Sutures of the heart
22 Monamour · 12 chapters · 18,213 words
AN/SYNOPSIS
SUTURES OF THE HEART
Hi, Amores! I’m finally back! :) This story is the first ever story that i already finished writing before uploading it. Lahat ng mga stories ko noon ay sinusulat ko per chapter bago ko i-upload the next day kaya naman doble ang effort. LOL. Ngayon, sinigurado kong matapos muna bago ako nag-decide na ilagay dito sa Wattpad para relax lang. Anyway, i hope, you enjoy this story and please feel free to COMMENT , LIKE , SHARE & FOLLOW .
WARNING:
This story has MATURE contents for ADULTS and OPEN-MINDED readers only!!!
🎊
🎉🎊
🎉🎊
🎉🎊
🎉🎊
🎉🎊
🎉
SYNOPSIS
Bata pa lamang si Mia ay alam na niya ang gusto niyang gawin paglaki niya. Lahat ng aspeto ng kanyang buhay ay planado na niya. Ngunit dahil sa isang pagkakamali, gumuho ang mundo niya. Her dream became out of reach and happiness became nothing but a meaningless word.
Akala niya, mamumuhay na lamang siya sa isang mundong walang kahulugan at puno ng kalungkutan ngunit parang ipu-ipo na dumating si Sirius sa buhay niya.
“You’re such a jerk! ’Yan lang ba ang habol mo sa’kin?! For your information, I’m not easy to get! Kung s*x lang din naman ang gusto mo, then I’m telling you now; wala kang pag-asa sa’kin!” Galit niyang singhal rito.
“At sino ba’ng nagsabi na ’yon lang ang habol ko sa’yo? Oo, aaminin kong magiging mas masaya ako kapag ginawa natin ’yon. Pero hindi lang hanggang doon ang gusto ko mula sa’yo. I want your everything. Your body, mind and especially your heart.
Paano kung ang pag-ibig na nagsisimulang tumahi sa mga sugat sa puso niya ay siya rin palang wawasak ng tuluyan sa kanya?
SUTURES OF THE HEART
by:
22_MonAmour
(Isabel)
Copyright © 2026. All Rights Reserved.
No parts of this story may be reproduced or distributed by any means without my consent.
WANT TO READ OTHER STORIES OF MINE? DISCOVER MY ENGLISH & TAGALOG STORIES:
*She’s Mine, Exclusively Mine (English)
*My Possessive Ex-Lover (Sequel of SM, EM)
*Billionaire’s Sweet Revenge (English)
*A Billionaire’s Charade (A fake paradise)
*My Love, My Destiny (English)
*Owning The Wild Heiress (Book 1 & 2) (English)
*Taking What’s Rightfully His (English but also available in Tagalog)
*The Beauty & The Possessive Series (English)
*Royal Saga 1: ATHENA, Princess of Costavia (English)
*Cross Dawson: Cupid’s Island Series 1 (English)
*Blazing Desire Series (Tagalog series)
FOLLOW ME ON SOCIAL MEDIA:
Tiktok: 22_monamour
IG: 22_monamour
FB acct: TwentyTwo MonAmour
FB page: 22_MonAmour
Prologue
A/N: Ang story na ’to ay ‘light’ lang, ’di masyadong ma-drama. I mean, Mia’s past shouldn’t be taken lightly but i didn’t write it in a ‘very dramatic way’ gaya ng ibang stories ko. Sinadya kong magaan lang siya for readers. Anyway, just enjoy this story at sana magustuhan niyo ang love story nila Sirius at Mia. xoxo
PROLOGOUE
Roma, Italia 2015
Nakangiting pinagmamasdan ni Mia ang mga batang naglalaro sa hardin ng bahay-ampunan kung saan siya lumaki. Ang Orfanotrofio di Santa Maria . Kahit na walang mga magulang, masaya pa rin ang mga ito at positibo sa buhay. Para sa kanya, iyon ang pinakamahalaga sa lahat.
“ Sembri felice .“ Nagtaas siya ng tingin nang marinig niya ang pamilyar na boses na ’yon saka ngumiti ng matamis.
(You look happy.)
“ Sì, io sono. Vederli felici rende felice anche me. “
(Yes. I am. Seeing them happy makes me happy too.)
“Lumaki ang mga batang ’yan na kasama ka. Syempre, kanino pa ba magmamana ang mga ’yan ng pagiging positibo sa buhay kung hindi sa’yo.” Nakangiting turan ni Sorella Aurora na siyang itinuturing niyang ina.
Ang matandang madre ang tumayong nanay niya mula noong dumating siya sa bahay-ampunan na ’yon kaya malaki ang respeto at paggalang niya rito.
Sanggol pa lamang siya nang iwan siya sa harapan ng bahay-ampunan na ’yon sa Roma kung saan mga madre ang nangangasiwa. Halos kalahati ng mga madre doon ay mga Pilipino.
Hindi kaila na marami ang bilang ng mga Pilipino sa Roma kaya naman para ka lang nasa Pilipinas.
Doon na siya nagkaisip at wala siyang ibang tahanan kung hindi ang lugar na iyon. Dahil lumaki siya sa pangangalaga ng mga madreng Pilipino ay natuto siya ng salitang Tagalog.
Mababait ang mga ito lalo na ang kanyang nagsilbing nanay-nanayan na si Sorella Aurora. Mia looked up to her that was why she decided to become a nun someday. Now that she finally turned 18 years old the other day, she could finally begin her journey to her dream of becoming a nun.
Halos tatlong buwan na lang ay papasok na siya sa kumbento. Wala siyang ibang nakikitang gawin kung hindi pagsilbihan ang Diyos sa abot ng kanyang makakaya kagaya ni Sorella Aurora.
Ngumiti lamang siya sa sinabi ni Sorella Aurora. Kung sa pagiging positibo sa buhay, namana lang din naman niya iyon rito na ipinagpapasalamat niya dahil may mga batang galing ampunan na napapariwara sa buhay kapag namuhay na sa labas dahil pinipili ng mga itong manatili ang galit at sama ng loob sa kanilang mga puso.
Ayaw niyang mapunta sa isang sitwasyon na hindi na siya makakaahon pa kaya naman ginagawa niya ang lahat upang mamuhay ng tuwid sa abot ng kanyang makakaya.
“Handa ka na ba, Mia? Bukas na ang flight natin.” Maya-maya ay tanong nito.
“Opo. Kagabi pa ako natapos mag-impake.” Sagot niya na malawak ang ngiti. She was too excited to finally get out of Italy for once. Mabuti na lamang at pinayagan siyang sumama kay Sorella Aurora sa Pilipinas upang magbakasyon bago siya tuluyang pumasok sa kumbento.
“Mabuti naman. Siguradong magugustuhan mo doon sa Pilipinas.”
“Sigurado po ’yon. Ngayon pa nga lang, excited na akong makita si Kris sa personal.” Bata pa lamang siya ay nakikita at nakakausap na niya ang pamangkin ni Sorella Aurora sa Pilipinas na kaedaran rin niya na si Kristina o Kris sa mga video calls kaya naman magaan ang loob niya sa rito.
Hindi lang ’yon. Isa sa mga sponsors ng orphanage ang pamilya ni Kris at halos taon-taon ay pumupunta ang mga ito sa Roma upang dumalaw sa orphanage.
Dahil doon ay lalong naging malapit ang loob niya sa mga ito lalo na at mababait ang mga ito. Kung gaano kalapit ang loob niya kay Sorella Aurora ay ganoon rin sa pamilya nito.
Noong 15 years old siya ay inilakad na ng mga magulang ni Kris para legal siyang maging anak ng mga ito. Hindi naging madali ang lahat at hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nila ang resulta.
Ayaw na sana niyang tanggapin ang adoption dahil ayaw rin naman niyang iwan ang Roma pero nakombinsi rin siya ng mga ito.
According to them, they wanted nothing but the best for her by being officially their daughter. Hindi daw siya pipilitin ng mga itong iwan ang Italy kung ayaw niya. Gusto lamang siyang mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling pamilya kagaya ng mga kasabayan niya sa bahay-ampunan at kung balang araw ay gusto niyang umalis sa Italy, may bahay siyang mauuwian.
Naiyak siya nang marinig iyon mula sa mga Rosso. Hindi niya akalaing mamahalin at pagmamalasakitan siya ng ito kahit hindi siya kadugo ng mga ito.
Ngayon ay masaya siya dahil sa wakas ay siya naman ang dadalaw sa mga ito sa Pilipinas.
“Aba’y pati siya ay excited na rin na makita ka ulit. Sa sobrang excited ay pinamalita na sa buong subdivision na darating ka. Pati mga kaibigan niya ay alam na darating ka.” Napapailing at natatawang sagot ng matandang madre.
Hindi mapigilang maalala ni Sorella Aurora ang kabataan ni Mia sa bahay-ampunan. Bagong salta lamang siya noon sa Italy at nagulat siya nang may isang bagong silang na sanggol ang iniwan sa mismong gate ng ampunan.
Awang-awa siya sa bata dahil hindi pa napuputol ang umbilical cord nito. Ni hindi man lang binalot ng tela. Mabuti na lamang at summer noon kaya naman walang nangyaring masama rito.
Dahil siya ang pinakabata sa mga madre noong panahong iyon, siya ang inatasang mag-alaga sa paslit. Ginawa niya ang lahat upang lumaki itong isang masaya at mabuting bata. Siya ang nagsilbing nanay nito at sa tuwing umiiyak o nagkakasakit ito ay lagi siyang naroon para rito.
Ilang beses rin na muntik ma-adopt si Mia pero sa kasamaang-palad ay hindi natutuloy dahil hindi pumapasa ang mga ito sa mahigpit na screening.
Meron pang isang pagkakataon na muntik nang mapunta sa isang sindikato ang bata. Mabuti na lamang at naagapan nila ito. Dahil sa mga kaganapang iyon, nahirapan ang kapatid niya nang magdesisyon ang mga ito na ampunin si Mia.
Hiniling niya sa Panginoon na kung hindi rin lang matinong mga tao ang aampon sa bata ay mas mabuting ’wag na lang itong maampon. Siguro kagustuhan rin ng Diyos na hindi na mapunta sa ibang pamilya si Mia dahil nakalaan talaga ito para sa pamilya nila.
Ngayon ay proud na proud siya rito dahil malapit na itong pumasok sa kumbento. Matutupad na rin nito ang pangarap nito. Kahit medyo nalulungkot ang pamilya ng kapatid niya na hindi titira si Mia sa Pilipinas kasama ng mga ito pagkatapos ng adoption process, handa ang mga itong suportahan ito sa pangarap nito.
Mula noong bata pa ito ay hindi siya nito binigyan ng kahit anong sakit ng ulo. Kung may maipagmamalaki siya ay ’yon ang mabuting bunga ng pagpapalaki niya rito.
“Pagkatapos ng bakasyon natin, aalis na ako dito sa orphanage at papasok na ako sa kumbento. Wala na akong mahihiling pa kasi lahat ng gusto ko sa buhay, binibigay sa’kin ng Diyos. Natapos ko ang high school na may pinakamataas na karangalan. Ngayon, malapit na akong magkaroon ng pamilya at makakapunta pa ako sa Pilipinas para makasama sila kahit ilang buwan lang.”
“Binibigay ng Diyos lahat ng mga mithiin mo sa buhay dahil isa kang mabuting tao. Aba’y malapit ka na ngang maging santa sa kabaitan.” Natawa si Mia sa sinabi ni Sorella Aurora.
“Malayo ako sa pagiging santa, Sorella . Isa lamang akong ordinaryong tao sa mundo na ginagawa ang lahat upang magsilibi sa Diyos.” Sorella Aurora ruffled Mia’s hair in affection.
“ Sono davvero orgogliosa di ciò che sei diventata , Mia.“ (I’m really proud of what you’ve become, Mia.)
“ È tutto merito tuo , Sorella .“ Sagot ni Mia at yumakap sa babaeng nagsilbing nanay niya.
(It’s all because of you, Sister.)
Hindi mapigilang maluha ni Sorella Aurora sa sinabing iyon ni Mia. Kahit hindi niya ito tunay na anak o kadugo, ito ang naging daan upang maranasan niya kung paano maging isang ina kaya naman mahal na mahal niya ito.
Isipin pa lamang niyang aalis na ito sa bahay-ampunan ay nalulungkot na siya. Ngunit sa kabilang banda ay masaya rin siya para rito.
Kinabukasan, parang bata si Mia sa sobrang saya habang palinga-linga sa loob ng eroplano. This was her first time inside an airplane and she was thrilled.
Natatawa na lang si Sorella Aurora habang nakatingin sa kanya. Nang sa wakas ay nakarating rin sila sa Maynila, sinundo sila ng pamangkin ni Sorella Aurora na si Kris.
Kahit isang beses lang silang magkita sa loob ng isang taon ay tuloy-tuloy ang komunikasyon nila kaya naman malapit sila sa isa’t-isa. Habang nasa daan sila pauwi ay masaya silang nagku-kwentuhan sa loob ng sasakyan.
Kahit may kalayuan ang biyahe papunta sa bayan ng mga ito sa Tagaytay ay hindi niya iyon napansin dahil masayang kausap si Kris. Napakarami nitong kwento.
Nang makarating sila sa bahay ng mga ito ay masaya silang sinalubong ng buong pamilya. They welcomed Mia as a member of their family and she couldn’t feel any happier. May nakasabit pang malaking tarpaulin na may mukha niya at may nakasulat na ‘Welcome home, Mia!’ .
She couldn’t help but tear up in happiness.
Wala siyang kinalakhang pamilya maliban na lamang kina Sorella Aurora at iba pang mga madre sa orphanage kaya naman nanibago siya. The warmth of a loving family really surprised her. Para nga talaga siyang umuwi sa sarili niyang pamilya.
Alam mo, mas gumanda ka, Mia.“ Sabi ni Kris nang sila na lamang sa loob ng kanyang kwarto. Tinutulungan siya nitong mag-ayos roon ng kanyang mga gamit. Nagulat siya dahil may sarili pala siyang kwarto pero natuwa rin siya dahil first time niyang nagkaroon ng sariling kwarto.
Hindi na sana niya tatanggalin ang kanyang mga damit sa loob ng kanyang maleta dahil dalawang buwan lang naman sila sa Pilipinas pero pinilit siya ni Kris.
Mas maganda raw iyon para maayos ang kanyang mga damit. Inutusan nito ang isang kasambahay para ito ang mag-ayos sana ng mga gamit niya pero sinabi na lang niyang siya na ang bahala.
Hindi maikakailang mayaman ang pamilya Rosso ngunit masasabi niyang mababait ang mga ito. Ang papa at ang tita Aurora ni Kris ay may lahing italyano kaya naman makikita ang Italian features pati na kay Kris.
“Talaga? Salamat.”
“’Yan ang gusto ko. ’Yong nagpapasalamat agad kapag sinabihang maganda hindi gaya ng iba na may pa-eme-eme pa.”
“Ano’ng pa-eme-eme?” Mia asked confusedly and Kris laughed.
“’Yong style ng ibang mga tao dito sa Pinas na kunwari pa-humble pa kapag nakakatanggap ng papuri. Basta, nakakainis ang ganun minsan. ’Di na lang mag-thank you agad kapag sinabihang maganda.” Natawa na lang si Mia.
Gaya niya ay 18 na rin ni Kris. Mas matanda lamang ito ng tatlong buwan sa kanya.
“Pati rin naman ikaw. Maganda ka rin.” Kris flipped her hair full of confidence.
“I know, right?” Nagkatawanan silang dalawa.
“Siyanga pala, dahil bakasyon naman namin ngayon sa school, ako lagi ang magiging kasama mo dito habang nasa Pilipinas ka. Huwag ka nang umasang ipapasyal ka ni tita dahil madaling sumakit ang tuhod niya. At saka alam mo naman ’yon, hindi mahilig sa galaan. Gano’n siguro talaga kapag matanda na.”
“Naku, narinig kita, Kris. Akala mo hindi malakas ang boses mo. Rinig kaya hanggang baba.” Pareho silang napatingin sa pintuan.
“Naku, tita. Nagbibiro lang naman po ako. Pero aminin mo, may katotohanan sa sinabi ko.” Tukso ni Kris sa tita nito na ikinatawa ni Mia.
Madalas ay umuuwi si Sorella Aurora sa Pilipinas kaya naman malapit rito ang kaisa-isa nitong pamangkin na si Kris.
“Ikaw talagang bata ka. Kadarating ko pa lang, inaasar mo na naman ako. At ano nga uli ’yong naulinigan kong sinasabi mo kay Mia? Anong galaan? Naku, sinasabi ko sa’yo. ’Wag na ’wag mo siya’ng isasali sa mga kalokohan mo.”
“Si tita naman. Kailan pa ako gumawa ng kalokohan? Sa bait kong ’to?” Napapailing na lamang ang matandang madre sa pamangkin.
“’Wag po kayong mag-alala, tita. Ako’ng bahala sa kapatid ko.” Napangiti si Mia sa sinabi ni Kris. Natutuwa siya dahil itinuturing siya nitong kapatid kahit hindi pa man opisyal ang lahat.
“Ikaw talagang bata ka. Siguraduhin mo lang na wala kayong gagawing kalokohan. Alam mo naman na pagbalik namin sa Roma ay papasok na ’yan sa kumbento upang maging madre.” Bahagyang pinisil ni Sorella Aurora ang pisngi ni Kris na siya namang ikinaangal nito.
“ Va tutto bene . Mabait naman si Kris. At saka mamamasyal lang naman kami. Gusto ko ring makita ang ganda ng Pilipinas.“
“See, tita? Mia’s okay with it.” Napapailing na lamang si Sister Aurora sa pamangkin.
“Oo na. Sige, bababa na ako. Tapusin niyo na ’yan at kakain na tayo.”
“Sige po.” Sabay na turan ng dalawa saka ipinagpatuloy ang ginagawa.
“Thank you, Kris.” Ani Mia kapagkuwan.
“Para saan?”
“Kasi okay lang sa’yo na maging kapatid mo ako.”
“You don’t have to thank me for that. Alam mo naman na mga bata pa lang tayo ay gusto na kitang maging kapatid. I’m an only child kaya naman gusto kong magkaroon ng kapatid. Sayang nga lang at hindi ka pwedeng manatili rito kasama namin.” Napangiti si Mia.
“Wala rin akong ibang gustong maging pamilya kung hindi kayo. Don’t worry, dadalaw-dalaw pa rin ako dito.”
“Really? Promise?”
“Oo. Promise.”
Ano’ng masasabi niyo sa Prologue?
Isasama ko na rin sana dito sa Prologue ang chapter 1 kaso masyadong mahaba kaya sa chapter 1 na lang siya. LOL
Chapter 1
CHAPTER 1
Marami siyang natutunan tungkol sa kultura ng bansa at natutunan rin niya kung paano makisalamuha sa mga pinoy kahit sa maikling panahon lang.
Hindi na sumama si Sorella Aurora sa mga lakad nila dahil hindi ito mahilig sa mga galaan. Sumasakit na rin kasi ang mga tuhod nito at madali nang mapagod kaya naman mas pinili na lang nitong manatili sa bahay upang magpahinga.
Kung pwede lang ay ayaw na itong pabalikin pa ng mga magulang ni Kris sa Italy dahil matanda na ito pero hindi pumayag si Sorella Aurora. Saka na lamang daw itong mananatili sa Pilipinas kapag hindi na nito kaya pa ang mga ginagawa roon.
Nakilala rin niya ang mga barkada ni Kris at mababait ang mga ito kanya. Ilang beses rin silang lumabas kasama ng mga ito.
Dahil sobra siyang nag-enjoy sa bakasyon nila ay halos hindi namalayan ni Mia na patapos na pala ang kanilang pananatili sa Pilipinas.
“Naku, dalawang araw na lang, babalik na kayo sa Italy. Aba’y, napakabilis ng panahon, ano?” Anang mama Kristy nila habang kumakain sila ng tanghalian.
“Kaya nga po, mama. Gusto ko pa pong manatili rito ng mas matagal pero kailangan na naming bumalik.” Yes, Mia called them mama and papa because they insisted for her to do that.
“Matanong ko lang, hija. ’Wag mo sanang mamasamain. Sigurado ka na ba sa papasukin mo? I mean, you’re about to become a nun. ’Yon ba talaga ang calling mo?” Tanong ng papa Arturo nila na tila may bahid ng pag-aalinlangan.
“Siguradong-sigurado na po ako, papa. Bata pa lang po ako, ’yon na ang pangarap ko.” Mia answered politely with a gentle smile and Arturo nodded his head.
“Talagang nagmana ka nga kay ate. Hindi maikakailang siya ang nagpalaki sa’yo.”
“Opo naman. Mana po talaga ako sa kanya.” Sagot niya saka tumungin sa kanyang nanay-nanayan.
“Sayang. Kung magtatagal pa sana ka’yo, ipapasyal ka sana namin sa Ilocos Norte at Batanes. Maganda roon. Saka na lang kapag naisipan mong bumalik rito.”
“Opo, mama. Babalik po talaga ako kung pahihintulutan ng Diyos.” Nagpatuloy sila sa kwentuhan hanggang sa matapos kumain. Nang nasa sala na silang lahat at nanunuod, biglang nagsalita si Kris.
“Mama, papa, tita, pwede ko po bang isama si Mia sa birthday party ni Franco sa Manila? Hindi makakasama si Anna dahil may emergency sa kanila. Wala akong kasamang pupunta.”
“Kung hindi na pala makakapunta ’yang kaibigan mo, eh, ’di ’wag ka na lang pumunta.”
“Pa! I promised Franco to be there. Pupunta rin ang ibang mga barkada ko. Besides, Franco invited Mia too. Sige na, please? Aalis na sila sa makalawa. Consider this our last bonding time together before they leave. Gusto rin siyang maka-bonding ng barkada sa huling pagkakataon.”
“Tinanong mo na ba kung gustong sumama ni Mia? Alam mo namang hindi siya mahilig sa mga ganyan.”
“Okay lang po, papa. Gusto ko ring maka-bonding ulit ang mga kaibigan ni Kris. Besides, pagkakataon ko na rin ’to para naman ma-experience ko kung paano um-attend ng birthday party dito sa Pilipinas.”
“Basta mag-iingat kayong dalawa. Kris, siguraduhin mong uuwi kayo ng maaga. At ’wag na ’wag kang iinom ng alak para makapag-drive ka ng mabuti.” May diin ang boses ni Sorella Aurora. Kilala niya ang pamangkin.
Mabait naman ito pero may pagka-reckless minsan kaya naman hindi niya maiwasang mag-alala. Kumpara rito ay walang experience si Mia sa mga ganoong bagay.
Ang buhay ni Mia ay umiikot lamang sa bahay-ampunan at kung lalabas man ay pupunta ng simbahan o kaya ay mamimili. Bilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na lumabas ito para mamasyal sa sentro.
“Si tita naman. Of course, I’m responsible enough. Hindi ako iinom lalo na at kasama ko si Mia. Ayaw ko namang ipahamak siya, no.”
“Siguraduhin mo lang. At ikaw naman, Mia; hindi ko na sasabihin kung ano ang mga dapat at hindi mo dapat gawin dahil alam mo na ’yan. You’re old enough to know.”
“ Certo , Sorella .“ (Of course, Sister.)
Alas kwatro pa lang ng hapon ay nakagayak na sila dahil sa Manila gaganapin ang birthday party na dadaluhan nila.
“I think, it’s better for you both to stay the night at the hotel. I already reserved a suite for you two. Hindi ako mapapakali na uuwi pa kayo ng gabing-gabi na. Bukas na lang kayo umuwi.” Anang mama Kristy nila nang palabas na sila ng bahay.
“Really, ma?! Thank you!” Tuwang-tuwang niyakap ni Kris ang ina. Sa isip niya ay pwede na siyang uminom kahit konti lang.
One of the guests was her crush who had a penchant for wild women and even if she wasn’t like that, at least, she could try a little tonight to get that person’s attention. At least, kasama naman niya si Mia.
Sa rooftop ng isang sikat na hotel gaganapin ang party kaya naman hindi maiwasang hindi mag-alangan ni Mia. Hindi siya sanay sa mga ganoong okasyon.
She looked at her reflection in the mirror. Nakasuot siya ng eleganteng pulang cocktail dress that reached just above the knee na binagayan ng high heels. Parang ibang tao ang nakikita niya.
Ayaw sana niyang isuot iyon pero nagpumilit si Kris. Minsan lang naman daw kaya pumayag na rin siya. Hindi naman revealing ang damit kaya okay lang.
Si Kris na rin ang nag-make-up sa kanya. Pinuri pa nga siya nito at ng buong pamilya nila nang matapos siyang ayusan.
“Don’t worry, Mia. Hindi naman wild party ang pupuntahan natin. Yes, may inuman pero normal lang naman ’yon. Hindi naman tayo iinom kaya okay lang. Let’s just enjoy ourselves tonight. This will be your first and last party for sure so make the best of it.” Tumango na lang si Mia.
Nang makarating sila sa venue ay ipinakilala siya ni Kris sa iba pang guests na naroroon na hindi pa niya kilala at hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkaasiwa sa uri ng tingin ng mga ibang lalaki roon.
Maraming tao at maingay lalo na nang magsimula ang sayawan at inuman.
“I’m glad you actually came to my birthday party, Mia.” Sabi ni Franco nang lumapit ito sa kanya, hawak-hawak ang sariling inumin. Kasama nito ang mga kaibigan nito na minsan na rin niyang nakilala. Mukhang tipsy na ito.
“And you look beautiful tonight, by the way. Just like I’ve expected.”
“You’re right, Franco. I mean, maganda naman talaga si Mia pero iba ang ganda niya ngayon.” Turan ng isa sa mga kaibigan nito. He was openly ogling at her and it made Mia uncomfortable.
“Salamat.” Tipid na sagot ni Mia saka pasimpleng hinanap ng tingin si Kris. Busy ito sa pagsasayaw sa dance floor kasama ng iba nitong mga kaibigan.
Nagpaiwan siya sa table nila dahil ayaw niyang sumayaw. Ayos na sa kanya na makitang nag-ienjoy ito. Pero ngayon ay parang gusto niyang magsisi na nagpaiwan siyang mag-isa. Wala naman siyang problema kay Franco dahil mabait naman ito pero hindi niya gusto ang paraan ng titig ng iba nitong mga kasama.
“Why don’t you join Kris and the others sa dance floor? They’re having fun while you’re here all alone. Hindi ka ba nabo-bored? If you want, we can go dance together.”
“Hindi ako mahilig sumayaw.”
“C’mon, Mia. Just enjoy the night. I invited everyone to have fun, you know?” Tinawag ni Franco ang isang server at humingi ng isang inumin.
“Pansin ko, hindi ka umiinom. This is for you, Mia. Masarap ’yan.” Inabot nito ang inumin na kulay asul sa kanya.
“I’m sorry, Franco, pero hindi ako umiinom ng alak.”
He chuckled. “Mia, Loosen up a bit. Hindi ka naman malalasing sa isang inumin lang. C’mon, drink it up for me as the birthday celebrant.” And they chanted for her to drink, pressuring her in the process.
Reluctantly, she did and she was surprised. It was actually delicious.
“Delicious, right? Kahit marami kang inumin na ganyan, hindi ka madaling malalasing. Just order more kung gusto mo pa. Sige, we’ll see you later.” The group joined the others on the dance floor.
Maya-maya pa ay bumalik na si Kris sa table nila nang mapagod magsayaw.
“Don’t tell me, uminom ka?” Kunot-noong puna nito nang mapansin ang baso sa harapan niya.
“Binigay ni Franco kanina. Ayaw ko namang maging-kj kaya ininom ko na. Masarap naman.”
“What? Franco?”
“Oo. Pumunta siya dito sa table natin. Bakit takang-taka ka?”
“Wala naman. I just find it weird. Hindi kasi gano’n ka-attentive si Franco lalo na sa mga bago lang niyang kakilala at hindi naman party girl na gaya mo. In short, he doesn’t like good girls.”
“He’s just being a good host, I think.” Sagot ni Mia saka nagkibit-balikat. The party went on until almost everyone was already drunk. Habang lumalalim ang gabi ay mas nagiging wild na ang mga bisita.
Meron pa nga siyang nakitang nagme-make-out na sa sulok na para bang ang mga ito lang ang tao roon.
Napilitan na rin si Mia na sumamang magsayaw sa dance floor dahil hindi siya tinantanan ng mga kabigan ni Kris hanggang sa pumayag na lang siya.
“Cr muna tayo, Mia.” Yaya ni Kris nang tapos na silang magsayaw.
“Ikaw na lang. Gusto ko munang maupo. Pagod na ako.”
“Sige. Hintayin mo na lang ako sa table. Saglit lang ako.” Naiwan ang mga kaibigan ni Kris sa dance floor kaya mag-isa lang ni Mia na bumalik sa table nila.
“Miss, may nagpapabigay sa’yo. Don’t worry daw po, mocktail lang ’to. Walang halong alak.” Anang isang server nang lumapit sa kanya saka inilapag ang isang pulang inumin sa table.
“Kanino galing?”
“Galing po sa table nila sir Franco.” Tumingin siya sa gawi nila Franco at ngumiti ang mga ito sa kanya. They even raised their glasses.
“Okay. Salamat.”
Tinikman niya iyon at nasarapan siya. Wala ngang halong alak. Dahil nauuhaw siya ay inubos niya iyon.
Maya-maya pa ay napatingin siya sa wristwatch niya. Hindi pa bumabalik si Kris. Siguro mahaba ang pila sa cr.
Parang gusto muna niyang magpahangin dahil naiinitan siya. Pinaypayan niya ang sarili. Mainit kanina dahil katatapos lang nilang magsayaw pero bakit parang naging mas mainit pa ang paligid kahit hindi na siya nagsasayaw?
Her body temperature was getting abnormally hot in a strange way. Siguro dahil maraming tao kaya mainit pa rin kahit nasa rooftop sila.
Gusto niyang huminga ng sariwang hangin. She was sweating. Nag-send siya ng message kay Kris upang ipaalam rito na lalabas lang siya saglit para magpahangin.
Pero nang tumayo siya ay nakaramdam siya ng konting pagkahilo. She shook her head, trying to shake that feeling away.
She tottled out of the venue and headed toward the elevator, planning to go just a floor below. She was indeed getting dizzy. Para rin siyang lalagnatin pero hindi naman kaya napagdesisyonan niyang pumunta na lang muna sa hotel suite nila ni Kris.
Mabuti na lang at nakapag-check-in na sila kanina bago magsimula ang party.
Pero habang nasa hallway siya ay palala ng palala ang nararamdaman niyang kakaiba. Napayakap siya sa sarili. Her body was on fire, craving for something she couldn’t pinpoint. Parang nawawalan rin siya ng control sa sarili…
Diyos ko, ano’ng nangyayari sa’kin? Bakit ganito ang pakiramdam ko?
Gulong-gulo ang isipan niya at pilit kinakalma ang sarili kahit nilalamon na siya ng takot.
“Mia!” Rinig niyang may tumawag sa pangalan niya pero inignora niya iyon nang mapagsino ’yon. Binilisan niya ang lakad hanggang sa makarating siya sa destinasyon.
Agad niyang binuksan ang pintuan gamit ang keycard at nang makapasok ay agad rin iyong isinara. She knew she was in danger and needed to be isolated…
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Chapter 2
CHAPTER 2
2026
“Paging Doctor Mia Rosso. Please, come to the emergency room right now…” Agad na nagmulat ng mga mata si Mia nang marinig ’yon. Kahit wala pa yatang sampung minuto ang tulog niya ay agad siyang bumangon.
Kasalukuyan siyang nasa doctors’ quarters ng hospital upang magpahinga pero mukhang kailangan niya munang ipagpaliban iyon.
Dahil sanay na siya ay mabilis pa sa alas-kwatro ang galaw niya. Ilang sandali pa ay nasa emergency room na siya.
“Doc Mia, we have an emergency case. Car accident involving someone who has a congenital heart condition…” Agad na imporma ng isang nurse sa kanya. Tumango siya at agad sinimulan ang mga dapat gawin.
Isang lalaki ang pasyente at hindi maikakailang malala ang kalagayan. Upon checking on him and saw the test results, she knew right away that he needed an emergency operation.
Aside from his physical injury from the accident, mas naging komplikado pa ang lahat dahil may sakit ito sa puso kaya kinailangan ng isang cardiothoracic surgeon na gaya niya.
“Have you called Dr. Balcita yet?” Tanong niya sa head nurse.
“Unfortunately, he’s called in sick, Doc. Wala tayong ibang cardiothoracic surgeon na available kung hindi ikaw.”
“I haven’t experienced unsupervised surgery yet, alam mo ’yan.” Hindi niya maiwasang ma-stress. Oo, marami na siyang surgery experiences pero palaging kasama niya ang kanyang mentor na si Doctor Balcita, isang magaling at respetadong cardiothoracic surgeon sa bansa.
He was always there for her to supervise her.
“Sinabi ni Doc Balcita kanina sa telepono na ready ka na, Doc. He’s counting on you. Kami rin, alam naming lahat na kaya mo. Bukod sa pagiging top 1 mo sa Medical board exam ay magaling ka rin sa trabaho mo. Ilang beses mo nang napatunayan ang kakayahan mo. Doctor Balcita already gave his go signal.” Mia took a deep breath and nodded her head.
It wasn’t that she didn’t have self-confidence to do it. In fact, she had more than that. Alam niyang kaya niya ang case na ’to dahil hindi naman ganoon ka-komplikado pero ayaw lang niyang i-by-pass ang mentor niya. She respected him too much to do that.
Pero ngayong binigyan na siya ng go signal to be the lead surgeon of this case, she would do without a second thought.
The patience’s life was on the line and they couldn’t afford to waste even a second…
The surgery went well as everyone anticipated and the family of the patient was so grateful to her.
“Salamat, Dr. Rosso, at niligtas niyo ang anak namin. Pagpalain ka sana ng Panginoon.” Tipid siyang ngumiti sa mag-asawa na umiiyak.
“Wala pong anuman, Mrs. Cabral. Ginagawa ko lang ang trabaho ko.”
“Dr. Balcita was right. You’re really more than capable, Dr. Rosso. Our family is deeply grateful to you. If one day, you need our help, you can always approach us.”
“No need, Mr. Cabral. It’s part of my job anyway. If you’ll excuse me, I need to go.” Dahil pagod na pagod siya, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang matulog ng mahaba kaya napag-desisyonan niyang umuwi muna upang makapagpahinga.
Habang nasa daan ay hindi niya maiwasang mapamura sa tindi ng traffic. Madaling araw na pero marami pa ring sasakyan sa lansangan.
“Saan ba galing ang mga taong ‘to? Gosh! Bakit ngayon pa talaga ako na-stuck sa traffic? I’m so freakin’ tired!” Napabuntong-hininga na lamang siya.
Then, all of a sudden, naalala niya ang case niya kanina.
Kahit siguro sinong tao sa Pilipinas, kilala ang pamilya Cabral. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa pamilyang may-ari ng pinakamalaking alcohol brand sa bansa? Hindi lang ’yon ang business ng mga ito. Too many to mention, in fact.
May sarili pa ngang team ang mga ito sa PBA.
Pero kahit gaano kayaman ang isang tao, kapag nasa bingit ng kamatayan, kakapit at kakapit rin sa pananampalataya. Walang magagawa kung hindi ipagkatiwala ang buhay sa Diyos at sa kamay ng iba—ang mga doctor na gaya niya.
“Pagpalain ka sana ng Panginoon.” Mapait siyang napangiti nang maalala ang sinabi ni Mrs. Cabral. Siguro kung noong nasa Italy pa siya at may nagsabi sa kanya ng gano’n, ngingiti siya at magpapasalamat.
Pero pagkatapos ng maraming taon, those kinds of words no longer have any meaning to her.
Well that naïve and innocent Mia had long been dead. Para sa kanya, kahit maglupasay ka pa sa kaiiyak kung oras na ng isang tao, oras na talaga. Simple as that.
Nang sa wakas ay nakarating rin siya sa kanyang condo ay agad siyang naligo. Ayaw niyang maupo kung saan-saan muna dahil galing siya sa ospital.
Habang sinusuklay ang mahabang buhok sa harap ng vanity mirror pagkatapos iyong patuyuin, nahagip ng mga mata niya ang isang picture frame. Her heart tightened as her eyes moistened.
Siguro kung tatanungin ang ibang tao, sasabihin ng mga ito na maswerte siya dahil mula sa pagiging isang ulila na lumaki sa bahay-ampunan sa Roma, isa na siyang successful at magaling na doctor ngayon.
Hindi mangyayari lahat ng iyon kung hindi dahil sa pamilya Rosso na tumanggap sa kanya, ang pamilya ni Kris.
Dahil sa mga nangyari sa kanya labing-isang taon na ang nakakalipas, napag-desisyonan ng mag-asawang Rosso na hindi na siya pabalikin pa sa Italy. Around that time, natanggap nila ang magandang balita na aprobado na ang adoption request ng mga ito sa kanya.
Binigyan siya ng mga ito ng bagong buhay. She obtained her Filipino citizenship as their daughter and had managed to pursue medicine in England together with Kris.
Nang makapagtapos sila ay umuwi sila ng Pilipinas at sa Rosso Private Hospital na rin sila nagtrabaho na pag-aari ng pamilya.
Pamilya ng mga doctor ang mga Rosso kaya naman Medisina rin ang kinuha nila ni Kris. It was an automatic thing for the both of them.
She might be successful now pero sa kabila ng lahat ng ’yon, hinding-hindi na siguro mawawala pa ang permanenteng sugat sa kanyang puso na idinulot sa kanya ng pinakamasakit na kaganapan sa kanyang buhay.
She looked at her reflection in the mirror. Her dark brown eyes were dull and melancholy, void of happiness, dead inside like a walking corpse. Yes, this had been her life for over a decade and she wasn’t sure until when could she still hold on.
It felt like her life was hanging by a thread.
Suddenly, the doorbell chimed. Napakunot-noo siya, nagtataka kung sino ’yon. Nang mapagsino sa CCTV monitor ang nasa labas ng pintuan ay agad niya iyong binuksan.
“I knew you’d still awake. Sorry for coming unannounced. I’m not in the mood to drive all the way home. Can I crash here tonight?” Ani Kris nang makita siya. Mukhang nakainom ito at galing sa bar.
“You’re drunk.” Puna niya saka isinara niya ang pintuan nang makapasok ito.
“Just tipsy. D’yan lang kami sa bar sa malapit pumarty so I decided to come here.” Nakahiga na ito sa sofa at mukhang tatangayin na ng antok. Napailing na lang siya.
“Day off mo pero ito ang inaatupag mo? Gosh, Kris! Imbes na magpahinga ka, inuna mo pang mag-bar. Get up and take a shower first. Alam mong ayaw kong may nahihiga sa kama ko nang hindi naliligo.” Her condo had only one bedroom kaya naman kapag natutulog si Kris roon ay magkatabi sila.
“Madaling araw na kaya. I’m so sleepy already.” Reklamo nito.
“Wala akong pakialam. Go and take a shower first or else, dito ka sa sofa matutulog. Bahala ka d’yan. Mahihiga na ako.”
“Sige na nga. Hindi ka na nagbago. OC ka pa rin.” Kris grumbled as she headed toward the bathroom.
Si Mia naman ay pumasok na sa kwarto at nahiga. Dahil sa pagod, agad siyang nakatulog. Pero ang inaasahan niyang mahimbing na tulog ay hindi nangyari dahil dinalaw na naman siya ng masamang panaginip.
What do you think of this chapter?
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Chapter 3
CHAPTER 3
“Mia…Mia…” Nagising si Mia na pinagpapawisan ng malapot, mabilis ang tibok ng puso at basa ang mga pisngi dahil sa luha.
“Are you okay?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Kris habang nakatingin sa kanya. Without a word, she threw her arms around Kris and sobbed in her chest.
“Dinalaw ka na naman ba ng masamang panaginip?” Tumango siya bilang sagot habang patuloy ang pagluha. Inalo siya nito hanggang sa wakas ay kumalma na rin siya.
“Why don’t you move back in with me to our house? Nag-aalala ako sa’yo.” Suhestiyon ni Kris kapagkuwan. Mula noong umuwi sila galing England ay dito na sila sa Maynila tumira ni Kris. May bahay ang pamilya nila doon kaya naman doon sila tumirang dalawa sa loob ng isang taon.
But around six months ago ay nagdesisyon siyang tumira sa condo dahil mas malapit ito sa ospital. At the same time, she wanted to be independent.
“I’m fine, Kris. Don’t worry about me.”
“I can’t help it. It was my fault why you ended up like this. Kung hindi—”
“—Stop it, Kris. Alam mong hindi totoo ’yan.” Matigas ang boses na sansala niya rito. Kahit ilang beses na niyang sinabi iyon rito ay sinisisi pa rin nito ang sarili.
“Pero kung hindi kita pinilit sumama sa’kin no’ng gabing ’yon, hindi sana nangyari ang mga nangyari. Alam kong hindi mo ako sinisisi but after witnessing all the hardships you’ve been through; I couldn’t help but to feel so guilty. It had been eating me away. Tita Aurora was right. I was selfish and reckless.” Tumulo ang mga luha nito.
“Shhh…That’s enough. Listen to me. Wala kang kasalanan kaya tama na ang iyak. Nangyari na ang mga nangyari. There’s nothing we could do about it but to accept and move on.”
“But…”
“I said, stop. We should get ready. May trabaho pa tayong dapat gawin. I don’t want to talk about this anymore.” She got out of bed and headed to the bathroom.
Kris watched Mia’s retreating back until she disappeared into the bathroom. Kahit sinabi nito na tanggapin na lang ang mga nangyari at mag-move-on, alam niyang hindi pa rin ito nakakalimot. Gaya niya…
She could still remember the aftermath of that incident 11 years ago…
“I trusted you, Kris, pero ano’ng ginawa mo?! Alam mong hindi sanay sa mga party-party na ’yan si Mia pero pinabayaan mo pa rin! Look what happened to her! I was right! You’re selfish and reckless! Hindi ako dapat nagtiwala sa’yo!”…
Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga sinabi ng tita Aurora niya. ’Yon ang unang beses na napagalitan siya nito ng husto pero hindi siya nagtampo. She didn’t have the right to because her aunt was right.
Hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin si Mia ng multo ng nakaraan lalo na kapag pagod at stressed ito. It was like a curse.
Kung maibabalik lang niya ang mga nangyari, itatama niya ang kanyang pagkakamali. Pero alam niyang imposible na ’yon. Ang tanging magagawa na lang niya ay alalayan, damayan at suportahan ito sa lahat ng bagay.
“Should I call Kali to take an appointment? Sa Saturday pa ang next session mo, right? I think, it’s better for you to go today rather than wait for a couple of days. I know you’re not okay.” Kris suggested while they were eating breakfast.
Dr. Kali Cruz was the Psychiatrist who’d been taking care of Mia who succeeded her father after he retired. Kali became their friend when they met her after they returned from England almost two years ago.
“It’s okay. Saturday is in 2 days anyway.”
“But you’re not doing well right now. Kahit hindi mo sabihin, alam kong apektado ka sa panaginip mo kagabi. Mia, I’m worried about you.” Mia sighed wearily.
“Kris, I’m fine. Please, don’t make a big deal out of it. And one more thing, don’t tell mama and papa about this. It’s nothing.” Madiin ang boses na sagot niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Walang nagawa si Kris kung hindi ang tumahimik na lang.
Alam niyang kapag pinilit niya ang gusto ay magagalit si Mia.
Nang makarating sila sa ospital ay parang walang nangyari na ginawa ni Mia ang kanyang trabaho habang si Kris naman ay hindi pa rin maiwasang mag-alala.
Two weeks flew by so quickly and everything was still the same in Mia’s life. Trabaho at bahay lang siya. Kung lalabas man ay para lang bumili ng mga kailangan niya. It was such a mundane life but she was used to it.
It was practically the same routine she had in England. The difference was; she used to live with Kris.
“Dr. Rosso, maaga po yata kayo ngayon.” Turan ni Mrs. Cabral nang pumasok siya sa private room ng anak nito na pasyente niya para sa daily rounds niya.
“I hope you don’t mind, Mrs. Cabral. I have other cases after this so I had to come a little bit early.”
“It’s okay, Dr. Rosso. My son is already awake anyway.” Tumango si Mia saka binati ang binatang pasyente niya. His recovery was very promising kaya naman natutuwa siya.
While she was checking him up, bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang isang gwapo at matangakad na lalaki na kamukha ng pasyente. But compared to the gentle patient, the guy looked like the rugged and brusque type but naughty at the same time.
Gulo ang makapal na buhok nito ngunit hindi iyon nakabawas sa angkin nitong ka-gwapuhan. Their gazes locked for a couple of seconds. Then, a small smirk curved into his lips.
“I’m glad you’re finally here, Riu. Come here. I’ll introduce you to Dr. Rosso.” Mrs. Cabral beckoned her son.
“Dr. Rosso, this is my eldest son, Sirius. Son, this Dr. Rosso, she’s your brother’s physician.”
“It’s nice to finally meet you, Doc. I’ve heard good things about you from my parents but they actually neglected to tell me that you’re actually stunning.” Irritation crept within Mia upon seeing the look on Sirius’ face not to mention she didn’t like the tone of his voice.
Hindi naman bastos ang tono at tingin nito pero may kung ano roon na hindi niya nagustuhan. Ngunit ganoon pa man, tinanggap pa rin niya ang pakikipagkamay nito sa ngalan ng pagpapakita ng magandang asal.
“Thank you for the compliment, Mr. Cabral. I—”
“—You can just call me, Riu. No need to be so formal.”
“I can’t do that. I’m your brother’s doctor. Anyway, my job here is done. I have to go.” Bahagya niyang tinanguan si Mrs. Cabral saka lumabas na ng private room.
Napakunot-noo si Mrs. Cabral nang mapansin na iba ang ngiti ng anak habang nakatingin sa papalayong likod ni Dr. Rosso hanggang sa tuluyang makalabas ito ng pintuan.
“Hey! I know that look. Don’t you dare, son. I know you. Not Dr. Rosso.” She warned him sternly and Sirius looked at her with a feigned innocence.
“What are you talking about, mom? I’m not doing anything…yet.”
“Riu!” Natawa si Sirius sa reaksyon ng ina.
“Don’t worry, mom. Your son is a good boy.” His mother glared at him but in his mind, he was already plotting something like a predator that had already set its eyes on a prey.
“Dr. Rosso is the daughter of Mr. Rosso, your father’s business associate and the owner of this hospital kaya kung ano man ’yang nasa isip mo, stop it. ’Wag mo siyang isama sa listahan mo ng mga babae mo.”
“Mom, that’s foul! I’ve never had a girlfriend before. You know that.”
“Because you were never serious enough to even ask them to be your girlfriend! You’re already 32 years old pero kahit kailan, wala ka pang ipinakilala ni isang girlfriend sa amin. Kung hindi pagiging Casanova ang tawag do’n, I don’t know what is.” Hindi maiwasang mainis ni Mrs. Cabral sa anak.
Mabait ang anak niya, magaling na presidente ng kanilang kompanya pero pagdating sa babae, hindi ito nagseseryoso. Siguro, dahil na rin sa nangyari rito sa nakaraan.
“I’ve never played with any woman’s feelings, mom. I am proud to say that. Who knows, one of these days, I will finally find the right one. I am not in a hurry.”
“I just hope so, kuya. Sana nga, may makakapagseryoso na sa’yo.” Singit ng kapatid niyang si Sirus sa mahinang boses. Medyo mahina pa ito ngunit makikita na ang pagsigla ng itsura nito. Nginitian lang niya ang bunsong kapatid.
Sirius knew that he wasn’t a Casanova as everyone perceived him. Hindi sa pagmamayabang pero siya ang nilalapitan at hinahabol ng mga babae pero kahit ganoon, hindi siya basta kung kanino lang pumapatol.
“Don’t worry about me, Rus. Just focus on your recovery right now, okay?” Malapit silang tatlong magkakapatid sa isa’t-isa.
Siya ang panganay. Ang sumunod sa kanya ay si Sirin, ang nag-iisang babae at ang bunso ay si Sirus. Dahil ito ang bunso at sakitin dahil sa heart condition nito mula pagkabata ay lahat ng atensyon nila ay naka-sentro rito kaya naman hindi maiwasang maging spoiled.
Halos lahat ng gustuhin nito ay binibigay nila basta hindi nakakasama rito. Nang magpabili ito ng sasakyan ay pumayag sila basta sa kondisyon na hinding-hindi ito magda-drive mag-isa. Pero isang gabi, tumakas ito upang makipagkita sa mga kaibigan sa bar at doon na nga nangyari ang aksidente.
Nasa Amerika siya no’ng mga panahong iyon dahil sa business matters. Hindi siya agad nakauwi dahil may emergency roon na kailangang-kailangan niyang asikasuhin. He was very worried that he couldn’t even sleep.
Nang natapos niya ang mga dapat gawin doon ay agad siyang umuwi. Mabuti na lamang at bumubuti na ang kalagayan ng kapatid. The whole family could finally breathe.
Ano ang masasabi niyo sa unang pagkikita nila Mia at Sirius?
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Chapter 4
A/N: How’s this story so far?
CHAPTER 4
“Good morning, Doc Mia. As usual, flowers for you.” Nakangiting turan ng nurse na nasa front desk nang makita siya. Tatlong bouquet ang naroon.
“Alam mo na ang gagawin sa mga ’yan, Joy.” Tinapunan lang ng tingin ni Mia ang mga bulaklak ng walang interest saka naglakad palayo.
“Ang ganda ni Doc Mia pero sobrang cold talaga. Kawawa naman ang mga manliligaw niya. Kahit isang bulaklak, never niyang tinanggap. Ang mahal pa naman ng mga ’to. Akin na lang ’tong isa, ilalagay ko sa vase sa bahay.” Napapailing na turan ni nurse Joy saka kinuha ang isang bouquet at inamoy.
“Mula nang magsimulang magtrabaho dito si Doc Mia, marami na siyang pinaiyak na admirer. Pa’no ba naman, wala yatang interest sa pakikipagdate. Ang gu-gwapo at yayamin ng mga manliligaw niya pero parang hindi siya tinatablan ng charm at effort ng mga ito. Ni sang regalo o bulaklak, wala siyang tinatanggap. Ang mga vase lang dito sa ospital ang nakikinabang sa mga bulaklak na ’yan.” Sagot naman ni nurse Airin.
“At tayong mga nurses naman ang nakikinabang sa mga regalo, inumin at pagkain.” Pareho silang napabungisngis.
“Pero seryoso, hindi ko maiwasang maintriga. Bakit parang man-hater yata si Doc. Mia?”
“Bakit mo naman nasabing man-hater, Ai?”
“Hindi mo ba napapansin na kapag may pumupunta ditong manliligaw niya, naiirita siya? Wala pa ngang sinasabi ’yong tao, basag agad ang diskarte niya kay Doc.”
“Hmmm…Hindi naman. Siguro, ’di lang niya type ’yong mga lalaking ’yon.”
“Kayong dalawa, tama na ’yan. Hindi ninyo trabaho ang pag-chismisan ang buhay ni Doc Mia. Pag kayo narinig niya, lagot kayo.” Sita naman ng head nurse na bagong dating at naulinigan ang pinag-uusapan ng dalawa.
The two nurses felt a cold chill run down their spines. Nai-imagine pa lang nila ang scenario na ’yon ay pinagpapawisan na sila ng malapot.
Mabait naman ang doktora pero masyadong istrikto pagdating sa trabaho. Siguro dahil anak ito ng may-ari ng ospital kaya ayaw nito ng anumang problema na pwedeng makaapekto sa reputasyon ng RPH.
Lahat naman ito ay narinig ng gwapong binata na nakaupo sa hindi kalayuan at isang ngiti ang gumihit sa mga mapupula niyang labi. He was thinking of ordering a bouquet of flowers for the beautiful doctor but it looked like that kind of approach wouldn’t work on her.
Samantalang ang magandang doktora naman na pinag-uusapan ay bumahing ng dalawang beses.
“Damn. Is someone talking about me or my allergy is about to act up?” She murmured to herself with furrowed eyebrows. Masakit ang ulo niya dahil hindi na naman siya nakatulog nang maayos.
“Doc Mia, your first patient is here.” Napabuntong-hininga na lang siya saka tumango sa nurse.
“Send them in.” Lumipas ang oras na hindi niya namamalayan dahil sunod-sunod ang kanyang pasyente kaya nang inimporma sa kanya ng nurse na may lalaking nagpupumilit na makita siya ay hindi niya maiwasang mairita.
It was almost lunch break at gusto niyang tapusin muna lahat ng pasyente niya bago siya kumain at hangga’t maaari ay ayaw niya ng istorbo.
“Sorry, Doc Mia. Mapilit kasi si Mr. Guzman. Gusto ko raw makausap.” Gustong magalit ni Mia sa nurse pero alam niyang ginawa na nito ang lahat. Sadyang mapilit lang talaga ang taong ’yon.
“Sige. I’ll handle this. You can go back to work.” Nang matapos ang pasyente niya ay sumaglit siya upang puntahan ang bwisita.
“Mia, I’m glad you finally showed up. I’m sorry if I came here—”
“—Yes, you should be sorry, Mr. Guzman. Don’t you know that you’re wasting my precious time and making my patients wait? Importante kahit isang segundo sa trabaho ko pero sinasayang mo ’yon for what?” She snapped at him with a cold stare.
“I’m sorry, Mia. Hindi kasi kita mahagilap—”
“—Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? I am a doctor and I have patients to attend to. Kung tutuusin, I don’t even have to spell this out to you because you’re an adult who knows better. Besides, we’re nothing to each other so I don’t understand this behavior of yours.”
“I know we’re not anything to each other yet that’s why I’m doing everything to court you. I didn’t have a choice but to do this because you’ve been avoiding me.”
Mia huffed, her patience quickly thinning.
“Ito lang ba ang sasabihin mo? If yes, I need to go back to my patients.”
“Mia, wait!”
“It’s Doctor Rosso for you, Mr. Guzman. Now, if you’ll excuse me. I need to go.” Parang gustong magwala ng lalaki habang sinusundan ng tingin ang nililigawang doktora. Ginawa na niya ang lahat pero kahit isang tingin man lang sa kanya ay hindi nito magawa na para bang ang pangit-pangit niya.
“Fuck it!” Galit niyang sinipa ang upuan na wala namang kinalaman sa galit niya saka lumabas ng ospital.
“Tsk! Another one has been slayed. Bilib na talaga ako kay Doc Mia. Sikat na artista ’yang si Mr. Guzman pero hindi tumalab ang appeal sa blizzard queen ng Rosso Private Hospital. Sino kaya ang susunod?” Naiiling na sabi ni nurse Joy sa mga kasama niya.
Kagagaling lang nila sa break at saktong nasaksihan nila ang drama.
“Pupusta ako na ’yong nagpadala ng cake at bulaklak noong isang araw ang susunod. Makulit rin ’yon.”
“’Yong anak ng may-ari ng sikat na resort? Oo nga, no. Baka ’yon nga. Siya rin pusta ko.” At nagkapustahan na nga ang mga miron.
Don’t get them wrong. Hindi sa ayaw nila sa dalaga. Wala lang silang magawa kaya buhay ng iba ang pinagkakaabalahan. Para sa kanila ay mas interesante ang buhay ng magandang doktora.
“Ouch! That was actually harsh, Doc. You crushed that guy’s self-confidence in one blow.” Napatigil si Mia sa paglalakad nang may magsalita. It was Sirius Cabral.
“Is there anything you need, Mr. Cabral?” Pormal na tanong niya na ikinangisi ng binata.
“Wala naman. I was just about to go out of the hospital when I saw what you did to that guy. I’ve never seen such feisty kitten before.”
“Excuse me? Are you referring to me?”
“Of course. Who else would I be referring to?” Pakiramdam ni Mia ay lalong sumakit ang ulo niya. ’Yong kaliwang paa ba niya ang naunang inihakbang niya kanina paglabas niya ng condo at minamalas siya ng ganito ngayon?
“You know what? I don’t have time for this. Do whatever you want to do and I’ll do mine.” At tinalikuran na niya ang huli. May mga pasyente pa siyang naghihintay.
“You should relax a bit, Doc. I bet you’re prettier when you smile.” Napatigil siya at nilingon ang binata.
“If you’re too stressed, just think about me. You’ll feel a lot better; I assure you.” Kinindatan siya nito saka naglakad palayo.
“What the heck.” Napailing na lang siya sa kahanginan nito. At bakit naman daw niya ito iisipin, aber?
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Chapter 5
A/N: I actually forgot to update. LOL. Buti naalala ko. ;) Anyway, have a good weekend!
CHAPTER 5
Dahil sa mga nangyari ay medyo late na si Mia nag-lunch. As usual, nasa rooftop na naman siya. Dahil ayaw niyang lumabas upang kumain sa restaurant o kaya sa canteen, bumibili siya ng takeaway bago siya pumasok sa trabaho at sa rooftop siya kumakain kasama ng mga kaibigan niya.
Bukod sa wala siyang time magluto ay hindi rin siya marunong magluto. In fact, she found cooking tedious. Magaling siya sa ibang gawaing bahay pero hindi sa pagluluto.
“You’re late today. Patapos na kami.” Salubong sa kanya ni Kara, isa sa mga kabigan niya.
“Something happened. Gosh! I’m starving!” Binuksan niya ang lunch niya saka nagsimula nang kumain. Gutom na gutom na siya.
“We heard about what happened this morning. Grabe ka talaga, Mia. Trending ka na naman sa buong ospital. Mabuti na lang hindi ka artista kung hindi, baka trending ka na naman pati sa social media.” Natatawang ani Nile. Sa kanilang limang magkakaibigan, si Mia ang laging pinag-uusapan ng mga chismosa sa ospital.
Pa’no ba naman, ito lagi ang may interesanteng ganap sa buhay kahit daig pa ang madre kung magkulong sa bahay kapag walang trabaho.
“I bet, that actor won’t come back again after what you did to him.” Komento naman ni Kris na naiiling.
“Naku, Kris. Sa kulit ng taong ’yon, babalik at babalik ’yon para kulitin si Mia. Ewan ko ba sa mga manliligaw ng kapatid mo. Ang kukulit. Kaya nga dito na lang sa rooftop kumakain ’yan para umiwas sa kanila.”
“That’s why we ended up bringing our own lunch and eat up here on the rooftop too because we feel sorry for her.” Sa kanilang lima, si Kali lang ang tinatamad umakyat sa rooftop upang sumabay sa kanila ng lunch. Nasa kabilang building pa kasi ang psychiatric department ng ospital.
“Bakit? Napipilitan lang kayo na samahan ako ditong kumain?” Taas-kilay na tanong ni Mia sa mga kaibigan.
“Of course, not. Going out to eat everyday is tiring anyway. Mas maganda na lang magbaon. Siyanga pala, ready na ba kayo sa medical mission natin sa probinsya in three weeks? I already bought everything I thought I’d need for that trip.” Tanong ni Nile kapagkuwan.
“Ano’ng tingin mo sa pupuntahan natin, bakasyon? Bakit may pa-shopping ka pang nalalaman? Sa bundok kaya tayo pupunta, hello?” Taon-taong nagsasagawa ng medical mission ang ospital nila at lagi silang nagvo-volunteer na magkakaibigan para doon.
Maraming mga liblib na lugar ang kailangan ng atensyong medikal kaya ang mga lugar na ’yon ang target nila. Ngayong taon ay sa lugar ng mga katutubong Aeta sa Tarlac ang pupuntahan nila.
“Shut up, Kris. I needed new hiking boots and clothes for our trip. You should buy yours too.”
“Ewan ko sa’yo. Tatlong araw lang naman tayo doon. Maliban na lang kung balak mong tumira doon.” Singit ni Kara. Sometimes, she couldn’t help but to think that their group of friends was somewhat weird.
Si Mia, tinatawag na blizzard queen, si Kris naman ay maloko kahit hindi halata sa itsura. Ang mga taong malalapit lang rito ang nakakakita sa side nitong iyon. Si Nile ay masayahing bakla while she on the other hand was the nerdy member of the group. Kali on the other hand was the youngest and yet, the weirdest one.
Pero kahit gano’n pa man, magkakasundo sila at solid ang kanilang samahan. Nagkakilala silang apat nila Mia, Nile at Kris during their Med school days sa England at agad naging close. From then on, they were inseparable.
Noong umuwi sila sa Pilipinas at nagtrabaho sa RPH, doon nila nakilala si Kali at naging miyembro ng kanilang grupo.
“Ang iingay niyo. Look, it’s time already. You should get going.” Singit ni Mia habang patuloy na pinag-uusapan ng mga kabigan ang tungkol sa medical mission nila.
“Wait. Five more minutes. Parang inaantok ako. Sarap sanang matulog ng ganitong oras.”
“The moment you reach your own consultation rooms, those five minutes will be over so stand up and go.”
“You’re really so strict when it comes to time, Mia.”
“Of course. We shouldn’t keep our patients waiting. Kahit pagod at inaantok tayo, kailangan nating gawin ang trabaho natin.” The three groaned but stood up anyway.
“Sige, maiwan ka na namin dito. ’Wag kang magmadaling kumain. Just enjoy your meal.” Bilin ni Kara. Alam kasi niyang magmamadali na naman ito dahil ayaw na ayaw nitong nale-late.
“I know. Besides, I don’t have any patient in the next two hours so I’ll take my time.”
“Buti ka pa. Ako, ini-imagine ko pa lang ang dami ng pasyente ko sa Pediatric department ay pagod na ako.” Reklamo niya sa kaibigan. Maraming mga bata ang nagkakasakit ngayon dahil sa lumalamig na panahon.
“Kaya nga dapat bilisan mo na.”
“Oo na nga. Ito na, aalis na.” Nang sa wakas ay umalis ang mga kaibigan, ipinagpatuloy ni Mia ang pagkain habang pinagmamasdan ang paligid. The hustle and bustle of the city was quite tiring at times but during quiet moments like this, it was quite relaxing just by watching everything from up there.
“Are you the loner type, Doc? Why are you eating here alone?” Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang may biglang magsalita sa bandang likuran niya.
“What do you think you’re doing here, Mr. Cabral? Outsiders are not allowed up here.” Kunot-noong sagot niya saka uminom ng tubig. Saktong tapos na siyang kumain.
“Parang wala naman yata akong nakitang sign na nagsasabing bawal pumunta dito. I wanted to smoke so I came up here.” Sagot nito saka nagsindi ng isang sigarilyo. Mia abruptly stood up and snatched the cigarette from him.
“This hospital is smoking free. You can’t just smoke here! You’re not even allowed up here in the first place!”
“Why can’t I do it? We’re on the rooftop.”
“So? Bawal manigarilyo sa buong area ng ospital, ’di mo gets?” Natawa si Sirius sa sinabi ng doktora. Namumula ang mga pisngi nito dahil marahil sa init ng panahon at inis sa kanya and he found that so endearing.
She was like an adorable kitten trying to growl like a tiger. Marahil ay nasa 5’3 lamang ang height nito pero kung umasta ay parang tigre.
“Whoah! Relax, Doc. Baka ma-high blood ka niyan. Okay, fine. Hindi na ako maninigarilyo kahit saang parte ng ospital para sa’yo.”
“Para sa’kin? Ano naman ang kinalaman ko d’yan sa bisyo mo?”
Sirius chuckled amusedly. “Hey, minsan-minsan lang ako naninigarilyo kaya hindi matatawag na bisyo ’yon.”
“I don’t care. You should get out of here bago pa may makakita sa’yo dito.” She sat back on her chair and pretended to be busy on her phone while waiting for him to leave.
Pero imbes na sumunod sa sinabi niya ay naupo ito sa katabi niyang upuan. The audacity!
“Ayoko munang bumalik sa loob. I hate the smell of hospitals. Mas maganda dito. Mahangin kahit hindi fresh air dahil sa polusyon.” Tumingin ito sa kanya. “Saka maganda ang tanawin dito.”
Her eyesbrows twitched. “Are you flirting with me, Mr. Cabral?”
“Yes. Isn’t it obvious, Doc?” Mia’s jaw dropped. Hindi niya inaasahan ang sagot nito. Unang tingin pa lang niya sa binata ay alam na niyang mataas ang self-confidence nito pero hindi niya akalaing gano’n ito ka-upfront at kalandi.
Mukhang ito ang tipo na sanay nakukuha ang gusto.
“You sound so confident. Well, sorry to break it to you, Mr. Cabral, but I’m not interested in you. Now, kung ayaw mong umalis dito, bahala ka. I’m going.” Tumayo siya, inayos ang mga gamit at akmang aalis na nang magsalita ito.
“Why the rush, Doc? Are you afraid of me?” His flirty voice irritated her.
“And why would I be? Bakit, may balak ka bang masama sa’kin?” Nagkibit-balikat ito.
“Of course, not. Baka nga ikaw pa ang may gawing masama sa’kin, eh. You look like you’re about to murder me just by glaring at me like that.” Sagot nito saka tumawa. Hindi alam ni Mia kung maiinis o hindi sa lalaki.
Napailing na lang siya saka napag-desisyonang umalis na. Wala siyang balak maging subject ng amusement nito.
Ngunit nakadalawang hakbang pa lamang siya ay may natapakan siyang kung ano kaya nawalan siya ng balanse. Napatili siya. She closed her eyes tightly, already expecting herself to face-plant on the hard surface of the floor.
Ngunit hindi nangyari ang inaasahan niyang pagbagsak sa sahig dahil maagap siyang nahila ng binata sa kandungan nito.
“You should be careful, Doc. Thank God, I was alert enough. I wouldn’t want your beautiful face and delicate skin to get hurt.” Parang sasabog ang dibdib niya sa lakas ng tibok ng puso niya nang ang unang sumalubong sa kanya nang magmulat ng mga mata ay ang nakakaakit nitong tingin.
Pakiramdam niya ay nahirapan siyang huminga dahil sa lapit ng mga mukha nila.
“I was right. You have such beautiful eyes, Doc. Looking at them this close, it’s far more enchanting.” His voice turned husky and soft as if he was trying to cast a spell on her and the response of her body stunned her.
“What?”
Ngumiti ito ng pilyo. “May sibuyas siguro ang inulam mo, Doc.”
Agad na nag-init ang mga pisngi niya saka mas mabilis pa sa alas kwatrong umalis sa kandungan nito.
“ Vaffanculo! “ Agad siyang nagmartsa paalis sa sobrang inis.
“Saan ka pupunta, Doc?”
“Sa impyerno, g*go!” Rinig niya ang malakas nitong tawa hanggang sa lumabas siya ng pintuan ng rooftop at ibalibag ’yon.
“Teka, ’wag naman, Doc. Dadalhin na lang kita sa langit. Mas masarap este maganda doon!” Pahabol pa ng kumag.
Nang makarating sa sariling consultation room at pabalibag niyang isinara ang pintuan saka dumiretso sa banyo.
“Siraulong ’yon! Malamang amoy sibuyas ang bibig ko kasi kumain ako ng may sibuyas kanina!” Kumain siya ng broccoli na may sibuyas at kamatis kanina sa lunch kaya normal na gano’n din ang amoy ng bibig niya.
Inis niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Namumula na parang kamatis ang mga pisngi niya sa pagkapahiya.
Napipikon talaga siya sa lalaking ’yon ngunit pilit niyang kinalma ang sarili. Eh, ano ngayon kung amoy sibuyas bibig niya? Sinabi ba niyang ilapit nito ang mukha sa kanya? Kainis!
Hindi niya alam kung bakit siya sumabog ng gano’n sa harap ng lalaking ’yon. Normally, she was either calm or indifferent to every situation kahit pa galit o naiirita na siya.
She inhaled and exhaled a couple of times to calm herself down. Nang sa wakas ay kumalma na siya ay nilagyan niya ng toothpaste ang toothbrush saka nagsimulang magsepilyo.
Loko din ’tong si Sirius, eh, no? LOL
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Chapter 6
A/N: Hi, Amores! About chapter 6 last Friday. Napindot ko lang po ’yong ‘publish’ button by accident kaya na-publish. :) Gaya nga po ng sinabi ko sa announcement ko noon, thrice a week ko lang ia-update ang story na 2 and that’s every MON, WED & FRI. -Isabel xoxo
CHAPTER 6
Kunot-noong pinagmamasdan ni Mrs. Cabral ang panganay na anak habang nakaupo ito sa sofa. Kadarating lang nito galing sa labas pero mukhang maganda ang mood. Bago ito umalis kanina ay hindi maganda ang timpla nito dahil sa dami ng trabaho na tinatapos nito.
He said, he needed a smoke. He’d been doing his job remotely because he wanted to be there for his brother.
“You look like in a merry mood. What happened, Riu?”
“Wala naman, mom.”
“Wala pero bakit para kang timang d’yan na ngingiti-ngiti? Kanina, hindi maganda ang timpla mo pero pagbalik mo ay may pasipol-sipol ka pa habang malawak ang ngiti.”
He chuckled. “Wala nga, mom.”
“Mukhang may gagawin ka na namang hindi kanais-nais, kuya.” Singit ng kapatid na si Sirin na nakataas ang kilay. She was gazing at him full of suspicion. Kadarating lang nito galing trabaho.
“I’m warning you, Riu. Kung ano man ’yang binabalak mo, ’wag mo nang ituloy. Nasa ospital pa ang kapatid mo. Ayoko ng dagdag sakit ulo.”
“Dad, pati ba naman ikaw? Kailan ba ako gumawa ng kalokohan?”
“At nagtanong ka pa talaga.” Napapailing na lang si Mr. Cabral sa anak. The last time he saw that kind of smile on his son’s face, someone’s heart was broken soon after.
Siya pa ang humarap sa pobreng babaeng ’yon nang pumunta sa bahay nila at hinahanap ang magaling nilang anak. Mabuti na lamang at tinanggap nito ang inalok niyang pera kapalit ng pagtigil sa kakahabol kay Sirius.
Well, it was proven later on that that woman was a scheming b*tch. But his son’s reputation had never been the same after that.
The family continued bantering happily until night came and they needed to leave to rest. Galing pa silang lahat sa trabaho maliban kay Sirius na nagbulontaryong sa ospital na lang gawin ang trabaho para mabantayan ang kapatid.
Isa sa kanilang mga kasambahay ang naatasang magbantay nang gabing ’yon dahil kinabukasan ay lalabas na rin ng ospital si Sirus.
Nang sumunod na araw ay na-discharge na sa ospital si Sirus. Hindi na nakapunta si Sirius dahil may biglaan siyang meeting sa isang importanteng client. Dahil doon ay hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na masilayan ang magandang doktor ng kapatid.
“Dr. Rosso, I hope you don’t mind becoming a private doctor of my son. Ikaw na lang ang pupunta sa bahay para check-up’in siya. Ayaw ko kasing mahirapan pa siya sa pagbiyahe papunta dito sa ospital.” Pakiusap ni Mrs. Cabral.
“I usually don’t do home check-ups—”
“—It’s okay, Mia. Kung iniisip mo ang trabaho mo dito sa ospital, don’t worry about it. I’ll take care of it.” Singit ng pamilyar na boses.
“Pa! What are you doing here? Akala ko ba may pasyente ka?” Gulat na tanong ni Mia sa bagong dating, ang kanyang adoptive father at presidente ng Rosso Private Hospital.
“Maaga akong natapos kaya dumaan ako dito.” Nakangiti nitong sagot saka tumingin sa gawi ng mga Cabral.
“I’m glad your son has finally been discharged, Silvano, Rina.”
“Kaya nga, Arturo. Salamat sa Panginoon.” Sagot ni Mr. Cabral na ikinakunot-noo ni Mia.
“You know the Cabrals, pa?”
“Of course. We’re business associates. Now that their son is in this condition, I want you to take care of him. Kung kailangan mo siyang puntahan sa bahay nila for his check-ups, please do, sweetheart. Do this for your father.”
“We’d be really grateful, Dr. Rosso.” They were staring at her hopefully.
“Fine. I’ll do it.” She conceded which made Mr. and Mrs. Cabral happy.
“Thank you, Dr. Rosso, for doing this. I promise to be the most behaved patient.” Masayang turan ni Sirus habang nakatingin sa magandang doktora. At least, hindi na niya kailangan pang gumawa ng paraan para lang makita itong muli.
Nang gabing ’yon, masayang kumain ng hapunan ang mga Cabral dahil kompleto na sila. Umuwi pa si Sirius sa bahay nila para lang saluhan ang pamilya sa dinner.
“Mabuti naman at nakauwi ka ngayon, Riu. We know you’re busy right now.”
“Yes, dad, I’ve been busy, pero talagang sinadya kong umuwi ngayon to have dinner with you guys. Mas magiging busy kasi ako sa mga susunod na linggo at baka hindi muna makakadalaw dito.”
“Don’t overdo it, son. Maganda ’yan na seryoso ka sa trabaho pero dapat marunong ka ring magpahinga. I taught you that.”
Sirius chuckled. “I know, dad. ’Wag kayong mag-alala. I know what work-life balance is. Ako pa ba? Dapat si Rin ang pagsabihan niyo niyan. She doesn’t even go out with her friends or take any vacation leave. Masyadong workaholic.”
“Ba’t nadamay na naman ako, d’yan?”
“Tama ang kuya mo, Rin. Masyado kang nakatutok sa trabaho mo na hindi ka na yata marunong magsaya man lang. Hindi rin maganda ang gano’n.” May bahid ng pag-aalala sa boses ng kanilang ina.
“Mom, don’t worry about me. Just focus on the baby of the family.”
“Excuse me. Are you referring to me, ate? I’m already 28, baka nakakalimutan mo. One year lang ang age gap natin.” Reklamo naman ni Sirus sa kapatid.
“Kung ayaw mo nang matawag na baby then start acting like a grown adult. ’Wag nang maging pasaway. Remember that you’re not that healthy. Look what happened to you? Because you wanted to be like your friends, tumakas ka para lang pumunta sa bar. Look what happened after?
“I’m not mad at you kaya ko ’to sinasabi sa’yo. I’m just worried. Pa’no kung mas malala pa ang nangyari sa’yo? Inisip mo man lang ba ang mararamdaman namin?”
“Oo na. I was wrong. I’m sorry. Don’t worry, I won’t do anything that reckless again.”
“Tama na ’yan. Nandito tayo para i-celebrate ang paglabas ni Rus sa ospital hindi para pagtalunan pa ang mga ganyang bagay.” Sita naman ng kanilang ama. After that, the atmosphere at the dining table lightened again.
“Mom, kailan pala ang follow-up check-up ko?” Tanong ni Sirus kapagkuwan.
“In a month. Dr. Rosso will be coming over to our house for that para hindi ka na bumiyahe pa papuntang ospital.”
“Bakit ang tagal?” Tila gustong mainip na tanong ni Sirus.
“Matagal? Bakit parang nagmamadali ka? May nararamdaman ka bang hindi maganda?” Agad na umiling si Sirus.
“No, mom. I’m fine. Hindi ko lang akalain na gano’n pa pala katagal ang hihintayin bago ang follow-up check-up ko.”
“Did I hear it right? Si Doc ang pupunta dito sa bahay?” Sirius asked in wonder.
“You heard it right, Riu. Mabuti nga at pumayag si Dr. Rosso na siya na lang ang maging private doctor ng kapatid mo. She normally doesn’t accept home check-ups like this pero napakiusapan namin siya sa tulong ng kanyang papa.” Tumango-tango si Sirius habang may ngiti sa mga labi.
“That’s good to hear. Anyway, I forgot to mention na baka dito muna ako titira sa bahay kasi ipapa-renovate ko pala ’yong penthouse next month.”
“What? Akala ko ba magiging busy ka kaya hindi ka makakadalaw sa mga susunod na linggo?”
“I changed my mind.”
“Just like that?” Sirius nodded his head nonchalantly.
“Matagal ko nang sinasabi na ipa-renovate mo ’yong penthouse mo pero ayaw mo kasi ayaw mong dumito muna habang ginagawa nila. Ano’ng nakain mo at bigla kang nagdesisyong ipa-renovate?” Takang tanong ni Mrs. Cabral sa panganay na anak.
“Wala naman. I just got bored with the design.”
“What the heck is that? Bored ka kaya ka magpapa-renovate, kuya? Why do I sense something fishy? May binabalak ka ba?” Singit ni Sirin habang tinititigan siya na animo mahahanap nito sa mukha niya ang sagot sa tanong nito.
“Imagination mo lang ’yan, Rin. Siguro kailangan mo nang mag-love life para naman may pagkakaabalahan kang iba. You’re already 29. Malapit ka nang lumampas sa kalendaryo.”
“Look who’s talking. Ikaw nga, lampas na sa kalendaryo, hindi naman ako nagreklamo. Hmp!”
“When are you going to introduce your boyfriend to us, Rin? You’ve never brought any guy home before. Tama ang kuya mo. You’re getting older. Kung meron ka na, maybe it’s time for you to settle down. Aba, gusto na namin ng daddy niyong magkaapo.”
“Mom, bago niyo ako tingnan, si kuya muna.”
“Ba’t nasali ako d’yan?”
“Why not, kuya? You’re already 32 years old. Dapat bago kami ni ate, ikaw muna.” Singit naman ni Sirus na nakangisi.
“Well, tama naman ang mga kapatid mo. Ikaw ang panganay kaya dapat ikaw ang mauna. Besides, matanda ka na at oras na para magseryoso.”
“Dad, kahit kailan hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend kaya sino naman ang aalukin ko ng kasal? Well, kapag nakita ko na siya, sisiguraduhin kong wala siyang kawala sa’kin.”
“You sound like you’re interested in someone right now. Who is it?” Curious na tanong ni Sirus.
“That’s for me to know and for you to find out.” He dragged out his words and then sipped on his water with a faint smirk, his mind drifting somewhere else…to that feisty kitten who liked to act like a tigress whenever they meet.
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Chapter 7
A/N: At nakalimutan ko ulit na update day nga pala ngayon. Sa mga nagbabasa
(kung meron man)
, ipaalala niyo rin kasi. Lol 🤣
CHAPTER 7
Three weeks went by just like that and their medical mission finally arrived. Madaling araw pa lang ay nasa daan na sina Mia papunta sa kanilang destinasyon. Nang makarating ay kinailangan pa nilang maglakad paakyat ng bundok sa tulong ng kanilang guide na taga roon.
Mabigat ang mga dala nila pero walang nagreklamo dahil alam nilang para naman ’yon sa mga tao na dadayuin nila…maliban na lang kay Nile.
“Oh, my gosh! Sira na ang beauty ko! Look at me! Gusto kong magpicture para sa ‘my day’ ko pero hindi na fresh ang itsura ko!” Parang pusa na umiiyak si Nile habang tinitingnan ang sarili sa compact mirror.
Kararating lang nila at kasalukuyang nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga habang hinihintay nila ang barangay captain.
“Umakyat ka ng bundok. Malamang, hindi ka na fresh pagdating. Iinom mo na lang ’yan ng tubig baka sakaling mawala ’yang kaartehan mo.” Sagot ni Kris saka initsa kay Nile ang isang bottled water na agad naman nitong sinalo. Muntik nga lang mahulog kaya impit itong napatili.
Lahat sila pinagpapawisan dahil malayo rin ang nilakad nila. Idagdag pa ang init ng panahon. Mabuti na lang at medyo malamig ang banayad na simoy ng hangin sa bundok kung saan matatagpuan ang komunidad na ’yon.
“Excuse me, no! Hindi ako maarte! I just value my beauty!” At umirap pa ang bakla. Nakalimutan yatang may mga ibang tao sa paligid.
Sa harap ng iba ay lalaking-lalaki ito dahil hindi alam ng pamilya nito ang totoong pagkatao nito kaya naman sa harap lang nila nito nailalabas ang totoong ito.
“Beauty, my a*s! Baka Betty la fea kamo.”
“Hoy, Kris! Sumosobra ka na, huh!” Napapailing na lang sina Mia at Kara sa dalawa. Silang dalawa ang laging nagbabangayan sa grupo nila. Pero kahit gano’n, hindi naman napupunta sa totoong away kahit kailan. It was just a harmless banter between friends.
Maya-maya pa ay dumating na ang hinihintay nila at sinamahan sila nito sa kanilang accommodation.
Isang simpleng wooden bungalow house iyon pero malinis at kompleto sa mga gamit. Dalawa ang kwarto niyon kaya sakto sa kanilang apat.
Sa kabilang bungalow naman ang accomodation ng kasama nilang si Doc Matt.
According to Kap Jo, ang punong barangay, tatlo ang mga bungalow houses at ang dalawa sa mga ’yon ay pag-aari nito at ang isa naman ay pag-aari ng barangay.
“Oh, my God! Look at the view!” Excited na tili ni Nile nang dumungaw ito sa bintana. Agad tiningnan nila Mia ang tinutukoy nito at pati sila ay napangiti sa ganda ng tanawin.
Sa hindi kalayuan ay may ilog at kilang-kita ang napakagandang waterfall niyon na galing pa sa mas mataas na parte ng bundok. Malawak rin ang palayan at taniman ng iba’t-ibang gulay. It was such a picturesque view.
“I want to take a dip!”
“Me too! Punta tayo mamaya.”
“Mabuti naman at nagustuhan niyo, mga Doc. Bagong gawa lang ang bungalow na ito na talagang inilaan para sa mga dumadayo ritong bisita. Feel at home.
“Sa loob ng tatlong araw na nandito kayo, may magdadala ng pagkain ninyo araw-araw. Kung may gusto kayong ipalutong pagkain, sabihin niyo lang kay Manang Meding. Siya ang magluluto para sa inyo.”
“Hindi po ba kami nakakaabala sa kanya, Kap?” Tanong ni Mia.
“’Wag po kayong mag-alala, Doktora. Ito ang napagkasunduan ng lahat bilang pasasalamat namin na itong lugar namin ang napili niyong puntahan para sa medical mission niyo. Maraming mga nagkakasakit dito ang hindi nakakapunta sa ospital dahil malayo. Bukod doon, wala ring pera kaya pinipili na lang indain ang mga sakit.” Hindi mapigilang maantig ng magkakaibigan sa sinabi ng matandang punong barangay.
Sa bawat medical mission nila ay puro ganito ang mga naririnig nila. Nakakalungkot lang na maraming mga tao ang hindi nakakakuha ng atensyong medikal dahil sa mga gano’ng dahilan.
Marami pa silang napag-usapan hanggang sa nagpaalam na rin ang kapitan. Bukas na ang unang araw ng kanilang medical mission kaya naman may oras pa sila upang mag-relax. Ngunit ang planong pagpunta sa ilog ay hindi na natuloy dahil biglang bumuhos ang ulan.
Nanatili na lamang sila sa kanilang accomodation hanggang sa sumapit ang gabi.
“Oh, my! Ang hina ng signal, kainis!” Reklamo ni Nile habang nasa porch sila. Katatapos lang nilang maghapunan at kasalukuyang nagkakape.
Kanina pa ito hindi mapakali para lang makasagap ng signal. Kulang na lang ay umakyat ito sa puno ng niyog.
Tumila na ang ulan and surprisingly, lumamig ang temperatura kaya naman naka-long sleeves sila.
“Wala tayo sa ciudad kaya malamang, mahina ang signal. Umupo ka na nga lang. Kanina pa ako nahihilo sa’yo. Para kang kabayong ’di makaanak. Wala ka rin namang ka-chat na boyfriend kaya kahit makasagap ka ng signal, useless rin.” Inis na turan ni Kris.
“Ang harsh mo talagang unggoy ka. Parehas talaga kayong magkapatid na matalim ang tila.”
“Ganito na pala kaganda ang mga unggoy ngayon.” Kris taunted and then sassily flipped her hair.
“At bakit nadamay na naman ako? Nananahimik ako ditong nagbabasa.” Reklamo naman ni Mia na nakaupo sa rocking chair habang nagbabasa ng medical book.
“Hayaan mo na ’yang dalawang ’yan. Ganyan siguro talaga kapag pinanganak during full moon.” Sagot naman ni Kara na natatawa. Dahil sa sinabi nito ay ito naman ang pinagdiskitahan nila Kris at Nile na asarin hanggang sa parang mga batang naghabulan ang mga ito na ikinailing na lang ni Mia.
Para talagang mga bata.
“Mukhang magiging mas masaya ang medical mission natin ngayong taon kasi narinig ko kanina na may mga darating pang iba. I think, it’s an outreach program of a certain company.” Imporma ni Nile kapagkuwan.
“Outreach program? Ng ano’ng company?”
“I’m not sure. Wala silang nabanggit, eh. I just overheard it a while ago.” Nagpatuloy ang kwentuhan nila hanggang sa nagdesisyon na silang matulog.
Kinabukasan, maaga silang nagising para maghanda sa gagawing medical mission. Doon sa basketball court ng barangay nila sinet-up ang lahat. Hindi nagtagal ay nag-umpisa na sila. Gaya ng inaasahan, maraming mga residente ang dumating.
Sa ’di kalayuan ay nag-umpisa na rin ang outreach program. Dahil busy na sila sa ginagawa ay hindi na napagtuunan ng pansin ni Mia ang nangyayari sa outreach program.
Nang lunch break na ay nauna nang kumain sina Nile at Kara at nang matapos ang mga ito ay sila naman ni Kris ang kumain.
“Doktora, may nagpapabigay po sa’yo.” Mia raised her gaze at the kid who came up to her with a bottled water and yakult in her hands.
“Kanino galing?” She asked, reluctant to accept the drinks.
“Galing po kay kuya pogi po doon.” Itinuro ng bata ang parte kung saan nagsasagawa ng outreach program ang isang company.
“Paki sabi, thank you, pero may baon akong inumin.” Nagtaka ang bata pero tumango ito saka bumalik sa pinanggalingan nito.
“Why didn’t you accept it? Sayang naman. Sabi mo kanina, nakalimutan mo ’yong baon mong yakult sa accommodation.” Kris asked in wonder.
“It’s nothing. Ayoko lang tumanggap ng kung ano galing sa hindi ko naman kilala.” Kris went silent for a couple of seconds. Alam na niya kung bakit hindi nito tinaggap ang mga inumin but she didn’t dare voice it out as she didn’t want to dampen Mia’s mood.
Tahimik nilang ipinagpatuloy ang pagkain hanggang sa may biglang may naglapag ng yakult at bottled water sa harap ni Mia. Sabay silang nag-angat ng tingin.
“Bon appetit. The weather is so hot and humid so please take this, Doc. Inilaan ko talaga ’yan para sa’yo.” Hindi mapigilang magtaas ng kilay ni Kris sa sinabi ng bagong dating na gwapong lalaki. Nakangiti ito at hindi maikakailang napakalagkit ng tingin kay Mia.
Binati lamang siya nito out of politeness saka agad ibinalik ang atensyon kay Mia.
“What are you doing here, Mr. Cabral?” Pormal na tanong ng kapatid.
“I told you, you can call me Riu, Doc. No need to be so formal.” Hindi alam ni Kris kung bakit pero pakiramdam niya ay bigla siyang naging third wheel kaya kahit gusto niyang magtanong kay Mia kung sino ang lalaki ay nagpaalam na lang siyang mauna nang bumalik sa tent nila.
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Chapter 8
A/N: Kindly SHARE this story. Thank you! Bon weekend!
CHAPTER 8
“I don’t see any reason for me to call you by your nickname. We’re not close enough to do that.” Mia answered coolly and continued eating indifferently. Hindi mapigilang mangiti ni Sirius.
Hindi niya alam kung bakit pero kahit laging malamig ang pakikitungo ng magandang doktora sa kanya ay natutuwa pa siya. He really found her adorable for some reason.
Normally, he would find this kind of behavior annoying with other women dahil wala siyang tiyaga sa panunuyo. In fact, siya ang klase ng tao na maiksi ang pasensya pero nakapagtatakang hindi niya nararamdaman iyon sa dalaga. Bagkus ay natutuwa pa siya.
“Hmmm, really? We’re already acquainted, right? Magkakilala pa nga ang mga magulang natin. Hindi lang basta magkakilala, they’re business associates.”
“So? It’s not the same with us.” Sagot nito na tinapos na ang pagkain. Akmang tatayo na ito at aalis nang pigilan niya ito sa kamay.
She looked at his hand holding hers with a scowl so he withdrew his hand right away.
“I’m sorry.” He cleared his throat. “Take these. Para sa’yo talaga ang mga ’yan. Ang init pa naman ng panahon ngayon. You need it.” Aniya kapagkuwan saka inilagay sa kamay nito ang bottled water at yakult. Tahimik lang nitong tiningnan ang mga binigay niya saka nagpasalamat.
“You’re welcome, Doc. Anyway, I didn’t expect to actually see you here. This must be fate. What do you think?” Tumaas ang isang kilay nito.
“Fate?” He chuckled.
“Oo naman. Biruin mo, sa dinami-rami ng lugar sa Pilipinas, itong lugar na ’to ang napili para sa medical mission niyo at outreach program naman ng kompanya namin. Hindi ba tadhana ’yon?”
“You know what? Ikain mo na lang ’yan, Mr. Cabral. Mukhang gutom ka na yata at kung anu-ano na lang ang lumalabas d’yan sa bibig mo. Anyway, alis na ako. My patients are waiting for me.”
“I must admit, I’m happy seeing you here. See you around, my gorgeous doctor.” Pilyong pahabol niya rito. Parang wala itong narinig na tuloy-tuloy lang sa paglalakad palayo pero alam niyang narinig siya nito dahil biglang bumilis ang lakad nito.
Kailan pa siya natutong maging corny? Basta ito ang kausap niya, kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya. Pero kahit gano’n, he found their interactions entertaining in a way that he never felt before.
“Crazy guy!” Mia muttered in annoyance. Kita niya ang nanunuksong ngiti ng mga taong nakarinig sa sinabi ng binata kaya binilisan niya ang paglalakad para agad makalayo roon.
“Oh, ba’t namumula ’yang mga pisngi mo hanggang tainga? Ano’ng nangyari sa’yo?” Takang tanong ni Kara nang makita siya.
“Wala. Dahil sa init ng panahon siguro.” Sagot niya saka inilapag sa table ang yakult saka uminom ng tubig.
“Saan mo nakuha ’yang yakult? Akala ko ba nakalimutan mo ’yong baon mong gayan sa accommodation?”
“May nagbigay lang.” Simpleng sagot niya saka nagpaalam na pupunta sa restroom. Maya-maya pa ay ipinagpatuloy na niya ang pag-check-up sa mga pasyente.
But for some reason, she felt like she was being watched. Nang tumingin siya sa paligid ay hindi nga siya nagkamali dahil nahuli niyang nakatitig si Sirius sa gawi niya. Ngumiti ito. Ni hindi man lang nahiya na nahuli niyang nakatitig sa kanya.
Pilit niyang inignora ang presensya ng lalaki na parang wala yatang planong tantanan siya ng tingin at nag-concentrate sa kanyang ginagawa.
Nang sa wakas ay natapos ang medical mission nila ng araw na ’yon ay pagod na pagod silang magkakaibigan. Mabuti na lang at nakahanda na ang hapunan nila nang makauwi sila sa kanilang accommodation.
“Salamat po sa pagkain, Aling Meding.”
“Nagustuhan po namin ang inihanda niyo kagabi saka ngayong araw. Masarap po.”
“Walang anuman po, mga Doc. Natutuwa naman ako at nasarapan kayo sa luto ko.” Nakangiting sagot ng matanda habang hinihilot nito ang batok nito na tila masakit.
“Okay lang po ba kayo? Masakit po ba ang batok niyo?” Tanong ni Mia na nakakunot-noo.
“Medyo nga po, Doc. Dahil lang siguro sa pagod. Halos maghapon kasi akong nanahi kanina sa bahay. Siguro, nangalay lang.”
“Sigurado po ba kayo?”
“Opo, Doc. Sige, mauna na ako para makakain na kayo at makapagpahinga. Babalik ulit ako bukas ng maaga para maghanda ng almusal niyo.” Muli silang nagpasalamat kay Aling Meding at nang makaalis na ito ay kumain na sila.
“Grabe, sobrang init ng panahon kanina. Mabuti na lang at medyo lumamig na ngayong gabi.” Reklamo ni Kris. Nasa porch na naman sila, hinihintay na matunaw ang kinain.
“Kaya nga, eh. Pero kahit mainit dito, wala pa ring tatalo sa init ng ciudad. Not to mention the pollution.”
“Sinabi mo pa. Mabuti na lang, hindi problema ang inuming tubig dito.” Sagot ni Mia.
“Oo naman kasi may special delivery pa para sa’yo.” Tukso ni Nile.
“Ano’ng sinasabi mo d’yan?”
“Naku! ’Wag ka nang magmaang-maangan pa, Mia. I saw what happened. Biruin mo, hanggang dito ba naman sa bundok, may suitor ka pa rin? Ang haba talaga ng hair mong babaita ka.”
“What suitor are you talking about? Hindi niya ako nililigawan. Kapatid lang siya ng naging pasyente ko.”
“Hindi nililigawan kasi liligawan pa lang?” Singit ni Kara.
“Hindi na ako magtataka kung bukas, biglang sumulpot ’yon dito.” Ani Kris na nangingiti.
“Hindi ako liligawan no’n at tsaka siguradong umuwi na ’yon kasi ngayong araw lang naman ang outreach program nila dito.”
“Ay, isang araw lang ba? Sayang naman. Akala ko pa naman sabay-sabay tayong matatapos dito.” Tila nanghihinayang na turan ni Nile.
“Anyway, that guy is freakin’ hot. I know, he’s your type.” Dagdag nito kapagkuwan.
“Ano’ng pinagsasabi mo d’yan? Matulog ka na nga lang. Mukhang puyat ka na naman.”
“At ginawa pa akong puyat. Tse! Totoo naman ang sinasabi ko. You even accepted the drinks that he gave you which was very surprising by the way kasi ikaw ’yong tipong hindi tumatanggap ng kahit ano galing sa ibang tao lalo na sa manliligaw mo. Sa tinagal-tagal na nating magkaibigan, ngayon ko lang nakita na may exception ka.” Hindi kaagad nakasagot si Mia.
Now that she had the time to think about it, bakit nga ba niya tinanggap ang binigay ni Sirius na inumin?
“You know that I love drinking yakult. Nakalimutan ko ’yong baon ko kaya tinanggap ko ’yong binigay niya. ’Yon lang ’yon.”
“Asus. Tingnan lang natin kasi pupusta akong hindi lang ’to ang huli niyong pagkikita. Sa lagkit ba naman ng tingin niya sa’yo, sigurado akong hindi ka na pakakawalan no’n.”
“I agree with Nile. Pero mag-iingat ka, Mia. I heard rumors about the eldest son of the Cabral family. Napaka-babaero daw no’n. Lahat nga halos ng mga staff sa ospital ay kilala siya at iisa lang ang sinasabi tungkol sa kanya. Matinik daw siya sa babae.” Singit ni Kara.
For some reason, tila may pumisil sa kanyang puso pero binalewala niya iyon.
“Don’t worry. Wala akong balak ma-involve sa kanya in anyway. And besides, I don’t think he will court me. Gaya nga ng sinabi mo, marami siyang choices kaya imposibleng pagtuunan niya ng pansin ang isang simpleng doktor na gaya ko.”
“Simple? You’re smart, stunning and rich for crying out loud kaya imposibleng papalampasin ka niya.”
“Kara is right. Mr. Casanova will surely make a move on you.” Sagot ni Kris na sinang-ayonan naman ni Nile.
Nagpatuloy pa ang kwentuhan nila hanggang sa pumasok na sila sa bahay upang maghanda sa pagtulog.
“Mia! Wake up!” Mia groaned in annoyance when someone shook her by the shoulder, persistently waking her up.
“Ano? Bakit ka ba nang-iistorbo? Inaantok pa ako.” Inis niyang sabi sabay talukbong ng kumot.
“Bumangon ka na d’yan. Alas otso na!”
“Eh, ano naman kung alas otso na? 9:30 pa naman ang medical mission natin ’di ba? Give me 10 minutes more.”
“10 minutes, my a*s! Someone’s here to see you!” Nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang sinabi ni Kris.
“What? Sino naman ’yon? Si Kap Jo? Kayo na lang ang makipag-usap sa kanya.”
“Hindi si Kap Jo! Basta! Bumangon ka na lang d’yan!” Hinila siya nito sa kamay upang piliting bumangon hanggang sa napilitan na nga siyang bumangon.
Dumiretso siya sa banyo upang maligo. Nang matapos at makapagbihis ay lumabas na siya para kumain ng almusal. Pero nang tingnan niya ang oras ay napagdesisyonan niyang ’wag na lang kumain at sumunod sa mga kaibigan.
Siya na lang mag-isa ang naiwan dahil habang naliligo siya kanina ay kinatok siya ni Kris upang ipaalam na mauuna na raw ang mga ito dahil may problema sa site.
Nagtaka siya kung bakit wala ’yong taong tinutukoy ni Kris pero ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Baka nasa basketball court kasama ng mga kaibigan.
Pero laking gulat niya nang makita si Sirius na nakaupo sa rocking chair sa porch ng bungalow nang lumabas siya ng pintuan.
“Good morning, Doc.”
“Ano’ng ginagawa mo dito? Akala ko umuwi na kayo kahapon? Where are my friends?” He chuckled.
“One question at a time, Doc.” She glared at him.
“Fine. Eto na, sasagot na. You don’t have to glare at me like that. About your friends; nauna na sila sa basketball court. Ako naman, nagpaiwan ako kasi may kailangan pa akong asikasuhin dito. Anyway, this is for you.”
Napakunot-noo siya nang iabot nito ang isang tangkay ng hinog na mangga. It looked fresh as if he just picked it just a while ago.
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Chapter 9
A/N: I just uploaded the Epilogue of Cross Dawson: Cupid’s Island Series. Sa mga hindi pa nakabasa, you can read it. :) xoxo
CHAPTER 9
“Bakit mo ako binibigyan nito?”
“I know, sawa ka na siguro sa mga bulaklak na binibigay ng mga manliligaw mo kaya nang makita ko ang puno ng mangga sa garden ng bahay nila Kap Jo kanina, ikaw kaagad ang pumasok sa isip ko kaya kumuha ako para sa’yo.
“For the record, nagpaalam ako bago ko pinitas. And in case you’re wondering kung bakit hinog na mangga, well, to add sweetness to your day. Kapag ’yong hilaw kasi, baka lalo kang maging masungit dahil sa asim.” May pilyong ngiti sa mga labi na sagot nito.
Agad siyang nairita sa paraan ng pagkakangiti nito. Ngiti pa lang ay alam na niyang may plano itong hindi maganda.
“I don’t have time to play your games, Mr. Cabral.”
“Neither do I. And for the record, I’m not playing games.”
She huffed and walked past him, intending to leave him there. Hindi niya tinanggap ang mangga na binibigay nito kahit pa ’yon ang favorite tropical fruit niya.
“Wait!” Hinabol siya nito saka sumabay sa paglalakad.
“Tanong ko lang. Bakit ba palaging mainit ang ulo mo, Doc? Aren’t you a morning person? Umagang-umaga pero ang init agad ng ulo mo. Ganyan ka ba talaga kasungit?”
“Don’t follow me!”
“Hindi kita sinusundan. Doon din ang punta ko. You’re assuming things.” Tumawa pa ito na tila nang-aasar.
Napabuntong-hininga na lang si Mia. Hindi niya alam kung ano ang gusto ng binata pero wala siyang balak pag-aksayahan ito ng panahon. She remained silent to avoid any further interaction between them.
Pero mukhang wala itong balak tantanan siya. Kung anu-ano ang mga sinasabi pero pinili niyang deadmahin ito.
“Hindi kaya mapanis ang laway mo, Doc? Sumagot ka naman, o.” She remained silent and didn’t even throw him a glance nor commenting.
“You’re still pretty even when you’re cold and indifferent, Doc.”
“Tsk! Tantanan mo nga ako.”
“Ayoko nga. I’ve made up my mind. Gusto kita kaya hindi kita tatantanan.” Her steps came to a halt. Tumigil din ito sa paglalakad saka hinarap siya.
“What did you just say?”
“You heard me right, Doc. Hindi ako ’yong tipong nagpapaligoy-ligoy. I hate those games. Kung ano ang gusto ko, ginagawa ko at kung may gusto akong tao, sinisigurado kong sinasabi ko at ipinaparamdam ko ang sinseridad ko.” Iniangat nito ang hawak na prutas. “Tinanong mo kanina kung bakit kita binigyan nito, right? Well, this is the answer. It signifies my interest as I’ve been interested in you since the first time i’ve ever laid eyes on you. That’s the truth.”
Hindi agad nakahuma si Mia sa pagiging straight forward ng lalaki. Hindi siya manhid para hindi mahalata na gusto siya nito pero hindi niya akalaing ganoong kabilis nito sasabihin sa kanya iyon na wala man lang pasakalye o ano.
Based on experience, halos lahat ng lalaking nanligaw sa kanya ay ilang beses munang nagbibigay ng bulaklak to create a good impression. Then, they would invite her for dinner. Pero wala ni isang pinagbigyan niya.
She didn’t see any reason for her to accept any gift or any invitation to go somewhere from someone she didn’t like.
Bigla niya tuloy naalala ang sinabi ni Kara na chismis tungkol sa binata.
“Kumain ka na ba ng almusal, Mr. Cabral?” Tanong niya kapakuwan. Tila na-excite naman ito.
“Hindi pa nga, eh. Do you want to grab something to eat before we go? May pagkain sa accommodation ko.”
“No, thank you. Wala na akong oras. Siguro nga, mas mabuting kumain ka muna kasi mukhang gutom ka na. Kung anu-ano na lang kasi ang sinasabi mo.” At naglakad na siya paalis.
Sirius’ jaw dropped. “Doc, joke ba ’yon? Bakit parang hindi yata nakakatawa?” Pahabol niya rito pero gaya kanina, inignora lang siya nito na tila wala itong narinig. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa basketball court.
Gusto pa sana niyang kulitin ang dalaga ngunit alam niyang busy na ito. Dahil doon, hinanap na lang niya si Kap Jo upang pag-usapan nila ang project na gusto niyang gawin sa lugar ng mga ito.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpaiwan muna siya pagkatapos ng outreach program nila.
Habang nag-uusap sila ng punong-barangay ay tila nama-magnet ang kanyang mga mata na laging nagnanakaw ng tingin sa magandang doktora.
Hindi niya maiwasang mangiti sa paraan ng pakikipag-usap nito sa mga pasyente nito; patient and full of gentleness. Salungat kapag siya ang kausap nito.
Kahit para itong tigre, may soft side ito na lalong nakakaakit sa paningin niya.
“Are you okay, Doc Mia? Pinagpapawisan ka na. Here, use this.” Inabutan si Mia ng tissue ng kasama nila na si Doctor Santos.
“Thank you, Doc Matt. Nasa loob kasi ng tent ang bag ko. Nando’n ’yong panyo ko.” Nakangiti niyang sagot saka kinuha ang binigay nito.
“Don’t mention it.” Bumalik ito sa pakikipag-usap sa pasyente at gano’n rin siya.
“Doc Santos, girlfriend mo po ba si Doc Rosso? Ang sweet niyo kasi.” Tila kinikilig na tanong ng pasyente na chine-check-up ni Doc Matt. Nakatinginan sila ng gwapong doctor.
“Naku, hindi po. May asawa na po ako.”
“Ay sayang naman. Bagay kayo.” Sagot ng nakatatandang babae. Mia smiled at Doctor Matt awkwardly. Ipinagpatuloy nila ang ginagawa hanggang sa may pagkakataon ulit silang mag-usap.
“Hindi ko akalaing ganito karami ang taong pupunta sa medical mission natin. This is a remote area pero marami palang residente.” Doc Matt voiced out.
Bago pa sila nagpunta rito ay nagpa-register na ang mga taong pupunta kaya naman hinati ng mga barangay officials ang bilang ng mga tao sa bawat araw sa loob ng ng tatlong araw na medical mission nila para mas organize.
“Galing pa sa ibang mga barangay ’yong iba kaya marami. Mabuti nga at nakapunta sila. I heard, ngayon lang kasi nagkaroon ng medical mission dito kaya naman maraming natuwa.”
“Kaya pala. First time kong sumama sa medical mission sa probinsya and I’m glad, I came. This is such a nice experience.”
“You should come again next year, Doc Matt. Every year namang may medical mission ang ospital natin.”
“I sure will.” And so, the medical mission went on.
Samantala, may isang hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa dalawa.
“What is that? She actually knows how to smile. Bakit kapag ako ang kausap niya, parang lagi siyang nakakaamoy ng tae na laging nakasimangot? Mabango naman ako, gwapo, macho at hot pa.” Pagbubuhat niya sa sariling bangko at nakalimutang may tao pala sa harapan niyang nakakarinig sa kanya.
Hanggang ngayon, hawak-hawak pa rin niya ang pinitas na isang tangkay ng mangga dahil hindi talaga tinanggap ni Mia.
“Mukhang nakuha rin ni Doc Mia ang atensyon mo, ah, sir Riu. Sabagay, sa ganda ba naman kasi niya. Pero mukhang hindi lang ikaw ang nakaka-apprecite sa kagandahan niya. Tingnan mo.” Inginuso ni Kap Jo ang mga lalaking naroon na panakaw na tumitingin sa gawi ni Mia.
Bigla ay parang nag-init ang ulo niya. Hindi niya nagustuhan ang tingin ng mga ito. Damn. Apektado na rin yata siya sa init ng panahon.
“Ang tamis ng ngiti niya habang kausap si Doc Santos. Mukhang mas gusto niya ang prim and proper na lalaki kaysa sa malokong gaya mo.” Natatawang sabi ng punong-barangay. Sirius gritted his teeth in obvious displeasure.
He wanted to chuckle to show Kap Jo that he wasn’t affected but he couldn’t bring himself to do so.
“They’re just friends, Kap Jo.”
“Pa’no mo naman nasabi? Baka naman sinasabi mo lang ’yan para gamutin ang nagsisimulang sugat sa ego mo. Mukhang siya lang yata ang babaeng tila immuned sa kagwapuhan mo.” Natatawang sabi ng matanda.
Matagal na silang magkakilala ni Kap Jo dahil matagal itong nanilbihan sa pamilya nila bilang driver bago ito nagdesisyong umuwi sa lugar ng mga ito noong mag-retiro.
Nakwento na nito noon sa kanya ang sitwasyon sa lugar ng mga ito kaya naman dahil doon, napagdesisyonan niyang sa lugar ng mga ito gawin ang outreach program ng kompanya nila.
Nagbigay sila ng mga school supplies para sa mga bata at mga gamit naman sa pagsasaka para sa mga matatanda.
Nalaman rin niya kay Kap Jo ang matagal nang problema sa kakulangan ng classrooms sa eskwelahan kaya naman nagpaiwan siya upang tingnan ang lugar. Gusto niyang mag-donate para sa pagpapagawa ng mga classrooms.
“Trust me, Kap Jo. I know what I’m doing.” Because whether they’re friends or not, it won’t make any difference. Mia is mine…
Maya-maya pa ay napansin niyang naglakad palayo ang dalaga. Mukhang breaktime nito. Napangisi siya.
“Kap Jo, mamaya na lang natin ipagpatuloy ’to. Doon muna ako saglit.” Hindi na niya hinintay ang sagot nito at dali-dali na siyang sumunod sa doktora.
Napailing na lang si Kap Jo na sinundan ng tingin ang binata. Sa tagal niyang nanilbihan sa pamilya Cabral, kilalang-kilala niya ang anak ng dating mga amo at tila ngayon lang yata may nakakuha ng atensyon nito kahit na hindi ito nilalandi ng babae.
Gwapo si Riu at mayaman kaya naman hindi nakapagtataka na mga palay ang lumalapit at kusang nagpapatuka rito.
Hindi pa niya ito nakikitang nag-effort para mapaamo ang isang babae kasi nga hindi ito nawawalan ng options. Pero tila iba yata ang tama nito sa magandang doktora.
Kahit paulit-ulit na lang yata na iniignora ito ni Doc Mia, mukhang wala itong balak tumigil. Hanggang saan kaya nito kayang habulin ang masungit na doktora dahil sa pagkakatanda niya, hindi ito ang tipo ng lalaki na humahabol sa babae.
Dali-dali namang naglakad si Mia pabalik sa accomodation nila dahil biglang sumama ang pakiramdam niya. Kanina pa niya iyon naramdaman pero hindi niya pinansin hanggang sa ’di na niya kaya.
Siguro epekto na rin ng init ng panahon.
Gusto siyang ihatid ni Nile at Doc Santos pero tumanggi siya. Malapit lang naman at tsaka maraming tao. Ayaw niyang maghintay ang mga pasyente kapag umalis ang isa sa mga ito.
Ngunit habang naglalakad siya pabalik sa accommodation nila ay tila biglang umikot ang paningin niya. Pero bago pa man siya matumba ay may mga matitipunong bisig na pumaikot sa baywang niya upang alalayan siya.
“Are you okay, Doc?” Dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin nang marinig ang pamilyar na boses at hindi nga siya nagkamali. It was Sirius.
For the first time, seryoso ito at walang pilyong ngiti sa mga labi. In fact, he looked concerned.
“I’m fine.” She distanced herself from him because she suddenly felt uncomfortable of how close their bodies were.
“No, you don’t look fine to me. Saan ka pupunta? Ihahatid na kita.”
“Hindi mo na kailangang mag-abala. Kaya ko ang sarili ko. Masakit lang ang ulo ko.” Akma siyang maglalakad palayo pero ramdam niyang tila nanghihina siya. Napahawak siya sa sariling ulo.
“’Yan ba ang kaya ang sarili?”
“Bakit ba ang kulit mo? I told you, kaya ko ang sarili ko.” Siguro dahil na rin ito sa gutom at puyat. Ang alam niya ay nasa tatlong oras lang yata ang tulog niya dahil as usual, hindi na naman siya dinalaw kaagad ng antok kahit pagod siya.
Naglakad na siya palayo mula sa lalaki ngunit ilang metro pa lang ang nalalakad niya ay umatake na naman ang hilo niya.
“Such a stubborn kitten you are, Doc. I don’t like it.” Bago pa man siya makahuma ay bigla na lang siya nitong binuhat sa mga bisig nito.
“What do you think you’re doing?! Ibaba mo nga ako!” Galit niyang sigaw rito pero tila hindi ito apektado.
“Ayaw ko sanang gawin ’to but you’re so stubborn, Doc. I’m worried about the woman I like at wala akong balak panoorin kang maglakad mag-isa sa ganitong kalagayan. Kahit magalit ka sa akin, ang importante, maihatid kitang ligtas at hindi nawawalan ng malay sa daan.” The seriousness in his voice and face took Mia by surprise and for some reason, that shut her up.
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Ano’ng masasabi niyo sa story na ’to so far?
Chapter 10
CHAPTER 10
“Tell me something, Doc. Hindi ka kumain ng almusal, ’no? Baka nagpuyat ka pa. Hindi maganda ’yan. You’re a doctor. You should know how to take care of yourself. Hindi dapat puro kapakanan lang ng mga pasyente mo ang inuuna mo. Think about yourself too.” Tumaas ang kilay ni Mia. Pa’no nito nalamang hindi nga siya kumain at puyat pa?
“You sound like my mother.”
“Stop with the sarcasm, Doc. It doesn’t suit you.”
“You—”
“—Tama naman ako, ’di ba? Kaya ka nahihilo ngayon dahil hindi mo inaalagaan ang sarili mo. Kaya pala ang payat mo.”
“Excuse me! Are you body-shaming me?”
“Hindi sa gan’on. I’m just worried. Mula ngayon, I’ll take care of you at hindi mo ako mapipigilan. I’m warning you. Makulit ako lalo na sa mga taong malapit sa’kin…at nakakuha ng interest ko.”
“What the heck are you talking about? We’re not close for you to do that.” Imbes na mapahiya, ngumisi ang kumag.
“I’ll make sure for us to get there, close enough hanggang sa kahit pumikit ka ay ako pa rin ang nakikita mo. Anyway, we’re here. Open the door for me, please.” Ano daw? Such confidence he had.
Gusto niyang magprotesta at paalisin na ito pero medyo nahihilo pa siya. Wala siyang energy para makipagpilitan rito.
She did as she was told and shortly after that, he put her down on the sofa saka inilapag ang mga mangga na hawak pa rin nito sa mesa.
“Thank you. You can go now. Magpapahinga lang ako saglit at kapag okay na ang pakiramdam ko, babalik rin ako doon.” Tumayo siya at dahan-dahang naglakad papunta sa kwarto. Gusto sana siya nitong alalayan pero tinaas niya ang kamay upang pigilan ito.
She decided to take a nap. Her body and mind were screaming for rest. Mabuti na lang at nakatulog siya kaagad.
Pagkatapos ng dalawang oras ay nagising siya. Ala-una pasado na ng hapon. Agad siyang bumangon at inayos ang sarili. Gusto niyang bumalik sa basketball court upang tulungan ang mga kasamahan.
Ngunit paglabas niya ng kwarto ay nagulat siya dahil nakita niya si Sirius na naghahain sa mesa na animo ito ang may-ari ng bahay.
“Great timing, Doc. Tapos na akong magluto. Tiningnan ko kasi ’yong tirang pagkain dito pero mukhang panis na kaya nagluto ako. Come and eat.” He even sliced mangoes and it looked appetizing.
“Akala ko umalis ka na?”
“Obviously, hindi pa. I couldn’t leave you alone just in case kailangan mo ng halik para magising.” She rolled her eyes.
“Ano ako, si snow white? If ever, even if you kissed me, siguradong baka hindi na ako magigising pa.” Ang lakas ng tawa ng kumag.
Ipinaghila siya nito ng upuan. Hindi niya mapigilang lihim na mangiti sa itsura nito. Para itong house husband. Nakasuot pa ito ng apron na kulay pula.
“Ikaw ang nagluto nito o si Aling Meding?”
“Syempre ako. Hindi naman pumupunta si Aling Meding dito ng tanghali para magluto kasi alam niyang nasa basketball court kayo. Dinadala na lang niya ang niluto niya doon.” Napaangat ang kilay niya sa sinabi nito.
“How did you know about that?”
“’Wag mo akong tingnan ng ganyan, Doc. Nabanggit lang ni Kap Jo sa’kin. I’m not some kind of a creep stalking you, you know. C’mon, let’s eat habang mainit pa.” Dalawang ulam ang niluto nito. Pinakbet at tortang talong at mukhang masarap.
“You didn’t have to cook. Pwede naman akong kumain doon sa basketball court.” Aniya pero biglang tumunog ang tiyan niya. Namula ang mga pisngi niya nang tumawa ang binata.
“Your stomach is more honest than your mouth. Sige na, maupo ka na.” Inirapan niya ito saka naupo na.
Napataas ang isang kilay niya nang ito ang naglagay ng kanin at ulam sa plato niya.
“Ganito ka ba talaga sa mga babaeng nilalandi mo?”
“Honestly, bukod sa pamilya ko, ikaw pa lang ang ipinagluto ko. And for your information, I’m not a flirt. Ngayon pa lang. C’mon, eat up.” Susubo na sana siya pero napansin niyang tila nate-tense ito habang hinihintay siyang sumubo.
For some reason, she found it endearing.
“Masarap ba?” Tanong nito pagkatapos niyang sumubo.
“Hmm, masarap naman.” She answered with a neutral expression. In fairness, masarap ang luto nito.
“Bakit parang napipilitan ka lang? Hmm…Gusto sana kitang ipagluto ng mga specialty ko pero medyo matagal kasing lutuin ang mga ’yon tsaka kulang sa ingredients. Next time, ipagluluto kita ng bicol express o kaya kare-kare. Masarap akong magluto. You can ask me any dish you want me to cook for you and I’ll do it.” Pagyayabang nito.
She never thought na mahilig pala itong magluto. Parang wala kasi sa itsura nito.
“You sound so sure na may next time pa.”
“Kung gusto, may paraan.”
She cocked up an eyebrow. “There won’t be any next time.”
Ngumiti ito. “Of course, there will be. Mark my word.” Hindi na siya sumagot at nag-concentrate na lang sa pagkain.
But Sirius kept on chatting with her and all she did was to listen or answer with monosyllables. Weirdly, she didn’t find him annoying. For some reason, marami siyang nakain. Pati ’yong mangga, dalawa ang nakain niya.
Nang matapos silang kumain ay siya na ang nagkusang maghugas ng pinggan.
“Ako na lang.”
“No, let me. Ikaw ang nagluto kaya tama lang na ako naman ang maghugas. It’s the right thing to do.” Sagot ni Mia saka sinimulan nang hugasan ang mga kinainan nila. Wala namang masyadong hugasin dahil hinugasan na nito ang mga ginamit sa pagluluto kanina.
“Uyyy! Ano ’yong nakita namin kanina?” Nanunuksong tanong ni Nile habang naghahanda na sila sa pag-uwi. Katatapos lang ng medical mission nila ng araw na ’yon.
“Nakita niyo pala, eh, bakit sa’kin mo tinatanong kung ano ’yon?” Nile rolled his eyes at her.
“Ang galing mo talagang sumagot ng ganyan, ’no? Hindi ko alam kung may lahi kang pilosopo o ano.” Natawa si Mia sa sinagot ng kaibigan.
“Eh, ano ba kasi ang ibig mong sabihin? Diretsahin mo na lang ako.”
“Ba—”
“—Bakit nga ba magkasama kayo ni Mr. Cabral nang bumalik ka dito sa basketball court kanina?” Singit ni Kris sa gustong sabihin ni Nile.
“Bakit mo ako inunahang unggoy ka?”
“Ang tagal mo kasi. Naiinip na ako. I want to hear the tea already.”
“So, ano nga, Mia? Bakit kayo magkasama ni Mr. Casanova kanina? Don’t tell me…” Kara’s words trailed off.
“Kung ano man ’yang nasa isip niyo, hindi totoo ’yan. Hinatid lang niya ako kanina. I felt dizzy kaya inalalayan niya ako pauwi. Noong bumalik ako dito, sumama siya kasi kailangan pa niyang kausapin si Kap Jo.” Mia groaned inwardly upon realizing she slipped.
Hindi na niya dapat binanggit ang tungkol sa paghatid ni Sirius sa kanya sa accomodation nila. Damn it…
“So, magkasama kayo mula nang umalis ka kaninang umaga?!” Malakas at sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan na animo gulat na gulat.
“Ah…” Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
“Ano?” Kris asked impatiently. Para siyang suspect sa isang krimen na ini-interrogate ng mga ito.
“Mga Doc, mabuti naman at hindi pa pala kayo nakakauwi. May sasabihin lang ako.” Sabay-sabay silang tumingin sa bagong dating. Deep inside, Mia felt relieved dahil nabaling sa iba ang atension ng mga kaibigan.
“Ano po ’yon, Manong Philip?”
“Bukas, ikakasal ang anak ko at merong handaan sa bahay. Sana makapunta kayo.”
Nagkatinginan silang apat.
“Hindi po ba nakakahiya, Manong?”
“Naku, hindi, Doc Kara. Imbitado lahat kaya pati kayo imbitado rin. Pagkatapos ng medical mission niyo, diretso na kayo doon. Aasahan ko kayo.”
“Sige po. Darating po kami.” Ani Nile. Nang makaalis ang matanda na isa sa mga barangay tanod ay naglakad na sila pauwi.
“So, ano ang sagot mo sa tanong namin kanina, Mia?” Tanong ni Kris habang nasa daan sila pauwi.
“Hindi pa kayo nakaka-move on d’yan?”
“Of course, not. C’mon, spill the tea already. We’re dying to know.” Tila excited na turan ni Nile na ikinailing na lang ni Mia.
“Mga chismosa talaga kayo.”
“Malamang! We’re living for that!”
“Ewan ko sa inyo. Bilisan niyo na ngang maglakad.” At nagpatiuna na siyang naglakad. Humabol naman ang mga ito habang kinukulit pa rin siya pero hindi niya sinagot ang mga ito dahil alam niyang lalo siyang tutuksuhin ng mga ito kapag nalaman ang nangyari kanina.
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW

