loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Taaracan High

Taaracan High

MajorSin · 8 chapters · 23,701 words

Prologue

Edited2024

     I sang pamilyar na boses ang narinig ko kaya’t pilit kong minulat ang aking mga mata. Nahihirapan pa akong ibuka ito dahil sa pamamaga.

Sinubukan kong i-angat ang tingin ko para sana tingnan ang may-ari ng boses na ’yon, kaso hindi ko ito magawa dahil sa sobrang panghihina.

Pansin ko rin na nakagapos lang ako sa isang upuan ngayon at nalalasahan ko rin ang langsa ng dugo sa bibig ko.

Ano ba ang nangyari?

Masyado pang malabo sa’kin ang lahat.

Nasaan ba ako?

Gising na ang diwa ko pero parang ayaw pang sumunod ng katawan ko. Nasa ulirat ako pero tulala lang akong nakatitig sa isang bagay na nilalaro ng taong nasa harap ko.

Parang pamilyar din…

Sa’n ko ba ’to nakita?

“Declan,” mahinang tawag niya sa’kin.

Sino ba ’tong —

Nang tuluyan kong mai-angat ang tingin ko, do’n ko nahagip ang matatalim niyang titig sa’kin.

“Kumusta?” tanong niya bago nag-iba ang expresyon at ngumiti nang matipid. Dahan-dahan niyang kinuha ang baril sa likuran niya at saka ito kinasa,  “maiintindihan mo naman siguro ’tong gagawin ko, ’diba?”

“Bakit?” natanong ko nalang sa sobrang pagka bigla.


[ 3rd Person’s PoV ]

“Apollo Tech kaya?” kunot noo na tanong ni Declan sa mga kaharap niya. Kalauna’y napasandal nalang siya sa inuupuan niya dahil halos mag kakalahating oras na siyang nakatingin sa laptop pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapag decisyon kung saang paaralan siya papasok.

“Diyan po grumaduate si Sir Elijah,” sagot naman ng isang kasama niya rito na may malaking katawan at maitim na balat. May lahi itong African American pero kaya na nitong magsalita at maka-intindi ng tagalog dahil halos labinlimang taon na itong nagsisilbi sa kanilang pamilya,  “nasakop na po ng kapatid niyo ’yan.”

“Gano’n ba,” sagot nalang ni Declan at saka napa-halukipkip. Hindi na pwede ang Apollo Tech. Ngayon ay dalawang paaralan nalang ang pagpipilian niya.

Ang

Artizan Academy

at..

“Taaracan High.” Lahat ay napalingon sa may hagdanan nang may sumabat sa kanilang usapan. Humihigop lang ito ng kape at pangiti-ngiti na pababa sa hagdan. “Ang Taaracan High ang pinaka mahirap

sakupin

sa lahat,“ dugtong nito at saka lumapit sa nakababata niyang kapatid.

“Gusto mo talagang nahihirapan ako e,” birong sagot naman ni Declan dahil ang totoo ay mas nabubuhayan talaga ang kalamnan niya kapag nahihirapan siya sa isang bagay.

“Hindi, ah. Gano’n lang talaga kalaki ang tiwala ko sa’yo,” tawang sagot naman ni Elijah at saka tinapik-tapik ang balikat ng kapatid niya,  “kapag

natalo

mo ang pinaka malakas na

studyante

diyan at

masakop

mo ang buong paaralan na ’yan,

sigurado

akong

mababago

mo na ang

pananaw

ni Dad sa mga bagay na gusto mo,“ dugtong niya na nagpa tahimik sa bunsong kapatid.

“Taaracan…” mahinang sambit ni Declan habang naka titig lang sa logo ng paaralan sa kanyang laptop.

Dito ba ako papasok?

Naputol naman ang eksena nila nang may bigla silang marinig na sasakyan na huminto sa labas. Maya-maya pa ay pumasok ang tanyag nilang assassin bitbit ang isang lalaking halos hindi na ma-itsura ang mukha. Kinakaladkad niya lang ito na para bang sobrang gaan lang.

Babae man itong maituturing pero siya lang naman ang head ng mga assassin at hitman ng pamilya Monroe. 

  ![](https://img.wattpad.com/d19e31b5628051e4b97c5ea1e30a7f88eefedd08/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f384e58584b416546726e735955413d3d2d313334373833313438312e313763393138386634613230316637343431373130353433303139392e6a7067)               

( Mercy )

Agad namang lumapit ’yong malaking lalaki sa gawi nila. “Nakapagsasalita pa ba ’to, Mercy?” tanong nito sa babaeng pa lobo-lobo lang ng bubble gum sa bibig niya.

“Buo pa naman ang dila niyan,” ngising   sagot nito. Hindi na bago ang ganitong sitwasyon sa mga mata nila. 

Tinapik namang muli ni Elijah ang kapatid niya at sinenyasan itong tumayo para sumama sakanila.  “Sa basement,” seryosong utos niya kila Mercy bago naunang maglakad. 

Ang kaninang pangiti-ngiti lang ay bigla nalang nagbago ang expresyon at awra. Dito talaga namamangha si Declan sa kuya niya. Pag oras ng trabaho ay nawawala ang pagka makwela nitong ugali.

Tinahak naman nila ang basement kasama ’yong nahuli ni Mercy. Nang marating nila ang dulo ay may nakita silang pintuan. Pagkabukas nila rito ay nadatnan nila ang medyo may katandaang lalaki na nakaupo lang at mukhang kanina pa sila hinihintay.

Tanging tatlong lampara lang ang nagsisilbing ilaw dito sa loob. Wala ka ring makikitang bintana na pwedeng pasukan ng liwanag. 

Marahas namang binagsak ni Mercy ang lalaki sa sahig.  “

Nahanap

din namin siya, Boss,“ sabi nito.

“I-ayos mo ng upo, Hansel. Naging parte rin naman ng pamilya natin ’yan kahit

papaano

,“ sarkastikong utos ng Boss nila kaya agad din itong itinayo nong malaking lalaki at saka pina-upo sa upuan katapat ng inu-upuan ng matanda. Tanging isang maliit na lamesa lang ang nagsisilbing pagitan nilang dalawa. 

  ![](https://img.wattpad.com/28300d44aff7ccc79ae900e1e3aa48d25b711694/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f727a58756a4d6d476b5a337078413d3d2d313334373833313438312e313763393139303464623232363238373437393534343431393936332e6a7067)               

( Hansel )

Kitang-kita mo naman sa mukha ng lalaki na hindi ito mapakali at parang takot na takot. Para itong nakaharap sa isang leon na ano mang oras ay pwede siyang lapain.

“B-boss! Hindi ko gustong pagtaksilan kayo! N-na agrabyado lang talaga ako dahil sa pagbabanta niya sa pamilya ko,” tarantang paliwanag agad ng lalaki, “balak ko naman sana talagang sabihin sainyo kaso-” sumenyas ang matanda na tumahimik siya kaya wala pang isang segundo ay tinikom na agad niya ang bibig niya.

Medyo matanda na ito pero ’yong otoridad talaga sa bawat galaw, utos, kilos at senyas nito ay napaka hirap suwayin.

“Bago kayo naging parte ng pamilya na ’to, sumumpa kayo ng katapatan sa harap ko at sa harap ng nasusunog na litrato ng santo,” pagtutukoy nito sa initiation ritual  na ginagawa ng mga bagong myembro sa organisasyon.  “Naalala mo pa ba ’yon, Diego?”

Ang Monroe Crime Family ay isa sa pinaka malaki at kinatatakutang pamilya sa kanilang lugar.  Drug trafficking, weapon dealings, prostitution, extortion , iilan lang ’yan sa mga ilegal na pinapa lakad nila.

Tinuturing itong sekretong organisasyon at ang tangi mo lang pwedeng gawin ay maging tapat, na kahit utusan kang iligpit ang sarili mong kapatid o magulang, gagawin mo para sakanila. 

Kaya sa oras na maka pasok ka sa pamilyang ’to, ang pinaka malaking kasalanan na pwede mong magawa ay ang pagta-traydor.

  ![](https://img.wattpad.com/e23b7590500b8cbd25e9566ad24950750b77481c/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f3031434a4958524b6c4833446b673d3d2d313334373833313438312e313763393139323035353966353333633135373839303836393238372e6a7067)               

[ Photo reference: Castle (Manhwa) ]

Habang nagsasalita naman ang ama ay dahan-dahang lumapit ang dalawa niyang anak at saka tumabi sakanya.

“If I were to betray the secret of our way of life, may my soul burn in hell just like this saint.” Nakapatong lang ang baba ng matanda sa dalawang kamay nitong naka tukod sa lamesa habang pinapa-alala kay Diego ang isa sa mga panunumpa   ng organisasyon.

Nag-ayos si Elijah ng kanyang salamin habang si Declan naman ay nag sindi lang ng sigarilyo at saka tiningnan ang traydor na kaharap nila.

Halos mangatal naman ang bibig ni Diego habang tinitingnan ang tatlong pares ng mga mata ng mag-amang Monroe. Masyadong nakakatakot ang mga titig nila kumpara sa mga ordinaryong tingin lang.

“Pinaka ayoko sa lahat ’yong may daga na malayang umaaligid sa pamilya ko,” seryosong wika ni Carleone Monroe tapos ay tiningnan sila Hansel at sinenyasan na makakaalis na sila.

  ![](https://img.wattpad.com/6396032fb53f248a0eada2ec53ce64ccef517e32/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f376e4d397a6445355f35342d39513d3d2d313334373833313438312e313763373863383861313238393866303635363630343436393737352e6a7067)               

Photo reference: Gangsta (Manga)

“B-Boss! Pakiusap! Maawa kayo sa’kin! Pakiusap!” Nag-umpisa ng mataranta at maiyak si Diego sa takot habang tinitingnan sila Hansel na palabas na ng silid. Alam na kasi niya ang kasunod na mangyayari dahil minsan na niyang nasaksihan ang eksena na ’to noong may mahuli rin silang traydor dati.

Pati si Declan ay sinenyasan na rin na umalis. Tanging si Elijah lang talaga ang laging iniiwan sa basement pag may nangyayaring ganito.

Binuksan ni Carleone ang isang drawer ng kanyang lamesa at nilabas ang isang napaka linis na baril. Tiningnan pa ito saglit ni Declan bago tuluyang naglakad palabas.

  ![](https://img.wattpad.com/aa76e30413d3f0d8114307c7d95f1a28f43ec8cf/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6e6e7953353169434a58673739513d3d2d313334373833313438312e3137633931393332623562643035353334323838343836383833382e6a7067)               

( Don Carleone Monroe - Head of Monroe Family )

Lumuhod na si Diego at halos humalik na sa sahig para lang mabigyan siya ng isa pang pagkakataon. Pero kahit anong gawin niya, wala na siyang makitang emosyon sa mga mukha ng mag-amang naiwan.

Nakaramdam ng kaunting awa si Declan at gusto niya sanang kausapin ang ama niya, pero sino ba siya para gibain ang patakaran ng organisasyon nila?  Anak lang siya.

Nang tuluyan siyang makalabas ay narinig pa niya ang sigaw at pagmamakaawa ni Diego na isalba ang buhay niya. Halos mapaos na ito kasisigaw at iyak.

Ramdam mo naman ’yong pagsisisi sa boses nito, pero tatlong sunod-sunod na putok lang ang ginanting sagot ni Elijah dito. 

Kahit ano pang posisyon mo, hindi kailanman binibigyan ng isa pang pagkakataon ang isang traydor sa pamilya nila.

Napa-iling nalang si Declan bago hinithit ang hawak niyang sigarilyo. Ganitong klase ang takbo ng buhay ng kanyang pamilya.

Pero ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng interes dito.

Ni minsan ay hindi sumagi sa utak niya ang sumunod sa yapak ng kanyang ama at kapatid.

Hindi ganitong mundo ang gusto niya.

Hindi baril ang kasagutan sa lahat.

Kinuyom ni Declan ang kanyang kamao at tiningnan ito.

Nasa kamao palagi ang solusyon. Nasa pag suntok at pag sipa malalaman kung gaano kalakas ang tao, hindi sa pagpihit lang ng gatilyo.


Nang makabalik siya sa sala ay andoon pa rin pala ang kanyang kausap kanina at kasama na nila ngayon si Mercy na naghihintay sakanya.

Umupo siya ulit sa couch at tiningnan ang laptop niya.

Kaharap niya sina Hansel na Head Bodyguard , si Mercy na Head Assassin , si Julian na Personal Bodyguard at Driver niya, at ang grabe ’yong alindog na si Carmilla na Secretary ng Monroe Family.

“Naisip mo na ba ang papasukan mong paaralan, sir?” tanong ni Carmilla.

Napa-isip pa saglit si Declan, pero sa huli ay nagkibit-balikat nalang ito at sumagot dahil tinatamad na siyang mag-isip.

“Sige, sa

Taaracan na.“


Genre: Action, Comedy

Language: Tagalog

Date started: May 30, 2023

Date finished: xx -xx - xxxx

Written by: MajorSin

All rights reserved © . No part of this book may be reproduced or used in any manner without the prior written permission of the author,

**

plagiarism is a crime

**

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Chapter 1: First Day, First Trouble

( Under revision pa po ’to kaya in-unpublish ko muna ’yung ibang chap. Binawasan ko lang ’yung mga typos and errors ( pero meron pa rin kayong ma e-encounter kaya sorry na agad) at saka may mga binago at dinagdag lang din akong mga scenes sa bawat chapter, so mas okay pa rin if basahin niyo ulit heheh yun lang, sorry for being inactive nga pala )

Chapter 1: First Day, First Trouble


[ Declan’s PoV ]

     J usko namaan. “Wala ka na bang mas itatagal pa diyan?”  sarkastikong tanong ko habang nakatingin lang dito sa kulay pulang yoyo na naka display sa harap ko. 

Hindi ako nagagandahan dito o kung ano pa man ’yan, at mas lalong wala akong interes sa mga bagay na ganito. Nakatingin lang talaga ako rito kasi hindi ko alam, baka sa sobrang pagka bagot lang dahil kanina pa kami rito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa pagpili ’tong mokong na ’to.

  ![](https://img.wattpad.com/c43a414a7e4ac70d1feebdf0417501e7f150aa37/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4b5245783874425979692d385f513d3d2d313334383132373334392e313763323038353336613239626335653735393330333732393838302e6a7067)               

[ Declan Monroe ]

“Wait laaang, hinahanap ko pa e,” natatawa pang sagot ng hayop. Unang araw ko dapat ngayon sa Taaracan pero heto, andito ako ngayon sa isang maliit na shop ng mga laruan para samahan ’to. Bibili raw siya ng beyblade! Hayop na yan, dinamay pa ako sa kaululan.

“Anong oras na oh.”

“Kala mo rin talaga papasok e. Mag cu-cutting ka lang din naman, Dedec,”  tawa pang sagot niya.

Uh, pero kasi..sabagay.

Habang bored lang akong nakatingin sa yoyo, bigla nalang may kamay na kumuha rito, na sinundan ko lang din ng tingin na para bang affected. Nakatitig lang ako rito hanggang sa madapo ’yung tingin ko sa mukha nung kumuha.

Ganito ’yung madalas kong makita sa mga palabas, e. Dahan-dahan kuno akong mapapa tingin sa mukha nung kumuha, tapos makikita ko raw ang napaka gandang ba–

Ay…

Halos mabato naman ako nang makita ko ang mukha nung tumambad sa’kin.

“H-hehe…’di mo ba bibilhin?” tanong nitong lalaking parang lampaso ’yung buhok. Naka pang weirdo pa ito ng salamin habang sumisinghot pa.

“Ahh…ehh.” ’ Di agad ako nakasagot kasi nabigla ako sa hairstyle niya. Ano bang klaseng buhok yan??

Sasagot palang sana kaso tumalikod din siya agad at saka pumunta sa counter para magbayad.

Ay wow, nagtanong ka pa.

Sa ilang minutong paghahanap ni Nico ay sa wakas natapos din ang loko. 

“Ganda oh.” Proud na proud pa niyang pinakita sa’kin ’yung box ng beyblade niya, “ganda, diba? Gusto mo ikaw na magbayad? Hehe.” 

  ![](https://img.wattpad.com/70074d87a2e457a3d5f418c10618071e6e522ec2/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4b4a396134424d346e6135376c773d3d2d313334383132373334392e313763393731626633623561373835333237373931343231393934312e6a7067)               

( Nico )

“Matapos mo ’kong paghintayin? Ako pa magbabayad niyan? Baka ’di kita ma tantsa, Nico.”  Humagalpak lang sa pag tawa ang hayop.

Matapos niyang magbayad ay lumabas na kami sa shop.  “Next week samahan mo ulit ako, ah? Bibili pa ulit ako ng isa,” sabi pa niya.

“Kung alam ko lang na dito pala tayo pupunta, di na dapat ako sumama sayo sa una palang e. Tapos papasama ka pa ulit. Medyo kumakapal na tayo, ah.” 

“HAHAHAH grabe ka naman! Ano ba ini-expect mo ha??”

“Akala ko may ganap na labanan e.” ngising sagot ko.

“’Yan, diyan ka magaling. Paawat ka naman, boi,” 

Bestfriend ko si Nico simula palang middle school. Kahit ahead man siya sa’kin ng isang taon, halos katuwang ko na ’to sa lahat ng mga ganap ko sa buhay noong mga panahon na ’yun. Di kami mapaghiwalay nito dati dahil sa iisang bagay lang din kami interesado, ang makipag bugbugan. 

Kaya hindi na rin nakapag tataka na pinili niya ang Taaracan. 2nd year na siya ngayong school-year na ’to kaya siya na mismo ang magtuturo sa’kin sa mga bagay-bagay tungkol sa paaralan na ’yan.

Kung alam ko lang noong una na doon pala siya nag-aaral, ’di na sana ako nag-aksaya pa ng panahon para mag-isip kung saan ako papasok. Pag graduate niya kasi ng middle school, ’di na kami madalas magkita o mag usap. Minsan nag cha-chat kami sa socmed pero wala rin sa ugali ko ang mag babad sa selpon kaya wala talaga akong ideya.

Buti nalang nagkumustahan kami last week at doon niya nasabi na doon lang din siya nag-aaral.

Habang naglalakad na kami papunta sa Taaracan, napansin ko sa may unahan namin ang isang lalaki habang pinapalibutan ng limang barumbado. Mukhang pinagtitripan.

“Uy! ano ’yun?” Pati si Nico ay napansin din.

Nang medyo maka lapit kami ay dun ko lang napansin kung sino ’yung lalaking pinapalibutan nila.  “Diba siya ’yung kanina?” tanong ko sa sarili ko. ’Yung weirdo na kumuha nung yoyo. 

“Ha? anong kanina?” kunot-noong tanong ni Nico.

“Di mo ba ibibigay ’yung pera mo?!”  rinig ko pang tanong nung isa.

“Kunin mo na ’yung bag pre.”

“Ano utoy? papalag ka ba?? Baka gusto mong makatikim nitong kamao ko?!” Maangas pa na sabi nung pinaka malaki sakanila.   Bu-bwelo palang sana siya ng suntok pero sumingit na ako.

“Ako! patikim ako niyan!” Lahat sila ay napatigil at napatingin sa gawi namin ni Nico. Tumingin din ’yung weirdong lalaki sa’min at dun ko nakita ang pangangatal ng bibig niya at parang naiiyak na sa takot.

“At sino ka naman?!”

Binigay ko saglit kay Nico ang bag ko at saka naglakad papalapit sakanila. Ini-stretch ko na rin ang dalawang braso ko dahil alam kong magagamit ko ’to ngayon. 

Tiningnan ko ’yung weirdong lalaki at sinenyasan na umalis kaya dali-dali niyang niyakap ang bag niya at tsaka tumakbo para magtago sa likuran ni Nico.

Nang maka lapit ako ay binalik ko ang tingin ko sa limang barumbado habang nakapamulsa lang. Napa-angat pa ako ng tingin kasi bukod sa mga maskulado, ang tatangkad din pala nila.  

“Angas mo ah?! Baka gusto mong tupiin ka namin sa walo?!” Halos mandilat na ’yung mata nung isa sa inis.

Napa ngisi tuloy ako. Mukhang tama lang din na sumama ako kay Nico.

“Baka gusto niyo ’ring tikman ’tong kamao ko? Libre lang. Kaso nakaka sira ng mukha, e.” sa sinabi ko ay mas lalo lang nag-usok ’yung mga ilong nilang lima sa galit.

[ 3rd Person’s PoV ]

Naka ngisi lang na nanunood si Nico sakanila at mukhang wala itong planong tumulong. 

“Hindi mo ba siya tutulungan? Baka mapano siya,” kinakabahang tanong nung lalaki kay Nico. 

“Sino ’yung tutulungan ko diyan?” tawang tanong nito

“Uh…’yung kasama mo?”  ’di siguradong sagot nung lalaki kasi ba’t pa ’yan tinatanong eh halata naman kung sino sakanila ’yung dehado. 

“Kukulangin pa ’yang lima.” Pagka sagot ni Nico ay tumingin muli ’yung lalaki sa gawi nila Declan at dun niya nakita ang sabay-sabay na pag sugod nung lima.

Nasa gilid lang sila Declan sa may naka display na prutasan kaya bago pa man makalapit ’yung lima ay kumuha na siya ng isang matigas na pakwan at saka malakas itong binato dun sa isa. 

Sa lakas ng pagkaka tama ng pakwan sa mukha nito ay nabasag pa talaga ito. Dahil dun ay agaran itong natumba at nawalan ng malay. 

Doon na rin nagsimulang magka gulo ’yung mga tao sa paligid at nagsi takbuhan. 

Napahinto pa ’yung apat at tiningnan ’yung kasama nilang bumulagta. Kaso pagkabalik nila ng tingin sa gawi ni Declan, hindi na nila ito mahagilap. “Asan na ’yun?!”

Ang akala nila’y tumakas ito pero huli na nung mapansin nilang nasa taas na pala nila ito habang naka bwelo na ng sipa. “Sa taas!”

Sinubukan pang umilag nung isa pero masyadong mabilis ang pagkaka bagsak ng sipa ni Declan at direkta itong tumama si mukha niya. Dahil dun ay nawalan din siya ng malay.

Tatlo nalang..

Sabay-sabay pa na lumapit ’yung dalawa sa magkabilang direksyon para i corner si Declan, pero tumalon lang ito at saka nagpa kawala ng isang malaks na  split kick  na tumama sa mga dibdib nila. Tumilapon sa may prutasan ’yung isa habang ’yung isa naman ay nabangga sa may poste. 

  ![](https://img.wattpad.com/a44ed0b1e6392fc5786fd43c2340e93886413a81/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f48687a76564367567054544576673d3d2d313334383132373334392e313763393636666666373961323130303532393235383239313033392e676966)               

“Ang galing niya.” Natulala nalang ’yung weirdong lalaki sa likuran ni Nico habang pinapanood si Declan na isa-isang pinapa bagsak ’yung lima. 

“Wala ka pa ring kupas, Dedec.” Enjoy na enjoy din si Nico dahil lagpas taon na rin nung huli niya itong nakitang makipag laban

Nang mapa bagsak ni Declan ’yung apat ay halos mabato na sa kinatatayuan ’yung natitira dahil sa takot. Nagdadalawang-isip na siya kung a-atake pa ba siya o tatakbo nalang. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama niya na ngayon ay mga walang malay na.

“Asan na ’yung kamao mo? Patikim na ako.” Nabaling naman ang atensyon niya nung marinig niya si Declan. Naka ngisi lang ito habang papalapit sakanya.

Hahakbang palang sana siya paatras pero sobrang bilis ng pangyayari, sa isang kisapmata niya lang ay nasa tapat na niya si Declan habang naka bwelo ng suntok at tsaka mabilis itong pinakawala.

Akala niya’y tatamaan siya pero dilat na dilat lang ang mga mata niya ngayon habang nakatingin sa kamao ni Declan na nasa tapat lang ng mukha niya. Sinadya man itong hindi itama ni Declan pero tumagas pa rin ang dugo sa ilong nung lalaki sa lakas ng impact nito.  

Napangisi nalang si Declan habang tinitingnan ang itsura nito. “Kakasa ka pa?”  tanong niya at saglit na napatingin sa baba nito dahil parang may tumutulo. Doon niya lang napansin na naihi na pala ito sa sariling pantalon. “Tanginang ’yan.”

Sa sobrang takot nung lalaki ay bumigay na talaga ’yung katawan niya at kusa nalang tumirik ’yung  mata at nawalan ng malay. 

“Gago hinimatay!” tawang-tawa si Nico sa nakita niya. 

“Ano ba ’yaan.” Pailing-iling nalang na bumalik si Declan sa gawi nila Nico. “Kung kailan nag-iinit na ako e,”  dismayadong dugtong niya.

[ Declan’s PoV ]

Nang makabalik ako kila Nico ay nadatnan ko lang silang naka tingin sa’kin. Tiningnan ko ’yung weirdong lalaki na parang tulala pa rin hanggang ngayon. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sakanya.

“A-ah..oo.” sagot niya nung makabawi tapos ay saka yumuko nang bahagya. “maraming salamat,” dugtong niya 

“Wala ’yun.” sagot ko lang at saka saglit na napa-isip dahil sa napansin ko. “Teka..” kunot-noo akong napatingin sa uniform ni Nico at sa weirdong lalaki. Tapos ay saka ko tiningnan ’yung sa’kin. 

“Sa Taaracan ka rin nag-aaral??” Tanong ko dahil ngayon ko lang napansin na magka parehas lang kaming tatlo ng uniform. 

“Oo hehe.”

“First year ka rin??”  Bigla nalang akong nag-astang namangha at ’di ko alam kung bakit. Para akong grade 4 na tuwang-tuwa kasi may ka schoolmate akong nakita.

“Oo rin hehe.” Pero ang liit naman ata ng height nito. Hanggang balikat ko lang siya e. Mukha palang siyang middle school student kung titingnan mo.

“Declan nga pala,”  ngisi ko nalang na pakilala sakanya habang nakikipag kamay. Ewan pero parang ang gaan bigla ng pakiramdam ko sa taong ’to, o baka dahil sinalba niya lang ako sa pagka bagot ko kanina.

 Pero pakiramdam ko naman ay okay ’to maging kaibigan.

“Ako naman si Val,”  ngiting sagot din niya at saka inabot ’yung kamay ko.

  ![](https://img.wattpad.com/af6023b33fc906693df0f4d9b38d7d84c83cf014/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4c466454696978703557457030513d3d2d313334383132373334392e313763393731633737613133376335333731353031373136333439322e6a7067)               

( Val )

Nakisabay na si Val sa’min papuntang Taaracan matapos ng nangyari. Malapit na rin naman kami e.

Kung iniisip niyo na katulad ’to ng mga ibang misteryosong paaralan na matatagpuan lang sa kasuluk-sulukan ng kagubatan, na dadaan muna kayo ng sampung bundok at limang ilog para makarating, aba, nasa gitna lang ng syudad mismo matatagpuan ’tong Taaracan High.

May malapit pa na 7/11.

Habang naglalakad kami, biglang napatanong si Nico.  “Hindi ba kayo kinakabahan sa unang araw niyo?” tanong niya habang tinitingnan ’yung box ng nabili niyang beyblade. 

“Hindi naman. Ano namang nakaka kaba dun? diba, kaibigang Val?” tanong ko sa katabi ko.

“Tama,” straight niyang sagot pero kitang-kita sa mukha niya na parang natatae siya na ewan. Halos di pa makalakad nang maayos. Nanlalambot pa ata ’yung tuhod sa nangyari kanina.

“Tama pala ha.”  

Sa ilang minuto naming paglalakad, nadapo rin ’yung mga paa namin sa harap ng Taaracan High. Napa-angat ako ng tingin habang tinitingnan ang kabuo-an ng entrance nito.

“Ito na ba ’yun?”  Base sa bansag nitong pinaka delikadong paaralan, inaasahan ko ng ganito ’yung bubungad sa’kin. Ang daming nagkalat na mga sirang silya sa entrance. Tapos ’yung entrance gate nito sirang-sira na. Sobrang dumi at ma-alikabok pa ang buong paligid.

Mga pader na puno ng mga kung ano-anong pinta, at saka tanaw mo rin ’yung mga school building na parang ilang taon ng hindi nalilinisan dahil kinakalawang na. 

  ![](https://img.wattpad.com/a9970374b10b7734681dedcb9f40de9ed638f5fa/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5f73544179384a785a6a447073773d3d2d313334383132373334392e313763393733323639653161383333353438383032323931383035342e706e67)               

Pero kahit mukha man itong abandunadong paaralan, wala akong pinagsisihan kahit konti.

Nasa harap palang kami ng gate pero ramdam ko na agad ’yung bigat ng presensya na nanggagaling sa loob.  Para akong nasa harap ng isang kweba na sa oras na papasok ako, maraming halimaw ang nag-aabang sa akin sa loob.

’Di ko pansin pero bigla nalang lumalim ’yung paghinga ko dahil sa mga naiisip ko. ’Yung pakiramdam ko ay nag-umpisa nang uminit. Ganitong-ganito talaga ang nagiging reaksyon ng katawan ko sa oras na nae-excite ako sa isang bagay.

Hanggang sa hindi ko na namalayang nakangisi na pala ako sa harap ng Taaracan.

“Tara,” aya ni Nico at ewan,

parang bumagal nalang bigla ’yung paligid pagka apak namin papasok.

Heto na…

Dito na mag-uumpisa ang misyon ko.

Sasakupin ko ’to kahit na anong mangya—

Natigil naman ako saglit sa pag-iisip nang tuluyan kaming makapasok.

Nagtago bigla si Val sa likuran ko dahil pagka pasok na pagka pasok palang namin ay tanaw na agad namin ang napakaraming studyante na salubong ang mga kilay habang nakatingin sa amin. 

Para silang mga tigre na takhang-takha sa dalawang usa na naligaw sa pugad nila. Habang si Nico naman ay di ata kami napansin na huminto dahil hindi ito tumigil sa paglalakad.

Ampotek iniwan pa kami.

“Welcome to Taaraacan High,” mahinang bulong ko nalang sa sarili ko at ang kaninang mainit na kalangitan ay bigla nalang umambon at kumulog.

Grabe ’yung pressure dito sa loob.

Hindi ko tuloy matago’yung pag ngisi ’ko.

Tangina, ito ’yung gusto ko..

-To be continued..


Feel free to drop your thoughts po about this chapter :)

See yah! :)

Chapter 2: The Black Council

( Under revision pa po ’to kaya in-unpublish ko muna ’yung ibang chap. Binawasan ko lang ’yung mga typos and errors, at saka may mga binago at dinagdag lang din akong mga scenes sa bawat chapter, so mas okay pa rin if basahin niyo ulit heheh yun lang,)

Chapter 2: The Black Council

[Declan’s PoV ]

    U haw na uhaw na ako sa bakbakan. Sakto na rin ’to dahil sobrang nabitin ako kanina.

’Di ko inalis ’yung titig ko sakanila kaya agad nagsitayuan ’yung iilan at saka inis na naglakad papunta sa gawi namin. Ang a-angas pa ng tingin nila. 

’Yung iba ay mag-isa lang na papunta sa’min habang ’yung iba naman ay parang mga grupo na magkadikit-dikit tapos may bitbit pa na mga pamalo.

Ganito ba sila mang-welcome ng mga Freshman dito?

Nakaka-excite!

Sa huli ay binaba ko nalang ’yung bag ko at saka naghubad ng uniporme. Unang araw ko palang pero ang dami na agad ganap. Kung sini-swerte ka nga naman.

“T-tekaa, anong nagyayari??” Kinakabahang tanong ni Val at tuluyan na ngang napahawak sa t-shirt ko. Parang ano mang oras ay maiiyak na naman siya sa takot.

“Diyan ka lang sa likod ko,” sagot ko, “walang makakalapit sa’yo.” Mahina kong ini-stretch ang balikat at leeg ko. Mukhang makaka-absent ata ako sa unang klase ko ah. 

Pero sino’ng may pake? Hindi 3 + 3 = Christmas Tree ang pinunta ko rito.

Lalong lumawak ’yung ngisi ko nung medyo malapit na sila. ’Yan, tama ’yan. Sigurado akong hindi ako mabibitin nito sa sobrang dami nila.

’Yung pakiramdam ko parang ’di na mapakali. Galing ako sa marangyang pamilya pero lumaki ako sa gulo. Halos gawin ko ng almusal ’yung pakikipag suntukan dati kaya di na ’to bago sa’kin.

Pero nung mag-stance na ako para sana maghanda, nagtaka ako dahil bigla nalang silang natigilan. Lahat sila ay sabay-sabay na napahinto. Natulala pa ’yung iba. 

Ilang segundo rin silang naka gano’n. ’Yung kaninang maa-angas na titig ay parang bigla nalang nakakita ng multo.

Natatakot ba sila sa’kin?

Maya-maya pa ay isa-isa na silang tumalikod at bumalik sa kani-kanilang pwesto.

“Gago ano ’yun?” kunot-noo ko nalang na tanong sa pagka bigla. Ano ’yuun?? Pinaghubad pa nila ako ng uniporme tapos ganyan?? Asar!

May bigla namang tumapik sa balikat ko at nakita ko si Nico. “Taena, salita ako nang salita kanina, wala na pala kayo sa likuran ko,” tawang sambit nito, “At saka ba’t may pahubad-hubad ka pang nalalaman diyan? HAHAHA” Nang-aasar pa e. Sarap pagbuntungan ng galit.

Inis ko nalang na dinampot ’yung bag ko sa pagka badtrip. “Yung ayoko sa lahat ’yung binibitin ako eh!” Asar kong bulyaw. Pangalawang beses na akong na dismaya ngayong araw na ’to. Malapit ng masira yung timpla ko.

“Masakit ba sa puson?” natawa pa lalo ang hayop.

“Ulul”

Tiningnan kong muli ’yung ibang mga studyante pero ngayon ay di na kami tinitingnan. Ano ba ang nangyari sa mga ’yun? We-weirdo ampotek.


[3rd Person’s PoV]

Habang naglalakad sina Nico, Declan at Val ay may isang lalaki na kulay pula ang buhok, dalawang hikaw sa kanang tenga at nakasuot ng cap ang nakangiti lang na nakamasid sakanila. Nakatingin lang siya sa tatlo, lalong lalo na sa mukha ni Declan dahil bago ito sa paningin niya.

Sinuri niya saglit ang buong postura nito. Unang tingin niya palang kasi ay nalalaman na kaagad niya ang potential ng isang tao. At sa nakikita niya kay Declan, “mukhang hindi basta-basta ang isang ’to,” ngiting sambit niya .  Inayos niya ang cap niya at saka ibinaling ang tingin sa katabi nitong si Nico.

Nung makita niya ang nakangising pagmumukha nito ay kusa nalang nabura ang ngiti sa mga labi niya. Manlilisik na sana ang mga mata niya nang bigla nalang may pumingot sa tenga niya. Halos mapapikit tuloy siya sa sakit “Aray! araaayy!” Ang kaninang seryoso ay nagmukha nalang parang maamong tupa nung makita niya kung sino ang pumingot sakanya.

“Ba’t naka tambay ka dito?? Hindi ka papasok?” Taas-kilay na tanong ng girlfriend niya habang naka pamewang pa.

“Babyyy! Ikaw pala hehe,” Hilaw siyang napangisi kasi ang sakit pa rin ng tenga niya. Hanep talagang pumingot ang isang ’to. “Syempre papasok heheh, tara na?”  aya niya at saka tumayo.

“Baby mo mukha mo!” Inis na sagot lang nito tapos ay kinurot na naman siya sa may tagiliran.  “Unang araw palang mag cu-cutting kana? hmm?! mag cu-cutting kana naman!”

“Araay! Hindi na nga ee.” Parang mai-iyak na ’yung lalaki sa sakit habang naglalakad sila nang sabay para pumasok.


[ Declan’s PoV ]

Matapos ang nangyari ay nagkanya-kanya na muna kami. Papasok pa raw si Val samantalang si Nico naman ay may gagawin pa. Habang ako naman ay heto, naglilibot nalang kasi late na rin naman ako. At saka wala akong gana pumasok. Sakit sa ulo lang ’yang mga tinuturo na ’yan. Hindi naman ’yan magagamit sa pakikipag laban e.

Finding the x finding the x ampotek. Pake ko diyan sa x na ’yan. Dapat malalakas na kalaban ’yung hinahanap, hindi ’yan.

Sa paglilibot ko ay dun ko lang napansin na may mga babae rin palang nag-aaral dito, pero sobrang konti lang. Akala ko puro mga lalaki lang ’yung nandito dahil sino ba namang babae ang gugustuhing mag-aral sa ganito ka miserableng paaralan?

May mga nadadaanan din akong mga classroom. ’Yung iba ay nag ka-klase pa rin kahit tatlong studyante lang ang pumapasok, ’yung iba naman ay nagrarambulan na sa loob.

Napa-iling nalang ako. Mukhang wala naman siguro akong magiging problema sa pagsakop ko rito. Unang tingin mo palang sa mga studyante rito alam mo ng puro angas lang ang dala e. 

Saglit naman akong napalingon sa gilid ko nung may napansin akong studyante na naka-upo lang sa may bench habang nagbubukas ng…ano ba ’to…ice cream ata.

Ah, Cornetto.

Nakalabas pa ’yung dila niya na parang excited at takam na takam habang nagbubukas. “Kanina pa kita gustong kainin hehehe.”

Nakapamulsa lang ako habang nakatingin sakanya, at nawala na sa isip ko ang maglakad.

 Kakainin na sana niya ’yung Cornetto nang saglit siyang huminto at tumingin sa gawi ko.

Dun ko lang din napagtantong wala sa wisyo na pala akong nakanganga sa harap niya, na para bang natatakam na rin sa Cornetto na hawak niya.

Dali-dali ko tuloy tinikom ’yung bibig ko.

Ampotek

“Gusto mo?” Tanong niya pa sa’kin nang nakangiti. 

 ’Di ko na siya pinansin dahil sa kahihiyan at aalis na sana kaso, “meron pa akong isa rito oh,” alok niya kaya tumingin ulit ako sakanya.

Tatanggi pa sana ako kaso naisip ko, libre na ’yan e. At saka bumalik na rin yung init ng panahon e. 

Lumapit ako sakanya at dun ko nakita ’yung katabi niyang plastic bag. Napa-poker face nalang ako nung masilip ko ’yung laman. 

Anong isa?? eh lagpas sampu pa ata ’yung Cornetto na nasa plastic bag eh. Ang hayok naman sa Cornetto nito.

“Wait lang ah.” Hinalungkat pa niya ito at parang may hinahanap na flavor. “Asan na ba ’yung ibang flavor dito?” 

“Magkakaparehas lang naman ’yan lahat.” 

“Hindi ah, ang cookies & cream ang piiiinaka masarap sa lahat hehe”

“Sige, sabi mo eh.” Isa pa palang weirdo. Bukod sa kulay silver nitong buhok na hanggang leeg ’yung haba, wala ka ng makikitang ka inte-interesado sa itsura niya. 

“Halaa, cookies & cream pala ’to lahat.” Parang dismayado pa siya habang kumukuha ng isa. Inabot niya ito sa’kin pero halata sa mukha niya ’yung panghihinayang. 

Awit na ’yan.

“Salamat.”  Kinuha ko nalang ’to at binuksan, pero pansin kong nakatingin pa rin siya rito kaya  tumigil ako saglit sa pagbubukas at tumingin sakanya. Dali-dali naman siyang nag-iwas ng tingin at pasipol-sipol pa.

“Kung ibang flavor ba ’to hindi ka manghihinayang?” tanong ko nalang kasi halata ’yung pagsisisi niya na inalok pa niya ako. 

“H-hehehe di ah. Sige na, kainin mo lang ’yan. Masarap ’yan.” medyo naiiyak pang sabi niya. Kala mo talaga huling Cornetto na niya ’to e. 

Napailing nalang ako at saka ito kinain. Bahala ka diyan.

Aba, masarap nga.

“Ba’t pala dito mo naisipang pumasok?” biglang tanong niya, “freshman ka palang, diba?”

“Pano mo nasabing first year palang ako?” takhang tanong ko.

“Hula ko lang hehe” 

Nilibot ko nalang ’yung tingin ko sa paligid habang nginangatngat yung cone.  “May nagsabi kasi sa’kin na Ito raw ’yung paaralan na pinaka mahirap sakupin,” sagot ko.

“Balak mong sakupin ’tong Taaracan?”

“Oo.” 

“Kung gano’n malakas ka pala.” tiningnan ko siya pagkasabi niya nun. Naka ngiti pa rin siya habang kagat-kagat ’yung cone ng Cornetto.

Matapos kong maubos ’yung kinakain ko ay nagpasya na akong magpaalam.  “Oo, at sa tingin ko nagkamali lang sila ng bansag sa paaralan na ’to.” Una ’yung mga studyante kanina na bigla nalang huminto at hindi tinuloy ’yung pag lapit sa’kin, tapos isali mo pa ’to na mahilig sa ice cream.

Paano nakaka pasok ’yung mga studyante rito na ganito ka inosente? Pati si Val dito rin naisipang pumasok. Punong-puno ata ng mga weirdong studyante ’yung mga nag-aaral dito e.

“Wala pang isang taon masasakop ko na ’to.” seryosong saad ko bago tumalikod sakanya at saka naglakad.

“Talaga?” 

Pagkarinig ko nun ay bigla nalang bumigat nang husto yung pwersa sa buong paligid ko. Agad nandilat ang mga mata ko at kusa nalang nangilabot ang buong katawan ko. Pati ’yung mga paa ko ay bigla nalang namanhid at huminto sa paglalakad. 

Ano ’yun?

Mabilis akong lumingon dun sa studyante pero nakita ko lang siyang naglalakad na palayo habang bitbit ’yung plastic bag. 

Nakatingin lang ako sa likuran niya habang napapa-isip. 

Siya ba ’yung narinig ko? 

Hindi, imposible, sobrang layo ng boses na narinig ko sa masayahing boses nito kanina. 

Inalis ko ’yung kamay ko sa bulsa ko at tiningnan ito. Di pa rin matanggal ’yung panginginig. 

Anong klaseng pwersa ’yun?

Di ko na matandaan ’yung huling beses na nakaramdam ako ng ganitong klaseng panlalambot. 


[ 3rd Person’s PoV ]

Sa isang men’s comfort room naman ay may isang lalaki na nakatingin lang sa salamin. Sobrang salubong ng kilay nito habang pinagmamasdan ang pagmumukha niya. Mag-isa lang siya ngayon dito kaya inis niyang kinuha ang wig niya at saka sabay na sinuntok sa salamin.

[ Declan’s PoV ]

Matapos ng lunch break ay nagpasya kami ni Nico na magkita para maglakad-lakad. May tinatanong pa ata siya sa’kin pero sobrang lutang ko na sa mga oras na ’to.

“Huy!” Sigaw niya kaya napalingon na ako sakanya.

“Ha?”

“Sabog ka ba? Bakit kako ito ’yung napili mong pasukan? Pwede naman sa ibang paaralan na maayos. Sa Apollo Tech o di kaya sa Artizan Academy. Mas okay dun kesa rito,” tanong niya at saka tumahimik saglit. Di ko makita ’yung expresyon ng mukha niya kasi nasa unahan lang siya.  “Masyadong delikado rito,” mahina pang dugtong niya.

“Tinatanong pa ba ’yan,” ngising sagot ko, “ikaw na mismo ang nagsabi na masyadong delikado rito, at kilala mo na ako, Nico. Alam mo na kung anong klaseng lugar ang mga gusto ko.”

Tumahimik ako saglit tapos ay tiningnan ko ang palad ko. “Plano kong sakupin ’tong Taaracan para maging pinaka malakas sa lahat,” seryoso kong dugtong. Papatunayan ko kay Dad na dito ako nababagay, at hindi sa lugar kung saan niya ako gustong sumunod. 

“Pfft.”

Natigil ako sa pagmumuni nang marinig ko si Nico na nagpipigil ng tawa. “Anong nakakatawa?!”

“Maging pinaka malakas.” Ulit pa niya tapos tumango-tango pa  “Okayy.”

“Bakit? Gano’n ba talaga kahirap makuha ’yun dito?” Kunot-noo kong tanong na ikinatawa niya pa lalo. Napaka masayahin naman nitong anemal na ’to.

“Sige ganito, e-explain ko sa’yo, ha? Dahil bespren kita, papaliwanag ko sa’yo kung paano mo makakamit ’yang pangarap mo na ’yan.” Sabi niya kaya focus agad akong nakinig sakanya.

“Ang

Taaracan High ang may pinaka murang tuition fee sa lugar natin, dahil na rin siguro sa kakulangan ng paaralan na ’to pagdating sa pagtuturo. Tapos tingnan mo pa ’yung buong lugar, nagmumukha ng abandunado. Kaya iilan sa mga nag-enroll dito ay wala silang choice dahil ito lang ang kayang ma afford ng kanilang mga magulang. May nakikita ka naman sigurong mga babae at mga lalaking patpatin ang katawan na halatang hindi gulo ang hanap. Iba diyan ay napilitan lang dahil sa murang tuition.“ Umpisa niya kaya bigla kong naalala yung mga nakita ko kaninang mga babae, pati si Val. Ngayon naiintindihan ko na.

“Meron din mga nag-enroll dito kasi trip lang nila. Meron namang nag enroll lang dito kasi dito nag-aaral yung mga crush lodicakes nila. Kanya-kanya ng rason ang mga studyante rito.”

“Pero karamihan sakanila ay iisa lang ang rason ba’t nila pinili ang Taaracan, at ’yun ay ang makahanap sila ng katapat nila. Dito namumugad ang mga taong hindi na mahanap ang saya sa labas o mahanap ang saya ng pakikipaglaban dahil wala ng halos pumapantay sa lakas nila. Dito tinatapon ang mga halimaw na ’yun. Dito mo lang matatagpuan ang mga taong halang sa pakikipag laban katulad mo.”

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang nagku-kwento siya. Masyado akong na-hooked sa mga sinasabi niya kaya ’di na ako makatingin sa paligid ko.

“Kung gusto mong masakop ang Taaracan, kailangan mo munang makuha ang respeto ng mga studyante rito.” Lumingon pa siya saglit sakin at saka ngumisi.

“At anong gagawin ko para makuha ’yun?”

“Simple lang, ang maging top 1 dito.”

“Maging top 1? Maging valedictorian??” Potek, konti nalang kakalawangin na ’tong utak ko, e

“Tanga, hindi,” tawang sagot niya, “may tinatawag dito sa paaralan na

‘The Black Council’.

sila ang top 10 na kasalukuyang namumuno at ang nagsisilbing pinaka malalakas na  studyante rito sa Taaracan.“

“Black Council? Top 10?”

  ![](https://img.wattpad.com/40f01205fe73b419d4eaec5089a60c4f7106bce0/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f63314e7065514d4e4854317a43673d3d2d313334393039393939342e3137636135363261626462363331613435353632393738393632332e6a7067)               

The Black Council

“Oo, at alam mo ba kung ano ang sistema ng Taaracan para makapasok sa top 10 na ’yan?” Tanong niya.

“Uhh..1 on 1 battle?”  hula ko.

“Tamaa, at ginaganap ’yan every last day of the month. Kaya monthly may pagbabago sa ranking, depende kung may makatalo man o hahamon sa nasabing posisyon.”

“Mukhang masaya pakinggan yan ah.” Bigla akong nabuhayan sa sinabi niya. 1 on 1? sa mga malalakas dito? Nagkaka-eargasm talaga ako sa tuwing nakakarinig ako ng mga ganyang klaseng salita.

“Para magkaroon ka ng tsansa na maging top sa paaralang ito, kailangan mo muna daanan lahat ng rank, ibig sabihin, kailangan mo muna talunin at palitan ang kasalukuyang mga myembro ng BC hanggang sa mapunta ka sa top 1.”

“Hindi ba pwedeng hamunin nalang agad yung top 1?” Tanong ko para mas mapadali ko na ’tong misyon ko. 

Hindi ka basta-basta makaka hamon dito na para bang pang-kalyeng hamon lang. Kailangan mo muna makuha ang atensyon ng Black Council para mabigyan ka ng pagkakataon.“

“At anong gagawin diyan? Tatalunin ko ba muna lahat ng mga studyanteng nag-aaral dito para mapansin nila ako?” Tawang biro ko.

“Every first month ng school year ng Taaracan ay may ginaganap na Grand Opening Tournament. Isa ito sa ina-abangan na event ng lahat. Hindi lang dito sa Taaracan kundi pati na rin sa labas. Lahat ng studyante rito na gustong makalaban ang mga myembro ng Black Council ay pwedeng sumali sa event na ’yan. At kung sino man ang mag kampyon diyan, siya ang may malaking tsansa na makuha ang atensyon ng BC”

“Tapos pwede ko na sila makalaban isa-isa?”

“’Yun ay kung mananalo ka. Hindi rin basta-basta ang mga lalahok sa tournament na ’yan.” Tawang bara niya kaya napa-isip nalang ako.

Kailangan pala talagang magsimula sa baba. Kung pwede palang hamunin agad ang top 1 para isahang laban nalang e. 

Pero sabagay, mas maraming laban, mas masaya.

“Pero teka, sino-sino ba ’yang mga myembro ng Black Council na yan at parang mga diyos yan dito kung i-describe mo? Kailangan pang makuha ang atensyon e.” Curious ko ng tanong dahil base sa kwento niya, mukhang ina-asam ng halos lahat ng nandito ang mapasali diyan.

Nakita ko pa siyang napahawak sa baba niya na parang nag-iisip bago sinagot ang tanong ko.

Inisa-isa niya ang mga pangalan ng mga ito. In any oder niya itong pinakilala. Medyo detalyado naman ang binibigay niyang impormasyon dahil binanggit din nya ang mga kakayahan nito. Alam na alam niya talaga e. Pero alam ko makakalimutan ko rin ’to dahil mahina ako sa memorya. 

“Yun laaang. Tangina, tuyong-tuyo na lalamunan ko kaka sagot sa tanong mo. May bayad dapat ’to e!” reklamo pa niya habang naglalakad kaya kumunot ang noo ko. Napabilang ako ulit sa mga pangalang binigay niya pero…

“Teka, siyam lang ang binanggit mo, ah?” gulong tanong ko,  “sino ’yung isa?”

Tumigil naman siya sa paglalakad kaya pati ako ay napahinto.

’Di agad siya sumagot, ilang segundo rin siyang tumahimik. Maya maya pa’y umihip ang malakas na hangin sa paligid namin. 

At habang tinitingnan ko lang ang likuran niya, ewan pero bigla nalang sumagi sa isip ko yung nangyari kanina. ’Yung mga lalaking papalapit sana sa’min ni Val na bigla nalang huminto at umatras.

Yung mga tingin nila na parang nakakita ng multo.

Medyo malayo sila nun pero matalas ang paningin ko, at alam ko mismo na hindi sila sa’kin nakatingin nung mga oras na ’yun.

Kundi sa gilid ko..

Tapos…’yung pagtapik.

“Taena, salita ako nang salita kanina wala na pala kayo sa likuran ko.”

Teka..

Napatingin ako sa mukha ni Nico nung dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ko.

At dun, dun ko nahagip ang nakakakilabot niyang titig sakin. Saglit lang ’yun tapos ay bumalik ulit pag ngiti.

“Ako.” sagot niya.

Tang…

Haaa?

-To be continued..


Free free to drop your thoughts po sa chapter na ’to :)

See yah! :)

Chapter 3: New Rival


Chapter 3 : New Rival


[ Declan’s PoV ]

    S aglit din akong natulala bago nakabawi sa sinabi niya. “Sigurado ka ba diyan?”  tanong ko para makasiguro. Baka mamaya nang gagago lang ’to e.

“Nakaka offend ka naman! “ tawang sagot niya, “ba’t parang ang hirap sa’yo paniwalaan yan, haa?”

“Eh, malay ko ba? Dati ka naman ng gunggong kausap,” sagot ko na ikinatawa niya lalo. Lakas nito mantrip dati. Sa sampung kwento niya dalawa lang ’yong totoo, tapos ’yong isa alanganin pa.

Pero maya-maya pa’y nagkibit-balikat siya at saka ngumiti.

“Totoo ’yon, pero hanggang top 6 pa lang ang inabot ko,” sagot niya. Top 6? Pero bakit parang gano’n na katakot ’yong mga studyante sakanya kanina? Ibig sabihin ba no’n mas nakakatakot pa ’yong mga nasa top 5 pababa?

O baka lahat sila gano’n ang epekto sa mga studyante rito?

“Ginugol ko ang isang buong taon last year para lang makapasok sa Black Council at mapataas ang posisyon ko. Pero kahit anong gawin ko, hanggang do’n lang talaga ang inaabot ko. Nakaka-ilang buwan pa ako bago ko matalo ’yong iba. Hindi talaga basta-basta ang mga studyante rito.” Ayaw ko mang aminin pero middle school palang ay halimaw na talaga ’to makipag laban si Nico. Kaya nitong sumugod mag-isa sa isang buong gang na hindi natatakot. Umuuwi man siyang puno ng bugbog at pasa, halos kalahati naman sa gang na ’yon ay napapa halik niya sa lupa, ’yong iba ay nababaldado pa.

“Hindi lang ikaw ang may gustong pamunuan ’tong Taaracan, Dedec.” Nabalik ako sa wisyo no’ng magsalita ulit siya, “hindi magiging madali sa’yo ang pangarap mo na ’yan,” dugtong niya bago ako seryosong tiningnan. 

Ilang segundo rin kaming nagkatitigan.

At ewan pero bigla nalang kumulo ’yong dugo ko. Pinaka ayoko talaga sa lahat ’yong ’di nakukuha ’yong gusto ko.

“At anong ibig mong sabihin do’n?” Di ko na napapansin na nag-iiba na pala ang tono ng pananalita ko.

“Dadaan ka muna sa’kin at sa siyam pang myembro ng Black Council bago mo makamit yang—”

“Subukan niyo lang humarang sa harap ko, “ putol ko. At di ko alam na nakadilat na pala ang mga mata ko habang nakangisi sakanya. Ako ’yong tipo ng tao na pag merong gusto, sinisiguro kong makukuha ko ’yon—kahit na anong mangyari. 

“Wala akong kinikilala, Nico, alam mo yan.”

Umihip pang muli ang malakas na hangin matapos kong sabihin ’yon.

Palaki na sana nang palaki ang tensyon sa pagitan namin pero sa huli ay napakamot nalang siya sa ulo niya at ngumisi ulit. “Ikaw nga pa rin talaga yan, Dedec,”  nasabi nalang niya at parang robot na tinapik ’yong balikat ko.  “Sikapin mo nalang na manalo sa tournament para maumpisahan mo na agad ’yang misyon mo,” ngising dugtong niya at saka nag thumbs up pa. Ngumisi nalang din ako nang nakakaloko.

“Hintayin mo lang ako,”  sagot ko.

“Oki dokie!”

Natapos ang unang araw ko sa Taaracan na walang masyadong ganap. Kahit dismayado man ako dahil buong araw lang din akong natulog at naglibot, medyo nabuhayan na rin ako kahit papaano sa mga sinabing impormasyon sa’kin ni Nico.

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko ngayon habang tulala at iniisip ang mga posibleng mangyayari sa mga susunod na araw ko sa paaralan na ’yon. 

“Black Council,” mahinang sambit ko. Kung kina kailangan ko itumba lahat ng studyante sa Taaracan para lang makaharap kayo, gagawin ko.

 Siguraduhin mo lang, Nico… 

“Siguraduhin niyo lang na hindi ako madidismaya sainyo.” 

[ 3rd Person’s PoV ]

–THE NEXT DAY–

Mag-isa lang na naglalakad si Nico ngayon habang naglilibot. Tinatamad na naman siyang pumasok. “Hmmn, ano kayang susunod kong bibilhin na beyblade?” napahawak na siya sa baba niya sa sobrang focus kaka-isip. Ni hindi na niya namamalayan ’yong mga studyante na lumilihis agad ng daan kapag nakikita siya. 

Maliban sa mga first year na hindi siya kilala, halos lahat ng studyante rito na nakakita sa mga laban niya last year ay hindi na maloloko sa makwelang personalidad niya.

Alam na alam na nila kung paano ’to makipaglaban kaya hangga’t maaari ay iiwasan at iiwasan nila ito sa tuwing makakasalubong nila ito.

“Si Twisted Tempo nalang siguro hehehe” Pero kung hindi mo siya kilala, mapagkakamalan mo talaga siyang engot na isip bata. “Tamaa! ’yon nalang.”

Habang naglalakad naman siya ay saglit siyang napatigil sa pag-iisip no’ng makita niya ang isang lalaki na naka suot lang ng hoodie na kulay pink tapos may kulay berde na buhok.

Nakapamulsa lang itong naglalakad sa ibang direksyon at pakaway-kaway lang sa mga babaeng nadadaanan nito.

“Abaa abaa.” Halos mag usok naman ang ilong ni Nico sa pagpapa cute no’ng lalaki sa mga babae.

Pero maliban sa nakakainis nitong ngiti, parang namumukhaan niya ang lalaking ’to.

“Diba taga Apollo Tech ’to last year?” Minsan na niyang nakita ang mukhang ’yan at medyo rinig na ang pangalan niyan dito sa Taaracan kahit nasa ibang paaralan ito nag-aaral. .  “Ba’t nag transfer ’to dito?”

“Aba malay ko, Nico Pogi,” sagot lang nito sa sarili kasi wala naman siyang kausap. Sa huli ay nagkibit-balikat nalang siya at pinagpatuloy ang paglalakad.


[Declan’s PoV]

Lunch break na ngayon kaya nagtungo muna ako sa canteen para kumain. Kaka-umay talaga pumasok. Sa dalawang subject na pinasukan ko, hindi ata umabot ng sampung minuto ’yong pakikinig ko. Nakanganga lang ako buong oras habang inaantok. Amboboring ng mga subject.

Wala bang PE na bardagulan dito? Pilayan Education?! Oh di kaya Araling Panrambulan? o kaya naman MATHira matibay? Pwede ring–

“Ano? Oorder ka ba, Utoy?” Gagi, nasa harap na pala ako ng tindera. Utoy amp.

Umorder ako ng isang tapsilog at saka softdrink tapos ay naghanap na ako ng bakanteng lamesa. Wala si Nico ngayon kasi hindi ko alam. Di na nagrereply e. 

Si kaibigang Val naman ay ’di ko rin alam kung asan. Ang tagal naming nagsama kahapon pero ’di ko man lang nahingi ’yong social media account o number niya. Kumusta na kaya ’yon? Baka di na ulit pumasok ’yon sa takot.

Nang makaupo ako sa bakanteng upuan ay inumpisahan ko na ang pagkain ko. Ang daming tao rito ngayon kasi nga lunchbreak.

May mga kumakain na tigda-dalawang tao lang sa isang lamesa, meron ding mga kung hindi ako nagkakamali ay mga gang sa kani-kanilang mesa dahil ansasama makatingin sa’kin. Tapos pare-pareho pa na pang bardagulan ’yong mga mukha.

Meron pang naghahabulan at ang iingay pa na parang walang pake kung nakaka istorbo ba sila o hindi.

Bahala kayo diyan. Gutom ako.

Habang kumakain ako ay di ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Nico kahapon at sa mga nalaman ko. Sa paraan ng pag de-describe niya sa mga tao rito ay masasabi mong hindi nga ordinaryo ’tong paaralan na ’to. Isama mo pa ’yong Black Council na myembro pa talaga si Nico.

Di ko pa nakakalaban si Nico kahit kailan kasi ewan, ’di lang din talaga namin naisip ’yan dati, kahit sparring lang. Ang lagi lang niyang nakaka laban ay ’yong isa rin naming malapit na kaibigan dati. Pero ayoko ng pag usapan ’yong tao na ’yon dahil sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya ay kumukulo lang ’yong dugo ko. Hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siyang lumpuhin hanggang sa hindi na makalakad.

Pero balik tayo sa Taaracan, maliban kay Nico, may siyam pa akong haharapin. Bukod sa mga binigay ni Nico na pangalan at kaonting detalye ay wala na akong alam tungkol do’n sa siyam. Ni mukha hindi ko alam.

Saglit kong tiningnan ang mga tao rito sa canteen. Hindi kaya isa sa mga ’to ay myembro ng BC? O di kaya isa sa mga nakasalubong ko kanina? o baka magiging ka-klase ko palang mamaya?

Teka, bakit ko ba pinoproblema yan? tinuloy ko nalang ’yong pagkain ko.

“S-sige na, pumayag kana. S-saglit lang naman tayo mamaya e. I-uuwi ka rin namin.”

Sa gitna ng aking pag nguya ay isang boses ang nagpukaw ng atensyon ko. Masyadong maingay rito sa canteen pero ’yong boses niya ang nagpa-angat ng tingin ko sa harap ko.

At do’n, nakita ko ang isang babae na mag-isang kumakain habang pinapalibutan ng tatlong lalaki.

Habang ’yong maitim na mataba naman ay panay akbay sa babae. ’Di ko alam kung parang pilit lang ba ’yong mukha niya dahil pinagpapawisan siya o baka gano’n na talaga siya. “P-Pumayag kana. Para namang hindi tayo magka-klase niyan,” muli pang salita nito habang ’yong dalawa niyang kasama ay panay ngisi lang.

Pansin ko naman na hindi kumikibo ’yong babae pero nakadungo lang ito habang ginagalaw ’yong hawak niyang kutsara. ’Di ko rin masilip ’yong mukha niya dahil natatakpan ito ng buhok niya.

Normal ba ang ganito rito? Bakit walang pumapansin?

“P-pramis Netflix and Chill  lang ang gagawin natin. D-diba?” Hilaw na hilaw na tumawa ’yong mataba sa mga kasama niya.

Napansin ata nila na binabaliwala lang sila kaya inangat no’ng isang payat ’yong mukha no’ng babae  “Oy, nakikinig ka ba??”

At do’n, otomatiko nalang akong napatayo no’ng makita ko na umiiyak na pala ’to habang nangangatal ang bibig.

Tangina…


[ 3rd Person’s PoV ]

“B-bakit ka umiiyak? Tinatanong ka lang naman na–” Di na natuloy no’ng lalaking mataba ang sasabihin niya nang bigla siyang tumilapon nang sobrang lakas at bumangga sa isang water dispenser. Lahat tuloy ng mga tao sa loob ng canteen ay napatigil sa kanilang ginagawa dahil sa narinig nila.

Pero may isang grupo ng kalalakihan sa isang lamesa ang tuloy lang sa pagtawa.

Lahat ay napatingin sa may gawa no’ng sipa na ’yon.

Kahit gulat na gulat ay sinubukang rumesbak no’ng dalawang lalaki. Bumitaw ng isang suntok ’yong isa pero iniwasan lang ito ni Declan at marahas na hinawakan ang ulo nito at saka hinampas sa isang bakanteng lamesa. Halos magka tipak pa ’yong lamesa sa lakas ng pagkaka hampas nito. 

Natumba rin ’yong babae sa sobrang gulat. Napatingin saglit si Declan sa gawi no’ng babae kaya di niya napansin ’yong isa pang lalaki na may hawak na pala ng bote ng soft drink.

“Aaargghhh!” sigaw pa nito at saka hinampas sa ulo ni Declan. Agad itong nabasag at nasugatan ng konti ang noo ni Declan.

“A-ano ka ngayon?” dilat na dilat pa ang mga mata nito habang hilaw na natatawa na parang proud pa sa nagawa niya. Kumuha pa siya ng isang silya at balak sana ulit ihampas kay Declan pero masyadong mabilis ’yong pangyayari, nahuli nalang niya ang sarili niyang pabagsak na sa sahig. Sa may binti pala siya nito sinipa. Dahil do’n ay tuluyan siyang nawalan ng balanse at natumba. 

Akala niya’y tapos na si Declan pero nung inangat niya ang tingin niya ay do’n nalang nanlambot ang buong katawan niya no’ng makita ang nanlilisik na mga mata nito habang ina-angat ang isang silya.

  ![](https://img.wattpad.com/d8d12bbcd959b1d36a98765d70add4ee4077ad15/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f483148527748304a44652d6d58773d3d2d313334393332323435392e313763643261633635633162383762643333343335343739343436332e6a7067)               

“H-huwag!” pakiusap pa niya pero umalingawngaw lang sa buong canteen ang sobrang lakas ng pagkaka hampas ng silya na ’yon sa katawan niya.

Pati ’yong mga nagtatawanan ay natahimik sa lakas ng pagkakahampas na ’yon.

Ang kaninang hindi na magka rinigan sa sobrang ingay, ngayon ay halos rinig mo na ang bawat hininga ng isa’t isa sa sobrang tahimik.

May napansin pang presensya si Declan sa likuran niya kaya walang pag aalinlangan siyang lumingon dito at nagpakawala agad ng sipa.

Sa sobrang lakas ng pagkaka tama nito ay halos rinig ng lahat ng nandito ang impact ng pag tama na ’yon.

Pero..

Gulat na napatingin si Declan dahil nasangga ito ng lalaki gamit ang braso nitong ginawang pantakip sa mukha nito.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ’yong suot-suot nitong cap. Pero nanatili pa rin itong nakatayo at hindi man lang natinag.

Nang makabawi ay umayos rin nang tayo si Declan at seryosong tiningnan ’yong lalaki.

“Lakas,” ngiting sambit nito. Meron itong pulang buhok at dalawang hikaw sa kanang tenga.

Ito ’yong lalaking nagmamasid kila Nico kahapon…na napingot sa tenga.

Pano niya nasangga ’yon? Ang bilis ng reflexes niya para

makagalaw agad. Isip-isip ni Declan.

Susubukan pa sana niyang sundan ito ng suntok pero nakita niyang nagtaas na ito ng kamay kaya napahinto siya. “Relax ka laang,”
ngiting sambit nito. ’Yong ngiti niya ay parang hindi mo alam kung nang-iinis ba o ano. Masyadong peke.

Ngayon ay magkatapat na ang dalawa habang pinapalibutan ng mga studyante. Di man pansin ng iilan pero halos mabalot na ng mabigat na presenya ang buong paligid dahil lang sa mga titig nila.

  ![](https://img.wattpad.com/b8572568ce2a147b91c79c91695b8b84595aeb6e/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4d52724778557233376e45477a413d3d2d313334393332323435392e313763643261646264353230343663653430333430313038333933312e6a7067)               

“Sino ba ’yang kaharap ni Cid?” bulong-bulungan na ng mga iilan

“Diba yan ’yong kasama ni Nico kahapon?”

“First year palang ’yan, classmate ko yan kanina. Declan ata ’yong pangalan.”

“Ang lakas niya,” nasabi nalang no’ng isang nanunood habang tinitingnan ang tatlong studyante na nawalan agad ng malay sa isang atake lang.

“Pero walang-wala yan kay Cid. Nakita mo ngang nasangga niya ’yong sipa e,” pagtutukoy naman nung iba sa kaharap ni Declan.

“Eh bakit nagtaas ng kamay? Natatakot ba siya?”

“Wag natin storbohin ang mga tao rito. Lunch break ngayon.” ngiting sabi lang ni Cid. Napaka malumanay ng boses nito pero ramdam mo talagang may halo ng pang-aasar.

“Ikaw si Declan, tama ba?” tanong pa niya, “Cid Lacson nga pala.” Nag abot siya ng kamay pero hindi ito tinanggap ni Declan.

“Pati ba pang babastos ng babae rito ay pinapayagan niyo?” pabalik lang na tanong nito na ngayon ay ansama pa rin ng tingin sakanya.

“Hindi. Pasensya na sa nagawa nila.” Tumingin saglit si Cid do’n sa gawi ng isang grupong nagtatawanan kanina. “May mga kumag lang talaga na walang magawa sa buhay,” dugtong niya tapos ay saglit niyang tiningnan ’yong lalaking nahampas ng silya.

Halos magkawasak-wasak ’yong silya na nakapalibot sa katawan nung lalaki.

Napangiti tuloy ng palihim si Cid. Hindi nga siya nagkamali sa unang kita niya palang nito kahapon.

“Saka nalang natin ’to ituloy sa Grand Opening Tournament. Sasali ka naman siguro do’n, diba?” ngiting tanong niya.

Di nagsalita si Declan kaya tiningnan nalang ni Cid ’yong babae. “Pasensya kana, miss.” Paumanhin nito at saka kinuha ’yong nalaglag niyang cap.

Pinagpag niya muna ito bago sinuot.  “Aasahan kita do’n, Declan,” sabi nito at casual lang na naglakad palabas ng canteen.

“Siya nga pala,” huminto ito saglit at tumingin sakanya, “paki kumusta ako kay Nico. Pasabi na rin na malapit na akong makabawi sakanya,” ngiting dugtong nito bago tumalikod at tuluyang naglakad palabas.

Habang si Declan naman ay naiwan lang na nakatayo.

Pagkalabas ni Cid ay isa-isa na ring bumalik ’yong mga studyante sa kanilang mga ginagawa. Parang normal na rito sa Taaracan na makakita ng gano’ng klase na eksena.

Saka lang din naalala ni Declan ’yong babae kaya dali-dali niya itong nilingon at tinulungang tumayo. “Ayos ka lang ba?” Tiningnan niya ang mukha nito kung umiiyak pa rin ba, “pasensya kana medyo nahuli ako.”

Di nagsalita ’yong babae pero pa singhot-singhot pa rin ito dahil sa pag-iyak. 

Nang makatayo sila ay do’n lang umangat ng tingin yung babae kay Declan. Saglit pang nagtama ang kanilang mga mata bago napansin no’ng babae ’yong noo nitong may kaonting sugat.

Tuminging muli ’yong babae sa mga mata ni Declan. Habang si Declan naman ay di na  maintindihan ang sarili kung ba’t hindi na niya kayang magsalita sa mga oras na ’to.

Ilang segundo rin silang nagkatitigan bago umiwas ng tingin ’yong babae at saka may dinukot sa kanyang bag. Kinuha niya ang isang panyo at saka mahinahon itong nilapat sa sugat ni Declan sa noo.

Di nagsasalita ’yong babae kaya do’n na nakaramdam ng pagka-ilang si Declan. “Ahh..anong ginagawa mo?” takhang tanong niya at do’n, parang biglang nag snap din ’yong expresyon no’ng babae. Parang pati ’to ay gulat na gulat sa ginagawa niya. 

Kanina pa rin pala itong wala sa wisyo at kusa nalang gumagalaw ang katawan niya. 

Dahil do’n ay biglang nagkulay kamatis na ’yong pisngi no’ng babae sa sobrang hiya. Mabilis nalang siyang yumuko bilang pasasalamat at saka dali-daling naglakad palabas ng canteen. 

Habang si Declan naman ay natulala nalang na parang hindi na masundan ’yong mga nangyayari. Ano ’yon? 

Nang makabawi ay napakamot nalang siya at saka bumalik sa lamesa niya. “You’re welcome,” sabi nalang nito sa sarili at saka tinuloy ’yong pagkain.


[ Declan’s PoV ]

Grand Opening Tournament .

Kailangan ko pa pala manalo sa bagay na ’yan bago ako pansinin at mahamon ang Black Council.

Napatingin ako sa gawi kung saan lumabas ’yong Cid na ’yon. Sasali rin siya sa tournament, at masasabi kong hindi ’yun ordinaryong studyante lang. Ang bilis ng reaction time niya para masangga ’yong sipa ko kanina.

at ang mas nakapagtataka..

Paano niya nakayanan ’yong lakas ng sipa ko?

Napangisi tuloy ako sa naisip ko.

Binabawi ko na ’yong sinasabi ko kahapon..

Nasa tamang paaralan ako..


Halos pagabi na at pauwi na rin ako. Kasama ko na si Nico ngayon dahil nagreply din kanina ang hayop kung nasaan siya. Si Val naman ay nakita ko rin kanina. Pumasok pa rin pala. Maagang natapos ’yong mga subject niya kaya umuna na siyang umuwi sa amin, at nakalimutan ko na namang kunin ’yong number niya. Ayos talaga. 

“Balita ko gumawa ka raw ng eksena sa canteen ah,” tatawa-tawang umpisa ni Nico. Palabas na kami ng gate ngayon.

“Marites.”  

“Ano bang nangyari? Pangit no’ng source ko, e. Hindi detalyado mag kwento.”

“Nakita ko kasi na binastos ’yong babae do’n. Sa harapan pa mismo ng pagkain ko,” sagot ko lang. Ang pakla ng lalamunan ko. Kailangan ko ng yosi.

“Naks! knighting in the shining armoring ka pala eh! Nasaan ’yong babae? Maganda ba? Kiniss ka ba no’ng pinagtanggol mo siya?”  tanong niya.

“Gago neto.” Napailing nalang ako.

Dami talagang alam sa buhay.

“Oh bakit? ayaw mo na ba sa mga babae? Na heart broken ka lang ng isang beses.”

Pagkasabi niya no’n ay agad ko siyang sinamaan ng tingin. Nagtaas naman agad siya ng kamay no’ng mapagtanto niya ’yong sinabi niya. “opsiee, sorry.”

Nang ’to. Uungkatin pa e.

“Pero di nga? Ayaw mo na sa mga babae?” ulit na naman niya at saka pabirong tinakpan ’yong katawan niya habang naglalakad, “wag mo sabihing mga katulad ko na ’yong trip mo?? Shet,” dugtong niya kaya mabilis ko ng kinuha ’yong bag ko sa likod at hinampas sakanya. Buti nakailag ampotek.

Eto talaga ’yong nakakabanas sa gago na ’to, e. Pag alam niyang wala ka sa mood, mas lalo ka lang aasarin.

“Joke lang! To naman!” sabi pa niya at saka muling tumabi sa’kin,  “pero kung ikaw naman ’yong first ko, why not? hihi.” Kinagat pa niya ’yong daliri niya habang kumindat.

“Tang!” Binwelo ko ulit ’yong bag ko kaya nagkandarapa na naman itong tumakbo para ’di ko tamaan. “Kadiri ampotek.”

“Haahahhahaahhaa!” patawa tawa lang ang hayop.

Pag nahuli ko ’to biyak ulo nito sinasabi ko.


Nang makalabas kami ay nagpaalam na kami sa isa’t isa dahil ibang direksyon ’yong dadaanan namin.

Dumaan muna ako saglit sa 7/11 para bumili ng yosi. Maya-maya pa naman darating si Julian para sunduin ako.

Pagkapasok ko ay agad na akong dumiretso sa cashier. Kinuha ko ’yong wallet ko at saka dumukot ng pera.

“Good evening po,” bati nung cashier. Lambing naman ng boses.

“Marlboro–” Inangat ko ’yong tingin ko matapos akong makakuha ng pera sa wallet

At sa ’di inaasahan…

sa ikalawang pagkakataon ngayong araw na to, muli na namang nagtama ’yong mga mata namin…

’Yong babae kanina..

Pati siya ay nagulat din at natulala.


[3rd Person’s PoV]

Pasado alas otso na ng gabi pero meron pa rin mga iilang studyante sa Taaracan.

Sa isang rooftop naman sa isang school building ay may dalawang lalaki ang tahimik lang na nakatambay doon. Walang ilaw rito at natatakpan ng ulap ang buwan kaya halos hindi mo sila makikita.

Naka-upo lang ’yong isa habang ’yong isa naman ay tahimik lang na nanunood ng isang video sa selpon niya.

Eksena ito sa nangyari sa canteen kanina. May naka record kasi nito at saka ipinasa sakanya.

“Ano sa tingin mo? Freshman yan, matalik daw na kaibigan ni Nico,”  tanong no’ng lalaking nakaupo bago nag sindi ng panibagong sigarilyo.

Matapos manood no’ng isang lalaki ay nilagay niya sa bulsa ang selpon niya at saka nakapamulsang pumikit sa kalangitan.

Nang tuluyang sumilip ang liwanag ng buwan, ay natanaw no’ng lalaking nakaupo ang kulay silver na buhok nung kasama niya na sumasabay lang sa malamig na ihip ng hangin.  “Tatlong taon mo ng pinamumunuan ’tong Taaracan. Tingin mo, siya na ba ang hinihintay mong makakatalo sayo… Elliot? “ tanong niya rito.

Ngumiti lang ito nang matipid bago lumingon sakanya. “Samahan mo akong bumili ng Cornetto, Rocco ,” sagot nito.

-To be continued..

Chapter 6: The Former Member

( Under revision pa po ’to kaya in-unpublish ko muna ’yong ibang chap. Binawasan ko lang ’yong mga typos and errors, at saka may mga binago at dinagdag lang din akong mga scenes sa bawat chapter, so mas okay pa rin if basahin niyo ulit heheh ’yon lang,


Chapter 6: The Former Member


[ Declan’s PoV ]

“ A ng laki,“ nasabi ko nalang habang nililibot ang tingin ko sa buong paligid. Sinamahan ako saglit ni Nico ngayon kung saan gaganapin ang tournament mamaya. At grabee, parang limang beses ata ang laki ng isang covered court kumpara sa arena na ’to.

“Kaya pala ang dumi-dumi ng ibang lugar sa Taaracan, dito lang pala nakatuon ang lahat sa paglilinis,” dugtong ko. Pano ba naman, kahit konting alikabok eh wala kang makikita sa buong arena. Sobrang kintab! Kung may isa mang lugar dito sa Taaracan na masasabi mong malinis, ito lang talaga ’yon.

Umaga palang pero may mga iilang staff na rin ang abala sa pag-aayos ng mga decorasyon at mga sound system.

“Dito kilala ang Taaracan High,” sagot naman ni Nico na nakapamulsa lang habang naglilibot din ng tingin. “Mas pinaglalaanan pa ito ng budget kaysa sa ibang mga event ng paaralan,” tawang dugtong niya.

“Diba freshman ka lang last year?” tanong ko sakanya dahil bigla akong napaisip.

“Oo, bakit?”

“Ibig sabihin, ikaw ang nanalo sa tourna last year? Kasi nahamon mo agad ’yong Black Council, e.”

“Tama ka ulit! Tumatalino ka na, ah? Anong nakain mo?” natatawang tanong din ng mokong. Tadyakan ko kaya ’to?

“Eh kung nasali ka sa Black Council, may isa dapat ang natanggal sa pwesto,” isip-isip ko. Kasi diba, pag hinamon mo ’yong top 10 at natalo mo siya, ikaw na ’yong papalit sa pwesto. Hindi naman pwedeng dalawa kayong top 10. “Sino ’yong nasa top 10 dati na natalo mo?” kunot-noo kong tanong.

“Si Cid Lacson,” diretsong sagot niya na nagpanganga sa’kin.

Si Cid?

Ha??

“Oo, ’yong nakaharap mo sa canteen dati.” Mukhang nabasa niya ata ’yong nasa isip ko.

Yung lalaking ’yon?

“Si Cid ay ang former top 10 ng Black Council dati sa Taaracan,” paliwanag niya, “pero natalo ko siya last year kaya natanggal siya sa pwesto. At sa oras na matanggal ka, kailangan mo na naman ulit manalo sa Grand Opening Tournament para mapansin ka. Ibig sabihin, kailangan mo pa ulit maghintay ng isang buong school year.”

[ Lee Jihoon

as

Cid Lacson ]

“Kailangan ba talaga maging kampyon ka muna nitong tournament na ’to bago kayo pwedeng hamunin?” Kung ’yon lang ang tanging paraan, edi isang studyante lang kada taon ang pwedeng humamon sakanila?

“Hmmn, hindi naman sa ’yon lang ang pinapansin namin. Pero 70% talaga ’yong tsansa na payagan ka pag ikaw ang nanalo sa Tourna na ’to,” sagot niya.

“Pano kung matalo ako mamaya? Mag-aantay rin ba muna ako ng isang buong taon?”

Napahawak naman siya sa baba niya at napaisip. “Meron pa namang ibang paraan para mapansin ka. Kaso mas hassle at aksaya sa oras.”

“Ano ’yon?”

“Ganito, 70% ’yong tsansa pag naging kampyon ka sa tourna, 25% naman pag naging lider ka ng isang gang dito, at 5% naman kapag wala lang, kapag nagpapansin ka lang sa buong paaralan gaya ng gumawa ng gulo na makakaabala na masyado. Yung kapag masyado mo ng dinidisturbo ’yong paaralan para lang kunin ang atensyon namin. Yung mga gano’n, may tsansa na pumayag kami. Pero napaka baba ng 5% para mangyari ’yon.

“Teka, ano ’yong sinasabi mong maging lider ng isang gang? 25%? Malaking tsansa na ’yon.”

“Oo, at isang malakas na gang ang tinutukoy ko do’n.”

“Malakas na gang?”

“Merong tatlong gang ang kasalukuyang namamahala rito sa Taaracan ngayon,” sagot niya,“at kailangan mong maging lider ng isa sa mga ’yon para mapansin ka.”

“Paano naging mahirap ’yan? Kung sakaling matalo man ako mamaya, pwede naman sigurong hamunin ko ’yong isa diyan tapos papalitan ko nalang kapag nanalo ako para mapansin at payagan niyo na akong mahamon kayo,” ngising sagot ko rin. Wala naman sa plano ko ang matalo mamaya pero ewan, naisip ko lang ’tong mga pinagsasabi ko ngayon.

Isa lang si Cid na isa palang former member ng Black Council ang sasali mamaya. Hindi ko pa alam ang kakayahan no’ng iba. Malay mo may mga nagtransfer o mga first year din na hayok makipag laban.

“Wag mo nalang tangkain,” babala niya.

“Bakit naman?”

“Ang lakas ng tatlong lider na kasalukuyang namumuno sa tatlong gang na ’yan ay halos kasing lakas lang din ng mga myembro ng BC. Sila ’yong mga studyante na malalakas pero walang pakealam sa ranking ng paaralan, na ang tanging gusto lang ay makabuo ng isang grupo para protektahan ang mga sarili laban sa isa’t-isa.” Tumingin naman siya sa’kin at ngumisi, “at meron din silang patakaran kung sakali mang hamunin mo ang lider nila.”

“Ang dami namang requirements niyan.” 

“Hindi mo mahahamon ang lider nila ng one on one. Kailangan mong harapin ang buong gang nila at manalo. Kaya ibig sabihin, kailangan mo muna ng sarili mong gang para magawa mo ’yon. Hassle na, diba? Kaya mag focus ka nalang sa event mamaya,” tawang sabi niya.

Natahimik nalang ako sa sinabi niya at napagtanto ko na ang hassle nga.

“Mag focus ka nalang kay Cid dahil panigurado siya lang ang matinding banta sayo sa event na ’yan,” sabi niya.

“Natalo mo siya last year, diba? Ano ba ang kakayahan niya?”

Natawa naman ang mokong at inasar pa ako. “Aba, porket kaibigan kita eh papaboran na kita. ikaw na ang umalam niyan. Nang ’to, mandadaya ka pa ah.”

“Ulul nagtatanong lang, e.”

“Paki kumusta ako kay Nico. Pasabi na rin na malapit na akong makabawi sakanya.”

Naalala ko tuloy bigla ’yong huling sinabi ni Cid sa’kin sa canteen. ’Yon pala ang ibig niyang sabihin no’n.

“Ramdam ko naman na hindi lang ordinaryo ang lakas niya noong unang enkwentro palang namin.” Bilang lang sa kamay ko ang nakaka sangga ng sipa nang gano’n. 

“Kalmado ’yon pero masyadong unpredictable ang mga kilos, “ sabi ni Nico at saka tumingin sa’kin, “wag kang kampante, halimaw din ’yon.”

Tiningnan ko saglit ’yong kamay ko at heto na naman, nag-iinit na naman ’yong katawan ko.

Isang malakas ng kalaban.

Hindi na ako makapaghintay!

“Oy,” tawag ni Nico kaya napalingon ako saglit sakanya. Nag-angat siya ng kamao sa tapat ko para makipag fist bump at saka ngumisi. “Goodluck mamaya.”

Natawa tuloy ako. “Parang tanga oh. Feeling anime ampotek.” Pati siya ay natawa rin pero sa huli ay nakipag fist bump pa rin ako. Mukha tuloy kaming mga bida-bida sa Dragonball.

“Iligtas na natin ang buong mundo, Vegeta,” seryoso kong dugtong na ikinatawa niya lalo.

“Gago HAHAHAHA”


[ Cid’s PoV ]

“Mabaho ba ako??” Hindi ako makasagot sa tanong ni Maya kasi naluluha na ako kaka bahing. Kanina pa kasi kumakati ’yong ilong ko kahit wala naman akong sipon.

Nakita ko pa siyang inamoy ’yong damit niya para masiguro na hindi nga siya nangangamoy.

“Hindi, baby,” sagot ko at nabahing na naman. Langya.

“Kanina pa kasi ’yan, e,” iritang bulong niya, “pinagtitinginan na tayo rito oh.” Nandito pala kami sa Jollibee ngayon dahil i t-treat daw niya ako. 

“Baka pinag-uusapan lang ako kaya ganito,” ngising sagot ko. Uminom nalang ako tubig at saka tinuloy ang pagkain. 

Habang kumakain kami ay saglit akong napatingin kay Maya na busy lang sa pagkain ng kanyang paboritong yum burger. At mukang napansin niya ata ako kaya kumunot na naman ’yong noo niya at saka tiningnan ako. “Bakit??” 

[ Lee Yumi

as

Maya ]

“Ba’t ang ganda mo pa rin kahit laging salubong ’yang kilay mo?” Napansin ko ang dahan dahang pagpula ng pisngi niya kaya lumawak tuloy lalo ’yong ngiti ko. “Tatlong taon na tayo pero kinikilig ka pa rin sa’kin.”

“Neknek mo!” inis niyang sagot at naka busangot na naman ’yong mukha habang kinakagat yung burger. Ang cute.

Nahinto naman ang asaran namin no’ng napansin namin ang dalawang bata na nasa labas habang naka tingin sa’min at sumisenyas na parang nanghihingi ng makakain. Pero maya-maya lang din ay pinaalis agad sila no’ng guard.

“Diba mamaya na mag uumpisa ’yong event niyo?” Nilipat ko nalang ’yong tingin ko kay Maya.

“Oo, mamayang 7pm. Nood ka ha, pampa swerte hehe.” ngiting sagot ko.

“Bakit parang hindi ka ata naghahanda? Sigurado kana bang ikaw ang mananalo mamaya?” tanong niya. Ilang segundo rin akong nakatitig lang sakanya bago nakasagot. 

“Oo.”

“Wow. Ganyan ka rin kayabang last year kaya ka natalo no’ng Nico,” tawang biro niya pero mukhang napansin niya ata na napawi ’yong ngiti sa mukha ko kaya agad din siyang tumigil. “Sorry.”

Nang makabawi ay ngumiti ulit ako sakanya. “Hindi man halata pero halos isang taon na akong handa para sa gabing ’to. Matapos akong matalo no’ng gabi na ’yon, sinumpa ko na sa sarili ko na hinding-hindi na ulit ako matatalo pa kahit kailan, kahit sino pang kalaban ’yan.” Bigla kong naalala ang pagmumukha ni Declan kaya saglit akong napaisip.

Si Declan lang ang nakikita kong pwedeng maging banta sa’kin sa tournament mamaya. Kitang-kita ko rin sa mga mata niya kung gaano siya nananabik na makaharap ako. 

“Sige manunood ako. Ako pa naman lucky charm mo.” Nabalik ako sa wisyo no’ng marinig ko si Maya na nagsalita. 

“Wala na, sure win na ako lalo niyan mamaya,” tawang sagot ko. At habang nakikita ko siyang nakangiti, may biglang pumasok na tanong sa utak ko.

“Baby,” tawag ko.

“Hmmn?” 

“Buti nakaya mong magtiis sa’kin sa loob ng tatlong taon,” sabi ko. Muntik naman siyang mabulunan sa sinabi ko kaya dali-dali niyang ininom ’yong pineapple juice. 

“Kasi kung tutuusin, meron pa namang mas matinong lalaki diyan e. Iyong hindi laging nasasangkot sa gulo, ’yong matalino at sweet na kaya ka bigyan ng bulaklak araw-araw,” dugtong ko. Kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakabingwit ako ng isang katulad niyang kayang umintindi sa kahit anong sitwasyon. 

Bukod sa mala anghel niyang mukha na salungat sa ugali niyang parang laging galit, eh napaka supportive niya rin. Ni minsan sa relasyon namin hindi ako pinagbawalan niyan sa mga gusto ko—pwera sa pag cu-cutting class. Pero maliban do’n, lahat nakasuporta lang siya palagi sa’kin.

“Si oa,” tipid lang niyang sagot kaya natawa nalang din ako. Hindi rin talaga namin ugali na mag-usap nang ganitong klase ng topic. 

Akala ko wala na siyang sasabihin pero…“Wala akong pakialam kung araw-araw ka pang makipag bugbugan diyan. Diyan ka masaya, e. Bago maging tayo, ’yan na ang nakahiligan mo. Sino ba ako para alisin ’yon sa sistema mo?” Napatingin tuloy ako sakanya at nakita kong medyo namumula na naman ang pisngi niya at hindi makatingin sa’kin nang maayos. “Makipag-away ka lang buong araw, wala akong pake. Basta pagtapos ng lahat, sa’kin ka lang uuwi.” dugtong niya at tila nairita pa sa sinabi niya. “Ano ba yan, ang baduy ko na. Ikaw kasi e!” 

Hindi ko na napansin ang sarili kong nakangiti na pala sakanya. 

Sobrang swerte ko talaga sa babaeng ’to. 

“Anong nginiti-ngiti mo diyan??”

“Wala lang, ang sweet mo lang, baby.” tawang sagot ko na ikina inis niya lalo.

“Olol!” 

Matapos mapawi ang kilig naming dalawa ay nagpasya na akong umalis na. “Tara na.”

“May dalawang burger ka pa oh, ’di mo ba uubusin ’yan?” tanong niya pero ngumiti lang ako at saka kinuha ’yong dalawang burger at nilagay sa bulsa ng hoodie ko.

[3rd Person’s PoV ]

Matapos mag-ayos nila Cid ay lumabas na sila para bumalik sa Taaracan.

Nang makalabas sila ay saglit na naglibot ng tingin si Cid na parang may hinahanap pa.

At no’ng makita niya ’yong dalawang bata kanina na nanghihingi sakanila ay nilapitan niya agad ’to. Habang si Maya ay naiwan lang at pinapanood si Cid na sinalubong ’yong mga bata.

Hindi na niya marinig ang mga sinabi ni Cid sa mga bata habang inaabot sakanila yung burger kasi nasa may unahan sila. Pero kahit gano’n, kitang kita sa mukha ng mga bata ang tuwa habang nakikipag usap kay Cid.

Sa nasaksihan ni Maya ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso niya. Lalo na no’ng tingnan niya ang nakangiting mukha ni Cid.

Ito ’yon, itong side na ’to ang dahilan kung ba’t nahulong siya nang husto sa lalaking ’to. Lagi niyang tinatatak sa utak niya na kung meron man sakanila ang ma-swerte sa relasyon na ’to, walang dudang siya ’yon.

Kaya kahit anong mangyari, hindi siya magsasawang intindihin at mahalin ito araw-araw. 

========

Sa pagsapit ng gabi, imbes uwian na sana eh halos hindi na mahulugang karayom ang buong Taaracan dahil sa dami ng tao. Pasado 6:30 na kaya ’yong iba ay kanya-kanya na ng punta sa arena para maka pwesto nang maayos. Yung iba naman ay piniling tumambay muna dahil may oras pa naman. May i-ilan din na bumibili na ng makakain at maiinom dahil tiyak mapapagod ’to sila mamaya kasisigaw.

“Sino kayang mananalo ngayon?” ’Yong iba naman ay nag-uusap na rin habang papunta sa arena.

“Sasali raw ulit si Cid, e. Dating myembro ng Black Council ’yan. Sigurado ako siya ulit ang mananalo ngayon.”

“May mga first year din naman na sasali. Hindi natin alam ang mga kakayahan nila.”

“Saka may mga transferee pa. Usap-usapan din ’yong lumipat galing sa Apollo Tech, e. Ano ngang pangalan nun?”

Lahat ay sabik at nag-iisip kung sino nga ba ang magwawagi sa event na ’to. Kanya-kanya ng hula pero wala ni isa ang nakasisiguro kung sino ang magiging last man standing sa tournament mamaya.


Sa isang bakanteng room naman ay naka-upo lang si Declan habang nagbebenda sa magkabilang kamao niya. Kasama niya sina Nico at Val ngayon. Wala naman siyang ibang kaibigan dito bukod sakanilang dalawa.

“Baka natatae kana diyan, ah. CR ka kaya muna?” biro ni Nico. Nakasandal lang siya sa may pader habang nakahalukipkip. Si Val naman ay katabi lang ni Declan.

“May kailangan ka ba, Dec?” tanong ni Val kasi kahit papano ay gusto niyang may maitulong man lang bago magsimula ang tournament.

“Gawa ka ng banner ng mukha ko, kaibigang Val.” tawang biro ni Declan kasi pansin niyang si Val pa mismo ’yong parang kinakabahan sakanila. Wala na rin naman na siyang kailangan. Ang totoo nga ay kaninang umaga pa siya sobrang handa. Napakamot nalang tuloy sa ulo si Val.

Pero maya maya pa..

“Say no mooore!” May biglang sumigaw sa tapat ng pintuan ng room kaya lahat ay napalingon dito. At do’n tumambad si Pachi bitbit ang isang banner kasama ’yong dalawang lalaki na nawalan din ng malay dati sa canteen.

“Eh?”

Na speechless saglit ang tatlo, lalo na si Declan.

Ilang segundo rin ’yon bago sila nakabawi.

Tumambad sakanila ang isang banner na may stolen shot ng mukha ni Declan na sobrang labo pa ng kuha habang kumakain ng ice cream. Tapos may nakalagay pa sa itaas na ’Go Master Dec! Our Strongest Dec

!’

At hindi lang ’yon, may background pa ito na kulay asul na parang kalangitan at may mga kalapati na lumilipad. Tapos sa baba nito ay may nakasulat pa na ‘Maraming Salamat Sa Lahat, Declan Monroe’

“HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!”

Halos mamatay naman si Nico sa kakatawa no’ng makabawi.“Yung tipong ’di pa nag-uumpisa ’yong tournament pero pinapatay kana HAHAHAAHAHAHAHA! Maraming Salamat Sa Lahat ampota!” Napahawak na siya sa tiyan niya at napapaluhod na sa sobrang pagtawa. “HAHAHAHAHAHAHA! Helppp!!”

Pati si Val na mabait at tahimik ay di na rin napigilang matawa.

Inis na inis tuloy na tiningnan ni Declan sina Pachi tapos ay kumuha siya ng isang bangko at saka binato sakanila. Nagkandarapa naman ang mga ito sa pag ilag bago tumakbo.

“Galingan mo mamaya, Master Dec!” sabay na sigaw pa nila Pachi bago tuluyang nakaalis.

Napapahid na si Nico ng luha kakatawa. “Tangina, ’di ko alam na may mga fans kana pala rito.”

“Ulul! isa ka pa,” nasagot nalang ni Declan dahil wala rin itong kaalam-alam.


Bago pa man mag simula ang tournament ay kanya-kanya na rin ng paghahanda ang i-ilang mga kalahok.

Tiningnan saglit ng isang lalaki ang relo niya, at no’ng makita niyang malapit ng mag-umpisa ang tournament ay ngisi siyang tumayo at inayos ang suot niyang kulay pink na hoodie.

“It’s showtime.” Pupulbusin niya lahat ng kalaban na haharang sakanya. Kinuyom niya ang pambato niyang kamao at saka ito tiningnan. “Makakaharap din kita ulit balang araw. At pag nangyari ’yon, ako na ang maiiwang nakatayo,” dugtong nito bago tuluyang makalabas ng silid.

Dumighay naman nang napakalakas ang isang napaka laking lalaki matapos maubos ang kinseng bowl ng ramen sa canteen. Isa itong six footer na may timbang na 205kg at medyo kilala na rin sa paaralang ito. 

Gaya nga ng sabi nila, ang pagkain ay nagbibigay sa atin ng source of energy. At sa sitwasyon ng kakaibang katawan niya, nagiging triple ang lakas nito depende sa dami ng kanyang nakakain. “I’m so pumped right now, baby!” sigaw niya na para bang isang kingkong bago tumayo at tinahak ang daan papuntang arena.

“Sasali rin pala si Junio—” Napatigil naman sa pag-uusap ’yong dalawang studyante no’ng tumingin ’yong malaking lalaki sa gawi nila habang nag-uusok ang ilong “Anong sabi mo?!”

“A-ah eh…ang ibig kong sabihin ay sasali ka pala, Triple B,” hilaw na sagot no’ng nagsalita. Ngumisi naman si Triple B sakanya at nag thumbs up bago nagpatuloy sa paglalakad. Ayaw na ayaw niya talagang marinig ang totoong pangalan niyang Junior.

“Ano ba ’yong Triple B?” gulong bulong din no’ng kausap nito.

Lumapit sa tenga ’yong lalaki at bumulong ng “Big Boy Bazooka. Huwag kang papahalata.”

Gustong matawa no’ng isang lalaki sa narinig niya pero mas pinili nitong ’di na ipakita kasi mahal pa niya ang buhay niya.

“Triple B is coming!” tatawa-tawang sigaw pa ni Triple B na tila kampante na para sa gaganaping event mamaya.


“994…995…” Sa isang tahimik na lugar naman ay walang humpay pa rin sa pag eensayo ang isang lalaki kahit pa umpisa na ang tournament. Siya ay isang depinisyon ng salitang ‘hard work’

Isa siyang die hard fan ni Bruce Lee at nagsanay ito buong buhay niya sa paraang ginagawa ng kanyang idolo. Weirdo man siya sa paningin ng iba dahil sa kanyang estilo mula hairstyle hanggang sa pananamit, masasabi mong hindi rin talaga basta-basta ang lakas niya.

At sa eksaktong ika isanlibong push-up niya gamit lang ang dalawang hinlalaki niya ay ang pagtunog rin ng isang napakalakas na busina na nanggagaling sa Taaracan High Arena, na tila nag mimistulang hudyat para umpisahan na ang event.

Umayos ito ng tayo at saka kinuha ang chako niya. Tapos ay nag-umpisa na rin itong maglakad patungo sa Arena.


Sa isang school building naman na teritoryo ng isa sa tatlong malalakas na gang dito sa Taaracan, ay may isang lalaki ang kasalukuyang nag-uunat ng kanyang katawan. “Kailangan ko na umalis heheh.” ngiting sambit niya no’ng marinig din ang busina.

Mukha man itong bata tingnan dahil sa tangkad nitong 4’11, pero second year student na ito at medyo respitado na rin dito sa Taaracan dahil sa posisyon niya.

“Sigurado ka na ba diyan, Finn ?” Isang lalaki pa ang lumitaw sa isang madilim na parte ng building.

Ang lider ng

Nefarious Gang.

“Wala akong planong hamunin ang Black Council, Boss. Gusto ko lang makipag laro dahil nababagot ako.” Lumawak ang ngiti ni Finn at lumitaw ang maliit nitong pangil sa gilid ng kanyang bibig. Sa kabila ng height at mukha nito na parang bata, si Finn ang tinaguriang kanang kamay ng tanyag na Nefarious Gang dito sa Taaracan.

Tumalon ito mula sa 2nd floor ng building na ’yon at naka ngisi ring tinahak ang daan papuntang Arena.


Pasado alas siete na at nagmamadali ngayon ang isa pang kalahok papunta sa arena. Natagalan ito dahil pumunta pa ito saglit sa girlfriend niya para magpaalam.

Halos wala ka ng makitang studyante sa paligid dahil lahat ay nasa arena na. “Ba yaaan. Baka di na ako makaabot.”

Siya si Crozie Belfort , isang 3rd year at ka batch nito si Cid na sumali dati sa Tournament.

Kaso nalaglag agad siya dahil kay Cid.

Kaya no’ng nalaman niyang sumali ulit ito ngayong taon na ’to ay di na siya nag atubiling mag register para sumali rin. Mahigit dalawang taon na pero sariwa pa rin sa utak niya ang pagkatalo na ’yon, kaya ’di na siya makapag hintay na makabawi kay Cid ngayon.

Napahinto naman siya saglit no’ng makarinig siya ng kaluskos sa paligid niya. “Ano yon?” Madilim na sa lugar ng kinatatayuan niya kaya di niya mahagilap kung ano ’yong gumagalaw.

Paiba-iba ng direksyon ’yong tunog kaya palingon-lingon din siya sa paligid.

Masyado itong mabilis.

Pero maya-maya pa’y bigla nalang tumigil ang kaluskos na ’yon.

Sinubukan niyang pakiramdaman ulit ang paligid pero halos manlaki ang mga mata niya no’ng maramdmaan niyang may presensya sa likuran niya.

Pagkaharap niya, tumambad sakanya ang isang naka takip ang mukha at naka pang ninja pa na suot.

Magsasalita pa sana siya pero bigla nalang siya nitong inatake at dinala sa mas madilim pa na lugar.


Habang si Cid naman ay kakalabas lang din sa isang room kung saan siya natulog kanina. Mag-isa lang siya ngayon kasi nauna na si Maya sa arena para makahanap nang maayos na pwesto.

Nakapamulsa lang siya ngayon na naglalakad at rinig na rinig ang mga yapak niya sa buong hall.

Kalmado lang siya at tila hindi nagmamadali, pero hindi isang tipikal na expresyon ng isang Cid Lacson ang nasa mukha niya ngayon.

Kapag hindi niya katabi si Maya, si Cid ang isa sa may pinaka nakakakilabot na mga titig sa buong Taaracan. Malumanay pero kitang-kita mo sa mga mata nito ang kagustuhang tumapos.

Isang taon siyang naghintay para sa gabi na ’to, at hindi siya makakapayag na may humadlang sa plano niyang bawiin ang pwesto niya. 

Lahat itutumba niya, kahit sino pa ’yan. 

-To be continued…

Chapter 7: The Grand Opening Tournament

( Under revision pa po ’to kaya in-unpublish ko muna ’yong ibang chap. Binawasan ko lang ’yong mga typos and errors, at saka may mga binago at dinagdag lang din akong mga scenes sa bawat chapter, so mas okay pa rin if basahin niyo ulit heheh yun lang,)

Chapter: The Grand Opening Tournament

[ 3rd Person’s PoV ]

     N atulala nalang ang mga first year student ngayon habang nililibot ang tingin sa buong Taaracan Arena. Halos wala ka ng makitang espasyo sa lahat ng mga bleachers dahil sa sobrang dami ng mga manunood. Isama mo pa ’yong walang humpay na sigawan ng mga sibilyan at taga-ibang paaralan na tila sabik na sabik ng maumpisahan ang paligsahan. 

Tuwing araw kasi ng Grand Opening Tournament, pinapahintulutan ang mga taga-ibang skwelahan o mga sibilyan na makapasok para manood. Pero lahat naman ay dumadaan sa security ng paaralan para maiwasan ang gulo.

“Ganito pala rito kapag grand opening tournament, noh? Ang daming tao, grabe,” manghang usal nung isang first year. 

“Dito kilala ang Taaracan High sa buong lugar natin. Ito lang kaisa-isang paaralan na kayang maglaan ng malaking halaga para lang sa ganitong klase ng event,” proud namang sagot ng katabi niyang second year na.

Habang sa likod naman ng arena ay naka linya na ’yong mga kalahok at isa-isang binibigay ang kanilang  entrance card sa dalawang bouncer.

“Sunod.” Pagkatapos nilang makumpirma ang entrance card ay saka lang nila ito pinapapasok.

Sunod namang tumambad sa dalawang bouncer ang isang naka suot ng pang ninja suit. Nang tingnan nila ang pangalan ng nasa entrance card nito ay di nila maiwasan ang matawa.

“Iba gimmick mo ngayon, Crozie ah,” nasabi nalang nila. Kilala na kasi nila ito dahil naging kalahok na rin ’to dati sa tournament.

“Sa lahat ng pwede mong suotin bakit ’yan pa? Wala na tayo sa sinaunang panahon para sa ganyan, at mas lalong wala tayo sa Japan ngayon, Crozie,” Pang-aasar pa nung isang bouncer.

“Baka biglang mag chidori ’yan, ha,” biro naman ng kasunod ni Crozie habang natatawa. Pero agad din silang natahimik no’ng hindi man lang sila nito pinansin at tuloy-tuloy lang sa pagpasok matapos ilahad ang kanyang entrance card.

“Anyare don?” takhang tanong nalang nila dahil hindi naman gano’n ang ugali ng isang Crozie na kilala nila. 


Nang mag-umpisang mag salita ang host para sa event na ’to ay natahimik saglit ang mga manunood. “Magandang gabi mga mahal naming manunood! Ngayong gabi ay masasaksihan na naman nating lahat ang tradisyon na ilang taon ng ginagawa ng paaralang ito! Ang inaabangan ng lahat! Walang iba kundi ang! Annual Grand Opening Tournament !” Umpisa nito at halos hindi na magkarinigan sa buong arena dahil lakas ng sigawan ng mga manunood. Sobrang na ha-hype na ang mga ’to.

“Dito magpapasiklaban ang lagpas isang daan na kalahok para mapanalunan ang premyo na nagkakahalaga ng! Five hundred thousand pesos!” napasinghap at napanganga naman ’yong iba sa narinig nilang premyo. 

“Gago kalahating milyon?? para lang sa event na ’to??” gulat na gulat na bulalas nung iba na first time makanood ng tournament. 

“At syempre! Para rin makamit ang inaasam na titulo ng lahat! Ang titulo bilang ‘The Next Threat’  ng Taaracan High!” Pagkasabi ng host no’n ay isa-isang bumukas ang mga pinto na nakapalibot sa buong arena, at saka niluwa doon ang napakaraming kalahok. 

“Ano raw? The Next Threat?” tanong ng isa pang first year na walang kaalam-alam.

“Oo, binibigay ’yan sa magiging kampyon ng Tournament na ’to. Ibig sabihin ng title na ’yan, sila ang posibleng susunod na banta na pwedeng makatalo sa mga myembro ng Black Council.”

“Ano ba ang mangyayari? Magrarambulan ba sila lahat?”

“Makinig ka lang sa host.”

Bago maka pasok ang mga kalahok ay may pinasuot muna sakanila na isang armband . Yung mga first year na sumali ay wala pang kaalam-alam sa mechanics para sa round na ’to.

Puno pa rin ng hiyawan ang buong arena, ’yong ibang mga kalahok ay may kanya-kanya pa talagang mga costume na sinuot. Merong ginaya ang suot ni bruce lee, meron pang naka suit and tie na para bang si John Wick. Halos lahat ay preperado talaga sa tournament na ’to. Pero ang agaw pansin talaga sakanila ay ang nag-iisang kalahok na nakasuot ng pang ninja.

Medyo natatawa pa ’yong iba habang tinitingnan siya.

“Tingnan mo, pre, baka mamaya mag jutsu-jutsu ’yan dito, yari tayo,” ngising biro pa ng isang kalahok.

Samantalang si Declan naman ay naka pang uniform lang na pantalon habang may suot na fitted black t-shirt at puting benda na nakabalot sa magkabilang kamao nito.

Si Cid naman ay naka pang uniform lang talaga na parang papasok lang sa klase at walang pakialam sa sinalihan niya.

“Para sa mechanics ng event na ’to, lahat kayo ay makinig.” Natahimik ang lahat lalo na ang mga first year na kalahok tapos ay tiningnan ang host habang nagsasalita. 

“Para sa unang round, pansin niyo naman siguro ang suot-suot niyong armband. ’Yan ang magiging basehan natin para sa round na ’to,” umpisa niya.“ Sa oras na mag simula na ang laban, kailangan niyong makakuha ng limang armband mula sa mga katunggali niyo. Depende na sa diskarte niyo kung paano niyo ito kukunin. At kapag nakaipon na kayo, saka niyo ito i abot sa’kin.  Gano’n lang, limang armband lang ang kailangan ng bawat kalahok para makapasok sa susunod na round.“ Isa-isang tiningnan ng mga first year ang suot nilang armband habang ’yong iba naman ay parang wala lang dahil alam naman na nila ang patakaran.

“At siya nga pala, mahigpit na pinagbabawal ang pag gamit ng patalim lalong-lalo na ang baril. Kapag nahuli namin kayo na gumamit ay automatiko kayong matatanggal.” Chineck naman sila isa- isa kanina bago pinapasok kung may mga dala ba silang mga lethal weapon.

“Mukhang mahirap ’to, ang dami nila. Kakayanin kaya ni Declan ’yan?” alalang tanong ni Val. Katabi niya lang si Nico ngayon na naninigarilyo. Nasa may itaas sila banda ng bleacher nakaupo dahil dito nalang ’yong may bakante pagdating nila.

“Alam mo ba kung bakit leon ang tinaguriang hari ng kagubatan eh mas marami pang hayop do’n na mas malaki sakanya?” makabuluhang tanong ni Nico sakanya kaya saglit siyang napaisip. 

Medyo malalim din pala mag-isip ’to si Nico minsan. Akala ko puro lang kalokohan alam nito.  Isip isip ni Val

“Hindi eh, bakit pala?” curious na tanong niya.

Natawa naman si Nico. “Gagi, tinatanong ko nga sa’yo kasi ’di ko rin alam, e.”

Napa poker faced nalang si Val sa sinagot nito. Binabawi na pala niya ’yong sinabi niya. 

“Unang 16 na makakabigay sa’kin ng limang armband ang makakausad sa susunod na round! Kaya ano pang hinihintay natin?!” Napalingon ang dalawa no’ng maghiyawan na naman ang mga manunood.

“Ayan na,” sambit ni Nico bago ulit hinithit ang sigarilyo niya.“Mahaba-habang gabi ’to.”

May 30 seconds naman na countdown ang makikita sa napakalaking screen sa itaas ng battlefield at ngayon ay dahan-dahan ng nagsara ang mga pinto na nakapalibot sa arena para makasiguro na walang makakatakas. Sobrang laki ng battlefield sa gitna ng arena kaya kasya kahit lagpas isang daan pa ang nandito. 

Nasa may dulo lang ng arena ang host habang ’yong mga manlalahok naman ay naghanda na.

10..

9..

8…

7…

6…

Kanya-kanya na ng isip ang iba kung anong diskarte ang gagawin nila para makakuha agad ng limang armband. Habang ’yong iba naman ay nakangisi lang na tila hindi na makapaghintay na mag-umpisa ang laban.

“5!!!”

“4!!!”

“3!!!”

Sumasabay na ang mga manunood sa pagbibilang sa sobrang excitement.

ayan na…

“2!!!”

“1!!!!!!”

Agarang tumunog ang malakas na busina kaya kusa na ring sumugod ang ibang mga kalahok para makakuha agad ng armband. 

“AAAARRGHHHH!”

Kanya-kanya na ng hanap ang iilan para sa unang bibiktimahin nila. Habang ’yong iba naman ay umatras muna para mag-isip.

Sa kabilang banda naman, tahimik lang si Declan habang naghihintay na may a-atake sakanya.

“Naliligaw ka ata, boy?!” May isang napaka tigas ng mukha ang bigla nalang sumugod kay Declan. Napansin kasi niya na hindi ito gumagalaw, tamang-tama para sa unang biktima niya.

“Arrrggghhh!!“Pero bago pa man siya makalapit rito ay isang kamao nalang ang biglang sumalubong sa mukha niya.

Saglit pang bumagal sa pag galaw ang lahat habang tinitingnan niya ito. “Anong…”

Parang isang kisapmata lang ang pagitan at nandito na agad sa mukha niya ang kamao ni Declan.

Sobrang bilis…

Bago pa man maka kilos ang katawan niya para sana umiwas ay tumama na ’yong suntok sa mukha niya at sa sobrang lakas nito ay tumalbog pa talaga siya pagka bagsak niya. Agad siyang nawalan ng malay dahil sa tinamo.

Napanganga naman ang ibang manunood sa nakasaksihang atake na ’yon, lalong lalo na sina Nico at Val.

“Ayos!” ngising sambit ni Declan at saka lumapit dito para kunin ’yong armband. Pero payuko palang sana siya ay naramdaman niya bigla ang isang atake mula sa likuran kaya mabilis muna siyang nag backflip para iwasan ito. 

Pag tingin niya ay isang payatot naman na lalaki ang kaharap niya. “Abaa, napansin mo pa ’yon?” ngising bulalas pa nito. 

“Bastos naman nito, may kinukuha pa eh,” sagot naman ni Declan tapos ay ’di na niya ito binigyan pa ng oras para magsalita. Nanlaki nalang ang mga mata ng kaharap niya nang tumalon siya at umikot ng dalawang beses tapos nagpakawala ng malakas na sipa.

Di agad ’yon napaghandaan nung lalaki kaya agad tinamaan ang mukha niya at sa lakas ng impact nito ay siya naman mismo ang napaikot nang sobrang bilis bago bumagsak sa sahig.

At do’n, dalawang armband agad ang nakuha ni Declan sa dalawang atake lang.

“Nakakadalawa na si Master Dec!” masayang sigaw ni Pachi habang walang humpay sa pag wagayway ng banner nila “GO MASTER DECLAN!! BAKA DEC NAMIN ’YAN!”

“Tingnan mo ’yong banner nila.”

“Hahahahaha tanginang edit ’yan, lakas ng trip.”

Kahit na pinagtatawanan sila ng ibang manunood dahil sa banner nila ay wala silang pakialam. Ang importante ay maipakita nila kay Declan kung gaano sila ka suportado rito.

Yung ibang kalahok naman ay kanya-kanya rin ng estilo sa pagkuha ng armband.

Gamit ang hawak na chako ng isang kalahok ay mabilis lang na niyang napapatumba ang mga lumalapit sakanya. 

“Tingnan mo ’yon, akala ko damit at buhok lang ’yong ginaya. Taena, kuhang-kuha niya rin pati galaw ni Bruce Lee,” manghang sabi nung isang manunood.

“Si Bruno Rios  ’yan. Kahit expresyon ni Bruce Lee ginagaya niyan e,” tawang sambit naman ng katabi nitong kilala ang taong dini-describe niya.

May sumubok pang umatake kay Bruno mula sa likuran pero hinarap niya lang ito at sinuntok saglit ang sikmura para mapahinto ang galaw, tapos ay nilagay niya ang mga tip ng daliri niya sa gitna ng dibdib nito. Tapos wala pang segundo ay kinuyom niya ito at sinuntok. “Wataaaaah!” Kahit short distance lang ito na suntok ay tumilapon pa rin ’yong lalaki ng ilang distansya bago bumagsak.

“ Pati ang tanyag na one inch punch ni Bruce Lee ay kuhang-kuha rin niya!“ 

“Gago ang galing!!”


Parang isang bulldozer naman si Triple B kung banggain ang ilang mga kalahok. Sobrang laki nito kaya walang magawa ’yong iba sakanya. “Here I come, babyy!” Tapos sa oras na may madampot siyang isa ay malakas niya itong binabalibag at hinahampas sa sahig. Halos mawalan ng ulirat ang mga kalahok na nadadampot niya dahil sa lakas niya. 

“Dito ako pupusta kay Triple B.”

“Ang laki niya para maging studyante.”

Si Triple B ang pinaka malaking kalahok sa event ngayon. Kaya sobrang sisiw lang nitong maka kuha ng limang armband.


“Bakit may batang nakasali rito?” tawang tanong naman ng isang matangkad na first year habang naka tingin sa nakapamulsang si Finn. Napapa smirk pa ito habang nakapamulsa.

“Ang cool mo naman tingnan diyan, idol hehe,” ngising sagot lang ni Finn. 

“Gago wag ’yan, myembro ng Nefarious ’yan.” Babala ng isang second year pero ayaw nitong makinig nung first year. 

“Jackpot  na ako rito. Buti ako pa ang unang nakapansin sa’yo. Apat na armband nalang ang kailangan ko,” kampating sambit pa nito tapos ay saka umatake. Pero no’ng a-akma na siyang susuntok, nilabas ni Finn ang dalawang kamay niya mula sa pagkaka pamulsa at saka naka ngisi niya itong sinalubong.

At sa isang iglap lang, hindi na maitsura ang posisyon ng braso nitong susuntok palang sana.

“Huh??” Baluktot na ’yong braso nito at halos lalabas na ’yong buto.

Nang makita niya ang braso niya ay do’n lang niya naramdaman ang sobrang sakit. “Aaaarghhhhh!” sigaw niya at saka napahiga sa sobrang sakit.

Umangat pa siya nang tingin para tingnan si Finn, pero pag tingin niya ay isang sapatos lang ang tumambad sakanya na sobrang lapit na sa mukha niya. “Teka—” hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil tumilapon na ’siya nang sobrang layo.

“Gooooal!” ngising sambit lang ni Finn na para bang naglalaro lang.

“Bakit sumali ’yan si Finn? Akala ko wala silang pake sa mga ganitong event?”

“Baka gusto lang maglibang.”

“Hayop, halimaw ’yang pandak na ’yan e.”


Sa kabilang banda naman, nagmamasid lang si Cid sa paligid niya. Walang may gustong umatake sakanya dahil halos alam na ng lahat na isa itong former member ng Black Council.

Pero may isang pinagtutuunan ng pansin si Cid ngayon. Nakaka tatlo na rin ito ng armband. Sobrang laki nitong tao at sobrang lakas pa, kaya maning-mani lang nito ang pagkuha ng armband sa mga payatot na kalahok. Medyo malaki si Triple B kaysa rito pero sobrang batak din ng katawan ng isang ’to.

At no’ng makita ni Cid na naka apat na ito ng armband, nag stretch na agad siya at saka mabilis na sumugod do’n sa malaking tao.

“Yohoooo~” May biglang nagsalita sa likuran nung malaking lalaki kaya inis siyang napatingin dito. Isa nalang ang kailangan niya kaya gigil na gigil na siyang makakuha ng isa pa para mauna na siyang makatapos sa round na ’to.

Pero paglingon niya ay agad din nanlaki ang mga mata niya nung isang nakangiti na Cid Lacson ang tumambad sakanya habang nakabwelo na ng sipa.

At ewan, wala pang tatlong segundo pero nahuli nalang niya ang sarili niyang nakaluhod na habang walang habas na umaagos ang dugo sa ilong niya.

Anong nangyari?

Natanong nalang niya sa sarili bago tuluyang nandilim ang paningin at nawalan ng malay.

“Yeey.” Isang atake lang ang ginawa ni Cid at ngayon ay kumpleto na agad siya ng armband. Diskarte lang naman ang kailangan mo para hindi ka masyadong mahirapan sa round na ’to. 

Napahigpit naman nang hawak si Maya sa kamay niya habang nanunood. Simula kanina ay kay Cid lang talaga siya nakatuon. Buti walang masamang nangyari sakanya.

Agaran namang tumakbo si Cid papunta sa host para ibigay ang mga armband. Siya palang ang kauna-unahang makakatapos kapag nabigay na niya ’to.

Pero no’ng inabot na niya ito sa host, lahat ay nagulat at natahimik.

Inaasahan naman na nila na si Cid ang unang makakatapos sa round na ’to…

pero ang pinagtataka nila…

bakit dalawa sila ngayon at sabay pa na nag-abot ng limang armband sa host?

At no’ng tingnan ni Cid kung sino ’yong kasabay niya, napangiti nalang siya at mukhang inaasahan na rin niya ito. “Hindi na masama,” ngiting puri niya rito.

Tumambad sa host nang sabay sina Cid at Declan

“Woooh! Meron tayong hindi inaasahang kalahok!”

Mula sa pagkatulala ay nakabawi agad ang mga manunood at muli itong nagsigawan.

“Ang galing! Nagawa ni Declan!” tuwang-tuwa rin na sambit ni Val habang si Nico ay napangisi lang. Inaasahan na niyang makakapasok ito sa susunod na round.

“Sino yang isa? Sabay pa talaga silang natapos ni Cid.”

“Yan ’yong first year na usap-usapan ngayon. Balita nga ng iba siya ’yong gumulpi sa gang ni Gary e. Hanggang ngayon ay comatose pa rin ang gago.”

“Ano nga ’yon? Declan?”

“Declan Monroe.”

“AAAAHHHH! MASTER NAMIN ’YAAAN!” Halos mapaos na sina Pachi kasisigaw kaya naaagaw na nila ’yong atensyon ng ibang manunood.

“Pero meron pang usap-usapan na second year ngayon. Sa Apollo Tech ’yon nag first year tapos nag transfer daw dito sa Taaracan ngayong school year na ’to,” kwento rin ng iba.

Maya-maya pa ay may nakita silang kalahok na naglalakad lang papunta sa host na nakasuot ng pink na hoodie at may kulay berde na buhok.

Pansin nila ang mga dugong pumapatak sa dalawang kamao nito habang bitbit ang limang armband.

Ang pangatlong nakatapos sa round na ’to.

“Yan! Yan ’yon! si Andre Colt “

  ![](https://img.wattpad.com/9c2fa9d4dcc5eb61a32d0597b4a0a202fb642648/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4f3164666e7963474447414254513d3d2d313434373237323931392e313764336432616337333133393166393933383534363536393532392e6a7067)               

Agad inayos ni Andre ’yong kulay berde niyang buhok at saka humarap sa mga tao at inangat ang dalawang kamay. Dahil do’n ay lalong naghiyawan ang mga ito, lalong-lalo na ang mga babae na naghuhugis puso na ’yong mga mata sa sobrang pagka starstruck kay Andre. 

“Mukhang maraming malalakas na kalahok ang kasali ngayong tournament na to, ah,” nasabi nalang ni Nico. Ito ’yong nakita niya no’ng unang araw ng pasukan na kumakaway-kaway sa mga babae. “Sabi na at sasali rin ito sa tournament,” dugtong niya.

“Kilala mo siya?” tanong ni Val.

 “Tanyag ang pangalan niya sa Apollo noon na umabot hanggang Taaracan kahit first year palang siya. Hindi rin basta-basta ang isang ’yan.” 

Matapos ’yon ay isa-isa na ring nakatapos ’yong iba. Sunod na natapos si Finn. Tapos magkasunod lang sina Bruno Rios at Triple B. Pati ’yong ninja na pinagtatawanan ng i-ilan kanina ay ika sampu rin na nakatapos.

Matapos ang halos 30 mins na paghihintay, nakumpleto rin ang labing anim na kalahok para sa susunod na round.

Yung mga kalahok naman na nabugbog at mga nawalan ng malay ay isa-isa na ring kinarga ng mga staff gamit ang stretcher. Tapos meron din mga staff na naglinis at nag-ayos ng set up para sa mechanics ng susunod na round.

Yung mga nakapasa naman ay pinapasok muna sa isang pribadong silid at doon na sila maghihintay kung kailan sila tatawagin.

Pansin naman ni Declan na panay tingin sakanya ’yong naka ninja suit, pero pinag walang kibo niya nalang ito.


Habang naghahanda naman ang lahat para sa susunod na round, biglang umilaw ulit ’yong malaking screen at tumambad sa mga manunood  ang isang Tournament bracket na wala pang laman na mga pangalan.

“Para naman sa ating susunod at huling round! Isang single elimination ang magiging mechanics natin. Simple lang ’to, mag tutunggali isa-isa ang mga natitirang kalahok, at kung sino ang mananalo, mapupunta agad sa susunod na round hanggang sa umabot tayo sa finals. Dito na natin makikita kung sino nga ba ang matitira at magiging kampyon sa event na ’to!” Pagkasabi ng host ay muling nagsigawan ang mga manunood. Kanya-kanya na ng pili ng pambato ang mga ito base sa mga nasaksihan nila kanina sa unang round. Yung iba naman ay nag-umpisa ng mag pustahan kung sino ang mananalo.

  ![](https://img.wattpad.com/cf2317d5c230c0db5f729f2d469e581222ad2dc9/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f3749474555565249707a614279773d3d2d313434373237323931392e313764333964303736373766326532633434333134343331343133382e6a7067)               

Nakita naman sa screen na nagsshuffle na ang mga pangalan ng labing anim na kalahok para malaman kung sino-sino ang mga maglalaban-laban.

Natahimik pa ’yong iilan habang nag-aabang sa mga pangalang lalabas.

Maya-maya pa’y isa-isa ng nagsilabasan ang mga pangalan ng mga kalahok. At no’ng makita nila ang pangalan ng dalawang kalahok na unang maglalaban, napamura pa ’yong iba sa tuwa. 

“Sila pa talaga ’yong una oh! Tangina magandang laban ’to!” sigaw ng iba dahil base sa nakita nila no’ng unang round, masasabi mong may ibubuga talaga ang mga ’to. 

“Para sa unang laban! Pumasok na sa cage!” sigaw ng host.

“Aw, ako agad.” Nakita ni Declan ang pangalan niya kaya muli siyang lumabas sa silid at saka nagtungo sa battlefield. Pansin naman niya na iba na ang set-up ngayon. Meron ng isang octagon ring ang nakatayo na parang ring sa isang UFC. 

“Maganda ’to ah,” ngising usal niya pagkapasok niya rito.

  ![](https://img.wattpad.com/410c8be715539a005a6ea2fbd66b82b76931ad59/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f66416352365133764157766946773d3d2d313434373237323931392e313764333964633932653661326238643434323338363930363133302e6a7067)               

Meron ding isa pa ang pumasok sa kabila na magsisilbing kaharap niya para sa round na ’to.

 Wala siyang kaalam-alam kung sino ’tong unang makakalaban niya. Wala siyang ideya kung sino ito.

Pero ’yong iba ay kilala siya, lalo na si Nico. “Kung minamalas ka nga naman, Dedec. Unang round palang pero ’yan na agad ang makakaharap mo,” natawa nalang si Nico habang sinasabi ito.

“Yari,” nasabi nalang din ni Val dahil naalala niya ’yong mga sinabi ni Nico kanina tungkol sa taong ’to.

Magkaharap na ngayon ang dalawa at seryoso lamang na nakatingin si Declan.

Habang ’yong kaharap naman niya ay nag stance na rin at saka ngumisi sakanya. 

Ewan pero ngayon palang ay naiirita na siya rito, lalo na sa kulay berde nitong buhok.

“Para sa unang labaaaan!”

“DECLAAAAN MONROOOEEEEE!! VERSUUUSS!! ANDREEEE COOOOOLT!”

-To be continued…

Next up….

    Andre Colt           vs        Declan Monroe

  ![](https://img.wattpad.com/abfb729f4dc2203fa5fd93e628a5b46418b96905/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4e46442d64686a4c564867347a513d3d2d313434373237323931392e313764336433636263653165336563353131303332353132333930392e6a7067)

Chapter 4: Pachi ( Part 1 )

( Under revision pa po ’to kaya in-unpublish ko muna ’yung ibang chap. Binawasan ko lang ’yong mga typos and errors, at saka may mga binago at dinagdag lang din akong mga scenes sa bawat chapter, so mas okay pa rin if basahin niyo ulit heheh ’yon lang.)


Chapter 4: Pachi (Part 1)


[ 3rd Person’s PoV ]

     T inapik nang mahinahon ni Pachi ang kanyang ina para gisingin ’to. Oras na kasi para kumain at para na rin makainom ng gamot.

Araw-araw ay maagang gumigising si Pachi para asikasuhin ang nanay niya. “Nay, kumain na po kayo.”

Dalawa nalang silang nakatira sa bahay na ’to dahil matagal ng pumanaw ang kanyang ama. Sa ngayon ay siya nalang din ang inaasahan sa pinansyal na pangangailangan dahil hindi na kayang magtrabaho ng kanyang ina. Mag-iisang-taon na itong nakaratay sa higaan dahil sa sakit nito. 

Sa ngayon ay kasalukuyan lang na nagpapart time job si Pachi sa isang maliit na restaurant bilang janitor. Di man sapat ang kinikita niya sa isang buwan, mas okay na ’yon kesa mahinto ang maintenance na iniinom ng nanay niya araw-araw. 

Nang bumangon ang nanay niya ay inihanda na rin niya ang pagkain nito. Saglit naman niyang nasilip sa may lamesa ang maliit na bote ng gamot na paubos na. 

Kailangan ko na pala ulit bumili.

Medyo may kamahalan ito pero hindi na yun iniisip pa ni Pachi.

“Kumusta naman ang pag-aaral mo, anak? Pasensya kana at hindi kita mapag-aral sa maayos na skwelahan ha?”

Nakaramdam naman ng kaonting kirot sa dibdib si Pachi habang nagsasandok ng kanin no’ng marinig niya ang sinabi ng kanyang ina. Ayaw na ayaw niya talagang makitang sinisisi nito ang sarili sa nangyayari sa buhay nila ngayon. 

“Maayos lang naman, nay. Wag po kayong mag-alala, pag naka-graduate ako, mabibigyan ko rin kayo ng magandang buhay.” Kahit tapos na sa pag sandok ay nanatili pa rin siya sa pwesto niya dahil parang ano mang oras ay maiiyak na siya.  “Pangako yan.”

Pero ang totoo niyan ay ayaw niya na talagang mag-aral. Sinasabi niya lang ’yon kasi ’yon ang gustong mangyari ng nanay niya, ang makapag tapos siya. Meron naman na siyang part time job e. At isa pa, hindi pag-aaral ang gusto niya kaya siya pumayag na mag-aral sa Taaracan High. 

Hindi man alam ng lahat, pero bata palang ay gustong-gusto niya na talagang maging malakas. Pero sa kabila ng kagustuhan niya, tila binabaliktad lang siya palagi ng panahon. Palagi nalang siyang nabubully dahil sa pagiging mataba niya at maitim ang balat. 

Saglit niyang hinawakan ang pisngi niyang medyo namamaga pa dahil sa sipa na tinamo niya kay Declan kahapon. Ramdam din niya ’yong sakit ng likuran niya dahil sa pagkaka bangga nito sa water dispenser.

Dahil do’n ay bigla siyang nakaramdam ng inggit at galit. Parang lahat ng gusto niya sa buhay ay napunta sa Declan na ’yon. 

Napakuyom siya ng kamao sa mga naiisip niya. Hindi pwedeng mauwi nalang sa gan’on ang lahat. De bale, meron naman siyang grupo na handang tumulong at maghiganti para sakanya. 


[ Declan’s PoV ]

Sobrang init ngayon ’langya. Pangalawang linggo ko na rito sa Taaracan at tama nga ang sabi-sabi nila, magaling lang talaga tayo sa umpisa.

Sa halip na pumasok e nandito ako ngayon sa may lumang covered court nakatambay. Inaantok ako e.

Dalawang linggo na ang lumipas pero wala man lang akong nakitang gulo. Ang boring ng mga sumunod na araw ko rito pagtapos no’ng mangyari sa canteen.

Parang konti nalang lilipat na ako, e. Kala ko pa naman araw-araw may rambulan dito. Tinagurian na pinaka delikadong skwelahan pero wala man lang galaw ’yong mga gago.

Ako nalang kaya mag-umpisa ng gulo?

Napasandal nalang ako sa naisip ko. Inangat ko ang tingin ko para tingnan ang bubong nitong covered court na halos sira-sira na. Sobrang dumi pa ng buong paligid. Andaming mga sirang silya na nag kumpol-kumpol at naka tambak lang kahit saan.

Nakaupo lang ako ngayon dito sa may bleacher habang sumasandal. Wala ni isang tao ang nandito. Ako lang.

Matutulog nalang ako. ’Yon naman ang unang rason ko bakit ako nag cutting e, hindi para mag isip-isip.

Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog, pero ilang segundo palang ang lumipas ay may napansin akong presensya sa harap ko kaya napadilat ako saglit. “Hmmn?” Tiningnan ko pa kung may tao ba talaga sa harap k— “AAAAAAHHHH! “ Potangina! Muntik ng humiwalay ’yong kaluluwa ko sa sobrang gulat no’ng makita kong may tao nga!

Pati tuloy siya ay napatili rin sa reaksyon ko.

Nang makabawi kami ay saglit kaming natahimik. Do’n ko lang napagtanto kung sino ’to.

’Yong babae na naman…

Nakatayo lang siya sa harap ko habang nakatago yung dalawang kamay niya sa likuran, tapos pansin ko pa na parang ’di siya mapakali dahil hindi ito makatingin ng diretso sa’kin.

“Pasensya na, akala ko kung sino,” paumanhin ko nalang. Umiling naman siya na parang sinasabi na ayos lang. 

“May kailangan ka ba? May kulang ba sa bayad ko no’ng araw na ’yon?” tawang biro ko nalang at pagtutukoy do’n sa una’t huling kita ko sakanya sa 7/11.

W-wala

naman,“ maikling sagot niya habang ’di pa rin makatingin sa’kin.

“Ahh ehh…” Napakamot nalang ako sa ulo ko. Di ko na alam ang sasabihin ko kasi ang awkward sa’kin ng ganito. Hindi ako sanay makipag-usap sa isang babae. “Kung gano’n, bakit ka nandito?” tanong ko nalang habang nahihilaw na.

Hindi siya sumagot, pero maya-maya pa ay inangat niya ’yong kamay niya sa harap ko habang bitbit ang isang paper bag na may desenyo pa na tweety bird. Nakayuko pa rin ’yong ulo niya habang inaabot ito sa’kin.

“Ano ’yan? Para sa’kin?” takhang tanong ko. Tumango-tango naman siya habang nakayuko kaya nakaramdam ako ng kaonting tuwa dahil bukod sa desenyo nitong tweety bird, first time rin na may mag-abot sa akin ng ganito.

Kahit naguguluhan ay kinuha ko pa rin ito at saka tiningnan ’yong laman.

Pagtingin ko ay nakita ko ang isang box ng choco mucho at “Band aid?” natanong ko nalang no’ng kinuha ko ito. Bakit box ng band aid? May desenyo na naman itong tweety bird. “Hindi naman

halatang

favorite mo si Tweety bird, ano?“ tawang biro ko.

“Di ko alam kung bakit mo ’ko binigyan nito pero…maraming salamat.” Ngumisi ako at kalauna’y nag-angat din siya ng tingin sa’kin kaya nag tama na naman ang mga mata namin. 

Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng mga mata niya. Isama mo pa yung hanggang leeg niyang buhok na kahit medyo may distansya kami ay naaamoy ko pa rin ang bango nito. 

“A-anoo…

pasasalamat

ko lang yan sa

pagligtas

mo sa’kin do’n sa canteen,“ sabi niya at muli ay yumuko na naman. “S-sorry ngayon lang ako

nakapag

pasalamat, 

“ dugtong niya at halos magkulay kamatis na ’yong mukha niya.

“Ahh ’yon ba. Wala ’yon,”  sagot ko bago ngumiti,  “hindi pwede sa’kin na may binabastos na babae sa harapan ko. Medyo nahuli pa nga ako no’n kaya — u-uyy tekaa!” ’ Di pa ako tapos magsalita pero bigla nalang siyang kumaripas ng takbo palayo.

Nakatingin lang ako sakanya habang tumatakbo hanggang sa ’di ko na siya matanaw.

………

……

…..

Anyare do’n?

Mula sa pagkatulala ay tiningnan ko nalang ulit yung band aid na may desenyong tweety bird sa kamay ko.

At ewan, nahuli ko nalang ’yong sarili ko na natatawa.

Ang cute.


[ 3rd person’s PoV ]

Nang makalayo si Mika ay saglit siyang huminto dahil kinakapos na siya sa paghinga. Maliban kasi sa napagod siya kakatakbo, ay wala ring mapaglalagyan ang bilis ng tibok ng puso niya sa mga oras na ’to.

“Di ko alam kung bakit mo ’ko binigyan nito pero…maraming salamat.”

Sobrang detalyado pa sa utak niya ’yong nangyari kaya ang init pa rin ng mukha niya. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ’yon. Dalawang linggo rin siyang nag-ipon ng lakas ng loob at pinaghandaan ’yong ginawa niya kanina. Hindi man siya umabot ng kahit limang minuto pero masaya pa rin siya at nakausap niya ito saglit. 

Unang kita niya palang talaga kay Declan sa canteen ay tinamaan na agad siya ng ligaw na pana. Hindi naman siya ganito dati na basta-basta nalang nagkakagusto e. Pero ewan, iba talaga ’yong dating ni Declan para sakanya. Magmula noong mangyari ’yon ay hindi na maalis sa utak niya kung paano siya nito pinagtanggol. Lagi ng nag re-replay sa isip niya yung pagtulong nito sakanyang tumayo. 

Bukod sa itsura nitong paniguradong mahuhulog ka talaga, eh pakiramdam niya rin ay sobrang bait nito na kahit saang panganib man siya mapunta ay ililigtas at ililigtas pa rin siya nito kahit na anong mangyari.

  ![](https://img.wattpad.com/cbba33d2fa207a0f257ee12f3cf9fd82d48fbcc6/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f456d79423071696d4634424242413d3d2d313434323630333837362e313763663365396262306666633863663831363332373333343236362e6a7067)               

Nagmumukha man siyang delulu ngayon pero hinahayaan niya nalang ang sarili niyang kiligin. Wala namang nakakakita—

“Mukhang may naligaw dito pare.”

Kaso napatigil siya bigla no’ng may narinig siyang nagsalita sa harapan niya. Pag tingin niya ay tumambad sakanya ang tatlong lalaki na ang ma-manyak ng mga mukha.

“Ba’t mag-isa ka lang dito, miss beyotipol?” May pa dila-dila pang sabi no’ng nasa gitna. Wala kasi masyadong dumadaan sa lugar na ’to dahil tagong parte ito ng Taaracan.

Nagkalakas lang naman ng loob si Mika na pumunta rito kasi patago niyang sinusundan si Declan kanina.

“Kargahin niyo na. Baka makatakas pa,” sabi no’ng mistulang lider nila at saka naglabas ng kutsilyo. “Wag mong subukang sumigaw kundi babaon ’to sa’yo.”

Halos mamutla naman si Mika dahil sa mga ito. Gusto niyang sumigaw para sana humingi ng tulong pero may patalim na hawak ’yong lalaki sa harap niya.

Anong gagawin ko?

Napapa-atras na siya dahil hindi na niya alam ang gagawin. Naiiyak na siya sa sobrang takot.

Habang yung tatlo naman ay patawa-tawa lang na parang naka-jackpot.

Pero sa gitna ng pag abante nila, bigla nalang may sumiko sa batok no’ng isang lalaki sa likuran dahilan para mawalan agad ito ng malay.

“Ano yon!?” Gulat namang napalingon ’yong dalawa sa likuran matapos nilang marinig ang pag bagsak no’ng kasama nila.

“Anong..” Pero pagtingin nila ay wala silang mahagilap na tao. Napa-angat ng tingin ’yong isang lalaki at do’n niya nakita ang isang babae na tumalon pala at pabagsak sa direksyon nila.

Magsasalita palang sana siya pero agad tumama ’yong tuhod no’ng babae direkta sa mukha niya. Sa lakas nito ay natanggal pa talaga ’yong mga ngipin nito sa harap. 

Agad din itong bumagsak sa sahig.

“Sino ka?!” inis na bulyaw no’ng lider na may hawak ng kutsilyo.

Lumiwanag naman ang mukha ni Mika no’ng makita niya kung sino ’yong tumulong sakanya.  “Abbyy!” Ang nag-iisang kababata at bespren niya.

“Babae ka lang!” Galit na galit na sumugod ’yong lider kay Abby habang nakabwelo no’ng hawak niyang kutsilyo.

Pero sa paglapit niya ay sinalubong lang siya ni Abby at pinunterya ang gitna ng dibdib niya gamit ang isang malakas na siko. 

Halos hindi makahinga ’yong lalaki sa tinamo. Parang tumigil saglit ’yong puso niya sa pagtibok sa lakas ng pagkakatama nito. Tapos ay sinundan pa ito ni Abby ng tuhod sa may sikmura kaya do’n na tumirik ang mga mata niya at tuluyang natumba.

“Kadiri talaga kayong mga lalaki,” diring-diri na sambit ni Abby habang tinitingnan ang mga pagmumukha nito. Pero mula sa salubong na kilay ay kumurba agad ang ngiti niya no’ng lumapit si Mika sakanya at yumakap

“Aaaah! Buti dumating kaa!” ngumunguwa pa ito habang naiiyak.

“Sabi ko naman sayong delikado rito, e. Sinundan mo pa kasi yang Prince Charming mo.”  Kinaltukan niya nalang ito sa ulo ng mahina. 

“Eehhh…” Nagpahid naman agad ito ng luha at saka sabay na ngumisi kay Abby.  “Pero nabigay ko na hehe.”

“Buti naman. Halos dalawang linggo mo rin ’yang pinuputak sa’kin.”

“Eh sino pa bang pwede kong pag share-an? Ikaw lang naman ang nag-iisang best friend ko.” Sobrang mahiyain ni Mika sa ibang tao pero pagdating talaga kay Abby ay naIlalabas niya ’yong pagiging sweet at clingy niya.

“Suuus.” Sa huli ay inakbayan nalang ni Abby si Mika. “Kahit andiyan na yang prince charming mo, ako pa rin ang po-protekta sa’yo kahit saan.”

Kung anong ikina hinhin ni Mika, gano’n din ang ikina tapang ni Abby. Simula palang bata ay siya na lagi ang nagtatanggol nito sa mga kalaro nila dahil napaka iyakin ni Mika at hindi lumalaban. Samantalang si Abby ay maliban sa matangkad at parang lalaki umasta, e malakas din talaga ito at marunong makipag laban. 

Ngayon ay kasalukuyan siyang nag-aaral ng Muay Thai.

“Oo naman! Number 1 ka kaya!”

Napangiti naman nang palihim si Abby no’ng makita niya ang masayang mukha ni Mika. 

Lahat talaga gumagaan kapag nasisilayan niya ang mga ngiti nito.  

“Tara na, male-late na tayo.”

“Okaayy!”

“Ano pala sabi niya no’ng binigay mo ’yon? Pustahan nagtaka ’yon sa band aid.”

“Halaa! Ba’t mo alam??”

Patawa-tawa lang ang mga ito habang naglalakad.

  ![](https://img.wattpad.com/8eaedb9e2252ee1be37ef661cffe28edef7a6e78/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f446d4f6f56712d345747324866673d3d2d313434323630333837362e3137636633396265663334363262333939363137313837333333322e6a7067)               

[ Mika & Abby ]

[ Declan’s PoV ]

“Register?” ulit ko sa sinabi ni Nico. Andito kaming tatlo nina Val sa lobby ngayon habang nakatambay. Wala kaming pasok na tatlo sa oras na ’to kaya nagawa naming magsama saglit. Nakuha ko na rin pala ’yong contact number ni Val kaya kasama na namin siya. Wala daw siyang socmed e kaya number nalang.

“Oo, at hanggang bukas lang ’yong registration para

makasali

sa Grand Opening Tournament.“ sagot niya na ikinabigla ko. 

“Ba’t ngayon mo lang ’yan sinabi!?” inis kong tanong. Ang dami kong oras no’ng mga nagdaang araw tapos ngayon niya lang sinabi na kailangan pa pala mag register amp. Di ko alam na may paganyan-ganyan pa pala.

“Hala? Bakit nagtanong ka ba??” irita din niyang tanong.

“Eh malay ko ba?? Ikaw ’tong may alam sa

patakaran

dito, adik!“ Halos magbanggaan na kami ng ulo sa pagtatalo rito.

“Gagawin mo pa akong taga guide mo rito??

Pinapa

swelduhan

mo ba ako?? ha??“ Dinidikit pa niya ’yong noo niya sa’kin na parang tanga.

“Kailangan ka pa palang

bayaran

e!“ Syempre ako rin. Di ako pwedeng magpatalo.

“Wala ng libre ngayon sa mundo! Puso mo nalang!”

“Oh bat

namemersonal?

? Tapusin nalang kaya natin ’to??“

“Oh ano?! Tara!”

“Tara!”

“OH TARA!”

“OH ANO?!”

Parang may kidlat ng namumuo sa mga titig namin sa sobrang inis. 

“Uh, gusto niyo ba ng ice cream? hehe —

“HINDI!” sabay pa kami ni Nico na sumigaw at lumingon kay Val no’ng umepal ito. Napakamot tuloy siya sa ulo.

“Ay heheh libre ko san —

“Tara.” Di na namin pinatapos si Val at mabilis pa sa mabilis kaming tumayo ni Nico no’ng marinig ang magic word na ’yon. 

Agad naming inakbayan ang aming kaibigan.  “Anong flavor gusto mo, Dedec? heheh” ngising tanong ni Nico na para bang wala man lang nangyari na pagtatalo kanina. Dati pa ganito na talaga kami. 

“Depende sa ating kaibigang tunay hehehe siya na ang bahala.” ngisi ko ring sagot. Lahat talaga babait basta libre.

Para lang kaming mga siraulong tatlo na nagtatawanan habang naglalakad papuntang canteen.

Bait talaga nito ni kaibigang Val.


Matapos naming kumain ay sinamahan muna ako ni Nico saglit para mag register. May klase na kasi si Val kaya ’di na nakasama. Nandito kami ngayon sa may tagong office. Hiwalay ito sa ibang mga office tulad ng registrar, guidance, atbp. Malamang dito lang sa office na ’to naka transact lahat ng records sa tournament.

Sa labas lang naghintay si Nico kasi bawal silang mga Black Council dito sa loob, tanging mga gustong sumali lang ng GOT ang pinapapasok nila.

Akala ko konti lang ang sasali pero ampotek, halos mapuno na ’yong office sa sobrang daming mag re-register. Take note last day na bukas, di pa kasali ’yong mga naunang nag register.

Nasa iisang linya lang kami lahat dahil may fifill-up-an pa raw para makaregister.

“Pangalan, edad, anong year tas

lagdaan

nalang sa gilid.“ turo sa akin no’ng lalaking naghahandle rito . Matapos ’yon ay may isa pang waiver ang ibinigay. Pinirmahan ko ito tapos ay binigay ulit sa lalaki.

“September 30, 7pm, Taaracan Arena.” maikling paalala niya tapos ay may binigay siyang isang card na magsisilbing entrance card naming mga kalahok sa tournament.

“Next.” sabi nito kaya tumalikod na ako. Pero pagkatalikod ko, medyo nagulat ako no’ng makita ko kung sino ’yong kasunod ko. Nakasuot na naman ito ng maitim niyang cap bitbit ang nakakainis niyang ngiti. 

“Kitakits nalang sa tourna, Declan.”  ngiting wika niya bago ako nilampasan. Sinundan ko lang siya ng tingin dahil nananabik na naman ang kalamnan kong makipaglaban. 

Cid..

Dalawang linggo nalang..

Dalawang linggo nalang at mag-uumpisa na ang tournament.

Tangina, hindi na ako

makapaghintay.


[ 3rd person’s PoV ]

“Yan ’yon, diba?”

“Oo.” gigil na gigil na sagot Pachi habang nakatingin kay Declan na naglalakad kasama si Nico. Kasama niya ngayon ang ka gang niya sa paaralang ito. Bukod kasi sa Black Council, meron ding mga grupo o gang na nabubuo rito. Sila ’yong mga walang pake sa ranking. Gusto lang nilang bumuo ng gang o ka-alyansa para may matakbuhan sila kung sakaling magka aberya man.

“Wag kang mag-alala, Pachi, hindi ka namin tatanggalin sa grupo. Sa halip, kami na ang bahala sa Declan na ’yan. Basta sigurado ka na hindi nagsasabay ’yan at saka si Nico pag uwian ah.”  ’Yong grupo na nagtatawanan sa isang lamesa no’ng araw na yun, ito ’yong grupo na ’yon. Sila rin ang nag-utos kay Pachi no’n na manyakin si Mika kaya makikita mong parang napipilitan ito no’n.

Kapag kasi ’di niya gagawin, aalisin siya sa grupo.

“Oo, Boss! Dalawang linggo kong

pinagmasdan

bawat galaw niyan hanggang sa

makauwi

 ’yan. Lagi nga ’yang may

sundo

 na kotse, e. Tingin ko mayaman yan, Boss. Pwede rin natin nakawan!“ sagot naman ni Pachi na nae-excite.

“Hmmn..mabuti. Gusto mo paluhurin pa namin ’yan sa harap mo para makahingi siya ng tawad sa’yo?” ngising tanong ng lider sakanya.

Napahawak naman sa batok si Pachi dahil medyo nahihiya siya na ewan. Mahal na mahal talaga siya ng gang niya. “Kayo bahala, Boss. Hehe.”

Tumango-tango naman ’yong lider nila. “Hmmn sige. Pero may pabor sana kami, e.” Ngayon ay parang bumait lalo ang boses nito

“Sige lang, Boss Gary

! kahit ano!“ tuwang wika ni Pachi. Kahit papaano ay gusto niyang masuklian ang kabaitan ng gang niya. Bagong myembro palang siya rito pero ganito na agad ka suportado ang mga ’to sakanya.

“Kailangan ko kasi ng pera ngayon e, para sana sa gang natin,” pailing-iling pa si Gary habang sinasabi ito.  “Plano ko kasi na

gumawa

ng uniform para sa’tin. Alam mo na, para mas astig tayo tingnan kesa sa ibang grupo diyan. Mas masisindak sila lalo sa’tin,“ tango lang nang tango si Pachi habang nakikinig. 

“Eh kaso ’yon nga, kapos talaga sa pera. Kawawa naman ’yong iba na di

magagawan

. Gusto ko kasi bawat myembro natin mabigyan kasi pantay-pantay ang turing ko sainyong lahat.“

“Bait-bait mo talaga, Boss” komento pa ng isang myembro.

Natahimik naman si Pachi sa sinabi nito. Habang ang mga ka-gang niya ay pa-sekreto lang ang pag ngisi. “Sige na, boy Pachi. Pangako pupulbusin namin ’yang Declan na ’yan para sa’yo,” kumbinseng muli ni Gary at ngayon ay inakbayan na talaga niya ito para pumayag.

“Ah ehh..” nagdadalawang isip pa si Pachi na kunin ’yong wallet niya. Kaka sweldo niya palang kagabi sa part time job niya at kailangan niya pa itong ibili ng gamot para sa nanay niyang may sakit. “Kasi ano e..”

“Malaki ang

pasasalamat

namin at sa grupo ka namin sumali, Pachi.“ Ngayon ay sumali na ang ibang mga myembro para tuluyan ng pumayag ang uto-uto nilang bagong salta.

“Oo nga, Pachi. Dahil sa’yo kaya muling

nabuhay

 ’tong gang natin. Ikaw ang dahilan ng lahat ng ’to. Diba?“ Nag-apir pa ’yong iilan.  “Oo nga. Dabest ka talaga, Pachi.”

Napangiti ng hilaw si Pachi dahil iniisip niya ang mukha ng nanay niyang naghihintay sakanya at sa gamot.

Pero ngayon lang siya nakaramdam ng ganito buong buhay niya. Ngayon lang niya naramdaman na tanggap siya. Sa kabila ng katawan niya, may tumanggap pa rin sakanya para maging parte nila. Dati palang pangarap na niyang makasali sa ganitong klase ng grupo na ituturing talaga siyang parte ng pamilya.  

Tapos ngayon ay nangyayari na…

Sa huli ay pumikit nalang si Pachi at napabuntong hininga bago kinuha ang wallet niya.

“O-oo ba, kayo pa heheh” Kinuha niya ang 4 thousand sa wallet niya at nagtira ito ng limang daan dahil maghihintay pa siya ng 15 days para sa susunod niyang sweldo.

Sasabihin ko nalang kay nanay na

nagamit

ko ’yong pera para sa project ko. Tama, ’yon nalang. Isip isip ni Pachi bago i-abot ’yong pera kay Gary.

“Nako, kulang pa’to eh. Nakita ko may tinira ka pang limang daan hehe isama mo na nalang ’yon. Para mas magandang desenyo ’yong magawa natin hehehe.” pang-uuto na naman ng lider nila.

“Eh kasi..wala na akong..”

“Sige na, boy

Pachii

.“ ginulo pa nito ’yong buhok niya habang pangiti-ngiti pa.

Tiningnan ni Pachi si Gary na nakangiti lang sakanya. Hindi niya pwedeng biguin ang boss niya. Napa-isip pa siya pero sa huli ay sumuko nalang din at binigay ’yong natitirang limang daan.

At pagkabigay na pagkabigay niya nito, agarang tumalikod sila Gary.  “Okay!” tuwang sambit pa nito at saka iniwan si Pachi habang binibilang muli ’yong pera.

“Mamaya, Boss, ah! Mga 5pm siya lalabas —

“Sige, sige.” ’ Yong kaninang maamong boses ay napalitan na ng sobrang pagkabagot na tono na para bang hindi na ito interesado sa pinagsasabi ni Pachi.

“S-sige…” Napakamot nalang si Pachi sa ulo niya. Paglingon niya kung nasaan sina Declan kanina ay hindi na niya ito mahagilap.

“Humanda ka sa gang ko mamaya, Declan!”  isip-isip ni Pachi at halos hindi na mapakali ’yong kamay niya para maka ganti.

-To be continued…

Chapter 5: Pachi (Part 2)

( Under revision pa po ’to kaya in-unpublish ko muna ’yung ibang chap. Binawasan ko lang ’yong mga typos and errors, at saka may mga binago at dinagdag lang din akong mga scenes sa bawat chapter, so mas okay pa rin if basahin niyo ulit heheh ’yon lang.)


Chapter 5: Pachi (Part 2)


[ 3rd Person’s PoV ]

     W ala pang alas singko pero nandito na sa labas si Pachi sa banda ng dadaanan ni Declan pauwi. Naglalakad pa kasi ’yon hanggang highway at do’n siya naghihintay sa driver niya.

Ini-stretch na ni Pachi ’yong katawan niya para sa matinding bugbugan. “Okay!” Tingin niya ay  nasa kundisyon ang katawan niya ngayon para makipag laban. Nagsha-shadow boxing pa ito na para bang marunong talaga sumuntok.

  ![](https://img.wattpad.com/49a328c46efe7e94d45cff7a1221aa83d4d0a749/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f33484b544a314242354e525551773d3d2d313434343832333630382e313763663933666662313434626539633531313239353834343831322e6a7067)               

( Pachi )

Lumipas ang ilang minuto at pasado alas singko na. Pero habang naghihintay siya, ’di niya maiwasang mapaisip.

Tama naman ’yong oras na paalala niya sa mga ka gang niya kanina, diba?

Sabi niya 5pm.

Pero bakit?

Bakit mag isa pa rin siyang nag aabang dito ngayon?

“Baka may ginawa lang siguro,” kumbinsi nalang niya sa sarili at saka ngumiti. Imposibleng makalimutan ’yon ng mga kasama niya. Nangako na sila e.

Baka abala lang sila sa

pagpapatahi

ng bagong uniporme namin. Tama, baka gano’n nga . Isip isip niya.  Pero alam kong darating sila.

Maya-maya pa ay nakita na niya sa may unahan si Declan na papunta sa gawi niya habang humihikab pa.

Ayan na siya…

Nang tuluyan na itong makalapit sa direksyon niya ay agad niya itong sinigawan “Hoy!” tawag niya kaya bored naman itong tumingin sakanya. “Naalala mo pa ako?!” singhal niya.

“Hindi,”  diretsong sagot lang nito habang humihikab ulit. Halos matubuan naman ng sungay si Pachi sa inis. Matapos ng pagpapahya nito sakanya? Kakalimutan nalang siya nang ganon-ganon nalang?

“Ako ’yong sinipa mo sa canteen!” sgaw nitong muli at do’n parang napaisip saglit si Declan.

“Aahh oo, ’yong

manyakol

.“ sagot nito kaya dinuduro na ito ni Pachi sa inis

“Anong

manyakol

?!

Mananagot

ka sa’kin ngayon!“ Sigaw niya habang palingon-lingon sa paligid.

Bakit wala pa rin sila?

“Oh sige, saktong-sakto para mawala rin ’tong

antok

ko.“ Agad binaba ni Declan ’yong bag niya at saka naghubad ng uniporme. “

Siguraduhin

mong

pagpapawisan

ako ah.“ Mula sa antok na mga mata ay bigla nalang itong nanlisik kaya tuluyang nanginig ’yong mga tuhod ni Pachi at natumba sa takot.

“T-teka, teka!”

“Ha?” kunot-noong tanong ni Declan. Pansin niyang palingon-lingon na naman ito sa pagilid na para bang may hinihintay ito. “Ahh, may hinihintay ka? Ka-grupo mo ba? ’Di ka

sinipot

?“ tawang tanong niya. Kita naman sa mukha ni Pachi ang pamumula dahil sa hiya.

“D-darating sila! Makikita mo!” singhal niya ulit kaya nagkibit-balikat nalang si Declan.

“Sabi mo eh. Hi

ntay

tayo mga

5

minutes.“

“D-deal!”

Umupo si Declan at saka sumandal sa pader tapos ay pumikit.  “

Gisingin

mo nalang ako pag andiyan na ah.“ Nagtext si Julian kanina na magagabihan pa siya ng pag sundo dahil may pinapagawa pa ’yong dad niya kaya matutulog nalang muna siya rito.

Walang nagawa si Pachi kundi ang umupo nalang din malapit kay Declan. Ayaw niyang kalabanin ’to ng mag isa dahil alam niyang wala siyang panama rito. Isa lamang siyang ordinaryong tao na gusto maging gangster kaya pumasok siya sa Taaracan.

Habang naghihintay sila, di maiwasan ni Pachi na makaramdam ng kaonting sakit sa dibdib niya. Kanina pa niya gustong paniwalain ’yong sarili niya na sisiputin siya ng mga kasama niya. Tanggap naman siya ng mga ’yon eh. Masaya nga sila na naging kasapi siya sa grupo nila.

Sabi nila ’yon kanina…

Pero bakit?

Bigla niyang naalala ang patawa-tawa ng  mga ka-grupo niya na paalis kanina pagkatapos makuha ’yong pera niya.

Ni hindi man lang siya tinanong kung sasama ba siya o hindi.

May namuong butil ng luha sa mga mata ni Pachi pero agad din niya iyong pinahiran. Bawal sa isang gangster na maging iyakin. Lagi niya ’yang tinatatak sa isip niya.

Narinig naman ni Declan ang mahihinang pagsinghot si Pachi sa gilid niya pero ’di niya na ito pinansin pa.


6:30 na pero wala pa rin. Lagpas oras na silang naghihintay pero wala pa ring Gary na sumipot. Gabi na at ano mang oras ay andito na ang susundo kay Declan kaya tumayo na siya at nagpagpag ng kanyang pantalon. “Baka kanina pa umuwi ’yong mga ’yon,” pagtutukoy niya sa mga ka gang ni Pachi.  “Sa susunod nalang.

Sabihan

mo lang ako.“

Ang kaninang nasa kondisyon at energetic ay heto ngayon, hindi magawang makagalaw sa kinauupuan niya. Nakayakap lang ito sa tuhod niya at hindi makasagot kay Declan.

Aalis na sana si Declan nang may narinig silang malakas na nagtatawanan palabas ng paaralan. Agad napalingon ang dalawa at halos lumiwanag ang mukha ni Pachi sa nakita nila.

Sumipot

sila!

Okay lang kahit sobrang late

Basta

sumipot

sila…

Dali-daling tumayo si Pachi para sana salubungin sina Gary pero pansin niya no’ng medyo makalapit na sila ay dighay na ito nang dighay na para bang kakatapos lang kumain at mukhang busog na busog pa.

“Sarap ng kain natin ngayon. Buti nalang may uto-uto na tayong kasama.” Nagtawanan pa ang mga ito.

“Ano may natira pa ba diyan, Boss?” rinig ni Pachi sa isang kasama nila. Hindi ata sila napansin ng mga ’to. 

Dumukot naman si Gary sa wallet at saka binigyan ’yong mga kasama niya.

’Yong pera ko…

Natulala nalang si Pachi sa nasaksihan niya ngayon.

Akala ko ba…

…………….

………..

Nang tuluyang makalapit ang mga ito ay saka lang nila napansin si Pachi na nakatayo na pala sa harapan nila.

Medyo nagulat pa si Gary saglit pero agad din namang nakabawi.  “Oh ikaw pala, Pachi. Ba’t

andito

ka pa? Gabi na ah,“ tanong niya at saka napatingin sa may unahan kung saan nakatayo si Declan at nakatingin lang din sakanila.

Do’n lang naalala ni Gary ’yong pinagsasabi niya kay Pachi kanina.  “Hala ngayon ba yon?” kunwari pang gulat nito. “Nako, pasensya na, Pachi. N

akalimu

–“

“Isuli niyo,” mahinang putol ni Pachi habang tulala pa rin na nakatitig sa wallet ni Gary na halos wala ng laman.

“Anong sabi mo??”

“Isuli niyo ’yong pera ko,” mahinang sagot nito.

“Pasensya kana pero…” tinapik-tapik pa ni Gary ’yong tiyan niya at saka ngumisi,  “

andito

na eh.“ Nagtawanan pa ang mga ito.  “Wag kang mag-alala, dudurugin ’din namin ’yang Declan na ’yan. Pero wag na muna ngayon, Pachi. Sobrang busog namin, ’di kami makakagalaw nang maayos.”

“Ang sabi niyo

gagamitin

niyo ’yong pera para sa uniporme ng grupo natin?“ Ngayon ay unti-unti ng nakabawi si Pachi sa pagkabigla.  “Akala ko ba para sa grupo natin yan?!” sigaw niya at di ’yon nagustuhan ni Gary kaya inis siya nitong kinwelyuhan.

“Mag-

iingat

ka sa tono ng

pananalita

mong baboy ka!“

Doon na namuo ulit ang mga luha ni Pachi.  “Para kay nanay ’yong pera na ’yon,” sagot nito habang naiiyak na. Bigla na namang sumagi sa utak niya ang mga ngiti ng nanay niya. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang ipagpalit ’yong kalusugan ng nanay niya para sa mga ’to. Para sa mga ’to na akala niya’y tinuturing siyang kaibigan. “Akala ko ba masaya kayo na sumali ako sainyo?”

Natawa naman ang iilan sa sinabi nito. “Masyado kang mataba para maging maangas katulad namin! Walang

tatanggap

sa’yo rito sa Taaracan. Pumayag lang naman kami na isali ka para may mapag

lilibangan

kami,“  tawang sagot no’ng isa.

“Tulad no’ng nangyari sa canteen, p

inagpustahan

ka lang namin na kung

mamanyakin

mo ba talaga ’yong babae na

pinapagawa

sa’yo ni Boss para lang hindi matanggal sa grupo. Gago ka, ginawa mo talaga. Dahil sa’yo kaya natalo ako ng limang daan.

“ Do’n napantig ang tenga ni Declan at masamang tiningnan yung nagsasalita. 

Sa lahat ng ginawa ni Pachi, ito lang pala ang makukuha niyang sukli.

Tama nga siguro ’yong iniisip niya.

Si nanay lang ang tunay na nagmamahal sa’kin.

Si nanay lang…

Pero nagawa ko pa ring…

Dahil sa naisip niya ay tuluyan nalang siyang naiyak. Ngumuwa na ito nang napakalakas dahil hindi na niya kaya ’yong sakit.

Patawad, Nay!

“Tangina, ang pangit mo talaga,” diring diri na sabi ni Gary bago siya nito binitawan. “Pero sige, dahil

binusog

naman kami ng pera mo,

pagbibigyan

ka namin sa gusto mo,“ sabi nito at saka tumingin kay Declan na kanina pa nakikinig sakanila.

“Basta

ipangako

mo na ibibigay mo ulit lahat ng pera mo 

kapag sweldo mo na ha,“ dugtong nito at saka dahan-dahang umabante papunta kay Declan. Hindi na nakasagot si Pachi dahil tuloy pa rin siya sa pag iyak.

Bugbugin

na natin ’to para 

makauwi

na tayo.“ Pati mga kasama ni Gary ay dahan-dahan na ring umabante. Tanging si Pachi lang ang naiwang nakaluhod.

AAARRGHH

!“ Narinig ni Pachi na sumigaw sila Gary kaya saglit siyang lumingon sa gawi nila. Sabay-sabay na umatake ’yong sampu papunta kay Declan.

At do’n natigil sa pag-iyak si Pachi sa nasaksihan niya. Isa-isang tumilapon ang mga ka grupo niya sa oras na lumalapit ito kay Declan. Isahang suntok at sipa lang ang ginagawa nito kada tao pero kapag tumatama naman ito ay kung hindi ka titilapon, babagsak naman sa sahig. 

Ngayon lang niya napagtanto kung gano pala talaga kalakas si Declan. 

Ito ’yon, ito ’yung pangarap niya simula bata palang. Ang maging ganito kalakas. Ganitong ganito ’yong mga galaw na nagagawa niya sa tuwing nangangarap siya ng gising.

 Titig na titig lang siya habang pinagmamasdan si Declan. Marami na siyang iniidolo pagdating sa pakikipag laban, pero ito, iba ’tong kaharap niya ngayon. 

Ang galing…

May isang ka-grupo ni Gary ang tumilapon at papunta ito sa gawi niya. Kaka isip niya ay hindi niya agad ’yon napansin. Sinubukan niyang umilag pero natamaan pa rin siya at mukhang malakas ’yong pagkakabangga nila dahil naumpog ang ulo niya sa may pader.

Agarang nakaramdam ng pagkahilo si Pachi at unti-unting dumilim ang paningin. Pero bago pa man siya mawalan ng malay ay nakita niyang tumba na ang lahat ng mga ka-grupo niya maliban kay Gary na ngayon ay naka-angat na ang katawan gamit lang ang isang kamay ni Declan tapos ay pinagsusuntok ito sa mukha nang paulit-ulit.

Huling nakita niya bago niya naipikit ang mga mata niya ay ang halos hindi na maitsurang mukha ni Gary at sobrang nakakakilabot na mga ngisi ni Declan.


……..

…………….

…………………………….

“Ayan,

magigising

na ata.“

Dahan-dahang minulat ni Pachi ang mga mata niya, at ang unang tumambad sakanya ay ang nakangangang mukha ni Declan.

“Gising kanaa,” tuwang sambit pa nito kaya dahan-dahang napalingon si Pachi sa paligid niya. Andito pa rin sila sa lugar kanina, pero ngayon ay nakasandal na siya sa pader.

Nag angat naman siya ng tingin at nakita niya ang isa pang lalaki na naka pormal na suot at nakangiti sakanya.

Napahawak siya saglit sa ulo niya dahil may napansin siya. Nakabenda

na ito.

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Declan sakanya. Hindi siya makasagot dahil naguguluhan pa siya.

Hinintay ba nila akong magising?   Naisip nalang niya

Ano bang nangyari —

At do’n, isa-isang bumalik sa alaala niya ang huling mga nangyari kaya agad siyang napalingon sa gilid niya, at halos manlaki ang mga mata niya sa nakita. Lahat ng grupo ni Gary pati ito ay nakahandusay na sa sahig.

At hindi lang ’yon ang naalala niya.

Iyong

hindi maitsurang

 mukha ni Gary…

at ang nakakatakot na ngisi ni…

Takot na muling tumingin si Pachi kay Declan dahil sa naalala niya pero pagtingin niya rito ay nakangiti lang ito nang matipid sakanya. 

Namamalik

mata lang ba ako no’n?   natanong nalang niya sa sarili dahil ibang ngiti ang nakita niya sa taong ’to bago siya nawalan ng malay. O baka epekto lang ’yon ng pagkabagok ng ulo niya sa pader. 

“Kaya mo bang umuwi?” muling tanong ni Declan.

“Ahh…oo,” tipid lang na sagot niya. Muli niyang naalala ’yong pera kaya nag umpisa na namang mangilid ang mga luha niya.

Pano na ang gamot ni nanay?

Tumayo na si Declan at nag-umpisa na namang antukin dahil humihikab na naman ito. “Kung gano’n mauna na kami. Kita nalang tayo bukas…Pachi.” takha namang nabalik ang tingin ni Pachi kay Declan sa pagbanggit ng pangalan nito sakanya.  

“Sa kabila ng inasta ko sakanya kanina no’ng magkita kami, ay bakit ganito?”  tanong nalang niya sa isip niya. “Plano ko na ’to lahat sa umpisa palang, para lang magulpi siya. Narinig niya naman siguro ’yong usapan namin ni Gary kanina. Kaya bakit? Sa kabila ng lahat ng ’yon, bakit ganito pa rin ang trato mo sa’kin?

Nang makita niya ang nakangiting mukha nito ay di na niya maiwasan ang maiyak dahil sa pagsisisi.

Sa huli ay iyak lang na yumuko si Pachi “Patawad sa nagawa ko.” Akala niya’y babaliwalain lang siya nito pero…

Isang tapik lang…

Isang pagtapik lang sa balikat ang sinagot ni Declan na tila nagsasabing wag na siyang mag-alala.

Iyon lang ang ginanti ni Declan bago niya ito nakitang naglakad papunta sa sasakyan. Pero huminto ito saglit habang nakapamulsa na sinabing,  “hindi hadlang ’yang katawan mo para mangarap na lumakas. Wag kang makinig sa mga sinasabi nila. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Kasi ako, naniniwala ako…” sabi nito bago tuminging muli sa gawi niya,  “…lalakas ka rin balanag araw, Pachi.” dugtong nito bago tuluyang pumasok sa kotse.  

Naiwan lang si Pachi na tulala sa mga narinig niya. Ngayon lang siya nakatanggap ng mga salitang walang halong pagpapanggap. Walang halong pang-uuto. 

Sumunod naman ’yong isang lalaki at mukhang nag-usap pa sila saglit bago ito bumalik sa pwesto ni Pachi.

Gulat naman si Pachi no’ng inabutan siya nito ng sobre.  “Para sa nanay mo raw, sir Pachi.” Pormal na sabi nito. Naguguluhan pa siya pero sa huli ay kinuha niya rin ito at binuksan.

Pera…

“ ‘Wag na wag mo na ulit ipagpapalit ang nanay mo sa kahit na anong bagay. Sila lang ang pinaka importanteng tao sa mundo na pwede mong ingatan .’ ’Yan po ang pinapasabi ni sir Declan sainyo. Magandang gabi,“ yumuko ito sakanya at ngumiti sa huling pagkakataon bago tuluyang pumasok sa kotse.

At do’n, tuluyan nalang napahagulhol si Pachi sa mga narinig niya. Parang ’yong mga narinig niyang masasakit na salita kila Gary kanina ay kusa nalang naglaho lahat dahil kay Declan.

“Maraming salamat!”  sigaw nalang niya sa sobrang saya ng nararamdaman niya.

Napangiti naman ng kaonti si Declan dahil sa narinig.

“Napakabuti niyo talaga, sir Declan,” ngiting sabi nalang ni Julian bago pinaandar ang sasakyan.

“Ako lang ’to,” antok

na sagot ni Declan at saka sumandal. “

Iidlip

muna ako. Ang haba ng araw na ’to.“

“Sige lang po.

Gigisingin

ko nalang kayo pagdating natin.“


Tuluyan nang nakaalis ang sasakyan nila Declan pero may dalawang tao pa ang lihim na nagmamasid sa paligid. Nasa loob lang sila sa isang kotse ngayon.

“Hindi mo siya kaya,” nasabi nalang ng nasa driver’s seat, isa itong lalaking mga nasa 50s na ang edad. Sa nakita niya kung paano inubos ni Declan ’yong isang buong gang ng walang kahirap-hirap ay do’n niya nakumpirma kung gaano ito kalakas. Sobrang layo ng agwat nitong nasa tabi niya.

“Pero gawin mo ang lahat. Patunayan mo na hindi

nagkamali

ang diyos ng kinuha sa’kin,“ dugtong nito at saka tiningnan ang katabi niya. Nakadungo lang ito at mukhang walang planong sumagot. Kaya naman hinampas niya ang dibdib nito nang malakas.  “

Naintindihan

mo?!“ sigaw ng matanda.

Napadaing naman ito sa lakas ng pagkakahampas   at saka sumagot.  “

Y-yes

dad.“


2 weeks later

September 30, xxxx

Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay iminulat ni Declan ang kanyang mga mata.

Sa halos isang buwan niyang paghihintay ay sa wakas, dumating na rin ang araw na ’to.

Karaniwang araw man ’to ng iilan pero para sakanya at sa ibang mga studyante ng Taaracan, ito ang isa sa mga spesyal na araw na masayang haharapin nila.

Umaga palang ay may kanya-kanya ng ginagawa ang ibang mga lalahok at sasali sa Grand Opening Tournament.

Merong isa na kahit mamaya pa ang klase ay gumising talaga ito nang maaga para lang mag ensayo kaharap nitong punching bag. 

Matapos ang mabibilis nitong jab ay nagpakawala ito ng isang napaka lakas na right hook na ikina-angat ng punching bag.

Hinihingal naman itong napangisi habang tinitingnan ang suot nitong boxing gloves. Ito na hinihintay niyang pagkakataon. Pinili niya ang mag transfer sa Taaracan dahil gusto niyang makaharap ulit ang pinaka malakas na studyante rito.

At ito ang magiging unang hakbang niya para magawa ’yon. 

“Pupulbusin ko kayong lahat.”

Meron namang iba na halos hindi na makatulog dahil sa sobrang excitement.

May iba na nag me-meditate para ma kundisyon lalo ang katawan sa gaganapin mamayang gabi.

Habang si Cid naman ay parang wala lang, tulog pa rin na para bang wala lang sakanya ang araw na ’to.

Iilan lang sila sa mga sasali mamaya.

Kanya-kanya ng mga rason,

ng mga gusto..

ng mga hangarin..

Pero sino nga kaya ang maiiwang nakatayo?

Sino nga kaya ang mag kakampyon at magkakaroon ng tsansa na makaharap ang mga myembro ng Black Council?

May mga bagong pangalan ba na uusbong?

O pamilyar na mukha pa rin ang magwawagi?

Itikom nalang ang bibig at

mga kamao na ang sasagot.

Dahil mamayang gabi na magkaka alaman kung sino sakanila ang mag kakampyon. 

-To be Continued…



Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.