loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Sweet In His Forty [BXB] ✓

Sweet In His Forty [BXB] ✓

iannnxxx · 12 chapters · 33,336 words

AUTHOR’S NOTE

Hello readers! Firstly, I want you all to read the tags. Secondly, this story contains homosexual relationship between men. People, names, pictures and places in this story are just part of the author’s imaginations. If this isn’t your cup of tea, you can leave and find something that will suit your taste.

I did not write this story to promote pedophilia but to express what’s inside my head. Please don’t come to me for this and that.

Again, you can still pick another story if you think you won’t like my work. Enjoy reading!


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

SYNOPSIS

COMPLETED STORY !

Sa edad na kuwarenta, nagawang palakihin ni Hades Villanovan ang maliit na sakahan ng kaniyang ama. Naging isa siya sa pinakamayaman sa bansa. Puro business ang nasa utak niya at wala ng iba pa. Para sa kaniya, mas importanti ang pera kaysa sa anumang bagay, iyan ang numero unong patakaran niya sa buhay. Sagabal lang sa pagpapayaman niya ang mga babae at sakit sa ulo. Naging parausan lang sa kaniya ang mga babae at hanggang doon lang iyon. Akala ni Hades Villanovan ay masaya na siya doon.

Sa hindi inaasahan ay nahulog ang loob niya sa taong hindi niya inakalang magpapatibok sa bato niyang puso. Sa 40 years niyang nabuhay sa mundo, niminsan ay hindi niya naisipang mahulog sa kaniyang ka-uri!

Kaya niya kayang pigilan ang sinisigaw ng puso niya o tuluyan na niyang ipagwalang bahala ang numero unong patakaran niya sa buhay?


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

CHAPTER 01

Niño

Sandoval’s POV

Kulog, malakas na hampas ng hangin at kidlat ang tanging naririnig ko. Gabi na nang tumama ang bagyo dito mismo sa probinsiya namin. Madilim ang buong paligid dahil sa pagkawala ng kuryente. Tanging kidlat lang ang nagsilbing ilaw ko para paminsan-minsang ma-check ang inay na nakahiga lang sa kama na gawa sa kawayan. Ilang beses ko ng sinubukang sindihan ang lampara pero palagi rin lang namamatay dahil sa lakas ng ihip ng hangin.

Nakatira lang kami sa isang maliit na bahay. Tanging screen at kurtina lang ang nagsilbing takip sa bintana namin, kaya malayang nakakalabas-masok ang hangin sa loob ng bahay.

Nakapagtapos ako sa kursong BS Education, ilang months na ang nakalipas. At balak ko na sanang maghanap ng trabaho bukas kahit na taga-turo lang sa mga bulilit dito sa amin, para lang kahit papano ay may mabigay akong pera sa magulang ko. Pansamantala lang naman habang naghihintay ng resulta sa board exam at saka na ako mag-aaply sa mga malalaking paaralan.

Hindi naging madali sa akin ang pag-aaral ng kolehiyo. Isa akong working student at talaga namang sobrang hirap niyon. Hindi ako umasa sa pera ng magulang ko dahil pati sila ay hirap rin sa buhay nila dito sa probinsiya namin. Sa kagustuhang mag-aral ng kolehiyo ay naisipan kong lumuwas sa syudad at mag-hanap ng trabaho. Sa kabutihang palad ay may nakita naman ako. Sa umaga ay nagtatrabaho ako bilang taga-hugas sa isang maliit na karenderya malapit sa bus terminal. Minsan naman ay gumagawa ako ng project o di kaya’y report ng mga kaklase ko. Sa gabi naman ako nag-aaral. At kahit sobrang nakakapagod ay nagawa ko paring makapagtapos bilang cum-laude.

Balak kong mabigyan ng magandang buhay ang magulang ko. Gusto kong maranasan nila ang kaginahawaan bago sila mawala sa mundo. Masakit man sabihin pero sobrang tanda na ng mga magulang ko. Si mama ay 65 taong gulang, at masydo ng mahina ang katawan, palaging dinadalaw ng sakit kaya hindi na masyadong nakakatayo. Si papa naman ay 70 taong gulang na. Pagsasaka ang kaniyang nagsilbing hanap-buhay. Masipag niyang sinasaka ang dalawang ektaryang lupain na binigay ng namayapa kong lolo, ang ama ni papa. Alam kong pagod na rin si papa pero hindi niya lang pinapahalata. Palagi itong masaya pag kaharap niya kami ni mama. At kahit anong pilit kong patigilin na siya sa pagsasaka ay hindi ito nakikinig.

Kung bakit kasi late akong dumating sa buhay nila.

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang mahinang iyak ni mama. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Ramdam ko panginginig niya dulot ng malamig na panahon. Kahapon pagka-uwi ko dito sa probinsiya namin galing sa syudad dahil may insikaso, ay ang pag-atake naman ng pabalik-balik na lagnat ni mama.

Halos maluha ako sa bawat paghikbi ni mama pero pinipigilan ko lang dahil kailangan kong maging matatag. Ilang saglit pa ay narinig kong may sinasabi ito, ngunit di ko marinig dahil sa hina ng boses niya.

“Po? Ano po ’yon, ma?” Tanong ko habang pilit na iniintindi ang bulong nito. Ganoon parin ang panahon, sobrang lakas parin ng hangin, kidlat, kulog at ulan.

“A-ang papa mo.” Ang nauutal na bulong ni mama. Panay parin ito sa paghikbi. Halata ang pag-aalala sa boses niya.

Malamang ay nag-aalala na ito para kay papa. Kaninang hapon pa kasi ito umalis para maghanap ng gamot pero hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik. Pati ako ay nakaramdam na ng pag-aalala at kaba para dito.

“Uuwi na ’yon, ma.” Ang nasagot ko nalang kay mama. Pero pati ako ay walang kasiguraduhan sa sinabi ko. Sobrang lakas ng ulan at sigurado akong bumabaha na ngayon sa ilang parte ng barangay namin.

Habang palakas ng palakas ang kidlat at kulog ay palakas ng palakas din ang iyak ni mama. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Unti-unting tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mabuti nalang at hindi iyon makikita ni mama dahil sa dilim ng paligid. Sinubukan ko ring hindi mapahikbi.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala paring nag bago sa panahon. Ganoon parin kalakas ang ulan. Para bang wala na itong balak pa na huminto. Mabuti nalang at nasa medyo mataas kami na parte ng barangay kaya hindi kami inaabot ng baha.

“Ma, hahanapin ko nalang si papa.” Pagtatapang-tapangan ko. Sobrang nag-aalala na rin kasi ako sa sitwasyon nito.

“A-anak, huwag. D-dito ka n-nalang at baka mapano ka pa doon.” Pigil ni mama sa akin habang walang lakas na nakahawak sa kamay ko.

Pasimple kong pinahiran ang basa kong pisngi gamit ang isang kamay.

“Hindi, ma. Kanina pa umalis si papa pero hanggang ngayon ay hindi parin

nakakabalik

…“

’ Baka

napano

na ‘yon.’ Ang gusto kong idagdag pero pinigilan ko dahil alam kong mas lalo lang na mag-aalala si mama.

“D-dito ka nalang, anak.” Pabulong nitong sabi. Bakas ang panghihina sa boses nito, ang sakit at pag-aalala.

“Buo na ang pasya ko, ma. Hahanapin ko si papa.”

Agad akong tumayo at mahinang tinaggal ang kamay ni mama na nakahawak sa akin. Kinumutan ko muna siya bago nagsuot ng jacket, para kahit papano ay hindi ako lamigin habang nababasa ng ulan.

“Dito ka lang ma, ha? Babalik ako kaagad pag nahanap ko na si papa.”

Humalik muna ako sa kaniyang pisngi saka lumabas ng pinto. Narinig ko pa ang pag-pigil niya pero hindi ko nalang iyon pinansin at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Agad na nabasa ang suot kong jacket dahil sa lakas ng ulan. Ramdam ko ang lamig habang patuloy na naglalakad sa madilim na kalsada. Kidlat lang ang nagsilbing liwanag sa aking paglalakad. Lahat ng bahay na nadadaanan ko ay nakasarado na. Walang niisang tao ang makikitang lumalabas sa kanilang bahay. Hindi ko matukoy kung saan ako humugot ng lakas ng loob para harapin ang masamang panahon. Ang tanging laman lang ng isipan ko ay ang mahanap si papa.

Saglit akong sumilong sa isang tindahan. Nakasarado na ito pero may naririnig parin akong nag-uusap. Naisipan kong magtanong at baka nakita nila si papa kaya agad akong sumigaw ng…

“Tao po!”

Mahina kong kinatok ang kanilang pituan.

“Tao po, Aling Nena?” Ulit ko nang walang sumagot. Ilang saglit akong naghintay hanggang sa may nagbukas na ng bintana.

“Sino ho sila?” Ang sabi ng batang babae habang nakadungaw sa bildong bintana. Mula sa pintuan ay agad akong lumapit sa bintana.

“Uy, Monet. Ako ito si kuya Niño mo. Andiyan ba ang mama mo?”

“Opo, kuya. Teka lang po ha?” Paalam nito.

“Ma! Hanap ka ni Kuya Niño!”

Saglit akong naghintay at ilang sigundo lang ay bumukas ang pinto at dumungaw mula roon si Aling Nena.

“Ikaw pala ’yan, Niño. Bakit ka nasa labas???” Binuksan nito ng malaki ang pinto. “Jusko kang bata ka! Pumasok ka nga dito at baka magkasakit ka!”

“Hindi na po, Aling Nena.” Umiling-iling ako.

“Itatanong ko lang sana kung dumaan ba si papa dito? Kaninang hapon pa kasi iyon umalis galing sa bahay para maghanap ng gamot ni Nanay, pero hanggang ngayon hindi parin nakauwi.” Dugtong ko.

“Ay oo! Dumaan siya dito kanina pero nang tinanong ko ay sa kabilang baranggay raw siya pupunta. Si Benji pa nga ang sinakyan niya e.” Bakas rin ang pag-alala sa mukha niya.

“Ganoon ho ba? Sige po, tuloy na ako.” Sabi ko at nanginginig na tumalikod.

“Tuloy ka muna at hintaying humupa ang ulan! Baka magkasakit ka pa at masyadong dilikado ang panahon!”

Muli akong humarap. “Hindi na po, Aling Nena. Nag-aalala na kasi ako kay Tatay.”

“Nako naman! Osiya! Dalhin mo muna itong flashlight namin oh?” Inabot nito sa akin ang hawak-hawak niyang flashlight.

“Nako! Salamat po, Aling Nena!”

Tumango lang ito.

Nagpatuloy ako sa pag-lalakad. Mas mabuti na ngayon dahil may dala na akong flashlight. Hindi ko na kailangan maghintay ng kidlat para mailawan ang dinaraanan. Hindi parin humupa ang ulan, ganoon parin kalakas. Sobrang ginaw rin ng paligid.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang mapadaan ako ulit sa isa pang bahay. Saglit akong sumilong dito, halos di ko na makita ang daan dahil sa ulan. Ang ginaw na nanggaling sa malamig na hangin ay mas nadagdagan dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kung ano-anong eksena na ang pumasok sa isipan ko na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Paano nalang kung naabutan si papa ng malakas ng ulan sa daan?

Totoo nga ang sinabi nilang, kapag nasa ganitong sitwasyon ay kung ano-ano na ang papasok sa isipan. Kagaya ko ngayon. Kahit ayaw ko ay pilit na pumapasok ang hindi nakakatuwang mga bagay sa isipan ko. Takot ako. Takot akong baka muling may mabiktima ang ilog dito sa amin, at baka si papa iyon.

Sana naman hindi naabutan si papa sa pagtaas ng tubig.

Nang mawala ang pagod ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Walang katao-tao ang palid at puro kahoy lang ang makikita. Kahit natatakot ay tuloy parin ako. Pumasok ang mga kababalaghan na kwento sa aking isipan pero kaagad ko itong winaksi.

“Niño?”

Rinig kong tawag kaya mula sa pagkakayuko ay nag angat ako ng tingin at hinanap ang tumawag sa pangalan ko.

“Ikaw nga! Bakit ka nasa labas?!” Ang tila gulat na tanong ni Alex. Si Alex ang isa sa mga anak ng mayor dito sa probinsiya namin. Naging kaklase ko ito mula Elementary hanggang highschool kaya close kami. Naka-upo ito sa kaniyang motor na nakaparking sa gilid ng kalsada. Hindi ko man lang nakita.

“Ikaw ang bakit nasa labas?” Ang balik tanong ko.

“Nawalan kasi ng ilaw ang motor ko kaya naghihintay ako kung may dadaan para sana manghiram ng kahit flashlight man lang.”

“Eh, ikaw? Bakit ka nasa labas? At saan ka pupunta?

Dugtong niya pa. Pasigaw ang pag-uusap namin dahil sa kulog at sa malakas na ulan.

“Hinahanap ko kasi si papa, Alex. Kanina pa iyon pero hindi parin umuuwi.” Nag-aalala kong tugon.

“Kabilang baranggay na ’to ah? Ang layo na ng nilakad mo. Halika at sumabay ka na lang sa akin pauwi. Masyadong delikado kung magpapatuloy ka pa.”

“Pero kailangan kong hanapin si papa, Alex.”

“Nako! Delikado na nga ang daan! At bumabaha na rin sa may ilog kaya hindi ka makakadaan. Maniwala ka, galing ako doon para sana tatawid sa kabilang barangay pero mataas na ang baha kaya hindi na ako tumuloy.” Pinaandar niya ang kaniyang motor. “Halika na. Sumabay ka na sa akin. Malapit lang naman ang bahay natin e. Iyang flashlight mo na rin ang gagamitin nating ilaw.”

Dismayado akong tumango. Kahit gustuhin ko man na ipagpatuloy ang paghahanap kay papa ay hindi na pala puwede. Wala akong nagawa kundi ang umangkas nalang sa motor ni Alex.

“Kumapit ka ng mahigpit.” Tugon niya at kinuha ang dalawang kamay ko para ilagay sa baywang niya. Para akong linta na kumakapit sa likod niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya kaya bahagya kong sinandal ang ulo ko sa kaniyang likuran para makasagap ng init. Ako ang humawak sa flashlight dahil hindi niya raw kaya mag one hand sa pag dra-drive lalo na’t ulan.

Medyo natagalan kami bago makarating sa bahay dahil sobrang bagal lang ng takbo namin. Balak nga sana ni Alex na bilisan ang takbo pero sinaway ko agad dahil baka kung ano ang mangyari. Malabo pa naman ang paligid dahil sa ulan.

“S-salamat, Alex.” Kahit na giniginaw ay pilit akong ngumiti.

“Walang ano man. Basta ikaw.”

“Sayo nalang muna iyang flashlight, bukas mo na ibakik kila Aling Nena.”

“Sige, salamat.”

Tumango lang ako. Muli nitong pinaandar ang motor at umalis. Patakbo akong pumasok sa bahay at agad na nagbihis. Kaagad kong pinatuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Pagkatapos ay tinabihan ko na ang natutulog na si mama. Saglit kong pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. Nalungkot ako. Nalulungkot ako sa tuwing nalulungkot ang magulang ko. Sa lahat ng pinakaayaw ko ay ang makita silang malungkot.

“Goodnight, ma.” Bulong ko sa taynga niya at ipinikit ang mata. Yumakap ako kay mama. Nakasanayan ko na ang ganito kahit 25 na ako. Mas hinigpitan ko pa ang yakap nang manginig si mama sa lamig.

Ilang saglit lang ay binalot na ako ng antok. Dahil narin siguro sa lamig ng panahon kaya agad akong nakatulog.


Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa katok na nanggaling sa pinto. Agad akong bumangon dahil sa akala ko ay si papa na pero pag bukas ko ay si Alex lang pala.

“Uy Alex? Bakit napaaga ka?” Tanong ko habang kinukusot ang mata.

“Itatanong ko lang sana kung gusto mong sumabay sa akin? Pupunta kasi ako sa kabilang barangay. Baka gusto mong sumakay.” Nagkamot ito ng batok na parang siya pa ang nahiya sa offer niya.

Bigla kong naalala si Papa. Hanggang ngayon ay wala parin siya. Wala ng ulan, wala ng hangin, kulog at kidlat pero bakit wala parin si Papa?

“Ahh, oo. Pupunta nga ako. Magbibihis muna ako ah?” Wika ko at nagmadaling pumasok sa maliit kong kwarto para magbihis. Pagkatapos ay agad akong lumabas.

“Buti naman at hindi ka tinrangkaso. Ilang oras karin nag babad sa ulan kagabi.” Sumakay ito sa kaniyang motor. “Sakay na.”

Agad naman akong sumakay sa kaniyang likuran. “Hindi naman. Medyo mabigat lang ang pakiramdam ko.”

Napatingin ako sa daan. Maraming yuping yero, mga sanga ng kahoy at basura na sigurado akong natangay ng hangin. Maaga ring naglilinis ang mga tao.

“Buti naman at nakita kita kagabi. Ano ba ang nakain mo at naglakas-loob kang lumabas?” Patuloy parin ito sa pag-dra-drive.

“Syempre, nag-aalala lang naman ako kay papa. Kahit naman siguro ikaw, pag ganoon ang panahon tapos di pa nakauwi daddy mo, hahanpin mo rin ’di ba?”

“Oo din.”

Nang dumaan kami sa kakahuyan, maraming natumbang puno pero nakahati na iyon kaya malaya kaming nakadaan. Siguro ay madaling araw palang, gumawa na ng operasyon ang aming mayor.

“Grabe din pala ang napinsala ng bagyo, sigurado akong maraming magsasaka na naman ang nabiktima. Marami pa kasi ang ’di pa nakapag-ani ng mga pananim nila.”

“Oo nga e. Kay papa rin naman.”

Kapag talaga may dumaang bagyo dito sa amin, maraming napipinsalang mga pananim. Dito sa probinsiya namin, bagyo ang pinaka-delikadong sakuna. Bukod kasi sa madaling bumaha dito, marami ring palayan dahil pinakaunang pamumuhay ang pagsasaka dito sa amin. Kaya sa tuwing may bagyo ay wala kaming nagagawa.

“Bakit maraming tao doon?”

Agad akong napatingin sa deriksyong tinutukoy ni Alex. Nagkukumpulan ang mga tao malapit sa tulay. Pati si Aling Nena ay andoon din at ang kaniyang mga anak. Nagsisiksikan sila na para bang may tinitingnan.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Nakaramdam rin ako ng kung ano na di ko matukoy. Parang bigla akong nanghina nang madako ang tingin ko sa mga tao. Masamang senaryo ang pumasok sa isipan ko. Pilit ko iyong inaalis pero hindi ko mapigilang mapa-isip ulit.

“Aling Nena, ano po ang meron?” Ang tanong ni Alex nang makababa kami sa motor nito. Bakas sa mukha ni Aling Nena ang awa at lungkot habang nakatingin sa akin.

“Kayo pala, Sir Alex.” Bati nito sa kasama ko at muling tumingin sa akin. “Mas mabuti kung kayo nalang ang tumingin.”

Bahagyang tinapik ni Aling Nena ang balikat ko.

“Tatagan mo lang ang loob mo, Niño.” Dugtong niya.

Sa sinabi niyang ’yon ay alam ko na ang pinapahiwatig niya. Ang kaba kanina ay mas lalong lumala habang nakikipagsisksikan kami ni Alex sa mga tao.

Habang palapit ng palapit ay pahina naman ng pahina ang katawan ko. Parang nawawalan ako ng lakas. Nang makalapit ay bumungad sa akin ang bangkay na nakatakip ng tela. Kahit nanginginig ay dahan-dahan ko iyong tinanggal. Sobrang kaba ang naramdaman ko nang makita ang pamilyar na buhok ng biktima.

Ramdam ko ang pagtapik ni Alex sa aking likuran. Nang makapag-ipon ng lakas ng loob ay tuluyan ko ng hinila ang tela sa parting ulo ng biktima.

Halos kapusin na ako ng hininga nang masilayan ang mukha ni papa. Maputla na ito at medyo matigas nang mahawakan ko. Hindi ko na napigilang humagulhol. Ramdam ko ang pagyakap ni Alex sa akin pero hindi ko na iyon alintana dahil sa lungkot at pagsisisi na nararamdaman ko.

Paano nalang ang mga plano ko para sa kanila? Balak ko pa naman sanang bigyan sila ng magandang buhay bago sila kunin ng panginoon. Paano ko ’to sasabihin kay mama?

Sa dami ng iniisip at kakaibang emosiyon sa dibdib ay parang umiikot ang aking paningin. Bigla ring sumakit ang ulo ko at ilang saglit…

“Niño!”

Ang narinig kong sigaw ni Alex. Sinubukan kong imulat ang aking mata pero hindi ko magawa dahil parang ambigat nito. Nanghihina rin ang katawan ko at hindi ko maibuka ang bibig ko. At ang sumunod na nangyari ay hindi ko na alam…


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

CHAPTER 02

Hades Villanovan’s

POV

Good morning, babe.“ Ang bungad sa akin ng babaeng naikama ko kagabi. Ano nga ulit ang pangalan nito? Ahhh right, Jessica.

“Cut the babe.” Walang emosyon kong sabi. “Morning by the way.”

“Pwede bang isang round pa?” Malandi niyang sabi at walang pasabing hinawakan ang natutulog kong pagkalalaki. Kaagad ko namang kinabig ang kamay niya sa ilalim ng manipis na puting kumot. Fuck sl*ts!

“Magbihis ka na at umalis. Ako na ang bahalang magbayad dito sa hotel.” Pagtataboy ko kay Jessy? Jennie? Jessa? Fuck! Whatever her name is!

“Pero gusto ko pang madiligan ng katas mo, Hades.” Pinagapang nito ang kamay mula sa aking dibdib pababa sa aking mabatong tiyan. Muli kong inalis ang kaniyang kamay sa aking katawan.

“Ang sabi ko, magbihis ka na at umalis. Mahirap bang intindihin iyon, Jessy?” Mula sa pagkakahiga ay tumayo ako nang nakahubo’t-hubad. Wala akong pake, nakita na niya naman ito. Dinilaan pa nga at sinubo.

“It’s Jasmine, moron!” Singhal niya at tinapon ang unan sa deriksyon ko pero agad akong nakailag. Naglakad ako palapit sa mesa at kumuha ng isang stick ng sigarilyo saka nagsindi.

Ibinuga ko ang usok na naipon sa bibig ko bago walang emosyong tinitignan ang babaeng nakahiga sa kama ko. Jasmine ang pangalan? Right. Maganda nga pero pareho lang silang lahat na masakit sa ulo at sagabal sa mga plano ko.

“Wala akong panahon para i-memorize ang pangit mong pangalan. Ang gusto ko ay mag bihis ka na at umalis.”

Para naman itong natakot sa uri ng titig ko dahil napabalikwas ito ng bangon at agad na nagsuot ng maikling short at tube? Ugh! Wala akong alam na damit pambabae. Nang matapos magsuot ng damit ay patakbo itong tinungo ang pinto at padabog na isinara pagkalabas. Nakalimutan niya pang magsuot ng panty! Ganiyan nga. Matakot kayo sa ’kin. Like I care. Tsk!

“Gandang umpisa sa malamig na umaga.” Ang nasabi ko nalang at muling humithit ng sigarilyo.

Sanay na ako sa mga ganitong pangyayari. Lahat ng nakama ko ay ganoon ang mga reaksyon pag tinataboy ko na sila. Good for them, kaysa kaladkarin ko palabas ng hotel. Pinakaayaw ko sa lahat ang mga demanding at clingy. Ayaw ko sa mga babaeng parang linta kung makadikit. At ayaw ko sa babaeng gustong sa kanila lang mapunta ang lahat ng oras at atensyon ko. Mas importanti parin ang pera.

Agad kong nilagay sa ashtray ang sigarilyo nang mabuos ko ito. Pagkatapos ay pinulot ang mga naitapon na damit kagabi at sinuot. Hindi ko na napigilang ilagay pa sa tamang lalagyan ang mga damit namin dahil pati alaga ko ay sabik naring maka-iskor.

Pagkalabas sa hotel room ay agad kong tinungo ang receptionist saka nag-check out. Habang naglalakad ay panay ang tingin ng mga babae sa akin. Hinatid pa nila ako ng tingin hanggang sa pinto ng hotel. I just sighed.

Wala na bang matitinong babae sa mundo?

Pagkarating sa pinarkingan ko ng sasakyan ay kaagad akong pumasok dito at pinaharorot pauwi ng mansiyon. Kailangan ko munang bisitahin si mommy bago pumuntang probinsiya.

Mabilis pa sa alas kwatro akong nakarating mismo sa mansiyon. Agad akong pinagbuksan ng gate ni Mang Rolan, guard namin.

Tanaw ko mula sa gate ang naka-wheel chair kong ina. Mag tatlong taon na rin simula no’ng mastroke si mommy. Nang mawala kasi si Daddy ay palagi na itong malungkot at umiiyak. Sa sobrang pag-aalala ay nagkasakit ito hanggang sa ma-stroke. Ang sabi ng Doctor ay dala na rin ito sa pag tanda. Kaya ayoko sa salitang ‘PAG-IBIG’ , ayokong malason ang utak ko at mapareho kay mommy kung sakaling iwan man ako ng mapapangasawa ko. Wala naman kasing mananatili kung wala kang pera. Alam kong pera ko lang ang habol nila.

Si Daddy ay simpling magsasaka lamang noon. Tatlong ektarya lang ang sakahan namin noon pero napa-aral parin ako. Sa paghahangad kong makabangon ay pinagbutihan ko ang pag-aaral. Nang makapagtrabaho ako sa ibang bansa bilang manager ng isa sa pinakamalaking farm sa Canada ay kaagad akong nag-ipon ng pera. Bumili ako ng malaking lupain at pinalago iyon. Ngayon, isa na akong supplier ng mga prutas, palay, manok, baboy at iba pang pruduktong pang agrikultura, hindi lang sa Pilipinas kundi pati narin sa ibang bansa. Naging successful ako sa edad na 28 at naging bilyonaryo sa edad na 32. Nakuha ko ang lahat ng gusto ko. Wala na akong mahihiling pa dahil lahat ay nasa akin na. Mansyon, mga sasakyan at pera.

“Good morning, ma.” Bati ko sa aking ina pagkalabas ng sasakyan sa tapat nito.

“Good morning, Macy.” Bati ko rin sa personal Nurse nito. Ngumiti lang ito at bahagyang yumuko.

Si Macy ay personal Nurse ni mommy. Isa siya sa nakakuha ng scholarship galing sa akin. Nang mag-apply ito ay agad ko ng tinanggap dahil bukod sa magandang kalooban ay hindi rin ito na-a-attract sa akin. Which is good, dahil ayoko namang pati personal nurse ni Mommy ay makama ko. At ayoko ring makipaglampungan dito mismo sa mansyon. Lahat ng babae ko ay sa hotel ko dinadala.

“Napa-aga ka ata?” Wika ni mommy.

Si mommy ay 72 taong gulang na. Medyo may katandaan na kaya mahina na ang resistinsya. Kailangan may kasama lagi para magabayan ang bawat galaw nito.

“Pupunta kasi akong probinsya. Baka magtatagal ako doon. Magpapaalam lang sana ako.” Muli akong kumuha ng sigarilyo at sinindihan iyon.

“Narinig ko nga ang tungkol sa bagyo. Kumusta naman ang mga pananim doon?”

“Ayon sa mga taga pamahala ay kaunti lang naman daw ang napinsala. Naani na kasi nila ang mga palay at prutas bago dumaan ang bagyo.” Sagot ko.

Puro masisipag ang mga trabahador ko sa hacienda kaya sa tuwing may kalamidad ay kaunti lang ang napipinsala. Tinuruan ko rin ang lahat kung paano maghanda pag may sakuna mang darating.

“At ang mga hayop?”

“Safe ang lahat ma.” Nakita ko naman ang kaginhawaan kay mama. “Huwag kayong masyadong mag-isip, mommy. Ako na ang bahala sa lahat. Mas makabubuti kung magpagaling nalang kayo.”

Bumuntong hininga si mommy. “Masyado na akong matada, Hades. Ilang oras nalang siguro ay kukunin na ako ng diyos.”

“Huwag nga kayong mag-isip ng ganiyan, ma. Gagaling pa kayo, at gagawin ko ang lahat para mawala iyang sakit mo!” May diin kong sabi. Ayoko talagang pag-usapan ang mga ganitong bagay. Si mommy nalang ang natira sa akin at hindi ako papayag na pati siya ay kukunin sa buhay ko.

“Hindi naman maiiwasan iyon, hijo. Lahat ng tao ay may panahon din. Darating ang panahong kukunin na ng diyos ang pinagkaloob niyang buhay sa atin.”

Napabuga nalang ako ng usok. Kung pwede lang sanang i-donate ang buhay ko kay mommy baka matagal ko nang ginawa.

“Kailan mo ba balak mag-asawa, Hades? Isang dekada ka ng lumampas sa kalendaryo wala ka paring pinapakilala sa akin.”

“Here we go again.” Bulong ko.

“Anong here we go again? Narinig ko ’yon ha! Jusko naman Hades! Kuwarenta ka na! Dapat mag umpisa ka ng maghanap ng katuwang mo sa buhay.” Wika nito.

Sarkastiko akong tumawa. “Katuwang sa buhay? Baka katuwang sa pera. Mommy naman. Ilang beses ko bang sabihing hindi ko kailangan ng babae––”

Agad na naputol ang sasabihin ko nang magsalita si mommy.

“––ng babae sa buhay dahil sagabal lamang sila sa plano ko at sakit sa ulo?” Pagtatapos ni mommy sa sasabihin ko.

“Hindi ka na bata Hades. Nasa iyo ’yon kung sino ang mapipili mo. Huwag mong itulad ang lahat ng babae sa mga naikama mo dahil hindi ganoon. Kung matalino ka sa business ay dapat matalino ka rin pagdating sa pag-ibig. Paano nalang diba kung tatanda ka na? Kanino mo ipapamana ang yaman mo? Sa mga kaibigan? Tandaan mong hindi nadadala sa hukay ang yaman, Hades.” Dugtong pa ni mommy.

Haysss… May punto naman si Mommy. Wala akong pagpapasahan ng kayamanan kung sakali man. Pero ewan, parang wala namang babae na katulad ni Mommy. Lahat ay pera lang ang habol sa akin.

“Baka lalaki ang gusto ni Sir Hades, ma’am.”

Nabilaukan ako sa sinabi ni Macy. Parang nalunok ko ata ang lahat ng usok na hinithit sa sigairilyo.

“What the fuck!” Malutong kong mura. Halos hindi ako makahinga sa kaka-ubo.

“Ay sorry po, Sir. Joke lang naman iyon.” Sabi niya. Natawa lang si mommy sa sinabi ni Macy.

Fuck! Lalaki? Kahit kailan ay hindi iyan pumasok sa utak ko.

“Niisang beses ay hindi iyan pumasok sa isip ko. Never in my wildest dreams.” Agad kong kinuha ang tubig sa loob ng sasakyan at ininom. “Fuck! Muntikan na ’yon.”

“Talagang sa lalaki ang bagsak mo dahil diyan sa mga kalokohan mo.” Sabat ni Mommy. “Osiya. Pumasok na tayo, Macy.”

“Sige po, Ma’am.”

Humalik na ako kay Mommy. “Ingat kayo, ma.”

“Ikaw din. Basta tawagan mo ako palagi pag nakarating kana sa hacienda ah?”

“I will.” Muli akong humalik sa pisngi ni mommy bago binalingan si Macy. “Alagaan mo si Mommy, Macy ha?”

Ngumiti ito. “Opo, Sir. Basta dalhan mo rin ako ng hilaw na mangga ha? ’Yong fresh!”

“Mahilig ka pala sa mangga?”

“Oo naman no! Favorite ko kaya ’yon.” Umirap ito.

“Edi mag tanim ka! HAHAHAHAHA!!!” Humagalpak ako ng tawa dahil biglang umasim ang mukha nito pero agad rin namang nakabawi.

“Haha nakakatawa ’yon, Sir. Magaling ka pala mag joke, bakit hindi ka nalang sumali sa boxing?” Ganti niya.

Nagtawanan naman sila ni Mommy. Kaya ayokong asarin ’tong si Macy e. Ang bilis kasi mag-isip nang pambara. Kaya siguro hindi nababagot si mommy dahil sa bibig nitong walang preno.

“Whatever, Macy.”

“Oh sige na, Hades at malayo pa ang byahe mo. Pag hindi kayo titigil sa pag-aasaran baka kayo na ang magkatuluyan.” Awat ni Mommy sa amin.

“Hell, no!” Kaagad kong sabi.

Umirap naman si Macy. “Yuck, sir! As if papatol ako sa ’yo no! Saka di hamak na mas gentleman pa ’yong batchmate ko.”

Tinawanan ko nalang ito at pumasok na sa kotse. Macy is 27, masyado pang bata at sadiyang hindi rin ako na a-attract sa kaniya, ganoon din siya. Parang kapatid na ang turing ko sa kaniya. At normal lang din sa amin ang mag asaran pag nagkikita kami.

Muli kong binuhay ang makina at saka pinatakbo ito palabas ng mansyon.

Mahaba-haba pa ang byahe ko …


Alas tres na ng hapon nang makarating ako sa hacienda. Medyo malayo-layo rin kasi ang byahe kaya medyo natagalan. Agad akong sinalubong ng mga katulong dito sa mansiyon. Lahat sila ay yumuko para magbigay-galang sa akin pagkalabas ko sa sasakyan.

“Magandang hapon ho sa iyo, Don Hades.” Bati nang lahat. Nginitian ko lang sila at dumiritso na kaagad sa loob. Naabutan ko naman ang isang taga-manage ng hacienda na naka-upo sa sofa. Nang makalapit ako ay agad itong tumayo at kagaya ng mga katulong, yumukod ito bilang pagbigay-galang sa akin.

“Magandang hapon rin sayo.” Umupo ako sa pang-isahang upuan na katapat ng sofa. “Maaari ka ng umupo, Jay.”

“Sa-salamat po, Don Hades.” Kita ko ang pag-lunok nito ng laway habang nakatitig sa akin. Bakas rin ang takot sa mukha nito.

I smirked.

“Alam mo naman siguro kung bakit ako nandito?” Panimula ko. Tango lang ang sinagot nito at halatang iniiwasan ang titig ko.

“Para ka namang nakakita ng multo, Jay.” Walang emosyon akong tumawa. “Relax. May itatanong lang naman ako.”

Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay tinawagan ko si Nanay Simang, ang matagal ko ng katiwala. Pinagbilin ko na ipatawag si Jay dahil may pag-uusap kami. Mas mabuting sila ang mag-hintay kaysa ako ang paghintayin nila. Baka mabogbog ko lang sila ng sermon kung ganoon.

Sandali akong tumikhim. “Gaano karami ang napinsala ng bagyo, Jay?”

“Kaunti lang po, Don Hades.” Muli itong napalunok.

“Gaano karami ang kunti?” Muli kong tanong. “Be specific.”

“Sorry po, Don.” Tumikhim muna ito bago sumagot. “Halos lahat po ng mga hilaw ay napinsala ng bagyo, Don Hades. Hindi na kasi namin nagawang anihin dahil hindi naman iyon mabebenta. Sa mga hayop naman ay walang nawala. Lahat po ay nakakulong nang tumama na ang bagyo at kasalukuyan nilang pinapalabas sa kulungan ngayon.”

Napangiti ako. Buti nalang at palaging handa ang mga tauhan ko sa ganitong sitwasyon. Ni-hindi ko na sila kailangan pang pagsabihan kung ano ang gagawin. Bago sila nakapasok sa hacienda ko ay sinugurado ko munang marami silang makukuhang kaalaman mula sa akin. Nagpapa-one month training ako para sa mga baguhan at syempre, may sahod ang pag tri-training nila.

“Sa tantya mo, Jay, magkano ang halaga ng mga napinsala?” Tumingin ako sa pambisig na relo para i-check ang oras.

“Ipaghanda mo si Jay ng meryenda.” Baling ko sa katulong na kasalukuyang nagma-map.

“Opo, Don Hades.” Ang sagot ng dalagang katulong at binuhat papunta sa kusina ang map at balding may tubig.

“So, magkano nga sa tingin mo, Jay?” Muli kong tanong.

“Sa tingin ko po ay mga nasa isandaang libong piso ho, Don Hades.” Confident niyang sagot. Tumango-tango ako. Mas mababa kaysa noong nakaraan.

“Not bad.” Nakangisi kong ani. “Any bad news? O wala bang problema dito sa hacienda habang nasa siyudad ako?”

“Wala naman pong problema. Pero may i-su-suggest ho sana ako.”

“Go ahead.”

“Parami na kasi ng parami ang mga kabayo natin. Masyado ng masikip para sa kanila ang area kung saan sila tini-train.”

“And your point is?”

“Kung maaari po sanang mag-expand pa ng area para sa mga

kabayo

, Don Hades.“ Suhestiyon ni Jay.

“Ganoon ba?” Napa-isip ako bigla. Kung palalakihan ang espasyo para sa kabayo saan naman banda? Hindi puwede na bawasan ang parte ng ibang hayop. Unless kung…

“Ang ibig mo bang iparating ay bilhin ko ang dalawang ektaryang kasikbit dito na pag mamay-ari ni Mang Jose?”

Tumango si Jay.

“Good idea.” Nginitian ko ang kausap.

“Sige, maiwan na kita.” Dugtong ko at naglakad papasok sa kusina. Naabutan kong naghanda ng meryenda ang katulong. Saglit itong natigilan nang makita ako.

“I-ikaw po pala, Don Hades.” Tila nanginginig niyang wika.

Right. Halos lahat ay kilala ako sa pagiging suplado.

“Ako nga. Iwan mo nalang ang meryenda ko at pakitawag si Nanay Simang.”

Tumango ang katulong. “Opo, Don Hades.”

Inumpisahan nitong ilatag sa mesa ang mango shake at banana cake sa mesa. My fucking favourite, simula noong bata pa lang ako! Agad akong umupo sa mesa.

“Bilisan mo diyan at dalhan mo ng makain si Jay.” Utos ko.

“Masusunod ho, Don Hades.”

Pagkatapos akong ipaghanda ng katulong ay kumaripas na ito palabas ng kusina. Agad ko namang kinain ang hinanda nito at ilang saglit lang ay pumasok na si Nanay Simang.

“Pinapatawag niyo raw ho ako?” Agad na tanong nito.

“May itatanong lang ako, Nanay Simang.” Natawa ako. “Masiyado kayong seryoso.”

“Aba’y hindi mo ako masisisi. Pagkarating mo dito ay madilim na ang awra mo. Alam mo namang hindi kita kinakausap pag sa tingin ko ay masama ang timpla mo.” Ang natatawang sabi ng matanda.

Si Nanay Simang ang pinakauna kong katiwala noong nagsisumula pa lamang ako. Siya rin ang gumabay sa akin, kaya sa lahat ng tauhan ko dito sa hacienda, si Nanay Simang lang ang close ko.

“Alam niyo namang ganito na ako noon pa.”

“Oo, kaya walang ka pang asawa. Tingnan mo nga iyang nuo mo. Ang lalaim na ng gatla. Panay kunot kasi e!”

“Asawa?” Pumalatak ako. “Alam niyo rin naman na ayaw kong matali dahil bukod sa masakit sa ulo ay mabigat rin sa bulsa ang mga kababaihan ngayon.”

Kahit kailan man ay hindi ako magsasawang sabihin iyan ng paulit-ulit dahil totoo naman.

“Hayyy ewan ko sayo.” Nagpailing-iling ito na ikinatawa ko. “Oh? Ano nga pala ang itatanong mo?”

“Hindi ba’t magkapit-bahay kayo ni Mang Jose, Nay Simang? Itatanong ko lang sana kung pagsasaka parin ba ang kinabubuhay nito?”

Ang nakangiting ekspreyon ni Nanay Simang ay nawala. Napalitan iyon ng lungkot.

“May nasabi ho ba ako?”

Umiling ito. “Wala na kasi ang matanda, Hades. Namayapa na kagabi pa.”

“Oh? What happened?” Bigla akong dinalaw ng kuryusidad dahil sa sinabi ni Nanay Simang.

“Natagpuan ang bangkay nito na nagpalutang-lutang sa ilog kaninang madaling araw. Ayon sa chismis ay naghahanap raw ito ng gamot para sa asawang may sakit nang maabutan ng malakas na ulan sa kabilang barangay. Sumakay ito sa pasaheroang tricycle at binalak na tumawid sa ilog, pero dahil umapaw na ang tubig ay natangay ito pati ang tricycle. Alam mo namang marami na ang nabiktima sa tulay na yan. Ewan ko nga rin at bakit hindi inayos ng kapitan ang nasirang harang sa gilid ng tulay e!” Malungkot na kwento ng matanda.

“Paano ang driver at ang tricycle? May iba pa bang sakay?”

“Ay wala narin ang driver pero hanggang ngayon kasalukuyan paring hinahanap ang nawawalang bangkay.”

Parang biglang may malamig na hangin naman na dumaan sa pwesto ko dahil biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa batok.

“Kaya nga gusto ko rin ho sanang mag-paalam sa iyo dahil balak ko sana munang tulungan ang mag-ina.”

“Kumusta naman ang asawa ni Mang Jose?”

“Ayon isinugod rin sa hospital.”

“Sino ang naiwan sa bahay nila?”

“Si Niño. Ang anak nila na kakarating lang rin nitong nakaraang araw galing sa siyudad.”

Niño. What a lovely name…

“Ilang taon na ang anak nila, Nay Simang?” Curious kong tanong.

“25 ata. Iyon ang sabi e. Saka kakatapos lang mag-aral ng BS Education ba ’yon? Ay ewan, nakalimutan ko ang tawag.”

Sa sinabi ni Nanay Simang ay para akong kiniliti dahil bigla nalang akong napangiti, pero agad ko iyong pinigilan dahil wala namang dahilan para ngitian ito. Small achievement.

Mayabang na kung mayabang.

“Ano pala ang nangyari sa ina nito?”

“Inatake nang ibalita sa kaniya ang nangyari sa asawa. Naawa nga ako kay Niño dahil sa nangyari e.”

Napahawak ako sa dibdib nang sabihin iyon ni Aling Simang. Parang may pamilyar na emosiyong dumaan sa akin. Emosiyong matagal ko ng kinalimutan.

“Kung kaka-graduate lang ng anak nila, saan ito kumuha ng pera para sa mga bayarin?” Hindi ko alam kung bakit masyado akong na -curious sa bata.

Kung kakatapos lang nito ibig sabihin ay wala pa itong trabaho. Dahil wala pang trabaho, sigurado akong wala rin itong sapat na pera panggastos sa hospital at burol. At sigurado rin ako na hindi sapat ang kinikita ng maliit nilang sakahan para pantustos.

“Nagsagawa ng charity ang anak ng mayor para matulungan si Niño sa pagpapalibing ng ama. Pero kahit na medyo marami ang nagdonate, hindi parin iyon sapat para sa pagpapagamot ng kaniyang ina.” Ang sagot ni Nanay Simang.

“Sige salamat, Nay Simang.”

Yumukod ito at umalis na rin.

Halo-halo ang naramdaman ko ngayon dahil sa nalaman. Naawa ako sa batang si Niño dahil alam ko kung gaano kahirap mawalan ng ama. Pangalawa ay ang problema nito sa pera. Fuck! At bakit ako ngayon nag-aaksaya ng panahon para sa batang iyon?!

At the same time, nakaramdam rin ako ng saya, saya dahil pwede kong gamitin ang sitwasyon nito ngayon para mabili ang lupain.

’ O baka gusto mo lang gamiting pang alibi ang sitwasyon nito para

matulungan

mo siya?

’ Ang sabi rin ng isang parte ng utak ko.

“Fuck!” Malutong kong mura.

No, probably the first reason. Wala sa bukabulary ko ang awa! Tsk!


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

CHAPTER 03

Niño

Sandoval’s

POV

“Niño? Matulog ka muna.” Ang sabi ni Alex sa akin habang naghahanda kami ng makain para sa mga nakiramay.

“Hindi naman ako inaantok, Alex.” Sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Kasalukuyan kong nilalagyan ng tubig ang takuri at isinalang muli sa apoy.

“Kagabi ka pa walang masyadong tulog. Tapos may lagnat ka pa kaya ka nahimatay kahapon.” Inagaw nito ang hawak kong isang tray ng baso para sana dalhin sa labas ng bahay kung saan nakapwesto ang mga tao. “Alam mo, hindi nakakatulong iyang pagmamatigas mo. Marami namang kabataan ang handang tumulong sa mga gawain dito. Tingnan mo naman.”

Tinuro ni Alex ang dalawang batang naghuhugas ng mga basong nagamit kagabi. Si Monet, anak ni Aling Nena at ang pinsan nitong si Ashley. Sila na ang nagpumilit kaya hinayaan ko na. Halos lahat ng nakakilala sa amin ay tumulong para sa burol ni papa. Lalo na si Alex na nagpacharity operation pa talaga para lang maayos ang burol ni papa. Nahiya nga ako dahil sa ginawa nito e, pero ang sabi niya ay ginawa niya lang kung ano ang tama.

Wala na akong naging problema sa burol ni papa, ang problema ko ay kung paano ko babayaran ang pagpapagamot kay mama. Si mama ay kasalukuyang nasa hospital dahil inatake ito after kong ipaalam sa kaniya ang sinapit ni papa. Alam kong sobrang sakit para kay mama ang nangyari kay papa, ganoon din sa akin. Dahil nagpaulan ako noong nakaraang gabi, inatake ako ng matinding trangkaso. Nalunod ako ng lagnat kaya ako nawalan ng malay. Pero agad namang naagapan. Ngayon pa nga lang medyo gumaan ang pakiramdam ko e. May ubo at sipon parin ako pero kailangan kong magpakatatag. Hindi naman dapat na palagi kong i-asa sa iba ang responsibilidad ko. Dapat ko lang gawin ang mga ito dahil magulang ko ang nabiktima.

Masakit para sa akin ang nangyari kay papa. Nang una kong makita ang bangkay niya sa tabing ilog ay halos gumuho ang mundo ko. Sobrang sakit lang dahil hindi man lang ako pinagbigyan ng panginoon na bumawi sa mga nagawa ni papa sa akin. Sa kaniyang mga sakripisyo. Alam kong may rason ang lahat ng ito pero ano? Bakit kailangan pang kunin ang mahal ko sa buhay?

“Ayan, natulala ka na naman. Magpahinga ka muna. Promise, ako na ang bahala dito.” Inakbayan ako nito papasok sa maliit kong kwarto saka inalalayan para mahiga.

“Hindi naman ako inaantok e.” Pagmamaktol ko. Bumangon ako at naupo sa gilid ng kawayan na higaan.

“Hayyyy… Ang kulit mo rin minsan e.” Umupo si Alex sa tabi ko. “Kailan mo balak bisitahin ang mama mo?”

Nagkibit-balikat ako. “Baka mamayang gabi na. Malayo-layo rin kasi ang bayan.

Hindi ko naman puwedeng iwan nalang kayo dito.“

“Andito naman ako e. Saka, papupuntahin ko dito ang dalawang katulong namin para tulungan ako sa mga gawain.” Ngumiti si Alex sa akin. Ngiti na parang sinasabing huwag na akong mag-alala.

Nakakahiya talaga para kay Alex dahil noong nakaraang gabi pa ito hindi natutulog. Ayaw niya namang matulog dahil gusto raw niyang tumulong sa akin. Iidlip ito pero sandali lang at babangon ulit para gawin ang ilang gawain dito. Hindi ko na alam kung paano ko siya masusuklian.

“Huwag na Alex. Sobrang nakakahiya na saka hindi ko na alam paano ka masusuklian.” Nakayoko kong wika. “Sa totoo lang, hindi ko in-expect na ganito ang mangyayari. Puro saya lang kasi ang nasa isip ko. Marami akong pangarap noon para sa magulang ko, pero mukhang hindi na iyon matutupad.” Tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko pero kaagad ko lang pinahiran. Dapat ay tanggapin ko na ang nangyari kay papa at mag focus nalang sa ina, pero hindi ko talaga mapigilang ma-miss ang masayang ala-ala namin ni papa.

Kahit naman kasi kami lang tatlo ay masaya naman ang buhay namin. Palagi naming nasusulosyunan ang problema. Ni minsan ay hindi ko nakitang nag-away sila mama. May kunting tampuhan pero hanggang doon lang iyon.

“Hindi mo na kailangan pang mag-isip ng pambayad sa mga nagawa ko, dahil gusto ko lang namang tumulong. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip kong maningil ng kapalit sa iyo. Lahat ng nagawa ko ay bukal sa puso.” Hinawakan nito ang kamay ko at bahagyang pinisil saka ngumiti ng napakatamis. Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan sa mga sandaling ’yon.

“Salamat talaga, Alex.” Humilig ako sa balikat nito. Hindi naman ito umangal at ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng antok hanggang sa makatulog.

**

“Paano ba ’yan? Alis na ako. Sigurado ka ba talagang kaya mo na dito?” Dumungaw muna ako sa kabaong ni papa. “Alis muna ako, pa.”

“Oo naman. Papunta na rin naman dito ang dalawa naming katulong.” Ngumiti naman ito.

Hapon na nang tumawag si Aling Nena na palit muna kami at gusto niyang mag-vigil. Siya kasi ang nag representa na mag bantay kay mama habang inaasikaso ko ang mga tao sa bahay. Gusto rin nitong kahit papano ay makatulog ako sa hospital dahil batid ni Aling Nena na hindi ako mapakali dito sa bahay sa dami ng gagawin.

“Kung gusto mo ay ihatid pa kita?” Alok ni Alex.

Umiling ako. “Alam mo naman na ayokong nagmo-motor pag malayo ang byahe.”

“May sasakyan naman ako. ’Yon ang gagamitin natin kung gusto mo.”

“Hindi na nga!” Umirap ako. “May mga tricycle naman no!”

Tumawa ito at saka ako inakbayang iginiya palabas sa bahay.

“Tara!” Biro niya.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin. “Sapakin kita diyan, Alex. Makikita mo.”

Humagalpak ito ng tawa. “Biro lang naman.”

Kumaway ito sa akin. Ngiti lang ang sagot ko at naglakad na para maghanap ng tricycle. Ganoon parin ang paligid. May kaunting bakas paring naiwan ang bagyo. Maraming sanga ng kahoy sa gilid ng kalsada, mga posting natumba at kaunting basura. Busy parin ang mga tao sa kaka-ayos ng mga nasirang bubong. Ang iba naman ay hindi parin tapos sa kakaayos ng mga gamit. Saglit akong naglakad-lakad pero wala parin akong mahagilap na tricycle, kaya sumilong nalang muna ako sa isang lilim ng kahoy.

Habang naghihintay nang masasakyan ay may pumaradang itim na kotse sa aking harap. Halatang pang mayaman dahil sa kinang nito, at may tatak kabayo rin sa gilid. Huminto lang ito pero walang lumabas. Bahagya akong umatras at baka kung sino ang nasa loob. Marami pa naman ang mga walang trip sa panahon ngayon.

Aalis na sana ako sa puwesto ko nang bumukas ang bintana ng kotse. Bumungad ang isang may katandaang lalaki, pero kahit na ganoon ay mas kapansin-pansin ang mukha nitong mala Adonis. Bukod kay Alex ay wala na akong iba pang nakitang ganito ka gwapo.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang ngumiti ito sa akin.

Bakit nagwawala ang puso ko? Parang gusto nitong kumawala. Ngumingiti rin naman sa akin si Alex pero bakit walang ganitong reaksyon? May sakit ba ako sa puso? O baka nasobrahan lang ako sa kape. Siguro nga dahil sa kape kaya nagwawala ang puso ko.

Bumaba ang tingin ko sa suot nito. Naka-T shirt ito na kulay puti, at hanggang doon lang ang tanaw ko. Sobrang bagay sa lalaki ang suot nito. Naka-buzz cut ang buhok nitong kapareho kanipis sa balbas nito. Hindi gaano ka-pula ang mga labi pero sobrang kissable ng lips niya. Matangos ang ilong. At ang pinakanakaka-akit ay ang mata nitong sing-itim ng kilay nito. Nakakapanghina ng tuhod!

Literal na Adonis ang nasa harap ko. Adonis na sa tingin ko ay nasa late 30’s o early 40’s. Daddy na daddy ang dating! Sa tingin ko rin ay may anak na ito. Sobrang swerte ng mga bata dahil may daddy silang ganito ka gwapo.

Narinig kong tumikhim ito kaya agad akong nag-iwas sa titig nito. Hindi ko namalayang nakikipag-eye to eye contact na pala ako sa kaniya.

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

“Saan ka patutungo?”

Ang biglang tanong nito sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil sobrang gwapo ng boses nito. Malalim na husky. Parang umurong ata ang dila ko dahil ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.

“Uy bata. Saan ka papunta?” Natatawang ulit nito.

Ay wow! Pati tumatawa ay sexy parin pakinggan! Saka tinawag niya akong bata? So may katandaan na nga ito?

“Ahhh sa ba-bayan lang p-po, s-sir.” Napakagat ako sa labi nang halos kapusin ako nang hininga habang nakatingin sa mga mata nito.

“Pupunta rin kasi ako sa bayan. Kung gusto mo, ako nalang ang sakyan mo.” Muli itong ngumisi.

“P-PO?!” Pasigaw kong wika dahil parang iba ang pinapahiwatig nito. Or it’s just me? Baka nga ako lang ang nag-iisip ng kung ano-ano.

Umaliwalas ang mukha nito na para bang natutuwa sa reaksyon ko.

“Ang sabi ko, gusto mo bang sumabay sa akin. Mukhang wala rin kasing mga tricycle ngayon na papunta sa bayan.”

Muli kong pinalibot ang tingin. Parang wala ngang dumadaang tricycle. Hindi naman pwede na babalik pa ako sa bahay dahil hapon na. Ayaw ko rin makisakay sa mga motor dahil takot ako lalo na pag malayo-layo ang byahe.

“Nako, huwag na po. Mag hihintay nalang ako dito, may oras pa naman po.” Nahihiya kong tugon.

“Sigurado akong wala nang babyahe papuntang bayan ngayon. Sumakay ka na sa akin. Pupunta rin naman akong hospital.” Napakunot ang nuo ko dahil sa sinabi nito. Paano naman niya nalaman na sa hospital ako? At sino ba ’to?

“Sorry po, pero hindi po talaga ako komportable lalo na’t ngayon pa lang kita nakita. Hindi kita kilala.” Hingi ko ng tawad. Kabilin-bilinan nila mama ko noon na dapat hindi raw ako magpapaniwala sa mga taong hindi ko pa kilala.

“Pwede naman nating kilalanin ang isa’t-isa, hindi ba?” He smiled. “Don’t worry, hindi naman ako masamang tao. Mukha ba?”

Umiling ako. Tama namang wala sa mukha nito ang pagiging masama pero may kakaiba sa awra nito. ’Yong panindigan ka nalang ng balahibo sa batok kahit wala itong ginagawa, nakatitig lang ito sayo.

“Hindi naman pala, edi sumakay ka na sa akin.” Bumaba ito sa sasakyan nito. Bahagya akong napaatras dahil hindi ko inasahan ang biglang pagbaba niya.

Napatitig ako sa kabuuan nito. Matangkad ito sa akin ng isang ruler. Hindi naman kasi ako pinagpala sa height. Kung didikit ako dito ay paniguradong hanggang dibdib lang ako. Nakasuot pala ito ng maong pants na blue at leather shoes. Para itong model habang nakatayo sa harapan ko. May suot itong relo na mas nagbigay appeal sa kaniya.

“Still no. At ayaw ko pong makaabala, sir. Baka hinihintay na kayo ng asawa niyo—– wait, kaya ka ba pupuntang hospital dahil manganganak na ang asawa mo?” Bigla kong naisip na baka buntis ang asawa nito kaya ito pupuntang hospital!

Humagalpak ulit ito ng tawa. “Asawa? Wala dati sa bukabularyo ko ang mag asawa, pero mukhang maiiba na ang paniniwala ko.”

Tumingin ito ng makahulugan sa akin. Ako naman ay gulong-gulo dahil sa sinabi nito. Wala pa itong asawa? Eh, akala ko may anak na ito dahil kung pagbabasihan sa physical appearance nito ay masasabi mo talagang daddy na ito.

“Huh?”

Ang tanging naisagot ko sa sinabi nito. Natatawang napa-iling naman ang kausap ko. “I used to say, ‘Masakit sa ulo at mabigat lang sa bulsa ang mag-asawa’ kaya hanggang ngayon ay

single

parin ako.“

He said emphasizing the word SINGLE.

“Pero sa tingin ko ay nagbago na ang isip ko.” Bawat tapon ng lalaki sa akin ng tingin ay tila ba may malalim itong kahulugan kaya napapakunot nalang ang aking nuo.

Dahil sa sinabi ng lalaki ay bigla naman akong na-curious kung ilang taon na ito kaya agad akong nagtanong.

“Ilang taon ka na po ba, sir?” Puno ng kuryusidad kong tanong sa lalaki na sinuklian naman ng sexy na tawa.

“Interested, eh? Sumakay ka na sa akin para naman makapag-usap tayo.” Ang wika nito. Saglit akong napa-isip…

Medyo gumagabi na, wala paring dumaan na tricycle papuntang bayan. Nakabagot mag-hintay dito!

“A-ahh sige, po. Kung okay lang sa inyo?” Halos mautal ako nang sabihin iyon. There’s something in him. Kaya nitong ilipad ang isip ko kung saan-saan hanggang sa panandaliang mawala ang lahat ng problema ko sa buhay.

“With all my heart, kiddo.” Ang sagot nito at bahagyang ginulo ang buhok niya. Natawa kami pareho sa sagot nito.

Akmang sasakay na ako sa likod nang hawakan niya ako sa kamay para hatakin papuntang kabilang parte ng sasakyan. Binuksan nito ang passenger seat sa hindi ko inaasahan. Ngumiti naman ang lalaki.

“Ayokong mag mukhang driver mo, kaya dito ka sa harap umupo.” Paglilinaw niya. Agad naman akong pumasok sa loob. Ang lalaki na rin ang nag sara ng pinto para sa akin. Sobrang gara sa loob! Halos lumuwa ang mata ko dahil sa sobrang ganda!

Bango ng sasakyan ang bumungad sa akin. Amoy cologne na panlalaki. Sorang bango na halos mapapikit ako habang ninanamnam ang amoy.

’ Matanong

nga mamaya kung ano ang gamit nito.

Ani ng isang parte ng isip ko.

Bumukas ang kabilang pinto at pumasok mula doon ang lalaki. Nagkamot ito sa ulo.

“Grabe din pala ang napinsala ng bagyo no?” Wika nito saka pinausad ang magarang sasakyan. Muli kong naalala ang namayapang ama. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot.

“Oh? May nasabi ba akong mali?” Muling tanong ng lalaki. Umiling nalang ako at iwinaksi ang lungkot na nadarama.

Napatitig ako sa lalaking kasalukuyang nagmamaneho. Sobrang cool nito tingnan habang nakahawak sa manobela ang dalawang kamay. Ang gwapo rin nito mag side view kahit matured na ang hitsura nito. Kapansin-pansin talaga ang matangos nitong ilong. Kahit nakatagilid ay masasabi mo talagang perpekto ang hulma ng mukha nito. Nakakaakit ang balbas nitong konektado sa buhok.

“Sigurado ho bang wala pa kayong asawa o anak?” Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na iyon.

“Mukha na ba talaga akong gurang?” Ang natatawa nitong tanong, pero naka-focus parin ang mata sa daan.

“Medyo.” Honest kong sagot. “Hindi mo pa nga ako sinagot e.”

Tumawa itong muli. “To be your boyfriend? Then it’s a yes.”

“Anong it’s a yes ka diyan?”

“Sabi mo, hindi pa kita sinagot, edi Yes.”

“HAHAHAHA palabiro ka pala e no?”

“Not really. Sayo lang.”

“Pero serysoso po. Ilang taon ka na po?”

“Forty.” Maikling sagot niya. Woah! 40?! Ngayon pa ako nakakita ng 40 na gwapo, maganda manamit at swabe ang dating.

“Impressed?”

Tumango ako. “Yeah, medyo. I mean, ngayon palang po ako nakakita ng 40 na ganiyan ka… Alam mo na.”

Nahiya akong sabihin na gwapo ito.

“Ganito ka?” Saglit niya akong tiningnan ng nakakunot-nuo.

“Alam mo na po ’yon.”

“No, I don’t. Kaya sabihin mo na.”

“Na ano po… Na g-gwapo.” Kagat-labi kong sabi.

Umaliwalas naman ang mukha nito. “Really?”

“Opo. Naisip ko ngang swerte ng asawa at mga anak mo e, kasi po may gwapo silang daddy.”

“Honestly, wala pa akong asawa’t anak. Wala pa sa ngayon.”

“Ahhhh siguro playboy kayo no? Nako sir, masama po ’yan. Dapat mag asawa ka na kasi lumagpas ka na sa kalendaryo!”

“I know. Siguro soon. Playboy? Dati. “ Bumuntong hininga ito. “So, ikaw? Ilang taon ka na ba?”

“25 pa lang po. Kaka-graduate lang sa kolehiyo.”

“Naks naman. Masyado na pala talaga akong matanda.”

“Pero may jowa ka na ba?” Dugong niya pa.

Mabilis akong umiling. “Wala pa po! No boyfriend since birth nga ako e.”


Hades Villanovan

“Bakit naman wala pa?” Napuno ako ng kuryusidad dahil sa sagot nito. Imposibling wala. Hindi naman ito badoy manamit, maputi rin at makinis ang kutis na akala mo’y babae, at hindi naman ito pangit. Cute nga ito.

“Bukod sa walang nanliligaw ay pag-aaral din muna ang number one priority ko noon. Saka, kaunti lang po ang nagkakagusto sa mga katulad ko no.” Ngumiti ito.

Hindi ko alam pero parang nabunutan ng tinik ang parte ng puso ko. Parang ang saya ko sa nalamang hindi pa ito nagka-boyfriend. Kanina, halos pigilan ko ang sarili na ayain itong sumakay sa sasakyan ko. Hindi ko rin mapigilang magpa-swabe sa kaniya. I even sprayed my fucking cologne all over the car, para lang mabanguhan ito kung sakaling mapapayag ko. And fortunately, ay napapayag ko naman ito.

I can’t fucking understand myself! Nang sabihin ni Nanay Simang ang tungkol sa batang ’to ay parang may nagtulak sa akin na kilalanin ito. Nagawa ko pang utusan si Nay Simang na i-report sa akin ang mga galaw nito. At nang sinabing pupunta itong bayan ay kaagad akong kumaripas galing sa hacienda papunta sa lugar nila. Iniwan ko pa ang trabaho ko. Binigyan ko pa ng pera ang mga tricycle driver para maglasing sila at para wala ng masakyan ang batang nakasakay ngayon sa akin. Alam kong iyon na ang pinakabobong nagawa ko sa tanang buhay ko. Pero nang nagbunga ang ginawa ko ay parang may kung anong emosiyon ang pumasok sa puso ko. Parang ang saya ko na ako ang maghahatid sa kaniya.

I wasn’t like this before. Hindi ako ma-effort na tao. May mga niligawan ako noon pero agad na tinigil. Ni-hindi ko sila pinasakay sa sasakyan ko. Alam kong masyado pa itong bata pero handa akong labagin ang batas, mapaibig ko lang siya.

Ang sabi nila ay you can’t believe in both ‘love is blind’ and ‘love at first sight’. Pero ako? Parang naniniwala ako sa dalawa dahil hindi ko pa nga nakita ang mukha nito, tanging maliit lang na detalye ang alam ko rito, ay nahulog na ako. At nang masilayan ko ang mukha nito, I couldn’t help but to fall harder.

Akala ko ay awa lang itong nararamdaman ko dahil sa kasalukuyang sitwasyon nito, pero nagkamali ako. Halos hindi ako makatulog buong gabi kaka-stalk sa Facebook nito. Kahit no’ng sumapit ang umaga ay ito parin ang laman ng isipan ko. Kahit sa trabaho ay siya parin.

Hindi naman ako bobo pagdating sa mga ganitong bagay. I know I’m deeply inlove.

“Kung may manliligaw ba sayo ay sasagutin mo?”

“Depende naman po iyon kung deserve nila.” Nakita ko ang pagbuntong hininga nito. “Pero, ibibigay ko muna kay mama at sa nakaburol kong ama ang atensiyon ko.”

Bakas sa boses nito ang kalungutan. Parang gusto ko itong yakapin at hayaang iyakan ang mamahalin kong damit. I badly want to comfort him.

“Ano ba ang nangyari?”

Right, Hades. As if hindi mo alam ang nangyari sa buhay niya.

“Para paikliin ang nangyari dahil medyo nasasaktan pa ako kung pag-uusapan sila, namatay si papa dahil sa baha nitong nakaraang araw, si mama naman ay inatake sa puso dahil hindi matanggap ang nangyari kay papa.” Mapait niyang sabi.

Fuck! I want to hug him so bad!

“Kaya ka pupuntang hospital?”

“Opo.” Tumango ito.

Shit! Bakit ang sexy pag pino-po

niya ako?!

Natahimik kaming dalawa. Walang nagsalita hanggang makarating kami sa bayan. May kaunting ilang akong nararamdaman.

Isip ka ng sasabihin, Hades!

Hahalata ko na panakaw-nakaw ito ng tingin sa akin. At na cu-curious ako kung ano ang nasa isip nito.

Tumikhim ako. “Medyo marami na tayong napag-usapan pero hindi ko pa natanong ang pangalan mo. What’s your name, young man?”

“Niño lang po.” He paused. “Niño Sandoval. Ikaw po ba? Ano po ang pangalan niyo po?”

“I’m Hades.

Hades Villanovan.“ Proud kong sagot. Para itong nasimento sa kinauupuan. Bahagyang nakabuka ang bibig at nanlaki ang mga mata.

Hindi na bago sa akin itong reaksyong ganito pero hindi ko mapigilang matuwa.

Right. Siguro ay nakilala na niya ako.


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

CHAPTER 04

Niño

Sandoval’s POV

I’m Hades.

Hades Villanovan . “

Halos hindi ako makapaniwala na nakaharap ko ngayon ang isa sa pinakamayan sa buong bansa. Hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo! Alam kong ang sagwa tingnan ng ekspresiyon ko ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung makakaharap mo ang isang Don. Hades Villanovan?

Tanang buhay ko ay hindi ko pa ito nakita kahit na nasa lugar lang namin ang hacienda nito. Hindi naman kasi ako masyadong lumalabas dahil bukod sa mahiyain ay sadyang takot akong tuksuin noon ng mga tambay dahil sa kasarian ko. Pagkatapos kong mag highschool ay nawala na sa isipan ko ang mayamang negosyante dahil abala na ako college. Pero humahanga ako dito dahil sa mga achievements nito sa buhay.

Ang mas nakakagulat ay hindi ito ngayon katulad ng mga sabi-sabi na masungit at palaging pinagsakluban ng langit at lupa ang awra. Ibang-iba ito sa akala ko at sa kung paano ito i-describe ng ibang tao. Alam kong magandang tao kuno si Don. Hades Villanovan, pero hindi ko inakalang ganito pala ka-gwapo!

“Oh? Natahimik ka ata?” Para akong tinakasan ng hininga nang muli itong magsalita.

Hindi ako makatingin dito dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman. Excitement, kaba, at hiya. Pero namumutawi talaga ang hiya at kaba ko ngayon dahil hindi ako makagalaw!

“Okay ka lang?” Muling tanong nito.

Wala ako sa sariling umiling na ikinatawa naman nito.

“Fuck! HAHAHAHAHA!!!”

Napuno ng tawa nito ang buong sasakyan. Hindi ko mapigilang humanga dahil kahit sa pagtawa ay gwapo paring pakinggan ang boses nito. May kalaliman na buo ito, boses matured na talaga ang boses nito.

“Para ka namang nakakita ng multo.” Ang wika nito habang pinipigilan ang tawa.

“So-sorry po, Don. Hades.” Nakayuko kong sabi. Hindi ko nga alam kong narinig niya ’yon dahil parang mapiyok ako. Kinakapos ako ng hininga!

“Sorry naman saan?” Tumigil na ito kakatawa at nagfocus na sa pag mamaneho.

Oo nga? Bakit ako nag sorry? Ugh! Ang gulo ng isipan ko!

“K-kasi… Ahm kasi hindi kita na-nakilala?” Humugot ako ng hininga. “Sorry po talaga.”

“No worries. At ano naman ang meron kung kilala mo na ako? Hindi ka sasakay?”

“H-hindi ko po alam, Don. Hades.” Hindi parin ako nag-angat ng tingin sa hiya.

“Then mas mabuti na hindi mo agad ako nakilala.”

Gusto ko pa sanang itanong kung bakit pero pinili ko nalang na manahimik. Sobrang naiilang ako dahil sa nalaman. Halos hindi na ako gumalaw sa kinauupuan. Nakatingin lang ako sa aking kamay na nakapatong sa hita ko.

“Hindi ba ang sabi mo ay may sakit ang mama mo?” Hindi ako nagsalita kaya pinagatuloy nito ang sinabi. “Alam mo naman ang negosyo ko?”

Tumango ako.

“So ahm…” Tumikhim ito. “Nakasanayan ko na kasing magbigay ng donasyon katulad ng sa bahay ampunan, sa mga may sakit at nagbibigay rin ako ng scholarship para sa mga kabataang gustong makapag-aral ng kolehiyo.”

Hindi parin ako umimik pero parang alam ko na ang pinupunto ng Don.

“Hindi ako nagmamayabang. Ang point ko ay, gusto ko ring magbigay donasyon sa iyo at sa iyong ina. At sana hindi mo tatanggihan ang alok ko.”

Doon na ako nag angat ng tingin at kahit nahihiya ay tiningnan ko siya. Nakatingin lang ito sa daan.

“Huwag na ho. Nakakahiya naman.” Gusto kong tanggapin ang alok nito pero nahihiya ako. Kahit papano ay malaking tulong iyon sa pagpapagamot kay mama.

“Hindi ka dapat mahiya, Niño. Isipin mo nalang ang mama mo. Kung tatanggapin mo ang alok ko ay ililipat natin ang mama mo sa pribadong silid at ako ang gagastos sa pagpapagamot.”

Mas lalong nakakahiya kung ganoon. Hindi naman sa nag-iinarte pero sobra-sobra naman ang alok nito. At hindi ko rin alam kung bakit gustong tumulong ng Don e ni minsan ay wala kaming nagawang mabuti sa kaniya. Tinanggihan pa nga ni papa noon ang alok na magtrabaho sa hacienda nito. Ang sabi ni papa kay mama no’ng mag-usap sila ay hindi kaya ni papa na iwan ang lupang binigay ng mga magulang niya, nila lolo.

Kaya sobrang nakakahiya kung tatanggapin ko ngayon ang tulong niya para sa amin.

“Sobra-sobra na po iyon. Pwede naman kahit maliit lang na donasyon.” Nag-iwas ako ng tingin.

“Tatanggapin mo na?”

“Opo, pero—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng muli itong magsalita.

“Just yes or no, Niño.”

Tumingin ako sa kaniya at tumango nalang bilang sagot.

“Good choice.”

Gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi nito. Ngiti na parang nanalo sa argumento.


Saan po tayo pupunta, Don Hades?“ Ang naitanong ko nang mabatid na iniba nito ang deriksyon papuntang hospital.

“Diba po doon sa kabilang daan?” Dugtong ko pa.

Nginitian niya ako. “Hindi ba’t sabi ko ay ako ang bahala sa lahat? Now, let me.”

Doon ko napagtantong papunta pala kami ng mall. Pero ano ang gagawin namin dito? Hospital lang ang usapan ah?

“Ano po ang gagawin natin dito, Don? May dadaanan ka ba dito? Dahil mag tra-tricycle nalang ako papuntang hospital.” Lalabas na sana ako nang hindi ko magawang buksan ang pinto.

“At saan ka pupunta?”

“Lalabas po kasi sasakay nalang po ako sa iba papuntang hospital.” Diritso kong sagot. Bakit walang nakapagsabi sa akin na weirdo pala itong si Don Hades?

“Stay. May tatawagan muna ako.” Kinuha nito ang cellphone sa harap at saka kinalikot.

“Good evening rin sa inyo, Doc… Yes, this is Hades Villanovan.” Tumawa ito. “You flattered me, Doc. Steven… Haha yeah, may sadya nga ako.”

Tumingin ito sa akin saka ngumiti. Kakaibang ngiti! Ngiti na nakakalagot ng hininga!

“Gusto kong ilipat mo sa pribadong silid si Arlyn Sandoval… A friend of mine… Yes, yes… Okay, thank you.”

“Don, hindi niyo naman kailangan gawin iyon. Saka okay na ako kahit public room.” Reklamo ko nang ibaba nito ang telepono.

“Okay sayo, ang tanong, okay ba para sa kalagayan ng mama mo ang pampublikong lugar?”

Tumaas ang sulok ng labi nito nang hindi ako nakasagot. Tama naman ang Don. Mas makakabuti sa kalagayan ni mama kung nasa private room ito.

Kalaunan ay bumaba na rin si Don sa sasakyan. At ako? Naiwan kasi ayaw bumukas ng pinto. Sinundan ko nalang ito ng tingin habang umikot papunta sa kabilang banda, sa pwesto ko.

“Samahan mo muna ako.” Ang sabi niya pagkabukas ng pagkabukas sa pinto saka naglakad. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod.

As expected. Pagkapasok namin sa mall ay napunta ang atensyon ng mga tao sa amin–– hindi, kay Don Hades Villanovan lang pala. Halos mabali ang leeg ng mga babae, ang iba naman ay napapasinghap at kinikilig kung titingin sa kanilang direksyon ang Don.

Bahagya akong umatras para magkaroon ng distansiya sa amin ng Don. Ayoko kasing ma-center of attraction. Taas nuong naglakad ang Don habang ako naman ay nakayuko lang at sinusundan kung saan man ito patutungo.

“Come closer.” Rinig kong sabi nito, pero hindi parin ako tinatapunan ng tingin.

“Po?”

“Ang sabi ko, lumapit ka sa akin.” He tsked. Saglit itong tumigil kaya nagka-level na kami. Ngumiti ito at umakbay sa akin.

Bahagya itong yumuko para maglapat ang labi nito at tenga ko.

“Smile, young man.”

Bulong nito. Ramdam ko ang hangin na lumabas mula sa bibig nito. Amoy ko rin ang natural na bangong nagmula rito. Halos magsitayuan lahat ng balahibo ko sa leeg.

Hanggang sa makarating kami sa apple store, nakaakbay parin ito sa akin. Nahihiya na nga ako dahil nasa amin na ang lahat ng atensiyon. Pero parang wala itong pakealam sa mga tao.

Nahihiya man ay sumunod nalang ako sa kung saan man ito patutungo. Saglit nitong kinausap ang salesman habang ako ay nakatingin lang sa kanila. Nang makaramdam ng pagkabagot ay naglakad-lakad ako sa buong shop. Mangha kong tinitingnan ang mga naka-display na cellphone. May kulay gold, graphite, silver at pacific blue. Pero parang mas maganda ang pacific blue. Mahilig kasi ako sa medyo dark na kulay. Nang tingnan ang presyo ay halos lumuwa ang mata ko!

86,990 THOUSAND PESOS!

Kahit pa siguro may trabaho na ako, hindi ko parin ito afford! Sino ba naman kasing baliw ang bibili ng ganiyan kamahal na cellphone?!

“Maganda ba?” Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita ang Don sa aking likuran. Ramdam ko ang hangin sa batok ko, ibig sabihin ay malapit lang ito!

Tumikhim ako at agad na lumayo ng kaunti, kunwari ay sinusuri ang ibang cellphone na naka-display.

“Maganda naman, pero masyadong mabigat sa bulsa kaya pangit nalang.” Ang biro ko. Tumawa naman ito at muli akong inakbayan.

“Well, I have something for you.” Itinaas nito ang kamay na may hawak na paper bag. Nang mapagtanto kung ano iyon ay halos mahulog ang panga ko sa gulat.

“Nangangalay na ang kamay ko. Kunin mo na.” Reklamo nito.

Napailing naman ako. “Hi-hindi ko ho ’yan matatanggap.”

Pagtanggi ko. Ano ba ang nakain nito? Bakit bigla-biglang nagbibigay sorpresa? At nakakapagtataka talaga dahil kakakilala lang namin tapos bibigyan niya na ako agad ng mamahaling bagay.

Ang sabi ng lahat ay masungit si Don Hades Villanovan. Halos iyon ang sinabi mula sa mga narinig ko. Wala namang sinabi na may pagka-weird ito. Ibang-iba ang Hades Villanovan na kaharap ko sa Hades na akala ko. Akala ko nga dati na matanda na ito. Matanda na payat tapos pangit manamit, iyon ang akala ko. Pero nagkamali ako dahil hindi naman ito payat at pangit manamit. Ang kasama ko ngayon ay may magandang katawan at parang modelong nirarampa ang magandang kasuutan.

“Bakit naman?” Lumalim ang gatla nito sa nuo. “Akala ko ba gusto mo ’to?”

“Opo, pero hindi ko naman sinabing bibili ako. Naaliw lang talaga ako kakatingin sa mga bagong modelo.”

“Just take this as a gift.”

“Hindi ko po talaga ’yan matatanggap. Sobrang laki na ng naitulong mo sa amin. At sapat na iyon para sa akin.”

Alam ko kung gaano kamahal ang bayarin sa hospital, lalo na at sa private room niya pinalipat si mama.

“May cellphone ka ba ngayon?”

Umiling ako. “Wala po. Nahulog kasi sa kanal kaya nasira.”

Halos maiyak ako noong aksidente kong mahulog ang cellphone ko sa kanal na malapit sa boarding house. Pauwi ako noon galing practice para sa graduation namin. Isang linggo rin akong nanghinayang dahil matagal kong iyong pinagipunan. Hindi ko na rin nagawang ipaayos dahil marami na ang sira no’n. Three years na rin kasi sa akin.

“Edi tanggapin mo na. Paano kita ma-co-contact kung wala kang cellphone? Paano kung may sasabihin ang doctor tapos nasa inyo ka? Saan ka namin makakausap? Kaya tanggapin mo na at huwag ng makulit.” Naging seryoso bigla ang boses nito.

Kinuha nito ang aking kamay at saka binigay sa akin ang paper bag. Nauna itong maglakad at nang tumingin ako sa paligid ay halos nasa akin na ang atensyon. Awkward akong ngumiti sa kanila at tumakbo paalis para sundan ang Don. Hindi ko man lang namalayan na medyo napalakas na pala ang pag-uusap namin.

Habol ang hininga nang makarating kami sa labas kung saan nakaparada ang kotse nito. Ang bilis nitong maglakad kaya naman ay lakad takbo na ang ginawa ko.

“Ayaw mo parin?” Ang tanong nito habang nakapamulsang nakasandal sa kotse nito.

“Hindi naman sa ayaw ko–”

“Hindi naman pala. Edi tanggapin mo na.”

“Pero sobra-sobra na ho kasi–” Muli nitong pinutol ang sasabihin ko.

“Kung hindi mo tatanggapin, itapon mo nalang.” Pagalit niyang sabi.

“Pero—–”

“Itapon mo. May basurahan sa likuran mo. Hindi ko naman magagamit ’yan kaya itapon mo na.” Bakas na sa boses nito ang pagka-inis. Nakakatakot rin ang uri ng tingin nito. Marahil ay ito na ang sinasabi nilang masungit na side ng Don.

“Ayaw mong itapon? Akin na, ako ang gagawa!” Lumapit ito sa akin at balak na sanang hablutin ang paper bag, buti nailayo ko agad ang kamay ko.

“Oo na. Tatanggapin ko na po.” Bahagya akong umatras para lumayo dito. Madilim parin ang awra nito. Malalim ang titig na binigay nito sa akin. Para bang may gusto itong sabihin pero hindi magawa. Gumagalaw rin ang panga nito, senyales na galit nga ito.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Ako naman ay napapaatras sa tuwing hahakbang ito palapit. Atras-abante ang ginawa namin hangang sa may natisod akong kung ano. Agad akong napapikit at hinintay ang pagbagsak dahil bigla akong nawalan ng balanse. Ilang saglit kong hinintay na bumagsak sa basurahan pero wala. Sa halip ay dalawang braso ang naramdaman kong pumulupot sa bewang ko. Dahan-dahan akong nagmulat.

Mga matang sing-itim ng kalangitan tuwing gabi ang bumungad sa akin. Halos maramdaman ko na ang ilong nito sa sobrang lapit. Muli kong naamoy ang mabangong hininga ng Don. Sa sobrang lapit ay halos mahigit ko na ang hininga ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko na animo’y gustong kumawala sa loob. Wala akong ibang narinig kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Kunti nalang at ma-ha-heart attack na ako. Hindi ko rin maintindihan ang puso ko kung bakit nag-re-react ito ng ganito sa tuwing nasa malapit ang Don.

Hindi kaya’y may sakit lang ako?

Bahagyang inilayo ng Don ang mukha niya. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang paglunok nito na tila ba’y gusto akong lapain. Nakatitig parin ito sa akin, ganoon din ako. Gusto kong iiwas ang tingin ko pero hindi ko magawa. Para ako nitong hinihipnotismo sa uri ng titig na binigay niya sa ’kin.

Hindi ko mabilang kung ilang sigundo o minuto kaming nakaganoon lang ang posisyon. Hawak ako nito sa baywang gamit ang dalawang kamay habang ako naman ay nakakapit sa matipuno nitong braso.

Kalaunan ay tumikhim ito at umayos ng tayo. Ganoon din ako. Halos hindi ako makatingin dito dahil sa mga nangyari. Para ring may bumabara sa lalamunan ko dahil hindi ako makapagslita!

“Sa susunod huwag mo ng ulitin iyon, lalo na pag wala ako dahil walang sasalo sayo.” Pakiramdan ko ay may doble meaning ang pagkasabi niya no’n pero hindi ko nalang din pinansin at baka guni-guni ko lang iyon.

Binuksan nito ang passenger seat. “Pasok at gabi na.”

Kaagad ko naman siyang sinunod. Muli akong pumasok sa sasakyan, at siya naman ay umikot saka pumasok na din.

Sa tuwing naiisip na ang Don mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin ay parang kinikiliti ang tiyan ko. Para bang may nagsisiliparan na paruparo sa loob. Sa tuwing malambot ang ekspresyon at awra nito ay may kakaibang emosiyong hindi ko mawari na gustong kumawala galing sa aking dibdib. Pag madilim naman ang awra nito, sobra-sobra ang takot na nararamdaman ko, at the same time, natutuwa rin ako.

Walang nagsalita sa amin, tahimik ang loob ng sasakyan. Halos mabingi ako sa katahimikan. Ang Don naman ay seryosong nagmamaneho. Kita ko rin sa peripheral vision ko na panay ang tingin nito sa akin at lunok. Ilang minuto lang ay nakarating nga kami sa hospital. Gaya kanina sa mall ay pinagbuksan niya ako muli ng pinto saka inakbayan papasok hanggang sa makarating mismo sa tapat ng kwarto ni mama.

Pumasok ako pagkabukas ng Don sa pinto. Saka naman ito sumunod. Nakita kong may nurse sa tapat ni mama habang ito ay nakaupo sa kaniyang kama. Kasalukuyan nitong pinapakain ang aking may sakit na ina.

Nilapitan ko ito at hinalikan sa kaniyang pisngi. Nagmano din ako at ganoon din ang Don. Halos manlaki pa nga ang mata ni mama nang makita kung sino ang kasama ko. Muli akong lumapit sa Don na nakaupo sa sofa. Umupo ako sa kabilang dulo nang lumapit ito saka bumulong.

“Mana ka pala sa mama mo. May pagkachinita na bilog ang mata. Ang cute.” Mahina niyang sabi at humagikhik. Para namang umakyat ang lahat ng dugo ko sa pisngi dahil pakiramdan ko ay nag init iyon. Yumuko nalang ako at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala mula rito.

Sobra talaga ang epekto ng Don sa akin pag may kakaiba itong gagawin, katulad nito. Pakiramdan ko lagi ay magkaka-heart attack na ako. Uminit rin ang pisngi ko at parang may paruparong nagliliparan sa tiyan. Normal pa ba ’to?

Pagkatapos pakainin ng nurse si mama ay tuluyan na itong umalis. Ako naman ang tumayo at hiniwa ang hinog na mangga saka binigay kay mama.

“Ma, ang Don nga pala. Pinasabay niya ako kasi––” Bigla kong naalala ang sinabi nitong may pakay sa Hospital.

“Hindi po ba may pupuntahan kayo dito sa hospital, Don Hades?” Baling ko sa kampanting naka-upo na Don.

Nag angat ito nang tingin at ini-off ang cellphone na nakabukas.

“Ahm, yeah. Meron nga.”

Saka ito tumayo at walang pasabing lumabas sa pinto. Napakunot naman ang nuo ko dahil sa inakto nito. Hindi kaya na-offend ito? Para bang binubugaw ko siya sa uri ng pagkasabi ko?

Nagkibit-balikat nalang ako.

Saka nalang ako magpapasalamat.

“Ma, alam niyo ho ba na ang Don ang naghatid sa akin? Tapos tinulungan niya tayo kaya ka andito sa pribadong silid. Tumanggi nga ako ma pero mapilit ito kaya hinayaan ko nalang din.” Napangiti ako nang maalala ang mga nangyari. “Tapos alam niyo ma? Binilhan niya rin ako ng cellphone na nakakalula ang presyo! Saka na niya sinabi na para saakin pala iyon no’ng nabili na niya. Nagalit rin ang Don nang tumanggi ako at ang sabi ay itapon nalang pero syempre, sayang naman kaya tinanggap ko na.” Masaya kong kwento kay mama sa mga nangyari. Nakangiti rin ito na parang masaya rin siya para sa akin.

“Sige na ma. Magpahinga ka muna.” Sabi ko at inalalayan itong humiga sa kaniyang kama. Hindi ko na hinintay na magsalita ito dahil ang sabi ng Doctor ay huwag munang pilitin. Pero agad rin naman daw na bubuti ang pakiramdam niya. Hindi narin kailangan ng matinding pag-susuri o operasyon dahil naagapan din naman daw agad. Which is good.

Umupo ako sa dulo ng kama ni mama at hinawakan ang kamay niya na walang dextrose.

“Ma, nakaka-offend ba iyong sinabi ko kay Don? Hindi naman iyon pambubugaw ma no?” Umiling naman si mama.

“Tama ang mama mo, hindi naman nakaka-offend ’yon. Sorry kung hindi ako nagpaalam na umalis.” Gulat akong napatingin sa pinto.

Nakatayo mula roon ang Don na nakangiti. May dala rin itong McDo na agad niyang nilagay sa mesa, katabi sa mga prutas.

“Bumili pala ako ng makain dahil alam kong ’di ka pa nag-dinner. Halika’t sabayan mo ako.” Nilabas niya isa-isa ang mga pagkain sa paper bag. Hindi naman ako nagpaligoy-ligoy pa dahil nagugutom narin ako.

“Libre po ba talaga ang prutas pag naka-private room?” Tanong ko sa Don sa kalagitnaan ng pagkain namin.

“Yeah. Pero pinabigay ko iyon sa kabila. Nagpapitas ako mismo sa farm ng mga prutas para dalhin dito.” Parang wala lang na sabi nito at tuloy parin sa pagkain.

At sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na naman akong nahiya sa nalaman. He never failed to amaze me! Ang dami na niyang nagawa kahit magkakilala pa lang kami.


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

CHAPTER 05

Niño

Sandoval’s POV

Lumipas ang dalawang linggo. Naging maayos na ang buong paligid na napinsala ng bagyo. Bumalik na ulit ang sigla ng buong barangay namin. Masaya na ulit ang mga tao gaya ng dati, at kahit papano ay naging masaya rin ako. Pero hindi ko talaga maiwasang isipin ang namayapang ama. Alam kong masaya na ito kasama ang mga anghel at diyos pero hindi ko mapigilang makaramdam ng pangungulila.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula no’ng hinatid namin si Papa sa kaniyang libingan. Napakalungkot ng panahong iyon. Pati si Mama ay isang araw rin na hindi tumigil kakaiyak. Hindi ito nakasama sa paghatid dahil pinagbawalan ito ng Doctor na magpagod. Malayo-layo rin kasi ang sementeryo dito sa amin kaya mas nakakabuti talagang manatili nalang ito sa bahay lalo na’t kakalabas lang nito noon sa hospital. Kahit na gusto ko itong pasamahin ay hindi ko magawa, kaya nagpa-iwan ito sa bahay kasama si Aling Nena.

Dama ko rin ang pangungulila ni mama pero ano pa ang magagawa namin?

“Ma, pupunta muna ako sa munisipyo ngayon para mag-apply bilang pansamantalang guro sa kindergarten.” Paalam ko kay mama. Humalik ako sa pingi nito at saka ngumiti.

Kahit ngayon ay nahihirapan parin si mama sa pag galaw dulot ng pagkaparalisa nito pero may improvement naman kahit papano. Kung noon ay hindi nito kayang humawak ng kutsara, ngayon ay kaya na niyang kumain mag-isa. At sobrang saya ko para sa kaniya dahil bukod sa maganda itong senyales ay puwede na narin ako umalis sa bahay kung sakaling may importanting lakad, kagaya ngayon.

“Huwag niyo po kalimutang kumain ng tanghalian, ha? Tapos pahinga kayo lagi. Naka-ready na ang gamot sa lamesa.” Humalik ako sa pisngi niya. “I love you, Ma. Balik agad ako mamayang hapon, mga alas singko siguro, o baka mapaaaga pa. Bye, po.”

“B-bye, anak. I-ingat.” She smiled. Alam kong mahirap pa para sa kaniya ang magsalita dahil sa nangyari kaya ngumiti nalang ako at umalis. Ayaw ko sanang iwan si mama pero kailangan ko rin namang maghanap ng trabaho lalo na at wala akong masyadong alam sa gawaing pambukid. Noon kasi, hindi ako pinapatrabaho ni papa kaya rin siguro naging jelly ako ngayon.

Nang nakarating sa paradahan ng mga trycicle ay agad akong umupo para mag hintay ng turno papuntang bayan. Medyo matatagalan ka talaga pag wala kang sariling sasakyan dahil kailangan marami kayong sasakay papuntang bayan bago aalis ang tricycle. Kagaya ngayon, ako palang mag-isa, kaya masyadong boring. Ang mga tricycle driver naman ay nag-uusap lang sa may tindahan habang naghihintay ng pasahero.

Kinuha ko ang cellphone ko at airpods––yes, sosyalin ang niregalo ng Don——para magpa-music ng biglang nag-notify ang message ng Don.

Don Hades: Saan ka na?

Mas pinili ko nalang na hindi mag reply dahil alam kong kukulitin lang din niya ako. Simula kasi no’ng na-discharge si mama sa hospital ay palagi na itong nakabuntot kung saan ako papunta. Bigla-biglang susulpot sa daan na parang kabute tapos magagalit kung hindi ako sasakay sa kotse niya. Medyo hindi nga ako makapaniwala noon na makulit pala ito dahil lahat ng mga sabi-sabi ay kakaiba sa ugaling pinakita niya sa akin.

Nahihiya parin ako sa kaniyang naitulong sa amin ni mama. Gusto ko sanang bayaran pero ang sabi niya ay huwag nalang daw at maliit na bagay lang naman raw iyon. Pag kinulit ko naman ay bigla itong nagsusungit.

Isinuot ko ang airpods at pinatugtog ang mga kanta ni Taylor Swift gamit ang Spotify. Napapikit ako sa tuwing alternative na kanta ang nagpl-play dahil sa angelic na boses ni Ms. Swift. Ilang sandali lang ay may kumalabit sa balikat ko. Agad akong nagmulat ng mata at bumungad sa akin ang gwapong mukha ng Don. Madilim ulit ang awra nito at kung makatitig ay parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya. Dali-dali kong hinubad ang airpods at pinatay ang tugtog.

“I-ikaw ho pala, Don.” Wika ko sa nahihiyang tono.

“Ako nga.” Malamig nitong sagot. Muli na namang nanindig ang balahibo ko sa batok dahil sa uri ng pananalita niya.

“Bakit ho kayo napadpad dito?”

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga txt messanges ko?” Nanatili itong nakatayo sa harap ko. Naka-itim na polo shirt ito na hapit sa katawan at puting pants. Pinarisan niya iyon ng itim na sapatos.

’Mga daw e isa lang naman ‘yon.’ Ang gusto ko sanang isagot pero baka mapatay lang ako ng wala sa oras.

“Hi-hindi ho kasi nag notify, saka nagpatugtog rin po ako.” Pagdadahilan ko.

“Yeah, whatever.” Naglakad ito pabalik sa sasakyan niya at binuksan ang passenger seat. “Sakay na.”

“Nako, huwag na ho, Don Hades.” Pagtatanggi ko na akala mo nama’y sasang-ayon ito sa sagot ko.

“Hindi kita tinatanong para sagutin mo ko. Ang sabi ko ay pumasok ka na para makaalis na tayo.” Medyo bossy ang pagkasabi niya.

Wala na akong nagawa at pumasok nalang sa sasakyan nito. Palagi namang ganito ang eksena. Pag may pupuntahan ako ay bigla itong susulpot tapos pag tumanggi naman ako at magagalit. Kaya ang ending ay sasakay nalang din ako. Alam mo ’yong hindi mo magawang tumanggi dahil may awra itong kakaiba, awra na mapapa-yes ka nalang talaga. Nakakatakot pag tinanggihan!

“Saan ba ang lakad mo?” Tanong niya nang makapasok sa sasakyan. Nagpahid ito ng pawis gamit ang puting panyo.

“Sa munisipyo ho sana.” Nakayuko kong sagot.

“Ano naman ang gagawin mo doon?”

“Mag-aaply po sana bilang pansamantalang guro sa kindergarten sa barangay.”

“Bawal ba sa Barangay hall nalang?”

“Ang sabi kasi ni Alex sa munisipyo e.” Totoong iyon ang sabi ni Alex sa akin. Tinanong ko kasi kung maaring ako muna ang pumalit sa nabuntis na si Ma’am Isabel.

“Okay.”

Lumapit ito sa akin ng dahan-dahan. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa ginawa nito. Nakahawak ang isang kamay nito sa itaas ng sandalan at ang isa naman ay nakatukod sa pagitan ng mga hita ko. Halos mahigpit ko na ang hininga ko dahil naamoy ko na naman ang hininga niyang sobrang bango. Muli ay halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib. Bahagya akong umusog pero napagtanto kong wala na palang space!

“May pamunas ka bang dala?” Pabulong na sabi ng Don.

“Wa-wala ho.” Sagot ko naman. Ilang hibla nalang ang lapit namin. Gusto kong itulak ang Don pero hindi ko magawa. Parang may parte ng katawan ko na gusto ang ginagawa niya.

“Close your eyes.” Utos nito. Wala sa sarili ko naman itong sinunod.

Hahalikan ba niya ako?

Ilang saglit akong naghintay na dumampi ang mga labi namin pero wala akong naramdaman sa halip ay malambot na tela ang dumampi sa mukha ko. Pagkadilat ko ay nakita ko ang Don na nakatitig lang sa akin habang pinupunasan ang pawis gamit ang panyo na ginamit niya kanina. Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng sobrang lakas. Para rin akong nakikiliti. May kung ano akong naramdaman na hindi ko ma-explain.

Sa tuwing nakikita ko ito o kung malapit ito sa akin ay nagwawala ang puso ko. May halo-halong emosyon na pumapasok sa akin na hindi ko mapaliwanag.

Binalik nito bulsa ang panyo na ginamit namin at pinaandar ang sasakyan. Walang imikan habang nasa byahe kami. Hindi parin tumigil ang puso ko sa kakatambol. Halos habulin ko na rin ang hininga ko. Ang Don naman ay tahimik lang na nakatingin sa daan. Minsan ay napapabuntong-hininga ito at napapa-iling sa ’di ko malamang kadahilanan. Kita ko rin ang pagtaas baba ng kaniyang adams apple. Parang hindi ito komportable.

Nang makarating kami sa munisipyo ay binati ng lahat ang kasama ko. Si Don Hades Villanovan. Ayoko sanang sumama ito sa akin dahil alam kong agaw pansin na naman kami. Pero nagmatigas ito at ang ending ay ako narin ang sumuko. Ayoko kasi pag nagiging cold na ang tono nito at nawawala ang emosyon sa mukha. Iwan ko kung ginagamit lang niya iyon para matakot ako. Kung oo, aaminin kong sobrang effective n’yon.

Mga ilang oras rin kami sa munisipyo dahil sa dami ng kausap ng Don. Nakikipag-usap pa kasi ito kay Mayor at sa iba pang andoon bago namin naiisipang umalis. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil ’di naman ako nakinig.

“Gutom ka na ba?” Ang tanong ng Don sa akin at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

“Hi-hindi naman po, Don.”

Pagsisinungaling ko at saka sumakay na. Pasimple akong napahawak sa aking dibdib dahil muli na naman iyong tumibok ng malakas.

Pagkasakay ng Don ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan paalis. Ako naman ay hindi na umimik dahil sa kakaibang nararamdaman. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at nagpatugtog ng mga malalamyang kanta. Kalaunan ay nakaramdam ako ng antok. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata hanggang sa makatulog.


N

aalimpungatan ako dahil sa kakaibang nararamdaman. Para bang may kung anong malambot na bagay ang dumampi sa aking pisngi. Nagdilat ako ng mata at sa gulat ay napabalikwas ako ng bangon sa isang silid. Isang hindi pamilyar na silid kasama ang Don. Oo, tama. Kampanting naka-upo sa gilid ng kama ang Don habang malaki ang ngiti sa mga labi.

Saglit akong napatulala dahil sa uri ng kaniyang ngiti. Inaamin kong gwapo ito. Dahan-dahan kong binaba ang tingin at halos malagutan na ako ng hininga dahil wala itong suot na pantaas!

BAKIT NAKAHUBAD ANG DON?!

Tanging boxer shorts lang ang saplot nito. Napadako ang aking tingin sa katawan niya. Malaki ang muscles niya sa braso at ang mga kamay ay maugat. Ang kaniyang dibdib naman ay napuno ng balahibo. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa mabato nitong tiyan. Kahit nakaupo ay hindi parin nawala ang kumikinang na abs! Parang natural na sa kaniya iyon. May balahibo rin ang kaniyang puson pababa sa kaniyang—– he’s damn hot! Napalunok akong napatitig sa malaki at mahabang bakat niya.

Sa tingin ko ay may kalakihan nga ang pagkalalaki ng Don.

Shit!

“Niño…” Wika niya sa mababang boses. Para itong musika sa aking tainga. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko pag ito ang bumibigkas.

Napalunok ako bago iniwas ang titig sa bakat niya at sinalubong ang titig niya. Dahan-dahan itong lumapit sa pwesto ko. Dahil sa kaba na nararamdan ay agad akong umatras. Atras-abante ang ginawa namin hangang sa…

“Aray! Putik!” Ungol ko nang mahulog ako sa kama. Umupo ang Don sa gilid nito kaharap ko at bahagyang tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

Nakabuka ang kaniyang hita kaya kitang-kita ko na naman ang bakat sa boxer niya. Sa sobrang lapit ay naamoy ko na ang panlalaki niyang amoy. Dahan-dahan niyang pinagapang ang maugat niyang kamay sa kaniyang mabalbong hita hanggang tuluyan nitong mahawakan ang kaniyang bakat.

Gusto kong iiwas ang tingin pero hindi ko magawa. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. May parte rin sa akin na gusto itong dakmain.

“Hawakan mo.” Aniya. Hindi ako umimik at naguguluhang tiningnan siya.

“Masamang paghintayin ang grasya, Niño.” Wika niya at kinuha ang kamay ko saka walang pasambing pinahawakan ang nakaumbok sa kaniyang puting boxer.

Napasinghap ako sa sobrang gulat. Para ring napako ang kamay ko sa kaniyang pagkalalaki dahil hindi ko iyon maalis! Ramdam ko ang unti-unting pagtigas niyon.

“D-Don Hades…” Ang nasabi ko habang hinahabol ang sariling hininga.

“Yes, baby?” Nakangiti niyang sagot.

Muli akong napalunok. Dahan-dahan kong ginalaw ang aking kamay. Himas at pisil ang ginawa ko sa kaniyang bakat. Nag-init ang buong katawan ko. May kakaiba rin akong nararamdaman na mas nagpa-excite sa akin. Tila’y nabuhayan ako.

“Ohhh fuck! Ganiyan nga, baby…” Ungol niya. Ramdan ko rin na mas lalong tumigas ang kaniyang pagkalalaki sa loob. Napuno ng pagnanasa ang buong sistema ko. Nawala ang kaba at napalintan iyon ng pagkasabik.

Mas pinag-igihan ko pa ang paglamas. Lumuhod ako sa karpet na sahig at sinunggaban ang kaniyang utong. Sipsip at dila ang ginawa ko habang ang kamay naman ay malikot na pinagdiskitahan ang malaki niyang alaga.

“Shit! Shit! Yes, baby… Ganiyan nga.” Sarap na sarap niyang ungol. Napangisi naman ako dahil do’n.

Ipinasok ko ang aking kamay sa loob ng puting boxer. Napasinghap ako sa init ng aking nahawakan. Sobrang init na mas nagpadagdad ng libog sa akin.

“A-ang laki mo, Don…” Pabulong kong ungol at nilabas ang tirik na tirik na ari niya sa loob ng salawal.

Saglit akong napatigil at napatitig lang sa kaniyang pagkalalaki. Sobrang laki at ang haba. May kaunting buhok rin dito na nakakonekta sa kaniyang puson.

“Sorry, I don’t shave.” Saad niya at kumindat.

Ngumiti naman ako ng nakaloloko. “Mas gusto ko ang naka-trim, Don…”

“Naughty.” Agad niya akong sinunggaban ng halik.

Napapikit ako dahil sa kakaibang sarap na naramdaman. Nakakabaliw ang bawat paggalaw ng kaniyang mga malalambot na labi sa akin. Banayad ang iginawad niyang halik sa akin.

“Damn! You taste so sweet, baby.” Aniya’t hinalikan akong muli.

Ramdam ko ang kaniyang kamay na dahan-dahang itinaas ang laylayan ng damit ko. Agad ko namang itinaas ang dalawang kamay para malaya niyang mahubad ang aking damit. Sinunod niya ang aking damit pambaba saka naghubad rin ng boxer niya. Ngayon ay wala na kaming saplot dalawa.

Napuno ng pagnanasa ang buo kong sistema habang nakadikit ang aming mainit na mga katawan. Dahil sa init ay mas lalong nawala ako sa huwesyo. Para bang dinadala niya ako sa mainit niyang mundo. And I freaking love it!

Gusto ko ang paraan kung paano niya ako halikan. Gusto ko ang magaspang na kamay niyang gumagapang sa kung saang parting katawan. Ako naman ay itinaas-baba ang kamay na nakahawak sa kaniyang malaki at mahabang pagkalalaki.

“Oh fuck, baby! Pleasure me…” Paungol niyang sabi nang gumapang ang labi ko pababa sa kaniyang leeg. Kagat, sipsip at dila ang aking ginawa.

“Fuck! Mababaliw ako sayo–– ughhh!!!” Bumaba ang halik ko sa kaniyang malagong dibdib. Dila at sipsip rin ang ginawa ko hanggang sa magsawa saka dinilaan siya pababa sa kaniyang mabatong tiyan. Bumaba ako mula sa pagkakandong sa kaniya.

“Oh fuck, baby! Suck me!” Malakas na ungol niya kaya naman ay pasakal kong hinawakan ang kaniyang tigas na pagkalalaki saka tinaas-baba ang kamay ng marahas.

“Ahhhh! I hate to say this but, please make me cum already or I will end up fucking your mouth real deep!” Hinawakan niya ang aking ulo at hinimas.

“Ayokong mabigla ka, baby…” Dugtong niya pa. Napangiti naman ako.

Hindi narin ako nakatiis. Agad kong isinubo ang malaki niyang pagkalalaki. Halos mabilaukan ako dahil sa laki. Parang hindi kakasya sa bibig ko ang taba nito, at 1/4 lang ang aking nasubo. Habang itinaas baba ulo ay hinawakan ko naman ang natirang parte ng kaniyang pagkalalaki at sinalsal.

Sobrang laki!

Hindi ko akalaing may nag-i-exist pala talagang ganito kalaki at kahabang ari. Inaamin kong nagulat ako nang makita ito pero hindi ko na pinahalata. Ang gusto ko lang ay mapaligaya ang Don. And I’m enjoying this naman.

“You are fucking gifted, baby! Sarap trumabaho ng bibig mo.” Ungol niya pa at inabot ang aking pwet. Pinisil-pisil niya iyon na mas nagpasabik sa akin.

“Uhmmmm…” Daing ko nang laruin niya ang butas ko habang patuloy na nagtaas-baba ang aking ulo sa kaniyang pagkalalaki.

“You liked it baby?” Kalaunan ay tanong niyang at nang hugutin ang kaniyang pagkalalaki sa aking bibig. Sinapo niya sa kaniyang malalaking palad ang aking magkabilang pisngi.

“Y-yes, Don Hades…” Ang sagot ko. Ngumiti naman ang Don ng nakaloloko. Napalunok ako dahil para itong sinapian ng demonyo sa uri ng kaniyang titig.

“Subo mo ulit, baby, at siguraduhin kong hindi ka uuwi ngayon ng luhaan.” Ginawaran niya ako ng maikling halik sa labi saka muling pinasubo ang kaniyang pagkalalaki.

Muli niyang pinaglaruan ang aking butas. Naramdaman ko na may ipinahid siyang parang madulas na likido. Napapikit nalang ako dahil sa kakaibang sensasyon ng ginagawa niya. Dahan-dahan niyang ipinasok ang kaniyang daliri.

“AHHH! Don…” Ungol ko.

Nakapikit kong isinubong muli ang kahabaan niya. Taas baba ang ginawa ko habang ang ibabang parte ay sinalsal ko. Pinaikot ko ang dila sa loob habang subo-subo ang pagkalalaki niya.

Ilang saglit lang ay parang nagdilim ang paligid.

“Niño.” Rinig kong sabi ng Don.

“Niño!” Muli niyang tawag sa akin kaya nagmulat ako.

Nagulat ako dahil sa lapit ng mukha ng Don. Nakakunot ang kaniyang nuo habang titig na titig sa akin.

“Are you dreaming?” Kalaunan ay tanong niya.

Napakurap-kurap naman ako. Napagtanto kong nasa loob pa pala kami ng sasakyan. Akala ko ay totoo ang nangyari!

“Kanina ka pa umuungol.” Ang sabi niya na may ngiting nakakaloko.

Bigla naman akog kinabahan. Umuungol?! Huwag niyong sabihing umungol ako habang napapanaginipan ang erotikong pangyayaring iyon?

NAKAKAHIYA!

Umiwas ako sa titig ng Don at yumuko. Alam kong sobrang pula ng pisngi ko.

“Bakit ka umuungol? Are you having a wet dreams?” Hinawakan niya ang aking baba at itinaas. Muli niya akong hinamon ng titigan. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa.

“W-wala po.” Sagot ko naman.

Ngumisi ito ng nakakaloko. Parang may kakaibang emosiyon sa mata niya. Para bang ilang saglit nalang ay lalapain na niya ako.

“Really? Kung ganoon, bakit mo inungol ang pangalan ko?” Wika niya.

Napapikit nalang ako dahil sa hiya. Paano ako magpapalusot? Totoo namang siya ang pantasya sa panaginip ko.

“Tell me, Niño…”

“W-wala po iyon.” Sagot ko habang nakapikit parin.

Mas dumiin ang pagkahawak niya sa baba ko. Ramdam ko rin na mas malapit na ang mukha niya sa akin dahil amoy ko na naman ang mabango niyang hininga. Sobrang nakakadik!

“Bakit hindi mo masabi kung bakit?”

Umiling ako. “Maniwala ho kayo, wala ho iyon.”

“No, I want to know.” Pilit niya ngunit umiling lang ako. At sinong tanga ang sasabihin ang ganoong uri ng panaginip? At siya pa mismo ang andoon.

“Tell me or I will kiss this seductive lips.” Napamulat ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang lapit niya!

Napapkagat labi nalang ako nang maramdaman ang kaniyang hinlalaki sa labi ko.

“Stop biting your lips!” Kita ko ang paglunok niya ng sunod-sunod.

“Now, tell me. Bakit mo inuungol ang pangalan ko?” Muli niyang tanong.

Patuloy lang ako sa pagkagat ng labi. Hindi ako makasagot. Wala rin akong balak sagutin ang tanong niya. Alangan naman sasabihin kong pinagpapantasyahan ko siya sa aking panaginip? Edi suntok ang aabutin ko.

“Guess I don’t have a choice.”

Pagkasabi niya ng mga huling katagang ’yon ay siniil niya ng halik ang aking labi. Napasinghap ako sa gulat. Hindi na ba ito panaginip?

Ramdam kong pinapadulas ng Don papasok ang dila niya sa loob ko. Hindi ako nakagalaw.

“Close your eyes.” Ang sabi niya at muli akong siniil ng halik. Wala ako sa sariling sinunod ang sinabi niya. Ipinikit ko ang aking mata habang patuloy ito sa paghalik sa akin. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Gusto kong iiwas ang ulo ko pero hindi ako makagalaw.

Ilang saglit niyang pinagsawaan ang aking labi saka lumayo. May ngiti sa mga labi niya. Isang malapad na ngiti.

“Ganiyan ang mangyayari pag hindi mo sasagutin ang tanong ko, Niño.” Bulong niya sa tenga ko.

Napalunok ako. Hindi alam ang sasabihin. Sobrang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Ang Don ba ang dahilan bakit ako nagkaganito? Gusto ko na ba siya?

No, hindi pwede.

“Hatid na kita pauwi dahil hapon na.” May ngiti sa mga labi niyang sabi.


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

CHAPTER 06

Niño

Sandoval’s

POV

“S-salamat po, Don Hades.” Wika ko pagkababa sa kotse niya.

Ngumiti ito at sinenyasan na pumunta sa kabilang parte kung saan siya nakapuwesto. Walang pag alinlangan ko naman itong sinunod.

“Lapit ka.” Senyas niya na payukuin ako para dumungaw sa pinto ng kotse niya.

“Po? Bakit po?” Naguguluhan kong tanong. Nakakainis rin itong lalaking ’to e. Hindi ba niya alam na naiilang ako?

“Basta lapit ka.” Muli itong ngumiti ng matamis kaya agad akong napasunod. Nakaka-distract talaga ang ngiti niya!

Bahagya akong yumuko para magka-level ang aming mukha. Nang magkalapat na ang aming mukha ay agad niya akong hinawakan sa batok at siniil ng halik. Gulat ako. Pagabi na pero hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya baka kasi may nanonood.

“Uhmmm…” Ungol niya habang pinipilit na ipasok ang kaniyang dila sa loob ng bibig ko. Pero nanatili lang akong nakatikom at nakapikit. Gusto kong halikan ito pabalik pero hindi ko magawa. Nahihiya ako baka nanonood ang mga kapitbahay!

“Kiss me back. Alam kong gusto mo rin akong halikan.” Bulong niya sa gitna ng halikan namin. Kinagat niya ang aking labi kaya napa ‘ahhh’ ako. Malaya niyang ipinasok ang dila sa loob. Para niyang nililinis ang bibig dahil sa likot ng kaniyang dila.

Kalaunan ay hindi na ako nakatiis. Humalik na ako pabalik, bahagya kong naramdaman ang pag ngisi niya pero hindi ko nalang iyon pinansin at pinalalim na ang halik. Wala akong karanasan sa mga ganitong bagay, pero pag ang Don ang humalik, bigla nalang gumagalaw ng kusa ang bibig ko na parang may sariling buhay.

“That was hot, baby.” Nakangiti niyang sabi. Sobrang lapad ng kaniyang ngiti na halos umabot na ito sa kaniyang tainga.

“M-mauna na ho ako, Don Hades.” Nahihiya kong wika. Nakayuko lang ako dahil hindi ako makatingin ng diritso sa kaniya.

“Goodnight, baby. Mag usap tayo bukas.” Sabi niya at kinuha ang kamay ko saka hinalikan sa likod ng palad. Tumango lang ako. Nang tingnan ko ang Don ay hindi parin natanggal ang ngiti sa kaniyang labi.

“G-goodnight rin sayo, Don Hades.”

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. “Wala bang goodnight kiss diyan?”

May halong pang-aasar sa boses niya kaya umirap nalang ako at tumakbo papasok sa bahay dala ang pagkain kanina nang dumaan kami sa drive-thru. Pag lingon ko ay tumatawa ito at muli akong kinindatan. Pasimple akong humawak sa pinto dahil parang nawawalan ako ng lakas. Kanina parin kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

Is this what they called love?

He mouthed and waved goodbye. Tiningnan ko nalang ang sasakyan niya hanggang sa makaalis. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit papano ay kumalma narin ang puso ko.

Agad akong pumasok at nadatnan si mama na naka-upo. Humalik ako sa kaniya at saka pinaghanda siya ng pagkaing binili namin kanina ni Don Hades sa Jollibee. Nagpupumulit kasi itong dalhan ng pasalubong ang ina kaya hindi nalang ako umagal. Ginamit na naman niya ang kaniyang nakakatakot na awra at boses. Kaya sinong makakatanggi? Baka lapain pa ako no’n.

“Ma, kumain muna kayo. May dala akong pagkain. Si Don Hades mismo ang bumili nito. Saka alam niya rin ang mga bawal at puwede sa inyo.” Nakangiti kong kwento at sinubuan si mama ng pagkain. Tango lang ang sagot ni mama habang ako naman ay madaldal na kinikuwento ang nangyari buong araw. Of course, except sa halikan namin.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil sa hinayupak na katok ng katok! Aish!

“Sino ba iyang katok ng katok? Ang aga-aga pa ngayon––” Napatigil ako sa pagkamot ng batok nang bumungad sa akin si Nay Simang pagkabukas ko ng pinto.

Ngumiti ako ng ilang. “Kayo ho pala, Nay Simang. May kailangan po ba kayo?”

“Niño, pinapunta ka ni Don Hades sa mansyon niya.” Diritsang sabi niya. Natigil ako sa pag hikab dahil sa sinabi niya.

“Bakit ho raw, Nay Simang?” Gulat kong tanong.

“Hindi ko alam, Niño, pero masama ang timpla paggising niya kanina.” May halong kaba niyang sabi.

“Ho? Bakit?”

Nagkamot ng batok ang matanda. “Hindi ko nga alam! Basta pumunta na tayo.”

Hinila ni Nanay Simang ang aking kamay pero agad ko iyong tinanggal.

“Hindi pa ho puwede e. Wala pa akong ligo saka hindi pa ako nakapagluto para umagahan namin ni mama.”

“Maligo kana. Maghihintay ako dito. Saka may dala akong pagkain dito. Pinabilin ng Don e.” Sabi niya at itinaas ang supot na may mga tupperware.

“Hala?! Inutos niya iyon, Nay Simang?”

“Oo nga! Bilisan mo na. Ako na maghahain sa mama mo para naman makapag-usap kami ulit ng kaunti.”

Tumango nalang ako at nilakihan ang pagkabukas ng pinto. Agad akong tumakbo sa may balon para maligo. Mabilis rin akong nagtoothbrush.

“Ma, pinapunta po ako ng Don. Kaya niyo na ho ba dito?” Tanong ko sa ina na masayang nakipag-usap sa kaedad.

Tumango ito. “Ingat.”

Ngumiti ako at humalik sa kaniyang pisngi. Nakahanda narin naman ang kaniyang umagahan.

Pagkalabas ay ngayon ko palang napansin na may sasakyan pala. Pero sigurado akong hindi ang Don ang nagmamaneho.

“Sakay na ho, Sir.” Magalang na sabi nito. Sumakay naman ako sa likod at si Nay Simang ay sa harapan.

“Sir ka diyan manong. Niño nalang po.” Nakangiti kong sabi. Tumawa lang sila ni Nay Simang at agad na pinaandar ang sasakyan.

Ilang minuto lang ang byahe ay napadpad na kami mismo sa malawak na taniman ng tubo. Sobrang laki ng nasakupan nito. Siguro ito ang lupa ng Don? Hindi naman kasi ako dati sumasama dito sa tuwing gumagala ang mga barkada dito noong high school. Saka hanggang doon ka lang pwede sa may barb wire na nagsibing pangharang sa malawak na taniman.

Ilang saglit lang ay nakarating kami sa mapunong parte ng hacienda at sa gitna nito ay ang malaking bakal na gate. Napapalibutan Ng mataas na pader kaya hindi tanaw ang mansyon sa loob. Excited na akong makita kung gaano ito kalaki. Sabi pa naman nila na sobrang laki raw niyon.

“Magandang umaga.” Ang bati ni Nay Simang sa mga guwardya. Ngumiti ang mga ito at pinagbuksan kami ng gate.

Pagkapasok ay halos lumuwa ang mata ko sa ganda ng paligid. Maraming bulaklak at may mga puno ng kahoy rin na pinapalamutian ng mga hanging plants . Tapos ay mga naka-trim na halaman. Kita ko rin ang mga naka-uniporming babae na nagdidilig. Grabe sobrang ganda!

“Andito na tayo.” Anunsyo ni Nay Simang kaya napatingin ako sa harap. Halos malula ako sa laki ng mansyon! Kulay puti ito at may maraming malalaking bintana!

Grabe ang yaman pala talaga ng Don.

Hindi ko tuloy mapigilang maisip kung totoo ba ang pinakita niya sa akin. Ang kaniyang mga halik. Kasi sobrang layo ng antas namin sa buhay. Kung siya ay nasa tuktok, ako naman ay nasa ibaba.

“Tara, Niño.”

Agad akong lumabas ng kotse. Mangha parin akong nakatingin sa mansiyon sa harapan ko.

“Sumunod ka sa akin, Niño.” Sabi ni Nay Simang at pumasok sa kabahayan. Agad akong sumunod sa kaniya papasok.

Kung kanina ay mangha ako sa labas, ngayon ay mas lalong lumaki ang awang ng bibig ko dahil sa sobrang ganda. Modern style ang dating nito. May chandelier sa gitna at may malaking set ng muwebles. Puno ng palamuti ang buong mansiyon, sa taas man o sa baba. Ang mga babaing naka-uniporme naman ay busy sa paglilinis. Silang lahat ay naka-unipormi ng blue kagaya kay Nay Simang.

“Daisy? Nasaan ang Don?” Tanong ni Nay Simang sa babaing nag-va-vacuum.

“Nasa kwarto niya po, Nay Simang. Ang bilin niya ay papuntahin po raw si Sir Niño sa itaas.” Sagot nito at tumingin sa akin. Ngumiti naman ako.

Anong ako ang papuntahin? Tulog pa ba ito? Saka bakit hindi nalang siya ang bumaba? Tsk!

Hindi marunong tumanggap ng bisita.

“Ikaw nalang Niño ang umakyat sa itaas dahil may gagawin pa ako. Nasa dulo ng hallway ang kwarto ng Don. Makikita mo naman agad kasi naiiba ito sa ibang kwarto.” Wika ni Nay Simang saka tinapik ang aking balikat. Mag rereklamo pa sana ako kaso umalis na agad si Nay Simang kaya wala na akong nagawa.

Naglakad nalang ako paakyat sa malaking hagdan. May kulay itim itong carpet. May bakal din sa bawat gilid biglang hawakan. Sobrang haba, ’di ko na magawa pang bilangin kung ilang steps. Pagkarating sa taas ay agad akong tumingin sa bawat dulo ng hallway. At ayon, may malaking pintuan nga sa kanang bahagi ng pasilyo. Sa kabila ay wala na. May tatlong pintuan sa kanan, sa kaliwa naman ay tatlo rin. Ang kwarto naman na nasa dulo ay kakaiba dahil malaki ito at may magandang pinto kumpara sa ibang kwarto.

Tinungo ko ang may kahabaang pasilyo hanggang makarating sa malaking pinto. Huminga muna ako ng malalim saka kumatok. Ilang katok lang ay bumukas na ang pinto at bumungad sa akin ang nakabusangot na lalaki. Gwapong lalaki. Magulo ang buhok nito, halatang kakagising lang.

Napatigil ito sa pagkakamot sa mata nang mapatingin sa akin. Bahagya itong natigilan pero ngumisi naman kalaunan. Tumingin ito sa kaniyang ibaba kaya sinundan ko kung saan ito nakatingin. Halos lumuwa ang mata ko nang makita kung paano nabuhay ang kaniyang pagkalalaki. Unti-unting lumaki ang bakat sa boxer niya! Wala itong ibang saplot kundi manipis na boxer lang.

Tumikhim ito kaya muli akong napatingin sa kaniya. Nakita kong may nakakalokong ngiti ito sa kaniyang mga labi.

“Good morning.” Sabi niya at nilakihan ang awang ng pinto. “Pasok ka.”

Umiling ako. “Hindi na.”

“Bakit naman?” Nakakunot-nuo niyang tanong.

“Kasi babalik na naman po agad ako sa baba. Pinaalam ko lang na andito ako. May gagawin pa raw po kasi si Nay Simang.” Naiilang kong sabi. “Bakit mo po ba ako pinapunta dito Don?” Dugtong ko.

“Bakit nga ba? Hmmm…” Umakto itong parang nag-iisip.

“Wala lang.” Kibit-balikat niyang sabi.

Napa-awang ang bibig ko dahil sa dahilan niya. Pinapunta niya lang ako dito dahil wala lang?!

“Edi uuwi nalang po ako.” Umirap ako.

Tatalikod na sana ako nang hilain niya ako sa pulsuhan papasok saka isinara ang pinto. Pinasandal niya ako dito. Nakatukod ang kaniyang kanang kamay sa pintuan habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa baywang ko. Sobrang lapit ng mukha niya, amoy ko na ang natural niyang hininga.

Sana all walang morning breath.

“Bawal bang papuntahin ka dito kasi na-miss kita?” Pabulong na sabi nito.

Umiling lang ako. Napadako ang paningin ko sa kanyang labi. Bahagya niyang kinagat ang pang-ibabang labi na siyang ikinabuhay ng kalamnan ko. Sobrang hot!

“ Kiss me.“ Utos nito pero nanatili lang akong nakatingin sa kaniyang labi. Bahagyang tumaas ang sulok nito.

“Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin. Nagising nalang ako ngayong umaga na namiss ka. Gusto kong ikaw agad ang bumungad sa akin. Palaging sumasagi sa isipan ko ang halikan natin kagabi. And I want to do it again and again. Hindi ako magsasawang halikan ka hanggang sa pareho nating hahabulin ang ating hininga.” Mahinang sabi niya at mas diniin ang aming mga katawan.

“Ahm––” Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako sanay sa ganitong usapan at mas lalong wala pa akong alam sa mga ganitong topic. Hindi pa naman ako nakapagjowa ni isa.

“Shhh…” Pigil niya sa sasabihin ko gamit ang kaniyang hintuturo. “Hindi mo naman kailangan sagutin ang mga sinabi ko. Gusto ko lang na malaman mo kung gaano mo ginulo ang sistema ko.”

Tumingin ito sa mata ko at ganoon din ako. Ilang sandali rin kaming nagtitigigan hanggang sa paunti-unting lumapit ang kanyang mukha. Bago pa ako makailag ay nagkadikit na pareho ang aming mga labi.

Ramdam ko ang lambot sa aking mga labi. Ang kamay na kanina ay naka tukod sa pinto, ngayon ay nakahawak na sa aking batok. Pinagdidiinan ang aming mga labi habang unti-unting gumagalaw. Napapikit ako dahil sa kakaibang sensasiyon. Sensasiyong naramdaman ko nang halikan niya ako kagabi. Muling kumabog ng mabilis ang aking puso at parang may nagsiliparang paruparo sa loob ng aking tiyan.

“Uhmmmm…” Ungol namin pareho nang mas laliman niya pa ang halikan namin. Ramdam ko ang kaniyang mainit na dila na parang nanghihingi ng perimisong makapasok sa aking bibig. Muli itong nakipag-away sa dila ko nang makapasok.

“Don Hades!” Singhap ko nang gumapang ang kamay niya papasok sa suot kong pantalon. Bahagya niyang pinisil ang aking pang-upo na nagpadagdag lalo sa kakaibang sensasyong naramdaman ko.

“Fuck!” Mura niya sa pagitan ng halik namin. “Masyado mong ginulo ang buhay ko, Niño.”

Hinihingal niyang sabi habang patuloy parin sa pagpisil sa aking pang-upo. Mas naging agrisibo ang halik niya na halos hindi ko na masabayan. Kinakapos narin ako ng hininga pero ang Don parang walang balak tumigil! He’s a damn good kisser!

Naramdaman ko ang kaniyang daliri sa aking lagusan. Nilaro-laro niya iyon at hindi ko mapigilang kagatin ang kaniyang labi dahil sa sarap.

Oh my god!

Gusto kong sumigaw para malaman niya kung gaano ko nagustuhan ang ginawa niya. Pero patuloy lang ito sa paghalik sa akin kaya mahinang halinghing nalang ang tugon ko habang patuloy kaming naghahalikan.

God! I want more!

Halos umangat na ang pang-upo ko para mas madiin ang kaniyang daliri sa akin. Bigla akong nawala sa tamang pag-iisip. Ang gusto ko lang ay maangkin ang Don. Nakakabaliw ang ganitong sensasyon!

“Don…” Ungol ko nang pakawalan niya ang labi ko. Ngiti lang ang isinagot niya at saka hinubad ang damit na suot ko.

“You’re mine, Niño. Akin ka lang.” Ang mapang-angkin niyang sabi at hinalikan ako sa leeg pagkatapos maitapon ang damit ko kung saan-saan. Dila at sipsip ang ginawa niya at wala akong ibang nagawa kundi ang umungol.

“Ahhh! Don…” Pasigaw kong ungol nang kagatin niya ang aking leeg. Imbis na masaktan ay libog ang aking naramdaman.

Gumapang ang kaniyang halik sa aking balikat pababa sa aking dibdib. Gigil niyang sinunggaban ang aking maliliit na utong. Sobrang sarap ng kaniyang pagdila sa isa habang ang isa naman ay nilalaro ng kaniyang kamay. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang ulo dahil sa mas masarap na sensasyong naramdaman.

Saglit niyang inalis ang kamay sa loob ng aking pantalon at binuksan ang zipper ng pantalon ko. He unbuttoned my pants saka ito ibinaba kasama ang aking suot na brief. Napasinghap ako dahil sa kaniyang ginawa. Akmang tatakpan ko na sana nang hulihin niya ang aking kamay saka walang pasabing pinasok sa boxer na suot.

Ramdam ko kung gaano kalaki ang kaniyang pagkalalaki. Para akong mapaso sa init na nagmula rito. Literal na magbibigay init sayo sa maginaw na panahon. Sobrang tigas nito at bahagyang pumupitik.

Nagkusang gumalaw ang aking kamay. Agad kong sinakal ang kanyang pagkalalaki saka sinalsal sa loob mismo ng boxer niya.

“Ughhh! Putangina!” Malakas na ungol niya. “Fuck!”

Hibubad niya ang kaniyang boxer. Bumulaga sa akin ang mataba at mahabang ari niya. Mas lalo akong nalibugan sa hitsura nito. Sobrang pula nito na akala mo’y galit na galit. Para bang gustong mangbatuta.

“Sige pa… Ahhhh!” Ang nakapikit niyang tugon. Bahagyang gumalaw ang kaniyang pag-upo. Mistulang kinakantot niya ang kamay ko. Mas binilisan ko pa ang ginagawa ko hanggang sa maramdamang mas lumaki pa ito.

“Coming… I’m coming!” Malakas na ungol niya. Agad ko namang binitawan ang pagkasakal sa kaniyang ari.

Napatigil ito sa pag ungol at tumingin sa akin na may bahid ng pagkabitin. Mag sasalita na sana siya nang halikan ko ang kaniyang labi. Halik na nagsasabing ‘huwag kang atat’.

Tumikom naman ang bibig niya kaya agad akong lumuhod sa harap niya. Napamura ito sa aksiyon ko. Halatang hindi niya inaasahan ang gagawin ko.

“Hindi mo naman kailangang gawin ’yan–– ohhhh!” Muli kong hinawakan ang kaniyang pagkalalaki dahilan para matigil ito sa kaniyang sasabihin. Napangisi ako.

Tumingala ako at nakita ko ang libog sa kaniyang mata habang nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong sinalsal ang kaniyang umiigting na alaga. Ngayon ko lang napansin na naka-trim pala ang ari niya na nakakonekta sa buhok sa kaniyang pusod.

Nakakalibog!

Dahan-dahan kong isinubo ang kaniyang pagkalalaki. Wala akong karanasan sa ganito pero hinayaan ko nalang ang katawan kong gumalaw. Sinuso ko ang ulo ng kaniyang pagkalalaki habang sinasalsal ang katawan nito.

Bumaling ako sa kaniyang bayag at saka iyon dinilaan pataas sa kaniyang ulo. Paulit-ulit kong ginawa iyon hanggang sa magsawa. Muli kong sinubo ang kaniyang pagkalalaki. Kusang gumalaw ang dila ko habang subo-subo ang ari niya.

“Ang init mo sa loob! Fuck!” Puno ng libog niyang sabi. Gumalaw ang kaniyang pang-upo. Labas masok ang ari niya sa bibig ko.

Halos mabilaukan ako sa laki nang sinubukan kong isubo ang kabuuan nito, pero hanggang kalahati lang ang kinaya ng lalamunan ko. Mabilis ko nalang sinalsal ang katawan ng pagkalalaki niya habang ang ulo ay subo-subo ko.

Nakita ko ang pagtukod ng isang kamay niya sa pinto na parang duon humuhugot ng lakas habang ang isa naman ay nakahawak sa ulo ko. Puno ng libog ang mukha niyang nakapikit at kagat-kagat ang labi. Paminsan-minsa niyang kinakantot ang bibig ko hanggang sa maramdaman kong lalabasan na ito.

“Fuck! Malapit na ako…” Halinghing niya. Patuloy lang ako sa pagsubo at salsal sa kaniyang nag uumigting na pagkalalaki.

Nalasahan ko na ang madulas na likidong lumalabas galing sa kaniyang pagkalalaki. Sigurado akong pre-cum pa lang ito. Mas lalong ginanahan ang katawan ko habang patagal ng patagal kong nalalasahan ang kaniyang pre-cum.

“Ughhh!!!” Malakas niyang ungol saka pumulandit ang kaniyang katas sa aking lalamunan.

Wala akong nagawa kundi lunukin ang sumabog na likido sa loob ng bibig ko. Ito ang unang pagkakataong uminom ako ng katas galing sa kauri kaya hindi ko masydong nagustuhan ang lasa.

“We’re not done yet.” Wika niya saka ako muling pinatayo. Binigyan niya ako ng panandaling halik sa labi na nagpangiti sa akin.

Hindi ko akalin nuong una na bibigay ako sa alindog ni Don Hades. Nuong una ay maguguluhan palang ako kung bakit ba iba ang reaksyon ng puso ko tuwing nakikita ko siya o kapag malapit siya sa akin. Now I know. Alam na alam ko na kung ano itong nararamdaman ko ngayon. Hindi lang ito simpling paghanga o pagkagusto dahil sigurado akong hindi ako bibigay kung simple lang ang nararamdaman ko.


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

CHAPTER 07

Niño

Sandoval’s

POV

Napahiyaw ako nang pangkuin niya ako sa balikat saka parang sakong dinala sa kaniyang malambot na kama. Wala akong maramdaman na sakit ng ibagsak niya ako. Imbis ay mas nakadagdag pa ito ng excitement sa akin. Pumagitna siya sa hita ko.

“Wala ka ng takas sa akin.” Ang sabi niya saka hinimas ang buhay na buhay niyang karne.

“Don Hades…” Ang tanging nasambit ko.

“Puro paraos ang ginawa ko sa buhay noon, Niño. Pero nang makilala kita, nag iba ang lahat. Hindi na pumasok sa isip ko ang babae dahil inakopa mo na ang isipan ko.” Itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko kaya nagkatinginan kami. Kita ko ang kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata.

“Kaya sana ngayon ay pagbigyan mo ako. Pero hindi kita pipilitin.” Sabi niya.

Ngumiti naman ako. Kahit isang beses ay hindi sumagi sa isip ko na pigilan ang ginagawa niya. Ang tanging iniisip ko ay ang kakaibang nararamdaman ko ngayon.

“W-wala akong balak na pigilan ka, Don Hades.” Honest kong sagot.

Biglang napalitan ang ekspresiyon sa mukha niya. Napalitan ng nakakalokong ngisi ang kaninang ngiti sa labi. Muling nag alab ang kaniyang mga mata.

“Don’t worry, dahan-dahanin ko lang naman.” Nakangisi niyang sabi. “First time mo?”

Nahihiya akong tumango. “Opo.”

Nakita ko ang excitement sa kaniyang mukha. Mas lalo ring lumapad ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa sagot ko. Ako naman ay proud sa sinabi. Pero nakakahiya din dahil wala pa akong experience. Ayon sa sabi-sabi nila ay masakit raw talaga lalo na pag malaki sa lalaki. Pero alam ko namang hindi ako bibiglain ng Don.

“Naka soundproof itong kwarto ko. So, you’re free to moan, baby.” Bulong niya saka ko naramdaman ang kaniyang kamay na nilaro-laro ang aking butas. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba ng ipasok niya ang kaniyang daliri sa loob ko. Halos tumirik ang mata ko dahil sa pinaghalong sakit at sarap. Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko dahil sa ginagawa niya.

“Fuck! You’re wet, babe.” Sabi niya at nilabas masok ang isang daliri sa akin. Dahil medyo may kalakihan talaga ang kaniyang daliri at hindi ko mapigilang makaramdam ng sakit. Pero ganoon pa man ay hindi ko rin magawang itulak at patigilin ang Don.

“Don Hades! Ahhhhh…” Malakas kung ungol nang makaramdam ng parang lalabasan ako kahit hindi ko hinahawakan ang aking pagkalalaki.

Mas naging mabilis ang paglabas masok ng daliri ng Don hanggang sa dagdagan niya ito. Pero this time ay wala na akong maramdamang sakit, puro sarap nalang ang natira nang idiin niya ang dalawang daliri sa aking butas.

“Ohhhh!!! Don Hades!” Hiyaw ko dahil sa sarap. Napahawak ako sa kaniyang balikat at wala na akong pakialam kung mapupuno ito ng kalmot ko.

“Yes, babe. Moan my name!” Sinunggaban niya ang aking utong saka iyon sinipsip at dinilaan habang patuloy sa paglabas masok sa aking butas.

“Don… P-parang lalabasan na ako!” Malakas kong ungol. Parang kusang may lalabas sa aking pagkalalaki kahit hindi ko ito nahawakan. Mas lalong bumilis ang kaniyang galaw hanggang sa…

“Ahhhhhh!!! Oh Godddd!!!” Pasigaw kong ungok na kala mo ay nababaliw sa sobrang sarap nang pumulandit ang aking katas.

Nang tumingin ako sa Don ay nakangisi ito sa akin. Pinahid niya ang katas na tumalsik sa aking tiyan pati narin ang umagos pababa sa aking pagkalalaki. Ipinahid niya ito sa aking butas at sa kaniyang alaga.

“My turn.” Ngumiti siya sa akin at dahan-dahang pinasok ang malaking sandata sa aking butas. Para akong nasaksak dahil sa sobrang sakit! Akala ko ay nawala na iyon!

“M-masakit Don…” Reklamo ko pero halik lang ang sinagot niya. Nag away ang mga dila namin habang pilit niyang ipinasok sa butas ko ang kaniyang tarugo.

“Ahhhhhhhh!!! Sobrang––” Hinalikan niya akong muli at tumigil muna siya sa paggalaw ng maipasok niya sa akin ang kabuuan niya.

Naagaw ng atensiyon ko nang kagatin niya ang aking pang ibabang labi. Nagpalitan kami nang laway dahil sa intense ng aming paghahalikan. Hindi ko na naisip kung paano ako nakasabay sa pang eksperto niyang halik, sumasabay lang ako sa ritmo.

Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang pag galaw niya sa aking loob. Ramdam ko ring nawala na ang sakit mula rito. Patuloy parin siya sa paghalik sa akin habang dahan-dahang naglabas masok.

“Potanginaaa!!! Sobrang sikip, Niño!!!” Puno ng libog niyang sabi. Punong puno ang aking lagusan ng kaniyang pagkalalaki.

“Fuckkk!!!” Ungol niyang muli at binilisan ang pagkadyot sa aking butas.

Wala na akong ibang naisip kundi ang sarap  na nararamdaman. Kakaibang sensasyon ang kaniyang pinalasap sa akin sa mga oras na ’to. Habang pabilis ng pabilis ang kaniyang galaw ay palapit naman kami ng palapit sa sukdulan. May diin ang bawat pasok niya sa butas ko hanggang sa…

“Coming…” Nakatingala niyang sabi na natitiyak kong malapit ng labasan. Naramdaman kong lumalaki ang kaniyang pagkalalaki sa loob hudyat na lalabasan na nga ito.

“Ako rin Don Hades!” Ungol ko.

Napuno nang ungol ang buong silid hanggang sa marating namin pareho ang langit.

“Damn! Iyon na ata ang pinakamasarap na sex na naranasan ko sa buong buhay ko!” Ang sambit ng Don saka pabagsak na humiga sa aking tabi. Ako naman ay tumagilid para magkaharap ang aming mukha.

“T-thank you.” Nahihiya kong tugon. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya. Saka hindi rin ako maka-relate dahil siya naman ang una ko.

“No. Thank you, Niño.” Aniya na nakangiti. “Ako dapat ang magpasalamat dahil pinagkatiwalaan mo ako. I’m glad na ako ang una mo. Sinisigurado kong ako rin ang huli mo.”

Ngumiti nalang ako. Alam kong may malalim itong dahilan bakit niya nagawa iyon, kaya nga lang ay hindi ko matukoy kung ano iyon. Kagaya rin kaya iyon sa akin? Sa rason ko kung bakit hinayaan kong malunod sa sarap ng kaniyang halik? Totoo kaya ang sinabi nito na ako palagi ang laman ng kaniyang isipan?

“Dito ka lang, maliligo muna ako saka tayo sabay na lalabas.” Bilin niya saka tumayo. Humalik muna ito sa labi ko bago pumasok sa isang pinto. Siguro ay banyo iyon.

Napahawak ako sa mga labi. Sa mga nakaraang araw ay parang may nagbago sa Don. Palagi itong sweet sa akin. O ako lang ’tong elusyunada? Pero iyon talaga ang napaghahalataan ko. Maaraming mali ako o puwede rin namang tama. Pero bakit?

Sa dinami-daming nag kakandarapa para mapansin niya at piliing katuwang sa buhay, bakit sa akin ito palagi nangungulit? Una sa lahat ay lalaki kami pareho, at alam kong ayaw niyang masira ang kaniyang pangalan sa publiko. O baka naman nadala lang ito sa libog?


Pagkatapos ng Don maligo ay bumaba na agad kami. Iisa pa sana ito pero tumanggi na ako. Saka mahapdi pa ang pang-upo ko! Baka kasi kung ano-ano na ang sasabihin ng mga kasamahan niya sa bahay. Kanina pa ako nakatambay sa kwarto niya, ang tagal kasi matapos maligo. Kaya siguro ito mabango. Napagtanto ko rin na may natural nga itong bango. Madalang lang rin daw siya gumamit ng perfume.

“T-tapos na ho akong kumain, Don.” Wika ko nang hilain niya ako papasok sa dining erea. Nahihiya kasi ako.

“At sinong pinagloloko mo?” He tsked. “Sinabi ni Nay Simang sa akin na hindi ka pa kumain dahil nag madali ka papunta rito. Kaya ang payat payat mo e.”

“K-kasi… Nahihiya a-ako.” Nakayuko kong sabi.

Nahihiya ako sa mga katulong. Mukha naman silang mga mababait pero kakaibang ngiti kasi ang kanilang binibigay sa akin. Naguguluhan tuloy ako.

“Huwag ka nalang magmatigas kung ayaw mong maparusahan dito mismo.” Lumapit ito sa akin saka pinisil ang aking pang-upo.

Napasinghap ako saka tumingin sa paligid at baka may nakatingin, sa kabutihang palad ay wala naman. Kami lang ang tao dito sa hapag.

I sighed in relief.

Iginiya niya ako sa upuan saka ito umupo sa tabi ko. Siya na rin ang nag sandok sa akin ng pagkain.

Eat up. Damihan mo para naman magkalaman ka.“ Natatawa niyang wika. Hindi nalang ako nagsalita pa at nakayukong sinubo ang pagkain.

“Gusto mo pa?” Tanong niya sa akin nang makitang ubos na ang pagkain ko. “Ito pa oh.”

“Hindi ko naman sinabing gusto ko pa ah?” Nakanguso kong sabi nang dagdagan niya ulit ang pagkain.

“Yep.” He said popping the letter ‘P’. “Pero gusto ko e, kaya kumain ka ng marami.”

At ayan na naman siya sa bossy tone niya! Purket effective ito sa akin pmadalas na niyang ginagamit!

“At gusto kong malusog ka. Hindi ’yang, kaunting kalabit lang sayo ay mababali na ang braso mo.” He added.

“Sobra ka naman po. Sakto lang itong katawan ko. Sadyang ayoko lang magsuot ng masisikip na damit no!” Sagot ko naman.

Totoo naman kasing hindi malaki ang katawan ko. Hindi naman payat pero hindi rin malaki. Hindi rin sakto. Ah basta! At mahilig ako sa over sized na mga damit kaya mas lalo akong kalansay tingnan.

“Tsk! Kahit itimbang ka ngayon, sigurado akong hindi ka aabot sa 40 kelo.” May pang-aasar sa boses niya.

Tiningnan ko nalang siya ng masama.

“Gezzz. That’s scary.” At tuluyan na nga niyang pinakawalan ang pinipigilang tawa. Pumalatak ito.

“Gago!” Umirap ako.

‘Ay wow Niño, may lakas loob ka talagang murahin ang Don hano?’ Sabi ng kabilang isip ko.

Nakita kong nakatingin ito sa akin habang nakakunot nuo. Patuloy lang ako sa pagkain. Nahihiya ako sa nasabi ko. Siguro ay nadala lang ako sa pang-aasar niya.

“Sorry po.” Hingi ko agad ng tawad nang hindi na ito magsalita. Tama nga ang peripheral vision ko. Nakakunot ito.

Bumuntong hininga ito saka tumayo. Dahan-dahang nagtungo sa likuran ko saka ako niyakap mula rito. Ako naman at nakaupo parin sa upuan. Akala ko ay galit na ito sa akin kaya may balak na mag walk out.

“Ayokong naiilang ka sa akin, Niño. Gusto kong open tayo sa lahat.” He paused. Huminga ito muli ng malalim. “Okay lang sa akin kahit ano ang sabihin mo sa akin, just… just be yourself when you’re with me. Ayokong may makitang hiya o takot sa mga mata mo sa tuwing kasama mo ako. Alam kong narinig mo sa iba kung gaano ako kasama, pero Niño, binago mo na ako. Simula no’ng nakita kita, nagbago na ako. So please, huwag kang mailang sa akin dahil nasasaktan ako, baby.”

Hindi ko in-expect na sasabihin iyon ng Don. Akala ko ay magagalit itong muli sa akin pero hindi pala.

Akala ko ay masisinghalan na niya ako pero wala. Sobrang malumanay at may lambing ang boses niya. Sobrang sweet kumbaga.

“Kumain ka na dahil mag lilibot tayo sa buong farm mamaya. Puwede kang mamitas ng kahit na anong makuha mong prutas. ’Yon nga lang ay hindi ka na masyadong makapili ng mas maganda dahil naani na nila e.” Magiliw niyang sabi.

Bigla namang nagliwanag ang pakiramdan ko. “Talaga ho?!”

“Yep. Kung gusto mo, sayo na ’tong farm ko kapalit sa pagpapakasal sa akin.” Natatawa niyang sabi. Hindi ko nalang binigyang pansin ang sinabi nito dahil alam kong nagbibiro lang ang Don.

Tumawa rin ako. “Kayo ho talaga! Palabiro rin po pala kayo.”

Hindi ito sumagot pero hinalikan ako nito sa pisngi. Bumalik ito sa kaniyang upuan at masaya naming tinapos ang aming almusal.

Pagkatapos naming magpatunaw ng kinain ay inanyayaan ako ng Don na mamasyal raw sa kaniyang sakahan. Medyo nakaramdam ako ng excitement dahil first time kong makapasok mismo sa kaniyang farm. Kahit sino ay gustong makapamasyal dito para makakita ng magagandang pananim. Ang sabi rin ng mga nagtatrabaho dito ay may talon raw sa gitna ng sakahang ito, sa may mapunong parte ng lupain. Karamihan sa amin ay gusto iyong makita dahil sobrang ganda raw talaga.

“Mang Lando. Paki dala rito ang aking kabayo.” Utos ng Don sa lalaking nakatayo nang makalabas kami sa masyon niya.

“Opo, Don Hades.” Bahagya itong yumukod at lumakad na palayo.

“Magkakabayo po tayo?” Mangha akong bumaling sa Don habang naglalakad kami sa labas ng mansyon.

Ngumiti ito. “Yep. Nakasakay ka na ba ng kabayo?”

“Hindi pa po.” Umiling ako. Noon ko pa gustong makasakay ng kabayo dahil sa tingin ko ay masarap iyon sa pakiramdam. Sa tuwing nakakakita ako sa pelikula ng mga nangangabayo ay hindi ko mapigilang mainggit.

Kwento rin kasi sa akin ni Papa noon na mayroon kaming kabayo kaso pinagbili niya noong ipinanganak ako. Iyon raw ang ginamit niya noong nililigawan niya pa si Mama. Kaya simula no’n ay gusto ko na rin makasakay ng kabayo kahit isang beses lamang.

“Talaga? Bakit naman?” Mangha ring tanong nito sa akin.

“Wala kasi kaming kabayo. Saka kaunti nalang ang ganiyan ngayon. Dati ho raw ay may kabayo sila Papa. Iyon raw ang ginamit niya noong nililigawan palang niya si Mama. Pero naibenta niya no’ng pinanganak ako. Nagkaproblema kasi matanda na sila nang dumating ako. Mahirap na kay mama para manganak. Panay kuwento rin si Papa noon kung gaano kasaya sumakay sa kabayo.” Napangiti ako nang maalala ang mga panahong kompleto pa kami. Masaya kaming nag ku-kuwentuhan tuwing kakain kami sa gabi at bago matulog. Palagi rin naming inaasar ni Papa noon si Mama tungkol sa mga nanligaw sa kaniya noon.

“Really? Iyon ang ginamit ng Papa mo para mapasagot ang Mama mo?”

“Opo. Iyon ang kuwento ni Papa e.”

“Ganiyan rin ba ang pangarap mong manliligaw? ’Yong ipapasyal ka habang nakasakay sa kabayo?”

Tumango ako. Totoo naman kasi na iyon ang gusto ko. Dati ko pang alam kung ano talaga ako kaya gusto ko na kung sakali man na may manligaw sa akin ay nais kong tularan nila ang ginawa ni Papa kay Mama.

“Opo. Pero alam ko naman hong wala ng ganiyang lalaki sa panahon ngayon. Makabago na kasi saka puro sasakyan na. At mas lalong malabong may manligaw sa akin.” Natatawa kong sabi.

“What if I will?” Seryoso nitong sabi. Tumigil muna kami sa paglalakad. Humarap ito sa akin saka ako tinitigan sa mata.

“P-po?”

Ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang isasagot. Nakakabigla kasi. At hindi ko mawari kung seryoso siya sa binitawan niyang salita. Oo nga’t may nangyari sa amin pero alam kong malabong maging kami, bukod sa malayo ang agwat namin ay masyado ring mataas ang estado niya sa buhay.

“Ang sabi ko, paano kung ligawan kita? Marami akong kabayo sa kwadra. Papasa na ba ako?” Nakangiti niyang sambit. Napaka ganda ng ngiti, halos malaglag ang puso ko habang nagtitigan kami.

“Pala biro ho pala kayo, no?” Nakayuko kong sabi. Hindi ko maiwasang mapangiti. Paano kung ligawan nga ako ng Don?

“Hindi ako nag bibiro, Niño. Sagutin mo ang tanong ko.”

Saglit akong di nakapagsalita. Parang nawala lahat ng laman sa utak ko dahil wala akong maisip na sagot. Mas madali pang sumagot ng exams kaysa sa ganitong tanong.

Sasagot na sana ako nang dumating si Mang Lando dala ang kabayo. Mangha akong napatingin sa puting kabayo. Sobrang ganda. Halatang inalagaan ng husto dahil mukhang malusog at wala kang makitang pasa o mga galos sa balat ng kabayo.

“Sir, ito na po.” Ang wika ni Mang Lando nang makalapit sa amin. Inabot nito ang pisi na hawak kay Don Hades.

“Okay. Paki utusan an mga katulong na maghanda ng pagkain sa kubo, malapit sa talon. Doon kami mamaya kakain ng tanghalian ni Niño.” Utos ng Don nang tanggapin niya ang pisi.

“Masusuod po, Don Hades.”

Bahagyang yumuko si Mang Lando bago pumasok sa loob ng mansyon. Ang Don naman ay hinimas himas ang buhok ng kabayo. Sininyasan niya akong lumapit kaya ganoon nga ang ginawa ko.

Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko habang nakatingin sa puting kabayo. Hindi ko akalaing makakita ako ngayon ng ganito kagandang kabayo. Akala ko ay hanggang sa mga palabas lang ako makakakita nito.

“Hawakan mo.” Nakangiting aya ng Don sa akin.

“Natatakot ako e.” Nahihiya kong sabi. Kahit gustong gusto ko ng kabayo, nakakatakot parin no. Baka bigla akong sipain, edi patay ako.

“Bakit naman? Akala ko ba ay gusto mong makakita ng kabayo? Ngayon na nasa harap mo na at puwede mo ng hawakan, bigla kang uuron.” Humagikhik ito.

“Sa natatakot ako e. Baka kasi bigla nalang akong sipain.”

“Hindi ’yan. Trust me.” Bahagyang itong ngumiti.

Kahit medyo natatakot ay dahan-dahan kong inilapat ang aking kamay sa uluhan nito. Muli akong napa-urong nang bigla itong gumalaw.

“HAHAHA! Para kang bata.” Napahagalpak ng tawa ang Don habang tinitingnan ang ginagawa ko. Umirap lang ako.

“Nakakatakot naman kasi!” Pagmamaktol ko habang nakanguso. Tumawa lang ito ng tumawa habang hawak-hawak ang lubid.

Hmppp! Baliw rin ’tong lalaking ’to e.

“Alright. Sumakay nalang tayo.” Maya’t mayang sabi nito. “Mukhang kailangan pa kitang sanayin.”

“S-sasakay tayo?” Nauutal kong tanong. OMG! Akala ko ay ipapakita niya lang! Ibig sabihin ay magkakabyo kami papuntang talon? Grabe! Parang matutupad na ang mga gusto ko, ang makapunta sa talon at makasakay sa kabayo.

“Alangan naman ang kabayo ang sasakay sa atin? Syempre tayo ang sasakay.” Pabiro nitong sambit.

Tawanan…

“WAHHH!!! First time ko kaya ’to! Saka matagal ko nang makasakay ng kabayo!” Mangiyak-ngiyak kong sabi. Hindi ko akalaing makakasakay ako ngayon mismo ng kabayo!

“I know, kaya nga sa kabayo tayo sasakay. Minsan, bisitahin mo rin ako dito palagi para maturuan kitang mangabayo. O susunduin kita gamit ’tong kabayo ko.” Nakangiti niyang sabi. Pumunta kami sa gilid ng kabayo saka niya hinawakan ang kamay ko.

“Huhu! Baka mahulog ako.” Nag sign of the cross pa ako.

Jusko, Lord! Kayo na bahala sa akin. Siguraduhin niyong hindi gagalaw itong kabayo pag aakayat ako para hindi ako mahulog. Dasal ko sa aking isipan.

“Hindi naman kita hahayaang masaktan. Aalalayan kita para kung sakaling mahulog ka, sa akin ka babagsak.” Parang may pinapahiwatig ito sa kaniyang sinabi dahil sa uri ng tonong ginamit niya. Pero hindi ko nalang pinansin at umapak na sa parang leather na apakan saka sumakay. Hawak-hawak ng Don ang kamay ko para alalayan ako. Ngiting aso naman ako nang tuluyan na akong makaupo sa likod ng kabayo.

Mukhang magiging masaya ’to!

“Akala ko mahihirapan akong isakay ka.” Tumawa ito saka sumakay na rin. Nakapuwesto siya sa likuran ko habang hawak-hawak ang pisi ng kabayo. Ako naman ay nasa harap. Ramdam kong malapit lang ang Don sa akin dahil amoy ko ang mabangong hininga niya.

Maya-maya ay nagsalita ito. Halos tumalon ang puso ko dahil ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

“Humawak ka ng mahigpit.” Pabulong niyang sabi.

“O-Opo.” Sagot ko nalang at humawak sa hawakan. Tumingin ako sa paligid baka may nakakita. At baka kung ano pa ang isipin. Pero wala namang tao.

“Good.” Ang sabi niya at pinatakbo na ang kabayo.


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

CHAPTER 08

Niño

Sandoval’s

P

OV

Mangha akong napatingin sa paligid habang binabaybay namin ang daan patungong talon. Ang sabi ni Don Hades ay may kalayuan raw iyon kaya in-enjoy ko nalang ang mga nakikita ko. May mga tauhang kumakaway sa amin sa tuwing may madadaanan kami. Abala ang lahat sa pagtatanim at pag aani ng mga natira sa bagyo. Ang sabi ng Don ay ipapamigay niya raw iyon sa mga kabarangay.

“Grabe, ang laki pala talaga ng nasasakupan niyo, Don Hades.” Hindi ko alam kung ilang ulit ko na iyon sinabi ng paulit-ulit.

“Yeah. Kasi halos kalahati ng Barangay na ’to ay nasa pangalan ko.” Sagot niya. Mabagal lang ang takbo ng kabayo namin dahil ang sabi niya ay gusto niyang ma-enjoy ko ang tanawin.

“Oo nga po, narinig ko noon. Grabe sobrang laki pala talaga!”

“Kulit mo.” Tumawa ito at pinisil ang ilong ko. “Halos ilang taon ko rin itong pinaghirapan. Dugo’t pawis ang tinaya ko dito.”

Kaya maraming humahanga sa iyo dahil sa mga nakamit mo sa buhay.

“Isa ka ba doon?”

“Oo naman po. Bakit hindi diba? Isa kayo sa hinahangaan ko noong highschool palang ako. Kahit hindi kita nakikita noon, may nararamdaman parin akong paghanga sa inyo.”

“Talaga?” Mangha niyang tanong. Tumango ako.

“Opo. Saka kahit na iba-iba ang sinasabi nila tungkol sayo, hindi parin nabawasan ang paghanga ko sa inyo.”

Saglit itong natahimik pero kalaunan ay muli na namang nagtanong.

“Ano ba ang mga naririnig mo noon tungkol sa akin, Niño?”

Nagkibit-balikat ako. “Marami, kagaya ng kung gaano kayo ka sungit sa mga trabahador ninyo. Sabi rin nila na mabilis kang magalit at ayaw mo sa walang masagot pag tinatanong mo.”

Dati, palagi kong naririnig sa usap-usapan ang Don sa tuwing bibili ako sa may tinadahan. Kadalasan ay tungkol sa mga trabahador na napatalsik sa hacienda nito dahil lang sa kaunting mali na nagawa nila, o di kaya’y pag hindi maganda ang araw ng Don.

“At naniwala ka sa kanila?”

Umiling ako. “50/50 lang po.”

“Totoo ang sinabi nila, Niño. Dati ay napakasama ng ugali ko, at alam ko iyon sa sarili ko. Ayoko kasi noon sa mga mabagal mag trabaho dahil para sa akin ay may masasayang na perang darating kung sakaling mabagal kang magtrabaho. Lahat ng nasa utak ko ay pera. Lahat ng galaw ko noon ay tungkol sa pera pati mga desisyon ko sa buhay. Kaya hindi ako nakapag-asawa hanggang ngayon dahil ayokong may sagabal sa plano ko. Pero no’ng dumating ka, nagbago ang lahat.”

Hindi ako nakapagsalita dahil sa huli niyang sinabi. Hindi ko rin inasahan ang rason niya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa itong naging asawa. Akala ko ay gusto lang nitong mag enjoy sa buhay.

Nagpatuloy ito.

“Noong narinig ko ang pangalan mo kay Nay Simang ay may kung anong emosyon ang dumaan sa puso ko. Akala ko noon ay wala lang iyon pero dumaan ang isang gabi na ikaw lang ang nasa-isip ko. Ini-stalk pa nga kita sa FB and that time, mas nahulog ako sayo. Inutusan ko si Nay Simang na i-report sa akin ang galaw mo dahil gusto kitang makilala. At no’ng sinabi niyang pupunta ka sa hospital ay agad kitang pinuntahan.” Natawa ito.

“Naalala mo ba ang unang araw ng pagkikita natin?” Tumango ako. Syempre naalala ko pa ang araw na nakakita ako ng mala-Adonis ang dating.

“Iyon ang araw na una kitang makita. My heart skipped habang nakatingin ako sayo sa malayo, minamaneho ko ang sasakyan palapit sa iyo. I sprayed my cologne sa buong sasakyan dahil ayokong ma-disappoint ka kung sakali. May ginagawa kasi ako noon at basang-basa ako ng pawis. Nag bihis lang ako at saka umalis. Hindi ko alam kung amoy araw at pawis ako no’n.” Mas humigpit ang yakap nito mula sa likuran ko.

“Nagkunwari ako no’n na pupuntang bayan para lang makasabay ka sa akin at sa ganoong paraan ay makakausap kita. Binayaran ko rin ang mga tricyle para hindi na sila bumyahe papuntang bayan. Alam kong kabobohan ang ginawa ko. Pero masisisi mo ba ako? Sadyang nahulog lang talaga ako sayo. Niño, dati hindi ako naniwala sa katagang ‘love is blind’ at ‘love at first sight’. Pero noong makilala kita, napagtanto kong totoo ang mga iyon. Niño, I love you so much. At gusto kong ligawan ka hanggang sa makuha ko na ang matamis mong

Oo

.“ Puno ng sinseridad ang boses nito.

Natamimi ako. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react sa sinabi ng Don. Oo nga at nagpapakita ito ng motibo pero buong akala ko noon ay ako lang itong assuming kaya hindi ako nakapaghanda. Akala ko ay hindi mangyayari ito.

“Okay lang kung hindi mo muna ako sasagutin, but let me prove myself, Niño. Hayaan mo akong ipakita sayo ang pagmamahal ko sayo.” May pagmamaka-awa sa boses nito.

Totoo kaya ang mga ito?

“Marami ka nang nagawa para sa akin at sa ina ko, Don Hades. At alam kong bukal sa puso ang mga iyon. Alam niyo naman po na wala pa akong experience sa mga ganitong bagay, pero kung gusto niyo hong patunayan ang sarili niyo… Papayag ako. Hahayaan kitang ligawan ako. Pero sana po ay hindi mo ako bibiguin dahil natatakot ako.”

Nakatanaw lang ako sa malayo. Mabagal lang ang takbo ng kabayo.

“Really? Papayag ka?” Naging masaya ang tono nito.

“Opo. Hindi naman ako makakatanggi dahil sa tuwing kasama kita, may kakaiba rin akong nararamdaman. Nawawala ang lungkot sa isipan ko. Pati problema ay napapawi. Hindi man ako sigurado sa patutunguhan nito pero hindi rin naman ako makakatanggi.” Pag-aamin ko.

Totoong sa tuwing nasa tabi ko siya ay biglang bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Nagiging magulatin rin ako pag kasama ko siya. Parang gustong lumabas ng puso ko. Masaya akong kasama siya. Comfortable ako kahit hindi kami ganoon katagal na magkakilala.

“I promise, Niño. Hinding-hindi kita bibiguin. Hindi ko sasayangin ang oportunidad na ito. I will court you hanggang sa makuha ko ang matamis mong oo. At liligawan parin kita kahit na sinagot mo na ako. I love you so much. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon, Niño.” Dumampi ang labi nito sa aking leeg saka pinugpog ng halik pataas sa aking pisngi.

“Damn! I love you so much!” Bulong nito saka muli akong pinugpog ng halik.

Agad kong kinabig ang ulo nito. “B-baka po may makakita, Don Hades.”

Ang nahihiya kong sabi.

“Bakit? Masama bang patunayan sa lahat kung gaano kita ka mahal? Gusto ko rin namang ipaalam sa lahat ang future asawa ng Don nila.” Natawa ako sa sinabi nito. May halong pagmamayabang kasi.

“Sa nahihiya ako e.”

“Masanay ka na.” Binigyan niya ako ng panandaliang halik sa pisngi. “O baka gusto mong sa kwarto ko nalang kita dadalhin. Doon ko ipapalasap kung gaano kasarap magmahal ang isang Hades Villanovan.”

“Huy! Nanliligaw ka pa nga lang e! Saka masakit pa ang pang-upo ko no!” Umirap ako sa hangin.

“What? Wala naman akong sinabing ganoon. Pero kung gusto mo, handa akong magpaubaya.” Mas nagkadikit ang aming katawan nang yakapin ako nito ng mahigpit. Dahil nasa harap ako nakaupo, unti-unti kong naramdaman ang nabubuhay nitong pagkalalaki.

Napasinghap ako nang bigla niyang dilaan ang taynga ko.

“Don H-hades!” Kapos ang hininga kong sabi.

“Mas maganda pakinggan kung ikaw ang tumatawag sa akin ng Don. Pero mas magada kung paungol mong sabihin iyon.” He seductively whispered. “Gusto kong marinig ulit na tinatawag mo akong Don habang pareho nating nilalasap ang langit, Niño.”

Naramdaman ko ang kaniyang kanang kamay na dahan-dahang pumapasok sa aking damit. Ang kaliwa naman ay nakahawak sa lubid. Gumapang ang kamay nito sa aking utong at hindi ko mapigilang mapaungol nang laruin niya iyon.

“Ohhh God!” Kagat labi kong sabi.

“Say you want me, Niño.”

Kagat-labi akong napapikit. “I wa-want you, Hades…”

“Hindi kita naririnig. Lakasan mo.” Utos nito saka pinisil ang utong ko.

“Ahhhhh…! P-please… I want you, D-don Hades.” Tuluyan na akong nawala sa huwesyo. Masyado itong magaling mang akit kaya hindi ako makatanggi.

Ang gusto ko lang ay angkinin niya ako. Wala akong paki kung may makakakita man sa amin. Tuluyan ng binalot ng pagnanasa ang aking isipan.

God! Masyadong magaling ang lalaking ito!

“Not here. Babalik tayo sa mansyon. Saka nalang kita igagala. Pati ang

señorito

ko ay nananabik nang muli sayo, Niño.“

Iyon lang at pinaikot nito ang kabayo. Muli naming tinahak ang daan pauwi sa mansyon habang pareho kaming nananabik sa isat-isa.


Pagkauwi ko galing mansyon ng Don o sabihin nating manliligaw ko ay agad akong nagpahinga. Sobrang nakakapagod ang ginawa namin sa kaniyang silid. Sumakit rin ang pang-upo ko kaya halos hirap akong maglakad kanina habang papasok dito sa bahay.

Hinatid ako ni Don Hades pero hindi na ito pumasok dahil may importante raw na gagawin. Hapon na ako nakauwi dahil ilang oras rin naming ginawa iyon.

Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod. Pagkagising ko ay madilim na ang labas. Agad akong tumayo para ipagluto si mama. Kailangan nitong kumain sa tamang oras dahil may gamot itong iinumin.

“Ma, okay lang ba kayo dito kanina? Sorry po kung naiwan na naman kita dito ng mag-isa. Biglaan kasi akong pinatawag ng Don.” Pagkausap ko sa aking ina habang nag saing. Siya naman ay naka-upo lang sa kahoy na upuan.

“Okay lang anak.

Nagpadala naman ng isang kasambahay si Don Hades dito para tumulong sa akin.“ Nakangiting wika ni mama. “Ang sabi ay may pinagawang importanti ang Don sayo… Ano ’yon anak?”

Biglang sumikdo ang puso ko nang marinig ang pangalan ng Don. Bumalik sa alala-ala ko ang mga halik nito na nagpabaliw sa akin hanggang sa tuluyan na kami parehong nagpakasasa sa paraisong ginawa namin pareho.

“Ahhh about po sa f-finance, Ma. Tama! ’Yon nga.” Hindi ko alam ang isasagot ko. Kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Buti nalang alerto ang isipan ko para masagot agad si mama. Kundi mag tataka ito, matalas pa naman ang pangamoy ni Mama.

“Ahhh ganoon ba anak?” Tumango lang ako. Muli itong nagsalita. “Natulungan mo naman?”

“Opo, M-ma.” Agad akong tumalikod at nag kunwaring hinihipan ang apoy ng sinaing ko.

Napakagat ako sa labi. Ito ang first time na hindi ako nagsabi ng totoo kay mama. Kahit minsan kasi noon ay hindi ko nagawang mag sinungaling at maglihim sa kanila ni papa. Lahat ng problema ko ay pinapaalam ko sa kanila at syempre binibigyan rin nila ako ng advice.

Pero sa kasong ito ay hindi ko maaaring sabihin ang tungkol sa ginawa naming dalawa ng Don. Masyadong private saka nakakahiya!

“Mabuti kung gano’n.” Wika ni mama at tumahimik na. Agad kong hinain ang niluto ko pagkatapos saka kami parehong kumain ng hapunan.

Kinabukasan ay halos hindi ko maigalaw ang aking katawan. Sobrang sakit nang sinubukan kong bumangon sa higaan. Napa-igik pa ako sa sobrang sakit. Para akong binugbog ng isang milyong katao dahil sa sobrang sakit.

“Okay ka lang anak?” Rinig kong tanong ni mama nang mapalakas ang pag-igik ko.

Kaagad akong tumango. “Oo ma. Okay lang ako.”

Kahit masakit ang katawan ay pinilit ko paring bumangon para mag-luto. Simpleng umagahan lang ang niluto ko. Kanin, salad na talbos ng kamote at saka sunny side up.

“Ma, kain na tayo.” Aya ko dito. Inalalayan ko muna siyang tumayo saka giniya paupo sa hapag.

Nag-pray muna ako.

“May lakad ka ba ngayon anak?” Tanong ni mama habang sumasandok ako ng kanin para sa kaniya.

“Wala naman po ma, bakit?” Sagot ko. Parang wala namang sinabi si Hades na may lakad kami ngayon.

“Natanong lang anak. S’ya nga pala. Malapit na ang birthday ng papa mo at birthday mo. Ano ang balak mong gawin anak?” Magiliw na wika ni mama.

Ay oo nga pala. Sa susunod na linggo birthday na ni papa. Sayang at hindi man lang ito hinintay ang kaniyang ika-pintom po’t isang kaarawan.

“Wala pa akong naisip ma. Siguro ay bibisitahin ko nalang siya sa puntod niya. Magluluto rin ako ng pansit.” Agad akong sumubo ng kanin. Hindi na rin kumibo si mama.

Siguro ay kami nalang ni mama ang mag celebrate dito sa bahay.

Nasa kalagitnaan kami ng aming almusal nang may narinig ako galing sa labas.

“Tao po.” Sabi ng pamilyar na boses. Kung hindi ako nagkakamali ay kay Don Hades iyon.

Pero hindi naman ito nagsabi na pupunta ito ngayon dito ah?

Wala akong nagawa kundi tumayo para i-check kung tama ba ang hula ko. At pag dungaw ko sa pinto ay nasilayan ko ang nakangiting mukha ng Don. Halatang bagong gising lang ito dahil magulo pa ang buhok nito. Tanging boxer shorts at sando na kulay puti ang suot niya. Sobrang hapit sa katawan niya ang suot na sando. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang umbok sa pagitan ng hita niya.

Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya nang mag-iwas ako ng tingin sa pang-ibaba nito at sinalubong ang mata niya.

“Hindi mo ba ako papapasukin, Niño?” May bahid na panunukso sa boses nito. “Tititigan mo nalang ba ako?”

Agad naman akong napakurap.

“Pasok ho, Don Hades.” Saad ko. Agad ko namang binuksan ng malaki ang pinto.

Pero imbis na pumasok ay umupo lang ito sa kahoy na upuan sa balkonahe.

“Oh? Bakit parang hininingal ka?” Pansin ko kasing malaki ang hinga nito na akala mo ay tumakbo ng marathon.

“Bigla kasing nag-panick ang kabayo kanina habang papunta kami dito. Natakot ata sa truck na naghatid ng mga bagong similya para sa farm.” Ngumiti ito. “But anyways, okay na naman. Pahingi nalang ako ng tubig. Nauuhaw ako e.”

Doon ko napansing may kabayo pala sa labas. Ibang kabayo sa sinakyan namin kahapon.

“Teka. Ikukuha kita ng tubig.” Nagmadali akong tumalikod at tinungo ang maliit naming kusina.

“Ang Don ba iyon anak?” Tanong ni mama. Patuloy parin ito sa pagkain.

Tumango ako. “Opo, Nay. Si Don Hades nga ang nasa labas.”

“Bakit raw siya napadalaw? Ang aga ah?”

“Ewan ko rin.” Kibit balikat ko. “Bigyan ko muna ng tubig ang Don.”

“Sige anak. Anyayahan mo na rin na kumain ng umagahan kasabay mo. Patapos na rin kasi ako.” Wika ni mama.

“Opo, ma.”

Pinuno ko ng tubig ang bildong pitsel saka kumuha rin ng baso. Muli akong bumalik sa balkonahe saka binigay ang isang basong tubig sa Don.

“Isa pa.” Sabi niya at nilahad ang baso. Nilagyan ko naman ulit ito.

“O! Dahan-dahan lang!” Sabi ko nang mabilaukan ito. “Ayan, natapunan tuloy ang damit mo. Tsk! Parang bata.”

“Sorry, baby.” May pagkapilyo na sabi niya. Pinandilatan ko naman ito.

“Manahimik ka at baka marinig tayo ni mama!” Pabulong pero may diin kong sabi.

“So?” Tumaas ang isang kilay nito.

“Anong so?” Tinaasan ko rin ito ng kilay.

Taray!

Soso

hin mo tite ko.“ Sagot niya saka humagalpak ng tawa.

“Ewan ko sayo! Kahit kailan talaga hindi ka matinong kausap!” Singhal ko. “Diyan ka na nga at kukuha lang ako ng pamunas diyan sa basa mong sando. Kainis! Para kasing bata kung uminom e.”

“Huwag na. Matutuyo rin naman to. Hubarin ko nalang muna.” Nilagay nito ang baso sa mahabang upuan na kahoy saka tumayo.

Ewan ko kung ako lang ba pero parang nag slow motion ang galaw nito habang dahan-dahang itinaas ang damit hanggang sa tuluyang mahubad.

Bumungad sa akin ang matipuno niyang dibdib. Sobrang malago parin ang buhok nito mula sa dibdib pababa sa kaniyang pusod hanggang sa loob ng boxer. Jusko! Ito na ata ang may pinakamagandang katawan! Parang nag-spark naman ang malabato nitong abs.

“Ehem!” Narinig kong tikhim nito kaya napatingin ako sa mukha nito. May halong nakalolokong ngiti at pang-aasar ang expression nito.

Ahhhh!!! Kainis! Tutuksuin niya na naman ako panigurado.

“Bakit ka nag hubad?! Mag damit ka nga ulit, Hades!” Singhal ko. Kunyare para matakpan ang kahihiyang ginawa ko kanina.

“Nagustuhan mo nga e.”

“Asa ka naman no!” Umirap ako. “Mag damit ka nga!”

“Oh? Bakit hindi ka makatingin sa akin?” Pang-aasar niya.

“Magdamit ka kasi!”

“Niño… Naaakit ka ba sa katawan ko?” Malumanay niyang sabi pero may pang-aasar parin sa boses.

“Kapal! Hindi no!” Pinag-krus ko pa ang daliri ko sa likuran. Ito na ata ang pinaka walang kwenta kong pagsisinungaling.

“Ows? Sige nga. Tingin ka dito.” Hamon niya.

ARRGGGHHH!!! Nakakainis talaga minsan ’tong lalaking ’to!

“Ayoko nga!”

“E di, naaakit ka nga?” Pumalatak ito.

“Hindi nga!”

Jusko. Kung ito siguro ang kasama ko palagi baka mamamatay ako sa inis o di kaya’y stress!

“Bakit hindi ka makatingin?”

“Bakit naman ako titingin?” Bumaling ako dito pero deritso ang tingin ko sa mata niya. Sinubukan kong hindi bababa ang tingin.

Huwag bumaba!

Huwag bumaba!

Huwag buma––

“HAHAHAHA!!! You really made my day, baby. Bakit kasi hindi ka nalang umamin na naaakit ka sa katawan ko?” Kita kong gumalaw ang dibdib nito kagaya ng napapanood ko sa TV na mga macho keme.

Putik! Bakit kasi ang ganda ng katawan niya???

“O anak? Bakit kayo nagsisigawan? Ano ba ang nangyari?”

Halos malunok ko na ang dila ko nang marinig ang boses ni mama sa likuran ko.

“Wala ho, tita. Nag bibiruan lang kami ni Niño. Namiss kasi ako.” Ang sagot ng loko saka ako kinindatan. Hindi ko alam kung nakita iyon ni mama.

Dahil sa inis ay pasimple ko itong kinurot sa tagiliran nang humarap ako kay mama.

“Umayos ka nga!” Pabulong kong sabi.

Ngiti lang ang ganti nito sa akin at muling tumingin kay mama na nakakunot nuong nakatingin lang sa amin. Halatang naguguluhan ito sa nakikita ngayon.

Tumikhim ang Don. “Patawad sa inasal ko, Tita. Itong anak niyo kasi ang hilig akong asarin.”

Parang may nag ting sa utak ko nang sabihin niya iyon.

AT AKO PA TALAGA?!

“Anong ako?! Ikaw nga ’tong nang aasar sa akin e!” Depensa ko. Palipat-lipat lang ng tingin si mama sa amin.

“O siya. Para kayong mga bata.” Natatawang sabi ni mama saka bumaling kay Don. “Hindi ko alam na close pala kayo ng anak ko, Don Hades?”

Ngumiti ang mokong. “Hades nalang po, tita.”

“Nako! Nakakahiya naman kung Hades lang.” Wika ni mama.

“Huwag kayong mahiya, Tita. Ang pangit kasi na Don ang tawag mo sa akin, gayon ay nililigawan ko naman ang anak ninyo.

“ Magalang na sabi nito. Parang wala lang sa binata ang sinabi.

Si mama naman ay bahagyang nagulat. Ako naman ay halos lumuwa na ang mata. Napa ‘O’ din ako dahil sa gulat. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon!

“N-nililigawan mo ang anak ko, Don Hades?” Pag-uulit ni mama na para bang mali ang narinig niyang sinabi ng Don.

“Opo, tita.” Nakangiti parin ito. “Una sa lahat, Tita. Sorry kung nakahubad ako ngayon. Nabasa kasi ng tubig ang damit ko. At kaya ho ako maaga dito kasi namiss ko ang anak mo.”

Naramdaman ko nalang ang braso ng Don na pumalibot sa baywang ko saka ako hinapit padikit sa kaniya.

“Paanong? Niño, totoo ba ito?” Ngayon ay bumaling naman si mama sa akin.

Tumango ako. “Opo, Ma.”

Hindi na kailangan pang itanggi dahil nasabi na naman ni Hades.

“Kailan pa?”

“Ang totoo niyan tita ay noon ko pa nagustuhan si Niño, kahapon pa lang ako nagtapat sa kaniya. Pumayag naman si Niño na ligawan ko siya. Sana ho ay papayag rin kayo, Tita. Pangako, hindi ko bibiguin ang anak niyo at ikaw.” Seryosong sabi ni Hades.

Mahigpit akong napahawak sa braso ni Hades dahil parang nanghihina ang tuhod ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Takot ako. Takot akong baka magalit si mama dahil hindi ako nag paalam sa kaniya.

Nakatingin lang ako sa nakakunot-nuong mukha ni mama. Kalaunan ay ngumiti ito.

“Matanda na rin naman ako at malaki ka na Niño. Ikaw na ang magdisesyon sa buhay mo.” Panimula ni mama. “Nasa iyo kung saang daan ang iyong tatahakin basta piliin mo lang kung saan ka sasaya. Lagi mong piliin ang makakabuti sa iyo at sa mga nakapaligid sa atin.”

Para namang nabunutan ng tinik ang aking dibdib dahil sa sinabi ni mama. Akala ko ay hindi ito papayag dahil sa uri ng relasyon na balak naming pasukin.

“Maraming mapanghusga sa panahon ngayon, at ang relasyong pinasok niyo ay hindi ganoon ka tanggap ng ating lipunan. Handa ba kayong harapin ang mga iyon?” Dugtong ni mama.

“Opo, Tita. Alam ko ho kung anong klasing relasiyon itong pinasok ko at pangakong hindi ko hahayaang masaktan ang anak niyo.” Si Hades ang sumagot.

“Kung ganoon ay wala na akong problema. Hindi ko papakialaman ang relasyon ninyo basta siguraduhin niyo lang na pareho kayong masaya.” Nakangiting wika ni mama. “Kumain ka na ba, Hades?”

Umiling ang loko. “Hindi pa ho tita.”

“Kung ganoon ay dito ka na mag almusal. Sabay nalang kayong kumain ni Niño. Tapos na kasi ako. Kakatapos ko lang.” Ang sabi ni mama at umupo sa upuan.

“Salamat ho, tita.”

Agad ko namang hinila ang braso nito papasok sa loob. Nang makarating sa kusina ay agad kong pinakawalan ang inis na kanina ko pa pinigilan.

“Ouch! Baby naman!” Reklamo niya nang kurutin ko ang kaniyang tagiliran.

“Ouch baby ka diyan! Bakit mo naman ako inunahan kay mama?! Balak ko pa naman sanang ako ang magsabi!” Singhal ko na tinawanan niya lang.

“Atleast we’re legal now. Ang matamis mong

Oo

nalang ang kulang.“ Kumindat ito.

Sabagay. Mas mabuti na rin na alam na ni mama ang tungkol sa panliligaw ni Don Hades sa akin.

“Ewan ko sayo! Kumain ka na nga lang!” Ikinuha ko ito ng plato saka kutsara.

“Damn! Paborito ko ’tong pakbit! Ilang taon na akong hindi nakakain nito.” Aniya at nilantakan ang pagkain. Paminsan-minsan ay sinusubuan niya ako.

“I love you, babe.” Wika niya habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain

“I love you too, Hades.” Nakangiti kong sagot.


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

CHAPTER 09

Niño

Sandoval’s

POV

Tanghali na nang magising ako dahil sa sobrang lamig ng panahon. Kahit tanghali na ay makapal  parin ang hamog.

May lakad pa naman kami ni Alex dahil balak niya akong ipasyal sa mga bagong tayong rides sa bayan. Malapit na kasi ang fiesta dito sa probinsya namin kaya marami na rin ang nagdadagsaang taga-ibang bayan para magbenta ng kung ano-ano o di kaya ay magtayo ng perya.

“Bakit ang aga mo naman ata akong sinundo. Alas nuebe pa o.” Wika ko kay Alex at tiningnan ang oras sa cellphone.

“Mas maganda kung maaga tayo. Mas marami tayong masusubukang rides at mas marami rin tayong oras para magperya o di kaya ay mamasyal lang.” Sagot naman nito habang naka-upo sa upuang kahoy na nasa balkonahe.

“Ang sabi mo sa akin kahapon, alas tres na tayo aalis dahil mas maganda pag gabi.” Iyon kasi ang sabi niya kahapon nang tumawag ito sa akin. Balak niya raw ipakita ang mga magagandang pa-ilaw na pinagpaguran nila nitong mga nakaraang araw. Ang sabi niya ay babawi raw siya dahil ilang araw itong di nagparamdam.

Pumayag naman kaagad ako dahil matagal-tagal narin simula no’ng huling fiesta ko dito. Bukod kasi sa busy sa pag-aaral at trabaho, masyado ring mahal ang pamasahe galing syudad papunta dito sa probinsiya namin.

“I changed my mind. Saka masyado lang talaga akong excited na ipakita sayo ang ginawa namin para sa opening ng fiesta. Me and my team did a great job.” Nakangiti nitong sabi. Gwapo rin ’tong si Alex. Mana sa papa niyang mayor dito sa probinsya namin.

Kung talaga hindi kami magkaibigan nitong si Alex, ako na mismo ang mag-fi-first move para alukin itong maging kami. Pero bawal e. Bukod sa ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ay wala rin akong gusto sa kaniya. Oo nga at gwapo ito pero wala talaga akong makapa na pagkagusto sa kaniya bukod sa gustong maging matalik na kaibigan.

“Tignan mo nga ako. ’Di pa nagbibihis at hindi pa naliligo. Tagal ko kayang gumising para hindi ako antukin kung sakaling gabihin tayo mamaya.” Ani ko.

“Edi magbihis ka na para agad tayong makaalis.” Suhestiyon niya.

Umirap naman ako. “Bawal nga! Kailangan ko pang magluto para sa tanghalian ni mama. Saka maglilinis pa ako ng bahay, ano ka ba.”

“Nako Niño, anak. Huwag mo na akong alalahanin. Kaya ko na naman ang sarili ko. Bumalik na ang lakas ko saka pumupunta naman dito si Nena. Kahit papano ay may kasama naman ako.” Sabat ni mama. Naka-upo ito sa sala habang nagbabasa ng bible. Ako naman ay nakatayo sa pinto.

“See? Payag naman si Tita. Kung gusto mo, papupuntahin ko muna ang isa naming katulong dito?” Sabi ni Jay.

“Huy! Huwag na! Sasama na ako kaya huwag ka ng maraming satsat.” Muli akong umirap. “Diyan ka lang dahil maliligo muna ako.”

Sarap nila pag-untugin ni Hades.

“Sure. I can wait.” Sabi nito at kumindat.

“Alangan namang hindi ka maghintay. Ikaw kaya itong sumusulong ng mas maaga sa napag-usapan.”

Natawa naman ito sa sinabi ko. “Kaya nga. Sige na, maligo ka na.”

“Oo na! Nambugaw pa e.”

Halos hindi ko na mahawakan ng maayos ang tabo habang naliligo dahil sa sobrang pagmamadali. Mabilis ang bawat galaw ko kaya agad akong natapos mga ilang minuto lang.

Pagkatapos kong magbihis ay sinaingan ko muna si mama saka nagluto ng singigang bago tuluyang lumabas kasama si Alex.

“Bago ba ’tong motor mo?” Tanong ko nang huminto kami sa pwesto kung saan naka parking ang motor niya.

“Yep. Regalo sa akin ni Daddy. Actually kahapon pa ’to kaya ikaw ang unang makaka-angkas.” Inabot nito ang helmet na agad kong sinuot. Ganoon din ito.

“Iba ka talaga!” Mangha kong sabi.

Dati ng mayaman ang pamilya ni Alex. Sa pagkakaalam ko kasi ay may mga bangko sila na umabot na sa buong bansa. Naging mayor ang ama nito dahil sa kabaitan at ang mga tao na mismo ang nagpursiging tumakbo ito.

Dalawang beses ng itinanghal bilang mayor ang ama nito. At sa mga taong nakaupo ito sa pwesto ay wala itong ibang ginawa kundi ang paunlarin ang probinsiya. At nag tagumpay naman. Mas better pa ’to kaysa noon.

“Kapit.” Utos niya sa akin. Humawak naman ako sa kaniyang balikat pero kinabig niya iyon at sinabing…

“Sa baywang, Niño. Alam mo namang nakikiliti ako sa balikat. Gusto mong ma-out of balance tayo?” Saway niya. Sinunod ko naman. Yumakap ako sa kaniyang baywang.

Naks! Ang bango din ng lalaking ’to. Parang nakakahiya tuloy tumabi. Charot!

Nang maayos na ang pwesto namin ay agad niyang pinatakbo ang motor. Sa tuwing makakadaan kami sa may nag babasketball o di kaya’y nagkumpulang tao ay palagi akong nakakarinig ng sitsit. ’Yong iba naman ay kantiyawan.

Dahil medyo lubak pa ang daan dito papasok sa amin ay dahan-dahan pa ang takbo nito. Kaya rinig ko talaga ang mga hiyawan. May kalayuan kasi ang main road galing sa bahay namin.

Parang mga baliw ang mga tao dito minsan, pero mababait naman.

“Okay lang bang bilisan ko ang takbo?” Agaw nito sa atensyon ko nang marating namin ang main road.

“Huwag masyadong mabilis ah?” Wika ko.

“Sure. Basta kumapit ka lang. Huwag ka ring malikot.” Bilin niya kaya mas hinigpitan ko ang yakap.

Simula palang noon ay takot na talaga akong sumakay sa mga motor lalo na pag mabilis magpatakbo ang driver. Feeling ko kasi mas madaling madisgrasya pag motor ang gamit dahil dalawa lang ang gulong nito.

But I trust Alex kaya okay lang naman siguro. Elementary pa lang kami ay marunong na itong mag motor. Sumasali rin ito minsan sa mga racing keme keme dito sa lugar namin minsan.

“Huy! Bagalan mo kunti!” Sigaw ko nang mapansing mas bumilis pa ang takbo namin.

“Pumikit ka nalang muna.” Ang sagot nito.

Wala na akong nagawa kundi ang ipikit nalang ang dalawang mata. Ramdam ko ang hangin na sumasalubong sa amin. Alam kong mas binilisan niya pa ang takbo. Di ko tuloy mapigilang higpitan ang yakap sa kaniyang baywang.

Ilang minuto rin bago namin marating ang bayan. Ibinuka ko ang mata nang may marinig na mga tugtug.

“May parade pala?” Mangha kong tanong kay Alex.

“Yep. Ngayon rin kasi ang unang appearance ng mga kalahok sa Mutya ng San Martin.” Sagot niya.

Patuloy lang ang takbo namin hanggang sa marating namin ang dulo ng parade. May mga pick-up na sasakyan at sa likuran nito ay sakay isa-isa ang mga nag gagandahang dilag.

“Ikaw rin ba ang nag ayos sa event na ’to, Alex?” Kalaunan ay muli kong tanong habang mangha paring nakatingin sa magagandang damit nila.

“Yep. Ako rin ang nagsuggest kay Dad na gawin ito. Para narin maaliw ang lahat sa opening ng fiesta.” Masayang saad nito.

“Edi mas marami pang magaganap na event?”

“Oo naman. Marami akong hinandang pasabog ngayong taon na ’to. Huling taon narin kasi ’to ni Daddy sa puwesto.” Aniya.

Maya-maya ay huminto kami sa harap ng munisipyo.

“Sino na pala ang tatakbong Mayor?” Kuryos kong tanong habang hinuhubad namin pareho ang helmet namin.

“Si Kuya Erick. Siya lang naman ang mahilig sa pulitiko. Manang-mana kay Daddy e.”

Hinila niya agad ako papasok sa munisipyo. Kahit naguguluhan dahil hindi ko alam kung bakit kami nandito ay nagpahila nalang din ako.

“Oh? Ano naman ang ginagawa natin dito sa office ng daddy mo?” Tanong ko pagkapasok namin sa office ng daddy niya. Paano ko nalaman?

May nakalagay na Mayor’s Office, at ang laki pa ng pangalang nakalagay sa pinto pati sa mesa nitong tambak ng mga folder at papel.

“Malapit na ang lunch time kaya dito tayo kakain.” Sagot ni Alex saka nilagay sa sofa ang mga folder at papel.

“E bakit dito?”

“Bakit hindi? May gaganaping malaking salo-salo sa labas para sa mga mamamayan mamaya. At syempre dahil ayaw kong makipaghalubilo ngayon sa mga tao, dito nalang tayo.” Kumindat ito.

“Bakit ayaw mo?”

“Kasi nga, paghaharap ako sa kanila paniguradong mabi-busy ako kaka-entertain. Ayaw ko namang mabawasan ang oras ng bonding natin.”

“Ikaw bahala.” Sagot ko nalang at nanahimik na.

Pinalibot ko ang aking paningin sa buong silid. May kalakihan ito kaso puno ng mga kagamitan kaya nag mukhang masikip. May mga litrato ng mga nag daang mayor dito sa probinsiya. Sa likod naman sa upuan ng Mayor ay ang malaking litrato nito na naka barong. Napaka-amo ng mukha, mana si Alex.

Maya’t-maya ay may kumatok sa pinto. Agad namang tumayo si Alex para buksan.

Pumasok ang may katandaang babae. Tulak-tulak nito ang cart na may mga pagkain.

“Ilagay mo nalang diyan sa mesa ni Daddy.” Wika ni Alex at isinara ang pinto.

Ngumiti ako sa babae nang dumapo ang paningin nito sa akin. Sandali niya akong sinuri saka ngumiti pabalik. Mukhang mabait naman ang ginang na ’to.

Inilapag nito sa mesa ang mga putahe. May mga takip pa iyon kaya hindi ko alam ang laman. Pero naamoy ko naman at sa tingin ko ay masarap iyon.

“Tapos na ho sir Alex.” Wika ng babae nang matapos niyang ilagay ang mga pagkain sa mesa.

“Sige. Paki sabi na rin kay Daddy na andito na kami. Salamat.” Si Alex na ang nag bukas ng pinto.

“Opo, sir Alex.” Tumango ang ginang saka lumabas ng pinto.

“Sino ’yon?” Tanong ko kay Alex nang maka-upo ito sa upuan ng daddy niya.

“Kusinera dito sa munisipyo.” Sagot niya at binuksan isa-isa ang mga kasirolang nakatakip. “Let’s eat. Nagugutom na rin ako.”

Napatingin ako sa mga iba’t-ibang putahing nakalatag, lahat mukhang masarap pero mas mukhang masarap ang naka-chop na lechon baboy. Paborito ko rin ’to e! Lalo na ang mala-chicharon nitong balat sa crispy!

“Ang dami naman ata nito.” Saad ko at nag umpisa nang mag sandok ng kanin.

“Ewan ko rin. Baka si Daddy ang nag sabing damihan.” Kibit-balikat niyang sagot at nag-umpisa naring sumandok ng kanin.

“Paano pag hindi natin ’to mauubos?”

“Edi ipapaubos natin mamaya sa mga staff dito.” Natatawa niyang sabi habang sumusubo. Kumuha ito ng balat ng lechon saka nilagay sa plato ko. “Kaya huwag mo nalang iyon alalahanin. Kumain ka nalang. Alam kong paborito mo ’yan. Remember noong elementary pa tayo?”

Natawa naman ako. “Oo naman no.”

Naalala niya pa pala no’ng may baon itong lechon at sabay pa kami noong kumain.

Elementary pa kami no’n at kami lang ang naiwan sa classroom dahil lahat ng kaklase namin ay umuwi, lunch break na kasi. Umuwi pati si Pat ang matalik kong kaibigan no’n . Na diko pa nakita simula noong nakauwi ako dito sa probinsiya.

Pakbet ang ulam ko at dahil hindi pa kami masyadong close noon pinili kong ma-upo sa likuran niya. Nahihiya rin kasi ako. At mukha talaga itong masungit. Hindi palakibo at palaging nag-iisa simula pre-school hanggang Grade-4. Takot akong baka laitin niya ako kaya mas pinili kong umiwas.

Nang buksan ko ang aking baon ay umalingasaw ang mabangong amoy ng pakbet ni Inay. Nakita kong lumingon si Alex at tumingin sa baon ko. Napa-yuko naman ako at akmang tatayo nang mag-salita ito.

“Anong ulam ’yan?”

Tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya nang may pakunot-nuo.

“Hindi ka pa nakakain ng gulay?”

Balik tanong ko.

“Syempre nakakain na pero hindi ganiyan. Ngayon pa ako nakakita ng ganiyan saka ang bango ng amoy.”

Mangha niyang sabi.

“Gusto mo?”

Nakangiting alok ko sa kaniya. Umaliwalas ang mukha nito at magiliw na tumango-tango.

“Talaga? Puwede akong manghingi?”

“Oo naman!”

Pinaikot nito ang armchair para magkaharap kami. Nakita ko namang lechon baboy pala ang ulam niya.

“Madalas ka bang kumakain ng ganito? Ang sarap naman! Sino ang nag-luto?”

Bakas sa mukha niya ang pagkatakam.

Tumango ako.

“Oo naman. Paborito kasi namin ’yan ni papa at si mama ang nag luto.”

“Wow talaga? Puwede palit tayo? Sayo na itong lechon ko tapos akin na ’yang pakbet mo.”

Nakangiti niyang sabi. Napa maang naman ako. Seryoso ba ’to? Eh halos pag may okasyon lang ako nakakakain ng lechon tapos ipamimigay niya lang?

“Seryoso ka ba?”

“Mukha bang hindi? Saka mas masarap kaya ang ulam mo kaysa sa ’kin.”

Sabi niya at pinalit ang ulam namin.

Simula no’n ay palagi na kaming nagsasama. Sabay narin kaming kumakain.

“Uy. Asan na pala ’yong kinakasama mong si Pat?” Kalaunan ay tanong nito nang matapos na kaming kumain.

“Hindi ko pa nga nakita dito e. Saka hindi ko na rin nakakausap ’yon simula noong grumaduate tayo sa highschool.” Sabi ko nalang.

Sobrang nabusog ako sa pagkain. Nasobrahan ata ko sa kain e. Tinatamad na tuloy akong tumayo.

“Pag nakita mo, sabihan mo ako ah?”

Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Huh? Bakit naman?”

“Kasi inagaw ko ang kaibigan niya.” Tumawa ito. Pero hindi masaya. “I just want to say sorry. Palagi kasing ako ang kasama mo simula noong unang usap natin.”

“Ahh sige ba!” Sagot ko nalang. Kahit may pagtataka ay ngumiti nalang din ako.

Ang weird kasing mag so-sorry dahil lang doon. Saka si Pat naman dati ang kusang lumayo sa amin. Ewan kung bakit.


P

agod akong na-upo sa sementong upuan pagkatapos naming sinubukan halos lahat ng rides. Nalula na ako lalo na sa viking! Muntik na akong masuka! Feeling ko kanina ay katapusan ko na!

“Okay ka pa?” Natatawang tanong ng gago kong kasama na si Alex. Umupo ito sa tabi ko na hiningal. Malamang, nakiki-sigaw rin kanina. Dinaig pa kaming lahat sa sigaw nito.

“At nagtanong ka pa talaga ha?” Sarkastikong tanong ko pabalik.

Nakakainis! Kanina pa ako reklamo ng reklamo pero hindi man lang ako pinakinggan. Panay lang ito kakahila sa akin. Sabi pa nito, ’ sayang ang gabi kung hindi natin

susulitin

’. Kaya nagpahila nalang din ako at nakisabay sa trip niyang halos ikamatay ko na.

“Bakit? Pumayag ka naman ah?” Humagikhik ito.

“Pinilit mo kasi ako! Kanina pa kaya ako reklamo ng reklamo sa iyo pero ’di ka naman nakikinig!” Umirap ako.

“Sus! Nagpahila ka naman so wala akong kasalanan.”

Kinurot ko ito sa gilid dahilan para mapa ‘aww!’ ito.

Tumingin ako sa paligid. Puno ng iba’t-ibang ilaw ang buong lugar at halos mabingi ka sa ingay. May nagsisigawan na nanggaling sa rides, may nagpapatugtug, may nagbi-bingo at ang iba ay nagka-karaoke.

“Juice? Gusto mo?” Alok ni Alex sa akin. Nakalahad ang kamay nitong may hawak na juice.

Nakabili agad ito? Ang bilis naman ata?

O baka naaliw lang talaga ako sa mga rides kaya hindi ko namalayang umalis ito sa tabi ko. Siguro nga ganoon.

“Salamat!”

“No problem.”

Aliw na aliw kami pareho sa mga tao habang nakaupo pareho sa sementong upuan. Maya’t-maya ay may lumapit sa amin.

“Niño?” Wika ng lalaki.

Saglit akong napatingin sa kaniyang mukha. Para kilala ko to…

Wait! “Kuya Jay?!”

“Ako nga! Kumusta ka na niño?” Magiliw na tanong nito.

“Okay naman, kuya. Ikaw?”

“Okay lang din.” Nakangiting sagot nito.

Naging magkaibigan rin kami ni Kuya Jay noon dahil malapit ito kay papa. Tumutulong it minsan sa mga gawaing bukid. Sobrang bait ng lalaki na ’to.

“Ano pala ang ginagawa mo rito Kuya?” Kalaunan ay tanong ko nang tahimik lang nitong pinapanood ang mga tao.

“Gumagala. Walang trabaho e kaya aaliwin ko muna ang sarili ko.” Sagot nito.

“Talaga? Saan ka nagtatrabaho ngayon, Kuya?” Puno ng kuryusidad na tanong ko. Ang alam ko ay nakapagtapos ito e.

“Sa Hacienda Villanovan.” Wika niya. “Nakita nga kita doon e. Close pala kayo ng Don?”

Para naman akong nahiya sa sinabi niya. Doon pala ito nagtatrabaho, hindi ko man lang nakita. Pero sabagay, malaki rin kasi ang hacienda. Ilang ektarya din ang nasasakupan nito.

“Hindi naman

gaano

.“ Pagsisinungaling ko.

’ Ay wow,

niño

. Hindi raw masyado e

nanligaw

na nga sayo.’ Sab i ng kabilang parte ng isipan ko.

“Naka-uwi na ba siya?”

“Oo. Kaninang umaga pa.”

Umuwi na pala ito. Bakit hindi man lang nag txt sa akin. Three days itong nawala at noong unang araw lang ito nag txt kalaunan ay wala na. Inisip ko nalang na baka busy ito.

“By the way… Sinabi niya na ba?”

Napakunot naman ang nuo kong napatingin kay Kuya Jay. “Ang alin, Kuya?”

“Tungkol sa lupa niyo.” Tumingin ito sa akin. “Akala ko ay nasabi na niya kaya ka pumunta sa mansyon niya.”

“Huh? Anong meron sa lupa namin?” Naguguluhan kong tanong.

Wala namang binanggit si Hades sa akin tungkol sa lupa sa tagal naming nagkikita. Saka anong kinalaman nito sa lupa namin?

“Mas dumami na kasi ang kabayo sa racho at kailangan ng mag expand ng puwesto pero wala namang bakante sa lupain nito, kaya I suggested na baka puwede niyang bilhin ’yong sa inyo. Total magkasikbit naman ang sakahan niyo at ang rancho ng Don.” Wika ni Kuya Jay.

Napamaang ako sa sinabi nito. Hindi ako nakapagsalita. Bakit hindi ’to binanggit ng Don sa akin?

“W-wala ho siyang sinabing ganoon sa akin.” Walang gana kong saad sa kaniya.

Kahit kailan ay hindi ko naisip na ibenta ang iniwang ala-ala ni papa. Hindi sumagi sa isip ko na ibenta iyon kahit na naghihirap ako noong nagkasakit si mama.

“Ganoon ba? Akala ko kasi pumayag ka agad. Balita ko ay tinulungan ka niya noon, akala ko na bayad iyon dahil pumapayag ka ng ibenta ang lupain ninyo.” Nagkibit-balikat ito. “Alam ko na kasi si Don Hades. Hindi ito basta bastang nag lalabas ng pera o tumutulong kung wala siyang makukuha sa iyo. He’s wicked. Kayang gawin lahat kahit maapakan ka na niya para lang lumago ang negosyo niya. Money is everything for him.”

Napamaang ako sa sinabi ni Kuya Jay.

Hindi ko alam kung ano ang i-re-react sa sinabi niya. Parang hinampas ng maso ang puso ko dahil sa nalaman.

Kaya ba ito ang unang lumapit sa akin noon dahil may balak ito? Kaya ba niya ako tinulungan sa mga bagay dahil may kailangan ito sa akin?

“Okay ka lang, Niño?” Ang tanong ni Alex sa akin.

Tumango ako. “Okay lang ako.”

“Sigurado ka? Bakit naging matamlay ka bigla?” Tanong ulit ni Alex na may pag-aalala sa boses.

“Wala. Okay lang ako.” Mapait akong ngumiti sa kaniya. “Mauna na akong umuwi.”

“Huh? Pero seven pa lang ng gabi ah? Ang usapan natin ay mamaya na tayo uuwi pag tapos na ang opening ng pageant.” Hinawakan nito ang kamay ko pero kinabig ko iyon.

“Uuwi na ako.” Tipid kong sabi.

“Okay. Uuwi narin ako. Total wala na naman akong kasama. Hatid na rin kita.” Tumayo na ito.

“Maiwan ka nalang dito. Pupuntahan ko pa ang Don.” Sagot ko naman at tumayo na rin.

“Edi ihahatid kita doon.” Presenta niya. Tumango nalang ako dahil ayoko na rin munang makipag-usap. Para akong nawalan ng gana sa nalaman.

“Okay.” Bumaling ako kay Kuya Jay. “Mauna na kami Kuya.”

Pagkasabi no’n ay tumalikod na ako. Naglakad kami ni Alex papunta kung saan naka puwesto ang kaniyang motor.

“Total ikaw na ang nag represintang ihatid ako, samahan mo nalang rin ako kila Don Hades.

“Ano ang gagawin mo sa mansyon ng Don?” Tanong ni Alex saka pinasuot ang helmet sa akin.

“May pag-uusapan lang kami.” Sagot ko ang sumakay na rin sa motor ni Alex.

Habang nasa daan ay ikinuwento ko sa kaniya ang tungkol sa amin ni Don Hades. Simula sa una naming pagkikita. Ang pag tulong nito sa akin pati ang panliligaw nito sa akin. Ang pagtatalik lang namin ang nilihim ko. Nakakahiya naman kung pati iyon ay sasabihin ko pa.

“Galit ka ba sa nalaman mo? Kanina ka pa hindi mapakali.” Saad niya nang makapasok kami sa malaking gate.

Umiling ako. “Hindi.”

Totoong hindi. Nabigla lang ako sa nalaman. Gusto ko rin munang marinig ang dahilan nito.

Pinaharurot niya ang motor hanggang sa makarating kami sa harap ng pinto ng mansyon nila.

“Nay Simang. Andito ba ang Don?” Tanong ko sa palabas na si Nay Simang.

“U-uy, Niño. Andito ka pala.” Tumingin ito kay Alex at bumaling ulit sa akin. “Oo. A-andito na ang Don.”

Gusto ko pa sana itatanong kung bakit ito nauutal pero nagmamadali ako kaya agad akong pumasok. Nakalimutan ko pang magpasalamat. May sinabi ito pero ’di ko na narinig.

Pagkapasok ko sa mansiyon ay bumungad sa akin ang maliwanag na at malaking sala ng mansyon.

Agad hinanap ng mata ko si Hades at nakita ko itong nakangiting nakaupo sa sofa. Hindi sa akin nakangiti kundi sa magandang babaeng kausap nito.

Aagawin ko na sana ang atensiyon nito nang halikan nito ang nuo ng babae at matamis na ngumiti dito. Hinimas pa nito ang tiyan ng babae.

Hindi naman malaki ang tiyan nito pero buntis ba ’to?

Halos hindi ako makagalaw sa nakita. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko hanggang sa mawalan ng lakas ang tuhod ko. Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa nakita.

Ito ba ang totoong dahilan kaya ito nawala ng halos ilang araw? Akala ko ba ay mahal na niya ako? Bakit may kasama itong babae? At ang mas mapait ay parang buntis ito.

Kaya pala hindi maganda ang kutob ko.

“Niño?” Rinig kong sabi ni Hades.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko at tumayo. Walang lingon-lingon kong hinila si Alex palabas.

Pagkalabas ng pinto ay narinig kong naduduwal ang babae.

So buntis nga?

“Niño. Kausapin mo muna.” Wika ni Alex habang nakatayo kami sa gilid ng motor niya.

“Sapat na ang nakita ko Alex. Bakit ba kasi ako nagpaloko sa mga pinakita nito. Hindi ko naisip na isa parin itong babaero na puro pera lang ang laman ng utak at takot matali. Umasa pa ako.” Patuloy sa pag agos ang luha ko.

“Niño!” Humihingos na tawag ni Hades sa akin. Hinihingal itong lumapit sa amin pero bago pa ito tuluyang makarating sa pwesto namin ay kusa nang sinalubong ito ni Alex at binigyan ng malakas na suntok.

“Gago ka! Pinaasa mo pa talaga ang kaibigan ko!” Galit na singhal ni Alex. “Ang mga babaerong katulad mo ay hindi nararapat sa puso ni Niño. Masyado siyang anghel para sa demonyong katulad mo!”

At tumlikod na si Alex. Si Hades naman ay nakatingin lang sa amin habang sapo-sapo ang pisnging nadapuan ng kamao ni Alex.

“Let’s go, Niño.” Wika ni Alex at pinasuot sa akin ang helmet.

Sumakay na ito sa motor at ganoon rin ako. Narinig ko pa ang papalapit na yapak ni Hades pero mabilis na pinaandar ni Alex ang motor.

“NIÑO!” Sigaw ni Hades pero hindi na ako lumingon.

Kung mahal nga niya ako ay sasabihin niya ang totoong ginawa niya sa mga araw na wala ito. Pero kahit txt ay wala man lang itong paramdam. Hindi rin ito tumawag.

Siguro nga ay ginamit niya lang ang kahinaan ko para sa kaniyang pakay. Maaaring tama nga ang ibang tao na tuso si Hades Villanovan at walang sinasanto kahit na sino. Wala itong paki-alam sa damdamamin ng iba.


Itutuloy

… (╭☞•́⍛•̀)╭☞

Click ☆ = ★

CHAPTER 10 (END)

After one year…

Hades Villanovan’s

POV

Dalawang buwan na ang nakalipas simula no’ng mamatay si Jasmine. Ang babaeng nagdala at nagluwal sa anak ko ng siyam na buwan.

Hindi ko akalain noon na hahantong ako sa ganitong sitwasyon. Pagkatapos ng mainit na pagtatalik namin ni Jasmine sa isang hotel ay nag bunga pala iyon. Saka ko na naalala na hindi pala ako gumamit ng condom.

I never hesitate na akuin ang responsibilidad dahil alam kong akin talaga ang dinadala niya. Ang rason ay, birhen pa ito nang magtalik kami, kaya there’s no fucking way na hindi sa akin ang bata.

Pero kahit na ganoon ay hindi ko parin maiwasang mag duda. Agad lang din nawala nang niluwal niya ito kasabay ang pagkawala niya dito sa mundo.

Halos isang taon na pala itong nag-titiis sa kaniyang sakit na heart cancer. At dahil ayaw niya raw mamatay na birhen ay nagpa-ubaya siya sa akin. Napaka-walang kwenta ng rason niya pero malaki naman ang pasalamat ko doon. Ibinigay niya sa akin ang isang kaperaso ng buhay ko na matagal ko nang hinahanap. At ’yon ang anak namin na si Baby Zayn.

But of course, may kulang pa. Hindi parin sapat ang kasiyahang ito sa buhay ko dahil may isang pang pirasong nawawala.

Si Niño.

Si Niño ang nawawalang piraso sa buhay ko. After kong umalis sa probinsiyang iyon ay palagi itong laman ng isip ko. But I have to do my responsibilities. Tanging sa malayo ko lang ito tinitingnan.

Iniwan ko si Niño dahil sa responsibilidad ko kay Jasmine. Ayokong makitang nasasaktan si Niño kaya ako umalis. Mas okay nang masaktan ko ito ng isang beses kaysa makita niyang inaalagaan ko ang babaeng nabuntis ko. Kung pinaalam ko sa kaniya ay tiyak na ililihim nito ang pagseselos at araw-araw itong masasaktan sa magiging set-up.

Humiling ang mga magulang ni Jasmine na alagaan ko siya hanggang sa huling hininga nito. Sabi ng doctor ay hanggang isang taon lang ang itatagal nito pero nang ipanganak niya ang anak namin ay hindi na nito nakayanan ang sakit. Pumanaw ito pagkatapos ng panganganak.

Ibinilin niya pa sa akin na gawin ko ang bagay na makapagpasaya sa akin, tiyak na iyon rin ang makapagpasaya sa anak namin. She was so kind. Akala ko ay kagaya siya ng ibang babae but no. Mabait si Jasmine at ang pamilya niya, and we became friends. Malayong-malayo ang Jasmine na nakilala ko noon sa Jasmine na pinakita niya sa akin that night.

Alam rin niya ang tungkol kay Niño at palagi niyang sinasabi na balikan ko ito. Kaya sabi ko ay saka na. She said, gusto niyang si Niño ang magsilbing Ina ni Baby Zayn at ako naman ang ama. That idea hits me.

Kaya hito ako ngayon para balikan ang pinakamamahal ko.

“Ma, huwag na kayong umiyak. Babalik rin naman kami agad ng anak ko pagkatapos ng gagawin ko sa probensiya ng San Martin.” Alo ko sa aking ina na umiiyak habang nakaupo ito sa wheel chair.

“Mami-miss ko kasi ang apo ko, Hades.” Wika nito habang pinapahiran ng tissue ang mga luhang umaagos sa pisngi.

“Ma, babalik agad kami pangako.” Humalik ako sa kaniyang pisngi.

“Sigurado ’yan ha?”

“Oo naman, mommy.”

After a year ay sa wakas babalik narin ako sa probinsiya. Babalik ako hindi para sa hacienda ko kun’di para kay Niño.

Flashback…

“Ano ang kailangan mo dito, Hades?”

Malamig na wika ni Alex nang makita niya ako.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I am here to ask a favor.”

Kaagad kong sabi na nagpalalim sa gatla ng nuo niya.

“At bakit ko naman gagawin?”

“Kasi alam kong gusto mo ring maging masaya ang kaibigan mo.”

Confident kong sagot.

He tsked.

“Gusto nga. Ano naman ngayon? Gusto mong patayin kita kasi sinaktan mo ang matalik kong kaibigan?”

“Gusto kong bantayan mo siya habang wala ako. Huwag mong hayaang mahulog siya sa ibang lalaki.”

“Nahihibang ka na ba? Bakit ko naman gagawin ’yon? At anong pakialam mo kung may didikit man sa kaniya? Alalahanin mong sinaktan mo siya kagabi, gago!”

Singhal nito sa akin.

“Just do it.”

Ang sabi ko.

“Hindi. Hindi ko pipigilan si Niño kung kanino man siya lalapit. Gusto kong malimutan ka na niya. Ayokong mapunta siya sa gagong katulad mo, Hades!”

Umiling ito.

“Gagawin ko ang gustong mong ipagawa. O kung gusto mo bayaran kita. Just please! Do it for me and for your bestfriend.”

Damn! Kahit kailan ay hindi ko pa sinubukang magmakaawa. Never in my wildest dreams na gagawin ko ’to pero heto na nga’t ginagawa ko na.

Everything for Niño. Gagawin ko ang lahat para sa kaniya.

“Kahit anong gusto ko, Hades?”

I saw him smirked, pero hindi ako nagpatinag.

“Ang totoo ay gusto kitang upakan ngayon pa lang. Hindi mo man lang agad siyang sinundang gago ka? In-expect niyang susunod ka sa bahay nila kagabi para manghingi ng tawad pero hindi ka man lang sumipot! Gago.”

“I know. Gustuhin ko man pero hindi ko magawa. I have responsibilities to do, at ayaw kong saktan ng labis ang kaibigan mo…”

Ikinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari.

Lahat-lahat ay sinabi ko na.

“At sa tingin mo ay papayag ako kung gayon ay nakabuntis ka pala? Gago ka talaga, Hades.”

Hindi ito pasigaw pero mag galit sa boses niya.

I sighed.

“That night noong nagtalik kami ni Jasmine was happened before I met Niño, Alex. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko pero sana naman ay tulungan mo ako. At hindi ko magagawang iwan nalang basta-basta si Jasmine. Walang kasalanan ang bata kaya gagampanan ko ang pagiging ama dito. Responsibilidad ko rin siya. And since nangyari na ang nangyari kagabi, hindi nalang muna ako magpapakita kay Niño. Ang gusto ko lang naman sana ay ilihim ang tungkol kay Jasmine para hindi ito masaktan pero sadyang mapaglaro ang tadhana.”

“Hindi mo ba mahal ang babaeng ’yon?”

Kalaunan ay tanong ni Alex sa akin.

“Of course not! Balak ko lang naman gawin ang responsibilidad ko sa kaniya.”

Mabilis kong sagot.

“Paano kung gagaling si Jasmine? Anong gagawin mo?”

“Babalik parin ako. Basta gawin mo lang ang gusto ko.”

Saglit itong napa-isip.

“One year, Hades. Bibigyan kita ng isang taon. Pero kung walang Hades na susulpot dito pagkatapos ng isang taon, magpasensyahan na tayo.”

“I promised. Now tell me, anong gusto mong kapalit?”

Ngumisi ito.

“Si Pat.”

“Pat? You mean ang katulong kong si Pat? Anong meron sa kaniya?”

Naguguluhan kong tanong.

“Gusto kong ilipat mo siya rito sa bahay. Hayaan mong ako ang pagsilbihan niya.”

“At bakit ko naman ibibigay sayo ang isa kong katulong, Alex?”

“Because I like him, no. Mahal ko na siya.”

Seryosong sabi niya.

“You can court him.”

Suhestiyon ko.

“Gusto mo bang gawin ko ang gusto mo?”

May pagbabanta sa boses nito. Fck! I know this time hindi ako puwedeng humindi. Isa akong tosong tao at ayaw kong natatalo ako sa usapan pero for Niño’s sake!

“Fine! Fine!”

Itinaas ko ang dalawang kamay bilang pagsuko.

“Gagawin ko ang gusto mo basta gawin mo rin ang gusto ko.”

Nakangiti itong tumango.

“I will. At gusto kong mamayang gabi agad ay andito na sa bahay si Pat. Tagal ko na siyang hinanap, nasa mansyon mo lang pala.”

“That’s because hindi ko pinapalabas ang mga katulong ko. At umalis na si Pat sa malupit niyang tiyahin kaya sa mansiyon na siya namalagi.”

Sabi ko.

“Pero paano mo siya nakita?”

“Nahagip nang mata ko kagabi sa mansiyon, pare. Damn! Bumalik ang nararamdaman ko sa kaniya since elementary.”

Abot taynga ang ngiti nito.

“Kahit pumayat ito ay agad ko parin siyang nakilala. My heart skipped.”

Dugtong niya.

“And I thought you were straight.”

Natatawa kong sabi.

“I’m not. Pareho lang naman tayo.”

Tawanan…

“Sige. Mauna na ako, Alex. Ang usapan ha?”

Paalam ko.

“Sure. Basta

tuparin

mo rin ang gusto ko.“

“I will.”

**

“Sige, mommy. Ingat ka dito.” Bilin ko.

“Kayo rin ng apo ko. At siguraduhin mong pagbalik mo dito ay dala mo na ang mapapangasawa mo. I want to see him!” She giggled.

Natawa naman ako. “Noted. Bye mom.”

“Let’s go, Nay Simang.” Baling ko sa matanda na karga-karga si Baby Zayn.

Tumango si Nay Simang at sumakay na sa kotse. Agad naman akong pumasok at saka iyon pinaandar.


Niño

Sandoval’s

POV

“Alex? Bakit mo ba ako pinapunta dito sa mall niyo?” Ang wika ko sa telepono pagkarating dito sa mall nila Alex.

“Kasi nga birthday mo ngayon. At dahil wala akong ibang maisip na regalo, bigyan nalang kita ng permisong mag shopping sa mall, lahat ng gusto mo, kunin mo. Walang bayad ’yan. May mag a-assist sayong salesman diyan. ENJOY!” Iyon lang ang sabi niya at pinatayan na ako ng tawag.

Aba at loko ’yon ah? Patayan ba naman ako ng tawag?

Uuwi nalang kaya ako? Pero andito narin naman ako at sayang rin ang offer no!

Nakakahiya nga lang! Pero sige. Kakapalan ko na ang mukha ko, total naman ay ang mismong may-ari na ang nagsabi.

Ibinalik ko sa bulsa ang cellphone ko— cellphone pala ni Hades. Siya naman ang bumili nito. At kahit galit ako sa kaniya, nasasayangan naman ako dito no.

Simula noong umalis ito ay halos gabi-gabi akong umiyak ng patago. Hindi ko akalaing ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. I love him so much at akala ko ay ganoon rin siya pero after that night, hindi na ito nagpakita pa. Akala ko ay susundan niya ako para manghingi ng tawad pero wala e. Umasa lang ako.

Bakit nga naman ako susundan no’n e una sa lahat hindi naman ako ganoon ka gwapo at higit sa lahat, lalaki ako. Masyado lang akong assuming na mahalin ako ng isang lalaking halos sambahin na ng mga kababaihan. Ng lahat.

Para narin itong prinsipe dahil sa antas nito sa buhay, samantalang ako? Heto at nanatiling nasa baba.

Sa taong nakalipas ay sinubukan ko siyang kalimutan. Ginugol ko nalang ang oras ko sa trabaho at kahit papano ay nakalimutan ko naman si Hades.

Halos mag isang taon narin simula noong makapasok ako sa Elementary school dito sa bayan. Dahil sa tulong ni Alex ay nakapagtrabaho ako bilang ganap na taga-turo dito. Kahit papano ay nakatulong ang trabaho ko para malimutan ang lalaking minahal ko. Pero ’yon nga lang ay hindi pa ako ganoon na naka-move on. May kaunting galit parin sa puso ko pero tiyak na malilimutan ko rin ito. Soon.

“Ikaw ho ba si Sir Niño?” Bungad ng lalaki na naka-unipormi pagkapasok ng pagkapasok ko sa mall.

“Ako nga po.” Nakangiting tugon ko.

Ngumiti naman ito. “Ako nga pala ang inatasan ni Si Alex na i-assist ka dito. Kahit ano pong kunin ay free lang para sa inyo. Happy birthday po!”

Magiliw na bati niya. Mukha namang mabait ang isang ’to. At saka ka-vibes kami. Binabae rin kasi kung gumalaw. Pero mukhang mas matanda ako o sandiyang baby face lang talaga ito?

“Nako salamat! Saka huwag mo na akong i-sir, ano ka ba. Niño nalang itawag mo sakin. Mukhang magka-edad lang naman tayo.” Wika ko.

“Hindi ho iyon puwede, magagalit si sir Alex.” Nakangiting sagot nito.

“Hindi ’yan. At kung magagalit man, ipapaputol ko sa asawa niyang si Patrick ang kaniyang tinatagong kayamanan.” Biro ko.

Tawanan lang kami.

Sobrang bilis ng panahon. Ikinasal na si Alex kay Pat, ang kaibigan ko noon. Nalaman kong since elementary pa lang pala ay nagkagusto na si Alex dito.

Pagka-graduate namin sa highschool ay hindi na namin ito nakita pa. Akala namin ay nag-aral ito at sa syudad na nagtatrabaho kaya hindi na namin mahagilap dito pero nagkamali kami.

Ang sabi ni Alex ay naninilbihan si Pat sa mansiyon ng Don. At lumipat raw ito sa mansiyon nila at ang gago auto tanggap naman.

Ang saya ng love story nila. Parang nasa mga nobela lang. Literal na mapapa- sana all ka nalang talaga!

Sa side ko naman ay masaya akong muli kaming nagkita ng nagsilbi kong kaibigan noong pre-school hanggang grade four. Masaya ako para sa kanilang dalawa.

“Sir, dito tayo.” Aya ng salesman sa akin. Sinundan ko naman ito.

“Dito muna tayo sa mga groceries saka tayo pupunta sa ibang section. Pili nalang ho kayo, Sir.” Wika niya nang tumigil ito sa paglakad.

“Ahhh sige, salamat!” Sagot ko at naglagay ng mga needs lang sa bahay kagaya ng mga preservative foods lang para naman may stock kami ni mama.

“Kumuha rin kayo ng chocolate, sir. At nga chichirya.” Ang sabi nito.

“Nako. Ito nalang mga kailangan ko sa bahay at nakakahiya na kay Alex.” Sagot ko naman.

“Nako! Sayang naman ho. Saka huwag kayong mahiya. Mabait talaga ’yang si Sir. Ganito nga rin ang christmas bonus namin dito e. Free shopping sa halagang 10k kada empleyado.” Masayang aniya.

“Ay wow! Sinabihan mo sana ako para dito nalang ako nag apply!” Biro ko.

Tawanan kami ulit. Buti nalang at hindi nakaka-ilang itong pina-assist sa akin ng Alex kung hindi ay baka isang lata lang ang kinuha ko.

“Ahhh sir? Kilala niyo ho ba ang guwapong nakatingin sa inyo?” Agaw ng salesman sa atensiyon ko.

Napatigil naman ako sa pagkuha ng mga noodles saka sinundan kung saan man ito nakatingin.

Napakunot ang nuo ko nang wala naman akong nakitang gwapo kuno.

“Wala naman ah? Saka may ibang guwapo pa ba bukod sa amo niyo dito?”

“Meron akong nakita e.”

“Ay nako! Baka multo lang iyon!” Biro ko.

“Gwapo naman ng multong ’yon.” Kinikilig na aniya. Pabiro naman akong umirap.

Medyo maharot ah?

Muli kong binaling ang atensyon ko sa piniling mga groceries. Kumuha ako ng mga sardinas, beef loaf, corned beef at iba pang delata.

Kakapalan ko nalang ang mukha ko!

“Ahhh sir? Nakatingin na naman sa inyo ang lalaki.” Saad niya.

Para namang tumayo lahat ng balahibo ko sa leeg nang wala akong makita sa tinitignan nitong deriksyon.

“Huy ikaw ah? Hindi magandang biro ’yan. Matatakutin ako.” Sabi ko.

“Hindi ho biro ’yon. Totoo pong may lalaking nakatingin sa inyo. Kaso agad na umalis nang tumingin kayo sa gawi niya.” Wika niya. “Sa tingin ko po ay nasa late thirties na ito o mga forty plus. Hindi ko ho mawari e. Pero gwapo po talaga.”

Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Pero imposible namang siya iyon. Matagal na ’yong umalis dito sa probinsiya at natitiyak akong may asawa’t anak na ito ngayon. At masaya na sila. Kaya napaka-imposibling magpaparamdam ito sa akin.

“Guni-guni mo lang iyon.” Sabi ko nalang at muling binaling ang atensyon sa ginagawa. Hindi na rin kumibo ang kasama ko.

Maya-maya ay naisipan kong pumunata sa kabilang banda. At habang maglalakad ay ramdam kong nakasunod lang ang salesman sa akin. Pero bakit nag-iba ang pabango nito? Wala namang ibang tao dito sa section na ’to bukod sa amin dalawa. Unless…

Lilingon na sana ako nang may biglang magtakip sa mata ko gamit ang isang kamay. Ang isang kamay naman ay niyapos sa baywang ko.

Natigilan ako. Hindi ako nakagalaw, hindi rin ako nakapagsalita. Umalingasaw ang pamilyar na bango nito.

“I missed you.” Ang tanging narinig kong lumabas sa bibig nito. Mainit na mabango ng natural nitong hininga.

Dahil sa boses ay nakilala ko ang lalaking nagtakip sa mata ko kahit na medyo nag-iba na iyon. Mas lumalim kasi at medyo lumaki ng kaunti, pero hindi hadlang iyon para hindi ko matukoy kung sino ito.

Hindi parin ako makagalaw, hindi dahil nakakulong ako sa bisig niya kundi dahil napako ako sa kinatatayuan ko.

“Do you missed me too?” Anito.

Pasimple akong humugot ng lakas sa push-cart na tulak-tulak ko kanina dahil parang mawawalan ako ng balanse. Biglang nganginig ang aking tuhod sa hindi ko malamang kadahilanan. Wala naman akong rayoma, diba? Sadyang nawalan lang ako ng lakas dahil sa ginawa niya.

“B-bitawan mo ako, H-hades!” Ang pasinghal kong sabi ay nauwi sa pagka-utal. Napakagat ako sa aking pang ibabang labi dahil sa hiya.

“Parang ayaw ata ng katawan mong bitawan ka.” He chuckled.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bumalik ang pakiramdam ko noong una naming pagkikita. Pero mas malakas pa kaysa dati ang kabog ng dibdib ko ngayon.

Jusko! Mamatay ako dahil sa lalaking ’to!

Humugot ako ng hiniga. “Bitawan mo ako, Hades.”

“Paano kung ayaw ko?” May panghahamon sa boses nito.

Ang totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano ang gusto ko. Ayaw kong bumitaw ito sa akin pero may parte rin sa akin na gusto itong bugbugin.

“Bitawan mo ako kung ayaw mong sumigaw ako ng malakas dito.” Banta ko.

Tumawa naman ito at tinanggal ang nakatakip na kamay sa mata ko. Saglit akong napakurap-kurap dahil bahagyang nanlabo ang mata ko. Hindi pa ako nakabawi nang maramdaman ko ang kaniyang labi sa aking pisngi. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.

“Damn, baby! I really missed you—–awww!” Napabitaw ito sa akin nang tadyakan ko ang niyan paa.

“Ang kapal ng mukha mong gago ka!” Singhal ko pagkaharap sa kaniya saka siya sinampal ng buong lakas.

“Fuck!”

“Kulang pa ’yan sa ginawa mong panloloko sa akin!”

“That was hard, baby––aww! Stop!” Bawat suntok ko ay sinalo niya.

“Kung bumalik ka dito para lang muli akong paasahin, mas mabuti pang huwag ka nalang magpakita pa sa akin, Hades. Ang dati kong naramdaman sayo ay matagal ko nang tinapos.” Malamig kong sabi at muling bumaling sa push-cart. Kaagad ko itong tinulak palayo.

That was all lie. Hanggang ngayon ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya. Nasapawan lang ito ng galit pero kahit kailan man ay hindi ito nawala. Ngayong nakita ko na siyang muli, mas lalong nagwawala ang puso ko. At alam kong isa lang ang ibig sabihin niyon.

I’m still inlove with him.

“Niño! Teka lang. Let me explain!” Humawak ito sa balikat ko pero kaagad ko iyong kinabig. Muli akong humarap sa gawi nito.

“Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag, Hades, dahil sa umpisa pa lang ay wala namang namamagitan sa atin. Walang tayo simula pa noon hanggang sa umalis ka. Hindi naging tayo kaya wala ka nang dapat ipaliwanag pa.” Walang emosyon kong tiningnan siya sa mata saka muling tumalikod.

“May iba na ba?” May pait sa boses nito. Gusto kong umiling at isigaw na siya parin ang mahal ko pero pilit akong nagmatigas. Masyadong masakit ang ginawa niya sa akin.

“Wala ka ng pakialam sa buhay ko ngayon, Hades. Ang importanti ay masaya na ako ngayon. At ituon mo nalang ang atensiyon mo sa pamilya mo.” Huminga ako ng malalim.

“Look, Niño. I’m sorry, please!”

Gusto ko itong yakapin pero mas pinilit kong hindi nalang ito lingunin.

“At tungkol sa lupa namin na gusto mong makuha, matagal ko nang binenta sa inyo iyon. Kabayaran sa mga nagawa mo sa amin ni Inay. Siguro naman ay patas na tayo.” Pasimple kong pinahid ang luhang umagos sa pisngi ko. Humigpit ang hawak ko sa push-cart.

“Hindi mo naman kailanang manakit para lang makuha ang pakay mo, Hades. Dahil makukuha mo naman iyon sa mabuting paraan. Paraang hindi ka makakasakit ng kahit sino man.” Dugtong ko at iniwan ang push-cart.

Bumuhos ang maraming luha sa aking mga mata pagkalabas ko ng mall. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero alam kong tama lang iyon.

Sumakay ako ng taxi at kalaunan ay natagpuan ko nalang ang sarili sa harap ng bahay nila Alex at Pat. Pinahiran ko ang luha ko saka pumasok sa pinto.

“Wala naman siyang binanggit na may iba siyang natitipuhan—– andito pala siya, pare.” Nakatingin si Alex sa akin habang may kausap sa cellphone. “Sige, ingat.”

Pagkababa ng cellphone ay agad itong lumapit sa akin pati si Pat.

“Maupo ka, Niño.” Alok nilang dalawa.

“Bakit namamaga iyang mata mo?” Si Patrick ang nagtanong. Hindi ako kumibo bagkos ay agad akong yumakap sa kaniya. Muling umagos ang luha ko dahil sa sakit na nararadaman at pagsisisi. Nagsisi ako sa mga sinabi ko kanina pero kung sakaling papatawarin ko ito, alam kong masasktan lang ako dahil may pamilya na ito.

“Si Hades ba, Niño?” Tanong ni Alex. Pinahiran ko ang basang pisngi habang tumango-tango.

“Ano ba ang nangyari? Hindi ba’t dapat masaya ka dahil nagbalik na ito?” Tanong ulit niya.

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. “Paano mo nalaman?”

Ikinuwento lahat ni Alex sa akin ang tungkol sa pag-alis ni Hades. Simula umpisa hanggang sa dulo ay wala itong pinalampas. Pati ang tungkol sa usapan nilang dalawa.

Lubos akong nagsisisi dahil hindi ko man lang inalam ang side ni Hades. Parang gusto ko nalang sampalin ang sarili dahil sa kahibangang ginawa ko kanina sa mall.

“Naalala mo ba noong muling nagkasakit ang mama mo at kailangan ng maoperahan dahil sa lung cancer?” Tanong ni Alex. Tumango naman ako.

Naalala ko noong tatlong linggo pagka-alis ni Hades ay muling umatake ang sakit ni mama. Mas malubha kaysa sa nauna kaya kailangang maoperahan. Sobrang problemado ako noon dahil kulang ang pera ko pamapa-hospital. Buti nalang at nagmagandang loob si Alex. Pinahiram niya ako ng sapat na pera panggastos sa nagkasakit kong ina. Ngayon ay nag-iipon ako para mabayaran iyon.

“Hindi sa akin ang perang hiniram mo Niño. Galing iyon kay Hades.” Pag-aamin niya.

“Ano?” Buong akala ko ay galing iyon kay Alex!

“Si Hades ang kusang nagbigay ng perang pampa-opera sa mama mo. Siya ang sumagot ng lahat pati ang sinabi ko noong private room na sinabi kong tulong galing kay Daddy.” Parang piniga ang puso ko. Kahit kailan pala ay hindi ito lumayo sa akin.

“H-hindi ko naman a-alam…” Naiiyak kong sabi.

“Iyon nga ang gusto niya. Alam niyang hindi mo tatanggapin ang alok niya dahil sa nagawa niya kaya pinili niyang ilihim sayo.” Ngumiti ito at nagpatuloy. “Kahit kailan ay hindi ka niya pinabayaan. Alam kong mahal na mahal ka ni Hades, Niño. Kaya sana naman ay mapatawad mo siya.”

Parang piniga ang puso ko sa nalaman. Buong akala ko ay tuluyan na itong nagpakalayo-layo kasama ang asawa nito pero nagkamali pala ako. Bumuhos muli ang mga luha sa mata ko. Pero sa pagkakataong ito ay parang wala ng balak na tumigil. Sobrang sakit sa pakiramdam na hindi ko man lang inalam ang side nito. Padalos-dalos akong nag-isip ng mga hindi nakakatuwang bagay.

Dumaan ang ilang minuto pero ayaw paring tumigil ng luha ko. Paano ko nasabi kay Hades ang lahat ng iyon na hindi ko pa naman alam ang totoong dahilan nito?

God! Napakatanga ko!

Wala naman itong kasalanan dahil ginawa lang nito ang responsibilidad niya. Kahit naman ako ay mas pipiliin kong gawin ang tama.

“Kung puwede ko lang bawiin ang mga sinabi ko kanina. Paano na ngayon? Sigurado akong tuluyan na itong umalis dahil sa mga masasakit na salitang binitawan ko kanina.” Nakatakip sa mata ko ang dalawang palad.

“Mahal mo ba siya, Niño?” Ang tanong ni Patrick.

“Kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Simula palang noong una ay may malalim na akong nararamdaman sa kaniya. I love him so much.” Naiiyak kong sabi.

“I love you too.”

Napatid ako dahil sa malaking boses na sumagot. Parang may pag-asang namuo sa puso ko. Hindi ako nakagalaw hanggang sa naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Agad akong nag-angat ng tingin para tingnan kung tama nga ang hula ko.

Ang luhang saglit na tumigil ay muling bumuhos palabas sa namamaga kong mga mata nang makita kung sino ang yumakap sa akin.

“Hades!” Tanging sambit ko at yumakap pabalik sa kaniya.

“Sorry! Sorry sa mga nasabi ko sayo kanina. Patawarin mo rin ako dahil sa pagtaboy ko sa iyo sa mall. Sorry kung hindi ko man lang inalam ang side mo. Nagpadaig ako sa galit na emosyon sa aking puso. Patawad!” Mahigpit akong yumakap sa kaniya pabalik. Hindi na ako mag-aaksaya ng panahong manghingi ng tawad.

“Shhh tahan na.” Alo niya sa akin. Bahagya niyang hinimas-himas ang aking likuran. “Ako dapat ang manghingi ng tawad dahil sa nagawa ko sa iyo. Patawad kung hindi ko nasabi ang totoong dahilan nang pag-alis ko. Kailangan kong lutasin ang problemang ginawa ko bago palang kita makilala. Ginawa ko iyon para sayo. Ayokong magkaroon ng magulong pamilya, kaya inayos ko muna ang aking problema bago kita anyayaang magpakasal sa akin.”

Napasinghap ako sa huling sinabi niya. Gusto niya akong aluking magpakasal? Ang Don Hades Villanovan na takot matali panghabang-buhay ay aalukin akong magpakasal???

“Ulitin mo nga ang sinabi mo, Hades.” Wika ko at tiningnan siya sa mga mata.

Ngumiti ito sa akin ng sobrang tamis. Ngiting nagtanggal sa sakit at lungkot sa aking puso.

“Niño, simula’t sapol ay wala akong ibang minahal kundi ikaw lang. Ikaw ang nagsilbing liwanag sa madilim kong mundo. Binago mo ako, pinalambot mo ang bato kong puso. Masaya ako sa tuwing kasama ka at ayaw kong mawala ka ulit sa akin kaya gusto ko sanang itanong kung papayag ka bang maging kabiyak at magsilbing ina sa anak ko?”

Narinig kong nag awww sila Alex at Pat pati ang dalawa nilang kasambahay.

“Yes na agad!” Sigaw ni Pat na ikinatawa ng lahat.

“Babe? Will you marry me?” Tanong nito ulit.

Ngumiti naman ako. “Oo, Hades. Papakasalan kita!”

Nagpalakpakan naman ang kasama namin sa bahay.

“So kailan ang kasal?” Tanong kaagad ni Alex.

Hades chuckled. “Of course, I want to give my babe the best wedding in the world kaya baka matatagalan ang preperasyon. Isasabay ko na rin ang binyag ng anak namin, kung papayag ang mahal ko?”

Sumikdo naman ang puso ko sa sinabi niyang ‘anak namin’.

Sarap pakinggan.

“Hindi ako tututol sa desisyon mo Hades.” Wika ko.

“Thank you.” At hinalikan niya ako ng masuyo sa labi. Saglit na pinagwalang bahala namin ang mga tao sa paligid. Ang alam ko lang ay mahal ko siya at ganoon rin si Hades sa akin.

“I love you.” Nakahawak sa pisngi kong sabi niya.

“I love you too.”


THE END

THANK YOU FOR READING!

Click ☆ = ★


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.