito sabay kindat.

“Loko, ’di ba dapat kasama sila?”

Nagkibit-balikat lang ito na pinagtaka ko.

Bakit kaming dalawa lang gusto niya?

Baka may aaminin siya sa iyo? bulong ng utak ko na kinailing ko. Ayaw kong umasa baka mamaya umasa lang ako sa wala.

Natawa ako pagbalik nila Dyossa may dala na silang pabaon ng mga campers na pinuntahan nila kaya syempre nagbigay din kami in return. Nakakahiya naman kung hindi eh binulabog sila nitong dalawang ito.

“Isang taon nalang pala halos ga-graduate ka na ’no?” biglang sabi ni Thotel habang kumakain kami ng dinner namin sa labas ng tent namin. Naglatag kasi kami ng malaking kumot na parang sa picnic para duon kumain.

“Ah yeah, ikaw din naman.”

“Ay hala sana all makaka graduate na!” nakangusong sabi ni Dyossa na kinatawa ng dalawa.

Malapit na pala siya grumaduate? I mean, sila ni Thotel? Kung sabagay, mas ahead sila sa amin.

“Hindi ah! Mas gugustuhin ko pang mag aral nalang kesa mag trabaho! Nakaka haggard mag work. Nakaka wala ng fun sa life kasi puro ka na paano kikita continously ng pera ang iisipin mo then bills sa kuryente, tubig and all.” tugon ni Thotel at bumuntung-hininga, “Buti sana kung katulad ako nitong isang ito na pinanganak na mayaman.”

“Parents ko ang mayaman, loko at hindi ako. Kailangan ko pa rin magtrabaho para sa sarili ko and I would prefer that kesa ’yung nakuha ko lang na hindi ko pinag hirapan. And excuse you, may kaya ang family mo ah?”

“Oo nga pero kasi ,ugh! Ikaw kahit papaano makakakuha ka ng support sa parents mo pagka graduate, ako literal na walang support kasi isang bagsakan nila ibibigay sa akin lahat ng responsibilidad na hawak lang nila until makagraduate ako.” nakangusong rant niya sa amin.

“Naging mag clasamate ba kayo?” usisa ko dahil parang aware si Quilris sa personal life ni Thotel. Hindi ako nagseselos ’no. Hindi lang din kasi talaga namin masyadong napaguusapan personal life ng bawat isa dahil usually about school, boys and gay life sumisentro ang usapan namin kaya first time ko lang din na malaman na may kaya ang pamilya ni Thotel thou medyo halata naman din talaga sa kilos at awra niya na mula siya sa maayos na family.

“Oo, naging mag classmate kami. In fact, naging tutor ko siya sa same class na iyon. Kainis kasi ’yung Prof namin na iyon eh. Ako ang trip porket hindi ko masabayan ’yung klase niya.” sagot ni Thotel.

Naging tutor niya si Quilris?

Automatic naman akong napatingin sa katabi ko at para bang bigla siyang kinabahan ng magtama ang mga mata namin. Bakit? I mean, bakit siya kakabahan?

Saglit kong iniwas ang tingin ko sa kanya at nakita ko si Dyossa na nakangisi sa akin. Problema nito? Kaloka.

“Yeah, but that was because tinutulungan mo din naman ako kapag may times na ayaw kong pasukan ’yung klase na iyon or late ako. Plus, you’re right. Trip ka talaga ng Prof na iyon kasi kung tutuusin ’yung subject mismo madali ’yung nagtuturo ang hindi.”

“Sinong Prof iyon ng masabi ko sa universe na huwag namin maging Prof!” saad ni Dyossa.

Umikot ang conversation namin about sa mga Prof, subjects, classmates, mga popular sa school at mga rumours na dinidikit sa kanila hanggang sa mapagod kami kaka-daldal at kakatawa. Hindi na namin namalayan ang oras dahil sobra din namang nakaka enjoy ’yung conversation namin at saka halos ’yung mga ibang nanduduon alive na alive pa rin kahit na malalim na ang gabi.

Nang mag decide kami na matulog na eh wala na sa amin naka isippa na mag check ng oras. Basta diretso higa nalang ganuon. Mga pagod eh kahit hindi naman ganuon karami mga ginawa namin. Refreshing din dahil hello? Unang araw ng sembreak camping for one night ang bungad thou after nito balik reality ulit. What do I mean by that? Well, after kasi nito kanya-kanya na kaming ganap sa mga family namin dahil second sembreak na namin ito. Meaning, ang balik naming lahat ay by January na.

And that is when it hit me.

Ang bilis ng panahon.

Sa sobrang bilis parang kahapon lang nangyari ang lahat. ’Yung unang araw ng pagtapak ko sa university, first meeting ko with Thotel and Dyossa, ’yung sa amin ni Quilris na nagsimula kami from magka galit to friends at ito nga, kasama ko pa nga sa pagcacamping. Grabe!

Dahil sa pagre-reminisce ko nawala na ’yung antok ko na meron ako kanina. Napatingin ako sa entrance/exit ng tent.

Labas kaya ako? Safe naman kung nasaan kami so wala naman sigurong mangyayaring hindi maganda kung magii-stargazing ako. Tama!

Hindi ko na chineck pa sila Thotel dahil alam kong malalim na ang tulog ng mga ito kaya nagdahan-dahan nalang ako lumabas ng tent at hindi ko inaasahan na makita si Quilris na gising din pa pala gaya ko at pinipihit ’yung strings ng hawak niyang gitara. Huh? Parang hindi ko yata nakita na may dala siyang gitara kanina. Saan at paano niya iyon natago?

“May dala ka palang gitara?” tanong ko at umupo sa tabi niya. Napanguso naman ako ng hindi ko man lang siya nakitaan ng pagka gulat sa mukha niya.

“Ah, oo. Nakatago lang ito duon banda sa likuran. Akala ko natulog ka na?”

“Akala ko din eh.” kibit-balikat kong tugon.

“Haranahin sana kita para magising ka eh kasi baka nakalimutan mo ’yung sinabi ko kanina.”

“Ah, yung magii-stargazing tayo? Actually nakalimutan ko talaga pero mukhang ’yung subconscious ko pinaalala sa akin kaya siguro biglang nawala antok ko.”

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

“Aba dapat lang, once in a lifetime lang ’yung nakapag star gazing ka na, naharana pa kita.” mayabang na sambit nito na kina eye roll ko. Hangin talaga! Pero uhm, heto na naman ’yung bulate ko sa tiyan! Nagpaparty!

“Ewan ko sa’yo. Mukhang sanay ka naman mangharana. Ilan na ba naharana mo?”

“Pangalawa ka palang.” seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. I don’t know why pero parang may kung anong tumusok sa puso ko sa sinabi niya.

Was I expecting to be his first?

Thou may ideya na ako kung sino ’yung una pero ayaw ko ng ungkatin pa. I know sensitive topic siya kay Quilris kahit na matagal na ’yung nangyari sa kanila ng ex niya. May part din sa akin na naiinis duon sa babae. Kung siguro binigyan niya ng pagpapahalaga itong lalaking ito na nasa harapan ko for sure, siya na ang pinaka swerte sa balat ng earth.

Kahit naman kasi nadungisan na ang image ni Quilris bilang “fuckboy” hindi rin naman maitatanggi na gentleman siya kahit sa anong anggulo mo tignan kapag napalapit ka sa kanya at nakilala mo siya ng lubos thou at the same time naalala ko ’yung nabanggit ng bwisit na Legaspi na iyon sa akin about sa kanila ni Quilris. Minsan naiisip ko baka facade lang ang lahat na ito o isang magandang panaginip na matatapos sa oras ba gumising ako pero at the same time, wini-wish ko na sana hindi. Na sana totoo talaga ang lahat ng ito.

“Kitten, have you. .”

“Hmm?” napatitig ako sa kanya dahil nakatingin lang siya sa malayo na para bang big deal sa kanya ang gusto niyang itanong sa akin at hindi niya nagawang tumingin sa akin sa itatanong niya. Ako naman, heto at medyo kinabahan sa maaari niyang itanong.

“Have you ever said to yourself na, this is the last time I’ll ever do this and that and ended up swallowing it at the end?”

Pagkatanong niya nu’n, ewan ko ba. Biglang sumagi sa isip ko si Samuel kaya napatingin ako ulit sa kanya bago ko nilayo ulit ang tingin ko at napa buntung-hininga. Gosh, bakit para akong biglang na-hotseat sa tanong niya?

“Oo.” halos pabulong kong tugon. Akala ko nga ako lang ang nakarinig sa sagot ko iyon pala nadinig pa rin niya.

“Was it good or bad?”

“Hindi ko din alam kasi in all honesty, masarap siya sa feeling pero in reality alam ko namang sa huli. .” masasaktan ako kasi walang happy ending sa mga gaya ko sa isip-isip ko. Madiin kong pinikit ang mga mata ko dahil ayaw kong maiyak. Teka, bakit ba ako nagiging emotional sa tanong niya eh baka mamaya hindi naman pala about love ang tinatanong niya. Pfft!

“I see. I hope you’re willing to be open to take risks again.” sabi lang nito bago niya simulang ii-strum ang gitarang hawak niya.

Huh? Anong ibig niyang sabihin?

Running from my life ends now

Use to keep holding back my thoughts

Would be wrong if you’re gone

Found my way through the stars

If I could reach to your heart

Money still can’t buy me love

But there’s still life when there’s hope around

Like a rainbow in the clouds

A gift from above

That night, na realize ko habang kumakanta si Quilris hawak ang gitara niya at nakahiga kong pinagmamasdan ang mga bituin sa langit, ang swerte talaga ng sunod na mamahalin niya.

At parang suntok sa buwan, bigla kong nasabi sa sarili ko na sana, sana ako iyon kahit malabong mangyari.

STARING AT SUMMER ( XLIII )

“What?” taas kilay na tanong ni Quilris sa akin after niyang kumuha ng kinakain ko na Bread Pan. Like no offense, walang kaso sa akin na may maki-share sa pagkain ko lalo na kapag friends ko pero ibang usapan na kapag sa favorite ko. Like, hello? Anything but not this snack.

Tapos na ang sembreak kaya back to regular programming na ulit kami sa Uni. May iilang professors namin nuong first sem ang professor namin ulit ngayon like iilan nalang ba ang mga guro at nagtitipid ba ang university para halos mabilang mo sa kamay mo ang professors meron ang isang school?

“Bakit ka nandito? ’Di ba dapat nasa training ka?” mataray kong sabi.

“Aba, nabigyan ba kita copy ng schedule ko at alam mong dapat nasa training ako ngayon?” sagot nito pabalik habang pinagmamasdan ’yung mga dumadaan na estudyante sa harap namin.

“Excuse me, hindi ko kailangang makuha kopya ng schedule mo para malaman ko. Observant lang kasi ako kaya ko alam.”

Saglit naman siyang tumingin sa akin bago ngumisi. ’Yung ngising kinaiinisan ko kasi nagbaback flip ’yung bituka ko.

“So does it mean you’re my stalker?”

“Stalker mo mukha mo! Bakit naman kita ii-stalk? Artista ka ba? Echosera ka.” I rolled my eyes at him at kumaway sa ibang mga estudyante na nakakakilala sa akin este sa amin pala kasi kumaway din itong isang ito. Akala mo tatakbong presidente lagi nalang either may binabati siya, kinakawayan, tinatanguan or kung minsan pa nga inii-small talk siya, kaso ’yung small talk parang hindi naman kasi more likely fin-flirt siya. Itong isa naman hindi ko alam kung alam ba niya o nagpapanggap siyang hindi.

“Kitten, mata mo,” nakangising asar nito ng lingunin ko siya, “Selosa ka naman masyado. Kumaway lang para alam nila kasama mo ako.”

“Ang hangin mo rin talaga eh ’no? Minsan talaga nagtataka ako bakit ako pumayag na maging kaibigan ka eh.”

“Kaibigan nga lang ba talaga?” may himig ng kung ano sa way ng pagkakasabi niya at heto naman ako at agad na napaiwas ng tingin sa kanya.

“Akala mo yata lahat ng makakita at makikilala mo magkakagusto sa’yo.”

“Aanhin ko naman ’yung maraming nagkaka gusto eh kung ’yung kaisa-isang taong gusto ko eh hindi naman ako napapansin.”

“Ay wow, sino naman ’yan aber? Akalain mo nga naman magkaibigan tayo pero hindi ko kilala ’yan.”

“Hindi mo talaga kilala eh siya nga mismo hindi niya alam.”

“Huh? Malamang paano niya malalaman kung hindi ka naman umaamin? Minsan din pala nagloloading utak ng mga matatalino ’no?”

“Oo, parang ikaw.” natatawa nitong ganti sa sinabi ko. Agad naman akong napabusangot.

“Anong ako? Eh ikaw itong hindi umaamin duon sa taong gusto mo?”

“Paano aamin eh kung hindi nagsusungit ang slow naman umintindi.”

“Ha?”

“Ewan ko sa’yo. Una na ako. May klase pa ako.” paalam nito sabay sukbit ng bag niya sa balikat niya. Agad naman akong nataranta ng may maalala ako.

“Teka, kumain ka na ba?”

“Huh?” lingon nito sa akin, ilang hakbang palang ang layo niya.

“Dalhin mo na ito.” sabi ko sabay kuha sa bag ko ng ginawa kong sandwiches kanina na dapat sana ay kakainin ko mamayang break ulit namin bago ng last class pero naisip ko nalang na ibigay sa kanya kasi ang alam ko hanggang mamayang 7 pm pa ang class niya at diretso na iyon hanggang uwian.

Natulala naman siya sa akin at sa inabot ko na balot ng sandwiches. Parang nagcocontemplate pa kung kukunin niya o hindi.

“Ay, jusmiyo! Tutulala pa. Malalate ka na klase mo. Sige na. Shoo!” natatawang sabi ko sabay tulak sa kanya palayo. Parang ayaw niya pa nga umalis dahil naglalakad siya palayo sa akin pero nakalingon pa rin sa akin habang ako tinatawanan lang siya at patuloy na sumesenyas na umalis na siya dahil may klase pa siya.

Nang makasigurado akong nakaalis na siya ay nailing nalang ako sa sarili ko at bumalik sa pwesto ko kanina. Saka ko palang dinama ang dibdib kong parang drum na tinatambol. Sobrang lakas! Pakiramdaman ko kung normal lang ang marinig ang heart beat na parang music, aing lakas na ng kumakalabog na party music ang akin.

Kaloka talaga ’yang si Quilris!

Kung anu-ano ang pinagsasasabi. Heto naman tuloy ang puso kong illusyonado na ito, pakiramdam ko ako ’yung tinutukoy niya pero syempre dahil gumagana pa rin naman ang utak ko, alam kong hindi ako iyon at never na magiging ako iyon or ng isang gaya ko. As if namang papatol sa akin iyon eh straight siya at syempre hindi ko pa rin nakakalimutan ’yung about sa ex niya na si Akari.

Alam kong hindi ako judger. As much as possible nga ayaw kong gawin dahil hindi naman ako perfect at alam kong mas ka-judge judge ako na tao lalo pa dahil sa sexuality na meron ako at the fact na twice na ako nagka crush sa kaibigan ko na straight pero, what the hell? Kahit hindi pa kami nakaka one year sa friendship namin ni Quilris, alam ko ang nakita at naramdaman ko sa tuwing nand’yan siya. Putting aside my admiration towards him, he really is a warm type of person. Sobrang open niya about his parents, protective siyang tao and he is respectful. He will not do anything without your consent. I’ve said this before, he might be a playboy who ended up being what he is now because nature forces him and that he needs an escape to what his ex did to him before coming here but I realised that if he needs to, he really is a warm, ideal man na kapag naging partner mo siya, wala na. Over na. Tapos ang laban mga ’day!

“Ay sus! Ngiting kay lawak nga naman, sis!” agad akong napalingon sa nagsalita at nakitang nakangiting aso si Dyossa. Alam ko na iniisip nito kahit hindi pa man niya sabihin. Ito pa ba? Hahaha.

“Bakit bawal ba mag smile for no reason?”

“Ay ’te? Baliw ka? Gusto mo ba i-admit na kita ng mental hospital? Alam ko meron dito sa malapit sa atin eh,” seryosong sabi nito habang nakatitig sa akin.

“Gusto mong sapatusin kita, sis?” nakangiwing biro ko habang umaktong tatanggalin ’yung sapatos na suot ko.

“Hindi mo ako madadaan sa ganyan, sis! Either aamin kang baliw ka or dahil kay Fafa Naito ’yang pag ngiti mong ’yan.”

Ewan ko ba pero pakiramdam ko agad na nag init ang magkabilang pisngi ko sa paratang niya.

“Ay! Confirmed! Inlove na ang sissy ko!” kinikilig na sabi nito sabay tulak sa balikat ko. Kaunti na nga lang ay mahuhulog na ako sa kinauupuan ko habang pinapatigil siya dahil may mangilan-ngilan ng mga estudyante ang napapatingin sa aming dalawa. Kaloka!

“Inlove ka d’yan!” ismid ko.

“See? Hindi tinanggi imbis na sabihin mong, “Hindi ’no!”. Pero hindi. Hindi iyan ang sinabi mo so, confirmed! Tama ka nga. Hindi ka magkaka crush sa kanya kasi maiinlove ka sa kanya!“ dagdag pa niya with matching tili na lalong nagpamula ng pisngi ko.

Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa ngayon. Like, ganuon ba ako ka obvious or baka nadala nalang ako dahil palagi akong inaasar nito at ni Thotel na crush ko si Quilris? Pfft.

STARING AT SUMMER ( XLIV )

Napabuntung-hininga ako ng malalim habang habang nakatambay sa library at tinatapos ang mga dapat kong tapusin para hindi diretso tulog nalang ako mamaya pag uwi. Nakatambay ako ngayon dito sa library at dito ko tinatapos ang iilan sa mga pinapagawa sa aming homeworks dahil ayaw ko namang naka tungangalang habang hinihintay mag uwian ’yung kambal.

Nauna na kasi umuwi si Dyossa after ng last class dahil may lakad daw sila ng family niya samantalang si Thotel naman nasa class pa niya same duon sa kambal kaya heto, imbis na gumastos at tumunganga ng ilang oras, tumambay nalang ako dito sa library. Dito ako pumwesto sa tig isahan na table na may barrier tutal wala naman akong kasama. Ayaw ko namang magmukhang loner at bigla nalang ambushin ng mga grupo ng mga magbabarkada na either isasali sa conversation nila na wala naman akong paki or mag iingay sila to the point na hindi na ako makakapag concentrate sa ginagawa ko at baka madamay pa ako kapag pinagalitan sila ng bantay dito sa library.

Narealise ko na ibang-iba ang college culture sa highschool. Sa iba, ayaw nila ng college, ako naman gusto at mas na-enjoy ko kesa sa highschool. Pansin ko kasi na sa napasukan kong university, mas accepting ang mga tao sa third gender kesa ng highschool or baka sa akin. Iba-iba naman kasi ang take ng tao pero para sa akin kasi mas may freedom unlike ng highschool.

December na pala next month. Ang bilis ng araw. Parang kailan lang ng nag start ako pumasok ng college kasama ’yung kambal pero heto na ako at nasa second semester na at malapit na naman ulit ang prelims. Kailangang mag-aral ng maayos dahil sabi nila yung GWA mo kapag grumaduate ka, hindi mo na mababago pa at iyon din ang susi kung gusto mong kumuha ng either masters or mas mataas na learning sa buhay. Sa totoo lang, may vision naman na kasi ako kung anong gusto ko pero lately, dahil sa mga nakikita ko at naririnig na kwento mula sa ibang tao, sa mga nagiging speaker tuwing may mga program sa school ay medyo nalilihis ang thinking ko sa future na gusto ko for me. I guess, normal lang naman siguro ’yon, ’di ba? Pero at the same time ang scary din kung wala kang clear view kung ano talaga gusto mo. Hindi kasi pwedeng go with the flow lang lagi. Hindi ka maggo-grow as a person sa ganuong mindset.

Saglit akong tumigil sa ginagawa kong pagsusulat at nilibot ang tingin ko sa paligid. Ang dami pa ring tao kahit na hapon na. Naalala ko kasi ng highschool ako, ’yung library namin halos langawin na kapag mga tipong alas tres o alas cuatro onwards. Napupuno lang ’yon kapag may pinapagawa sa amin ’yung mga teachers o kaya kapag tanghali kasi ginagawang tambayan na literal ng mga estudyante hindi gaya dito. Equal ang nakatambay lang sa may mga ginagawa.

Sunod akong napatingin sa mga kapwa ko naka pwesto sa pang isahang tao na table at kakaunti lang pala kami na nakaupo sa hilera namin pero laking gulat ko ng makita ko si Quilris na naka pwesto isang table ang pagitan sa akin. Hala siya? Kailan pa siya nandyan? Hindi ko siya napansin. Kanina pa kaya siya?

Literal na nawala sa isip ko na tapusin ang ginagawa ko dahil inabala ko ang sarili ko na pagmasdan siya samantalang siya mismo hindi siya aware sa presence ko o baka ng lahat ng nandito. Sobrang nala focus ito sa ginagawa niya. Feeling ko nga mukha akong tanga dahil para akong isdang nakanganga ng ma-amaze ako sa pen spinning skills niya. Hindi kasi basta regular ikot ng pen yung ginagawa niya. Kumbaga may tricks siya na ginagawa unconsciously habang binabasa niya yung hawak niyang reviewer. Nakakagulat din na makita ko siya dito sa library kasi parang never ko pa siyang nakita na pumasok dito. Para kasing mas madalas pa siya sa gym ng Taekwondo team. Kung hindi naman makikita mo sa school premises pero hindi sa library kaya nakakabigla.

“A, kuso! Kore wa jisseikatsu demo tsukaemasu ka?”

May kalakasan ’yung sinabi niya kaya hindi na ako nagulat ng pati ’yung nasa katabing table niya at pati ’yung nasa likuran niya napatingin sa kanya. Siya naman wala pa ring kapaki-paki at napahilamos pa sa mukha niya sa frustration niya sa binabasa niya.

In a split second, he made me feel things. Ang sexy niya magsalita ng nihonggo! Kapag nakakarinig kasi ako ng nihonggo either awkward or cute. Nasa dalawang category lang na iyon but with Quilris. . okay, I’m not being bias but maybe I am pero ugh! Quilris speaking nihonggo is ‘chefs kiss’! Kahit yata minumura na ako nito in nihonggo basta siya ang nagsalita okay lang sa akin. Similar to how voiceofwinter is making me feel things like this man infront of me does.

Speaking of my favorite youtuber, hindi pa siya nakakapag post ulit ng bago sa page niya. Kamusta na kaya ’yon ’no? Baka busy siguro. Well, what can I do. Lahat naman ng tao may life besides social media unless you are a Kardashian. Char lang syempre.

“Stress ’yan?” tanong ko out of nowhere. Pati ako nabigla kasi nagulat din ako sa ginawa ko. Anak ng tokwa naman o!

Napalingon siya sa akin at pokerface na tumitig sa akin ilang minutes bago mag function ulit ang utak niya at dali-dali siyang tumipat ng pwesto para tumabi sa akin.

“Sabi ko na nga ba stalker ka e,” panimula niya ng nakangisi.

Agad ko naman siyang inukatan ng mata. Feeling talaga nitong isa e ’no? Kung hindi ko lang kaibigan ito na crush ko pa baka pinukpok ko ito sa ulo ng libro.

“Baka ikaw! Kanina pa ako nandito ’no.”

“Hindi kita napansin. Kung napansin kita e ’di sana kanina pa ako inspired mag-aral.” banat nito. Heto namang puso ko parang ewan, kulang nalang lumabas na sa rib cage sa sobrang likot.

“Hoy! Huwag mo akong paandaran ng mga the moves mo. Hindi ’yan eeffect sa akin.” inirapan ko ito at binuklat ang ginagawa ko para pigilan ang sarili ko na huwav kiligin sa kung ano pang sunod niyang sasabihin.

“E bakit ka umiiwas sa akin? Patingin nga ng maganda mong mukha? Parang nakita ko nag blush ka,” asar nito.

“Akala mo lang ’yon. Pa check ka na ng mata mo sa espesyalista.”

“Sige, pero patingin muna ulit sa mukha mo. Dali!” pangungulit nito.

“Quilris!” sita ko habang natatawa siyang hinaharap ’yung mukha ko sa kanya. Nawala sa isip ko na nasa library kami.

Parang may dumaang anghel ng biglang tatlong malalakas na kalampag ng bell mula sa pwesto ng bantay ng library ang umalingawngaw.

Agad kong sinamaan ng tingin si Quilris ng mapansin kong kami ang main na sinasaway ng librarian.

“Duon ka na nga ulit sa pwesto mo!” inis na sabi ko sabay tinry kong magfocus ulit sa ginagawa ko habang naririnig ko ang mahinang hagikhik ni Quilris sa tabi ko.

Bwisit na ’to!

Ilang minutes din kaming nanahimik na dalawa bago ulit ako ipahamak ng bibig ko. Letse! Bakit parang may sariling buhay itong bibig ko at pinapahamak ako? Si Quilris pa naman ’tong kasama na laging G na G makipag sagutan sa akin.

“In fairness, ang fluent mo pa rin mag nihonggo kahit years ka ng nandito.”

“Syempre mas matagal ako sa Japan tumira saka nihonggo akong kinakausap ng Daddy ko tuwing naiisipan niyang kausapin ako.”

“Galit pa rin ba sa iyo ang Daddy mo?”

“Sino bang magulang ang hindi magagalit kapag gumawa ng katarantaduhan ang anak niya? Kaya nga ako pinabalik dito para magtanda ako.”

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya bago ako nilingon.

“Bakit? Huwag mong sabihing na-attract ka bigla sa akin dahil narinig mo ako mag nihonggo?” pilyong sabi nito.

Bigla naman akong nasamid kahit na wala naman akong kinakain o iniinom. Shit! Alam ko ng nakita niyang namumula ako dahil heto na naman siya at natatawa sa akin. Nakakainis talaga itong lalaki na ito! Bakit ko ba ito naging kaibigan? Bakit ko ba siya naging crush? Anong nakita ko sa kanya? Future ko?

“Hindi ko alam na iyon lang pala pang huli sa iyo. Kung alam ko lang araw-araw na kitang kinausap ng nihonggo eh di sana ngayon, inlove ka na sa akin habang naka akbay ako at naglo-lovers review tayo este review lang pala.” walang preno nitong sabi sabay akbay sa akin at lapit ng mukha niya sa mukha ko. To the point na unti nalang magkakahalikan na kami. Nanlamig ang katawan ko sa lahat ng pwedeng possibilities na mangyari dahil hello? This is Quilris we are talking about. Nagawa nga nitong makioag make out sa cubicle sa kalagitnaan ng school event, dito pa kaya sa library?

“Daigaku sotsugyō shittara kekon shita ho ga ideshou ka?” tanong niya in his baritone voice. Hindi ko alam kung saan ako titingin sa kaba ko kaya heto at napalunok pa. Saan ba ako dapat tumingin para hindi ako gaanong madistract sa boses niya? Sa mga mata ba niya, sa ilong niya o sa labi niya?

“Kitten. .”

“Ha?”

“Laway mo.” sabi niya sabay dampi ng daliri niya sa labi ko kaya sa taranta ko agad ko siyang natulak at napapunas ng bibig ko. Shit! Nagtulo laway ba ako? Nagiinit ang buong sistema ko na kinuha sa bag ko at diniretsong ubos ang laman ng water bottle ko. Sana hindi nakita ng librarian or ng kahit na sino at ireport ako. Bawal pa naman drinks dito!

Pinilit kong huwag ng pansinin muna si Quilris sa tabi ko at binalik ang focus ko sa ginagawa ko. Shit, ano bang nangyayari sa akin? Nagma-malfunction ako sa kanya na dati naman hindi.

Nakakahiya!

Thankfully, hindi naman na siya nag proceed sa pangungulit dahil bumalik na rin siya sa pagrereview niya habang kagat-kagat niya ’yung right thumb niya. Siguro technique niya ’yon para makapag focus bukod sa pen spinning skills niya.

STARING AT SUMMER ( XLV )

“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko habang nakayakap sa kanya dahil naka angkas ako sa motor niya. Kayo ha! Huwag kayong advance thinking.

“Huwag kang excited. Wala pa nga tayo saka wala ka namang klase bukas ’di ba?” nagaalangang tanong nito.

Umiling ako habang nakapatong ang baba ko sa balikat niya. Narealise ko na dati takut na takot ako sa motor pero after ko maexperience mag motor courtesy of Quilris, na-enjoy ko na o baka dahil siya kasi ang nagmamaneho? Kahit kasi malakas ito mang bwisit pa minsan na bigla nalang bibilisan patakbo niya, sinisigurado pa rin niyang safe kami.

Hindi ko na hinintay pa ’yung kambal. Nagtext nalang ako sa kanila na mauuna na dahil may pupuntahan pa ako pero hindi ko na sinabi saan at kung sino kasama ko dahil alam ko namang hindi ako ipapahamak nitong si Quilris.

Napatingin ako sa langit na pinaghalong orange, yellot at pink ang kulay. Sobrang dreamy tapos ang lamig pa ng hampas ng hangin at syempre ehem, nakayakap kay crush what more can I ask for, right? Hanggang dito lang naman ang pwede ko makuha as a gay person. As if namang mangyayari sa akin ’yung kagaya ng sa mga nababasa kong romance books na may happy ending kasi syempre kahit nasa gitna ako ng masaya na moment at the back of my head, alam kong it wouldn’t last enough to be a happy ending. Sugal ang pagmamahal at mas lalong delikado kapag hindi ka pa kabilang sa opposite sex.

“Hmm?” nagulat ako ng hawakan niya ang nakayakap kong kamay sa kanya.

“Gusto mo muna kumain?” alalang tanong niya habang naka stop pa kami.

Agad akong umiling, “Mamaya nalang. Punta muna tayo duon sa pupuntahan natin. May kainan naman siguro duon ’di ba?”

“Meron naman. Inaalala lang kita baka mahimatay ka bigla kapag nanduon na tayo.” natatawang biro niya. Napa irap naman ako sa sinabi niya.

“Bakit naman ako mahihimatay? Horror house ba pupuntahan natin?” mataray kong tugon. Nang muli niyang paandarin ang motor dahil naka green light na at hindi niya sinagot ang tanong ko eh biglang nanlamig ang sistema ko.

Nagjo-joke lang siya, right?

“Quilris! Sa horror house ba punta natin?” halos pasigaw kong tanong sa kaba pero ang loko, imbis na sagutin ako dahil paulit-ulit ’yung tanong ko sa kanya bigla ba namang binuksan ’yung stereo ng motor niya ng at nagpatugtog ng pagkalakas-lakas na japanese song.

Inis ko siyang tinignan sa side mirror at mas lalo akong nainis ng makita ko siyang nakangisi. Okay! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina! Kaya akong ipahamak ng lalaking ito! Huhuhu! Dapat hindi ako pumayag sumama sa kanya eh! Sana sinabi ko sa kambal saan punta ko saka sino kasama ko! Help!

“Nagugutom pala ako,” nakanguso kong paawa sa kanya habang nakapila kami sa horror house. May mga napapatingin nga sa amin dahil itong kasama ko kapit na kapit sa akin dahil alam niyang if given the chance, tatakas talaga ako.

“Tinanong kita kanina, kitten. Sabi mo hindi so I’ll go by with what you said.” naka ngising sabi niya na nagpa irap sa akin. Kainis talaga ito!

“Eii! Natatakot ako pumasok dyan! Hindi ka ba natatakot pumasok dyan? Paano kapag may humabol sa atin? Paano kung may totoong multo d’yan?” nonsense kong tanong sa kanya. Umikot pa ako para magkaharap kami habang naka lingkis pa rin siya sa akin. Napanguso ako at nag beautiful eyes para mapabago ko isip niya at sa iba nalang kami pumunta kaso hindi effective. Nginisian lang ako habang nakatitig sa akin.

“Kitten, walang multo d’yan. Mga nagpapart-time job lang na tao ang nandyan to scare us. Kung habulin man nila tayo, kasama mo naman ako. Pwede naman kitang buhatin.”

“Ugh! Nakakainis ka!” sabi ko at hinampas ang dibdib niya habang siya tatawa-tawa lang. May narinig pa akong tumili malapit sa amin pero ng titignan ko sana sino iyon, inikot ako ulit paharap ni Quilris at mas hinigpitan ang yakap niya sa akin. Secured ang bewang ko sa naglalakihang braso niya habang naka sandal ang baba niya sa balikat ko.

Actually hindi ko alam kung saan ako mas kinakabahan — ang pagpasok ba sa horror house o dahil sa posisyon namin sa gitna ng maraming tao na dinagdagan pa ng baritonong pagkanta niya sa tumutugtog na japanese song kanina.

“Bakit?” nagulat ako ng malapit na kami makapasok sa horror house hinubad niya ’yung suot niyang varsity jacket at sinuot sa akin. Nilalamig ako, oo pero tolerable naman. Napansin ba niya?

Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko nalang pero hindi ko mapigilan na hindi mapa side eye duon sa mga tumitingin na grupo ng babae kay Quilris. Parang mga bulateng inasinan! Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong lalaki? Hello? Nandito din kaya ako! Kasama niya po ako at nakaakbay siya sa akin unting hinay namin sa pag ngisay. Hmmp!

Tumikhim si Quilris kaya agad akong napatingin sa kanya at sinigurado kong sa isip ko lang ako nakanganga kesa physically dahil baka tumulo laway ko. Kaya naman pala nagtitilian! Hapit ’yung suot niyang white polo. Kitang-kita ang hubog ng katawan ng loko.

“Yes, kitten?” takang tanong niya after ko siyang pasimpleng kurutin sa kamay.

“Kaya naman pala pinasuot mo sa akin jacket mo, magpapakita ka ng katawan sa mga babaeng nandito,” mataray kong sabi, “Bakit kaya hindi mo nalang lapitan ’yung type mo kesa may pahubad-hubad ka pa ng jacket? Wala tayo sa Adonis uy!”

Saglit siyang napakunot-nuo sa sinabi ko bago tumawa at marahang hinimas-himas ang bewang ko na parang inaalo ako. Halos huminto ang paghinga ko sa ginawa niyang iyon.

“Nagseselos ka ba?”

“A-Ano? Bakit naman ako magseselos?”

Minasahe niya ang tungki ng ilong niya bago ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis, “Kung iniisip mong pinasuot ko ’yan sa iyo to show off to them, worry not, kitten. Pinasuot ko ’yan para hindi mahawakan ’yang balat mo ng mga nasa luob mamaya at saka para mapatingin ka sa akin. Ano? Na distract ka ba? Hindi ka na ba takot pumasok?”

Agad kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko kaya syempre to hide it, hinampas ko (ng hindi kalakasan) ang dibdib niya pero imbis na masaktan eh tuwang-tuwa pa siya! Masokista ba siya?

“Bahala ka nga dyan!” inis kong sabi at naunang pumasok sa horror house ng turn na namin. Natatawa lang siya na sinundan ako bago kunin ang kamay ko para magka holding hands kami.

Nakakaloka itong si Quilris! Sa kanya yata ako dapat na mas matakot kesa sa mga mananakot dito sa horror house!

Hindi ko alam gaano kami katagal sa luob pero paglabas namin sa exit halos mangiyak-ngiyak na akong nakayakap ng todo sa kanya habang siya tatawa-tawa lang na inaalo ako.

“Bwisit ka! Sabi ko sa iyo huwag tayo duon eh! Muntik na akong mahila!”

“Sorry na, kitten. Sayang naman kasi kung hindi natin pasukin ’yung room na iyon.” paliwanag nito habang naglalakad kami papunta sa photo booth section ng horror house. Gusto kasi niya magpa remembrance photo kami kahit mangiyak-ngiyak na ako sa takot. Pfft!

“Huwag ka na magtampo, please? Ano gusto mo kainin? Pizza? Pasta? Ice cream? Rice? Tell me, kitten.” tanong nito sa akin, nawala na nga sa isip ko na magka holding hands pa rin kami.

“Wala,” nakanguso kong sagot at mas lalong siniksik ang mukha ko sa braso niya. Natawa lang siya sa akin.

“Hindi pwede ’yan. Kailangan natin mag dinner. Ako nalang mag decide?”

Tumango ako at hinila ako nito papasok sa kalapit na mall. Hinayaan ko lang siya mag lead papunta sa kakainan namin thinking na baka sa fast food lang kami pero ng marealise kong hindi duon ang punta namin nagpanic ako bigla.

“Bakit dito tayo?” bulong ko pagpasok namin at batiin kami ng isa sa mga staff.

“Para maiba. My treat, kitten.” sagot nito ng may kasamang kindat.

Nanlaki ang mata ko sa presyo ng nasa menu at agad na alanganing napatingin kay Quilris.

Kakatapos lang niya umorder ng kakain namin at agad na tumingin sa akin.

“Yes?”

“Bakit ang dami mo inorder? Baka maubos budget mo for this month na padala nila Tito.” nakanguso kong sabi.

“Have you forgotten? Hindi ako humihingi ng pera sa kanila so don’t worry. Sariling pera ko ang gamit ko and hindi naman ganuon kamahal ang inorder ko. Baka hindi ka kumain ng maayos eh.”

Inirapan ko siya.

“Ayaw ko lang maubos funds mo.”

“Trust me, kung maubos man iyon you better be the reason why kung bakit.”

“E-Ewan ko sa’yo! Ano bang meron sa iyo today at may pa horror house at libre ka?” usisa ko.

“I just want to treat you. Bawal ba? May magagalit ba?” may himig ng panguusisa ’yung last na tanong niya kaya agad kong cnlear off ang tungkol duon sa kanya.

“Wala. Nakakapagtaka lang kasi.”

“Well,” inayos nito ang upo niya at saglit na hindi nagsalita habang nilalapag ng waiter ang drinks at utensils sa table namin, “I just want to treat you for studying well and also. . I just want to relax a bit before tomorrow.”

“Ano meron?” curious kong tanong.

Parang nagaalangan siyang sagutin ang tanong ko pero dahil ako ang nagtanong, obligado siyang sagutin ako. Char!

“May laban bukas ang team namin sa kabilang university. Tournament siya actually and gusto ko lang mag unwhine dahil lalo ko naiisip kapag nagaaral ako.”

“Dahil ba you have a status to maintain?”

“One of the reasons, yes.”

After ma-complete ang orders namin ay nag request si Quilris na picturean kami ng isa sa mga staff. Nahiya pa ako ng una pero ng sinabi niyang ipapadala niya kay Tito ay pumayag na ako.

“Enjoy your date po,” magiliw na sabi ng staff na nagpicture. Muntik kong mabuga ’yung iniinom kong tubig sa gulat pero itong si Quilris parang wala lang sa kanya at nag thank you pa.

After namin mag dinner eh nag decide na kami umuwi at buti nalang ng ihatid niya ako sa bahay namin, madilim na sa bahay ng kambal. Malamang tulog na sila kaya nakahinga ako ng maluwag.

“Ingat ka pauwi! Galingan mo bukas!” sabi ko at gumanti ng yakap sa kanya.

“Thank you, kitten.” sabi lang nito bago tuluyang umalis para makauwi na sa kanila.

After kong makapag ayos ay humiga na ako at habang tinitignan ko ’yung mga pictures namin kanina ay napa isip ako.

I-surprise ko kaya siya bukas?

STARING AT SUMMER ( XLVI )

Maaga ako gumising para mag asikaso sa surprise ko kay Quilris. Hindi niya naman siguro expect na pupunta ako, right? Kasi kung oo sayang ’yung surprise ko. Nasabi naman niya sa akin na sa kalabang university gaganapin ’yung first set ng tournament at dahil alam ko naman saan iyon eh hindi ko na kailangan magpasama pa kahit kanino.

For my outfit, nag white tee shirt ako na pinaresan ng beige chino pants, white rubber shoes, at brown na sling bag. Syempre susuotin ko din ’yung jacket na pinasuot niya sa akin kagabi. Nakalimutan nga niya kunin sa akin pabalik at nakalimutan ko din namang ibalik sa kanya.

Nasa tapat ako ng dresser at iniisip ko pa kung magsusuot ba ako ng burluloy o hindi na habang nagii-skincare ako ng biglang dumapo ang tingin ko sa jewelry box ko. Suotin ko ba?

After kong mag ayos, kinuha ko sa jewelry box ang pinaka iniingat-ingatan kong singsing. ’Yung singsing na binigay sa akin ng first love ko. Napangiti ako at nag decide na suotin ito.

Nagtext ako sa kambal na may lakad ako kahit na alam kong busy sila today kasi baka maisipan nilang bumisita sa bahay. Si Samuel kasi may klase, si Sam naman may group project na kailanga attendan.

Ewan ko ba, habang naglalakad ako pasakayan, parang iba ang pakiramdam mo. Alam ninyo ’yon? ’Yung sikat ng araw, yung hampas ng hangin, ’yung huni ng mga ibon sa paligid medyo mahirap.siyang i-describe pero may mga ganuong moments talaga na parang may mangyayari sa araw mo na hindi mo alam kung positive or negative ba pero baka way na rin iyon para may mga bagay tayong marealise na hindi natin inaakala kasi nakatadhana talaga siya na mangyari. Ang atin nalang ay kung tatanggapin ba natin o tatakbuhan natin.

Pagsakay ko palang ng jeep, ang nostalgic agad ng feeling. Siguro dahil sa tugtog. Jopay ba naman ng Mayonnaise eh. Syempre naki sing along ako. Hindi ko mapigilang hindi. Halos nangangalahati na ako sa biyahe ng matuon ang atensyon ko sa sumakay na babae. Ang dyossa kasi. Ang kinis at pwedeng ipanglaban sa pageant ’yung ganda niya pero ng nagsalita ito para magbayad na ako mismo ang umabot ay laking gulat ko ng boses lalaki ito. Hindi naman ’yung tipong barako ang boses niya pero alam mong hindi siya biological woman pero nakakamangha at nakaka proud at the same time dahil malakas ang luob nila sa sarili na baguhin ang pisikal nilang anyo para ma-achieve ang nais nila makita sa salamin. Minsan naiisip ko ano kaya hitsura ko kapag naging katulad nila ako or naging tunay ako na babae talaga? May chance kaya na may magka gusto sa akin? ’Yung totoong mamahalin ako hindi lang dahil sa hitsura at pusong babae ako? Kahit na hindi ko kayang bigyan ng anak ang magiging partner ko? Minsan napapaisip ako kung naiisip ba ng mga transwoman o sige, transman na din ang naiisip ko?

“Sorry po,” paghingi ko ng paumanhin ng mapansin kong nakatingin na din ito sa akin. Mukha siguro kasi akong ewan na nakatitig sa kanya. Ang rude ko naman! Shocks. Pero hindi ko mapigilan nagagandahan kasi talaga ako sa kanya baka iniisip niya jina judge ko siya.

“Ano ka ba, ayos lang.” natatawang sabi nito.

“Pasensya na po talaga! Ang ganda ninyo po kasi sobra.” nahihiyang sabi ko.

“Thank you, ikaw din. Ang ganda mo! If you don’t mind me asking, are you. .?” sumenyas ito sa kamay niya at agad ko iyon naintindihan. Tumango ako.

“Yes po.” tumingin muna ako sa ibang kasakay namin at may mga sarili itong mundo, busy sa kanila-kanilang ginagawa, “I’m gay.”

Halata naman ang gulat sa mukha nito, “Gosh! Kaloka! Akala ko. . no offense ah, akala ko girl love ka, sis! Mukha ka kasing babae! Ano hormones mo?”

Na dejà vu ako sa tanong niya dahil naalala ko ’yan din ang tinanong sa akin ni Dyossa sa akin ng first day namin.

“Ay, hindi po ako nag gaganuon. Wala kasi akong budget pa.” sabi ko. Totoo naman eh though minsan sumasagi sa isip ko na mag try pero dahil sabi ni Dyossa na mukha naman na daw akong babae eh hindi na kailangan. Unting touch ups nalang ang need sa akin.

“Sana all, androgynous! Naku, if ever na maisipan mo mag hormones sure akong kakabugin mo kaming lahat.”

After ng mini conversation namin ni Ate Nicole nag decide kaming mag followan sa social media bago ako bumaba.

“Sige po! Ingat po kayo!” nakangiting sabi ko habang siya naman ay kumaway sa akin pabalik at nagsabing mag ingat ako.

Pagdating ko palang sa entrance ng kalabang university ay agad akong hinarang ng guard. Hinahanap I.D ko. Akala yata estudyante nila ako.

“Isu-support ko lang po ’yung kaibigan ko na lalaban.”

“Ang swerte naman ng kaibigan mo ay talagang sumugod ka kahit ikaw lang mag-isa. Magkababata siguro kayo?”

“Hindi po. Recently lang kami naging magkaibigan.”

“Magkaibigan nga ba talaga?” malisyosong tanong ni kuya guard. ’Yung ngiti niya hindi ’yung tipong nangja-judge or nagma-make fun bagkus genuine na pangaasar kapag alam nitong may something going on between you and who. Ganuon siya kaya natawa ako.

“Opo, magkaibigan lang po.”

“O’sige sabi mo eh.”

Tinuro nito sa akin saan banda ang gym pagkabigay niya sa akin ng visitor’s pass pero bago iyon, binilinan niya ako na bumili muna ng maiinom para sa kaibigan kong si Quilris. Nang una hindi ko magets habang papunta ako cafeteria pero ng marealise ko na baka mauhaw siya in between breaks sa tournament ay bumilo na ako kaya ng bilin niya. Pocari sweat pa nga ’yung binili ko kasi masyado ng common ’yung gatorade at saka dahil alam ko iyon ang sikat sa Japan eh baka mas lalo siyang ganahan maglaro kapag may nakapagpa alala sa kanya something from Japan.

Pagpasok ko ng gym nabigla ako na halos puno na ito at wala ng maupuan. Karamihan puro babae ang nanunuod. Muntik ko pa ngang isipin baka maling gym napasukan ko dahil madalas, ’yung ganitong tagpo pag basketball lalo na ng highschool, jusko! Buti nalang nakita ko ’yung nakalatag na mahabang mats. Nakahinga ako ng maluwag at habang busy ako maghanap ng bakanteng upuan habang abala sa pagwa-warm up ’yung mga maglalaro, ay biglang may sumigaw ng pangalan ko kaya lahat napalingon at hinanap ’yung tinatawag ng isa sa members. Nagtaka naman ako paano nila ako nakita eh hindi lang naman ako ’yung nagiisang naghahanap ng upuan.

Kumaway sila sa akin at pinapababa ako. Nang una ayaw ko pa pero ng sinundo na ako ng isa sa kanila ay wala na akong nagawa.

“Naku siguradong masusurprise si Boss Claec at nandito ka.”

“Wala bang ibang taga sa atin na manunuod?”

“Hindi ko alam. Wala naman sa amin kung may manuod na taga sa atin o wala lalo na si Boss Claec well not until you showed up.”

Dumoble ang hiya ko sa katawan ng makababa na kami kung saan nakapwesto ang maglalabang team. Grabe, sobrang lapit ko sa kanila! Napatingin ako sa pwesto ng makakalaban nila at pansin ko ’yung curious na tingin nila sa akin. Mukhang alam ko na din sino ang team captain dahil ramdam ko ’yung kahanginan sa kanya ng ngumisi ito sa akin ng magkatinginan kami. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at nilipat iyon kay Quilris na nakaupo sa bench at nakasuot ng headphones. Nasa sariling mundo niya siya at abala sa pagrereview habang nagkakagulo ang hyper niyang team sa tabi ko. Ano kayang nakain nila?

Tumakbo ’yung isa sa kanila at natawa ako ng bigla nitong i-distract si Quilris para sabayan ’yung tumutugtog na madalas kong marinig na kinakanta ni Quilris. Kununt-nuo niyang inalis ang headphone niya.

“What the hell are you doing?”

Nagulat ako ng itulak nila ako sa likod ni Quilris buti na nga lang at napa preno ako at napahawak sa broad shoulders niya at hindi sumubsob kundi nakakahiya. Muntik pa nga ako mapatili pero agad nila iyon tinabunan sa pagsabay nila sa kantang tumutugtog sa gym. Nang marealise ni Quris na lahat ng ka-team niya ay kumpletong nasa harapan niya, saka niya palang naisipan na alamin sino ang nakahawak sa balikat niya. Ako naman biglang kinabahan dahil hindi ko alam kung babatiin ko ba siya or ngingiti lang ako na parang guilty.

No matter how you feel

Nobody can stop it

I found your way, a light was shining

Angel smiling

Dreaming your dreams

“H-Hi?” alanganin kong bati sa kanya ng may kasamang ngiti.

Halos isang minuto din itong nakatitig sa akin bago niya narealise na nakatayo akong tunay sa harap niya at taranta siyang tumayo sa pwesto niya para paupuin ako.

“Bakit hindi mo sinabing pupunta ka? Sinundo sana kita,” sabi niya habang inaayos ang gamit niya sa bag.

Napatingin ako sa mga ka-team niya na nakangiti sa amin habang ako naman naiilang dahil halatang nakuha ko ang atensyon ng iilan na nanduduon.

“Eh ’di hindi sana surprise iyon kung nagsabi ako na pupunta ako.”

“Hindi ka ba napagod sa biyahe?” tanong nito sabay haplos sa pisngi ko. Napanguso naman ako dahil para akong bata na nakaupo habang siya na malaking tao nakatayo sa harapan ko. Inirapan ko siya at napatingin sa suot niya. Biglang umakyat ang dugo sa katawan ko papuntang pisngi ko.

Shemay! Bakit lalo siyang gumwapo sa harapan ko? At saka bakit parang uminit bigla? Wala bang aircon dito?

“Suot mo jacket ko,” nakangising dagdag niya. Ano na naman kaya nasa isip nito?

“Oo kay ibabalik sa’yo. Nakalimutan mong kunin sa akin eh.”

“Ah, tama nga ako! Ikaw ’yung kada–! Mmh! Ano ba?” natawa ako ng bigla nilang hilain palayo ’yung isa sa member nila.

“Ah sige, Boss Claec. Tuloy lang namin warm up namin. Warm up ka lang din d’yan with Aelius.”

Huh? Anong warm up? Paano iyon?

“So?” panimula nito ng makasigurado siyang kami nalang ang naiwan sa bench at tinignan ako, “Anong prize ko kapag nanalo ako?”

“Ha? Anong prize? Wala akong maalala sa usapan natin kahapon about prizes.”

“Ganuon?” napanguso ito, “Akala ko kaya ka nandito para ibigay sa akin ng personal prize ko kapag nanalo ako?”

Ewan ko bakit affected ako ng biglang lumungkot ang mukha niya. Siguro dahil ang cute niya tignan. Para siyang batang nagtatampo.

“Ano ba kasi gusto mong prize?” tanong ko at napahawak sa braso niya. Para tulog akong girlfriend na nangaalo sa boyfriend niya.

Napangisi siya at napatingin sa akin bago sa kamay kong nakahawak sa kanya. Bigla namang nagbago ang facial expression niya kaya pati ako napatingin na rin sa kamay ko.

“Ah, ito ’yung sinabi ko sa iyo nuon na singsing na bigay ng first love ko. Naisipan ko lang kasi na suotin.” hindi ko alam bakit ako nagpapaliwanag sa kanya about dito at bakit ako feeling guilty.

Muli siyang tumingin sa akin, “After ng tournament, sa bahay tayo. Kwentuhan mo ako ng about d’yan sa singsing mo.”

“Huh? Eh paano ’yung price mo?”

“You and the story behind that ring of yours is the price that I want.”

STARING AT SUMMER ( XLVII )

“Wala ba talagang masakit sa iyo?” nagaalala kong tanong habang naglalakad siya patungong cr habang ako naman nakaupo lang sa couch sa may sala nila. Maliligo daw kasi siya. Sabi ko naman baka mapasma siya kaso tinawanan niya lang ako. Hindi daw totoo iyon.

“Wala nga,” naiiling na sagot nito sa akin bago tuluyang pumasok sa cr at iwan ako mag isa sa living room. Bumuntung-hininga ako at inikoy ang tingin ko sa paligid. Hindi ko masyadong na-observe itong bahay nila ng nandito si Tito dahil nahihiya naman akong tumingin na parang first time lang nakapasok ng bahay ng may bahay.

Nakakatuwa nga dahil kahit na ng umalis pa-Japan nuon si Quilris kasama ng parents niya, nagawa pa ring mapanatili ng Tita niya na maayos ’yung bahay nila hanggang sa makabalik siya dito. Narealise ko nga na ’yung bahay nila malapit lang sa dati naming bahay bago kami lumipat sa naging bahay na namin ngayon kaya madalas ng bata ako laman ako ng parke kaya naman may isang spot duon na inangkin ko nuon at lagi kong sinasabi na sa akin para hindi mapwestuhan ng ibang bata.

Sa isang tao ko lang naman shinare ang spot na iyon kaso hindi na siya nagpakita pa ulit after ng araw na iyon. Siguro kasi dahil hindi naman talaga siya taga dito. Naalala ko pa nga englishero ’yon. Muntik ng dumugo ilong ko. Walang dudang anak mayaman ’yon. May mga bodyguard kasi ang pamilya niya ng nakita ko silang umalis ng park kaso hindi ko masyadong naaninag mukha ng parents niya. As if namang maaalala ko mukha nila eh ’yung mukha nga ng first love ko saka pangalan niya limot ko na maliban sa feeling ko para sa kanya saka ’yung initials niya na inukit niya sa puno ng mangga kasama ng pangalan ko.

Halatang mahilig magbasa si Quilris mula ng bata pa siya. Namumutakti sa dami ng libro itong bahay nila. Magkahalong soft and hard cover books ang naririto. I wonder anong age siya nag start na magbasa kasi sobrang dami. Ang naalala ko lang na sabi sa akin ni Tito nuon, halos lahat ng nakadisplay dito sa baba na libro mga nabasa na ni Quilris. Siguro mahilig din magbasa si Tito o kung hindi man, baka ’yung isa niyang Daddy? Or baka ’yung biological mom niya, ’di kaya? Jusko, bakit ba ang dami kong naiisip na kung ano pag tungkol dito sa lalaking ito?

Bumalik ako sa couch at nilabas nalang ang cellphone ko sa bulsa ko dahil mukhang matagal pa bago lumabas ’yung isa. Hindi ko inexpect na matagal pala siya maligo. Kaya siguro kahit pawis niya ang bango. Ganuon ba ’yon?

Napanguso ako ng makitang wala pa ring bagong update si voiceofwinter pero syempre wala naman akong magagawa kasi in reality may mga life ang mga tao behind social media. Nag browse nalang ako sa instagram account ako ng bigla akong makakuha ng text mula kay Samuel at tinatanong kung nasaan ako. Wala naman akong maalala na may usapan kami pero ang sabi niya eh magkita daw kami sa mall mamaya kaya syempre um-oo na ako para hindi na humaba ang usapan pa. Malay ko ba kung magpasama siya or whatsoever. For sure naman nanduon din si Sam.

“Hinahanap ka na ba sa inyo?” napa angat ako ng tingin at ramdam ko ang agad na pag init ng pisngi ko ng makitang naka tapis lang ng twalya si Quilris at may kakaunting butil pa ng tubig ang nakadikit sa katawan niya. Agad akong umiwas ng tingin dahil baka saan pa mapunta ’yung tingin ko.

“H-Hindi pa naman pero need ko magpunta ng mall mamaya. Magkikita kami ng kambal,” sagot ko, “Saka bakit ka pa naka ganyan? Magbihis ka na nga duon! ’Di ka ba nahihiya?”

“Bakit naman ako mahihiya? Fit naman katawan ko,” pagyayabang nito sabay dukwang sa akin na kinagulat ko, “Do I make you uncomfortable, kitten?”

Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin. Ewan ko ba bakit pero imbis na I find it uncomfortable eh parang naeexcite pa ako sa susunod na pwede mangyari kaso syempre logical thinking prevails at bahagya kong hinawakan ang dibdib niya at marahan siyang nilayo mula sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero ang bilis ng tibok ng puso niya gaya ng akin.

“Hindi, but I will appreciate it kung magbibihis ka na ng makapag usap na tayo.” poker face kong sabi sabay iwas ng tingin sa kanya. Nakita ko siyang ngumisi pero laking pasalamat ko ng agad siyang tumalima sa sinabi ko at nagbihis na.

“So?” panimula ko ng makabalik siya at nakabihis na sa tabi ko.

“Talagang iningatan mo ’yan ah?” walang patumpik-tumpik na sabi niya at marahang kinuha ang kamay ko para titigan ng maayos ’yung singsing na suot ko. Naweirduhan nga ako sa sinabi niya dahil parang akala mo siya ang nagbigay nito kasi napaka impossible nu’n, right?

“Oo syempre! Sabi ko naman sa’yo first love ko nagbigay nito sa akin,” nakangiti kong sabi habang inaalala ’yung nakaraan, “Naniniwala ka ba sa coincidence?”

“No, but I believe in fate.”

“Fate?”

Tumango siya, “Yes. Are you familiar with the red string of fate theory?”

“Oo naman syempre. Wait, naniniwala ka duon?” curious kong tanong. Lagi talaga akong ginugulat ng lalaking ito about sa kanya. Sinong magaakalang naniniwala pala siya sa myth na iyon?

“Yeah, why wouldn’t I? Especially if I had a living proof infront of me.”

“Huh?”

Ngumisi siya na parang disappointed sabay ginulo ang buhok ko, “Anyway, kwentuhan mo na nga lang ako about sa singsing mo na ’yan.”

“Ah, so ayun. Gaya nga ng sinabi ko sa iyo before. .” pagsisimula ko sa kwento ko sa kanya about sa childhood memory ko about sa first love ko and all through out ng pagkukwento ko, tahimik lang siya na nakikinig sa akin at titig na titig. Para bang malalim ang iniisip at nagco-contemplate kung may sasabihin siya about sa kwento ko o wala.

“Eh ikaw? Sabi mo sa akin originally dito kayo sa Pinas nakatira ng Papa mo, right? Alam mo ba malapit lang ’yung dati naming bahay sa inyo? Napa isip nga ako bigla what

if nagkita na pala tayo before ’no tapos hindi lang natin alam.“ natatawa kong sabi dahil baka nga lang naman ’di ba?, “Pero syempre impossible mangyari iyon dahil rich kid ka. Halatang hindi ka lumalabas kapag hapon para maglaro sa kalsada.”

Napangisi siya sa sinabi ko, “Yeah, kind of. I was homeschooled and nakakalabas lang naman ako kapag free sina Papa at Aunt Garet before and I realised ng bata ako I don’t like the idea of going to places that shares the same age as mine. Mas gusto ko pang tumambay where most adults go. Kids playground is the arcade, my playground are bookstores.”

“Oh kitams! Siguro ang daming nagkaka crush sa iyo ng bata ka kasi hanggang ngayon din naman marami eh. Kasi kung titignan mo, hindi ka lang gwapo ang talino mo pa! Wholesome ka pa kausap maliban nalang kapag tinotopak ka at nakaisip ka ng kamanyakan.” natawa naman siya sa huling sinabi ko.

“Including you?”

Nabigla ako sa tanong niya at agad na hindi nakasagot pero ng marealise ko na baka mabuking ako pinaghahampas ko siya sa braso, “Sira talaga tuktok mo, ’no? Hoy, magkaibigan tayo! Hindi ako nagkaka crush sa kaibigan. Ekis iyon!”

“What if you and your so-called friend has mutual feelings for each other? What are you gonna do if he confess his feelings to you and you know you two could be dating?”

Napatingin ako sa kanya, “Bakit parang may hugot?”

Tumikhim siya, “Just a theoretical question, kitten.”

Napaisip ako sa sinabi niya. Naalala ko ’yung about sa amin ni Samuel ng mga panahong crush ko pa siya. Tuwing may ginagawa siyang small things towards me, big deal na iyon sa akin to the point na talagang naisip ko may something kami but that was all just an illusion kasi lalaki si Samuel and malaking sampal sa mukha ko ng nagkaruon ng prom sa school at may sinayaw siyang babae na later on naging girlfriend niya. Hindi naman sila nagtagal nu’n dahil naging sila lanh naman dahil buyo ng iilang kaibigang lalaki ni Samuel.

I remember the pain, the feeling itself but I didn’t remember crying about it. Hindi ko din alam kung bakit pero after nu’n nawala na rin ang ano man pagka crush or feelings na meron ako kay Samuel and if I’m being honest, siguro kung ng time na iyon mutual feelings kami at niligawan niya ako, nakikita kong pwedeng maging kami pero hindi ko nakikita ang sarili ko na tatagal sa relasyon na iyon dahil siguro. .

. . Siguro nanduon pa rin ’yung pagiging hopeful ko, illusion ko na baka magkita kami ng first love ko, na baka totoo nga ang red string of fate theory, na gaya ng mga success romance stories kami ang tinadhana para sa isa’t-isa pero syempre impossible. Lalaki iyon gaya ko. Ang pinagkaiba lang, bakla ako. Nangangarap na maging babae para makaranas ng fairytale na love story. Illusyonada. Tanggap ko naman eh. Ang hindi ko lang tanggap eh ang realidad na hindi ko mararanasan na itrato at mahalin ng gaya ng sa babae dahil sa gender ko.

That is until. .

“Kitten?”

“Huh?” hindi ko sinasadyang humawak sa braso niya but at that moment pakiramdam ko, I needed someone to hold on to para pigilan ang sarili ko mas lalong maging emosyonal sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko, “Ano iyon?”

“Sorry,” bulong niya habang ang mukha niya ay naka lapit sa akin. Taimtim siyang nakatitig sa akin habang marahang pinupunasan ang luha ko. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako pero ang hindi ko maintindihan eh kahit na ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, hindi ko magawang tumakbo palayo dito kay Quilris. Hindi ako makaramdam ng takot, hiya o kung ano man bagkus, parang mas gusto ko pa na makita niya akong ganito at hayaan lang na punasan niya ang mga luha ko. Nagugulat ako sa sarili ko sa mga oras na ito pero mas nakakagulat na humingi ng sorry itong si Quilris out of nowhere and as much as I don’t want to compare but with him, no one could compare. Kung si Samuel ang mag sorry sa akin na ganito baka awa ang maramdaman ko at may kaunting hiya at kung ibang lalaki man panigurado kahit manigas na ako sa tabi wala akong maririnig na sorry sa kanila.

Inembrace ko ang vulnerability ko ng oras na iyon at niyakap si Quilris habang umiiyak habang siya hinahaplos ng marahan ang buhok ko at panaka-nakang humahalik sa nuo ko.

Am I embarassed? Yes.

Will I let him getaway with his? Fuck, yes.

After ng ‘we’ time namin ni Quilris, hinatid ako nito sa mall kung saan kami magkikita ni Samuel. Gusto pa nga niya sumama pero buti nalang at na-persuade ko siyang umuwi na para makapahinga siya and knowing Samuel baka mag amok pa ’yung isa na iyon at mauwi lang sa pagaaway ang pagkikita nila. Ewan ko ba kasi sa isang ’yon alam ko namang protective lang talaga siya sa akin gaya ni Sam pero ’yung inis niya kay Quilris ay abay hindi ko maintindihan. Buti na nga lang din at hindi namaga ’yung mata ko sa da-drama ko kanina kundi yari ako at iba ang isipin ni Samuel.

“Akala ko hindi ka na dadating eh pinakaba mo ako,” bungad nito pagka kita niya sa akin. Natawa naman ako.

“Wow! Kailan ka pa nakaramdam ng kaba kung i-ditch kita? At saka talagang pinapangalandakan mo sa lahat na varsity player ka ah. Kung sabagay, bragging rights nga naman! Mamaya makahanap ka ng chikas mo dito.”

Napangisi siya, “Bakit ba ako maghahanap eh nandito naman ’yung gusto ko.”

Natawa ako sa sinabi niya but somehow I feel weird with the sudden familiar feeling dahil sa biro niya. Loko talaga!

“Shuta ka, Samuel! Tigil-tigilan mo ako. Alam kong pogi ka pero umayos ka.”

“Bakit? Hindi mo na ba ako crush?” tanong nito sabay akbay sa akin ng libre niyang kamay dahil ’yung isa hawak ’yung duffle bag niya, “Ang alam ko nagka crush sa akin ng highschool tayo.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Takte! Kanino niya nalaman iyon?

“Hoy, Samuel! Umayos ka ah, di biro ’yan.” sita ko sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

“Hindi naman kita binibiro. Actually, tinitignan ko nga kung totoo.” mayabang na sabi nito.

“Eh anong conclusion mo?”

“Tama ako. Crush mo pa rin ako. Hindi mo ako dinitch eh.”

“Sira! Anong bang nakain mo at ang lakas mo mangtrip? Saka hello? Hindi kita dinitch dahil iniisip ko kanina na baka may need ka at kailangan mo ng kasama at syempre dahil kaibigan kita pinuntahan kita plus may iba na akong crush.”

Agad na kumunot ang nuo niya.

“Ano? So tama nga ako nagka crush sa akin pero may bago ka na?” halatang nabwisit siya sa sinabi ko at agad na hinawakan ang panga ko para tumingin ako sa kanya. Kinabahan naman at agad na nahiya kasi may mga napatingin sa amin, ’yung iba nagbulungan pa.

“Samuel,” pabulong kong sita sa kanya.

“Si Naito ba ’yan?” maangas na tanong nito na hindi pa rin inaalis ang kamay niya sa panga ko.

Nabigla naman ako dahil nasali bigla si Quilris sa usapan at para bang nagbabalak na si Samuel na sigurin ito.

“H-Hindi! Bakit naman nasali si Quilris sa usapan eh kaibigan ko ’yon!” inis kong sabi sabay hampas sa kamay niya palayo sa akin at ngumuso.

“Linawin mo sa kanya na magkaibigan lang kayo at tayo ang magka ibigan.”

“Huh?”

“Wala. Tara na, may gusto akong bilhin.” sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hila sa akin papunta sa kung saan.

Napanguso ako dahil naaalala ko pa rin ’yung kanina at hindi rin nakadagdag ’yung tinginan ng mga tao sa amin magpa hanggang ngayon. Naiilang ako at hindi ko mapigilang hanapin ’yung presence ni Quilris.

STARING AT SUMMER ( XLVIII )

“Saan ba kasi tayo?” tanong ko sa kanila habang nagda-drive si Thotel. Yes, may sariling kotse si mother dear habang nasa shotgun seat si Dyossa na for the first time ever ay nagulat ako na napapayag ang parents niya na sumama sa nightout at ako na nasa shotgun seat at kinukulit itong dalawa saan kami pupunta. Ang awkward nga ng suot ko compare sa kanila. Naka lavander satin long sleeve lang ako na pinaresan ko ng black pegged pants at black boots samantalang sila, all out ang outfit. Mukhang may agendang humakot ng mga boys sa pupuntahan namin.

Muntik pa nga ako hindi makasama at mainis dahil naiintindihan ko naman na noche buena at tradisyon ng magcelebrate ako nu’n together with the kambal and Lola Tessa dahil ako lang naman ang nandito sa Pinas at the fact na tapos na rin kami kumain at magpalitan ng mga regalo ng out of nowhere akong ayain nitong dalawa na lumabas ay haharangin pa ni Samuel kesyo ganito ganyan ay napa 360° degrees na eye roll ako. Si Sam nga saka Lola Tessa go na go na iparanas sa akin ang party/night life si Samuel naman maka no agad, tinalo pa si nanay sa pagiging strict eh. Akala mo naman jowa.

Balak pa nga sana sumama after makita damitan nina Dyossa pero dahil sinabihan siya ni nanay na huwag ng sumama pa after kong i-video call ay halos pasalamatan ko ang bawat bituin sa langit. Ewan ko ba kasi duon kay Samuel after ng eksena namin sa mall bigla-bigla nalang sumusulpot sa tabi ko mapa in and out of campus. Nagugulat na nga lang sa presence niya itong dalawa pati ’yung mga classmates ko at isama mo na, most especially si Quilris.

Parang aso na nag aangilan ’yung dalawa sa tuwing magkikita. Kung hindi lang ako nakapagitna sa kanila feeling ko magsasakmalan sila with no regrets.

“Buti napapayag ka lumabas? Akala ko ba strict parents mo?” tanong ko kay Dyossa na abala sa pagre-retouch niya ng lipgloss.

“Oo nga kaso malakas ang powers nitong si mamsh saka tapos na kami mag simbang gabi kaya heto ako with you guys.” masaya at excited na sagot niya.

“Ito hindi na ako magtatanong dito halata namang hindi strict parents niya.” natatawa kong sabi, pertaining to Thotel.

“Yas! Sa sobrang hindi nila strict iniwanan nila ako mag isa at nag out of the country a few days ago. Bukas pa ng umaga balik nila kaya ako lang mag isa ang magcecelebrate ng christmas, binulabog ko kayo. Muntik pa ngang hindi payagan ito ng pinaalam ko sa parents niya pero buti at magaling tayo magpanggap na barako .” sabay-sabay kaming natawa na tatlo ng palalimin ni Thotel ’yung boses niya.

“Best actress mumsh! Pang oscars!” dagdag ni Dyossa.

“Woah,” ang tanging nasabi ko pagkalabas namin ng kotse at nakatayo sa tapat ng malaki at halatang high-end na bar.

Paradise Hunt.

Kung sino man ang nakaisip ng pangalan ng bar na ’yan ay napaka witty. Curious ako bakit naisip nila na ito ang ipangalan sa business nila. Hindi mo mahahalatang bar dahil hindi mo halos marinig ’yung kumakalampag na malakas na tugtugin mula sa luob mula sa labas, tanging yung mga strobe lights lang ang magiging clue mo na merong party or kasiyahan na nagaganap sa luob. Halatang dinarayo ang lugar na ito dahil halos wala ng maparkingan pero luckily nakahanap kami ng spot kung saan pwede mag park.

“Tara na sa luob,” aya ni Thotel. Excited kaming sumunod ni Dyossa sa kanya lalo pa’t first time lang namin makakapasok talaga ng bar unlike duon sa pinuntahan namin last time. Perks of being in college at nasa legal age na.

Halos mapanganga ako sa ganda ng bar na pinasukan namin. Hindi ko nga madistinguish kung bar ba ito o club, sobrang high-end kasi ng datingan kaya hindi na nakakapagtaka na ang laki din ng entrance fee. Paano ko nalaman? Narinig ko lang sa counter area sa mga kapwa namin kakarating lang na nagtanong. Pwedeng magbayad ng cash or thu debit/credit card. Nagtaka nga ako bakit hindi kami nagbayad nila Thotel kasi dire-diretso lang kami ng pasok sa luob pero agad din namang nasagot ang tanong sa isip ko ng sabihin niya na may back-up kami dito kaya free lahat pati ’yung iinumin mamaya na kinataka ko. Sino kaya back up niya? Baka relative niya or someone na kakilala niya na hindi namin kakilala for sure. Baka boyfriend niya or something basta.

“Claec!” agad akong napalingon ng mabilis ng marinig ko ang pangalang tinawag ni Thotel. Nakita ko pa sa peripheral ko ang pag ngisi ni Dyossa. Hay naku, for sure aasarin na naman ako nito. Eh sa nagulat ako na nandito din siya. Kasama ba namin siya o baka naman kanina pa siya nandito at may kasamang iba like friends or. .

“Hey, I thought you were just joking ng sinabi mong pupunta ka,” bungad ni Quilris sa kanya, mukhang hindi ako nito napansin dahil duon sa dalawa lang siya naka focus. Medyo nainis naman ako at hindi ko maintindihan kung bakit. Para bang bigla nalang hinahanap ko ’yung attention na nakukuha ko kay Quilris.

“Yes, ayan siya oh! Tulala si ganda. First time lang kasi nila makapasok dito sa ganito akala ko nga hindi papayag ’yan dahil alam mo naman ’yung nangyari last time sa casino kaso si Samuel ’yung forda harang kanina,” dinig kong sabi ni Thotel kaya napatigil ako sa pagiisip ko ng kung anu-ano at napatingin kay Quilris. Nakatitig ito sa akin na para bang pati kaluluwa ko, chine-check niya for any signs of discomfort.

“Just let me know if you feel uncomfortable or anything, ako ng bahalang maghatid sa inyo pauwi.” sabi niya ng hindi pa rin binabawi ang titigan namin kaya hindi ko rin napansin na nakatayo na pala siya sa harapan ko mismo at pina-pat niya ng marahan ang ulo ko. Napanguso ako dahil para akong pusang hinahaplos ng dambuhalang amo niya. Thou hindi ko maiwasang makaramdam ng kung anong kiliti sa katawan sa sinabi niya. Alam kong para sa amin iyon pero ’yung utak ko says otherwise.

“I’ll be back, ladies . I-assist ko muna ’yung mga kasama ko.”

Pag alis niya para pumunta sa kung saan narinig kong nagtilian sina Thotel at Dyossa. Feeling ko nga kakabugin nila ng tili nila ’yung lumalagabog na tugtugin.

“Hoy, tumigil nga kayo nakakahiya.” sita ko sa kanila habang nililibot ang tingin ko sa mga nanduduon. Ang gugwapo at nagagandahan ’yung mga customers na nandito kaya napapaisip ako kung bakit nandito si Quilris. Impossibleng wala pa siyang nakikitang type niya at impossible din namang walang nagpapapansin sa kanya.

“Hindi nga siya nahiya mag PDA kayo dito sa gitna ng trabaho niya eh.”

“Huh? What do you mean, mumsh? Nagwowork si Fafa Naito dito?” curious na tanong ni Dyossa.

“Hindi ba niya nasabi sa’yo, Ae? Impossibleng hindi. Nagpapart-time job siya dito. Akala ko nga alam mo na kanina pa ng dumating tayo dito.”

Bigla kong naalala ’yung time na lumabas ako ng gabi at muntikan ng may hindi magandang mangyari sa akin pero buti nalang at sumulpot siya ng oras na iyon. Tama! Naalala ko na. Nabanggit niya ang tungkol sa work niya na ito.

“Sinabi niya lang na nagwowork siya pero hindi ko alam na dito.” maiksing sagot ko, kasi kung alam ko lang na dito, wala. Baka nainggit lang ako lalo sa mga nakakakita sa kanya ng madalas. Malay ko ba kung may party goer dito na siya ang goal at malay ko ba kung yung treatment niya sa kanila is gaya ng akin.

“O ngayon na alam mo na, babakuran mo na ba?” pilyong tanong ni Dyossa. Sinegundahan naman siya ng isa.

“Wala ka namang dapat ipagalala, pag work, work talaga iyang si Claec. Focus ’yan sa goal pag may gusto siyang makuha iyon at iyon lang kahit hindi work ang usapan.”

Agad naman akong nag iwas ng tingin sa kanila kasi pakiramdam ko namumula ang mukha ko sa mga gatong nila. Sakto namang nakita kong may umaaribang babae kay Quilris. Maganda siya, ’yung mga tipo talaga ng mga lalaki. Maganda katawan, may umaalog na suso lalo pa’t nahi-highlight iyon sa suot niyang damit. Halatang makinis at ganuon din ’yung mga kasama nitong babae na ang tingin ay kay Quilris din. Baka nga nagba-backstaban sila sa isip nila or may lihim na mini competition sinong iuuwi sa kanila ni Quilris and sa isiping iyon, bigla akong napatigil. I felt a weird pain on my heart, para ding nahirapan ako biglang huminga. Why?

Dati naman wala akong paki sa pagiging chick/fuck boy niya ng mga una-una naming meetings pero habang tumatagal, habang mas nakikilala ko siya, naiinis ako sa tuwing sasagi sa akin ’yung thought na nilalapitan lang siya for one thing which is hindi okay para kay Quilris, or sa akin rather. Hindi nga ako natuwa na naging ganuon si Quilris ng dahil sa ex niya tapos itong mga taong ito parang pinaparamdam lang na kailangan siya for one thing and it hurts me sa isipin na aware din dito ’yung isa.

“Ay naku, bitch! Tara na, inumin na muna natin ito para may confidence na tayo sumayaw sa gitna,” dinig kong sabi ni Thotel at nagulat ako ng may nakalatag ng tatlong baso duon na may makulay na inumin. Hindi ko napansin na nalapagan na pala kami ng inumin dahil naka focus ako sa mga babaeng cinocorner si Quilris.

“Cheers!” masaya naming pinag cling ang mga baso namin bago ko unti-unting ininom ’yung akin. Para lang siyang juice pero may hint ng alak. Malalaman mong may halo at it isn’t what it seems like.

Muling hinanap ng mata ko si Quilris at kita ko kung paano ito makipag interact sa grupo ng mga babae, nagtatawanan sila mukhang interesting ang usapan at para bang gusto kong makisali kaya nagulat ako ng biglang tumingin si Quilris sa pwesto namin, specifically sa akin. Narinig ba niya ang nasa utak ko?

Nakatitig lang kami sa isa’t-isa at ewan kk kung namalik-mata lang ba ako dahil na rin sa ilaw nitong club pero nakita kong kinindatan niya ako bago siya magpaalam sa mga babaeng patuloy pa rin siyang kinakausap. Kita naman agad sa mukha ng mga ito ang panghihinayang.

“Sis, iwan ka muna namin. Mukhang busy ka pa bantayan si Claec,” nakangising sabi ni Thotel sa akin. Bago pa ako makaalma ay tumayo na sila at mga nakangiting sumiksik sa mga ibang nanduduon para makapunta sa dancefloor. Napanguso ako dahil mali naman ’yung paratang nila sa akin. Hello? Sinong magbabantay ng table namin kapag lahat kami umalis?

“Bakit nandito ka lang? Nagpaiwan ka or ikaw ang alay?” Huh? Alay?

“Pinagsasasabi mo? Kanino naman ako iaalay?”

“Sa akin,” diretsong sagot nito at tinignan ako in a way na hindi ko ma-explain.

“Dati ka bang taga mental? Ano ka leader ng kulto? Yakuza boss? Lakas ng hangin ah,” pabiro kong sabi na natatawa pa, pero kinabahan ako ng hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin na para bang isa sa mga sinabi ko ay tumpak. Bakit kasi ngumisi siya sabay biglang pinigil at naglayo ng tingin sa akin? Like hello? Sino hindi mapapaisip?

“Go join them. I’m on break. Ako muna magtatao dito sa table ninyo.”

“Huh? W-Wag na! Dito lang ako. Samahan nalang kita tutal hindi rin appropriate ’yung suot ko for clubbing unlike sina Dyossa.” eh sa totoo naman, halos ’yung mga nandito kahit hindi sa dancefloor, pang malakasan ang damit. Ako halatang galing sa casual meeting at biniglang hatak lang papunta dito which is totoo naman except sa meeting part.

“Is that the only reason? Well then,” nagulat ako ng bigla akong hilain pa somewhere ng lalaking ito hanggang sa mag end up kami sa comfort room. May mga naabutan pa kaming mga tao na nanduduon para ng makita nila kami, more likely si Quilris nagsilabasan sila.

“A-Anong meron? H-Hoy! Anong ginagawa mo?” nataranta ako ng bigla niyang iunbutton ang pantalon na suot ko. Bale nasa harap kami ng malaking salamin at naka sandal ang harapan ko sa sink habang corner naman ang likuran ko ni Quilris. Ewan ko nga kung tama ’yung nafeel ko na matigas ’yung ano. . basta ’yung ano niya sa likod ko.

“Stay still,” commanding niyang utos kaya napalunok ako habang hinahayaan ko lang siya kalasin ’yung suot kong pants. Syempre hindi ko mapigilan na kabahan at mag init sa way kung paano niya tanggalin iyon ng hindi inaalis ’yung tingin niya sa akin. Yes, magkatitigan kami habang nagwowork wonders ang kamay niya sa katawan ko.

Napalunok ako ng maramdaman ko ’yung kamay niyang marahan na nagsa slide pababa ng hita ko.

“Q-Quilris. .”

“Sshh, calm down, kitten.” bulong nito sa bibig ko na para bang ginagayuma ako at napa lean ang ulo ko sa dibdib niya.

“Bend over for me, yeah?”

Hindi naman ako lasing pero hindi ko din naman maintindihan ang katawan ko o ang utak ko rather bakit ko siya sinunod. Bahagya akong bumend over sa sink gaya ng utos niya ng hindi pa rin binabawi ang titigan namin. Parang nagiinit ’yung katawan ko habang umaangat yung kamay niya sa likuran ng hita ko at naramdaman ko na hininto niya bigla ang isang kamay niya sa desired niyang area at pinagmasdan ko siyang tanggalin ang suot niyang necktie and for all I know and realised, ginawa niyang belt sa bewang ko ang necktie niya para mag mukhang dress ang suot kong long sleeve. Hindi naman halata ’yung neck tie dahil nakatago iyon sa way kung paano niya tiniklop ’yung suot ko.

“I can’t go out like this,” nahihiya kong sabi habang nakahawak ang magkabilang kamay ko sa sink bilang supporta. I mean, it does look sexy but. .

“Yes, you can. Otherwise, you will make it easier for me.” sabi nito na hindi ko naintindihan.

Pinaharap niya ako sa kanya habang inuunbutton naman niya ngayon ang unang dalawang buttones ng suot ko.

“Fuck you’re gorgeous,” sabi niya ng tapos na siyang i-dress make over ako.

“You’ll go home with me, yes?”

“I. . Only if you want to.”

“Of course, kitten.” nakangising sabi nito sabay diin ng katawan niya sa akin. Sa gulat ko dahil sa kakaibang kiliti na naramdaman ko, mahina akong napa ungol, “Now go. Dance the night away. I can protect you and get you home safe.”

“T-Thank you.” ewan ko ba, parang gusto ko lang halikan siya at ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko gusto niya din ako halikan pero wala ni isa sa amin ang gumawa maybe because nagdedelusion lang ako. Ayaw man ng katawan ko pero ’yung utak ko sinabihan na akong umalis sa bisig niya dahil baka may iba pa kaming magawa na mayari kami parehas. Bago ako makalabas ay bigla kong naalala ’yung pants ko.

“Akin na muna para sigurado akong sa akin ang bagsak mo,” pangaasar nito bago ako tuluyang makalabas at ewan ko ba kung namali ako ng last na tingin sa kanya pero nakita ko siyang napahawak sa ano niya.

STARING AT SUMMER ( XLIX )

“Hindi ba uuwi sila Tito?” tanong ko kay Quilris na siyang kasama ko ngayon sa pagsho-shopping ng mga gagamitin namin nila Lola Tessa for the new year which is mamayang gabi na. Yes, last minute shopping sucks but what can I do, may mga hindi naisama sa listahan ’yung kambal at dahil syempre bilang pamilya na rin ang turingan namin sa isa’t-isa nag volunteer na ako na ang bibili ng mga nakalimutan. Nang una ayaw pang pumayag ng kambal mainly ni Samuel pero dahil may mga kailangan din sila gawin sa bahay, which is a.k.a general cleaning before new year as part of nakatatandang pamahiin, eh wala ng nagawa ’yung isa kundi hayaan ako mamili mag-isa. Ewan ko ba duon kay Samuel lately talaga may kakaiba sa kanya. Akala mo boyfriend ko kung maka asta.

Nagkataon din naman na nagkita kami nitong isa dito sa grocery habang namimili. Sobrang clichè pa nga paano kami nagkita. Nakatingin kasi ako sa listahan sabay inaabot ko ’yung de lata ng condensada sabay may nakihawak din sa hinahawakan ko pag lingon ko si Quilris pala tinutulungan ’yung de lata para duon sa matanda na katabi niya. Kaya heto, we end up being grocery buddies na a.k.a para ko ding bodyguard. Iniiwas niya ako na hindi mabangga at hindi duon sa maraming tao.

Sa pag uusap namin nalaman kong siya lang pala ang magne-new year dito mag isa dahil mukhang hindi makakauwi ang parents niya. Mukhang sanay naman na siya but still. Mas okay pa rin kasama ang family.

“Baka makauwi si Papa the day after since may issue lang ngayon sa isa sa mga hina-handle na business ni Daddy and he needs to help him which is understable so I don’t mind, really.”

Ewan ko ba, bakit pakiramdam ko kahit sinabi niya iyon, malungkot siya? Or ako lang kasi nakikita ko ’yung sarili ko sa kanya lalo pa ng bata ako at hindi nakakauwi si mama tuwing new year at kami lang lagi ni Lola ang magkasama hanggang sa nakiki new year na kami duon kila kambal para lang panandalian ko makalimutan na malungkot ako dahil hindi na naman makakauwi ang sarili kong mama?

“Do you want some takeout or kain nalang tayo ng street foods?” tanong niya habang nakapila kami. Halos isang oras na yata kami nakapila and I swear, parang bibigay na ’yung paa ko. Pinag isa nalang namin ’yung mga binili namin para hindi kami mas ma-hassle kubg pumila kami sa blue basket. Kahit papaano mas okay pa rin ang pila ng big cart.

“Street foods nalang. For sure mahaba din ang pila sa mga fastfood.”

Tumango lang siya at ng turn na namin inabot niya sa akin ang wallet. Ako na daw magbayad. Tutulungan niya kasi mag pack ng pinamili namin ’yung bagger.

Ang dami nga niyang pinamili eh akala ko nga ng una sa kanya lahat ito at marami lang talaga siyang magluto ’yun pala para duon ito aa part-time job niya sa Paradise Hunt. Duon kasi siya magcecelebrate ng new year para siguro hindi niya maramdaman na magcecelebrate siya ng new year alone. Pero according din naman sa kanya wala silang pasok sa a-uno. Sarado sila. Naisip ko nga ayain nalang siguro siya sa bahay o lumabas kasama ’yung kambal or baka ako nalang siguro ang dumayo sa bahay niya para hindi na siya ma-hassle pa na dumayo sa amin since pahinga niya din iyon.

As usual kinuha ko ’yung card niya sa wallet at inabot duon sa cashier. Hindi ko na nga lang pinansin ’yung picture naming dalawa na hindi pa rin niya tinatanggal. Well, anong magagawa ko? Kung walang issue iyon sa kanya siguro dapat wala nalang din issue sa akin tutal crush ko naman siya. Siya, hindi ko alam kung crush niya din ba ako.

Okay. Big word. Crush.

Oo na. Tanggap ko ng may crush ako sa lokong ito kahit nga ako nagulat pero hindi naman talaga maiiwasan. Gentleman siya kahit na may pagka playboy kaya hindi nakapagtatakang mahulog akl sa kanya.

Habang binabalik ko ’yung card niya sa wallet niya, at dahil gusto ko naka arrange ng maayos, hindi sinasadyang mabunot ko ’yung isa sa goverment I.D niya at medyo nag loading pa ako sa information na nakita ko hanggang sa marealise ko ’yung nakalagay duon ng nasa kotse na kami. Kotse na pagmamay-ari ni Miss Thalia na siyang dating boss ni Tito at ngayon ay siyang boss at ninang niya. Agad akong napalingon kay Quilris na busy pa rin sa pagkarga ng mga pinamili namin. Ayaw niya kasi akong pagbuhatin ng mga pinamili namin. Ewan ko ba dito ginawa akong babae kahit hindi naman. Thou na-flatter ako sa sinabi niyang iyon sa akin.

So basically magcecelebrate siya ng new year at half ng birthday niya sa work. Hmm, i-surprise ko kaya siya? Hindi ba magiging awkward iyon? Hindi ba ako magmumukhang desperate person sa crush?

Kung isama ko kaya sila. . Aish, huwag na.

Malamang sa malamang mga pagod pa sila dahil sa ganap mamayang new year celebration. Sige, ako nalang nga.

After naming mag street food, hinatid niya na ako kila Lola Tessa. Naabutan pa ni Samuel na nagpapaalam ako kay Quilris at heto na naman siya at ang sama ng tingin duon sa isa. Kung hindi ko pa sinita baka pinatulan na siya ni Quilris. Wala naman kasing ginagawang masama sa kanya yung tao (I think) pati na din sa akin so hindi ko ma-gets bakit ang sama lagi ng timpla niya whenever I’m with him.

“Sabi sa iyo dapat hinayaan mo nalang ako na samahan ka kesa nagpasama ka duon sa isa,” masungit na untag niya ng makapasok kami ng bahay habang nilalatag yung mga pinamili ko.

“Hindi nga ako nagpasama sa kanya, okay? Nagkita lang kami by accident. Alangan namang ii-snob ko eh kaibigan ko naman ’yung tao,” napalingon ako ng marinig ko ang mapang asar na tawa ni Sam sa gilid.

“Kasi naman, bakit kasi OA ka? Para kang batang inagawan ng candy ng isa,” makahulugang saad nito.

Pero kasi totoo naman.

“Tsk, manahimik ka nga. Tapos ka na ba maglaba?” pag iiba nito ng usapan.

Nagbangayan sa harapan ko ’yung kambal pero dahil sanay na ako, hinayaan ko nalang sila at hindi inawat. At least, kahit papaano mawawala sa isip ko ’yung weirdong kinikilos ni Samuel tuwing nand’yan si Quilris at hindi ko bibigyan ng isipin ang sarili ko kung bakit.

Eh what if kaya siya ganyan dahil finally na realise niyang gusto ka din niya gaya ng pagkaka gusto mo sa kanya nuon?

Agad akong napa iling. Wooh! Jumpscare.

Napaka impossible.

At saka kung mangyari man iyon. . huli na.

“Ae, labas tayo bukas.” 

Parang bumalik ’yung kaluluwa ko sa luob ng katawan ng marinig ko ang sinabi ni Samuel.

“Huh? Hindi ako pwede. May lakad ako.”

“Kailan ka pa nagkaruon ng lakad ng new year?” mapang husga ako nitong tinignan.

“Lalabas ako kasama sila Thotel. Plano na namin ’yan bago pa nag christmas break.” diretsong sagot ko na nakatingin pa sa mga mata niya. Pag hindi ko kasi iyon ginawa, malalaman nitong nagdadahilan ako. Na nagsisinungaling ako. Well, technically oo. Wala naman talaga kaming lakad nila Thotel pero may lakad ako para sa birthday ni Quilris. Iisipin ko pa nga mamaya anong regalo ibibigay ko sa kanya.

“Buti naman at may mga friends ka na na iba bukod sa amin pero syempre kami pa rin dapat number one,” sabat ni Sam.

Alas otso na ng gabi ng mag start kami magluto ng mga ihahanda namin sa media noche at habang busy ako sa paglalatag ng pinamiling doseng magkakaibang bilog na prutas sa lamesa ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay si Dyossa pala at tumatawag. Babati lang siguro ito in advance kaya walang pagaalangan kong sinagot ito pero wrong move at saglit kong nilayo sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa tili niya.

What the hell?

What the hell! What the hell ka d’yan!

Hoy! Talagang what the hell ka!

Huh? Bakit anong ginawa ko?

Ay wow! Maang-maangan pa!

Bakit hindi mo man lang ako sinabihan

na may surprise gala pala tayo nila

Mumsh bukas? Pati siya nagulat ng

chinat ko about duon.

Huh? What do you mean?

Sizzy! Nagchat lang naman sa akin

si Papa Samuel Pogi kanina at

tinatanong bakit tayo nagplano na

lumabas ng new year eh may naka

plano pala siya na gawin ninyo

Napatampal ako sa nuo ko. Shit. What the hell? Bigla akong kinabahan at saglit na nilingon si Samuel na nasa labas at busy mag ihaw at bumati sa mga dumadaan naming kapit bahay ng happy new year kahit na technically mamaya pa talaga ang new year.

Like, bakit niya iyon ginawa? Anong meron?

Sizzy? Ae on earth? Are you

still there? Can you hear me?

Oo! Sorry! Wait anong sinabi mo?

Syempre sabi ko ganuon talaga

since malay ba namin na may

plano siya. Bakit? May plano ka

ba talaga na lumabas tayo bukas?

Nilingon ko muna ulit si Samuel at saglit na pumunta sa ibang spot ng bahay na alam kong walang makakarinig sa akin. At ayun, as expected, muling nagtititili ang walang hiyang kaibigan ko sa narinig pero thankfully, after ng ilang minutong violent kilig reaction niya eh nag suggest siya ng mga pwedeng stores na pagbilhan ko ng cake at after naming mag usap, wala din halos ten minutes ay naka receive ako ng napakaraming message galing naman kay Thotel na nagbibigay ng gift ideas for Quilris. Nailing nalang ako.

Parehas pa sila nagsabi na susupportahan nila ako bukas sa surprise ko at sa pagtatakip sa akin kay Samuel if incase muli na namang magtanong ’yung isa. Ewan ko ba dito kasi kay Samuel sobra na akong naweweirduhan sa kanya lately. Ayaw ko namang magpaka advance kasi baka hindi naman tunay yung sumasagi sa isip ko.

“Ihatid nalang kita bukas sa meeting place ninyo nila Thotel.”

Agad akong napalingon ng marinig ko si Samuel. Shit. Kanina pa ba siya nand’yan sa likod ko? Nabasa ba niya pinaguusapan namin nila Dyossa? Agad kong tinaob ’yung phone ko sa kamay ko.

“Kanina ka pa nand’yan?”

“Bakit mo tinatago conversation ninyo sa akin? Gagala lang naman kayo, ’di ba?”

“Oo, pero nakakagulat lang kasi na nakikibasa ka ng convo namin. Nakakapanibago lang,” ewan ko ba pero automatic akong napatingin kay Sam na busy mag scroll sa phone niya. Malamang nagbabasa ng yaoi pero nakita ko ’yung oag ngisi niya ng marinig niya ’yung sinabi ko kahit na hindj siya nagaangat ng tingin sa amin ng kakambal niya.

“Sorry. Hindi lang siguro ako sanay.” sagot nito sabay hawak sa batok niya, “Sanay kasi ako kami lagi kasama mo. Ako lagi ang kasama mo lumabas hindi sila.”

Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya kasi partly totoo din naman pero hindi rin naman lagi sa kanila ako laging nakasandal. Kailangan ko din matuto makihalu-bilo sa ibang tao.

11:59 p.m. naisipan kong mag quick message kay Quilris ng happy new year. Syempre hindi ko sinama ’yung happy birthday part dahil ayaw kong masira ’yung surprise ko sa kanya for tomorrow at saktong 12 midnight nagreply siya sa akin with matching thank you na may smiley face. Ewan ko ba pero dahil duon, ginamit ko ’yun na opportunity para magtatatalon. Malay ba nilang kinikilig ako kaya ko ginawa iyon. Nagulat ’yung kambal sa akin at ang lokong Sam biniro pa ako na wala na daw idadagdag ang height ko. Sinabutan ko nga. Chos!

Syempre bilang tradition, nag picture kaming apat para may pang post sa social media at para na rin may ipadala kay mama. Ako ipapadala ko lang sa kanya pero wala akong balak i-post. Medyo nailang ako ng marealise ko ng patulog na ako, na ’yung akbay sa amin ni Samuel, hindi ’yung usual bro’s na akbay or baka ako lang? Pero kasi ’yung body language siya says otherwise.

Hay, baka napa-praning ako.

Kasi naman si Samuel eh parang ewan lately.

Napalingon ako sa kanya ng biglang umikot ito papunta sa akin at yakapin ako na parang pugita. Shutek! Narinig ba niya ’yung nasa isip ko?

And yes, dito ako sa kanila matutulog dahil tinamad na akong umuwi sa bahay at dahil may respeto ako kay Sam dahil lalaki pa rin naman ako biologically, dito ako sa kama ni Samuel matutulog. Thou hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako dahil ang lakas din ng tibok ng puso ko.

“S-Samuel. .” mahina kong daing ng isiksik niya ’yung mukha niya sa leeg ko. Hindi ko alam kung dahil ba sexually touch deprive ako o dala lang ito ng red wine na iniinom namin kanina.

Umungol lang ito at mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin. Animo’y aagawin ako ng kung sino sa kanya.

Napa buntung-hininga ako at bahagyang nag ipon ng lakas para marahang ilayo ang katawan niya sa akin. Baka mamaya pag gising ko kulay ube na balat ko eh!

“Samuel! Ano ba?” inis kong bulong at muntik akong mapasigaw sa gulat ng maramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi thou naitulak ko siya at sa lakas ng impact napamura siya.

Agad kong binuksan ang night lamp na nasa side table sa pagaalala thou bakit niya iyon ginawa or baka hindi naman niya meant? Aah! Hindi ko na alam! Mababaliw na ako!

“Sorry! Hindi ko sinasadya ikaw naman kasi! Dinaig mo pa koala!”

“Namiss lang kita katabi pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko,” nakangising sabi nito. Nagtaasan naman ang balahibo ko sa katawan.

“Buang ka ba? Kung nami-miss mo ako pwede naman tayo mag bonding gaya ng dati. Sasabihan mo lang naman ako pero  bakit kailangan may paghalik pa? Sira ulo ka buti nalang hindi mo ako sa lips nahalikan!”

“’Yun na nga eh. Inaaya nga kita kaso ayaw mo naman,” napairap ito na may pag ngisi sa akin, “Plus, it’s not like it will be a big deal kung sa labi kita nahalikan. Parehas naman tayong single at parehas naman tayong nagkasabay maligo ng nakahubad dati.”

“Samuel!” namumula kong sita sa kanya, “Alam mo matulog nalang tayo! Ayaw ko munang makipagbiruan sa iyo lalo pa’t bagong taon at may lakad pa ako bukas.”

Inirapan ko siya at humiga na at nagtalukbong ng kumot. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Parang lalabas sa rib cage. Bwisit kasi ’tong si Samuel! Kung anu-ano pinagsasasabi!

“Pero hindi naman ako nakikipag biruan, Ae.” sabi nito na may himig na muling nagpataas ng balahibo ko.

STARING AT SUMMER ( L )

“Ay ang taray! May paghatid talaga?” naka pamewang na tanong ni Dyossa kay Samuel ng makita niya kaming papalapit sa kinatatayuan niya sa luob ng mall. Napa eye roll ako at natawa naman siya. Syempre hindi nakita ni Samuel kundi yari ako. Paanong hindi ako maiinis eh sinabi ko na ngang sina Thotel ang kasama ko namilit pang ihatid ako. Hindi naman ako bata! At mas lalong hindi ko pa nakakalimutan ’yung ginawa niya ’no. Medyo naweweirduhan pa rin ako kung bakit niya ginawa iyon. Plus, kahit naman inaaway ko siya kanina, wala siyang paki sa akin basta sasamahan daw niya ako pumunta ng mall tapos uuwi na rin siya kapag nasiguro niyang sila nga kasama ko at hindi ibang tao like, what the hell?

“Just making sure na kayo talaga kasama nito. Panay na ang labas-labas n’yan eh,” sagot niya dito. Kilig to the bones ang loka. Palibhasa crush niya kasi itong si Samuel. Well, one of his so many crushes.

“Ugh! Whatever! O’sige na. Naihatid mo na ako pwede ka ng umuwi.” mataray kong sabi. Aba bakit? Naiirita ako eh! Para akong bata na need pag higpitan. Dinaig pa nanay ko. Namumuro na ito sa akin. Buti sana kung boyfriend ko eh hindi naman. Char! Syempre ayaw ko naman ng mahigpit na jowa ’no! That’s so not cool.

“Pagsabihan mo nga itong si Ae! Inaaway ako. Gusto ko lang naman na safe siya.”

“O’ gusto ka lang palang maging safe eh!” sabi ni Dyossa na nakatingin sa akin na nagtaas-baba pa ng kilay niya bago nilipat ang tingin niya kay Samuel, “Ikaw naman, umuwi ka na bago pa kita painumin ng paracetamol. Ingat! Ikot muna kami!”

Natawa ako habang pabiro niyang tinutulak si Samuel palayo sa amin hanggang sa umalis na nga ito ng tuluyan. Whew! Buti naman.

“Alam mo parang ang clingy sa iyo ni Papa S lately. May hindi ka sinasabi sa amin ah! Nililigawan ka siguro nu’n?”

“Tinamaan ka ba ng boga sa ulo kaninang bagong taon? Ako? Liligawan ni Samuel? Malayo sa hinagap iyon! Kapatid-kapatid lang tingin nu’n sa akin.”

“Hindi ka sure! Malay mo matagal na pala ’yon may crush sa iyo tapos hindi mo lang napapansin. Baka lately lang niya narealise ng napapansin niyang parang may something na sa inyo ni Papa Quilris! Syempre ’no, kahit naman sino makakita sa inyo mas lalo ’yung hindi kayo kilala talaga napagkakamalan nga kayong mag jowa!”

“Huh? Pinagsasasabi mo?”

“Ay sis? Hala siya! Napaka manhid mo naman ano? Sabagay, iba talaga kapag maganda maraming options na mga pogi. Pero ano na bang status ninyo ni Papa Quilris? Crush mo siya, malakas din ang vibes ko na type ka niya, so dating stage na ba kayo? Nagulat nga ako na balak mo siyang i-surprise sa birthday which kahit sa wildest dreams ko hindi ko naisip na gagawin mo for him!” kinikilig niyang sabi.

Natawa naman ako sa kanya.

“Bumabawi lang ako as a friend .” nag eye roll siya ng narinig niya yung huling word na sinabi ko, “Nahihiya lang ako kasi hindi ko din akalain na sa kabila ng mga nangyari magiging close kami at saka I feel sad for him kasi magbi-birthday siya ng hindi kasama parents niya kasi busy daw sila dahil nagkaruon ng minor issue sa business nila.”

“Aww! Ang sweet naman ng friend ko,” sabay yakap sa akin, “Ganyan-ganyan nahuhulog ’yung mga boys eh! Kapag sweet and caring sureball ’yan! Head over heels agad!”

Nailing nalang ako sa sinabi niya at sakto namang dumating na si Thotel na kagagaling lang sa isa sa nga business na handle ng parents niya na siya na ngayon ang nagmamanage on and off habang hindi pa siya graduate talaga at ayun. Nagstart na kami magikut-ikot habang nagtitingin ng pwedeng bilhin na pagkain at regalo para kay Quilris. Sana nga lang magustuhan niya.

“Pero maiba tayo, Sis. What if, like if lang ha, manligaw sa iyo si Samuel pati na din si Claec, sino sasagutin mo between them?” out of nowhere na tanong sa akin ni Thotel.

Syempre si Quil—, ay teka! Bakit hindi pa rin ma-drop ang topic na ito regarding kay Samuel na may something sa akin? Not that gusto kong i-ship nila ako kay Quilris pero kasi, hello? Asa naman din ako ’di ba? Friends lang kami nu’n. ’Di ako type nu’n. Plus, para ko lang inulit ’yung nangyari sa akin before ng kay Samuel.

“Wala! Friends ko sila parehas eh,” mabilis kong sagot.

“Ay, sis! Sabi ng mga friendship kong thunders mahirap magsalita ng hindi tapos.”

Tumango si Thotel sa sinabi ni Dyossa bilang pag sang-ayon. Ay by pair pala dapat ang panggigisa? Kung sabagay, parang bawas at sibuyas lang.

“Eh bakit ba kasi ganyan nga tanungan ninyo sa akin? Kaloka kayo! Nagsasabi lang din naman ako ng totoo. Ayaw kong magkaruon ng awkwardness sa pagitan ko at ng kahit na sino sa kanila if incase gaya ng what if ninyo eh may sagutin ako sa kanilang dalawa. Isa pa, mas hassle ’yun kung nagkataon, kapag hindi nag work ang relationship namin at nag break kami. Para lang kaming nag gaguhan. Sana minantain nalang namin friendship namin.”

“Well, may point pero again, hindi pa rin tayo sure sa mga pwedeng mangyari. Hindi sa pina-praning ka namin pero ang weird lang kasi talaga ngmga  kilos ni Samuel sa’yo lately bukod du’n sa mga napag usapan natin before saka ’yung inakto niya sa amin sa phone at ngayon na may paghatid pa siyang nalalaman sa’yo. Parang jowa mo na kung makaasta.”

“True! I second that motion! Kaso syempre hindi rin naman papahuli si Daddy Claec sa pag the moves niya sa’yo! Remember! Ems,” kinikilig na segunda ni Dyossa.

“Ewan ko sa inyo! Issue kayo ha? Bestfriend lang kami ni Samuel saka si Quilris, friends lang din kami nu’n,” napanguso ako kasi kung pwede ko lang sabihin yung tungkol sa dahilan kung bakit hindi pwedeng maging kami ni Quilris eh dahil mukhang na-trauma siya duon sa ex niyang si Akari, ginawa ko na kaso I’m not in the position to tell that lalo pa at walang permiso niya. Isa pa, asa naman akong seseryosohin ako nu’n or may pag tingin sa akin ’yun. Sa series lang nangyayari ’yun hindi sa tunay na buhay.

Halos dalawang oras din kaming tumagal sa mall dahil kung anu-ano mga idea binibigay sa akin nina Thotel. Todo suggest sila eh. Akala yata nila mag jowa kami ni Quilris na magcecelebrate ng one year anniversary namin. Sa huli, nag settle kami sa cake, starbucks coffee, isang box ng donut (syempre alam ninyo na flavor. ’yung pinag awayan namin nuon na naging dahilan din paano kami naging close), ilang pica-pica, pizza at isang boteng wine. Ayaw ko sana talaga bilhin kasi ang dami na ng napamili naming pagkain kaso ang mga walang hiya, for the aesthetics daw. Sus, kung alam ko lang iba talaga naiisip ng dalawang ito eh pero hinayaan ko nalang tutal hindi naman gaanong nakakalasing ang wine. Of course, sila pinagdala ko muna ng mga pinamili namin tutal ’yung iba sa mga napamili idea nila at hindi sa akin. ’Yung cake lang talaga saka donuts at starbucks.

“Sis, ’di ka ba bibili ng regalo mo kay Zaddy Claec? Puro pang lafang lang talaga binili mo for his birthday? Not that I’m complaining since magkano na rin naman nagastos mo,” sabi ni Dyossa habang naglalakad kami patungong bookstore.

“Oo nga! Sa dami parang pang pamilya na ’tong binili mo eh,” dagdag ni Thotel.

“Chill lang kasi kayo! At saka birthday nga, ’di ba? So dapat bongga! Kayo rin naman nag suggest ng iba d’yan eh plus meron na akong regalo sa kanya. Ginawa ko ’yun last week.”

Mabilis nila akong nilingon.

“Ginawa mo?” sabay nilang tanong.

“Uh, oo? Kakasabi ko nga lang, di ba?”

“Anong ginawa mo? Patingin! Oh my gosh, ang effort ah! Handmade!”

“True! Hindi ko akalaing ganyan ka pala ka-down bad kay Claec ha!”

Ewan ko ba kung bakit pero nahiya ako sa mga pinagsasasabi nila lalo na ’yung huling sinabi ni Thotel. Lakas trip ah!

Pinakita ko sa kanila ang ginawa kong regalo kay Quilris at para silang batang paslit na first time makakita ng magic show. Manghang-mangha sila.

“Shuta ka, sis! Gawa mo ba talaga ’to? Ang ganda! Pwede mong pagkakitaan!”

“True! Wala kaming kamalay-malay marunong ka pala mag gantsilyo. Thou, bakit ito napili mong design? Sun and moon? Parang couple kineme lang ha,”

“’Yan na naman kayo ah! Wala lang akong maisip kasi na design na hindi siya magmumukhang bakla ’no,” pagdepensa ko sa sarili ko.

“Weh? Hindi nga nagmukhang bakla, sis! Nagmukha namang gawa ng jowa! Yiieee!”

Napanganga nalang kami ni Thotel kay Dyossa kasi grabe talaga ’tong isang ito. Walang pinipiling lugar, basta kinilig siya ay! Tinalo pa uod na inasinan kung gumalaw.

After ko maipabalot sa bookstore ’yung regalo ko kay Quilris ay dumiretso na agad kami sa parking lot kung saan naka park ang kotse ni Thotel. Ihahatid kasi ako ng mga ito sa bahay ni Quilris para makasigurado din silang safe ako at saka baka, baka lang kasi biglang sumulpot si Samuel out of nowhere at magtaka saan ang punta ko sa dami ng dala ko eh ang paalam nga magbo-bonding lang kami nitong sila Dyossa.

Ewan ko ba sa isang ’yun. Ang weird niya nowadays. Akala mo jowa ko kung maka asta. Buti sana kung nanduon pa ako sa era na baliw na baliw ako sa kanya baka kinikilig na ako ng malala ngayon kaso nope. Nakaalpas na ako sa stage na ’yun.

Pero what if totoo nga ’yung speculation ng mga ito at what if nga manligaw si Samuel sa akin? Sasagutin ko ba siya? Handa ba akong saktan ang feelings ng bestfriend ko?

Pero paano din kung manligaw din sa akin si Quilris. What if lang din naman ito pero paano kung magkatotoo? Ano gagawin ko? Ang haba naman ng buhok ko kapag nagkataon pero siguradong ang sakit nu’n sa ulo kaya sana, please lang, ’wag mangyari.

“Bitch, nandito na tayo!” tawag sa akin ni Thotel, sa lakas pati si Dyossa na naka idlip na sa front seat, biglang nagising.

Bababa na sana si Dyossa para tulungan ako sa mga dala ko pero inunahan ko na.

“Sige na! Kaya ko na ’to.”

“Sure?”

“Sure na sure!”

“Paano pala mamaya pag uwi? Magtetext ka nalang?”

“Baka.”

“O sige, basta balitaan mo nalang kami para alam namin sasabihin namin duon kay Samuel. Baka mamaya magulat tayo sugurin ka niya sa bahay ni Claec,”

“Gaga!” kabadong tugon ko bago tuluyang lumabas ng kotse at kawayan ang palayong sasakyan ni Thotel mula sa kinatatayuan ko.

Naka ilang deep breaths muna ako bago ko napagpasyahan na pindutin na ang doorbell sa bahay nila Quilris. Nagtaka naman ako bakit parang iba ’yung nakaparadang kotse sa luob. Hindi na ’yung kotseng hiniram niya sa Tita niya. Hindi kaya may bisita sila?

Shit, what if meron nga? ’Di kaya kamag anak niya? Shit, mas lalong nakakahiya tapos nag surprise ako ng ganito! Baka iba isipin nila kapag tinanong nila ako about dito at bakit ako lang. Baka iba isipin nila sa amin ni Quilris, lalo na sa kanya!

Maghahanap na sana ako ng pagtataguan habang nagb-brainstorm paano ko mabibigay kay Quilris itong mga pinamili kanina saka ’tong regalo ko ng bigla nalang bumukas ’yung gate at sumulpot sa harap ko ang isang maganda este pogi, I mean, maganda na babae pero very masculine ang damitan. Teka, shibulibambam ba ito? Anong ginagawa niya dito? Not that I’m judging but, wala namang nakwento sa akin si Quilris na may kamag anak siyang shibuli.

“You must be Ae? Tara, pasok ka.” nakangiting aya nito sa akin at nahihiya akong tumuloy sa luob. Tinulungan niya din ako magdala ng mga dala ko kahit na tumanggi ako. Ang gentleman este woman este hindi ko alam! Basta ang bait niya.

“Thou, parang wala namang nabanggit sa akin ’yung batang ’yon na may darating siyang bisita kaya nga, napasugod ako dito kay ’yung asawa ko busy sa mga projects niya. Kaya nag decide din talaga kami na ako ang pupunta dito in her behalf and his parent’s behalf. Ay teka, alam mo naman siguro na ngayon ang birthday niya, right? Kasi ang dami mong dala na pagkain eh,”

Natawa naman ako sa isip ko dahil masyadong welcoming itong kaharap ko sa akin so I made this conclusion na kamag anak niya ito. Nabanggit niya ’yung parents ni Quilris bukod sa nabanggit niya rin na may asawa siya. Assuming na kung assuming pero feeling ko babae asawa niya. Mapapa sana all ka nalang talaga may love life na maganda amidst the discrimination against same-sex love and marriage.

Pagdating namin sa luob ng mismong bahay, inassist ako ni Tita Garet. Oo, saka palang niya sinabi sa akin ang pangalan niya ng maalala niyang hindi pa pala siya nagpapakilala sa akin eh gayong kanina pa siya daldal ng daldal. Nalaman ko nga rin sa kanya na kausap ngayon ni Quilris ang mga magulang niya kaya baka maya-maya pa ito bumaba sa kwarto niya.

“Sayang talaga, inuwi kasi nila lahat ’yung mga pictures nila ng Papa niya sa Japan kaya hindi kita ma-entertain ng mga baby pics niya. For sure matutuwa ka kapag nakita mo hitsura niya before. Artistahin kaso masungit. Paano ang aga kasi nag mature saka mataas din IQ eh tapos palagi pang nandito sa bahay nabasa ng mga libro.”

“Kaya nga po. Sayang po talaga. ’Yun pa naman po madalas pang blackmail sa mga kaibigan natin,” nakangiti kong sabi. Tinignan naman ako nito na parang tinatansya. Luh? May nasabi ba akong mali?

Tumikhim ito, “Kaibigan lang ba talaga?”

Agad akong pinamulahan sa tanong niya.

“P-Po?”

“Aysus, iha! Wag ako. Maloloko ninyo ang isa’t-isa, ang mga sarili ninyo pero hindi kami ni Tito Arista ninyo.” nakangising tugon nito sa akin.

Sasagot na sana ako kaso muli siyang nagsalita.

“May magkaibigan ba na ’yung isa ikaw ang lahing bukam-bibig at ’yung isa naman, heto nasa harap ko halos bilihin na lahat ng pwedeng mabili para sa kaibigan niya.”

“M-magkaibigan lang po talaga kami!” nahihiya kong sabi at hindi makatingin sa kanya. Aish! Lalo akong obvious nito eh.

Nagkibit-balikat lang ito at saka naupo ng naka dekwatro.

“Kung ako sa’yo, umamin ka na sa kanya kasi kung hihintayin mo pa ’yang si Claec na siya ang mauna sa inyo, ay naku. Baka may makasulot na sa’yo. Ewan ko ba kasi sa isang ’yan, parang may hinihintay pa yata na kung sino,” sabi nito sabay napangisi sa sarili, “Hinihintay yata niya ’yung nakalaro niya before sa park. Baka iniisip niya ’yun soulmate niya.”

Park?

“Park?”

“Oo, nakwento naman na niya sa’yo siguro na dito siya lumaki bago sila nag migrate ng pamilya niya sa Japan tapos kailan lang siya ulit bumalik dito kasi ang punishment ni Quilo sa kanya eh tumira siya mag isa dito sa Japan malayo sa kanila ng Papa niya para magtanda. Papa’s boy kasi ’yan,”

Hindi ko alam bakit pero may kung ano sa akin na na-trigger dahil sa sinabing ’yon ni Tita Garet.

“Auntie! Kausapin mo nga si Dad! Ayaw patalo eh! Sumama daw ako sa iyo sa bahay ninyo ni Tita Pearl. Ayaw niyang nandito lang ako sa bahay na mag isa kesyo birthday ko daw bakit hindi daw ako lumabas. Inisipan pa ako na magpapa house party ako at magdadala ng babae eh graduate na ako du’n eh!” reklamo ni Quilris na bigla nalang sumulpot sa living room kung nasaan kami.

“O’sya. Ako ng bahala magpatunay na graduate ka na sa pambababae at hindi mo kailangan sumama sa akin pauwi kay may bisita ka dito na maganda,” pilyong sabi nito na kumindat pa sa akin bago tuluyang umalis para umakyat sa kwarto ni Quilris.

Halata ang gulat sa mukha niya ng marealise niyang ako nga ito at nandito ako sa harap niya at hindi apparition lang. Joke!

“Kanina ka pa nandito?”

“Uh, hindi naman. Sakto lang.”

“Aish,” inis siyang napakamot sa ulo niya, “Kung ano man sinabi sa’yo ni Auntie ’wag mo nalang pansinin. Malakas lang talaga siya mang asar even before.”

“Halata nga. Mukhang nasa dugo ninyo talaga na pamilya ang may hitsura ah! Sino pala mas matanda sa kanilang magkapatid?”

“Huh? What do you mean magkapatid?”

“Tita mo siya, right?”

“Yeah, but not by blood. Kaibigan siya ni Papa. Siya katuwang ni Papa before sa pagaalalaga sa akin.”

Napa-O naman ako. Shit, ang assuming ko naman kasi! Ayan tuloy.

“Why are you here pala? At bakit ang dami ng pagkain bigla dito? I don’t remember Auntie bringing these here perhaps.. wait, are these from you?”

Nahihiya akong tumango. Nanlaki naman ang mata niya sa gulat.

“But why?”

“It’s your birthday, duh?”

“Wha— how did you knew? Hindi ko naman nasabi sa iyo kailan birthday ko.”

“Hindi nga pero na tsismis sa akin ni Thotel ng nagpunta kami sa bar na pinapasukan mo. Surprise, surprise!” nakangiti kong sabi with pa-open arms pang ganap. Akala ko yayakapin ako eh pero ginulo lang niya ’yung buhok. Akala ko nga hanggang duon lang din kasi nagulat ako ng bigla siyang dumukwang at ilapit sa akin ’yung mukha niya. Sa sobrang lapit akala ko maghahalikan kami eh! Uy, assuming me!

“Thanks, kitten. You’re really making me believe that wishes do come true when I haven’t even blown any candles yet huh,” nakangising sabi nito.

Ramdam ko agad ang pagpula ng mukha ko sa fact na nag malfunction ang utak ko ng marinig ko ’yung salitang blow na sinabi niya plus the fact na literally, and not assuming me, na his lips brushes to mine.

“Ayos na, Claec! Kalmado na Tatay mo. Jinoin force ba naman naming awayin ng Papa mo, ayun wal—!” sabay kaming napalingon ni Quilris kay Tita Garet at mas lalo akong nahiya ng makita ko itong nakatakip ang mga mata niya at parang bulag na kinakapa ’yung pader. Imbis na mahiya ’tong lalaki na ito sa nakita ng Tita niya, mas lalo na lumawak ’yung pag ngisi!

“— wala akong makita! Ano ba ’yan? Brownout ba?”

“Yes, Auntie.” sagot ni Quilris. Agad ko naman siyang pinalo, “What?”

“Sira ulo ka! Anong brownout? May ilaw o!”

“Ay sige, mauna na ako ha? Mahirap na kapag brownout maraming kaganapan! Baka mahirapan ako makatulog mamaya sa bahay ako pa man din mag isa wala pa si Tita Pearl mo. O’sige, enjoy kayong dalawa! Happy brownout!” sabi nito sabay nagmamadaling lumabas ng bahay.

“Gagu ka talaga, ano? Habulin mo si Tita Garet! Nakakahiya sa kanya siya pa magsasara ng gate ninyo.”

“It’s okay. May immunity ako today. Birthday ko, right? Sabi nga enjoy daw tay— aray! Bakit ka ba namamalo? Pangalawa na ’yun ah! Nireregla ka ba?” pilyo niyang reklamo.

Sa inis ko, pinakyuhan ko siya. Pasalamat nalang talaga siya crush ko siya kundi baka pinagbababato ko na siya ng plato. Hmmp!

STARING AT SUMMER ( LI )

“Happy Birthday, Quilris!” bati ko ulit sa kanya kasi sa wakas umayos na rin siya mga ilang minutes after makaalis ni Tita Garet. Akala ko hindi pa siya magtitino kundi sasaksakin ko na sana siya ng nakasinding apoy. Joke lang syempre! As if namang gagawin ko iyon. Gaya nga ng sabi niya, may immunity siya today dahil birthday niya.

“Kanina ka pa panay bati ah? Baka naman pati sa pagtulog mo mamaya batiin mo ulit ako,” pangaasar niya bago ako inakbayan este naka patong kasi yung kamay niya sa couch na inuupuan naming dalawa habang nanunuod kami ng Studio Ghibli movies. Yes, movies. Magma-marathon yata kami kasi pang second na namin itong pinapanuod namin.

Una ’yung Whisper of the Heart ngayon naman The Wind Rises. Ewan ko nga bakt kami nanunuod nito. Mukha nga kaming nagda-date kesa sa nagcecelebrate ng birthday niya but am I complaining? Of course not. In fact, I felt contented in our set-up lalo pa at halatang mas masaya si Quilris ng ganito lang. ’Yung intimate pero parang normal lang ng birthday niya. ’Yung hindi kailangang bongga. ’Yung hindi kailangan ng maraming tao, maraming handa, nasa bar o nakikipag inuman kasama ang mga kaibigan. Feeling ko kaya siya ganito kasi ganito siya pinalaki ng Papa niya. Quality over quantity ba. Parang ganuon.

Maiiyak na sana ako sa current na eksena ng pinapanuod namin kaso natigil ng maramdaman akong isinandal ni Quilris ang ulo niya sa balikat ko kaya dahan-dahan ko siyang nilingon. Paano kasi ’yung puso ko na sumisikip bigla nalang nagtatatalon. Hanep na puso ’to, parang naka high!

“B-bakit?”

“Thank you,”

“Wala ’yun! Magkaibigan tayo, ’di ba? Syempre hindi ko hahayaan na mag birthday ka ng mag isa. After all, ang dami mo ng nagawa para sa akin so it’s my turn naman para mapasaya kita.”

“But you don’t have to, really. I mean, I’m not asking anything in return. I did that because I want to and because it makes you happy and seen, kitten.”

Tinitigan niya ako na para bang ako lang ’yung taong pwedeng makakita sa kanya bilang siya at ewan ko ba, nagpanic ako bigla kaya sa taranta ko napatayo ako.

“Where are you going?” tanong nito at tumayo din para sana sundan ako.

“D’yan ka lang! K-kukunin ko lang ’yung regalo ko sa’yo. Naalala ko hindi ko pa pala nabibigay,” sabi ko at saka nagmamadaling dumiretso ng cr. ’O di ba? Parang tanga. Nasa likuran lang ng couch ’yung bag ko tapos dito ako tumakbo sa cr.

Ilang malalalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko bago ako napatingin sa repleksyon ko sa salamin. Shit, pulang-pula ’yung mukha ko. Tinalo ko pa yung hinog na kamatis sa pula. Nakakaloka!

Bakit naman kasi ganun mga eksena niya bigla? Akala ba niya normal lang ’yung mga ganuon niya sa akin? Hindi ba niya alam na talo ko pa yung aatakehin sa puso sa mga galawan niyang ganuon? Jusko, nakaka stress ka Quilris! Stress ganda ko sa iyo!

Bago pa isipin na Quilris na maflush ako dito sa cr nila, lumabas na ako at binalikan siya. Syempre this time, kinuha ko na talaga yung regalo ko for him at inabot sa kanya. Nagtataka niya akong tinignan. As if unsure kung legit bang inabutan ko siya ng regalo or if there’s something more at back of his head na tanging siya lang ang nakaka alam.

“You made this?” tanong niya habang hinahaplos yung texture ng ginawa kong mini sling bag na crochet na kung tutuusin pwedeng maging back pack ng pang five years old. Please don’t ask me anong pumasok sa utak ko bakit ganu’n ang design ng ginawa ko, lutang lang ako habang ginagawa ko na yung part ng sa sling.

“Mmh,”

“It’s so pretty.”

“Weh? Talaga ba?” nahihiya kong tugon, “Hindi naman ganun ka perfect ’yang gawa ko saka hindi ko din sure kung bet mo ’yung design. Ang akin lang naalala ko kasi na binigyan mo ako ng sun na hair clip ng nag tiangge tayo before tapos naisip ko, you resemble the moon kasi, ano.. there’s something in you na parang ikaw lang nakakakita at sa’yo ko lang nakita unlike sa iba, pero syempre ano, not romantically ha!” paglilinaw ko sa dulo and I don’t know it’s just my eyes plaging tricks on me pero parant biglang lumungkot yung tingin niya.

“It’s fine. You don’t have to explain.” nakangisi niyang sabi, “It’s my fault din na hinayaan kong magkaibigan lang tayo.”

“Ha? Ano?” hindi ko kasi narinig yung huling sinabi niya. Mamaya sinusumpa na pala ako nito or pinagti-tripan na naman.

“Wala, sabi ko. Ang ganda! Thank you dito,” bigla niya akong kinabig payakap sa kanya and for all I know, nakalimutan ko ng nanunuod pala kami ng movie. The hug was long and not awkward at all. Hindi ko alam. Parang kung papipiliin ako kung spend time with friends or with one person only, si Quilris ang pipiliin ko. No joke, ganuon na kalala ang feelings ko sa kanya. Mas malala pa kesa ng kay Samuel.

“Ano pala winish mo?” out of nowhere kong tanong habang nakayakap pa rin sa kanya.

“Bakit gusto mo malaman?”

“Bakit masama ba?”

“Turuparin mo ba?”

“Attainable ba?”

“Oo, kung handa ka lang baguhin desisyon mo sa buhay eh,”

Saglit akong kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya para tignan siya.

“Ha?”

Marahan niyang hinaplos niya ang mukha ko ng may mapaglarong ngiti sa kanyang labi pero hindi ito umaabot sa mga mata niya.

“But nevermind. Alam kong hindi mo babaguhin kasi you’d been clear on that from the very start. Ayaw kong matutupad ang wish ko kasi napilitan ka lang.”

“Ha? Ano bang sinasabi mo? What do you mean? Eh kung sabihin mo kaya sa akin ng malinawan ako, pareho tayo. Malay mo, mag work wish mo.” ewan ko ba bakit ganito lumalabas sa bibig ko ngayon pero kasi may kung ano sa akin na nagsasabing parang it’s now or never.

Bigla siyang napatawa ng hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Siguro dahil sa reaksyon ko or what kaya agad ko siyang kinurot.

“Aray! Kitten naman eh,” nakanguso niyang reklamo sabay himas sa parteng kinurot ko.

“Ano nga kasi? Sabihin mo na kaya!”

“Bakit ba gusto mo malaman?”

“Eh kasi gusto ko malaman!”

“Gusto ko bumalik sa Japan!”

Napanganga ako sa narinig. Hindi ko alam ang mararamdaman. Anong pinagsasasabi niyang gusto niyang bumalik ng Japan? At bakit ako disappointed? Was I expecting something else? Bakit naninikip ’yung dibdib ko? Bakit para akong maiiyak? I mean, alam ko namang at some point kailangan niyang bumalik sa kanila, kung nasaan ang parents niya pero bakit biglaan naman yata?

At saka, parang kani-kanina lang may part sa sinabi niya na para bang matutulungan ko siya sa wish niya, na parang sa akin lang at ako lang makakagawa nu’n tapos biglang ganito sasabihin niya? Nangga-gago ba siya?

“Baliw ka! Dami mo pang keme! Gusto mo lang pala bumalik ng Japan akala mo naman kung ano na,” sabi ko, pinipigil na magalit, umiyak, actually hindi ko alam. Para kasing may mali. Mali na nagexpect ako ng kung ano sa sasabihin niya.

“Syempre para may thrill,”

“Gago,” tugon ko ng may pag irap.

“Kitten,” biglang sumeryoso ang tono nito. Pinapa alalahanan ako na huwag mag mura. Ayaw niya kasi talagang nagmumura ako.

“Ang random naman kasi ng wish mo.”

“Anong ramdom du’n? You know my parents are there.”

“I know! It’s just… bakit parang biglaan naman yata?”

He just shrug before answering, “Baka kasi sakaling matauhan ako exactly how Dad did it to me ng pinabalik niya ako dito.”

“What do you mean?”

Hindi na siya umimik at sumandal nalang sa couch at hinila ako pahiga sa hita niya habang patuloy niyang hinahaplos ang buhok ko habang ’yung kamay niya nanatiling nakahawak sa regalo ko sa kanya.

“I’ll shut this before it shuts me, kitten so don’t worry. Para din naman ito sa ikabubuti ko. Ayaw mo ba nu’n? Hindi na ako gaanong magiging sakit ng ulo mo. Besides, babalik din naman ako.”

Ayan na naman siya. Bigla nalang siyang may sasabihin na random. Alam kong there’s something more to it, something na inassume ko at the back of my head pero gaya niya ay hindi ko din ma-voice out dahil sa takot. Takot na baka mali ako.

“Gaano kabilis?”

“Sing bilis ng pag alis ko. Hihintayin mo ba ako?”

“Bakit naman hindi?”

Ngumisi siya at bigla nalang nilamutak ang mukha ko ng palad niya. Kainis ito!

Kaya sa inis ko, ayun. Gumanti ako. Humugot agad ako ng unan at hinampas sa mukha niya.

Natawa siya. Natawa ako.

Naghabulan kami na parang mga bata. Na parang walang iniisip na ibang bagay kundi ang maglaro lang sa labas ng matagal at magkasama but just like every happy moments, it eventually ends.

Lalo na ng pagdating ng last week ng January, ilang weeks after ng birthday niya, after ng naging pag uusap namin ginawa nga nito ang sinabi niya sa akin.

He fled back to Japan.

Akala ko hindi na niya itutuloy. Akala ko nagbago na isip niya dahil that same night bago siya umalis, hinatid pa niya ako sa bahay after ng gumala na dalawa, doing our usual routine. Roadtrip, kain ng street foods, ikot sa tiangge, all of those regular, normal things na para sa iba sobrang simple lalo pa kung malaman nilang mayaman na tao si Quilris, but to me, it was everything. I love that side of him na tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam. Na hindi namin kailangang ikwento sa iba, ’yung makikita at mararamdaman nalang nila na kami lang dalawa sapat na pero again, it ended when he flew back to Japan.

’Ni isang international text or call wala akong natanggap sa kanya. Maski random na message sa kahit instagram ko, wala akong natanggap. Ewan ko ba. It was like he didn’t exists at all, at kahit na nakakatampo eh wala akong nagawa but to patiently wait as I turn my attention to my other friends dahil baka mabaliw na ako kakaisip kay Quilris kapag hindi ko pa ginawa ’yun.

Swear, kapag bumalik siya dito sa Pinas, gagawin ko na talaga ’yung sinuggest sa akin ni Tita Garet niya. ’Di bale ng masaktan ako kung i-reject niya ako basta hindi ko na gagawin ulit ang ginawa ko nuon kay Samuel. I’m willing to take chances kasi why not, right? What if positive ang maging ang outcome? I rather try than not at all.

“Samuel! Akin na bag ko kasi,” banta ko pero syempre hindi naman ako galit. Naa-awkwardan lang talaga ako sa pagiging extra gentleman nitong si Samuel ever since pumasok itong bagong taon at mas lalo ng umalis si Quilris pa-Japan. Akala nga ng lahat kami na eh. Like, mga adik lang? Paanong magiging kamo eh bestfriends ko sila ng kakambal niya. Thou aaminin ko, kung crush ko pa rin itong si Samuel hanggang ngayon gaya ng before, matic oo agad ako sa kanya kapag niligawan niya ako at tinanong kung pwedeng kami na. Speed! Hahaha pero syempre iba nuon, iba ngayon.

“It’s okay, Ae. Masasanay ka din.”

“Luh, bakit? Balak mo ba mag apply na alalay ko kaya dapat na akong masanay?” biro ko samantalang napangisi lang siya sa sinabi ko.

“Mag aapply sa iyo, oo pero hindi bilang alalay mo.”

“Eh ano?”

Sabay kaming napalingon ni Samuel sa tumawag sa kanya na ka-team niya. Nag tinginan sila na para bang may pinaguusapan sila mentally na kung ano sabay nag thumbs nalang bigla itong katabi ko du’n sa isa. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Bakit kaya? Hindi pa naman siguro ako napa-praning ’no?

“Sige, ’pre! Kitakits mamaya saka good luck!”

“Salamat, ’pre!”

Nang kami nalang ulit saka ako nagsalita.

“Anong meron mamaya?”

“Finals,” patampong sagot nito, “Don’t tell me nakalikutan mo? Nangako ka sa akin last week na manunuod ka ng laban namin.”

“Aish, oo nga pala! Sorry! Madami lang kasi ginagawa ngayon pero oo, syempre pupunta ako. Ipanalo mo ha?”

“Kaya dapat pumunta ka kasi ikaw magiging lucky charm ko.”

Napatawa ako sinabi niya, ’yung awkward na tawa, “Hala, bakit ako?”

“Syempre ganu’n talaga. Saka oo nga pala, kailangan mo talagang pumunta kasi may surprise na hinanda yung team ko kapag nanalo kami.”

“Ano?”

“Basta.”

Bago pa ako makapag sabi ng kung ano ay inabot na nito sa akin ang bag ko at excited na tumakbo palayo sa akin sa hallway.

“Ano nga ’yon?”

“Basta, magiging memorable ’yun!”

Nailing nalang ako at papasok na sana ng classroom ng salubungin ako ni Dyossa.

Nakataas ang kilay nito.

“Sis, not to burst your bubble pero bakit ka naka itim? Nagluluksa ka ba dahil hindi pa rin bumabalik si Zaddy Claec or dahil nagmo-move on ka na sa kanya at pre-occupied ang utak mo ni Papa Samuel?”

“Huh? Pinagsasasabi mo? At saka, bakit ka naka pula?” natawa ako kasi from head to toe naka pula ang outfit nito day. Oo, wash day namin pero ang lakas ng tama nito ni Dyossa. Balak niya ba palitan sa pwesto nito ang Red sa Crayola?

Napatampal ito sa nuo niya.

“Sis, Valentine’s Day today ngayon!”

Napa-O nalang ako bilang tugon sa gulat ko. Ganito na ba ako kalutang mula ng umalis si Quilris? Wala na akong sense of day and time? Kung sabagay, bahay-friends-school nalang umiikot ang mundo ko kaya hindi ko na namalayan saka busy kasi kaming lahat nitong nakaraang linggo dahil malapit na din talaga finals namin and syempre after nu’n second year college na kami.

After ng naging klase namin eh dumiretso na agad kami nila Dyossa sa gymnasium kung saan gaganapin ’yung laban nila against the other team from another university. Excited ang lahat syempre pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ma-excite. In fact, kinakabahan talaga ako.

“Sam!” energetic na tawag ni Dyossa sa kanya na nakaupo na malapit sa bench ng mga players. Masaya kami nitong sinalubong at ng makatabi na niya ako ay pinisil nito ang balikat ko.

“Hey,”

“Hey?”

“One tip, wag kang sasagot agad.”

“Ha?”

“Pag isipan mo muna ha?”

“Wait, what? Riddle ba ito?” nakatawa kong tanong. Ngumiti naman si Sam sa akin pero parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Umiling siya, “Basta nandito lang ako anu’t-ano pa man maging desisyon mo.”

Magtatanong pa sana ako anong ibig niyang sabihin kaso biglang tumunog na ang buzzer, hudyat na magsisimula na ang game at dahil sa lakas ng hiyawan ng mga tao sa paligid, hinayaan ko nalang din na panandaliang kalimutan ang pangamba na nararamdaman ko na dapat pala hindi. Na dapat pala umalis na ako ng kinukulit ako ng utak ko na umalis na sa kasagsagan ng third at fourth quarter kung saan dikit ang laban.

Nang muling tumunog ang buzzer, hudyat na tapos na ang laban. Nakita ko nalang na naghihiyawan ang mga ka-schoolmate ko. Everything became fast from that moment. Sa bilis, it was like a blur especially ng makita ko ’yung surprise na binanggit ni Samuel sa akin kanina. When the banner finally unfolded, I was suddenly thrown to a hot seat, nasa akin ang spotlight at lahat inaabangan ang magiging sagot ko.

It made me anxious.

Ayaw kong masayang effort ng mga ka-team ni Samuel pero.. no.

Ang dami na ding naghihintay ng sagot ko, nape-pressure ako sa china-chant nila na maging sagot ko pero.. no.

Naghihintay si Samuel sa sagot ko at ayaw ko siyang mapahiya sa maraming tao afterall kaibigan ko siya pero.. no.

“Y-Yes.” nanginginig ang sistema kong sabi kahit na alam ko sa sarili ko na ayaw ko but for the sake na ayaw kong makasakit ng damdamin lalo pa at bestfriend ko si Samuel, but how I wished, sana hindi iyon ang pinili kong desisyon especially when amidst all the loud cheers, congratulations from here and there and an estatic Samuel running towards my direction to hug me ay nakita ko, out of the corner of my eye, as clear as my true feelings ang nakatayong si Quilris.

Nagtama ang mga mata namin and as much as I want to run towards him, to tell him the real reason why I did that, and to tell him na it’s him that I want and need like how the sun needs the moon even when they seemingly cannot be together, hindi ko magawa because for the very first time, I saw how his whole demeanor turned cruel and I know that is just the start of us falling apart.

STARING AT SUMMER ( LII )

“Ano, siza? Balita sa’yo?” tanong ni Dyossa habang naka tambay kami na tatlo sa rooftop nitong kainan malapit sa university namin. May dalawang oras kaming bakante sa subject namin since parehas na prof namin wala. Ewan nagdate siguro as per Dyossa. Samantalang si Thotel naman wala ng klase kaya heto siya at sinasamahan kami sa pagtambay. Ayaw pa daw niya kasi umuwi since uutusan lang naman daw siya ng parents niya sa pagmamanage ng businesses nila. 

“Mukhang naka block pa rin ako,” nakanguso kong sabi habang nakatitig sa pangalan na nasa search bar ng socmed account ko. Lalo ko lang pinapasama ang luob ko sa ginagawa ko eh at saka feeling ko I am being unfair with Samuel since kami na sa ginagawa ko pero itong isa pa rin ang bukambibig ko kila Thotel at laman ng isip ko. Mas malala pa nga daw sa couple at friendship breakup ang sitwasyon ko since wala naman kaming malinaw na label ni Quilris pero sana man lang ’di ba kausapin o kinausap man lang niya ako sa kung anong nangyari sa aming dalawa on how we end up in this situation wherein We Don’t Talk Anymore gaya nalang ng kanta ni Charlie Puth featuring Selena Gomez.  I mean, okay naman kami bago siya lumipad pa-Japan gaya ng sinabi niya sa akin ng birthday niya and I waited for him gaya ng pnromise ko sa kanya until the “Samuel Valentine” thing happened. Hindi ko naman ineexpect na makikita ko siya at babalik siya sa mismong araw na iyon at makikita niya lahat ng iyon between me and Samuel. 

Was I happy ng araw na iyon? Siguro, nag effort siya eh. The effort is there, kahit naman siguro sino lalo pa at babae ang handugan ng ganuon matutuwa because you will feel special pero kung tatanungin ninyo ako kung genuine ba ang naging sagot ko kay Samuel, the reality is no.

I was pressured. Ayaw kong makasakit ng tao lalo pa at kaibigan ko si Samuel. I know, I know, sasabihin ninyo eh kung ganuon naman pala bakit ko sinagot kung hindi ako sigurado, of course magkakaiba naman kasi tayo ng reaksyon and at that moment, ang inintindi ko is ang mararamdaman niya at hindi ang mararamdaman ko o ng taong nakapaligid sa akin which point to Quilris. Understandable kung may tampo siya sa akin kasi I can remember clear as the purified drinking water na sinabi ko sa kanya na I will not fall and date people whom I consider friends and yet, here we are. Pero sana, sana lang naman ’di ba? Kausapin niya ako hindi ’yung it-treat niya ako na para bang hindi ako nageexist. That hurts like hell. Hindi ko lang pinapahalata kahit kanino lalo na kay Samuel ang tungkol sa bagay na ito but Thotel and Dyossa? Of course they know but they do not comment much about it. But it’s been what? Three months mula ng makabalik si Quilris at hindi niya ako kausapin o pansinin man lang and it pains me deeply. Walang segundo na hindi nagfflash sa utak ko si Quilris.

“Sinabi ninyo ba sa kanya na nandito tayo?” tanong ko ng mapatingin ako sa ibaba ng establishment kung saan kami nakatambay at makita ang papalapit na si Samuel sa nasabing lugar na siyang pinagtatambayan namin ng mga friends ko.

“Of course, not. Ang hirap mo na ngang ayain sa kung saan ever since naging jowa mo ’yan. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkasamang tatlo ng matagal isusuplong ka pa ba namin sa kanya,” mataray na sagot ni Thotel na may kasamang pag irap.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko. Okay, I’ll try to understand. Baka nagkataon lang ulit na dito din ang punta niya but at the back of my head, my thoughts keep on reiterating: Ilang beses na bang nangyari ang conincidence na ’yan na sinasabi mo wherein nanduon din siya sa kung nasaan ka and he will snatch you away from your friends? Wala ka na bang freedom porket boyfriend mo na siya? 

“Hi,” nakangiting bati ni Samuel sa amin pagdating niya sa spot kung saan kami naka pwesto. Nakita ko ang pasimpleng pag irap ni Thotel at ang pagsita sa kanya ni Dyossa sa pamamagitan ng paglalambing nito na may kasamang pagyakap. Magkatabi kasi ’yung dalawa samantalang ako ’yung nasa harapan nila.

“Hi! Tapos na practice ninyo? Parang ang bilis naman,” pagsisimula ni Dyossa ng conversation habang paupo si Samuel sa tabi ko at mabilis akong inakbayan sa balikat. Siguro hindi lang ako sanay na iba na yung meaning ng pag akbay niya sa akin ngayon compare nuon. Nakakailang!

“Mamaya pa start ng practice namin at balak ko sanang hiramin ’tong si Aelius sa inyo.” 

“Wala ka bang gagawin na importante mamaya, Ae?” tanong sa akin ni Thotel na nakatitig lang diretso sa mata ko at hindi man lang tinatapunan ng tingin si Samuel. I don’t know pero okay naman sila before eh but after ng naging kami parang laging mainit ang dugo nito sa kanya. Iniisip ko nalang na baka nagtatampo siya since lagi nga ako nitong hinahatak ni Samuel kung saan-saan but what can I do ganuon naman talaga kapag in relationship, di ba? Gusto laging magkasama kayong dalawa.

Pero gusto mo naman ba? tanong ng sarili ko sa akin. Agad kong winaksi ang isiping ’yon.

“Meron pero—”

“Ayan, narinig mo. May importanteng kailangang gawin ’tong frenny namin mamaya. Hindi siya makaka concentrate sa gagawin niya kung nanduon siya para panuorin ka lang. May grades siyang hinahabol, Samuel. Aral muna, pag uwi na ng bahay ’yung landi.” makahulugan niyang sabi at napatikhim si Samuel sa tabi ko at medyo inadjust ang upo niya. Yes, super pranka ni Thotel unlike before na parang kabiruan niya lang ’tong isa.

“Oo nga pala! Which reminds me, nagpaalam na pala ako sa parents ko, siza! Pinayagan ako mag review study with you sa sabado.” excited na sabi ni Dyossa. 

Agad akong nilingon ni Samuel. 

“Hindi mo sinabi sa akin na magpapapunta ka sa bahay ninyo. Kayo lang ba dalawa sa sabado?” pabulong nitong tanong sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Shit! Nakalimutan kong sabihin sa kanya since bukod sa pagod na akong umuuwi galing school at sa mga pagsama ko sa mga lakad niya at ng mga friends niya sa team, hindi ko na nasabi sa kanya na pupunta si Dyossa sa bahay namin para duon mag review study. 

“Oo. Kami lang bakit? May plano ka ba sana ng sabado?”

“Meron sana kaso paano tayo lalabas n’yan may plano na pala kayo? Hindi mo man lang ako sinabihan,” patampong sabi nito.

“Saan ba tayo sana?”

Habang naguusap kami ni Samuel ay biglang tumikhim si Thotel kaya nalipat ang atensyon namin sa kanya.

“Pwede naman sigurong hindi muna sumama si Aelius sa lakad ninyo ng mga ka-team mo, ano? Kasama din nila ako magrereview study. Ako tatayong taga review nila since terror ’yung prof nila sa subject na sinasabi ni Aelius. Ayaw ko namang bumagsak ’tong kaibigan ko. Gusto mo ba siya bumagsak?”

“Huy, mumsh! Advance ka naman masyado,” kinakabahan pero naiilang na sita ni Dyossa kay Thotel. Kahit ako nagulat sa sinabi niya although totoo naman din. Hindi ako pwedeng magkaruon ng tres sa grades ko kung gusto ko makapasok sa magandang company after graduation so nage-gets ko amg sentimiento ni Thotel. Alam ko naman eh, wala naman siyang pakialam sa love life ko pero sa school life ko? Sobra! Lagi niyang sinasabi sa amin ni Dyossa na enjoyin naman ang college life pero huwag naming kalimutan na huwag pabayaan ang school credentials namin. Sobra lang siguro siyang concern since nalaman niya yung nagisa ako ng isang prof namin ng nakaraan sa isang subject since hindi ako nakikinig habang naglelecture at nagsinungaling na hindi ako nakatulog ng maayos the night before wherein in reality, text ng text kasi nu’n si Samuel asking me kung saan kami afterschool habang nagdidiscuss yung Prof namin na ’yon.

“Of course not. Gusto lang siya kasama ng mga members ko kapag lumalabas kami.” sagot ni Samuel sa kanya, halata na medyo nainis sa pinaparating na mensahe ni Thotel sa kanya.

“Good, because Aelius needs to have some alone time too. Darating ang time kapag naka graduate kayo hindi naman kayo laging magkikita. You guys need to learn how to keep the fire alive kahit na hindi kayo magkasama.” sabi nito bago umirap kay Samuel at inubos ang iniinom niya, “Anyway, mauuna na ako sa inyo. Kita nalang tayo sa sabado. Bawal mag cancel Aelius since bahay mo ang venue kundi magcocommit ako ng arson.” sabi nito pero buti nalang ngumisi siya sa huli niyang sinabi kundi iisipin kong seryoso siya sa balak niya.

“Bakit ba parang ang init ng dugo nu’n sa akin ever since maging kami nitong si Ae?” tanong ni Samuel kay Dyossa ng makaalis si Thotel. Medyo may himig ng kahanginan ang tanong niya at mukhang hindi lang ako ang nakaramdam nu’n.

“Strikta lang talaga si mumsh pagdating sa pagaaral. Hindi naman siguro dahil minsan ka nu’n naging crush. Besides, may jowa na nga yata ’yun eh. Madalas magpaalam na may gagawin siya kahit na kaming dalawa lang minsan ang magkasama. Napapa isip nga ako who’s the lucky guy,”

Ewan ko pero bigla ako nainteresante sa sinabi ni Dyossa. Hindi naman kasi pala kwento si Thotel about personal life niya dahil mainly about family business talks daw ang maiaambag niya although napansin ko nga na panay din ang dutdot niya sa cellphone niya lately.

“Sabagay, may ibang tao type ang mga matataray na gaya niya,” natatawa nalang na tugon ni Samuel kay Dyossa tapos ewan ko ba para may nagtulak sa akin na tumingin sa ibaba kung saan kami nakatambay habang sila muna nina Samuel at Dyossa ang naguusap at halos mahigit ko ang paghinga ko ng makita ko si Thotel kasama si Quilris.

What the hell? Parang tinusok ng karayom ang puso ko ng makita kong nagtatawanan sila habang naglalakad na dalawa papunta sa kung saan. Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko.

“Sure ka ng hindi ka muna sasama?” tanong ni Samuel after niya kami ihatid ni Dyossa sa classroom namin para sa next subject namin.

“Oo, hindi muna. Papakabit muna ako,” biro ko. Nakanguso itong tumingin sa akin bago ginulo ang buhok ko.

“Mas okay sana kung nanduon ka.”

“Marami pa namang ibang pagkakataon.” sabi ko nalang para hindi na humaba pa ang usapan. Wala talaga ako sa mood magpaka sweet after ng nakita ko kanina.

Hahalikan sana ako ni Samuel sa lips kaso agad kong kinurot at hinalikan siya sa pisngi niya. Three months na ang nakalipas mula ng maging kami pero hindi ako kumportable na magpahalik sa kanya sa lips. Ewan ko ba. Naiilang talaga ako kaso si Samuel parang walang kahiya-hiya sa katawan.

“Sayang! Akala ko papahalik na eh,” sabi niya. Inirapan ko nalang na may kasamang pag ngisi bago siya pinalayas at pumasok na sa luob ng classroom.

Pag upo ko sa tabi ni Dyossa, agad itong nagsalita.

“Ayos ka lang ba? Pansin ko bigla kang nawala sa mood kanina,”

“Oo. Ayos lang ako. Bakit?”

“Para ka kasing sinakluban ng langit at lupa habang naguusap kami ni Samuel. May nakita ka bang nagpabago sa mood mo?”

“Uhm, napaisip lang ako sa sinabi mo about duon sa ka M.U. ni mumsh.”

“Ah, yun ba? Wala din ako idea sino eh pero lately talaga napapansin ko siya na parang inlove. Alam mo ’yun yung type na katulad ng sa iyo dati kay Papa Naito. I mean, ewan ko. Iba kasi yung pagka inlove mo dito kay Samuel. Parang neutral lang. Sorry ah, alam mo naman sa true lang tayo, siza.”

“Loka,” ang naitugon ko nalang bago muling nagsalita, “Although maiba tayo ng usapan since nabanggit mo na rin lang yung isa. Nagkakausap pa rin ba kayo ni Quilris?”

“Oo, siz! Naalala mo yung kwento ko ng isang araw? Nagkasalubong kami sa hallway kasama yung bago niya yatang chikas tapos nag hello siya sa akin at tinanong kung kailan ko ng tulong sa mga dala ko.”

“Oo nga pala,” heto na naman ang puso ko, naninikip sa isiping ako lang talaga ang hindi niya pinapansin na estudyante dito sa univ. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko, “Sana all pinapansin.”.

Natawa naman si Dyossa sa reaksyon ko.

“Hayaan mo na, siza. Baka lumalayo lang din talaga siya dahil ayaw niya ng gulo. Mukhang aware din naman yung isa na mainit dugo sa kanya ni Samuel even before na hindi pa siya nagcoconfess sa’yo.”

Naisip ko na rin naman ’yon eh but isn’t his behavior towards me a bit too much? Naalala ko na naman tuloy yung magkakasama kaming tatlo nila Thotel tapos ako lang yung hindi niya tinapunan ng tingin at kinausap man lang. Sobra akong na-hurt nun na napa walkout ako. Akala ko susundan niya ako because deep inside I want him na habulin ako, awayin ako para magkausap kami, magkalinawan but he never did.

Eh malamang kasi sinaktan mo yung tao by doing the opposite of what you told him. Malamang nasaktan mo ’yung tao tapos gusto mo habulin ka niya like he is a dog? O, c’mon, Aelius! You’re being a greedy, selfish bitch! You deserve what you’re feeling!

I bit my lip hard enough to stop myself from hurting more baka kasi bigla akong umiyak dito at magtaka ang mga tao at iba ang isipin. Baka isipin nila na si Samuel ang may kasalanan eh wala naman siyang ginawa para paiyakin ako.

Pagdating ng uwian, as usual nauna umuwi si Dyossa sa akin since strict ang parents niya habang ako nasa library at duon ko hihintayin si Samuel since walang pasok si Sam at hindi naman din ako papayagan na umuwi ni Samuel mag isa kahit gustuhin ko. May mga nakita akong ka-course ni Quilris kaya medyo, ewan ko ba nag expect ako na makita siya perong walang siya ang nakita ko. Napabuga ako ng hangin sa disappointment. Gusto ko lang naman na magkausap kami ng maayos. Nami-miss ko na siya kausap. He’s my friend!

Friend nga lang ba talaga? Jusko naman Ae! You’re not naive, are you? Alam mong may something sa inyo and it could’ve been more kung hindi mo lang inuna feelings ni Samuel. Besides, are you stupid? Tingin mo papayag ang boyfriend mo na maging malapit kayo ulit ng pinagseselosan niya nuon palang?

Isang malalim ulit na buntung-hininga ang pinakawalan ko at paglingon ko sa kanan ko dahil nakita ko sa peripheral ko na may dumaan papunta sa tabi ko ay laking gulat at kaba ko ng marealise ko na ito yung lalaking nakaaway namin before ni Dyossa dahilan para mapunta kami kasama si Quilris sa Guidance Office. Shemay! Ano ginagawa nito dito? Hindi ko naisip na pwede kaming magkita dito out of all places at ng kami lang! Gosh, this is so awkward. I need to get out of here, ASAP!

Lalakad na sana ako paalis ng bigla siyang magsalita.

“So how does it feel na wala na yung tagapag tanggol mo?” tanong nito, kahit na abala siya sa paghahanap ng librong hinahanap niya sa shelf at ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin, I know, nakangisi siya sa tanong niyang ’yon sa akin.

“Huh? Ako ba kausap mo?” mataray kong sagot. Aba, bakit? Ang yabang niya eh!

“Tayo lang naman nandito at hindi ko naman nakikitang kasama mo si Naito.”

“Busy lang kami parehas kaya hindi kami nakakapag usap,” pagsisinungaling ko. Sarkastiko naman siyang natawa sa sinabi ko. Enough na kami lang makarinig sa tawa niya bago siya sumandal sa shelf hawak ang librong kinuha niya at saka tumingin sa akin.

“Busy o ayaw ka ng pansinin? Kung sabagay, balita ko kayo na nung nasa basketball team. I must admit kahit ako I rooted for you guys somehow kahit na gusto kita gamitin nuon against him. Glad I didn’t. Hindi ko alam mas malandi ka lang talaga kesa sa iba. Oh how I pity Naito but well, mukhang masaya na rin naman siya ever since you guys part ways.”

Para akong binagsakan ng malamig na tubig sa narinig kong sinabi niya. 

“Hindi ako malandi, okay? Hindi lang ako—”

“Bumu-boyfriend ng kaibigan? Oh yeah, how ironic kasi balita ko friend mo ’yung Samuel, am I right?”

“Kanino mo nalaman ’yan?”

“Think harder, Mr. Davis. Hindi porket magkalaban ang tingin sa amin ng lahat ni Naito, it doesn’t mean wala akong alam tungkol sa personal niyang buhay maging siya sa akin.”

Nakuyom ko ang kamao ko sa inis. Hindi kay Quilris kundi sa mga sinasabi nitong lalaki na ito sa harapan ko. How dare he accused me just because of the few things he might have learned from the other. Knowing Quilris alam kong hindi ako pagsasalitan nu’n ng kahit na ano kahit na galit siya sa akin (kung galit man nga siya) just because alam kong hindi siya ganuon na tao.

“I just hope hindi ka mali sa desisyon mo na ’yang boyfriend mo ngayon ang pinili mo because there’s more to come so brace your heart, Mr. Davis.” sabi nito bago tuluyang umalis at iwan ako mag isa na iniisip maigi ang mga sinabi niya.

What does he mean more to come?

Saturday came at naunang dumating si Dyossa sa bahay gaya ng usapan at naabutan pa siya ni Samuel bago ito umalis kasama ang mga members ng basketball team para mag practice samantalang si Sam naman ay may pasok kaya medyo may freedom ako na gawin ang mga gusto ko ngayong araw.

“Hindi pa nagrereply si mumsh?” tanong ko kay Dyossa since magt-twelve na pero hindi pa rin dumadating si Thotel. Sabi lang nito sa kanya kanina ay may kikitain lang siya saglit but that was like two and a half hours ago! Bigla ko na namang naalala ’yung nakwento ni Dyossa ng isang araw about sa ka-M.U. niya at ’yung nakita ko silang magkasama ni Quilris tapos napasok na rin sa isipin ko yung sinabi ng asungot duon sa library. Shucks, paranoid lang siguro ako.

“Gusto mo ba mag mall muna? Bili tayo food,” aya ni Dyossa.

“Ayaw mong magpa deliver nalang?”

“Mas mura pa pamasahe natin balikan kesa sa delivery fee. Tara na, siza. Nagugutom na ako. Hindi ako makaka function ng gutom.”

Ewan ko ba pero may part sa akin na ayaw lumabas. Para ba kasing may mangyayari na hindi kaaya-aya o baka ako lang kaya isinantabi ko nalang at sumama pa-mall kay Dyossa. Ang hindi ko ineexpect ay ang maging totoo ang hinala ko sa isip ko.

“Siza, ’di ba si mumsh yun at si— Fafa Naito!” bigla itong sumigaw kaya may mga napatingin sa gawin namin bukod sa mga taong gusto lang sana niyang tawagin.

“Huy, mumsh! Nandito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinihintay ah! Ikaw ah, kaya pala! Kasama mo ’tong si Fafa Naito. Ano palang meron at magkasama kayo?”

Kinakabahang tumingin si Thotel sa akin bago nilipat ang tingin niya kay Dyossa.

“Ano, may bin—”

“We’re on a date,” diretsyang sagot ni Quilris and for the very first time mula ng makabalik siya, tinapunan na rin niya ako ng tingin but it was so cold like it wasn’t the Quilris I used to know and fell in love with.

STARING AT SUMMER ( LIII )

“Ay putangina ka!” malakas kong mura ng biglang lumitaw ang mukha ni Sam sa bintana ng kwarto ko. Sino bang hindi magugulat at mapapamura, eh anong oras na tapos ang dilim pa dito sa kwarto ko at naka upo lang ako dito sa sulok. Tanging yung reflection lang ng buwan na tumatama sa bintana ko ang source ng ilaw.

Dali-dali akong tumayo para pagbuksan siya ng bintana at makapasok dahil ayaw ko namang akalaing akyat-bahay siya ng mga tanod na umiikot pag naabutan siya sa posisyon niya ngayon. Anong trip nito? Anong oras na at nagawa pa talagang pumunta dito. Pwede naman siya mag chat nalang o kaya kumatok sa pinto na parang normal na tao.

“Sabi na gising ka pa eh,” bungad nito pagkabukas ko ng bintana na siya namang dali-dali niyang pagpasok sa luob.

“Buti nalang kamo at gising pa ako kundi para kang kamag-anak ng kapre dyan na nakasilip sa bintana. Kakaloka ka!”

Inikutan lang ako ng mata nito at agad na naupo sa gilid ng kama ko. Hindi naman ako nag react dahil kahit dati pa naman feel at home na kami sa bahay ng isa’t-isa.

“Kwento ka, dali.”

“Ano kukwento ko?” taka kong tanong. Although may ideya na ako anong gusto niyang ipakwento o pag usapan namin. Ako lang itong ayaw kasi hindi ako handa— handang umiyak sa harapan niya at ipaalam bukod sa sarili ko ang saluobin ko sa lahat ng bagay na nangyayari sa akin. Anak ng tipaklong naman kasi. Pag aaral dapat iniintindi ko pero heto ako, daig pa ang red flag kung masaktan sa bagay na ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay sa akin.

But with that one look from Sam, agad akong natiklop. Isang malalim na buntung-hininga ang agad kong pinakawalan. Matamlay akong tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa kama ko. Hindi ko alam saan magsisimula. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento. Dapat bang huwag nalang? Ibahin ko nalang ang usapan kahit na mainis siya sa akin? Kasi ganuon din naman, malaki din ang chance na magalit siya sa akin kapag sinabi ko sa kanya ang totoo na hindi ko magawang masabi kay Dyossa, much more kag Thotel.

Heto na naman ang puso ko. Opo. Heto na naman at naninikip. Hindi ako makahinga. Para akong nalulunod sa tuwing naaalala ko yung araw na narinig ko mula sa bibig ni Quilris na ‘sila’ ni Thotel. Na ng araw na makita namin silang dalawa ay nasa date sila. Agad kong kinagat ang labi ko para pigilan ang sarili ko na umiyak kasi ayaw kong mauna yung iyak ko bago kwento kasi baka hindi ko na masabi lahat ng gusto kong sabihin. Nahihirapan na din kasi akong magpanggap at kimkimin lahat ng saluobin ko. Para akong baliw na pinapatay ng paulit-ulit mula ng araw na iyon.

“Gusto mo bang ikuha muna kita ng tubig?”

“H’wag na,” sagot ko na may pag iling at saka tumingin sa kung saang parte ng kwarto kong madilim.

“Saan mo ako gustong magsimula?”

“Sa kung saan mo kayang simulan,” sagot niya at nilingon ako. Kita ko sa mata ni Sam ang pagaalala. Isang genuine na pagaalala gaya ng pagtingin sa akin nina Thotel at Dyossa na kinaiinis ko lalo na sa parte ni Thotel because how could she? Alam naman niya yung about sa— ay, hindi niya pa alam ang tungkol sa kung ano mang namamagitan sa amin kasi nga hindi naman malinaw at hindi rin nilagyan ng label at duon ako naiinis. Naiinis ako sa sarili ko.

“Sam, tanga ba ako?” diretso pero wala sa luob kong tanong.

“Oo. Ngayon mo lang ba narealise?” pabiro ngunit sarcastic niyang sagot sa akin.

“Shit, sabi na eh.” tugon ko at ewan ko ba naisipan kong iumpog ang nakasandal kong ulo sa headboard ng kama habang nakatingala sa, again, kadiliman ng kwarto.

“Sige, untog mo para makalimutan mo lahat-lahat. Pero Ae, alam mo, alam nating lahat ang utak nakakalimot pero hindi ang puso.”

“Alam ko, pero mas gugustuhin ko na yun kesa araw-araw akong nahihirapang tumingin kay Quilris kesa kay Samuel. Ang hirap eh! Ang hirap kasi kinailangan kong mamili. Ang hirap kasi ayaw kong masaktan yung kakambal mo. Pero ang hirap din kasi nasaktan ko yung taong hindi ko dapat sinaktan in the first place tapos heto ako ngayon nasasaktan ako kasi pumili ako sino sa kanila. Pwede namang hindi eh pero… ang hirap ng hindi din pumili.” hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko sa mga mata ko. Hindi ako inalo ni Sam na siyang mas preferred ko rin dahil hindi ko pa tapos sabihin sa kanya lahat ng gusto kong sabihin.

“Akala ko ng sinagot ko si Samuel at maging kami, magiging okay ang lahat kasi okay naman siya sa pakikitungo niya sa akin. Wala namang nabago bukod sa naging sweet siya romantically at naging mas clingy, na naging issue pa kila Dyossa kasi kahit saan nalang parang nakabuntot siya sa akin. Tapos ngayon, kagaya pa rin naman siya ng dati pero parang may naiba na hindi ko matumbok. Hindi ko alam kung dahil ba narealise niya na hindi ako hundred percent romantically inclined sa relationship namin. Pinilit ko naman, Sam. Pinilit ko, swear. May time na nakalimutan ko panandalian si Quilris pero hindi ko alam. Ngayon na ako itong clingy kay Samuel, na dagliang bumalik yung highschool na ako na siya lang ang nakikita, siya naman ngayon ’tong busy. Para ngang lagi nalang siyang may dahilan pag magkasama kami. Iniisip ko nalang na busy siya sa intrams at pagaaral kasi hindi naman ganuong tao si Samuel para pag isipan ko siya ng masama. Sweet pa rin naman siya gaya ng sabi ko sadyang di ko lang matumbok saan may nagbago.”

“Pero hindi maliit ang chance na hindi niya pwedeng gawin sa iyo ang kung ano mang sumagi sa isip mo.”

“Sam, hindi naman ako babae. Wala akong intuition ng gaya ng inyo.”

“But the fact na naisip—”

“No. Impossible. Naiisip ko nga na baka dala lang ito ng masyado kong pag iisip kay Quilris. What if gumagawa lang ako ng dahilan para masira ko ang relasyon namin ng kambal mo? Ayaw kong makasakit ulit ng taong mahalaga sa akin, Sam.”

“Pero hindi ka tunay na nagmamahal kung hindi ka makakaramdam ng sakit. Kahit katiting na sakit lang sa maliit na bagay. At saka, hindi mo naman maiiwasan na hindi makasakit o masaktan eh. Tao ka, Ae. Kesehodang straight ka o hindi, lahat ng tao nakakaramdam lalo na kapag nagmamahal.”

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Sam bago muling nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.

“Tinry mo na bang kausapin siya tungkol dito? Ano sabi niya?”

Tumango ako pagkuwan ay pinasadahan ko ng punas ng kamay ko ang sipon ko na patulo na.

“Oo, tinry ko naman siyang kausapin kasi baka nga gaya ng sinabi ko, ako lang gumagawa ng dahilan para masira ko ang relasyon namin pero sa tuwing tina try kong i-bring up yung topic ang palagi lang niyang sagot busy siya o kaya masyado lang akong nagiisip ng kung ano.”

“Naniwala ka naman agad?”

“Oo. Hindi naman kasi siguro magsisinungaling sa akin si Samuel.”

“Siguro,” kibit-balikat niyang tugon, “Oo, kakambal ko siya pero hindi ko hawak ang takbo ng utak niya o ang mga ginagawa niya behind my back or your back.”

Naramdaman kong mas bumigat ang higaan kesa kanina, ayun pala humiga na ang loka.

“Eh si Claec? Kamusta na kayo? Impossibleng hindi kayo nagkikita lalo pa’t ang huli kong balita sila na ng kaibigan mong si Thotel. To be honest, kahit ako nagulat ng malaman ko kay Dyossa ang tungkol du’n but I wonder what your reaction was ng harap-harapan mong marinig mula kay Claec since you know… there was an almost you and him before my twin interfered.”

Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa.

“My bad. I shouldn’t have asked that kasi nakita ko ng harap-harapan din yung reaksyon mo that day ng makita kita mula sa kwarto ko na umiiyak sa tapat ng gate ninyo. Akala ko nag away kayo ni Samuel. Muntik ko na siyang tawagan not until naka receive ako ng text from Dyossa asking me if nakauwi ka ba ng maayos kasi nagaalala siya sa iyo after ninyong humiwalay sa nagde-date nga that time sa mall na sina Thotel at Claec.”

“Sino bang hindi? Matapos maging cold sa iyo after niyang makabalik pag uwi niya galing Japan, ang una mong maririnig sa kanya ay yung pinaka hindi mo ineexpect tapos hindi na rin siya yung Quilris na nakilala ko. Ibang-iba na siya ngayon compare ng dati.”

“That’s what betrayal does to you. May tao bang tatawa kapag yung taong pinagkatiwalaan mo ginawan ka rin ng unexpected? Of course, you’ll turn cold as ice. That’s exactly what happened to him.”

Naiinis ako dahil ang cold ng approach ni Sam but at the same time tama din naman kasi yung mga binabato niyang sagutan sa akin. Oo nga naman. What do I expect? Siguro kung ako yung lumugar sa pwesto ni Quilris, kung hindi siya bumalik dito at nanatili sa Japan at binalikan niya yung first love niya ay aba! Villain origin story ko na iyon pero kasi… hay, ang hirap ma-inlove!

“But how are things between you and him? Did you guys at least tried talking to each other without one of you lashing out or whimpering on the corner?”

Isang malalim na buntung-hininga muli ang pinakawalan ko at umiling.

“I mean, he tried but…”

“But?”

“It was more about Thotel. And Sam, hindi ko kaya! Hindi ko kaya hindi niya makita sa mukha ko yung inis, selos or whatever negativity I have whenever he mentions about my friend. I mean, hindi ko naman masisisi si Thotel because Quilris is everything a person could ask for to be in their live. I know that and yet, napaasa ko siya and I know until now iniisip pa rin niyang pinaglaruan ko lang feelings niya which is not true by the way! Kasi kung hindi ako naipit sa proposal ni Samuel, kung siya yung unang nag propose na maging boyfriend, fuck yes! Sasagutin ko siya and I’m sorry I’m telling you this. You probably think ang sama kong tao na ang landi ko pero—”

“Tao kang may puso para magmahal, Ae. Don’t be ashamed of that and I will never judge you of your choices. Your choices is your choice, and I will respect that kahit na kakambal ko si Samuel, I have no right para pakielamanan ang desisyon mo. Mas gugustuhin ko pa sa kung saan ka masaya kesa sa kung saan ka nasasaktan at nahihirapan. I’m your bestfriend, remember?”

Lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni Sam and this time, inalo niya na ako habang nakayakap siya sa akin. Habang ako naman parang batang inagawan ng candy.

“Hindi pa naman huli ang lahat. May time ka pa para masabi kay Claec ang sa luob-luob mo. Ano pa man ang kahinatnan, at least nasabi mo. Nalaman niya ang totoo. Claec have the rights to choose whether to want you back or to stick with his relationship with Thotel and you need to respect that, Aelius no matter what. Tandaan mo, sa gagawin mo masasaktan mo din si Thotel but again, you need to say it inorder to free yourself. Masasaktan din si Samuel kapag nakipaghiwalay ka sa kanya at sabihin mo ang totoo but again, being hurt is inevitable when you love someone and making choices but that’s what we humans are. We love, we get ourselves hurt. We cry. And that’s okay.”

“Siguro naman tama na yung ilang buwan kang araw-araw na nasasaktan ng dahil kay Claec at araw-araw na pinipilit mahalin si Samuel. That’s enough suffering, Aelius. It’s time to choose your self. Yung magdedeisyon ka ng walang inaalalang consequences na baka may taong masaktan. Do what will make your heart happy and free of doubts and fear of being rejected again. You don’t deserve what you’d been to these past few months. Isa pa, malapit na grumaduate yung dalawa. Hahayaan mo ba na grumaduate si Claec na hindi niya naririnig mula sa almost lover niya ang gusto niya sanang marinig from you?” napa angat ako ng tingin sa huling sinabi ni Sam paano ba naman ramdam ko yung ngisi niya na para bang may kalokohan na nasa isip niya. Ano man iyon, saka ko na siya babatukan kasi inantok ako bigla sa pag heart-to heart talk naming dalawa. Gusto ko ng matulog.

Tatanungin ko palang sana si Sam kung dito niya ba gusto matulog o uuwi siya sa kanila ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside. Tamad kong kinuha iyon at nasilaw sa pagbukas ng message na natanggap ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makita ko yung message at yung oras na naka rehistro sa itaas ng cellphone ko.

“Akala ko di na uuwi ang mokong,” dinig kong sabi ni Sam sa tabi ko.

“At least safe nakauwi saka nag update pa rin,” biro ko bago ko inexit ang message na natanggap ko at binalik sa bedside table ang cellphone ko.

“Uwi ba ng matinong estudyante ang 11 pm ng gabi?”

“Oo. Nauwi nga ng ganuong oras si Quilris,”

“Eh kasi ’yon may trabaho.” sagot niya, “Speaking of trabaho, tingin mo may pasok siya ngayon?”

Nagtataka naman akong nilingon siya.

“Yata? Bakit?”

“Bakit? Natanong ko lang.”

“Wala naman ang weird kasi ng tanong mo.”

Nagkibit-balikat lang siya sabay, “Tara?”

“Ha?”

“Anong tara? Saan?”

“Di ba alam mo saan siya nagwo-work? Tara, punta tayo. Wala naman siguro duon sina Thotel or Dyossa. Time mo na para makausap siya ng kayo lang. Pag nakita niya tayo sabihin mo ako nag aya kasi totoo naman. Tapos inom tayo kahit isa lang sagot ko na. Para lang may pang bwelo ka bago mo siya kausapin.”

Napanganga ako sa suggestion niya.

“Gaga ka! Ayaw ko nga!”

“Sige na!” excited na aya nito. Kaso syempre sa huli deisyon ko pa rin ang nasunod.

Pero sabi nga nila, hindi habang-buhay matatakbuhan mo ang kailangan mong harapin. But I just need a few more while bago ako umamin. Gawin yung naudlot kong pag amin sana sa pagbalik ni Quilris dito sa Pinas ng umalis siya. Bago ko putulin ang sa amin ni Samuel. I just need time.

It was mid-October. Saktong sembreak namin. Sakto ding may practice daw si Samuel. May lakad si Sam. Ganuon din sina Thotel at Dyossa and it’s just me and myself.

Duon ko narealise hindi pala ako ganuon ka sociable sa real life and do I see it as a problem? No. In fact, I needed this quiet time better than those other days. Nang sa gayon makapah isip-isip ako ng maigi paano ko gagawin ang pag amin ko, how I will be honest to Thotel as well bilang kaibigan ko siya. Wala namang nagbago sa amin kahit na naging sila.

No ill feelings although most of the time nakakapag selos kahit na hindi naman nila kami nasasama sa date nila kasi hello? Date nga di ba? Saka knowing Quilris he loves to spend alone time sa kung kanino niya gusto and I respect his decision kung ayaw nila kami kasama. Hindi rin nagbabanggit ng anything si Thotel about sa dates nila. Hindi rin nagpupush magtanong si Dyossa. Siguro dahil may naging unspoken decision sila na huwag iyon pag usapan lalo na kapag kasama ako knowing Quilris and I’s history.

Napapikit ako ng tumama ang malakas na hangin sa balat ko. Ang araw pero hindi naman mainit. Siguro kasi nakatambay ako dito sa ilalim ng puno ng mangga na pagmamay-ari ko. O bakit? Minarkahan ko na ito bata palang ako kaya akin ito.

Speaking of marka, naalala ko bigla yung bata na nakilala ko dito sa mismong pwesto ko na ito.

Kamusta na kaya ’yun? Buhay pa kaya yun? Ano kaya ginagawa nu’n ngayon? Kagaya ko rin kaya yun na nandito sa Park na nagbabasa at nakikinig sa tugtugin ng IVOS na Mundo na isa sa mga nafeature na kanta sa fanfiction na binabasa ko ngayon na pinamagatang Forgotten Feelings ni Brictorique?

After kong basahin yung one-short story, binaba ko panandalian ang cellphone ko at pumikit. Pinakiramdaman ang hangin na tumatama sa balat ko at ang dampi ng mainit na araw na sumisilip sa pagitan ng mga dahon ng puno. Hindi ko napigilan ang sarili ko na sabayan ang saliw ng kantang tumutugtog.

Sa pagbalik

Mananatili na sa piling mo

Mundo’y magiging ikaw

Limutin na ang mundo

Nang magkasama tayo

Sunod sa bawat galaw

Hindi na maliligaw

Mundo’y maging ikaw

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at laking gulat ko sa pigurang bumungad sa akin.

“Q-Quilris?”


STARING AT SUMMER ( LIV )

“Bilanggo, sa rehas na gawa ng puso mo,” kanta ni Thotel.

“Bilanggo-oh sa gapos na dulot ng pag isip sa’yo,” segunda ni Dyossa. Todo bigay talaga silang dalawa sa performance nila. Kanina pa ’yan sila ganyan.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at naiilang na tinignan yung dalawa sa likod at mabilisang pinasadahan ng tingin si Quilris na katabi ko na siyang nagddrive nitong kotse na sinasakyan namin.

Ewan ko ba paano ako napunta sa sitwasyon ko na ito. Mabuti nalang talaga at sembreak at nasa malayong lugar ngayon si Samuel at ang team niya para sa isang team building or whatever, basta. Dahil kung hindi, nayari na ako kung malaman niyang lumabas ako kasama ’tong mga ito especially si Quilris. Hindi ko rin alam bakit ako ang naka upo dito sa shotgun seat imbis na si Thotel eh siya itong jowa ni Quilris. At kung bakit yung playlist puro parang patama sa aming dalawa na nandito sa harapan?

Ang alam ko lang talaga nagpapasama mag grocery itong si Dyossa eh. Ang hindi ko alam grocery pala para sa camping na inorganize nila para sa amin na wala akong kaalam-alam. Antokwa! Nakakaloka!

Pati si Sam na sinabihan ko nagulat pero tawang-tawa na naeexcite na kinikilig. Ang gaga! Nakalimutan yatang in relationship pa ako sa kambal niya at ganuon din itong si Quilris na in relationship kay Thotel.

“Mundo ko’y baliktarin, babalik-balik ka rin,” kanta ni Dyossa.

“Tila ’di nauubusan ng hangin at ng paraan,” segunda ni Thotel.

Napabuntung-hininga ako internally. Juice colored! Hindi ko tuloy alam kung nakwento ni Quilris yung awkward naming encounter last week sa Park. Sobrang nakakahiya kasi ng ginawa ko. Bigla akong tumakbo pauwi ng bahay ng marealise kong siya nga talaga yung nakatayo sa harapan ko. At bago ninyo ako i-judge! Na-tanga kasi ako, okay? Hindi ko alam anong gagawin at ang unang option na pumasok sa utak ko ay ang tumakbo bago pa siya makapag salita kaya ’yun ginawa ko.

Hindi ko masasabing okay kami, kasi hindi naman talaga. Kahit ng tina-try niya ako kausapin months after kong malaman na ‘dating’ sila ni Thotel. Never din kami nagkaruon ng time na kaming dalawa lang not until last week but I fucked it up by running away from him.

“Kita sa’yong mga mata pangungulila sa init ng pag-ibig,” kanta ni Dyossa.

“Wag nang pigilan pa, kung gusto mo’y gamitin na’ng mga sandali,” dugtong ni Thotel.

“Walang baliktaran, ipakita mo naman kung ako ba’y nararapat sa’yo?”

Halos magtaasan ang balahibo ko sa kaba at gulat ng marealise ko sino ang huling kumanta at ang linya ng kantang kinanta nito.

What. The. Hell.

Anong trip? Anong meron at ganito trip nila? Nagpaparinig ba sila sa amin o sa akin specifically?

Pwes, humanda sila. Aabang ako ng kanta dito na makakaganti ako sa kanila. Saka dito na rin kay Quilris. Nakiki sakay sa trip ng jowa niya at ni Dyossa eh imbis na ipagtanggol ako. Hmmp!

Isang oras na halos ang nakalipas pero lahat ng tumugtog na kanta pabor sa kanila. Kakalimutan ko na sana yung revenge plan sa utak ko dahil mukhang wala na akong pag asa ng biglang may tumugtog na kanta na pamilyar ako. Sana lang di alam ng mga ito o i-next yung kanta kasi kung hindi makikipag sabunutan ako. Joke lang syempre!

Ngayon ako naman ang kontrabida

Sa tagpuang ito, ikaw naman ang tatakbo

Buntung-hininga

Di ba ang sarap makipaglaro?

Laro tayo mataya-taya, mataya-taya

Pagkabilang tatlo, takbo tayo papalayo

Mataya-taya, mataya-taya

Isa, dalawa, tatlo, iiwan mo ako

Napangisi ako habang nakapikit ng natapos yung kanta na walang nagrereact o nag try na ilipat yung kanta, paano feel na feel ko yung kanta. Kantahin ko ba naman ng buo.

Pero hindi ko magawang tumingin sa kahit kanino sa tatlo after. Lalo na syempre kay Quilris. Duh? Hindi ako ganuon katapang ’no. Baka nga ang sama ng titig nito sa akin kanina habang kinakanta ko yung kanta na patama sa aming dalawa. Lalo sa kanya.

Pagdating namin sa destinasyon namin, nagulat ako ng pagbaba namin ng kotse agad akong niyakap ni Dyossa. Napansin kong nilapitan ni Thotel si Quilris. May sinabi siya na kung ano dito na hindi namin dinig sabay kurot sa braso nito. Narealise kong titingin sa akin si Quilris kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bahala sila d’yan. Nandito ako para mag enjoy. That’s the least I can do since binigla nila akong isama dito sa outing/camping plan nila.

After naming ma set-up yung tent at mai-ayos yung mga i-iihaw na pagkain, humiwalay na ako sa kanila para maglakad-lakad sa tabing-dagat. Na-feel ko bigla na gusto ko munang mapag isa kahit panandalian lang. Isa pa ang ganda ng view dito sa beach resort na pinuntahan namin.

Nang medyo malayo na ako mula sa pwesto naming apat, agad akong humanap ng spot kung saan pwede ako maupo at tumambay. Hinayaan kong dumampi ang hangin mula sa dagat sa balat ko at ang hindi kalakasang alon sa paanan ko.

Hindi ko alam gaano ako katagal nakatambay duon sa pwesto ko habang pinagmasdan ang papalubog na araw at gumagawa ng sand castle gamit ang mga kamay ko, ng biglang may kakatwang ala-ala ang sumagi sa isip ko. Kaya ng binura ng malakas na alon ang ginawa kong sand castle, tnrace ko yung initials ko at yung initial ng batang lalaki na nakalaro ko nuon gaya ng nakaukit sa puno ng mangga na nasa Park.

AD x QCN

“Nandito ka lang pala,” agad kong nilingon yung nagsalita at nagulat akong si Quilris ang sumundo sa akin. Huh? Hindi ba dapat si Dyossa or Thotel? Bakit siya? Not that complaining pero ang awkward kasi.

Napansin kong nilipat niya yung tingin niya sa akin papunta duon sa paanan ko, na siyang sakto namang umalon ulit ng malakas kaya nabura na yung sinulat ko sa buhangin kani-kanina lang.

“Hinahanap na ba nila ako?” tanong ko, pero hindi naman ako nag expect ng sagot sa kanya kasi obvious naman kung nandito siya para sunduin ako. Agad kong pinagpag ang pang upo ko pag tayo ko at nagsimula na maglakad pabalik. Hindi ko napansin na hindi pala siya nakasunod sa akin. Nang marealise ko ’yun, agad ko siyang nilingon at nakita kong nakatayo pa rin siya duon sa pwesto niya kanina at nakatingin sa dumidilim ng kalangitan. Anyare sa kanya?

Biglang nagtama yung mga mata namin at ewan ko ba kung nagha-hallucination lang ba ako o parang bumalik yung dating tingin na binigay niya sa akin gaya ng nagkita kami last week sa Park. It was the same look from before but much more. Not the ice-cold stare that I’m getting used to by now after ng ilang months na nagkaruon ng lamat sa pagitan naming dalawa at hindi kami nagkikibuan.

Nananaginip lang ba ako kasi ang weird ha? Anyare? Wala akong maalala na bati na kami or anything.

Napailing ako sa sarili ko at tumalikod na sa kanya para maglakad pabalik kila Thotel. Bahala siya dyan. Dumidilim na eh. Hirap na maglakad ng madilim. Wala pang ilaw sa area na ito na nilalakaran namin.

Hindi pa ako nakakarami ng hakbang mula ng lumakad akong muli, nakarinig ako ng mabilis at mabibigat na yabag palapit sa akin. Lilingon na sana ako para tignan kung si Quilris ba yun o hindi kaso nagulat ako ng biglang may malakas na tumapik sa balikat ko na muntikan ko ng ika-tumba. Antokwa!

“Taya!” nakatawang sabi ni Quilris sa akin na ngayon ilang hakbang na ang layo niya sa akin. What the hell? Anong trip nito?

“Baliw ka ba?” inis kong tanong pero ang loko, binelatan lang ako at aambang tatakbo na sana kaso inunahan ko na siya.

Inis kong hinabol si Quilris para siya naman tong tapikin ko ng malakas sa balikat samantalang siya nageenjoy kakatawa at kakapahabol sa akin. Langya na ’yan!

May sanib ba ito?

Nakarating kami Thotel na naghahabulan pa rin at ako nagsisisigaw na sa inis. Walang paki kung makita ako ng ibang campers sa hitsura ko eh sa naiinis ako kay Quilris eh!

“Anyare sa inyo?” natatawang tanong ni Dyossa sa amin habang umiinom ng kung ano sa red cup niya.

“Ito kasi eh!” aabay turo ko kay Quilris na nagtatago sa likuran ni Thotel, “Tinapik ba naman ako ng malakas sa balikat ko tapos sumigaw ng ’Taya!”, oh eh sinong hindi maiinis?“

“Eh bakit hindi mo tayain pabalik?” nakangiting tugon ni Thotel. May kung anong sinasabi ang mga mata niya na tanging siya lang siguro ang nakakaalam.

“’Yun nga ang gagawin ko kung hindi nagtatago yang jowa mo sa likod mo!”

“Yeah, right. O’sya, here you go. All yours, “ ewan ko kung may something hidden sa huli niyang sinabi pero grabeng saya ko ng traydurin niya ang jowa niya for me at ialay yun sa akin. Hah! Akala nito hindi ako makakabawi sa pangtatapik niya ah.

’Taya!“ masayang sigaw ko ng makabawi ako sa kanya.

Days after ng one night camping namin, pasukan na naman ulit. As usual, sabay-sabay kaming nagsi pasok nina Sam at Samuel. Buti nga hindi na ako hinatid ni Samuel sa classroom ko gaya ng nakasanayan kasi may practice daw uli sila so ayun, nag sorry siya at nagsabing babawi mamaya pag uwian. Hindi naman ako nag react at sabi ko nalang sa kanya ay magtext siya kung saan kami magkita banda.

“Put-” muntik akong mapasigaw ng biglang may humablot sa mga hawak kong gamit at pag lingon ko si Quilris lang pala.

Wait, what? Anong ginagawa niya dito sa building namin?

Agad akong lumingon sa likuran sa pagaakalang kasabay niya si Thotel pero laking pagtataka ko ng hindi ko nakita ang kaibigan ko na kasama niya.

“Nasaan si ’Tel?”

“Busy. Naghahanap ng marerecruit niya sa Cheering Squad,” casual nitong sagot.

Teka nga, alam kong medyo okay na kami after ng camping namin pero parang sobra naman yata sa comfortable itong si Quilris na gawin uli yung ginagawa niya sa akin before na parang wala siyang jowa? Take note, kaibigan ko yung jowa niya.

“Akin na nga ’yan,” mataray kong sabi at sinubukan kunin pabalik ang mga hawak kong gamit kaso kinontra niya agad.

“Kaya hindi ka tumatangkad kasi panay mabibigat ang dala mo eh,”

“Ano sabi mo? Hoy! Makapag salita ka akala mo sobrang tangkad mo sa akin!”

“Talaga. Kakailanganin mo pa kumain ng marami at magdala ng magagaan na gamit para mahabol mo yung height mo sa balikat ko.”

Napanguso ako kasi siyang tunay naman pero kasi nakakainis na nakakahiya at the same time yung sinabi niya. Hmmp!

“Excuse me! Porket di lang ako naka heels,”

“Ayun na nga. Paano kang makukuhang flight stewardess kung dinadaan mo lang tangkad mo sa heels?”

“Eh bakit ba mas mar-”

“Oh hi, good morning love birds!” bating pang aasar ni Dyossa sa amin.

Huh? Napatingin ako agad sa itaas ng pintuang hinintuan namin at laking gulat ko na naihatid na pala ako ni Quilris sa classroom namin no Dyossa.

“See you later. Aral kayo mabuti saka pagsabihan mo nga yang kaibigan mo na pandak para naman tumangkad at hindi umasa sa heels niya.” sabi nito at dali-dali ng umalis para pumunta sa class niya o sa kung saan.

“Yieee,” pangaasar ni Dyossa ng kami nalang.

“Tigilan mo. Jowa yan ng kaibigan natin.”

Ngumuso lang siya at may binulong na kung ano na hindi ko narinig. Hindi ko na pinaulit pa kasi biglang nandyan na yung Prof namin.

Pagdating ng break namin, saka ko lang napansin na halos 2 hours pala ang pagitan bago ang sunod na subject. Kaso dahil di pa ako tapos sa pinapagawa sa amin from out last subject, pinauna ko na si Dyossa na bumili ng makakain niya sa labas since hindi na kami nagpupunta sa cafeteria ever since kasi nagmahal for some reason mga tinda nila duon. Siguro dahil nagmahal din renta ng mga nagbebenta sa cafeteria compare ng mga nasa labas.

After kong matapos sa ginagawa ko, dumiretso na ako papunta sa kainan na sinabi ni Dyossa kaso laking gulat ko ng makasalubong ko siya pabalik sa may hagdanan papuntang gate. Halatang badtrip ito at napansin kong wala siyang dalang pagkain. Akala ko duon kami kakain sa sinabi niya sa akin? Anyare sa kanya?

“Dyossa ganda!” tawag ko sa kanya. Muntikan pa niya ako lagpasan sa sobrang lalim ng iniisip niya.

“Sa cafeteria nalang tayo!”

“Ha? Bakit dun? Ang mahal dun eh,”

“Ililibre nalang kita, siza. Basta duon tayo.”

Napakibit-balikat nalang ako at sinundan siya papuntang Cafeteria.

Medyo kumalma naman na siya ng makakain kami pero halatang ang lalim pa rin ng iniisip niya.

“Bluetooth mo kaya?” biro ko.

“Kung pwede lang eh,” sarcastic niyang sagot. Luh? Badtrip siya ulit real quick, “Pero di ko gagawin kasi ayaw ko-”

“Ae! Nandito ka pala. Itetext palang sana kita,” agad akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Samuel. Napangiti ako at sinuklian ang yakap niya.

“Ayus lang. Halos kaka-kasimula palang namin kumain ni Dyossa,” sabi ko at nilingon siya kaso nagulat ako ng hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Samuel na pinagtaka ko rin. Napakibit-balikat nalang ako. Pero grabeng bilis mag type ni Dyossa sa phone niya. Sino kaya kaaway nito?

“Ah, eh wala lang sa mood si Dyossa. May kaaway yata kasi,” sabi ko nalang kay Samuel ng mapansin din siya. Tumango lang siya at saka dumukwang para halikan ako sa pisngi ko. Nang makalayo si Samuel para pumunta sa bilihan, ewan ko kung namali ako ng tingin pero parang a-action siya ng nasusuka.

Maya-maya pa, habang hinihintay namin makabalik si Samuel, biglang dumating si Sam na hinihingal at hawak ang cellphone niya. Saan siya galing?

“O inom ka muna,” sabi ko ay inoffer sa kanya yung baso ko na may lamang juice pero tinanggihan niya. Umupo siya sa tapat ni Dyossa habang hinahabol ang pag hinga niya at saglit na tumingin sa direksyon ng kakambal niya at umirap. Luh? Ano meron sa mga tao ngayon?

“O, nandito ka din?” takang tanong ni Samuel ng makabalik dala ang order niyang pagkain.

“Obviously,” mataray na sagot ni Sam sa kanya. Anong meron kina Dyossa at Sam at kapwa sila high blood today?

Lumipas pa ang ilang minuto at dumating din bigla sina Thotel at Quilris. Ngumiti sila sa amin maliban kay Samuel. Si Thotel, hindi siya talaga tinapunan ng tingin samantalang si Quilris, nakipaglaban ng titigan kay Samuel. Ewan ko ba dito sa isa anong trip niya at parang gusto yatang inisin si Quilris kahit na may jowa na ito eh, inakbayan ako.

Naawkwardan tuloy ako sa ginawa niya. Ewan ko din ba sa sarili ko lately, imbis na kiligin ako gaya ng nuon, naaawkwardan na ako sa tuwing didikit siya sa akin or gagawa ng something ‘sweet’.

Yung pagka awkward ko is yung after na kinalimutan ko ang pagkakagusto ko kay Samuel nuon kasi nga magkaibigan kami. Basta ewan. Weird, di ba?

“Bagay talaga kayong dalawa,” ani Samuel ng makaupo yung dalawa sa tapat namin.

“Of course, face card.” nakangising tugon ni Thotel na tumingin pa kay Quilris at sa akin.

“FYI, we’re human not some kind of object,” walang ganang sagot ni Quilris at tumingin din sa akin. Alam ko corny siya pero natawa ako sa isip ko. Paano kasi nag auto translate sa utak ko in filipino yung sagot niya kay Samuel. Humor ko minsan pang sarcasm eh.

Akala ko magsstay pa si Samuel kasama namin since alam ko isang oras pa ang break niya bago ang next class niya pero nagpaalam ba agad siya na aalis kasi may gagawin pa daw siya. Hindi ko na tinanong kung ano kasi mukhang hinihintay lang siya nitong mga nasa harap namin na umalis siya at hindi nga ako nagkamali, pagalis niya biglang parang mga nabunutan ng tinik ’tong mga kasama ko at automatic na bumalik ang pagiging good mood nila which is kind of weird for me, I guess but anyway.

“Anong ganap ninyo at biglang di na kayo badtrip?” tanong ko.

Sabay-sabay silang nagkibit-balikat except kay Quilris na nakatingin sa malayo. Malamang sinisipat niya kung gaano na kalayo si Samiel mula sa amin pag alis nito. Hindi niya kasi nilubayan ng tingin pagpaalam nito na mauuna na siyang umalis.

“Wala. Pinpractice lang namin inner antagonist side naman dito sa acting workshop namin,” sagot ni Sam.

“Ha? Acting workshop?”

“Oo. Tignan mo, paniwalang-paniwala ka nga sa acting namin.” dagdag ni Dyossa, “Nainggit kasi kami kay Samuel mukhang nagaacting workshop siya di man lang kami ininform so bumuo kami ng sarili naminh acting workshop.”

Ano daw?

“Pinagsasasabi ninyo? Si Samuel magaacting workshop? Paano mangyayari iyon eh busy siya palagi sa school works at sa basketball. ’Di ba alam mo ’yan, Sam?”

“Ay wala akong alam d’yan. Labas ako sa mga pinag gagagawa niya sa buhay niya,” mabilis na sagot nito at nag apir sila ni Dyossa at Thotel.

“Yan! Kaya ikaw talaga ang Yang sa Yin Yang eh,” bati ni Thotel sa kanya. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil hindi ko masundan ang takbo ng usapan nila.

Bumalik lang ako sa ulirat ng maramdaman kong lumipat si Quilris sa tabi ko at automatic na napaayos ng upo. Napangisi naman siya ng mapansin ang ginawa ko.

“Ang bagal mo talaga kumain. Gusto mo yata subuan kita eh,” biro nito. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niya at ramdam kong nangangamatis na ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon pero ewan ko ba, parang tanga din tong sistema ko na kinikilig eh alam ng may jowa ’tong si Quilris at nasa tapat lang namin. Si Thotel naman imbis sawayin jowa niya, natutuwa pa at kinikilig sa eksena naming dalawa.

“Baliw! Balak mo lang ako hingian ng pagkain eh. Bumili ka du’n ng iyo,”

“Eh mas gusto ko ’yung iyo,” sabay kindat nito sa akin.

“Quilris!” sinamaan ko ito ng tingin pero ang loko tinawanan lang ako.

Maya-maya pa naiba na yung topic. Buti naman at baka malusaw na ako sa mga pasimpleng banat ni Quilris sa akin. Parang timang eh. Walang kahiya-hiya kay Thotel.

“Sama ka ba?”

“Ha? Saan?”

“Ay naku, siza! Lumulutang ka na naman sa universe,” puna ni Dyossa.

Nakangiting nag peace sign lang ako sa kanila kasi alangang kontrahin ko eh sa totoo naman. Hindi ko masyadong naabsorb yung pinaguusapan namin dahil kay Quilris. Takbo ng takbo sa utak ko. Hindi ba siya napapagod? Char!

“Sa pre-defense slash final days of happiness party for us ni Claec,” sagot ni Thotel.

Oo nga pala. Malapit na pala Graduation nila. Napatampal ako sa nuo ko sa realisation at agarang nakaramdam ng lungkot. Malapit na pala umalis sa university ’tong dalawang ito lalo na si Quilris.

“Kailan ba?”

“Yown! May masaya d’yan kasi sasama ka este dahil kumpleto tayo! Woo!” bunyi ni Sam. Natawa naman ako sa sinabi niya. Para kasing may pinapatamaan siya na kung sino.

“Tangeks! Tinatanong ko kung kailan hindi pa ako um-oo. Syempre titignan ko muna schedule namin ni Dyossa.”

“G na ’yan, ses! Wag mo ng tignan sched natin. Auto approve agad.”

“Hoy! Auto approve ka dyan! Mamaya biglang mag aya ng lakad ’yung isa. Alam mo naman ’yun.”

Agad napabusangot si Sam. Samantalang napa eye roll naman sina Dyossa at Thotel. Si Quilris? Ayun, tina-try ako konsensyahin with his puppy eyes.

“Oo na! Sige na. G na.” sabi ko nalang at ang mga loko akala mo nanalo sa lotto sa saya nila. Hindi ko napansin na nakangiti kong pinagmamasdan si Quilris kasi nakakatuwa na makita siyang masaya.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.