loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Staying With My Ex's Dad | M2M

Staying With My Ex's Dad | M2M

kalqulux · 11 chapters · 15,162 words

K Q X

STAYING WITH MY EX’S DAD

This story is a work of fiction. All of the names, characters, places, and events are either products of the author’s imagination or are used fictitiously.

It is explicitly written for readers aged 18 and above only, as it contains sexual acts between young boys (of legal age) and the older men who care for them. Reader discretion is advised. 

If you do not wish to read stories like this, or you are under the age of 18,  please leave peacefully and let other readers to enjoy. Thank you. 

Content Warning: age-gap, cheating, insta-lust, menage.

All rights reserved (c) 2024

FB Page | IG | X: @kalqulux

Chapter 1

Huminga muna nang malalim si Yves bago niya pinindot ang door bell ng isang malaking bahay. Kanina pa siya nakatayo sa harapan at pinag-iisipan kung itutuloy ba niya ang binabalak o hindi. Pero kailangang-kailangan talaga niya si Lance ngayon.

Limang taon na silang hiwalay at mula noon ay wala na silang naging komunikasyon sa isa’t isa. Kaya ang pagpunta niya sa bahay nito ay isang sugal. Hindi niya alam kung dito pa rin ba ito nakatira o kung nasa loob ba siya. Friends pa rin naman sila sa social media at nakikita pa niya ang mga post nito kasama ang bagong girlfriend, pero nagkataon naman na nasira ang phone niya kaya hindi niya ito nai-message man lang tungkol sa pagpunta niya.

Napalayas kasi siya sa inuupahang apartment dahil limang buwan na siyang hindi nakakabayad ng renta. Si Lance lang ang kilala niyang makakatulong sa kaniya ngayon. Nasa probinsya ang mga magulang niya at kung uuwi man siya ay magiging pabigat lang siya sa kanila, lalo’t nawalan pa siya ng trabaho.

“Please, please, please,” bulong niya. Pipindutin na sana ulit niya ang door bell nang marinig niya ang pagtunog ng bakal sa gate. Huminga ulit siya nang malalim at ni-ready ang sariling harapin ang dating kasintahan. Pero laking gulat niya dahil hindi si Lance ang nagbukas noon.

Bumungad sa kaniya ang isang lalaking sa tantya niya ay nasa edad trenta. Sa tulong ng ilaw mula sa street light, kahit madilim na ang paligid ay kita pa rin niya ang mukha nito. Napansin agad niya ang resembla nito kay Lance. Huhulaan pa lang sana niya kung kaano-ano ito ni Lance nang magsalita ang lalaki.

“Yves?” gulat na tanong ng lalaki.

Kumunot naman ang noo niya at nagtaka kung bakit kilala siya nito. Sa pagkakaalam niya kasi ay tago ang relasyon nilang dalawa ni Lance. Ang bahay sa harapan niya ang kaisa-isang saksi ng pagmamahalan nila.

“Bakit ka naparito?” tanong ulit nito at binuksan na ng tuluyan ang gate. Tinungo ng tingin nito ang mga gamit niya sa gilid at binalik agad sa kaniya.

“N-nandyan po ba si Lance?” kinakabahang tanong niya dahil baka hindi nito kilala ang hinahanap niya.

“Wala na si Lance dito sa Pinas.” Napakagat labi si Yves sa narinig. Bumalik lahat ng mga pinoproblema niya kanina dahil hindi na siya matutulungan ng taong inaasahan niya. “Bakit mo siya hinahanap?”

Hindi niya alam kung sasagutin ba niya ang tanong ng lalaki. Bakit pa niya sasabihin ang rason kung bakit hinahanap niya si Lance kung wala naman na ito? Kaya imbes na sagutin ay umiling na lamang siya. “Wala po,” sabi niya. “Sige po, alis na po ako.”

Kinuha na niya ang tatlong bag na gamit lang ang mga laman. Maghahanap na lang siya ng pwedeng mapaglipasan ng gabi at bukas ay susubukan niyang maghanap ng mapapasukang trabaho. Pero hindi pa man siya nakakatalikod sa lalaki ay pinigilan na siya nito. Hinawakan nito ang braso niya kaya napatingin siya.

“Wait lang. Sigurado ka ba?” tanong nito. “Tatawagan ko si Lance para makausap mo siya. Sa dami ng dala mong mga gamit, parang malaki ang problema mo.” Kinuha ng lalaki ang cellphone nito sa bulsa at ilang saglit pa ay itinapat na yon sa tenga nito. Hindi naman sila naghintay ng matagal at sinagot na agad ni Lance ang tawag.

Habang nag-uusap ang mag-ama, nakatitig lang si Yves sa lalaki. Mas matangkad ito sa kaniya at mas malaki ang pangangatawan. Mahahalatang batak ito sa gym dahil kita ang magandang hulma ng katawan nito sa masikip at kulay asul nitong tshirt. Nakasuot din ito ng salamin na talaga namang nagpagwapo pa sa paningin niya. Kamukha ng lalaki ang ex boyfriend niya, mas matured nga lang ito tignan. At mas hot. Daddy’ng daddy.

“Kausapin ka raw ni Lance.” Nagbalik reyalidad si Yves nang marinig ang boses ng lalaki. Inabot nito sa kanya ang cellphone, na kinuha naman niya agad.

“H-hello, Lance” mahinang sabi niya dahil sa hiya.

“Yves? Kumusta ka na?” tanong ni Lance sa kabilang linya. “Hinahanap mo raw ako sabi ni daddy. Bakit? May sasabihin ka ba?” dagdag nito.

Kaya pala kamukha ng lalaki si Lance, mag-ama pala sila.

“Hihingi lang sana ako ng tulong sayo,” simula niya. Dinagdag pa niya na napaalis siya sa tinutuluyan niya dahil hindi siya nakakapagbayad. Kailangan niya ngayon ng pera para mabayaran ang utang niya at makabalik. Sinabihan naman siya ni Lance na baka bukas pa nito maipapadala ang hinihiram niyang pera.

“Pakibalik muna kay Dad, kausapin ko lang siya regarding sa sinasabi mo,” sabi ni Lance.

Kahit nahihiya ay binigay pa rin niya sa daddy ni Lance ang cellphone nito. Huminga siya ng malalim para tanggalin ang kaba sa loob niya. Hinihintay na lang niya na matapos ang mag-ama at hindi na nakichismis pa sa usapan ng mga ito.

Ilang minuto rin ang tinagal ng tawag bago niya narinig ang boses ng lalaki. Nilingon niya ito at nakinig sa sinasabi nito.

“Nasabi na sakin ni Lance ang sadya mo,” simula nito. “Wala rin kasi akong cash na dala dahil hindi naman planado ang pagpunta ko dito. Kung gusto mo, at suggestion din ni Lance, na dumito ka muna ngayong gabi. Bukas na bukas rin ay kukuha ako ng pera na hinihiram mo. Kung okay lang sayo yon, pero kung hindi, wala tayong magagawa.”

Pinag-isipan naman ni Yves nang mabuti ang sinabi nito. Kung paiiralin niya ang kahiyaan niya, baka sa lansangan siya matulog mamaya. “Sige po,” pagpayag niya. Ngayong gabi lang naman.

Sumilay ang malawak na ngiti sa labi ng lalaki at tila tuwang-tuwa sa pagpayag niya. Kinuha rin nito ang dalawang hawak na bag at nagsalita, “Tulungan na kita. Pasok na tayo at madilim na.”

Sumunod siya sa pagpasok. Habang naglalakad papasok sa bahay ay nagpakilala naman ang lalaki sa kaniya. “Ako nga pala si Lander, tatay ako ni Lance. Ginagamit ko muna tong vacation house niya dahil may problema ngayon sa bahay. Pero huwag mo munang sabihin kay Lance dahil baka mag-alala pa yun.”

“S-sige po,” nakangiting sabi niya. Nakatingin lang naman siya sa malapad nitong likuran. Lumabas naman ang katikasan nito dahil buhat niya sa magkabilang kamay ang mabibigat na bag niya. Napalunok si Yves habang pinagmamasdan ang likuran ni Lander at hindi niya naiwasang mag-imagine na nakahubad ito. Tinigil naman niya agad ang malalaswang naiisip lalo at tatay ito ng ex boyfriend niya at ang taong tumutulong sa kaniya ngayon.

Pagpasok nila sa bahay ay namangha si Yves dahil wala pa ring pinagbago ang loob. Kung ano ang natatandaan niyang ayos ay ganon pa rin ngayon.

Ibinaba ni Lander ang mga bag niya sa sofa at sinabihan siyang doon muna ilagay ang mga gamit niya at titignan pa nito kung maayos ang kwartong tutulugan niya.

Habang hinihintay si Lander na bumalik, nilibot naman ni Yves ang paligid ng bahay. Bumalik sa isipan niya ang mga alaala nila ni Lance sa bahay na ito. Napangiti naman siya dahil doon.

“Mukhang na-miss mo itong bahay, ah.”

Nagulat si Yves sa pagsulpot ni Lander. Nagtaka siya kung bakit nito nasabing na-miss niya ang bahay. Tatanungin na sana niya ito kung paano siya nito nakilala at bakit nito nasabi yon, pero nauhanan siya nitong magsalita.

“Tara na, kumain muna tayo bago ka mag-ayos.Tayong dalawa lang nandito kaya hindi ka na pwedeng tumanggi.”

Wala nang nagawa si Yves kundi ang pumayag. Hindi na rin kasi maalis sa isip niya si Lander kaya kahit isang gabi lang, gusto niya itong makilala. 

Kal’s note:

Walang exact na mga date kung kailan magkakaroon ng updates sa story na to.

Chapter 2

Habang kumakain ng hapunan, hindi mapigilan ni Yves ang magnakaw tingin sa lalaking kasama niya sa hapag kainan.

“May sasabihin ka ba?” tanong ni Lander at biglang tumingin sa kaniya. Hindi na siya nakaiwas pa at natigilan dahil sa sobrang gulat. “Hindi ba masarap ang ulam? May gusto ka bang iba?” dagdag nitong tanong.

Umiling na lang siya at ibinalik ang tingin sa kinakain. Nahihiya tuloy siya kay Lander. Akala kasi niya ay hindi siya nito napapansin.

“Kung may problema ka, Yves, sabihin mo lang. Nandito kami ni Lance para tulungan ka. Nandito ako.”

“Okay po,” simula niya. “Kamukha po kasi ninyo si Lance kaya patingin-tingin ako sa inyo,” pagdadahilan niya.

May katotohanan naman ang sinabi niya pero ang totoo, habang tinititigan niya si Lander ay naaalala niya ang maiinit na tagpo nila ni Lance sa bahay na ito. Ang worst, hindi si Lance ang nandoon kundi si Lander. Naiimagine niya ang tatay ng dating nobyo na silang dalawa ang nagtatalik. Buti na lang at natatago niya ang matigas niyang alaga sa ilalim ng lamesa.

“Ganun ba? Pero aminin mo, mas gwapo ako sa mokong na yon,” biro nito bago tumawa.

Sumang-ayon naman si Yves at nakisabay sa pagtawa. Gwapo si Lance pero hindi maitatanggi na mas gwapo at mas hot ang tatay nito.

Bago sila magsimulang kumain, kwinento na ni Lander sa kanya kung bakit siya nito kilala. Kabado pa siya dahil ang akala niya ay umamin na si Lance dito, pero hindi. Ang sabi ni Lander ay palagi daw siyang kinukwento ni Lance bilang isang matalik na kaibigan. Nasaktan naman si Yves nang slight.

Tapos nang kumain si Lander habang si Yves ay inuubos pa ang sa kaniya.

“Hindi ba sinabi sayo ni Lance na nag-ibang bansa na siya?” tanong ni Lander.

“Hindi po. Wala na rin kasi kaming komunikasyon simula nang maghiwa…” natigilan si Yves sa sasabihin niya. Muntikan na niyang isiwalat na naging magjowa sila ng anak nito. “Mag-away kami,” koreksyon niya. Kung hindi lang siguro siya nagloko dati, siguro hanggang ngayon ay magjowa pa rin sila ni Lance.

Tapos nang kumain si Yves at inaayos na ang mga pinagkainan. “Ako na po ang maghuhugas,” pagboluntaryo niya. Sumang-ayon naman si Lander kaya sinimulan na niya ang pag-aayos.

Umalis na si Lander sa kusina at naiwan na lang siya mag-isa. Bago buksan ang faucet para simulan ang paghuhugas ay napatingin si Yves sa kutsarang ginamit ni Lander kanina. Napalunok siya at nagsimula na namang mabuhay ang libog sa loob niya. Lumingon muna siya sa kusina para kumpirmahing wala siyang kasama bago pulutin ang kutsara ni Lander.

Dahan-dahan niyang nilapit yon sa bibig niya at planong isubo, pero bigo siya dahil sa pagsulpot ni Lander sa kusina. Agad niyang binaba ang kutsara, binuksan ang faucet at nagkunwaring naghuhugas na.

“Nilagay ko na pala yung mga gamit mo sa magiging kwarto mo,” sabi ni Lander.

Lumingon si Yves at nagpasalamat. Sinimulan na niyang maghugas talaga, nanghihinayang dahil hindi niya nagawa ang plano kanina.

“Kung may kailangan ka, katukin mo lang ako sa kwarto ko, okay?”

“Sige po,” sagot niya. Narinig niya na naglakad na ito paalis ng kusina kaya tinuloy na niya ang ginagawa. Pagkatapos niya ay maliligo lang siya saglit at matutulog na rin.

Tinungo niya kung nasaan ang mga kwarto. Dalawa ang kwarto sa bahay at magkatapat lang ang mga ito. Hindi alam ni Yves kung saan sa dalawa ang magiging kwarto niya. Para malaman kung alin sa dalawa ang ginagamit ni Lander, kakatukin na lang niya ang mga pinto.

Una niyang nilapitan ang kwartong tinutulugan nila ni Lance noon. Ang kwarto kung saan nagaganap halos lahat ng pagtatalik nila. Huminga siya ng malalim bago katukin ng tatlong beses ang pinto sa harapan niya. Hindi rin nagtagal ay narinig niya ang boses ni Lander.

“Yves?” sabi nito sa loob. “Teka lang.”

Nataranta naman si Yves. Hindi naman siya nakaimik dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya. Napagdesisyunan na lang niya na pumasok sa kabilang kwarto. Pero biglang bumukas ang kwarto ni Lander.

“May kailangan ka ba?” tanong nito.

Lumingon si Yves at nag-init ang katawan sa bumungad sa kanya. Bahagya lang ang pagbukas ni Lander sa pinto ng kwarto nito pero kita pa rin niya ang lahat. Wala itong saplot pang-itaas kaya kitang-kita niya ang maliit na parte ng hulmadong katawan nito. Tinungo ng mga mata niya ang shorts nito na parang madalian lang sinuot. Napalunok naman siya nang makita ang bukol sa shorts nito.

“Yves?” tanong ulit ni Lander.

“Ah, eh, wala po,” sagot niya, hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa bukol nito. “Inaalam ko lang po kung saang kwarto ninyo nilagay ang mga gamit ko.” Nagtaas na siya nang tingin at saktong nakita niya ang ngiti sa labi ni Lander bago yon nawala.

“Ganon ba? Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo kung saan ang kwarto mo,” nakangiting sabi nito, pero iba sa ngiting naabutan niya kanina. “Pero ngayon, alam mo na.”

Tumango na lang si Yves at pilit pinipigilan ang sariling magnakaw tingin na naman sa shorts ni Lander. Bago pa siya makagawa ng pagsisisihan niya, nagpaalam na ito sa lalaki at mabilis na pumasok sa kwarto niya.

Paglock ni Yves sa pinto ay sumandal siya doon. Binaba niya ang shorts at brief na suot hanggang sa may tuhod niya at agad hinawakan ang matigas na alaga niya. Sinimulan niya yong jakulin habang iniimagine ang ginagawa ni Lander sa kwarto niya kanina. Taas-baba ang galaw ng kamay niya. Bawat hagod ay dinidiinan niya. Kinagat pa niya ang ibabang labi para pigilan ang mga ungol na lumabas sa bibig niya.

Malaki ang pagsisisi ngayon ni Yves kung bakit naisipang katukin ang pinto kanina. Kung hindi lang sana niya naisip yon at binuksan na lamang ang pinto, baka nakita pa niya ang ginagawa ni Lander kanina.

Pero kahit ganon, alam naman niya kung ano ang ginagawa nito. Hindi maayos ang pagkakasuot ng shorts nito at bakat na bakat ang matigas na burat sa loob non. Tulad niya ngayon, alam niya na nagjajakol din kanina si Lander. At yon ang pinanghihinayangan niya ng husto.

“Ugh.”

Natigilan si Yves nang hindi niya namalayan ang isang ungol na kumawala sa kanya. Kinabahan siya agad dahil baka napalakas yon at narinig ni Lander sa kabilang kwarto. Naghintay pa siya ng isang segundo bago tinuloy ang ginagawang pagpapaligaya sa sarili niya.

Ilang saglit pa ay naramdaman na niya ang malapit na pagsabog ng katas niya. Mas binilisan pa niya ang paggalaw ng nakabilog na kamay niya sa kanyang alaga. Iniimagine na nagjajakol din sa kabilang kwarto si Lander at sabay silang magpapakawala ng tamod.

Mas tumindi ang pagkagat na ginawa niya at mas bumilis pa ang pagjajakol. Ramdam niya ang sakit ng kamay pero ininda niya yon. Inimagine na rin niyang magkaharap sila ni Lander, sabay na nagjajakol at parehong nasa rurok na.

Tumigil lang siya at binitawan ang pagkakahawak sa burat niya nang magsitalsikan na ang mainit na tamod niya. Halos mangisay siya sa tindi ng pagpapalabas niya. Wala na rin siyang pakialam kung tumatama ang katawan niya sa pinto at naglilikha ng ingay. Gusto niyang iparinig yon sa lalaking nasa kabilang kwarto lang.

Matapos labasan ay hinabol niya ang kanyang hininga. Tumingin siya sa sahig para tignan ang nagkalat na tamod. Pumasok naman sa isipan niya ang ideyang didilaan niya ang mga yon at iisiping tamod yon ni Lander. Pero agad din siyang nandiri dahil kahit mag-imagine siya, tamod pa rin niya ang mga yon.

Tinaas na niya ang suot pang-ibaba at hinubad ang suot na tshirt para punasan ang mga kalat niya sa sahig. Nilukot niya ang damit at nilagay sa basket ng labahan. Lumapit siya sa kama kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Binuksan niya ang isang bag at kumuha ng bagong tshirt. Isusuot na sana niya yon nang may mapansin siya.

Kumunot ang noo niya nang makita ang isang kwintas sa kama. Kwintas niya yon at wala na ang pendant na nandon. Napatingin siya sa isa pang bag at tinignan kung nakabukas yon. Doon niya kasi naaalalang nilagay ang kwintas pero hindi naman yon nabuksan.

Pinagsawalang bahala na lang niya yon at pinulot na lang ang kwintas para ibalik sa loob ng bag. Bukas na lang niya hahanapin kung saan napunta ang pendant.

Binaba muna niya ang tatlong bag sa sahig para may paghigaan siya. Pinikit na ang mga mata niya at sinubukang matulog. Maaga rin kasi siya nagising kaninang umaga at nagbiyahe pa siya. Kailangan niyang magpahinga para mapalitan ang lakas na nawala sa kanya buong araw.

Pero hindi siya dinadalaw ng antok dahil gising na gising ang utak niya sa pag-iisip ng kung ano ano. Pati ang kakapalabas lang na alaga niya ay nabubuhayan na ulit. At dahil yon sa ideya na sa kama kung saan sila nagse-sex ni Lance nakahiga si Lander.

“Tangina,” bulong niya sa sarili at inalis na ang shorts at brief niya. Hinawakan ulit niya ang matigas niyang burat. Sinimulan niya ulit ang pagjajajakol habang iniimagine ang kantutan nila ni Lance noon sa katapat na kwarto. Hindi na rin niya pinigilan pa ang isip naipalit si Lander sa anak nito sa mga alaalang yon.

Kal’s note:

Bilang pasasalamat sa pagsuporta ninyo sa kwentong ito, narito ang Chapter 2. Kung sisipagin ako bukas, baka may update na naman.

Chapter 3

Puno ng laway ang bibig ni Lander ngayon habang nakatingin sa matambok na pwet ni Yves. Naghuhugas ito ng mga pinagkainan nila kanina kaya hindi nito nakikitang nilalamutak na ng mga mata niya ang pwet nito.

“Yves,” tawag niya. “Nilagay ko na pala yung mga gamit mo sa magiging kwarto mo,”

Lumingon naman ito at pinasalamatan siya.

“Kung may kailangan ka, katukin mo lang ako sa kwarto ko, okay?”

“Sige po,” sagot nito.

Bago siya umalis, tinitigan muna ulit niya ang pwet nito. Inabot pa yon ng mga kamay niya at inimagine na himas himas niya ang malulusog na pisngi non.

Pumasok na siya sa kwarto. Paglock ng pinto ay diretso hubad siya sa suot na tshirt, tinanggal din niya ang shorts at brief. Nakalaya naman ang malabakal sa tigas niyang burat dahil kay Yves. Hinayaan lang niya ang mga damit niya sa sahig at pinulot ang isang kulay itim na tshirt. Kay Yves yon, kinuha niya kanina sa bag nito nang ipasok niya sa kabilang kwarto. Hindi naman siguro nito mapapansin na nawawalan siya ng damit.

Pabagsak siyang humiga sa kama at nilagay ang damit ni Yves sa mukha niya. Sinimulan niyang jakulin ang walong pulgadang burat niya habang sinisimot ang amoy ng damit. Kinagat din niya yon para mapigilan ang pag-ungol niya. Ang mga namumuong laway ay hinihigop niya pabalik.

Ramdam kaagad niya ang ngalay ng kamay niya dahil sa taba ng katawan ng alaga, pero hinayaan lang niya yon. Pero nang hindi na niya kaya, pinalit din niya ang isa pang kamay niya sa pagtataas-baba sa pagkalalaki niya.

Natigilan naman siya nang marinig ang tatlong katok sa pinto niya. Tinanggal niya ang damit sa mukha niya at tinignan ang nakasaradong pinto. “Yves?” tanong niya. “Teka lang,” sabi pa niya nang hindi ito sumagot.

Binato niya kung saan ang damit nito at agad pinulot ang brief at shorts nito. Hindi na niya tinignan kung ayos na ang pagkakasuot niya.

“May kailangan ka ba?” tanong niya matapos buksan ang pinto. Bahagya lang ang pagkakabukas niya dahil wala siyang saplot pang-itaas at hanggang ngayon ay matigas pa rin ang burat niya.

Nakatalikod na si Yves sa kwarto niya kaya napalingon ito. Nakita naman niya ang pagbabago sa mukha nito nang makita siya. Napalunok pa siya dahil bumaba ang mga mata nito sa shorts niya. Nilamon siya ng hiya dahil kahit maliit lang ang awang sa pinto ay kita pa rin ang nakaumbok sa shorts niya.

“Yves?” tanong ulit niya.

“Ah, eh, wala po,” sagot nito at hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa nakabukol niyang burat.

Napangiti naman siya dahil mukhang hindi na nito tatanggalin pa ang tingin sa bukol sa shorts niya. Pumasok naman ang pilyong ideya sa isip niya na ibaba ang shorts niya para makita ng husto ni Yves ang tinatago niyang sawa.

“Inaalam ko lang po kung saang kwarto ninyo nilagay ang mga gamit ko.” Biglang nagtaas ito ng tingin kaya agag niyang tinanggal ang demonyong ngiti sa mga labi niya.

“Ganon ba?” Doon lang niya napagtanto na hindi niya nasabi kay Yves kung saang kwarto ang para sa kanya. “Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo kung saan ang kwarto mo. Pero ngayon alam mo na,” nakangiting sabi niya.

Tumango lang naman ito at natigilan pa ng ilang saglit bago pumasok sa katapat na kwarto.

“Sayang, Yves,” bulong niya habang nakatingin sa nakasarang pinto. “Hindi ka na lang sana kumatok, binuksan mo na lang sana.” Pailing-iling niyang sinarado ang pinto ng kanyang kwarto.

Mabilis niyang hinubad ang pang-ibabang suot. Hinanap niya sa paligid ang damit ni Yves na binato niya kanina. Nang makita ay pinulot niya yon at bumalik sa kama. Umupo siya sa gilid at binuka ng maigi ang mga binti niya. Hawak sa magkabilang kamay ang damit, binalot niya yon sa tayong-tayo na burat niya. Itinaas-baba niya yon at ginawang parang isang fleshlight. Iniimagine na butas ni Yves ang jumajakol sa kahabaan niya.

“Tangina, Yves,” mahinang mura niya habang pabilis ng pabilis sa ginagawa. “Hindi ka makakaalis ng bahay na to ng hindi kita nakakantot.” May kung ano sa mga sinabi niya at naramdaman agad niya na malapit na siyang labasan.

Napahiga na rin siya sa kama at napapikit. Sinimulan niyang isipin na hindi lang damit ni Yves ang hawak niya, kundi ang magkabilang bewang nito. Nakasakay ito sa ibabaw niya habang naglalabas-masok ang burat niya sa butas nito. Iniisip niyang sinasakyan siya ngayon ng dating kasintahan ng anak niya tulad nang kung paano nito sakyan ang anak niya sa kamang kinahihigaan niya.

Mabilis na tinungo ng kaliwang kamay niya ang kanyang bibig para pigilan ang sariling sumigaw o umungol man lang. Naiwan namang nakahawak sa damit ang isa pang kamay niya habang pumuputok ang mainit niyang tamod sa damit ni Yves.

Pagkatapos ng matinding pagpapalabas niya ay napaupo siya at matalim na tinitigan ang pinto sa kanyang kwarto. Kahit nakapagpalabas na ay hindi pa rin humuhupa ang libog niya para kay Yves. Gusto niya itong sugurin at gawin ang mga naiisip lang niya kanina. Gusto niyang maranasan ang nararanasan ni Lance, ang anak niya, sa tuwing kinakantot nito si Yves. Gusto niyang iparamdam kay Yves na sa lahat ng aspeto, mas magaling ang tatay kaysa sa anak.

Habang patagal ng patagal ang pag-iisip niya sa mga gusto niyang gawin, hindi na niya namalayan ang sariling lumabas sa kanyang kwarto na wala ni isang saplot. Bubuksan na sana niya ang pinto sa kwarto ni Yves nang bigla niyang narinig ang pag tunog ng kanyang cellphone.

Mabilis siyang pumasok sa loob at tinignan kung sino ang tumatawag. Gusto niyang ibato ang cellphone niya sa inis nang makita kung sino yon, pero kinalma niya ang sarili. Kinuha niya sa bed table ang airpods niya bago sagutin ang tawag. Binato niya ang phone sa kama at pinulot ulit ang damit ni Yves na basa na dahil sa tamod niya.

“Where are you?” bungad na tanong ng nasa kabilang linya. “Umuwi ka na.”

Hindi siya sumagot. Binalot ulit niya ang burat niya ng damit at sinimulan ulit ang pagsasarili niya. Pero ngayon, iniisip niyang bunganga na ni Yves ang naghihigpit sa burat niya.

“Nakalimutan mo ata, Rachel,” sabi niya. Tumingala pa siya dahil sa sarap na nararamdaman at kinakadyot pa ang damit. “Hiwalay na tayo.”

Magsasalita pa sana ang asawa niya pero tinanggal na agad niya ang airpods at binato kung saan. Hindi naman niya pinatay ang tawag dahil gusto niyang marinig ng cheater niyang misis ang mga ungol niya habang kinakantot ang damit ni Yves. 

Kal’s note:

This chapter is supposed to be hidden. Sinulat ko lang siya para malaman kung ano na ang nararamdaman ni Lander kay Yves. Hindi ko pa sana dito ipapakita ’to, kumbaga set-up lang para sa part kung saan ko talaga intention sabihin na same lang ng nararamdaman si Yves at Lander.

Chapter 4

Nagising si Yves nang maramdaman ang lamig sa buong katawan niya. Kaagad niyang binalot ng kumot ang hubad niyang katawan. Pagkatapos kasi ng pangatlong pagpapalabas niya ay dinalaw na rin siya ng antok. Hindi na siya nag-abala pang magsuot ulit ng damit dahil baka kung ano na namang kalibugan ang pumasok sa isipan niya.

Ilang minuto pa siyang humiga habang yakap ang kumot at nang babangon na, kumuha siya ng panibagong damit sa bag niya. Ginawa kasi niyang pamunas ng mga tamod niya ang tshirt niya kagabi.

Pagtapos magbihis, lumabas na siya ng kwarto. Nakasara pa ang kwarto ni Lander kaya hindi niya alam kung gising na ba ito. Bumalik ang mga alaala ng mga ginawa niya kagabi at hindi napigilang mahiya kay Lander. Hindi lang niya pinagnasahan ang tatay ng lalaking minahal niya noon, kundi pati na ang lalaking tumulong sa kanya kahapon.

Hindi na inabala ni Yves si Lander at baka natutulog pa ito. Alam naman niya ang pasikot-sikot sa loob ng bahay at kung saan nakalagay ang mga gamit.

Pumunta siya sa kusina para magtimpla ng kape at maghanda ng magiging almusal nila ni Lander. Inisip din niya kung titimplahan ba niya ito ng kape o kung nagkakape ba ito.

Habang naghahanda ng maiinom, napansin niya ang isang papel na nakadikit sa ref gamit ang isang magnet. Kinuha niya yon at binasa ang mga nakasulat.

Yves,

Ikaw munang bahala sa bahay at may kailangan akong asikasuhin. Mamayang gabi ko na rin ibibigay sayo ang hinihiram mo, kaya sana ay mahintay mo pa ako. Salamat.

Binaba niya ang papel at bumuntonghininga. Mukhang hindi pa siya makakaalis sa bahay na to. Pero okay lang naman sa kanya yon. Kahit magtagal pa siya sa pamamalagi dito, ayos lang. Libre ang tutuluyan niya at kasama pa niya si Lander.

“Huwag muna, Yves. Maaga pa,” paalala niya sa sarili dahil unti-unti na naman siyang nilalamon ng kalibugan. Pumasok kasi sa isipan na mag-asawa sila ni Lander at nagsasama sa iisang bubong.

Hindi na siya nagluto ng almusal dahil siya lang mag-isa sa bahay. Uminom na lang siya ng kape. Mamayang gabi na lang siya maghahanda ng hapunan kapag dumating na si Lander.

Nang maubos ang kape, bumalik siya sa kwarto at inayos muna ang mga gamit bago magpasyang maligo. Paglabas niya, napatingin siya sa katapat na kwarto. Lumapit siya sa pinto at hinawakan ang door knob. Pinihit niya yon, nagbakasakaling mabubuksan niya ang pinto. Pero bigo siya dahil naka-lock ang pinto. Wala naman siyang balak na masama at gusto lang makita ang hitsura sa loob ng kwarto.

Pumasok na siya sa banyo para maligo. Kagabi pa niya gustong maligo dahil lagkit na lagkit na siya sa sariling katawan. Pagpasok sa loob ay namangha siya na maayos at malinis yon. Buti na lang din at kinuha niya ang tuwalya’t mga gamit panligo dahil wala siyang nadatnan na mga gamit.

“Ang presko,” masayang sabi ni Yves matapos maligo. “Ang sarap maligo.” Tinapis niya ang tuwalya sa bewang at lumabas na ng banyo. Bumalik siya sa kwarto niya para magbihis at pagkatapos ay hindi na niya alam ang gagawin.

Wala siyang cellphone at wala na rin ang TV noon sa sala para libangin ang sarili niya. Matutulog na lang muna siya para mapawi ang pagpupuyat niya kagabi dahil sa sobrang kalibugan.

Pagmulat niya ay napatingin agad siya sa may bintana. Yon ang ginagamit niya para malaman ang oras. Bigla siyang napaupo nang makita ang kalangitan na medyo madilim na. Mukhang napasarap ang tulog niya. Plano kasi niya kaninang magising ng mas maaga para makapagprepare pa siya sa hapunan nila ni Lander. Tumayo na agad siya para maghanda ng kakainin nila.

Hindi pa naman dumadating si Lander at kahit gusto niya itong tanungin kung nasaan na ito ay hindi niya magawa. Hihintayin na lang niya itong dumating para sabay silang kakain.

Matapos makapaghanda ng hapunan, naupo siya sa may sala habang ang tingin ay nasa labas ng bintana. Pero paglipas ng ilang oras ay wala pa rin ang kotse ni Lander. Siguradong malamig na ang niluto niyang kanin at ulam kanina. Ipapainit na lang niya ang mga yon pag dumating na si Lander.

Papikit na ang mga mata ni Yves at pasuko na sa antok nang marinig niya ang malakas na busina ng kotse mula sa labas. Mabilis naman siyang lumabas ng bahay para buksan ang gate. Napangiti naman siya dahil kotse yon ni Lander.

Isinara niya ang gate nang makapasok na ang sasakyan. Mabilis siyang naglakad palapit sa sasakyan kaya naabutan niyang nagbukas ang pinto ng driver’s seat.

Hindi pa man nakakababa si Lander ay rumihistro na sa ilong niya ang amoy ng alak. Napatunayan naman niyang galing yon kay Lander nang humarap ito sa kaniya. Mapupungay ang mga mata nito at pulang-pula ang mukha.

“Nag-drive po kayo ng lasing?” nag-aalalang tanong niya dito. “Paano kung may masamang nangyari sa inyo?”

Napangiti naman ito ng nakakaloko at hinawakan siya sa may balikat. “Wag kang mag-alala, konti lang ang nainom ko,” sabi nito pero base sa pananalita nito ay hindi lang yon konti. “Tsaka maingat akong magmaneh…” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil patumba na ito.

Buti na lang at nasalo ito ni Yves. “Y-yan ba a-ang konti lang a-ang i-ininom?” nahihirapan niyang tanong. Kahit maganda ang pangangatawan ni Yves ay nahihirapan pa rin siya lalo pa’t mas malaki ang katawan ni Lander sa kaniya. Kung hindi nga lang siya nagpupunta sa gym minsan ay kanina pa sila napahiga sa lupa.

Akbay ang lasing na si Lander ay tinungo ni Yves ang kwarto nito. Hirap na hirap siyang pinapasan ito pero hindi naman niya ito papabayaan na lang. Lalo pa’t nasabi nito na may problema ngayon sa bahay nito.

Pagkarating nila sa harap ng kwarto nito ay naalala ni Yves na naka-lock yon. Tatanungin na sana niya si Lander pero hindi niya alam ang itatawag niya dito. Ilang saglit pa ay napagpasyahan niyang tawagin na lang ito sa pangalan nito.

“L-lander,” kinakabahan niyang sambit. “Lander, yung susi ng kwarto mo… nasaan?” tanong niya.

Hindi naman siya naghintay ng sagot nito dahil mukhang natutulog na ito. Napabuntonghininga na lamang siya at kinapa ang bawat bulsa ng pantalon ni Lander. Nang makapa ang susi ay pahirapan niya yong kinuha.

Agad niyang binuksan ang pinto gamit ang susi at pumasok na sila sa loob. Hindi na niya nagawang sindihan pa ang ilaw, pero sapat na ang liwanag mula sa labas para maipahiga niya si Lander sa kama.

Nanlaki naman ang mata ni Yves nang yakapin siya nito dahilan para pati siya ay mapahiga. Nasa ibabaw siya ngayon ng katawan ni Lander. Sinubukan naman niyang makawala agad pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. Gigisingin na sana niya si Lander nang magsalita ito.

“Tangina,” mura nito. Dahil nasa ibabaw lang, amoy ni Yves ang amoy alak na hininga nito. Napalunok siya at nag-init ang katawan dahil don. May kung ano sa amoy ng hininga ni Lander at gusto niyang singhutin na lang ang lahat ng yon. “Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong to,” dagdag nito.

Naguluhan naman siya sa narinig. Anong pagkakataon ang hinihintay ni Lander? Ako ba? ’ tanong niya sa sarili. Pero bakit naman siya hihintayin nito kung kahapon lang sila nagkakilala.

“Lander, hindi ako makahinga,” sabi niya. Naramdaman naman niya ang pagluwag ng yakap nito kaya kumawala siya kaagad.

Tagumpay naman siyang nakawala sa yakap ni Lander pero natigilan naman siya nang marinig ang susunod na mga sinabi nito.

“Ang saya saya ko nang makita kita sa labas ng bahay kahapon,” simula nito. “Akala ko nga ay panaginip lang lahat, na nababaliw na ako dahil nakikita kita. Pero hindi, totoong nasa harapan kita kahapon. Siguro nga ay blessing in disguise na nahuli kong nangaliwa ang misis ko, kasi kung hindi, hindi ako pupunta dito at hindi kita makikita.”

Hindi naman umiimik si Yves at nakatingin lang sa mukha ni Lander. Gusto niya itong sampalin para matauhan dahil naguguluhan siya sa mga sinasabi nito.

“Matulog ka na, Lander. Mawawala din yan,” aniya.

Nagmulat ang mga mata nito kaya nagkatitigan sila. Kita niya sa mga mata nito ang apoy na pwedeng tumupok sa kanya pero hindi siya umiwas.

“Hindi ako lasing,” tanggi nito. “Kung lasing ako, baka hindi na ako nakapagpigil kanina pa.”

“Ano bang pinagsasabi mo?”

Saglit silang natigilan. Tumahimik ang paligid at ang ingay ng paghinga nila ang naririnig. 

“Noong nakita ko yung video niyo ni Lance sa dating laptop niya,” pagputol ni Lander sa katahimikan. “Imbes na magalit sa anak ko dahil pumatol siya sa kapwa niya lalaki, naapektuhan lang ako. Yves, nalibugan ako sayo. Habang paulit-ulit at patagal ng patagal kong pinapanood ang video niyo, naiinggit ako sa anak ko.

“Naiinggit ako sa tuwing pinapaligaya mo siya gamit ang bibig mo. Naiinggit ako sa tuwing hinahalikan mo ang mga labi niya. Naiinggit ako sa mga ungol niya habang sinasakyan mo siya. Naiinggit ako dahil gusto ko rin maranasan ang mga naranasan ni Lance sayo,” pag-amin nito sa mga pantasya nito tungkol sa kanya.

Kahit naguguluhan sa mga nangyayari, hindi napigilan ni Yves na malibugan sa mga naririnig. Hindi siya makapaniwalang sasabihin nito ang mga yon. Pero ano ang video na sinasabi nito?

“Anong video?” tanong niya.

Hindi naman siya nito pinaghintay ng matagal. May kinuha ito mula sa sulok ng higaan. Nang makuha ay nakita niyang TV remote yon. Pinindot niya ang isa sa mga button non at biglang nagkaroon ng ilaw sa likuran niya. Lumingon siya at nakita ang TV na nasa sala noon.

Nanlaki ang mga mata ni Yves at bahagyang napanganga dahil sa video na nagpe-play sa screen.

Kuha ang video sa loob mismo ng kwarto kung nasaan sila ngayon. Nakahiga si Lance sa kama habang siya ay nasa pagitan ng mga binti nito at chinuchupa ang burat nito. Walang ibang maririnig sa video kundi ang mga ungol ni Lance.

Bumilis ang tibok ng puso ni Yves at gusto na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Hindi niya alam na nagvivideo pala si Lance noon at ngayon ay kasama niya ang tatay nito na pinapanood yon. Nangingilid na ang mga luha niya at aagawin na sana ang controller kay Lander.

Natawa naman si Lander na parang nababaliw. Hinilamos muna niya ang dalawang palad sa mukha bago ito umupo. “Nawawalan na yata ako sa katinuan,” sabi nito. “Mali to, Yves, e. Mali na sa tuwing pinapanood ko yang video na yan at nalilibugan ako.”

Umiling-iling ito habang may dinudukot sa bulsa niya. Kinuha nito ang pitaka at naglabas ng sampung libo. Inabot nito ang pera kay Yves pero nang hindi niya yon tanggapin ay inilapag na nito ang pera sa kama. “Sorry, Yves. Nadala lang ako sa kalasingan kaya ko nasabi yung mga kanina.” Pinatay na rin nito ang TV. “Huwag kang mag-alala, buburahin ko na rin yang video na yan.”

Lumabas na si Lander sa kwarto at iniwan siyang mag-isa. Pinoprosesa pa rin niya ang lahat. Nanatili siyang nakaupo sa madilim na silid habang parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit ang napanood na video sa isipan niya.

Nang mahimasmasan at makapag-isip ng maayos, lumabas siya ng kwarto. Iniwan niya ang sampung libo sa kwarto at agad pinuntahan si Lander sa kusina. Nakaharap ito sa lababo at katatapos lang maghilamos.

“Naiinggit ka, hindi ba?” tanong niya. Nakita niya kung paano nagulat si Lander dahil sa biglang pagsulpot niya. “Naiinggit ka dahil gusto mo rin maranasan ang mga pinaranas ko sa anak mo.” Nanatili lang si Yves sa kinatatayuan niya at pinapanood kung paano magtaas baba ang mga balikat ni Lander.

“Kailangan mo pa bang ipamukha sakin yon?” tanong nito.

“Naiinggit ka pala, anong ginagawa mo dyan?” Napalingon ito sa kanya na salubong ang mga kilay, naguluhan sa sinabi niya. “Mahaba pa ang gabi para pawiin natin ang inggit mo.”

Mukhang hindi pa rin nito nakuha ang gusto niyang ipahiwatig kaya sinimplehan na niya. “Nalilibugan din ako sayo. Gusto kitang paligayahin gamit ang bibig ko. Gusto kitang halikan sa mga labi mo. Gusto kong marinig ang mga ungol mo kapag sinasakyan kita. Gusto kong palitan mo si Lance, ang anak mo, sa mga alaala ko sa bahay na ito.”

Natakot naman siya dahil sa bilis ni Lander na naglakad palapit sa kaniya. Para itong halimaw na hayok sa laman. Hinawakan niya ang mga dibdib nito para pigilan ito. “O, gusto mong kumain mun…”

Hindi na siya nito pinatapos at kaagad siyang kinarga na parang isang bata. Tinitigan niya si Lander sa mata at muling nakita ang mas malakas pa na apoy sa mga yon. Malalalim na rin ang mga hininga nito at sabik na sabik nang gawin ang lahat ng naisin nito.

“Makakahintay ang pagkain, Yves. Pero hindi ang libog ko sayo,” sambit nito. “Humanda ka, hindi ako titigil hangga’t hindi mo nakakalimutan si Lance,” dagdag nito habang buhat siya pabalik sa kwarto.

Sinabunutan naman niya ang buhok nito gamit ang dalawang kamay at saka hinalikan ang ilong nito. “Hindi na ako makapaghintay,” sagot niya nang may malawak na ngiti sa labi.

Chapter 5

Hindi na isinara ni Lander ang pinto ng kwarto niya at dumiretso agad sa kama habang buhat si Yves. Wala naman silang ibang kasama kaya kahit saang sulok man ng bahay sila gumawa ng milagro ay pwede.

Umupo siya sa paanan ng kama dahilan para mapakandong sa kanya si Yves. Nagsimulang lumabas ang mahihinang ungol sa bibig niya nang igiling nito ang puwet nito sa kandungan niya. Inabot ni Lander ang batok nito at hinila palapit para halikan.

Si Yves ang unang lalaking hinalikan niya sa labi at ito rin ang unang lalaking makaka-sex niya. Kahit apat na taon na simula nang madiskubre at pagnasahan niya ang sex video nito kasama ang anak niya, hindi siya sumubok makipagtalik sa kapwa lalaki. Ayos na sa kanya na pinapanood ang video habang iniimagine niyang siya si Lance.

Noong una, nagdududa siya sa pagkalalaki niya. Pero ginaganahan at nalilibugan pa rin naman siya sa tuwing magsisiping sila ng kanyang asawa. Wala rin siyang nararamdaman pagdating sa ibang mga lalaki, tanging kay Yves lang.

Unang bumitaw si Yves sa halikan nila para maghabol ng hininga. Napangiti siya dahil hindi niya lubos akalain na darating ang araw na mahahalikan ang lalaking pinapanood lang niya.

“Ang hot mo,” aniya at kaagad nilamutak ang dibdib ni Yves kahit may suot pa itong damit. Walang nagawa si Yves kundi ang pumiglas dahil sa sarap na dulot ng ginagawa niya. Hinigpitan pa niya ang yakap sa katawan nito para hindi ito makawala.

“Ahhh. Ang sarap. Shit,” wika ni Yves sa gitna ng pag-ungol niya.

Walang ibang maririnig sa madilim na kwarto kundi ang mga halinghing ni Yves at ang mahihinang ingay na nagagawa ni Lander habang palitang sinususo ang mga dibdib nito. Nang magsawa, umakyat ang mga labi niya sa leeg ni Yves at yon ang sinunod. Patuloy pa rin ang paggiling ni Yves kaya namang hirap na hirap siya sa katigasan ng burat niya.

Naramdaman niya ang mga kamay ni Yves na sumabunot sa buhok niya pero binalewala niya lang yon. Ginaya niya ito. Sinabunutan din niya ang buhok nito at pinatagilid ang ulo para lamutakin ang kabilang side ng leeg nito. Tumigil siya saglit at hinigop ang balat ng leeg nito para gumawa ng hickey, palatandaan na pagmamay-ari niya ito. Inulit pa niya yon ng ilang beses sa ibang parte ng leeg nito. Gumagawa yon ng ingay sa tuwing tinatanggal niya ang pagkakahigop sa balat nito na agad namang nag-iiwan ng marka. Uulit pa sana siya at pupunuin ang leeg nito nang pigilan siya nito.

“Bakit?” takang tanong niya. “Ayaw mo na ba?”

Umiling naman si Yves at binigyan ng mabilis na halik ang labi niya. “Ako naman,” wika nito bago abutin ang laylayan ng tshirt niya at sinubukang hubaran yon. Itinaas niya ang dalawang kamay para mas mapadali ang pagtanggal nito sa suot na damit.

“Woah,” manghang reaksyon ni Yves nang tuluyang mahubad ang suot niya.

Sumilay ang proud na ngiti sa mga labi ni Lander dahil sa reaksyon nito. Dumausdos ang mga kamay nito sa maskuladong katawan niya. Pumikit siya, tumingala at bahagyang tumukod para damhin ang paglalakbay ng mga kamay sa katawan niya.

“Ahh, tangina,” ungol niya nang maramdaman ang pagdila ni Yves sa kaliwang dibdib niya. Dinilaan muna nito yon bago simulang susuhin. Kumalat sa buong katawan niya ang kuryenteng nanggagaling sa mainit na bibig nito. Mas lalo pa siyang nasarapan dahil sa pagpisil na ginawa ni Yves sa kabilang utong niya.

Matagal nang hindi nararanasan ni Lander ang susuhin at paglaruan ang mga utong niya. Simula rin kasi ng manganak ang asawa nito kay Lance ay madalang na lang silang magtalik. Kung minsan nga’y hanggang jakol na lang siya nito.

Bumaba ang mga labi ni Yves kasabay ng pag-alis nito sa kandungan niya. Binuka nito ang mga binti niya at pumwesto sa gitna ng mga yon. Hindi naman naalis ang mga kamay nito sa mga utong niya habang salitang dinidilaan at hinahalikan ang abs sa kanyang tyan.

Nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang pag-unbuckle ng belt niya. Hinayaan lang niya si Yves. Piinanood niya kung paano nito tanggalin ang pagkakabutones ng pantalon niya. Sinunod nito ang pagbukas ng zipper niya at tumingala sa mukha niya.

Nakuha naman agad niya ang gustong ipahiwatig nito at mabilis na tumayo. Siya na sana ang magbababa sa pantalon niya pero pinalo nito ang mga kamay niya.

Unang binaba ni Yves ang pantalon niya. Natigilan ito nang tumambad sa harapan nito ang puting brief na suot niya. Ngumisi siya dahil sa reaksyon nito. Hulmang hulma sa suot niya ang katigasan ng burat niya. Dahil sa kahabaan, nakadungaw na ang ulo ng alaga niya at nagluluwa na ng paunang katas.

“Ako na ba ang magbababa?” tanong niya sa naestatwang si Yves. “Mukhang hindi mo kaya, e.”

Hindi ito sumagot, hinawakan lang nito ang waistband ng brief niya at nilapit ang mukha sa nakalabas na ulo ng kanyang alaga.

“Ugh! Shit ka, Yves!”

Matinding sensasyon ang kumalat sa buong katawan ni Lander dahil sa ginawang pagdila ni Yves sa ulo ng burat niya. Napasinghap siya nang higupin nito ang paunang katas sa ulo ng alaga niya.

Hinila na pababa ni Yves ang puting brief niya kaya tumambad sa harapan nito ang halos pitong pulgadang burat niya. Nang makarecover, tinulak siya nito pabalik sa pagkakaupo. Agad nitong hinawakan ang katawan ng pagkalalaki niya.

“Shit,” tanging nasabi nito.

Hindi niya napigilang humalakhak habang manghang-mangha si Yves sa hawak nitong burat. “Tititigan mo na lang ba?” tanong niya.

“Sandali lang naman,” sagot naman nito. “Hayaan mo muna akong tignan si Lander Junior.”

Ang halakhak niya ay naging pagtawa dahil sa narinig mula kay Yves. Inabot niya ang likurang bahagi ng ulo nito at hinimas ang buhok nito. “Anong masasabi mo kay Lander Junior?” paggaya niya sa pinangalan nito sa kanyang burat.

Lumunok muna si Yves. “Mataba, malaki, maugat,” paglalarawan nito. “Nakakatakam.” Hindi na ito nagsayang pa ng oras at agad sinubo ang kahabaan niya. Wala pa man sa kalahati ay puno na ang loob ng bibig nito.

Nilabanan naman ni Lander ang kagustuhan niyang idiin ang ulo ni Yves at kantutin ang bibig nito. Pinanood lang niya ito habang naglalabas-masok sa bibig nito ang kahabaan niya. Napakagat labi pa siya nang mapansin ang pagkakalapat ng mga labi nito sa katawan ng burat niya.

“Kaya mo bang isubo ng buo?” tanong niya. Tumigil ito sa pagchupa at nag-angat ng tingin. “Ang sarap mong titigan, Yves, habang subo ang burat ko.”  Kung nasa tabi lang niya ang cellphone ay kanina pa niya kinunan ng litrato si Yves. “Kaya mo ba?” pag-ulit niya sa tanong.

Dahan-dahan namang tumango si Yves habang subo pa rin nito ang ari niya, kaya napadiin ang pagkakahawak niya sa batok nito. Hindi na niya ginalaw ang kamay niya para itulak ang ulo nito, si Yves na mismo ang unti-unting nagsubo sa buong pulgada niya.

“Ahh. Tangina!” Hindi na napigilan ni Lander ang mapasigaw nang maramdaman niya ang mainit na lalamunan ni Yves. Wala na siyang pakialam kung may makarinig man sa kaniya. “Ang init ng lalamunan mo,” sabi niya. Dalawang kamay na niya ang nasa batok ni Yves para panatilihin ang ulo nito.

Ngayon lang naranasan ni Lander na may sumubo sa burat niya ng buong-buo. Maliban sa kanyang asawa, tanging ang palad lang niya ang nagpapaligaya sa sarili niya. Tamad din kasi sa sex ang asawa niya at ayaw nitong isubo ang burat niya.

Kaya tuwing nakikita niya ang reaksyon ni Lance sa video kapag dini-deepthroat ito ni Yves ay naiinggit siya. At ngayong nararanasan na niya, parang ayaw na niyang tanggalin pa sa bibig ni Yves ang kahabaan niya.

Ilang saglit pa, naramdaman niya ang sunod-sunod na pagtapik ni Yves sa binti niya. Inalis niya ang pagkakahawak sa batok nito at mabilis nitong niluwa ang burat niya. Nagkatinginan sila at parehong napangiti. Inabot niya ang labi nito at pinunasan ang laway na tumulo doon.

Gusto niyang ibalik ang kahabaan niya sa bibig ni Yves at punuin ng tamod ang lalamunan nito, pero mas gusto niyang maranasan ang init ng loob nito. Mahaba pa ang gabi pero hindi na siya makapaghintay.

Tinapik niya ang kandungan niya. Naintindihan naman yon ni Yves at mas lumawak pa ang ngiti sa labi. Tumayo ito. Hinubad nito ang suot na shorts at brief bago bumalik sa kandungan niya.

Hinawakan ni Yves ang magkatabing burat nila at sabay na jinakol ang mga yon habang nakatingin sa mata ng isa’t isa.

“May experience ka ba sa bakla?” tanong ni Yves.

Umiling siya bilang sagot. “Kailangan ba?” pabalik niyang tanong. Napangiti na lang si Yves dahil ito ang unang lalaking makaka-sex niya. “Base sa video niyo ni Lance, at sa ibang napapanood ko, wala namang pinagkaiba sa sex ng mga straight,” dagdag pa niya.

Kumunot ang noo ni Yves. “Nanonood ka ng gay porn?”

Tumango lang naman siya. “Pinaghahandaan ko kasi ang araw na to,” biro niya. “Para kung sakali, alam ko kung paano ka paligayahin at baliwin.”

“Ganon ka na ba kalibog sakin?” Tumango lang ulit siya sa tanong nito. “Buti na lang at si Lance ang una kong naisip puntahan, kung hindi, baka nasayang lang oras mo kakapanood.”

Ngumisi siya sa mga sinabi nito sa kanya. Hinawakan ang kamay nito para pahintuin siya sa pagjajakol ng mga alaga nila. “Ready ka na ba?” tanong niya.

“Tinatanong pa ba yan?”. Nag-angat si Yves ng upo. Hinawakan naman ni Lander ang sariling burat at itinapat sa butas nito.

Hindi nila tinanggal ang tingin sa isa’t isa habang unti-unting binababa ni Yves ang pang-upo nito. Naramdaman naman ni Lander ang mainit na pagyakap ng kalooban ni Yves sa burat niya.

Napakagat sa ibabang labi si Yves at napapikit dahil nangangalahati na ang naipapasok nito. Pinigilan naman ni Lander ang sariling pumikit para damhin ang sarap na nararamdaman. Mas pinili niyang panoorin ang mukha nito.

Nagmulat ito ng mga mata nang makabalik ito sa pagkakaupo sa kandungan niya. Pasok na pasok at ramdam ng buong pulgada niya ang init at sikip ng butas nito.

Bigo naman siyang panatilihin ang tingin kay Yves at napapikit na dahil sinimulang igalaw nito ang balakang niya ng pabilog. Humigpit ang hawak niya sa magkabilang bewang nito at muntikan pang mapahiga sa kama dahil sa dulot ng paggalaw nito.

Napuno ang kwarto ng mga ungol nilang dalawa lalo na nang magtaas baba na ang katawan ni Yves sa kandungan niya. Sa simula ay dahan-dahan at maingat pa ang galaw ni Yves, pero habang tumatagal ay nadadagdagan ang bilis nito.

“Ahh, Yves. Tangina, ang sikip ng butas mo.” Napayakap siya kay Yves. Pinigilan niya ang pagtaas-baba ng katawan nito at pinanatiling muli ang buong burat niya sa loob nito. Ginalaw niya ang katawan nito paikot para ulitin ang galaw ng balakang nito kanina. Ginawa naman yon ni Yves.

“Naiinggit ka pa rin ba sa anak mo?” tanong ni Yves.

“Sa ngayon, hindi na,” nakangiting sagot niya. Niluwagan niya ang pagkakayakap kay Yves kaya naman labas-masok na ulit ang burat niya sa butas nito. Taas-baba at paikot ang galaw ng balakang nito habang nakasakay sa kaniya.

“Sige lang, Yves. Sakyan mo lang ang burat ko.”

“Sabihan mo ako kapag lalabasan ka na, gusto kong tikman ang tamod mo.”

Bumalik ang ingay ng mga ungol sa paligid habang abala ang dalawa sa ginagawa.

Matinding sarap ang nagpapabaliw kay Lander. Sarap na hindi pa niya nalalasap kahit sa sariling asawa. Sarap na sa dating nobyo ng anak niya lang naramdaman. Sarap na nagpasiguro sa mga desisyong gagawin niya.

Habang nagkakasala, pinapanalangin niya na sana ay huwag ng matapos ang gabing ito. Ayaw na niyang huminto pa. Gusto niyang angkinin si Yves. Pupunuin niya ito ng pagmamahal at aruga. Itatrato niya itong parang isang asawa, lalo na kapag nasa kama sila.

Dahil malapit ang mukha nito sa tenga niya ay malinaw sa pandinig niya ang mga ungol ni Yves. Para yong musika sa kanya na nagpapataas pa ng libido niya.

“Ahhh…” ungol niya dahil ramdam na ang nalalapit na pagpapalabas niya. Gustuhin man niyang sabihan si Yves tungkol doon ay hindi niya ginawa. Ayaw niyang magsinungaling dito pero masyadong masarap ang pagkakasakal ng burat niya sa butas nito para palampasin. Sisiguraduhin din naman niya na hindi yon ang huling sex nila. Marami pang mangyayari at matitikman pa nito ang tamod niya. Pero sa ngayon, sa loob muna ni Yves siya magpapaputok.

Humigpit pa ang pagkakahawak ni Lander sa katawan ni Yves at sinabayan na ang paggalaw ng katawan nito. Naninigas na ang buong katawan niya at pansin na sa mukha ang pag-abot niya sa karurukan.

“Lalabasan ka na ba?” tanong ni Yves sa gitna ng mga ungol. Hindi niya yon sinagot at patuloy lang sa paglabas-masok ng burat niya.

Ungol at ang ingay ng salpukan ng mga katawan nila ang namayani. Ilang saglit pa ay naabot na ni Lander ang kasukdulan. Napayakap ulit siya sa katawan ni Yves at marahang binabaon ang burat niya sa loob nito habang pinuputok niya ang mainit-init niyang katas. Hinayaan lang naman siya ni Yves na nakayakap na rin sa kanya.

Makalipas ang higit isang minuto ay bumitaw na sila sa yakapan. Tumingin siya kay Yves at hinaplos ang pisngi nito. Nakaupo pa rin naman ito at nasa loob pa rin ang matigas pa niyang alaga.

“Hindi mo man lang ako sinabihan.” Rinig sa boses ni Yves ang tampo. “Edi sana, sabay tayong nagpalabas.”

“Sorry,” malambing na sabi niya bago bigyan ng halik ang labi nito. “Gusto mo ba simulan na natin ang second round?” tanong niya.

Umiling si Yves. Buong akala niya ay galit na ito pero nang hawakan nito ang ilalim ng mga mata niya at haplusin ang mga yon, alam niya kung bakit hindi ito pumayag.

“Ang laki na ng mga eyebags mo,” simula nito. “Ayaw mo bang magpahinga muna, makabawi man lang ng kaunting lakas?”

Napangiti naman si Lander dahil sa pag-aalala sa kanya ni Yves.

“Magsasarili na lang ako sa banyo mamaya habang naglilinis.”

Agad kumunot ang noo ni Lander sa narinig. Walang pasabing binuhat niya si Yves. Humarap sila sa higaan at pabagsak pero maingat na ibinaba niya ang katawan nito. Natanggal ang burat niya sa pwet nito at nakita niya ang paglabas ng puting likido sa butas nito. Sumampa siya sa kama at pumwesto sa pagitan ng mga binti ni Yves.

Binuhat niya ang dalawang binti nito gamit ang mga braso niya. Gamit ang isang kamay, hinawakan niya ang katawan ng burat niya at pinasok ulit yon sa butas ni Yves.

“Para makabawi, hayaan mong kantutin kita hanggang sa labasan ka,” sabi niya. Tumango naman si Yves bilang pagpayag kaya sinimulan na niya ang pagkantot sa butas nito. “At pagtapos natin, ayokong maglilinis ka. Mas gusto kong nasa loob mo ang tamod ko.”

Wala namang nagawa si Yves kundi ang pumayag ulit habang abala ito sa pagjakol sa kahabaan nito, ninanamnam ang bawat pag-ulos ni Lander.

Kal’s note:

First time ko magsulat ng isang buong sex scene, kaya please lang, sagutin niyo ang tanong ko: Ayos lang po ba ang pagkakasulat?

Hindi rin ako sure kung makakapag-update ako next week dahil alam kong magiging busy ako sa trabaho. But don’t worry, malapit na ang christmas break. Siguro naman ay matatapos ko ang story na ito before 2024 ends, at masimulan ang susunod na story sa 2025.

Chapter 6

Matapos labasan ni Yves ay tumigil na sila. Gusto man niyang ulitin at makailang rounds pa, mas inisip niya ang kalagayan ni Lander. Hindi naman niya aabusuhin ang kalibugan nito para lang sa kaligayahan niya. At alam din naman niya na hindi pa siya aalis sa bahay nito.

Nagising si Yves dahil sa pagkalam ng tyan niya. Hindi na sila nakapaghapunan kagabi. Mas nagutom pa siya dahil umaabot sa kwarto ni Lander ang katakam-takam na amoy ng nilulutong pagkain. Wala na sa kwarto si Lander kaya sigurado siyang ito ang nagluluto.

Hindi siya pinakawalan ni Lander kagabi at sinabing dito na lang siya matulog. Kaya kahit nakahubad, hindi na niya ramdam ang lamig. Makapal ang kumot ni Lander at magdamag pa itong nakayakap sa kanya.

“Uhm.” Nag-unat muna siya ng katawan bago umalis sa kama. Plano sana niyang lumabas sa kwarto na walang saplot sa katawan pero nagbago yon nang mapansin niya ang isang pamilyar na damit sa sahig ng kwarto.

Nilapitan niya ang itim na damit at pinulot yon. Tama ang duda niya, sa kanya ang damit na yon. Napatingin siya sa paligid at hinanap ang nawawalang pendant ng kwintas niya. Hindi naman siya nabigo at nakita yon malapit sa may pintuan.

Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Paanong napunta sa kwarto ni Lander ang mga gamit niya?

Binalik niya sa damit ang pokus niya. Binuklat niya yon at nanlaki ang mga mata dahil sa mga puting mantsa na halos nagkalat sa buong damit. Nilapit niya yon sa mukha niya para amuyin. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang masiguradong natuyong tamod ang mga yon.

Kung tama ang kalkula ni Yves, noong gabing pinatuloy siya ni Lander nawala ang damit at pendant sa mga gamit niya. Ibig sabihin, noong gabing din yon, ginamit nito ang damit niya bilang pamunas sa mga tamod nito.

Lumawak pa ang ngiti niya nang makaisip ng isang kakatwang gagawin. Nag-init naman kaagad ang katawan niya at mabilis na tumigas ang burat niya dahil sa excitement.

Sinuot niya ang itim na damit bago lumabas ng kwarto. Diretso agad siya sa kusina at nakita si Lander na abala sa pagluluto. Lumapit siya dito at yumakap sa matipuno nitong katawan.

“Good morning,” sabi niya bago samyuhin ang amoy nito.

“Good morning,” sagot naman ni Lander. “Kamusta ang tulog mo?” tanong nito.

“Super okay,” masayang sagot niya. “Napawi lahat ng pagod kagabi.” Bumitaw siya sa yakap dahilan para makaharap sa kanya si Lander.

“Gusto mo bang magpapagod… ulit?” Natigilan ito saglit sa sinasabi dahil nakita nito ang suot niyang damit. Nagsalubong ang mga kilay nito at napatingin sa mukha niya. “Bakit suot mo yan?”

Nagkibit-balikat siya. “Kasi damit ko to,” sagot niya. “Ang ganda nga ng design, diba?” nagbibirong tanong niya.

Sumilay ang ngisi sa labi ni Lander at hinawakan ang magkabilang balakang niya. “Magaling kasi ang nag-design niyan,” sagot nito.

Pinatong niya ang mga kamay sa balikat nito at tinitigan ito sa mata. “Nakakainggit lang kasi nauna pa ang damit na tong matikman ang burat at tamod mo. Nakailang round naman kayo?” tanong niya.

Lumapit pa si Lander sa katawan niya. Ang mga kamay nito ay nasa mga pigi na niya at malaya sa paghimas. Umiling muna ito bago sumagot. “Hindi ko na maalala. Pero kung tao yang damit mo, malamang, malulumpo siya pagkatapos.” Napangiti ito nang makita ang paglunok niya. “Gusto mo bang maranasan?”

Huhubarin na sana ni Lander ang suot niya pero pinigilan niya ang mga kamay nito. Nagtaka ito. “Kumain muna kaya tayo,” suhestyon niya. Magsasalita pa lang sana ito pero inunahan na niya ito. “Makakapaghintay ang libog mo, Lander. Pero yung gutom ko, hindi.”

Wala nang nagawa si Lander kundi sundin siya. Habang inaayos nito ang hapagkainan ay bumalik si Yves sa kwarto para magpalit ng maayos na damit. Pagbalik niya ay tapos na sa paghahain si Lander.

“Ikaw ba nagluto ng ulam kagabi?” tanong ni Lander habang kumakain silang dalawa. “Sayang, hindi ko man lang natikman,” dismayado nitong dagdag.

“Sinarapan ko pa naman luto ko,” malungkot na sabi ni Yves. Dahil inuna nila ang kalibugan, nawala na sa mga isip nila ang kumain ng hapunan. Napanis lang tuloy ang ulam na hinanda niya kagabi.

“Okay lang yan, may ibang masarap naman akong natikman kagabi,” pabiro nitong sabi at tinaas-baba pa ang mga kilay nito. Napairap lang naman si Yves pero hindi rin napigilan ang mga labing ngumiti. “Kung gusto mo, magluto ka ulit mamayang gabi. Para matikman ko naman kung gaano kasarap ang luto mo.”

Kumunot ang noo ni Yves. “Bakit mamayang gabi pa?” nagtatakang tanong niya.

“May pupuntahan kasi ako mamaya. Kailangan ko ring i-check yung mga business kung kumusta na. Gusto mo bang sumama?”

Umiling siya. “Aalis din ako, e. Magbabayad ako ng rent sa apartment at baka ipakulong pa ako ng landlady ko.” Napatingin siya kay Lander na ngayon ay natigil din sa pagkain nito. “Don’t worry, babayaran kita.”

Napangiti si Lander. “Hindi na kailangan,” sagot nito. “Kulang pa ba yung binigay ko, gusto mo dagdagan ko pa?”

“Hindi na. Sobra-sobra na po yun. Mababayaran ko na nga rin yung utang ko sa isang kaibigan ko, e.”

Pagkatapos non ay nilamon silang dalawa ng katahimikan. Tinuloy nila ang pagkain nang hindi kumikibo sa isa’t isa.

“Ibig sabihin ba, aalis ka na dito?” pagbasag ni Lander sa katahimikan.

Natigilan si Yves sa tanong ng kaharap. Oo o hindi lang ang sagot pero hirap na hirap siya sa pagsagot dito. Sa katunayan, nakuha na niya ang pakay niya at pwede na siyang umalis sa bahay. Kahit gusto man niyang manatili pa, wala naman siyang karapatan lalo’t pinatuloy lang siya ni Lander.

“Gusto niyo bang mag-stay pa ako?” tanong niya.

“Bakit naman hindi. Mas gusto kong nandito ka,” sagot ni Lander na nagpangiti sa kaniya.

Ilang saglit pa ay tapos na silang kumain. Nagpresinta ulit si Yves na maghugas na hindi pinayagan ni Lander noong una. “Ikaw ang nagluto kaya ako naman ang maghuhugas,” sabi niya na nagpapayag kay Lander. Tinulungan naman siya nitong magligpit ng mga pinagkainan nila.

“Maliligo lang ako,” paalam ni Lander nang makapagligpit sila.

Nakaramdam naman ng saya si Yves dahil sa sinabi ni Lander. Hindi na nito kailangang magpaalam pero dahil doon, naisip tuloy niya na para silang magkasintahan. “Sige,” sagot niya.

Bago umalis sa tabi niya ay binigyan muna siya ni Lander ng mabilis na halik sa labi. “Ayaw mo bang sumabay?” tanong nito.

Umiling siya. Gusto naman niya pero kailangan muna niyang maghugas. Tapusin muna niya ang mga gagawin lalo’t alam niyang hindi lang ligo ang mangyayari. “Sunod na lang ako.”

Sumang-ayon sa kanya si Lander at umalis na ng kusina. Sinimulan na niya ang paghuhugas para mabilis siyang matapos at makasunod kaagad kay Lander.

Nang mailigpit ni Yves ang mga hugasin, pumunta muna siya sa kwarto niya para kumuha ng damit. Nilagay niya ang mga yon sa kwarto ni Lander para sabay na rin sila magbihis mamaya.

Lalabas na sana siya sa kwarto nang marinig niya ang pagring ng cellphone. Nakita niya ang cellphone ni Lander sa side table kaya nilapitan niya yon. Kinuha niya ang phone at balak ibigay kay Lander, pero nang makita niya ang pangalan ng tumatawag ay natigilan siya. “My Wife <3”. Siguradong asawa ito ni Lander. Nagdalawang-isip ngayon siya kung ibibigay ba niya o hindi.

Makalipas ang ilang segundo, tumigil na sa pagring ang cellphone. Kaagad na pinatay ni Yves ang power bago pa makatawag ulit ang asawa ni Lander. Nainis naman siya sa ginawa niya, pero gusto niyang masolo si Lander.

“Sorry,” bulong niya at ibinalik sa mesa ang cellphone. “Ayokong may umagaw kay Lander sakin. Akin lang siya. Ako muna ang asawa niya habang nandito kami.”

Chapter 7

Napangiti si Yves nang marinig pa rin ang paglagaslas ng tubig sa loob ng banyo. Bago pumasok ay naghubad muna siya ng mga suot niya. Nadatnan niya sa loob si Lander, nakatalikod ito sa kanya habang naglalaglagan ang mga patak ng tubig sa maskuladong katawan nito.

Wala na ring suot si Lander at kahit likuran lang ang kita niya, para na siyang asong naglalaway sa nakikita. Hindi niya maiwasang mainggit sa asawa ni Lander dahil araw-araw nitong nakikita ang napakagandang katawan ng lalaki.

Pumaharap si Lander sa direksyon niya at napangiti ito ng makita siya. Sinuklian niya yon at lumapit na sa lalaki. Nagyakapan sila sa ilalim ng nakabukas na shower. Balat sa balat. Init sa init. Nagkiskisan din ang matitigas nilang burat.

“Buti at naabutan pa kita,” sabi ni Yves.

“Tinagalan ko talaga para makasabay kita.” Yumuko si Lander para bigyan siya ng mas matagal na halik. Halik na ibinibigay lang ng mga lalaki sa mga asawa nila.

Tanging ang nakabukas na shower at ang sipsipan lang ng mga labi nilang dalawa ang ingay sa loob ng banyo. Malayang naglalakbay ang mga kamay ni Yves sa matigas at malapad na likuran ni Lander, habang ang mga kamay naman ni Lander ay abala sa paglamusak sa mga pisngi ng pwet niya.

Nagtagal ang halikan nila bago yon maputol para maghabol sila ng hininga. Kahit parehong basa ang katawan, nag-iinit pa rin ang mga katawan nila. Walang panama ang lamig ng tubig mula sa shower sa kalibugang mayroon sila sa isa’t isa.

“Kinakantot ka ba ni Lance dito?” tanong ni Lander habang kinikiskis ang burat nito sa burat niya.

Nagulat siya sa tanong nito dahil personal yon sa kanilang dalawa ng anak nito. Napaungol siya nang ipasok ni Lander ang isang daliri nito sa butas niya. May nakakalokong ngiti sa mga labi nito habang labas-masok ang daliri nito.

Umiling si Yves. “Sa kwarto lang kami palagi,” sagot niya.

Sa tagal nila ni Lance na magkasama sa bahay nato, nakilala niya ang dating nobyo. Private na tao si Lance. Maliban sa relasyon nila, sinisiguro din nito na tuwing magsesex sila, sa pribadong lugar din. Kahit na silang dalawa lang ang nasa bahay, pinipili pa rin nitong magtalik sa kwarto. Wala namang kaso yon sa kanya dahil mahal niya si Lance.

“Mabuti naman kung ganon,” sabi ni Lander. Kinagat ni Yves ang ibabang labi niya nang maramdaman ang pagpasok ng isa pang daliri nito. “Gusto mo bang kantutin kita dito?” tanong nito.

Hindi siya nakasagot kaagad dahil nilalasap pa niya ang sarap na dulot ng mga daliri ni Lander. “T-tinatanong pa ba ’yan?” sabi niya sa gitna ng mga pag-ungol. “Basta si Lander Junior, hindi ako tatanggi.”

Ngumiti lang si Lander at hinuli ulit ang mga labi niya. Habang nag-eespadahan sila ng mga dila at nagpapalitan ng mga laway, ginabayan ni Lander ang katawan ni Yves para magkapalit sila ng pwesto. Kulong na ngayon si Yves sa pagitan ng pader at katawan ni Lander. Tinapos ni Lander ang halikan nila at mabilis siyang pinaikot patalikod, dahilan para ang mga kamay niya at pisngi ay madikit sa pader ng banyo.

Tinanggal ni Lander ang mga daliri nito sa butas ni Yves, na nagbigay sa kanya ng pagkabakante sa loob niya. Nilingon niya si Lander nang may pagmamakaawa sa mukha niya.

“Ready ka na kay Lander Junior?” natatawang tanong ni Lander habang pinapadaan ang ulo ng burat nito sa bukana niya.

Mabilis siyang tumango-tango. “Always ready,” sagot niya. “Please, ipasok mo na. Kantutin mo na ako, Lander.”

Hindi na siya pinaghintay pa ni Lander at pinasok na ang burat nito sa butas niya. Halos mangilid ang luha niya sa sobrang saya dahil nasa loob na ulit niya ang pagkalalaki ni Lander.

Ilang saglit lang, nakayakap na ulit si Lander sa kanya. Dama na niya ang init ng katawan nito sa likuran niya, habang ang hininga nito ay nasa pisngi niya. Pinanatili muna ni Lander ang buong kahabaan niya sa loob ng mainit na lagusan niya.

“Tangina, Yves,” mura ni Lander. “Ang sikip at ang init ng puke mo. Kahit hindi ako gumalaw, siguradong lalabasan ako.”

Sinubukan ni Yves na pasikipin pa ang butas niya at yakapin ng husto ang katabaan nito. Lumabas ang mga ungol ni Lander habang ginagawa niya yon.

Hindi nagtagal ay sinimulan nang igalaw ni Lander ang balakang niya. Walang umimik sa kanila, tanging mga ungol lang ang nagsilbing komunikasyon nila na nasasarapan sila sa isa’t isa. Pinatagilid ni Lander ang ulo ni Yves para angkinin ang mga labi niya.

Tuloy lang ang ginagawang pagkantot ni Lander. Minsan bumabagal ang galaw ng balakang niya, pero matitinding ulos ang binibigay niya kay Yves na siyang nagpapasigaw sa kasiping. Minsan ay mabilis ang paglabas-masok ng burat nito kaya naman halos mabaliw si Yves sa sarap ng dulot non. Ang isang kamay nito ay palitang nilalamas ang mga suso ni Yves habang ang isa naman ay nakasabunot sa buhok ni Yves para mabilis itong mahalikan kung gugustuhin nito.

“Malapit na ako, Yves. Ahh,” sabi ni Lander sa gitna ng mga pagkadyot. “Tangina, bubuntisin kita!”

“Hwag!” giit ni Yves. Hindi naalis sa isip niya ang gustong mangyari kagabi. “Gusto kong matikman ang tamod mo, please. Iputok mo sa lalamunan ko,” pagmamakaawa niya.

“Sige, ipapatikim ko sayo,” pagpayag ni Lander.

Nagtagal pa ang pagkantot nito sa kanya bago ito tumigil. Alam naman ni Yves ang susunod na gagawin. Humarap siya kay Lander at lumuhod. Bumungad sa kanya ang maugat nitong burat, ang ulo ay namamaga na’t nagluluwa na ng katas. Hindi na nagsayang ng oras si Yves at sinubo agad ang burat sa harapan niya.

Hawak ang ulo ni Yves, sinabayan ni Lander ang paggalaw niya. Paatras sa paatras, abante sa abante. Pero ilang galaw pa, pinaubaya din nito ang paggalaw kay Yves. “Lalabasan na ako, Yves. Lunukin mo laha…” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sa kakaibang sarap. Napasabunot ito sa buhok ni Yves, tumingala at di napigilan ang pag ungol nito.

Niyakap ni Yves ang balakang ni Lander at dineep-throat ang burat nito. Ramdam niya ang pagtama ng mga maiinit na katas sa lalamunan niya. Kahit hirap, pinilit pa rin niyang tagalan ang pagkakadeepthroat niya hanggang sa matapos itong labasan.

“Ang sarap, hayop!” wika ni Lander matapos iluwa ni Yves ang matigas pa rin niyang burat. Ngayon lang nito naranasang magpaputok sa lalamunan at sa lalamunan pa ni Yves.

Sa tulong ni Lander, tumayo si Yves nang may malawak na ngiti sa labi. Sa wakas, natikman na niya ang katas nito. Pinunasan ni Lander ang mga laway sa paligid ng bibig niya bago siya nito hinalikan. Habang naghahalikan, hawak na ni Lander ang burat niya at sinimulang salsalin yon.

Naglakbay ang halik ni Lander pababa sa mga labi niya. “Ahh, shit,” ungol niya nang paglaruan ng bibig nito ang kaliwang utong niya. Tumagal ang mga labi niya sa dibdib bago mas bumaba pa.

Yumuko si Yves para tignan ang gagawin ni Lander. Nakaluhod na ito gaya nang pwesto niya kanina, kaharap ang burat niya. Nagkatinginan naman sila nang tumingala ito. Ngumiti muna si Lander bago dilaan ang ulo ng burat niya. Nagdulot yon ng kakaibang sarap sa buong katawan niya. Napakapit siya sa balikat nito para balansehin ang sarili.

Sa dalawang lalaking nakasiping niya, wala pa ni isa sa mga ito ang nagtangkang dilaan ang burat niya. Pagkatapos kasing magpakasarap ang mga ito, jakol lang ang nararanasan niya para maibsan ang libog niya.

Pero hindi si Lander. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang isubo ni Lander ang burat niya. Umatras siya para ilabas yon sa bibig nito pero bigo siyang matanggal yon sa bibig ni Lander.

“Ahh. Anong ginagawa mo, Lander?” tanong niya sa gitna ng mga ungol. “Itigil mo yan.”

Saglit na tumigil si Lander para magsalita. “Gusto ko ring tikman ang tamod mo, Yves.”

Walang nagawa si Yves kundi ang pagbigyan si Lander. Unang beses niyang naranasang may chumupa sa burat niya kaya kakaibang sarap ang nagpapabaliw sa kanya habang nilalabas-masok ang burat niya sa bibig nito.

“Itigil mo na, Lander. Lalabasan na ako,” pagpigil niya pero tuloy pa rin si Lander. Hanggang sa namalayan na lang niya ang pagsirit ng tamod niya sa bibig nito.

Nanghina siya bigla dahil doon, at kung hindi dahil sa pagyakap sa kanya ni Lander, malamang bagsak siya sa sahig. Nanatili silang magkayakap hanggang sa makabawi siya ng lakas.

“Okay ka na ba?” tanong ni Lander. “Maligo na tayo?”

Tumango lang naman si Yves bilang sagot.

Nagsimula na silang maligo. Sinasabunan ni Lander ang katawan ni Yves, habang si Yves ay ang katawan naman ni Lander. Minsan minsan ay tumitigil pa ang mga ito at maghahalikan. Kaya naman ang dapat mabilis lang na pagligo ay napatagal pa.

Pagkatapos maligo, buhat buhat ni Lander si Yves na lumabas sa banyo. Inaangkin ang mga labi ng isa’t isa habang tinatahak ang daan patungo sa kwarto.

Pinahiga siya ni Lander sa kama at pumatong sa kanya. Hindi pa rin makapaniwala si Yves na ganito ang mangyayari sa kanya pagdating niya dito.

“Gusto mo pa ba ng second round?” tanong ni Lander.

Sasang-ayon na dapat siya pero naisip niya ang sinabi nito kanina. “Baka ma-late ka sa pupuntahan mo,” sabi niya. Pinulupot niya ang mga braso niya sa leeg nito. “At saka, madudumihan ulit tayo.” Sinunod niya ang mga binti niya sa balakang ni Lander, kaya naman naramdaman niya ang matigas na ulit na burat nito sa butas niya.

Hinawakan ni Lander ang burat nito at unti-unting ipinasok sa butas ni Yves. “Ano naman ngayon kung ma-late ako,” sagot nito.

Naipasok na niya ang kabuuan kaya nagsimula na siyang gumalaw. Binunot niya ang kahabaan nito hanggang sa ang matira na lang ay ang ulo, at saka kumadyot para maipasok ulit ang buo. Napasigaw naman si Yves dahil sa ginagawa nito. “Hindi pa naman tayo nakabihis, pwede tayong maligo ulit,” suhestiyon niya.

Hindi na umangal pa si Yves dahil nababaliw na siya sa pagkantot ni Lander. Muling namayani ang mga ungol nilang dalawa at ang ingay ng mga nagsasalpukan nilang katawan.

Sa pangalawang pagkakataon, sumirit ang tamod ni Yves sa katawan nila ni Lander. Sumunod naman itong nagpasabog sa loob ni Yves.

Matapos ang ilang minuto, napagpasyahan ng dalawa na bumalik ulit sa banyo. Buhat pa rin si Yves habang nakabaon pa rin ang burat ni Lander para pigilan ang katas nitong tumulo. Naglinis ulit sila ng mga katawan.

Buong akala ni Yves ay tapos na, pero pinatuwad siya ni Lander sa harap ng bathroom sink at nagpaputok ulit ito sa loob niya.

Chapter 8

Akala ni Yves ay hindi na sila matutuloy sa mga lakad nila, pero pagkatapos ng pangatlong round ay dumiretso na sila sa kwarto para magbihis.

“Ako na,” pagboboluntaryo niya na isuot kay Lander ang puting polo. Para siyang nanay na gustong bihisan ang sariling anak. Matapos maisuot sa magkabilang braso ang polo ay sinimulan niyang isara ang mga butones. Kinuha rin niya ang sinturon nito sa kama at sinuot din yon.

Nang matapos, umatras siya konti para tingnan si Lander. Ngumiti siya dahil sa taglay na kagwapuhan at kakisigan ng lalaki.

Si Lander naman ang lumapit sa kanya at hinigit ang katawan niya palapit. Ramdam na naman niya ang buhay nitong alaga sa loob ng slacks nito. “Ipagpabukas ko na lang kaya yung lakad ko?” tanong nito.

Hindi niya yon sinagot dahil alam niya na nagbibiro lang ito. Naalala naman niya ang pagtawag ng misis. Wala naman sigurong mawawala kung babanggitin niya yon.

“Kanina pala,” simula niya. “Tumawag yung asawa mo.”

Kumunot ang noo ni Lander. “Paano mo naman nalamang asawa ko yon?” tanong nito.

“My Wife yung nakapangalan, tapos may puso pa. Sorry, hindi ko naibigay sayo agad,” pagsisinungaling niya.

Umiling si Lander at humawak sa pisngi niya. “Hwag kang magsorry. Ayos nga dahil hindi mo sinagot yung tawag niya.”

Siya ngayon ang nakakunot ang ulo dahil sa narinig. Naalala naman niya ang sinabi nito na may problema si Lander kaya ito nandito. Nag-aaway ba sila ng asawa niya?

“Hindi ko pa pala napapalitan yung pangalan niya sa contact ko.” Nilibot nito ang tingin sa paligid. Humiwalay ito sa yakap nang makita ang phone sa mesa. Lumapit siya kay Lander para tignan ang ginagawa nito.

Binuhay ni Lander ang cellphone nito at nagpunta agad sa contacts. Hinanap nito ang pangalan ng asawa at binura yon. Nagulat naman si Yves sa ginawa niya.

“Bakit mo binura?” nagtatakang tanong niya. Nginitian lang naman siya ni Lander. “Nag-aaway ba kayong mag-asawa?”

Umiling ito. “Hiniwalayan ko na siya,” sagot nito. “Sa ngayon, inaayos ko na yung mga kailangan para sa legal separation namin.”

Hindi alam ni Yves kung matutuwa ba siya sa sinabi nito. “Bakit mo siya hiniwalayan? Anong nangyari?” Pero tahimik lang si Lander. “Sorry. Hwag mo na lang sagutin.” Ayaw naman niyang magmukhang nanghihimasok siya sa buhay nito. Sino ba naman siya? Pinagpatuloy na lang niya ang pag-aayos.

“Matagal nang hindi maayos ang pagsasama namin,” simula ni Lander. Tinigil naman ni Yves ang ginagawa at nakinig kay Lander. “Ramdam ko na ang pagiging cold niya sakin. Nagbago ang lahat sa pagitan namin. Mula sa magkahiwalay na kami ng higaan, hindi na kami nagsasabay kumain, hanggang sa wala nang imikan tuwing nagkakasalubong kami sa bahay. Isang araw, nahuli ko siyang may kahalikang ibang lalaki.”

Bumalik si Yves sa tabi ni Lander at hinaplos ang braso nito para damayan ito.

“Hindi pa alam ni Lance ang mga nangyayari samin ng Mommy niya, kaya please, Yves, hwag mo munang sabihin sa kanya,” pakiusap nito.

Tumango lang si Yves at pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata nito. “Makakaasa ka, Lander,” sabi niya bago niya ito niyakap.


“Ayaw mo talagang sumabay sakin?” tanong ni Lander nang makalabas sila ng bahay. Pinipilit kasi nito na sumabay na siya at ihahatid siya nito sa apartment niya. Tumanggi naman siya at sinabing mas gusto niyang magcommute na lang. “Okay sige. Hingin ko na lang ang number mo para ma-contact kita.”

“Sira yung cellphone ko, e,” sabi niya at nagkamot ng ulo.

“Bakit hindi mo sinabi? Sumabay ka na lang sakin para makabili tayo ng bago.”

“Hindi na,” pagtanggi ulit niya. “Dadaan na lang ako sa pagawaan mamaya at ipapaayos ko na lang.”

“Kasya ba yung binigay ko sayo?”

“Oo,” sagot niya. “May sobra naman at kaya pa sa pambayad.”

Pero hindi siya pinaniwalaan ni Lander. Hinugot nito ang pitaka at kumuha ng ilang libo. Inabot nito yon sa kanya. “Eto, idagdag mo. In case na magkulang ka.”

Tinanggap na lang niya ang dagdag na pera dahil hindi siya tatantanan ni Lander. “Salamat.”

“Sigurado ka, ayaw mong sumabay? Kahit sa bus stop lang?”

Tumango-tango si Yves. “Sigurado ako,” sagot niya.

“Sige, mauna na ako,” paalam nito. Bago sumakay ng kotse, inabot nito ang batok niya at hinila siya palapit para halikan. “Bye.”

Kinilig si Yves sa pahalik ni Lander. “Ingat ka sa pagda-drive,” sabi niya na para bang asawa siya nito.

Pinaalis muna niya si Lander bago siya tumuloy sa lakad niya. Siya na ang nagsara ng gate ng bahay dahil iniwan sa kanya ni Lander ang susi.

Pagdating ni Yves sa sakayan ay sakto naman ang pagparada ng isang bus kaya nakasakay siya agad. Una niyang pupuntahan ang apartment niya para magbayad, isusunod niya ang pagbabayad sa kaibigan niya, at saka pupunta sa pagawaan ng cellphone.

Makalipas ang dalawampung minuto, nasa harapan na siya ng dating apartment niya. Pumasok agad siya sa loob at pinuntahan ang kwarto ng landlady niya.

“Ano, kukunin mo ba ulit yung dating unit mo?” tanong ng landlady nang makapagbayad siya.

“Hindi na po muna,” sagot niya. “Saka na lang po kapag kailangan.”

Nagpaalam na siya at sumunod na pinuntahan ang bahay ng kaibigan. Gusto sana niyang ipadala na alng ang pera dahil ayaw niya itong makita, pero malapit lang ang bahay nito. Ibibigay lang niya ang pera at aalis na agad.

“Yves,” gulat na sabi ni Henry nang buksan nito ang pintuan ng bahay. “Anong ginagawa mo rito?” nakangiting tanong nito.

Nag-init naman agad ang dugo niya dahil sa malawak na ngiti sa mukha nito. Kinuyom niya ang mga palad niya para pigilan ang sariling suntukin ito sa mukha.

Si Henry ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Lance noon. Siniraan siya nito sa dati niyang nobyo, sinasabing may relasyon din silang dalawa kahit hindi naman talaga. Hanggang sa nakahanap ito ng pagkakataon para magkaroon ng patunay sa mga kasinungalingan nito.

Magkaklase sila at dating malapit sa isa’t isa. Pansin na ni Yves ang mga galawan ni Henry sa tuwing magkasama sila. May gusto ito sa kanya. Wala namang mali sa kaibigan niya, gwapo ito at batak rin sa gym. Kung hindi nga lang niya nakilala si Lance ay baka ito ang makakatuluyan niya.

Nagbago ang pagkakaibigan nila nang malaman nito ang sekretong relasyon nila ni Lance. Doon nagsimulang magmessage si Henry kay Lance tungkol sa pangangaliwa daw na ginagawa niya. Pero hindi yon nagtatagumpay.

Hanggang isang gabi, nagkasama sila sa isang inuman. Nagising na lang si Yves na kasama na si Henry sa isang kama at parehong walang saplot sa katawan. Halos sumabog din ang cellphone niya sa dami ng text message at missed call ni Lance sa kanya.

Binasa niya ang mga text message at laking gulat na lang niya dahil ang isa sa mga yon ay may lamang picture, picture na kinunan sa mismong kwartong ginisingan niya.

“Magbabayad ako ng utang ko,” matapang na sabi niya at inabot ang pera kay Henry.

“Pumasok ka muna,” aya nito nang makuha ang pera.

“Hindi na,” mabilis na tanggi niya at walang paalam na umalis.

Hindi na niya gustong pumasok pa ulit sa bahay na yon. Matapos siyang palayasin sa bahay ni Lance, wala siyang ibang malalapitan noon maliban sa lalaking nangmolestya sa kanya. Tumira siya kasama ito ng ilang linggo bago nagdesisyong umalis.

Sa dalawang linggong yon, walang ibang ginagawa sa kanya ang hayop na may-ari kundi ang kantutin kahit saang sulok at kahit kailan nito gusto. Naging buhay na impyerno ang lugar na yon para kay Yves.

Walang tigil ang pagpunas ni Yves sa mga luhang umaagos sa mga mata niya. Nakasakay na siya ng bus. Hindi na siya tumuloy pa sa pagawaan ng cellphone dahil baka maiyak lang siya doon.

Pagkauwi sa bahay nila Lander, dumiretso siya sa kanyang kwarto at nagkulong. Humiga siya sa kama at doon na binuhos ang mga luhang pilit niyang pinipigilan kanina pa.

Bumalik sa alaala niya ang mga sinabi ni Henry noong umalis siya sa bahay nito.

“Sa tingin mo ba, may magmamahal sa kagaya mo? Wala! Tignan mo si Lance, iniwan ka rin niya, di ba? Sinubukan lang niyang makipagtalik sayo, pero nagsawa na rin siya. Walang lalaking magmamahal sayo, Yves. Gagawin ka lang nilang parausan. At kapag nagsawa na sila, iiwan ka rin nila!”

Matagal na siyang naka-move on sa masasakit na salitang yon. Pero parang nagkaroon ulit yon ng kapangyarihan nang maisip niya ang status nila ni Lander.

Ginagamit lang ba siya ni Lander para makabawi ito sa naglokong asawa nito? Parausan lang ba ang tingin nito sa kanya?

Chapter 9

Ilang minuto pa lang bago lumabas sa kwarto si Yves nang marinig niya ang busina ng sasakyan ni Lander. Dali-dali siyang lumabas at pinagbuksan ito ng gate. Bago siya lumabas ng kwarto kanina ay tinignan muna niya kung halatang umiyak siya. Mugto ang mga mata niya at namumula dahil sa ilang oras na pag-iyak. Hindi na nga rin siya nakapaghanda ng hapunan dahil doon.

“Good evening,” bati ni Lander nang maisara niya ang gate. Lumapit siya dito at tinanggap ang naghihintay na yakap mula kay Lander.

“Good evening,” sabi niya at kinuha ang mga gamit nito.

Napansin ni Lander ang tono ng boses niya, pati ang pamamaga’t pamumula ng mga mata niya ay hindi rin naitago. Papasok na sana siya pero hinawakan ni Lander ang palapulushan niya.

“Wait lang,” panimula nito. “Umiyak ka ba?” nag-aalala nitong tanong. “Anong nangyari? Napaano ka?”

“Wala. N-napuwing lang ako,” pagsisinungaling niya. “Pasok na tayo.”

Hihilain na sana niya ang kamay nang paharapin siya nito. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “Hindi tayo papasok hangga’t di mo sinasabi ang totoong rason ng pag-iyak mo.” Puno ng pag-aalala ang boses ni Lander.

Nagbadya ulit ang mga luha ni Yves kaya pinigilan niya ang mga yon. Pero ang mga tanong na gustong lumabas sa bibig niya ay hindi niya napigilan. “Parausan lang ba ang tingin mo sakin, Lander?”

Naguluhan naman si Lander sa narinig. “A-anong ibig mong sabihin?”

Pero pinagsisihan agad ni Yves na tinanong niya yon. Umiling siya. “Sorry, hindi ko na dapat tinanong yon,” sabi niya kasabay nang pagtulo ng mga luha niya.

Niyakap agad siya ni Lander. Mabilis nabasa ng luha niya ang polong suot nito. “Tahan na, Yves,” bulong nito habang hinahaplos ang likuran ni Yves. “Hindi parausan ang tingin ko sayo. Maniwala ka, simula nang makita kita, hindi ka na nawala pa sa isipan ko. Oo, noong umpisa, libog lang ang meron ako sayo. Pero nang tumambad ka sa harapan ng bahay ko at makasama kita dito, mas lumalim pa ang nararamdaman ko sayo.”

Humiwalay si Lander para tignan si Yves sa mukha. Pinunasan nito ang mga luha sa magkabilang pisngi niya habang pinapatahan. Sinubukan ni Yves na tumigil hanggang sa humihikbi na lang siya.

“Masaya akong nandito ka, Yves. Hindi na makokompleto ang bahay na to kung wala ka. Kaya hwag mong isipin na parausan lang ang tingin ko sayo, dahil hindi yon totoo.” Hinawi nito ang hibla ng buhok papunta sa likuran ng tenga niya. “Pagkatapos kong maayos ang mga problema ko, aalis tayo dito. Pupunta tayo sa lugar kung saan malaya nating magagawa ang mga gusto natin. Ayos ba yon?”

Tumango lang naman si Yves at tinanggap ang mga labi ni Lander nang lumapit ang mga yon sa kanya.

“Pasok na tayo. Nagugutom na kasi ako. Anong niluto mo ngayon?”

“Hindi ako nakapagluto,” sagot niya. “Sorry.”

“Okay lang yon. Mag-order na lang tayo. Ano bang mga pagkain ang gusto mo?”


Dumating na ang inorder nilang mga pagkain. Napagdesisyunan din nila na pagkatapos kumain, magmomovie marathon sila.

“Tara,” aya ni Lander nang matunawan sila. Sumunod naman si Yves. Hindi sila gumamit ng mga plato at kutsara kaya walang hugasing iisipin.

Naiayos na rin nila kanina ang kwarto habang hinihintay dumating ang mga pagkain. Pinalitan din nila ang bedsheet at mga pillowcase, kinuha ni Yves ang ibang unan sa kwarto niya para mas maging cozy ang higaan nila sa panonood.

“Anong gusto mong panoorin?” tanong ni Lander kay Yves. Nakahiga na sila sa kama. Ginawang unan ni Yves ang isang braso ni Lander habang nakayakap siya sa katawan nito.

“Kahit ano,” maiksing sagot niya. Wala siyang hilig manood ng mga movie o kung ano man, pati nga sa porn ay hindi niya matagalan. Pero dahil kasama niya si Lander, mukhang makakatapos siya ng marami.

Una nilang pinanood ay isang action movie. Nagandahan naman siya dahil sa mga buwis buhay na misyon ng bida, pero mas nagustuhan niya ang mga eksena kung saan intimate sa isa’t isa ang mga pangunahing bida. Nagiging rason yon para maghalikan sila ni Lander, gumapang ang kamay niya sa katawan nito, at mahawakan ang burat nito. Pero pinipigilan niya ang sarili dahil nilaan pa rin nilang dalawa ang gabing to para manood.

Sinunod nila ang isang scifi movie, at nakapokus lang siya doon hanggang sa matapos.

“May gusto ka bang panoorin?” tanong ni Lander, ang mga daliri nito ay nilalaro ang mga hibla ng buhok niya.

Naalala ni Yves ang sex video nila ni Lance. Tumingala siya para tignan si Lander. “Binura mo na ba yung video namin ni Lance?” tanong niya.

Tumango si Lander. “Sinabi ko namang buburahin ko, di ba?”

Napangiti siya at hindi na umimik. Kinuha niya ang remote control kay Lander at nilagay ang title ng movie na naalala niya.

“Ganitong mga movie ang gusto mong panoorin?” tanong ni Lander na mukhang alam ang takbo ng movie.

“Naalala ko lang na binanggit yan ng isa sa mga kaklase ko,” paliwanag niya. Narinig din niya na nakailang jakol ang kaibigan habang nanonood. “Curious lang ako.”

Ngumisi naman si Lander at hinayaan lang tumakbo ang palabas. Ilang saglit pa, narinig nito ang pagsinghap ni Yves dahil kinakantot ng bidang lalaki ang bunganga ng babaeng kasama nito sa eroplano, habang sa kabilang banda ay ang bidang babae na pinapaligaya ang sarili.

Tinignan ni Lander ang mukha ni Yves at hindi naiwasang malibugan dahil sa pokus nito sa panonood.

“Ang hot,” wika ni Yves. Kinuha niya ang remote control at inulit ang eksena ng lalaki. Kumalat ang init sa buong katawan niya habang pinapanood ang eksenang yon. Dahil nakapatong ang isang binti niya kay Lander, ramdam niya ang pagkabuhay ng burat nito.

Hinayaan ni Lander si Yves nang ikiskis niya ang binti sa naninigas nitong pagkalalaki. Hinawakan pa nito ang binti niya at ginabayan sa paggalaw.

Nang matapos ang movie ay agad na sinunod ni Yves ang part 2. Tumingin siya kay Lander dahil tinanggal nito ang binti niya sa pagkakapatong. Kinuha nito ang kamay niya at yon ang ipinalit sa pagkalalaki nito.

May ngiting binalik ni Yves ang pokus sa pinapanood at sinimulang jakulin ang burat ni Lander. Nagsimulang lumabas ang mga ungol ni Lander habang nagtataas baba ang palad niya sa kahabaan nito. Wala namang problema sa kanya ang ingay dahil wala na sa pelikula ang pokus niya.

“Nanonood ka pa ba?”

Umiling lang si Yves at hindi tinanggal ang tingin sa nilalarong burat. “Pero hwag mong patayin,” utos niya. “Para may ilaw tayo.”

Sumang-ayon naman si Lander at pinabayaan lang ang TV na bukas. Inunan nito ang isang kamay sa ulo at hinayaan si Yves na jakulin ang burat nito.

Hindi naman nagtagal ang pagjajakol niya. Pumaibabaw agad siya sa katawan ni Lander at sinimulang halikan ang mga labi nito.

“Tapos na,” sabi ni Lander habang habol ang hininga. “Iplay ko ba yung part 3?” tanong nito.

Tumango lang naman si Yves na malalim din ang paghinga dahil sa kakapusan ng hangin. Sinunod niyang alisin ang pagkakabutones ng polo ni Lander. Binuksan niya ang polo nito at sinimulang susuhin ang mga utong nito.

“Ahh, Yves. Tangina.” Talo na ng mga ungol ni Lander ang sound ng pelikula habang salitang sinisipsip-kagat ni Yves ang mga dibdib nito. “Sige, susuhin mo pa. Shit!”

Tinignan niya ang mukha ni Lander, tuloy pa rin siya sa pagsususo. Ginalingan pa niya ang ginagawa nang makita niyang halos mabaliw na ito sa sarap. Tinatagalan niya ang pagkakasupsop sa mga utong nito at saka yon kikilitiin gamit ang mga ngipin niya.

Hindi siya tumigil hangga’t hindi namumula ang mga dibdib ni Lander. Naglakbay ang mga labi at dila niya pababa sa katawan nito, hinahagod at nilalawayan ang balat na nadadaanan.

Pero bago pa man marating ng dila niya ang pusod nito, bumalik ulit siya paitaas. Naupo siya sa katawan ni Lander at tinanggal na ng tuluyan ang damit nito. Tinulungan naman siya nito sa paghuhubad.

Matapos matanggal ang polo, hinawakan niya ang dalawang kamay nito. Tinaas niya ang mga yon at kinulong sa headboard ng kama gamit ang isang kamay niya.

“Anong gagawin mo?” nakangiting tanong ni Lander. Hindi siya nanlaban at excited sa gagawin ni Yves.

Ngumiti lang naman si Yves at inabala ulit ang mga labi’t dila niya. Nanumbalik sa buong kwarto ang mga ungol ni Lander. Napapatawa pa ito dahil sa ginagawang pagdila ni Yves sa kaliwang kilikili nito.

Para namang drugs kay Yves ang amoy ng kilikili nito. Hindi yon ang unang beses niyang dumila ng kilikili, ginagawa niya rin yon dati kay Lance. Pero iba si Lander. Mabuhok ang kilikili nito at amoy na amoy ang pagkalalaki. Kaya naman tumaas pa ang kalibugan ni Yves para sa lalaki.

Tumigil na sa pagdila si Yves at ngayon ay nakaupo na ulit. Abala siya sa pagtatanggal ng mga buhok sa bibig niya. “Nagustuhan mo ba?” tanong niya.

Hindi siya sinagot ni Lander, sa halip, mahigpit nitong hinawakan ang magkabilang bewang niya. Gamit ang lakas nito, pinagpalit ni Lander ang posisyon nila.

Si Yves na ngayon ang nakahiga habang nakabukaka ang mga binti. Sa gitna ng mga yon ay si Lander. Hawak nito ang magkabilang palapulsuhan niya. Matalim ang mga tingin nito, lumalaki ang mga butas ng ilong, at umiigting ang panga. Para itong isang mabangis na hayop, handa siyang lapain anumang segundo.

Huminga ito ng malalim bago nito simulang kantutin ang pang-upo ni Yves. Nilapit nito ang mukha sa tenga niya para bumulong. “Are you lost, baby boy?” panggagaya nito sa napanood kanina.

“Yes, daddy,” pagsakay naman ni Yves. Hinigpitan niya ang pagkakapulupot ng mga binti niya sa katawan ni Lander. “Will you help me find my way?”

Humarap na ulit si Lander kay Yves at mas diniinan pa ang pagkakapatong nito sa katawan niya. “No, I will not help you. You just stay here because you’re mine,” sagot nito at saka dinilaan ang pisngi ni Yves.

Nagtawanan sila dahil sa biglaang aktingan na nangyari. “Grabe, talo mo pa yung gumanap sa movie,” nakangiting biro ni Yves.

“Aba, syempre,” sagot ni Lander.

Tumahimik silang dalawa at nakatitig lang sa mata ng isa’t isa. Nakatakas ang isang kamay ni Yves mula sa hawak ni Lander at inabot niya ang pisngi nito.

“Sana hindi na matapos ang gabing ito, Lander,” malungkot na wika ni Yves habang hinahaplos ang pisngi ni Lander. Nangilid ang mga luha niya na agad namang pinunasan ni Lander. “Ayokong magising ng isang umaga na wala ka sa piling ko.”

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Lander bago nito halikan si Yves. “Hinding-hindi mangyayari yon, Yves. Magiging mahimbing ang mga tulog mo sa gabi, dahil sisiguraduhin kong ako ang una mong makikita tuwing magigising ka.”

“I love you, Lander,” emosyonal na wika ni Yves.

“I love you more, Yves,” sagot ni Lander bago nito hulihin ang mga labi niya.

Tapos nang magplay ang movie pero ang mainit na tagpo ng dalawa ay nagsisimula pa lang.

BAKIT WALA NANG UPDATE ANG STORY NA ITO?

Hello! Kalqulux here.

Bago ko simulan ang pagpapaliwanag, gusto ko munang humingi ng pasensya dahil matagal nang hindi ako nakakapag-update sa kwentong ito. Maliban sa busy sa trabaho at personal life, nahihirapan na rin akong dugtungan ang kasalukuyang kwento nila Yves at Lander. Ilang beses ko syang binasa at sinubukan na isulat, pero hindi ko talaga kaya.

Kaya hinayaan ko na lang muna. Kung ano yung nandito, yun na lang muna. Ayoko namang burahin ulit ang kwento tulad nung ginawa ko sa unang story na pinost ko dito. Nag-focus na lang muna ako sa personal life ko at naghintay kung kelan may maraming free time para makapagsulat ulit.

At ngayon, may free time na naman ako. Susubukan ko ulit isulat ang kwentong ito. Pero may mga gusto akong baguhin. Gusto ko muna syang pagplanuhan bago isulat. Yung dati kasi, may plano naman pero lumiliko sya dun sa plano ko. Iaayos ko rin yung flow ng kwento at gagawing mas makatotohanan ang mga mangyayari.

Balak ko sana na i-unpublish muna ang mga parts nito pero hindi na siguro. Para mabasa pa rin ng mga bagong mambabasa ang kwento.

Sa ngayon, paghihintayin ko na naman kayo, pero sisiguraduhin ko na hindi na ganon katagal ang hihintayin para mabasa ulit ang kwento nila Yves at Lander.

Thank you.