loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
STRANGER KING

STRANGER KING

SimoyX · 2 chapters · 2,481 words

SK1

Author’s Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.

“SUGODDDDDDDDDD” sigaw ng heneral ng lusubin sila ng mga Taga azibaba.

Nagkakagulo ang lahat dahil sa biglang pagsalakay ng kalaban. Naganap pa ito kung saan namatay ang hari. Nandoon ang reyna at anak nito na si Simone. Hihirangin sana ito bilang hari sa susunod na araw kaso naganap ang pagsalakay.

“Ina payagan niyo na po akong makipaglaban doon. Halos ng mga kawal natin ay namatay Na kaya wala na tayong ibang pagpipilian” tugon ng prinsipe.

“Simone Hindi ka makikipaglaban doon. Ikaw ang susunod na hari at Hindi maaring mamatay ka sa digmaan.” Tugon ng Ina nito

“Mahal Na reyna nakapasok na po ang mga kalaban sa kaharian. Ano po ang gagawin natin?” Tanong ng isang kawal.

“Anak kailangan mo ng umalis sa lugar na ito.” Tugon ng ina nito at binuksan ang lagusan.

“Ina Hindi Kita iiwan dito! Kung ako ang susunod na maging hari ay dapat ako ang nangungunang magtatanggol sa kahariang ito.” Tugon ng prinsipe

“Hindi mo naiintindihan anak. Kung mamamatay ka ay hindi mo na maibabalik ang kaharian natin!’ Tugon nito

“Pero.” Tugon ko ng sumigaw ako.

“Sundin mo nalang ako!!!!!!! Ako ang ina mo at alam ko kung Ano ang makakabuti sayo!” Tugon nito

“Sulungin sila!!!!” Sigaw ng mga kalaban ang sumugod ito sa mag ina.

“Suotin mo itong kwentas na ito at tutulungan ka nito sa lugar na pupuntahan mo. Mag ingat ka doon at  lahat ng kasagutan Na  hinahanap mo ay matatagpuan mo sa lugar na pupuntahan mo” tugon nito sa anak

“Pero?” Tugon nito ngunit sumigaw Na ang ina nito

“Alis na!” Sigaw ng Reyna at tinulak ang prinsipe sa portal at hinigop ito.

“Mahal na mahal Kita anak!!” Dagdag pa nito.

ARES POV

“Habulin niyo!!” Sigaw ng lider na humahabol sa amin.

“Pare sa kaliwa ka pakanan ako para maligaw natin sila!” Tugon ng kasama kong si Troy.

“Sige pare!” Pag sang-ayon ko. Ito kasi ang groupo na nakalaban namin sa peryahan dahil sa sugal. Natalo namin sila noon kaya magalit sila at sinubukang bawiin ang pera nila pero lumaban kami at nasaksak ni troy ang kapatid ng lider nila.

“Putang ina tumabi ka jan!” Sigaw ng taong humahabol sa akin ng may humarang sa daan nito.

Lumiko ako sa kaliwa saka nagtago sa may basurahan ng biglang may nahulog Na lalaki sa may mga plastic. Agad ko itong nilapitan at tinapik ng biglang dumilat ito. Napaatras ako dahil bigla itong tumayo.

“Ayon siya!!” Sigaw ng mga lalaking humahabol sa akin. Tatakbo pa sana ako ng makita kong dead end na pala ito. Shit patay ako nito! Susulungin na sana ako ng mga lalaki ng biglang humarap Yung lalaking nahulog kanina. Umatend yata tong isang to sa costume party dahil kakaiba ang suot nito. May kalasag pa itong nalalaman at espada sa kanyang tagiliran.

Hinugot nito ang kanyang espada at pumwesto ito Na parang susugod sa laban. Tumawa ang mga humahabol sa akin na para bang katawa tawa yung lalaki sa paningin nila.

“Ulol gwapo ka Lang hindi ka superhero!” Tugon ng mga lalaki at sumugod sa lalaki. Unang sumugod ang nagdala ng kahoy. Umilag ang lalaki at pinalo nito ang kaaway ko sa ulo gamit ang puno ng kanyang espada.

Nagulat ang mga kasamahan nito kaya sumugod Na rin ang mga ito. Isa isa nilabanan ng lalaki ang mga humahabol sa akin at doon ay gutay gutay ang mga damit ng kaaway ko. Natakot ang mga ito at tumakbo.

“Wow!!!” Tugon ko at pumalakpak.

“Galing ahhh sinong hero ang ginagaya mo?” Tanong ko dito ngunit isang nagtatakang mukha ang isinagot nito. Kala ko umatend ito sa isang costume party.

“Ahmm sino ka nga ulit?” Tanong ko sa kanya ngunit tinitigan Lang ako nito. Adik Yata ito eh.

“Ahmm salamat ha? Alis na ako” tugon ko at nilampasan siya ng biglang hawakan nito ang kamay ko.

“Teka lang!“biglang hawak nito sa aking kamay. Malalim ang boses nito na bumagay sa gwapong mukha nito

“Ano yun pare?” Tanong ko dito

“Anong lugar ito?” Tanong nito. Hindi Yata adik ito, baliw Na yata.

“Uhmm nasa maynila ka pare!” Tugon ko at humakbang ulit.

“Sandali maari mo ba akong dalhin sa chromia?” Tanong nito

Chromia? Saang lugar ba yun?

“Ahh saang bansa ba yan?” Tanong ko

“Saang bansa? Ang chromia ay isang bansa!” Tugon nito

“Eh wala akong alam kung Ano yang chromia pre! Hindi Kita matutulungan patungkol sa mga ganyan kasi wala akong pera. Ibang tulong nalang ang ibibigay ko sayo!” Tugon ko

“Hindi ko mawari kung bakit dito ako pinadala ni inang. Masyadong naiiba ang lugar na ito lalo na ang kasuotan niyo.” Tugon nito na ikinalito ko. Patay talaga to Kay digong.

“Hindi Kita maintindihan pre. Gutom ka ba? Baka nahanginan Lang yang utak mo!” Tugon ko at narinig kong kumulo ang tiyan nito

“Halika kain tayo!” Tugon ko at hinila ito. Siguro kina aling ester nalang kami kakain.

“Magandang umaga po manang ester!” Bati ko sa dito

“Magandang umaga ares. Kakain ka ba?” Tanong nito

“Opo. Dalawang order nalang nung madalas orderin ko at dagdagan niyo ng sinigang at adobo.” Tugon ko dito at umupo. Umupo na din naman yung lalaki paharap sa akin.

“Kanina pa ako nagtatanong sayo kung Ano ang pangalan mo kaso parang ayaw mo yatang sabihin” tugon ko dito

“Simone. Prinsipe simone ang pangalan ko” tugon nito

“Ang haba naman. Prinsipe simone! Simone nalang itatawag ko sayo!” Tugon ko

“Ikaw anong pangalan mo?” Tanong nito

“Ares. Ares Balderama” tugon ko at nag abot ng kamay pero tiningnan niya Lang ito kaya napakamot nalang ako sa ulo.

“Kakaiba ang lugar na ito bata. Anong planeta ito?” Tanong nito. Kanina pinapahanap niya sa akin ang chromia ngayon naman ay tinatanong ako kung anong planeta ito? Mukhang malakas ang Tama ng isang to.

“Ito na ang order mo ares. Sino tong isang to? Ang gwapo nito ahh!! Artista ka ba ijo?” Tanong ng matanda dito. Ngunit hindi kumibo si Simone.

“Ahhh aling ester kuya ko po siya!” Tugon ko dito

“Nako kaya pala gwapo ka rin kasi ang gwapo ng kuya mo. Siguro yung tatay niyo ang gwapo din. Pakilala niyo ko ha!” Tugon nito

“Naku manang matagal ng Wala ang tatay namin. Nasa tiyan pa ako ng nanay ko!” Tugon ko

“Naku saayang naman. Sige kain Lang kayo” tugon nito at pumasok na sa loob.

“Oh kain na! Baka mapanis pa yan kakatitig mo!” Tugon ko. Agad naman nitong kinuha ang kutsara kaya nilagyan ko ito ng pagkain sa plato niya.

“Oh kumain kana!” Tugon ko at tiningnan niya ang pagkain saka kumaha at sinubo ito.

“Masyado ding kakaiba ang iyong pagkain bata. Ibang iba ito sa lugar namin. Anong tawag sa isang to?” Tanong nito at tinuro ang adobo.

“Yan? Adobo yan! Bakit ano bang pagkain sa inyo?” Tanong ko

“Panay tinapay at tsaa sa amin. Ang gatong pagkain ay para lamang sa mga maharlikang pamilya.” Tugon nito

“Kanina pa ako nahihiwagaan sayo! Saan ka ba talaga galing?” Tanong ko dito

“Ako ay nagmula sa chromia. Ang lugar na may pinakamaunlad Na sibilisasyon sa planetang Heptus” tugon nito

“Pare! Paalala Lang kung nag dudruga ka sumuko kana bago ka mapatay ni digong” tugon ko dito

“Hindi ko maunawaan ang iyong sinasabi bata. Mabuti pa ay tulungan mo nalang akong makabalik ako sa lugar ko!” Tugon nito

“Sandali sandali! Hindi ako mayaman para makabili ng spaceship kaya Hindi Kita matutulungan jan” tugon ko at inilabas nito ang isang bar ng ginto Na kasing laki ng palad ng lalaki. Napalaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Maaari Na ba itong kabayaran sa pagtulong mo sa akin?” Tanong nito kaya napatingin ako dito

“Sige Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matulungan ka ngunit sa paraang kaya ko Lang” tugon ko

“Deal?” Tugon nito inilapit ang kamay nito hudyat Na makikipagkamay ito.

“Deal!” Tugon ko at inabot ang kamay nito

Itutuloy……….

New story is here 🤗🤗🤗🤗🤗🤗

Please vote, comment and follow me.

SK2

Author’s Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.

“Ako ay nagmula sa chromia. Ang lugar na may pinakamaunlad Na sibilisasyon sa planetang Heptus” tugon nito

“Pare! Paalala Lang kung nag dudruga ka sumuko kana bago ka mapatay ni digong” tugon ko dito

“Hindi ko maunawaan ang iyong sinasabi bata. Mabuti pa ay tulungan mo nalang akong makabalik ako sa lugar ko!” Tugon nito

“Sandali sandali! Hindi ako mayaman para makabili ng spaceship kaya Hindi Kita matutulungan jan” tugon ko at inilabas nito ang isang bar ng ginto Na kasing laki ng palad ng lalaki. Napalaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Maaari Na ba itong kabayaran sa pagtulong mo sa akin?” Tanong nito kaya napatingin ako dito

“Sige Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matulungan ka ngunit sa paraang kaya ko Lang” tugon ko

“Deal?” Tugon nito inilapit ang kamay nito hudyat Na makikipagkamay ito.

“Deal!” Tugon ko at inabot ang kamay nito


ARES POV

“Ito ang tinutuluyan ko ngayon. Maliit Lang ito pero komportable dito at malamig!” Tugon ko ng dumating ito sa bahay.

“Mmm maliit ang iyong tahan ngunit pwede ng pagtiisan” tugon nito. Bahhh yabang ng isang to ah nakitira Na nga lang. pumasok ako sa kwarto at kumuha ng damit at short saka bumalik sa maliit Na sala.

“Oh magbihis ka muna at may pupuntahan tayo” tugon ko

“Ano naman itong binigay mo?” Tanong nito

“Iyan ang karaniwang sinusuot namin. Kung gusto mong makibagay dito ay kailangan mo yang suotin. Masyadong unique yang damit mo para sa lugar namin.” Tugon ko

“Paano ba ito sinusuot?” Tanong nito. Hay putik naman. Baby sitter na naman ako nito!

Hinubad nito ang kanyang kalasag Na sobrang bigat. May suot pa itong parang makapal Na tela Na parang yung sinusuot ng mga koreano. Pagkahubad nito ay may panloob pa itong damit Na parang nakapulupot sa buong katawan nito. Doon ay nakita ko ang buong pagkalalaki nito dahil Wala silang brief.

Medyo nanginginig pa ako ng lumapit ako dito kasi nakatutok sa akin yung natutulog niyang pagkalalaki Na pagkalakilaki. Grabe parang titi ng kabayo! Sinuot ko Na sa kanya ang s-shirt Na binigay ko at ang short na isang beses ko pa nagagamit.

“Hayst buti naman at kumasya sayo!” tugon ko dito

“Presko sa katawan itong kasuotan ninyo. Pero parang nakikita yata ang mga paa ko?” Tanong nito at tumingin ako sa paa nito na pagkaputi puti at pagka kinis kinis. Alagang silka yata tong isang to.

“Yan talaga ang kasuotan namin dito. Wala kang magagawa at suotin mo nalang kung ayaw mong maging katawa tawa.” Tugon ko

“Nasaan ang pangyapak Na kasuotan ko?” Tanong nito at tumingin sa mga paa. Kinuha ko ang aking extra na tsenelas at binigay sa kanya.

“Paumanhin bata ngunit hindi ako marunong gumamit ng kasuotang ito!” Tugon nito habang inaayos ang paa nito sa pagkakasuot ng tsenelas kaya kinuha ko ang sapatos ko at isinuot sa kanya.

“Ito nalang at mas komportable ako dito” tugon nito at naglakad lakad pa.

“Sige ako naman ang magbibihis!” Tugon ko at agad na hinubad ang damit ko. Alam kong nakatingin ito sa akin kaya nilingon ko ito at nakatitig nga. Ng hubarin ko ang short na suot ko ay doon Na ako medyo Na ilang dahil nakatingin pa rin ito.

“Makinis ang balat mo bata Na parang babae!” Biglang tugon nito

“Hoy hoy hoy lalaki ako!!!” Sigaw ko at bigla itong lumapit at hinila ang brief ko Na ikinagulat ko.

“Mmm lalaki ka nga bata. Ang liliit ng lahi niyo!” Tugon nito. Aba nang-iinsulto Bato? porket malakabayo ang kanya ay lalaitin nya yung akin?

“Tumabi ka nga at nagbibihis ako” tugon ko at tinulak ito sabay taas ng brief ko. Agad kong sinuot ang short ko.

“Halika na at may pupuntahan pa tayo!” Tugon ko at kinuha yung gintong binigay niya.

Pumunta kami kung saan pwedeng i-convert ito sa pera. Medyo matagal ang proseso kasi sinigurado muna nila Na totoo ang gintong hawak namin. Ng masigurado nila ay agad nila itong tiningbang. Mabigat ito at umabot ng isang kilo at tatlong gramo.

Kumita kami ng isat kalahating milyon. Sapat Na ito para bilhin ko ang mga gusto ko. Agad ko siyang dinala sa mall. Manghang mangha pa ito dahil ngayon Lang daw siya nakakita ng ganito. Sa mundo daw kasi nila ay walang ganito.

“Oh binilhan Na kita ng mga damit mo at mga personal na gamit mo” tugon ko habang bitbit ang sandamakmak Na pinamili namin.

“Siguro ay tulongan mo ako dito!” Tugon ko at agad naman nitong kinuha lahat. Parang Wala lang sa kanya at easing easy sa kanya ang magbuhat ng mabigat.

“Bata ano ang bagay Na iyon?” Tanong nito sa ice cream machine.

“Ahh yan? Tinatawag namin yan dito Na ice cream machine teka ibibili Kita” tugon ko at naghulog ng fifty pesos. Lumabas ang apa tapos kinuha ko ito’t nilagyan ng chocolate flavor. Yung akin naman ay vanilla.

“Gusto mo?” Tanong ko at tumango ito kaya inabot ko ito sa kanyang bibig dahil may mga dala ito at Hindi niya kanyang hawakan. Dinilaan niya naman ito.

“Masarap ito bata! Bilhan mo ko ng maraming ganito!” Tugon nito kaya nagpatuloy sa pagdila ng icecream habang hawak ko ito.

“Look ang gwapo nila! Ehhh kaso mukhang magjowa?” Tugon ng groupo ng mga babae habang kinikilig.

“Uhmm Simone masyadong mahaba ang buhok mo! Gusto mong magpagupit?” Tanong ko

“Bawal gupitin ang buhok ko. Tanging ang mapapa—” di na niya na ituloy ang kanyang sasabihin ng biglang may lumapit Na babae sa amin.

“Pwede po bang magpapicture sa inyo?” Tanong nito. Napakunot Lang ang noo ni simone at ako naman ay omoo nalang. Kilig na kilig ang babae.

“Salamat po! Sana magtagal Kayo at ang cute niyo pong tingnan dalawa. Bagay na bagay Kayo!” Tugon ng babae at umalis. Putik napagkamalan pa kaming magjowa.

“Anong ibig sabihin ng kanyang sinabi bata?” Tanong nito

“Wala! Sabi Lang niya na bagay daw tayong magkarelasyon. Parang mag-asawa!” Tugon ko

“Masyadong nangingialam ang mga tao dito sayong mundo bata!” Tugon nito

“Halika na nga. Mamaya ka na kumain ng ice cream ibibili nalang Kita ng marami” tugon ko at nagpatuloy kami.

Paglabas ng mall ay agad kaming pumara ng taxi. Manghang mangha pa rin ito habang nakasakay kami sa taxi. Sabi niya tanging karwahe ang sinasakyan sa kanilang mundo at kabayo pa ang nagpapatakbo nito. Pagkarating ng bahay ay nadatnan kong naghihintay si Troy sa labas.

Itutuloy………

Please dont forget to vote!

Comment for your thoughts about this chapter

And also follow me for more updates ❤️❤️❤️❤️


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.