loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Tame by the Beast

Tame by the Beast

COVEEEEN · 5 chapters · 15,020 words

Kabanata 1

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters and events in this story are entirely fictional.

WARNING: THIS IS A TRANSGENDER X STRAIGHT MAN STORY AND THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS, NARROW-MINDED PEOPLE, HOMOPHOBIC, TRANSPHOBIC. THIS STORY HAS A EXPLICIT SEXUAL SITUATION AND STRONG LANGUAGE.

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.

Seven Souh Viñas
X
Beaumont Eryx Hidalgo


Kabanata 1

Barbie and Doll

“Mag-iingat kayo sa paglalaro ni Beau, Seven, ha?” My father reminded me for the nth time.

Tumango ako sa kaniya habang may malawak at matamis na ngiti sa akin labi. Nagpaalam ako na pupunta ako sa mga Hidalgo ngayon para makipaglaro kay Beau, sa anak ng aming Hardinero.

Beau and I were the same age; we were raised like siblings, as he was always here in our house when his Father went here to do some work. At dahil palagi siyang nandito sa bahay ay siya na rin ang naging kalaro ko.

“Opo, Daddy. Mag-iingat po kami.” I said, assuringly. I even showed my Father the Barbie and the doll that I had been holding since earlier.

His eyes went from my face to the Barbies in both of my hands. His eyes stung with amusement as the smile on his lips grew wider.

“Anak…” My Father called me, his voice was soft and pure with affection. He gestured with his hand, which I took as a cue to move closer to him. He lowered his body, kneeling in front of me.

“Beau might want to play with other toys, you should bring the soldiers and the anime figurines that I bought… You know…” May pag-iingat sa kaniyang boses na hindi nakatakas sa akin.

The truth is, sa batang edad alam ko na na may pagkakaiba ako sa kung ano si Beau. I’m very soft and feminine, and I like things that are shiny and too girly. At alam na alam iyon ni Daddy at Mommy, both of them never said anything about the things I wanted and the way I behaved.

Samantalang si Beau, ang kilos niya’y maangas, matigas, at punong-puno nang pagkalalaki. He was like a knight in shining armor to me. But despite the difference between us, Beau never treated me like I was some kind of shit…

Hindi ko nga lang alam kung dahil ba iyon sa amo ng kaniyang Daddy ang Daddy at Mommy ko.

I puckered my lips as I shifted my eyes to our feet. Hindi naman sinabi ni Beau iyon, he even said that he’ll play with me whatever toys I bring or want to play with!

“Is that true, Daddy? Beau might not have wanted these pretty Barbies  I will bring for him? Is it because it was not nice enough? Is it pangit po b-ba?” I looked at the Barbie that I was holding.  Hindi ba maganda ang mga barbies ko? Ang doll ko?

Daddy chuckled as his thumb raised my head by my chin. He then cupped both of my cheeks with his big and calloused hands.

“Seven… I never said that your Barbies are ugly. It’s just that Beau might like different toys, you know.”

“Really, Daddy? Are my toys not ugly?”

Daddy nodded his head and kissed my forehead. “Yes, princess…”

My heart pounded because of the word he used to call me. It was the first time I heard him call me that… 

Princess.

Ngumiti ako habang nararamdaman ang pag-iinit ng aking pisngi. Daddy never called me that… Called me a princess… Si Mommy lang… At palihim pa.

They never assumed my sexuality despite the truth of my actions, and ways of living. Basta lang nila akong binibilhan ng mga laruan na panglalaki, at pang babae… Dahil nga sa ganun nilang ginagawa, I have a room that was dedicated to the toys I have… A shelf that is only for the Barbies.

“Okay, Daddy. I’ll just pack these Barbies and this Anabelle doll along with the other toys for… Beau?”

“That’s good, Princess.” He chuckled wholeheartedly.

Tumili ako bago tumalon para yakapin siya.

“Thank you, Daddy. I love you! Gonna go and pack everything for Beau. I’m so excited, Daddy.” Ani ko matapos kong kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya at mabilis na kumaripas nang takbo paakya sa aking kwarto.

“Be careful, Princess.” I heard Daddy’s voice before I disappeared through the second floor of our house.

Mabilis at punong ng tuwa ang akin kalooban na pinasok ang kuwarto na punong-puno ng mga laruan na binili sa akin nina Daddy. I also picked up the Frozen backpack that my mommy bought to me and put the toys and the anime figurines inside. 

If Beau didn’t want to play with my Barbies then he could play with these instead.

I giggled to myself.

Nang matapos ay sinukbit ko iyon sa akin likuran at dali-daling kinublit ang barbies sa aking kamay bago lumabas sa kuwarto.

For years, I only had a chance to play with one person. And it was Beau. And throughout those years, he didn’t have any say about that. Kahit na ang madalas namin paglaruan ay ang mga barbies na mayro’n ako. Wala siyang naging anong reklamo o kahit anong marahas na reaksyon. Instead, he was soft, gentle, and very kind.

Hinatid ako ng driver namin sa tapat ng bahay nina Beau. The house that was made in plywood, coconut wood, and galvanized steel. Nasa tabi rin ito nang maputik at masukal na daan o sa madaling salita ay bukirin.

From the main road, I could easily see Beau’s house. Sa gilid noon ay may puno ng mangga at sa kabilang gilid naman ay malaking puno ng santol.

“Goodbye po, Kuya Tristan,” I said, excitedly to our driver before I started to walk towards Beau’s house.

“Mag-iingat po kayo. Susunduin ko po kayo dito mamayang hapon.” Rinig kong paalala ng driver namin.

I just waved my hand without shooting him a glance. I’m so excited din kasi na makipaglaro kay Beau because I brought him so many toys. He could actually pick something he liked if he wanted to. Ibibigay ko sa kaniya iyon.

“Tao po, nandito po si Seven.” Tawag ko sa boses kong puno ng galak nang marating ang harap ng bahay nila. May kahot na hagdan iyon papasok sa loob ng bahay. At ang lebel ng bahay nila ay hanggang tainga ko na sa taas.

Lumabas ang Mommy ni Beau at nang mabilis na magtama ang aming mata ay may matamis na ngiti ang umukit sa kaniyang labi. She was wearing a nice clothes, paired with long palda. It has a design of dots, or the kind that they called “butas-butas.”. It was so pretty and so elegant. I wanna wear those someday.

“Oh, Seven. Naparito ka nang ganito kaaga! Si Beau ba ang sadya mo?” Matamis niyang pagbati.

I smiled at Mommy Crissanta. “Yes po, nandiyan po ba si Beau po?”

She wiped her hands on her beautifully dotted palda as she went to me. She stood one step before she offered her hands to me.

“Oo, hijo. Nasa loob si Beau at pinaghihiwa ko ng sahog. Pasok ka at dito ka maghintay sa loob ng bahay. Mainit diyan sa labas at baka matuklaw ka rin ng sawa.”

My forehead knitted. Lumapit din naman ako sa kaniya at kinuha ang kaniyang kamay. Her hand felt like it had experienced so much, the rough and hard feel despite being a woman was evident in that.

“What’s sawa po?” Kuryoso kong tanong habang paakyat sa bahay nila.

She chuckled. “It’s a… Uhm… Snake. It’s a snake, hijo.” She answered. Inalalayan niya akong makapasok sa loob ng bahay nila at maingat akong iginaya sa maganda nilang salas.

Their salas weren’t as big as we have in ours. Pagkapasok palang ay may sofa na gawa sa kahoy at sa harapan nito nakalagay ang T.V na may antenna. May maliit din na lamesa sa gitna at sa kaliwang gilid ay may pintuan na papasok sa kuwarto at sa kanan naman ay ang kusina.

It is so maganda and so simple… Hindi man tulad ng amin ay maganda pa rin at mukhang mini castle.

I sat on their wooden sofa. It felt comfortable despite the plain and flat surface. Nangingiti kong pinagmasdan ang kabuohan ng buong salas, and just like the first time I went here, I feel so happy.

Hindi naman na ako naging bago sa bahay nila. Truth is, simula nang maging playmate kami ni Beau ay madalas na akong pumunta dito. We’re now six years old yet nothing change, we’re still the same.

“Seven. Nandito ka pala!” Boses ni Beau ang nagpabaling sa akin sa kung saan iyon nagmula.

Nag-init ang pisngi ko nang makita ko ang itsura niya. His hair was a bit disheveled and damp, his celestial brown eyes looked at me with pure joy and excitement, and his thin and pinkish lips smiled at me sweetly.

Nakasuot siya ng puting sando at jersey short. May mga pawis rin na namumuo sa kaniyang noo at sa leeg.

“Beau!” I called him, happily. I stood up and picked up my backpack that was filled with toys and anime figurines. And also, Barbies.

He raised his right hand in the air, stopping me from marching towards him.

“Sandali! Diyan ka lang, magpupunas ako ng sarili ko. Hintayin mo ako riyan.” Aniya at mabilis na pumasok sa isang pinto sa kaliwa.

Okay. Hindi ko na iyon nasabi at naupo nalang pabalik.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na siya suot suot ang kaparehas na jersey short ngunit ibang kulay naman na sando ang pang-itaas. Nagpalit siya.

Nang nagsimula siyang maglakad papunta sa akin ay sinimulan ko nang ilabas ang mga laruan na nasa bag ko. My heart pounded so hard inside my chest as the thought of him actually not wanting the Barbies I brough along with the other dolla hit me.

I fear, scare, and even feel so broken because of that.

“I brought so many toys, Beau. Come! Look!” I said, while rummaging through my backpack. I tried my best not to feel the storm inside me, keeping my voice straight and firm.

Umupo si Beau sa gilid ko at marahan na kinuha sa akin ang bag. He held my hands soft and gently, and put in on the side.

“Ako na. Baka magkasugat ka pa.” Aniya ng may ngiti sa labi.

Napatitig ako sa kaniya ng ilang sandali bago ako tumango.

“Okay,” Sagot ko at hinayaan siya.

Pinanood ko siyang maingat na nilalabas ang mga laruan na aking dinala… Mga laruan na binasta ko nalang sinuksok sa loob ng Frozen kong bag para lamang mabilis akong makapunta dito.

That part of my life was just too vague and filled with mist… All I think is that time was just the happiness and the excitement I felt every time I was with him. The way he was always so soft and gentle to me, despite the hard and edgy his characters are outside.

On how other people see him as too uptight, nonchalant, and a snob. Like his world only revolves around him, all that matters to him is himself.

“Laro na tayo, Seven.” He said as he raised his right arm holding the Barbie doll that was wearing the red lava dress of the Miss Universe 2018, Catriona Elissa Magnayon Grey.

I remember how my eyes shone when I saw him holding that customized Barbie doll. It was pure joy, excitement, and contentment. I thought it was just that… But then I didn’t realize it was the root of how my feelings would change for him.

“Y-You like that?” I asked, curiously. I tilted my head to the side as I looked at him puzzled.

He smiled widely, intensely, and genuinely. “Oo naman kasi ito ang gusto mo diba?” He answered straight, proving the point.

Namilog ang mga mata ko kasabay ang pag-iinit ng aking pisngi. He wanted the doll because… I like to play them.

“But… But Daddy said you’d like to play that…” I pointed out the other toys I brought for him, the Dragon Balls, and the Naruto action figures. “Daddy said you might not like that—”

“Hindi, Seven. Gusto ko itong Barbie kasi ito ang gustong gusto mong laruin.” Pagputol niya sa akin. He even raised the doll so high above his head as if it were some kind of a trophy he was proud of.

Sobrang kinang at punong puno ng saya ang janiya mukha. Walang bahid nang pagsisinungaling at papanggap.

“R-Really?” I sniffed. My eyes became teary because of the words he said… It moves me. It made my heart skip a beat.

“Oo naman, Seven. Wait, umiiyak kaba? Uy! Bakit ka umiiyak?” Mabilis niyang binaba ang Barbie doll at dumalo sa akin. He kneeled in front of me as he stared at my face which became so wet because of the tears.

“Uy! Mapapagalitan ako ni Mama pag nalaman niyang umiiyak ka. Hindi kita inaway ha!” Natataranta niyang pag-alu sa akin, mga mata ay may bahid ng takot habang hindi niya mawari kung ano ang dapat na gagawin.

“Kasi… Because…”

“Bikos?” Tanong niya. My heart pounded when he wiped my cheeks. Napatulala ako sa kaniya.

“I thought you might not like the Barbie… But… You like them, I’m so happy, Beau!” Sagot ko bago humagulgol.

“Beau? Anak, ano ‘yan?” Rinig kong boses ng Mommy niya mula sa kitchen nila.

Napabaling ang tingin do’n ni Beau bago bumalik ang mukha sa akin. He smiled at me with tinged of comfort.

My eyes widened when he pulled me into a hug. He caged me with his arms.

“Wala po, Ma!” Sigaw niya bago niya ako nilayo at pinagpatuloy niya punasan ang aking mga pisngin. His celestial brown eyes never lie, they always show how he truly feels, how and what emotions he has.

The genuineness and the truth of him.

“Akala ko naman kung ano na ang iniyak mo. I will like everything you like.” Pag-e-english niya. Kinamot niya ang batok niya at nahihiya akong tiningnan. “Tingnan mo napapa-ingles na rin ako… Ah basta, lahat ng gusto mo, gusto ko na rin… Lahat ng ayaw mo, ayaw ko. Ganun dapat tayong dalawa… Seven.” He said sincerely. His eyes were shining like he was very sure of what he said. Lips so widely smiling.

From the young boy who only knows how to be happy, how to be excited. With his pure and innocent mind, he made my world became colorful like what colors of the rainbow.

The space between us became so tight, the air became windy, and everything that surrounds us became blurred—as if time stopped just for that moment.

And that day was the beginning of the love I have for the man who will be the reason for the changes I made for myself.

From a small and soft boy, to dreaming of becoming a woman, and to beauty, then becoming the beast.

The beast that will be tame or will tame him.

COVEEEEN

Kabanata 2

K

abanata

2

“Seven, that’s enough… Magagalit si Tito sa sobra-sobra mong pagpapak niyan.” Pagpigil ni Beau sa aking gilid habang nasa tapat kami ng ref.

I looked at him and glared. Napaatras siya at ngumuso.

“Daddy will not get mad; he will understand!”

Beau will sleep here tonight… And now, we were in front of our big refrigerator—dragging him with me just to get the cravings that I want… And that’s ice cream. Tuwing weekend ganito ang nakasanayan namin. Dito siya matutulog para makapaglaro kami o kaya’y minsan naman ay sa kanila para basahan niya ako ng mga kuwentong hilig niyang basahin.

“Pero, Seven…” He groaned.

I shot him a sharp glance.

“Shhh, Beau. Daddy wouldn’t know if you keep your mouth shut… Here, just take a scoop.” Lahad ko sa kaniya ang isang malaking lagayan ng ice cream.

His eyes stared at me, unbelievably. It was as if I was spewing nonsensical and illogical things.

“Seven naman,”

“Beau, please? Just for tonight, okay? I really want to eat ice cream… Hmmm.” Malambing kong ani habang nakatingin sa kaniya gamit ang aking mapangusap na mga mata.

He sighed after a moment before nodding his handsome head. He then took the ice cream tray and held it with one hand, while the other held the big spoon that I took. Ang sabi ni Manang, pansadok daw iyon, but it looks just like a spoon… But a bigger one.

Alam kong tulog na ang mga kasambahay namin at ganoon din sina Daddy at Mommy. They need to wake up early, kaya alam na alam kong sa mga oras na ‘to ay tulog na sila. The whole house was dim, and only the light from some lamps was the one giving light—illuminating the house.

“Anong oras na rin kasi, Seven. Dapat tulog na tayo.” He added as he scooped another spoonful of ice cream.

I rolled my eyes at him. Look at this man. He dared to complain, yet he was busy eating my ice cream. Ha! Iba talaga ang isang ‘to.

Ngumisi ako habang pinagmamasdan siya sa pagkain. Tingnan mo itong lalaking ‘to. Ganyan ba ang takot kay Daddy?

I know Beau only wanted to do what my fathers want. For me not to eat too many sweets at midnight. Pero kasi hindi ko magawang hindi matakam lalo pa’t lagi akong nakakapanood ng mga mukbang videos sa Tiktok. I should be asleep, pero kasi nandito si Beau kaya heto kami… puyat.

I giggled as I stared at his image. Nakaupo na kami sa sulok sa pagitan ng island counter at kabisera ng kusina. Pilit na tinatago ang mga sarili para hindi kami mahuli. Tulog naman na ang mga kasambahay namin at sigurado akong tulog na sina Daddy.

“It’s delicious, right?” I asked him merrily.

He stared at me while chewing the newly scooped ice cream in his mouth. He nodded.

“But too much sweetness is not good.”

“I know, but some is not bad.”

“Is this your definition of some? We’re near finishing this tub of…”

Oo nga naman. Mauubos na namin ang isang buong tub. At medyo busog na rin ako kaya si Beau na ang may hawak.

I sat there like a damn frog. We’re wearing the same design of pajamas, only that him was in color blue while mine was pink.

Ngumuso ako at napatitig sa hawak niyang tub. Yakap-yakap niya ito habang hawak naman ang sandok sa gilid ko.

“Oo nga, ‘no.” I trailed off when realization hit me.

He tilted his head while scooping another one.

“Makulit kasi ikaw, Seven. Last na ‘to, ha? Mapapagalitan ako ni Tito kapag…”

“Mapapagalitan sino?” Gulat kami nang biglang may nagsalit sa gilid namin. Bumundol ang labis na kaba sa aking puso nang mapagtanto ko kung sino iyon.

Beau’s face slowly turned pale. Ang mahigpit niyang paghawak sa tub at sa sandok ay naging maluwag habang sabay naming dahan-dahang sinipat ang may-ari ng boses.

Standing so tall like a damn tower of Rapunzel. My Daddy looked at us like some devil in the dark. Nakapamaywang siya habang nakatagilid ang ulo, kaming tinignan.

“We’re screwed, Beau,” I muttered.

“T-Tito…” Beau stood up, still holding the tub and the sandok. Nanginginig din akong sumunod.

Daddy’s presence alone was brooding with pride and hardships. Parang sa isang tingin mo lang kay Daddy ay masasabi mong hindi siya basta naging mayaman lang.

“What is this, Beau? Seven?”

“Uh… Daddy.”

Beau put the tub and sandok on the island counter. He then held my hand and hide me behind him, like he was protecting me from my Daddy’s upcoming scolding. Daddy fixed his posture and crossed his arms above his chest.

He looked at us, amused.

“T-Tito, nagutom po kasi si Seven kaya sinamahan ko po siya rito para… kumain.”

Daddy nodded his head. Hindi siya kumibo at naghintay lamang na magpaliwanag si Beau.

“We… we looked for what’s available po, Tito. Pero wala na po kasing tirang pagkain kaya itong ice cream na lang po ang kinain namin.” Despite the nervousness inside him, he stood in front of me to protect me… to not have me scolded for what I’ve put ourselves into.

Daddy glanced at the tub and the sandok. Parang tinignan niya kung nagsasabi ba si Beau ng totoo o hindi. O baka na rin sinusubukan kung gaano karami ang kinain namin.

He then heaved a deep sigh. “What did I tell you, two? Hmmm.”

“Daddy, I’m sorry po,” nguso ko, ngunit mas humigpit lang ang hawak sa akin ni Beau.

Namungay ang mga mata ni Daddy habang nakatingin sa akin.

“It is almost twelve midnight, you kids. I went to your room to check if you two were sleeping already, but here you are, eating and almost finished the whole tub.” Hinilot niya ang sentido niya bago humakbang palapit sa amin. Kinabahan ako dahil baka paluin niya kami. Baka paluin niya si Beau.

Hindi naman talaga mabigat ang kamay ni Daddy sa akin. Sila ni Mommy. In fact, never once have they raised their hands to me. They just scold me, or even punish me with a lighter sentence they know. I know that they want me to learn but also don’t want me to hurt.

Silence enveloped us three. Beau and I stared at my father, looking at his mercy, while the sides of Daddy’s lips slowly rose.

Napatawa si Daddy sa hitsura namin ni Beau. I was now holding Beau’s arms that were stretched in front of me. Nangangamba akong baka mapalo niya kami dahil sa ganito.

Kaya lang, napaawang ang labi ko nang biglang yumuko at bumaba si Daddy para lumabel sa amin dalawa.

“Come here, kids.” He summoned us.

Beau held my hand as he started to walk towards Daddy. Dahan-dahan ang lakad namin papunta sa kaniya hanggang sa makalapit kami sa harap niya.

Standing side by side, we looked at Daddy’s face. Namumungay pa rin ang kaniyang mata na nakatingin sa amin, habang may ngiti sa kaniyang labi.

“I’m not mad, kids. I’m just… didn’t expect to find you here. You’re not cats or some rats to sneak upon me just to eat when you’re hungry. You could’ve just knocked on our room and told me you’re hungry. Sana napagluto ko kayo at hindi ang ice cream na ‘to ang nilalantakan niyo.” Pangaral niya.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mapatuko ang ulo habang nakanguso. I feel like I really did something bad. I feel guilty. Pakiramdam ko talagang may nagawa akong sobrang samang bagay. The way my father scolded us in a soft and most gentle way he could was like a thousand knives thrown at me.

Na kahit isipin ko na nagutom lang naman ako… o kahit idahilan ko pang nag-crave ako sa ice cream ay pakiramdam ko makasalanan pa rin iyon.

Both ways felt so wrong… felt like a sin.

Daddy tipped my chin and lifted my head. Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang paninitig ni Beau kay Daddy. Na para bang may kung ano siyang binabasa sa mukha ni Daddy.

“Sometimes, telling the adult about what you feel and what’s on your mind is not bad. You see, this thing you did wasn’t bad. But the truth that you chose to sneak around instead of telling us about this. Next time, if you guys feel hungry or whatever… Tell me, I’ll cook you guys something nice.”

“Are you really not mad at us, Daddy?” Tanong ko. I even pouted my lips more to add effect.

Natawa siya ulit. Sinuklay niya ang buhok namin ni Beau bago umiling sa akin. Hindi pa rin nagsasalita si Beau.

“No, princess.”

“You won’t palo us po? Si Beau?”

Kumunot ang noo ni Daddy at napasulyap kay Beau na nakatitig pa rin kay Daddy, hindi pa rin nagsasalita.

“Of course not! Bakit ko papaluin ang mga mababait kong bata ha? That’s violence, and violence is only for the evil ones. Are you guys evil? Na-ah, you are our angels.” Daddy, swipe my cheeks. Ganun din ang kay Beau na may mantsa pala ng ice cream ang mga pisngi namin.

Napakapit ako nang inisahang kabig niya kami at binuhat sa magkabilang niyang braso.

“Now, what do these angels want? You wanna eat something?” Daddy kissed my cheeks while Beau looked at his lips, then to my cheeks, nangunot ang noo ko dahil sa pananahimik niya.

Kaya sa ilang minutong pinagluto kami ni Daddy ng pagkain ay pinagmamasdan ko lamang ang tahimik na si Beau. We are sitting at the large table. Nasa kabilang banda siya, tahimik habang nakatitig kay Daddy na nagluluto at tanaw na tanaw dito.

“Beau…” I called him.

“Hmmm?” Maamo niyang pagsagot. Pero ang tingin ay na kay Daddy pa rin.

“Are you okay? Is something wrong?”

Doon napako sa akin ang kaniyang tingin. He looked at me with his furrowed brows. His lips were formed in a thin line.

“Okay lang ako. Bakit?” Sagot niya. But instead of getting eased at that, it made something inside me think that something was wrong… something wasn’t right.

“Are you sure? You’re being tahimik kasi since earlier.”

“Huh? Wala ah, antok lang ako.” Pagpapalusot niya. Sa pamamaraan niya ng pagsasabi noon ay parang sigurado siya, kaya imbes na kulitin siya ay hindi nalang ako nagsilat hanggang sa magsimula kaming kumain at matulog noong gabing iyon.

Tahimik lang talaga siya at hindi na nagsalita. Pakiramdam ko tuloy ay nagalit siya sa akin dahil nahuli kami… o kaya iniisip ko na baka nagtatampo siya sa akin. But I know Beau. Hindi naman siya nagalit sa akin nang sobrang tindi, at kung galit man siya ay alam kong hindi naman iyon magtatagal.

Ngunit mali ako, hindi nga nagalit sa akin si Beau o nagtampo man lang, pero may kung anong bagay ang nagbago sa kaniya. Sa kilos niya, at sa kung paano siya umasta pag kasama ko. Para siyang naging matanda. Para siyang naging tao na hindi angkop sa edad namin. And that was the moment that my feelings started to grow for him… Ayun ang simula kung paano ako mas lalo makaramdam ng kakaiba para sa kaniya. Dahil sa mga taon na nagdaan ay mas lalo kong nakilala kung paano siya naging mabait sa akin, kung paano nagbago… hindi… mas naging malambot at marahan ang turing sa akin ni Beau.

Alam kong alam niya na kakaiba akong kumilos… Alam ko rin na alam niya na iba ako sa kung ano ang kasarian niya. Pero ni minsan hindi niya isinasabi iyon… Hindi siya nagsalita… Hindi siya nagtanong o nagreklamo. Bagkos ay mas lalo lang niya akong itinuring na parang… prinsesa.

Busangot siya habang nakaupo dito sa tabi ko sa passenger seat. Si Daddy ang nagda-drive habang kasama naman ni Daddy si Mommy sa harap. Papunta kami ngayon sa mall para mamili ng mga gagamitin namin para sa pasukan. Beau and I will be in Grade 6. Sa mga taon na lumipas ay palagi kaming magkaklase ni Beau. He was the one who wanted to stay close to me. Siya ang may gusto at palaging namimilit na dapat ay magkaklase kami.

“Hindi nalang po ako mag-aaral kung hindi ko po kaklase si Seven.” Pagmamaktol niya noong unang beses kaming i-enroll ng aming mga magulang.

Tanda ko pa kung paano siya magbusangot at maktol para lamang masigurado na magiging magkaklase kami. That time, I didn’t mind much of it, nor did I make a big deal out of it. Dahil para sakin noon ay gusto lamang niyang magkasama kami… dahil kami ang magkasamang lumaki… kami ang sabay na nagkaisip at nakadiskubre ng mga bagay-bagay.

Nagkatinginan ang mga magulang namin bago sabay na natawa dahil sa kaniya. They might think that Beau was just having a tantrum because of it. But little did they know that it was one of the moments that Beau started to show signs of being… too protective towards me.

“Naku, at mukhang magwawala pa ang anak mo, pare.” Natatawang ani ni Daddy.

Napailing ang daddy ni Beau bago siya hinawakan sa magkabilang balikat. Pumantay din siya sa label ni Beau bago ito masinsinan na kausapin.

“Anak… Hindi naman natin puwedeng gawin iyon nang basta-basta… Depende pa rin iyon sa guro at sa bakante sa isang silid-paaralan.” Paliwanag niya.

Mas lalong bumusangot si Beau at dumilim ang mukha. Sumulyap siya sa akin. Kita ko kung paano lumambot ang kaniyang mga mata nang mahuli niya akong nakatitig din sa kaniya.

Mabilis na iniwas ni Beau ang kaniyang tingin sa akin. May kung anong binubulong ang daddy niya sa kaniya. Tumatango-tango lang si Beau habang busangot pa rin ang kaniyang mukha. I couldn’t help but to think about Beau’s action since that night. Parang may kung ano talagang kakaibang ibigsabihin ang kaniyang pagtititig sa aking Daddy. But since that moment, I was just a little… princess. I shrugged that guts off. Hindi ko na ulit pa inisip at binaliwala ko na lamang.

My father pulled some strings to make sure that Beau will be with me in a section. Dahil sa tuwa ni Daddy sa pagiging despirado ni Beau na maging kaklase ako ay talaga ginamit na niya ang pangalan niya para maging magkaklase kami.

“Tito, hihingi nalang po ako ng pang bili kay Papa nitong mga gamit. Isa papo ay masyadong mahal po ito.” Angal ni Beau sa mga gamit na pinagpipili ni Daddy at Mommy para sa kaniya.

Ang mga notebooks na mataas ang presyo, ang mga ballpen at ang kung ano ano pang gamit pang eskuwela na nilalagay na ni Daddy sa cart namin.

Daddy glanced at Beau, then me. He then shook his head to Beau.

“No need, young boy. Let me buy this all para wala nang iisipin ang mga magulang mo. Isa pa, you can just think of it as a goodwill gesture.” Anang ni Daddy.

“Oo nga naman, hijo. Since you’ve been a goodboy to our princess and also a very smart one. Let us buy this as a gift.” Dagdag ni Mommy na may minamata na naman na panibagong libro.

Tinagilid ni Beau ang ulo niya habang nakakunot ang tingin sa cart namin na dala na punong puno ng mga gamit.

“Pero po, Tita. Nakakahiya naman po kasi…”

“Beau,” Binaba ni Mommy ang kaniyang hawak na libro sa cart at lumapit kay Beau na nakatingin sa kanila. Mommy held both sides of his shoulder.

“Ano pa’t nahihiya ka sa amin eh parang anak ka na namin. Halos sabay kayong pinangank ni Seven, sabay pinapalitan ng diaper. Sabay lumaki at nagkaisip. Ano pa’t ito lang na pagbili ng gamit mo para sa school niyo ang kinahihiya mo.” Malambing na sabi ni Mommy sa kaniya.

Gusto kong makisali. Gusto kong asarin siya pero pakiramdam ko hindi iyon ang tamang pagkakataon para sa ganun na bagay. Kaya sa huli wala akong ibang nagawa kundi ang manahimik nalang at makinig sa kanila.

Hindi rin naman nakasagot agad si Beau dahil katahimikan ang sumunod na bumalot sa amin. I tried to look for some staff that could be use as an entertainer like books or something. Pero wala akong magusutuhan.

Kaya nang makita ko ang isang set ng libro ng English novel na hilig basahin ni Beau ay iyon nalang ang dali kong kinuha. It was the full seven books set of A Song of Ice and Fire by George R.R Martin. Ang bodyguard namin ang nagbuhat no’n dahil sa may kabigatan iyon. I instructed him to put it under the cart.

Beau stay silent all the time we picked the things from every corner of the shops. He was just watching me, guiding me and teaching about the things I saw that I don’t know of.

Nang nakapila na kami kasama ang dalawang cart na punong puno nang mga schools supplies at ng iba pang mga pinamilo ay saka lamang kumibo si Beau.

Beau tugged the hem of Mommyms dress. Napatingin sa kaniya si Mommy.

Ngumuso si Beau. “Tito, Tita… puwede po bang utang ko nalang po muna itong mga bayad sa binili niyo po… Promise po I’ll pay it once I grow up and have work po. Ayoko lang po kasi na mashort po ang para kay Seven. ‘Yun lang po iyon.”

Kabanata 3

Kabanata 3

Pinagpapawisan akong nakatingin sa mga kaklase kongn nagtatakbuhan. Mataas at buhay na buhay ang araw na siyang nagbibigay liwanag sa buong field ng school. Ang init ay humahalo sa simoy ng hangin na siyang nagpapahirap sa aking saluhin ang hininga ko.

Kakatapos lang namin gawin ang group activity na pinagawa ng teacher namin sa P.E. Ito ay ang patintero.

I swiped the sweats that was pooling from my head down to my face. At mula sa kinauupuan ko ay kita ko ang seryosong seryosong si Beau na pilit na tinatakasan ang mga bantay na tutok na tutok sa kaniya.

Hindi kanmi magkagrupo dahil magkatabi kami. Naiinis pa ako na ang mga napunta sa aking kakampi ay ang jologs kong mga kaklase na akala mo ay animals na nakawala sa cage nila.

Samantalang iyong mga kaklase kong crush na crush si Beau ang naging kakampi niya.

From here I could see how Althea tucked her hair behind her ears as Beau tried to save her from being held by one of the line guards. Wala sa sarili akong napairap dahil do’n.

“Uy pare! May tubig ka ba? Painom.” Biglang sulpot ng isa kong kaklase jologs sa gilid ko. Nanghihingi pa nga ng water ko from my tumbler.

I looked at him boredly, trying hard not to roll my eyes.

“I’m meron. But sorry I don’t let just anyone drink sa tumbler ko eh.” Saad ko bago binalik ang tingin sa malantod na si Althea.

Umungot ang kaklase ko pero di ko na tinapunan ng tingin hanggang nagsalita siya.

“Bading kaba? Arte arte mo kumilos. Nanghihingi na nga lang ng tubig, nagdadamot kapa! Tapos ang arte mo pa!” Napipikon niyang sabi ulit. Ramdam na ramdam ko ang inis sa boses niya kasama ang pangiinsulto sa akin.

Nagsulubong ang kilay ko at tumingin sa kaniya.

“So what if I am? May magagawa kaba?” I fired back. Namilog ang mga mata niya habang napa awang ang labi niya, marahil hindi inaasahan ang pagsagot ko.

Alam kong pansinin lahat ng kakaiba sa akin. From the hairclips that I always wear and the ribbons that I always put on the top of my male uniform. Hindi rin ako tulad nila na mahilig mag pagupit ng sobrang jologs na haircut, because for me I knew that I wasn’t cute in that of hair. Super pangit and parang bagong baby lang.

Mapait na natawa siya. “Sabi na nga ba bading ka! Pare!” Tawag niya sa mga kapwa niyang jologs. Tamad kong pinanood ang mga kaklase kong jologs na tumakbo palapit sa kung nasaan kami.

Nang bumalik ang tingin nung jologs na ‘to sa akin ay tumitig ako sa mga mata niya at dahan dahan na kinuha ang tumbler ko na full of water. Tyaka ako uminom doon nang hindi tinatanggal ang mata ko sa kaniya.

I saw how his eyes drifted from me to my tumbler. He then swallowed hard, surely tempted by the water to quench his thirst.

“Ano yun, Bogart?” Tanong nung isa sa mga jologs niyang friends.

“Sabi ko sa inyo eh! Itong bading na ito, ang damot damot sa tubig. Makikinom lang naman. Ha! Bading.” Sigaw niya.

Naghiyawan ang mga kaklase namin na naglalaro pa rin ng patintero sa field ‘di kalayuan kung nasaan kami kaya napadpad ang tingin ko ro’n.

There I saw how Beau held Althea’s wrist while they were running for the finish line, claiming the victory against the other group team.

Parang nairita ako dahil sa nakita. Parang bigla kong gustong mag-slap ng face.

“Bading siya? Bading ka, Seven?” Tanong naman ni Jaja. Paniguradong kaanib ng mga jologs.

I rolled my eyes at him. Kita ko ang gulat na bumalatay aa mga mata niya.

“Why is it so big deal ba? Are you guys monkeys ba? Ano ba sa inyo kung bading man ako o hindi? May mapapala ba kayo? No naman diba? So why are you so eager to know? So nakakainis.” Naiirita kong saad sa kanila.

Imbis na maasar ay nabigla ako nang maghiyawan sila na parang mga baliw.

“Woah!”

“Hayup! Bading nga p’re!”

“Bading na bading! Kahit baliw di maiisip ‘yan!”

Inulan nila ako ng kantyaw pero hindi ko iyon binigyan ng pansin. Lalo na iyong mga pasaring pangiinsulto ni Bogart na akala mo naman ay may ibubuga sa buhay. My parents teach me not to make fun of others’ lives. The ways they live their lives. And whatever status they have in life. Pero sa iritang naramdaman ko nang makita kong hawak hawak ni Beau ang kamay nung Althea na iyon. Parang gusto kong makipag-asaran sa mga jologs na ito.

Kalaunan ay tinigilan din nila ako. Napansin siguro nila na hindi tumatalab ang mga png aasar nila sa akin.

Nang matapos sila Beau ay mabilis niya akong nahanap kung nasaan ako. He smiled at me widely. Basang basa na rin siya mula sa pawis niya at halatang pagod na pagod.

Umupo siya sa tabi ko at sinubukang kunin ang tumbler ko ngunit mabilis kong hinablot iyon.

I threw him a sharp glance. Tinitigan niya ako nang may mapagtanong na mga mata.

“Bakit?”

“This is my water, you go get yours.” Irap ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at binaling iyon sa mga kaklase kong sunod na naglalaro.

“Bawal ba akong maki-inom?”

“Bawal.” Asik ko.

“Bakit galit ka? May ginawa ba ako?” Tanong niya. Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko ang pagpupunas niya ng pawis niya.

Hindi ko siya kinibo at napapairap nalang sa inis. Naiinis tapaga ako sa paraan niya ng paghawak sa kamay nung Althea na iyon. Pakiramdam ko ninakawan ako ng laruan sa inis ko. Idagdag pa ang mga jologs na iyon na ginawang katatawanan ang kasarian ko… Ang pagiging iba ko sa kanila. Hindi ko naman inamin na bading ako. But the way I said it to them… Asked them the question was a subtly confirmation about me being gay.

Kahit para sa akin kailanman hindi ko pa iyon inaamin kahit kanino. Kahit pa sa mga magulang ko.

Hindi kasi iyon naging big deal sa bahay. Ni hindi ko rin narinig ang mga kamag anak kong magtalo o asarin man lang ako tungkol sa pagiging malambot ko at pagkahilig sa mga manika.

“Nakita kong nilapitan ka nila Jaja ah. May ginawa ba sila sayo kaya ganyan ang mood mo?” Biglang saad ni Beua sa dami ko pagkalipas ng ilang sandali ng katahimikan.

“Wala.”

“Eh bakit ang sungit mo? Bakit parang galit ka sakin?”

Matalim mo siyang nilingon. “Hindi ako galit.” I hissed. “You’re just imagining things.” I said before I stood up. Kinuha ko ang face towel ko at tumbler bago siya iniwan do’n.

Naiinis talaga ako! Hindi ko alam kung bakit. Pero isa lang ang alam ko, nagsimula yon dahil sa hawak kamay na iyon. Gusto ko siyang awayin, tanungin tungkol do’n pero may parte sa akin na nagi-guilty kasi hindi niya naman alam. At wala rin akong balak na sabihin ang tungkol do’n.

Padarag akong sumandal sa upuan. Busangot kong tinititigan ang lalaking katabi ko na busy sa pagsusulat sa kaniyang notebook. Tapos na ang English subject namin at recess na namin, pero itong lalaking ito ay parang nakalimutan na ata na oras na ng pagkain namin.

I’m hungry! Kanina pa kumukulo ang tiyan ko at pati ata ang ulo ko ay kukulo na dahil ang tagal ni Beau matapos. I know that it shouldn’t depend on him but I was so used to being with him every recess time. Besides, I wanna eat some turon from Alin Nancy.

“Beau, I’m hungry. Hindi kaba nagugutom?” Nguso ko. My fingers were playing with the ribbon of my uniform.

Napatigil siya dahil sa aking sinabi at napalingon sa akin. His eyebrows were furrowed like I said something wrong. I saw how his eyes stared at my eyes before they went down to my lips. Mas lalong kumunot ang noo niya nang napadpad iyon sa aking labi.

Bigla tuloy akong nahiya at baka may kung anong kalat sa mukha ko.

Tinaasan ko siya ng kilay bilang paghahamon na baka sungitan niya ako. Minsan kasi ay nagsusungit siya, lalo na sa mga kaklase namin, pero hindi ni isang beses niya nagawa iyon sa akin.

“What?” Iritable kong tanong. Naiirita pa rin talaga ako lalo na pag naalala ko ang paghawak niya sa kamay nung bruha na iyon. Kinakalimutan ko naman pero naiinis pa rin talaga ako.

Hindi siya sumagot at bumuntong-hininga lang. Maangas niyang isinara ang notebook niya at sinalansan iyon sa bag niya. Sunod niya ring niligpit ang ballpen niya at mga marker bago tumayo.

Wala sa sarili ko siyang tinignan. He stood in front of me, arms crossed above his chest and his head was tilted to the side. He was looking at me handsomely, waiting for me to stand up.

“Let’s go.” Aniya.

“Huh?” Sinulyapan ko ang bag niya bago siya.

“Let’s go! Akala ko ba gutom ka na?” He nudged his head. Umangat ang sulok ng labi niya kaya napatingin ako ro’n.

“Uh… T-Tara.” Ani ko, bago tumayo at nauna nang lumabas ng classroom namin.

Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang maisip ang hitsura ni Beau. Para kasing may nagbago sa kaniya. Hindi lang sa pamamaraan niyang kumilos, pati na rin sa pisikal niyang kaanyuan.

Beau was taller than me now. Hanggang balikat niya lamang ako. His physique was also starting to change little by little. Medyo nagkakaroon na rin ng hulma ang katawan niya kumpara sa akin na manipis pa rin at parang hindi panglalaki ang katawan. Mas napapansin pa ang guwapo niyang mukha, kaya sikat siya sa school dahil maraming nagkakagusto sa kaniya.

At ako? I know that I am very different from him… From every man here in our school. Alam na alam ko na iyon. Na hindi ako lalaking tuwid. Sa kilos ko palang na malamyos at malambot, sa boses kong matinis at hindi malalim tulad ng sa kanila. Na mga hilig kong pang babae imbes na pang lalaki.

But Beau… Never make a big deal out of it. Ni minsan hindi niya iyon binigdeal o ginawang problema. He was just acting like a bodyguard to me… Like I was some kind of fragile thing he needed to protect. Minsan ay pinapangaralan niya pa ako.

Grade 6 palang kami ngayon pero kung umasta na siya ay para siyang matanda… Para siyang si… Daddy. Isa iyo sa mga napapansin ko sa kaniya… Ang galw niyang nagiging katulad sa kung paano si Daddy kung gumalaw. Hindi ko man alam kung paano talaga ang totoong kilos ni Daddy kapag kaharap ang ibang tao pero kung paano siya umasta sa amin ni Mommy ay ganun na ganun si Beau ngayon.

Pakiramdam ko tuloy ay siya ang anak ni Daddy at ako ang hindi.

Umirap ako.

“Bakit ka umiirap?” Bigla niyang tanong. Hindi siya sinagot bagkos ay umiling nalang ako.

Pagkapasok namin sa canteen ay dumiretso agad ako sa usual na inuupuan namin. Samantalang si Beau ay dumiretso sa malaking electric fan na hindi kalayuan na gilid at itinapat iyon nang direkta sa akin.

“Ano gusto mong kainin? Katulad ba nung dati? Kasya sa baon ko iyon.” Aniya nang makabalik sa tabi ko.

Umirap ako ulit sa kaniya. “I have my own baon, Beau. But what’s yours would be the same for me. Basta ang gusto ko ay makabili at makakain ng turon ni Aling Nancy.”

Tumawa naman siya. “Hindi ka ba nagsasawa sa turon na yon? Halos araw araw mo na ata iyong kinakain.”

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Aba’t talaga binibilang niya ang araw ng pagkain ko noon!

“You’re so paepal! Binibilang mo pa talaga. Here, take my coin purse and buy na lang ng pagkain natin. I’ll stay here kasi baka maagaw pwesto natin.” Nilapag ko ang coin purse ko sa harap niya ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin bago niya balingan iyon nang may mas madilim na tingin.

“‘Nung gagawen ko riyan?”

Humalukipkip ko siyang tiningnan. “Malamang iyan ang ipangbibili mo! Duh! You’re so slow naman na, Beau.”

Sumama ang timpla ng mukha niya bago marahan na nilapag pabalik sa harap ko ang coin purse ko. Ngayon ako naman ang kumunot ang noo sa kaniya.

“What? I said use my coins instead.”

“May pera ako para sa pagkain natin, Seven.”

“I know! But I have a lot of coins!” I said trying to prove a point.

Lalaking lalaki siyang umirap sa akin bago dinilaan ang ibabang labi.

“Kaya nga… Pero mayro’n akong sapat na baon para sa atin.”

“No! You can just keep your baon, Beau. Make an ipon out of it. Just use mine please?” I even pout my lips and looked at him with my puppy eyes. But Beau being Beau, just looked at me with his stoic face. Nakatitig siya sa aking mga mata bago bumuntong-hininga.

He leaned sideways to the table, his right elbow resting on the table, his biceps that was slowly sculpting, were now flexed.

“Keep. It. I won’t let a girl spend a coin. Not when I am with her. You understand?” He spoke in his deep voice. Para akong nalagutan ng hininga dahil sa gulat sa kaniyang pananalita.

It was the first time that I heard him say those words, and use those voice of him. Parang… Ang guwapo niya.

Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Para akong sinusunog dahil sa lalim ng paninitig niya.

Hindi na rin naman siya nagsalita pa at umalis na para bumili ng usula namin na kinakain dito. What did he just say? A girl? So I’m a girl to him? Ganun ba? At anong hindi niya pag gagastusin ni kahit piso ang babae lalo na’t kasama siya? Eh ako lang naman ang palagi niyang kasama? So ako nga ang babae?

Halos lumabas sa dibdib ko ang aking puso dahil sa lakas ng pagtibok nito. Omg! He never once questioned me about my sexuality! Though, it was very obvious that I am not as straight as they are. That I have the soft and warm heart of a woman. Woman?

Kaya habang kumakain kami ni Beau ay tahimik lang ako, hindi dahil badtrip ako o ano, pero dahil iniisip ko ang mga salita niyang binigkas sa akin. Parang lumulutang ako sa ere dahil sa simpleng salita na iyon mula sa kaniya.

No! Seven! I know what you were thinking! This is not the right time and this isn’t right! You shouldn’t have a crush on him!

Of course not! This is not me having crush on him. Not because of those words from him. Haha! It is just some kind of question lang naman.

Pero sino bang tanqa ang hindi iisipin iyon! Hindi na ako nakakibo pa simula ng recess namin hanggang sa maguwian na. At alam kong napapansin ni Beau ang pananahimik ko kaya nang tanungin na niya mismo ako ay hindi na rin ako nagulat.

“Okay ka lang ba, Seven? May problema ba? May umaway na naman ba sayo?” Aniya nang nasa harapan na kami ng itim na van na service namin. Bukas na ang pinto nito pero hindi pa rin ako pumapasok kaya ganun din ang lalaking sanhi ng pananahimik ko.

Napatingin ang bodyguard ko sa akin na si Kuya Tristan. Mabilis akong umiling sa kaniya bago ko inirapan si Beau.

“W-Wala ah. Pinagsasabi mo? You’re so madaldal lang kasi. Tara na po.” Palusot ko bago sumakay sa loob.

Beau stayed outside and looked at me with a worried face.

“What?”

“May problema ka eh! May nang away ba sayo? Sabihin mo sa akin, Seven. Sino? Sino sa kanila?” Aniya bago umakyat at inayos ang sarili sa tabi ko. 

Humampas sa ilong ko ang bango niya. Na kahit uwian na namin at maghapon kaming nasa school ay walang halong amoy ng pawis ang kaniya.

Biglang nag flash sa utak ko ang mga sinabi niya kanina. Tumibok muli ang puso ko.

Sumisik ako sa gilid, sa bintana para lamang magkaroon kami ng space. Halos idikdik ko na ang sarili ko sa pader ng sasakyan.

Napansin iyon ni Beau kaya kunot noo niyang tinignnan ang space sa pagitan namin bago ako titigan.

“Oh bakit ka umuusog? Mabaho na ba ako?” Aniya sabay amoy sa sarili.

Umiling naman ako. “Huh? H-Hindi ah! Hindi ako umiiwas… G-Gusto ko lang manood sa mga nasa labas.” Bwisit! Bakit nauutal ka, Seven?

“Totoo?”

Tumango agad ko para sang-ayunan ang kaniyang sinabi. Ayokong malaman niya na gumugulo sa akin ang bagay na sinabi niya. Baka kasi mamaya ay maging mali ako at iba pala iyon sa kung ano ang iniisip ko. Isa pa, masyado pa kaming bata para ro’n. Buti nalang din talaga ay hindi na rin siya nagtanong pa.

Kulay kahel at ginto na ang kalangitan. Pababa na rin ang araw. Dito sa lugar namin sa Puerto sa Rizal ay maganda ang kapaligiran tuwing hapon. MAs malago kasi ang bukirin, maraming puno at hindi pa masiyado nagkakaroon ng mga gusaling pang negosyo kaya kung ganitong oras sa araw ay masarap langhapin ang simoy ng hangin. Probinsya kung ituring ang lugar namin dahil ito ang pinakadulo at huli sa parte ng Rizal.

Hindi katulad ng Antipolo, Binangonan, at Tanay na laganap ang mga tao. Dito sa amin ay halos mababa lamang ang bilang kumpara sa mga nabanggit. Bago pa makarating sa liblib na panig ng lalawigan na ito ay kailangan mo munang dumaan sa Rodriguez bago sa amin.

Tulad nang nakagawian ay unang hinatid namin si Beau sa kanila bago dumiretso ng uwi. Medyo natagalan pa dahil may binigay na bananacue si Mommy Crissanta sa akin. Kaya nagtagal pa kami ni Kuya Tristan sa bahay nila Beau. Hindi naman kalayuan iyon sa amin ngunit talahiban kasi ang daan at medyo liblib ang lugar dahil napapalibutan din ng mga palayan.

Gabi na nang makauwi kami. Maliwanag na ang bahay dahil sa iba’t ibang ilaw na nabubuhay. Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin si Mommy na nasa bukana ng pinto ng bahay. She’s wearing a black robe that covered her whole body. Nakalugay ang itim na itim niyang buhok na diretso pa kaysa sa akin.

“Finally, my sweetheart.” Mommy greeted me. She stretched her arms for a hug.

Tumakbo ako at yumakap sa kaniya. I kissed my temple before pulling herself.

“How’s your school? May assignments ka ba?”

Napatitig ako kay Mommy ay saglit na nagisip. Umiling ako dahil wala naman akong natatandaan na binigay na assignment sa amin. At kung mayron man at nakalimutan ko, for sure Beau will tell me about it later when he calls me.

“You sure?”

“Yes po, Mommy.”

She smiled at me. Sinuklay niya ang may kahabaan ng buhok ko. Her eyes gleamed with so much adoration and love for me. My heart warmed from it.

“Are you hungry? The dinner will be coming soon. What do you want to have for dinner?”

I shook my head. Giniya na ako ni Mommy papasok sa loob. She called one of your house help to put my bag inside my room.

“I don’t know po, Mommy. Actually I’m full po. Mommy Crissanta fed me bananacue for meryenda po. It was so sarap.”

Namamangha niya akong tinignan. Mga mata’y bahagyang namimilog. Namumula rin ang mga pisngi ni Mommy.

“Is that so? Did you eat a lot?”

“Yes po, Mommy. Beau ate with me too.”

“That’s good to hear, sweetheart. You and that you man really grew fond of each other. Lumaki at sabay ba naman nagkaisip.” Tawa ni Mommy.

Nakaupo na kami ngayon sa sofa habang nasa harap namin ang napakalaking flat screen na tv. Ngunit ang isip ko ay lumilipad na naman sa sinabi ni Beau kanina. Mommy picked up the T.V remote and turned it on. Nagsimula na siya magkalikot ng mga papanoorin niya.

“Mommy,”

Mommy looked at me. Nabitin sa ere ang pagkakalikot niya sa remote para lamang bigyan ng pansin ang pagtawag ko.

“I want to ask something…” Sa totoo lang kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na tatanungin ko siya tungkol sa… Akin.

“What is it, sweetheart?” Naibaba niya ang remote at tuluyan na akong hinarap. Her right leg was now folded and resting on the sofa while the other one was on the floor. Sa ganun posisyon ko rin napansin na nakasuot na siya ng pantulog. Samantalang ako ay nakauniporme pa rin.

“But first, Mommy. Promise me that you’ll not get mad po ha?” I pleaded like a puppy to her mama dog.

Namungay ang mata ni Mommy bago umiling.

“I promised, Darling. Now what’s going on?”

I sighed and let myself feel the fear. I know Mommy never asked me about my sexuality, my gender preferences. Maybe because she thought I was even too young for that kind of topic. But I am very aware about those things because from very beginning—I know I am one of those rainbow angels.

“Bading po ang tawag sa mga boys po na kilos girls po, di diba? So I’m bading po? Is it bad po ba maging bading?” I asked, my voice almost broke because of so much nervousness inside me.

Namilog ang mga mata ni Mommy sa tanong ko. Paniguradong hindi niya iyon inaasahan.

“Sweetheart…”

“My classmates po kasi asked me kung bading po ba ako. So I asked them what is it to them if I’m bading po. Then they teased me after that. Is it bad po ba? Kaya po ba tinawag na bading kasi bad po iyon?”

Mommy didn’t say anything. She just stared at my face. Eyes to eyes. Making sure if I was really serious about this matter.

She then sighed.

“Sweetheart. First of all, your daddy and I didn’t mind whatever you want to be… And if it’s who you really are, then we don’t stop you from becoming that. Hindi masama ang pagiging bading… Kung iyon ang tinatanong mo. Maaaring hindi mo pa maintindihan ito ngayon nang mas malinaw pero hinding hindi kailanman magiging masama ang pagiging bading o kahit ano pa man.” Mommy held my cheeks and caressed it gently. She smiled at me with full of love.

“Eh bakit po parang ang sama-sama ko sa mata nila?”

“Maybe because they didn’t understand it yet… Didn’t understand it better. Kaya nagagalit o sa tingin nila ay masama iyon.”

Hindi ako makasagot dahil sa mga lesson na sinasabi ni Mommy. I believe in her not because she’s older than me or because she’s my mother. I believe everything she is saying because I know she knows better.  Nga lang hindi mawala ang bigat ng mga iyon sa akin. Ang bigat na hindi ko namamalayan na narito pala sa dibdib ko.

Idagdag pa ang mga sinabi ni Beau kanina sa akin.

“Remember this, Seven. Ang masama ay ang manakit, mang alipusta at mang apak ng iba. Iyon ang masama. Hindi ang pagiging iba mo, o kung ano man ang hilig mo.”

Kabanata 4

Kabanata 4

I could feel my heart melt, at the same time, hurt because of my Mommy’s words. I know that those words came from her heart not from her sympathy for me because I was her child, but because of how truth and good she was as a person. 

Kaya naman nang natapos kaming magusap at nagpaalam akong umakyat muna sa kuwarto para makapagpalit ng damit ay hindi ko napigilan pa ang luha na aking pinipigilan simula pa nung naguusap kami.

It felt like I was being judged by the higher being, not through my gender but through my kindness. And I feel like I don’t deserve the words of my mother.

But I understand everything. I understood what she was trying to say. To be kind to everyone. Walang pinipili at walang binabase sa stados ng buhay.

Nakahiga na ako sa kama. Tapos na akong maglinis ng katawan at gawin ang dapat na gawin para sa katawan.

I was scrolling on my facebook feed when I stumbled upon one of our classmates post. Kay Rudy iyon. Ang top 2 namin.

It was a sharedpost about crush hugots and Althea was tagged in it. At dahil tungkol sa babae na iyon ang sharedpost at mukhang patama ay mag i iscroll na sana ako nang bigla kong mabasa ang comment ni bruha sa baba.

Althea Marie San Luis: Huwag ka! Hinawakan niya ako kanina. :P

Nangunot ang noo ko dahil alam kong si Beau ang tinutukoy niya. I witnessed how Beau held his wrist to pull her onto the finish line.

Bumalik ang irita ko at parang gusto ko nalang mag reply sa comment niya. Kung ang imahinasyon nitong bruha na ito ay may sang katulad. Iyon ay ang kasing taas ng Burj Khalifa.

Ha! She thought it has meaning. Beau literally pulled her just to end the game. Nothing more! Nothing less.

Pero paano nga kung mayro’n something iyon, Seven? No! Beau’s too young for that thing! We’re too young for that!

Umungol ako sa inis habang pinagtatadyak ang mga paa sa kama. Ha! Kung mayron man iyong meaning. Sigurado akong crush lang iyon! And Beau would tell me about it. Beau will never keep things from me. Best of friends kaya kami!

Nga lang ang inis at irita ko ay na extend nang kinabukasan pagkapasok ko sa classroom namin ay mukha ni Althea ang sumalubong sa akin.

She was holding a chocolates and was offering it to Beau. Si Beau naman ay nakaupo sa upun namin at natatawang iniilingin si Althea. At ang bruha ay parang kinikilig pa ata at hindi nahahalata na Beau don’t want her poor chocolate.

“Hindi ko matatanggap iyan, Althea.” Iling ni Beau ngunit may ngiti ang labi.

Althea’s cheeks flushed. “No! Please, Beau! It will just a thank you gift?”

Namamanghang tumingin si Beau sa kaniya. From where I was, I could see how red his face is. Habang ako ay parang gusto ko silang talunin mula sa kinaroroonan ko. Ang lalandi!

Namumula ang mukha nilang parehas. I rolled my eyes. Ha! Don’t tell me he likes Althea… too.

Ngumuso ako at pinigilan ang iritasyon na nararamdan. Good then! Bagay sila, Beau is smart while Althea is… pretty. I admit, she’s pretty. They’re good for… each other.

I composed myself and walked towards my chair, beside Beau’s. Hindi ko sila tinapunan ng tingin bagkos ay mahinhin akong umupo.

Mula sa gilid ko ay kita ko ang pagbaling nilang dalawa sa akin.

“Seven, nandito ka na pala.” Masayang bati sa akin ni Beau.

Masaya talaga siya niyan!

“Hi, Seven.”

Hi mo face mo! Duh!

“Hello,”

Beau shifted on his seat. May kung ano siyang kinalikot sa bag niya.

“Nagawa mo ba ang assignment natin?”

Namilog ang mata kong napatingin sa kaniya. Shit! May assignment?

“A-Assignment?”

May assignment? Oh no! I must’ve forgot about it? No! This can’t be!

Alam kong wala! Pagkakatanda ko. Wala rin naman kasing sinabi kahapon o baka mayron nga at hindi ko lang… natandaan.

“Yes, meron.” si Althea ang sumagot.

Dumako ang tingin ko sa kaniya bago sa hawak niyang chocolate. It was choco mucho. Kulay violet at brown.

Gusto kong iikot ang eyes ko pero I stopped myself. I shouldn’t be this rude. Mommy won’t like this.

“Mayro’n? Omg! I forgot! What’s subject?”

Bumaba ang tingin ko kay Beau at sa hawak niyang paper. He was smiling at me, cheeks still flushed.

“Alam ko talagang di mo magagawa kaya ginawan na kita. Lagyan mo nalang ng pangalan.”

Oh my! Hindi puwede ito!

Napakurap ako sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin. Parang… parang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Iniwas ko ang tingin ko at ngumuso. I looked at the white paper he handed to me. Nasa harap ko na iyonc, nakalapag. It was for our filipino subject.

Sa hitsura ng paper ay mukha back to back iyon at… isinulat niya lahat ‘yon para sa akin. Ang inis na nararamdaman ko kanina ay suddenly nalang nawala.

Or it was just I thought.

Napabaling ako sakaniya. Hihingi na sana ng thank you but my eyes landed on the two chocolates on his hands. Naguusap na ulit sila ni Althea and it seems like they were drowned in their own thoughts.

Napatikom ang bibig ko. Okay… he accepted the chocolates…

Ngumuso ako para pigilan ang inis na nararamdmaan kasabay ng… kirot.

Am I hurting? What is this? Bakit ko nararamdaman ito?

Unti-unting nalukot ang mukha ko.

Ano naman ngayun kung tinanggap niya ang binigay ni Althea? What is it to me? I hate Althea because I want my bestfriend for myself. But if Beau’s indeed like her back… then I’m fine with it. I should be okay with it. 

So what the omg is this? Bakit parang ang kirot?

Pinilit kong hindi pansinin ang nararamdaman ko at ang dalawang halos wala na atang nakikitang iba kundi sila lang dalawa. To be honest, there’s this urge in me that wanted to interfere with their conversation. To snatch Beau’s attention away from her. But I know it was rude. And it is not right.

Kaya tiniis ko lahat hanggang sa dumaan ang mga subject namin. But my mood wasn’t in a good place. Wala akong kinikibo sa kanila kahit na si Beau. And everytime he tried to open a conversation, I’ll end it quickly with a nod or just a nudge.

Medyo nagi-guilty nga lang ako because I know I shouldn’t act that way towards him… No! In generalize, towards them all. Ngunit di ko maiwasan.

Pero pasalamat pa rin talaga na ginawan ako ni Beau ng assignment dahil mahalaga iyon sa teacher namin. Masiyado pa naman mataas ang standards ni Ma’am Aina. Kaunting kulang, kaunting puntos… malaki agad ang bawas sa grades na ibibigay niya.

We were walking towards the pantry when the rag giddy ass Bogart suddenly appeared in the hallway along with his homophobic friend. Nakita ko rin na nakasunod sa kanila si Jaja na napunta rin sa akin ang tingin kalaunan.

“Pucha! Nandito na ang bading!” Natatawang kantyaw niya na sinamahan ng tawa ng mga kasama niya.

Napahinto si Beau kaya napahinto rin ako. Marahil narinig niya ang sinabi ni Bogart sa akin. Beau looked at Bogart with furrowed brows like he was thinking if he heard it right.

I raised a brow at them. Ngumisi si Bogart at mayabang na tumayo sa harap namin. Ang uniform niya ay bukas ang ilang butones na nagpapakita ng suot suot niyang sando pang ilalim. May panyo rin na nakasaklob sa ulo niya.

Kinabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Ibang klaseng kaba… hindi siya iyong kaba dahil natatakot ako na masaktan nila ako o may masabi silang kahiya hiya tungkol sakin. Ibang kaba ang nararamdaman ko.

“Anong sabi mo, Bogart?” Nagtatakang tanong ni Beau, kahit mababa at tila kalmado niya iyong sinabi ay ramdam ko ang nakatagong iritasyon sa boses niya.

“Huh? Ang sabi ko bading iyang kasama mo! Diba Seven bading ka? Bading! Bading!” Tuloy tuloy na ani niya. Tumawa ulit ang mga kasama niya ngunit napansin kong si Jaja lamang ang nakatitig sa akin. Walang emosyon na ang nakaloob sa mukha niya hindi tulad kahapon na natatawa siya.

“Bading? Si Seven?” Ulit ni Beau at sumulyap sa akin. Mas lalo akong kinabahan.

My mouth opened but no one came out of it. I wanted to shook or defend myself but because of the nervousness I was feeling, I was lost for words.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Beau at nagtagis ang panga niya. This was the very first time I saw him like this. Kissing brows, sharp eyes and jaw clenched.

“Pare ‘di mo alam? Bading iyang kaibigan na palagi mong kasama. Pucha! Baka may gusto pa iyan sa’yo!” Halakhak niya ulit.

“Tang ina! Sabi na nga ba bakla ka eh. Ang hinhin at lambot mong kumilos! Hilig hilig mo pa sa kga ribbon ribbon na yan. Bading!” Dugtong ni Kalmo.

Nagsi-halakhakan sila kaya mas tumindi ang kaba na nararamdaman ko. It was now mixed with worries and anxiety that Beau will finally hated me. I never admit or confirm it… and I will never denied it either.

My mother said there’s nothing wrong with me being gay or whatsoever I’ll be. As long as I am a good person with good intentions. Walang problema iyon.

But now, honestly, I don’t know yet. I know deep down that I wasn’t the same as them being straight and so calloused like a damn steel. Hindi ko sila kagaya! Si Beau ang kagaya nila.

Biglang lumiit ang kapaligiran sa aking pakiramdam. Para na rin akong kakapusin ng hininga. I don’t know now what should I do! Should I just run? Stay and hear them mock me because of my differences. Of how I’m being so soft and fragile.

Naninikip ang dibdib ko kasabay ng pagbabara ng lalamunan ko.

Beau looked at me once before be turned it back to them. He tilted his head to the side before cracking his head like he was ready to throw himself into a fight.

“Anong masama sa pagiging bading?” Mababa at matigas na tanong ni Beau. His voice was like of a monotone yet the challenge in his voice was there. Presence.

Namilog ang mata ni Bogart na napatingin sa kaniya.

“A-Ano?”

Tumindig ang tayo ni Beau, diretso at nanghahamon.

Matunog siyang ngumisi. “Ang sabi ko…”

He leaned his upper body forward, slightly, just so Bogart and his asshole friend would hear him say the words. “Kung bading man si Seven. Anong mali, huh?”

Nagkatinginan sila Bogart at Kalmo bago natawa.

“Anong problema? Ang problema ay bading siya! Nakakadiri ang bading! Huwag mo sabihin na bading ka rin, Hidalgo!” Tuwang tuwa at manghang hang na saad ni Bogart.

“Nakakadiri? Ano ang nakakadiri sa pagiging ganun kung wala naman siyang sinasaktan at inaapakan na iba?” Aniya na parang hindi katanggap tanggap ang rason na binigay ni Bogart sa kaniya.  Tinaas niya ang kanang kamao niya at tinitigan iyon, na para bang may magandang ideya siyang nakikita sa kamao niya. “At anong bading ako? Kung pinalamon ko ba sa bibig mo itong kamao ko masasabi mo pa kaya ‘yang salitang bading?” Ngayon ay gigil na niyang salita.

Nanlamig ako sa mga naririnig ko kay Beau. Kailan man ay hindi ko siya narinig na maging ganito ang mga salita na lalabas sa kaniyang bibig. He was always so gentle, soft, and treated me like I was the most fragile thing he always had.

Para akong prinsesa…

Nag-init ang pisngi ko dahil sa naisip. Prinsesa? Huh! Naku, Seven! Huwag mongn sabihin crush mo nga iyang si Beau at ganito nalang ang nararamdaman mo just because of that word.

“Tang ina mo! Pinagtatanggol mo pa talaga iyang bading na ‘yan. Iyang mga bading ang salot sa lipunan ano! Nasa bibliya rin kaya iyan na bawal ang maging bading.”

“Bogart, balik na tayo sa room. Baka malate pa tayo.” Boses ni Jaja iyon ngunit hindi siya pinansin ng pangit.

“Tang ina mo rin! Huwag mo akong mamura mura at mas lalong huwag si Seven. Anong pinagsasabi mong salot? Eh kung sapak sapakin ko mukha mo nang makapagisip ka kung sino ang tunay na salot sa inyong dalawa.”

Mas lumakas ang kaba ko at ngayon ay natatakot na dahil baka magsuntukan sila rito. Nasa loob kami ng school at pag naguli silang nag aaway ay mapapa guidance pa… ang ending ay baka mapatawag pa sila Mommy Crissanta nito.

I don’t want Beau to be in a bad situation just because of me. Alam kong prino-protect niya lang ako pero hindi ko maiwasan na hindi maguilty. Maybe I was at fault too.

Aabante na sana si Beau nang hawakan ko na ang kamay niya. He looked at me because of it. Ayokong mapaaway siya at ayokong mapagalitan siya nina Mommy Crissanta.

“B-Beau…”

“Yabang mo ha! Angas mo, Hidalgo! Lima kami, isa ka lang. May kasama ka pang isang bading! Pwe! Nakakasuka!”

Hindi tinapunan ng tingin ni Beau sila Bogart, instead he was staring at me, eyes were digging into my soul as if asking me of things he should do.

No! Beau. I don’t want your idea. I don’t want you to hurt them. I don’t want you to punch them even though they deserve it. I don’t want you to get a punishment because of it. And also… I don’t want you to be hurt because of me.

Nagiinit ang mga mata kong tumitig sa kaniya. Dahan-dahan akong umiling, kagat ang pang-ibabang labi.

“Beau,”

“Bading!” Singhal ni Bogart.

Nagtagis muli ang panga ni Beau habang nandidilim ang paningin na bumaling sa kanila Bogart.

“Pasalamat ka at wala akong sa mood makipag basag mukha sa inyo, lalo kana! Marinig kong sinasabihan niyo pa ng ganito si Seven o mura murahin, makakatikim kayo ng Suntok ala Beau.” Maangas na tango ni Beau.

Namimilog at tila hindi makapaniwala ang tingin na pinukol sa kaniya ng grupo. Hindi sila nakapagsalita, marahil ay napansin ang dilim sa mukha ni Beau.

Natakot ata.

“Tang ina niyo! Hindi ako nagmumura pero kung katulad niyo lang din naman? Tangina niyo, kayo ang salot!” Singhal ni Beau bago ako hilahin paalis do’n.

Dire-diretso niya akong hinila hanggang sa makapasok kami sa loob ng pantry. Tahimik lang ako habang siya ang nag-asikaso ng lahat. Ang pag-upo ko sa lamesa na palagi namin inuupuan, ang pag aayos ng electric fan para itutok sa amin. Pati na rin ang pagbili ng kakainin namin. Hindi siya nagsasalita pero pansin ko ang gigil at pandidilim sa kaniyang mukha.

Beau’s presence was to thick and manly, like that of a strong knight or even can compare to a greek god. Magaspang siya kahit pa ay pa-teenager palang kami. Matipuno kahit bata pa, at kung tumintig ay lalaking lalaki. Masyadong kabaligtaran ng akin na malambot at tila mahina. Mahinhin at tahimik na kaunting tusok o tulak ay matutumba at masisira na agad.

Ilang minuto pa na kinakain kami ng katahimikan bago siya nagsalita. Nakaupo na siya sa tabi ko at kasalukuyan kaming kumakain.

I feel his glances from time to time, like he was checking me.

“Iyon ba ang dahilan kung bakit ka nila pinagkakaguluhan kahapon, Seve?” Putol niya sa katihimikan na namamayani sa amin.

Nabitin sa ere ang dapat na pagsubo ko ng pagkain at namimilog ang mata na tumingin sa kaniya. My heart pound so hard inside my chest.

He already figured it out even without my answer. Alam kong alam na niya ang sagot kahit pa hindi ako magsalita at kumpirmahin iyon sa kaniya.

I didn’t answer, instead I drop the spoon full of food back to the paper plate. I looked at him with my teary eyes.

His jaw clenched again.

“Ilang beses ka na nilang ginano’n, Seve? Matagal na ba? Why don’t tell me about it? Bakit hindi mo sinabi man lang sa akin? Alam ba ito nila Tita?”

“Beau…”

“Oh, Seve.” He frustratedly unheld the spoon and leaned his body back to his seat. Gigil at pawang galit ang ekpresyon ng kaniyang mukha.

“Hindi ka puwedeng ginaganon, Seve. Huwag kang pumayag. Bading? Bading ka ba para ganunin ka ng mga iyon? Lakas ng trip, puta!”

“Beau…” Nangingiyak kong sabi. Hindi ko alam kung takot ba iyon o kumpirmasyon sa sinabi niya.

I don’t know what to say, all I could think right now was to cry this feelings inside me. It was eating me! Hindi kailanman ako nakaramdam ng ganito sa bahay namin o sa mga taong nakapaligid sa akin sa hacienda. Ni hindi ako nakaramdam ng pagiging iba sa mga magulang ni Beau at mga tauhan nina Daddy sa sakahan!

Yes, they call me princess because… I want to be one. Iyon ang gusto ko simula pa ng magkaisip ako. I want those things that a princess has! Dresses, Tiara, crowns and such! I want those beautiful and colorful rather than those monotonic and sharp things that of a soldier has!

Kaya kung bading man iyon! Kung bading ang ibigsabihin nito… then… maybe I am.

“Hindi? Hindi mo sinabi ano? Seve naman.”

“Beau please? Don’t tell it to my parents! Or even to yours, please?” I pleaded, like a damn puppy.

Napatitig sa akin si Beau, may galit at tila hindi makapaniwala sa aking tinuran. His eyes were looking at mine, shifting from one eye to another.

Para niya akong binabasa. Alam kong alam niya na ang sagot. Alam na niya ang totoo. Alam na niya na bading ako. But I know, Beau isn’t like them. He didn’t judge me. He wasn’t!  He knew the truth yet he didn’t ask or question me. He’s just there, stayed beside me, accompanied me. Treat me like no other’s. A person, despite the truth of my differences from him… from them.

And now, he protected me. He fights them with no second thought. No fear, no doubt, or even didn’t falter. He stood tall, proud and confident like a knight.

My knight shining armor.

Kabanata 5

KABANATA 5

Feels

Alam ko namang halata na sa akin iyon. Ang maging iba. Malambot. O kaya’y tawagin nilang bading. At alam kong sa sarili ko na totoo iyon. Kaya nung tinanong ako nila Bogart tungkol doon ay hindi ko tinanggi, at hindi ko rin naman direktang inamin.

Growing up, my parents called me Princess. They never called me by any other name. They treated me like an actual princess. They bought me dresses, Barbies, and even let my hair grow long. Hindi nila kailanman ginupit ang buhok ko na katulad ng kay Beau.

Wala rin ni isa sa mga kasambahay namin ang kumwestiyon kung ano talaga ako. Ni kailanman, hindi ko rin sila narinig na pinag-usapan ako o kung paano ako ituring ng mga magulang ko.

That’s why I grew up thinking that I really am a princess. Na hindi ito bago sa mga mata ng iba. Na hindi ito dapat kuwestiyunin ng ibang tao. Because the people around me, including Beau’s parents, never treated me as if being different, both in the way I acted and the things I wanted, was wrong.

Kaya nang makita ko mismo sa harap ko kung paano naging away ang isang argumento sa pagitan nina Beau at ng grupo nina Bogart, doon ko biglang napaisip na baka nga mali…

Ako…

Mali ang pagiging bading ko… I feel my chest became heavy because of it.

“Seve, huwag kang mag-alala. Hindi makakarating sa kanila, Tita, ang nangyari. Pero promise mo sa akin na hindi mo itatago sa akin lahat ng mangyayari sa ‘yo,” bulong ni Beau sa tabi ko.

Nasa loob na kami ng sundo kong sasakyan at tinatahak na ang landas pauwi sa kanila. Napaangat ang tingin ko sa kaniya bago ko sinulyapan si Kuya Alex kung nakatingin at nakikinig ba siya sa amin.

Tahimik ako simula noong nag-recess kami hanggang sa mag-uwian. Ang bigat kasi sa dibdib at pakiramdam ko kasalanan ko ang nangyaring away sa kanila. At hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung nasaktan si Beau dahil sa akin.

Beau stared at me, worry evident in his eyes. Kunot din bahagya ang noo niya.

Napalunok ako. I bit my lower lip as I tried to suppress the idea that I might be the cause of him getting hurt.

Beau was the only one whom I grew up with. Hindi siya kailanman naging malupit sa akin. Bagkus ay mas naging mabait pa siya at palaging inuuna ang mga kagustuhan ko.

“Huwag kang mag-alala. Hindi ko hahayaan na masaktan ka nila, Seve. I have two hands. I can give them a good punching,” he murmured, yet a playfully dark sense loomed in his voice.

At imbes na mangamba ay parang nakaramdam ako ng kung anong kaginhawaan dahil sa kaniya. Alam kong nagbibiro lang siya dahil gusto niya akong mapatawa. But I also know him well enough to know na may posibilidad na gawin nga niya iyon, kahit pa hindi ko pa siya nakikitang naging pisikal sa kahit kanino.

Pagkahatid namin kay Beau sa kanila ay hindi na ako nagpababa at nanatili pa ng kaunti sa kanila. After he got out of the car and said goodbye to me, inaya ko na agad si Kuya Alex na umuwi. Tahimik lang ako dahil iniisip ko pa rin ang nangyari.

Pagkauwi ko sa bahay ay wala sina Mommy at Daddy. Ang sabi ng mga kasambahay ay nasa Manila raw sila dahil sa business meeting. They also said that my mommy would call me later.

Kaya ang ending ay ako lang mag-isang kakain sa hapag. Buti na lamang ay sinamahan ako ni Kuya Alex. Hindi kasi ako sanay na walang kasabay at mag-isang kumakain. I feel like I’m having my last meal before getting executed.

Nang matapos kumain ay umakyat na agad ako sa kuwarto upang tingnan ang group chats namin kung may mga assignment pa. Ayoko naman na gawan na naman ako ni Beau dahil sa nakaligtaan ko iyon. After what happened earlier, I don’t want to bother Beau anymore.

Beaumont Hidalgo:
Sa Math lang at Filipino ang may assignment. :))

That was the first thing that greeted me. Maraming nag-heart react doon, kasama na ang mga babae naming kaklase, ngunit ang pumukaw ng atensyon ko ay isang react na nakabalandra sa mensahe niya.

I clicked the react icon to see who the stupid person was. Ini-scroll ko at nang makita ko kung sino iyon ay parang uminit ang ulo ko.

It was the ugly orc Bogart and his ugly-ass friends. Nakatawang-react sila sa mensahe ni Beau na para bang isa lang iyong bagay na dapat pagtawanan.

I stared at their reactions for a few seconds, making sure that my eyes weren’t just tricking me. Pero hindi. Pangalan nila iyon at tatlo silang mga pangit ang naka-react ng HAHA.

My eyebrow twitched. Magtitipa na sana ako ng mensahe nang biglang may bagong chat ang lumitaw.  Natigil ang darili ko at binasa lamang iyon.

Beau
: Anong nakakatawa?
@Bogocilio Artjon Flores

@Kenneth Desipolo @Titirahen ko ang bumangga sa akin

Walang ibang nakalagay pero pakiramdam ko ay may personal na laman ang mensahe ni Beau sa kanilang tatlo. Kahit pa na alam ko rin naman na mayro’n talaga ang kela Bogart. Nag-react lang ulit ang tatlo ng talong. Talong. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no’n at pakiramdam ko ay may kinalaman iyon sa kanina… Sa akin.

Althea maganda
: Hoy! Mga paepal! Tawa-tawa na nalang ‘no?

Sabat naman ni Althea. Nagtiim-bagang ako at binasa nang paulit-ulit ang kaniyang pagiging papansin.

Papansin ka rin naman. I wanted to reply directly to her message, but I stopped myself. Kahit pa na inis ako kay Althea dahil malakas ang pakiramdam kong may gusto siya kay Beau ay hindi maganda ang nagsisimula ng away. Lalo pa’t wala naman ginawang mali direkta sa akin si Althea bukod sa nakakairita niyang mukha.

I rolled my eyes. Gumilid ako ng higa habang nakatitig sa screen ng aking phone. Ang sabi ko ay gagawa ako ng assignment, pero heto ako at inaabangan ang mga chat nila sa gc namin.

Bogart lang sakalam:
Hoy ka rin! Wala kang pake ha! Ikaw,
@Beaumont Eryx Hidalgo
wala kang pake kung maghaha ako ha!

I gripped my phone as my irritation rose. Gusto kong makisali… Gusto kong makisabat dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit ngayon ay si Beau naman ang tinitirada nila.

It was because Beau protected me from them… Pinagtanggol niya ako sa kanila kanina.

Althea maganda:

@Beaumont Eryx Hidalgo
Hayaan mo na ‘yan sila. Ganiyan talaga kapag walang bitaw sa pag-aaral.

Bitaw? Napa arko ang kilay ko sa nabasa. Anong bitaw ang pinagsasabi nito? Maybe what she meant was that they don’t have brains at all? Anong walang bitaw? Pinagsasabi nitong si Althea? Kung ano ano nalang para lang talaga magpapansin kay Beau!

Hindi ko alam kung dahil ba kela Bogart o kay Althea kung bakit mas lalo akong nairita. My fingers were itching to type a message.

Beau replied to Althea’s message. Kaya naputol ang pagiisip ko sa sinabi ni Althea na bitaw.

Beau:
Hindi ako papatol sa mga iyan. Basta huwag lang nila akong sasagarin.

Hindi ko nap

Seven: Let the dogs bark nalang Beau. :))

Althea maganda: Hi Seven.

Luh?

Okay, Seven. Calm down. You don’t need to antagonize her just because she likes Beau. Let her and mind our business. Besides… you are just a friend of Beau.

Friend.

Okay… tama naman, kaibigan niya ako. And ano… ngayun kung gusto ni Althea si Beau? What is it to me? Wala… tama! Wala.

Seven: Hi, Althea.

@Beaumont Eryx Hidalgo
Beau hayaan mona lang iyang mga yan.

After that pinatay ko nalang ang phone ko at tumayo para gawin ang assignment namin. Good thing nalang din na hindi na sumagot pa sina Bogart o kung sino pang mga pangit na kaibigan niya. Because I know that once they continue to push Beau out of his patience, papatulan niya ang mga iyon.

Eleven na ng gabi nang biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag sa messenger kaya napalingon ako sa kama kung saan ko iyon iniwan.

Sino naman ang tatawag sa akin ng ganitong oras?

So I stood up and went to my bed to get my phone. Kagat kagat ko ang aking ballpen habang nakasuot na ng aking pajamas.

Kunot noo kong dinampot ang aking phone at tinignan ang tumatawag. Gulat ako nang si Beau iyon. He was calling me for a videocall. Kumabog ang dibdib ko sa hindi malaman na dahilan.

I bit my lip as I pressed the answer button before I went back to my study table to continue answering my assignments. Pagsagot ko ng tawag ay bumungad sa akin ang bagong ligong si Beau, naka sando nalang din siya ngayon. At dahil doon ay kita ko ang balikat at braso niyang nagsisimula ng tubuan ng mga muscles. Napapad sa katawan niya ang mata ngunit mabilis ko ring iniwas para hindi niya ako mahuli.

What the, Seve? What’s… wrong… with you!?

“Magandang gabi, Seve. Anong ginagawa mo?” Nakangiti niyang bati. Bahagyang gumagalaw ang imahe niya, simbolo na siya ang gumagalaw o naglalakad. Maya pa ay nakarinig ako ng tunog ng kaluskos bago siya napirmi.

Nakasandal na siya ngayon sa kahoy nilang sofa habang nakataas ang phone niya dahilan para makita ko ang kaniyang pwesto.

“Magandang gabi, Beau. I’m doing our assignments. Ayaw ko naman ulit na ikaw ang gumawa. Bakit ka pala tumawag?” Tanong ko at pilit na iniignora ang panunuyot ng lalamunan ko at pagtibok ng mabilis ng puso ko.

Shit ka! What’s wrong with you?! Si Beau lang naman ang kausap mo. Kumalma ka! Umayos ka! Wala ka dapat dahilan para maging ganito ang reaksyon mo dahil lang sa tumawag siya! Friends lang kayo at siguradong wala kang crush sa kaniya.

Wala…

“Hmmm,”

Iyon lang sagot niya kaya binawaliwala ko nalang at pinatong sa base ang aking phone para maitayo iyon at matutok sa akin. Ngayon ay kitang kita na niya ang ulo ko hanggang braso kasama ng notebooks ko nakabalandra sa aking table.

“I know na tapos kana sa assignment mo kaya may oras ka nang tumawag tawag. Hindi ka pa ba matutulog?” Tanong ko. Para akong pagpapawisan dahil sa nararamdaman ko kahit pa naka bukas naman na ang aircon sa kuwarto ko at naka full blast iyon.

“Hmmm… Hinda pa. Hindi pa ako antok eh.”

“That’s why you call me to bother me? Is that it?”

Tumawa siya kaya napasulyap ako sa phone ko. Namilog ang mata ko nang nakita ko ang namumungay niyang mata habang dinudungaw ako mula sa screen niya. Malapit na rin ang phone niya sa kaniyang mukha.

“Hindi rin.”

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Eh ano? Why you call ba?”

Hindi siya agad sumagot bagkos ay narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya. Gumalaw siya at ngayon ay naka tagilid na habang nakatitig pa rin sa akin.

“Wala. Gusto ko lang tumawag.” Hagikhik niya. Kaya napanguso ako nang wala sa sarili. Beau keeps on talking. Ang dami niyang kuwento tungkol sa kung ano ano habang ako ay pilit na tinutuloy ang ginawa ko kahit pa nawawala na sa utak ko ang dapat kong isagot.

“Pinayagan na nga ako ni Papa tumulong sa palayan eh. Papaalam pa ako kay Tito Tad para walang problema.”

I glanced at him before continuing what I am doing. Pero dahil nagulo na ang concentration ko dahil kay Beau parang nawala lahat ng isusulat ko.

I dropped the ballpen and sat straight. I looked at him with a sharp looked. Napatitig siya sa akin.

“Bakit?”

“I forgot what I was doing! Kulit mo at ang ingay!”

Tumawa siya ulit. Umirap ako ngunit di nakawala ang ngiti sa aking labi. Paano naman kasi ang paraan niya ng pagtawa ay nakakahawa!

“Sorry! Sorry!” Aniya sa gitna ng tawa niya.

“Porket tapos kana sa assignment mo ganiyan kana. You’re so nakakainis!”

“You’re so nakakainis!” Pag gaya niya kaya napasimangot na ako ngayon. I forced myself not to let a smile escape my lips so that he’ll think I mad serious.

Natigil siya at napatitig ulit sa akin. May kinang pa rin ang mga mata. He then tilted his head and licked his lower lip. Inayos niya ang phone niya at pinatong sa kung saan. Kitang kita ko na ang kabuohan niya. He’s wearing a sando partnered with blue shorts. Nakabukaka siyang nakaupo sa kahoy nilang sofa habang nakatingin sa akin.

“Anong subject na lang ba sinasagotan mo?” Seryoso na niyang tanong. Tumayo siya at kinuha ang bag niya. He then started to pull his notebook out of his bag. Binuklat niya iyon.

“Why? You’ll help me?”

“Oo,”

I rolled my eyes. Nope! I want to be independent, Beau. I’m sorry.

“No, thanks. I can managed.” Mabilis kong saad bago tinuloy ang pagsusulat sa notebook ko. I can hear him doing something. Pero hindi ko nalang din siya pinapansin. I continue writing my answer kahit pa medyo di ako sure if tama ba iyon.

“Tulungan na kita para mabilis kang matapos. Gabi naman kasi. Need mo na matulog.” Aniya.

Umiling lang ako habang di siya tinitignan.

“If that so, you should sleep. I can manage answering this assignment, Beau. Isa pa tama na yung pag gawa mo ng assignment ko kanina.”

“Eh, ayoko. Tyaka wala iyon, Seven. Para na tayong magkapatid oh.” Malamlam niyang sabi.

But the last word he said made me stopped and looked at him. He said what? Na para na kaming magkapatid.

I should feel happy about it, right? Dapat masaya ako at okay sa sinabi niya. Pero bakit pakiramda ko ay iba ang nangyayari sa dibdib ko? Parang bumigat.

Napatingin lang ako sa kaniya. Ganun din siya sa akin.

“K-Kapatid,”

Tumango siya. Nakanguso ang labi.

“Oo, magkapatid. Tayong dalawa. Diba? Lumaki naman tayo ng sabay. We are playmates nung bata pa tayo.”

Pero bata pa rin naman tayo. Ani ko sa utak ko.

Titig na titig lang ako sa kaniya habang pakiramdam ko umiinit na ang dibdib ko sa kiro kasabay ng mga mata ko.

Kapatid.

“That’s… That’s why you protecting me?”

Sunod sunod siyang tumango, hawak pa rin sa kamay ang notebook niya.

“Oo, ganun naman dapat diba? Feel ko nga ako ang kuya tapos ikaw ang nakakabata kaya walang puwedeng manakit o mang away sayo.”

“A-Ah…”

Parang nilulukot ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ko maisip kung anong dahilan. What he said was right… everything he said about the connection between us was right. Para sa kaniya ay magkapatid na kami… na para sa kaniya ay siya ang nakakatanda na dapat na prinoprotektahan ang mas nakakabatang kapatid.

Tama naman ang sinabi niya. Tama naman lahat.

Pero bakit hindi nagugustuhan ng dibdib ko. Parang ang sakit at nakakadismaya. Prang hindi ko gusto.

Hindi ko talaga gusto.

Natapos ang tawag namin noong gabing iyon nang hindi maganda ang nararamdaman ko. Ayaw pa niya sana pero nagdahilan nalang akong lowbat na ang phone ko at kailangan ng i-charge. But the truth is I feel like I was on the verge of crying because of uncertain things in my chest. The heaviness, the gripping pain… everything.

Pinilit ko lang tinapos ang mga assignment ko kahit lutang na ang isip ko sa kga sinabi niya.

I should be happy and contented with what he said. What he feels about me… He sees me as his younger sibling. And that should be enough and be thankful for.

Pero hindi. Dahil lumipas ang ilang buwan at ang graduation namin na dala ko ang damdamin ko na iyon. Pinilit kong intindihin kahit umiikot na ang utak ko sa kakaisip sa nararamdman ko. Na kung bakit ganun ang nararamdmaan ko.

Do I like him more than just that?

Do I like Beau not as a friend… not as a sibling but… more than just that.

Those are the things that keep on my mind. The questions I keep asking myself.

Naging normal ang trato sakin ni Beau. Hindi nagbago, hindi nabawasan. Mas naging matindi pa.

Truth by his word, he protected me from bullies. He treated me like I am his sibling. Kahit noong tumuntong na kami ng grade 10 at mag se-senior high school na ay hindi nagbago ang trato ni Beau sa akin.

Kahit pa nagkaroon siya ng ibang mga kaibigan… mga tropang lalaki kung kaniyang tawagin.

But to me, as the days come forward. As the time keeps on running. Those questions stuck on my mind like a drainage pipe getting clogged.

And as I keep on questioning myself, with how I love Beau treating me despite those words he said that night. I finally understand that…

I never sees him as my brother.

I don’t… And I don’t want to. Never.

Because I know now that he’s not only my friend, my older brother or a close family. I like him. I know… I that this feelings like him more than those words he said to me.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.