Taking A Step Closer To You
Veilofthedark · 19 chapters · 51,714 words
PAHINA PARA SA KADALDALAN NG AUTHOR
Taking A Step Closer To You
August 14, 2022
Book Cover by Heinz Nixon Byers
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PROLOGUE: Where It Started
“GUSTO KO NA MAMATAY!”
Umalingawngaw ang boses na iyon mula sa isang kwarto. Nang tingnan ko ay mula iyon sa loob ng Emergency Room.
“Ang sakit! Ang hapdi! Patayin n’yo na lang ako!” umiiyak sa sakit na sabi ng isang estudyante.
“Sana naisip mo ’yan bago mo ’ko hinila patawid, ano?!” galit na sagot ng isa pang lalaki na kasalukuyang tinatahi ng doktor ang sugat sa noo.
“Mamaaaa!” sigaw naman ng isa pang lalaki at humagulgol.
“Sir, ’wag ho kayong tumayo. Paano gagaling ’yang injury niyo?” sabi rito ng nurse pero puro reklamo at iyak lang ang lalaki. “At ’wag po kayong sumigaw. Lalong natatakot ang ibang pasyente.”
Nakita ko kung paano kinuha ng nurse ang mga gasa na ginamit at punung-puno ang mga iyon ng dugo.
Sa paglabas ng nurse ng kwarto ay narinig kong muli ang mga naghahalong ingay—mga sigaw ng mga ginagamot na mga pasyente, mga iyak ng mga magulang na nag-aalala sa anak, at mga doktor at nurse na kaliwa’t kanan ang ginagamot na ultimo pag-inom ng tubig ay hindi na magawa.
Paglabas ng nurse ng pinto ay nagtama ang paningin namin. Nang makilala n’ya ako ay umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Napailing na lang ako at pinigilan ang sarili.
Now is not the time, Maia.
Tiningnan kong muli ang mga pasyente mula sa pinto. Ang sabi, tumatawid lang ang mga ito sa pedestrian lane at ginagabayan pa ng traffic enforcer nang walang anu-ano’y humarurot ang jeep na animo’y nawalan ng kontrol at sabay-sabay na nasagasaan at nakaladkad ang mga tumatawid.
Tiningnan ko ulit ang cellphone ko at wala pang reply ang kaibigan kong nasa loob ng Emergency Room.
Understandable naman dahil napakaraming pasyente. Pero sana mabasa naman niya, baka ugatin na ako rito sa tagal.
“EXCUSE ME! EXCUSE ME!”
Bigla akong napa-gilid nang para bang bigla na lang dinumog ang emergency room. Awtomatiko akong napangiwi nang makita ko ang mga bagong dating na mga pasyente.
Tagaktak na mga dugo.
Lapnos na mga balat.
Mga iyak ng paghihirap.
Anong aksidente nanaman ang nangyari?
“HOY, ANONG NANGYARI?!”
Napatingin ako sa babaeng lumabas. Isa itong doktor at may katamtaman lang ang taas. Maikli ang itim nitong buhok at nakasalamin na bilog.
“Gumuho ’yong building nila, doc,” pagpapaliwanag ng paramedics kasama ang ilang emergency personnel na isa-isang nagdaratingan at dala-dala ang mga biktima.
Sinalubong ang mga ito ng mga doktor at mga nurse na halata ang pagod sa mga mukha.
Ang mga paramedics ay mga trained healthcare professionals na handang mag-provide ng pre-hospital treatments and first aid the moment you called an ambulance.
Habang ipinapasok ang mga pasyente sa loob at nagkakagulo ang mga tao, ipinaliliwanag naman ng paramedic sa doktor ang nangyari.
“Bakit hindi naitawag sa amin ’to?” tanong ng babaeng doktor at kita sa mukha nito ang pagka-stress. “Kulang na kulang kami sa workforce at sa facility.”
Napa-ismid ito nang makitang napakarami pang pasyente ang nasa labas at hindi na makapasok dahil wala nang espasyo sa emergency room.
“This could’ve been prevented kung na-notify po kami,” dagdag ng babaeng doktor. “Napakarami pang tao sa labas—”
“You were notified, they called you.”
Pareho silang napatingin sa akin.
“Si Abby ata nag-take ng call, narinig ko,” I added.
Nang makita ako ng babae ay nanlaki ang mga mata nito—kung sa gulat o sa tuwa ay hindi ko na alam.
“MAIA!” sigaw nito. “BAKIT KA NANDITO?!”
Ininguso ko ang paramedic. Nang mapansin iyon ng babae ay bigla rin siyang napatingin dito.
“Ay, kuya, saglit,” sabi nito at tinawag ang isang doktor na kararating lang. Halatang kagigising lang nito at pinapasok sa trabaho dahil kulang sa tao.
“Jayson, halika,” sabi nito.
Nang makilala niya ’ko ay kinawayan niya ’ko at bahagya ko naman siyang nginitian. Hindi naman kami close.
“Take note of what kuya paramedic did and assist the patients inside,” utos nito.
“Huh?” tanong nito. “Hindi naman ako sa ER nakatoka today—”
“Gusto mo ma-toka sa ER o mag-browse sa Job Street mamaya?”
“Oo na,” sabi nito. “Power tripping ka rin, e.”
“Good boy,” nakangiting sabi ng babae at lumabas ang dimples sa ilalim ng labi niya.
Nang tingnan ko siya ay nagawi ang tingin ko sa pangalan niya na naka-imprinta sa doctor coat niya.
’Blaire
Kynlee
, MD.’
“Tinitingin-tingin mo, ha?” pabiro niyang tanong. “Ba’t ka nga pala nandito?”
Inubos ko ang laman ng matcha milk tea ko bago sumagot at ikinainis niya iyon.
“Maia Allison Brynn, wala na nga akong panahon para sa sarili ko, hintayin ka pa kayang maubos ’yan?!”
Sinimot ko ang inumin at itinapon sa malapit na trashbin.
“Nasa’n si kalbo?” tanong ko.
“May pangalan si Doc Trev,” sabi nito sa akin. “Nasa affiliated hospital. Why are you here? Restricted kang pumunta rito, ’di ba? Suspended ka for a month. That means bawal kang tumuntong sa ospital, let alone sa ER. Do you really wanna risk your license?”
She’s Blaire, my bestfriend. Nagkakilala kami noon nang pareho kami ng sinalihang study group para makapasok ng med school. Naging study buddies kami at Awa ng Diyos ay parehong pumasa. Simula noon ay hindi na kami mapaghiwalay.
To be a doctor wasn’t an easy road, of course—there were bumps along the way.
At first, kailangan mong grumaduate ng kinder at elementary school—seven years na agad ’yon.
Then kailangan mong makatapos ng Junior High at Senior High—six years na ’yon.
After that, kailangan mong mag-take ng pre-med course. It can be B.S Biology, B.S. Nursing, B.S. Psychology, B.S. Medical Technology, B.S. Pharmacy, B.S. Public Health, B.S. Physical Therapy, your choice basta grumaduate ka.
Kung late bloomer ka naman at naisipan mong mag-med, that’s fine. Basta Bachelor of Science or Bachelor of Arts degree holder ka, pwede mo pa ring i-pursue. It’s just that if kulang ang science units mo than the required, need mong mag-take ng extra units to qualify.
Then you have to take and pass the National Medical Admission Test or NMAT. Once nakapasa ka, then proceed to the 4-year long med school. Kapag naka-survive ka at grumaduate, doon ka na magkakaroon ng Doctor of Medicine diploma.
And guess what? It doesn’t stop there.
After you graduated, need mo namang mag-take ng post-internship. Dito, makakasama mo ang ilang residents na nagpapaka dalubhasa sa healthcare subspecialty na gusto nila.
You will be trained intensively in different subspecialties like Dermatology, Urology, Pediatrics, Gynecology at marami pang iba. Kailangan mong ma-fulfill ang training hours na required dahil kung hindi, hindi ka makakapag-take ng Licensure Exam.
After the internship, you need to take the Licensure Exam para maging isang ganap na doktor. Syempre, kahit na may diploma ka kung wala kang lisensya, hindi ka makakapagtrabaho.
Once you passed the licensure exam, pwede ka na mag-work privately or as a general practitioner. Mostly na type of works dito ay mga company doctors, school doctors, clinics and the like.
The disadvantage? Fixed and mostly, mababa ang sahod.
Kung gusto mo pang maging mas professional than you really are and earn more, then proceed with Residency Program.
Residency Program ay iyong magpapaka dalubhasa ka pa based on the specialization of your choice. Mostly tumatagal iyon ng three to six years, depende na lang talaga sa specialization mo.
For Anesthesia, Dermatology, Emergency Medicine, Family Medicine , Ophthalmology, Internal Medicine, Pediatrics, Rehabilitation Medicine, three years ang residency.
Sa Obstetrics, Gynecology, Orthopedics, Pathology, Psychiatry, and Radiology ay four years.
While sa Surgery ay posibleng umabot ng four to five years.
May biruan pa nga na kaya raw ‘residents’ ang tawag dahil sa buong panahon ng residency program ay sa ospital na kami nag re-reside. Sa sobrang busy ay hindi na nakaka-uwi. Syempre, sumasahod na rin kami.
Pero akala mo tapos na after n’on?
May fellowship pa!
Sa fellowship ay posible kang mag-specialize sa mga subspecialties for two to four years ulit. Kapag natapos mo ay may exam ulit para maging ganap kang specialist.
Guess what?
A specialist surgeon may earn Php 100,000 per one surgery alone.
It is THAT worth it.
Kung tatanungin niyo ako kung ano na ako, I am currently a third year general surgery resident same with Blaire.
“Maia, didn’t you hear me?” Blaire asked me that brought me back to my senses. “Why are you here? Umuwi ka na bago ka pa makita nila Doc Trev—”
“Simple,” sagot ko at isinuot ang doctor coat ko. “I refuse to obey them.”
Akmang papasok ako sa loob ng Emergency Room nang harangin niya ako.
“Bawal,” sagot niya.
Tiningnan ko siya nang masama.
“Bawal Maia, kaibigan mo ako kaya makinig ka sa ’kin, pwede ba?” sabi niya. “Mainit ang ulo sa ’yo nila Doc Trev dahil sa ginawa mo. Ayaw kitang mawalan ng lisensya kaya please go home and enjoy your suspension.”
“Ba’t hindi ikaw ang umuwi tutal bukambibig mo naman?” naiirita kong sabi.
“Kung pwede lang!” naiirita niya ring sagot.
“Then go home and step aside. Papasok ako,” pagpupumilit ko.
“Gusto mo pala mag-trabaho then why did you do that to the patient?” Blaire asked with her arms crossed. “Really, Maia? Choking your patient while trying to intubate her?”
There.
She said it.
I literally choked a patient while trying to intubate her.
Ginagawa ang intubation para tulungang makahinga ang pasyente. Ginagawa namin ’yon by inserting a tube called endotracheal tube sa bunganga ng pasyente papuntang airway para magamitan namin sila ng ventilator.
Ang nangyari, I accidentally choked her at kitang-kita pa ni Doc Trev—ang attending physician that time.
“Aksidente ’yon, okay?” sabi ko. “Nag-panic lang ako dahil nanunuod si Doc Trev. Alam mo namang nagpa-panic ako ’pag may nanunuod.”
“Kahit na,” tutol ni Blaire. “Napapelan ka na at pinirmahan mo pa. So—”
Biglang kaming natigil nang dagsa-dagsang dumating ang mga ambulansya na kahit ako ay napanganga sa dami.
“Sino bang tumatanggap ng patients?!” inis na sigaw ni Blaire sa mga nagtatakbuhang mga nurse. “Puno na tayo! We can’t cater them anymore! Why’s everyone injured? May purge ba?!”
“Doc, we need you inside,” sabi ng isang nurse kay Blaire. “Kulang na po tayo sa tao.”
“Sure, I’ll take over,” sabi ni Blaire.
Akmang papasok si Blaire nang higitin ko ang braso nito.
“Hindi mo man lang ba hihingin ang tulong ko? You need a General Surgeon, GS ako.”
“You know what? Bahala ka na,” sabi ni Blaire at dali-daling pumasok sa loob at nagsuot ng stethoscope. “Ako na rito, Jingks. Doon ka kay tatay.”
Pinanuod ko kung paano niya inutusan ang mga natatarantang mga med students na nasa internship pa lang. ’Yong iba unang araw pa lang pero ganito agad ang nadatnan.
Welcome to Emergency Medicine, kids.
Sinilip ko ang labas at nakita ko ang mga naghihingalong mga pasyente pero hindi sila makapasok dahil wala nang espasyo sa loob ng ER. Mayroon pang mga umiiyak at nagtitiis ng sakit habang ang bilang sa daliri na mga nurse at doctor ay chine-check sila.
Ito ang mahirap.
Kapag gusto mong tumulong pero kapos sa resources.
Lahat ay nagdurusa at nahihirapan pero wala kang magawa kung hindi unahin ang mas malala ang kalagayan, kahit na rinig na rinig mo kung paano nagdurusa ang bawa’t isa.
Kung pinagtuunan lang sana ito ng nasa posisyon at pinalaki ang budget para sa mga ospital malamang ay hindi magdurusa ng ganito ang taong bayan. Not to mention that health workers are overworked but underpaid.
Who needs April Fools kung araw-araw naman tayong niloloko ng gobyerno?
I sighed.
Lumapit ako sa mga pasyente at nag-diagnose. Halos kaya pa naman ng lahat maliban sa isang lalaki na namimilipit.
“Doc,” lapit sa akin ng isang lalaking first year resident.
“Bakit?” tanong ko. “You need help?”
“Opo, e,” sabi nito. “Anyway, I’m Oliver po, first year emergency medicine resident. My patient is experiencing pain in his abdomen pero madalas naman din daw mawala pero ngayon sumasakit na raw po. May diarrhea rin daw last time at medyo mataas ang temperature. Madalas din daw siya mahilo.”
“Anong diagnosis mo, Oliver?” tanong ko.
“Hindi ko pa po sure, e.”
Tiningnan ko ang pasyente niya at namumutla na rin ito at namimilipit.
“Sumakit ba ang tiyan niya kanina tapos biglang nawala at bumalik ngayon?” tanong ko at nilapitan ang pasyente.
“Opo,” sagot nito. Ipinatong ko ang likod ng palad ko sa noo ng lalaki at napaka-init na nito.
“Tiniis niya kasi kanina. N’ong sumakit ulit at todo na raw, doon siya pumunta ng ospital,” concerned na sabi ng resident.
“Sir, totoo ba ’yon?” tanong ko sa pasyente.
Tumango ang lalaki kahit na namimilipit. Sinubukan kong hawakan ang tiyan nito pero humiyaw iyon sa sakit.
“What’s your diagnosis now?” I asked Oliver, the resident.
“I think appendicitis po,” sagot nito at kinakabahan.
That’s my diagnosis too.
“Sumakit daw kanina at nawala at saka bumalik. What do you think?” tanong kong muli.
Hindi ito makakibo.
“Pumutok na panigurado ang appendix niya at possible siyang magka-peritonitis, a serious infection of the inner lining of the abdomen, kung ganoon,” sabi ko rito. “Go bring him inside the ER nang matingnan. He might need a surgery.”
“Yes, Doc,” sabi nito at nagpa-assist sa isang nurse na kasama niya.
“Tingnan niyo naman ang asawa ko!” umiiyak na sabi ng matanda. “Kanina pa kami rito!”
Agad akong tumulong. Tiningnan ko ang lahat ng pwedeng tingnan para ma-assure sila na walang masamang mangyayari at magagamot sila. Maya-maya lang ay bumalik ang resident na kausap ko kanina at pawis na pawis.
“Bakit, Oliver?” taka kong tanong.
“Doc, busy po lahat,” sabi nito at natataranta.
“Wala bang senior resident, fellow, o kahit sinong attending physician sa loob?” tanong ko.
“Nasa operating room po halos lahat, ’yong iba raw po nasa day off pero papunta na after malaman ’yong volume ng tao tonight.”
“E, sila…Doc Trev?” kinakabahan kong tanong.
“Nasa affiliated hospital pa po. With the traffic, baka hindi raw po siya makarating.”
Nasapo ko ang noo ko at nag-isip.
“First time raw po na ganitong karami ang na-admit kaya hindi sila handa,” dagdag nito.
“Ospital ’to, dapat handa sila. May booking ba kung kailan puputok appendix mo?” naiinis kong tanong.
Natahimik ito. “Sorry po, Doc.”
“Pahiram ng ballpen,” sabi ko at kinuha ang ballpen niya at inipit iyon sa bulsa ng white coat ko. “Let’s go.”
“Po?” maang tanong nito.
Hindi na agad ako kumibo. Nang marating ko ang pinto ng Emergency Room ay pumikit ako at huminga nang malalim.
Now is the time, Maia.
In a snap, I opened the door with so much confidence and authority. No doubt, everyone’s eyes were on me.
Lahat ay busy sa paggamot sa kanya-kanya nilang pasyente pero halos matulala ang lahat nang makita ako.
Agad akong nilapitan ni Abby, isa sa mga nurse ng ospital.
“Maia?” gulat nitong sabi sa gitna ng mga bulungan ng ibang nurse at mga kapwa ko doktor. “Why are you here? Temporarily banned ka sa ER—”
“Nasa’n ’yong patient ni Doc Oliver?” putol ko sa kanya.
“Maia, baka mapano ka kapag nalaman nila. For sure, magagalit si Doc Trev kapag—”
“Ayun po,” turo ni Oliver sa pasyente niya.
Iniwan ko na roon si Abby na tinatawag pa rin ako pero sa huli ay sumuko na rin. Muli kong chineck ang pasyente at walang duda, appendicitis nga.
“He needs laparoscopic appendectomy surgery as soon as possible,” bulong ko.
“Noted, Doc,” sabi ni Oliver.
“Kung nasa labas ang family, hingin niyo ang consent. Mag-book ka na rin ng operating room. Patulong ka kay…”
Huminto ako at naghagilap ng pwedeng nurse na tumulong sa amin pero lahat ay busy.
“Kahit na may ma-book tayo, Doc, walang mag-oopera,” sabi ni Oliver.
Hindi ako naka-imik dahil may punto siya.
What should we do?
Bahala na nga.
“Saglit,” sabi ko kay Oliver at iniwan siya roon. Dali-dali kong nilapitan si Blaire. Nagtatahi iyon ng pumutok na kilay.
“What do you want?” tanong nito.
“Anong oras matatapos ang operations ng surgeons na nasa operating room?”
“About two hours,” sagot nito at nagpatuloy sa pagtahi.
“May vacant ba na operating room?” tanong ko.
“Mayroon pero ’wag mo nang pangarapin,” sabi ni Blaire. “Bawal kang mag-opera ng walang supervision ng attending physician. If you want to put your license at waste, go on, Maia.”
Ngumiti ito sa pasyente niya.
“Okay na sir, higa lang po kayo.”
Nang humiga ang pasyente ay tsaka tumayo si Blaire at sinundan ko siya. Lumipat naman ito sa pag-assist sa patient na may bandage ang ulo.
“Na-CT scan na si Sir, Abby?” tanong ni Blaire.
“Yes, Doc. Waiting po sa result.”
“Nice,” sabi nito at naglibot pa. Huminto ito sa lalaking bali ang hita.
“Blaire, ilang oras pa bago dumating ’yong mga surgeons natin?” tanong ko.
“Maybe half an hour?” sabi ni Blaire at tiningnan ang mga papel na binigay sa kanya ng nurse. “I don’t know.”
“We just need an attending physician to operate on someone, right?” I asked.
“Don’t think about it,” Blaire said, brushing me off.
“May appendicitis ’yong pasyente. I suspected pumutok na at pwedeng s’yang magka-peritonitis. We know how dangerous that can be.”
Huminto si Blaire. “Appendicitis? Who?”
Pareho namin itong nilapitan at ganoon din ang diagnosis niya.
“Wala tayong magagawa,” sabi ni Blaire. “Kailangan nating maghintay ng surgeon.”
“Didn’t you hear me? It might get worse,” I said.
“I know but even though we know how to operate appendicitis, hindi pwede kapag walang supervision ng attending physician.”
“Blaire, come on!” I frustratedly said. “A patient might die!”
“So are you once we operated him,” Blaire said. “Kahit gusto ko, hindi talaga pwede.”
Nagtitinginan na sa amin ang mga tao sa loob.
“So attending physician lang ang kailangan?” I asked, annoyed.
“Yea,” Blaire said. “If you find one, I might even help.”
“Okay, then,” I immediately dialled Doc Trev’s number. After a couple of minutes, he answered.
“Maia, don’t even think about convincing me to—”
“I WILL OPERATE A PATIENT AND I NEED YOU TO BE THE ATTENDING PHYSICIAN,” mariin kong sabi.
Lahat ay gulat na napatingin sa amin.
“Maia…what the fuck?!” gulat na tanong ni Blaire.
“Ano ’yong… narinig ko?” tanong ni Doc Trev sa kabilang linya.
“May ooperahan po ako at kailangan namin ng attending physician,” pag-uulit ko.
“Maia, are you in the ER? Hindi ba’t suspended ka?”
“That’s not the point here,” I said. “Marami nang injured at nasa bingit ng kamatayan. I have a patient here, a confirmed appendicitis patient with potential peritonitis.”
“Maia, ano ba!” putol ni Blaire.
“Pumutok na ang appendix niya at anytime now, he can be at risk. We need to do the laparoscopic appendectomy surgery. Alam ko kung paano ’yon gawin, nakapag-assist na ’ko before,” I said with full of eagerness.
“Let’s say I’ll help you, but there’s no available—”
“Operating room?” tanong ko at tiningnan si Oliver na nag-thumbs up sa akin. “May isa pang available at na-reserve na namin.”
Nasapo ni Blaire ang noo niya at hindi malaman ang gagawin.
“Bakit hindi mo nalang hintayin dumating ang mga—”
“I told you, Doc, the case is urgent. Handa naman akong mag-step aside kung may darating man. Ang akin lang, kailangan na ho itong maumpisahan. The more we prolong it, the more risk the surgery gets.”
“Aren’t you scared? If the family sues you, lagot ka. Wala kang attending physician with you,” sagot ni Doc Trev.
“Meron po,” sagot ko. “Kayo.”
“Huh?” tanong ni Doc Trev.
“You can assist me through phone call or video call, whichever you like.”
Bahagyang natahimik si Doc Trev at natawa. “Ibang klase, Doc Maia. Where did you get that brain?”
“Of course, I learned from the best,” I said fiercely.
“Sadly, I have to take it down. Hindi ko pwedeng i-risk ang pangalan ng ospital at ang lisensya mo. Wait ’till Doc Jess comes. She’ll be there in 15 minutes.”
“15?!” sigaw ko. “Pero—”
Maya-maya ay naputol ang linya.
“You heard it,” Blaire said. “Wait for Doc Jess.”
Tinapik nito ang balikat ko at tumalikod.
No.
I can’t let my patient die knowing I can do a lot better.
No, can’t be.
I closed my eyes hardly.
I sighed heavily.
Bahala na.
“I’LL OPERATE HIM.”
Blaire literally stopped and looked back with confused face.
“I’ll operate him whatever it takes,” I said and walked towards the guy’s direction.
Agad akong sinundan ni Blaire. “Maia, ano ba!”
“Oliver, tara sa OR,” sabi ko at akmang itutulak ang kama ng pasyente nang harangin ako ni Blaire.
“Stop it, Maia. Baka anong mangyari sa ’yo—sa license mo so please stop, okay? Let’s wait for Doc Jess and—”
“Step aside,” sabi ko.
“Maia—”
“I SAID STEP ASIDE!”
Umalingawngaw ang boses ko sa buong ER.
Napapikit nang mariin si Blaire at halatang nagtitimpi.
“Stop being childish,” mariing niyang sabi.
“My patient is dying, Blaire,” mariin ko ring sabi. “You don’t understand.”
“I do understand but what can you do?” she asked. “Hintayin na lang natin si—”
“STEP ASIDE!” sigaw ko sa dalawang resident na papalapit sana para pigilan ako. “Mas mataas ang year ko sa inyo, senior niyo ’ko.”
Tumigil ang dalawa at hindi malaman ang gagawin.
“Pinagtitinginan na tayo, Maia. Let’s just stop!” Blare exclaimed.
“We’ll stop if you’ll stop blocking the way,” I answered.
“Why don’t you stop being so childish and act your age? Resident pa lang tayo, Maia. Hindi tayo allowed—”
“Then sinong allowed? Nasaan ang mga allowed? Wala sila!” sagot ko.
“Kaya nga maghintay, ’di ba?” sagot ni Blaire.
“Buhay ang nakasalalay dito. Every second counts!”
“I know but we are still residents—”
Napapikit ako nang mariin sa inis.
“KUNG HINDI NATIN GAGAWIN, SINONG GAGAWA?!”
A deafening silence followed until someone broke the tension.
“Ako.”
Sabay-sabay kaming napahinto nang marinig namin iyon. Ang boses ay hindi galing kay Blaire o kay Abby. Malalim ang boses pero hindi galing kay Oliver.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto at isang lalaki na kararating lamang ang nandoon.
Nakasuot ito ng doctor coat, puting polo na naka-tuck in sa itim nitong slacks, at isang black shoes. Payat ang lalaki at may katangkaran. Maputi rin ang kutis nito at mayroong itim na buhok at bangs na halos takpan na ang itim na itim niyang mga mata.
Agad natahimik ang mga tao sa loob at maya-maya’y lumakas ang mga bulungan.
“I’m a second year gastroenterology fellow,” the guy said as he walked inside. “I’m also a GS.”
It took us a couple of minutes until the moment Blaire noticed who he was, the papers she was holding fell to the ground helplessly.
As my system started to absorb everything, I felt my heart racing inside me.
I felt them again.
After a long time of getting numb, things hit me again.
The mixture and overlapping emotions that used to fill me up—they were back.
I literally got frozen—as if I was stupefied.
That hair.
That face.
That eyes.
That stare.
That voice.
How can I forget those?
He was, and still is, the stranger that I am most familiar with.
Unti-unting lumakas lalo ang bulungan nang makilala siya ng iba pang mga doktor at nurse sa loob.
“He’s back!” reaksyon ng isa. “Oh my ghaaad, he’s back!’
Paano ka mag-rereact kung iyong taong dahilan ng gabi-gabi mong pag-iyak ay sumulpot sa harapan mo, makatapos ang ilang taon, na parang wala lang?
Paano ka mag-rereact kung iyong taong bigla na lang naglaho ay biglang darating sa panahong akala mo, okay ka na?
Sa panahong akala mo wala na siyang epekto sa ’yo?
How do you move on if you have no idea of what went wrong?
How do you move on from a love that didn’t even begin?
How can you move on from the love that made you realized that you are capable of love?
How do I move on from you?
While everyone’s eyes were still on him, he stood and faced us.
“I am Doctor Felix Kendrick Rye.”
Like a magical moment it was, a smile curved on his lips as he looked straight into my eyes.
“It’s been a while…”
And everything that had happened between us flashed in my mind again, as if they all happened just yesterday.
Your laughs.
Your giggles.
Your kisses.
Our first everything.
The time when I was lost and seeking for myself, I found you.
With you standing there and looking deeply in my eyes, for the hundredth time, I knew it.
The memories of the past flashed in my mind.
And once again, my heart’s taking a step closer to you…
PART ONE: The Time Our Eyes Met
8 years ago…
“PLEASE ’WAG KANG PUMASOK…”
I bit my lower lip as I stared intensely at the screen.
Ramdam na ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko at kung paano nangangatog ang mga binti ko. Bahagya na rin akong pinagpapawisan at hindi mapakali.
“Please naman…” pagmamaka-awa kong bulong sa screen.
Nang tingnan ko ang paligid ay ganoon din ang ginagawa ng mga kasamahan ko—nananalangin na sana walang pumasok.
Ilang segundo na lang.
3…
2…
1…
I closed my eyes hardly.
Please, ’wag na!
Gusto ko nang umuwi!
Please—
TOOT
Lahat ay natahimik nang marinig ang tunog na ’yon. Iyon ang iniiwasan naming lahat.
“Kanino ’yon?” tanong ng isa.
Pero walang sumasagot.
“Tingnan niyo nga—hindi sa ’kin! Guys, log out! log out!”
Nang tingnan ko ang screen ko ay nanlaki ang mga mata ko.
“GUYS! KAY MAIA PUMASOK!” sigaw ng isa at nakarinig ako ng tawanan.
“Ah, bwiset!” bulaslas ko bago nagsuot ng headset. “Thank you for calling Z-Mobile, this is Maia, your personal expert for today, how can I help?”
Agad akong nag-mute at nasapo ang noo.
Uwian na, e. Bakit naman pumasok pa ang tawag kung kailan last second na lang?!
Nagtatawanang lumabas ng production room ang mga ka-team ko habang kumakaway sa ’kin.
“Bye, Maia!” sabi nila. “Kaya mo ’yan!”
Kumaway ako kahit nakasimangot habang nakikinig sa customer.
Ang hirap maging call center agent!
“What’s your name again, ma’am? “ the customer asked.
“Maia, sir,” sagot ko.
“Mia?”
“No, sir. Maia.”
“Via?”
“Maia, sir. Like that bird in tagalog, maya.”
“Taga—what? What log? I only know Logan Paul.”
Nakagat ko ang dila ko.
Ano ba?! Gusto ko na umuwi.
“Yes, sir. My name’s Mia,” plastikada kong sabi nang matapos na.
“Mia? Like that por—”
“Yes, sir, yes,” pagputol ko rito. “Anyway, what’s going on? How can I help?”
“Okay Mia, here’s why I’m calling in.”
For the next ten minutes, puro lang rant si customer. Hindi siya humihinto kaya hindi ako makasabay. Ilang beses na akong na ca-call out ng Team Leader namin dahil long call na kahit intro pa lang. Kung ilang beses ko na bang nasabunutan ang sarili ko ay hindi ko na alam.
Nag-mute ako at matalim na tiningnan ang screen ko.
“Talk show ’yan?” bulong ko at nag-unmute nang natapos na si customer.
“Oh, so you’re calling in because you have no internet connection, did I get it right?” kunot ang noo kong tanong.
“Yes,” sagot niya.
’Yun na ’yon. ’Yong ten minutes niyang rant, ’yun na ’yon.
“No worries, you got an expert here. Let’s pull up your account first so I can help you better. May I have your first and last name?”
“Sure, sure. My name is AQFJDSKDKDK.”
“Can you spell it out for me?” tanong ko dahil kinakain ng customer ang salita niya.
“Sure. Ey as in Eylepant.”
Nagpintig bigla ang tainga ko. “Ey as in apple?”
“No, ma’am. Eylepant.”
Nag-mute ako. “Ano raw?”
Nag-unmute rin ako ka-agad.
“You mean the letter e in exam?”
“No, ma’am. The ey in authority.”
“Yeah, the letter a as in apple?” gulung-gulo kong tanong.
“Yeah, yeah, that’s that.”
ANO BAAAA?
“Next is kyu as in kyucumber.”
“You mean Q as in Queen?” tanong ko.
“No. Q as in Qcumber.”
“You mean the letter C in Cat?”
“No, ma’am. Q in Qcumber.”
Hindi ko na kaya.
Hindi ko na kayaaaa!
“Next is I as in England.”
Hinubad ko na ang headset ko at nag-mute.
“Tama naaaa!”
Hapung-hapo ako matapos ang call. Ang ending ay hindi rin naman nabuksan ang account ng customer. Alam niyo kung bakit?
HINDI SIYA NAKA-SUBSCRIBE SA AMIN!
Parang Smart user ka na tumawag sa Globe dahil wala kang data.
Asar.
“Kumusta?” natatawang sabi ng TL namin nang lapitan ko ito para magpaalam dahil uuwi na ako.
“Umuwi na tayo, coach, please lang,” sabi ko na ikinatawa niya.
“Mukha kang stressed out, magpahinga ka na. Sige na, umuwi ka na. Bukas na lang tayo mag-coaching.”
“’Yooon!” natutuwa kong sabi.
“Oo nga pala. Ngayon labas ng resulta n’ong exam na kinuha mo, ’yong ano…MTAP ba ’yon?”
Napalunok ako. Kanina ko pa iniiwasan itong usapin na ’to.
“NMAT po,” pagtatama ko at pilit na ngumiti.
“Ayon, NMAT. May result na ba?”
Umiling ako. “Baka mamaya pa po.”
“Sige. Good luck, ha. Balikan mo ’ko rito ’pag doktor ka na. Ikaw magtuli sa anak ko.”
Nagkatawanan kami bago ako tuluyang lumabas. Dumiretso ako sa locker at maya-maya lang ay nasa elevator na.
Sumandal ako sa dingding at doon ako nakaramdam ng kakaibang pagod. Tiningnan ko uli ang phone ko kung naglabas na ng result ang NMAT pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
Noong grumaduate ako ng BS Pharmacy at pumasa ng Pharmacist Licensure Exam, akala ko ay magiging madali ang buhay.
Akala ko, kikita na ako ng malaki, magkakaroon ng stable na trabaho, at lahat ng oras at panahon na iginugol ko sa pag-aaral ay magiging worthy.
Pero hindi pala ganoon ang mundo.
Hindi lang siya tungkol sa pangarap.
Tungkol din siya sa napakaraming responsibilidad.
Kahit na maganda ang natapos mo, mahirap makahanap ng trabaho at maraming mas magaling at masipag kaysa sa ’yo.
Na hindi lang tungkol sa quizzes at exams ang adulthood, lalo na kung marami kang bills na dapat bayaran at pamilya na dapat suportahan.
I sighed.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay lumabas ako at nagsimulang maglakad.
Ako si Maia, isang call center agent. Isa akong pharmacist na hindi makahanap ng trabaho na akma sa natapos ko kaya ako naririto at hindi ko naman pinagsisisihan ’yon. Dahil sa call center, kahit papaano ay naitataguyod ko ang sarili ko at ang pamilya ko.
Pero syempre, iba pa rin kung ang trabaho mo ay akma sa pangarap mo. Kaya kahit kapos sa buhay ay sinubukan kong mag-take ng National Medical Admission Test o NMAT.
Pangarap ko talagang maging doktor pero dahil galing ako sa pamilya na sapat lang ang pera para mairaos ang pang-araw-araw na pangangailangan, halos kalimutan ko na iyon. Noong nag-college nga ako, kung hindi lang dahil sa scholarship at tiyaga ko sa pagbebenta ng kung anu-ano ay hindi ko alam kung makakatapos ba ako.
Atsaka, sign na rin iyon na hiningi ko sa Diyos. Kung sakaling hindi ako makapasa ako sa NMAT, siguro, hindi talaga para sa akin ang pagdodoktor.
Nang makalabas ng building ay nasilaw ako sa araw. Tanghali na rin kasi at kadalasan ang uwi ko ay kapag tulog pa ang mga tao kaya hindi ako sanay.
“Ba’t ba ’ko nag-overtime, inabutan tuloy ako ng araw,” reklamo ko sa sarili.
Akmang maglalakad na ako nang may mapansin akong isang babae na nakatayo sa ’di kalayuan. Maikli ang itim nitong buhok at nakasalamin na bilog. Katamtaman ang katawan at ang taas nito pero dalang-dala ang sarili sa pananamit.
Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya, dahilan para lumitaw ang dimples sa ilalim ng labi niya.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko nang lapitan niya ’ko.
“Ano pa ba?” tanong niya. “Edi para sabay nating hintayin ’yong result.”
She’s Blaire, isa sa mga kaibigan ko. Nagkakilala kami few months ago lang ng pareho kami ng sinalihang study group para sa NMAT.
“E, paano kung parehong bagsak?” tanong ko.
“Dalawa lang ’yan,” sabi ni Blaire. “Kung hindi tayo magiging doktor, edi maging pasyente na lang.”
Hinampas ko siya sa braso habang tumatawa.
“Aray ha!” reklamo ni Blaire.
“Ano ’yong isa?” tanong ko.
“Kung hindi tayo magiging doktor, edi mag-asawa ng doktor!”
“Buang,” sabi ko. “Umuwi na tayo, wala pa ’kong tulog.”
“Day off mo na, ’di ba?” tanong niya.
“Oo,” sagot ko. “Bakit?”
“Sakto,” sabi niya at nagsimulang may i-text.
“Anong mayroon?” tanong ko.
“Tutuparin natin ang pangalawa,” sabi niya. “Mag-aasawa tayo ng doktor.”
“BLAIRE!” reklamo ko. “Blind date nanaman ’yan?!”
“Hindi na blind kasi kilala ko ’yong iba. Woke date na siya.”
“Alam mo, ang ganda mo pero ang corny mong tao,” sabi ko at pinitik ang noo niya. “Uuwi na ’ko.”
Akmang maglalakad na ako pero hinarang niya ’ko.
“Maia, please naman! Sumama ka na!”
“Wala pa ’kong tulog,” sabi ko at iniwasan siya pero humarang pa rin siya.
“Mamaya pa naman ’tong gabi. If you want, punta tayo sa dorm nila Cora, ’yong ka-group natin sa study. Kasama rin ’yon mamaya at umuwi na raw sa province mga ka-dorm niya kaya siya na lang—MAIA!”
Hinabol ako agad ni Blaire dahil literal na hindi ako nakinig at iniwan siya.
“Just this once, sige na!” pagpupumilit niya. “Alam mo namang shy girl ako, e. ’Di ko kaya pumunta mag-isa!”
“O, e, akala ko ba kasama si Cora?” tanong ko.
“Oo nga. ’Di naman kami ganoon ka-close. Kinaibigan ko lang naman ’yon para may place.”
Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya. “Girl, did you just admit na manggagamit ka?”
“Aren’t we all at some point?” tanong ni Blaire. “At saka, ikaw din naman, a. Remember n’ong nilandi mo si Xy para lang pahiramin tayo ng reviewer niya sa Anatomy?”
“Iba ’yon!” sabi ko.
“Paanong iba e pareho lang tayong masama ang budhi?” tanong niya. “And there’s nothing wrong about that. People socialize for a mutual benefit. Nilandi mo si Xy para sa reviewer, he felt the romance in return. Kinaibigan ko si Cora para sa place, may date siya mamaya in return.”
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. “Ang manipulative mo pakinggan, alam mo ba ’yon?”
“Work smart, not hard,” ganti ni Blaire at nag-flip ng maikli niyang buhok na ikinatawa namin.
“Sige na, good luck sa date. Uuwi na ’ko,” sabi ko at iniwan siya.
“YAH!” sigaw ni Blaire.
Agad akong napalingon.
“Grabe na pang-uuto ko, wala pa rin?” tanong niya.
“Wala lang talaga akong panahon,” sabi ko.
“Mas mawawalan ka ng panahon ’pag pumasok na tayo sa med school,” sabi niya. “Baka nga kahit maghilamos, wala na. Kaya hanggang ngayon pa lang dapat mag-date na dahil hindi natin ’yon magagawa ’pag pumasok na tayo roon.”
Tiningnan ko si Blaire. No wonder kung bakit confident siya na makakapasok siya. Bukod sa may resources siya ng lahat ng kailangan niya para sa NMAT at med school, natural pang matalino.
“Sige naaaa!” pagpupumilit ni Blaire. “Kunwari ka pang ayaw mag-date pero panay heart react sa Facebook ng gwapong med student.”
My eyes widened. “HOY!”
“Akala mo ba hindi ko nakikita? Mag he-heart pa lang ako naka-react ka na. Kaya tara na!”
Ikinawit niya ang braso niya sa braso ko at wala na akong nagawa.
We went to Cora’s dorm later that day. Kumain na kami sa dorm at patuloy sila sa kwentuhan habang ako ay umidlip lang maghapon.
Sa totoo lang, hindi ko nga rin alam paano kami naging magkakaibigan. Ang alam ko lang ay nagmamalditahan kaming tatlo sa klase dahil nagpapagalingan pero nang maging magkakagrupo, doon naging close.
Napahaba ang tulog ko at hindi na nila ako ginising hangga’t ako na mismo ang nagising at pinag-ayos nila ako.
Not too long after, we went to the blind date. Apat kaming babae at tatlo pa lang ang lalaki. Isinama ni Cora ’yong pinsan niya na first time naming nakita ni Blaire pero naging ka-close agad namin.
Kung i-dedescribe ko ang experience, tama lang. Masaya pero kalkulado ang mga kilos mo dahil nga hindi mo kakilala ang mga nasa harap mo.
Iyong isang lalaki, third year med student at BS Biology ang naging pre-med. Plano raw niya mag pediatric.
Iyong isa, first year resident at planong mag-emergency medicine dahil challenging daw sa Emergency Room. Sa aming lahat ay siya ang maraming kwento dahil siya ang higher year at maraming experience.
Iyong isa naman ay naghahanda para sa Licensure Exam. Napakarami niyang kwento tungkol doon at tuwang-tuwang nakikinig naman kami.
For the first time, naging sobrang indulge ako sa topic. Ewan ko, iba siguro talaga ’pag iisa ang dream at passion mo.
“Nasa’n na pala ’yong isa niyong kasama?” tanong ni Cora sa lalaking nasa harapan niya. “Patapos na kasi tayo. Darating pa ba siya?”
“Ah, si Jimuel ba? Oo, darating ’yon. Umuwi kasi ng Laguna kagabi, baka na-traffic pabalik ng Metro Manila,” sabi ng third year med student.
Tumangu-tango kami.
“Hindi naman sa paranoid kami or what,” pakikisali ni Blaire. “Ano ba profiling niya?”
“Junior ko sa school ’yon si Jim,” sagot ng first year resident. “Moreno na nakasalamin at parating maikli ang buhok. Fourth year med student siya at planong mag-anesthetic.”
“Ooooh,” reaksyon ng pinsan ni Cora. “Bihira ako maka-encounter ng interested sa anesthetic. Interesting.”
“Kayo ba, anong field gusto niyo?” tanong ng malapit na mag-licensure exam.
“Dermatology,” sagot ni Cora.
“Cooool,” reaksyon ng isa na halatang type si Cora. “Sa complexion mo pa lang, kita na.”
“Well, thanks!” flattered na reaksyon ni Cora.
“Psychiatry,” sagot ng kasama ni Cora. “Psychology kasi pre-med ko.”
“Nice,” reaksyon ng isa na hindi maalis ang tingin sa kanya. “So you like mind games?”
“Hmmm kinda.”
“General Surgery sa ’kin,” sagot ko.
Tumangu-tango sila.
“Ako General Surgery din,” pakikisali ni Blaire. “Then pag nag-fellow, gusto ko mag-specialize sa cardio.”
“Hindi lahat motivated mag-fellowship, ha. That’s so cool of you,” puri ng kaharap ni Blaire na kanina pa malagkit ang tingin sa kanya.
I smiled bitterly as I noticed something. It seemed like no one was interested in me.
Ininom ko ang inumin sa harap ko para hindi nila mapansin.
Bakit ba ako umasa na may magkaka-interes sa akin kung ganito ang mga kasama ko? Walang-wala ako.
Natigil ako nang tumunog ang cellphone ko at tumatawag si mama. Tumayo ako at nakiraan.
Lumabas ako ng restaurant at sinagot ang tawag.
“Bakit ma—”
“NASAAN KA?!” sigaw agad nito.
Napapikit ako. “Nasa labas po, kasama—”
“NASA LABAS KA HABANG KAMI RITO NAGUGUTOM?!”
“Po?” gulat kong tanong. “Ma, nag-iwan po ako kagabi bago ako pumasok.”
“TINGIN MO BA HINDI ’YON NAUUBOS?” galit na sigaw ni mama. “BIGAS, ULAM, PAGKAIN, TUBIG—HIRAP NA HIRAP AKONG PAGKASYAHIN LAHAT!”
Nakagat ko ang dila ko. “Ma, hindi po ba pwedeng manghiram nalang kayo muna kila tita tapos babayaran ko nalang pag-uwi ko?”
“WALA NA RING MAKAIN ANG TITA MO, MANGHIHINGI PA KAMI?!” sigaw nito.
“Mangutang na lang po kayo sa tindahan, ako na lang magbabayad pag-uwi ko—”
“MAIA, ANO BANG GINAGAWA MO?!” galit na galit ito. “Ang yabang-yabang mo na nakatapos ka ng kolehiyo ng sarili mo lang tapos ngayon nagugutom lang ang pamilya mo? Akala ko ba maraming pera riyan sa call center na ’yan? Bakit wala kang naiipon? Daig ka pa ng anak ni Maricel.”
I literally got stupefied.
If there’s anything that I hate, that’s being compared.
“Magkaiba po kami, ma,” sagot ko.
“Anong magkaiba e kababata mo lang ’yon?” tanong nito. “Ang sabihin mo, puro ka lang yabang!”
Hinawi ko ang buhok ko at ramdam na ramdam ko na ang stress ko.
Pagtingin ko sa harap ay may tricycle na huminto at isang lalaki ang lumabas. Nakasuot ang lalaki ng puting hoodie, itim na pantalon, at puting sapatos. Matangkad rin ito at may pagka-payat.
“Nandyaan ba si Christian, ma?” tanong ko. “Pakisabi mag-sesend na lang ako ng pera sa GCash niya at i-cash out na lang niya kila Gina.”
“Ayan! Ganyan!” sabi ni mama.
Rinig ko ang pagtawag ni mama sa bunso kong kapatid at kung paano niya iyon inutusan.
“I-sesend ko na lang, ma,” sagot ko.
Gumilid ako nang papasok ang lalaki sa loob ng resto. Nakaharang kasi ako sa pinto.
“Aba’y bilisan mo, magsasara na ang bilihan ng bigas,” reklamo ni mama.
“Miss.”
Doon ako napahinto at tumingin sa lalaking nasa gilid ko. May pinulot iyon at ibinibigay sa akin.
Nang ma-realize kong I.D lace ko iyon sa trabaho na nalaglag mula sa bulsa ng suot kong coat ay agad ko iyong kinuha.
“Salamat,” sabi ko.
Bahagya lang ngumiti ang lalaki at pumasok na sa loob.
“Ikaw, lumabas na ba results n’ong test test na ’yan?” tanong ni mama.
“Mamaya pa po,” sagot ko.
“’Wag mo nang pangarapin. Gastos nanaman ’yan. Mag-trabaho ka na lang tutal kumikita ka naman na. Pang mayaman lang ’yang doktor-doktor na ’yan. Tigilan mo na ’yang kahibangan mo sa ganyan, Maia. Pumasa ka man o hindi, alam mong wala kang pera para riyan. Mahirap ang buhay, maging praktikal ka.”
“Opo…” mahina kong sagot at ilang segundo lang ay pinutol na ni mama ang tawag.
Kahit na halos maiyak ako sa mga sinabi niya ay nag-send pa rin ako ng pera.
Kahibangan.
Paano naaatim ng magulang na patayin ang pangarap ng sariling anak at tawagin ’yong kahibangan?
Maging praktikal?
Ilang pangarap pa ba ang dapat isakripisyo dahil kailangan kong maging praktikal?
Kaya ko naman tiisin. Mahirap lang na sa sarili mong pamilya nanggaling ’yon.
Huminga ako nang malalim at tumingin sa langit. Kumukulog na rin at mukhang uulan.
“Will you cry for me?” malungkot kong tanong at mapait na ngumiti.
Nag-stay muna ako roon ng ilang minuto bago tuluyang pumasok. Napahinto ako nang makita ’yong lalaki kanina sa labas na nasa lugar na namin.
“Girl! Tara!” bati ni Blaire nang makita ako.
Lumapit ako at umupo. Nasa harapan ko lang ang lalaki at bahagya itong tumatawa habang kausap ni Blaire.
Makinis ang mukha ng lalaki. Mas makinis pa nga sa akin, kung tutuusin. Maliit lang ang mukha nito pero maganda sa paningin tingnan.
Nawawala ang mata nito ’pag ngumingiti. Itim na itim din ang hibla ng manipis nitong buhok.
Pinagmamasdan ko lang ito nang maya-maya’y bigla siyang tumingin sa gawi ko at nagtama ang paningin namin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero ako na mismo ang umiwas.
What was that?
“Akala ko ba moreno ang darating,” sabi ni Cora. “E, mas maputi pa yata sa ’kin ’to e.”
Nagkatawanan sila at ako naman ay bahagyang nakingiti na rin.
“Oo nga,” sabat ni Blaire. “You’re cute!”
“Yiiiie!” pang-aasar nila.
“Oy, issue kayo, ha!” sabi ni Blaire na natatawa.
“How do you respond to compliments ba?” tanong ng lalaki at nagkamot ng leeg.
Muli silang nagkatawanan.
“Nasa’n pala si Jim?” tanong ng isang lalaki.
“Na-stuck sa traffic kaya ako ang pinapunta,” sabi nito. “Good thing nasa public library ako sa crossing.”
Tumangu-tango ang ilan.
“Ano ginagawa mo sa library ng ganitong oras?” tanong ni Blaire.
Ngumisi ang lalaki. “Midterms.”
“Ooooh,” bulungan nila Cora. “Kalma ha baka maging topnotcher ka.”
“Topnotcher talaga siya ng NMAT,” sabi ng isang lalaki.
Bahagya kaming napanganga. Wala sa hitsura nito na seryosong-seryoso ito sa pag-aaral.
Normally sa mga ganoong nakilala ko ay mailap sa mga tao at tahimik. ’Yong wala halos social life. Pero itong lalaking ito ay magaan kasama at palangiti.
“’Wag niyo na ’ko tanungin about d’on, ang awkward,” sabi nito at tumingin sa amin. “Anyway, I’m a fourth year med student, your future General Surgeon.”
Naghiyawan sa table namin.
“That was cool, bro!” sigaw ng mga lalaki habang hinahampas siya. “N’ong kami kanina parang wala lang.”
When I looked at Cora, Blaire, and the other girl, they were all impressed.
I mean, who wouldn’t?
“Any words of encouragement for our future med students?” tanong ng isang lalaki sa kanya.
“Oo nga pala, tonight release ng NMAT result, ’di ba?” tanong niya. “Well, I know you’ll pass it.”
“Sanaaa,” sabi ni Blaire. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko ’pag ’di ako pumasa. Mag-aasawa na lang talaga ako ng doktor.”
“Ayan oh,” biro ni Cora at itinuro ang lalaki.
Nagkatawanan kami at maging ang lalaki ay natatawang napatingin kay Blaire.
Bagay sila.
“It’s getting late,” sabi ng isang lalaki. “Ready for the last part?”
Doon kami nakaramdam ng thrill. Ang last part kasi ng group blind date ay maglalagay kayo ng gamit sa table at kung sino ang kukuha ng iyo, ayun ang makaka-date mo.
“Usually lalaki ang nag-iiwan ng gamit anonymously then babae ang kukuha. Why don’t we switch it? Babae ang mag-iiwan at lalaki ang kukuha. Game?” tanong ni Cora.
Pumayag naman ang lahat.
Habang nakatalikod ang mga lalaki ay isa-isa kaming nag-iwan ng gamit.
Inilagay ni Cora ang perfume niya. Iyong kasama naman niya ay wallet niya. Si Blaire ay iniwan ang eyeglasses niya at ako naman ay I.D lace ko.
“Game!” sabi namin at isa-isa kaming tumalikod.
Ang mga lalaki naman ang kumuha
Isa-isa silang kumuha ng gamit at rinig na rinig namin kung gaano sila ka-careful doon.
“Ano ’to?” rinig kong tanong ng isa. “Call center?”
Biglang nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin ako sa sahig.
“What’s wrong with that? They earn a lot than I do,” sabi ng isa.
Narinig din iyon ni Blaire kaya napatingin siya sa akin. Pilit akong ngumiti para hindi siya mag-alala.
“Kung ayaw mo, palit tayo,” sabi ng isa.
Kilala ko na kung sino ang kumuha ng sa akin. Iyong resident. Alam ko na ang boses niya.
“Okay, harap na!” sabi ng isa.
Isa-isa kaming humarap at rinig ko ang tili ng mga kasama ko.
“I knew it!” sabi ng ilan at tuwang-tuwang nilapitan ang mga ka-date nila.
Habang ang tatlo ay pinuntahan na ng mga ka-partner nila, ako naman ay nanatiling nakatayo at hindi malaman ang gagawin.
Iba ang pumili sa akin.
He was looking at nobody else than me. The moment our eyes met, he gave me a smile and lifted up his hand, revealing my I.D lace that he was holding.
“It’s yours, right?”
It was him. The guy who topped the NMAT.
I nodded. “Yes.”
He gave me another smile. “What a relief.”
Not too long after, isa-isa kaming lumabas ng resto. Dito na kami maghihiwalay as a group at magsisimulang mag-date as partners.
“Bye, guys!” sabi ni Cora at ng kasama niya bago sumakay sa kotse ng isa.
“Bye!” sabi ko.
“Maia, see you tom!” sabi ni Blaire. “’Wag isusuko ang West Philippine Sea.”
Maya-maya’y tumingin si Blaire sa gitna ko. Binato ko siya ng tissue na ikinatawa niya.
“’Wag hahayaang dumampi ang jet ski!” habol ni Blaire bago tuluyang sumara ang pinto. “Manindigan!”
“Buang!” sigaw ko at natawa siya mula sa loob ng kotse.
Nagpa-alam sa amin ang kasama ni Blaire at maya-maya lang ay dalawa na lang kami ng lalaki ang naiwan at ramdam naming dalawa ang awkwardness.
“Pasensya na wala akong kotse,” he said out of nowhere. “Mahina kasi ako sa direksyon. Baka bigla akong tumaob.”
Natawa ako at tiningnan siya. “Okay lang. Hindi naman required na may kotse. Ako rin, wala.”
He looked at my eyes for few seconds until he smiled again.
“Why?” I asked curiously.
“Nothing,” he said. “Your eyes are pretty.”
The smile on my face faded when I heard that.
He looked at me again fondly.
“You are pretty.”
Hindi ako nakasagot. Pero randam kong namumula na ang tainga ko.
“Sorry, that was awkward,” bigla niyang sabi.
“Okay lang. Hindi lang talaga ako sanay na may pumupuri sa ’kin,” sabi ko.
“Then you should get used to it now,” he said. “I’ll compliment you all the time.”
I scoffed and he laughed. “Saan mo gusto pumunta?”
“Nothing specific,” sabi ko. “Ikaw ba?”
Napakamot siya ng leeg. “Ang totoo niyan I have to go back to the library. I just… did Jim a favor.”
“Sakto,” sabi ko. “Pinauuwi na rin ako ng nanay ko.”
Nagkatawanan kami at pakiramdam ko ay kumportable na ako sa kanya kahit papaano.
“Hatid na lang kita sa sakayan sa crossing,” sabi niya. “Okay lang?”
“Sure,” sabi ko.
Nagsimula na kaming maglakad.
Walang umiimik sa amin, kapwa nagpapakiramdaman.
“Nursing pre-med ko,” bigla niyang sabi. “Ikaw?”
“Pharmacy,” sagot ko.
“Nice,” sabi niya. “Bakit may mga gamot na ang mahal pero same effect lang naman ng mga murang gamot?”
“Depende ’yon sa brand,” sabi ko.
Tumingin siya sa akin habang naglalakad kami. “So brand ang binibili namin?”
Natawa ako. “Technically, yes. Kasi ’yong mga mahal na brand, sila ’yong mga nag-research talaga to create those medicines habang ’yong mga mura na brand, sila ’yong mga gumawa ng parehong gamot gamit ang research ng mga mahal na brand.”
“So kaya mahal kasi binabayaran mo rin somehow ’yong extensive research na ginawa nila?”
“Somehow,” sagot ko.
Tumangu-tango naman siya. Ilang minuto kaming naglakad ulit at walang kumikibo sa amin.
“You work in call center?” tanong niya bigla.
Ngumiti ako at tumango.
“Sige nga, ring ring.”
Literal na huminto ako at tiningnan siya.
Ring ring is an inside joke. Kapag may nag-ring ring sa amin, automatic mock call—magpapanggap kaming may katawagan.
“Ba’t mo alam ’yan?” tanong ko. “Nag-call center ka before?”
Umiling siya. “Hindi.”
“Inside joke ’yon, ah. Ba’t mo siya alam?”
He sighed as he placed his hands inside his pockets. “My ex used to work there.”
He stopped and he looked at me.
“And my future does, too.”
I scoffed and shook my head. “Normal script mo na ba ’yan sa mga babae mo?”
“Mga?” tanong niya. “Sa ’yo ko pa lang sinabi ’yon. Tsaka, madalang ako makipag-date.”
Napa-iling ako.
“Sana naniniwala ako,” pagbibiro ko.
“Sana nga kasi totoo ’yon,” ganti niya.
Gabi na at halos kami na lang ang tao sa daan. Kung titingnan, suot pa rin niya ang hoodie niyang puti, itim na pantalon, at puting sapatos. Ako naman ay naka-puting t-shirt, denim skirt, at hawak-hawak ang coat ko.
“Ba’t ka umiiling? My lines didn’t work?” tanong niya at kunwari ay nasapo ang noo. “Da’t siguro nag-practice muna ako.”
Pagliko namin ay nasa crossing na kami at nagkalat ang mga bus. Sa tawid naman ay ang public library na pupuntahan niya.
“We’re here,” sabi ko at hinarap siya. “Salamat sa paghatid.”
“Before I let you go, can you help me?” he asked.
“Tungkol saan?” I asked back.
“I need meds, I’m sick, I guess.”
“Sure. Ano nararamdaman mo?”
“It feels like something’s chasing my heart inside me. Then, there’s this urge to look at someone else’s eyes as if I’m enchanted by her beauty immensely. I feel interested about her and it’s driving me nuts.”
That’s when he looked straight into my eyes.
“What do you think, doc?”
Nangiti ako habang umiiling. “Hindi gamot ang kailangan mo, tulog.”
“Really?” he asked. “Hindi ba cellphone number mo?
I looked at him, amused.
“I think ’yon ang tamang prescription,” he casually said.
“Seriously?” I asked with a smile.
He smiled back at me. “Help this sick man, doc. Hmm?”
I scoffed. “Give me your phone.”
Dali-dali niya iyong ibinigay sa akin at inilagay ko agad ang number ko.
“Write your full name,” he said.
And I did.
“Maia Allison Brynn,” basa niya at tiningnan ako. “I’ll remember you.”
“Are you normally this flirty?” tanong ko.
“Only for you, I guess?” he said and he looked in my eyes fondly. “Give me your phone, too.”
Ibinigay ko ang phone ko at inilagay niya ang number at pangalan niya.
“Felix Kendrick Rye…” pagbabasa ko.
“Yup,” he said. “That’s my name.”
We exchanged smiles and looked at nothing but each other’s eyes.
“Let’s have a deal,” he said out of the blue.
“About what?” I asked.
“If you passed the NMAT tonight, you should date me.”
“And what if I failed?” I asked.
“Then I’ll date you,” he said. “There’s no escape.”
Natawa na lang ako. “Sige na, mauuna na ako.”
“Sure,” he said.
Maya-maya lang ay nagsimula na akong maglakad papalayo. Ilang hakbang pa lang ay tumunog agad ang cellphone ko at text iyon mula kay Felix.
“It’s nice meeting you, Maia.”
Ngumiti ako at nag-reply.
“Nice meeting you too, Felix.”
Naglakad na ulit ako at muling napahinto nang mag-reply si Felix.
“I hate people calling me by my first name but now, I think I’ll start liking it.”
Lumingon ako at naroroon pa rin siya at pinanunuod ako.
“Sira,” reply ko. “Una na ’ko.”
Doon na ako nagsimulang maglakad muli papalayo.
Nang malapit na ako sa bus ay nag-text muli siya.
“Check the website. NMAT result is out.”
Agad akong huminto at kinakabahang binisita ang website.
With trembling hands, I scrolled down.
And from there, I saw it—I PASSED.
Nanlalaki ang mga mata ko at halos dumulas ang phone ko mula sa kamay ko.
I PASSED.
I DID IT!
Gusto kong tumalon.
Gusto kong sumigaw!
Nangingilid na ang mga luha ko nang lingunin ko si Felix.
He was still standing there, smiling at me.
“Congrats,” he mouthed.
My tears finally fell.
I have never felt this much of support before—not even from my own family.
In a sudden, my phone rang. Felix called and I answered it right away.
“Paano ba ’yan, pumasa ka?” Felix said while looking at me from afar.
With the orange light coming from the nearby light post guiding us, he said something enigmatic that made me feel nothing but the butterflies.
“You owe me a date, sweetheart.”
PART TWO: When I Was Lost
“You owe me a date, sweetheart…”
Napa-iling ako habang naglalakad pa-uwi sa bahay. Ilang minuto lang kaming nag-usap ni Felix pero ganito na ang epekto niya sa akin.
May ganoon talaga, ano?
Mapapangiti ka na lang ’pag na-aalala mo.
Tapos mapapa-isip ka ng mga banat na dapat sinabi mo.
O ’di kaya, mag cri-cringe ka sa mga bagay na sinabi mo.
Pero kung iisipin ko ang naging pag-uusap namin, ang sakto lang ng lahat. Everything went smooth as if that wasn’t the first time we met and talked.
That made me realized one thing. May mga pagkakataon na matagal mo nang nakaka-usap ang isang tao pero ang bigat-bigat sa pakiramdam. Nakaka-suffocate. Ang hirap maging totoo.
Tapos, may mga tao naman na sa maikling pagkakataon mo lang naka-usap pero ang gaan sa pakiramdam. You weren’t pretentious whatsoever. You were like the darkness in his shadows, things just fit perfectly.
Nang marating ko ang gate namin ay agad akong huminto. Ako na lang ang tao sa labas at napakadilim na ng daanan.
Doon ko kinuha ang phone ko at tiningnan ang huling text ni Felix.
“Text mo ’ko ’pag naka-uwi ka na. I care : )))”
Muli akong napangiti. Tamang-tama ang grammar at apostrophes.
“Sa bahay na ’ko,” reply ko.
Kumatok na ’ko sa gate at nakita kong bukas pa ang ilaw mula sa loob.
“Maia, ikaw ba ’yan, ’nak?” rinig kong tanong ni papa.
“Opo!” sigaw ko. “Ako ho ito.”
Ilang segundo lang ay bumukas na ang gate at bumungad si papa na halata ang antok sa mga mata.
“Mabuti’t naka-uwi ka na, kumain ka na ba?” tanong nito.
“Oho,” sagot ko. “Pipikit na mata ninyo. Ba’t ’di pa kayo natutulog? May biyahe pa kayo ng tricycle bukas.”
“Walang magbubukas sa ’yo ng gate,” sabi nito. “Ba’t ’di ka pa kasi mag-asawa nang may naghihintay na sa ’yo gabi-gabi?”
“Pa naman!” sabi ko na ikinatawa nito.
“Wala ba kahit nanunuyo? Imposibleng wala. Napakaganda ng anak ko, malaking bingwit sinasayang nila,” sabi nito at nangiti.
“Wala po,” sabi ko. “Kung meron man—”
Natigil ako nang tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko ay text ni Felix ang lumabas sa screen.
‘Glad to hear. May I call?’
Nakangiting umiling si papa. “Alam talaga ng Diyos ibuking ang mga sinungaling.”
“Pa!” sabi ko na lalo nitong ikinatawa. “Mali po kayo ng iniisip—”
“Okay, okay,” sabi nito pero halos mapunit ang labi dahil sa pagkakangiti. “Naniniwala ako.”
Pumalatak ito habang pumapasok sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kung dapat ba ako mahiya o ano pero nakita ko na lang ang sarili kong muling ngumiti. Isinilid ko ang phone ko sa bulsa ko at pumasok sa loob.
Pagpasok ko sa loob ay nadatnan kong ipinagpatuloy ni papa ang paghuhugas niya ng pinggan. Napakunot ang noo ko.
“’Di ho naghugas ng pinggan si Christian?” taka kong tanong.
“Napagod kalalaro roon sa ML niya, tuwang-tuwa sa bagong cellphone at nakatulog na,” sagot nito habang nagsasabon.
Si Christian ay ang bunso kong kapatid na nasa Senior High. Nangako akong kung magiging With Honors siya ay bibilhan ko siya ng cellphone. Kaya nang nangyari ay tinupad ko rin. Ilang overtime din sa trabaho ang ginawa ko para lang mapag-ipunan iyon at kung titingnan, worth it naman ang puyat at pagod ko.
“Ako na po,” sabi ko at ibinaba ang bag ko.
“’Wag na, matulog ka na sa itaas,” sabi nito. “Alam kong pagod ka.”
“Kung pagod ako, mas pagod ho kayo,” sagot ko rito. “Ako ho naka-upo lang at nakikipag-usap sa nga ’kano pero kayo maghapong bumabiyahe sa lansangan. Ako na ho riyan.”
“’Wag na,” giit nito. “Baka naghihintay na ’yang nobyo mo.”
Ngumiti ito at kumindat sa akin.
“Papa naman!” reaksyon ko at bahagyang natawa.
“Walang kaso sa akin, anak. Maganda nga iyang ganyan, nalilibang ka at hindi tungkol sa amin ang inaalala mo parati,” sabi nito at nagpatuloy sa paghuhugas. “Ni-hindi mo nga na-enjoy ang kabataan mo. Ultimo mga bagay na kami ang may responsibilidad, inaako mo.”
Doon nawala ang ngiti sa labi ko at hindi nakakibo.
“Kaya kung iyan ng makakapagpasaya sa ’yo, suportado kita. Basta mabuti siyang tao. Ayaw kitang magaya sa ate mo.”
Napalunok ako.
Maagang nabuntis ang ate ko at maagang nagka-anak. Napariwara ang buhay dahil sa bisyo ng asawa at ngayon, pareho na sila.
Pinanuod ko si papa habang naghuhugas ng pinggan. Halata sa balat nito na parati itong babad sa tirik na araw. Halos mukha pa nga itong matanda kaysa totoo nitong edad.
“Alam ko gusto mong maging doktor, pangarap mo na ’yon noon pa man,” sabi nito. “Kaya pasensya ka na, ’nak, kung mismong pamilya mo pa ang hadlang sa pangarap mo. Imbis na kami ang bumubuhay sa inyo, ikaw pa ang bumubuhay sa amin.”
I felt the inner lethal pain. Iba talaga ’pag sa magulang mo narinig iyon.
Muli kong na-alala ang pagkakapasa ko sa NMAT.
Dapat ko na bang sabihin sa kanya?
Dapat ko na bang ipa-alam sa kanila?
Para saan?
Itutuloy ko ba?
“Pa…” mahina kong bulong.
“Oh?” tanong nito habang naghuhugas pa rin.
“M-May—”
Napahinto ako nang makita ang family picture namin.
Patuloy pa rin sa paghahanap-buhay ang tatay ko.
Araw-araw namromroblema sa pera ang nanay ko.
Minsan, sa akin humihingi ng suporta si ate kapag kinakapos sila.
Papasok pa sa kolehiyo sa Christian.
Napakarami ko pang dapat pagtuunan kaysa sarili kong pangarap. Napakarami pang responsibilidad at mga bagay na dapat gawing prioridad at siguro, hindi pa kasama ang sarili ko roon.
“Bakit, Maia?” tanong ni papa. “May problema ba?”
Agad akong umiling. “Nalimutan ko na po ’yong sasabihin ko.”
Natawa si papa. “Napakabata mo pa ulyanin ka na. Sige na, magpahinga ka na. Tatapusin ko lang ’to at matutulog na rin ako.”
“Sige po,” mahina kong sagot.
Sa bawat hakbang ko pataas ng hagdan ay ganoon naman unti-unting bumubulusok pa-ibaba ang damdamin ko.
Siguro, okay na rin ’yon. At least, nakapasa ako. At least, alam kong pera lang ang problema at hindi mismo ang kakayanan ko. Hanggang doon na lang siguro.
Nang nakarating ako ng kwarto ay pakiramdam ko hindi ako makahinga. Gusto kong ma-iyak pero ubos na yata lahat ng luha na mayroon ako.
Kung pwede lang sanang tumakbo. Kahit panandaliang takas lang. Kahit na saglit lang. Just…a space to breathe will do.
Doon muling nag-beep ang cellphone ko at isang text mula kay Felix ang dumating.
“Can’t wait to assist you inside the operating room. Sleep tight, Doc Maia. Remember you gained an admirer today. Felix is his name.”
Doon ako napa-upo sa gilid at nangiti nang mapait habang nangingilid ang luha.
Doc Maia.
It sounded so good.
So good that I doubted if it would become real.
Napasandal ako sa dingding at pumikit.
For the first time in my life, I knew what I truly wanted. It’s just that my dream is too expensive for me to chase. It’s too luxurious for someone like me who literally has nothing in life.
Tiningnan ko ang cellphone ko at napagdesisyunang mag-reply.
“Matutulog ka na?” tanong ko.
Ilang segundo lang ay nag-reply ito.
“Nope. Still inside the library, studying better so I can assist you in the OR properly.”
Napangiti ako. “Ba’t sure na sure ka nang magiging doktor ako, ha?”
He replied.
“Why not? Let’s claim it. You’ll have that M.D beside your name. Maia Allison Brynn, M.D. If I’m fortunate enough, it could be Maia Allison Brynn-Rye. Sounds good?”
I scoffed. “You barely know me, Felix.”
My phone chimed. “We have the rest of our lives to know, sweetheart.”
Napatingin ako sa kisame at bahagyang napangiti.
Oh, Dear Lord. This man knows how to play with his words.
“Literal na kanina lang tayo nagkita. Gaano ka kasigurado na gusto mo na ’ko?” reply ko at maya-maya lang ay sumagot ito.
“Alam mo man lang ba kung gaano ako na-starstruck sa ’yo habang nakasakay sa tricycle at papalapit sa resto? I haven’t felt this attraction before, Maia. I’m telling you, this man is head over heels for you.”
“Ibang klase,” bulong ko sa sarili at nag-reply.
“Paano ka nakasisigurong iba ’yang attraction na naramdaman mo sa attraction na naramdaman mo sa iba before?”
My phone beeped. “I just felt it.”
“You just felt it?” reply ko.
“Aren’t feelings supposed to be felt?” reply niya at nasundan pa ng isa. “Date me, Maia, and I’ll make you feel it too.”
Bahagya akong natawa. “Okay lang bang tumawag ka kahit nasa library ka?”
“Hindi pero kung ikaw ang tatawagan ko I’ll find a way.”
“Tss,” bulong ko sa sarili at napangiti.
“Sure. Call me,” reply ko at sinend iyon sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa siya nag-rereply kaya nag-text ako ulit.
“Okay ka pa riyan?”
Agad itong nag-reply.
“Okay naman, nag-prapractice lang ng vocal tone para magandahan ka sa boses ko sa tawag. Weird ba?”
Doon ako natawa. “Oo. At saka, okay lang ba kung hindi ako makakasagot at ikaw lang ang magsasalita?”
Nag-reply din agad ito.
“High school ka, girl?” sinundan iyon ng isa pa. “De, okay lang. Hindi pa tulog parents mo ’no?”
“Oo,” natatawa kong sagot. “Baka kasi marinig.”
“Okay lang, naiintindihan ko. I want you to feel comfortable.”
That’s when my heart fluttered.
Inihubad ko ang coat na suot ko at humiga sa higaan ko.
“Call na ’ko?” tanong niya.
“Sige,” sagot ko at nagsuot ng earphone.
Maya-maya lang ay nag-ring ang cellphone ko.
Felix Kendrick Rye is calling you…
I cleared my throat and answer it.
“Hi.”
“Hi.”
Natigil kami nang pareho kaming sumagot.
In a sudden, a complete silence followed.
“Hello?” tanong ko. “And’yan ka pa?”
“Y-Yes, I’m here,” Felix answered. “Sorry.”
My knees almost melted. Kung gaano kalalim ang boses niya sa personal ay mas lumalim iyon sa cellphone.
“Bakit ka natahimik at nauutal?” mahina kong bulong para hindi ako marinig nila mama na nasa kabilang kwarto lang. “Pangit ba boses ko?”
“No, ang ganda ng boses mo, e. Parang gusto ko na lang makinig…” sagot nito at halata sa boseas ang pagkamangha. “Pwede isa pang ‘Hi’? Hindi ko kasi na-record. Please?”
Bahagya akong natawa. “Why do you keep on flirting me?”
“I’m not just flirting you. I told you I’ll compliment you all the time and I’m not even complimenting you yet, I’m just…telling a truth.”
I smiled. “You really know how to play with words, huh?”
“No, Maia. I meant it. How can you have a pretty face, a pretty mind, and a pretty voice? Illegal ’yan, miss. Ipadadakpi kita.”
We laughed.
“Your voice is as beautiful as your mind. You are pretty, Maia. Walang halong biro.”
Natahimik kaming pareho at walang makapagsalita. Hangga’t umubo si mama mula sa kabilang kwarto na pareho naming ikinatawa ulit.
For the whole night, we just talked. For how long was it, I honest lost the count.
Dahil nga nagising si mama ay si Felix na lang ang nagsalita at nanatili akong nakininig. Nagkuwento siya tungkol sa experience niya sa med school at interesado naman akong nakinig.
Mula sa first day niya, sa mga quizzes at exams, iba’t ibang profs, paggamit ng mga preserved na katawan ng tao for educational purposes—experience niya sa lahat.
Sa buong gabi at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang sarili kong interesado at patuloy lang na nakikinig.
Hanggang sa umabot kami ng tatlong oras at pinakikinggan ko nalang si Felix habang nag-rereview siya.
“ Good night, Felix…“ mahina kong tugon nang dapuan na ako ng antok.
“Good night, Maia…” mahina niya ring tugon. “But before you sleep, can you do me a favor?”
“Hmm?” I asked.
“Think of my face, if you can still remember it.”
“Bakit?” I asked curiously.
“Just do it,” he said and his voice was
I imagined his face while we were inside the resto.
“Now, close your eyes. Okay na?”
“Yes,” bulong ko.
“Focus on my face for five seconds.”
And I did.
“Familiarize yourself with that face, Maia. Remember it so you can dream of me tonight.”
I scoffed jokingly. “Felix, it’s almost two in the morning. Tama na ang mga banat.”
“Psychology has it that the unfamiliar faces in our dreams are people we encountered at some point pero hindi lang natin maalala,” sabi niya. “Kaya alalahanin mo ’ko kasi aalalahanin kita tonight. Who knows, we can meet each other through our dreams. We can date there effortlessly.”
I shook my head while smiling still.
“Meet me in your dreams, Maia. Same place. I’ll wait for you there…”
And from that night, for the first time in my life, I slept with a genuine smile on my face, excited what would happen the next time.
And from that night as well, I realized the irony of life. A stranger can be your biggest supporter while your family and friends can cause your biggest downfall.
It was really nice meeting you, Felix Kendrick Rye.
I was… thankful.
Kinaumagahan, tinawagan ako ni Blaire at ang sabi, celebration daw ng pagkakapasa naming tatlo nila Cora. Ang for sure, pag ku-kuwentuhan lang din namin ang mga naging date namin at hindi ko alam kung i-kukuwento ko si Felix.
I mean, wala namang masyadong nangyari. Unlike them na lumabas talaga para mag-date, nag-usap lang kami ni Felix magdamag sa cellphone.
Sigurado, yari ako Blaire. Alaskador pa naman ’yon at aasarin akong hanggang lovelife ko call center pa rin ako.
“Required bang ngumiti ’pag nagtitimpla ng kape?”
Napatingin ako sa kapatid kong si Christian. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal kasama si papa. Si ate at si mama naman ay nagsisigawan sa itaas. At dahil madalas na talaga silang mag-away, sanay na sanay na kami.
“Hindi,” sagot ko.
“Weh? E ba’t kanina ka pa nangingiti?” tanong niya. “May boyfriend ka, ’no?”
Nasamid ako na ikinatawa ni papa.
“Naku, ’yang ate mo dalaga na. May ka-text pa ’yan kagabi, hindi mabitiwan ang selpon.”
“Pa, pati ba naman ikaw?” tanong ko.
“’Pag ako ayaw reply-an pero ’pag ibang lalaki nakangiti pa?” sabi ni Christian. “Angas mo ’te, ah. Pakitang tao ka.”
Binato ko siya ng tinidor na ikinatawa nila ni papa.
“ANO BA MA! ANG AGA-AGA!” sigaw ni ate.
“WALANG PINIPILING ARAW ANG SERMON, GINALYN! ’YONG ANAK MO, PAGKA-INGAY-INGAY! BA’T BA NANDITO KA HA? NASA’N ANG ASAWA MO?”
“’MAA PWEDE BA? WALA AKONG PANAHON PARA SA MGA TALAK MO. ANG AGA-AGA, MAHIYA KAYO SA MGA KAPIT-BAHAY!”
“SA MGA KAPIT-BAHAY NAHIHIYA KA PERO SA AMING PAMILYA MO, HINDI? KUNG HINDI KA SANA NAGPABUNTIS NANG MAAGA AT NAG-ASAWA NG ADIK, EDI SANA WALANG TUMATALAK SA ’YO!”
Nakita ko kung paano ngumiwi si papa. Maging siya ay wala ring magawa.
“Sa’n ka uli pupunta?” tanong ko kay Christian dahil bihis na bihis ito.
“Birthday ng tropa ko,” sabi nito at kumain ng tinapay. “Doon sa Tomas Morato.”
“Ba’t parating birthday dahilan mo ’pag umaalis ka? Ilang beses bang ipinanganak ’yang tropa mo?” tanong ko.
“Ate naman. Siyempre, marami akong kaibigan. Ano ’yon, isang tao sampung beses inire?”
Nagkatawan kaming tatlo at natigil nang makarinig kami ng nagkakabatuhan ng gamit mula sa itaas.
I sighed.
Sanay na kami.
Inabutan ko si Christian ng hinihinging pamasahe nito at nang makita iyon ni papa ay pinagalitan niya iyon.
“Pati ba naman pamasahe mo sa ate mo pa rin iaasa?”
“Ngayon lang naman, pa.”
“Mahiya ka naman sa ate mo. Matanda ka na.”
Habang pinagagalitan siya ay nag-beep ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay text iyon mula kay Felix.
“Good morning : )”
“I woke up with a smile on my lips. Normal ba ’yon?”
“Nakangiti rin ako habang nag-to-toaster. Ano prescription mo, doc?”
Tiningnan ko muna sina papa at si Christian. Nang makitang pinagagalitan pa rin ni papa ang kapatid ko at walang nakatingin sa akin ay nag-reply ko.
“Tulog po ang prescribed na gamot, doc. Puyat ka pa naman.”
Maya-maya lang ay nag-reply ito.
“Ganoon ba? Akala ko kasi vitamin deficient ako. Kulang sa vitamin ‘good morning’ mo.”
I bit my tongue to suppress myself from smiling.
“Good morning, Felix. Okay na?”
“Lovely. Pasok na ’ko sa school. Time to learn the skills para mapili mo ’ko sa surgery team mo. Can’t wait to see you in white coat, Doc Maia. Padayon.”
I smiled. May kaunting kirot iyon dahil alam kong malayong mangyari iyon.
Padayon means ‘keep going’.
Lbre lang naman mangarap, ano? Sulitin ko na.
“ Ingat ka,“ reply ko.
“ ♡ “ he replied.
Kumunot ang noo ko. “Ano ’yan?”
“Heart,” reply niya. “Kada tapos ng conversation, mag-se-send ako niyan for you to be reminded that I adore you. No worries, hindi ka obligadong mag-reply : ))”
“Tss,” bulong ko at hindi na napigilang ngumiti.
“ ♡ “ huli niyang reply.
Napa-iling na lang ako at ipinatong ang phone ko sa table.
Kahit na napakagulo ng paligid ko dahil sa bangayan ni mama at ni ate at kahit na maingay ang hapag-kainan dahil pinagagalitan ni papa si Christian, somehow, I wasn’t suffocated.
Indeed, I found my space to breathe.
I just didn’t expect that it would be in human form.
Ilang oras lang ay nakita ko ang sarili kong nasa labas ng Pastry coffee shop malapit sa crossing at hinihintay si Blaire at Cora na dumating.
“Saan na kayo?” tanong ko nang sagutin ni Blaire ang tawag ko.
“Malapit na, Maia. Sorry! Nahirapan pa kasi ako maghanap ng susuotin. Pasensya na!”
“Kailangan ba kasi pang-runway ang soot?” tanong ko
“Aba, oo. ’Di ba, kung ano ang huling suot ng tao bago siya mamatay, ayun din ang suot niya ’pag nag multo siya. E paano kung mamatay ako today? Mabuti nang maganda akong haharap kay Lord.”
Natawa ako at rinig ko rin ang tawa ni Cora.
“Alam mo, ang dami mong alam. As if may pake ang Diyos sa hitsura mo,” sabi ko at tiningnan ang oras. “Sige na, bilisan mo na lang. May pasok pa ako mamaya.”
“Akala ko ba dayoff mo?!” tanong nito.
“Oo nga pero mag-rerender ako ng shift. Sayang pera, ’no. Malaki bigayan today, ten dollars per hour. Sige na, hintayin ko na lang kayo. Ingat!”
“Ocakes!” sagot ni Blaire at maya-maya lang ay naputol na ang tawag.
Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang paligid. Grabe, napaka-init at napaka-busy ng mga tao.
Nasa labas ako ng shop at nahihiyang pumasok. Ewan ko ba, nahihiya talaga ako sa mga ganto.
Natigil ako nang may makita akong grupo ng mga med students na lumabas mula sa public library. Mga naka-white coat pa ang mga ito at kung titingnan, napaka-aliwalas nila.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
Somehow, I imagined myself wearing that doctor coat.
Ano kaya ang pakiramdam?
Napangiti naman ako nang makita ang isang aso na nakahiga sa gilid at may paru-paro na umaaligid-aligid sa kanya. Pilit itong dumadapo sa ulo ng aso pero ang aso naman ay nakikipaglaro rito.
“Ang cuuute,” bulong ko at naglabas ng cellphone.
Kumuha ako ng mga litrato at bahagyang natawa dahil ayaw talaga tigilan ng paru-paro ang aso.
“Cute?”
Halos mapatalon ako nang biglang may bumulong sa akin.
Paglingon ko ay isa iyong matangkad na lalaki at bagsak ang itim nitong buhok na bahagyang tumatakip sa itim nitong mata. Nakasalamin din itong bilog at nakasuot ng puting doctor coat at puting polo sa loob.
“F-Felix…?”
Ngumiti lang ito at tiningnan ang aso.
“The butterfly is drinking the dog’s tears as its source of sodium and minerals that it didn’t get from the flowers. In turn, the dog gets his eyes cleaned,” sabi nito at tiningnan ako. “Mukha lang silang naglalaro but it’s about mutualism.”
“Whoa…” reaksyon ko. “Ang galing.”
Felix chuckled softly as he lifted his eyeglasses upward. “Same reaction n’ong nalaman ko.”
Doon ako napatingin sa kanya. “Why are you here?”
Itinaas nito ang hawak na coffee at pastries. “Medyo maselan profs namin. Dito gusto, naglilihi ata.”
I laughed a bit.
“Ikaw ba?” tanong niya.
“May lakad lang kasama sila Blaire. ’Yong mga kasama ko kagabi.”
“Really?” tanong niya.
Tumango ako. “Bakit?”
Kumunot ang noo niya at pinanliitan ako ng mata. “You’re not going to a blind date and will dump me after, right?”
Natawa ako at nahampas siya. “Hindi ako gan’on, ’no?”
“Aray! Ba’t nananakit?” pabiro niyang reklamo at hinimas ang braso niya. “Na-dislocate ata Humeral Coronoid Fossa ko. Ang bigat ng kamay mo ha.”
Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng shop at naglabasan pa ang ilang mga taong naka-white coat. Nagtatawanan ang mga ito ngunit natigil nang makita kami ni Felix.
“Wow, Kendrick,” bati ng isa. “Hanggang dito ba naman may chixx ka?”
“Sira!” reaksyon ni Felix dito at binirong susuntukin ito.
So he was telling the truth. That he hates being called by his first name but he let me do that.
“Asus, kunwari pa,” sagot pa ng isang lalaki. “Iba ba ’yan sa ka-blind date mo n’ong isang araw? ’Yong inuwi mo sa bahay niyo?”
“’Di ka titigil?” natatawang sabi rito ni Felix at tawa lang ang naging tugon ng lalaki.
Pero hindi ako makangiti.
Why does it sound…real?
“’Wag ka maniniwala riyan, miss,” sabi ng isang lalaki sa akin habang papasakay ng kotse. “Marami nang napa-iyak ’yan. Magaling lang ’yan magsalita pero fuck boy ’yan. Ito nga iniyakan ’yan, o.”
Itinuro nito ang isang babae at hinampas naman siya nito. Dali-daling pumasok ang babae sa loob ng kotse at hindi man lang sila nilingon.
“’Wag kang magpapaniwala sa mga ’yon, may saktik ’yon,” Felix said in between his chuckles. He then faced me. “Una na ’ko, Maia.”
Tumango ako. “Sure, ingat.”
Felix smiled at me and suddenly, he poked my cheek with his finger.
Maang na napatingin ako sa kanya.
“Bawal pa ang kiss, kaya ’yan muna,” sabi niya at muli akong nginitian. “Una na talaga ako.”
Pinilit kong tumango. Kumaway ito bago pumasok ng kotse at nang mawala sila ay unti-unting naglaho ang ngiti ko.
Totoo kaya iyon?
Base sa reaksyon ng babae, mukhang totoo dahil mukhang hindi siya nakikipagbiruan.
Sa hitsura ni Felix, malayong hindi rin siya maging lapitin ng mga babae.
Bigla akong na-anxious.
Pinaglalaruan lang ba ako ni Felix?
Hindi naman siguro, ano?
“MAIA!”
Natigil ako at napatingin sa kotseng huminto sa harapan ko. Nang tingnan ko ay kotse iyon ni Blaire. Kumaway ito at sinenyasan akong pumasok sa loob.
Nang makapasok ako ay naroroon si Cora sa loob at namamaga ang mata nito.
“Akala ko ba riyan tayo kakain?” tanong ko.
“Akala ko rin, e,” sagot ni Blaire. Nasa passenger seat ako habang si Cora ay nasa back seat. “Nagbago cravings ko.”
“Hayaan mo siya, Maia. Siya naman magbabayad, e,” sagot ni Cora.
Doon ko siya nilingon. “Ba’t namamaga mata mo?”
Hindi ito kumibo at umismid lang.
“Ito ang chika,” sabi ni Blaire at bumuntong-hininga. “Si bakla, ipinasakop ang Pearl Harbor!”
My eyes widened. “WHAT?!”
Muling umiyak si Cora.
“Anong nangyari?!” taka kong tanong. “First time mo ba ’yon?!”
Umiling ito.
“E, ba’t ka umiiyak?” tanong ko.
“Ang laki ng kanya, mars! The biggest I had!” sagot nito. “Ang sabi ko, careful lang dahil hindi ko kakayanin ’yon. Ang gago, binayo ako! Out of control! BDSM kung BDSM, ang tang ina!”
Humalakhak si Blaire at kahit na anong pilit kong ’wag tumawa ay natawa na rin ako.
“Ba’t ka ba kasi pumayag?” natatawa kong tanong.
“Akala ko kasi challenging,” sabi nito at nagpunas ng luha. “Hindi nga ako makalakad pagtapos. Pinag-tricycle pa ’ko pa-uwing dorm!”
Blaire and I burst out laughing.
“Ano ba!” galit na sigaw ni Cora. “Kayo kaya!”
“E ba’t ka kasi na-challenge, siraulo ka. Akala ko noong 1941 lang naganap ang Attack on Pearl Harbor, kagabi rin pala.”
Nailing na lang ako bago pa muling ma-iyak si Cora dahil sa pang-aasar ni Blaire.
“Ikaw?” tanong ko. “Anong nangyari sa ’yo kagabi?”
“Hmm…” simula nito at nagtanggal ng sunglasses. “That was the shittiest.”
Kumunot ang noo ko. “Bakit?”
“Gurl!” sigaw nito. “Nanghihingi sa ’kin ng ambag para sa gas ng kotse niya! Mukhang tanga!”
Ngumiwi ako. “Seryoso?!”
“Oo,” sabi niya. “I mean, okay lang naman ’yon dahil nakasakay ako. But I offered my car, and guess what? He declined. Kaya pala kasi para makapag-free gas siya. Nakakairita!”
I bit my tongue. Grabe ’yon.
“And then, iyong pinsan ni Cora, muntikan nang mabugbog ’cause guess what? That guy has a girlfriend!”
My eyes widened. “Pero nakikipag-blind date?!”
“EXACTLY!” sigaw ni Cora. “AT NALAMAN NAMIN NA MAYA’T MAYA SILA BLIND DATE!”
“Like, nangongolekta sila ng babaeng pagpipilian. If they find someone better, goodbye sa ’yo! If you surrender the Pearl Harbor, girl, you’re out! Mga basura sila! Nakakadiri!” galit na sabi ni Blaire.
Hindi ako maka-imik.
“And, some of them—or literally everyone of their circle is just looking for pass time. ’Yong iba, may current girlfriend pa. Girl, ayoko maging kabit!” sabi ni Cora.
“Kahit ako ’no,” sagot ni Blaire. “Masyado akong maganda para maging kabit. Basura sila and that impression lives in my mind rent free. Sobrang nakakadiri. Mga cheaters, mga manggagamit—sobrang patriarchal. Tapos, tingin ng society nature na ng lalaki. Duh, kailan pa naging nature ang pagiging basura at pagiging mababang uri ng tao?”
Bwisit na bwisit ito at halatang-halata iyon.
“Baka naman…hindi lahat sila?” pakikisali ko. “I mean, your friends don’t reflect you, ’di ba?”
“It does!” sagot ni Cora. “Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are, remember?”
“Pero hindi ba’t unfair sa tao ’yon?” tanong ko.
“Paanong unfair?” sagot ni Blaire. “Kung mayroon sa kanilang hindi ganoon pero hinahayaan niya ’yong mga kaibigan niyang maging gan’on, then may tendency din siyang maging kagaya nila.”
“True!” pakikisali ni Cora. “Damay-damay na ’to!”
But as I think about it, Felix doesn’t seem to be like them. I know, masiyado pang maaga pero…ewan ko ba.
“Kung hindi siya ganoon pero hinahayaan niya, anong ipinagkaiba niya?” tanong ni Blaire. “It exists because you tolerate it. If you tolerate it, you are part of the problem.”
I bit my lip.
“Pero—”
Biglang huminto ang sasakyan at tiningnan ako ni Blaire.
“Maia, what’s with you?” she asked. “Don’t tell me… something happened last night?”
Tiningnan naman ako ni Cora at hinihintay ang isasagot ko.
“Huh?” maang kong tanong.
“Don’t tell me…there’s something na hindi ka sinasabi?” Cora asked.
I avoided their eyes.
“Sinabihan ka ba niyang maganda ang mga mata mo?” tanong ni Blaire. “Na ang ganda mo sa paningin niya and he can’t take his eyes off you?”
I looked at her, alarmed.
How did she know?
“Then, kukuhanin ang number mo and pauulanan ka ng sweet messages?” pakikisali ni Cora.
I looked at her too, this time, anxious and kind of panicking.
“Don’t tell me he did?” Cora asked.
“H-Hindi…” pagsisinungaling ko. “At ano naman kung oo?”
“MAIA!” Blaire exclaimed. “Hindi ka pa nakikipag-date ever, ’no? Common trick ng mga lalaki ’yan.”
“Kukuhanin ang loob mo until fully invested ka na at susundin mo na lahat ng gusto niya,” sagot ni Cora. “A typical playboy. Ginawa niya ba sa ’yo? If he did, red flag na ’yon.”
“Girl, he’s a red flag but she’s a color blind,” Blaire answered. “So what, did he do them?”
I gulped.
I can’t answer.
Felix did those.
Hindi ba talaga siya sincere n’on?
“S-Siyempre hindi,” pagsisinungaling ko at bahagyang itinago ang cellphone ko. “Hinatid niya lang ako at hindi na kami nag-usap.”
Tinitigan ako ni Blaire to make sure na nagsasabi ako ng totoo. Maya-maya lang ay humarap ito.
“Good. In this house, anyone who hurts us shall fall,” Blaire said firmly.
Hindi ko siya matingnan.
Hindi ako makapaniwala na harap-harapan akong nagsinungaling sa mga taong pino-protektahan ako para lang sa lalaking isang araw ko pa lang na nakilala.
“Hindi ko lang bini-bring up ’to kanina kasi baka nag-date kayo or what,” sabi ni Cora. “Pero ang sabi ng shit na ka-date ko kagabi, iyong ka-date mong Kendrick or whatever, womanizer daw ’yon. Like… super. Marami na raw nai-uwi sa kanila ’yon and after tasting them, he dumps them. He rates girls too and if eight below, he’ll shrug them off. He has plenty shares of virgins and has this pride of satisfying them— kaya hinahabol talaga siya at ang sabi, sexually active since sixteen. Grabe, ’no?”
Halos mamanhid ako sa mga narinig ko.
Felix…is a womanizer?
And an absolute trash on top of that?
I felt my heart sinking.
Iyong mga biro ng mga kasama niya kanina, bakit nagtutugma?
“Wow ha, talagang nang ra-rate? Ano akala niya, Diyos siya? Ang kapal ng mukha,” reaksyon ni Blaire.
“Hindi lang halata. Grabe, ’no? Mukhang shy boy personally pero ganoon pala. Pero somehow, ang hot isipin.”
Blaire gave Cora a sharp look when Cora somehow giggled.
Habang nagtatalo ang dalawa ay hindi ko maiwasang mapa-isip.
Iyong mga papuri niya kagabi, hindi ba ’yon totoo?
Iyong oras na iginugol niya para maka-usap ako, parte ba ’yon ng plano niya para magaya ako sa bilang ng mga naging babae niya?
What was his rating of me? 9? 8? 7? 6?
Noong gabing iyon, alam niyang sa akin ang I. D lace na pinili niya dahil iniabot niya sa akin ’yon nang nasa labas kami ng resto.
Sa aming apat na babae, ako lang ang hindi naka-ayos nang todo.
Ako lang ang walang suot na accessories.
Ako lang ang tahimik.
Did he notice that I was a virgin and that pushed him to choose me?
I licked the edge of my lower lip.
Fuck.
Patuloy sa pagtatalo si Cora at Blaire habang ako ay hindi mapanatag.
“Anong hot d’on?!” tanong ni Blaire. “’Yong taste mo ha!”
“Gwapo siya, matalino, for sure, mayaman and if hinahabol-habol then he’s a good partner in bed. Edi babaguhin ko siya. I’ll turn the bad boy into a good one. Uso naman ’yon, a?”
“Girl, hindi ’to Wattpad, okay? Bad boy bad boy ka riyan pero n’ong nakatagpo ka ng bad boy, iiyak-iyak ka. Hindi ka nga makatayo kagabi, ’di ba?”
“Hindi ganoong bad boy!”
They were fighting but I couldn’t even smile.
Bakit nga ba naniwala ako na magugustuhan ako ni Felix nang ganoon kabilis?
Suddenly, my phone beeped and a text from Felix came in.
“Balik na ’ko sa class. La lang, had the thought to update you. No pressure to update me. Just stay safe.”
At nasundan iyon ng isa pa.
“ ♡ “
Was it all a lie?
I turned my phone off and sighed.
Felix Kendrick Rye, I’m not your toy to play with. I refuse to be your accessory in bed.
I refuse to be a womanizer’s victim.
And that was the moment I felt that the space I found to breathe has turned into someone who’s suffocating me now.
And once again, I felt lost.
PART THREE: Away From You
“TANGINA KA, ’DI KA TITIGIL?!”
Napakamot ako ng ulo nang umalingawngaw ang napakalakas na boses na iyon sa loob ng bahay. Sinundan iyon ng mga iyak ng bata mula sa itaas at ang tuluy-tuloy na panenermon ni ate.
“Kawawang bata…” bulong ng kapatid kong si Christian habang kasabay ko siyang naghahapunan. “Tsaka ba’t siya nag-ta-tang ina, e, siya ina ’nong bata? Minumura niya sarili niya?”
Bahagya akong natawa at binatukan siya. Natawa rin siya sa reaksyon ko.
“’Wag kang ma-ingay, ’pag narinig ka niyan, yari ka,” sabi ko sa kanya.
“Curious lang,” sabi niya. “Ba’t ba high blood nanaman ’yon at ’yong bata ang pinagdidiskitahan?”
“Delayed sahod ng asawa,” bulong ko at sumubo ng kanin.
“Patay…” sabi ni Christian at umiling. “Mukhang hihiram nanaman sa ’yo ’yon, ate. Good luck sa budget mo. Hindi pa naman ’yon nagbabayad, siya pa ang matapang.”
Hinampas ko ang braso niya kasi baka marinig kami at sa amin matuon ang galit nito. Matapang kasi ’yon, akala mo siya ang nanay. Natawa lang si Christian.
Maya-maya lang ay dumating na sina mama at papa.
“Sarap ng kain ng mga anak ko, a,” nakangiting bati ni papa at kitang-kita sa mata nito ang pagod.
“Mas masarap ako,” sabi ni Christian. Pabirong hinampas ito ni papa ng sumbrero niya dahilan para masamid siya.
“Ang dumi-dumi mo,” biro ni papa sa kanya na ikinatawa ko.
“Punching bag ba ’ko ng pamilya?” naka-ismid na tanong ni Christian.
“Haaay, buhay,” reklamo ni mama at naghubad ng sapatos. “Ano bang ginawa ko sa nakaraang buhay ko para maghirap nang ganito?”
Bakas sa mukha nito ang irita. Tumahimik si Christian at umiling. Kahit ako ay alam ko na ang mangyayari.
“Kailan ba matatapos itong problema sa pera?” tanong nito. “Pinarurusahan ba ’ko ng Diyos?!”
Hindi na kami umimik. Masamang sabayan ito ’pag galit.
“Anong nangyari?” mahina kong bulong kay papa.
“Na-remata ’yong mga alahas niya,” bulong din ni papa at umupo sa tabi ni Christian.
“Hoy, Maia,” bigla sabi ni mama. “Ikaw muna ang magbayad ng mga bills na ’yan ha.”
Maang na tiningnan ko si mama. “Nagbigay na ho ako last week pa, a?”
“Ginamit namin ’yong pera. Anong ipang gagastos namin dito? Tutunganga na lang kami?” tanong nito at dumeretso sa ref para kumuha ng tubig.
“Naka-budget na po itong pera ko hanggang sa susunod na sahod. Wala na ho akong extra,” katwiran ko.
“Edi manghiram ka! Ang dami-dami mong kaibigang mayaman. Para saan pa ’yong mga ’yon?” tanong nito.
Hindi ako naka-imik. Nawalan na rin ako ng gana kumain.
“Pera nanaman?” biglang tanong ni ate na kakababa lang at bitbit ang umiiyak na anak. “E, kung i-sangla niyo ’tong bahay na ’to, edi tapos ’yang problema niyo.”
“Ewan ko ba sa bata na ’yan,” reklamo ni mama. “E, kung pinirmahan na niya sana ’yong papel, edi sana tapos na ’tong lecheng problema sa pera na ’to na ’di na matapos-tapos.”
Napalunok ako.
“Ma, tama na ’yan ha,” awat ni papa. “Hindi maganda ’yang nag-aaway sa harap ng pagkain.”
“Maarte kasi ’yang anak niyo,” dugtong ni ate bago muling umakyat nang muling umiyak ang anak.
“Nyenye,” inis na sagot ni Christian bago tiningnan ang phone niya at sumubo ng kanin.
“Kumain kayo kung gusto niyo,” sabi ni mama at umakyat sa taas nang hindi man lang kami nililingon.
I sighed.
Iyong tinutukoy nilang papel ay iyong pag-sangla sa bahay. Nang pumanaw ang lola ay sa akin nito iniwan ang bahay at hindi kay mama na anak nito. Takot kasi ito na baka ibenta ni mama ang bahay na nag-iisang bagay na na-ipundar niya.
“Papasok na po ako,” sabi ko at kinuha ang bag ko.
“Sa crossing pa rin ba ang office niyo, Maia?” tanong ni papa.
Tumango ako.
Tumayo rin ito at uminom ng tubig. “Hahatid na kita para makatipid ka sa pamasahe.”
“Ka-uuwi niyo lang ho. Magpahinga na lang kayo, maaga pa kayong mamamasada bukas,” sabi ko.
“Naku, malakas pa ako sa kalabaw,” sabi nito at kinuha ang susi ng tricycle. “Tara na’t baka gabihin ka pa.”
As I watched my father, I can’t help but to feel emotional.
At least, I have him.
Sa buong biyahe ay panay lang ito kwento sa kung ano ang nangyari sa buong araw. Nagtatawanan lang kami nang maya-maya’y pareho kaming natahimik.
“Maia,” sabi nito.
“Po?” tugon ko.
“’Wag kang ma-p-pressure tungkol sa lupa ha. Sa ’yo ipinangalan ng lola mo iyon. Iyo ’yon. Sa ’yo niya inihabilin dahil gusto niyang tirhan iyon ng magiging pamilya mo.”
Hindi ako kumibo. Napatingin lang ako sa sahig ng tricycle.
“Hindi lahat ng bagay ay isasakripisyo mo para sa amin,” sabi nito. “Hindi pagiging makasarili ang piliin ang sarili.”
I smiled bitterly.
Ang daling sabihin. Pero kung nasa sitwasyon ka kung saan kailangan mong mamili kung sarili mo ba o ang kapakanan ng pamilya mo, hindi mo rin malaman ang gagawin.
“Maia, anak, ano bang pangarap mo?” tanong ni papa. “Pagiging doktor pa rin ba?”
Ngumiti ako ng tipid. “Hindi na ho.”
“Ano na?” nakangiting tanong ni papa.
“Gusto ko na lang patigilin kayo sa trabaho at magpursige para hindi na kayo mamroblema sa pera,” sabi ko. “Iyon na ho siguro.”
Ngumiti nang mapait si papa. Bakas sa mukha niya ang lungkot.
Nang marating namin ang office ay bumaba na ako. Kapansin-pansin ang pagpipigil ni papa ng ubo at ikinabahala ko iyon.
“Hindi po ba umeepekto ’yong gamot na sinabi ko?” nag-aalala kong tanong.
Tumango ito. “Hindi ko kasi naiinom nang tuluy-tuloy. Nakakaligtaan ko.”
“Asus, kaya pala hindi kayo gumagaling,” sabi ko. “Inumin niyo ho at ’pag hindi pa rin umepekto, magpapatingin na ho kayo sa ospital ha.”
“Naku, gastos nanaman ’yan,” sabi nito.
“Naku, ang kuripot ng tatay ko,” pagbibiro ko na ikinatawa namin. “Pasok na ho ako.”
Habang naglalakad ako papunta sa building ay pinanunuod lang ako ni papa.
“Umuwi na ho kayo!” sigaw ko.
“’Pag nakapasok ka na!” sigaw ni papa pabalik.
Napa-iling na lang ako at naglakad. Nang marating ko ang entrance ay muli ko siyang nilingon at kumaway. Nang nakapasok ako sa loob ay palihim kong pinanuod si papa habang sumasakay itong muli sa tricycle niya.
Halos pinag tagpi-tagpi na lang ang tricycle ni papa at halatang luma na iyon.
I smiled weakly.
Imagine kung gaano kasakit para sa magulang na makita ang anak na unti-unting kinalilimutan ang pangarap dahil sa responsibilidad.
I may not be the best daughter but I have the best parents and that’s for sure.
After shift ay hinintay ako nila Blaire at Cora sa labas ng office. Medyo iritable pa nga ako dahil tanghaling tapat at wala pa akong tulog.
“Alam niyo, pa-uwiin niyo na lang ako,” reklamo ko sa dalawa. “Hindi ba kayo na-a-awa sa laki ng eyebags ko?”
“Mas malaki pa boobs ko riyan kaya ’wag kang reklamador,” sagot ni Cora.
“Gaga talaga ’to,” sagot ni Blaire. “Chill ka lang, Maia. Punta lang tayo sa coffee shop doon then magchichikahan.”
“Tulog ang kailangan ko, hindi chismis,” nakasimangot kong sabi.
“Aba, chismis is the new sexy,” sagot ni Cora. “Napag-iiwanan ka, ’wag ganyan.”
“Ano bang pag-uusapan?” tanong ko at gumilid dahil tirik na tirik ang araw at ang sakit sa balat.
“What’s next after passing the NMAT?” Blaire asked me.
“Forget about it?”
“MAIA!” Blaire exclaimed.
Natawa ako. “Bakit ba? Hindi naman ako tutuloy, e.”
“Hindi pwede,” sagot ni Blaire. “Lahat tayo mag-e-enroll sa med school, okay? Sama-sama tayong mabubuang, iiyak, at tatandang dalaga. Walang makakatakas.”
“Okay lang naman kung matandang dalaga pero sexually active, ’no?” Cora asked.
Blaire looked at her with disbelief and I chuckled.
“Bakit ba? I’m just making sure,” sabi ni Cora.
Patuloy kami sa paglakad.
“Anyway, naghanap na kami ng school ni Cora. Need lang natin mag-brainstorm kung anong school akma ang credentials natin para tatlo tayong matatanggap,” paliwanag ni Blaire.
“Kayong bahala,” sagot ko na lang para matapos na kahit wala naman na akong interes.
“Excited na ’ko!” sabi ni Cora. “Imagine may seniors tayong matangkad, may abs, at nag-iigting ang panga!”
Natawa kami ni Blaire.
“Lalaki ba ipinasok mo sa med school, girl?” tanong ni Blaire.
“Somehow. Charot!”
Nagkatawanan kami ulit at binuksan ang pinto ng coffee shop. Pare-parehong nawala ang ngiti namin nang unang tumambad sa amin ay ang isang grupo.
Mga naka-white coat ang mga lalaki habang ang mga babae ay mga naka-porma rin. Nagtatawanan ang mga ito at para bang nag-e-echo iyon sa pandinig ko.
Tanaw na tanaw mula sa kinatatayuan namin ang isang lalaking nakasalamin. Matangkad ito, slim ang pangangatawan, at bagsak ang itim na buhok.
Hindi ito tumatawa gaya ng mga kasama nito. Tipid lang ito na ngumingiti habang may ibinubulong ang katabing babae. Naka-akbay pa ito roon.
“Felix…” I muttered.
I wanted to disappear for a while.
The person behind my sleepless nights was right in front of me and I didn’t know what to say.
“Ibang klase…” bulong ni Blaire. “Ilang blind date nanaman ba pinuntahan ng mga ’to? Hindi ba nila makalma ang mga anes nila?”
“Why do we care?” tanong ni Cora at naka-halukipkip. “Ang mahalaga, we discovered that they are shits bago pa tayo mabiktima. Tara na nga sa ibang shops, hindi ako nagpa-fresh today para ma-haggard sa kanila.”
“Girl, kami lang ang hindi nabiktima, pero ikaw? Iika-ika ka ngang umuwi, ’di ba?” sagot ni Blaire.
“HEH!”
Dali-dali silang lumabas. Tinapik ni Blaire ang balikat ko at bago ako tuluyang lumayo ay muli kong tiningnan si Felix.
He looked good.
He looked just fine.
Mukhang hindi naman siya ganoong na-apektuhan.
Kung gaano kami kabilis nag-umpisa ay ganoon din kami kabilis natapos.
He became the stranger that I’m most comfortable with, and that scares me.
Simula noong nalaman ko ang tungkol kay Felix ay hindi ko na siya kinausap. Ilang linggo na rin ang nakararaan simula noon kaya hindi na rin malabong nakapag-move forward na siya.
I mean, ano ba ang dapat niyang ika-move on? We talked for less than a day and for him, with his nature as a womanizer, malamang ay casual flirting lang iyon. Sa dami ng mga naging babae niya, sino ba naman ako?
Lumala ang tensyon sa bahay. Araw-araw naging bumambibig ni mama at ni ate ang pagsasangla ng titulo ng lupa at sa totoo lang ay hindi ko malaman ang gagawin.
Kung hindi pa nga ako pinahiram ni Blaire ng pera ay baka naputulan na kami ng ilaw at tubig.
“Ewan ko ba naman kasi sa ’yo. Ano tingin ng nanay mo sa ’yo, bangko? Hindi na uso ang ganyan kabait, Maia. Masiyado nang oportunista ang mundo, aabusuhin ka.”
Si papa naman ay lalong lumala ang ubo. Dahil sa problema namin sa pera ay napilitan siyang mamasada hanggang madaling araw. Kahit na pagod na pagod ay parati pa rin akong inihahatid tuwing gabi.
“DIDN’T YOU HEAR ME?!” singhal sa akin ng customer sa telepono. “MA’AM, LISTEN. I WANT THE CREDIT BECAUSE I DIDN’T USE MY SERVICE!”
Napa-mute ako at napahawi ng buhok. Stressed na stressed na ako sa lahat ng bagay.
Nag-unmute ako at binalikan ang customer.
“I understand,” sagot ko. “When I actually checked your account here, the system traced a usage of 3GB of mobile hotspot. We can process a credit only if there is no usage.”
“WHAT?!” sigaw nito na ikinangiwi ko. “LISTEN HERE, YOU MONKEY. How am I supposed to have that usage when I clearly said I did not use my service?!”
Ewan ko. Malay ko sa ’yo. Ako ba may hawak ng phone mo?
“I—”
“You know what,” putol nito sa akin. “I don’t want to talk to you.”
Same.
“May I talk to someone higher than you?”
“Sure,” sagot ko. “Stay on the line.”
Hinold ko ang call at nagtanggal ng head set. Tumayo ako at lumabas ng production floor. Pumunta ako sa elevator at pinindot ang 17th floor dahil 16th floor kami.
Ilang segundo lang ay bumukas iyon. Akmang papasok na ako nang makita ko ang Team Leader namin sa loob.
“Saan ka pupunta?” tanong nito. “Wala kang call?”
Lumabas ito ng elevator at sumara iyon.
“Meron po,” sagot ko. “Nanghihingi ng someone higher than me kaya pupunta ako ng 17th floor—”
Agad akong napahinto nang may ma-realize ako. Agad na nanlaki ang mga mata ko at natawa ang Team Leader namin.
“Maia, someone higher than you. Supervisor ang hinihingi, hindi mga taga-itaas na literal.”
Napatakip ako ng bibig at hiyang-hiya sa sarili.
“SHIT!” bulaslas ko kinalaunan at agad napatakbo pabalik ng production floor.
After break ay pinag-half day na lang ako ng supervisor ko. Masyado raw akong maraming iniisip at halata iyon sa calls ko. Sa katunayan ay naka-receive na nga ako ng survey at galit na galit ang customer base sa feedback.
“Magpahinga ka ha,” sabi na lang ng supervisor ko at tinapik ang balikat ko.
Ewan ko ba.
Sobrang hindi ako okay nitong mga nagdaang araw.
Nang tingnan ko ang relo ko ay alas dos na ng madaling araw at sarado na ang mga bus carousel. Sinubukan kong tawagan si papa kung pumapasada pa siya at ang sabi ay pa-uwi na rin siya. Nang sabihin ko ang nangyari, ang sabi niya ay susunduin niya ako. Naka-receive din daw kasi ng gift check ang mga drivers at gusto niya ako ilibre sa fast food chain bago umuwi. Hindi na rin ako tumanggi dahil kahit papaano ay kailangan ko ng distraction.
Kinuha ko ang gamit ko sa locker ko at bumuntong-hininga.
Lately, nagpatong-patong na ang lahat at hindi ko na malaman ang gagawin.
Problema sa pera.
Problema sa pamilya.
Pressure sa trabaho.
Mga utang na dapat bayaran.
Pangungulit nila Cora at Blaire na mag-med school.
I felt suffocated again and I wanted a temporary escape.
Doon ko binuksan ang cellphone ko at binuksan ang messages.
Sa bandang ibaba ay naroroon ang pangalan ng isang tao na kahit sa napaka-ikling panahon ay naging comfort zone ko sa nakasusulasok na mundo.
Felix Kendrick Rye
3 weeks ago
Yaay, tapos na ang klase. Kumusta ka? Kakakita ko lang sa ’yo sa coffee shop kanina pero gusto ulit kita makita. Text me once you’re free. Hintayin kita bago ako matulog : )))
3 weeks ago
Hey, baka busy ka, okay lang. Tapos na ’ko gumawa ng PPT para sa presentation bukas. Wala bang good luck kiss diyan? Wala? As in? Oky po
3 weeks ago
Matutulog
na ’ko, Maia. ’Wag
magpapagod
.
Nytie
♡
2 weeks ago
Hey, kumusta ka?
2 weeks ago
Did I do something wrong?
1 week ago
Saw a dog and a butterfly playing outside the school. Wala lang, naisip lang kita. Hope you’re okay
6 days ago
I created a playlist. Willing to share it with you : )))
5 days ago
Called the customer service today, hoping I would be connected to you. Kaso hindi hahaha better luck next time, i guess
4 days ago
Sa public library ako ulit
3 days ago
I feel like messaging you for no reason. Hope you’re doing ok
2 days ago
miss na
kita
I smiled weakly. How can he send these messages when he was out there, doing countless blind dates, adding numbers to his women?
I sighed.
Napakaraming beses na pinigilan ko ang sarili kong mag-reply, kagaya ngayon. Hindi sapat na rason ang mga problema ko para balikan siya.
Napakarami kong dapat alalahanin at walang puwang ang pag-ibig sa ngayon.
Paglabas ko ng building ay naroroon na si papa. Agad akong lumapit at hapung-hapo ito.
“Okay lang po kayo?” tanong ko. “Mukhang… pagod na pagod kayo.”
“Okay lang, ano ka ba,” sabi nito at pilit na ngumiti. “Marami akong kinita sa pasada ngayon. Hindi na mang-aaway ang mama mo.”
“Tss…” bulong ko na ikinatawa niya.
“Tara na, nang ma-i-libre ko na ang anak ko,” sabi nito.
“Ganoon kayo ka-excited?” tanong ko at nangiti. “Magkano ho ba ’yong gift check?”
“Hindi ganoon kalaki pero pwede na,” sabi nito. “Hindi natin sila uuwian sa bahay kaya ’wag kang maingay lalo na kay Christian. Matampuhin pa naman ’yon.”
Natawa ako. “Opo.”
Pansin ko ang panginginig ni papa kaya hinubad ko ang jacket ko at isinuot iyon sa kanya.
“Ba’t po kasi hindi kayo nag-ja-jacket, nanginginig na kayo,” sabi ko habang isinusuot iyon sa kanya.
“Makapal pa sa kalabaw ang balat ko, wala lang ’yan,” pagmamalaki nito. “Tara na.”
Habang nasa biyahe ay nakatitig lang ako sa I.D ni papa na nakasabit sa loob ng sasakyan. Halata sa mukha nito ang hirap na dinaranas at masakit bilang anak na wala akong magawa.
“Pa, hanggang kailan kayo mag-tratrabaho?” tanong ko.
“Huh?” tanong niya habang nagmamaneho. “Ano ba namang tanong iyan.”
“Matanda na ho kayo, dapat nasa bahay na lang kayo,” sabi ko. “Hindi na dapat kayo laman ng kalsada.”
“Titigil lang ako siguro ’pag na-ihatid na kita sa altar.”
“Pa naman!” reklamo ko.
Nagkatawanan kami.
“Seryoso ako, Maia. Gusto kitang makitang ikasal. Si ate mo, ayaw naman ng kasal n’on. Si Christian ay matagal pa. Ikaw ang gusto kong ihatid sa altar at sa panahong iyon, hindi mo na kami dapat alalahanin.”
“Paanong hindi?” tanong ko at bumuntong-hininga. “Patong-patong ang problema. Hindi na nawala.”
“Hanggang ngayon ba kinukulit ka nila tungkol sa lupa?” tanong nito.
Tumango ako.
“’Wag mo silang intindihin. Iyo iyon, ’nak. Nasa iyo ang desisyon doon. Pero sana lang ay hindi ka magalit sa mama mo. Ganoon lang iyon…pero mahal ka n’on.”
I looked away and smiled bitterly. “Pero bakit po nakakasakit? Kapag nagmahal po ba, dapat nasasaktan din? At kapag mahal mo, hanggang kailan ka dapat magtiis?”
Hindi nakakibo si papa. Maging siya ay hindi malaman ang sasbihin.
“Pumasa ka sa test ’di ba? ’Yong sa doktor-doktor?”
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko sinabi sa kanila iyon.
Ngumiti si papa. “Inabangan namin nila Christian. Grabe ang tuwa namin lalo ng kapatid mo. Proud na proud sa ’yo.”
“Pa…” bulong ko at tuluyang nangilid ang luha.
“Gusto ko nga ipagyabang sa mga ka-trabaho ko kaso iniisip kita. Baka ’ka ko may dahilan ka kung bakit mo ayaw sabihin sa amin. Panigurado ay ’yong tungkol iyon sa responsibilidad mo sa amin, tama ba?”
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko malaman ang sasabihin.
“Napag-usapan naming magkakapatid na ibenta na ang lupa ng tatay sa probinsya.”
My eyes widened.
“Pero hindi po ba mahalaga sa inyo ’yon?” tanong ko. “Doon kayo lumaki nila tita…”
“Wala kaming magagawa, ’nak. Mas mahalaga ang kinabukasan niyo kaysa nakaraan ko. Pumayag naman ang mga tita mo at gusto ka nilang suportahan sa pagiging doktor mo.”
“Pa…” bulong ko at lalong nangilid ang mga luha.
Sobrang importante ng lupaing iyon sa kanila kaya hindi ko malaman ang mararamdaman.
“Pasensya ka na ’nak kung inabot ng ganito katagal bago kita nasuportahan…” sabi nito at kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni papa. “Ngayon, hindi mo na kailangang ma-mroblema sa pera. Hindi mo na kailangang unahin kami bago ang sarili mo.”
I looked away as tears started to fall from my eyes.
“Doktora Maia…” bulong ni papa at ngumiti. “Ang sarap pakinggan, ’di ba?”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol na ako sa loob ng tricycle. Ang mga luha na sobrang tagal kong kinimkim ay lumabas nang hindi ko inaasahan. Narinig ko kung paanong ang tawa ni papa ay unti-unting naging mahihinang hikbi.
Doktora Maia.
Ang sarap pakinggan.
“Pa—”
Natigil ako nang walang anu-ano’y biglang nahirapan si papa sa paghinga. Bago pa ako makapagtanong ay laking gulat ko nang bigla itong mawalan ng malay. Gumilid ang tricycle, dahilan para bumangga kami sa poste.
Ramdam ko ang pagbangga ng ulo ko sa bakal at agad na tumulo ang dugo mula roon. Kahit nahihilo ay tumayo ako at nagmamadaling hinanap si papa.
“Pa…” nanghihina kong bulong. “Pa…”
“SIR! SIR! OKAY LANG KAYO?!” agad na bumaba sa motor niya ang isang delivery rider at pinuntahan si papa.
Doon ko siya nakitang puro dugo ang ulo, nakahandusay sa lapag, at wala nang malay.
Sa mga sumunod na minuto ay isinugod kami sa ospital at wala akong ginawa kung hindi ang umiyak. Tinawagan na nila sila mama at parating na sila nila ate. Ako namam ay nasa loob ng emergency room at umiiyak habang sinusubukan nilang i-revive si papa.
“Ma’am, gamutin po muna natin—”
Natigil ang nurse nang hindi ko siya pansinin. Hindi ako pumapayag na magpagamot hangga’t hindi ayos ang tatay ko.
“Clear!” rinig kong sabi ng doktor at patuloy sila sa pag-revive kay papa habang iyak lang ako nang iyak habang pinanunuod sila.
Please, pa…
Lumaban ka…
’Wag ngayon…
Pa…
Hindi mo pa ako nakikitang doktor, ’di ba?
Papa, kakain pa tayo…
Nakagat ko ang labi ko at humagulgol.
“PAPA! PAPA!” rinig kong sigaw ni Christian. Agad akong napalingon at nakita ako nila mama.
Halos mawalan ng malay si mama nang makita ang kalagayan ni papa. Agad siyang inalalayan ni Christian habang si ate ay nagsimula na ring ma-iyak.
“Clear!” rinig naming muli at sobrang hirap niyong tingnan.
Papa…
Please po…
Lumakas lalo ang hagulgol ni mama at halos maging hysterical iyon. Niyakap siya nang mahigpit ni Christian at patuloy na ina-alo.
Until it came.
We heard it.
The sound that I never wanted to hear.
The sound…
…of a flat line.
“PAPA!” sigaw ni Christian at humagulgol.
Si mama naman ay nawalan ng lakas ang tuhod at nanlalaki ang mga matang napaluhod.
Si ate ay tuluyang umiyak.
At ako…
Napatakip ako ng bibig at unti-unting nilapitan si papa at ang mga doktor.
Hindi…
Hindi pwede…
Tumigil ang mga doktor sa ginagawa nila. Lahat ay pawang malulungkot ang mga mata..
“BUHAYIN NIYO ANG ASAWA KO!” sigaw ni mama at lumakas lalo ang iyak. “BUHAYIN NINYO!”
“MA…” awat dito ni Christian at niyakap niya ito habang siya ay umiiyak na rin.
“Papa…” bulong ni ate at nakita ko kung paano siya umupo sa gilid at humikbi.
Habang ako ay nakatayo at nakatulala sa katawan ni papa. Hindi ko ma-absorb ang lahat. Hindi ko kaya.
“Doc…” mahina kong bulong. “Pagod lang po ang papa ko, ’di ba?”
Muling namuo ang luha sa mga mata ko.
“Natutulog lang po siya, ano po?”
My voice broke.
“Doc… kakain pa po kasi kami. Anong… oras pa po kaya siya gigising?”
“Ate…” bulong ni Christian habang humihikbi.
“Anong oras po, doc? May… may usapan po kasi kami…” nakagat ko ang labi ko. “Pakigising na po siya, please…”
“I’m sorry…” the doctor said. “But he didn’t make it.”
Lumakas ang hagulgol sa paligid ko at halos bumigay ang tuhod ko dahil sa narinig.
“TIME OF DEATH: 2:46 AM.”
PART FOUR: THE END OF THE BEGINNING
MY FATHER DIED.
He died at ako ang sinisisi ng buo kong angkan, lalong-lalo na ni Mama. Simula nang iburol si Papa sa bahay namin, wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang ipamukha sa akin na kasalanan ko ang lahat.
Ipapahiya niya ako sa buong bisita kada makikita niya ako. Sa tuwing makikita niya ako, magsisimula siyang magalit at mag-eskandalo. Halos mahimatay si mama sa burol ni Papa sa sobra niyang galit.
Kaya nakiusap sa akin ang mga kapatid ko na huwag na munang magpapakita kay mama. Kahit masakit ay naintindihan ko naman. Kila Blaire muna ako nakitulog at bumibisita paminsan-minsan sa burol ni Papa kapag tulog si mama.
“WHAT?!” hiyaw ni Blaire nang makita akong umiiyak sa sala niya. “HINDI KA PINAYAGAN NG MAMA MO PUMUNTA SA LIBING NG TATAY MO?!”
Umiiyak na tumango ako. Pukunta ako sa huling lamay ni Papa kagabi at muling nag-eskandalo si mama.
Tumabi sa akin si Blaire at hindi maipinta ang mukha. Alam kong galit siya.
“Bakit naman daw?” she asked. “Anong rason niya?”
“Ayaw… niya lang akong makita,” I said. “Ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Papa…”
“As if kasalanan mong overworked ang tatay mo kaya nanghina ang katawan at nagtratrabaho kahit may sakit para lang matustusan ang bisyo ng nanay mong mukhang—grrr, sorry girl pero mukha talagang pera ’yang nanay mo.”
Lalong nangilid ang luha sa mga mata ko. Sa tuwing maaalala ko kung paano naghirap si Papa para lang kumayod, grabe ang lungkot na nararamdaman ko.
Hindi naman sa sinisisi ko si Mama, pero kung pinagpahinga na rin sana niya si Papa sa bahay at hindi na pinagtrabaho, kung sana ay nakuntento na siya sa perang ibinibigay ko, baka sana ay hindi nawala agad sa amin si Papa. Kahit mahirap ang buhay, basta’t nandito siya…
“Hindi pwede ’to,” sabi ni Blaire. “Hindi pwedeng aapihin ka lang nila nang ganito. After mo isakripisyo sarili mong kaligayan for them? Na pati pagme-medicine, ayaw mo na kasi puro ’yon gastos at wala kang maibibigay sa kanila?!”
“Anong plano mo?” I asked.
“Anak ka, Maia. Ikaw ang gustong makita ng Papa mo sa libing niya. Alam kong love na love ka na n’on at hindi valid opinion ng nanay mo if whether or not a-attend ka o hindi.”
“Ayaw ko ng gulo,” sabi ko. “Baka ano pang mangyari kay mama sa sobrang galit niya. Nawalan na kami ng Papa, ayaw ko namang maging ulilang lubos kami ng mga kapatid ko, Blaire. Kaya kahit mahirap… Kahit masakit… Titiiisin ko na lang.”
“No, hindi ako papayag na wala ka sa huling sandali ng tatay mo. Mahalaga ’yon for you and for him. Don’t say goodbye to him with regrets, Maia. Gagawa ako ng paraan. Gagawa tayo ng paraan.”
Ilang minuto siyang nag-isip hangga’t nakaisip siya ng ideya.
“Okay lang na a-attend ka sa burol ng tatay mo pero stalker mode ka?” she asked.
Kumunot ang noo ko. “Huh?”
“Wala kang choice, ’yon ang ang only way,” sabi ni Blaire. “A-attend tayo pero nanonood lang mula sa malayo. At least, you can say your farewell to your dad, ’di ba?”
At ’yon nga ang ginawa namin. My mom didn’t see us at all. Iyak ako nang iyak mula sa malayo habang pinakikinggan ang mensahe ng mga kapatid ko para kay Papa.
Sobrang hirap tanggapin. Sobrang sakit sa dibdib. Parang hindi ko kakayanin.
Hanggang sa pag-uwi namin ni Blaire ay iyak lang ako nang iyak. Hindi ko ma-absorb na wala na talaga si Papa. Wala na ang kakampi ko sa bahay. Wala na ’yong taong mas naniniwala pa sa akin kaysa ako sa sarili ko.
Natulog ako nang gabing iyon na iniisip na ito na ang bangungot ng buhay ko, pero nagkakamali pala ako.
Ilang araw lang ang nakararaan ay pinapauwi na ako ni Mama sa bahay.
“Real na ’yan?” tanong ni Blaire habang pinanonood akong mag-impake.
Tumango ako. “Sana for good na.”
“Nagbago ata ang ihip ng hangin? Anyare sa nanay mo? Okay lang ba siya o need na niya ng referral sa malapit na clinic?”
Tiningnan ko siya.
“Oy, sorry ha pero sa totoo lang tayo. Walang nanay na ganyan, naloloka ako sa kanya. Halos i-abandon ka na last time, ngayon pinapauwi ka na. Topak ’yarn?”
“Hayaan mo na,” sabi ko. “Baka… nagbago na si Mama. Baka may na-realize siya kaya ganoon.”
“Lakas ng topak, friend. Pero sige, support na lang. Basta kapag pinalayas ka ulit, call me. Free ang bahay ko for you.”
Ngumiti ako. “Thank you, Blaire…”
“What are friends for?” she said and helped me with my buggages.
Kung inaakala kong nagbago na si Mama, nagkakamali ako. May isa siyang rason kung bakit niya ako pinauwi, pero hindi ang kagustuhan niyang makita ako at tumira muli sa bahay ang dahilan.
“Bakit…?” hindi makapaniwala kong sambit nang mabasa ang papel na ibinigay sa akin ni mama. Nakauwi na ako at nagsisimula na kaming mag-usap.
Pagdating ko pa lang ay may ibinigay na agad siya sa aking papel. Nang basahin ko ay nagsimula akong manlumo. Parang lulubog ako sa kinauupuan ko at gusto ko nanamang maiyak.
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ako maiiyak dahil sa lungkot. Kung hindi dahil sa labis na galit.
“Ma…” mahina kong sabi. “Bakit… Bakit po… Ano po ito—”
“Hindi ka ba marunong magbasa?” tugon ng ate ko na bitbit-bitbit ang anak niya at pinapadede. “Ano ba ’yan, ma. Akala ko ba matalino ’yang anak n’yo?”
Tiningnan ko si mama. “Ma… Bakit…”
Papeles iyon na ibinebenta ang lupa ng bahay namin.
“Sa ’yo iniwan ng tatay mo ang bahay, sa ’yo na nakapangalan kaya kailangan ko ang pirma mo para maibenta na ito at lumagay na sa tahimik,” tugon ni Mama.
“Pero pinaghirapan ni Papa ang bahay na ’to…” sabi ko. “Ito lang ang nag-iisang naipundar niya na hindi niya naibenta kaya pinagmamalaki niya ’to.”
“May choice ba tayo?” tanong ni Ate. Walang ibang naiwan si Papa. Paano na lang ’tong pamilyang ’to? Hahayaan mo na lang magutom? Aba, kailangan nating maging praktikal.“
“Pero ate naman,” sabi ko. “Ikaw ang panganay, ikaw dapat ang nakakaintindi!”
“Ako nga ang panganay, ako dapat ang pinagbigyan ng lupa na ’to! Edi sana, walang problema. Si Papa naman kasi, may favoritism—”
“Umakyat ka muna sa itaas,” putol ni Mama kay Ate.
“Mama naman kasi—”
“UMAKYAT KA!” bulyaw ni Mama.
Bumuntong-hininga si Ate at nagdadabog na umakyat. Kami na lang ni Mama ang natira at mukha siyang kalmado.
“Pirmahan mo na lang Maia,” sabi niya. “Nang matapos na ang lahat. Gusto ko na ng tahimik na buhay.”
Tiningnan ko ang papel at si mama muli.
“Ma… Ipinagkatiwala ito ni Papa sa akin. Hindi ko kayang ibenta na lang ito. Magkano po ba ang kailangan ninyo? Baka… Baka magawan ko pa ng paraan.”
“Hindi lang pera pang isang buwan o isang linggo ang kailangan namin, Maia. Gaya ng sabi ko, gusto ko nang lunagay sa tahimik. Kapag itong bahay ay naibenta na, hindi na namin kailangang mambroblema pa sa pera nang matagal na panahon. Hindi mo na rin kami tutustusan. Pare-pareho tayong magiging okay.”
“Pero saan tayo titira?” tanong ko. “Kapag nawala sa atin ang bahay, problema nanaman ang pang bayad sa magiging upa buwan-buwan, bills at maging ang pagkain. Panandaliang lunas lang sa problema sa pera ang pagbebente nitong lupa, mama. Hindi niya tayo mailalagay sa tahimik.”
“Uuwi kami sa probinsya, doon na kami titira…” biglang sambit ni Mama.
Tiningnan ko siya. “Pero ang trabaho ko po ay narito sa Maynila.”
“Wala akong balak isama ka, Maia…” sabi ni Mama. “Gusto ko ng buhay na wala ka…”
Bigla akong nanlumo. “Ano pong ibig n’yong sabihin?”
“Uuwi na kami sa probinsya at doon na maninirahan. Doon na rin lalaki ang mga pamangkin mo at doon ko na rin balak pag-aralin ang kapatid mo. Hindi ko alam kung aasenso ba kami o ano pero gusto ko ng bagong buhay na wala ka.”
Tumingin si Mama sa papel.
“Ikaw ang malas sa buhay namin, Maia. Simula nang dumating ka sa buhay namin, nagsimula na kaming malasin ng papa mo. Ayaw niyang maniwala sa akin, hanggang dumating ang panahon na namatay na rin siya dahil sa ’yo.”
Ngumiti si mama nang mapait.
“Habang buhay na kitang sisisihin at hindi pa rin kita kayang patawarin. Kaya pirmahan mo na ’yan Maia, para matapos na ang koneksiyon nating dalawa at pareho na nating kalimutan ang lahat-lahat.”
Tumulo ang luha sa mga mata ko. Napakasakit na marinig ’yon sa magulang mo mismo. Na pinagsisisihan niyang naging anak ka niya habang ikaw handang gawin ang lahat para sa kaniya.
“Hindi ko na po ba mababago pa ang isip n’yo?” tanong ko. “Ma… babawi po ako. Kung dapat mas kumayod pa ako, gagawin ko. Handa akong kalimutan ang sarili ko, pangarap ko o kahit kaligayan ko para sa inyo—”
“Hindi na magbabago pa ang isip ko, Maia. Sa tuwing makikita kita, nahihirapan ko. Kapag nagtagal pa ito, baka sumunod na ako agad sa papa mo. Kaya gawin na natin ang nararapat, Maia. Pirmahan mo na ang papel at pareho na tayong magiging okay.”
Tiningnan kong muli ang papel.
“Wala kang makukuha kahit magkano sa pagbebentahan ng lupa,” sabi ni Papa. “Lahat ay sa akin mapupunta, para rin ’yan sa pag-aaral ng kapatid mong bunso at sa mga pamangkin mo.”
“Paano naman po ako?” bigla kong tanong. “Iiwan ninyo akong lahat. Lahat ng ipon ko napunta sa libing ni Papa. Kahit panghapunan… Walang-wala po ako…”
“Huh…” my mom scoffed. “Edi lumabas din ang totoo mong kulay. Gusto mong makihati.”
“Hindi naman sa ganoon, ma,” sabi ko. Kung inaalala ninyo ang pag-aaral ng kapatid ko, kung inaalala ninyo ang kapakanan ng mga pamangkin ko, bakit… bakit parang wala lang ako sa inyo? Opo, sige, malas ako. Pero kahit malas ako, anak n’yo rin po ako…“
“Magkano ba ang gusto mo para pirmahan mo na ’yan at matapos na ang lahat?” tanong ni Mama. “Kung pera lang ang gusto mo, sabihin mo!”
“Hindi po talaga ninyo ako maintindihan. Hindi pera ang gusto ko… kahit kaunting pag-aalala man lang kung paano ang magiging buhay ko. Habang todo alaga kayo sa mga kapatid ko, iiwanan naman ninyo akong walang-wala. Mama naman!”
“Kasalanan mo kung bakit tayo nagkaganito. Kung hindi ka lang sinundo ng tatay mo… kung nakinig ka lang noon na ’wag ka na mag-aral at mag-abroad na kang kaysa pag pharmacy-pharmacy na ’yan, edi sana hindi tayo naghirap nang ganito at hindi kinailangan ng tatay mo na kumayod nang todo!”
“Ako po ba talaga ang may kasalanan?” tanong ko. “Sino po ba ang nagsugal ng lahat ng perang ibinibigay namin ni Papa?”
Nanlaki ang mga mata ni Mama.
“Na lahat ng pagod at hirap namin, isinugal lang para lang makasama ang mga kaibigan niya kahit na nagugutom na ang lahat sa bahay? Ma, hindi ako ang malas. Makasarili lang kayo!”
Isang napakalakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Para ang namanhid at muling tumulo ang luha sa mga mata ko.
“Hayop ka…” bulaslas niya. “Wala kang kuwentang anak… kahit sink walang gugustuhin na maging anak kang hayop ka… wala kang utang na loob. Kung hindi dahil sa ’kin ’di ka mabubuhay sa mundong ’to!”
“Hiniling ko bang dalhin ako sa mundong ’to?” I asked. “Hindi ko ’to ginusto. Kayo ang nagdala sa akin dito, responsibilidad ninyo ako!”
“Ang kapal ng mukha mo! Magkano ba ang gusto mo nang manahimik ka na?!”
“Hindi ko kailangan ng pera, ma. Ang kailangan ko… iparamdam ninyo sa akin na anak n’yo rin ako…”
Pareho kaming nanahimik.
“Bakit mo ba kami iniwan…” biglang naiyak si mama at itinapik ang palad sa mukha niya habang umiiyak.
Doon ako nanlambot. Hindi ko alam ang gagawin. Awtomatikong nawala ang galit na nararamdaman ko nang makita kong umiiyak si mama. Hindi ko malaman ang gagawin.
Kahit na nasasaktan ay tumayo ako at tinapik nang mahina ang balikat ni mama at niyakap siya. In a sudden, pareho na kaming umiiyak. Hindi ko na nakontrol ang emosyon ko.
Nang matapos ang lahat ay binigyan ako ni mama ng ballpen.
“Pirmahan mo na…” sabi niya.
Tiningnan kong muli ang papel at napalunok. Tumulo ang luha ko sa papel at pinirmahan na iyon.
Saktong pagpirma ko ay narinig ko ang pagtili ng ate ko sa itaas na kanina pa pala nakasilip mula sa hagdan. Si mama naman ay mabilis na nagpunas ng luha at muling ngumiti nang malapad.
Tiningnan niya ako.
“Salamat, Maia. Makakaalis ka na.”
In a blink of an eye, I found myself walking in the middle of the night with nowhere to go.
Pinaalis na ako sa bahay. Wala akong pera pambayad ng pamasahe papunta kila Blaire. Wala rin akong load at 2 per cent na lang ang battery per centage ng phone ko.
Napangiti ako sa sarili ko habang naglalakad sa daan. Ako na yata ang pinaka malas na tao sa mundo.
Kung nandito lang si Papa, hindi ito mangyayari. Hindi niya ako hahayaang mapagod. Hindi niya ako hahayaang maging aping-api sa bahay. Hindi niya ako hahayaang mapag-isahan. Hindi niya ako hahayaang maging ganito kawawa.
Siya lang ang naging kakampi ko.
Siya lang ang may pakialam sa akin.
Siya lang ang nagturing sa aking pamilya.
Siya lang ang nagmamahal sa akin.
“I miss you, papa…” nagsimula akong maluha. “Bakit n’yo po kasi ako iniwan?”
Bigla akong napahinto habang naglalakad sa malaking tulay papunta sa kabilang parte.
“Bakit hindi n”yo na lang ako isinama, papa?“ bulong ko at muling naiyak. “Hirap na hirap na po ako sa buhay ko. Kayo na lang ang dahilan kung bakit nagpupursige ako. Ngayong wala na kayo… hindi ko na po alam. Papa… miss na miss na po kita…”
Humagulgol ako nang malakas. Ako lang mag-isa ang naglalakad sa madilim na daan at walang dumaraan kahit na isang sasakyan.
Maya-maya ay nag-ring ang phone ko at si Blaire ang tumatawag. Sinagot ko naman iyon.
“Mia, kumusta, anong nangyari?” tanong niya.
“Pinalayas ako…” bulong ko.
Bigla siyang natawa. “O, ’di ba, buang talaga. Pinalayas ka, pinabalik, ta’s layas ulit. May topak talaga ’yang nanay mo, friend. Bakit daw? I mean, bakit ka pinabalik?”
“Mahabang kuwento. Ikuwento ko na lang once magkita tayo ulit, okay lang?” tanong ko.
“Oo naman. Ay, wait. Saan ka now? You said pinalayas ka, so it means nasa kalye ka now at sad girl. Wala ka namang ibang mapupuntahan kaya susunduin kita. Where are you exactly?”
“Sa totoo lang…” tiningnan ko ang paligid. “Hindi ko talaga alam kung nasaan ako.”
“WHAT?!” she exclaimed. “Maia, read the signs—”
“Hello?”
Biglang namatay ang call. Natigil ako nang makitang drained na ang phone ko.
I scoffed. Anong klaseng kamalasan ’to? Baka totoo nga ang sinabi ni mama. Na malas nga talaga ako.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi malaman ang pupuntahan. Nang bahagyang umambon ay napatakbo ako sa saradong store at nakisilong sa labas niyon.
Habang tinitignan ang papalakas na ambon ay hindi ko maiwasang ma-amaze sa kung gaano ako kamalas na tao.
“Maia, lahat na ata ng kamalasan balak mo ang angkinin,” bulong ko sa sarili.
Hinintay kong tumila ang ambon pero hindi naman iyon nangyayari. Instead, mas lalo lang itong lumakas.
Nakaramdam ako ng matinding pagod at antok.
Nakarinig ako ng tawanan ng mga lalaki. Kalalabas lang ng mga ito sa katapat na restaurant. Mukha itong mga lasing.
Umupo ako sa gilid at yumuko.
Hanggang kailan ako ganito?
Hanggang kailan magiging kawawa ang buhay ko?
Awang-awa na ako sa sarili ko.
Hanggang kailan ako magiging talunan sa buhay at wala pang nararating?
Bumuntong-hininga ako.
Natigil ako nang may mga paa sa harapan ko. Rubber shoes iyon na nanggagaling sa isang lalaki.
Tumingala ako at isang lalaki nga ang naroroon. Namumula nang bahagya ang pisngi nito at naghahalo ang mababgo nitong perfume at ang alak.
Nakasuot ito ng itim na polo at bagsak ang itim na buhok.
He smiled at me.
“It’s been a long time, Maia…” he mumbled.
My lips parted when I recognized him.
“Felix…”
PART FIVE: THAT RAINY NIGHT
Nang bahagyang umambon ay napatakbo ako sa saradong store at nakisilong sa labas niyon.
Habang tinitignan ang papalakas na ambon ay hindi ko maiwasang ma-amaze sa kung gaano ako kamalas na tao.
“Maia, lahat na ata ng kamalasan balak mo ang angkinin,” bulong ko sa sarili.
Hinintay kong tumila ang ambon pero hindi naman iyon nangyayari. Instead, mas lalo lang itong lumakas.
Nakaramdam ako ng matinding pagod at antok.
Nakarinig ako ng tawanan ng mga lalaki. Kalalabas lang ng mga ito sa katapat na restaurant. Mukha itong mga lasing.
Umupo ako sa gilid at yumuko.
Hanggang kailan ako ganito?
Hanggang kailan magiging kawawa ang buhay ko?
Awang-awa na ako sa sarili ko.
Hanggang kailan ako magiging talunan sa buhay at wala pang nararating?
Bumuntong-hininga ako.
Natigil ako nang may mga paa sa harapan ko. Rubber shoes iyon na nanggagaling sa isang lalaki.
Tumingala ako at isang lalaki nga ang naroroon. Namumula nang bahagya ang pisngi nito at naghahalo ang mabango nitong perfume at ang alak.
Nakasuot ito ng itim na polo at bagsak ang itim na buhok.
He smiled at me.
“It’s been a long time, Maia…” he mumbled.
My lips parted when I recognized him.
“Felix…”
Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon ng buhay ko, siya’t siya ang parating naririyan.
Madilim na ang paligid at lalong lumalakas ang ambon. Bumuka ang bibig ko pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sitwasyon at hitsura ko ngayon.
Walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang kami sa isa’t isa. Without asking anything, tumabi sa akin si Felix at umupo sa sahig. Sumandal siya sa pinto ng saradong restaurant at bumuntong-hininga.
“Does rain make you feel good?” bigla niyang tanong.
Doon ko siya tiningnan. “Yes… Parang… it makes you feel like it’s okay to cry.”
Tumango si Felix. “I respect.”
“Ikaw ba?” tanong ko. “Ayaw mo sa ulan?”
“Hindi naman sa ayaw pero… what if the rain reminds you of the saddest days of your life? Tapos ngayon you’re trying to have a great day, leaving every misery behind and all of a sudden, it rains and it brings you all the flashbacks of the pain?”
“Well… that sounds… sad…” sagot ko at muling pinanood ang ambon na unti-unti nang nagiging ulan.
Muli kaming natahimik. Kahit ako ay hindi ko malaman ang sasabihin. Sobrang tagal namang hindi nagkita at hindi nag-usap.
“Hindi mo ba tatanungin kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon?” tanong ko bigla.
Umiling siya. “Hindi ko kailangang mang-usisa. If you’re comfortable sharing it, I’m all ears but if you wanna keep it private, I respect it.”
Napangiti ako nang kaunti. Felix has always been this gentleman.
“Ikaw ba, hindi mo ako tatanungin kung ba’t ako nandito?” Felix asked and looked at me.
I met his eyes. “Well, nakita kitang lumabas ng establishment na ’yon. Seems like you were drinking. Mukha kang lasing ngayon pero the way you talk, you seem sober.”
He smiled at me. “Medyo tipsy lang. Nagkayayaan mga kaibigan ko, katatapos lang kasi ng exams namin.”
Doon ako biglang nanliit. Isa rin pala iyon sa dahilan kung bakit itinigil ko ang pakikipag-usap kay Felix. Bukod sa may mga usaping womanizer siya, magkaiba talaga kami ng mundo.
I know, deserve naman niyang magsaya dahil pinaghirapan niyang ipasa ang exams niya. Pero hindi ko rin maitatangging nanliliit ako dahil sa kaniya.
He’s busy chasing his dream while I’m fighting to make ends meet. Ayaw kong maging distraction sa pagkamit niya ng pangarap niyang maging doktor.
“And… Uh… I had a blind date,” he added.
Nabigla ako at muling tiningnan si Felix. Baka totoo nga ang tsismis na babaero talaga siya.
“How was it?” I asked uncomfortably.
He shrugged. “We didn’t click.”
“Why?” curious kong tanong.
“Because she’s not you…”
My jaw partly dropped. I didn’t expect that at all.
“I’ll be honest with you, Maia,” he said. “Ikaw ang laging hinahanap ko sa blind dates ko. Not particularly you, but at least something that reminds me of you. Smell, smile, attributes, behavior, humor—anything. Pero wala, e. Nag-iisa ka lang talaga.”
Hindi ko malaman ang mararamdaman ko. May something sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Ni-hindi ko nga alam kung ito ba ang tamang sitwasyon para maramdaman iyon o kung deserve ko bang maramdaman iyon.
“Why did you ghost me?” he asked, his voice sounded really hurt. “Hindi naman sa demanding ako or nagpapaka-sad boy. It’s just that… there’s something in you that feels like home that’s why I was so into you. May I know what went wrong?”
Bumuka ang bibig ko. Hindi malaman ang tamang sasabihin.
“We started so good… things were surreal. To be honest, lahat sila nakapansin na bigla raw akong naging blooming at ayaw nang tantanan ang cellphone ko. Then all of a sudden bigla kang nawala. You didn’t even prepare me emotionally, at least.”
Kahit na sinasabi niya ’yon ay malumanay pa rin ang boses ni Felix. He didn’t even sound like he was mad. Walang bahid ng panunumbat.
“I deserve an explanation, don’t you think? Did I do something which turned you off?”
Hindi ikaw ang may kasalanan, ako. Sunud-sunod ang problema ko at hindi ko deserve ang magmahal sa ngayon.
Pero siguro rin, nagsimula ang lahat sa tsismis na babaero ka raw. Sobra akong natakot at parang nagbago ang tingin ko sa ’yo.
Gustong-gusto kong sabihin ang lahat nang iyan pero hindi ko magawa. Takot din ako na malamang totoo ang lahat.
“Ewan,” sagot ko na lang sa kaniya. “Siguro, sa sobrang busy ko nawalan din ako ng time. Alam mo ’yon, ’yong sa sobrang preoccupied mo parang wala ka nang time even to fall in love?”
I looked at him, observing him if he would take my shit as something understandable.
Until in a sudden, he nodded. “It does make sense. I accept it.”
I looked at him, worried. “Sorry, Felix…”
“It’s okay. It happens,” he said. “Ang mahalaga… we met, ’di ba? I didn’t gain a lover, but a friendship, at the very least.”
Ngumiti ako nang ngumiti siya. This guy doesn’t really know how to hold grudges.
“Stop being too good to be true,” I said and laughed a bit. “Ganiyan ang mga hindi pinipili at the end.”
Bahagya ring natawa si Felix. “I can be a bad boy, though.”
I scoffed jokingly. Medyo tumila na ang ulan at doon ako nakaramdam ng takot. Saan na ang punta ko nito?
“Going home?” he asked.
Maang na napatingin ako sa kaniya, hindi alam ang isasagot. Paano ko ba ie-explain ang lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay ko? Ayaw ko namang maawa sa akin si Felix.
Tumango na lang ako. “Pero walang available na transportation pauwi…”
Nagsinungaling ako pero ang totoo, wala naman talaga akong pupuntahan at wala na akong mauuwian. I just wished na sana walang dumaan na bus dahil magmumukha talaga akong tanga.
“Gusto mo ihatid kita?” tanong ni Felix.
“May kotse ka?” tanong ko.
“Not really sa akin, sa pinsan ko. Hiniram ko since nag-abroad siya for vacation,” he said. “I can drive you home.”
“Is it okay, though?” I asked.
“Why not? Hindi ka naman iba sa ’kin, Maia,” he said softly.
“I ghosted you. You shouldn’t be nice to me,” I answered.
“I’m not an asshole,” he told me with a small smile on his lips. “Tara. Saan kita ihahatid?”
Hindi ako sumagot. Tinitingnan ko lang siya.
“Tara na kasi,” sabi niya. “Baka lumakas pa ang ulan.”
Hindi pa rin ako sumasagot. There’s a part of me na sobrang attracted kay Felix at natatakot ako sa nararamdaman kong ’yon. This guy is a womanizer. Marami na akong problema and a heartbreak can’t solve them all.
“Maia, throw your worries away. Concern lang ako sa ’yo,” he added.
He may be a womanizer but he has shown that he’s trustworthy. Siguro kahit ngayong gabi lang, tapos kalilimutan ko na ulit ang lahat.
“Sure,” sagot ko. “Okay lang ba talagang sumabay sa ’yo?”
“Oo naman, ikaw pa ba?” he asked and smiled at me. “Tara na.”
In my surprise, Felix held me by my hand. Para akong kinuryente nang maramdaman ko ang malambot niyang palad. Malaki ang kamay niya pero saktong-sakto ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
“Let’s go,” he said.
In a snap, I saw myself having a mini run with him under the rain showers. Muling lumakas ang ulan nang tumakbo kami. Tawa siya nang tawa at napangiti na rin ako. Hindi niya binitawan ang kamay ko kahit na minsan ay mabagal pa ako.
Naghiwalay lang ang kamay namin nang marating namin ang kotse. Agad iyong binuksan ni Felix at kahit medyo basa na siya ay pumunta pa rin siya sa kabilang side para lang buksan ang pinto ko.
“Thank you,” I mumbled.
“Always for you,” he said.
Pumasok na kami sa loob ng kotse. He turned the light on and finally started the engine.
Kumuha siya ng tissue at ibinigay iyon sa akin dahil medyo basa ang buhok ko.
“Where to?” he asked.
Ibinigay ko ang address ni Blaire.
“Not that far,” Felix said. “Seatbelt, please.”
“Ay, sorry,” sagot ko at kinuha ang seat belt pero nahihirapan akong i-lock iyon.
Felix noticed it. “Let me.”
Umusog siya sa gawi ko at sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Kahit na anong angle ay napakagwapo niyang tingnan. I can even feel the heat coming from his body.
May something doon na parang nagpapainit din sa katawan ko. Ang gara sa pakiramdam.
“There,” he added after finishing it.
“S-Salamat,” sagot ko na lang.
“Bakit ka nauutal?” tanong niya at bahagyang natawa. “Basta ikaw, Maia. No worries.”
Umandar na ang kotse at sa buong biyahe ay hindi na ako nagsasalita. Felix was asking me questions from time to time to check on me. Nang mapansin niyang parang ayaw kong magsalita, he respected it and remained silent too.
“Gusto mo bang magpatugtog ako?” he asked.
“Yes please,” I said.
He nodded and played something. It was a love song.
Sa totoo lang, sari-sari ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sobrang gulo. Sobrang pre-occupied ako.
I sacrificed everything for my family. Sa isang iglap, wala na sila sa akin. Mag-isa na lang ako ngayon at walang-wala kahit na piso. Wala ring matitirhan. Wala na rin ang pangarap.
Gusto kong umiyak pero parang lahat ng luha ko ay nailabas ko na. Sobrang gulo ng isip ko, sobrang awang-awa ako sa sarili ko.
Tumingin ako sa bintana. Madilim na ang labas at mas lalong lumakas ang ulan.
Titingin na sana ako sa harap nang may mapansin ako sa lapag. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin din doon si Felix.
“Oh, shit!” bulaslas ni Felix at mabilis na tinakpan iyon ng paa niya.
Sachet iyon ng condom.
“D-Don’t get me wrong,” he said defensively. Papalit-palit ang tingin niya sa akin at sa daan. “Hindi sa akin ’yan. Kagagamit ko lang ng kotse kanina, promise, Maia.”
Hindi ako kumibo. Nag-flashback nanaman sa akin ang tsismis na womanizer si Felix.
“I swear,” he said. “Baka sa pinsan ko ’yan, I don’t really know.”
“It’s okay…” sagot ko. “Normal naman ’yan…”
He threw a glance at me, seeing if it was really okay with me.
“I’m sorry, Maia. Hindi ko na napansin. I should’ve cleaned,” sagot niya
“No worries,” tipid kong sagot.
Maya-maya lang ay natulala nanaman ako. Sari-sari ang pumapasok sa isip ko. For some reasons, I uttered something that made Felix turned his gaze at me again.
“What’s your body count?” I asked.
“H-Huh?” he asked, confused.
Doon ko siya tiningnan. “Body count. Number of people that you slept with.”
“Why do you ask?”
“Bawal ba?”
“Hindi naman. Hindi ko lang ine-expect. But for my body count… I don’t really know. I don’t count them as if it’s something to brag about.”
“Come on,” I said. “Alam kong bilang mo sila.”
Felix smiled. “Six? Seven? No idea.”
“Ilang taon ka nang first time mo?” I asked.
“Sixteen…”
Nabigla ako na para bang hindi ko iyon alam. So tama nga ang mga chismis.
“That young?”
Tumango si Felix. “Are you disappointed?”
“Not really. Nabigla lang,” sagot ko. “Girlfriend mo?”
Tumango si Felix. “Ikaw ba?”
“Isa. Ex ko siya.”
“How old were you?”
“Twenty,” sagot ko.
Tumangu-tango siya. Natahimik kaming muli. I broke the ice when I asked something.
“Are you a good kisser?”
Napatingin sa akin si Felix. “Depende kung sino kahalikan ko. Why?”
“Let’s see,” I said and gulped. “Kiss me.”
His eyes widened as he looked back at me.
“Kiss me, Felix…”
Napahinto ang kotse. He was shocked.
“Maia, anong… sinasabi mo? Are you okay?” he asked.
“Ayaw mo?” Tanong ko.
“Hindi naman sa ayaw ko pero—”
“Shut up and just kiss me,” I said, cutting him off.
Hindi pa rin siya gumagalaw. Parang natulala na siya sa akin, inoobserbahan ako.
Nang walang anu-ano’y ako na ang lumapit sa kaniya at hinalikan siya. Sa simula ay ako lang ang humahalik. Hindi gumagalaw si Felix.
“Maia…” he mumbled while I was kissing his lips. “Are you… serious?”
Hindi ako kumikibo. Instead, I just closed my eyes.
“M-Maia… we can stop if you…”
In my surprise, Felix stopped mumbling and started answering my kisses. It was soft and delicate at first, until he lost it all and started getting wild.
“Hold on,” he whispered while kissing me still. “Let’s park somewhere safe.”
Saglit lang at huminto kami sa isang lugar na puro puno. Mukha itong park at sobrang dilim, walang tao at natatakpan ng mga puno.
We started kissing again, but this time, it was wilder. He was doing it now with his tongue. This man surely knew what he was doing. The best kisser I have ever met.
Bumaba ang pagkakahalik niya sa tainga ko. Napaliyad ako sa sobrang init ng nararamdaman ko. Then it went down to my neck. He started kissing and licking that area gently, as if he was teasing me. Napapikit ako at napahawak sa ulo niya.
Habang ginagawa niya ’yon ay naramdaman ko na ang kamay niya sa hita ko. He was caressing it delicately. Hanggang pataas iyon nang pataas. There’s something in his touch that felt like I was in the clouds.
Napadilat ako nang huminto siya. He was looking at nothing but my eyes.
“Why?” I asked.
“We need to stop,” sagot niya. Kita ko ang pawis niya at ang pamumula ng tainga at pisngi niya. He looked so damn fine. “Baka hindi na natin makontrol ang sarili natin at—”
“It doesn’t matter,” I said, giving him assurance. “Let’s just… do it safe.”
Felix sighed. Alam kong takot siya sa puwedeng mangyari after nito, na baka hindi na kami magpansinan or what.
“Okay,” he said. “Just ask me to stop if you ever change your mind. I respect you that much.”
In a blink of an eye, we were kissing again. This time, it was a whole flame of desires.
“Get on top of me,” he whispered.
Umupo ako sa lap niya at ramdam na ramdam ko ang pagkalalaki niya dahil sa tela ng suot niyang pants.
Hinubad ni Felix ang suot ko at siya rin mismo ang nag-alis ng strap ng bra ko habang hinahalikan ang leeg ko. Hinubad niya rin ang suot niya at parang mas lalo akong nag-init.
He looked so good.
He was caressing my chest while I was kissing him. Naramdaman kong hinuhibad na rin niya ang pants niya kaya tinulungan ko siya.
He was the biggest I have ever seen and touched. I gave him a blow while he was holding my hair. Kakaiba ang pakiramdam.
Felix has a condom in his wallet. He asked me to put it on him and I did. I started riding him and it was a full blast of emotions.
“Ang ganda mo…” sabi niya sa akin habang pinanonood niya akong gumagalaw.
With our moans mixing with the song playing inside the car, we made love…
PART SIX: LOVE OR LUST?
Was it love… or a lust?
Iyon ang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. After we had sex, we talked a bit. Nang mapansin niyang tumatahimik na ako ay nag-offer si Felix na mag-stop over kami at kumain muna but I insisted to go home.
Sa buong biyahe ay tahimik pa rin ako at sa bintana lang nakatingin. Nirespeto naman iyon ni Felix at hindi na rin siya kumibo.
Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. I know to myself that whatever we did, it was consensual and I liked it. Pero matapos naming gawin iyon, after we shared kisses and the warmth of our bodies, bigla akong nag-overthink.
Kung totoo ang sinasabi nilang womanizer si Felix, he surely had a lot of body count. Sa dami niyon, for sure, he had a share of hot encounters. How would he rate me, then?
At ngayong ibinigay ko na sa kaniya ang katawan ko, is it the end, gayong nakuha na niya ang gusto niya?
I can’t deny the fact that Felix is a pro. His moves and his touches were enough to tell me that he has been doing it for a long time.
Nanliliit ako sa sarili ko. Sa dami ng problema ko, nakuha ko pang dagdagan. I know I sounded so damn dumb.
“We’re here,” Felix said.
Doon lang ako bumalik sa realidad. Nasa labas na kami ng apartment ni Blaire.
“Oh…” tugon ko. “Thank you.”
“What’s wrong?” tanong ni Felix.
“Huh?” maang kong tanong.
“May nasabi o nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?” tanong nito sa akin. “Bigla ka kasing nanahimik at ayaw man lang akong tingnan.”
He stopped and partly bit his lower lip.
“Was I bad?” he asked once more. “Didn’t I… satisfy you?”
“No, no,” defensive kong sagot. “You were… so damn good.”
Totoo naman iyon. Hindi nagmamadali si Felix. He was always making sure that everything he did was pleasurable to me.
“It’s just that… marami akong iniisip ngayon. Hindi siya tungkol sa ’yo kaya hindi mo kailangang ma-bother. It’s something… personal.”
Tumangu-tango siya. “Okay, I understand. Kung may maitutulong man ako, you have my number, you can always call me.”
“Okay,” sabi ko. “Gagawin ko.”
“Maia…” panimula niya. “Hindi mo naman ako igho-ghost after nito, ’no?”
“Uy, hindi ah!” sabi ko. “Hindi ako ganoon.”
Felix smiled at me. “Promise?”
Tumango ako. “I promise.”
“Sabi mo ’yan, a,” he said and his smile widened. “So, good night?”
“Good night at salamat sa paghatid,” sabi ko sa kaniya.
“Thank you for trusting me, Maia. It was an out-of-this-world experience.”
“Likewise,” sagot ko. “Sa uulitin.”
Ngumisi si Felix at napatakip ako ng bibig.
“I mean… Sa uulitin… see you again, it means. Hindi—hindi sex ulit—”
“I know, I know,” natatawang tugon ni Felix. “You don’t have to feel defensive, gets ko naman, natawa lang ako.”
“Good, good,” sabi ko. “So… paano?”
Binuksan ni Felix ang pinto para sa akin at lumabas na ako.
“Good night, Maia,” sabi ni Felix at nakasilip sa bintana. “Sana’y ’di mo nga talaga ako i-ghost.”
“Good night, Felix,” tugon ko. “Salamat ulit.”
“Anything for you,” he answered back.
We maintained eye contact for a few seconds until Felix finally started the engine and in no time, I was watching him vanish from my sight.
Doon naman bumukas ang pinto at lumabas si Blaire na nakapantulog na.
“Maia?” tanong niya. “Kanina ka pa? Ba’t ’di ka tumawag or nag-door bell?”
“Ngayon-ngayon lang,” sabi ko. “Mahabang kuwento, Blaire. Nakakapagod ang araw na ’to.”
“Sabi ko na nga ba’t kinawawa ka nanaman ng nanay mo,” reklamo ni Blaire nang punasok kami sa loob. “Sige, sa loob na lang natin pag-usapan. Sino pala naghatid sa ’yo?”
“Si Felix,” mahina kong tugon.
Biglang napahinto si Blaire. “’Yong womanizer na med student?”
Tumango ako. “Alam kong marami kang rant, mamaya na lang, gutom na gutom na ako.”
“Aba, marami talaga,” masama ang tingin na sabi ni Blaire. “Tara, kumain ka muna.”
Pumasok na kami sa loob. Kinuwento ko ang usapan namin ng mama ko kay Blaire at galit na galit ito.
Sabi niya, huwag na huwag ko na itong tutulungan. Ang kapatid ko na lang daw na lalaki ang tulungan ko sa buhay dahil ito lang naman ang may pakialam sa akin.
She also offered her apartment to me habang hindi pa ako nakakahanap ng tutuluyan. In return, tutulungan ko siyang maglinis nito. Alam kong sinabi lang naman niya ’yon para hindi ako masiyadong mahiya at hindi totally dependent sa kaniya.
Hindi ko ikinuwento ang nangyari sa amin ni Felix. Sinabi ko lang kay Blaire na na-lowbat ako at walang pamasahe pauwi. Sakto namang nagkita kami ni Felix kaya nag-offer itong ihatid ko. Ngunit hanggang doon lang ang ikinuwento ko. Alam kong hindi sasang-ayon sa ginawa ko si Blaire.
“Buti naman at walang sex na naganap,” sabi nito sa akin.
Napalunok ako. “Bakit naman?”
“Maulan ngayon, mainit ’yan sila. Tsaka, alam mo ba, nag-blind date ’yan ulit last time, I saw him sa nearby resto. Panay blind date, hindi makalma ang anes. Gusto always bumayo. Napakalandi.”
Tumawa si Blaire pero ako’y hindi. Bigla akong nangamba.
“Kaya mabuti at hindi ka nagpaloko sa gentleman mode niya. ’Yan mismo gawain nila e, kunwari sobrang good boy pero gusto lang naman maka-score. Looking at Felix, his hobbies and his circle, I’m sure he’s a lowkey fuck boy himself.”
Inubos nito ang itinimplang kape at napailing.
“Kalimutan mo na ’yan si Felix, Maia. Marami ka nang problema, hindi mo na dapat dagdagan pa. Sakit sa ulo lang ’yan. Focus on yourself now, prioritize your growth and who knows, if like mo lang naman, go to med school and be a doctor.”
Tumayo ito at may kinuha sa refrigerator.
“Alam mo naman, masiyado kang minamaliit ng mga tao sa paligid mo lalong-lalo na ang nanay mo. And the best revenge? Be successful. Show them na kaya mong maging successful without them.”
Bumalik si Blaire sa mesa at umupo sa harap kong muli.
“And that Felix guy, hindi siya makakatulong sa ’yo. He’s nothing but a distraction. Period.”
Kinabukasan ay nagising ako dahil may kumakatok sa kuwarto. Alam ko namang si Blaire iyon kaya binuksan ko rin agad.
“Yes?” tanong ko.
Nakapaywang ito at may bitbit na plastic na naglalaman ay Jollibee meals.
“May nagpadala,” sabi ni Blaire sa akin. “For you raw.”
Kumunot ang noo ko. “Kanino raw galing?”
May itinuro si Blaire na note na nakadikit sa plastic.
“Eat well, sweetheart.”
-Your Felix
Mabilis akong napatingin kay Blaire. “No, hindi—”
“Mukhang marami kang ie-explain sa akin babae ka ha,” sabi nito sa akin na ikinatawa ko.
“O siya, sige, kumain ka muna. Don’t come at me kapag na-broken heart ka dahil sa lalaking ’yan, a? Sabihan talaga kitang i-Jollibee mo na lang ’yang heartbreak mo. Tse!”
Inabot niya sa akin ang pagkain at tiningnan ko siya na nangingiti. “Saan ka pupunta?”
“My mom wants to meet me. You know, we passed the NMAT. She’s asking me saang med school ako papasok kaya makikipagkita na lang ako sa kaniya so she can finally stop calling me every hour. Wanna come?”
Umiling ako. “Moment n’yo ’yan ng mommy mo, ’no.”
“Ah, speaking of med school,” she said. “Are you sure hindi ka mage-enroll? Sayang. Dream mo rin ’yon, e.”
“Wala pa sa priorities ko,” tugon ko at bakas sa boses ang panghihinayang.
“Okay, ikaw ang bahala. Wala ka bang lakad today? If mayroon, hatid muna kita so you don’t have to commute.”
“Sa work lang, dadaan lang ako mamaya since ang tagal ko nang naka-leave at unexcused absent ako kahapon at ngayon.”
“Okay, okay,” sabi ni Blaire at muling tiningnan ang Jollibee na hawak ko. Napailing siya bago umalis.
Nang mawala si Blaire ay doon ako napangiti. Tiningnan ko ang mga pagkain at binuksan ang isa.
Lalong lumawak ang ngiti ko.
Sinong hindi mafa-fall sa lalaking ’to?
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang number ni Felix.
Hindi naman siguro masama kung tatawag ako para magpasalamat. I called him at maya-maya lang ay sumagot na ito.
“Heyyy,” bati nito. “How’s your sleep?”
“Good. Ikaw ba?”
“Masaya,” sabi nito. “Have you received it?”
“Oo, thank you. I’ll eat well,” sabi ko.
“Eat now, then eat me later?” he asked.
Bigla akong namula.
“I’m kidding, Maia,” sabi ni Felix at bahagyang natawa. “Do you have time tonight?”
“Tonight?” tanong ko. “Saan naman tayo pupunta?”
“At my place,” he said. “I live alone. Maybe we can watch something—a movie of your choice—and just chill.”
Now he really sounded like a fuck boy. Hindi ko malaman ang sasabihin o gagawin. What if tingin niya madali na akong makuha? What if he’s just using me now because of my body? That he had me once and he can have me again whenever he wants to?
“Pero okay lang if you don’t have time,” he said. “That’s totally fine, Maia. I understand.”
“I’ll call you kung anong oras ako free today,” sagot ko na lang sa kaniya. “May lakad kasi ako.”
“Alright, I’ll wait for it. I’ll see you, then?”
“See you, then..”
Pumunta ako sa office namin at nakipag-usap sa Team Leader namin. So far, hindi pa naman ako natanggal sa trabaho. I was advised na pumasok na agad para walang maging problema. Sinabi ko naman na bukas na bukas ay papasok na ako ulit.
Matapos ko sa office ay naglibot-libot muna ako bago umuwi. Sobrang dami kong iniisip to the point na minsan ay natutulala na lang ako kaiisip kung ano ang dapat gawin.
Tumawag sa akin ang bunso kong kapatid. Sinabihan niya akong nabenta na ang lupa at kakaalis lang nila papuntang probinsiya. Sinabihan ko na lang siya na magpakabait at alagaan si mama. Kapag may kailangan siya, tumawag lang sa akin.
Masakit pa rin na itinakwil na ako ng sarili kong pamilya pero somehow, tanggap ko na. Kailangan kong ayusin ang buhay ko dahil wala nang ibang tutulong sa akin.
Habang naglalakad ay nagawi ako sa isang coffee shop. May coupon pa pala ako nito at may libre pa akong drink na puwedeng i-order.
Akmang papasok na ako nang bigla akong matigil. Sa isang table ay naroroon si Felix at sa tapat niya ay isang babae.
Ayos na ayos ang dalawa. I have never seen Felix as well dressed as this before. Maging ang babae sa harapan niya ay parang super model sa ganda. Nagtatawanan pa ang mga ito habang nagkukuwentuhan. Bigla akong nanliit.
Akmang aalis na ako nang bigla akong may naisip. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Felix. Pinanood ko siya. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ang babae pang kasama niya ang nakapansin kaya lang niya sinagot.
“Hello?” tanong niya.
“Hi…” Sagot ko. “Nasaan ka?”
“I’m with my family, you know, catching up. Ikaw ba?”
Tumawa ang babae sa harap niya nang marinig iyon. Felix signaled her to shut up. Napailing na lang ang babae.
Nanlata ako. Why does it seem like they were making fun of me?
“Ah, ganoon ba?” Tanong ko. “Okay, sige.”
“Yes. Ikaw ba, nasaan ka—”
Natigil si Felix nang magawi ang mata niya sa gawi ko biglang nagtama ang paningin namin. Bahagya siyang nagulat.
“Maia…” Bulong niya.
Lumingon ang babaeng kasama niya at nang makita ko kung gaano siya kaganda ay lalo akong nanliit sa sarili ko.
Mabilis akong tumalikod at umalis sa lugar na ’yon. I heard Felix called my name multiple times pero hindi ko siya nilingon.
Maya-maya lang ay nakasunod na siya sa akin at patakbo akong hinahabol. Nang mahabol niya ako ay hinigit niya ako sa braso paharap sa kaniya.
“Maia, anong problema?” tanong niya at bahagyang hinihingal. “I kept on calling you but you weren’t even looking back.”
Tinitigan ko lang siya.
“May mali ba akong ginawa?” tanong niya.
“Were you toying me?” I asked.
His eyes widened. “Anong sinasabi mo?”
“Sabi mo kasama mo family mo. Sabi mo you were catching up with them. Ano ’yong nakita ko? Bakit need mong magsinungaling?” I asked, pain in my voice.
“Maia—”
“When people said that you were a womanizer who’s addicted to blind dates, I even defended you. Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin?”
Biglang natahimik si Felix.
“Womanizer?” tanong niya. He sounded hurt. “Addicted to blind dates?”
“Hindi ba?” tanong ko. “Are you dating someone else and planning to date me as well?”
Kumunot ang noo niya. “Hindi kita naiintindihan.”
“Were you planning to make me your naive sex toy, huh?” I asked. “Tingin mo ganoon ako kadaling makuha?”
Natahimik si Felix.
“Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa ’kin?” Felix asked.
“At first, hindi, pero ang pinapakita mo ngayon?” I asked back. “Felix, stop playing with me.”
“Yes, I do attend blind dates. Ginagawa ko lang ’yon on behalf of my colleagues na hindi makakapunta but I make it clear na hindi ako ang blind date nila. Second, never kitang tinratong sex toy ko. If you think I invited you to my house because I want to have sex with you, that’s not it.”
“E ano?” tanong ko. “Please stop lying, Felix. Lalo lang lumalala.”
“Womanizer. Sex toy. Now a liar. I’ve never thought na ganito karumi at kababa ang tingin mo sa akin.”
“You know what, Felix? Itigil na natin ’to.”
“What do you mean?” he asked.
“Do whatever you want, wala na akong pakialam,” sagot ko. “Just don’t add me to your collections. If we ever see each other again, ’wag na lang tayong magpansinan. I’m done!”
Iniwan ko si Felix na nakatayo roon at nagsimula na akong maglakad. He wasn’t calling my name this time. Hindi niya rin ako hinahabol.
Pakiramdam ko’y pinagtutulungan ako ng mundo ngayon. Lahat na lang ay sinasaktan at pinaglalaruan ko.
Tama nga si Blaire. Katawan lang ang gusto ni Felix sa akin at wala siyang pinagkaiba sa lahat ng lalaking nakilala ko. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko para maniwala sa kaniya? Na ganoon ako ka-espesyal sa kaniya?
Habang naglalakad ay sari-sari ang pumapasok sa isip ko. Lahat ay tinalikuran na ako.
Wala na si papa. Itinakwil na ako nila mama at ng mga kapatid ko. Maging ang taong akala ko’y nakaka-appreciate sa akin ay masama pala ang motibo sa akin.
Hindi ko malaman kung ano ba ang ginawa ko para maranasan ang ganitong klaseng hirap ng buhay. Gusto kong umiyak pero alam kong hindi iyon ang solusyon.
Hanggang isang ideya ang pumasok sa isip ko. Iyon ang nag-iisang ideya na nagpaparamdam sa ’kin na may rason pa ako para mabuhay.
Dali-dali akong umuwi. Nang makarating ako sa apartment ni Blaire ay nadatnan ko siya sa sala at nag-aayos ng documents niya.
“Oh, nandiyan ka na?” tanong ni Blaire kahit hindi pa ako nililingon. “Please cook something for me, sobrang gutom ko today, hindi kami kumain ni mommy. Naubos ang time namin kakahanap ng magandang med school. Naloka ako.”
“Blaire…” I started and gulped. “Gusto ko ring mag-enroll.”
“Gusto mong mag—WHAT?!” Bigla siyang napatayo. “Seryoso?!”
Tumango ako. “Gusto ko na ring pumasok sa med school. Hindi ko alam kung kaya ko ba talaga o kaya ko ba tustusan ang sarili ko, pero bahala na. Sasama ako sa ’yo—mage-enroll tayo.”
“OMGGGG!!!” Napatili si Blaire at tuwang-tuwang lumapit sa akin. Nagtatatalon ito. “Magiging doktor na tayo! Ahhhhh!”
Ang sarap pakinggan.
Napangiti ako.
Ngayon, sarili ko naman ang iintindihin ko at hindi na ang ibang tao. Sarili ko na ang uunahin ko at sisiguraduhin kong magtatagumpay ako.
Kahit na gaano pa kahirap o ka komplikado, malalampasan ko ito. Kahit na walang suporta ninuman.
MAGIGING DOKTOR AKO.
PART SEVEN: RED FLAG
“MAGIGING DOKTOR AKO!”
It felt good. Ang sarap pala sa pakiramdam na magkaroon ka ng goal sa buhay. Na after being so selfless for so long, you finally decided to choose yourself.
Matagal ko nang kinalimutan ang pangarap ko na maging doktor. Sa hirap ng buhay namin, ni-hindi ko na nga alam kung may karapatan ba akong mangarap-at kung afford ko ba ang mangarap.
“MAIA, Super happy ako for you!” Tuwang-tuwang sabi ni Blaire at nagtatalon pa habang hawak-hawak ang kamay ko. “Prove to your mom na hindi siya kawalan, na kaya mong mag-isa.”
Bigla akong nakaramdam nalungkot. Gusto kong maabot ang pangarap ko kasama ang pamilya ko. Tutal, sila rin naman ang dahilan kung bakit ako nagpupursige sa buhay. Ayaw kong maranasan nila habang-buhay ang hirap na nararanasan namin. Sobrang hirap.
Pero anong magagawa ko? Ang sariling pamilya ko pa mismo ang nagtakwil sa akin. Kaya kahit masakit, kailangan kong unahin ang sarili ko ngayon.
Bigla kong naalala si Papa. Siguro, kung naririto lang siya, sobrang proud niya sa akin. Baka nga bigla pa ’yong maghanda para lang dito. Ganoon ka-supportive ang papa ko, especially sa mga bagay na gustong-gusto ko.
“O, ba’t ka nalungkot bigla?” tanong ni Blaire. “Don’t tell me nami-miss mo ’yong nanay mong buang at ate mong may saltik? Jusko Maia ha, no offense pero ungrateful talaga sila. Nakakainit ng ulo!”
“No, hindi sila,” sabi ko at malungkot na ngumiti. “Si Papa. Siguro sobrang saya niya ngayon kung nandirito pa siya. Alam mo naman kung gaano ka-supportive noon sa akin.”
“I know,” Blaire said and sighed. “Nakaka-miss nga si tito, pero anong magagawa natin? Just make him proud, Maia. Be successful. Kapag sucessful ka na, hindi mo na need habulin ang pamilya mo, sila na ang hahabol sa ’yo. O, ’di ba?”
“Sa bagay,” pagsang-ayon ko. “So ano na? Anong next?”
“Anong anong next?” tanong ni Blaire at natawa. “Syempre, ’no, maghahanap na tayo ng school.”
“May napili ka na ba?” tanong ko.
“Oo, kaso…”
“Kaso?” tanong ko.
“You know, private school kaya super pricey. Almost millions magagastos. Hindi kita malilibre kung sakali…”
“Hoy, anong libre?” gulat kong tanong. “’Wag, Blaire. Nakakahiya sa parents mo. Wala bang mayroong scholarship? Mataas naman ang nakuha kong grade sa pre-med ko at decent naman ang grade ko sa NMAT. Medyo confident naman ako na kaya ko pumasa kung sakali.”
“Hmm, okay, okay,” sabi ni Blaire at binuksan ang laptop niya. “Let’s search online para marami tayong choices. Okay?”
“Sige lang,” sabi ko. “Kung ano ang mad okay.”
We spent the next hour searching for the best school for us. Pero kung hindi sobrang mahal, sobrang layo naman sa amin.
“How about this one?” Blaire asked.
“Super mahal ng tuition,” reklamo ko. “Hindi ko kaya ’yan, Blaire. Mamumulubi ako nang malala.”
“May scholarship naman sila. I think malaki ang magiging less mo,” suhestiyon niya.
“Kahit na may scholarship, malaki pa rin ang need bayaran. Hindi ko talaga kaya ’yan, Blaire. Pasensiya na.”
“No, it’s okay. Ito ang last choice natin,” turo ni Blaire sa isang school. “Public school siya but they only accept the best students. Top school for med school in our country, kaso mahirap makapasok at mag-stay dahil duguan ng utak talaga.”
Biglang natawa si Blaire. “Kaya kaya natin dito? Ganda lang mayroon ako, e.”
“Wala naman sigurong masama kung susubukan natin, ’di ba?” Tanong ko.
Blaire looked at me.
“Blaire, ’yan na lang ang last choice ko. Wala akong pera para gumastos nang malaki… kung makapasok ako sa school na ’yan, napakalaking tulong niyon sa akin.”
“Okay, okay,” she said, sensing my desperation. “Tama ka naman, wala namang masama kung hindi natin susubukan. Mag-online application tayo para sa exam nila and let’s see what will happen.”
“Pero okay lang ba sa ’yo na sa public school ka rin papasok in case pumasa tayo?” tanong ko. “Okay lang kahit sa private school ka, Blaire. Ang mahalaga pareho tayong magiging doktor. No need na magsama tayo.”
“No, ’noh. Dapat magkasama tayo. Tsaka, public school siya but the best one in the country. Okay na rin ’yon. Gusto ko rin namang pumasok doon, kaso takot lang ako bumagsak. Pero nga ’di ba, wala namang masama kung susubukan. Kunin mo na sng documents mo and let’s register online.”
And we did. Nag-register kami online at may entrance exam sila at sobrang taas ng dapat mong makuhang score. One take lang siya at ’pag ’di ka pumasa, hindi ka na puwedeng mag-take pa ulit. Ganoon kataas ang standard nila.
“Oh, shit…” bulong ni Claire bigla.
“Why?” I asked, worried.
“Need ng commendation from a student or professors inside,” sabi ni Blaire.
Kumunot ang noo ko. “Anong ibig sabihin noon?”
“Kailangan makakuha tayo ng commendation letter from a student or a professor inside that school. Shit talaga!”
“Saan tayo hahanap niyan?” tanong ko.
“Hindi ko alam, Maia. Wala akong kakilala sa school na ’yon. I can ask my mom pero hindi ko pa sure. Nakaka-stress naman o, ba’t need pa ’yan?”
“So paano ’yan, wala na?” taka kong tanong. “Wala ba tayong mahihingian ng tulong? I can’t let this opportunity pass, Blaire. Kapag hindi ako nakapasok sa school na ’to, wala na ang pangarap kong maging doktor. Wala pa ako sa posisyon na kaya kong magbayad ng tuition ko. Please Blaire… ask your mom…”
“Kalma ka lang diyan, girl,” sabi ni Blaire. “Let me call my mom.”
Tumayo si Blaire.
“I’ll be back.”
Umalis siya at pumunta sa kuwarto niya. Naiwan ako sa sala at tinititigan ang school mula sa screen ng laptop.
I felt desperate. Ito ang unang beses na naging desperada ako para sa isang bagay.
I stalked their website. Sobrang ganda ng school at nakalagay pa roon ang ranking nila sa buong bansa. Only the best students can get in. Walang basehan sa itsura, pera, o estado sa buhay. Utak lang ang labanan.
Sa pagi-stalk ko ay narating ako sa facebook page nila. I stalked their photos. Mayroon silang recent competition event. I clicked it at tumambad ang mga students na nakilahok.
Napapangiti ako habang tinitingnan sila. Is it weird that I can actually imagine myself wearing their uniform and being one with them?
Naputol ang ngiti ko nang makita ko ang isang litrato. I even clicked on it just to make sure my eyes weren’t playing with me.
My eyes widened. Kaya pala pamilyar ang uniform nila all this time. I saw a familiar face and his usual smile on the photo.
It was him.
It was Felix.
“Dito pala siya nag-aaral…” bulong ko.
“MAIA!”
Bigla kong in-exit ang chrome dahil biglang lumabas si Blaire sa kuwarto niya.
“I have a good news and a bad news,” sabi nito habang papalapit sa akin. “Anong gusto mong mauna?”
“Good news, of course,” sabi ko. “The good news is, my mom will work on the commendation letter for me.”
“And the bad news?” I asked.
“Bad news is… she can’t help you,” malungkot na sabi ni Blaire. “Hindi raw basta-basta nagbibigay ng commendation letter ang mga professors doon sa mga hindi nila personally kilala because it’s their name… sorry, Maia, hindi ko na rin alam ang gagawin.”
Bigla akong natahimik at napa-isip. Hindi ko puwedeng i-let go ang opportunity na ’to. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangang may gawin ko.
Pero hindi naman ako kasing powerful ng pamilya ni Blaire. Wala akong connection, wala akong kakilala-walang makakatulong sa akin.
“Siguro, let’s stop focusing on the professor’s commendation,” sabi ni Blaire. “Let’s look for a student there who can give you one. May kakilala ka ba?”
May kakilala ba ako?
Bigla akong napatinging muli sa laptop.
Oo, mayroon. Pero matapos ang lahat ng ginawa at sinabi ko sa kaniya, tutulungan kaya niya ako?
Para sa pangarap… bahala na.
For the next few days, I tried to reconnect with Felix pero tinatablan ako ng hiya. There were times na gusto ko siyang i-text pero matapos ang lahat ng masasamang sinabi ko sa kaniya, alam kong wala akong mukhang maihaharap sa kaniya.
Sinabi ko rin kay Blaire na si Felix na lang ang makakatulong sa akin. At kahit ayaw niya kay Felix ay wala siyang nagawa. Na-realize niya rin na ito na lang ang way ko para magkaroon ng chance na makapasok sa school na ’yon.
Kaya nang mabalitaan niyang a-attend si Felix sa isang birthday party sa isang club, inaya agad niya akong sumama.
Nang marating namin ang club ay napakaingay doon. Madilim ang paligid, medyo magulo, amoy alak. Halos lasing na rin ang mga tao.
Napahawak ako kay Blaire dahil medyo nakakatakot. Natawa naman siya.
“Ginusto mo ’to, ’di ba?” tanong niya.
Nakasuot ako ngayon ng isang red na dress na ipinahiram niya sa akin. Inayusan niya rin ako at medyo kinulot pa ang buhok ko. The last time na nag-ayos ako ay graduation ko pa ata sa College kaya ang weird sa pakiramdam.
“Tara, I can Felix from afar,” bulong ni Blaire.
Niyakag niya ako papunta sa isang grupo.
“Oh, hi, guys,” bati ni Blaire. “Sorry, we’re a bit late pero hindi naman big deal, ’no?”
“Of course, of course,” sabi ng isang lalaki at hinalikan si Blaire sa pisngi. “Glad you came.”
“Happy Birthday pala,” bati ni Blaire rito. “Anyway, I brought a friend with me. Ist it okay?”
Tiningnan ako ng lalaki at ngumiti. “Of course. Hi.”
“Hi,” bati ko pabalik.
“Maia, he’s Jonas. Jonas, she’s Maia,” pakilala ni Blaire sa amin.
Nagkamayan kami at ramdam kong ang lahat ay nakatingin na sa amin.
“Where’s Ems, though?” tanong ni Blaire.
“Nasa kabila, tara.”
Nang umalis si Jonas at Blaire, Blaire looked back at me and winked. It was a sign to do my agenda with Felix.
Nang tingnan kong muli ang grupo, naroroon si Felix at nagtama ang paningin namin. Mabilis siyang nag-alis ng tingin.
“Uy, upo ka,” suhestiyon ng isang babae. Mukhang tinamaan na rin ito ng alak.
“Oo nga, Miss,” sabi ng katabi nitong lalaki. “Mamaya pa ang balik ni Blaire, for sure. Upo ka muna. Hoy Felix!”
Bigla akong napatingin kay Felix nang tawagin ito ng lalaki. Tumingin ito sa amin at bahagya na ring namumula sng pisngi. Mukhang lasing na rin ito.
“May space pa sa tabi mo, paupuin mo muna,” sabi nito at itinuro ako.
Tumango si Felix at tiningnan ako. “Sure.”
“Upo ka na, girl,” sabi ng babae.
“Thank you,” sagot ko.
She just gave me a flying kiss and I went to the seat beside Felix. For the next minutes, sobrang awkward dahil nagdidikit ang binti at braso namin. Isang malaking couch lang kasi ang inuupuan namin.
Hindi kami nagpapansinan. Hindi niya rin ako kinikibo. Hindi ko naman siya masisisi. After all the awful words I said, he has all the rights to get mad.
“Shot?”
Natigil ako nang bigla akong tanungin ng lalaki sa tabi ko.
Hindi ko alam kung tatanggi ba ako o hindi. Napakataas ng shot at alam kong napakatapang ng alak. Hindi pa naman ako ganoon kalakas uminom. Ilang inom lang at for sure, iikot na ang mundo ko.
Pero sa tingin ko, kailangan ko ng lakas ng loob mula sa alak para mawala ang hiya ko na humingi ng tulong kay Felix.
“Sure,” sabi ko.
Akmang kukuhanin ko na ’yon nang biglang agawin ni Felix.
“No, she doesn’t drink,” sabi ni Felix.
Naghiyawan ang mga kasama namin. Nagtatawanan ang iba.
“Lakas maka-main character niyan, brad, a?” biro ng isa.
“Do you know each other?” one asked.
“Yes,” sabi ni Felix at ininom ang alak. Bottoms up agad.
“Ah, siya ’yong nasa blind date natin, ’di ba?” reaksyon ng lalaki na hindi ko na maalala kung sino.
Tumango lang si Felix.
“Iinom din ako,” bigla kong sabi nang mayroon na ulit na alak.
“Are you sure?” tanong ni Felix sa akin. Iyon ang unang beses na kinausap niya ako ngayong gabi.
Tiningnan ko siya at tumango. “Hanggang sa kaya ko lang.”
“Ikaw ang bahala,” tugon niya.
Sa buong duration ng pag-inom ay hindi na ulit niya ako pinansin. Pero nahuhuli ko siya na sa bawat inom ko ay pinapanood niya ako.
Maya-maya ay tumayo si Felix.
“Saan ka punta?” tanong ko.
“Toilet,” sabi niya.
Umalis siya at gegewang-gewang na. Pinanood ko lang siya hanggang sa pumunta na siya sa comfort room. Pero nabahala ako nang halos limang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik.
“Excuse me,” sabi ko at tumayo na rin.
Nakipagsiksikan ako sa crowd para makarating sa comfort room. Umiikot na rin ang paningin ko at pagewang-gewang maglakad. Lasing na rin pala ako.
Nang nasa labas na ay naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa rin siya.
“Felix?” tawag ko. “Andyaan ka pa?”
Ngunit walang sumasagot.
“Felix-”
Natigil ako nang may narinig akong sumusuka mula sa loob. Alam kong siya iyon.
Left with no choice, pumasok ako sa loob at buti ay walang ibang tao. I found Felix in a cubicle. Sumusuka siya sa toilet at pawis na pawis na.
I caressed his back while he kept puking.
“Ayan kasi,” sabi ko at bahagyang natawa. “Uminom kasi nang kaya-”
I stopped when I burped.
Felix smiled at me habang pinupunasan niya ang gilid ng labi niya.
“Lasing ka na rin…” sabi niya.
Natawa ako at natawa rin siya. Lumakas ang tawanan namin at hindi na namin iyon ma-kontrol dahil wala na rin kami sa sarili gawa ng kalasingan.
“Are you okay?” tanong ko sa kaniya nang humupa ang tawanan namin.
Tumango siya.
Pawis na pawis si Felix at basa rin nang bahagya ang buhok niyang itim na itim at bagsak. Namumula rin ang pisngi at tainga niya st namumungay ang mga mata.
He looked so damn illegal. He was effortlessly hot.
“Don’t drink what you can’t handle,” I said.
Felix laughed a bit. “But I can handle your lips, I supposed.”
Napailing ako. “You’re drunk.”
“Guess I am?” Felix said.
We smiled and were just staring at each other until I finally felt it.
“Would you like to kiss me?” I asked. “Again…”
“You asked me not to bother you again,” he said. “You’re just drunk.”
“Drunk or not, I’ll still ask you the same question. Would you like to kiss me?”
Natigil si Felix. Mula sa mata ko ay bumaba ang tingin niya sa labi ko.
“May I?” he asked.
“You may…” I answered, my voice was more like a whisper.
“We may regret it,” he answered.
“Or we may not?”
In a matter of minutes, I saw ourselves, kissing, hugging, foreplaying. Until I found my hand caressing his bulge. Nakaupo siya sa toilet while I sit on his lap. He was kissing my neck and I was honestly losing it.
“Don’t moan too loud,” he whispered, trying his best to suppress his laugh. “Someone might hear us”
“Can’t help it,” I replied back.
Muli niya akong hinalikan at napapikit na lang ako. Kakaiba ang pakiramdam at hindi ko maipaliwanag.
“I’ll lick you until you beg me to stop…” he whispered.
It was the hottest minutes of my life.
“It’s harder than I thought,” biro ko sa kaniya nang mahawakan ang pagkalalaki niya.
“Hard for you”
I placed my hand on top of his fly. “Can I?”
Felix looked at me. “Would it be your first time giving head?”
I nodded.
He smiled. “Cute.”
“So, can I?” tanong ko ulit.
“Yes but not here,” sabi ni Felix. “Baka may dumating. Mahirap na.”
“Saan tayo?” Tanong ko.
“Follow me,” he said.
In a minute, hawak-hawak niya ang kamay ko nang lumabas kami ng cubicle. May mga lalaki na sa loob at nagulat nang makita kami pero dahil sa presensya ng alak, tinawanan lang namin sila.
Nakipaggitgitan kami sa crowd at bago kami lumabas ng club ay nakita ako ni Blaire. Hindi na ito nagsalita nang makitang kasama ko si Felix but she didn’t look happy at all.
Nang makalabas ay dumiretso kami sa parking lot at pumasok sa loob ng kotse niya.
At sa tagong bahaging iyon, we did the thing that our bodies were craving for. For the second time, we shared the warmth of our bodies and right after that, I fell asleep in his arms.
Kinabukasan, nagising na lang ako na nasa unit na ni Blaire. Napaupo agad ako sa kama at hindi maintindihan ang mararamdaman.
“Panaginip lang ba ’yon?” tanong ko sa sarili.
Kung hindi man ’yon panaginip, it felt so real. Ni-hindi ko rin alam kung paano man lang akong nakauwi.
Lumabas ako ng kuwarto at napatingin ako sa malaking salamin sa unit ni Blaire. Nang hawiin ko ang buhok ko ay nakakita ako ng love mark.
Nanlaki ang mga mata ko. May hickey ako malapit mismo sa dibdib ko. Bigla akong napatakbo pabalik ng kuwarto para magpalit ng damit nang walang anu-ano’y bumukas ang pinto. It was Blaire.
“Kumusta ang Cinderella na bigla na lang tumatakbo palabas ng club kasama ang prince charming niya?”
“Alam mo naman kung para saan ’yon,” sabi ko.
“Asus, ewan ko sa ’yo. Ano kayang ginawa mo para mag-succeed? Sabagay, matanda ka na, kinaya mo na ’yon kaya go lang.”
“Nag-succeed?” tanong ko.
“The thing is, bago pa tayo pumunta roon, I already talked with Felix about the commendation letter. Sabi ko super need mo, kaya he already had an idea kung bakit ka naroroon. Na after telling him to get the fuck off your life, you were there bugging him.”
Napanganga ako. “Nakakahiya!”
“Pero hayaan mo na,” sabi niya. “Nagwagi ka naman, e.”
May inilabas siya mula sa bulsa ng jacket niya at isa iyong letter.
“O, ayan na. Commendation letter from Felix. He dropped by kanina to give this kaso tulog ka kaya ako na lang ang kumuha. Congrats!”
Kinuha ko iyon at hindi mapakapaniwala.
Ang pangarap ko… abot kamay ko na.
Binuksan ko iyon at binasa. Habang binabasa ko ang magagandang bagay na sinasabi ni Felix tungkol sa akin para tanggapin ako ng school, a part of me felt sad. Matapos lahat ng sakit na ibinigay ko sa kaniya, he’s still here to help me.
Then a realization hit me.
Maia… ikaw ang red flag.
PART EIGHT: EMERGENCY
Ako nga ba ang red flag o si Felix pa rin?
Kinukulit ako ni Blaire kung paano ako nakakuha ng commendation letter from Felix. It wasn’t easy to get, according to her.
“Ikaw ha,” naniningkit ang mga matang sabi ni Blaire sa akin. “Don’t tell me binigay mo ang pechay mo?”
“Ang alin-Pechay?!” gulat kong reaksyon.
“Oo. In short, sex,” direktang sabi ni Blaire.
Mabilis kong naitikom ang bibig ko. Gusto kong magsinungaling pero ayon ang nangyari. We had sex and then the next morning, he gave it to me. He knew what I wanted. He knew what I needed.
“Alam mo naman ’yan sila, minsan oportunista. They will take advantage of the situation, especially if you are desperate for something,” Blaire explained. “Felix is a womanizer, of course, init ang katawan ang gusto niya. Are you sure nothing happened?”
“S-Siyempre,” pagsisinungaling ko. “Ano ako, easy to get?”
Oo, Maia. Easy to get ko. To think na dalawang beses na iyong nangyari at parehong ako pa ang nag-initiate, I can’t seem to fathom why Felix still wants me. There’s no thrill in getting me. One hot moment and I’m in. I guess, I’m part of the problem.
“Okay, sige, sabi mo e,” sabi ni Blaire. “Congrats, Maia!”
Doon na ako ngumiti. “Totoo na ba ’to?”
“Oo naman, ’no,” sabi ni Blaire at natawa. “Tawagan ko si mommy, magpa-help ako para mabilis tayong maka-enroll. Omg, can you imagine yourself wearing a white coat?”
I felt as excited as Blaire.
“And I will command you, “Scalpel please.”“
Tumili kaming dalawa.
“Okay, okay, tatawagan ko na talaga si mommy. Dyaan ka muna.”
Nagpaalam sa akin si Blaire at nang ako na lang ang maiwan ay tinitigan kong muli ang commendation letter. Kitang-kita ko ang pangalan ni Felix mula roon.
Did he really give it because I gave him my body voluntarily?
Or masyado lang akong walang tiwala sa kaniya?
I sighed.
Kahit na. Sinabi ko naman sa sarili ko na desperado na rin naman ako para makuha itong letter. A part of me wanted what happened. Kung ginamit niya lang ako to satisfy his needs, I have no regrets at all.
For the past few days, naging busy ako sa pagkukumpleto ng requirements para sa enrollment namin. Nag-qualify ako sa scholarship kaya wala akong gagastusin na kahit na ano at pabor sa akin ’yon.
When Blaire’s mom found out my plan to still work while I’m studying, kinausap niya ako at in-offeran na maging tutor ni Blaire at ng kamag-anak nilang BS Pharmacy din ang pre-med course. I will get enough allowance raw to meet my needs. Tinanggap ko na iyon.
Nang mag-resign ako sa company bilang Customer Service Representative, kinausap ako ng manager ko at sinabing isa ako pinaplano nilang i-promote to a higher position. When he disclosed the salary package, I wouldn’t deny, I almost got swayed by it. Almost doble sa sahod ko.
In the end, I declined it. I vowed to myself na magfo-focus ako sa pangarap ko. Kahit na gaano katagal ang abutin o kahit na ano mang hirap ang danasin ko, pag-iigihan ko.
Ilang araw ang nakalipas ay officially enrolled na kami ni Blaire. Natanggap ako sa scholarship at nakuha na mismo ang schedule ko. Pareho kami ng section ni Blaire at base sa mga nakausap namin ay terror daw ang iba naming professors.
Bumisita kami sa campus para hindi kami masiyado manibago ’pag pasukan na. Kasama namin ang mommy ni Blaire at ang sarap lang sa pakiramdam na kaunting tiis na lang ay magiging doktor na rin ako.
Sa tuwing ganito ang mararamdaman ko, parati kong naaalala si Papa. Siguro kung nandito siya ay sobrang tuwang-tuwa iyon para sa akin.
I hate to admit it but I kinda felt like my family is really better off without me. Nang makausap ko ang bunso kong kapatid, napag-alaman kong nasa probinsiya na sila nila mama at ni ate. May binili si mama na maliit na farm at pinagtutulungan nilang palaguin.
My mom even looked healthier and happier without me. Hindi ko naman siya masisisi.
“Oh, dito ang room namin sa first subject?” rinig kong tanong ni Blaire sa nag-to-tour sa amin.
“Yes, here,” tugon naman nito. “Then after the third break, sa upper floor lang.”
“Puwede pumasok?” Tanong ni Blaire.
“Of course, of course. Come inside,” sabi ng babae.
Masayang pumasok si Blaire kasama ang mommy niya at ang nag-t-tour sa amin.
Ako naman ay naiwan sa labas at tinitingnan ang bulletin board. May mga pictures doon ng mga nakaraang events sa school. Naroroon din ang ilang mga announcements at mga balita.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang makita ko ang congratulatory banner. Nakasaad doon na 100% passing rate parati ang school and most of the grades earned were top notch. Halos mag-hundred per cent na nga ang rank one.
Nagawi ang tingin ko sa ibabang bahagi ng bulletin board and I felt my heart took a sudden leap. In midst of a lot of students having fun, I saw a familiar face. What I find funny was the fact that it was him whom I first noticed.
It was Felix.
Nakasuot ito ng pinaghalong red at black na Polo Shirt. He was competing in a chess tournament at maraming estudyante ang nagche-cheer para sa kaniya.
I smiled.
Kahit na alam kong masiyadong malaki ang school ba ito, there will be a time na magkikita’t magkikita pa rin kami.
After giving him my body in exchange of his commendation letter, ni-hindi ko nga alam kung may mukha akobg maihaharap sa kaniya. Ayaw ko rin namang masumbatan.
A part of me felt bad, too. Paano kung gusto lang niya talaga tumulong? Na with or without sex, he would wholeheartedly help me?
Masiyado na akong nawalan ng tiwala sa mga tao. Na kahit na kaunting tulong lang, pakiramdam ko e dapat ko agad ibalik dahil baka masumbatan ako.
I sighed.
Maia, chill.
“Girl?”
Bigla akong napatingin sa pinto ng kuwarto at naroroon si Blaire.
“Ano hinihintay mo riyan, New Year?” tanong niya. “Halika, dali. Look at our room.”
Tumango na lang ako at nakangiting lumapit sa kaniya.
Hindi nagtagal at dumating na nga ang araw na hinihintay ko. Dumating na ang first day of classes.
Blaire and her mom went early to school. Hindi na ako sumabay sa kanila dahil kasama nila ang daddy ni Blaire at ang kapatid niya. They wanted to show their support for her, at ayaw ko namang makisali sa ganoon. I wanted to give them the family time that they deserve.
“Maia, sorry na,” sabi ni Blaire nang tawagan niya ako. Nasa school na siya at ako naman ay nasa bus station pa, naghihintay ng bus na dadaan sa school. “Only if I knew na ma-a-awkward-an ka with my family, I could’ve requested a separate car for us. Sorry talaga!”
“Okay lang,” sabi ko at tinitingnan ang palagid dahil baka biglang may manghablot ng cellphone ko. “Family time n’yo ’yan. Moment n’yo ’yan and I respect it.”
“Asus, puwedeng-puwede ka namang makisabay. Para kang others,” sabi ni Blaire. “Ayan tuloy, magco-commute ka pa on a Monday morning. Sobrang hassle. For sure, mas pagod ka pa niyan sa biyahe kaysa mismong school.”
Natawa ako dahil ganoon naman talaga. Nakakapagod pa sng biyahe kaysa school o trabaho mismo. Napaka hassle.
“Okay lang, sanay naman ako. Sobrang laki na ng naitutulong mo at ng pamilya mo sa ’kin. Ito lang kaya kong gawin, ’no, to give you the family privacy.”
If it weren’t for Blaire and her family, hindi ko alam kung saan ako pupulitin ngayon. Siguro, nasa kalye ako ngayon at walang matitirhan. If they didn’t help me at all, I doubt kung makakapag-aral pa ba ako ulit.
In fact, Blaire’s mom paid me in advance for the tutoring para raw may allowance man lang ako. Gusto ko mang tanggihan pero kinapalan ko na lang ang mukha ko dahil alam kong kailangang-kailangan ko rin.
“Enough naman ba for you ’yong bayad ni mommy?” Blaire asked.
“Oo, sobra pa nga,” sagot ko. “Tell her gagalingan ko, para hindi siya magsisi.”
“Asus. O siya, sige. Hintayin kita rito sa school, ang dami nang tao. And mind you, ang damin pog pogi! Titikman!”
Nagtawanan kaming dalawa. Nagpaalam na kami sa isa’t isa at isinilid ko na ang phone ko sa bulsa ko at patuloy na naghintay ng bus. Doon ko napansing mas lalong dumami ang mga tao. Mas lalong umingay ang kalsada—mas lalong gumulo.
Napukaw ng isang babae at isang lalaki ang atensiyon ko. Mukha itong mag-asawa at nagtatalo sila sa daan. Hindi ko na nga sana papansinin pa pero mas lalong lumalakas ang mga boses nila kaya lahat ay napapatingin na rin sa kanila.
“Ano, ganon-ganon na lang, ha? Iiwan mo na lang kami ng anak mo?!” galit na tanong ng lalaki at pilit sinusundan ang babae. May dala ang babaeng isang malaking bag na halatang mga damit ang laman.
“Ang ingay mo!” sabat ng babae. “Pinagtitinginan na tayo, ano ba!”
“Sa ibang tao, nahihiya ka pero sa inaasta mo ngayon, hindi? Naknamputa naman, iiwan mo pamilya mo para lang sa matandang lalaki? Mukha kang pera!”
Naghiyawan ang ibang tao, karamihan ay mga kalalakihan. Pinagpipiyestahan nila ang mag-asa.
“A, talaga! Mukha akong pera! Kaysa naman sa ’yo na sugarol, adik sa alak at walang pangarap! Ginugutom mo lang kami ng mga anak mo, wala kang kwenta! Wala kang silbi!” ganti ng babae.
Naghiyawang muli ang ilang mga tao. Ang ilan ay kinukuhanan na nga sila ng video.
“Kung ako walang silbi, ikaw pokpok!”
Sinampal ng babae ang lalaki. Sa sobrang lakas ay biglang nanahimik ang lalaki.
“Wala kang kwentang asawa o tatay. Kaya dapat ka lang iwan!”
Naiiyak na sa galit ang babae.
“Talaga?” Galit na tanong ng lalaki. “Kung iiwan mo lang din ako, papatayin na lang kita!”
“O, sige. Patayin mo na lang ako kaysa ginaganito mo ako!” sumbat ng babae.
Mabilis na umalis ang lalaki at humagulgol naman ang babae. Nilapitan ang babae ng ilang matatanda at pilit itong inaalo.
Nang akala namin ay tapos na ang lahat, biglang bumalik ang lalaki. Pero ngayon ay may dala na itong itak.
Mabilis na naghiyawan at nagtakbuhan ang mga tao. Ang babae naman ay hindi malaman ang gagawin. Kahit ako ay napatakbo sa gilid at natakot.
“Jusko, ano ba ito?!” reaksyon ng matanda sa tabi ko.
“Ano pokpok, labas!” galit na galit na sabi nito. “Nasaan ang lalaki mo ha?! Ilabas mo ’yang pinagmamalaki mo!”
Naiwan ang babaeng mag-isa roon at mukha itong takot na takot. Pinipilit siyang patakbuhin ng mga tao pero alam kong alam niyang mas lalong magiging marahas ang lalaki.
May mga lalaki namang pilit na inaawat ang lalaking may dalang itak pero walang makalapit sa kaniya dahil tinatakot niyang tatagain niya ang mga ito.
“Ulitin mo ang sinasabi mo kanina,” sabi ng lalaki. “Ulitin mo!”
“Wala kang kwenta!” umiiyak na sigaw ng babae. “Kahit na anong gawin mo, hinding-hindi na ako babalik sa ’yo! Kukunin ko ang mga anak ko at mabubuhay kang malungkot at mag-isa!”
“Ikaw na nga ang nagloko, ikaw pa ang matapang?” nangilid ang luha ng lalaki sa galit. “Hinding-hindi mo masisira ang buhay ko. Papatayin kita! Papatayin kita!”
Walang anu-ano’y sinugod nito ang babae. Sa isang iglap, napatili ang mga tao. Inihampas ng lalaki sa babae ang itak at iniharang ng babae ang kamay niya.
Sumirit ang dugo. Humiwalay ang kamay ng babae.
Nagtilian ang mga tao. Halos himatayin ang babae. Bumaha ng dugo sa lugar. Nagtakbuhan ang mga tao.
Nanlaki ang mga mata ko at napaurong.
WHAT THE FUCK.
Tumili ang babae at umiiyak. Humihingi ito ng tulong at hawak-hawak ang naputol na kamay.
Ang lalaki naman ay nabitawan ang itak at hindi makapaniwala sa nagawa. Nanlalaki ang mga mata nito at maya-maya’y tumakbo papaalis. Naiwan ang babae roon na hindi malaman ang gagawin.
Ang mga tao ay nanonood. Hindi malaman kung paano tutulong. Napakarami nang dugo at ang naputol na kamay ay nasa sahig.
Kahit nangangatog ang tuhod at tinangka kong lumapit ngunit mabilis akong napahinto nang may lalaki na lumapit sa babae. Kapareho ko ito ng uniform.
“Kumalma po kayo,” sabi nito sa babae. “Medical student po ako, tutulungan ko po kayo. Pero kailangan n’yo po munang kumalma.”
I recognized him. It was Felix.
“Ang kamay ko… Diyos ko… Ang kamay ko…”
Humagulgol ito habang nanghihina. Doon na ako lumapit at tinakpan ang mata ng babae.
Napatingin sa akin si Felix. He was shocked for few seconds but he remained professional again.
“Kumalma lang po muna kayo, ’nay, magagawan po natin ito ng paraan,” sabi ko.
Tiningnan ko si Felix dahil bigla itong tumayo at hinubad ang uniform niya at ang natira ay ang sando niyang puti. Mabilis niyang inilagay ang damit sa naputulang kamay ng babae. He was applying pressure to it to control the bleeding.
“Ang kamay ko…” Patuloy na umiiyak ang babae at hindi tumitigil. Sa bawat hagulgol nito ay rinig mo ang sakit at panghihina.
“Gaya nga po ng sabi niya, magagawan natin ito ng paraan,” sabi ni Felix. “Sa ngayon ay kumalma po muna kayo at magtiwala sa amin. Hindi ka namin pababayaan.”
He elevated her arm while applying pressure still to control the bleeding.
“Mamamatay na ba ako?” tanong ng babae.
“Hindi po kami pumapayag na may namamatay sa mga pasyente namin,” malumanay na sabi ni Felix.
Tiningnan niya ako habang sinasabi iyon at sinenyasan na kuhanin ang naputol na kamay.
“Please look for a plastic bag and ice, Maia,” mahina niyang bulong sa akin. “Don’t bring a water. Hindi natin dapat hugasan ang kamay.”
Tumango naman ako at tumayo. Saktong sa ’di kalayuan ay may nagtitinda ng mga bottled water at soft drinks. Nanghingi ako ng plastic at ilang mga yelo.
Bumalik ako kay Felix at inabot sa kaniya ang plastic. Ako naman ang nag-apply ng pressure sa sugat ng babae at base sa observation ko ay controlled na ang pagdurugo.
“May damit ka pa bukod sa uniform mo?” tanong ni Felix sa akin.
Tumango ako at mabilis na hinubad ang suot kong uniform. Alam kong kailangan niya iyon para sa amputated hand.
Kinuha ni Felix ang naputol na kamay at ibinalot iyon sa uniform ko.
Iniabot ko sa kaniya ang ice cubes na nasa loob ng plastic.
“May isa pang plastic?” tanong ni Felix. “We cannot let the ice come directly into contact with the amputated arm. It will cause ice burn.”
“Ayan lang ang nakuha ko,” tugon ko.
“Hindi puwede. We are chilling the amputated part to preserve it. Ice burn will make it impossible for the surgeons to reattach it. Saglit.”
Biglang tumayo si Felix at tumakbo papunta sa pinuntahan ko kanina. Pagbalik niya ay may dala na siyang plastic. Ibinalot niya roon ang kamay atsaka ipinatong sa yelo.
Ilang saglit lang ay may dumating na ambulansiya. May tumawag sa mga nakasaksi ng aksidente kanina. Maya-maya lang ay dumating na rin ang kapulisan.
We comforted the woman until the paramedics finally took her. Ininterview pa ng mga ito si Felix habang isinasakay ang babae sa ambulansiya.
Looking at the situation, I think we did great.
And looking at Felix confidently telling the paramedics the steps that we did, I can’t help but to admire him more.
Suddenly, all the trust issues were gone. I felt the same butterflies that I felt in my stomach the first time we met.
Lumingon sa akin si Felix at ngumiti. He gave me a thumbs up.
Napangiti rin ako.
And suddenly, my heart was once again taking a step closer to him…
PART NINE: Love or Not?
Simula nang mangyari ang insidenteng iyon, nagbago ang buhay ko.
Not in a way that I suddenly became a millionaire or anything exaggerated. Let’s say, kahit papaano ay nakilala ako.
No, not as famous as a celebrity-not even an influential either.
May nakapag-video kasi ng insidente at in-upload iyon online. Mabilis iyong nag-viral at naging sikat ako overnight. Naibalita rin in a national television kaya mabilis na kumalat ang nangyari.
Nang dumating ang ambulansya nang araw na ’yon, sumama kami sa ni Felix pareho para masiguradong okay ang pasyente at wala kaming ginawang mali.
Thankfully, the doctor informed us that we really did great. Dumating din ang pamilya ng babae at iyak nang iyak ang mga bata nitong anak, lalong-lalo na ang ina nito.
“Salamat po doktor, maraming-maraming salamat po!” Umiiyak na sabi ng matanda, pinasasalamatan ang doktor.
Akmang ituturo kami ng doktor bilang ang mga sumagip sa anak niya pero sumenyas si Felix na ’wag na. Naintindihan naman iyon ng doktor at nirespeto.
When things were finally alright, sabi na kaming lumabas ng hospital. Wala kaming kibuan ni Felix sa daan nang mga sandaling iyon. In fact, we were even walking beside each other. Madalas na dumidikit ang mga braso namin pero wala siyang reaksyon. Tuwid lang ang tingin niya at naglalakad.
I felt the awkwardness so I tried to slow down. Nirerespeto ko ang space na gusto niya. If he were mad, I would totally understand. After giving him mixed signals before, it’s undeniably okay if he feels mad. Sobrang naiintindihan ko siya.
Pinanonood ko ang mga paa ni Felix habang naglakakad. Nasa likuran na niya ako. In a blink of an eye, Felix stopped. Pati ako ay napahinto dahil doon. He looked back at me and he just stared at me for few seconds.
“Ayaw mo akong kasabay maglakad?” tanong niya.
“Uy, hindi!” Mabilis kong sagot.
“Then there shouldn’t be any reason why we shouldn’t walk beside each other, right?” Felix asked.
Ibang-iba ang aura niya ngayon. I can’t see and feel the ever-caring, soft-spoken and smiley Felix that I fell for.
“O-Of course,” sagot ko at mabilis na lumapit sa kaniya. Just then, we started walking alongside each other. It was a moment of awkward silence again until he finally broke the ice.
“You did great, Maia,” Felix suddenly uttered.
Napatingin ako sa kaniya at bahagyang napangiti. “Did I?”
Felix smiled a little too and nodded.
I then sighed as I looked straight. “I should be the one telling you that. Ikaw gumawa ng lahat, ano? Ako lang ang naghanap ng mga gagamitin.”
“That’s why I said you did great,” Felix told me. “Kung ako lang ang nandoon, I would definitely panic a little. It was my first time and there were bloods. Maselan pa ang case and there were bystanders. Kung ako lang ang kikilos, it would be a hassle looking for ice, plastic-everything while trying to control the bleeding and calming the patient.”
Felix smiled a little more.
“A complete catastrophe.”
“It is,” sagot ko naman at napangiti na rin.
“Kaya salamat at nandoon ka. Things were easier,” Felix said. “You were on the right path, Maia. Maraming pasyente pa ang nangangailangan ng doktor na gaya mo. Thank you for choosing to be a doctor.”
I can’t help myself but to feel so damn good yet feel terrible at the same time.
“I think, mas kailangan ka nila,” sabi ko naman. “The way you handled the situation, it seemed like you’re already a pro. The world needs you, Doctor Felix.”
“You think so?”
Tumango ako.
“The world needs me, but you don’t?”
Bigla akong napahinto at ganoon din siya.
“Oh, past tense pala dapat,” dagdag niya. “You didn’t need me. At all.”
Bumuka ang bibig ko pero hindi ko alam ang sasabihin ko.
He was one of the reasons why I started pursuing this career. Noong gabing pumasa ako sa NMAT, siya ang unang-unang bumati sa akin. Kahit na kakikilala lang namin sa isa’t noong gabing iyon, I felt his sincerity. It felt good to have someone who feels proud of you.
During those days where I felt like the world was drowning me, he was my light in a pitch dark world.
Yet, I reciprocated his good deeds with a broken heart. That’s why I felt terrible. Maiintindihan ko kung magagalit siya sa akin o kung matagal niya iyong dadamdamin.
“It’s okay, Maia,” Felix then said when he sensed the awkwardness. “Nagbibiro lang ako.”
“Ang pangit mong magbiro,” sabi ko sa kaniya para gumaan man lang ang tensyon sa paligid naming dalawa.
Felix let out a small laugh before looking at the sky.
“It’s getting late,” sabi niya. “Ang tagal natin sa ospita. We surely missed our classes. Especially you, first day mo pa naman.”
Tumangu-tango ako. Sa totoo lang, natatakot akong malaman kung ano na ang nangyari sa school. Natatakot akong malaman na galit ang mga professors or na-kick out na ako.
For sure marami nang missed calls at texts si Blaire kaya hindi ko binuksan ang phone ko simula pa kanina. Natatakot akong malaman kung ano na ba ang nangyayari.
“Don’t worry,” he said. “Ako ang nagdala sa ’yo sa ospital kaya I will be responsible for this. Kakausapin ko lahat ng professors mo to tell them what happened so that you’d be excused. Maiintindihan naman nila, for sure.”
“It’s okay,” sabi ko. “Kaya ko namang mag-explain sa kanila. Ako na ang bahala.”
“I took your day. I should be held responsible for everything. Mag-aral ka na lang, Maia. Ako na ang bahala. Go to your class tomorrow as usual. I’d go to school today to talk to them.”
Magsasalita pa sana ako nang bigla kaming mapatingin sa bus na pumarada sa harap namin.
Doon ko na-realize na inihatid ako ni Felix sa sakayan ng bus papunta sa unit ni Blaire without even realizing it. I was really clouded with what happened and the tension between us to the point that I didn’t notice where we were heading to.
He noticed the shock on my face. “See you around, Maia.”
“Y-Yeah, see you…” Sagot ko.
“Sige na, baka iwanan ka ng bus,” sabi ni Felix.
Tumango lang ako at maya-maya lang ay umakyat na. Punuan ang bus kaya sa bandang pinto lang ako nakasakay. Tumayo ako roon at nang umandar ang bus ay tiningnan kong muli ang labas.
Nakita kong naglalakad na ulit si Felix papalayo. Napailing ako sa sarili ko at bahagyang natawa.
“Napano ka, Maia?” bulong ko sa sarili ko. “Ba’t ka nage-expect na hihintayin n’yang umandar ang bus bago siya umalis? Ano ka, girlfriend?”
Ginusto ko naman itong sitwasyon namin. At mas mainam na ’tong sitwasyon namin. I judged him poorly and ruined what we could have because of my trust issue with his faithfulness and loyalty.
Deserve ko naman siguro ang ganito.
Pero sakto nang umandar na ang bus ay doon naman lumingon si Felix. Nagkatinginan kaming muli and just like that, we vanished from everyone’s sight.
Habang nasa biyahe ay sari-sari ang naiisip ko. I don’t know what to tell Blaire. I don’t even know where to begin with. Ang daming nangyari ng araw na ’to.
After fighting with the voice in my head, I finally gathered enough strength to open my phone. Doon naman biglang umingay ang bus at may mga napasinghap pa dahil sa pinanonood ng mga pasahero sa TV.
Pagtingin ko sa TV ay nanlaki ang mga mata ko. Nasa balita ang nangyari kanina. Pinapakita kung paano inatake ng lalaki ang babae at nagtilian ang mga pasahero nang makitang naputol ang kamay ng babae. Of course, the broadcast blurred it but the video was full enough to show the detail.
Maya-maya lang ay lumabas na ako at si Felix sa video at makikitang tinutulungan ang babae. Lumabas pa mismo ang mukha naming dalawa sa TV pati ang mga pangalan namin at kung saan kami nag-aaral.
Napatakip ako ng bibig.
“Oh, ikaw ba ’yon?”
Biglang may nagturo sa akin at maya-maya naman ay sa TV. Napatingin sa akin ang mga tao. Nahihiya akong tumango at laking gulat ko nang lahat ay nagpalakpakan.
Sunud-sunod ang text at tawag sa akin ni Blaire. She started with asking where I was, that I was already late and all. Then she became worried, and her latest text was she saw him on TV.
Mukhang marami raw akong dapat ikuwento.
Nang magbabayad na ako ay hindi na rin ako pinagbayad ng driver. I insisted to pay but he said I deserve a free ride today. Kahit anong bigay ko ng bayad ko ay ayaw n’ya talagang kunin. I just hope na hindi iyon ide-deduct sa sahod niya.
And it was the start. Umingay ang pangalan namin ni Felix and I received a lot of opportunities for an interview. Alam kong ganoon din si Felix.
“Don’t show up,” sabi sa akin ni Blaire nang tanungin ko siya kung dapat ko bang paunlakan ang mga interviews. “Distraction lang ’yan, Maia. If I were you, magre-review na lang ako. Ang hirap kaya magpa-exam nung isa nating prof, ’no!”
That was true. Lahat naman siguro ng subjects namin ay mahihirap talaga. The more I was staying away from the spotlight, the more it moved closer to me.
Felix and I were invited in school and in the mayor’s office. We were both awarded because of the good deed that we did.
Dahil doon ay mas lalong umingay ang pangalan namin. Kahit sino ngang nakakakita sa akin sa campus ay kilala na ako. Dahil doon, I was invited by a lot of school clubs and organizations to join them. Pero kahit isa ay wala akong sinalihan.
Contrary to me, Felix was just chill. Parang wala man lang ngang nangyari. He became an online hearthrob because of the viral video and yet, I didn’t see him take opportunity of the momentum.
Instead, nag-private account pa nga siya sa lahat ng social media accounts niya. Nakikita ko siya sa campus na kahit na pinagtitinginan habang naglalakad ay wala lang sa kaniya.
Sa library naman ay may paborito siyang table roon. Kahit wala pa siya ay may mga nag-iiwan na roon ng letters at chocolates. Kapag naman nakita niya iyon ay hindi niya kinukuha. A lot were brokenhearted, really.
Naka-receive rin ako ng tawag mula sa nakababatang kapatid ko. Sabi niya, napanood daw nila ako sa TV. He told me that mom was proud, but she would rather deny it. Naiintindihan ko naman.
Thankfully, after a month or so, humupa rin ang lahat. Nawala na ang atensyon sa akin at hindi na rin kami gaanong pinag-uusapan—except for Felix of course. Hindi na yata mawawala ang atensyon sa kaniya.
“Kung alam lang nilang nag-date kayo noon ni Felix, they might either envy or hate you,” sabi sa akin ni Blaire once nang makita namin na may humarang kay Felix na mga babae para bigyan ito ng letters. “Nagsisisi ka bang inekis mo siya?”
Umiling ako. “Hindi naman. Tamaang ang naging desisyon ko. Kailangan kong mag-focus sa pag-aaral. He… might be a distraction.”
“Anong might?” sabi ni Blaire sa akin at bahagyang natawa. “Distraction talaga siya. Hindi mo pa alam kung totoo ba o hindi ang ipinakikita niya sa ’yo. Plus, he’s a womanizer, mago-overthink ka lang kung ikaw lang ba talaga ang babae sa buhay niya.”
“But, is he?” Tanong ko. “Kung womanizer si Felix, hindi ba dapat nag-take advantage na siya sa sitwasyon ngayon? He could play their heart easily with the attention that he has now.”
“So, anong gusto mong iparating?” Tanong ni Blaire pabalik.
“Hindi ba’t parang nakakakonsensya?” Tanong ko pabalik. “Maybe we judged him wrongly and unfairly.”
“Ano man ang totoo, ang mahalaga, you’re out from it. Hindi ka masasaktan if ever true dahil you stayed away from him. ’Yon na ’yon, okay?”
“Okay, okay!”
Natigil kaming dalawa ni Blaire nang biglang may sumabat sa pag-uusap namin. Agad ko iyong nakilala.
Katamtaman lang ang height ng lalaki pero ang puti-puti ng balat nito dahil may lahing Amerikano. Napakatangos din ng ilong at namumula ang pisngi.
He’s Chase Alexander Williams, kaklase naming umaaligid sa amin lately dahil gustong-gusto kaming pasalihin ni Blaire sa organization niya.
He’s cute but for Blaire, this guy was weird. Ito at si Blaire kasi ang nangunguna sa klase namin at knowing Blaire, she doesn’t like competition. Kaya kahit gaano pa ka-friendly itong si Chase, Blaire will find a way to turn his offers down.
“Kayo ha, why are you looking at Felix from afar?” sabi nito. “Do you guys like him?”
“At bakit mo kami sinusundan, do you like us?” pabirong sagot ni Blaire at mabilis na dinampot ang laptop niya. “’Wag kami, please. We don’t need a man. Ciao, Williams!”
Hinawakan agad ako ni Blaire sa braso at agad-agad kaming umalis. Ayaw na ayaw talaga ni Blaire sa lalaking ’yon.
Masaya ako sa school kahit na pahirap na nang pahirap ang mga subjects at mga requirements. May times na pumapasok kami ni Blaire na two hours lang ang tulog at kape lang ang laman ng tiyan.
Bukod doon, nagtu-tutor pa ako sa pinsan ni Blaire at minsan kay Blaire na rin kapag nahihirapan siya sa topics kaya kakaunti na lang ang panahon ko para mag-aral.
Kung noon ay si Chase at Blaire ang nangunguna sa klase, for unknown reason, napasali ako sa kanila. Most of the time, ako pa nga ang highest sa exam at may pinakamataas na grade every recitation.
“Congrats, Maia!” Masayang bati sa akin ni Blaire parati. “Mas okay nang ikaw ang highest kaysa si Chase. Hinding-hindi kakayanin ng pride ko, please lang!”
Minsan naman ay lumapit sa akin si Chase at binati rin ako.
“I feel better kapag ikaw sng highest. ’Pag si Blaire, nagsisimula na rin akong mainis. Ano bang problema ng friend mo na ’yon, ’no? Why does she want me gone?”
Bahagya pa itong natawa. Napansin ko nang mabait pala talaga si Chase. Malayong-malayo sa impression ni Blaire rito. Siguro, Blaire was only jusging him so she can have a reason to hate him. Ganoon siya ka-competitive. When I asked Blaire about it, she confirmed it.
“Ewan. Nakakainit siya ng dugo. Basta, ’pag lalaki umiinit talaga agad ang ulo ko,” rason ni Blaire.
Dumating ang panahon na nagkaroon kami ng human anatomy presentation. Ang instruction ay dapat daw namin iyong i-present creatively. Kahit na ano basta raw creative.
Blaire even asked for help from her singer-song writer cousin. Gagawa siya ng self-produced song niya with music video.
At dahil wala naman ako ganoong kalaking pera, I just created a wax figure. ’Yon na lang ang naiisip kong paraan.
Dumating ang araw ng presentation at wala si Blaire sa bahay. She stayed overnight to her cousin so she can polish the song. She advised me to take the train going to school.
Left with no choice, ganoon nga ang ginawa ko. So mukha akong buang na may dalang wax figure sa siksikan na train. Dibale nang ako ang mapipi ’wag lang ang wax figure ko. Pinagtitinginan na nga ko ng mga tao.
I survived. Dumating ako sa station ng bababaan ko na safe ang figure wax ko. Ngunit saktong pagbaba ko ng train ay may lalaking nagmamadali na nakabangga sa akin. In an instant, nabitawan ko ang figure wax at nalaglag iyon sa sahig.
To make things worse, nasira ang model ko.
Napasigaw pa ako nang malakas at ready nang makipag-away nang makilala ko bigla ang nakabangga sa akin.
It was Felix.
“S-Sorry Maia. Oh gosh… Sorry…” Dali-dali niyang pinulot iyon pero kahit anong kabit niya ay wala nang pag-asa.
Nanatili naman akong nakatayo at hindi alam kung iiyak na ba o hindi.
“G-Gaano katagal mo ’to ginawa?” Tanong ni Felix. He really felt sorry. He looked and sounded like it.
“Isang linggo…” Nanlulumo kong sabi at naramdaman na lang na namumuo na ang luha sa mga mata ko. I wanted to get mad but I can’t get mad at Felix.
Pero tuwing maaalala ko ang pera, panahon, at pagod na inilaan ko para sa project na ’to, parsng gusto ko na lang umiyak.
It’s gone.
“I’m sorry, Maia, ang tanga-tanga ko,” sabi ni Felix. “What should I do… uh… Kailan presentation nito?”
“In 20 minutes…” Sagot ko.
Pareho kaming nanlumo.
“For Professor Walt ito, ano? Anatomy… Human body…” Tanong ni Felix.
Tumango ako.
“What should we do… what should we do… uh…”
Maya-maya lang ay muli akong tiningnan ni Felix.
“I have an idea.”
My face brightened. “What then?”
“Kaso… open minded ka ba?” Tanong niyang muli.
Kumunot ang noo ko. “Hindi naman siguro nakakahiya ang idea mo, ano…?”
And of course, I was wrong.
In 20 Minutes, I saw myself inside the classroom, presenting.
Next to me was Felix—NAKED.
May nakadikit na sticky note sa bawat parte ng katawan niya, presenting every parts of the human anatomy.
Nakakahiya siya.
Sobra.
PART TEN: Goodbyes
Simula nang nangyari ang nakakahiyang presentation na ’yon, mas lalo kaming pinag-usapan ni Felix.
Imagine ba naman, a hot young man, topless, and being presented in class as the human anatomy.
Ang nakakatawa pa, nag-viral nanaman kami online dahil may isa kaming kaklase na nag-video ng nangyayari. She posted it online at dahil kilala na kami ni Felix online dahil nga sa pagtulong namin sa babaeng naputulan ng braso, madali iyong naka-garner ng atensyon.
“Alam mo Maia, ba’t hindi ka na lang mag-Vlog?” sabi sa akin ni Blaire one time habang naglalakad kami pauwi. “Malay mo, kumita ka nang malaki at makaipon.”
“You think so?” tanong ko.
Blaire stopped and gave me a bombastic side eye. Bigla akong natawa.
“Really?” she asked. “I was being sarcastic, Maia. Sa dami ng gawain natin as med students, kulang na kulang pa nga ang twenty-four hours sa isang araw. Mag-Vlog ka pa kaya?”
Natawa ako lalo. “I know, hindi mo naman need ipaalala. Ikaw naman nag-suggest e, I was just joking.”
“And FYI,” she said. “Ang baba ng grade mo sa isang subject. Okay lang kung once, pero thrice in a row ka bang lowest. Hindi bagsak, yes, but lowest? Parang hindi naman tayo nag-aaral overnight sa lagay na ’yon.”
“Okay na ako sa ganoon. ’Yon lang ang kinaya ko, e,” sabi ko. “At least pumasa ako at tapos na siya.”
Blaire sighed. Naiinis na siya at hindi niya ako makumbinsi.
“Bahala ka na nga,” sabi na lang niya.
“Bakit ba stressed ka?” Tanong ko sa kaniya. “Nanalo ka naman sa quiz bes kanina, ah.”
May quiz bee kanina sa school at by partner ang laban. Felix and Blaire were teamed up. Nanalo naman silang dalawa.
“Felix is a shit,” galit na sabi ni Blaire. “Sinira niya ang araw ko.”
“Bakit?” Tanong ko.
“Hindi ko alam ang sagot kanina. Ibinulong niya pakunwari sa akin ang sagot. Left with no choice, I took his answer and—”
“—and it was right, you won,” putol ko.
“I know, but that’s not the point. Mas gugustuhin kong matalo kaysa magkaroon ng utang na loob sa kaniya!”
“But he’s nice, isn’t he?” Tanong ko. “Nakita ko kahapon na pinagbuksan ka niya ng pinto noong marami kang bitbit. Marami rin siyang bitbit pero inilapag niya para pagbuksan ka ng pinto.”
“T-That’s bare minimum,” Blaire said.
“Noong nalimutan mo ang work book mo at need ipasa ang activity the same day, he photo copied the work sheets para lang may masagutan ka. ’Yon, I think, hindi ’yon bare minimum,” dagdag ko.
She looked at me once again. “Bakit ba siya ang topic natin ngayon at puro papuri na kang?”
“Kasi deserve niya at mali tayo,” sabi ko. “Maling-mali na pinagbintangan natin siyang babaero. It was so wrong that I treated him badly.”
“Wala tayong patunay na hindi siya babaero,” sabi ni Blaire.
“Mayroon,” sabi ko. “’Yong mga kasama niya noon na akala natin ay mga babae niya, mga kaklase niya lang ’yon. You will never even see him around girls on campus. Kung totoong womanizer siya, dapat he took the opportunity to be around them dahil nga sikat na siya. Pero hindi, walang ginagawa si Felix kung hindi mag-aral lang.”
Blaire opened her mouth to say something but she chose to close her mouth. Maging siya ay wala na ring masabi.
“Ewan ko,” sabi na lang niya. “But I hate everything about that guy.”
I laughed a bit. “Kahit wala siyang ginagawang masama?”
“’Yon nga ang nakakainis. Wala siyang ginagawang masama,” sabi ni Blaire at bahagya na ring natawa.
Napailing na lang ako. Natigil na lang kami nang marating na namin ang labas ng school at naroroon na ang mommy ni Blaire. Susunduin niya kami to celebrate Blaire’s achievement dahil nga nanalo ito sa quiz bee.
After the small talks and greetings, pumasok na kami sa loob ng kotse. Habang nasa biyahe ay hindi umaalis sa isip ko si Blaire at Felix.
Kahit anong gawin ni Felix ay masama para kay Blaire. Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ang hatred niya para rito.
Sa buong duration ng pag-aaral namin ni Blaire sa school ay mas lalong naging challenging ang lahat. Mas humirap ang mga subjects, mas naging demanding ang mga reaqirements at unti-unti na kaming nababawasan dahil hindi na kinakaya ng iba ang hirap.
Nang mag-second year kami ni Blaire ay nag-graduate na si Felix sa med school. Of course, siya ulit ang may pinakamataas na grades. Usap-usapan pa nga he was too good to be true. Parang he’s like a living fictional character.
Nang tanungin siya ng isang professor kung anong plano niya after ng med school, he said he would take a residency. Lahat ay napahanga.
After finishing med school, you have an option to take residency for 2-7 years or maging doktor na. The year depends on the specialty you want like for instance, for general surgery the residency takes 5 years. If you want to take subspecialty like cardiovascular disease fellowship, you will render another 2-3 years before you can be an attending physician.
Walang katapusang pag-aaral nga iyon. Kahit si Blaire na galit na galit kay Felix ay hindi maiwasang humanga.
Simula nang grumaduate si Felix ay hindi ko na siya masiyadong nakikita. Doon na kasi siya nagta-take ng residency sa hospital ng school, which is three minutes away lang sa campus.
Minsan nagkikita na lang kami sa coffee shop sa tapat ng school. Magngingitian at kawayan lang, tapos na. Sobrang gwapo niya tingnan sa white doctor coat na suot niya. Lahat ay literal na napapalingon sa kaniya.
Doon ko na-realize na I was falling for him again. Hindi naman nawala ang feelings ko para kay Felix. This time, mas lalo akong humanga sa kaniya.
My stay in the university was a roller coaster one. Whenever I had the chance to, bibisita ako sa ospital para lang makita si Felix, taking inspirations to move forward, since med school is pure hell. Minsan naman, tatambay ako sa coffee shop, hoping na dadaan doon si Felix at magkikita kami.
Time flew so fast. After all the hardships, we finally reached the fourth year. Kami naman ni Blaire ang gra-graduate at susunod na mag-i-internship sa school hospital. Iyon naman ang panahon na pa-graduate na si Felix sa 3-year Cardiology Fellowship niya.
Sa totoo lang, excited ako. I was too excited because this is the time that I’d see Felix all day. That we’d finally have interactions as he orders me around. The usual hospital romance.
But one thing happened that made me lose my hope. Nasa coffee shop kami ni Blaire nang may mga pumasok na mga naka-white coat. Agad kaming napatingin pero wala roon si Felix.
Pero napansin namin ni Blaire na pinag-uusapan nila kami. Nang di sila makatiis ay nilapitan nila kami.
“Maia, right?” sabi ng isang babae.
Nagkatingin kami ni Blaire bago ako muling tumingin sa babae at tumango.
“Opo, bakit po?”
“Sorry kung sudden ha,” sabi niya. She looked worried. “Pero by any chance, alam mo ba kung nasaan si Felix?”
Kumunot ang noo ko.
“Why?” Blaire then asked. “Why are you asking?”
“Tatlong araw na kasi siyang hindi pumapasok,” sagot ng isang lalaki. “Tatlong araw na rin namin siyang hindi ma-contact. Literal na walang ibang nakakaalam kung nasaan siya.”
“B-Bakit?” tanong ko. “May nangyari ba?”
Nagkatinginan sila ng mga kasama niya.
“Wala siyang alam…” sabi ng isa.
“Walang alam saan?” tanong ko ulit.
Doon ako tiningnan ng babae. “He lost his mother three days ago. She died in the hospital where Felix was working at…”
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Puro romance ang iniisip ko, habang si Felix pala ay may mabigat na pinagdadaanan.
Base sa mga kaibigan ni Felix, he didn’t tell them where the funeral was being held on. Nang hindi mailigtas ang mommy niya sa ospital and was proclaimed dead, he disappeared too. Hindi na nila ito nakita simula nang araw na ’yon. He didn’t even finish his shift or informed them that he would not to.
Pagbalik ko sa klase ay hindi ako mapakali. Hindi nawawala sa isip ko sa Felix. Sobrang bigat ng nararamdaman ko dahil alam na alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng mahal sa buhay.
Hinding-hindi ka makaka-move on. Pipilitin mo lang na mag-move forward, pero sa tuwing maaalala mo ay magbre-breakdown ka lang.
Knowing that Felix didn’t tell anyone about it, he must be suffering alone. Wala siyang kasama na puwedeng magpagaan ng loob niya kahit papaano. Alam kong sobrang bigat at sobrang hirap ng sitwasyon niya.
“Miss Brynn?”
Nagulat na lang ako nang bigla akong tawagin ng Prof.
“Po?” Bigla kong tanong.
“Kanina ka pa tulala riyan at hindi mapakali,” sabi niya. “Do you wanna go outside and wash your face, kung inaantok ka man?”
Nagtawanan ang mga kaklase ko.
“Puwede po ba?” Tanong ko pabalik.
The prof was taken aback. She probably wasn’t expecting that I’d take it.
“Sure, go ahead,” sabi niya.
Nagpasalamat ako at tumayo na para lumabas. Totoong hindi talaga ako mapakali. Sobrang distracted ako at hindi mapanatag.
Habang papunta sa CR ay napahinto ako nang biglang may tumawag sa akin. Unknown number kaya sinagot ko na, baka kasi si Felix na ’yon.
My hope lost when I realized that it wasn’t him.
“Maia, si Rex ito, kaibigan ni Felix. Alam na namin kung nasaan siya…”
I went to that place after the call. I literally ditched my class for Felix. Alam kong kailangan niya ng kasama ngayon. Ni-hindi ko na inisip ang magiging consequence ng ginawa ko. Bahala na.
Nakarating ako sa lugar at puno ng tao ang funeral home. May mga umiiyak, nag-aalok ng kape, at may mga nagbabaraha.
Malungkot ang mga tao pero may kaunting ingay. Sa harap ay may umiiyak habang tinitingnan ang pumanaw.
Sa tabi ng umiiyak ay naroroon si Felix. Malungkot na malungkot ang mukha niya pero hindi naman namamaga ang mga mata niya. Mukhang hindi pa naman siya umiiyak.
Pumasok ako sa loob at umupo sa pinakadulong bahagi ng upuan. Pinagmamasdan ko ang paligid.
Walang ibang umaasikaso sa lahat maliban kay Felix. Siya ang sumasalubong sa mga lumalapit sa labi ng mommy niya. Siya rin ang naghahanda ng mga pagkain. May mga mangilan-ngilan na tumutulong sa kaniya para mag-prepare at mag-distribute niyon sa mga bisita.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng kaibigan ni Felix sa akin.
He’s half-German, but he grew up in New York. Naghiwalay ang parents ni Felix noong bata pa lang siya at bumalik sa Germany ang tatay niya. His mom got the child custody at hindi na raw nakita ni Felix ang tatay niya simula noon. Sabi ng kaibigan niya, he loathed his father so much.
Tanging nanay lang niya ang nagtaguyod sa kaniya. Hindi na raw nag-asawa pa ulit ang nanay ni Felix at nag-focus na lang sa pag-aalaga kay Felix at sa pagpapalago ng restaurant nito.
Pero noong high school si Felix ay nagkasakit ang nanay niya. Masiyadong malubha kaya napili ni Felix na mag-med school para siya mismo ang magpapagaling sa mommy niya.
Iyon daw ang rason kung bakit laging pursigidong mag-aral si Felix. He wanted to be as professional and as good as he could so he could treat his mom. Pero nang malapit na nga siya sa pangarap niya, hindi na ’yon nahintay pa ng mommy niya.
Seeing him now, parang gusto kong maiyak. Felix wasn’t showing any sign of his fragile side in front of the guests. Kalmado lang siya at composed.
Halos magmamadaling araw na nang umalis na ang mga tao at ako na lang ang naiwan. Doon ako napansin ni Felix. Ilang oras na akong naririto pero wala akong lakas ng loob na lapitan siya. I was just observing him the whole night.
“K-Kanina ka pa?” Tanong niya sa akin. Medyo nagulat pa nga siya.
Tumango ako. Walang rason para magsinungaling.
“Ikaw lang?” Dagdag niya at tiningnan ang paligid.
Tumango ako. “My sincerest condolences, Felix…”
Bahagya lang siyang tumango at naglakad papunta sa mommy niya. Sumunod naman ako.
Silence swallowed us both until he finally broke the ice.
“Hinahanap ba nila ako?” tanong niya.
“Lahat sila,” sabi ko at napalunok.
Tumangu-tango siya at tiningnan ang mommy niya.
“Mommy, may bisita ka po ulit,” sabi ni Felix.
Tiningnan ko ang kabaong at bahagyang ngumiti.
“Hello po tita, ako po si Maia. Schoolmate po ako ni Felix.”
“Kilala ka ni Mommy,” sabi ni Felix at mapait na ngumiti.
Tiningnan ko si Felix, bahagyang gulat pero naguguluhan.
“Mommy, siya po ’yong kinukuwento ko sa inyo na babaeng naka-blind date ko. ’Yong gandang-ganda po kayo,” sabi ni Felix. “Pasensya na po kung sa ganitong sitwasyon n’yo siya nakilala nang personal…”
My lips parted.
Kinukuwento niya ako sa mommy niya? So seryoso talaga siya sa akin nang mga panahong iyon.
Bahagya akong naluha dahil ang sakit sa puso ng nangyayari. Naaalala ko ’yong mga panahong kinakausap ko si tatay sa loob ng kabaong niya. Para akong mamamatay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko nang mga panahong iyon. I can’t imagine how painful it is for him, especially that he only has his mom.
“You look like your mom,” I said, trying to lift up the atmosphere.
“Really? Sabi naman ni mommy kamukha ko ang daddy ko. Weird,” Felix said and sighed.
Pareho kaming natahimik nang ilang segundo nang muli siyang magsalita.
“Hindi pumasok sa isip ko ang magdoktor noon,” sabi niya. “Ni-hindi ko nga alam ang gusto ko dati. I decided and devoted myself to be a doctor when my mom was diagnosed of such illness. Doon ko nasabi sa sarili ko na ito ang gusto ko, para sa mommy ko.”
He gulped, trying to suppress his voice from cracking.
“Kaya nagpursige ako kahit mahirap. I topped the NMAT, attended the number one medical school in the country, graduated with honors, nag-fellowship… Pero nang malapit ko nang matupad ang lahat, doon naman nawala ’yong rason kung ba’t ko ’to inumpisahan.”
He heaved a sigh. Ang bigat sa dibdib.
“I feel so lost, Maia. Parang ’di ko na kayang mag-function ulit…”
I felt the tears in my eyes. Sobrang sakit pakinggan. He was in deep pain and it showed. Pero walang luha sa mga mata ni Felix. Pinipigil niya iyon.
“Noong isinugod si mommy sa ospital, nasa kabilang kama lang siya. I was only informed when I was treating the other patient. Kailangan kong mag-focus para masalba ko ang pasyente ko kahit nagbre-breakdown na ako at hinihiling na sana magawan ng paraan ng doktor na may hawak sa mommy ko ang kalagayan niya…”
That’s when his voice broke.
“Noong natapos na ako, dali-dali akong pumunta kay mommy… but it was late. Naghihinalo na siya. When she saw me with her half-closed eyes, she smiled at me for one last time. I held her hand and she uttered something before closing her eyes.”
Felix smiled bitterly.
“Felix…” He said. “Her last word was my name… At wala akong nagawa. Doktor na ako, ang dami kong naisalbang buhay pero hindi ang buhay ng mommy ko…”
That’s when I broke down. Tumulo ang luha sa mga mata ko.
Namumula naman ang mga mata ni Felix pero pinipigilan niya ang pag-iyak.
“Felix…” I said and he looked at me. Sobrang bigat ng sitwasyon. “Do you want a hug?”
His lips partly opened. Pulang-pula na ang mga mata niya. He looked so wrecked. “Huh?”
“Do you want a hug?” Ulit ko. I opened my arms and he was confused at first.
Until in no time, he hugged me. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at ilang segundo lang ay nagsimula na siyang humagulgol.
“I’m sorry mommy…” bulong niya. “Patawad po…”
PART ELEVEN: Foolish Love
When you lose your parents, you will never be the same again.
Alam na alam ko ’yon nang pumanaw ang papa ko. Araw-araw kong pinipilit ang sarili ko na magiging okay din ako. Na makaka-move on rin ako.
I guess, hinding-hindi talaga tayo makaka-move on. Matatanggap natin siguro, pero darating ang mga oras na bigla-bigla na lang tayong magbre-breakdown.
Kaya nang tuluyang nagbago si Felix nang mawala ang mommy niya, hindi na ako nabigla. Minsan na lang itong pumapasok sa ospital, hanggang sa unti-unti ay hindi na.
Wala na ring nakakaalam sa mga nangyayari sa kaniya. Hindi na ito uma-attend ng mga seminars. Kapag pinipilit ito ng mga kaibigan niyang makipagkita sa kanila, isang linggo raw ito bago mag-reply.
Kapag nag-reply naman, dine-decline lang sila. Laging sinasabi na busy daw, pero hindi naman nila malaman kung ano ba pinagkakaabalahan nito.
Isang araw, pumunta pa ang mga kaibigan niya sa school para lang pakiusapan ako.
“Please, Maia, pabisita naman si Felix,” sabi ng isa. “Medyo nag-aalala na kasi kami, hindi namin alam kung ano pinagkakaabalahan noon.”
“Oo nga,” saad ng isa pa. “Pag-aaral ang pinakagusto niya sa buhay. The fact that he doesn’t go to the hospital anymore, masiyadong alarming for us. Especially sa mental state niya ngayon.”
Bago pa ako makapagsalita ay biglang sumabat ang kaklase ko na naging close ko lately.
“E bakit si Maia?” sabi nito.
“Oo nga, bakit si Maia?” sabat ng isa pa. “Seniors na kami, for sure alam ninyo na ito ang busiest year. Hindi na nga kami natutulog sa dami ng ginagawa namin, why give Maia the burden to take care of your friend?”
“Correct,” biglang sabi ng unang nagsalita. “Kung hindi n’yo kaya, what more pa si Maia?”
“No, no, no,” sabi ng kaibigan ni Felix. “Hindi namin kaya, pero si Maia, oo.”
“Bakit, ano ba ’yon ni Maia? Jowa?!” sabat ng kaibigan ko.
Natahimik ang lahat. Biglang hinampas ng isa kong kasama ang kaibigan ko na ’yon.
“Girl, naging almost sila, ’di ba?!”
“Ay…” Biglang napatingin sa akin ang kasama ko.
“It’s okay,” tumingin ako sa mga kaibigan ni Felix at pilit na ngumiti. “Ako na ang bahala, susubukan ko siyang kausapin kapag free ako.”
“Thank you, Maia!” masiglang sabi ng isa. “We know super busy ka, pero wala na kasi kaming choice. Among anyone, alam naming ikaw lang re-replyan ni Felix agad-agad. Kami kasi isang linggo bago pa niya reply-an. Kaya kung matutulungan mo kami, that’d be great.”
“At alam naming busy ka—kayo—pero wala na kaming choice. Worried kami sa buhay ng kaibigan namin. Nakita mo naman ang estado niya last time, ano?”
Biglang pumasok sa isip ko ang panahon na inilibing ang mommy ni Felix. Hindi ito nagsasalita noong una pero namumula ang mga mata. Matapos umuwi ng mga nakipaglibing ay doon ito nag-breakdown.
Grabe ang hagulgol niya to the point na hindi na siya makahinga nang maayos. His friends had to assisst him pa dahil medyo delikado ang naging lagay niya.
“Of course, I know,” sabi ko. “Naiintindihan ko. ’Wag kayong mag-alala, susubukan ko at gagawa ako ng paraan. Hindi na iba sa akin si Felix.”
They said their thanks once more before they finally left. Sa buong klase ay hindi ako masiyadong nakapag-focus. Buti na lang at na-advance study ako sa lesson na ’to kaya kahit papaano ay hindi ako behind.
Napansin iyon ng teacher namin kaya nang tinawag niya ako para mag-explain, nakasagot naman ako kahit papaano.
Sa totoo lang ay nagu-guilty ako kay Felix. Noong mga panahon na kailangang-kailangan ko ng karamay noong mga panahong walang-wala ako, tinutulungan ako ni Felix emotionally nang hindi man lang niya nalalaman. Pero ngayong siya ang kailangan ng kasama, ako naman itong hindi makapaglaan ng oras.
Noong mga unang araw matapos ang libing ng mommy ni Felix ay madalas kaming makapag-usap. Pero nang dumaan ang mga araw, naging madalas na lang hanggang sa nawalan na ulit kami ng komunikasyon dahil nga sobrang busy ko na sa school.
Nang sabihin ng mga kaibigan niyang ilang araw o halos isang linggo bago siya mag-reply ay lalo kong naramdaman ang guilt. Paano ba naman kasi, wala pang isang minuto ay nagre-reply na siya.
Dumating pa nga sa punto na nakatulugan ko na siya at paggising ko ay tadtad ako ng chat mula sa kaniya. I explained na nakatulog ako sa sobrang pagod at hindi naman niya iyon ginawang big deal. Naintindihan naman ni Felix.
I knew he needed someone to be with. Someone that he could rely on, especially these days that he feels so weak and fragile.
Matapos ang klase namin ay umuwi ako agad para mag-ayos. I was planning to go to Felix’s place. Dala-dala ko na nga ang paper works ko para may rason ako kunwari sa pagpunta ko sa kaniya.
Bukod sa makakamusta ko na siya, makakahingi pa ako ng tulong sa mga paper works ko. Win-win situation, ika nga.
’Yon nga lang, nagtatalo ang isip ko kung dapat ko ba siyang isurpresa na dederetso na lang ako sa bahay nila nang walang pasabi dahil baka humanap siya ng way na tanggihan ako, o dapat ko muna siyang i-text at irespeto ang privacy niya.
Nagtatalo pa ang isip ko nang bigla akong maabutan ni Blaire. Pagod na pagod ito galing school.
“Ikaw ha, hindi mo ako hinintay umuwi,” sabi niya sabay hagis ng bag niya sa sofa at ibinaba ang iced coffee na hawak niya sa table. “Bakit ba nagmamadali ka kasi at hindi mo na nahintay last class ko?”
“Ewan ko, pagod din siguro ako,” sabi ko at kinuha ang phone ko sa table. “Sorry na.”
“Tse!” Biro niya sa akin. Pareho kaming natawa.
Natigil siya nang mapansin ako.
“Maia, bakit bihis na bihis ka? Are you going somewhere?” taka niyang tanong.
“H-Huh?” Tanong ko at bahagyang ngumiti, ngunit pilit. “Oo, e. Stressed ako sa school, kailangan kong mag… uh… unwind.”
“Pagod daw pero lalabas? The math is not mathing,” sabi ni Blaire. “True ba?”
Tumango ako. “Burned out na ako, Blaire.”
“Asus,” sabi nito. “Okay, sige. Wait for me, mag-unwind tayong dalawa.”
I panicked. “Naku, ’wag na. Kaya ko na ’to. Besides… I need me-time.”
Tiningnan ako ni Blaire at biglang naningkit ang mga mata niya.
“Maia, tell me honestly…” panimula niya.
“Hmm?” kinakabahan kong tanong.
“Are you hiding something from me?”
“Huh?” bigla kong sagot at napalunok. “Ano namang itatago ko sa ’yo?”
Nagkibit-balikat siya. “I don’t know, baka lang naman.”
“Ba’t ako magsisinungaling sa ’yo?” tanong ko.
Maia… you are lying already…
“I don’t know,” sabi ni Blaire. “Or are you meeting someone else? Felix, maybe?”
“Of course not!” Mabilis kong sagot. I really sounded guilty.
“Sure?” Tanong niya.
“Sure,” tipid kong sagot.
Blaire hated Felix for some unknown reasons. Ayaw na ayaw niyang madidikit ako rito or nakikipagkita. Feeling niya kasi ay distraction lang ito sa pag-aaral ko at wala talagang naitutulong.
I mean, she has all the rights to say it. Siya ang tumulong sa akin para makapag-aral ako. Pamilya niya ang tumutustos sa pag-aaral ko. Sa kanila ako nakatira at sila ang nagpapakain sa akin. Without Blaire, I am nothing.
“Maia, girl,” sabi ni Blaire at lumapit sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, sinusuri ang suot ko. Doon ko napansin na napuna niyang sinuot ko ngayon ang damit na lagi kong sinusuot kapag nagkikita kami ni Felix. I feel confident kasi sa damit kong iyon.
Napalunok ako. Alam kong hindi tanga si Blaire para hindi mapansin iyon.
“Alam mong ayaw ko sa lahat ang nagsisinungaling sa akin, ’di ba?” sabi niya. “Especially kung ang hangarin ko lang ay protektahan iyong taong iyon.”
Bumuka ang bibig ko pero hindi ako nakapagsalita.
“I trust you, Maia, kaya please don’t disappoint me,” she added.
With my heart pounding wildly inside me, I forced a smile. “Of course.”
Doon din ngumiti si Blaire. “O, siya, sige, alis ka na. You might really need that self-time mo.”
Naglakad si Blaire at may kinuha sa bag niya. Naroroon ang camera niya.
Isa sa hilig ni Blaire ay ang pagkuha ng mga litrato. She only does that kapag worn out siya. Back then, phitigraphy something that she likes to do. She only did stop doing that when she got busy with her studies.
Gumagawa pa nga siya ng mga libro para rito. She would stick the polaroids on them and explain how beautiful it is.
Isang beses ko lamang iyong nakita. Nang makita kasi ako ni Blaire na tinitingnan ko ang mga libro niya, she got mad. She explained to me na privacy niya iyon at kahit parents niya ay hindi iyon tinitingnan. Nag-sorry naman agad ako.
“You took pictures?” tanong ko sa kaniya.
“Ah, yea,” sabi ni Blaire. “A lot. Padalha na lang ang susi, Maia, please. Baka kasi makatulog ako, e. Hindi kita mapagbuksan ng gate.”
“Okay lang, ano ba,” sabi ko at nagpaalam na.
Nang nasa labas na ako ay pinilit kong alisin ang guilt sa akin. I lied to Blaire. I even promised not to do it, but I did. Nakaka-guilty nang sobra.
Pero kapag sinabi ko naman sa kaniya na aalis ako ngayon dahil makikipagkita ako kay Felix, alam kong hindi siya papayag.
Kailangan na kailangan ako ni Felix ngayon.
Habang naglalakad ay tiningnan ko ang phone ko. I’ve decided to call Felix. I didn’t want to invade his privacy. Kahit naman ako, ayaw ko ng ganoon.
Tumawid na muna ako sa pedestrian lane at nagsimula na siyang tawagan. Bigla akong natigil nang mapukaw ng atensyon ko ang isang lalaki na nasa labas ng pet shop. Tinitingnan nito ang mga aso mula sa bintana.
Nag-ring din ang phone niya at nakita kong tinitigan niya ang tumatawag.
It was Felix. Nakasuot lang ito ng dilaw at flowered-design na polo at puting shorts. Nakasuot din siya ng puting sapatos. Nasa kabilang side lang siya ng kinatatayuan ko.
Felix just watched his phone. He didn’t do anything at all. Hinihintay lang talaga niyang tapusin ko ang tawag.
I ended the call and it seemed like Felix really needed that self-time.
Akmang aalis na sana ako at tumalikod na nang bigla naman akong muntik mabangga ng kabataang nagba-bike. Tumili ako at sumigaw naman siya.
“Tanga!” sigaw nito sa akin. “’Wag ka humarang sa daan, nabili mo ba ’yan?!”
Lahat ay nagtinginan sa akin. Hiyang-hiya ako. Pagtingin ko sa harap ay nakatingin na sa akin si Felix.
He awkwardly raised his hand slightly, signalling me a ‘Hi’. Hiyang-hiyang nagtaas din ako ng kamay. Sana kinain na lang ako ng lupa.
The next thing I knew, I was beside him. Tinitingnan pa rin niya ang mga aso sa glass wall ng pet shop.
“Why were you calling me?” tanong niya. “May problema ba?”
“And why did you just stare at your phone instead of actually answering it?” tanong ko pabalik.
Biglang natawa si Felix at tiningnan akong muli. “Sorry, nabigla kasi ako. If it was another person, I would’ve just declined the call.”
“But for me, you hesitated?” tanong ko pabalik.
“Because you are special, Maia,” he said. “Special for me.”
I scoffed jokingly. “Pero hindi mo pa rin sinagot.”
“I didn’t have enough bravery,” Felix said. Tiningnan niyang muli ang isang aso na kanina pa umiikot-ikot mula sa glass wall at nakikipaglaro sa kaniya. “Cute.”
“Kukunin mo?” tanong ko sa kaniya habang tinitingnan din ang aso. “The dog picked you.”
Bahagyang natawa si Felix. “I can’t be his owner. I’m not worthy.”
“Bakit naman?” gulat kong tanong.
Doon ako hinarap ni Felix. Nagkibit-balikat siya. “Sasabihin ko sa ’yo mamaya. Busy ka ba? Magpapasama sana akong mamili ng groceries. Wala na akong makain sa bahay, kilala na ako ng mga rider ng FoodPanda.”
Bigla akong natawa. “I didn’t expect that.”
“Didn’t expect what?” Felix asked.
“Na magpapasama kang mag-grocery,” sabi ko. “Akala ko magpapasama kang maglakad-lakad sa sea side, tumingin ng sunset o manood ng sine.”
Felix’s smile widened. “Nagawa ko na lahat and nothing made me feel better. Maybe a grocery with you will do. Okay lang ba? Puwede ka na umuwi after, I won’t… take much of your time.”
Felix was being transparent with me. He wasn’t sugarcoating anything at all. Ipinapakita niyang he was still in pain.
“Of course,” sabi ko. “Kahit na ano, may time ako hindi lang para sa grocery, kundi sa ’yo rin.”
Felix looked brighter than before. “Thank you, Maia.”
“Nothing to say thanks about,” sabi ko at hinawakan si Felix sa braso niya habang nagsisimula kaming maglakad.
He was a bit shocked. I just gulped and showed my confidence.
“Okay lang naman ’no?” tanong ko sa kaniya.
Felix looked at me and his lips curved a sudden smile. “A dream come true.”
Akala ko nang gawin ko ’yon, s’ya ang kikiligin. Pero mukhang maling-mali ako roon dahil ako ang kinikilig sa mga sinasabi niya.
Nagsimula kaming mag-grocery ni Felix. Napansin kong strict siyang mamili. He will take a lot of time in a specific section. Hinding-hindi talaga siya aalis sa isang lugar hangga’t hindi niya nasisiguradong wala na siyang kailangan doon.
“Ayaw ko kasi nang pabalik-balik,” sabi ni Felix. “Nakakainip ba?”
“No, no,” sabi ko. “Nakaka-amaze lang.”
Very particular din siya sa expiration date ng mga binibili niya. Sobrang responsable talaga niyang tao.
After naming mag-grocery ay naglalakad na kami papunta sa kotse niya. I told him na huwag na niya akong ihatid sa pag-uwi at maglalakad na lang ako. Natatakot kasi akong makita kami ni Blaire.
Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya ay bigla siyang nagsalita.
“Maia, I have… a really big problem,” He said.
“How may I help?” tanong ko agad pabalik.
Felix sighed at first and smiled weakly. “Lahat ng binili ko ngayon… I… uh… I don’t know how to cook them.”
“I can cook for you,” sabi ko agad. Maybe he was asking me to come over. “Tinola itong isa, ’di ba?”
“Yea but…” he stopped and sighed again. “That’s my mom’s specialty. I hate how bland tinola tastes but whenever my mom cooks it, sobrang sarap.”
Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano ko siya ico-comfort doon.
“I had been trying to copy how her Tinola tastes… Pero wala talaga…”
He looked and sounded sad, really.
“Felix…” sabi ko. “Hindi man ako kasing galing ng mama mong magluto, pero ipagluluto kita. May I come over tonight?”
Tiningnan ako ni Felix at maya-maya ay umiling. “Busy ka, Maia, alam ko, napagdaanan ko ang year na ’yan. Graduating ka, you should focus on your studies. Don’t mind me, kaya ko ang sarili ko. I won’t harm myself too, if that worries you. Tell my friends not to bother you again the next time they ask for help. Magiging okay din ako.”
He knew what was happening.
“Sobrang pasasalamat ko na na pinaglaanan mo ako ng oras,” sabi niya. “That’s why you deserve to know what I’ve been up to lately.”
“You are up to something lately?”
Tumango siya. “The reason why I didn’t take the dog in the petshop is because… I’m leaving.”
I was baffled. “Leaving? What… do you mean?”
“I applied as a volunteer doctor overseas,” he said. “Sa mga casualties ng gera, or crisis. Something like that.”
Natahimik ako. Hindi ko alam slang sasabihin ko.
“Napansin kong nawalan ako ng gana sa lahat. Maybe that will help me to feel the will to do my passion again, which is working as a doctor.”
“Have you ever informed someone about it?” tanong ko.
Umiling siya. “No. I usually tell my mom about it. Sa lahat ng desisyon ko sa buhay, siya ang unang nakakaalam. Now that she’s gone, isa na lang ang natitirang babae sa buhay ko.”
He smiled at me.
“That’s you.”
PART TWELVE: The Truth
“It’s you…”
Bahagya akong natulala kay Felix at hindi agad nakapagsalita. He sounded genuine and he was looking at nothing but my eyes.
Sabi niya noon, kinukwento niya ako sa mommy niya. Lahat ng nararamdaman niya sa akin at ang mga pinagsamahan namin, sinasabi niya sa mommy niya. Kaya gustong-gusto ako nitong makita at makilala.
Pero hindi na iyon nangyari dahil pumanaw na ito.
Walang ibang pinagsasabihan si Felix tungkol sa private life niya. Extroverted itong tao pero ’pag tungkol sa pribado nitong buhay, he would rather keep it private.
Ngayon, he told me that he was comfortable telling me anything about his life—even his private decisions in life. Kagaya na nga lang ng pag-apply nito bilang volunteer doctor sa ibang bansa.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang namamagitan sa amin ni Felix. Noong una, kahit papaano’y nakita ko ang future ko sa kaniya, that’s why I invested my time and emotions.
Pero noong napag-alaman ni Blaire na womanizer si Felix, I distanced myself to him. I can’t afford a broken heart, lalo’t lalo nang napakarami kong problema nang mga panahong iyon.
After that, Felix and I had a gap within us. Yes, we made love twice, pero walang naging attachment or strings between us. All those years, we would still look at each other lovingly. Iba ang trato namin sa isa’t isa, iba ang pag-uusap at ngitian, pero tinanggap na namin na hindi pa pwede.
Ngayong graduating na ako at si Felix naman ay resident na, is it possible to start again?
“B-Bakit ako?” tanong ko sa kaniya. “Wala ka bang… ibang kaibigan na mapagsasabihan?”
“Marami akong kaibigan, Maia,” sabi ni Felix. “Pero hindi ako kumportable na magkuwento sa kanila ng mga pinagdadaanan ko sa buhay. Ewan ko ba, sa ’yo pa lang ako naging kumportable nang ganito. You are special to me, Maia, maybe that’s why.”
I gulped again. Nagtititigan lang kami ni Felix nang matagal. Alam ko sa sarili ko na gusto ko pa si Felix. Hindi na ako na-attract sa iba pang lalaki simula nang makilala ko siya. I haven’t felt the same emotions too to anyone else. Kapag nakikita ko siya sa campus, napapangiti na lang ako.
“Ako ba, special pa rin ba ako sa ’yo?” He asked. “Do you… still feel the same?”
Hindi ako agad nakapagsalita. Sa totoo lang, oo. Ganon na ganon pa rin ang nararamdaman ko sa kaniya. Pero sa tuwing maaalala ko na womanizer si Felix gaya ng sabi ni Blaire, natatakot ako.
Pinag-aaral lang ako ng parents ni Blaire. Sila ang tumutulong sa akin at kapag hindi ako nakapagtapos, ako ang kawawa. I can’t afford any distractions—lalo’t lalo na ang love kaya pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko kay Felix at mag-focus sa pag-aaral.
Iyon lang ang pumipigil sa nararamdaman ko sa kaniya. Ang takot na totoo ang sinasabi ni Blaire na womanizer si Felix, ma-broken hearted, at ma-distract sa pag-aaral.
Pero kung ako ang tatanungin, kung wala akong ibang pangamba, I would take risk with him in a heartbeat.
“Maia…” Felix said when he noticed that I wasn’t responding. “Okay lang kung hindi ka makakasagot, naiintindihan ko. I’m sorry—”
“I have a question,” putol ko kay Felix. “And I need an honest answer.”
Felix was caught off guard at first. Perhaps that statement came off too strong for him. Tiningnan niya ang mga dumadaan. Papalubog na rin ang araw at dumarami na ang mga tao sa daan dahil papauwi na ang iba mula sa trabaho.
Tiningnan ako muling ni Felix at bahagyang ngumiti. “Bakit parang pinapakaba ako ng tanong mo, Maia?”
“Nakakatakot bang magsabi ng totoo?” tanong ko pabalik.
Nawala ang ngiti ni Felix. “Is it… that complicated?”
“It depends,” sagot ko.
He sighed. “Go on, Maia. Fire away.”
“Noong panahong nagkakilala tayo,” simula ko at hindi na nagpaikot-ikot pa. “Were you really sincere?”
Kumunot ang noo ni Felix. “Didn’t I make you feel my sincerity?”
“You did, pero honestly, I was… confused,” sagot ko. “Someone told me na you are a womanizer. That you date women, kahit na may ka-date ka na currently, like us before. Kaya gusto kong tanungin kung noong nagsimula tayong magkamabutihan, were you seeing someone else? Seryoso ka ba sa ’kin?”
“Who told you that?” He asked, he sounded hurt.
“Hindi na ’yon ang mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay ang isasagot mo, Felix. Drop your sugar-coated words. I need an honest answer,” I said.
Tinitigan lang ako ni Felix nang ilang segundo bago siya tuluyang nagsalita.
“I don’t do blind dates often. Ginagawa ko lang ’yon kapag may special request ang mga kaibigan ko, dahil may biglaang lakad sila or the like,” panimula ni Felix. “I can turn their requests down directly. Pero kapag naiisip kong nag-prepare ang babae para sa date na ’yon, nag-ayos ng sarili at nag-prepare ng magandang damit, I can’t just ignore it. Kaya ako ang sumisipot on behalf of my friends, lalo na kapag wala naman akong mahalagang lakad.”
I listened to him silently.
“A part of me likes it, I admit. I like meeting new people. Kapag sa dulo naman ng blind date, bago kami maghiwalay ng kasama ko, I make it clear na hanggang doon lang iyon. Ginagawa ko ’yon sa paraan na hindi sila mao-offend, but in a way na nag-enjoy din sila. The date takes only an hour.”
He sounded sincere.
“Pero may mga pagkakataon na naa-attract din ako. There were hot interactions, I… uh, made sex with them sa place nila, place ko or inside the car. Pero after noon, hindi na nauulit. It was a mutual decision to do so. You might find me a womanizer because of that, but I just… wanna be honest with you, Maia.”
He was looking at nothing but my eyes.
“Pero hindi ko iyon ginawa dahil womanizer ako or sex ang habol ko sa kanila. Hindi ako ganoong kasamang tao. Baka may nakakita sa ’kin na may kasamang babae sa club or what, I don’t bring women in club. I don’t also hit up with anyone in the club. Possibly, babae iyon ng kasama ko. Trust me, Maia, I’m not really that bad.”
He gulped.
“Hindi rin ako nakikipag-blind date or sex kapag may nakakamabutihan ako. I see that as cheating and I hate cheating. I believe in karma. Lalong-lalo na noong panahon na nagkakilala tayo at nagkamabutihan. Hindi kita niloko, Maia. I didn’t cheat, I didn’t also plan to break your heart. Seryoso ako sa ’yo noong mga panahong iyon.”
He then smiled weakly.
“Pero sa ating dalawa, mukhang ikaw ang hindi naging seryoso. Bigla ka na lang hindi nagre-reply sa mga texts ko, kahit na anong tawag ko hindi mo sinasagot. Gulong-gulo ako that time kasi noong gabi lang, ang sweet natin at kilig na kilig pa ako. Ngiting-ngiti pa akong natulog na yakap-yakap ang unan ko. Then tomorrow morning, you ghosted me without any explanation at all.”
His weak smile turned into a bitter one.
“I was left there hanging, Maia. Araw-araw kong iniisip kung ano ang nagawa ko para bigla mo na lang akong iwan nang ganoon. Pero hindi na kita pinilit, kasi hindi ko naman ugali ang mamilit. I just… suffered alone. Sinarili ko na lang ’yong sakit na naramdaman ko that time, kahit na maya’t maya ako napapatanong sa sarili ko kung ano ang nangyari.”
I felt really bad.
“Until you came back again one rainy night. Nagkita tayo ulit sa crossing at habang hinahatid kita papunta sa unit mo, something happened. We made love, Maia. I can’t even call it a sex, because for me it was more than the physical aspect of it. My heart and my emotions were also inclined with it, Maia. Ibang-iba ang gabing ’yon kumapara sa mga experience ko sa iba.”
“What do you mean ibang-iba?” Tanong ko.
“Hindi mo ba naramdaman ’yon?” Tanong ni Felix. “The way our lips met, the way our bodies became one and the way we were looking at each other’s eyes while doing it, didn’t you feel your heart beating differently? Kasi ako Maia, that night made me feel like I was living. You made me feel like I am actually living. Doon ko na-realize na… gustong-gusto talaga kita.”
My lips parted. No doubt, sincere na sincere si Felix sa mga sinasabi niya. Nakikita ko iyon. Nararamdaman ko iyon.
To be honest, naramdaman ko rin ang mga naramdaman niya nang gabing iyon. The way Felix kissed me, the way his lips touched every part of my body, the way his eyes were fixated at mine while he was on top of me… hindi ko maipaliwanag ang gabing iyon. Words alone can’t suffice how therapeutic it was for me.
“Pero anong magagawa ko, you ghosted me again, Maia,” sabi ni Felix. “I texted you, but you didn’t respond to any of them. Nagpadala pa ako ng pagkain, pero mukhang hindi ka talaga interesado. Kaya kahit masakit sa akin, hinayaan na lang kita. Ayaw naman kitang gambalain pa. Pero we met again one night, in a bar.”
Naaalala ko ang gabing iyon na para bang nangyari lang iyon kinagabihan.
“Again, we made love. Lahat nang naramdaman ko noong una natin iyong ginawa, ganoon pa rin ang intensity ng emotions na naramdaman ko. Walang nagbago, bukod sa lalo silang naging intense, siguro kasi na-miss kita, somehow. That’s why I was a bit rough yet gentle that night, if that makes sense to you.”
Totoo iyon. Felix became wild that night to the point that everytime his tongue licked a part of my body, napapaungol na lang ako. Pero nang mapansin niyang hindi ko na iyon kayang i-handle, he adjusted and became gentle.
“You ghosted me again after that encounter, something that I had already expected. Hindi na ako nagulat o nasaktan, I accepted the fact na ganoon na lang siguro ang koneksiyon na mayroon tayong dalawa. After that beautiful thing that we shared, Blaire approached me. She told me everything about the medical school, lalong lalo na tungkol sa recommendation letter. That you need one for the admission. I helped in a heartbeat, without even a single doubt.”
Naalala ko iyon. After we did that, umuwi na ako at nag-text na lang kay Blaire at nagkunwaring masama ang pakiramdam. Parang bumalik ako sa reyalidad at biglang nanliit sa sarili. Pakiramdam ko nang mga panahong iyon ay ibinigay ko ang katawan ko para lang sa recommendation letter na iyon.
“When you finally got admitted, I can’t put into words lalong-lalo na kapag nakikita kita sa Campus. Hindi nga lang kita magawang malapitan, alam ko kasing ayaw mo o naa-awkwardan ka na sa presensiya ko. Kaya kapag nasasalubong kita, ngumingiti na lang ako at hindi na nagsasalita. Though, masakit sa akin pero kailangan kong ilugar ang sarili ko.”
Felix smiled at me, as if he was reminiscing something special in his past.
“Ganoon lang ang set up natin for the past four years. Noong una, medyo mahirap lalo na kapag malapit ka lang. Gustong-gusto kitang kumustahin at kausapin, pero nirerespeto ko ’yong part na baka ayaw mo, gaya noon, kaya ghinost mo ako. Kaya I did my best na huwag dumaan sa hallway kapag naroroon kayo ng mga kaibigan mo, para hindi ka mahiya. Kapag nawalan walang choice at madadaanan kita, ngingiti lang ako nang tipid at aalis na.”
Lalong napangiti si Felix.
“Nakakatawa nga lang isipin na kahit na ganoon ang set up natin dati, masaya pa rin ako. Kasi hindi ka umiiwas, hindi mo ako tinataguan. Kahit na nakaw na tingin at bahagyang pagngiti na lang ang nagagawa ko parati, nakuntento ako. Ewan ko ba, Maia, sobrang gusto ata talaga kita. I haven’t been this attracted to anyone else.”
Funny thing was, ganoon din ang ginagawa ko noon. Kapag nakikita ko sa campus si Felix ay umiiwas ako dahil natatakot akong mapaglaruan niya. Kuntento na rin ako sa mga nakaw na tingin ko sa kaniya at palitan ng ngiti sa tueing magkakasalubonfg kami sa daan.
“You introduced me to different kind of emotions na kahit ako, sa sarili ko, ay hindi familiar,” he added. “At first, I kept on telling myself, anong nangyayari sa akin. But then, it didn’t take me so long to realize it.”
He gulped.
“Mahal kita, Maia. Sobra.”
My heart took a leap. I didn’t expect that. Bumuka ang bibig ko at nanlaki ang mga mata.
“Felix…” panimula ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. “Mahal mo… ako?”
Tumango siya. “Mahal kita, Maia. Mahirap bang paniwalaan?”
Umiling ako. “Hindi naman sa ganoon. Hindi ko lang talaga lubos maisip na… na seryoso ka sa nararamdaman mo sa akin sa umpisa pa lang.”
“What was stopping you exactly, Maia?” tanong niya sa akin. “We started so well, so good. It’s a lie ’pag sinabi mo sa aking hindi. Ramdam ko sa bawat pagtawa mo noon sa tuwing tumatawag ako na gusto mo rin ako. Na masaya ka sa akin. What happened? Did I do something wrong? Did I turn you off?”
Nakagat ko ang ibabang labi ko. After all this time, ako pala ang sumisira sa sarili kong kaligayan. Na sa sobrang takot kong masaktan at mapaglaruan, I hurt him and myself indirectly. Gustong-gusto kong sumaya, pero ako pala ang humahadlang doon. Ako at ang takot ko.
“Maia, please,” Felix said. “Tell me. This might be the last time that we might see each other, dahil hindi ko alam kung kailan mo ako ulit igho-ghost. Kaya sana habang nandito ka pa, tell me what I did wrong, para hindi na ako mag-isip pa kung ano ang nagawa ko o anong pangit sa akin para iwasan mo ako nang ganoon. Hindi ko pinipilit ang sarili ko sa ’yo, I just… need an acceptable reason so I can move forward too.”
I bit my lower lip once more. Tama si Felix. Deserve niyang malaman ang totoo.
“Walang mali sa ’yo, Felix,” sabi ko at bumuntong-hininga. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. “Sa totoo lang, nasa akin siguro ang problema. Masama ang naging tingin ko sa ’yo noon kaya… kaya umiwas ako.”
“Masama?” tanong niya sa akin. “Paanong masama?”
I gulped. “Felix… I thought you would hurt my heart. Akala ko isa kang womanizer na mahilig makipag-blind date para mangolekta ng mga babaeng paglalaruan mo. Na after mo makuha ang gusto mo sa kanila, gaya ng feelings o katawan nila, you would drop them like a trash with no value. Natakot akong mapasama sa mga babae na ’yon, natakot akong masaktan kasi hindi ko pa afford na masaktan. My father passed away, my parents abandoned me, I don’t have a single penny. Ang mayroon lang ako ay ang pangarap ko, kaya hindi ko afford ang heartbreak at distraction nang mga panahon na ’yon.”
Bumuka ang bibig ni Felix. He looked hurt. “Ganoon ang tingin mo sa akin?”
Tumango ako. “Pero—”
“Pasensiya ka na, Maia,” putol sa akin ni Felix. “Pasensiya na kung ganoon ang naipakita ko sa ’yo. Pero to tell you honestly, hindi ako ganoong tao. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit takot kang sumugal sa akin noon. Is it… okay if I’d feel like you were a bit unfair?”
“Felix…” I mumbled.
“Naiintindihan ko ang sitwasyon mo, pero sana maintindihan mo rin na unfair sa akin iyon, kaya nasasaktan ako ngayon…” sabi niya at malungkot na ngumiti. “You could’ve confronted me, Maia. You could’ve asked me directly or told me your concerns personally. Hindi naman ako magsisinungaling sa ’yo…”
“I’m sorry, Felix,” sabi ko at halata sa boses ang guilt. “Natakot din kasi ako na baka all this time, tama pala iyon. Baka mas mahirapan akong tanggapin. You throw sweet lines so well, you’re a goddamn good kisser, it seems like to me that you had all the experience. Kaya natakot ako nang sobra. You have all the rights to feel hurt or get mad at me. Naiintindihan ko.”
Natahimik si Felix at tila malalim ang iniisip.
“Maia…” panimula niya at umihip ang malamig na hangin. “Did I ever love me?”
Natahimik ako.
“We met almost four years ago. We saw each other grow. Kahit ganoon na katagal simula nang makilala kita at kahit na nalaman ko ang rason mo kung bakit mo ako nilayuan noon, my feelings for you didn’t change at all. Mahal pa rin kita, Maia, at walang nagbago roon.”
I felt the butterflies in my stomach.
“Kaya gusto kong malaman kung ganoon din ba sng nararamdaman mo sa akin. Maia, do you feel the same?”
I stayed silent for few seconds until slowly, I nodded.
Sa unang pagkakataon ay napangiti sa Felix ngunit ang mga mata niya ay nagsimulang magluha.
“Totoo?” Tanong niya.
Hindi ko napigilan at naluha na rin ako. “Totoo.”
Felis has the sweetest smile ever.
“Mahal kita, Felix,” sabi ko. “Sa sobrang pagmamahal ko sa ’yo, umiwas na lang ako kasi alam kong masasaktan ako nang sobra kasi mahal na mahal kita kung totoo ang sinabi sa akin ni Blaire noon na babaero ka.”
Doon nawala ang ngiti ni Felix dahil doon.
“Si Blaire ang nagsabi sa ’yong womanizer ako at nangongolekta ng mga babae?”
Tumango ako. “Sabi niya, she heard it from the grapevines, kaya pinapalayo ka niya sa akin. She’s my bestfriend, kaya gagawin niya ang lahat para protektahan ako.”
Biglang naglikot ang mga mata ni Felix. Para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sa akin.
“Why?” Tanong ko. “May… masama ba?”
“Maia, I think I need to tell you this.”
“Tell you what?”
“Before tayo magkita sa blind date noon, Blaire and I… we were set up by our friends for a blind date too,” Felix said. “She told me she liked me, but I turned her down. We just… didn’t click.”
May jaw partly dropped. So matagal na silang magkakilala?
“Simula noon, sinisiraan na ako ni Blaire sa mga kakilala niya. We didn’t even kiss or had sex. It was just a one night date at hindi na naulit. She kept on approaching me, texting me, but I wasn’t responding. Until I saw her again noong gabing nasa blind date tayo…”
“Bakit ka niya siniraan sa akin?” Taka kong tanong at hindi mapakapaniwala.
“I’m afraid, Maia,” Felix said. “All those years, she was really keeping us apart…”
PART THIRTEEN: I love You Forever
“All this time, Blaire was keeping us apart…”
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabing iyon ni Felix. All this time, sinisiraan lang ni Blaire si Felix sa akin. Either dahil gusto pa niya si Felix o sobra lang talaga ang galit niya rito.
I wanted to talk but no words were coming out from my mouth. No words were even enough to describe the enormous amount of confusion in my heart.
“B-Bakit gagawin ni Blaire iyon?” I asked rhetorically. “Kilala ko siya. Blaire will never do that—she’s not that bad.”
“Kilala mo siya?” Tanong ni Felix. “Kilala mo nga ba talaga?”
Bigla akong nanahimik. Maraming mga sikreto si Blaire na hindi ko na binalak alamin dahil privacy niya iyon. Pero sa tuwing mababanggit ko si Felix, puro masasama ang sinasabi ni Blaire.
Kesyo manggagamit lang ito, katawan lang ang habol, hindi seryoso, pinaglalaruan lang ang feelings ko, marami nang nabiktima, a womanizer, a distraction.
It has been five years since Felix and I met. Sa loob din ng limang taon na iyon, no good words came out from Blaire’s mouth pertaining to him. All were warning.
Matagal ko nang kilala si Blaire. Marami na kaming napagsamahan. Sa mga panahon na pinagkaisahan akonng lahat at tinalikuran ng mundo, she was there.
Noong mga panahong kahit ang sarili kong pamilya ay itinaboy ako, hindi niya ako iniwan. Pinatuloy niya ako sa bahay niya nang walang kapalit at walang pag-aalinlangan.
Siya rin at ang pamilya niya ang tumulong sa akin para makamit ko ang pangarap kong maging doktor. Tinulungan nila ako sa lahat ng aspect ng buhay ko nang walang hinihinging kahit na ano.
They even helped me to save up, para man lang makabili ako ng mga kagusutuhan ko.
Blaire has done a lot of good things to me. That’s why hearing the bad thing that Blaire did, I felt torn. Hindi ko malaman ang gagawin o mararamdaman.
“Isn’t it absurd?” Tanong ko. “Hindi ganoon kababaw si Blaire. Hindi ka niya sisiraan sa ’kin dahil lang galit siya sa ’yo o gusto ka pa niya. Masiyado iyong mababaw.”
“Honestly speaking, Maia, I don’t really know,” Felix said. “Alam niyang gusto mo ako at alam niyang hindi ako babaero. She knows how I respect women, the way I respected her before.”
Felix paused for a second.
“She has asked all my friends and she heard nothing bad about me. I never dated two or three women at the same time. Kaya paano akong naging womanizer? Paano akong naging masamang tao? I didn’t even hold her hand, or kissed anyone without their consent. Paanong naging katawan ang habol ko sa kanila? Sa ’yo?”
I gulped. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan.
“I just find it hurtful on my end,” Felix said. “Hindi sa ini-invalidate ko ang rason ng kaibigan mo, pero isn’t it unfair on my part, knowing na sobrang sincere ko sa feelings ko sa ’yo? Na wala akong ipinakita o ginawang masama, but I was left hanging?”
Felix looked disappointed.
“Maiintindihan ko pa kung na-realize mo lang na hindi mo talaga ako gusto. Mas okay sa akin na ang rason mo ay na-realize mo na hindi tayo magwo-work or I was unworthy investing your time and emotions with. Pero ’yong ang rason lang ay dahil sa sinabi ni Blaire na hindi naman totoo? Maia, I feel… hurt. Really, really hurt.”
“Hindi gagawin ni Blaire ’yon nang wala siyang dahilan,” depensa. “She has her reason.”
“And that reason is to keep us apart,” sabat ni Felix. “Maia, it was emotionally traumatic for me. Gustong-gusto kita noon, even up ’till now. Have you ever imagined my pain? The nights I kept asking myself what went wrong, what did I do wrong, or what was wrong in general?”
Hindi ako makapagsalita. Kahit naman nang mga panahong iyon ay nagdurusa rin ako emotionally. Pero tama si Felix. Sa aming dalawa, siya ang mas may karapatang magalit.
“You could’ve asked me, Maia…” Felix told me. “You could’ve done that and I would tell you nothing but the truth.”
I left him hanging, because I was scared to confront him. I was terrified by the thought that he might be toying my heart. Na sobrang emotionally attached na ako, pero pinaglalaruan lang pala ako. I had enough emotional baggages that time.
“Maia… have you ever imagined us if Blaire didn’t meddle?” tanong ni Felix. “Limang taon ang nasayang nating dalawa. Sa loob ng limang taon na ’yon, we could’ve spent a lot of time with each other. Nagtulungan na sana tayo sa med school, sabay nag-aaral, sabay inaabot ang pangarap. Thinking about it now, a lot of what ifs are filling me up. Nakakapanghinayang…”
Iyon at iyon din ang iniisip ko.
“I’m… I’m sorry, Felix…” iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Sobrang bigat ng dibdib ko at pakiramdam ko ay maiiyak na ako anytime.
But rather showing disappointment, Felix gave me a weak smile. “It isn’t too late for us to start again, don’t you think?”
Bumuka ang bibig ko.
“To tell you honestly… I lied. Hindi ako naghihintay ng result ng application ko bilang volunteer doctor sa ibang bansa. I… uh, I got accepted already at bukas na ang flight ko.”
My eyes widened. “Bukas?”
Tumango siya. “Hindi na ako nagsabi kahit kanino, gusto kong mawala sa lahat at magsimula ulit. Pero, buti na lang nagkita tayo ngayon para makapagpaalam man lang ako. Na kahit na isang tao, alam kung nasaan man ako naroroon.”
My eyes watered. “Felix…”
“Sa Terminal 2 ako bukas, 8AM ang flight ko,” dagdag ni Felix. “Evaluate your feelings for me overnight. Think about if I am still worthy, and if you can take risk with me again. See if you can see your future with me. Kasi ako, Maia, walang nagbago. Mahal pa rin kita simula nang una.”
Tears finally fell from my eyes.
“If you ever come tomorrow to stop me, hindi na ako aalis. I will sacrifice everything, and we can start all over again. Kung hindi ka sisipot, alam ko na. Tanggap ko na. I will just carry on with my life and move on. Be wise.”
In a blink, I saw myself inside Blaire’s house. Naguguluhan sa dapat kong maramdaman ay pumasok na ako sa loob para harapin ang katotohanan.
Nadatnan ko siyang nasa sala at nanonood sa TV. Nakadapa ito sa sofa at kumakain ng chips. Napatingin siya sa akin at agad na ngumiti.
“Kumusta?” Tanong niya. “Mukhang nag-enjoy ka sa me-time, a?”
Kumuha ito ng chips at ngumuya.
“Saan ka pala pumunta?”
“Kay Felix,” diretso kong sagot.
Natigil sa pagnguya si Blaire at napatingin sa akin. Kumunot ang noo niya. “Kanino?”
“Wala ka bang dapat sabihin sa akin?” Malumanay kong tanong.
“Tungkol saan?” Tanong pabalik ni Blaire.
“Tungkol sa lahat-lahat, Blaire,” sagot ko. “Especially tungkol kay Felix.”
Muling napahinto si Blaire at mula sa pagkakadapa ay napaupo siya. “Did he say something about me?”
“Should he tell something about you?” Ganti ko.
“Maia…” Napabangon si Blaire. “What’s wrong with you?!”
Tumaas ang boses ni Blaire, bagay na unang beses kong narinig simula nang magkakilala kami.
“Totoo bang nag-date kayo noon and he turned you down?” Tanong ko.
“Shut up, Maia… please…” sabi ni Blaire.
“Totoo bang nagalit ka sa kaniya dahil doon kaya sinisiraan mo siya sa akin?” Tanong ko at nagsimulang mangilid ang luha.
“Maia, I was just protecting you!” Sigaw ni Blaire.
“From what?!” Ganti ko.
“He’s a womanizer—”
“We both know that he’s not!” Sabi ko. “Niloloko mo lang ang sarili mo. Alam nating hindi ganoong tao si Felix! Alam nating hindi siya babaero, hindi katawan ang habol niya sa akin, at wala siyang masamang intensyon. But why did you manipulate me for five long years into thinking that he’s a jerk?!”
“Maia, listen—”
“Among anyone, ikaw ang nakakaalam kung gaano ko siya kagusto. Ikaw ang nakakaalam na sa buong buhay ko, siya lang ’yong minahal ko nang ganito. Alam mo kung paano ako nasaktan, umiyak, at nag-overthink. Yet… you continued feeding me with those lies. Only because you liked him!”
“Yes, I like him!” Sigaw pabalik ni Blaire. “E, ano naman? Oo, sige, I was jealous when he picked your lace that blind date night. I was mad, really mad, pero wala akong magawa. Pinapatay ako ng inggit lalo na nang makita kong seryoso sa ’yo si Felix noong mga panahong nagkakamabutihan na kayo. ’Yon ang gusto kong gawin niya sa akin noon, but he didn’t even give me a chance. Instead, he pursued you and I got insulted, Maia.”
Namuo na rin ang luha sa mga mata ni Blaire.
“No offense, pero sino ka ba naman? I am way better than you financially, physically, socio-economically. Pero bakit ikaw ang gusto niya, ako hindi? What made it more infuriating was because you are a friend to me, Maia…”
Tumulo ang luha sa mga mata ko.
“Kaya nang nasira ko na ang relasyon ninyo, I felt guilty. Kaya tinulungan kitang makapasok sa med school para makamit mo ang mga pangarap mo. Masaya naman tayo, ’di ba? Masaya tayo na wala si Felix sa buhay nating dalawa. We made it for five long years, Maia, we can drop him off forever. Hindi natin kailangan si Felix sa buhay natin.”
Umiling ako.
“Dahil lang hindi mo nakuha si Felix, gusto mong wala rin siya sa buhay ko?” Tanong ko. “Blaire… you are… selfish…”
“Am I?” Tanong ni Blaire. “Pero anong magagawa ko, Maia? I want you to be happy, yea, but not with Felix. Career-wise, sige. Kaya nga tinulungan kita makapasok sa med school at magkaroon ng tutoring jobs. Pero with Felix? No, I can’t. Hindi ko kayang makita si Felix na masaya, lalong-lalo na sa ’yo.”
Tears fell from my eyes.
“Kaya Maia, please lang… don’t think about getting back together with him. Ikamamatay ko ’yon…”
Pumikit ako nang mariin. Nakakaramdam ako ng galit, ng awa, ng lungkot.
“Isipin mo na lang lahat ng naitulong ko sa ’yo. Sa tuwing kailangan mo ng matutuluyan, pinapatuloy kita sa bahay ko. Sa tuwing kailangan mo ng pera, hindi ako nagdadalawang-isip na pahiramin ka. Tuwing nagugutom ka, ipinagluluto kita. I was a sister to you, Maia, a little sacrifice for me will do…”
Doon siya lumuhod at muling umiyak.
“Maia… please…”
Pumikit ako at awtomatikong tumulo ang luha sa mga mata ko. After a thorough thought, I have finally made up my mind.
“I see you as a sister, too…” tugon ko. “But this time, I will choose my own happiness.”
Dumilat si Blaire at tumaas ang tingin sa akin.
“I choose Felix…”
Bumuka ang bibig ni Blaire.
“I’m sorry, Blaire…” sagot ko. “I really am so sorry.”
Doon ko na siya tinalikuran at naglakad papasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang bag ko at nagsimulang mag-impake ng mga gamit.
Doon ako sinundan ni Blaire at tumayo siya sa may pintuan.
“Anong ginagawa mo, Maia?” Tanong niya. She sounded tensed.
“Wala na akong mukhang maihaharap sa ’yo o sa pamilya mo. Aalis na lang ako, Blaire.”
“You’re… really choosing him over me?!” She threw a tantrums. “Maia, wake up! Mas marami tayong napagsamahan kaysa sa lalaking ’yon!”
“I had enough. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako may nagustuhan para sa sarili ko. Simula bata ako, puro na lang sakripisyo ang ginawa ko para sa mga magulang ko, mga kapatid ko, mga tao sa paligid ko. I have never demanded anything. I have never wanted anything for myself—until I met him. Until I met Felix.”
Umiiyak na ako ulit habang nag-iimpake. I have never realized how he made my miserable life happier when I met him. He painted color to my dull life.
Kahit na pinipilit kong mawala ang nararamdaman ko sa kaniya sa loob ng limang taon na ’yon, hindi ako nagtagumpay. Bumabalik-balik ang feelings ko para da kaniya dahil hindi naman talaga iyon nawala. Natatakot lang akong masaktan dahil sa mga sinabi ni Blaire.
Pero ngayong nalaman ko na ang totoo, nothing can stop me now from pursuing my happiness. I will choose him this time.
“Matapos lahat ng ginawa ko para sa ’yo? Matapos ang lahat ng tulong na ibinigay ko para lang makaahon ka sa kahirapan, you will betray me like this?!” Blaire shouted. “Sana hindi na lang kita tinulungan. Sana hinayaan na lang kitang palaboy-laboy sa lansangan nang itakwil ka ng pamilya mo. Sana hindi kita ipinasok sa med school, you are no different from a leech, Maia!”
Huminto ako sa ginagawa ko at tiningnan si Blaire. Sobrang sakit masumbatan.
“Kung hindi dahil sa ’kin, wala ka sa kung nasaan ka man ngayon!” sigaw niya at muling tumulo ang luha dahil sa galit.
“Alam ko naman ’yon, Blaire, at habang-buhay kong ikaka-thankful ang lahat ng ginawa mo at ng pamilya mo sa akin,” sagot ko. “Pangako, babawi ako. Sa kahit na anong paraan, babawi ako sa lahat ng naitulong ninyo sa akin. Pero itong bagay na ’to… hindi ko na kaya pang i-give up ito. I deserve to be happy this time…”
I gulped.
“Aalis na si Felix bukas at baka hindi ko na siya makita pa. He applied as a volunteer doctor overseas at kapag hindi ko siya pinigilan, there might be no chance for me to meet him again. Ito na lang ang tanging pagkakataon, Blaire. Kaya sana… sana maintindihan mo…”
Natahimik si Blaire at tinitingnan lang ako habang tumutulo ang luha sa mga mata niya. “Bukas? Anong oras ang flight niya?”
“Eight in the Morning,” sagot ko.
Natahimik siya nang ilang segundo.
“Maia…” she started. “Hindi mo na kailangang bumawi sa mga tulong na nagawa ko. Ako na ang kusang maniningil.”
Kumunot ang noo ko.
Maya-maya lang ay naglakad siya at huminto sa may pintuan.
“I’m sorry,” she added.
And everything happened as if things were in slow motion. Sa isang iglap, Blaire shut the door and locked me up inside.
Mabilis akong tumayo at sinubukang buksan iyon mula sa loob. Ang kwarto na tinutuluyan ko ay sira na ang pihitan. Kaya kapag na-lock ka ay hindi ka na makakalabas pa unless may magbukas mula sa labas.
“Blaire! Anong ginagawa mo?! Blaire!”
Hinampas-hampas ko ang pinto.
“I’m sorry, Maia,” tugon niya. “Pagbubuksan kita kapag nakaalis na si Felix. Hindi ako papayag na magkatuluyan kayo. Sana maintindihan mo rin ang nararamdaman ko.”
“No! No! Blaire! Blaire!” Pagmamaka-awa ko. “’Wag naman ganito! Hindi ka ganito!”
Ngunit hindi na siya nagsalita pa. Narinig ko na lang ang mga yabag niya papaalis.
Hinampas-hampas ko ang pinto at pilit na binubuksan ang pinto habang tinatawag ang pangalan ni Blaire. When I realized that she was no longer there, I looked for my phone only to realize that I left it on the sofa.
Binuksan ko ang bintana pero napakataas ng babagsakan ko kung sakali. The injuries and bone fractures may kill me. Kahit ang laptop ko ay nasa sala.
Umiiyak na napaupo ako sa kama habang inaalala si Felix. Bakit ba ganito kasama sa akin ang mundo?
Sa buong magdamag ay wala akong nagawa. Nakailang tawag na rin ako kay Blaire at pinilit sirain ang pinto pero walang nangyari.
Ilang oras din ang lumipas at nawalan na ako ng lakas. Nakaupo na lang ako sa gilid, yakap-yakap ang sarili at hindi na tumitigil ang luha.
Will I ever see Felix again?
Para akong pinapatay sa sakit.
Hanggang sa kahihintay ay naipikit ko na lang ang mga mata ko at tuluyang kinain ng dilim.
Nagising na lang ako nang biglang bumukas ang pinto. Ngunit sa pagkakataong iyon ay umaga na at nariyan na ang araw.
Bumungad sa akin si Blaire. Kagaya ko ay namamaga rin ang mga mata niya.
“You still have twenty minutes to meet him,” sabi ni Blaire sa akin. “For one last time, Maia, papipiliin kita. Ako o si Felix?”
Walang pagdadalawang isip akong tumayo at hinarap si Blaire.
“Kahit anong gawin o sabihin mo, hindi magbabago ang pasya ko,” sagot ko. “Si Felix pa rin ang pipiliin ko. Kaya please lang, Blaire, putulin na natin kung ano mang mayroon tayong dalawa. With all the things that you did, I can’t even call you a sister anymore.”
“Ang kapal naman ng mukha mo,” Blaire said bitterly. “After all the help that I gave you?! Wala kang utang na loob!”
“Let me ask you this,” putol ko sa kaniya. “Tinulungan mo ba ako dahil gusto mo akong tulungan, o ginawa mo lang ’yon para mawala ang guilt mo sa pagsira mo ss relasyon namin ni Felix?”
Hindi nakasagot si Blaire.
“Think about that,” I added.
Without even looking back, I stormed out of the room, took my wallet and phone, and went away.
Dali-dali akong pumunta kay Felix. Kahit sa daan ay umiiyak na ako.
“Taxi! Taxi!”
Ako na mismo ang sumasalubong sa mga taxi para lang isakay ako.
“Saan po tayo ma’am?” Tanong sa akin ng isa.
Habang nasa biyahe ay umiiyak pa rin ako. My phone was turning on and off. Sira na ang battery at hindi ko matawagan si Felix.
“Please… wait for me…” pagmamaka awa ko. “Please, Felix…”
When I reached the Airport, dali-dali akong tumakbo papasok sa loob, pero napahinto ako nang makita ko ang oras.
“8:03…”
I was few minutes late. Nang makarating ako sa airport ay wala na siya roon.
Hindi ko napigilan ang luha ko. Nang lumabas ako ng airport ay nakita ko sa himpapawid ang eroplanong sinasakyan niya.
The pain was swallowing me alive.
When my phone finally stopped acting up, nabasa ko ang huling text niya sa akin.
“You didn’t show up. I respect your decision, Maia. Mamimiss kita. Good bye for now. I love you, forever. Forever and always.”
My knees gave in. I started crying hard.
“I’m sorry, Felix…” I said in between my tears. “I’m so sorry…”
PART FOURTEEN: Taking A Step Closer To You
8 Years Later…
GUSTO KO NA MAMATAY!“
Umalingawngaw ang boses na iyon mula sa isang kwarto. Nang tingnan ko ay mula iyon sa loob ng Emergency Room.
“Ang sakit! Ang hapdi! Patayin n’yo na lang ako!” umiiyak sa sakit na sabi ng isang estudyante.
“Sana naisip mo ’yan bago mo ’ko hinila patawid, ano?!” galit na sagot ng isa pang lalaki na kasalukuyang tinatahi ng doktor ang sugat sa noo.
“Mamaaaa!” sigaw naman ng isa pang lalaki at humagulgol.
“Sir, ’wag ho kayong tumayo. Paano gagaling ’yang injury niyo?” sabi rito ng nurse pero puro reklamo at iyak lang ang lalaki. “At ’wag po kayong sumigaw. Lalong natatakot ang ibang pasyente.”
Nakita ko kung paano kinuha ng nurse ang mga gasa na ginamit at punung-puno ang mga iyon ng dugo.
Sa paglabas ng nurse ng kwarto ay narinig kong muli ang mga naghahalong ingay—mga sigaw ng mga ginagamot na mga pasyente, mga iyak ng mga magulang na nag-aalala sa anak, at mga doktor at nurse na kaliwa’t kanan ang ginagamot na ultimo pag-inom ng tubig ay hindi na magawa.
Paglabas ng nurse ng pinto ay nagtama ang paningin namin. Nang makilala n’ya ako ay umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Napailing na lang ako at pinigilan ang sarili.
Now is not the time, Maia.
Tiningnan kong muli ang mga pasyente mula sa pinto. Ang sabi, tumatawid lang ang mga ito sa pedestrian lane at ginagabayan pa ng traffic enforcer nang walang anu-ano’y humarurot ang jeep na animo’y nawalan ng kontrol at sabay-sabay na nasagasaan at nakaladkad ang mga tumatawid.
Tiningnan ko ulit ang cellphone ko at wala pang reply ang kaibigan kong nasa loob ng Emergency Room.
Understandable naman dahil napakaraming pasyente. Pero sana mabasa naman niya, baka ugatin na ako rito sa tagal.
“EXCUSE ME! EXCUSE ME!”
Bigla akong napa-gilid nang para bang bigla na lang dinumog ang emergency room. Awtomatiko akong napangiwi nang makita ko ang mga bagong dating na mga pasyente.
Tagaktak na mga dugo.
Lapnos na mga balat.
Mga iyak ng paghihirap.
Anong aksidente nanaman ang nangyari?
“HOY, ANONG NANGYARI?!”
Napatingin ako sa babaeng lumabas. Isa itong doktor at may katamtaman lang ang taas. Maikli ang itim nitong buhok at nakasalamin na bilog.
“Gumuho ’yong building nila, doc,” pagpapaliwanag ng paramedics kasama ang ilang emergency personnel na isa-isang nagdaratingan at dala-dala ang mga biktima.
Sinalubong ang mga ito ng mga doktor at mga nurse na halata ang pagod sa mga mukha.
Ang mga paramedics ay mga trained healthcare professionals na handang mag-provide ng pre-hospital treatments and first aid the moment you called an ambulance.
Habang ipinapasok ang mga pasyente sa loob at nagkakagulo ang mga tao, ipinaliliwanag naman ng paramedic sa doktor ang nangyari.
“Bakit hindi naitawag sa amin ’to?” tanong ng babaeng doktor at kita sa mukha nito ang pagka-stress. “Kulang na kulang kami sa workforce at sa facility.”
Napa-ismid ito nang makitang napakarami pang pasyente ang nasa labas at hindi na makapasok dahil wala nang espasyo sa emergency room.
“This could’ve been prevented kung na-notify po kami,” dagdag ng babaeng doktor. “Napakarami pang tao sa labas—”
“You were notified, they called you.”
Pareho silang napatingin sa akin.
“Si Abby ata nag-take ng call, narinig ko,” I added.
Nang makita ako ng babae ay nanlaki ang mga mata nito—kung sa gulat o sa tuwa ay hindi ko na alam.
“MAIA!” sigaw nito. “BAKIT KA NANDITO?!”
Ininguso ko ang paramedic. Nang mapansin iyon ng babae ay bigla rin siyang napatingin dito.
“Ay, kuya, saglit,” sabi nito at tinawag ang isang doktor na kararating lang. Halatang kagigising lang nito at pinapasok sa trabaho dahil kulang sa tao.
“Jayson, halika,” sabi nito.
Nang makilala niya ’ko ay kinawayan niya ’ko at bahagya ko naman siyang nginitian. Hindi naman kami close.
“Take note of what kuya paramedic did and assist the patients inside,” utos nito.
“Huh?” tanong nito. “Hindi naman ako sa ER nakatoka today—”
“Gusto mo ma-toka sa ER o mag-browse sa Job Street mamaya?”
“Oo na,” sabi nito. “Power tripping ka rin, e.”
“Good boy,” nakangiting sabi ng babae at lumabas ang dimples sa ilalim ng labi niya.
Nang tingnan ko siya ay nagawi ang tingin ko sa pangalan niya na naka-imprinta sa doctor coat niya.
‘Blaire Kynlee, MD.’
“Tinitingin-tingin mo, ha?” pabiro niyang tanong. “Ba’t ka nga pala nandito?”
Inubos ko ang laman ng matcha milk tea ko bago sumagot at ikinainis niya iyon.
“Maia Allison Brynn, wala na nga akong panahon para sa sarili ko, hintayin ka pa kayang maubos ’yan?!”
Sinimot ko ang inumin at itinapon sa malapit na trashbin.
“Nasa’n si kalbo?” tanong ko.
“May pangalan si Doc Trev,” sabi nito sa akin. “Nasa affiliated hospital. Why are you here? Restricted kang pumunta rito, ’di ba? Suspended ka for a month. That means bawal kang tumuntong sa ospital, let alone sa ER. Do you really wanna risk your license?”
She’s Blaire, she was my bestfriend. Matapos ang nangyari sa amin ni Felix, hindi na kami nagpansinan. Hanggang sa grumaduate kami ng med school. Umalis na ako sa kanila at bumukod. Tumutulong pa rin ako sa mga pinsan ni Blaire bilang tutor, ngunit libre na ngayon para mabawasan ang utang na loob ko sa kanila.
Nang mag-fellowship kami ay nagsimula kaming maging close ulit dahil lagi kaming magka-shift. Pero sa pagkakataong ito, may boundary na sa amin. We were no longer as close as how we used to be.
As per Felix, he deactivated all his accounts. Hindi na kami nakapag-usap pa.
To be a doctor wasn’t an easy road, of course—there were bumps along the way.
At first, kailangan mong grumaduate ng kinder at elementary school—seven years na agad ’yon.
Then kailangan mong makatapos ng Junior High at Senior High—six years na ’yon.
After that, kailangan mong mag-take ng pre-med course. It can be B.S Biology, B.S. Nursing, B.S. Psychology, B.S. Medical Technology, B.S. Pharmacy, B.S. Public Health, B.S. Physical Therapy, your choice basta grumaduate ka.
Kung late bloomer ka naman at naisipan mong mag-med, that’s fine. Basta Bachelor of Science or Bachelor of Arts degree holder ka, pwede mo pa ring i-pursue. It’s just that if kulang ang science units mo than the required, need mong mag-take ng extra units to qualify.
Then you have to take and pass the National Medical Admission Test or NMAT. Once nakapasa ka, then proceed to the 4-year long med school. Kapag naka-survive ka at grumaduate, doon ka na magkakaroon ng Doctor of Medicine diploma.
And guess what? It doesn’t stop there.
After you graduated, need mo namang mag-take ng post-internship. Dito, makakasama mo ang ilang residents na nagpapaka dalubhasa sa healthcare subspecialty na gusto nila.
You will be trained intensively in different subspecialties like Dermatology, Urology, Pediatrics, Gynecology at marami pang iba. Kailangan mong ma-fulfill ang training hours na required dahil kung hindi, hindi ka makakapag-take ng Licensure Exam.
After the internship, you need to take the Licensure Exam para maging isang ganap na doktor. Syempre, kahit na may diploma ka kung wala kang lisensya, hindi ka makakapagtrabaho.
Once you passed the licensure exam, pwede ka na mag-work privately or as a general practitioner. Mostly na type of works dito ay mga company doctors, school doctors, clinics and the like.
The disadvantage? Fixed and mostly, mababa ang sahod.
Kung gusto mo pang maging mas professional than you really are and earn more, then proceed with Residency Program.
Residency Program ay iyong magpapaka dalubhasa ka pa based on the specialization of your choice. Mostly tumatagal iyon ng three to six years, depende na lang talaga sa specialization mo.
For Anesthesia, Dermatology, Emergency Medicine, Family Medicine , Ophthalmology, Internal Medicine, Pediatrics, Rehabilitation Medicine, three years ang residency.
Sa Obstetrics, Gynecology, Orthopedics, Pathology, Psychiatry, and Radiology ay four years.
While sa Surgery ay posibleng umabot ng four to five years.
May biruan pa nga na kaya raw ‘residents’ ang tawag dahil sa buong panahon ng residency program ay sa ospital na kami nag re-reside. Sa sobrang busy ay hindi na nakaka-uwi. Syempre, sumasahod na rin kami.
Pero akala mo tapos na after n’on?
May fellowship pa!
Sa fellowship ay posible kang mag-specialize sa mga subspecialties for two to four years ulit. Kapag natapos mo ay may exam ulit para maging ganap kang specialist.
Guess what?
A specialist surgeon may earn Php 100,000 per one surgery alone.
It is THAT worth it.
Kung tatanungin niyo ako kung ano na ako, I am currently a third year general surgery resident same with Blaire.
“Maia, didn’t you hear me?” Blaire asked me that brought me back to my senses. “Why are you here? Umuwi ka na bago ka pa makita nila Doc Trev—”
“Simple,” sagot ko at isinuot ang doctor coat ko. “I refuse to obey them.”
Akmang papasok ako sa loob ng Emergency Room nang harangin niya ako.
“Bawal,” sagot niya.
Tiningnan ko siya nang masama.
“Bawal Maia, kaibigan mo ako kaya makinig ka sa ’kin, pwede ba?” sabi niya. “Mainit ang ulo sa ’yo nila Doc Trev dahil sa ginawa mo. Ayaw kitang mawalan ng lisensya kaya please go home and enjoy your suspension.”
“Ba’t hindi ikaw ang umuwi tutal bukambibig mo naman?” naiirita kong sabi.
“Kung pwede lang!” naiirita niya ring sagot.
“Then go home and step aside. Papasok ako,” pagpupumilit ko.
“Gusto mo pala mag-trabaho then why did you do that to the patient?” Blaire asked with her arms crossed. “Really, Maia? Choking your patient while trying to intubate her?”
There.
She said it.
I literally choked a patient while trying to intubate her.
Ginagawa ang intubation para tulungang makahinga ang pasyente. Ginagawa namin ’yon by inserting a tube called endotracheal tube sa bunganga ng pasyente papuntang airway para magamitan namin sila ng ventilator.
Ang nangyari, I accidentally choked her at kitang-kita pa ni Doc Trev—ang attending physician that time.
“Aksidente ’yon, okay?” sabi ko. “Nag-panic lang ako dahil nanunuod si Doc Trev. Alam mo namang nagpa-panic ako ’pag may nanunuod.”
“Kahit na,” tutol ni Blaire. “Napapelan ka na at pinirmahan mo pa. So—”
Biglang kaming natigil nang dagsa-dagsang dumating ang mga ambulansya na kahit ako ay napanganga sa dami.
“Sino bang tumatanggap ng patients?!” inis na sigaw ni Blaire sa mga nagtatakbuhang mga nurse. “Puno na tayo! We can’t cater them anymore! Why’s everyone injured? May purge ba?!”
“Doc, we need you inside,” sabi ng isang nurse kay Blaire. “Kulang na po tayo sa tao.”
“Sure, I’ll take over,” sabi ni Blaire.
Akmang papasok si Blaire nang higitin ko ang braso nito.
“Hindi mo man lang ba hihingin ang tulong ko? You need a General Surgeon, GS ako.”
“You know what? Bahala ka na,” sabi ni Blaire at dali-daling pumasok sa loob at nagsuot ng stethoscope. “Ako na rito, Jingks. Doon ka kay tatay.”
Pinanuod ko kung paano niya inutusan ang mga natatarantang mga med students na nasa internship pa lang. ’Yong iba unang araw pa lang pero ganito agad ang nadatnan.
Welcome to Emergency Medicine, kids.
Sinilip ko ang labas at nakita ko ang mga naghihingalong mga pasyente pero hindi sila makapasok dahil wala nang espasyo sa loob ng ER. Mayroon pang mga umiiyak at nagtitiis ng sakit habang ang bilang sa daliri na mga nurse at doctor ay chine-check sila.
Ito ang mahirap.
Kapag gusto mong tumulong pero kapos sa resources.
Lahat ay nagdurusa at nahihirapan pero wala kang magawa kung hindi unahin ang mas malala ang kalagayan, kahit na rinig na rinig mo kung paano nagdurusa ang bawa’t isa.
Kung pinagtuunan lang sana ito ng nasa posisyon at pinalaki ang budget para sa mga ospital malamang ay hindi magdurusa ng ganito ang taong bayan. Not to mention that health workers are overworked but underpaid.
Who needs April Fools kung araw-araw naman tayong niloloko ng gobyerno?
I sighed.
Lumapit ako sa mga pasyente at nag-diagnose. Halos kaya pa naman ng lahat maliban sa isang lalaki na namimilipit.
“Doc,” lapit sa akin ng isang lalaking first year resident.
“Bakit?” tanong ko. “You need help?”
“Opo, e,” sabi nito. “Anyway, I’m Oliver po, first year emergency medicine resident. My patient is experiencing pain in his abdomen pero madalas naman din daw mawala pero ngayon sumasakit na raw po. May diarrhea rin daw last time at medyo mataas ang temperature. Madalas din daw siya mahilo.”
“Anong diagnosis mo, Oliver?” tanong ko.
“Hindi ko pa po sure, e.”
Tiningnan ko ang pasyente niya at namumutla na rin ito at namimilipit.
“Sumakit ba ang tiyan niya kanina tapos biglang nawala at bumalik ngayon?” tanong ko at nilapitan ang pasyente.
“Opo,” sagot nito. Ipinatong ko ang likod ng palad ko sa noo ng lalaki at napaka-init na nito.
“Tiniis niya kasi kanina. N’ong sumakit ulit at todo na raw, doon siya pumunta ng ospital,” concerned na sabi ng resident.
“Sir, totoo ba ’yon?” tanong ko sa pasyente.
Tumango ang lalaki kahit na namimilipit. Sinubukan kong hawakan ang tiyan nito pero humiyaw iyon sa sakit.
“What’s your diagnosis now?” I asked Oliver, the resident.
“I think appendicitis po,” sagot nito at kinakabahan.
That’s my diagnosis too.
“Sumakit daw kanina at nawala at saka bumalik. What do you think?” tanong kong muli.
Hindi ito makakibo.
“Pumutok na panigurado ang appendix niya at possible siyang magka-peritonitis, a serious infection of the inner lining of the abdomen, kung ganoon,” sabi ko rito. “Go bring him inside the ER nang matingnan. He might need a surgery.”
“Yes, Doc,” sabi nito at nagpa-assist sa isang nurse na kasama niya.
“Tingnan niyo naman ang asawa ko!” umiiyak na sabi ng matanda. “Kanina pa kami rito!”
Agad akong tumulong. Tiningnan ko ang lahat ng pwedeng tingnan para ma-assure sila na walang masamang mangyayari at magagamot sila. Maya-maya lang ay bumalik ang resident na kausap ko kanina at pawis na pawis.
“Bakit, Oliver?” taka kong tanong.
“Doc, busy po lahat,” sabi nito at natataranta.
“Wala bang senior resident, fellow, o kahit sinong attending physician sa loob?” tanong ko.
“Nasa operating room po halos lahat, ’yong iba raw po nasa day off pero papunta na after malaman ’yong volume ng tao tonight.”
“E, sila…Doc Trev?” kinakabahan kong tanong.
“Nasa affiliated hospital pa po. With the traffic, baka hindi raw po siya makarating.”
Nasapo ko ang noo ko at nag-isip.
“First time raw po na ganitong karami ang na-admit kaya hindi sila handa,” dagdag nito.
“Ospital ’to, dapat handa sila. May booking ba kung kailan puputok appendix mo?” naiinis kong tanong.
Natahimik ito. “Sorry po, Doc.”
“Pahiram ng ballpen,” sabi ko at kinuha ang ballpen niya at inipit iyon sa bulsa ng white coat ko. “Let’s go.”
“Po?” maang tanong nito.
Hindi na agad ako kumibo. Nang marating ko ang pinto ng Emergency Room ay pumikit ako at huminga nang malalim.
Now is the time, Maia.
In a snap, I opened the door with so much confidence and authority. No doubt, everyone’s eyes were on me.
Lahat ay busy sa paggamot sa kanya-kanya nilang pasyente pero halos matulala ang lahat nang makita ako.
Agad akong nilapitan ni Abby, isa sa mga nurse ng ospital.
“Maia?” gulat nitong sabi sa gitna ng mga bulungan ng ibang nurse at mga kapwa ko doktor. “Why are you here? Temporarily banned ka sa ER—”
“Nasa’n ’yong patient ni Doc Oliver?” putol ko sa kanya.
“Maia, baka mapano ka kapag nalaman nila. For sure, magagalit si Doc Trev kapag—”
“Ayun po,” turo ni Oliver sa pasyente niya.
Iniwan ko na roon si Abby na tinatawag pa rin ako pero sa huli ay sumuko na rin. Muli kong chineck ang pasyente at walang duda, appendicitis nga.
“He needs laparoscopic appendectomy surgery as soon as possible,” bulong ko.
“Noted, Doc,” sabi ni Oliver.
“Kung nasa labas ang family, hingin niyo ang consent. Mag-book ka na rin ng operating room. Patulong ka kay…”
Huminto ako at naghagilap ng pwedeng nurse na tumulong sa amin pero lahat ay busy.
“Kahit na may ma-book tayo, Doc, walang mag-oopera,” sabi ni Oliver.
Hindi ako naka-imik dahil may punto siya.
What should we do?
Bahala na nga.
“Saglit,” sabi ko kay Oliver at iniwan siya roon. Dali-dali kong nilapitan si Blaire. Nagtatahi iyon ng pumutok na kilay.
“What do you want?” tanong nito.
“Anong oras matatapos ang operations ng surgeons na nasa operating room?”
“About two hours,” sagot nito at nagpatuloy sa pagtahi.
“May vacant ba na operating room?” tanong ko.
“Mayroon pero ’wag mo nang pangarapin,” sabi ni Blaire. “Bawal kang mag-opera ng walang supervision ng attending physician. If you want to put your license at waste, go on, Maia.”
Ngumiti ito sa pasyente niya.
“Okay na sir, higa lang po kayo.”
Nang humiga ang pasyente ay tsaka tumayo si Blaire at sinundan ko siya. Lumipat naman ito sa pag-assist sa patient na may bandage ang ulo.
“Na-CT scan na si Sir, Abby?” tanong ni Blaire.
“Yes, Doc. Waiting po sa result.”
“Nice,” sabi nito at naglibot pa. Huminto ito sa lalaking bali ang hita.
“Blaire, ilang oras pa bago dumating ’yong mga surgeons natin?” tanong ko.
“Maybe half an hour?” sabi ni Blaire at tiningnan ang mga papel na binigay sa kanya ng nurse. “I don’t know.”
“We just need an attending physician to operate on someone, right?” I asked.
“Don’t think about it,” Blaire said, brushing me off.
“May appendicitis ’yong pasyente. I suspected pumutok na at pwedeng s’yang magka-peritonitis. We know how dangerous that can be.”
Huminto si Blaire. “Appendicitis? Who?”
Pareho namin itong nilapitan at ganoon din ang diagnosis niya.
“Wala tayong magagawa,” sabi ni Blaire. “Kailangan nating maghintay ng surgeon.”
“Didn’t you hear me? It might get worse,” I said.
“I know but even though we know how to operate appendicitis, hindi pwede kapag walang supervision ng attending physician.”
“Blaire, come on!” I frustratedly said. “A patient might die!”
“So are you once we operated him,” Blaire said. “Kahit gusto ko, hindi talaga pwede.”
Nagtitinginan na sa amin ang mga tao sa loob.
“So attending physician lang ang kailangan?” I asked, annoyed.
“Yea,” Blaire said. “If you find one, I might even help.”
“Okay, then,” I immediately dialled Doc Trev’s number. After a couple of minutes, he answered.
“Maia, don’t even think about convincing me to—”
“I WILL OPERATE A PATIENT AND I NEED YOU TO BE THE ATTENDING PHYSICIAN,” mariin kong sabi.
Lahat ay gulat na napatingin sa amin.
“Maia…what the fuck?!” gulat na tanong ni Blaire.
“Ano ’yong… narinig ko?” tanong ni Doc Trev sa kabilang linya.
“May ooperahan po ako at kailangan namin ng attending physician,” pag-uulit ko.
“Maia, are you in the ER? Hindi ba’t suspended ka?”
“That’s not the point here,” I said. “Marami nang injured at nasa bingit ng kamatayan. I have a patient here, a confirmed appendicitis patient with potential peritonitis.”
“Maia, ano ba!” putol ni Blaire.
“Pumutok na ang appendix niya at anytime now, he can be at risk. We need to do the laparoscopic appendectomy surgery. Alam ko kung paano ’yon gawin, nakapag-assist na ’ko before,” I said with full of eagerness.
“Let’s say I’ll help you, but there’s no available—”
“Operating room?” tanong ko at tiningnan si Oliver na nag-thumbs up sa akin. “May isa pang available at na-reserve na namin.”
Nasapo ni Blaire ang noo niya at hindi malaman ang gagawin.
“Bakit hindi mo nalang hintayin dumating ang mga—”
“I told you, Doc, the case is urgent. Handa naman akong mag-step aside kung may darating man. Ang akin lang, kailangan na ho itong maumpisahan. The more we prolong it, the more risk the surgery gets.”
“Aren’t you scared? If the family sues you, lagot ka. Wala kang attending physician with you,” sagot ni Doc Trev.
“Meron po,” sagot ko. “Kayo.”
“Huh?” tanong ni Doc Trev.
“You can assist me through phone call or video call, whichever you like.”
Bahagyang natahimik si Doc Trev at natawa. “Ibang klase, Doc Maia. Where did you get that brain?”
“Of course, I learned from the best,” I said fiercely.
“Sadly, I have to take it down. Hindi ko pwedeng i-risk ang pangalan ng ospital at ang lisensya mo. Wait ’till Doc Jess comes. She’ll be there in 15 minutes.”
“15?!” sigaw ko. “Pero—”
Maya-maya ay naputol ang linya.
“You heard it,” Blaire said. “Wait for Doc Jess.”
Tinapik nito ang balikat ko at tumalikod.
No.
I can’t let my patient die knowing I can do a lot better.
No, can’t be.
I closed my eyes hardly.
I sighed heavily.
Bahala na.
“I’LL OPERATE HIM.”
Blaire literally stopped and looked back with confused face.
“I’ll operate him whatever it takes,” I said and walked towards the guy’s direction.
Agad akong sinundan ni Blaire. “Maia, ano ba!”
“Oliver, tara sa OR,” sabi ko at akmang itutulak ang kama ng pasyente nang harangin ako ni Blaire.
“Stop it, Maia. Baka anong mangyari sa ’yo—sa license mo so please stop, okay? Let’s wait for Doc Jess and—”
“Step aside,” sabi ko.
“Maia—”
“I SAID STEP ASIDE!”
Umalingawngaw ang boses ko sa buong ER.
Napapikit nang mariin si Blaire at halatang nagtitimpi.
“Stop being childish,” mariing niyang sabi.
“My patient is dying, Blaire,” mariin ko ring sabi. “You don’t understand.”
“I do understand but what can you do?” she asked. “Hintayin na lang natin si—”
“STEP ASIDE!” sigaw ko sa dalawang resident na papalapit sana para pigilan ako. “Mas mataas ang year ko sa inyo, senior niyo ’ko.”
Tumigil ang dalawa at hindi malaman ang gagawin.
“Pinagtitinginan na tayo, Maia. Let’s just stop!” Blare exclaimed.
“We’ll stop if you’ll stop blocking the way,” I answered.
“Why don’t you stop being so childish and act your age? Resident pa lang tayo, Maia. Hindi tayo allowed—”
“Then sinong allowed? Nasaan ang mga allowed? Wala sila!” sagot ko.
“Kaya nga maghintay, ’di ba?” sagot ni Blaire.
“Buhay ang nakasalalay dito. Every second counts!”
“I know but we are still residents—”
Napapikit ako nang mariin sa inis.
“KUNG HINDI NATIN GAGAWIN, SINONG GAGAWA?!”
A deafening silence followed until someone broke the tension.
“Ako.”
Sabay-sabay kaming napahinto nang marinig namin iyon. Ang boses ay hindi galing kay Blaire o kay Abby. Malalim ang boses pero hindi galing kay Oliver.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto at isang lalaki na kararating lamang ang nandoon.
Nakasuot ito ng doctor coat, puting polo na naka-tuck in sa itim nitong slacks, at isang black shoes. Payat ang lalaki at may katangkaran. Maputi rin ang kutis nito at mayroong itim na buhok at bangs na halos takpan na ang itim na itim niyang mga mata.
Agad natahimik ang mga tao sa loob at maya-maya’y lumakas ang mga bulungan.
“I’m a second year gastroenterology fellow,” the guy said as he walked inside. “I’m also a GS.”
It took us a couple of minutes until the moment Blaire noticed who he was, the papers she was holding fell to the ground helplessly.
As my system started to absorb everything, I felt my heart racing inside me.
I felt them again.
After a long time of getting numb, things hit me again.
The mixture and overlapping emotions that used to fill me up—they were back.
I literally got frozen—as if I was stupefied.
That hair.
That face.
That eyes.
That stare.
That voice.
How can I forget those?
He was, and still is, the stranger that I am most familiar with.
Unti-unting lumakas lalo ang bulungan nang makilala siya ng iba pang mga doktor at nurse sa loob.
“He’s back!” reaksyon ng isa. “Oh my ghaaad, he’s back!’
Paano ka mag-rereact kung iyong taong dahilan ng gabi-gabi mong pag-iyak ay sumulpot sa harapan mo, makatapos ang ilang taon, na parang wala lang?
Paano ka mag-rereact kung iyong taong bigla na lang naglaho ay biglang darating sa panahong akala mo, okay ka na?
Sa panahong akala mo wala na siyang epekto sa ’yo?
How do you move on if you have no idea of what went wrong?
How do you move on from a love that didn’t even begin?
How can you move on from the love that made you realized that you are capable of love?
How do I move on from you?
While everyone’s eyes were still on him, he stood and faced us.
“I am Doctor Felix Kendrick Rye.”
Like a magical moment it was, a smile curved on his lips as he looked straight into my eyes.
“It’s been a while…”
And everything that had happened between us flashed in my mind again, as if they all happened just yesterday.
Your laughs.
Your giggles.
Your kisses.
Our first everything.
The time when I was lost and seeking for myself, I found you.
With you standing there and looking deeply in my eyes, for the hundredth time, I knew it.
The memories of the past flashed in my mind.
And in a heartbeat, my heart just took a step closer to you…
TAKING A STEP AWAY FROM YOU
Taking A Step Away From You Taking A Step Series #2 July, 2024
Thank you for waiting : )
Part One
“I am Doctor Felix Kendrick Rye…” he said while looking at my eyes with a smile so nice. “It’s been a while…”
I closed my eyes hardly. Halos isang linggo na ang nakakaraan simula nang dumating si Felix sa Ospital namin. Natapos na ang suspension ko at naka-move on na ang lahat, pero ako, hindi pa rin.
Katatapos ko lang mag-check up ng mga pasyente. Wala namang masiyadong gawain, hindi rin naman heavy ang load ko for this week, pero feeling ko pagod na pagod ako at walang pahinga. Sa tuwing bakante ang oras ko, my brain did nothing but to remind me of what happened that very night.
“Maia,” saad ni Yen, isa sa mga nurse na naging ka-vibe ko na rin kahit noong una ay ayaw namin sa isa’t isa. “Magpapasabay ka ba ng food o ano? Naghihintay si Ariane, oh.”
Doon naman ako napatingin sa babae sa harapan ko. Si Ariane ay isa ring doktor at sabay kaming pumasok sa hospital na ito. Masasabi kong super close kami, kahit na mas close pa sila ni Yen. Ako ang third wheel sa friendship nila.
“Girl, you know what, if inaalala mo pa rin ’yung last week, stop it. Grabeng humiliation na ang inabot mo that night, hindi dapat ginagawang core memory ’yan.”
Nagtawanan si Yen at Ariane. Maging ako ay bahagya na ring natawa.
Kilala ako sa ospital bilang ang doktor na matigas ang ulo. Kakampi ako parati ng mga pasyente at kahit na against sa protocol, gagawan at gagawan ko talaga ng paraan para makatulong.
Pero noong gabing iyon, noong si Felix ang nag-take over. Para akong isang bata na nasa gilid lang, tahimik at pinanonood lang ang lahat.
“I heard you’re under suspension,” Felix told me that night. “Let me handle the situation, Doctor Brynn.”
At para naman akong masunuring bata na tumango lang. Nagtatawanan na nga ang mga kakilala ko dahil kung ibang doktor lang ang nagsabi niyon, I would protest. But with Felix, I looked like a tamed fox.
He was a good doctor. He never showed stress kahit na sobrang stressful ng sitwasyon niya. Nahawa na lang tuloy ang mga staff at maging ang mga pasyente ay bahagyang kumalma.
I found out that the hospital scouted him to be part of the hospital, if not begged. They knew his expertise and achievements abroad so they didn’t waste any time at all.
“Wala namang nakakahiya sa ginawa ko,” depensa ko sa sarili. “Short staffed that day, ano ba naman kung mag overtime ako?”
Napailing na lang si Yen. “Maia, ’wag mo kaming lokohin, ha. Kung nakita mo lang mukha mo that day, kahit ikaw matatawa. Lahat kami rito inaaway mo kapag tingin mo mali ginagawa namin, or if tingin mong kaya namang i-bypass ang bagay-bagay. Pero that night, nasa gilid lang, parang multo.”
“Ano bang dapat kong gawin?” tanong ko pabalik. “He was good. No, he’s naturally good. Wala naman akong dapat kontrahin sa ginawa niya, nakita n’yo naman kung gaano siya kagaling. I applaused how he handled the situation, that’s it. Kaya nanahimik na lang ako.”
“Asus,” kantyaw ni Ariane. “As if naman hindi alam ng buong ospital na almost-a-thing kayo before. A love story that never had the chance to begin. A flower that didn’t bloom. An unfinished poem.”
Nagtilian si Ariane at Yen, tuwang-tuwa sa pang-aasar nila.
Mabilis na kumalat sa buong office ang nakaraan namin ni Felix. Na Felix had a huge crush on me, that we dated until we parted ways and all. E, paano, iyong mga ka-batch ni Felix noon ay dito rin nagtratrabaho. Wala pa ngang isang araw simula nang nagtrabaho si Felix dito ay alam na agad ng lahat.
“Ewan ko sa inyo,” natatawa ko na ring sa kanila. “Sige na nga, pasabay na lang ng ube milk tea sa The Alley. Iyon lang.”
“No,” mariing sabi ni Yen. “Kuwentuhan mo muna kami. Bakit hindi nag-level up ang dating part n’yo? What happened? Don’t tell me siya ang umayaw ha, e kung makangiti siya sa ’yo that night, mukhang miss na miss ka niya, e!”
Kilig na kilig ang dalawa habang ako’y ramdam ko na rin ang pamumula ng pisngi ko.
Is it true? Does he miss me, too?
Pero sa isang buong linggo na naririto na siya, he never asked me out. Ang interaction lang namin ay tungkol sa trabaho. Kapag may tanong kami tungkol sa pasyente, kapag may bagong memo, o simpleng ‘Hi’ at ‘Hello’ habang nagtitimpla ng kape sa coffee area na nauuwi rin agad sa ‘Bye’ at ‘See you around’.
Siguro, kahit ganito ang nararamdaman ko ay dahil na rin sa mga mata niya at kung paano siya tumitig sa akin nang gabing iyon.
If we only met in another location or in a different time, would he still look at me that way, as if he wanted to hug me and tell me how he missed me?
Hindi ako assuming na tao, pero kilala ko si Felix. Kabisado ko ang expressions ng mga mata niya. We shared a part of ourselves to each other, that’s why he will always be the most familiar soul that ever touched my heart.
Iyong mga tingin na iyon. Iyong ngiting iyon. Iyon ang binigay at ipinakita niya sa akin noong umamin siyang mahal niya ako. After longing for those eyes and smiles for eight straight years, and seeing it again in the most unexpected time, is it reasonable to feel this way?
“E, obvious din namang hindi si Maia ang nang-iwan, ’no?” saad ni Ariane. “Starstruck malala siya nang makita si Doc Rye, e—”
Natigil kami nang biglang may humampas ng table nang bahagya. When we looked at it, it was my ex-bestfriend. It was Blaire.
“Lower down your voice,” mataray nitong sabi. “Hindi lang kayo ang tao.”
Masama ang tingin na ibinigay dito nila Ariane at Yen.
Kinuha nito ang tumbler nito at mukhang aalis na nang bigla muling huminto at lumingon.
“Maia,” panimula niya. “Remember iyong pasyente from yesterday? Kami na ni Felix ang bahala roon. Don’t worry about it, you may go home if wala ka nang work.”
Kumunot ang noo ko. “Felix E-Mailed me that he needs my help for tomorrow.”
“And I E-Mailed him that I can help. I told him that you need rest. Tinulungan na kita. Go home, ako na ang magpre-prepare ng information for tomorrow.”
She smiled and left before I could even open my mouth again.
“Unbelievable,” sabi ni Ariane at pinatay ang phone. “’Wag na tayong mag-order, wala na ako sa mood.”
“Same!” saad ni Yen.
Bumuntong-hininga ako nang malalim. I can still remember how Blaire locked me up just so I couldn’t go to Felix. Only if I could, I would tell him that I love him too and I don’t want him to go somewhere far.
Blaire was a good friend and a reliable sister to me. It’s a pity that she let her anger and jealousy to ruin our friendship. Hanggang ngayon ay hindi ko magawang magalit sa kaniya. Whenever I catch myself being mad at what she did, naalala ko rin ang mga panahon na naging mabuti siya. If it weren’t for her and her family, I wouldn’t be here at all. Ewan.
Nakakatawa na lang isipin na ayaw ko pang magmahal ulit dahil pakiramdam ko ay hindi pa tapos ang sa amin ni Felix.
Nakakatawa din isipin na ayaw ko namang makipagkaibigan nang todo dahil sa karanasan ko kay Blaire.
The traumas that I get from love and friendship made me somehow feel lonely for the past eight years.
I sighed. Tumayo na ako at naghubad ng coat.
“Saan ka pupunta, Maia?” Tanong ni Yen. “Don’t tell me ibibigay mo na lang kay Blaire iyong moment n’yo na sana ni Felix?”
Tumango ako. “Masiyado akong drained. Gusto ko na sanang umuwi.”
Wala nang nagawa ang dalawa nang kinuha ko na ang bag ko at wala sa sarili na lumabas ng kwarto. Instead of taking the elevator, I took the stairs instead. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang bigla akong mapahinto. Parang kinukurot ang puso ko.
Naalala ko ang move on process ko. Kung paano ako umiiyak gabi-gabi, kung paano ko siya hinanap sa lahat ng social media platforms, pero deactivated na lahat ng accounts niya. Naalala ko kung paano pa ako humingi ng tulong sa mga kaibigan niya, ngunit maging sila ay walang alam.
Ang sabi niya, kung hindi ako sisipot sa flight niya, gets na niya iyon. Na hindi ko siya gusto. Inever had the chance to explain myself. I never had the chance to tell him that I love him. That I will go to him in a second. Wala lang akong magawa dahil naka-lock ako sa kwarto ni Blaire at buong gabing umiiyak.
I took out of my phone and opened my E-Mail.
For the past eight years, nagse-send lang ako ng E-Mail sa kaniya. Ipinaliwanag ko ang nangyari, na hindi ko ginustong hindi makarating nang araw na iyon. I confessed that I love him too. Pero hindi siya nagre-reply sa kahit na anong sine-send ko. I was sending him E-Mails every day, until it becomes every week and every month. Hanggang sa dulo ay naawa na lang ako sa sarili ko at kusang huminto.
Hanggang kagabi, he sent me an E-Mail asking for my assistance. He used the company E-Mail, but I can’t help thinking about it.
Nabasa niya kaya ang E-Mails ko noon? Imposibleng hindi. Pero bakit wala siyang reply? Bakit wala siyang sinasabing kahit na ano?
Hindi na ba niya ako gusto?
I felt tears forming in my eyes. Lahat ng trauma ko ay bumabalik. Parang dinudurog ang puso ko. Kaya ko namang mag-move on, pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko, may kasunod pa. Na hindi pa iyon ang ending na para sa amin.
But he looked like he had moved on already while my heart’s still aching for him. I shook my head.
Maybe, it’s the perfect time to finally stop yearning for that love that was never defined.
Akmang maglalakad na ako ulit nang biglang may pumasok sa isip ko.
Hindi matatapos itong mental and emotional torture ko sa sarili ko kung hindi ko haharapin ang problema ko. I need to talk to him. I need to tell him the things that I failed to say before. I need his thoughts.
That’s it, Maia.
Kailangan kong sabihin lahat-lahat, para matapos na ang lahat ng what-ifs at regrets sa isip ko. Para alam ko kung tapos na ba talaga o may kasunod pa. Closure is what I need, otherwise I’d lose my sanity.
It doesn’t matter kung gusto niya pa ako o hindi, if he had moved on or not. I need to let these things off my chest.
Pinag-iisipan kong mabuti kung tama ba ang gagawin ko o hindi. Nang makalabas ako ng ospital ay nakapag-decide na rin ako.
Sasabihin ko na. Good thing at nakatira lang si Felix one floor away sa condo unit ko.
Inilabas ko ang phone ko at nag-send ng E-Mail kay Felix, asking him to meet me outside the building. I told him I would be there in fifteen minutes. Nakasakay na ako sa bus nang mag-reply siya.
“See you, then.”
My heart took a leap. He didn’t even ask what for, as if he was expecting me to do this. As if he was waiting for this to happen.
Kumakalabog ang dibdib ko. Will this really solve my suffering, or will it cause me more damage?
Bahala na.
Nang makababa ako sa bus ay tanaw ko na agad ang building ng condo namin. Bawat yapak ko ay lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib ko. Para akong kinakapos ng hininga.
Tumayo ako sa labas ng building at paulit-ulit na ni-reload ang E-Mail, hoping for him to send a message but there was none. Naputol lang ako sa ginagawa ko nang biglang may lumapit sa aking babae.
“Hallo, do you speak English?”
She has a golden brown hair and blue eyes. Napakaganda.
The way she said ‘Hallo,’ I knew that she was a German. Nakailang punta na rin ako sa Germany dahil sa work ko at karaniwang bati na iyon doon.
“Wir können auch auf Deutsch sprechen, wenn Sie möchten (We can also talk in German if you like).”
Bahagya siyang nagulat. “Können Sie Deutsch sprechen? Schön! (You can speak German? Nice!)”
“Letzes Jahr war ich in Deutschland, deswegen (I was in Germany last year, that’s why),” confident kong sabi.
“Sie sprechen sehr gut. Ich habe aber eine Frage (You speak German so good. And oh, I have a question),” she started. Ipinakita niya sa akin ang phone niya at doon ay may address na nakalagay. “Ich suche diese Adresse. Kennen Sie vielleicht das Gebäude (I am looking for this address. Do you, perhaps, know this building?)”
Ngumiti ako at itinuro ang building ng condo ko. “Da ist es (The buidling is there).”
“Echt? Ich war zu dumm, trotzdem danke schön! (Really? I’m so dumb, but thank you so much!)”
“Nicht dafür (No worries),” I said back before we exchanged our byes. Pinanood ko siyang pumasok sa loob ng building dala-dala sng maliit niyang maleta.
Tiningnan kong muli ang phone ko at bumuntong-hininga. Wala pa ring E-Mail si Felix kung nasaan na ba siya.
Ilang minuto lang ang lumipas ay natanaw ko na siya. Naglalakad siya papalapit sa akin.
As he was taking a step closer to me, I can’t help but to feel all the mixture of emotions in me.
As he finally inched the tiny gap between us, I can’t help but to have a flashback of what we used to have.
“I’m sorry, Doctor Brynn, kanina ka pa?” bungad niya sa akin.
Doctor Brynn. Hindi na Maia ang tawag niya sa akin. He had already built a wall between us.
“Hindi naman, Felix,” I said, trying to break the ice. “Kararating ko lang din.”
“Glad to hear,” he said and smiled a bit.
There’s something off about him. He wasn’t looking me as dearly as last week. He was no longer smiling at me differently—the spark wasn’t there.
“May sasabihin ka pala?” tanong ni Felix. “Did I do anything wrong at work?”
“No, hindi about doon,” defensive kong sabi. “It’s actually… uh, about… uhm…”
I can’t find the right words to say. I don’t have the bravery to tell it directly. The cold shoulder killed the little hope in me.
Pero ipinangako ko sa sarili ko na kahit na ano man ang sabihin niya, kung mahal pa ba niya ako o hindi, it doesn’t matter. I’m doing this for my inner peace, ’di ba?
Gusto kong tawanan ang sarili ko. Deep wihin me, I knew, I was yearning for that love that was never defined.
Tiningnan ko siyang muli sa mga mata. Bahala na.
“Felix, it’s about what happened before—”
“Oh…” biglang lumapad ang ngiti ni Felix. Even his eyes smiled along with his lips.
Iyong ngiting iyon. Iyong tinging iyon. Iyon ang matagal ko nang hinahanap.
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi iyon para sa akin.
Felix’s eyes were fixated at something behind me. Itinaas niya rin ang kamay niya at kumaway.
“Schatz, ich bin hier! (Sweetheart, I am here!)”
Mabilis akong lumingon at nakita ko ang babaeng kausap ko na kumakaway at naglalakad papunta sa amin.
My eyes widened as I rerouted my eyes back to Felix. Para akong nabingi at namanhid.
“G-Girlfriend mo?” bakas sa boses ko ang lungkot at pagkadismaya.
Umiling siya.
But the next thing he said broke me into tiny million faces.
“Fiancé ko.”
And just like that, under the million stars above, my heart just took a step away from him…

