SUNDO (bxb) On-Hold
kentootero · 2 chapters · 759 words
DISCLAIMER
Ang kwentong ito ay
(Boy X Boy)
Umiikot ang kwento sa pagitan ng lalake sa lalake at pinagkakalooban nito ng maseselang bagay, pananalita, sekswal, pagmumura na kung saan di na-aangkop sa mga 18 y.o pababa at sa mga mambabasang konserbatibong pananaw sa buhay.
Ang mga tauhan, lugar at pinangyarihan ay walang kinalaman sa mga kwentong nabasa nyo na at di sinasadyang may pagkakahalintulad dito.
Ang kwentong ito ay gawa ng imahinasyon ng manunulat at walang parte ng kwentong ito na kinuha sa ibang manunulat.
Ang kwentong ito ay sariling gawa ng manunulat at hindi pinapahintulutan ang sino man na kopyahin ang mga nilalaman para ibahagi sa kanilang pansariling pagsulat na walang pahintulot sa may-ari nito.
Patnubay po lamang sa mga mambabasa ang
SAFE SEX.
Nagpapasalamat,
k
entootero
PANIMULA
Ako si Death Ng Underworld.
Oo, isa akong tagasundo at isa lamang sa ikaapat na maharlikang tagabantay ng Underworld.
Ang Underworld ay pinamumunuan ng isang Diyos na kilala bilang si Hades sa Greek Myth.
Ang iba naman ay kilala siya bilang si Lucifer at ibang mga pangalan.
Nabibilang ako sa tinatawag na “Four Horsemen”.
Ako si Death at isa lang ang aking trabaho.
Ang maging pribadong tagabantay sa mga taong nakatakdang mamamatay.
Ngunit ang aming bilang ay napakarami at karamihan sa iba ay nasa mid at lower class.
May isang patakaran na di maaaring masira ng sinumang tagasundo at pati sa aming mga maharlika.
Ang baguhin ang nakatakda sa taong malapit ng mamatay at magdudulot ito ng pagbabago sa takbo ng oras at panahon.
Isang matinding kaparusahan ang matatanggap ng sinumang lalabag sa kautusang ito.
Di lingid sa mga mid at lower class na tagasundo ang kaparusahang ito.
Madalas nangyayari ang paglabag sa kautusan at karamihang lumalabag dito ay ang mga lower class at ilang mga mid class. Maliit lang naman ang epekto nito sa kapalaran ng mga tao ngunit nadedepende sa sitwasyon.
Ang kaparusahan sa kanila ay ang pagkabura ng kanilang pagkakakilanlan (
name of existence
) sa mundo ng Underworld.
Dahil apat kaming maharlikang tagabantay at wala pang sumusuway sa kautusan ay di pa namin alam ang nakapatong na kaparusahan kung sakaling kami ang lumabag sa kautusan.
At dahil iisa lang ang mahalagang kautusan ay napakaimposibleng suwayin namin itong apat.
Bilang maharlikang tagabantay ay kinatatakutan ako ng lahat ng mga mabababang tagasundo ng Underworld.
Ako ang panganay sa aming tagabantay at si Time ang pinakabunso sa aming lahat.
Siya nga pala, kaming Four Horsemen o kilala minsan na apat na mahailikang tagabantay ay kanya-kanya kaming binabantayan sa inyong mundo.
Ako bilang si Death ay tagabantay ng mamatay na dulot ng krimen.
Si
Disaster
ay bilang tagabantay ng mamamatay dulot ng dilubyo o trahedya na epekto ng apat na elemento ( earth, fire, wind at water )
Si
Disease
ay bilang tagabantay ng mga mamamatay na dulot ng iba’t-ibang uri ng sakit o pandemya.
At ang pinakahuli sa aming grupo ay si Time.
Si
Time
ay bilang tagabantay ng mga taong nakatakda ng mamatay sa tamang panahon ng kanilang kamatayan o ang mga taong mamamatay na sa sobrang katandaan.
Di man namin nakikita ang diyos ng Underworld ay lubos siyang kinakatatakutan ng lahat sa amin.
Di kami derektang kinakausap ng diyos.
Ngunit tanging isang itim na liham ang lumilitaw sa ibabaw ng aming mesa na tinatawag na Table of Life.
Ang
Table of Life
ay pinapalooban ng lahat ng pangalan ng mga tao at ang kanilang lugar.
Ang itim na liham ay lumilitaw lamang sa nakatakdang mamamatay na tao.
Nilalaman ng liham ay ang araw at oras ng kamatayan ng isang tao.
Matapos suriin ang liham kung ito ay pang mid o lower class ay saka ko na ito ibinibigay sa mga tagasundo.
Minsan ay napapaisip na lamang ako sa aking pinagmulan.
Paano ba ako nabuhay?
Kailan ako pinanganak at naging isa sa apat na tagabantay?
Sino at ano ang itsura ng diyos na aming pinaglilingkuran?
Di man ito maliwanag ay di nalang namin pa hinahanapan ng kasagutan.
Tanging ang pagsunod nalang ang aming ginagwa dito sa Underworld.
Isang trahedya ang nakatakda at paparating sa mundo at kalakip nito ay ang pagkalat ng pandemya na siyang sanhi ng pagkamatay ng maraming tao.
Dahil sa naatasan ang lahat ng tagasundo ay kakailanganin ang aming personal na pagsunod sa nakatakdang pagsundo.
Isang liham ang lumitaw sa aking mesa.
Binuksan ito at napapabilang sa mid class.
Dahil sa lahat ng tagasundo ay nakaabang sa darating na dilubyo at pandemya ay walang gagawa sa nakatakdang kamatayan ng isang tao.
Ito ang kauna-unahang pagdating ko sa mundo at naging dahilan ng pagbabago ng aking tadhana.

