loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Super Panget (BXB 2018)

Super Panget (BXB 2018)

Ai Tenshi · 58 chapters · 114,672 words

NOTE

Cover by Ace Hathaway


TEASER:

“Sino ba naman ang may gustong maging isang panget na super hero? Paano ipag kakatiwala sa aking kamay ang kanilang buhay kung ang aking mukha ay hindi kaaya aya at kaduda duda?”

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teleskopyo sa mundo. Ang aking kamao ay kasing tatag ng pinaka matibay na mineral sa lupa at ang aking mukha… ang aking mukha… huwag na natin itong pag usapan pa..

-SUPER PANGET


Author’s Note:

Mag kwentuhan muna tayo..

Fanatic ako ng mga super hero, simula bata ay sila na ang parati kong inaabangan sa telebisyon. Nangarap ako na maging katulad nila, lumilipad, malakas, at nakapag sasalba ng buhay ng ibang tao. Pero habang tumatanda ako, napag tatanto ko na hindi ako maaaring maging katulad nila dahil imposible iyon. Pero gayon pa man, hindi naalis sa aking pag katao ang impluwensya nila kaya naman gumawa ako ng aking sariling mga version nila na hinaluan ko ng BXB.

2015 noong gawin ang pinaka unang super hero ko. Ito ay si Jorel “My Super Kuya” . Siya ang aking version ni Superman, pero pilit ko pa ring inilihis ang kakayahan niya para kahit papaano ay mag karoon siya ng sariling pangalan.

2016 noong likhain si Super Nardo “Ang Tadhana ni Narding” . Ito naman ang male version ko ng Darna, lahat ng gusto kong scenes at kalaban ay dito ko talaga inilagay, mula sa lalaking version ng manananggal, mga alien na mula sa ibang planeta at maging ang version ni Valentina ay nandito rin.

Hindi pa ako nakontento, 2017 noong nangarap akong gumawa ng isang futuristic sci-fi story sa katauhan ni Ace ang ating Super Mecha “Ace” . Nilakbay niya ang daan patungo sa nakaraan at hinaharap para lamang matagpuan ang kanyang mundo..

Nag enjoy akong gawin ang tatlong ito, pero hindi naman biro, kasi masakit talaga sa ulo ang gumawa ng fantasy lalo na kapag ang layunin mo ay higitan ng higitan yung mga nagawa mo na. Kailangan ay bago, kwela, hindi boring, delikadad at may aral sa bandang huli.

At dahil nga mahilig ako sa superhero, ngayong 2018 ay lumikha ako ng isang kakaibang super hero, sawa na kasi ako sa super hero na gwapo at perpekto kaya ginawa ko si “Super Panget” . Ginawa ko ito ayon sa mga sumusunod.

  1.   Hindi ko intensyon na pag katuwaan ang mga panget. Bagkus mag sisilbi itong aral para sa lahat. (Pero wala naman talagang panget sa mundo, nasa tao iyan at nasa iyong positibong pag iisip)
    
  2.   Ginawa ko si Super Panget para mag bigay ng aliw at ngiti sa inyong lahat. Nais ko lamang baguhin at ibahin ang mukha ng makabagong super hero.
    
  3.   Sa kwentong ito ipapakita ang kahalagahan ng iyong sarili, kung paano mo yayakapin ang kulang sa iyo at kung paano payayabungin ang kung anong mayroon ka.
    
  4.   Ang bawat eksena sa kwentong ito ay gawa gawa ko lang, paki usap huwag ninyong gamitin ito sa inyong mga science project. 
    
  5.   Wala akong hihinging votes o comments sa inyo. Hindi ko rin hinihiling na ifollow nyo ako. Basta masaya ka ay masaya na rin ako.
    

Wala nang pang anim. Pagod na ako.. LOL

SUPER PANGET LILIPAD NA SA PEBRERO 2018

SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai

Full Credits: Nick as Nai

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Dec 22, 2017

“Master, kayo po ang napili ng campus upang gumanap sa isang mahalagang parte sa play na Beauty and the Beast. Siguradong matutuwa po ang mga magulang ninyo kapag nalaman nila ito.” ang wika ni Kohei habang abala ako sa pag kain ng almusal.

“Nice, sino naman ako doon? Ang gwapong si Gaston ba na kalaban ni Beast? Tamang tama gustong gusto kong pumatay ng panget.” ang sagot ko naman.

“Ah e, Master Nai, kayo po ang napili upang gumanap sa papel ni Beast, pero magiging Prinsipe naman po kayo sa dulo.” ang nag aalangan na wika niya

Napahinto ako sa pag nguya noong marinig ko ang sinabing iyon ni Kohei dahilan para mas lalo siyang manginig sa kaba. “Gwapo naman po yung Prinsipe doon sa play. Kaya po kayo ang napili nila.”

“Ah ganoon ba. Gusto nila akong gumanap sa isang panget na halimaw na mukhang asong hindi naliligo? Sinasabutahe ba nila ako?” tanong ko naman.

“Ah e, e hindi po master. Naisip lang daw ng campus na kayo nalang yung gumanap na Prince Charming dahil mukha raw po kayong prinsipe.”

“At mukha rin ako Beast? Tama ba? Sino ang promotor ng play na iyan?” tanong ko

“Si- si Professor Doding po. Yung president ng cultural and theatre club doon sa campus.” ang sagot niya.

“Ah, i see. Paki abot nga yung cellphone ko.” ang mahinahon kong wika habang nag pupunas ng labi.

Agad niyang inabot ang aking cellphone at dito ay idinial ko ang number ni Doding na president ng theatre club. Makalipas ang ilang sandaling pag riring sa kabilang linya ay sumagot nga ito.

“Hello, Master Nai. Kamusta? Naku im sure excited kana sa play. Alam mo ang daming nag audition dito para sa papel na beast. Halos lahat ng gwapong estudyante dito ay pumila. Pero syempre ikaw ang kinuha ng management dahil tiwala sila sa iyo. Ayos ba iyon?” ang sagot niya na may halong pag mamalaki.

“Kaninong ideya ang play na Beauty and the Beast?” ang tanong ko

“Sa akin, iyon kasi ang nakatakdang gawin ngayong taon.” sagot niya

“At kaninong idea na gawin akong si Beast?” tanong ko ulit

“Sa akin rin po master.” ang sagot niya.

“You are fired. Mag balot kana ng gamit mo at hindi kana babalik sa school bukas!” ang tugon ko.

“Master, huwag naman po. Ganito nalang po ibibigay nalang namin sa iba yung role na beast. Kayo nalang po yung gaganap na nag sasalitang takure.”

“Wtf! You are so fired!!!!” ang sigaw ko na dumagundong sa buong kabahayan dahilan para mag takbuhan lahat ng katiwala sa buong paligid.

Part 1: Ang Patakaran ni Nai

“Young Master, gising na.. Malalate ka sa school.” ang boses ni Kohei habang hinahawi ang kurtina sa aking silid upang makapasok ang sinag ng araw.

Bahagya akong dumilat, bagamat noong masilaw ay agad kong tinakpan ng unan ang aking ulo at dumapa. “Master, kailangan mo nang bumangon dahil darating ang mama at papa mo ngayon. Dito sila mag aalmusal.”

“Bakit hindi mo sa akin sinabi agad?” ang gulat kong tanong sabay balikwas ng bangon mula sa aking higaan.

Ang aking mga magulang ay istrikto, lalo na pag dating sa akin dahil naiiba raw ang aking ugali sa lahat. In short ay “bwisit” daw ako at mainitin ang ulo. Ipinanganak daw kasi ako ni mama noong nag aaway sila ng aking ama kaya’t lahat ng galit at pag kainis ay napunta sa akin bilang isang pamana. Iyon ang madalas itukso sa akin ng aking lolo at lola.

Ako si Nai, 18 taong gulang. Iyan lang talaga ang aking pangalan dahil kami ay nasa lahing intsik. Ako ay may taas na 5’7 at may maayos na pangangatawan.

Isa ako sa maswerte bata na ipinanganak na mayroong gintong kutsara sa kamay. Ang ibig ko sabihin ay ang pagiging mayaman ng aking pamilya. Ang aking mga magulang ay maraming negosyo sa loob at labas ng bansa. Mula sa field ng tradings, promotion at advertising, medical at maging entertainment ay saklaw ng kanilang kompanya. Bata palang ang aking ama ay nasa lahi na ito ng pagiging negosyante kaya’t nag pasa pasa nalang ang kanilang yaman. Ang aking ina ay napangasawa niya dahil sa arrange marriage, ang pamilya ni mama ay makapangyarihan rin kaya’t nag kasundo ang kanilang mga magulang na ipakasal sila upang mas lumago ang saklaw ng kanilang negosyo.

Sunod ako sa luho, lahat ng gusto ko ay madali kong nakukuha. Iyan siguro ang dahilan kaya’t lumaki akong spoiled at matigas ang ulo. Marami akong kaartehan sa buhay, namimili akong kaibigan at lalong ayoko sa mga panget. Kalakip nito ay ayoko ring pinag sasabihan ako ng panget dahil talagang nag iinit ang aking dugo. At handa akong pumatay para doon. Seryoso. At wala akong paki alam kung kainisan ninyo ako mula ulo hanggang paa.

“Good morning ma, pa.” ang masaya kong bati noong maabutan sina mama at papa na kumakain ng almusal.

“Nai, ano ba iyang nasa tainga mo? Bakit ang dami mong hikaw? Dalawa sa ibaba, at mayroon pang mahaba diyan sa itaas. Hindi kaya mapag kamalan kang drug adik diyan sa style mo?” ang tanong ni mama.

“Ma, kahit anong ilagay ko sa aking katawan ay babagay pa rin dahil gwapo ako.” tugon ko naman.

“Bakit pinapayagan ng school na mag lagay ng hikaw ang mga estudyante?” tanong ni Papa

“Malaki naman ang share natin sa school diba? Okay lang kahit anong style ng mga students. Dapat ay maging malaya silang gawin ang gusto nila.” sagot ko

“So kaya ka nag palagay ng katakot takot na kolorete sa tainga mo?” pag lilinaw ni Papa.

“Ah Kohei..” ang pag tawag ni mama

“Yes po Madam.” sagot ni Kohei

“Paki tawagan nga yung school at sabihin na ipinag babawal na ang pag susuot ng hikaw para sa mga lalaki at bawal rin ang hindi disenteng buhok at pananamit. Paki samahan na rin si Nai sa stylist nya at ipakalbo mo siya.” utos ni mama.

Napatingin sa akin si Kohei. “Eh ma-madam, hindi po maaari ang nais ninyo dahil may bago na pong patakaran sa campus ngayon. Mag buhat po noon umalis kayo patungo sa France ay nabago na ang mga rules doon.”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni papa

“Ang ibig ko po sabihin ay pinalitan na ni Master Nai ang patakaran sa campus. Pinayagan na po niya ang pagiging fashionista ng mga mag aaral bilang pag papahalaga sa freedom of expression. At kamakailan lang po ay inalis na rin niya ang ibang estudyanteng hindi kaaya aya ang itsura. Ang mga panget daw po sa school kabilang na ang mga mag aaral na panget rin ay pinaalis na rin ayon sa pag sunod sa bagong patakaran na ginawa ni Master Nai.” ang nanginginig na salita ni Kohei.

“Anak, bakit mo naman ginawa iyon? Hindi magandang imahe na ialis mo ang mga taong nag aaral doon ng dahil sa kanilang pisikal na anyo.”

“Ma, sinunod ko lang ang gusto ng survey. Syempre bilang student na nag aaral mabuti, ang gusto namin ay magandang kapaligiran, kapag papasok kami sa umaga ay mahirap kapag may naka salubong kang panget dahil tiyak na papanget rin ang araw mo. Ginawa ko lang naman yun dahil iyon ang hiling ng mga friends ko from the upper upper. Dont worry ma, ipinalipat ko naman yung mga naalis na student doon sa kabilang bayan, sa school ng panget kung saan sila nabibilang.”

“Yang mga idea mong iyan ang mag papahamak sa iyo. Sa ginawa mo ay tiyak na isinusumpa kana nila. Ikaw talaga puro nalang problema ang inaakyat mo dito sa bahay. Dont worry hon, ako na ang kakausap doon sa mga naalis na students at bibigyan ko sila ng compensation upang hindi sila magalit sa atin.” ang wika ni papa.

Iyon nga ang set up, ayoko namang makipag laban kay mama at papa dahil masyado silang strict, minsan na nila akong pinarusahan at ipinatapon doon sa kompanya nila upang maging taga linis kaya’t ayoko nang maulit iyon. Mabuti nalang at mukhang wala sila sa mood na ievict nanaman ako.

“Taksil ka Kohei! Lahat nalang ay inerereport mo!” paninita ko na hindi maitago ang pag kainis.

“Master, ginagawa ko lamang po ang trabaho ko na ireport lahat iyong ama ang mga nagaganap sa iyo. Syempre ay importanteng malaman nila ang bagong patakan sa campus dahil baka ikagulat pa nila ito at lalo silang magalit.” katwiran niya habang abala sa pag ddrive.

“Daldal mo naman kasi e, nakatukan tuloy ako ni papa.” pag mamaktol ko naman.

“Nga pala master, si Master Rui po ay uuwi na sa susunod na linggo. Balita ko ay nakapili na ito ng campus na papasukan niya.”

“Wala naman akong paki alam kay Rui. Saka swerte siya dahil nakapag aral pa siya sa ibang bansa kahit ampon lang siya nina mama. Kung mag post pa ng picture nya sa social media ay wagas na wagas. Feeling mayaman pero wala namang pera!”

“Master, huwag naman kayo mag salita nang ganyan. Saka kayo po ay 18 palang, si Master Rui ay 24 na. Siya ay kuya mo kaya’t dapat ay gumalang ka sa kanya.”

“Excuse me. Hindi ko siya kapatid. Anak lang siya ng kaibigan ni papa na nag salba sa kanya noong masunog ang kompanya nila sa ibang bansa at bilang pag tanaw ng utang na loob ay inampon siya ng mga ito at ginawang tunay na anak. Everybody knows that. Walang dapat na itago. Saka huwag ka na nga maki alam! Labas kana doon!”

Ewan ngunit nakakaramdam talaga ako ng kakaibang inis kapag si Rui na ang pina uusapan. Marahil siguro ay paborito siya nila papa dahil matalino ito at pinag aral pa ang ibang bansa upang hawakan ang kompanya. Hindi kami nag kikita ngunit friend kami sa social media. Kapatid ang turing nya sa akin ngunit nakakaramdam ako ng pag seselos kapag parati siyang binabanggit ng aking mga magulang. Mga papuring dapat ay sa akin binibigay dahil ako ang tunay na anak.

“Ang sabihin mo ay naiinsecure ka sa kuya mo. Achiever yung tao, lakas mala benevolent man. Parating nag coconduct ng charity events doon sa ibang bansa para sa less fortunate children at napaka buti pa. Walang kasing buti.” wika ni Tex ang pinaka malapit kong kaibigan sa campus. Anak siya ng business partner ni papa sa kompanya ng advertising at schoolmate ko rin siya.

“Si Rui ba ang inilalarawan mo o isang santo? Huwag mo na nga siya kampihan bago pa kita ipatapon doon sa kabilang bayan. Pasalamat ka nga at kaibigan kita kaya kahit panget ka ay naka safe ka no.”

“Hindi ako panget Nai. Hamak gwapo at puti ko sa iyo no.” pag tatanggol niya sa sarili.

“Patakaran ko iyon at iyon ang masusunod. Kaya iyang Rui na iyan kapag tumapak iyan dito ay ipapatapon ko iyan doon sa malayo. Huwag siyang mag kakamali na dito mag enrol.”

“Hala, ang bad mo talaga friend. Pero ganyan talaga ang buhay. Minsan gwapo minsan panget.”

“At ang mga panget ay ipinapako sa krus at ibinibilad doon sa plaza hanggang sa masunog!” tugon ko naman

Tawanan..

“Hindi na daw tuloy ang play. Bakit kaya?” ang bulungan ng mga estudyante sa hallway.

“Eh kasi inalis raw si professor Doding kahapon pa.”

“Sigurado si Nai nanaman ang dahilan kung bakit napaalis siya.” sagot ng isa

“Naku sinabi mo pa, masama talaga ang ugali ng Nai na iyan. Kalalaking tao pintasero at napaka mean pa. Hindi naman siya ganoon ka gwapo e, kutis bayag pa.” ang tugon ng isa kaya naman napakunot ang aking noon habang patuloy silang nag kkwentuhan.

Agad akong lumapit sa kanila dahilan para sila ay mapahinto. “Oo masama ang ugali ko at kutis bayag ako. Dahil diyan ay ipapatapon ko kayo doon eskwelahan ng mga panget!”

“Teka muna, master Nai. Hindi naman sila panget kaya’t bakit sila ipapatapon? Si Cindy ay Miss Nursing, si Belle ay Miss Accounting, si Jasmine ay Miss Hrm. Lahat sila ay beauty queen.” ang pag pigil ng isang dean.

“Wala akong paki alam kung sila ay beauty queen o disney princess pa. Basta ang patakaran ay patakaran. Pero kung gusto mo ay hindi sila aalis.” ang wika ko

“Talaga Master Nai?” ang masayang wika ng dean

“Oo, kung ikaw ang aalis. Ano lang ba naman ang 80 thousand na sweldo mo rito kada buwan. Madali naman kitain iyon sa labas diba? For sure kuba kana kaka kayod ay hindi kapa nakakaipon ng ganoon. Paano nalang ang marangyang pamumuhay mo kung aalis ka dito diba? Sayang ang mga signature na sapatos at damit mo Dean Takatak.”

Napaisip ang guro habang naka tingin sa mga babaeng umiiyak. Maya maya humarap siya sa akin “Sige Master, ipatapon na iyang mga chararat na disney princess na iyan.” ang wika nito dahilan para matawa ako.

“Good. Bibilang ako ng sampu. Kailangan ay naka labas na ang mga chakang disney princess na iyan. At isama nyo na rin si Snow White.” ang utos ko sabay turo maputing estudyante na kumakanta sa harap mga ibon sa rooftop.

“Master, bakit pati siya? Wala naman siyang ginawang masama. Saka kumakanta lang naman siya kaduet ang mga ibong maya doon sa itaas.” tanong ng Dean.

“Dahil disney princess din siya. Sige dalhin na sa kakahuyan iyang mga chakang iyan. Isa!! Dalawa!!” ang utos ko

Tatlo!!

Apat!!!

Lima!!!

Anim!!!

Nag kagulo ang mga guro at isa isa nilang binitbit ang mga estudyante palabas ng gate. Ako naman ay tawa ng tawa na animo kontrabida sa balkunahe ng 2nd floor. Yung tipong kulang nalang ay isumpa nila ako o kaya ay barilin ng maraming beses para durog na durog.

Sadyang malupit lang talaga ang mundo, kapag gwapo ka ay hahangaan ka kapag panget ka ay pag tatawanan ka o kaya ay kukutyain. Gusto ko lamang ilugar kung saan sila nababagay, sa tingin ko ay pag babalanse lamang ang aking ginagawa. Hanggat maaga ay dapat alam na nila kung saan sila lulugar sa malupit na mundong ito upang hindi na sila makaramdam pa ng pag rereject ng iba tao. Tumulong pa nga ako na ilagay sila sa tamang daan. At dapat ay mag pasalamat pa sila sa akin.

Itutuloy..

SP Part 2: Rui

Credits Rui

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Dec 28, 2017

Part 2: Rui

“Master Nai, gising na po. Parating na ang kuya Rui mo. Ang lahat ay nag hahanda na para sa kanyang pag dating.” ang wika ni Kohei habang inililihis ang mga kurtina sa silid.

“Akala ko ba ay tsa isang linggo pa iyan? Inaantok pa ako. Saka wala akong paki sa kanya. Hindi naman siya santo para salubungin hano.“ang tugon ko naman sabay takip ng unan sa aking mukha.

“Pero iyon po ang utos ng papa ninyo.”

“Edi sabihin mo kay papa siya na ang sumalubong sa ampon niya.”

“Oo Nai, ako na ang sasalubong sa kuya mo. Mag handa kana bukas dahil mag sisimula kanang maging janitor doon sa kompanya bilang parusa mo.” ang boses ni papa kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon. “Pa.. Hahaha. Goodmorning. Joke lang iyon. Di naman kayo mabiro. Ako pa ba? Naku excited na nga akong salubungin si Kuya Rui. Idol na idol ko siya at mahal na mahal!” ang masaya kong wika sabay lundag sa banyo para maligo.

“Kohei, bantayan mo si Nai. Siguraduhin mong nandoon siya pag dating ni Rui.” boses ni papa

“Opo Old Master.” ang sagot ni Kohei sabay yuko sa harap ng aking ama.

Ako naman ay patuloy lang sa pag kukuskos ng katawan. Habang pilit inaalala ang mga senaryo sa aking pag kabata kasama si Rui. Iyon ang mga memorya na paulit ulit na bumabalik sa aking isipan kahit sa pag tulog o sa simpleng pag pikit ng aking mga mata.

FLASH BACK

“Oi panget! Negro halika nga dito.” iyon ang palaging tukso sa akin ni Rui. Apat na taon pa lamang ako noon at siya naman ay nasa sampu na.

Parati akong umiiyak kapag tinatawag niyang panget o kaya ay negro dahil hindi ako kasing puti niya bagamat hindi naman talaga ako maitim. “Maaa, inaasar nanaman ako.”

“Rui, huwag mong asarin ang kapatid mo.” pag suway ni mama

“Joke lang naman iyon e. Oh heto ang ice cream. Bati na tayo.” ang wika niya sabay yakap sa akin para amuin.

Siya ang parating tumatawag sa akin ng panget, madalas niya akong tinutukso kaya naman panay rin ang aming pag aaway. Iyon nga lang ay madalas siyang kampihan ni papa dahil hindi naman lingid sa aking kaalaman na paborito niya ito ng higit sa akin. Siya ang madalas binibilhan ng latest na laruan at ang lahat ng pinag lumaan niya ay ibinibigay sa akin hanggang sa damit, medyas at sapatos upang hindi raw masayang ang mga ito.

Dahil sa matinding selos ay nag tanim ako ng galit kay Rui. Isang araw, habang pababa siya ng hagdan ay itinulak ko siya hanggang sa gumulong ito sa ibaba, pumutok ang ulo at napilay.

Paulit ulit bumabalik sa aking isipan ang eksenang iyon. Ang kanyang katawan na gumugulong pababa sa hagdan, ang dugo sa kanyang ulo at ang matinding galit sa akin ni mama at papa. Halos parang kahapon lang naganap ang lahat ng iyon. Nandito na pa rin sa aking dibdib ang takot at hindi maunawaang sakit.

At mag buhat noon ay naging iwas na ako kay Rui, hindi ko siya tinatawag na kuya o ituring na kapatid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nababago ang aming samahan dahil nabuhay ako na malayo ang loob sa kanya. At iyon ang mga bagay na hindi ko maaaring itanggi.

15 anyos noong umalis siya patungo sa ibang bansa at doon na nanirahan. Simula noon ay hindi ako nakipag usap sa kanya. Kahit simple greetings sa social media ay wala rin bagamat palagi niya akong kinakamusta.

end of flash back

“Master mas maganda siguro kung mag susuot ka ng necktie, mas bagay iyon sa suot mong polo.” wika ni Kohei habang naka nag bbyahe patungo sa kompanya nila papa

“Huwag na, hindi naman ako empleyado, saka akala ko ba ay doon tutuloy sa bahay tutuloy si Rui? Bakit biglang doon sa kompanya?” tanong ko.

“Nais raw niyang mag pamigay ng regalo sa mga empleyado kaya’t nag pasya siya na doon bumaba.”

“Para gumawa ng eksena? Anong klaseng pag papasikat nanaman ang binabalak niya?”

“Hindi ko po alam master, kung ano man ang nais ng iyong ama ay mas mabuting sundin mo na lamang ito upang walang gusot.”

“May magagawa pa ba ako? Kaysa naman gawin niya akong janitor doon sa kompanya ng isang linggo. Titiisin ko nalang ang araw na ito.” bulong ko naman habang naka tanaw sa labas ng bintana.

Edi iyon nga ang set up, pag pasok namin ni Kohei sa lobby ng kompanya ay naka hilera na agad ang mga empleyado, lahat sila ay sinalubong ako ng masigabong pag bati bagamat batid ko na si Rui naman talaga ang inaabangan nilang dumating. Tiyak na mamaya ay ligwak na ako sa spot light ng mga mata nila kapag dumating na main cast ng palabas na ito.

Sa picture ko lang nakikita si Rui. Madalas itong modelo ng mga motor siklo at brand ng sasakyan sa ibang bansa. Nag kalat rin ang posters at billboard niya sa center ng siyudad. Yung mga kaibigan ko ay gustong gusto siya lalo na yung mga babae, lagi nila akong tinatanong kung talagang kapatid ko si Rui dahil hindi kami mag kamukha. Hindi ko nalang sinasagot dahil ayoko ng mahabang paliwanagan.

Makalipas ang ilang minuto ay isang masigabong palakpakan at pag bati ang iginawad ng mga empleyado noong mga sandaling bumukas ang pinto at pumasok si Rui dito.

Unang pag kakataon na makita ko siya ulit, matangkad palagay ko ay nasa 6 ft ito. Naka suot ng salamin at suit na mukhang mamahalin. Hindi naman maitatanggi na gwapo talaga siya at malakas ang dating. Yung mga babaeng empleyado ay kinikilig at yung iba ay parang hinimatay pa noong siya ay kamayan. Sa kanyang likuran nakatayo ang 3 lalaking parang men in black. Sa tingin ko ay mga body guard niya ito. Eh bakit ako walang ganon? Nag titiyaga ako dito sa matandang si Kohei.

Maya maya ay nag palakpakan ulit noong dumating si papa kasama ang ilang business partner.

Katulad ng inaasahan ay echepwera na ang ganap ko. Wala nang pumansin sa akin kaya’t napaupo na lamang ako sa waiting area habang hinihintay na madapa at mapahiya si Rui. Kung alam ko lang ay nag dala ako ng balat ng saging at inihagis ko ito sa kanyang lalakaran para mapahiya ito ng kaunti.

“23 years of victory and we are still growing as an enterprise. We are the leader in terms of agriculture, medicine, entertainment, and technology. I am strongly hoping that we will continue to soar high in the coming years.

This is also a perfect opportunity to introduce my two sons— Rufer Igor Natchakal my eldest and. Nathaniel Ian Natchakal my youngest. They are my heirs to my empire. They will soon take over and take lead of my businesses.“ ang intro ni papa habang ang lahat ay masusing nakikinig.

“Cheers!”

Palakpakan ang lahat..

Maya maya ay tumabi si Rui sa aking kinatatayuan at inakbayan niya ako habang naka harap sa mga nag kikisapang camera ng press. Ngiting ngiti ito samantalang ako naman ay napapangiwi dahil sa kanyang kaplastikan o kung ano man ang publicity na ginagawa niya upang mapaniwala ang lahat sa kanyang pagiging sweet loving and care kuya bagamat ngayon lang kami nag kita matapos ang maraming taon.

Makalipas ang eksenang iyon ay nag simula nang mag pamigay ng regalo si Rui. Ang bawat empleyado ay nakatanggap ng kahon ng cellphone at pabango mula sa kanya. Star na star ang lolo mo habang niyayakap ng mga tauhan bilang pasasalamat.

Ako naman ay nakaramdam ng pag kaboring kaya naman kahit hindi pa tapos ang palabas na si Rui ang main cast ay umalis na ako sa sinehan na kanyang pag aari. Hindi literal ang ibig kong sabihin.

Lumabas ako sa kompanya at hinayaan silang mag saya ng one to sawa. Nag tungo ako sa isang bar na madalas naming tambayan kasama si Tex at ang aking mga kaibigan.

“Whoa, ang bilis naman iprint ng picture nyo sa online news. Ang gwapo ng kuya mo dito sa picture pero bakit parang naka ngiwi ka?” ang tanong ni Tex habang ipinapakita ang larawan namin ni Rui na kuha kanina.

“Obvious ba? Hindi ako happy na makasama siya. Star na star siya kanina doon sa kompanya. Halos lahat ay tuwang tuwa sa kanya.” sagot ko.

“Eh anong nangyari sa iyo?” tanong ng isa kong kaibigan.

“Edi wala. Hindi nga nila alam na umalis ako. Wala naman sa akin ang atensyon ni papa e. Kaya heto naka takas ako ng ganoon kabilis.”

“Pero infairness gwapo talaga itong kuya Rui mo oh. Kahit saang anggulo tingnan walang bahid ng kapangitan. E, gwapo ka rin naman Nai, kaso nga lang ay naka ngiwi ka sa lahat ng photos.” puna ng kaibigan kong babae na si Mema

“Oo nga no, naligwak ka ng kuya mo frend.” pang aasar ni Tex

Tawanan sila..

“Mang asar pa kayo. Bukas na bukas ay ipapatapon ko na kayo doon sa skul ng mga panget!” asar kong tugon sabay tungga sa bote ng alak.

Halos umabot kami ng alas 10 ng gabi sa loob ng bar. Marami na rin akong nainom kaya’t tila ba nilukuban na rin ako ng espiritu ng kalasingan kaya naman nag pasya na akong barayan ang lahat ng bill at susuray suray na lumabas para makalanghap ng sariwang hangin.

Medyo may kadiliman sa labas na bar ngunit malinaw ko pa ring naaaninag ang paligid. Umupo ako sa bangkuan sa gilid ng pader at isinandal ko ang aking ulo, wala na rin naman akong lakas para makisayaw doon sa loob kasama sila Tex at ang mga party animal kong plastic na friend.

Malamig ang hangin dito sa labas at nakakarelax kaya naman panandalian kong ipinikit ang aking mata..

Tahimik..

Maya maya ay may naramdaman akong kumakalabit sa akin kaya naman agad akong gumising..

Noong imulat ko ang aking mata ay laki gulat ko noong bumulaga sa aking paningin ang isang lalaking pulubi na puro grasa ang katawan. Naka suot ito ng balabal na animo basahan at may hood sa ulo upang hindi makita ang kanyang mukha. “Sino ka? Umalis ka dito! Tangina!” ang gulat kong sigaw habang napapa atras sa aking kinauupuan.

“Anak, nagugutom na ako. Bigyan mo naman ako ng pag kain.” ang wika nito habang naka sahod ang kamay sa aking harapan.

Tinabig ko ang kanyang kamay at saka mabilis na tumayo mula sa pag kakaupo. “Wala akong ibibigay sayo! Lumayo ka nga sa akin! Nadudumihan ang damit ko! Mamahalin ito! Leche!” sigaw ko.

“Maawa ka naman sa akin anak, dalawang araw na akong hindi nakaka kain. Kahit kaunting barya lamang upang mayroon akong maipang laman sa aking kumakalam na sikmura.” ang daing nito sabay hawak sa aking damit dahilan para mag kagrasa ito.

Lalo akong nakaramdam ng pag kainis kaya naman naitulak ko siya na nasadsad ito sa lupa. Tumama ang katawan sa batuhan at nasubsob sa halamanan. Hindi ko nakontrol ang aking sarili kaya’t napalakas ito.

“Sinabi nang lumayo ka! Panget mo!!” ang singhal ko.

Agad akong tumalikod para pumasok sa loob ng bar ng biglang may humawak sa aking likuran. Muli akong humarap at dito ay nakita ang pulubi na nakatayo, nanlilisik ang mata na kulay pula at maya maya ay mabilis itong nag tatakbo patungo sa akin. Parang hangin ang kanyang liksi at mabilis nya akong sinakal at hinilahod patungo sa parking lot na madilim.

Malakas ang palubi at talagang nagawa niya akong kaladkarin na parang isang laruan. Itinaas niya sa era habang hawak ang aking leeg dahilan para maramdaman ko ang pag kapatid ng aking hininga.

“Bitiwan mo ako! Sino ka ba?” ang tanong ko habang nahihirapan sa pag sasalita.

Hindi siya tumugon..

Inialis niya ang kanyang kanang kamay sa aking leeg at ang kanyang kaliwang kamay naman ay dinakot ang aking mukha. “Iyan ang gustong gusto ko, ang masamang ugali mo ang bagay bagay na regaluhan ko!” ang wika niya.

“Lumayo ka sakin! Ipapa pulis kita at sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan! Bitiwan mo ko!!” ang sigaw kaya naman mas lalo pa niyang dinakot ang aking mukha kaya nakaramdam na akong ng kakaibang sakit at kirot.

Maya maya ay inihiga niya ako sa lupa at pumupo siya sa aking dibdib. Kasabay nito ang pag liwanag ng kanyang kanang kamay. Ang liwanag na iyon ay kulay asul na animo bolang bilog..

Hindi ko mawari ang nanaganap na iyon, hindi ko alam kung tao ba ito o anong nilalang dahil nag lalabas siya ng kung anong enerhiya sa katawan. At habang nasa ganoong pag mamasid ako ay inalis niya ang pag kakadakot ng kanyang kaliwang kamay sa aking mukha at walang ano ano ay hinawakan niya ang aking panga upang bumukas ang aking bibig.

Naka ngisi siya habang ako naman ay parang biktima na malapit nang mamatay sa takot.

Patuloy niyang piniga ang aking panga hanggang sa lumuwang ang buka ng aking bibig at walang ano ano ipinasak niya ang bolang asul na nag liliwanag sa aking bunganga na aking ikinabigla.

Nag liwanag ang aking mukha, pababa sa aking leeg at naipon ang liwanag aking dibdib bago ito mag laho.

Nakaramdam ako ng kakaibang init ng aking katawan at pag bigat ng talukap ng aking mata na tili hinitit ng kung ano ang aking lakas.

Maya maya umalis siya sa pag kakaupo sa aking dibdib at tumayo sa aking harapan habang ako naman ay lantang gulay na naka handusay sa lupa. “TATLONG GAWAIN NA NAG PAPAKITA NG KASAMAAN NG UGALI MO ANG MAG TUTULOY SA SUMPA.”

“Sa susunod na mag kita tayong muli ay mag sisimula na ang tunay mong misyon. Ikaw ang napili ko upang gampanan ito.” ang wika niya bago tuluyang pumikit ang aking mata.

“TATLONG GAWAIN NA NAG PAPAKITA NG KASAMAAN NG UGALI..”

“Huwag mong kalimutan…” tuluyang nag laho ang tinig..

Wala akong naaalala pa..

Tahimik..

Isang kalabit sa balikat ang gumising sa akin. “Hoy Nai, uuwi na tayo. Tama bang matulog ka dito sa gilid ng bar. Paano kung may masamang tao dito?” ang pag gising ni Tex

Noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa upuan sa gilid ng bar kung saan akong naupo kanina.

Agad kong hinipo ang aking katawan at aking mukha na parang sinusuri kung anong nangyari. “Oi ano yan? May nawawala ba sayo?” tanong ni Tex

Ako naman ay patuloy lang sa pag kapa sa aking katawan. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o totoo. “Nasaan yung pulubi? Saan siya nag punta? Lumapit siya kanina dito at sinakal ako patungo doon sa parking lot!”

“Sir, wala pong lumalapit sa inyo. Nakita ko nga po kayong nakatulog dyan sa gilid kaya binantayan ko na kayo. Wala pong pulubi sir. Baka po nananaginip lang po kayo.” ang wika ng bouncer

Inilinga ko ang aking paningin sa paligid ngunit wala rin naman akong nakita. “Yung pulubi na nababalutan ng grasa, naka suot ng maduming hood na kakaiba ang kanyang anyo.”

“Hay nako frend, tama na nga iyan. Marami ka lang nainom kaya kung ano anong nakikita mo. Ang mabuti pa ay umuwi na tayo.” pag yaya ni Tex at doon inalalayan nila ako papasok sa sasakyan.

Aminado ako na lasing ako at masakit ang aking ulo, pero ang naganap kanina ay kakaiba talaga dahil parang totoo ito at malayo sa isang panaginip. Hanggang sa mga oras na ito ay naalala ko pa rin ang bawat katagang sinabi sa akin ng pulubing iyon. Dapat ko ba itong ikabahala o hayaan na lamang dahil hindi naman totoo ang lahat?

Itutuloy..

SP Part 3: Patakaran ni Rui

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

December 30, 2017

Part 3: Patakaran ni Rui

“Master Nai, bakit ngayon ka lamang umuwi?” ang bungad ni Kohei noong makapasok ako sa sala. Abala ito sa pag liligpit ng mga gamit na pinag kainan.

“Nag kainuman lang doon sa labas. Bakit ngayon ka lang nag lilipit ng pinag kainan?” tanong ko naman

“Ipinahanda po ito ni Master Rui kanina dahil baka raw dumating ka ng maaga. Bigla ka raw kasing nawala kanina kaya hindi kana naisama sa dinner.”

“Kumain na ako doon sa labas. Nasaan ba siya?” tanong ko naman.

“Wala po si Master Rui ngayon, lumabas rin siya kasama ng mga kaibigan.”

“Ah ganoon ba. Mabuti naman.” tugon ko habang susuray suray na pumapanhik sa hagdan.

Pag bukas ko ng pintuan ng aking silid ay bumulaga sa akin ang tambak na kalat at mga bagahe na dala ni Rui mula sa ibang bansa. Yung tipong itinambak lahat sa aking kwarto. At iyon ang nag painit ng aking ulo. “KOHEI!!!” ang sigaw ko na halos rinig sa buong kabahayan dahilan para mag takbuhan ang mga kasambahay sa sala. “BAKIT NANDOON ANG GAMIT NI RUI? Ilabas nyo iyon lahat ngayon rin dahil baka mag dilim ng aking paningin e sunugin ko lahat ng maleta niya kasama na yung isang kahong punong puno ng trophy at medalya!!”

“Pero master, gusto lang naman ng kuya mo na mag karoon kayo ng magandang samahan dahil simula noon ay hindi na kayo nag kasama. Iyon ang sabi niya kanina.” ang katwiran ni Kohei.

“Pwes, hindi iyon ang gusto ko! Sampu ang silid dito sa loob ng bahay! Bakit dito pa sa kwarto ko? Anong klaseng palabas ba iyan? Joke ba ito?!”

“Pero master, baka ikagalit iyon ng kuya mo.”

“Mas magagalit siya kapag pinulot niya sa basurahan ang lahat ng gamit niya! Alisin niyo ito ngayon din bago pa kayo ang ialis ko isa isa mga panget!!! Kilos na tanginaaaa!”

“Huwag naman po kayo mag mura master. Baka marinig kayo ng inyong ama.”

“Mag mumura ako kung kailan ko gusto at mumurahin ko ang gusto kong murahin kaya Putang ina ialis ninyo ang gamit ni Kupal dito sa kwarto ko!” ang sigaw ko pa.

“Ay ang sama naman ang ugali ni master Nai.” ang bulong ng mga kasambahay sa gilid na hindi makapag pigil na mag bigay ng kanilang komento.

“Hoy kayong dalawang panget na gurang mag alsa balutan na kayo dahil huling gabi niyo na ito!” ang sigaw ko at habang nasa ganoong pag kagalit ako ay tila may isang malakas na pwersang sumuntok sa aking dibdib dahilan para maluhod ako sa aking kinatatayuan dahil sa matinding sakit.

Kasabay nito ang bulong sa aking tainga. “ISA”

Nag liwanag ang aking dibdib kaya naman labis akong nataranta. Aktong bababa ako sa hagdan ng bigla kumirot ang aking ulo at mga kalamnan dahilan para ako ay maout of balance at gumulong gulong pababa ng hagdan.

Sumadsad ang aking katawan sa mga baitang, tumama ang aking mukha, ulo at braso kaya naman halos mag kapilay pilay ako. Ngunit mas nangingibabaw parin ang kakaibang kirot at init sa aking dibdib.

“Ay nakarma! Ay mali! Master!!” ang wika ng mga katulong

“Master Nai!!” ang natarantang sigaw ni Kohei habang tumatakbo palapit sa akin.

Habang nakadapa ako sa sahig ay naaninag ko pa ang paa ng pulubi sa aking harapan. Muli niyang inulit ang kanyang sinabi sa akin “Tatlong kasamaan ng ugali.. Tuloy ang sumpa.” ang tumatawang wika niya.

Hindi ako nakagalaw o nakaimik man lang, namanhid rin ng husto ang aking buong katawan. Kasabay nito ang muling pag ka blanko ng aking paningin..

Tahimik ulit..

“Lasing po si Master Nai kaya siya nahulog sa hagdan.” ang boses ni Kohei na gumising sa akin ngunit nanatili akong naka pikit.

“Bakit nag lalasing? Wala ba siyang kontrol o desiplina sa sarili? Saan ba natutong uminom iyan?” ang galit na boses ni Papa.

“Hindi po namin alam old master. Maayos naman po si young master, tiningnan na rin po siya ng doctor at wala namang nakitang bali o problema sa kanyang katawan maliban sa ilang mga pasa.” sagot ni Kohei

“Iyan ang hirap sa bata na iyan masyadong pasaway, puro problema ang dinadala sa bahay na ito. Simula bukas ay hakutin mo ang gamit ni Nai at uuwi na siya doon sa probinsya. Doon muna siya sa lola niya upang malayo sa masamang bisyo dito sa siyudad.” utos ni papa kay Kohei

“Masusunod po old master.” sagot ng katiwala.

Hindi pa rin ako dumidilat, nag papanggap pa rin akong tulog bagamat gusto ko nang bumalikwas ng bangon para mag protesta.

Nasa ganoong posisyon ako ng may isa pang boses na mag salita sa silid. “Pa, hindi kaya lalong mag rebelde si Nai kapag ipinadala mo siya sa probinsya? Sa tingin ko ay natural lamang sa mga teenager ang umiinom at nanalasing. Noong naka tira ako sa ibang bansa ay nag papakalasing rin ako hanggang gumapang na ako sa lupa. Ang ibig kong sabihin ay hayaan na lamang natin dito ang kapatid ko. Gusto kong bumawi sa kanya, gusto ko siyang makasama at alagaan. Ibalato mo na sa akin ito papa. Please.” ang boses ni Rui.

Natahimik si papa at panandaliang nawalan ng imik. Narinig ko rin ang kanyang buntong hininga. “Pasaway ang batang iyan, hindi mo maaaring gawing responsibilidad ang pag aalaga sa kanya dahil walang kasi tigas ang bungo niyan.”

“I will take the responsibilty pa.. Ako na ang bahala sa kapatid ko.” sagot ni Rui na punong puno ng paninindigan.

Ako naman ay napapangiwi na lamang bagamat hindi ko inaasahan na ipag tatanggol ako ni Rui laban kay papa. Madalas kasi ay naka kampi ito sa aking mga magulang. Hindi ko alam kung anong binabalak niya o baka naman gusto niya akong iblack mail o pasunurin dahil may utang ako sa kanya. “Pwes hindi mang yayari iyon Rui, kupal ka, lagot ka sa akin!” ang sigaw ko sa aking sarili.

“Sige. Ikaw na ang bahala diyan sa pasaway mong kapatid.” ang tanging salita ni papa at dito ay narinig ko itong lumabas ng silid.

Marahan kong iminulat ang aking mata at dito ay nakita ko si Rui na nakaupo sa sofa habang hawak ang kanyang cellphone at abala sa pag pindot nito. Sa kabilang gilid naman ay nandito si Kohei na umiinom ng tsaa.

“Nag beast mode pala siya kanina noong malaman na dito ako sa silid niya mananatili.” natatawang wika ni Rui

“Opo master. Marahil ay hindi lang sanay si master Nai na may kasama dito sa kanyang silid.”

“Baka naman kung sino sinong babae ang dinadala niya dito kaya ayaw niyang may kasama? O baka naman umiihi pa siya sa higaan kaya nahihiya ito.” natatawang wika ni Rui habang naka ngising aso. Marahil ay kanina pa niya alam na gising ako kaya nang iinis na ito.

“Nag dadala po kaibigan dito si master Nai ngunit mga kabarkada niya iyon kapag sila ay nag ggroup study.”

“Baka naman bad influence ang mga kaibigan niyang si Nai kaya nagiging lasinggero na ito. Saka kailan pa siya nag pa tattoo sa dibdib? Alam ba ni papa iyon?” tanong niya

“Anong tattoo po master Rui? Ang alam ko po ay hindi naman nag papa tattoo iyang si master Nai dahil maselan pa ito sa pinaka maselang nilalang sa balak ng lupa.”

“Anong tattoo nga ba iyon?” ang pag tataka ko rin sa aking isipan.

“Kanina noong pinunasan ko siya ay may naka tatak na letrang SP sa kanyang kanang dibdib at sa palagay ko ay matagal na ito.”

“At sya pala ang nag punas sa akin! Nakaka inis!” ang sigaw ko sa aking sarili at dito ay hindi ko natiis na bumalikwas ako ng bangon. “Bakit kasi dito kapa mag sisilid e sampu ang kwarto dito sa bahay.” ang galit kong entrada.

“Hala beastmode nanaman ang baby ko ha?” ang entrada rin ni Rui habang naka ngisi. Relax na relax ito sa sofa.

“Mabuti naman po at gising na kayo master Nai. Masaya po ako dahil walang nangyari masama sa inyo. Ang tigas po talaga ng bungo nyo dahil hindi ito nabasag. Ang ibig ko pong sabihin ay mabuti nalang at hindi naapektuhan ang inyong ulo.” wika ni Kohei

“Unang una sa lahat kayo lang dalawa ang masaya, huwag nyo akong idamay sa trip ninyo. At ikaw Kohei balimbing ka rin e, kanino kaba talaga naka kampi?”

“Ginagawa ko lamang po ang trabaho ko. Patas po ako master Nai.”

“Baby ko huwag mo na nga awayin si Kohei. Sa akin ka naman talaga galit diba?” ang wika ni Rui

Humarap ako sa kanya at nag bitiw ng maasim na tingin.

“O, bakit ka ganyan makatingin? Natatae ka ba?” pang aasar niya.

“Oo, natatae ako kapag nakikita kita. Alis kana nga dito. Hindi ko alam kung anong trip mo at bakit dito ka pa mag sstay!”

“Aba e trip ko lang na makasama ang baby bro ko. Saka bakit parang ayaw mo sa akin e hindi naman ako panget diba? Kung lahat ay kaya mo, pwes ako ay hindi. Alalahanin mong mas mayaman, mas makapangyarihan ako sa iyo. Lahat ng aksyon mo ay kaya kong ibaligtad. Kapag sinabi kong gawing kang Janitor doon sa plaza ay magiging janitor ka. Kapag sinabi kong ipatapon ka sa probinsya at ipapatapon ka. 18 ang kompanyang pag aari ni papa. 9 doon ay sa akin.. Ano hahabol ka? Ilan ang sayo? WALA DIBA? Umaasa ka lang sa yaman namin na ibinibigay sa iyo or should i say YAMAN KO na ibinibigay sayo. Kaya kapag sinabi ko dito ako sa kwarto matutulog at mag sstay ay iyon ang mangyayari.” ang wika niya sabay hagis ng isang magasin sa aking harapan. “Baka hindi mo nabasa ang issue na iyan.” ang naka ngisi niyang wika

Tiningnan ko ang magasin at dito ay nakita ko ang picture ni Rui. Number 8 most powerful entrepreneur ng taon. At isa rin sa pinaka mayaman at the age of 20’s.

“Ano, palag? Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo baby brother.” wika pa niya

“Mabuti pang lumayas na ako dito! Ampon ka lang naman e. Bakit lahat ay ibinibigay sa iyo?”

“Dahil mahusay ako. Matalino, at mahusay at matalino.. Bonus nalang ang pagiging gwapo. Ano Nai, papalag ka ba? Sige lumayas ka, pero sinasabi ko lang na kahit saan ka mag punta ay papasundan pa rin kita at ibabalik kita dito hanggang sa mapagod kang umalis.” ang naka ngising wika ni Rui sabay tayo sa kanyang kinauupuan at nag tungo sa pintuan. “Matulog ka pa, alas 4 palang ng umaga. Bukas na bukas ay ipapa ayos ko itong kwarto mo. Masyadong masakip, magulo at amoy tamod pa. Mukhang ginagawa mong parausan ang silid mo.” ang hirit pa niya sabay labas ng kwarto.

Tumalikod siya samantalang ako naman ay binalot ng pag kainis, yung tipong gusto ko nang ibalibag ang cabinet sa kanyang likuran. Nag uumapaw ang aking galit na wariy bulkan na sasabog ano mang oras.

Maya maya ay huminto siya sa pag hakbang. “Sige ibalibag mo sa akin iyang cabinet kung saan ka masaya. Nga pala, Kohei, tawagan mo lahat ng kaibigan ni Nai at imbitahin mo dito sa bahay. Gusto ko silang interviewhin. Ang lahat ng bad influence ay ikikick out natin sa circle of friends niya.” dagdag ni Rui

“Puta, anong karapatan mo para gawin iyon?!” sigaw ko

“Kuya mo ako, gusto ko lang na nasa mabuti kang kamay. Kikilalanin kong mabuti ang mga kaibigan mo. Alam mo namang mahal na mahal kita baby bro.” pang aasar niya bagamat halatang siya ang pinaka bwisit na kaaway.

“Sino ka? Diyos ka ba? Adik ka ba? Kaibigan ko sila kaya huwag mo silang paki alaman!”

“Goodluck sa iyo baby bro.” ang pang aasar niya sabay lakad palayo ng aking silid.

Naiwan akong hihinga hinga habang naka upo sa kama. Wala akong nagawa kundi ang mag sisigaw sa galit at mag wala sa husto. Alam kong bwisit si Rui noon pa ngunit hindi ko alam na mas bwisit siya ngayon! Mas tuso at mas nakaka inis ang ugali! Mayabang at walang modo! “Gago kaaa Rui!! Gago kaaaaaaa!” ang sigaw sa buong silid.

“Master huminahanon po kayo.” pag pigil ni Kohei.

“Ako ang tunay na anak, bakit lagi akong kinakawawa? Bakit lahat ibinigay nila sa kupal na iyon? Hindi ako papayag!! Hindeeee!!!!!! Matitikman nila ang galit ko!!!”

Itutuloy..

SP Part 4: Katapat

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Dec 31, 2017

“Aba e trip ko lang na makasama ang baby bro ko. Saka bakit parang ayaw mo sa akin e hindi naman ako panget diba? Kung lahat ay kaya mo, pwes ako ay hindi. Alalahanin mong mas mayaman, mas makapangyarihan ako sa iyo. Lahat ng aksyon mo ay kaya kong ibaligtad. Kapag sinabi kong gawing kang Janitor doon sa plaza ay magiging janitor ka. Kapag sinabi kong ipatapon ka sa probinsya at ipapatapon ka. 18 ang kompanyang pag aari ni papa. 9 doon ay sa akin.. Ano hahabol ka? Ilan ang sayo? WALA DIBA? Umaasa ka lang sa yaman namin na ibinibigay sa iyo or should i say YAMAN KO na ibinibigay sayo. Kaya kapag sinabi ko dito ako sa kwarto matutulog at mag sstay ay iyon ang mangyayari.” ang wika niya sabay hagis ng isang magasin sa aking harapan. “Baka hindi mo nabasa ang issue na iyan.” ang naka ngisi niyang wika

Tiningnan ko ang magasin at dito ay nakita ko ang picture ni Rui. Number 8 most powerful entrepreneur ng taon. At isa rin sa pinaka mayaman at the age of 20’s.

“Ano, palag? Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo baby brother.” wika pa niya

Part 4: Katapat

“So hindi ka naka palag? Mali ka naman kasi ng binangga. Kung payamanan lang e mas mayaman yung kuya Rui mo. Hindi mo siya kaya.” ang wika ni Tex

“Ako pa rin ang tunay na anak kaya wala siyang habol doon. Saka biruin mo doon nag enrol si mokong sa pinaka malaking campus dito sa siyudad. So cheap, kasama ng middle class at mahihirap.”

“Pinaka malaking campus dito sa siyudad, ang students doon ay middle class at mahihirap pero pinaka maganda ang turo doon. Ang lahat ng student doon ay matatalino, mga top natcher sa board exams at doon nag graduate ang mahuhusay na scientist, entrepreneurs at mga doctor ng bansa. Lahat ng propesyonal ay doon galing. Nag entrance exam nga ako doon e kaso hindi ako pumasa sobrang taas ng standard nila.” ang wika ni Tex

“Kung sa bagay, okay na rin na nandoon siya. Kaysa naman dito pa siya pumasok tiyak na hindi titino ang buhay ko.”

“Pero sa tingin ko mahal ka naman ng kuya mo. Siguro ay gusto ka lang talaga niyang makasama.”

“Hindi ko alam, basta malakas ang kutob ko na may binabalak siyang hindi kanais nais.”

“Napapraning ka lang Nai, ang mabuti pa ay umuwi na tayo dahil kanina pa tapos ang klase natin. Wala naman akong balak maging best student sa pamamagitan ng pag tambay dito sa hallway at pakikipag chismisan sayo. Oy, ingat ka ha. Yung isang classmate natin na gwapo ay binugbog ng mga panget na estudyante sa kabilang bayan, baka maya maya ay ikaw na ang isunod nila. Malaki pa naman ang galit nila sa iyo.” pananakot ni Tex

“Subukan lang nila isayad ang kanilang mga daliri sa aking damit. Malilintikan sila sa akin.”

“Aba tapang ah.”

“Ako pa ba? Wag ako Tex.” ang pag yayabang ko habang naka taas noo.

Alas 6 ng gabi noong makauwi ako sa bahay. Pag pasok ko palang sa sala ay bumulaga na sa akin ang mga cabinet ko sa kwarto na naka labas sa ikalawang palapag. Pati ang aking higaan, tokador, at study table ay naka labas rin. “Bakit nakalabas yung mga gamit ko? Bakit may mga tao sa kwarto ko?!” ang entrada ko.

“Magandang gabi master, ipinapa ayos po ni Master Rui yung silid ninyo, pinalalakihan niya ito at pinapapalitan ng mga gamit.” sagot ni Kohei

“Eh bakit hindi siya sa akin nag sasabi? Sira ulo ba siya? Paki alamero!!!!” ang sigaw ko habang pumapanhik ng hagdan.

“Hala, bumalik na tayo doon sa kusina. Beast mode nanaman iyan.” ang bulungan ng mga kasambahay.

Pero hindi ko sila pinansin..

“Nasaan si Rui? Gusto ko siyang maka usap.” ang tanong ko.

“Eto ako kupal, anong problema ng bansot at panget na katulad mo?” pang aasar nito.

“Ikaw ang problema. Mag buhat noong umuwi ka dito ay nagulo na ang buhay ko. Umalis kana nga, bumalik kana sa pinanggalingan mo! Mas kupal ka!!” sagot ko naman.

Hinatak ako nito at kinaladkad papasok sa isang bakanteng silid. “Halika nga dito, una, ikaw kupal matuto kang rumespeto dahil mas matanda ako sa iyo. Ikalawa, huwag mo akong sisigawan dahil kaya kitang ipatapon sa kahit saan ko naisin at ikatlo, simula ngayon ay ako na ang hari dito sa bahay na ito. Ikaw ay isang bansot lang na panget na alaga ko. Bukas na bukas ay pupunta ang mga kaibigan mo dito para makilatis ko sila, kapag mayroon akong hindi nagustuhan ay ipapako ko sila sa krus at susunugin ng buhay sa rooftop. Naunawaan mo ba ako kupal na maliit ang titi?” ang wika nito habang naka hawak sa panga ko at pinipiga piga ito.

“Sira ulo ka!! Gago kaaaa!!!” ang sigaw ko na hindi maitago ang galit

Ang aking pag sigaw na iyon ay eksaktong pag daan ni mama kaya nakita niya ang lahat. “Nai!! Bakit sinisigawan mo ang kuya mo? Hindi mo dapat ginagawa iyan, para kang hindi nag aaral sa mga salitang lumalabas sa bibig mo.”

Maya maya ay humarap si kuya sa akin at ngumisi. Agad na nag bago ang ekspresyon ng kanyang mukha na parang isang tutang inapi sa kalye. “Ma, narinig mo pala iyon, ang totoo noon ay galit na galit sa akin itong si Baby brother dahil pinaayos ko at pinalakihan ang silid niya. Gusto ko lang naman na makasama siya dahil halos 9 years kaming mag kahiwalay. Sabik na sabik ako sa kapatid dahil palagi akong mag isa sa ibang bansa.” ang wika ni kuya na maluha luha.

Bakas na bakas ang awa sa mukha ni mama dahil ang paborito niyang anak ay umiiyak sa kanyang harapan. “Nai! Hindi kaba nahihiya sa kuya mo? Dapat ay iginagalang mo siya! Makakarating ito sa papa mo at sasabihin ko sa kanya na huwag kang biglang ng allowance para mag tanda ka.” ang sermon ni mama.

Nag punas ng luha si Rui at maya maya humarap ito sa akin saka ngumisi na parang isang asong nang aasar. “Palag?” ang bulong niya sabay lakad palayo sa akin. Ako naman naka pako lang sa aking kinatatayuan habang nanginginig ang buong kalamnan sa matinding galit lalo na noong ilagay niya ang kamay niya sa likod na naka sign ng letter L na ang meaning ay Loser.

At dahil sa matinding inis ko sa kanilang lahat ay hindi ako sumabay mag hapunan, umalis ako sa bahay at nag iinom sa bar na madalas kong tambayan. Sukdulang matulog ako sa garahe o sa kusina basta hindi ako makikihati ng silid kay Rui. Napaka yabang niya, parang kung sinong mahusay e sipsip lang naman siya kina mama at papa. At ang ikinagagalit ko ay bata palang kami ay paborito na siya, parating pinag tanggol, pinapaburan at lahat ng lumang damit niya ay pinapa gamit sa akin. Kahit ngayong lumaki kami ay siya pa rin ang bida. “Its all about him, sana hindi na siya bumalik dito!” ang galit kong salita habang umiinom ng alak.

“Alam mo kaya ka ganyan ay naipon na ang galit mo sa kuya mo. Pero siguro ay sincere naman siya na talagang gusto ka niyang makasama.” wika ni Tex

“Gusto niya akong makasama para pahirapan, parusahan at putulan ng pakpak. Siya ang biggest karma ko, sana hindi na ako nabuhay kung siya lang ang makakasama ko sa bahay. Pwede bang doon nalang muna ako sa inyo tumira?” ang wika ko naman na may halong pag papa awa.

“Eh gusto ko nga sana doon ka nalang dahil mukhang malaki na ang stress mo sa kuya mo pero hindi maaari dahil maliit lamang ang share ni papa sa kompanya ninyo. At isa pa ay tauhan lang ng kuya Rui mo si Papa, mahirap pumasok sa gusot ninyong dalawa baka pag initan pa kami.” ang nag aalalang wika ni Tex

“Kung sa bagay panget ka na nga tapos mawawalan pa ng trabaho ang tatay mo. Saan ka pupulutin? Sige na nga sa iba nalang ako titira.” ang sagot ko sabay tungga.

“Grabe ka naman, ako na nga lang kaibigan mo dito sa mundo nilalait mo pa ako. Isa nalang talaga iuunfriend na kita sa real life. Maging mabuti kana kasi para hindi ka nakakarma.” inis na wika ni Tex

“Sorry naman. Hindi ko lang talaga mapigilan.”

Inabot kami ni Tex ng ala 1 ng hating gabi sa bar. Labis kaming nag enjoy sa bandang nag peperform dahil sadyang mahuhusay ang mga ito. Hindi naman ako nag pakalasing ng todo bagamat amoy alak nga ako.

Tinahak namin ang daan pauwi sakay ng taxi at pag dating ko sa bahay ay patahimik akong umakyat sa hagdan upang matulog sa kabilang kwarto.

Nasa bungad ng hagdan ang aking dating silid na sinakop ng bandidong si Rui kaya naman pag tapat doon ay marahan ako humakbang ng walang kahit anong ingay. Nag desisyon ako na doon na lamang sa dulong silid matutulog kahit na may kaliitan iyon ay ayos lang basta walang mag iinvade ng privacy ko.

Tahimik..

Maingat ako sa aking ginagawang pag hakbang ng biglang may humatak sa aking buhok. “Arekupp!”

“Tatakas ka pang kupal ka.” ang wika ni Rui sabay hila sa akin papasok sa aking dating silid. “Saan ka galing at bakit ka amoy alak? Loko ka ah.” ang wika niya sabay katok sa aking ulo.

“Bitiwan mo nga ako! Wala ka naman paki kung saan akong lupalop nang galing. Buhay ko ito kaya huwag kang mang hihimasok!”

Kinatukan nanaman ako ni Rui sa ulo. “Pasalamat ka nga at nang hihimasok ako sa buhay mo dahil kung hindi ay baka matagal ka nang itinapon nina papa sa probinsya. Ang mga pasaway na bansot na katulad mo ay dapat pinarurusahan ng malupet, pasalamat ka sa akin. At iyang mga damit mong isinusuot alam mo ba kung kanino galing iyan? Sa akin lang naman, ako ang nag papadala sa iyo ng allowance kada buwan, naka pangalan lamang kay mama o kay Kohei. Ano papalag ka pa? Sa dami ng perang pinadala ko sa iyo, dapat ay AKIN kana, naintidihan mo ba iyon bansot na kupal?” ang hirit niya na halong pag yayabang.

“Hindi totoo iyang sinasabi mo. Mayabang!” sigaw ko dahilan iiwas niya ang kanyang mukha at nag takip pa ng ilong na parang nabahuan.

“Ang baho.. Shit!!! Itikom mo iyang bibig mo at huwag mo akong sisigawan dahil pag itong kamao ko ay tumama sa mukha mo at sa ilong mong pango “BANG! Basag iyan.”

“Tigilan mo nga ako! Yabang mo!! Isusumbong kita kay mama, sasabihin ko lahat ng pananakot mo sa akin!”

“Iiyak na yan. Kahit mag tago ka sa loob ng palda ni mama ay lagot ka pa rin sa akin. Tiyak na ako ang kakampihan dahil ako yung matalino, achiever at paborito nila.”

Nag pumiglas ako sa kanyang pag kakahawak sa akin. Ngunit hindi siya natinag, isinandal niya ako sa pader at inilagay kamay sa aking leeg. “Sa susunod na umuwi kang lasing at ginabi ka ay makakatikim sa akin. Naintindihan mo ba iyon?”

“Rui, bakit sakal sakal mo si Nai? Anong bang ginagawa ninyong dalawa?” ang wika ni mama dahilan para magulat siya. Mabilis niya niyakap ang aking katawan at tinakpan ang aking bibig. “Wala maaa, nag kakaladyaan lang kami. Miss na miss ko na kasi itong kapatid kong makulit. Ang kulit kulit kulit…” ang wika niya na parang gigil na gigil, ginusot pa ang aking buhok.

Samantalang ako naman ay nag pupumiglas at pilit na inaalis ang kanyang kamay sa aking bibig upang makapag sumbong.

Nangiti si mama “natutuwa akong makita na mag kasundo kayong dalawa. Buti na lang at umuwi kana dito Rui, alam kong sabik na rin sa kuya iyang si Nai. O, siya matulog na kayo. Goodnight.” masayang wika ni mama sabay balik sa kanilang silid ni papa.

“Nakita mo na? Kung hinayaan kitang mag salita ay baka nabuking ni mama na lasing ka at uminom. Utang na loob mo sa akin ito naunawaan mo ba?”

“Kaya mo tinakpan ang bibig ko ay para hindi ako makapag sumbong kay mama tungkol sa kasamaan mo sa akin!” sigaw ko dahilan para takpan niya ulit ang aking bibig

“Huwag kang sumigaw, uupakan na kita e. May utang na loob ka sa akin kaya bukas ay pag babayaran mo iyon. Matulog na muna tayo.” wika niya.

Natahimik ako at lumayo sa kanya. “Baliw!! Bangungutin ka sana!” sigaw ko ulit sabay labas sa kanyang silid..

Nasa ganoong pag labas akong ng bigla niyang hablutin ang aking buhok. “At saan ka pupunta?”

“Edi matutulog doon sa kabilang kwarto.”

“Dito ang kwarto natin kaya dito ka matutulog.” ang wika niya sabay hila sa akin sa kama.

“Doon nalang ako sa sofa.” tugon ko habang nag pupumiglas.

“Subukan mong gumalaw at umalis dito sa kama, lalo kang malilintikan sa akin. Pasalamat ka nga kahit mabaho ka ay nag pupumilit pa akong tumabi sa iyo.”

“Bakit ako mag papasalamat e ayaw naman kita katabi sa pag tulog. Saka saan mo dinala yung kama ko?”

“Edi pinatapon ko na. Maliit ang kama mo, matigas at amoy tamod dahil maya’t maya ka nag titikol. Hindi ko kayang mahiga sa higaan mong puno ng natuyong similya.” ang pang aasar nito dahilan para makaramdam ako ng pag hiya.

“Eh aalis na ako dito! Doon nalang ako sa lapag matutulog.” bumalikwas ako ng tayo ng bigla nanaman niya akong hilahin. “Isang alis mo ay lagot kana sa akin. Bibingo kana at sisiguraduhin kong hindi ka makakapasok bukas dahil mag kaka black eye ka.”

“Ano ba kasing gusto mo? Tahimik naman ang buhay ko noong wala ka dito!”

“Tahimik ang buhay mo? Ginagago mo ba ako? Alam mo ba na isang kahong listahan ng kasamaan ng ugali mo ang natatanggap ko mula kay Kohei? Umuwi ako dito para ituwid iyang ugali mong pang gremlins! Ngayon HIGA!!” mataas na boses nito

Hindi ako humiga..

Sumigaw siya ulit “HIGA!!!” sa pag kakataong ito ay may halo nang pang gigil ang kanyang salita punong puno ng otoridad at batas.

Wala akong nagawa kundi ang humiga at huwag nalang umimik.

“Ayan, very good. Susunod ka rin pala e dami mo pang palabok.”

Tumalikod ako sa kanya na bumaluktot na parang isang fetus..

Naramdaman kong humiga rin siya sa aking tabi at pinatay ang ilaw sa silid.

Tahimik..

Maya maya ay naramdaman kong inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking tiyan at idinikit ang mukha sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga na dumadampi sa aking mukha na nag bibigay sa akin ng ibayong kiliti.

Humigpit lalo ang kanyang yakap sa akin at saka nag wika “AKIN KA LANG.”

Itutuloy..

SP Part 5: Amanos

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 2, 2018

Naramdaman kong humiga rin siya sa aking tabi at pinatay ang ilaw sa silid.

Tahimik..

Maya maya ay naramdaman kong inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking tiyan at idinikit ang mukha sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga na dumadampi sa aking mukha na nag bibigay sa akin ng ibayong kiliti.

Humigpit lalo ang kanyang yakap sa akin at saka nag wika “AKIN KA LANG.”

Part 5: Amanos

“Dapat ay hindi kayo nag bibisyo, ang babata nyo pa para mag pakalasing sa bar. Alam ba ng mga nanay ninyo ang gingawa ninyo? Gusto nyo ba ay isumbong ko kayo?” ang wika ni Rui noong ipatawag niya ang aking mga kaibigan para kilatisin. Talagang sineryoso niya ang kanyang mga sinasabi kaya isa isang pinasundo ang aking mga kabarkada upang dalhin dito sa isang pribadong kainan.

Syempre ay hiyang hiya ako sa kanyang pakiki alam pero ang mga kaibigan ko naman ay kilig na kilig lalo na yung mga babae. “Papicture naman kuya Rui. Ang gwapo gwapo mo pala. Nakaka inis ka naman Nai, ang sabi mo sa amin ay panget at bansot ang kuya mo sa personal.” ang wika ng mga ito.

“Oo nga, ang sabi mo pa ay photoshop lang lahat ng pictures niya sa magasin pero hindi naman pala. Ang gwapo gwapo oh. Winner na winner!” ang sabad pa ni Mema

Ako naman ay napakunot noo habang naka tingin sa kanila ng masama. “Mga balimbing, parang kung sino magaganda e mga panget rin naman kayo.” ang sagot ko.

“Huwag na ninyong pansinin ang mga sinabi ni Nai, kumain na kayo. Ubusin ninyong lahat ang inorder ko.” ang naka ngiting wika ni Rui. Syempre pa star nanaman siya pati sa mga kaibigan ko.

“Buti pa itong si kuya ang gwapo na nga sobrang galante pa.” ang wika mga ito habang sabay sabay na sumusunggab sa pag kain.

“Nai, bakit hindi ka kumain?” ang tanong ni Rui

“Busog ako.” ang simple kong sagot.

Nangiti si Rui at maya maya ay tumayo na ito. “Enjoy lang, kung may order pa kayo ay sabihin nyo lang doon sa waiter at ako na ang bahala. May lakad pa ako ngayon, salamat sa oras ninyo. Im hoping na iwasan ninyo ang bisyo at mag focus sa pag aaral.”

“Opo, ang gwapo gwapo niya talaga. Sobrang bait pa.”

“At naniwala naman kayo?” naaasar kong tanong

“Aba e oo, perfect boyfriend material ang kuya mo no, lahat ng babae ay mag papakamatay para lang makatuluyan siya.” sagot ni Mema habang punong puno ang bibig.

“Pwes mamatay na kayo kaka pantasya pero malayo iyon sa realidad!” pag basag ko.

“Nga pala, kailangan kong isama si Nai. May lakad kasi kaming dalawa. Okay lang ba na sumama siya sa akin?” pahabol pa ni Rui

“Oo naman po” sagot ng mga ito.

Lumapit sa akin si Rui at bumulong “Hihintayin kita sa sasakyan ko. Pag hindi ka dumating sa loob ng isang minuto ay isa isa kong ipapadakip iyang mga kaibigan mo hanggang sa wala nang matira sa kanila.” ang bulong nito sabay lakad palabas sa pinto.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya na parang isang alipin.

Pumasok siya sa kanyang sasakyan at maya maya pinapasok niya ako sa loob nito. “Anong kailangan mo mahal na prinsipe Rui?” ang bungad ko.

“May date ako mamaya kay Junifer.” ang bungad niya

“Junifer? Yung model na malaki ang boobs na retokada?” ang tanong ko

“Oo, patay na patay sa akin kaya pag bibigyan ko na.”

“So anong kailangan mo sa akin?”

“Gusto kong ikaw ang mag pagawa ng bulaklak para sa kanya. Hindi ko na kasi maaasikaso dahil may klase pa ako at didiretso pa ako sa kompanya. Dalhin mo mamaya alas 6 ng gabi ang bulaklak sa venue ng date namin. Maliwanag ba?”

“Bakit ako ang pag papagawa? Umorder ka nalang!”

“Ayoko. Ikaw ang gumawa para makabayad ka man lang ng utang na loob sa akin. Pero kung ayaw mo ay okay lang naman. Madali ko lang naman isumbong kina mama at papa ang kapalpakan mo nitong nakakaraang araw.”

“Black mail nanaman?”

“Oo. Gawin mo ha. Mamayang alas 6. At kapag hindi ka dumating ay iisa isahin kong itumba ang mga kaibigan mong pasaway katulad mo. Sige na baba kana, may lakad pa ako.”

“Eh bakit hindi mo ako ihatid? Ikaw ang nag dala sa akin dito ah.” reklamo ko

“May lakad nga akong importante. Mag taxi ka nalang pauwi o tawagan mo si Kohei para sunduin ka. Baba na, nadedelay ako e.”

Agad akong bumaba sa kanyang sasakyan na hindi maitago ang pag kainis. Sumosobra na yang Rui na iyan. Makakaganti rin ako sa kanya!! “Gaganti ako!!!” sigaw ko sa aking isipan habang pinag mamasdan ang kanyang sasakyan palayo.

Mabilis lumipas ang oras, alas 5 palang ay inihanda ko na ang dadalhing bulaklak sa venue ng date ni Rui at ng retokada niyang future girl friend. Katulad ng inaasahan ay sa isang pribadong restaurant sila nag tungo upang walang masyadong paparazzi sa dalawang sikat na personalidad sa showbiz at sa negosyo.

Hawak ko ang isang kumpol na bulaklak, pinaayos ko ito ng mabuti upang walang masabi si Rui. Kung pwede ko lang sana itong lagyan ng bubuyog upang masira ang moment nila ay gagawin ko.

“Flowers for you.” ang naka ngiting wika ni Rui noong iabot ko ang bulaklak.

“Wow, thank you. Ang sweet mo naman. At ang cute ng delivery boy mo ha.” ang maarteng wika ni Junifer

“Kapatid ko iyan. Mukha lang talaga siyang delivery boy.” ang pang aasar ni Rui

Natawa si Junifer at inamoy ang mga bulaklak. “Ang gaganda naman ng mga ito. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong ka bonggang bouquet. Salamat ha sweetie.” ang wika ng babae na may pang aakit.

“Siyempre naman. Alam kong paborito mo ang ganyang klaseng bulaklak.” ang wika ni Rui na galak na galak. Maya maya humarap ito sa akin at bumulong “Alis kana. Umuwi ka at huwag kana kung saan saan pupunta. Malilintikan ka sa akin!”

Ngumiti ako sa kanilang dalawa at nag bigay pugay na animo alipin na inutusan ng hari. “Masusunod po mahal na prinsipe!” ang sagot ko naman dahilan para mag tinginan ang ibang tao sa paligid.

“Ang cute naman ng kapatid mo.”

“Umuwi kana.” ang bulong ni Rui kaya naman agad rin akong nag walkout sa kanilang harapan.

Gusto ko sanang mag punta sa bar at mag saya ngayong gabi, kaso naman ay baka madagdagan lamang ang pang bblack mail sa akin ni Rui kaya naman dumiretso nalang ako sa bahay para mag pahinga.

“Tuwang tuwa ang gaga hindi niya alam yung bulaklak na ibinigay ko sa kanya ay pinag kukuha lang namin doon sa bagong libing na patay sa sementeryo, pinaayos ko lang dun sa flowershop ng kaibigan ko kaya gumanda. Inamoy amoy pa ng loko.” ang natatawa kong kwento habang kausap si Tex sa kabilang linya.

“Haha, sira ka talaga. Paano pa nalaman ng kuya mo ang ginawa mo? Baka lalo ka niyang katayin.”

“Hindi malalaman kung hindi ka kakanta. At huwag mo nang balakin dahil itutumba kita bago pa gawin iyon.” pag babanta ko

“Hala, idamay ba ako. Silent lang ako at please lang huwag kana lumaban sa kuya mo. Kung dati ikaw ang hari ngayon ay hindi na. Underdog ka nalang ngayon, ganyan talaga dumarating sa punto ng buhay na may darating upang itumba tayo.” ang wika niya

“Loading ang paki ko.. Hindi ako matutumba katulad ng sinasabi mo.” pag yayabang ko naman.

Alas 9 ng gabi noong maka uwi si Rui, sa pintuan palang ay rinig na rinig ko na ang pag sigaw nito habang tinatawag ang pangalan ko. “Nai!! Nai!!!” ang sigaw niya

Agad akong bumalikwas ng bangon upang mag tago ngunit biglang bumukas ang pintuan ng aming silid at dito ay bumulaga sa akin si Rui na namumula ang mata sa galit. May bakat rin ng sampal sa kanyang pisngi dahil namumula pa ito. “Bakit?” ang inosente kong tanong.

“Amnesia amnesiahan? Akala mo ba ay makakalusot ka sa akin? Bakit bulaklak ng patay ang ibinigay mo kay Junifer? May papel pang naka ipit na “in loving memory at RIP” tarantado ka, ipapahamak mo pa ako. Sinampal niya ako ng padakot at ipinahiya sa mga tao doon!“ ang galit na wika nito sabay hablot sa aking buhok

“Baka namali lang yung flowershop na nag ayos. Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!” pag pupumiglas ko.

“Sinadya mo iyon gago ka! Lintik lang ang walang ganti!”

“Wala ka namang patunay e. Huwag mo nga akong saktan!!” ang wika ko naman.

Maya maya ay lumapit siya sa kama at may kinuha sa ilalim nito. Isang recorder, kaya naman mas lalo akong kinabahan. “Makikita natin dito ang galing mo baby bro ko.” ang wika niya sabay pindot ng play button.

Record Playing..

“Tuwang tuwa ang gaga hindi niya alam yung bulaklak na ibinigay ko sa kanya ay pinag kukuha lang namin doon sa bagong libing na patay sa sementeryo, pinaayos ko lang dun sa flowershop ng kaibigan ko kaya gumanda. Inamoy amoy pa ng loko.” ang natatawa kong kwento habang kausap si Tex sa kabilang linya.

“Haha, sira ka talaga. Paano pa nalaman ng kuya mo ang ginawa mo? Baka lalo ka niyang katayin.”

“Hindi malalaman kung hindi ka kakanta. At huwag mo nang balakin dahil itutumba kita bago pa gawin iyon.” pag babanta ko

“Hala, idamay ba ako. Silent lang ako at please lang huwag kana lumaban sa kuya mo. Kung dati ikaw ang hari ngayon ay hindi na. Underdog ka nalang ngayon, ganyan talaga dumarating sa punto ng buhay na may darating upang itumba tayo.” ang wika niya

“Loading ang paki ko.. Hindi ako matutumba katulad ng sinasabi mo.” pag yayabang ko naman.“

End..

Huminga siya ng malalim at lumapit akin. “Akin na ang cellphone mo baby bro.” ang wika niya.

“Ayoko nga! Mahal ang cellphone ko at ilang buwan ko itong pinag ipunan.” ang pag tutol ko.

“Akin na ang cellphone mo. O babasagin ko ang panga mo?” ulit niya na may halong pang gigil

Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone at inilahad sa kanyang kamay. “Ayan. Ingatan mo iyan!”

Ngumiti siya at maya maya ay inihampas sa sahig ang aking cellphone. Tinapak tapakan pa niya ito hanggang sa mabasag ang screen. “Ayokong nakikipag usap ka sa mga lalaki ha. Gago ka ipapahamak mo pa ako!” ang wika niya at doon ay bigla nalang lumanding ang kanyang kamao sa aking mukha dahilan para matumba ako.

“Plak!” iyon ang tunog na narinig ko..

Noong mahimasmasan ay nakita ko sa mukha ni Rui ang pag bigla sa kanyang ginawa na para bang hindi niya intensyon na saktan ako ngunit nagawa na niya at huli na ang lahat.

Tahimik..

Bukod sa ibayong sakit ay nakaramdam rin ako ng awa sa aking sarili dahil ngayon lamang may nanakit sa akin ng pisikal. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at lumabas ng aming silid. Samantalang si Rui naman ay napako sa kanyang kinatatayuan.

At dahil sa ginawa niya ay hindi ako pumanhik sa itaas upang makita siya. Nanatili na lamang ako sa sala at dito ay nahiga sa sofa habang hinihimas ang malaking pasa sa aking mukha. Ang akala ko ay puro salita lamang si Rui noong una hindi ko naman expect sasaktan niya ako ng pisikal hamak laki pa na naman niya sa akin.

Tumagilid ako paharap sa sandalan..

Tahimik..

Nasa ganoong posisyon ako ng maramdaman kong may humimas sa aking likuran. “Sorry baby bro, nabigla lang ako. Ang akala ko ay iiwas ka e.” ang malambing na pang aamo niya.

Hindi ako kumibo at nanatili lang aking nakatagilid habang naka baluktot na parang fetus sa sofa. “Please, sorry na. Hindi naman sinasadya ni kuya. Hindi ko naman alam na sasaluhin ng mukha mo iyong suntok ko.” ang dagdag pa niya.

Ilang minuto rin niya akong inaamo amo hanggang sa itigil niya ang pag himas sa aking likuran. Naramdaman kong umupo siya sa aking ulunan at maya maya ay iniangat niya ang aking ulo upang makaunan sa kanyang hita.

Marahan kong idinilat ang aking mata at dito ay nakita kong sumandal siya sa sofa at ipinikit ang mga mata habang ako naman ay naka unan pa rin sa kanyang hita.

Amoy na amoy ko ang kanyang pabango..

Ipinikit ko ang aking mata at hinayaan ang aming sarili sa ganoong posisyon..

Itutuloy..

SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 3, 2018

Ramdam na ramdam ko ang malamig na hanging dumadampi sa aking mukha habang nakalutang sa ere. Alam kong isa lamang itong panaginip ngunit parang totoong totoo ang lahat.

Patuloy sa pag taas ang aking katawan hanggang sa tuluyan kong masilayan ang ganda ng buong siyudad. Maunlad ito, maayos, masagana. Nag lalakihan ang mga gusali at talagang napaka perpekto.

Nakakalibang panoorin ang magandang tanawing iyon mula sa itaas. Nakaka lula ngunit parang hindi ako nakakaramdam ng takot, pakiwari ko ay kaisa ako ng hangin sa paligid. Nililipad at walang bigat.

Patuloy ako sa ganoong pag tanaw hanggang sa maya maya ay may isang kakatwang liwanag ang unti unting bumagsak sa kalangitan..

Mabilis itong tumama sa lupa na animo bumbilyang kumukundap-kundap..

Tahimik..

Nag liwanag ng hulos ang parte ng siyudad kung saan ito bumagsak..

At maya maya ay isang malakas na hangin ang bumugso paligid dahilan para ako ay tangayin. Kasabay nito ang isang malakas na pag sabog na animo nuclear weapon na ibinagsak sa gitna ng mga gusali.

Gumapang ang pag sabog hanggang yumanig ang paligid at masira ang lahat. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw habang nararamdaman ang takot dulot sa malagim na bangungot na iyon.

Agad akong bumalikwas ng bangon mula sa pag hihiga. Natagpuan ko ang aking sarili sa sofa kung saan naroon si Rui na natutulog habang naka upo at naka pahinga ang ulo sa sandalan.

Ramdam ko pa rin ang kirot ng aking pisngi dulot ng kanyang pag kaka suntok. Bagamat nangingibabaw ang kaba at pag kauhaw ko noong mga sandaling iyon.

Part 6: Sa Bingit ng Sumpa

“Nai, ano ba ang nangyari diyan sa mukha mo? Bakit may pasa?” ang tanong ni mama habang kumakain kami ng almusal.

Tumingin ako ng masama kay Rui na noon ay naka tingin rin sa akin na nangungusap ang mga mata na animo asong maamo. Para bang sinasabi niya na huwag kong sabihin kay mama na sinuntok niya ako.

Inirapan ko siya at muli akong humarap kay mama “napa away lang po ako kagabi sa bar.” ang sagot ko

“Bakit naman?” ang tanong ni mama

“May isang mayabang na lalaki kasi doon na parati akong pinag ttripan. Sa sobrang yabang niya ay gusto ko na siyang barilin at ibaon sa lupa.”

“Masama ang iniisip mo anak. Sa susunod ay huwag kang lalabas mag isa. Isama mo ang kuya mo para hindi ka napapagtripan. Alisin mo na kasi iyang mga hikaw sa tenga mo dahil napapag kamalan kang sanggano.” tugon ni mama.

“Mas mukhang sanggano yung naka away ko kagabi, mukhang aso, mukhang halimaw. Dapat sa kanya ay balatan ng buhay at ibilad sa plaza!” ang sagot ko habang naka tingin ka Rui

“Iwasan mo na kasi ang pag labas ng mag isa at ang kilos mo ay bawasan mo ang kayabangan upang hindi ka napapag tripan. Rui, ikaw na ang bahala sa kapatid mo lalo’t sa susunod na linggo ay aalis kami ng papa mo.”

“Opo ma, ako na ang bahala sa baby bro ko.” ang naka ngising wika nito habang nakatingin sa akin.

Muli ko siyang tiningnan ng masama sabay tayo sa aking kinauupuan. “Late na ako sa klase ko. Aalis na ako.”

Tumayo rin si Rui. “Teka, ihahatid na kita sa school.”

“HUWAG NA!” ang sigaw ko dahilan para magulat si mama “Ah e ang ibig kong sabihin ay huwag na dahil may mga taxi naman.”

“Nai, mag pahatid kana sa kuya mo. Huwag matigas ang ulo.” suway ni mama kaya naman wala akong nagawa kundi ang sumang ayon.

Iyon nga ang set up, pinag drive ako ni Rui papunta sa campus. Wala naman kaming kibuan dahil ang aking atensyon ay nasa labas lang ng bintana. Siya naman ay abala sa pakikinig ng rock song sa stereo ng kanyang sasakyan at kung pinsan ay sinasabayan pa niya ito.

“Galit ka pa rin ba sa akin? Nag s-sorry naman ako. Nabigla lang talaga ako kagabi kaya nagawa ko iyon.”

Hindi ako kumibo..

“Susunduin ulit kita mamaya, wala naman akong klase. Nasa bahay lang ako buong mag hapon.” ang wika pa niya pero wala siyang natanggap sa sagot mula sa akin.

Nag kibit balikat na lamang siya bagamat ramdam niya na galit pa rin ako sa kanya dahil lalong nangitim ang sinuntok niya sa aking mukha.

Agad akong natungo sa hallway at dito sinalubong ako nila Tex. “Anyare sa mukha mo? Saka bakit hindi bumaba yung kuya mo?” ang tanong nito

“Ginawa niya akong punching kagabi dahil nalaman niya na galing sa sementeryo yung bulaklak na ibinigay ko sa kadate niya.”

“Ikaw naman kasi e, sabi ko na sa iyo na gusot ang gagawin mo pero itinuloy mo pa rin.” tugon ni Tex

“Atleast nasira ko ang moment niya. Okay na sa akin iyon. Maka ganti man lang sa kasamaan niya sa akin.”

“Naka hanap ka lang ng katapat sa katauhan ng kuya mo.” pang aasar niya.

“Sisiguraduhin ko na maliligwak siya sakin! Hindi mag tatagal babaligtad ang mundo namin at siya naman ang itutumba ko.” sagot ko naman.

Habang nasa ganoong pag lalakad kami sa hallway ay naka salubong namin ang ilang guro at lahat sila ay hinahanap ako na tila may problemang hindi mo mawari. “Master Nai, kanina ka pa namin hinahanap.” entrada nila.

“Bakit naman? Anong mayroon?” tanong ko.

“May nag eenrol kasi doon sa admin office.” ang wika ng isa

“Oh edi puntahan nyo at asikasuhin.” tugon ko naman.

“Eh ang problema ay hindi siya ganoon ka presentable.” ang wika nila na nag aalinlangan.

“Panget? Edi paalisin ninyo! Alam nyo naman na bawal ang panget dito sa campus!” tugon ko

“Hindi siya matinag at talagang desidido siyang dito mag enrol.” tugon ng isang guro kaya naman ako na mismo ang humarap sa nag eenrol upang wasakin ang kanyang pangarap na maka pasok sa eskwelahan na exclusive lang para sa mga maganda at gwapo.

Pag dating sa administration office ay naabutan ko nga ang isang babaeng manang na naka upo sa sofa. Tama nga sila hindi kagandahan ang kanyang anyo at ang mukha ay nag nananak pa sa dami ng taghiwat.

“Ngii” ang bulong ko sa aking sarili na parang umakyat ang kilabot sa aking ulo dahil hindi ko gusto ang aking nakikita.

“Hindi pwedeng mag enrol dito. Marami namang ibang school. Doon ka nalang mag punta.” bungad ko.

“Wag naman po sir. Pangarap ko po talaga na dito mag enrol. Kaya nag ipon ako ng pera para makapag aral.” wika niya.

“Doon mo nalang dalhin sa ibang school ang pera mong inipon. Hindi ka talaga pwede dito dahil lalaitin ka lang at kukutyain, ibibilad sa araw at susunugin ng buhay.” pananakot ko.

“Okay lang po sir, sanay naman akong kinukutya at pinag tatawanan. Pangarap ko lang talaga na mag aral dito. Please.” ang pag papaawa niya.

“Eh hindi nga pwede! Hindi pwede ang panget dito. Yang mukha mo ay nag nanaknak pa, at yang pimples mo ay puro nana. Wag kana dito please lang sa iba ka nalang.” ang wika ko naman habang napapa ngiwi sa pandidiri. Umaakyat talaga ang kilabot sa aking katawan, malamang ay hindi ako makatulog mamaya nito ng maayos.

“Sir, please naman po. Pangarap ko ito, huwag niyo naman ako biguin.” ang wika niya sabay luhod sa aking harapan.

“Bakit kasi dito mo pa gusto? Sa iba mo nalang dalhin ang pangarap mo. Huwag ka nga lumuhod sa harapan ko, huwag mo akong hawakan. Gusto mo bang barilin nalang kita ng shot gun sa mukha para matapos na ang pag hihirap mo?” ang hirit ko.

Tawanan ang mga tao sa paligid.

Pero hindi natinag ang babaeng nag pupumilit sa kanyang nais. Hinawakan niya ang aking damit at labis na nag maka awa. “Sir please. Payagan niyo na ako. Parang awa niyo na.”

“SINABI NANG HINDI PWEDE!! PANGET KAAA!!” ang sigaw ko sabay tulak sa kanyang katawan dahilan para masusob ito. “Kung hindi ka lalabas ay ipapakaladkad kita at ipapatapon sa plaza para sunugin ng buhay!!” dagdag ko pa.

Agad namang lumapit ang mga guwardiya at binitbit ang babaeng nag eenrol. Nag kahulog ang kanyang mga dokumento at ilang perang pambayad.

Maya maya ay napatingin siya sa akin at nag wika “DALAWA”

Napakunot ang aking noo at kasabay noon ang pag sikip ng aking dibdib. Nag init ang aking katawan at ang parang sinikmuraan ako na hindi mawari dahilan para mapaluhod ako.

Ibayong sakit ng katawan at kalamnan ang aking naramdaman habang hindi ako makahinga ng maayos. Nag pagulog gulong ako sa lupa ngunit ayaw umayos ng aking pakiramdam.

“DALAWANG PAG KAKAMALI!!” ang wika ng babae at mas lalo pang nanikip ang aking dibdib.

Nag kagulo na sa opisina at dito ay naramdaman kong binuhat nila ako para dalhin sa ospital.

Wala na akong natandaan pa..

Itutuloy..

SP Part 7: Pitik Bulag

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Fantasy 2018

Jan 4, 2018

Ibayong sakit ng katawan at kalamnan ang aking naramdaman habang hindi ako makahinga ng maayos. Nag pagulog gulong ako sa lupa ngunit ayaw umayos ng aking pakiramdam.

“DALAWANG PAG KAKAMALI!!” ang wika ng babae at mas lalo pang nanikip ang aking dibdib.

Nag kagulo na sa opisina at dito ay naramdaman kong binuhat nila ako para dalhin sa ospital.

Wala na akong natandaan pa..

Part 7: Pitik Bulag

“Master Rui, wala naman po kaming nakitang problema sa katawan ni Master Nai. Baka may nakain lamang ito na hindi maganda kaya’t sumakit ang kanyang sikmura. Pwede rin naman na dulot ito ng alergy kaya’t hirap siya sa pag hinga.” ang narinig kong wika ng doktor noong mga sandaling imulat ko ang aking mga mata.

“Kung walang kahit ano ay bakit bigla na lamang siyang nangisay ay nawalan raw ng malay? Baka naman may ibang sakit ang kapatid ko?” boses ni Rui na may halong pag aalala.

“Ilang test na po ang aming ginawa master, ngunit wala talaga. Malusog po ang katawan ng pasyente.” sagot ng doktor.

“Siguraduhin nyo lamang na tama ng findings ninyo. Buhay ng kapatid ang naka salalay dito. Kapag may nangyaring masama sa kanya ay ipapa buwag ko ang gusaling ito.” ang wika ni Rui sabay lapit sa akin. Inayos niya ang aking kumot at hinawakan ang aking pisngi. “Kawawa naman ng baby bro ko. May black eye na nga, nag kagasgas pa sa mukha dahil sa pag kakasubsob kanina sa lupa.”

“Eh ikaw ang may kasalanan ng pasa sa mukha ko e. Kung kagatin kaya kita ngayon?!” ang sigaw ko sa aking sarili habang nag papanggap na tulog.

Maya maya ay naramdaman kong hinaplos niya ang aking pisngi at saka tinapik tapik ito. “Huwag kana mag panggap na tulog. Ano bang nangyari sa iyo?” ang tanong nito

Iminulat ko ang aking mata, marahan dahil talagang nakaka silaw ang ilaw sa kisame ng silid. Tumingin ako kay Rui at napakunot noo. “Sino ako? Sino ka?” ang tanong ko dahilan para kutusan niya ako sa ulo. “Tado! Sinikmura ka lang, wala kang amnesia.”

“Arekup, bayolente ka. Susumbong kita kay mama. Matapos mo akong pasaan sa mukha tapos babatukan mo pa ko. Hindi kana naawa sa akin!” paninita ko.

“Sshhh wag ka maingay, nandyan lang sina mama sa labas kausap ng doktor. Hoy kupal na bansot, minsan ko lang itatanong sa ito, tapatin mo nga ako. “Nag ddrugs ka ba?” ang tanong niya.

“Hindi ako nag ddrugs. Maiharap ipaliwanag e.”

“Anong hindi mo maipaliwanag?” tanong niya

“Na isinumpa ako ng isang taong grasa doon sa bar. Ang sabi niya sa akin ay pag naka gawa ako ng tatlong pag kakamali ay mag kakaroon ako ng mabigat na sumpa.” ang tugon ko dahilan para matahimik siya.

Maya maya ay natawa ito ng malakas. “Sigurado ka bang hindi ka nag ddrugs? Ipa drug test kaya kita? Ano ka ba, walang sumpa at hindi mag kakaroon ng taong grasa sa bar. Ako nga Nai tigilan mo sa mga imbentong kwento mo.”

“Hindi ako nag iimbento. Kupal na to!” ang galit kong salita.

“Hindi ako kupal! Matuto kang kuyahin ako dahil mas matanda ako sa iyo!” ang sagot niya sabay kutos ulit sa ulo ko.

“Lumayo ka na nga sa akin. Sa halip na damayan mo ako ay parang gusto mo pa akong patayin. Matapos mo ko suntukin sa mukha. Isusumbong kita kay mama! Ang akala mo ba ay wala akong ebidensya? Nag kabit ako ng cctv sa kwarto natin at nasa akin ang kopya ng pag aapi mo sa akin, pang babanta at pang yuyurak mo sa pag katao ko. Tapos na ang maliligayang araw mo prinsipe Rui.” ang pananakot ko.

Tila nakaramdam ng takot ni Rui at napaatras ito ng bahagya. “Huwag mong gawin iyan. Natatakot ako..” ang wika niya

“Dapat lang ay matakot ka dahil kapag nalaman nila mama at papa na inaapi mo ako ay tiyak na pababalikin kana nila sa lunggang pinang galingan mo.”

“Please naman wag mong ibibigay sa kanila ang tape na ito.” ang wika niya sabay dukot sa bulsa ng isang maliit na recorder. “Akala mo ba ay hindi ko alam na may cctv doon sa kwarto natin? Eh kung ako kaya ang mag bigay kina mama ng pag jajakol mo sa cr habang nanonood ng porn sa cellphone? Huwag mo akong kakalabanin baby bro dahil mas tuso ako sa iyo.” ang wika nito sabay sira sa hawak niyang tape.

“Okay lang na sirain mo, marami akong kopya ninyan.” ang sagot ko.

“Aba talagang ginagalit mo ako.” ang gigil na salita nito sabay hawak sa ulo ko nang biglang bumukas ang pinto at doon ay pumasok sina mama at papa kaya naman ang galit ni Rui ay nag bago bigla, lumuwag ang pag kakahawak niya sa aking ulo, ang sabunot ay naging haplos at niyakap yakap niya ako habang masayang masayang ginugusot ang aking buhok. “Buti naman gising kana, sobra akong nag alala sa iyo baby bro. Ma, gising na ang kapatid ko.” ang malambing na wika nito habang hinahalik halikan ako sa pisngi. “Mamaya ka sa akin kupal ka. Subukan mong mag sumbong kina mama, sasabihin ko na nag ddrugs ka, madaling imanipula ang resulta baby bro.” ang bulong niya at maya maya ay niyakap nanaman ako ng mahigpit.

“Nai, ano bang nangyayari saiyo? Iyang kuya mo ay halos atakihin sa puso sa pag aalala noong malaman niyang nawalan ka ng malay doon sa campus.” ang wika ni mama.

“Baka naman dala iyan ng sobrang bisyo mo? O baka impluwensya iyan ng mga barkada mo.” wika ni papa.

“Naaksidente lang ako kanina. Walang may gusto ng nangyari.” ang sagot ko nalang kaysa mag paliwanag pa ako tungkol sa sumpa. Sino ba naman ang maniniwala sa akin.

“Ma, pa. Hindi makabubuti kay Nai sa sermonan niyo siya ngayon. Ang sabi ng doktor ay kailangan niyang makaiwas sa stress.” pag tatanggol ni Rui

“Kaya naiispoiled iyang kapatid mo dahil parati mong pinag tatanggol.” tugon ni papa. “Nai, pasalamat ka sa kuya mo dahil lagi siyang nandiyan para protektahan ka. Mahal na mahal ka niyan alam mo ba iyon?” ang wika ni mama

Samantalang si Rui naman ay naka yakap lang sa akin habang naka ngising aso. “Kung alam nyo lang kung gaano siya kasama. Papatayin niya ako, pinag lalaruan at ipapako sa krus ng buhay.” ang sigaw ko sa aking sarili habang naka tingin sa mala demonyong mukha ni Rui.

Pakiwari ko ba ay nakikipag laro ng pitik bulag sa isang tusong manlalaro. Hindi ko alam kung ano pa ba ang binabalak niya. Kahit noong mga bata kami ay mahirap na talaga siyang sakyan. Noong elementarya ay sobrang overprotective niya sa akin pero parati niya akong inaasar at inaaway, pinipintasan at tinatakot. Siyempre ay parati siya ang kinakampihan nina mama at papa dahil matalino ito at napaka tino sa kanilang mga paningin. Samantalang ako naman ay madalas nakaka galitan dahil lumalaban ako sa kanya upang ipag tanggol ang aking sarili.

“Bakla naninilip!” ang sigaw ko kay Rui noong makita kong pinag tatawanan niya ang aking video habang nag paparaos sa cr.

“Baka ikaw ang bakla, mukhang titig na titiga ka sa titi ng lalaking amerikano.” pang aasar niya.

Inagaw ko ang kanyang ipad hanggang sa mag buno kaming dalawa sa ibabaw ng kama. Ako ay galit na galit samantalang siya naman ay tawa ng tawa habang iniiwas ang gadget niya sa akin.

Halos ilang araw na rin ang lumipas mag buhat noong makalabas ang sa ospital. Katulad ng dati ay wala akong pinag sabihan ang tungkol sa pag kakasumpa sa aking ng pulubing taong grasa na iyon. Wala rin namang maniniwala sa akin at tiyak na iisipin lang nila na nababaliw ako.

Nag patuloy ang aming pag bubuno ni Rui sa ibaba ng kama hanggang sa maya maya ay patungan niya ako. Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at umupo sa aking tiyan. “Ano lalaban ka pa?” ang wika niya habang naka ngisi

Hindi ako naka kibo, napatingin ako sa kanyang katawan na noon ay basa ng pawis kaya naman humapit sa kanyang matipunong dibdib ang sandang suot. Ang kanyang mga braso ay bilugan na para bang kay sarap yakapin. Napatigtig rin ako sa kanyang mukha, ang kanyang labi ay namumula at ang mga mata masyadong kumikinang na para bang nang aakit na hindi mo malaman.

Tila ba pa nahipnotismo ako sa pag titig sa kanya..

Tahimik..

Para bang nag pause ang paligid..

Maya maya ay ilang tapik sa pisngi ang aking naramdaman at noong bumalik ang aking ulirat ay hindi na nakapatong si Rui sa akin. “Hoy, bakit ba naka titig ka sa akin? Bakla ka ba? Siguro crush mo ako hano?” ang pang aasar niya.

Nakaramdam ako ng kakaibang hiya kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon at mabilis na lumabas ng silid. Napakamot nalang ng ulo si Rui habang pinag mamasdan akong lumalabas.

Ang weird ng pakiramdam na iyon..

Mahirap ipaliwanag ngunit masarap damhin..

Itutuloy..

SP Part 8: Tatlong Bituin

Full Credits: Chanon Santinatornkul as Gun

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 5, 2018

Part 8: Tatlong Bituin

“Break fast in bed baby bro.” ang bungad ni Rui kinaumagahan.

Hindi ako bumangon o umimik bagamat malinaw ko siyang naririnig.

“Ako ang nag handa nito, special fried rice, sunny side up, at hotdog. Mahirap ihanda iyan. Bangon na.” ang wika nito habang pilit akong kinakalabit.

At para hindi lang masira ang moment ng magandang umaga ay agad akong bumangon at napatingin sa kanya na nag tataka. “Bakit? Baka naman ay lason iyan o pampapurga?” tanong ko naman.

“Wala ah, hindi ko naman gagawin sa iyo iyon dahil love na love kita.” ang wika nito.

“Bakit parang nag bago yata ang ihip ng hangin? Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na.” ang wika ko naman.

“Wala ah, gusto lang talaga kitang ipag luto ng breakfast. Tikman mo na.” ang naka ngising wika niya.

“Ayoko baka may kung ano dyan e.”

“Wala, mabait na ako. Sige kakain ako para malaman mong walang halo iyang pag kain mo.” ang wika nito sabay subo ng pag kain.

Pinanood ko lang siya at maya maya ay biglang nanlaki ang mata nito at napahawak sa kanyang leeg na parang nalalason..

“Ayan na nga sinasabi ko, balak mo pa akong lasunin!”

Bigla siyang natawa “Joke lang. Sarap nga e. Kain kana.” hirit niya sabay lapit sa akin ng tray.

Maayos naman ang pag kakaluto niya, may design pa nga at halatang pinag hirapan ng husto kaya naman nag simula na akong kainin ito.

“Masarap.” ang sambit ko sa unang subo dahilan para mangiti siya at maya maya ay tumabi sa akin saka umakbay.

May kinuha siyang kahon sa kanyang drawer at inabot ito sa akin “Surprise!”

“Ano naman iyan?” tanong ko

“Buksan mo.” ang wika niya habang naka ngiti.

Binuksan ko ang regalo, ito ay nag lalaman ng kahon ng isang mamahalin brand ng cellphone. “Ayan ha, pinalitan ko na yung sinira kong cellphone mo, mas mahal iyan, mas maganda kaysa dati.”

Binuksan ko ng cellphone at dito ay natawa ako sa wallpaper na larawan naming dalawa, siya ay naka ngiti habang ako naman ay natutulog at may tulo laway pa. “Nagustuhan mo ba?” tanong niya

“Oo naman, salamat.” ang naka ngiti kong sagot.

“Salamat kuya. Dapat ay iginagalang mo ako.” naka ngisi niya tugon.

“Eh ano nga bang kailangan mo?” tanong ko ulit.

Tumingin ito sa akin na parang nag papa cute. “Kasi nga..”

“Sabi na nga ba e, may binabalak kana naman.”

“Hindi pa naman ako tapos, kasi nga pinabibisita ako nina papa sa science museum ng kaibigan nila. Kaso ay wala naman akong hilig sa ganon. Baka naman pwedeng ikaw na ang umatend at mag punta doon. Please para hindi magalit sa akin si papa.”

“Bakit ako ang pupunta? Saan ka ba pupunta at ayaw mo?”

“May game kami ng basketball ngayon ng barkada. Hindi ako pwedeng mawala dahil importanteng laro iyon. Pustahan iyon.”

“Pag nalaman ni papa na hindi ka nag punta ay magagalit ba siya?” pang uusisa ko.

“Syempre, opening ng museum ng kaibigan niya tapos wala ni isa sa atin ang makakadalo, tiyak na malilintikan ako. Kaya ikaw ang umatend, please.”

“Sige, ako ang pupunta.” ang naka ngisi kong tugon. “Sa isang kondisyon.”

“Ano naman iyon?”

“Akin ang kopya ng pamboboso mo sa akin banyo.”

“Eh nabura ko na iyon. Wala na.”

“Hindi ako naniniwala. Sige hindi na ako pupunta.”

“O sige na. Eto na yung laptop ko. Sa iyo na to. Pumunta kana please lang. Ipapahatid kita kay Kohei ngayon din.” ang wika niya habang namimili ng damit ko sa cabinet.

Edi iyon nga ang set up. Ako ang nag punta sa museum ng kaibigan ni papa bilang representative ng pamilya. At si Rui naman ay mabilis rin na umalis para mag punta sa game ng kanyang barkada. Yung tipong mas inuna pa niya ang pag bubulakbol kaysa pag punta sa engagement na inaassign para sa kanya. Pasaway talaga kaya pag uwi ni papa dito ay isusumbong ko siya para makaganti.

“Master Nai mag hihintay na lamang po ako dito sa labas. Narito ang ilang reviewer tungkol sa mga artifacts na naka display sa museyo. Kailangan ay mag pakita ka ng interes at appreciation sa bawat bagay na makikita mo doon. Iwasan nyo po ang mamintas at makipag inisan.” ang bilin ni Kohei habang sinusuotan ako ng coat.

“Mayroong extrang suit doon sa sasakyan, ang sabi ni kupal na Rui ay sumama ka sa akin sa loob. Narito ang reviewer na ibinigay mo, ikaw ang sasagot kapag tinanong ako. Maliwanag ba?”

“Pero master, kailangan ikaw ang mag sasalita kung sakaling kausapin ka ng may ari ng museyo.”

“O edi sasagutin ko siya sa paraang alam ko. Ang pangit sa aking paningin ay mananatiling pangit. Kapag maganda ay maganda. Bakit natin sila lolokohin kung pangit naman talaga ang nakikita ng ating mga mata? Niloko mo na nga sila, niloko mo pa rin ang iyong sarili.” ang sagot ko habang lumalakad papasok sa museum.

Napailing nalang si Kohei, mabilis niyang sinuot ang suit at tie saka humabol sa akin. Pag pasok ko sa museum ay agad akong sinalubong ng ilang business partner ni papa at Rui. Ang ilan sa kanila ay mga maliliit lamang ang shares sa kompanya kaya iginagalang ako ng husto. “Mr. Natchakal, nice to meet you. Gwapong bata nito.” ang pag salubong ng mga kaibigan ni papa sabay kamay sa akin.

Ngunit ngiti lang ang aking sinagot at hindi ako nag pakita ng interes sa kanila dahil natuon ang aking atensyon sa loob ng museum kung saan may malalaking larawan ang naka sabit sa pader nito.

Lumapit ako upang tingnan ang mga larawang iyon. “Sino sila?” ang tanong ko.

“Sila ang super hero ng mundo natin. Mga karakter na lumalabas lamang kapag nasa panganib ang ating planeta. Pero wala pang nakaka kilala sa kanilang katauhan ng personal. Ang larawan sa kanan ay si Jorel, siya ang Pinoy Superman, kasing lakas, kasing bilis at kasing husay rin siya ng mga avengers at justice league.” ang wika ng lalaking lumapit sa akin.

Natingin ako sa kanya. Matangkad ito at halos ganoon rin ang taas kay Rui. Batid kong mag kasing edad lang sila. “Sino ka naman?” ang tanong ko

Natawa ito at ngumiti “Ako si Gun, ang kaibigan ng iyong ama at ng kuya mong si Rui. Ikaw si Nai hindi ba?” ang naka ngiting wika nito

“Oo, Ikaw yung may ari nito?” ang tanong ko

“Oo, nagulat ka ba? Teka nasaan ang kuya mo?” tanong niya

“May appointment.” ang simple kong sagot habang patuloy na nakatingin sa mga larawan.

Humarap rin siya dito at muling nag paliwanag “Ang ikalawang larawan sa gitna ay si Nardo. Siya ang male version ni Darna, parang isang phoenix kapag lumilipad, sumisibat, nag aapoy ang kausotan at nag tataglay ng mga kalasag na hindi tinatablan ng kahit na anong pandigmang sandata.” ang wika niya habang naka tingin sa ikalawang larawan.

“Yung ikatlo, parang bata lang siya.” ang tugon ko naman.

“Ah, bata nga lang iyan. Legend na iyang ikatlo. Siya si Ace. Ang kwento niya ay kakaiba talaga at hindi siya tumatanda dahil isa siyang android. Pero ang alam ko ay may kakayahan na itong mag mature katulad ng robot sa bicentenial man na pelikula. Mahusay na ang siyensiya natin ngayon kaya wala nang imposible.” patuloy niyang pag papaliwanag.

“Naniniwala ka sa kanila?” ang tanong ko naman na nakataas kilay.

“Hindi ko alam, pero isa akong fan.. Mahilig ako sa mga alien powers at mga bagay sa labas ng mundo. Ang mga super hero na iyan ay maaaring galing sa ibang mundo, maaari silang totoo at maaari ring hindi. Pero salamat at napansin mo sila, ang totoo nun ay disenyo lamang sila dito sa museyo.” naka ngiti niya wika.

“To see is to believe, iyan ang paniniwala ko. Kung nakita ng aking dalawang mata ay tiyak na paniniwalaan ko, kung hindi naman ay hindi talaga. Pero salamat sa inpormasyon.” ang wika ko naman.

Natawa ito “Mabuti pa ay tayo na doon sa main area ng museum. Nandoon rin yung ibang business partners ng papa at kuya mo.” wika niya sabay aya sa akin sa pinaka loob ng museyo.

Maganda ang main area ng museum, maluwang ito at punong puno ng mga makasaysayang artifacts na nahukay sa iba’t ibang bahagi ng mundo. May mga buto ng dinosaur, mga sina unang tao, mga kagamitang tableta at bato ng mga nabuhay noong unang panahon. Kamangha mangha rin ang pag kaka ayos ng mga ito ayon sa timeline o pag kakasunod sunod ng tagal ng isang koleksyon.

Nakipag kamay ako sa mga kaibigan ni papa. Syempre ay busog nanaman ako sa papuri ng mga ito. Hindi ko alam kung naninipsip lang ba o nag papalakas dahil halos lahat ay batiin ako. Yung tipong parang nasa akin na ang kanilang atensyon.

“Master Nai, okay lang po ba kayo?” tanong ni Kohei.

“Naboboring na ako dito. Gusto ko na umuwi. Nangangati na ako sa buto ng dinosaur at bato batong gamit na iyan sa paligid. Umuwi na tayo, gumawa ka ng paraan Kohei.” bulong ko.

“Mamaya kana umuwi Nai, may ipapakita ako sa iyo. Ang pinaka paborito kong parte sa museum na ito.” ang naka ngiting wika ni Gun sabay hatak sa akin paakyat ng itaas ng museum. Marahil ay napansin niyang naboboring na ako kaya gumagawa siya ng paraan upang ako ay mag enjoy.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko

“Doon sa rooftop, sa paborito kong tambayan.” ang sagot niya.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Kung sa bagay ay mas okay na siguro doon sa itaas ng rooftop kaysa naman sa loob na kung ano anong ancient artifacts ang nag papakilabot sa iyo.

Pag dating sa rooftop ay tumambad sa aking harapan ang magandang kapalirigan. May mga halamang naka display dito na wari’y mga artipisyal at napaka ganda ng tanawin mula dito sa itaas. Ang kalangitan ay malulam dahil nag aagaw na ang liwanag at dilim. At ang malakas na hangin ay pumapalibot sa aming mga katawan.

“Alam mo ba ang pinaka malaking pinag kagastusan ko ay ang teleskopyong ito, Galileo AHX24. Kapareho ito ng ginagamit ng mga scientist sa NASA. Katulad nila ay mahilig rin akong mag explore ng mga bagay may kinalaman sa universe o sa galaxy. Intersado ako sa mga bagong tuklas na Earth like planet katulad ng mga Kepler 22b, Ross 128b, Trappist at marami pa. At siyempre sa mga UFO sightings. Ang kanilang teknolohiya ang nag papa baliw sa akin para tuklasin kung ano ang mayroon sa dako pa roon. Nakakatuwa lamang isipin na walang sapat na kakayahan ang tao na pag aral ang kalawakan o ang ilalim ng karagatan. Kadalasan kasi ay naroon ang mga misteryong mahirap ipaliwanag ng ating mga isipan.” ang wika ni Gun habang naka silip sa kanyang higanteng teleskopyo.

Samantalang ako naman ay nakatanaw lang sa kalangitan at pinag mamasdan ang kakatwang kulay nito. Nag sisimula na ring lumabas ang mga bituin sa kalangitan kaya’t mas lalong pang gumaganda ang tanawin.

“Ayos, eto ang high light. Nag pakita na sila.” ang masayang wika niya

“Sinong sila?” ang tanong ko naman

“Halika dito Nai, silipin mo dali.” excited na pag yaya niya.

Agad naman akong nag punta sa kanyang tabi at sinilip ang bagay na kanyang nakita. “Tatlong maliwanag na bilog. Isang kulay Pula, isang kulay Berde at isang kulay dilaw.” ang wika ko

“Oo iyan ang tatlong higanteng bituin na matagal nang pinag aaral ng NASA. Ang kulay pula ay si Tarex, ang kulay dilaw naman ay si Huliad at ang kulay berde naman ay tinawag nilang Yulesis. Halos limang taon nang pinag aaralan iyan ng siyentipiko.

Alam mo ba Nai, dati ay apat ang maliliwanag na bituin na iyan, ang isa ay kulay Asul na pinangalanang Geon, ngunit isang gabi ay kataka takang nawala ito sa kalawakan. Batid ng mga eksperto na sumabog na ito at narating ang state ng super nova. Ito kasi ang pinaka malaking bituin sa apat. Halos lahat ng scientist sa buong mundo ay nanghinayang sa pag kawala nito.“ ang wika ni Gun habang ako naman ay naka silip lang.

Namangha ako sa aking nakita, bagamat noong una ay hindi naman talaga interesado. Sadyang nakaka tuwa lang pag masdan na ang mga bagay sa malayo ay abot na ng iyong mata.

“Nakaka mangha diba?” ang naka ngiti niyang tanong.

“Oo naman. Salamat sa pag dala sa akin dito sa paboritong area mo.” naka ngiti ko ring sagot.

Alas 9 ng gabi noong mag sara ng museum. Hindi na ako naka sabay umuwi kay Kohei dahil inimbitahan ako ni Gun sa isang dinner.

Hindi ko napapansin na may 19 missed calls na pala sa akin si Rui, marahil ay nag hihintay na ito ng aking report tungkol sa pag bubukas ng museyo ng kanilang kaibigan.

“Salamat ha, nag enjoy ako.” ang wika ko noong makahinto ang sasakyan sa harap ng aming tarangkahan.

“Wala iyon, ikamusta mo ako sa kuya mo, paki sabi na mag laro kami ng basketball minsan.” tugon niya sabay bitiw ng matamis na ngiti.

Ngiti rin ang aking itinugon sabay baba sa kanyang sasakyan.

Isang busina ang kanyang pinakawalan bago muling umandar. Ako naman ay kumaway lang habang pinag mamasdan ito sa pag layo. “Bakit ginabi ka? Sino yung lalaking nag hatid sayo?” bungad ni Rui

“Edi yung kaibigan mong may ari ng museum.”

“At talagang nag pahatid ka pa?”

“Ihinatid niya ako. Malay ko bang cute na cute daw siya sa akin.” pang aasar ko naman.

“At gustong gusto mo naman? Kung alam kong lalandi ka lang sana ay ako na nag punta doon.”

“Hindi ako nag landi, ginawa ko lang ang tungkulin kong maka kuha ng magandang documentary tulad ng nais mo. Ayan ng video cam at mga data sa museum. Pasalamat ka nga ginawa ko pa yung trabaho mo. Susubong kita kay papa e.” ang wika ko sabay panhik patungo sa aming silid.

“Edi mag sumbong ka. Sasabihin ko naman sa kanila na maaaga kang nag landi at ginagabi ka kasama ng kung sino sinong lalaki.” sagot niya

Napakamot nalang ako ng ulo, kung ituring niya talaga ako ay parang isang babae na nakikipag laro ng apoy sa mga lalaki. Hindi ko malaman kung nagagalit ba siya, binabasag aking trip o overproctive lang sa iba’t ibang paraan.

Itutuloy..

SP Part 9: Sa Bisig ni Rui

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 6, 2018

Part 9: Sa Bisig ni Rui

“Pati sa science museum ay nag landi ka pa. Wala kang pinipiling lugar. Kaya pala di mo sinasagot ang mga tawag ko dahil kasama mo ang gagong iyon.” ang sermon ni Rui noong makapasok kami sa silid.

“Hindi ako lumandi doon, nag invite lang siyang mag dinner kaya ginabi kami. Saka bakit ba nag kaka ganyan ka?” ang pang uusisa ko.

“Dahil naiinis ako kapag may ibang lalaking lalapit sayo. Akin ka lang! Naintindihan mo ba yon?” ang gigil niya sagot habang naka hawak sa ulo ko na parang mananabunot.

Maya maya ay bumitiw ito at lumabas ng silid. Binagsak pa niya ng malakas ang pintuan na parang hindi maitago ang labis na pag kainis. Ako naman ay nanatiling clueless sa kanyang mga galaw na weird at kakaiba.

“Bakit ba may sanib nanaman iyang si Rui?” ang tanong ko kay Kohei noong makalabas ako ng kusina.

“Ang totoo po nun ay nagalit rin sa akin si Master Rui noong nalaman niyang may kasama kang ibang lalaki. Sadyang seloso lamang talaga ang kuya mo kahit ganoon ang kanyang reaksyon. Kahit noong bata ka pa, nagagalit siya kapag nilalapitan ka ng ibang tao, ang gusto noon ni master Rui siya lang ang bukod tanging lalapit sa iyo. Wala nang iba.” ang naka ngiting wika ni Kohei.

“Eh bakit ngayon parang pinag ttripan niya ako?” tanong ko naman.

“Siguro po ay natutuwa lang sa iyo si Master Rui hindi niya kasi akalain na lalaki kang gwapo rin katulad niya.”

Natawa ako at napatingin sa sala kung saan naroon si Rui na abala sa pag lipat ng telebisyon. Nakaupo ito ngunit parang malalim ang iniisip bagamat naka tingin siya sa monitor ng tv ay mababatid mong wala pa rin siya sa katinuan.

Maya maya ay nag bitiw siya ng isang malalim na buntong hininga. At kasabay nito ang pag ring telepono sa sala.

Nilapitan ito ni Kohei para sagutin..

“Hello. Natchakal.” ang bungad niya at saka humarap sa akin.

“Master Nai, phone call po. Si Mr. Gun Sentinel ng Biju Corp.” ang wika nito kaya naman agad akong tumayo upang kuhanin ang phone call ng biglang humarap si Rui sa akin at siya mismo ang sumagot nito. “Hello Pare, wala si Nai ngayon. Tulog pa.. Suminghot kasi siya ng katol kagabi.” ang bungad niya.

“Ah sige pare. Mukhang malaki tama mo sa kapatid ko ah.” ang wika pa nito

“Hindi pwede pare na virgin ko na ito. Ako naka una dito e.” ang wika pa ni Rui habang naka ngisi kaya agad kong kinuha ang telepono sa kanya.

Ibinigay niya ito ngunit wala ang call. “Bakit sinabi mo iyon?” paninita ko naman

“Alin yun na virgin kita?” ang tanong niya

“Oo!” ang galit kong sagot

“Joke lang iyon. Pero totoong sinabi kong suminghot ka ng katol. Teka, bakit gusto mo bang siya ang maka una sayo? Gago ka ba? Ang tagal kitang iningatan tapos sa kanya ka lang bibigay? Subukan mo dahil papatayin kita.” ang wika nito sabay kutos sa akin at saka mabilis na umakyat sa hagdan pabalik ng aming silid.

“Master Nai okay lang po ba kayo?” ang tanong ni Kohei

“Sabog ba si Kuya?!” ang tanong ko

“Nag seselos po siya master.”

“Isusumbong ko siya kay Papa, sasabihin ko ang paborito niyang anak na si Rui ay ng ddrugs!”

“Lalo lang kayong mag kakagulo master, ang maipapayo ko lang sayo ay iwasan mo si Mr. Gun Sentinel upang hindi na umastang nag seselos ang kuya mo.”

“Baliw baliwan lang ang peg niya e. Hindi naman ako babae para ingatan.”

“Overprotective lang po siya dahil mahal na mahal ka niya kaya kung maaari ay pag bigyan mo na lamang siya sa kanyang nais na huwag kang didikit sa mga lalaki upang walang gulo.”

Napa buntong hininga na lamang ako habang nakatanaw sa pintuan ng aming silid.

Alas 11 ng gabi noong bumalik ako sa kwarto. Dito ay naabutan ko si Rui na natutulog, walang pang itaas na damit, naka dapa at ang mukha ay naka subsob sa unan. At para hindi na siya maistorbo ay marahan akong tumabi sa kanya at tumagilid patalikod habang pilit na dumidistansya.

Tahimik..

Pinatay ko ang lampshade sa aking tabi at ipinikit ang aking mga mata..

Maya maya ay naramdaman kong may kamay na lumilingkis sa aking tiyan hanggang sa tuluyang dumikit ang kanyang katawan sa aking likuran. Humigpit ang kanyang pag kakayakap sa akin dahil ang kanyang bilugang braso ay naka lock sa aking tiyan. Ramdam ko rin ang matigas na bukol nya sa likod na nakadikit sa pagitan ng aking pwet. At pakiramdam ko ay mas lalo pa niya itong idinidiin.

“Akin ka lang.” ang bulong nito sabay hatak sa akin upang mas lalo pang dumikit ang aking katawan sa kanyang katawan..

Hindi naman ako pumiglas dahil ang nakapag tataka ay parang nagugustuhan ko ang higpit ng kanyang pag kakayakap sa akin. Pakiwari ko ay ligtas ako kapag nasa loob ng kanyang mga bisig. Minsan tuloy hindi ko maiwasang isipin kung ano ba talaga ang intensyon ni Rui sa akin, pang asar ito, panira ng mood pero kung minsan ay malulunod ka sa kanyang ka sweetan.

Noong mga sandaling iyon ay hindi ko naaninag ang kanyang mukha ngunit nararamdaman ko na malapit ito sa aking pisngi dahil ang kanyang mainit at mabangong hininga ay dumadampi sa aking pisngi.

Kinabukasan, noong ako ay magising ay bumulaga sa akin si Rui na nakatayo sa aking harapan. Kaliligo lang nito at naka suot pa ang brief habang nag aapply ng roll on sa kanyang kili kili. “May meeting ako sa kompanya ni papa ngayon. Wala ka bang pasok?” ang tanong niya

Agad akong tumingin sa relo at noong makitang kong isang oras na lamang ay late na ako, bumalikwas akong bangon at nag tungo agad ako sa banyo upang maligo.

Pag harap ko sa salamin ay laking gulat ko ng makitang ginago pala niya ang aking mukha, sinulatan niya ito ng pentel pen at nilagyan ako ng kung ano anong bilog sa mukha. “Bakit pati mukha ko ay pinag didiskitan mo? Inaano ba kita?” ang sigaw ko sa loob ng banyo.

“Bilisan mo nang gumayak dahil malalate ka pa.” ang wika nito sabay bukas sa pinto ng cr. Dito ay naabutan niya akong umiihi habang nag sisipilyo ng ngipin.

Agad kong tinakpan ang aking ari at tumalikod. “Bastos! Doon ka na nga!”

“Wag mo nang takpan iyan, nakita ko na iyan. Sinukat ko pa nga eh.” ang pang aasar niya sabay tingin sa kanyang hilalaki.

“Bastos!” ang naiinis kong sigaw sabay balibag sa kanyang tuwalya.

“Oh, huwag kana makipag asaran sa akin. Hindi kita maihahatid at masusunod sa skul ngayon. Ibibilin na kita kay Kohei para ipag drive kana niya. At huwag kong malalaman na may kasama kang ibang lalaki dahil pareho ko kayong itutumba!” ang wika ni Rui habang nag susuot ng suit na hapit sa kanyang katawan.

Ilang minuto rin siyang nag aayos ng sarili sa harap ng salaman bago tuluyang umalis sa aming silid. Samantalang ako naman ay nag patuloy lang sa pag gayak.

“Master Nai, bilisan po ninyo dahil naka pundo na ang malakas na ulan.” ang pag tawag ni Kohei.

“Naka pundo? E maayos namang ang sikat ng araw kanina.” wika ko habang sumasakay sa sasakyan.

“Oo nga po master, nakapag tataka na bigla na lamang umitim ang ulap sa kalangitan at kumapal ito ng husto. Marahil ay may dala iyang malakas na ulan.”

“Natural kapag may pundo ay may ulan. Tayo na nga, bilisan mo ang pag ddrive baka malate pa ako.” ang wika ko sabay lundag sa loob ng sasakyan.

Nag simulang mag drive si Kohei papunta sa school. Smooth naman ang takbo palabas ng subdivision, ang problema ay pag dating sa bayan ay buhol buhol na ang trapik, halos hindi na makagalaw ang mga sasakyang dumaraan. Kung sa bagay marami talaga ang pumapasok lalo’t ganitong rush hour.

Wala, kailangan tanggapin na late ako ngayon araw. Subukan nilang pagalitan ako, liligwakin ko sila ng di oras..

Music Playing..

Drive

Incubus

Sometimes, I feel the fear of uncertainty stinging clear And I can’t help but ask myself how much I’ll let the fear Take the wheel and steer

It’s driven me before And it seems to have a vague, haunting mass appeal But lately I am beginning to find That I should be the one behind the wheel

Whatever tomorrow brings I’ll be there with open arms and open eyes

Whatever tomorrow brings I’ll be there, I’ll be there

So if I decide to waiver my chance To be one of the hive Will I choose water over wine And hold my own and drive?

It’s driven me before And it seems to be the way that everyone else gets around But lately I am beginning to find That when I drive myself my light is found

Habang nasa ganoong pag hinto kami ay laking gulat ko ng bigla may sumulpot na batang pulubi sa tapat ng aking bintana. Puro grasa ang katawan nito at may hawak pang plastic na ng natuyong rugby sa kanyang kamay.

Kumakatok ang bata sa bintana..

“Hindi pa ba aandar?” ang tanong ko kay Kohei.

“Malabo pa master. May aksidente yata doon sa kanto.” ang sagot ni Kohei

Patuloy pa rin sa pag katok ang bata. Naka sahod ang kamay nito sa harap ng aking bintana.

Napabuntong hininga nalang ako sabay dukot ng pera sa aking bag. Binuksan ko ang bintana at inabot ito sa bata.

Wala akong imik..

Nangiti ang bata at agad kinuha ang perang aking iniabot..

Nangiti rin ako habang isinasara ko ang bintana..

Tahimik..

Nasa ganoong posisyon ako ng biglang may marinig akong nag salita sa aking tabi. “TATLO!”

At lingon ko ay sa aking tabi ay halos mapasigaw ako sa loob ng sasakyan noong makita ko ang bata sa aking tabi. “TATLO!” ang wika niya sabay sakal sa akin.

Dumilim ang buong paligid..

Bumukas ang pinto ng sasakyan at mabilis niya akong kinaladlad palabas dito..

“Bakit?! Wala akong ginagawa!! Wala rin akong sinasabi!!!” ang sigaw ko ngunit huli na ang lahat..

Naramdaman kong umangat sa lupa ang aking katawan at sumibat ako pataas sa kalangitan..

Itutuloy..

SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 8, 2018

Bumukas ang pinto ng sasakyan at mabilis niya akong kinaladlad palabas dito..

“Bakit?! Wala akong ginagawa!! Wala rin akong sinasabi!!!” ang sigaw ko ngunit huli na ang lahat..

Naramdaman kong umangat sa lupa ang aking katawan at sumibat ako pataas sa kalangitan..

Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan

Nag patuloy ang kanyang pag sakal sa aking leeg hanggang sa mabilis na umangat ang aking katawan sa ere. Malakas ang hangin sa paligid, nakaka lunod at nakakalula..

Ilang minuto rin kami sa ganoong pag sibat hanggang sa kapwa kami mapadpad sa isang malawak at madilim na lugar.

Nanatili akong naka lutang at mula sa aking ibaba ay nakikita ang labas ng mundo. Hindi mo mawari ang kulay nito, hindi ito asul katulad ng nasa telebisyon bagamat kaaya aya itong pag masdan. Noon ay napag tanto ko na nasa labas na ako ng kalawakan. Marahil ay isa nanaman itong panaginip, marahil ay isa lamang akong lucid dreamer ngunit talagang makatotohanan ang lahat.

Maya maya ay nakita ko ang batang pulubi at lumalapit sa akin. Sa kada hakbang na kanyang ginagawa ay nag babago ang kanyang anyo.

Mula sa pagiging batang pulubi na may hawak na rugby ay naging babae ito na puro naknak ang mukha at siya yung babaeng mapilit na nag eenrol sa aming campus. At ang pinaka huling anyo niya ay ang pulubi doon sa bar kung saan niya ako binitiwan ng sumpa na hindi ko maipaliwanag.

Patuloy na lumapit sa akin ang pulubi hanggang sa huling pag kakataon ay nag bago pa ang kanyang anyo. Naging isang lalaki ito, maayos ang pananamit, maputi at napaka gwapo. Naka ngiti siyang lumapit sa akin. “Sino ka ba? Tigilan mo na ako!” ang sigaw ko naman.

“Ako si Sin, at ako ay naparito upang ipaliwanag sa iyo ang iyong misyon.” ang wika nito

“Misyon? Gago ka ba? Ni hindi ko nga maunawaan ang lahat! Gusto ko nang gumising sa bangungot na ito!”

“Ito ay totoo Nai, ang sumpa ay nag simula na dahil nakompleto na ang tatlong pag kamamali na ginawa mo.”

“Tatlo? Wala akong ginagawa o sinasabi! Tinulungan ko pa ng yung pulubing batang adik! At ikaw ang dapat isumpa dahil manloloka! Ikaw ang babaeng panget na may naknak sa mukha! Ginagago mo ako una pa lang!” galit kong sagot.

“Nai, hindi kita ginagago o niloloko. Kung talagang mabuti ka ay mabuti rin ang lalabas sa iyong ibibig at may kalakip itong kabutihang kilos loob. Iyon ang hindi mo nagawa Nai. At tungkol naman sa ikatlong pag kamamali mo. OO nga at binigyan mo ng pera ang pulubi ngunit rinig na rinig ko ang nasa isip mo. Maganda na binigyan mo siya, ngunit sana ay pinayuhan mo rin siya na huwag gumamit ng masamang bagay na maka sisira sa kanyang katawan, sinadya mo pa na bigyan siya ng pera pambili ng droga.” ang wika niya

“Naku wala akong alam sa sinasabi mo!” pag tanggi ko naman

“Maang maangan Nai?” tanong niya at inilagay niya ang kanyang kamay sa aking balikat.

Dito ay narinig ko ang aking boses sa kaibuturan.

“Hayan ang pera, bumili ka pa ng rugby at nang mamatay kana. Ang mga katulad mong batang palaboy ay dapat binabaril nalang para maka iwas sa trapiko. Maraming pera iyan, bumili ka ng bisyo na papatay sa iyo. Panget na ito! Pasagasaan kita dyan eh!” ang aking tining

Natahimik ako at napahiya sa aking sarili..

“Nakita mo na ba? Ang iyong kilos noon ay mukhang mabuti ngunit hindi naman ganoon ang isinisigaw ng iyong kalooban. Iyan ang problema sa inyong mga tao. Ang iyong mga kilos loob ay taliwas sa nilalaman ng inyong puso. Masama ang inyong ugali at kahit na kailan ay hindi kayo natuto.” ang wika ng lalaki.

“So anong gusto mong gawin sa akin ngayon? Gusto mo akong ipako sa krus? Sunugin ng buhay o gilitan sa leeg?” tanong ko.

“Wala sa mga sinabi mo. Dahil ikaw ay nasa aking sumpa. Ikaw ay gagawin kong isang Super Hero.” ang wika nito.

“Super Hero? Adik ka ba?” tanong ko naman

“Ikaw ang napili ko upang maging kinatawan ng aking kapangyarihan, ang kasamaan ng ugali mo ay gustong gusto ko. Ikaw si Nai ang taong galit sa mga panget, ayaw na ayaw ng panget dahil sumasakit ang iyong mata at ikaw ay mabilis mairita. Alam mo ba na ang lahat ng estudyante, guro at kung sino sino pang tao na pinatalsik mo ay iisa lamang ang dasal para sa iyo? Na dumating ang karma sa buhay mo at turuan ka ng leksyon.”

“Kasalanan nila iyon dahil panget sila. Ang mga tao sa mundong ito ay iba na ang pananaw. Lahat ay nag paparetoke na, ang lahat ay nag papagwapo o nag papaganda upang matanggap ka sa lipunan. Iyan ang dapat ninyong tanggapin, na ang mga panget ay nabibilang sa isang lugar na para sa kanila lang.” ang sagot ko naman

“Mali, ang may kasalanan noon ay ang inyong mga isip na marurumi at makasalanan. Kayo ang dapat sunugin at ituhog sa tubo saka ipakain sa aso.”

“Brutal mo naman kuya. Saka sumpa tapos super hero? Adik ka ba? Blessing ang maging super hero at hindi isang sumpa.” ang tugon ko

“Malalaman mo mamaya Nai, sa ngayon kailangan ko ibahagi sa iyo kung sino at ano ako.” ang wika niya

“Who cares.” sagot ko

“Kailangan mong makinig dahil ito ang mag tatalaga sa kinabukasan mo. Kung mamatay ka sa iyong misyon ay wala akong magagawa.”

“At talagang intensyon ng misyong iyan na patayin ako? Execution ba ito sa ganyang paraan?”

“Hindi ko masasabi iyan Nai, ngunit ipag kakaloob ko sa iyo ang lahat ng aking kapangyarihan para ikaw ay makaligtas at upang masalba mo ang iyong mundo.”

“Isalba? Kanino? Saan?” ang tanong ko.

“Sa kanila.” ang wika niya sabay turo sa tatlong bituin na nasa kalayuan. Nag liliwanag ito at talagang nakaka akit pag masdan.

Dito ko naalala ang tatlong bituin na sinilip ko sa teleskopyo ni Gun, kung saan ang tatlong bituin na iyon ay masusing sinusubaybayan ng mga espesyalista.

FLASH BACK

Agad naman akong nag punta sa kanyang tabi at sinilip ang bagay na kanyang nakita. “Tatlong maliwanag na bilog. Isang kulay Pula, isang kulay Berde at isang kulay dilaw.” ang wika ko

“Oo iyan ang tatlong higanteng bituin na matagal nang pinag aaral ng NASA. Ang kulay pula ay si Tarex, ang kulay dilaw naman ay si Huliad at ang kulay berde naman ay tinawag nilang Yulesis. Halos limang taon nang pinag aaralan iyan ng siyentipiko.

Alam mo ba Nai, dati ay apat ang maliliwanag na bituin na iyan, ang isa ay kulay Asul na pinangalanang Geon, ngunit isang gabi ay kataka takang nawala ito sa kalawakan. Batid ng mga eksperto na sumabog na ito at narating ang state ng super nova. Ito kasi ang pinaka malaking bituin sa apat. Halos lahat ng scientist sa buong mundo ay nanghinayang sa pag kawala nito.“ ang wika ni Gun habang ako naman ay naka silip lang.

End of flashback.

“Mapanganib ba iyan? Iyan ay mga bituin lamang. Saka taon na iyan nariyan sa kanilang lugar. Kung mapanganib iyan sana ay noon pa ito nag hasik ng lagim. Baka naman nagiging OA ka lang?” tanong ko.

“Nai, makinig ka sa akin. Ang mga bagay na iyan ay hindi mga bituin kundi mga sasakyang pandigma na galing sa aming planetang Super Planet.” wika niya

“Super Planet? Ano naman iyon?” ang tanong ko.

“Ang Super Planet ay ang ika walong planeta sa ika labing dalawang solar system. Malayo na iyon sa inyong mundo at tiyak naaabutin ng milyong taon kung kayo ay mag pupunta doon gamit ang inyong mababang uri ng teknolohiya.

Magandang mundo ang Super Planet. Lahat ng nandoon ay hitik sa magagandang katangian. Ang lahat ay pantay pantay at matiwasay na namumuhay na may iisang adhikain na paunlarin ang aming mundo.

Ang Super Planet ay pinamumunuan ng apat na haligi. Sila ang itinuturing na gabay upang maging maayos ang ikot ng aming mundo. Ang apat na iyon ay ang mga Super Human katulad ko at ako ay isa sa kanila.

Maayos ang aming alyansa noong mga lumipas na daang taon. Ngunit ang lahat ng iyon ay unti unting nag bago noong mabago ang interes ng bawat isa. Ang tatlo ay nag hanga ng sariling mundong pamumunuan upang mas maging makapangyarihan kaya’t nag sila ay nag hahanap ng mga planetang nag lalaman ng iba’t ibang likas na yaman upang mabuhay.

Taliwas sa aking kagustuhan ang bagay na iyon, kaya’t hindi ako sumang ayon sa kanilang nais. Tumiwalag ako at nag tago sa iba’t ibang planeta ngunit kahit anong gawin kong pag protekta sa mga ito ay parati akong nabibigo.

Halos 38 planeta na ang aking tinirhan upang ipag tanggol ang mga ito ngunit naubos lamang aking lakas, wala akong laban sa tatlong haligi at ang aking katawan ay unti unting nang hihina.

Ang Planetang ito ay ang pinaka malaking planeta na ang tataglay ng maraming likas na yaman, lupa, tubig at mineral. At ang core ng iyong planeta ay may kakayahang palakasin ang pwersa ng kanilang sasakyang pandigma bigla gasolina. Iyon ang ang kukunin nila. Sasakupin nila ang inyong mundo at wawasakin katulad ng maraming planeta ibat ibang solar system.“ ang wika niya

“Sino bang sila ang pinag sasabi mo? Naunawaan kong sasakupin ang aming mundo. Nino? Kailan at paano?” ang tanong ko naman.

“Sila ang mga Super Enemy. Sina Super Beki, Super Ganda, at Super Gwapo. Sila ang mga haligi ng aming mundong Super Planet. Ang kanilang kapangyarihan ay may dalawang level. Ang Una level ay ang kanilang orihinal na anyo na nag tataglay ng 50 porsientong lakas. Ang ang Ikalawang level naman kung saan sila ay nagiging halimaw at nag tataglay ng 100 porsientong lakas na hindi mapapantayan.” ang paliwanag niya.

“Ganon? Parang si Taguro lang? Tapos parang bleach na may Bankai mode pala sila? At nagiging kyuubi sila na parang sa Naruto?” ang tanong ko

“Hindi ko maunawaan ang iyong sinasabi Nai. Ngunit sana ay seryosohin mo ang aking mga sinasabi dahil dito naka salalay ang iyong buhay.” seryoso niyang tugon.

“Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit inabot sila ng ilang taon sa posisyon na iyan. Kung mapanganib sila ay bakit hindi sila lumalapit dito upang pasabugin kami?” tanong ko

“Bago sila makarating dito ay nauna na ako. Dati ay apat na bituin ang namamataan sa inyong mundo. Malaunan ay naging tatlo na lamang ito dahil ang ako ay nakalapag na sa inyong lupain at dito ay ginamit ko ang aking sasakyang pandigma upang gumawa ng malawak na harang na papalibot sa inyong mundo upang hindi makalapit ng mga kalaban at manatili sila sa ganoong distansya.” wika niya

“Kung gayon ikaw pala yung asul na bituin na bigla na lamang nawala?” pag lilinaw ko

“Oo ako nga iyon, at tungkol sa mga kalaban ay malayong milya pa ang kanilang kinaroroonan, hindi ninyo makikita na ito ay mga sasakyang pandigma dahil masyadong mababa ang inyong teknolohiya. Hindi katulad sa amin na mabilis umunlad ang sibilisasyon. Kung kayo ang mag lalakbay sa aming mundo ay aabutin kayo ng milyong taon gamit ang inyong sasakyang pang kalawakan, iyon ay kung makaka survive ito sa mga kometa at batong galing sa araw. Ngunit kami ay may kakayahang libutin ang inyong daigdaig sa loob lamang ng ilang buwan gamit ang worm hole at time travelling. Ganyan ka yabong ang aming teknolohiya.” ang paliwanag niya.

“Sabi mo kanina ay pinipigilan lang ng iyong lakas ang pag pasok nila sa mundong ito. Edi ganun nalang! Bakit kailangan pa silang labanan e pwede naman palang harangan mo nalang ang Earth forever!”

“Ang harang na iyon ay ang aking kapangyarihan. Hindi ito maaaring mag tagal ng ilang taon dahil humihina ito kapag wala sa aking katawan. At habang tumatagal ay mas lumalakas ang pwersa ng kalaban, darating rin ang oras na masisira nila ang harang at makakapasok sila sa inyong mundo. Kapag nasira ang harang, ang ibig sabihin ay wala na akong kapangyarihan. Mas liliit ang tiyansang manalo tayo laban sa kanila.” sagot niya

“Oh eh bakit ako? Bakit hindi mo higupin ulit ang kapangyarihan mo at isaksak mo dyan sa bibig mo, saka ikaw ang lumaban sa kanila? Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo!” galit ko sagot

“Nai, makinig ka.. Ang kapangyarihan ko ay hindi na maaaring ibalik sa aking katawan, iyon ay isang kasunduan. At iyon rin ang dahilan kung bakit kailangan ko ng tulong mo. Sa oras na isalin ko sa iyo ang aking kapangyarihan ay mawawala ang harang sa mundong ito at ikaw ang haharap sa kanila. Mag kakaroon ka ng kakayahang lumipad at tataglayin mo ang lakas ng daan daang mandirigma, ang bilis ng hangin at ang liksi ang mga hayop sa kalawakan. Ikaw ay mag kakaroon ng dalawang level ng kapangyarihan batay sa iyong kakayahan.” ang sagot niya.

“Handa ka na ba?” ang tanong niya

“Isinumpa mo na nga ako diba? May magagawa pa ba ako? Pag ako ay namatay ay mumultuhin kita at hindi kita papatahimikin!” ang wika ko

Natawa siya at inilagay ang kamay sa aking dibdib.

Tahimik..

Nag simulang umilaw ang aking katawan at dito ay kapwa kami binalot ng asul na liwanag na animo ipo ipo kasabay nito ang pag init ng aking dibdib na wari’y nag aapoy hindi ko malaman.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nag liwanag ang paligid ng Earth at dito ay unti unting hinigop ng aking katawan ang mga enerhiyang liwanag na iyon. “Ang mga liwanag na iyan ang ay ang aking kapangyarihan. Lahat ng iyan ay lilipat sa iyong katawan at tataglayin mo ang aking lakas.” wika ni Sin

Patuloy na hinigop ang aking katawan ang enerhiyang naka palibot sa aming daigdig at habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla lamang nag liwanag ng husto ang isa sa mga bituin sa kalayuan.

At maya maya ay mabilis itong sumibat patungo sa aming mundo..

“Nai, ang iyong laban ay mag sisimula na..” ang seryosong salita niya habang nakatingin sa berdeng liwanag na papasok aming daigdig.

Itutuloy..

SP Part 11: Natatanging Damdamin

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 9, 2017

Patuloy na hinigop ang aking katawan ang enerhiyang naka palibot sa aming daigdig at habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla lamang nag liwanag ng husto ang isa sa mga bituin sa kalayuan.

At maya maya ay mabilis itong sumibat patungo sa aming mundo..

“Nai, ang iyong laban ay mag sisimula na..” ang seryosong salita niya habang nakatingin sa berdeng liwanag na papasok aming daigdig.

Part 11: Natatanging Damdamin

“Master Nai, ayos lang po ba kayo?” ang tanong ni Kohei.

Noong mag balik sa normal ang aking ulirat ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng sasakyan naka upo at parang walang nangyari. “Nasaan yung batang pulubi? Nasaan ba tayo?” ang tanong ko na may panginginig ng katawan.

“Yung pulubing inabutan niyo po ng pera ay kanina pa naka alis. Ngayon ay pabalik na tayo sa bahay. Sinuspende po ang klase dahil may nag babadyang malakas na bagyo. Kanina habang pauwi tayo ay bigla na lamang may gumuhit na berdeng liwanag sa kalangitan at nawala ito doon sa gitna ng karagatan. Ang sabi nila ay isa raw ito delubyo.” ang wika ni Kohei.

“Berdeng liwanag? Bakit hindi ko alam iyon? Bakit hindi ko nakita?”

“Eh ewan ko po master, nakatulala po kayo kanina, ang akala ko ay hindi kayo interesado.” sagot nito.

Noong mga oras na iyon lalo akong napaisip. Kakaiba rin ang aking pakiramdaman. Pakiwari ko ay may kung anong mainit na bagay sa aking dibdib at nakakaramdam ako ng pang hihina sa aking katawan at kalamnan. Para bang gusto kong mahiga at matulog.

Ang huli kong natandaan ay kausap ko ang lalaking ang pangalan ay Sin at isinalin niya sa akin ang kanyang kapangyarihan. Bukod pa roon ay hindi ko alam kung realidad ba lahat o parte lang iyon ng aking malikot na pag iisip.

FLASH BACK

Nag simulang umilaw ang aking katawan at dito ay kapwa kami binalot ng asul na liwanag na animo ipo ipo kasabay nito ang pag init ng aking dibdib na wari’y nag aapoy hindi ko malaman.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nag liwanag ang paligid ng Earth at dito ay unti unting hinigop ng aking katawan ang mga enerhiyang liwanag na iyon. “Ang mga liwanag na iyan ang ay ang aking kapangyarihan. Lahat ng iyan ay lilipat sa iyong katawan at tataglayin mo ang aking lakas.” wika ni Sin

Patuloy na hinigop ang aking katawan ang enerhiyang naka palibot sa aming daigdig at habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla lamang nag liwanag ng husto ang isa sa mga bituin sa kalayuan.

At maya maya ay mabilis itong sumibat patungo sa aming mundo..

“Nai, ang iyong laban ay mag sisimula na..” ang seryosong salita niya habang nakatingin sa berdeng liwanag na papasok aming daigdig.

End of flashback

Pag pasok ko sa aming silid ay nakaramdam ako ng kakaibang pag kahilo at panginginig ng aking katawan kaya naman agad akong nahiga at nag balot ng makapal na kumot.

Ang aking katawan ay parang nag yeyelo sa labas ngunit sobrang init pag dating sa gawing dibdib. Hindi ko na maunawaan kung anong nangyayari sa akin ngunit pakiramdam ko ay hihimatayin ako o malalagutan ng hininga.

Pilit kong inabot ang aking cellphone at nang hingi ng tulong. Walang ibang numerong naka lagay dito kundi ang kay Rui. Ito ang unang pag kakataon na nag baba ako ng pride. Pinindot ko ang dial button at doon ay nag ring ang kanyang linya.

“Himala.. Anong kailangan mo?” ang tanong ni Rui sa kabilang linya

Pilit kong ibinukas ang aking bibig ngunit ang aking panga ay naninigas ni hindi ako makapag salita ng maayos. “K-kuyaaa tu-tulongg!” ang daing ko

“Ano? Aba himala kinukuya mo ako. Ano kailangan mo ngayon? Anong plano mo magaling ko kapatid?” ang tanong niya

“Tulong!!!” ang sigaw ko ulit na hindi maitago ang hirap

“Seryoso ba ito? Lagot ka sakin kapag binibiro mo lang ako!! Kakalbuhin ko bulbol mo kupal ka!!” ang sagot niya at naputol ang kabilang linya.

Namalipit ako sa hirap at halos maihi na ako sa salawal. Pakiwari ko ay katapusan ko na dahil unti unting bumibigay ang aking katawan. Sinubukan kong bumangon ngunit bale wala ito, wala akong lakas para gawin iyon.

Nasa ganoong pamamalipit ako ng biglang bumakas ang pinto ng aking silid at dito ay mabilis na pumasok si Rui. Agad niya akong hinawakan at dito ay nanghingi na siya ng tulong sa mga kasamahan sa bahay. “Nai! Huwag kang pipikit!” ang wika nito habang tinatampal ang aking pisngi.

Naramdaman ko nalang na mabilis nya akong binuhat at pinasan pababa sa hagdan. Wala na akong naalala pa. Ang lahat ay binalot na ng kadiliman.

Tahimik..

Natagpuan ko ang aking sarili sa isang mataas na lugar, para itong lumang gusali at sa aming paligid ay ang sira sirang siyudad na halos hindi na makilala ang anyo. Para itong isang lugar na binagsakan ng bomba kaya’t ang lahat ay halos mabura na. “Nai, sa ngayon ang iyong katawang lupa ay unti unting tinatanggap ang aking kapangyarihan.” boses ni Sin sa aking likuran

Agad akong humarap sa kanya at sinugod ito. “Tarantado ka! Papatayin mo pa ako!! Gusto mo bang unahin na kita?!!” ang galit kong sagot.

“Sandali lang, huwag kang magalit. Sinadya kong dalhin ka rito upang makita mo ang kahahantungan ng iyong planeta kapag hindi mo pinag butihan ang trabaho mo.” ang wika niya sabay turo sa paligid.

“Gago ka! Pag katapos mo akong pag tangkaang patayin ngayon naman ay ipe-pressure mo pa ako sa kalokohan mo! Nag karoon pa ako ng utang na loob sa kuya ko kaya ngayon ay tiyak na pag susunod sunurin niya ang pang bablackmail niya sa akin!” ang galit kong tugon.

“Hindi gagawin ng kuya mo iyon dahil mahal ka noon, lalo ngayon na nag aagaw buhay kana sa mundo niyo.” sagot niya dahilan para lalo akong maasar.

“Hindi ko alam kung anong plano pero isusumpa kita kapag namatay ako!” ang sigaw ko sabay suntok sa kanya. Nakaiwas ito kaya ang natamaan ko ay ang pader ng gusali kaya biglang nagiba ito. “Aba e dahan dahan sa pag suntok, inaaksaya mo ang lakas ko. Saka hindi ko naman hahayaang mamatay ka ng ganoon nalang.“sagot niya habang lumulutang.

“Siguraduhin mo lang!” ang sigaw ko.

“Masyadong mainit ang ulo mo e. Halika sumunod ka sa akin.” utos niya

“Lumilipad ka, gago ka ba? Paano ko susunod sa iyo?”

“Edi lumipad ka rin!” sagot niya

“Hindi ko alam kung paano.” sagot ko

“Sus! Madali lang iyan.” ang wika niya sabay tulak sa akin sa itutok ng gusali dahilan para mahulog ako.

Bumulusok ang aking katawan pabagsak sa ere kaya naman halos mapasigaw ako sa matinding takot. At kasabay nito ang pag liliwanag ng aking katawan, nakaramdam ako ng kakaibang gaan kaya naiangat ko ang aking sarili mula sa tiyak na pag bagsak sa lupa.

“Ayan, nakakalipad kana!” ang wika ni Sin samantalang ako naman ay halos maihi sa matinding pag katakot.

“Ayoko na, gusto ko na umuwi! Ibalik mo na ako sa mundo ko!” ang sigaw ko

“Mamaya na, halika sumunod ka sa akin!” ang wika niya at wala naman akong nagawa kundi ang sundin siya sa kanyang nais.

Kapwa kami lumipad na animo kaluluwang ligaw sa himpapawid at pinag masdan namin ang sira sirang paligid. Ang matataas na gusali ay nag kawasak wasak, ang mga lupa ay may hukay na animo pinasabugan ng daang bomba. Wala nang tao at ang lahat ay nabura na. “Iyan ang kaganapan kapag ikaw ay nabigo sa iyong misyon. Ito ang resulta ng kasamaan ng iyong super enemy. Sa panahong ito ay nag tagumpay na silang kuhanin ang likas na yaman ng iyong planeta at pati ang core sa gitna ng iyong daigdig ay ginamit na nila bilang gasolinang enerhiya upang makapanakop sa mga susunod pang solar system. Sa panahong iyan ay wala nang buhay kahit ikaw ay abo na rin. Wala na rin akong kapangyarihan upang pigilan sila kaya’t ako ay patay na rin.” ang wika niya

“So patay tayong lahat? Ano ang gagawin natin para maiwasan ito? Bakit ba kasi dito ka pa nag tago. Mapapahamak pa kami sa ginagawa mo.” ang paninisi ko

“Pasalamat nga kayo sa akin dahil nilagyan ko ng harang ang inyong mundo. Kung hindi ako nag tago rito ay baka hindi kana lumaki ng ganyan ngayon dahil bata ka palang ay mamatay kana sa kaguluhan.”

“Eh anong gagawin ko para manalo? Anong alam ko sa pakikipag laban?” ang tanong ko.

“Kailangan ay pag husayan mo. Sa tatlong super enemy, ang kailangan mong pag handaan ay si Super Pogi dahil mas makapangyarihan siya sa dalawa ngunit hindi ito nangangahulugan na mag pepetiks ka dahil mapanganib silang lahat.”

“Tapos ay mag babankai pa sila o mag susuper saiyan, edi lalo nang mahirap!” ang wika ko naman

“Anong bankai? Anong super saiyan?” tanong niya

“Yun ang mga beast mode ng mga anime characters na paborito ko. Umaangat ang kanilang lakas sa ikalawang lebel o mas higit pa.” ang paliwanag ko.

“Ang pag angat ng kapangyarihan sa ikalawang lebel ay dulot ng busog ng emosyon, maaring galit, nanabik, natatakot o nalulungkot. Alin dito ay maaaring maganap sa kanila kaya’t mag ingat ka.” ang wika ni Sin

“Parang ipinadala mo ako sa isang misyon para ipa patay. Ganyan ang ginawa ng mga organisasyon kapag hindi na nila kailangan ang kanilang secret agent.”

“Pwes kailangan kita at kailangan ka ng mundo. Huwag kang mag papa kamatay. Pangako na gagawin ko ang lahat upang tulungan ka. O paano, bumalik kana sa katawan mo bago ka pa lamayan ng kuya mong naloloko na sa pag aalala sa iyo.” ang wika niya

“Anong naloloko?” ang tanong ko

“Nag aagaw buhay kana sa inyong dimensyon dahil nandito ang iyong kaluluwa. Naririnig mo ba ang pag iyak ng kuya mo na parang nababaliw na? Mahal na mahal ka niya kaya’t bumalik kana.” naka ngiting sagot niya sabay batok sa akin.

“Arekup. Para saan iyon?” ang tanong ko naman na may halong inis

“Iyon ang ritwal para makabalik ka sa katawan mo.” wika niya at ginawaran pa ako ng isang batok dahilan para tangayin ng hangin ang aking katawan at muli akong bumalik sa liwanag.

Isang malalim na higop ng pag hinga ang aking nilanghap…

At doon ay unti unting gumalaw ang aking katawan. Inalis nila ang taklob sa aking mukha at dito ay marahan idinilat ang aking mata. Kasabay nito ang pag kakagulo ng tao sa loob ng emergency room. “Buhay doc! Nabuhay si master Nai!” ang wika ng mga nars.

Si Rui naman ay halos hindi makapaniwala na kanyang nakita. Mugtong mugto ang kanyang mga mata at halos bakas na bakas sa mukha ang matinding pag tangis.

“Buhay ka master! Salamat!” ang wika ni Kohei sabay yakap sa akin.

“Ano ba ang nangyari?” ang tanong ko naman.

“Master, dalawang minuto na ang nakalipas mag buhat noong ideklara ng doktor na ikaw ay pumanaw na. Isang milagrong maituturing na ikaw ay bumalik at nabuhay.” ang wika ni Kohei na halos naiiyak sa sobrang saya.

Napatingin ako kay Rui at ngumiti. “Paano iyan buhay ako. May kaaway kana ulit kuya.” ang naka ngiti kong wika

“Ceasedfire muna baby bro.” ang bulong nya sabay yakap sa akin ng mahigpit. “Huwag kana aalis ulit.. Mababaliw ako.”

Sinuklian ko ang kanyang yakap “Hindi naman ako lalayo, dito lang ako..” ang bulong ko rin.

Halos itunuring na milagro ng ospital ang aking pag kabuhay bagamat hindi naman talaga ako namatay. Pero sa tingin ko parang ganoon na rin iyon, pinatay ang dating ako dahil sa aking muling pag bangon ay ibang katauhan at kakayahan na ang mayroon ako.

Maraming nag bago sa aking katawan, nawala ang aking baby fats sa tiyan, ang aking katawan ay mas lumakas yung tipong kaya kong tumalon ng mataas o lumipad kung aking nanaisin. Lumakas rin ang aking pandinig at ang aking paningin ay malayo ang nararating. Yung tipong parang teleskopyo dahil malapitan kong nakikita ang labas ng kalawakan

Sa pag lipas ng mga araw ay muling bumalik sa normal ang aking buhay. Bagamat maraming nag bago sa aking pisikal na lakas, minsan nga ay hindi ako nag tataxi o nag papahatid kay Kohei sa school, tinatakbo ko nalang ito o kaya ay nililipad na parang isang kometa.

Nag bago rin ang samahan namin ni Rui. Natutunan ko na rin siyang tawaging kuya bilang pag galang dahil halos 6 na taon ang tanda niya sa akin. Iyon ay noong makita ko kung gaano siya nag alala sa akin, para bang ang lahat ng inggit at pag asar na nararamdaman ko noon ay biglang nawala na parang bula na pumutok sa ere.

Iyon nga lang ay naging mas malambing siya sa akin, mas mahigpit at mas makulit. Noong nakita ko ang kanyang natatanging damdamin ay unti unting nag bago ang lahat, ngayon ay mas naging malapit kami sa isa’t isa na kanya namang ikinatuwa.

“Master Nai, tingnan mo laman ng balita ang berdeng kometa na nawala sa gitna ng karagatan.” ang wika ni Kohei

Agad naman akong nanood ng tv at dito nga ay nakita ko ang berdeng sinag na gumuhit sa kalangitan. Ang sabi sa balita ay isa lamang itong enerhiya na nag mula sa sinag ng araw, ang sabi naman ng iba ay dala lamang ito ng namumuong ulan sa kalangitan. Ngunit hindi ako naniniwala sa mga iyon dahil batid ko na ang liwanag na iyon ay ang sasakyang pandigma ng isa sa super enemy na naka pasok rito sa aming planeta.

Alam ko na mula ngayon ay magiging mahirap na ang lahat..

Itutuloy..

SP Part 12: Magnanakaw

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 10, 2018

Part 12: Magnanakaw

“Field trip? Sasama ako.” ang wika ni Rui noong malaman ang upcoming event namin sa campus.

“Hindi pwede, event iyon ng campus. Hindi ka naman estudyante doon e.”

“Kahit na, baka nakakalimutan mong malaki ang share ko sa campus na iyan. Hindi kita pwedeng pasamahin kung hindi ako kasama.”

“Master Rui hindi po kayo maaaring lumiban sa kompanya dahil sa susunod na linggo na ang dating ng iyong ama. Maraming trabaho at gawain doon na kailangan tapusin.” ang wika ni Kohei.

Tumingin sa akin si Rui kaya naman mas lalo ko pa siyang inasar. Dinilaan ko ito at ininis ng sobra. “Mag outing nalang kayo ng mga classmate mo sa ibang araw.”

“Puro pag aaral ang inaatupag ng mga iyon dahil school iyon para sa mga propesyonal. Huwag kang mag saya dahil gagawa pa rin ako ng paraan para makasama sa iyo.”

“Eh hindi ka nga raw pwede sumama diba Kohei?”

“Opo. Hindi maaaring lumiban ang master Rui sa kompanya ngayong linggo.” ang sagot ni Kohei dahilan para mapangiwi si Rui.

“Okay ganito nalang, pwede kang sumama sa field trip na iyan pero hindi ka pwedeng matulog doon.”

“Hala hindi pwede kuya. Mag cacamping kami doon, mag tatayo ng tent at mag gagawa ng camp fire. Iyon ang pinaka high light ng aming mga moments.”

“Hindi pwede! Malamok doon at maraming insekto. Sobrang alaga ko saiyo tapos ay mag papa kagat ka lang sa mga insekto doon, kung saan man iyon!”

“Master Rui, nasa kabilang linya po ang inyong ama.” singit ni Kohei kaya naman padabog na bumalikwas ng bangon si Rui mula sa hinihigaang sofa.

Natawa nalang kami ni Kohei. “Talagang mahigpit ang kuya mo master Nai, simula noong may mangyari masama sa iyo mas lalo itong naging bantay sarado.” wika ni Kohei

“Kaya nga mas lalo akong nasasakal. Hindi ako mag eenjoy doon sa camping kung kasama ko iyang si kupal. Basta tambakan mo siya ng trabaho, paper works, meetings at kung ano ano pa para hindi siya makasama. Ililigaw ko rin siya ng location para kahit sumunod siya ay hindi niya ako mahahanap. Para siyang isang kuting na nawawala.” ang naka ngisi kong sagot.

“Tuso ka talaga master Nai.”

Kinabukasan, maagang umalis si Rui patungo sa kompanya. Ako naman ay nag handa na rin para sa pag alis namin. Ang camping ay gaganapin sa kabilang probinsya, sa bundok ng berdeng tralala.

Iyon ang pinaka malaki at pinaka berdeng bundok sa buong pronbisya, hitik ang mga puno at siguradong mapapalapit ka sa kalikasan.

Halos apat na oras ang byahe patungo dito sakay ang aming service. At apat na oras na lakaran naman paakyat sa bundok. Ito ang pinaka exciting sa lahat, at ito rin ang parating lokasyon ng mga pelikulang aksyon kung saan nakikipag laban ang bidang lalaki o babae habang nag tatago o nag kukubli sa mga malalaking puno.

“Oy mga bata, mukhang galing kayo sa malaking siyudad ah. Kung mag c-camping kayo ay diyan lamang kayo sa bungad. Huwag kayong lalagpas doon sa ilog dahil delikado.” ang wika ng mama na pababa sa bundok.

“Eh bakit naman po manong?” ang tanong ni Tex

“Mayroon kasing mag nanakaw doon.” ang sagot nito

“Wala naman siyang mananakaw sa akin, yung mga gadgets ko ay iniwan ko sa house. Pag ninakaw niya ito cellphone ko edi bibili ako ng bago.” ang sabad ng maarte kong kaklase na si Mema

“Oo nga manong, wala namang mananakaw sa amin dahil wala naman kaming dalang maraming pera at alahas. Ang dala ko lang ay itong pagiging virgin ko.” ang sabad pa ng isa.

Tawanan sila..

“Kayo talagang mga taga siyudad, mayayabang at sadyang walang alam. Oo nga wala kayong pera at alahas na dala, e hindi naman iyon ang nanakawin niya kundi iyang mga bituka, atay at lamang loob ninyo.” ang pananakot niya

“Manong hightech na ngayon. Kung may ganyan man ay kukunan namin ito ng picture at iuupload sa social media para dumami lalo ng 169k na followers ko! Im so sikat na talaga! To the highest level!” ang wika naman ng famewhore kong classmate.

Tawanan ulit sila.

Ako naman ay hindi kumikibo, hindi ko maunawaan ngunit may kakaibang kulay ang bundok sa gawin iyon ng ilog. Batid kong totoo ang sinasabi ni manong, hindi ko lang ito ipinahahalata. “Oi Nai, okay lang ba talaga na ang camping tayo? Baka maya maya ay malaman ng kuya mo na lakad lang nating mag kakabarkada ito at hindi field trip ng campus. Tiyak na lagot tayo.” ang nag aalalang wika ni Tex

“Hindi tayo malalagot. Binayaran ko na isa isa lahat ng teacher at estudyante doon. Kapag kumanta sila ay malalagot sila sa akin.” ang sagot ko sabay buhat sa aming mga gamit. “Buhati mo itong ref dali!” ang utos ko kay Tex

“Oi kayong mga babaeng chaka, buhatin naman itong generator at rice cooker!” ang utos rin ni Tex sa mga kaibigan namin.

“Camping ba to o lipat bahay?” ang tanong ng isa.

“Eto ang camping ng mayayaman girl.” ang wika ni Mema tapos tawanan nanaman sila. Echepuwera na si Manong na nag bibigay sa amin ng babala.

“Marami nang nag punta diyan at hindi na nakabalik ng buhay. Hindi ako nag kulang ng paalala sa inyo! Kayo talagang mga kabataan ngayon ay masyadong matitigas ang ulo at hindi marunong makinig sa mga nakatatanda! Ibblog ko kayo sa website ko! Mga pasaway na bata!” ang sigaw ni manong ngunit hindi na namin siya pinansin.

Nag simula kaming mag lakad patungo sa tabing ilog kung saan kami mag tatayo ng tent. Naroon na rin ang aming mga pag kain, mga portable na appliances, gadgets at kung ano ano pa. Nag ipon rin kami ng kahoy bilang camp fire kung saan kami papalibot at mag kkwentuhan.

“Natatakot ba kayo sa sinabi nung mama kanina?” tanong ni Tex

“Hindi, ang mga ganoong kwento ay kathang isip lamang. Iyon naman talaga ang paniniwala ng mga taga probinsya. Aswang, tiyanak, manananggal, tikbalang at kung ano ano pa. Makabago ang panahon ngayon, ang mga kwentong bayan ay malabo nang paniwalaan.” ang sagot ko bagamat alam ko naman na mayroon talaga. Kung ano’t ano man ang mangyari ay handa akong ipag tanggol sila.

“Ako talaga never na naniwala. Ang mabuti pa ay mag laro nalang tayo ng usong games ngayon.” ang wika ng isa kong kaklase.

“Anong laro naman?” tanong ni Tex

Kumuha siya ng malaking kahon at binuksan ito. “Ang lalaruin natin ay bloody napkin.”

“Yuck! Yang panapal mo sa pekpek mo ay pag lalaruan natin? Kadiri ka naman teh!” pag tanggi ni Tex

“Eh wala naman tayong crayons na dala noh. Pasador lang itong dala ko dahil mayroon ako ngayon. Huwag na maarte. Narito ang bloody box na nag lalaman ng limang uri ng napkin na may iba’t ibang katangian. Bawat brand ay nag lalaman ng mga consequences na dapat sundin.

Ang unang brand ay ang Whisper: kapag nabunot mo ito ay maaari kang mag tanong sa isang tao at kailangan ay sagutin niya ito ng totoo.

Ang ikalawang brand ay Charmee: maaari mong gawin sa isang taong napili mo ang nais mo. Pwede mo siyang utusan o kaya ay sampal sampalin hanggang mawalan siya ng ulirat.

Ang ikatlong brand ay Modess: ito ang pinaka malaking napkin na may wings. Kapag nabunot mo ito ay maaari mong ipasa ang ano mang consequences sa iyo.

Ang ikaapat ay ang Sisters: Ang napkin na ito ay may power of immunity. Kapag nabunot mo ito ay ligtas ka sa ano mang tanong o consequences ng iyong kalaban.

Ikalimang napkin ay ang Pinky napkin. Ito ang bloody napkin. Sobrang nito dahil kapag nag karoon ka ng tagos ay hindi niya lahat naiiaabsorb kaya magiging bloody ka talaga. Ito ang gagamitin nating pang sampal sa mga players na hindi makaka gawa ng consequences. At sa huli ang pinaka maraming blood mula sa Pinky napkin ang siyang matatalo at papatayin ni Olivia.“ ang paliwanag ng kaklase kong si Mema

“Eh sino naman si Olivia?” ang tanong ni Tex

“Edi yung bida sa bloody crayons. Hindi mo ba napanood? Ang ganda ganda non hano. Sige tama na ang sat sat. Simulan na natin ang bloody napkin na ito!” ang wika niya.

“Game na!” ang wika ko naman at isa isa kaming bumunot ng napkin mula sa kahon. Itinago namin ito at isinekreto.

“Ako na ang unang mag rereveal ng napkin.” wika ni Tex. “Ang nabunot ko ay Whisper kung saan maaari akong mag tanong o mag utos sa sinumang napili ko. At iyon ay si Nai.” ang wika nito

Natawa ako at inilabas ang hawak kong napkin “ang nabunot ko ay Modess, maaari kong ipasa ang consequences ni Tex sa ibang player at ipapasa ko sa iyo iyon Olivia.” ang wika ko naman.

“Sino naman si Olivia?” tanong niya

“Edi ang promotor ng larong ito.” ang wika ko sabay turo sa kaklase kong babae na may dalang napkin na si Mema

Tawanan..

Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla na lamang may isang lalaking lumabas mula sa kakahuyan. Nakasuot ito ng unipormeng puro dugo. Halos lahat kami ay napatingin sa parteng iyon kung saan naroon ang lalaki. Naka hawak ito sa kanyang tiyan at namamalipit sa sakit. “Tulungan nyo ako! Paki usap! Tulong!!” ang wika niya at sa bawat salita ay bumubulwak ang dugo sa bibig.

Halos lahat kami ay natulala at napako sa aming kinalalagyan. Maya maya biglang na lamang napugot ang ulo ng lalaki at hinila ang katawan nito sa madilim na parte ng kakahuyan.

Napatingin kami sa isa’t isa at doon ay nag kagulo na kami. Ang aking mga kasamahan ay pumasok sa loob ng tent habang nanginginig sa takot. “Pinatay yung lalaki! May pinatay doon!” ang natatakot na salita ni Tex habang naka siksik sa mga unan at kumot.

“Umalis na tayo dito! Delikado nga!!” ang umiiyak na wika ng mga babae kong kaklase.

“Shh, huwag kayo maingay. May parating dito.” ang wika ko noong maramdam na mayroon kaming bisita sa labas ng tent.

Lahat kami ay sumiksik sa gilid at dito ay naaninag naming ang isang animo ng lalaki. Bahagya itong naka kuba, mahaba ng mga braso at matutulis ang kuko. Rinig na rinig namin ang kanyang paghinga mula dito sa loob. Inaamoy niya ang mga gamit namin sa labas kabilang na ang kahon ng pasador. “Yung napkin ko, mayroon ako ngayon.” ang bulong ni Mema

“Tse! Mamamatay na nga tayo ay pasador mo pa rin ang iniisip mo.” ang wika ni Tex

“Eh mayroon nga ako ngayon!” ang sagot niya.

Tahimik lang kami..

Maya maya ay unti unting bumukas ang pinto ng tent at dito ay marahang pumasok ang isang kakaibang nilalang. Wala itong mata, may ilong at ang bibig ay punong puno ng sungking pangil. May dugo pa ito sa bunganga at maging ang kanyang kuko ay may balat pa at hiblang buhok ng kanyang nabiktima kanina.

Umaamoy lang siya dahil wala siyang mata. Hindi kami kumilos at hinayaan lamang namin siyang amuyin ang aming mga kagamitan sa loob. Halos ramdam na ramdam kong takot at kabog sa dibdib ng aking mga kaibigan. Ang nakapag tataka ay hindi ako nakakaramdam ng kahit na ano mula sa kanya. Mukhang inalis ng kapangyarihan ni Sid na nasa loob ng aking katawan ang anumang takot sa aking dibdib.

Ilang minuto rin siya sa ganoong pang amoy ng maya maya ay bigla nalang bumukas ang mata nito. Malaki at nanlilisik kaya naman hindi na ako nakapag pigil, agad ko itong sinipa dahilan para masira ang tent at mapaatras siya ng kaunti “Takbo!” ang sigaw ko naman.

Lahat kami ay nag tatakbo pabalik sa paanan ng bundok. Hindi na namin kinuha ang aming mga gamit. Ang mahalaga ay makaligtas at makaalis sa bundok na ito.

Mukhang iyon na nga ang sinasabi nung mama kanina na mag ingat kami sa mag nanakaw. Hindi literal iyon ngunit nakaka kilabot kung iyong iisipin.

Itutuloy..

SP Part 13: Mandaragit

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

January 11, 2018

Lahat kami ay nag tatakbo pabalik sa paanan ng bundok. Hindi na namin kinuha ang aming mga gamit. Ang mahalaga ay makaligtas at makaalis sa bundok na ito.

Mukhang iyon na nga ang sinasabi nung mama kanina na mag ingat kami sa mag nanakaw. Hindi literal iyon ngunit nakaka kilabot kung iyong iisipin.

Part 13: Mandaragit

Patuloy kami sa pag takbo, halos tumindig ang aming balahibo habang patuloy na hinahabol ng kakaibang nilalang na iyon sa aming likuran. Nais ko na siyang sagupain o nais kong lumipad nalang palayo ngunit hindi ko naman maaaring gawin iyon dahil mapapahamak ang aking mga kaibigan.

Sama sama kaming nag tatakbo kung saang direksyon hindi namin alintana ang pag kakadapa dahil sa hirap ng dinaraanan.

Halos ilang sandali rin kami sa ganoong pag takas hanggang sa makarating kami sa isang kubo malapit sa paanan ng bundok. Hindi na kami nag atubiling humingi ng tulong. “Saklolo! Tulong!” ang sigaw ni Tex at ng iba pa na hindi maiwasang umiyak.

“Tulong!” ang sigaw ko rin habang tumatakbo patungo sa pinto ng kubo.

Agad na bumukas ang pintuan at dito ay lumabas ang isang lalaki. Siya rin yung lalaking nag bibigay babala sa amin kanina bago pumasok sa tabing ilog. “Tulong po!” ang sigaw nila Tex

“Halika! Pumasok kayo dito sa loob bilisan ninyo!” ang wika ng mama kaya naman lahat kami ay pumasok sa loob ng kanyang maliit na tirahang gawa sa pawid at kawayan.

“Ikandado ninyo lahat ng pwedeng pasukan. Ang mga bintana ay tiyaking naka tali ng mahigpit at ang pinto ay lagyan nyo muli ng harang. Ang titigas kasi ng iyong mga ulo, sinabi ko na sa inyo na mayroong kakaibang nilalang na ninirahan doon sa kabila ng ilog hindi pa rin kayo nakinig sa akin.” ang wika nito na may halong panunumbat.

“Akala po namin ay hindi totoo ang mga iyon.” ang sagot ng aking kaklase habang umiiyak sa takot.

“Gusto ko nang umuwi. Yung napkin ko naiwan sa ilog. Mayroon ako ngayon.” ang umiiyak na wika ni Mema na hindi maiwasang umiyak

“Tse, Mema idrama ka lang.” ang wika ni Tex sabay takip sa kanyang bibig.

“Shhh huwag kayo maingay. Hindi pa kayo makakauwi ngayon dahil delikado sa dilim. Kailangan ninyong mag paumaga rito. Swerte nalang kung abutin pa tayo ng pag putok ng araw.” ang wika ng mama. “Ako nga pala si Edong, dito lamang ako naka tira sa kubong ito.”

“Eh bakit dito kayo nakatira? Alam niyo naman palang delikado dito.” ang wika ko naman.

“Dahil wala naman akong ibang titirhan. Mahirap lamang ako at walang ikinabubuhay kundi ang pangangaso dito sa bundok. At isa pa ay nais kong ipag higanti ang aking asawa at anak na kinain ng mandaragit na iyon.”

“Mandaragit?”

“Oo hijo. Ang mga mandaragit ay mga taong piniling mamuhay bilang isang mabangis na hayop sa kadiliman. Sila ay may matalim na pangil, mahabang braso at kuko. Ang kanilang tirahan ay ang kadiliman kaya’t makapangyarihan sila sa ganitong kadilim na lugar. Nawawala sila sa dilim at bigla ka lamang susunggaban ng hindi mo na mamalayan. Maliwanag ang kanilang mga mata at malayo ang nararating ng mga ito. Ang kanyang pang amoy ay parang sa mabangis na tigre, tiyak na nasa paligid lamang sila.” ang paliwanag ni manong.

“Lamang sila? Ibang sabihin ay marami sila?” tanong ko

Lumakad si manong at sumilip sa bintana. “Oo marami sila. At ngayon ay nakapalibot na sila rito sa ating dampa.” wika niya sabay kuha ng kanyang rifle gun sa ilalim ng papag. “Naamoy nila kayo, lalo na ang mga babae. Mas naaakit sila sa amoy kakababaihan dahil lahat ng mandaragit ay pawang mga lalaki.” wika niya sabay kasa sa baril na hawak.

Tahimik..

“Hindi ko maipapangako na makakaligtas tayong lahat, ngunit kapag naka kuha kayo ng pag kakataon ay maaari kayong tumakas. Malapit na rito ang kalsada maaari kayong tumakbo doon.” ang dagdag pa ni manong Edong.

Sumilip rin ako sa bintana at dito ay nakita ko ang apat na mandaragit na naka abang sa labas. Ang dalawa sa kanila ay abala sa pag kain ng natirang biktima. “Apat na sila.” ang bulong ko

“Kuta ng mandaragit ang bundok na ito. Matagal na silang namumuhay at nag tatago sa kadiliman kaya’t hindi gaanong nababawasan ang kanilang bilang.” sagot ni Mang Edong sabay kabalit sa gatilyo ng baril na kanyang hawak.

“Bang!”

Isang beses pa niya itong kinalabit..

“Bang!”

“Palapit na sila rito sa kubo. Mag handa na kayo.” ang bulong ng matanda. “Mayroon mga matutulis na kahoy diyan sa ilalim ng aking papag. Kumuha kayo at gamitin itong pamprotekta sa inyong mga sarili. Mahaba ang gabi, hindi tayo nakaka tiyak na magiging ligtas dito mag damag.”

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nag simula nang umuga ang kubo. Ang paligid ay parang unti unting sinisira. Ang mga bintana ay itinutulak at ang pinto ay nag sisimula ring buksan. Pakiwari ko ba ay para kaming mga manok na pinag lalaruan sa hawla upang makuha at gawing hapunan.

“Mayroon rin sa bubong!” ang impit na sigaw ni Tex noong maramdaman namin na may gumagapang dito.

Ang pawid na bubong ay kinakalkal hanggang sa mabutas ito at dito ay dumungaw ang mukha ng mandaragit kaya naman agad na binaril ito ni Manong Edong.

Bang!

Isang malakas na putok ng baril kasabay nito ang pag kakasira ng mga bintana at kawayang dingding ng kubo. “Mag handa na kayo. Aalis tayo dito! Mukhang gutom na gutom na sila kaya’t nagawa na nilang sirain ang ating kubo. Ang amoy ng mga babae ang nag papa agresibo sa kanila.” bulong ng matanda.

Nag simulang mag kagulo ng kubo. “May dalawa sa bubong, kinakalkal nila ang pawid hanggang sa masira ito. May dalawa rin sa pinto.” ang bulong ko naman.

“Mag handa na kayo. Sa oras na masira ang kubo ay aalis na tayo agad dito. Alas 11 palang ng gabi, mahaba pa ang dilim kaya’t hindi tayo makaka siguradong ligtas.” ang tugon ng matanda

At habang nasa ganoong pag uusap kami ay bigla na lamang nawasak ang bubong at mula dito ay bumagsak ang dalawang mandaragit. Naka sara pa ang mga mata nila ngunit ang kanilang pang amoy ay lubhang agresibo.

“Nakapasok na ang mandaragit sa kubo!” ang sigaw ni Tex habang hawak ang matulis na kahoy.

Ilang malalakas na putok ng baril ang pinakawalan ni manong Edong bagamat ang ibang tira niya ay talagang sumasablay na sa matinding nerbyos.

Ilang saglit pa ay tuluyan nang nagiba ang pinto at pader ng kubo kaya naman agad kaming nag tatakbo palayo. Iwas at hampas ang aming ginagawa upang hindi mapano. Hawak namin ang gasera upang mag silbing liwanag sa aming paligid.

Mabilis kaming tumakbo at ganoon rin ang pag putok ng baril upang hindi makalapit.

Isang malakas na sigaw ang aking narinig matapos kong makita si Tex na hinahatak ng mga mandaragit patungo sa dilim. “Tex!!!!” ang sigaw ko. Ibayong takot at pag alala ang lumukob sa aking pag katao. “Manong Ed, kayo ang bahala sa mga babae! Hayun ang kalsada!” ang wika ko.

“Hijo, saan ka pupunta?” ang tanong niya

“Ililigtas ko si Tex! Babalik ako agad!” ang sagot ko sabay takbo pabalik ng kakahuyan.

Sa una ay mabagal na takbo lang aking ginawa hanggang bumilis na ito na parang hangin at maya maya nagawa ko nang lumipad sa ere.

Kahit madilim ay malinaw kong nakikita ang lahat. Hindi lamang apat ang mandaragit sa buong bundok dahil marami pa sa iba’t ibang panig nito, nag hahanap ng mga biktima.

“Ayun si Tex!” ang sigaw ko sa aking isipan noon makita ko itong patuloy na hinihalod ng mga mandaragit sa gitna kakahayuan. Kaya naman agad akong sumibat ng lipad patungo sa kanila.

Pag bagsak ko sa lupa at isang malakas na suntok ang aking hinataw sa mandaragit na may bitbit kay Tex. Tumilapon ang kaaway at kasabay noon ang pag kakaroon ng malay ng biktima.

“Nai, ikaw ba iyan?” ang tanong nito

“Hindi ako ito. Nanaginip ka lang.” ang tugon ko sabay suntok ng malakas sa isa pang parating na mandaragit. Mabils kong binunot ang isang puno at iyon ang inihampas ko sa mga kaaway sa paligid.

“Nai, bakit ganyan ka?” ang tanong ni Tex

“Hindi ito totoo! Nanaginip ka lang. Pumikit ka muna!” ang sagot ko naman sabay lipad patungo sa mga mandaragit na walang sawang tumatakbo patungo sa amin. Isang malakas na suntok ang aking iginawad sa kanilang kinalalagyan dahilan para yumanig at gumuho ang bundok.

Ang ilang mandaragit ay natabunan ng gumuhong lupa. Ang iba naman ay nabura sa lakas ng aking atake. Ang iba naman ay tumakbo nalang sa takot.

Noong tumahimik ang lahat ay agad kong binitbit si Tex at mabilis akong lumipad sa ere pabalik sa kalsada kung saan naroon ang aming mga kasamahan.

Tulala pa rin si Tex..

“Nai! Salamat at ligtas kayo!” ang wika ng mga kaklase namin.

Natawa ako, “hindi nila kinain si Tex, panget daw kasi ito.” ang wika ko naman.

“At talagang nakuha mo pang tumawa.” ang naasar na wika nila at kasabay noon ang pag reponde ng pulis sa aming kinalalagyan.

“May nasaktan ba sa inyo? May malakas na pag sabog kaming narinig mula doon sa bundok.” ang wika ng mga pulis.

“Buti po dumating kayo, yung mga mandaragit ay nasa bundok, madami sila!” ang wika ng isa kong kaibigan.

“Delikado nga sa bundok na iyan, dapat ay hindi kayo nag papagabi. Taga saan ba kayong mga bata kayo? Saka ano yung sumabog doon sa itaas?” tanong ng pulis

“May nag pasabog po ng bomba doon. Siguro ay yung mga sundalong lasing na nag ttraining doon sa bundok.” tugon ko bagamat kaya gumuho iyo ay dahil sa pakikipag laban ko.

“Ka Edong, ikaw pala. Mabuti at tinulungan mo itong mga bata..”

“Oo nga, matitigas kasi ang mga ulo ng mga ito kaya heto nagiging sakit ng ulo.”

“Ang mabuti pa doon na tayo sa presinto.” pag yaya ng pulis

“Why o why? Wala naman kaming ginagawang masama.” pag tanggi ng kaklase kong babae.

“Wala nga, doon lamang kayo upang matawagan natin ang mga magulang ninyo. Doon na rin kayo mag palipas ng gabi dahil delikado dito. May mga id ba kayong dala?” ang tanong pulis kaya naman ibinigay namin ang id sa aming mga pitaka bilang pag kaka kilanlan.

Dinala kami sa presinto kasama si Mang Edong. Doon na rin ginamot ang sugat sa katawan ni Tex na noon ay hindi pa makapag salita at hinang hina ito. Madalas rin siyang naka titig sa akin, marahil ay hindi maalis sa kanyang isipan ang nakita niyang milagrong pakikipag sagupaan ko sa mga mandaragit.

Ako naman ay napapa ngiti lang kapag naka tingin siya sa akin. Bagamat nangangamba ako na baka ipag kalat niya ito. Kung sa bagay sino ba naman ang maniniwala sa kanya.

Itutuloy..

SP Part 14: Sikretong Malupit

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 12, 2017

Dinala kami sa presinto kasama si Mang Edong. Doon na rin ginamot ang sugat sa katawan ni Tex na noon ay hindi pa makapag salita at hinang hina ito. Madalas rin siyang naka titig sa akin, marahil ay hindi maalis sa kanyang isipan ang nakita niyang milagrong pakikipag sagupaan ko sa mga mandaragit.

Ako naman ay napapa ngiti lang kapag naka tingin siya sa akin. Bagamat nangangamba ako na baka ipag kalat niya ito. Kung sa bagay sino ba naman ang maniniwala sa kanya.

Part 14: Sikretong Malupit

Alas 3 ng umaga noong mag datingan ang mga magulang ng aking mga kaklase. Syempre ang huling umentrada ay ang sasakyan ni Rui na humaharurot ng takbo patungo sa presinto.

Syempre ay iyak iyak ang mga babae kong kaklase noong makita ang mga magulang nila. Pilit nilang ikukwento yung tungkol sa mga mandaragit ngunit hindi sila pinaniwalaan ng mga ito. Ang sinabi ng mga pulis ay mga naka inom raw kami at dala lamang iyon ng kalasingan.

“Master Rui, kayo po pala. Pasensiya na po sa gulong dala ng mga bata ito. Pati kayo ay naabala pa tuloy.” ang wika ng ama ni Tex habang akay akay ang kanyang anak na tulala bagamat naka tingin ito sa akin.

“Ayos lang iyon. O, napano iyan?” ang tanong ni Rui

“May pag sabog raw na naganap malapit sa pinag ccampingan nila at natrauma ito dahil malapit sa kanya ang pag sabog.” ang wika ng kanyang ama at ay nag iiling si Tex maya maya ay nag mostra mostra ito ng senyas.

Senyas na itinuro ako tapos lumipad at sumusuntok suntok pa..

“Ano iyan?” ang tanong ng kanyang ama.

“Ah e ano po. Si Tex po ay naka kita ng malaking ibon doon sa gubat, lumilipad ito. Dinapuan siya sa ulo kaya pinag susuntok niya.” ang wika ko

Umiling si Tex at muli akong itinuro.

“Lumilipad ba? Si Master Nai ang lumilipad?” tanong kanyang ama

Tumango si Tex..

“Naku pasensiya na po kayo Master Rui, Master Nai. Mukhang lasing nga talaga ang aking anak.” pag hingi niya dispensa

“Wala iyon.” ang sagot ni Rui. Pati ang mga magulang ng iba ko pang kaklase ay nang hingi ng paumanhin sa aking kapatid.

Bago kami umalis ay lumapit pa ako kay Ka Edong at nag pasalamat, inabutan ko ito ng maliit na halaga upang makapag simula ulit. Nangako ako sa kanya babalik ako upang bigyan siya ng magandang tirahan doon sa aming siyudad dahil delikado kung babalik pa siya doon sa bundok. Tungkol naman sa kanyang pag hihiganti, siguro ay may tamang panahon para dito. Kung hindi man ay ako na lamang ang mag hihiganti para sa kanya.

Noong kami nalang dalawa ang iniwan ay isang malakas ka katok ang iginawad niya sa aking ulo. “Mamaya ka sakin! Field trip ha! Tarantado ka. Gagawa ka lang ng kalokohan ay idadamay mo pa yung mga kaklase mo! Malalagot ka sa akin mamaya!” ang wika nito sabay hatak sa akin papasok sa kanyang sasakyan.

“Kuya pwede mamaya mo na ako pagalitan? Inaantok na ako e.” ang tugon ko naman.

Tumingin siya sa akin at saka ulit ako kinatukan. “Umayos ka! Pasalamat ka at hindi kita isinumbong kila papa.”

“Thank you.” ang wika ko naman sabay halik sa kanyang pisngi na kanyang ikinagulat. Hindi siya naka kibo na para bang lumambot at hindi na ako nagawang sermunan. Hinayaan nalang niya akong pumikit at mag pahinga habang siya abala sa pag ddrive pauwi.

Halos hindi ko pa rin malimot yung pang yayari kanina. Ang aming simpleng camping na nauwi sa isang bangungot. Sino ba naman ang mag aakala na ang isa sa pinaka magandang bundok dito sa bansa ay pugad pala ng mga halimaw. Salamat na rin dahil biniyayaan ako ng kakaibang kakayahan ni Sin, kung hindi ay baka hindi na kami nakabalik pa ng buhay. Nag alala rin ako ng husto para kay Tex, iyon nga lang ay nakita niyang lahat ang aking ginawang pakikipag sagupa sa mga kaaway. Siguro kailangan ko lamang siyang kausapin tungkol doon o pwede rin naman na kalimutan nalang ang pang yayaring iyon.

“Hoy kupal, nandito na tayo sa bahay. Doon kana matulog sa itaas. Antok na antok na rin ako.” ang pag gising ni Rui

Alas 5 ng umaga noong kami ay maka uwi. Pag pasok sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama. Samantalang si Rui naman ay nag tungo sa cr para umihi. Pag labas niya ay nakasuot nalang ito ng brief at sandong puti. Tumabi siya sa akin at inilagay ang aking ulo sa kanyang bilugang braso. “Pagod ako baby bro. Tulog muna tayo ha.” ang wika niya sabay halik sa aking pisngi.

Hindi naman ako kumibo. Yumakap ako sa kanya at ipinatong ang aking hita sa kanyang tiyan. Talagang nag bago na nga ang samahan namin dalawa. Dati ay nag kakailangan kami sa pag tulog ngayon ay nakakayakap na ako sa kanya at paminsan minsan ay doon pa ako umuunan sa kanyang dibdib. Bagamat wala namang malisya iyon.

Alas 11 ng umaga noong kami ay magising. Pag mulat ng aking mata ay nakita ko agad si Rui, gising na ito at nanonood lamang telebisyon habang kapwa kami nakahiga. “Bakit hindi ka pumasok sa opisina?” tanong ko

“Wala naman akong gagawin sa opisina. Pagod ako dahil ang layo ng drinive ko para puntahan ka. Pag iisipan ko pa kung paano pag tatakpan ang kalokohan mo.”

“Pwede mo naman ako isumbong tutal naman sanay ako na parating sinesermunan ni papa. Sanay naman ako na parating inaapi.” ang pag papa awa ko sabay taligid patalikod sa kanya.

Agad niya akong hinila pa harap muli sa kanya “Huwag ka na nga mag pa awa diyan. Wala namang nang aapi sa iyo e, nag kataon lang na masyado kang pasaway.”

“Saka diba, gustong gusto mo nga na pinagagalitan ako ni papa mula ulo hanggang paa. So bakit kapa mag iisip ng way para pag takpan ako? Idiin mo na ko tutal naman hindi mo naman talaga ako mahal e. Walang kuyang nag mamahal sa akin.” ang hirit ko pa na sinagad na ang pag papa awa hanggang buto.

“Kasi ang akala ko na ang pag didiin sa iyo ay mag dudulot ng aral at leksyon para hindi kana maging pasaway. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi kita mahal. Huwag kana nga mag inarte diyan.” pang aamo niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. “Mahal kita.. Mahal na mahal.” ang dagdag pa niya.

Yumakap rin ako sa kanya at dinama ang kanyang bilugang braso na naka lack sa aking katawan..

Tahimik..

Habang nasa ganoong posisyon kami ay may kumatok sa pintuan ng aming silid dahilan para kapwa kami mapahinto sa aming ginagawa. “Master Nai, may bisita po kayo.” boses ni Kohei

“Sino daw?” tanong ko

“Si Tex po master. Papapasukin ko ba?” tanong niya

“Oo naman. Paki sabi na mag hintay nalang siya doon sa sala.”

“Ano naman ang ginagawa ng mokong na iyon dito? Naiparehab na ba iyon? Kanina ay parang natulala ito at may iminomostra pang lumilipad ka. Nababaliw yata ang gago.” ang natatawang wika ni Rui.

“Dala lamang iyon ng kanyang takot dahil sa malakas na pag sabog doon bundok.” tugon ko sabay balikwas ng bangon.

Agad kong pinuntahan si Tex sa sala na noon ay puro band aid ang mukha habang tahimik na naka upo sa sala. Mukhang malalim ang kanyang iniisip at paki wari ko ay may kinalaman ito doon sa nakita niya kagabi. Wala naman kasi akong choice, tiyak na patay na kaming lahat kung hindi ko iyon ginawa. “Kamusta ang pakiramdam mo?” ang tanong ko sa kanya habang naka ngiti

“Okay naman ako. Ikaw okay ka lang ba?” ang tanong rin niya.

“Oo naman. Hindi naman ako nasugatan o.”

“Alam ko. Paano mo nagawa iyon? Ikaw ba talaga si Nai? Who are you and what are you? Hindi panaginip iyon, kitang kita ng dalawang mata ko ang ginawa mo.” ang tugon niya

“Ano bang sinasabi mo?” ang painosente kong tanong.

“Yung ginagawa mo ala super hero last night. Kaibigan mo ako, trust me. Sigurado ako sa mga nakita ng mata ko. Hindi iyon panaginip. Huwag mo naman palabasin na nasisiraan ako ng bait.” ang tugon niya.

“Fine! Mukhang kailangan natin mag usap ng masinsinan tungkol dyan.” ang tugon ko at niyaya ko siya sa bakanteng parke malapit sa aming subdivision. Ayoko rin namang mag duda siya sa kanyang sarili na nasisiraan na siya ng bait o niloloko siya ng kanyang mga mata. Bata palang si Tex ay kaibigan ko na siya kaya’t sa tingin ko ay ayos lang na ipag tapat sa kanya ang lahat.

Pag dating namin sa parke ay agad kong isinalaysay ang pangyayari sa akin na nag simula doon sa bar kung saan ako naka kita ng taong grasa at isinumpa niya ako. Ang tungkol sa tatlong pag kakamali na aking nagawa upang tuluyang kumabit sa akin ang sumpa at ang tungkol sa super planet. Lahat ng nalalaman ko ay sinabi ko at bilang patunay at nagawa ko pa siyang ilipad o ipasyal sa ilang lugar.

Agad naman siyang naniwala dahil si Tex ay talagang fanatic ng x men, justice league at avengers. In fact naniniwala rin siya sa kwento ni Super Nardo, Ace at Jorel na mga super hero na bubuhay dito sa aming mundo. Basta ang lahat ng pang yayaring iyon ay sikreto namin, kapag may pinag sabihin siya ay ipapakain ko siya sa pating o kaya ay sisiguraduhin kong mag hihirap silang buong mag anak. Damay damay na ito.

“Kung ganoon anong balak mo?” ang tanong niya

“Edi tapusin ang misyon na naka atang sa akin at nang bumalik na sa normal ang buhay ko.” tugon ko.

“Suportahan kita diyan. Hindi ako makapaniwala na may bestie akong super hero. Ibang level kana talaga. Siguro naman ay hindi kana galit sa mga panget.” ang tanong ulit niya

“Galit pa rin. At ngayong may super powers na ako ay sisimulan ko nang lipulin lahat ng panget sa mundo. Kahit matandang panget ay patay sa akin. Kahit baby pa sila ay patay din sa akin! Walang exemption!!”

“Grabe ka naman. Idamay ba ang mga baby sa kabwisitan mo. Eh ano naman ang pangalan mong naisip?” ang tanong ulit niya

“Wala.” sagot ko naman.

“Super Nai. O kaya Super Boy!” ang masaya niyang wika at habang nasa ganoong posisyon kami ay nag kagulo ang mga tao sa paligid ng parke.

Lahat sila ay napatingala..

“Ay bakit?” ang tanong ni Tex sa isang babaeng tila may hinahanap sa kalangitan.

“Eh bumabagsak raw yung eroplano na ang sakay ay mga politiko sa ibang bansa. Naku dito pa sa Pilipinas natapat baka ang isipin nila ay naterorista ang sasakyan!” ang wika ng babae.

Napatingin si Tex sa akin sabay bulong “Chance mo na ito! Ang moment na ito ang magiging launching mo bilang si Super Nai! Go go!”

Natawa naman ako at doon ay sumang ayon ako sa kanyang mungkahi. Agad akong nag tatakbo sa lugar na walang tao at doon ay mabilis akong sumibat sa ere. Ito ang pinaka masarap na pakiramdam sa lahat, ang pag lipad na parang isang kometa sa kalawakan.

Mabilis ang aking ginawang pag lipad, mula dito sa itaas ay nakikita ko ang isang eroplanong nawawalan ng kontrol. Batid kong pumalya ang makina nito kaya nag babadyang bumagsak.

Agad akong nag tungo doon ng makarinig ako ng boses mula kung saan. “Nai, masyadong malaki ang eroplano. Sa tingin ko ay hindi mo kakayanin sa ganyang kalagayan.” boses ni Sin

“Anong dapat kong gawin?” tanong ko

“Kailangan mo nang mag palit ng anyo upang maging ultimate super hero!” ang nag mamalaking tining niya

“May ganoon ba? Ganyan ba yung kila superman? Kila captain barbel at iba pa?” tanong ko ulit

“Oo. At hindi na makikilala na ikaw ang bwiset at pasaway na si Nai.”

“Kasali talaga iyon? Baka naman masyado akong maging gwapo niyan?” tanong ko na may halong pag yayabang.

“Oo naman. Sige mag palit anyo kana bago pa bumagsak ang eroplano sa lupa.”

“So paanong gagawin ko?”

“Isigaw mo ang katagang.. SP! At makakamtan mo ang walang kapantay na kapangyarihan!”

“Ayos! Game!” ang wika ko sabay sigaw ng “SP!!!!”

Nag liwanag ang aking buong katawan at mula dito ay parang unti unting nag bago ang aking porma. Ang aking suot na damit ay naging kalasag na kulay itim at nag karoon ng kapa sa aking likuran. Literal na super hero pala talaga ang kapangyarihan ko, nalalapit kina Superman, Batman at iba pa

Ramdam ko rin ang pag babago ang porma ng aking katawan. Pakiwari ko ba ay mas lalo akong lumakas at naging mas matikas. Parang pakiramdam ko ay perpekto ako at walang sinuman sa kalawakan ang makakapantay sa angkin kong kakayahan..

Patuloy sa pag lipad hanggang sa marating ko ang eroplano. Nagawa ko pang kawayan ang batang naka silip sa bintana at kataka takang umiyak ito na parang natakot at yumakap sa kanyang ina. Syempre alam kong natakot siya dahil bumabagsak ang eroplano at ngayon lang siya naka kita ng taong lumilipad.

Binuhat ko ng buong lakas ang eroplano at tinutulungan itong lumanding ng maayos sa lupa kung saan maraming taong nag aabang. Habang pababa ay nag kakagulo na sila dahil nakikita na nila ang Super Hero ng taon at iyon ay walang iba kundi ako. Excited na excited ako sa aking grand launching, im sure trending ako nito sa twitter at facebook. Wipeout ang mga papansing famewhore na nag lalabas ng suso at ari nila sa social media.

Maayos kong ibinaba ang eroplano sa lupa..

Hiyawan at palakpakan ang mga tao sa ibaba..

Taas noo akong lumipad ala superman sa kanilang harapan dahilan para lahat sila ay mapanganga nalang. Pati ang mga pasaherong banyaga ay bumaba ng eroplano upang makipag usisa sa aking pag labas sa publiko.

Buong yabang akong nag salita “Kalma! Chilax lang! Gwapong gwapong kayo sa akin hano? Ako si SP ang mag tataob kay Superman pag dating sa kakisigan at kagwapuhan!”

Tahimik pa rin ang lahat na parang na star struck! Syempre naman superhero ang nasa harap nila sinong hindi ma sstun?

Habang nasa ganoong posisyon ako ay muli kong nakita ang bata sa eroplano at maya maya ay nag iiyak ito. “Ang panget po niyaaa!! Maaaamaaaaa!!” ang malakas na iyak ng bata

“Ay ano ba iyan ang panget naman ng superhero na iyan! Halimaw ba iyan?” ang tanong mga tao

“Ang panget mo! Mag kakasakit ang anak ko sa iyo!” ang sigaw ng magulang ng batang umiyak.

Maya maya ang kagulo na ang mga tao sa paligid at ang iba ay binabato na ako. Kaya naman agad akong lumipad at lumayo sa kanila na hindi maiwasan ang labis na pag tataka.

Dito ay napahinto ako sa tapat ng kompanya ni papa. Ang building na ito ay puro salamin kaya naman doon ay nakita ko ng malinaw ang aking anyo.

Laking gulat ko ng makitang nag bago nga ang aking itsura. Ang aking kilay ay kumapal, ang aking ilong ay naging sarat at ang aking ngipin ay umusli na parang hinatak palabas. Ang aking katawan mas lumiit at ang aking buhok ay parang nakuryente dahil wala sa ayos ito kundi naka taas na magulo.

Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan!! Pati ako ay natakot sa aking anyo.

“ANO ITO?!!!”

“Anoo toooo!!!???!!!”

“Iyan ang aking kapangyarihan.

Simula ngayon ay tatawagin kang si Super Panget!“ ang boses ni Sin!

Itutuloy..

SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 15, 2017

Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan!! Pati ako ay natakot sa aking anyo.

“ANO ITO?!!!”

“Anoo toooo!!!???!!!”

“Iyan ang aking kapangyarihan.

Simula ngayon ay tatawagin kang si Super Panget!“ ang boses ni Sin!

Part 15: Ang Biyaya ni Nai

“Nasan na ba kasi sina Super Nardo? Ang ggwapo naman nila. Sila ang bet kong super hero.” ang wika ng beking tindera

Reporter: Ano naman ang reaksyon mo noong makita mo ng malapitan ang nag papakilalang bagong super hero daw na feelingero. Siya raw ang katapat ni Superman dito sa Pinas.

“Naku chaka siya hano. Sabog yata ang Super Panget na iyan. Dapat sa kanya ay ipako sa krus at sunugin sa plaza!”

Reporter: Eh bakla ano naman ang reaksyon mo na nag trend siya ngayon sa mga social media?

“Hay nako, imbyerna ako. Umiiyak tuloy itong frend ko dahil nag upload siya kahapon ng cleavage niya pero walang pumansin sa post niya. Kanina inaupload niya yung buong boobs niya wala pa ring pumasin sa kanya dahil sa Super Panget na iyan. Imbyerna talaga!” ang sagot ng beki habang naka hawak sa bangus at itinututok sa kamera.

Reporter: Mga kababayan, ang pag labas nga ba ni Super Panget sa publiko ay simbolo ng kapayapaan o siya ba ay may dalang kamalasan? Ito na ba ang senyales na ang mundo ay malapit nang magunaw o ito ang simula ng katapusan? Nasaan na nga ba ang mga kinikilalang tunay na taga pag tanggol ng ating planeta? Dapat bang ipaubaya ang ating kaligtasan sa bagong nilalang na ito? Si Super Panget ay panget rin kaya ang dala? Ako po si Liza Mae Lawit ang inyong taga pag ulat. Back to you Rhoda Mae Bayhag.

*Turn off TV

“Nakita mo na? Pinag tatawanan ako ng buong bansa! Ayoko na nito! Sa iba mo nalang ibigay ang kamalasang ito! Super herong panget? Putang ina! Gusto ko nang patayin ang sarili ko!” ang galit kong sigaw kay Sin noong muli kami mag kausap.

“Wala namang mali sa itsura mo bilang isang super hero diba? Ang mali ay ang pag iisip ninyong mga tao kasama na ang utak mo. Ngayon ay alam mo na ang pakiramdam ng maging isang pangit. Para sabihin ko sa iyo Nai, hindi maalis ang sumpang iyan sa iyong katawan dahil naka kabit na ito sa iyong kaluluwa. Nitong mga nakaraang taon ay napaka panget ng pakikitungo mo sa mga taong hindi kaaya aya ng anyo kaya lahat ng iyon ay naipon at naging bwelta sa iyong anyo bilang isang super hero. Inshort ay karma ang sinapit mo. Mas masama ang ugali ay mas pangit ang iyong magiging anyo.”

“Hindi ko ito gagamitin! Mag kamatayan na! Ayokong maging panget! At ayokong maging kasumpa sumpa!” ang galit kong sigaw sabay walk out sa kanyang harapan.

Alas 6 ng gabi noong maka uwi ako sa bahay. Halos hindi maipinta ang aking mukha dahil sa tindi ng dissappointment, naging super hero nga ako, saksakan naman ng pangit! Hindi na bale nalang! Magunaw na ang mundo kung magugunaw ito at wala na akong paki alam doon!

Papasok ako sa sala noong maabutan ko si Rui at ang kanyang mga kabarkadang artista na ang iinuman. Yung mga kasambahay ay hindi makaugaga sa pag papakuha ng larawan sa mga ito. “Hi Nai!” ang bati ni Alex isang sikat na modelo at artista ng isang malaking channel.

“Siguro naman ay hindi tayo itutumba ng kapatid mo dahil hindi naman kami mga panget. Hanep yang baby bro mo pareng Rui, buruin mo pinatalsik lahat ng panget sa campus nila. Saklap men!” ang natutuwang wika ni Ben isang modelo rin at singer.

Nag bitiw lang ako ng isang hilaw na ngiti at pag katapos ay umakyat ako sa hagdan ng bigla akong hilahin ni Rui pabalik. “Saan ka galing aber? Huwag mong isnobin ang mga kaibigan ko. Pumunta ka doon at batiin mo silang isa isa. Hindi naman sila panget para supladuhan mo at hindi rin sila ordinaryong tao para deadmahin mo.” ang gigil na bulong nito.

Wala naman akong nagawa kundi ang muling lumapit sa kanila isa isa at kamayan ang mga ito. “Ang legendary na si Nai Natchakal. Cute ng kapatid mo pareng Rui.” nag wika ng isa at inabutan pa ako ng sumbrero. “Mahal iyan ah. Ingtan mo.” ang niya.

“Salamat. Bakit wala kayong taping o shoot?” tanong ko

“Tumakas lang kami. Boring kasi doon sa set.” sagot ng isa

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay muli nanamang ibinalita sa tv ang super hero na panget este ako pa iyon dahilan para mapangiwi ako. “Tingnan mo Nai, siguro gigil na gigil kana sa super hero na iyon. Siya raw si superman man pare. Naka drugs yata ang panget na iyan e. Itumba mo nga Nai.” ang wika ni Ben

Tawanan sila..

“Naka usli ang ngipin dahil sa sobrang laki. Tapos sabog pa ang ilong na parang unggoy. Parang hindi nag evolve iyan ah.” hirit ni Alex habang nag tatawanan sila.

“Huwag niyo na nga siyang pag tawanan. Nag effort siya para mag salba ng buhay. Hindi niya deserve na pag tampulan ninyo ng tuwa. Dyan na nga kayo!” ang sagot ko sabay takbo papanhik ng hagdan.

“Mukhang may dalaw ang baby bro mo.” hirit ni Alex kaya natawa si Rui

Pag pasok sa kwarto ay binagsak ko ang aking katawan sa kama at napako ang aking tingin sa kisame. Isa lang ang tumatakbo sa aking isipan noong mga sandaling iyon, ang kakaibang pag kainis dahil hindi ko matanggap na ang isang magandang panaginip ng pagiging super hero ay nagiging bangungot sa tuwing ako ay mag papalit ng anyo. Kung may solusyon lang sana para maiwasan ko ito.

Tahimik..

Ilang minuto rin akong naka titig sa kisame, dito ko naalala ang mga salitang sinabi ni Sin kanina.

Flash back

“Wala namang mali sa itsura mo bilang isang super hero diba? Ang mali ay ang pag iisip ninyong mga tao kasama na ang utak mo. Ngayon ay alam mo na ang pakiramdam ng maging isang pangit. Para sabihin ko sa iyo Nai, hindi maalis ang sumpang iyan sa iyong katawan dahil naka kabit na ito sa iyong kaluluwa. Nitong mga nakaraang taon ay napaka panget ng pakikitungo mo sa mga taong hindi kaaya aya ng anyo kaya lahat ng iyon ay naipon at naging bwelta sa iyong anyo bilang isang super hero. Inshort ay karma ang sinapit mo. Mas masama ang ugali ay mas pangit ang iyong magiging anyo.”

End of flashback

“Masama raw ang ugali ko at mas masama ay mas mapangit ang magiging anyo ko. Eh ano kaya kung mag pakabait ako? Baka sakaling maging gwapo ako pag nag palit anyo.” ang wika ko kay Tex sa kabilang linya ng telepono.

“Ano naman ang binabalak mo Nai?” ang tanong niya.

“May naisip na akong paraan!” ang naka ngisi kong sagot.

“Ako ang kinakabahan sa binabalak mo e. Wala namang problema kung panget ka kapag nagiging super hero ka. Ang mahalaga ay nakakatulong ka at nakakapag salba ng buhay.” wika ni Tex

“Ayokong maging panget! At hindi ako papayag na pag tampulan nila ng tuwa!” ang galit kong sagot na hindi matago ang pag kainis.

Araw ng Sabado..

Reporter: Ngayon nandito tayo sa isang event na pinamumuan ni Mr. Nai Natchakal. Ang event na ito ay pag bibigay ng mga regalo at libre mga damit sa mga batang ulila at musmos dito sa pinaka malaking huspisyo sa siyudad. Nag bigay rin ng malaking halaga ang binata para sa pag papagawa ng mga sirang parte ng gusaling tirahan ng mga ito. Tunay ngang napaka buti ni Nai, isa siyang bayani sa kanyang sarili pamamaraan.

Ako po si Liza Mae Lawit ang inyong taga pag ulat.

Araw ng Linggo..

Reporter: Ngayon po ay nandito tayo sa squaters area kung saan nag papamigay ng mga relief good si Nai Natchakal. Nahabag raw siya sa mga kalagayan ng mga batang walang makain sa lugar na ito kaya’t naisipan niya mag bigay ng kaunting biyaya. Tunay ngang may ginintuang puso ang binatang ito. Mabuhay ka Nai..

Ako po si Marlyn Kulugo ang inyong sexing reporter!

Araw ng Lunes..

Reporter: Ngayong araw ng lunes ay muling binuksan ni Nai Natchakal ang panukalang pabalikin na ang mga estudyanteng panget sa kanilang campus. At ngayon ay libre nang makakapag aral ang mga ito hanggang sa maka tapos ng kolehiyo. Tunay na anghel si Nai Natchakal dahil sa kanyang ilang araw na pag papakita ng kabutihan at pag tulong sa kanyang mga kababayan. Tunay nga siyang bayani ng pag mamahal at pag mamalasakit sa kapwa. Saludo kami sa iyo Nai Natchakal.

Ako po si Milagring Mae Lawit ang pinsan ni Liza Mae Lawit. Nag uulat..


“Talaga dapat ba ay maligo ka ng isang dram na alcohol sa tuwing matatapos ang event?” tanong ni Tex habang pinanood ang mga review ng aking charity event.

“Natural! Hinahalikan ako ng mga panget na estudyante at mga madudusing na batang kalye, baka mag kasakit pa ako sa amoy nila!” ang reklamo ko. “Sobrang charity na itong ginawa ko. Siguro naman ay mahal na ako ng tao niyan.”

“Im sure gwapong gwapo kana kapag nag palit anyo ka dahil sa dami ng tinulungan mo at napasaya mo.” ang wika ni Tex

“Dapat lang. Ngayon lang ako nag effort ng ganito. Ayokong masayang ang pagod ko.” tugon sabay buhos ng alcohol sa aking katawan.

Kinagabihan..

“Nai, anong kalokohan ba iyong pinag gagawa mo? Dont tell me na may balak kang sundan ang yapak ng mga tito mong politiko kaya gumagawa ng ingay sa publiko. Alam mo ba ito Rui?” ang tanong ni mama habang abala kami sa pag kain.

“Ah e, opo mama. Gusto lang ni Nai na maka tulong sa paraang alam niya.” ang wika ni Rui na napapakamot ng ulo. Naging busy rin kasi siya sa pag aaral at trabaho kaya hindi niya alam ang mga pinag gagawa ko nitong mga nakalipas na araw.

“Ma, wala akong balak pumasok sa politika. Gusto ko lang talagang makatulong at maka bawi sa mga pag kakamaling ginawa ko.” ang sagot ko

“Mainam naman kung ganoon ang intensyon mo hijo. Masarap tumulo lalo na kung talagang bukal sa loob mo at wala kang hidden agenda.” tugon ni mama

“Syempre ay bukal sa loob ko iyon. Good boy yata ito.” ang naka ngisi kong tugon bagamat si Rui ay napapailing nalang habang abala sa pag kain.

Alas 11 ng gabi noong pumanhik ako sa aming silid. Dito ay naabutan ko si Rui na naka higa sa kama, katulad ng dati ay naka hubad dito at boxer lang ang suot. Lalakasan ko sana ang aircon para bwisitin siya kaso ay parang wala sa mood ang kupal kaya tumabi nalang ako sa kanya ng walang imik. “Anong kalokohan ba ang pinag gagagawa mo? Naging busy lang ako ng ilang araw sa trabaho ay dinaig mo pa yung pinaka plastic na politikong kilala ko.” bungad nito.

“Nag share lang ako ng blessings. Hindi kalokohan iyon. Iyan ang hirap kapag gumagawa ako ng kabutihan ay pinag duduhan nyo nila mama. Ganyan ba kasama ang tingin ninyo sa akin? Ganoon pa ako kawalangya sa mga mata ninyo? Iyan ang hirap, hindi mo naman kasi ako mahal kaya sobra mo akong pinag dududahan.” sagot sabay tayo at nag pasya akong doon nalang sa sofa mahiga.

Natahimik si Rui na sinundan ako ng tingin..

“Kasi nga may reputasyon kang pasaway, bwisit, mata pobre at magaspang ang ugali kaya nag tataka kami. Nabigla lang siguro kami sa mga kinikilos mo nitong nakakaraang araw. Nag aalala lang kami na baka sinaniban ka lang ng anghel ng kabutihan.” pang aasar niya.

Hindi ako kumibo..

Tumalikod ako sa kanya..

Tahimik..

Maya maya ay biglang may tumamang unan sa aking likuran.. “Arte mo. Halika na rito sa tabi ko.”

“Ayokong tumabi sa mga di naliligong amoy pawis na katulad mo.” ang sagot ko

“Tangina, amoy pawis e mag damag ka ngang naka subsob dito sa kili kili ko. Tigilan mo nga ako. Halika na rito at imasahe mo naman ako, pagod na pagod ako sa trabaho ni wala man lang akong pakinabang sayo.” utos niya

“May card ako ng masahe dyan, iyon nalang ang gamitin mo. Mag pamasahe ka sa iba.” ang sagot ko kaya naman muli niya akong binalibag ng unan. “Tatayo ka ba dyan o ako ang pupunta dyan at malilintakan sa akin?” ang dagdag niya

Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya naman pag tunog ng emergency alarm sa buong siyudad. At kasabay nito ang pag yanig ng paligid dahil para kapwa kami nagulantang sa loob ng silid. “Lumilindol!” ang sigaw ni Rui.

Ako naman ay agad na bumangon at pilit na nagtungo sa bintana kung saan kung saan nag kakagulo ang mga tao sa labas dahil ang lahat ay naalarma ng emergency broadcast system.

Patuloy sa pag yanig kaya naman agad akong lumabas ng silid. “Nai! Saan ka pupunta? Eyy bumalik ka dito!” pag tawag ni Rui pero hindi ko na siya pinansin.

Lumabas ako sa gate at dito ay nakita ko si Tex na tumatakbo patungo sa amin. “Bakit ba? Anong nangyari?” tanong ko

“Naku Nai! Mag palit anyo kana! May umangat na ufo doon sa karagatan at ngayon ay kumikilos na ito patungo dito sa siyudad!”

“Baka iyon na ang isa sa super enemy! Kailangan ay mag palit na ako ng anyo.”

“Oo nga, for sure gwapo kana niyan dahil puro kabutihan na ang pinag gagawa mo nitong nakaraang araw. Tumaas na ang goodness meter mo Nai!” ang natutuwang wika ni Tex

“Sige mag papalit anyo na ko. Tabi ka diyan.” ang excited kong tugon

Tumayo ako ng matuwid at sumigaw. “SP!!”

Nag liwanag ang aking buong katawan at nag labas ito ng malakas na pwersa kaya naman tumilapon ang katawan ni Tex at nag pagulong gulong ito sa lupa.

“Arekup, ang lakas naman ng impact!” ang naka bulagtang reklamo nito.

Naging matagumpay ang aking pag papalit anyo. “Ano, anong itsura ko?” ang tanong ko

Kinuha ni Tex ang kanyang salamin sa mata at isinuot ito.

Tahimik..

Namangha ang kanyang mukha sa nakita “wow! Gwapo kana nga Nai!! Epektib yung good deeds mo!” ang wika nito

Humarap ako sa side mirror ng sasakyan at dito ay nakita ko ang aking katawan na gumanda, ang aking mukha ay mas naging gwapo. “Hindi na ako pangit! Sa wakas!!” ang sigaw ko

“Oo nga! Gwapo mo frend! Panalo ka!!! Sige irampa mo ang new looks mo doon sa public!” ang excited na wika niya

“Ayos!” ang tugon ko at maya maya ay biglang nag liwanag ang aking katawan at muli nanamang nag labas ito ng kakaibang pwersa dahilan para tumilapon nanaman ang katawan ni Tex

“Arekup, sa susunod ay hindi ako sasama pag mag papalit anyo ka. Mamatay ako dito.” ang gumagapang na reklamo nito.

Muli niya pinulot ang salamin at isinuot ito. “Hala! Anyare?!” ang tanong niya

“Bakit? Anong problema?” tanong ko

“Eh pumanget ka ulit. Nawala yung gwapong ikaw at muling napalitan ng panget na chakang may tipus na super hero!” ang wika ni Tex na may halong pag tataka.

Humarap ako sa salamin at dito ay nakita kong pumangit nanaman ako. Mas kumapal pa ang aking kilay at mas nag karoon ako ng balat sa mukha na animo dalmatian. “Bakit nag ka ganito?! Bakit bumalik ako sa pagiging asong kalye?!!” sigaw ko

“Dahil hindi mo mabubuwag ang sumpa gamit ang kaplastikan at kalokohan mo Nai. Naging mabango ka nga sa mata nila ngunit ang iyong ginawa ay hindi bukal sa iyong loob. At nais kong malaman mo na walang pag asang maging gwapo ka dahil ako si Super Panget. Ang aking kapangyarihan ay nanalaytay sa iyong katawan kaya’t panget ka rin kapag ginamit mo ito. Humayo kana at iligtas ang inyong mundo.” ang boses ni Sin

“Gago ka!! Ayoko nito!!! Ayokkkoo!!!” ang galit kong sigaw

“Kapag hindi mo ginawa ang iyong tungkulin ay hindi kana makakabalik sa iyong dating anyo. Ang iyong panget na itsurang iyan ay kakapit sa iyong pag katao at magiging permanente ito. Sa makatuwid ay papangit kang talaga kahit hindi ka isang super hero.” ang wika pa niya bago ito tuluyang mag laho.

Itutuloy..

SP Part 16: Super Beki

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 16, 2018

“Gago ka!! Ayoko nito!!! Ayokkkoo!!!” ang galit kong sigaw

“Kapag hindi mo ginawa ang iyong tungkulin ay hindi kana makakabalik sa iyong dating anyo. Ang iyong panget na itsurang iyan ay kakapit sa iyong pag katao at magiging permanente ito. Sa makatuwid ay papangit kang talaga kahit hindi ka isang super hero.” ang wika pa niya bago ito tuluyang mag laho.

Part 16: Super Beki

“Lilipad ka rin pala ang dami mo pang segway.” ang boses ni Sin habang nasa ere ako.

“Kesa naman maging permanente itong kapangitang ito! Bakit ba kasi ako pa ang napag tripan mo? Sana pumili ka nalang ng kriminal at iyon ang ginawa mong panget!!” ang reklamo ko.

“May dahilan ang lahat Nai. Masyadong maaga para ipaliwanag ito.” sagot niya.

Patuloy ako sa pag lipad sa gitna ng karagatan kung saan namamataan ko ang kulay berdeng lumulutang na bagay. “Ano ba iyan? UFO iyan ah?” ang tanong ko.

“Kung hindi ako nag kakamali ay iyan ang sasakyang pandigma ni Super Beki. Tuso ang isang iyan at galit siya sa mga babaeng magaganda. Ang kanyang pakay ay maging reyna ng ibat ibang mundo upang maging mas malakas at makapangyarihan. Mas makabubuti kung dumistansiya ka muna.” boses ni Sin

At iyon ang aking ginawa, huminto ako sa pag lipad upang kumuha ng distansya mula sa sasakyang pandigma ni Super Beki na parang isang malaking plato na kulay green.

Maya maya ay gumalaw ito at nag labas ng isang malaking bilog sa itutok. “Ano naman iyan?” tanong ko

“Iyan ang super speaker. Mukhang mag sasalita na si Super Beki upang mag bigay ng babala sa inyong mundo.” ang boses ulit ni Sin.

“Teka, eh asan ka ba? Salita ka ng salita di naman kita makita!” reklamo ko.

“Nandito ako sa iyong kaibuturan. Kapangyarihan ko ang ng uugnay sa atin. Alam mo ba ang ginagawa ko ngayon? Nandito ako sa ituktok ng bundok habang naka tanaw sa magandang tanawin, umiinom ng masarap na inumin habang pinapanood kang mag pakipag sabong diyan kay Super Beki. Kaya galingan mo.” sagot niya

“Wala bang block dito? Pwede bang iblock ko ang signal mo? Nakakainis kana e.”

“Walang ganoon Nai. Sa ngayon ay pag tuunan mo ng pansin ay ang pag dating ni Super Beki. Huwag mo siyang hahayaang mag tagumpay. Nasa kamay mo ang kaligtasan ang inyong mundo. Goodluck!”

Nawala ang tinig..

“Teka, may itatanong pa ako! Hello!!”

“Hello??!!”

“The subscriber you are calling is currently not available.”

“Bwisit!!” ang bulong ko habang lumulipad.

Tahimik..

Maya maya ay nag simulang mag liwanag ang super speaker..

Mula dito ay may narinig kaming tinig.

“Beauty begins the moment you decide to be yourself!! Hello hello hello madlang people!! Standing infront of every one is a 20 years old stunner, yes stunnnnerrr, all the way from the 12th galaxy of the 7th universe Super Planet. My name is Levichie Bermuda Santanislao Gonzaga Y. Consuelo Mi Amore. But tonight let stand by the name. Ang babaeng umakyat ng bundok upang gumawa ng palasyong yelo, ang babaeng malakas ang resistensya sa lamig at ang babaeng kumanta ng let it go. Ating palakpakan.. Queen Elsa of Arendelle.

Music Playing..

My power flurries through the air into the ground My soul is spiraling in frozen fractals all around And one thought crystallizes like an icy blast I’m never going back, the past is in the past

Let it go, let it go And I’ll rise like the break of dawn Let it go, let it go That perfect girl is gone Here I stand in the light of day Let the storm rage on The cold never bothered me anyway

Na nag iiwan ng mga katagang “Langit lupa impyerno, im impyerno. Saksak puso tulo ang dugo. Patay buhay alis dito!! Get, get, get aw!!”

Sumabog ang maraming fireworks sa paligid ng sasakyang pandigma. Nakakasilaw at nakaka engganyo ito kung iyong pag mamasdan. Talagang umagaw ng eksena.

Ilang minuto ring nag karoon ng fireworks display sa buong himpapawid bago ito tuluyang huminto at dito ay muling nag salita si Super Beki. “Naparito ako para malaman ninyo na interested ako ng inyong maliit na planeta. Maraming natural resources at anik anik sa paligid. Marami ring mga eklabern na mineral sa lupa kaya swak na swak ito sa beauty ko. Kaya naman nag decide ako na i-invade nalang ang daigdig na ito.

At kapag ako ang naging reyna ng inyong planeta ay maraming mababago. Una, ang mga lalaking gwapo ay magiging asawa ko. Lahat sila.. Walang pwera pwera. Ang mga lalaki panget ay papatayin at susunugin ng buhay bago pa kumalat ang lahi nila. Ikalawa, ang planetang ito ay gagawin kong planeta para sa mga bakla at walang mag hahari kundi kami lang. Ikatlo, ang mga babaeng magaganda ay papatayin at ipapakain sa pating ang kanilang mga karne. Ayoko ng may mas maganda sa akin! Ang mga babaeng panget ay gagawin kong julalay dahil iyon ang nararapat sa kanila. Understand madlang people? At para malaman ninyong seryoso ako sa akin sinasabi ay sisimulan ko ang pag bihag sa mga babaeng ito!“ ang wika niya at doon ay lumabas ang isang malaking kulangan sa itaas ng sasakyang pandigma.

Ang malaking kulangan iyon ay nag lalaman ng maraming mga babae na naka suot ng sash. “Oo tama kayo. Sila ang mga Miss Universe! Masyado silang magaganda kaya isa isa ko silang itutumba! Simulan natin kay Miss Philippines tutal ay luzvaldez naman ang beauty niya sa top 5. Imbyerna talaga!” ang wika niya na may halong pag kaasar.

Nag tilian ang mga babae sa kulungan noong ugain na parang laruan ang kanilang kinalalagyan..

“Itigil mo na iyan! Pakawalan mo sila Beki!” ang sigaw ko sabay lipad patungo sa kanila sasakyan.

“What? Ikaw ba iyan Super Panget? Aba’t buhay ka pala? Anyway hindi ka pa rin nag babago dahil Panget ka pa rin!” ang boses nito narinig rinig sa malaking speaker.

“Itong panget na ito ang mag tutumba sa iyo! Lumabas ka dito at tapusin na natin ito!” ang sigaw ko naman

“Gusto ko sana pero wala akong lakas ngayon para gawin iyan. Alam mo namang malayo layo rin ang nilakbay ko. Kailangan ko ng beauty rest para fresh ang pez ko kapag sinalakay ko ang mundong ito. Kaya ikaw super panget ay mag handa ka dahil sa pag kakataong ito buburahin na kita at walang makaka alala sa kapangitan mo!” pang aasar niya at doon ay unti unting nag liwanag ang sasakyang pandigma at walang ano ano ay nag laho itong parang bula sa ere.

Ako naman ay napabuntong hininga nalang habang naka titig sa kalawan. Muling nanumbalik ang katahimikan sa paligid bagamat alam kong ang tunay na laban ay mag sisimula pa lamang pero sa ngayon ay kailangan ko nang umuwi dahil tiyak na hinahanap na ako ni Rui.

Alas 1 ng umaga noon ako ay maka balik. Pag pasok ko palang sa pinto ng sala ay bumulaga na sa akin si Rui. “Sabi ni Tex ay nag punta ka raw sa bar? Magugunaw na ang mundo nakuha mo pang lumandi sa bar?” paninita niya.

“Gagong Tex ipinahamak pa ako ng loko.” bulong ko sa aking sarili. “Hindi ah. Nag kagulo kasi doon sa labas kaya natanggay ako ng tao. Nag lakad lang ako pabalik dito dahil walang masakyan. Mabuti nga naka uwi pa ako ng buhay.” ang pag papa awa ko naman.

Isang katok ang isinukli niya sa akin “sa tingin mo ba ay maaawa ako sa iyo?

“Syempre hindi, kasi nga hindi mo naman ako mahal kaya wala kang awa sa akin. Nag kadapa dapa ako, kinaladkad ng maraming tao at nag gulong gulong doon sa kalsada tapos gaganyanin mo pa ako? I hate you!” ang sagot ko sabay takbo paakyat sa aming silid.

“Tingnan mo ito, walk out nanaman. Sa susunod kung mag wawalk out ka ay layuan mo naman. Talagang dito pa sa kwarto natin ang takbo mo?” pang aasar niya

“Edi sige sa iba ako tatakbo.” ang sagot ko sabay tayo ng bigla niyang hilalin ang aking buhok at ibalik ako sa kanyang tabi. “Saan ka pupunta ha?”

“Tatakbo po sa malayo.”

“Hindi pwede, dito ka lang.” ang sagot niya sabay hatak sa akin pahiga. Maya maya ay pinatungan niya ako at inahawakan ang aking dalawang kamay upang hindi ako maka palag.

Nag pumiglas ako kaya naman mas lalo pa niyang hinigpitan ang pag pigil sa aking katawan upang hindi ako makalaban.

Maya maya sinimulan niya akong kilitiin hanggang sa mapasigaw ako ng husto. “Tama naaaa! Panalo kanaaa!” ang sigaw ko habang tumatawa ng malakas.

Itinigil niya ang pag kiliti sa akin at maya maya ay napatingin sa aking mukha. Nag tama ang aming paningin habang nangungusap ang kanyang mga mata. “I love you baby bro.” ang wika niya sabay halik sa aking labi.

Kusang pumikit ang aking mata at ninamnam ko ng maigi ang kanyang halik.

Ito ang unang beses na nahalikan ako sa labi at ito ang mga sandali na hinding hindi ko malilimot.

Tumagal ng ilang sandali ang pag kakasugpong ng aming mga nguso hanggang sa kusa siyang bumitiw at niyakap ako ng mahigpit. Ako naman ay tila nabato balani sa kakaibang pakiramdam na gumuhit sa aking kaibuturan. Nakaka kiliti at nakaka kuryente na mahirap ipaliwanag. Pero sobra saya na para bang lalabas ang puso ko sa matinding pag kagalak.

“Ako lang ang hahalik sa iyo ha. Bawal ang iba. Sa akin ka lang..” ang bulong niya habang naka kulong ako sa kanyang mga braso.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot. Sapat na bang niyakap ko siya ng mahigpit at ipinahinga ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib..

Natatakot ako sa maaaring mangyari sa hinaharap. Siguro ngayon ay may isang mabigat na dahilan na ako para manalo sa labanang aking kakaharapin..

Itutuloy..

SP Part 17: Maskara

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 17, 2018

Part 17: Maskara

Reporter: Sa ngayon ay patuloy pa ring hinahanap ang sasakyang pang himpapawid ng alien na dumakip sa mga kandidata ng Miss Universe. Mukhang ang dayuhang ito ay galit sa magagandang babae ayon na rin sa kanyang babala noong nakaraang gabi na ang lahat ng kakabaihan sa planetang ito ay gagawing alipin at susunugin ng buhay.

Samantala nangangamba naman ang mga kompanya ng napkin at pasador na baka bumababa ang kanilang sales sa merkado sa oras na mabawasan ang kababaihan sa planetang ito. Kaya naman bilang pag hahanda sa nalalapit na krisis ay naisipan na rin nilang gumawa ng pasador para sa mga kalalakihan bilang alternatibo sa nag babadyang kalamidad.

Iyan lamang ang mga nag babagang balita sa mga oras na ito. Ako po si Liza Mae Lawit, magandang hapon.

End of news

“Naku mukhang seryoso talaga si Super Beki na sakupin ang ating mundo. May strategy ka na ba para siya ay mapuksa?” tanong ni Tex habang abala kami sa pag kain sa canteen.

“Wala nga e, basta ang kailangan ko lang gawin ay mawala ang sumpang kapangitan na ito.”

“At talagang iyan pa ang inisip mo? Magugunaw na ang mundo ah.”

“Lahat ng super hero ay gwapo at maganda. Ako lang ang panget! Naunawaan mo ba? Ako lang ang panget at kasumpa sumpa ang mukha!” asar kong sagot

“Oh edi mag maskara ka. Diba uso naman ang mga super hero na naka maskara. Si Spiderman, si Batman, si Ironman diba? Tapos si Kaneki ng Tokyo Ghoul ay naka maskara din. Kung hindi mo matake ang pez mo kapag super hero ka edi takpan mo ito.” ang suhestiyon ni Tex dahilan para matigil ako sa pag kain.

“Alam mo may utak ka rin pala. Iyan ang pinaka matinong idea na narinig ko sa iyo.”

“Ayos, bumili na tayo ng materyales ngayon. Alam mo na hindi pwedeng mag pagawa sa iba dahil ang identity mo ay mabubuking. Lahat na yata ng paraan ay sinubukan natin, sana naman ay epektib na ang isang ito.” wika ni Tex.

“Yung pinaka mahal na materyales ang bilhin natin ha, ayokong mangati ang balat ko.” pag iinarte ko.

At iyon nga ang set up, namili kami Tex ng mga gamit para sa pag gawa ng maskara na pag tatakip sa aking di kanais nais na mukha kapag nag papalit anyo. Sa tingin ko ay ito ang pinaka epektibo sa lahat, sana una palang ay naisip ko nang takpan ang aking mukha para walang problema.

Gumawa kami ng desenyong tribal na kulay asul ayon na rin sa awrang pumapaligid sa aking katawan kapag ako ay lumilipad o kaya ay nag lalabas ng enerhiya.

Kinahapunan, noong matapos namin ang maskara ay agad akong nag palit anyo upang subukan ito. Siyempre iniwasan kong humarap sa salamin dahil baka mag init pa ang ulo ko kapag nakita ko ang aking itsura. “Ayos naman pala itong maskara, komportable isuot at hindi mainit sa mukha.”

“syempre naman Nai, mahal na ang materyales niyang upang hindi ka mag karoon ng allergy. Siguro naman ngayon ay wala nang makaka kita sa pez mo.” sagot ni Tex

“Ayos! Subukan na natin!” ang excited kong tugon sabay taas ng aking kamay para lumipad..

Tahimik..

Ilang sandali rin ako sa pormang ganoon pero walang nangyari..

“Anyare? Bakit hindi ako makalipad?” ang tanong ko na may pag tataka

“Baka naman wala kang energy? Wala kang charge. Kumain ka muna kaya?” tanong ni Tex

“Hindi ah, busog ako. Bakit ganon?” ang pag tataka ko rin.

Ilang beses kong pinilit na lumipad ngunit wala pa rin. Ang ending ay nag mumukha na akong tanga. “Bakit ayaw?!” ang tanong ko sa akin sarili

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay siya namang pag sagot ni Sin mula sa aking kaibuturan. “Dahil ang kapangyarihan ko ay nag mumula sa aking mukha. Tinakpan mo ito kaya natakpan rin ang kakayahan mo.”

“Ganoon ba? Hindi mo naman ako ininform. Edi ilabas natin ng kaunti ang pez para lumabas rin ang powers!” ang sagot ko sabay angat ng maskara. Kaliwang mata lang ang aking inilabas at ang malaking parte ay natatakpan pa rin.

Muli kong sinubukang lumipad..

Naipon ang enerhiya sa aking paa at umangat ito sa lupa. “Ayos! Gumagana na!!” ang sigaw ko

“Woahh nakaka lipad kana Nai!! Ang galing mo talaga!! Kaso ay bakit parang ang baba yata?” ang tanong ni Tex

At dito ay napansin kong hanggang puno lang ng akasya ang aking inabot. Sinubukan kong tumaas pero ayaw na nito. “Bakit ang baba ng lipad ko? Bakit hindi ako makataas?” tanong ko ulit.

“Dahil maliit na parte lamang ng iyong mukha ang iyong inilabas kaya maliit na pwersa lamang ang lumabas mula dito.” sagot ni Sin

“Sobra namang mukha ito!” ang galit kong tugon sabay baba pa ang maskara hanggang ilong. Para na tuloy akong si Kakashi ng naruto dahil bibig lang ang may takip.

Umangat ng kaunti ang aking pag lipad ngunit hindi pa ito sapat. “Pasaway ka talaga Nai, alisin mo na ang maskara upang magamit mo ng buo ang aking kapangyarihan. Kahit takpan mo ng paulit ulit ang iyong mukha ay masasayang lamang ang pagod mo dahil hindi ito eepekto.” salita ni Sin sabay tawa ng malakas na parang nang aasar pa.

Wala naman akong nagawa kundi ang alisin ang maskara at itapon ito sa malayo na may halong galit. Kasabay nito ang pag lipad kong mabilis paitaas hanggang sa makarating akong alapaap.

Tuloy pa rin ako sa pag sibat ng mabilis sa ere at dito ay tuluyan kong narating ang hangganan ng mundo. Ngayon ay nasa outer space na ako.

Madilim rito, ngunit nakaka mangha ang liwanag na nag mumula sa sinag ng araw.  Ang mundo ay kakaiba ang anyo, may parteng asul, may parteng maitim, may parteng luntian. Hindi ako makapaniwala na naka salalay sa aking kamay ang kaligtasan ng isang malaking bolang bilog na ito. Isang mabigat na responsibilidad kung tutuusin bagamat hindi ko naman talaga ito pinangarap o ninais. “Sino ba naman ang may gustong maging isang panget na super hero. Paano ipag kakatiwala sa aking kamay ang kanilang buhay kung ang aking mukha ay hindi kaaya aya at kaduda duda?” tanong ko sa aking sarili

“At paano ka pag kakatiwalaan ng mga tao sa iyong paligid kung hindi mo mapag katiwalaan ang iyong sarili? Paano ka nila tatanggapin kung ikaw mismo ay hindi tumatanggap? Nai, hindi lahat ng regalo ay maganda at parating positibo ang dala. Minsan ay bibigyan ka ng negatibo at nasa saiyo na iyon kung paano mo ito gagawing positibo. Ang pagiging perpekto ng mga bagay bagay na naka depende sa ating mga sarili, sa atin mga kasiyahan.” ang boses ni Sin at sa pag kakataong ito ay nasa tabi ko na siya.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso, “Himala’t nag pakita ka kaya sa akin?”

Natawa ito “Nagagawa ko lamang ito kapag nararamdaman kong lumalakas ang iyong enerhiya. Bakit magulo ang iyong pag iisip? Pati ako ay naguguluhan rin.”

“Nangangamba lang ako. Tatlo ang kalaban at iisa lamang ako. Paano ako mananalo? Ang panget ko pa kaya lalo akong naisstress.”

“Walang makaka gapi sa isang pusong buong ang pananalig sa kanyang sarili. Ikaw ang kinuha ko dahil alam kong makakaya mo ito. Huwag mong isiping sumpa ang nangyayari.” ang tugon niya.

Napatingin ako sa aming daigdig “Sa palagay mo ba ay masisira ang mga aming mundo?”

“Kung mag sasama sama ang tatlong super enemy ay may tiyansang masira ang inyong mundo. Ngunit sa tingin ko ay malabong mang yari iyon dahil mag kakaiba rin sila ng interes. Bagamat iisa ang kanilang pakay na pananakop.”

“Anong interes?” tanong ko

“Si Super Beki ang pinaka tuso bagamat hindi siya kasing lupit ng dalawa. Ang nais lamang ni Super Beki ay rumami ang kanyang planetang sakop upang kilalanin siyang reyna ng buong sansinukob.

Si Super Ganda naman ay biktima ng pang aabuso ng mga kalalakihan kaya’t nilulupig niya ang mga lalaki sa buong galaxy. Doon palang ay makikita mo nang mag kaiba sina beki at ganda. Si Ganda ay isinusumpa ang kalalakihan, si Beki naman ay gustong gusto ang mga kalalakihan.

Samantala si Super Pogi naman ay nag paparami ng hukbo. Ang nais niya ay mapasailalim sa kanya ang buong kalawakan. Marami na siyang nasakop na planeta kaya’t may kalupitan ang isang ito. Wala siyang kinikilalang kasarian, ang lahat ay dapat maging taga sunod niya. Sa tatlong iyan ang dapat mong layuan ay si Super Pogi dahil isa siyang crazy bitch. Nabasa ko lang ang katagang iyan sa magasin kaya ginamit ko. Iyon ang kanilang iba’t ibang interes.“ paliwanag ni Sin

“Kung ganoon, sila sila mismo ay mag kakatunggali rin?” tanong ko

“Oo. Kaya’t upang maiwasan ang pagkasira ng mundong ito ay hindi sila sabay sabay lumusob.”

“Eh ikaw Sin, anong interes mo? Bakit ginagawa mo ito?” seryoso kong tanong

Napatingin siya sa kalawan at napa buntong hininga “Gusto ko ng kapayapaan. Gusto kong matapos na ang kaguluhang ito upang maging matiwasay ang pamumuhay ng lahat. Walang ibang makapipigil sa tatlong iyan kundi ako lamang.”

“Bakit malakas ang loob mong pigilan sila? Eh nag iisa ka lang?”

“Malakas ang loob ko dahil buo ang pananalig ko sa aking sarili. Katulad ng sinabi ko sa iyo, walang makakagapi sa isang pusong naniniwala sa kanyang kakayahan.” ang sagot niya

Natahimik ako at napatingin sa kanya.

“Eh may isa pa akong tanong.”

“Ha, ano iyon Nai?”

“Tungkol doon sa ikalawang antas ng kapangyarihan. Gaano kalakas ito?” ang tanong ko.

“Anim na beses na mas malakas kaysa sa unang antas. Kaming mga naninirahan sa Super Planet ay may dalawang bahagdan ng lakas. Ang unang baitang ay tinatawag na “volibitum” ito ang orihinal na lakas ng isang mandirigma. Maaaring ito ay namana niya sa kanyang ninuno o ipinasa sa kanya ng kapwa mandirigma. May mga pag kakataon na naaabot ng isang mandirigma ang hangganan ng kanyang lakas kaya’t umaakyat ito sa ikalawang baitang na kung tawagin ay “molibiria”, ito ang mastery level kung saan umaangat ang kanilang kakayahan. Nag babago ang kanilang anyo at mas nagiging mapusok sa pakikipag laban. Sina Super Beki, Super Ganda at Super Pogi ay umabot na sa baitang ng molibiria kaya’t hindi na mapapantayan basta basta ang kanilang kakayahan.“ ang paliwanag ni Sin

“Over power naman sila masyado. Eh ikaw? Umabot ka ba sa ikalawang baitang?” tanong ko naman.

“Oo, ngunit hindi ko ito ginagamit dahil masyado itong mapanganib. Minsan ang sobrang kapangyarihan ay nakakalasing o nakakalunod sa paraan na hindi mo na ito kayang kontrolin. Maraming mandirigma ang nabibigo sa pag gamit ng molibiria.”

“May kakayahan rin ba akong gumamit ng ganoong bahagdan ng kapangyarihan?”

“Oo Nai, basta maniwala ka lang sa iyong kakayahan.” ang tugon ko niya at doon ay unti unting nag halo ang kanyang katawan.

Naiwan akong mag isa sa ganoong posisyon kaya naman naisipan kong bumalik na sa lupa.

Minsan ay hindi ko mapigilang pag dudahan ang aking sarili bagamat batid ko na makakaya kong gawin ang isang bagay kung aking nanaisin. Kahit papaano ay may takot pa rin sa aking dibdib dahil walang nakaka alam kung anong mang yayari kinabukasan.

Itutuloy..

SP Part 18: Kalangitan

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 18, 2018

Part 18: Kalangitan

“Ma, bakit ikaw ang gumagawa dito sa kusina?” ang tanong ko sa aking ina noong makita ko siyang nag pupunas ng lababo.

“Namimiss ko ang ganitong gawain. Nag luto ako ng almusal. Ang akala ko ay dito kakain ang kuya mo pero nag aapura siyang umalis.”

“Saan daw siya pupunta ma?”

“Sa bagong girlfriend daw niya. Niligawan daw niya iyon noong nakaraang araw. Tapos napasagot niya kaya ayun pinuntahan na. Kung hihintayin mo siya ay magugutom ka lang. Kumain kana.” ang wika ni mama.

Ako naman ay natahimik lang. Ewan ngunit para akong nainis na hindi ko mawari. Noong nakaraang araw ay hinalikan lang niya ako sa labi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimot ang pakiramdam na iyon. Tapos ay may nililigawan pala siya? Nag “i love you” pa sa akin ang gago! Nakakainis talaga!!

“Nai, bakit ganyan ang hawak mo sa kubyertos? Mananaksak ka ba? Ayusin mo nga ang pag kain mo. Batang ito.” ang wika ni mama. Hindi ko namamalayan na sinasaksak ko na pala ang omelet na kanyang ginawa.

Kaya naman pala naging busy si Rui nitong nakakaraang araw at hindi niya pineperwisyo ang buhay ko dahil abala na siya sa panliligaw ng iba. Ang ibig sabihin ay wala na sa akin ang focus niya. Mabuti iyon, ngunit nakaka inis rin kapag naiisip kong may niyayakap siyang ibang tao.

At dahil nga wala naman akong gagawin ngayon araw, nag desisyon nalang ako na mag lakad lakad sa bakanteng lote dito sa loob ng subdivision. Maluwang ang lupang iyon at may malawak na bukirin kaya’t napaka presko ng hangin. Ito lang yata ang tanging lugar dito sa siyudad na may berdeng kulay. Dito na ako lumaki, sa pag tambay sa lugar na ito.

Naupo ako sa harap ng sirang clubhouse paharap sa bukirin. Dito ay maigi kong pinag masdan ang maaliwalas na panahon. Kulay asul ang kalangitan, berde ang paligid, malakas ang hangin at tahimik. Parang hindi ko yata maaatim na masira nalang ng ganoon ang isang magandang lugar na ito.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan..

Nalalapit na ang pananakop.

Natatakot ako, ngunit wala naman akong mapupuntahan dahil sa huli ay sarili ko lamang rin ang aking masasandalan. Natatakot nga ba talaga ako? O natatakot ako para sa mga tao sa paligid ko? para sa aking mga magulang at kapatid, para sa aking mga kaibigan. Hindi ko yata kayang makita silang natatakot o nasasaktan.

Tahimik ulit..

Ilang minuto rin akong naka tanaw sa kawalan bago muli bumalik sa aking isipan ang eksenang pag didikit ng mga labi namin ni Rui, iyon ang pinaka masarap na pakiramdam sa lahat. Parang hindi ko siya kuya noong mga sandaling iyon. Parang isang malambing na kasintahan. Yung tipong nakasanayan kong mag damag kaming mag kayakap at mag damag akong naka unan sa kanya. Minsan ay nakakalimutan ko kung ano at sino kami talaga.

“Nai, anong ginagawa mo dito? Mukhang malalim ang iniisip mo ah.” ang boses ng lalaki sa aking likuran.

Agad akong humarap sa kanya at dito ay nakita ko si Gun na kaibigan ni papa at Rui. Yung may ari ng malaking museyo dito sa siyudad. “Ikaw pala, anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko

“Galing ako doon sa bagong clubhouse, tiningnan ko kung maaari akong pag lagay ng exhibit sa mga bakanteng lugar.” naka ngiti niya tugon

“Exhibit? Tungkol sa mga aliens at ibang planeta?” tanong ko ulit

Natawa siya at saka tumabi sa akin “Oo naman. Dapat ay maging aware na ang mga tao na hindi tayo nag iisa sa mundo. Na hindi lang ang bible theory at scientific theory ang pinag mulan ng tao. Na ang tao ay maaari ring nag mula sa kalawakan. Hindi naman ako satanista para hindi maniwala sa theory of holy creation sadyang nakakatuwa lamang isipin na may iba pang nilalang doon sa kalangitan, sa kalawakan.” ang wika niya habang naka tingala.

“Nilalang sa kalangitan katulad ng mga anghel? O ng mga kaluluwang ligaw na bumabagsak sa lupa para mag hasik ng lagim?” biro ko naman.

“Naniniwala ako sa mga anghel, mga nilalang na may pakpak na bumababa mula sa kalangitan. Pero saan ba nag mula ang mga anghel? Diba sa ating mga ninuno noong sinaunang panahon, mga libo libong taon na ang nakalilipas kung saan ang ating mga ninuno ay naninirahan sa mga kuweba at puno. Sila ay naka saksi ng pag baba ng mga lumilipad na anghel mula sa kalangitan.

Ang sabi ng ating mga ninuno ay naka kita sa mga anghel sa kalangitan, lumilipad pababa sa lupa at ang iba naman ay bumaba mula sa mga hagdan sakay ang nag liliwanag na karwahe. Iyon ang pag lalarawan ng atin mga ninunong nakatira sa mga kweba at kagubatan noong sinaunang panahon. Ngunit naisip mo ba na ang mga iyon ay maaaring hindi anghel kundi mga nilalang na galing sa ibang planeta? Sila ay mga naka suot ng high tech na space suit, lumilipad at bumaba sa kanilang mga sasakyan na nag mula sa kalawakan?

Salat sa kaalaman ang ating mga ninuno, para silang mga batang paslit na walang muwang noon, kaya’t kapag naka kita sila ang nilalang na bumaba sa kalangitan ay sinasabi nilang anghel ito bagamat ang totoo noon ay maaaring mga nilalang sila mula sa ibang planeta na tumutulong para maging maunlad ang ating mundo.“ ang wika ni Gun dahilan para mapatingala rin ako sa kalangitan.

“Pwede, lalo ngayon na nalalapit na ang pananakop sa atin ng mga aliens.” ang wika ko naman

“Oo nga e, na excite nga ako noong makita ko ang sasakyan ng alien na kumidnap sa mga miss universe. Lalo ko lamang napatunayan sa aking sarili na tama ang mga teoryang sinasabi ko. Diba? Ang mga aliens ay kakaiba ang mga sandata. Kaya minsan ay naisip ko rin na ang mga Diyos katulad nila Zeus at Poseidon ay mga alien rin. Ang mga sandatang kidlat, mga sibat na nag mamanipula ng panahon at karagatan. Iyan ang frustration ng mga militar sa buong mundo, pinag aaralan nila ang pag gamit sa panahon para maging ultimate weapon katulad ng ginawa ng mga diyos noon sa kasaysayan.” tugon pa niya.

“Kung ganoon, posible ba ang may ganoon ring kapangyarihan yung alien na nag babanta sa atin?” tanong ko

“Oo naman, at kung suswertehin ay baka mas higit pa. Alam mo ang ating planeta ay kulang sa teknolohiya, mas maunlad sila kaysa sa atin. Isipin mo nalang na madali silang nakakarating dito kahit na milyong milya ang layo ng ating mundo sa kanilang planeta. Pero tayo? Ilang buwan bago makarating sa moon o sa karatig planetang Mars. Kung minsan ay palpak pa ang mga ito.” natatawa niya sagot.

“May nakapag sabi rin niyan sa akin. Kaya naniniwala ako.” ang sagot ko. Sinabi rin sa akin iyon ni Sin dati pa.

Flash back

“Oo ako nga iyon, at tungkol sa mga kalaban ay malayong milya pa ang kanilang kinaroroonan, hindi ninyo makikita na ito ay mga sasakyang pandigma dahil masyadong mababa ang inyong teknolohiya. Hindi katulad sa amin na mabilis umunlad ang sibilisasyon. Kung kayo ang mag lalakbay sa aming mundo ay aabutin kayo ng milyong taon gamit ang inyong sasakyang pang kalawakan, iyon ay kung makaka survive ito sa mga kometa at batong galing sa araw. Ngunit kami ay may kakayahang libutin ang inyong daigdaig sa loob lamang ng ilang buwan gamit ang worm hole at time travelling. Ganyan ka yabong ang aming teknolohiya.” ang paliwanag niya.

End of flash back

Tahimik..

“Nga pala nasaan yung kuya mo? Iniinvite ko sila sa dinner kaso ay mga busy yata.” pag basag niya sa katahimikan.

“Nandoon sa gf niya.” tugon ko

Natawa ito “Babaero talaga ang kuya mo. Kahit noong nakatira kami sa ibang bansa ay kung sino sinong babae ang inuuwi niyan. Lahat yata ng lahi doon ay natikman na niya.”

“Halata naman sa mukha niya e.” pag suporta ko naman sabay tawa ng malakas.

“Hala ka, isusumbong kita sa kuya mo.”

“Wala kang kapatid?” tanong ko naman.

“Wala. Solong anak lamang ako.” sagot niya na may halong lungkot.

“Mas masarap nga kapag solo lang. Kesa naman mayroon kang kapatid na bwiset at parating kinakampihan nina mama at papa.”

“Bakit naman? Bwisit ba si Rui?” natatawa niyang tanong

“Minsan kapag pinag ttripan ako.” sagot ko naman na may halong pang hahaba ng ngunit.

“Woah, kawawa naman ang baby bro ko.” ang wika niya sabay pang aamo sa akin.

Inakbayan niya ako at dito ay kapwa kami naka tanaw sa kalayuan. Ninanamnam ang malamig na hanging umiihip sa bukirin na nag bibigay ng preskong pakiramdam.

Tanghali na noong makabalik ako sa aming bahay. Hinatid ako ni Gun at inabutan pa ako ng isang kahong tsokolate bago ako bumaba sa kanyang sasakyan. “Mag lunch ka muna sa bahay.” pag yaya ko

“Busog ako tol, saka mukhang nag aabang na yung kuya mo doon sa terrace ninyo.” ang wika niya sabay turo kay Rui na naka upo sa terrace habang inaabutan ng inumin ng kasambahay.

Ibinaba pa ni Gun ang salamin ng kanyang sasakyan at kinawayan pa si Rui dahilan para mas umasim ang mukha nito.

“Salamat kuya.” naka ngiti kong pag papaalam.

“Pag may time ka, bumisita ka sa museum ha. Maraming bagong bituin sa langit.” ang naka ngiti rin niya sagot sabay start sa sasakyan.

Hawak ko ang isang kahong chocolate, mabilis akong pumasok sa gate at lumakad sa bakuran patungo sa terrace kung saan naroroon si Rui na sinusundan ako ng tingin. “Paki alam ko ba sa kanya. Nakipag date siya sa babae tapos ay may susungit siya? Bwisit eh!” ang sigaw ko sa aking sarili

Pag tapak ko sa terrace ay hindi ko siya pinansin. Mabilis akong pumasok sa sala nang bigla niyang hilahin ang aking buhok.

“At saan ka pupunta?” tanong niya

“Arekup, sa kwarto. Gusto mo ng chocolate?” sagot ko naman.

“Ayoko! Iaalok mo sa akin yang binigay ng boyfriend mo? Lalandi ka lang sa harap ko pa.” ang gigil na salita nito.

“Hindi ko siya boyfriend at hindi ako nalalandi. Baka ikaw ang nag lalandi. Ikaw ang galing sa date e.” ang sagot ko

“Abat mag dedeny ka pa. Halika nga dito!” gigil na sagot niya at muli nanaman akong hinila sa buhok.

“Maamaaa sinasaktan ako ni Rui!!!” ang sigaw ko

“Wala to ma, nag kakaladyaan lang!” ang sagot niya.

“Nai, nag lalambing lang ang kuya mo. Huwag kang masyadong masungit!” pag bawal ni mama kaya naman na ngisi ang kupal.

Binuhat niya ako na parang isang sakong palay at saka binitbit paakyat sa kwarto. “Ang aga mong lumandi, hindi ka man lang nag pagabi!”

“Malas daw kasi pag gabi!” ang sagot ko

“At talagang sumagot ka pa!” pang gigigil niya at agad akong ibinalibag sa kama. Nag hubad siya ng damit at saka mabilis na pumatong sa akin. Pinigil niya ang aking dalawang kamay at saka ako siniil ng halik sa leeg na parang isang reypist.

Ini angat niya ang kanyang ulo at muli ako susunggaban ng halik sa labi ng bigla akong umiwas. “Ayan kana naman eh.” tugon ko

“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko? Hindi ba masarap?” tanong niya.

“Gusto, kaso ang lahat ay hinahalikan mo, hindi ko alam kung ano ang espesyal doon. Saka bakit ba natin ito ginagawa? Bakit sobrang lambing mo sa akin? Pero kaliwat kanan naman ang panliligaw mo sa ibang tao. Laruan lang ba ako? O natural lamang ba ito?” ang tanong ko habang naka titig sa kanyang mata.

“Wag mo sabihing naiinlove kana sa akin kaya ganyan ang tipo ng salita mo? Tell me.. Inlove kana ba sa kuya mo?” ang wika niya sabay dikit ng labi sa aking ilong.

“Siguro ay nakasanay ko nalang na parati kang nandito sa aking tabi. Kuya kita, mag kapatid tayo.. Hindi magandang nag hahalikan tayong dalawa.”

“Hindi tayo totoong mag kapatid. Ampon lang ako tol. Saka ano naman? Kung gusto natin ang isa’t isa at masaya tayo sa ating ginagawa. Bakit iisipin mo na mali? Ngayon, masaya ka ba?” tanong niya

Napa isip ako. “Oo, masaya ako. Pero natatakot rin dahil baka mawasak ako sa oras na bumigay ako sa iyo. Mawasak ang aking puso at kaligayahan.” pag lilinaw ko.

Niyakap niya ako ng mahilig at muling hinalikan sa labi. “Mahal kita, mag buhat noong nakaligtas tayo mula sa tiyak na kapahamakan ay isinumpa ko na sa aking sarili na aalagaan kita at hindi iiwan.”

“Anong kapahamakan? Tayong dalawa?” tanong ko naman

“Actually, tayong mag anak. Batang bata ka pa noon. Nag ddrive si papa ng bigla itong nawalan control. Dapat ay tatalon sa bangin ang ating sasakyan, ngunit bigla itong sumabit sa malaking puno dahilan para tayo ay maligtas. Takot na takot ako noon ngunit hinawakan mo ang aking mukha at binigkas mo ang unang salita sa iyong bibig “Kuya”. Pinawi mo ang aking takot at napalitan ito ng ibayong saya. Mag buhat noon ay ipinangako ko na aalagaan kita at mamahalin.“ ang wika niya habang hinahaplos ang aking buhok.

“Hindi ko na maalala, ngunit salamat dahil naka ligtas tayo. Natatakot lamang ako na ang pag mamahal mo ay biglang mawalan at maiwan akong nakabitin sa ere.”

“Hindi mang yayari iyon. Hinding hindi.” ang bulong niya at muli akong sinunggaban ng halik sa labi. Mas matagal ang kanyang halik ngayon, mas mapusok at mas mainit. Lalo na noong maramdaman kong gumagalaw ang kanyang dila at ginagalugad ang aking bibig.

Napahawak ako sa kanyang likuran at hinamas ko ito.. Siya naman ay naka hawak sa aking hulo at pilit idinidiin ang kanyang pag halik sa aking labi na para bang gigil na gigil.

Tumagal ng ilang minuto ang aming halikan hanggang sa bumitiw siya at niyakap ako ng mahigpit.

“Huwag kana mag isip ng kahit ano. Basta tandaan mo na mahal kita.” ang bulong pa niya.

Isang mahigpit na yakap ang aking itinugon sa kanyang sinabi. Hindi ko man masyadong maunawaan kung anong klaseng pag mamahal ba ang tinutukoy niya ay hindi pa rin mapapantayan ang aking kaligayahan sa kanyang mga yakap at halik.

Sa tingin ko ay magiging malinaw rin lahat kung ano man talaga ang mayroon sa aming dalawa.

Itutuloy..

SP Part 19: Masamang Kagandahan 1

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 19, 2018

Part 19: Masamang Kagandahan 1

“Anong oras tapos ng klase mo?” tanong ni Rui noong ihatid niya ako sa school.

“5 pm.” sagot ko naman

“Ayos. 6pm ay aalis na ako sa opisina. Dinner tayong dalawa?”

“Sige. Basta wala akong pera ha. Ikaw bahala.” naka ngisi kong sagot

Ginusot niya ang aking buhok “Kuripot ka talaga. Susunduin kita rito mamayang 6pm ha.” naka ngiti niyang tugon at hinalikan pa ako sa labi bago bumaba sa kanyang sasakyan.

Naging maayos ang takbo ang samahan namin ni Rui. Kung dati ay malambing siya ngayon ay mas doble pa ito. Naging hobby na rin niya na halikan ako sa labi o kaya ay yakapin ng mahigpit kapag kaming dalawa lang ang mag kasama. Madalas rin niya akong ginagawang parang isang babae na inihahatid sundo kapag may lakad ako. Kapag nalalate ako ng uwi ay naka abang na siya sa gate para sitahin ako kung bakit ako ginabi. Marahil ay ganoon lang talaga ang mga kuya, overproctective at oa na kung minsan.

“Kataka taka naman at biglang tumahimik, nawalang parang bula yung sasakyan ni Super Beki.” ang wika ni Tex

“Hindi ko alam baka umatras ang lola mo. O baka naman narealize niya na wala siyang mapapa dito sa mundo natin.”

“Naku, huwag kang mag guard down ha. Baka sumalakay siya kung kailan hindi handa ang ekonomiya ng bansang Pilipinas.”

“Nag hahanda ako. At itutumba ko siya kahit na anong mangyari.”

“So Nai, anong feeling ng naka salalay sa iyong kamay ang kapalaran ng mundo?” ang naka ngiti niyang tanong

“Kinakabahan ako, natatakot ako para sa lahat. Pero ang sabi sa akin ng isang kaibigan ay mag tiwala lamang ako sa aking sarili. Magiging maayos rin ang lahat.” sagot ko sabay lagok ng inumin.

“Alam mo Nai, minsan ang mga katunggali ay mapanlilang. Kailangan mong mag ingat.”

“Alam ko iyon, ang mga kalaban ay mga mapag laro lalo’t hindi naman sila mga tunay na tao. Katulad nalang ni Super Beki, im sure ay isang halimaw iyan na nag tatago sa katawan ng isang tao upang maging ka wangis natin.”

“Oo nga, nabasa ko iyan sa mga artikulo. Kadalasan ang kalaban ng mga super hero ay mga tuso at mapanlinlang. Mag iingat ka Nai. Nandito lang kami na naniniwala sa iyo.” ang naka ngiting wika ni Tex

Isang matamis na ngiti ang aking isinukli. Hindi makikita sa aking mukha ang pangamba at takot bagamat sa loob loob ko ay talagang nanginginig na ako. Hindi lamang ako maaaring mag pakita ng kahinaan dahil tiyak na iyon rin ang mararamdaman niya.

Alas 6 ng gabi noong sunduin ako ni Rui sa campus. Pag akyat ko palang sa sasakyan ay ginawaran niya agad ako ng matamis na halik sa labi na siyang nag pakilig sa akin ng lubos. Hindi ko akala na aabot sa ganitong kalalim ang aming samahan. Parang isang panaginip na ang taong itinuturing kong kalaban sa lahat ng aspeto ay gagawin akong ganitong kaespesyal.

Nag tungo kami sa isang kainan sa gitna ng siyudad. Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Rui habang tumitingin ng pag kain sa menu. Ako naman ay naka tahimik lang habang naka tanaw sa labas kung saan abala ang mga tao sa pag lalakad. Parating ganito ang eksena sa siyudad, busy ang lahat ng tao at kulang ang isang araw para sila ay kumayod ng kumayod.

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay naramdaman kong hinawakan ni Rui ang aking kamay at hinaplos haplos ito. “Anong iniisip mo?” tanong niya

“Wala, nalibang lang ako sa panonood sa mga tao doon sa labas.” ang naka ngiti kong tugon

“Bakit doon ka pa nakatingin? Mas maganda ang tanawin dito sa harap mo.” ang wika niya sabay pose ng pogi style sa aking harapan dahilan para matawa ako.

“Ang korni mo kuya.” natatawa kong sagot.

“Walang korni sa taong nag mamahal. Kaya unawain mo kung korni man ako.” naka ngisi niyang salita.

“Edi ikaw na po.” ang naka ngisi kong ring salita.

Patuloy kami sa aming masayang dinner date. Paminsan minsan ay sinusubuan pa niya ako na parang kami lamang ang tao sa mundo. Kung sabagay pribado ang kinuhang kainan ni Rui kaya kahit anong gawin namin ay ayos lang.

Alas 8 ng gabi noong matapos kami sa pag kain, palabas kami ng kainan ng mapansin namin na nag tatakbuhan ang mga tao sa paligid. Kasabay nito ang ingay ng emergency broadcast system, hudyat na may delubyong parating.

Lalong nag kagulo ang mga tao sa paligid. Ang iba sa kanila ay napatinga pa sa kalangitan. Dito ay bumulaga sa aming paningin ang sasakyang pandigma ni Super Beki.

Agad akong hinawakan ni Rui sa kamay at mabilis na hinatak papasok sa kanyang sasakyan. “Saan tayo pupunta?” ang tanong ko.

Hindi sumagot si Rui. Inistart niya ang kanyang sasakyan at maya maya nag simula niya itong patakbuhin. Ngunit sa dami ng taong nag kakagulo ay hindi kami maka usad sa aming kinalalagyan.

Nag simulang sumabog at masunog ang ilang gusali. Ang mga sasakyang pang himpapawid ng militar nag simula nang pasabugan ang sasakyan ng kalaban sa itaas. Bomba, rocket missile, baril at kung ano ano pa ang gamit ng mga eroplanong nag liliparan. Samantalang ang sasakyan ng kalaban ay nag lalabas lang berdeng sinag at sumasabog na ang bawat tamaan nito.

“Tang ina! Ayaw makausad!” ang galit na wika ni Rui sabay bukas ng pinto ng sasakyan. Hinatak niya palabas at nakitakbo na rin kami sa maraming tao.

Inshort, nawasak ang aming dinner date. Bagamat kanina pa ako may pakiramdam na mang yayari ito dahil masyadong nakakaduda ang katahimikan ng paligid.

Patuloy pa rin sa pag sabog sa kalangitan..

Sinamahan pa ito ng ilang pag dagundong sa ere at pag yanig ng lupa kaya nagimbal ang lahat.

Nag tatakbo kami ni Rui, hawak niya ang aking kamay at nakikipag siksikan kaming dalawa sa marami tao.

Habang nasa ganoong pag takbo ako ay unti unting umilaw ang tatak sa aking dibdib at kasabay nito ang boses sa aking pandinig. “Nai.. Ito na ang oras..” ang wika niya.

Napahinto ako sa pag takbo dahilan para mabitawan ni Rui ang aking kamay. “Nai! Abutin mo ang kamay ko!” ang sigaw niya ngunit hindi na kami nag abot dahil sa dami ng taong humarang sa aming pagitan.

Sa halip na tumakbo at sundan si Rui at nag pasya akong bumalik at mag tungo sa mga pagsabog na lugar.

Patuloy ako sa pag takbo at mula dito ay unti unting umilaw ang aking katawan. Kasabay ng pag kabasag na salamin ng gusali sa aking tabi ang siyang pag sibat ng aking katawan ere..

Nag liliwanag na kulay asul ang aking katawan dahilan para mapatingala ang mga tao. At mas lalo pa itong nag liwanag noong mag palit ako ng anyo bilang isang malakas na mandirigma.

Wala na akong inaksayang panahon, sinagupa ko ang sasakyan ni Super Beki at ginawaran ito ng makas na suntok. “Wala ba akong sandata man lang? Sibat? Patalim? Espada? Palaso? Ano?!” ang sigaw ko kay Sin

“Meron, ako pa ba?” ang pag yayabang nito.

“Puchaa ilabas mo na!!! Kailangan ko ito!!!” ang sigaw ko.

“Nandiyan sa belt mo. High tech iyan, pindutin mo ang buton sa tagiliran ng iyong sinturon.” ang utos niya

Agad kong kinapa ang buton sa aking sinturon at mabilis itong pinindot. “Anyare?” ang tanong ko

“Ibukas mo ang palad mo!” ang wika niya

Ibinukas ko ang aking palad at dito ay lumabas ang isang bagay na bilog na animo bola ng pimpong. Kulay asul ito at nag liliwanag ng usto. “Eto na iyon?” tanong ko naman

“Hawakan mo ang bola at ikulong ito sa iyong mga kamay.” ang wika niya

Ganoon nga aking ginawa. Hinawakan ko ang bola at ikinulong ito sa aking kamay. Ang bolang iyon ay nag liwanag ng husto at ng bago ang anyo nito. “Nakita mo na? Ang bolang iyan ay high tech! Iyan ang aking paboritong laruan!” ang pag yayabang ni Sin

Ang bola ay naging isang baril. Kakaiba ang anyo nito. Mahaba ito na parang sniper gun, ang hawakan ay nag liliwanag ng husto. Kulay asul na bumabalot sa aking palad.

“Paanong gagawin ko?” ang tanong ko

“Hindi ka ba marunong bumaril?” ang tanong niya

“Hindi!” sagot ko

“Hala, ang lakas ng loob mong mag tanong ng sandata e hindi ka naman pala marunog gumamit. Sige asintahin mo na yung sasakyan ni Beki!” ang wika niya

Itinaas ko ang aking kamay na may hawak na baril at itinapat ko sa direksyon ng sasakyan ni Super Beki.

Nag liwanag ang dulo ng baril..

At maya maya ay pumutok ito na parang isang malakas na kanyon. Kulay asul ito na animo spirit gun ni Yusuke sa Yuyu hakusho. Malakas ang impact ng pag putok ng baril dahil ako natangay ng husto ang tumilapon pa sadsad sa lupa.

Sa isang putok ng baril na iyon ay nag pagulong gulong ako sa lupa. Samantala, tinamaan naman ang sasakyan ni Super Beki kaya wala siyang nagawa kundi ang mag emergency landing nalang..

“Nakita mo na? Malakas ang sandatang iyan. Dahil iyan ang enerhiya ng Super Planet. Inipon ko ito at inilagay diyan sa loob.”

“Arekup. Hindi mo naman ako ininform na mala halimaw pala ang laruan mo. Nabali yata ang daliri ko sa kamay.” reklamo ko.

Noong maka baba sa lupa ang sasakyan ni Super Beki ay nag takbuhan ang lahat ng mga sundalo sa paligid. Pati mga sasakyan ng pulis at mga kanyon ay naroon rin. Inaabangan nila ang pag labas ng mandirigmang sakay ng sasakyan.

Lahat ng mga ito ay nag sipag handa sa pamamagitan ng pag tutok ng baril sa direksyon ng kalaban.

Maya maya ay bumukas ang pinto ng naturang spaceship. Nag liwanag ito ng husto at nag labas ng kakaibang ilaw sa paligid..

Mula dito ay may narinig kami yapak ng paa bagamat sound effects lang ito na nag mumula sa mismo sa kanilang sasakyan. Para mas mukhang maganda lang ang dating. Kasabay nito ang pag labas ng isang kumekendeng na nilalang. Naka suot ng pamilyar na damit, naka tirintas ng dalawa ang buhok. May hawak siyang mikropono at stand. Inayos niya ito at nag salita. “Mag bigay galang sa pag dating ng ating reyna. Ang lahat ay lumuhod.” ang wika nito

Nag tinginan ang mga sundalo at pulis sa isa’t isa. Ni walang sumunod sa kanyang utos na lumuhod. “Ang lahat ay lumuhod, ang hindi lumuhod ay panget at mabaho ang hininga.” ang wika niya

Nag tinginan ang mga pulis sa isa’t isa, maya maya nag simula silang lumuhod. “Mabango ang hininga ko! Pogi ako! Luluhod kami!!” ang wika ng mga ito.

“Salamat sa inyong kooperasyon. Ngayon, narito na ang bagong reyna ng planetang ito.” ang wika niya at maya maya ay kinuhang papel sa kanyang malaking suso at binasa niya ito

“Miss Beautiful Planet 2000, Miss Body Beautiful 2001, Miss Kutis Dyosa 2004, Miss Superlative Degree 2007, Miss Universe 7 2009, Binibining Alien 2010, Gandang Galaxy 2012, Dyosang Beki 2013, Miss Kurikong 2013, Gandang Bakla 2013 1st runner up dinaya kasi siya dito, BekiModel 2014, Miss Sexy Alien 2015, Gandang Chakadoodles 2016, Miss Galaxian Beki 2017 and Miss United Alien 2018, Miss Supernational Beki 2018.

Nanalo rin siya ng mga sumusunod ng award. “Miss Body Beautiful, Best in Short, Best in Long gown, Miss Makeup, Miss Facepowder, Miss Femenine Look, Crowds Favorite, Miss Beautiful Hair, Best in National Costume, Miss Friendship, Best in two piece bikini..

Blah blah blah..

Tuloy tuloy ito sa pag basa ng mga awards. Inaantok na ang mga tao sa paligid. Ang mga pulis ay nag kape muna at ang iba sa kanila ay nag CR. Ang mga tao ay namili muna ng mga kakanin.

Umabot ng halos 45mins ang introduction ng speaker bago niya ipakilala ng tuluyan ang main cast ng palabas.

“Ating sabay sabay palakpakan.. Queen Elsa of Arendelle.” ang wika niya at doon ay tumugtog ang back ground music ng kantang let it go ng frozen.

Mula dito ay lumabas si Super Beki, suot ang damit na ganoon desenyo kay Elsa, pati buhok nito ay naka tirintas rin. Gayang gaya niya ito. Maganda si Super beki, babaihan ang dating at nag tataglay ng malaking boobs. Ang bewang ay maliit at talaga namang perpekto ang hugis. Marahan itong lumapit sa micropono at nag salita. “Ako si Queen Elsa at siya naman si Anna.” ang pakilala niya

Obvious na obvious naman dahil ginaya nila ang costume ng mga ito..

“Naparito kami upang maging reyna ng inyong planeta. Sa aking pag upo bilang iyong bagong pinuno, ipapatupad ko ang mga bagong batas.

Una: Ang mga babaeng magaganda ay papatayin. Ayokong may maka laban ang beauty ko. At ang mga babaeng panget ay gagawin kong julalay. Pagagawin ko sila ng kastilyo gamit ang kanilang kamay.

Ikalawa: Ang mga lalaking gwapong papa ay magiging asawa ko. Sabay sabay walang pwera pwera. Gang bang kung gang bang! Ang mga panget na lalaki ay gagawin kong taga linis ng aking kaharian.

Ikatlo: Bawal rin ang magandang bakla! Dapat ako lang ang maganda! Kapag napatunayan na maganda ka ay ipapakain kita sa mga pating doon sa karagatan.

Ikaapat: Lahat susuway at kakalaban sa akin ay TIGOK! Understand madlang people?“ tanong niya.

Maya maya ay nag salita ang head ng mga pulis “Mam Elsa, nasaan po ang mga miss universe? Nagagalit na ang mga bansa nila dahil nawawala ang kanilang mga beauty queen.”

“Ah tungkol diyan ay may naisip akong paraan.” ang wika ni Elsa sabay senyas kay Anna. “Ilabas ang chaka!” utos niya

Maya maya ay pumasok si Anna sa loob at pag labas niya ay hatak hatak na niya ang isang babae. “Oo tama kayo. Siya si Miss Philippines na hindi naka join sa Top 5, kung ako nalang sana ang inilaban ninyo! Edi winner pa!” ang wika nito sabay hatak sa buhok ng dalaga “Kapalit ng 86 na candidate ng Miss Universe ay kukuha ako ng 86 rin na lalaking gwapo!” ang dagdag pa niya.

“Maam Elsa paano nyo naman po malalaman kung sino ang gwapo at hindi sa amin?” ang tanong mga pulis.

“Madali lang iyan. Kukumpas ako ng tatlo at pag katapos ay lulutang ang mga gwapong lalaki sa ere. Top 86 na gwapong lalaki ang aangat sa ere. Kapag gwapo ka ay mag ffloat ka kapag panget ka ay alam na. Iwan ka sa lupa. Ready na ba kayo madlang people?” ang tanong niya.

“Bibilang ako ng tatlo…

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Umangat ang mga gwapo sa lupa. Tuwang tuwa ang mga ito kasama na si Rui na enjoy na enjoy sa kanyang pag lutang. “Pare ayos! Kasama ko!” ang sigaw ng ibang pulis na galak na galak.

“Ako rin pare!! Lumutang ako! Gwapo rin ako!! Ang gwapo kooo!” ang sigaw ng iba

Ang mga naiwan sa lupa ay nadismaya at bumakas ang pag inis sa kanilang mga mukha.

“Narito na ang aking Top 86 na gwapong lalaki! Ang mga di naka sali ay better luck next time nalang sa inyo!” ang malakas na wika ni Elsa.

“Maam Elsa ano naman ang gagawin ninyo sa mga lalaking hindi lumutang?” tanong ng media.

“Madali lang iyan.” ang nakangiting sagot niya. “Ana.. Ikaw na ang bahala.” utos pa niya

“Opo ate Elsa!” ang tugon ni Anna. Tumalikod ito at kumendeng kendeng..

Ilang minuto rin siya sa ganoong pag kembot nang bigla siya humarap at dito ay laking gulat ko na may hawak siyang isang malaking armalite na kakaiba ang anyo.

“Ito ang mang yayari sa hindi naka pasok sa banga.” ang wika niya sabay Bratatatatat atatatatatat!!!

Binaril niya ang lahat ng mga pulis at mga tao sa paligid hanggang sa mamatay ang mga ito..

Ganoon kabilis ang pag hahasik ng lagim ng masamang kagandahan.

Itutuloy..

SP Part 20: Masamang Kagandahan 2

Ang ganda ng trans na ito promise.. Talagang siya na ang Super Beki!

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 21, 2017

“Ito ang mang yayari sa hindi naka pasok sa banga.” ang wika niya sabay Bratatatatat atatatatatat!!!

Binaril niya ang lahat ng mga pulis at mga tao sa paligid hanggang sa mamatay ang mga ito..

Ganoon kabilis ang pag hahasik ng lagim ng masamang kagandahan.

Part 20: Masamang Kagandahan 2

Bumulagta ang daan daang katao sa paligid na parang dinaanan ni kamatayan. Samantalang si Super Beki naman ay tuwang tuwa sa kanyang nakitang pag kamatay ng mga ito.

Binuksan niya ang kandado ng kulungan ng mga Miss Universe at pinalaya nila ang mga ito. Ang mga lalaking nakalutang naman ay nag simulang lumipad patungo sa kalungan na parang hinihigop ng malaking vacuum kapalit ng mga bihag.

Noong makita ko si Rui ay agad akong lumipad upang kunin ito. “Waaa. Sino ka ba?” ang gulat na tanong nito

“Wag kana mag tanong. Halika na!” ang sagot ko naman

“Hala, saan tayo pupunta? Pasok na ko sa Top 86 ng pogi eh. Bakit kukunin mo pa ko? Saka ummhh, naku wag kang mag papakita sa kapatid kong si Nai dahil galit sa pangit iyon, susunugin kana niya ng buhay!” ang wika ni Rui

“E wala akong paki sa kapatid mong super pogi, super cute, super hot at pinapatasya ng bayan. Umalis na tayo dito!” ang wika ko sabay katok sa ulo niya. Atleast naka ganti ako.

“Ha? Baka naman hindi ang kapatid ko ang tinutukoy mo. Eh mukhang chonggo yun, medyo pandak at maliit ng titi.” ang pang aasar nito kaya naman muli ko siyang kinatusan. “Huwag mo nga siyang pintasan! Ipapakain kita kay Beki eh!” pananakot ko pa.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakita ni Elsa ang aking ginawang pag takas kay Rui kaya naman ng alburuto ito at nagalit. “Hoy! Bakit yung pinaka gwapo ang nanakawakin mo sa akin? Ibalik mo iyan panget ka! Bading ka talaga!! Akin iyan!!”

“Hindi siya saiyo! Gago!” ang sigaw ko rin

“Bading ka talaga! Hindi ka naman babaihan! Kahilig mo sa gwapo!!!” ang sagot niya habang inilalayo ko si Rui.

Dinala ko si Rui sa isang gusali na malayo kay Super Beki. At noong makasiguradong maayos na siya ay nag tungo ako sa harap ng kanyang sasakyan para kuhanin ang iba pa. “Hoy Beki, pakawalan mo sila! Aba ang dami niyan ahh! Kaya mo ba iyan lahat?” ang tanong ko

“Oo naman, at ikaw Pangit ay huwag kang humarang sa dadanan ko kundi ay susunugin kita ng buhay. Ang sakit sakit sa mata ng itsura mo alam mo ba iyon? Tumataas ang balahibo ko kapag nakikita kita.” ang sagot niya.

“Itigil mo na ang eksenang ito! Kala mo ba maganda ka? Disney Princess si Elsa at hindi cast ng perya!” ang sigaw ko

“Malay ko bang princess siya dito. Nakita ko lang ang poster nya doon sa isang gusali kaya pinanood namin sa internet ang kwento niya. Iyon ang dahilan kaya naka ganito kami ngayon. Anna!Tapusin siya!” ang utos nito

“Opo ati!” ang sagot niya sabay kuha sa isang kutsilyong naka kalat sa sahig.

Nag tatakbo ito sa akin na parang si Chucky kaya naman hinawakan ko siya sa braso at itinulak ito palayo.

Gumulong gulong si Anna pabalik sa kanilang sasakyan. Pero hindi pa siya napagod dahil muli nanaman siyang nag tatakbo para saksakin ako kaya naman apura rin ang pag tulak ko sa kanya palayo.

Ilang beses na gumugulong at sumadsad sa lupa si Anna. Paulit ulit nalang ang ginagawa kong pag push sa kanya palayo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ito basta pilit siyang tumatakbo para saksakin ako.

At dahil nga paulit ulit nalang ang eksenang iyon ay nag kape muna ang mga pulis at sundalo sa paligid. Yung mga bihag na lalaking gwapo ay nag kukuhanan na ang number ng isa’t isa, mga bortang beki rin pala sila. Si Elsa naman ay umidlip muna sandali. Yung mga tao sa paligid ay nag piko at nag miryenda muna.

“Oy ano ba, napapagod na ako Anna! Tama na! Uupakan na kita!” ang banta ko

Pero tumayo pa rin siya at nag tatakbo sa akin kaya naman isang malakas na suntok ang pinawakan ko na tumama sa kanyang mukha. Tumilapon ang katawan ni Anna sa harap ni Elsa. “Ay! Anna! Anna! Gumising ka!” ang sabi nito.

“Ang kulit niya kasi. Sorry naman!” ang tugon ko

“Wala kang puso. Walang power si Anna. Isa lamang siyang ordinaryong bakla na nadaan ng space ship ko na nag tatampisaw doon sa planetang Mars! Ang sama sama mo talaga panget ka!! Inuubos mo ang pasensiya ko!” ang galit niya sigaw sabay tayo sa kanyang trono.

“Lapit! Tapusin na natin ang labang ito!” sigaw ko rin

“Ok fine! Wait! Tatransform lang ako!” ang wika niya sabay taas sa dalawang kamay.

Kumendeng kendeng ito na parang isang belly dancer. At sa kada kembot na kanyang ginagawa ay nag liliwanag ang kanyang katawan hanggang sa balutin na ito ng kakatwang berdeng sinag..

“Super Beki! Transformation Completed!!” ang sigaw niya at dito ay bumulaga sa aming paningin ang bangong anyo ni Beki. Naka lugay na ang kanyang buhok unat na unat ito. Naging fierce ang make up at ang nakak tuwa ay naka suot lang ito ng bra at panty. Kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan at ganoon rin ang kanyang magandang dibdib na kumakaldag pa na animo bilog na buko.

“Wow! Sexy!” ang wika ng mga lalaki sa paligid.

“Kalma! Makikita nyo pa ako mamaya!” ang sagot niya.

“Hala! Seryoso? Bra at Panty lang talaga ang suot mo?” ang tanong ko.

“Ang bra at panty na ito ang aking espesyal na kalasag. Ang tela nito ay katumbas ng pinaka matibay na armor sa buong galaxy. Na bibilang na ang segundo ng buhay mo!” ang wika niya sabay takbo patungo sa akin.

Hindi naman ako natinag. Hinintay ko siyang makalapit sa akin ng biglang mag salita si Sin sa aking kaibuturan “Atras Nai! Malakas ang isang iyan!” ang sigaw nito at doon ay bigla na lamang humaba ang buhok ni Beki at lahat ng iyon ay nanging matulis na animo patalim.

Umiwas ako kaya’t ang natamaan niya ay ang gusali sa paligid na nagiba ng walang kahirap hirap. “Buhok niya ba iyon? Seryoso?!” ang tanong ko

“Oo, iyan ang unang bahagdan ng kapangyarihan si Super Beki! Ang kanyang buhok ay katubas ng matatalim na sandata! Mag ingat ka!” ang sagot niya

“Ang long long ng hair ko diba? Shinampoo ko lang iyan!!” ang wika niya at doon ay inatake nanaman ako ng kanyang buhok na parang may sariling buhay.

Muli kong pinindot ang bola ng enerhiya sa aking kamay at naging baril ito. Sinubukan kong asintahin ang si Super Beki ngunit humaharang ang kanyang buhok kaya ang aking pag atake ay sablay.

Patuloy akong hinabol ng napag kahaba haba niyang buhok hanggang sa mag kasira sira na ang paligid. Ang mga pulis ay nag takbuhan na gayon rin ang mga sundalo. Marahil napag tanto nila na hindi ito labanan sa mga normal na nilalang.

“Kailangan ko ng gunting! Kahit na anong maputol ng buhok!” ang sigaw ko kay Sin

“Aba e hindi naman ako parlorista hano.” ang reklamo nito.

“Kahit ano, bigyan mo ako huwag lang baril!” ang sagot ko

“Anong akala mo sa akin si Doraemon? Tigilan mo nga ako Nai! Espada lang ang mayroon ako.”

“Nasaan! Dali! Hayan na ang long ang straight hair niya!!” pag aapura ko

“Nakita mo ba yung hati sa gitna ng baril? Baliin mo iyan. 2 in 1 iyan e. Pwedeng espada ang kalahati at ang kalahati ay punyal. Dali na!!”

Binali ko ang baril doon sa kantong may hiwa sa gitna at dito ay naging espada ang kalahati nito. Nag liliwanag na animo cast ako ng star wars! Ang kalahati naman ng baril na aking inalis ay naging punyal. “Ayos ha.”

“Syempre gamit ng Alien iyan e! Uso iyan sa Super Planet!”

“Sana kanina mo pa sinabing may ganito!” ang sigaw ko sabay sugod sa buhok ni Beki. Imagine ang cheap! Buhok lang ang kalaban ko hirap pa ako!

Sinagupa ko ang buhok ni Super Beki at mabilis ko itong pinutol na parang mga damo dahilan para mahinto ang kanyang pag atake. “Kakalbuhin kita ngayon!!!” ang sigaw ko sabay lipad patungo sa natitira pa niyang buhok

Pinutol ko ng pinutol ang kanyang napag haba habang buhok hanggang umiksi ito na mawala sa porma. Muling bumilik sa normal ang kanyang ulo at dito ay natawa ako dahil halos makalbo na pala siya ng todo. “Bakit tumatawa ka?” ang tanong niya habang rumampa suot ang swimsuit na kalasag.

“Parang hindi yata bagay sa iyo ang kalbo!” ang sagot ko

“Ah iyon lang ba? Edi pahabain natin ulit.” sagot niya at dito ay muli nanamang humaba ang kanyang buhok at mabilis itong lumipad sa ere para atakihin ako. “Alam mo ba na ang buhok ang mahalaga sa isang beauty queen like me? Mabuti nalang at unlimited ang buhok ko!!”

“Queen lang! Wala kang beauty gago!” ang sigaw ko habang umiiwas sa kanyang mala sibat na buhok.

“Abat ginagalit mo talaga akong panget ka!!” pang gigigil niya at dito ay mas lalo pang kumapal ang kanyang buhok. Sa pag kakataong ito ay halos masira na ang buong paligid dahil sa mga hibla ng kanyang buhok na parang matalim na bakal sa tigas.

“Hala! Beast mode agad?” tanong ko naman.

“Hindi pa! Sigurado ka bang kakayanin mo kapag nag beast mode ako?” ang tanong niya.

“Oo naman! At pag sisisihan mo ang pag tapak sa planetang ito!” sagot ko sabay hataw ng espada sa kanyang buhok kaya’t naputol ito.

Muli siyang huminto sa pag atake at napatingin ito ng matalim sa akin. Muli nanumbalik sa normal ang kanyang buhok at kasabay noon ang pag liliwanag ng kanyang buong katawan.

Berdeng berde ang kanyang liwanag. Nakakasilaw..

“Eh kasi nga bakla kaya Berde!” ang pang aasar ko.

“Nai, dumistansya ka ng kaunti. Mukhang naeexcite si Super Beki na tapusin ka kaya’t nag simulang umakyat ang kanyang kapangyarihan sa ikalawang bahagdan o ang tinatawag na ad molibiria”

Isang malakas na pag tawa ang pinakawalan ni Super Beki at kasabay nito ang pag yanig ng malakas sa buong paligid..

Nag kagulo ang mga tao at nag simulang bumagsak ang mga gusali..

Isang nakaka kilabot na pakiramdam ang lumukob sa aking balat. Ang aking tingin ay nakapako sa ibaba kung saan naroon ang aking kalaban na abala sa pag papalakas.

Bago pa ako matauhan, mabilis kong isinuksok ang kalahati ng baril sa sugpuang nito at inasinta ko ang kanyang kinalalagyan. Umulan ng bala sa lupa na nag mumula sa akin..

Ngunit sa palagay ko ay hindi natinag ang kalaban..

Unti unting nawala ang liwanag sa kanyang katawan at dito ay maigi kong inaninag kung anong klaseng pag papalit anyo ang kanyang ginawa.

Nanlaki ang aking mata sa nakita..

Hindi ko inaasahan na ganito ang kanyang ikalawang anyo.

Itutuloy..

SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 23, 2018

Unti unting nawala ang liwanag sa kanyang katawan at dito ay maigi kong inaninag kung anong klaseng pag papalit anyo ang kanyang ginawa.

Nanlaki ang aking mata sa nakita..

Hindi ko inaasahan na ganito ang kanyang ikalawang anyo.

Part 21: Mananakop

Unti unting bumulaga ang anyo ni Super Beki sa aking paningin noon mawala ang liwanag na bumabalot sa kanyang katawan.

“Eh bakit ganoon? Akala ko ba mag babago ang anyo niya? Bakit ganon pa rin? Buhok lang ang nabago dahil naging kulot ito.” ang tanong ko kay Sin

“Aba e hindi ko alam. Hindi ko pa nakikita ang ikalawang bahagdan ng kapangyarihan niyang si Super Beki.” sagot nito.

Habang nasa ganoong pag lipad ako ay siya namang pag tingin ni Super Beki sa akin, hinawi niya ang kanyang kulot na buhok na parang lalaban sa pageant at saka nag pose ala miss universe. “How do i look?” ang tanong niya.

“Edi dati pa rin! Wala namang nabago eh!” ang sagot ko naman. “Chaka ka pa rin!” pang aasar ko pa.

“Nag salita ang hindi chaka.” maarte niyang sagot sabay tawag sa kanyang alalay. “Anna! Halika nga dito!”

“Nandyan na po!” ang wika ng alalay. Hawak niya ang dalawang boxing gloves at mabilis itong ikinabit sa kamay ni Super Beki. “Ano naman iyan?” tanong ko

“Edi boxing gloves bobang to!” ang sagot ni Beki sabay kumpas ng kanyang kamay.

Nag liwanag nanaman ang kanyang katawan at dito ay nakita ng aking dalawang mata ang pag laki ng kanyang braso at binti ala Taguro. Sumigaw ito na animo super saiyan habang patuloy na lumalaki ang kanyang balingkitang katawan.

“Hindi talaga nag papalit anyo si Queen Elsa dahil ayaw niyang makita ng lahat ang kanyang lakas bilang ang makasaysayang Beki Boxer na sumira sa mga Planeta ng malayong galaxy.” wika ni Anna

“Hindi ako aware sa sinasabi mo!” ang sagot ko naman habang nakatingin kay Beki na noon ay palaki ng palaki ang katawan.

“Okay po. Start na natin ang fight na itey!” ang sagot ni Anna sabay hubad sa kanyang suot na gown. Tumambad sa aking paningin ang kanyang katawan na naka maiksing short na pula at bra na kulay itim. May hawak itong numero sa kamay. “Ano naman iyan?” tanong ko sa kanya.

“Round girl po kuya.” ang tugon niya sabay lugay ng buhok at sinuklay suklay pa ito gamit ang kanyang kamay.

“Eh may mga sira naman pala itong dalawang beking alien na ito e!” bulong ko

“Nai, mag ingat ka! Nandyan na siya!” ang sigaw ni Sin at ay bigla na lamang sumulpot ang malaking katawan ni Super Beki sa aking harapan at isang malakas na suntok ang iginawad sa aking mukha.

Kasabay nito ang pag rampa ni Anna hawak ang numero 1. Na ang ibig sabihin ay Round one na..

Isang malakas na suntok pa ang iginawad ni Beki sa aking mukha dahilan para mapasadsad na ako sa lupa. Kakaiba ang kanyang boxing gloves dahil para itong bakal na humahataw sa aking mukha.

Dugo ang aking bibig at naramdam ako ng panlalabo ng aking paningin.

Maigi kong itinukod ang aking kamay sa lupa upang maka bwelo sa pag bangon ngunit hindi ako nakaka porma ay isang malakas na tadyak ang tumama sa aking likuran. Paulit ulit ito hanggang sa masubsob na ako sa lupa.

Nagawa niya pa niyang hawakan ang aking ulo at malakas itong iniumpog sa batuhan dahilan para mag dugo ang aking noo.

Hindi ko akalain na ganoon kalakas at kabilis itong kalaban. Ang akala ko ay mas babagal siyang kumilos dahil lumaki ang kanyang katawan, pero mali ako. Mas lalo pa siyang naging mabilis. “Alam mo ba kung bakit kulot ang buhok ko? Dahil ito ang tinatawag na Beki Boxer with a twist!” ang wika niya at doon ay humaba ang kanyang buhok at mabilis na pumalipit sa aking leeg.

Iniangat niya ako gamit ang kanyang buhok at iwinasiwas sa ere na parang isang laruan. Ilang sandali rin ako sa ganoong pagkawasiwas hanggang sa inihagis niya ako sa mga gusaling nawasak.

Lagapak..

Muling rumampa si Anna dala ang card at kumendeng kendeng pa ito habang ipinapakita sa madlang people ang round 2.

Hinahabol ko ang aking pag hinga, halos mapatid ang ugat sa aking leeg sa tindi ng kanyang pag kakasakal sa akin. Idagdag pa ang kirot ng aking ulo at mula dahil sa paulit ulit niyang pag tapak at pag suntok dito.

Muli kong pinindot ang bola ng enerhiya at inilabas ang sandatang baril mula dito. Noong maramdaman kong tumatakbo na patungo sa akin si Beki ay mabilis akong nag tago sa sirang pader ng gusali. Mahigpit kong hinawakan ang aking baril habang inihintay siyang makalapit.

Pag pasok niya sa loob ng lumang gusali ay agad niya akong hinanap. Lumilinga ito at kung minsan ay inaamoy pa ako kung saan ako nag tatago.

Noong maramdaman kong guard down ang kalaban ay agad akong lumundag sa kanyang kinalalagyan. Mabilis kong itinutok ang baril sa kanyang mukha at..

BANG!!!

Sapul ang kalaban sa kanyang mukha dahilan para tumilapon ito patungo sa kinalalagyan ng round girl na si Anna. “Ay Sis!!” gulat na sigaw nito.

Habang naka handusay sa lupa ang kalaban ay pilit kong iniayos ang aking sarili. Hilong hilo pa ako dulot ng sunod sunod na pag suntok sa aking mukha.

Muli tumayo si Super Beki at mabilis itong sumugod patungo sa akin. Kaya naman mabilis kong inipon ang aking lakas at nag tatakbo rin ako patungo sa kanya. Ang lahat ng pwersa ay inipon ko sa aking kamao dahilan para mag liwanag ito.

Nag abot kami sa gitna at dito ay kapwa namin ginawaran ng suntok sa mukha ang isa’t isa.

Sumabog ang liwanag sa buong paligid..

Napaatras kami sa isa’t isa dahil sa matinding pwersa. Tila yata nabasag ang aking panga dahil dito tumama ang kanyang suntok. At ako naman ay sinapol ang kanyang ilong dahilan para dumugo ang kanyang mukha.

Nag tatakbo si Anna sa kanyang amo at inalalayan ito “mother, unfair! Masisira ang pez mo! Pero siya kahit bugbugin ay walang epek dahil swanget sya! Feeling ko luge talaga tayo.” ang wika nito.

“Papatayin ko ang panget na iyan!” ang galit na wika ni Beki habang ng pupunas ng dugo sa mukha.

Noong maka bangon ay muli kaming nag sagupaan ng kamao sa kamaong lakas. Suntukan sa mukha at upakan ang naganap sa aming mga sarili. Hindi ko akalain na mas matindi pa sa tunay na lalaki itong si Beki kung manutok dahil malakas talaga at maka bali ng buto.

Muling nag liwanag ang aking kamao at inihataw ko ito sa kalaban.. Naka iwas siya!

“Wow! Ang galing mo mother!” ang sigaw ni Anna

Hinataw rin ako ng malakas ng suntok, naka iwas rin ako..

Inipon ko ulit ang lakas sa aking kamao at mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. Buong lakas kong hinataw ng malakas na suntok ang kalaban..

Naka iwas nanaman si Super Beki..

Kaya ang aking suntok ay lumagpas at tumama sa mukha ni Anna..

Tumilapon ang katawan nito at sumadsad sa lupa..

“Anna!!” ang sigaw ni Elsa.

“Mother, mukhang nasugatan yata ako ng kaunti.” ang boses nito na parang nag hihingalo. Kaunti raw ang kanyang sugat e napisak ang kanyang mukha.

Noong mga sandaling iyon ay bakas na bakas sa mukha ni Elsa ang matinding galit. Humarap ito sa akin at dito ay nanlisik ang kanyang mga mata. “Si Anna lang ang kaibigan ko! Siya lang ang naniniwalang maganda ako!! Mag babayad ka sa ginawa ko sa kanya!!! Panget kaaaaa!!” ang sigaw nito.

Sumiklab ang malakas na liwanag sa kanyang katawan at maya maya mabilis itong lumipad patungo sa akin.

Bago pa ako makaiwas ay agad niyang dinakot ang aking mukha at kinaladkad ito sa lupa, nagawa rin niya akong ihampas ng mga gusali ng paulit ulit..

Maya maya ay ibinalibag niya ako sa lupa at dito ay pinag susuntok niya ako ng malalakas. Walang humpay, galit na galit at tila walang balak na mag bigay sa akin ng pag kakataon.

Nasa ganoong posisyon ako ng pilit kong pinindot ang bola ng enerhiya na nakatago sa aking kamay. Dito at lumalabas ang aking sandatang baril at pilit ko itong pinasabog sa kanyang katawan.

BANG!!

Kapwa kami tumilapon dahil sa lakas ng pwersang pag sabog..

Halos magiba na ang buong paligid. Tumagal ng ilang sandali ang aming pag kakahandusay. Ramdam kong paubo na rin ang aking lakas. Ang aking pag hinga ay hindi maayos at pagod na pagod narin ang aking buong katawan. Malabo ang aking paningin at ang ilang parte ng aking tadyang na tila nabali na rin.

Hinahabol ko ang aking pag hinga..

“Mamatay na yata ako. Lumakas nga aking katawan at hindi ako masyadong nakakaramdam ng sakit ngunit unti unting nauubos ang aking enerhiya.” ang bulong ko

“Masyado mong ginamit ang iyong lakas. Ilang bahagdan ang aking lakas ang inilagay mo sa iyong kamao ng paulit ulit. Sa tingin ko ay iyon ang umubos sa iyong enerhiya.” wika ni Sin

“Pero kaya ko pa! Isang atake pa.” ang wika ko habang pilit na bumabangon..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay nakita ko si Super Beki na nakatayo na, tumutulo ang berdeng dugo sa kanyang katawan. Hinahabol niya ang kanyang pag hinga..

“Tapusin na natin ito!! Pangeeet!!!” ang sigaw niya sabay takbo patungo sa akin. Nag liliyab ang kanyang katawan..

Samantalang inipon ko rin ang aking natitirang lakas sa aking kamao at dito ay sinalubong ko siya..

Nag abot kami sa gitna..

Buong lakas kong hinataw ang aking kamao na tumama sa kanyang mukha. Ganoon rin siya sa akin na tumama rin sa aking mukha at dito ng liwanag ng husto ang paligid..

Humangin ng malakas dahil sa pwersa at nag dulot ito ng malakas na pag sabog.

Hindi ko na alam kung anong nangyari, basta naramdaman ko na lamang ang pag tilapon ng aking katawan sa lupa. Ang aking kalasag ay nasira at dito ay bumalik ako sa pagiging si Nai.

Nawala na rin ang tinig ni Sin. Patunay na narating ko na ang rurok ng aking kakayahan..

Tumagal ako ng ilang sandali sa ere bagong tuluyang tumama ang aking katawan sa lupa. Kasabay nito ang pag hupa ng malakas na pag sabog.

Halos naubos na ang aking lakas, wala na rin akong kakayahang igalaw ang aking katawan. Patuloy ko pa ring hinahabol ang aking pag hinga.

Tahimik..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay laking gulat ko nang makita si Super Beki. Buhay pa ito! Lumalakad siya patungo sa akin kaya naman tila nawalan na ako ng pag asa. Pilit ko mang igalaw ang aking kalaman ay hindi ko na talaga magawa pa.

“Tatapusin na kita ngayon pangit! Buburahin kita dito sa mundo para mawala na ang asungot na humaharang sa akin.” ang wika nito habang patuloy na humahaba ang kanyang buhok. Dito ay nakita kong bumalik na rin sa normal ang kanyang anyo. Mukha paubos na rin ang kanyang lakas.

Samantalang kawalan naman ng pag asa ang aking naramdaman habang nakatanaw sa aking nag babadyang katapusan. Pilit kong iniaatras ang aking katawan ngunit wala talaga. Said na ang aking lakas..

Takot..

Iyan ang namayani sa aking pag katao habang palapit ang aking katunggali.

Habang nasa ganoong pag lalakad si Super Beki ay bigla na lamang may kung anong liwanag ang tumama sa kanyang katawan dahilan para mawala ito sa balanse.

Parang binaril ito na hindi ko malaman..

Inikot ko ang aking mata at dito ay nakita ko si Anna na lumalakad palapit sa sugatang si Beki. “Anna, bakit? Bakit mo ako binaril?” ang wika nito.

Ngumiti si Anna at nag wika “Anna who?” ang tanong niya at dito ay unti unting nag bago ang hugis ng kanyang mukha.

Makalipas ang ilang sandali ay bumulaga sa aming paningin ang imahe ng isang magandang babae. “Hello Beki, nagulat ka ba?” ang tanong niya

“Super Ganda? Bakit? Ano ang ginawa mo kay Anna?” ang tanong niya

“Gaga! Nag panggap akong si Anna. Nag panggap akong pulubing bakla para kaawaan mo at gawing alalay. Hindi mo alam na nag papasok ka ng ahas sa loob ng iyong sasakyan. Alam mo beki hindi ka dapat nag titiwala sa mga nakikita mo lang kung saan. Dahil kung minsan ang pinaka malapit na kaibigan ay siya mo palang kaaway.” ang wika nito

Napa atras si Super Beki at panandaliang napako ang kanyang tingin sa lupa..

“Umayon ang lahat sa aking plano. Ayoko naman kasi madumihan ang aking kagandahan dahil lang sa pag patay sa iyo. Kaya naman hinintay kong talunin ka ni Panget at ako na mismo ang mag liligpit sayo para mapasa akin ang planetang ito. Ang sinumulan mo ay tatapusin ko at ang lahat ng hirap mo ay ako ang makikinabang. Poor beki.” ang malanding wika niya.

Tila nagalit si Beki sa kanyang narinig. “Traydor ka Anna! Nag tiwala ako sa iyo!! Traydor kaaaa!” sigaw niya at dito ay nag bago ang kanyang anyo. Naging malaki ulit ang kanyang katawan at walang ano ano ay inatake kaibigang nag traydor sa kanya.

“Excuse me, hindi ako nag traydor. Nag taon lang na bobo ka.” ang wika nito at doon ay hinawakan niya ang hawak na malaking kanyon sa kamay.

Nag liwanag ang sandatang iyon parang nag iipon ng lakas..

Maya maya sumabog ito sa harapan ni Beki. “Time to shine!!” ang wika ni Ganda.

Kitang kita ng aking dalawang mata kung paano nabura ang katawan ni Beki sa isang atake. Hindi ako makapaniwala na napatay niya ng ganoon kadali ang aking kalaban.

At kasabay ng pag kalaho ng katawan ni Beki ay siya namang pag landing ng isang sasakyang pandigma sa mismong pwesto ng sasakyan ni Super Beki kaya nayupi ito.

Lalong nag kagulo ang mga tao sa paligid..

Maya maya bumukas ang sasakyan ng bagong dating kalaban at dito ay lumabas ang isang babaeng may hawak na sniper gun.

Pumose ito at nag salita “Sniper Ready, Give me a target!”

“Nice one Lesley! Tapusin mo na ang lahat ng tao sa paligid!!” ang utos ni ganda

Pumwesto ang kalaban at isa isa niyang binaril ang mga taong gumagalaw. Walang patawad, bata, matanda o kahit na sino ay tinira niya.

Tumawa ng malakas si Super Ganda at marahan itong lumakad sa aking kinalalagyan.

Ako naman ay nag pumilit bumangon upang lumaban sa mga bagong dating na mananakop. Tila isang bangungot ang nagaganap ngayon sa paligid. Nasusunog ang lahat, gumuguho ang mga gusali at nag kakamatayan ang mga tao.

“Hello Handsome!” ang wika niya sabay tutok ng kanyon sa aking mukha.

Umilaw ang bibig ng kanyang sandata..

At bago pa ako kumurap, mula sa aking mata ay isang nakasisilaw na liwanag ang aking nasaksihan..

Mukhang ito na ang katapusan ng lahat..

Nabigo ba ako?

End of Seson 1


Author’s note: Full Credits sa Mobile Legends

S2 NOTE

Mag kwentuhan muna tayo..

Maraming salamat sa mga bumasa sa season 1, katuwaan lang talaga ang pag likha ko kay Super Panget, gusto ko lang baguhin ang mukha ng mga super hero kasi karamihan talaga ay gwapo at maganda. Syempre yung mga trademark natin pag dating sa BXB ay hindi pa rin mawawala. 2017 noong una kong maisip ang konsepto ni Super Panget dapat ilalabas ko ito kaysa kay Ace, kaso ay tinamad akong gawin dahil baka sumablay lalo’t ayaw ng mga tao sa panget na bida.

Ang layunin ko lang dito ay mag bigay ng saya, lalo na sa mga natatrabaho na stress, mga mag aaral na sumasakit ang ulo sa dami ng quiz at exam. Goodvibes lang, sa panahon ngayon hindi natin masyadong kailangan ng kwentong masakit sa puso. Ang gusto ko ay naka ngiti kayo pag nag simula na kayong basahin ang gawa ko. Kapag lumipad ang karakter ay lilipad rin kayo, kapag nasaktan sila ay nasasaktan rin kayo, at kapag masaya sila ay kasama nila kayong tumatawa.

Para sa akin, ang pinaka madaling isulat ay romcom kaya kong tumapos ng maraming chapters sa loob isang linggo, iyon nga lang pag romcom kasi ay nagiging palasak na sa ibang mambabasa lalo na kapag common ang concept. Sa dinami rami ba naman ng kwento dito sa wattpad, milyon ang options mo at milyon rin maaari mong basahin, tiyak na may kamukha kana pag dating sa konsepto. Lalo yung ibang mga mambabasa mahilig mag compare sa mga napapanood nila sa tv o nababasa sa isang books.

Fantasy ang aking forte, nandito na kasi ang lahat, drama, comedy, horror, matinding aksyon at kakaibang konsepto. Pero ito ang pinaka masakit sa ulo, mayroong nakapag sabi sa akin na ang “husay ng isang manunulat ay nakikita sa pag gawa ng fantasy” katulad raw ng mga writer ng Harry Potter, Twilight Saga etc. Masaya naman gumawa, kaso ay maraming anime at maraming fantasy na programa sa telebisyon, marami ring fantasy writer kaya hindi rin pwedeng maging orihinal ang konsepto.

Wala akong hinihingi na kahit ano sa inyo, huwag ninyo ako ifollow, huwag kayo mag paramdam, ako yung tipo ng writer na hindi nag papasikat. Kahit wala akong followers o wala akong matanggap na vote o comments ay ayos lang. Maging silent reader na kayo lahat basta masaya kayo sa pag babasa ng gawa ko ay masaya na rin ako. Ganyan ko kayo kamahal..

AiTenshi

SP Part 22: Bagong Pag Subok

Cover donated by Ace Hathaway. Mabuhay ka!! Maraming salamat..

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Matapos ang isang buwang pag hihintay. Narito na ang kwento ni Nai..

Super Panget

Season 2

Jan 25, 2018

“Nai, kamusta kana? Halika.. Lapitan mo ako.” ang boses ng isang lalaki habang nakalutang ako sa isang malawak na kadiliman.

“Nasaan ako? Bakit ang dilim dito?” ang tanong ko naman.

“Ito ang aking mundo. Alam mo ba na matagal na akong naka kulong dito? Halika.. Tulungan mo ako, ayokong mag isa.” ang wika niya

“Eh bakit ka naka kulong dito? Saka paano ako napunta dito?” tanong ko naman.

“Dinala ka rito ng iyong kalungkutan, ng iyong takot.. Halika, papawiin ko ang negatibong bagay na iyong nararamdaman.” ang sagot niya.

“Nasaan ka?” tanong ko

“Nandito ako sa likuran mo Nai.” ang sagot niya kaya naman agad akong bumalikwas ng tingin. Dito ay naka kita ako ng imahe ng isang lalaki, hindi ko mabanaag ang kanyang mukha bagamat batid kong naka ngiti ito.

“Nai, salamat sa pag dating mo.” ang wika niya at doon ay lumutang siya patungo sa akin.

“Sino ka ba?” tanong ko

“Makikilala mo rin ako Nai. Salamat talaga sa pag dating mo.” ang tugon niya sabay yakap sa akin.

Maya maya ay hinalikan niya ako sa labi na aking ikinagulat.

Noong naka sugpong ang kanyang labi sa akin ay may kung anong imahe ang nakita ko sa aking isipan.

Parang larawang nag flash sa aking paningin..

Ito ang ang itsura ng mundo. Nag liliyab, at unti unting nagugunaw. Ang mga bayan ay naging abo na at gabundok na ang bangkay na naka kalat.

Agad ko siyang itinulak dahilan para maalis ang pag kakasugpong ng kanyang labi sa aking labi.

Tumawa ito ng malakas “Mahal kita Nai, hintayin mo ako ha..” ang naka ngising wika niya at dito ay unti unting nabura ang paligid..

Bumalikwas ako ng bangon sa higaan..

Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng ospital, kulay puti ang paligid at gayon rin ang mga ilaw sa kisame. Nakaramdam ako ng kakaibang kirot ng aking ulo at ang aking dibdib ay naninikip.

Part 22: Bagong Pag subok

“Nai, kamusta ang pakiramdam mo?” ang tanong ni Rui.

Tumingin ako sa kanya “anong nangyari?” tanong ko na may halong pag tataka.

Nasa ganoong pag tataka ako noong biglang mag balik sa aking isipan ang mga eksena noong gabing nakipag laban ako kay Super Beki. Ang huli kong natandaan ay ang pag kawala sa akin ng kalasag at ang pag tutok sa akin ng kanyon ni Super Ganda.

Flash back

Tila nagalit si Beki sa kanyang narinig. “Traydor ka Anna! Nag tiwala ako sa iyo!! Traydor kaaaa!” sigaw niya at dito ay nag bago ang kanyang anyo. Naging malaki ulit ang kanyang katawan at walang ano ano ay inatake kaibigang nag traydor sa kanya.

“Excuse me, hindi ako nag traydor. Nag taon lang na bobo ka.” ang wika nito at doon ay hinawakan niya ang hawak na malaking kanyon sa kamay.

Nag liwanag ang sandatang iyon parang nag iipon ng lakas..

Maya maya sumabog ito sa harapan ni Beki. “Time to shine!!” ang wika ni Ganda.

Kitang kita ng aking dalawang mata kung paano nabura ang katawan ni Beki sa isang atake. Hindi ako makapaniwala na napatay niya ng ganoon kadali ang aking kalaban.

At kasabay ng pag kalaho ng katawan ni Beki ay siya namang pag landing ng isang sasakyang pandigma sa mismong pwesto ng sasakyan ni Super Beki kaya nayupi ito.

Lalong nag kagulo ang mga tao sa paligid..

Maya maya bumukas ang sasakyan ng bagong dating kalaban at dito ay lumabas ang isang babaeng may hawak na sniper gun.

Pumose ito at nag salita “Sniper Ready, Give me a target!”

“Nice one Lesley! Tapusin mo na ang lahat ng tao sa paligid!!” ang utos ni ganda

Pumwesto ang kalaban at isa isa niyang binaril ang mga taong gumagalaw. Walang patawad, bata, matanda o kahit na sino ay tinira niya.

Tumawa ng malakas si Super Ganda at marahan itong lumakad sa aking kinalalagyan.

Ako naman ay nag pumilit bumangon upang lumaban sa mga bagong dating na mananakop. Tila isang bangungot ang nagaganap ngayon sa paligid. Nasusunog ang lahat, gumuguho ang mga gusali at nag kakamatayan ang mga tao.

“Hello Handsome!” ang wika niya sabay tutok ng kanyon sa aking mukha.

Umilaw ang bibig ng kanyang sandata..

At bago pa ako kumurap, mula sa aking mata ay isang nakasisilaw na liwanag ang aking nasaksihan..

Mukhang ito na ang katapusan ng lahat..

Nabigo ba ako?

End of flash back

“Anong nangyari? Bakit buhay ako?” ang tanong ko. “Ang huli kong natandaan ay tinutukan ako ni Super Ganda. Nag liwanag ang lahat..” bulong ko sa aking isip

“Nag kagulo doon sa buong siyudad. Natalo yata yung panget na super hero at pag katapos ay mayroong lumanding na bagong kalaban. Nakipag bakbakan ang mga sundalo at pulis para maitaboy ang mga ito. Nag datingan ang pwersa ng pamahalaan, mga kanyon,, tangke at sasakyang pag himapapawid ang nakipag laban sa mga mananakop na alien. Ikaw ay dinala lang dito ng isang sundalo, kasama ka sa libo libong nasugatan at nawalan ng malay. Ang akala nga namin ay kasama kana doon sa mga binaril ng sniper na Alien.” ang wika ni Rui

“Ang akala ko rin.” ang tugon ko habang nakatitig sa ilaw ng kisame.

Tahimik sa loob ng silid. Walang maririnig kundi ang ingay ng aircon at telebisyon.

Reporter

: Apat na araw matapos ang naging labanan sentro ng siyudad. Halos maubos ang pwersa ng pamahalaan dahil sa pananakop ng mga alien mula sa ibang mundo. Gayon pa man ay taglay pa rin ng mga tao sa siyudad ang tibay ng loob at katatagan para muling bumangon at ilagay sa normal ang kanilang buhay. Tinatayang humigit kumulang sa 800 sibilyan ang nasawi sa labanan, kabilang na rito ang ilang gwapong lalakihan na dinakip ng baklang alien na si Super Beki.

Nag iwan naman ng malaking pinsala ang digmaan sa pagitan ng pamahalaan at mga dayuhang mananakop. Walang nakaka alam kung kailan babalik ang mga kalaban kaya’t ibayong pag hahanda ang ginagawa ng lahat upang sila ay maligtas.

Samantala balitang Pa-star naman tayo. Ilang imahe ang inilabas ng social media kuha ito ng pinaka bagong “superhero” ng ating mundo. Siya ay tinaguriang si Super Panget na napaka panget naman po talaga mga kaibigan hano. Kitang kita sa video footage kung paano makipag tagisan ng lakas ang mandirigmang ito upang ipag tanggol ang sangkatauhan.

Ang pag labas kaya ni Super Panget ay hudyat ng pag asa o isa lamang itong kamalsan? Isa ba siyang gabay o isang sumpa na dapat iwasan? Ako po si Susie Mae Lawit ang pinsan ni Liza Mae Lawit. At ito ang Expose sa News flash!“

End of report..

Tahimik..

“Kamusta yung bahay natin? Yung mga gusali ni papa?” tanong ko

“Dalawang gusali natin ang nawasak. Pero inaayos na ito ngayon. Hindi naman naapektuhan ang bahay natin dahil malayo ito sa labanan.” tugon ni Rui.

“Mabuti naman.” ang sagot ko sabay pikit sa aking mga mata. Dito ay naramdaman ko ang kamay ni Rui na humahaplos sa aking pisngi. “Huwag mo na akong iiwan ha. Dito ka lang.” ang bulong niya.

Marahang gumapang ang aking kamay sa kanyang kamay at hinawakan ko ito. Palad sa palad, daliri sa daliri..

“I love you.” ang bulong niya..

Ngumiti ako at mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kanyang kamay.

Makalipas ang ilang araw, agad bumuti ang aking pakiramdam. Bumalik na rin sa normal ang lahat kabilang na ang mga tao sa siyudad na walang nagawa kundi ang lumakad pasulong sa kabila ng takot at panganib na maaari nilang sapitin sa kamay ng mananakop.

Maraming namatay noong nakaraang sagupaan, siguro ay mahina nga akong superhero dahil halos nag buwis ng buhay ang lahat at wala akong nagawa kundi ang mapahiga dahil sa pag kaubos ng aking lakas. Nahihiya ako sa aking sarili..

“Nai, ayos ka lang ba? Kumain kana. Ako mismo ang nag luto niyan.” wika ni Rui habang inaayos ang pag kain sa lamesa.

“Nasaan sina mama?” tanong ko

“Inuwi ni papa si mama doon sa probinsya dahil masyado itong natrauma doon sa kaguluhan. Inaasahan nila susunod tayo doon bukas.” ang sagot niya

“Pwede naman, mas tahimik doon sa probinsya.” naka ngiti kong tugon

Ngumiti si Rui “ayos! Aayusin ko na yung mga gamit natin!” ang excited niyang tugon.

Masayang umakyat ng hagdan si Rui ako naman ay naka ngiti lang habang pinag mamasdan ito na lumulutang sa matinding tuwa at excitement.

“Nai..” ang boses ng isang lalaki kaya naman agad akong luminga sa paligid.

Kasabay ng tinig na iyon ang pag babago ng paligid. Ang lahat ay nabura at napalitan ng kadiliman kaya naman napa balikwas ako ng tayo habang pinanonood na lamunin ng itim na kulay ang lahat. “Sino ka?” tanong ko

“Nai, mahal kita. Akin ka lang.. Hindi ako papayag na mapunta ka sa kanila.” ang wika nito

“Sino ka ba? Mag pakita ka sa akin!”

“Mag kikita na rin tayo. Nasasabik na ako saiyo. Tumingin ka sa gawi roon.” ang sagot niya kaya naman humarap ako sa aking kaliwat kanan.

Dito ay nakita ko si Rui na nakaluhod, sugatan at maya maya ay laking gulat ko ng bigla na lamang maputol ang kanyang ulo. “Iyan ang gagawin ko sa mga taong aagaw sa iyo. Akin ka Nai, mahal na mahal kita.” ang wika ng tinig at tumawa ito malakas.

Labis akong nabigla sa aking nakita. Hindi ko maipaliwanag ngunit nakaramdam ako ng kakaibang takot at kilabot sa aking katawan. Kitang kita ng aking dalawang mata kung paano humiwalay ang ulo ni Rui sa kanyang katawan. Pinatay siya ng walang kalaban laban!

Tahimik..

Unti unting nabura ang kadiliman at muling bumalik sa normal ang lahat. Noong ako ay mahimasmasan ay hindi ko na nagawa pang kumain. Agad akong umakyat sa aming silid kung saan naroon si Rui.

Patuloy sa pag kabog ang aking dibdib sabay pihit sa doorknob. Dito ay naabutan ko siya na inaayos ang aming mga bag. Naka hubad ito at nakatapis lang ng tuwalya.

Nagulat siya noong buksan ko ang pinto. “O, tapos kana kumain?” ang tanong niya

Hindi ako sumagot. Muling nag balik sa aking isipan yung pangitain kanina at labis akong natatakot para sa kanya. “Tol, ayos ka lang ba?” tanong niya

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na kanyang ikinagulat. Mahigpit ang aking pag yakap dahilan para mapaupo siya at dito ay naalis ang tuwalya sa kanyang bewang. Lumantad sa akin ang kanyang pag kalalaki ngunit wala siyang paki alam. “Anong problema?” tanong niya habang hinihimas ang aking buhok.

Umiling ako at nanatiling naka subsob sa kanyang matipunong dibdib. Halos takot na takot na pa rin ako. Kakaiba ang pangitaing iyon. At nakaka kilabot na makita mo ang kamatay ng taong labis mong pinahahalagahan.

“Nag lalambing ang baby bro ko.” ang wika niya sabay angat sa aking labi at hinalikan niya ako.

Lumaban ako ng halik, dampi dampi lamang hanggang sa maging dila sa dila na ito. Naramdaman ko rin na kinuha niya ang aking kamay at inilagay ito sa kanyang matigas na pag kalalaki.

Napasinghap siya noong hawakan ko ito at pag laruan ng husto ang ulo na mayroong lumalabas na paunang katas.

Patuloy kami sa pag hahalikan habang ang aking kamay ay nag tataas baba sa kanyang katigasan.

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa itinigil niya ang pag halik sa aking labi at saka ito tumayo sa aking harapan. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama at itinapat sa akin ang kanyang pag kalalaki.

Matigas, parang saging, mapula ang ulo na animo makopa, mikinis at napaka linis ng paligid. Inilapit niya sa aking bibig ang kanyang pag kalalaki kaya naman malaya ko itong ipinapasok sa aking bunganga.

Halos napapa singhap siya noong dumampi ang aking mainit na dila sa ulo ng kanyang pag kalalaki. Kitang kita ko ang kanyang pag tingala habang ninamnam ang sarap na dulot ng aking pag papaligaya sa kanya. Unti unting nawala ang pag aalala sa aking isipan at agad itong napalitan ng matinding pag nanasa.

Mahaba ang pag kalalaki ni Rui, hindi ko ito maisubo ng buo kaya naman ang natitirang katawan ay jinajakol ko na lang. Hindi naman ako nabigo dahil lalo pa siyang napapa unggol sa aking ginagawa.

Patuloy ako sa pag taas baba sa kanyang mala kahoy na sandata hanggang sa kusa nang gumalaw ang kanyang bewang upang salubungin ang aking pag ulos.

Umuungol siya at panaka nakang napapa unat ang binti sabay singhap ng malalim.

“Ayan na..” ang impit niyang salita at saka sumabog sa aking bibig ang kanyang malapot at mainit na katas.

Hindi ko maipaliwanag ang lasa kaya naman iniluwa ko ang kanyang ari at ang ibang katas ay tumalsik sa aking mukha.

Noong mailabas niyang lahat ay napatingin siya sa akin at natawa. Kumuha siya ng pamunas at pinunasan ang mga katas sa aking mukha.

Pag katapos noon ay muli niya akong ginawaran ng halik sa aking labi. Kinandong niya ako at niyakap ng mahigpit.

Ito ang unang beses na bumigay ako kay Rui bagamat noon pa man ay napapatitig na ako sa kanyang katawan. Hindi naman masama kung iyong iisipin dahil kahit papaano ay nakasanayan ko na rin na mag kasama kaming dalawa.

Siya ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko, at natatakot ako sa pangitain iyon, o kung ano man iyon.

Gayon pa man ay hindi ako papayag na masamang mangyari sa kanya. Hahadlangan ko ang kapalarang iyon, kahit ano pa ang maging kapalit.

Itutuloy..

SP Part 23: Ang Ilog ng Balrik

Kuya Rui


PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

AiTenshi

Jan 26, 2018

Part 23: Ang Ilog ng Balrik

“Kohei, ilang oras pa ba bago tayo makarating sa probinsya?” ang tanong ko hinahanap ang earphone ng aking cellphone.

“Mga tatlong oras pa po Master.” ang sagot ni Kohei na abala sa pag ddrive.

“Oh etong earphone ko ang gamitin mo, init ng ulo mo e.” ang wika ni Rui sabay abot sa akin ng kanyang gamit mula sa harap.

“Mukhang hindi apektado ng kaguluhan ang mga lugar na ito. Payapa at tahimik.” ang wika ni Kohei.

“Mukhang mas naaakit ang mga alien doon sa siyudad natin dahil sobrang unlad nito. Ang sabi ko nga kina mama ay mag papatayo ako ng bahay pahingahan sa probinsya. Mas masaya kasi doon at mas payapa.” wika ni Rui samantalang ako naman ay naka tingin lang sa labas ng bintana kung saan pinag mamasdan ko ang malalawak na bukirin na aming dinaraanan.

May kakaiba sa aking katawan, pakiwari ko ay wala na akong kapangyarihan. Hindi ko na rin nakakausap si Sin, tila nawalan kami ng koneksyon sa isa’t isa mag buhat noong maubos ang aking lakas dahil sa pakikipag laban kay Super Beki. “Nasaan na kaya siya ngayon? Galit kaya siya sa akin dahil binigo ko siya? Dahil hindi ako nag tagumpay na lupigin ang kasamaan?” tanong ko sa aking sarili.

Napa buntong hininga nalang ako habang sumasagi ang mga bagay na iyon sa aking isipan.

Tahimik..

Kinuha ko ang earphone at inilagay ito sa aking tainga. Pinindot ko ang shuffle ng aking mp3 player at nakinig na lamang ako ng musika habang nakapikit ang aking mata.

Music Playing

Hero Heroine

It’s too late baby, there’s no turning around I got my hands in my pocket and my head in a cloud This is how I do When I think about you I never thought that you could break me apart I keep a sinister smile and a hold of my heart You want to get inside Then you can get in line But not this time

Cause you caught me off guard Now I’m running and screaming

I feel like a hero and you are my heroine

I won’t try to philosophize I’ll just take a deep breath then I’ll look in your eyes This is how I feel And it’s so surreal I got a closet filled up to the brim With the ghosts of my past and their skeletons And I don’t know why You’d even try But I won’t lie

You caught me off guard Now I’m running and screaming

I feel like a hero and you are my heroine Do you know that your love is the sweetest sin?

And I feel a weakness coming on It never felt so good to be so wrong Had my heart on lockdown And then you turned me around And I’m feeling like a newborn child Every time I get a chance to see you smile It’s not complicated I was so jaded

“Nai, gising na. Nandito na tayo.” ang boses ni Rui habang tinatapik ang aking pisngi.

Tila nahimbing yata ako ng tulog, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami rito sa probinsya. Nakita ko si mama sa labas kausap si Kohei kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon ay sumilip sa bintana. “Maaaa!” ang pag tawag ko na parang isang bata

Nangiti si mama at agad niya akong sinalubong. “Mabuti naman at naisipan niyo nang sumunod dito. Ayoko na sa siyudad dahil kung ano anong kababalaghan ang nagaganap doon!” ang wika ni mama sabay yakap sa akin.

“Asan si papa?” tanong ko

“Nandito, kasama ng mga tito mo. Mayroon silang tinitingnan na lupain. Balak niya yata itong bilhin.” ang sagot nito.

Dito sa probinsya naka tira ang pamilya ni mama. Ang bahay na aming titirhan dito ay kanila. Kung tutuusin ay mas mayaman pa nga ang pamilya ng aking ina kaysa kina papa dahil marami silang bukirin at lupang sakahan. Ewan ko ba kung bakit takot na takot akong ipatapon dito sa probinsya e hamak ganda dito kaysa doon sa siyudad. Sa simoy palang ng hangin ay talagang mawiwili kanang tumambay doon sa labas.

“Ayos ba?” ang tanong ni Rui sabay akbay sa akin. Sabay kaming pumasok sa bakuran.

Malaki ang bahay nina mama dito, spanish ang tema ng buong paligid. Mula sa kagamitan, haligi, bintana at pati ibubungan ng bahay ay ganoon rin. Sa harap palang ay sinalubong na kami ng mga kasamahan sa bahay lahat sila ay naka ngiti at talagang nag sipag handa pa ng masarap na pag kain.

“Matagal ko nang pinag babakasyon dito si Nai, kaso nga lang ay talagang nawiwili ito doon sa siyudad.” ang wika ni mama

“Babae ba iyang si Nai? Bakit maraming hikaw?” ang tanong ni Lola (nanay ni mama) noong makita ako.

“Ma, lalaki iyan. Uso kasi doon sa siyudad ang may hikaw ang mga kalalakihan.” wika ni mama. “Alisin mo na kasi iyang kolorete mo sa tainga.” ang bulong niya.

Maya maya ay umentrada naman si Rui, nag mano ito kay Lola. “Ito na ba si Igor? Ang gwapong binata mo na pala. May asawa kana ba?” tanong ng matanda

“Wala pa po lola. Pero malapit na.” ang naka ngising sagot niya sabay tingin sa akin.

“Kumain na kayo diyan. Nag pahanda ako ng marami putahe doon sa kusina.” ang wika ng matanda.

Isang magarbong salo salo ang naganap sa aming pag dating. Ang lahat ng kasambahay ay naging abala sa pag aasikaso sa amin. Dito ko napansin ang husay makisama ni Rui, halos ang lahat ay nakaka giliwan siya pinupuri at pinakitutunguhang mabuti.

Habang nasa ganoong pag kain ako ay napansin kong may mga batang dumaraan sa harap ng bakuran, mga kaliligo lamang ng mga ito habang masayang nag tatakbuhan. “Saan sila galing?” ang tanong ko.

“Ah, ang mga bata pong iyan ay naligo doon sa ilog ng Balrik.” ang sagot ng isang kasambahay.

“May ilog dito? Talaga? Malinis ba? Pwedeng maligo?” ang tanong ko naman.

“Opo master, malinis at parang kristal ang tubig. Lalo na doon sa talon sa paanan ng bundok.”

“Kung gayon pupuntahan ko ito!” ang excited kong tugon.

“Nai, hindi na maaaring umalis. Alanganin na.. At isa pa ay delikado sa ilog na iyon.” ang wika ni Lola.

“Bakit hindi? Maaga pa naman diba? Alas 5 palang ng hapon. Masarap maligo sa ilog ng gabi.” ang sagot ko

“Hindi ordinaryong ilog ang Balrik. Sa umaga ay mababaw ito at parang kristal ang tubig. Pero habang kumakagat ang dilim ay lumalalim ito at nangunguha ng mga buhay.” ang wika ni Lola

“Ma, huwag mo na tinatakot ang mga bata.” ang pag pigil ni mama sa kanyang ina.

“Aba ay bakit hindi? Totoo ang tungkol sa Ilog ng Balrik. Noong dalaga ako ay nakita ko ang engkantong naninirahan dito at nais niya akong isama sa kanyang kaharian ng mga ginto at pilak.” wika ng matanda

“Rui, ang mabuti pa ay ipasok mo na ang kapatid mo sa inyong silid. Alam mo naman iyang si Nai madaling mapaniwala sa mga ganyang bagay.” wika ni mama

“Bakit hindi ma? Kung siyudad nga dinudumog tayo ng mga alien, bakit hindi rito?” tanong ko

“Aba’t gusto mo pa talagang salakayin tayo ng mga Alien dito.” pag mamaktol ni mama na hindi maitago ang takot.

Hinila ako ni Rui sa aming silid gayon rin ang aming mga gamit. “Halika na sa silid natin, may gagawin tayo!” ang bulong nito

“Huwag po kuyaaa, wag po!” ang sagot ko dahilan para takpan niya ang aking bibig. “Huwag ka maingay. Mag paalam kana sa virginity mo dahil kukunin ko na iyan. Kanina pa nag wawala itong alaga ko.” ang wika niya sabay pakita sa kanyang bukol.

“Ayoko po kuya.. Wag po..” pag tutol ko naman bagamat hindi maalis sa aking isipan yung naganap sa aming pagitan kahapon.

Pag pasok palang sa silid ay agad niyang nilock ang pinto at mabilis akong siniil ng halik sa labi. Niyakap niya ako ng mahigpit at inihiga sa kama samantalang ako naman ay naka kapit lang sa kanyang bilugang braso.

Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg paakyat sa aking tenga at babalik ulit sa aking labi. Iyon ang nag dudulot sa akin ng ibayong kiliti.

Makalipas ang ilang minutong halikan ay agad siyang nag alis ng saplot sa katawan, wala siyang itinira at sa pag kakataong ito ay kitang kita ko na ang kanyang buong kahubadan. Ang gandang ng kanyang dibdib, ang tiyan ay may abs at ang ari niya ay nakatirik na animo saging nag lalaway. Hinubad rin ni Rui ang aking saplot at wala rin siyang itinira dito.

Halos nangiti siya noong makita ang aking pag kalalaki na galit na galit kaya’t hinawakan niya ito at idinikit ang kanyang pag kalalaki sa aking pag kalalaki. Nag taas baba ang kanyang kamay habang mag kadikit ang aming nag lalaway na mga alaga.

Muli kaming nag palitan ng mainit na halik, dila sa dila. Laway sa laway hanggang sa kapwa kami lukuban ng kakaiba sarap ng pakiramdam.

Humiga siya at ako naman ang nag paligaya sa kanya, hinalikan ko ang kanyang labi pababa sa leeg. Nilaro ko rin ang kanyang mala eraser ng lapis na utong at walang ano ano ay sinuso ko ito na parang isang sanggol na gutom. Napaigtad siya at napahinga ng malalim dahil sa matinding sarap.

Matapos kong pag laruan ang kanyang mag kabilang utong ay agad akong bumaba ng halik sa kanyang tiyan papunta sa kanyang pusod. Dinilaan ko ito pababa sa kanyang pag kalalaki na noon ay nag lalaway na sa pananabik.

“Isubo mo na tol, please.” ang pag mamaka awa niya kaya naman malaya kong pinadaan sa aking bibig ang kanyang pag kalalaki.

Napapasinghap siya sa sarap habang nag tataas baba ang aking ulo sa kanyang kahabaan. Kung minsan ay nahihirapan ako lalo’t sumasalubong siya ng ulos.

Makalipas ang ilang minutong pag subo ko ay agad niya akong hinila pataas at muli niya akong pinugpog ng mainit na yakap at halik. Habang mag kasugpong ang aming labi at gumagapang ang kanyang kamay sa aking pwetan at pilit niya itong nilalamas.

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon bago siya pumatong sa akin at inilagay ang aking paa sa kanyang balikat.

Nilawayan niya ang kanyang ari at mariing itinarak sa aking butas. Masakit ngunit tiniis ko, ano lang ba naman ito kumpara sa basagan ng mukhang dinanas ko sa pakikipag labas sa kaaway. Wari’y may napunit sa aking likuran kaya napa igik ako at napa kapit ng mahigpit sa kanya. “Urrggghh”

Samantalang si Rui naman ay nakatitig lang sa akin habang marahang ibinabaon ang kanyang pag kalalaki hanggang sa maya maya ay sumagad na ito dahilan para siya ay mapasinghap.

Hindi muna siya gumalaw at hinayaan akong marelax. Muli niya akong hinagkan sa labi habang paunti unting iginigiling ang kanyang bewang.

Masakit ngunit kakaiba sa pakiramdam lalo na kapag bumabaon ng husto ang kanyang pag kalalaki.

Halos ilang sandali rin siya sa pag kokontrol bago bumilis ang kanyang pag ulos.

Napuno ng unggol ang buong silid bagamat iniimpit namin upang walang makarinig. Patuloy niya akong hinahalikan habang gumigiling na animo turumpo sa aking butas.

Maya maya hinawakan niya ang aking ari at nag taas baba ang kanyang kamay dito kasabay ng pag ulos niya sa aking butas. Halos panawan ako ng ulirat sa kakaibang sarap lalo na noong mamuo ang katas sa aking ari at sumabog ito sa aking tiyan.

Tuloy pa rin siya sa pag ulos hanggang bumilis ito ng bumilis at marating rin niya ang rurok ng ligaya. Sumabog ang kanyang masaganang katas sa aking loob.

Hingal na hingal ito at saka bumagsak sa aking katawan. Ginawaran niya ulit ako ng halik sa labi bago niya tuluyang alisin ang kanyang pag kalalaki.

Noong gabing iyon ay sabay pa kaming naligo ni kuya Rui, at naulit pa ang aming pag tatalik sa buong mag damag. Tila ba mag asawa kaming nag papaka ligaya sa piling ng bawat isa.

Itutuloy..

SP Part 24: White Beki

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 27, 2018

Part 24: White Beki

Reporter:

Samantala, isa nanamang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang lutang sa ilog ng Balrik. Ito na ang ika anim na katawang namamatay ngayong taon. Ayon sa paniniwala ng mga taong naninirahan sa naturang lugar ay protektado raw ng isang magandang engkanto ang ilog at ito ay nang aakit ng mga kalalakihan. Para sa iba pang kaganapan, ifollow nyo lamang ako sa twitter at chat chat tayo! Ito po si Liza Mae Lawit at ito ang chaka minute!

End of report

“Wow si Liza Mae! Live na live ang news flash niya!” ang wika ko noong makita ang reporter na nakikisiksik sa mga tao para kuhanan ng video footage ang bangkay ng lalaki.

“Tol, huwag kang masyadong lumapit at baka maging zombie yung lalaki una kang sakmalin.” pananakot ni Rui

“Hay nakaka boring naman, walang magandang footage eh! Bababa ang rating ko nito! Eh ano kaya kung itapon natin ulit yung bangkay doon sa ilog at kunan natin para mas madarama tapos ikaw misis doon ka iiyak habang kinukuha ang bangkay ng mister mo.” ang wika ni Liza

“Tse! Layuan niyo nga ako! Di na kayo naawa sa asawa kong si Baldo!!” ang iyak ng asawa niya.

“Epal talaga iyang si Liza Mae. Mahilig umeksena.” ang bulong naman ng mga nakiki usisa.

Noong mga sandaling iyon ay pilit kong pinag mamasdan ang naturang ilog, ngunit wala namang kahit ano dito maliban sa malinaw na tubig at mabilis na daloy. Sa gilid nito ay mababaw lang kaya’t parang imposible yata na may malulunod.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay napansin ko ang isang mahabang tulay sa gawing itaas ng bundok. Hanging bridge ito at mukhang nakaka akit pag masdan. “Oy, bumalik na tayo sa bahay.” ang pag hatak ni Rui sa akin.

Sumama ako sa kanya bagamat ang aking tingin ay nakapako sa naturang tulay. Tila ba may nakikita akong isang babaeng naka puting damit, mahaba ang buhok na itim. Lumalakad ito ng marahan sa tulay at maya maya ay huminto.

Nanatili siya sa ganoon posisyon ng ilang sandali saka biglang tumalon. Nabigla ako sa aking nakita kaya naman napa bitiw ako kay Rui. “Oy ano ba?” tanong nito

“Sandali lang kuya, mauna na kayo doon sa bahay. Mag papa picture muna ako kay Liza Mae tapos ay ipopost ko sa fb!” ang pag papa alam ko.

“O sige, bilisan mo ha. Nag hahanda ang pag kain si Mama, baka malate ka tiyak na magagalit iyon.” ang salita niya

“Okay kuya!” ang wika ko sabay takbo patungo kay Liza Mae bagamat noong makita kong nakatalikod na si Rui ay mabilis akong nag tatakbo sa itaas ng bundok sa di kalayuan kung saan naroroon ang tulay.

Ilang minuto rin ako sa ganoong pag takbo bago ko marating ang aking pakay na lugar. Marahan akong nag lakad lakad dito habang pinag mamasdan ang magandang paligid..

Mahingin..

Malamig, tamang tama ang suot kong long sleeve..

Tahimik..

Hinawi ko ang aking buhok at napako ang aking tingin sa kalayuan..

![](https://img.wattpad.com/6a06753b7e915758a1152119d381cdbbeb3f39f6/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f49746f685a6662465644783950413d3d2d3533343237343038382e313531323666663861613866643431643239303734333739323237352e706e67)

Habang nasa ganoong posisyon ako ay may nag salitang lalaki sa aking tabi. “Mukhang malalim ang iniisip mo Nai.” boses ni Sin

“Sin”

“Kamusta kana?” naka ngiti niyang tugon

“Ang akala ko ay nawala kana. Mag buhat noong mag kamalay ako ay hindi ko naramdaman ang prisensiya mo sa aking katawan. Pakiwari ko ba ay bumalik ako sa pagiging normal na tao. Nawala ang aking lakas at nawala rin ang aking kakayahan.”

“Hindi naman nawala ang aking kapangyarihan sa iyong katawan sadyang nahihirapan lamang akong makagalaw dahil binabalot ako ng kadiliman, tila ay isang nilalang na pumipigil sa akin kaya’t pansamantala akong nawala sa ere.”

“Anong pumipigil?” tanong ko

“Hindi ko alam Nai, ang mahalaga ay kaka balik na ako.” ang wika niya

“Maging ako ay naguguluhan rin, kamakailan ay may nakikita akong imahe, sinasabi niya na nasasabik na siyang makita ako, mahal raw niya ako at wawakasan niya ang lahat ng taong mahal ko. Sino ba sa super enemy ang may kakayahang gawin iyon?” ang tanong ko

“Wala, sa tingin ko ay hindi super enemy ang may kagagawan noon. Sa tingin ko ay ibang nilalang ito.” ang wika niya.

“Pero hindi pa rin ako nakatitiyak, siguro ay dapat iwasan ko ang pag iisip ng mga negatibong bagay upang maging payapa ang aking isipan.”

“At kung ano man iyon Nai, kailangan mong mag handa. Ngayon ay napasok na sa mundo si Super Ganda at sa tingin ko nag pplano na itong sumalakay ano mang oras.”

“Teka, bakit ba kasi pumapanget ako? Dati ba ay pumapangit ka rin kapag nag papalit ka ng anyo?” tanong ko

“Oo, pero iyan talaga ang kapangyarihan ko kaya wala na akong magagawa. Okay naman diba? Okay naman maging isang pangit na super hero. Diba?”

“Wala namang may gustong maging panget no. Lalo na ako!” pag mamaktol ko dahilan para matawa ito.

“Maiba ako Nai, bakit nandito ka?” ang tanong niya

“Dahil may nakita akong isang babaeng nakaputi dito. Siguro ay may kinalaman siya sa misteryong bumabalot sa ilog Balrik at kung bakit maraming nag bubuwis ng buhay dito.” ang wika ko

“Ah siya ba ang hinahanap mo?” ang tanong ni Sin sabay turo sa isang babaeng lumalakad ng mabilis sa gitna ng tulay.

“Oo siya nga!” ang wika ko naman sabay takbo para habulin ito.

“Sandali! Miss!!” ang pag tawag ko

Napahinto siya sa pag lakad. Hinahangin ang kanyang puting damit at gayon rin ang kanyang buhok na napagka itim at napagka haba. “Sandali Miss White Lady, ano bang ginagawa mo dito?” ang tanong ko

Nanatili siya sa ganoong pag kakatikod ng ilang sandali bago siya humarap sa akin. “Ako ba ang tinatawag mong miss?” ang tanong niya

Pag harap niya sa akin ay nagulat ako dahil hindi pala ito isang babae kundi isang binabae. “Sorry, akala ko ay white lady ka. White beki pala.” ang tugon ko.

“Paano mo akong nakikita?” tanong niya

“Ewan, basta nakita lang kita. Ano bang ginagawa mo dito sa tulay? At bakit ka tumatalon doon sa ibaba? Saka anong kinalaman mo sa mga nagaganap na pag patay doon sa ilog ng Balrik?” ang sunod sunod kong tanong

“Dahan dahan ka nga sa pag tatanong no, multo ako at hindi google search! Saka bakit interesado kang malaman e hindi ka naman taga rito.”

“Gusto ko lang tumulong upang matigil na ang sumpa o kung ano mang kamalasan ang bumabalot sa ilog na iyon.”

“Pwes mag papatuloy ang sumpa. At habang may lalaki dito sa bayang ito ay hindi ito titigil over my dead sexy body!” ang galit nyang sagot

“O, e bakit biglang nag bago ang mood mo? Saka bakit ba dito nag mumulto sa tulay na ito e wala namang tao dito.”

“Gaga, pag gabi nandoon ako sa ilog no, doon ako kumokota.”

“Huli ka! Edi ikaw pala may kagagawan ng mga pag kamatay doon sa ilog? Naku white beki hindi ka makaka akyat sa langit dahil dumodoble ang kasalanan mo dito sa lupa.” pananakot ko

“Hindi ako aakyat sa langit at lalong wala akong balak gawin iyon. Hindi pa ako nakaka ganti sa mga ginawa nila sa akin! At sisiguraduhin kong mag babayad sila, lalong lalo na si Sergio! Hay pulgoso!”

“Sino ka si Marimar? Tigilan mo nga ako. Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ka ba namatay? At bakit ganyan nalang ang hugot mo?” tanong ko ulit.

“Kaya ako namatay ay dahil ginahasa ako ng mga gwapong lalaki. Ginangbang ako at hindi ko kinaya ang marami.” ang wika niya dahilan para mapataas ang kilay ko. “Weh? Yung seryoso na kasi. Pati ba multo ay nag ddrugs na rin?” pang aasar ko

“Fine! Hindi talaga ako ginahasa ng mga gwapong lalaki. Fantasy ko lang iyon.” sagot niya

Tumingin si White Beki sa kalayuan at maya maya ay humarap ito sa akin. “Doon ang flash back.” ang wika niya sabay turo sa ilog.

At dito nga ay kinuwento niya ang pang yayari noong siya ay namatay.

Flashback

Year 1995

Kapapanalo ko palang sa miss gay dito sa bayan. Ako ang pinaka maganda sa lahat, ligwak ang mga kabaklaan sa beauty ko. Kapag umentrada na ako sa stage ay matatakot na ang mga kalaban ko at mag uuwian na sila. Ganyan katindi ang kagandahan ko. Pero wala itong kinalaman doon sa kwento ko.

So tumalon tayo sa 1996..

Alas 6 ng hapon noong umuwi ako galing sa aruba ng barkada. Nag lalakad ako diyan sa tabi ng ilog. Syempre careful ako sa pag wawalk lalo na maputik, lundag dito, iwas doon, kendeng kendeng, dapat poise pa rin. O may tae pa ng kalabaw kaya umiwas rin ako. Alam mo na mahal ang high heels, priority ang outfit of the year.

Pag dating sa bahay ay agad kong binuksan ang pinto ng malakas so nasira ang pinto kaya kinumpuni ko pa. Dito ko naabutan si Itay lasing siya at talagang galit na galit sa akin.

“Itay, bakit po.” ang wika ko habang natatakot.

“Bakit ngayon ka lang umuwi Mario? Bakit ganyan ang itsura mo? Halika nga dito!!!” ang galit na entrada niya sabay hablot sa aking buhok.

Kinaladkad niya ako patungo sa kwarto at dito ay ginawa ni Itay ang kanyang maitim na balak. “Itay huwag po! Anak nyo po ako!! Huwaaag itay!! Plit!!!” ang sigaw ko pero talagang lasing si Itay wala siyang marinig dahil batid kong nilukuban na siya ng matinding pag nanasa na maisagawa ang kanyang nais sa aking katawan.

Halos mag sisigaw ako dahil hindi ko kaya ang ginagawa sa akin ng aking sariling ama..

Hawak pa rin niya ang aking buhok at aking dalawang kamay kaya hindi makalaban. Nang hina nalang ako at wala akong nagawa kundi ang pumikit at mag paubaya nalang sa ginagawang pag nanasa ng aking sariling ama.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos si Itay sa kanyang ginagawa sa akin. Nakaraos si Itay kahit lasing siya.

Tahimik..

Noong imulat ko ang aking mata ay laking gulat ko noong makita ng bago na ang aking buhok. Straight na ito at ang ganda ng pag kaka unat. Inayos rin ni Itay ang aking kilay at nilagyan pa ako ng kaunting blush on. Ang ganda ko.. Iba talaga ang pag nanasa ni itay sa aking buhok, mahaba kasi ito at natural ang pag kaka unat.

Napatingin ako kay Itay at dito ay nag iyakan kami. Magaling pala talagang mag rebond si Itay, hindi ako naniwala sa kakayahan niya noon. Ngayon ay bilib na ako sa kanya.“ ang maingiyak ngiyak na wika ni White Beki

End of flashback

(Author’s Note: Matagal na jokes na ito. High school pa ako Lol)

“Hala, kaya pala ang ganda ng buhok mo.” ang wika ko naman. “Kaso parang nabasa ko na iyan sa mga lumang jokes noon.” ang pag basag ko pa

“Sa amin nag mula ang kasaysayan na iyon. Touching no? Pero hindi ko alam na dito mag sisimula ang pinaka malaking kalbaryo sa aking buhay.” ang seryoso niya salita.

“Intro pa lang ba iyon?” ang tanong ko

“Oo naman. Eto palang ang dahilan ng lahat. Tingin ka ulit sa ilog, naroon ang flash back!” ang wika niya kaya kapwa kami humarap sa direksyon kung saan nakaturo ang kanyang kamay.

Flashback

At dahil nga sa ginawa akong maganda ni Itay, nag pasya akong rumampa sa bayan. Simpleng damit lang ang suot ko para umangat ang ganda kong mala diyosa at ang buhok kong sumusunod sa galaw ko. Kaunting hawi lang ng kamay ay unat na ulit.

Syempre nag pa cute ako sa mga boys, nag papansin ako sa crush kong si Sergio hanggang sa ma notice na nga niya ng beauty ko.

Naka suot si Sergio ng body fit na sando at maiksing short, bukol na bukol ang kanyang ari, inaakit pa niya ako dahil sinasadya niyang ipakita sa akin ang buhok niya sa ibaba tapos ay ilalabas niya ang dila niya na parang libog na libog talaga.

Kinindatan ako at sinabing sumunod ako sa kanya sa tabing ilog. Syempre sino ba naman ako para tumanggi? Hindi ko kayang tumanggi dahil crush na crush ko siya. Kaya naman agad ko siyang inundan sa tabing ilog.

“Marie, halika dito.” ang pag yaya niya.

Agad akong lumapit sa kanya mula sa kadiliman at dito ay nakita kong nakapasok ang kanyang kamay sa loob ng kanyang short kaya naman mas lalo pa akong nanabik.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay bigla na lamang may narinig akong nag tatawanan. Iyon pala ang mga kabarkada ni Sergio na amoy alak at amoy na amoy ang ipinag babawal na gamot sa kanilang hininga.

“What? Anong ginagawa niyo dito? Balak nyo ba akong gahasain ng sabay sabay? Gang bang ba ito?” tanong ko

“Bakit ayaw mo ba? Malalaki ito!” ang wika niya

“Game na!!” ang wika ko naman

Nag tawanan sila..

“Penge munang pera Marie. Para ganahan kami!” ang wika ni Sergio

“Marie? Eh si Mario iyan pare ah!” ang natatawang tanong ng isa

Tawanan ulit sila..

“Marie akin na ang pera mo!” pag pupumilit ni Sergio

“Eh wala akong pera ngayon, ganda lang talaga ang dala ko!” ang sagot ko

“Ah ganon ba! Edi mainam pang bugbugin ka nalang namin!” ang wika ni Sergio kaya naman napaatras ako at nag tatakbo patungo sa paanan ng bundok.

Takbo ako ng takbo kahit naka high heels, syempre sanay na sanay ako dahil beauty queen nga ako diba. Kahit bato bato pa iyan ay kering keri ng beauty ko!

Patuloy pa rin sila sa pag habol sa akin.

“Help! Tulungan nyo ko! Help!!” ang sigaw ko pero walang nakaka rinig sa akin.

“Hoy Marie bumalik ka dito!” ang sigaw ni Sergio

“Ayoko masasama kayong tao! Mga bwisit!!” ang sigaw ko at doon ay nag tatakbo ako patungo sa tulay.

Patuloy pa rin nila akong hinabol hanggang sa gitna ng hanging bridge at noong mapunta ako sa gitna ay napahinto ako. “Maawa kayo sa akin! Please huwag nyo akong saktan!”

Pero patuloy pa rin silang lumapit sa akin kaya’t napaatras ako.

Wala akong kamalay malay na marupok pala ang kahoy na aking natapakan kaya nasilat ako at nahulog mula sa itaas..

Alam kong katapusan ko na iyon kaya naman habang bumabagsak ang aking katawan ay isinumpa ko ang lahat ng kalalakihan dito sa paligid ng ilog Balrik. Lahat sila ay mamatay at malulunod.“ ang may galit na salaysay niya

Noong bumagsak ang aking katawan sa lupa ay nagawa ko pang pumose nang naka pamewang katulad ni Janine Tugonon bago lagutang ng hininga.

End of flash back

“Eh kasalanan mo naman pala. Kaengotan ang ginawa mo! At kalandian ang tawag doon.” ang pag basag ko

“Imbyerna ka naman. Dapat ay kinakampihan mo ako!” ang pag mamaktol niya

“Bakit kailangan mong idamay ang mga lalaki dito? Wala naman silang kasalanan sa iyo. Bakit mo sila pinapatay?” tanong ko

“Excuse me, hindi ko sila pinapatay no. Lahat ng lalaking namamatay sa ilog Balrik ay nalulunod. Katulad nalang ni Baldo. Alam mo ba na lasing iyan, kaya nung nag pakita ako sa kanya kagabi ay natakot ito at nasubsob doon sa tubig. Iyon ang pumatay sa kanya. Lahat ng mga lalaki ay lasing o kaya ay naka singhot ng katol kaya nalulunod sila!” ang wika ni White Beki

“Pero kahit na, hindi mo dapat sila tinatakot.”

“Gusto ko lang na maalala nila ang tungkol sa akin. Ang tungkol sa trahedyang nangyari sa akin noong gabing iyon. At tungkol kay Sergio, buong angkan niya ay itutumba ko!” ang galit niyang wika

Patawarin mo sila at patawarin mo rin ang sarili mo. Panget na ito!“ wika ko naman

“Imbyerna ka naman. Pero infairness okay iyang third eye mo ha. Ang tagal ng bisa.”

“Nakaka kita talaga ako ng mga ganyang bagay. Kaya nasanay na rin ako.” ang tugon ko

Tahimik ulit..

Kapwa kami napatingin sa kalayuan..

“So anong plano mo ngayon?” tanong ko

“Edi tuloy ang pananakot ko.” ang sagot niya

“Hindi ka titigil?” tanong ko ulit

“Aba e hindi. Ganda ko lang! Saka nasa akin pa rin ang sakit.” maaarte niyang sagot

“Kaya pala paulit ulit kang tumatalon dahil dito ka nahulog?” tanong ko

“Oo, ganyan naman talaga ang mga kaluluwa, nanatili ang mga huling ala ala sa kanila at iyon ang paulit ulit nilang ginagawa. Katulad ng mga kaluluwang paulit ulit na tumatawid sa kalsada, o ang lumalakad sa madilim na lugar. Iyon ang pinaka huling gawain na ginawa nila bago sila mamatay.”

“Naunawaan ko na ngayon. Hindi kaba napapagod na paulit ulit kang tumatalon dito?”

“Napapagod, ngunit hindi ko iyon mapigilan.” ang sagot niya at habang nasa ganoong posisyon ako napatingin ako sa sirang bahagi ng tulay kung saan nahulog si White Beki. Dito ay may napansin ako isang papel naka ipit sa sirang kahoy.

Agad ko itong nilapitan. Luma na ang papel at naninilaw na ito. Bagamat hindi talaga masisira dahil naka tabing sa tulay, siguridad na hindi ito mababasa.

“Saan ka naman pupunta?” tanong ni White Beki

“May papel dito.” ang sagot ko sabay kuha sa papel na nakatupi.

Marahan ko itong binuksan..

“May katagalan na ito. Halos bulok na ang papel pero buo pa rin.” wika ko habang marahang inaalis ito sa pag kakatupi.

“Isang sulat!” ang wika ko

“Sulat? Kanino naman iyan?” tanong niya

“Para kay Marie, galing kay Sergio.” ang wika ko at doon ay binasa ko ito.

Narito ang nilalaman ng sulat.

Marie,

Patawarin mo ako sa aking ginawang kasalanan sa iyo. Hindi ko naman intensyon na takutin ka at ilagay sa panganib ang iyong buhay. Alam mo ba na hindi ako nakakatulog ng maayos dahil sa pang yayaring iyon. Kaya naman halos masiraan ako ng bait kapag sumasagi ka sa aking isipan. Maging sa aking panaginip ay ikaw ang aking nakikita.

Marie, patawarin mo ako. Hindi ko sadya ang aking nagawa noon. Kung saan ka man ngayon, sana ay maging masaya ka.

P.S

Noong gabing pinapunta kita sa tabing ilog ay nais ko sanang mag paalam sa iyo kung pwede akong manligaw. Ang totoo noon ay set up naming mag kakabarkada iyon, kunwari ay tatakutin ka namin at pag umiyak kana ay yayakapin kita at mag popropose ako sa iyo. Alam mo ba ikaw ang pinaka magandang dilag sa aking paningin at matagal na kitang nagugustuhan, sinusundan kita ng tingin at parati kitang pinag mamasdan sa malayo.

Patuloy kita hinabol sa tulay ngunit huli na ang lahat. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. At patawarin mo rin ako kung naging torpe ako.

Mayroon pa pala akong sikretong nais sabihin sa iyo. Kamakailan ay nadiskubre ng doktor na ako ay may malubhang sakit at may taning na ang aking buhay. Sa mga oras na mabasa mo ito ay tiyak na wala na ako sa mundo. Ngunit kung nasaan ka man ay hahanapin kita. Mag kita tayo sa langit.

Nag mamahal

Sergio

Tahimik ulit..

Napatingin sa akin si White Beki “Totoo ba iyan? Wa aring?” ang tanong niya

“Totoo nga, o ayan oh.” ang sagot ko sabay pakita sa kanya ng sulat.

Napaluhod si White Beki at napatitig siya sa sulat na ginawa ni Sergio.

“Lumuhod talaga? Mahal ka rin pala si Sergio kaya umakyat kana sa langit hanapin doon si Sergio. Itigil mo na ang pananakot sa mga tao dito.”

Natahimik si Marie at napa titig sa sirang parte ng tulay kung saan siya nahulog.

Tango lang ang kanyang isinukli sa akin..

Niyakap niya ang sulat at nag liwanag ang kanyang katawan. “Tama ka, hahanapin ko si Sergio doon sa langit. Salamat sa iyo.” ang wika niya.

“Mag lakbay ka kung saan mo nais makarating. Mag kakasama rin kayong dalawa pag dating ng takdang panahon.” ang naka ngiti kong sagot

Isang malakas na liwanag ang lumukob sa katawan niya bago ito mag laho sa aking paningin.

Napa buntong hininga nalang ako habang pinag mamasdan ang kumikinang na liwanag na umaakyat patungo sa itaas.

Itutuloy..

SP Part 25: Mundo ng Kaligayahan

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

AiTenshi

Part 25: Mundo ng Kaligayahan

“Bakit ba kasi kailangan na nating bumalik doon sa siyudad? Mas masarap doon sa probinsya eh!” pag mamaktol habang naka sakay sasakyan pauwi.

“Kailangan ni papa ng katulong sa kompanya. Saka bakit parang nag bago yata ang ihip ng hangin? Ang akala ko ba ay ayaw mo doon?” tanong ni Rui

“Syempre gusto ko doon dahil nandun si mama.”

“Ayaw kitang iwan doon, baka maya maya ay may gawin kana nanamang kalokohan kapag wala ako.” M

“Master Nai, huwag kana mag maktol, babalik nalang tayo ulit kapag natapos na ang trabaho ng papa at kuya mo.” ang wika ni Kohei na noon ay abala sa ddrive.

Ilang araw rin ang itinagal namin sa probinsya. Maraming nangyari kabilang na nga dito ang tungkol kay White Beki na naging malaya na sa kanyang pag hihiganti. Mabuti ba lamang at hindi pa huli ang lahat upang mabago ang kanyang isipan at mapakawalan sa sumpa ang ilog ng balrik. Umaasa ako na wala nang mamatay at mag bubuwis ng buhay doon mula ngayon.

Bandang hapon na noong kami ay maka uwi. Ang lahat ay abalang abala sa pag hahanda para sa susunod na digmaan ng militar at mga dayuhan. Nag kalat ang mga kanyon at mga sasakyang pang digma ng pamahalaan upang protektahan ang mga tao sa siyudad. Yung tipong para kang nanonood ng mga pelikula, kahit saan ka lumingon ay mayroong mga sundalong nakatambay.

Hindi rin nag papahuli ang aming pamilya, dahil nag hire rin pala si papa ang mga espesyalita na mag tatanggol sa aming gusali.

Reporter:

Ang lahat ngayon ay abala sa pag hahanda para sa susunod na kalamidad. Ang iba nating mga kababayan ay nag tago na malayong lugar upang maging ligtas. Ang ilan naman ay humukay na lupa at sumanib sa kulto sa paniniwalang magiging maayos ang kanilang kapalaran. May mga ilang tao naman na umanib na sa dayuhang alien dahil naniniwala sila sa kasabihang “if you cant beat them, join them.”

Samantalang balitang pa-star naman tayo. Kahapon ay nag karoon ng Polling sa buong lungsod kung saan boboto ang taong bayan at mag bibigay ng kanilang saloobin at komento.

Ang tanong: Sino ang gusto mong superhero na mag tatanggol sa mundo?

A: Super Nardo 98.7%

B. Jorel 98.7%

C. Ace 98.7%

D. Super Panget 20%

Halos pantay pantay po mga kaibigan ang resulta ng text vote hano, maliban lang dito kay Super Panget na mayroong 20%, mukhang hindi pa siya gaanong kilala ng publiko. At narito ang ilang komento ng netizens!

Comment 1: Kung magugunaw man ang mundo, mas gugustuhin ko pang gwapo ang makita ko noh. Go go Super Nardo!

Comment 2: Sige si Super Panget nalang ang ilaban tutal sira na ang mukha niya! Kahit mabubog ay hindi halata!

Comment 3: Tama yung comment 2! Siya nalang para hindi halata kung magulpi man!

At iyan ang ilang nag babagang balita sa hapong ito. Ako po si Susie Mae Lawit ang pinsan ni Liza Mae Lawit na ngayon ay nasa probinsya pa. Magandang hapon.

*Turn Off TV

“Nakita mo na? Hindi sulit na ipag tanggol ang mundong ito! Napaka sasama ng mga tao!” ang galit kong salita

“Eh sorry friend, 20% lang yung kinaya ng allowance ko. At nag padala ko ng mga magagandang comment para sa iyo kaso hindi pinili ng network. Mukhang niluluto nila ang polling!” ang wika ni Tex habang umiinom ng soft drinks.

“Kung mag sipag salita ay para kung sino mga gwapo at magaganda! Nawalan na ako nang ganang ipag tanggol ang siyudad na ito!”

“Ay wag ka naman ganyan Nai. Imagine kung naging ibang tao si Super Panget malaman ay isa ka sa haters niya at baka ipinabaril mo na siya. Saka kung hindi mo ipag tatanggol ang siyudad paano ang mga taong mahal mo at nag mamahal sa iyo?” tanong niya

“Ililipad ko sila sa malayong lugar para maligtas! Ang iba ay masunog na rito wala akong paki!” ang tugon ko sabay lagay ng mga pag kain sa cart.

“Hoy, Nai umuwi na tayo. Ikaw Tex umuwi kana rin. Nandiyan na yung mga alien baka mahuli ka nila.” ang pananakot ni Rui noong pumasok ito sa store.

“Manakot ba?” tanong ko

“Kaya naman pala ang tagal mo e, nakikipag kwentuhan ka pa pala dito sa gremlin mong kaibigan.”

“Aalis na po ako sir Rui.” ang wika ni Tex

“Geh!” ang sagot ni Rui

Agad akong hinatak ni Rui sa kanyang sasakyan at agad kaming umuwi sa bahay. Mahirap kasing mag lalakad ngayon lalo’t nasa ilalim ng state of emergency ang buong siyudad.

“Ang daming sundalo.” ang bulong ko habang naka tanaw sa daan.

“Natatakot ka ba?” tanong sa akin ni Rui

Tumingin ako sa kanya at tumango. “Oo naman. Ikaw?” tanong ko rin

Tumingin siya sa akin at umiling “Hindi.”

“Bakit hindi?” pag tataka ko

“Dahil nandyan si Super Panget. Alam mo tol, malaki paniniwala ko sa mokong na iyon e. Kahit ganoon ang itsura niya ay nag bubuwis siya ng buhay para sa lahat. Kaya ikaw, huwag kana nagagalit sa mga panget dahil sila ay dakila at talagang maasahan. Hindi dapat tayo tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao, puso ang mahalaga.” ang wika nito sabay gusot sa aking buhok.

Napatingin ako kay Rui at napangiti. “Hindi naman ako galit kay Super Panget. Siguro ay pwede ko na siyang iexempt.”

Natawa siya. “Tado! Teka, parang mag kamuha kayo oh. Dapat pausliin natin ang ngipin mo ng ganito.” ang wika niya sabay kaladya sa akin.

“Kuya wag, nag ddrive ka eh.” ang pigil ko

Tawanan..

Pag dating sa bahay, agad kaming pumasok sa kwarto. Laking gulat ko ng bigla siyang mag alis ng saplot. Walang itinira sa buong katawan kaya buong yabang nanamang sumaludo ang kanyang mala saging na ari. “Bakit wala kang saplot?” tanong ko

“Tayo lang naman dito sa silid diba? Atin ang mundong ito kaya pwede nating gawin ang gusto natin. Sayo naman ako diba? At akin ka lang?” ang tanong niya habang naka ngiti.

“Oo naman.” ang sagot ko sabay yakap sa kanyang hubad na katawan.

Maya maya inalis na rin niya ang aking saplot at kaya pareho na kaming nakahubot hubad. Umupo siya sa sofa at kumandong ako sa kanya paharap sa kanyang mukha. Ang aming mga ari ay mag kadirik habang nag sisimulang mag dampi ang aming mga labi.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nararamdaman kong nagiging mapusok ang halik ni Rui. Binuhat niya ako at inihiga sa kama saka siya pumatong sa akin.

Katulad ng dati ay pinugpog niya ng halik ang aking mukha, pababa sa leeg at ang aking dibdib ay dinilaan niya. Nakikiliti ako ngunit patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawang pag papaligaya sa akin.

Ilang sandali kami sa ganoong posisyon hanggang sa siya naman ang humiga at ako ang umibabaw. Muli kong pinag laruan ang dalawang utong niya gamit ang aking dila habang ang aking isang kamay ay nakahawak sa ulo ng kanyang ari at pinag lalaruan ko ang butas nito na nag lalabas ng paunang katas. Napapasinghap siya sa sarap habang patuloy kong kinakagat kagat ang kanyang dibdib.

Dinilaan ko ang kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan, pusod at hinalik halikan ko ang manipis na buhok dito pababa sa kanyang pag kalalaki. “Ahhhh!” ang narinig kong usal niya kaya naman hindi na ako nag aksaya ng sandali, isinubo ko ang kanyang ari at malaya itong inilabas masok sa aking bibig.

Hinawakan niya ang aking ulo at pilit na idinidiin kaya naman napapaduwal ako sa laki at haba nito. Samantalang siya naman ay napapa ungol sa matinding sarap.

Noong makaramdam ako ng pag ngawit ng aking panga ay agad akong bumalik sa kanyang dibdib kaya naman hinila niya ako at umikot kami. Ako ang nakahiga at siya naman ang pumatong sa akin.

Muli niyang pinudpod ng halik ang aking labi at leeg habang ang kanyang kamay ay nag lalaro sa aking matigas na pag lalaki.

Napa unggol ako sa matinding sarap bago siya muli tumayo at nilagyan ng pampadulas ang kanyang ari. Hinila niya ako patuwad at marahang iniumang ang ulo nito sa aking butas.

Dahil sa dulas ay umulos ito ng marahan kaya napakapit ako sa kobre kama at pilit na tiniis ang sakit. Swabe ang pag pasok ng ari niya sa aking lagusan hanggang sa maisagad niya ito hanggang dulo.

Kapwa kami napaunggol lalo na noong ng simula siyang umulos sa aking likuran. Naka luhod siya ako naman ay parang asong naka tuwad. Katulad ng dati ay nawawala ang sakit nito habang tumatagal at napapalitan ng kakaibang sarap hanggang sa kapwa kami mawala sa aming mga sarili.

Hinawakan niya ang aking ulo pasubsob sa kama kaya naman mas lalo pang umangat ang aking pwetan. Sa ganito pag kakataon ay sumampa na siya sa aking likod na animo hinenteng kumakabayo, dito ay naramdaman kong mas sumagad pa ang kanyang ari sa aking loob, punong puno ito at talagang napapasigaw ako sa kada baon.

Ilang minuto kami sa ganoong posisyon hilahin niya ang aking katawan patagilid. Iniangat niya ang aking paa at muling ipinasok ang kanyang sandata. Hinalikan niya ako habang patuloy sa pag ulos.

Pabilis ito ng pabilis habang ang kanyang kamay kay nag tataas baba sa aking pag kalalaki. “Uugghhh.” isang impit na ungol ang aking pinakawalan bago tuluyang sumabog ang aking katas sa aking tiyan.

Maya maya ay bumilis ng bumilis ang pag bayo ni Kuya hanggang sa hugutin niya ang kanyang ari sa aking lagusan at jinakol niya ito sa aking tiyan.

Sumabog ang kanyang katas at humalo ito sa aking tiyan na puno rin ng aking semilya.

Muli niya akong ginawaran ng mainit na halik niyakap ng mahigpit kaya naman nag halo sa aming katawan ang aming mga katas.

Naulit pa ang aming pag tatalik sa loob ng banyo habang naliligo. Patayo niya akong tinira at may pag kakataon pa naka upo kami sa bathtub. Halos pinag saluhan namin ang buong mag hapong iyon na parang sa amin lang ang mundo. Mga bagay na lalong nag paigting sa aming relasyon.

Itutuloy..

SP Part 26: Bala

full credits Ace Hathaway..


PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

AiTenshi

Jan 29, 2018

Part 26: Bala

“Pinag kakaisahan ako ng network na iyan e. Binuruin mo 20% pa rin ang vote ko sa polling nila!” ang galit kong salita habang abala sa pag kain.

“Sabi ng network wala daw talagang ng vovote kay super panget kasi di sya bet ng madlang people.”

“Pwes! Hindi ko rin sila bet! Mag hintay iyang network na iyan dahil papasara ko na yan! Sisiguraduhin kong mawawalan ng trabaho ang mag pipinsang Mae Lawit at mga kamag anak nila Mae Bayhag!” ang galit ko sagot sabay tusok sa karne sa aking harapan.

“Ang bad mo talaga Nai.” ang wika ni Tex

Tawanan..

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay bigla na lamang nag kagulo ang mga bantay na sundalo sa aming tarangkahan kasabay nito ang pag dagsa ng mga tanke at kanyon sa kalsada.

Tumunog rin ang emergency broadcast system ng buong siyudad hudyat na may kaguluhang nagaganap.

“Ano nangyayari?” tanong ni Tex sa mga sundalo sa labas ng aming bakuran.

“Nag pakita na raw yung mga dayuhang alien at ngayon ay nilulusob nila ang sentro ng siyudad. At hindi lang iyon dahil isa isa nilang pinapatay ang mga lalaking nakikita nila.” ang wika ng sundalo.

“Hala! Nai kailangan na nila ang tulong mo. Mag sa panget kana at lupigin ang kasamaan!” ang wika ni Tex pero hindi ko siya pinansin. Sumubo ako ng pag kain at ninamnam ko pa ito.

“Alam mo ayos itong dessert, hindi masyadong matamis pero grabe ang flavoring.” ang tugon ko

“Nai, nakuha mo pa talagang kumain? Nagugunaw na ang mundo! Please naman!”

“Hindi ako aalis sa mamahaling silyang ito. Kung gusto mo lunukin mo itong baso at mag sa darna ka! Kohei rice please!! Ang tagal naman!” ang sigaw ko pa.

“Sige huwag kang kumilos, yung sinasalakay ng kalaban ay ang sentro ng siyudad. Nasaan ba ang kompanya ng papa at kuya mo? Hindi ba’t nandoon? Paano kung may mangyari sa kanila?” wika ni Tex dahilan para mapahinto ako sa pag nguya.

“Hala! Bakit hindi mo agad sa akin sinabi ang bagay na iyan?” ang tanong ko naman sabay batok sa kanya

“Kanina ko pa sinasabi no, sadyang wala kang paki alam.” ang tugon niya kaya naman agad akong tumayo at nag palit anyo bilang si Super Panget.

“Welcome back Nai!” ang wika ni Sin

“Ready kana ba?” tanong ko naman

“Oo naman! Ako pa ba? Sige lipad na!” ang wika niya kaya naman mabilis akong sumibat sa ere patungo sa sentro ng siyudad.

Sa itaas palang ay nakaka salubong ko na ang mga fighter jet ng militar. Halos lahat ay armado ng maraming sundalo at mga malalakas na sandata. Sa ibaba naman ay ang mga tanke at mga pulis na nag kalat. “Mukhang nag sisimula nang mang gulo si Super Ganda.” ang wika ni Sin

“Medyo matagal rin siyang nanahimik. Bakit bigla bigla naman yata?” tanong ko naman.

“Ganoon naman talaga ang mga kalaban diba? Kung kailan off guard ang lahat ay saka sila aatake. Mabuti na lamang dahil laging handa ang militar ninyo. Sa ibang mundo ay wasak kung wasak ang nang yayari.”

“Anong mayroon kay Super Ganda? Bukod sa malaking kanyon na hawak niya?” ang tanong ko

“Si Super Ganda ay talagang maganda. Pantasya siya ng mga kalalakihan kaya sobrang imbyerna sa kanya si Super Beki. Marami siyang pangalan sa ibat ibang mundo, depende iyon sa trip niya. Minsan ay kumukuha siya ng pangalan sa mga sikat na personalidad sa bawat mundong pinapasukan niya.” ang wika ni Sin

“Yung kakayahan niya? Nakita ko kung paano niya itumba si Super Beki sa isang tirahan lang.”

“Kasi nga weak na si Beki noon, pero kung hindi ay wala siyang laban dito. Si Super Ganda ay mahilig mangolekta ng mga baril at sandatang pandigma. Tiyak na napaka espesyal ng gamit niyang kanyon sa kanyang kamay ngayon.”

“Kung ganoon ay dapat akong mag ingat.” ang tugon ko

“Nai umiwas ka!” ang wika ni Sin

“Ha?”

Bigla nalang may tumamang bala sa aking braso. Maya maya ay meron din sa aking balikat at ang pangatlong bala ay sa aking tiyan dahilan para mawalan ako ng balanse at sumadsad ako pabulusok sa lupa.

Plak!

Tunog ng aking katawan. Talagang bumagsak ako sa gitna ng maraming taong nag papanic. Bumaon ng bahagya ang aking katawan sa kalsada kaya naman pinag kaguluhan na ako. “Nice entrace!” ang wika ni Sin.

“Gago!” ang tugon ko habang bumabangon. Dumura ako ng dugo at unti unting inilabas ng aking katawan ang mga bala ng baril na tumama sa akin.

“Its a bird! Its a plane! No! Its Super Panget!” ang wika ni Liza Mae Lawit sabay takbo patungo sa amin kasunod ng kanyang camera man. “Ngayon po ay nasaksihan natin ang pag basak sa lupa ni Super Panget. Ito na ba na rin ba ang simula ng pag bagsak ng planet Earth?” ang dagdag niya sabay tapat ng mic sa aking mukha. “Hi Super Panget, anong feeling na natamaan ka agad ng baril ng kalaban? Naku kitang kita ng camera ang pag lagapak mo sa lupa, pak na pak! Anong masasabi mo doon?” ang tanong niya

“Tigilan mo nga ako babaeng may lawit!” ang sagot ko sabay lipad palayo sa kanila.

“Ang sungit mo naman, kapanget panget eh! PANGEEETTTT!” ang sigaw ni Liza Mae

Habang nasa ganoong posisyon kami ay napahinto ako sa pag lipad noon bigla nanamang may palapit na bala ng baril sa aking direksyon. Tatlong beses ito kaya naman lumipad ako ng mabilis at nag kubli sa mga gusali. Tiningnan ko kung saan ng mumula ng balang iyon.

Wala naman tao sa paligid..

Kaya naman ginamit ko ang aking espesyal na mata upang makakita sa mas malayong direksyon at dito ay nakita ko ang isang babaeng naka kubli sa pinaka mataas na gusali sa kalayuan. “Hala sniper iyon ha. Hanep ang layo ko na ah!” ang pag mamaktol ko.

“Iyan ang kanang kamay ni Super Ganda. Si Lesley ang sniper niya.” ang wika ni Sin.

(Author’s Note: Sa mobile legends bang bang ko kinuha ng name nina Lesley at Layla. Pati mga lines nila ay doon din. Full Credits sa ML bangbang! Gamer niyo ako ang laki ng gastos ko kakabili ng skin ninyo. Mapakinabangan ko man lang kayo dito sa story ko Lol)

“Super Sniper naman pala iyan. Wala akong takas ah!” ang pag mamaktol at habang nasa ganoong posisyon ako ay isang malakas na liwanag ang namataan kong patungo sa aking kinalalagyan. Mabilis itong sumibat papunta sa akin kaya naman agad rin akong umiwas.

Nawasak ang gusali kung saan akong nag kukubli dahil iyon ang tinamaan. “Ano iyon?” tanong ko

“Iyon kanyon ni Super Ganda.”

“Umabot ng ganito kataas?” gulat kong tanong ko

“Oo, hindi bat sinabi ko naman sa iyo na mahilig siya sa mga sandata. Huwag kana mag taka kung bakit ganoon ito kalakas.” sagot niya at habang nasa ganoong pag uusap kami ay nag sunod sunod na ang baril sa akin.

Ang bala ay nag mumula doon sa sniper na naka kubli sa malayong gusali. Ang isa naman ay nasa lupa na hindi ko malaman kung saan nag mumula kaya naman minabuti kong sundan ang liwanag ng kanyon ni Super Ganda.

Nakita ko ito sa di kalayuan, hawak ang kanyang nag liliwanag na kanyon kaya naman agad akong sumugod sa kanyang kinalalagyan.

Pag lapag ko sa lupa ay sinalubong nya ako ng isang matamis na ngiti. “Nagustuhan mo ba ang entrance namin para sa iyo?” tanong niya

“Natural ay hindi, gusto mo ikaw ang barilin ko?” ang sagot ko naman.

Natawa siya at mula sa kanyang likuran ay lumabas ang sniper na kanyang kasama. “Sniper ready, give me a target!” ang wika nito sabay hawi sa kanyang mahabang buhok.

“Ako si Layla at siya naman si Lesley. Hindi mo na kailangan mag pakilala dahil kilala kana namin Panget!” ang wika niya

“So? Bakbakan na!” ang sagot ko naman na hindi maitago ang pag kagigil.

Wait muna, hindi pa kami ready. “Okay dalhin dito ang voice over!” utos ni Ganda at mula sa kanyang sasakyan ay lumabas ang isang babaeng may hawak na mikropono.

“Ano naman iyan? Commentator o Referee?” ang tanong ko

“Hindi, announcer siya. Makikita mo!” ang wika ni Layla sabay tambling palayo sa akin. “We can do it!” ang wika niya sabay hawak sa kanyang kanyon.

“Sniper Ready, give me a target!” ang wika nanaman ng kanyang kasama.

Announcer: All troops deploy! Smash them!

Nag simulang sumugod ang dalawa sa aking kinalalagyan. Kapwa sila namamaril at talagang mabilis kumilos. Kaya naman mabilis rin akong lumipad palayo ngunit talagang nang hahabol ang kanilang mga bala dahilan para tamaan ako at lumagapak sa lupa.

Announcer: You have slain an Enemy!

Mabilis akong tumayo at kinuha ang bola ng enerhiya sa aking sinturon. Ikinulong ko ito sa aking palad at dito ay lumabas ang aking baril.

Nanlaki ang mata ng Super Ganda na para bang namangha sa kanyang nakita. “Iyan ang baril ng super planet! Sabi na nga ba, hindi ka lang panget, mag nanakaw ka pa!” ang wika nito.

“Inggit much?” ang sagot ko sabay kalabit sa gatilyo ng baril.

Nag liwanag ito at sumabog sa kanilang direksyon. Humarang si Layla a.k.a super ganda at umilaw ang kanyang kanyon . “Time to shine!!”

Sumabog ang kanyang kanyon at dito ay nag abot ang dalawang enerhiya na aming pinakawalan.

Nag salpukan ito at lumikha ng malakas na pag sabog. Ang mga gusali ay nagiba at ang lupa ay yumanig.

“I will drive away the darkness!!” ang wika niya sabay lundag sa aking harapan . “Keep it up, until you are as brilliant as me!”

“Time to shine!” ang wika niya at muling nag liwanag ang kanyang sandata sabay tutok sa aking mukha kaya naman umiwas ako at gumulong gulong palayo sa kanila.

“One shot, one kill.” ang wika ni Lesley na nakatago sa gusali at doon ay apat na balang mag kakasunod sa lumipad sa aking direksyon.

Nataranta na ako kaya nag tatakbo ako ng mabilis at nag kubli sa likod ng malaking gusali. “2v1 mga gago! Hindi patas iyon!” ang sigaw ko habang nakikipag barilan sa kanilang dalawa.

Napa sandal nalang ako sa gusali habang huminga ng malalim. Halos tadtad na rin pala ng tama ang aking katawan, mabuti nalang dahil hindi ako napupurohan ng matindi.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay laking gulat ko noong sumulpot ang sniper na si Lesley sa aking harapan saka ito tumira. Ni hindi ko namalayan ang kanyang pag dating. Bago ko pa malaman na may kakayahan siyang maging invisible bilang first skill niya ay huli na ang lahat.

Tumama ang bala niya sa aking tiyan at tumugak ako sa lupa dahil sa lakas ng impact nito.

Annoucer: Double kill. Shut down!

“Syempre kung may hero dapat ay may minions diba?” ang wika ni Super ganda sa aking harapan

“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko naman.

“Sa laro kapag bulagta ang hero ay papatay ng minions p troops ang mga enemy diba? Kaya papatay rin kami habang bulagta ka” ang wika ng sniper at doon ay isa isa niya pinag babaril ang mga tao sa paligid. Pati ang mga nakatago sa gusali binaril rin niya.

“Tama na!!! Tamaa naaaa!” ang sigaw ko pero hindi nila ako pinansin. Nakuha pang kumanta ni Lesley habang bumabaril. “

Crosshair lock you down, death kisses you on the forehead

“Dead! Before they know me! Shoot! Enemy in range! And you are too

“ dagdag pa niya.

Kitang kita ko ang pag patay nila sa mga tao sa paligid. Ang mga lalaki ay binabaril sa ulo isa isa para patay agad.

Halos mamuo ang matinding galit sa aking dibdib dahil sa kanilang kalupitan. Agad akong tumayo at mabilis na lumipad patungo sa kalaban.

Humarang ang kanang kamay ni Super Ganda na si Lesley kaya naman nag liwanag ang aking kamao..

“Remember to tell my little brother.. Its dinner..”

“Shut up!!!!” ang sigaw ko sabay gawad ng malakas na suntok sa mukha nito.

Sadsad ang kalaban sa lupa. Sinundan ko ito at muling pinaulanan ng suntok. Bulagta naman siya.

Announcer: Double kill!

Sumugod si Layla a.k.a Super Ganda kaya mabilis ko rin siyang inupukan sa mukha.

Hindi natuloy ang kanyang “Time to shine!”

Announcer: Triple Kill!

Bumangon si Lesley.. Inilabas ko ang aking baril at itinutok ito sa kanyang mukha..

Booomm!!

Tumurit si Lesley..

Announcer: Maniac!

Sumugod ulit si Super Ganda kaya mabilis kong binali ang aking baril kayat naging espada ito. Hinataw ko ng mabilis at malakas ang kanyang kanyon dahilan para masira ito at sumabog.

Tumba si Super Ganda..

Announcer: Enemy… Savage!! Wipe Out!!

Itutuloy..

SP Part 27: Ad Molibiria

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

Feb 1, 2018

Announcer: Maniac!

Sumugod ulit si Super Ganda kaya mabilis kong binali ang aking baril kayat naging espada ito. Hinataw ko ng mabilis at malakas ang kanyang kanyon dahilan para masira ito at sumabog.

Tumba si Super Ganda..

Announcer: Enemy… Savage!! Wipe Out!!

Part 27: Ad Molibiria

Napaluhod nalang ako na tila naubusan ng lakas. “Nai ayos ka lang ba?” tanong ni Sin

“Tadtad ako ng tama ng baril sa katawan, bali ba itong tadyang ko. Tapos itatanong mo pa kung ayos ka ako? Ikaw ayos ka lang ba? Gago ka!” ang sagot sabay layo sa dalawang naka bulagtang kalaban.

Announcer: Initiate Retreat!

Announcer: Launch Attack!

“Namumuro na sa akin iyang announcer na iyan.” ang wika ko habang sumasandal sa isang kubling gusali.

Pilit kong inilabas ang mga bala ng baril na nakabaon sa aking katawan at kasabay noon ang pag durugo nito. “Alam mo kung bakit sila weak?” ang wika ni Sin

“Dahil wala silang Tank! Karaniwan sa mga Marksman ay sa late game bumabawi kaya kapag hindi natin sila naitumba ay tiyak tayo ang matutumba.” wika ko habang iniaalis ang ibang bala sa aking tiyan

“May tama ka!!” wika ni Sin

Habang nasa ganoong posisyon ako ay biglang bumukas ang pinto ng gusaling aking sinasandalan kaya naman napatayo ako.

Lumabas dito ang isang lalaki may hawak na bundahe at first aid kit. “Si Rui, anong ginagawa ng mokong na ito dito?” tanong ko sa aking sarili sabay tingala. Dito ko napag tanto na ang gusali palang ito ay ang likuran ng kanyang kompanya.

“Narito ang first aid kit. Halika tulungan kitang gamutin iyang mga sugat mo.” ang wika nito.

“Bakit nandito ka pa? Umuwi kana dahil delikado dito.” ang tugon ko

“Maraming evacuees ang nasa loob ng kompanya. Yung mga taong siyudad ay naroon din sa loob. Ang salamin ng aming kompanya at bullet proof at dekalidad kaya’t kahit bagsakan pa ito ng kanyon ay hindi ito masisira. Ito ang pinaka safe zone sa ngayon.” ang sagot niya sabay hatak sa akin para gamutin.

“Kaninong idea iyan? Na gumamit kayo ng mamahaling materyales?” tanong ko naman

“Sa akin.” ang naka ngiti niyang sagot habang pinupunasan ang sugat sa aking braso. “Dami mong tama ng baril.”

Tumingin ako sa kanya..

Napatingin din siya sa akin at natawa ito. “Wow, ang dami mong ngipin oh, sobra sobra kaya naka usli. 1 2 3 4 5 6” binilang pa niya ito kaya naman binatukan ko siya “Mang asar ka pa eh!” pag mamaktol ko

Naalala ko lang yung kapatid kong si Nai. Kamukhang kamukha mo siya oh. Pareho kayong cute at mukhang alien.“ biro niya.

“Sino siya? Yung kapatid mong super cute, napaka hot at mukhang super model? Huwag mo na nga siya idamay dito. “ inis kong sagot

Natawa siya habang patuloy na nilalagyan ng bundahe ang aking braso at tiyan. “Super model ng kabansutan. Mabaho pa ang hininga nun at tumutulo ang laway kapag tulog.” pang aasar niya

“Hindi totoo yan!” sigaw ko “Este baka hindi naman totoo iyan.“dagdag ko pa na may mababang boses

Natawa siya at kinatukan ako sa ulo..

“Pumasok kana sa loob, siguraduhin ninyong naka lock ang mga maaaring pasukan ng kalaban.” utos ko

“Ayos! Galingan mo Super Panget!” ang wika niya.

Tumango ako at muling lumipad patungo sa dalawang kalaban. “How dare you! Sinira mo ang pinaka paborito kong laruan.” ang wika ni Super Ganda habang isa isang pinupulot ang piraso ng kanyang kanyon.

“Aba, bakit ako ang sisisihin mo, dapat kasi ay hindi mo ginawang pananggalang iyang laruan mo para di nasira.”

Umiyak si Super Ganda at napako ang kanyang tingin sa lupa. “Hala, drama mode talaga?” ang pang aasar ko.

“Alam mo ba na kaya ako nag sanay gumamit ng mga sandata ay upang maipag tanggol ang aking sarili laban sa mga lalaking nanakit sa akin noon. Ang mga hayop na kalalakihan na iyan na walang ginawa kundi manggamit ng mga babae!

Ang mga babae sa aming mundo ay kadalasang inaanakan lamang o kaya ay gagawing palahian. Ni minsan ay hindi kami binigyan ng importansya ng lahat. Ang iba sa amin ay minamaltrato, sinasaktan at ginagahasa kabilang na ako. Kaya naman isang araw, naisipan naming lumaban, winakasan namin ang buhay ng mga kalalakihan at nangakong lulupigin sila hanggang sa wala nang matira sa kanilang lahat! Kapag ako ang nag reyna sa planetang ito ay wala ni isang lalaki ang mabubuhay!“ ang galit niya sigaw sabay iyak ng malakas.

Habang nasa ganoong pag iyak ito ay nakita kong bumangon ang kanyang alalay sa pag kakadapa at hinawakan nito ang kanyang sniper gun. Dumapa ito at inasinta ako. “One shot! One kill!” ang bulong niya kaya naman mabilis pa sa hangin na ako ay lumipad patungo sa kanya.

Sinipa ko ang kanyang sandata kaya noong mapindot niya ay tumama ito sa inosenteng announcer..

Napahawak ang announcer sa mikropono. “Mga teh, bakit ninyo ko dinamay?” ang wika nito habang bumabagsak sabay sabi ng katagang “Defeat!”

Isang malakas na suntok ang iginawad ko sa mukha ni Lesley dahilan para tumilapon ito sa malayo. “Tama na!! Masyado nang marami ang napatay ninyo!”

“Tama na? Nag sisimula palang ang laban pangit!” ang bulong ni Super Ganda at dito ay nag simulang lumiwanag ang kanyang katawan.

“Hala, beast mode agad?” ang tanong ko

“Nai, ang sobrang emosyon katulad ng galit, lungkot at tuwa ay ang nag papabugso sa kanilang lakas. Minsan ay hindi nila ito na cocontrol kaya umaabot sila sa level ng ikalawang bahagdan.” ang boses ni Sin at dito nga ay unti unting nag liwanag ng malakas ng buong katawan ni Super Ganda.

Binalot ito ng kakaibang awrang pandigma dahilan para mag yanig ang lupang aming kinatatayuan. Ang ulap ay nangitim at ang buong paligid ay nag dilim na tila may parating na delubyo.

Nag simulang umangat ang mga bato sa paligid ng kalaban at maya maya bigla nalang itong nag liparang kung saan saang direksyon.

Maya maya isang malakas na liwanag ang lumukob sa buong paligid dahilan para mapa atras nalang ako dahil sa lakas ng pwersa.

Biglang tumahimik..

Unti unting na laho ang liwanag at dito ay nasilayan ko ang bagong anyo ni Super Ganda.

Ang kanyang katawan ay parang naging bakal na robot mula sa kanyang binti paakyat sa bewang, ang kanyang kamay ay ganoon rin. Ang kanyang ulo ay may helmet na bakal at kapansin pansin ang kanyang bakal na bra na mayroong dalawang baril. Ang kanyang likuran ay nag karoon ng bakal na pakpak na nag liliwanag ng husto.

Dumistansya ako ng kaunti sa kalaban. “Bakit ka napaatras ng ganoon?” ang tanong ni Sin

“Natatakot ako sa suso niyang may baril.” ang sagot ko.

“Hindi ko akalaing gagawing bakal at sandatang pandigma ni Ganda ang kanyang katawan. Mukhang sumobra na ang kanyang pag kahumaling sa mga baril at kagamitang metal kaya’t pati ang sarili niyang katawan ay ginawa rin niyang isang sandata.” ang wika ni Sin na may halong takot.

Maya maya ay lumapit sa kanya si Lesley na kanyang alalay at maya maya ay nag liwanag ng husto ang katawan nito at naging isang malaking sniper gun. Nito ko lang napag tanto na ang kanyang alalay ay isa ring robot katulad niya.

At para maka distansya ng maayos ay nag desisyon akong lumipad sa mas mataas na lugar habang iniisip kung paanong didiskartehan ang bagong anyo ng kalaban.

Nasa ganoong posisyon ako ay nakita kong bumukas ang bakal na pakpak ni ganda at mabilis itong umangat sa lupa na parang isang gundam na gawa sa japan. Kung sa bagay, mataas ang antas ng teknolohiya nila kaya’t hindi imposible na magawang bakal ang buong katawan.

Mabilis na lumipad si Ganda patungo sa akin, kaya naman mabilis kong pinindot ang bola ng enerhiya sa aking kamay at inilabas ang aking baril binali ko ito sa gitna kaya’t naging isang espada at punyal.

Ang totoo noon ay hindi ko alam kung paano tatalunin ang isang ito. Sa tingin ko ay mas mahirap siyang lapitan kaysa sa naunang kalaban na si Beki.

Mabilis na sumugod ang kalaban kaya naman iniharang ko ang espada bilang suporta. Nang biglang mag liwanag ang kanyang boobs.

Napa atras ako..

“Ngi, yung boobs niya mukhang sasabog na!” ang sigaw ko habang naka tingin sa dalawang malaking suso ni Ganda na noon ay ng liliwanag na wariy nag iipon ng enerhiya.

Maya maya ay.. Bratatatatatatatattt….

Umulan ng bala sa paligid at lahat ng iyon ay patama sa akin.

“Nai, mag tago ka!” ang sigaw ni Sin

“Ang lakas ng boobs niya! Ang daming bala!” ang sigaw ko rin ang habang nag kukubli sa mga gusali.

Patuloy siya sa pag buga ng bala hanggang sa maya maya ay sumabog ang gusaling pinag tataguan ko. “Ngi kompanya pala ito ng kalaban ni Papa! Lagot ako!” ang wika ko noong makita ang logo ng gusali.

Lumabas ako sa aking pinag tataguan at dito nga ay nakita kong nag liliwanag ng husto ang sandatang hawak niya. Naalala ko kanina kung paano maging sandatang baril ang katawan ng alalay niyang si Lesley.

Inasinta ako nito…

Mula sa bunganga ng kanyang armas ay lumabas ang isang malaking bala. As in malaki! Halos kasing laki ko na ito.

Mabilis itong sumibat patungo sa akin..

“Seryoso?” ang sigaw ko sabay sagupa sa naturang higanteng bala.

“Nai anong ginagawa mo? Mapapahamak ka sa padaskol daskol mong kilos!” ang sigaw ni Sin

“Gago! Kapag tumama sa lupa ang higanteng bala na iyan ay tiyak na mabubura na ang siyudad! Kaya nga tayo nandito ay para protektahan sila at hindi para pasabugin para manalo lang!” ang sagot ko at inipon ko ang aking enerhiya sa aking espada.

Sinagupa ko ang malaking bala..

Noong dumikit ang aking espada dito ay nag simulang lumiwanag ang naturang higanteng bagay..

At sumabog ito..

Malakas, parang isang nuclear weapon..

Ang madilim na kalangitan ay nag liwanag ng husto at yumanig ang buong lupa. Nauga ang buong paligid at wala akong makita kundi purong liwanag lamang na kulay puti.

Isang malakas na pag sabog pa..

Bumulusok ang aking katawan sa lupa. Nawasak ang aking kalasag..

At sumadsad ako sa mga gusaling sira..

Ilang minuto ring nag liliwanag at yumayanig bago ito tuluyang humupa. Kung sa lupa ito tumama ay baka burado na aming siyudad..

Nanatili akong nakahiga sa lupa habang nakatingin sa lumilipad na si Ganda. Sa kabila ng kanyang magandang mukha ay tila may naka kubling isang mapanirang nilalang. Sa tingin ko ay may kakayahan talaga siyang sumakop ng planetang kanyang naisin.

At sa tingin ko ay hindi rin sapat ang aking lakas para gapiin siya.

Itutuloy..

SP Part 28: Ang Bakal na Anghel

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

Feb 2, 2017

Ilang minuto ring nag liliwanag at yumayanig bago ito tuluyang humupa. Kung sa lupa ito tumama ay baka burado na aming siyudad..

Nanatili akong nakahiga sa lupa habang nakatingin sa lumilipad na si Ganda. Sa kabila ng kanyang magandang mukha ay tila may naka kubling isang mapanirang nilalang. Sa tingin ko ay may kakayahan talaga siyang sumakop ng planetang kanyang naisin.

At sa tingin ko ay hindi rin sapat ang aking lakas para gapiin siya.

Part 28: Ang Bakal na Anghel

Bumaba ang kalaban mula sa kalangitan hawak ang kanyang malaking armas na handang sumira sa lahat.

Pinilit kong bumangon, mariin kong itinukod ang aking kamay lupa upang makabalanse. Pinulot ang bola ng enerhiya at ginawa itong espada upang maging tukod sa aking pag tayo.

“Nai, ayos ka lang ba?” ang tanong ni Sin

“Medyo. Akala ko ay patay na ako.” ang sagot ko habang pilit na bumabalanse. Nauga yata ang aking ulo sa lakas ng pag sabog kaya pati ang aking paningin ay umiikot at ang aking pandinig ay nabingaw.

“Mukhang totoo nga ang sabi sabi na maraming planeta ang sinakop ng isang bakal na anghel. Hindi ko lamang napag tanto na ang tinutukoy nila ay si Super Ganda.” ang wika niya

“Masyado siyang OP, mukhang mahihirapan nanaman ako nito.” ang bulong ko naman

Lumakad patungo aking harapan si Super Ganda. Kaya naman ang espada ay ginawa kong baril at hindi ako nag atubiling paputukan siya ng paulit ulit.

Bang! Sumibat ang liwanag ng enerhiya sa kanyang direksyon ngunit humarang ang kanyang bakal na pakpak.

Isa pang tira! Bang!

Ganoon lang ulit ang kanyang ginawa hanggang sa mag kasunod sunod na ang aking pag asinta ngunit bale wala lang sa kanya. Patuloy pa rin siyang lumalapit sa akin.

“Masyadong Over sa power itong si Ganda!” ang bulong ko sa aking sarili habang wala tigil sa pag baril.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay isang malakas na pag sabog rin ang tumama sa kalaban. Ang atakeng iyon ay nag mumula sa aking likuran kaya naman napaharap ako dito.

Dito ay nakita ko ang mga tangke at mga sasakyan ng militar na patungo sa amin. “Tulungan natin si Super Panget!” ang wika ng mga sundalo at lahat sila ay pumalibot sa kalaban sa malayong distansya.

“Fire!” ang kumpas ng komander

Nag simulang umulan ng katakot takot na bala sa paligid ng kalaban. Maging ako ay naki baril na rin upang tulungan sila. “Iyan ang nag kakaisang mga tao para sa kapayaan. Very touching!” ang wika ni Sin.

“Natural, dapat ay tulungan nila ako dahil para sa kanila rin ito.” ang tugon ko naman habang abala sa pag baril ng sunod sunod.

Binalot ng malalakas na pag sabog si Super Ganda. Ngunit ang nakakabigla ay hindi man lang ito nagalusan. Nagawa pa niyang ibuka ang kanyang pakpak at lumipad sa ere.

Napatingala ang lahat sa kanyang pag lipad..

Maya maya ay nag simulang bumukas ang kanyang bakal na bagwis at walang ano ano ay nag simula na itong mag karga ng enerhiya. “Nai, ang kanyang pakpak ay nag lalaman ng daan daang bala! Maraming mamatay!” ang tinig ni Sin.

Nag patuloy sa pag liliwanag ang pakpak ng kalaban kaya naman mabilis nag tatakbo patungo sa mga sundalo sa paligid. “Alis! Takbo!! Delikado iyan!!!” ang malakas kong sigaw.

Tila nagulantang ang mga sundalo ang ilan sa kanila ay nag kandarapa sa pag takbo palayo. Ako naman ay lumipad ng mabilis upang pigilan ang aking katunggali.

Ilang sandali pa ay bumulusok na pababa ang mga bala sa kanyang pakpak. Literal na umulan ng bala na tumatama sa kahit saang direksyon sa lupa.

Ang mga sundalong nahuli ng pag alis ay tinamaan at nag kamatayan. Ang mga tankeng gamit nila ay sumabog at nawasak lahat. “Tama naaa!!” ang sigaw ko sabay gawad ng malakas na suntok sa kanyang katawan.

Natigil ang pag baril ng kalaban kaya’t isang malakas na suntok pa ang pinakawalan ko dahilan para maatras ito.

Huminto ang pag ulan ng bala..

Ngunit maya maya ay gumalaw ang kanyang kamay at itinutok sa aking harapan ang kanyang hinganteng kanyon saka ito mabilis na bumuga ng higanteng bala.

Kung iiwas ako ay mabubura ang siyudad. Kung sasaluhin ko naman ay tiyak na mapipinsala ako ng husto..

“Ano ang gusto mo Nai? Iiwas ka o sasalba mo ang lahat?” ang tanong ni Sin

“Kailangan ko pa ang kaunting kapangyarihan! Kaunti pa! Kaunti pa!!” ang sigaw ko naman

“Tigas ng ulo mong bata ka!” ang wika ni Sin at dito ay nag simulang mag liwanag ng asul ang aking buong katawan ala super saiyan 3!

Ginawa kong kalasag ang liwanag na iyon at mabilis kong sinapo ang higanteng bala na tatama sa lupa. Ni wala na akong pakialam kung ano ang mangyari pag katapos nito.

Niyakap ko ang bala at mabilis itong inilipad patungo kay Super Ganda.

“Tikman mo ang palitaw mo!!” ang sigaw ko sabay hagis sa balang kanyang pinakawalan.

Tumama ito sa kanyang katawan..

Lumiwanag sa buong paligid at sumabog!!

Lumakas ng todo ang pag sabog sa itaas na siyang dahilan upang maitulak ang aking katawan palayo. Ang kalangitan naman ay nag liwanag at ang paligid ay muling yumanig.

Bumulagta ang aking katawan sa lupa, tila nakaramdam ako ng pag hilo at panlalabo ng paningin dahil sa malakas na impact ng pag sabog. Paki wari ko ba ay nasagad ang aking lakas at bumaba ito sa lebel na hindi ko na magagawang labanan pa ang aking katunggali.

“Shit! Bakit kasi ang hina ko!” ang bulong ko habang naka bulagta sa lupa

“Hindi ka mahina, nag kataon lang na nauubos ang lakas mo kaka protekta sa inyong siyudad.” ang sagot ni Sin na nag sisimula na ring lumabo ang kanyang tinig.

“Asar!” ang bulong ko habang naka pako ang tingin sa kalangitan.

Tahimik..

Pinilit kong ibangon ang aking sarili. Nanakit ang aking buong kalamnan habang ang aking tuhod ay nanginginig dahil sa matinding pang hihina.

Tagaktak ang pinag halong pawis at dugo sa aking ulo..

Pumapatak ito sa lupa..

Habang nasa ganoong pag bangon ako ay muling lumakad si Super Ganda sa aking direksyon. Tulad ng inaasahan ay naka survive siya sa lakas ng pag sabog ng kanyang sarili bala. Iyon nga lang ay nag karoon na ito ng kaunting pinsala. Ang kanyang mala anghel na pakpak ay naputol, ang kanyang mga joints ay nag sspark at may ilang kawad sa kanyang likuran ang naka lawlaw na parang naputol.

Ngunit kahit na, hindi pa iyon sapat! Ang bakal na anghel na ito ay talagang malakas kaya naman pinilit kong tumayo at iaayos ang aking sarili.

Habang nasa ganoong pag recover ako ay bigla na lamang may pumalupot na kung anong bagay sa katawan ni Super Ganda at mabilis itong inangat sa ere at pinag hahampas sa lupa na parang isang laruan.

Ang kakayahang iyon ay pamilyar sa akin! Mahabang buhok na animo buhay at ang uri ng atake. Hindi maikakatwa na iyon si Super Beki!

“Pero paanong buhay pa siya?” ang tanong ko sa aking sarili habang pinag mamasdan kung paano ipag hampasan ang bakal na katawan ni Super Ganda.

“Tama! Ako nga ito! Me myself and I!” ang wika niya. Naka suot ito ng kanyang kalasag na bra at panty at naka maskara ang kalahati ng kanyang mukha.

Tumilapon ang katawan ni Super Ganda ngunit agad rin itong bumangon. “Patay kana diba? Paanong nangyari iyon?”

“Paano? Dahil hindi lang ako maganda, matalino pa ako! Noong mga oras na pinasabugan mo ako ay nawala lamang ang laki ng aking katawan. Iyon ang nasira! Ngunit ang aking orihinal na porma ay nakatakas. Kaya heto, buhay na naman ako! At pag babayaran mo ang ginawa mo pez ko!” ang wika niya sabay alis ng maskara sa kanyang mukha. Dito ay tumambad sa amin ang kalahati ng mukha ni Super Beki na halos pisak na at mata nalang ang nakalabas. “Tuwing lumalaki ang aking katawan ay nag kakaroon ito ng proteksyon. Nag kataon lamang na walang masyadong proteksyon ang aking ulo kaya noong tinamaan ito ni Ganda ay napinsala ng husto.” wika niya.

“Pay back time beshie!” ang dagdag pa ni Beki sabay atake sa kinalalagyan ni Ganda.

Muling nahuli ang katawan ni Ganda gamit ang napagkahabang straight hair ni Super Beki na parang nirebond ng maraming beses.

Pumalibot ang buhok sa katawan ni Ganda ngunit pinasabugan lamang niya ito ng bomba dahilan para maputol. “Akala mo ba ay maganda ka pa? Baklang to!” ang wika ni Ganda.

“Anong pinag mamalaki mo? Iyang peke mong suso?” tanong ni Beki

“Excuse me! Hindi fake ang suso ko! Baka iyang sayo ang peke dahil isa kang bakla!”

“Mas okay nang maging baklang mukhang babae kaysa babaeng mukhang bakla! Like you!” ang sigaw Beki.

“At talagang hoping kapa na maging isang magadang bakla? Funny much! It will never happen. Mamatay ka nalang sa inggit sa frenshness petchay ko! At wala ka non! Baklang monster!” ang pang aasar pa ni Ganda.

Noong mga sandaling iyon ay parang naka etchepwera na ako. Patuloy na nag kainitan sina Beki at Ganda. Parehong mag kaiba ng interest. Parehong tuso at makapangyarihan. Sino kaya ang mag tatagumpay sa dalawa, ang nag taksil o ang pinag taksilan?

Itutuloy..

SP Part 29: Labanan ng Kagandahan

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

AiTenshi

“Excuse me! Hindi fake ang suso ko! Baka iyang sayo ang peke dahil isa kang bakla!”

“Mas okay nang maging baklang mukhang babae kaysa babaeng mukhang bakla! Like you!” ang sigaw Beki.

“At talagang hoping kapa na maging isang magadang bakla? Funny much! It will never happen. Mamatay ka nalang sa inggit sa frenshness petchay ko! At wala ka non! Baklang monster!” ang pang aasar pa ni Ganda.

Noong mga sandaling iyon ay parang naka etchepwera na ako. Patuloy na nag kainitan sina Beki at Ganda. Parehong mag kaiba ng interest. Parehong tuso at makapangyarihan. Sino kaya ang mag tatagumpay sa dalawa, ang nag taksil o ang pinag taksilan?

Part 29: Labanan ng Kagandahan

“Ilang daang taon na ang naka lilipas ngunit tayo ay mag katunggali pa rin. Kung sa bagay hindi natin maaaring maiwasan ang inggit diba? Lalo kana beki, dahil bata pa lamang tayo ay imbyerna kana sa akin dahil mas maganda, mas matalino at mas habulin ako ng boys kesa sa iyo!” ang wika ni Super Ganda.

“Ngunit ang kagandahan mo ay napantayan ko. O, sabihin na nating nahigitan ko pa.” sagot ni Beki

“Anong kagandahan iyan? Artipisyal, ang suso mong peke, ang ilong mong peke, ang bewang mong peke. O, sabihin na nating ang lahat sa iyo ay peke. Aminin mo na AKO ang idolo mo kaya ginusto mo ring maging maganda. Diba?” mataray na sagot ni Super Ganda

Natawa si Beki at lumakad ito patungo kay Ganda. “Naunawaan kita, alam kong galit ka dahil ang katawan ko ay fresh, wala pang nakakagamit at murang mura pa. Ang katawan mo ay gamit na gamit na, laspag at boom butas na! Ooopps, sorry kung pina alala ko sa iyo yung pag kakagahasa mo noong kabataan natin.” ang pang aasar ni Beki

“Ang pang gagahasa sa akin. Akala mo ba ay hindi ko alam na ikaw ang may pakana noon? Dahil naiinggit ka sa akin, dahil ako ang madalas nilalapitan ng mga lalaki para mahalin at pag alayan ng buhay nila. Ikaw? Nilalapitan ka lang kapag may kailangan sila, kapag wala silang pang bisyo, pang sugal o pang bigay ng regalo sa akin. Ako ang tunay na babae, ikaw ay isang peke, mapag panggap at feelingerang bakla. Dapat sa iyo ay pinapatay!” ang sagot ni Ganda sabay tutok ng malaking sandata niya kay Beki.

Dito nag simulang mag tapatan ng lakas ang dalawang mag karibal. Sinimulan ni Ganda ang atake sa pamamagitan ng pag liliwanag ng bunganga ng kanyang kanyon. Mukhang gagamitin nanaman niya ito upang itumba ng mabilisan ang kalaban. Ang sandata niyang iyon ay talagang mapanira kaya’t isang buga pa nito ay maaaring mawasak na ng tuluyan ang buong siyudad.

Hindi natinag si Super Beki sa kanyang kinalalagyan. Maya maya ay nag simula nanamang lumaki ang kanyang katawan na parang si Taguro. Ibang klase rin ang bakla ito dahil kapag nag palit siya sa estado ng ad molibiria ay daig pa ang isang libong mandirigmang lalaki sa kanyang hindi mapapantayang lakas.

Bumuga mula sa bunganga ng sandata ni Ganda ang isang higanteng bala. Ito ang ikatlong beses na nakita ko ito. Ang kaibihan na lang ngayon ay hindi na ako sasalo nito kundi ang isa rin sa aking katunggali.

Tila ba napako si Beki sa kanyang kinalalagyan at maya maya ang tatakbo ito para sagupain ang balang palapit sa kanya.

Nag liwanag ang kanyang katawan at hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang bala upang piglin.

Napausad paatras ang kanyang paa dahil halos lumubog na ito sa lupa..

Ilang sandali rin siya sa ganoong pag pigil hanggang sa nakuha na niya ang kontrol. Iniaangat niya sa itaas ang higante bala at sinipa sa ibang direksyon at doon ito sumabog.

Nag liwanag ang paligid..

Yumayanig..

Ngunit hindi pa doon ng tatapos ang lahat. Lumipad pa si Ganda at ibinukas ang kanyang metal na bagwis. Kahit may pinsala na ito ay nagawa pa niyang paunlanan ng bala ang kalaban. Libo libong bala kada segundo. Walang humpay at walang patawad. Paki wari ko ba ay nanonood ako ng isang holiwood movie sa aking nasasaksihan.

Hindi ininda ni Beki ang tama ng baril sa kanyang buong katawan. Nag tatakbo ito patungo sa kanyang katunggali at saka lumundag ng mataas sa hangganang maabot ang kaaway.

Nag abot silang dalawa at dito ay pinaulanan na ang suntok ni Beki ang kalaban. Halos wala na silang paki alam kung masira na ang buong paligid. Natural ay nakalalamang parin si Super Beki sa pisikal na lakas dahil kahit pag bali balitarin ang mundo ay lalaki pa rin siya na may malalakas na kamao. Ngunit gayun pa man ay hindi mag papatalo itong kalaban niya dahil sige pa rin ang pag ulan ng bala sa paligid at direkta itong tumatama sa kanyang kalaban.

Sumabog ang paligid at kapwa sila napa atras sa isa’t isa. Pagod na pagod at parehong sugatan.

“Ang isa sa kanila ay kailangan mamatay. Ang tatlong super enemy ay mag kakaaway rin. Hindi sila maaaring mag abot abot, kundi ay malaking gulo. Ang dalawang iyan ay may kakayahan nang wakasan ng iyong mundo.” ang wika ni Sin.

“Ano ang dapat kong gawin?” tanong ko.

“Dalawang bagay ang dapat mong gawin. Sumali sa away nila at tapusin sila ng sabay. O mag paka talino ka, mag hintay at wakasan ang natitira. Ngunit sasabihin ko sa iyo na ngayon pa lang ay may nakamasid ring isa pa mula sa malayo. Nag hihintay na matapos ang labanang ito sa pagitan ninyong tatlo.” ang wika sagot niya kaya naman napatingin ako sa kalangitan at dito nga ay may kulay pulang sinag na ang gumuhit. Mabilis na halos kisap mata lamang.

“Dumating na si Super Pogi. Mukhang mula dito ay magiging mahirap na ang lahat!”

“Kaya kinakailangan ay matapos na ang dalawang ito!” ang tugon ko sabay tingin sa dalawang mag kalaban.

Mag kalayo sila ng distansya at mukhang sa pag kakataong ito ay ibubuhos na nila ang kanilang lahat ng lakas isang atake. Kapwa nag liwanag ang kanilang katawan.

Ang kay Beki ay kulay Berde at ang kay Ganda naman ay kulay Dilaw..

Itinutok ni Ganda ang kanyang sandata sa direksyon ni Beki at sa pag kakataong ito ay kakaiba ang kulay ng bunganga ng kanyang armas kulay itim na ito at puno puno ng enerhiya.

Sa kabilang banda ay mas lalo pang lumaki ang katawan ni Super Beki! Mas malaki pa kaysa sa dati.

Tahimik..

Nag simula silang gumalaw na animo suspended animation sa aking paningin..

Tumakbo si Beki patungo kay Ganda. Ang kanyang bawat yapak ay lumilikha ng pag yanig at mag angat ng lupa. Ang kanyang katunggali naman ay naka tayo lamang sa kanyang kinalalagyan at nag sisimulang mag karga ng lakas.

Maya maya sumabog ang sandata ni Super Ganda na sinalubong ng katunggaling si Super Beki.

Nag salubungan ang dalawang mag kaibang kulay ng liwanag. Isang dilaw at isang berde. Walang nakaka alam kung sino ang mananaig.

Halos masira na ang buong siyudad. Ang kanilang pinag lalabanan ay halos abo na rin at malalim na ang pag kakahukay ng lupa.

Lumakas ang pwersa ng hangin at gayon rin ang pag bagsak ng lahat sa paligid..

Binalot ng mag kaibang sinag ang buong paligid at wala na akong makita kundi ang purong liwanag na iyon. Ngunit maririnig mo pa rin ang sigawan at atake sa loob nito. Mukhang tuloy pa rin ang laban ng dalawa.

Ilang minuto ring tumagal ang ganoong pag sabog hanggang sa unti unting humupa ang naturang liwanag, kasabay nito ang pag hupa rin ng ingay sa loob nito.

Tila napako ako sa aking kinalalagyan habang naka titig sa lugar kung saan naganap ang kanilang epikong labanan..

Tuluyang humupa ang lahat at mula dito ay nakita kong nakatayo ang isa. Ang isa naman ay naka handusay sa lupa.

At ang nanalo sa kanila ay si Super Ganda na noon ay putol ang kanang kamay. Sa kanyang tabi naman ay ang katawan naka handusay na katawan ni Beki na sabog ang mukha, butas ang dibdib at putol ang mga hita.

Naging madugo ang labanan ng dalawa at isa lamang ang natira. Muling kumilos si Super Ganda at pinulot ang kanyang metal na kamay saka muling pinag dugtong ang kable nito.

Muli rin niyang dinampot ang kanyang malaking sandatang kanyon at itinutok ito sa aking direksyon. Mukhang tatapusin na niya ang labanan sa pagitan naming tatlo at nais rin niya patunayan na siya ang pinaka malakas sa lahat.

Tumayo ako sa aking kinalalagyan at napatingin sa labi ni Super Beki. Halos walang awa itong pinag pira piraso. “Mag kababata kayo diba? Paano mo nagawang paslangin ang dati mong kaibigan?” tanong ko

“Hindi ko siya naging kaibigan. Siya ang dahilan ng aking pag durusa! Isang malaking kasalanan at kamalian na harapin niya ako. Mag kaiba ang estado ng aming lakas kaya walang paraan para matalo niya ako. At ngayon tatapusin na rin kita!” ang sagot niya sabay kalabit sa kanyang sandata.

Nag liwanag ito ng husto kaya naman nag handa ako upang saluhin ang bala sa ikatlong pag kakataon. Inipon ko ang aking pinaka huling lakas bagamat nangangatog na aking tuhod. Pero bahala na..

Nag liwanag ang bunganga ang kanyon ni Ganda dahilan para matawa ito na animo baliw. “Tapos kana! Time to Shine!!” ang sigaw niya

Nag tatakbo ako sa kanyang kinalalagyan, bumalot ang asul na liwanag sa aking katawan, inihanda ko ang aking kamao upang sagupain ang kanyang atake..

Ngunit..

Biglang namatay ang ilaw sa sandata ni Ganda na kanyang ikinagulat. “Anong nangyari?!” ang sigaw niya sabay tingin sa bunganga ng kanyang sandata.

Lalo siyang nahiyaw sa galit noong makitang puno ng buhok na bakal ang bungabunga nito. Marahil ay ginawa iyon ni Beki upang hindi na niya ito magamit.

Lalong napikon si Ganda, itinapon niya ang kanyang sandata sa patay na katawan ni Beki.

Nag liwanag ang boobs ni Ganda at nag simulang tumira ito ng bala. “Bratatatatatatt!!!”

Sa pag kakataong ito ay hindi na ako natinag. Lumipad ako ng mabilis sa kanyang kinalalagyan at buong lakas na hinatay ko ito suntok sa mukha.

Sa sobrang lakas ng pag atake kong ito ay nawasak ang kanyang bakal na pisngi. Pinindot ko ang bola ng enerhiya at lumabas ang aking baril. Lumipad ako sa kanyang taas at nag karga ito ng asul na liwanag.

Napatingin siya sa akin at napasigaw sa galit.

Itinutok ko sa kanya ang aking baril at nag wika “I will drive away the darkness! TIME TO SHINE!!!” ang sigaw ko at sumabog sa kanyang katawan ang pwersa liwanag na dahilan ng pag kakaputol ng kanyang bakal na ulo at pag wasak ng kanyang katawan.

Bumaba ako sa lupa habang nakatingin sa kanyang durog na katawan at habang nasa ganoong posisyon ako ay may narinig akong nag salita sa aking likuran “One shot, one kill!” ang wika nito

Dito ay nakita ko ang alalay niyang si Lesley na naging tao na ulit mula sa pagiging malaking kanyon. Hawak niya ang kanyang sniper na baril at naka tutok ito sa akin.

Ini angat ko ang aking kamay na may hawak na baril at ipinutok ito sa kanyang mukha. “Watch your back!!!” ang sigaw ko pa..

Sabog si Lesley! Natumba ito at napa handusay sa tabi ni Super Beki.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay may isa namang kaluskos ang aking narinig sa di kalayuan.

Itinutok ko ang aking baril doon..

Dito ay nakita ko ang announcer kanina na gumagapang na duguan habang inaabot ang kanyang mikropono.

Noong mahawakan niya ito ay nag salita ito ng ubod ng lakas..

“VICTORY!”

At saka muling namatay..

Tahimik..

Nag simulang mahawi ang dilim sa kalangitan.

Ako naman ay napatigtig lang sa bumubukang liwanag na nag mumula dito..

Maya maya nawasak ang aking kalasag at bumalik ako sa pagiging si Nai..

Tumumba ang aking katawan sa lupa at pumikit ang aking mga mata..

Itutuloy..

SP Part 30: Mahinang Puso

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

Feb 5, 2018

“VICTORY!”

At saka muling namatay..

Tahimik..

Nag simulang mahawi ang dilim sa kalangitan.

Ako naman ay napatigtig lang sa bumubukang liwanag na nag mumula dito..

Maya maya nawasak ang aking kalasag at bumalik ako sa pagiging si Nai..

Tumumba ang aking katawan sa lupa at pumikit ang aking mga mata..

Part 30: Mahinang Puso

Muli kong natagpuan ang aking sarili sa kadilimang iyon. Nakalutang sa maitim na alapaap habang pinag mamasdan ang sirang siyudad at kabundok ng mga taong namatay dahil sa matinding labanan. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, kung bakit kailangan makita ko pa ang kinalabasan ng malagim na engkwentrong iyon sa pagitan naming tatlo nina Super Ganda.

“Nagustuhan mo ba ang tanawin Nai?” ang pamilyar na boses na aking narinig.

Luminga linga ako sa paligid. “Sino ka ba? Nasaan ka?!” ang tanong ko

“Nandito lang ako sa tabi mo Nai, parati akong nandito sa iyong tabi. Parang isang anino o kaya ay maaari rin akong parte ng iyong pag katao.” tugon niya na may masayang tinig.

“Ngunit hindi kita makita, at hindi rin kita kilala. Isa ka bang kapanalig o kaaway?” tanong ko ulit

“Kanapalig mo ako, at kaaway rin ako ng mga nag mamahal sa iyo. Gusto ko ay akin ka lang Nai. Mahal na mahal kita..” ang masayang tugon niya sabay bitiw ng tawang kinikilig. “Nagustuhan mo ba ang tanawin? Ang mga gabundok na taong iyan ay ang magulang ng kaibigan mo, mga kamag anak mo, mga kaka kilala at nakakasalubong sa araw araw. Lahat sila ay namatay at tinamaan ng mga pag yanig na dulot ng inyong labanan. Mga walang kalaban labang nilalang na nabagsakan ng gumuhong gusali, tinamaan ng ligaw na bala at inatake sa puso dahil sa matinding kaba. Lahat sila ay umiiyak ngayon Nai. Naririnig mo ba?” ang tanong niya

Noong sabihin niya ang katagang “umiiyak” ay nag simula na nga akong makarinig ng mga taong nag iiyakan sa aking tenga. Kahit saan ako lumingon at bumaling ay hindi ito tumitigil kaya naman tinakpan ko ang aking dalawang tainga. “Tama na! Tama naaaaa!”

“Nai, alam mo ba kung sino ang may kasalanan ng malagim na trahedyang ito?” tanong niya ulit

“Yung mga Super Enemy. Yung mga kalabang dayuhan!” ang sagot ko

Natawa siya “Mali ka doon Nai, IKAW ang may kasalanan ng kanilang pag kamatay. Tingnan mo lahat sila ay naka tingin sa iyo. Sinisisi ka nila dahil sa kanilang malagim na katapusan.”

Dito nga ay nakita kong nakatingin sa akin ng masama ang mga bangkay sa paligid. Lahat sila ay sumisigaw na ako ang may kasalanan sa kanilang pag panaw. “Narinig mo ba iyon? Sinisisi ka nila Nai. Pumatay ka ng daan daang inosenteng tao at sila ay nabura sa mundo ng dahil sa iyo.”

“T-teka, bakit ako? Pinag tanggol ko sila. Ginawa kong lahat upang supilin ang kasamaan. Hindi ako ang may kasalanan!” pag tatanggol ko sa aking sarili

“Ikaw ang may kasalanan ng lahat Nai, dahil mahina ka. Kung malakas ka lang sana ay hindi sila napahamak, kung malakas ka lang sana ay naprotektahan mo ng husto ang mga tao sa iyong paligid. Ngunit hindi.. Dahil ikaw ay mahina at walang kalaban laban. At nais kong malaman mo na hindi naman talaga ikaw ang sumupil sa mga kaaway dahil ang iyong mga katunggali ay nag supilan at nag laban hanggang sa naging mahina sila. Nag patayan sila hanggang sa mawalan sila ng lakas at doon ka gumawa ng eksena para sila ay tapusin. Nakakalungkot Nai, mahina kana nga ay abusado ka pa. Inabuso mo ang kahinaan ng iyong mga katunggali kaya ka nag wagi. Hindi ka lumaban ng patas at ikaw ay nandaya.” ang tugon niya dahilan para matahimik ako.

Dito bumalik sa aking isipan ang eksenang pag kamatay ni Super Beki sa kamay ni Ganda at kung paano ko sila tapusin ng walang kalaban laban.

Flash back

Sa pag kakataong ito ay hindi na ako natinag. Lumipad ako ng mabilis sa kanyang kinalalagyan at buong lakas na hinatay ko ito suntok sa mukha.

Sa sobrang lakas ng pag atake kong ito ay nawasak ang kanyang bakal na pisngi. Pinindot ko ang bola ng enerhiya at lumabas ang aking baril. Lumipad ako sa kanyang taas at nag karga ito ng asul na liwanag.

Napatingin siya sa akin at napasigaw sa galit.

Itinutok ko sa kanya ang aking baril at nag wika “I will drive away the darkness! TIME TO SHINE!!!” ang sigaw ko at sumabog sa kanyang katawan ang pwersa liwanag na dahilan ng pag kakaputol ng kanyang bakal na ulo at pag wasak ng kanyang katawan.

Bumaba ako sa lupa habang nakatingin sa kanyang durog na katawan at habang nasa ganoong posisyon ako ay may narinig akong nag salita sa aking likuran “One shot, one kill!” ang wika nito

Dito ay nakita ko ang alalay niyang si Lesley na naging tao na ulit mula sa pagiging malaking kanyon. Hawak niya ang kanyang sniper na baril at naka tutok ito sa akin.

Ini angat ko ang aking kamay na may hawak na baril at ipinutok ito sa kanyang mukha. “Watch your back!!!” ang sigaw ko pa..

Sabog si Lesley! Natumba ito at napa handusay sa tabi ni Super Beki.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay may isa namang kaluskos ang aking narinig sa di kalayuan.

Itinutok ko ang aking baril doon..

Dito ay nakita ko ang announcer kanina na gumagapang na duguan habang inaabot ang kanyang mikropono.

Noong mahawakan niya ito ay nag salita ito ng ubod ng lakas..

“VICTORY!”

End of flash back

Natahimik ako at tila napahiya sa aking sarili. Ang lahat ng kanyang sinabi sa akin ay pawang katotohanan lamang. Wala talaga akong laban at nag hintay lang ako ng tamang pag kakataon para umatake.

“Nakita mo na Nai? Isa kang kriminal. Ikaw ang dapat sisihin sa mga nangyari. Ikaw ang dapat managot sa batas dahil isa kang pabayang bayani. Sige Nai, pag kakataon na upang sisihin mo ang iyong sarili sa pag kamatay ng daan daang tao sa inyong siyudad.” salita pa niya na may malambing na tinig.

Lalo akong natahimik at napa yuko nalang ako “Ako nga ba ang may kasalanan?” bulong ko

“Oo Nai. Ikaw ang may kasalanan kaya’t nararapat lamang na sisihin mo ang iyong sarili dahil isa kang mahinang mandirigma. Walang kakayahang mag tanggol at ipag tanggol ang mga taong mahal mo.” ang salita niya

Nag simulang manikip ang aking dibdib. Tikom ang aking kamay habang unti unting gumuguhit ang luha sa aking mga mata.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay muli kong nakita ang imahe ni Rui sa aking paligid. “Hindi ba siya ang pinaka mamahal mong tao? Malapit na rin siyang mamatay dahil sa iyo. Dahil sa kahinaan mo. Ang lahat ay mabubura sa mundo dahil sa iyo. Ikaw at wala nang iba pa. Sisihin mo ang iyong sarili, Nai.”

Tahimik..

Lalo akong panayuko. “Mahina nga ako. Kasalanan ko nga… Kasalanan ko ang lahat.” bulong ko

“Tama iyan Nai, kasalanan mo ang lahat. Gusto mo pang makabayad sa iyong nagawang kasalanan?” tanong niya

“Oo, gusto kong pag bayaran ang lahat ng ito.” lumuluha kong sagot.

“Magaling Nai, hayaan mong ako ang sumingil sa iyong pag kakasala. Mabilis lang ito ay wala kang mararamdaman.” tugon niya at mula sa aking harapan ay mayroong lumabas na malaking pangalawit na animo ganoon kay kamayan. Unti unti itong dumikit sa aking leeg at humiwa sa aking balat.

“Nai, ito na ang kabayaran sa iyong pag kakasala. Ipikit mo ang iyong mata at matatapos na rin ang lahat.” utos niya dahilan upang pumikit ako.

Naramdaman ko ang talim ng pangalawit na humihiwa sa aking leeg. At habang nasa ganoong posisyon ako ay bigla na lamang may tumawag sa aking pangalan.

“Si Sin!” ang sigaw ko sa aking sarili at dito naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay. “Nai! Huwag kang mag papatalo sa kanya! Nilalason niya ang iyong isipan!” ang sigaw nito sabay tulak sa akin sa liwanag at dito ay kapwa kami nilamon nito.

Isang malalim na pag hinga ang aking pinakawalan noong sandaling imulat ko ang aking mga mata.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa kama at sa aking tabi ay naroon si Rui na naka dukdok at natutulog. “Kuya, gising.” ang bulong ko habang kinakalabit ito.

Agad niyang itinaas ang kanyang ulo at noon makita akong gising na ay agad niya akong pinitik sa tainga. “Arekup! Bakit?”

“Tado ka, matutulog ka lang doon ka pa mahihiga sa kalsada! Mabuti nalang at hindi ka nabagsakan ng gumuguhong gusali doon!” ang sermon nito

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kalsada, marahil doon talaga ako bumagsak at nawalan ng malay. Hindi ko lang ito napansin dahil madilim ang buong paligid.

“Ikaw kase eh! Pinababayaan mo ko! Mas pinipili mo pa yung trabaho mo kesa sa akin!” pag mamaktol ko naman

“Na stranded kami doon sa loob ng kompanya. Mas delikado kung lalabas kami e. Ang akala ko ay nandito ka lang sa bahay. Bakit ka ba lumabas ha? Alam mo namang delikado!”

“Bakit ako lumabas? Alangan namang sabihin kong nag pakapanget ako para isalba ang siyudad.” bulong ko sa aking sarili. “Eh ano, ano lumabas ako para hanapin ka! Kasi nag alala ako na baka masaktan ka o mapahamak!” ang katwiran ko

Nangiti siya at niyakap ako “Totoo ba iyan?”

“Oo naman! Totoong totoo!” ang sagot ko naman.

Tinabihan niya ako at niyakap ng buong higpit. Ako naman ay hinalikan siya sa labi at umunan sa kanyang bilugang braso. Muli kong ipinikit ang aking mata habang naka subsob sa kanyang gawing dibdib. Para sa akin ay wala nang ligtas na lugar kundi sa mismong bisig niya, sa tingin ko ay wala nang hihigit pa roon.

Sa pag lipas ng mga araw ay pilit na bumalik sa normal ang buhay ng mga tao sa siyudad. Ang mga klase ay suspendido dahil sa pag kawasak ng ibang eskwelahan. Ang ilang mga kompanya ay tigil muna sa operasyon dahil batid nilang magulo pa ang takbo ng pamumuhay sa siyudad.

Yung tipong mahihirapan bumangon ng mabilis ang buong lugar sa tindi ng mga pinsalang inabot nito.

“Nai, kamusta ka?” ang tanong ni Sin noong makita niya akong naka lutang sa ere habang pinag mamasdan ang buong siyudad na halos inabo na.

“Ayos lang ako.” tugon ko habang naka tanaw sa ibaba.

Maya maya ay napabuntong hininga na lamang ako. “Ako siguro ang dahilan kaya’t maraming napinsala. Mahina kasi ako at walang sapat na kakayahan para ipag tanggol ang lahat. Ako ang dapat sisihin.”

“Nai, ano ka ba? Ginawa mong lahat ang makakaya mo upang ipag tanggol sila. May lumalason sa iyong kaibuturan. Kung sino man iyon ay talagang malakas ang kanyang kapangyarihan. Nai, tapatin mo ako. Sino ang isang iyon?” ang tanong niya

“Hindi ko alam, basta bigla na lamang siyang nag paramdam sa akin at hindi ko na alam kung paano siya aalisin.”

“Mukhang may sarili kang laban na dapat pag handaan Nai. Kung ano man iyan ay asahan mong nandito lamang ako sa iyong tabi. Huwag mong hayaang matalo ka ng iyong kalungkutan o kabiguan. Ang iyong mahinang puso ang magiging dahilan ng iyong kapahamakan kaya’t tatagan mo ang loob mo. Malaki ang ating pag asa para manalo.”

Tumingin ako sa kanya at binawi ko rin ito. Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa sira sirang siyudad doon sa ibaba. Wala akong nagawa kundi ang mapa buntong hininga. “Paano ako magiging malakas kung maraming dahilan para maging mahina? Paano ako kakapit sa pag asang sinasabi mo kung isinasampal sa aking harapan isang daang dahilan para ako ay bumitaw?”

“Nai! Pinili kita dahil may kakayahan ka na wala sa iba! Ang tibay ng iyong loob at katatagan ng iyong damdamin ang nag pahanga sa akin! Ikaw ang pinili ng aking kapangyarihan para mag may ari sa kanya. Hindi makatutulong sa iyo ang pag bibitiw ng mahinang damdamin. Huwag kang makinig sa kung sino man ang lumalason sa iyong isipan.” mariin niyang salita.

Wala akong nagawa kundi ang tumahimik nalang at mapako ang tingin sa aking paligid. Tila may kung anong kirot ang lumukob sa aking dibdib habang pinag mamasdan ang pag dagsa ng tao sa lugar na maraming namatay upang alayan ang mga ito ng bulaklak.

Masakit..

Pakiwari ko ba ay hindi ako pakat o karapatdapat sa tungkuling ipag tanggol silang lahat. Hindi mabura sa aking isipan ang takot at pangamba na ako nga ang dahilan kung bakit naging ganito ang lahat.

Kung sana ay malakas lang ako..

Sana ay hindi ako nasasaktan ngayon at hindi ako nakakaramdam ng pag kaguilty sa mga bunga ng aking maling aksyon.

Tahimik..

Dumadampi ang malamig na hangin sa aking mukha habang patuloy akong nakalutang sa pinaka itaas ng siyudad.

Napahawak ako sa aking dibdib at maiging dinama ang pintig nito. Damang dama ko ang ibayong kalungkutan, at wala akong magawa kundi ang indahin ito hanggang sa kusang mag laho sa aking dibdib.

Itutuloy..

SP Part 31: Ordinaryong Buhay

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

AiTenshi

Feb 5, 2018

Part 31: Ordinaryong Buhay

“May problema ba? Bakit parang ang tamlay mo nitong mga nakakaraang araw? Namimiss ko na yung bwisit, pasaway at masungit kong baby.” ang wika ni Rui noong tinabihan niya ako sa kusina.

“Okay lang ako.” simple kong sagot

Naramdaman kong lumingkis ang kanyang braso sa aking tiyan at mahigpit niya akong niyakap mula sa aking likuran. “Pwede mong sabihin sa akin kung ano man iyang iniisip mo. Tandaan mong hindi ka nag iisa dahil parati akong nandito sa iyong tabi. Handa ako unawain ka at intindihin sa lahat ng oras.” ang bulong niya habang dinidikit ang labi sa aking tainga.

Ramdam na ramdam ko ang init at bango ng kanyang hininga kaya naman humarap ako sa kanya at walang sabi sabing niyakap ito ng mahigpit.

Natawa siya “nag lalambing ang baby bro ko ah.”

Noong mag hapong iyon ay pilit kong ikinubli ang lungkot at pangamba na aking nararamdaman. Hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang pag ka guilty dahil maraming napahamak sa aking kahinaan. Kung tutuusin naman talaga ay wala akong naipanalong laban, kahit saang anggulo tingnan ay lumalabas na nandaya pa rin ako ag hindi lumaban ng patas. Ngunit noong mga sandaling iyon, ang tanging nasa isip ko lang ay matapos na ang kaguluhan kaya’t iyon ang kilos na aking ginawa.

“Master Nai, may dumating po kayong imbitasyon.” ang wika ni Kohei sabay abot sa aking kamay ng naka sobreng papel.

“Kanino galing?” ang tanong ko naman.

“Hindi ko po alam master.” sagot ni Kohei

Agad kong binuksan ang sobre at binasa ang laman nito ng biglang hablutin ni Rui ang papel. “Galing kay Gun ito ah. Ang gago inilipat sa ibang lokasyon ang kanyang museum. Siguro ay nasira ito doon sa sentro ng siyudad dahil sa kaguluhan.”

“Kung ganoon opening ulit iyan?” ang tanong ko naman

“Oo, mamayang gabi.” sagot niya

“Sige! Ayos pupunta ako! Marami akong gustong malaman tungkol sa kalawakan!” ang excited kong salita kaya naman bigla niyang hinablot ang aking buhok dahilan upang ako ay matumba. “Tayong dalawa ang pupunta. Eto ang pangalan ko oh, imbitasyon ito para sa ating dalawa. Saka bakit parang excited na excited kang makita ang gagong iyon?” tanong niya na parang nag seselos.

“Uy nag seselos! Selos alert! Selos alert!” ang pang aasar ko kaya naman hinila niya ako at kinatukan. “May karapatan akong mag selos dahil akin kana! Ibinigay mo na ang sarili mo sa akin kaya hindi kana pwedeng lumandi. Maliwanag ba? Ha? Ha?” ang wika niya na parang gigil na gigil

“Opo.” ang sagot sabay gawad ng isang halik sa kanyang labi.

Nangiti si Rui at niyakap ako ng mahigpit. “I love you baby bro.” ang bulong niya at sinuklian niya ang aking halik.

Alas 7 ng gabi, gumayak kami ni Rui. At dahil nga opening iyon ay tiyak na naroon ang mga business partner nila kaya’t kapwa kami naka suot ng corporate attire. Lalong siyang gumwapo sa kanyang suot na body fit na tuxedo at tie. Kitang kita ang hubog ng kanyang katawan habang naka harap sa salamin. Ako naman ay naka suot din ng ternong pants at suit na inayos naman ni Kohei.

Halos isang oras ang byahe patungo sa bagong museyo ni Gun. Naka upo kami ni Rui sa back seat naka lingkis ang kanyang kamay sa aking likuran kaya naman pakiramdam ko ay para kaming mag asawang aattend sa isang malaking event. “Kohei, tawagan mo si Gun at sabihin na parating na tayo.” ang utos ni Rui

“Natawagan ko na po master. Ngayon po inaabangan na nila ang inyong pag dating.” sagot ni Kohei

“Good.” tugon niya sabay ngiti sa akin.

Pag dating namin sa venue ay napansin kong mas malaki ito kaysa luma gusali doon sa siyudad. Sa harapan palang ay mahahalata mo nang science museum ito dahil sa mga nakakatuwang disenyo.

Pag baba namin sa sasakyan ay nag puntahan ang mga media para salubungin at kuhanan kami ng larawan. Syempre sanay na sanay si Rui sa ganitong eksena kaya naman inakbayan niya ako at saka ngumiti ng ubod ng tamis. “Ngumiti ka, huwag kang mag suplado sa mga media.” ang bulong niya sa akin noong makita akong naka ngiwi.

Maya maya sumalubong na sa amin si Gun. Katulad ni Rui ay gwapong gwapo rin ito sa kanyang tuxedong suot. Body fit rin at talagang kitang kita ang kanyang putok na dibdib. Mukhang hindi rin nag patalo ang mokong.

“Salamat sa pag dating Pre.” ang naka ngiting bati nito kay Rui. Nag tapikan pa sila ng balikat habang naka ngiti.

“Nai, salamat sa pag dating. Nagustuhan mo ba? Siguro naman hindi kana maboboring ngayon.” ang wika nito sabay akbay sa akin.

Malugod kaming sinalubong ng mga business partners ni papa. Halos parang diyos na nga ang turing nila dito kay Rui dahil ang lahat puring puri siya at talagang pinapakisamahan mabuti.

Naka ngiti naman ako habang pinag mamasdan siya sa pag gupit ng ribbon sa hallway ng museum hudyat na opisyal nang binubuksan ang gusali sa publiko.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay napadako ang aking tingin sa pinaka malaking pader ng bulwagan. Dito ay may kasabit na apat na malalaking paintings kaya naman agad akong tumayo upang tingnan ito.

“Apat na sila diba? Ang una ay si Jorel. Ikalawa naman ay si Super Nardo, ikatlo ay ang Super Mecha na si Ace at ang ika apat ay si Super Panget.” ang naka ngiting wika ni Gun

“Eh bakit sinama mo pa yang si Panget? Naka sira tuloy siya sa magandang pader. Alam mo dapat ay ilagay mo nalang siya doon sa horror booth para mas bumenta.” ang wika ko habang naka tingin sa aking larawan kapag ako ay isang super hero. Naka posisyon ito ng pasuntok habang nag liliwanag ang asul ang buong katawan.

“Abah, hindi maaari. Kahit ano pa ang itsura ng isang bayani ay mananatili pa rin siyang bayani. Hindi naman mahalaga ang anyo ng isang nilalang, ang mahalaga ay may naitutulong siya sa pag hubog ng ating kaisipan pag dating sa pag mamahal sa ating planeta.” pag tatanggol niya.

“Pero panget siya diba? Diba?” ang tanong ko

“Ah e, Oo. Pero hindi na mahalaga iyon. Isa pa rin siyang bayani para sa lahat, sa akin.” naka ngiti niyang sagot

“Panget pa rin!” ang tugon ko dahilan para natawa ito at muli akong inakbayan.

Nanatili kaming naka tanaw sa mga larawan ng biglang sumulpot si Rui sa aming likuran. “Oi Nai, doon tayo sa mga buto ng giants!” ang wika nito sabay akbay sa akin.

Maya maya ay bumulong siya “Tangina. Lalandi ka lang sa harap pa ng mga super hero! Gusto mong bang maging si Super Landi?” ang asar na tayong niya

“Eh hindi naman ako nag lalandi. Tinitingnan ko lang yung larawan ni Super Panget!”

“At talagang idinamay mo pa si Super Panget sa pag lalandi mo. Huwag kang didikit sa lalaking iyon ha.” ang bulong pa niya.

“Nagustuhan nyo ba? Ang mga labing iyan ay nahukay pa sa Nigeria. Iyan ang buto ng pinaka unang higante doon.” ang paliwanag ni Gun.

“Maganda, pero nasaan ang ibang parte?” tanong ko naman.

“Nahirapan na silang irecover dahil sa katagalan. Pero tingnan ninyo, ang kanilang malaki bungo at talampakan ang patunay na sila ay talagang malaki pa sa isang normal na tao. Pinaniniwalaan na sila ang unang taong nabuhay sa mundong ito kasabay ng mga Diyos. Ngunit ang kanilang mga mukha ay kakaiba daw isang ordinaryong tao. Katulad na lamang ni Cyclops na mayroong isang mata. Kahit sa mga kasulatan rin ay binanggit ang tungkol sa kanila sa katauhan ni Goliath ng Gath. Sa Era naman ng early Christianity ang mga pari ay naniniwala na ang taas ni Adan ay 13ft at si Eva naman ay 10ft. At hanggang ngayon ang mga tala ng kasulatang ito ay matatagpuan pa rin sa archives ng Vatican.” ang paliwanag ni Gun

“Astig! Ang talino mo naman kuya Gun!” ang pag hanga ko.

“Hindi naman, nabasa ko lamang rin ang mga iyon. Pareng Rui mukhang nahihilig ang kapatid mo sa mga scifi. Mukhang naiimpluwensiyahan ko na siya.” ang naka ngising wika ni Gun

Natawa si Rui at inakbayan ako. “Iba hilig nitong si Nai. Ang gusto niyan ay umunan sa dibdib ko at sumiksik sa kili kili ko buong mag damag.” ang naka ngising asong salita niya kaya naman nahiya ako.

“Mukhang lahat ay nawiwili dyan sa dibdib at kili kili mo ah. Naalala ko tuloy noong naka tira tayo sa London, kung sino sinong babae ang natutulog sa dibdib mo.” hirit din niya dahilan para matingin ako kay Rui.

“Gago!” ang tugon ni Rui na may halong pag kahiya.

“Naku Nai, huwag kang mag papaniwala dyan sa kuya mo. Babaero iyan!” ang hirit pa ni Gun.

“Ikaw kasi pare hindi ka malapitan ng mga babae. Liit kasi ng titi mo!” ang sagot naman ni Rui

Nag tatawanan silang dalawa pero batid kong nag kakapikunan na. Mabuti nalang at dumating si Kohei agad niya kaming tinawag upang dumalo sa dinner kasama ang mga business partners nina papa.

“Naniniwala ka ba sa mokong na iyon?” tanong ni Rui noong pauwi kami.

“Oo. Ikaw iyan e. Malay ko ba sa mga ginawa mo doon sa ibang bansa.” ang sagot ko naman habang naka tingin sa labas ng bintana.

“Gago talaga yung mokong na iyon! Huwag kang maniwala doon dahil mahilig talaga siyang mag imbento ng kwento.” sagot ni Rui sabay lingkis ng kanyang kamay sa aking bewang.

Alas 11 ng gabi noong makauwi kami. Pag pasok palang namin sa kwarto ay agad na akong niyaya ni Rui sa banyo para maligo. Mabilis kaming nag alis ng saplot at dito nga ay muling tumambad sa aking paningin ang kanyang magandang katawan at pati na rin ang kanyang pag kalalaki na matigas na matigas.

Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit bago gawaran ng halik sa aking labi.

Habang bumabagsak ang tubig sa valve ng shower ay sige kami sa laplapan. Dila sa dila aming ginagawang halikan. Kapwa basa ang aming katawan at paminsan minsan ay nalalagyan ang aking mga mata ng patak ng tubig kaya’t pumikit nalang ako at nag paubaya sa kanyang ginagawang pag romansa sa akin.

Makalipas ang ilang sandali ay naupo siya sa gilid ng bath tub at buong yabang na ibinuyangyang sa aking harapan ang kanyang tayo tayong pag kalalaki. Hinila niya ako sa kanyang harapan at pinaluhod.

Sinimulan kong isubo ang kanyang matigas na sandata at paminsan minsan ay napapanggat ang kanyang pwetan dahil sa ibayong sarap na nadarama. Ako naman ay nag kasasa sa kanyang matigas na alaga, dinilaan ko pa ang mala kabuteng ulo nito at pati ang kanyang dalawang bola ay hindi rin naka ligtas sa aking ginawang pag himod.

Sarap na sarap siya aking ginagawa hanggang sa kusa siyang tumayo at pinatalikod ako. Kapwa kami humarap sa salamin at dito sinulan niyang halikan ang likod ng aking tenga, pababa sa aking leeg. Gumapang pa ang kanyang dila sa aking batok habang marahan niyang kinukurot kurot ang aking dalawang utong.

Kitang kita ko sa salaman ang reaksyon ng pag dila ni Rui, napaka sarap niyang panoorin habang nakalabas ang dila at idinadampi ito sa aking likuran.

Habang nasa ganoong pag halik siya ay naramdaman kong gumapang ang kanyang kamay sa aking likuran at hinagilap ng kanyang daliri ang aking butas.

Nairi ako noong maramdaman kong pumasok na ito sa aking likuran bagamat kakaibang sarap dahil patuloy niyang hinahalikan ang aking leeg.

Ilang minuto rin niyang pinag lalaro ang kanyang daliri sa aking butas bago ko maramdaman ang kanyang mala bakal na aring pumasok dito. Napikit ako at siya naman ay napakagat sa aking leeg habang marahang umuulos ang kanyang sandata sa aking kaloob looban.

Noong maramdaman kong punong puno na ako ay huminto siya ng pag galaw at ninamnam ang init na dulot ng aking kaloob looban.

Lumingkis ang kanyang kamay sa aking dibdib at dito ay naramdaman ko na ang kanyang pag ulos. Sa bawat pag baon ng kanyang pag kalalaki ay napapa unggol ako ng husto at siya naman ay nag dedeliryo sa sarap. Mariin ang kanyang pag bayo, babagal, bibilis at gumigiling ang kanyang balakang. Iyon ang ritmong nag pa baliw sa akin.

Bumilis ng bumilis ang kanyang ginagawang pag ulos hanggang sa masarapan ako ng husto dahilan para hawakan ko ang aking pag kalalaki at mag taas baba ang aking kamay dito.

Maya maya ay hinatak ako ni Rui sa bath tub at saka siya naupo. Nakapasak pa rin ang kanyang pag kalalaki kaya naman baon na baon ito na pakiwari ko ay aabot sa aking pusod. Nag simula akong gumiling sa kanyang pag kalalaki hanggang sa mapaunggol niya ng malakas.

Ilang minuto kami sa ganoong posisyon doong maramdaman ko ang pag sabog ng kanyang katas sa aking kaloob looban at kasabay din noon pag talsik ng aking katas sa aking tiyan.

Nanatiling nakapasok sa loob ang kanyang ari habang patuloy kaming nag hahalikan.

Noong mahimasmasan ay itinuloy namin ang paliligo at naulit pa ang aming pag tatalik sa buong mag damag na iyon.

Itutuloy..

SP Part 32: Banta

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

AiTenshi

Feb 5, 2018

Part 32: Banta

Alas 8 ng umaga noon ako ay magising. Pag mulat ng aking mata ay nakita ko agad si Rui na naliligo sa banyo. Naka bukas ang pinto nito kaya nakabuyangyang nanaman sa aking harapan ang kanyang kahubaran. Makailang beses kaming nag talik kagabi, paulit ulit hanggang sa kapwa mapagod at makatulog. “May lakad ka?” ang tanong ko habang pinapanood niya sa paliligo.

“Darating si papa ngayon sa kompanya, kailangan niya ako doon.” ang sagot nito.

“Anong oras ka uuwi?” tanong ko ulit.

“Edi 5pm. Bakit ba marami kang tanong? Ikaw ha, huwag kang lalabas ng hindi ko nalalaman. Pababantayan kita kay Kohei.”

“Kaya ko naman yung sarili ko.”

“Aba’t sasagot ka pa? Huwag kong malalaman na lumabas ka. Alam mo bang katakot takot na pag babanta ang narerecieved ko sa email. Balak ka nilang dukutin para ipatubos sa malaking halaga.”

“Seryoso?” tanong ko

“Oo nga. Baka makidnap ka pa sa labas kapag umalis ka.”

“Pag nakidnap ako, palakihan mo ang ransom ha. Ayoko ng cheap!”

“Mag seryoso ka nga, isang seryosong usapin ang kidnaping kaya hindi mo dapat ito ginagawang biro.”

“Eh hindi naman ako aalis. Dito lang ako sa kwarto di ako gagalaw at mag hapon lang ako hihiga.”

“Good kung ganoon. Maligo kana rin dito. Isang round pa tayo.”

“Wag po kuya.. Masakit na eh.” pag mamaktol ko

Tawanan..

Edi iyon nga ang set up. Nag tungo si Rui sa opisina samantalang ako naman ay nag liwaliw sa labas. Binayaran ko lang naman yung mga guard sa gate para itago ako at pag takban sa matandang si Kohei. Mabuti nga at successful ang planong iyon, hindi ko na kailangan lagyan ng pampatulog ang juice niya para makatakas ako katulad ng regular kong ginagawa.

“Master Nai, baka po magalit ang kuya Rui mo kapag nalaman niyang bumili kayo ng motorsiklo. Hindi po niya kayo pinapayagang mag drive mag isa.” ang wika ni Kohei

“Hala, e bakit naman hindi? Motor lang naman ito.”

“Dahil tatanga tanga daw po kayo, sunga at pasaway. Tiyak na magiging problema daw po kayo sa daloy ng trapiko dahil hindi kayo marunong bumasa ng traffic sign.” ang wika ni Kohei na may halong takot

“Talaga? Sinabi niya iyon?!” ang tanong ko na may halong galit

“Opo. Narito po ang recording ng sinabi niya” ang natatakot na wika ni Kohei sabay pindot sa play button ng recording device. “Kohei, huwag mong hahayaang bumili ng sasakyan si Nai dahil hindi naman iyan marunong mag drive. Tatanga tanga iyan, shunga, pasaway at napaka bansot pa. Tiyak na magiging problema lang siya sa daloy ng trapiko sa kalsada. Ni, hindi nga marunong bumasa ng traffic sign iyan.” ang boses ni Rui

“Tangina, double kill ah! Ang sabihin mo sa kanya ay inggit lang siya dahil hindi siya marunong mag motor! Puro kotse kasi siya at pag papa drive ang alam!” sagot ko

Maya maya pinindot ulit ni Kohei ang play button. “Master may karugtong pa po ang recording.”

“At hindi ako naiingit sa kanya dahil marunong akong mag motor. Ilang brand ng motor ang inindorso ko sa ibang bansa at kung nakita niya sa youtube isa sa sports ko ay ang motocross racing. At hindi ako nag papa drive dahil may sarili akong kotse ako ang nag ddrive noon!” ang boses ulit ni Rui

“Triple kill! Recording ba talaga iyan? Parang live eh!”

“Recording lang po ito master Nai.” tugon ni Kohei.

Di naman ako napagilan ni Kohei, sinakyan ko pa rin ang aking motor at nag patakbo kung saan man ako mapapad. Pero para sa akin ay wala pa ring tatalo sa pag lipad sa himpapawid, sumasabay sa hangin at dumadaan sa lawak ng karagatan. Iyon ang pinaka masarap na pakiramdam sa lahat.

Iyon nga lang ay nakaka lungkot na madaanan ang mga sirang gusali at kabahayan sa siyudad. Parang kailan lang ay hindi mapapatayan ang ganda nito ngunit sa isang iglap ay nawala na ang lahat, ang mga tao ay nag silikas na, ang iba naman ay pinipilit na ibangon ang aking buhay sa kabila ng mga trahedyang pag kawala ng kanilang kamag anak at mahal sa buhay.

Tila nalibang ako sa pag ikot sa buong siyudad. Hindi ko namalayan ang daloy ng oras. Alas 5 na pala, tiyak na pauwi na niyan si Rui sa bahay kaya naman agad akong nag patakbo pabalik sa aming lugar.

Habang nasa ganoong pag takbo ako ay napukaw ang aking atensyon sa isang eksena sa kalsada kung saan may mga pulis at media na nakapalibot sa isang parte sa gilid.

Huminto ako para maki usisa. Dito ay nakita ko ang pamilyar na kotseng itim na naka balandra sa puno at ang salamin nito ay puro tama ng bala.

Binalot ako ng matinding kaba noong makilala ang sasakyan iyon. Iyon ay sa kuya ko! Kaya naman agad akong nag tatakbo patungo doon.

Reporter: Ngayon po ay nandito sa pinangyarihan ng krimen kung saan ang sikat na business entreprenuer na si Ruffer Ian Natchakal o mas kilala bilang Rui Natchakal ay dinakip umano ng mga di pa nakikilala suspek. Ayon sa mga naka saksi ay binugbog raw ito, tinutukan ng baril hanggang sa malawan ng malay!

Ating subaybayan ang kidnapping achuchu na iyan sa mga susunod pang report. Ako po si Liza Mae Lawit! Nag uulat!

Cut!!

“Oi may dumapong langaw sa ilong ko doon sa last shot ha. Iedit mo iyan!” ang utos pa ni Liza at dito ay napalingon ito sa akin. “Ay! Si Nai Natchakal ang kapatid ni Rui! Halika kuhanan natin siya ng pahayag!” ang wika nito kaya naman nag tatakbo ako palayo sa kanila.

Agad akong sumakay ng motor at nag tungo sa kompanya nila papa upang kumuha ng impormasyon. Ang lahat doon ay nag kakagulo. Si Mama ay hinimatay na sa matinding takot at si papa naman ay hindi na rin mapakali. Naka kalat na rin ang pinaka mahuhusay ng imbestigador at pulis sa paligid upang idetect ang lokasyon kung saan mag mumula ang tawag ng kidnappers.

Pumasok ako sa silid ng mga board member kung saan nag sasagawa ng pag pupulong sina papa at ang kanilang business partners. Kasabay nito ang pag bukas ng telebisyon kung saan lumabas ang mukha ng isang lalaking naka bonet, bandido ito at sila ang dumakip kay Rui. Dito ay nakita rin namin si Rui na naka tali sa upuan, walang malay at may takip sa bibig.

“Tama kayo, kami nga ang dumukot kay Natchakal. Ang humihingi kami ng kabayaran para sa kanyang buhay. 30 bilyong piso para sa kanyang ulo. Kung hindi iyon maibibigay ay tigok ang papabols na ito!

At P.S ang mag dadala sa amin ng pera ay hindi mga pulis. Walang iba kundi panget at chonggo na kanyang kapatid! Inuulit ko 30 billion pesos para sa kanyang ulo! Bye!“

*turn off tv

“Pa, mayroon pa po ba kayong ibang anak na mukhang chonggo at panget? Im sure hindi naman ako iyon diba?” ang tanong ko kaya naman napatingin sa akin ang mga matatandang board member

“Wala na anak, ikaw lang yung tinutukoy nila.” ang sagot ni Papa na nakahawak sa kanyang ulo. “Kapag ibinigay natin ang kanyang nais ay mag sasara na ang kompanyang ito dahil tiyak na malulugi ito at hindi natin kayang bawiin iyon sa loob ng ilang taon.”

“Pero kaligtasan ng iyong anak ang naka sasalay dito. Willing kaming mag sakripisyo para sa kanya. Bata pa ang iyong anak kaya’t tiyak na malaki ang maitutulong niya dito sa kompanya.” ang wika ng mga partners niya

Ako naman ay lumabas lang at nag tatakbo kung saan. Kasabay nito ang pag ring ng aking cellphone kaya sinagot ko ito. “Hello, ikaw ba si Nai? Siguro ay alam mo na ang kondisyon. Siguraduhin mong walang pulis na makaka alam ng pag punta mo dito maliwanag? Ihanda mo ang 30 billion na hinihingi namin kundi ay pugot ang ulo ng kuya mo.” ang wika nito

“Eh teka, asan ba kayo?” ang tanong ko

“Nandito kami sa bandunadong gusali sa dulo ng siyudad. Dito mo dalhin ang pera at huwag na huwag kang mag sasama naunawaan mo ba chonggong negro?” ang tanong nito

“Natural, anong akala mo sa akin tanga? Wait mo ko dyan at mag tutuos tayong dalawa!” sagot ko naman.

Agad akong kumilos para mailigtas si Rui. Kumuha ako ng maraming attach case at nilamanan ko ito ng maraming papel sa ilalim at tunay na pera sa ibabaw. Nilagayan ko ng kariton ang aking motor upang mahila ang mga ito dahil sa sobrang dami ay tiyak halatang halatang pera ang dala ko. Hindi na ako nag sabi kila papa o sa mga pulis. Nag tungo ako sa abandunadong gusali sa dulo ng siyudad kung saan naroon ang mga kidnappers.

Pag dating ko dito ay agad akong pumasok sa loob. Hila hila ko ang mga case na nag lalaman ng pera. Agad rin nila akong sinalubong.

5 lalaki ang sumalubong sa akin, lahat sila ay armado ng mga armalite at mga baril sa katawan. “Clear boss! Wala siyang kasama! Masunurin!” ang wika ng isa sabay tutok ng baril sa akin.

“Gago, bobo ka ba talaga? Hindi mo ba alam na pwede ka rin naming dakipin ngayon.” ang natatawang wika ng kanilang leader sabay kuha ng cellphone. “Tawagan mo ang tatay nitong bobong batang ito. Sabihin mo nasa akin ang dalawa niyang anak, doblehin mo ang 30 billion at gawing 60.” ang wika nito.

“Tangina pare, tiba tiba tayo ngayon!” ang nanginginig na wika ng leader sabay bukas sa isang case.

Napalunok sila noong makita ang mga pera sa ibabaw nito. Binuksan pa nila ang isa at may pera pa rin! “Tangina pare milyonaryo na tayong lahat!” ang wika niya sabay kuha sa isang bugkos ng pera kaya naman tinapik ko ang kanyang kamay.

“Hep, wag mo muna kunin iyan.” ang wika ko

Sinubukan rin hawakan ng isang kasamahan nila ang pera kaya naman tinapik ko rin ang kanyang kamay. “Wait muna mga richnappers. Nasan muna si kuya?”

“Anong richnapper? Kidnapper kami!” ang pag tatama ng isa

“Eh ikaw ang tanga! Kid? bata iyon! Rich si Kuya iyon! Ano ba kayo? Bakit hindi kayo nag iisip. Oh ikaw wag mong hahawakan yung pera puputulin ko ang kamay mo!” ang wika ko naman.

“Kasungit mo ah! Gusto mo bang pasabugin ko yang ulo mo?” ang tanong ng lider

“Huwag mo nga akong sigawan gusto mong itumba na kita ngayon? Hindi mo ba alam na malaking kasalanan na sinabi mong panget ako? Hindi mo ba alam na sa ginawa mong iyon ay para mo na rin inilagay ang mga paa mo sa hukay?” ang tanong ko sa kanya. “Asaan si Kuya?!” ang tanong ko

Nakita kong gumagapang ang kamay ng isang kidnapper sa pera kaya tinampal ito ang kanyang kamay “sandali muna, ikaw hot na hot. Bibigwasan kita diyan e! Nasan na si Kuya?” ang tanong ko

“Tangina kulit mo ah. Ayun ang kuya mo!” ang wika nito sabay turo sa kinalalagyan ni Rui na noon ay naka yuko walang malay at parang wala nang lakas.

“Naku. Kawawa naman si kuya. Parang nangayatyat na siya.” ang wika ko naman

“Hala, kanina lang namin dinakip iyang kuya mo. Saka kaya namin siya tinali ay dahil binubog niya yung anim na tauhan ko. Nadala pa sa ospital, pasalamat ka nga at hindi doble ang siningil namin sa inyo!” ang wika nito

“Eh bakit walang malay si Kuya? Siguro ay pinahirapan nyo siya!”

“Hindi ah! Nag inuman kami at nalasing siya. Alam mo galante rin iyang kuya mo matapos bugbugin yung mga tao ko nag pabili pa ng alak. Gusto ko na ngang gawing kanang kamay iyang kuya mo.” ang wika ng lider.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay aksidenteng natabig nila ang isang case ng pera dahilan para sumabog ito. “Boss! Papel yung laman ng mga case! At ang iba ay puro papel rin!” ang wika nila

“Ngii patay!” ang bulong ko sa aking sarili.

“Gago ka! Dadayain mo pa kami!” ang wika ng leader sabay suntok sa aking mukha.

Naka iwas ako at nag mabilis na nag tatakbo palabas sa gusali. “Habulin ang kumag na iyan! Turuan natin ng leksyon!” ang sigaw ng mga ito.

Nag tago ako sa gilid ng gusali at nag palit anyo bilang si Super Panget.

Noong humarap ako sa kanila ay nagulat sila at nanlaki ang mga mata “Halimaw!” ang sigaw ng mga ito.

“Gago! Panget lang ako pero di ako halimaw!” ang sigaw ko sabay takbo na parang hangin patungo sa kanila.

Pinaputukan nila ako ng baril ngunit bale wala lang naman iyon sa akin. Isa isa ko silang pinitik sa tenga dahilan para mag talsikan ang mga ito sa palayo. Ang kanilang leader ay kinatukan ko at pinitik sa ari “Baog kana niyang beshie!” ang wika ko habang namamalipit ito sa sakit.

Noong mga naka handusay na ang mga kidnappers ay isa isa ko silang itinali sa lubid. Hinubaran ng damit at saka inilipad ko silang lahat sa gitna ng siyudad. “Easy!” ang wika ko sa aking sarili.

Isinabit ko ang mga ito sa tuktok ng aming kompanya kung saan napapalibutan sila ng mga media. Pinag pipiyestahan ang mga hubad nilang katawan habang naka bitin sa ere.

Report: Ngayon po ay nasasaksihan natin ang ginawang pag paparusa ni Super Panget sa mga kidnappers na dumukot kay Rui Natchakal. Kitang kita natin ngayon ang mga ito na naka hubad at naka bitin sa itutok ng kompanya ng Natchakal Group! Ako po si Liza Mae Lawit! Reporting!

“Ang jutay naman ng mga patotoy nila!” ang dagdag pa ni Liza

“Mam Liza naka air pa po tayo ng Live! Narinig po ng lahat yung sinabi ninyo” ang wika ng cameraman

Napasigaw nalang si Liza..

Iyon ang huli kong narinig bago muling bumalik sa lumang gusali para iligtas si Rui. Pag pasok ko doon ay nag kamalay na ito. Agad kong kinalagayan ang kanyang katawan at saka ito inilipad sa himpapawid.

Itutuloy..

SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

Feb 7, 2018

Report: Ngayon po ay nasasaksihan natin ang ginawang pag paparusa ni Super Panget sa mga kidnappers na dumukot kay Rui Natchakal. Kitang kita natin ngayon ang mga ito na naka hubad at naka bitin sa itutok ng kompanya ng Natchakal Group! Ako po si Liza Mae Lawit! Reporting!

“Ang jutay naman ng mga patotoy nila!” ang dagdag pa ni Liza

“Mam Liza naka air pa po tayo ng Live! Narinig po ng lahat yung sinabi ninyo” ang wika ng cameraman

Napasigaw nalang si Liza..

Iyon ang huli kong narinig bago muling bumalik sa lumang gusali para iligtas si Rui. Pag pasok ko doon ay nag kamalay na ito. Agad kong kinalagayan ang kanyang katawan at saka ito inilipad sa himpapawid.

Part 33: Ang Koleksyon ni Rui

“Waaa, anong nangyari?” ang tanong ni Rui noong magising ito.

“Eh diba dinakip ka nga ng masasamang loob. Iniligtas kita.” ang sagot ko

“Teka, nasaan yung kapatid ko? Nag kita ba kayo?” tanong niya habang nakapansan sa akin.

Lumilipad kami sa itaas ng siyudad.

“Sino? Yung kapatid mong cute, super gwapo, mukhang super model at pinapantasya ng lahat? Eh hindi ko siya nakita.” ang pag dedeny ko

“Yung kapatid kong bansot, maitim ang siko at tuhod, maliit ang titi at mukhang unggoy.” ang pang aasar niya

“Gusto mo ihulog kita dito?”

“Biro lang.. Yung kapatid ko na iyon ay ang pinaka mahalagang bagay sa buhay ko. Kahit mawalan ako ng kayamanan basta kasama ko siya ay masaya pa rin ako.” ang seryoso niyang wika

“Talaga?” ang naka ngisi kong tanong na nakaramdam ng kakaibang kilig.

“Oo naman. Ganoon ko siya kamahal.” ang sagot niya

Natuwa ako sa aking narinig kaya naman humarap ako sa kanya at ngumiti. “Kumapit ka ng mahigpit!” ang wika ko sabay lipad pa itaas

Napasigaw siya at napayakap ng mahigpit sa akin habang umaakyat kami paitaas. Dinala ko si Rui sa pinaka mataas na parte ng kalangitan kung saan makikita niya ang kabuuan ng siyudad. “Ang ganda.. Ang sarap sa pakiramdam.” ang wika ni Rui

“Ito ang pinaka magandang parte ng kalangitan, kung saan makikita mo ang sentro ng siyudad. Dati ay mas maganda ito kaso nag simulang masira sa dami ng dayuhang dumarating.” tugon ko

“Masakit ba?” tanong niya

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko

“Masakit ba kapag nakikipag laban ka para sa mga taong hindi mo naman kaano ano?” tanong niya.

“Hindi, bale wala ang sakit kapag naiisip kong marami akong taong dapat protektahan. Kahit mamatay ako ay ayos lang basta makita ko lang silang maayos at buhay. Masakit kapag nasusugatan ako ngunit iyon ay pisikal lamang, mas masakit ang puso ko kapag nakikita kong nasusugatan kayo, nasasaktan o natatakot.” ang seryoso kong wika habang naka tanaw sa pinaka ibaba ng siyudad.

Humigpit ang pag yakap ni Rui sa akin, tila ba nakiki simpatya siya sa aking hirap at sakripisyo para sa lahat..

“Ikaw ang the best super hero para sa akin. Huwag mong kakalimutan iyan.” ang bulong niya

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Muli akong lumipad sa pinaka itutok ng gusali ng kanilang kompanya at ibaba ko ito doon. Malamig pa rin ang buong paligid, at napaka payapa ng gabi.

Noong makababa siya ay nag pasalamat ito sa akin. “Salamat sa pag liligtas sa akin. At maraming salamat sa magandang gabing ito.” naka ngiti niyang wika.

Ngumiti rin ako “Wala iyon.” ang tugon ko sabay talikod.

Napa buntong hininga ako at noong aktong lilipad na ako ay tila may kung anong pwersa ang bumalot sa aking katawan dahilan para hindi ako makagalaw.

Napahinto ako sa pag kilos at marahang napaluhod. “Ayos ka lang ba?” ang tanong ni Rui.

“Huwag kang lalapit sa akin! Dyan ka lang!” ang sigaw ko dahilan para mapahinto siya sa pag hakbang.

Habang nasa ganoong sitwasyon ako ay muli kong narinig ang tinig ng lalaking nag papakilalang kapanalig ko raw. “Nai, ito na ang takdang panahon para tayo ay mag kita. Sabik na sabik na akong makita ka.” ang wika nito.

“Sino ka ba? Tigilan mo na ko!” ang sigaw ko at dito ay napaka kapit sa sahig ng gusali.

Mula dito ay binalot ng kulay itim na liwanag ang aking katawan, palakas ito ng palakas hanggang ang liwanag na iyon ay umakyat sa kalangitan.

Nag iba ang timpla ng panahon, ang ulap ay umikot ng mabilis na wari’y may delubyong parating. At ang lupa ay bahagyang umuga.. “Tama naaaa!!! Tamaaaa naaaaa!” ang sigaw ko ngunit mas lalo lang lumakas ang itim na liwanag.

Tila may kung anong bagay na lumalabas sa aking katawan at lumilikha ito ng kakaibang pwersa na umaangat sa kalangitan.

Halos mapatid ang aking hininga at masaid ang aking buong lakas habang nauubos ang liwanag na itim sa aking katawan. Lahat ng ito ay humiwalay sa sarili at noong tumigil ang naturang itim na liwanag ay nabasag ang aking mga kalasag at bumalik ako sa pagiging si Nai.

Tuloy tuloy na bumulagta ang aking katawan sa sahig at dito ay nawalan ako ng malay. Ang huli kong nakita ay nag tatakbo si Rui sa aking kinalalagyan habang tinatawag niya ang aking pangalan.

Tahimik..

Naalimpungatan ako noong makarinig ng isang musika na nag mumula kung saan, dahilan para maimulat ko ang aking mata.

Music Playing

Moving Closer

Never The Strangers

When you smile, everything’s in place I’ve waited so long, can make no mistake All I am reaching out to you I can’t be scared, got to make a move

While we’re young, come away with me Keep me close and don’t let go

Inch by inch, we’re moving closer Feels like a fairytale ending Take my heart, this is the moment I’m moving closer to you I’m moving closer to you

Who’d have thought that I’d breathe the air Spinning ’round your atmosphere

I’ll hold my breath, falling into you Break my fall and don’t let go

Inch by inch, we’re moving closer Feels like a fairytale ending Take my heart, this is the moment I’m moving closer to you

Inch by inch, we’re moving closer Feels like a fairytale ending Take my heart, this is the moment I’m moving closer to you

Moving closer… Closer to you… Moving closer…

I’m moving closer to you

“Gising kana pala.” ang wika ni Rui sabay patay sa kanyang mp3 player.

Tumingin ako sa kanya at binawi ko rin ito agad. Hindi ko akalain na mabubuking ako ni Rui ng ganoon kabilis.

“Bakit ganyan ka makatingin?” ang tanong niya sabay upo sa aking tabi

Umiling ako at ipinako ang aking tingin sa kisame. Hindi ko alam kung paano ako mag sisimulang mag paliwanag sa kanya. Paano ko sasabihin na ang kanyang kapatid ay si Super Panget.

Tumayo si Rui at may kinuha ito sa kanyang cabinet. Isang kahon na nag lalaman ng aking mga larawan at mga video.

Isa isa niya itong ipinakita sa akin, mga larawan ko noong high school, noong tinuli ako, noong may sakit ako. Mga kaarawan sa mga nag daang taon. “Ang lahat ng ito ipinapadala sa akin ni Kohei sa mga lumipas na taon. Kaya kahit hindi mo ako kasama ay nasusubaybayan pa rin kita. Kahit malayo ako ay masaya na akong makita ang mga larawan mo.

Kung iniisip mo ang pag papaliwanag sa akin ay huwag mo nang problemahin dahil matagal ko nang alam na ikaw at si Super Panget ay iisa. Alam mo tol, simula sanggol ka ay kasama na kita, sabay tayong lumaki. Kahit di kita nakasama ng matagal na panahon dahil nanirahan ako sa ibang bansa ay alam ko ang lahat sa iyo. Kaya kahit mag maskara ka, o mag tago sa ibang katauhan ay makikilala pa rin kita.“ ang naka ngiting wika nito.

Bumangon ako at isa isang tiningnan ang mga larawan. Halos puno na ang kahon, halatang inipon ito ni Rui ng maraming taon.

Mayroon pa siyang larawan ginupit at pinag tabi ang aming litrato na parang mag kasama. Ewan, ngunit parang may kung anong tumusok sa aking puso noong mga sandaling iyon. Hindi ko namamalayan ang pag patak ng luha sa aking mata habang isa isang pinag mamasdan ang koleksyon ni Rui.

Habang nasa ganoong emosyon ako ay naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit at ikinulong sa kanyang braso. “Halika nga dito, bakit umiiyak ang baby kong super hero?” ang tanong niya sabay halik sa aking pisngi

Umiling ako at sumubsob sa aking balikat na animo bata. “Nag alala ako sa iyo kagabi. Ang akala ko ay kung napano kana. Ang masakit ay wala akong magawa para tulungan ka.”

“Hindi ko matandaan ang nangyari, hindi ko alam kung bakit nag kaganoon.” ang sagot ko.

“Mahirap rin ipaliwanag pero parang ganoon iyon sa nangyari kay majinboo sa anime na dragon ball z. Kung saan lumabas ang itim na kapangyarihan sa kanyang katawan at iyon ang masamang side niya. Kagabi ay may lumabas rin na itim na awra sa iyong katawan at umakyat ito patungo kung saan. Pag katapos ay nawala ang pagiging super hero mo at bigla ka nalang bumulagta sa sahig.” ang wika ni Rui

“Ngayon lamang ako nakaranas ng ganoon, pakiwari ko ba ay para akong humihiwalay sa aking katawan. Parang hinihila ako patungo kung saan pag katapos ay hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.”

“Marahil ay pagod ka lamang, kailangan mo ng sapat na pahinga upang manumbalik ang iyong lakas.”

Noong mga sandaling iyon ay pilit inunawa ni Kuya Rui ang lahat ng aking mga sinasabi. Naikwento ko rin sa kanya kung paano ako naging super hero. Syempre ay hindi mawawala yung mga pinag daanan ko sa pakikipag laban sa mga kaaway. Samantalang siya naman ay parang batang nakikinig sa aking kwento. Paminsan minsan ay niyayakap niya ako o kaya ay ginugusot ang aking buhok na para bang nangigigil.

“Nag alala ako sa iyo, sa tuwing nakikipag laban ka para sa amin pero hindi nawawala ang pananalig ko na mag tatagumpay ka.”

“Yung pananalig mo lang ay sapat na para mag tagumpay ako.” sagot ko sabay yakap sa kanya.

Hinimas niya aking likuran at hinalikan ako sa tainga. Tapos maya maya ay bigla itong natawa. “Bakit?” ang tanong ko

“Wala, hindi ko lang maisip na ang super hero ng siyudad natin ay inaanakan ko gabi gabi. Astig na astig ka doon sa labanan pero pag dating dito sa atin ay ako ang nasusunod.”

Natawa rin ako “Ginagawa natin iyon dahil nag mamahalan tayo diba kuya?”

“Oo naman. Mahal na mahal kita.” tugon niya sabay halik sa aking labi.

Yung tipong inaakala ko ay mahihirapan ako mag paliwanag kay Rui, ngunit sa isang iglap ay madali niya itong natanggap. Hindi na siya nabigla o nag tanong pa.

Ang lahat talaga ng bagay ay may tamang timing. Ang pag kakataon na ang gagawa ng paraan para sa iyo. Ang kailangan mo lang ay mag hintay

Itutuloy..

SP Part 34: Kasunduan

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

Feb 8, 2018

Natawa rin ako “Ginagawa natin iyon dahil nag mamahalan tayo diba kuya?”

“Oo naman. Mahal na mahal kita.” tugon niya sabay halik sa aking labi.

Yung tipong inaakala ko ay mahihirapan ako mag paliwanag kay Rui, ngunit sa isang iglap ay madali niya itong natanggap. Hindi na siya nabigla o nag tanong pa.

Ang lahat talaga ng bagay ay may tamang timing. Ang pag kakataon na ang gagawa ng paraan para sa iyo. Ang kailangan mo lang ay mag hintay

Part 34: Kasunduan

Hindi naman nag bago ang pakikisama sa akin ni Rui matapos niyang malaman na ako at si Super Panget ay iisa. Sa tingin ko ay mas lalo pa nga siyang naging malambing at maalaga sa akin. Hindi pa rin nag babago ang pagiging over protective niya kahit alam niya na may kakayahan naman ako upang ipag tanggol sa akin sarili.

Kung minsan naman ay napapagkatuwaan ko na ipasyal siya sa iba’t ibang lugar, simple lang naman dahil nakaka lipad ako at mas nakaka punta kami sa lugar kung saan nagiging sarili namin ang mundo. Dahil dito ay mas lalo pang tumibay ang aming samahan o relasyon.

“Master Rui, Master Nai, bumangon na po kayo. Ngayong araw ay pauwi na ang inyong lolo mula sa ibang bansa.” ang wika ni Kohei

“Ha? Bakit daw? Ang akala ko ay hindi na siya makalakad ng maayos?” tugon ni Rui

“Hindi ko po alam master.” ang sagot ni Kohei.

Ang “lolo” na tinutukoy ni Kohei ay ang ama ni Papa na isa sa pinaka mayaman at pinaka makapangyarihang tao sa mundo ng negosyo. Kumbaga ay namana lang ni Papa ang yaman ng kanyang ama. Ang mga kompanya, ang marangyang buhay ay siya ang nag simula. Na ipina mana naman ni Papa kay Rui dahil sa husay nito.

Ito ang unang pag kakataon na makikita ko si Lolo. Hindi kami close at hindi niya ako binibisita noong bata ako kaya naman may kaunting kaba sa aking dibdib bagamat excited ako na mayakap siya at makamusta man lang.

“Parang hindi ka naman yata excited.” ang wika ko naman noong makita ko si Rui na malalim ang iniisip.

Tumingin siya sa akin at saka ngumiting parang tanga. “May naalala lang ako bigla. Halika nga dito, kiss mo ako dali.” ang wika niya kaya naman kumandong akong sa kanya at hinalikan ko ito sa pisngi sa labi ng maraming beses.

Tuwang tuwa naman siya bagamat nababakas kong may iniisip siya na hindi ko mawari. Marahil ay hindi siya komportable kay Lolo dahil hindi naman talaga siya miyembro ng pamilya. Ang sabi nila sa akin ay anak si Kuya Rui ng best friend ni papa na namatay. Pinag kakautangan niya ito ng loob kaya kinupkop niya si Kuya at binigyan ng marangyang buhay.

Noong araw na iyon, ang lahat ay naging abala sa pag dating ng pinaka hari ng Natchakal. Ang lahat ay talagang nag hahanda at hindi lang iyon dahil ibinalita pa ito sa radyo at telebisyon. Maging ang aking ama ay hindi rin mapakali, para bang natatakot sila na hindi mo mawari. Ganoon siguro talaga kapag gusto mong maimpress ang iyong bisita. Im sure na pressure lamang si papa dahil binibisita siya ng kanyang ama.

“Masungit ba si Lolo?” tanong ko kay mama habang nag aayos ito.

“Masungit. Masama ang ugali non. Ibang iba sa lolo mo sa side ko. Kaya nga yung papa mo ay hindi na mapakali dahil takot siya sa kanyang ama.” ang sagot niya

“Totoo ba ma?” natatakot kong tanong

“Syempre ay biro lang iyon. Istrikto lang ang lolo mo at alam mo naman ang mga tumatanda na, nagiging sensitive at madirawa. Rui, suotan mo nga ng necktie itong kapatid mo.” utos ni mama

Agad naman akong hinila ni Rui at inayos ang aking kohelyo. Kumuha siya ng itim na necktie at ikinabit sa akin. Inayos rin niya ang aking buhok at inalis ang aking mga hikaw. “Baka batasin ka ng lolo kapag nakita kang maraming burloloy sa tainga. Dapat ay pormal ka sa paningin niya at ayaw niya ng mga bagay na makakasira sa imahe ng Natchakal.”

“Ewan ko ba naman sa batang iyan. Ginagawang Christmas tree ang tainga. At iyang tattoo mo sa dibdib ay ipaalis mo na rin.” ang wika ni mama noong makita ito.

Napatingin ako kay Rui at natawa ito. Ang tattoo na tinutukoy niya ay ang lettrang SP na simbolo ng aking pagiging super hero. Katapat ito sa aking dibdib sa may bandang puso. Nag liliwanag ito ng husto kapag ako nag papalit ng anyo.

“Dont worry ma, ako na ang bahala sa tatoo nitong si Nai.” ang sagot ni Rui sabay kindat sa akin.

“Ipapa bura mo?” ang tanong ko naman

“Oo mamaya buburahin ko yan gamit ang dila ko.” nag bulong niya sabay labas ng kanyang dila na parang nalilibugan.

“Wag po kuya.. Wag po.”

“Tado, tayo na nga doon. Late na tayo sa event.” ang wika niya sabay hatak sa akin patungo sa kanyang sasakyan.

Sa kompanya sasalubungin ang natatanging bisita. Nakalatag na agad ang red carpet sa harapan at handa na rin ang mga media para icover ang kanyang pag dating. Karamihan sa Mga paparazzi ay miyembro ng business page sa mga magasin at pahayagan kaya naman hindi na nila pinalagpas ang natatangging pag diriwang na ito.

Pag baba namin sa sasakyan ay sinalubong agad kami ng mga flash ng camera at hindi ito tumitigil habang hindi kami nakakapasok sa bulwagan.

Nag tungo ako sa gilid ng hallway habang si Rui naman ay abala sa pag bati sa kanilang mga business partners. Gayon rin si papa na hindi rin maka ugaga sa dami ng bumabati at kinakamayan nila.

“Ayoko talaga ang ganito mga pag titipon. Mas gusto ko pang umuwi sa probinsya at mahiga sa ilalim ng puno ng mangga.” ang wika ni mama habang inaayos ang kanyang damit.

“Ma, bakit nandito ka? Dapat ay kasama ka nila papa doon.” ang wika ko naman

“Kaya na nilang mag ama iyan. Di talaga ako mahilig sa social gatherings na ganito. Iyan ang hirap sa arrange marriage eh. Malawak kasi ang lupain at sakahang pag aari ng pamilya ko doon sa probinsya kaya ipinakasal ako sa ama mong adik sa pera. Edi sana ay taga probinsya rin ako ngayon at nanahimik ang aking buhay doon.”

Natawa ako “Mahal mo ba si papa?” ang tanong ko

“To be honest, noong una ay hindi kasi naman wala itong ginawa kundi mag payaman. Pati yung mga lupang sakahan ko doon sa probinsya ay pinamahalaan niya. Pero habang tumatagal minamahal ko na rin siya hanggang heto na..” ang sagot ni mama dahilan mag tawanan kaming dalawa.

“Cheers!”

Itinaas ni mama ang inumin niya at ganoon rin ako. “Hep! Itaas mo lang iyan ha. Huwag mong iinumin!” ang pag bawal nito sa akin sabay kuha sa goblet na aking hawak. “Bata ka pa, masisira ang bituka at atay mo sa alak.” dagdag pa niya sabay kambat sa waiter

“Yes madam?” ang wika ng waiter

“Bigyan mo nga ng gatas itong little boy ko.” ang wika niya

“Ma naman..”

“Fresh milk po ba para ay master Nai?” ang tanong ng waiter habang naka ngiti

“Oo, yung pang baby. Alam mo naman bata pa ito. Bawal sa kanya ang alak.” ang wika ni mama kaya naman nakaramdam ako ng pag hiya.

“Bakit ganyan ang itsura mo? Ayaw mo ba ng gatas? Ang sabi ng kuya mo ay gabi gabi ka niyang pinapainom ng gatas kaya iyon nalang din ang inorder ko sayo. Tutal ay alas 8 naman na ng gabi.”

“Hindi naman literal na gatas ang ibig sabihin ni Kuya e. Gatas ng kalibugan iyong ibinibigay niya.” ang sigaw ko sa aking isipan habang naka tingin kay Rui na noon ay kinakausap ni papa.

Habang nasa ganoong pag uusap ang dalawa ay siya namang pag dating ng mga lalaking naka itim at sa likod nila ay ang isang lalaking naka upo sa wheel chair at ilang nurse. Sinalubong sila ng mga media at pinag kaguluhan habang ang ibang business partner nila papa ay kumakamay sa mga ito. “Halika na, iyon ang lolo mo.” ang wika ni mama sabay tayo at pinuntahan niya ang mga bagong dating na bisita.

Ako naman ay naka sunod lang sa kanya, naka ngiti lang ako bagamat hindi ko alam kung paano sila babatiin. Mahirap talaga ang maki halubilo sa mundong hindi naman ikaw kabilang. Lakas maka out of place kumbaga.

Lumapit ako kay Lolo at binati ito. Nakatingin lamang siya sa akin at hinayaan akong mag mano sa kanya. Sila Rui naman at papa ay abala sa pag estima sa mga bagong dating na bisita.

Maya maya ay pormal nang binuksan ang pag diriwang. Nag bigay ng opening message sina Rui at papa. Nag pasalamat silang dalawa sa pag dating ni Guru Natchakal ang haligi ng kompanya.

Boring.. Ganyan ko ilarawan ang party ng mga businessman. Walang sayawan, walang inuman. Lahat ay puro kwentuhan at ang mga music ay nakaka antok na hindi mo maunawaan dahil para kang hinihila sa pag tulog. Mukhang sanay na sanay naman sina Mama at Rui sa ganitong eksena dahil parang nag eenjoy na rin sila sa pakikipag kwentuhan sa mga matatandang negosyante.

Tumaggal ng ilang oras ang pag diriwang bago kami pumasok sa conference area. Ito ay usapan raw ng pamilya kaya’t lahat kami ay tinipon para daw sa mahalagang salita na sasabihin ng matanda. Isinara ang conference room at ang tanging nandito lamang ay sina mama at papa, Rui at ako. Maging si Kohei ay hindi pinayagan pumasok.

Tahimik..

Pumasok ang matanda sakay ng kanyang wheel chair. Medyo kahawig siya ni Eddie Garcia pati ang buhok at balbas ay siyang siya.

Maya maya ay humarap ito sa amin. “Medyo magulo na rito sa siyudad. Ang balita doon sa ibang bansa ay wasak na wasak na ito dahil sa katakot takot na maligno ang nag hahasik ng lagim. Wala ring market at sa palagay malulugi na ang gusaling ito. Kaya naman napag desisyunan ko na isara na ito.” ang wika niya

Umalma si Rui. “Lo, kaya kong patakbuhin ito ng maaayos. Hindi naman naapektuhan ng kaguluhan ang estado ng kompanya.”

“Sa ngayon ay hindi. Ngunit ang iyong market ay apektado. Tumingin ka sa iyong paligid. Ang magandang siyudad na ito ay wasak na kaya’t tiyak na wasak na rin ang kinabukasan ng kompanyang ito.” sagot ng matanda

“Pero dad. Kaya namin ni Rui na patakbuhin ito ng maayos. Hindi mo ito kailangan isara.” ang pag tatanggol ni papa

“Amir Natchakal, matigas pa rin ang ulo mo anak ko.” ang wika nito kay papa. “Si Rui ay hindi na mananatili na bansang ito dahil sa susunod na araw ay ipapakasal ko na siya sa kanyang nobya doon sa London.” ang wika ng matanda na aking ikinabigla.

“Arrange Marriage nanaman?” ang tanong ni papa

“Bakit? Diba kayo ng iyong asawa ay arrange marriage din? Nag work diba? Tiyak na mag wowork din iyon kay Rui. At isa pa ay mayaman ang nobya niyang si Rosette. Ang kanilang pamilya ay nag mamay ari ng malalaking kompanya at lupain sa London.”

“Pero lo, hindi ako pabor sa arrange marriage. Hayaan mo akong maging masaya sa paraang alam ko.”

“Bakit Hijo, hindi ka ba masaya kay Rosette? Tatlong taon kayong mag kasintahan at bago ka bumalik dito ay nag bunga pa ang inyong pag mamahalan. Si Rosette ngayon ay nag dadalang tao at ikaw ang ama nito.” ang wika ng matanda. “Alam mo hijo, sa ating mga businessman, hindi mahalaga ang pag mamahal. Ang mahalaga sa atin ay kapangyarihan, kayamanan at pera. Gustong gusto ka pa naman ng pamilya ni Rosette.” dagdag pa niya.

Nakita ko kay Rui ang matinding pag tutol noong mga sandaling iyon. Ako naman ay nakaramdam ng kakaibang sakit noong malaman na mayroon pala siyang karelasyon doon at nag bunga pa ito. Ang ibig sabihin ay mag kakaanak si Rui at hindi na maaaring mag tuloy ang aming masayang relasyon. Ngayon ang masayang panaginip ay halos tapos na.

Hindi ko na alam ang aking gagawin..

Itutuloy..

SP Part 35: Guhit

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

Feb 8, 2018

Nakita ko kay Rui ang matinding pag tutol noong mga sandaling iyon. Ako naman ay nakaramdam ng kakaibang sakit noong malaman na mayroon pala siyang karelasyon doon at nag bunga pa ito. Ang ibig sabihin ay mag kakaanak si Rui at hindi na maaaring mag tuloy ang aming masayang relasyon. Ngayon ang masayang panaginip ay halos tapos na.

Hindi ko na alam ang aking gagawin..

Part 35: Guhit

Napatingin sa akin si Rui kaya naman sinuklian ko rin siya ng isang matalim ka tingin. Ibayong sakit ang aking naramdaman noong marinig ko ang mga sinabi ng matanda. Para isang sumpa iyon sa aking isipan at ang salitang “nag bunga” ay hudyat na ng pag tatapos ng malinaw na guhit para sa aming dalawa.

Talo kung talo. Nahulog ako sa kanya at sa huli ako pa rin ang luhaan. Bakit kasi nakasanayan ko pa ang parating naka siksik sa kanyang tabi. Paano ko ngayon sasanayin ang aking sarili kapag wala na siya sa aking paningin?

“Bakit natahimik ka Hijo? Inaasahan ng pamilya ni Rossete na kayo ay ikakasal. Pag nangyari iyon ay mas magiging maunlad ang Natchakal. Alalahanin mong malaking isda ang babaeng iyon. Huwag mo akong bibiguin.” ang wika ng matanda.

“Bakit hindi natin hayaan si Rui na mamili ng taong mamahalin niya? Hindi ako sang ayon sa nais mo dad.” ang tutol ni papa

“Amir, kailangan natin ang mas malakas na pwersa dahil habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang kompetisyon sa merkado. Kung hindi ito gagawin ni Ruffer ay tiyak na pupulutin tayong lahat sa kangkungan. Saka isa pa ay lalaki naman ang iyong anak. Gamitin niya ang titi niya para maging makapangyarihan. Huwag tanga tanga!” ang sermon ng matanda at sa tono niya ay siya ang batas.

“Hayaan nyo akong mag desisyon para sa sarili ko.” ang wika ni Rui sabay tayo sa kanyang kinauupuan. “Excuse me.” wika pa niya sabay labas sa silid.

Ako naman ay tumayo rin at agad siyang sinundan.

“Bakit di mo sa akin sinabi?” ang paninita ko

“Tol, please huwag ngayon.” ang wika niya sabay lakad palayo sa akin.

Hinabol ko siya. “Bakit hindi? Bakit huwag? Natatakot ka dahil buking kana! Ginamit mo lang ako! Bakit hindi mo sa akin sinabi na may kasintahan ka doon sa ibang bansa? At nag bunga pa ang inyong pag sasama!” ang sigaw ko habang hinahabol ito sa parking lot.

“Matagal na kaming wala noon! Hindi ko alam na pati ang bagay na iyon ay pang hihimasukan ni Lolo!”

“Sana hindi ka nalang umuwi dito! Sana ay pinatahimik mo nalang ang buhay ko! Edi sana ay hindi ako nasasaktan ngayon!” ang sigaw ko

“Nai please. Umuwi na tayong dalawa. Halika na. Mag usap tayo sa bahay.” ang pang aamo niya pero nag pumiglas ako. Nag tatakbo ako palayo sa kanya at mabilis na sumibat ng lipad sa ere kung saan hindi niya ako mahahabol pa.

Halos hindi ko mapigil ang pag bugso ng aking emosyon habang lumilipad patungo kung saan. Parang may kung anong nakatusok sa aking puso dahil kumikirot ito at ang sakit ay mas higit pa sa pisikal na natatamo ko sa pakikipag laban sa mga dayuhan. Ibang klase ang sakit na ito, nakakapang hina ng buong pag katao sa paraan na hindi ko na kayang lumaban pa.

Napahinto ako sa pinaka taas ng isang gusali at dito ay napaiyak nalang ako habang pilit na inaalala kung paano nag simula ang lahat. Parang kanina lamang ay maayos kami pero ngayon ay biglang nag bago ang lahat. Hindi ako pabor sa pag papakasal at pag papatali ni Rui sa ibang tao dahil ang gusto ko ay sa akin lamang siya. Pero anong laban ko kung nag bunga ang pakikipag relasyon niya doon sa babaeng iyon ayon na rin sa kwento ni Lolo na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip at matanggap.

Tahimik..

Sa kabilang banda ay hindi ko rin maiwasang magalit kay Rui dahil pakiwari ko ay ginamit lang niya ako at pinag laruan. Sana ay tinapos muna niya ang obligasyon niya sa ibang tao bago niya ako pinakitaan ng pag mamahal. Ako naman itong si tanga, bumigay agad at nag pagamit. Sana ay may lakas pa ako para sisisihin ang aking sarili dahil hindi ako naging matalino pag dating sa pag mamahal.

“Nai, wala naman talagang matalino pag dating sa pag mamahal. Puso kasi ang pina iiral kaya’t hindi tayo nakakapag isip ng maayos. Tayo ay bubulag sa kaligayahan at nalulunod sa magagandang bagay na nagaganap sa atin. Ganyan talaga ang taong nag mamahal.” ang wika ni Sin na nakatayo sa aking likuran.

Humarap ako sa kanya at nag punas ng luha. “Mabuti naman at nag pakita ka sa akin ngayon.”

“Pasensiya kana Nai, ngunit nahirapan akong abutin ka nitong mga nakaraang araw dahil binabalot ka ng itim na pwersa. Natatalo nito ang aking kapangyarihan makausap ka ng maayos.” ang wika niya

“Itim na kapangyarihan? Ano iyon?”

“Mga negatibong pag iisip katulad ng pag alala, takot, kalungkutan, pangamba. Lahat ng iyon ay lumilikha ng itim na pwersang pumipigil sa akin para abutin ka. Nai, huwag kang nag papadaig sa mga negatibong bagay sa iyong kaibuturan.”

“Tao lang naman ako! Natural sa akin ang matakot, ang malungkot, ang mangamba at maging negatibo pa minsan minsan. Iyon ang mga emosyon na hindi ko maaaring takasan!”

“Nauunawaan kita Nai, iyan ang mga bagay na hindi ko maaaring ialis sa iyong pag katao. Ngunit kapag sobra kang nalungkot o binalot ng negatibong pag iisip ay hindi kita nagagawang abutin at nag lalaho ang aking kapangyarihan sa iyong katawan.” paliwanag niya

“Eh nasasaktan ako! Ano kapag super hero hindi na pwedeng ma broken heart? Nag mahal lang naman ako! Anong masama doon? Alangan namang tumawa pa ako at mag isip ng masayang bagay e masakit na masakit na!” ang sigaw ko naman

Natawa si Sin at tumabi ito sa akin. Kapwa kami naka upo sa tutok ng gusali, naka lawit ang paa sa ere habang dinadama ang malamig na hangin ng paligid.

“Katatagan ng puso at tibay ng loob ang sikreto upang mapag tagumpayan mo ang lahat ng sakit at pag subok na darating sa iyo. Iyan lang ang pinang hahawakan ko mag buhat noon. Hindi lang sa pag ibig kundi mismong pati sa hamon ng buhay.

Maraming planeta na rin ang naikot ko sa iba’t ibang galaxy at solar system. Pero ang lahat ng iyon ay nasisira at nabibigo ako sa aking misyon ng paulit ulit. Nakakaramdam ako ng sakit ngunit pilit kong tinatatagan ang aking loob upang makayanan ang bawat pagsubok na ibabato sa akin ng tadhana. Bagamat habang tumatagal nga ay pahina ng pahina ang aking kapangyarihan. Pero heto pa rin ako, buong tatag na tumatayo at pinipilit maging matatag kahit paminsan minsan ay nanginginig na aking tuhod dahil sa pagod at takot.“ ang wika ni Sin habang nakatanaw sa kalayuan.

“Naunawaan ko, ngunit bakit mo ito sinasabi sa akin?” ang tanong ko

Humarap siya sa akin at ngumiti “dahil nais kong maging matatag ka rin katulad ko. Walang problema o pag subok o sakit ang makakatibag sa isang pusong matatag at may malakas na paniniwala. Naniniwala ako sa iyo Nai, kaya ang dapat mong gawin ay maniwala rin sa iyong sarili.” ang tugon niya sabay ngiti.

Napabuntong hininga ako at muling napatanaw sa kalayuan. Maya maya ay muli kong ibinaling ang aking tingin kay Sin ngunit wala na ito sa aking tabi.

Malalim na rin ang gabi kaya nag desisyon akong tumalon na sa gusali at lumipad pabalik sa aming bahay.

Pag pasok ko palang sa gate ay nakita ko nang naka upo sa Rui sa balkunahe. Alam kong nag aabang siya sa aking pag dating hawak ang kanyang cellphone at susi ng kanyang sasakyan. “Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap.” ang bungad nya.

Humarap ako sa kanya at sumagot ng kaswal. “Diyan lang sa tabi tabi. Bakit gising ka pa?”

“Hinihintay kita.” sagot niya

“Bakit mo ako hinihintay?”

“Nais lang kitang makausap.” ang tugon niya dahilan para matawa ako. “Anong pag uusapan natin? Yung ipapakasal ka ni Lolo sa London dahil naka buntis ka ng babae?” ang sarcastic kong tanong

“Wala kabang tiwala sa akin? Sa halip na suportahan mo ako ay parang mas itinataboy mo pa ako! Akala ko ba ay mahal mo ako?” tanong niya

“Iyon na nga, mahal kita kaya ako nasasaktan ng ganito.”

“Gusto mo ba akong ikasal ha?” tanong niya

“Ayoko.” sagot ko naman

“Aalis tayo rito bukas! Mag sasama tayong dalawa at wala akong pakialam kung anong mangyari sa akin. May tiwala ka ba sa akin?” ang tanong niya at doon ay isinandal niya ako sa pader.

Tumingin ako sa kanyang mata “Oo, may tiwala ako sa iyo.”

“Kung ganoon ay lalayo tayong dalawa sa lugar na ito. Mag sasama tayong dalawa at papasayahin kita sa abot ng aking makakaya. Hindi ko kailangan ng kayamanan dahil ang mahalaga sa akin ay ikaw. Tayong dalawa.” ang bulong niya at dito ay napatitig rin siya sa aking mata.

Maya maya unti unti niya akong hinalikan sa labi. Ako naman ay napa pikit nalang habang ninamnam ang kanyang halik na hindi mapapantayan. Tila ba ang lahat ng galit sa aking dibdib ay nabura nalang na parang bula.

Ang halik ni Rui ay ang pinaka masarap na halik sa buong mundo. Ang pag dampi ng kanyang malambot na labi sa aking mga labi ay talagang nakakabaliw.

Nag patuloy kami sa aming halikan na tila naka limutan namin ang mundo..

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto at dito ay narinig namin si papa na sumigaw. “Rui! Nai! Anong ginagawa ninyo?!”

Napabitiw si Kuya sa akin at ako naman ay nakaramdam ng kakaibang takot. Kitang kita ko sa mukha ni papa ang pag kabigla at si mama naman ay napaupo nalang sa sofa.

“Mag kapatid kayo. Bakit ninyo ito ginagawa?” ang tanong ni Papa

Itutuloy..

SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 2

Feb 9, 2018

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto at dito ay narinig namin si papa na sumigaw. “Rui! Nai! Anong ginagawa ninyo?!”

Napabitiw si Kuya sa akin at ako naman ay nakaramdam ng kakaibang takot. Kitang kita ko sa mukha ni papa ang pag kabigla at si mama naman ay napaupo nalang sa sofa.

“Mag kapatid kayo. Bakit ninyo ito ginagawa?” ang tanong ni Papa

Part 36: Hangganan

Sumugod si Papa kay Kuya Rui at hinablot ito sa kanyang kohelyo. Tila binalot siya ng kakaibang galit noong makita ang aming ginagawang pag hahalikan. “Mag kapatid kayo!! Tarantado ka ba??!” ang sigaw nito sabay suntok sa mukha ni kuya

Natumba si Rui ako naman ay napako sa aking kinatatayuan. “Amir! Tama naaa! Huwag mong saktan si Rui!” ang pag pigil ni mama.

Huminga ng malalim si papa at itinuro kaming dalawa. “Kayong dalawa ang papatay sa akin! Isang malaking kahihiyan kapag nalaman ito ng lahat alam niyo ba iyon? Tumino kayong dalawa at mag hiwalay!” ang utos niya

“Pero papa, si Nai ay..”

“Tama na!” bulyaw niya kay Rui dahilan para maputol ang kanyang sasabihin. “Tama na! Bukas na bukas ay aayusin ko na ang papel mo patungo sa London Rui. Ipapakasal kita kay Rossete. Umalis kana dito bago pa bumaho ang imahe mo o ang imahe ng Natchakal!” sigaw ni papa sabay labas ng pinto na parang aatakihin sa puso.

Naiwan kami ni Rui sa kwarto. Agad ko siyang pinuntahan at tiningnan ang tama ng kamao ni papa sa kanyang mukha. Noong mga oras na iyon ay wala akong nasabing kahit ano, kusang gumalaw ang aking kamay at dinampian ang pasa niya sa mukha. Kasabay nito ang pag tulo ng aking luha kaya naman niyakap niya ako at ikinulong sa kanyang bilugang braso.

Kinabukasan, katulad ng sinabi ni papa. Nag simula na siyang ipaayos ang papel ni Rui upang ipakasal sa London. Kung dati ay tutol siya kay Lolo ngayon ay isa na siya sa nag pupush para pag layuin kami. Sinubukan kong manghingi ng tulong kay mama ngunit hindi rin ito makaporma dahil si papa ang batas sa aming tahanan.

“Kailan pa kayo ganito?” tanong ni mama habang hindi maitago ang sakit ulo

“Mahal ko si Nai noon pa. Alam nyo iyan!” ang sagot ni Rui

“Oo alam namin. Bata palang kayo ay mahal na mahal mo na ang kapatid mo pero hindi ko akalain na ang pag mamahal mong iyan ay aabot sa ganitong lebel. Pareho kayong lalaki, mag kapatid pa kayo. Hindi ko alam ang gagawin ko.” ang wika ni mama

“Aalis kami ni Nai dito. Ako ang bahala sa kanya.” sagot ni Rui sabay hila sa akin patayo.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag dating ni papa sa sala kasama si Lolo at ang kanyang mga medics. Mukhang sapilitan nilang ipapakasal si Rui sa ibang bansa para sa kapangyarihan nila. Iba talaga ang pag iisip ng mga tao, puro pag papayaman ang nais nila.

“Walang aalis Rui, isasama kana ng lolo mo sa London.” ang wika ni papa

“Pa, hayaan ninyo akong mag desisyon para sa sarili ko. Hindi ninyo dapat pinapaki alamanan ng buhay ko!”

“Tumigil ka! Ano gusto mong gawin ko? Panoorin kong nag kakabaklaan kayo ni Nai dito sa bahay? Sundin mo ang nais namin upang maibangon mo ang dangal mo sa aming paningin Rui.” sagot ni papa

“Huwag mong talikuran ang obligasyon mo sa nobya mo. Nag dadalang tao siya kaya’t responsibilidad mong panagutan ang ginawa mo. Nag babanta ang pamilya ni Rossete kapag hindi mo siya pinakasalan ay iaalis nila ang lahat ng shares sa ating kompanya. Mag isip ka Rui! Kung papakasalan mo ang babaeng iyon ay mapapasa iyo ang lahat ng yaman nila.” ang wika pa ni Lolo

Habang nakikinig ako sa kanila ay ibayong galit ang aking naramdaman. Kaya naman hindi ko na napigil ang aking sarili. “Pa, bakit kailangan ninyong kontrolin ang buhay ng ibang tao para sa kayamanan ninyo? Alam nyo ba na nagugunaw na ang mundong ito? Paano kung tuluyang masakop ng mga dayuhan ang ating planeta? Magagamit nyo pa ba ang yaman ninyo? Hindi ba kayo nangangamba sa mga posibilidad na maaaring maganap sa hinaharap?” ang tanong ko

Napatingin sa akin si mama at hinatak ako palayo. “Nai, huwag kang basta basta sasagot sa kanilang dalawa.”

“Bakit hindi? Miyembro ako ng pamilyang ito kaya hindi ninyo dapat ako binabale wala!” ang sagot ko naman at lakas loob ako tumutol sa kanilang nais.

Natawa ang matanda at tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. “Amir.” ang pag tawag niya kay papa

“Bakit dad?” ang tanong nito

“Ilang taon na ang batang ito?” ang tanong ng matanda

“Mag 19 sa isang linggo.” ang sagot niya

“Nasa wastong edad kana pala. Maaari kanang umalis sa bahay na ito. Mag trabaho ka para buhayin ang sarili mo.” ang sagot ng matanda.

“Dad. Huwag mo na idamay si Nai dito.” ang pag pigil ni papa

“Bakit hindi? Hanggang ngayon ba ay hindi pa niya alam ang totoo?” tanong ng matanda

“Anong totoo? Anong hindi ko alam?” pag tataka ko.

Napatingin ako kay Rui na noon ay naka yuko. Si mama naman ay naka tahimik lang at naka kapit sa aking braso.

“Ang katotohanan na ikaw ay hindi naman tunay na miyembro ng pamilyang ito. Hindi ka isang Natchakal dahil ikaw ay ampon lamang. Si Rui ang nag iisang anak ng mga taong itinuring mong magulang. Naalala ko pa noon kung paano ko tinutulan ang pag aampon sa iyo ni Amir.

Ang iyong tunay na lahi ay ang mortal na kalaban ng aming pamilya pag dating sa negosyo. Nag kataon lamang na naging matalik na mag kaibigan si Amir at ang iyong tunay na ama kaya kinukop ka.“ ang wika nito.

Ako naman ay napahinto sa pag sasalita. Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa aking harapan noong mga sandaling iyon. “Totoo ba? Maaa totoo ba ang sinasabi niya?” ang tanong ko

“Totoo. Ang iyong tunay na ama ay ang aking matalik na kaibigan. Kahit mag kalaban kami sa negosyo ay naging malapit kami sa isa’t isa. Isang gabi, dumating ang trahedya sa aming buhay. Kapwa kami dinakip ng mga armadong lalaki at siya ang nag ligtas sa akin kapalit ng kanyang buhay. Nag dadalang tao ang iyong ina noon at namatay ito noong isilang ka dahil sa halo halong emosyon ng kalungkutan. Kinuha kita sa ospital at kinupkop.” ang wika ni papa

“Pero bakit pinalabas ninyo na si Rui ang ampon at ako ang tunay na anak?” ang tanong ko

“Idea ko iyon tol. Ayokong masaktan ka kapag nalaman mo ang pangyayaring iyon sa buhay mo. Ayokong mag paliwanag sa iyo kung bakit parating sinasabi ng ating mga kalaro na hindi tayo mag kamukha. Kaysa ikaw ang tuksuhin nila na ampon ay ako nalang ang nag sasabi na “ako ang inampon” at hindi ikaw. Iyon na ang nakalakihan natin.“ ang wika ni Rui dahilan para mapatingin ako sa kanilang lahat.

Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking kalamanan. “I-ilang taon ninyo akong pinaniwala sa mga kasinungalingan ninyo. Kaya naman pala ang lahat ng kompanya ay hawak ni Rui, kaya naman pala siya ang pinapaboran at pinag aaral sa ibang bansa ay dahil siya ang tunay na anak at ako ay isang ampon lang. Kaya naman pala si Kohei ang nag palaki sa akin dahil hindi ako totoong miyembro ng pamilyang ito.” ang umiiyak kong salita

“Oo. At sa tuwing nakikita kita ay nais kong ipabaril ka dahil ang lahi ninyo ay mandaraya at mag mga mag nanakaw!” ang sigaw ng matanda na parang aatakihin sa puso

“Dad! Tama na!!” ang sigaw ni papa

Tahimik..

Napayuko nalang ako..

Naramdaman kong hinawakan ni Rui ang aking kamay ngunit bumitiw ako dito. Kasabay noon ang pag hakbang ng aking paa palabas ng bahay.

Dumiretso ako sa gate at lumipad palayo. Sinubukan akong habulin ni Rui ngunit hindi ko na nagawang lumingon pa. Ibayong kirot ang aking naramdaman dulot ng mga kasinungalingan ipinasok sa aking isipan ng mahabang panahon.

Ni nawalan ako lakas para ipag tanggol ang aking sarili. Ibinuhos ko ang aking atensyon sa pag lipad hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili sa isang malayong siyudad. Malayo sa aming lugar upang hindi nila ako mahanap.

Lumapag ako sa pinaka matayog na tore sa sentro ng siyudad na iyon at niyakap ko ang aking sarili habang patuloy ang pag patak ng luha sa aking mga mata. Pilit kong hinimas ang aking dibdib baka sakaling maibisan ko ang sakit ngunit wala pa rin.

Nanunuot ang kirot, ang lungkot at ang hindi mapapantayang pag dadalamhati sa aking pag katao. Maganda ang pag lubog ng araw sa kalangitan ngunit hindi para sa akin.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatanaw sa kawalan.

Tahimik ulit..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay muli kong narinig ang tinig na parating nakasunod sa akin “Nai, nalulungkot ako sa nangyari sa iyo. Sa kabila ng pag tatanggol mo sa lahat ay nagagawa ka pa nilang saktan. Hindi ka dapat nila ginaganito Nai.” ang wika niya at dito ay biglang nag bago ang aking paligid.

Natagpuan ko ang aking sarili sa isang madilim na lugar..

“Nasaan ka?” ang tanong ko

“Nandito ako sa iyong harapan Nai. Nakikidalamhati lamang ako sa iyong kalungkutan. Dapat ay turuan mo sila ng leksyon. Masama talaga ang mga tao, kahit ang iyong sariling pamilya ay niloko ka at pinag kaisahan. Kung ako ang nasa kalagayan mo ay hindi ko na sila ipag tatanggol. Kakalimutan ko sila at mabubuhay ako ng tahimik at malayo sa gusot.” ang wika nito. “Halika, yakapin mo ako. Lumapit ka sa akin..” dagdag pa niya

Humakbang ako pasulong..

Maya maya ay boses naman ni Sin sa aking likuran ang aking narinig. “Nai! Huwag mo siyang puntahan! Hinaharangan niya ang aking kapangyarihan! Huwag kang makinig sa mga sinasabi niya dahil ginagamit niya ang kalungkutan mo para kainin ka! Nai!!!” ang sigaw nito at doon ay nakita ko si Sin na unti unting kinakain ng dilim.

“Nai, tayong dalawa nalang ang natitira sa mundong ito. Lumapit ka sa akin at mamahalin kita. Akin ka lang Nai.. Halika sa aking piling at kalimutan mo ang dating ikaw.” ang wika niya

Tila may kung anong pwersa ang nag tutulak sa akin para humakbang patungo sa kanyng imahe naka bukas ang palad. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha ngunit pakiwari ko ay matagal ko na siyang kakilala.

“Tama iyan Nai. Lumapit ka sa akin at kalimutan mo ang mundo. Kalimutan mo kung sino kang talaga.” ang wika niya

At sa aking likuran naman ay naririnig ko si Sin ngunit palabo ang kanyang tinig hanggang sa hindi ko na ito maunawaan pa.

“Nasasaktan ka ba? Masakit talaga kapag ang sarili mong pamilya ang nanloko sa iyo.” ang wika pa ng imahe

“Nasasaktan ako, nalulungkot at hindi ko na alam ang dapat kong gawin.” tugon ko

“Alam mo ang dapat mong gawin Nai. Dito ka lang sa aking tabi.” ang wika niya sabay yakap sa akin.

Naramdaman kong gumapang ang kanyang kamay sa aking dibdib at niyakap niya ako ng mahigpit saka ito tumawa ng malakas. “Mag paalam kana sa kapangyarihan mo Nai.. Akin kana ngayon!”

Samantalang ako naman ay parang bateryang nawalan ng enerhiya. Ni hindi na ako naka pag salita pa habang naka kulong ako sa kanyang bisig.

Nag liwanag ang aming katawan at nag balik na sa normal ang aking paligid.

Natagpuan ko ang aking sarili sa itaas ng gusali kung saan ako naka upo kanina.

Wala akong pang itaas na damit.. At mula sa aking kinauupuan ay narinig ko ang isang tinig. “Nai, kalimutan mo kung sino ka.” ang wika nito

At noong mapatingin ako sa aking dibdib ay unti unting nabura ang tatak na SP dito. Nawala ang aking kapangyarihan at nakaramdam na ako ng pag kalula sa mataas na gusali.

Isang malakas na tawa ang aking narinig at kasabay noon ang isang pulang liwanag na bumabagsak sa malayong siyudad kung saan ako nag mula.

End of Season 2


Teaser 2018

“Subukan mong ipag tapat sa kanya ang nararamdaman mo, siguradong susuka siya at idudura sayo ang mga sinasabi mo. Kapag straight ang minahal mo ay para ka na ring uminom ng lasong pamatay sa daga.. Huwag kana mangarap..”

Coming Soon…

S3 NOTE

Busy si kuya Rui..


Mag kwentuhan muna tayo..

Ano ba ang mayroon sa Season 3? Ito ang finale season ng Super Panget, nandito ang moral lesson, ang puso, ang kasagutan sa inyong mga tanong. Sobrang dami ko nang nagawang fantasy story, halos ang mga ito na ang naging trademark natin. Nakakatuwa no? kung ano pa yung mahirap isulat siya pa yung nakahiligan kong gawin. Sabi ko nga sa aking sarili, ngayong 2018 mas ilelevel up ko ang pag susulat, iyon ang resolution ko ngayong taon, so sana mag improve tayo.

Wala naman akong intensyon na sumikat o makilala kaya nga tahimik lang ako, okay na sa akin yung may ilang kaibigan sa facebook at dito sa wattpad. Isa ka ba doon? Hindi rin ako mahilig mag promote o mang hingi ng comments o votes kung ano lang yung ibigay sa akin ng tao ay masaya na ako.

Bilang manunulat, mas lumalakas ako kapag nakaka tanggap ng positibong feedback sa mga mambabasa pero mas lalo rin akong lumalakas kapag pinapintasan ako o nakaka tikim ng negatibong feedback. Ako yung tipo ng manunulat na mag aalis ng kwento kapag pinintisan ito PERO wag ka dahil kapag ibinalik ko ito ay sinisigurado kong pulido na at maayos na.

Tungkol sa mga wrong spelling, errors at typos, wala tayong magagawa diyan, tao lang ako, naduduling rin paminsan minsan, malaki kana ikaw na ang bahalang mag adjust.

Tungkol naman sa mga insidenteng may kahawig na eksena sa pelikula o sa anime na napanood nyo, unawain nyo nalang na walang orihinal sa mundo. Ang ugali at pangalan mo nga ay may kamukha, kwento ko pa kaya?

Tungkol naman sa “pinoy super tagalong style” ko sa pag susulat, maganda nga diba? Atleast lumalalim ang vocabulary ninyo sa tagalong. Eh anong gusto nyo salitang alien ang gamitin ko? May nag papasalamat pa nga sa akin dahil pumasa sila sa Filipino subjects nila. LOL

Yun lang po..

And I… Thank You!

SP Part 37: Dapit Hapon

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

Feb 10, 2018

“Hoy! Buhatin nyo na itong mga bakal at iakyat doon sa gusali! Bilisan ninyo!” ang malakas na sigaw ng bisor

Araw araw kong naririnig ang kanyang sigaw at gayon rin ang ingay ng mga makina sa site na iyon kung saan ako nag ttrabaho bilang construction worker.

Halos mag iisang taon na rin akong nakatira sa malayong siyudad na ito, walang kamag anak, walang kaibigan at walang kakilala.

Ako bilang ordinaryong si Nai, halos nakalimutan ko na rin kung sino at ano ako dati. Dito, araw araw ay pag subok para mabuhay. Kayod dito, kayod doon para maka kain. Kung suswertehin ay matutulog akong walang laman ang aking tiyan.

“Ian, inom ka muna!” ang wika ng mga tambay sa eskinita kung saan ako nakatira.

Iyon ang tinawag nila sa akin ayon na rin sa aking kagustuhan. Bagamat noong unang dating ko rito ay nakilala nila ako bilang si Nai Natchakal ang anak ng isa sa pinaka mayamang tao sa bansa. Pero itinanggi ko ito at sinabing kamukha ko lamang iyon dahil ako ay hamak na palaboy lamang. Noong una ay ayaw nilang maniwala ngunit noong nag tagal na ako dito ay hindi na issue iyon sa kanila.

Nangungupahan lamang ako sa isang maliit na silid sa isang squatters area. Paano ako naka kuha ng silid? Ibinenta ko yung relo ko at kwintas na gamit ko noong unang buwan na nandito ako halos naging mahirap ang buhay ko noon, wala akong ala ala kundi ang lumang pantalon at wasak na damit na natira sa akin sa gusali kung saan ako lumapag noon.

Ngayon, ito na aking bagong mundo. Ang aking bagong buhay..

Part 37: Dapit Hapon

Flashback

Nag liwanag ang aming katawan at nag balik na sa normal ang aking paligid.

Natagpuan ko ang aking sarili sa itaas ng gusali kung saan ako naka upo kanina.

Wala akong pang itaas na damit.. At mula sa aking kinauupuan ay narinig ko ang isang tinig. “Nai, kalimutan mo kung sino ka.” ang wika nito

At noong mapatingin ako sa aking dibdib ay unti unting nabura ang tatak na SP dito. Nawala ang aking kapangyarihan at nakaramdam na ako ng pag kalula sa mataas na gusali.

Isang malakas na tawa ang aking narinig at kasabay noon ang isang pulang liwanag na bumabagsak sa malayong siyudad kung saan ako nag mula.

Tahimik..

“Hoy! Anong ginagawa mo dito?!” ang wika ng gwardiya ng gusali kung saan ako naka higa.

Tumingin ako sa kanya at itinaas ang aking kamay. “Tulungan mo ako!” ang wika ko na halos hindi makagalaw sa pang hihina.

“Napano ka ba? Empleyado ka ba dito?” ang tanong niya

“Hindi. Kailangan ko lang makababa dito sa gusali.” ang wika ko at habang nasa ganoong posisyon kami ay isang malakas na liwanag ang parang sumabog sa malayong siyudad kung saan ako nang galing.

Naramdaman ng bahagyang pag yanig ng lupa sa buong gusali dahilan para mag labasan ang mga empleyado nito. Agad naman akong ibinaba ng gwardiya na noon ay nag papanic rin dahil sa patuloy na pag yanig ng lupa.

“Sumabog yung pinaka maunlad na siyudad doon sa malayo. Mukhang ginugunaw na talaga ng mga alien ang mundo!” ang wika ng mga tao.

“Iyan ang sinasabing pag huhukom. Darating ang panahon na ang lahat ng ay lulupigin ng mga taga ibang planeta at walang matitirang buhay sa atin!” ang wika rin ng isa pang tao.

Ibinaba ako ng guard sa isang waiting shed at dito ay pinilit kong tumayo. Sinubukan kong mag palit anyo ngunit wala na akong kapangyarihan, tinawag ko si Sin ngunit wala rin ito. Ang lahat ay nag bago sa isang iglap.

Wala na rin akong ibang pamimilian kundi ang ituloy ang aking buhay. Dahil hanggang ngayon ay kumikirot ang aking puso dahil sa ginawa nilang pag sisinungaling sa akin. Wala na rin naman akong uuwian doon kaya’t simula ngayon ay dito na ako titira, bilang ordinaryong si Nai. Walang kapangyarihan, walang pamilya at walang karangyaan.

End of flashback

Sa mga nag daang buwan ay maraming nag bago. Ayon sa balita, ang kompanya ng Natchakal ay bumagsak na at nasira dahil sa malakas na pag sabog. Sina mama at papa ay nag hiwalay dahil sa hindi pag kakasundo. At Rui naman ay ikinasal sa London sa isang babae na may makapangyarihang pamilya.

Sa pag aakalang mababawi ng Natchakal ang mga nasirang gusali nila at ang mga nalugi sa negosyo kung sakaling mag papakasal si Rui sa isang mayamang dalaga, nabigo ang plano ng kanyang lolo at ngayon ay nahirapan na rin silang makabangon. Dahil ang pamilya pala ang babae ay matalino at hindi nag bigay para sa Natchakal.

Natali lamang si Rui sa wala..

Pero ang lahat ng iyon ay hindi ko na inisip pa. Wala na akong koneksyon sa kanila at wala rin akong magagawa para isalba sila o ang kanilang siyudad dahil ang aking bagong buhay ngayon ay nag simula na at hindi ko alam kung saan ito mag tatapos.

Binuksan ko ang isang plastic na ulam at kanin. Inilagay ko ito sa plato habang ang kandila sa lamesa ay naka sindi. Kung dati ay kumakain ako ng masarap na pag kain, ngayon ay paulit ulit lamang ito, kung minsan ay tira tira pa. Maliwanag ang kusina namin noon, malamig at maaliwalas. Dito ay madilim, mainit at malamok. Halos katakot takot na pag aadjust ang aking ginawa. Malayong malayo ito sa buhay na aking kinagisnan.

Paminsan minsan ay nakikita ko sa telebisyon ang pag kawasak ng aming siyudad ngunit wala na akong magawa para ipag tanggol ang lahat doon. Basta naka tingin lamang ako sa telebisyon at maya maya ipag papatuloy ko na rin ang aking ginagawang pag bubuhat sa mga bakal at sako ng semento.

Maswerte na sa akin ang kumita ng 200 piso sa isang araw. Dati ay itinatapon ko lang ang halagang ito ngayon ay katumbas na ito ng ginto sa akin. Paborito ko ang lugaw doon sa kanto, kapag natitikman ko ito ay nawawala ang pagod ko. Naalis ang mga paltos at sugat sa aking palad dulot ng pag bubuhat ng mabigat.

Bukod doon ay paborito ko rin ang tumambay sa rooftop ng sirang gusali sa tabi ng aming construction site. Dito ko madalas pinag mamasdan ang ganda ng dapit hapon, yung tipong nag aagaw na ang liwanag at dilim. Palubog ang haring araw at habang pinag mamasdan mo ito ay nawawala ang iyong pag kasilaw.

Ito ang mga bagay na hindi ko na aappreciate noon..

“Tol, ayos ka lang ba?” ang tanong ni Kulas. Kasamahan ko siya sa construction, mas matanda lamang sa akin ng dalawang taon. Hindi siya naka tungtong sa high school kaya sa pag extra extra lang kumikita para buhayan ang dalawang anak.

“Ayos lang. Medyo nakakaramdam lang ako ng pag hilo at pananakit ng ulo.” naka ngiti kong tugon

“Naku tol, ilang buwan nang pasumpong sumpong ang sakit ng iyong ulo ah. Baka kung ano na iyan.” ang sagot niya

Hindi ko rin alam kung ano ito, basta noong nawala ang kapangyarihan ni Sin ay madalas na akong nakakaramdam ng ibayong pananakit ng aking bungo at gayon rin ang panlalabo ng aking paningin. “Wala ito, baka sa pagod lamang o kaya ay sa sobrang init.” naka ngiti kong tugon.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay napatingin ako sa dalawang batang nag lalaro sa itaas rin ng rooftop. Madusing ang mga ito at hindi kaaya aya ang itsura. “Ayan nanaman yung dalawang mag kapatid na isinumpa.” ang wika ni Kulas

“Isinumpa? Bakit?” ang tanong ko

“Tingnan mo naman ang itsura nila pare, parang mga palaka ang mukha. Ang papangit!” ang natatawang wika ni Kulas “Parating pinag kakatuwaan iyan ng mga kasamahan natin sa site. Mga anak raw ng shokoy dahil mga mukhang pinag halong isda at palaka ang mga mukha.” dagdag pa niya

Pinag masdan ko ang dalawang batang nag lalaro. Pangit nga sila at talagang hindi kaaya aya ng mukha ngunit naka ngiti silang dalawa at masayang pinag sasaluhan ang iisang lumang laruan.

Napangiti ako at tumayo sa aking kinauupuan. Lumapit ako sa dalawang bata at pinag masdan silang mabuti.

Napatingin sa akin ang dalawang bata at kapwa sila natakot. “Teka, huwag kayo umalis. Huwag kayo matakot. Hindi ko kayo sasaktan. Heto ang pera, bumili kayo ng pag kain doon.” ang wika ko sabay abot ng 50 pesos.

Dahan dahang lumapit ang dalawang bata sa akin at kinuha nila ang pera sa aking kamay. Ngumiti sila at nag tatakbo sa isang maliit na kainan sa tapat ng lumang gusali.

Ako naman ay naka ngiti lang rin. Napag tanto ko na unti unti na ring nababago ang aking pananaw sa bawat bagay sa aking paligid. Ang pakiwari ko ay ipinanganak akong muli para itama ang aking pag kakamali noon.

“Bait mo talaga tol. Biruin mo nagawa mo pang bigyan yung dalawang batang iyon.”

“Maliit na bagay lang iyon.” ang tugon ko. Kung mayroon lang ako katulad ng dati ay baka hindi lang iyon ang ipinag kaloob ko sa kanila.

Sa tingin ko ay maganda na rin ang aking ginawang pag tira sa siyudad na ito bilang ordinaryong tao. Mahirap, ngunit sa bawat pag hihirap na iyon ay may katapat na aral na bumabago sa aking pag katao para mas lalong makita ko ng malinaw ang mga bagay na hindi ko nakikita noon.

Itutuloy..

SP Part 38: Nag lahong Bayani

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

Feb 10, 2018

Part 38: Nag lahong Bayani

Reporter:

Tunay ngang nag simula na ang katapusan. Ang ating siyudad ngayon ay nag sisimula nang magunaw at ganoon rin ang iba pang parte ng ating bansa. Ang mga sunod sunod na pag sabog ay hudyat nga ba ang pag wawakas ng ating buhay.

Nasaan na ba ang ating mga bayaning taga pag tanggol? Nasaan na si Super Panget? Hindi kaya’t nag sawa na siya sa paulit ulit na pag liligtas sa ating siyudad at wala tayong ginawa kundi ang asarin siya at pintasan dahil sa kanyang pisikal na anyo.

Sino ang ating masasandalan sa oras ng kalamidad? Sapat ba ang kakayahan ng ating militar para ipag tanggol ang ating mga mamamayan? Nasaan na ang nag lahong bayani? Buhay pa nga ba siya o tuluyan nang nabura sa ating kasaysayan.

Ako po si Liza Mae Lawit! Nag uulat!

*Turn off TV

“Ang laki ng suso ni Liza Mae pare.” ang wika ng mga kasamahan ko sa site

“Kaso baka may Lawit iyan! Patay tayo diyan!” ang sagot ng isa

“Ayos lang pare. May pwet naman dun nalang natin tirahin!” ang sagot ng isa

Tawanan..

Ako naman ay naka upo lang sa sulok habang ininom ng maligamgam na kape. Halos lumipas na rin ang init nito dahil tira lang ito ni Kulas. Kaysa naman walang laman ang aking tiyan.

“Hoy kayo diyan, tapusin niyo na ang pag hahalo ng mga semento doon!” ang utos ng taga bantay.

Agad kaming tumayo ni Kulas at kumuha ng pala. “Inaapura na nila ang pag gawa dahil bibisita yung may ari ng gusali mamaya.” ang wika ni Kulas

“Oo at mag bibigay panigurado ng bonus sa mga mang gagawa kaya tiyak na tiba tiba naman tayo sa alak mamaya.” sagot ng isa.

“Ikaw Ian, hindi kaba mag papadala sa pamilya mo sa probinsya?” tanong ni Kulas

“Wala naman akong pamilya. Mag isa nalang ako sa buhay.” ang tugon ko

“Kung wala kang pamilya, gumawa ka nalang ng sarili mong pamilya. Mag asawa kana Ian, gwapo ka naman at mukhang hindi ka construction worker katulad namin” ang biro ng isa tapos ay tawanan nanaman sila.

“Ikaw kasi ang pinaka bata dito kaya ikaw lagi ang napapag tripan.” ang bulong ni Kulas

Parang naging pamilya ko na ang kasama ko dito sa trabaho. Dumami ang aking mga tatay at kapatid. Halos lahat sila ay itinuturing akong anak, kapag wala akong makain ay iniimbita nila ako sa kanilang bahay ay doon ako pinapasalo. Kapag nag kakasakit ako ay binibigyan nila ako ng gamot at hindi na pinag gagawa pa ng mabibigat na gawain katulad ng pag bubuhat ng sako ng semento at mga bakal.

Alas 5 ng hapon noong matapos ang aming trabaho. At dahil arawan ang kita ay pumipila pa kami sa taga bantay upang kuhanin ang aming mga upa sa pag gawa. Noong hapon din iyon ay nag karoon kami ng extrang tig 500 na bonus na ikanatuwa ng lahat. Kasabay nito ang isang mahalagang anunsyo.

“Dumating ngayon yun may ari ng gusaling ito. Napansin niya na maraming matandang mang gagawa kaya hindi agad natatapos ang bawat bahagi sa itinakdang oras. Nag desisyon siya na alisin ang mga mang gagawang nasa edad 50 pataas at palitan ito ng mas bata.” ang wika ng taga bantay

“Bakit? Kaya pa namin mag trabaho. Mayroon pa kami lakas at malusog pa pangangatawan. Kung aalisin nyo kami ay walang kakainin ang aming pamilya!” ang protesta ng iba.

“Iyon ang desisyon ng itaas. Wala tayong magagawa kundi ang sumunod.”

“Halos kalahati ng mang gagawa dito ay nasa edad 50 pataas. Kapag inalis nyo sila ay lalo babagal ang progreso ng pag gawa nitong gusali.” wika ni Kulas na hindi maitago ang pag aalala para sa mga kasamahan.

Nag protesta ang mga mang gagawa ang lahat ay takot mawalan ng trabaho. “Iyon ang desisyon! Mag siuwi na kayo!” ang matigas na wika ng taga bantay kaya naman lumapit sa kanya ang isang matandang trabahador at nag maka awang huwag siyang alisin.

“Boss, wag naman. May sakit ang misis ko. Kami na lamang dalawa sa buhay.” ang wika nito

“Ilang taon kana?” tanong ng taga bantay

“65 na ako.” ang wika niya

Natawa ang taga bantay at nag wika “Lalong hindi na pwede ang edad mo itay. Kumbaga sa bunga ay sobra kana sa hinog at patungo kana sa pagiging lanta. Umuwi ka na lamang at mag pahinga sa bahay.” ang sagot niya

Nag patuloy sa pag mamaka awa ang matanda ngunit hindi niya ito pinansin. Nagawa pa niya itong itulak at tutukan ng batuta. “Huwag kang makulit tanda! Sinabing hindi na pwede!” sigaw nito

Kitang kita ng aking dalawang mata kung paano masadsad sa lupa ang matanda kaya naman hindi ko na napigil ang aking sarili. “Tama na!! Huwag mo siyang saktan!” ang sigaw ko sabay tulak sa taga bantay dahilan para matumba ito.

Nagalit ang taga bantay at kinuha niya ang kanyang batutang hawak. Inihampas ito sa aking ulo ng isang beses. Sa aking mukha ng isa pang beses at pati ang aking mga braso ay nasapol rin.

Dito na rumesponde sina Kulas at ang aking mga kaibigan. Lahat sila ay inalayo ako at pinigil ang taga bantay na namamahala.

Habang nasa ganoong kaguluhan kami ay pumasok ang may ari ng ginagawang gusali sa aming lugar at laking pag tataka niya kung bakit kami ng kakagulo sa loob “Anong problema?” ang tanong ng isang pamilyar na boses

“Sir, matigas ang ulo ng mga mang gagawa. Lalo na ang isang iyon na tumutol alisin ang mga matatandang trabahador!” ang dipensa ng bantay sabay turo sa akin gamit ang kanyang hawak na batutang may bahid ng dugo.

Nilapitan ako ng may ari kaya naman tumabi ang mga mang gagawa sa paligid at naiwan akong naka dapa sa lupa. Hinawakan niya ang aking katawan at dito ay nakita ko kung sino ito. “Nai?” ang gulat niyang salita.

“Si Kuya Gun!” ang sigaw ko sa aking sarili na parang naka kita ng multo. Sa kabilang banda ay tila hindi rin siya makapaniwala sa kanyang nakita.

Nanlaki ang aking mata kaya mas lalo tumulo ang dugo sa aking noo. Kusang gumalaw ang aking paa at mabilis na tumayo para umalis sa lugar na iyon. Ayokong makita ang kahit na sinong tao sa aking nakaraan. “Kahit na sino!” sigaw ko sa aking sarili.

“Nai! Bumalik ka dito!” ang sigaw ni Gun

Nag bulungan na ang mga kasama ko sa site, ang iba sa kanila ay nag tataka kung bakit ganoon ang naganap ang eksena sa pagitan namin ng bagong dating na bisita.

Takbong walang mula ang aking ginawa. Si Gun naman ay tumatakbo rin at hinahabol ako.

Tuloy tuloy lang ang aking pag takbo hanggang sa maabutan niya ako at hilahin palapit sa kanya. “Sandali Nai! Please! Huwag mo akong iwasan!” ang wika niya.

“Anong kailangan mo sa akin? Tahimik na ang buhay ko!” tanong ko na may halong galit at pag iwas.

Napatingin sa akin si Gun at bumakas sa mukha niya ang matinding awa. “Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko.

Umiling siya at niyakap ako ng mahigpit. “Sorry.. Sorry kung ngayon lang ako.” ang tugon niya.

“Wala akong balak bumalik sa siyudad. Wala na akong babalikan doon.” ang sagot ko naman sabay bitiw sa kanyang pag kakayakap.

Muli akong nag tatakbo palayo sa kanya. At hindi na niya ako hinabol pa..

Agad akong dumiretso sa aking tinitirhan at dito ay nilinis ko ang sugat sa aking mukha dulot ng pag kaka hampas ng matigas na bagay. Hindi ko akalain na si Kuya Gun ang may ari ng gusaling ginagawa kung saan ako nag ttrabaho ngayon. Siguro ay dapat na umiwas nalang ako at huwag na pumasok sa trabaho. Mag hahanap na lamang ako ng ibang mapapasukan basta malayo lamang sa aking nakaraan.

At iyon ang aking naging desisyon, hindi na ako bumalik sa construction bagamat parati akong pinupuntahan ni Kulas sa aking tinitirhan. Ibinalita niya sa akin na hindi na itinuloy ng may ari ang pag aalis sa mga matatandang mang gagawa.

At dahil nga hindi na ako bumalik doon sa site ay tinulungan nalang nila akong humanap ng mapapasukan, bata pa naman daw ako at marami akong pwedeng pasukan basta hindi ako mapili. Sino ba naman ako para tumanggi, halos mag pipitong buwan na rin ako dito at nag palipat lipat na ako ng trabaho. Naging delivery boy ako, kolektor ng mga basura, pa extra extra sa construction at ngayon ay nakapasok ako bilang waiter sa isang kainan. Mas maliit ang kita pero sapat naman para makatawid ako sa araw araw.

Tuwing gabi ang aking shift, mas maraming tao rito dahil sa mga nag iinuman. Sa araw ito ay simpleng kainan lamang pero sa gabi ay napupuno ito ng ilaw at malakas na musika. At ang mga babaeng serbidora sa umaga ay nag iiba ang anyo sa gabi, paiksian ng suot na palda at papulahan sila ng mga labi.

“Ian, iserve mo ito sa table 8, bilisan mo!” ang wika ng manager.

Agad kong kinuha ang pag kain at dinala sa table na umorder. “Order niyo po sir.” ang bati ko habang naka ngiti.

Noong ilapag ko ang mga pag kain sa lamesa ay inalis niya ang dyaryong hawak na nakatakip sa kanyang mukha. “Si Kuya Gun! Mukhang hindi niya ako titigilan.” ang sigaw ko sa aking sarili

Umarte ako na hindi siya kilala. “May order pa po kayo sir?” ang tanong niya

“Dalawang boteng alak.” ang sagot nito

Ngumiti ako at agad na tumalikod.

Kinuha ko ang dalawang bote ng beer sa case at isang basong may yelo. Kaswal ko itong dinala sa kanya na may halong pag galang. “Heto na po ang order ninyo.” ang wika ko sabay talikod.

“Umupo ka at saluhan ako.” ang wika niya

“On duty po ako sir, hindi ako pwede umalis.” ang sagot ko.

Natawa siya at tinawag ang manager. Ako naman ay nakatingin lang at pinag mamasdan ang kanyang gagawin.

Agad na lumapit ang manager sa kanya “Yes po Mr. Sentinel?” bati ng manager na punong puno ng pag galang.

“On duty ba ang isang ito?” ang tanong niya

Yumuko ang manager “Opo sir. May ginawa po ba siyang masama? O hindi kanais nais? Pasensiya na po sir dahil bago lamang po siya rito. Hindi pa niya masyadong gamay ang trabaho.” ang pag hingi nito ng tawad

Natawa si Kuya Gun. “No, wala siyang kasalanan. Nais ko lamang siyang makausap. Maaari ba?” ang tanong nito

“Opo sir. Ian, umupo kana. Malaking tao ang isang iyan.” ang gigil na bulong ng manager sabay kuha sa akin ng tray. “Uupo na po siya Mr. Sentinel. Maganda gabi po.” naka ngiting bati nito

“Salamat.” ang wika ni Kuya Gun sabay abot ng pera sa kamay ng manager. “Tip iyan. Keep it.”

Nangiti ito at muli nag pasalamat bago umalis ay inirapan pa ako at mukhang imbyerna talaga siya sa akin. “Bakit siya, hindi naman babaihan noh,” bulong pa nito sabay rampa paalis.

Napailing nalang si Gun..

Tahimik.

Nilagyan niya ako ng pag kain sa plato. “Kumain ka Nai.” ang wika niya

“Ano bang kailangan mo? Bakit hanggang dito ay sinusundan mo ako?” tanong ko

“Nai, nabalitaan ko ang nangyari sa iyo. Matagal kang nawala at matagal rin kitang hinahanap.” ang wika niya

“Buti ka pa hinanap mo ako, yung taong itinuring kong kapatid ay hindi.” ang sagot ko

“Hindi kana nagawang hanapin ni Rui dahil agad siyang inialis ng bansa para ipakasal sa dati niyang kasintahan. Pero araw araw niya akong tinatawagan at nakiki usap na hanapin kita. Ilang buwan kitang hinanap sa buong siyudad, ang akala ko ay kasama kana sa pag sabog doon.”

“Sana nga ay kasama nalang ako. Para wala nang sakit.”

“Tiyak na malulungkot ang kuya Rui mo, at pati na rin ako.”

“Kamusta naman si Rui sa ibang bansa? Ang anak niya? Ang asawa niya?” tanong ko

“Magulo ang nangyari doon sa kanyang kasal. Matapos ang kanilang pag iisang dibdib ay nag pakita ang nag papakilalang tunay na ama ng dinadala ng babae at dito ay nag ka leche leche na ang lahat. Halatang pinikot lang si Rui at ipinakasal ng sapilitan para sa yaman. Para makabawi ang Natchakal sa pag kakalugi sa negosyo. Ngunit matapos ang kasal ay napag alaman nila na nalugi na rin pala ang negosyo ng pamilya ng babae at wala na siyang mapapala dito.

Kumbaga ay umaasa ang pamilya ng Natchakal na maisasalba sila ng pamilya ng babae at sa kabilang banda ay umaasa rin ang pamilya ng babae na maisasalba rin sila ng mga Natchakal sa tiyak na pag kakadapa. Pareho silang nag taguan ng problema at huli na noong malaman nila.

Sa makatuwid ay walang nangyari sa pag papakasal ni Rui. Kawawang binata, nasakal lang siya ng di oras.“ ang wika ni Gun

Natahimik ako sa aking narinig. “Totoo bang nag hiwalay si mama at papa?” tanong ko

“Oo, hindi na kinaya ng mama mo ang pagiging mukhang pera ng ama mo. At ngayon ay ginagawa ng mama mo ang lahat ng makakaya niya upang bawiin kayo ni Rui. At tungkol naman sa lolo mong gahaman sa kapangyarihan ay malala ang kanyang kondisyon at kasalukuyan itong nasa ospital doon sa ibang bansa.”

Tahimik..

“Anong iniisip mo?” tanong niya

“Wala. Wala na akong paki alam sa kanila. Hindi naman nila ako kapamilya. Pina niwala nila ako sa isang kasinungalingan tungkol sa aking pag katao.”

“Ang lahat ng tao sa mundo ay dumaraan sa magulong parte ng buhay nila. Masasaktan ka at mahihirapan, ngunit lilipas rin ang lahat. Balang araw, ang lahat ng sakit ay tatawanan mo na lamang.” naka ngiting wika niya sabay lagay ng ulam sa aking plato.

“Anong plano mo?” tanong niya ulit

“Dito lang ako. Kung maaari ay huwag mo nalang sabihin kay Kuya Rui na nandito ako. Okay lang ba?”

Tumingin siya sa akin “O sige, pero regular kita bibisitahin. Ayos lang ba?” tanong niya habang naka ngiti.

Tumango at sumubo ng pag kain..

“Ayos lang.”

Itutuloy..

SP Part 39: Pag subok at Katatagan

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 10, 2018

Part 39: Pag subok at Katatagan

“Pareng Ian, ano sa iyo?” ang tanong ni Kulas habang umoorder kami ng pag kain sa karenderya

“Gusto ko yung dinuguan at menudo!” ang naka ngiti kong sagot habang kumukuha ng inumin.

“Coming up! Sarap ng luto ni Aleng Tinay!” ang tugon ni Kulas.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay tila nakaramdam ako ng kakaibang panlalabo ng aking paningin at kasabay nito ang matinding kirot ng aking ulo.

Sa bawat pag pintig ng aking puso ay ibayong sakit sa aking bungo ang aking nararamdaman dahilan para mabitiwan ko ng mga baso tray at matumba ang aking katawan sa lupa na ikinagulat ni Kulas at ng iba ko pang kaibigan.

“Tol! Anong nangyari?!” ang pag tawag nila

“Hinimatay! Tumawag kayo ng ambulansya!” ang natatarantang wika ng may ari ng karendiryang madalas namin kainan.

Naramdam ko nalang na binuhat ako at isinakay sa isang sasakyan patungo sa ospital.

Wala na akong natandaan pa..

Tahimik..

Pag mulat ng aking mata ay agad kong nakita ang doktor sa aking tabi. Masakit pa rin ang aking ulo ngunit bumalik na ang panlilinaw ng aking paningin. “Doc anong nangyari?” ang tanong ko

“Mabuti naman at maayos kana hijo. May kasama kaba dito? Nasaan ang mga magulang mo?” ang tanong niya

“Wala po. Mag isa lamang ako.” ang sagot ko

“Alam mo hijo kaya hinahanap ko ang iyong mga magulang ay nais kong ipaliwanag sa kanila ang iyong kalagayan.”

“Ano po ang ibig ninyong sabihin?” tanong ko naman.

“Seryoso at maselan ang iyong kalagayan ngayon hijo. Nais kong lakasan mo ang loob mo dahil ito lamang ang tanging makatutulong sa iyo at pangako na ibibigay ko ang lahat ng medikasyon upang ikaw ay maging maayos.”

“Ano po ba ang sakit ko doc?” ang tanong ko naman

“Mayroon kang kanser hijo. At nasa pinaka mataas na bahagdan na ito.” ang wika niya

“Kanser? Okay naman po ako ah. Paano nangyari?” ang tanong ko

“Karaniwan ang sakit na ito hindi nararamdaman ngunit unti unti nitong sinisira ang iyong katawan. Ang tumor ay isang limpak ng mga tissue na nabubuo kapag naiipon ang abnormal na mga selula. Sa normal na kalagayan, ang mga selula ay namamatay at napapalitan ng mga bagong selula habang ikaw ay nagkakaedad. Kung ikaw ay may kanser o tumor, hindi namamatay ang mga selula. Ang mga selula ng tumor ay lumalaki at dumadami kahit hindi naman ito kailangan ng katawan, at hindi tulad ng normal na matatandang selula, ang mga selula ng tumor ay hindi namamatay. Habang nagpapatuloy ang prosesong ito, ang tumor ay patuloy na lumalaki habang parami ng parami ang mga selulang naiipon sa limpak na mga tissue.

Ang pangunahing mga tumor sa utak ay nanggagaling sa iba’t ibang mga selula na bumubuo sa utal at sa central nervous system at pinapangalanan depende sa uri ng selula kung saan sila nagmula. Ang pinaka madalas na uri ng brain tumor ay ang gliomas at astrocytic tumor. Ang mga tumor na ito ay nabubuo galing sa astrocytes at iba pang selulang glial, mga selulang nagnanapanatili ng kalusugan ng mga nerves. Ang ilan sa mga tumor ay hindi kakakitaan ng mga sintomas hanggang sa ito ay maging malaki kaya’t magkakaroon ng seryoso at napakabilis nap ag hina ng kalusugan ng pasyenteng meron nito. Ang ilan sa mga tumor sa utak ay mabagal lumaki..

Ang isa sa pangkaraniwang sintomas ng tumor sa ulo na makikita bilang pangunahing palatandaan ay ang pag sakit ng ulo. Kadalasan, ang sakit ng ulo na dala ng brain tumor ay hindi nadadala ng mga gamot sa sakit ng ulo.“ ang paliwanag ng doktor

“Kung maagapan ito tatagal ka pa ng ilang buwan. Ngunit kung hindi ay tiyak na malalagay ka sa bingit ng kamatayan.” ang wika ng doktor.

Natawa ako at napa hawak sa aking ulo. “Pag sinuswerte ka nga naman” ang bulong ko.

“Pare, lakasan mo ang loob mo.” ang wika ni Kulas habang naka hawak sa aking balikat.

Nanatili akong nakadukdok sa aking tuhod at maya maya ay iniangat ko ang aking ulo at saka ako ngumiti “Hindi pa ako nakaka kalahati sa buhay. Lahat yata ng kamalasan ay sinapo ko na.”

Bakas na bakas sa mukha nila ang awa at wala silang nagawa kundi ang yakapin ako. Ako naman ay napa luha nalang sa pinag halong takot at awa sa aking sarili. “Sa ngayon hijo bibigyan kita ng gamot upang maibisan mo ang pananakit ng iyong ulo.” wika ng doktor

“Wala po akong pera doc.” ang tugon ko

“Kami bahala. Para saan pa at naging kapatid ka naman pare.” ang wika ni Kulas at dito ay nag ambag ambag sila para mabilhan ako ng ilang pirasong gamot.

Simula noong araw na iyon ay unti unti nang bumagsak ang pag asa ko sa buhay. Madalas na akong nakakaramdam ng pananakit ng aking ulo at karaniwan ay wala akong nagagawa kundi ang itiisin ito habang naka higa sa aking lumang papag.

Taglay ko ay ilang tableta na lulunukin ko upang maibisan ang ibayong sakit ngunit ilang oras na ginahawa lamang ang naibibigay nito at maya maya ay sasakit nanaman. Paminsan minsan ay tumulo ang dugo sa aking ilong o sa aking bibig kapag ako ay umuubo.

Siguro ay ito na nga ang aking karma dahil masama ako noon, hindi ko pinahahalagahan ang buhay ng iba at masyadong naging kampante sa aking mataas na estado. Ni hindi sumagi sa aking isipan na maaaring mag bago ang lahat sa isang iglap. Ang buhay nga ay talagang parang gulong, umiikot. At walang permanente kundi ang pag babago.

Nakakaramdam ako ng takot, lalo’t alam kong nalalapit na rin ang aking katapusan. Minsan ay naiisip kong mamatay akong nag iisa, saan kaya ako ililibing? May mag aasikaso kaya sa bangkay na maiiwan ko? Malalaman kaya nila? O parang bula nalang ako nawawala at hindi na malalaman ng lahat.

Sa tuwing makakaramdam ako ng ibayong takot ay nagagawa kong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako mag tutungo. Basta gusto kong makatakas, makaiwas sa kung anong bagay ang gumugulo at bumabagabag sa aking pag katao.

Tuwing hapon ay natatagpuan ko ang aking sarili na naka upo sa rooftop ng lumang gusali kung saan maigi kong pinag mamasdan ang buong paligid.

Nakatulala lang ako, tuliro at wala sa eksaktong katinuan.

Hihinga ako ng malalim, at ibubuga ko rin ito. Paulit ulit ang aking ginagawa hanggang sa muli sumagi sa aking isipan ang masayang buhay ko noon kasama si Rui, ang aking mga kaibigan at ang mga taong gumabay sa akin. Minsan ay sumasagi sa akin ang pag sisisi na sana ay hindi ako lumayo, sana ay hindi ako umalis, nagawa kong lahat ng pag kakamaling iyon dahil sa matinding sakit at pag daramdam. Sa isang iglap ay nag bago ang lahat.. Iyon siguro ang likas sa tao, kapag galit siya at punong puno ng emosyon ay nakakagawa siya ng mga bagay na labag sa kanyang kalooban o nakapag bibitaw ng salitang maka sasakit sa iba.

Tahimik sa itaas ng gusali.

Panaka nakang umiihip ang malamig na hangin, may kasama itong kirot na hindi ko mawari.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay dinukot ko sa aking bulsa ang bote ng tabletang gamot at tinitigan ko ito.

Unti unting tumulo ang luha sa akin mata at kasabay nito ang pag tugtog ng isang kantang nag mumula sa katabing gusali. Isang kantang nag pa igting ng aking damdamin.

Another Now

Kate Alexa

Was only just the other day It all just felt so real Like nothing could go wrong Was like a never ending dream Nothing ever changed, for so long

But now you’ve gone away And I’ve tried turning the page And it’s just not the same

But I’m breathing in, and I’m breathing out I’m wide awake, but I can’t hear a sound Though I’m breathing in, I can’t think about Another you, another me, another now

Where do I go from here? I’ve never felt so strange I’ve never felt so torn Cause ever since you came my way I learned to live by you And now I’m on my own

I know I need some time To leave all this behind Cause I’m still hanging on

But I’m breathing in, and I’m breathing out I’m wide awake, but I can’t hear a sound Though I’m breathing in, I can’t think about Another you, another me, another now

I’m sitting here, I’m all alone Don’t wanna move, nowhere to go Cause nothing’s real I just wanna hide Cause you’re not here

But I’m breathing in, and I’m breathing out I’m wide awake, but I can’t hear a sound

I’m breathing in, and I’m breathing out I’m wide awake, but I can’t hear a sound Though I’m breathing in, I can’t think about Another you, another me, another now

Oh ho Another you, another me, another now

Tiningnan ko ang aking kamay at hindi ko napigilang dumukdok sa aking sarili tuhod. Niyakap ko ang aking sarili at pilit na tinatagan ang aking dibdib..

“Pare, nandito ka lang pala. Para sa iyo.” ang wika ni Kulas sabay abot sa akin ng isang supot na mansanas.

“Salamat. Paano ba kayo makakabawi sa inyo?”

“Wala iyon pare, basta ang nais namin ay mag pagaling. Tatagan mo ang loob mo. Alam mo, ang pag subok ay isang malaking bato lang iyan na kailangan mong iusad para maka alis ito sa iyong daraanan. Magiging maayos rin ang lahat.” ang naka ngiti niyang sagot

Hinati ko ang mansanas sa dalawa at ibinigay sa kanya ang kalahati. Ngumiti ako at kinagatan ito. Kapwa namin itinuon ang aming atensyon sa palubog na araw sa kalangitan kung saan ang buong siyudad ay unti unting binabalot ng dilim.

Umaasa ako na sa pag sapit ng bagong liwanag ay maka kita ako ng bagong pag asa..

Itutuloy..

SP Part 40: Tableta

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

Feb 11, 2018

Part 40: Tableta

Sa pag lipas ng mga araw ay pinilit kong ibalik sa normal ang aking pamumuhay. Pumapasok ako sa trabaho at ginagawa ang aking araw araw na gawain. Kapag sumusumpong ang aking ulo ay agad akong lumulunok ng gamot upang maibisan ito.

Wala namang nakaka alam na may sakit ako, maliban sa mga kaibigan ko sa construction halos sila na rin ang tumutulong sa akin sa pag papagamot. Hindi naman bumabagsak ang aking katawan maliban sa panaka nakang pag dura ko ng dugo at pag durugo ng aking ilong.

“Nai, kamusta?” tanong ni Gun noong pumasok ito sa kainan kung saan ako namamasukan.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko naman

“Diba ang usapan natin ay regular bibisitahin para makasiguradong maayos ka? Para sa iyo.” ang wika nito sabay abot ng isang kahong kakanin at mga damit na kabibili palang.

“Para saan to?” tanong ko ulit

“Pasalubong ko sa iyo. Maliit na bagay na iyan.” naka ngiti niyang sagot sabay upo sa kainan.

“May order ka ba?”

“Dalawang boteng beer at yung pinaka espesyal ninyong pulutan. Pero siya na lamang ang pakuhanin mo ng order ko. Maiwan ka rito dahil nais kitang makausap.” ang tugon niya

“Maka usap? Tungkol saan?”

“Kahapon ay naka uwi na si Rui dito sa bansa. Nabawi na siya ng iyong ina at annul na sila nung babaeng pinakasalan niya. Ang plano ng kuya mo ay galugarin ang bawat sulok ng bansa para mahanap ka lang. Anong plano mo?” tanong niya

“Wala. Dito lang ako. Kung hindi mo naman ako ituturo ay hindi niya malalaman na nandito ako diba?”

“Kung sa bagay ay tama ka doon. Teka ayos ka lang ba? Dumudugo ang ilong tol!” ang gulat na salita ni Gun sabay dukot sa kanyang panyo.

Agad naman akong tumalikod at mabilis itong pinunasan. “Dala lang siguro ito ng sobrang init.” wika ko naman sabay lakad palayo sa kanya.

Naka uwi na pala ng bansa si Rui, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Kung ano ang sasabihin ko kung sakaling dumating ang araw na mag krus ang aming landas. Hindi naman imposibleng mangyari iyon dahil maliit lamang ang mundo.

Habang nag aayos ako ng kagamitan sa kusina ng kainan ay napukaw naman ang aking atensyon sa telebisyon kung saan may eksenang nag kakagulo ang mga tao sa siyudad. Kasabay nito ang isang report tungkol sa naturang pang yayari.

Report:

Nandito tayo ngayon sa sentro ng siyudad kung saan nagaganap ng concert ng pinaka sikat na artista ngayon sa buong bansa. Halos hindi inaasahan ang biglaang dating ni Troy sa siyudad kaya naman nag kagulo ang kanyang mga fans at followers.

Kung ating matatandaan ay sumikat si Troy, teka paano nga ba sumikat si Troy? Pero hindi na mahalaga iyon! Ang sikat at super gwapong personalidad na ito ay handang mag pakilig at bihagin ang ating mga puso sa ganda ng kanyang tinig at sa kanyang mukha na mala anghel na bumaba sa lupa.

Sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa ating paligid dulot ng kaliwat kanang pang gugulo ng mga dayuhan ay nanataling matatag at naka ngiti pa rin ang mga mamamayan ng ating siyudad. Salamat sa iyo Troy, ikaw ang star ng aming mga puso! Mabuhay ka Troy! Ang pogi pogi mo!!! Ako po si Liza Mae Lawit! Reporting!!!

Hawakan mo tong mic, dyan na kayo! Pupunta na ako kay Troy!!! Jusko nag wewet na ako!!“ ang sigaw ni Liza habang nakikipag siksikan sa mga fans.

Nag cut ang news..

Dahil sa hindi maipaliwanag na sakit ng aking ulo ay agad akong umuwi para makapag pahinga. Pag dating dito agad kong binuksan ang mga binigay ni Gun, mga tshirt at pag kain. Marahil ay batid niyang wala akong gamit kaya’t nag dala ito.

Inilagay ko sa aking maliit na lamesa ang mga tinapay at binuksan ko ang dala kong plastic ng ulam at kanin. Nag simula akong ngumuya habang ang aking katawan ay bahagyang nanginginig at nang hihina.

Sinubukan kong uminom ng tubig ngunit nauubo lamang ako at napapasuka sa hindi malamang dahilan. Tila yata habang tumatagal ay mas lalong bumabagsak ang aking katawan, marahil ay hindi ko lang ito pansin dati dahil taglay ko ang kakayahan ni Sin. Ngayong wala na ito ay mabilis na bumagsak ang aking katawan.

Inabot ko ang tableta sa aking papag at pilit itong ininom. Kasabay noon ang pag bagsak ng aking katawan sa sahig. Mas lalo pang sumakit ang aking ulo kaya hindi ko mapigilan ang mapasigaw nalang sa matinding pamamalipit.

Ubo dito at ubo doon..

Tumutulo ang pinag halong pawis, laway at dugo sa aking bibig at ilong na tila nilalason ako at winawasak ng paunti unti ang aking katawan.

Napapakapit ako sa sahig sa tuwing kumikirot ang aking bungo. Kahit anong gawin ko ay parang unti unti akong pinapatay.

Napatingin ako pintuan..

Kahit hinang hina ay pinilit ko pa ring bumangon upang makahingi ng tulong sa labas. Pilit kong inihakbang aking paa patungo sa lumang kahoy na pintuan at buong lakas ko itong binuksan.

Pag bukas tama ng liwanag sa mukha ay bumulaga sa akin sina Kuya Gun at Kuya Rui..

Pilit kong inaninag ang kanilang mga mukha ngunit talagang malabo na ito. Wala akong nagawa kundi ibulsa sa gamot sa aking jacket at muling bumalik sa loob ng aking tinitirhan.

Para akong naka kita ng multo kaya isinarado ko ang pintuan ng bigla silang tumakbo para pasukin ako sa loob. “Traydor ka Gun! Bakit sinabi mo sa kanya! Nangako ka sa akin!!” ang sigaw ko

“Tol sorry, hindi ko matiis na nakikita kang nag ttrabaho at namumulot ng kung ano ano sa labas para may makain!” ang sagot ni Gun

“Lumayas na kayo! Hindi ko kayo kailangan!” ang sigaw ko habang naka sandal sa pinto upang hindi sila makapasok.

“Nai! Please! Buksan mo ito! Mababaliw na ko kakaisip sayo! Pakiusap!!” ang wika ni Rui na basag at halatang umiiyak

“Hindi ko kita kailangan! Hindi kita kilala! Lumayas na kayo dito!!” ang sigaw ko pa rin ng bigla nilang itulak ang pinto dahilan para masira ito.

Natumba ako at napaubo ng dugo. Kasabay noon ang pag gulong ng mga tabletang gamot sa sahig kaya naman isa isa ko itong pinulot. “Lumabas kayo! Umalis na kayo!” ang sigaw ko habang abala sa pamumulot

Si Rui naman ay napaupo nalang sa sulok habang iniikot ang mata sa aking tirahan na walang kaliwa liwanag at parang bahay ng ibon dahil wala ito sa ayos. “Nai, paano ka nakatagal dito?” ang tanong ni Rui

“Paano rin ba ako nakatagal sa kasinungalingan mo? Hindi naman kita kailangan. Kaya kong buhayin ang sarili ko!” ang sigaw ko

“Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka kasama.” sagot ni Rui

“Lumayas kana! Manloloko! Sinungaling!” ang sigaw ko ulit habang tumatayo.

Maya maya ay tumayo si Rui hinablot nito ang aking damit. Isinandal niya ako sa pader. Dito ay nakita ko sa kanyang mukha ang pinag halo halong emosyon. Ngunit nanaig ang kanyang kalungkutan na hindi ko maipaliwanag. “Mag kano ang kailangan mo para sumama ka sa akin?” ang tanong niya

Tumingin ako sa kanyang mga mata at sumagot “Mag kano ba ang kaya mong ibigay sa akin?”

Napa ubo ako at lumabas ang dugo sa aking ilong at bibig..

Napatingin sa akin si Rui..

Pinag masdan niya ang aking itsura sa ganoong kalagayan..

At maya maya tumulo nalang ang luha ang kanyang luha. Ako naman ay nakatingin rin sa kanya habang gumagapang ang luha sa aking pisngi.

Tuluyang umiyak si Rui, may halo itong sakit at mabilis na niyakap ang aking ulo. “Anong nangyari sayo?! Anong nangyari sayo!” ang sigaw niya

“Anong nangyari sa kapatid ko?!” ang umiiyak na tanong ni Rui.

“Ang gamot na ito ay pain reliver para sa sakit ng ulo. Ibinibigay lang ito sa mga taong mayroong mga tumor upang maibisan ang pananakit.” sagot ni Gun noong mahulog ang bote sa aking bulsa

Lalong napaiyak si Rui. May halong hinagpis at galit ang kanyang pag hikbi habang yakap yakap ang aking lantang gulay na katawan.

Agad nila akong binuhat at dinala sa ospital para muling ipasuri. Tila nawalan ako ng lakas para lumaban pa o magalit kay Rui. Paki wari ko ba ay hindi na ako magigising pa sa oras na ipikit ko ang aking mga mata.

Pero gayon pa man ay pilit pa rin akong hinihila patungo sa malalim na pag kakatulog. Gustuhin ko mang kumapit ay tila hindi ko na rin magawa pa..

Ang bisig ni Rui kung saan ako naka kulong ay nanginginig, hindi ko malaman kung natatakot ba siya, nagagalit o nalulungkot. Ang kanyang pag hikbi ay ganoon nalang. May sakit at kirot, mahirap ipaliwanag ngunit damang dama ko ito.

Itutuloy..

SP Part 41: Ang Luha ni Rui

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 11, 2018

Part 41: Ang Luha ni Rui

“Kumuha kayo ng pinaka mahuhusay ba doktor. Gamutin ninyo ang kapatid ko!” ang wika ni Rui. Kausap niya mga mang gagamot sa ospital kung saan ako dinala.

Natagpuan ko ang aking sarili sa maayos na silid, malamig at maaliwalas ang paligid. “buti gising kana, huwag kang mag alala dahil gagawin ko ang lahat upang gumaling ka.” ang wika ni Rui

“Gusto ko na umuwi. May trabaho pa ako.” ang tugon ko.

“Tol, hindi kana mababalik sa trabaho dahil inalis kana namin doon. Kailangan natin manatili dito upang gumaling ka.” wika ni Gun

Tumingin ako sa kanya ng masama “traydor ka! Ang akala ko ay kaibigan kita?!” ang sigaw ko

“Tol, gusto kong malaman mo na hindi lang ako ang nag iisang traydor. Lahat ng kaibigan mo sa construction ay traydor din dahil sila mismo ang kumontak sa kuya mo upang ituro ka. Akala mo ba ay naniniwala ang mga kasamahan mo na Ian ang pangalan mo? Kilala ka nila at kilala nila ang mga Natchakal. Nais kong sabihin na hindi kami traydor, mahal ka namin kaya’t nais ka naming malagay sa mabuting sitwasyon. Kung hahayaan ka namin na mamatay dahil sa hirap, iyon ang hindi namin maaatim.” ang wika ni Gun

Naramdaman kong hinawakan ni Rui ang aking kamay at maigi niyang hinaplos ang mga paltos sa sugat dito.

Bumitiw ako at inialis ang aking kamay sa kanyang pag kakahawak. “Umalis kana at iwan mo na ako. Tahimik na tayo diba? Ilang buwan ang lumipas ni hindi mo man lang ako sinubukang hanapin ng personal.”

“Hindi ako naka uwi agad dito dahil marami akong problemang inayos doon sa ibang bansa. Wala kang ideya kung gaano ako nanabaliw na puntahan ka at hanapin.” ang sagot niya.

“Sinong maniniwala sa sinasabi mo? Sinong maniniwala sa inyo? Ilang taon ninyo akong niloko. Pinaniwala nyo ako na ikaw ang ampon at ako ang tunay na anak. Ang lahat pala ay kabaligtaran!”

“Ginawa ko lang iyon dahil ayokong dumating ang araw na lumayo ka sa akin at hanapin mo ang pinag mulan mo. Ayokong nakikitang tutuksuhin ka ng mga kalaro mo kaya’t iyon ang parati kong sinasabi. Na hindi ikaw ang ampon kundi ako. Mga bata pa tayo noon at wala pa sa hustong isip para maunawaan ang lahat.”

“Sinungaling ka pa rin at hindi mababago iyon! Sinungaling at mang gagamit. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko!” ang sagot ko pa.

“Mahal kita kaya ko ginawa ang mga bagay na iyon. Hindi kita ginamit at hindi ko magagawa iyon sa iyo. Paki usap buksan mo naman ang puso mo, huwag kana mag matigas.” ang wika ni Rui

“Kung ayaw mong lumayo sa akin ay ako mismo ang lalayo sa iyo. Hindi ko na papayagan ang aking sarili na maloko mo ulit!” ang wika ko sabay hugot sa mga swero sa aking kamay. Agad akong bumaba sa higaan dahilan para pigilan nanaman nila ako

“Nai! Ano ka ba? Nandito kami para tulungan at iligtas ka. Ibaba mo na ang pride mo. Huwag kana magalit sa kuya mo dahil wala naman siyang kasalanan, kapwa kayo biktima ng pag kakataon. Bakit kailangan mong kamuhian ang taong nag alaga at sumuporta sa iyo? Bakit kailangan mong talikuran ang pamilya mo? Hindi naman sila nag kulang sa iyo. Pinalaki ka nila ng tama, binigyan ng maayos na tirahan at ibinigay lahat ng luho mo. Ang taong itinataboy mo ay walang ibang intensyon kundi ang mahalin ka at iligtas ka sa madalim na daang tinatahak mo.” ang sermon ni Gun at hinila niya ako pabalik sa higaan dahilan para mag wala ako.

“Wala akong paki alam sa mga sinasabi ninyo! Nilalason nyo lamang ang isip ko para paniwalaan ang mga kasinungalingan iyan! Bitiwan ninyo ko!! Bitiwan nyo koo!” sigaw ko habang nag wawala sa higaan.

Agad na dumating ang mga doktor at nurse. Pinag tulungtulungan nila akong iayos at naramdaman ko nalang na tinurukan ako ng pampakalma.

Unti unting natigil ang aking pag wawala at tanging luha lamang sa mata ang naiwan.

“Tama na please. Maaawa ka naman sa akin.” ang wika ni Rui na may basag na boses. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalik halikan ito.

Hinaplos niya ang mga paltos sa sugat gamit ang kanyang mga kamay at habang nasa ganoong posisyon siya ay nakita kong pumatak ang luha sa kanyang mata.

Dito ay hindi na niya napigil ang pag bugso ng kanyang emosyon. “Patawarin mo ako kung napabayaan kita. Masama ang loob ko sa sarili ko dahil wala ako sa mga oras na kailangan mo ako. Sa mga oras na nasasaktan ka at nahihirapan. Wala ako sa mga oras na nagugutom ka at mag lalakad sa kalye para humanap ng makakain. Kasalanan kong lahat ito, hindi ko natupad ang pangako ko na aalagaan at hindi kita pababayaan. Patawarin mo ako Nai, please..” ang wika niya

Patuloy sa pag hikbi si Rui, ako naman ay napatingin lang sa kisame habang mag kasugpong ang aming mga kamay.

Maya maya ay ibinaling ko ang aking tingin sa kanya. Pinag masdan ko siya at tila nakaramdam ako ng awa na hindi ko maipaliwanag.

Hindi na ako nag matigas pa..

Simula noong araw na iyon ay inalagaan ako ni Rui. Pinapakain niya ako, kinukwentuhan, binibilhan ng kung ano ano at nililibang. Kapag sumasakit ang aking ulo ay minamasahe niya ito at inaalalayan ako sa lahat sa pag kakataon. Kahit sa pag ihi, paliligo at pag dumi.

Hindi ko pa tuluyang napapatawad si Rui ngunit hindi nalang ako kumikibo. At lalong hindi na rin ako nagagalit sa kanya. Hinayaan ko na lamang ang lahat..

Makalipas ang ilang araw ay dumating naman sa ospital si Mama, katulad ng reaksyon ni Rui ay yumakap rin ito sa akin at nag iiyak ng malakas na siyang dumurog sa aking puso. “Anong nangyari sa iyo anak? Ang tagal kitang pinahahanap, nandito ka lang pala.” ang umiiyak niyang salita.

Kung sa bagay hindi naman talaga nila ako makikita dahil nasa squatters area ako. Sino ba naman ang mag aakala na doon ako sisiksik e galit nga ako sa panget at sa mabaho dati.

Hindi ako kumibo habang yakap ni mama. Bagamat ramdam ko rin ang kanyang lungkot at saya noong makita ako. “Nai, huwag ka nang aalis. Mahal na mahal ka ni mama. Ikaw ang bunso ko.” ang wika nito habang umiiyak.

“Master, masaya ako na makita kita ulit. Sayo pa rin ako mag lilingkod dahil para na kitang tunay na anak.” ang naka ngiting wika ni Kohei.

Noong mga sandaling iyon ay bumuhos ang emosyon sa loob ng silid. Hindi ko malaman ngunit tila nag karoon ako ng kaunting pag asa sa aking sarili. Tila ba may liwanag akong nakikita sa gitna ng kadiliman na aking nilalakaran. Isang liwanag na nag mumula sa init ng kanilang pag mamahal.

Napag tanto ko na nakakabulag ang sobrang sakit at galit sa mundo. Ang sobrang emosyon ay mag dadala sa iyo ng dalawang bagay, isang mabuti kung saan matutuwid ang iyon landas na daraanan at isang masama kung saan tuluyan kang makakalimot at lalamunin ka ng purong dilim hanggang sa wala ka nang makita pa.

“Nai, gusto kong malaman mo na tanggap ko kayo ni Rui, mahal ko kayong dalawa kaya’t hindi ako papayag na mag kahiwa hiwalay tayong pamilya.”

“Kamusta si papa?” ang tanong ko

“Nasa ibang bansa ito. Siya ang nag aalaga sa matandang Natchakal dahil nasa malubha na itong kondisyon.” ang sagot ni mama

“Totoo bang nag hiwalay kayo?” tanong ko ulit

“Hindi pa naman formal, siguro kailangan lamang naming huminga at hanapin ang aming mga sarili. Pero kahit ganoon ay masaya pa rin ako dahil nandito na kayo ni Rui sa aking tabi. Pangako na gagawin ko ang lahat upang bumuti ang pakiramdam mo. Sukdulang ikutin natin ang buong mundo upang gumaling.” ang wika ni mama sabay yakap sa akin.

Si Rui naman ay naka ngiti habang hinihimas ang aking likuran. “Marami kaming utang sa iyo, lalo ako. Pag gumaling ka ay ikukutin ang buong mundo! Dadalhin kita kahit saan mo gustong mag punta. Basta ipangako mo lang sa amin na lalaban ka.” ang bulong niya

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Hinawakan ko ang kanyang kamay..

Di ko namamalayan na gumuguhit na pala ang ngiti sa aking labi. Totoong ngiti, at walang halong pag papanggap.

Kasabay nito ang pag luwag ng aking dibdib. Siguro ay matutunan ko ring iwaksi ang aking galit. At mula dito ay mabubuhay ako ng positibo, masaya at buo ang loob.

Ang pag mamahal na ibinibigay sa akin ng mga tao sa aking paligid. Iyon ang nag babalik ng aking lakas. Tila ba nabubuhay muli ang aking dugo at pumipintig ng mabilis ang aking puso. Nag iinit ang aking katawan at sumisigla ang aking kalamnan.

Habang naka kulong ako sa bisig nina mama at Rui ay may kung anong tuwa ang aking nadarama.

Kasabay noon ang isang pamilyar na tinig..

“Nai..”

ang boses ni Sin..

Itutuloy..

SP Part 42: Dalawang Mundo

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 12, 2018

Ang pag mamahal na ibinibigay sa akin ng mga tao sa aking paligid. Iyon ang nag babalik ng aking lakas. Tila ba nabubuhay muli ang aking dugo at pumipintig ng mabilis ang aking puso. Nag iinit ang aking katawan at sumisigla ang aking kalamnan.

Habang naka kulong ako sa bisig nina mama at Rui ay may kung anong tuwa ang aking nadarama.

Kasabay noon ang isang pamilyar na tinig..

“Nai..”

ang boses ni Sin..

Part 42: Dalawang Mundo

Noong marinig ko ang boses ni Sin ay unti unting nag bago ang aking paligid. Nanatili akong naka upo sa higaan habang naka kabit ang tubo sa aking kamay. Samantalang nawala naman sina mama, kuya at iba pa.

Nabalot ng dilim ang paligid at tanging ang kilalagyan ko lamang ang maliwanag. Maya maya ay lumakad si Sin patungo sa akin. Nakatapak siya sa isang maliit na liwanag na nag sisilbing ilaw naming dalawa.

“Sin! Patawarin mo ako.” ang wika ko habang naka tingin sa kanya

“Kamusta kana Nai? Matagal kita inaabot ngunit hindi ko ito magawa dahil sa ngayon ay wala na ang ating kapangyarihan. Kung mapapansin mo ay madilim ang ating paligid, tanging kaunting liwanag lamang na ating tinatapakan ngayon ang tanging mayroon tayo.”

“Bakit nag kaganoon? Paano mo ako naabot?” ang tanong ko

“Una ay nais kong sagutin kung bakit kaunting liwanag lamang ang ating tinapakan. Ito ay dahil nakabalot ng kadiliman ang iyong buong pag katao. Lahat ng galit, takot, lungkot at mga negatibong bagay ang nag palakas ng husto sa iyong kalaban kaya’t nagawa niyang burahin ang ating kapangyarihan. Maging ako ay nagawa niyang ikulong sa kadiliman dahil humina ka ng husto at nag padala ka sa iyong negatibong emosyon.” ang wika ni Sin at dito ay nag balik sa aking ala ala ang pang yayari noon kung saan pilit niya akong tinatawag ngunit hindi ko siya napapansin.

Flashblack

Maya maya ay boses naman ni Sin sa aking likuran ang aking narinig. “Nai! Huwag mo siyang puntahan! Hinaharangan niya ang aking kapangyarihan! Huwag kang makinig sa mga sinasabi niya dahil ginagamit niya ang kalungkutan mo para kainin ka! Nai!!!” ang sigaw nito at doon ay nakita ko si Sin na unti unting kinakain ng dilim.

“Nai, tayong dalawa nalang ang natitira sa mundong ito. Lumapit ka sa akin at mamahalin kita. Akin ka lang Nai.. Halika sa aking piling at kalimutan mo ang dating ikaw.” ang wika niya

Tila may kung anong pwersa ang nag tutulak sa akin para humakbang patungo sa kanyng imahe naka bukas ang palad. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha ngunit pakiwari ko ay matagal ko na siyang kakilala.

“Tama iyan Nai. Lumapit ka sa akin at kalimutan mo ang mundo. Kalimutan mo kung sino kang talaga.” ang wika niya

At sa aking likuran naman ay naririnig ko si Sin ngunit palabo ang kanyang tinig hanggang sa hindi ko na ito maunawaan pa.

“Nasasaktan ka ba? Masakit talaga kapag ang sarili mong pamilya ang nanloko sa iyo.” ang wika pa ng imahe

“Nasasaktan ako, nalulungkot at hindi ko na alam ang dapat kong gawin.” tugon ko

“Alam mo ang dapat mong gawin Nai. Dito ka lang sa aking tabi.” ang wika niya sabay yakap sa akin.

Naramdaman kong gumapang ang kanyang kamay sa aking dibdib at niyakap niya ako ng mahigpit saka ito tumawa ng malakas. “Mag paalam kana sa kapangyarihan mo Nai.. Akin kana ngayon!”

Samantalang ako naman ay parang bateryang nawalan ng enerhiya. Ni hindi na ako naka pag salita pa habang naka kulong ako sa kanyang bisig.

Nag liwanag ang aming katawan at nag balik na sa normal ang aking paligid.

Natagpuan ko ang aking sarili sa itaas ng gusali kung saan ako naka upo kanina.

Wala akong pang itaas na damit.. At mula sa aking kinauupuan ay narinig ko ang isang tinig. “Nai, kalimutan mo kung sino ka.” ang wika nito

At noong mapatingin ako sa aking dibdib ay unti unting nabura ang tatak na SP dito. Nawala ang aking kapangyarihan at nakaramdam na ako ng pag kalula sa mataas na gusali.

Isang malakas na tawa ang aking narinig at kasabay noon ang isang pulang liwanag na bumabagsak sa malayong siyudad kung saan ako nag mula.

End of flashback (Scene from SP S2 Part 36)

“Ikinulong ako sa kadiliman kasama ng aking kapangyarihan. Ang iyong ikalawang tanong, paano kita naabot ngayon? Ay dahil nag karoon ka ng kaunting pag asa, naging positibo ang iyong pag iisip at lumikha ito ng liwanag kung saan ako nakaraan at nakatakas. Ngunit kung napapansin mo ay madilim pa rin dahil hindi pa tuluyang nasusupil ang negatibong emosyon sa iyong pag katao. Ngunit gayon pa man ay natutuwa ako dahil unti unting bumabalik ang aking lakas.

Ang pag mamahal na natatanggap mo sa mga tao sa iyong paligid ang mag bibigay sa atin ng liwanag kaya’t huwag mo silang hahayaang mawalay sa iyo Nai.“ ang wika niya

“Ngunit paano ko magagawa ang aking misyon kung may sakit ako? Unti unti akong pinapatay ng karamdaman.”

“Matagal kanang may sakit Nai. Alam ko iyon. Kaya ikaw ang aking napili upang bigyan ng aking lakas. Huwag kang mag alala dahil magiging maaayos rin ang lahat. Sa ngayon ay mahalin mo ang mga tao sa iyong paligid. Sila ang ating mag sisilbing lakas.”

“Teka, may itatanong pa ako. Sino ang kumuha sa ating kapangyarihan? Sino ba siya?” ang tanong ko

“Alam mo ba ang tinatawag na parallel world Nai? Ang mga sinaunang tao ay naniniwala na ang bawat bagay sa mundong ito ay may katumbas sa ibang mundo. Kahit ang ating mundo ay ganoon rin, dalawa ang mundong ating ginagawalan at tayong lahat ay may katumbas sa mundong iyon.

Halimbawa: Ikaw at ako.. Sa kabilang mundo ay mayroon din ikaw at ako. Hindi nga lang natin alam kung masama ito o mabuti.“ ang paliwanag niya

“Kung ganoon ang kalaban ko ay walang iba kundi ang sarili ko rin?” ang tanong ko

“Maaaring ganoon na nga, ngunit maaari ring hindi. Pero isa lamang ang sigurado, nabubuhay ang kalaban mo sa iyong kaibuturan sa iyong sarili kaya’t nagagawa niyang maging malakas. Ikaw ay punong puno ng negatibong enerhiya kaya’t marami siyang nakukuha sa iyo.” ang paliwanag niya.

“Hindi ko alam kung paano ako mananalo. Kakayanin ko bang labanan ang lahat ito?” tanong ko

“Nai, walang makatatalo sa pusong matatag. Tandaan mo iyan. Tandaan mo na ang lakas ng ating kapangyarihan ay nakadepende sa paniniwala at pag mamahal na nakukuha natin sa mga tao sa ating paligid. Hindi ka nag iisa.. Huwag mong kalilimutan iyon..” ang wika niya at unti unting nag laho ang kanyang imahe.

Nabura ang madilim na kapaligiran at muling nag balik sa normal ang lahat kung saan yakap yakap pa rin ako nila mama. Tila ba huminto ang aming oras kaya’t gaoon pa rin ang aming eksena.

“Hindi ako lalayo. Dito lang ako.” ang bulong ko kaya mas lalo pang humigpit ang pag yakap sa akin ni Rui.

Noong araw ding iyon ay isa isang pinasalamatan nina Rui at mama ang mga kasamahan ko sa construction. Hindi naman daw sila nabigla dahil una palang ay alam na nilang hindi ako taga doon at naligaw lamang ako ng landas kaya’t ginabayan nila ako sa abot ng kanilang makakaya.

At bilang pasasalamat ay binigyan ni mama ng permanenteng trabaho ang mga ito. Iyon nga lang ay kailangan nilang lumuwas sa probinsya at lumayo sa kanilang pamilya dahil ang mga lupain at trabaho na pag aari ni mama ay naroon. Nangako rin si Rui na susuportahan sila katulad ng pag tulong nila sa akin.

Ewan gulat na gulat lang sila Rui noong bisitahin ako ng mga kasamahan ko sa silid. May dala ang mga ito na lugaw at mga pag kain na nabibili sa tabi tabi, ang mga pag kain na itinatapon ko at ayaw kong maamoy noon ay kinakain ko na ngayon. Mag kakasalo pa kami at walang kaselan selan sa pag kakamay.

Kitang kita nila ang malaking pag babago sa akin, dahil ngayon ay naging mabait na ako sa mga taong hindi kaaya aya ng anyo. Hindi na ako maselan at maarte. Mga bagay na ikinatuwa nila mama dahil noong bumalik ako sa kanila ay talaga nag bago na ang aking pananaw.

“Galit ka pa rin ba sa akin?” ang tanong ni Rui habang tinutulak niya ako sa wheel chair. Naisipan niya akong iikot sa hallway ng ospital.

“Hindi na. Kaunti nalang.” ang tugon ko. “Nasaan yung asawa at anak mo?” ang tanong ko

“Yung asawa ko, heto sa tabi ko. May sakit at inalaagaan ko. Wala pa kaming anak. Ewan ko ba naman, dami ko nang inilabas sa kanya pero hindi pa rin kami nakakabuo.” ang pilosopong tugon niya.

“Heh, seryoso na kasi!” ang pag mamaktol ko

Natawa siya..

“Nakipag alyansa ako doon sa totoong ama ng anak niya. Iyon mismo ang umayos ng aming papeles upang mapawalang bisa aming kasal at syempre ay tulong na rin ni mama at mga abugado niya. Saka gusto na ring umurong ni papa noong nalaman nila na wala ring mapapala sa pamilya ni Rossete dahil matagal na silang bank crupt. Mahusay lang silang mag tago kaya hindi ito nalaman ng ating pamilya. Iyon ang dahilan kaya’t inatake sa puso si lolo, dahil sa sama ng loob. At si mama naman ay nakipag away kay papa dahil ibinenta raw ako para sa wala at malaki rin ang galit niya dahil sinaktan ka nila.” ang paliwanag ni Rui

“Galit pa rin ba si papa sa akin? Sa atin?” ang tanong ko

“Hindi ko alam, pero ayoko nang isipin pa iyon. Ang mahalaga ay nakuha natin ang suporta ni mama at tanggap niya kung ano man ang mayroon tayo. Kaya masaya ako. Sobrang saya..” tugon niya. “Ikaw masaya ka ba?”

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

“Oo naman.”

“Bakit naman?” naka ngiti niyang tanong

Ngumiti rin ako at sumagot “dahil hindi na ako mag iisa simula ngayon.”

Itutuloy

SP Part 43: Troy

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 12, 2018

“Hindi ko alam, pero ayoko nang isipin pa iyon. Ang mahalaga ay nakuha natin ang suporta ni mama at tanggap niya kung ano man ang mayroon tayo. Kaya masaya ako. Sobrang saya..” tugon niya. “Ikaw masaya ka ba?”

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

“Oo naman.”

“Bakit naman?” naka ngiti niyang tanong

Ngumiti rin ako at sumagot “dahil hindi na ako mag iisa simula ngayon.”

Part 43: Troy

Reporter:

Sa ngayon mga kaibigan ay nasasaksihan natin ang ginagawang people power ng buong bayan. Ang lahat ay nag wawala at nakikipag laban upang iluklok na bayani ang artistang si Troy dahil sa kagwapuhan nito.

Siya ang sinasabing santo ng mga pogi at siya rin ang nais na ipalit kay Rizal bilang pambasang bayani. Sino ba naman ang mag aakala na ang simpleng artistang ito ay mamahalin ng lubos ng buong bayan.

Samantala nag kalat na rin ang rebulto at imahe ni Troy sa mga bangketa, ang kanyang mga rebulto ay sinasabing ipapalit sa mga santo at ilalagay umano sa mga simbahan bilang simbolo ng kristiyanismo.

Ako po si Carla Mae Lawit at sa ngalan ni Liza Mae Lawit na baliw na baliw doon kay Troy, ito po ang Pak na pak new of the day!!“

End of report

“Naku yung mga anak namin ay baliw na baliw rin diyan sa Troy na iyan. Hindi nga namin alam kung sino at saan iyan nag mula. Kusa na lamang sumulpot sa showbiz at siya na lamang ang parating napapanood sa telebisyon” ang wika nila Kulas

“Tingnan mo naman pare, gwapong gwapo kaya marami ang nahuhumaling.” ang wika pa ng isa habang lahat ay nakatutok sa telebisyon kung saan naroon ang daan daang taong nag poprotesta para sa artistang si Troy.

“Siguro mahal ang talent fee ng gagong iyan.” ang wika ni Rui habang pinag babalat ako ng mansanas.

“Oo naman. Habang pasikat ng pasikat ang artista ay pamahal ng pamahal ang talent fee niya. Siguro ay milyon na iyan kada oras.” ang wika ni mama. “Pero hindi ko masyadong bet ang kagwapuhan niya e, para siyang lesbian.” dagdag pa nito habang natatawa.

“Pero mas gwapo ako dyan. Saka mas masarap ako.” ang bulong ni Rui

Natawa ako. “Angas mo naman.” bulong ko rin

“Gwapo naman talaga si Kuya diba? Miss mo na ba ako?” tanong niya ulit “Hayaan mo kapag gumaling ka ay aanakan kita mag hapon.” naka ngisi niya usal

Muli akong natawa at tinapik ang kanyang balikat. Kinagat ko ang mansanas na kanyang binabalatan.

Nag patuloy kami sa panonood ng telebisyon kung saan naroon si Troy na naka tayo sa kanyang entablado sa harap ng kanyang mga taga suportang baliw baliwan ang peg. Ang mga ito ay naka taas ang kamay na parang inaabot siya sa ere, lumuluha at mayroon pang hinihimatay dahil sa matinding emosyon.

“Kaunti nalang ay makakamit na natin ang ating inaasam na tagumpay. Napag tanto ko na hindi natin kailangan gumamit ng dahas upang mag tagumpay. Ang kagwapuhan ko lang ang tanging puhunan upang marating ko ang aking kinalalagyan ngayon. Sa mga susunod ka araw ay pag haharian natin ang buong lungsod at pati ang mga karatig siyudad nito. Sa susunod na buwan ay pag haharian natin ang buong bansa at sa mga susunod pa ay ang mga karagtig bansa hanggang sa masakop natin ang buong mundo! Tayo ang mag hahari at ang lahat ng haharang sa atin ay..

BANG!

Sabay baril sa isang audience sa kanyang harapan..

Ay Mamatay!“ ang galak na galak na wika niya.

Bumulugta ang manonood na kayang binaril ngunit walang paki alam ang mga tao dito. Nag palakpakan sila at nag bunyi sa mga sinabi ni Troy.

“Sa aking pag hahari, ipinag babawal ko ang pagiging tanga, kahit ang mukhang tanga ay bawal na rin!” ang wika pa ni Troy sabay baril sa dalawang tao sa kanyang tabi na mukhang tangang pumapalakpak.

“Bawal rin ang gwapo! Kailangan ako lang ang gwapo! Ang lahat ng gwapo ay papatayin at susunugin ng buhay! Kahit feeling pogi ay bawal na rin!” ang wika niya at muli nanamang binaril ang isang manonood na naka kubli sa entablado. “Nag tatago ka? Akala mo ba ay gwapo ka? Pak shet!” ang wika pa niya

Palakpakan ang mga baliw na manonood..

“Ang lahat ng mga panget ay papatayin rin! Pinaka ayoko ang panget dahil nandidiri ako sa kanila. Ang mahuling panget ay mamatay!” ang wika niya sabay baril sa kanyang alalay na hindi kagwapuhan.

“Amen! Amen!!” ang wika ng mga tao

Umupo si Troy at lumakad naman sa entablado ang kanyang isa pang alalay. “Awitin ang awit sa pag aalay.” ang wika nito

Dito ay pumila ang mga tao patungo sa kanya. Hawak ang kani kanilang mga alay katulad ng alahas, pera, prutas at kung ano ano pa. Para itong isang Diyos na niluluhuran at sinasamba sa hindi manlamang kadahilanan. Ipinakita rin sa telebisyon kung paano sumamba ang mga tao sa kani kanilang mga bahay na parang nationwide na misa ang nagaganap.

Pogi! Pogi! Pogi!

Ang sigaw ng mga tao na animo nag rarally!

Reporter:

Saan nga ba hahantong ang mga tagpong ito kung saan si Troy na ang itinuturing na Diyos ng buong sambayanan. Ito na ba ang simula ng bagong pag asa? Si Troy na nga ba ang hinihintay na bagong bayaning mag sasalba sa ating mundo laban sa mga dayuhang mananakop? Aabangan natin iyan sa mga susunod na update. Ako po si Susie Mae Lawit. Nag uulat! Pogi! Pogi! Pogi! Break it down yo!“ ang dagdag pa ng reporter at naki gulo na rin siya sa mga taong sumasamba.

*Turn off TV

Makalipas ang ilang araw ay pan samantalang bumuti ang aking pakiramdam. Kaya naman nag desisyon sina mama na ilipat na ako ng mas magandang ospital kung saan may sapat na supply para masuportahan ang aking pangangailangan.

Pansamantala rin akong nag paalam kina Kulas at sa aking mga naging kaibigan. Alam ko naman na mag kikita pa kami ulit dahil lahat sila ay binigyan ng work nina Rui bilang pasasalamat.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Rui habang naka yakap akbay sa akin sa loob ng sasakyan.

Tumango ako at inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat..

“Kohei, wala bang music dyan? Ganda ng moment eh.” wika ni Rui dahilan para matawa si Kohei na noon ay abala sa pag ddrive.

“Sandali po master, mag hahanap ako.” tugon niya sabay pindot sa stereo ng sasakyan.

Puro ugong ang aming narinig..

“Puruhin si Panginoong Troy! Purihin!”

“Si Troy na nga ba ang hinihintay ng sambayanan?”

“Pogi pogi! Pogi! Pogi!”

Nilipat ulit niya ang station..

Sa bawat istasyon na pag lipatan ni Kohei ay puro ganoon ang aming naririnig. “Master, wala ibang nasasaganap ang signal kundi ang tungkol kay Troy!” ang wika nito habang patuloy na iniikot ang stereo.

Nag patuloy kami sa pag takbo hanggang maya maya ay naging mabagal na ang daloy ng aming pag usad. “Master, trapik na po.” ang wika ni Kohei

“Humanap ka ng ibang ruta.” utos ni Rui

“Master naipit na po tayo sa trapik. Hindi na tayo maaaring mag U turn o bumalik pa.” paliwanag nito.

Agad na binuksan ni Rui ang bintana at sumilip sa labas. Dito ay napansin namin na maraming tao sa paligid. “Dito ka lang Nai, huwag kang lalabas dahil mainit.” ang utos nito sabay labas sa sasakyan.

Ako naman ay naka tanaw lang sa kabilang bintana at pinag mamasdan ang mga taong lumalakad patungo kung saan.

“Nai!! Bitiwan niyo ko!!” ang sigaw ni Rui na aking narinig kaya naman agad akong lumabas ng sasakyan.

Dito ay nakita ko si Rui na hawak hawak ng mga lalaki at kinakaladkad ito sa lupa na parang isang karneng baboy. “Kuyaaaa!” ang sigaw ko sabay habol sa kanya.

Nag tatakbo ako at hinabol sila.

Maya maya ay may naramdaman akong humawak sa aking braso at hinila ako palayo. “Eto pa isa!” ang wika ng lalaki at doon ay hinila rin nila ako patungo kung saan.

“Bitiwan nyo ako!!” ang sigaw ko

“Huwag kana pumalag bata!” ang wika ng mga ito sabay hampas sa aking ulo.

Napaluhod ako at napa ubo ng dugo, kasabay noon ang pag hilahod sa akin palapit sa mga taong nag kakagulo.

“Dalhin ang mga alay na iyan kay Panginoong Troy!” ang wika ng mga tao.

Dito ay nakita ko sina Kuya at ang iba pang kalalakihan na naka kulong sa isang malaking hawla na parang mga ibon. Kasabay noon ang pag labas ni Troy sa entablado suot ang magarbong kasuotan.

Itutuloy..

SP Part 44: Ang Bagong Panginoon

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

Feb 14, 2018

Happy Hearts Day!

“Bitiwan nyo ako!!” ang sigaw ko

“Huwag kana pumalag bata!” ang wika ng mga ito sabay hampas sa aking ulo.

Napaluhod ako at napa ubo ng dugo, kasabay noon ang pag hilahod sa akin palapit sa mga taong nag kakagulo.

“Dalhin ang mga alay na iyan kay Panginoong Troy!” ang wika ng mga tao.

Dito ay nakita ko sina Kuya at ang iba pang kalalakihan na naka kulong sa isang malaking hawla na parang mga ibon. Kasabay noon ang pag labas ni Troy sa entablado suot ang magarbong kasuotan.

Part 44: Ang Bagong Panginoon

“Mag bigay galang kay Panginoong Troy. Ang pinaka gwapong nilalang sa buong kalawakan.” ang wika ng kanyang taga sunod.

Lumuhod ang lahat at nag bigay pugay sa artistang nag aambisyon maging Diyos.

Kapansin pansin naman na ang halos lahat ng bihag sa hawla ay mga lalaking artista at modelo. “Gagamitin tayo sa pag aalay mamaya. Papatayin tayo lahat sa harap ni Troy!” ang wika ng isang bihag na aking katabi. Gwapo rin ito at kilalang artista sa showbiz.

“Nai! Ayos ka lang ba?” ang sigaw ni Rui na noon ay nasa ibang kulungan.

Humarap ako sa kanya at tumango. “Ayos lang ako.” ang sagot ko naman.

Kapansin pansin ang ginagawa ni Troy sa entablado. Naka harap lamang siya sa isang whole body mirror at tinititigan ang kanyang sarili. Tila ba adik na adik siyang pag masdan ang kanyang mukha habang umaanggulo.

Nakatamihik lamang ang mga tao habang pinag mamasdan siya sa ganoong pag sasalamin. Para bang napaka halaga ng ritwal na iyon kaya’t ang lahat ay naka titig.

Maya maya ay nag salita ito “Mirror mirror on the wall, who is the fairest of them all? Sino ang pinaka gwapo sa lupaing ito? Ayusin mo iyan putang ina mo!” ang wika ni Troy

Nag liwanag ang salamin at maya maya ay nag salita ito. “Ikaw ang pinaka poging nilalang sa buong kalawakan.”

Nangiti si Troy..

“Pero..” ang dagdag ng salamin

Nawala ang ngiti ni Troy..

“Dito sa lupa ay hindi ka nag iisa. Maraming gwapo at mas gwapo sa iyo.” ang wika ng salamin

“Sino?! Sino ang tinutukoy mo? Ipakita mo sa akin!!” ang sigaw ni Troy

“Hindi lang “sino” kundi “sino sino” dahil marami sila. Inshort Top 10 ang naka ligwak sa beauty mo dito sa lupa.“ ang wika ng salamin at dito ay isa isa niyang ipinakita ang mga lawaran ng mga lalaking mas pogi sa kanya.

Ang mga ipinakitang larawan ay ang mga artista at modelo showbiz. Nakasama si Rui dito at ang ilang kaibigan niya.

“Ayos pare pasok tayo!” ang wika ng mga ito.

Tuwang tuwa ang mga ito at nag apir pa..

Yung iba naman ay umasim ang mukha dahil lahat sila ay nadismaya noong hindi maipakita ang mukha sa salamin.“ Tangina! Kapapangit ng nakapasok ahhh! Bakit hindi kami kasali? Luto yata iyan eh! Puro mayayaman at artista ang nakapasok!“ ang reklamo ng mga lalaki sa likod.

“Better Luck next time nalang sa inyo!” pang aasar naman nung ilang naka pasok.

Napatingin sa aming kinalalagyan si Troy at dito ay inutusan niya kanyang mga alagad na kunin ang sampung sinabi ng salamin. Syempre hindi ako kasama doon dahil hindi ako umabot sa elite level ng kagwapuhan nila. Si Rui nakasama kaya isa rin siya sa pinuwersang ilabas sa kulungan at kinaladkad patungo kay Troy.

“Kuyaaaa! Bitiwan ninyo ko!!” ang sigaw ko habang nag pupumiglas.

Pero patuloy pa rin akong hinawakan at idinapa sa lupa para hindi ako makagalaw. Inihilera naman ng mga alaga ni Troy ang sampung lalaki sa kanyang harapan at pilit iniluhod ang mga ito.

“Alam nyo ba na isang malaking kasalanan ang pantayan ninyo ang aking kagwapuhan. Ang dapat sa inyo ay wakasan.” ang wika niya sabay tutok ng baril sa unang lalaki sa pila.

“BANG!”

“Isa!” ang wika niya bumulagta ang unang lalaki kaya naman kinabahan ako dahil pangatlo si Rui.

Labis akong nag wala ngunit hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin.

Lumapit si Troy sa ikalawang lalaki.

“BANG!”

“Dalawa!” ang naka ngiti niyang salita at doon ay namatay ang ikalawang lalaki.

Maya maya ay tumapat na siya kay Rui. “Aba masama ang tingin sa akin ng isang ito!” ang wika ni Troy sabay lapit sa mukha ni Rui.

“Sayang ang mukha mo. Sana ay pinanganak ka nalang na panget para mabuhay ka pa.” ang wika nito at nasa ganoong posisyon siya ng bigla hinampas ni Rui ang kanyang noo sa noo ni Troy dahilan para pag kauntog silang dalawa.

Putok ang ulo ni Rui at nag dugo nito na umagos sa kanyang mukha. Si Troy naman ay napaatras ngunit hindi nag kasugat ang kanyang noo. Flawless pa rin ang gago.

“Sira ulo ka!” ang galit na wika ni Troy sabay suntok sa mukha ni Rui. Ilang beses pang lumanding ang kanyang kamao bago itutok ang baril sa ulo nito.

“Huwaaaggg!! Tamaa naaaa!” ang sigaw ko..

Hindi natinag si Troy at noong eksaktong kakalabitin na niya ang galityo ng baril ay biglang may nag hagis ng smoked bomb sa entablado. Kasabay nito ang mga putok ng baril sa paligid dahilan para mag kagulo ang mga tao.

Nag takbuhan ang mga tao..

Binaril rin ang mga alagad na naka hawak sa akin at dito may humawak ng aking kamay.

Mausok kaya hindi ko na malaman kung sino ito. Basta tumakbo kaming dalawa patungo kung saan.

Pumasok kami sa eskinita kung mayroon sasakyang nag hihintay doon. “Nai, ayos ka lang ba?”

“Kuya Gun!” ang wika ko naman habang pumapanhik sa kanyang sasakyan.

Maya maya bumukas ang pinto at ipinasok dito si Rui. Hinang hina ito at dumudugo pa ang noo.

“Kohei! Umalis na tayo!” ang utos ni Gun at doon ay nag start ang sasakyan. Agad naman akong kumuha ng tela at inilagay sa noon ni Rui na patuloy sa pag durugo.

Halos parang lantang gulay na si Rui, napasandal nalang ito sa sasakyan. “Nasaktan ka ba?” tanong nya

“Hindi kuya. Ikaw nga ang nasaktan e.” ang sagot ko naman

“Wala ito.” ang tugon niya sabay punas sa dugo ng aking ilong.

“Mabuti na lamang at hindi pa huli ang lahat. Ang akala ko ay hindi na kami aabot.” ang wika ni Gun

“Ano ba ang nangyari?” tanong ko

“Master, nang hingi ako ng tulong sa mga kaibigan kong sundalo na anti Troy, sila ang tumulong sa atin. At hanggang ngayon ay naroroon pa rin sila at isinasalba ang mga bihag.” ang sagot ni Kohei.

“Salamat at dumating kayo.” ang tugon ko naman. “Teka saan tayo pupunta?” tanong ko pa.

“Mayroon akong maliit na tirahan doon sa kabilang kanto. Doon muna tayo para magamot iyang mga sugat nyo.” ang wika ni Gun

“Teka, nasaan si mama? Baka napahamak na siya.” pag aalala ko

“Nandito rin siya ngayon. Sadyang mapanganib na ang pag palaboy laboy sa mga kalsada dahil na babaliw na ang mga tao sa paligid. Sa Troy na ang itinuturing nilang bagong panginoon kaya ganoon nalang sila kung sumunod rito.”

“Ano bang mayroon sa Troy na iyan?” ang tanong ko

“Maaaring si Troy ay hindi normal na tao. Maaaring katulad siya ng mga dayuhang mananakop sa galing sa kalawakan. May nabasa akong artikulo tungkol sa teknolohiya ng mga aliens na may kakayahang komontrol ng isipan ng mga tao. Para itong isang espesyal na brain wave na nasasagap ng mga piling tao at doon ay napapasunod sila sa paraan na naisin ng nag cocontrol sa kanila. Sa ngayon ang mga scientist ay pinag aaralan ang waves na iyan at inaapply sa mga hayop, sinusubukan nila kung may epekto ito sa behavior ng nasabing organismo. Ang ibig kong sabihin ay baka kaparehong teknolohiya ang ginagamit ni Troy sa mga taong napapasunod niya. May posibilidad na ganoon nga ang sitwasyon.” ang paliwanag ni Gun

“Ngunit bakit hindi tayo naapektuhan? Bakit hindi tayo napapasunod ni Troy?” tanong ko

“Marami ay hindi umabot sa atin ang mga brain waves. Pansinin mo, sa siyudad lamang na iyon kung saan madalas namamalagi si Troy. Malayo ang siyudad kung saan tayo naroon kaya’t hindi pa ito nakaka abot doon. Ngayon umalis tayo sa siyudad na ating pinanggalingan kung saan ka nanirahan ng ilang buwan at napalapit tayo sa boundary ni Troy kung saan marami na siyang taga sunod.” sagot ni Gun.

“Nag kakagulo pa rin sa paligid.” ang bulong ko

“Oo at hindi titigil iyan hanggang sa madamay na ang buong bansa. Malapit na tayo sa aking pwesto.” ang sagot ni Gun.

“Nasaan? Sirang gusali iyan ah.” ang wika ko habang bumaba.

Natawa si Gun. “Pumasok kayo sa loob.” tugon niya sabay alalay kay Rui.

Pumasok kami sa loob ng sirang gusali at maya maya ay pinindot niya ang isang buton.

“Para saan iyan?” tanong ko ulit

“Ito ang aking secret base” ang sagot niya at dito ay bumukas ang isang lagusan patungo sa ibaba. “Ang lugar na ito ay ginawa ko upang maging taguan ko. Alam kong darating ang araw na sasakupin tayo ng mga dayuhan mula sa ibang mundo kaya ibinuhos ko ang aking panahon sa pag gawa nito.”

Pag pasok namin sa loob ay kusang sumara ang lagusan at dito ay bumukas ang mga ilaw sa paligid. Ang itsura ng paligid ay parang bahay lamang din. May mga sofa, higaan at supply ng pag kain. “Astig.” ang bulong ko.

“Ito ang aking tirahan, at iyon namang silid sa gawi roon ang aking laboratory.” ang wika niya at doon ay inaya niya kami.

Binuksan niya ang kanyang laboratoryo at dito ay tumambad sa aming mata ang apat na malalaking monitor. Ang una ay ipinakikita ang mga kaganapan sa labas ng lumang gusali na animo cctv ngunit napaka linaw nito. Ang ikalawa naman ay ipinakikita ang kalawakan, ang bawat bagay na lumulutang dito ay nakikita rin. Ang ikatlo naman ay nakafocus sa karagatan kung saan nag kalat ang mga sound waves ng mga nabubuhay sa ilalim ng tubig. At ang pinaka huling monitor ay ipinakikita ang kabuuan ng mundo via satellite.

Wala akong masabi “wow, astig talaga!” pag hanga ko.

“Ang mga bagay na ito ay ginawa ko dahil masyado ang pag hanga ko sa mga bagay na mayroon sa labas ng kalakawan. Alam kong hindi tayo nag iisa, at alam kong hinubog tayo ng mga dayuhang iyon upang mag karoon ng kalaaman. Alam ko rin na sila ay babalik at babawiin nila ang kanilang nasimulan.” ang paliwanag ni Troy habang pinipindot ang mga files niya sa monitor. “Halika Nai, lumapit ka sa akin. May ipapakita ako sa iyo.”

Agad akong lumapit sa kanya at dito ay nag simula siyang buksan ang mga confidential files. Una ay ipinakita nya ang isang larawan ng nag aapoy na bagay sa kalawakan. Para itong isang maliit na ibon na hindi mo mawari. “Ang larawang ito ay nakuha ko noon sa ibang bansa. Bigla na lamang itong lumipad sa aking monitor, mabilis at kahanga hanga ang kanyang liwanag.” ang wika niya.

“Maganda ang bulalakaw na iyan kuya.” ang tugon ko.

Natawa siya “iyan rin ang akala ko noon. Ngunit hindi ito bulalakaw kundi isang tao.” ang wika niya at doon ay izinoom niya ang naturang larawan.

Nabigla ako sa aking nakita, ang nag aapoy na bagay na iyon ay may tao sa loob. “Tao nga!” ang sigaw ko sabay takip sa aking bibig.

Ipinakita niya sa akin ang video footage..

Dumaan ito sa satellite ni Kuya Gun mabilis at aakalain mong bulalakaw lamang ngunit nag liliyab ito at kakaiba ang hugis. “Nakakamangha diba? Ang dumaan na iyan ay si Super Nardo.” ang wika niya sabay slowmo sa naturang footage. At dito ay malinaw na malinaw naming nakita ang imahe ng isang super human na tumawid sa kalawakan.

Itutuloy..

SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 15, 2018

Nabigla ako sa aking nakita, ang nag aapoy na bagay na iyon ay may tao sa loob. “Tao nga!” ang sigaw ko sabay takip sa aking bibig.

Ipinakita niya sa akin ang video footage..

Dumaan ito sa satellite ni Kuya Gun mabilis at aakalain mong bulalakaw lamang ngunit nag liliyab ito at kakaiba ang hugis. “Nakakamangha diba? Ang dumaan na iyan ay si Super Nardo.” ang wika niya sabay slowmo sa naturang footage. At dito ay malinaw na malinaw naming nakita ang imahe ng isang super human na tumawid sa kalawakan.

Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun

“Mayroon pa akong ipapakita sa iyo.” ang wika pa niya at dito ay inilabas niya ang imahe ng isang puting liwanag na malapit sa buwan. Sa malayuan ay para lang itong isang puting bituin ngunit noong ilapit ni Gun ay mayroon ding imahe ng isang lalaking naka lutang. “Nakuha ko ang larawan iyan ilang taon matapos kong makuha ang larawan ni Nardo. Alam kong nakukuha rin ito ng mga matataas na teknolohiya sa ibang bansa ngunit tikom ang kanilang mga bibig sa ganitong uri ng mga bagay. Saan ka ba naman makaka kita ng isang lalaking naka suot lang ng jacket, pantalon at sapatos na lumulutang sa kalawakan. Walang makaka gawa niyan kundi si Jorel. Ang superman ng planetang ito.” ang wika niya.

“At hindi lang iyon dahil nakakuha ako ng ilang nakakatuwang footage.” ang wika niya at muling inilapat ang kanyang folder.

Ako naman ay naka tahimik lang at pinag mamasdan ang kanyang mga ipinapakita. “Tingnan mo ito, isang video footage ng isang lalaki na nakatayo sa pinaka mataas na tore.” ang wika niya habang itinuturo ang naturang lalaki na kasing edad ko. “Tingnan mo ang susunod niyang gagawin.” ang wika ni Gun at dito ay bigla nalang tumalon ang lalaki mula sa itaas. Ilang sandali rin siyang bumabagsak at pag lapag sa lupa ay naka tayo pa rin ang kanyang dalawang paa at mabilis na nag tatakbo palayo.

“Sino iyan?” ang tanong ko.

“Iyan si Ace, isang lalaki na kasing edad mo, ang ilang parte ng kanyang katawan ay robot at gawa sa kakaibang teknolohiya na wala sa ating panahon.” paliwanag niya habang inuulit ulit ang naturang video clip.

“Wow, ang husay nila. Totoo pala talaga ang mga super human. Kaya naman pala naka display sila doon sa museum mo.” ang sagot ko naman

“At hindi lang iyon Nai, mayroon pa akong nais na ipakita sa iyo.” dagdag pa niya sabay lipat sa kanyang ibang files. Binuksan niya ang folder na mayroong password at noong maopen ito at ipinakita niya sa akin ang naturang mga larawan.

Ang unang larawan ay kuha sa labas ng daigdig. Isang lalaking naka tayo at nag liliwanag ng asul ang katawan.

Ang ikalawang larawan naman ay kuha sa itaas ng siyudad kung saan ang kaparehong lalaki ay nakalutang at tila nag mamasid.

At ang ikatlong larawan ay larawan ni Super Panget na naka tayo sa isang gusali. Malinaw ang pag kaka kuha nito at talagang HD ang imahe.

Tahimik..

Habang pinag mamasdan ko ang dalawang unang larawan ng mag kaparehong lalaki ay tila nag karoon ako ng ideya. “Kilala mo na ba ang lalaki sa larawan Nai?” ang tanong ni Gun

Napatango ako..

“Tama ka. Ang lalaki sa larawan ay walang iba kundi ikaw. Kaya matagal ko nang alam na ikaw at si Super Panget ay iisa.” ang naka ngiti niya wika

“Bakit ba kasi naging hobby ko pa ang lumipad sa itaas ng mundo at tumambay doon. Buking tuloy!” ang sigaw ko sa aking sarili na tila nakaramdam ng pag kahiya.

“Ayos ka lang ba Nai? Dont worry, safe ang secret mo sa akin. Noong makita ko ang larawan mo ay nag panic ako na baka makita ito ng ibang satellite kaya naman agad kong blinock ang kanilang system. Sa susunod ay huwag kang lilipad sa itaas ng daigdaig ng hindi ka naka anyong Panget dahil tiyak na mabubuking ka.” ang wika niya sabay tapik sa akin balikat.

“Hindi kaba natatakot sa akin? Dahil kakaiba ako?” tanong ko

“Bakit ako matatakot? Napaproud pa nga ako na ang isang super hero ay kaibigan ko at close kaming dalawa. Diba? Diba? Papicture naman tayo minsan ng naka Super Panget ka at ididisplay ko sa mesuem.” natatawa niyang wika sabay akbay sa akin.

“Oy, baka nag kakalandian na kayong dalawa diyan. Gun, layuan mo ang baby ko. Lagot ka sakin!” ang wika ni Rui habang pilit na bumabangon.

“Ano ka ba, huwag kana nga bumangon dyan. Ang lalim ng mga sugat mo eh.” ang wika ni mama habang ginagamot ang sugat nito.

Natawa lang kami at dito ay nilapitan ko si Rui na noon ay nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil pisil ito. “Kamusta ang pakiramdam mo?”

“Maayos naman ako kuya. Ikaw kamusta ang pakiramdam mo?” ang tanong ko rin

“Maayos ako basta maayos ka rin. Alam mo naman na ikaw ang lakas ko.” ang tugon niya

Ngumiti ako at tumabi sa kanya. “Bawal na kayo lumabas, pinapatay ang mga pogi eh.” ang biro ko

“Mahirap pala talagang maging pogi. Naalala ko noong dumating yung beking alien, mahilig siya sa pogi at gagawin pa kaming asawa. Ngayon naman ay dumating itong Troy na galit sa pogi dahil my makakalaban daw siya. Ang gusto yata ng gago ay siya ang pinaka gwapo sa buong mundo.” ang tugon ni Rui

“Pero buti nalang dumating si Kuya Gun at Kohei.” wika ko

“Salamat Tol, salamat rin sa iyo Kohei. Ang akala ko ay katapusan ko na kanina” tugon ni Kuya

“Wala po iyon master, ang mahalaga ay buhay tayong lahat.” naka ngiting sagot ni Kohei.

“Sa tingin ko ay seryoso na talaga ang nangyayari sa siyudad. Tingnan nyo ito.” ang pag lihis ni Gun sa usapan sabay bukas ng telebisyon kung saan nag rereport si Liza Mae Lawit punong puno ito ng dugo sa damit na parang nag shower siya ng pulang tubig.

Reporter:

Mga kababayan, hindi namin alam kung anong ang nangyari, basta nakita nalang namin na entabladong tinutungtungan ni Troy ay nag karoon ng maraming galamay at dito ay pinag sisisip ng mga naturang galamay na iyon ang mga dugo ng mga tao sa paligid.

Nag mistulang swimming pool ng dugo ang buong siyudad kaya naman natauhan ang mga tao at nag takbuhan. Mabuti nalang at naka ligtas ako dahil for sure na wala na kayong magandang news caster! Ako po si Liza Mae Lawit ang inyong survivor na reporter!“

Iniiscan ni Gun ang kanyang mga monitor at pilit niya hinanap ang lokasyon kung saan naroroon si Troy at kung bakit nag mistulang baha ng dugo sa buong paligid. Pakiwari ko tuloy ay nasa loob kami ng pelikulang “war of the world” kung saan ang mga alien ay kumukuha ng dugo ng mga tao upang gawing fertilizer na ipandidilig sa lupa.

Makalipas ang ilang minuto scan ay nakita na nga namin ang kinalalagyan ni Troy. Ang kanyang entablado ay naging kakaiba ang anyo, para itong makitang insekto na may kakaibang galamay na kumuha ng dugo ng tao at ipinapaligo sa katawan ni Troy na noon ay sarap na sarap.

“Iyan na nga ang sinasabi ko. Si Troy ay hindi isang tao kundi isang Alien!” ang wika ni Gun.

Pinag masdan kong mabuti si Troy, ni hindi ko makita ang kanyang tunay na anyo dahil wala akong kapangyarihan para gawin iyon. At habang nasa ganoong pag iisip ako ay narinig ko ang boses ni Sin sa aking tainga.

“Nai, si Troy at si Super Pogi ay iisa. Ang dugo ay ginagawa niyang pampaligo upang mapanatili ang kakanisan ng kanyang balat. Gawain niya iyan kahit sa ibang daigdig pa noon.” ang wika nito

“Paano natin siya mapipigilan? Diba sabi mo sa tatlong super enemy ay si Pogi ang dapat nating iwasan dahil isa siyang crazy bitch!” ang tanong ko at dito ay naalala ko ang mga katagang sinabi niya noon tungkol sa mga super enemy.

FLASH BACK

“Si Super Beki ang pinaka tuso bagamat hindi siya kasing lupit ng dalawa. Ang nais lamang ni Super Beki ay rumami ang kanyang planetang sakop upang kilalanin siyang reyna ng buong sansinukob.

Si Super Ganda naman ay biktima ng pang aabuso ng mga kalalakihan kaya’t nilulupig niya ang mga lalaki sa buong galaxy. Doon palang ay makikita mo nang mag kaiba sina beki at ganda. Si Ganda ay isinusumpa ang kalalakihan, si Beki naman ay gustong gusto ang mga kalalakihan.

Samantala si Super Pogi naman ay nag paparami ng hukbo. Ang nais niya ay mapasailalim sa kanya ang buong kalawakan. Marami na siyang nasakop na planeta kaya’t may kalupitan ang isang ito. Wala siyang kinikilalang kasarian, ang lahat ay dapat maging taga sunod niya. Sa tatlong iyan ang dapat mong layuan ay si Super Pogi dahil isa siyang crazy bitch. Nabasa ko lang ang katagang iyan sa magasin kaya ginamit ko. Iyon ang kanilang iba’t ibang interes.“ paliwanag ni Sin

End of flash back (Scene from S1 Part 17 Maskara)

“Oo Nai, sa ngayon ay mahihirapan tayong talunin siya kung wala tayong kapangyarihan.” ang wika ni Sin

“Ngunit paano? Paano maibabalik ang aking kapangyarihan? Tiyak na mawawasak ang mundo kapag nag tagal ito!” ang sigaw ko

“Kailangan nating mabawi ang ating kapangyarihan mula sa nilalang na kumuha nito.”

“Yung boses na iyon! Yung nag papanggap kapanalig ko ngunit nais niya akong wakasan! Siya ang may kagagawan nito!”

“Oo Nai. Sa kanya natin babawiin ang iyong kapangyarihan.”

“Ngunit paano?” tanong ko

“Nandito lamang siya sa tabi tabi. Ang kanyang pinag tataguan ay saklaw ang oras at espasyo. Ang ibig kong sabihin ay naroon siya sa demensyon na hindi nararating ng ordinaryong nilalang.”

“Kaya ba natin mag tungo sa kanya?” tanong ko

“Kaya natin mag tungo sa kanya, ngunit kapag tayo ay nabigo ay tuluyan tayong may lalakbay sa oras na walang hanggan. Ang nilalang na iyon ay parte ng iyong pag katao. Siya ay ikaw at siya ang iyong other side.” ang paliwanag ni Sin

“Kapag nabigo tayo ay hindi na tayo makakalabas sa kanyang dimensyon? Anong ibig mong sabihin?”

“Ang kanyang lugar ay isang dimensyon na saklaw ang oras at espasyo. Maaaring naninirahan siya sa iyong ala ala o sa iyong naka lipas o sa iyong hinaharap. Dahil siya ang parte ang iyong pag katao at kasama mo siya kahit saan, kahit kailan.” ang wika ni Sin na nag bigay sa akin ng ibayong kilabot.

“Ngunit paano mang yayari iyon? Ang alam ko ay nakalabas na siya sa aking katawan.” ang tanong ko at doon ay naalala ko ang eksenang pag labas ng itim na awra sa aking katawan noon sa gusali kung saan kasama ko si Rui

Flash back

Mula dito ay binalot ng kulay itim na liwanag ang aking katawan, palakas ito ng palakas hanggang ang liwanag na iyon ay umakyat sa kalangitan.

Nag iba ang timpla ng panahon, ang ulap ay umikot ng mabilis na wari’y may delubyong parating. At ang lupa ay bahagyang umuga.. “Tama naaaa!!! Tamaaaa naaaaa!” ang sigaw ko ngunit mas lalo lang lumakas ang itim na liwanag.

Tila may kung anong bagay na lumalabas sa aking katawan at lumilikha ito ng kakaibang pwersa na umaangat sa kalangitan.

Halos mapatid ang aking hininga at masaid ang aking buong lakas habang nauubos ang liwanag na itim sa aking katawan. Lahat ng ito ay humiwalay sa sarili at noong tumigil ang naturang itim na liwanag ay nabasag ang aking mga kalasag at bumalik ako sa pagiging si Nai.

Tuloy tuloy na bumulagta ang aking katawan sa sahig at dito ay nawalan ako ng malay. Ang huli kong nakita ay nag tatakbo si Rui sa aking kinalalagyan habang tinatawag niya ang aking pangalan.

End of flashback (Scene from SP S2 Part 33 Ang koleksyon ni Rui)

“May kakayahan siyang lumabas at may kakayahan rin siyang bumalik. Ang naganap sa iyo noon ay isang hudyat na nag nanais siyang kuhanin ang iyong katawan, ang iyong kapangyarihan upang magamit ka niya sa kanyang binabalak na kasamaan.” ang paliwanag niya

“Kaya ko ba? Sa ganitong kondisyon?” tanong ko pa

“Palala ng palala ang iyong karamdaman Nai, ang tanging paraan lang upang madugtugan ang iyon buhay ay ang aking kapangyarihan. Wala kang ibang pamimilian kundi bawiin ito mula sa kanya. Sa kaparehong sitwasyon ay maaari ka pa rin mamatay, kung mananatili ka rito ay tiyak na papatayin ka rin ng iyong sakit.”

“So wala akong ibang pamimilian?”

“Wala Nai, kailangan na nating mag tungo sa kanya ngayon din.”

“Sino ba siya??! Gulong gulo na ako!” ang tanong ko naman.

Ngumiti si Sin at hinawakan niya ang aking dibdib. “Simulan na natin ang tunay na laban!” ang wika niya at dito ay biglang binalot ng kakaibang liwanag na asul ang aming katawan at maya maya ay kapwa kami sumibat sa ere patungo kung saan.

Parang dumaan kami sa isang worm hole, o isang butas na punong puno ng binary codes vortex. Parang isang teknolohiya na mahirap ipaliwanag at hindi pa ito naaabot ng isipan ng tao.

Ilang minuto rin kami sa ganoong pag lipad sa lagusang iyon bago kami makarating sa lugar na maliwanag. Purong puti lamang ang iyong makikita at sa paligid mo ay mayroong mga bilog na lagusan.

“Ang mga bilog na lagusang iyan ay ang iyong ala ala. Tama nga ang hinala ko, nandito na siya sa iyong pag katao.” ang wika ni Sin

“Sino ba siya? Naguguluhan na ako!” ang wika ko naman.

“Nai, ikalma mo ang iyong sarili. Hindi makatutulong labis na pag kalito sa mga sandaling ito.” pag pigil ni Sin at habang nasa ganoong pag uusap kami ay laking gulat ko noong makita ang isang lalaking tumatakbo palapit sa amin.

“Tex?” tanong ko habang inaaninag siya.

Nag tatakbo palapit sa akin si Tex at niyakap niya ako. “Nai, natatakot ako.. “ ang wika niya

“T-Tex a-anong ginagawa mo dito?” tanong ko

“Natatakot ako Nai, natatakot ako na mawala ka sa akin.” ang bulong niya sabay tawa.

Agad akong bumitiw sa kanyang pag kakayakap at itinulak siya palayo. Dito ay nag balik sa aking isipan ang salitang aking narinig sa iba’t ibang tao. Kabilang na ang sinabi sa akin ni Tex noon tungkol sa kaibigan at kaaway

FLASHBACK

“Alam mo Nai, minsan ang mga katunggali ay mapanlilang. Kailangan mong mag ingat.”

“Alam ko iyon, ang mga kalaban ay mga mapag laro lalo’t hindi naman sila mga tunay na tao. Katulad nalang ni Super Beki, im sure ay isang halimaw iyan na nag tatago sa katawan ng isang tao upang maging ka wangis natin.”

“Oo nga, nabasa ko iyan sa mga artikulo. Kadalasan ang kalaban ng mga super hero ay mga tuso at mapanlinlang. Mag iingat ka Nai. Nandito lang kami na naniniwala sa iyo.” ang naka ngiting wika ni Tex

(Scene from SP S1 Part 19 Masamang Kagandahan 1

)

Sumagi rin sa aking isipan ang sinabi ni Super Ganda kay Beki noong ibulgar nito ang kanyang tunay na anyo.

“Super Ganda? Bakit? Ano ang ginawa mo kay Anna?” ang tanong niya

“Gaga! Nag panggap akong si Anna. Nag panggap akong pulubing bakla para kaawaan mo at gawing alalay. Hindi mo alam na nag papasok ka ng ahas sa loob ng iyong sasakyan. Alam mo beki hindi ka dapat nag titiwala sa mga nakikita mo lang kung saan. Dahil kung minsan ang pinaka malapit na kaibigan ay siya mo palang kaaway.” ang wika nito

Napa atras si Super Beki at panandaliang napako ang kanyang tingin sa lupa..

(Scene from SP Part 21 Mananakop)

End of flash back

“Ang lahat ay pag tataksil sa kaibigan! Ang mga kalaban ay nag papanggap lamang!” ang sigaw ko

“Tama ka Nai, mahusay mag tago ang isang iyan dahil ni hindi ko siya nararamdaman.” ang tugon ni Sin.

Napailing nalang ako habang naka tingin kay Tex na noon ay ngisi at kasabay nito ang pag liliwanag ng kanyang katawan. “Naparito kaba para bawiin ang iyong kapangyarihan? Paano kung ayoko? Paano kung hilingin kong dito ka lang sa tabi ko? Gagawin mo ba Nai?” ang tanong niya

Itutuloy..

SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 19, 2018

“Ang lahat ay pag tataksil sa kaibigan! Ang mga kalaban ay nag papanggap lamang!” ang sigaw ko

“Tama ka Nai, mahusay mag tago ang isang iyan dahil ni hindi ko siya nararamdaman.” ang tugon ni Sin.

Napailing nalang ako habang naka tingin kay Tex na noon ay ngisi at kasabay nito ang pag liliwanag ng kanyang katawan. “Naparito kaba para bawiin ang iyong kapangyarihan? Paano kung ayoko? Paano kung hilingin kong dito ka lang sa tabi ko? Gagawin mo ba Nai?” ang tanong niya

Part 46: Sa Bingit ng Panganib

“Bakit ikaw Tex? Kaibigan kita. Kababata! Bakit?” ang sigaw ko na hindi maiwasan ang labis na emosyon.

“Hindi ko rin alam Nai, basta ang alam ko ay nabuhay ako para sa iyo.” ang sagot ni Tex

“Hindi ko maunawaan ang lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” ang tugon ko habang napapa hawak sa aking tuhod dahil tila nang hihina ito. “Paano mo nasabing nabubuhay ka para sa akin?” tanong ko ulit.

“Dahil sa iyo ako nag mula. Alam mo ba na ako ang produkto ng lahat ng negatibong bagay dito sa mundo. Ang lahat ng galit, poot, lungkot, takot, kawalan ng pag asa, dipresyon, ang mga iyan ang humubog sa akin upang mabuo at maging isang makapangyarihang nilalang.

Hindi ako galing sa ibang planeta dahil ito mismo ang aking tahanan. Maraming taon na ang nakalilipas noong sumiklab ang mga labanan ng mabuti at kasamaan.“ ang wika ni Tex at dito ay nag liwanag ang kanyang kamay. Ipinakita niya ang iba’t ibang kaganapan sa kasaysayan na wari’y video clip sa mga pelikula.

“Ang mga larawan ito ay mula sa unang digmaang pandaigdig kung saan marami ang nasasawi, natatakot at binabalot ng lungkot. Sa mga labanan ng bawat bansa na ang tanging puhunan ay ang mga buhay na nasasayang dahil sa pansariling mga interes. Mula sa mga bayaning lumaban sa mga dayuhan mula sa ibang planeta.” ang wika pa niya at dito ay ipinakita ang laban nila Jorel laban sa taga ibang mundo, si Super Nardo na kalaban ang taong ahas at si Ace na may kaharap na mga robot. “Ang mga labanang ito ay nag dulot ng matinding takot, pangamba at kasawian sa lahat ng tao sa sulok ng mundo. At ang lahat ng takot, pangamba, lungkot at dipresyon na iyon ay ang bumuo sa akin.

Rinig na rinig ko pa rin ang sigawan, ang panaghoy at sakit ng mga taong nasasawi. Parang musika iyon sa aking pandinig. Nag simula ako sa isang maliit na buto, binalot ako ng kakaibang enerhiya na nag bigay sa akin ng kalamnan at sa bawat takot na aking nasasagap ay lumalakas ako at nabubuo. Ang negatibong pag iisip at pakiramdam ng mga tao sa bawat mundo ay ang aking kaluluwa. At para sagutin ko ang tanong mo Nai, ikaw ang aking napili dahil ang katawan mo ay kakayahang suportahan ang aking pangangailangan. Kinakailangan ko ng sapat ng lakas at kapangyarihan para mabuhay at iyon ay nasa loob ng iyong katawan noon pa.“ ang salaysay niya

“Ano ang ibig mong sabihin? Na may taglay akong kapangyarihan noon pa?” ang tanong ko naman

Natawa siya. “Malalaman mo ang lahat sa takdang oras Nai. Sa ngayon ay mag laro muna tayo.” ang masayang salita niya at doon ay nag bago ang anyo ng kanyang kasuotan. Nag karoon siya ng kulay itim na kalasag sa balikat at dibdib. Lumabas rin sa kanyang kamay ang napag kalaking pangalawit na ganoon kay kamatayan.

“Nai, parating na siya!” ang wika ni Sin sabay tulak sa aking katawan para makalayo ako at makaiwas.

Iwinasiwas ni Tex ang kanyang malaking sandata at sinangga ito ni Sin gamit ang bola ng enerhiya sa kanyang kamay.

Lalong nangiti si Tex at muli ito nag tatakbo patungo sa akin kaya naman inihagis ni Sin ang kanyang hawak na bola ng enerhiya sa aking kilalagyan at noong masalo ko ito ay naging espada. “Paano ka nag karoon nito? Akala ko ay wala na tayong kapangyarihan?” tanong ko

“Oo nga! Wala tayong kakayahang maging si Super Panget dahil nasa kanya ang ating kapangyarihan. Ang bola ng enerhiyang iyan ay teknolohiya nakalimutan mo na ba? Iyan ang sandata namin sa super planet kaya kahit walang kapangyarihan ay magagamit natin ito.” sagot ni Sin habang ako naman ay patuloy na sinasangga ang bawat pag atake ng kalaban.

Bumilis ang pag kilos ni Tex at sa pag kakataong ito ay nakalawit niya ang aking hita dahilan para madapa ako at mawala sa balanse.

Agad kong hinawakan ang bola ng enerhiya at ginawa ko itong baril. Nag liwanag ang bibig nito at mabilis kong pinasabog sa kanyang katawan..

Nakaiwas si Tex..

Nangiti siya ulit at pinag masdan ang talim ng kanyang pangalawit na mayroon dugo na mula sa aking hita. Kinuha niya ito gamit ang kanyang daliri at dinilaan niya.

Natuwa siya sa lasa ng aking dugo habang patuloy na dinidilaan ang talim ng kanyang sandata. “Masarap ang dugo mo. Punong puno ng pangamba at inggit. Oo nga pala, anong pakiramdam ng walang magulang Nai? Wala kang kinagisnang magulang dahil pinamigay ka nila at ang masakit ay niloko ka pa sa bandang huli. Bakit hindi mo aminin sa iyong sarili ay naiinggit ka kay Rui dahil gwapo siya, matalino at mahal ng iyong mga magulang natural dahil siya ang tunay na anak at ikaw ay isang sampid na putok sa buho lamang. Nalulungkot ako para sa iyo Nai.” ang wika niya at muli nag tatakbo patungo sa akin.

Umiwas ako at nag pagulong gulong hanggang sa makalayo at makadistansya sa kanya “Noong gabing inatake tayo ng mga mandaragit sa bundok. Ano ang totoo doon?” ang wika ko at dito ay nag balik sa aking isipan ang pag hila sa kanya ng mga halimaw sa dilim

Flash back

Isang malakas na sigaw ang aking narinig matapos kong makita si Tex na hinahatak ng mga mandaragit patungo sa dilim. “Tex!!!!” ang sigaw ko. Ibayong takot at pag alala ang lumukob sa aking pag katao. “Manong Ed, kayo ang bahala sa mga babae! Hayun ang kalsada!” ang wika ko.

“Hijo, saan ka pupunta?” ang tanong niya

“Ililigtas ko si Tex! Babalik ako agad!” ang sagot ko sabay takbo pabalik ng kakahuyan.

Sa una ay mabagal na takbo lang aking ginawa hanggang bumilis na ito na parang hangin at maya maya nagawa ko nang lumipad sa ere.

Kahit madilim ay malinaw kong nakikita ang lahat. Hindi lamang apat ang mandaragit sa buong bundok dahil marami pa sa iba’t ibang panig nito, nag hahanap ng mga biktima.

“Ayun si Tex!” ang sigaw ko sa aking isipan noon makita ko itong patuloy na hinihalod ng mga mandaragit sa gitna kakahayuan. Kaya naman agad akong sumibat ng lipad patungo sa kanila.

Pag bagsak ko sa lupa at isang malakas na suntok ang aking hinataw sa mandaragit na may bitbit kay Tex. Tumilapon ang kaaway at kasabay noon ang pag kakaroon ng malay ng biktima.

End of flashback (Scene from S1 Part 13 Mandaragit)

“Iyon ba? Planado kong lahat iyon. Nagustuhan mo ba Nai?” ang wika niya habang naka ngisi. “Ang mga halimaw na iyon ay ang aking mga alagad. Nais mo ba silang makita?” ang tanong nito at mula sa kanyang likuran ay lumabas ang mga mandaragit. Nasa limang halimaw ito na iba’t iba ang laki at anyo. Isa lang ang pareho, dahil lahat ay sadyang mapanganib.

Nag tatakbo patungo sa amin ang mga halimaw habang si Tex naman ay nakatayo lang sa di kalayuan. “Nga pala Nai, kamusta ang kuya mo? Balita ko ay mahal na mahal ka niya.” ang tanong ni Tex

“Huwag mo siyang idamay dito!” ang sigaw ko

“Alam mo ba na ang lahat ng nag mamahal sa iyo ay kinamumuhian ko? Ang kanilang pag mamahal ang nag papahina sa akin kaya’t dapat silang mawala!” ang wika ni Tex sabay kumpas sa kanyang kamay.

Nag liwanag ang lagusan malapit sa kanyang kinalalagyan at naka ngisi itong lumapit doon. “Hayaan kong wakasan ko ang buhay ng mga taong nag mamahal sa iyo. Sa ngayon ay mag laro muna kayo ng aking mga alagad.”

Nag takbuhan patungo sa amin ang mga halimaw habang ako naman ay nakatingin lang sa kalaban. Nag balik sa aking isipan ang pangitain kung saan naka luhod si Kuya Rui at pinugutan ito ng ulo ng isang misteryosong lalaki na may pangalawit. “Si Rui! Mapapahamak siya!!” ang sigaw ko sabay takbo patungo kay Tex

“Nai ako ang bahala dito! Sundan mo na siya!” ang sigaw ni Sin kaya naman nag mamadali rin akong lumundag sa lagusan kung saan pumasok si Tex.

Halos hindi ko maitago ang ibayong kaba habang pilit na hinahabol ang kalaban sa loob ng lagusan.

Pansamantalang nilukuban ng kadiliman ang aking pag katao at noong mag liwanag ang paligid ay natagpuan ko ang aking sarili na naka nakatayo sa gilid ng gusali kung saan may nag kakagulong tao

Hindi na ako nag aksaya ng pag kakataon, agad akong nag tatakbo at hinabol si Tex na noon ay patungo sa iisang direksyon.

Takbong walang patid ang aking ginawa. Naki siksik ako sa mga taong nag kakagulo at wala na akong paki alam kung madapurak ako o maipit. Ang mahalaga ay mahabol ko ang kalaban.

Takbo..

Hingal..

Malakipas ang ilang sandali ay kusang huminto ang aking tuhod at dito ay nakita ko si Rui na naka tayo malapit sa isang sirang gusali. “Kuyaaaa!” ang sigaw ko

“Nai! Kanina pa kita hinahanap. Bigla ka na lamang nag laho doon sa secret base ni Gun, saan ka ba nang galing?” tanong nito sabay hakbang palapit sa akin.

At habang nasa ganoong pag lakad ito ay laking gulat ko noong sumulpot si Tex sa kanyang likuran at mabilis na inumang ang pangalawit sa kanyang katawan.

“Huwaaagg!! Kuyaaa sa likod mooo!” ang sigaw ko habang nag kakandarapa sa pag takbo.

Lumingon si Rui sa kanyang likuran at napasalampak nalang ito sa lupa sa matinding pag kabigla. Nag kasugat ang kanyang dibdib na nasagian ng talim ng pangalawit.

Samantalang ako naman ay mabilis na lumundag sa kinaroroonan ni Tex at iniumang ko ang espada sa kanyang harapan. “Layuan mo si Kuya dahil papatayin kita sa oras na isayad mo ang daliri mo sa kanya.” ang gigil kong banta.

Itinulak niya ako at dumistansya siya sa akin..

Humarang ako upang protektahan si Rui na noon ay nag durugo ang dibdib sa matinding pinsala. “Sa kalagayan mong iyan ay wala kang laban sa akin Nai.” ang wika niya sabay lapit sa aking kinatatayuan.

“Lumayo ka sa akin.” ang bulong ko

“Bakit ako lalayo? Sa akin ka lang Nai. Ang iyong katawan ay mapapa saakin. Bakit hindi mo nalang tanggapin ang katotohanan na ako at ikaw ay iisa, galing ako sa iyo, sa iyo ako nag mula kaya sa iyo rin ako babalik. Bakit hindi mo animin kay Rui na inggit na inggit ka sa kanya, na kinamumuhian mo siya dahil siya ang tunay na anak at ikaw ay isang talunang sampid? Pag kakataon mo na para gumanti sa lahat. Ang tanging kailangan mo lang gawin ay tanggapin ako sa iyong pag katao. Nai, para tayo sa isa’t isa. Nabubuhay ako para sa iyo kaya’t sa akin ka lang.” ang wika nito habang naka lingkis sa aking katawan na animo malanding sawa.

Maya maya bigla na lamang ay tumamang bato sa ulo ni Tex habang nasa ganoon siyang pag palupot sa akin. “Lumayo ka kay Nai!” ang wika ni Rui

Nangiti ang kalaban at humarap ito kay Rui. “Ang lahat ng nag mamahal kay Nai ay papatayin ko.” ang naka ngiti niya ng salita.

Nag simula siyang tumalikod sa akin at humakbang palapit kay Rui..

Hinawakan ko ang kanyang braso dahilan para mahinto ito. “Sandali.” ang salita ko

Humarap siya sa akin at ngumisi, “napag isipan mo na ba? handa ka na bang isuko ang iyong pag katao sa akin? Simple lang naman, ikaw ay dadalhin ko sa aking dimensyon, doon kana mabubuhay habang ang iyong katawan ay pag haharian ko. Iyon ang nararapat diba?” ang tanong niya

“Hindi. Wala akong isusuko sa iyo.” ang bulong ko sabay tutok ng baril sa kanyang mukha.

Pinaputok ko ito..

BANG!!

Tumilapon ang kanyang katawan sa lupa kaya naman agad akong nag tatakbo patungo sa kanya. “Ibalik mo sa akin ang kapangyarihan ko!!!” ang sigaw ko sabay sakay sa kanya.

Nag buno kaming dalawa…

At kasabay noon ang pag bubukas ang lagusan sa aming kinatatayuan.

Muli kaming napasok nito, ngunit patuloy pa rin kami sa pag bubuno. Maka ilang beses na tumama ang aking kamao sa kanyang mukha at ganoon rin siya habang paikot ikot kami sa loob ng dimensyong lagusan.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya naman pag sulpot ni Sin sa akin likuran. “Anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko sa kanya

“Sinundan ko kayong dalawa dahil alam kong kailangan mo ng tulong ko.” sagot niya

“Kailangan nating mabawi ang aking kapangyarihan sa kanya!” ang sigaw ko sabay sakal kay Tex

“Ako lamang ang may kakayahang bumawi ng aking kapangyarihan. Ako lamang ang makakagawa noon!” ang sigaw rin niya at doon ay nag liwanag ang kanyang kamay at mabilis na itinarak ito sa dibdib ni Tex.

Hinawakan ko naman ang mag kabilang braso si Tex upang hindi siya makagalaw kahit nag wawala na ito at nababalot ng itim na liwanag ang kanyang katawan. Halos mag liyab ang aking katawan sa init ng kanyang pwersa ngunit isinumpa ko sa aking sarili na hindi ako bibitiw, mag kamatayan na!!

Patuloy kaming tatlo sa pag bubuno…

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon noong iangat ni Sin ang kanyang kamay mula sa dibdib ng kalaban at dito ay hawak niya ang isang bolang asul na nag liliwanag. “Ibalik mo sa akin iyan!” ang sigaw ni Tex

Isipa siya ni Sin at mabilis lumayo “Nek nek mo!” ang wika nito at mabilis niya idinikit ang bolang asul sa aking dibdib.“ Hindi ko maaaring ibalik sa aking katawan ang aking kapangyarihan kaya muli ko utong ibabalik sa iyo Nai.“ ang dagdag pa niya at doon nag liwanag ang aking dibdib at kasabay nito ang pag labas ng inukit na tatak ng SP.

Kasabay noon ang pag kawala ng katawan ni Sin sa aking paningin. Nag bukas ang lagusan at natagpuan ko ang aking katawan na bumabagsak mula sa itaas..

Nawala rin ang katawan ni Tex at ngayon ay mag isa na lamang akong nahuhulog palabas sa naturang lagusan sa ibang panahon.

Itutuloy..

SP Part 47: Mahalagang Pangako

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 20, 2018

Isipa siya ni Sin at mabilis lumayo “Nek nek mo!” ang wika nito at mabilis niya idinikit ang bolang asul sa aking dibdib.“ Hindi ko maaaring ibalik sa aking katawan ang aking kapangyarihan kaya muli ko utong ibabalik sa iyo Nai.“ ang dagdag pa niya at doon nag liwanag ang aking dibdib at kasabay nito ang pag labas ng inukit na tatak ng SP.

Kasabay noon ang pag kawala ng katawan ni Sin sa aking paningin. Nag bukas ang lagusan at natagpuan ko ang aking katawan na bumabagsak mula sa itaas..

Nawala rin ang katawan ni Tex at ngayon ay mag isa na lamang akong nahuhulog palabas sa naturang lagusan sa ibang panahon.

Part 47: Mahalagang Pangako

Dinala ako ng lagusan sa ibang panahon. Para akong isang bulalakaw na bumagsak sa lupa at sumadsad sa mga puno dahilan para mabuwal ang mga ito.

Ganoon kabilis ang pangyayari, parang kanina lang ay nag bubuno kami ng kaaway sa loob ng mismong lagusan at ngayon ay isinuka ako kung saan dimensyon at panahon.

“Arekupp, nabali yata ang leeg ko.” ang reklamo ko habang bumabangon.

“Welcome back sa atin Nai, ayos ba?” ang boses ni Sin sa aking kaibuturan.

“Paanong magiging ayos e hindi ko alam kung saan tayo dinala ng lagusang iyon.” reklamo ko habang bumabangon.

“Sinasabi ko naman sa iyo na saklaw ng kalaban ang oras at espasyo. Marahil ay noong nakipag buno tayo sa kanya da loob ng lagusan ay nawalan ito sa kontrol at napadpad tayo rito.” ang paliwanag ni Sin

“Paano tayo makakabalik?” tanong ko

“Kada oras ay umiikot ang lagusan, maaari natin itong hintayin na mag pakita sa atin. Sa ngayon ay kailangan natin mag lakad lakad upang hanapin ito.” ang tugon niya

Noong mabawi namin ang kapangyarihan ay tila gumaan muli ang aking pakiramdam. Ang boses ni Sin ay mas luminaw na para bang lumakas ang signal at ngayon na nasa loob ko na ulit siya katulad ng dati. Pakiwari ko ba ay wala akong sakit at tila nakublihan na ito ng ibayong lakas nag mumula sa kanya.

Lumakad ako palayo sa lugar kung saan ako bumagsak, dito ko napag tanto na isa pala itong bangin at nasa gawing itaas ang kalsada na pa kurba. “Nasaan ba tayo? Nasa hinaharap ba o sa nakaraan?” tanong ko

“Kailangan ay alamin mo ito sa iyong sarili. Ang lahat ng kasagutan sa iyong tanong ay masasagot maya maya lamang.” ang sagot ni Sin habang patuloy ako sa pag lalakad.

“Ayan kana nanaman eh. Teka nga baka mapag kamalan pa akong baliw dito. Kinakausap ko ang aking sarili.” ang pag mamaktol ko naman.

Ilang minuto rin ako sa ganoon pag lalakad hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Kaya naman pansamantala kong isinandal ang aking katawan sa isang malaking puno habang naka tanaw sa itaas kung saan may mga sasakyang dumaraan. Hindi ko alam kung saang planeta o dimensyon ako napunta basta ang alam ko ay wala ako sa kasalukuyang panahon at wala ako sa aming siyudad.

Tahimik sa paligid..

Walang masyadong ingay maliban sa panaka nakang sasakyang dumaraan sa pakurbang kalsada. Panandalian kong ipinikit ang aking mata at doon ay nag pahinga..

Tahimik.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong naka pikit, naalimpungatan na lamang ako noong makarinig ng isang malakas na preno ng sasakyan sa itaas ng kalsada. Sa tonong iyon ay parang may mahuhulog rito sa bangin.

Maya maya ay laking gulat ko noong makitang may isang kotseng tumalon dito kaya naman agad akong lumipad upang saluhin ito. Tumama ang harapan ng sasakyan sa malaking puno kaya nawalan ng malay ang dalawang tao sa harap nito pati ang driver. Samantalang bumukas naman ang pinto at dito ay nahulog ang isang batang may hawak na sanggol.

Mabilis kong ibinalik ang sasakyan sa kalsada at agad rin akong lumipad para iligtas ang batang lalaki na pagulong gulong sa bangin habang yakap niya ang sanggol.

Agad ko silang kinuha at dinala sa patag na lugar. Yakap pa rin ng bata ang sanggol at noong mahimasmasan ay umiyak ito ng malakas.

Agad niya tiningnan ang sanggol na noon ay halos maitim na at walang malay. Lalong umiyak ang bata. “Nai!!! Iligtas nyo po yung kapatid ko!” ang wika niya habang ng hahalo ang sipon at luha

Napatingin ako sa batang lalaki at dito ay namukhaan ko ito “Rui?!” ang bigla kong nasabi dahil parang matigil siya sa pag iyak.

Dito ay napag tanto ko na bumalik kami sa nakalipas at ang eksenang ito ay ang ikinukwento sa akin ni Rui tungkol sa pag kaka aksidente nila noon.

Flash back

Niyakap niya ako ng mahilig at muling hinalikan sa labi. “Mahal kita, mag buhat noong nakaligtas tayo mula sa tiyak na kapahamakan ay isinumpa ko na sa aking sarili na aalagaan kita at hindi iiwan.”

“Anong kapahamakan? Tayong dalawa?” tanong ko naman

“Actually, tayong mag anak. Batang bata ka pa noon. Nag ddrive si papa ng bigla itong nawalan control. Dapat ay tatalon sa bangin ang ating sasakyan, ngunit bigla itong sumabit sa malaking puno dahilan para tayo ay maligtas. Takot na takot ako noon ngunit hinawakan mo ang aking mukha at binigkas mo ang unang salita sa iyong bibig “Kuya”. Pinawi mo ang aking takot at napalitan ito ng ibayong saya. Mag buhat noon ay ipinangako ko na aalagaan kita at mamahalin.“ ang wika niya habang hinahaplos ang aking buhok.

“Hindi ko na maalala, ngunit salamat dahil naka ligtas tayo. Natatakot lamang ako na ang pag mamahal mo ay biglang mawalan at maiwan akong nakabitin sa ere.”

End of flash back (Scene from S1 Part 18: Kalangitan)

Patuloy sa pag iyak ang batang Rui habang niyayakap ang walang malay na sanggol at ako nga iyon. Agad ko naman kinuha ang sanggol at naramdam kong mahina ang pintig ng puso nito. “Mamatay pa yata ako!” ang sigaw ko sa aking sarili

“Sin! Anong gagawin ko!” pati ako ay nataranta rin. Bata palang pala ako ay nasa binggit na ako ng kamatayan.

“Ikaw ang mag ligtas sa iyong sarili. Ipatong mong ang iyong kamay sa kanyang dibdib at isalin mo ang iyong enerhiya upang masuportahan ang kanyang buhay.” utos ni Sin at agad ko naman iyong ginawa

Ipinatong ko ang kamay ko sa kanyang dibdib at dito ay nag liwanag ito. “Teka isinasalin ko ang maliit na amount ng aking kapangyarihan sa kanyang katawan diba? Hindi kaya maging Super Panget na baby ito?” ang tanong ko

Natawa si Sin. “Hindi. Susuportahan lamang niya iyong buhay bilang sanggol. Ang enerhiyang iyong ay nasa iyong katawan lamang. Ordinaryo lamang at huwag kang mag alala.” ang tugon ni Sin

Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon hanggang sa muling umiyak ang sanggol. “Ang cute ko pala talaga noon.” ang bulong ko sa aking sarili na naka ngiti

Huminto ng pag iyak ang sanggol na ako at pag katapos humarap ito kay Rui at sinabing “KUYA!”

Lalong umiyak si Rui at niyakap ang bata ng mahigpit dahilan para batukan ko ito. “Ump, huwag masyadong mahigpit at baka masakal ako.” ang wika ko ngunit naka ngiti ako habang pinag mamasdan silang dalawa.

“Hoy ikaw batang Rui.” ang wika ko pero patuloy pa rin ito sa pag iyak kaya naman muli ko siyang kinatukan sa ulo “Hoy kupal na bata tumingin ka sa akin. Titigan mo ang mukha ko. Tanda mo na ito ang gwapo mong.. Wag na nga.. Basta ang sasabihin ko lang sa iyo ay mahalin mo ang kapatid mo, huwag mo siyang pababayaan okay? Mangako ka sa sakin na hindi mo siya papaiyak at ibubully pag laki mo.” ang wika ko dahilan para umiyak nanaman ang batang Rui

“Plak” binatukan ko ulit siya. “Sumagot ka. Iyak ka ng iyak eh. Mangako ka na mamahalin mo iyang kapatid mo.” ang pananakot ko pa bagamat natatawa talaga ako

Tumahan ang batang Rui at tumingin sa akin ng tuwid. “Pangako po.” ang wika niya.

“Ayos. Halika na at baka hinahanap kana ng papa mong mukhang pera.” ang wika ko pa. Muli ko silang niyakap at inilipad sa kalsada.

Dito ay nakita kong marami nang tao kaya naman agad rin akong lumipad pabalik. Hinabol ako ng tingin ni Rui habang hawak niya ang sanggol. Kinawayan ko pa siya at doon ay agad akong bumalik sa ilalim ng bangin.

Natahimik ako at muling sumandal sa puno.. “Ako rin pala ang nag ligtas sa kanila.” ang bulong ko

“Oo naman, kaya ganoon nalang ang pag mamahal sa iyo ng kuya mo dahil sa mahalagang pangako na kanyang binitawan. At habang lumalaki ka ay natutuwa ito dahil nakikilala niya ang iyong mukha. Sa makatuwid ay alam na niya na ikaw ay magiging isang super hero. At alam rin niya na may parating na delubyo kaya naman nag pagawa na siya ng mga matitibay na kompanya at pinag handaan niya ito ng husto.

At para sagutin ko ang tanong kung bakit ikaw ang aking napili ay naka simple lamang. Noong isalin mo sa sanggol ang iyong kapangyarihan ay siya ang napili nito kaya bata ka pa lamang ay binabantayan na kita mula sa malayo. Iniingatan at pinoprotektahan.“ ang wika ni Sin

“Eh ganoon naman pala e bakit kailangan pang may sumpa? Tatlong kasamaan ko ay masusumpa ako.” ang pag mamaktol ko

“Iyon ay parte ng kasunduan upang maisalin ko sa iyo ang aking kapangyarihan. At ngayong nakamit na natin ito muli. Ay mag sisimula na ang tunay na laban. Hayun na ang lagusan patungo sa kasalukuyan. Tapusin na natin ang laban na ating nasimulan! Nasa likod mo lang ako!” ang wika ni Sin

Agad akong tumayo at nag tatakbo patungo sa naturang lagusan. At habang nasa loob kami nito ay pilit kong binubuo ang aking sarili. Batid kong ang huling laban ay magaganap na. Kaya ang aking kailangan ay tibay ng loob at ibayong tiwala sa aking sarili.

At ipinapangako ko na mag tatagumpay ako. Muli ibabalik sa ayos ang lahat, ang tunay na laban ay mag sisimula sa oras na tumapak ako palabas sa lagusang ito.

Itutuloy..

SP Part 48: Super Pogi

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Agad akong tumayo at nag tatakbo patungo sa naturang lagusan. At habang nasa loob kami nito ay pilit kong binubuo ang aking sarili. Batid kong ang huling laban ay magaganap na. Kaya ang aking kailangan ay tibay ng loob at ibayong tiwala sa aking sarili.

At ipinapangako ko na mag tatagumpay ako. Muli ibabalik sa ayos ang lahat, ang tunay na laban ay mag sisimula sa oras na tumapak ako palabas sa lagusang ito.

Part 48: Super Pogi

Sinalubong ako ng malakas na liwanag noong makalabas ako sa lagusan. Dito ay natagpuan ko ang aking sarili sa pinaka sentro ng siyudad kung saan naroroon si Troy na naka sakay sa kanyang pandigmang sandata na sumisipsip ng dugo. Pulang pula ang paligid, nag kalat ang bangkay at laman loob ng mga taong biktima. Si Troy naman ay galak na galak habang naliligo siya ng dugo.

Patuloy ang kanyang ginagawang pag hitit sa mga kalamnan ng mga tao sa paligid kaya naman ibayong galit ang aking naramdaman. Sumiklab ang asul na liwanag sa aking katawan at kasabay dito ang pag sibat ko ng lipad patungo sa kanya. Mabilis bumalot ang kalasag ni Super Panget sa aking katawan at doon maramdaman niyang palapit ako na pahinto siya sa kanyang ginagawa.

Tumingin ito sa akin at ngumiti. “Kamusta kaibigan?” bati niya habang naka ngiti bagamat balot ng dugo ang kanyang hubad na katawan at tanging pantalong sira lamang ang suot.

Ngumiti rin ako at tumugon “Mukhang mabangong mabango tayo ah. Ayos iyang blood bath mo.”

“Ito ang sikreto ng aking magandang balat.” ang wika niya

“Ah ganoon ba?” sagot ko sabay lipad sa kanyang kinalalagyan at mabilis ko itong ginawaran isang malakas na suntok na kanyang sinalo.

“Pwedeng wag sa mukha?” ang sabi niya sabay piga sa aking kamao at mabilis akong itinapon sa ere

“Sure!” ang sagot ko sabay tutok ng baril sa kanyang kinalalagyan.

BANG!!

Nag labas ito ng asul na liwanag na tumama sa kanyang kinalalagyan dahilan para sumabog ang kanyang sinasakyan.

Lumundag si Troy palayo sa akin para makadistansya.

“Atleast hindi sa mukha diba?” ang pang aasar ko pa.

“Salamat ha, akala ko ay magagalusan ang pinaka mamahal kong mukha.” ang wika niya na gwapong gwapo sa kanyang sarili.

“Eh crazy bitch nga pala ang isang ito e.” ang bulong ko

“Sabi ko naman sa iyo, pinaka sira ulo si Super Pogi sa lahat. Mag ingat ka dahil parating na siya.” ang wika ni Sin at dito ay nakita kong lumipad si Troy patungo s akin. Lumabas sa kanyang kamay ang kulay pulang bola ng enerhiya katulad ng sa akin at maya maya ay naging isang espada rin ito.

Ginamit ko rin ang aking sandata at ginawa itong espada upang sanggahin ang kanyang mabilis na atake. Parehong pareho ang aming sandata mag kaiba lamang ng kulay. Ang akin ay nag liliwanag na asul ang sa kanya naman ay kulay pula.

Espadahan, hampasan at iwasan ang aming ginawa..

Mag aabot ang aming espada, maya maya ay pareho didistansya sa isa’t isa. Sugod, iwas, sugod, iwas. Patas na patas ang aming lakas.

Maya maya ay kapwa kami dumistansya sa isat isa at pareho ring lumiwanag ang aming mga hawak na bola ng enerhiya. Lumabas sa aking kamay ang asul na baril at itinutok ito sa kanya.

Lumabas naman sa kanyang kamay ang isang malaki pana at palaso na kulay pula. “Akala mo ikaw lang ang marksman fighter?” ang naka ngisi niyang salita sabay unat sa awrang pisi ng kanyang pana..

Itinutok ko sa kanya ang aking baril at dito ay pinaputok ko ito.

Nag abot ang bala at palaso sa gitna..

Lumikha ito ng malakas na liwanag at sumabog..

Yumanig sa paligid..

“Old model iyang gamit mo Panget. Ito ang latest model.” ang wika niya sabay tutok ulit ng palaso sa aking kinalalagyan.

Binitiwan niya ito at dito ay isang palaso lang ang lumipad pasibat sa akin ngunit dumoble ito, at dumoble pa hanggang sa maging apat na.

Mabilis akong lumipad para umiwas at sa kada sibat ng kanyang pulang palaso ay sumasabog ito ng malakas dahilan para magiba ang lahat ng madaanan kabilang na ang mga natitirang gusali at ang ibang sira ay mas lalo pang naabo.

“Mas latest nga yung model ng sandata niya!” ang sigaw ko habang naka tago.

“Nauna lamang na ilabas ang sa atin ng ilang buwan. Wala namang masama doon!” ang sagot rin niya.

“Mas latest iyon kaya mas malakas!” ang reklamo ko pa habang naka kubli sa mga sirang gusali. “Teka ano bang alam mo dyan kay Pogi? Wala bang tips? Weak point? Ano?” ang pangungulit ko

“Basta ang alam ko lang ay pogi sya at ayaw niya nasusugatan ang kanyang mukha. Ang kanyang pez ang pinaka mahalagang yaman sa kalawakan.”

“Seryoso?” ang tanong ko

“Oo e.” ang sagot din niya

Maya maya biglang sumabog ang sirang gusali kung saan ako naka kubli. Patuloy sa pag ulan ng palaso, walang pinag kaiba kay Super Ganda na walang ginawa kundi ang mag pa ulan ng bala.

Sa ganitong pag kakataon ay wala naman akong nagawa kundi ang makipag barilan sa kanya. Ang kanyang pulang palaso laban sa asul na bala. Nag aabot ang dalawang liwanag at gumuguhit ito sa madilim na kalangitan.

Ilang minuto kami sa ganoong pag papalitan ng atake hanggang sa muli pumalit ang espada sa aming mga kamay. Nag abot kami sa gitna mag ka krus ang aming mga armas at kapag nag kakalayo naman kami ay nagiging baril at pana saka namin papaulanan ang isa’t isa.

“Wala ba itong ultimate? Alam mo na, kasi diba yung kanya ay umuulan ng palaso. Bakit yung sa atin isang bala lang?” ang tanong ko naman

“Ah meron, ultimate ba? Siyempre meron!” ang pag mamalaki niya

“Meron pala? Pambihira ka naman bakit ngayon mo lang sinabi. Muntik na akong mapatay ni Beki at ni Ganda ahh!” pag rereklamo ko

“Nag tatanong ka ba? Wala naman diba?”

“O sya, asan na yung ultimate ng sandatang ito?” tanong ko ulit

“Nakita mo ba yung kulay asul na button dyan sa gilid? Pindutin mo iyan.” ang wika nito

“Eto ba?” ang pag lilinaw ko sabay pindot sa asul na buton.

Maya maya ay lumabas ang isang hologram sa bibig ng baril. Naka lagay ang katagang “Select Target”.

“Paano?” ang tanong ko

“May camera iyan. Picturan mo yung target dali!” ang wika ni Sin

Agad akong lumipad malapit kay Troy at nag wika “Time out muna pare! Ang gwapo mo e, nakaka bakla. Tumitigas ang etits ko ang looks mo!” ang pambobola ko

“Gwapo talaga ko, sana ikaw rin!” ang sagot niya.

“Eh crush na kita pare, pwedeng pa picture? Yung close up ha!” ang pag hingi ko ng pabor.

“Kakaiba talaga kayong mga nilalang sa kalawakan, lahat kayo ay hindi matiis na maaakit sa akin. Ang hirap talagang maging super pogi. Sige picturan mo na ako. Bago ka man lang mamatay ay mag karoon ka ng ala alang dadalhin sa kabilang buhay.” ang wika niya

“Ayos! Ang gwapo mo talaga.” ang wika ko sabay tapat ng camera sa kanya. Pumose pa ito ng pag kayabang.

“Click!”

“Ayos!” ang wika ko

“Yun lang ba? Isa pa. Mas gwapo ako sa anggulong ito.” ang wika niya saka tumagilid at ngumiti ng pag katamis tamis.

“Click!”

“Gwapo mo talaga pare! Nakaka inlove!” ang wika ko naman sabay lipad palayo.

Nag kubli ako sa isang gusali at dito ay isinave ang picture ng target. “Press okay!” ang wika ni Sin

Pinindot ko ang confirmation button at dito ay nag liwanag ang bunganga ng baril.

Maya maya ay nag labas ito ng nakakatuwang tunog.

“Plok!” at umangat ang kulay asul na ilaw.

“What? Supot naman yata itong baril mo. Palyado eh!” reklamo ko naman.

“Aba e malay ko ba, hindi ko naman ginagamit iyan e. Nasira pa yata!” ang tugon niya

Maya maya ay kinalabit ko ulit ang gatilyo at may lumabas nanamang asul na lumawanag. “Plok!”

“Putaa! Talo na tayo!” ang sigaw ko naman sabay tapon sa kanyang baril.

“Bakit tinapon mo?”

“Eh walang kwenta eh. Tuluyan nang nasira!” reklamo ko ulit

Natawa si super pogi. “Iyan ang hirap sa pag bili ng mumurahin armas sa tiyangge ng super planet dahil madalas ay super palyado ito!”

“Wala kang paki!” sagot ko kay Troy

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay umangat sa ere ang dalawang asul na liwanag animo bulang iikot ikot.

Noong nasa mataas na itong parte ay bigla itong “Plok”

Pumutok at nag laho..

Lalo akong nanganga at napa mura sa matinding pag kainis. Samantalang si Pogi naman ay tawa tawa at maya maya hinila niya ang kanyang palaso at pinakawalan niya ito patungo sa amin. “Ito ang armas na hindi pumapalya!” ang wika niya At dito ay sumabog sa akin ang kanyang palaso dahilan para tumilapon ang aking katawan sa di kalayuan.

Babangon na sana ako noong biglang may isa nanamang palaso ang tumuhog sa aking harap. Tumarak ito sa lupa at sumabog.

Hanggang maya maya ay isa nanamang palaso ang lumanding sa akin mula sa itaas at nag kasunod sunod na rin ang pag sabog.

Pagulong gulong ang aking katawan sa lupa. Halos mahilo ako at pawian ng ulirat dahil sa malalakas na pag sabog. At habang nasa ganoong pag iwas ako ay siyang pag labas ng dalawang bolang bilog sa itaas. Nag liliwanag ito ng husto dahilan para mapahinto sa pag atake si Troy.

Napatingala siya at doon ay biglang nag flash ang asul na liwanag na animo camera. Para siyang pinipicturan ng mga ito.

“Grabe, iba na talaga ang kapogian mo. Pati palyadong armas ay humahanga sa iyo.” ang wika ko habang bumabangon.

Natawa si Troy. “Wala tayong magagawa doon. Gwapo talaga ako at iyon ang pinaka malaking sumpa sa buhay ko.” pag yayabang niya.

Maya maya ay lumakas pa ang ilaw ang asul na liwanag na nag mula sa aming palyadong armas. At lumabas dito ang katagang “Target Lock! Execute!”

Nawala ang ngiti sa mukha ni Troy at kasabay noon ang mag bagsak ng asul na bala sa kanyang kinalalagyan na animo mga ulan. Daan daan ito at walang patid kaya naman nag kabaligtad ang aming sitwasyon. Kung kanina ay ako ang tumaktabo ngayon ay siya naman ang gumagawa nito.

Matindi ang pag bagsak ng bala sa lupa, walang patid at talagang hinahabol ang target. Wala ring patid ang pag iwas ng kalaban kaya naki sabay na rin ako sa pag atake. Nabilis kong pinulot ang armas ni Sin at binali ito sa gitna upang maging espada.

Mabilis akong lumipad sa kanyang kinalalagyan at sinabayan ko ang pag atake ng mga bala na lumilipad patungo sa kanya.

“Ano mas maganda ang kalidad ng armas namin no? Akala mo ba ay humahanga ako sa iyo? Nek nek mo!” ang sigaw ko sabay atake sa kanya.

Umiiwas siya sa nag sasayaw na bala sa kanyang paligid at sinasangga naman niya ang aking atake gamit ang pulang espada sa kanyang kamay.

“Wala pang nakaka ligtas sa kamandag ng kagwapuhan ko! Panget!” ang sigaw rin niya sabay tusok ng espada sa aking tiyan.

Tinamaan ako nito dahilan para mawala ako sa balanse at bumagsak ang aking katawan sa lupa.

Ilang minuto rin siyang umiiwas sa mga bala at ang ilan ay hinahampas niya ng espada kaya naman madali itong naubos at tumigil.

Nawala ang asul na liwanag sa itaas na wari’y pumutok na parang bula. Samantalang ako naman ay nanatiling naka handusay sa lupa.

“Yun na ba iyon?” ang tanong ni Troy habang lumalakad palapit sa akin. Ngunit hindi ako kumibo at nanatili lang akong nakapikit.

“Alam mo panget, kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kita. Bakit ba kasi nabuhay ka pa? Sumasakit tuloy ang mata ko kapag nakikita ko ang ngipin mong sobra sobra. Umaakyat ang bahalibo ko ngayon ngayon sa pandidiri kaya hindi ako makalaban ng husto sa iyo.” ang wika niya

Pero hindi pa rin ako kumilos at kumibo..

Maya maya ay naramdaman kong lumapit pa siya sa akin at dinikit ang kanyang espada sa aking pisngi.

“Mamatay kana panget!” ang wika niya sabay tarak ng patalim sa aking dibdib..

Ngunit bigo siya dahil gumulong ako, mabilis kong hinawakan ang aking espada at hinataw ito sa kanyang harapan.

Tumilamsik ang kanyang dugo sa aking mukha..

Napa hinto siya at dito ay hinawakan niya ang kanyang mukha na nakaroon ng malaking hiwa..

Halos nabigla siya sa pang yayari..

Ako naman ay agad tumayo at dumistansya sa kanya. Naalala ko tuloy ang madalas kong ginagawa kay Rui kapag nag papanggap akong tulog. Hindi ko akalaing magagamit ko ito sa labang ito.

“Nai, umatras ka. Nasugatan ng husto ang kanyang mukha. Hindi natin magugustuhan ang susunod ang mangyayari.” ang wika ni Sin at dito ay nakita kong nanginginig ang katawan ni Troy. Ang kanyang mata ay naka mulagat na animo masisiraan ng bait.

Itutuloy..

SP Part 49: Ikalawang Bahagdan

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 21, 2018

Ngunit bigo siya dahil gumulong ako, mabilis kong hinawakan ang aking espada at hinataw ito sa kanyang harapan.

Tumilamsik ang kanyang dugo sa aking mukha..

Napa hinto siya at dito ay hinawakan niya ang kanyang mukha na nakaroon ng malaking hiwa..

Halos nabigla siya sa pang yayari..

Ako naman ay agad tumayo at dumistansya sa kanya. Naalala ko tuloy ang madalas kong ginagawa kay Rui kapag nag papanggap akong tulog. Hindi ko akalaing magagamit ko ito sa labang ito.

“Nai, umatras ka. Nasugatan ng husto ang kanyang mukha. Hindi natin magugustuhan ang susunod ang mangyayari.” ang wika ni Sin at dito ay nakita kong nanginginig ang katawan ni Troy. Ang kanyang mata ay naka mulagat na animo masisiraan ng bait.

Part 49: Ikalawang Bahagdan

Nanlaki ang mata ni Troy, kitang kita ko ang mga galit na ugat nito habang naka dakot ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha na may sugat. Ang kanyang katawan nanginginig na animo gigil at natatakot na hindi ko maipaliwanag.

Wala ring akong ibang naririnig sa kanya kundi ang halinghing at impit na unggol na animo nababaliw. “Sinugatan mo ako.. Sinugatan mo ang aking pinaka mamahal na mukha. Mag babayad ka sa akin ng malaki.” ang wika nito na may nanginginig ring boses.

“Hala, gasgas lang yan ah. Hindi kaya nagiging OA ka?” ang tanong ko naman.

“Nai, dumistansiya ka sa kanya. Sabi ko naman sa iyo diba? Crazy bitch iyang si Super Pogi.” ang wika ni Sin

At habang nasa ganoong posisyon kami ay nag simulang lumabas ang kulay pulang liwanag sa katawan ni Troy. Para itong si Naruto na mag ttransform bilang kyubi. Ganoon ka OA ang naging reaksyon niya sa pag kaka galos sa kanyang mukha.

“Bakit mo sinugatan ang aking mukha? Papatayin kita!!” ang galit na sigaw niya at maya maya ay bigla itong nawala sa kanyang kinalalagyan.

“Nai, baliw iyang si Pogi, nawawala siya sa control kapag napipinsala ang kanyang mukha! Umiwas ka!” ang sigaw ni Sin ngunit huli na ang lahat dahil nagulat nalang ako noong dakutin niya ang aking mukha at isinubsob ako pabangag sa lupa saka mabilis na hinilahod.

Pag katapos noon ay nag paulan ito ng suntok, lahat ay sa aking mukha tumama, walang patid at talagang desidido na siyang wasakin ako sa kanyang sunod sunod na pag atake.

Tama nga si Sin dahil nawala na ito sa katinuan. Nag aapoy ang kanyang katawan at bawat mahawakan niya ay nagigiba na parang isang kastilyo na gawa sa buhangin. “Papatayin kita! Papatayin kitaaaa!” ang sigaw nito at dito ay isang nag aapoy na suntok ang tumama sa aking mukha dahilan para akong bumulusok pabagsak sa lupa at dito ay mapakat ang aking katawan.

Pinilit kong bumangon ng mabilis ngunit ang aking paningin ay tila lumalabo at ang aking pag hinga ay para bang mapapatid na. Hindi ko akalain na mag wawala siya ng sagad para lang sa isang kapirasong galos sa kanyang pinaka mamahal na mukha. “Baliw talaga ang isang ito!” sigaw ko sa aking sarili habang tumutukod patayo.

Nag patuloy sa pag yanig ang buong paligid at kalakip nito ang lalong pag lakas ng liwanag na bumabalot sa kanyang katawan. Mistulan itong isang baliw na lumalakad patungo sa akin, ang kanyang kamay ay naka hawak sa kanyang mukha na bahagyang nahiwa.

Pinilit kong tumayo at dumistansya dahil halos nabugbog na rin ang aking katawan dahil sa walang tigil niyang pag atake ngunit ang aking tuhod ay nang hihina pa rin, gayon rin ang aking paningin na nanlalabo.

Isang ubo ang aking pinakawalan at tumilamsik ang dugo mula sa aking bibig at gayon rin ang dugo sa aking ilong..

Maya maya ay nag tatakbo na si Troy patungo sa akin na animo hayop na may bibiktimahin kaya naman napaatras nalang ako.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla nalang may mga putok na baril akong narinig na tumatama sa kilalagyan ng kalaban at kasabay noon ang pag hawak ni Rui sa aking katawan para ilayo. Dito ay nakita ko rin sila Gun at ang iba pang pwersa na militar na pinapuputukan ng baril ang kalaban bagamat alam nila na wala naman talaga silang laban.

“Ayos ka lang ba? Kaya mo pa ba?” tanong ni Rui

“Oo ayos lang ako. Nabubug lang ng kaunti. Masyadong makapangyarihan ang isang ito.” ang wika ko naman habang tinutulungan ang aking sarili sa pag hakbang palayo.

Pansamantalang napahinto si Pogi sa pag atake..

Ngunit, sa kabila ng pinag sama samang pwersa ng militar, hindi pa rin ito umubra dahil hindi natinag ang kalaban at hindi rin sila pinansin ito. Hindi siya ininda ang mga tama ng baril sa kanyang paligid. Agad siyang lumundag ng malakas patungo sa aking at hinablot ang katawan ni Rui na naka alalay sa aking pag tayo.

Itinapon niya ang walang laban na si Rui. “Kuyaaaaa!” ang sigaw ko habang pinag mamasdan sa pag gulong ng katawan niya sa batuhan. “Takbo Nai!” ang sigaw niya

Agad akong tumayo at imbis na tumakbo palayo ay nag tatakbo ako patungo kay Troy ay mabilis ko itong niyakap upang ilayo kay Rui. Pinilit kong lumipad upang dalhin siya sa kaunting distanya ng bigla niyang dakutin ang aking mukha at dito ay muli niya akong hinilahod sa lupa.

Bulagta ako, bagamat nakita kong nilalayan ni Gun si Rui palayo sa laban, kapwa sila sugatan at may tama sa braso at sa dibdib.

Habang nasa ganoong pag higa ako ay na nanatili sa itaas ko ang kalaban. Lalo pang nag liwanag ang kanyang katawan na tila may lavang umaagos sa kanyang balat at kasabay nito ang pag uga ng lupa, pamumula ng buong kalangitan at pag aangat ng mga bagay sa paligid.

Binalot ng malakas na pulang liwanag si Troy hanggang sa naging bilog ito. Batid kong naabot niya ang lebel ng Ad Molibiria o ang ikalawang bahagdan.

Halos naging kulay pula ang paligid. Nakaka kilabot at sinabayan pa ito ng hangin na wariy umiiyak habang patingkad ng patingkad ang liwanag na bumabalot sa kaaway.

Ilang minuto rin siya sa ganoong entrada noong humupa ang liwanag at ang tanging natira ay ang kakaibang hugis sa itaas na hindi ko mawari. Para itong pinag halong kabayo at tao. “Si Hylos ba iyan sa Mobile Legends?” ang bulong ko

“Tado talagang nakuha mo pang mag biro. Iyan ay isang Centaur. Iyan ang makasaysayang ikalawang bahagdan ni Super Pogi.” ang wika ni Sin at dito nga ay lumabas ang imahe ng kalaban. Kompirmadong kalahating tao at kabayo ang ibaba nito. Ang kanyang mukha ay naging matingkad na metal at ang buntot ay nag aapoy, ang mga paa ay ganoon rin. Ang kanyang kanang kamay ay hugis espadang mahaba at ang kaliwang kamay naman niya ay isang pana o crossbow.

“GG na.” ang bulong ko habang pinag mamasdan itong nag liliwanag sa aking itaas.

“Ayusin mo ang sarili mo Nai.” ang bulong ni Sin ngunit tila ayaw ng kumilos ng aking katawan.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay unti unting gumalaw ang kamay ng kalaban. Itinutok sa akin ang kanyang kaliwang kamay at kasabay noon ay nag simulang lumiwanag ang pana at palaso dito.

“Nai! Bumangon ka!” ang sigaw ni Sin

“Ayoko pang mamatay.” ang sagot ko naman na tila wala nang pag asa.

Napuno ng liwanag ang kamay ng kalaban at pinakawan nito ang isang nag aapoy na palaso.

Sumibat ito pabagsak sa lugar kung saan ako naka bulagta. “Ayokong mamatay..” ang bulong ko

At iyon na ang paulit ulit na isinisigaw ng aking isipan. Ang katagang “Hindi pa ako handang mamatay!”

Parang isang sirang palang sumisigaw iyon sa aking pag iisip at kasabay nito ang tama ng palaso sa aking kinalalagyan. Lumikha ito ng pinaka malakas na pag sabog dahil nagiba ang lupang aking kinahihigaan.

Kasabay noon ang pag labas ng isang asul na liwanag sa aking harapan. “Ayoko pang mamatay! Ayoko pang mamatay!!!” ang paulit ulit kong sigaw sabay abot sa naturang liwanag.

Noong mahawakan ko ang naturang asul na liwanag ay biglang sumibat sa ere ang aking katawan at ang liwanag na asul humalo sa kalangitan.

Binalot ako ng kakaibang awrang pandigma at kasabay rin noon ang pag yanig ng buong paligid. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari basta ang alam ko ay nakaligtas ako sa pag atakeng iyon ng kalaban at nagawa kong muling ikilos abg aking katawan na kanina ay halos paralisado na.

Ilang minuto rin akong binalot ng asul na liwanag at maya maya naramdaman ko mas lumaki ang aking katawan. Ang aking kanang kamay ay naging isang baril, ang kaliwa naman ay nag karoon ng mahabang kuko na animo mga mahahabang patalim.

Nag taka ako sa aking nakita ngunit batid kong nag bago ang aking anyo. “Nai, ito ang iyong ikalawang bahagdan.” ang wika ni Sin at dito ay sumiklab ang asul na liwanag sa aking katawan.

Pakiramdam ko ay mas lalo pa akong lumakas bagamat bumigat ng bahagyan ang aking mga braso. Ngunit ang liwanag sa aking paligid ay nag lalagablab na tila nag wawala sa pananabik. Hindi ako makapaniwala na ang pag nanais kong mabuhay ay ang mag dadala sa akin sa lebel ng ad molibira.

Itutuloy..

SP Part 50: Alien Civilization

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 22, 2018

Ilang minuto rin akong binalot ng asul na liwanag at maya maya naramdaman ko mas lumaki ang aking katawan. Ang aking kanang kamay ay naging isang baril, ang kaliwa naman ay nag karoon ng mahabang kuko na animo mga mahahabang patalim.

Nag taka ako sa aking nakita ngunit batid kong nag bago ang aking anyo. “Nai, ito ang iyong ikalawang bahagdan.” ang wika ni Sin at dito ay sumiklab ang asul na liwanag sa aking katawan.

Pakiramdam ko ay mas lalo pa akong lumakas bagamat bumigat ng bahagyan ang aking mga braso. Ngunit ang liwanag sa aking paligid ay nag lalagablab na tila nag wawala sa pananabik. Hindi ako makapaniwala na ang pag nanais kong mabuhay ay ang mag dadala sa akin sa lebel ng ad molibira.

Part 50: Alien Civilization

Naabot ko ang ikalawang level ng aking kapangyarihan kasabay nito ang pag babago ng aking anyo. Ramdam ko ang kakaibang lakas na dumadaloy sa aking katawan bagamat tila may kung anong bigat sa aking pakiramdam.

Nag tapatan kami ni Super Pogi sa ere at kapwa kami nakatayo sa mag kalayong distansya. “Malaki ang pinag bago mo dahil mas lalo kang pumanget. Wala akong ideya na literal na halimaw ang Ad Molibiria mo.” ang natatawang wika ng kalaban bagamat hindi ko nakikitang bumubuka ang kanyang bibig dahil naging matingkad na metal na ito.

Napatingin ako sa salamin ng isang sirang gusali sa aking tabi. Mukhang tama nga siya dahil lalo akong pumangit. Ang mga ngiping naka usli sa akin ay naging pangil. Ang aking mata ay naging purong asul at ang aking paa ay hindi ordinaryo dahil naging pang halimaw rin ito. “Halimaw nga, lalo akong pumangit.” ang bulong ko sa aking sarili at agad kong binawi ang aking tingin sa salamin.

Sumiklab ang pulang liwanag sa katawan ni Troy at ganoon rin sa akin. Nag katinginan kami sa mata at pag katapos ay kapwa kami lumipad upang sagupain ang bawat isa.

Isang malakas na hataw ang aking ginawa at ganoon rin siya sa akin dahil kada pag aabot ng aming mga patalim ay lumilikha ito ng kakaibang liwanag at panaka nakang pag yanig. Mag tatama ang aking sandata at pag katapos ay didistansya kami sa isa’t isa upang gamitin ang aming isa pang kamay na may baril at pana.

Patas lamang ang aming pag kilos at ganoon rin ang amin lakas..

Maya maya muli siyang dumistansya sa akin. “Pareho lang tayong halimaw. Huwag mong ibukod ang iyong sarili sa akin.” ang wika ko

Natawa siya “Ikaw ang halimaw, ako ay isang Diyos. Alam mo na sa malayong galaxy ang mga nilalang na kalahating tao ay kabayo napaka sagrado. Sa kanila sumasamba ang bawat nabubuhay sa iba’t ibang mundo. Naalala ko nga dati noong lumapag ako sa isang planeta sa ibang solar system, halos ganito rin ang aking anyo, ang lahat ay nag bigay pugay at lumuhod dahil ang akala nila ay isa akong Diyos na taga pag salba. Ang hindi nila alam ako ay isang Diyos na gugunaw sa kanila.

Wala naman akong mapapala sa mundong ito. Mababang uri ng sibilisasyon ang inyong mundo. Narito lamang ako upang tapusin ang aking mga katunggali at mag laro habang pinapanood kayong nag papatayan. Sina Beki, Ganda at ikaw Panget, lahat kayo ay mamatay.“ ang wika niya habang nakalutang padistansya sa akin.

“Ang aming mundo ay mahalaga sa amin, hindi ako papayag na masira ito ng basta basta. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit. Ang tunay na mandirigma ay hindi umaatras at lumalaban hanggang sa huli.” ang mariin kong sagot.

“Ipag tatanggol mo ang mundong ito? Nakakatawa ka talaga. Alam mo ba ang tinatawag na Alien civilization ay nahahati sa tatlong uri. Ito ay may tatlong ratings.

Una o rate 1: Ang sibilisasyon na kumukuha ng enerhiya sa anyong tubig, bulkan at maging sa kondisyon ng panahon. Ito ang pinaka mababang rate of civilization.

Ikalawa o rate 2. Ang sibilisasyon kung saan ang mga nilalang ay may kakayahang gumamit ng enerhiyang nag mumula sa anyong tubig, anyong lupa, at maging ang mga kalapit bituin nito ay nakukuhanan nila ng enerhiya. Ito ang ikalawa sa mataas na lebel.

Ikatlo o rate 3, ang sibilisasyon kung saan ang mga naninirahan dito ay may kakayahan kumuha ng enerhiya sa lahat ng bagay loob at labas ng kanilang mundo. May kakayahan silang sakupin ang buong galaxy at may kakayahan rin silang gumamit ng worm hole, time travel at sakop rin nila ang buong kalawakan. Ito ang pinaka mataas na alien civilization na billion beses na mas advance kaysa sa inyong mundo.

Ang inyong planetang Earth ay kumukuha lamang ng enerhiya sa sikat ng araw, sa langis, at sa mga sinunog na kahoy. Kayo ay nasa 0 rating o wala pa sa kalingkingan ng rate 1 civilization.“ ang paliwanag pa niya.

“Eh bakit nandito ka pa? Wala ka naman palang mapapala?” ang tanong ko naman

“Gusto ko lang naman wakasan ang aking mga katunggali. At masaya ako dahil ikaw nalang ang natitira sa kanila.” ang tugon niya.

“Wish mo lang. Pero anyway maraming salamat sa trivia. Hayaan mong ako naman ang mag bahagi sa iyo ng ilang impormasyon tungkol sa aming mundo. Alam mo ba na ang mga ganyang nilalang kalahating tao at kabayo ay hindi isang Diyos dito kundi isang maligno? Centaur, Archer kalokohan! Ang tawag dito sa mga ganyang itsura ay TIKBALANG! Mga isinumpang nilalang na nakatago sa dilim.” ang pang aasar ko

Natawa siya “hindi ako nakikinig. Tinakpan ko ang tainga ko.” ang pang aasar din niya.

“Ok po!” ang sagot ko at muli akong sumugod sa kanya.

Muling nag sagupaan ang aming lakas. Sa alapaap ay dalawang ilaw lamang ang nakikita, isang pula at isang asul na humahalo sa kalangitan. Sa bawat pag aabot ng aming mga patalim ay lumilikha ng kakaibang sinag dulot ng mga pwersang naiipon sa aming braso.

Isang malakas na pag hataw ang aking pinakawalan dahilan para mapaatras siya. Muli akong sumugod at ginamit ko ang aking paa upang siya ay sipain palayo “Sino nag sabing hindi pwedeng gumamit ng paa?” ang tanong ko at isa pang sipa ang aking pinakawalan dahilan para mas lalo siyang napaurong.

“Ah ganoon ba?” ang tanong niya sabay lipad patungo sa akin at maya maya ay mabilis niya ako sinipa. Dahilan para bumulusok ako sa lupa sa mabilis. “Arayy!” ang reklamo ko noong bumagsak ako sa lupa. Dito ay sumuka ako ng dugo dahil sa pag tama ng kanyang paa sa aking dibdib.

“Loko ka kasi, hinamon mo ng sipaan ang kabayo. Iyan tuloy, napahamak ka.” ang wika ni Sin

“Arekupp, na horse kick ako. Malay ko bang literal na kabayo talaga siya!” ang sagot ko sabay lipad ulit patungo sa kanya ng bigla nya akong salubugin at muli ako sinipa ng malakas kaya naman katulad ng pang yayari kanina ay muli nanaman akong lumagapak sa lupa.

“Arekup, double kill na yon ah.” ang bulong ko pa habang bumabangon.

Noong maka balanse ay agad akong lumipad ulit patungo sa kanya. Ikatlong beses ay muli akong sinipa pero naka iwas ako.

Mabilis akong sumugod sa kanyang harapan at pinag hahataw ng kalmot ang kanyang mukha gamit ang aking kamay. “Tikman mo ang Super Skill ng kuko ni Nathalia sa Mobile Legends!!” ang sigaw habang patuloy sa pag kamot.

Napaatras ang kalaban at isang malakas na sipa ang aking natamo ngunit bago ako bumagsak sa lupa ay pinaputukan ko ng baril ang kanyang katawan dahilan para lumagapak rin siya.

Kapwa kami bumulusok sa lupa..

Tahimik..

Napandalian nawala ang pag yanig sa buong paligid at kasabay nito ang aming sabay na pag bango sa lupa. Bugbog ang aking dibdib at ang aking bibig ay puno ng dugo dahil sa paulit ulit na pag sipa.

Bumangon din si Troy at dito ay nag crack ang metal na kubli sa kanyang mukha dulot ng aking pag atake.

Nakita niya ang pag bagsak ng maliit na piraso ng metal na siyang kanyang ikinagulat.

Napahawak siya sa kanyang mukha at dito ay lalo pang nabasag ang metal dahilan tuluyang masira ang kanyang proteksyon dito.

Nagulantang siya at napasigaw ng malakas. “Ang mukha koooo!!”

“Hala, baliw baliwan lang Pogi? Wala pa namang nang yayari sa mukha mo, nasira lang yung maskara mo.” ang pang aasar ko.

“Mag babayad ka ng malaki Panget! Papatayin kita!!” ang parang nababaliw na salita nito.

“Sige lumapit ka, sisiguraduhin kong mang hihiram ka ng mukha sa aso.” pananakot ko sabay tingin ng matalim sa kanyang mata.

“LAPIT!”

sabay pakita sa aking metal na kamay..

Itutuloy..

SP Part 51: Tanging Ala-ala

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 22, 2018

“Hala, baliw baliwan lang Pogi? Wala pa namang nang yayari sa mukha mo, nasira lang yung maskara mo.” ang pang aasar ko.

“Mag babayad ka ng malaki Panget! Papatayin kita!!” ang parang nababaliw na salita nito.

“Sige lumapit ka, sisiguraduhin kong mang hihiram ka ng mukha sa aso.” pananakot ko sabay tingin ng matalim sa kanyang mata.

“LAPIT!”

sabay pakita sa aking metal na kamay..

Part 51: Tanging Ala-ala

Tumindi ang galit ng kalaban kaya literal na sumiklab ang apoy sa kanyang katawan. Kung kanina ay buntot at paa lang niya ang nag aapoy, ngayon ay buong katawan na at kasabay nito ang pag tutok niya sa akin ng kanyang palaso, nag liliwanag ito at mabilis na sumibat sa aking kinalalagyan.

Umiwas ako..

Sumabog ang palaso na tumama sa lupa kaya lumikha ito ng pag yanig at malaking hukay. “Ngii!” ang sigaw ko sa aking sarili noong makita ang isang malaking crater sa di kalayuan. Kung tinamaan ako noon ay tiyak na burado na ako.

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay isa nanamang palaso ang sumibat palapit sa akin kaya katulad kanina ay umiwas nanaman ako hanggang sa isa pang palasong nag liliwanag ang lumipad at nag kasunod sunod na ito.

Halos nag sunod sunod rin ang malakas na pag sabog sa lupa at nabura na ng tuluyan ang sentro ng siyudad. Mabuti na lamang ay nag alisan na ang mga tao sa paligid kaya nabawasan na rin ang nasasawi. Bukod pa roon ay iba talaga ang lakas ni Super Pogi dahil pansin kong mas dumadagdag ang kanyang lakas sa tuwing nasusugatan ang kanyang pinaka mamahal na mukha. “Crazy bitch nga ang gago!” ang sigaw ko

“Told yah! Mas nasusugatan ang kanyang mukha ay mas nababaliw ang gago, mas lumalakas.” wika ni Sin

“The more gasgas the more lakas? Crazy nga!” ang sagot ko naman.

Nakipag palitan ako ng atake kay Pogi. Nag paulan rin ako ng bala sa kanyang kinalalagyan. Daig pa naman ang star sa isang action movie kung saan nag babarilan ang bida at kontrabida.

Maya maya ay nag tatakbo siya palapit sa akin kaya naman itinigil ko ang pag baril at nag tatakbo rin ako pasugod sa kanya.

Nag krus ang aming mga braso at aktong iiwas ako noong bigla niya akong tuhugin ng palaso. Nakaiwas ako ngunit sumabog ito dahilan para tumilapon ako at sumadsad sa lupa.

Agad rin akong bumangon at mabilis na lumipad patungo sa kanya. Bilang ganti ay kinalmot ko ang kanyang dibdib at tinutukan ko ng baril ang kanyang mukha.

Iniwas niya ang kanyang mukha sa pamamagitan ng pag talikod kaya hindi ko ito naituloy ang pag akto. Aktong sisipain niya ako ng maisipan kong sumakay sa kanyang likod. “Ang kabayo ay sinasakyan at hindi nag mamaganda!” ang sigaw ko suntok at kalmot sa kanyang mukha. “Eto bagay sayo! Wawasakin ko ang mukha mo!!!” ang sigaw ko habang naka “horseback riding” sa kanyang likuran.

Nag wala siya at batid kong nagalusan ko ang kanyang pinaka mamahal na mukha. Nag tatarang ang kabayo at nahulog ako sa kanyang likuran. Agad niya akong inatake at pinag sisipa hanggang sa tumilapon ako palayo.

Dugo ang mukha ni Pogi, puro kalmot ito. Bagamat matigas talaga ang kanyang mukha dahil sa dami atakeng aking ginawa ay parang galos lang ang kanyang natamo.

Lalong nag alburuto sa galit ang kalaban, ngayon ay tila hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Nag wala ito at mabilis na nag tatakbo pasugod sa akin. “Mag babayad ka ng malaki! Mag babayad ka Panget!!!” ang sigaw nito na tila nasisiraan ng bait.

Naging padaskol daskol ang pag atake ni Pogi, hindi na ito pinag iisipan tulad kanina. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay mapatay ako sukdulang masira ang paligid o maabo pa ang lahat. Maraming beses niya akong inatake ng sibat at mga nag liliyab na palaso ngunit madali ko na itong naiiwasan. Kumbaga sa game ay nasira na ang kanyang diskarte kaya’t madali ko nang na cocounter ang kanyang pag atake.

Muli akong sumugod sa kanyang kinalalagyan, iniumang ko ang aking kuko sa kanyang mukha.

Slashh!!

Nahiwa ko na naman ito..

Maka ilang beses kong ginawa ang pag atakeng iyon hanggang sa mapuno ng galos ang kanyang mukha. “Sige lang, mamaya ay magiging mag kamukha na tayo! Papangit ka rin!!” ang pananakot ko sabay kalmot pa ulit sa kanyang harapan.

“Mainam pang mamatay nalang ako kaysa maging kamukha mo!” ang galit niyang sigaw sabay distansya sa akin.

Nag liwanag ang kanyang buong katawan at itinutok niya sa akin ang kanyang crossbow. Maya maya ay may sumiklab na kulay pulang palaso rito. Nag liliwanag ng husto na para bang nag iipon ng lakas sa pag atake.

Umangat ang mga piraso ng gusali sa paligid dahil sa matinding pwersa. Sa palagay ko ay ibubuhos na niyang lahat sa isang atakeng iyon.

Kaya naman katulad niya ay dumistansya rin ako. Inipon ko ang aking pwersa sa aking baril. Sumiklab ang asul na liwanag sa aking buong katawan. At pilit kong inasinta ang kanyang kinalalagyan.

Ubusan na ito ng lakas sa pagitan naming dalawa..

“Nai, sigurado ka ba sa gagawin mo?” tanong ni Sin

“Oo, matapos na ang kabaliwang ito! Ubusan na to! Siraan na ng Turret!!” ang galit kong sagot habang naka porma sa pag atake.

“Eh ifull power mo na!” ang sagot ni Sin kaya naman mas lalo pang nag liwanag ang aking katawan..

Tahimik..

Maya maya ay pinakawalan niya ang isang higanteng palaso at pinakawalan ko rin ang asul na pwersa sa aking baril..

Sa sobrang lakas n gaming inipong pwersa ay halos mawasak na ang lupa sa pag daan nito.

Sumibat ang dalawang liwanag sa ere at noong mag salpukan ito ay lumikha ng isang malakas na liwanag na bumalot sa aming katawan..

UNTI UNTING YUMANIG!

Dahil sa lakas ng dalawang pwersang iyon ay naramdaman kong nabura ang lupang aking kinatatayuan at kasabay nito ang malakas na pag sabog na gumulantang sa aming mga sarili.

Iyon ang pinaka malakas na pag yanig at pag sabog sa lahat. Nag bitak ang aking kalasag at unti unting tinangay ang aking katawan kasama ng mga nag liliparang piraso ng malalaking tipak ng pader, bato at kung ano ano pa na naka kalat sa siyudad..

Ilang minutong binalot ng malakas na pag sabog ang buong siyudad. Hindi ko na alam ang nangyari dahil kusang pumikit ang aking mga mata..

Tumahimik..

Naramdaman ko ang patak ng tubig sa aking mukha na nag mumula sa sirang tubo. Ito ang nag pabalik sa aking ulirat.

Tila yata nasaid na ang aking lakas, pero naka kabit sa aking katawan ang ikalawang bahagdan bagamat ang aking kanang kamay ay bumalik na sa normal at malaki ang pinsala nito.

Umuusok ang aking katawan, itinukod ko ang aking siko sa lupa at pinilit kong suportahan ang aking sarili upang makabangon. Hilong hilo ako at ang aking paningin ay lalong lumabo.

Dito ko napansin ang isang malaking hukay o crater na naging resulta ng aming sagupaan. Halos burado na ang buong siyudad at walang naiwan dito kundi ang bakas ng aming malagim na labanan.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Super Pogi na pilit bumabangon. Nabura na rin ang kanyang kalasag at bumilik ito sa normal marami ay naabot na rin niya ang sukdulan ng kanyang lakas.

Samantalang ako naman ay nakaramdam ng matinding pag kahilo dahilan para matumba ako sa lupa at mapasalampak nalang.

Nasa ganoong posisyon ako noong makita kong bumangon si Super Pogi. Tumingin ito sa akin ng matalim at sumigaw. “Papatayin kitaaa. Hindi pa tapos!!” ang sigaw niya sabay siklab ng pulang liwanag sa kanyang katawan.

Mali pala ako dahil may natitira pa siyang lakas. Nag tatakbo siya patungo sa akin dahilan para mapa atras ako..

Ilang dipa pa ang kanyang tatakbuhin ng biglang nag liwanag ang aking katawan at mula rito ay lumabas si Sin sa aking harapan. Lumingon ito sa akin at ngumiti.

Maya maya lumipad siya patungo kay Pogi at siya ang humarap dito. Sinuntok niya ito malakas dahilan para matumba ang kalaban. “Tama na!” ang sigaw niya

Napasaldak si Pogi..

“Matalino ka talaga Sin, gumamit ka pa ng katawan ng ibang tao upang maitumba kami.” ang wika nito

“Alam no naman ang patakaran, na ang kapangyarihan inilabas ko sa aking katawan upang protektahan ang mundong ito ay hindi na maaaring ibalik sa aking sarili kaya’t kinailangan ko ng isang taong may malakas na puso upang maging aking kinatawan. At para sabihin ko sa iyo ay hindi ako nag tumba sa inyo dahil itinumba ninyo ang isa’t isa. At wala akong nagawa doon.” ang wika ni Sin

“Hugas kamay? Kinalaban mo kami. Tinalikuran at pinag taksilan.” ang wika niya

“Mali ka doon, gusto ko ay matigil na ang iyong ginagawang pag hahari, paninira at pagiging gahaman sa kapangyarihan. Hindi aabot sa ganito ang lahat kung nakontento lamang kayo. Kung tayong mga nilalang sa kalawakan ay hindi marunong maging masaya sa mga bagay na mayroon tayo. Pag nakuha na natin ang ating nais ay tiyak na mag hahanggad pa tayo ng mas malaki hanggang sa hindi natin makontrol ang ating mga sarili.

Ako, ikaw, si Beki at si Ganda.. Lahat tayo ay mag kakaibigan noon, sabay sabay nangarap, tumawa, nalungkot, nag tagumpay at nabigo. Walang ibang ala ala sa aking isipan kundi ang imahe ng apat na batang tumatakbo sa magandang bukirin, nag hahabulan at nag lalaro. Iyan tayo noon Troy.. Iyon lang ang natatanging ala-ala na kahit kailan ay hindi maalis sa aking isipan.

Nangako tayo sa isa’t isa na magiging malakas, upang makamit ang ating mga pangarap. Upang mapatakbo ng maayos ang ating planeta. Ngunit ang lahat ng iyon ay nag bago dahil sa inyong pagiging makasali at gahaman. Tama nga sila, na ang pag kakahangad ng sobrang kapangyarihan ay nakaka bulag sa paraang hindi mo na kilala kung sino ka at kung sino ang mga nasa paligid mo. Nais kong malaman mo na walang akong galit sa inyong lahat, ginawa ko lamang ang dapat. Ang mundong ito ay ang aking pinaka huling daigdig. Nais kong manirahan dito at nais kong maging masaya.“ ang wika ni Sin

“Pag katapos ng lahat ito? Matagal na panahon na iyon at wala nang paraan upang baligtarin ang sitwasyon!!” ang sigaw ni Pogi sabay hataw ng kanyang espada sa kinalalagyan ni Sin.

Umiwas ito at sinipa si Pogi dahilan para matumba ito. “Game over na Pogi, talo kana!”

Nakabulagta si Pogi at sumuka ito ng dugo..

“Huwag mong hayaang mawala ang simpleng ala alang naka tatak sa aking puso. Kung pwede kong lang ulitin ang panahon, sana ay namuhay nalang tayo ng normal, mag kakasama at masayang nangangarap. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang ating mga tawanan habang naka tanaw sa malawak na bukirin, habang pinag mamasdan ang ganda n gating mundo.” ang wika ni Sin

Tahimik..

Binitiwan ni Pogi ang bola ng enerhiya na kayang hawak..

“Tama na Troy.” ang dagdag pa ni Sin “Tapos na labanang ito.” paki usap pa niya.

Samantalang si Pogi naman ay natahimik lang at napako ang tingin sa lupa. “Madalas kang natatalo noon sa habulan. Ako at si Ganda ang parating nanalo.” ang wika ni Troy habang naka ngiti.

“Madaya kasi kayo e. Parati nyo akong pinag kakaisahan.” ang natatawang wika ni Sin. “Troy, hindi mo kailangang gawin ito, paki usap.” ang dagdag pa ni Sin

Napako si Troy aka Super Pogi sa kanyang kinasasaldakan tila pilit niya binabalikan ang magagandang ala ala niya noong pag kabata. “Ikaw ang gumagawa ng saranggola ko noon diba?” tanong niya

Tumango si Sin at ngumiti “Pero hindi naman balanse ang pag lipad noon dahil palpak rin akong gumawa.”

Natawa si Troy at maya maya gumuhit ang luha sa kanyang mga mata. “Naalala ko pa rin ang lahat.” ang naka ngiti niyang wika.

Natawa si Sin at kinuha ang kanyang kamay. “Halika na. Itigil na natin ang digmaang ito.” ang wika niya

Tahimik..

Inabot ni Troy ang kanyang kamay at habang nasa ganoong posisyon ito ay bigla na lamang naputol ang kanyang ulo!

“Troy!!” ang sigaw ni Sin!

Pati ako ay nabigla sa pang yayaring iyon.

Halos matulala si Sin sa kanyang nasaksihan kaya mabilis itong lumipad sa aking tabi. At habang nasa ganoong posisyon kami ay lumabas si Tex hawak ang kanyang malaking pangalawit.

“Sorry sa istorbo Nai, tinapos ko lang ang kalaban mo.” naka ngiti niya wika habang tumutulo ang dugo sa kanyang sandata.

“Tinapos ko na siya Nai..”

Maya maya ay biglang namulagat ang kanyang mata “Dahil akin kaaaa!” ang sigaw niya sabay takbo patungo sa akin!

Tumatawa siya na animo baliw..

“Papatayin kita Nai! Akin ka lang!”

Itutuloy..

SP Part 52: Walang Katapusang Dilim

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 25, 2018

Inabot ni Troy ang kanyang kamay at habang nasa ganoong posisyon ito ay bigla na lamang naputol ang kanyang ulo!

“Troy!!” ang sigaw ni Sin!

Pati ako ay nabigla sa pang yayaring iyon.

Halos matulala si Sin sa kanyang nasaksihan kaya mabilis itong lumipad sa aking tabi. At habang nasa ganoong posisyon kami ay lumabas si Tex hawak ang kanyang malaking pangalawit.

“Sorry sa istorbo Nai, tinapos ko lang ang kalaban mo.” naka ngiti niya wika habang tumutulo ang dugo sa kanyang sandata.

“Tinapos ko na siya Nai..”

Maya maya ay biglang namulagat ang kanyang mata “Dahil akin kaaaa!” ang sigaw niya sabay takbo patungo sa akin!

Tumatawa siya na animo baliw..

“Papatayin kita Nai! Akin ka lang!”

Part 52: Walang Katapusang Dilim

Agad na bumalik si Sin sa aking katawan upang mabigyan ako ng karagdagan lakas. Muling kumabit ang kalasag sa aking kamay at mabilis ako ng umiwas sa atake ni Tex.

Lumundag ako sa itaas kaya ang lupa ang natamaan ng kanyang pangalawit. “Bakit?! Bakit sa dinami rami ng nilalang sa mundo ay ako pa ang napili mo? Anong kasalanan ko sa iyo!?” ang tanong ko naman.

“Sanggol ka pa lamang ay nasa iyong katawan na ako, parang isang anino na laging naka sunod. Hindi maalis at hindi mawawala. Ako ay nabuo sa takot, lungkot at negatibong emosyon ng mga tao, ngunit hindi ako tuluyang magiging malakas kung wala ang suporta ng iyong katawan. Sa lahat ng mga sanggol sa mundo ay ikaw lamang ang may kakaibang asul na liwanag na siyang aking kinakailangan upang maging malakas. Ang asul na liwanag na iyon ay kakaiba at nag bibigay ng magandang enerhiya sa aking katawan.” ang wika nito

“Asul na enerhiya? Mayroon na ako noon simula noong ako ay sanggol palang.” ang bulong ko sa aking sarili

“Tama Nai, at ikaw mismo ang nag lagay ng asul na enerhiyang iyon. Iyon ang ginamit mo upang iligtas ang iyong sarili noong bumalik tayo sa nakaraan. At iyon rin ang dahilan kung bakit ikaw ang nakatakdang mapili ko upang aking kinatawan. Ang lahat ng iyon ay itinakda Nai.” ang wika ni Sin at muling nag balik sa aking ala ala ang eksenang iyon kung saan nakaharap ko ang aking batang sarili.

Flash back

Patuloy sa pag iyak ang batang Rui habang niyayakap ang walang malay na sanggol at ako nga iyon. Agad ko naman kinuha ang sanggol at naramdam kong mahina ang pintig ng puso nito. “Mamatay pa yata ako!” ang sigaw ko sa aking sarili

“Sin! Anong gagawin ko!” pati ako ay nataranta rin. Bata palang pala ako ay nasa binggit na ako ng kamatayan.

“Ikaw ang mag ligtas sa iyong sarili. Ipatong mong ang iyong kamay sa kanyang dibdib at isalin mo ang iyong enerhiya upang masuportahan ang kanyang buhay.” utos ni Sin at agad ko naman iyong ginawa

Ipinatong ko ang kamay ko sa kanyang dibdib at dito ay nag liwanag ito. “Teka isinasalin ko ang maliit na amount ng aking kapangyarihan sa kanyang katawan diba? Hindi kaya maging Super Panget na baby ito?” ang tanong ko

Natawa si Sin. “Hindi. Susuportahan lamang niya iyong buhay bilang sanggol. Ang enerhiyang iyong ay nasa iyong katawan lamang. Ordinaryo lamang at huwag kang mag alala.” ang tugon ni Sin

Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon hanggang sa muling umiyak ang sanggol. “Ang cute ko pala talaga noon.” ang bulong ko sa aking sarili na naka ngiti

Huminto ng pag iyak ang sanggol na ako at pag katapos humarap ito kay Rui at sinabing “KUYA!”

Lalong umiyak si Rui at niyakap ang bata ng mahigpit dahilan para batukan ko ito. “Ump, huwag masyadong mahigpit at baka masakal ako.” ang wika ko ngunit naka ngiti ako habang pinag mamasdan silang dalawa.

End of flashback (Scene from SP S2 Part 47: Mahalagang Pangako)

“Ngunit si Tex? Kaibigan ko siya! Bata palang ay mag kasama na kami! Bakit siya??” ang tanong ko naman upang malinawan ang lahat.

“Si Tex ay isang huwad na tao. Gawa sa pekeng laman, dugo at kaisipan. Matagal na tayong mag kakilala diba? At matagal na rin kitang kilala Nai. Kaya naman gustong gustong kita.. Alam mo ba na ikaw ang gusto kong maging katawan at hindi ang pekeng ito.” ang wika niya

“Sa makatuwid, nanatili lamang siya sa iyong katawan dahil sa enerhiyang iyon na nasa iyong loob. Ngunit hindi niya ma take over ang iyong katawan dahil malakas rin ito at protektado ka ng asul na kapangyarihan kaya naman gumawa siya ng isang pekeng nilalang upang doon mamalagi. Isang anay ang nilalang na iyan!” ang pag lilinaw ni Sin.

“Tama ang nilalang na nasa loob mo Nai, hindi ko magawang pamahalaan ang iyong katawan dahil natatalo ng enerhiyang asul ang aking kapangyarihan kaya naman wala akong nagawa kundi ang umalis at bantayan ka. At ngayon ay gagawin ko ang lahat upang mabuhay sa iyong katawan. Kapag nakuha ko na iyan ay gugunawin ko ang mundo at wawakasan ang lahat ng taong naninirahan dito. Lilinisin ko ang mundo at mag sisimula tayo muli sa umpisa.” ang wika ni Tex

“Walang umpisa dahil walang mag wawakas! Kung mayroon man ay ikaw iyon!” ang sigaw ko rin sabay sugod sa kanyang kinalalagyan.

Dumistansya ito sa akin “May lakas ka pa ba Nai? Mahina kana at ramdam kong nanginginig na ang iyong tuhod sa takot. Takot na takot na Nai, niloloko mo lamang ang sarili mo sa pag iisip na malakas ka.” ang wika niya

Maya maya ay tila nga nakaramdam ako ng takot at napahinto ako sa aking pag kilos. “Nai, huwag kang makinig sa kanya. Ang bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig ay isang lason sa isipan!” sigaw ni Sin

Napahinto ako sa pag kilos at naramdaman kong may kumalawit na bagay sa aking katawan dahilan para mag dugo ito. Maya maya may tumusok na bagay sa aking balikat at tumagos ito ng sa kabila..

Dito ko nakita na ang dulo ng kanyang pangalawit ay isa rin sibat kaya naman agad akong lumipad ang dumistansya sa kanya. Mukhang paubos na rin ang aking lakas dahil ang sigla at bilis ng aking katawan ay lumipas na. Kahit nasa lebel ako ng ad molibiria ay ramdam ko pa rin ang pagod. Said ang aking lakas sa pakikipag laban kay Pogi.

“Wala ka nang lakas Nai?” naka ngisi niyang tanong

Di ako sumagot, itinutok ko ang baril sa kanyang kinalalagyan at pinaputok ko ito.

Sunod sunod..

Umulan ng bala sa kanyang kilalagyan ngunit hindi man lang siyang tinamaan. Masyado itong malakas kung ihahambing sa akin na halos di na makatayo.

Maya maya ay isang malakas na suntok at tadyak ang lumanding sa aking katawan, binugbog ako ni Tex, hindi ko alam kung ano ang kanyang ginagawa ngunit ramdam ko ang pag tama ng kanyang kamao sa aking katawan. Mabilis siyang kumilos, sadyang mabilis ba o bumagal lamang ako dahil wala na akong kakayahang makita ito.

Sumadsad ang aking katawan sa lupa. Kasabay nito ang pag suka ko ng dugo..

“May sakit ka Nai, ilang araw na lamang ba ang itatagal mo?” ang tanong ni Tex.

Tumingin ako sa kanya ng matalim at pinahiran ang dugo sa aking bibig.

“Huwag mo akong tingnan ng ganyan!!” ang sigaw niya sabay tadyak sa aking ulo.

“Yumuko ka sa akin!” ang sigaw niya habang pauli ulit na iniyuyuko ang aking ulo gamit ang kanyang paa dahilan para masubsob ako sa lupa.

“Mamatay kana Nai, unti unting sinisira ng karamdaman ang iyong katawan at wala ka nang magagawa kundi ang yakapin ito.” ang sigaw niya at dito ay muli nanaman akong nakaramdaman ng takot at pangamba. Kasabay nito ang pag tulo ng dugo sa aking ilong..

“Sige Nai, gustong gusto ko ang takot mo. Pinalalakas ako nito. Matakot ka pa! Malungkot at mangamba!!!” ang tumatawa niyang sigaw.

Maya maya muli niya akong tinusok ng sibat sa balikat at tinusok rin niya ang aking kamay dahilan para mapasigaw ako sa matinding sakit.

Bumabaha ang dugo sa aking kinalalagyan.

Nanatiling naka tarak ang sibat sa aking kamay at nakabaon ito sa lupa na parang ipinako sa krus

“Wala ka nang lakas Nai? Kung ganoon ay tapusin na natin ang eksenang ito. Mukhang ako ang nag tagumpay.” ang wika niya at bigla nalang tumubo ang pakpak sa kanyang likuran. Kulay itim ito na tila pakpak ng anghel. “Umpisahan natin ang pag linis sa mundong ito. Huwag kang mag alala Nai, kapag wala na ang mundong ito ay kukuhanin ko sa libingan ng mga patay ang iyong katawan at ako na ang gagamit nito. Sa akin rin ang lakas mo.” ang wika niya sabay lipad sa pinaka itaas ng kalangitan.

Bumukas ang kanyang bagwis at ng liwanag itong husto. Kasabay noon ang pag labas ng itim rin na enerhiya sa kanyang katawan. “Ang takot na nag mumula sa mga tao ang siyang nag bibigay lakas sa akin! Sige pa! Matakot kayo!!” ang tuwang tuwa niyang sigaw.

Gumuhit ang itim na liwanag sa bulong paligid at dito ay ang simulang mag dilim ng husto. Ang mga kidlat at kulog ay nag simulang bumagsak sa kalangitan at tumatama ang mga ito sa lupa dahilan para mag kasunog ang mga sirang gusali.

Sabay nito ang pag bitak ng lupa at ang malakas na pag yanig nito na parang inuuga ng husto. “Nai, masama ito. Nawawala sa balanse ang iyong mundo. Maaari itong tumama sa katabing planeta at sumabog kapag hindi napigilan. Palakas ng palakas ang kalaban dahil ang lahat ng buong mundo ay binabalot na ang takot. At iyon ang nag papalakas sa kanya.” ang sigaw ni Sin ngunit malabo na rin ang kanyang tinig.

Tumuloy ang matinding pag bitak ng lupa. Tila ba nanonood ako ng pelikulang hawig sa 2012 kung saan literal na nagugunaw ang buong mundo.

Lalo lamang akong natakot para sa mga taong mahal ko sa buhay. Tila yata malaking kabiguan ang aking parating sinasapit.

“Nag kamali ka ba?” ang tanong ko kay Sin

“Tungkol saan?” ang sagot niya

“Sa pag pili sa akin.” ang tanong ko

“Hindi. Ikaw ang pumili sa sarili mo Nai, wala akong pinag sisisihan doon. Nawalan ako ng pamilya, ng kaibigan at planeta. Ngunit natagpuan kita at nakatagpo ako ng bagong tirahan sa planetang ito. Wala akong pag sisisi.” ang masaya niyang salita.

“Mag kaibigan tayo diba?” ang tanong ko

“Oo Nai, ikaw ang aking pamilya.” sagot niya

“Gusto ko sanang humingin ng Pabor. Lisanin mo na ang aking katawan at tumakas kana bago pa magunaw ang aming mundo. Paki usap.” bulong ko

“Hindi Nai, tatapusin natin itong dalawa. Kahit 1 porciento nalang ang natitirang pag asa ay mayroon pa rin kahit katiting. Minsan ang tunay na milagro ay nagaganap kapag wala nang pag asa ang lahat.” ang wika niya at nasa ganoong posisyon ako noong maramdaman kong hinuhugot ni Rui ang sibat na nakatarak sa aking dalawang kamay.

“Nai! Gumising kaaaa!” ang sigaw nito

Ang walang katapusan dilim ay nag simula na. At ngayon ang mundo ay unti unti nang nasisira.

Halos hindi ko na alam ang gagawin ko, wala na rin akong lakas upang makagalaw ng maayos. Sa dami ng pinsalang aking itanamo ay imposible nang makapag ligtas ako ng buhay ng iba.

Patuloy pa rin ang pag kasira ng paligid. At kawalan ng pag asa ang lumukob sa aking buong pag katao..

Itutuloy..

SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 26, 2018

“Hindi Nai, tatapusin natin itong dalawa. Kahit 1 porciento nalang ang natitirang pag asa ay mayroon pa rin kahit katiting. Minsan ang tunay na milagro ay nagaganap kapag wala nang pag asa ang lahat.” ang wika niya at nasa ganoong posisyon ako noong maramdaman kong hinuhugot ni Rui ang sibat na nakatarak sa aking dalawang kamay.

“Nai! Gumising kaaaa!” ang sigaw nito

Ang walang katapusan dilim ay nag simula na. At ngayon ang mundo ay unti unti nang nasisira.

Halos hindi ko na alam ang gagawin ko, wala na rin akong lakas upang makagalaw ng maayos. Sa dami ng pinsalang aking itanamo ay imposible nang makapag ligtas ako ng buhay ng iba.

Patuloy pa rin ang pag kasira ng paligid. At kawalan ng pag asa ang lumukob sa aking buong pag katao..

Part 53: Kislap ng Pag mamahal

Patuloy ang pag kawasak ng buong paligid sa pamamagitan ng enerhiyang sinasabog ni Tex sa buong alapaap. Ang enehiryang iyon ay nag mumula sa negatibong emosyon ng mga tao na siyang nag bibigay ng ibayong lakas sa kanya.

Samantalang ako naman ay nanatiling naka dapa, duguan habang inaalis ni Kuya Rui ang naka tusok na sibat sa aking kamay. Matindi ang pag kakabaon nito kaya’t mahirap sa isang ordinaryong ang hugutin gamit ang kanyang kamay ngunit pilit pa rin itong ginagawa ni kuya.

Makalipas ang ilang minuto ay naalis niya ng tuluyan ang naturang mga sibat at agad niya akong ibinabangon. “Nai! Sumagot ka!” ang wika nito na hindi maitago ang matinding pag aalala.

Patuloy pa rin sa pag bukas ang lupa kaya’t napaka delikado na kung mananatili pa rin siya dito sa aking tabi. “Kuya, naubos na ang lakas ko. Umalis kana. Iligtas mo ang sarili mo.” ang wika ko habang patuloy sa pag durugo ang bibig.

“Hindi ako aalis.” ang wika niya sabay hubad sa kanyang suot na damit at marahang pinunasan ang aking mukha na puro dugo.

Habang ginagawa niya ito ay unti unting gumuhit ang luha sa kanyang mga mata. At sa bawat pag haplos niya sa aking sugat ay ramdam kong ibayong sakit ang kanyang nararamdaman. “Kuya, iligtas mo ang sarili mo, umalis na kayo sa lugar na ito dahil unti unti nang nawawasak ang mundo.” ang wika ko naman at hindi ko na napigilan ang mapaiyak.

“Hindi ako aalis. Mawawasak ang mundong ito pero may matitira pa rin sa akin. Ikaw ang mundo ko Nai, ayokong umalis sa iyong tabi. Kung mamatay ka ay mamatay na rin ako. Gusto ko ay mag kasama tayo kahit sa huling pag kakataon. Please. Payagan mo kong samahan kita dito.” ang sagot niya.

“Umalis na kayo, isama mo sila mama, sila Kohei. Please kuyaa.” pag susumamo ko

Umiling siya at hinawakan ang aking pisngi. “Dito lang ako sa tabi mo, kung magunaw man ang mundo ay magiging masaya akong pumanaw ng kasama ka. Kahit sa kabilang buhay ay hindi ko hahayaang mag isa ka. Nandito lang ako..” ang wika niya habang nang gigilid ang luha.

“Sorry kuya.. Patawarin niyo ako lahat dahil mahina ako. Hindi ako kasing lakas ng iba.. Hindi ako perpektong super hero katulad ng nababasa natin sa komiks o yung napapanood natin sa pelikula.” ang umiiyak kong sagot

“Hindi ka nga perpekto at iyon ang pinaka magandang bagay sa iyo Nai. Sanggol ka palang ay alam ko nang magiging bayani ka, nakita kita noon at alam kong ikaw ang tumulong sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit mahal na mahal kita, nangako ako sa iyo na aalagaan kita at mamahalin ng buong puso.

Oo nga’t nasasabi mong hindi ka perpekto. Pero para sa akin ikaw ang pinaka magaling, pinaka malakas, pinaka mahusay na super hero sa buong mundo. Hindi ka nabigo dahil marami kaming nag mamahal sa iyo. Huwag mong isiping maniha ka dahil hindi totoo iyon.“ ang umiiyak na wika ni Kuya Rui

Maya maya ay hinawakan niya ang aking kamay na duguan at hinamas niya ito. Pumatak ang kanyang luha sa aking sugat at inilagay niya ang aking duguang kamay sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso..

Humihikbi si Kuya Rui..

“Itong puso ko ay naniniwala sa iyo. Damhin mo ang pag mamahal ko hanggang sa huli. Pakiramdaman mo ang pintig nito na sinasabing “hindi ka nag iisa” dahil nandito ako. Mahal na mahal kita at kahit sa pinaka huling sandal ay hayaan mong iparamdam ko sa iyo ito.“ ang umiiyak niya salitang nanginginig ang balikat sa sobrang pag hikbi sabay yakap sa akin ng mahigpit..

At kasabay nito ang isang kantang nag mumula kung saan..

Patuloy pa rin sa bukas ang lupa at pag kawasak ng paligid. Nanatili pa rin kami sa ganoong posisyon, magkasama habang unti unting inaabot ng pag bitak ang aming kinlalagyan..

When I’m With You

Saw you walk into the room Thought I’d try to talk to you Babe am I ever glad you wanted me to It’s been two years to the day Half the time I’ve been away I know I’m not there enough but that’s gonna change Cause I’m coming back To show you that I’m keeping the promise I made

When I’m with you I’ll make every second count Cause I miss you Whenever you’re not around When I kiss you I’ll still get butterflies years from now I’ll make every second count when I’m with you

Ikinulong niya ako sa ako sa kanyang bisig at habang nasa ganoong posisyon ako ay unti unting nag balik sa aking alaala ang masasayang pag sasama namin ni Kuya Rui, noong bata pa ako ay parati niya akong pinag tatanggol. Umalis siya ngunit parati kong niyayakap ng patahimik ang kanyang larawan.

Ang larawan ni Kuya Rui.. Ang taong iniidolo ko, minamahal at pinag aalayan ng lahat. Tuwing gigising ako sa umaga ay gumaganda ng gising ko dahil mukha niya agad ang aking nasisilayan. At iyon ang pinaka magandang tanawin sa lahat, sa buong mundo.

Yeah we’ve had our ups and down But we’ve always worked them out Babe am I ever glad we’ve got this far now Still I’m lying here tonight Wishing I was by your side Cause when I’m not there enough Nothing feels right So I’m coming back to show you that I’ll love you the rest of my life

When I’m with you I’ll make every second count Cause I miss you When ever you’re not around When I kiss you I’ll still get butterflies years from now I’ll make every second count When I’m with you Whatever it takes I’m not gonna break the promise I made When I’m with you I’ll make every second count Cause I miss you

Ramdam na ramdam ko ang pintig ng puso ni Kuya na nag bibigay sa akin ng kakaibang init. At kasabay noon ay tuluyang nasira ang lupang aming kinalalagyan at dito ay kapwa kami nahulog sa ilalim nito.

Nanatiling nakayakap ng mahigpit si Kuya Rui sa akin “Huwag kang bibitiw Nai. Kasama mo ako.. Hanggang sa huli.. Pangako.” ang wika niya at ngumiti pa ito hindi alintana ang pag tatapos ng kanyang buhay.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata na tila inihanda ang sarili pag bagsak sa kumukulong lupa sa ilalim ng mundo.

Mabilis ang aming pag bagsak..

Kapwa bumulusok pa baba ang aming katawan malapit sa kumulukong lava sa pinaka loob ng lupa. Kapwa kami nakapikit, tila ba ilang segundo nalang ay mag wawakas na ang lahat, ngunit kung mag ganoon man ay masaya akong mamatay sa bisig ng taong pinaka mamahal ko.

Patuloy ang aming pag bulusok..

Humigpit ang pag yakap ko kay Kuya at mula dito ay nag liwanag ang aking kalasag na ad molibiria. Nag bitak ito na parang isang salaming nabasag at ang binalot ako ng asul na liwanag, malamig at nag bibigay sa akin ng ibayong lakas..

Tuluyang nasira ang ikalawang kasalag sa aking katawan at dito ay bumalik ako sa pagiging si Nai. Gumapang ang liwanag sa aking katawan, mula sa aking dibdib at namuo ito sa aking likuran..

Lumakas ang asul na liwanag sa aking likuran at mula dito ay tumubo ang aking nag liliwanag na pakpak na kulay asul..

Hindi ito ordinaryong pakpak dahil para itong paru paro.

When I’m with you I’ll make every second count Cause I miss you Whenever you’re not around When I kiss you I’ll still get butterflies years from now I’ll make every second count (Make every second count) When I’m with you When I’m with you When I’m with you When I’m with you Yeah

Niyakap ko ang walang malay na katawan ni Kuya Rui at lumipad ako paitaas upang ilagay siya sa isang ligtas na lugar.

Maya maya ay nag salita si Sin..

“Nai, alam mo ba ang cycle ng paru paro? Mag sisimula ito sa isang uod, papunta sa cocoon hanggang sa maging isang magandang paru paro. Naabot mo ang ikatlong bahagdan at wala pa sa kasaysayan ang nakaka gawa nito. Iyan ang kapangyarihan na nag mula mismo sa iyo, iyan ang lakas ng pag mamahal. Lumipad ka Nai, isabog mo ang liwanag sa alapaap at iligtas ang mundo.” lumipad ako patungo kay Tex, sa itim na paligid ay tanging kumikinang na asul lamang ang kulay na iiba..

“Nai, ang lahat ngayon ay naka tingala at pinag mamasdan ang kanilang tanging pag asa. At sasabihin ko sa iyo na ikaw ang pinaka gwapong super hero sa buong kalawakan.” ang dagdag pa ni Sin

Nag patuloy ako sa pag sibat patungo kay Tex at dito ay napahinto sa kanyang ginagawang pag gunaw sa mundo. Bagamat balot pa rin ng kakaibang itim na enerhiya ang alapaap.

“Umalis ka sa aking daraanan.” ang utos ko kay Tex.

“Plano mo bang ibalik ang mundo sa dati niyang pwesto? Huli na ang lahat dahil ilang sandali nalang ay tuluyan nang mawawala ang daigdig sa kanyang kinalalagyan at babagsak ito sa kawalan. Mabubutas ito, unti unting mawawasak at sasabog.” ang wika niya

“Umalis ka sa aking daan.” ang utos ko ulit.

“Sa tingin mo ba ay makakayanan ng isang mahina at takot na katulad mong pigilan ako? Natatakot ka Nai, nangangatog ang tuhod mo dahil nag papanggap ka lang na malakas.” tugon niya at mas lalo pang nag liwanag ang kanyang katawan.

“Oo nanatakot ako, hindi para sa aking sarili kundi para sa mga taong mahal ko. Alam mo ba na ikaw ay isa sa mga inspirasyon ko? Ikaw Tex ay ang pinaka matalik kong kaibigan.. Mahal kita at hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin iyon. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng masasayang araw na pinag samahan natin, ang bawat tawa, lungkot na nasa tabi kita.. Maraming salamat sa iyo Tex.” ang naka ngiti kong salita.

Parang nakaramdam siya ng kakaibang inis sa aking mga sinabi. “Ang lahat ng iyon ay kasinungalingan, niloko rin kita katulad ng ginawa sa iyong pang loloko ng pamilya mo. Bakit hindi ka magalit sa kanila? Sa akin? Niloko kita diba? Magalit kaa!” ang sigaw niya.

Umiling ako at nag bitiw isang simpleng ngiti “Hindi ako nagagalit sa kanila dahil pinatawad ko na sila. Pinatatawad na rin kita Tex.” ang sagot ko naman dahilan para magalit siya, mabilis lumabas ang pangalawit sa kanyang kamay at saka lumipad patungo sa akin.

Nanatili ako sa aking kinalalagyan.. Nakatingin lamang ako sa kanyang gagawing pag atake..

Noong malapit na siya sa akin ay isinahod ko ang aking kamay sa aking pakpak upang makuha ang mga kisap nito na wari’y mga fairy dust.

Inipon ko iyon sa akin kamay at hinipan patungo kay Tex..

“Hindi ako natatakot sa iyo.. Ikaw ang dapat matakot sa akin.” ang seryoso kong salita at dito ay kumapit sa kanyang katawan ang mga asul na alikabok..

Unti unting nawala ang bawat parte kanyang daliri, winasak noon ang katawan ni Tex. Nag hihiyaw ito habang binubura ang kanyang mga braso at paa. “Ang asul na liwanag na iyan ay nag aalis ng kasamaan, masaya ako dahil nag parte ka ng aking buhay Tex.” ang wika ko pa bago tuluyang mabura ang kanyang buong sarili.

Nag laho ang kalaban sa ere at sabay noon ang pag lipad ko ang sa labas ng mundo. Dito ko napasin na wala na ito sa kanyang orbit at paunti unting bumabagsak sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, ngunit hanggat naririto ako ay may pag asa pa ring nag liliyab sa puso ng bawat isa.

Iyon ang mga bagay na pina niniwalaan ko.

Itutuloy..

SP Part 54: Liga ng mga Anghel

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 26, 2018

Unti unting nawala ang bawat parte kanyang daliri, winasak noon ang katawan ni Tex. Nag hihiyaw ito habang binubura ang kanyang mga braso at paa. “Ang asul na liwanag na iyan ay nag aalis ng kasamaan, masaya ako dahil nag parte ka ng aking buhay Tex.” ang wika ko pa bago tuluyang mabura ang kanyang buong sarili.

Nag laho ang kalaban sa ere at sabay noon ang pag lipad ko ang sa labas ng mundo. Dito ko napasin na wala na ito sa kanyang orbit at paunti unting bumabagsak sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, ngunit hanggat naririto ako ay may pag asa pa ring nag liliyab sa puso ng bawat isa.

Iyon ang mga bagay na pina niniwalaan ko.

Part 54: Liga ng mga Anghel

Noong makarating ako sa labas ng kalawakan ay nakita ko ang pag guho ng aming planeta. Naka lihis na ito sa orbit kaya may posibilidad na tumama ito sa karating planeta o tuluyang mawala sa kanyang posisyon. Tiyak na mag kakamatay ang mga tao kung sakaling mawala sa tamang lugar ang aming mundo.

Taglay ko ang kakaibang lakas sa aking katawan. Sanay ay sapat ito upang magawan ko ng paraan ang problemang ito. “Sin..” ang pag tawag ko sa kanya

“Bakit Nai?” ang tanong niya

“Maaari bang pahiramin mo ako ng kaunti mo pang lakas?” tanong ko

“Natawa siya, ikaw pa ba? Ang akin ay sa iyo rin.” ang wika niya. “Lipad na.. At gawin ang nararapat.”

Natawa ako at agad lumipad sa pinaka ilalim ng mundo. Imposible ang bagay na ito ngunit walang mawawala kung susubukan. Noon pa man ay kinaya nang harangan ng kapangyarihan ni Sin ang paligid ng planetang ito, marahil ay kaya rin naming ibalik ito sa ayos. Susubukan kong gamitin ang lahat ng aking lakas upang itulak pabalik ang mundo sa kanyang orbit.

Huminga ako ng malalim at itinaas ang aking kamay. Nag liwanag ng husto ang aking katawan at mas lalo pang sumiklab ang asul na ilaw sa aking pakpak.

Nag simula akong itaas ang aming planeta gamit ang aking lakas. Gumuguho ang buong paligid dito kaya naman binalot ko ito ng asul na liwanag bilang proteksyon. “Sa ngayon ay nakikita sa buong mundo ang asul na liwanag na iyan Nai. At lahat sila ay nakatingala sa langit, nanalig sila sa kakayahan mo.” ang wika ni Sin kaya naman mas lalo pang tumibok ng malakas ang aking puso.

“Para ito sa mga taong mahal ko, sa mga taong naniniwala na muling sisikat ang araw sa kabila ng kadiliman at kawalan ng pag asa.” ang tugon ko at dito sinumulan kong iangat ang mundo gamit ang aking buong lakas. Nasa ikatlong baitang na ako ng aking kapangyarihan, sana ay sapat ito upang mapagalaw ko ito kahit kaunti lamang.

Nag lagablab ang aking kapangyarihan, naipon ito sa akin kamay at pilit kong itinulak paitaas ang aming planeta. Halos ito na yata ang pinaka malaking sakripisyon naganap sa aking buhay. Sino ba naman ang mag aakala na mauuwi sa ganito ang lahat, mula sa aking normal na pamumuhay hanggang sa imposibleng bagay katulad ng isang ito.

“Ang mukha ni Kuya Rui, iyon ang aking nakikita. Gusto ko pa siyang bigyan ng magandang mundo, ayokong masayang ang kanyang sakripisyo para sa akin. Gusto silang iligtas lahat, gusto ko mag bigay ng panibagong bukas at pag asa sa buong mundo.” ang sigaw ko habang pilit na iniaangat ito bagamat nakakaramdam ako ng matinding pag hihirap

Dumausdos pababa ang aking katawan, masyadong mabigat ang pwersa kaya’t mas dinoble ko pa ang pag daloy ng enerhiya sa aking katawan.

Bahagyang tumaas ang daigdig ngunit maya maya ay bababa rin ito at masasama ang aking katawan. Para akong isang maliit na langgam na bumubuhat ng isang malaking bola.

Halos mapasigaw ako habang pilit na iniaangat ang aking katawan. Aatras, aabante, halos hindi sapat ang aking ginagawang pag salba sa mundo. Kasabay noon ang pag tulo ng dugo sa akin ilong at ganoon rin sa aking bibig dulo ng aking lumalalang sakit..

Hindi ko na alam ang aking gagawin kaya naman mas itinodo ko pa ang aking lakas upang masuportahan ang pag galaw nito kahit sa sandaling minuto.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay naramdaman kong umaangat ng kaunti ang planeta.

“Kailangan mo ng tulong?” ang wika ng isang lalaki sa aking likuran. Nakasuot lamang ito ng jacket pantalon. May nakasalpak na earphone sa kanyang tenga.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Nag liwanag rin ang kanyang katawan, kulay puti ito at talagang nakakasilaw. “Si Jorel!” ang sigaw ko sa aking sarili.

Maya maya ay dumating rin ang isang taong balot ng apoy ang katawan. Katulad ni Jorel ay hinawakan rin niya ang planeta at pilit na iniangat ito.

“Si Super Nardo!” ang sigaw ko sa aking sarili na hindi makapaniwala.

Kasabay nito ang isang malakas na musikang nag mumula sa isang parating sasakyan na animo capsule na ang tatak ay ACE.

Music Playing

Hope In front of me

Donny Gonkey

I’ve been running through rain That I thought would never end Trying to make it on faith In a struggle against the wind I’ve seen the dark and the broken places But I know in my soul No matter how bad it gets I’ll be alright

There’s hope in front of me There’s a light, I still see it There’s a hand still holding me Even when I don’t believe it I might be down but I’m not dead There’s better days still up ahead Even after all I’ve seen There’s hope in front of me

Umakyat ang sasakyan sa pinaka tutok ng planeta at hinila ito. Sina Jorel at Nardo ay tumulong sa pag tulak pa itaas upang maibalik ito sa orbit.

“Salamat sa inyo!” ang sigaw ko habang hindi mapigil ang pag luha.

“Late nga eh!” ang sagot ni Jorel habang abala sa pag tulak pa itaas.

Ngumiti naman si Super Nardo sa akin at mas lalo pang nag liyab ang kanyang katawan upang mapabilis ang pag angat nito.

Nag liwanag rin ang awra sa katawan ni Jorel at siyempre ay mas lalo ring nag liwanag ang aking pakpak na halos sakupin na natin ang buong paligid. Ito ang nagagawa ng pag asa sa aming mga puso.

There’s a place at the end of the storm You finally find Where the hurt and the tears and the pain All fall behind

You open up your eyes and up ahead There’s a big sun shining Right then and there you realize You’ll be alright

There’s hope in front of me There’s a light, I still see it There’s a hand still holding me Even when I don’t believe it I might be down but I’m not dead There’s better days still up ahead Even after all I’ve seen

There’s hope in front of me

There’s a hope still burning I can feel it rising through the night And my world’s still turning I can feel your love here by my side

You’re my hope You’re the light, I still see it Your hands are holding me Even when I don’t believe it I’ve got to believe I still have hope You are my hope

Ibinuhos namin ang aming buong lakas sa pag tulak sa mundo at makalipas ang ilang sandali ay naibalik ito sa dating orbit. At dito ay lumipad kaming lahat sa paligid nito at ang aming mga lakas ang nag silbing proteksyon upang manatili ito sa kanyang kinalalagyan.

Maya maya ay huminto sina Jorel at Nardo sa pag lipad at saka ngumiti sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanila at dito at mas lumakas pa ang liwanag sa aking katawan at binalot nito ang paligid ng mundo. Unti unting nabuo ang mga nasirang parte nito at umayos ang kondisyon ng atmospera pati ang anyong tubig ay naging payapa rin. Talagang ibinigay nila sa akin ang pag kakataon upang ayusin ang aming sariling planeta.

Noong matapos ito ay nag tungo ako sa kanilang harapan at nag bigay galang..

“Idol!” ang wika ni Ace habang kumakaway sa akin sa loob ng kanyang sasakyan.

“Ligtas na ang mundo. Maswerte sila dahil nandiyan ka.” ang wika ni Nardo

“Bakit hindi nyo ako tinulungan doon sa siyudad?” ang tanong ko na may halong pag mamaktol.

Natawa si Jorel. “Abala rin kami sa pag salba sa ibang sulok ng mundo. Batid namin na kayang kaya mong wakasan ang kasamaan, basta maging positibo ka lang dahil hindi ka nag iisa.” ang wika niya habang naka ngiti.

Ngumiti rin ako at halos hindi makapaniwala na nakita ko silang lahat. “Maraming salamat sa inyo.”

“Wala iyon. Batid kong mag kikita kita pa tayo. Mahiwaga ang kalawakang ito. Marami pang parating.” ang wika ni Nardo sabay tingin sa kalayuan kung saan puro dilim ang iyong makikita.

“Pero sa ngayon uuwi na muna ako, kailangan kong matulog.” ang wika ni Jorel dahilan para matawa kami. Agad siyang lumipad patungo sa kanang bahagi ng mundo.

Tinapik naman ni Nardo ang aking balikat at lumipad naman siya sa kaliwang bahagi ng mundo..

Ang sasakyan naman ni Ace ay unti unting nawala na animo hologram na punong puno ng binary codes.

Tahimik..

Ako naman ay nanatiling nakatayo sa labas ng mundo, pinag mamasdan ko ang isang bilog na bagay na aking pinag alayan ng buhay. Alam kong maraming pang parating ngunit hindi na ako natatakot.

“Anong balak mo ngayong tapos ang laban?” tanong ko kay Sin

Natawa siya “Mananatili ako dito sa inyong mundo. Dito sa iyong kaibutaran. Sa tuwing gagamitin mo ang aking kapangyarihan ay maaari tayong mag usap ng ganito. Nai, maraming salamat sa pag tupad sa iyong misyon. Isa kang tunay na bayani.” ang wika niya

“Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung wala ang patnubay mo. Sana ay huwag kang mag sasawa na gabayan ako.”

“Ikaw ang aking natitirang pamilya. At ito ang aking bagong mundong tirahan.” ang tugon niya.

“Teka paano kapag namatay ako? Diba may taning na ang buhay ko? Saan ka mag tutungo? Sino ang papalit sa akin?” ang tanong ko.

“Dumadaloy sa iyo ang aking kapangyarihan, kahit anong mangyari ay dudugtungan nito ang iyong buhay.” ang sagot niya naman.

Natawa ako at muling lumipad pabalik sa aming mundo. Batid kong simula ngayon ay magiging mapayapa at maayos na ang lahat..

Tatapusin..

SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

Sariling Avengers ni Ai Tenshi!


PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Author’s note:

Ginawa ko ang kwentong ito hindi para mag bigay ng tuwa sa mga panget at hindi kaaya aya ang anyo. Ang layunin ko ay iparating sa lahat na tayo espesyal, maging sino o ano pa ang ating mga anyo. Sa huli ay hindi naman mahalaga ang pisikal na aspeto ng tao. Ang pinaka mahalaga pa rin ay ang iyong pusong mapag mahal, maunawain at mapag bigay..

Mula kay Nai at Rui.. Maraming salamat sa inyong lahat..

Hanggang sa muli!!

Thank You AiTenshi for sharing your stories!


Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 27, 2018

Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan

Reporter:

Nag tapos na nga ang isang masamang bangungot sa buhay ng lahat. Nag iwan ito ng pinaka malaking pinsala sa kasaysayan at hanggang ngayon ay hindi pa alam kung paano mababawi ang mga ito. Ang dating pinaka maganda at pinaka maunlad na siyudad ng South City ay nag laho na sa mapa kaya’t napilitan ang mga taong naninirahan dito na lumipat na lamang ng lugar upang makapag simula muli.

Gayon pa man, nag papasalamat ang mga tao sa kabayanihan ni Super Panget na siyang nag salba sa ating buhay. Tunay ngang darating ang mga bayani sa oras ng kagipitan. Panget man sa inyong paningin, may mabuting puso pa rin! Waley! Mema lang! Ako po si Liza Mae Lawit ang inyong super dedicated at hard working news caster! Nag uulat!

At nais kong mag pasalamat sa ating mahal ng pangulo sa pag bibigay ang award sa akin. Pinaka masipag na reporter sa buong kalawakan. Kahit sa oras ng kalamidad o kahit end of the world pa ay mag uulat ako ng buong puso!! Ching!

Cut!

“Oi ikaw itulak mo itong wheel chair ko! Aruyy ang sakit sakit ng legs ko! Putang ina talaga!” ang reklamo nito

“Mam Liza naka air pa po tayo.” ang wika ng cameraman

“Ay! Bakit di mo pinatay? Shungaers ka naman eh!” reklamo ni Liza

Turn off TV

Katulad ng pag sikat ng araw sa kalangitan, dumating ang bagong umaga sa buhay ng lahat. Ang bangungot ay nag tapos at ang panganib ay nag wakas. Sa ngayon ay bumalik sa normal ang buhay ng mga tao, iyon nga lang ay wala kaming pamimilian kundi ang lisanin ang siyudad at lumipat ng ibang matitirhan dahil imposible na itong makapabangon pa o siguro ay aabutin ng maraming taon upang maging maayos ulit.

Nag pasya si Mama na pansamantala kami ng tumira sa probinsya habang hindi pa naaayos ang aming bahay na lilipat sa ibang siyudad. Kasama pa rin namin si Kohei na hindi nag sawang mag lingkod at gumabay sa aming mga kilos.

Si mama ay naging abala sa pag tupad ng pangako niya sa mga kaibigan ko sa construction. Lahat sila ay binigyan ng magandang trabaho na may maayos na kita kaya naman labis ang pasasalamat nina Kulas at iba pa sa akin dahil tiyak na masusuportahan nila ang kanilang mga pamilya. Mabuti ang puso ang aking ina dahil pinatawad niya si papa ngunit hindi lamang alam kung kailan sila mag sasama muli bagamat madalas silang mag usap. Batid ko namang hindi mag tatagal at mag kasama muli sila.

Si Lolo ay namatay sa kasagsagan ng digmaan sa pagitan namin ng mga kaaway. Wala siyang ipinamana sa akin ni isang kusing, pero ang lahos kalahati ng kanyang ari ari ay nakapangalan kay Kuya Rui ang tunay niyang apo at kadugo.

Noong makarecover ang aking katawan ay isinama ako nina mama at kuya sa libingan ng aking mga magulang, mabuti na lamang at hindi ito nasira sa kaguluhan. Dito ay ipinakilala rin sa akin ang aking mga natitirang kaanak at natutuwa ako dahil malugod nila akong tinanggap.

Madalas kong tinatanong kay kuya Rui ang tungkol kay Tex, ngunit wala silang maalalang kahit ano sa kanya. Ang kanyang social media ay hindi nag eexist, kahit ang insidente sa kabundukan kung saan sinalakay kami ng mga mandaragit ay hindi rin maalala ng mga kabarkada ko. Ang tungkol kay Tex ay tila isang pahina na pinunit at inalis sa aklat at hindi na ito mababasa pa kahit kailan. Gayon pa man, ang masasayang alaalang pinag samahan namin ay naka ukit sa aking puso. Batid kong hindi ito mawawala pa.

Tungkol kay Sin, nananatili pa rin siyang parte ng aking pag katao. At katulad ng kanyang ipinangako sa akin ay sinuportahan niya ang aking katawan kaya naman noong suriin ako ng mga doktor ay walang nakitang tumor sa aking ulo, ang lahat ay normal at walang problema. Isang milagrong maituturing para kila mama ngunit para sa amin ni Kuya Rui ay mayroong iba pang eksplinasyon sa likod nito.

Naka ukit sa kasaysayan ang aking ginawang pag salba sa mundo. At lumaganap rin ang mga larawan na kuha sa natirang satellites ng kakaibang imahe sa ibaba noong mundo. Pinakita dito ang itsura ng daigdig at sa ibaba nito ay mayroon tatlong liwanag. Isang kulay puti na animo bulalakaw (Jorel), isang nag liliyab na ibon (Super Nardo) at sa gitna ay isang paro parong kulay asul (Super Panget). Sa itaas naman ng daigdig ay mayroon kakaibang sasakyan nag liliwanag ng husto at batid kong iyon ang sasakyan ni Ace. Ang mga imaheng ito ay kumalat sa buong mundo at tinaguriang Liga ng mga Anghel na nag sasalba sa mundo sa oras ng panganib.

“Master, naka handa na po ang mga gamit na idodonate sa mga batang may sakit sa ospital. At nakahanda na rin po yung mga pag kain ng mga batang palaboy doon sa bayan.” ang wika ni Kohei habang abala ako sa babasa ang artikulo tungkol sa mga anghel

“Good, yung mga batang panget at hindi kanais nais ang itsura ay itipunin mo. Yung mga may mga kapansanan, yung kirat ang mata, sabog ang ilong at may diperensa sa bibig at ngipin.” ang utos ko

“Eh ano pang gagawin sa kanila? Wawakasan na po natin ang buhay nila?” ang natatakot na tanong ni Kohei

Ngumiti ako at dumukot ng 50 pesos sa aking bulsa. Dito ay nag balik sa aking isipan ang mga pag subok na pinag daanan ko sa malayong siyudad kung saan ako napadpad. “Tipunin mo sila at ipagamot natin ang lahat. Pag katapos ay ilibot natin sila, pakainin ng masarap at bigyan ng magaganda damit.” ang wika ko dahilan para himatayin ang mga kasambahay na takot na takot sa akin noon. Lahat sila ay nag tataka kung bakit gustong gusto ko na ang mga panget ngayon.

Hindi pa naman huli ang lahat para mag bago. Marami akong natutunan sa buhay, at ngayon ay gagawin ko ang lahat upang maitama ang aking pag kakamali ng bukal sa aking puso.

Tungkol naman sa amin ni Kuya Rui, ngayon ay masaya na kaming nag sasama. Suportado ni mama ang relasyon at kamakailan lang ay tumawag rin si papa na nag bigay ng basbas sa kung ano mang samahan ang mayroon kaming dalawa.

Gustong gusto ko ang nakayakap kay Kuya Rui bago matulog at paborito ko rin ang tanawin kapag dumilat ang aking mata at ang mukha niya ang aking unang nasisilayan. Iyon ang pinaka masarap na pakiramdam sa lahat.

Ginamit ni Kuya Rui ang lahat ng kanyang namana upang ibangon ang dangal ng mga Natchakal. At dahil sa kanyang husay at talino ay mabilis niyang nabawi ang mga nalugi dito sa mga nakaraang taon. Dito niya pinatunayan na hindi sagot ang pag papakasal o pang gagamit ng iba upang umangat. Dahil ang pinaka mahusay na sandata ay ang iyong sipag, tiyaga at talino.

Kaming dalawa ngayon ay nag pplanong mag sama na, doon rin naman kaming mag pupunta at sa bawat pag kakataon na kami ay mag kasama ay hindi kami pumapalyang iparamdam sa isa’t isa ang walang katapusang pag papahalaga at pag mamahal.

Sinasabi nila na ituturo sa iyo ng buhay ang tamang aral sa paraang masasaktan ka upang ikaw ay matuto at makita mo ang mga bagay na hindi mo nakikita noon. Iyan ang nangyari sa akin at nag papasalamat ako dahil binago nito ang papanaw ko buhay. Ngayon ay positibo na ang aking pag iisip dahil napapaligiran ako ng mga positibong taong mapag mahal at mapag aruga. Iyon ang aking pamilya at kaibigan.

Kasing lawak ng kalawakan ang posibilidad sa buhay. Isang umaga ay gigising na normal ang lahat, walang pinag bago sa dati mong buhay. Ngunit sa isang kisap mata ay maaaring maganap ang mga bagay na hindi mo akalaing mangyayari sa iyo. Walang nakaka alam at walang makapag sasabi.

Niyakap ko ang pagiging si Super Panget, hindi dahil malakas ito, nakakalipad o kung ano pa man. Niyakap ko ang pagiging superhero dahil iyon ang nakatadhana sa akin at ito ang aking misyon na dapat gampanan. Tama nga si Sin sa kanyang parating sinasabi sa akin na “walang makakatalo sa isang pusong matatag at may buong paniniwala.” At mag pasa hanggang ngayon ay iyon pa rin ang aking pinang hahawakan.

Makalipas ang dalawang taon..

“Mukhang madaming bata ang nag tutungo sa museum ni Kuya Gun.” ang wika ko habang lumalakad sa bagong tayong museyo niya.

Umakbay sa akin si Rui at kapwa namin pinag masdan ang magagandang artifacts sa loob nito. “Talagang dito sa loob ng museum ang date natin?” tanong niya

Natawa ako at nag bitiw ng matamis na ngiti. Dito ay nakita ko si Gun na nakatayo sa harap ng mga bata kung saan ipinaliliwanag niya ang bawat larawan sa kanyang tabi. Ipinag patuloy pa rin niya ang hilig niya sa pag likom ng datus tungkol sa kalawakan at siyempre ay hindi pa rin nawawala ang kanyang pag suporta sa akin bilang si Nai o si Super Panget.

“Ngii, ang panget naman po ng super hero na iyan!” ang wika ng isang batang makulit noong makita ang larawan ni Super Panget.

“Oo nga po! Ang panget niya mukha siyang halimaw!” ang wika pa ng isa dahilan para matawa nalang kami.

“Totoo po bang si Super Panget ang gumawa ng gusaling ito?” ang tanong pa ng isa

Natawa rin si Gun “Oo totoo, alam mo ba ang museyong ito ay masuwerte dahil tumulong ang isang bayani sa pag gawa nito? Noon ay pumasok siyang isang mang gagawa dito at marahil iyon ang nag bibigay basbas sa lugar na ito. Saka alam nyo mga bata, ang pagiging super hero ay wala sa anyo. Dahil kahit ganito ang kanyang anyo ay sinisigurado ko naman sa inyo na taglay niya ang pinaka magandang puso na siyang mag liligtas sa ating lahat. Kaya kayo, mahalin ninyo ang super herong ito dahil siya ay hindi ordinaryong bayani. Maliwanag ba?” ang wika ni Kuya Gun sabay kindat sa aking kinalalagyan.

“Opo!” ang sagot ng mga mata habang pinag mamasdan ang aking larawan.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay narinig ko ang boses ni Sin at kasabay nito ang ilaw ng tatak na SP sa aking dibdib. “May duty nanaman ba ang baby bro ko?” ang tanong ni Kuya Rui.

Natawa ako “Babalik ako agad kuya. Yung dinner natin ha. Ikaw ang taya!” ang wika ko naman.

Napakamot si kuya sa kanyang ulo at kinuha ang aking mga gamit “Mag iingat ka, ikaw ang nag iisang superhero ng buhay ko.”

Ngumiti ako at tumalikod sa kanya..

“Nai, mayroong isang sasakyang pangkalawan na namataan malapit sa buwan.” ang wika ni Sin

Agad akong lumabas sa gusali at nag tatakbo sa kalsada kung saan may mga taong nag lalakad..

Habang nasa ganoong pag takbo at hinubad ko ang aking suot na Jacket at dito ay nag bago ang aking anyo.

Lumipad ako sa kalangitan sa aking unang level na anyo. Ang lahat ay napatingala habang ako ay sumisibat sa himpapawid..

Noong makatapat ako sa karagatan ay nag liwanag ang aking katawan at nag bago ito sa ikalawang bahagdan..

Tuloy tuloy ang aking pag lipad hanggang sa makalabas ako sa atmospera ng daigdig at dito ay muling binalot ng liwanag ang aking katawan, tumubo ang pakpak sa aking likuran at sumabog ang asul na liwanag sa aking paligid..

Habang nasa ganoong pag lipad ay hindi naalis ang matamis na ngiti sa aking labi. Ang pagiging superhero ang pinaka masayang tungkulin sa lahat. Mabigat ngunit hindi ito mapapantayan lalo’t alam kong napapaligiran ako ng mga taong nag mamahal at naniniwala sa akin.

Ngayon ko lamang napagtanto na may maidudulot rin palang maganda ang pagiging isang panget..

WAKAS..


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.