Susuko (BXB) COMPLETED
CHAKASALSAL · 17 chapters · 25,485 words
BABALA
Book Style Writing
2K+ words per
chapter
Prologue
Maagang gumising si Ian. Ngayon kasi niya ibibigay kay Justin ang invitation para sa birthday party niya na gaganapin sa susunod na linggo. Marami siyang bisita ngunit para sa kanya ay ang pinakaimportante sa lahat ang siyam na taong gulang na batang iyon.
Ito ang una niyang naging kaibigan nang lumipat ang pamilya nila sa St. George Subdivision. Unang kita pa lamang niya rito ay natiyak na niyang ito ang gusto niyang mapangasawa paglaki niya.
Marami tiyak ang pagtatawanan siya kapag nalaman ng mga ito na sa edad niyang pitong taon ay pag-aasawa na ang iniisip niya. Pero ayon naman sa lola niya, dapat ay maging mapagmasid siya kahit bata pa siya.
“Tandaan mo, Ian,, isang lalaki lamang ang nakalaan para sa isang babae at pwede rin ang lalaki sa lalaki kung talagang ito lamang ang magiging one true love niya. Oras na makalagpas ito sa kanya, hindi na siya liligaya pa sa pag-ibig kahit kailan,” laging paalala nito sa kanya tuwing kukuwentuhan siya nito ng mga fairy tales.
“Pero paano ko malalaman na ang lalaking nasa harap ko ay ang one true love ko Lola?, Eh baka walang may gusto sa akin” sabi ng batang lalaki, tanggap ito ng kanyang lola kahit na bakla ito, kasi bata pa lang si Ian ay malambot na ang kanyang galawan
“Ikaw mismo ang makakaalam na ang lalaking nasa harap mo ay ang iyong tunay na pag-ibig at makikita naman kung tanggap ka nya talaga. Dahil magiging ibang-iba ang pakiramdam mo oras na magkaharap kayo. Animo magkukulay-rosas ang paligid mo at bibilis ang tibok ng iyong puso.”
“Inay, naman! Pati ba naman si Ian ay tinuturuan ninyo ng ka-corny-han?” singit ng daddy niya. Tanggap din ng kanyang pamilya ang pagiging malambutin ng kanilang anak at tinuring na prinsipe na prinsesa si Ian
“Tumigil ka nga, Elmo! Kung hindi dahil sa akin ay hindi mo matatagpuan ang kaligayahan mo sa piling ng anak kong si Gladys!” Sa mga ganoong pagkakataon ay tumitiklop na ang daddy niya. Magkakamot na lamang ito sa ulo at lalayo na. Wala kasi itong kalaban-laban sa lola niya. Kaya naman mas malakas ang impluwensiya sa kanya ng lola niya kaysa sa daddy niya.
Napangiti siya nang makarating siya sa bahay nina Justin. Kumatok siya sa pinto habang tinatawag ang pangalan nito. “Justin? Justin!”
Mayamaya ay bumukas ang pinto. Hindi si Justin kundi ang Kuya Kyle nito ang tumambad sa paningin niya. Agad na itinago niya sa kanyang likuran ang kamay niyang may hawak na invitation card.
Apat na taon ang tanda sa kanya ni William. Bagaman kilala niya ito, bihira niyang makausap ito. May- pagkaisnabero kasi ito. Ni minsan ay hindi ito nakipaglaro sa kanila ni Justin. Ang tingin kasi nito sa sarili ay binata na ito mula nang makapasok ito sa high school sa kabila ng pagiging eleven years old pa lamang nito.
“Wala rito si Justin.”
“Ha? Saan siya nagpunta? Wala namang pasok ngayon, ah!”
“Nagpunta sila ni Daddy sa sapà para manguha ng iba’t ibang klase ng dahon. Assignment daw niya iyon.”
Malayo ang sapang sinasabi ni Kyle. Minsan pa lamang siyang nakapunta roon nang isama siya ni Justin sa pamamasyal. Napagalitan siya ng kanyang mga magulang, pati na rin ng lola niya dahil doon.
“Eh, kailan daw siya babalik?”
“Ewan. Pero ang sabi ni Daddy, baka dumaan pa sila sa grocery kaya tiyak na matatagalan sila. Mamayang gabi na siguro ang uwi nila. Bakit mo ba hinahanap?” Tanong ni Kyle
“Ah… ano, yayayain ko sana siyang maglaro.” Sumimangot ito.
“Ikaw pala ang dahilan kaya hindi makapag-aral nang mabuti si Justin at puro laro na lamang ang laman ng utak,” paninisi nito sa kanya.
“Ano’ng masama ro’n? For your information, gano’n ang karaniwang ginagawa ng mga bata at pareho pa kaming bata ni Justin. Hindi kami tulad mo na matandang manong na!”
“Ano’ng sinabi mo?”
“Bingi!” sigaw saka binelatan ito. Kapagkuwan ay tumakbo siya palayo.
Kahit kailan talaga ay killjoy si Kyle. Kabaligtaran talaga ito ni Justin.
“Hoy, batang antipatika, balikan mo itong kalat mo!” Kalat? Lumingon siya. Nakita niya na pinupulot ni Kyle ang birthday invitation niya! Nabitawan pala niya iyon.
Bumalikwas siya at tumakbo palapit dito. Tinangka niyang agawin dito ang invitation card pero itinaas nito ang isang kamay. Sinipat-sipat nito ang laman envelope.
“Isang pink envelope na may pangalan ni Justin at may guhit na puso pa ang pangalan niya. Mukhang love letter ito, ah. Ang bata-bata mo pa, kerengkeng ka na.”
Nag-init ang buong mukha niya. “Hindi ako kerengkeng! Saka hindi ’yan love letter. Birthday invitation yan! Kay Justin lang iyan dahil kahit kailan ay hindi kita iimbitahan sa birthday ko!”
“Bakit ko naman gugustuhing pumunta sa birthday party mo? Baka malason pa ako sa handa mo.”
Hindi na siya nakapagpigil pa. Nakalimutan niya ang lahat ng ladylike behavior na itinuro sa kanya ng lola niya. Sinugod niya ito at saka itinulak. Nawalan ito ng balanse at nabuwal sa lupa.
Dapat ay iiwan na niya ito ngunit noon niya napansin na nalukot nito ang invitation card niya para kay Justin. Umakyat na yata ang lahat ng dugo sa kanyang ulo. Inupuan niya ito sa tiyan at pinagsasapak ito sa mukha.
“Gago ka talaga!” Buwisit na sigaw niya.
Pilit na nito ang mga braso sa mukha nito. Lalo siyang naasar. Ubod-lakas na kinagat niya ang braso nito. Sumigaw ito nang malakas. Dahil sa sigaw na iyon ay halos sabay na napalabas ng bahay ang mga nila.
“Kyle, Ian!” bulalas ng mommy ni Kyle. “Ian! Itigil mo yan! Nagdurugo na ang braso ni Kyle!” sigaw naman ng mommy niya na hinawakan na siya sa baywang at pilit na inilayo kay Kyle.
Noon niya napansin ang kakaibang lasa sa kanyang bibig. Malansa iyon. Tinigilan na niya ang pagkagat kay Kyle.
“Ian, ano ba’ng nangyayari sa iyo?” Binalingan ng mommy niya ang ina ni Kyle.
“Pasensiya na, mare. Hindi ko alam ang nangyari. Mabait na bata naman itong si Ian.”
“Para siyang asong ulol!” sumbong ni Kyle.
“Ikaw ang asong ulol!” Gusto sana niyang sakmalin uli ito pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng mommy niya.
Isang malakas na batok ang nakuha ni Kyle mula sa mommy nito.
“Ikaw ang matanda rito! Dapat ay hindi ka nagsasalita ng ganyan. Sige, pumasok ka sa kuwarto mo at huwag kang lalabas doon hangga’t hindi ko sinasabi.”
“Mamatay ka na sana!” sigaw niya. “Mauna ka!” sagot nito.
Sa panahong ngayon ay hindi na issue ang pag-iisang dibdib ng lalaki at lalaki at makikita nyo sa kwentong ito na nagpapakita na “It’s only natural to love a person in the opposite or same sex, as long as you love each other, and you don’t bring harm to the people that’s surrounds you”
Hayaan nyo na kung may mali sa english ko!!! Hahhahaha
CHAPTER 1
Napabalikwas ng bangon si Kyle. Nakita niyang natutulog pa ang tatlo sa miyembro ng exploration team na pinamumunuan niya. Tanging si Steed lamang ang gising dahil ito ang nakatokang magbantay mula hatinggabi hanggang umaga.
Kailangang may isa sa kanila na gising para bantayan ang apoy na pantaboy sa mababangis na hayop.
Bagaman siya ang bantay hanggang hatinggabi ay bumangon na siya. Nasanay na ang kanyang katawan na gumising nang maaga. “Anong oras na ba?” tanong niya kay Steed.
“Five o’clock pa lang, Ky.” Ang palayaw na “Ky” na nakuha niya nang mag- aral siya sa Amerika ay gamit na rin niya ngayon sa Pilipinas. Karaniwan na walang palayaw ang mga taong may pangalang “Kyle” pero ewan ba niya kung bakit siya naging “Ky.”
Sa pagliliwanag ng kalangitan ay kailangang nakahanda na silang lahat para maipagpatuloy nila ang kanilang pakay sa pagtungo sa kabundukang iyon ng Palawan.
“May mainit na tubig na ba?” tanong uli niya. Tumango si Steed. “Nagkape kasi ako kanina kaya nagpakulo na rin ako ng tubig.”
Kinuha niya sa kanyang bag ang isang tea bag. Hindi siya hiyang sa kape. Mas gusto niya ang lasa ng tsa.
Hinihigop na niya ang mainit na tsa nang umalingawngaw sa paligid ang malakas na sigaw ng isang lalaki.
Nagising ang tatlong kasamahan niya na natutulog “Boses ng lalaki ’yon, ah!” bulalas ni Steed.
Nagtaka siya nang labis. Paano magkakaroon ng ibang tao sa bahaging iyon ng kagubatan gayong sa pagkakaalam niya ay virgin forest iyon at tanging ang kompanya nila- ang Sea Oil, Inc.-ang nabigyan ng permit na mag- explore doon?
“Baka naman hayop lamang iyon,” singit ni Conway. “May mga hayop na animo boses ng tao ang nalilikhang tunog.”
Ang anumang pag-iisip o pagbibigay-katwiran sa sigaw na narinig nila ay naputol nang umalingawngaw na naman ang isang sigaw. Malinaw na nagmula iyon sa isang lalaki at sa pagkakataong iyon ay isinisigaw nito ang isang pangalan.
“Kyle! Kyle!”
Napatingin sa kanya ang mga kasamahan niya.
“Ikaw lang ang Kyle sa grupo natin, di ba?” ani Steed. “Ikaw ata ang hinahanap n’ong lalaki,” ani Conway.
Napakunot-noo siya. Nakilala na niya ang boses na iyon. Isang taon din kasing araw-araw niyang naririnig iyon.
Mula sa makakapal na damo ay lumabas ang isang lalaking nagsisisigaw pa rin. Tinangka niyang umiwas ngunit nahuli pa rin siya nito. Niyakap siya nito nang mahigpit.
“May ahas na pumulupot sa akin! May ahas!” takot na takot at mangiyak-ngiyak na sabi nito.
Inalis niya ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya. Kapagkuwan ay sinuri niya ang mukha, leeg, at mga braso nito. “Kinagat ka ba?”
“H-hindi ko alam. Nang magising ako, eh, nasa tabi ko na ’yong ahas.”
Binalingan niya ang mga kasamahan niya.
“Tumalikod muna kayong lahat.”
May gumuhit na pilyong ngiti sa mga labi ng mga ito. Ngunit tumalima naman ang mga ito.
“At walang sisilip!” Binalingan niya ang namumutlang lalaki, hindi nya alam pero ayaw lang ni Kyle na may nakakakita sa katawan ng lalaki na nasa harapan nya ngayon.
“Now, strip. Para malaman natin kung nakagat ka nga o hindi.”
Walang pag-aatubiling naghubad ito. Noon siya biglang nagkahinala na baka walang ahas. Baka kasama sa plano nito ang eksenang iyon. Kilala niya ito. Tuso at mapamaraan ito.
Napatiim-bagang siya. Subalit sinuri pa rin niya ang katawan nito. Bukod sa mga kagat ng lamok at insekto ay wala na siyang nakita pang ibang pamumula sa katawan nito.
“You’re okay. Siguro ay humanap lamang ng mainit na lugar yong ahas kaya tinabihan ka,” sabi niya sa kabila ng pagdududa kung totoo ngang mayroong ahas. Dinampot niya ang mga damit nito. “Now then, get dressed at umalis ka na sa lugar na ito.”
“I can’t do that! Hindi ko alam ang daan pabalik.” “Paano ka nakarating dito?”
“Sinundan ko kayo. Pero kung gusto mong bumalik ako, dapat ay samahan mo ako.”
Nagdikit ang mga kilay niya sa iritasyon. “Hanggang kailan ka tatayo riyan nang naka-brief lang? Gubat ito at hindi So start getting dressed!” bulyaw niya rito.
“Ikaw itong may gusto na maghubad ako, no!”
katwiran nito. Sinimulan nitong isuot uli ang mga hinubad na saplot.
“Steed, ihatid mo pabalik ang lalaking ito sa pinakamalapit na kung saan may sibilisasyon.”
Lumingon si Steed. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsuyod nito ng tingin sa katawan ng lalaki. Isang bahagi niya ang agad na nakaramdam ng inis ngunit agad din niyang pinaalalahanan ang kanyang sarili na wala na siyang pakialam pa kung makita man o pagnasaan ng sinumang lalaki ang katawan ng lalaki sa harap niya.
“Are you serious? That would be a three-day hike!” reklamo ni Steed.
“At ano ang gusto mong mangyari, isama natin ang lalaking ito sa expedition natin? Magiging pabigat lamang siya sa team.”
“I don’t think so,” singit ni Craven. “Kung totoo ang sinasabi niya na mula nang pasukin natin ang gubat na ito ay nakasunod na siya sa atin, it means kaya niyang maka-survive sa jungle na ito. He may be cute and thin but he’s tough.”
Matagal na niyang alam iyon. Tinuruan niya ang lalaki kung paano makaka-survive sa gubat.
“By the way, Kyle, hindi mo ba siya ipakikilala sa amin,” sabi ni Diesel. “I’m Diesel.”
“I’m Ian,” pagpapakilala ng lalaki. “Kyle’s wife.” “Wife!” panabay na bulalas ng mga kasamahan niya. “Ex-wife,” paglilinaw niya. Hindi na bago sa mga tao yung kaparehong kasarian na nagmamahalan pero yung nakakagulat sa situwasyon na iyon ay may asawa or should I say ex-wife na si Kyle
“Asawa mo pa rin ako, Kyle, dahil hindi pa bumababa ang hatol tungkol sa annulment ng kasal natin!” giit ni Ian.
“It will definitely be decided on my favor!”
“Kung may asawa ka, Kyle, ibig sabihin ay nagsinungaling ka sa bio-data mo,” puna ni Craven. “Our marriage was never a marriage in the first place.”
“Iyan ba ang inilagay mong dahilan sa pagpa-file mo ng annulment? Hinding-hindi ’yan tatanggapin ng korte.”
“Damn it, Ian! Hanggang ngayon ba ay naglalaro ka pa rin? It’s over! It’s been over for a year now, nang magbalik si Justin!” mula
“Ahm, sino si Justin?” usisa ni Craven. “Ex-boyfriend ko,” sagot ni Ian.
“And also my brother at siyang totoong mahal ng lalaking ito,” mariing paglilinaw niya.
“Wait, I think napanood ko na ang eksenang ito sa isang pelikula,” singit ni Steed. “Iniwan ni Justin si Ian. Dahil sa lungkot at pangungulila ay nabaling ang atensiyon ni Ian sa ’yo, Kyle, and you took advantage of the situation”
“Hindi ako ganyang klase ng tao!” mariing tanggi niya. “Thirteen years old ako nang tumira ako sa tiyuhin ko. Nang magbalik ako sa Pilipinas, he and my brother had split up. Then he seduced me, made me marry him para lamang maturuan at mabigyan ng leksiyon si Justin na mas piniling tanggapin ang isang trabaho sa Amerika kaysa sa ituloy ang nakatakda nilang kasal. He made a fool of me kaya ipinapa-annul ko ang walang-kuwentang kasal namin.”
Natahimik ang lahat. Mula nang siya ang maging leader ng exploration team ay ngayon lamang siya nakita ng mga ito na nagalit. Inakala ng lahat na cool-tempered siya at hindi masyadong emosyonal. Ngunit ang muling pagpasok ni Ian sa tahimik nang buhay niya ay nagpaalalang muli sa sakit at kabiguang inakala niyang matagal na niyang naibaon sa limot.
CHAPTER 2
Two years ago…
“C’mon, Ian! Hanggang kailan ka magmumukmok sa apartment mo? It’s been two months mula nang umalis ang walang-kuwenta mong boyfriend at ipinagpalit ka sa trabaho niya sa LA!” sermon ni Esther.
“Hindi ako nagmumukmok, no! I am repainting and furnishing my apartment. At kaysa sa mag-iiyak ako sa ginawa ni Justin…” Napahinto siya sa pagsasalita dahil nagkabikig siya sa lalamunan. Nasasaktan pa rin siya nang labis sa ginawa ni Justin.
Ang akala pa naman niya nang i-treat siya nito noon sa isang romantic dinner ay aalukin na siya nito ng kasal. Iyon pala ay sasabihin lamang nito na tinanggap nito ang isang job position sa LA at paalis na ito in two weeks!
Mabuti sana kung wala itong magandang trabaho sa Pilipinas. Ang kaso, mayroon. Iyon nga lang, mas malaki ang kikitain nito sa US. Ang hula niya ay gusto lamang nitong patunayan na hindi ito nahuhuli sa achievements ng Kuya Kyle nito.
Nagtatrabaho kasi si William sa isang multinational oil company bilang geologist. Napakalaki ng suweldo nito. Mayroon na nga raw itong malaking bahay sa Chicago samantalang si Justin ay nakapisan pa rin sa mga magulang nito.
Ngunit hindi bahay o pera ang nagustuhan niya kay Justin kundi ito mismo. Isa pa, maaari naman silang magpagawa ng bahay at makapag-ipon kapag kasal na sila. Magtutulungan sila para matupad ang pangarap nito.
Lagi siyang nakasuporta rito sa lahat ng desisyon at balakin nito. Pero nang gabing iyon ay hindi niya nagawang suportahan ito. Siguro ay napuno na rin siya. Sa relasyon kasi nila ay laging siya ang umuunawa at sumusuporta. Kaya binigyan niya ito ng ultimatum. Sinabihan niya ito na kung itutuloy nito ang pagpunta sa US ay break na sila.
Tumuloy ito sa pag-alis.
“O, ba’t tumutulo na naman yang luha mo?” tanong ni Esther. “Wala to.” Pinahid niya ang mga luha niya.
“Ay, naku, hindi talaga nakakatulong sa recovery mo ’yang pag-eermitanyo mo. It’s been two months already, Ian. Ang dami mo na ring ginawang kabaliwan tulad na lamang ng biglaan mong pagbubukod ng tirahan at ngayon naman ay repainting ng dingding. Look at yourself. You are only twenty-four years old, gwapo, at sexy. Marami ka pang makukuhang lalaki na nakahihigit kay Justin. By the way, huwag mong masabi-sabi sa akin ang dialogue mong soul mate mo siya at ingungudngod kita sa mesa,” pagtataray nito.
“Alam mo, hindi por que breaktime ay puwede mo nang i-broadcast sa lahat ng tao rito ang nangyayari sa akin,” paalala niya rito.
“Hindi ko na kailangang ipaalam pa sa kanila dahil alam na ng lahat ng tao sa building na ito ang nangyari. Listen to me, Ian. Sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa akin sa party ng pinsan kong si Emil. We are going to have fun. Panahon na para bumalik ka sa dating scene. Masyadong umikot ang mundo mo sa Justin na iyon. Ginawa ka lang naman niyang yaya.”
“Ano bang klaseng party ‘yan?” “It’s singles’ night sa bar ni Emil. Fifty percent discount ang drinks sa lahat ng mga singles na pupunta roon which is marami dahil p-in-romote niya nang husto ang party na ito. Makakakita tayo ro’n ng maraming eligible men. Baka bago matapos ang gabing iyon ay pareho na tayong may boyfriend baka girlfriend pa kung gusto mo.”
“Ewww Esther!, I don’t think-”
“maka- eww naman to sa girlfriend! Kung ayaw mong kumuha ng boyfriend doon, ipasa mo sa akin. Akin na lang.”
Natawa siya nang malakas.
“Just enjoy mingling and knowing nice and wonderful guys. Panahon na para alisin mo sa buhay mo ang ex mong yon.”
Ganoon naman ang ginagawa niya. Ang lahat ng sulat, at e-mails ni Justin sa kanya ay binabale- wala niya. Maging ang mga pictures nito ay sinunog na rin niya. Wala na siyang natitirang memorabilia nito. Ang nahihirapan lamang siyang burahin ay ang mga alaala nito sa isip at puso niya.
SUCCESSFUL ang singles’ party sa bar ng pinsan ni Esther. Punung-puno ng tao ang lugar. Halos pantay ang dami ng mga babae sa lalaki. Sa umpisa ay kasama niya si Esther sa pakikipagkuwentuhan at pakikipagkilala sa naroon. Pero umatake ang kalandian ng best friend niya nang makita nito roon ang crush nitong sikat na artista. Iniwan siya nitong mag-isa.
Well, hindi naman talaga siya mag-isa. Napapaligiran kasi siya ng tatlong very eligible bachelors. Malinaw na nakuha ang atensiyon ng mga ito. Kahit paano ay nakatulong iyon para ma-boost ang kanyang ego. Kung makikita lamang siya ni Justin ngayon na pinagkakaguluhan ng mga lalaking-
Napatanga siya. Kapagkuwan ay napakurap siya. Ang lalaki bang nakasuot ng itim na polo ay si Justin? O inaatake na naman siya ng pangungulila at ang tingin niya sa mga lalaki ay kahawig ni Justin?
Pinakatutukan niya ng tingin ang bagong dating. Hindi ito si Justin. May kaunting pagkakahawig lang ang mga ito-hugis ng mukha, mga mata…
Nahigit niya ang kanyang hininga. Isang tao lamang ang alam niya na nakakahawig ni Justin at iyon ay ang Kuya Kyle nito na mortal na kaaway niya! Mula nang makakuha ito ng scholarship para mag-aral sa US ay hindi na niya ito nakita pa.
Nakitira kasi ito sa tiyuhin nitong nasa US. Umalis ito ng Pilipinas sa edad na trese anyos. Taun-taon naman ay bumabalik ito at dumadalaw sa mga magulang nito. Pero dahil nga hindi niya gusto ang ugali nito ay hindi siya nagpapakita rito. Umeembento siya ng kung anu- anong dahilan para hindi siya mapasama sa family reunion at kasayahan kapag naroon si Kyle.
Sinadya ba nito na magpakita sa kanya sa lugar na iyon? Kahit hindi sinasabi ni Justin sa kanya, batid niyang hindi ito pabor sa kanya. Ayaw nitong siya ang makatuluyan ng kapatid nito.
“Excuse me, guys,” paalam niya sa mga admirers niya. Kokomprontahin niya si Kyle. Ngayong nalaman niya na nasa Pilipinas ito, bigla siyang nagkahinala na kagagawan nito kaya biglang nagkaroon ng job offer si Justin sa US. Natitiyak niyang sinadya nitong ilayo sa kanya ang kanyang BF, o rather, ex-BF.
Mabilis siyang nakalapit kay Kyle na palinga-linga at animo may hinahanap. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya.
“Ah, a friend of mine invited me here,” sagot nito.
Tatarayan na sana niya ito nang ma-realize niya na hindi siya nito nakilala!
“You don’t remember me, do you?” “I’m sorry. Pero kararating ko lang mula sa Indonesia. You must have mistaken me for someone else.”
“Ikaw si Kyle Bautista, ’di ba?” Gumuhit ang pagkagulat sa mukha nito. “Whoa! Ang tagal ko nang hindi naririnig ang pangalang yan. Most of my friends call me ‘Ky’ Wait, are you a friend or an enemy?”
Bigla siyang natawa. Parang inilipad ng hangin ang galit niya. Ngumiti ito. Ngayon lamang niya ito nakitang ngumiti. Lagi siyang pinagsinusupladuhan, pinagsinu- sungitan, at inaaway nito. Humalukipkip siya.
“Hindi mo talaga ako matandaan, no?”
Isang lalaki ang lumapit sa kanila. “Hey, Ky! “Buti at nakarating ka,” sabi nito.
“Hi, Rob!”
“Doon na tayo sa table namin. Gusto ka nang makilala ni Ilyanna. Siyanga pala, huwag mo akong ipahiya, ha? Todo ang build up na ginawa ko sa iyo.”
Tumawa uli si Kyle. Kapagkuwan ay binalingan siya nito. “I have to go. By the way, it was nice meeting you.”
Tumango na lamang siya. Mukhang naka-recover na siya sa pagturing dito bilang mortal enemy number one niya.
Nakakatawa kasi ang naging sitwasyon nila. All these years ay hindi niya makalimutan ang galit niya rito. Pero ito pala ay hindi na siya kilala. Siguro kung sinabi niyang siya si Ian, ang ex-boyfriend ni Justin ay baka nag-away na naman sila. But after talking with the guy, parang ayaw na niyang makipag-away rito.
Bahagi rin ito ng nakaraan niya na dapat niyang kalimutan. Huminga siya nang malalim. Dapat ay sundin niya ang payo ni Esther. Naglakad siya pabalik sa mga admirers niya.
CHAPTER 3
NADAGDAGAN pa ang tatlong admirers ni Ian. Ang bawat isa sa mga ito ay nagsisimula nang makipag- kompetisyon sa bawat isa para magpa-impress sa kanya. Pakiramdam niya ay isa siyang piraso ng laman na pinag- aagawan ng mga aso.
Halos wala na sa kanya ang atensiyon ng mga lalaki at nasa kanya-kanyang ego na.
Tumalilis siya sa umpukan. Hinanap niya si Esther. Ayon sa napagtanungan niya ay lumabas daw ito para manigarilyo. Lumabas siya pero wala ito roon. Tinawagan niya ito sa cell phone nito pero hindi nito sinasagot iyon. Mukhang sinadya nito na iwan siya para maihatid siya ng isa sa mga lalaking nakapaligid sa kanya.
Nag-text siya kay Esther na uuwi na siya. Kapagkuwan ay naglakad siya patungo sa waiting shed. Doon siya mag-aabang ng taxi. Nagkagulatan sila ng lalaking inabutan niya roon.
“Hi!” bati nito.
“Ba’t nandito ka?”
“Tumatakas. Kaya huwag kang maingay.” Natawa siya. May sense of humor pala itong si Kyle. “Babae o lalaki ang tinatakasan mo?” tanong niya.
Ngumiti ito. “Babae. Masyado lang kasi akong nagulat sa pagiging forward no’ng ipinakilala sa akin ni Rob. I mean, sanay ako sa mga liberated girls pero nakaka-shock pa rin ang ginawa niya.”
“Ano ba ang ginawa niya?”
“Siguro ay nagawa niya iyon dahil lasing siya. Or maybe uminom siya ng Ecstasy kaya nawala ang inhibitions niya.”
“Tinangka kang rape-in?”
Tumawa ito. “Nakaligtas naman ako, so don’t worry.” Napabungisngis na siya. Matamang tinitigan niya ito. “Natandaan mo na ba ako, Kyle?”
“Honestly? No. I’m sorry.” “Well, kung gano’n, hindi ko sasabihin sa iyo.”
“Isa ka ba sa mga bumasted sa akin?” “Kung nanligaw ka, tiyak na basted ka.”
“Ang saklap ng kapalaran ko!” Natawa siya. Mukhang naapektuhan na rin siya ng alak na ininom niya. Panay-panay na ang bungisngis niya.
Tumanaw siya sa kalsada. Walang taxi o anumang pampublikong sasakyan na dumaraan. Madaling-araw na kasi.
“Wala ka bang dalang sasakyan?” tanong niya. “Nasa talyer ang kotse ng daddy ko. Nag-taxi lang ako. Makikisabay sana ako kay Rob sa pag-uwi. Pero kung gagawin ko iyon, tiyak na mare-rape ako.”
Alam niya kung saan ito uuwi. Pareho sila ng tutumbuking direksiyon. Mauuna nga lamang siyang bumaba kaysa rito.
“Share na lang tayo ng taxi.” “Baka mapalayo ka.”
“Malapit lang ako. Sa Cubao lang.” Sa Parañaque ito uuwi. Naroon ang bahay ng mga magulang nito. “Well, okay then.”
LUMA na ang nakuhang taxi nina Ian at Kyle. Ilang beses na tumirik iyon. Nang makarating sila sa tapat ng apartment niya ay tuluyan nang bumigay iyon.
“Tatawag na lamang ako sa opisina namin ng susundo sa inyo,” nahihiyang sabi ng driver kay Kyle.
“Well, dito na ako, Kyle. Kaya iiwan na kita.”
“Sige, ingat. Wait, hindi mo ba talaga sasabihin sa akin ang pangalan mo at kung paano tayo nagkakilala?”
“Pag sinabi ko sa iyo, baka masira ang araw mo.”
“Ha?”
Lumabas na siya ng taxi. Naglakad siya patungo sa apartment niya. Limang hakbang na lamang siya sa pinto nang biglang bumuhos ang malakas na ulan! Napalingon siya sa kinaroroonan ni Kyle.
Mukhang kaawa-awa ito. Imbitahan kaya muna niya ito sa apartment niya habang hindi pa dumarating ang tinawag na replacement ng taxi driver? Pumasok siya sa apartment niya. Kumuha siya ng payong at binalikan si Kyle at ang driver.
“Paiinumin ko kayo ng mainit na kape,” alok niya. Sumama naman sa kanya ang mga ito. Parehong napamulagat ang mga ito nang makita ang nagkalat na diyaryo sa sahig at ang mga lata ng pintura.
“Bagong lipat lang ako. Bago ako bumili ng gamit ay pinipinturahan ko muna ng kulay na gusto ko. Ingat lang sa hahawakan at basa pa ang pintura.”
Dinala niya ang mga ito sa kusina. Ipinagtimpla niya ng kape ang mga ito. Mabilis na ininom ng driver ang kape nito. Si Kyle naman ay hindi ginalaw ang kapeng nakalapag sa harap nito.
“Hindi ka coffee drinker, ’no?”
“Hindi masyado. More on tea ako.”
“Wait, meron din ’ata akong tea rito. Iyon ang iniinom ko kapag sumasakit ang tiyan ko.” Ilang sandali pa at naipagkanaw na niya ito ng tsa.
“Thanks.”
“Ah, eh, lalabas lang muna ako at baka tumatawag sa radio ’yong kasamahan ko,” wika ng driver.
Inabutan niya ito ng payong para gamitin nito. Naiwan sila ni Kyle sa kusina. Habang-daan ay marami silang napagkuwentuhan. Ngunit nanatiling hindi siya nagpapakilala. Magpakilala na kaya siya. Tapusin na kaya niya ang animo instant friendship na nabuo sa pagitan nila nang gabing iyon.
Napatingin siya sa kanang braso nito-sa hugis- kalahating buwan na pilat na naroon. Likha iyon ng kagat niya.
“Saan mo nga pala nakuha ’yang peklat na iyan sa braso mo?”
“Ah, remembrance iyan sa akin ng isang pilyang kapitbahay namin no’ng bata pa ako.”
“Baka naman lagi mo siyang inaasar.” “Ikaw man ang lumagay sa sitwasyon ko, maiinis ka rin sa batang ’yon. Ang kulit-kulit! Sabad pa nang sabad sa usapan. Saka bad influence siya sa pag-aaral ng kapatid ko. She would also run around. Takbo rito, takbo roon. Ginagawa niyang bahay niya ang bahay namin. Ilang vase ng mommy ko ang nabasag niya dahil sa pagiging galawgaw niya.”
“Ikaw talaga, Kyle, normal na behavior iyon ng isang bata. Ang hindi normal ay ’yong pagiging manong mo. Lagi ka na lang naninita at nagbabawal. Hari ka ng sungit noon. “Buti naman at ngayon ay meron ka nang sense of humor.” Napamulagat ito. Kapagkuwan ay tinitigan siya nito.
“Ian?” Ngumiti siya. Pero itinaas niya ang isang kamao.
“O, ano, aawayin mo na naman ako?”
Malakas ang naging tawa nito. “No. baka yong isang braso ko naman ang sakmalin mo.”
Tinampal niya ito sa balikat. “Ayan ka na naman! Sinisimulan mo na naman ang pang-aasar sa akin.”
“At sinasaktan mo na naman ako,” paalala nito. Nagkatawanan sila. Malinaw na nalagpasan na nila ang mga petty quarrels nila noon.
Biglang napalis ang ngiti nito. Naging seryoso ito. “Alam ba ni Justin na habang nasa US siya ay nakikipag-date ka sa mga lalaki?” Tumiim ang mga bagang niya.
“For your information, your brother dumped me! Ipinagpalit niya ako sa US job niya. Siguro sa mga oras na ito ay nagpapakasaya siya kapiling ng iba’t ibang Amerikana. As for my dating habits, wala kang pakialam doon. Two months na akong hindi lumalabas. Niyaya lamang ako ng kaibigan ko ro’n. Kung hindi niya ako niyaya, hindi ako”
“I’m sorry. Hindi ko alam. Wala naman kasing binabanggit si Justin at hindi ko ugaling mag-usisa tungkol sa personal na buhay niya.”
Huminga siya nang malalim. Naninikip na naman ang kanyang dibdib. Nagbabalik na naman sa alaala niya ang naging desisyon ni Justin.
“Hindi ko maintindihan kung ano ang maling ginawa ko. I tried to be the best boyfriend to him. Ang tanging kapintasan ko lang naman ay ang hindi ko pagsama sa mga family affairs ninyo kapag nandoon ka. I mean, malay ko ba na nag-mature ka na. Ang akala ko noon ay lalaitin mo ako kapag nagkita tayo. Ang akala ko ay pamumukhaan mo ako na hindi ako nababagay kay Justin.”
“Ian, hindi ko gagawin ’yon. Ang totoo, kaya ang sungit ko sa iyo noon…” Nag-iwas ito ng tingin.
“Naku, huwag mong sabihing crush mo ako noon, babastedin kita agad.”
“I know. Noon pa man ay alam kong si Justin ang gusto mo. Naiinis ako dahil nakahihigit ako sa kanya pero mas pinapansin mo siya.” Napatanga siya.
“Don’t worry, naka-recover na ako sa aking puppy love. Maayos ko na ngang natanggap ang balita na mag-on na kayo ni Justin noon. Saka nakita mo naman, hindi kita nakilala kanina. Nakalimutan na rin kita.” Ngunit hindi nakaligtas sa paningin niya ang paghagod nito sa pilat na likha ng ngipin niya sa braso nito. Maaaring nakalimutan o pilit na kinalimutan nito ang hitsura niya ngunit hindi ang kanyang mga alaala? Nanatiling nasa isip at puso nito ang makulit at barakitang batang lalaki na pinag-ukulan nito ng pagtingin ngunit bumale-wala rito.
CHAPTER 4
Trabaho ni Ian sa Manpower Services, Inc. na interview-hin ang mga applicants na gustong magtrabaho abroad. Nakasalalay sa balikat niya at sa dalawa pang senior officers ang pag-determine kung maayos ang ugali at personalidad ng mga job-seekers. Ang agency kasi nila ang mananagot at mapapahiya oras na gumawa ng kalokohan ang ipinadala nilang tao sa ibang bansa.
Kahit paano ay puro matitino at magagaling naman ang nakukuha nilang mga tao. Maganda ang reputasyon ng agency nila sa mga kompanya sa abroad. Pawang magagaling at matitino raw ang mga trabahador na galing sa agency nila.
Dahil doon ay mas dumami ang mga kliyente nila at ganoon din ang mga aplikante. Kailangan na nilang magdagdag ng tao at magpalaki ng opisina. Ngunit nagkasakit ang taong naka-assign na tumingin ng mga office spaces sa Mandaluyong kaya sa kanya biglang nasalin ang trabahong
“You are good with people. Kahit okay na ang price at laki, nasisiguro kong makakatawad ka pa sa presyo,” pambobola sa kanya ng boss niya.
“May tatlo pa akong naka-assign na i-interview-hin-”
“Ako na ang bahala sa mga ’yon. Kapag maagang natapos ang negotiation, you can take the whole afternoon off.”
Iniwan na siya ng boss niya. Tapos na ang discussion. Wala sa sariling napatawag siya sa telepono. Nang bigla niyang marinig sa kabilang linya ang boses ni Kyle ay napatanga siya!
Normal na sa boss niya ang bigla-biglang pag-a-assign sa kanya na pumunta sa kung saan-saang lugar. Usually, kapag nangyayari iyon ay nagpapasama siya kay Justin. Force of habit na napatawag siya sa telephone number nito. Pero wala na nga pala roon si Justin. Ang naroroon na ay si Kyle!
“Hello? Sino ’to?” tanong nito.
Maaari niyang ibaba na lamang ang telepono. Pero
paano kung mayroon itong caller ID?
Yikes! aniya sa isip nang maalala niyang mayroon ngang caller ID ang telepono nina Justin at kung susulyap doon si Kyle ay makikita nito ang pangalan niya!
“Ikaw ba ’yan, Ian?”
Buking na siya!
“Ah, hello. Sorry, namali ako ng pindot. “Yong isang kaibigan ko dapat ang tatawagan ko.”
Tumawa ito.
“Ang akala ko pa naman ay umepekto na ang aking psychic powers. Hindi kasi ako magkalakas-loob na tumawag sa iyo kaya panay ang isip ko na sana ay tumawag ka. Ang sabi ko, oras na tumawag ka, kahit anong request mo ay pagbibigyan ko.” Natawa siya.
“Totoo ba yan? Baka ’pag nagpatulong ako sa iyo ay bigla kang umurong,” hamon niya rito.
“Try me.”
“I need a chaperone. Mas preferable kung may sariling kotse dahil titingin ako ng mga office spaces sa Mandaluyong.”
“No problem! Yari na ang kotse ng daddy ko. Saan kita susunduin?”
ANG AWAYAN at inisan nina Ian at Kyle noong mga bata pa sila ay napalitan ng isang kakaibang camaraderie at pagkakaibigan sa pagdaraan ng mga araw.
Palagay ang loob ni Ian rito. Hindi siya nahihiya rito. Hindi rin siya nag-iisip kung maayos ba ang hitsura niya, gwapo ba siya, o magugustuhan ba nito ang suot niyang damit tulad ng madalas niyang pinoproblema kapag kasama si Justin.
Bagaman sumisingit sa isip niya ang tungkol sa pagkakaroon ni Kyle ng crush sa kanya noon, wala naman siyang nakikitang senyales na mayroon pa rin. O baka itinatago lamang nito. Ilang beses na rin naman niyang nahuhuli ito na nakatitig sa kanya. Ang kaso, biglang magbibiro ito kaya nauuwi sa tawanan ang lahat.
Napag-alaman niya na isang buwan ang bakasyon nito sa multinational company na pinagtatrabahuhan nito.
“I earned this vacation with pay. Dahil sa akin kaya nila na-discover ang huge oil deposits sa Indonesia,” pagkukuwento nito habang nilalagyan nito ng second layer ng pintura ang dingding ng apartment niya.
“Hindi ba dapat ay pagbakasyunin ka nila sa mga exotic locations? Bakit dito ka sa Pilipinas itinapon?” tanong niya. Abala siya sa paghahalo ng tamang kulay ng peach. Iyon ang gagamitin niya sa kisame.
“Nag-offer sila. Vacation in Paris, in Hawaii, in Japan and even Thailand. I chose to go home. Matagal na akong hindi nakakauwi. Sa kabila ng init, polusyon, at graft and corruption ay na mi-miss ko pa rin ang Pilipinas.”
“Ows? Sure kang ang Pilipinas ang na-miss mo rito? Baka mga girls?”
“Well, not really. I never had a Filipina girlfriend.”
“Wow, yabang!” “Hindi, ah!”
“Ano bang lahi ang first GF mo?”
“Puerto Rican.” Nag-concentrate na ito sa pagpipinta. Sando at mahabang shorts ang suot nito. Sa bawat pahid nito sa hawak na paintbrush ay napapansin niya ang nagkikislutang muscles sa braso nito. Hindi rin maikakaila ang impis na tiyan nito.
“Geologist ka, di ba? Parang scientist. Di ba, ang mga scientists ay nasa laboratory at sa harap lang ng computer, nag-aaral ng data, at gumagawa ng theories?”
“I could do that. Pero mas pinili kong magtrabaho sa field. Gusto kong ako mismo ang kumukuha ng data. Member ako ng prospecting team, yong grupo na nagpupunta sa mga liblib na lugar at pinag-aaralan ang mga soil samples para alamin kung may oil or mineral deposits doon. So I do a lot of hiking, climbing, at limited ang diet namin dahil kailangan naming tipirin ang baon namin. Kapag naubusan, nangunguha kami ng mga prutas at nanghuhuli ng mga hayop.”
“Exciting pala ang work mo. Ang akala ko, wala kang ginawa kundi titigan ang mga bato sa loob ng laboratory.”
“Ginagawa ko rin ’yan.”
“So, paano ka nagka-girlfriend sa gano’ng klase ng trabaho?”
“Malakas kasi ang appeal ko. Mga babae na ang lumalapit sa akin. Iba ang dating ng Filipino men sa mga foreign girls. Hot kami.”
Inihit siya ng tawa.
“Ba’t ayaw mong maniwala? Besides, scorpio ako. And we scorpio men are very sexy.”
“Mayabang ka pa rin pala, Kyle.” “At mang-aasar ka pa rin.”
“Ako, mang-aasar? If I remember it right, ikaw ang nang-aasar sa akin noon,” paalala niya rito.
Nag-isip ito.
“Hindi ’ata iyan bahagi ng memory ko. All I remember is this boy na may matatalas na ngipin na nangangagat.”
Pinitikan niya ito ng pintura mula sa kahoy na ginagamit niyang panghalo. Ang braso nito ang target niya ngunit sa mukha nito iyon tumama.
“Ay, sorry!” Nagmukhang naiputan ito ng ibon kaya napahagikgik siya. “Ikaw talaga!” Winisikan siya nito ng hawak nitong paintbrush. Tumama iyon sa kanyang mukha at katawan. Napuno siya ng white spots.
Umiral ang pagiging competitive niya. Pinatalsikan na naman niya ito ng pintura. “Yan ang ganti ko sa iyo!” “Aba’t sumama na naman ang ugali ng lalaking ito, ah!”
Natigil ang pagpipinta nila at nauwi iyon sa wisikan ng pintura sa bawat isa. Ngunit hindi iyon natapos katulad noon kung saan nagkakasakitan sila. Natigil ang awayan nilang iyon nang mapagmasdan nila ang isa’t isa at nagkatawanan sila sa mga hitsura nila.
“I need to take a bath of thinner!” wika nito.
“Hoy, mauuna ako! Akin ’ata ang bahay na ito.”
“Oo na! Pero dapat mo akong pahiramin ng damit. Hindi ko na ito maisusuot pag-uwi. Magbibiyahe ako at tiyak na magiging center of atensiyon ako ng lahat sa suot kong ito.”
“Don’t worry, marami akong ipapahiram sa iyong damit.”
“Wag pamunas!”
Bumunghalit siya ng tawa.
Nauna siyang maligo. Nang makatapos siya ay sumunod si Kyle. Inihanap niya ito ng maaari nitong saka isuot na damit. Isang malaking T-shirt na ginagamit niyang pantulog ang nakita niya.
Nang isuot nito iyon ay kumasya iyon dito. Lagpas- 35 tuhod. Mukhang tanga ito kaya napahalakhak siya. “Ginagawa mo talaga akong katatawanan, ha!” Sinugod siya nito. Tumakbo siya pero nahuli siya nito. Bumagsak sila sa sahig. Pinagkikiliti siya nito.
“Tama na! Suko na ako!” “Hah! Di natalo rin kita!” Binitiwan siya nito. Pero nanatili itong nakaupo sa sahig. Bumangon siya at biglang inipit ng daliri ang ilong nito. Patayo na sana siya para matakasan ang susunod na ganti nito pero nahawakan siya nito sa baywang.
Hinarap niya ito para magreklamo.
Lumapat sa mga labi niya ang mga labi nito. Natulala siya. Mainit ang halik na iginawad nito sa kanya.
Natapos iyon nang hindi siya nakapagprotesta. “I guess that ends our friendship,” malungkot na sabi nito.
“kyle…” Ano ba ang sasabihin niya? Pagagalitan ba niya ito? Paaalisin? Bago ito dumating sa buhay niya ay nagpapakalunod siya sa sama ng loob. Lagi siyang malungkot at depressed. Laging si Justin ang iniisip niya. But now, he was enjoying his life.
Pero mali iyon. Kapatid ni Kyle si Justin. Bale-wala siya kay Justin at si Kyle ay naroon at pinapahalagahan siya. Dapat ba niyang pigilan ito? Pero saglit lamang mananatili sa Pilipinas si Kyle. Aalis ito sa susunod na buwan. Kaya walang patutunguhan ang anumang friendship or flirtation na mabubuo sa pagitan nila. Isa lamang iyong safe flirting…
“Kyle, hindi ka marunong humalik.” Tumaas ang kilay nito. “Hey, I know how to kiss!” protesta nito. Hinagkan uli siya nito.
Sa pagkakataong iyon ay mas matagal, mas malalim, at mas mapusok iyon. Nang matapos iyon ay na-realize niyang nakapikit siya at habol niya ang kanyang hininga. Noon niya naramdaman ang mga labi nito sa kanyang leeg. Dahan-dahang bumaba iyon sa dibdib niya.
Kumislap ang panic button niya! Sumisigaw iyon ng “Stop him!” Pero… pero napaungol siya. Mali ang ginagawa nila. Hindi dapat umabot sa ganoon ang mga nangyayari. “kyle…”
“I seem to have fallen in love with you again, Ian,” bulong nito.
Ang damut-damot ni Justin sa pagsasabi sa kanya ng “I love you.” Minsan lang yata nito sinabi iyon. Pinilit pa niya ito.
“I love you,” sabi ni Kyle. Itinaas neto ang saplot na damit at hinimas ang katawan. Tuluyan nang na-expose ang isang utong niya na agad nitong pinagtuunan ng atensiyon.
Napatingala siya. Ang bilis-bilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya dapat hinahayaang mangyari iyon. Lumalala na ang sitwasyon! Hinawakan ng isang kamay nito ang isa pa niyang utong. Itinaas niya ang kanyang mga kamay para itulak ito palayo.
Ngunit imbes na sa dibdi niya ito maitulak, napadiin ang mga kamay niya sa bandang puson nito. Sa ginawa niya ay di-sinasadyang nasanggi niya ang umbok na nasa gawing puson nito! Naka-briefs lamang ito sa ilalim ng malaking T-shirt.
Ano ang gagawin niya? Humawak doon ang isang kamay niya sa labis na pagkagulat niya. Hindi iyon ang dapat niyang gawin!
Umungol ito. Binitawan nito ang dibdib niya para mabigyang-laya nito ang pagkalalaki nito sa kanyang kamay. Nahigit niya ang kanyang hininga nang maramdaman niya ang init at kapangyarihan niyon.
Muling binalikan ng mga labi nito ang kanyang mga labi. Tinugon niya ang halik nito. Nang maramdaman niya ang pagbababa nito sa shorts at panties niya ay hindi na siya nakapagprotesta.
Pero nang alisin nito sa kamay niya ang pagkalalaki nito ay gusto niyang bawiin iyon. Marami pa siyang gustong tuklasin sa sinasabing pinagmumulan ng kapangyarihan ng isang lalaki.
Napakislot siya nang maramdaman niya ang kapangyarihang iyon sa pagitan ng kanyang mga hita! “Oh, God!” bulalas nito. Napatitig ito sa kanya.
Natuklasan nitong ito ang nakauna sa kanya.
“Ang akala ko ay may karanasan ka na…” Wala siyang panahon para pagdiskusyunan nila ang tungkol doon. Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga kamay at hinila ito para muling maglapat ang kanilang mga labi. Pinagalaw rin niya ang kanyang baywang upang higit na makulong sa kanyang init ang pagkalalaki nito.
Nawala na siya sa tamang bait. Ngunit hindi niya makakayanan kung matitigil ang kaligayahang ngayon lamang niya naranasan. Wala nang anumang salitang namagitan sa kanila ni Kyle. Itinuloy na nito ang ginagawa. Isinayaw siya nito sa kasiyahan. Si Justin dapat ang nagpapadama sa kanya niyon. Ngunit naging masyadong gentleman ito. Hindi niya kasalanan ang nangyayari. Isa pa, kusang ibinibigay iyon sa kanya ni Kyle.
Napayakap siya nang mahigpit dito pagdating niya sa sukdulan. Isang uri ng kasiyahan iyon na wala pang makakapantay sa lahat ng mga naranasan niya mula nang magkaisip siya.
Hello madlang people mabuhay! Mi-mi-miss U! mi-mi-Miss U!!!
Kumusta na mga mahal kong mambabasa!!???
Mag like and follow naman kau please! Pretty please!
Yey thank you
I love u all!!
CHAPTER 5
Nagising si Ian na nakakulong siya sa mga bisig ni Kyle. Magkaharap sila nito.
Natutulog pa ito. Mula sa sala ay nakarating sila sa kama niya. Sinulyapan niya ang wall clock. Alas-onse na ng gabi. Nakatulog sila ni Kyle pagkatapos ng ikalawang beses… o ikatlong beses ba iyon?
Napahawak siya sa kanyang mukha. Bakit nangyari iyon? Ano ang pumasok sa isip niya? Isa bang paraan iyon ng pagganti niya kay Justin? Ganoon ba siya kasamang lalaki?
Noon kumislap sa isip niya ang posibilidad na baka nabuntis siya ni Kyle!
Sa panahon na ito ay pwede ng mabuntis ang mga lalaki kasi ng bata sya at nag karoon ito ng sakit ay pina-check-up ito ng kanyang pamilya at nalaman na pwede syang mabuntis kahit lalaki ito pero sila lang na magpapamilya ang nakaka-alam.
Inalis niya ang mga braso nitong nakayakap sa kanya. Naupo siya kasabay ng pagbalabal niya ng kumot sa kanyang katawan.
Pagsulyap niya kay Kyle ay nakita niyang gising na rin ito.
“I want to marry you, Ian,” sabi nito. Nanlaki ang kanyang mga mata.
“What? Why?”
“Para panagutan ka.” “Oh, c’mon, hindi na uso ngayon’yan, Kyle. Hindi naman ako babae na required ka nang pakasalan siya. hindi din naman ako mabubuntis hahah.” pabirong sabi ni Ian kahit na may posibilidad na mabuntis ito
Bumangon ito. Pinakatitigan siya nito.
“I love you,” mayamaya ay sabi nito.
“I know. Pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sa iyo.”
“Ibinigay mo sa akin ang sarili mo. I was your first, hindi si Justin.”
“That doesn’t mean a thing. Naging very gentleman sa akin si Justin. You… you took advantage of me. Basta mo na lang ako kinuha. Ni hindi mo man lamang ako niligawan-”
“Dahil gano’n ako. Hindi ko ugaling maghintay. Kapag nakakita ako ng pagkakataon, I always take it. Hindi ako takot makipagsapalaran. At lagi na ay alam ko kung ano o sino ang gusto ko. And I want you, Ian, as my husband, hindi lamang basta boyfriend o lover.
“You’re the reason why I never settled down kahit marami akong nakilalang babae o lalaki. Inaamin kong minahal ko rin ang mga dati kong girlfriends, but deep inside me, alam kong hindi sila ang gusto kong mapangasawa. Nang magkita uli tayo, na-realize ko na ikaw pala ang lalaking gusto kong makasama habang-buhay.
“And I don’t care about you and Justin. Nakaraan iyon. Wala na kayo. Wala na siya. Ako na ang naririto. Maybe you don’t love me as much as him. Pero nasisiguro kong may damdamin ka rin para sa akin, Ian.” Ikinulong nito sa mga kamay nito ang kanyang mukha at saka hinagkan siya sa mga labi.
Napapikit siya. Mas magaling talagang humalik ito kaysa kay Justin. Siguro dahil marami itong experience samantalang siya ang unang boyfriend ni Justin.
“Marry me, please. Ipinapangako kong mamahalin at paliligayahin kita nang husto.” Dumilat siya.
“Hindi lamang iyan ang pangakong gusto kong marinig, Kyle. Promise me you will never leave me. Na ako ang magiging first priority sa buhay mo. Na mas pahahalagahan mo ako kaysa sa trabaho mo o sa career mo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? I want you to stay here with me. Dito sa Pilipinas. Alam ko na maganda ang trabaho mo sa ibang bansa. But if you want me as your husband, dapat mong i-give up iyon,” hamon niya rito.
Saglit na natigilan ito. naman ang dasal niya na umurong ito. Sinong matinong lalaki ang tatalikuran ang trabaho at magandang career para lamang pakasalan ang isang babae na hindi pa sigurado kung mahal ito?
“I will resign from my job.” Napatanga siya.
“Sa klase ng credentials na mayroon ako, nakasisiguro akong agad ako ng trabaho rito. Then we will get married.”
Napakurap siya. Ano ang gagawin niya ngayon? Oras na makasal siya rito ay panghabang-buhay na iyon. Walang divorce sa Pilipinas. Pero may annulment naman.
Hinagkan uli siya nito sa mga labi. Tinugon niya iyon. Siguro ay hindi naman magiging masama ang buhay niya sa piling nito.
Bigla itong huminto sa paghalik sa kanya. Nabitin tuloy siya.
“Hindi yata magiging maganda ang performance ko. Kumukulo ang tiyan ko.”
Noon niya na-realize na kumakalam din ang sikmura niya. Pinangko siya nito.
“Let’s go eat dinner, dear future husband. Huwag kang mag-alala, ako ang magluluto. Manood ka lang.”
“Nakakakaba yata yan. Naaalala ko pa no’ng bata ka. Muntik nang masunog ang kusina ninyo nang subukan mong magluto ng itlog,” natatawang biro niya rito.
“Noon iyon! Expert na ako ngayon sa pagluluto ng itlog! You are not only going to get a husband but also a topnotch cook!” pagmamayabang nito.
SIMPLE lamang ang naging kasal nina Ian at Kyle sa simbahan sa ibang bansa. Pamilya, kamag-anak, at mga close friends lamang nila ang inimbita nila. Sa umpisa, nang malaman ng mga partidos nila ang nila ay na-shock ang mga ito. Hindi rin nakaila sa kanya ang pagkaasiwa ng mga magulang ni Kyle noong una na maging asawa siya dahil mas sanay ang mga ito na boyfriend siya ni Justin. Ang tanging nagkaroon ng lakas ng loob na usisain siya sa biglaan niyang desisyon na iyon ay ang best friend niyang si Esther. Isinatinig nito ang nasa isipan nang magkaroon sila ng pagkakataong magkausap sa banyo ng restaurant kung saan ginaganap ang simpleng reception.
“Paraan mo ba ito ng paghihiganti kay Justin?” walang ligoy na tanong nito.
“Of course not!” mariing tanggi niya. “Anyway, bakit ngayon ka pa tila tumututol, eh, tapos na ang kasal?”
“Paano naman ako makaka-react kanina sa simbahan? Besides, in shock pa rin ako. Kagabi ay bigla mo na lamang ako tinawagan at inimbita sa kasal mo. All this time, ang akala naming lahat ay nagbabakasyon ka. Iyon pala ay nilalakad mo na mga papeles ng kasal mo sa brother ng ex-BF mo! Ang akala ko nga kanina ay biglang lilitaw sa eksena ang ex mo na iyon at aagawin ka sa kuya niya.”
“No. Nang ipaalam ni Kyle sa kanya ang kasal namin ay sinabi niyang hindi siya makakarating. Sa totoo lang, mas okay na wala siya. Magiging very awkward ang lahat kung nandito siya.”
“Ikaw, mahal mo na nga ba itong kuya o nakikita mo lamang si Justin sa kanya?”
“Kyle is so different from Justin. Kahit magkahawig sila, malabong mapagkamalan ko na iisa lang sila.”
“Hindi mo sinagot ang tanong ko, sis.”
Huminga siya nang malalim. “I don’t know. Pero nasisiguro kong mahal na mahal niya ako. He has given up his job and career para lamang magkasama kami.”
“Ano? Magiging pakainin mo siya?” Tinampal niya ito sa braso. “Gaga! Kaya niya akong buhayin kahit hindi siya magtrabaho. Marami siyang pera at investments, ’no. Besides, he already got himself a job. He will be teaching in a university. Five hours a day lang ang work niya ro’n. The rest of the day ay ide- devote daw niya sa akin.”
“Hmmm… You seemed to have found the perfect husband. Hindi pala ako dapat mag-alala sa iyo. Dapat pala ay mag-alala ako sa kanya.”
“Bruha ka talaga! Ba’t mo ako pinalalabas na kontrabida? Aalagaan ko siya, no. Aasikasuhin ko siya. In fact…” Nag-init ang mga pisngi niya.
“May nangyari na sa inyo?”
“Hindi lang yon. These past few days na inaasikaso namin ang kasal namin ay sa apartment ko na siya nakatira.”
“Oh, my God! Ikaw pa ba ang best friend kong si Ian? Premarital sex and live-in arrangements? Akala ko ba wala sa bokabularyo mo ang mga ’yon!”
“Hay, naku, tumigil ka na. Kasal na kami kaya legal na ang lahat.”
“He must be good.”
“Oo. Mabait talaga siya.”
“I mean, he must be good in bed kaya ka tila nawala sa sarili mo.”
Pinagkukurot niya ito para matigil na ito sa pang- aasar sa kanya.
ANG ANUMANG pangamba o pag-aalinlangan ni Ian sa pinasok na relasyon ay agad na naparam. Mahal na mahal siya ni Kyle. Isang buwan na silang kasal ngunit pakiramdam niya ay nasa honeymoon period pa rin sila. Masaya siya sa piling nito, sa pagpapahalaga at pag- aasikaso nito sa kanya. Bagaman hindi pa niya masasabing mahal na talaga niya ito, bahagi na ito ng kanyang buhay. Sinuklian niya ang pagmamahal nito ng pag-aasikaso. Ginampanan niya nang lubos ang tungkulin ng isang mabuting asawa.
Lunes hanggang Biyernes ang pasok niya sa opisina. Hanggang Sabado naman ang mga klase nito sa university kaya kapag sumapit ang araw na iyon ay sinisiguro niyang may nadaratnan itong masarap na hapunan.
Tapos na siyang maghain ng hapunan nang marinig niya ang ugong ng kotse nito. Lumabas siya ng bahay at sinalubong ito. Nakita niya ang isang dosenang long- stemmed roses na dala-dala nito.
“Ano’ng gagawin mo sa mga yan?” pabirong tanong niya.
Iniabot nito sa kanya ang mga bulaklak. “Happy anito. Yumukod ito at dinampian ng halik ang kanyang mga labi. Bago umalis at pagdating ng bahay ay humahalik ito sa kanya. Wala itong pakialam kung nakikita man sila ng mga kapitbahay nila o hindi.
“Promise, by next month ay magkakaroon na tayo ng sariling bahay.”
“Kung kailan natapos na natin ang renovation sa apartment ko ay saka tayo aalis dito? Next year na lang. O kapag nadagdagan na ang pamilya natin.”
“Yes, dear.”
Natawa siya.
Pumasok na sila sa bahay. Isinara niya ang pinto, ganoon din ang mga kurtina. Mahirap na. Napaka- spontaneous kasi ni Kyle at wala siyang balak na makita ng mga kapitbahay ang mga susunod na gagawin nito.
“Masarap ang niluto kong hapunan-ay!” Bigla kasi siya nitong binuhat. Iniupo siya nito sa mababang cabinet na nagsisilbing divider ng sala at kusina.
“Dinner can wait for a few minutes.” “Naku, inaatake ka na naman ng pagka-maniac!” tukso niya rito.
“We, scorpios, are very passionate,” anito, sabay pupog ng halik sa kanyang leeg. Natawa siya. Ikinawit niya ang isang paa sa baywang nito. Inililis naman nito ang suot niyang palda.
“Ah, mukhang nahahawa na sa akin ang misis ko,” komento nito nang madiskubreng wala siyang suot na underwear.
“Useless naman kasi na magsuot pa ako ng panty dahil lagi mo namang hinuhubad,” kunwari ay pagalit na sabi niya.
Tumawa ito.
“Masaya ka ba sa piling ko?”
“Of course!” “No regrets?”
“Wala pa.”
“Basta kapag may ayaw ka, magsabi ka lang. Hindi kita pipiliting gawin ang ayaw mo.”
Inalis niya ang kanyang paa sa baywang nito. Pinagkrus niya ang mga hita niya. “Paano kung sabihin kong no lovemaking tonight? Na gusto kong magpahinga.” Natigilan ito. Kapagkuwan ay huminga ito nang malalim. “Okay, then. Let’s eat dinner na lang.” Kumilos ito para lumayo sa kanya.
Hinawakan niya ang kurbata nito at hinaltak ito pabalik sa kanya. “Nagbago na ako ng isip. Unahin na muna natin ito.”
Niyakap at hinagkan siya nito nang mariin sa mga labi.
HINDI pumasok sa trabaho si Ian nang araw na iyon. Mayroon kasi siyang kailangang asikasuhin. “Sigurado ka bang ayaw mong samahan kita sa DFA?”
“May klase ka. At baka sobrang haba ng pila ro’n para sa pagpapa-renew ng passport. Besides, kayang- kaya ko naman na ito.”
“Okay, then.” Pumasok na ito sa banyo. Pero mayamaya ay sumilip ito sa pinto. “Sumabay ka na lang kaya sa akin sa pagligo?”
“Naku, di hindi ligo lamang ang mangyayari diyan! Male-late ka lang sa klase mo. Baka ma-terminate ka at ako pa ang sisihin mo.”
“Oo nga. Bad idea. Gusto mo pa naman ay paulit- ulit.”
“Heh! singhal niya rito.
Tatawa-tawang nagbalik ito sa banyo. Tumunog ang telepono. Sinagot niya ito.
“Ian?”
Nanlamig ang buong katawan niya.
“Please, huwag mong i-hang ang phone.” Kinalma niya ang kanyang sarili.
“Gusto mo bang makausap ang kuya mo?” “Ikaw ang gusto kong makausap.” “Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Justin. You are now my brother-in-law.” “Hindi ko matatanggap yon.”
“You left me! Kaya huwag mo akong pagsalitaan ngayon na “
“I missed you so much, Ian!” “Huli na, Justin. Itigil mo na ito.”
“I can’t. Nang mawala ka sa akin, saka ko na-realize kung gaano ako naging tanga. Ikaw lamang ang lalaki para sa akin, Ian. Ikaw lamang ang mamahalin ko at nananatiling mahal.”
Ibinagsak niya ang phone. Bakit ngayon lamang nito na-realize iyon? Bakit kailangang guluhin pa siya nito? Dapat ay kalimutan na niya ito. Asawa na siya ni Kyle. Masaya na siya sa piling ng kanyang asawa.
Masaya nga ba siya? Mahal na ba niya si Kyle? Oo! Natutuhan na niya itong mahalin. Ngunit nakakahigit na ba ang pagmamahal na iyon sa pag-ibig niya para kay Justin? Nagkabikig siya sa lalamunan. Napakalinaw ng sagot doon. Nakakahigit pa rin ang pagmamahal niya para kay Justin!
CHAPTER 6
Kumakabog ang dibdib ni Ian nang pumasok siya sa Botanical Gardens. Sa lugar na iyon sila ni Justin unang nagkasundo. Doon niya inamin ang damdamin niya para dito at ganoon din ito.
kunti lamang ang tao sa park. Mainit kasi kaya mas gusto ng mga tao na mamasyal sa mga malls. Dumiretso siya sa munting tulay sa pond kung saan naroroon ang iba-ibang kulay na mga arowana.
Kumislot ang kanyang puso nang makita niya roon si Justin. Saglit siyang napatigil sa paglalakad. Halos walang ipinagbago ito. Kunsabagay, wala pa namang isang taon ang nakararaan mula nang maghiwalay sila.
Isang parte ng isip niya ang nagsasabi na mali ang ginagawa niyang pakikipagtagpo rito. Ngunit mabilis naman niyang binigyan ng katwiran ang desisyon niya. Nagbitiw ng salita si Justin na kung hindi siya makikipagkita rito ay pupuntahan siya nito sa apartment niya at wala itong pakialam kung naroon si Kyle. Ayaw niyang magkaroon ng eskandalo. At isa pa… Lumingon sa direksiyon niya si Justin. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nangingibabaw ang pangungulila niya rito. Mahirap itago ang damdamin niya para dito. Nilapitan siya nito. Tutok na tutok ang mga mata nito sa kanyang mukha. Hindi siya makagalaw. Tila napako siya sa kinatatayuan.
“Ang akala ko ay hindi ka darating.”
“Hindi mo ako binigyan ng choice, Justin.” Pinapanatili niyang kalmado ang boses niya
“Sinasabi mo bang ang tanging dahilan kaya ka naririto ay dahil ayaw mong magkagulo kami ng kuya ko?”
“Iyon lamang ang tanging dahilan-”
“You are lying, Ian. Nakikita ko sa mga mata mo at nararamdaman ko na ako pa rin ang mahal mo!”
Napatanga siya rito. “N-nagkakamali ka-” “Then look me in the eyes and tell me how much you love my brother!” Wala siyang masabi.
“Kilala pa rin kita, Ian.”
“Ano pa ba ang kailangan mo, Justin? Kasal na kami ni Kyle. Tapos na ang relasyon natin.” “But we still love each other!”
“Okay then. I still love you. Pero hindi ako naniniwala na mahal mo nga ako. Nandito ka para lang makipag- kompetisyon sa kapatid mo!” akusa niya rito.
Tumiim ang mga bagang nito. “You are mine, Ian! Wala siyang karapatan na kunin ka sa akin.” “Kunin? You threw me away! Iniwan mo ako! Ang anumang karapatan mo sa akin o sa pag-ibig ko ay nawala na.” Gumaralgal ang tinig niya. Nasasaktan pa rin siya sa ginawa nito.
“Iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa iyo, Ian. I thought-” “Minahal mo nga ba talaga ako, Justin? O napilitan ka lang makipagrelasyon sa akin noon dahil ipinagpilitan ko ang aking sarili sa iyo?”
Bumuntong-hininga ito.
“Minahal at mahal na mahal pa rin kita, Ian. Ngunit masyado mo akong sinisikil noon. Hindi pa ako handa sa gusto mong kasal. Inakala kong mas makabubuti sa ating relasyon kung lalayo muna tayo sa isa’t isa. Balak kong bigyan tayo ng sapat na panahon para makilala ang isa’t isa. But after only a few months ay basta ka na lamang nagpakasal sa kuya ko.”
“Don’t you dare accuse me of turning my back on you! Nag-offer ng pagmamahal at kasal si Kyle. Binigyan niya ako ng importansiya. Samantalang ikaw-”
“Ikaw rin ang pinakamahalaga sa buhay ko, Ian! At hindi kita isusuko!”
“Kasal na ako. Kalimutan na natin ang nakaraan.” Hinila siya nito at niyakap nang mahigpit. “Ayoko! Hindi kita maaaring isuko o kalimutan. Babawiin kita sa kapatid ko.”
“Justin, please”
Hinawakan nito ang baba niya, iniangat ang kanyang mukha, at hinagkan siya nang mariin sa mga labi. Mabilis ang pagbabalik ng mga alaala ng kanilang pag-iibigan.
Napayakap siya rito. Nakalimutan niya si Kyle. Nangibabaw ang pagmamahal niya para kay Justin.
INALIS ni Kyle ang tingin sa naghahalikang sina Ian at Justin. Doble ang sakit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon dahil ang dalawang taong mahal niya ang sumusugat sa kanya, yumuyurak sa kanyang pagkalalaki.
Noong isang araw ay naulinigan niya mula sa banyo ang pagtunog ng telepono. Nang usisain niya si Ian kung sino ang tumawag ay sinabi nitong wrong number. Pero may kakaibang kislap siyang nakita sa mga mata nito. Kinutuban siya at naghinala na nagsisinungaling ito. Naging madali na para sa kanya na alamin kung nasa Pilipinas ang kapatid niya o hindi. Pagkatapos niyon ay palihim niyang minatyagan ang mga kilos ni Ian.
Kanina ay nakatanggap uli ito ng tawag at muli ay sinabi nitong wrong number iyon. Nagmamadali rin itong umalis pagkatapos. Male-late daw ito sa opisina.
Sinundan niya ito. Pero sa halip na sa opisina ay sa Botanical Gardens ito nagtungo. Napatotohanan niya ang hinala niya.
Mabilis siyang naglakad palabas ng Botanical Gardens. Ang takot niya noon na bawiin ni Justin si Ian sa kanya ay nagkaroon na ng katotohanan. Malinaw sa ginawang pakikipagkita rito ni Ian at ang pakikipag- halikan nito sa kapatid niya na bale-wala na siya para dito. Hindi siya nito mahal at hindi nito pinahahalagahan ang kasal nila.
Tumulo ang mga luha niya. Agad na pinahid niya iyon. Hindi niya dapat iyakan ang ganoong bagay.
Huminga siya nang malalim. Sumakay siya sa kotse. Matagal siyang nagpaikut-ikot bago niya natagpuan ang agency na kailangan niya. Nakangiting kinausap siya ng ng agency. “What can we do for you, Mr. Gallego? Ano ang gusto mong paimbestigahan sa amin?” Matamang tiningnan niya ang private investigator. Kapagkuwan ay kinuha niya sa kanyang wallet ang larawan ni Ian. Hindi na niya kailangan iyon.
“My husband is cheating me. Gusto kong subaybayan mo siya. Kunan mo siya ng larawan at video. I want proof of his infidelity,” mariing pahayag niya.
HINDI na nakapasok si Ian sa trabaho niya. Nagdahilan siya sa opisina nila na may sakit siya. Matagal silang nag- usap ni Justin ngunit parang kulang pa iyon. Parang napakabilis ng oras.
Kailangan na niyang umalis. Hindi pa panahon para malaman ni Kyle ang tungkol sa kanila ni Justin. “Kailan mo balak sabihin sa kanya na nagkabalikan na tayo?” tanong ni Justin. “Ako ang mahal mo at hindi siya, ’di ba?”
“Naging mabait sa akin si Kyle. Kung basta ko na lamang siya iiwan ay masasaktan siya nang labis.”
“Kahit ano pa ang gawin mo ay masasaktan siya. Pero mali na patuloy kang makisama sa kanya gayong ako ang tunay mong mahal. Bale-wala ang piraso ng papel na pinirmahan ninyo.”
“Sasabihin ko sa kanya ang totoo kapag nakakita ako ng magandang pagkakataon.”
“Ako na ang magsasabi sa kanya.” “No!” Tiyak na magkakagulo at baka mauwi pa iyon sa suntukan. “Hayaan mong kausapin ko siya nang maayos.”
Niyakap siya nito nang mahigpit. “Don’t let him touch you again, Ian. Hindi ko makakayanan kung maiisip ko na hinahagkan ka niya, inaangkin.”
“I promise. Wala nang mangyayari sa amin ni Kyle.” Ngunit ang pangakong iyon ay mahirap panindigan lalo pa at batid niya ang pagiging mainit ng kanyang asawa. Mula nang ikasal siya rito ay hindi niya ito tinanggihan.
Pero ngayon…
Maaga siyang umuwi. Eksakto iyon sa tamang oras ng uwi niya kung nanggaling siya sa opisina. Sinimulan niya ang pagluluto. Karaniwang nasa bahay na rin si Kyle kapag ganoong oras. Pero wala ito roon nang mga sandaling iyon. Baka may dinaanan ito o nagkaroon pa ng discussion sa mga estudyante nito.
Nakonsiyensiya siya. Kataksilan ang iginanti niya sa kabaitan at pag-ibig nito. Oo nga at halik lamang ang namagitan sa kanila ni Justin pero maituturing nang pagtataksil iyon. At ang mas mahalin niya ang lalaki kaysa sa sariling asawa ay isa nang malaking kasalanan.
Alam niyang hindi siya mapapatawad ni Kyle oras na umalis siya. Pero hindi na rin niya makakayang patuloy na makisama rito at magkunwari.
Si Justin ang mahal niya. Magiging napaka-unfair niya kay Kyle kung mananatili siya sa tabi nito gayong si Justin ang lagi niyang iniisip. Magdadahilan na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam para hindi siya angkinin ni Kyle. Mabait ito kaya maiintindihan nito ang dahilan niya, hindi siya nito pipilitin. Muli siyang sinurot ng konsiyensiya niya.
Pakiramdam niya ay napakasama niyang bakla. Tumunog ang telepono. Sinagot niya iyon. “Mr. Bautista?” sabi ng isang lalaki sa kabilang
linya. “Yes?”
“Estudyante po ako ni Sir Kyle. Pinatawag niya ako sa inyo para ipaalam na nasa ospital siya.”
“What? Ano’ng nangyari?” “Nadulas po kasi siya sa hagdan.” ang kanyang asawa. Nagmamadaling nagtungo siya roon.
Inalam niya sa estudyante kung saang ospital naroroon Pagdating niya sa kuwartong kinaroroonan ni Kyle ay nakita niya na naka-cast ang isang binti at isang braso nito.
“Oh, my God, Kyle!”
“It looks worse than it is. Kaunting bali lang ang nangyari. In a month daw ay good as new na ako. In the meantime, I have to stay here for at least a week. I’m so sorry, Ian, kung maiiwan kita sa bahay na nag-iisa.”
“Nag-iisa? Babantayan kita rito.” “Huwag na. Kaya na ng mga nurses iyon. Tama na sa akin ang dalaw-dalawin mo na lang ako rito.”
Mukhang na-solve na ang problema niya. Walang magaganap sa kanila ni Kyle kung naroroon ito sa ospital. Sumingit din sa isip niya na kung wala si Kyle, mas magiging madali ang pagkikita nila ni Justin.
Naupo siya sa silya na nasa tabi ng mesa nito. “Babantayan kita ngayong gabi.” “May pasok ka pa bukas. Mabuti pa ay umuwi ka na lang. Don’t worry, I’m all right. Saka magagaling ang mga doktor dito.” “Are you sure?”
Tumango ito. Lumapit siya rito. Bibigyan sana niya ito ng good-bye kiss sa lips pero umiwas ito. Nagtaka siya.
“Kulang ako sa toothbrush,” tatawa-tawang sabi nito. “Baka matetano ka pa.”
Ngumiti siya. Nalungkot siya. Mami-miss niya ang mga ganoong biruan nila oras na iwan na niya ito.
WALANG aksidenteng nangyari. Maayos ang braso at paa ni Kyle. Kinasabwat lamang niya ang doktor sa ospital para lagyan ng cast ang mga parteng iyon ng katawan niya. Gusto niyang mabigyan ng pagkakataon sina Ian at Justin na magkaroon ng sapat na oras para sa isa’t isa.
Bago natapos ang isang linggo ay marami nang nakuhang larawan at video ang private investigator na si Mr. Umali. Sapat nang pruweba ang mga iyon.
“Alam mo ba kung kailan sila muling magkikita?” “Bukas ng tanghali. They will be having lunch. Iyon ang narinig kong pinag-usapan nila sa phone na na-tap ng kasama ko.” “Ibigay mo sa akin ang address ng lugar na kakainan nila. “Mr. Gallego, alam kong hindi ko tungkulin na bigyan ka ng payo. Pero baka kung ano lang ang mangyaring gulo kung kokomprontahin mo silang dalawa.”
“Don’t worry, Mr. Umali, hindi ako basagulero. Wala akong balak na manakit ng tao. But I don’t run away from a fight.” Matagal na niyang binalak at pinaghandaan ang komprontasyon na iyon. Tinatagan na rin niya ang kanyang dibdib.
Nang pumasok siya sa restaurant ay agad niyang nakita sina Justin at Ian. Nasa isang sulok ang mga ito-magkatabi,magkahawak-kamay at tila walang nakikita kundi ang isa’t isa.
Isinantabi niya ang sakit na dulot ng nasaksihan niya. Naglakad siya patungo sa mesa ng mga ito. Naupo siya sa silyang nakaharap sa mga ito.
“Excuse me…”
Tumingin sa kanya ang mga ito. Kapwa nanlaki ang mga mata ng mga ito nang makita siya. Agad na naghiwalay ang mga ito.
Ibinagsak niya sa mesa ang kopya ng mga pictures na kinunan ni Mr. Dan Umali. “I don’t need any explanation from the two of you. Nagpunta lamang ako rito para kausapin kayo.”
“Kuya, mahal ko si Ian,” wika ni Justin.
“I know. And he is yours,” mariing sabi niya. “Gagamitin ko ang mga ebidensiyang ito para mapawalang-bisa ang kasal namin.”
“I’m so sorry, Kyle,” ani Ian. Nakayuko ito, hindi makatingin sa kanya. “Hindi ka na bata, Ian. Nagdesisyon ka. Pinili mo si Justin. I will respect your decision. Hindi ako makikialam sa inyo ng kapatid ko. Ngunit gusto kong malaman ninyong dalawa na ayoko na ring makita pa ang kahit sino sa inyo!”
Tumayo siya.
“Para sa akin, the two of you no longer exist at kahit kailan ay hindi kayo naging bahagi ng aking buhay. I hope na sa pagpaparaya kong ito ay sikapin ninyong huwag nang magpakita pa sa akin. Hindi ninyo magugustuhan ang mangyayari sa inyo oras na muling magkrus ang mga landas natin.”
“Kuya-”
“Kalimutan mo nang naging kapatid mo ako, Justin. After all, it means nothing to you. Mas pinahalagahan mo ang makasarili mong kaligayahan.”
Tinalikuran na niya ang mga ito. Ibabaon niya sa limot ang bahaging iyon ng kanyang buhay.
CHAPTER 7
Present Day, Palawan Jungles .
Tumigil sa tabi ng isang munting sapa ang grupo. “Dito tayo magpapahinga at kakain ng tanghalian,” pasya ni Kyle.
“Hey, I can see some fish in the water. Mukhang makakakain tayo ng fresh meat, ah,” excited na wika ni Steed.
“Marunong ka bang mangisda gamit ang kamay lamang?” tanong ni Craven.
“Sino’ng may sabi sa iyong kamay ang gagamitin ko?” Naglabas ito ng fishnet mula sa bitbit nitong bag. Nagkatawanan ang lahat. “Boy Scout na Boy Scout ang dating ng ating engineer, ah!” panunukso ni Conway.
“Lagi lamang akong handa,” sagot ni Steed bago ito lumusong na sa sapa.
Mula sa kinauupuang bato ay ramdam ni Ian ang pagiging out of place niya sa grupo. Ni hindi niya magawang makisali sa usapan at biruan ng mga ito dahil batid niyang isa siyang outsider. Bagaman maayos ang trato sa kanya ng apat na lalaki, nananatiling malamig ang pakikitungo sa kanya ni Kyle. Hindi na rin siya nito kinausap o pinag-ukulan pa ng pansin. Animo hindi siya nag-e-exist para dito.
Napansin niya ang paghahanda nito sa pagluluto. Inilabas nito ang Gasulito, ang mga cooking utensils, ilang de-lata, at supot ng bigas.
Lumapit siya rito. “Tutulungan na kita,” alok niya. “Kung gusto mong makatulong, dapat ay umalis ka na,” mariing sabi nito.
Napakagat-labi siya. Ngunit nagpakatatag siya. Batid niyang mangyayari ang ganoon oras na magkita sila nito.
“I’m sorry, Kyle.” “Sinabi ko sa iyo noon na ayaw na kitang makita pa. Binigyan na kita ng laya na bumalik kay Justin.”
“Ikaw ang mahal ko.”
“Liar!” sigaw nito, sabay tayo.
Napatingin sa kanila ang apat na kasamahan nito. Gusto sana niyang magkausap sila ni Kyle nang sila lang. Ngunit dahil nabuksan na ang paksang iyon, hindi na niya papayagang makalagpas pa iyon.
“Na-realize ko iyon nang araw na mahuli mo kami ni Justin. Nang palayain mo ako. I ran after you, Kyle! Iniwan ko si Justin. Pero hindi na kita inabutan. Nang bumalik ako sa apartment natin, wala na ro’n ang lahat ng gamit mo. Ni hindi alam ng mga magulang mo kung nasaan ka. You simply disappeared from my life.”
“Matagal kitang hinanap, ipinahanap. Nang sa wakas ay mabalitaan kong naririto ka sa Palawan, hindi ako nagdalawang-isip. I packed my bags and followed you. Nang mahabol ko ang grupo ninyo sa bayan ng San Vicente ay sinadya kong hindi magpakita sa iyo upang hindi mo ako mapagtaguan o maiwasan.”
“Ian, you betrayed me.” “Walang nangyari sa amin ni Justin! I swear to you.”
“It doesn’t matter to me whether you gave your body to him or not. Nakipagkita ka sa kanya, nakipaghalikan, at habang nasa ospital ako ay patuloy kang nakikipag- date sa kanya. That, for me, is betrayal! I cannot love or trust a man or rather a gay like you, Ian.”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Kyle? Ikaw ang mahal-”
“That’s useless! Noon ay sigurado kang si Justin ang mahal mo. You seem to love him so much dahil nagawa mo akong pagtaksilan. “Tapos ngayon ay ako naman ang mahal mo?” sarkastikong sabi nito. “Hindi kaya epekto lamang iyan ng panunundot ng konsiyensiya mo?”
“Gagawin ko ang lahat para patunayan ko sa iyong totoo ang sinasabi ko.”
“Too late. Dahil kahit ano pa ang gawin mo, hinding- hindi na ako muling magtitiwala sa iyo. Kung ayaw mo na kay Justin, find another man. Huwag mong ipagsiksikan sa akin ang sarili mo.”
Napaiyak siya. Tumakbo siya palayo rito. Hindi na niya inalam kung saang direksiyon siya napapunta. Gusto lamang niyang mapag-isa para makaiyak siya nang tahimik. Nang masiguro niyang malayo na siya sa grupo ay sumubsob siya sa katawan ng isang puno at doon nag-iiyak.
Ang akala niya ay kakayanin niya ang kahit anong sabihin ni Kyle. Hindi pala. Ibang-iba na ang Kyle na nakaharap niya ngayon. Malamig ito. Wala itong pakialam sa kanya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak. Sa wakas ay naubos din ang mga luha niya. Mugtung- mugto na ang mga mata niya. Pagod na pagod din ang pakiramdam niya. Bagaman nabawasan ang bigat sa dibdib niya, nanatili doon ang kalungkutan at ang pangungulila sa kanyang asawang ngayon ay galit na lamang ang nadarama para sa kanya.
Dapat na ba siyang sumuko?
Napakislot siya nang may marinig siyang mga yabag. Nang tingnan niya ang direksiyong pinagmumulan niyon ay nakita niya si Steed na palapit sa kanya. May dala itong pinggan. Inihaw na isda at kanin ang laman niyon. “Ang akala ko ay nagpakamatay ka na.”
Napangiti siya. “Hindi ako suicidal. Pinapunta ka ba rito ni Kyle?” Nag-alala ba kahit kaunti sa kanya ang kanyang asawa?
Bumuntong-hininga si Steed. “Puwede akong magsinungaling para hindi na madagdagan ang sama ng loob mo. Pero ang totoo, kusa akong sumunod sa iyo dahil mukhang bale-wala sa kanya kung anuman ang mangyari sa iyo rito.”
Napahikbi siya. Tinakpan niya ang kanyang bibig. Tama na ang iniyak niya.
Iniabot ni Steed sa kanya ang dala nitong pagkain. Naupo rin ito sa isang malaking ugat ng puno.
“Less than two months pa lamang kaming nagkakakilala ni Kyle. Ang buong akala namin ay binata siya. Isa kasi iyon sa mga requirements para mapasama sa exploration team na ito. We all went through rigorous training. Sa pagtatapos n’on ay nagkaroon ng botohan kung sino sa aming lima ang tatayong leader. Kyle won. Siya ang ibinoto naming apat dahil nakita namin sa kanya ang mga qualities ng isang leader. Although hindi ko gusto ang treatment niya sa iyo, hindi ko rin siya masisisi. You did betray him. At sa kapatid pa niya.”
“Please, tama na. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kung nanatili lang sana akong tapat kay Kyle, kung hindi ko pinakinggan ang… God! All those times, ang akala ko ay mahal ko pa rin si Justin. Iyon pala, alaala lamang iyon. They were merely memories of my love for him. Nabuhay ako sa nakaraan. Nang magising ako at ma- realize ko na si Kyle ang higit na mahalaga sa akin, Kyle was gone.”
“I hope you don’t mind. Curious lang ako. Paano mo natiyak na si Kyle na nga ang mahal mo at hindi na si Justin? I mean, kasal ka na kay Kyle pero nakipagkita ka pa rin kay Justin. Malinaw na mas matibay ang feelings mo para kay Justin. And you only ran after Kyle when he let you go. Hindi kaya ka naririto ay dahil iniwan ka niya? Karamihan sa mga gay ay hahabul-habol kapag iniwan. Pero kapag nasa tabi nila ay inaayawan at hindi pinapansin ang lalaki.”
Ngayon lamang niya nakilala ito. Ni hindi niya alam kung ano ang tunay na pagkatao nito o kung nakikisimpatya ito o nag-eespiya lamang para kay Kyle. Ngunit bale-wala sa kanya iyon. Ang kailangan niya nang mga sandaling iyon ay isang tao na mapaghihingahan niya ng sama ng loob.
“Isang linggong nasa ospital si West noon. Nasa amin ni Justin ang lahat ng pagkakataon para magkasarilinan. He tried to make love to me. Laging hindi natutuloy dahil tumatanggi ako, ang katawan ko. Nang mawala si Kyle, sinikap ni Justin na buuin ang relasyon namin. Hindi ako pumayag. Umiwas ako sa kanya. At nang matanggap ko ang annulment papers, noon ko na-realize na ayaw kong mawala sa akin si Kyle. That I cannot live without him.” Bumuntong-hininga uli si Steed. “Bukas ay aakyat na kami sa bundok. Magiging pabigat ka na sa amin.”
“No, I won’t. Tinuruan ako ni Kyle kung paano mabuhay sa gubat and even mountain climbing. You see, he always takes me out adventuring…” Napaiyak na naman siya. Masasaya ang mga alaalang iyon ngunit nagdudulot pa rin sa kanya ng kalungkutan dahil sa naging niya.
“Ian, sa tingin ko ay hindi ito ang tamang oras o lugar para sa inyo ni Kyle.”
“Hindi niya ako malalayuan dito at hindi rin niya ako maaaring pabayaan o iwan. He may hate me ngunit hindi niya ugaling hayaang ipahamak ang sinuman.” “Well, on the other hand, ang presence mo sa group ay magdadagdag ng spice, Makakapanood kami ng real- life teledrama.”
Napangiti siya.
“Steed’ ba talaga ang name mo o palayaw lang?” “My father named me ‘Sylvester,’ pero never kong ginamit iyon.” Huminto ito sa pagsasalita. Tumayo rin ito. Tumanaw ito sa malayo.
Sinundan niya ito ng tingin. Mga grupo ng kalalakihan ang nakita niyang dumarating. Ang karamihan sa mga ito ay may hawak na baril!
KUMUNOT ang noo ni Kyle nang makita niya sina Steed at Ian na may kasunod na mga lalaki. Sampu ang miyembro ng grupo. Ang lima sa mga ito ay may hawak na rifle. Kilala niya ang blonde na lalaking nangunguna sa grupo. Ngumiti ito nang makita siya. “Small world, Kyle Bautista!” sabi nito. “Hello, Adam. Ngayon ko lang nalaman na interesado na rin sa Pilipinas ang Ravenhurst.”
“Hey, our company is always on the lookout for potential oil sources. By the way, bumalik ka na ba sa West End Rivers Company? Or are you working for another company?”
“Nasa Sea Oil na ako. It’s a small company compared to West End and Ravenhurst.”
“Dapat ay sa amin ka na lang lumipat. A man like you is much needed in our company.”
“Thanks.” Malabong magtrabaho siya sa Ravenhurst. Ayon sa mga nabalitaan niya, front lamang ang Ravenhurst ng isang sindikato. Isang oil cartel umano iyon na kumokontrol sa presyo ng langis. Isa pa, kilala rin ang Ravenhurst sa pag-take over ng maliliit na oil companies. Imbes na i-release sa merkado ang release ng mga nakuhang oil ay iniimbak iyon at itinatago upang mapapanatili ang mataas na presyo ng langis.
“Saan nga pala kayo pupunta? Baka doon din ang tungo namin. We could join forces then.”
“At sa huli ay kayo ang aangkin sa matutuklasan nating oil? No. I have heard that tactic of yours. Nawalan ng karapatan sa claim ang nakasama ninyong mga prospectors.”
Malakas ang naging tawa ni Adam. “Rumors. Anyway, we will also be camping here for a while. I hope you don’t mind.”
“This place is free for all.” Napasulyap siya sa mga kasama nitong may mga hawak na baril.
“Don’t worry, bodyguards lang namin sila. We heard na merong mga rebels na gumagala sa lugar na ito. Mahirap na ma-caught unaware. Nagulat nga ako sa group ninyo. Not one of you is armed.”
“Wala naman kaming balak na makipaglaban. Exploration ang priority namin.” “At ano ang gagawin ninyo oras na makasabat ninyo ang mga rebelde?”
Ngumiti siya. “I have my own ways, Adam.” “Care to share them with me?”
“Nope.” Tumawa uli ito.
“Okay then. At kung sakali mang isa lamang ang destinasyon natin, let the best prospector wins.” “Sure.”
Nagbalik na si Adam sa grupo nito. Lumapit naman sa kanya si Conway.
“Ang mabuti pa ay umalis na tayo habang sila rito. Hindi ko gusto ang presence nila.” Tumango siya. Saglit na sinulyapan niya sina Steed at Ian. Sa mga miyembro ng team niya ay si Steed ang pinakabata. Twenty-five years old lamang ito. Isang magaling na engineer ito at base sa naging training nila ay hindi rin mahinang klase. Pero may reputasyon ito ng pagiging playboy. Sa klase ng pagkatao ni Ian, baka makuha agad ito ni Steed. Good luck na lamang kay Steed, naisaloob niya. Ang isang baklang katulad ni Ian ay magdudulot lamang ng sakit sa damdamin ng sinumang lalaki.
NARATING nina Kyle ang paanan ng bundok bago dumilim. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para kontakin si Dallas Miranda. Si Dallas ang namamahala sa project na iyon. Executive secretary din ito ng President/CEO ng Sea Oil, Inc.
Nasa Manila si Dallas ngunit malinaw na malinaw ang dating nito sa gamit niyang satellite phone.
“Bad news. Nandito rin ang Ravenhurst. And their team is led by their top geologist, Adam Smith.”
“Hindi na kataka-taka iyan dahil mula nang madiskubre ang presence ng oil sa lugar na iyan ay maraming oil companies ang nagkainteres na mag-explore diyan. Just be careful na hindi nila malaman ang tunay na pakay natin diyan.”
“Of course. Not even the members of my team know about that. By the way, nagkaroon ng kaunting komplikasyon.” “Komplikasyon?”
Tumikhim siya. “Nagkaroon kami ng extra member.
A boy or should I say gay.“ “Nagdala ng jowa niya riyan ang Steed na iyon?” Nahimigan niya ang panggigigil sa boses nito.
“Well, the gay is, ahm, sort of mine.”
“What?”
“Nagkaroon ako ng relasyon sa kanya noon. I thought nalinaw ko sa kanya na wala na kami. Pero iba ang pagkakaintindi niya. Sinundan niya kami rito. Magsasayang kami ng oras kung ipapahatid ko pa siya sa isa sa mga members ng team. Hindi naman namin siya magawang iwan dahil baka mapahamak siya kung iiwan namin. Kung puwede sana ay magre-request ako ng helicopter para sumundo sa kanya rito.”
“Alam mo ba kung gaano kagastos ang helicopter? ’Buti sana kung kasama kayong pi-pick up-in din. No. You better deal with the gay. Pagkakataon mo na rin siguro para burahin ang pagkabaliw ng baklang iyan sa iyo. You have three other available bachelors in your group.” “Four,” pagtatama niya. “Three. Hindi puwede si Steed. I have other plans for him at para sa planong iyon, he must remain single and uncommitted.”
“I think that would be a problem, Dallas. Mukha kasing sa mga kasama ko rito ay si Steed ang nagkainteres nang husto kay Ian.”
“Then break them apart as soon as possible. Meanwhile, sisikapin kong alamin ang tungkol sa plano ng Ravenhurst. Hopefully, oil lamang talaga ang hinahanap nila riyan. Dahil kung ang purpose nila riyan ay tulad din ng purpose natin, kailangan mong bilisan ang paghahanap sa lantillas. I’m sure Ravenhurst will do everything it can to destroy it.”
CHAPTER 8
Madilim na ang paligid. Nang mga nakaraang araw na palihim na sinusundan ni Ian ang grupo nina Kyle ay hindi siya gaanong natatakot sa dilim o sa gubat maging sa mga ingay ng mga hayop na naririnig niya. Ang atensiyon kasi niya ay nakatutok kay Kyle. Masaya na siya na pinapanood ang ginagawa nito, ang pakikipag- usap nito sa mga kasamahan nito.
Lagi rin siyang naghahanap ng pagkakataon kung kailan niya ipapaalam dito na nasa tabi-tabi lamang siya. Ngunit sa tuwina ay pinangungunahan siya ng takot at nerbiyos sa rejection na makukuha niya mula rito. Ngunit sa paggising niya kaninang umaga na may ahas sa tabi niya ay nawala ang takot na iyon. Unconsciously ay iyon ang ginamit niyang paraan para magpakita sa lalaki. Gaya ng inaasahan niya, hindi naging maganda ang pagtanggap nito sa kanya. Nasaktan siya nang labis sa mga sinabi nito.
Pero kailangang tiisin niya iyon. Siya ang may kasalanan ng lahat. Kung naging tapat lamang siya rito, kung sinuri niya nang husto ang kanyang damdamin, sana noon pa ay napagtanto na niyang mas masaya siya sa piling nito kaysa sa piling ni Justin.
Mula sa kinauupuan niya ay sinulyapan uli niya si Kyle. Nasa entrance ito ng tent nito. Abala ito sa pag- aaral ng hawak na mapa at pagsusulat sa isang maliit na notebook. Ang pinggan ng pagkain sa tabi nito ay nangangalahati pa lamang.
Hindi pa rin niya ubos ang pagkaing iniabot sa kanya ni Steed. Apektado pa rin kasi siya ng mga sinabi ni Kyle. Isang maliit na parte niya ang gustong sumuko. Ngunit kung gagawin niya iyon, tuluyan nang mawawala sa kanya ang kanyang asawa. Habang hindi pa final ang annulment nila ay gusto niyang maligtas ang marriage nila. Gusto niyang mahalin uli siya nito.
Pinagmasdan niya si Kyle. Parang hindi siya nito nakikita. He no longer exist in his world kahit ilang metro lamang ang layo nila at ang tanging nasa pagitan nila ay ang apat na miyembro ng team nito na magkakasamang kumakain habang nakapalibot sa bonfire.
Bagaman itinatago ng apat, nahuhuli pa rin niya ang ilang beses na pagsulyap ng mga ito sa kanya at kay Kyle. Dahil sa presence niya ay nawala ang usual camp fire discussions at pagbibiruan ng grupo. Naging tahimik ang kampo nang gabing iyon.
“I give up!” bulalas ni Diesel. Ito ang chemist ng grupo. Ito rin ang pinakamatangkad sa lahat ng miyembro ng team. Sa tantiya niya ay naglalaro sa five feet-nine inches ang height nito. Base sa naobserbahan niya dati, ito ang pinakamadaldal at medyo competitive.
“Ikaw? Kailan ka pa natutong sumuko? You always like to win, ’di ba?” biro ni Conway, ang isa pang geologist. Ito ang pinakamaloko sa grupo. Laging may baong jokes ito para sa lahat yata ng okasyon at pagkakataon.
“Ibig kong sabihin, I give up in trying to understand male to male, male to female, and male to gay relationships, especially ’yong relasyon ng mag-asawa.”
“Para kasi maintindihan mo iyon, dapat ay maranasan mo munang magkaasawa,” paliwanag ni Craven, ang physicist. Maloko rin ito ngunit pasensiyoso ito at hindi maramot.
“You will never find me in such a relationship,” sabad ni Steed. “Wala sa bokabularyo ko ang salitang ‘kasal.’ Useless lang naman ’yon. Nakapitong pagpapakasal ang father ko and not one of them worked. He died a broken and lonely man.” “Pito?” bulalas ni Diesel.
“Hindi pa kasama riyan ang mga naging girlfriends niya. Anyway, naging witness ako sa kapalaran niya. Nawawalan siya ng gana sa lahat ng mga girlfriends niya na pinapakasalan niya. Dapat kasi ay hindi na lamang niya pinakasalan ang mga yon. He ended up with seven ex-wives who hate him.” Muntik na siyang mag-react sa sinabi ni Steed. Pero nanatili siyang tahimik.
“Minalas lang talaga ang father mo,” ani Craven. “Dapat kasi bago niya pinakasalan ang sinumang babae ay siniguro muna niyang mahal niya talaga’yong girl at mahal din siya n’ong girl. Kasi if it’s true love, kahit ano pang pagsubok ang pagdaanan nila, makaka-survive ang relationship nila and they will not hate each other. Sa halip ay mas titibay pa ang pagmamahalan nila.” Malakas ang naging tawa ni Conway.
“Ang corny mo, Craven!” sabi nito. “Romantic kasi ’yan,” sabad ni Diesel.
“At ’yang mga romantics na iyan ang hindi nag- aasawa!” banat ni Steed. “He’s as old as Kyle here pero single pa rin siya. Ang rason ay dahil patuloy siya sa paghahabol sa tinatawag na ‘true love.’ Such love doesn’t exist in this world.”
“Hey, it does! Mahirap lamang makita. ’Di ba, Kyle?” sabi ni Craven nang bumaling ito kay Kyle. “Ha?” gulat wika ni Kyle. Halatang hindi ito nakikinig sa usapan. “Ang sabi ni Craven, naniniwala ka raw ba sa true love?” malakas na ulit ni Steed.
Hindi nakasagot si Kyle. Napatitig tuloy siya rito.
“It exist. Pero namamatay rin,” sagot nito kapagkuwan. “That’s not right! Kung true love ’yan, hindi ’yan dapat namamatay!” giit ni Craven.
“Maybe it’s not true love, Kyle,” komento ni Diesel. “Kung gano’n pala, sinuwerte ako. Anuman yong naramdaman ko ay namatay na,” komento ni Kyle. Ibinalik nito ang atensiyon sa ginagawa.
Tumayo siya. “True love is real! At hindi namamatay iyon!” malakas na pahayag niya.
Napatutok sa kanya ang lahat ng pares ng mga mata. Maging si Kyle ay napatingin sa kanya.
“Ows? Na-experience mo na iyon, Ian?”
Nahimigan niya ang paghamon sa tinig ni Steed. O binibigyan ba siya nito ng pagkakataon na ipaglaban ang pag-ibig niya para kay Kyle? “Oo. Pero hindi ko agad napansin.” Tumingin siya nang tuwid kay Kyle. “Ngunit ngayong alam ko na ang totoo at kung sino ang one true love ko, hindi ko siya igi- give up.” “
Bumaling ang apat na pares ng mata kay Kyle. Tumiim naman ang mga bagang ng lalaki. “Huwag mong pababain pa ang sarili mo, Ian.”
“Pababain? Bakit pinababa mo ba ang sarili mo nang i-pursue mo ako? When you continued loving me kahit alam mong ang atensiyon ko ay nasa kapatid mo? Lalaki lamang ba ang may karapatan na magpaibig? Ang maghabol?”
“He’s got a point there, Kyle,” singit ni Conway. “On the other hand, paano kung isang party lamang ang in love at yong kabilang party ay galit or rather wala nang nararamdaman pang pag-ibig?” tanong ni Diesel. “Hey, there is always love the second time around,” pahayag ni Craven.
“That will never happen,” mariing sabi ni Kyle. Pakiramdam niya ay sinampal siya. Ngunit kung uurong siya at iiyak na naman, walang patutunguhan ang- pag-ibig niya para dito. Dapat siyang lumaban at magpakatatag.
“At bakit imposibleng mahalin uli ang isang dating minahal?”
“Dahil hindi na mababalik pa ang anumang nawala na.”
“Pwedeng palitan iyon, Kyle,” singit ulit ni Craven. Tiningnan ito ni Kyle nang masama. “Don’t you think ang dapat mong pakialaman at komentuhan ay ang sarili mong buhay? Buhay ko ito, sariling puso ko kaya ako lamang ang nakakaalam ng nararamdaman ko.” “Kyle, it’s obvious na nasaktan ka nang labis at galit ka pa rin kay Ian kaya hindi mo nakikita ang totoo,” ani Diesel.
“Ano’ng sinasabi mo?”
“Ian loves you. Ikaw ang mahal niya at hindi ang kapatid mo. He is here, right?” “I don’t give a damn! At kayong apat, itigil na ninyo ang pakikialam.”
“Why? Nakakatanggal ng boredom ang teledrama ninyo ni Ian. Sayang kung hindi kami sasali,” banat ni Steed.
Tumiim uli ang mga bagang ni Kyle. Tumayo ito at naglakad palayo. Nakita niya ang pag-signal sa kanya ng apat na lalaki na magsalita.
“Hindi ko hinabol si Justin nang umalis siya!” sigaw niya.
Napatigil sa paglayo si Kyle. “But I came after you. Sinundan kita hanggang sa liblib na gubat na ito. Kulang pa bang patunay iyon na ikaw talaga ang mahal ko at gagawin ko ang lahat para lamang makamit ang kapatawaran mo?”
“Hindi pa kita kayang patawarin, Ian. Ngunit alam kong darating ang araw na maibibigay ko iyon sa iyo. As for your love, hindi ko iyan kailangan o tatanggapin.” Ipinagpatuloy na nito ang paglayo. Nagtungo ito sa madilim na kasukalan.
“Grabe! Ang tigas ng dibdib ng leader natin,” komento ni Steed.
“Yeah. Walang awa,” sabi naman ni Craven.
Huminga siya nang malalim. “Thanks, guys, sa support kahit ngayon lang tayo nagkakilala.” Ngumiti si Craven. “Wala ’yon. At gaya nga ng ni Steed, magandang manood at mag-participate sa isang real-life teledrama.”
IRITADO si Kyle. Wala pang isang araw ay nakuha na agad ni Ian ang simpatya ng mga kasamahan niya. Pero kataka-taka pa ba iyon? Si Dallas ang pumili sa mga ito. Sisiguruhin nito na ang magiging miyembro ng team ay hindi chauvinist at malaki ang simpatya sa flight ng mga lalaki.
“Damn!” Ngalingaling pag-uuntugin niya ang ulo ng mga kasamahan niya. Naisahan siya ng mga ito. Sinadya ng mga itong magbukas ng ganoong conversation para magkausap uli sila ni Ian.
Hinugot niya ang satellite phone sa bulsa niyang jacket. Alas-nuwebe na ng gabi. Gising pa siguro si Dallas. ng suot
“Kyle? May problema ba at napatawag ka?” usisa nito nang sagutin nito ang tawag niya.
“Sort of. Pinagkakaisahan ako ng mga teammates ko. Bigla silang naging mga tulay at kakampi ni Ian.”
“Ah, I see. Well, your husband is quite a cutie and beauty.” Natigilan siya. “Paano mo nalaman ang relasyon ko sa kanya?”
“Nang itawag mo sa akin ang tungkol sa lalaking sumunod sa inalam ko agad kung sino siya. And, Kyle Bautista, you lied to me! Isinulat mo sa application form mo na wala kang asawa!”
“I don’t consider myself married, Dallas. Isa pa, malapit nang matapos ang annulment proceedings. Baka nga sa pagbabalik ko sa Maynila ay annulled na ang kasal ko kay Ian.”
“Do you still love him?”
“No. Never again. At kung gusto mo akong sesantihin dahil sa white lie na iyon at pawalang-halaga ang credentials ko”
“No. Ian let you go. But I won’t let you go, Kyle. Unlike him, alam ko kung gaano ka kaimportante sa akin.”
NAPATIGIL sa paglapit si Ian kay Kyle nang marinig niya ang pakikipag-usap nito sa kung sino sa satellite phone. Malakas ang boses nito kaya narinig niya ang mga sinasabi nito sa kausap.
“I also won’t leave you, Dallas. Tutuparin ko ang pangako ko sa iyo.”
Dallas? Pangalan ba iyon ng babae o lalaki? Pero bakit sa tono ng boses ni Kyle ay parang babae ang kausap nito?
Umatras siya. Nagbalik siya sa campsite. Nagsipag- pasukan na sa kanya-kanyang tent ang lahat maliban kay Steed na nananatiling nakaupo sa tabi ng siga. Ito ang magiging bantay nang gabing iyon hanggang madaling- araw. Papalitan ito ng isa sa mga kasamahan nitong kasalukuyang natutulog. Laging may gising sa grupo. Nakita niya sa mga mata ni Steed ang pagtatanong.
Inunahan niya ito. “Sino si Dallas?”
“She’s our immediate boss. Siya ang executive secretary ng CEO/president ng Sea Oil. Bakit?”
“She? Babae siya?”
“Hindi lamang basta babae, pamatay ang beauty at katawan n’on. Beauty and brains. Pero ang tapang at ang taray. Paano mo nga pala siya nakilala?” “Kausap siya ni Kyle sa phone.” “Normal iyon dahil si Kyle ang leader namin at laging humihingi ng updates si Dallas sa progress ng exploration team.”
“Sila ba ni Kyle?”
“Ha?”
“Siya ang girlfriend ngayon ni West?” “No way! Hindi ako papayag do’n!” mariing protesta nito.
Napatanga siya rito.
“I saw her first,” paliwanag nito.“Ako ang unang- unang na-interview at nakita ni Dallas. Naiwan ko sa waiting room si Kyle. Isa pa, kung sa pagandahang lalaki naman ay nakalalamang ako sa kanya.”
Totoo iyon. Ngunit ngayon lamang niya na-realize na ang laki pala ng kompiyansa ni Steed sa sarili nito. “Nililigawan mo si Dallas?”
“No. A girl like that, hindi ka dapat basta sumusugod. Naghahanda ka at nagre-research. Saka pinahahanga mo muna siya dapat sa mga achievements mo. Kapag naging matagumpay itong exploration namin “
“Si Kyle ang mapupuri dito, di ba?” “Teamwork ito. Besides, naririyan ka. You will make sure na hindi magkakaroon ng interes si Dallas kay Kyle, ’di ba?”
Napatanga uli siya rito. May hidden motive pala ito kaya ito mabait sa kanya!
“Kung gano’n, let’s formalize this deal. You will help me get back my husband. Ako naman, sisiguruhin kong malalayo siya kay Dallas.” Inilahad niya ang kanang kamay rito at nag shake hands.
Ngunit bago ito bumitiw ay dinampian din nito iyon ng halik! Gulat na hinaltak niya pabalik ang kanyang kamay. Tumawa lang ito nang malakas.
CHAPTER 9
Ginising si Kyle ng amoy ng masarap na pagkain. Napangiti siya. Simula na naman ng isang magandang araw sa piling ng lalaking pinakamamahal niya. Bumangon siya. Off niya nang araw na iyon at marami siyang planong sorpresa para kay Ian.
Bago siya nakababa ng kama ay bumukas ang pinto. Pumasok si Ian na may dalang tray ng pagkain. “Breakfast in bed?” Ngayon lamang siya nito dinalhan ng almusal sa kuwarto.
“Ayaw mo?” “Of course not!” Napansin niya na para sa dalawa ang pagkaing dala nito.
Umakyat ito sa kama at tumabi sa kanya. Inayos nito sa harap niya ang dalang tray. “Let’s have breakfast,” nakangiting sabi nito kapagkuwan. May kakaibang kislap sa mga mata nito.
“May special occasion ba at masyado mo akong pina- pamper?”
“Ubusin muna natin itong pinaghirapan kong lutuin.”
“Okay then.” Kumutsara siya ng fried rice. Pero niya maisubo iyon ay pinigilan siya nito at hinagkan siya nito nang mariin sa mga labi.
Nang matapos ang halik ay napansin niyang natapon na ang fried rice. Tinawanan lamang nito iyon. “Ano ba’ng nangyayari sa iyo?”
“Okay then, sasabihin ko na sa iyo ang news. Dapat ay kagabi ko pa ito sinabi sa iyo pero masyado kang naging busy sa kung anu-anong bagay.”
“Ikaw man ang
lumagay
sa
katayuan
ko
kagabi
at
salubungin
ng mister ko na
hubot
hubad“
“
Sinubukan
ko pang yung nakita ko sa
tiktok
,
napasubo
na pala ako.“ Tinangka niyang hapitin ito palapit ngunit mabilis
na lumayo ito.
“Listen to my news first.” Isang envelope ang inilabas nito mula sa bulsa ng suot na duster. “This is the letter na nagsasabing natanggap ang book na ipinasa mo sa New York publishing house. Kasama rin dito ang paunang bayad.”
“What?” Kinuha niya rito ang envelope. Totoo nga ang sinabi nito! Ipa-publish na ang libro niya tungkol sa mga oil explorations. At hindi lamang iyon lalabas sa US kundi pati sa iba pang bansa.
“At ayon sa mga comments, your book more like an adventure book than a textbook.
Naku
, Kyle, magiging sikat ka na. Malalagay pa ang picture mo sa likod ng book cover “
“Bakit sumama bigla ang mukha mo?” “Di ba, meron ka nang mga estudyanteng nagkaka- crush sa iyo? This book could make you more popular with girls and even gays.”
“Matagal naman na akong popular sa mga babae at gays, ikaw lang itong hindi pumapansin sa akin,” panunukso niya rito.
Inirapan siya nito. “Dahil ang sungit-sungit mo nga!” Hinila niya ito at saka hinagkan ito sa mga labi. “
Ayon
sa letter, meron akong kailangan pang
pirmahan
,“ sabi niya nang
pakawalan
niya ang mga
labi
nito.
“Gusto mong sumama sa akin sa New York?
Gawin nating second honeymoon iyon.“ “At bakit ako papaiwan dito at pababayaan kang mang-chicks doon?”
Pinagmasdan niya ito. Ilang buwan na silang kasal pero kahit minsan ay hindi pa niya narinig ito na nagsabi na mahal siya nito. Ngunit base sa nakikita at nararamdaman niya, hindi na nito kailangan pang sabihin iyon. Nasisiguro na niyang mahal na nga siya nito.
NAGISING si Kyle. Sa pagmulat niya ng mga mata ay bubong ng tent ang unang nakita niya. Bigla niyang naalalang nasa kabundukan siya ng Palawan. Nanaginip lamang pala siya. Ang panaginip na iyon ay isang bahagi lamang ng nakaraan niya. He was so stupid then. Inisip at pinapaniwala niya ang kanyang sarili na mahal nga siya ni Ian. Ngunit hindi pala totoo iyon. Sa kabila ng pagkakaroon nila ng magandang pagsasama ay nanatiling si Justin pa rin ang mahal nito.
Bumangon siya. Kapagkuwan ay lumabas siya ng tent.
Nadatnan niyang gising na ang lahat ng members ng team niya. Napansin din niya na si Ian ang nagluluto ng almusal.
Nagbalik sa isipan niya ang ginawa nito nang nagdaang gabi, ganoon din ang sinabi nito. Mahal na mahal daw siya nito. He didn’t doubt that. Malinaw na mahal na siya nito. Minahal din siya nito pagkatapos siyang mawala sa buhay nito.
“Masarap ang breakfast natin ngayon. Ian did some wonders with our usual cornflakes and milk,” pagbabalita ni Craven.
Tiningnan niya si Ian. Umalis siya noon upang hindi niya ito masaktan at mapaghigantihan. Ngunit ngayon, wala na siyang pakialam pa kung masaktan ito o umiyak man.
SINIMULAN na ng grupo nina Kyle ang pag-akyat sa bundok. Hindi ganoon ka-knowledgeable si Ian sa oil exploration pero medyo naintindihan niya ang ginagawa roon base sa nabasa niya sa libro ni Kyle. Usually raw ay nasa mga patag na lugar ang oil deposits. Bakit papunta sila sa bundok? May makikita rin bang oil deposits sa itaas ng bundok?
Si Conway bilang isa ring geologist ang nagpaliwanag sa kanya ng lahat.
“Ayon sa naging pag-aaral at research namin ni Kyle, several million years ago, ang bahaging ito ng Palawan ay shallow seas. At dahil dagat ito, maraming nadepositong organic materials. Naging sedimentary basin ito ng lahat ng mga inaanod ng tubig. Then because of an earthquake o paggalaw ng lupa, tumaas ang lugar na ito at naging bundok. Kyle and I believe na sa pagtaas din ng lupa ay mas na-expose ang buried organic materials na sa mga panahong ito ay oil na at nasa itaas ng bundok na ito. Ang mga halamang natabunan ng lupa ilang milyong taon na ang nakararaan ang nagiging oil dahil sa pressure.
“Because of that, it’s possible that this entire mountain could be a huge tank full of oil deposits. We just need to find oil seeps, ’yong oil na tumatagas sa lupa. Kung hindi makikita ng naked eye, ang mga kukunin naming soil samples sa bawat parte ng bundok na ito ang magsasabi kung may oil o wala nga sa bahaging ito ng Palawan.”
Sinulyapan niya si Kyle. Nauuna ito sa kanila. Napansin din niya na hindi lamang soil samples ang kinukuha nito. Kumukuha rin ito ng ilang plant samples. Bigla niyang naalala na hobby nga pala nito ang pagtatanim ng mga herbs at mga flowering plants. Namulaklak noon ang maliit na garden sa harap ng apartment niya dahil dito. At ang unang bulaklak ng mga tanim nito ay lagi nitong ibinibigay sa kanya. Hindi lamang nito basta iniaabot iyon. Minsan ay iniiwan nito iyon sa unan niya, ipapa-special delivery sa office, ngunit ang pinakagusto niya ay kapag inilalagay nito iyon sa isang envelope at pasekretong iniiwan sa loob ng bag niya. “Ian? Are you all right? Gusto mong magpahinga?” usisa ni Conway.
“No. May naalala lamang ako.” Ang katangahan at pagkakamali niya ang naalala niya. Hindi na siya dapat na nakipagkita pa kay Justin. Dapat ay ipinaalam niya kay Kyle ang mga nangyayari.
almost lunchtime. Malapit na tayong magpahinga.“ “Ilang oras pa ba bago natin marating ang ituktok nitong
“Kung ito ay isang ordinary hiking, in a day. Pero mabagal ang progress natin dahil naghahanap tayo ng oil seepage at nangongolekta ng soil samples. Hindi rin diretso ang direksiyon natin. Paikot ang akyat natin. We are mapping the area para pagbalik namin sa Maynila ay kompleto ang research namin.”
“Paano kung may ibang exploration team din dito tulad ng Ravenhurst?”
“Puwede silang dumaan dito. But they can’t explore this area. Nauna ang Sea Oil sa pagkuha ng rights sa pag-explore sa bahaging ito ng Palawan. They could only explore adjacent lands.”
SAGLIT na tumigil si Kyle sa paglalakad nang makita niya ang isang halaman na mukhang munting pine tree. Iyon ang tinatawag na wild Palawan agoho. Malapit nang maging extinct iyon dahil sa pagmimina at quarrying. Kung makakatagpo sila roon ng oil, tiyak na mababawasan na naman ang mga ganoong klase ng halaman. Naghanap siya ng mas maliit na version ng halaman, iyong kakasya sa dala niyang preserving bottles. Itatanim niya iyon sa kanyang garden.
“May nakuha ka na bang medicinal herbs? O’yong herbs na magpapalakas sa resistensiya ng isang lalaki?” biro ni Diesel na nasa likuran niya. “Yayaman tayo kapag nakadiskubre tayo ng gano’ng klase ng halaman.” “Balak mong umimbento ng gamot na panlaban sa Viagra?”
“Why not? Mahal ang blue pill na ’yon at marami pang side effects.” Sumulyap ito kay Ian. Nagkahinala tuloy siya sa susunod na sasabihin nito.
“Diesel, mind your own business. Don’t act like a matchmaker.” Tumawa ito. “Hindi ko gagawin ’yan. Ang totoo, hihingi ako sa iyo ng advice. Ano’ng ginawa mo at na-in love sa iyo nang husto si Ian? Hindi biro itong ginawa niya para lamang makita at masundan ka. Tinalikuran niya ang kanyang buhay-”
“Wala akong maipapayo sa iyo. Gays are always hard to understand. No’ng nagsasama pa kami, ang akala ko ay tama na ang lahat ng ginagawa ko, na romantic ako and that I made him very happy. Iyon pala, bale- wala ang lahat.”
“Imposibleng bale-wala ang ginawa mo noon sa kanya. Siguro delayed lamang ang effect.” “May babae or gay kang gustong paibigin?”
“Ha? No! No! Friend ko ang may problema sa gay. Me, I don’t have problems with them.”
Hindi na siya nagtanong pa. Malinaw na gusto na nitong ibahin ang usapan dahil may nasaling siyang subject na ayaw nitong maungkat.
Nagpatiuna ito sa paglalakad. Biglang sumagi sa isip niya ang composition ng exploration team na iyon. All of them were single men. All were exceptionals in their fields at masasabing mga bata pa. Saka mas mapapagkamalan silang lima na member ng Guwapings kaysa mga scientists. May hitsura kasi ang bawat isa sa kanila. Sinadya ba talaga iyon o nagkataon lamang?
Nang dumating siya sa opisina ng Sea Oil, Inc. ay beinte ang aplikanteng inabutan niya roon. Personal siyang kinuha ng CEO at chairman ng kompanya. Ang interview kay Dallas ay for formalities sake lamang.
Ngayong binabalikan niya sa alaala ang lahat, silang lima na miyembro ngayon ng team ang pinaka-may hitsura sa mga aplikante noon. Sinadya ba iyon ni Dallas? Batid niyang matalino ang babae. Ngayon tuloy ay nagkakahinala na rin siyang may hidden agenda ito para sa exploration team na iyon.
Malakas na sigaw ang pumutol sa pag-iisip niya. Si Diesel iyon! At ang sumisigaw na lalaki ay mabilis na gumugulong patungo sa kanya! Iniiwas niya ang kanyang katawan, sabay hablot sa isang paa nito para mapigilan ang pagdausdos nito.
“Ano’ng nangyayari sa iyo?” tanong niya. “Nadulas ako. Damn! Dapat ay tinitingnan ko ang dinaraanan ko.”
Lumapit na sa kanila ang iba pang mga teammates nila.
“Hey, Kyle, kailan mo balak bitiwan ang binti ko?” “Diesel!” bulalas ni Craven. “May oil ang sapatos mo!” Natawa siya. “You discovered an oil seep!”
Binitawan niya si Diesel. Mabilis na umakyat siya sa lugar na kinahulugan nito. sa kanya ang lahat. Sinuri niya ang oil na tumatagas sa lupa sa bahaging iyon.
“We hit the jackpot!” sigaw ni Steed.
“Not yet. Kailangang matiyak natin na malaki ang oil deposits na naririto. Kung hindi…” “I’m sure na malaki ang oil deposit dito,” wika ni Craven. “Nakikini-kinita ko na ang bonus na naghihintay sa atin.”
Napangiti siya. Sinuwerte sila. Dati ay inaabot sila ng buwan bago makatuklas ng oil deposits.
“I better call up Dallas nang maayos na agad niya ang pagkuha ng rights to drill into this mountain.”
Noon niya napansin ang ekspresyon sa mukha ni Ian. Sumama iyon sa pagkakabanggit niya sa pangalan ni Dallas. Batid niyang nagseselos ito sa boss niya. Ang lamang niya maintindihan ay kung bakit katulad iyon ng ekpresyon nito noong iniisip nito ang tungkol sa mga babaeng magkakagusto sa kanya sa paglabas ng libro niya noon. Hindi pa siya nito mahal noong mga panahong iyon, hindi ba?
Naputol ang kasiyahan nila ng malakas na ugong ng helicopter.
“Ang bilis namang magpadala ni Dallas ng chopper,” komento ni Steed. Tumiim ang mga bagang niya. Ang chopper ay may logo sa tagiliran. Logo iyon ng Ravenhurst! “This is not good.” Mukhang may masamang binabalak ang Ravenhurst. Pero paano agad nalaman ng kompanya na nakatuklas sila ng oil seep? Nagbalik sa isipan niya ang pagkikita nila ni Adam.
“Nilagyan ng Ravenhurst ng bug ang isa sa atin!” belalas niya. “Pinapakinggan nila ang lahat ng sinasabi natin. It’s even possible na tina-track nila tayo.” Naikuyom niya ang kanyang mga kamay sa pagdating ng realisasyon. Mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang grupo nina Adam Smith. Papalapit ang mga ito sa kanila.
“Oh, shit!” sambit ni Conway. “Aagawin nila ang ating find?” “They can’t do that! Hawak natin ang right to explore
this sector-“
“Meron silang mga dalang baril. Saka mas marami sila kaysa sa atin. Kung walang makakabalik sa atin nang buhay sa Maynila o maire-report ang findings natin, they can claim the oil,” nanggigigil na sabi ni Steed.
CHAPTER 10
Napatingin si Ian kay Kyle. Napansin niya na hinihintay rin ng iba pang mga members ng team ang magiging desisyon nito. “Everyone, stay here,” sabi nito mayamaya.
Nagulat siya nang maglakad ito pasalubong sa exploration team ng Ravenhurst. Tinangka niyang habulin ito pero isang kamay ang mahigpit na humawak sa braso niya. Nang lumingon siya ay nakita niyang kay Diesel iyon.
“Don’t, Ian.”
“Paano kung patayin siya? Kung saktan siya?” kinakabahang tanong niya.
“Siya ang leader namin at ito ang desisyon niya. Makikipag-usap siya sa mga taga-Ravenhurst. Lalagyan niya ng distansiya ang pagitan nila sa atin para kung masama silang gawin ay magkakaroon tayo ng pagkakataon na makatakas.”
“May nakita na akong way sa banda rito,” na sabi ni Craven. Noon niya napansin na hawak na nito paanas ang satellite phone. Hindi niya nakita kung paano iyon naipasa ni Kyle dito.
Labis-labis ang takot niya para sa kanyang asawa. Handa itong isakripisyo ang buhay nito para sa kanila ng mga teammates nito. Naramdaman niya ang paghila sa kanya ni Diesel paatras, palayo roon.
“No! Not yet! Hindi natin siya dapat iwan!” protesta Ibinalik niya ang tingin kay Kyle. Nakalapit na ito sa grupo ng Ravenhurst. “What is the meaning of this, Adam? Kami ang may right para mag-explore sa sector na ito!”
“Of course, you do. But Ravenhurst owns this whole mountain. And as its owners, we are now revoking your rights to explore it.”
“Own? Public property ito!” “Kahapon yon. But starting today, private property na ito. Nabili na ng kompanya namin ang bundok na ito. You can even check this at the city hall.”
“Isa kayong foreign company. You can’t own-” “I forgot to tell you. May Filipino company kaming partner sa exploration dito sa Palawan. They are the mountain’s new owners.”
Napatiim-bagang siya. “All this time ay sinusundan ninyo kami, bina- bantayan so that the moment we discover something, you would move in and claim everything is yours!” akusa niya.
“This land is now ours, Kyle. Hindi ko pa hawak ang papeles nito but you can always check it out pagbaba ninyo sa bundok. I mean, if this is not ours, you could always go back here with the police or military to claim the oil. But for now, I am requesting that you and your team leave this land.”
Nahigit niya ang kanyang hininga nang itutok ng mga taga-Ravenhurst ang mga baril na hawak kay Kyle. “You won this round, Adam.”
Tumawa si Adam. “No, Kyle. I always win. I never lose.”
Tinalikuran ni Kyle ang mga taga-Ravenhurst. Hintakot na hinintay niya ito. Hindi maalis ang takot niya na baka bigla na lamang itong barilin. “Let’s go!” mabilis na utos nito nang makalapit ito sa kanila.
Hinaltak siya ni Diesel patungo sa daanang nakita ni
Craven. Nanatiling nasa hulihan si Kyle. Nakaharang ang katawan nito sa anumang bala na maaaring pakawalan sa direksiyon nila.
PAGDATING nina Ian sa hotel sa Puerto Princesa ay naroroon na si Dallas. Hindi niya naiwasang hagurin ito ng tingin. Sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang mga edad nila. Maganda ito. Mestiza rin ito. Pinaghalong Chinese at Kanluranin ang beauty nito. Matangkad ito para sa isang babae. Kasintaas ito ni Kyle na five feet- seven inches ang taas. Kahit simpleng T-shirt at maong na pantalon lamang ang suot nito ay kakikitaan ito ng kompiyansa sa sarili. Puno ito ng aura of authority nang salubungin ang exploration team. Kababakasan din ng galit ang mukha nito. You failed your mission, Kyle!“ sigaw nito. “Paano mo ako mae-expect na ipaglaban ang pananatili mo sa kompanya sa ganitong klase ng resulta?”
“Ravenhurst played dirty.” “That’s not a good enough explanation for the CEO.” Nagtama ang mga mata nila ni Dallas. Napansin niya ang pagtaas ng isang kilay nito. “Why is he still here?”
Hindi niya nagustuhan ang tono nito. Hindi sumagot si Kyle. Nilapitan siya ni Dallas.
“Your presence here is not needed. In fact, nakagulo ka pa nga sa trabaho ng team ko. Na-distract sila sa pagbabantay at pag-aasikaso sa iyo kaya nalagyan sila ng bug. Kung hindi ka naging pabigat sa kanila, my team could have discovered the bug and prevented Ravenhurst from laying claim to the oil-rich mountain!” Nakaramdam siya ng pagkapahiya, lalo pa at hindi lamang ang team ang nakakakita at nakakarinig kundi pati ang iba pang mga tao sa lobby ng hotel.
Ewan ba niya, parang bigla ay may sumabog sa kanya. Kaya imbes na tumahimik at umatras ay gusto niyang lumaban. “Kahit nandoon ako o wala ay maaagaw pa rin ng Ravenhurst iyon. Kung ginawa mo nang maayos ang trabaho mo, kung nag-isip ka, ikaw sana ang nakaisip ng taktika ng mga iyon!”
“Excuse me? They managed to own that mountain because they bribed government officials! I will never stoop to such a low tactic. May reputasyon at prinsipyong pinapangalagaan ang Sea Oil. And before you start shouting at me, alalahanin mo, Ian, na ako ang tanging makakapagligtas sa trabaho ni Kyle. I’m the only one here who can fight for him. Kung hindi ko siya ipaglalaban, he will lose his job and his investment.”
“Yes, malaki rin ang inilagay niyang investment dito dahil pet project niya ito. All of his savings will go to waste if he loses his job. His job that now hangs in a balance because the team failed! Nasa mga kamay ko ang kapalaran at career ni Kyle. I can build it or destroy it. And I will destroy his career, Ian, if you are not going to back off.”
“What?” “Ayoko nang makita ka pa na sumusunud-sunod kay Kyle. Nakakagulo ka sa kanyang pag-iisip at pagtatrabaho. If you insist on following him, ’yang pagsisiksik mo sa sarili mo sa kanya gayong ayaw na niya sa iyo ang sisira sa kanyang career. You claim to love him, right? Then sacrifice. Let him go. Sinaktan mo na siya noon, ngayon ay gusto mong sirain ang kanyang career?”
Napakagat-labi siya.
“I will help him, fight for him para manatili siya sa Sea Oil, pero gagawin ko lamang iyon kung lalayuan mo na siya. You are bad luck for him. He would be useless to the company kung lagi mo siyang ginugulo.”
Tumingin siya kay Kyle. Nakatingin ito kay Dallas. Malinaw na bale-wala siya rito. Nagkabara ang lalamunan niya.
“Craven, please escort Ian to the airport. Oras na para umuwi siya,” utos ni Dallas. Nanghihina ang mga tuhod niya. Inalalayan siya ni Craven.
“I’m sorry,” anas nito.
“Wala kang kasalanan.” Tumingin uli siya kay Kyle. Hindi pa rin siya nito pinapansin. “Good-bye, Kyle. I’m so sorry for everything. Huwag kang mag-alala, hindi na kita guguluhin pa.”
IBINABA ni Dallas ang telepono. Siniguro lamang niya na nakareserba na ang anim na upuan sa flight na aalis bukas at babalik sa Maynila. Ipe-present pa niya sa CEO ang findings ng Crimson Team.
Napangiti siya. Sa isipan pa lamang niya tinatawag na “Crimson” ang exploration team na binuo niya. Hindi pa niya ipinapaalam sa mga members niyon na “Crimson” ang pangalan ng team ng mga ito.
Tumunog ang doorbell ng hotel room niya. Napakunot-noo siya. Wala siyang ine-expect na bisita. Baka bumalik na naman si Ian. Gay in love did crazy things. Sinilip niya sa peephole ang istorbo. “Si Steed!” bulalas niya. Hinayaan niyang mag-doorbell pa ito nang ilang beses bago niya ito pinagbuksan ng pinto. Dire-diretso itong pumasok.
“Alam ko na ang dahilan kung bakit binuo mo ang team na ito, Dallas Miranda! Kung bakit mo ni-require kaming lahat na maging single at may mga hitsura. This wasn’t just an exploration team, this is your stable of studs! Isa sa amin ang pipiliin mo para maging asawa mo!”
Natawa siya.
“That’s stupid! Bakit ko gugustuhing mag-asawa gayong nag-e-enjoy ako nang husto sa single life ko? And excuse me, sa tingin mo ba ay tanga ako para isama ka sa pagpipilian ko gayong alam ko ang reputasyon mo? You are a player. You don’t believe in marriage at tumatagal lamang nang tatlong buwan ang isang babae sa iyo at iniiwan mo na.”
“Kaya ba nagpapakita ka ng interes kay Kyle? Because he can be a perfect husband, faithful, and loving?”
“Sabi nang hindi ako naghahanap ng asawa, eh!” “Kyle can’t love you! He’s a broken man. Mahihirapan na ’yong magmahal uli. Na-trauma na siya. He will never be a good husband to you. Ang totoo, maging sina Craven, Diesel, at Conway ay mahihirapan ka ring paibigin.” Namaywang siya. “Hindi ko na pakikinggan pa’yang mga nonsense na pinagsasasabi mo.”
“You can pick me. I’ll agree to be your husband. Hell, I’ll do whatever you want, just leave the other guys alone. Huwag mo ring pakialaman ang mga love life nila. And you must also promise me na ipaglalaban mo sa father mo ang trabaho ni Kyle. This team needs him. And if you really want this team to really succeed, you need him”
Nabigla siya sa mga sinabi nito hindi lamang ang pag-aalok nito sa sarili kundi ganoon din ang pagkakaalam nito na hindi lamang siya executive secretary ng CEO/ chairman ng kompanya kundi anak din nito kahit sinadya niyang gumamit ng ibang apelyido. “And why would I ever pick you if ever this ridiculous theory of yours is true?” hamon niya rito.
“You chose me to be one of the members of the team. That means you are also attracted to me. The other four off-limits. I’m available. And I certainly have good credentials as well as genes. But you already know that. If you have some feelings for West, I’ll make sure na mawawala iyon. I can make you love me, too, Dallas.”
“Alam mo bang sa inyong lima ay ikaw ang hindi ko pinakagusto dahil sa sobrang kayabangan mo at bilib sa sarili?” “You know very well na totoo ang lahat ng sinasabi ko. I can be the perfect husband you are looking for.”
“You are also incapable of being faithful.” “If you won’t fire Kyle, I swear I will be faithful to you. You will be the only woman for me.”
Natawa siya. “Are you also going to swear to love me until the day you die?”
“Dapat mo akong bigyan ng time para mapag-aralan kang mahalin, Dallas. You are not exactly my type of girl.”
Tumaas ang kilay niya. Ngalingaling ingudngod niya ito sa sahig.
Ngumiwi naman ito. Marahil ay na-realize nito na mali ang nasabi nito.
“Marami kang kapintasan, Steed. But you are honest. Okay then, tatanggapin ko ang alok mo. But you won’t be my husband. Magiging boyfriend muna kita. Kung makakaya mong maging good boy at faithful sa akin, hindi lamang then Kyle would retain his job. But if ever na pagtaksilan mo ako o hindi mo tuparin ang pangako mo, si Kyle ang mapapahamak. I will ruin your life and career at sisiguruhin din ng daddy ko na hinding-hindi ka na makakapagtrabaho pa rito sa Pilipinas. That is a death sentence for you, Steed, dahil matindi ang phobia mo sa long flights.” Kinailangan pa ngang i-sedate ito bago ito napapasakay sa eroplano.
“At ang tungkol sa pagpapakasal natin?”
“Depende iyon sa mangyayari sa ating relasyon. If you can make me fall in love with me, then there will be marriage.” you and you fall for
“At kung hindi mangyayari iyon?” “I will ruin your life and career,” banta
Napanganga ito.
“Well then, tapos na ang usapan nating ito. I’m free tonight so you better take me to dinner. After all, since boyfriend na kita ngayon, we should also start dating.”
MULA sa bathroom ng hotel room ni Dallas ay dinig na dinig ni Kyle ang nabuong kasunduan sa pagitan nina Dallas at Steed. Pagkatapos sabihin ni Dallas na si Steed ang nasa labas ng pinto nagtago siya sa banyo.
Mayroon pang mga bagay na dapat manatiling lihim kahit sa mga teammates niya.
Naging palaisipan sa kanya ang ginawa ni Steed. Bagaman naging magkaibigan sila ni Steed mula nang mapabilang sila sa exploration team ng Sea oil, Inc., hindi pa rin niya inakalang isasakripisyo nito ang sarili para sa kanya.
Lumabas siya ng banyo nang matiyak niyang nakaalis na ito. Nabungaran niya si Dallas na nakatayo pa rin. Mukhang nabigla rin ito sa naging desisyon nito. “Narinig mo ba ang drama ng lalaking iyon? I never thought na ganoon katindi ang friendship ninyo. Well, 1 guess he did that because you saved his life during the training.” Bumunghalit ito ng tawa.
“And maybe because gusto ka rin niyang maikama. Matindi ang phobia niya sa pagsakay sa eroplano ngunit wala siyang takot pagdating sa mga babae. In fact, one of his goals in life is to have sex with one hundred women before he reached the age of thirty. At base sa listahan niya, he’s at number ninety-nine.”
“Ano naman ang akala mo sa akin, papayag doon? Gusto ko lang siyang turuan ng leksiyon para mabawasan ang sobrang tiwala niya sa kanyang sarili. Besides, naasar din ako sa kanya nang pagbintangan niya akong namimili ako ng mapapangasawa sa members ng exploration team.”
“In a way ay totoo naman iyon, ’di ba?” “Kyle, ideya ninyo ni Daddy ang tungkol diyan nang simulan ninyong pagplanuhan ang pagbuo nitong exploration team. In fact, naging biruan ninyo na kung kukunin ninyo ang pinakamatatalinong lalaki rito sa Pilipinas na mayroon ding hitsura at okay na personalidad ay magandang papiliin na rin ako sa kanila ng magiging asawa ko,” paalala nito sa kanya.
“Ikaw ang namili sa mga magiging members ng team ko. Besides, base sa mga alam ko tungkol sa kanila, karapat-dapat ang sinuman sa kanila na maging asawa “ mo.”
“My God! Pati ba naman ikaw ay obsessed na rin sa pag-aasawa ko?” “Nag-aalala lamang kami ng daddy mo na tumandang dalaga ka dahil bukod sa laging trabaho ang inaasikaso mo ay perfectionist ka rin pagdating sa lalaki.”
“I’m only twenty-five years old! Hindi pa ako matandang dalaga!”
Napangiti siya.
“Well, since nakapagdesisyon ka nang si Steed-” “Hey, I’m not marrying him. Tuturuan ko lamang siya ng leksiyon. Wait a minute, paano nga pala nalaman ni Steed ang tungkol sa biruan ninyo ni Daddy? Sinabi mo ba iyon sa kanya pero pinapaniwala mong totoo talaga na naghahanap ako ng asawa?”
“Bakit ako ang pinaghihinalaan mo? Ang daddy mo ang gustung-gusto ka nang mag-asawa ka at magkaapo siya. Hindi ko ugaling manloko ng mga tao para-” Nagtaasan ang mga kilay nito.
“At ano ang itatawag mo ro’n sa dramang ginawa natin sa lobby ng hotel kanina? ’Di ba, panloloko iyon kay Ian at sa team mo?”
“That was different. Alam mo kung ano ang tunay na sitwasyon namin ni Ian. Ang pinakamagandang mangyari sa amin ay ang mapawalang-bisa na ang kasal namin.”
“Ang drama mo talaga. Kung alam lang ng lahat na ang cool at so sure leader ng Crimson team ay madrama, bababa ang tingin nila sa iyo.”
“Crimson? Iyon ang tawag mo sa team?” “Yeah! Nice, ’di ba? ‘Brilliant red’ ang ibig sabihin n’on.”
“Hindi bagay. Parang pangalan siya ng grupo ng mga babae,” reklamo niya. “That is very illogical, Dallas!”
“At kailan naman naging very logical creatures ang mga babae?” “Oh, yeah! Bakit ko nga pala nakalimutan iyon pagkatapos kong ma-witness ang pamamaraang ginamit mo para mapilit mo si Steed na maging boyfriend mo.”
“Hey, hindi ko siya pinilit, siya itong nag-apply at- oh, shit! Meron nga pala kaming date mamayang gabi!” “Three hours from now pa iyon.”
“Kulang ang three hours! I need to go to the parlor, find a dress, take a shower! I have to go now!” Natatarantang binuksan nito ang dalang bag. “Oh, God! Wala akong baong dress!”
Kumunot ang noo niya. Women. Ang hirap talagang intindihin ang mga ito.
CHAPTER 11
Dahil sa mga naganap sa Palawan, tuluyan nang na- realize ni Ian na hindi na sila magkakabalikan pa ni Kyle. Isang linggo na ang nakararaan mula nang umalis siya ng Palawan. Marahil ay nakabalik na rin sina Kyle sa Maynila. May bagong buhay na ito ngayon at bagong pag-ibig sa katauhan ni Dallas.
Masakit iyon para sa kanya. Ngunit dapat niyang tanggapin iyon. Kasalanan niya. At imbes na makabawi siya sa nagawang pagkakamali, muntik pa siyang makalikha ng gulo sa buhay nito. Hindi na siya nito kailangan pa. Huli na para sa pagsisisi… at realisasyon.
Huminga siya nang malalim. “Mama, dito na lang ho ako,” aniya sa driver ng kinasasakyang jeep. Bumaba siya nang huminto iyon. Dalawang bloke pa ang lalakarin niya bago siya makarating sa apartment niya.
Muling nanariwa sa isip niya ang mga alaala ng kahapon. Kapag ginagabi siya ng uwi ay sinusundo siya ni Kyle sa opisina niya. Matiyaga itong naghihintay sa kanya.
He was so stupid! Sa isang iglap ay kinalimutan niya ang mga ginawa nito para sa kanya. Nagpa- impluwensiya siya sa isang nakaraan.
Malapit na siya sa kanyang apartment nang mapahinto siya sa paglalakad kasabay ng paghigit niya ng hininga. Isang anino ng lalaki ang nakita niyang nakaupo sa tatlong baitang na hagdan ng apartment niya! Tumayo ang lalaki nang makita siya nito.
Si Kyle ang lalaki. Sinundan siya nito? Napabilis ang paglalakad niya. Pero hindi si Kyle ang lalaki. “J-Justin? Ano’ng ginagawa mo rito?” Hindi niya naitago ang disappointment sa tinig.
“Nagbabaka-sakali. Ngunit mukhang hindi ka masaya na makita ako.”
“I’m so sorry, Justin.”
“Mukhang nakokonsiyensiya ka pa rin sa ginawa natin. Almost two years na mula nang mangyari iyon. Malapit na ring ma-annul ang kasal mo kay Kuya. Stop punishing yourself, Ian. It’s time for you to give our love another chance.”
“Justin, tapos na tayo.”
“Sinabi mo lamang iyan noon dahil sa guilty feelings mo. Stop feeling guilty, Ian!” “Yes, it was guilt and also the realization na nagkamali ako ng akala. Ang akala ko ay ikaw ang mahal ko pero si Kyle na pala. I was just reliving our memories, our love.” “Hindi ako naniniwala sa iyo. At sa pagkakataong ito, hindi mo na ako maitataboy. I will stay here. I will love you-” “Excuse me!” singit ng isang boses.
Paglingon niya ay nakita niya si Steed. Mabilis na nakalapit ito. Pumagitna ito sa kanila ni Justin.
“Pasensiya na kung puputulin ko ang dramatic scene ninyong dalawa. Pero walang patutunguhan iyan, Justin You are Justin, right? Kahawig mo kasi si Kyle, but Kyle has a more commanding personality. You look like pang- supporting cast lang.”
“Sino ka ba?” iritadong tanong ni Justin. “Ako ang sundo ni Ian.”
“Sundo?” magkasabay halos na sabi nila ni Justin. “Yup! Kyle requested that I fetch his husband or wife.”
“Ipinatatawag ako ni Kyle? Bakit?” Muling nabuhay ang pag-asa sa puso niya. “No idea. Pero ang sabi niya ay sunduin kita.”
“Wait, basta ka na lamang ba sasama sa lalaking iyan? Ano’ng kasiguruhan mong ang kuya ko nga ang nagpapasundo sa iyo?” “None,” sagot ni Steed. “Pero sa tingin ko ay mas trustworthy ako kaysa sa iyo dahil nagawa mong agawin ang misis ng sarili mong kapatid.”
Tumiim ang mga bagang ni Justin.
Hinawakan na niya sa braso si Steed bago pa mauwi sa away ang lahat. “Let’s go, Steed. Gusto ko nang makita si Kyle.”
Tumingin siya Justin bago niya iniwan ito. Madilim ang mukha nito. Ayaw niyang mangyari ang bagay na iyon ngunit dapat nang layuan siya ni Justin. Dapat nitong ma-realize na tapos na talaga ang lahat sa kanila.
Sumakay siya sa dalang sasakyan ni Steed.
105
“Nasaan nga pala si Kyle?” tanong niya.
“Nasa office. Meron siyang ginagawang research laboratory doon.”
“Doon niya ako pinapupunta?” Itinigil nito ang kotse. “Actually, hindi niya alam itong ginawa ko. I’m sorry about this, Ian. Hindi ko ito gustong gawin but I have no choice.” Isang panyo ang mabilis na itinakip nito sa kanyang mukha.
Nagpumiglas siya. Ngunit nalanghap pa rin niya ang kemikal na nasa panyo. Nagsimulang dumilim ang kanyang paningin.
ANG TWO-STOREY building sa malaking compound ng Sea Oil, Inc. ay bagong tayo lang. Kasabay na ipinagawa iyon habang naghahanap ng mga magiging miyembro ng exploration team. Doon nagre-research at gumagawa ng experiments ang mga magagaling na scientists ng Sea Oil, Inc. Ngunit sa labas, ang gusali ay animo isang bodega. Kakaunti rin sa mga nagtatrabaho sa Sea Oil ang nakakaalam na ang bagong gusali ay isang secret research facility. Mahirap kasi kapag natuklasan ng mga kalaban ng Sea Oil ang mga findings ng kompanya tungkol sa energy at langis.
Mula nang manggaling ang Crimson Team sa Palawan ay sa gusaling iyon na naglalagi si Kyle. Kasalukuyang iniinspeksiyon niya ang growth ng halaman sa animo plant incubator sa loob ng laboratory nang bumukas ang pinto
Hindi na siya nagtaka nang makitang si Dallas ang pumasok. Ito ang project manager ng research na iyon. Napansin niya na may dala itong dalawang mugs. Iniabot nito sa kanya ang isa. Tsa ang laman niyon.
“So, kumusta ang growth ng lantillas?” “Okay naman. Nagawang magaya ng mga technicians dito ang mountain condition ng Palawan.”
“That’s good. The next step would be to develop lantillas that could grow anywhere. Mahihirapan tayong paramihin sila kung masyado silang sensitive sa klase ng lupa at weather condition.” Tumawa ito. “Those Ravenhurst people thought na naisahan nila tayo, na sila ang nanalo dahil nakuha nila ang oil. Kung alam lamang nila na aksidente lang ang pagkakadiskubre ng team sa oil. That oil would get exhausted after a few years, pero ang lantillas na nagpo-produce ng oil na maipampapalit sa crude oil ay maaaring i-cultivate to produce oil forever.”
“Kailan nga pala natin sasabihin sa ibang members ng team na ang purpose namin sa pagpunta sa Palawan ay hindi oil kundi itong lantillas? Nakokonsiyensiya ako nang makita ko ang labis na panghihinayang at kalungkutan nila. All of them thought our mission failed.”
“Let them think the exploration failed para sa next project ninyo ay mas maging masikap sila. Mas magiging masigasig silang magtagumpay.”
“Pero dapat nilang malaman ang tungkol sa lantillas.” “They will at the right time. Anyway, bakit hindi ka pa umuuwi? Ikaw na lamang ang naririto sa building. Huwag mong sabihin na gagawin mo na naman itong tulugan? Meron ka nang sariling bahay, ’di ba?” “I’m just making sure that everything here is okay.” “Okay then. Pauwi na ako. Unlike you, hindi ko pinaiikot ang buhay ko sa aking trabaho.”
“Another date with Steed?” Ngumiti ito. “Sort of.”
“Hindi ko alam kung dapat kong bigyan ng warning si Steed o hindi.” “Ano’ng akala mo sa akin, dangerous?”
“Very!” Natawa siya. Tatawa-tawang iniwan na siya nito.
Ibinalik niya ang atensiyon sa mga lantillas. Nadiskubre niya ang halaman noong mga panahong depressed siya nang labis dahil sa ginawa ni Ian sa kanya. Kung saan-saang bundok siya nagpunta nagha- hiking, mountain climbing, at kung anu-ano pa. Paraan niya iyon ng paghahanap ng lugar na magbibigay sa kanya ng katahimikan.
Isang tribu sa Palawan ang natuklasan niyang gumagamit ng isang kakaibang langis sa ritwal ng mga ito. Mahirap daw kunin at ipunin ang langis na iyon kaya sa mga espesyal na okasyon lamang ginagamit.
Bilang isang geologist, agad niyang napansin ang pagkakapareho ng langis na iyon sa langis na ginagamit sa mga sasakyan. Ngunit ayon sa tribu, mula iyon sa isang halaman na tumutubo lamang sa isang bundok sa Palawan. Very rare daw ang halamang iyon. At para makakuha ng isang kutsarang oil, kakailanganin ng limampung buto niyon.
Inalam niya ang lokasyon ng halaman. Humingi siya ng sample ng langis at dinala niya iyon para ipakita sa chairman at CEO ng Sea Oil na si Salvador Rodriguez. Nabalitaan na kasi niya ang pagiging environment friendly ng kompanya. Ginagawa niyon ang lahat ng paraan para mabawasan ang polusyon na dulot ng pagkasunog ng oil fuel. Noon niya natuklasan na ang kaibigan niyang si Dallas Miranda ay anak pala ni Salvador Rodriguez. Dahil sa all-out support sa kanya ni Dallas ay nabuo ang exploration team na siyang pinangungunahan niya sa kasalukuyan.
Hindi niya naiwasang balikan ang nakaraan. Nang matuklasan ni Dallas ang tungkol sa kanyang secret love kay Ian ay paulit-ulit siyang kinumbinsi nito na bumalik sa Pilipinas para ipagtapat sa lalaki ang feelings niya. Lagi niyang ikinakatwiran na boyfriend na ng kapatid niya si Ian. Pero nang maghiwalay ang mga ito-na hindi niya alam kung paano nabalitaan ni Dallas ay bigla na lamang itong sumulpot sa apartment niya. May dala na itong plane ticket niya pabalik sa Pilipinas.
“This is your chance, Kyle! Huwag ka nang magdalawang-isip pa!”
Napabuntong-hininga siya. That was then. Ngayon naman ay ginagawa ni Dallas lahat ng paraan para tulungan siyang makalayo kay Ian. Nakokonsiyensiya raw kasi ito sa nangyari sa kanya. will never let him hurt you again, Kyle,“ pangako nito sa kanya.
NANG pagbalikan ng malay si Ian ay natagpuan niya ang sarili sa loob ng isang bathroom cubicle. Wala siya maski isang saplot sa katawan! Pinagsamantalahan ba siya ni Steed? Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Sinuri din niya ang kabuuan ng kanyang katawan.
Nakahinga siya nang maluwag pagkatapos. Hindi siya na-rape. Pero ano ang binabalak ni Steed sa kanya at dinala siya nito roon at iniwang nakahubad?
Nakiramdam siya. Mukhang siya lamang ang tao sa restroom. Gabi na rin. Pinangahasan niyang sumilip sa pinto ng cubicle. Nakita niya ang mga toilet bowls na panlalaki na nakahilera sa mga dingding! Nasa men’s restroom siya!
Nahintakutan siya. Batid niyang kailangan niyang makaalis agad doon bago pa may kung anong masamang mangyari sa kanya. Pero paano siya lalabas ng restroom sa ganoong hitsura? Kailangan niyang takpan ang kanyang katawan!
Narinig niya ang pagbubukas ng pinto. Umurong siya pabalik sa cubicle. Agad din niyang ikinandado iyon. Si Steed na ba ang dumating? Naghagilap siya ng magagamit na panghataw. Lalaban siya! Ang takip ng toilet bowl ang naispatan niya. Mabigat iyon at tiyak na makakasakit sa sinumang magtatangka ng masama sa kanya.
Narinig niya ang papalapit na yabag. Naaninag niya ang anino sa ibaba ng pinto ng cubicle niya. Abut-abot ang kaba niya. Lumagpas sa cubicle niya ang anino. Mayamaya ay narinig niya ang pagbubukas ng gripo, kasunod niyon ang pag-agos ng tubig.
Mukhang hindi si Steed ang dumating. Baka ibang tao. Security guard ng building? Magsasalita na ba siya at hihingi ng tulong?
Napakislot siya nang marinig niya ang pagtunog ng isang cell phone. Cell phone iyon ng taong pumasok sa restroom.
“Hello?”
Agad na nakilala niya ang boses ng lalaki. “Yes, pauwi na ako. You are starting to sound like my mom.” Tumawa ito. Mabilis na binuksan niya ang pinto ng cubicle.
Napatanga ang lalaking may hawak ng cell phone.
“Ian?”
“Kyle! Help me!” malakas na sabi niya, sabay yakap dito nang mahigpit.
ANG LAHAT ng eksenang nagaganap sa men’s restroom ay kitang-kita ni Steed sa TV monitor sa harap niya. camera
“Ngayon ko lang nalaman na merong security sa men’s restroom,” komento niya.
“Kaninang umaga ko lang ipina-install ’yan. Pero bukas ay ipapaalis ko rin ’yan,” sagot ni Dallas na nasa likuran niya.
Nilingon niya ito.
“Ano’ng ginagawa mo riyan?”
“Naglalagay ng tape.” “We are going to tape this?”
“Of course!” Pagkatapos mailagay sa VHS ang tape ay umupo ito sa tabi niya.
Ibinalik niya ang atensiyon kina Ian at Kyle.
Nahubad na ni Kyle ang suot nitong polo at at pinasuot iyon kay Ian. Napangiwi siya nang sinimulan nang ikuwento rito ni Ian ang ginawa niya. “You know, nagmukha akong kontrabida rito. Tiyak na magagalit sa akin si Kyle.”
“Don’t worry, ako’ng bahala sa iyo.” Isang remote control ang nakita niyang pinindot nito.
“Para saan ’yan?”
“Ah, this will automatically lock the door of the restroom.” Bumungisngis ito. “Inaasahan mo ba na magkakasundo sila oras na ma-lock sila nang buong magdamag sa restroom?”
“Not sure. Ang nasisiguro ko lang, those two are going to make love.”
“Kyle? Hindi por que nakahubad si Ian ay basta na lamang niya susunggaban ito. Siguro kung ako ang nasa sitwasyon niya, baka manunggab ako.”
“Of course, I know Kyle’s personality. Kaya ko nga nilagyan ng Viagra ’yong tea na ipinainom ko sa kanya. He won’t have control of his body. Tingnan mo nang mabuti ang pantalon niya. Naninikip na, ’di ba? Nagpo-provide kasi ng stimulus ang naked body ni Ian.”
Kumunot ang noo niya. “Akala ko, ayaw mong makalapit si Ian kay Kyle? How come ginagawa mo ito? Why are you playing matchmaker to them?”
“Matchmaking is my hobby simula pa no’ng bata ako. My mother died when I was young and I wanted a perfect mother. Kaso lahat ng dinadalang girlfriend daddy ko ay hindi ko nagugustuhan. So I decided to ng find a woman na gusto ko at magugustuhan din niya ako. I succeeded. Hanggang ngayon ay masaya pa rin ang daddy ko sa piling ng Mommy Eloise ko. Expert ako rito. Lahat ng i-match ko ay nagkakatuluyan.”
Nagkahinala siya. “May balak ka bang i-match din ang bawat isa sa mga members ng exploration team?”
“Of course! And you as my official boyfriend will help me–whoa! Umiinit na ang eksena!”
Bigla siyang napatingin sa TV monitor. Nakayakap na si Ian kay Kyle. Hinahagkan nito sa lips ang lalaki. “Dapat ba nating panoorin ito? This is a very private matter.”
“Malay mo, makakuha ka ng magagandang technique mula kay Kyle.”
“Puwede ko bang gamitin ang mga techniques na iyon? After ba nitong live show ay puwedeng tayo naman ang magka-love scene?”
Tumawa ito.
“Paibigin mo muna ako, Steed. Tapos, saka kita ibigyan ng love scene.” “Virgin ka pa ba?”
“Importante ba sa iyo iyon?”
“Not really. Pero ang technique ko ay ibinabagay ko klase ng experience ng babae. To make our lovemaking ore enjoyable.”
“Oh, my God!” bulalas nito.
Ibinalik niya ang atensiyon sa TV monitor. Mainit na ang eksena sa restroom! At bakit ganoon ang behavior ni Kyle? Ang akala niya ay ayaw na nito kay Ian. A man who was no longer in love with a gay at nasa impluwensiya lamang ng sex drug would just do the act. Hindi na ito magpo-foreplay para lamang maihanda ang lalaki. Pero sinisiguro ni Kyle na masisiyahan din nang husto ang mister nito sa nagaganap na lovemaking.
CHAPTER 12
Tatlo ang wash sink sa restroom. Pinagdurugtong ang mga ito ng light brown adobe tiles. Sa ibabaw ng wash sinks ay may isang mahabang salamin. Sa salamin nakasandal si Ian habang nakaupo siya sa mga tiles na nasa pagitan ng dalawang wash sinks.
Nang yumakap siya nang mahigpit kanina kay Kyle dahil sa tuwa ay agad niyang napansin ang epekto ng paglapat dito ng kanyang hubad na katawan. Ang pagmamadali nitong isuot sa kanya ang polo nito ay malinaw na paraan nito para huwag nang maakit sa kanya.
Kaya imbes na ibutones niya ang suot na polo ay pinangahasan niyang hagkan ito nang mariin sa mga labi. Ipinadama niya rito ang pagmamahal at labis na pangungulila niya rito. Sinadya niyang idikit ang kanyang katawan sa katawan din neto.
Kyle was a very passionate man. Madali niya itong mapag-init noon. Imposibleng agad na magbago ito pagkalipas lamang ng isang taon. Sumugal siya na muli ay maaari niyang maakit ito.
Hindi siya nabigo. Tinugon nito ang halik niya. Yumakap siya nang mahigpit dito. Hindi na niya ito pakakawalan. Hinatak niya ito palapit sa kanya. Natuwa siya nang hindi ito tumutol at patuloy pa rin siyang hinagkan.
Gusto sana niyang magsalita, sabihin dito kung gaano niya ito kamahal, ngunit nangangamba siyang magising ito sa animo trance na nangyayari dito. Hinawakan niya ang isang kamay nito at dinala iyon sa kanyang dibdib. Sinimulan din niyang palayain sa pagkakakulong sa pantalon nito ang nag-uumigting na pagkalalaki nito.
Napapikit siya nang nilaruan neto ang isang utong niya. Tinanggap nito ang iniaalay niya. Sunud-sunod ang naging dasal niya na sana ay huwag matapos iyon, na magpatuloy ito sa ginagawa. Itinaas niya ang kanyang mga paa sa adobe tiles para mas mabigyan ito ng access para makita at maramdaman nito na gusto niyang angkinin na siya nito.
Binawi nito ang mga labi nito. “Kyle…” Nagkabikig siya sa lalamunan. Nakontrol na nito ang init sa katawan nito!
Marahang yumukod ito. Ibinaba nito ang ulo sa kanyang kandungan.
“Oh, God!” bulalas niya nang muli niyang maramdaman ang maiinit na halik nito. Hindi na nito kailangan pang gawin iyon. Nakahanda na siyang tanggapin ang pagkalalaki nito.
Napapikit siya nang dumaloy ang kasiyahang dulot ng kakaibang halik ng bibig nito sa kaibuturan ng kanyang pagkalalake. Nang unang beses na gawin nito iyon sa kanya ay nabigla siya nang labis. Tinangka niya itong pigilan.
“ I want to love all of you, Ian. To know your “ waste your smell, everything about you.“
Napaungol siya. Pinaghiwalay na niya nang husto ang mga hita niya para mas mabigyan ito ng higit na laya. Mabilis niyang narating ang kasukdulan. Ngunit hindi sapat ang kasiyahang iyon. Gusto niyang maramdaman ang pag-iisa ng kanilang mga katawan.
Ikinulong niya sa kanyang mga kamay ang mukha nito. Iniangat niya iyon at pinagpantay niya ang kanilang mga mata. “Take me, Kyle. Take me!” pautos na pakiusap niya. Kumurap ito. Pinanlamigan siya. Ang mga mata nito na nakatingin ngayon sa kanya ay wala nang apoy! Nagbalik na ang katinuan ng isip nito.
“No,” tanggi nito. “I love you so much.”
Kumilos ito para umatras. Nahintakutan siya.
Ikinawit niya ang kanyang mga paa sa baywang nito. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg nito.
“Please, Ian, let go.”
“No! Minsan na kitang pinayagang mawala, hindi ko na uulitin pa ang pagkakamaling iyon!”
“Walang patutunguhan ito. Kahit may mangyari pa sa atin-“Natigilan ito. Nagdikit kasi ang kanilang mga baywang. “It won’t work! This will just be sex!” “Hindi ako naniniwala ro’n! Ang mga ginawa mo sa akin kanina-” “Nakalimot ako. Nakontrol ako ng aking katawan. Ng pagnanasa!”
Noon niya napansin na nakahimlay na ang pagkalalaki nito sa kanyang kandungan. Magkahugpong na ang kanilang mga katawan. Kabaligtaran ang ginagawa ni Kyle sa sinasabi nito!
“You can still love me, Kyle.” “No…” Nag-iwas ito ng tingin. Ngunit dalawang ulos ang ginawa ng pagkalalaki nito. Pinigil niyang mapaungol. Pinaharap niya ito sa kanya. Naiintindihan na niya ang nangyayari, nilalabanan ng isip nito ang init ng katawan nito. Kung hindi siya gagawa ng paraan ay mananalo ang isip nito. Lalayo ito at iiwan siya. Siniil niya ito ng halik sa mga labi.
“I don’t love you, Ian!” sabi nito sa pagitan ng paghalik niya. “I don’t care!” wika niya sa kabila ng sugat na nilikha mga sinabi nito sa kanyang puso. “I won’t love you…” Nagsunud-sunod na ang pagdating ng mga ulos na nagdudulot ng pagsidhi ng pisikal na kasiyahan sa kanyang katawan.
Tumulo ang mga luha niya. Sa kabila ng kasiyahang bumabalot sa kanyang katawan ay nasasaktan ang kanyang puso.
“Kung gano’n, hayaan mong ako na lamang ang magmahal sa iyo.”
Napatitig ito sa kanya. Naramdaman niya ang pagdating ng kasukdulan. Kasabay ng pagsabog ng kasiyahan ang pagdaloy uli ng kanyang mga luha. Yumakap siya nang mahigpit dito. Sumubsob siya sa dibdib nito.
“I got over Justin, Kyle Ngunit hindi ko magawa iyon sa iyo. And I don’t want to stop loving you, kahit ipagtabuyan mo pa ako.” Bumukas ang pinto. Sabay silang napatingin ni Kyle doon. Nakita nila ang isang nabiglang security guard.
Noon niya na-realize na hindi pa sila naghihiwalay ni Kyle! Magkahugpong pa ang kanilang mga katawan!
NAKATUNGO si Kyle. Hindi niya kayang tumingin nang diretso kay Salvador Rodriguez. Malaking eskandalo at pambabastos ang nagawa niya sa kompanya nito. Oo nga at hindi kumalat ang ginawa niyang pakikipagtalik sa restroom ng mga lalaki pero ipinarating ng security guard na nakahuli sa kanila ni Ian ang behavior niya kay Mr. Rodriguez mismo.
“Malaki ang respeto ko sa iyo, Ky, kaya kinuha kita. But this behavior of yours is just too much!” “I’m very sorry, Sir.”
“Iyan lamang ba ang masasabi mo? I need an explanation kung bakit dito sa opisina ko mo ginawa ang bagay na iyon? Meron kang sariling bahay and you can definitely afford a hotel-”
“Dad, the gay is his husband,” singit ni Dallas. Inabutan na niya ito sa opisina nang dumating siya roon. Hindi niya alam kung kakampi o kaaway na niya ito. “Or rather future ex-husband.”
“Future ex-husband?” Binalingan ni Mr. Salvador ang anak nito.
“Nag-file na si Kyle ng annulment. Ayon sa kanya ay ayaw na niyang makita pa ang mister niya. He said he doesn’t love him anymore.”
Tumaas ang kilay ni Mr. Rodriguez. Tumutok na uli ang mga mata nito sa kanya. “Ang behavior mo kagabi ay hindi gawain ng isang lalaking makikipaghiwalay sa isang asawa na hindi niya mahal! That kind of behavior is done by men who can’t keep their hands off their lover dahil sa sobrang pagmamahal!”
“I’m not in love with Ian,” aniya. “Stop lying to yourself, Kyle! At bakit nga pala nakipaghiwalay ka sa kanya?” Sasagot na sana siya ngunit inunahan siya ni Dallas.
“Nakipag-date kasi ang mister niya sa dating boyfriend nito na younger brother niya.”
“Whoa! Ang komplikado naman ng love life mo,” komento ni Mr. Salvador.
Napatikhim na lamang siya. Hindi niya alam kung paano magre-react sa sinabi nito. Sinulyapan niya si Dallas. Seryoso ang mukha nito pero may kakaibang kislap ang mga mata nito. Kislap ng kapilyahan. Ano ang binabalak nito?
“Don’t fire him, Dad. He is still one of our best employees. Saka dahil sa kanya kaya natin natuklasan ang lantillas. That plant is going to give us a lot of money. Matatalo natin in one sweep ang mga oil cartels. Kyle’s behavior with his husband won’t happen again. ’Di ba, Kyle? Anumang feelings o desire na nararamdaman mo para sa kanya ay wala na. What happened last night was closure, right?”
“Totoo ba iyon, Kyle?” tanong ni Mr. Salvador. Tumango siya.
“Kung gano’n, palalagpasin ko ang ginawa mo. Lalaki rin naman ako. But I don’t want that to happen again. Hindi motel ang mga restrooms dito!”
“Thank you, Sir.”
“And if you really don’t love this lover of yours, stay away from him.” “I really have no intention of seeing him again, Sir. Magko-concentrate na lamang ako nang husto sa trabaho ko.”
ISANG buwan na ang nakararaan mula nang may maganap kina Ian at Kyle. Tinangka ni Ian na makipagkita o makausap man lamang si Kyle pero lagi siyang bigo. Animo itinatago ito ng mga taga-Sea Oil. Hindi naman niya magawang magtanong sa mga magulang ni Kyle. Batid niyang galit pa rin ang mga ito sa kanya. Isa pa, baka naroroon si Justin. Umasa siya na kahit paano ay nagbunga ang naganap sa kanila ni Kyle. Pero two days ago ay dinatnan siya. Animo isang panaginip lamang ang naging pag-angkin nito sa kanya. “Mukhang sa kabila ng heartaches kay Kyle ay maayos ka pa ring nakakapagtrabaho, ah.” Nag-angat siya ng tingin mula sa mga resumés na binabasa niya. Nagulat siya nang makita niya si Dallas Miranda na nakatayo sa pintuan ng cubicle niya.
“I also found out that you are good at your job. Sinasayang mo ang talent mo rito. How about working for me? Mas mataas ang suweldo at magkakaroon ka rin ng chance na makita si Kyle?”
Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito.
“I need an answer as soon as possible, Ian.” “I can’t just leave! Meron akong mga responsibilities dito at malaki ang respeto ko sa boss ko.”
“Madali kang maihahanap ng boss mo ng replace- ment. Besides, your boss answers to me. I bought this agency.” Ngumiti ito. “So, are you going to argue with me o tatayo ka riyan at sasama ka sa akin? Consider yourself promoted. You will be managing the HRM department of Sea Oil, Inc., dito sa Pilipinas.”
“Bakit mo ginagawa ito? Ikaw ang nagsabi sa akin noon na layuan ko si Kyle, that-”
“Ah, that. Produkto lamang iyon ng inis ko sa iyo dahil sinaktan mo si Kyle. He is my best friend, you know, Kuya ang tingin ko sa kanya. But after investigating you thoroughly, I realized you do love him and you deserve another shot to get him.”
Wala siyang masabi. Nalilito siya. Ano ang nangyayari? Pero wala siyang nagawa nang hawakan siya ni Dallas at hilahin palabas ng agency. Dinala siya nito sa tabi ng isang nakaparadang kotse kung saan nakasandal si Steed!
“Ikaw! Ang ginawa mo sa akin ay-“Nakalimutan na niyang isumbong sa pulis ang ginawa nito sa kanya. “It wasn’t my idea!” mabilis na pagtatanggol nito sa
sarili. “It was hers!” Itinuro nito si Dallas na tumatawa na. “She is an obsessed matchmaker. Oras na masiguro niyang bagay ang dalawang tao sa isa’t isa, hindi siya titigil hangga’t hindi nai-in love ang dalawang taong iyon sa isa’t isa.”
FINAL CHAPTER
NAGTAKA si Ian nang dalhin siya nina Dallas at Steed sa isang kuwarto na puno ng kung anu-anong electrical equipment. Pinaupo rin siya ng babae sa isang mesa kung saan mayroong nakapatong na microphone.
“Nasaan si Kyle?” tanong niya.
“Nagtatrabaho siya sa loob ng isa sa mga buildings na naririto sa compound ng Sea Oil,” sagot ni Dallas.
“Maririnig niya ang lahat ng sasabihin mo through the microphone. It is a public address system kaya maririnig din iyon ng lahat ng tao rito. Hindi mo lamang sa kanya sasabihin ang pag-ibig mo at paghingi ng tawad kundi sa lahat ng empleyado ng Sea Oil. Kung kahit kaunti ay may pagtingin siya sa iyo, he would come to you here. Matindi ang gagawin mong ito, Ian. Nakakahiya ito but it would also be solid proof kay Kyle ang feelings mo sa kanya since public declaration of love and apology ito. So are you up to this? Kung hindi ito eepekto sa kanya, then all is lost. You can never regain back his love.”
Maririnig ng lahat ang sasabihin niya? Nakakahiya nga iyon ngunit kaya niyang gawin iyon. Pero ano ang sasabihin niya para mapapunta niya roon si Kyle? Para matunaw niya ang yelong nakabalot sa puso nito? Para mahalin uli siya nito o hayaan siya nitong mahalin uli ito?
Paulit-ulit na niyang sinabi rito kung gaano niya ito kamahal at maging ang labis na pagsisisi niya pero hindi siya nagtagumpay na maabot ang puso nito. Pinagmasdan niya ang microphone. Huling baraha na niya iyon. Sumulyap siya sa likuran niya. Nakatayo roon sina Dallas at Steed. Pero malinaw na walang ibibigay na tips ang mga ito. Sa kanyang mga kamay at sa mga sasabihin niya nakasalalay ang lahat.
Hinawakan niya ang microphone at inilapit sa kanyang Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita. “No’ng bata pa ako, laging sinasabi ng lola ko na merong dadating na lalaki na para sa akin at ako ay mamahalin at tatanggapin nya ako ng buong-buo. Ang sabi rin niya, oras na makita ko ang lalaking iyon ay agad kong matitiyak na siya ang nakalaan para sa akin.”
“She was right. Ngunit ako ang nagkamali. Inakala ko na ang mabait at palangiting batang lalaki na kapitbahay namin ang itinakda para sa akin. Ngunit ngayon, naging malinaw na sa akin na ang talagang napansin ko, ang tumatak nang husto sa aking isipan ay ang batang lalaki na pinagalitan ako dahil sa pagkakabasag ko sa isang flower vase, ngunit imbes na isumbong ako sa kanyang ina ay yinako niya ang kasalanan at pinagtakpan ako.”
“I was so young then to even thank him. In fact, nagalit pa ako nang sobra sa kanya dahil sinermunan niya ako at sinabihang makulit.” Nagkabikig siya sa lalamunan.
“Nang magkita uli kami pagkalipas ng maraming taon, minahal niya ako nang labis, nang walang pag-aalinlangan at walang hinihinging kapalit. But I was blinded by memories of a love that I thought was true. Natuklasan ko lamang ang totoo nang mawala siya.”
“Nawala siya sa akin dahil sinaktan ko siya. Ngayon ay hindi ko na alam kung mahal pa rin niya ako. Maaari kong sabihin na gagawin ko ang lahat, na itatama ko ang pagkakamali ko at kung bibigyan niya ako ng pagkakataon ay mamahalin ko siya nang higit pa sa aking sarili kung babalik lamang siya sa akin. But that would be very selfish. I love him. Wala na akong iba pang lalaking mamahalin. Pero hindi ko siya pipiliting bumalik sa akin.”
Narinig niya ang bulalas ng pagkagulat ni Steed. Nanatiling tahimik lamang si Dallas ngunit ramdam niya ang pagkakatutok ng mga mata nito sa kanya. “I will just wish him well. Ipagdarasal ko na sana ay matuto siyang magmahal uli at ang babae o kahit anong kasarian ang kanyang mamahalin ay sana mahalin sya ng totoo at hindi na sya iiwan, yong mahihigitan nila ang pagmamahal na naibibigay ko sa kanya.”
Tumayo siya. Lumayo siya sa microphone. Ayaw niyang marinig pa ng lahat ang pag-iyak niya.
“You let him go?” bulalas ni Steed. “Maaari mong sabihin kay Kyle na kung hindi ka niya pupuntahan dito o mamahalin uli ay magpapakamatay ka. Tiyak na tatakbo agad ’yon dito.”
“Tumahimik ka nga riyan, Steed!” saway rito ni Dallas. “Not all love stories have happy endings. At sa pagkakataong ito, wala na akong magagawa.” Nilapitan siya nito at niyakap nang mahigpit. “I promise you, Ian, ihahanap ko si Kyle ng babaeng makapagpapaligaya sa kanya.”
Pinigilan niya ang pag-iyak. Kahit paano ay nagkaroon na ng closure ang relasyon nila ni Kyle.
“I better go home, Dallas. Thank you sa offer mong trabaho pero hindi ko matatanggap iyon. Mahihirapan lamang ako kung makikita ko si Kyle o malalaman ko ang pagkakaroon niya ng bagong pag-ibig.”
“I understand.” Bumaling ito kay Steed. “Please take him home.”
Hindi na siya tumanggi. Sumama siya kay Steed. Sumakay siya sa kotse nito. Ilang minuto rin ang dumaan bago nila natanaw ang gate palabas ng compound. Malaki ang lugar na iyon ng Sea Oil, Maitutulad ang niyon sa isang university campus.
Pagdating nila sa gate ay nagtaka siya nang ayaw iyong buksan ng guwardiya. “Ano ho’ng problema? Stuck ba ang gate?” usisa ni Steed.
“Nakatanggap kasi kami ng order kay Miss Dallas na walang sinuman na maaaring lumabas sa compound hangga’t hindi siya tumatawag uli.” “Ano na namang pakulo ito ng babaeng iyon?” Tinawagan ni Steed si Dallas.
Noon niya naulinigan ang isang boses, tinatawag ang kanyang pangalan. Lumingon siya. Nakita niya si Kyle na mabilis na tumatakbo palapit sa kanila ni Steed! Base sa hitsura nito ay mukhang matagal na itong nagtatatakbo. Magulo ang buhok nito at basang-basa na ng pawis ang suot na damit.
Napababa siya ng kotse. Sinalubong niya ito. “Kyle?” Labis-labis ang kaba niya.
“Narinig ko ang boses mo. Ang akala ko ay nananaginip ako. Your voice was everywhere! Pero nang maging ang mga kasama ko sa labas ay narinig din ang boses mo, I realized that you were using the public address system. Pinuntahan kita roon pero wala ka. I had to search every building, every room-”
“Hindi naman kasi namin sa public address system room ginawa ’yong broadcast,” sabad ni Steed na nangingiti na.
Mahigpit na hinawakan ni Kyle ang magkabilang balikat niya.
“Alam mo bang nang sabihin mong pinapalaya mo na ako, I realized-” Mahal pa rin siya nito? Iyon lamang ang naiisip niyang dahilan para habulin siya nito. Tumunog ang cell phone nito. Hindi nito sinagot iyon. Ngunit nagpatuloy iyon sa pagtunog kaya napilitan itong sagutin iyon. Nakita niya ang pagguhit ng labis na pagkabigla sa mukha nito pagkatapos nitong marinig ang sinabi ng kausap nito sa kabilang linya. Nang tapusin nito ang conversation ay hindi na niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Kinabahan siya.
Tumikhim ito. “That was my lawyer. Sinabi niya na approved na ang annulment ng kasal natin, Ian.”
Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Napaluha siya. “It seems fate has decided na dapat na talaga tayong maghiwalay.”
Agad na naglabas si Kyle ng panyo. Pinunasan nito ang mga luha niya. “Ian, we could always-” “Be friends? Yes. I would accept that.” Humikbi siya. Tumawa ito.
“Ang sasabihin ko ay we could always get married again.”
“Grabe! Ang drama ng eksena ninyo!” panunukso ni Steed. “Iiwan ko na nga kayo rito at nagmumukha akong extra.” Sumakay ito sa kotse nito. Pinaatras nito iyon at pinabalik sa compound.
Napangiti siya. Naramdaman niya ang paghapit ni Kyle sa kanyang baywang. “The moment I realized kanina na ang boses mo ay hindi produkto lamang ng imahinasyon ko, tumakbo na ako palabas ng research lab. I knew then na hindi na kita maaaring patuloy na bale-walain. I had to surrender my pride and give my heart back to you.” Niyakap niya ito nang mahigpit. Walang pagsidlan ang kaligayahan niya. Batid siguro ni Dallas ang totoong damdamin sa kanya ni Kyle. Dinala siya nito roon para magkaayos sila ni Kyle.
“Alam mo bang naalala ko rin ang lola mo?” bulong nito sa kanya. “Nahuli niya ako noon na pinagmamasdan ka habang nakikipaglaro ka kay Justin. Ang sabi niya sa akin, masuwerte raw ako dahil agad kong natagpuan ang taong nakalaan para sa akin.”
At hinagkan ni Kyle and mapupulang labi ni Ian
The End
Author’s Note
Thank You very much kasi natapos ninyo ang kwentong ito.
Don’t forget to follow me to all my Social Media Accounts.
My Social Media Accounts
Wattpad: Chakasalsal
FB: George Rosewell Lapitan
Instagram: georgerosewelllapitan
Youtube: Jojo Brillantes

