loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Succubus (BXB) COMPLETED

Succubus (BXB) COMPLETED

CHAKASALSAL · 15 chapters · 8,318 words

BABALA

BOOK STYLE WRITING

CHARACTERS

Main:

Rin Renren

Extra:

Mary Rose Lex Roy Etc….

I will start uploading chapters in the month of April..

Second Semester is on the way kaya characters muna in’update ko❤️

CHAPTER 1

RIN POV

Magandang araw! Ako nga pala si Rin Lapitan, isa akong intern sa isang kompanya na tinatawag na Blossom Inc., na isang cellphone brand. Tapos na ako sa college at fresh graduate lang ako. Ang mga magulang ko ay nasa ibang probinsya, at nandito naman ako sa siyudad para maghanap ng trabaho. Sinabi ko sa kanila na kaya ko naman ang sarili ko, pero nagpapadala pa rin sila ng pera na ginagamit ko pambayad ng apartment (na sila rin ang pumili) at pambili ng mga easy-to-cook na pagkain kagaya ng noodles, cup noodles, hotdog at iba pa.

Mayaman ang mga magulang ko, pero ayaw kong laging nakadepende sa kanila. Kaya sinabi ko na dito na lang sa siyudad ako maghahanap ng trabaho at hindi sa lugar namin. Kasi kung doon, alam kong lagi lang akong nakaasa sa kayamanan ng pamilya namin. Dahil sa pagiging intern ko, minsan nakakalimutan ko nang alagaan ang kalusugan ko, pero buti na lang at may natitira pa akong lakas para gumising ng maaga at maghanda papunta sa kompanya.

“Rin, pakikuha nga ’yung files sa secretary’s office.” Utos sa akin.

“Yes, ma’am,” Sagot ko sabay dali-daling pumunta sa opisina ng secretarya at kinuha ang files na sinasabi niya.

Hindi nagtagal, lunch break na rin. Hinanap ko ang mga kasamahan kong intern para sabay kaming kumain. Buti na lang at nakita ko agad sila, kasi palabas na sila ng building. Nilapitan ko sila, sakto namang nakita ako ni Lex at kinawayan.

“Hindi ka namin mahanap kanina kaya nauna na kami. Pero nandito ka pa pala! Jollibee ulit?” Sabi ni Mary.

Jollibee lang kasi ang pinakamalapit na kainan dito, kaya doon na lang kami madalas kumakain tuwing lunch.

By the way, ang mga kasamahan ko ay sina Mary, Rose, Lex at Roy.

“Hi, fafa Rin!” Sabi ng isang baklang intern na kasabay din naming nag-apply. May sarili rin siyang group of friends dito sa kompanya. Marami kasing interns na pumapasok dito dahil nagsisimula nang pumantay ang Blossom Inc. sa mga big brands gaya ng Samsung at Apple, kaya kailangan ng kompanya ng maraming aplikante.

“Hi rin,” Sabi ko kahit ayaw ko sana silang pansinin. Makikita mo naman kasi sa tingin pa lang na may pagnanasa sila. Hindi ko naman maitatanggi na gwapo ako at maganda rin ang built ng katawan ko. Pero kailangan ko pa ring pansinin sila, mahirap na baka sabihin suplado ako.

“Pauwi ka na, fafa Rin?” Tanong niya, kasi tapos na ang trabaho at pauwi na kaming lahat.

“Ikaw, babaita ka, layuan mo nga si Rin! Tara na,” Sabi ni Mary, at nakita kong papalabas na rin ang mga kaibigan ko.

“Tsk… Che! Whatever!” Sabi ng bakla at umalis sa harap namin.

“Ikaw kasi, Rin. Lagi mo kasing pinapansin, ayan tuloy,” Sermon ni Rose.

“Okey lang, tara na,” Sabi ko, at sabay na kaming umalis—lahat kaming lima.

Iisa lang ang daan na tinatahak namin pauwi, kasi magkaharap lang ang apartment ko at ang boarding house nila. Kagaya ko, galing din sila sa malayong lugar, pero sila, talagang kumakayod para maiahon sa hirap ang pamilya nila—and I admire them for that. Gusto ko sana maranasan ’yung ganung pakiramdam, pero mayayaman na ang magulang ko eh… hahaha.

“Bukas ulit, sabay-sabay tayong papasok!” Sabi ni Lex, at humiwalay na sila papunta sa kabilang side ng kalsada, kasi doon ang boarding house nila.

Binuksan ko ang gate at pumasok.

Nagpahinga muna ako, para diretso ligo mamaya.

CHAPTER 2

RIN POV

Triiinnnnnggg…

Tumunog ang alarm clock ko at napadilat ako, pero ramdam ko pa rin sa katawan ko ang matinding kapaguran.

Araw-araw na lang ganito ang pakiramdam ko na parang pagod na pagod ako kahit bagong gising. Noon, hindi naman ganito. Pero ngayon, it feels like almost every day, drained na agad ako. Sinawalang-bahala ko na lang iyon at bumangon para maghanda.

Matapos maghanda, lumabas na ako ng apartment at siniguradong naka-lock ang pinto. Sakto namang lumabas din ang mga kaibigan ko mula sa kabilang boarding house.

“Rin!” Sabi ni Lex.

Alam nila na mayaman ang magulang ko, pero hindi nila iyon pinansin. Tinuring pa rin nila akong kapamilya, at ganun ko rin sila turingin bilang mga tunay na kaibigan.

Noong una kasi, nang malaman nilang mayaman ako, medyo dumistansya sila. Takot daw sila kasi maraming kayang gawin ang mga mayayaman. Pero tinawanan ko lang sila at sinabi kong hindi ako ganoon and doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.

“Buti nagising ka ng maaga! Kung hindi, baka kami na mismo ang tutulong sa ’yo maghanda para sa trabaho,” Sabi ni Rose.

Tama ang nabasa mo na sila talaga ang tumutulong sa akin. Sila ang naghahanda ng damit ko, pati pagkain, kapag nalelate ako sa pagbangon. Sinabi ko na okey lang ako, pero hindi sila nakikinig. Ang ending, dahil sanay na akong kumain ng easy-to-cook foods, nauuwi sa ref ang mga gulay na hinahanda nila at napapanis lang. Hindi sana ganito kung hindi lang ako laging pagod.

“Hehe… himala, ’di ba?” Pabiro kong sabi.

“Tayo na at baka malate tayo,” Sabi naman ni Roy.

“Rin, pinapatawag ka ni Mr. Gray.” Sabi ng isang empleyado. Pumunta naman ako sa opisina ni Mr. Gray, ang manager ng software team. May katandaan na rin siya.

“Ano po iyon, sir?” Tanong ko.

“Halika dito,” Sabi niya.

Tumayo siya mula sa kanyang upuan at lumapit sa akin.

“Pakitawagan ang maintenance office para ipacheck ang CCTV dito sa office. Hindi kasi gumagana,” Sabi niya, sabay nilapit ang mukha niya sa akin.

“Pero bago ’yon, magpakasaya muna tayong dalawa,” Bulong niya sabay hawak sa alaga ko. Sa sobrang gulat ko, natulak ko siya palayo.

“Sir, pasensya na po, pero nasa trabaho tayo. Respeto lang po, hindi ako pumapatol sa kapwa lalaki,” Sabi ko, sabay kuyom ng kamao ko dahil gusto ko na talaga siyang suntukin.

“Oh… come on. Alam kong pera lang ang kailangan mo. Kagaya ng ibang interns dito, nasilaw din sila sa pera at nakuha ko ang gusto ko sa kanila. Kaya huwag ka nang magpaka-anghel d’yan,” Nakangisi niyang sabi, sabay lapit uli at dakma sa alaga ko.

Sa oras na iyon, hindi na ako nakapagpigil ay sinuntok ko siya.

Nagulat si Mr. Gray. Bigla niyang kinuha ang telepono.

“Security!!” Sigaw niya. Maya-maya, pumasok ang security sa opisina.

“Sinuntok niya ako, Mrs. Ru! Kailangan siyang tanggalin!” Sumbong ni Mr. Gray kay Mrs. Ru, ang CEO ng kompanya.

“Is that true?” Tanong ni Mrs. Ru sa akin.

“Opo, ma’am. Pero minulestya po niya ako ng dalawang beses. Sa una, hinayaan ko kasi boss ko siya at intern lang ako upang baka matanggal ako dito. Pero noong pangalawang beses, hindi ko na po nakayanan kaya sinuntok ko siya.” Mahaba kong paliwanag.

“Nagsisinungaling siya, Mrs. Ru!” Sigaw ni Mr. Gray.

“Mr. Gray, you’re fired!” Sabi ni Mrs. Ru na ikinagulat naming dalawa.

“What?! You cannot fire me! Naniwala ka agad sa intern na mahirap na ito?!” Galit na sabi ni Mr. Gray.

“Yes, naniniwala ako sa kanya. Kasi may ebidensya ako,” Sabi ni Mrs. Ru, sabay pakita ng cellphone niya. Nakita ko sa video ang buong pangyayari. Pero paano nagkaroon? Sira nga ang CCTV.

“Nagtataka ka siguro kung saan galing ang video na ito… Well, nagpakabit ako ng hidden cam sa office mo. Kasi araw-araw na lang nasisira ang CCTV mo, at ito ang nakita ko. And one more thing, hindi mahirap si Rin. Anak siya ng pamilya na nagpatayo ng Lapitan Empire. So please, leave this company and do not show yourself ever again, homo!” Matigas at galit ang boses ni Mrs. Ru habang lumalabas ng opisina.

“Don’t get me wrong, wala akong sama ng loob sa mga bakla, sa kanya lang, hahaha,” Pahabol pa niya sa akin.

“Salamat po, ma’am,” Sabi ko.

“You’re welcome. Nakakatakot kung malalaman ito ng mga magulang mo, kaya let’s keep it a secret, shall we?” Nakangiti niyang sabi, at tumango na lang ako.

Mahirap na rin kasi kapag nalaman ito ng mga magulang ko, baka kung ano na naman ang gawin nila…

CHAPTER 3

RIN POV

Maganda na sana ang aking buhay at wala akong pinoproblema nang dumating na ang siyang gugulo sa aking buhay.

Nakapikit pa ang aking mata kasi wala pa akong ganang magising noong oras na ’yon, pero naramdaman ko na lang na parang mainit at may tubig sa bandang ibaba ng aking katawan. Napamulat ako agad at tinignan ang aking paanan.

Nagulat ako nang makita ang isang binata na sinusubo ang aking titi. Dahil sa gulat, naitulak ko siya gamit ang aking paa.

Agad akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Tumayo naman ang binata, at ngayon ko lang napansin na may sungay ito, may buntot, at maitim ang kanyang kutis.

Napalaki ang aking mga mata at napasandal ako sa pader.

“Anong klase kang nilalang?” Natatakot kong tanong sa kanya.

“Isa akong Succubus,” Sabi niya.

“Ano naman ’yon?” Tanong ko, pero ramdam sa katawan ko ang panginginig.

“Succubus, demon of lust kung tawagin,” Nakangiti niyang sabi.

“Bakit ka nandito? Bakit ako?” Medyo pasigaw ko nang sabi.

“Wag mo ngang lakasan ang boses mo. Nandito ako para magpakantot sa ’yo, pero yang titi mo kanina ko pa sinusubo, hindi naman tumitigas,” Diretso niyang sabi, at dahil sa narinig ko ay biglang uminit ang ulo ko. Hindi ko na rin kasi naaalagaan ang sarili ko.

“Hindi mo yata inaalagaan ang sarili mo kaya kahit anong gawin ko bilang succubus, kahit naglalabas na ako ng lust pheromones, hindi man lang naapektuhan yang titi mo o mag-erect man lang,” Diretso uli niyang sabi.

“Eh bakit ako pa? Ang dami namang ibang lalaki d’yan!” Sabi ko.

“Aba, malay ko! Ikaw ang na-assign ng principal namin,” Sabi niya, na mas lalo lang nagpagulo sa isip ko.

“Nagtataka ka na siguro kung ano ang mga sinasabi ko. Ganito ’yan, isa akong estudyante sa demon world at para makapasa ako sa exam naming mga succubus, kailangan naming makakain ng katas ng isang lalaki, your sperm, ganon,” Paliwanag niya.

“Ayoko!” Sabi ko.

“Hindi ka makakatanggi. Your answer will be useless, human,” Nakangiti niyang sabi sabay lapit sa akin. Dahil sa nerbiyos, pagod, at gutom na rin buhat pa kahapon, biglang nagdilim ang paligid at nawalan ako ng malay.

Napamulat uli ako nang maramdaman kong may humahawak na naman sa aking titi. Tinignan ko ito at nakita ko uli ang binata na may sungay at buntot.

Akala ko pa naman panaginip lang ’yon. Hindi pala.

“Wag mo nang laruin,” Sabi ko at nagulat siya. Nagugulat pa pala ang demonyo.

“Hehe, try ko lang naman pero wala talaga. Nagluto pala ako kaninang nawalan ka ng malay,” Sabi niya. Sakto namang napatingin ako sa gilid ng higaan at nakita ang nakahandang pagkain.

“Bakit?” Tanong ko.

“Aba, syempre para bumalik ang sigla ng katawan mo. At pag bumalik na ito, pwede na akong magpakantot sa ’yo at kainin ang katas mo para makabalik ako sa demon world at makapasa ako sa exam ko,” Sabi niya.

Bigla kong naalala na may trabaho pala ako, pero pagtingin ko sa orasan ay super late na ako. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ang mga tawag ng mga kaibigan ko. Nag-chat na lang ako sa group chat namin na may sakit ako. Buti na lang at hindi sila pumunta dito sa apartment ko kundi nakita nila ang demonyong ito.

“Hmm, bakit hindi ka takot sa akin?” Tanong ng demonyo.

“Nung una, oo. Pero hindi na ngayon. You see, ang mga magulang ko kasi naniniwala sa mga demonyo, at yun ang laging sinasabi nila sa akin. Kaya ayun…” Sagot ko sa kanya.

“Ano pala ang pangalan mo?” Tanong niya. Nagdadalawang-isip naman akong sagutin kasi baka gamitin niya ito sa mahika niya. Mahirap na. Pero kitang-kita ko sa mata ng demonyo na mabuti naman ito.

“Rin. Ikaw?” Balik ko sa kanya.

“Renren ang pangalan ko. At magmula ngayon, sisiguraduhin kong babalik ang lakas at sigla ng katawan mo… para makantot mo na ako,” Nakangiti niyang sabi sa akin.

Ano ba itong napasok ko? Yan na lang ang nasabi ko sa isip ko.

CHAPTER 4

RIN POV

“Magaling ka na ba talaga?” Tanong ni Rose sa akin.

“Oo, okey na ako,” Sagot ko naman, kasi tinatanong nila ako tungkol sa nangyari kahapon na nagkasakit ako.

Sinigurado ko talagang papasok ako ngayon para hindi sila mag-alala at para na rin makatakas ako sa mga trip ng demonyong si Renren.

(Flashback)

“Ano kayang gagawin ko ngayon?” Tanong niya sa sarili niya.

“Paano kaya kung magdamit ka muna bago mo isipin ang mga susunod mong gagawin?” Sabi ko, kasi mula nang makita ko siya ay hubot-hubad na talaga siya. Maitim ang kanyang kutis pero pantay ang kulay nito sa bawat sulok ng kanyang katawan. Yung pututoy niya ay cute, at ang pwet niya ay matambok. Naiilang ako kasi hindi ako sanay makakita ng ibang katawan, lalaki pa talaga.

Nakalipas ang isang oras at…

“Sige, kumain ka pa,” Sabi ni Renren kahit busog na busog na ako. Ang dami niyang niluluto na mga gulay at masusustansyang pagkain. Nagtaka naman ako kung saan niya ito kinukuha.

“Saan mo kinukuha ang mga niluluto mo?” Tanong ko kay Renren.

“Bumili ako sa palengke ninyo. Ang mumura pala doon,” Mangha at nakangiti niyang sabi.

“Busog na ako,” Sabi ko, at bigla siyang lumapit sa akin.

“Totoo ba?” Tanong niya, at bigla niya akong hinalikan na nagpagulat sa akin. Kasabay noon ay hinimas niya ang aking titi kaya napahawak ako sa balikat niya at itinulak siya nang kaunti.

“Te… teka lang,” Nauutal kong sabi.

“Hindi eh… Hindi pa sapat ang mga kinakain mo. Dapat nakatirik na ang titi mo ngayon,” Malungkot niyang sabi, and I found it cute kaya di ko napigilang mapahagikhik.

“Anong tinatawa-tawa mo diyan?” Tanong niya sa akin.

Kaya tinigil ko ang pagtawa ko at sumagot.

“Wala,” Simpleng sabi ko na lang.

Nilibot ni Renren ang aking apartment at maya-maya lang ay sinabi niya,

“Ang dumi dito sa apartment mo. Malalaman mo talagang lalaki ang nakatira dito. Mga tao nga naman,” Sabi niya.

At sinimulan na niyang maglinis.

“Huwag na, ako na lang maglilinis niyan,” Sabi ko.

“Ako na. Para din ito sa pagbabago ng hygiene routine mo na makakatulong sa sexual life mo,” Sabi niya, kaya napakamot na lang ako sa batok ko.

Ginagawa niya talaga ang lahat para lang makapasa siya sa exam niya…

Pero bakit may parte sa akin na gustong-gusto ko ang mga pagbabagong nangyayari sa buhay ko ngayong nandito si Renren.

(End of Flashback)

“Tayo na, lunch break na. Hanapin na natin ang mga kasama natin,” Sabi naman ni Lex, kasi kami lang nila Rose, Lex, at ako ang magkasama ngayon.

Lumabas na kami sa office at sinimulan hanapin sina Roy at Mary. Nang makita namin sila…

“Rin, may naghahanap sa’yo,” Sabi ni Mary. Napakunot ang noo ko habang iniisip kung sino iyon, kasi ito ang pinaka-unang beses na may maghahanap sa akin sa trabaho.

“Sino daw?” Tanong ko kay Mary.

“Boyfriend mo daw. Alam naman namin na straight ka pero okey lang ’yan, tanggap ka namin,” Sabi ni Roy, na nagpagulat sa akin.

“Huh? Ano’ng pinagsasabi mo? Straight naman ako ah,” Sabi ko. Bigla na lang…

“Rin!!” Sigaw ng isang boses, at napatigil ako. Lahat kami napalingon at nakita ko si Renren. Ang nakakagulat, wala siyang sungay at buntot, mukha na siyang normal na tao.

“O, ayan na pala boyfriend mo,” Nakangising sabi ni Roy.

“Ang cute niya ah,” Sabi ni Rose.

“Nabagay sa kanya ’yung medyo maitim niyang kutis, lalo siyang gumuwapo,” Sabi naman ni Lex.

Iniwan ko muna ang mga kaibigan ko at tumakbo papunta kay Renren.

“Rin!” Nakangiting sabi ni Renren.

“Anong ginagawa mo dito?” Medyo may diin kong tanong sa kanya.

“Dinalhan kita ng pagkain. Siguraduhin mong kakainin mo ’yan, makakatulong ’yan sa katawan mo,” Sabi niya.

“Salamat pero… sana last na ito,” Sabi ko.

“Anong last? Ako ang mababagsak dahil sa’yo pag hindi ko naibalik sa dating sigla yang katawan mo!” Malakas niyang sabi kaya tinakpan ko agad ang bibig niya.

“Oo na, oo na,” Sabi ko.

“Uwi na ako. Kainin mo ’yang mga ’yan! Hmp!” Sabi niya at umalis. Napangiti na lang ako dahil sa kacute-an niya.

“Sana all!!!” Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko.

“Pasensya na, kayo na lang ang magkakasamang kakain ngayon. Dinalhan kasi niya ako ng pagkain,” Nakangiting sabi ko sa kanila.

“O siya! Tayo na, sana all na lang talaga,” Natatawang sabi ni Mary at umalis na sila papuntang Jollibee (not sponsored hahahaha).

Pumasok na ako sa opisina naming mga intern para kainin ang dinala niyang pagkain para sa akin.

Umupo ako at tinanggal ang lunch box mula sa lalagyan. Napansin ko na may nakadikit na papel.

“Kainin mo talaga ’yan kundi lagot ka sa akin!!!” Yan ang nakasulat sa papel, kaya napangiti na lang ako at sinimulang kainin ito.

CHAPTER 5

RIN POV

It’s been a whole week mula nang makilala ko si Renren. At ayun, todo-alaga siya sa akin. Ngayon ko lang naramdaman kung ano pala ang feeling ng may nag-aalaga sa ’yo. Don’t get me wrong, inalagaan naman ako ng mga parents ko ng mabuti pero iba talaga kapag ibang tao ang nag-aalaga sa ’yo, at isa pa, demonyo pa.

“Bangon ka na d’yan, kakain na,” Sabi ni Renren.

“Sige,” Sabi ko at bumangon na ako.

Buti na lang walang trabaho ngayon kasi Sabado at binigyan kami ng isang linggong pahinga. Ang bait talaga ni boss. Yung mga kaibigan ko naman ay nagsiuwian sa probinsya para makasama muna ang mga magulang nila.

Ako naman ay naiwan dito kasi hassle pa kung uuwi ako sa amin. At saka nandito rin si Renren, alangan naman na iwan ko siya dito. Pero alam ko naman na susunod at susunod ito. Kaya tinawagan ko na lang ang mga magulang ko kagabi at sinabi ko na hindi muna ako uuwi. Alam n’yo kung anong sinabi ng mga magulang ko, lalo na si mom?

“Okey lang, son. Basta pag-uwi mo may girlfriend ka na. Pwede mo na rin siyang buntisin para may apo na kami. Pero make sure maganda ito, as in ASAP,” Natatawang sabi ni mom.

Tsk… Si mom talaga. Hindi ko nga feel magkaanak at mag-asawa ngayon kasi wala ako sa mood. I cannot imagine myself in a family image way.

“Isang linggo daw kayong walang pasok sa trabaho, diba?” Tanong sa akin ni Renren.

“Oo, kaya maganda na rin iyon para makapagpahinga ako,” Sabi ko, at nakita ko na parang may iniisip si Renren. Para bang may gusto siyang sabihin.

“Wag mong sabihing magpapakantot ka na sa akin?” Tanong ko. I hate the feeling na kakantutin ko na lang siya tas bigla na lang siyang mawawala kinabukasan kasi nakuha na niya ang kailangan niya sa akin. I don’t know pero may parte sa akin na gusto ko pa siyang makasama.

Gusto ko pa siyang alagaan ako. Gusto ko pa na ipagluto niya ako. At gusto ko na siya lang dapat ang nag-aalala sa akin.

“Hindi iyon! Hindi pa handa ang katawan mo. Gusto ko lang sanang mamasyal sa tinatawag ninyong peryahan, tama ba iyon?” Sabi niya, at kitang-kita ko sa mata niya na gusto niya talagang makita iyon.

“Pwede naman tayong mamasyal sa peryahan mamayang gabi,” Sabi ko, at napangiti siya.

“Talaga? Excited na ako,” Nakangiti niyang sabi sa akin. When I saw his smile, parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko, but in a good way. Kasi gusto ko ’yung pagbilis ng tibok ng puso ko.

“Sige, kumain ka pa,” Paalala niya sa akin.

“Opo,” Nakangiti kong sabi.

Gabi na, at ito na yung oras na ipapasyal ko si Renren sa peryahan. Kaya naligo na ako at nagpalit ng damit.

Lumabas na ako sa aking kwarto at nakita ko rin si Renren na nakapagpalit na. Wala na siyang sungay at buntot.

Ang cute niya lang sa outfit niya kasi parang casual na pajama ang suot niya na pwedeng pam-pasyal.

Lumabas kaming dalawa ng apartment at nag-book ng ride gamit ang internet para na rin matry ang bagong app na nilabas ng kompanya namin. Pwede kang mag-book ng taxi na pinakamalapit sa location mo. Kasi malayo ang peryahan mula dito sa apartment, nasa kabilang bayan pa.

Habang naghihintay kami, saktong dumating ang taxi kaya sumakay na kami ni Renren. Nagpatakbo na si Kuya driver.

It took around 1 hour ang biyahe, at nakatulog si Renren sa balikat ko. Tinignan ko siya at hindi ko maiwasang titigan ang mapupula niyang labi at ang cute niyang mukha. Kaya iniwas ko agad ang tingin ko.

Sakto namang nakarating na kami sa peryahan kaya ginising ko siya at bumaba na kami ng taxi.

CHAPTER 6

RIN POV

Nandito na kami sa harapan ng peryahan ni Renren at kitang-kita ko sa kanya na excited siyang pumasok.

“Nandito na tayo, yey! Ano kayang gagawin natin ngayon? Ano ang unang pinupuntahan ng mga tao pag dumating sila dito sa peryahan? Tara na!” Excited niyang sabi at hinila ang kamay ko sabay simula ng pagtakbo kaya sumabay na lang ako.

Nakita ko ang nakangiting mukha ni Renren at bumilis ang tibok ng puso ko.

Hinila ko siya at napatigil siya sa pagtakbo.

“Alam kong excited ka na, pero wag kang mag-alala. Sasakyan natin lahat ng nandito ngayong gabi kaya wag tayong magmadali baka madapa tayong dalawa,” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Oo nga pala, pasensya na nadala lang ako sa excitement,” Sabi niya. Kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at sinabi,

“Unahin na natin ang roller coaster,” Sabi ko, at tumango siya. Sabay na kaming pumunta kung saan ang roller coaster.

Sumakay kami sa unahan kasi iyon ang upuang binigay sa amin. Mas exciting talaga pag sa unahan.

Tinignan ko si Renren at nakita kong patingin-tingin siya sa paligid. Ang cute niya lang. Biglang nagtama ang mga mata namin at sa minutong iyon parang tumigil ang tibok ng puso ko kasi nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik.

Nagsimulang umandar ang roller coaster. Tumingin ako sa ibang direksyon at napahawak sa dibdib ko sabay huminga ng malalim. Naalala ko kasi yung ngiti ni Renren kaya di ko mapigilang huminga nang malalim.

“Bakit mo kasi ako nginitian, kasalanan mo to… ang cute-cute mo,” Mahina kong sabi habang may ngiti sa labi.

“WOOO!!!!!” Sigaw ni Renren. Dahil mabilis na ang takbo ng roller coaster, nakisigaw na rin ako kasi nararamdaman ko na rin ang kaba at excitement.

“Sakay sana ulit tayo,” Narinig kong sabi ni Renren.

“Edi sumakay pa tayo ulit,” Nakangiti kong sabi.

“Wag na, next time ulit. Marami pa akong gustong i-try dito sa peryahan ninyo, kagaya nun,” Sabi niya at tinuro yung pwesto kung saan merong kang babarilin na maliliit na figure ng human toys. Kapag naka-meet ka ng required na natumba, makakakuha ka ng stuff toy.

“Tayo dun,” Sabi niya at nauna nang naglakad papunta roon kaya sinundan ko siya.

Pagkalapit namin, kinuha ko yung laruang baril at napatingin siya sa akin.

“Magaling kaya ako sa mga ganito. Ano bang gusto mong laruan dyan?” Medyo mayabang kong sabi, hehe magaling ako dito brad.

“Yung malaking laruan,” Nakangiti niyang sabi. Tinignan ko kung ilang kailangan, dapat 50 shots para makuha yung gusto ni Renren.

Nagbayad na ako at kinuha ang 50 na bala.

Maya-maya lang, 35 lang yung natamaan ko kaya yung maliit na laruan lang ang binigay sa akin.

“Heto lang nakayanan ko eh,” Sabi ko sabay abot sa kanya ng maliit na laruan, sabay napakamot sa batok.

“Salamat, i-try ko nga din,” Excited niyang sabi. Kaya bumili ulit kami ng 50 na bala.

At laking gulat ko kasi natamaan niya lahat ng mga maliliit na toy figures.

“Yey!!! Nakuha ko rin!” Sabi niya. I forgot, demon pala siya kaya magaling talaga siya dun. Next time wag na akong magpakitang gilas baka lamangan niya lang ako. Hehe mahirap na boy, minus points pag ganun.

CHAPTER 7

RIN POV

Iniwan ko muna si Renren para bumili ng makakain namin kasi focus na focus siya sa pinapanood niyang circus sa bandang gitna ng perya.

Pero pagbalik ko, nakita ko na may dalawang lalaking nakikipag-usap sa kanya. Tahimik akong lumapit para marinig ang pinag-uusapan nila.

“Sinong kasama mo, cutie?” tanong ni lalake 1.

“Si Rin kasama ko. Kumuha lang siya ng kakainin namin,” inosenteng sagot ni Renren sa kanila. Pero kung titingnan mo, parang may masama talagang balak ang dalawa kay Renren ko. Napailing ako sa sarili ko dahil sa sinabi kong “ko.” Bakit may “ko”?

“Sama ka sa amin, cutie. Sisiguraduhin namin na magsasaya ang gabi mo,” sabi naman ni lalake 2. Kung ako sa inyo, huwag na lang… baka mapahamak lang kayo. Pero naisip ko, succubus pala si Renren, baka pumayag ito. Naiisip ko pa lang na baka mahubaran si Renren ng ibang lalaki, bigla akong nakaramdam ng galit kaya nilapitan ko na sila. Napansin ako ni Renren at ngumiti siya sa akin. Nginitian ko rin siya pabalik at tiningnan ko ang dalawang lalaki.

“Ako kasama niya, kaya kung pwede lang, huwag niyo na kaming istorbohin,” sabi ko sa kanila.

“Ano ngayon? Wala kaming pakialam,” sabi ni lalake 2. Sabay tingin kay Renren at hinawakan ang kamay niya.

“Halika na, cutie, sama ka na sa amin,” pangungulit pa niya. Doon na talaga sumabog ang galit ko at itinulak ko siya nang malakas.

“Sinabing hindi siya sasama sa inyo, eh!” sigaw ko sa kanila. Pero bigla akong tinulak pabalik ng lalaki. Hinawakan ako ni Renren at hinila niya ako sa likuran niya. Nagtaka ako kung bakit niya ako pinapunta sa likuran, pero dahil sa ginawa ni Renren, napangisi ang dalawang lalaki sa harap namin.

“Sasama ka na ba sa amin, cutie?” tanong ni lalake 1.

“Pwedeng umalis na kayo sa harapan ko at huwag niyo kaming guluhin,” sabi ni Renren, at nakita kong biglang dumilim ang kanyang mga mata. Sabay na parang nanghina ang dalawa at nakita ko ang takot sa mukha nila. Tumayo sila at mabilis na tumakbo palayo.

“Anong nangyari?” takang tanong ko. Pero bakit hindi ako natatakot? Alam ko namang demonyo siya, pero bakit pa ako matatakot sa ganitong mga ginagawa niya?

“Wala. Ginamitan ko lang sila ng ‘mata ni kamatayan’. Kapag tinitigan ko ang isang tao, matatanggal ang kumpiyansa nila sa sarili at habang buhay silang matatakot sa maliliit na bagay,” paliwanag niya.

“Wala na akong masabi,” sabi ko sa kanya.

“Tayo na,” sabi ko na lang. Kahit may nangyari pa kanina, tinuloy pa rin namin ang pagsakay sa mga rides dito sa perya. Huli naming sinubukan ang ferris wheel.

Lumapit kami sa booth para bumili ng ticket.

“Dalawang ticket po,” sabi ko, at binigay ang bayad. Kinuha namin ni Renren ang tig-iisa naming ticket. Pagkatapos ay binuksan na ang entrance para makapasok kami.

Sumakay na kami sa ferris wheel. Nagsimulang umandar ito at unti-unti kaming napunta sa tuktok. Biglang tumigil kasi may sumasakay pa.

Tahimik kaming nakatingin sa langit at tinitingnan ang mga bituin. Bigla siyang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.

“Salamat at pinasyal mo ako dito,” nakangiti niyang sabi.

“Walang anuman, tinupad ko lang naman ang gusto mo,” sagot ko na may ngiti. Ang saya-saya ko kasi ako ang tumupad sa hiling niya na makapunta sa perya.

“Pero hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang exam ko sa Hell Academy… kasi malapit nang matapos ang araw ko dito sa mundo ninyo,” sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Napakuyom na lang ako ng kamao ko. Naalala ko na andito lang siya dahil sa exam na iyon. Masakit, pero wala akong magagawa.

Pagkatapos ng ferris wheel, umuwi na kami. Habang nasa daan pauwi, wala kaming imik. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa apartment.

Pagkapasok sa kwarto, bigla akong naghubad sa harap niya. Nagulat si Renren.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya.

“Naghuhubad,” simpleng sagot ko.

“Oo, alam ko, pero bakit?” tanong ni Renren.

“Gawin na natin ngayong gabi,” sabi ko.

“Kahit wag na, okay lang talaga, Rin,” sabi niya.

“Hindi okay sa akin, Renren. Ayokong ako ang magiging dahilan ng hindi mo pagpasa sa exam mo. Masaya na rin ako na matutulungan kita sa wakas,” sabi ko. Pero deep inside, parang sinasaksak ang puso ko sa pag-uusap namin. Biglang naglaho ang damit ni Renren at bumalik ang hubad niyang katawan, pati mga sungay at buntot.

Lumapit ako at niyakap siya sabay halik. Gumanti rin siya. Naglakad kami papunta sa kama habang naghahalikan. Inihiga ko siya nang dahan-dahan at hindi kami nagbitaw sa halikan. Bumitaw lang ako saglit para tingnan ang junior niya na matigas na. Maliit lang ito, pero ang cute. Hinawakan ko at minasahe bago isinubo. Nagulat si Renren.

Tinaas-baba ko ang bibig ko hanggang sa nilabasan siya sa loob ng bibig ko. Nilunok ko iyon.

Kumuha ako ng condom sa drawer, pero naalala ko yung sabi niya noon na hindi kailangan ng pampadulas sa kanila. Tinapon ko ang condom at tinutok ang titi ko sa butas niya. Dahan-dahan ko siyang pinasok.

“Ah… agh…” mahinang ungol ni Renren. Bigla akong na-excite. Ngayon na napasok ko na siya nang buo, ang sarap ng pakiramdam. Sinimulan ko siyang bayuhin, at nakita kong nasasarapan siya kaya hinalikan ko siya habang bumibilis ang pagbayo ko. Minsan bibilis, minsan babagal.

“Sige pa Rin, ahhh, sige pa…” ungol niya. Nagpalit kami ng posisyon hanggang sa nawalan na siya ng malay. Napatawa ako ng mahina. Akala ko ako ang mawawalan ng malay, pero inunahan niya ako. Gusto ko pa sanang maligo kaming sabay pero hinang-hina na rin ako. Parang sinipsip niya ang lahat ng lakas ko.

Hinugot ko ang titi ko at tumabi sa kanya. Naisip ko bigla yung pag-uusap namin sa peryahan. Nalungkot ako at may pumatak na luha mula sa mata ko habang nakatingin sa mukha niya.

“Kung ito man ang huli nating pagsasama… gusto ko lang sabihin na mahal na kita,” bulong ko. Pinunasan ko ang luha ko at ipinikit ang aking mga mata.

CHAPTER 8

Rin POV

Ramdam ko ang sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata. Alam mo ’yung feeling na gusto mo nang buksan ang mga mata mo para simulan na ang araw at maghanda para sa trabaho? Ganun ang pakiramdam ko araw-araw noon… pero noon ’yon, noong wala pa si Renren sa buhay ko.

Pero ngayon… hindi ko alam kung bubuksan ko pa ba ang mga mata ko, lalo na kung wala na akong makikitang Renren sa tabi ko. At baka… wala na talaga, habang buhay.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Tinignan ko ang tabi ko at wala na siya. Napapikit ako ulit, at kusa na lang bumagsak ang mga luha ko. Napabangon ako, tinakpan ang mukha gamit ang mga palad, at humagulgol.

“Ngayon na mahal na kita… saka ka naman aalis,” mahina at umiiyak kong bulong sa sarili.

Tumingin ako sa bawat sulok ng kwarto, at lahat ng alaala niya bumabalik.

“Gumising ka na d’yan! Kakain na!” Sigaw niya habang abala sa pagluluto.

“Itong damit ang isuot mo ngayon kasi mas gwapo ka tignan dito. Alam ko namang gwapo ka, pero mas gwa-gwapo ka dito!” Sabay tapon niya ng damit sa kama ko.

Napatingin ako sa kabila at naalala ko ulit…

“Ano tinitingin-tingin mo d’yan? Bilisan mo!” Sabi niya na may nakapameywang pang drama.

“Andiyan na mga kaibigan mo!” Nagmamadali niyang sabi.

Pinunasan ko ang luha ko. Tumayo ako at kinuha ang mga damit na binili ko para sa kanya. Ang bigat sa dibdib…

“Bili tayo ng mga damit mo,” sabi ko noon.

“Huh! Gusto ko ’yan! Tara na!” Sabi niya habang naka-hubad pa.

“Gamitin mo muna ’tong mga damit ko at itago mo ’yang mga sungay at buntot mo,” sabi ko.

“Arte niyo kasing mga tao, hahahah!” Tumatawa niyang sagot.

Hindi ko napigilan — niyakap ko ang mga damit niya. Pagkatapos, nilagay ko iyon sa kama at lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa kusina, naalala ko na naman siya…

“Ano kayang lulutuin ko? Nakakaaliw magluto ng mga pagkain ninyong mga tao,” nakangiti niyang sabi.

“Magluto na lang ako ng adobo. Buti nakabili ako ng frozen na manok,” masaya niyang dagdag.

“Gising ka na pala! Tara, nakahanda na ang pagkain!” Nakangiti niyang aya.

Lahat ng sulok ng apartment ko… puno ng alaala niya. Sana nakilala kita nang mas maaga. Sana nasabi ko agad na mahal na kita. Sana tao ka na lang para walang hadlang sa pagmamahal ko. Pero ang totoo… ’yung pagiging demonyo mo rin ang isa sa mga nagustuhan ko sa’yo.

“Arrrggghhhh…” Napahawak na lang ako sa ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero isang bagay lang ang sigurado…

Hihintayin kita, Renren ko .

Renren POV

Madaling araw pa lang, nagising na ako. Tahimik akong nakatingin sa bintana ng kwarto ni Rin nang marinig ko siyang nag-sleep talk. Gusto ko sana siyang gisingin, pero hindi. Kasi tapos ko na ang task na binigay sa akin ng school sa impyerno. At ngayon… oras na para bumalik.

Biglang umilaw ang harapan ko, at lumabas ang imahe ng headmaster ng Hell Academy.

“Oras na para umuwi ka na, Renren, sa ating mundo,” sabi niya. Napakuyom ako ng kamao ko.

“Masusunod, headmaster,” sagot ko, at nawala ang ilaw.

Lumapit ako kay Rin na mahimbing natutulog. Aabutin ko na sana ang mukha niya… pero bigla siyang nagsalita habang tulog:

“Mahal na kita, Renren… mahal na kita… kaya wag mo kong iwan…”

Nakita kong may luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Napahawak ako sa bibig ko, pilit tinatago ang hikbi. Pinunasan ko ang luha niya at mahina kong sinabi:

“Mahal na din kita. Alam mo ba, ’yung nangyari kagabi ang pinakamasayang parte ng buhay ko bilang isang demonyo? Pero kailangan ko nang bumalik, kahit masakit… para sa ating dalawa. Pero wag kang mag-alala… babalik at babalik ako para sa’yo. Sana mahintay mo ako, mahal ko.”

Hinagkan ko siya sa labi at kinumutan bago ako tumayo.

May lumabas na bilog na portal sa harap ko. Bago pumasok, tumingin ako ulit sa kanya at malungkot kong sinabi:

“Hintayin mo ko, mahal… kahit matagal. Sana ako pa rin ang mahal mo pagbalik ko.”

Ngumiti ako, kahit na ang bigat sa puso, at tuluyan nang nilamon ako ng portal.

Paglabas ko, bumungad ang init ng hangin at kadiliman ng impyerno. Buti na lang may mga apoy at ilaw na nagsisilbing liwanag dito.

Heto na ulit… ang dati kong buhay  na wala si Rin.

Pag-uwi ko, nadatnan ko sina Mama at Papa sa kusina. Nagluluto sila, at nakita ko ring nandoon ang kambal kong kapatid.

“Anak! Nandiyan ka na pala. Halika, kain na tayo,” masayang sabi ni Mama.

“Kuya!” sigaw ng kambal kong kapatid na 7 years old.

“Welcome home, anak,” sabi ni Papa.

Umupo ako. Iba talaga ang pagkain namin kumpara sa mga tao… pero mas gusto ko pa rin ’yung pagkain sa mundo nila.

Kuwinento ko kay Mama at Papa ang lahat ng karanasan ko pati na rin ang tungkol kay Rin at sa pagmamahal ko sa kanya. Nagulat sila, pero tinanggap din nila.

Pagkatapos kumain, pumasok ako sa kwarto ko. Di ko napansin, sumunod pala sina Mama at Papa.

“Asan ang kambal?” tanong ko.

“Nasa sala, naglalaro,” sagot ni Mama.

Lumapit sila sa akin.

“Totoo ba ’yon, anak? Na mahal mo na talaga ang taong ’yon?” tanong niya.

“Alam kong bawal at mali… pero Mama, Papa, mahal ko na talaga siya,” sabi ko. Pero alam ko… may batas si Lucifer: bawal magmahal ang demonyo ng isang tao. Kapag sinuway, kamatayan ang kapalit.

“Anak, tanggap namin kung sino man ang mamahalin mo kahit sino pa ’yan. Pero kapag mapapahamak na ang buhay mo… alam mo na ang tama,” sabi ni Papa.

Lumabas na sila. Naiwan akong mag-isa.

“Anong gagawin ko?”

CHAPTER 9

RIN POV

It’s been a month mula nung nawala si Renren. Hindi naman talaga siya nawala, bumalik lang siya sa impyerno. At aaminin ko, nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko siya hinihintay araw-araw. Every day I’ve been missing him so badly. Pero wala naman akong magagawa kundi ituloy ang mga nakasanayan ko.

Pero may isang bagay akong natutunan kay Renren: “Kumain ka palagi, wag magpapagutom. Hygiene first!”

Naaalala ko ’yun, at natatawa na lang ako kapag iniisip ko.

Ginagawa ko lahat ng bilin niya habang wala siya. Para kapag bumalik siya… diretso na sa…  hahaha joke lang. Pero totoo, pag bumalik siya, ako ang unang yayakap sa kanya. Ako ang unang hahalik, magpapatawa, at ipagluluto ko rin siya. At oo, natuto na akong magluto! Nagpaturo ako kina Mary at Rose tuwing Sabado, kasama rin sina Lex at Roy.

(Flashback)

Nung isang linggo lang matapos siyang umalis, Sabado… wala akong ginagawa. Na-realize ko, bakit di ko subukang matutong magluto ng adobo, afritada, kaldereta at kung anu-ano pa? Kaya bumangon ako, naligo, at dumiretso sa supermarket.

“2,034 po, sir,” sabi ni ate cashier. At hindi ako bulag — halata namang nagpapacute siya. Sorry miss, taken na ako, by a demon pa! Binigay ko ang bayad, at may pahaplos-haplos pa siya sa kamay ko. Maganda naman siya, and I’m sure maraming lalaki ang magkakagusto sa kanya. But not me. Not today, Satan. May mahal na ako.

Umalis na agad ako kasi ang haba ng pila, tapos may time pa siyang manlandi.

Mga babae nga naman (pero pwera delos buenos, ha). At para sa mga lalaki riyan, wag kayong tanga, wag kayong maghanap ng iba. Tulad ko, loyal ako kay Renren! Mga bob— hehe sorry na.

Ewan, nadala lang ako. Napanood ko kasi yung issue ng Jamill. Hahaha!

Pagkalabas ko, nag-book agad ako ng taxi kasi malayo pa ang uuwian. Habang nag-aabang, nakita ko yung dalawang lalaki na nagsusumbatan. Akala ko magkaibigan lang na nag-aaway, pero nagulat ako, couple pala. At nagkaayos din sila! Napangiti ako. Sana all.

Ang sarap sigurong maranasan yun kay Renren, yung pag-aawayan namin ang mga maliliit na bagay, tas babawiin ko. At sa gabi… score na agad!

Hahaha! Ang kalandi ko minsan.

Pagdating ko sa bahay, nilapag ko ang pinamili ko. Pero natulala lang ako sa mga gulay. Mga five minutes akong nakatitig, promise! Kaya naisipan ko, tawagan ko na lang si Rose.

“Oh, napatawag ka?” tanong niya.

“May favor sana ako,” sabi ko.

“Hala, ngayon ka lang nag-favor! Ano yun?”

“Magpapaturo sana ako magluto.”

“HA? Anong nakain mo?”

“Wala naman. Gusto ko lang matutong magluto kahit isa lang.”

“May pa-ganyan ka na ah! Sige, isasama ko si Mary.”

Tok tok tok!

Pagbukas ko ng pinto, andun na silang apat, sina Mary, Rose, Lex, at Roy.

“Hindi na sana namin sila isasama pero gusto daw nilang panuorin ka magluto,” sabi ni Rose.

“More on pagtawanan,” hirit naman ni Mary habang nakatingin kina Lex at Roy.

“Hindi naman babe, supportive kami,” sagot ni Lex.

“Oo nga, mahal. Para matuto din kami,” sabi ni Roy kay Rose.

Haha! Oo nga pala, magkakapartner ang mga ’to.

San— sana all.

“Pasok na kayo,” sabi ko.

“Bro, para kanino talaga ’to?” tanong ni Lex.

“Don’t tell me… kay Renren?” tanong ni Roy, sabay tawa.

Siniko siya ni Rose.

“Don’t mind them,” sabi ni Rose.

“Oo, para sa kanya,” aminado kong sabi.

“Para pagbalik niya, ako naman ang magluluto para sa kanya.”

“Yun oh!” sabay sabi ng dalawa.

“Support ka namin d’yan,” sabi ni Roy.

Tinuruan nila ako paano magluto ng adobo. May trial and error, may sunog na bawang, may natalsikan ng mantika, pero sa huli… nakuha ko rin!

“Ansarap, Rin!” sabi ni Mary.

“Kayo nagturo eh,” sabi ko.

“Oo, pero ginawa mo yan with love. Sigurado matutuwa si Renren,” sabi ni Rose. Biglang natahimik kaming lahat. Napansin pala nila.

“May problema ba?” tanong ni Lex.

“Parang nalungkot ka nung nabanggit ang pangalan niya,” sabi ni Mary.

“Meron ka bang hindi sinasabi?” dagdag ni Rose.

“Kaibigan mo kami, bro. Wag kang mahiyang ilabas,” sabi ni Roy.

At yun nga. Inaya ko silang maupo sa sala. Kinuwento ko ang lahat: kung paano ko nakilala si Renren, na isa siyang succubus, kung paano niya binago ang boring kong buhay, at kung paano ko siya minahal.

Pagkatapos ko magkwento, di ko mabasa expression nila. Pero biglang nagsalita si Rose.

“This is crazy!”

“Amazing!” sabi ni Roy.

“Shockingly beautiful!” sabi ni Mary.

“Hanep!” sabi ni Lex.

“Nakakagulat pero wow! Nakaka-excite!” dagdag ni Rose.

“Magic is real pala! Grabe, succubus pala si Renren!” sabi ni Mary.

“Hindi kayo natatakot? O nagdududa?” tanong ko.

“Bro, kaibigan ka namin. Oo, nakakatakot, pero nakita namin si Renren noon at mabait siya. Basta masaya ka at di ka mapapahamak, suportado ka namin,” sabi ni Lex.

“Pero may isang tanong lang… masarap ba nung nag-sex kayo?” hirit niya.

Napangiti ako. Pero binatukan siya ni Rose.

“Ano ba ’yan!”

“Sorry na babe,” sabi ni Lex.

“Okay lang,” sabi ko, natawa rin ako.

(End of Flashback)

“Salamat sa pagtuturo ninyo,” sabi ko kina Mary at Rose.

“At salamat sa pang-aasar ninyo,” sabay turo kina Lex at Roy.

“Welcome!” sabay-sabay nila.

“Hindi naman sa nakikialam, pero… sigurado ka bang babalik si Renren?” tanong ni Rose.

Ngumiti ako.

“I’m sure. Ramdam ko. Magkikita pa rin kami.”

Napangiti rin sila.

Umalis na sila at bumalik sa boarding house sa kabila ng kalsada.

RENREN POV

It’s been 1 year dito sa impyerno… at araw-araw, si Rin pa rin ang iniisip ko.

Tama kayo — 1 year dito ay 1 month lang sa mundo ng tao. Pero kami, tumitigil tumanda pag 100 years old. Ako? 18 years old palang na demonyo.

Araw-araw akong pumupunta sa mansyon ni King Lucifer para humingi ng pahintulot na makabalik. Pero nung nalaman niya ang dahilan na mahal ko ang isang tao ay nagalit siya.

(Flashback)

“Bakit ka nandito, munting succubus?” tanong ni King Lucifer.

“Pumunta po ako para humingi ng pahintulot na makabalik sa mundo ng tao.”

“Bakit?”

“Kasi… may mahal po akong tao na gusto kong balikan.”

Biglang bumigat ang paligid. Ramdam ko ang kanyang kapangyarihan.

“HINDI PWEDENG DEMONYO AT TAO! Ang mga demonyo para sa demonyo! Ang mga tao para sa tao! LUMAYAS KA!”

At napilitan akong lumabas.

(End of Flashback)

Ngayon, nasa labas ako ng mansyon. Umiiyak pero ayaw sumuko.

Biglang sumigaw ang isang kawal:

“Dumating na ang mahal na Prinsipe!”

May sabi-sabi na mabait daw ang Prinsipe at siya ang susunod na hari. At baka… baka siya ang tanging pag-asa ko para makabalik kay Rin.

“Rin… hintayin mo ako. Kahit anong mangyari… babalik ako para sa’yo.”

FINAL CHAPTER

RENREN POV

Nandito ako ngayon sa labas ng palasyo ng empyerno. Narinig ko na dumating na raw si Prince Devon , isa sa dalawang anak ni King Lucifer.

“Papasukin nyo po ako… parang awa na,” pakiusap ko sa mga demon guard, halos luhaan.

“Hindi pwede, bata,” sagot ni Demon Guard 1.

“Kami ang mapaparusahan sa ginagawa mo.”

Pero hindi ako sumuko.

“Mahal na hari! Mahal na hari! Pakiusap! Pakinggan nyo sana ang hiling ko!” paulit-ulit kong sigaw.

LUCIFER POV

“Ama!” tawag ng pamilyar na boses. Dumating na nga ang aking anak, si Devon, kasama ang kanyang kabiyak na si Quin. Hindi ko kinwestyon ang pagmamahalan nilang dalawa kahit pareho silang lalaki. Demonyo kami, at walang mali sa ganitong pag-ibig.

“Buti naman at naisipan nyo pa ring dumalaw,” bati ko.

“Oo naman, ama. Kahit ayoko namang magmana ng trono, bibisitahin pa rin kita kasama ng mahal ko.”

Nagngitian silang dalawa, puno ng lambing.

“At ikaw, Quin, sigurado ka bang hindi nagloloko ’tong anak ko?” tanong ko, pabirong seryoso.

“Hindi po, mahal na hari,” nakangiting sagot ni Quin.

“Kasama namin palagi si Yaya Dub, kaya bantay-sarado.”

Magsasalita pa sana ako nang marinig ko muli ang sigaw mula sa labas.

“Mahal na hari! Pakiusap!”

DEVON POV

“Ama, sino yun?” tanong ko.

“Wala lang yun, anak,” iwas niya.

“Kung wala, ako na ang kakausap.”

Tumayo ako, pero pinigil niya ako.

“Teka lang—” sabi niya, pero tinignan ko siya ng seryoso. Napabuntong-hininga na lang si ama, at natahimik.

RENREN POV

Halos maubos na ang boses ko kakasigaw nang biglang may nagsalita mula sa malaking pintuan.

“Papasukin siya, mga kawal,” malamig pero makapangyarihang utos.

Napatingin ako. Ang gwapong demonyo na may presensiyang nag-uumapaw. Prince Devon.

Binuksan nila ang gate. Pumasok ako, diretso sa malaking pintuan, at sinundan ko si Prince Devon papasok sa trono hall.

Nang makita ko si King Lucifer, agad akong napaluhod.

“Ano na naman ang sadya mo?!” may inis na tanong ng hari. Kinakabahan man, nilunok ko ang kaba at nagsalita.

“Pakiusap, mahal na hari… payagan nyo po akong bumalik sa mundo ng tao.”

“HINDI PWEDE!” sigaw ng hari, galit na galit.

Pero sumabat si Prince Devon.

“Bakit mo gustong bumalik?” tanong niya, titig na titig sa akin.

“Ka… kasi po… may mahal po akong tao dun na gusto kong balikan.”

Ramdam ko ang panginginig ng boses ko.

“Alam mong bawal magmahal ang demonyo ng isang tao!” sigaw ulit ng hari.

“Pinagsasabi mo, ama?” tanong naman ni Quin, lumalabas mula sa gilid. Nagulat ako, tao siya!

“Ah… ganito kasi yan, Quin,” paliwanag ng hari.

“Pinayagan ko kayong dalawa kasi anak ko si Devon. Pero ibang demonyo, hindi pwede.”

Unfair! sigaw ng isip ko.

“Ama, hindi makatarungan yun!” sabi ni Quin.

“Hindi lang basta trip ang gusto niyang balikan, kundi mahal niya. Kaya hayaan mo na siya… para sa akin.”

Nagulat ako, pero natuwa rin.

“Narinig mo na, ama,” sabi ni Devon. “Payagan mo na siya.”

“Arrrgh! Pinagtutulungan nyo ako!” daing ni hari. Ngayon ko lang siya nakitang natalo sa sagutan.

Lumapit si Quin at inabot ang kamay niya sa akin.

“Tumayo ka na,” sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tumayo.

“Ako nga pala si Quin. Asawa ko si Prince Devon.”

“Pinapayagan na kita,” sabi ng hari. Napangiti ako, pero…

“Pero!” dagdag niya.

“Babalik ka sa lupa pero hindi bilang demonyo, kundi bilang GANAP NA TAO. Pumapayag ka ba?”

Mas lalo akong natuwa.

“Opo, mahal na hari! Pumapayag po ako!”

Sa isip ko: Nay, tay, bunso… patawad kung iiwan ko kayo. Pero alam kong ito ang magpapasaya sa akin.

“Humayo ka na,” sabi ng hari.

“At wag kang mag-alala ipapaabot ko sa pamilya mo ang mensahe mo.”

Nagliwanag ang katawan ko… At pumikit ako.

RENREN POV

Pagdilat ko, nasa loob na ako ng apartment ni Rin. Walang nagbago, maayos at malinis parin ito.

PRINCE DEVON POV

“Ama, tinanggal mo ba talaga ang pagiging demonyo niya?” tanong ko.

“Hindi,” sagot niya. “Tinago ko lang. Lalabas yun kapag nasa bingit ng kamatayan o panganib.”

“Ikaw talaga, ama,” sabi ni Quin.

“Parang dati, nung ginawa mo akong bata.”

Nagkatawanan kami.

RIN POV

Habang naglalakad pauwi kasama ang barkada…

“Movie marathon tayo bukas sa apartment mo, Rin!” sabi ni Rose.

“Sige, lutuin nyo na lang yung fishball at kikiam sa ref para di masira,” sabi ko.

“Maligo muna kami!” sabi ni Mary.

Pagdating ko sa apartment, binuksan ko ang pinto…

At nakita ko ang mukhang matagal ko nang gustong makita. Si Renren na nakatayo, may hawak na sandok, at nakangiti.

Para akong naging estatwa. Hindi makagalaw, hindi makapaniwala.

“Welcome home,” sabi niya, nakangiti.

Bigla akong napaluha. Lumapit ako at niyakap siya ng mahigpit.

“Hmm… umiiyak na si baby ko,” lambing niya, haplos sa likod ko.

“Pano? Paano ka nakabalik?” tanong ko.

“Pinayagan ako ni King Lucifer.”

“Masaya ako na nandito ka na,” sabi ko, pinunasan ang luha.

“May surpresa ako,” sabi niya.

“Ano yun?” tanong ko.

“Hindi na ako demonyo.”

“To… totooo?!” gulat na tanong ko.

Tumango siya.

Niyakap ko ulit siya, mahigpit.

“Buti naman.” sabi ko.

“Sana all!” biglang sabi ni Roy.

“Wag kang mag-alala, alam nila ang lahat,” sabi ko kay Renren. Napangiti siya.

“Uwi muna kami, tawagan nyo na lang kami kapag tapos na kayo… para may time naman kayo,” sabi ni Roy.

Natawa kami, at umalis na sila.

“Renren,” mahina kong sabi. Tumingin siya sa akin.

“Mahal kita.”

Napangiti siya.

“Mahal din kita.”

Di ko napigilan, hinalikan ko siya.

Bigla siyang kumalas, tumingin pababa.

“Nakasaludo na si baby ko ah,” natatawang sabi niya.

“Eh… namiss ka niya eh,” sabi ko.

Binuhat ko si Renren papasok sa kwarto, sabay halik.

Sa huling saglit, tumingin ako sa kanya.

“Kahit sino ka man, o ano ka man… mamahalin kita. Kasi ikaw yan.”

Ngumiti siya.

“At kahit tao ka man o engkanto… mamahalin kita, kasi ikaw yan.”

At pinagsaluhan namin ang gabing iyon. May halakhak, may luha, pero puno ng pagmamahal.

Mahirap umpisahan at tapusin, pero…

Ako nga pala si Rin , isang tao na nagmahal ng demonyo… at minahal din ako ng sobra.

Ito na ang huling kabanata ng aming kwento.

EPILOGUE

RIN POV

Lumipas ang ilang buwan mula nang bumalik si Renren sa buhay ko bilang isang ganap na tao. Maraming nagbago… pero ang totoo, mas lalo lang siyang naging mahalaga sa akin.

Simpleng bagay lang ang nagpapasaya sa amin ngayon kagaya ng simpleng magkasabay na magluto ng paborito naming adobo, ang manuod ng movie marathon kasama ang barkada, at ang maglambingan sa sofa kapag malamig ang gabi.

Minsan, pag tulog na siya, tinititigan ko lang ang mukha niya. Na parang hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating demonyo na minahal ko… ngayon ay katabi ko na, humihinga, tumatawa, at nagmamahal bilang isang tao.

RENREN POV

May mga gabi na naiisip ko ang empyerno, ang pagiging demonyo ko noon. Pero tuwing titignan ko si Rin, alam ko na tama ang pinili ko.

Wala na akong pakialam kung wala na akong sungay o pakpak; wala na akong kapangyarihan para protektahan siya. Pero may puso na akong tumitibok para lang sa kanya… at yun ang tunay na mahalaga.

At gaya ng sabi ng mahal kong hari noon… baka darating ang oras na kailangan ko ulit ipaglaban si Rin at kung mangyari man yun, handa ako.

NARRATOR POV

Sa huli, hindi na mahalaga kung sino ang demonyo o ang tao.

Ang mahalaga, may dalawang puso ang nagtagpo at nagmahal nang totoo.

At sa simpleng apartment na yun, puno ng tawanan, asaran, at init ng yakap, doon nila isinulat ang panibagong yugto ng kwento nila.

Isang kwento na nagsimula sa dilim… pero nagtapos sa liwanag ng pagmamahalan.

Minsan, hindi mo kailangan ng himala o kapangyarihan para maging masaya.

Minsan, sapat na ang tibok ng puso ng taong mahal mo… at ang pangakong ‘Mahal kita, kahit sino ka man.’

Author’s Note

Thank You very much kasi natapos ninyo ang kwentong ito.

Don’t forget to follow me to all my Social Media Accounts.

My Social Media Accounts

Wattpad: Chakasalsal

FB: George Rosewell Lapitan

Instagram: georgerosewelllapitan

Youtube: Jojo Brillantes


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.