Tall, Daks and Handsome
vincentmanrique · 50 chapters · 60,823 words
Tall, Daks and Handsome
Ang 25-anyos na si Cheska Divino ay napapaligiran ng mga kaibigan niyang mulat sa mga kagagahan sa buhay. Binubuyo na siya ng mga ito na mag-boyfriend na rin para naman hindi raw siya nahuhuli sa mga kuwentuhan at comparing notes nila. Ang problema, hindi naman siya ligawin. Kaya nagpasya siyang maghanap ng boyfriend sa isang online dating site. At ang qualities na hinanap niya sa magiging boyfriend, kailangang pasok sa standard ng kanyang mga kaibigan— tall, daks and handsome— para hindi siya mapahiya ’pag nakisali na siya sa mga kagagahang kuwentuhan ng mga ito.
Ngunit sa mga aplikante, isang lalaki ang kumuha ng kanyang atensyon, si Jerimie Alexander Manderico Matangkad ito. Guwapo rin. Pero hindi siya sigurado kung daks ito dahil ayaw nitong ipakita ang “kadakilaan”.
Paano niya ipagmamalaki si Jerimie kung hindi ito pasado sa standard ng kanyang mga kaibigan?
Book Cover Design: greatfairy
Chapter 1
“TEH! Walang sinabi ang mga dyowa n’yo sa dyowa ko. Itsura pa lang, panis na agad ang mga boyfriend n’yo!” Katulad nang dati ay bumabangka na naman sa usapan si Kenly, ang bading niyang kaibigan. Tuwing lumalabas silang magkakabarkada, madalas na sagot nito ang kuwento. Pero siyempre, hindi naman magpapatalo ang dalawa pa niyang kaibigan na sina Mariel at Portia. Lalo na pagdating sa payabangan ng boyfriend ang pag-uusapan, asahan mong may kani-kaniyang anekdota ang bawat isa para ipagyabang ang kanilang kasintahan.
“Kung mas guwapo pala ang boyfriend mo kesa sa boyfriend ko, eh bakit nagka-crush ka sa boyfriend ko kahit sinasabi mong masaya ka naman sa dyowa mo?” Hindi talaga magpapatalo si Portia. Sa kanilang apat, ito ’yong tipong laging nasa unahan. Nasanay na kasi itong laging nangunguna sa klase. Katunayan, grumadweyt itong Summa Cum Laude.
“Hoy, Portia Dela Cruz! Hindi naman porke crush ko ang dyowa mo eh, mas guwapo na ’yon sa boyfriend ko. Sa ating lahat, dyowa ko ang pinakaguwapo. Alam mo ’yan, ’di ba Mariel.”
“Ewan ko sa’yo. Basta kuntento ako sa boyfriend ko. Hindi lang ’yon basta guwapo, malaki pa. Kitang-kita n’yo naman, sa height pa lang panlaban na. Six-footer! Asahan mo nang malaki pati ibang bahagi ng kanyang katawan, if you know what I mean,” pilyang sabi ni Mariel sabay kindat.
Pinamulahan ng mukha si Cheska. Ganito talaga magsalita itong si Mariel, walang preno. Laswa kung laswa. Pero hindi rin talaga magpapatalo si Kenly.
“Bakit, nakita mo na ba? Baka naman binabase mo lang sa height. Hindi iyon ang sukatan para malaman kung dakota ang boylet. Believe me. Iyong isang ex ko, ang laking tao pero mas malaki pa ’yong sa akin ’noh!”
Napahalakhak nang malakas si Portia. “Dapat nakipagpalit siya ng nota sa’yo. Kaya mo ba hiniwalayan iyon ay dahil sa maliit niyang pag-aari?”
“Partly yes,” pag-amin ni Kenly. “Nakaka-disappoint kasi. Nakakaloka. Looks can really be deceiving. Iyong inaakala mong daks, duty free, tax free pala!”
Napatanga si Cheska. “Anong daks? Anong duty free tax free?”
“Hay naku, Maria Clara saang planeta ka ba nagmula at hindi ka maka-relate sa pinag-uusapan namin? Daks lang ’di mo pa alam. Ibig sabihin no’n, dakota. Malaki. Big. Ganern!” Iminuwestra pa ni Kenly sa pamamagitan ng kamay kung paano ang daks o dakota. “Iyong duty free naman, siyempre kabaligtaran ng big. Dyutay. Small. Maliit.”
“Ahhh,” napapatangong usal ni Cheska. “Ganoon pala ’yon.”
Tinaasan lang siya ng kilay ni Kenly. “Mag-boyfriend ka na kasi. Para hindi ka naiiwanan ng sibilisasyon.”
“Oo nga, beshie. Ang ganda-ganda mo ba’t wala kang boyfriend? Tomboyita ka ba?” tanong ni Portia.
“Hindi, ah!” mabilis niyang pagkontra. “Anong magagawa ko kung wala namang nanliligaw sa akin? Ako pa ba ang manliligaw?”
Natawa si Mariel. “Eh, kung ganyan pala na hindi ka ligawin, paano ka magkakadyowa?”
“Hindi naman ako atat magkadyowa,” depensa niya sabay irap sa mga kaibigan.
“At kelan ka magiging atat, kapag hindi na uso ang dyowa?” pang-aasar ni Mariel.
Sumabad si Portia. “Cheska, kapag hindi mo ginamit ’yan, magsasara ’yan lagot ka! Mas malaking problema ’pag nagsara ’yan,” pananakot nito sa kanya.
“At saka mahiya ka naman sa akin, beshie. Kababae mong tao, wala kang boyfriend. Eh, ako nga beki, pero meron. Tinalo pa kita,” turan ni Kenly ng may pagmamalaki.
“Ako na naman ang nakita n’yo…”
“Mag-boyfriend ka na kasi!” sabay-sabay na sigaw ng tatlo niyang mga kaibigan.
MULA COLLEGE ay magkakilala na sina Cheska Divino, Mariel Palomares, Kenly Salviejo, at Portia Dela Cruz. Pare-pareho sila ng kursong kinuha sa kolehiyo— Bachelor of Arts in Mass Communication sa Liceo De San Ignacio. Sa kanilang apat, si Cheska ang pinakatahimik. Medyo mahiyain kasi ito lalo na sa mga bagong kakilala. Pero pagtagal ay lumalabas din naman ang taglay nitong kakulitan. Kailangan lang talagang i-push para maipakita ang self-confidence nito. Pero huwag ka, marunong din itong makipagtalo at magtaray kung kinakailangan.
Si Mariel na isang radio DJ ay lista at palaban. Kung titingnan mo ay mukhang napaka-fragile nito pero hindi ito ang tipong magpapatalo nang basta na lang. May mga oras na bulgar din ito kung magsalita lalo na at sila-sila lang ang magkakasama. Pero maliban doon ay mabait itong kaibigan.
Si Portia naman ang pinakamatalino sa grupo. Agad itong natanggap na news anchor sa isang sikat na istasyon ng telebisyon pagka-graduate sa kolehiyo dahil bukod sa angking talino ay may ganda rin itong kaaya-ayang panoorin sa telebisyon.
Ang pinakalukaret sa grupo ay si Kenly na isang social media content producer sa parehong kompanya kung saan nagtratrabaho si Portia. Aminado si Kenly na mula pagkabata ay alam na niyang siya ay bading at hindi niya ito itinago kahit kanino. Maingay at bastos din ang bunganga niya kapag nagbibiruan silang magkakabarkada. Tanggap nila ang bawat isa at masaya sila sa kanilang samahan.
Pero si Cheska ay talaga namang nahuhuli na sa kuwentuhan kapag kasama niya ang mga kaibigan. Maging sa uri ng trabaho ay iniisip niyang siya ay napag-iiwanan na rin. Hindi katulad ng mga kaibigang naging media practitioner, siya ay nagtratrabaho ngayon bilang Project Officer sa isang Non-Governmental Organization. Iniisip niyang magturo nang part time sa kolehiyo sa susunod na taon para sa dagdag na kita. Pero hindi ang dagdag na kita ang talagang pinoproblema niya kundi ang katotohanang sa edad na 25 ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend. Sumpa ba ng langit na tumanda siyang dalaga? Sayang naman ang ganda niya. Sa totoo lang, marami talaga ang nagsasabing maganda siya. Kahit nga ang mga barkada niya ay pinupuri ang ganda ng kanyang mukha. Hindi nga ba’t noong nasa kolehiyo pa siya ay may lumapit sa kanyang isang talent scout at hinimok siyang mag-artista? Hindi lang talaga niya linya ang pag-arte kaya ’di niya pinatos ang oportunidad.
Pero ngayon ay dapat na siguro niyang gawan ng paraan ang kanyang pagiging loveless. Kailangan na niyang kumilos ngayon.
As in now na!
Isang online dating site ang binuksan niya sa internet at saka nag-register. Nang matapos ilagay ang mga kailangang impormasyon ay nilagay niya ang isang anunsyo sa kanyang profile.
WANTED BOYFRIEND
Qualifications:
25-28 years old college graduate may trabaho tall, daks, and handsome
Send your resume with photos (1 whole body and 1 close up shot) at cheskadivino@gmail.com
I will only reply to shortlisted applicants.
Ang taray! May pagkasupladita ang post. May magkakamali kayang mag-apply?
Meron naman siguro. Bakit mawawalan eh inilagay niya kaya ang pinakamaganda niyang litrato. Marami ang nagsasabing photogenic siya. Pero madalas kinokontra niya iyon kasi alam niyang hindi lang siya sa larawan maganda. Kahit sa personal, maganda siya talaga.
Kaso, bakit hindi siya ligawin?
Kahit noong nag-aaral pa siya, wala man lang ni isang nagtangkang ligawan siya. Buti pa nga si Kenly. Kahit bakla iyon, nakatatlong boyfriend ’yon noong nasa college pa sila.
Kahit sina Mariel at Portia, nagka-boyfriend din noong college sila. Bukod tanging siya lang talaga ang napag-iiwanan. Kaya nga madalas sa mga lakad nilang magkabarkada, nagkukunwari na lang siyang may pupuntahang iba o may importanteng gagawin para hindi siya makasama sa lakad nila. Kasi madalas, out of place siya. Siya lang kasi ang walang boyfriend. Siya lang lagi ang walang maikuwento kapag nagpapayabangan na sila tungkol sa lovelife.
Anong ikukuwento niya eh, wala naman talaga.
At ngayong nagtatrabaho na siya, wala pa ring nanliligaw sa kanya. Samantalang si Kenly ay going strong ang relasyon sa isang katrabaho nito. Sina Portia at Mariel ay masaya rin sa kanilang buhay pag-ibig. At gaya ng dati, siya pa rin ang luhaan at walang dyowang maipagmamalaki.
Ano ba? May mali ba sa kanya? May kulang ba? Bakit wala man lang lalaking nakakakita ng kanyang kagandahan?
Totoo nga siguro ang sinasabi nila na nauubos na ang mga lalaki. Lahat ay naging bakla na!
Kapag nagfe-facebook nga siya, andami niyang nakikitang mga guwapong lalaki na may mga ka-holding hands na guwapo rin.
Nakakaloka! Sila-silang mga guwapo na lang ang nagliligawan at nagiging magkarelasyon. Paano na kaming mga anak ni Eba? Sino na lang ang magmamahal sa amin?
Nagulat siya nang biglang may mag-pop up na message sa laptop niya. May nag-chat!
Hi!
Tiningnan niya ang profile picture ng lalaking nag-chat. Hmm, may itsura.
Pero hindi naman siya nakasisiguro na ito talaga ang itsura ng lalaking nag-chat. Uso pa naman ang mga poser. Iyong mga taong gumagamit ng litrato ng iba para isipin ng kausap nila sa siya nga iyong nasa larawan.
Baka mamaya mukhang sapsap ang lalaking ito, ah!
Hello…
Hinintay niyang sumagot ang lalaking ka-chat niya.
Maganda ka naman, ah. Bakit ka naghahanap ng boyfriend?
Hindi siya agad nakasagot. Anong sasabihin niya?
Trip ko lang. Alam mo ’yun, something new, something exciting.
Hindi ka natatakot na makatagpo ng manloloko rito?
Eh, ’di ba online dating site naman ito? So, everything is risky. Nasa akin na lang iyon kung paano ako mag-iingat.
Okay. I’ll be sending an application. If that’s you on the photo, you’re gorgeous.
Ansabe? Gorgeous daw siya? Binasa niya at tinandaan ang username ng lalaki: MrOnly4U.
Just make sure you meet all the qualifications.
Chapter 2
MUNTIK nang mapatili si Cheska nang magbukas ng email sa opisina kinabukasan. Nakita niya na maraming sumagot sa panawagan niya sa paghahanap ng boyfriend. Nakakaloka! Pakiramdam niya ay isa siyang produkto na maraming gustong bumili.
Isa-isa niyang binasa ang resume ng bawat aplikante na umabot sa lagpas animnapu. To think na wala pang 24 hours na naka-post ang advertisement niya. Ganoon ba karami ang mga lalaking desperadong magka-lovelife?
Isa-isa niyang binasa ang mga email. Kinilabutan siya sa ibang aplikante. Sinabi na nga niyang handsome pero may mga nag-apply na mukhang tipaklong. Iyong isa pa nga ay mukhang hindi man lang muna nanalamin bago nagpalitrato. Mukhang “I woke up like this” ang peg dahil parang kagigising lang nito sa ipinadalang close up shot na litrato. Bigla ay parang nagsisi siya kung tama bang sa online dating site siya naghanap ng magiging boyfriend.
Isang resume ang tumawag sa kanyang atensyon.
Medyo tumaas ang kilay niya sa ilang detalyeng nakasulat sa resume nito at gusto na sana niya itong i-delete pero napanganga siya sa litratong naka-attach sa email. Isang lalaking guwapo, matangkad, maganda ang pangangatawan… at tanging shorts lang ang suot!
Kailangan ba talagang shorts lang ang suot? Tumaas ang kilay niya. Iba siya. Iba ang aplikanteng ito.
Hinanap niya sa email ang close up shot na litrato pero wala siyang nakita. Isang picture lang ang in-attach ng Jerimie na ito.
Muli niyang pinagmasdan ang larawan ng lalaki. Ewan pero bakit parang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan.
Napalunok siya. Napakaguwapo ng lalaki. Maganda pa ang katawan. Yummy! Tuluyan nang nanuyo ang kanyang lalamunan.
Ang lagpas animnapung aplikante ay sinala niyang mabuti hanggang maging anim na lang. Anim ang pumasa sa kanyang pihikang panlasa. Sinagot niya ang email ng anim na pumasa at ibinigay niya ang detalye para sa interview.
Huwaaattt?! May interview pa talaga?
Oo naman. Paano niya malalaman kung sino ang karapat-dapat niyang maging boyfriend kung hindi niya muna ito kakausapin? Isang paraan din ang interview para malaman niya kung totoo ba ang mga pinaglalagay na impormasyon ng mga ito sa email. Kailangan niyang magsiguro. Kailangang maging maingat siya. Mahirap na ang malagay siya sa peligro dahil sa ginawa niyang ito.
Puwede naman sanang i-text o tawagan na lang niya ang anim na aplikante pero nagdalawang isip siya. Mas okay nang sa email niya ibigay ang detalye ng gagawing interview.
Pagkatapos mag-reply sa email ng kanyang shortlisted applicants ay siniguro niyang burado na ang post niya sa online dating site at saka agad siyang nag-deactivate ng account bago pa tuluyang kumalat sa internet ang kanyang larawan. In fairness, malabo naman ang picture na nilagay niya roon dahil nga kinakabahan siya sa kanyang ginawa. Ngayon ay makakahinga na siya nang maluwag dahil wala nang ebidensya ng kanyang pagkadesperada.
Kasunod noon ay gumawa naman siya ng account sa skype. Gagamitin niya iyon para sa online interview niya sa anim na aplikanteng pumasa sa ginawa niyang screening.
Naloloka na siya sa takbo ng mga pangyayari. Bakit ba siya pumatol sa mga ganitong kagagahan? Kailangan ba niya talagang gawin ang ganito para magka-boyfriend lang?
Hindi ito dapat malaman ng kahit sino sa mga kaibigan niya. Nakakahiya. Baka pagtawanan siya ng mga iyon. Si Kenly nga na bakla hindi nawawalan ng boyfriend, tapos siya na totoong babae kahit isa, wala! Napaka-unfair ng mundo. Buti sana kung pangit siya, matatanggap niya iyon. Kaso, hindi naman siya pangit. Maganda siyang babae. Maganda with a capital M!
Sana ay mabasa agad ng mga aplikante ang email niya. Para maumpisahan na niya ang next level of screening mamayang gabi.
Oo, mamayang gabi. Alangan namang mag-skype siya habang nasa opisina at nagtatrabaho. Baka magtilian ang mga manang na kasamahan niya sa trabaho kapag nakitang pinaghuhubad niya sa skype ng kausap niyang lalaki.
Hubad talaga?
Siyempre! Paano niya malalaman kung daks ang aplikante kung hindi ito maghuhubad?
Napaisip siya. Mukhang mas exciting yata kung sa personal na lang niya interbyuhin ang mga lalaking iyon. Lihim siyang napangiti. Isang napakapilyang ngiti.
“O, bakit natatawa kang mag-isa riyan? Anong nangyayari sa’yo?” Hindi niya namalayan ang paglapit ni Pura, ang kaopisina niyang matandang dalaga na Administrative Officer doon. Forty years old na ito at tumanda na sa pagtatrabaho roon. Masyado itong naging abala sa trabaho at sa pagpapaaral sa mga pamangkin kaya nakalimutan na nito ang buhay pag-ibig.
“H-ha? Ah, w-wala. May naisip lang akong nakatatawang nangyari sa bahay kanina,” palusot niya. Mabilis siyang nag-logout sa email.
“Ah, ganoon ba?” Sa tono ni Pura ay mukhang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
“Ba’t ka nga pala nagpunta rito? May kailangan ka ba sa akin?” Binago na niya ang usapan.
“Ah, ire-remind lang sana kita na huwag kaagad umuwi mamaya para mapag-usapan ’yong next project natin sa La Union. Kailangan na nating i-finalize ang project dahil next month na iyon mag-uumpisa.”
Nakangiti siyang tumango. “Oo, hindi ko naman nakalimutan.”
“Sige, kita na lang tayo mamayang lunch.” Kumaway pa ito sa kanya bago naglakad pabalik sa puwesto nito.
Inatupag na niya ang trabaho. Mamaya na lang niya babalikan ang email niya pagkauwi niya sa bahay.
Nang magsimula ang meeting nila pagkatapos ng trabaho ay nagulat pa siya sa sinabi ni Pura.
“We will be giving this project to you, Cheska. So next month, you will be going to La Union to spearhead this project.”
“Ako lang mag-isa?”
“Alam mo naman na kulang tayo sa tao. Umaasa lang tayo sa mga volunteer. Kung may mahahanap tayong volunteers, puwede ka naming bigyan ng isa or dalawang kasama. Two weeks ka lang naman doon sa La Union.”
Marahan na lang siyang napatango tanda ng pagsang-ayon.
“So, okay na tayo?” tanong ni Pura.
“Yeah, I’ll take this project.” Kung meron man siyang isang magandang katangian, iyon ay ang wilingness niyang sumubok ng mga bagay na iba sa nakasanayan na niya. Willingness to do things out of her comfort zone. Eh, ano ba kung wala siyang makasama? La Union lang iyon. Isang sakay lang ng bus papunta roon.
Pagod na pagod siya nang makauwi mula sa trabaho. As usual, kinain na naman ng trapik ang oras niya. Agad siyang humilata sa kama nang hindi pa nagpapalit ng damit. Gusto na tuloy niyang matulog.
Napabalikwas siya ng bangon. Bigla niyang naalalang kailangan pa niyang mag-online ngayong gabi.
Binuksan niya ang kanyang laptop at nag-login sa email niya. Isang aplikante ang agad niyang nakitang nag-reply sa kanya. Napangiti siya. Sa anim na aplikanteng pumasa sa initial screening niya, isa ang lalaking ito sa pinakaguwapo.
Si Rodney Samonte.
Chapter 3
ONLINE din si Rodney nang mga sandaling iyon. Tamang-tama.
Agad siyang sumagot sa email nito.
Can you login to skype now? I have provided my ID in the previous mail.
Para siyang tanga, naisip niya. Puwede namang tawagan kung bakit sa email pa sila nag-uusap.
Okay, wait…
Halos dumagundong sa kabog ang dibdib niya nang sumagot si Rodney. Eto na. Eto na talaga! Wala nang urungan ito.
Ilang sandali lang ay nakita niya sa skype ang lalaki. In fairness, ang guwapo nito!
“You are Rodney Samonte, 26 and a resident of Las Piñas City,” panimula niya.
“That’s correct, and I presume you are Cheska Divino based on your email address.”
“Oo, real name ko ’yon.”
“So, anong naisipan mo at naghanap ka ng boyfriend sa dating site sa iyon? Maganda ka naman.” Nakita niya sa screen na parang natatawa ang lalaki pero pinipigilan lang nito ang sarili.
“Okay, I’ll be very honest,” sagot niya. “Peer pressure. Gusto kong magka-boyfriend na once and for all para hindi na ako ang butt of jokes every time na nag-uusap kami ng mga kaibigan ko.”
“Iyon lang?” Ayaw ba nitong maniwala sa kanya? “Pero maganda ka naman. Very beautiful, actually. Bakit kailangan mo pang maghanap?”
Pinormalan niya ang kausap. “I am the one who is supposed to interview you.”
“Oh, I’m sorry. You may now start with the interview.” Hindi seryoso ang paghingi nito ng paumanhin dahil nangingiti ito, nakita ni Cheska.
“It was stated in your resume that you are self-employed. What do you particularly do for a living?”
“Ahm, well… I am into multi-level marketing business.”
“Networking?” taas-kilay niyang tanong.
“Yeah. Why, is there a problem?”
“W-wala naman. Ano naman ang products n’yo?”
“Open-minded ka ba sa business? Can I invite you over a cup of coffee?”
Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Cheska. Ilang ulit na ba niyang narinig ang linyang ’yan? Lahat yata ng alam niyang networking business ay puro kape lang ang ino-offer kapag nag-invite ng prospective clients. Akala ko ba mayayaman ang mga nasa networking business, gusto niyang itanong. Bakit kape lang? Hindi ba puwedeng i-level up into fine dining man lang para mas convincing na kumikitang kabuhayan nga ang networking na ’yan?
“No, marami na ang nag-attempt na i-recruit ako pero walang nagtagumpay. Networking is not for me,” she said with conviction.
“Well, it might be different this time around if you’ll just allow me to discuss our products.” Tila desidido si Rodney na ma-recruit ang kausap.
“Ituloy na natin ang interview…”
Nakita niyang nagkibit-balikat si Rodney. “Okay, ikaw ang bahala.”
“Bakit mo naisipang mag-apply bilang boyfriend ko?”
“Bakit nga ba?” Tumingala pa ito sa kisame na parang doon hinahanap ang isasagot. “Na-curious ako. Akala ko noong una, joke lang. Seryoso pala. Seryoso, ’di ba?”
“Paano kung joke lang?” Ano kaya ang gagawin ng lalaking ito?
“Eh, ’di okay lang. Masaya ka namang kausap. Yayayain na lang kitang mag-networking.”
Networking na naman!
“Hindi nga ako mahilig sa networking. Hindi para sa akin ang ganyang business.”
“So, ano? Pasado na ba ako bilang boyfriend mo? Ano ba ito, may bayad? Role playing lang ba o totohanan?” sunod-sunod na tanong ni Rodney.
Hindi agad nakasagot si Cheska. Nalunok niya yata ang dila niya.
“Huuy! Sabi ko, kunwari lang ba ito o totohanan?”
“R-role playing lang.”
“Aww, sayang. Akala ko, magkaka-girlfriend na talaga ako. Pero ’di bale, okay na rin ’yun. Magkano ang talent fee?”
“Saka ko na lang idi-discuss ang talent fee. Doon ko lang sasabihin sa mapipili kong boyfriend.”
“Ano? Hindi pa ba ako ang napili mo? May iba ka pa bang pinagpipilian?” Parang nalugi sa negosyo ang itsura ng lalaki. Umasa siya na magiging girlfriend niya si Cheska kahit kunwari lang.
“Meron pang iba siyempre. Now, tumayo ka,” utos niya rito.
“Ha? Bakit?” nagtatakang tanong ni Rodney.
“Aware ka naman sa qualifications ng hinahanap kong boyfriend, ’di ba?”
“Oo, bakit?”
“Tall… Ano pa?”
“Dark and handsome,” kumpiyansa nitong sagot.
“Huh?! Walang dark sa qualifications. Hindi dark ang nakasulat do’n,” pagtutuwid niya sa pagkakamali ni Rodney.
“Eh, ano pala?” seryosong tanong ng lalaki.
“Tall, daks and handsome.”
“Daks? Daku?”
“Malaki. Dapat malaki ang itinatagong bagahe.”
“Titingnan mo?” Hindi makapaniwala ang itsura ng lalaki. Kung nahihiya ito o nae-excite ay hindi malaman ni Cheska.
“Hubarin mo ang pantalon mo. Pati brief. Tapos, tumapat ka sa camera para makita ko kung pasado ka.” Hindi alam ni Cheska kung paano niya nasasabi ’yon. Hindi pa siya nakakakita ng ganoon sa totoong buhay. Paano niya madi-distinguish ang malaki sa maliit? Ano ba ang standard para masabing malaki o maliit ang pribadong bahagi ng isang lalaki?
“O, sige ready na ako.” At bago pa nakakilos si Cheska ay nahubad na ni Rodney ang suot nitong pantalon kasabay na rin ang brief.
Bumulaga kay Cheska ang bahaging iyon ni Rodney na tingin niya ay matikas at tila ba sumasaludo pa sa kanya. Muntik na siyang mapatili.
Inilapit pa ni Rodney ang sarili sa camera kaya mas lumaki pa iyon sa paningin niya.
At tila tumatango-tango pa talaga!
“Magsuot ka na ng pantalon! Okay na,” natatarantang sabi niya kasabay ang pagpikit ng mga mata. Ngayon pa siya pumikit kung kelan nakita na niya pati singit ng lalaking ito. “Ano ba itong kalaswaang pinaggagagawa niya sa buhay? Kung kailan siya tumanda at saka pa siya gumawa ng ganitong kahalayan. Kababae niyang tao!
Pagdilat niya ay suot na muli ni Rodney ang pantalon. Nakahinga siya nang maluwag.
“Mukhang naisahan mo ako roon, ah. Nakita mo na ang lahat sa akin,” nakangising pahayag ng lalaki. “Tapos, hindi ako mapipili.”
“Hindi kita pinilit na gawin iyon. Puwede kang tumanggi kung ayaw mo,” depensa niya.
“Eh, kaso nga gusto ko rin!”
Napangiwi siya. “Sige, mag-eemail na lang ako sa’yo kapag ikaw ang napili ko. Salamat.”
“Sige, sana ako ang mapili mo. Thank you.”
Huminga nang malalim si Cheska nang sa wakas ay mawala sa screen ang mukha ng kausap niya. One down. May lima pa. Kakayanin pa ba niya ang mga susunod?
Ang ikalawang at ikatlong sumalang sa interview ay kaagad niyang ni-reject. Gumamit ang nga ito ng ibang litrato at nang makita niya ang mga itsura nito ay kaagad siyang nagdesisyon na hindi papasa sa standard ng mga kaibigan niya ang itsura ng mga ito. Baka lalo lang siyang pagtawanan ni Kenly. Sasabihin nito na mabuti pa siya at kahit bakla ay napakaguwapo ng boyfriend.
Nakaramdam siya ng hiya sa sarili. Nagiging mapangmata na ba siya dahil sa ginagawa niyang panghuhusga sa itsura ng mga lalaking nag-apply para maging boyfriend niya?
Pero naisip niyang isa lang naman ang kailangan niya sa anim na aplikanteng pumasa. Sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan talaga niyang pumili ng isa lang. Kesehodang mas guwapo pa silang anim sa mga artista.
Ang pang-apat na aplikante ay nakilala niya sa pangalang Uriel Canaleja. Twenty-seven years old ito, single, at isang engineer. Guwapo rin ito at may taas na 5“10”. Papasang modelo ang inhinyerong ito kung ganda ng katawan ang pag-uusapan.
“Pakihubad mo na ang pants at underwear mo para makita makita ko ang kuwan mo,” nahihiya niyang sabi rito.
Walang hiya-hiyang naghubad si Uriel. Wala itong itinira kahit isang saplot sa katawan. “Okay na…”
Napakunot-noo si Cheska. Bakit parang wala siyang makita? “Puwede bang lumapit ka nang konti sa camera?” Takang-taka siya. Kung anong yabang ng kuwan ni Rodney ay siya namang mahiyain ng kay Uriel. Ganoon ba talaga ’yon?
Bakit ang liit naman yata niyan? Hindi proportion sa tangkad mo. Gusto sana niyang itanong iyan pero nahihiya na siya. “Sige, okay na. Magbihis ka na. Mag-eemail ako sa mapipili kong maging boyfriend para pag-usapan ang mga dapat gawin.”
“Kahit hindi ako ang mapili mo, maging magkaibigan sana tayo.”
Isang pilit na ngiti ng isinagot niya sa lalaki at nagpaalam na siya rito.
Pero naguguluhan pa rin talaga siya kapag naiisip ang kaibahan ng pribadong bahagi nina Rodney at Uriel.
Ganoon ba talaga iyon?
Diyos ko, may dalawa pa!
Chapter 4
NAPANSIN ni Cheska na titig na titig sa kanya ang ikalimang aplikante.
“Anong tinitingnan mo sa mukha ko?” mataray niyang tanong habang pinagsasalubong ang kanyang kilay.
“Bakla ka, ’di ba? In fairness, hindi ka mukhang bakla.” Hinawakan pa ng lalaki ang baba niya habang tila nag-iisip kung paano naging mukhang babaeng-babae ang baklang nasa screen ng kanyang laptop.
“Ha?! Sinong bakla? Sino ang nagsabi sa’yo na bakla ako? Itong itsurang ’to? Tingnan mo ngang mabuti.” Ibinalandra niya ang kanyang pagmumukha sa camera ng laptop sa iba’t-ibang anggulo para makitang mabuti ng ka-skype niya ang kanyang itsura. “Iyan ba ang bakla? Tell me.”
“Seryoso, babae ka talaga? Eh, bakit ka naghahanap ng boyfriend kung totoong babae ka? Wala bang nanliligaw sa’yo?” Hindi pa rin makapaniwala ang lalaki. Kaya siya nag-apply bilang boyfriend ng baklang ito ay para sakyan lang kung ano man ang trip nito. Hindi niya akalaing babae ang naghahanap ng boyfriend. At ganito kaganda!
“Gusto mong kumanta pa ako?”
“Huh? Ng ano?”
“Hindi ako bakla kla kla kla kla kla. ’Di ako syokla kla kla kla kla kla. Nililinlang ka lang ng ’yong paningin. Babae po ako, so soft, so sweet…” Kinantahan niya talaga ang lalaking diskumpiyado sa kanyang kasarian. “Ano, kumbinsido ka na?”
Umiling-iling ito pero natatawa. “Hindi pa rin. Sinong niloko mo? Sa sobrang advanced ng siyensiya ngayon, mas mukha pa ngang babae ang bakla kesa sa tunay na babae.”
“Hindi nga ako bakla!” Nanggigigil na siya sa lalaki.“Hindi ako bakla! Babae ako.”
“Eh, ’di hindi. Sabi mo, eh.”
“Umpisahan na natin ang interview. Anong pangalan mo?”
“Hindi ba nag-send na ako ng resume? Basahin mo na lang do’n.” Tablado si Cheska, unang tanong pa lang.
“Okay, so ikaw si Jerimie Alexander Manderico, 25 years old, walang sabit, taga-Caloocan.” Binasa na lang niya ang resume nito.
“Yeah…” Tumango pa ito.
“Hindi mo nilagay dito kung anong trabaho mo.”
“Ayoko nga. Baka mamaya scammer ka gamitin mo sa panloloko ng ibang tao ang mga personal details ko.”
“Mukha ba akong scammer? Ang kapal ng mukha mo. Kanina bakla, ngayon scammer…” Nanggigigil na talaga siya sa lalaking ka-skype. Kung nasa harapan lang niya ito, baka nasampal na niya. Napakapresko!
“Kung assurance lang na may trabaho ako ang gusto mo, huwag kang mag-alala. May trabaho ako. Kayang-kaya kitang buhayin kung magiging asawa kita.”
“Paano kung magtanong ang mga kaibigan ko, anong sasabihin ko?”
“At saka mo na iyon problemahin, kapag napili mo na ako para maging boyfriend mo. Sa ngayon, tama nang alam mo na may silbi ako sa mundo.”
“Sige…” Iyon lang talaga ang nasabi niya.
“Ano may question ka pa? Bilisan mo ang interview na ’to at marami pa akong gagawin.”
“Wow, ha? Para namang sumasagot ka nang matino sa mga tanong ko.”
“Matino naman ang mga sagot ko, ah. Hindi lang kasi ’yon ang ini-expect mong marinig,” pangangatwiran ni Jerimie.
Gigili na gigil na talaga siya sa lalaking kausap niya. Baka makalbo siya kung ito ang magiging boyfriend niya.
“Paano kung ako ang mapili mong maging boyfriend?” kumpiyansang tanong nito. “Anong mangyayari?”
“Bilib na bilib sa sarili?” pang-iinis niya rito. “Marami kayong pinagpipilian ko kaya ’wag ka agad umasa.”
“Hindi naman ako umaasa. Nagtanong lang ako, para alam ko ang mangyayari if ever na mapili ako.”
“Magpapanggap ka lang na boyfriend ko. You’ll act as my real boyfriend, the only difference is that everything is acting.”
“So, magiging artista ako?” Biglang nangislap ang mga mata ni Jerimie. “May talent fee ba ito?” naisipan niyang itanong.
“Huwag kang mag-alala. Pinaghandaan ko ito. Babayaran ko kung sino man ang mapipili kong magpanggap na boyfriend ko.”
“Ohh…”
“Maghubad ka na. Gusto kong makita kung malaki ang itinatago mo,” kaswal niyang sabi. Medyo nawala na sa kanya ang hiya.
“What?! Seryoso ka?” gulat na tanong ni Jerimie.
“Paano ko malalaman na malaki ’yan kung hindi ko makikita?” argumento ni Cheska.
“Walang nakalagay sa post mo na required maghubad ang boyfriend applicants. Kung nakalagay doon na may nudity involved, hindi ako mag-a-apply,” protesta ng lalaki.
“Puwede kang mag-backout kung ayaw mo.”
“I am not backing out! Nakapasa na ako sa initial screening. Ngayon pa ba ako aatras?”
“Hindi ba pag-atras ang tawag sa pagtanggi mong maghubad?”
Napamulagat si Jerimie. “Ibang usapan ’yan. Are you a pervert?”
“Excuse me?! Kung maka-pervert ka.”
“Eh, ba’t ganoon na lang ang eagerness mo na makita ang baston ko?” Nakakaloko ang ngiting pinakawalan niya.
“Baston talaga? Ganoon kahaba? Then prove it!” hamon niya kay Jerimie. “Throw your pants and underwear on the floor and show me the merchandise.” Siniguro niyang nakataas ang kilay niya at makikita iyon ng kausap.
“I won’t buy that. If you really want me to go naked in front of the cam to your delight, you have to agree with my condition.”
Tumaas ang isang kilay niya. “At anong kondisyon naman ’yan?”
“Una kong napapansin sa mga babae ’yong kanilang boobs. I’ll show you my meat popsicle but you have to show me those lady bubbles,” diretso niyang pahayag. Ang lagay eh, siya lang ba ang malalamangan ng babaeng ito?
“Bastos! Hinding-hindi ako maghuhubad sa harap mo.”
“Mas lalo naman ako. Ang suwerte mo naman kung basta mo na lang makikita ang pangkabuhayan showcase ko.”
“Look, magpapanggap ka lang naman na boyfriend ko. Hindi naman totohanan ito. Kailangan ko lang ng maipapakitang boyfriend sa mga kaibigan ko para hindi na nila ako binu-bully. At kailangang masiguro ko na pasado sa standard nila ang ipakikilala kong boyfriend.”
“Iyon na nga! Role playing lang, pero bakit kailangang makita mo ang hindi mo dapat makita? Kasama ba sa standard ng mga kaibigan mo na dapat malaki ang alagang ahas kaya kailangang makita mo pa? Hindi pa ba sapat na sinabi kong daks ako? Kapag nag-apply ka ba ng trabaho, ora mismo patutunayan mo sa HR na kaya mong gawin ang trabaho? Hindi ba nagre-rely lang din sila sa mga sinabi mo sa interview?” Wala siyang balak magpatalo sa babaeng ito.
Hindi siya nakasagot. Ang totoo, hiyang-hiya na siya sa sarili niya. Bakit ba niya pinipilit ang lalaking ito na maghubad? Hindi naman siguro ire-request ni Kenly o ng sino man kina Portia at Mariel na ipakita ng magiging boyfriend niya ang nota nito.
“Para-paraan…” nakangisi niyang sabi.
“Hindi, ah! Hindi naman ako maniac na bigla-bigla na lang gustong makakita ng kuwan.”
“I am not showing you my boomstick and that’s final. But I am proceeding with my application as your dummy boyfriend. Malay mo, ako ang mapili. Sayang din ’yong bayad kung magkano man iyon. Ang hirap yatang kumita ng pera ngayon.”
“Eh, ’di huwag. Basta, sinasabi ko sa’yo marami kayong aplikante, at ’yong iba naman ay pumayag na ipakita ang private parts nila. Kaya kung pipili ako between you and them, mas paniniwalaan ko ’yong nakita ko, kesa sa sinabi mo lang.” Mukhang pera, sa loob-loob niya.
“Go ahead! Piliin mo sila. Mag-iingat ka lang dahil anong klaseng mga lalaki ba ang basta na lang magpapakita ng ari nila sa ibang tao? Tandaan mo, role playing lang ang gagawin ninyo. Baka mamaya, you are already dealing with a psychotic maniac on the loose.”
Gumapang ang kilabot sa katawan ni Cheska. Oo nga! Hindi niya naisip iyon. Napakadelikado pala nitong ginawa niya. In-expose niya ang sarili sa mga malilibog na anak ni Adan.
Chapter 5
ANG huling aplikante ni Cheska ay si Roberto Serrano. Akala niya ay malabo lang ang rehistro ng lalaki sa camera ng laptop. Bakit mukhang matanda yata ang ka-skype niya?
“Lolo, sigurado ba kayong nag-a-apply kayo para maging boyfriend ko?” Hindi niya maintindihan kung paanong pagtrato ang ibibigay niya sa matanda. Minabuti niyang ibigay rito ang respeto ayon sa edad nito.
“Siguradong-sigurado ako, hija.” Abot tenga ang pagkakangiti ng matanda.
“Eh, sobrang laki po ng agwat ng edad natin,” nag-aalangang sagot niya.
“Hija, katawan ko lang ang matanda. Pero ang puso ko’t kaluluwa ay bata pa rin. Mapapatunayan ko ’yan sa’yo kapag ako ang mapipili mo para maging nobyo mo.” Hindi nawala ang kumpiyansa nito sa sarili.
“Diyos ko po! Matanda pa kayo sa tatay ko. Ilang taon na po ba kayo?”
“Seventy-six lang ako. Malakas pa ang katawan ko. Nagjo-jogging pa nga ako sa paligid ng subdivision araw-araw.”
Napangiwi siya. “Wala na po ba kayong asawa? Nasaan po ang pamilya mo?”
“Biyudo na ako. Ang mga anak ko naman ay may mga asawa na. Nasa America ang dalawa. Nasa Italy ’yong isa. Kasama ko lang sa bahay ay ang bunsong anak ko at ang asawa niya. Wala pa silang anak.”
“Alam mo po, pinili ko kayo kasi iyong litratong ibinigay n’yo, napakagwapo at nakalagay sa resume na 28 years old lang kayo.”
“Eh, ako naman talaga iyang nasa litrato. At totoo namang 28 years old lang ako diyan.”
Natampal ni Cheska ang noo niya. “Guwapo naman po kayo noong kabataan n’yo. Pero dahil 76 years old na po kayo ngayon, hindi ko po kayo mapipili para maging boyfriend ko.”
“Matangkad din ako, 5’10” ang height ko.“ Pursigido ang matanda na mapili siya ni Cheska.
“Kahit na po, lolo. Hindi talaga puwede.”
“At malaki ang pag-aari ko. Hindi ba’t daks ang gusto mo? Hindi ka na lugi sa akin. Gusto mo bang makita para maniwala ka?”
“Hesusmaryosep!”
“Itinanong ko pa nga sa manugang ko kung ano ba ’yong daks. Buti na lang alam niya. Nagtaka pa nga kung bakit ko raw tinatanong. Sinabi ko na lang na narinig kong pinag-uusapan ng mga kasambahay ng kapitbahay namin.”
“Hindi po talaga puwede, lolo. Isa pa, wala ka namang trabaho. Nakalagay po sa qualifications dapat may trabaho.”
“Pero may pension naman ako. Mataas ang posisyon ko sa kompanya noong hindi pa ako nagre-retire.”
Ang lakas ng fighting spirit ng matandang ito. “Eh, sige po, lolo. Tatawagan ko na lang po kayo kapag kayo ang napili ko.”
“Aasahan ko ’yan, ha? Sana, huwag mo akong bibiguin.”
Ngiii! Dyuskupo! “Mag-e-email na lang po ako. Maraming salamat po.”
Nakahinga siya nang maluwag nang mawala na sa screen ng laptop ang matandang lalaki. What a night! Nakakapagod din palang mag-skype. At nakaka-tense!
Tatlo lang ang puwede niyang pagpilian para maging boyfriend. Si Rodney, si Uriel, at si Jerimie. Problema lang, puro may sablay pa rin sa tatlong lalaking iyon. Pero bakit ba siya magpapaka-choosy eh, kunwari lang naman? Siguro, pipiliin na lang niya iyong sa tingin niya ay best choice sa tatlong boyfriend applicants niya.
Nagpasya siyang mag-shower para makapagpahinga na. Dahil sa pagod at preskong pakiramdam dulot ng katatapos na paliligo ay mabilis siyang nakatulog.
Nagising siya sa alarm ng cellphone. Sanay na siyang magising araw-araw dahil sa tunog nito. May mga pagkakataon pa ngang mas nauuna siyang magising ng ilang minuto bago pa ito tumunog. Nasanay na siguro ang sistema niya na magising nang ganoong oras.
Nag-inat pa siya pagkatapos bumangon. Tapos ay tumuloy siya sa bathroom para maligo na.
Habang naliligo ay tumatakbo ang isip niya kung sino sa tatlong natitirang aplikante ang kanyang pipiliin para magpanggap na boyfriend niya.
Si Rodney ba na makulit at maboka? May oras ba ito para samahan siya kapag may lakad sila ng mga kaibigan niya?
Si Uriel ba na okay na okay sana, kaso maliit ang itinatagong kinabukasan? Pero hindi naman malalaman ng mga kaibigan niya kung ano man ang size ng meron si Uriel. At saka mukhang napakabait ng lalaking iyon. Boyfriend material talaga.
Si Jerimie naman, okay din sana kaso pilosopo at mahilig makipagtalo. Laging may opinyon sa mga bagay-bagay. Hindi nagpapatalo. Pero sa kanilang tatlo, ito ang pinakaguwapo. Mas guwapo pa ito kay Rodney na akala niya dati ay pinakapogi na sa lahat ng pumasa sa initial screening. Nang maka-skype na niya ang mga ito ay saka niya napatunayan na si Jerimie ang pinakamagandang lalaki sa mga ito.
Pero maliban sa gandang lalaki ay naalala niya ang sinabi nito tungkol sa mga lalaking basta na lang pumapayag na magpakita ng kuwan sa ibang tao. May punto naman ito. But on the second thought, hindi naman puwedeng alisin ang katotohanang may mga taong wala naman talagang malisya sa katawan at ang paghuhubad ay isang natural o normal na bagay lang. Baka naman sanay lang sina Rodney at Uriel na maghubad dahil confident sila sa kanilang katawan… at itinatagong pribadong bahagi.
Haay! Sino ba ang pipiliin ko?
Natapos siyang maligo nang wala pa ring desisyong nabubuo sa kanyang isipan. Bahala na mamaya kung sino ang piliin niya. Mag-e-email na lang siya sa tatlong lalaki para sabihin sa mga ito ang kanyang desisyon. No, anim pala ang padadalhan niya ng email. Pati iyong tatlong hindi niya nagustuhan ay padadalhan na rin niya ng email. She owes it to those guys na nag-effort na mag-respond sa panawagan niya sa online dating site na iyon.
Pagdating sa opisina ay kaagad niyang inasikaso ang mga trabahong hindi niya natapos kahapon at bago pa mag-lunch break ay tapos na niya ang lahat ng mga dapat gawin.
Bago pa umuwi ay nakapag-compose na siya ng email para sa mga aplikanteng hindi niya mapipili.
Hi!
I regret to inform you that you did not pass the second screening to be my dummy boyfriend.
Thank you for giving me your time and efforts anyway.
Best regards,
Cheska
Binasa niyang mabuti ang nakasulat doon pagkatapos ay isa-isa niyang ipinadala sa limang lalaking hindi niya napili.
Kasunod niyang ginawa ay ang email para sa lalaking pinili niya para magpanggap na boyfriend niya. Kailangan pa niyang kausapin ulit ang lalaking ito para mapag-usapan nila ang mga kondisyon ng gagawing pagpapanggap pati na rin kung magkano ang ibabayad niya sa mapalad na lalaki.
Mapalad talaga?
Oo, naman! First boyfriend ko siya, ah. Hindi naman lugi kung sino man ang magiging unang boyfriend ko, sabi niya sa sarili.
Kawawa naman. First boyfriend pa nga lang, peke pa. Kunwaring boyfriend lang.
Ano kaya ang sasabihin ng nga kaibigan niya kapag nalaman kung ano ang ginawa niya para lang magkaroon ng boyfriend?
Wala na siyang pakialam kung ano man ang sasabihin nila. Basta ang mahalaga ay magagawa na niyang makipagsabayan sa mga ito at hindi na siya magiging paksa ng katatawanan.
Chapter 6
Hi Jerimie,
I am choosing you to be my dummy boyfriend. I need to discuss with you some other things before we can fully start with this, including your fee for acting as my boyfriend.
Please inform me when can we talk regarding this matter.
Thank you.
Cheska
Napangiti si Jerimie nang mabasa ang email ni Cheska. Nae-excite ba siya? Hindi niya inaasahang siya ang mapipili dahil puro asaran lang naman ang nangyari sa interview. He thought there would be a much better applicant na papasa sa standard ni Cheska. But he is happy na siya ang napili nito. He may have applied as her dummy boyfriend for a wrong reason but he is willing to play his part well now that the role is given to him.
Sinagot niya ang email.
Dear Cheska,
Wow! This came to me as a big surprise but I want to thank you so much for choosing me.
I am a busy person but I will always find time for my girl. So, just tell me when would you like to personally discuss those other things and I’ll give you all my time for it.
See you soon!
Yours,
Jerimie
Pagkatapos i-send ang email ay napangiti siya. Ewan. Hindi niya maintindihan ang kakaibang damdamin na bigla niyang naramdaman kanina nang mabasa niya ang email ni Cheska.
Ang totoo, hindi naman yata kanina lang nagsimula ang nararamdaman niyang ito. Parang nag-umpisa ito noong una niyang makita si Cheska sa skype.
Oo, nakita na niya ang dalaga sa profile photo nito sa online dating site kung saan ito nag-post ng “Wanted Boyfriend”. Pero iba ang dating nito kapag kausap mo na. Mas maganda ito kapag nagsasalita na at gumagalaw.
At mas lalong nagiging cute kapag naiinis o medyo naaasar.
Parang ang sarap niyang yakapin.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at pinuntahan sa gallery ang screenshot ng mukha ni Cheska habang iniinterbyu siya nito noong nakaraang gabi. Walang kaalam-alam ang dalaga na ilang larawan nito ang naka-save sa phone niya at tinitigan niyang mabuti bago siya natulog kagabi.
Ah, excited na siyang makita nang personal si Cheska.
“CHESKA! Nasaan ka?” Kausap niya sa cellphone si Kenly. Papalabas na siya ng opisina nang tumawag ang kanyang kaibigan.
“Eto pauwi na. Bakit?”
“Nandito ako sa Gateway kasama sina Mariel at Portia. Manonood ng sine. Punta ka na rito. Hihintayin ka namin,” excited na sabi nito.
“Ha? Naku, next time na lang ako sasama. May gagawin pa kasi ako sa bahay. Kailangan kong makauwi agad.” sabi niya. Hindi naman palusot iyon. Gusto lang talaga niyang umuwi na dahil inaasahan niyang maka-skype ulit ngayong gabi para sa final interview si Jerimie.
“Girl, kahit kelan killjoy ka talaga. Sige na, punta ka na rito. Kakainis naman ’tong babaitang ’to!”
“Kayo na lang kasi. Marami pa namang next time. May kailangan lang talaga akong gawin mamaya sa bahay para sa mga kakailanganin ko pagpunta ng La Union.”
“At ano naman ang gagawin mo sa La Union? Lumalakad ka na nang hindi kami kasama, ha?”
“Gaga! May project kami doon. Ako ang ipapadala ng opisina namin. Two weeks lang naman iyon.”
“O, siya! Dahil diyan hindi na kita pipiliting sumama sa amin tonight. Basta, siguruhin mo na hindi lang trabaho ang gagawin mo sa La Union. Take it a s an opportunity to find love as well. Prove to us na may kamandag din ang ganda mo, teh!”
Sabi ko na nga ba at sa pagiging loveless ko na naman mapupunta ag usapan. “Hayaan mo, kapag may nakita akong lalaki doon pipikutin ko na. Para maunahan ko kayong lahat sa pagpapakasal.”
“Ang taray! Sinabi mo ’yan, ha? Sige na, kakain na muna kami bago magsine. Ingat ka pauwi.”
“Salamat, Kenly.” Nawala na sa kabilang linya ang kausap niya.
Pagdating sa bahay ay kaagad na nag-check siya ng email. Hindi siya nagkamali, may sagot na nga si Jerimie. Pero gusto nito na personal nilang pag-usapan ang iba pang detalye. Gusto sana niyang saka na lang sila magkita ni Jerimie kapag pumayag na ito sa terms and conditions niya. Feeling niya kasi, useless na magkita sila tapos hindi rin pala ito papayag sa mga gusto niya. But on the second thought, mas mapag-uusapan nilang mabuti ang mga detalye kung personal niya itong idi-discuss kay Jerimie.
Hah! Nanalo na naman itong lalaking ito. Nasunod na naman ang gusto nito.
Sumagot siya sa email nito.
Let’s meet tomorrow sa Trinoma after office hours, around six.
Malapit lang sa Trinoma ang opisina nila kaya eksakto lang ang ibinigay niyang oras.
Inaasahan niyang sasagot din sa email niya si Jerimie pero wala siyang natanggap na reply. Subalit isang text message ang dumating sa kanyang phone mula sa isang numerong hindi naka-save sa telepono niya.
Got your email. See you tomorrow then. -Jerimie
Paanong nalaman ng lalaking ito ang cellphone number niya? Hindi pa naman niya ibinibigay dito ang kanyang numero.
Gustong-gusto niyang tawagan ang lalaki para masagot nito ang tanong niya pero pinigilan niya ang sarili. Bukas. Malalaman niya bukas ang sagot.
EKSAKTONG alas-singko ng hapon ay umalis na sa opisina si Cheska. Hindi naman siya excited. Gusto lang niyang dumating sa Trinoma nang nasa oras. Ayaw niyang ma-late sa usapan dahil unang-una, siya ang nagbigay ng oras na iyon. Nakakahiya naman na siya pa itong male-late.
Pagdating niya sa mall ay kaagad niyang tinawagan si Jerimie. Tatlong ring bago may sumagot sa tawag niya.
“Hi, Cheska,” bungad na bati sa kanya ni Jerimie.
“I’m already here. Text mo na lang ako kapag nandito ka na. Six-thirty pa lang naman. Papasok lang ako sandali sa bookstore habang hinihintay kita,” sagot niya rito.
“No, nandito na rin ako.”
“Ha? Saan? Pupuntahan kita…” Ang aga namang dumating ng lalaking ito. Mas maaga pa yata sa akin.
“Sa puso mo…” Narinig niya ang mahinang tawa nito.
“Nagjo-joke ba ako?” Siniguro niyang mahahalata ni Jerimie na hindi siya natatawa joke nito.
“Ito naman, hindi na mabiro. Nandito lang ako sa likod mo.”
Agad siyang lumingon sa kanyang likuran at nakita niya si Jerimie na ilang metro lang ang layo at kumakaway pa habang naglalakad papalapit sa kanya. Napakaguwapo nito sa suot na light pink polo shirt at fit na maong pants. Bagay na bagay ang pagkaka-fit ng polo shirt sa katawan nito.
“Doon na lang tayo sa itaas, sa Le Bon Chef. Nagpa-reserve na ako roon,” nakangiti nitong sabi.
“Ha? Anong nagpa-reserve?
“Hindi ko naman papayagan na ang girlfriend ko pa ang gumastos para sa una naming date.” Pilyo ang ngiting pinakawalan ni Jerimie.
Pakiramdam ni Cheska ay pinamulahan siya ng pisngi dahil sa sinabi nito.
“Shall we?” Ini-offer pa ni Jerimie ang kanyang braso para hawakan ng dalaga. Hindi malaman ni Cheska kung aabrisiyete ba sya rito o hindi. Ngunit naisip niyang mukhang awkward naman kung maglalakad sila na parang hindi magkakilala kaya nag-aalangan man ay humawak na irn siya sa braso nito.
Isang restaurant sa third floor ng mall ang pinuntahan nila. Kokonti lang ang tao nang dumating sila roon. Agad silang sinalubong ng staff ng restaurant at dinala sa isang naka-reserve na mesa.
“Paki-serve na ’yong order ko,” narinig niyang sabi ni Jerimie sa staff na magalang na sumagot bago umalis sa table nila. “Okay na ba sa’yo rito?” tanong nito sa kanya.
“Parang pinaghandaan mo naman masyado ang pagkikita natin. Hindi naman ito date. Pag-uusapan lang natin ang mga dapat mong gawin bilang dummy boyfriend ko.”
“No, this is just a normal thing. Nothing special.”
Wow, Pa-impress lang? Iniba na lang niya ang usapan. “Paano mo nga pala nalaman ang phone number ko?”
“Ah, ’yon ba? Nakuha ko sa facebook mo. Nakalagay doon, eh. Hindi mo yata na-customize ang setting,” kaswal nitong tugon.
“You stalked me?” Pinandilatan niya ito.
“Uy, grabe naman ’yong stalk. Tiningnan ko lang kung may phone number ka roon. Ang weird kasi na sa email tayo nag-uusap. Paano na lang kung hindi ako online? Paano kung next year ko pa mabasa ’yong reply mo? Eh, ’di hindi na tayo nakapag-umpisa?” Pumuntos na naman ang lalaking ito.
Napahinto sila sa pag-uusap nang dumating na ang waiter para i-serve ang mga inorder na pagkain ni Jerimie. Mukhang dito na sila magdi-dinner sa dami ng pagkaing nasa mesa.
“Kumain na muna tayo bago natin pag-usapan ang mga detalye,” anyaya nito sa kanya. “Masamang pinaghihintay ang pagkain sa mesa.” Wala siyang nagawa nang lagyan nito ng pagkain ang plato niya. Parang prinsesa siyang pinagsilbihan ng “boyfriend” niya.
Chapter 7
“DID you like the food?” tanong ni Jerimie sa kanya pagkatapos nilang kumain.
“Oo, salamat sa treat mo. Paano ’yan? Ang daming natirang pagkain. Sayang naman.”
“Wala ’yan. Maliit na bagay. Ipababalot ko na lang mamaya,” pormal na sagot nito. “So, ano ang pag-uusapan natin?”
“Ah, gusto ko lang sabihin sa’yo ang mga dos and don’ts sa dummy relationship natin,” umpisa niyang sabi. Una, this agreement will last for just a year only. Puwedeng ma-cut short depende sa mga unforeseen circumstances pero hindi puwedeng ma-extend.
“Okay…” pagsang-ayon niya.
“Second, bawal ang public display of affection except when my friends are around. Let us always remember that this is all role playing and we don’t need to act when the audience is not around.”
“Pero hindi naman bawal maging sweet, ’di ba?”
“When the situation provides, puwede naman. Pero ’yong sweetness na wala namang basehan, bawal.”
“Hindi naman kailangan ng reason para maging sweet. There are people who are naturally sweet and expressive of their feelings. So, dapat hindi bawal ang anything that will suppress anyone’s freedom of expression,” argumento pa nito.
Kokontra pa ba siya? “Okay sige, basta ’wag lang sosobra. We should always know our limitations.”
Nakita niyang natatawa si Jerimie.
“Anong nakakatawa?”
“May naisip lang ako sa word na limitations,” natatawa pa ring sabi nito.
Napahinga nang malalim si Cheska. “Greenminded,” bulong niya.
“Oy, narinig ko ’yon. Hindi ako greenminded, ah.”
“Next, as my dummy boyfriend you are bound to go with me to every gathering whenever required. Don’t worry, kung hindi naman kailangan ang presence mo, hindi naman kita ire-require na pumunta.”
“Okay…”
Fourth, you are not allowed to discuss this agreement in part or in full to anyone. This should remain as a confidential matter between you and me only.
“Walang problema. Hindi naman ako tsismoso.”
“Lastly, you will receive a fee of fifty thousand pesos for complying to this agreement to be given upon completion of the term.”
“Fifty thousand pesos?” Mukhang hindi makapaniwala si Jerimie.
“Naliliitan ka ba?”
“H-hindi… I’m okay with that.” Puwede nga kahit libre, gusto niyang sabihin.
“Though isang taon ang itatagal ng agreement natin, hindi naman kita guguluhin nang madalas. Siguro less than ten events lang in a year. Ang importante lang naman talaga ay may maipakilala akong boyfriend sa mga kaibigan ko,” paliwanag pa ni Cheska. “Any suggestion or violent reaction? Baka may gusto kang idagdag, let me know.”
“Wala naman. I’m good with that. Kapag dinagdagan ko ’yan baka magtalo lang tayo nang walang katapusan so I better agree na lang.”
“Kaya nga I’m asking you. Para maidagdag natin sa terms and condition. Ayoko namang lumabas na parang napilitan ka lang na pumayag sa mga gusto ko.”
Napangiti si Jerimie.
“What’s funny?”
“Wala, masama bang ngumiti? The last time I check wala ka namang sinabi na kailangang limitahan ko ang pagngiti.”
“Okay, idagdag natin. Dapat limitado lang ang pagngiti mo,” deklara niya.
“No, that’s not possible. Rule number 2, bawal ang anything that will suppress anyone’s freedom of expression. Walang masama sa pagtawa. Mas okay na iyon kesa maghapon kitang simangutan.”
“Go on! Smile and laugh all you want.”
“So, kelan mo ako ipakikilalang boyfriend sa mga kaibigan mo?” kaswal nitong tanong; hindi man lang pinansin ang sinabi niya.
“Pagbalik ko na lang galing La Union. Iimbitahan ko sila sa apartment ko at doon kita ipakikilala sa kanila,” walang gana niyang sagot. Nakita ni Cheska na nagliwanag ang mukha ng kausap.
“Anong gagawin mo sa La Union?” tanong nito.
“May project ang opisina namin doon. Magtu-tutor kami sa mga bata roon sa tatlong barangay. Aside from that, we will teach and initiate livelihood projects to over 100 parents doon.”
“You are working for a Non-Governmental Organization?”
Tumango si Cheska. “Sa iHope uCare Foundation.”
“Wow! Nakakabilib ka naman,” matapat na komento ni Jerimie. “I always have soft spot to people who show love and care to their brethren.”
Napatingin si Cheska sa mukha ng binata. Pangalawang beses niya itong narinig na tila seryoso sa sinasabi. Una ay noong sinabihan siya nito na mag-ingat sa mga lalaking basta na lang nagpapakita ng private part sa ibang tao. Though inisip niya noon na sinabi lang iyon ni Jerimie para i-justify ang pagtanggi nitong ipakita ang sariling pribadong bahagi. Pero ngayon, ibang Jerimie ang naririnig niyang nagsasalita. Wala iyong Jerimie na pilosopo tulad ng unang impression niya rito. Bigla ay parang gusto niya itong yakapin.
“Kung wala na tayong pag-uusapan, puwede na siguro kitang ihatid pauwi.” Seryoso ito sa pagkakatingin sa kanya.
“Wala na. By the way, do you want the terms and condition to be in black and white?”
“No need. May tiwala naman ako sa’yo na hindi ka lalagpas sa limitations.” Sinabayan nito ng mahinang tawa ang sinabi.
“Jerimie!”
“Saglit lang…” Sinenyasan nito ang waiter na agad namang lumapit sa kanila. “Pakibalot itong tirang food, please.”
Kinuha ng waiter ang mga pagkain sa mesa at dinala sa kitchen para balutin. Ilang sandali lang ay bumalik ito dala ang nakabalot na pagkain.
“Let’s go,” yaya nito sa kanya at inalalayan na siyang tumayo.
“Hindi pa tayo nagbabayad,” paalala niya rito.
“Tapos na. Binayaran ko na noong nagpa-reserve ako,” nakangiting sagot nito. Ganito ba talaga ang lalaking ito? Hindi nauubusan ng ngiti.
Dinala siya nito sa parking area kung saan naroon ang kotse nitong pulang Ford Focus. Binuksan nito ang pinto at pinasakay siya at saka ito pumunta sa kabila para makasakay rin.
“Saan ka umuuwi?” tanong nito.
“Sa Sta. Mesa. Naku, mapapalayo ka pala masyado. Mas mabuting umuwi ka na. Magta-taxi na lang ako.” Nakita niyang tumingin sa kanya ang lalaki. Salubong ang mga kilay nito.
Wala na siyang nagawa nang patakbuhin nito ang kotse papalabas ng parking area at nagsimulang bumiyahe papuntang Sta. Mesa.
Banayad magmaneho ng kotse si Jerimie, napansin niya. Iyong tipong alam mong hindi kayo maaksidente kapag siya ang may hawak ng manibela.
Pagdaan nila sa may ilalim ng tulay ay huminto ang kotse at ibinaba ni Jerimie ang bintana. Tinawag nito ang isang batang lalaki na nagtitinda ng sigarilyo sa kalye, na siguro ay may sampung taong gulang ang edad.
“Biboy!” Agad na tumakbo ang bata papalapit kay Jerimie. Akala niya ay bibili ito ng yosi.
“Sir! Kayo pala,” sabi ng bata na abot tenga ang ngiti.
Iniabot dito ni Jerimie ang ipinabalot nitong natira nilang pagkain. “O, iuwi mo ito sa inyo. Umuwi ka na. Gabi na.”
“Opo, sir! Maraming salamat po dito, ha? Tamang-tama, hindi pa ako nakakabili ng pagkain namin.” Bakas sa mukha nito ang kasiyahan.
“Ingat!”
“Opo! Salamat ulit, sir!” Kumaway pa ang bata nang magsimula na ulit umandar ang kotse.
“Kilala mo?” tanong ni Cheska kay Jerimie.
“Si Biboy? Oo, siya si Biboy.”
Gusto niyang batukan ang lalaki. Umandar na naman ang pagkapilosopo nito. “Ang ibig kong sabihin—”
“Madalas ko lang siyang nakikita roon ’pag natatrapik ako, nagtitinda ng sigarilyo. Kapag umuulan naman, naglilinis siya ng windshield ng mga sasakyan,” kuwento niya habang ang tingin ay nakatuon lang sa kalsada.
“Ah, akala ko personal mong kilala.”
“Personal nga. Bakit, fiction ba siya? Nag-usap pa nga kami, ’di ba?” Sumulyap pa ito sa kanya habang mahinang tumatawa.
“Mr. Manderico, alam mo ang ibig kong sabihin.” Pinandilatan niya ito. Kahit kailan yata ay lalabas at lalabas ang pagkapilosopo nito.
“O, chill ka lang. Ang bilis mo namang magalit,” sabi nito na natatawa pa rin. “Hindi ka na mabiro.”
Hindi na siya sumagot. Hindi na rin nangulit ang lalaki. Itinuon na lang nito ang atensyon sa pagmamaneho. Nagsalita lang ito upang muling magtanong. “Nasa Sta. Mesa na tayo. Saan dito ang bahay mo?”
“Iliko mo sa unang kanto, then turn left sa dulo. Ibaba mo ako sa unang street light, katapat ng convenience store.”
Hindi na sumagot ang lalaki pero nakita niyang napapangiti na naman ito.
Ilang sandali lang at huminto na ang sasakyan sa eksaktong lugar na sinabi niya kanina. Bumaba ng kotse si Jerimie para pagbuksan siya ng pinto.
“Thanks for this wonderful night,” sabi nito sa baritonong boses. Hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
“Ahm, salamat din. Hindi na kita papapasukin kasi gagabihin ka masyado sa daan. Mag-iingat ka sa pagmamaneho pauwi.”
“I will…”
Inihatid pa niya ng tingin ang lalaki nang bumalik ito sa kotse. Nakita niyang kumaway sa kanya si Jerimie pagkatapos ay pinaandar na nito ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
Chapter 8
HABANG nakahiga ay mukha ni Jerimie ang naglalaro sa isipan ni Cheska. Ang guwapong mukha nito na palaging nakangiti o kaya naman ay nakatawa. Oo, may pagkapilosopo ito pero hindi maitatangging may magaganda rin itong katangian na puwedeng mahalin ng kahit sino. Aakalain ba niyang ang pinabalot nitong tirang pagkain ay ibibigay nito sa batang nagtitinda ng sigarilyo sa kalye? Unti-unti ay nakukumbinsi niya ang sarili na hindi siya nagkamali sa pagpili kay Jerimie para magpanggap na boyfriend niya.
MAGANDA ang mood niya sa trabaho kinabukasan. Ang nagdaang gabi ay nagdulot sa kanya ng isang libo at isang kaligayahan at inspirasyon. Magaan ang pakiramdam niya nang gumising siya kanina at hanggang dito sa opisina ay excited siyang gawin ang mga kailangan niyang tapusin. Ganado siyang kumilos. Maaliwalas ang kanyang mukha. Para siyang halaman na bagong dilig.
“Blooming ka yata ngayon.” Hindi niya namalayan ang paglapit ni Pura. “Kanina pa kita nakikitang nakangiti. Basta, parang ang saya-saya mo.”
“Ikaw pala. Excited lang ako sa next project natin. Gusto ko na ngang pumunta sa La Union,” palusot niya rito.
“Actually, ’yan ang dahilan kaya ako lumapit sa’yo.” Hindi rin maitago ang saya sa mukha ni Pura.
“Good news?”
Tumango-tango ang babae na halata rin ang excitement. “Cheska, may makakasama ka na sa pagpunta mo sa La Union,” bulalas ni Pura na lalo pang lumawak ang pagkakangiti. “Isa sa mga sponsor natin ang magpapadala ng empleyado nila para personal na mag-asikaso sa pagbibigay ng school supplies sa mga bata. Nag-donate ang kompanya nila ng ilang kahon ng mga notebooks, pencils, ballpens at pad papers. So, wala na tayong magiging problema. Nakausap ko na rin ’yong leader ng mga volunteer natin sa La Union. Handa na silang magturo sa mga bata, pati na rin ang pag-i-initiate ng livelihood programs sa mga magulang doon.”
“Wow! Magandang balita nga ’yan. Naku, nararamdaman ko nang magiging successful ang project nating ito.”
“Sigurado ’yan. And with your supervision, kampante ako na magiging maayos ang lahat mula umpisa hanggang sa matapos ang dalawang linggo,” matapat na pahayag ni Pura.
“Anong pangalan ng makakasama ko?”
“Wala pa silang ibinigay na pangalan. Tatawag na lang daw sila sa akin kapag na-finalize na. Magtatanong pa raw sila kung sino ang gustong sumama, but definitely may isang sasama sa’yo.”
NANG sumapit ang araw ng pagpunta ni Cheska sa La Union ay mas lalo pa siyang na-excite.
“Para kang bulateng ’di mapakali,” bati sa kanya ni Pura.
“Anong oras ba darating iyong makakasama ko? Sigurado bang dadaanan niya ako rito? Kasi puwede naman akong mag-commute na lang para hindi na ako makaistorbo sa kanila.”
“Darating iyon. Sila na nga ang nagsabing doon ka na lang din sumabay sa sasakyan nila lalo na nang malaman na mag-isa ka lang na pupunta,” paliwanag ni Pura. “Huwag mong kalimutan ang pasalubong namin, ha?”
“Oo nga, Cheska. Iilan lang naman tayo rito sa opisina kaya huwag na huwag mo kaming kalilimutan,” halos sabay-sabay na sabi ng mga iba pa niyang katrabaho.
“Hayaan n’yo, hindi ako uuwi hanggang hindi ako nakakabili ng pasalubong para sa inyo.”
Hiyawan ang mga kaopisina niya.
“Ano bang number noong makakasama ko? Pahingi naman ng cellphone number niya para matawagan ko siya?”
Sumagot si Pura, “Ibinigay ko na sa kanya ang number mo. Magte-text na lang daw siya sa’yo kapag nasa labas na siya.”
“So, maghihintay lang talaga ang beauty ko sa pagdating niya.”
Noon tumunog ang cellphone niya. May nag-text.
Hi, this is Alex. Nandito na ako sa labas. Punta ka na rito para makabiyahe na tayo. Thanks.
“Ms. Pura, ano raw name ng makakasama ko?”
“Si Alex. Iyon ang sinabi noong nakausap kong empleyado doon sa kompanyang nag-sponsor ng school supplies.”
“Eto na nga siya, nag-text na.” Tumayo na siya at dinampot ang bag na naglalaman ng mga damit at iba pa niyang mga gamit. Kinawayan niya ang mga kaopisina. “Aalis na ako! See you all after two weeks!”
“Ingat doon, Cheska!” Kumaway din sa kanya ang mga katrabaho.
“Ingat kayo sa biyahe,” paalala ni Pura. “Tawagan mo ako kaagad dito kung may problema.”
Nakangiti siyang tumango. “Bye, guys!” Bitbit ang isang travelling bag na lumabas siya ng opisina. Pinagsama-sama na niya rito lahat ng gamit niya. Sa isang bulsa ng suot niyang pantalon ay naroon ang coin purse niya na may ilang pirasong one thousand peso bills. Hawak niya sa kaliwang kamay ang cellphone niya para i-text si Alex. Saglit siyang nagpalinga-linga para hanapin kung nasaan na ang Alex na makakasama niya sa La Union pero wala siyang nakita. Sabagay, kahit naman makita niya ito ay hindi naman niya malalaman na ito na nga iyon dahil ’di naman sila magkakilala.
Abala siya sa pagte-text nang may magsalita sa likuran niya.
“Shall we go?”
Agad niyang nilingon ang nagsalita at muntik na siyang mapatili nang makilala kung sino iyon. “Jerimie? Anong ginagawa mo rito?”
“Bakit? Hindi ba ngayon ang alis natin papuntang La Union?”
“Ha? Ikaw ba ang makakasama ko?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Bakit? Sino ba ang inaasahan mong kasama mo?” kaswal na kaswal na sabi nito.
“Si Alex! Asan siya?” Biglang nanlaki ang mga mata niya. “Wait! Ikaw… Jerimie Alexander. Ikaw si Alex?” Oh my God! Nagbibiro ba ang tadhana?
Isang malapad na ngiti ang isinagot ng lalaki. “Ayaw mo ba akong makasama? Two weeks din iyon. It can be a good bonding time for us. Tamang-tama, pagbalik natin ng Manila, puwede mo nang ibalita sa mga kaibigan mo na may boyfriend ka na. Hindi ka na mahihirapang mag-isip ng idadahilan kung saan tayo nagkakilala… Kelan pa tayo naging magkakilala, etcetera.”
“Pinlano mo ba ito?” Tumaas ang isang kilay niya.
“Hindi, ah! Ba’t ko naman paplanuhin ito?” natatawa niyang sabi. “Seriously, gusto lang kitang tulungan para hindi ka na mahirapang mag-isip ng kuwentong sasabihin sa mga kaibigan mo. Supportive boyfriend, you know.” Umasta pa itong tila nagpapapogi.
“Eh, ’di pinlano mo nga. Sinadya mong maging magkasama tayong dalawa sa activity namin sa La Union—”
“Which will work to your advantage. Kaya bakit ka pa nagtatatalak diyan? Wala namang masama sa ginawa ko. In fact, mas mabuti nga na magkasama tayo roon para mas makilala nating mabuti ang isa’t-isa. Kailangan natin iyon para sa gagawin kong pagpapanggap bilang boyfriend mo,” paliwanag nito na agad namang sinang-ayunan ng kanyang isip. “Isa pa, noong nalaman kong mag-isa ka lang na pupunta roon, ayaw pumayag ng puso ko.”
“Huh?!” Anong kaeklatan ito?
“Ayaw ng puso ko na mag-isa ka lang, baka may mangyaring hindi maganda sa’yo roon, mapupurnada pa ang fifty thousand pesos ko. Sino pa ang magbabayad ng talent fee ko, kung hindi na matutuloy ang plano?”
Biglang nanlumo si Cheska. Pera lang talaga ang matibay na rason kung bakit ginagawa ng lalaking ito ang lahat ng iyon. Mukhang pera talaga ang bruho!
Bakit ano pa ba ang inaasahan niya? Na magpapanggap itong boyfriend niya kasi gusto siya?
“Kidding aside, ipinadala lang ako ng kompanya namin.”
Hindi siya sumagot.
“Ano? Tititigan mo na lang ba ako? Hindi na ba tayo bibiyahe papuntang La Union?”
“Kapal mo! Hindi kita tinititigan, noh?!”
“Eh, ano pala ang ginagawa mo? Mine-memorize mo lang ang bawat feature ng mukha ko?” Nakakaloko ang ngiti ni Jerimie pero bakit ba tingin niya ay mas lalo pa itong gumuwapo? “Wala ka nang makikitang kasingguwapo nito.”
Huh? Nababasa ba niya ang nasa isip ko? “Ang lakas ng hangin, ah. May paparating bang bagyo?”
“Bagyo sa kapogian, meron.”
“Umalis na nga tayo, at baka maabutan pa tayo ng delubyo sa daan.”
Napahalakhak si Jerimie.
“Anong nakakatawa?”
“Ikaw. Ang cute mong mainis.” At muling humalakhak ang guwapong binata.
“Eeew!” Tila nandidiri niyang sabi. Sumimangot pa siya para i-emphasize ang pagkadisgusto sa sinabi ng kausap.
“Grabe kang maka-eeew, ha? Ang pogi ko kaya, mabango pa.”
“Ano naman sa akin kung pogi ka at mabango?”
“Wala naman,” nakangisi niyang sabi. “Basta ang alam ko, two weeks tayo sa La Union. Kaya kung nandidiri ka sa akin, dalawang linggo mo akong pagtitiyagaan doon.”
“Halika na, umalis na tayo. Malayo pa ang biyahe natin.” Iniwan na niya ang lalaki at naglakad pero naisip niyang hindi niya alam kung nasaan ang sasakyan.
Huminto siya sa paglalakad at nilingon si Jerimie na nasa likuran niya at nakasunod sa kanya. “Saan tayo sasakay?”
“Ano ba ang gusto mo, eroplano?”
Bago pa siya makapag-react ay muling nagsalita ang lalaki. “Ayun, o! Iyong gray na kotse.” Itinuro pa ni Jerimie ang sasakyan.
Nakita ni Cheska ang nakaparadang gray Ford Transit. Binilisan niya ang paglalakad para makarating agad sa sasakyan.
Hinintay niyang makalapit si Jerimie at agad niya itong sinalubong ng tanong. “Dito ba talaga tayo sasakay?”
“Oo, bakit? May problema ba?” tanong nito. “Nasa loob na ang mga donasyong school supplies na ipamimigay natin sa mga bata.”
“Company driver ka ba sa opisina n’yo?”
“Ngayong alam mo na, hindi na ba ako ang magpapanggap na boyfriend mo? Baka pagtawanan ka ng mga kaibigan mo kapag nalaman nilang driver lang ang boyfriend mo.”
“Driver ka talaga?” Hindi pa rin siya makapaniwala.
“Paulit-ulit? Unli?”
“Hindi ako naniniwala. Hindi ba graduate ka ng Business Administration? Bakit ka nag-apply na driver?”
“Eh, ’yon ang vacant position noong nag-apply ako, eh. May magagawa ba ako?”
“Ba’t hindi ka naghanap sa iba? Nag-aral ka ng apat na taon sa college para maging company driver? Bakit hindi ka na lang nag-aral ng smart driving sa mga driving school o kaya naman sa Tesda. Four year course talaga? Dapat ang kinuha mong course Bachelor of Science in Driving,” ang haba ng litanya niya. “At saka noong una tayong nagkita, may kotse kang dala. Magkano ba ang sweldo ng company driver ngayon at mag-a-apply na rin ako?”
Binuksan ni Jerimie ang pinto ng sasakyan. “Pumasok ka na nga, andami mong tanong. Hindi ba tapos na ang interview ko?”
Hindi siya sumagot. Walang imik siyang pumasok sa sasakyan. Napasubo yata siya. Anong sasabihin ng mga kaibigan niya kapag nalaman ang trabaho ng boyfriend niya?
Pero imposible.
Imposibleng maging company driver ang abnormal na Jerimie na ’to!
Chapter 9
“O, bakit wala kang kibo diyan?” tanong ni Jerimie habang nagbibiyahe na sila papuntang La Union. “Huwag mong sabihing hindi ka pa rin maka-move on dahil sa nalaman mong trabaho ko.”
“Akala mo naman naniniwala ako na company driver ka? Asa!” singhal niya rito na nagpangiti lang sa binata.
“Hindi naman kita pinipilit na maniwala,” sabi ng lalaki na tuloy lang sa pagmamaneho at hindi tumitingin sa katabi. Binuksan nito ang radio. “Makinig ka na lang ng music para ’di ka mainip sa biyahe.”
“…And here’s a song especially dedicated to my friend, Cheska. Magpakita ka agad sa amin pagbalik mo ng Manila.”
Nagsimulang tumugtog ang isang pamilyar na awitin.
Napatingin sa kanya si Jerimie at huling-huli nito ang pagngiti niya. “Ikaw ba ’yong Cheska na sinabi no’ng DJ?”
“Oo. Kaibigan ko ’yan, si Mariel. Classmate ko noong college.”
“Tiyempo ang pagbukas ko ng radio, narinig mo ang message niya para sa’yo.”
“Araw-araw namang ginagawa niya ’yan,” kaswal niyang sagot. “Nagde-dedicate siya ng kanta sa aming mga kaibigan niya.”
“So, isa siya sa mga ipakikilala mo sa akin pagkatapos ng project mo sa La Union? Sino pa ’yong iba?”
Si Kenly Salviejo at Portia Dela Cruz. Mga kaibigan ko since college.“
“Portia Dela Cruz? Iyong newscaster?”
“Oo. Kilala mo?”
“Not personally,” nagkibit-balikat ito. “Mga sikat na tao pala ang mga kaibigan mo. Si Kenly, ano naman ang work niya?”
“Same station kung saan nagwowork si Portia, pero behind the camera si Kenly.”
Napatango si Jerimie.
“Don’ worry, mababait naman sila.”
“I’m not worried. At all.” Mas pinabilis pa niya ang takbo ng kanilang sasakyan. Nasa Pampanga area na sila. “Kain muna tayo, pagdaan natin sa Tarlac.”
“Ikaw ang bahala.”
“Mukhang gagabihin na tayo bago makarating sa La Union. Pero okay lang, marami namang puwedeng pagpalipasan ng gabi doon. Ang iniisip ko lang, baka masyado kang mapagod sa biyahe.”
“Sanay ako. Trabaho ko ito, remember,” sagot niya.
“Sabagay…” Sinulyapan niya si Cheska. “Kapag gusto mong umidlip, idlip ka lang diyan. Ako na ang bahala rito.”
Umayos ng pagkakasandal sa upuan si Cheska ang in-enjoy ang magandang musikang tumutugtog sa radyo. Wala siyang balak umidlip, pero hindi niya namalayan na hinihila na siya ng antok. Nagising na lang siya nang marahan siyang tapikin ni Jerimie.
“Gising na, nasa Tarlac na tayo. Kain muna tayo. Malayo pa ang ibibiyahe natin,” sabi nito sa malamyos na tinig. Bakit ba iba ang dating sa kanya ng boses nito? Kakaiba ito sa nakasanayan na niyang boses nito kapag namimilosopo. Ngayon ay para siyang idinuduyan nito at gusto niyang matulog muli.
“Halika na.” Bumaba na ng sasakyan si Jerimie at pumunta sa kabilang side upang buksan ang pinto.
Inalalayan niya si Cheska habang bumababa ito ng sasakyan. Feeling prinsesa ang babae.
“Huwag mo na akong alalayan. Ang lakas maka-Barbie, eh.”
“Ganoon naman kasi dapat ang boyfriend, ’di ba? Gentleman.”
Umarko ang kilay niya. Hindi niya alam kung seryoso ba ito o nag-uumpisa na namang mang-asar.
“O, bakit? May nasabi ba akong mali?” natatawa niyang sita sa dalaga. “Totoo namang ganito dapat ang gawin ng boyfriend sa girlfriend niya, ah!”
“Halika na, andami mong sinasabi.” Nagpauna na siyang maglakad. Napakamot na lang sa ulo si Jerimie habang nakasunod sa kanya.
Sa isang fast food restaurant sila kumain. Kanin at fried chicken ang inorder nila para may laban sila sa mahaba-haba pang biyahe.
Nang matapos kumain ay kaagad silang bumalik sa sasakyan.
“Baka gusto mong relyebohan kita diyan,” sabi ni Cheska na ang tinutukoy ay ang pagmamaneho.
“Marunong kang mag-drive?”
“Oo naman. May sasakyan kami sa probinsiya kaya tinuruan na ako ng tatay ko na magmaneho.”
“Next time na lang. Ako na muna ang bahala sa biyahe natin ngayon. Mag-enjoy ka na lang sa biyahe.”
ALAS-SIETE ng gabi nang dumating sila sa bayan ng Bacnotan, La Union. Pero kailangan pa nilang bumiyahe papunta sa barangay kung saan sila titira sa loob ng dalawang linggo. Medyo liblib na bahagi ng bayang iyon ang barangay na pupuntahan nila.
“Gabi na. Gusto mo bang dito na lang muna tayo magpalipas ng gabi. Maghanap tayo ng hotel. Umalis na lang tayo nang maaga bukas,” mungkahi ni Jerimie.
“Excuse me! Hindi ako babaeng kaladkarin, ’noh?!” natitilihang sabi niya. “Hindi ako sasama sa’yo sa isang silid na tayo lang dalawa buong magdamag.”
“At sino naman ang nagsabi sa’yo na magkasama tayo sa isang kuwarto?” salubong ang kilay na tanong nito. “Maraming kuwarto ang hotel, in case you don’t know. Puwede tayong kumuha ng tig-isa.”
Napahiya si Cheska pero hindi siya nagpahalata. “Alam ko. Hindi mo kasi nililinaw.”
“So, payag ka na?”
“Basta siguruhin mong tig-isang kuwarto tayo,” nakaismid niyang sabi na ikinangiti naman ni Jerimie.
“Anong nakakatawa sa sinabi ko?” singhal niya sa lalaki.
“Mas gumaganda ka talaga ’pag ganyang nagsusungit ka at nakaismid. Paano ’yan? Baka ma-in love ako sa’yo nang tuluyan.”
Hindi nakaimik si Cheska. Pakiramdam niya’y namula ang kanyang mga pisngi. Mabuti na lang at gabi na. Hindi na iyon mapapansin ni Jerimie.
“Okay lang ba sa’yo kapag nangyari ’yon?” tanong nito sa kanya.
“H-hindi… Hindi ko alam. Basta hangga’t maaari, sana mag-stick lang tayo sa pinag-usapan natin.”
“Wala namang nakalagay sa usapan na bawal ma-in love nang totohanan.”
“Eh…”
“Kaya wala naman sigurong masama kung mahulog ako sa’yo.” Tumitig pa sa kanya si Jerimie kaya lalo siyang naging asiwa.
“Ayun pala, o may hotel do’n!” Itinuro pa niya ang nakitang hotel sa bandang unahan ng kalsadang dinadaanan nila. “Doon na lang tayo mag-stay. Bilis at kanina ko pa gustong magpahinga. Pagod na ako sa biyahe.”
Napailing-iling na lang si Jerimie. Pumasok siya sa parking area ng hotel at ipinarada roon ang sasakyan. Pagkatapos ay bumaba siya upang pagbuksan sana ng pinto si Cheska pero nauna na itong magbukas at agad na nakalabas sa sasakyan.
“Halika na sa loob!” yaya niya kay Jerimie at nagpauna nang naglakad patungo sa reception area ng hotel.
Lumapit siya sa babaing receptionist at kaagad siyang kumuha ng kuwarto. “Good evening! Do you have available two adjacent rooms for me and my friend for an overnight stay?”
“Yes, ma’am. Kindly fill out this form.” Iniabot nito sa kanya ang isang papel.
“Hey, what are you doing?” sita sa kanya ni Jerimie.
“Getting rooms for us. Why?” Nag-umpisa na siyang sagutan ang form ng hotel.
“I should be doing that. Akina ’yan!” Wala na siyang nagawa nang biglang agawin ni Jerimie ang papel sa kanya. “Give me that pen!”
Masama ang loob niyang ibinigay dito ang ballpen. “Arte. Anong difference kung ako ang kukuha ng room? Pareho lang naman ng babayaran. May discount ba ’pag ikaw ang kukuha?”
Bumaling si Jerimie sa receptionist. “Miss, may discount ba ’pag pogi?”
“Ang kapal!” Pinarinig niya talaga ito sa kasama. “Miss, huwag mong bibigyan ng discount ’yan.”
“Actually po, since past seven pa lang pasok po kayo sa ten percent discount namin for overnight early birds promo,” nakangiting pahayag ng receptionist. “May free dinner na rin pong kasama. Dadalhin na lang po ng staff sa room n’yo few minutes after n’yo mag-check in.”
“See?” Nakakaloko ang ngiting ibinigay ni Jerimie kay Cheska.
Inirapan niya ang lalaki.
“Here’s the form, miss.” Ibinalik niya rito ang papel.
“Eto po ang mga susi ng rooms. Enjoy your stay!”
Bago nila nilisan ang reception area ay nginitian ni Jerimie nang pagkatamis-tamis ang receptionist. Nakita ni Cheska ang ginawang iyon ni Jerimie at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pakiramdam niya ay biglang kumulo ang kanyang dugo.
Chapter 10
HABANG nasa elevator ay napansin ni Jerimie na hindi maipinta ang mukha ni Cheska.
“O, bakit nakasimangot ka?” pansin ni Jerimie.
“Ang landi-landi,” bumubulong niyang sabi.
“Anong sabi mo? Para kang bubuyog na bumubulong diyan,” natatawang sabi ni Jerimie.
“Landi pa more!”
“Ha?! Anong landi pa more?”
“Duh! Ano tanga-tangahan? Tanggi-tanggihan?” Mas lamang ang tono niyang nagtatampo kaysa nagagalit.
Nagkibit-balikat ang lalaki. “I don’t understand. Tell me. Anong ipinagpuputok ng butse mo?”
“Hindi mo talaga alam?”
Tinitigan siya ni Jerimie pagkatapos ay nakangiti itong umiling-iling. “You need to tell me.”
Noon bumukas ang elevator. Narating na nila ang palapag kung saan naroon ang kanilang silid.
Nagmartsa papalabas ng elevator si Cheska. Nagmamarakulyo pa rin ng loob niya sa nakitang pagngiti ni Jerimie sa receptionist ng hotel na iyon.
Bigla siyang napahinto. Hindi niya alam kung anong room nila.
“Akin na ang susi ko!” mataray niyang sabi.
Iniabot sa kanya ni Jerimie ang isang susi.
Room 425.
Mabilis siyang naglakad patungo sa silid niya. Nasa pintuan na siya ng Room 425 nang makita niyang huminto si Jerimie sa kuwartong katabi ng kanyang silid. Room 423.
Hinintay niyang pumasok sa loob ang lalaki pero nanatili itong nakatayo sa labas ng pintuan at nakatingin lang sa kanya.
“Wala ka bang balak pumasok?” tanong niya.
“Go ahead. Papasok ako kapag nasa loob ka na.”
Mabilis niyang sinusian ang pinto at pumasok sa loob ng kuwarto. Bukas na ang ilaw sa loob ng silid. Siniguro niyang naka-lock ang pinto bago siya humilata sa kama. Pagod na pagod ang pakiramdam niya kahit nakaupo lang naman siya habang nasa biyahe kanina.
Habang nakahiga ay napagmasdan niya ang kabuuan ng silid. Simple lang ito pero malinis at maayos naman. Sabagay, nasa malayong probinsiya naman sila kaya hindi niya kailangang mag-expect ng sobrang gandang hotel. Ang importante ay may maayos silang matutulugan ngayong gabi.
Ilang saglit din siyang nakahiga. Mamaya pa ay bumangon siya nang marinig ang tunog ng doorbell.
Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang roomboy na may dalang isang tray ng pagkain.
Nakangiting nagsalita ang roomboy. “Dinner n’yo po, ma’am.”
“Pakilagay na lang diyan sa loob.” Naalala niyang sinabi nga pala no’ng receptionist na may free dinner sila.
Nang makaalis na ang roomboy ay muli niyang ni-lock ang pinto.
Ano na kaya ang ginagawa ni Jerimie sa kabilang kuwarto? Siguro kumakain na ’yon, naisip niya.
Nagpasya siyang maligo muna. Kinuha niya ang tuwalyang nakita niyang nasa gilid ng kama kanina. Hinubad niya ang suot na damit at agad na nagtungo sa banyo.
Ang sarap ng dampi ng maligamgam na tubig sa kanyang pagod na katawan. Parang gusto yata niyang magbabad. Nag-umpisa siyang magsabon ng buong katawan. Isinunod niya ang pagsha-shampoo ng buhok. Siniguro niyang matatanggal lahat ng dumi at alikabok na dumikit sa kanyang buhok at balat. Okay na rin ang hotel na ito dahil may toothpaste at sealed toothbrush rin sa banyo.
Nagbanlaw siyang mabuti bago lumabas sa banyo nang nakatapis lang ang tuwalya sa kanyang katawan.
Napakapresko ng pakiramdam niya. Sinipat pa niya ang sarili sa salamin na nasa isang bahagi ng silid. Kailangan na niyang magbihis para makakain na siya at makapagpahinga.
Bigla siyang natigilan. Naalala niyang nasa sasakyan nga pala ang bag kung saan nakalagay ang kanyang mga damit. My God! Tumitili ang kanyang isip. Paano siya makapagpapalit ng damit? Bakit ba kasi hindi niya naalalang wala siyang dalang damit pagpasok sa hotel na ito. Kailangan niyang kumuha ng damit sa sasakyan. Pero hindi siya puwedeng pumunta sa parking area nang nakatapis lang ng tuwalya!
Haaay!
Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng hinubad niyang pantalon upang tawagan si Jerimie. Pagkatapos ng ikalawang ring ay narinig niya ang boses nito.
“Miss mo na agad ako?” sabi nito na hindi niya alam kung seryoso ba o nagloloko lang.
“Ano ka? Hindi, ’noh!”
“Eh, ba’t mo ako tinawagan?”
“Puwede ka bang pumunta sandali sa kuwarto ko?”
“Huh? Bakit? Ikaw, ha! May balak ka, ’no?”
“Sira! Basta pumunta ka rito. Sandali lang. Please…”
“Okay, sige. Papunta na ako.”
Ilang saglit lang pagkatapos nilang mag-usap ay narinig na niya ang tunog ng doorbell.
Kapwa pa sila nagkagulatan nang buksan niya ang pinto. Bumulaga sa harapan niya si Jerimie na bagong paligo na rin at iba na ang suot na damit. Napakaguwapo nito sa suot na fitted light blue t-shirt at khaki cargo shorts. Kung guwapo na ang tingin niya rito kanina, mas gumuwapo pa ito ngayon.
Si Jerimie na may hawak na plastic bag ay titig na titig rin kay Cheska. “Are you seducing me?”
“Buang! Pumasok ka nga rito.” Hinila niya ito papasok sa kuwarto sabay lock sa pinto.
“Ate, ’wag po! Huwag po, ate!” Kunwari’y takot na takot ito.
“Nakakainis ka naman, eh.”
“Bakit kasi ganyan ang itsura mo? Magbihis ka nga!”
“Bakit kasi hindi mo ako sinabihan na kukuha ka pala ng damit? Sana tinawagan mo ako o pinuntahan dito.”
“Pinuntahan kita. Nag-doorbell ako. Pero walang nagbukas ng pinto so I assumed na tulog ka or naliligo kaya hindi mo narinig ang doorbell,” paliwanag ni Jerimie. “But don’t you worry, I brought clothes for you.” Itinaas pa niya ang kamay na may hawak na plastic bag.
“Binuksan mo ang bag ko?”
“No! Why will I do that?”
Napahiya na naman siya pero keri lang. “Eh, ano ’yan?”
“My t-shirt and a boxer shorts. Baka gusto mong isuot. Anyway, pantulog lang naman.”
Umiling si Cheska. “I can’t wear that boxer shorts.”
“Why?”
“I can’t wear that without wearing a panty first,” hiyang-hiya niyang sabi.
“Wala kang suot na panty? Bakit hindi ka nagpa-panty?” Pinipigil ni Jerimie na matawa.
“Jerimie!” Gusto na niyang sakalin ito.
“Okay, kukunin ko na lang sa sasakyan ’yong travelling bag mo. Sayang naman itong damit ko. Willing naman akong ipahiram ’to sa’yo.”
“Salamat, pero kakailanganin ko rin ng damit na isusuot bukas kaya mas mabuti pa talaga na kunin mo na lang sa sasakyan ang gamit ko. Please?” Ginawa niyang malambing ang kanyang tono.
“I still need to give this thing to you.” Dinukot ni Jerimie sa plastic bag ang isang maliit na pakete at iniabot kay Cheska.
“Ano ito?” Ininspeksyon niya ang balot ng pakete. “Disposable panties?!”
“Binili ko sa convenience store diyan sa labas. Kasi nga naisip kong baka hindi mo isuot ang boxer shorts ko kung wala niyan.”
Napahanga siya kay Jerimie. Nag-effort pa talaga ito para ibili siya ng disposable panties?
“Sana pala dinala ko na lang iyon kanina. Ang balak ko kasi, itong damit ko na lang ang isuot mo tonight tapos bukas na lang tayo kukuha ng damit mo sa sasakyan. Anyway, hintayin mo ako rito, kukunin ko lang ang bag mo.” Binuksan nito ang pinto at naglakad papunta sa elevator.
Naiwan sa kuwarto si Cheska na giniginaw sa tapis niyang tuwalya.
Chapter 11
HINDI nagtagal at muling tumunog ang doorbel. Nabungaran ni Cheska si Jerimie na dala ang kanyang travelling bag.
Ipinasok ng binata ang dala. “Ayan, magbihis ka na tapos, pumunta ka sa room ko para makapag-dinner na tayo.”
“May food na ako rito. Dinala no’ng staff.”
“Oo nga, pero doon ka na kumain sa room ko para sabay na tayo. At saka nag-order na rin ako ng additional dessert. Kaya ’wag ka nang umapela dahil boyfriend mo ako kaya dapat sabay tayong kumakain,” kaswal na sabi ni Jerimie.
Natameme si Cheska. Hindi niya inaakala na aakto ng ganoon si Jerimie. Una, hindi pa naman sila formally nag-uumpisa sa kanilang palabas. Ikalawa, wala naman dito ang mga kaibigan niya kaya hindi kailangang mag-effort nito bilang boyfriend niya.
Bago pa siya nakapagsalita ay naunahan na siya ni Jerimie. “Lalabas na ako para makapagbihis ka. Hihintayin kita sa room ko.” Mabilis nitong dinampot ang tray ng pagkain niya. “Dadalhin ko na ’to.” Sa isang iglap ay nasa pintuan na ito at papalabas na ng kuwarto.
Binuksan ni Cheska ang kanyang travelling bag at pumili ng maisusuot. Nang makapagbihis at makapag-ayos ng sarili ay pumunta na siya sa kuwarto kung saan naroon si Jerimie.
Natulala si Jerimie pagkakita kay Cheska. Napakaganda nito sa simpleng maroon high rise tailored short pants at white sleeveless blouse.
“Hoy! Akala ko ba kakain tayo?”
“Ha?” Napalunok si Jerimie. “Halika, pumasok ka.”
Pumasok si Cheska at nagulat pa siya sa nakitang nakahaing pagkain ss loob. “Mabuti’t may table at silya ka rito.”
“Hiniram ko sa staff. Nagbakasakaling meron. Halika, kumain na tayo. Umorder ako ng dessert kasi isang slice na brownie lang ang kasama sa free dinner. Kaya eto, nagpadagdag ako ng buko pandan at leche flan. Nag-crave ako bigla sa matamis, eh. Maupo ka na.”
Nagsimula silang kumain. Paminsan-minsan ay nahuhuli ni Cheska si Jerimie na nakatingin sa kanya.
“Bakit mo ako tinitingnan?” tanong niya sa lalaki.
“I just want to make sure na nakakakain ka nang maayos. Ayokong magutom ka ’pag ako ang kasama mo.”
“Kumain ka na rin. Ayoko ring nagugutom ka kapag ako ang kasama mo…”
Napangiti si Jerimie. Parang gusto niyang kiligin.
“Baka isipin ng mga tao, inubos ko ang pagkain mo kaya nagutom ka,” dugtong ni Cheska.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki.
Si Cheska naman ang ngumiti. Iyong ngiting tila nang-aasar.
Ipinagpatuloy na lang nila ang pagkain.
“Matagal ka na ba rito sa trabaho mo?” mamaya pa’y naitanong ni Jerimie.
“Almost five years. After graduation, dito na ako nagtrabaho.”
“Naisip ko kasi, ’yong mga kaibigan mo media practitioner lahat. Nasa linya ng tinapos nilang kurso ang trabaho nila. Bakit umiba ka ng linya?”
Napangiti si Cheska kasabay ang pagkibit-balikat. “Bata pa lang ako, gusto ko na talagang magtrabaho sa isang NGO. Gusto ko ’yong trabahong nakakatulong ako sa ibang maliliit na sektor ng gobyerno. At hindi naman ako lumayo sa kursong tinapos ko. Nasa media rin ako. Ako ang content producer ng social media accounts ng iHope uCare Foundation. I am also a blogger. Lahat ng mga nangyayari sa bawat project ng iHope uCare Foundation ay isinusulat at ipino-post ko sa blog ko. So basically, nasa linya pa rin ng tinapos kong kurso ang trabaho ko. Hindi lang gaanong napapansin dahil wala naman ako sa radyo o telebisyon. Pero nagagamit ko sa trabaho ko ang mga natutunan ko sa kolehiyo,” mahabang paliwanag niya kay Jerimie.
“Wow, I never thought you are that busy. Akala ko dati, ang mga nagtatrabaho sa NGO ay hindi naman talaga nahihirapan sa trabaho nila. Hindi ko ini-expect na stressful din pala ang trabaho n’yo.”
“Mahirap maghanap ng sponsors. Ang bawat proyekto namin ay umaasa lang sa sponsors. Hindi kami makakakilos kung walang private companies and individuals na tutulong sa amin para maisakatuparan ang bawat gagawin naming pagtulong. Hindi naman talaga kami ang tumutulong. Kami lang ang instrumento para maiparating sa tamang tao ang mga tulong na ibinibigay ng mga kababayan nating may mabubuting loob.”
Tumango-tango lang si Jerimie.
“Kaya nga thankful kami sa mga katulad ng kompanya n’yo na hindi nagdadalawang-isip na magbigay ng tulong sa mga proyektong katulad nito.”
Nang gabing iyon ay hindi kaagad nakatulog si Jerimie. Sa araw na ito ay mas nakilala niya si Cheska at hindi niya maitatangging mas tumindi ang pagnanais niyang makilala pa ito nang mas malalim.
KINABUKASAN ay maagang gumising ang dalawa para mag-check out sa hotel. Halos magkasabay pa silang lumabas ng kani-kanilang mga kuwarto. Si Jerimie as usual ay guwapong-guwapo sa suot nitong ripped maong pants at black v-neck shirt. Kahit yata magsuot lang ng basahan ang lalaking ito ay guwapo pa rin.
Saglit na hindi nakapagsalita si Jerimie nang makita si Cheska. Kung kagabi ay gandang-ganda siya sa kasimplehan nito, ngayon naman ay nakita niya ang pagiging sopistikada ng itsura nito kahit na simpleng old rose fitted jeans at long sleeved striped blouse lang ang suot nito. Naisipan niyang asarin ang dalaga.
“Kailangan talaga naka-heels ka papunta sa liblib na barangay sa lugar na ito?”
Tinaasan siya ng kilay ni Cheska. “Ano namang pakialam mo? Para kasing hindi bagay kung sneakers ang isusuot ko. At saka, saglit lang naman amg biyahe. Pagdating natin doon, at saka na lang ako magsa-sandals. Siyempre, makikipag-usap tayo sa mga barangay officials doon. Ayoko namang magmukhang dugyot. Nire-represent ko yata ang opisina namin. Ayokong may masabi silang hindi maganda sa akin.”
“Sige nga, pipiktyuran kita. Mag-pose ka na riyan.”
“Ayoko nga. Inuuto mo ako,” mahigpit niyang pagtanggi.
“Paano maniniwala ang mga kaibigan mo na girlfriend kita kung wala man lang akong picture mo?” Nakita niyang nag-isip si Cheska.
“O, sige pero isa lang, ha? Lahat na lang ng pang-uuto ginagawa mo.” Sinimangutan niya ang lalaki.
“Sige, simangot pa. Alam mo namang gandang-ganda ako sa’yo kapag nakasimangot ka, nakairap o nagsusungit,” natatawang sabi ni Jerimie.
“Bilisan mo na nga kung magpi-picture ka. Basta, isa lang.”
“Mag-pose ka na. Iyong maganda.” Inihanda niya ang kanyang cellphone.
Nag-pose si Cheska. “Ganito ba?”
“Oo, ganyan. Wait, freeze that pose. One… Two… Three…” Pinindot niya ang camera ng phone. “Ayan, ang ganda!”
“Patingin nga!”
“Here…” Iniabot niya rito ang cellphone.
“Ano naman ang gagawin mo rito?”
“Wala, dito lang sa phone. Para may titingnan ako kapag nami-miss kita…”
Shit! Nakatitig na naman siya sa akin, bulong ng isip niya. Kung ice cream lang ako siguradong kanina pa ako natunaw. “Halika na, masyado ka nang nag-eenjoy na bolahin ako.” Naglakad na siya papuntang elevator bitbit ang kanyang travelling bag.
“Wait! Give me your bag!” Hinabol siya ni Jerimie at kinuha ang kanyang dala. “Anong klase akong boyfriend kung hahayaan kitang mahirapan sa bitbit mo?”
Hindi na siya sumagot. Baka hindi na siya makahinga kapag humirit na naman ng nakakakilig na linya ang lalaking ito.
Pagkatapos mag-check out ay dumaan muna sila sa isang fast food restaurant at bumili ng makakain habang nasa biyahe sila. Sabi sa waze, aabutin pa sila ng treinta minutos bago makarating sa lugar na pupuntahan nila. Kailangang habang daan ay kumain na sila dahil pagdating sa pupuntahan ay puro trabaho na ang haharapin nila sa buong maghapon.
Chapter 12
HUMINTO ang sasakyan nila sa barangay hall ng Brgy. Naragsak. Nauna nang bumaba ng sasakyan si Jerimie. Bumaba na rin si Cheska at tumuloy sa opisina ng barangay. Sumunod sa kanya sa loob si Jerimie.
“Magandang umaga po,” bati niya sa nadatnang babae sa barangay hall. “Hinahanap ko po si Kapitana Elsa.”
“Magandang umaga rin po. Kayo po ba ’yong taga-NGO sa Maynila?” tanong ng babae habang sinasalubong sila.
“Kami nga po. Ako po si Cheska. Si Jerimie naman itong kasama ko,” pagpapakilala niya sa kanilang sarili kasabay ang isang matamis na ngiti.
“Ako naman si Lourdes. Isa ako sa mga kagawad ng barangay.” Nakipagkamay ito sa kanilang dalawa. “Papunta na rito si Kapitana, pinuntahan lang niya ang mga volunteer na makakasama n’yo. Naroon na silang lahat sa covered court,” pagbibigay impormasyon ni Lourdes. “Maupo muna kayo habang hinihintay natin si Kapitana.”
Naupo si Cheska pero si Jerimie ay nagpaalam sandali.
“May titingnan lang ako doon sa sasakyan,” sabi nito sa kanya at kaagad na naglakad papalabas ng barangay hall at bumalik sa sasakyan.
Hindi naman sila nainip. Ilang sandali lang ay may babaeng dumating sa barangay hall.
“Maligayang pagdating sa barangay namin. Akala namin kagabi kayo darating,” sabi ng magandang dalaga na diretsong pumasok sa loob ng barangay hall. “Ako si Kapitana Elsa,” pagpapakilala nito. Ikaw siguro si Cheska, tama ba ako?“
“Ako nga po,” sagot niya rito kasabay ng paglahad niya ng kamay. “Ikinagagalak kitang makilala, Kapitana. Ang bata mo pa, at ang ganda.” Napahanga siya sa bagong dating. Hindi niya inaasahan na ganito kabata ang barangay captain dito. Tingin niya ay nasa beinte-tres lang ang edad nito. At maganda talaga ang kapitanang ito.
Inabot ng babae ang kamay niya. “Ikinagagalak din kitang makilala. Sino iyong guwapong kasama mo?” Itinuro nito si Jerimie na nakasandal sa sasakyang dala nila.
“Ah, si Jerimie ’yan, Kapitana. Ipinadala ng kompanya nila para personal na mangasiwa sa mga donasyon.”
“Ah, ganoon ba?” Napatango-tango ang babae. “Paano? Pupunta na tayo sa covered court. Andoon na ang mga makakasama mo, pati ang mga residente ng barangay namin. Mamaya ko na lamang kayo dadalhin sa tutuluyan n’yo habang naririto kayo.”
“Sige po, kayo ang bahala. Ang importante ay matapos sa oras ang mga dapat gawin ngayong araw.”
“Huwag mo na akong pino-po. Ang lakas maka-thunder. Mas matanda ka pa nga yata sa akin, eh.”
Hindi nakasagot si Cheska. At bago pa siya makapagsalita ay naglakad na papalabas ng hall si Elsa. “Halika na, para maaga tayong matapos.”
Pakendeng-kendeng na naglakad si Kapitana. Nagmamadali namang sumunod dito si Cheska.
“Jerimie, right?” bati nito sa binata nang makalapit rito.
“Ah, yes.” Nakangiti si Jerimie. Ugali na talaga nito ang ngumiti.
“I’m Elsa, the barangay captain,” pagpapakilala nito kasabay ang paglahad ng kamay.
Inabot ni Jerimie ang kamay ng babae. “Pleased to meet you, ma’am.”
“Masyado ka namang pormal. Elsa na lang. Two weeks din tayong magkakasama rito kaya masanay ka nang tawagin ako on a first name basis,” may landi ang ngiting ibinigay nito kay Jerimie.
“May katungkulan ka sa barangay. Gusto ko lang magpakita ng respeto,” sagot niya.
“Well, respect can be shown in some other ways naman. Am I right?”
“Hmm, oo naman,” pagsang-ayon niya.
“Aalis na ba tayo?” Mula sa likuran ay nagsalita si Cheska. Napalingon tuloy si Elsa.
“Oo, halika na,” sabi ng kapitana. “Sasabay na lang ako sa sasakyan n’yo, ha?”
“Sure!” mabilis na sagot ni Jerimie.
“Sa likod ka na lang muna, Cheska. Dito na lang ako sa unahan para maituro ko kay Jerimie ang daan.” Ang laki ng pagkakangiti ni Elsa. Kulang na lang ay mapunit ang mukha nito.
Napatingin si Jerimie kay Cheska na agad namang sumakay sa likurang bahagi ng sasakyan katabi ng mga kahon ng school supplies.
Sumakay na rin sina Elsa at Jerimie. Agad na pintakbo ng binata ang sasakyan.
“Idiretso mo lang, Jerimie. Basta diretso lang.” Iba ang dating sa pandinig ni Cheska ng boses ni Elsa. Bakit ba parang ang landi-landi ng boses nito? “Matagal ka na ba sa trabaho mo, Jerimie?” tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa katabi.
“Medyo matagal na rin,” sagot ng binata na ang mga mata ay nanatiling nakatuon sa kalsada.
Nakikinig lang sa usapan ng dalawa si Cheska. Wala siyang balak makisali sa usapan. Kung hindi rin naman siya tatanungin, hindi siya magsasalita. Naiinis siya at hindi niya alam kung bakit!
“Lumiko ka sa kaliwa diyan sa kanto, Jerimie,” malambing na sabi ni Elsa. “Iparada mo sa covered court.”
Sumunod siya sa sinabi ng kapitana. Nakita niya ang covered court at marami na ngang mga tao roon.
Bumaba na silang tatlo ng sasakyan. Tinawag ni Elsa ang ilang volunteers para tumulong sa pagbababa ng mga kahong dala nila.
Mabilis na nadala sa covered court ang mga donasyong school supplies.
Kinuha ni Elsa ang mikropono at nagsalita. “Mga kabarangay, magsisimula na tayo. Pero gusto ko munang ipakilala sa inyo ang mga kasama ko, sina Cheska at Jerimie. Galing sila sa Maynila at makakasama natin sila upang turuan ang mga bata sa kanilang mga aralin, at ang mga magulang naman ay tuturuan din gumawa ng ilang proyektong pangkabuhayan para makatulong sa dagdag na pagkakakitaan ng inyong mga pamilya. Palakpakan naman natin sina Jerimie at Cheska.”
Nagpalakpakan ang mga tao sa covered court. Tila ang lahat ay excited nang simulan ang mga dapat nilang gawin sa araw na ito.
“May gusto ka bang sabihin, Cheska?” tanong sa kanya ni Elsa. Lumapit siya at kinuha rito ang mikropono.
“Magandang umaga po! Masaya ako na nandito kayo ngayon para makisali sa aming proyekto. Sana po ay makatulong sa inyong mga anak at sa inyong buong pamilya ang mga gagawin natin for two weeks kung saan magbe-benefit ang mga residente ng tatlong barangay dito sa inyong lugar. Gagawin po namin ang lahat para maituro sa inyo ang mga kailangan n’yong malaman sa pag-uumpisa ng isang maliit na kabuhayan. At sa mga kabataang nag-volunteer para sa proyektong ito, maraming salamat sa inyong lahat. Hindi mangyayari ito, kung hindi dahil sa inyo.” Muling nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos ng maikling pananalita ni Cheska. Ibinalik niya kay Elsa ang mikropono. Nahagip ng mata niya si Jerimie na nasa isang bahagi ng covered court at may kausap na ilang kabataang alam niyang volunteers nila dahil na rin sa mga suot nitong yellow shirts na may logo ng iHope uCare Foundation.
Muling nagsalita si Elsa. “Opisyal ko nang binubuksan ang gawaing ito!”
Nagpalakpakan ang mga tao at nagsimula nang kumilos ang mga volunteer. May mga naka-assign para magbigay ng mga school supplies sa mga bata. Ang iba naman ay nakatokang magturo ng livelihood project sa mga magulang na naroroon. Kung seseryosohin ng mga residente ang matututunan nila sa proyektong ito, totoong malaki ang maitutulong nito sa mga buhay nila.
Nang mga sumunod na oras ay naging abala na ang lahat sa covered court. Si Cheska ay tumulong sa pamimigay ng school supplies. Hindi na nga niya namalayan ang oras. Paminsan-minsan ay nasusulyapan niya si Jerimie na abala rin… abala sa pakikipag-usap kay Elsa.
“Ms. Cheska…” Hindi niya napansin ang paglapit ng isang babaeng volunteer.
“O, may problema ba?” tanong niya rito.
“Ako po si Kathy. Ako ’yong kontak ni Ms. Pura dito sa Brgy. Naragsak.”
“Yeah, oo naalala kita. Sinabi nga sa akin ni Pura na Kathy ang name ng kontak namin dito. Sorry, Kathy hindi na kita nakausap kanina bago tayo nag-umpisa. Naging busy na ang lahat, eh. Anong maitutulong ko sa’yo?”
“Wala naman pong problema. Iimbitahan ko lang sana kayong sumabay sa amin mag-lunch kasama ng ibang mga volunteer.” Ngumiti si Kathy. “Gusto po kasi nila kayong makilala. Gandang-ganda sila sa inyo,” kinikilig na sabi pa nito. “Lalo na iyong mga lalaking volunteer, kanina pa sila hindi mapakali sa sobrang paghanga sa’yo.”
“Naku, salamat. Lahat naman tayo magaganda.”
“Pero ikaw, Ms. Cheska ang pinakamaganda sa lahat,” bukal sa loob na papuri ni Kathy.
“Ikaw naman, sasabay naman akong mag-lunch sa inyo kahit hindi mo ako bolahin,” sinabayan niya iyon ng isang mahinang halakhak.
“Hindi iyon bola, Ms. Cheska. Alam kong alam mo ’yan. Sige po, babalikan na lang kita mamaya kapag kakain na tayo.”
“Sige… Salamat, ha?”
Tinanguan siya ng babae at umalis na ito.
Nang dumating ang lunch break ay lumapit kay Cheska si Jerimie.
“Saan tayo kakain? May nadaanan akong restaurant kanina, doon na lang tayo mag-lunch,” yaya nito sa kanya.
“Naku, nag-invite si Kathy, iyong kontak ng foundation namin dito. Gusto raw nila akong makasabay kumain. Kung gusto mo, sumama ka na lang din.”
“Sa amin ka na lang sumabay, Jerimie. Nagpaluto ako sa isang tanod ng masarap na pananghalian. Iimbitahan ko sana kayo ni Cheska, kaso naunahan na pala ako ni Kathy. So, puwede naman sigurong ikaw na lang muna ang imbitahin ko.” Mula sa likuran ay nagsalita si Kapitana Elsa at sumali sa usapan nila.
Hindi kaagad nakasagot si Jerimie. Tumingin ito kay Cheska na tila nagpapasaklolo.
“Okay lang, Kapitana. Sa ibang araw na lang ako sasabay kumain sa inyo,” kaswal na sabi niya pero nagpupuyos ang kanyang kalooban. Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot ang kapitanang ito? Panira ng moment!
“O, paano? Tara na, Jerimie…”
Wala na siyang nagawa nang umabrisiyete na si Elsa kay Jerimie na tila napipilitan lang ding sumama sa babaeng barangay captain.
Chapter 13
LUMIPAS ang buong maghapon nang hindi nila namamalayan. Parang hindi sila nakaramdam ng pagod. Nang pumatak ang orasan ng alas-singko ng hapon ay muling nagbigay ng maikling pananalita si Kapitana Elsa.
“Tapos na tayo para sa unang araw ng ating gawain. Maaari na po kayong umuwi at magkita-kita na lang tayo ulit bukas. Palakpakan po ninyo ang inyong mga sarili.”
Nagpalakpakan naman ang lahat. Pagkatapos ay isa-isa na silang nag-alisan sa covered court para magsiuwi na.
Muling lumapit si Kathy kay Cheska. Kasama nito ang iba pang mga volunteer na nakasabay niyang mananghalian kanina. “Ms. Cheska, uuwi na kami. Babalik na lang kami bukas,” paalam nito.
“Maraming salamat sa inyong lahat. Malapit lang ba ang mga bahay n’yo rito?”
“Karamihan sa amin, walking distance lang. Iyong iba sasakay lang ng jeep o tricycle,” sagot ni Kathy.
“Mag-iingat kayo…”
Tumango si Kathy. “Kayo rin po, Ms. Cheska. Mauuna na po kami.” Kumaway pa sa kanya ang mga volunteer bago tuluyang umalis.
Hinanap ng mga mata ni Cheska si Jerimie. Ewan kung bakit naisipan niyang sundan ng tingin si Kapitana Elsa. Parang naramdaman niyang makikita niya si Jerimie sa pagsunod niya ng tingin sa babaeng ito.
Hindi nga siya nagkamali. Nakita niya si Kapitana Elsa na lumapit sa isang tumpok ng mga tao at naroon din si Jerimie na nakikipag-usap sa ilang kalalakihan na tingin niya’y may mga katungkulan din sa barangay kung pagbabasehan ang kulay asul na vest na suot ng mga ito.
As expected, si Jerimie nga ang pinuntahan doon ng kapitana dahil ilang saglit lang ay magkasamang umalis doon ang dalawa at naglakad papalapit sa kinaroroonan niya.
“Ihahatid ko na kayo sa bahay sa tutuluyan n’yo habang nandito kayo sa barangay namin,” sabi ni Elsa nang makalapit sa kanya.
“Ready na ako,” sagot niya. “Tara na?” Nakita niya si Jerimie sa likuran ni Kapitana na nakatingin lang din sa kanya.
Sabay na silang naglakad papunta sa nakaparadang sasakyan. Katulad kaninang umaga, nasa bandang likuran ulit si Cheska dahil inokupa na naman ni Elsa ang upuan sa tabi ni Jerimie.
“Same way lang ng dinaanan natin kaninang umaga. Halos katabi lang ng barangay hall iyong bahay,” ani Elsa. “Bahay iyon ng kapatid kong nasa America na. Wala namang nakatira kaya doon na muna kayo. Don’t worry, alaga naman sa linis ang bahay na iyon.”
Hindi sumagot si Jerimie na abala sa pagmamaneho. Si Cheska naman ay sinadyang pumikit para iparating sa mga kasama na pagod siya at mas gustong umidlip.
Ilang sandali lang ay narating nila ang bahay. Dalawang palapag ito na katamtaman lang ang laki. Ang harapan ng bahay ay may nakapalibot na mga puno ng bulaklak na rosal na alaga rin sa putol kaya naman pantay-pantay ang pagkakatubo ng mga ito na nagsisilbi na ring bakod sa paligid ng bahay.
Bumaba sila sa sasakyan. Binitbit ni Cheska ang dala niyang bag, si Jerimie naman ay ganoon din.
Lihim na humanga si Cheska nang makapasok sa loob ng bahay na simple pero elegante ang kaayusan.
“Kahit wala ang kapatid ko at ang pamilya niya rito, sinisiguro niyang maayos ang bahay. Kaya kung anu-anong furniture ang pinabili niya para ilagay dito. Magbabakasyon sila next year kaya inaasahan niyang mas bongga na ang bahay na dadatnan niya. Kaya I make sure na hindi siya madi-disappoint kapag nakita niya ang mga nabago sa bahay nila,” masayang kuwento ni Elsa.
“Maganda nga. Hindi ko ine-expect na ganito kaganda at kalaki ang loob ng kabahayan,” sagot ni Jerimie.
“May isang kuwarto rito sa ibaba. At may dalawa naman sa itaas para sa inyo. Maayos na ang kama, napalitan na ang bedsheet at nandoon na rin ang mga bagong unan at kumot.”
“Maraming salamat, Elsa.” Bukal sa loob ang sinabi ni Cheska. Kahit nakakaramdam siya ng konting pagkainis sa babaeng ito ay hindi naman niya puwedeng balewalain na lang ang pag-aasikaso nito sa kanila.
“Walang anuman. Diyan lang sa tapat ang bahay ko. Kapag may kailangan kayo, puntahan n’yo na lang ako. May mga gamit sa pagluluto sa kusina. Puwede ninyong gamitin kung may gusto kayong lutuin.” Dumukot ito sa bulsa ng suot na pantalon at iniabot kay Jerimie. “Eto ng susi ng bahay. Kayo na muna ang bahala rito.”
“Thank you,” sabi ni Jerimie.
“Aalis na ako.”
Ibinaba ni Jerimie ang dalang bag sa sofa at inihatid niya hanggang sa makalabas ng pintuan si Elsa. Pagbalik niya sa loob ay kaagad na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay si Cheska.
“Hintayin mo naman ako,” sabi ni Jerimie na mabilis na dinampot ang dalang bag at humabol pa sa kanya.
Pumasok si Cheska sa unang kuwartong nasa kanang bahagi pag-akyat ng hagdan. No choice si Jerimie kundi okupahin ang kuwartong hindi napili ni Cheska.
Siniguro ni Cheska na naka-lock ang pinto ng kuwarto bago siya humilata sa kama. At saka siya nakadama ng pagod. Parang ang sarap matulog.
Hindi na niya nakayanan ang antok at pagod at agad siyang nakaidlip. Nagising na lang siya sa mga katok sa pinto.
Agad siyang bumangon at binuksan ang pinto.
“O, bakit?” tanong niya kay Jerimie na nabungaran niya sa kabas ng pinto.
“Kakain na tayo?”
“Ha? Anong oras na ba?”
“Alas-siete na. Sabi ko na nga ba at nakatulog ka. Nakapagluto na ako, kaya halika na para makakain na tayo.”
“Sige, susunod na ako.”
“Bilisan mo, ha?” sabi nito bago binaybay ang hagdan pababa ng bahay.
Nagsuklay lang siya ng buhok at itinali ito at saka siya sumunod kay Jerimie sa kusina. Narinig niyang may kumakatok sa main door at nagmamadaling pinuntahan ni Jerimie para buksan ang pinto. Nakita niya si Elsa na dumating na may dalang food bowl.
“Jerimie nagdala ako ng pagkaing Ilokano para matikman n’yo. Insarabasab ang tawag namin dito. Masarap ito.”
“Wow! Ikaw ang nagluto?”
“Ako ang nagtimpla ng spices, pero ipinaihaw ko sa kasama namin sa bahay,” buong pagmamalaking sabi ni Elsa. “Kumain ka, ha? Para malaman mong masarap akong magluto.”
Napangiti si Jerimie. “Dito ka na kumain,” anyaya niya rito.
“Huwag na. Kakain na rin kami. Dinala ko lang iyan dito para matikman n’yo.”
“Magdala ka na lang ng niluto kong ulam. Pasok ka muna at kukuha ako.”
Pumasok si Elsa at sumunod kay Jerimie hanggang sa kusina kung saan naroon na si Cheska.
Nagsandok ng niluto niyang ulam si Jerimie.
“Nakahain na pala ang hapunan ninyo. Sakto pala ang dating ko.”
Nginitian ni Cheska si Kapitana pero ’di na siya sumagot.
“Eto, tikman n’yo ang niluto ko.” Iniabot ni Jerimie kay Elsa ang plato na may lamang ulam.
“Mukhang masarap, ah!”
“Bistek tagalog…”
“Sige, salamat dito. Aalis na ako para makakain na kayo.” Muling pinakawalan ni Elsa ang pamatay niyang ngiti. Inihatid pa siya ni Jerimie hanggang sa pintuan at saka bumalik sa kusina.
“Kain na tayo, gutom na ako.” Dumiretso siya sa lababo para maghugas ng kamay at saka siya umupo sa tapat ng inuupuan ni Cheska.
“Saan ka kumuha ng niluto mo?” tanong ni Cheska.
“Pumunta ako sa palengke kanina habang abala kayong lahat. Wala naman kasi akong ginagawa. Hindi mo ako binigyan ng gagawin,” paliwanag ni Jerimie.
“Paano kita bibigyan ng gagawin, eh busy ka na?”
“Busy?”
“Sa pakikipagharutan kay Kapitana.” Lumabi pa si Cheska.
Natawa si Jerimie. “Grabe ka naman. Hindi naman ako nakikipagharutan sa kanya. She was just being nice.”
“Wow! Kaya pala ganoon na lang kung makaabrisiyete sa’yo. Feeling close lang ba?”
“Uuyyy, nagseselos siya…” Mas lalo pang natawa si Jerimie.
“Kapal mo! Bakit ako magseselos sa barangay captain na ’yon? Ano ba kita?”
“Boyfriend, ’di ba?” sabi nito na biglang lumungkot ang itsura. “Nakakalungkot naman, hindi man lang nagseselos ang girlfriend ko kahit may babaeng humaharot sa akin…”
“Hindi kita boyfriend. Role playing lang iyon. At hindi pa nga officially nag-uumpisa,” madiin niyang sabi.
“Kumain na nga tayo,” Dinampot niya ang mangkok na may ulam at inabot niya kay Cheska. “Eto, o tikman mo ang luto ko. Para alam mo na hindi kita gugutumin ’pag ako ang naging asawa mo.”
“Anong sabi mo?” Pinandilatan niya ang lalaki.
“Wala. Sabi ko, tikman mo rin itong ulam na bigay ni Elsa.”
“Ayoko nga. Baka mamaya, may gayuma pa ’yan ma-in love pa ako sa Kapitana mo.”
“Kapitana ko? Wow, kelan ko pa siya naging pag-aari?”
“Ikaw ang malapit na niyang maging pag-aari. Tingin ko doon, gagawin niya ang lahat mapasakanya ka lang.”
Napailing si Jerimie. “Ang advance mong mag-isip.”
“Babae rin ako. Alam ko ang mga ganyang galawan. Pustahan pa tayo, type ka ng kapitanang iyon.”
“Well, bahala siya kung type niya ako. Basta ang alam ko…” Hindi niya itinuloy ang sasabihin.
“Ano?” Naghihintay ng karugtong si Cheska.
“Wala!” pambibitin nito. “Kumain ka na lang diyan.”
Chapter 14
MAAGANG nagising si Cheska kinabukasan. Pero ang akala niyang maagang paggising ay naunahan pa pala ng mas maagang paggising ni Jerimie.
“Gising ka na agad?” bungad niya rito nang makita niyang abala na ito sa kusina.
“Tamang-tama ang gising mo. Breakfast is ready!” Ipinakita pa nito sa kanya ang hawak na kakukuha lang nito sa oven.
“Ano ’yan? Pie?”
“Quiche. Spinach quiche,” pagmamalaki nito. “Tikman mo, pero bago gawin iyon, tandaan mo munang mabuti ang pangalan mo at baka makalimutan mo kapag nalasahan mo na itong specialty ko.” Ipinatong nito sa mesa ang hawak na pastry at hiniwa sa walong piraso.
“Teka, parang ganyan ’yung kinain natin doon sa restaurant noong una tayong magkita, ah. Hindi ba?”
“Hmm, yup! Nag-order nga tayo ng quiche doon. Pero iba siyempre ang version ko. I used a low-calorie and low-fat ingredients to make it healthier. At saka, marami rin akong nilagay na spinach. Umupo ka na at mag-almusal. May fresh kalamansi juice diyan sa pitsel. Or gusto mo bang mag-coffee?”
Umupo na siya. “Okay na sa akin itong juice. Ang sipag mo namang magluto,” pansin niya rito. “Kumain ka na rin.”
“Dalawa ang ginawa kong quiche. Dadalhin natin sa mga volunteer mo itong isa, pati na rin ang matitira natin dito.”
Tinikman ni Cheska ang spinach quiche, ninamnam niya ang lasa. “Masarap, ah. Halos kapareho ang lasa noong kinain natin sa restaurant. Ba’t ’di ka magtayo ng restaurant business? Sayang ang talent mo sa pagluluto. Iyong bistek mo kagabi, superb din ang lasa. Siguro marami ka pang ibang alam na lutuin.”
“That you have to find out.” Nagsalin ito ng juice sa baso at iniabot kay Cheska. “Eto, o baka mabulunan ka.”
Pagkatapos mag-almusal ay naghanda na silang dalawa para pumunta sa covered court.
Inaasahan na ni Cheska na bigla na lang susulpot si Elsa para sumabay sa kanila pero hanggang sa makarating sila sa covered court ay hindi niya nakikita ang kapitana.
Lumapit siya sa grupo ni Kathy dala ang pagkaing niluto ni Jerimie.
“Kathy, eto o, paghatian n’yo na lang ito. Maagang gumising si Jerimie para mag-bake niyan. Pinabibigay niya sa inyo. Nagdala na rin kami ng thermos, disposable cups at 3 in 1 instant coffee para makapagtimpla kayo ng kape anytime.”
Nagliwanag ang mukha ni Kathy. “Salamat, Ms. Cheska. Tamang-tama ito para sa break time mamaya o iyong iba sa amin na hindi pa nakapag-almusal.”
“Kapag may kailangan kayo, sabihan mo ako kaagad, ha?” bilin niya rito.
Tumango si Kathy at pagkatapos ay iniwan na niya ito.
Pabalik na siya sa sasakyan para tawagin si Jerimie nang makita niya ito na may kausap sa cellphone. Kung titingnan ang itsura nito ay bakas dito ang pag-aalala.
Napahinto siya. Sino kaya ang kausap ni Jerimie? Bakit parang hindi ito mapakali?
Nang matapos ang pakikipag-usap nito ay nakita niyang papalapit na sa kanya ang binata.
“Cheska!”
“May problema ba?” agad niyang tanong.
“May emergency lang sa Manila. Kailangan ko munang bumalik doon. Okay lang bang iwanan muna kita rito?” tanong ng binata na hindi nawawala ang pag-aalala sa mukha nito. “Promise, babalik din ako. Aayusin ko lang ’yong problema.”
“Anong problema iyon? Trabaho ba?” curious niyang tanong.
“Basta, saka ko na lang ikukuwento sa’yo. Ano, kaya mo bang mag-isa muna rito?”
“Oo naman. Sige, lumuwas ka na para ’di ka abutin ng gabi sa daan.”
“Dadalhin ko ’yong sasakyan. Iiwan ko na lang sa bahay ’yong mga sobrang supplies. Eto nga pala ang susi sa bahay.” Iniabot niya ito kay Cheska.
Kinuha niya ang susi. “Mag-iingat ka… sa daan.”
“Ikaw rin. Basta, babalik ako. Bye…”
Tinanaw na lang niya ito habang papalayo ito sa kanya, maging nang sumakay na ito at paandarin ang sasakyan.
Mabilis ang pagpapaandar ni Jerimie ng sasakyan. Pupunta pa siya sa bahay dahil kukunin niya ang kanyang bag. Plano naman talaga niyang bumalik at puwede ngang hindi na niya dalhin ang kanyang mga gamit. Pero paano kung hindi kaagad maayos amg problema? Ayaw naman niyang mahirapan pa si Cheska sa pagbitbit ng mga gamit niya. Sana lang talaga ay maayos niya kaagad ang mga dapat ayusin.
Ipinarada niya sa tapat ng bahay ang sasakyan at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Ilang saglit lang ay papalabas na siya bitbit ang bag niyang naglalaman ng lahat ng mga gamit na dala niya rito sa La Union.
Pasakay na siya sa sasakyan ng may tumawag sa kanya.
“Jerimie!” Nakita niya si Elsa na kalalabas lang din ng bahay nito, may bitbit itong knapsack.
“Saan ang punta?” tanong niya rito.
“Sa Maynila, a-attend ako ng kasal ng best friend ko. Sa makalawa na iyon pero kailangan ko nang lumuwas para mag-fitting ng gown bukas. Ikaw, bakit ka nandito? At bakit bitbit mo ’yang bag mo?” nagtatakang tanong nito.
“Kailangan kong bumalik ng Maynila ngayon. May importante akong kailangang asikasuhin,” sabi niya rito. “Kung gusto mo, sumabay ka na sa akin. Ihahatid na lang kita kung saan ka man tutuloy doon.” Bukal sa loob ang kanyang paanyaya.
“Hindi ba nakakahiya sa’yo? Baka makaabala ako…” Ang totoo’y gusto na nitong sumakay kaagad sa sasakyan.
“Pareho lang naman tayong pupunta ng Manila. Mas mapapabilis ang byahe mo kung sasabay ka sa akin.”
“Sabagay, totoo ’yan. At mas kumportable ang byahe kung sasabay ako sa’yo,” dugtong pa nito sa sinabi ni Jerimie. “Kaya kung talagang mapilit ka, sige pasabay na lang hanggang Manila.” Muling inilabas ni Elsa ang kanyang signature smile kapag kaharap niya si Jerimie.
“Sige, sakay na.”
Dali-daling binuksan ni Elsa ang pinto ng sasakyan at umupo sa paborito niyang puwesto sa sasakyang iyon.
Naging maayos ang byahe nilang dalawa patungong Maynila.
PAG-UWI ni Cheska ay saka siya nakadama ng lungkot. Mag-isa lang siya rito sa bahay. Bigla ay naisip niya si Jerimie. Ang laki pala ng diperensya kapag wala ito at hindi niya kasama. Sana bumalik kaagad ito. Pero makababalik pa nga ba? Hindi naman nito obligasyon na samahan siya rito sa La Union. Nasilip niya mula sa bintana ng kuwarto ang bahay sa tapat. Iyon ang bahay ni Elsa. Madilim. Walang tao? Nasaan kaya si Kapitana? O baka naman tulog na. Pero maaga pa para matulog. Maghapon niyang hindi ito nakita sa covered court. Si Kagawad Lourdes ang nagbantay sa kanila kanina, kasama ang ilang barangay tanod. Hindi naman siya nakapagtanong kay Kagawad Lourdes dahil naisip niyang hindi naman required na present doon si Elsa araw-araw. Puwede itong bumisita anytime na gustuhin nito. Pero hindi niya ito puwedeng obligahin na pumunta roon kung ayaw nito.
Sandali siyang humiga para magpahinga. Mamaya na lang niya kakainin ang binili niyang pagkain sa carinderia. Nag-set siya ng alarm clock sa cellphone niya para siguradong magigising siya sakaling bigla na naman siyang makatulog. Muli, sumagi sa isip niya si Jerimie na matiyaga siyang ginigising para sabihing kakain na.
Ang lungkot!
Ang lungkot ’pag wala si Jerimie.
At nami-miss na niya kaagad ito.
Chapter 15
INIHATID ni Jerimie si Elsa sa bahay ng pinsan nito sa Sampaloc, Manila malapit sa isang sikat na pamantasan. Ipinarada niya ang sasakyan malapit sa gate.
“Maraming salamat, Jerimie. Sobrang naabala kita pero thankful talaga ako,” sabi ni Elsa bago ito bumaba mg sasakyan.
“Alam naman ng pinsan mo na darating ka ngayon, ’di ba?” tanong niya.
“Oo,” sagot nito. Nasulyapan nito na may isang babaeng nagbukas sa gate. “Ayan na siya.” Napalingon si Jerimie sa gate.
“Salamat ulit!” Bumaba na ito ng sasakyan bitbit ang knapsack nitong dala.
Kumaway pa si Elsa sa kanya nang simulan niyang paandarin ang sasakyan. Tinanguan niya ito bilang sagot sa pagkaway nito.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan patungo sa Quezon City. Habang nasa daan ay tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag si Maddy. Ito rin ang tumawag sa kanya kanina kaya nga nagmamadali siyang bumiyahe pabalik ng Manila. As usual, nagtatatalak na naman ang babae.
“Ano na? Hanggang ngayon wala ka pa rin dito. Saan ka ba nagpupupunta? Inuuna mo pa ang mga walang kuwentang bagay kesa sa anak mo.” Nai-imagine niya ang itsura nito kung magkaharap sila. Sa isip niya ay naroon ang imahe ng isang babae na kulang na lang ay lunukin siya nang buo sa tindi ng galit.
“Malapit na ako riyan. Give me few more minutes,” pinilit niyang maging kalmado kahit nagwawala na sa kabilang linya ang kausap niya.
“Anong oras na? Nakatulog na si Zinnia at nagising at nakatulog na ulit, pero wala ka pa rin. Sabihin mo lang kung wala ka nang balak magpakita rito para hindi umaasa ang anak mo!”
“Nandito na nga ako, malapit na. Ano pa ba ang ipinagpuputok ng butse mo?”
“Bilisan mo! Huwag mong pinapaasa ang mga tao rito.” Walang balak tumigil sa pagtutungayaw si Maddy. “Napakairesponsable mo talaga!” nanggigigil na sigaw ng babae.
Bigla ang pag-akyat ng dugo sa kanyang ulo pero pinilit pa rin niyang maging kalmado. “Don’t you dare accuse me of being an irresponsible father. You know for a fact that she is my utmost priority,” malumanay pero madiin ang bitaw niya ng bawat salita kahit kanina pa niya gustong patulan ang katarayan ng kausap. “And let me remind you, kasalanan mo kung bakit siya nagkaganyan!”
“So, isisisi mo na naman sa akin ito. Sinasabi ko na nga ba at ibabalik mo na naman sa akin ang sisi para pagtakpan ang pagkukulang mo.”
“Hindi kita sinisisi. Ipinaaalala ko lang sa’yo na ikaw ang rason kung bakit nagkaganyan si Zinnia.”
“That’s bullshit!”
Hindi na sinagot ni Jerimie ang kausap dahil dumating na siya sa pupuntahan. Ipinarada niya ang sasakyan at mabilis na pumasok sa loob ng ospital.
Diretso siyang naglakad patungong elevator. Sabi ni Maddy kanina, nasa Room 430 si Zinnia.
Paglabas ng elevator ay mabilis niyang hinanap ang room number. Nang makita iyon ay pumasok siya sa loob ng kuwarto.
Nakita niyang natutulog sa kama si Zinnia, ang tatlong taong gulang niyang anak. Tila isang walang malay na anghel ito sa kanyang pagkakahimbing. Sa isang bahagi ng kuwarto ay tila tensyonada si Maddy na nakatayo at may hawak na walang sinding sigarilyo. Halos uminit ang ulo niya sa nakita.
“Ngayon, sino ang iresponsable sa ating dalawa?” Mahina lang ang boses niya pero siniguro niyang maririnig siya ng babae. “For Christ’s sake, Maddy! Dito mo pa talaga balak manigarilyo? Wala ka na ba talagang awa sa anak mo? Bakit ba siya ganyan? Bakit ganyan ang sitwasyon niya ngayon? Hindi ba dahil sa paninigarilyo mo noong ipinagbubuntis mo siya? Hindi ka na nagsawa kahihitit ng sigarilyo. Adik ka na, Maddy!”
Tiningnan lang siya ni Maddy mula ulo hanggang paa pagkatapos ay buong tapang siyang hinarap nito. “Sinindihan ko ba?”
Pagkasabi noon ay walang paalam itong lumabas ng silid.
Naiwan siya sa silid. Muli niyang pinagmasdan ang batang isang malaking bahagi ng kanyang katauhan. Twenty-two years old siya nang ipanganak ni Maddy si Zinnia. Pero kasabay ng pagsilang nito ay ang pagdating ng isang malaking problema na habang buhay niyang dadalhin.
Si Zinnia ay isang blue baby. Ipinanganak itong may congenital heart defect na kung tawagin ay pulmonary atresia. Sabi ng doktor, ang mga sanggol na may ganoong kondisyon ay hindi na-develop ang valve orifice at dahil sa saradong valve na ito, pinipigilan nito ang pagdaloy ng dugo mula sa puso papunta sa baga.
May mga maaari namang gawin ang mga doktor para mapahaba ang buhay ni Zinnia. Iyon nga lang, totoong magastos ang mga kakailanganing operasyon. Ilang araw pagkapanganak nito ay sumailalim na ito sa cardiac catheterization para malaman kung gaano kalala ang depekto ng puso. Kasunod noon ay sumailalim na si Zinnia sa isang operasyon na kung saan ay pinalitan ng mga doktor ang pulmonary valve at nilakihan ang daanan ng dugo papunta sa pulmonary artery to improve the blood flow. Sa awa naman ng Diyos ay nalagpasan ni Zinnia ang komplikadong operasyon na iyon. Pero hindi pa roon nagtatapos ang kalbaryo ni Zinnia. Regular siyang nagpapa-check up sa doktor para i-monitor ang kanyang kalusugan at upang maiwasan na rin ang paglala ng kanyang kondisyon. At dahil delikado ang kondisyon nito, ibayong pag-iingat at pag-aalaga rin ang dapat na ibigay kay Zinnia dahil ano mang oras ay puwede itong magkaroon ng komplikasyon at makaranas ng stroke at endocarditis at seizure.
Katulad ng nangyari dito ngayon!
Bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang isang babaeng may dalang itim na bag.
“Gina, saan ka galing? Anong nangyari kay Zinnia?” tanong niya rito. Si Gina ang private nurse na kinuha niya para personal na mag-alaga sa kanyang anak.
“Sir, bigla na lang kasi siyang nag-seizure. Natakot kami ni Ma’am Maddy kaya dinala na agad namin siya rito sa ospital,” paliwanag ni Gina. “Mabuti na lang at hindi grabe ang atake niya. Nagising na siya kanina bago ako umuwi para kumuha ng mga gamit. Mga tatlo o apat na araw pa raw si Zinnia rito para ma-monitor ng doktor ang kondisyon niya.”
“Thank, God at walang masamang nangyari sa anak ko.” Kahit paano ay nabawasan ang pangamba ni Jerimie.
“Sir, may sasabihin po sana ako…” May pag-aalangan sa mukha ni Gina. Tila ba nagdadalawang-isip ito sa gusto nitong gawin.
“Ano iyon?” tanong niya.
“Si Ma’am Maddy kasi…”
Naghihintay ng sasabihin ni Gina ang mukha ni Jerimie.
“Madalas siyang manigarilyo sa bahay. Kahit kasama niya si Zinnia, naninigarilyo pa rin siya. Minsan nakikita ko, nalalanghap ng bata ang usok na ibinubuga ni Ma’am. Nilalayo ko na lang si Zinnia, pero Sir Jerimie maapektuhan pa rin noon ang kalusugan ng bata. Hindi ko naman masabi kay Ma’am Maddy, alam n’yo naman na laging galit iyon,” kuwento pa ni Gina.
“Hayaan mo, kakausapin ko si Maddy. Salamat sa pag-aalaga mo sa anak ko.”
“Sir, trabaho ko ang alagaan si Zinnia. Napakabait niyang bata. Napakaganda pa. Naaawa nga ako sa kanya dahil sa kalagayan niya. Mabuti na lang at hindi n’yo siya pinababayaan.”
NANG gabing iyon ay magdamag na nagbantay sa ospital si Jerimie. Kahit sandali ay hindi niya iniwan ang anak. Si Maddy, hindi na ito bumalik mula nang lumabas ito pagkadating niya sa ospital. Baka umuwi na ito nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Sanay na siya sa ugali ng babaeng iyon. Si Gina naman ay pinayagan niyang matulog sa sofa na naroon sa kuwarto. At si Zinnia, mahimbing rin ang tulog ng kanyang anak. Bukas na niya ito makakausap.
Chapter 16
UMAGA na nang magising si Zinnia. Si Jerimie ang unang namulatan nito. “Daddy… You’re here…”
Nilapitan ni Jerimie ang anak at hinalikan sa pisngi. “Good morning. How is my beautiful angel?” Hinaplos niya ang buhok nito.
“I’m okay now, but not yesterday. I thought I was going to die.”
“Ssshhh…. No, don’t say that. That is not going to happen. Not until you’re a hundred years old,” malambing niyang bulong sa anak.
Humagikgik ang paslit. “I don’t want to be that old, Daddy. That would be very lonely.”
“Why?”
“Because by that time, it will be very hard for me to stand, to walk, and to do any thing that I would like to do. Isn’t it sad?”
Hindi siya sumagot pero binigyan niya ng isang matamis na ngiti ang anak.
“Where is mommy?”
“She went home. But she’ll be back.”
“Do you love me, daddy?” biglang tanong nito.
“Of couse, I love you.”
“Do you love, mommy?”
Hindi siya nakasagot. Ayaw niyang magsinungaling kay Zinnia. Ayaw din niyang bigyan ito ng sama ng loob.
Saved by the doctor si Jerimie nang biglang pumasok ang doktor na tumitingin sa kondisyon ni Zinnia. Kasama nito ang isang nurse na agad nag-check ng vital signs ng paslit.
“Hello, little girl. Kumusta na ang pasyente ko?” magiliw na tanong ng doktor kay Zinnia.
“I’m fine now, doc. Can I go home now?”
“Oh, let me see. I still need to check on some things before I allow you to go home.”
“Vital signs are okay, doc,” sabi ng nurse.
Kinausap ng manggagamot si Jerimie. “We’ll just wait for the results of the lab tests we conducted yesterday. Kapag okay na, idi-discharge na natin si Zinnia. In the meantime, dito na muna siya para namo-monitor natin ang condition niya.”
“I’m good with that, doc. Anything para gumaling ang anak ko,” seryosong sagot niya.
Ngumiti ang doktor. “I’m just in my office for any concern.”
Tumango si Jerimie. “Thank you, doc.”
Lumabas na ng kuwarto ang nurse at ang manggagamot.
“Daddy, kelan ako uuwi?”
Nginitian niya ang anak. “Soon! Maybe tomorrow. Or maybe a day after tomorrow.”
“I miss my toys na…”
“Daddy is here naman to play with you.” Binalingan niya si Gina na nasa isang sulok lang at nanonood sa pag-uusap nilang mag-ama. “Gina, mag-breakfast ka na muna.” Dinukot niya ang wallet at kumuha ng pera. “Eto’ng pera.”
Inabot nito ang pera. “Salamat, sir.”
“Ikaw, Daddy aren’t you going to eat?”
“Later na lang. Hindi pa naman ako gutom.”
“ANONG balita kay Cheska?” tanong ni Portia kina Mariel at Kenly minsang nagkita sila para mag-bonding sa condo ni Mariel pagkatapos ng trabaho.
“Ayun, nasa La Union pa rin. Hindi ko pa kinokontak, busy pa iyon doon,” sagot ni Kenly. “Hintayin na lang nating bumalik ang gaga.”
“Makikipagkita iyon sa atin kaagad pagbalik niya ng Manila,” salo naman ni Mariel.
“Bakit ba naman kasi ayaw pa niyang mag-apply sa sa work natin, para isang kompanya na lang tayo. Si Portia sa tv, ako sa behind the camera. Puwedeng-puwede rin siya sa tv, ah! Sa ganda niyang iyon.” kita sa mukha at boses ni Kenly ang paghanga sa kaibigan. “Ikaw naman Mariel, lumipat ka na sa station namin. May radio station rin naman sa kompanyang pinapasukan namin.”
“Okay naman ako sa trabaho ko,” ani Mariel. “Pero kung mas malaki ba ang offer, eh why not? Kaso, nag-eenjoy naman ako sa trabaho ko kaya paano ko maiisip na lumipat?”
“Eh, kumusta naman ang mga lovelife n’yo mga bakla?” pumipilantik ang daliri na tanong ni Kenly. “Iyong jowa ko, nag-mountain climbing na naman. Wala na ngang time sa akin ang bruhong ’yon. Kung ’di ko lang mahal iyon, matagal ko na sanang itinapon ’yon. Mas importante pa sa kanya ang mga bundok kesa sa akin.”
“Wala ka kasing bundok. Magpagawa ka na kasi. Para ’yong bundok mo na lang ang aakyatin niya,” komento ni Portia kasunod ang malakas nilang halakhakan. Itong si Portia, hindi mo iisiping kagalang-galang na broadcaster kapag kasama nito ang mga kaibigan.
“At mag-Thailand ka na rin para maging lubos na ang pagkababae mo, girl!” segunda naman ni Mariel. “Sawadeka!”
Muling napuno ng halakhakan ang paligid.
“Nag-iipon pa ako. Darating din tayo riyan. Makakapunta rin ako ng Thailand para magpagawa ng pechay!” baklang-baklang sabi ni Kenly.
“Seryoso?” tanong ni Mariel.
“Naman!” mabilis niyang sagot. “Pera lang ang kulang, teh! Kapag nakaipon na ako, goodbye Junjun. Papatapyas ko na ’to para mapalitan ng kepyas.”
Ang lakas ng tawa ni Portia sa sinabi ni Kenly. Ngayon lang nila nalaman na desidido pala itong magpa-sex change. Ang akala nila, nagbibiro lang ito kapag napag-uusapan ang tungkol doon.
“Hindi ka ba nanghihinayang?” tanong ni Mariel.
“Saan? Kay Junjun? Hindi ’noh! Anong gagawin ko rito? Pang-ihi, ganern?”
“Guwapo ka kaya,” sagot ni Mariel. “Paano kung gusto mo nang magpakalalaki? Tapos, wala na ’yan. Paano na?”
“Girl, kung magpapakalalaki ako sana noon pa. Ang daming taon na ang dumaan. Kahit sa panaginip, hindi ko napanaginipan na lalaki ako,” sigurado sa sariling sagot ni Kenly. “Lalaki ang hanap, oo!”
“Bahala ka na nga. Sayang ka kasi, girl.”
“Ba’t ako masasayang eh, natitikman naman ako ng mga kalahi ni Adan,” pagkontra niya sa sinabi ni Mariel. “Si Cheska ang totoong sayang dahil hanggang ngayon, virgin pa ang lola mo. Sa ganda niyang iyon walang nagkamaling manligaw sa kanya. Masyado kasing seryoso sa buhay!”
“Isa pa ’yon,” singit ni Portia. “Ihanap na nga natin ng boyfriend ’yon para hindi out of place kapag gumigimik tayo with our boyfriends. Lagi siyang naiiwan sa isang sulok, eh. Alone and lonely.”
“Okay, let’s do a pact,” sang-ayon ni Mariel. “Operation ihanap ng boyfriend si Cheska. Pero dapat, we should do this as soon as possible. Mas maganda kung pagbalik niya ng Manila ay may mairereto na tayong guy na willing ligawan siya. Dapat iyong boyfriend material talaga. Gawin natin itong surprise sa kanya the next time na magkita tayo.”
“Tama! We should do this fast,” pagsegunda ni Kenly. “As in really fast!”
“Eh, saan naman kaya tayo hahanap ng guy?” tanong ni Portia.
“Wala bang poging news reporter sa department n’yo?” si Mariel.
“Sa amin, wala. Majority babae at beki. Beki na mas malambot pa sa marshmallow at jelly,” pagkumpirma ni Kenly. “Parang mga tipo ko lang.”
“I’ll see. Pero kung wala, hanap na lang tayo sa iba,” suggestion ni Portia.
“Saan naman?” tanong ni Mariel.
“College friends,” mabilis na sagot ni Portia. “May naaalala ba kayong classmate natin na may crush kay Cheska noon?”
Saglit silang nag-isip. Pagkatapos ay bigla silang nagkatinginan na para bang nababasa nila ang naiisip ng bawat isa.
“Si Gordon!” sabay-sabay pa nilang isinigaw ang pangalan ng lalaking naalala nilang may crush kay Cheska noong college pa sila. Sayang nga lang at hindi naman nito niligawan si Cheska.
“Nasaan na kaya iyon ngayon?” tanong ni Mariel.
“Leave it to me,” sabi Kenly. “Ako ang bahalang maghanap sa kanya. Babalitaan ko agad kayo kapag nakita ko na si Gordon Almendral.
Chapter 17
PAGKATAPOS ng apat na araw na pagkaka-confine sa ospital ay nakalabas na rin si Zinnia. Si Jerimie na ang nag-asikaso ng lahat dahil hindi na muling bumalik ng ospital si Maddy.
“Daddy, are we going home?” tanong ni Zinnia sa ama habang nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan katabi ni Gina.
“Yes, we’re going home. Why, are you excited?”
“Yes, daddy. I want to play with my toys.” Bumaling ito sa katabi. “Nurse Gina, are you excited to go home, too?”
“Of course, Zinnia.”
“But why?”
“Because you’re okay now. We can play all day again at home,” sagot ni Gina sa paslit.
Nag-focus na lang sa pagmamaneho si Jerimie. Pinabayaan na lang niyang mag-usap sina Zinnia at Gina at nakuntento na lang siya sa pakikinig sa mga ito.
Pagdating nila sa bahay ay binuksan ng kasambahay na si Diday ang gate. Malaki ang bahay at alam mong may kaya ang nakatira rito. Pumasok sila sa loob ng bahay.
“Nasaan si Maddy?” tanong niya sa katulong.
“Nasa pool po, ser,” magalang na sagot nito.
“Gina, ihatid mo na sa room niya si Zinnia.”
“Yes, sir.” Hinawakan nito sa kamay ang bata. “Halika na, Zinnia. Let’s go to your room.”
Pinuntahan ni Jerimie sa pool area si Maddy. Naabutan niyang abala ito sa paglangoy.
Umakyat ang dugo sa ulo ni Jerimie at kaagad niyang sinita ang babae.
“Anong klase kang ina? Nasa ospital ang anak mo, pero nandito ka lang at kampante na parang walang nangyari.”
“Eh, ’di ba magaling na nga si Zinnia? Ano ba ang gusto mong gawin ko, tumambay sa ospital at ngumawa nang ngumawa? At anong masama kung mag-swimming ako? Nagbabawas lang ako ng stress. Ilang araw na akong stress dahil sa pagkakasakit ni Zinnia. Anong gusto mo, ako naman ang magkasakit?”
Natampal ni Jerimie ang sariling noo. Anong klaseng babae ba itong naging ina ng kanyang anak? Ito ba talaga ang babaeng minahal niya nang sobra-sobra? Noon! Oo, noon. Dahil imposibleng mahalin pa niya si Maddy ngayon. Hinding-hindi niya kayang mahalin ang isang taong puro sarili lamang ang iniisip. Walang concern sa iba, kahit na yata sa sariling anak.
“Aalis na ako. Nasa kuwarto na niya si Zinnia. She is okay now. Sana naman iwasan mo nang ma-expose siya sa mga bagay na puwedeng mag-trigger ng pag-atake ng sakit niya.”
Tinaasan lang siya ng kilay ni Maddy. “Huwag mo akong turuan kung paano ko aalagaan ang anak ko,” mataray nitong sabi.
“Tuturuan kita hanggang hindi ka natututong magpakaina kay Zinnia. Hindi ka na dalaga. May anak ka na. Dapat alam mo kung paano magpakaina lalo na at maselan ang kalagayan ng anak mo,” nanggigigil na sabi ni Jerimie.
“Whatever! Kung magsalita ka akala mo naman ay napakabuti mong ama. Eh, ikaw nga itong kung saan-saang impiyerno nakalarating para lang maglakwatsa.” Dinampot ni Maddy ang sigarilyo at lighter na nasa marmol na mesita sa gilid ng pool at sinindihan iyon.
“I told you to stop smoking!” inagaw niya ang sigarilyo at inis na itinapon sa pool. “Kung gusto mong sunugin ang baga mo, ’wag mong idamay ang anak mo!”
“Leche! Gagawin ko kung ano’ng gusto ko. At walang puwedeng pumigil sa akin. Not even you!” Nagdadadabog na iniwan siya ni Maddy.
Huminga siya nang malalim para i-compose ang sarili. Gusto niyang sumabog sa inis pero useless lang makipagtalo sa babaeng sarado ang pag-iisip. Nagpasya siyang umalis na lang sa bahay na iyon. “Diday!!!”
“Ser?!” Nagtatatakbong lumapit sa kanya ang katulong. “Bakit po?”
“Aalis na ako. Bantayan n’yong mabuti si Zinnia. Tawagan mo ako kaagad ’pag may problema, maliwanag?”
“Opo, ser. Maliwanag po.”
“Nagbilin na rin ako kay Gina sa ospital kanina. Alam na niya ang gagawin. Basta, kayong dalawa ang inaasahan kong mag-aalaga sa anak ko. Huwag n’yong papayagan si Maddy na manigarilyo malapit sa anak ko. Nagkakaintindihan ba tayo?”
“Eh, ser mapipigilan ko ba si Ma’am Maddy kung gusto niyang manigarilyo?” nag-aalangan nitong tanong.
“Ilayo mo si Zinnia. Dalhin mo sa kuwarto at i-lock mo ang pinto.”
“O-opo, ser.”
“Buksan mo ang gate at lalabas na ako. Pupuntahan ko lang sandali si Zinnia para magpaalam.” Agad na siyang nagtungo sa silid ng anak.
Nagtatakbo papauntang garahe ang katulong at agad na binuksan ang gate.
“Daddy!” sigaw ni Zinnia pagpasok niya sa silid nito. Nakahiga ito habang nakaupo sa tabi nito si Gina at nagbabasa ng fairy tale.
Hinalikan niya sa pisngi ang anak. “I have to go. I still have works to do. Magpakabait ka lagi, ha?”
Tumango si Zinnia. “When are you coming back, Daddy?”
“I’ll try to visit you often. You can also call me anytime. Just borrow the phone of Nurse Gina, okay?”
“I love you, Daddy.”
“I love you too, sweetie.” Isa pang halik ang iginawad niya sa pinakamamahal na anak bago siya lumabas ng silid.
NANG GABING iyon ay maaga siyang nagpahinga para bumawi ng tulog. At saka naman siya nakatanggap ng tawag mula kay Elsa.
“Hi, Jerimie! Busy ka ba?” As usual ay halata na naman ang kalandian sa boses ni Elsa.
“Hindi naman. Nasa bahay lang ako, nagpapahinga na. Babalik na kasi ako bukas sa La Union,” kaswal niyang sagot habang nakahiga sa kama.
“Ah, ganoon ba? Anong oras ka bibiyahe? Puwede kayang sumabay na lang ulit ako sa’yo?”
“Okay lang naman. Wala namang problema.”
“Pero anong oras nga? Dadaan pa kasi sana ako sa mall. Bibilhin ko lang iyong stuffed toy na ireregalo ko sa anak ni Lourdes. Inaanak ko kasi iyon, malapit na ang birthday.”
“Wala ba sa La Union?”
“Siyempre, meron. Pero iyong particular stuffed toy na gusto no’ng bata, wala akong mahanap. Eh, meron sa Megamall kaya doon na lang ako bibili.”
“Samahan na lang kitang bumili para diretso biyahe na tayo pagkatapos.”
Kinilig nang todo ang kapitana. “Talaga? Sasamahan mo ako? Ang sweet mo talaga, Jerimie. Naku, nahihiya naman ako. Makikisabay na nga ako sa sasakyan mo, maiistorbo pa kita sa pagsama mo sa akin sa mall.”
“Hindi naman. Wala iyon. So, paano? Anong oras tayo magkikita?”
“Lubusin ko na kaya ang pang-aabuso sa’yo…”
“Ha?”
“Okay lang bang sunduin mo na lang ako dito sa bahay ng pinsan ko? Tapos at saka tayo pumunta sa mall.”
“Puwede naman. Kung gusto mo ba, eh.”
Mas lalo pang kinilig si Elsa pero pinigilan nito ang sarili. Ngayon ay alam na niyang may pagtingin rin sa kanya si Jerimie. Hindi naman ito mag-aaksaya ng oras sa kanya kung hindi siya nito gusto. Nahihiya lang siguro itong magsabi dahil kelan lang naman sila nagkakilala. Pero sigurado siyang type din siya ng lalaking ito.
KINABUKASAN ay maagang sinundo ni Jerimie si Elsa sa bahay ng pinsan nito. Nasa daan pa lang ay tinawagan na niya ito kaya naman pagdating niya roon ay nag-aabang na ito sa kanya.
“Hi!” bati niya rito nang ihinto niya ang sasakyan. “Tara na!”
Nagmamadaling sumakay si Elsa. Agad niyang naamoy ang pabango nito nang umupo na ito sa tabi niya.
“Ano bang stuffed toy ’yong bibilhin mo at napakahirap naman yatang hanapin?” tanong niya rito.
“Pokemon. Alam mo naman, maraming klase daw iyon. Pero, sure ako na meron sa megamall.”
“Sige, let’s go!” Pinaandar na niya ang sasakyan.
Mabilis nilang narating ang mall at anong tuwa ni Elsa nang mahawakan ang stuffed toy na hinahanap niya. Pumila na sila sa cashier para magbayad. Kahit maaga pa ay mahaba na agad ang pila. May limang tao ang nasa unahan nila, sa likod naman ay may isang babae pa na nakapila rin. Ang babaeng ito ay naaaliw na pagmasdan ang magsyotang nasa kanyang harapan na ang lalaki’y may hawak na malaking pokemon habang ang babae naman ay tila may pagka-clingy at ayaw nang bumitaw sa nobyo nito.
“Buti na lang talaga sinamahan mo ako. At least, hindi na ako nahirapan sa biyahe. At hindi na rin ako mamomroblema kung paano ko iuuwi itong malaking stuffed toy na ’to.” Ang tamis ng pagkakangiti ni Elsa habang kampanteng nakahawak sa braso ni Jerimie. Dala naman ni Jerimie ang stuffed toy.
Hanggang sa makapagbayad si Elsa ay hindi nito inaalis ang pagkakahawak sa braso ni Jerimie. Talagang in-enjoy niya nang husto ang oras na solong-solo niya ang lalaki.
At katulad nang napag-usapan, pagkagaling sa mall ay bumiyahe na sila pabalik ng La Union. Mahaba ang naging biyahe pero balewala iyon kay Elsa. Dahil habang nasa biyahe sila ay mas nakilala niya si Jerimie sa dami ng kanilang napag-usapan at pakiramdam niya ay naging mas malapit pa silang dalawa. Konting-konti na lang at alam niyang magtatapat na ito sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali, gusto siya ni Jerimie.
KAUUWI lang ni Cheska pagkatapos ng maghapong aktibidad sa covered court. Malapit na nilang matapos ang mission nila sa lugar na iyon. So far, wala namang nagiging problema. Lahat ng mga kasali ay willing matuto at hindi naging pasaway. Kung mas maaga silang matatapos, pabor sa kanya iyon. Makakabalik siya ng Maynila nang mas maaga kesa sa naiplano nilang araw ng pagbalik niya sa opisina. Sabado bukas kaya makakapagpahinga siya.
Ilang araw na rin siyang umaalis ng bahay at umuuwi nang mag-isa lang. Hindi na siguro babalik si Jerimie. Hindi man lang nga ito tumawag o nag-text kahit minsan. Hindi rin naman siya nag-abalang tawagan o i-text ito dahil ayaw niyang makaistorbo. Hindi naman ito obligadong samahan siya dito sa La Union. Maging si Kapitana Elsa ay wala pa rin. Nabalitaan niya kay Lourdes na dumalo pala ito sa kasal ng kaibigan nito sa Maynila.
Paakyat pa lang siya sa kuwarto nang may kumatok sa pinto.
“Sino kaya ’yon?” bulong niya sa sarili. Bumaba siya ng hagdan at naglakad patungo sa pintuan. Muli siyang nakarinig ng mga katok. “Sandali lang!” sigaw niya sa kontroladong boses.
Binuksan niya ang pinto at para siyang natuklaw ng ahas nang makita kung sino ang dumating.
“Jerimie?!” Hindi na niya nadugtungan ang sinabi. Bakit mas lalo pa yatang gumuwapo si Jerimie sa paningin niya?
Hindi nagsalita ang lalaki. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa kanya.
“Jerimie!!!” Parang wala sa sariling bigla niya itong niyakap. Mahigpit na mahigpit. Tila ayaw na niyang mawala itong muli sa paningin niya.
Chapter 18
“JERIMIE!!! Miss na miss na kita!” Hindi na napigilan ni Cheska ang sarili.
Hindi kaagad nakakilos si Jerimie. Maging siya ay sobrang nagulat sa ginawa ni Cheska. Hindi naman siya na-offend. Mas tamang sabihing hindi niya inaasahang yayakapin siya nito.
Naramdaman niyang mas humigpit pa ang yakap sa kanya ng babae. Dahan-dahan niyang idinipa ang kanyang dalawang braso at pagkatapos ay marahan niyang niyakap din si Cheska. Yakap na hindi bugso ng emosyon. Yakap na banayad at punong-puno ng pagmamahal.
“Ay!” Bigla siyang itinulak ni Cheska sa labis niyang pagtataka.
“Bakit?”
Bigla ay parang nahiya ito at hindi makapagsalita. Hindi rin ito makatingin sa kanya.
“Hindi mo ba ako papapasukin?” nakangiting tanong ni Jerimie.
At saka lang napansin ni Cheska na nakaharang pala siya sa pintuan. Umurong siya para mabigyan ito ng daan. “P-pasok ka…”
Nang makapasok ay saka ito muling nagsalita. “Kararating mo lang din, ’di ba?”
“Ha? Paano mo nalaman?” nagtataka niyang tanong.
Natawa si Jerimie. “Eh, kasi hindi ka pa nga nagpapalit ng damit.” Inginuso pa nito ang suot ni Cheska.
“Ay! Oo nga. Kasi naman bigla kang kumatok,” pagdadahilan niya. “Sige na, magbibihis muna ako para makapagluto na ako ng hapunan.”
“Tutulungan na kita. Magpapalit lang din ako ng damit.”
SA MAYNILA ay mag-isa sa silid si Maddy. Walang ilaw sa silid na lumiliwanag lang dahil sa sikat ng buwan na sumisilip sa bintana.
Nakaupo sa kama si Maddy hawak ang isang basong may lamang alak. Sa mesitang katabi ng headboard ng kama ay naroon ang isang bote ng alak na halos kalahati pa ng laman. Katabi nito ang ashtray at isang kaha ng sigarilyo at lighter.
Ininom ni Maddy ang alak na nasa baso. Tila nakulangan pa, dinampot niya ang bote at tinungga ang laman nito. Tinungga nang tinungga hanggang sa maubos ito. Nang makitang ubos na ang laman ng bote ay nagsisigaw si Maddy. “Bigyan n’yo pa ako ng alak!” Ubod lakas niyang itinapon ang bote sa dingding ng kuwarto. Nagkalat ang nabasag na bote sa sahig.
Sunud-sunod ang mga katok na narinig niya sa pinto. “Ma’am Maddy, okay lang po ba kayo riyan?” Narinig niya ang nag-aalalang boses ni Diday.
“Bigyan mo ako ng alak!” sigaw niya sa katulong.
“Pero Ma’am Maddy, wala na pong alak sa ref.”
“Bumili ka! Tonta!” Tumayo si Maddy at naglakad patungo sa pintuan. Binuksan nito ang pinto.
Nagulat pa si Diday nang biglang makita sa harapan niya ang amo. “Ma’am…”
“Asan na ang alak?” singhal niya rito.
“Wala na nga po, Ma’am. Naubos n’yo na,” takot na takot na sabi ni Diday. Kahit kelan, ayaw na ayaw niyang nakakaengkwentro ang amo kapag lasing o kahit kapag may sumpong lang ito. Tingin niya rito ay halimaw na ano mang oras ay kakain ng tao.
“Lumayas ka sa harapan ko! Wala kang silbi. Puro inutil ang mga tao rito!”
“Pati po ba kayo?” Hindi niya alam kung bakit lumabas iyon sa bibig niya ganoong ang intensyon niya ay sabihin lang ito sa sarili.
“Anong sinabi mo?” Nanlisik ang mga mata ni Maddy habang nakatitig sa takot na takot na kasambahay.
“W-wala po, Ma’am. Wala naman po akong sinabi. Aalis na po ako. Matutulog na po ako, Ma’am!” Nagmamadaling tumakbo si Diday papalayo sa amo.
“Bumalik ka rito! Dalhan mo ako ng alak!” Ang sigaw ni Maddy ay mas nagpatindi pa sa takot ng katulong.
Mas lalo pang binilisan ni Diday ang pagtakbo papunta sa maid’s quarter at agad na nag-lock ng pinto. Takot na takot ang pobre. Kung hindi lang dahil kay Zinnia at sa pakiusap sa kanya ni Jerimie, matagal na sana siyang lumayas sa bahay na ito. Hindi na niya talaga kayang tagalan pa ang pag-uugali ng amo niyang babae.
NASA kabilang silid lang sina Zinnia at Gina. Magkatabi lang ang kuwarto nilang mag-ina kaya dinig na dinig nila nang ibato ni Maddy ang bote ng alak sa dingding. Kinakabahan na si Gina dahil baka atakehin na naman ang bata nang dahil sa matinding nerbiyos. Mabuti na lamang at napakalma niya kaagad ito.
“Mommy is mad again,” sambit ng paslit sa kanyang nurse. “She’s always mad.”
“Shhh… Let’s just sleep. Tomorrow your mommy will be okay,” pag-alo ni Gina sa alaga. “Halika na. Humiga ka na rito.”
“Can you sleep beside me, Nurse Gina?” paglalambing dito ni Zinnia.
“Ah, if that’s what you like…”
Mabilis na sumampa sa kama si Zinnia. Tumabi na rito si Gina.
“Let’s pray first. Close your eyes, Nurse Gina.” Napasunod na lang ang nurse sa anumang sabihin ng paslit.
“In the name of the father, and of the son and of the holy spirit… Amen.”
“Alak! Bigyan n’yo ako ng alak!” Dinig na dinig nina Gina at Zinnia ang pagsigaw ni Maddy. Agad silang nagdilat ng mga mata at nagkatinginan.
TAPOS nang maghapunan sina Cheska at Jerimie. Kanina habang kumakain sila ay hindi nagkuwento si Jerimie kung ano ang nangyari at bigla itong napaluwas ng Maynila. Hindi na rin naman siya nagtanong dahil baka masyadong personal ang dahilan at mapagbintangan pa siyang pakialamera. Puro tungkol sa development ng project nila doon sa La Union ang pinag-usapan nila habang pinagsasaluhan ang kanin at sarciadong bangus na pinagtulungan nilang lutuin.
Nasa kuwarto na Cheska nang mapansin niyang may ilaw na sa bahay ni Kapitana Elsa. Dumating na rin ba ang kapitana? Nagkibit-balikat na lang siya.
MAGKASABAY na dumating sina Mariel at Portia sa apartment ni Kenly. Tinawagan sila ng bakla dahil may sorpresa raw ito sa kanila. Ayaw naman nitong sabihin kung ano ang sorpresang iyon.
“Ang dami talagang kaartehan ng baklang ’yan,” reklamo ni Portia. “Hindi na lang sinabi sa telepono kung ano ang sorpresang sinasabi niya. Kailangan pa talagang puntahan dito?”
“Hindi ka na nasanay. Alam mo naman na pagdating sa mga gimik ay hindi pakakabog ’yon,” sabi ni Mariel. “Kaya eto, kahit may programa pa ako mamayang alas-onse nandito pa rin ako.”
“Hindi ba panghapon ang programa mo?”
“Nakabakasyon iyong isang DJ namin. Ako ang napakiusapang mag-pinch hit sa kanya. Next week pa ang balik. Kaya very busy ang beauty ko ngayon. Nagrereklamo na nga ang boyfriend ko dahil wala na raw akong oras para sa kanya. Mas may oras pa raw ako sa inyo ni Kenly.”
“Para namang bago nang bago ’yang boyfriend mo. Ganito na tayo bago pa man kayo magkakilala. Tapos, magrereklamo siya? Naku, mga lalaki talaga!”
Nag-doorbell sila. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto.
“Mga bakla! Mabuti at nandito na kayo. Excited na ako na makita n’yo ang surprise ko.” Ang landi-landi ni Kenly na nagtitikwasan pa ang mga daliri.
“Ano ba iyon at hindi puwedeng sabihin sa telepono?” tanong ni Portia.
“Bilisan mo kasi hindi ako puwedeng magtagal. Babalik pa ako sa istasyon,” susog ni Mariel.
Tumaas ang kilay ni Kenly. “Grabe naman kayo. Kararating n’yo pa lang gusto n’yo kaagad umalis. Nag-effort pa naman ako para rito.”
“Ano nga ’yan?” magkasabay na tanong ng dalawang babae.
“Pumasok muna kayo mga gaga! Bilis! Nandito sa loob ang sorpresa ko sa inyo.”
Nang makapasok sina Mariel at Portia ay biglang pumalakpak si Kenly, tapos ay nagsalita. “Lumabas ka na, ready na sila!”
May pagtataka sa mukha nina Portia at Mariel.
Mula sa kuwarto ay lumabas ang isang gwapong lalaki na ang mukha ay pamilyar sa kanila. Nakangiti ito sa kanilang tatlo at tila naghihintay na sabihin ng sino man sa kanila ang pangalan nito.
Si Portia ang unang nagsalita. “Gordon?!”
Sumegunda si Mariel. “Gordon Almendral!”
“Korek!” tili ni Kenly. “Nakita ko na ang future boyfriend ng beshie nating si Cheska!”
Ang lawak ng pagkakangiti ni Gordon. Halatang-halata sa mukha nito na hanggang ngayon ay may gusto pa rin ito kay Cheska.
Chapter 19
“GORDON! Ikaw nga! Saan ka nahagilap ng baklang ’to?” tanong ni Portia. “What do you do now? Wala na kaming naging balita sa’yo after college.”
“Siyempre, saan pa eh, ’di sa social media. Wala siyang facebook account, pero meron siyang instagram. Later on, nalaman ko na kaya pala wala siyang personal facebook account, kasi facebook page ang ginawa niya para sa kanyang business.” Si Kenly ang sumagot sa tanong.
“Umuwi kasi ako ng probinsiya and put up a small advertising business sa Cebu,” dugtong ni Gordon. “At the same time, nagtuturo ako sa college.”
“Binibiro ko nga siya na baka dumami ang mag-enrol sa Masscom sa school dahil gusto siyang maging professor,” sabi naman ni Kenly. “Nakaka-inspire kayang magkaroon ng prof na kasingguwapo ni Gordon, ’di ba?”
“So, alam na ba niya kung bakit mo siya hinanap?” tanong naman ni Mariel.
“Idinetalye ko na, girl. Alam na niya. And guess what! Interesado siya sa alok natin dahil until now crush pa rin niya si Cheska.”
“Naitago mo ’yan ng ganyan katagal?” hindi makapaniwalang tanong ni Portia. “Sa guwapo mong ’yan, hindi ka man lang nag-attempt na sabihin kay Cheska na crush mo siya?”
“Alam n’yo namang last semester na sa college noong naging magkaklase tayo. Natorpe pa ako. Kaya hindi ko na nasabi kay Cheska na gusto ko siya,” pag-amin ni Gordon.
“Hindi bale, bumawi ka ngayon. Pagbalik ni Cheska from La Union ligawan mo na kaagad. Don’t worry, naka-back up lang kami sa’yo.” Nagboluntaryo na ng kanyang suporta si Kenly. “Gusto na rin kasi naming magka-boyfriend si Cheska.”
“Maraming salamat sa inyo. Huwag kayong mag-alala, hindi ko lolokohin ang kaibigan n’yo kapag naging girlfriend ko siya,” pangako pa nito sa tatlong kaibigan ni Cheska.
MATUTULOG na si Cheska nang makatanggap siya ng tawag kay Kenly.
“Girl, bumalik ka na rito sa Maynila. May surprise kami sa’yo!” excited na pagbabalita ni Kenly sa kaibigan.
“Bakla, mag-a-alas dose na ng hatinggabi. Tumawag ka pa para lang sabihan akong bumalik na ng Maynila? Eh, next week pa nga matatapos itong project namin dito.”
“Excited na kasi ako. At saka, wala namang pasok bukas so okay lang na magpuyat,” pagrarason pa nito. “At saka nami-miss na kita, ’noh! Kaya pagbalik na pagbalik mo rito, makipagkita ka kaagad sa amin.”
“Oo naman. Kasi, hindi lang naman kayo ang may sorpresa sa akin. May sorpresa rin ako sa inyo,” pagbabalita pa niya.
“Ano iyon?” Biglang na-curious si Kenly sa sinabi ni Cheska. “Sabihin mo na ngayon. Bilis!”
“Ano ka? Kaya nga sorpresa, ’di ba? Hindi na surprise iyon kung ngayon pa lang ay sasabihin ko na,” pambibitin pa niya sa kausap.
“O, sige. Hihintayin ko na lang na makabalik ka ng Manila.” Wala nang nagawa si Kenly para pilitin pa si Cheska.
“Goodnight, girl. Salamat sa pagtawag.” Tinapos na niya ang pag-uusap nilang dalawa.
ALAS-OTSO na siya nagising kinabukasan. Pagbaba niya sa kusina ay nakita niya sa salas sina Jerimie at Elsa na nag-uusap.
“Good morning, Cheska! Gising ka na pala. Mag-breakfast ka na. May pagkain doon sa mesa sa kusina.” Ang masayang ngiti ni Jerimie ang mas napansin niya kesa sa sinasabi nito. Okay na sanang magandang panimula sa umaga niya. Pero nang makita niyang naroon din si Elsa ay parang nag-iba ang timpla niya. Ang aga-agang mangapitbahay ng kapitanang ito. Wala ba itong ibang pinagkakaabalahan sa buhay?
“Hi, Cheska! Dumaan ako saglit dito kasi yayayain ko sana kayo bukas para sumama sa picnic namin ng mga barangay officials. May falls na malapit lang dito. Puwedeng mamasyal, puwede ring maligo.” Nakangiti sa kanya si Elsa pero napaplastikan siya sa ngiti nito. “Isama mo na rin ’yong ibang volunteers mo para mas masaya tayo.”
Kahit ayaw niya ay napilitan siyang suklian ang ngiti ng barangay captain. “Sige, pag-usapan n’yo ni Jerimie. Pero hindi yata makakasama ang mga volunteer kasi nagpaalam sila sa akin kahapon na may gagawin sila ngayong weekend.”
“Ah, okay lang. Tayo-tayo na lang…”
Tinanguan na lang niya ang babae at tumuloy na siya sa kusina.
Nakita niya ang pagkaing nakahain sa mesa na natatakpan ng pinggan. Tiningnan niya kung ano ang mga iyon.
Heavy breakfast, nakita niya. Fried rice at pork steak na maraming toppings na sliced onions.
Bigla siyang natakam kaya agad siyang kumuha ng pinggan at kubyertos para kumain. Nagtimpla rin siya ng kape. Hindi na niya pinansin ang dalawang nag-uusap sa salas. Bahala na sila roon, sa isip niya. Basta kakain lang siya rito sa kusina.
Hindi pa siya natatapos kumain ay pumasok sa kusina si Jerimie. “Masarap ba?” tanong nito.
Tumango siya. “Masarap. Sanay na sanay ka talagang magluto, ah. Pati friend rice mo parang gawa sa mamahaling restaurant,” puri niya kay Jerimie at sa luto nito. Muli siyang sumubo kahit may laman pa ang kanyang bibig.
“O, dahan-dahan lang. Wala namang aagaw sa’yo. Puwede mong ubusin lahat ’yan kung gusto mo.” Nakita niyang nagpipigil ito sa pagtawa.
“Anong nakakatawa?” Pumormal siya sa lalaki. Nakita niyang bigla ring sumeryoso ang itsura nito.
“Ha? W-wala naman. Natutuwa lang ako na nagustuhan mo ang luto ko. Akala ko kasi light meal lang ang gusto mo for breakfast. Masaya lang talaga ako…” Hindi nito tinapos ang sasabihin.
“Anong napagkasunduan n’yo ni Kapitana?” kapagkuwa’y tanong niya para maiba na ang usapan.
“Ayun nga ini-invite niya tayo na sumama sa kanila sa outing bukas. Sunday naman. Para makapag-relax din. Malapit lang naman daw iyong lugar. Aalis nang maaga rito, tapos babalik din bago gumabi.”
“Pumayag ka?”
“Oo… Naisip ko nga kasi na wala rin tayong time para umikot man lang dito sa La Union, so good chance na rin iyon para makapasyal tayo rito,” sagot niya. Tapos ay bigla siyang nagtanong na parang nag-aalangan sa isasagot ni Cheska. “Bakit? Ayaw mo ba?”
“Hindi naman. Papasyal lang pala, eh. At maliligo, ’di ba?”
Tumango si Jerimie. “Oo…”
Tinapos niya ang pagkain. Muli niyang tinakpan ang natirang pagkain sa mesa at tumayo na para dalhin sa lababo ang pinagkainan niya. Binuksan niya ang gripo at hinugasan ang plato at kubyertos na ginamit niya.
“Puwede naman tayong hindi sumama, kung ayaw mo…”
“Sinabi ko bang ayaw ko?” tanong niya sa kausap nang hindi tumitingin dito. Binanlawan niya ang kutrasa’t tinidor at ibinalik sa lalagyan. Ganoon din ang ginawa niya sa plato.
“Galit ka ba kay Elsa?” biglang tanong ni Jerimie na ikinagulat niya. Napaharap tuloy siya rito.
“Bakit ako magagalit sa kanya?”
“Napapansin ko kasi, parang ayaw mo sa kanya. Ewan ko. Hindi ko exactly maipaliwanag. Pero parang nararamdaman ko na hindi mo siya gusto for whatever reason.”
“Pakiramdam mo lang ’yon. Hindi naman sa lahat ng oras ay tama ang pakiramdam ng isang tao,” argumento pa niya.
“Mabait naman si Elsa. Noong sumabay siya sa akin pagluwas ng Manila, marami kaming napag-usapan habang nasa biyahe. At mukha namang okay siya. Hindi naman siya pagtitiwalaang iboto ng mga tao rito kung masama ang ugali niya,” sabi pa ni Jerimie.
Nanlaki ang mga mata ni Cheska. “Sumabay siya sa’yo papuntang Maynila?”
“Oo, um-attend kasi siya sa kasal ng kaibigan niya. Sabay din kaming bumalik dito kagabi,” kaswal na pagkukuwento nito.
“Wow, ha!” Hindi makapaniwalang sabi ni Cheska. “Kaya naman pala at home na at home na kayo sa isa’t isa.”
“Grabe ka naman… Huwag ka nang magselos. Hindi naman kita ipagpapalit doon. Ako ang boyfriend mo, ’di ba?”
“Excuse me! Hindi ako nagseselos. At hindi kita boyfriend. Magiging dummy boyfriend lang kita, kaya malaya kang ligawan si Elsa kung gusto mo siya!” Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. “Pero kung ngayon mo na siya liligawan, hindi na natin puwedeng ituloy ang usapan nating dalawa. Ayoko naman na ipakikilala kitang boyfriend sa mga kaibigan ko tapos may iba ka pang girlfriend. Eh, baka mabisto pa tayo at lumabas ang totoo na ganito ako kadesperada para bumayad ng lalaking magpapanggap na boyfriend ko!”
Chapter 20
INIWAN ni Cheska si Jerimie sa kusina at mabilis na pumanhik sa hagdan papunta sa kanyang silid. Nagkulong siya sa kuwarto. Wala siyang planong ubusin ang buong maghapon sa pakikipagdebate kay Jerimie tungkol kay Elsa.
Pero hindi pa siya nagtatagal sa loob ng kuwarto ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na katok.
“Cheska…”
Hindi siya sumagot. Pinabayaan niya lang ito para kusa na ring umalis.
Ngunit kumatok lang ulit si Jerimie kasabay ang pagtawag sa kanya. “Cheska, galit ka ba? Buksan mo naman ang pinto. Mag-usap tayo.”
Naiinis na tumayo siya at binuksan ang pinto.
“Bakit?” singhal niya kay Jerimie na ikinagulat nito.
“Galit ka ba sa akin?”
“May dahilan ba para magalit ako?”
“Hindi ko alam,” sagot ni Jerimie kasabay ang pag-iling. “Kaya nga tinatanong kita. Para kasing na-badtrip ka kanina habang nag-uusap tayo.”
“Pagod lang ako, gusto kong magpahinga.”
“Kagigising mo lang, ah. Kumain ka lang, napagod ka na?”
“Okay, itatama ko, ha? Umalis ka na. Gusto kong mapag-isa.”
“Ahhh…” Napatango na lang si Jerimie. “Sige, nasa room lang din ako—”
Isinara ni Cheska ang pinto at hindi na hinintay na matapos ang sinasabi ng kausap.
Wala nang nagawa si Jerimie kundi umalis at magpunta na lang sa kanyang silid. Ang mga babae talaga, ang hirap ispelengin!
Bago magtanghali ay lumabas ng silid si Jerimie para maghanda ng pananghalian. Nagulat pa siya na nasa kusina na si Cheska at abalang nagluluto.
“Hindi mo ako tinawag. Sana natulungan kita.”
“Madali lang naman ito. At saka, ikaw na lang lagi ang nagluluto. Nakakahiya na sa’yo,” sagot niya habang hinahalo ang nilagang baka sa kaserola.
Sumilip si Jerimie sa niluluto niya. “Wow! Nilagang baka. Mapaparami ang kain ko nito,” natatakam nitong sabi.
“Paborito mo?” tanong ni Cheska. Sa wakas ay nakita ni Jerimie na ngumiti ang dalaga. Senyales ba ito na okay na ulit sila? Sana…
“Oo, medyo matagal na nga akong hindi nakakakain ng nilagang baka.”
“Eh, ’di sulitin mo na ngayon. Sana lang magustuhan mo.”
Matagal na kitang gusto. Iyon ang naglalaro sa kanyang isip, pero iba ang lumabas sa kanyang bibig. “Magugustuhan ko ’yan. Ikaw ang nagluto, eh.”
“Owws? Hindi mo naman alam kung marunong ba akong magluto,” sabi ni Cheska.
“Hindi ka naman siguro magluluto niyan kung hindi ka marunong,” sagot naman ni Jerimie. “At saka madali lang naman remedyuhan ang nilaga. ’Pag maalat, dagdagan ng sabaw. ’Pag matabang, dagdagan ng patis o asin. Ganoon kasimple.”
“Luto na ito. Maghahain na ako para makakain na tayo,” excited na sabi ni Cheska.
“Pwede ba tayong mag-grocery mamaya? Para makabili na tayo ng food for next week. At saka bili na rin tayo ng food na share natin sa outing bukas.”
Napatingin siya kay Jerimie, tapos ay nagsalita. “Sige, ikaw ang bahala.”
Nginitian siya ng lalaki. “Teka, tutulungan na kitang maghain.”
BANDANG HAPON na nang mag-grocery sina Cheska at Jerimie. Namili na rin si Cheska ng mga regalo para sa mga volunteer na ibibigay niya sa mga ito bago sila bumalik ng Maynila. Malaking tulong ang ibinigay ng mga volunteer nila at kahit sa munting regalong ito ay mapasaya nila ang mga taong hindi nagdamot ng oras para tulungan ang iba.
Pagbalik nila sa bahay ay nakita nila si Elsa na nasa labas ng bahay nito.
“Jerimie!” masiglang sigaw nito nang makita ang binata na bumaba ng sasakyan. “Saan kayo galing?”
“Nag-grocery lang. Pagkain at kung anu-anong mapapakinabangan sa bahay,” sagot niya.
Saglit na tumingin si Elsa kay Cheska at tumango lang ang huli bilang pagbati. Tapos ay dumiretso na siya papasok sa loob ng bahay.
“Bukas, ha? Maaga tayong aalis,” muling sabi ng babae na abot tenga ang ngiti.
“Oo, ’wag kang mag-alala. Maaga naman talaga akong nagigising.” Kinawayan niya ito bago muling nagsalita, “Papasok na ako…”
Pagtalikod ni Jerimie ay biglang nagbago ang itsura ni Elsa. Kung kanina ay masigla ito at nakangiti, ngayon naman ay umarko ang kilay nito at mataray na umismid bago tumalikod upang pumasok sa loob ng kanyang bahay.
KINABUKASAN ay maagang kumatok si Elsa sa bahay na tinutuluyan nina Jerimie at Cheska. Si Jerimie ang nagbukas ng pinto.
“Good morning! Mag-ready na kayo. Hinihintay lang ’yong sasakyan.” As usual ay malapad ang ngiti ni Elsa. Kulang na lang ay umabot sa tenga ang pagkakangiti nito.
“Good morning din. Sige, gigisingin ko na si Cheska.”
“Puwede bang sa inyo na lang ako makisabay?” hirit na tanong ni Kapitana. “Alam mo na, medyo puno na sila doon sa sasakyan,”
“Oo naman, walang problema.” Wala nga ba?
“Salamat. Aalis na ako. Babalik na lang ako rito ’pag aalis na tayo.” Pakembot-kembot na naglakad si Elsa pabalik ng kanyang bahay. Tila sadyang ipinapakita kay Jerimie ang malantik na pag-imbay ng kanyang balakang.
Isinara ng binata ang pinto at nagmamadaling pinuntahan sa kuwarto si Cheska.
“Cheska! Bumangon ka na, malapit na tayong umalis,” tawag niya rito.
“Gising na ako. Nag-aayos lang ako ng mga gamit,” sagot niya.
“Lumabas ka na rito agad, ha?”
Lumabi si Cheska na akala mo’y nakikita siya ni Jerimie at saka bumulong, “Excited!”
Pagkatapos maglagay sa bag ng mga dadalhin ay lumabas na siya. Nasa kusina si Jerimie at inilalagay sa plastic bag ang niluto nitong seafoods carbonara at adobong baboy. Sa isang lalagyan naman ay naroon ang ilang pirasong itlog na maalat at malalaking hinog na kamatis.
Noon naman kumatok ulit sa pinto si Elsa. “Jerimie! Cheska! Aalis na tayo.”
“Tara na,” sabi ni Jerimie kay Cheska sabay bitbit ng mga pagkaing dadalhin nila sa outing.
“Nasaan ang gamit mo?” tanong niya.
“Nasa sasakyan na.” Nilakad nila patungong pintuan at nabungaran pa nila si Elsa nang buksan nila ang pinto.
Hindi mo iisiping barangay captain si Elsa sa suot nitong maikling maong shorts at puting t-shirt. Para lang itong college student na nakasuot ng pambahay. “Ano ’yan? Ba’t nag-abala pa kayong magluto, andami na nating baong pagkain,” sabi nito nang makita ang dala ni Jerimie. Pero mas nakatawag sa pansin nito ang suot ng binata na board shorts at black cotton sando. Hapit na hapit sa katawan ni Jerimie ang sando at mas lalong lumabas ang pagka-macho nito.
“Okay na ’yung marami. Para ’di tayo kulangin. Mahirap magutom,” pagbibiro ni Jerimie.
Panakaw ding sinulyapan ni Elsa ang suot ni Cheska. At parang nainis ito nang bahagya dahil sa insecurity. Bakit hindi? Mas gumanda pa yata si Cheska sa suot nitong maroon bermuda shorts at gray cotton tops. Ang ganda pa ng flip flops na suot nito samantalang siya ay naka-ordinaryong tsinelas lang. “Cheska, sa likod ka na lang muna, ha? Dito na lang ako sa unahan.”
Muntik nang mapanganga si Cheska. Hindi siya na-inform na sa sasakyan ni Jerimie sasakay ang kapitanang ito.
“Sige,” pagsang-ayon niya. Wala naman siyang karapatang tumanggi kung pumayag si Jerimie sa sumabay sa kanila si Elsa.
Nang nakasakay na sila ay saka umandar ang sinasakyan ng mga kasamahan nila.
“Sundan mo na lang sila, Jerimie. Buntutan mo na lang,” bilin pa ni Kapitana.
Inabot din sila ng isang oras sa biyahe bago nila narating ang trailhead ng Tangadan Falls. Ipinarada nila ang dalang sasakyan at nagbayad ng entrance fee. Nag-hire din sila ng guide para sa trekking patungo sa eksaktong kinaroroonan ng talon.
Bitbit ang kanilang mga gamit ay nilakbay nila ang daan patungo sa Tangadan Falls.
“Akala ko ba malapit lang,” bulong niya kay Jerimie habang naglalakad sila papunta sa talon.
“Hayaan mo na. Maganda naman ’yung lugar. Tingnan mo, wala pa tayo sa falls pero ang ganda na nitong dinadaanan natin.”
“Sabagay… The beauty of nature,” pagsang-ayon niya.
Inabot din ng kalahating oras ang kanilang paglalakad bago nila narating ang talon.
Iginala ni Cheska ang tingin at humanga siya sa ganda ng Tangadan Falls. Napakalinis nito at tahimik ang paligid. Marahil ay dahil natiyempong sila-sila lang ang naroon ngayon. “Ang ganda!”
“Halika na at nang makalangoy tayo.” Hinawakan pa siya nito sa kamay.
Pero biglang bumalik papalapit sa kanila si Elsa. “Ang bagal n’yo namang maglakad. Bilisan n’yo!” Hinawakan pa nito si Jerimie at hinila na para mas bumilis itong maglakad.
Naiwan sa huli si Cheska na wala nang nagawa kundi sundan na lang ang dalawang nasa unahan niya.
Pagkatapos ayusin sa isang cottage ang kanilang mga gamit ay nagkani-kaniya na silang lusong sa tubig. Parang silang mga batang sabik na nagtampisaw sa tubig. Kasama ni Elsa na masayang naliligo si Lourdes. Ang ibang mga barangay tanod ay abala na rin sa paglalangoy. Ang iba ay tumapat sa parteng binabagsakan ng tubig.
Nanatili sa cottage si Cheska. Hindi niya type maligo. Actually, sumama lang siya para pagbigyan ang imbitasyon ni Elsa. Kahit naman naiinis siya sa babaing ito ay hindi pa rin maitatangging naging maayos ang pagtanggap nito sa kanila. Hindi nga ba’t pinatira sila nito nang libre sa bakanteng bahay ng kamag-anak nito? Nararapat naman sigurong tumbasan niya kahit paano ang kabutihang ipinakita nito.
Kausap ni Jerimie ang ilan sa mga barangay kagawad na pinagmamasdan ang magandang tanawin sa lugar na iyon nang mapansin niyang nag-iisa sa cottage si Cheska kaya naisipan niyang lapitan ito para yayaing maligo.
“Tara, ligo tayo. Nagkakasayahan na sila, o. Sali tayo.”
“Ikaw na lang. Babantayan ko na lang itong mga gamit at pagkain natin dito.”
“Hindi mo naman kailangang magbantay. Wala namang kukuha ng mga ’yan,” napapangiti niyang sabi.
“Jerimie! Halika na. Maligo tayo.” Hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila si Elsa. Suot pa rin nito ang maong shorts at ang puting t-shirt ay hapit na sa katawan nito dahil sa pagkakabasa sa tubig.
“Mamaya na lang ako maliligo,” tanggi pa niya.
“Sige na, samahan mo kami ni Lourdes,” pamimilit pa nito sabay hawak sa braso niya.
“Teka, teka! Maghuhubad lang ako ng sando.”
“Bilisan mo,” excited na sabi ni Elsa na tila ba kinikilig pa. Abang na abang ito na makitang walang suot sa pang-itaas ang lalaking pinapantasya.
Halos malaglag ang panty ni Elsa nang ganap nang mahubad ni Jerimie ang sando. Saang planeta ba galing ang lalaking ito at ganito kaganda ang katawan? Sa gym na ba ito nakatira?
“Tara na?” tanong ni Jerimie sa babae.
“O-oo, tara!” Bakas sa mukha nito ang sobrang excitement.
Nilingon ni Jerimie si Cheska. “Tara na, Cheska.”
Umiling siya. “Sige, kayo na lang. Masama ang pakiramdam ko,” pagdadahilan niya.
“Hayaan mo na si Cheska rito para makapagpahinga siya. Sunod ka na lang doon, Cheska ’pag gusto mo nang mag-swimming.”
Tumango siya kasabay ang isang plastik na ngiti.
Nang nasa talon na ang dalawa ay hindi inaalis ni Cheska ang tingin sa mga ito. Naghaharutan ang mga ito sa tubig. Babae siya at ramdam na ramdam niya ang kakaibang mga tingin ni Elsa kay Jerimie. Sigurado siyang gusto ng kapitanang ito ang lalaking babayaran niya upang magpanggap na kanyang boyfriend.
Chapter 21
MINABUTI ni Cheska na umikot na lang sa paligid ng falls. Kesa naman panoorin niya ang landian nina Elsa at Jerimie, mas okay siguro kung libangin na lang niya ang sarili sa magandang tanawin sa lugar na iyon. Dala ang kanyang cellphone ay nilibot niya ang lugar.
Naaliw naman siya sa paglilibot. Kasabay niyon ay kinunan niya ng litrato ang mga magagandang view na tumawag sa kanyang atensyon. Pati ang isang langkay ng mga ibon na lumilipad sa himpapawid ay nakunan niya rin ng litrato. May nakasalubong pa nga siyang grupo ng mga kabataan na patungo rin sa talon. Kapag napapagod na siya ay saglit siyang humihinto upang magpahinga. Hindi na niya namalayan ang oras kung hindi pa tumunog ang kanyang telepono.
Tumatawag si Jerimie.
“Hello? Nasaan ka?” tanong nito.
“Umikot lang, bakit?”
“Pumunta ka na rito. Kakain na tayo.”
“Sige…” Naglakad na siya pabalik sa cottage. Naabutan niya ang mga kasamahan na kumakain na. Si Jerimie ay hindi pa kumakain, tila hinihintay pa siya. Si Elsa ay katabi nito at hindi pa rin kumakain.
“Saan ka ba galing, Cheska? Kanina ka pa namin hinahanap?” bungad sa kanya ng kapitana.
“Umikot lang ako, namasyal. In-enjoy ang paligid,” kaswal na tugon niya rito.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-irap ni Elsa. “Kain na nga tayo, Jerimie. Kanina pa ako nagugutom.” Hinawakan nito sa kamay ang binata at hinila papunta sa mga nakahaing pagkain sa mesa.
“Halika na, Cheska… Sabay-sabay na tayo,” yaya sa kanya ni Jerimie.
Hindi siya sumagot. Pero dahil nakararamdam na rin siya ng gutom ay lumapit na rin siya sa mesa para kumuha ng pagkain.
Inabutan siya ni Jerimie ng kutsara at tinidor. Hawak nito ang isang plato. “Eto, o. Ano’ng gusto mo? Ikukuha kita ng pagkain.”
“Huwag na, ako na lang…”
“S-sige… Eto ang plato mo…” Inabot sa kanya ng binata ang hawak na plato.
“Eto ang food mo, Jerimie. Ikinuha na kita.” Ang ngiti ni Elsa ay abot tenga na naman habang iniaabot dito ang platong puno ng pagkain.
“Salamat, nag-abala ka pa.”
“Naku, wala ’yan. Maliit na bagay… Dito na tayo umupo, wala nang bakante doon, eh.” Ang puwestong sinasabi ni Elsa ay kasya lang sa dalawang tao.
“Walang mauupuan si Cheska,” tutol ni Jerimie.
“Doon na lang siya sa tabi ni Lourdes. May space pa roon,” malambing na sagot ni Elsa.
“Oo nga naman, Jerimie. Kumain na kayo riyan. Puwede naman ako kahit saan. ’Di naman ako maarte.” Diniinan niya ang pagsabi ng salitang maarte.
Kumuha na siya ng pagkain at umupo sa tabi ni Lourdes. Kahit masarap ang pagkain ay hindi siya nag-enjoy. Hindi rin yata siya nabusog. Paano siya mabubusog kung nakikita niyang halos subuan na ni Elsa si Jerimie? Hindi na nakapagpigil ang hitad na kapitana. Inilabas na talaga ang nakatagong kati sa katawan. Hindi na nahiya sa mga kasama nilang opisyal din ng barangay.
GABI na sila nakauwi pagkagaling sa Tangadan Falls. Pagdating ng bahay ay kaagad na hinugasan ni Cheska ang mga pinaglagyan nila ng pagkain at saka siya nag-shower.
Katatapos lang niyang magbihis nang kumatok sa kuwarto niya si Jerimie.
“Bakit?” tanong niya rito nang buksan niya ang pinto.
“Anong gusto mong dinner? Maghahanda ako ng makakain natin.”
“Pagod ako. Gusto ko nang magpahinga. Hindi na ako kakain ng hapunan, busog ako,” diretso niyang sabi sa binata. “Kung gusto mong kumain, magluto ka na lang ng para sa’yo.”
Naramdaman ni Jerimie ang kakaibang timpla ni Cheska. “Galit ka na naman.”
“Ako? Hindi. Ba’t ako magagalit?” pagkakaila niya. “Pagod lang ako. Nakakapagod maglakad ng ganoon kalayo, ’no?”
“Sige, magpahinga ka na. Nasa kabilang kuwarto lang ako, just in case you need anything.”
“I don’t need anything and I will not be needing anything. Goodnight.” Hindi na niya hinintay na makasagot si Jerimie dahil isinara na niya kaagad ang pinto. Naiinis siya. Inis na inis! Sa sarili niya. Kay Jerimie. Kay Elsa! Pesteng kapitana ’yan!
ANG natitirang isang linggo nila sa La Union ay mabilis na natapos. Sa wakas ay makababalik na sila sa Maynila. Halos maiyak ang volunteers na tumulong sa kanila sa loob ng dalawang linggong pagtuturo nila ng livelihood program sa mga tao roon. Alam nila na kung itutuloy ng mga tagaroon ang mga itinuro nila, malaking tulong ito sa kabuhayan ng mga residente rito.
Binigyan ni Cheska ng munting regalo ang bawat volunteer nila. Binili lang nila sa bayan ang mga souvenir item na iyon. Masayang-masaya sila sa tagumpay ng activities nila sa lugar na iyon.
PAGDATING sa Maynila ay tinawagan niya kaagad si Kenly.
“Kelan tayo magkikita? Puwede ako bukas, after work. Sabihan mo na lang sina Portia at Mariel. At ihanda mo na ang sorpresang sinasabi mo dahil ready na rin ako sa sorpresa ko sa inyo,” natatawa niyang sabi.
“Okay, sige bukas. Confirmed na iyon. Ako nang bahala do’n sa dalawa. Alas-ocho ng gabi sa apartment ko,” excited na sabi ng bakla na tila kinikilig pa. “I’m sure, magugustuhan mo ang surprise namin. Group effort ’to, teh!”
“Oo na. Bukas na lang. Bye!” Pagkatapos kausapin si Kenly ay nag-text naman siya kay Jerimie para sabihing bukas na niya ito ipakikilala sa mga kaibigan niya. Hindi naman siya nainip dahil agad itong sumagot.
I’ll pick you up in the office then.
Napangiti siya. Ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng kakaibang excitement, isipin pa lang niya na bukas ay may ipakikilala na siyang boyfriend sa mga kaibigan niyang wala nang ginawa kundi tuksuhin siya dahil sa pagiging single since birth.
HUMANGA siya sa kakisigan ni Jerimie nang sunduin siya nito sa opisina kinabukasan. Bagay na bagay rito ang suot na slacks at long sleeves polo. Kahit ano yata ang ipasuot sa lalaking ito ay guwapo pa rin ito.
Hindi na muna niya ito pinapasok sa loob. Pinaghintay na lang niya ito sa labas ng opisina nila. Gusto niyang ang mga kaibigan muna niya ang makilala ni Jerimie. Saka na lang niya ito ipakikilala sa iba pa. O baka nga, hindi na lang. Tutal, hindi naman totoong boyfriend niya ito.
“Tara na? Excited na ako,” nakangiting sabi nito na mas lalo pang nagpaguwapo rito dahil lumabas ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.
“Iba na naman ang kotse mo. Ang yaman, ha!” Napansin niya dala nitong itim na Chevrolet Spark. “Ikaw lang ang janitor na maraming kotse.”
“Nirentahan ko lang ’yan,” natatawang sagot nito. “Ayokong mapahiya sa mga kaibigan mo.”
“Sus! Boyfriend ang ipakikilala ko sa kanila, hindi kotse.”
“Kahit na…” sagot nito. Binuksan nito ang pinto ng kotse. “Sakay na, mahal na prinsesa…”
Gusto niya sanang kiligin pero pinigilan niya ang sarili. Sumakay siya sa kotse at marahang isinara ni Jerimie ang pinto.
Pagkasakay ni Jerimie ay nagtanong ito, “Saan tayo?”
“Sa Mandaluyong, along Boni Avenue. Sa apartment ni Kenly.”
Mabilis nilang narating ang lugar. Nakita pa ni Cheska ang nakaparadang kotse ni Portia at Mariel. Bukas ang gate kaya pumasok na sila.
“Okay ka lang ba?” tanong sa kanya ni Jerimie.
Napataas ang kilay niya. “Ba’t ako? Ikaw, okay ka lang ba?”
“Yeah, okay na okay.” At muli itong nag-flash ng pamatay nitong ngiti.
Chapter 22
NAGMAMADALING nag-doorbell si Cheska. Hindi naman nagtagal at bumukas ang pinto.
“Helloooo!!!” Ang masayang mukha niya ay napalitan nang pagkagulat nang makita kung sino ang nagbukas ng pinto. Nakangiti sa kanya ang lalaki na pamilyar sa kanya ang itsura. Pilit niyang inalala kung sino ito at kung saan sila nagkakilala dahil sigurado siyang kilala niya ito.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang sa wakas ay maalala niya kung sino ang lalaking buong tamis na nakangiti sa kanya.
“Gordon? Gordon Almendral?!”
“I’m glad hindi mo pa ako nakakalimutan.” Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito.
“Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nandito?” nagtatakang tanong niya.
“Pumasok ka muna.” Nagbigay ito ng daan.
Pumasok si Cheska, kasunod si Jerimie.
“Surprise!” sabay-sabay na sigaw nina Kenly, Mariel at Portia. Pero mas sila ang nasorpresa nang makita ang lalaking kasama ni Cheska.
“Sino siya?” agad na tanong ni Kenly.
Ang mga mata ni Portia ay nagtatanong din.
Si Mariel naman ay titig na titig kay Jerimie na tila ba sinisino ito. Hindi siya maaaring magkamali, nakita na niya ang lalaking ito. Saan nga ba? Kinalkal niya sa kanyang utak kung saan nga ba niya nakita dati si Jerimie.
Kalmado lang si Jerimie. Pero hindi niya maintindihan kung bakit titig na titig sa kanya ang isang kaibigan ni Cheska.
“Guys, I want you all to meet Jerimie, boyfriend ko.” Matamis na matamis ang pagkakangiti niya habang ipinakikilala sa mga kaibigan ang lalaki.
“WHAT?! Boyfriend mo siya?” sabay-sabay na tanong ng kanyang tatlong kaibigan. Bawat isa ay nakarehistro sa mukha ang pagkagulat.
Si Gordon naman ay tila nalungkot nang sobra. Ano ba ang nangyayari?
Takang-taka si Cheska sa reaksyon ng tatlo. “Bakit? Para namang hindi na ako puwedeng magka-boyfriend. Ang OA n’yo, ha?”
“Eh, kasi…” Hindi naituloy ni Kenly ang sasabihin. Napatingin na lang ito kay Gordon.
At saka lang napansin ni Cheska na parang biglang natahimik si Gordon.
At nalungkot?
“Ano bang meron? Bakit parang dismayado kayo na may boyfriend na ako?” naguguluhang tanong niya. Si Jerimie ay nagmamasid lang. Hindi rin niya masakyan pa ang mga kaganapan.
“Ganito kasi ’yon, Cheska.” Si Portia na ang nagpaliwanag. “Nandito si Gordon dahil gusto ka niyang ligawan.”
Napanganga si Cheska, nanlaki ang mga mata niya. Tapos ay napatingin siya kay Jerimie at huling-huli niyang naningkit ang mga mata nito at bahagyang nagsalubong ang kilay.
“Naku! Hindi na puwede. Hindi na ako nagpapaligaw. May boyfriend na ako.” Humawak pa siya sa braso ni Jerimie.
“So, hindi na talaga kita puwedeng ligawan? Hindi pa naman kayo mag-asawa,” sabi ni Gordon.
“Respeto sa relasyon namin, bro. May boyfriend na nga, papasok ka pa.” Seryoso ang boses ni Jerimie. Pati sa mukha nito ay makikita mong tila apektado sa sinabi ni Gordon.
“Kenly, aalis na ako. Mariel, Portia…” paalam nito.
Napatango na lang si Kenly. Si Mariel at Portia naman ay hindi na sumagot dahil diretso nang lumabas ng pinto ang lalaki.
“Maupo nga kayo. May food tayo sa mesa, kain na muna kaya tayo,” alok ni Portia. “Jerimie, kumain ka muna.”
Hinila ni Kenly si Cheska sa isang sulok at kinausap. “Girl, saan mo nahukay ’yan? Ang guwapo!”
“Nahukay talaga? Ano ’yan ginto? Kayamanan?” Tiningnan niya si Jerimie. Nakita niyang kumukuha ito ng pagkain sa mesa habang kausap ni Portia.
“Higit pa sa kayamanan! Jusko! Kung ako ang magkaka-jowa ng ganyan, hinding-hindi ko na pakakawalan. Bakuran mo na ’yan, ’teh! Baka maagaw pa sa’yo.” Kulang na lang ay mangisay sa kilig ang bakla. “Marami kang kailangang ikuwento sa akin, girl. I want to know your love story.”
“Balimbing ka,” sita niya sa kaibigan. “Kanina lang si Gordon ang manok mo, tapos ngayon sasabihin mong huwag ko nang pakawalan si Jerimie?” Pinandilatan niya ito.
Sasagot sana si Kenly pero lumapit sa kanila si Mariel.
“Kelan mo pa nakilala ’yun?” Inginuso nito si Jerimie.
“Mag-iisang buwan na. Bakit?”
“Tapos boyfriend mo na agad?”
“Kailangan ba matagal nang kilala? Anong year na ba ngayon?”
“Sigurado ka bang binata ’yan? Anong buong pangalan niyan?”
Si Kenly ang agad na sumagot. “Bakit, girl? Kilala mo ba si boylet? May jowa na ba siya?”
“Jerimie Alexander Manderico ang full name niya. Binata siya,” sagot ni Cheska.
Napailing si Mariel. “Hindi ako puwedeng magkamali, eh. Nakita ko na siya dati. Sa mall. May kasama siyang babae at sweet na sweet sila habang nakapila kami sa cashier.”
“Seryoso?” tanong ni Kenly na pinaglipat-lipat ang tingin kina Cheska at Mariel.
“Kelan mo sila nakita?” tanong ni Cheska.
“Siguro nine or ten days ago.”
“Baka naman kamukha lang.” Ang totoo ay kinakabahan na siya. Baka nakita ni Mariel si Jerimie noong lumuwas ito dahil sa diumano’y emergency. Pero hindi na niya ito sinabi sa mga kaibigan.
“Hindi, eh. Sigurado akong siya iyon. Anyway, maging alerto ka na lang. At siguruhin mong wala talagang sabit ang boyfriend mong ’yan,” paalala ni Mariel sa kanya. “Gusto namin na magka-boyfriend ka para maging masaya ka. Hindi para mamroblema.”
“Ano bang pinag-uusapan n’yo?” Hindi nila napansin ang paglapit ni Portia. Samahan n’yo naman kami ni Jerimie na kumain doon.“
“Halina kayo, mga bakla! Kumain na muna tayo,” mabilis na hinila ni Kenly si Cheska. Napasunod na lang si Cheska na nag-iisip pa rin ng tungkol sa sinabi ni Mariel.
Masaya nilang pinagsaluhan ang nakahandang mga pagkain. Si Jerimie ay mabilis na nag-blend sa mga kaibigan ni Cheska. Well-versed kasi ito at kayang makipagdiskusyon sa kahit na anong topic na puwedeng pag-usapan. In fact, kahit si Mariel na kanina ay nagdududa kay Jerimie ay masayang nakikipagkulitan na rin dito. Sino ba ang hindi mabibingwit ng kakaibang charm ng binatang nakilala lang niya sa isang online dating site?
Nang magpaalam sila kay Kenly ay nangako si Jerimie na isang araw ay siya naman ang mag-iimbita sa mga ito.
“Promise?” malanding tanong ni Kenly.
“Promise!” sagot ni Jerimie na nag-sign pa ng cross my heart.
“Bakla, mauuna na kami,” paalam ni Portia na kumaway pa sa kaibigan bago sumakay sa kotse nito. Si Mariel ay kumaway lang din sa kanila at sumakay na rin sa kotse nito.
“Alagaan mo ang friend ko, ha?” bilin ni Kenly kay Jerimie. “Lagot ka sa akin ’pag umiyak ’yan.”
“Mahal na mahal ko ’to. Hindi ko siya paiiyakin.” Inakbayan pa siya ni Jerimie at hinapit papalapit kaya nagdikit ang kanilang katawan.
Hindi nakaramdam ng pagkaasiwa si Cheska. Gustong-gusto nga niya ng ginawa ni Jerimie. Pakiramdam niya ay pag-aari nila ang isa’t-isa. “Girl, uuwi na kami. Gabi na. Salamat sa pagkain,” sabi niya.
“Wala ’yon. Babawi ako ’pag nag-invite na si Jerimie,” sinabayan nito ng halakhak ang sinabi. “Babush! Ingat kayo sa daan.”
HABANG nasa daan sila upang ihatid ni Jerimie si Cheska sa apartment nito ay bakas sa mukha ng binata ang kakaibang saya. Masaya siya na nakilala niya ang mga kaibigan ni Cheska. Pero mas masaya siya dahil ipinakilala siya bilang boyfriend nito. Para sa kanya, wala nang mas sasaya pa sa pangyayaring iyon.
“Bakit ka napapangiti riyan?” sita sa kanya ni Cheska.
“Wala naman. May naalala lang ako,” sabi ni Jerimie nang hindi inaalis ang pagkakangiti.
“At ano naman iyon?”
“Mga kaibigan mo. Ang saya nilang kasama. Ang sarap nilang kausap. Thanks to them…”
“For what?”
“Nang dahil sa kanila, napilitan kang maghanap ng dummy boyfriend online at nakilala kita.”
Muli ay gustong kiligin ni Cheska, pero mas nanaig ang sinabi ni Mariel kanina na nakita nito si Jerimie na may kasama at sweet na sweet ang dalawa. Naisip niya, dapat niyang kilalanin pa talaga si Jerimie.
Pero para saan pa? Hindi naman sila totoong mag-boyfriend!
Natahimik siya. Bakit siya nasasaktan kapag naiisip niyang nagkukunwari lang silang dalawa?
Chapter 23
PAGDATING sa bahay ay agad na inilatag agad ni Jerimie ang katawan niya sa kama. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng suot na damit. Noon siya nakadama ng pagod.
Habang nakahiga ay naaalala pa niyang muli si Cheska. Ang magandang mukha ni Cheska na napakainosente. Ang kabaitan nito na may itinatago ring katarayan. Katarayang ilang beses na ring ipinakita nito sa kanya.
Napangiti si Jerimie. Si Cheska ang nag-iisang babaeng nagpapangiti sa kanya ngayon, maliban siyempre kay Zinnia.
“Oww, si Zinnia! I need to call her.” Bumalikwas siya nang bangon at dinukot sa bulsa ng suot niyang pantalon ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Gina para makausap si Zinnia.
“Gina, gising pa ba si Zinnia?” tanong niya sa babaeng sumagot sa tawag niya.
“Tulog na po, sir. Mag-aalas dose na po, eh.” Sa timbre ng boses ni Gina ay mukhang nagising lang ito sa tawag niya.
“Aww, shit! Sorry, sorry. Hindi kita minumura. Pasensya na, nakalimutan ko ang oras. May inasikaso kasi ako. Bukas ko na lang siya tatawagan.”
“Okay, sir…”
“Kumusta si Maddy?”
“Nakakatakot po siya ’pag nalalasing. Nagsisisigaw. Binabato sa dingding ang kung ano mang madampot,” sumbong ng nurse.
“Ganoon ba siya araw-araw?”
“Opo…”
“I really need to talk to her again. Hindi puwede ’yung ganyan ang ginagawa niya.”
“Natatakot na nga po si Diday. Siya lagi ang sumasalo ng galit ni Ma’am Maddy.”
Napabuntong hininga siya. Habang tumatagal ay mas nagiging hopeless na si Maddy. At napababayaan na rin nito si Zinnia.
“Sabihan mo kaagad ako kapag uminom na naman siya. Make sure na ilayo mo sa kanya si Zinnia ’pag naninigarilyo siya,” bilin niya sa nurse.
“Yes, sir.”
“Sige na, tatawag na lang ulit ako bukas kay Zinnia.”
Pagkatapos kausapin si Gina ay si Cheska naman ang tinawagan niya. Sana, gising pa ito.
“O, ba’t napatawag ka?” nagtatakang tanong ni Cheska nang sagutin nito ang tawag ni Jerimie. “Magkasama lang tayo kanina, ah!”
“Wala naman… Nami-miss ko lang ang boses mo,” diretso niyang sabi.
“Agad-agad? Naku, Jerimie Alexander Manderico hindi mo ako mauuto.”
“Inuuto ba kita? Hindi naman, ah.”
“Well, wala namang dahilan para ma-miss mo ako…”
“Anong wala? Girlfriend kita.”
“Alam mong kunwari lang ’yon,” protesta niya.
“Kaibigan kita. Magkaibigan tayo. Hindi pa ba sapat iyon para ma-miss kita?”
“Ewan ko sa’yo! Matulog ka na kasi matutulog na rin ako.”
“Seriously, how do your friends find me? Pasado na ba ako sa kanila?” tanong nito sa kanya.
“Wala naman silang sinabing komento,” tanggi niya.
“Imposible…” Hindi ito makapaniwala. “Ang tagal n’yong nag-usap kanina. Iniwan n’yo nga akong mag-isa.
“So, galit ka na niyan?”
“Hmm, hindi naman. Anyway, sige na matulog ka na. Baka mapuyat ka pa dahil sa akin.”
“Matulog ka na rin…”
“Opo… Goodnight.”
“Goodnight…”
Mahimbing ang tulog ni Cheska nang gabing iyon samantalang si Jerimie naman ay balisa at nananatiling gising habang nakahiga sa kanyang kama. Sari-saring eksena ang naglalaro sa kanyang isip. Isang araw bago sila bumalik ng Maynila ni Cheska ay nilapitan siya ni Elsa at kinausap nang masinsinan.
“Jerimie…” Hindi pa niya napansin ang paglapit ng babae. Abala siya noon sa pakikipag-usap sa mga residenteng tinuturuan ang livelihood program ng mga volunteer.
“May kailangan kasi akong kunin sa barangay hall. Maaari mo ba akong samahan?”
“Ahhh…” Saglit siyang nag-isip, tapos ay marahang tumango. “Oo naman. Tena?”
Nagpakawala si Elsa ng isang misteryosong ngiti, pagkuwa’y nagsalita, “Halika na, para makabalik kaagad tayo.
Sumakay sila sa Ford Transit at kaagad na pinatakbo ni Jerimie ang sasakyan papuntang baranagy hall.
Pagdaan nila sa bahay ni Elsa ay nagsalita ito, “Ipara mo na lang diyan sa tapat. Naalala ko, parang sa kuwarto ko yata naiwan ang dokumento.”
Inihinto ni Jerimie ang sasakyan. Kaagad na binuksan ni Elsa ang pinto para bumaba. “Halika muna, Jerimie. Sumama ka na sa loob, para makita mo rin ang itsura ng loob ng bahay ko. Hindi ko pa nga pala kayo naiimbita rito.”
Bumaba na rin siya at sumunod sa kapitana.
Pagdating sa loob ay dumiretso si Elsa sa kanyang kuwarto. Naiwan siya sa salas.
“Halika na rito, samahan mo ako.”
“Hihintayin na lang kita rito,” tanggi niya sa babae.
“Ikaw ang bahala…” Pumasok na ito sa silid.
Ilang sandali pa lang na nakapapasok si Elsa sa kuwarto nang bigla itong tumili. Napatakbo si Jerimie para puntahan ang babae.
“Anong nangyari?” tanong niya habang nakatingin sa mga papel na nagkalat sa kama.
“May butiki na biglang gumapang sa braso ko. Nagulat ako…”
Nakahinga siya nang maluwag. Akala niya ay kung ano na ang nangyari rito.
“Ano ba ang hinahanap mo?” muli niyang tanong habang nakatingin sa nagkalat na papel sa kama.
Hindi sumagot si Elsa, bagkus ay lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa dalawang kamay.
Nagtatakang tiningnan niya ito. Nasa mukha niya ang isang malaking tanong.
“Jerimie, wala ka bang sasabihin sa akin?”
“Sasabihin?”
“Anong tingin mo sa akin, sa itsura ko. Maganda ba ako?”
Napalunok siya. Tila alam na niya kung ano ang tinutumbok ng babae. Hindi naman siya manhid. Mas lalong hindi siya tanga. Siya ay isang normal na modernong lalaki na madaling makahalata kung may gusto sa kanya ang isang babae. At alam niya, mula noong una niyang makita si Elsa, na may ibang pagtingin ito sa kanya. Hindi lang niya bibibigyan ng malisya ang mga paghawak nito sa kanya. Hindi lang din niya sinasaway ang para bang sobrang atensyon na ibinibigay nito sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob sa mainit nitong pagtanggap sa kanila ni Cheska at sa partisipasyong ibinibigay nito sa ginagawa nilang aktibidad sa lugar na iyon. Pero alam niya ang kanyang limitasyon, at mas lalong alam niyang hindi niya dapat bigyan ng tugon ang lahat ng pagpaparamdam ni Kapitana. Puwede siyang sumakay sa mga gusto nito, oo. Pero hanggang doon lang iyon.
“Oy! Ano? Maganda ba ako?” muli nitong tanong habang matamis pa ring nakangiti sa kanya.
Tumango siya. “Oo… Maganda ka.” Totoo namang maganda ito. Bulag lang ang magsasabing hindi.
“Gusto mo ba ang kagandahang nakikita mo?”
Eto na… Inaasahan na niyang darating ang sandaling ito na magtatapat sa kanya ang babae lalo na at tila hindi naman siya gumagawa ng anumang hakbang para siya na lang ang magtapat.
“Gusto, but in a certain way.” Nakita niya ang biglang pagkunot ng noo nito.
“Anong ibig mong sabihin? Gusto mo ako pero may limitasyon ang pagkagusto mo sa akin?”
“No!” mabilis niyang pagtanggi. “What I mean is, maganda ka at walang tao ang hindi makaka-appreciate ng kagandahan mo. Pero…”
“Pero ano?” Naghintay ito sa susunod niyang sasabihin.
“Tell me, do you like me in a romantic way?” diretsa niyang tanong kay Elsa.
“Yes! And it’s not just plain and simple like. It’s more than that. I think I love you, Jerimie.” At bago pa siya nakakilos ay niyakap na siya nito nang mahigpit. “Tell me that you love me, too…” Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
“Elsa, this should not happen.” Pinilit niyang makaalis sa pagkakayakap nito. “I like you as a friend. No romantic feelings involved.” Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkagusot ng mukha nito at agad na pumatak ang luha sa kaliwa nitong pisngi.
“Pero naramdaman kong gusto mo rin ako. You were so nice to me. Pumapayag ka agad kapag may hinihingi akong pabor sa’yo. Binibigyan mo ako ng oras mo. Ipinaramdam mo sa akin na importante ako, na babae ako… Bakit? Bakit mo ginawa iyon kung wala kang nararamdaman sa akin bilang lalaki?”
“Because I felt that it is the right thing to do as a gentleman. You are our host here. You have been a very good host. Tinanggap mo kami rito sa barangay n’yo. Pinatira mo kami sa bahay ng pinsan mo, for free. Inasikaso mo kami, itinuring na kaibigan, kapamilya. Ang sama ko naman kung sa maliliit na pabor na sinasabi mo ay tatanggi pa ako. I am not used to do that?”
“Pero tinatanggihan mo ako ngayon…”
“Not you as a person… Only your feelings for me because I don’t want to be unfair to you.”
Umiling nang sunod-sunod si Elsa habang patuloy itong tahimik na lumuluha. “Dahil ba kay Cheska?”
Hindi siya sumagot.
“Hindi na ako babalik sa covered court. Umalis ka na. Bumalik ka na kay Cheska.” Itinulak siya nito papalabas ng pinto at saka mabilis itong isinara.
“ Elsa…“ Kumatok siya sa pinto.
“Sabi ko umalis ka na!”
Hindi na siya nagpumilit pa. Lumabas na siya ng bahay, sumakay sa sasakyan at mabilis na pinasibad ito papalayo roon.
Chapter 24
MAAGANG pumunta si Jerimie sa bahay ni Maddy kinabukasan. Pinagbuksan siya ng gate ni Diday. Pagbaba ng kotse ay kaagad niyang tinanong ang kasambahay, “Nasaan si Zinnia?”
“Nasa kuwarto po niya, sir. Kasama po si Nurse Gina,” sagot ni Diday.
“Si Maddy?”
“Tulog pa po. Lasing na naman po kagabi, eh.”
“Madalas ba siyang umiinom?”
“Gabi-gabi, sir. Nakakatakot na nga po si Ma’am ’pag nalalasing. Parang papatay ng tao,” sumbong pa nito.
“Ha?” Hindi makapaniwala si Jerimie.
“Opo, sir. Grabe po si Ma’am kapag nakakainom. Nambabato ng kahit na anong mahawakan niya. Tapos sigaw nang sigaw. Nagkukulong na nga lang po ako sa kuwarto at hindi ako lumalabas kahit tinatawag niya ako. Mabuti na lang, hindi niya naaalalang gamitin ang susi ng kuwarto ko,” mahabang kuwento ng kasambahay.
“Pupuntahan ko lang sa kuwarto si Zinnia.” Mabibilis ang ginawang paghakbang ni Jerimie para mapuntahan agad ang silid ng bata.
Ang masayang mukha ng paslit ang sumalubong sa kanya.
“Daddy!” sigaw nito sabay tayo sa kama para salubungin siya.
Mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito at saka hinalikan sa pisngi.
“Why are you here, Daddy? Don’t you have work today?” inosenteng tanong nito.
“I’m here because I want to see you. I miss you so much, baby.” Magiliw niyang hinagkan ulit ang bata. “I’ll go to the office later.”
Kinarga niya si Zinnia at hinarap ang nurse. “Kumusta kayo rito?”
“Maayos naman, sir. Naiinom ni Zinnia ang mga gamot niya on time. Magana rin siyang kumain. Eto nga po katatapos lang niyang mag-breakfast.” magalang na sagot ni Gina.
“Balak ko sanang kausapin si Maddy pero natutulog pa raw. Baka magkabanggaan lang kami kapag ginising ko ’yon para sitahin sa araw-araw niyang pag-iinom,” seryosong sabi niya. “Kaya babalik na lang siguro ako sa ibang araw. Basta, hahanap ako ng oras para magkausap kami,” paniniguro pa ni Jerimie.
Walang maisip na isagot si Gina kaya tumango na lang ito.
“Baby,” baling niya sa kargang si Zinnia. “I need to go to the office na. Be a good girl always okay?”
Nakangiting tumango ang paslit.
“Kapag pinapainom ka ni Nurse Gina ng medicine, inom kaagad, ha? And make sure to always eat on time.”
“Yes, Daddy!” sagot ng paslit kasabay ang sunod-sunod na tango.
Ibinaba niya sa kama ang bata at hinagkan sa noo. “I love you…”
“I love you, too, Daddy!” Isang mahigpit pang yakap ang ibinigay nito sa kanya bago siya tuluyang umalis ng bahay.
KINAHAPUNAN ay nagulat pa si Cheska nang biglang dumating sa opisina nila si Jerimie.
“Anong ginagawa mo rito?” pabulong na tanong niya sa binata.
Katulad ng dati ay matamis ang ngiting isinalubong sa kanya ni Jerimie na lalo pang nagpaguwapo rito. “Sinusundo ka. Boyfriend duties…” Siniguro niyang narinig ng mga kaopisina ni Cheska ang sinabi niya.
Nagtinginan sa kanila ang mga nakarinig. Isang katrabahong babae ang hindi nakatiis na magkomento. “Cheska, ipakilala mo naman kami sa boyfriend mong pogi.”
“Oo nga naman, Cheska,” segunda ng isa pang medyo may edad ng babae.
Tiningnan ni Cheska si Jerimie, pagkuwa’y ngumiti. “Guys, I want you all to meet Jerimie, my boyfriend.”
“Saan mo siya nakilala?” tanong ng may edad na babae. “May kuya ba siya o kahit na bunsong kapatid na lalaki?” kinikilig na tanong nito.
“Wala, eh…” Si Jerimie ang kaswal na sumagot sa tanong.
“Nakilala ko siya through a common friend,” pagsisinungaling niya. Alangan namang sabihin niya ang totoo. “So, paano? Mauuna na kaming umalis. Eto na ang sundo ko, eh.”
“Ingat,” paalala ng mga katrabaho niya.
Magkasabay na silang lumabas ng opisina.
“Hindi mo na ako dapat sinundo. Hindi naman kasama sa usapan natin na kailangan mo akong sunduin sa trabaho,” sabi niya sa malumanay na boses.
“Ayaw mo ba akong makita?” seryoso ang tono ni Jerimie kaya hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ito.
“Eh, nagkita naman tayo kahapon,” argumento pa niya.
“Kahit na. Iba ’yung kahapon. Iba naman ngayon,” ayaw patalo ng binata. Ipipilit talaga nito ang gusto.
“Ikaw lang ang iniisip ko. Hindi naman totoo ang relasyon natin, kaya huwag mong itali sa responsibilidad ang sarili mo.”
Saglit na natahimik si Jerimie. Tila may gusto itong sabihin na hindi lang nito masabi.
Narating nila ang lugar kung saan nakaparada ang dalang kotse ng lalaki. Pinagbuksan niya ng pinto si Cheska at hinintay na makasakay bago niya isinara ang pinto at saka lumigid sa kabila para makasakay din.
Banayad lang ang takbo ng sasakyan.
“Ihahatid na ba kita? O gusto mong kumain muna?” tanong nito kay Cheska habang abala sa pagmamaneho.
“Sa bahay na lang tayo kumain. Ipagluluto na lang kita para sulit naman ang pagod mo sa pagsundo sa akin,” nakangiti niyang sagot. “Gusto mo ba ’yon?”
“Oo naman,” mabilis nitong sagot. Sino bang lalaki ang aayaw na ipagluto siya ng isang napakagandang babaeng tulad mo?“
“Hindi mo ako kailangang bolahin, nakasimangot niyang sagot.
“Ba’t naman kita bobolahin?”
“Lagi mo kaya akong binobola. Akala mo siguro naniniwala ako.”
Natawa nang mahina si Jerimie.
“Anong nakakatawa?” nagsusungit niyang tanong.
“Ikaw. Porke alam mong lalo kang gumaganda kapag nagagalit kang ganyan, ginagawa mo namang hobby ang magalit,” natatawa pa rin niyang sagot.
“Haay!” Napabuntonghininga na lang siya. “Ayusin mo ang pagmamaneho para mabilis tayong makauwi.”
“Opo, ma’am!” Tuluyan nang humalakhak si Jerimie.
NANG makarating sila sa apartment ni Cheska ay saglit siyang nagpaalam sa kasama. “Magbibihis lang muna ako bago magluto. Manood ka na lang muna ng tv diyan.”
“Dumiretso na kaya ako sa kusina at makialam sa ref mo. Tutulungan na kitang magluto para mas mabilis tayong makakain.”
“Gutom ka na ba?” nag-aalangang tanong niya.
Hinimas pa ni Jerimie ang kanyang tiyan bago sumagot, “Medyo…”
“Naku, sorry. Dapat pala kumain na lang tayo kanina bago mo ako inihatid dito. Hindi mo kasi sinabi.”
“Okay lang. Gusto ko rin namang matikman ulit ang luto mo. Nami-miss ko na kasi.” Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkindat ni Jerimie.
Pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng pisngi kaya agad na siyang tumalikod para pumunta sa kuwarto at magbihis. “Magpapalit lang ako ng suot. Ikaw ang bahala kung gusto mong tumulong sa pagluluto. May binili akong karne kagabi diyan sa meat shop sa kanto. Kunin mo na lang sa ref. May mga gulay din doon, ’yung binili pa natin sa La Union. “
Naiwan sa salas si Jerimie. Nagpasya siyang pumunta sa kusina. Binuksan niya ang ref at tiningnan kung ano ang puwede niyang lutuin. Nakita niya ang beef sa freezer. Kinuha niya iyon pati na rin ang brocolli na nasa lalagyan ng mga gulay. Kumuha na rin siya ng iba pang pangsahog.
Naabutan siya ni Cheska na naghihiwa ng beef. “Anong lulutuin natin?” tanong niya rito.
“Beef brocolli para mabilis maluto. Magsaing ka na. Hindi ko kasi alam kung nasaan ang bigas.” Patuloy lang siya sa kanyang ginagawa.
“Okay, ako na ang bahalang magsaing.” Kinuha niya ang kaldero ng rice cooker at naglagay ng bigas. Pagkatapos ay hinugasan iyon at nilagyan ng tubig at saka isinalang.
Si Jerimie ay tapos nang ihanda ang lulutuing ulam. Isinalang na niya ang induction pan sa induction cooker at nagsimulang magluto.
Hindi nagtagal at handa na ang kanilang hapunan.
Magana nilang pinagsaluhan ang nilutong beef brocolli ni Jerimie at Jasmine rice ni Cheska.
“Ang sabi ko, ipagluluto kita. Ang ending, ikaw rin ang nagluto,” nahihiyang sabi ni Cheska.
“Okay lang ’yon. Ang importante, magkasabay tayong kumain,” sabi naman nito habang titig na titig sa kanya.
Sasagot sana siya pero biglang tumunog ang telepono ni Jerimie.
Dinukot ng lalaki sa bulsa ng pantalon ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Si Gina.
Sumenyas siya kay Cheska na sasagutin niya ang tawag at saka siya tumayo at bahagyang tumalikod rito.
Sinagot niya ang tawag. “Napatawag ka?”
Narinig niyang parang umiiyak ang nurse ni Zinnia. Bigla siyang kinabahan. “Sir, pumunta ka po rito sa bahay ngayon na po. Pakiusap…”
“Anong nangyari?”
“Si Ma’am Maddy po, nagwawala na naman,” nababahalang sabi nito. “Nagalit po siya kay Diday. Itinulak niya si Diday sa hagdan!”
“Jesus!”
Author’s note:
Nasa comment po ang recipe ng Beef Brocolli a la Jerimie. Puwede niyo pong subukang lutuin sa inyong mga tahanan.
Chapter 25
HALOS paliparin ni Jerimie ang kotse para makarating agad sa bahay ni Maddy. Hindi niya inasahang aabot sa ganoong klaseng pananakit ng tao ang pagiging sugapa nito sa alak. Wala naman sigurong ginawang hindi maganda si Diday para itulak ito ni Maddy sa hagdan. Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip kung bakit naging ganito si Maddy.
Si Gina ang nagbukas ng gate pagdating niya.
“Nasaan si Diday?” agad niyang tanong pagkababa niya sa kotse. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“Nasa kuwarto niya, sir. Iyak nang iyak,” sagot ng nurse na halata rin ang concern sa kasambahay.
“Si Zinnia, kumusta?”
“Tulog na po siya. Pero takot na takot rin siya kanina nang mahulog sa hagdan si Diday. Nakita niya po kasi…”
Mabilis na nagtungo si Jerimie sa silid ni Diday kasunod si Gina. Nadatnan niyang nakaupo ito sa gilid ng kama at tahimik na umiiyak.
“Anong masakit sa’yo?”
“Nananakit lang po ang katawan ko, ser. Pero okay na po ako. Bukas po, hindi na ito masakit.”
“Babalikan kita rito. May kokomprontahin lang ako.” Lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa silid ni Maddy.
Nagdilim ang mukha niya nang maabutang may hawak pang alak ang babae.
“What are you doing here?” tanong ni Maddy na namumungay na ang mga mata sa kalasingan.
“What am I doing here? What are you doing here?! Bakit mo itinulak si Diday sa hagdan?” Hindi niya napigilan ang sarili kaya nakapagtaas siya ng boses. “Papatayin mo ba ’yung tao?”
Mapaklang ngumiti si Maddy. “Ang bilis talaga ng balita. Nakarating agad sa’yo ’yon?” Parang balewala lang rito ang nangyari. Walang makikitang pagsisisi sa mukha nito.
“You’re sick!”
“No, I’m not,” sagot nito at saka humalakhak. “Gusto ko lang ng alak. Ayaw niya akong bigyan,” sabi nito sa tonong tila nang-aasar.
“Kaya itinulak mo siya,” nanggigigil niyang sabi.
Ngumisi lang ang babae at saka muling nagsalita, “May dala ka bang alak?”
“Tigilan mo na ang pesteng alak na ’yan!” Tinabig niya ang kamay ng babae at nabitiwan nito ang basong may lamang alak. “Pati kay Zinnia, ipinapakita mo ang ganyang pag-uugali. Mahiya ka naman sa anak mo!”
“What’s your problem? Sinasayang mo ang alak ko. Binili ko ’yan!” bangag na talaga si Maddy at tila wala na sa sarling katinuan.
Hindi na siya nakapagpigil. Bigla niyang hinawakan sa magkabilang balikat si Maddy at saka pinagsabihan. “Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Kailan mo ba titigilan ang pag-inom ng alak? Kailan ka hihinto sa paninigarilyo? Kailan mo bibitawan ang mga bisyo mo? Pati si Zinnia hindi mo na naaalagaan. Kapag hindi ka umayos, mas mabuti pang kunin ko na lang siya sa’yo!”
Matapang siyang tinitigan ng babae. “You cannot do that.”
“Then, try me. Gagawin ko ang lahat para makuha sa’yo si Zinnia kapag hindi ka nagbago,” seryoso niyang banta rito.
Nakipagtitigan lang sa kanya ang babae. Wala yata itong balak sumuko.
“I’m warning you, Maddy. Ayusin mo ang buhay mo o tayong dalawa ang magkakagulo. Kayang-kaya kong ihinto ang sustento mo.”
“Hindi mo magagawa ’yan,” kampanteng sabi ni Maddy.
“Alam mong kaya kong gawin. Kaya umayos ka.” Itinulak niya ito sa kama at agad na lumabas ng silid.
Bumalik siya sa silid ni Diday at kinausap ito. “Halika, sumama ka sa akin. Ipapa-check up kita sa ospital.”
“Huwag na po, ser,” tanggi niya. “Wala naman sigurong problema. Masakit lang ang katawan ko dahil sa pagkakahulog. Pero maayos naman po ako.”
“Kahit na. Mabuti na ’yong sigurado,” nag-insist pa rin si Jerimie. “Kargo kita dahil ako ang kumuha sa’yo sa agency.”
Wala nang nagawa si Diday kundi sumunod sa gustong mangyari ng kanyang amo.
Dinala ni Jerimie ang kasambahay sa pinakamalapit na ospital. Sinuri ng doktor si Diday at nang matiyak na wala namang pinsala sa loob ng katawan nito ay saka lamang sila pinayagang makauwi ng doktor.
Tulog na ang mga tao sa bahay nang sila’y dumating. Maging si Maddy ay mahimbing na ang tulog.
“Maraming salamat po, ser,” naiiyak na sabi ni Diday. “Kung hindi lang po kayo mabait, matagal ko na talagang gustong umalis dito. Hindi ko na po matatagalan ang ugali ni Ma’am Maddy.”
“Pagpasensyahan mo na lang sana siya, Diday. Ako na ang humihingi sa’yo ng pasensya.” Awang-awa siya rito. Kahit lumaki siya sa may sinasabing pamilya, kailan man ay hindi siya nanakit ng mga kasambahay. Kaya galit na galit siya sa ginawa ni Maddy kay Diday. Si Maddy pa talaga ang gagawa ng ganoon?
Tumango na lang si Diday at binigyan siya ng isang mapait na ngiti.
Naglakad siya papalabas ng kuwarto ng kasambahay. “Diday, pakisara mo itong gate. Uuwi na ako.”
“Opo, ser…”
Habang pauwi ay nagpupuyos pa rin ang loob niya sa inuugali ni Maddy. Ginawa na niya lahat ng puwede niyang gawin. Sinunod na niya ang mga gusto nito. Sumobra ba siya sa pagsunod dito kaya ngayon ay umaabuso na rin ito?
KINABUKASAN ay maagang pumasok sa trabaho si Cheska. Paglabas niya ng apartment ay nagulat pa siya sa taong nakita niyang tila naghihintay sa kanya. May dala itong isang bouquet of red roses.
“Gordon! Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman itong tinitirhan ko?”
“Nagtanong ako kay Kenly. Ibibigay ko lang sana sa’yo ito,” nakangiting sagot nito habang iniaabot sa kanya ang pumpon ng mga rosas.
“Gordon, ’di ba nag-usap na tayo? May boyfriend na ako,” sabi niya rito nang hindi tinatanggap ang dala nitong mga bulaklak.
“Tanggapin mo, please…” Bahagyang pumiyok ang boses nito. “It will make me very happy…”
Para siyang nakonsensya nang makita ang lungkot sa mukha ni Gordon. Kilala naman niya ito bilang isang mabait na tao. Kung nagkataon nga sigurong hindi pa niya nakokontrata si Jerimie ay pasado na ito sa kanya bilang boyfriend na rekomendado ng mga kaibigan niya. Kaso nga, may naipakilala na siyang boyfriend sa mga kaibigan niya.
Tinanggap niya ang ibinibigay na bulaklak ni Gordon. “S-salamat dito… Sana huwag ka nang mag-abala sa susunod.” Ayaw man niyang ipahiya ang binata ay kailangan niya itong prangkahin para hindi na rin ito umasa. Dahil alam niya sa puso niya na kahit hindi niya totoong boyfriend si Jerimie ay hindi niya magagawang tumingin sa ibang lalaki. Iba na ang nararamdaman niya sa kanyang dummy boyfriend. At somehow, gusto rin niyang umasa na ganoon din si Jerimie sa kanya.
“Hindi, Cheska,” seryosong sabi ni Gordon. “Pinalagpas ko na ang pagkakataon noong college pa tayo. Ngayong nakita kitang muli at single ka pa rin naman, bigyan mo naman sana ako ng pagkakataon na mapalapit sa puso mo.”
“May boyfriend na nga ako, ba’t ba ang kulit mo?” Nakaramdam siya ng pagkainis sa dating kaklase. Ano ba ang gusto nitong patunayan?
“Pasensya ka na. Ayoko lang sigurong mawala ka ulit sa akin.”
“Nakakatawa ka,” sarkastiko niyang sabi. “Hindi ako nawala sa’yo. In the first place, hindi naman ako naging sa’yo. Kaya sana, huwag na nating guluhin ang sitwasyon. Huli ka nang dumating at ayokong masira ang kung ano mang mayroon ako ngayon para lang i-accommodate ka. Sorry, Gordon. Hindi talaga puwede.” Binitiwan niya ang bulaklak na bigay nito at hinayaang bumagsak sa semento, at saka niya pinara ang dumaang taksi.
Naiwang walang imik si Gordon. Pero hindi ibig sabihin na talo na siya. Nagsisimula pa ang siyang ipaglaban ang pag-ibig niya kay Cheska. Hindi pa siya kilala ni Cheska. Hindi siya ang tipo na madaling sumusuko sa laban.
Chapter 26
NANG muling magkita silang apat na magkakaibigan sa apartment ni Kenly ay nabanggit ni Cheska ang tungkol kay Gordon.
“Oy bakla, ikaw pala ang nagbigay ng address ko kay Gordon,” sita niya kay Kenly. “Naku, huwag ka nang magbibigay do’n ng kahit na anong information tungkol sa akin.”
“Bakit naman? Mabait naman ’yung tao, ah?”
“Mabait nga, napakakulit naman. Alam na ngang may boyfriend na ako ipipilit pa ang sarili niya. Nakakaloka! Bigla na lang lumilitaw sa bahay at may dalang bulaklak.”
“Ayaw mo no’n? Kung dati ay walang bubuyog na gustong sumimsim sa bango mo, ngayon dalawa pa silang gustong tumikim sa’yo!” natatawang sabi ni Kenly na ikinatawa rin nina Mariel at Portia.
“Ang laswa mo, bakla! Kadiri ka!” Hinampas niya sa braso ang kaibigan pero nakaiwas kaagad ito kaya hindi niya tinamaan.
“Pero guwapo talaga ’yung Jerimie mo, ha? Lumalaban ng paguwapuhan sa boyfriend naming tatlo.”
“Naman! Hahanap ba ako ng kamag-anak ni Chaka doll? Eh, ’di nilait n’yo lang siya at pinagtawanan. Mga laitera pa naman kayong tatlo!”
“Nakaka-hurt ka, girl!” tili ni Mariel kasunod ang paghalakhak. Sanay silang apat na magbalahuraan kaya hindi sila nasasaktan sa mga palitan nila ng hindi magagandang komento sa isa’t isa.
“Gwapo nga. Matangkad nga. At maganda nga ang kulay ng balat… Pero ang tanong, malaki ba?” sabad ni Portia sa usapan.
“True! Dakota ba ang boylet mo, teh? Kasi walang silbi ang kaguwapuhan niya at tangkad kung siling pangsigang lang ang peg ng notes,” excited na pagsang-ayon ni Kenly.
Hindi siya nakasagot. Paano siyang sasagot eh, hindi naman niya alam?
“Ano?” untag ni Mariel. “Naghihintay kami ng iyong big revelation,” humahagikgik na sabi nito na in-emphasize pa ang salitang “big” at saka nakipag-high five pa ito kina Kenly at Portia.
Napunta lahat kay Cheska ang mga mata ng tatlo niyang kaibigan. Hinihintay ng mga ito ang sasabihin niya.
“M-malay ko… Bago pa lang naman kami. Siyempre hindi ko pa alam ang sagot diyan. Wala pa namang nangyayari,” palusot pa niya.
“Bakit? Wala bang screening committee bago mo siya sinagot?” nagtatakang tanong ni Kenly.
“Gaga!” singhal niya rito. “Magmumukha akong malandi kung gagawin kong basehan iyon para maging boyfriend ko siya.” At saka lang niya naisip na siya rin ang nasapol ng kanyang sinabi. Hindi nga ba’t nag-request siya kay Jerimie na ipakita ang bedroom showcase nito? Kaso nga lang tumanggi ito sa kanya nang bonggang-bongga.
“Well, acquitted ka ngayon, girl!” deklara ni Kenly. “Pero dapat na gumawa ka ng paraan para makita ang itinatagong kabuhayan ng jowa mo. Kailangang may maibalita ka sa amin next time na magkita-kita tayo.”
“Naku, hindi n’yo na ako mapre-pressure! Tama nang sinunod ko kayo at nag-boyfriend na ako. Okay na ’yon,” matigas niyang sabi.
Nagkatinginan lang ang tatlo niyang kaibigan. Bawat isa ay tila hindi sang-ayon sa sinabi niya.
“Maiba ako,” biglang sabi ni Mariel. “Na-confirm mo na ba ’yong sinabi ko sa’yo tungkol sa lalaki mo? Pinaamin mo na ba siya kung sino iyong babaeng kasama niya sa mall na nakapulupot sa kanya?”
“Hindi pa, eh. Nahihiya akong magtanong,” asiwa niyang sagot.
“Teh, girlfriend ka kaya karapatan mong magtanong,” susog ni Kenly. Itong mga kaibigan niya, kalahi yata lahat ni Gabriela Silang. Puro palaban!
“Ikaw rin, baka niloloko ka na wala ka pang kaalam-alam,” paalala naman ni Portia.
Hanggang sa maghiwalay silang magkakaibigan ay nakatanim sa isip ni Cheska ang mga pinag-usapan nila. Oo nga at hindi naman ito totoong boyfriend niya, pero kung may iba itong girlfriend o asawa kaya ay dapat na niyang putulin ang usapan nila. Kahit biro ay hindi niya pinangarap na mapagbintangang mang-aagaw ng lalaki.
Malalim na ang gabi nang makatanggap siya ng tawag mula kay Jerimie.
“Kumusta?” tanong ni Jerimie kay Cheska? “Sorry, hindi kita nasundo kanina.”
“Hindi mo naman kailangang sunduin ako araw-araw,” paalala niya rito. “Nag-bonding kami sa apartment ni Kenly, ayos naman. Konting kasiyahan lang. Tapos, umuwi rin ako kaagad.”
“That’s great!” naibulalas ni Jerimie.
“Jerimie…”
“O, bakit?”
“P-puwede ba tayong magkita bukas?” nag-aalangang tanong niya.
“Oo naman, after work dadaan na lang ako sa office mo. Nami-miss mo na ba ako?” Narinig niyang tumawa nang mahina si Jerimie.
“Hindi, noh! May gusto lang sana akong itanong sa’yo.”
“Eh, ba’t hindi mo pa itanong ngayon. Puwede naman, ’di ba?”
“Bukas na lang…”
“May kasalanan ba ako?” Biglang gumapang ang kuryusidad kay Jerimie. Iniisip niya kung ano kaya iyong itatanong daw ni Cheska.
“May ginawa ka bang kasalanan?”
“Wala!” mabilis nitong tanggi. “Ano namang kasalanan ang gagawin ko?”
“Malay ko? Hindi naman kita kasama araw-araw.”
“Eh, ’di magpakasal na tayo para sa iisang bahay na lang tayo titira,” seryosong sabi ni Jerimie at napansin ni Cheska na hindi nagbibiro ang kausap niya.
“Baliw ka talaga. Ang pinakakasalan eh ’yung girlfriend, totoong girlfriend. Huwag mo akong inaano riyan, baka anuhin rin kita.”
“Anong anuhin?” nagtatakang tanong ni Jerimie.
“Wala, basta kita na lang tayo bukas.”
“Ngayon pa lang excited na ako,” sabi pa nito. Just the thought of seeing you again makes me want to giggle, gusto niyang idugtong iyan pero biglang umurong yata ang dila niya.
“I’ll see you tomorrow. Bye!” Kahit natapos na ang pag-uusap nila ay hindi pa rin nawala sa isip ni Cheska ang biro ni Jerimie tungkol sa kasal. Bakit parang may bahagi ng puso niya na umaasang sana ay totoo na lang ang birong iyon?
NANG sunduin siya ni Jerimie kinabukasan ay muli siyang humanga sa simple pero eleganteng pagdadala nito ng damit na suot. Bakit kaya kahit ano ang isuot ng lalaking ito ay nadadala nito nang maayos at mas lumalabas ang kaguwapuhan nito? Malaking-malaki ang ngiting isinalubong nito sa kanya nang puntahan niya ito sa labas ng opisina.
“Sorry, na-late ako ng ilang minuto. Pinaglinis pa kasi ako ni boss ng toilet,” nakangiting sabi nito na alam naman niyang biro lang. Akala yata ng lalaking ito ay naniniwala talaga siyang janitor ito sa opisina.
“Asa. Walang janitor na pumapasok sa opisina nang nakakotse,” nakairap niyang sabi rito na ikinatawa lang nito.
Binuksan ni Jerimie ang pinto ng kotse. “Sakay na…”
Nang makasakay na rin si Jerimie ay saka ito nagtanong, “Saan mo gustong pumunta?”
“Kahit saan. Sa lugar na puwede tayong mag-usap,” kaswal niyang sagot.
“Gusto mo bang doon na lang tayo ulit sa restaurant na pinuntahan natin no’ng first time tayong magkita? Sa Le Bon Chef. May function room sila roon.” Pina-start niya ang makina ng sasakyan at banayad itong pinatakbo.
“Function room talaga?” Napangiti siya.
“Oo, para may privacy. Mag-uusap tayo, ’di ba? Mukha pa namang seryoso ang pag-uusapan natin kaya mas mabuti nang kumuha tayo ng function room.” Diretso lang na pinatatakbo niya ang kotse habang nagpapaliwanag siya sa kausap.
“Gagastos pa tayo para mag-usap. Puwede naman doon sa loob ng resto lang.”
“Sa loob din naman ng resto ’yong function room. Doon na lang tayo. Para kung brebreykin mo na pala ako at bigla akong maiyak sa lungkot, eh hindi ako nakakahiya sa ibang tao.”
Sapul! Hindi ba’t plano niyang tapusin na ang pekeng relasyon nila kapag nalaman niyang may sabit na ang lalaking ito?
“O, hindi ka na kumibo.” Nakita niyang saglit siyang sinulyapan ni Jerimie.
“Ikaw na ang bahala kung saan mo gusto,” sabi niya rito.
Nang makarating sila sa restaurant ay kinausap ni Jerimie ang isang manager para makuha nila ang function room. Ilang sandali lang ay hinatid na sila ng isang staff sa second floor ng resto kung saan naroon ang function room. Tipikal na kuwarto lang ito na ginagamit sa meeting at iba pang small business gathering. Umupo sila. Ipinatong ni Cheska ang dalang bag sa isang bakanteng upuan. Si Jerimie naman ay nag-order na ng makakain.
Pagkaalis ng staff ay nagtanong si Jerimie. “Actually, kagabi ko pa iniisip kung ano ang itatanong mo sa akin. Ano nga ba ’yun?”
“Hindi ba may qualifications akong sinabi doon sa mga nag-apply na boyfriend ko?”
“Oo… At alam kong na-meet ko lahat ng qualifications. Bakit?”
“So, single ka?”
“Sa pagkakaalam ko, wala akong sabit.” Alam na ba ni Cheska ang tungkol kay Zinnia?
“Gusto ko sanang mag-request sa’yo.”
“Ng ano?” Tiningnan siya nito sa mata.
Sinalubong niya ng tingin ang nagtatanong na mga mata ng kausap. “Gusto kong magkuwento ka sa akin ng tungkol sa’yo, sa buhay mo. Iyong kuwentong walang halong biro. Iyong seryoso. Ipakilala mo sa akin kung sino ka talaga, Jerimie.”
Chapter 27
NAGSALUBONG ang kilay ni Jerimie. Bakit biglang nagtanong si Cheska ng tungkol sa pagkatao niya?
“May problema ba tayo?” prangkang tanong niya kay Cheska sa paraang hindi naman ito mao-offend.
“Wala naman. Naisip ko lang na tutal madalas na tayong magkakasama, hindi naman siguro masamang makilala natin nang totoo ang isa’t-isa,” palusot niya. Bumubuwelo pa siya kung paano isisingit ang gusto niya talagang itanong.
“Ano exactly ang gusto mong malaman tungkol sa akin?”
Sasagot na sana siya pero pumasok sa silid ang waiter na dala ang in-order nilang pagkain kaya hindi na muna siya nagsalita.
Nang makaalis ang waiter ay naunahan naman siya ni Jerimie. “Kain na muna tayo. Puwede naman tayong mag-usap habang kumakain.”
“Ah, s-sige…” Tiningnan niya ang mga pagkain sa mesa at naglagay ng konting Peruvian fried rice sa kanyang plato. Kumuha rin siya ng isang slice ng boneless ribeye steak.
Pagkatapos ay si Jerimie naman ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato.
Nagsimula silang kumain. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ni Jerimie si Cheska.
“As I was saying, ano exactly ang gusto mong malaman sa akin?” muli niyang tanong pagkatapos sumubo ng steak.
Nilunok muna ni Cheska ang laman ng kanyang bibig bago siya sumagot, “The usual things lang naman. Iyong tipong mga bagay na a normal friend would know about her friend.”
“Okay, sige. Tanungin mo na lang ako ng mga gusto mong malaman. At sa bawat tanong mo sa akin, kailangang sagutin mo rin ang kaparehong tanong, para fair,” nakangiti niyang sabi. “Ano, deal?”
Tumango si Cheska. “Deal.” Muli siyang sumubo ng fried rice. Tinikman na rin niya ang prawn soup na kasama sa mga in-order ni Jerimie.
“Umpisahan mo na…”
“Okay, first question… Ano ang course na tinapos mo at ano ang totoong trabaho mo?” Hindi niya inaalis ang tingin kay Jerimie. Gusto niyang makita ang reaksyon nito sa bawat tanong na ibabato niya.
“Graduate ako ng BS Business Administration major in Management. After graduation, nagtayo ako ng maliit na negosyo together with my friends na tinawag naming Cibo Degli Amici Corporation. I’m sure aware ka sa company name dahil isa kami sa sponsors ng project n’yo sa La Union.”
“Oo, nabasa ko nga rin sa boxes ng donations n’yo ’yung name ng company,” pagsang-ayon niya. “Bakit lagi mong sinasabi na janitor ka? Pero paiba-iba naman ng sasakyan.”
“It was a normal joke for me. When we were just starting, isa sa mga nakatokang trabaho ko ay ang maglinis sa office. Noong time na hindi pa namin kayang mag-hire ng utility man. So, nasanay na ako na everytime na may nagtatanong kung ano ang trabaho ko, ganoon ang sinasabi ko especially sa mga bagong kakilala. I don’t care kung maniwala sila o hindi. Pero sa mga business related matters, I am Jerimie Alexander Manderico, the CEO of Cibo Degli Amici Corporation.”
Hindi naitago sa mukha ni Cheska ang paghanga kay Jerimie. At his young age, successful na itong maituturing. Walang-wala siyang sinabi kung ikukumpara sa achievements nito. Anyway, hindi naman siya nakikipagkompetensiya rito. Hindi lang siguro niya inaasahan na ganito kabigatin ang lalaking nagpapanggap na boyfriend niya.
“Ikaw, ’di ba dapat sasagutin mo rin ang mga itinatanong mo sa akin?”
“Oo nga pala. Bachelor of Arts in Mass Communications ang course ko. Alam mo naman ang totoong trabaho ko kaya hindi na ako mag-e-elaborate,” sabi niya rito. “Next question na lang. Nasaan ang parents mo?”
“Nasa US ang parents ko. Green card holders na sila but they don’t want to be US citizens. Gusto lang nilang magkaroon ng US permanent residency status, which they already have.”
“May plan kang sumunod sa kanila doon?”
“I can go there anytime to visit them. Hindi ko naman kailangang tumira roon. Wala pa sa isip ko, sa ngayon.” Uminom ng tubig si Jerimie pagkatapos ay sinabing, “Your turn to answer your question.”
“Nasa province ang parents ko, sa Camarines Sur. My dad is an engineer and a farmer while my mom is a school principal,” walang paligoy-ligoy niyang sagot.
“When you say farmer, what comes to my mind is not the typical farmer we all know. I am thinking that your father is a landowner and he hires farmers to do all the jobs, am I right?”
Marahang tumango si Cheska. “Anong ginagawa mo sa online dating site na ’yon?”
Hindi man lang nagulat si Jerimie sa tanong na iyon ni Cheska. Muli itong nakipagtitigan sa kanya. “Katulad din ng dahilan kung bakit naroon ka,” seryosong sagot nito.
“Para maghanap ng girlfriend? Sa isang online dating site?” gulat niyang tanong. Sa itsura ni Jerimie, hindi na nito kailangang maghanap. Kumbaga sa manok, palay na ang kusang lalapit dito para magpatuka.
“Yes, that’s the truth.”
“I will not buy that,” matapat niyang sabi. Hindi siya makapaniwala na ang taong may sinasabi na katulad ni Jerimie ay mahihirapang makahanap ng babae kaya dadayo pa sa isang online dating site. “Bakit mo gagawin iyon? I mean, bakit doon?”
“Anong masama kung doon ako maghanap? Online dating site is a very common thing in the US and in the UK. Nagbabayad pa nga sila nang mahal para mag-subscribe sa mga ganoong site,” depensa pa nito.
“Sabagay…” Iyon lang ang nasabi niya. Totoo naman kasi ang sinabi ni Jerimie. Marami nang magagandang love story ang nabuo na nagsimula sa isang online dating site. Malas lang niya dahil dummy boyfriend lang ang nahanap niya doon. “Jerimie, may itatanong pa sana ako.”
“Sige lang, ibato mo.”
“Noong nasa La Union tayo tapos lumuwas ka, nagpunta ka ba sa mall habang nandito ka sa Manila?”
Nakita niyang kumunot ang noo ni Jerimie pero hindi nawala ang kaguwapuhan nito.
“Yeah, I remember. Oo, bago kami bumiyahe pabalik ng La Union.”
“Si Elsa? Si Elsa ba ang kasama mo sa mall?” curious niyang tanong.
“Yup, si Elsa,” walang anumang sagot nito. “Hindi ba naikuwento ko na sa’yo na magkasabay kaming bumiyahe paluwas ng Maynila at pabalik ng La Union?”
“O-oo. Nagulat lang ako na may time pa kayo para mag-bonding dito sa Maynila.”
“The night before na bumiyahe kami pabalik ng La Union, tumawag siya sa akin para magpasama sa mall para bumili naman ng regalo sa inaanak niya. Pagkagaling nga sa mall, diretsong biyahe na kami. Isinabay ko na rin siya kasi pabalik na rin siya ng La Union on that day. Tinanggap naman niya tayo nang maayos sa lugar nila. Inasikaso nila tayo, kaya naisip kong hindi naman siguro masama if I’ll return the favor.”
“Kayo na ba?” Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya.
“WHAT?!” gulat na tanong ni Jerimie tapos ay napahalakhak ito nang malakas.
“Anong nakakatawa?” Inirapan niya ang kausap.
“Ikaw! Iniisip mo na may relasyon kami ni Elsa? That’s ridiculous!”
“Ang sweet n’yo kaya lagi. Araw-araw na nandoon tayo sa La Union, wala nang ginawa iyon kundi bumuntot at pumulupot sa’yo. Hiyang-hiya naman sa kanya ang sawa kung makapulupot.”
Tawang-tawa pa rin si Jerimie. “Kaya selos na selos ka.”
“Excuse me!”
“Seriously, wala kaming relasyon. She talked to me bago tayo umalis doon. She told me that she likes me at umaasa siyang magtatapat ako sa kanya bago tayo bumalik ng Maynila…”
Nanlaki ang mga mata ni Cheska. Ang dami niya palang hindi alam.
“Pero magalang ko siyang tinanggihan dahil hindi ko siya mahal.” Habang sinasabi iyon ay hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ni Cheska. Gusto niyang makita nito ang kanyang sinseridad. Ayaw niyang pagdudahan siya nito kahit kaunti lang.
“Naniniwala ako sa’yo…” Binigyan niya ito ng isang matipid na ngiti.
“Salamat…”
“Wala na akong gustong itanong.”
“Ah, Cheska?”
“Y-yes?”
Hindi niya inaasahan ang sasabihin ni Jerimie. “Kailan mo ako dadalhin sa province n’yo? Kailan mo ako ipakikilala sa parents mo?”
“Ha?!”
Chapter 28
NANATILING nakatingin sa kanya si Jerimie. Hinihintay nito ang sagot niya. Nang hindi ito sumagot ay muli siyang nagtanong, “Ano? Kelan?”
Nakita niyang nagbago ang itsura ni Cheska. Bahagya itong umirap at tinaasan siya ng kilay. “Ayokong isali ang mga magulang ko sa kalokohang ito. Sorry…”
“Nakikipaglokohan ba ako?” Nakita ni Cheska ang biglang paglungkot ng mukha ni Jerimie. Bigla ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Na-offend ba niya ang lalaking ito?
Tumayo siya at dinampot ang dalang bag. “Babayaran ko lang sandali itong mga kinain natin.”
“Ako na!” maagap na sabi ni Jerimie sabay tayo na rin at naglakad papalabas ng function room. “Hintayin mo ako rito.”
Saglit itong nawala pero agad ding bumalik. “Halika na, ihahatid na kita.”
“Hindi mo obligasyong ihatid ako araw-araw.”
“I insist.” Hinawakan siya ni Jerimie sa braso at inalalayan papalabas ng function room. Binati pa sila ng store manager nang madaanan nila ito.
“Thank you for coming! Please come again,” magalang nitong sabi sa kanila na sinagot lang ni Jerimie ng isang tango. Siya naman ay napilitang ngumiti.
WALA silang imikan sa kotse hanggang sa basagin ni Cheska ang katahimikan.
“Sorry, I didn’t mean to offend you.”
Sumulyap sa kanya si Jerimie. “Okay lang iyon. Hindi naman ako na-offend. I perfectly understand the situation.”
“Puwede naman tayong pumunta sa province namin kung gusto mo. Puwede mo namang makilala ang mga magulang ko. Pero siguro, I’ll introduce you as a friend. Ayoko naman kasi silang lokohin,” matapat niyang sabi.
“Naiintindihan ko…”
“H-hindi ka galit?” nag-aalangan niyang tanong. Ewan pero ayaw niyang magalit sa kanya si Jerimie.
“Bakit naman ako magagalit? Sabi ko nga, I perfectly understand.” Para siguro maniwala siyang hindi ito galit ay saglit pa itong lumingon sa kanya at ngumiti.
“Salamat…”
“Ikaw kasi ayaw mo pang totohanin,” bulong nito pero dinig na dinig niya.
“Ano kamo?!”
Umiling si Jerimie. “Wala. Magpahinga ka lang diyan. Mukhang matatagalan tayo sa biyahe. Traffic,” palusot pa nito. Nakahinto sila ngayon sa kahabaan ng EDSA. Hindi na naresolba ang problema sa traffic sa kalyeng ito. Sabagay, kahit naman saang parte ng Metro Manila ay hindi nawawala ang problema sa trapiko.
KAUSAP ni Gordon ang isang lalaki sa telepono. Nasa isang bar siya nang oras na iyon para uminom pero lumabas siya saglit dahil maingay sa loob. “Brother Toby, puwede ba akong humingi ng pabor?
“Oo naman. Malakas ka sa akin. Kahit ano, basta kaya ko,” sagot ng kausap niya.
“Hindi ba may background investigation agency ka?”
“Oo, bakit? May ipatatrabaho ka ba?” Nahulaan agad ni Toby ang pakay niya.
“Nasapol mo, Bro! Meron nga.”
“Sino ba ’yan?”
“Hindi naman importante. Gusto ko lang malaman ang background niya.”
“Shoot, Bro! Anong pangalan?”
“Jerimie Alexander Manderico.” Mabuti na lang at sinabi sa kanya ni Kenly ang pangalan ng lalaking iyon.
“Sige, bro. Ipatatrabaho ko agad ito,” kampanteng sabi ni Toby.
“Kailan mo ako mabibigyan ng feedback?”
“Initial feedback after three days, okay na ba ’yon?”
“Okay, sige. Salamat, bro!”
Pagkatapos mag-usap ay muli na siyang pumasok sa loob. Natawag ang atensyon niya ng isang maganda at seksing babae na nagsasayaw sa dance floor. Mukhang lasing na ang babae pero hindi maitatangging sopistikada ang itsura nito. Naaliw siyang pagmasdan ito pati na rin ang iba pang mga sumasayaw sa dance floor habang sa stage naman ay tuloy lang sa pagkanta ang vocalist ng banda.
Mamaya pa’y bumalik na ang babae sa puwesto nito. Nakita ni Gordon na wala itong kasama. Mag-isa lamang itong umiinom sa bahaging iyon ng bar.
Tumayo si Gordon at nilapitan ang babae.
“Are you alone?” tanong niya nang makalapit dito.
Nag-angat ng mukha ang babae para tingnan kung sino ang nagsalita. Nakita niyang nakatayo sa kanyang harapan ang isang guwapong lalaki na kung porma ang pagbabasehan ay masasabi mong may kaya sa buhay.
“Can I join you?” muling tanong ng lalaki na nagpapungay pa ng mga mata.
Nagpakawala ang babae ng isang malanding ngiti bago ito sagot, “Sure…”
Nagmamadaling umupo si Gordon sa tapat ng inuupuan ng babae. “By the way, my name is Gordon.”
“Oh, napakabarako naman ng pangalan mo. I’m Madeline but you can call me Maddy,” malambing na sabi niya.
“Maddy… What a sexy and fierce name! Nice meeting you…”
Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ni Maddy bago nito ininom ang alak na nasa kopita.
Sumenyas ang isang kamay ni Gordon para magtawag ng waiter. Agad namang lumapit sa table nila ang isa.
“Can I take your order, sir?” sabi nito na nakahanda na ang dala nitong order pad at ballpen.
“What do you want to drink, Maddy?” tanong niya rito.
“Give me a Voli Light Vodka,” mabilis na sagot nito.
“Voli Light Vodka, double. At scotch on the rock.”
Inulit ng waiter ang in-order niya. “Sir, you ordered Voli Light Vodka, double and scotch on the rock.”
“Yeah,” pagkumpirma niya. “By the way, may beer pa ako doon sa kabilang table, pakidala na lang dito.” Itinuro niya sa waiter ang table kung saan siya nanggaling kanina.
“Okay, sir.” Pinuntahan ng waiter ang beer sa kabilang table at ibinigay kay Gordon at saka siya umalis para kunin ang in-order nito.
“So, bakit ka nag-iisa?” tanong ni Gordon kay Maddy nang wala na ang waiter.
“I’m so damn bored at home so I decided to unwind, relax and have fun.” Halata sa tono ni Maddy na may tama na ito.
“Why didn’t you bring your friends with you? Para may kasama ka…”
Umismid lang si Maddy. “I don’t have friends!” Tinitigan nito si Gordon at saka muling nagsalita, “You… Can you be my friend?”
“But of course!” mabilis niyang sagot. Sinong lalaki ang aayaw na maging kaibigan ang ganito kagandang babae?
“Then from now on, you are my friend,” humahagikgik na sabi nito. “Ang tagal naman ng in-order mo.”
“Ayan na, the waiter is coming.”
Dumating ang waiter at inilapag sa mesa ang order nila. “Here’s your order, sir. Anything more?”
“Tatawagin na lang kita mamaya.”
“Okay, sir! Enjoy your drinks.” Iniwan na sila ng waiter.
NANG maubos ang iniinom nila ay hindi na naka-order pa ulit si Gordon dahil halos makatulog na sa kalasingan si Maddy.
Binayaran na ni Gordon ang bill para maihatid na niya ang babae.
“Where do you live? Saan kita ihahatid?” tanong niya rito.
“Sa langit…” Muling narinig ni Gordon ang paghagikgik ni Maddy.
Inalalayan niya ito para makatayo pero bahagya pa lang itong umaangat sa silya ay natumba na ito. Tulog! Mabuti na lang at maagap niya itong nasalo.
Minabuti ni Gordon na iuwi si Maddy sa tinutuluyan niyang apartment.
Pagdating sa apartment ay binuhat niya si Maddy at dinala sa kanyang silid. Ibinaba niya ito sa kama. Noon niya napagmasdan ang natutulog na kagandahan. Dala ng tama ng nainom niyang alak, nag-init ang pakiramdam ni Gordon. Nanuyo ang kanyang lalamunan. Nasa harap niya ang makatutugon sa nadaramang init ng kanyang katawan.
Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Maddy. Napahinto siya nang bahagya itong umungol at gumalaw. Makalipas ang ilang segundo ay tahimik na itong muli. At nagawang ilapat ni Gordon ang labi niya sa labi ng tulog na tulog na babae.
Sa una ay banayad ang ginawa niyang paghalik. Hanggang sa ang utak niya ay sakupin na ng ’di makontrol na pananabik. Naging malikot na rin ang kanyang mga kamay. Wala na siyang pakialam kung magising man si Maddy.
At nagmulat nga ng mga mata ang babae. Subalit imbes na pigilan siya sa kanyang ginagawa ay gumanti ito ng mainit na halik sa kanya.
Chapter 29
NAGMULAT ng mga mata si Maddy sa isang ’di pamilyar na silid. Pilit niyang inalala ang nangyari noong nakaraang magdamag pero tanging ang maiinit na halik ng isang lalaki ang malinaw na naglalaro sa kanyang isip.
Nahagip ng mata niya ang hubo’t hubad na lalaking nakadapa sa kanyang tabi. Wala itong kumot kaya lantad ang matambok nitong puwet.
Dali-dali siyang bumangon at nagbihis. Naalala na niya. May lalaking lumapit sa kanya sa bar at nakipagkuwentuhan. Umorder pa nga ito ng inumin para sa kanya.
Pagkabihis ay inayos niya ang sarili, tapos ay binalikan ang natutulog pang lalaki.
“Hey, wake up! Where am I? Where’s my car?” talak niya sa lalaking tulog.
Pupungas-pungas na nagmulat ng mga mata si Gordon. Nasalubong ng tingin niya si Maddy. Mas maganda pala ito sa maliwanag.
“Ano?! Tititigan mo na lang ba ako? I’m asking you kung nasaan ang kotse ko?” Natural na yata talaga kay Maddy ang magsalita sa malakas na tinig. Iyong akala mo’y nasa malayo ang kausap nito.
“Saan ka ba nag-park? Siyempre isinakay kita sa kotse ko kaya kung saan ka nag-park, malamang nandoon pa rin ang kotse mo.” Bumangon si Gordon nang hindi man lang nag-abalang takpan ang kanyang kahubaran. Bakit nga naman siya mahihiya kay Maddy samantalang sukdulan na nga ang ginawa nila kagabi?
“Okay, aalis na ako,” sabi niya at agad na humakbang papalabas ng kuwarto.
“Wait! Magbibihis lang ako. Ihahatid na kita sa bar.”
“Huwag ka nang mag-abala. I can very well manage.” Taas-kilay itong lumabas ng silid at pabagsak na isinara ang pinto. Naiwan si Gordon na natatawa at nagkakamot ng ulo. Ibang klase rin pala ang babaeng iyon. Parang wala lang rito ang nangyari sa kanila kagabi. Minabuti na lang niyang pumasok sa banyo at maligo.
NASA mall si Cheska para magbayad ng bills. Lunch break na rin naman kaya dito na rin siya kakain. As usual, solo na naman siya. Ang mga katrabaho niya ay sa opisina na lang kakain.
Pagdating niya sa Bayad Center ay may isang lalaking nagbabayad. Mabuti na lang, walang pila. Siya na agad ang kasunod.
Pagkatapos magbayad no’ng lalaki ay pumunta na siya sa cashier. Mabilis naman siyang nakapagbayad. Paalis na siya nang mapansin niya ang maliit na planner na nasa counter. Naiwan siguro no’ng lalaking nauna sa kanya. Luminga-linga siya sa paligid. Baka hindi pa nakakalayo iyong lalaki. Pero hindi na niya ito nakita.
Dinampot niya ang planner at binuksan. Baka sakaling may telephone number na nakasulat doon. Hindi siya nagkamali. Meron nga. Pero ang mas nakatawag ng pansin niya ang ang tila code name na nakasulat na pangalan ng may-ari ng planner. MrOnly4U.
Napatigil siya. Parang pamilyar sa kanya ang code name na iyon. Narinig niya siguro somewhere.
Humakbang na siya para umalis nang mabangga siya sa isang lalaking nagmamadaling maglakad papunta sa counter ng Bayad Center.
“I’m sorry, miss.” Agad na humingi sa kanya ng dispensa ang lalaki. Pero nakita niyang natigilan ito nang magtama ang kanilang tingin.
“Cheska, right?” paniniguro nito. Magkakilala ba sila?
“Yes… Kilala ba kita?” nagtatakang tanong niya. Matangkad ang lalaking nasa harapan niya. Guwapo ito at maganda ang katawan.
“I’m Uriel Canaleja,” nakangiting sabi nito.
Nanlaki ag mga mata niya. “OMG! Engr. Uriel Canaleja?” Mas guwapo ito sa personal kesa sa webcam noong ka-chat niya ito.
Nakangiting tumango ang kausap niya.
“Sa’yo ba ito?” Itinaas niya ang hawak na planner.
“Oh, napulot mo pala. Akala ko naiwan ko sa Bayad Center.”
“Naiwan mo nga, doon ko napulot. Kinuha ko para tatawagan na lang sana kita,” sabi niya habang ibinigay rito ang planner.
“Thank you. So, where are you going?” tanong ng lalaki.
“Magla-lunch…”
Nagliwanag ang mukha ng lalaki. “Puwede ba akong sumabay?”
Wala sa loob na napatango siya. Huli na nang maisip niya kung tama ba ang ginawa niya. Nakita na lang niya ang sarili na naglalakad kasabay si Uriel at naghahanap sila ng makakainan.
Wala namang masama kung kumain sila nang sabay, pampalubag-loob niya sa sarili.
Sa isang chicken house sila napadpad. Umorder si Uriel ng makakain nila habang naghihintay siya sa isang pandalawahang mesa na siya ang pumili. Nasa bandang sulok iyon dahil halos puno ng customers ang restaurant.
Nang magsimula silang kumain ay mas nagkaroon siya ng chance na pagmasdan ang lalaki. Maamo ang mukha nito. Mukha itong mabait. Tama lang ang kulay nito. Hindi maputi, hindi maitim. Sa pagkakangiti nito ay nakita niya ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Hindi yata na-experience ng lalaking ito na masiraan ng ngipin. Abala siya sa pagkilatis sa itsura ni Uriel kaya muntik na siyang masamid nang biglang magsalita ito.
“Naalala mo ba ang sinabi ko sa’yo dati na you’re gorgeous?”
“Yeah,” nahihiya niyang sagot. “Noong unang beses tayong nagka-chat, ’di ba?”
Nakangiti itong tumango. “At nag-apply nga ako as boyfriend mo… Kaso, ’di ako natanggap.” Biglang lumungkot ang boses nito. “Nakiusap pa nga ako sa’yo kung puwedeng maging friends tayo if ever hindi ako ang mapili mong boyfriend. Pero hindi mo na ako kinontak after mong mag-send ng notice na rejected ako.”
“S-sorry… Naging busy kasi ako sa work.”
“You don’t have to say sorry. I understand. In the first place, hindi mo naman obligation na pilitin ang sarili mo na makipagkaibigan sa akin. Pero I want to tell you na I’m very happy right now, dahil nagkita tayo accidentally at magkasama tayo ngayon. Maybe, okay na itong maging start ng friendship…”
“Why not? Mukha ka namang mabait…”
“Mabait talaga ako… sabi ng nanay ko.”
Natawa siya sa biro ng lalaki. Noong kausap niya ito sa webcam, naramdaman na niyang mabuti itong tao. Na totoo ito.
“Friends na nga siguro tayo,” biglang nasabi nito.
“Bakit?”
“Tumatawa ka na, eh. Ibig sabihin noon, at ease ka na sa akin.” Hindi nawawala ang ngiti nito.
Nang maghiwalay silang dalawa ay nakuha na nila ang numero ng isa’t isa.
Kababalik lang niya sa opisina nang tumawag si Jerimie. “Hindi kita masusundo mamaya, ha? May kailangan akong puntahan mamayang gabi. Importante lang.”
“Ano ka ba? Sabi ko sa’yo, hindi mo obligasyong sunduin ako araw-araw.”
“Pero kasi nga, gusto kong sunduin ka. Kaso nga lang, hindi ako puwede mamaya… Sorry, ha?”
“Sus, ikaw talaga. Wala nga iyon. Okay lang. Marunong naman akong umuwing mag-isa. Wala kang dapat ipag-alala.”
“Thanks,” narinig niyang sabi nito. “I love you…” Mahina lang ang pagkakasabi niyon pero narinig niya. Sigurado siya.
“Anong sabi mo?”
“Sabi ko, thanks…”
“May idinugtong ka pa, ah.”
“Wala naman… Nag-thanks lang ako.”
“Ah, okay… Bumalik ka na sa work at magtatrabaho na rin ako rito.” Narinig niyang tumawa nang mahina si Jerimie.
“Ingat ka sa pag-uwi mamaya. Message mo ako ’pag nakauwi ka na,” bilin pa nito.
Napangiti ni Cheska. Iba ang pakiramdam niya sa sinabi ni Jerimie. Dama niya ang totoong concern nito sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend.
Saka niya naalala na si Jerimie ay nagpapanggap lang bilang boyfriend niya. Pero bakit ramdam niyang totoo ang lahat ng kabutihang ipinapakita nito sa kanya?
Chapter 30
HATINGGABI na nang magising si Cheska sa tunog ng kanyang telepono. Dinampot niya ito para makita kung sino ang tumatawag sa ganoong alanganing oras.
Si Jerimie!
Anong naisipan ng lalaking ito at nang-iistorbo pa sa dis-oras ng gabi?
“Hello… Ba’t napatawag ka? Pasado alas-dose na, alam mo ba iyon?” sita niya rito.
“Nandito ako sa labas ng apartment mo…”
“Ha?! Anong ginagawa mo riyan?” Bumalikwas siya ng bangon at binuksan ang ilaw sa kanyang kuwarto. “Teka, lalabas ako.”
Nagmamadali siyang lumabas at naabutan niya si Jerimie na nakasandal sa kotse nito. Naka-tuck out ang long sleeves polo nito at medyo magulo ang buhok.
“Anong nangyari sa’yo? Para kang nakipaghabulan sa kabayo.”
“I love you, Cheska… I love you! Sigurado ako sa nararamdaman ko. Totohanin na natin ito. Hindi ko na kayang magpanggap.” Mabilis itong nakalapit sa kanya at agad siyang niyakap.
Gulat na gulat si Cheska. Ang mahigpit na yakap ni Jerimie ay sapat na para hindi siya makagalaw. “Teka, teka! Anong nangyayari?”
Inalis ni Jeremie ang pagkakayakap sa kanya tapos ay hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. “Mahal kita! I love you, Cheska. Pumapayag ka bang maging girlfriend kita… nang totohanan?”
Magkahalo ang kaba at sayang tinitigian ni Cheska ang binata. “L-lasing ka ba?”
“Hindi! Hindi ako lasing. I just realized that I need you in my life and I will be empty without you…” Sinalubong ni Jerimie ang titig ng dalaga. “I love you, Cheska. Tapusin na natin ang pagpapanggap at totohanin na natin ang lahat.”
Hindi makasagot si Cheska.
“Will you be my girlfriend? My one and only girlfriend?”
Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Totoo ba ito? Ito na yata ang pinakamaligayang sandali sa buhay niya.
Naghihintay ng sagot niya si Jerimie. “Say yes, please…”
Lumunok si Cheska at pagkatapos ay dahan-dahang bumuka ang bibig. “Y-yes… Yes, Jerimie…”
Muli ay ikinulong siya ni Jerimie sa mga bisig nito. Mas mahigpit pa kaysa kanina. Iyong yakap na parang ayaw na siyang pakawalan nito.
Paulit-ulit na bumulong sa tenga niya si Jerimie. “I love you. I really, really love you from the very first time I saw you…”
Kumawala siya sa pagkakayakap nito. “Hmp! Napagkamalan mo nga akong bakla no’n, eh. Ano iyon, na love at first sight ka sa bakla?” kunwari’y nagtatampong sabi niya.
Natawa nang mahina si Jerimie. “Hindi… Nagbibiro lang ako no’n. Sineryoso mo lang masyado kaya pinanindigan ko na. Pero ang totoo, gustong-gusto na kita noon pa lang. And I promised to myself to pursue you kahit hindi ako ang mapili mong maging dummy boyfriend.”
“Eh, ano nga ba ang ginagawa mo sa online dating site na ’yon? Parang weird kasi na nandoon ka.”
“Ikaw nga nandoon din, eh. Hindi ko inaasahan na ang isang babaeng kasingganda mo ay maghahanap ng boyfriend sa site na iyon. Dummy boyfriend nga pala. Ayokong maniwala na wala kang boyfriend sa ganda mong iyan.” Hindi inaalis ni Jerimie ang malagkit niyang tingin kay Cheska.
“Isa lang ang hihilingin ko sa’yo…”
“Kahit ano, sabihin mo lang.”
“Huwag mo akong lolokohin.”
Umiling si Jerimie. “Hinding-hindi ko gagawin sa’yo ’yon. Sobrang mahal kita para lokohin ko lang.” Narinig ni Cheska na bahagyang pumiyok ang boses nito.
Muli siyang niyakap ni Jerimie. “I love you, Cheska. Thanks for making me so happy…”
“I love you, too and I’m happier,” bulong niya.
Sa ’di kalayuan ay isang lalaki ang kanina pa sila kinukunan ng litrato. Hindi nito naririning ang kanilang pinag-uusapan pero bawat galaw nila ay na-capture na ng kamerang dala nito.
KINABUKASAN ay maaga pa ring nagising si Jerimie kahit alas-tres ng madaling araw na siya nakauwi. Napakasaya niya at ang nangyari kagabi ay nagpataas pang lalo sng kanyang adrenaline. Hindi siya makapaniwalang girlfriend na niya si Cheska. Totoong girlfriend. Hindi na siya isang dummy boyfriend lang.
Sobrang excited siya at gusto na niyang hilahin ang oras para masundo sa opisina si Cheska at makasama niya ito.
BISITA ni Gordon si Toby sa kanyang tinitirhan.
“Pinabibilib mo ako, bro. ’Pag sinabi mong three days, three days talaga.” nakangising sabi ni Gordon sa bisita niyang may hawak na brown envelope.
“Kahit kailan, hindi pa ako nasira sa mga kliyente ko. Dala ko na ang mga impormasyong kailangan mo.” Itinaas nito ang dalang envelope. Tapos ay iniabot kay Gordon. “Eto, see it for yourself.”
Agad na binuksan ni Gordon ang envelope at tiningnan ang mga dokumento sa loob. May laman itong mga litrato. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Nakita niya sa unang larawan si Jerimie habang naglalakad papalabas ng building kung saan naroon ang opisina nito. Sa ikalawang larawan ay naroon naman si Cheska. Sa ikatlong larawan ay sina Nurse Gina at Zinnia ang naroon. Ang pang-apat ay larawan naman nina Jerimie at Cheska habang nasa labas ng apartment ng dalaga at magkayakap. At sa huling larawan ay makikita si Maddy na nagmamaneho ng kotseng papasok sa gate ng tinitirhan nitong bahay.
Nagsalita si Toby. “Initial findings pa lang ’yan. We’ll dig deeper kung gusto mo. Kilala mo ba kung sino ang mga nasa larawan?”
Titig na titig si Gordon sa larawan ni Maddy. Ito ang babaeng nakilala niya sa bar. Anong kaugnayan ng babaeng ito kay Jerimie? “Sino ito?” Ipinakita niya kay Toby ang larawan.
“Ah! Ang pangalan niyan ay Madeline Ludriga. Siya ang ina ng anak ni Jerimie.”
Napanganga si Gordon tapos ay napangisi. Nagbalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Maddy.
“Kasal ba sila?” tanong niya kay Toby.
“Hindi. Pero sustentado siya ni Jerimie pati ang anak nila,” kaswal na sagot nito. Halatang kampante sa mga nakuha nitong impormasyon tungkol kay Jerimie.
“Anong pangalan ng bata?”
“Zinnia Manderico, tatlong taon na siya. Sa nakuha naming impormasyon, may sakit sa puso ang bata at madalas maospital. Mahal na mahal ’yan ni Jerimie at alagang-alaga. Ikinuha pa nga niya ng private nurse para masigurong may titingin dito sa lahat ng oras.”
Napatango-tango si Gordon.
“Iyon namang babae na kasama ni Jerimie sa isang larawan ay si Cheska Divino, girlfriend niya.”
“Kilala ko itong si Cheska,” kaswal na komento ni Gordon.
“Paano, bro? May gusto ka pa bang malaman? Nag-email ako sayo, soft copies ng mga litrato kasama ang mga detalye. May mga ibang litrato pa rin doon na baka kailanganin mo.”
“Wala na, bro. Saktong-sakto itong mga impormasyong nakuha mo. Sapat na ’to para sa kailangan ko,” pahayag ni Gordon. “Ipadala mo na lang sa akin ang bill para sa serbisyo mo.”
“Areglado, bro. Tutuloy na ako. Babalik pa ako sa opisina.”
Nakaalis na si Toby ay hawak pa rin ni Gordon ang mga litratong dala nito. Naglalaro sa isip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Cheska kapag nalamang may anak na ang ipinagmamalaki nitong boyfriend.
Pero paano kung alam na pala ni Cheska ang tungkol sa anak ni Jerimie? Paano kung tanggap naman pala ni Cheska ang bata?
Saglit na nag-isip si Gordon, pagkatapos ay nagpakawala ito ng isang misteryosong ngiti.
Chapter 31
PAGKAALIS ni Toby ay nagbukas si Gordon ng email at hinanap ang ipinadalang files nito. Saglit niyang binasa ang iba pang impormasyong naroon. Napangiti siya nang makita roon ang address nina Jerimie at Maddy. Sabi sa email ni Toby, hindi nagtatrabaho si Maddy at umaasa lang ito sa sustento ni Jerimie. Agad siyang gumayak para puntahan ang tinitirhan ni Maddy. Sana ay abutan niya sa bahay nito si Maddy. Siguradong tatanggapin nito ang business proposal na iaalok niya.
Sakay ng kanyang kotse ay narating ni Gordon ang bahay ni Maddy. Humanga siya sa nakitang facade ng bahay. Moderno ang architectural design nito at alam mong ginastusan talaga. Nag-doorbell siya at hinintay na may magbukas ng gate. Hindi naman siya nainip.
Sinalubong niya nang matamis na ngiti ang babaeng nagbukas ng maliit na gate na pasukan ng mga tao.
“Nandiyan ba si Maddy?” kaagad niyang tanong sa babae.
“Sino po kayo, sir?” tanong ni Diday habang nakatingin sa brown envelope na hawak ni Gordon.
“Pakisabi, kaibigan niya.” Hindi niya inaalis ang kanyang friendly look.
“Ano pong pangalan n’yo, sir?”
“Gusto ko siyang i-surprise, eh. Basta sabihin mo na lang na hinahanap siya ng kaibigan niya.”
“Pumasok na po muna kayo.”
Pumasok si Gordon at sumunod kay Diday.
Pagdating sa sala ay nagsalita muli ang kasambahay, “Maupo po muna kayo. Tatawagin ko lang si Ma’am Maddy.” Iniwan niya si Gordon para puntahan si Maddy sa silid nito.
Inilibot ni Gordon ang tingin niya sa loob ng bahay at muli ay humanga siya sa sopistikadang kaayusan nito. Umupo siya at hinintay ang pagbaba ni Maddy.
Kumatok si Diday sa pinto ng kuwarto ni Maddy. “Ma’am Maddy, may bisita po kayo.”
Nang walang sumagot ay muli siyang kumatok kasabay ang pagtawag sa amo, “Ma’am Maddy…”
Ilang saglit pa at bumukas na ang pinto.
“Ba’t ang ingay-ingay mo? Nagpapahinga ako.” sita nito kay Diday.
“May bisita po kayo. Kaibigan n’yo raw po,” sagot ng kasambahay.
“Sinong kaibigan?” Bumakas sa mukha niya ang pagtataka. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw.
“Ayaw pong sabihin, eh. Gusto niya raw po kayong sorpresahin. Andoon po siya sa salas, hinihintay ka.”
Nanlaki ang mga mata ni Maddy at galit na binulyawan si Diday. “Nagpapasok ka sa bahay ng taong hindi mo kilala?!”
“Ma’am, kasi… kaibigan n’yo raw po siya. Baka magalit kayo sa akin ’pag pinaghintay ko siya sa labas ng gate,” rason ni Diday.
“Ang tanga-tanga mo!” matalim na sigaw niya sa kausap. “Padaan diyan! Huwag kang haharang-harang sa dadaanan ko.” Nauna na itong naglakad papunta sa salas upang tingnan kung sino ang bisita niya raw.
Napatayo si Gordon nang makitang papalapit sa kanya si Maddy. “Good morning!” nakangiting bati niya sa babae.
“Ikaw?” gulat na reaksyon ni Maddy. “Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalamang dito ako nakatira?”
“Hindi na importante ’yon. Ang mas mahalaga ay ang dahilan kung bakit kita pinuntahan dito.” Nagmukhang demonyo sa pagkakangisi si Gordon.
Tumaas ang kilay ni Maddy. “Anong sadya mo? What do you want from me?”
“Ikaw ang mas may kailangan sa akin.” Hindi nagbabago ang reaksyon ng mukha nito.
“What are you saying?” Gusto nang tilian ni Maddy ang lalaki pero pinili niya ang magtimpi. Hindi pa niya alam kung ano ang totoong dahilan ng pagpunta nito sa bahay niya.
“Dito ba tayo mag-uusap? Ayoko sanang marinig ng ibang tao rito ang pag-uusapan natin.”
Sumimangot si Maddy bago nagsalita, “Sumunod ka sa akin. Doon tayo sa pool area.” At naglakad ito papunta sa swimming pool. Naabutan nila roon si Zinnia na naglalaro sa pool kasama si Gina.
“Ipasok mo na sa kuwarto niya ang bata,” utos niya sa nurse.
Tumango si Gina. “Yes, Ma’am.” Bumaling ito kay Zinnia. “Come here. Let’s go to your room now. I’ll read stories for you.”
Namilog ang mga mata ng bata. “Yippee! Storytelling time!” sigaw nito na tuwang-tuwa sa sinabi ni Gina. Paborito talaga ni Zinnia ang makinig sa mga fairy tales na binabasa ni Gina mula sa Storytime Series book na regalo sa kanya ng Daddy Jerimie niya. Mabilis siyang naiahon ni Gina sa pool at magkahawak-kamay silang naglakad papasok sa loob ng bahay.
Sinundan pa ng tingin ni Gordon ang paslit. Ito pala ang anak ni Jerimie.
“O, ano ang sasabihin mo? Bilisan mo dahil busy ako.” Pinandilatan niya ang lalaki.
“Kalma lang,” natatawang sabi ni Gordon. “Here, may sorpresa ako sa’yo.” Iniabot niya kay Maddy ang envelope na hawak.
“Ano ’to?”
“Puwede mong buksan…” Kalmado lang si Gordon. Inaabangan niya ang magiging reaksyon ni Maddy kapag nakita ang laman ng envelope.
Binuksan ng babae ang hawak na envelope at kinuha ang laman. Mga litrato.
Napakunot ang noo ni Maddy nang makita ang mga litrato ni Jerimie na may kayakap na babae. Sa ibang litrato ay makikitang magkaharap lang ang dalawa at tila ba nag-uusap.
Mala-demonyo ang ngiti ni Gordon. Tama ang hinala niya na hindi pa nga alam ni Maddy ang tungkol kay Cheska at Jerimie.
“Sino ang babaeng ito?” singhal niya kay Gordon.
“Bakit hindi mo alam?” Iiling-iling na sagot ng lalaki. “Ganoon ka ba ka-busy para hindi mo na malaman ang nangyayari sa paligid mo?” Muli itong ngumisi. “Paano ka na lang kapag nagkaroon ng sariling pamilya si Jerimie? Kakayanin mo bang mabuhay nang walang sustento mula sa kanya?”
Napamulagat si Maddy. Bakit parang andaming alam ng lalaking ito? Sino ba ito at ano ang totoong pakay nito sa kanya?
“Alam ko ang iniisip mo.” Napahalakhak ito. “Sige, sasagutin ko ang tanong mo. Nandito ako para tulungan ka. Magtulungan tayo. Gawin natin ang lahat para magkahiwalay ang dalawang nasa litrato… sina Cheska at Jerimie.” Tinitigan niya ang babae at nakita niyang lumaban ito ng titigan sa kanya.
WALA pang alas-singko ng hapon ay nasa opisina na nina Cheska si Jerimie. Matiyaga itong naghintay sa reception area hanggang sa matapos ang trabaho ng nobya.
Ang laki ng pagkakangiti ni Jerimie nang makita si Cheska. Napakaganda talaga nito. Araw-araw itong mas gumaganda sa paningin niya.
Nakangiting lumapit sa kanya si Cheska. “Nainip ka ba sa paghihintay sa akin?”
“No! Hindi naman ako matagal na naghintay,” sagot nito. “Ano, alis na tayo?”
“Saan ba tayo pupunta?”
“Manonod ng sine, ’di ba? Pero bago iyon, kakain muna tayo. Gutom na ako,” hinaplos pa niya ang kanyang tiyan.
Umangkla sa braso niya si Cheska. “Sige, tara na.”
NAG-ENJOY si Cheska sa pinanood nilang pelikula. Matagal na rin siyang hindi nakakapanood ng sine. Mas nag-eenjoy na lang sila ng mga kaibigan niya sa bonding time nila sa kani-kanilang tinitirhan. Ang panonood ng sine ay hindi na kasama sa bonding session nila. Madalas, boyfriend ang kasama ng mga kaibigan niya sa panonood ng sine.
Eh, siya? Ngayon lang siya nakapanood ng sine na may kasamang boyfriend. At aaminin niyang kinikilig siya kanina nang akbayan siya ni Jerimie nang sabihin niya ritong giniginaw siya dahil sa lakas ng aircon.
“Uwi na tayo. It’s getting late. Papasok ka pa sa work bukas,” paalala sa kanya ni Jerimie habang pasakay sila sa kotse nito.
“Ikaw rin naman papasok pa, ah. Huwag mo na lang kaya ako ihatid. Kaya ko naman umuwing mag-isa,” suhestiyon niya rito na nagpadilim sa mukha ng nobyo.
“Baliw ka ba? Kasasabi ko lang na late na, ’di ba? Tapos pauuwiin kitang mag-isa?” seryosong sabi nito. “Eh, kung doon ka na lang matulog sa bahay ko?” Kinindatan pa siya ni Jerimie.
“Wow, ha? Ihatid mo na lang ako sa bahay at baka kung saan pa tayo matulog pareho,” natatawa niyang sagot sa nobyo.
Habang nasa biyahe ay may naalalang itanong si Cheska.
“Anong nakain mo kagabi?”
Kumunot ang noo ni Jerimie. Nagtatanong ang kanyang mukha.
“Bakit bigla mong naisipang pilitin ako na totohanin na lang natin ang pagpapanggap mong boyfriend ko?”
“Ah, ’yun ba?” Nakita niyang napangiti si Jerimie kahit nakatuon lang ang mata nito sa kalsada. “Ginawa ko iyon para hindi mo na ako bayaran ng P50K,” sagot nito kasunod ang mahinang tawa.
“Iyon lang?”
“Seriously, after kong manggaling sa ospital kagabi, bigla kong na-realize na napakaikli pala ng buhay. Na puwedeng mawala sa’yo ang pinakamamahal mo anumang oras. Kaya sabi ko sa sarili ko, kailangang malaman mo nang mahal na mahal kita para ma-enjoy ko ang buhay to the fullest kasama ka.” Nilingon pa siya sandali ni Jerimie habang nagsasalita ito.
“Anong ginawa mo sa ospital? Sinong naospital?” nagtatakang tanong no Cheska.
“Iyong tatay ni Biboy, namatay after ma-confine ng isang linggo. Binayaran ko ang hospital bills para mailabas ng ospital at inasikaso ko na rin ang punerarya para magkaroon naman ng maayos na burol ang tatay niya.”
“Biboy? Iyong bata na binigyan mo ng pagkain dati?”
“Siya nga…”
“Dumaan ako sa kanya para magbigay ng food. Nakita ko siyang umiiyak, at ayun nga kinuwento niyang namatay sa ospital ang tatay niya, pero hindi nila mailabas dahil hindi pa settled ang hospital bills.”
“Anong sakit?”
“Wala, napagtripan lang ng mga lasing sa kalye. Nasaksak.”
“Oh my God!” Nakadama ng awa si Cheska para sa ama ni Biboy. Pero nakadama rin siya ng paghanga kay Jerimie dahil hindi ito nagdamot na tulungan ang pamilya ng bata.
Naisip ni Cheska na napakasuwerte niya. Napakasuwerte niya na nagkaroon siya ng boyfriend na katulad ni Jerimie.
Ganoon nga kaya?
Chapter 32
MAINIT ang ulo ni Gordon. Hindi niya inaasahang tatanggihan siya ni Maddy. Kitang-kita niya na nagulat ito sa nakitang mga larawan pero bakit parang balewala lang dito at hindi pumayag na makipagtulungan sa kanya? Ibang klase talaga ang babaeng iyon. Napakahirap malaman kung ano ang laman ng isip ng Maddy na ’yon.
Bumalik sa isip niya ang huling pinag-usapan nila ni Maddy kaninang tanghali.
“Do we have a deal?” tanong niya sa kausap.
“What deal? Iyong guguluhin natin
ang relationship ni Jerimie sa kung sino mang babaeng ito?“ Itinaas ni Maddy ang hawak na litrato.
“Oo,” mabilis niyang tugon. “Para sa kapakanan mo.”
Tumawa nang malakas ang babae. “Baka para sa’yo. Ako pa talaga ang ginawa mong dahilan? Eh, halata namang gusto mong makuha ang partisipasyon ko para kung magtagumpay ang balak mo, makukuha mo naman iyong babae ni Jerimie. Tama ako, hindi ba?” Muling tumawa nang malakas si Maddy.
“Balewala sa’yo na maagaw ni Cheska si Jerimie?” hindi makapaniwalang tanong ni Gordon.
Nagkibit-balikat ang babae.
“Bakit? Ama siya ng anak mo.”
“Pero hindi ko siya asawa.”
“Exactly! Papayagan mong agawin ng ibang babae ang ama ng anak mo? Paano na ang sustento mo?”
Isang malakas na tawa ang isinagot ni Maddy at saka nagtanong, “Bakit mo ba pinoproblema ang sustento ko? Alam mo kung may gusto kang gawin, ikaw na lang ang gumawa. Huwag mo na akong idamay. Kaya kong gawan ng solusyon ang mga problema ko.”
“Eh, kung sabihin ko kay Jerimie ang nangyari sa atin?” pananakot ni Gordon.
Hindi man lang kinakitaan ni katiting na takot si Maddy. “Go ahead. Sabi ko nga sa’yo, hindi ko siya asawa. Kung gusto mong magsumbong, sasamahan pa kita kay Jerimie. Now, kung wala ka nang sasabihin, makaaalis ka na.”
Akala talaga niya ay mapapapayag niya si Maddy sa mga plano niya. Hindi niya inakalang matigas pala talaga ang ulo ng isang iyon. Anyway, hindi pa naman katapusan ng mundo para sa kanya. Puwede naman siyang dumiretso kay Cheska. Kung hindi pa alam ni Cheska na may anak si Jerimie, kahit paano ay malalagyan niya ng konting lamat ang tiwala nito sa nobyo.
NAKAHIGA na sa kama si Cheska. Pagod siya pero masaya. Napakasaya. She has never been this happy. Tama ang mga kaibigan niya afterall. Masaya at masarap ma-in love. Sana lang laging ganito. Alam din naman niya na maraming malulungkot na kuwento ng pag-ibig. Hindi lahat ay fairy tale na may happy ending. Pero itong sa kanila ni Jerimie, gagawin niya ang lahat na tumagal ng lifetime.
WEEKEND bonding na naman nilang magkaibigan. This time sa bahay naman ni Portia sila nagkita-kita. Silang apat lang. Hindi kasali ang kanilang mga boyfriend.
Habang busy sa paghahanda sa kusina si Portia ay nagkukuwetuhan naman sina Cheska, Mariel at Kenly.
“Ano, naitanong mo na ba sa boyfriend mo ’yong sinabi ko sa’yo?” untag sa kanya ni Mariel na ang tinutukoy ay ang nakita niyang kasamang babae ni Jerimie sa mall.
“Oo, nasabi na niya sa akin. Kilala ko iyong babae. Hindi niya girlfriend iyon at wala siyang any romantic involvement doon,” matapat niyang sagot sa kaibigan.
“Mabuti kung ganoon. Gusto ko lang naman na huwag dumating ang punto na niloloko ka na pala, wala ka pang kaalam-alam. Masakit iyon,” sabi pa ni Mariel.
“True!” tili ni Kenly. “Hindi tayo dapat papayag na lokohin ng mga lalaki. Pero maiba ako, nalaman mo na rin ba ang sagot doon sa isang tanong namin sa’yo?”
Alam na niya kung ano ang tinutukoy ni Kenly.
“Hindi pa.”
“Napakahina mo naman. Aalamin mo lang naman.”
“Huwag na nga kasi. Hindi naman kasi importante sa akin iyon. Basta sabi niya, malaki raw so, paniniwalaan ko na lang kung anong sinabi niya.”
“Girl, maganda kung ikaw mismo ang makakakita. Para alam mo kung totoo ba?”
“Huwag n’yo nga akong i-pressure,” reklamo niya.
“O, sige no pressure. Basta when the right time comes, grab the opportunity and after that mag-share ka naman ng kuwento sa amin.” Ayaw talagang paawat ni Kenly. “By the way, umuwi ng province si Gordon. Bibisitahin lang daw niya iyong business niya roon. Pero babalik daw siya at pagbalik niya, mayroon daw siyang pasabog.”
“Anong pasabog?” curious na tanong ni Mariel.
“Ewan ko. Wala akong idea,” sagot ni Kenly. “Ikaw, Cheska may alam ka ba?”
“Wala. Ang kulit ng lalaking ’yan. Binasted ko na nga, ayaw pang tumigil.”
“Sorry na, teh. Kung hindi namin siya kinontak eh, ’di sana nananahimik siya sa probinsiya nila. Napansin ko nga na parang nag-iba ang ugali niya kumpara sa ugali niya noong college. Iyong dating sobrang tahimik, ngayon naman over confident to the point na parang ang yabang-yabang.” Si Kenly.
“Kain na muna tayo,” sigaw ni Portia mula sa kusina. “Pumunta na kayo rito.”
NANG mga oras na iyon ay naroon naman si Jerimie sa bahay ni Maddy para dalawin si Zinnia. Magkatabi silang nakahiga sa kama at binabasahan niya ng children story ang paslit. Si Gina naman ay nasa katabing kama at nagtutupi ng mga damit niyang bagong laba.
“Daddy, why don’t you just live here with us?” biglang tanong ni Zinnia na bahagyang bumangon pa para matingnan siya sa mukha.
“This is your mom’s house. I have my own house so I live there,” kaswal niyang sagot na akala mo’y matandang tao ang kausap. Naguluhan tuloy ang bata.
“You are my dad, why can’t you live here even if this is mom’s house?” matalinong pag-aanalisa nito na hindi inaalis ang tingin kay Jerimie at hinihintay ang isasagot niya.
“You will not understand even if I’ll explain it to you. Kapag malaki ka na, maiintindihan mo rin ang lahat ng mga gusto mong malaman ngayon,” paliwanag niya rito.
Napakamot na lang sa ulo si Zinnia at saka muling humiga sa tabi ng ama.
Biglang tumunog ang cellphone ni Jerimie kaya siya naman ang bumangon. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya sa screen ang pangalan ni Elsa.
Sinenyasan niya si Zinnia na sasagutin lang niya ang tumatawag at saka lumabas sa silid. Doon ay nag-aalangang sinagot niya ang telepono.
“Hello? Kumusta?” kaswal niyang bati rito. “Napatawag ka…”
“Hi, Jerimie. Okay lang naman ako. Eto, pinipilit tanggapin na ayaw mo sa akin. But don’t worry, I’m fine. Well, trying to be fine,” malungkot nitong sabi.
“Bakit ka tumawag?” Inulit niya ang tanong.
“Nami-miss lang kita… Gusto ko lang marinig ulit ang boses mo. Hindi naman bawal iyon, ’di ba?” Biglang naging malambing ang boses nito.
“Ah, hindi naman. Wala namang problema,” sagot niya.
“Luluwas ako sa Maynila, next week. Puwede ba tayong magkita? Please…”
Napalunok si Jerimie.
Chapter 33
“AYAW mo ba?” tanong ni Elsa kay Jerimie.
“I don’t think we need to meet. Wala naman tayong dapat pag-usapan pa. I made everything clear to you,” matapat niyang sabi.
“Puwede naman siguro tayong magkita as friends.” Desidido talaga si Elsa na mapapayag siya.
“Then I think I need to bring Cheska with me,” kaswal niyang pahayag.
“What?!” sigaw ni Elsa sa kabilang linya. “Ikaw ang gusto kong makita at makausap, hindi si Cheska.”
“I’m sorry. I’m really sorry, but I can’t come to see you if Cheska is not going with me,” pinal niyang sagot. “I’m sorry, Elsa.”
Hindi maipinta ang itsura ni Elsa nang magbaba na ng telepono si Jerimie. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Siya pa ba ang susuko nang basta-basta?
NANG gabing iyon ay mahimbing ang tulog ni Cheska. Sa kahimbingan ng tulog niya ay dinalaw siya ng isang panaginip. Isang pilyong panaginip.
Nasa bahay daw siya at nag-iisa. Malakas ang ulan sa labas kaya ang sarap magkulong sa kuwarto. At saka naman may kumatok sa pinto. Nagtungo siya sa pintuan upang pagbuksan ang dumating na bisita. Laking gulat niya nang buksan niya ang pinto. Naroon si Jerime na basang-basa at giniginaw na.
“Ba’t sumugod ka eh alam mong umuulan?” sermon niya sa nobyo. “Nasaan ang kotse mo?”
“Nami-miss na kita, eh. Hindi ko matiis na hindi ka makita,” sagot nito habang nanginginig na sa ginaw. “Eh, nasa talyer ang kotse ko. Papasukin mo naman ako.”
“Ay, oo nga pala. Sige, pumasok ka.” Binigyan niya ito ng madadaanan.
Isinara niya ang pinto at saka muling nagsalita, “Teka at ikukuha kita ng tuwalya.” Tiningnan niyang muli ang itsura ni Jerimie. “Ano ba ’yan? Para kang basang sisiw.”
Mabilis siyang nagtungo sa kuwarto at kumuha ng tuwalya. Kumuha na rin siya ng t-shirt na tingin niya’y kakasya kay Jerimie at saka isang cycling short. For sure, wala naman siyang shorts na kakasya kay Jerimie. Isa pa, pambabae ang shorts niya. Wala siyang unisex na short pants.
Pagkaabot ng tuwalya ay kaagad na pumasok sa banyo si Jerimie para maligo. Hindi na nito kinuha ang iniaabot din niyang shirt at cycling short.
Hindi nagtagal ay lumabas itong nakatapis lang ang tuwalya sa baywang nito. Preskong-presko ang itsura nito at lalo pang gumuwapo sa magulo at basang buhok nito.
Pigil ang paghinga ni Cheska nang makita ang malapad na dibdib ni Jerimie. Ang abs din nito ay nakalantad at tila ba nagmamalaki. Perpekto ba sa pisikal na kaanyuan ang lalaking ito?
“O, ba’t para kang natuka ng ahas diyan?” natatawang tanong nito sa kanya. Ipapahiram mo ba sa akin ang t-shirt at cycling shorts na ’yan?
“Ha? Ah, oo. Eto, o…”
Lumakad si Jerimie papalapit kay Cheska para kunin ang damit na ipapahiram nito. Ngunit anong kamalasan! Sumabit sa kanto mg mesa ang isang bahagi ng tuwalya at natanggal ito sa pagkakatapis sa baywang ni Jerimie!
Halos manlaki ang mga mata ni Cheska nang tumambad sa kanya ang itinatagong kayamanan ng nobyo. Hindi siya makapaniwala sa nakita.
“Ay! Ano ’yan?” tili niya na titig na titig sa pagkalalaki ni Jerimie.
Agad namang dinampot ni Jerimie ang tuwalya at muling ipinulupot sa baywang niya. Alam niyang namumula ang kanyang mukha sa matinding kahihiyan.
“Bakit ang liit?” tanong ni Cheska. “Parang disposable lighter lang.” Takang-taka talaga siya.
Si Jerimie ay hindi na nakasagot. Hiyang-hiya siya kay Cheska na nakita nito ang kanyang hindi kalakihang okra.
Nagising si Cheska na tumatawa. Ano ba naman kasi ’yong napanaginipan niya? Hanggang sa panaginip, iyong kabuhayan showcase pa rin ni Jerimie ang isyu.
Pero napaisip siya. Ganoon nga lang kaya kalaki ang alaga ni Jerimie? Huwag naman sana. Hindi bagay sa kanya ang magbitbit ng hindi kalakihang talong.
NANG magpunta si Jerimie sa apartment ni Cheska kinabukasan ng tanghali ay kinumusta nito ang bonding time nilang magkakaibigan noong nakaraang gabi.
“Masaya ba?” tanong nito kay Cheska.
“As usual, masaya at magulo. Alam mo naman ’yong mga kaibigan ko, parang mga kalabaw na nakawala sa bukid kapag magkakasama kami,” masigla niyang kuwento. “Ano nga pala ang balita kay Biboy? Nailibing na ba ang tatay niya?”
“Ang alam ko kanina ang libing. Naaawa nga ako sa bata. Sa kanya na totally mapupunta ang responsibilidad ng pamilya nila.”
Napabuntonghininga si Cheska. May mga pangyayari talagang hindi kontrolado ng tao. Sa isang iglap, puwedeng magbago ang mga pangyayari at pati kapalaran ng tao ay bigla ring magbabago. “Kawawa naman pala si Biboy.”
“Ganoon talaga, eh. Iniisip ko nga kung paano ko matutulungan…” Hindi pa tapos magsalita si Jerimie nang tumunog ang doorbell. “May inaasahan ka bang bisita?” tanong niya kay Cheska.
Umiling ang babae. “Wala naman. Teka, titingnan ko kung sino.” Nagtungo siya sa pintuan para makita kung sino ang dumating.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Gordon nang buksan niya ang pinto.
“Anong ginagawa mo rito? Sabi ni Kenly, umuwi ka na raw sa probinsiya.”
Ngumisi lang si Gordon. “Nandito na ako, ibig sabihin bumalik na ako.”
“Sinong dumating?” narinig niyang tanong ni Jerimie.
“Oh, nariyan pala ang boyfriend mo. Hindi mo ba ako papapasukin para naman magkakuwentuhan kami ni Jerimie.” Hindi nawawala ang nakakalokong ngisi nito.
“Wala kayong dapat pag-usapan. Please lang, umalis ka na,” pakiusap niya rito.
Hindi nila namalayan na lumapit na pala sa kanila si Jerimie.
“Sinong dumating?”
Nilingon ni Cheska ang nobyo. “Jerimie…”
“Hi, Jerimie!” nakangising bati rito ni Gordon.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Jerimie.
“Wala naman. Dumalaw lang. Galing akong probinsiya at naisipan ko lang dalhan ng pasalubong si Cheska.
Nagtataka ang mukha ni Cheska.
Iniabot ni Gordon ang hawak niyang envelope. “Para sa’yo…”
Nagtatakang inabot ni Cheska ang envelope. “A-ano ito?”
Nagkibitbalikat si Gordon. “See it for yourself.”
Binuksan niya ang envelope habang nakamasid ang dalawang lalaki. Nakangisi si Gordon samantalang nasa mukha ni Jerimie ang pagtataka.
Kinuha ni Cheska ang laman ng envelope. Mga litrato ang laman nito. Litrato ng isang batang babae na may kasamang isa pang babae na kung titingnan ay parang private nurse o nanny kaya. Ang isa namang litrato ay may magandang babae na napakasopistikada ang itsura. Ang iba pang mga larawan ay pareho lang din na kinunan lang sa ibang anggulo.
“Sino ang mga ito?” tanong niya kay Gordon.
“Ba’t hindi mo tanungin ni Jerimie. I’m sure, kilalang-kilala niya sila,” ngiting-tagumpay na sagot nito.
“Patingin nga.” Inagaw niya kay Cheska ang mga litrato at nagulat siya nang makita kung sino ang mga naroon. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Gordon at Cheska. Huling-huli niya ang ngising-aso ng lalaki.
“Sino sila?” tanong sa kanya ni Cheska.
“Anak ko,” walang pag-aalinlangan niyang sagot.
“At iyong maganda’t sopistikadang babae ang mommy niya?”
Tumango siya.
Lumagpak ang palad ni Cheska sa pisngi ni Jerimie.
“Sinungaling ka! Sabi mo wala kang sabit,” nanginginig ang tinig na sabi niya.
“Wala nga. Wala akong asawa. Issue ba sa’yo ang pagkakaroon ko ng anak?” Hindi alintana ni Jerimie ang namumula niyang pisngi dahil sa lakas ng sampal ni Cheska.
“Issue sa akin ang pagsisinungaling mo. Issue sa akin ang paglilihim mo,” galit pa ring sabi niya.
“Cheska!”
“Ilang beses akong nagtanong sa’yo. I’ve given you the chance to tell me the truth. Pero lagi mo lang sinasabing wala kang sabit. You never told me that there is a child. Kung wala kang intensyong itago, sana sinabi mo kahit hindi pa ako nagtatanong.”
Enjoy na enjoy si Gordon sa panonood sa sagutan ng dalawa. Tagumpay ang plano niya.
“I’m sorry. Siguro nga may pagkakamali ako sa parteng iyon. But still, hindi kita niloko,” mariin niyang pahayag.
“Hindi mo rin ako binigyan ng option na makapagdesisyon kung gusto ko ng boyfriend na isang binatang ama. Dahil ang alam ko lang ay binata ka.”
Author’s Note:
MERRY CHRISTMAS!
Maraming salamat sa suporta ninyo sa kuwentong ito.
Chapter 34
HINDI nakasagot si Jerimie. Paano ba niya ipaliliwanag kay Cheska na wala naman siyang intensyong masama sa hindi niya pagsasabi ng tungkol kay Zinnia? Kahit kailan ay hindi niya inaakalang magiging problema si Zinnia sa buhay niya, lalo na sa kanyang buhay pag-ibig.
“Ano? Hindi ka makasagot! Kaya pala puro paiwas ang mga sagot mo kapag tinatanong kita ay dahil mayroon ka talagang itinatago na ayaw mong maungkat.” Hindi na niya napigilan ang sarili na manumbat. Ang sakit yatang malaman na all the while ay niloloko ka lang pala ng lalaking pinagkakatiwalaan mo.
Si Gordon ay tahimik na nakangisi lang at pinanonood ang pagtatalo ng dalawa. Siguro ay nagdiriwang ang kalooban nito dahil nagtagumpay itong guluhin ang relasyon nina Jerimie at Cheska.
“I’m sorry. Pero ano ba ang problema? Binata ako. Puwede kitang pakasalan anytime.” Gustong-gustong yakapin ni Jerimie si Cheska at siguruhin dito na okay lang ang lahat. Na wala naman talagang problema. Pero nakita niya ang galit sa mukha ng nobya.
“Hindi ’yon, eh. Nagsinungaling ka. Nanloko ka. Sinira mo ang tiwala ko,” mapait na sabi ni Cheska.
“Cheska… Hindi ganoon…”
“At ano pa ba ang itatawag mo sa mga litratong ito?” Itinaas pa niya ang kamay na may hawak ng mga larawan. “Hindi magsisinungaling ang mga larawang ito, Jerimie. Eto ang ebidensya ng panloloko mo.”
“Hayaan mo kasi akong magpaliwanag. Pakinggan mo muna ang—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Napatingin sa kanya si Cheska, tapos ay nilipat nito ang tingin sa tumutunog na gadget na nasa kanyang bulsa.
Dinukot niya ang telepono at nakita niya kung sino ang tumatawag.
Si Nurse Gina!
Agad sumikdo ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi tumatawag sa kanya ang nurse ni Zinnia kung hindi naman emergency. Walang pag-aalinlangan niyang sinagot ang tumatawag.
“Hello… Anong nangyari?” Alam na niyang tungkol kay Zinnia kaya ito tumawag.
“Sir, nandito kami sa ospital. Dito po sa dati. Inatake na naman si Zinnia.” Kalmado ang nurse pero halata sa boses nito ang pag-aalala. “Nasa emergency room na po siya.”
“Nasaan si Maddy?”
“Wala pa, sir. Hindi pa siya umuuwi mula nang umalis kaninang umaga,” sagot ni Gina.
“Saan daw pupunta?” Pinipilit niyang kumalma pero uminit bigla ang ulo niya nang malamang wala sa bahay si Maddy.
“Hindi po sinabi, eh. Basta lang naman umaalis si Ma’am kapag gusto niyang umalis.”
“Papunta na ako diyan.” Pinindot niya ang end call at hinarap si Cheska na takang-taka sa nakitang biglang pagkabalisa ni Jerimie. Pero si Gordon ay nanatiling nakangisi na tila ba tuwang-tuwa sa mga nangyayari sa kanyang harapan.
Nagtatanong ang mukha ni Cheska. Naghihintay siya sa anumang sasabihin ng nobyo.
“Kailangan ko nang umalis. At saka na ako magpapaliwanag sa’yo. Sorry… I’m sorry, Cheska.” Iyon lang at mabilis itong tumalikod at nagmamadaling lumabas ng apartment. Nabunggo pa nga nito si Gordon na naroon pa rin sa may pintuan.
Hindi humabol si Cheska kay Jerimie pero narinig pa niya ang tunong ng makina ng kotse nito nang paandarin nito ang sasakyan.
“Umalis ka na,” utos ni Cheska kay Gordon.
Pero hindi kumilos ang lalaki. Isang misteryosong ngiti ang pinakawalan nito habang humahakbang papasok sa loob ng apartment.
“Umalis ka na!” Itinulak niya ito papalabas ngunit nahawakan siya nito sa braso at hinila papalapit ang kanyang mukha para halikan.
Mabilis ang naging pagkilos niya. Umigkas ang isang kamay niya at dumapo sa mukha ni Gordon bago pa siya nito tuluyang magawan ng hindi maganda.
“Lumayas ka rito!” nanginginig na sigaw niya kay Gordon. Kahit nilukuban siya ng takot ay hindi niya iyon ipinahalata. “Kapag hindi ka umalis, ipapupulis kita! Sinasabi ko sa’yo, kakasuhan kita, Gordon!”
“Hindi pa ako tapos sa’yo, Cheska,” banta ng lalaki.
“Huwag ka nang babalik dito. Idedemanda kita kapag bumalik ka pa rito!” Muli niyang itinulak ang lalaki at mabilis na isinara ang pinto. Siniguro niyang naka-lock ito para hindi na muling makapasok si Gordon.
Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa center table sa salas para tawagan si Kenly. Takot na takot pa rin siya sa ginawa ni Gordon.
“O, girl napatawag ka,” bati sa kanya ng kaibigan sa nakasanayan na nitong pabaklang pagsasalita.
Noon napaiyak si Cheska. Hindi na niya nakayanang pigilan ang sari-saring emosyong naipon sa kanyang dibdib. Galit, takot, pagkabahala, lahat na.
“Girl, umiiyak ka ba? Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Kenly.
“Puntahan mo naman ako rito, please. Please, Kenly….” Tuluyan na siyang napahagulgol.
“Girl, bakit nga? Anong nangyari sa’yo d’yan?”
NANG dumating si Kenly ay ikinuwento niya ang lahat ng nangyari mula sa pagkakatuklas niya na may anak na si Jerimie hanggang sa tangkang pambabastos sa kanya ni Gordon. Galit na galit si Kenly kay Gordon. Pero gusto niyang unawain si Jerimie.
“Gusto mo bang magsampa ng reklamo kay Gordon? May barkadang abogado ang boyfriend ko. Matutulungan ka no’n,” puno ng pag-aalalang sabi ni Kenly.
Umiling siya. “Huwag na. Ayoko na siyang makita pang muli. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.”
“Ang tapang!” tumitiling sabi ni Kenly na nagtikwasan pa ang mga daliri. “So, anong gusto mong pag-usapan natin? Alangan namang iiyakan mo lang ako rito hanggang gumabi na. Eto, o mag-aalas sais na, teh!”
“Ano bang gagawin ko?” naiiyak pa rin niyang tanong.
“Ano ba kasi ang inaarte mo riyan? Nagkakaganyan ka ba dahil hindi mo matanggap na may anak na ang boyfriend mo?” talak sa kanya ni Kenly habang nakapamewang sa harap niya.
Umiling siya
“Eh, ano? Trip mo lang?
“Nagsinungaling siya sa akin. Hindi niya sinabing may anak na siya,” mangiyak-ngiyak niyang sagot.
“Nagtanong ka ba?”
“Sabi niya wala siyang sabit.”
“Wala naman talaga, ’di ba? Wala siyang asawa. Binata siya…”
“Pero may anak!”
“Eh, ano nga ang problema sa anak? Girl, ang anak… ang bata ay regalo ng Diyos. Saan man siya nanggaling. Sino man ang kanyang mga magulang. Ano man ang naging dahilan ng paglitaw niya dito sa earth, dapat nating ipagpasalamat dahil blessing iyon mula sa itaas,” seryosong paliwanag ni Kenly na akala mo’y otoridad pagdating sa usaping may kinalaman sa mga bata.
“Hindi ko naman inaayawan iyong bata. Iyong tiwala ko kay Jerimie ang nakukuwestyon ngayon. Nagsinungaling siya, eh. Kung nagawa niyang magsinungaling minsan, magagawa niya ulit,” argumento pa niya.
Hindi naman nagpatalo si Kenly. “Sino bang tao ang hindi nagsinungaling?” tanong ng bakla. “Lahat naman yata dumaan sa buhay nila na nakapagsinungaling sila. For what reason? Hindi para manloko, kundi para iwasang magkaroon ng mas malaking gulo.”
“Ano bang nangyayari sa amin ni Jerimie ngayon? Hindi ba mas malaking gulo ito na naiwasan sana kung umpisa pa lang ay nagtapat na siya?”
Itinirik ni Kenly ang kanyang mga mata. “Ewan ko sa’yo, teh! Masyado kang madrama. Andami diyan lima na ang anak, pinapakasalan pa rin. Si Jerimie, isa lang. Huwag ka nang mag-inarte. Pasalamat ka nga this early alam mo nang hindi baog ang nobyo mo. May kapasidad siyang ikalat ang maganda niyang lahi,” tumitiling sermon nito sa kanya.
Gustong kalbuhin ni Cheska si Kenly. Wala siyang makukuhang kakampi sa baklang ito dahil obvious na obvious na kampi ito kay Jerimie.
Chapter 35
HINDI umaalis si Jerimie sa tabi ni Zinnia. Mula nang dumating siya kanina rito sa ospital hanggang sa ipasok na sa kuwarto ang paslit ay personal niya itong tinutukan.
Pinagmasdan niya ang bata. Nakaramdam siya ng habag dito. Kung anu-anong aparato na naman ang nakakabit sa katawan nito. Kung puwede lang mailipat sa kanya ang sakit nito, kinuha na niya sana. Mas makakaya niya ang sakit kumpara sa payat at mahinang katawan ni Zinnia.
Pero ang ikinasasama talaga ng loob niya ay wala pa rin si Maddy dito sa ospital gayong tinawagan na ito ni Gina kanina. Anong klaseng ina itong hindi man lang yata nag-aalala para sa may sakit nitong anak?
Tinawagan niya sa bahay si Diday.
“Hello, Diday. Sir Jerimie mo ’to. Nandiyan na ba ang Ma’am Maddy mo?”
“Sir, nandito na po. Nasa kuwarto niya,” mahinang sagot ng kasambahay na parang natatakot na may makarinig sa sasabihin nito.
“Wala ba siyang balak pumunta rito sa ospital?” nagtitimping tanong ni Jerimie.
“Eh, sir… Hindi ko po alam.”
Huminga siya nang malalim at pagkatapos ay nagbuga ng hangin. “Sige, hindi na bale.”
Magdamag na nagbantay si Jerimie kay Zinnia sa ospital. Hindi niya iniwan ang paslit lalo na at hindi man lang nagpakita sa ospital ang ina nito. Salamat na lang at hindi grabe ang atake ng bata kaya kinabukasan ay siniguro sa kanya ng doktor na puwede na itong lumabas sa susunod na araw.
Hindi na muna niya tinawagan si Cheska dahil gusto niyang palipasin muna ang galit nito. Pero hindi siya nakakalimot na mag-text dito para ipaalam na hindi niya ito nakakalimutan.
Si Cheska, nang oras na iyon ay nasa mall at kasamang kumakain si Uriel. Sa kaguluhan ng kanyang isip sa hindi niya inaasahang natuklasan niya kay Jerimie ay nakatagpo siya ng kaibigan sa binatang inhinyero. Si Kenly ay halata namang kampi kay Jerimie. Ayaw naman niyang abalahin sina Portia at Mariel dahil alam naman niyang pareho ang likaw ng bituka ang tatlo niyang kaibigan. Tiyak nang si Jerimie rin ang papanigan ng dalawang kaibigan niyang babae. At least si Uriel, posibleng sa kanya kumampi.
Maaliwalas ang mukha ni Uriel. Halatang masaya ito sa hindi inaasahang pakikipagkita ni Cheska. “Kumusta ka na?” bati nito sa kanya nang hindi inaalis ang malapad na ngiti.
“Mukha ba akong okay?” sagot niyang agad nangilid ang luha.
Napailing si Uriel. “Mukha ngang hindi. What happened?” Bakas sa tinig niya ang totoong pag-aalala.
“Niloko ako ng boyfriend ko,” basag ang boses niyang sagot. “Nagsinungaling siya sa akin. Hindi niya sinabing mayroon na siyang anak. Anong gagawin ko?”
“Mahal mo ba siya?”
“Oo, pero—”
“Hindi ba ’pag mahal natin ang isang tao, minamahal natin hindi lang iyong maganda sa kanya kundi pati ang mga kapintasan niya? Mahal natin hindi lang sa panahon ng kasiyahan kundi mas lalo dapat sa panahon ng mga pagsubok. Dalawa kayo na kikilos bilang isang tao. Para maging maayos ang relasyon n’yo,” paliwanag ni Uriel.
“Pero, kasi—”
“Acceptance. Iyon ang dapat mong pag-aralang ibigay sa boyfriend mo. Mag-usap kayo. Bigyan mo siya ng pagkakataon na ipaliwanag ang panig niya. Unawain mo siya sa abot ng iyong makakaya. Kung puwedeng palampasin ang nagawang pagkakamali, palampasin mo. Kung maaaring patawarin, ibigay mo iyon sa kanya nang buong pagmamahal at pang-unawa.”
“Mali ba ako na nagalit ako sa kanya?” naguguluhang tanong niya.
“Hindi ko sinasabing mali ka,” agad na sagot ni Uriel. “Ang reaksyon mo ay natural na reaksyon ng isang taong nasaktan dahil pakiramdam mo’y niloko ka. Kaya hindi kita puwedeng sisihin. Pero kung mahal mo iyong boyfriend mo, hindi ka dapat nagpapadala kaagad sa emosyon. Dapat, gagawin mo ang puwedeng gawin para i-save ang relasyon n’yo.”
Napaisip si Cheska. Kanina ay naghahanap siya ng kakampi. Ang gusto niya’y makahanap ng taong papanig sa kanya. Iyong sasang-ayon sa ginawa niya nang walang pag-aalinlangan. Akala niya’y si Uriel na iyon pero hindi. Subalit iminulat ni Uriel ang isip niya na hindi naman mahalaga kung sino ang nagkamali. Ang mas importante ay ang pagmamahalan nila sa isa’t-isa na dapat lumitaw sa bungkos ng mga dumarating na problema.
Tahimik siyang lumuha. Ngayon, alam na niya ang dapat niyang gawin.
“Huwag ka nang umiyak. Lahat ng relasyon dumadaan sa ganyan. Mga pagsubok. Maliit pa nga iyan kumpara sa problemang dumarating sa iba. Kailangan lang na malagpasan n’yo ang lahat ng pagsubok at patunayan sa inyong mga sarili na mahal ninyo ang isa’t isa.” Hinawakan ni Uriel ang kamay ni Cheska at pinisil. “Kaibigan mo ako, nandito lang ako lagi kung gusto mo ng makakausap.”
Tumingin siya sa mukha ng binata at saka marahang tumango. “Salamat, Uriel.”
INIHATID ni Jerimie sa bahay sina Zinnia at Gina nang makalabas ng ospital ang una. Sinalubong sila ni Diday na siya ring nagbukas ng gate.
“Gina, dalhin mo na sa kuwarto niya si Zinnia,” bilin niya sa nurse.
“Opo, sir,” matipid na sagot nito at binuksan na ang pinto ng kotse para makababa sila ng kanyang alaga.
“Nasaan ang Ma’am Maddy mo?” tanong ni Jerimie kay Diday nang makababa ng sasakyan.
“Nasa pool po, sir.”
Tinanguan niya ito at pagkatapos ay naglakad na para puntahan si Maddy.
Naabutan niyang lumalangoy ang babae. Nang makita siya nito ay kumaway pa ito sa kanya. “So, you’re here! I’m so glad!” nakangiting sabi nito na akala mo’y nakakita ng kaibigang bigla siyang binisita.
“Umahon ka riyan, mag-usap tayo!” matigas niyang utos sa babae.
Bahagyang umarko ang kilay ni Maddy. Lumangoy siya papalapit kay Jerimie at saka umahon sa pool. Mukhang alam na niya kung bakit mainit na naman ang ulo ng lalaking ito.
Pag-ahon ni Maddy sa pool ay napalunok si Jerimie. Hindi niya maitatangging napakaganda talaga ng katawan nito. Para bang hindi pa ito nanganak kung pagbabasehan ang kaseksihan nito.
Malandi ang ngiting isinalubong sa kanya ni Maddy. “Ano ang gusto mong pag-usapan natin?” Hindi inaasahan ni Jerimie na lalapit sa kanya nang sobrang lapit ang babae na halos magdikit na ang kanilang katawan.
Napaurong nang bahagya si Jerimie at lihim na napangiti naman si Maddy.
“Huwag mo akong dinadaan sa ganyan, Maddy. Anong klase ka bang ina? Naospital na’t lahat ang anak mo pero ’di ka man lang sumilip sa ospital,” galit niyang sabi.
“Bakit ba ang init ng ulo mo? Mag-swimming ka kaya. Ang sarap lumangoy o. Ang lamig ng tubig.” Hindi niya pinansin ang pasaring ng lalaki.
“Huwag mong binabago ang usapan. Sagutin mo ang tanong ko, kailan ka ba magpapakaina kay Zinnia? Kailan ka magpapakita ng totoong malasakit sa anak mo?”
Umismid si Maddy. “Ang galing mo, ah! Parang napakaperpekto mo,” pagtataray niya sa kausap. “Ano bang pakialam mo sa buhay ko? Anong pakialam mo kay Zinnia?”
“Ako ang ama niya!”
Nang-uuyam ang ngiti ni Maddy kay Jerimie kasunod ang nakasusugat na tingin. “Kailan ka pa naging ama kay Zinnia?”
Chapter 36
NAPATDA si Jerimie. Pero hindi siya nagpasindak kay Maddy.
“Alam mo ang ibig kong sabihin. Huwag mong pinalalabas na nagkulang ako kay Zinnia,” sumbat niya rito.
Natawa ang babae. “I’m sure, alam mo rin ang ibig kong sabihin,” diin nito. “Tigilan mo ang pagkukunwaring ama ni Zinnia dahil alam mong hindi mo siya anak!” Sinalampak ni Maddy sa mukha niya ang katotohanan. “Akala mo ba’y mapagtatakpan ng pagiging ama-amahan mo sa anak ko ang katotohanang nang dahil sa’yo ay namatay ang totoong ama niya? Iniisip mo bang sa bawat kabutihang ginagawa mo sa ibang tao ay mababayaran ang pagkukulang mo kay Jerome? Sa kakambal mo!” mapait na sumbat ni Maddy.
“Alam mong wala akong kasalanan,” giit niya. “Maganda ang samahan namin ni Jerome. Wala akong pagkukulang sa kanya. Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung ano ba ang ginawa mo at nangyari iyon? Ikaw ang puno’t dulo ng trahedya sa buhay naming magkapatid. Kaya wala kang karapatang sumbatan ako o sisihin man lang. Hindi ko kasalanan kung bakit namatay si Jerome. Pero kasalanan mo kung bakit nagkaroon ng trahedya na siya niyang ikinamatay,” nagngangalit ang bagang na sabi ni Jerimie. Hindi niya gustong sisihin si Maddy pero mali ring sa kanya ibunton ang sisi.
Parang walang narinig si Mandy. Nagtaas lang ito ng kilay at tinalikuran siya para muling bumalik sa pool. Tumalon ito sa pool at lumangoy nang lumangoy.
Madilim ang mukhang pinanood na lang ni Jerimie ang paglangoy ni Maddy. Napakalaki na talaga ng ipinagbago ni Maddy. Hindi na ito ang mahiyaing babaeng nakilala niya nang unang beses itong dumating sa bahay nila may walong taon na ang nakararaan.
KASAMBAHAY ng pamilya Manderico si Aling Bening na tubong Sariaya, Quezon. Nang mamatay ang asawa nito ay nakiusap ang matanda sa kanyang mga amo kung puwedeng makasama niya ang kanyang anak habang naninilbihan sa pamilya nina Jerimie. Pumayag naman ang mga magulang ni Jeremie kaya makalipas ang isang linggo ay dumating sa bahay nila si Maddy na noon ay kinse anyos lang.
Maganda si Maddy kahit na lumaki ito sa isang mahirap na pamilya. Pantay ang kulay ng morena nitong balat na kaiinggitan ng mga mestisang nagpapakahirap pang magbilad sa ilalim ng araw para lang magkaroon ng tan. Bagay sa katamtamang tangkad nito ang balingkinitan nitong katawan. Biniyayaan si Maddy ng maamong mukha at mapang-akit na mga mata na nagiging singtalim ng kutsilyo sa ilang pagkakataong nakita niyang nagalit ito. Ang matangos nitong ilong ay sakto lang sa maliit nitong mukha. Maraming kalalakihan sa lugar nila ang nag-akalang kamag anak nila si Maddy dahil sa taglay nitong sopistikadang ganda.
Isa sa mga naakit sa ganda ni Maddy ay ang kakambal ni Jerimie na si Jerome Alessandro Manderico. Pero ang paghanga nito kay Maddy ay inilihim lang nito.
Makalipas ang dalawang taon ay namatay si Aling Bening. Dahil ulila na ay nagpasya ang mga magulang ni Jerimie na kupkupin na lang si Maddy. Pinag-aral nila si Maddy at sinuportahan. Ang dating mahiyain at kiming dalaga ay napuno ng buhay at sigla. Madalas itong nakikipagharutan kina Jerimie at Jerome. Masaya ang naging samahan nilang tatlo hanggang napansin ni Jerome na tila mas nagiging close si Maddy kay Jerimie. Kinausap niya ang kakambal.
“Gusto mo ba si Maddy?” diretsong tanong niya sa Jerimie.
I want you to be honest with me.“
“Paano mo naisip ’yan?” tanong din ang isinagot niya sa kakambal. “Alam kong gusto mo siya kaya bakit naman kita tataluhin?”
“Iba ang closeness n’yo, nakikita ko. Parang may iba sa samahan n’yo.”
Napailing-iling si Jerimie. “For me, she is just a younger sister. I assure you, bro na wala akong gusto kay Maddy. You can court her if you like. Wala kang magiging problema sa akin,” paniniguro pa niya sa kapatid.
Kahit paano ay n
apanatag si Jerome sa sinabi ng kakambal. Ipinangako niya sa sarili na isang araw ay magkakalakas din siya ng loob na ipagtapat kay Maddy ang kanyang nararamdaman. Eighteen na si Maddy noon at sila naman ni Jerimie ay twenty-one.
Nag-migrate sa US ang mga magulang nina Jerome at Jerimie. Nagtrabaho roon ang ama nila bilang architect samantalang ang ina nila ay nagbukas ng isang maliit na Filipino restaurant. Maayos ang naging kabuhayan ng mga magulang nila sa Amerika pero nagdesisyon ang kambal na maiwan dito sa Pilipinas kasama si Maddy. May mga ari-arian sila rito at silang magkakambal ang mamamahala ng mga ito. Si Jerimie naman ay may mga negosyo na rin na itinayo nito kasama ng kanyang mga kaibigan at ayaw niyang basta na lang ito iwanan lalo na at maayos naman ang takbo nito sa merkado.
Isang gabi ay nagkasiyahan silang tatlo at napagkasunduang uminom dahil nagkaroon ng bagong branch ang negosyo ni Jerimie. Naglabas ng alak si Jerome samantalang nagluto naman ng masarap na putahe si Jerimie. Ipatitikim niya kina Maddy at Jerome ang putaheng pinaplano pa lang nilang ilabas sa kanyang mga restaurant. Nagluto siya ng adobo del diablo bilang pulutan sa alak na kanilang pagsasaluhan. Nagpa-deliver naman si Maddy ng dalawang boxes ng pizza.
Mabilis na lumipas ang oras at ang epekto ng alak ay agad tumalab kay Maddy at Jerimie. Si Jerome lang ang tila ba hindi tinamaan ng espiritu ng alak.
Hilo na si Jerimie samantalang si Maddy ay halos tulog na at nakasubsob na sa mesa.
“Matulog ka na, bro,” sabi ni Jerome sa kakambal. “Ako na ang bahala rito. Ihahatid ko lang muna sa kuwarto niya si Maddy.
Tumayo si Jerimie at paekis-ekis ang lakad na nagtungo sa kanyang silid.
Binuhat naman ni Jerome si Maddy at dinala sa silid nito.
Pagkababa niya kay Maddy sa kama ay nagmulat ito ng mga mata. Nagulat pa si Jerome nang yakapin siya nito at hilahin padagan sa nakahigang katawan nito.
Hindi kaagad nakakilos si Jerome, pero nang umpisahan siyang halikan ni Maddy sa leeg ay agad nag-init ang kanyang katawan.
Ginantihan niya ang bawat halik ng babae. Ang init na nagsimula sa halik ay nag-alab at tumupok sa kanilang katawang lupa.
Sa pagsapit nila ni Maddy sa dulo ng walang hanggan, isang pangalan ang ibinulong ng babae kasabay ang halos impit na ungol, “Jerimie… Mahal kita, Jerimie…”
Bulong lang iyon pero parang bombang sumabog sa pandinig ni Jerome. Bigla ay parang nakaramdam siya ng insulto… ng pandaraya. Gusto niyang magwala pero ang puso niya ay agad nagsumbong sa kanyang mga mata at mas nanaig ang gustong gawin nito… ang tahimik na pagluha.
Sa loob na madilim na silid na iyon ay inilabas niya ang lahat ng hinanakit sa kanyang dibdib.
Author’s Note:
Adodo del Diablo recipe can be found in the comments box.
Chapter 37
ISANG araw ay lumapit si Maddy kay Jerimie.
“Jerimie, buntis ako. Nagbunga ang nangyari sa atin,” walang paligoy-ligoy na sabi ni Maddy na ikinagulat niya.
“Anong…?” Hindi niya kaagad nasabi ang gustong sabihin sa labis na pagkagulat at pagtataka na rin. “May nangyari sa atin? Kailan?”
“Nakalimutan mo na? No’ng gabing uminom tayong tatlo. Dinala mo ako sa kuwarto… At may nangyari sa atin…”
Nanlaki ang mga mata ni Jerimie. “H-hindi ako ang nagdala sa’yo sa kuwarto…”
“Ako. Ako ang nagdala sa’yo sa kuwarto, Maddy,” mula sa likuran ay sabi ng isang tinig. Si Jerome. Dumating ito at narinig ang pag-uusap ng dalawa.
“Ikaw? Imposible iyon. Nakita kong si Jerimie ang kasama ko sa kuwarto nang gabing iyon.” Bumakas sa mukha nito ang pagtataka.
“Lasing na lasing ka noon. Si Jerimie ay may tama na rin. Nauna nang pumasok sa kuwarto si Jerimie at ako ang nagdala sa’yo sa silid mo,” paliwanag ni Jerome. “At sa madilim na silid, hindi imposibleng mapagkamalan mong ako si Jerimie dahil identical twins kami. Ang tanging pagkakaiba namin ay ang balat ko malapit sa pusod.”
“Hayop ka! Pinagsamantalahan mo ako!” Galit na sinugod ni Maddy si Jerome at pinaghahampas sa dibdib.
Hindi gumanti si Jerome. Hinayaan lang nitong maglabas ng sama ng loob ang babae. “Pananagutan ko ang nangyari. Handa akong pakasalan ka, Maddy.”
“At sinong nagsabing magpapakasal ako sa’yo? Hindi! Hinding-hindi ako magpapakasal sa’yo!” Patakbong iniwan ni Maddy ang kambal at pumasok sa kanyang kuwarto.
Malungkot na tiningnan ni Jerimie ang kakambal na doble ang kalungkutang mararamdaman. Alam ni Jerimie kung gaano kamahal ni Jerome si Maddy at talagang masakit na nagawang tanggihan ng babae ang alok na kasal ng kanyang kapatid.
Tinangkang lapitan ni Jerimie ang kakambal upang akbayan pero tinabig nito ang kanyang braso at agad na naglakad papalayo sa kanya. Naiwan siyang nakatanga at nagtataka pero inunawa na lang niya ang kalagayan ni Jerome.
Magmula noon ay nag-iba na ang ugali ni Maddy. Madalas na itong mapag-isa at nagkukulong sa kuwarto. Maging sa pagkain ay hindi na rin ito sumasabay sa kanila.
“Maddy…” Kinatok ni Jerome ang pinto ng silid nito. “Lumabas ka na riyan. Kakain na tayo.”
“Kumain kang mag-isa mo!” Dinig na dinig niya ang sigaw nito. Pero mas ikinagulat niya ang tila isang babasaging bagay na tumama sa pinto at pagkatapos ay nabasag sa sahig.
“Maddy, buksan mo ang pinto! Ano ’yong nabasag diyan? Buksan mo ang pinto para matanggal ’yan diyan!” sigaw niya pero nanatiling nakasara ang pinto.
Nanggigigil na umalis si Jerome at nagtungo sa kanyang silid. Kinuha niya sa drawer ng computer table niya ang isang bungkos ng mga susi at bumalik sa labas ng silid ni Maddy.
Sinusian niya ang pinto at nagulat siya sa nabungarang eksena sa loob ng silid ni Maddy!
Nakahiga sa kama si Maddy na halos hindi na makagulapay sa sobrang kalasingan. Sa sahig ay naroon ang nabasag na baso. Nagkalat sa mesa ang isang bote ng alak na halos maubos na. Nagkalat din ang mga upos at abo ng sigarilyo sa ibabaw ng mesa.
“Maddy! Anong ginawa mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Jerome. “Buntis ka, hindi ka dapat umiinom, lalo na ang manigarilyo. Makasasama sa bata!” Pilit niyang ibinangon ang babae.
“Bitiwan mo ako!’ pumapalag nitong sigaw. “Umalis ka rito, hindi kita kailangan!”
“Maddy, maawa ka naman sa bata. Huwag mo siyang idamay sa kasalanang nagawa ko sa’yo, kung kasalanan mang matatawag ’yon. Huwag mong idamay ang anak ko. Huwag mong idamay ang anak mo, pakiusap.” Nabasag ang boses ni Jerome. Matatanggap niya ang galit ni Maddy sa kanya, pero hindi ang pagpapabaya nito sa kanilang magiging anak.
Dinuraan ni Maddy sa mukha si Jerome. “Umalis ka rito! Wala kang pakialam kahit ano ang gawin ko sa buhay ko,” histerikal nitong sabi. Sinubukan nitong tumayo ngunit kaagad din itong nabuwal, mabuti na lamang at mabilis kumilos si Jerome at agad niyang nasalo ang babae.
Mula noon ay binantayan na ni Jerome si Maddy. Sinisiguro niyang hindi na ito makaiinom ng alak at makapaninigarilyo. Ngunit ang isang taong pasaway ay gagawa at gagawa ng paraan para gawing miserable ang buhay ng mga taong kinaiinisan nito.
Isang gabi ay naabutan na lamang ni Jerome na umiinom ng gamot si Maddy. Tinatangka nitong ilaglag ang bata sa pamamagitan ng pag-inom ng mataas na dosage ng aspirin. Eksakto lang ang pasok niya sa kuwarto nito at huli niya ito sa aktong iinom ng gamot.
“Maddy, anong ginagawa mo?” sigaw niya rito. “Nasisiraan ka na ba ng ulo?” Pinilit niyang agawin sa kamay nito ang mga tabletas hanggang sa tuluyan niya itong maagaw.
“Bitiwan mo ako! Ibalik mo sa akin ’yan!” tili ng hitad.
“Hindi! Wala kang karapatang patayin ang anak ko!” sigaw niya rito. “Kung ayaw mo sa kanya, ilabas mo lang siya sa mundo at kukunin ko siya sa’yo. Bahala ka na sa buhay mo pagkatapos, hindi kita pakikialaman. Pero ilabas mo nang buhay ang anak ko! Huwag na huwag mo na itong uulitin, Maddy dahil sinasabi ko sa’yo, hindi ako magdadalawang-isip na ipakulong ka kapag sinadya mong may masamang mangyari sa anak ko.” Binitiwan niya ang kamay ng babae at lumabas ng silid, bitbit ang gamot na nakuha niya rito.
Naiwan si Maddy na dahil sa labis na sama ng loob sa pagkabigo ng kanyang plano ay walang nagawa kundi sumigaw na lang ng napakalakas.
HINDI pinabayaan nina Jerome at Jerimie ang sanggol sa sinapupunan ni Maddy. Sinasamahan nila ito sa OB-Gyne para sa regular nitong check up. Gusto sana ni Jerome na siya na lang sana ang sasama sa buntis pero hindi niya ito makumbinse. Pumapayag lang itong magpa-check up kapag kasama si Jerimie.
Hanggang isang gabi, walang kamalay-malay ang kambal na uminom na naman pala si Maddy sa loob ng silid nito nang makatulog na sila. Sabik na nilaklak ni Maddy ang vodka na palihim niyang binili sa isang convenient store sa kanto. Halos kalahati na ang nababawas niya sa bote ng alak nang muli niya itong damputin at magsalin sa baso. Nang ibalik niya ang bote sa mesa ay hindi sinasadyang natumba ang bote, nahulog, at kumalat sa sahig ang alak.
“Shit!” inis na sabi ni Maddy. Ibinaba niya ang hawak na baso at kumuha ng sigarilyo at sinindihan. Biglang may kumislap na ideya sa isip niya na nagpalabas sa isang misteryosong ngiti sa kanyang labi.
Hinithit niya nang maigting ang sigarilyo at saka itinapon sa sahig na basa ng natapong alak.
Bigla ang pagsiklab ng apoy nang lumapat ang sigarilyo sa alak. Hindi inaasahan ni Maddy na ganoon agad kalaki ang kakalat na apoy. Sa takot ay napaurong siya ngunit natapakan niya ang bote ng alak kaya nawalan siya ng panimbang at natumba. Tumama sa sahig ang kanyang ulo na naging dahilan para
mawalan
siya ng malay.
Mabilis na kumalat ang apoy na mas lalo pang lumaki nang madilaan nito ang kurtina sa bintana ng silid ni Maddy. Gumapang ang apoy at unang tinupok ang mga kahoy na parte ng bahay.
Isang malakas na pagputok ang narinig nang umabot ang apoy sa plug ng kuryente na naging sanhi ng short circuit. Mas naging mabilis ang paglaki at pagkalat ng apoy.
Sa kabilang silid ay naalimpungatan si Jerome nang dahil sa narinig na pagputok. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang apoy na gumagapang na sa kisame ng kanyang silid. Sa nakitang pinanggalingan ng apoy, isa lang ang agad na pumasok sa kanyang isip
kaya agad siyang napabalikwas ng bangon.
“Maddy!”
Chapter 38
KAAGAD na tumayo si Jerome at lumabas ng silid para puntahan si Maddy. Pero naka-lock ang pinto ng silid nito.
“God! Maddy! Get out of the room!” Kinalampag niya nang malakas ang pinto, sunod-sunod. “Maddy!”
Bumalik siya sa kanyang kuwarto at mabilis na kinuha ang mga susi sa kanyang drawer. Pagkatapos ay tumakbo siya pabalik sa silid ni Maddy.
Natatarantang sinusian niya ang pintuan para mabuksan ang silid.
“Maddy!” Lumatag ang hilakbot sa mukha ni Jerome nang makita ang walang malay na buntis na nakahandusay sa sahig. Mabuti na lamang at ang apoy ay gumapang paitaas at hindi paikot sa kabuuan ng silid. Kung nagkataon, baka kanina pa nasunog ang kawawang babae.
Tinakbo niya si Maddy at agad na binuhat para ilabas ng kuwarto. Pero bago siya nakalabas ng kuwato ay bumagsak ang isang bahagi ng kisame at humarang sa kanyang daraanan. Kung hindi sa mabilis niyang pag-iwas ay baka humampas sa katawan nila ni Maddy ang nahulog na umaapoy na tabla.
Gumilid si Jerome para tuluyang makalabas ng silid. Itatakbo na sana niya papalabas ng tinitirhan nilang bungalow si Maddy nang maalala niya si Jerimie. Maaga itong natulog dahil mataas ang lagnat nto nang umuwi galing sa trabaho.
Karga si Maddy na nagtungo siya sa silid ni Jerimie para gisingin ito. Mukhang wala pa rin itong kamalay-malay na nasusunog na ang buong bahay nila.
Pagdating sa labas ng kuwarto ni Jerimie ay ubod lakas niya itong tinawag.
“Jerimie! Jerimie, bumangon ka! Nasusunog ang bahay!” Hindi niya makatok ang pinto dahil buhat niya si Maddy kaya sinubukan na lang niya itong tadyakan para mas makalampag ang taong natutulog sa loob.
Ang sunog ay patuloy na lumalaki dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy. Luma na ang bahay nila. Bata pa lang sina Jerome at Jerimie ay dito an sila nakatira kaya ang tuyong-tuyong kahoy na bahagi ng bahay na iyon ay nakatulong pa para mas madaling kumalat ang apoy na tumutupok sa bawat bahagi ng bahay na nadaraanan nito.
“Jeremie!”
Nang hindi pa rin lumabas ang kakambal ay ibinaba niya si Maddy sa sahig para mabuksan niya ang pinto ng silid. Mabilis niyang sinusian ang doorknob at nang bumukas ang pinto ay tinakbo niya si Jeremie para gisingin.
“Jeremie, bumangon ka!” Niyugyog niya ang kakambal para agad itong magising.
Nagmulat ng mga mata si Jerimie at may pagtataka sa mukhang nagtanong, “Bakit? Anong nangyari?”
“Aaahhh!!!” Mula sa labas ng kuwarto ay narinig nilang tumili si Maddy. Nagkamalay na ito at nakita marahil ang malaking apoy na tumutupok sa buong kabahayan.
“Maddy!” Hindi malaman ni Jerome kung sino ang unang dadaluhan. Ang may sakit bang kakambal o ang babaeng kanyang minamahal?
Tumayo si Jerimie pero nakaramdam siya ng pangangalog ng tuhod. Nanginginig din siya sa hindi maipaliwanag na ginaw. “Nahihilo ako…”
“Nasusunog ang bahay. Halika, kailangang makaabas na tayo bago pa tayo makulong ng apoy rito.” Hinakawan niya sa braso ang kakambal at naglakad papalabas ng silid.
Naabutan nila si Maddy na umiiyak. “Masusunog tayo! Mamamatay na tayo!“histerikal na ang babae. Tila nawala ang kalasingan nito sa nakitang kasalukuyang sitwasyon.
Humawak ka sa akin, Maddy! Huwag kang bibitiw anuman ang mangyari.“
Magkasabay silang naglakad papunta sa labas ng bahay. Hawak ni Jerome ang kanang braso ni Jerimie samantalang nakahawak naman si Maddy sa isang kamay niya. Ingat na ingat sila dahil malaking bahagi na ng bahay ang napinsala ng apoy. Isang bahagi ng bahay ang nakita nilang bumagsak sa labas ng silid ni Jerome. Mabuti na lang pala at wala na sila roon.
Malapit na silang makalabas nang biglang natumba si Jerimie. Hindi na kinaya ng tuhod nito ang panginginig ng katawan.
“Jerimie!” Tinulungan niyang makabangon ang kakambal. “Tumakbo ka na sa labas, Maddy!” utos niya sa babae na mabilis namang sumunod.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang makita ni Jerome ang isang pabagsak na nag-aapoy na kisame. Sa kalkula niya ay saktong babagsak sa katawan nilang dalawa ang umaapoy na kamatayan!
Hindi nag-aksaya ng oras si Jerome. Kaagad niyang itinulak nang ubod-lakas ang kakambal papunta sa may pintuan. Nawalan ng panimbang si Jerimie sa hindi inaasahang gagawin ng kakambal kaya sumadsad ito sa sementadong sahig.
“Jerome!!!” Napuno ng hilakbot ang buong pagkatao ni Maddy nang makitang bumagsak ang nag-aapoy na kisame at sumaklob sa katawan ni Jerome.
“Aaahhh!!!” Dinig na dinig nila ang panaghoy ni Jerome habang nilalamon ng apoy ang katawan nito, pero wala silang magawa.
“Jerome…” Pumatak ang luha ni Jerimie. Kitang-kita niya kung paanong nilamon ng apoy ang kanyang kakambal sa mismong harapan niya. Gusto niyang tumayo at tulungan ito pero hindi siya makagalaw. Wala na siyang nagawa kung hindi iyakan ang malagim na sinapit ng kanyang kapatid.
Agad na umuwi ng Pilipinas ang mga magulang nila upang ihatid sa huling hantungan si Jerome.
Pagkatapos ng libing ay bumalik din agad ang mga ito sa America. Pinipilit na nga nilang isama si Jerimie pero mahigpit itong tumanggi. Bago bumalik sa America ay bumili sila ng bahay at ibinigay kay Maddy. Ayaw naman nilang ipanganak ang kanilang apo nang walang maayos na tirahan ang ina nito.
Nang ipinanganak ni Maddy si Zinnia ay napakapayat ng sanggol. Maliban pa rito, may congenital heart disease ito na nakuha sa sobrang paninigarilyo ni Maddy sa panahong ipinagbubuntis nito ang anak. Sa tulong ni Jerimie ay nagawa ang mga kinakailangang operasyon para madugtungan ang buhay ni Zinnia.
Nagamit ni Zinnia ang apelyido ni Jerome dahil sa kasulatang iniwan nito sa kaibigan nitong abogado na nagsasaad na ito ang ama ng ipinagbubuntis ni Maddy at kinikilala nito ang bata. Lahat ng shares ni Jerome sa mga naiwan nitong negosyo ay kay Zinnia rin mapupunta pagdating nito sa tamang edad. Habang bata pa, si Jerimie ang ginawa nitong tagapamahala ng mga naiwan nito para sa anak.
Buwan-buwan ay nakatatanggap ng sustento si Zinnia. Sapat na ang halagang iyon para sa mga pangangailangan ng bata at ng kanyang ina.
HANGGANG ngayon, kapag naaalala ni Jerimie ang mga nangyari sa kakambal ay hindi niya maiwasan ang mapaluha. Mahal na mahal niya ang kanyang kakambal na siyang una niyang naging kaibigan at karamay sa lahat ng problema. Kaya bilang pagtanaw ng utang na loob rito sa ginawa nitong pagliligtas sa buhay niya, ipinangako ni Jerimie sa sarili na gagawin niya ang lahat upang mapahaba pa ang buhay ni Zinnia, sukdulan mang ubusin niya ang lahat ng kabuhayang mayroon siya, at ilaan pati na ang buong oras niya.
Author’s Note:
Kung mayroon kayong Twitter at Instagram, puwede n’yo akong i-follow doon. Search n’yo lang yung username ko: MANRVINM.
THANK YOU SA PAGBABASA N’YO SA KUWENTO NINA CHESKA AT JERIMIE.
40.5K READS NA TAYO!
Chapter 39
KAMPANTENG pumasok si Elsa sa gusali kung nasaan ng opisina ni Jerimie. Base sa address na nakuha niya sa kahon ng mga school supplies na dala nito sa barangay nila noon ay sa ikawalong palapag matatagpuan ang Cibo Degli Amici Corporation. Akala siguro ni Jerimie ay hindi siya makagagawa ng paraan para hanapin ito. Kung ayaw nitong makipagkita sa kanya, puwes siya na lang ang pupunta rito. Naisip niya, hindi naman siguro magagalit si Jerimie kung bigla siyang darating. Hindi naman masamang puntahan sa trabaho ang isang kaibigan… o kakilala.
Paglabas niya ng elevator sa ikawalong palapag ng gusali ay saglit pa niyang inayos ang sarili. Alam niyang maganda siya at presentable sa suot niyang all black business attire na medyo sexy ang dating. Hindi naman iyong tipong bastusin, pero sapat para hindi siya basta balewalain ni Jerimie. May handbag pa nga siyang dala. Para nga lang siyang pupunta sa isang business meeting sa kanyang itsura. Pinaghandaan talaga niya ang araw na ito. Bahala na kung masorpresa nang bongga si Jerimie, pero nandito na siya at wala nang urungan ito.
Pagpasok niya sa opisina ay agad siyang nagtungo sa receptionist.
“Hi, good morning! I am looking for Mr. Jerimie Manderico,” nakangiting sabi niya sa babaeng receptionist. Siniguro niyang very friendly ang kanyang dating.
“Do you have an appointment with him, Ma’am?” tanong ng receptionist na gumanti rin sa kanya ng ngiti.
Saglit niyang natigilan. Ano ba ang trabaho ni Jerimie rito at kailangan pa ng apppointment?
“Actually, wala. But I am his personal friend. Sabi niya, I can come here anytime. Busy ba siya? I can come back some other day na lang kung hindi siya puwedeng makausap ngayon.” Ginamitan niya ng reverse psychology ang kausap.
“Ah, hindi naman po. Ano pong pangalan n’yo, Ma’am?”
“Pakisabi si Elsa.”
“Sige po, maupo muna kayo. Tatawagan ko lang siya sandali.”
Nagtungo siya sa isang sofa kung saan may nakaupo ring ibang mga bisita.
Iginala niya ang tingin sa paligid ng opisina. Simple pero sopistikada ang interior design nito. Pero ano nga kaya ang trabaho rito ni Jerimie? Ayaw naman niyang magtanong sa receptionist dahil mabubuko siya nito. Saan ka nakakita ng personal friend pero hindi alam kung anong trabaho nito?
“Ma’am, puwede na po kayong pumasok sa office ni Sir Jerimie. Diretsuhin n’yo lang po ito, iyong dulong pinto sa kanan.” Itinuro pa nito ss kanya kung saan dadaan.
“Thank you.” Tumayo siya at muling nagpakawala ng napakabait na ngiti bago naglakad papunta sa opisina raw ni Sir Jerimie. Marami pa yata siyang hindi alam sa Jerimie na ’to.
Kumatok pa siya ng tatlong ulit bago binuksan ang pinto at sumilip. Muling nag-flash ang kanyang ngiti nang makita sa loob ng opisina si Jerimie.
“Surprise?” masayang tanong niya rito.
“What brought you here?” seryosong tanong ng binata na hindi man lang ngumingiti.
“Hindi mo ba muna ako pauupuin?” Bakit dinig ni Jerimie ay may halong landi ang tanong nito?
“Take sa seat,” sabi niya rito.
Pero hindi siya umupo. “Parang mas masarap umupo sa kandungan mo kaysa rito,” pilyang sabi niya.
Nalaglag ang panga ni Jerimie.
NANG mga sandaling iyon ay nasa parehong gusali rin si Cheska. Sinadya niyang hindi pumasok sa trabaho para sorpresahin si Jerimie at humingi na rin ng paunmanhin dito dahil sa pagiging makitod ng kanyang utak. Salamat sa matitinong salitang ibinigay ni Uriel at naliwanagan siya. Ngayon, hihingi siya ng tawad kay Jerimie at mangangakong tatanggapin niya ang lahat tungkol sa pagkatao nito nang walang halong pag-aalinlangan.
Isang masayang ngiti ang isinalubong niya sa receptionist.
“Nandiyan ba si Mr. Jerimie Manderico?” tanong niya sa babae.
“Yes, Ma’am pero may bisita pa siya. Can I take your name?” nakangiting sagot ng receptionist.
“Cheska Divino.” Her girlfriend. Gusto sana niyang idugtong ’yan pero hindi siy nagkaroon ng lakas ng loob.
Nanlaki ang mga mata ng kausap niya. “Ikaw po si Ms. Divino? Iyong girlfriend ni sir? Naku, ang ganda n’yo po pala talaga. Medyo malabo kasi ’yong picture na pinakita dati ni sir.” Hindi nito maitago ang paghanga.
“Kilala mo ako?”
“Opo. Madalas ka po kasing ikuwento ni sir sa amin. Proud na proud po sa’yo si sir.”
Hindi malaman ni Cheska kung paano magre-react. Hindi niya inaasahan ito.
“Ah, sige hihintayin ko na lang na lumabas ang bisita niya.”
“Maupo po muna kayo, Ma’am Cheska. Tatawagan ko si sir para sabihing nandito ka.”
Tumango lang siya rito at muling ngumiti, at saka umupo para maghintay na lumabas ang kung sino mang bisita ni Jerimie.
PINORMALAN ni Jerimie si Elsa. “Nasa opisina tayo. Please take a seat.”
“So, puwede paglabas mo ng opisina?” Kumindat pa ang harot na babae. Sa mga ikinikilos nito, hindi mo iisiping isa itong iginagalang na opisyal ng barangay.
“Anong sadya mo sa akin? The last time we talked, I didn’t agree for a meet up or anything.”
“Hindi naman meet-up ito. Masama bang bisitahin ka ng isang kaibigan?” Hindi pa rin umuupo si Elsa. Para itong modelo na palakad-lakad habang nagsasalita. “Ayaw mo nga kasing makipagkita sa akin, so ako na lang ang gumawa ng way para makita ka. Ang smart ko, ’di ba?”
“I said, you sit down,” mas pinormalan niya ang boses.
“Oh, okay. Sabi mo, eh.” Hindi niya inaasahan ang kasunod na ginawa ni Elsa. Umikot ito papunta sa kinauupuan niya at agad na umupo sa kanyang kandungan. Swak na swak ang pang-upo nito sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Ipinulupot pa nito ang dalawang braso sa leeg niya.
“I told you! Mas masarap ngang umupo rito kaysa sa silyang iniaalok mo.” Mas lalong naging pilya ang ngiti nito.
“What are you doing? Tumayo ka, right now!” utos niya rito.
Pero parang walang narinig si Elsa. Mas lalo pa itong nangunyapit sa leeg ni Jerimie at mas lalo pa siyang nagulat nang umpisahan siyang halikan ni Elsa sa leeg.
Kasabay nito ay tumunog naman ang telepono sa opisina ni Jerimie.
Pilyang ngiti ang muling namutawi sa labi ni Elsa.
“Don’t you dare make any noise or you’ll regret it!” Mahina lang pero mariin niyang babala sa babae bago inangat ang telepono. “Hello…”
Sinamantala ni Elsa na hindi makapapalag si Jerimie. Muli niya itong inatake ng halik sa leeg, sa pisngi, sa batok, sa noo at kung saan-saan man puwedeng dumapo ang kanyang labi. Wala namang magawa si Jerimie kundi umiwas lang. Hindi siya puwedeng gumawa ng ingay kung hindi ay malalaman ng kausap niya na may nangyayaring milagro sa loob ng kanyang opisina.
Nanlaki ang mga mata ni Jerimie sa sinabi ng kausap sa telepono. Ano raw? Nasa labas raw si Cheska at gusto siyang makausap?
“Okay, give me a minute or two. Thanks.” Ibinaba niya na ang telepono. Tapos ay mabilis siyang tumayo kaya naman nahulog mula sa pagkakaupo sa kandungan niya si Elsa.
“Aray, ano ba? Dahan-dahan naman!” reklamo ng babae.
“Leave! Now!” utos niya rito. “Hindi ko inaasahang gagawin mo ang ganyang klaseng pagpapakababa. You’re a smart woman, sabi mo nga. You should have acted smarter.”
Pakiramdam ni Elsa ay hiniya ni Jerimie ang buo niyang pagkatao. Mabilis pa sa alas-kuwatrong tinakbo niya ang pinto at lumabas ng opisinang iyon bago pa siya mapaiyak sa labis na sama ng loob at kahihiyan.
Poise pa ring naglakad si Elsa pabalik ng reception area. Hindi naman kailangang malaman ng ibang tao sa opisina na may ’di kagandahang nangyari sa loob ng opisina ni Jerimie.
Nagulat pa siya nang makita sa reception area si Cheska, pero hindi na niya ito binati. Kitang-kita niyang nagulat din ito nang magtama ang kanilang paningin.
“Ma’am Cheska, puwede na po kayong pumasok sa opisina ni Sir Jerimie. Dulong pinto sa kanan po,” sabi ng receptionist kaya nawala ang atensyon niya kay Elsa. Puno ng pagtataka ang mukhang naglakad siya patungo sa opisina ng nobyo.
Isang maaliwalas na mukha ni Jerimie ang sumalubong sa kanya. “This is a pleasant surprise, Cheska. I’m so glad you came.” Tumayo pa ito para salubungin sana siya ng isang halik. Pero bago pa lumapat ang labi ni Jerimie sa pisngi niya ay isang malutong na sampal ang isinalubong niya rito.
At bakit hindi niya sasampalin ang gagong Jerimie na ito gayong hayan at nagkalat sa pinsgi at maging sa kuwelyo ng polo nito ang lipstick ng kung sino mang nanggigil rito.
Sino pa ba kundi ang malanding si Elsa!
Chapter 40
“WALANGHIYA ka talaga! Nagpunta ako rito para mag-sorry sa’yo tapos ganyan ang aabutan ko,” nanggigigil na sabi ni Cheska.
Hinimas ni Jerimie ang nasaktang pisngi. “Teka muna, let me explain. Nakakarami ka na, ah. Nagiging hobby mo na ang sampalin ako.”
“At paano mo ipaliliwanag ang nagkalat na lipstick sa pisngi mo at sa kuwelyo ng polo mo, aber?”
“Kaya nga hintayin mo akong makapagsalita. Ang hirap sa’yo, eh nananakit ka agad. Kailan ba kita niloko?”
“Huwag mong hintaying isa-isahin ko,” pinandilatan niya ito.
Pero hindi natinag si Jerimie. “Kung ano man ng iisa-isahin mo, may paliwanag ako sa lahat ng ’yan. I’m sorry kung hindi ko agad nasabi sa’yo pero kahit minsan ay hindi kita niloko. Maniwala ka.”
Napakunot ang noo ni Cheska.
“Halika, maupo ka muna. Kalma ka lang…”
Para siyang robot na sumunod lang sa sinasabi nito. Aaminin niyang gusto rin niyang marinig ang panig ni Jerimie. Mali nga yata na basta na lang siyang nanghusga gayong hindi naman niya alam ang totoong kuwento.
Nang makaupo na siya ay muling nagsalita si Jerimie, “Umpisahan natin sa mga lipstick na ’to.” Para siyang napaso nang titigan ng nobyo. “Si Elsa ang may gawa nito. Siya ang bisita ko bago ka dumating.”
“Alam ko, nakita ko siyang dumaan sa reception kanina,” mataray niyang sagot.
“Tatanungin kita… Sa loob ng dalawang linggong nakasama natin si Elsa, nakita mo ba akong naging interesado sa kanya?”
“Madalas ko kayong nakikitang nag-uusap. Na kayong dalawa lang. Tapos, nagtatawanan din kayo,” walang paligoy-ligoy niyang sagot.
“Does it mean na may gusto ako sa kanya?”
“It shows that you get along well with each other. May chemistry kayo, kumbaga.”
Natawa si Jerimie. “Hindi ba puwedeng I was just being gentlemanly? She was our host, remember. Anong klase naman akong bisita kung hindi ko pakikiharapan nang mabuti ang taong nagpatuloy at nag-asikaso sa atin?” argumento pa niya.
“Eh, bakit pa natin pinag-uusapan ang mga lumang pangyayari? Pag-usapan natin ang nangyari kanina lang. Bakit mo pa siya pinapasok sa loob ng opisina mo kung wala kang interes sa kanya?” Hindi mapigilan ni Cheska ang pagbulwak ng kanyang emosyon. Inaatake talaga siya ng matinding selos kapag si Elsa ang pinag-uusapan.
Kalmado pa ring sumagot si Jerimie. “Let me tell you na last week, she called me and asked if we can meet. Luluwas nga raw kasi siya. I politely declined dahil ayokong pagsimulan siya ng gulo sa pagitan natin. When the receptionist informed me na dumating siya and would like to talk to me, I had second thoughts kung papapasukin ko siya o hindi. But dahil nandito ako sa opisina at dito siya pumunta, I acted as a businessman and treated her as a client. Everybody is welcome naman dito sa opisina ko. Malay ko ba sa hidden agenda ng pagpunta niya rito. I acted in good faith. Wala akong intensyong gumawa ng any monkey business sa loob mismo ng opisina ko. I have a CCTV here in my office. You can view it anytime para paniwalaan mo ako. I’m confident na nakuhaan ng CCTV ang lahat ng eksena mula sa pagpasok niya hanggang sa lumabas siya rito.” Halos habulin niya ang sariling hininga sa haba ng sinabi niya. Pero kailangan talagang malaman ni Cheska ang panig niya.
Napalinga-linga sa paligid si Cheska, hinahanap ang CCTV.
“Nandoon sa itaas sa may pinto.” Itinuro pa sa kanya ng nobyo kung saan eksakto nakalagay ang CCTV. “Pasensya ka na, sobrang gentleman ng boyfriend mo. Kaya minsan, naabuso na nami-misinterpret pa. But I want to tell you that I have my own mind at alam ko kung ano at sino ang gusto ko. Walang kahit sino ang puwedeng tumukso sa akin. Kapag hindi ko siya gusto, walang mangyayari kahit ano pa ang gawin niya,” sigurado sa sariling pahayag ni Jerimie. “Gusto mo bang makita ang CCTV?”
Sunod-sunod ang iling ni Cheska. “Hindi na. Naniniwala naman ako sa’yo.”
Lumawak ang pagkakangiti ni Jerimie. “Ngayon, pag-usapan naman natin si Zinnia. Marami kang dapat malaman. Pero I guarantee you one thing, hindi kita niloko.”
ABURIDONG naglalakad sa kalye si Elsa. Palpak ang plano niya. Siguro nga ay dapat na niyang tanggapin na hindi talaga siya gusto ni Jerimie. Maganda lang talagang makitungo sa ibang tao ang lalaking iyon pero hindi ibig sabihin na pinakitaan siya ng maganda ay gusto na siya. Pero kailan ba siya makakakita ng pag-ibig na para sa kanya talaga? Ilang pagkabigo ba ang kailangan niyang pagdaanan bago siya lumigaya?
Wala sa loob na tumawid siya ng kalye. Hindi niya napansin na naka-go signal ang traffic light. Isang kotse ang muntik nang makabundol sa kanya kung hindi lang maagap na nakapag-break ang lalaking nagmamaneho nito. Tinakpan na lang ni Elsa ng dalawang palad ang mukha niya tapos ay nagtitili sa labis na takot. Mabilis na lumabas ng kotse ang lalaking nagmamaneho.
“Miss, are you okay?” Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Natigilan si Elsa. Bakit parang pamilyar sa kanya ang timbre ng boses ng lalaking nagsalita? Nag-angat siya ng mukha at tumambad sa kanya ang isang pamilyar na itsura. Hinding-hindi niya makakalimutan ang itsura nito. “My God! Uriel, ikaw nga ba ’yan?”
“Elsa?” Hindi makapaniwalang sabi ni Uriel. Kilalang-kilala niya ang babae. Bakit hindi eh si Elsa ang kauna-unahan niyang naging girlfriend noong nag-aaral pa lang siya sa kolehiyo. Pareho sila ng eskuwelahan pero magkaiba sila ng kinuhang kurso. Pero nakilala niya si Elsa dahil isa itong kilalang pigura sa eskuwelahan dahil sa pagiging aktibo nito sa student government. Nagkahiwalay lang sila dahil lumipat ng eskuwelahan si Elsa at ipinagpatuloy na lang nito ang pag-aaral sa probinsiya nito sa La Union. Wala silang formal break up. Basta nawalan na lang sila ng komunikasyon kahit sabihin pang uso na ang social media. “Saan ka pupunta? Ihahatid na kita,” alok niya rito.
Parang namagneto na si Elsa at hindi na nakatanggi nang hawakan ni Uriel ang kanang braso niya at alalayan siyang makasakay sa kotse nito.
“Saan tayo?” tanong ni Uriel nang makasakay na rin siya.
“Kahit saan. Dalhin mo ako kahit saan, Uriel.”
“O-okay… Sabi mo, eh.”
Mabilis na pinatakbo niya ang kotse kahit hindi pa niya alam kung saan pupunta. Pero nabahala siya nang makitang tahimik na umiiyak si Elsa.
Chapter 41
DINALA ni Uriel si Elsa sa isang coffee shop.
“Bakit ka umiiyak kanina sa sasakyan?” puno ng pag-aalalang tanong ni Uriel. Mula nang makilala niya si Elsa ay hindi pa niya ito nakitang umiyak. Para sa kanya ay napakatatag nitong babae kaya para umiyak ito, marahil ay napakabigat na ng dinadala nitong problema.
“Wala. Kalimutan mo na ’yon.” Ito pa ang isang ugali ni Elsa. Hindi mo mapipilit na magsalita kung ayaw nitong magkuwento.
“So, kumusta ka na? Matagal na rin mula noong uli tayong nagkausap,” pagbabago niya sa usapan.
“Matagal na nga,” matipid niyang sagot.
“Lumipat ka kasi ng eskuwelahan, ’di ba? Sa probinsiya. Kaya nawalan tayo ng communications. Hindi kita makontak sa cellphone number mo. Hanggang pagtagal ay parang mali na talaga ’yong number, siguro nagpalit ka na ng sim card. Even sa social media, hindi kita mahanap. I tried na hanapin ka. Pero dahil limitado lang din ang oras at resouces ko dahil estudyante pa lang naman ako noon, wala ring nangyari sa paghahanap ko.”
“Kasalanan ko rin naman. Ako iyong kusang umiwas.”
“Bakit?”
Hindi sumagot si Elsa.
“Dahil hindi mo ako mahal?
Umiling siya. “Hindi ganoon,” tanggi niya. “Naisip ko lang, walang mangyayari sa isang long distance relationship. Lalo na at pareho pa tayong nag-aaral noon. Umaasa sa magulang.”
“May matatag na akong trabaho ngayon…”
Napatingin sa kanya si Elsa.
“Puwede ba tayong maging magkaibigan muli?” tanong ni Uriel.
Marahang tumango si Elsa. “Hindi naman kita inalis bilang kaibigan sa buhay ko. Wala naman tayong pinag-awayan. Nawalan lang tayo ng communications. Pero deep inside, alam kong you will always be a friend… my friend.”
“Ang saya ko na nakita kita ngayon. Naniniwala ka ba na everything happens for a reason? Kung ano man iyon, I hope it will both make us happy,” nakangiting sabi ni Uriel. “Kaya huwag ka ng malungkot. Malay mo, baka kaya nagkita tayo ngayon dahil malungkot ka at kailangan mo ng magpapasaya sa’yo. Baka kailangan mo ng mga joke ko para tumawa ka. I would love to put a smile on your face.”
“Thank you…” naluluhang sabi ni Elsa.
“Don’t be sad,” pag-aalo niya sa babae. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay nitong nakapatong sa mesa at hinawakan nang mahigpit. “I’m here…”
HUMANGA si Cheska sa bahay na pinuntahan nila ni Jerimie.
“Kaninong bahay ito? Dito ka ba nakatira?” Nakakatawa. Boyfriend niya pero hindi niya alam kung saan ang bahay nito.
“No, iba ang nakatira rito. Malalaman mo mamaya.”
Binuksan ni Diday ang gate para maipasok ni Jerimie ang kotse. Pagbaba ng sasakyan ay agad na nagtanong ang binata.
“Nasaan si Zinnia?”
“Nasa kuwarto po, sir. Kasama si Nurse Gina,” magalang na sagot nito.
“Si Maddy?”
“Nasa kuwarto rin po.”
“Sige, pupuntahan na lang namin.” Bumaling siya kay Cheska. “Alam mo na kung sino ang nakatira rito.”
Tumango ang dalaga.
Hinawakan siya ni Jerimie sa kamay at naglakad sila paakyat ng hagdan patungo sa kuwarto ni Zinnia.
Dahan-dahan niyang binuksan ang silid ng bata at naabutan niyang abala ito sa pagkukulay ng mga imahe sa coloring book. Pumasok sila at naiwan nang bukas ang pinto.
“Hello, baby!” masiglang bati ni Jerimie sa paslit. Hindi naman nakapagsalita si Cheska nang makita ang napakagandang batang babaeng inakala niya dati na totoong anak ni Jerimie.
“Daddy!” Hindi maitago ang saya ni Zinnia nang makita ang kinikilalang ama. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at tumakbo papalapit kay Jerimie.
Sinalubong niya ang bata at niyakap at saka binuhat. “I want you to meet your Tita Cheska. You say hi to her,” utos niya rito.
“Hi, Tita Cheska!” nakangiting bati sa kanya ni Zinnia.
“Hello, Zinnia! I’m so glad to meet you,” tugon niya sa paslit.
“May mga bisita pala ako, wala akong kaalam-alam.” Mula sa pinto ay nagsalita si Maddy. Hindi na nila namalayan na nakapasok na ito.
“Mommy! Daddy is here and he has a friend with him,” masiglang sabi ni Zinnia sa ina.
“Mabuti at nandito ka na. I would like to introduce to you my girlfriend, Cheska,” sabi nito kay Maddy. “Cheska, si Maddy mommy ni Zinnia.”
“I’m pleased to meet you, Maddy.” Sinsero ang ngiting ibinigay niya sa babae kasabay ng paglahad ng palad niya.
“The pleasure is mine,” sagot naman ni Maddy. Inabot nito ang palad ni Cheska habang titig na titig dito.
“Bakit hindi na lang kayo dito maghapunan? Magpapaluto ako kay Diday,” alok ni Maddy sa dalawa.
“Huwag na,” mabilis na sagot ni Jerimie. “Aalis din kami kaagad. Dumaan lang kami kasi gustong makilala ni Cheska si Zinnia.”
“Next time na lang siguro, Maddy. Thanks for the invitation, though.” Napaka-friendly ng ngiti ni Cheska. Ayaw niyang ma-offend si Maddy dahil sa pagtanggi nila sa paanyaya nito.
“Okay. Sana may extra time na kayo sa sunod ninyong pagpunta rito. Babalik na ako sa kuwarto. Zinnia, ikaw na ang bahala sa kanila.” Lumabas na ng silid si Maddy at mabilis na nagtungo sa sariling kuwarto. Nang makapasok ay siniguro nitong nai-lock niya ang pinto at saka binuksan ang drawer niya. Doon ay kinuha niya ang isang baril. Matagal na sa kanya ang baril na ito. Naghihintay lang siya ng paggagamitan. Ngayon, mukhang magagamit na niya ito. Kung inaakala ng Cheska na ’yon na makukuha nito si Jerimie nang ganoon kadali ay nagkakamali ito. Kung siya nga na matagal nang nakasama ni Jerimie ay hindi nagtagumpay na makuha ito, mas lalong hindi siya makapapayag na makuha ito ni Cheska. Kung kailangang pumatay siya para kay Jerimie, gagawin niya!
PAGKAHATID ni Jerimie kay Cheska sa apartment nito ay saka naman tumawag si Kenly.
“Girl, nasaan ka?” bungad na tanong nito nang sagutin niya ang cellphone. Parang balisa ang boses nito.
“Nasa bahay. Bakit parang natataranta ka?”
“Nabalitaan mo na ba?”
“Ang alin?” nagtataka niyang tanong.
“Iyong tungkol kay Gordon.”
“Bakit, anong nangyari kay Gordon?” curious niyang tanong.
“Girl, wanted sa mga pulis si Gordon. Kaya pala wala tayong balita sa kanya, nagtatago pala ang lokong ’yon. Ibinaba na ang warrant of arrest laban sa kanya. Pinaghahanap na siya ng mga pulis,” pagbabalita pa ng bakla.
“Wanted? Bakit? Anong kaso niya?”
“Kinasuhan siya ng rape ng isang estudyante niya. Ang gagong iyon, manyak pala talaga,” inis na pahayag ni Kenly. “Mag-iingat ka, girl. Alam mo naman, may pagnanasa sa’yo ang lalaking ’yon. Isara mong mabuti ang mga pinto at bintana bago ka matulog. At kung sakaling maliligaw diyan ang Gordon na ’yan, huwag na huwag mong papapasukin.”
“Hindi naman siguro siya pupunta rito,” sabi ni Cheska.
“Mabuti na ang nag-iingat,” paalala ni Kenly sa kaibigan.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Kenly ay hindi na agad dinalaw ng antok si Cheska. Aminin man niya o hindi, naapektuhan siya sa nabalitaan lalo na’t minsan ay muntik na rin siyang gawan ng hindi maganda ni Gordon.
Chapter 42
SAKAY ng kanyang kotse si Jerimie. Papunta siya sa opisina ni Cheska para sunduin ito. Kausap niya ito kanina bago siya bumiyahe. Usapan nilang tatawag siya ulit kapag nandoon na siya sa ibaba ng building kung saan nagtatrabaho ang dalaga.
Sa opisina ay naghahanda na si Cheska para umuwi. Alas-singko na. Isang grupo ng mga katrabaho niya ang dumaan sa puwesto niya.
“Sabay-sabay na tayong lumabas, Cheska. Maiiwan kang mag-isa rito,” sabi sa kanya ni Pura.
“Sige, sasabay na ako. Sa ibaba ko na lang hihintayin ’yong sundo ko.”
Nagtilian ang mga katrabaho niya. “Totohanan na ba ’yan? Aba, napasuwerte pala ang pagpunta mo sa La Union. Nagkaroon ka bigla ng lovelife,” panunukso pa ni Pura.
Isang matipid na ngiti ang isinagot niya rito.
“Tara na!” sabi ulit ni Pura.
Dinampot niya ang kanyang handbag at lumabas na sila ng opisina. Pagdating sa ground floor ay nagpaalam na sa kanya ang mga kasama. “O, paano? See you tomorrow na lang. Ikumusta mo na lang kami sa boyfriend mo.” Ayaw talagang paawat ni Pura sa pangungulit. “Bye!”
Kinawayan niya ang mga papaalis nang katrabaho.
Iginala ni Cheska ang paningin sa paligid. Napangiti ito nang makita ang paparating na kotse ng nobyo.
Pumara sa harap niya ang pulang Ford Focus ni Jerimie. Ibinaba nito ang bintana ng sasakyan at kumaway sa kanya. Sumenyas ito na pinasasakay na siya.
“Kanina ka pa ba riyan?” tanong nito nang makasakay na siya sa kotse.
“Hindi naman. Kabababa ko lang. Sumabay na kasi ako sa mga katrabaho ko dahil wala na akong kasama sa office.”
Tumango-tango ang binata. “Saan tayo?”
“Sa apartment ko na lang. Magluluto ako ng dinner natin. Maaga pa naman.”
“Okay, you’re the boss!” Pinaandar na ni Jerimie ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
MABILIS nilang narating ang apartment ni Cheska.
“Maupo ka muna. Feel at home. Andyan ang remote ng tv baka gusto mong manood. Magpapalit lang ako sandali ng damit.”
Napangiti lang si Jerimie. “Sige lang. Okay lang ako rito.”
Mabilis na pumasok sa kuwarto niya si Cheska. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng casual shorts at peach sleeveless tops na mas lalong nagpalitaw sa kaputian ng dalaga.
“Diyan ka lang muna, ha? Magluluto lang ako. Mabilis lang ’to.”
“Yeah, take your time.”
Nagtungo na sa kusina si Cheska at inumpisahan ang paghahanda ng hapunan. Nagsalang muna siya ng bigas sa rice cooker bago niya inumpisahang lutuin ang specialty niyang pork adobo. Madalas na kapag nagluluto siya ng adobo ay mina-marinate muna niya ang karne. Pero sa mga ganitong biglaang pagkakataon, puwede namang non-marinated ang karne at lasang adobo pa rin naman kapag naluto.
Habang nakasalang ang kanyang niluluto ay pinuntahan niya sa salas si Jerimie na kasalukuyang nanonood ng foreign movie sa cable channel. Hawak nito ang cellphone at kasalukuyang nagte-text.
“Gutom ka na ba?” tanong niya rito. Umupo siya sa tabi nito.
Ipinatong ni Jerimie sa center table ang kanyang cellphone. “Hindi pa naman. Maaga pa naman, eh. At saka nag-e-enjoy naman ako sa pinanonood ko,” sagot sa kanya ni Jerimie. “Galingan mo ang pagluluto, ha? Kailangang masarap ’yan para sulit ang paghihintay ko,” pagbibiro pa nito.
“Masarap talaga ang niluluto ko. Hindi kita ipagluluto kung alam kong mapapahiya ako sa’yo,” pagmamalaki naman niya.
Nang maluto ang kanin at ulam ay magana nila itong pinagsaluhan.
At hindi nagkamali si Cheska. Nagustuhan talaga ni Jerimie ang niluto niya.
“Ipagluto mo ako ulit nito, ha?”
“Sure!”
“Paborito kasi ni Zinnia ang pork adobo. Dadalhin ko sa kanya.”
“Sige, sabihan mo lang ako kung kailan para maipagluto ko siya,” nakangiting pahayag ni Cheska.
Nagpahinga lang ng ilang sandali si Jerimie at pagkatapos ay nagpaalam na ito para umuwi. Hinatid pa ni Cheska sa labas ng apartment ang nobyo at nang mawala na sa paningin niya ang kotse nito ay saka siya bumalik sa loob ng apartment. Pagpasok niya ay kaagad niyang napansin ang cellphone ni Jerimie na naiwan nito sa ibabaw ng center table.
“Naku, naiwan niya ang cellphone niya!” Dinampot niya ang telepono. Paano pa niya ito maibibigay? Nagpasya siyang dadalhin na lang niya ito bukas sa opisina ng nobyo.
Papunta na siya sa kuwarto niya nang tumunog ang doorbell. Nagliwanag ang mukha ni Cheska. Bumalik si Jerimie!
Nagmamadaling binuksan ni Cheska ang pinto. “Nandito ang cell—” Hindi niya natapos ang sasabihin dahil hindi si Jerimie ang nakita niya sa labas ng pinto.
Si Gordon.
Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa hindi inaasahang bisita. “Ikaw pala. Anong ginagawa mo rito? May mukha ka pang magpakita sa akin?”
Nakakainis ang pagngisi ni Gordon. “Binibisita ka lang. Nami-miss na kasi kita.”
“Umalis ka na, magpapahinga na ako.” Itinulak niya ang pinto para isara pero maagap itong pinigilan ni Gordon.
Nakipagtulakan si Cheska. “Ano ba? Umalis ka rito!” sigaw niya sa lalaki.
Pero hindi nagpatinag si Gordon. Ang natural na lakas ng isang lalaki ay nanaig at nagawa nitong mas buksan pa ang pinto. Hindi na rin ito nagdalawang-isip na pumasok sa loob ng apartment ni Cheska.
“Lumabas ka rito! Kapag hindi ka umalis, idedemanda kita ng trespassing!”
Parang walang narinig ang lalaki. Mas lalo lang itong ngumisi na para bang wala sa sarili.
“Lalabas ako rito pagkatapos ng gagawin natin…”
Nahintakutan si Cheska lalo na at naalala niya ang sinabi ni Kenly kagabi tungkol kay Gordon.
“Diyan ka lang, ’wag kang lalapit!” sigaw niya. Pero patuloy lang si Gordon sa paghakbang papalapit sa kanya.
Tinangka niyang tumakbo pero marahas na nahawakan ni Gordon ang kanyang kanang kamay kaya nabitiwan niya ang cellphone ni Jerimie at tumilapon sa sahig. Napatili siya sa labis na takot.
Mabilis siyang niyakap ng lalaki at tinangkang halikan ngunit nagpupumiglas siya. Itinulak niya ang mukha nito palayo sa kanyang mukha. Nang makatiyempo ay ubod lakas niyang tinuhod ang pagkalalaki nito kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong makatakbo papunta sa kanyang kuwarto.
“Tulong! Tulungan n’yo ako!” sigaw niya habang papasok sa kuwarto. Nagawa niyang makapasok pero bago niya maisara ang pinto ay naiharang ni Gordon ang sarili.
Nagsisigaw si Cheska sa kawalan ng pag-asang matakasan ang buhong na lalaki.
Isang malakas na tulak sa pinto at tuluyan nang nakapasok si Gordon. Napaatras si Cheska at napunta siya sa nightstand na katabi ng kanyang kama. Dinampot niya ang picture frame sa ibabaw ng nightstand at ibinato kay Gordon ngunit nakaiwas ito. Ngumisi lang ito na parang asong nauulol.
Sukol na si Cheska. Wala na siyang masisiksikan. Papalapit na sa kanya si Gordon.
“Huwag, Gordon… Maawa ka…”
Pero si Gordon ay walang awa at nilukuban na ng makamundong pagnanasa. Tingin niya kay Cheska ay isang napakasarap na putaheng kailangan niyang tikman.
Dinaluhong ni Gordon ang walang kalaban-labang dalaga at pinunit ang sleeveless tops na suot nito.
Pumuno sa loob ng silid ang takot na takot na tili ni Cheska.
Chapter 43
HABANG nakahinto ang kotse ni Jerimie dahil traffic ay wala sa sariling napadukot ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Natigilan siya nang mapansing wala ang kanyang cellphone. At saka niya naalalang ipinatong nga pala niya ang telepono sa center table sa salas ng apartment ni Cheska.
Nag-U-turn siya at sumibad pabalik sa apartment ng nobya.
TULUYAN nang sinaniban ng kademonyohan ang utak ni Gordon nang tumambad sa kanya ang halos hubad na itaas na bahagi ng katawan ni Cheska nang tuluyan niyang mapunit ang damit nito.
Rumehistro ang marubdob na takot sa mukha ni Cheska. Pero hindi siya nasiraan ng loob. Ang isang pusang natatapakan ang buntot, siguradong kakagat o mangangalmot.
Binuhos niya ang buong lakas at pinagsasampal sa mukha si Gordon. Tinangka niyang ilayo ang mukha nito sa kanya dahil pinipilit ni Gordon na halikan siya. Subalit totoong iba ang natural na lakas ng isang lalaki. At si Gordon ay mas malakas kay Cheska.
Isang matinding suntok sa sikmura ang nagpatahimik kay Cheska. Tila naubusan siya ng hangin sa katawan at dahan-dahang naupos dahil sa sakit na dumapo sa kanyang sikmura.
Namilipit sa sakit si Cheska. Mas lalo namang nanabik si Gordon nang makitang tila nahihirapan ang babae.
Binuhat ni Gordon si Cheska. Manlalaban pa sana siya pero inunahan na siya ng lalaki. “Huwag ka nang manlaban. Wala ring mangyayari. Walang tutulong sa’yo rito,” mariing sabi nito sa halos pabulong na tinig.
Ibinagsak nito si Cheska sa kama. Pagkatapos ay binunot nito sa likurang bulsa ng suot nitong pantalon ang isang patalim at itinutok sa pinagnanasaang dalaga.
“Subukan mong sumigaw, hindi ako magdadalawang-isip na ibaon sa katawan mo ang patalim na ’to,” babala sa kanya ng lalaki.
Umiling si Cheska. Sunod-sunod. “Hindi. Huwag, Gordon. Wala akong ginagawang masama sa’yo.”
Nagpakawala si Gordon ng isang mataginting na halakhak.
Tahimik na umiiyak si Cheska. Naghalo na ang pawis at luha sa kanyang mukha. Gusto niyang lumaban pero paano? Wala na siyang magagawa sa harap ng patalim na nakatutok sa kanyang katawan.
Ngising-aso si Gordon. Kulang na lang na maglaway ito sa masarap na putaheng nakahain sa kanyang harapan.
Ibinaba ni Gordon ang patalim papunta sa dibdib ni Cheska. Naramdaman niya ang pagdikit ng dulo ng matalas na patalim sa kanyang bra. Nahulaan niya ang gustong gawin ni Gordon. “Huwag, Gordon. Huwag…” tutol niya habang lumuluha.
Tatakpan sana niya ng kanyang braso ang kanyang dibdib pero idiniin ng lalaki ang dulo ng patalim sa kanyang balat. Napangiwi siya sa naramdamang kirot. Isang impit na daing ang kumawala sa kanyang bibig. Alam niya, nasugatan siya sa bahaging iyon ng kanyang katawan.
Ngising-ngisi si Gordon nang makita ang konting dugong lumabas sa nasugatang balat ni Cheska. Parang baliw itong yumuko sa dibdib ng dalaga at dinilaan ang umagos na dugo. Hilakbot na hilakbot si Cheska sa ginawa ng lalaki. Mas lalo pa siyang kinilabutan nang makita ang sariling dugo sa dila ni Gordon.
IDINIIN ni Jerimie ang busina nang mag-go na ang traffic light pero hindi pa rin gumalaw ang kotseng nasa kanyang unahan. Nang sa wakas ay umandar ang kotse, agad na pinatakbo niya ang kanyang sasakyan. Kailangang makarating siya agad sa apartment ni Cheska. Baka makatulog na ang nobya niya ay mahihirapan pa siyang kumatok para gisingin ito.
KASALUKUYANG tinatawagan ni Kenly ang cellphone ni Cheska. Naririning naman niyang nagri-ring ang telepono pero bakit kaya hindi sinasagot ng kaibigan niya? Muli siyang nag-dial. Ganoon pa rin. Nagri-ring lang pero walang sumasagot. “Anong oras na ba?” tanong niya sa sarili. Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya. “Pasado alas-diez pa lang ng gabi. Tulog na kaya ’yon?” Isang beses pa niyang sinubukang kontakin ang kaibigan.
NARINIG ni Cheska ang sunod-sunod na pagtunog ng kanyang cellphone na nasa handbag niya. Ngunit wala naman siyang pagkakataong sagutin kung sino man ang tumatawag na iyon. Ang atensyon niya ay nasa mukha ni Gordon na tila halimaw na sa kanyang paningin.
Muling ibinaba ni Gordon ang patalim papunta sa dibdib ni Cheska at walang sabi-sabing hiniwa ang kapirasong telang tumatakip sa kanyang dibdib.
Awtomatikong naitakip ni Cheska ang dalawang braso sa kanyang dibdib. Nagtangka siyang bumangon pero mabilis siyang naitulak ni Gordon kaya muli siyang napahiga. Nalantad tuloy sa lalaki ang mayaman niyang dibdib.
IPINARADA ni Jerimie ang kotse sa tapat ng apartment ni Cheska. Nasa kotse pa lang ay nakita na niyang bukas ang pinto ng apartment ng nobya. Kinutuban siya ng hindi maganda.
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at inilang hakbang lang ang pintuan ng tinitirhan ni Cheska. Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang cellphone niyang nakakalat sa sahig.
“Cheska!” tawag niya sa nobya.
Noon niya nakarinig ang matinis na sigaw ni Cheska.
“Sa kuwarto!”
Tinakbo ni Jerimie ang silid ng dalaga at kitang-kita niya sa akto si Gordon na sinisibasib ng halik ang kanyang nobya.
Bigla ang pag-akyat ng dugo sa ulo ni Jerimie. Ang naabutan niyang eksena ay sapat na para balutin ng walang kapantay na galit ang buo niyang pagkatao.
“Gordon! Hayup ka!” Mabilis niyang dinaluhong si Gordon na nabigla sa hindi inaasahang pagdating niya. Isang matinding suntok sa mukha nito ang pinakawalan ni Jerimie.
“Jerimie!” sigaw ni Cheska na mabilis ding bumangon at dinampot ang kumot sa kama para maitakip sa kanyang katawan.
Nahulog sa kama si Gordon at bago pa ito makabangon ay muli itong sinugod ni Jerimie.
“Jerimie, may patalim siya!” babala ni Cheska sa nobyo.
“Lumayo ka sa kanya, Cheska!”
Dumaan sa ibabaw ng kama ang dalaga para makalayo kay Gordon. Pumuwesto siya malapit sa pinto.
Iwinasiwas ni Gordon ang patalim kaya napahinto sa paglapit si Jerimie. Isang maling kilos niya ay maaari siyang masaksak ng tarantadong Gordon na ’to.
“Mag-iingat ka, Jerimie!” Abot-abot ang kaba ni Cheska.
Nakabangon na si Gordon at pumorma para depensahan ang sarili sa oras na sumugod si Jerimie. Ngumisi pa ito sa lalaki. “Ang sarap pala ng girlfriend mo, p’re!” sabi nito na sinundan ng isang malakas na halakhak.
“Tarantado ka!” Sinugod niya si Gordon. Umamba ito para itarak sa kanya ang patalim pero nahawakan niya ang braso nito bago pa siya masaksak. Mabilis niyang pinilipit ang braso ni Gordon dahilan para mabitiwan nito ang hawak na patalim.
Sunod-sunod na suntok ang ibinigay ni Jerimie sa lalaking nagtangka sa kanyang nobya. Hindi na niya pinayagang makaganti pa ito. Inilabas niyang lahat ang naipong galit sa kanyang katawan dahil sa ginawa nito kay Cheska.
“Gago ka! Gago ka!”
“Jerimie, tama na! Baka mapatay mo siya!” Tumakbo sa kanya si Cheska para awatin siya. Niyakap siya ng nobya.
Bugbog-sarado si Gordon nang tigilan niya ang pambubugbog dito. Hindi na ito makagalaw sa tinamong suntok mula kay Jerimie.
Tumawag sa police station si Jerimie para i-report ang pangyayari. Hindi nagtagal ay dumating ang mga pulis at dinampot si Gordon. Buo ang loob ni Cheska na sampahan ng kaso ang lalaking muntik nang maglugso sa iniingatan niyang puri. Sa ginawa ni Gordon, patong-patong na kaso ang isasampa niya laban dito.
Chapter 44
KAUSAP ni Cheska si Kenly ng mga oras na iyon. Nagkita sila sa isang coffee shop sa bahaging iyon ng Quezon Avenue pagkatapos ng trabaho.
“Hayup pala ang Gordon na ’yan!” nanggagalaiting sabi ni Kenly nang malaman ang ginawa nito kay Cheska. “Wanted na nga, ang lakas pa ng loob na pagtangkaan kang gawan ng masama. Naku, mabuti na lang talaga at naisipang balikan ni Jerimie ang cellphone niya. Kung nagkataon pala, paano ka na, girl?”
“Takot na takot ako no’n. Malamang nagtagumpay siya sa balak niya kung hindi dumating si Jerimie.” Pinipilit maging kalmado ni Cheska. Kapag naaala niya ang nangyari, bumabalik pa rin ang parehong takot at kabang naramdaman niya habang nakangisi sa harap niya si Gordon.
“Nag-aalala nga rin sa’yo sina Mariel at Portia. Kasalanan talaga namin ito. Kung hindi namin siya hinanap para ireto sa’yo, hindi sana kayo nagkitang muli. Hindi niya sana nalaman kung saan ka nakatira.”
“Nakausap ko na sina Mariel at Portia. Tumawag sila kaagad nang malaman nila ang nangyari. Nasa presinto pa kami no’ng nag-text ako sa inyo para ibalita ang nangyari. Tumawag kaagad sila para alamin kung okay lang ba ako.”
“Hindi na ako nakatawag sa’yo kasi no’ng hindi mo sinagot ang mga tawag ko, akala ko tulog ka na. Kaya natulog na ako. Umaga na no’ng mabasa ko ang message mo,” paliwanag ni Kenly. “Kaya pala ’di mo sinasagot ang tawag ko, may masama na palang nangyayari sa’yo.”
“Mabuti na rin siguro na nangyari iyon. At least, nahuli na rin si Gordon at makukulong na siya sa kasong isinampa sa kanya ng estudyante niya. Idagdag pa ang mga kaso na isasampa ko. Baka mabulok na siya sa kulungan,” seryoso niyang sabi.
“Basta, girl nandito lang ako lagi, ha? Anytime…”
Matipid niyang nginitian ang baklang kaibigan. Alam niyang hindi lang si Kenly ang nariyan lagi para sa kanya. Nariyan din si Portia. Si Mariel. Ang mga magulang niya. At si Jerimie. Ang mahal niyang si Jerimie.
“PAKASAL na kaya tayo…” walang kaabog-abog na sabi ni Jerimie habang nagmamaneho para ihatid si Cheska sa apartment nito.
“Seryoso ka?”
Itinabi ni Jerimie ang kotse sa gilid ng kalsada at ipinarada.
“Hindi kasi ako mapanatag mula nang mangyari ang ginawa ni Gordon. Kapag naiisip ko na mag-isa ka lang sa apartment, hindi ako mapalagay,” matapat na sabi nito.
“Okay lang naman ako. Wala naman akong kaaway. Isang linggo nang nakakulong si Gordon. Hindi na niya ako magagawan ng masama.”
“Kahit na. Maybe, this is the right time for me to start a family,” sabi nito sa mahinang tinig habang nakatitig sa kanya. “I want to be beside you always. I want to protect you. Gusto kong alagaan ka ngayon hanggang sa huling hugot ng aking hininga.”
Nanlaki ang mga mata ni Cheska.
“Sorry, wala akong dalang singsing. Pasensya ka na rin dahil napaka-unromantic ng proposal ko, dito lang sa kotse, sa gilid ng kalsada. But I still want to ask you… Will you marry me, Cheska?” Pigil ang hininga niya. Kinakabahan siya sa maaaring isagot ng nobya.
Nanginginig ang mga kamay ni Cheska. Pero kahit konti ay wala siyang pagdududa sa kanyang isasagot kay Jerimie, may singsing man o wala.
“Yes, Jerimie. I’ll marry you…” nakangiti niyang sagot. Pinahid niya ng kamay ang butil ng luhang biglang tumulo nang hindi niya namamalayan. Para siyang tanga, nakangiti pero umiiyak.
Bigla siyang kinabig ni Jerimie para yakapin. Hindi naging hadlang ang makipot na espasyo sa kotse para mayakap nila ang isa’t isa.
“I’m the happiest guy in the world tonight, Cheska. I love you. I really do.” Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa nobya.
“I love you, too, Jerimie…”
SUNOD-SUNOD na malalakas na katok ang gumising kina Gina at Zinnia.
“Open the door!”
“Mommy mo…” sabi ng nurse sa kanyang alaga. “Bakit kaya?”
Bumangon siya at nagmamadaling binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya si Maddy na sa itsura ay mukhang lango na naman sa alak. Napansin niya ang manikang hawak nito sa kanang kamay. Kay Zinnia iyon.
“What is this freaking doll doing in my room?” Itinaas pa nito ang kamay para ipakita ang manika.
Kukunin sana ni Gina ang manika pero mabilis na binawi ni Maddy ang kamay at walang pakialam na pumasok sa loib ng silid. Lumapit ito kay Zinnia na nakaupo sa kama.
“M-mommy, that’s my doll,” nag-aalangang sabi ng paslit.
“Yes! And I want to know what is this doll doing in my room?” bulyaw nito sa anak.
“Ma’am, baka po nakapasok lang sandali si Zinnia sa kuwarto mo.” Napalunok si Gina. Alam niyang ayaw na ayaw ni Maddy na pumapasok sa kuwarto nito ang kahit sino nang wala nitong pahintulot.
Hinarap siya no Maddy. “Exactly! Hindi naman siguro maglalakad mag-isa ang manikang ito papunta sa kuwarto ko.”
“Mommy, I just entered the room because I wanted to play with you. But you were not in the room,” sabi pa ni Zinnia.
“I don’t want you entering in my room. Understand?” Pinandilatan ni Maddy ang anak tapos ay muling hinarap si Gina. “Ikaw naman, binabayaran ka rito para bantayan si Zinnia. Hindi para pabayaan siyang magpakalat-kalat sa kuwarto ko. If you can’t do your job, you better leave this house!” Ibinato niya sa mukha ng nurse ang manika at nagdadabog na lumabas ng kuwarto.
Hindi masakit ang pagtama ng manika sa mukha ni Gina pero ramdam niya ang sakit ng mga sinabi ng amo. Hindi niya napigilan ang mapaluha. Habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang masamang ugali ng amo niya. Kung hindi lang niya inaalala si Zinnia ay matagal na sana niyang binitawan ang trabaho niya rito.
“Nurse Gina… Don’t cry.” Narinig niya ang tinig ni Zinnia na parang naiiyak na rin. Nilapitan niya ang alaga at buong pagmamahal na niyakap ito.
“Matulog ka na ulit, ha?”
Tumango ang bata. “Is mommy mad at me?”
“No, she’s just drunk.”
“She’s always drunk.”
“Shh… Kalimutan mo na ’yon. Halika na, matulog na tayo.” Inihiga niya ang alaga at pagkatapos ay tabi siya rito. Niyakap niya ang paslit at kinantahan hanggang sa masiguro niyang mahimbing na ang tulog nito.
HINDI makapaniwala sina Portia, Kenly at Mariel sa ibinalita ni Cheska.
“What? Ikakasal ka na?” nanlalaki ang mga matang sabi ni Kenly. “Kaya pala bigla kang nag-request na magkita-kita tayo ngayon, may big reveal ka pala, girl!”
“Uunahan mo pa kami?” sabi naman ni Mariel.
“Dati, ikaw itong walang ka-boyfriend-boyfriend tapos ngayon, ikaw pa ang mauunang ikakasal?” Napapailing pa si Portia. “Tell me, buntis ka ba?”
“OMG!” OA ang reaksyon ni Kenly. “Buntis ka, girl? It means, alam mo na kung daks si Jerimie?” excited na tanong ng bakla.
“Hindi, ’noh? Hindi ako buntis,” sagot niya. “Niyaya na niya akong magpakasal dahil ayaw na raw niyang mag-isa lang ako sa bahay.”
“Ang sweet, ha! Kaloka, sa’yo na ang korona bilang pinakamagandang babae ng taon.”
“So kailan n’yo balak magpakasal?” tanong ni Mariel.
“Wala pang petsa. Ipapaalam muna namin ni Jerimie sa parents namin. At saka namin paplanuhin ang iba pang detalye ng kasal.”
“Kahit uunahan mo pa kaming magpakasal, I’m so happy for you, friend.” Niyakap siya ni Portia.
“Group hug tayo!” sigaw ni Mariel.
“Group hug para sa masayang marriage life ni Cheska!” tili naman ni Kenly.
Nag-group hug silang apat na magkakaibigan. Masaya silang lahat para kay Cheska.
Wala silang kamalay-malay na hindi pa tapos ang mga problema.
Chapter 45
MAGKAHAWAK-KAMAY na nagtungo sa pool sina Jerimie at Cheska para puntahan si Maddy. Sabi ni Diday ay nasa pool daw ang babae at ayaw magpaistorbo kaya minabuti nilang sila na lang ang magtungo sa pool area para makausap ito.
Parang walang nakitang paparating na tao si Maddy kahit natanaw naman nito ang pagdating ng dalawa. Patuloy lang itong naglunoy sa tubig at lumangoy nang lumangoy.
“Maddy, gusto kitang makausap,” sabi ni Jerimie. “Umahon ka muna riyan.”
Lumangoy papalapit sa kanila ang babae.
“What brought you here?” tanong sa kanila ni Maddy na hindi pa rin umaahon sa pool.
“Umahon ka nga muna riyan. Paano tayo makapag-uusap nang matino kung nandiyan ka sa pool?”
“Daddy!”
Napatingin sa likod si Jerimie at nakita niya si Zinnia na tumatakbong papalapit sa kanya kasunod ang nurse na si Gina.
“Zinnia, come back here!” sigaw ni Gina habang hinahabol ang alaga.
“Be careful. Don’t run!” Siya ang kinabahan para sa pamangkin. Sinalubong niya ito at kinarga.
Umahon sa pool si Maddy.
“Anong meron today? Bakit kumpleto kayo rito?” Ang kilay ni Maddy ay kaagad na tumaas. Kahit hindi lasing ay lumalabas na talaga ang pagkasuplada nito.
“Mabuti na rin na kumpleto tayo because I want everyone to know that Cheska and I are getting married,” masayang pagbabalita ni Jerimie. Ang lapad nga ng ngiti niya. Abot hanggang tainga.
Nakita ni Cheska na napangiti si Gina. Pero nang tingnan niya si Maddy ay iba ang nakita niya sa mukha nito. Gulat? Lito? Lungkot? Bakit tingin niya ay tumalim bigla ang mga mata nito?
“Kailan naman ang kasal?” kaswal na tanong ni Maddy.
“Pag-uusapan pa namin. This weekend, pupunta kami sa province ni Cheska para makilala ko ang parents niya. From there, paplanuhin na namin ang lahat ng details ng kasal.”
“What about your parents? Alam na ba nila?”
“Nasabi ko na when we skyped last night and okay naman sa kanila. They will be here to attend our wedding.” Hinapit pa ni Jerimie ang baywang ng nobya. Bigla ay parang naging isang buong pamilya sila. Si Jerimie, si Cheska at si Zinnia.
Hindi nakaligtas sa mata ni Cheska ang pasimpleng pag-ismid ni Maddy. Pero binalewala lang niya ang kakaibang reaksyon ng babae.
“Hindi na kami magtatagal. We just came here to say the good news.” Hindi nawawala ang ngiti ni Jerimie, patunay na totoong maligaya ito sa nangyayari ngayon sa kanyang buhay.
NANG makaalis sina Jerimie at Cheska ay nagkulong sa kuwarto si Maddy. Hindi na nga nito nagawang magpalit ng damit. Humarap ito sa malaking salamin na nasa kanyang silid at masusing pinagmasdan ang repleksyon niya sa salamin. Nagtataka siya kung ano ba ang kulang sa kanya. Bakit hindi napapansin ni Jerimie ang kanyang presensya? Ano ba ang mali sa itsura niya? Maganda naman siya. Ano bang hindi magustuhan ni Jerimie sa katawan niya? Sexy naman siya.
Bakit sa ibang babae nagkagusto si Jerimie at hindi sa kanya?
Hindi pa nakuntento si Maddy at walang pangingiming hinubad nito ang suot na two-piece swimsuit at malayang pinagmasdan sa salamin ang hubo’t hubad niyang repleksyon. Kasabay nito ang pamumuo ng hindi maipaliwanag na galit sa kanyang mukha. Dahan-dahang tumulo ang luha ni Maddy. Hindi na rin niya napigilan ang nag-uumapaw na poot sa kanyang dibdib. Buong lakas siyang humiyaw upang palayain ang bigat sa dibdib na kanyang nararamdaman.
“Aaaaahhhhhh!”
NAGING abala na sina Jerimie at Cheska nang mga sumunod na araw. Umuwi ng Camarines Sur ang dalaga kasama ang nobyo para pormal na makapagpaalam sa mga magulang niya. Hindi naman tumutol ang ama at ina ni Cheska. Maging ang mga ito ay magaan agad ang loob sa kasintahan ng kanilang anak lalo na at nakita nilang mahal na mahal ni Cheska si Jerimie. Hindi na nila kinuwestyon kahit na ilang buwan pa lang na magkasintahan ang dalawa dahil nasa tamang edad na ang mga ito. Sa probinsiya nina Cheska, nailatag ang kabuuan ng detalye ng kasal nila ni Jerimie.
Pagbalik ng Maynila ay nagkita silang magkakaibigan sa condo ni Portia.
“So, kailan ang kasal?” excited na tanong ni Mariel.
“Six months from now. Kumuha na si Jerimie ng event organizer na kayang ihanda ang lahat ng kakailanganin sa kasal in so short a time,” nakangiting sagot niya.
“Ang suwerte mo, girl,” tila naiinggit sa pahayag ni Kenly. “Sana lang talaga, daks ’yang si Jerimie para lubos-lubos na ang kaligayahan mo.”
“Hindi na importante sa akin kung daks man siya o hindi. Mahal ko si Jerimie. At tama na sa akin na mahal din niya ako. Kasi, at the end of the day hindi naman masusukat ang pagkatao ni Jerimie sa haba at taba ng pangkabuhayan showcase niya.” Bahagya siyang napangiti nang maalalang iyon ang terminong ginamit dati ni Jerimie para itawag sa pribado nitong bahagi.
Natawa sina Mariel at Portia sa sinabi niya.
“Pangkabuhayan showcase talaga, girl? Titi lang ’yon, noh! Titi!” tili ni Kenly. “May pangkabuhayan showcase ka pang nalalaman diyan.”
Tawa pa rin ng tawa sina Portia at Mariel.
“Ang bastos talaga ng bibig mo. Hindi mapigilan. Alam mo, ikaw lang ang curious na curious malaman ang size ng ano ni Jerimie. Eh, kung isumbong kaya kita sa boyfriend mo?” kunwa’y pananakot niya sa kaibigan.
Nanlaki ang mga mata ni Kenly, pagkatapos ay ngumiti. “Good news, girl! Wala na kami.”
Napatingin si Cheska kina Mariel at Portia. Halos magkasabay na tumango sa kanya ang dalawang babae.
“Kailan pa?” tanong niya.
“Last week. Hindi ko na kinuwento sa’yo kasi ayoko namang sirain ang kasiyahang nadarama mo araw-araw. At saka alam kong busy ka sa planning ng kasal mo,” paliwanag ni Kenly.
“Pero okay ka na ba?” naninigurong tanong niya.
“Oo naman! Ako pa ba? Kailan ba ako nagmukmok dahil iniwanan ng lalaki? Sa ganda kong ’to, madali akong makahahanap ng kapalit,” puno ng kumpiyansang sabi ng bakla. “Kaya ’wag mo akong alalahanin. Planuhin mo na lang mabuti ang kasal mo. Basta, isa ako sa mga secondary sponsor, ha? Kahit sa cord or veil.”
Nakangiti siyang tumango sa kaibigan. “Kayo rin Portia, Mariel ha. Part kayo ng wedding entourage.”
“Anytime! Basta ikaw,” mabilis na sagot ni Mariel.
“Sure, Cheska.” Si Portia ay sumang-ayon din.
MULI silang pumunta sa bahay ni Maddy para kausapin ito tungkol sa magiging partisipasyon nito sa kasal. Sa salas sila hinarap ng babae.
“Maddy, we’re here to formally ask your approval to be part of our wedding entourage,” seryoso ang tinig ni Jerimie pero hindi nawawala ang ngiti sa maaliwalas nitong mukha. “We also want Zinnia to be the flower girl.”
Hindi nila inaasahan ang sagot ni Maddy.
“No! Magpakasal kayo kung gusto n’yo pero huwag n’yo akong maisama-sama sa kalokohan n’yong ’yan! Leave me alone! Umalis na kayo rito. Alis!” nanggagalaiting sigaw nito na kasabay ang panlilisik ng mga mata.
Takang-taka si Cheska na nakitang reaksyon ng babaeng itinuturing na ring pamilya ni Jerimie.
Chapter 46
“BAKIT ganoon ang reaksyon ni Maddy?” Hindi napigilan ni Cheska ang magtanong. Nasa kotse na sila at bumibiyahe papunta sa bahay ni Jerimie. Ngayon pa lang siya dadalhin ng nobyo sa tirahan nito kaya nakadama siya ng excitement. Gano’n pa man, ang kakaibang ikinilos ni Maddy kanina ay patuloy na bumabagabag sa kanyang isip.
“Hanggang ngayon siguro ay hindi niya matanggap na hindi ko siya gusto,” kaswal na pagkukuwento ni Jerimie.
“Gusto ka ni Maddy?” Nabuhay ang kuryusidad kay Cheska. “Paano? Kailan pa?”
“Matagal na. Bago pa man ipanganak si Zinnia. Hindi ko na ikinuwento sa’yo dahil akala ko, tapos na. At saka kahit minsan naman, hindi ako nagkarpon kahit konting pagtingin sa kanya. Dahil alam kong gusto siya ng kakambal ko.”
Napatango-tango ang dalaga. “Paano ngayon ’yan? Kung kailan ikakasal tayo at saka pa kayo magkakaroon ng samaan ng loob ni Maddy.”
Nagkibit-balikat ang lalaki. “Likas na matigas ang ulo ni Maddy. ’Pag gusto niya, gusto niya. Hindi mo ’yan mapipigilan. Pero sinisiguro ko sa’yo na kahit kailan, hindi ko siya papatulan. Kuntento na ako sayo,” nakangiting pahayag ni Jerimie sabay ang pagkindat sa nobya.
Kinilig si Cheska sa ginawa ng nobyo. Kung kailan malapit na silang ikasal ay saka siya mas nai-in love sa mga little pakilig gesture nito. Bakit ba hindi? Eh, talaga namang nakakakilig ang lalaking ito. Mula sa itsura, hanggang sa ugali. Napakasuwerte niya na si Jerimie ang naging boyfriend niya.
DALAWANG buwan bago sila ikasal ay nakipagkita si Cheska kay Uriel. May sorpresa raw sa kanya ang binata kaya gusto nitong makipagkita. Isinama niya si Jerimie para personal na rin nilang maibigay rito ang invitation para sa kanilang kasal.
Pagpasok pa lang ng restaurant kung saan sila magkikita ay nakita na ni Cheska ang kaibigan. Pero mas tumatak sa utak niya ang babaing kasama nito. Sabay pa silang nagkatinginan ni Jerimie. Ano’t kasama ni Uriel si Elsa?
“Take a seat,” nakangiting sabi sa kanilang dalawa ni Uriel. Si Elsa ay nakangiti rin sa kanila. Walang bakas ng anumang pagkailang.
“Alam kong kilala n’yo na ang kasama ko. But I still would like to introduce her to the both of you. Meet Elsa, my girlfriend.”
Napanganga si Cheska. Pero nakabawi rin siya kaagad. “And I want you two to meet my fiance, Jerimie. By the way, we are inviting you to our wedding.” Bumaling siya kay Elsa. “ Please come, too,“ matapat niyang sabi.
“I will…” Ang tamis ng ngiti ni Elsa. Kita sa aura nito ang nag-uumapaw na kaligayahan. Marahil dahil masaya na rin ang lovelife nito.
“I’m so happy for the both of you.” Kinamayan sila ni Uriel.
“Hindi ka nagkukuwento sa akin na may girlfriend ka na pala,” kunwa’y nagtatampong sabi ni Cheska kay Uriel.
“Pagkuwentuhan natin sa ibang araw,” natatawang sagot ng lalaki. “Teka, order muna tayo ng makakain.”
DUMATING ang araw ng kasal nina Jerimie at Cheska. Nasa simbahan na ang mga imbitado. Pati si Jerimie ay nasa simbahan na rin at kanina pa kinakabahan. Ganoon yata talaga kapag ikakasal. Parang pusang hindi maihi ang groom habang hindi pa dumarating ang bride.
Ang mga kaibigan ni Cheska na sina Portia, Mariel at Kenly ay naroon na rin. Ang mga magulang ni Jerimie ay nagbalikbayan para dumalo sa pakikipag-isang dibdib ng kanilang anak. Ang mga magulang naman ni Cheska ay lumuwas ng Manila isang linggo pa bago ang takdang araw ng kasal para personal na matulungan ang anak sa iba pang mga bagay na kailangang asikasuhin at ayusin. Flower girl si Zinnia at coin bearer naman ang batang si Biboy na napalapit na nang husto kay Jerimie.
Nang dumating ang bride ay halos tila tumigil sa paghinto ang orasan. Nagsimula ang bridal march. Isa-isang naglakad papuntang altar ang entourage ng kasal.
Napakaganda ni Cheska sa suot nitong eleganteng wedding gown. Dati nang maganda ang dalaga, pero mas lumutang ang ganda nito sa karamihan ng mga kasama sa entourage kahit na naggagandahan din naman ang pili nilang mga abay. Tila prinsesa si Cheska habang naglalakad patungong altar kasabay ng kanyang ama at ina. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Jerimie habang papalapit sa kanya ang mapapangasawa. At tuluyan na siyang napaluha nang sa wakas ay ibigay sa kanya ng ama ni Cheska ang kamay ng dalaga.
SAKAY si Maddy ng kotse niya. Mabilis ang takbo ng kotse at hindi alintana ni Maddy ang mga malalaking sasakyang nakakasalubong niya.
Nang makarating siya sa simbahan ay mabilis siyang bumaba sa kotse at patakbong pumasok sa simbahan.
“Itigil n’yo ang kasal!” Pumuno sa buong simbahan ang boses ni Maddy. Nagtatakbo ito papalapit sa altar pero huminto ito sa gawing katabi ng kinatatayuan ni Elsa.
Pinagtinginan ng mga tao si Maddy na luksang-luksa sa suot nitong bestidang itim katerno ng shoulder bag nitong itim rin.
Maging ang pari, pati na rin sina Cheska at Jerimie ay natigilan.
“Hindi ka puwedeng magpakasal sa kanya, Jerimie. Mahal kita! Akin ka lang.” Gulat ang mga tao sa sinabi ni Maddy, lalo na ang mga personal nilang mga kakilala.
“Maddy, alam mong kahit kailan ay hindi naging tayo. Walang anumang relasyong namagitan sa atin maliban sa pagiging kapatid ng ama ng anak mo,” paliwanag ni Jerimie. “Huwag mong gawing komplikado ang sitwasyon. At huwag mong guluhin ang pinakaimportanteng okasyon sa buhay namin ni Cheska.”
“Hindi, Jerimie! Hindi ka puwedeng mapunta sa iba!” Dinukot nito ang baril sa loob ng shoulder bag at itinutok sa ikakasal. “Mamatay ka, Cheska!”
Kasabay ng pagputok ng baril ay mabilis na niyakap ni Jerimie ang nobya. Ang balang para sana kay Cheska ay bumaon sa likurang bahagi ng katawan niya.
Isang putok pa ang umalingawngaw at muling bumaon sa katawan ni Jerimie.
Parang nasisiraan na ng bait si Maddy. Muli nitong ikinasa ang baril. Pero bago niya ito maiputok ay nahawakan na siya ni Elsa sa braso.
“Huwaaag!” Nagawa niyang maitaas ang braso ni Maddy kaya sa ere na pumutok ang baril.
Galit na galit si Maddy sa ginawa ni Elsa. “Pakialamera ka!” Hinila niya ang babae sabay tulak dito sa sahig. Napasalampak sa sementadong sahig si Elsa at bago pa ito makabangon ay muling pinaputok ni Maddy ang baril.
Ramdam ni Elsa ang paglagos ng bala ng baril sa kanyang katawan. Nang hawakan niya ang kanyang sikmura ay napuno ng dugo ang kanyang kamay.
Napaurong si Maddy habang nakatutok sa mga tao ang hawak nitong baril. “Huwag kayong lalapit! Babarilin ko kayong lahat!” Mabilis ang pag-atras nito papunta sa pintuan ng simbahan. Hindi naman makakilos ang mga tao sa pangambang paputukan sila ng babaeng tila tinakasan na ng katinuan.
Nang malapit na sa pintuan ay tumakbo na si Maddy papalabas ng simbahan. At saka lamang dinaluhan ng mga tao ang duguang sina Jerimie at Elsa.
Kaagad na sumakay si Maddy sa kotse niyang nakaparada sa gilid at mabilis itong pinasibad papalayo sa lugar na iyon.
Gusot ang isip ni Maddy. Ngayon niya napagtanto ang posibleng maging resulta ng kanyang ginawa. Napatay yata niya si Jerimie gayong si Cheska ang gusto niyang alisin sa landas niya. At ang pakialamerang babaeng pumigil sa kanya, sana’y mamatay na rin ang babaeng iyon! Pero ayaw niyang makulong. Siguradong sa kulungan siya dadamputin dahil sa ginawa niya.
Dahil sa kalituhan ng pag-iisip ay hindi namalayan ni Maddy ang biglang pagsulpot ng isang trak na nakasalubong niya. Mabilis naman niyang nakabig ang manibela pero tuloy-tuloy siyang sumalpok sa pader sa gilid ng kalsada. Wasak at nagkayupi-yupi ang unahang bahagi ng kotse. Basag din ang windscreen. At duguan ang mukha ni Maddy!
Chapter 47
HINDI mapigilan sa pag-iyak si Cheska habang hawak ang isang kamay ni Jerimie habang itinutulak ng mga hospital attendant ang stretcher trolley kung saan ito nakahiga para dalhin sa operating room. Wala siyang pakialam sa paligid kahit nakasuot siya ng wedding gown na punong-puno ng dugo.
Kasunod niya ang mga magulang ng binata gayundin ang kanyang tatlong kaibigan. Sa parehong ospital din dinala si Elsa na inaasikaso naman ni Uriel at ng mga magulang ni Cheska.
Hawak pa rin niya ang isang kamay ni Jerimie at ayaw niyang bitawan kahit na nang pinigilan na siya ng doktor dahil bawal siyang pumasok sa loob ng operating room.
“Iligtas n’yo siya. Para n’yo ng awa, iligtas n’yo siya!” Histerikal na si Cheska. Hindi niya inasahang magiging ganito kalagim ang araw na iniisip niyang pinakamasaya para sa kanilang dalawa ni Jerimie.
Niyakap siya ng ina ni Jerimie at pinakalma. “Tahan na, hija. May awa ang Diyos. Hindi Niya pababayaan si Jerimie,” sa mahinang boses ay sabi sa kanya ng matandang babae. “Malakas si Jerimie. Hindi siya magpapatalo nang hindi lumalaban. At alam kong lalaban siya para sa kanyang buhay.”
Lalo pang napaiyak si Cheska. Hindi talaga siya handa sa ganito. Akala niya ay pinakanakakatakot na ang ginawa noon ni Gordon. Mayroon pa palang hihigit doon. At hindi niya kakayanin kung si Jerimie ang kapalit ng ginawang iyon ni Maddy.
Walang magawa ang tatlong kaibigan ni Cheska kundi yakapin na lang siya. Sa ganitong pagkakataon mas makikita ang tibay ng kanilang samahan.
Matiyaga silang naghintay sa labas ng operating room. Lahat ay umaasang sa paglabas ng doktor ay may dala itong magandang balita.
Pagkalipas ng dalawang oras ay nakita nilang paparating si Uriel.
“Kumusta si Elsa?” agad na tanong ni Cheska.
“Tapos na siyang maoperahan. Pero maraming dugo ang nawala sa kanya. Kailangan niya ng type O na dugo. Walang available dito sa ospital.” Bakas ang pag-aalala ng lalaki para sa kasintahan.
“Ako! Type O ang dugo ko. Sabihin mo sa doktor niya sa puwede akong kunan ng dugo,” mabilis niyang desisyon. Sa ginawa ni Elsa para sa kanila ni Jerimie, dapat lang na tumbasan niya ang pagpapakabayani nito.
“Type O rin ako,” sabi ni Portia. “Kung mas maraming dugo ang kakailanganin, willing din akong mag-donate.”
“Salamat, Portia. Ako na lang muna.”
Tumango si Portia.
“Salamat, Cheska,” sabi naman ni Uriel. “Halika, sumama ka sa akin…”
Nagtungo sila sa silid kung saan naroon ang doktor ni Elsa. Nadatnan nilang may kausap itong nurse.
“Doc, siya po ang blood donor para sa girlfriend ko. Magkatipo sila ng dugo.”
“Okay, that’s good.” Kinausap nito ang nurse, “Please check her health and eligibility so we can do blood transfusion to the patient.”
“Yes, Doc.” Lumapit kay Cheska ang nurse. “Ma’am, dito po tayo sa kabilang room,” sabi nito at lumabas silang dalawa para pumunta sa kabilang kuwarto. Naiwan sa kuwarto sina Uriel at ang doktor.
NAGHIHINTAY pa rin sila sa paglabas ng doktor na gumagamot kay Jerimie. Si Kenly ay abala sa pagkalikot ng social media accounts niya sa cellphone.
“Oh my God!” Malakas ang pagkakasabi ni Kenly kaya napatingin lahat sa kanya ang mga kasama.
“Bakit?” tanong ni Mariel.
“Anong nangyari?” segunda ni Portia.
“Si Maddy, ’yong babaeng namaril sa simbahan kanina… patay na!”
“What!” Napatayo si Portia at agad na lumapit kay Kenly.
“Sumalpok sa pader ang kotse niya. Dead on the spot siya. Nandito nga sa facebook ang mga litrato niya no’ng hindi pa siya nailalabas sa kotse,” paliwanag ni Kenly.
“Jesus Christ!” Napa-sign of the cross pa si Mariel.
Ang mga magulang ni Jerimie ay binalot din ng pag-aalala. Itinuring na ng mga ito si Maddy bilang anak. Masakit man ang ginawa nito kay Jerimie, hindi naman nila ipagdadasal kahit kailan ang kamatayan nito.
Napayakap ang ina ni Jerimie sa asawa.
Noon naman lumabas ng operating room ang doktor. Agad itong sinalubong ng ama ni Jerimie. “Kumusta ang anak ko, Doc?”
“Nakuha na namin ang mga balang bumaon sa kanyang katawan but he is still under observation. The good thing is wala namang natamaang vital organs ang bala. Let’s just hope na hindi siya magkaroon ng infection or any complications,” sabi pa ng manggagamot. “Sinalinan namin siya ng dugo para maibalik ang dugong nawala sa katawan niya. Mabuti na lang at may available na blood type A+ at hindi na kinailangan pang maghanap ng donor.”
“Maraming salamat, Doc.”
Ngumiti ang doktor. “Sige po, kapag may concern kayo pakisabi n’yo na lang kaagad sa nurse station.”
HABANG nasa ospital sina Jerimie at Elsa ay inasikaso naman ng mga magulang ng una ang burol ni Maddy. Iyak nang iyak si Zinnia. Kahit laging galit sa mga tao ang kanyang ina, mahal na mahal niya ito. Ginawa lahat ni Gina ang makakaya niya para patigilin sa pag-iyak ang paslit sa pangambang pag-umpisahan iyon ng panibagong atake ng sakit nito.
Dahil wala namang hihintaying kamag-anak ay ipinalibing kaagad ng mga magulang ni Jerimie si Maddy. Sinadya nilang itabi ito sa puntod ni Jerome dahil alam nilang mahal na mahal ito ng kanilang anak. Walang tigil sa pag-iyak si Zinnia. Sa murang edad ng bata ay tila naiintindihan na niyang ulila na siya sa mundo.
Kinarga ni Cheska si Zinnia. “Don’t cry, baby girl. You still have your Daddy Jerimie. He is just in the hospital, but he’ll be okay soon to see you. And one more thing, you also have me…” Pumatak ang luha ni Cheska. “From now on, I will be your new mommy…” Niyakap niya ito ng mahigpit.
WALA nang naging problema sa mga tama ng balang tinamo nina Elsa at Jerimie kaya mabilis silang gumaling. Sabay pa silang lumabas ng ospital. Bago sila naghiwalay ay nagpasalamat sina Jerimie at Cheska kay Elsa. Niyakap rin nila nang mahigpit ang kapitana.
“Ingat kayo sa biyahe,” bilin ni Cheska. “Uriel, alagaan mo siya, ha? Ikaw na ang bahala sa kanya.”
“Areglado!”
“Dadalawin ka namin sa La Union para personal kang imbitahin kapag naiplano na namin ulit ang kasal namin. Siguro naman, matutuloy na ’yon,” sabi ni Jerimie.
“Sabihan n’yo ako ahead of time, para maipaghanda ko naman kayo ng masarap na makakain.” Sinulyapan nito si Uriel. “Tara na?”
“Yes, boss!” natatawang sabi ni Uriel na agad inalalayan ang nobya para isakay sa kotse niya.
Nang umandar na ang kotseng lulan sina Uriel at Elsa, alam nina Jerimie at Cheska na magiging friends for life na nila ang dalawa.
Rainbow Series
Sinimulan ko na ang isang bagong kuwentong kikiliti sa inyong imahinasyon. Ito ay isang serye na tatawagin kong Rainbow Series.
Bakit Rainbow Series? Dahil ito ay kapapalooban ng istorya ng pitong magkakaibigang ang pangalan ay hango sa mga kulay ng bahaghari.
Kilalanin ninyo sina:
Red Blanco Orange Lorenzo Yellow Navarro Green Suarez Blue Trevino Indigo Ferrer Violet Carrasco
Para sa unang kuwento, ipinakikilala ko sa inyo si Orange Lorenzo. Siya ay isang lalaking sumalo sa lahat ng magagandang katangiang isinabog sa mundo. Isang bagay lang ang hindi niya nasalo.
Kung minahal ninyo si Jerimie Alexander Manderico ng TALL, DAKS and HANDSOME… Iibigin n’yo rin si Orange Lorenzo.

Sana po ay mabasa n’yo rin ang kanyang kuwento.
Eto pa po ang ibang mga kasama sa Rainbow Series…






MAKIKILALA N’YO NA SILANG LAHAT!
Epilogue
Author’s Note: I would like to acknowledge the assistance given by Author Makris Orpilla for writing the integral portion of this chapter. Makris is an amazing writer. You need to check her profile, follow her and fall in love with her romantic stories. Her username on Wattpad is Makris .
PAGKALIPAS ng dalawang buwan ay natuloy ang naudlot na kasal nina Jerimie at Cheska. This time, wala nang naging problema. Natuloy ang kasal nang walang naging aberya. Larawan ng kasiyahan sina Cheska at Jerimie. Maging ang mga kaibigan at mahal nila sa buhay ay natutuwa dahil sa wakas ay natuloy na ang pag-iisang dibdib nilang dalawa. Lahat ay umaasa ng masayang bukas para sa bagong kasal.
Hindi pa tapos ang reception no’ng bandang alas-siete ng gabi ay tumakas na sina Cheska at Jerimie. Mabilis na pinasibad ng lalaki ang kotse papunta sa kanyang bahay. Hindi na siya makapaghihintay pa. Gusto na niyang masolo si Cheska. Ang honeymoon trip to Europe na regalo ng mga magulang niya ay paplanuhin pa lang nila. Pero ang unang gabi nila bilang mag-asawa ay hindi dapat masayang.
Naghintay sa kama si Jerimie habang nasa jacuzzi pa ang asawa at inihahanda ang sarili. Kabadong-kabado si Cheska habang kumportableng nakahiga sa gilid ng jacuzzi. May elevated platform ito made of rubber at sa kisame sa itaas ay may salamin. May kinse minutos na siyang nakatitig sa salamin at sa suot niyang pulang lingerie na regalo sa kaniya ng kaibigang si Kenly. Kabilin-bilinan ni Kenly na walang underwear na isusuot, tanging ang manipis na telang iyon lang. Siguradong kapag nakita siya ni Jerimie ay luluwa ang mata nito dahil sa porselanang kutis niyang halos wala namang takpan. Come to think of it, revelation day na rin ito ng pangkabuhayan showcase ng asawa. Asawa. Napangiti siya nang maalala na may mister na nga siya at naghihintay na ito sa kanilang higaan.
“Cheska? Ayos ka lang ba diyan?” tanong ni Jerimie nang kumatok ito sa pintuan ng malaking banyo.
Huminga nang malalim si Cheska bago siya tumayo. Dahan-dahan siyang tumungo sa pintuan at binuksan ito. Kung naisip niyang kakaiba ang magiging reaksiyon ng asawa sa halos hubad niyang katawan, hindi niya naalintana na nakakapag-init pala ng pakiramdam na makita rin ang mister na walang damit pang-itaas. Kahit nakita na niya ito noon ay nanuyo ang lalamunan niya. Lalo na nang napatitig siya sa bandang ibaba na natatakpan lamang ng boxer briefs. May parang kung anong mahika sa loob ng shorts ni Jerimie. Nang una niya itong tingnan ay parang wala siyang makita, habang tumatagal, sa pagtitig nito sa katawan ng asawa ay may kung anong nabubuhay sa loob. Nagagalit na si daks…
Saglit silang natigilan nang magtama ang kanilang mga mata. Ang mga matang nangungusap ng pananabik. He stared at her with darkened eyes that made her shiver with desire. Makalipas ang ilang segundo, walang sabi-sabing pinangko siya ni Jerimie at pumasok sila muli sa loob. Kung saan nakahiga si Cheska ilang minuto ang nakalipas ay doon siya inilapag ng asawa. Easy access ang lingerie dahil may tali lang ito sa harap na parang robe. Jerimie pulled the string and she heard his sharp intake of breath as he feasted his eyes on her gorgeous naked body.
Isa siyang diyosa. At ganoon ang ipinaramdam niya kay Cheska. He worshipped her with soft and gentle kisses, starting with her luscious lips, jaw, ears and down to her neck. Napapaigtad si Cheska sa tuwing dadaan ang mga labi at dila ng asawa sa dibdib niya, kasabay ng paghagod ng mga kamay nito patungo sa parte ng katawan niyang iningatan niya ng ilang taon. She opened her eyes and saw in the ceiling’s mirror what her husband is doing to her body and it tripled her craving for more.
“I love you and I love how you’re already wet for me.”
Lalong tumindi ang pagnanasa niya dahil sa sinabi ni Jerimie. May kung anong pwersa na nagbigay ng lakas ng loob kay Cheska para itulak nang bahagya ang asawa at kapain ang pangkabuhayan showcase nito. This time, sabay silang napahugot ng hininga at napaungol when she gripped him there. Nanginginig ang kamay na inalis niya ang suot nito at tumambad sa harapan niya ang malaking pagkalalaki ng pinakamamahal. Kung ahas lang ito ay natuklaw na siya sa sobrang lapit ng mukha niya dito. Mas malaki pa ito sa ahas.
“You’re driving me crazy…” Marahang inalis nito ang kamay ng misis at iginiya siya pahiga muli sa rubber platform ng jacuzzi. Kusang naghiwalay ang mga hita ni Cheska when Jerimie kissed her calves up to her thighs. When he kissed her there, she moaned loudly. Mga hiyaw na bago sa pandinig nilang dalawa. This fuelled his yearning to make her feel more satisfied. Mas lalo pa niyang ginalingan ang pagpaparamdam ng kakaibang kaligayahan sa asawa. Cheska shouted his name when she felt her release. It was music to Jerimie’s ears. Now that she’s ready for his length and girth, pinangko niyang muli ang asawa at dinala na sa higaan.
Jerimie wanted to make love to Cheska on their own bed. First time nila ito kaya’t gagawin niyang extra special. Pagkalapag niya sa kama ay marahan siyang pumaibabaw dito. Whenever he looks at her dilated eyes, mas lalo siyang ginaganahan. He kissed her tenderly, pouring his love and adoration on that kiss. Their gentle kiss turned wanton and needy. Dito nila ibinuhos ang pagkasabik sa isa’t-isa. With every stroke of their lips against each other, the sensation they felt heightened. Halik na nakaliliyo na at nakauubos-hininga. Bawat dampi ng mga labi nila ay siya namang paggalaw ng mga kamay nila para damhin ang mga parte ng katawan ng isa’t-isa para tumatak sa kanilang memorya.
“Jerimie…” Paungol niyang bulong when Jerimie pressed his length on her core. He teased her at lalo pa siyang napaliyad when he massaged her breasts as he kissed her lips. Halos mapasigaw si Cheska nang nagsimula na silang maging isa. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa kakaibang kaligayahan. It was slow, gentle and intimate. She matched his pace and speed. Unang beses nila kapwa naramdaman ang ganoon katinding emosyon when they reached their peak. Literal na may fireworks. The feeling of their union and the completion of their orgasmic release were overwhelming for the both of them.
“Wow. Ganoon pala ang feeling.” Naibulong ni Cheska nang magkayakap na sila at nasa ilalim ng comforter. Nakadalawang round na silang mag-asawa. Una ay gentle and slow, sa pangalawang beses ng pagniniig nila ay raw and fervent. Magkaibang estilo pero parehong satisfying at intense.
“Anong feeling?” he asked while he stared at her gorgeous face. Mukhang hinding-hindi siya magsasawang tingnan ito sa araw-araw.
“Mas masaya. Parang mas love na kita.”
“I love you too. Game na ulit para mas love mo pa ako?”
Natawa si Cheska sa tinuran ng asawa.
“Bukas naman, matulog muna tayo baka hindi na ako makalakad. Gisingin mo ako ng maaga… round 3?” He smiled at her and kissed her. The kiss turned into something else kaya’t ang dapat na pang-round 3 kinabukasan ay nangyari na.
Totoo nga na being one with the one you love, your other half will make you feel complete. This was their last thought before they let sleep overcome their first of many nights together.
Nakatulog si Cheska na may ngiti sa labi. Ngayong gabi, napatunayan niya na si Jerimie ay totoong tall, daks, and handsome.
The End

