loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Taming The Wild Heart (The Bachelor's Trans Series 4)

Taming The Wild Heart (The Bachelor's Trans Series 4)

Yakuiarjane · 5 chapters · 8,232 words

Taming The Wild Heart

This is a work of fiction. Any references to historical events, real people, or real places are used fictitiously. Other names, characters, places, and events are products of the authors imagination, and any resemblance to actual events or places or persons living or dead is entirely coincidental.

Warning: This story is not suitable for readers 18 years old below, narrow minded people, and homophobic.

THIS IS A TRANS WOMAN X MAN STORY.

06-24-22

Jedaiah Salguero

Silas Solon

Prologue

Tumili ako ng tuluyan kong mapitas ang nag-iisang mangga na halatang hinog na dahil sa kulay nito.

Maliksi akong bumaba sa puno at komportableng umupo sa duyan na nilagay ng mga magsasaka. Tanaw ko mula rito ang papalubog na kulay kahel na araw at ang likurang bahagi ng Salguero Rice Mill.

Napakagandang tanawin.. pero mas pinili ng iba na lumipat sa maingay na siyudad at ipagpalit ang sariwang hangin at magandang tanawin ng La Fuego.

Kinagatan ko ang manggang hawak ko. Hmm.. napakatamis nito-

“Pwe!” Dumura-dura ako ng malasahan ko ang dagta. Nakalimutan ko palang hugasin.

Bababa na sana ako sa duyan ngunit napansin ko ang isang katawan ng tao na kumikinang dahil sa papalubog na araw at pawisan nitong katawan.

Siningkit ko ang aking mga mata upang matingnan ito ng mabuti.

“Anak ni Don Salguero,” Malakas kong naibulalas ng makilala kung sino ang nagtatanim ng mga palay. Wala itong suot na pang-itaas at naka pantalon lamang ito!

Kumagat ako sa manamisnamis at mapaklang mangga ng makaramdam ng gutom dahil sa nakakagutom na tanawin.

Napatingin ito sa banda ko pero panigurado ay hindi ako nito makikilala dahil medyo malayo ang agwat ng puwesto namin.

Pinagmasdan ko siya hanggang sa matapos ito sa pagtatanim ng mga palay.

Napakakisig ng katawan nito sa edad na labing walong taon gulang. Kahit na marami silang magsasaka ay tumutulong pa rin siya sa plantasyon ng kanyang mga magulang.

Nang makita kong nagsisilabasan na ang mga trabahante sa Rice Milling ay bumaba na ako sa duyan at tumakbo papasok doon.

“Ma!” Kinuha ko ang bag niya at sumabay na sa kanya sa paglalakad.

“Bakit ang pawis mong bata ka?” Humagikhik ako ng pinunasan ni Mama ang pawis ko.

Pagkalabas ko sa school ay dito ako dumiretso para makisabay kay Mama pauwi sa bahay namin.

Si Mama ay isang assistant manager sa Salguero Rice Mill. Si Tatay naman ay nagtatrabaho abroad, sa Saudi Arabia.

Nang pasakay na kami sa tricycle ay nakita ko ang mga kaibigang babae ng Unico Hijo ni Don Juan. Humagikhik at naghahampasahan ang mga ito habang nakangising papalapit ang binata sa kanila.

Ang sasakit sa paningin! Parang mga uod kung umakto!

Pagkauwi sa bahay ay nagbihis ako ng pambahay at ako na ang nagsaing para naman makapag pahinga si Mama. Ang kapatid ko naman na si Patrick ay naglalaro sa kanyang Cellphone.

“Hoy trick! Gawin mo muna ang assignment mo bago mo atupagin ang paglalaro sa Cellphone!”

“Nagawa na po!”

Matapos kong nagsaing ay pumasok ako sa kwarto para tapusin ang mga requirements sa school.

“Ma, Alis mo na po ako. Punta lang po akong court.”

“Huwag kang magpapa gabi Silas!” Sigaw ni Nanay mula sa kusina habang nanggigisa ng sibuyas.

Malapit lang ang court mula sa bahay namin. Pero bago ’yon ay pinuntahan ko muna ang bahay ng kaibigan ko.

“Tita Nandiyan po ba si Shell?” Tanong ko sa Mama niya nang pagbuksan niya ako ng pintuan nila.

“Shell! Hanap ka ni Silas!”

Tumakbo papalapit sa akin si Shell habang tinatali niya ang kanyang mahabang buhok. Naiinggit talaga ako sa mahaba niyang buhok. Si Shell ay isang Trans. Senior High School na siya kaya pwede niya ng pahabain ang kanyang buhok at magsuot ng unipormeng pangbabae. Habang ako ay grade 7 pa lang pero malapit ng mag grade 8. Bawal ang sobrang habang buhok sa amin. Kapag lalaki ka o bakla at nakitang ng teacher mo na mahaba ang buhok mo ay gugupitin niya ito sa ayaw at gusto mo.

“Tara na! Mag-u-umpisa na ang liga niyan!” Hinila ko siya sa kamay dahil ang bagal niyang kumilos.

“Saglit lang bakla ka! Hindi pa ako nakapag lip tint!”

“Okay lang ’yan! Maubusan na tayo niyan ng puwesto!”

Sa labas pa lang ng court ay malakas na ang hiyawan.

“Tabi!”

Nakipagsiksikan kami sa entrance ng court at umupo sa pinakababang bleacher para katabi namin ang mga players.

Nagsihiyawan ang mga tao ng maka 3 points si Kuya Craig.

“Go Kuya Craig!” Tili ko na sinabayan naman si Shell.

Inaanak ni Papa si Kuya Craig at parang nakakatanda ko na itong kapatid.

Hinanap ng mga mata ko ang pakay ko. Napangiti ako at sumigaw ng makita si Jedaiah Salguero, Anak ni Don Salguero.

Napakakisig at guwapo niya talaga! Nakasuot siya ng kulay Maroon na Jersey na may halong yellow kaya mas lalo siyang pumuti. Kahit na lagi siyang nakabilad sa araw ay hindi talaga siya umiitim, namumula lang ang kanyang balat. Sa pagkakaalam ko ay German ang kanyang ina, na hindi ko pa nakikita habang si Don Salguero naman ay purong Pilipino at napakabait nito. Namana ng kanyang anak ang kakisigan nito.

Nakasuot siya ng headband at kumikinang ang katawan niya dahil sa pawis.

Ilang buwan lang siya rito sa La Fuego. March hanggang June ay narito siya at pinag-aaralan ang Rice Milling nila. Sabi ni Mama ay sa Pampanga ito nag-aaral ng kolehiyo.

Nang mag time-out ay lumapit sina Jedaiah at mga ka grupo niya rito sa bleacher na kinauupuan namin ni Shell. Sinabunutan ako ni Shell at impit na tumili ng maghubad ang ilan sa kanila ng damit at pinunasan ang mga pawisan nilang katawan.

May lumapit na babae kay Jedaiah at pinunasan nito ang mukha niya at ngumiti naman ito at hinalikan ang babae kaya nagtilian ang mga kaibigan ng babae.

“Sino naman ang impakta na iyan?” Mataray na tanong ni Shell. “Mas maganda ka pa riyan bakla! Mag pahaba ka lang ng buhok at mag take ng HRT- o pak! Babaihan at kamukha mo na si Kevin Balot!”

Napangiti ako sa tinuran ni Shell. Naiimagine ko na kamukha ko si Kevin Balot ay kinikilig na ako! Sigurado ay magugustuhan at magagandahan sa akin si Jedaiah.

Excited na akong mag Senior High School para makapag pahaba na ng buhok at makapag take ng HRT!

Tinapos namin ang laban ni Kuya Craig at Jedaiah. Sa huli ay nagwagi ang team ni Jedaiah!

Pinuntahan ko ang Team ni Kuya Craig at lumapit sa kanya. Nginitian ko ito. “Congrats Kuya! Ang galing ninyo!” Ginulo niya ang buhok ko.

“Salamat Sil! Naghanda si Nanay, baka gusto mong pumunta?” Nakangiti niyang anyaya sa akin pero umiling ako.

“Mag gagabi na po, Kuya. Baka hinahanap na ako ni Mama.”

“O sige. Ikamusta mo na lang ako kay Ninang Lina.” Aniya bago niya puntahin ang mga ka-team niya.

Sporty si Kuya Craig. Miyembro rin siya ng Soccer team sa La Fuego High School kaya Moreno ito, hindi katulad sa mga Kapampangan niyang mga pinsan at kapatid na sobrang puputi!. Marami rin nagkakagusto sa kanya at puro mayayaman pa!

“Bakla! Halika na! Lagot na tayo nito!” Hinila ako ni Shell palabas sa court. Tumingin ako sa kung nasaan sina Jedaiah kanina pero wala na ang mga ito

Lumabas kami sa court. Maraming tao sa labas. Napahinto ako ng makita ang mga ka-team ni Jedaiah at mga kaibigan nito.

“Mauna ka na Shell. May pupuntahan lang ako.”

“Huh? Sigurado ka ba?” Tanong niya at tumango ako. “O sige. Dalian mo ah! Baka hanapin ka ni Tita Lina sa amin!”

“Oo na! Uuwi rin ako kaagad!”

Pagkaalis ni Shell ay pumunta ako malapit sa puwesto nila. Nagtago ako sa isang kotse. Hindi ko makita si Jedaiah at ang hinalikan niyang babae kanina sa court.

Nakita ko ang kotse niya at may naaninag akong dalawang tao sa loob. Lumipat ako sa kabilang kotse para magtago. Napatakip ako sa aking bibig nang makitang may naka kandong na babae sa kanya sa loob ng kotse at naghahalikan ang mga ito!

Napa-atras ako ng magtama ang mga mata namin. Kumunot ang noo nito pero kalaunan ay ngumisi. Hindi ko kinaya ang eksenang napanood kaya dali-dali akong tumalikod at tumakbo.

Santistima! Hindi na ba sila nahiya at talagang sa loob ng kotse pa sila gumagawa ng milagro kahit na alam nilang maaring mayroon makita sa kanila?

Hindi ko ma-imagine ang sarili kong ginagawa ang ginagawa nilang kababalaghan! At kailan man ay hindi ko gagawin ang ganoon sa isang public place! Ikakahiya ko ang aking sarili kung sakali man!

Napagalitan ako ni Mama pagkauwi ko sa bahay dahil ginabi ako. Hinugasan ko ang pinagkainan ko bago pumasok sa banyo. Nagsipilyo ako at naglinis ng katawan.

Tinulungan ko si Mama sa paggawa ng mga kakanin na binebenta niya sa kanyang mga katrabaho.

“Hindi pa po ba tumatawag si Papa upang kamustahin kami, Ma?” Tanong ko habang nagbabalot ng kakanin.

Tumikhim si Mama. “Hindi pa anak, e. Sasabihin ko na lang sa inyo kapag tumawag na ang Papa ninyo, okay?”

Ngumiti ako at tumango. “Opo, Ma!”

“Ako na ang bahala rito. Mabuti pa ay puntahan mo ang kapatid mo at sabihan na maglinis na ng katawan at matulog na.” Tumango ako at bumaba sa kinauupuan.

Kumatok ako at binuksan ang pintuan ng kapatid ko. Nag ce-cellphone pa rin ito hanggang ngayon.

Kinuha ko ang mga maruming damit na nakakalat sa sahig at nilagay ito sa hamper niya. Lumapit ako rito at mahina siyang kinaltusan sa ulo.

“Trick! Maglinis ka na raw ng katawan sabi ni Mama!” Sabi ko at umungot ito.

“Opo! Saglit lang!”

“Wala ka ng inatupag kung ’di mag Cellphone magdamag. Isusumbong kita kay Papa, sige!”

“Ikaw nga riyan ginabi ka! Pinagpantasyahan mo na naman siguro ang anak ni Don Salguero habang naglalaro ng Basketball!” Sigaw niya at binelatan ako. Aba!

Maaga akong nagising kinabukasan. Walang klase ngayon dahil Sabado. Isang linggo na lang ay bakasyon na. Next week ay puro practice na lang para sa recognition at pagpasa ng ibang mga requirements. Nasa honor lists ako, as usual. Kaya excited akong sabitan na naman ng medalya ni Mama. Ito ang maisusukli ko sa pagpapaaral sa akin nina Mama at Papa, ang mag-aral ng mabuti at magkaroon ng mga akademikong parangal at medalya.

Ang gusto nina Mama at Papa ay mag maynila ako or Pampanga katapos kong mag-aral.

Ayoko naman dahil hindi ko kayang iwan ang La Fuego. Dito na ako lumaki at nandito ang pamilya at mga kaibigan ko.

Mas gusto kong manirahan sa tahimik, maraming puno, bundok, anyong tubig at may sariwa at preskong hangin na lugar.

Araw-araw kong pipiliin at mamahalin ang ganda ng La Fuego.

Chapter 1

“Sil! Halika na! Baka maunahan tayo sa Cottage natin!” Nagmamadaling saad ni Cooper Salguero sa akin. Minadali ko ang pag-aayos ng aking mga gamit at pinasok ito sa aking Tote Bag.

“Saglit lang patapos na!” Tumayo ako ng matapos kong ayusin ang aking mga gamit. Lumapit sa akin si Cooper at kinuha niya mula sa akin ang aking bag. Nilagay ko muna ang mga ginamit kong mga libro sa bookshelves

“Nandoon na ba ang iba nating kaklase?” Tanong ko at tumango ito.

“Oo, at nandoon rin si Shell.”

Malapit lang ang La Fuego Falls sa La Fuego High School kaya nilakad lang namin ang papunta roon.

Mabuti at nakapunta si Shell. College na kasi siya at magkahiwalay ang La Fuego City College sa High School habang ako naman ay Grade 11 na.

“Dahan dahan lang..” Mahinang bilin sa akin ni Cooper at tinulungan ako sa pagtawid sa mabatong daan.

Alas quatro na kaya hindi na ganoon ka-init ang daan papuntang La Fuego Falls..

“Per? ahas ba ’yon?!” Kumapit ako sa laylayan ng kanyang t-shirt dahil parang may nakita akong gumalaw sa mataas na talahiban.

“Hindi.. baka ligaw na baboy ramo,” saad niya. Binilisan namin ang paglalakad. Minsan kasi ay may mga ahas at ligaw na baboy ramo rito.

Sigawan ang narinig namin habang papalapit kami sa La Fuego Falls. Nakita kong nasa tulay ang iba naming lalaking kaklase at tumalon ang mga ito at bumagsak sa ilog.

Excited kaming tumakbo ni Cooper papuntang Falls. Kaagad kong nakita si Shell sa paborito naming cottage.

“Shell!” Tili ko at kaagad na tumakbo papalapit sa kanya.

“Huwag ka ngang tumakbo sil!’ naiinis na sigaw ni Cooper sa aking likod.

Tumili kami ni Shell at nagyakapan.

“Na miss kita, Dzai!” Saad niya. May kinuha siya sa bag. Napangiti ako ng makita ang mga gamot pang HRT.

“Ito na dzai! Marami-rami ’yan!” Kinuha ko ang mga ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Salamat, Shell!”

Si Shell ang sponsor ko sa mga gamot pang HRT. Nagtatrabaho kasi siya sa isang malaking Shop na nagbebenta ng mga gamot pang Hormonal Replacement Therapy at binibigyan siya ng Boss niya ng mga gamot pang hrt, mga collagen at iba pang pang paputi at pangpaganda ng libre! Hindi naman niya kayang inumin ang lahat ng mga binibigay sa kanya dahil baka madedo siya kaya ang mga sobra ay binibigay niya sa akin.

“Cooper my chicken! Ano? Duwag pa rin ba hanggang ngayon?” Tanong niya kay Cooper.

“Duwag? Bakit siya duwag?” Kunot noo kong tanong.

“Ayy duwag pa nga!”

Sinamaan ni Cooper ng tingin si Shell. Umiling-iling ito. “Wala. Don’t mind her, Sil.”

Nagkibit-balikat ako. Lumapit ang ibang mga kaklase sa Cottage namin.

“Dalian ninyo Cooper, Silas!” Excited nilang sabi.

“May pagkain doon. Kuha lang kayo Sil.” Anyaya ng isa sa mga babae naming kaklase.

Nginitian ko siya at tumango.

“Sige. Thank you!”

Pumunta kami ni Cooper sa maliit na CR. Siyempre ako lang ang magpapalit sa CR habang si Cooper naman ay sa labas lang magpapalit ’yon.

“Dalian mo. Bantayin kita,” sabi niya habang hawak-hawak ang Tote bag ko.

“Sige. Huwag mo akong sisilipan ah!” Pagbibiro ko sa kanya.

Umarte itong na parang nandiri. “Never!”

Tumawa ako at mahinang siyang hinampas sa balikat.

Dahil Senior High School na ako ay pang babaeng uniform na ang aking suot. Hinubad ko ang aking blouse at palda at tinara ko ang aking sando at black na Cycling.

Nang matapos ay lumabas na ako ng CR.

“Tara na!”

Tumingin siya sa akin at namula ang kanyang mukha.

“Uyy! Bat namumula mukha mo? Sexy ko ano?” Umiwas ito ng tingin at tumikhim.

Nilagay muna ni Cooper ang Tote Bag ko at uniform sa Cottage namin habang ako ay pinuntahan si Shell na nasa ilog.

“Sexy natin ah! Mas malaki yata ang hinaharap mo kaysa sa’kin!” Namula ang mukha ko sa sinabi niya dahil narinig ng iba naming kaklase.

“Asus nahihiya pa ’to! Ipagmalaki mo dapat!” Sabi niya at humalakhak.

Nang makalapit na sa amin si Cooper ay sabay kaming tatlong umakyat papuntang tulay.

“Oy! Walang manunulak Cooper ah!” Pagbabanta ni Shell. Tumawa kami ni Cooper dahil mukhang nag ka trauma siya. Murit din kasi itong si Cooper, e. Tinulak ba naman si Shell dati sa tulay ng hindi pa siya ready, ayon hinabol siya ni Shell ng bato na napulot niya.

“Hindi na talaga mauulit. Ayoko ng mabukulan sa ulo!” Ani Cooper at kumamot sa kanyang batok.

“Magbibilang akong tatlo! Tapos talon na agad,” sabi ni Shell. Magkahawak kamay kaming tatlo. Nagbilang siyang hanggang Tatlo pero kaagad na tumalon ang hayop na si Cooper noong pang 2 pa lang kaya naisama niya kami.

“Hayop ka talaga Cooper!” Inis na sigaw ni Shell at pinagpapalo si Cooper.

Nagtago si Cooper sa likod ko.

“Sil! sinasaktan niya ako oh!” pagsumbong niya.

Napa iling-iling ako dahil parang batang nag-aaway ang dalawa.

Nakisama kami sa mga kaklase namin at nakikain na rin.

Pinaghimay ako ni Cooper ng isda at nilagay niya ito sa pinggan ko.

“Kumain ka pa ng marami. Ang payat mo oh,” saad niya.

“Opo Master..” sabi ko na lang dahil baka pagalitan na naman niya ako dahil kaunti lang ang kinakain ko.

Lahat kami ay napatingin sa likod ng Cottage ng makarinig ng yapak ng kabayo.

“Ang Tito mo, Cooper!” Sabi ng mga kaklase namin.

Kumalabog ang puso ko ng dumating si Jedaiah sakay ng Puting Kabayo. naka Blue jeans lang ito na hapit na hapit sa baywang niya. Lumitaw ang V-line nito ng bumaba siya sa Kabayo.

“Sana lahat sinasakyan!” Sabi ng isa sa mga babae kong kaklase at nagsi-hagikhikan ang mga ito.

Naka Man Bun ang buhok ni Jedaiah. Lumapit ito sa amin kaya mas lalong nag hagikhikan ang mga kaklase kong babae.

Mas nag mature ang dating niya dahil sa buhok niya at papatubong balbas. Maputi pa rin siya hanggang ngayon.

Teka? Bakit kaya siya nandito? Hindi ba dapat nasa Pampanga siya at nag-aaral at sa bakasyon pa lang ang punta niya rito sa La Fuego?

“Cooper..” malalim na boses niyang pagtawag kay Cooper.

Tinapik ko si Cooper na busy sa paghihimay sa isdang ulam ko.

“Tawag ka, Per.. Baka hinahanap ka na sa inyo.”

Bumuntong-hininga si Cooper. Nakatayo si Jedaiah sa harap ng Cottage namin. Napalunok ako ng naabutan na nakatingin siya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at kumunot ang kanyang noo .

Niyakap ko ang aking sarili dahil sa kahihiyan. Siguro ay napapangitan siya sa katawan ko? Dahil hindi ako kasing sexy ng mga babae o mga naging girlfriend niya.

Nagpaalam si Cooper sa mga kaklase namin.

“Hindi ka pa ba uuwi Shell?” Tanong ko sa kaibigan ko.

“Hindi pa, Sil. May pupuntahan pa ako kaya mabuting makisabay ka na kay Cooper.” Aniya na nakangisi.

Napa iling-iling ako. Alam ko ang ngisi niya.

Tinulungan ako ni Cooper sa CR para magbihis.

Pagkalabas ko sa CR ay naabutan ko sila ni Jedaiah na nag-uusap.

“Tito’s looking for you, Cooper. He said that you need to go home now because of an emergency.”

“Ihahatid ko pa si Silas sa bahay nila,” sagot naman ni Cooper.

“No, ako na maghahatid sa kanya. You should go home now.”

Walang nagawa si Cooper. Tumingin sila sa akin ng maramdaman ang presensiya ko.

“Sil.. I’m sorry. Hindi kita ma-ihahatid sa inyo.” Lumapit sa akin si Cooper.

Ngumiti ako at umiling.

“Okay lang.. Kaya ko naman umuwing mag-isa ano!” Sabi ko at awkward na tumawa.

“No. Gabi na at baka may mangyari pa sa’yo.”

“Ako na ang maghahatid sa kanya.” Napatingin kami kay Jedaiah ng magsalita ito. “Cooper is right. It’s already late in the evening at baka mapahamak ka pa”

Wala akong nagawa dahil hindi nila ako hinayaang umuwing mag-isa.

Sabay kaming naglakad ni Cooper habang si Jedaiah ay nakasakay sa kabayo. Nang nasa samentadong daanan na kami ay huminto kaming tatlo.

Niyakap ko si Cooper bago siya pumasok sa Tricycle. “Bye, Per.. kita na lang tayo sa lunes.”

Nang makaalis ang Tryke na sinasakyan ni Cooper ay nagsimula na namang kumalabog ang dibdib ko.

Ewan ko ba. Palagi na lang akong kinakabahan kapag malapit si Jedaiah sa akin or nasa paligid siya.

Bumaba ito sa Kabayo. “Sasakay ka ba o hindi?” Masungit niyang tanong ng hindi pa ako sumasakay sa kabayo.

Lumapit ako sa kanya. Nagsitaasan ang balahibo ko ng hawakan niya ang braso ko.

“Iaangat kita.”

Tinulungan niya akong maka-akyat sa Kabayo. Umakyat siya ng maayos na ang pagkaka-upo ko. Napalunok ako ng maramdaman ang init ng kanyang katawan sa aking likod. Parang nakayakap siya sa akin habang pinapatakbo niya ang kabayo papunta sa bahay namin. Sinabi ko sa kanya ang direksyon.

Maliwanag na ang mga bituin sa kalangitan. Ang mga ilaw sa poste ang nagbibigay liwanag sa daanan pati na rin ang maliwanag na buwan.

Nagulat ako ng biglang gumalaw ng marahas at sumigaw ang Kabayo dahil sa biglaang pag kidlat.

“Fuck!” Malakas na mura ni Jedaiah.

Unti-unting pumapatak ang ulan. Makulimlim na kanina ngunit ’di ko alam na tuluyang bubuhos ang ulan.

“Shit! It’s raining!” Mura niya ulit. Sakit niya sa pandinig. Palaging nagmumura.

Mabuti na lang ay napakalma ni Jedaiah ang Kabayo kalaunan.

“Kailangan nating maghanap ng masisilungan. Lalakas lalo ang ulan,” Aniya at sumang-ayon ako.

Medyo malayo pa ng kaunti ang bahay namin. Maabutan kami ng malakas na ulan kung ipagpapatuloy namin ang pag-uwi ko sa bahay ngayon.

Sa ’di kalayuan ay nakakita kami ng masisilungan. Isa itong maliit na sira-sirang Kubo.

Tinulungan akong bumaba ni Jedaiah mula sa Kabayo. Sa malapit na Puno ay tinali niya ang kanyang Kabayo roon.

Pumasok kami sa sira-sirang Kubo. Medyo basa na ang ang katawan namin. Umupo ako sa lapag at niyakap ko ang aking mga binti upang maibsan ang lamig dulot ng malamig na simoy ng hangin.

Tumingin ako kay Jedaiah na kunot noong nakatingin sa labas. Tumingin siya sa akin ng maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya.

He look like a Greek God. Napakaganda ng hubog ng kanyang katawan. Mabalbon siya pero hindi naman pangit tingnan.

Kahit na madilim ay kitang-kita ko pa rin ang napakagandang kulay ng kanyang mga mata. Kulay Berde ang mga ito at nag niningning. Kahit siguro titigan ko ang kanyang mga mata sa loob ng isang araw ay hindi ako maiinip kakatitig dito.

Malalim siyang bumuntong-hininga habang nakatingin pa rin sa akin. Siguro ay mukha akong basang Sisiw dahil sa itsura at posisyon ko ngayon.

“Are you cold?” Tanong niya kahit na halata naman.

“Hindi, naiinitan ako,” pilosopo kong sagot.

Nakakahiya ka Silas! Pinipolosopo mo ang anak ni Don Salguero!

Umiling-iling ito at lumitaw ang isang ngisi sa kanyang labi.

Kinabahan ako ng lumapit siya sa akin. Kumidlat na naman ng malakas at mas lumakas ang ulan.

Lagot ako nito kay Mama. Tiyak na hinahanap at nag-aalala na siya sa akin ngayon.

Kinuha ko ang aking Cellphone sa aking Tote Bag para ma i-text man lang si Mama at para hindi na siya mag-alala. Nagtext din sa akin si Cooper kung naka-uwi na ba raw ako. Sinabi kong oo at naihatid na ako ni Jedaiah para hindi na siya mag-alala.

Tinext ko kay Mama na kasama ko si Shell at uuwi ako kapag tumila na ang ulan.

“Move..” Saad ni Jedaiah.

Umusog ako. Akala ko ay uupo siya sa tabi ko pero laking gulat ko ng umupo siya sa aking likuran!

“A-anong g-ginagawa mo?” Utal kong tanong.

Huminga siya ng malalim at tumaas ang mga balahibo ko sa aking leeg ng maramdaman ang init ng kanyang hininga sa aking leeg. Medyo nakaramdam ako ng init.

“Giniginaw ka ng sobra,” pagpuna niya.

Mas lalo akong nanginig sa lamig dahil sa pagpuna niya.

Kinuha niya ang kanyang damit na nasa kanyang balikat. “Wear this.”

Hindi na ako umangal at kinuha ang kanyang damit. Sinuot ko ito at medyo nabawasan ang pagkaginaw ko.

“Do you want me to hug you?” Namilog ang mga mata ko sa kanyang alok. Siguro dahil nakita niyang giniginaw pa rin ako.

Nahihiya man ay tumango ako. Tila hihimatayin ako ng yakapin ako ni Jedaiah mula sa likuran.

Hindi ako nakaramdam ng pagka-ilang at pagka bastos. Hindi dahil guwapo siya. Kung binastos niya man ako ay makakatikim siya sa akin ng malakas na sampal. Pero hindi.. nag-aalala lang siya na baka magkasakit ako at kita niyang giniginaw na ako sa lamig.

Unti-unting uminit ang aking pakiramdam dahil sa kanyang yakap.

“I-ikaw ba? Hindi ka ba nilalamig? Wala kang damit,” mahina kong saad.

Naramdaman ko siyang umiling. “No.. hugging you is already making me warm.”

Paos niyang bulong at namula ang aking pisngi..

Ilang oras bago tumila ang ulan kaya ilang oras din kaming magkayakap.

Huminto kami sa harap ng bahay ko. Nakabukas pa ang ilaw. Tiyak na hinihintay ako nina Mama at Patrick.

Tinulungan niya akong bumaba mula sa Kabayo niya.

“S-salamat..” pagpapasalamat ko.

Tumango ito at bahagyang ngumiti.

“Go inside your house now. Also, take a quick shower,” saad niya bago sumakay sa kanyang Puting Kabayo.

“S-salamat…” mahina kong sabi, sapat na para marinig niya. Tumango siya.

“Goodnight,” Aniya at tuluyan ng umalis sakay ng kanyang Puting Kabayo.

Chapter 2

“Silas? Uy!” Kunot noo kong binalingan ng tingin si Cooper ng pumitik siya sa harap ko.

“Huh? Bakit?”

’Kanina ka pa nakatulala. Anong iniisip mo?“

“Ahh.. ’Yong Tito mo..” Wala sa sarili kong bulong.

“Ano? Titi ko?” gulat at nanlaki ang mga mata niya

Namula ang mukha ko dahil iba ang pagkakarinig niya sa sinabi ko.

“Kadiri ka!” Hinampas-hampas ko siya sa kaniyang balikat habang siya ay tawa nang tawa.

“Ikaw ah Sil! Pinagpapantasyahan mo ako!”

“Asa ka!”

Inirapan ko ito at umayos ng upo sa bench. Naglalaro ng Soccer sina Kuya Craig kasama ang mga teammates niya sa ilalim ng mainit na araw.

“Luh, galit ’to kaagad. Biro lang naman, e..” Si Cooper at kumamot sa kanyang noo.

“Huy..” Kinalabit niya ang balikat ko pero hindi ko ito tinapunan ng tingin.

“Ito naman joke lang ’yon. Libre kita sa canteen?” Sinundot-sundot niya ang baywang ko.

“Sil, tara libre kita?” Pangungulit niya.

Natatawa ko itong tiningnan ng makiliti ako sa ginagawa niya.

“Oo na!” Pagsuko ko sa kakulitan niya.

“Ayieh..! ’di niya matiis kagwapuhan ko..”

“Kapal mo Cooper!” Pabiro ko itong inirapan.

“Asus ayaw pang umamin. Tara na nga habang hindi pa tapos ang lunch break.”

Tinulungan niya akong makababa sa bench.

“Pwede akong pumunta sa inyo mamaya? Nood tayo movie kasama ni Shell. Miss ko na rin Palitaw ni Tita Lina!”

“Hindi ka na raw pwede kasi inuubos mo kakanin ni Mama!”

“Luh, Nagbabayad naman ako ah!”

“Baka utang ang sabihin mo.”

Pumunta kami sa Canteen at binili niya ako ng dalawang Banana Cue, Siomai, at Iced Tea.

“Kaya nga babayaran ko na mamaya!” sabi niya pagkaupo namin sa bilugang lamesa sa loob ng Canteen.

“Oo na, Binibiro lang naman kita!” Natatawa kong sabi.

Kumagat ako sa bananaque. Nagkukwento si Cooper tungkol sa pinapanood niyang movie series habang ako ay abala sa pagkain.

Napapikit ako ng masilaw ang mga mata ko dahil sa flash ng Cellphone ni Cooper habang kagat-kagat ko ang Banana Cue.

“Hoy kinuhanan mo ako ng litrato!”

Tawa-tawa siya habang nakatingin sa kanyang Cellphone.

“Burahin mo ’yan, Per!“Sinubukan kong kunin sa kanya ang kanyang Cellphone ngunit kaagad niya itong inilayo sa akin.

“Ayaw. Cute mo kaya rito. Ang laki ng bibig mo!” Natatawa niyang ani at tinago ang kanyang Cellphone sa bulsa.

“Nakakainis ka!”

Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at ngumisi. “Patingin nga ng inis?” Aniya at humalakhak.

Magsasalita na sana ako ng may mag lapag ng mga pagkain sa lamesa namin. Kunot noo kong tiningnan kung sino ito.

“O, bakit nandito ka?” Tanong ko kay Shell.

Umismid ito.“Bakit, bawal ba?”

“Nag cutting ka ano?” Tanong ni Cooper

“Hoy hindi ’no! Nauumay lang ako roon sa college building. Atsaka vacant ko ngayon. Tatlong oras ba naman kingina. At teka, ayaw n’yo ba akong kasama?! Kayo ah, nagsosolo na kayo! Kinakalimutan niyo na ako.”

Umismid ako.“OA ka, Shell. Nag-away kayo ng boyfriend mo ano?”

“Huh? May boyfriend ako?” Kunwari’y inosente niyang saad.

Umismid ulit ako. “Break na nga kayo?”

Nginuya niya ang kinakain niya bago sumagot.

“Sino ba roon? ’yong engineering ba o ’yong prof ko?” Tinaas niya ang kanyang kaliwang kilay.

Napasinghap kami ni cooper.

“Hoy seashell, malalagot ka riyan!” Si Cooper.

Inirapan siya ni Shell. “Duh.. Substitute teacher lang naman namin siya. Aalis na rin ’yon next month.”

Napailing ako sa pinanggagawa ng kaibigan ko. Binangga niya ang braso ko. “Doon muna ako matulog sa inyo mamaya. Naiirita ako sa asawa ng Ate ko.”

Nabahala ako sa sinabi niya. “Bakit may ginawa ba siya sa’yo?”

Madalas niya kasing maikwento sa akin kung paano siya titigan ng bayaw niya.

“Hinipuan ba naman ako sa puwetan! At nakakainis pa ay palamunin na nga siya sa bahay, lasinggero pa!”

“Hindi mo ba sinumbong sa Ate mo?” Nag-alala rin tanong ni Cooper.

“Hindi naman ako paniniwalaan no’n,” sabi niya sabay irap.

Binigay ko sa kaniya ang inumin ko dahil hindi siya bumili ng kaniya.

“Anong gagawin mo ngayon, shell? Hahayaan mo lang?” Medyo inis na tanong ni Cooper.

Uminom siya sa binigay kong Iced Tea bago magsalita. “Ano pa bang magagawa ko? E, hindi naman ako papayagan ni Ate na mag apartment. Atsaka naawa rin ako sa mga pamangkin ko. Mapapabayaan sila kung aalis ako sa bahay namin.”

“Pero binabastos ka, Shell! Dapat umalis ka na roon dahil baka may magawa pa siya sayong iba!” Galit at medyo napalakas na pagkakasabi ni Cooper.

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa itaas ng lamesa at pinisil ko ito para kumalma siya.

“Titiisin ko. Hanggang sa lumaki na ang mga pamangkin ko at umayos ang kalusugan ni Tatang at mabayaran ang mga utang ni Mama dahil sa pagsugal niya.”

Malamlam ko siyang tinignan. “Sa bahay ka muna namin tumuloy, Shell. Doon tayo sa kuwarto ko.”

Ngumiti siya at niyakap ako. “Aww.. I love you silas..”

Sinuklian ko ang yakap niya. “Love you too, Shell. Nandito kami ni Cooper.”

Tumango-tango si Cooper.

Matapos ng klase namin sa araw na iyon ay napag pasiyahan namin na magliwaliw sa isang Restobar. Pero siyempre ay nagpalit muna kami ng mga damit.

Sinundo kami ni Cooper sa bahay ng naka kotse. Last week lang siya pinayagan ng Dad niya matapos makuha ang student license.

“Naks! Astig ah! May panghatid sundo ka na sa amin ni Silas!” Ani ni Shell at manghang tiningnan ang kulay itim na kotse ni Cooper.

“Asa ka. Mahal ang gas.”

“Pero mahal mo kami!” Si shell at kinindatan niya si Coper.

Pinagbuksan ako ni Cooper ng pintuan sa harapan kaya nagtataka ko itong tiningnan.

“Sa likod na lang ako..”

“No way! Mag mu-mukha akong driver.”

“Asus! Pakunwari pa ito, e gusto mo lang talaga na sa harap umupo si Silas!” Si shell.

Sa harap na lang ako umupo para hindi na kami magtalo pa. Atsaka hindi ko naman ito kotse.

“May gig ba ngayon sina Agapito?” Tanong ko kay Shell.

“Sa pagkakaalam ko, oo. Madalas din naman sila tumugtog doon.”

“Bakit mo natanong? You like Agapito, Shell?” Seryosong tanong ni Cooper habang ang kanan niyang kamay ay nasa manibela at ang kaliwa ay pinaglalaruan niya ang kanyang pangibabang labi.

“Issue ka. Narinig ko lang na pinag ku-kwentuhan siya ng mga kaklase ko.”

“Duh! Sino bang hindi magkakagusto sa tatlong ’yon. Napaka hot nila tapos ang ga-ganda ng mga boses at napaka talented!”

Sumimangot ang katabi ko.

“Kakilala mo sila hindi ba, Cooper?” Tanong ko at tumango siya.

“Yeah.. Close relative ko si Cassian. Nag ju-jumming sila sa tuwing bumibisita sa bahay namin.”

“Hoy totoo?! Bakit hindi mo sinabi sa amin!”

“Tsk. Kailangan ba?” Iritang tanong ni Cooper.

“Oo, kailangan! Sobrang guwapo kaya ni Brix!”

Panay ang reklamo ni Shell kay Cooper hanggang sa makapunta kami sa Bistro. Open area ito na Restobar at mayroon itong katabing mga kainan at bilihan ng mga damit. Dinadarayo ito ng mga nakatira sa La Fuego upang magliwaliw.

“Shit!!!” Mura ni Shell at nagtitili ito ng impit pagkapasok namin. Sina Agapito, Cassian at Brix ay nasa may na maliit na stage at inaayos nila ang mga instrumento na gagamitin nila.

Kaonti lang ang mga tao ngayon dahil medyo maaga pa.

Umupo kami sa may harap. Itinuro ni Shell sa akin ang isang matangkad na lalaki.

“Ayon ang baby ko, si Brix. Siya ang Drummer sa kanilang tatlo.” Napangiwi ako ng alugin niya ako habang kinikilig.

Tiningnan ko ang tinuro niya na si Brix. Guwapo nga ito at palangiti. Mukha siyang masiyahin na tao.

Napunta ang tingin ko sa may hawak na guitara, si Agapito. Seryoso niya itong tinotono at palagi niyang inaayos ang kaniyang buhok na nahuhulog sa kanyang noo.

Napaiwas ako nang tingin ng tingnan ko ang nasa gitna na nakatingin na pala sa akin. Ito yata ang relative na sinasabi ni Cooper na si Cassian.

Dumating si Cooper dala ang mga inorder niyang pagkain at mga inumin. Umupo ito sa tabi ko at nilagay niya ang kaniyang kamay sa likod ng aking upuan.

“Hindi kayo pwedeng mag beer. Juice lang ang sa inyo.” Paalala niya. Umungot at nagreklamo si Shell.

Humiyaw ang mga kumakain at napapadaan ng magsimula ang intro.

Ain’t never felt this way

Can’t get enough so stay with me

Nahinto ako sa pag-inom ng juice ng marinig ang boses ni Cassian.

“Relative mo talaga si Cassian, Per? Ganda ng boses niya! Makalaglag panty!”

It’s not like we got big plans

Let’s drive around town holding hands

And you need to know

You’re the only one, alright

Alright

And you need to know

That you keep me up all night

All night

Oh, my heart hurts so good

I love you, babe

So bad

So bad, oh

Oh, my heart hurts so good

I love you, babe

So bad

So bad

… Mad cool in all my clothes

Mad warm when you get close to me

Slow dance these summer nights

Our disco ball’s my kitchen light

Grabe! Napakagaling nilang tatlo. Ito ang unang beses ko na makarinig at makapanood ng ganito. Sabi ni Cooper ay libangan lang nila ito.

Kung seseryosohin nila at gagawa ng sariling banda ay nakasisigurado akong magiging sikat sila worldwide!

“Thank you!” Si Cassian at nauna ng bumaba sa maliit na stage.

Napaayos ako ng upo ng pumunta siya sa lamesa namin.

“Cooper!”

Nag-apiran silang dalawa at ginulo ni Cassian ang buhok ni Per kaya umungot ito.

Nakangising bumaling ng tingin sa amin ni Shell si Cassian.

“Pakilala mo naman ako, o!”

“Aray..” mahina kong daing ng kurutin ni Shell ang tagiliran ko. Sinamaan ko ito ng tingin.

“Oo nga Cooper! Pakilala mo naman kami,” si Shell.

Napailing-iling si Cooper pero pinakilala niya naman kami.

Dumating ang dalawa at naki-upo sa lamesa namin.

Ang akala ko ay si Cassian ang pinaka madaldal pero nagkakamali pala ako. Napaka hyper ni Brix at segu-segundo ay nakangiti at tumatawa. Si Agapito naman ay tahimik lang sa gilid habang umiinom ng beer at nakikinig sa mga kwento at jokes ni Brix.

“Right?! ABC boyz would be a nice name for our band. Agapito, Brix, and Cassian or ABC boyz!” Humagalpak nang tawa si Brix sa kaniyang sinabi.

Nahawa ako sa tawa niya kaya natawa na rin ako.

Ang sabi nila ay mas ahead sila ng 2 years sa amin.

Sumapit ang alas otso ng gabi ay inihatid na kami ni Cooper sa bahay.

“Thanks Cooper!” Saad ni Shell at nauna ng pumasok sa kwarto ko.

“Wala pa si Tita?” Tanong niya.

Umiling ako. Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko na gabi na nakakauwi si Mama.

Tumango siya at ginulo ang buhok ko.

“Good night, Silas. Have a sweet dream,” saad niya at niyakap ako bago pumasok sa kanyang sasakyan.

“Good night, Per. Thank you for today,” pasasalamat ko nang binaba niya ang salamin ng kaniyang kotse.

Pumasok na ako sa bahay ng makaalis na si Cooper.

“Ate?” Napalingon ako sa kinaroroonan ni Patrick. Nasa salas ito at nag-aaral. “Nakapag saing at nakapag luto na po ako. Kain ka na.”

Nakagat ko ang labi ko dahil nakalimutan kong gawin ang mga ’yon. Mabuti na lang ay responsable na ang kapatid ko.

Binigay ko ang binili kong pagkain para sa kaniya.

“Thank you, Trick.” Ginulo ko ang kaniyang buhok kaya sinamaan niya ako ng tingin. Humalakhak ako.

“Tumawag po pala si Papa at ang sabi niya bukas niya ipapadala ang allowance natin.”

“Hindi pa ba nakauwi si Mama?”

Umiling ito at bumalik sa pagbabasa ng libro. “Hindi pa po, Ate.”

Tumango ako. “Dito pala matutulog si Shell. Tawagin mo na lang ako sa kwarto kung may kailangan ka.”

“Okay po Ate.”

Chapter 3

“Ma’am baka naman po magawan pa ng paraan? Baka po pwedeng bigyan niyo ako ng special project? Isang puntos lang naman po.. atsaka ito lang po ang line of 7 ko, lahat na po ng grades ko ay 95 pataas.” pagmamakaawa ko kay Ma’am David, ang P.E teacher namin.

Bumuntong hininga ito at umirap. “Kasalanan ko bang hindi ka pumapasok tuwing may physical activities akong pinapagawa? Buong 2nd semester ay halos wala kang participation at hindi sapat ang mga written works mo para maging 80 ang grade mo sa 4th grading sa subject ko.” masungit niyang saad.

Nanlumo ako. “Pero Ma’am… Nasabi ko naman pong may hika ako at madali po akong mapagod at hingalin,” paliwanag ko.

Naiiyak na ako dahil naiimagine ko ang panghihinayang sa mukha ng mga magulang ko kapag sinabi kong hindi ako makakapasok sa honor list.

“How old are you? Silas?”

“17 po… Ma’am,” magalang kong sagot.

Tumango ito. “You gave me an excuse letter before without medical proof that you have asthma. Ang dami mong na missed na performance.” Tumingin ito sa kaniyang relo. “Anyway, I’ll see what I can do.”

Tumango ako. “Salamat po, Ma’am David.”

“And Silas, It’s just an honor. Don’t worry too much. Makakabawi ka pa next school year. Do better next time.” Ani Ma’am at ngumiti.

Napayuko at nagkuyom ako ng kamao. I am doing my best. HIndi man ako madalas mag participate sa mga physical activities dahil sa hika ko ay ginagawa ko naman ang best ko sa mga written works, projects at pati sa recitation. It’s not just an honor. Nakasalalay roon ang kinabukasan, ang college scholarship ko at ang kasiyahan ng mga magulang ko.

Malamya kong binaybay ang daan papuntang Falls. Hindi ko na inalintana ang init ng araw na tumatama sa aking balat at ang pangangati nito dahil sa mga matatalas na damo. Naiinis ako sa sarili ko. Sa tingin ko ay naging pabaya ako sa pag-aaral. Isang puntos lang naman..

Pasalampak akong umupo at sumandal sa malaking puno ng marating ko ang La Fuego Falls. Walang tao at puro huni ng mga ibon at lagaslas ng talon ang maririnig sa paligid.

“Nakakainis!” Marahas kong pinalis ang luhang pumatak sa aking pisngi. “Ano na niyan ang sasabihin ko kay Mama at Papa. Baka sabihin nila ay nagbubulakbol ako at hindi nagseseryoso sa pag-aaraal.”

Naalala ko ulit ng mga sinabi sa akin ni Ma’am David. Sana ay pumayag siyang bigyan ako ng special project. Gagawin ko ang lahat kahit pa ikutin ng limang beses ang buong campus, basta tumaas lang kahit na isang puntos ang grade ko sa subject niya.

Napatingin ako sa may ’di kalayuan nang makarinig nang tinig ng kabayo. Napasinghap at napaawang ang aking labi nang makita ang pamilyar na puting kabayo. Nandito si Jedaiah!

Dali-dali kong nilapitan ang puting kabayo dahil sa galak. Nag-iwan ako ng distansiya dahil baka bigla siyang matakot at sipain ako.

“Hi! Nasaan ang amo mo?” Tanong ko kahit na hindi naman niya maintindihan. Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin ang amo niya.

Nakagat ko ang aking labi ng makita si Jedaiah na papunta sa direksiyon namin ng kaniyang kabayo. Kakaahon lang galing sa pag langoy at pumapatak ang mga malalaking butil ng tubig sa kaniyang mediyo mahabang buhok pababa sa kaniyang.. baywang. Napaiwas ako ng tingin dahil naka itim na boxer short lamang pala siya.

“I said do not talk to strangers, Coco,” aniya sa malalim na boses.

Coco… ayon pala ang ngalan ng kaniyang kabayo.

“I-m sorry..”

Tumabi ako ng lapitan niya si Coco. Kinuha niya ang maliit na tuwalya na nakapatong sa malaking bato kasama ng kaniyang damit at maong. Pinanuod ko kung paano niya punasan ang kaniyang katawan. Napanguso ako at napaiwas na naman ng tingin. Baka akalain niya ay mamboboso ako.

Naaninag kong nagsusuot na siya ng pantalon at damit. Nataranta ako ng tumingin siya sa akin. Lisanin ko na ba ang lugar na ito? baka naiirita siya sa presensiya ko. Pero baka lang naman.. kung hindi ay.. mananatili ako.

“What’s with the sad voice earlier? May nangaway sayo?” humalakhak ito na ikinapula ng aking pisngi. Narinig niya pala.

“Do you need my warm hug again? to comfort your sorrow heart?” ngumisi ito ng nakakaloko at inayos ang kaniyang buhok.

Umiling ako, kahit na gusto kong tumango. Ano ba ’yan Silas! Masiyado kang maharot.

“I know a place that can make you feel better,” aniya na ikinasinghap at ikinanlaki ng aking mga mata.

Napakurap-kurap siya at napamura ng makita ang reaksiyon ko.

“Shit! i-it is not what you think, Silas. I mean I know a place nearby, I am sure hindi mo pa napupuntahan ’yon. It’s like a paradise, it’s full of colorful flowers and there’s a lake too” paliwanag niya at tinitimbang ang ekspresiyon at hinihintay ang magiging sagot ko.

S-sandali… Alam niya ang pangalan ko! Pinigilan kong mapangiti dahil baka magmukha akong tanga.

“Nakakahiya at.. baka makaabala pa ako sa’yo.” nahihiya kong sagot.

Ngumiti siya. Kinurot ko ang aking hita dahil baka nananaginip lang ako ngayon. Grabe na! Tila napaka imposible na ngumiti si Jedaiah sa akin. Hindi ako makapaniwala na magkausap kami ngayon katulad noon sa lumang kubo.

Kung panaginip ito ay sana bangungutin ako at huwag na lang magising. Charot!

“So.. let’s go?” tanong niya.

Napatingin ako sa kinauupuan ko kanina. “Saglit lang, kunin ko lang ang bag ko.” nagmamadali akong umalis upang kunin ang bag ko ng tumango siya.

Hinihingal ako pagkabalik. Kinuha niya sa akin ang aking bag at inalalayan ako pasakay kay Coco. Nanindig pa ang balahibo ko ng dumapo ang kaniyang magaspang na kamay sa palapulsuhan ko. Ibinigay niya ulit sa akin ang aking bag at umakyat na rin kay Coco.

“Yumakap ka sa’kin.”

Umiling ako at kumapit kay Coco. “Hindi na..” nakakahiya.

“Don’t be stubborn. Delikado ang daan dahil mabako at maraming bato. Baka mahulog ka pa kaya yumakap ka na.”

Wala akong nagawa kung hindi sundin ang gusto niya at tila may napakaraming paru-paro ang nagsilipad sa aking tiyan nang yakapin ko siya. Tama siya na masiyadong malubak ang daan.

“Masiyado naman yatang mahigpit ang yakap mo, Miss.” Humalakhak siya.

Nakagat ko ang aking labi at niluwagan ang pagkakayakap sa kaniya. “Sorry..” Nahihiya kong sabi.

Napahigpit ulit ang kapit ko sa kaniya ng biglang bumilis ang takbo ni Coco. “Sorry ulit..”

Napapikit ako ng humalakhak siya. Sinasadya niya yatang bilisan ang pagtakbo ni Coco upang pagtawanan ako!

Mukha ba akong clown sa’yo Jedaiah Salguero?! Kainis ka…

Ilang minuto pa ang tinagal namin sa pagpunta sa sinasabi niya. Paminsan-minsan ay nasusubsob ako sa kaniyang likuran kaya tinatawanan niya ako.

Kainis! Mukhang ginagawa niya lang akong katuwaan!

Tumikhim ito nang lingunin niya ako.

“Sorry, I just find you cute. You’re cheeks looks like kamatis,” aniya at nginisian ako.

Sa kahihiyan ay tinanggal ko ang pagkakakapit sa kaniyang baywang upang takpan ang aking mga pisngi.

“We’re here.” Anunsiyo niya.

Pinahinto niya si Coco at tinulungan akong makababa.

Tiningnan ko ang paligid at kusang bumuka ang aking bibig nang makita kung gaano kaganda ang lugar na ito… parang paraiso.

“You like it?” Tanong niya.

Marahan akong tumango at humarap sa kaniya. “I like it… so much,” nakangiti kong sabi at ngumiti rin siya sa akin.

Puno ng mga makukulay na bulaklak at berdeng damo ang lupa. Sa gitna ay may isang lawa na kulay asul ang tubig na nakaka enganyong lumangoy. Sa likod ng lawa ay may isang malaking puno at ang malalaki at matatabang ugat nito ay nakalitaw.

Napakaganda at kaaya-aya sa mata. Hindi pa ako nakakapunta rito at tingin ko maging sina Shell at Cooper ay hindi nila alam ang lugar na ito.

“Madalas kaba rito? Paano mo nalaman ang lugar na ’to uhm.. Jedaiah? “ nahihiya pa akong tawagin siya sa kaniyang pangalan, ito ang una.

Gusto ko man pumitas ng mga bulaklak ay hindi ko magawa dahil sa sobrang ganda.

“I got lost before and I ended up here,” aniya at umupo sa isang ugat ng puno.

Lumakad ako papalapit sa kaniya at umupo naman sa isang ugat. Na co-conscious ako dahil nakatitig siya sa akin.

“What happened? Did someone bullied you in school?” Malamig niyang tanong.

Hindi ko masiyadong nakuha ang sinabi niya dahil nakakatitig lang ako sa guwapo niyang mukha. Lahat ng parte ng katawan niya ay napaka perpekto. Ang kulay berdeng mata, maputing balat, matangos na ilong at makakapal na pilik mata at ang man bun hairstyle niya.

He is so perfect. Napakahirap niyang abutin kaya hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko siya rito at.. at kaming dalawa lang.

“Just answer my question after you finish staring at me.”

Nabalik ako sa aking ulirat dahil sa kaniyang sinabi.

“Huh? E.. uhm.. Ano nga ulit ’yon?”

“Tsk, I am asking why are you sulking earlier? Hindi magandang tingnan na malungkot ka,” aniya at napapitlag ako ng itaas niya ang kaniyang kamay at may inabot sa ulo ko… ah dahon pala.

“I want to know, so tell me what happened,” demanding niyang saad.

Napabuntong hininga ako ng maalala ulit ang paguusap namin ni Ma’am David.

“Pinatawag ako kanina dahil may isa akong 79 sa card at.. ibig sabihin no’n ay malabong makapasok pa ako sa honor list.” Malungkot kong saad. Kumunot ang noo ni Jedaiah at dinilaan niya ang kaniyang pangibabang labi upang basain.

“In what subject you got grade of 79? And who’s your teacher in that subject?”

“Sa Physical Education 2, may hika kasi ako kaya madalas hindi ako makapag participate sa mga physical activities sa subject ni Ma’am Hera David.”

“Alam ba ng teacher mo na may asthma ka?”

Tumango ako. “Nagbigay rin ako ng letter kaya lang ay hindi na raw valid dahil nga halos wala akong performance activity at wala raw medical proof.

Tumango siya ng dalawang beses. “That’s why your sad. Don’t worry about it too much-”

Umiling ako. “Hindi mo naiintindihan, napakaimportante sa akin ng grades ko para ipagsawalang bahala ang mga ’yon,” pagputol ko sa kaniyang sasabihin.

Tumikhim ito at kinamot ang kaniyang kilay. “That’s not what I meant, I’m sorry. I.. I’ll try to talk with Mrs. David regarding with your grades. She’s my Sister’s friend. So.. don’t stress your self about that now, I’ll do my best to convince her because I can see that you’re smart kid.”

Kid.. sa lahat ng sinabi niya ay ’yon lang ang pinagtuunan ko ng pansin. Para sa kaniya ay bata pa ako. E… totoo naman bata ka pa talaga Silas kaya anong pinuputok ng butse mo! Tingin mo ba ay nakikita ka niya bilang isang ganap na dalaga kagaya ng mga nakakasama niyang mga babae na sexy at magaganda? Masiyadong makapal ang mukha ko kung ganoon. Tingin ko ay isang batang iyakin lang ang tingin niya sa akin.

Tumango ako sa kaniya at humarap sa lawa upang ito ang pagtuunan ko ng pansin.

“Do you want to swim? Nakakagaan sa pakiramdam ang tubig ng lawa na ’yan,” marahan niyang sinabi.

Umiling ako. “Wala akong dalang damit..”

“Next time then. Bring your clothes and we’ll swim here.”

Nagulat ako sa kaniyang sinabi kaya dali-dali akong humarap ulit sa kaniya.

“N-next time?” utal kong tanong.

Tumango siya. “Yes, next time. Bakit ayaw mo ba?” tinaasan niya ako ng kilay.

Kaagad akong umiling. Ayan na naman.. nagiging assumera na naman ako.

“Kailan.. ang next time?” Hiya kong tanong habang nagiinit ang mga pisngi.

Paos siyang humalakhak. “Ikaw ba? When is your free time? o baka may date kayo ng pamangkin ko?” biglang lumamig ang kaniyang boses sa huling katanungan.

“Si C-cooper ba? Hindi ko lang alam.”

“Hindi mo alam? So may date nga kayo?” nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay.

“I-i mean niyaya niya akong kumain sa linggo… kasama si Shell.

Maangas siyang tumango. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri dahil sa kakiligin at pakiramdam ko ay nagseselos siya.

Nagseselos? Saan mo naman nakuha ’yan Silas! Masiyado ka na talaga kang assumera.

“Edi sa linggo na lang tayo ulit pupunta rito.”

“Huh? Pero-”

“Walang pero-pero. Sigurado ako at si cooper naman ay hindi. Sigurado akong hindi matutuloy ang sinasabi ng pamangkin ko dahil may babae siyang bisita sa linggo na ito.”

Mag-aala singko na nang gabi ng ihatid ako ni Jedaiah sa bahay namin. Hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil inaalala ko ulit ang mga nangyari kanina at ang pagbalik namin sa lawa sa darating na linggo.

Abala ako sa pagtapos ng mga requirements na pinapagawwa ng mga guro namin ng biglang pumasok si Patrick sa kuwarto ko ng walang pahintulot.

“Trick! ’di ba ang sabi ko ay kumatok ka muna bago pumasok sa kuwarto ko!” inis kong pangaral sa kaniya.

“Sorry na ate. Si Papa ka video call ko, gusto ka niya raw makausap.”

Binigay niya sa akin ang cellphone niya at lumabas na ng kuwarto ko. “Pa, kumusta po?” tanong ko kay Papa.

“Mabuti, kayo riyan? pasaway pa ba si Trick?” kumunot ang noo ko ng umubo siya.

“Pasaway pa rin po minsan. May sakit po ba kayo? nangangayayat ka na Pa..” nag-aalala kong saad.

“Okay lang ako Anak, huwag kang mag-alala iinom na rin ako ng gamot at magpapahinga. Tumawag lang ako upang kumustahin kayo. Nnadiyan na ba ang Mama niyo?”

Umiling ako. “Wala pa po. Nag over time na naman po si Mama.”

Kumunot ang noo ni Papa. Nakapagtataka lang simula pa noong nakaraang taon ay hindi ko na nakikitang kasama ni Papa ang mga katrabaho niya.

“Sige na nak, mag-lock kayo ng pintuan habang wala pa ang Mama ninyo at kumain na,” sabi ni Papa at muli na namang umubo.

“Sige po Pa, ’wag niyo pong kalimutan uminom ng gamot at magpahinga.”

Matapos i-end ni Papa ang video call ay pinuntahan ko si Trick sa kaniyang kuwarto upang isauli ang kaniyang Cellphone.

Tatlong beses akong kumatok ngunit hindi niya yata narinig kaya binuksan ko na ito. “Trick kumain na tayo dahil baka gabihin ng sobra si Mama-”

Kumunot ang noo ko nang nagulat ito at tanggalin niya ang suot na headphone.

Sinubukan kong tingnan ang kaniyang pinapanood. Napaawang ang labi ko ng makitang dalawang lalaki ito na nakahubad at naghahalikan.

“L-lagay mo na lang riyan sa kama Ate..” sabi niya at hindi makatingin ng diretso sa akin at tinatakpan ang monitor ng laptop niya.

Tumango ako at nilapag ang kaniyang Cellphone sa kama niya at hindi na nagtanong kung ano ang nakita ko. Alam ko naman matagal na. Nabigla lang talaga ako sa pinapanood niya.


Return to top?

Part of a series

The Bachelor's Trans

Part 4 of 4
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.