TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Cold Deee · 35 chapters · 174,656 words
chapter 1 -sweet & salty caramel
A/N
Hello there guys! First time kong magsulat ng story sa buong buhay ko.. So kung may mga makikita man kayong alien sa paningin o pagbasa, pagpasensyahan na.. Anyway, sa mga magbibigay ng time dito para magbasa, salamat ng marami!! Original story ko ito and sana magustuhan n’yo..
“Haaayy.. Ang hirap naman humanap ng trabaho! Ang init pa naman na ngayon!”
Saglit akong naupo sa mahabang upuan na naririto sa malaking garden. Naririto ako garden na nasa labas ng isang mall dito sa Alabang. Kailangan ko munang magpahinga dahil sa pagod ng paghahanap ng bagong trabaho.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng garden at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito. Nagkalat ang puno at iba’t-ibang uri ng halaman na may mayayabong na bulaklak.
Hindi ko rin maiwasang mamangha sa may kahabaang manmade river na nasa harap ko. Nakakadagdag pa sa ganda nito ang water fountain na nasa gitna.
Napapikit ako para damhin ang preskong hangin na dumadampi sa balat ko. Ito ang kailangan ko sa ngayon dahil simula pa kaninang umaga ay naging abala na ako sa paghahanap ng panibagong mapapasukan.
Axyll Tom Perez.
’Yan ang pangalan ko. Simple lang naman ako sa paningin ko pero madalas na napapansin ng ibang tao.
May katamtamang taas na 5’8“ at may katamtamang pangangatawan. Hindi man ako batak sa gym dahil wala akong pambayad sa pag-e-enroll doon, masasabi kong maipagmamalaki ko pa rin ito.
Maputi at singkit ang mga mata, bagay na mas napapansin sa akin lalo na ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Pero ang mas nakakapansin sa akin ay ang dimple na nasa kanang pisngi ko. Sabi nila, iyon daw ang nagdadala sa kabuuan ng aking mukha lalo na kung ngingiti ako.
May mga bagay din naman na wala sa akin bukod sa pera. ’Yun ay ang lovelife at isang ama.
Pinili kong ’wag muna pasukin ang pakikipag-relasyon dahil una, gastos lang yan ’pag babae at gastos lang din ulit kung sa lalaki.
Natawa ako sa aking iniisip. Iilan nga lang ba ang nakakaalam na sa parehong kasarian ako nagkakaroon ng interes? Pamilya at ang malalapit ko lamang na kaibigan. Hindi ko naman ito ikinakahiya, ngunit kung wala naman ang nagtatanong, mas gugustuhin ko na lamang na isipin nilang tuwid ako.
Ang totoo ay ayaw ko lang na nagiging paksa ako ng usapan na hindi naman sana malaking kaso kung malawak lamang ang pang-unawa ng nakararami. Ang mas nakakasama pa ng loob ay kung pati ang pamilya at mga kaibigan ko ay nadadamay sa usapin ng kasarian ko.
Tungkol naman sa ama ko, hindi na namin ito kasama dahil naglaho na lamang ito na parang bula. Umalis ito isang araw para magtrabaho sa ibang bansa ngunit makalipas ang ilang taon ay wala na itong paramdam. Dahil sa nangyari ay napilitan si Mama na buhayin kaming magkapatid at sinimulang magtrabaho sa isang factory.
May kaya naman kami dati noong kasama pa namin si Papa. Sa bahay lang si Mama noon para alagaan kaming magkapatid dahil hindi naman s’ya makatulong sa business ng aking ama. Hindi kasi gaya ni Papa, hindi nakapagtapos si Mama ng pag-aaral kaya wala rin itong ideya sa itanayong business ni Papa.
Pero kung sa pagkakaroon ng butihing ina, masasabi kong maipagmamalaki ko ang Mama ko. Masasabi ko rin na kami na siguro ng kapatid ko ang pinakamaswerte dahil may ina kaming walang kasing ganda at bait.
Ang nakakalungkot lang, dahil sa wala na kaming natatanggap mula kay Papa at wala na rin kaming balita sa kanya, kinailangan ni Mama na pumasok sa isang pabrika ng mga tela. Iyon lang ang tangi naming inaasahan para mabuhay na tatlo. Pero nitong huli, kinailangan na ni Mama ang huminto dahil ang trabahong iyon din ang nagbigay sa kanya ng isang sakit.
Isang taon na lamang sana ang aking kakailanganin para makapagtapos sa kolehiyo nang mangyari naman ang bagay na iyon. Napilitan akong itigil muna ang pag-aaral para bigyang daan ang aking pagtatrabaho ng tuloy-tuloy. Wala na rin naman akong mapagpipilian dahil wala nang iba pang pwede kaming asahan.
Huminga ako ng malalim ng ilang beses para kalmahin ang sarili ko. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ako iiyak dahil sa nangyari sa buhay namin. Ako na lang ang inaasahan sa amin kaya hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan lalo na kay Mama.
Muli kong inilibot ang paningin ko. Inabala ko na lamang ang aking sarili para malihis sa iba ang atensyon ko.
Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Nagpapasalamat na lang din ako dahil kahit lumang-luma na ito ay nagagawa pa nitong magvibrate. Ingat na ingat ako rito dahil kung maikukumpara sa tao, naghihingalo na ito.
“Hello, Cha?!” pagsagot ko sagot sa tawag.
“Bessy!!!!!!!!” tili n’ya sa kabilang linya.
Mabuti na lamang at kilang-kilala ko na ito sa tuwing tatawag ito sa akin. Nailayo ko na agad ang tenga ko sa phone bago pa mabasag ang eardrums ko.
“Bessy! Where na you? Dito na me!” dugtong n’ya matapos ang kanyang nakakabinging pagsigaw. Adik na yata ’tong best friend ko?!
S’ya si Charmaine Butil o Charm sa iba, ang kababata at best friend ko. Mga bata pa lamang kami ay magkasama na kaming dalawa. Parang magkapatid na kami nito magturingan. Bakit? Dahil kahit magkatabi kami minsan matulog ay walang mabubuo sa amin kundi kabag.
“Problema mo Ms. Butil?!” pang-aasar ko sa kanya.
“Stop it Tommy!!! Stop calling me with my surname!!!” ayan na, galit na s’ya.
Ayaw na ayaw n’yang natatawag s’ya sa kanyang apelyido dahil ang bantot daw sa pandinig. ’Yung totoo?! Meron bang ganon?!
Nakakatuwa din kasi s’yang tawagin sa surname n’yang Butil dahil sakto ang height n’ya dito. Siguro ay nasa 5’0“ ang height n’ya pero pinagpipilitan n’yang 5’1“ and 1/2 daw s’ya. Talaga naman, nagdagdag pa ulit ng kalahating pulgada!
Maganda si Charm. Iba din ang karisma nito. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang pangalan kung tutuusin dahil charming naman talaga s’ya. Masayahin at kung minsan ay cute magalit at magtampo. May pagka-mataray din ito. Pero love ko ’to! Naks! Lakas maka-McDo!
“So, what made you call, Cha?” tanong ko.
’Yan ang tawag ko sa kanya at ako lang daw ang pwedeng tumawag sa kanya ng Cha bukod sa pamilya naming dalawa. Tsk! Ang babaeng ’to, ang daming rules sa buhay.
“Bessy, di ba naghahanap ka ng work?” tanong n’ya.
“Oo. Alam mo naman ’di ba? Actually nandito ako malapit sa workplace mo. Katatapos ko lang maghanap sa kabilang mall eh. May mga pinasahan na ako ng resume kaso lahat sila sinabing tatawagan na lang daw ako.” tuloy-tuloy na pagkekwento ko.
“Bessy, this is it! It’s your time to shine!” masiglang tugon n’ya.
“Bakit Cha? May pa-audition ba sa artista? O may nakilala kang naghahanap ng talent para mag-artista? Pwede naman ako.” pagbibiro ko.
“I know right! Pogi kaya ang bestfriend ko kahit minsan sa lalaki may pagnanasa! Pero hindi ’yun eh. Guess what?!” pa-suspense n’ya pang tanong.
“Cha, malapit na akong ma-lowbatt. Kung hindi mo pa sasabihin ’yan, malamang bukas ko pa malalaman yan.” pagsisinungaling ko.
Excited na rin naman kasi akong malaman kung anong sasabihin n’ya. Ang dami pa talagang intro bago simulan ang pagbabalita.
Inihanda ko na ang sarili ko hindi dahil sa ibabalita n’yang iyon. Naghahanda ako sa umatikabong pagtatalak ni Cha.
“Ok bessy. Mabuti naman at nandito ka lang sa malapit. Puntahan mo ako dito sa parking area sa tapat ng workplace ko. May extra bio-data ka pa naman ’di ba? Naghahanap kasi ngayon si Manager Shai ng bagong server dito sa restaurant. Ummm… ’Di ba may experience ka naman in terms of food service? Naka-indicate ba ’yun sa bio-data mo? Kahit ’yung experience mo sa karinderya nakalagay ba d’yan? Pwede ka ba magstart as soon as possible? Meron ka bang mai—–” hindi n’ya na naituloy ang kanyang mga susunod pang itatanong dahil pinutol ko na agad s’ya. Sigurado kasi akong hindi ito mauubusan.
“Cha, ’yung totoo? Sa ’yo ba ang initial interview?” tanong kong sarkastiko.
Narinig ko ang alanganing pagtawa n’ya sa kabilang linya.
“And please lang, Cha, hindi naman sa against ako sa paggamit ng bio-data ’no? Pero resumé o curriculum vitae na po ang uso ngayon. At ’yun ang meron ako. Regarding naman sa mga past jobs ko, no worries dahil inilagay ko din ’yon. At higit sa lahat, alam mong kailangan ko talaga ng work sa lalong madaling panahon dahil mauubos na rin ang ipon ko para sa pambili ng mga gamot ni Mama at allowance na rin ni Julius. Kaya kahit ngayon, pwde na ako mag-start.” mahaba ko ring sagot sa kanya.
“Well, that’s good to hear then. Meet me here at the parking area and I will introduce you to our manager.” pagsuko naman nito.
Saan kaya ni Cha nabibili ang english nito? Lakas maka-intimidate sa telepono pero pagdating sa personal makikita mong parang nasa 8 years old lang ang kausap mo.
“Sige na, papunta na rin ako d’yan. Salamat, Bessy.” sagot ko na ngayong nakangiti sa kanya.
“Sige, Bessy.Now na ha? Habang breaktime ko!” hindi na s’ya mapakali.
Maging ako ay nakaramdam ng excitement dahil sa kanyang ibinalita. Binaba ko agad ang telepono at nagmamadaling nagtungo sa lugar na sinasabi n’ya.
Alam ko naman ang workplace nito dahil minsan na akong napadaan dito noong panahon na nakalimutan n’ya ang kanyang medyas dahil sa pagmamadali at ako nga ang naghatid. Pero nang maihatid ko ito ay s’ya naman sulpot ng isa n’yang kasama sa trabaho at sinabing sana ay bumili na lang si Cha. Doon ko lang naisip na may katangahan nga kami nang mga oras na ’yon. Nasa mall s’ya nagtatrabaho at malamang ay may malapit na mabibilhan ng medyas sa kanyang pinapasukan. Nahawa din kasi ako noon sa taranta n’ya kaya hindi ko na nagawa pang makapag-isip ng tama.
Agad akong pumasok ng mall at dumaan muna sa isang malapit na restroom para mag-ayos ng kaunti. Para naman hindi ako magmukhang dugyot sa pagharap sa manager ni Cha.
Habang naglalakad ay sinasabayan ko ng dasal ang bawat paghakbang ko. Kailangan ko na talaga ng mapapasukan dahil ako lang ang tanging inaasahan ng aking ina at kapatid na si Julius. Graduating na rin si Julius sa highschool dahil nais ko itong mabigyan ng pagkakataon na makatungtong ng kolehiyo at makapagtapos na rin ito. Iyon kasi ang bagay na hindi ko nagawa, ang makapagtapos.
Nakarating ako sa meeting place namin ni Cha at malayo pa lang ay nakita ko na itong patakbo sa gawi ko. May nakasunod sa kanya na dalawang tao na mukhang kasama n’ya rin sa trabaho.
Isang lalaki na mas mababa lang sa akin ng bahagya. Maputi rin ito at hindi maikakailang may hitsura sin ito kung tatanggalin n’ya lamang ang makapal n’yang salamin.
Kasunod ng lalaking ito ang isa ring babae. Halata namang babae s’ya ngunit ang kanyang buhok ay nauuso para sa mga lalaki. Nakakapagtaka lang dahil walang reaksyon s’yang ipinapakita. Blangko ang kanyang ekspresyon na tila walang pakialam sa nakapaligid sa kanya.
Kakaiba ang mga kasama ni Cha. Pero sa kabilang banda, naisip ko na kung kasundo sila ni Cha, may maganda rin itong personalidad na hindi lang nakikita ng mata.
“Bessy!!! I miss you!!! Come to Mama!!” sigaw ni Cha.
Niyakap ako nito at akmang hahalikan. Mabuti na lamang at mabilis kong naiiwas ang labi ko. Laking pasasalamat ko na rin dahil mas matangkad ako rito.
“Bessy, ano ba naman yan?! Ok na ang yakap, sanay na ako d’yan! Pero in public talaga, Bessy, hahalikan mo ’ko?! Hindi na tayo Grade 6!” maktol ko rito.
Nung mga bata pa kasi kami ay ginagawa n’ya na ang mga bagay na ito at wala pang malisya sa akin ang mga ’yon. Pero noong magkaisip na kami, madalas kong naisusumbat dito ang pagnanakaw n’ya ng first kiss ko! Sinasabi n’ya na lang na hindi daw counted ’yon sa first kiss ko dahil no romantic feelings attached naman daw. Tama nga naman s’ya dahil wala akong maramdaman sa halik n’ya maliban sa pakiramdam na secured ako sa isang kapatid.
Tumawa s’ya ng alanganin.
“Alam mo ba, bessy???” pagpapa-cute na tanong nito matapos bumitaw sa pagkakayakap sa akin. O mas tamang sabihin na pagkakalambitin n’ya sa akin na parang unggoy?
“Ano?” tanong ko sa kanya.
Nagbago ang ekspresyon n’ya. Mula sa pagpapacute ay nanlisik ang kanyang mga mata.
“Lakompake kung magalit ka dahil niyayakap pa kita at nakikiss pa kita! Proud kaya ako dahil ang gwapo ng kayakap ko! Kahit na…. ehem! Nevermind! Basta malaman ko lang na may naiinggit sa akin, masaya na ako!!” mataray n’yang litanya na nasundan ng mala-mangkukulam n’yang pagtawa.
Naiikot ko na lang ang mga mata ko. Suko talaga ako sa kanya.
“Oh! By the way, Bessy, meet Dee. Girl s’ya, Bessy, ha? Hindi n’ya lang talaga trip mag-skirt kaya ganyan s’ya manamit. Barmaid namin s’ya. Destiny ang real name n’ya pero ’wag mo s’ya tatawagin sa pangalan n’yang ’yon kung ayaw mo mabawian ng buhay.” pagpapakilala n’ya sa isa n’yang kasama.
Sunod naman ay binalingan n’ya ang babaeng ipinakilala n’ya sa akin.
“And Dee, meet Tom. My oh so yummy best friend.” pakilala naman n’ya sa akin.
Nilahad ko ang kamay ko kay Dee para makipagkamay. Inabot n’ya naman ito ng walang salita. Pero ang reaksyon n’ya? Wala. Hindi man lang s’ya nagbigay ng ngiti.
“Nice to meet you Dee.” nakangiti kong pagbati sa kanya.
Akala ko may epekto sa kanya ang ngiti at dimple ko na ginagawa ko na yatang negosyo para makuha ang atensyon ng iba. Pero sa kanya, mukhang hindi tatalab ito.
“Halika na, Bessy. Ipapakilala na kita kay Manager Shai.” pagyaya na ni Cha.
Akmang aalis na kami nang pigilan kami ng kasama nilang lalaki.
“Teka teka, Charm! Ako ba hindi mo ipapakilala?!” sabat nito mula sa tabi ni Dee.
“At bakit naman?! Wala akong matandaan na niyaya kita dito para ipakilala si Tom, ’di ba?! Ikaw lang ’tong nagpumilit sumama!” pagtataray ni Cha sa lalaking kasama nila.
Napakamot na lamang ng ulo ang lalaki matapos tarayan ni Cha. Nakaramdam naman ako ng awa dito lalo na at mukhang mabait naman ito.
Tinapunan ko ng masamang titig si Cha bago ko binalingan ang lalaki. Ako na mismo ang naglahad ng kamay dito at nagpakilala. Nakabusangot na si Cha at naka-cross arms pa.
“Tom na lang, pare. Kamusta?” pagpapakilala ko.
Kumislap agad ang mga mata nito at ngumiti matapos ang masalimuot na sinapit sa best friend ko.
“Alben, pare. Pero Ben na lang. Ka-work din ako ni Charm. Makakasama mo ako sa dining area kung sakaling makapasok ka. Nice to meet you.” masigla nitong pagpapakilala habang kinakamayan ako.
Mukha naman itong mabait pero nagtataka lang ako kay Cha kung bakit parang mainit ang dugo n’ya rito.
Nagtuloy na nga kaming apat sa restaurant na pinapasukan nila. Pagkapasok namin ay s’ya namang sabay-sabay na tingin ng iba pang empleyado pati na rin ng mangilan-ngilan nilang customers sa mga oras na ito. Siguro ay dahil hapon pa lang kaya wala pang masyadong kumakain at nag-iinom.
Medyo tinablan ako ng hiya nang makapasok ako sa kanilang pinapasukan.
“Bessy, iwan muna kita kila Dee ha? Pupuntahan ko lang si Ma’am Shai para sabihin na nandito ka na.” pagpapaalam ni Cha.
Tumango na lamang ako tanda ng pagpayag. Tahimik naman ang dalawang pinag-iwanan sa akin ni Cha na sina Dee na wala pa rin reaksyon, at Ben na wagas naman kung makangiti. Paano kaya nagkakasundo ang dalawang ito?
Nilibot ko ang mata ko sa restaurant at talagang namangha ako sa lugar.Maganda ang structure at alam mong European ang style base sa mga kagamitan na makikita rito.
Nariyan din ang malaking portrait ni Queen Elizabeth at mga flag ng United Kingdom. May mga malalaki ring TV screen na ang pinapalabas ay mga European sports. May mga customers din silang foreigners.
Habang inililibot ng aking mata ang paligid ng restaurant ay s’ya namang pagbalik ni Cha na hindi ko namamalayan.
“Bessy, halika. Sumunod ka sa akin. Pinapapunta ka na ni Ma’am Shai sa office n’ya.” pagyaya n’yang nakangiti.
Tumango ako at agad namang sumunod kay Cha.
Nakarating kami sa isang maliit na office at si Cha na ang kumatok dito.
“Come in!” narinig kong sigaw ng isang babae mula sa loob.
Binuksan ni Cha ang office at tumuloy kami. Nakita ko ang isang sopistikadang babae na medyo may edad lang marahil sa akin ng ilang taon at maaliwalas ang mukha. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. Hindi ko maiwasang mamangha dahil bukod sa matangkad ito ay maganda rin ang katawan nito. Lalong napansin ang magandang hubog ng kanyang katawan dahil sa fit ang red dress nito.
“Ma’am, s’ya po ang sinasabi ko sa inyo. Tom po ang name n’ya. Magaling ’yan Ma’am saka masipag at matalino. At higit sa lahat, honest po s’ya Ma’am! Promise po ’yan! Hindi po ako mapapahiya d’yan. Saka alam mo ba Ma’am? Sa sobrang sipag n’ya nga po, there was a time na dalawa ang work n’ya sa isang araw. Imagine Ma’am, 16hours a day! My gosh! I think he’s really fit to be part of our company! Saka tingnan mo Ma’am oh! Tindig at looks pa lang, ulam na! Nagdadalawang-isip pa nga po ako Ma’am kung dapat ko ba s’ya ipasok dito eh! Baka kasi s’ya ang maging cause ng pagkalugi ng restaurant natin lalo na ’pag mga girls ang customers natin. Kasi tingnan mo pa lang s’ya sapat na! Busog ka na! Rice na lang po siguro oorderin nila!” mahabang pagbi-build up sa akin ni Cha.
’Yung totoo?! Ako ba ang for interview dito o s’ya?!
“Are you done with your speech, Ms. Butil? Now, if you don’t mind, can you please leave us for a moment? I think if this guy is really that good, this interview will just be a piece of cake to him.” simpleng pagtataboy ni Ma’am Shai kay Cha.
Napanguso na lang ang best friend ko.
Pero bago tuluyang lumabas ng silid na ito si Cha ay nag-iwan pa ito sa akin ng salita. Ang daldal talaga!
“Good luck, Bessy! Fighting! Sisiw lang ’yan! Nagmana ka sa ’kin kaya alam kong—”
“Ms. Butil! Please excuse us?” pagputol ni Ma’am Shai.
Ngumuso na lamang ulit si Cha bago tuluyang lumabas ng pinto.
Nagsimula na nga ang interview sa akin at masaya naman ako dahil nasasagot ko naman ng maayos ang mga tanong ni Ma’’am Shai. Tiwala naman ako sa sarili ko pagdating sa ganitong mga senaryo. Medyo sanay na rin ako dahil marami na rin akong napasukang trabaho at karanasan sa interview.
Hindi nga ako nagkamali, matapos ang halos isang oras ay nagtapos ito na may ngiti sa aking labi.
“Congratulations, Tom! Welcome to the company. I am expecting you to pass your 1month training that will start tomorrow.” pagbati ni Ma’am Shai habang nakikipagkamay sa akin.
“Thank you, Ma’am. I’m looking forward to work with you all.” masaya kong sagot.
Lumabas na ako sa silid na iyon at tinungo na rin ang pintuan palabas ng restaurant. Hindi ko na nakita si Cha at hindi ko na rin nagawang magpaalam sa kanya. Inaalala kong baka busy na rin ito sa kanyang trabaho at ayaw kong makaistorbo. Magte-text na lang ako para sabihin sa kanya ang magandang balita.
Bago umuwi ng bahay para ihatid kina Mama ang magandang balita ay naisipan kong bumalik sa lugar na pinuntahan ko kanina bago ako tawagan ni Cha. Gutom na ako at gabi na rin pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may humihila sa akin na bumalik sa garden na iyon ng mall.
Habang naglalakad sa garden ay napansin kong natanggal ang sintas ng sapatos ko kaya tumigil muna ako sa gitna ng daan para ayusin ito.
Matapos kong ayusin ang aking sintas ay mabilis din akong tumayo. Ngunit sa kamalasan nga naman ay may tumama sa ulo ko na isang malamig na bagay. Hindi naman ito masakit, kaya agad din akong tumalikod para malaman kung ano ang bagay na iyon.
Pagtalikod ko ay s’ya namang bungad sa akin ng isang lalaking anghel. Tama, anghel na may mantsa ng chocolate drink sa puti n’yang polo.
Binalikan ko ang mukha ng anghel.
Ang gwapo ng anghel na ’to. Mas matangkad s’ya sa akin at medyo moreno ang balat n’ya. Makapal ang kilay at may magagandang pares ng mata. Matangos ang kanyang ilong at ang labi?
Napatikhim ako dahil ayokong sabihin na mapula ang labi n’yang iyon at ang sarap kagatin.
Kaasar, nasabi ko pa rin.
Nagbalik ako sa aking ulirat at binalikan ko ang tingin ang anghel. Ngunit nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata ay gusto kong tanungin ang aking sarili kung namamalik-mata lamang ba ako kanina?
Ang sabi ko kasi ay mukha s’yang anghel. Pero halos mapaatras ako nang makita kong para na s’ya ngayong isang mabangis na hayop na aatakihin ako sa oras na gumalaw ako.
Anyare?
Tanong ko ’yan sa isip ko.
“Anyare?! Tinatanong mo pa kung ano ang nangyari?! Natapon lang naman ang Iced Caffé Mocha na iinumin ko sana pero nabangga ng ulo mo pagtayo mo! At angnakakapeste, natapon sa damit ko!!” bulyaw nito sa akin.
Pambihira! Akala ko nagsalita lang ako gamit ang isip ko! Lumabas din pala sa bibig ko!
“Ah.. eh.. P-pasensya na.. H-hindi ko sinasadya..” nauutal kong paghingi ng dispensa.
Hindi s’ya nagsalita. Nanatiling matalim ang tingin n’ya.
“Ahmm.. K-kung gusto mo papalitan ko na lang yang kape mo.” utal ko pa ring alok.
Matapos ang alok kong iyon ay ang taimtim na dasal na sana ay hindi s’ya pumayag. Sana ay sabihin n’yang ayos lang ang lahat. Dahil wala talaga akong maibibigay. Singkwenta pesos na lang ang nasa bulsa ko at sapat lang para may pamasahe ako pauwi sa aming bahay.
Sinuri ko ang kanyang damit at napalunok ako dahil sa tingin ko ay mukhang mamahalin iyon. Nang tingnan ko naman ang hawak n’yang baso ng iced coffee ay parang gusto ko na lang tumakbo palayo.
Paano ba naman, ang iniinom n’ya palang iced coffee ay may tatak na mula sa kilalang coffee shop na mamahalin ang tinitindang kape.
“Sabihin na nga nating mapapalitan mo ang iniinom ko?!! Pero, damn!! Paano naman itong suot ko?!!” sigaw ulit nito sa akin.
Dahil sa ginagawa n’yang pagsigaw ay nakakaagaw na rin kami ng atensyon mula sa mga taong naririto rin sa malapit sa aming pwesto. Lahat sila ay pinapanood na kami sa mga oras na ito.
Hindi ko na rin gusto ang ginagawa nitong pagsigaw sa akin ngunit wala akong karapatan kahit ang magreklamo dahil ako ang may kasalanan.
Nag-aalala na rin ako. Base kasi sa huli n’yang sinabi, parang gusto n’ya na rin papalitan ang kanyang polo maliban pa sa kanyang kape.
“S-sorry na nga po, Mister eh.. Hindi ko naman sinasadya talaga.. K-kung gusto mo kunin ko na lang ’yang damit mo tapos lalabhan ko.” alok ko sa kanya at saglit na tumigil.
Inangat ko ang aking kamay sa aking ulo para magkamot. Nakaramdam ako ng hiya sa susunod kong sasabihin.
“Eh kasi… ang totoo n’yan, wala akong pera pamalit sa kape mo, pambili pa kaya ng pamalit sa polo mo?” puno ng pagpapakumbaba kong pagpapatuloy.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay n’ya.
Patay ako nito. Magbibigti na lang ba ako?
“Are you nuts?!! Anong gusto mo?! Paghuhubarin mo ako dito sa lugar na ’to?! Stupid ka ba or what?!” inis nitong tanong.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla.
Nasaksihan ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Mula sa inis ay napalitan ito ng nakakainsultong ngiti.
“Ang lakas ng loob mong mag-offer ng pamalit ng iniinom ko, wala ka naman palang pera! Sa susunod kung may pagkaka-abalahan ka, tumabi ka muna at doon mo ituloy! Hindi ’yung dito ka sa daanan ng mga tao na para bang sa’yo ang daanang ’to! Pwedeng gumamit ng utak alam mo ba?!!” pang-iinsulto n’yang pagpapatuloy.
Dito na ako hindi nakatiis dahil sa sakit ng mga salitang binitawan n’ya. Nararamdaman ko rin na nagsisimula nang mamuo ang aking mga luha sa aking mga mata.
Mas matatanggap ko pa na magalit s’ya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga. Pero ang insultuhin ako na parang napakababang uri ako ng tao, parang sumosobra naman na yata s’ya? Kulang na lang ay tawagin n’ya akong tanga at bobo para lang makompleto na.
Nagdidikit ang mga ngipin kong nagsalita. Pilit ko pa rin na kinonkontrol ang sarili kong mapaluha.
“Alam mo Mister? Aminado naman ako na may mali ako, na kasalanan ko. Pero sobra mo naman ako insultuhin na para bang may nagawa akong ikinasira ng buhay mo. ’Wag ka naman masyado mapagmataas at kung ituring mo kaming mga walang pera, parang wala ng magiging silbi sa mundo!” madiin kong litanya. At kahit na anong pagpigil ko ay may pumatak pa rin na isang luha mula sa mga mata ko.
Agad kong pinunasan ang luha ko gamit ang palad ko.
Hindi s’ya nakapagsalita matapos kong sabihin ang mga salitang ’yon. Ginamit ko na rin na pagkakataon ang kanyang pananahimik para makaalis na rin sa lugar na ito.
Tinalikuran ko s’ya para maghanda sa pag-alis ko. Ngunit muli akong lumingon at humarap sa kanya nang may pumasok sa isip ko.
“Oo nga pala, kung natapunan man kita ng kape, sa tingin ko deserve mo ’yan. Binabawi ko na ang paghingi ko ng paumanhin sa’yo. Ngayon, mas hinihiling ko pa na sana mainit na kape na lang yang binili mo! Para kahit konti nalapnos ’yang balat mo! Dahil kulang pa ’yan sa sakit na maidudulot mo sa mga taong nasa paligid mo! Sa susunod, Mister, na makita ulit kita, sisiguraduhin ko na kahit wala akong pera, bibili ako ng mainit na kape na isasaboy sa’yo kahit ipangutang ko pa!” bulyaw ko sa kanya at tuluyan na rin akong umalis.
Hindi ko na s’ya narinig pang sumagot matapos ng mga sinabi ko.
Naiiyak talaga ako!
Ngayon lang may humamak ng pagkatao ko!
Peste naman kasing mga paang to eh! Gutom na nga ako, doon pa ako dinala sa lugar na ’yon! Eh kung umuwi na lang sana ako ng diretso, sana may laman na ang tiyan ko!
Bwisit na lalaking ’yon! Sana hindi na magkrus ang landas namin ng talipandas na ’yon! Kung anong ganda at mala-anghel n’yang mukha, kabaligtaran naman ng ugali n’yang parang nakatira sa ilalim ng lupa!
Pisti! Pisti!
A/N
Thank you for reading!
-cold_deee
chapter 2-melted chocolate cake
A/N
hi guys! its been a week and while writing this chapter eh medyo masakit pa ang ulo ko at katawan dahil sa event ng company namin for 3 days.. Almost 3hours lang tulog lahat ng employees namin.. Take note, halos lahat kami kaya wala din ako karapatan magreklamo.. hahahaha! Anyway, here’s chapter 2 guys.. Sana mag-enjoy kayo..
si Tom nga po pala ’yung nasa media. Cute ng dimple noh?!
TOM POV
“Good morning sunshine!” wika ko pagkagising ko. Agad akong pumasok sa banyo namin ng kapatid ko dito sa kwarto para gawin ang morning rituals ko. Hilamos, toothbrush at humarap sa salamin.
“Ang gwapo ko talaga!” wika ko at kumindat sabay ngiting litaw ang dimple! Galing noh?! Ginagawa ko talaga yan araw-araw para good vibes. Positive ako dapat sa simula ng araw, yan ako eh! Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Mama na naghahanda ng almusal.
“Good morning Ma! Anong almusal ang hinanda ng maganda kong ina?” bati ko kay Mama habang naghahanda ng almusal namin.
“Good morning anak! Halika at kumain na. Ayaw kong wala kang kain bago pumasok ng trabaho. Nakakalimutan mo na din kasi yata kumain sa gabi tuwing uuwi ka. Baka magkasakit ka n’yan. Ayaw kong mabawasan ang kagandahan mo.” biro n’ya matapos akong bigyan ng plato pagkaupo ko sa hapag.
“Ma naman! tigilan mo na po ako sa kakabiro ng ganyan. Parehas lang kayo ni Cha. Oo nga pala, nasa’n po si Julius?” hanap ko sa aking kapatid.
“Maagang umalis anak, may event daw sa school nila eh. Tinatanong ko nga kung dapat bang kasama ang parents pero ang sabi n’ya ayos lang naman kahit wala. Minsan nagtatampo na ako sa batang ’yun, kasi parang ayaw n’ya akong magpunta sa school n’ya. ’Yung totoo anak, nakakahiya na ba itsura ko ngayon? Pumayat lang naman ako ng konti ah…” nagtatampo n’yang tugon.
“Ma… ’Wag ka na po magtampo. Hindi ka namin ikinakahiya. Ayaw lang namin ng napapagod ka. Kahit naman ako sa kalagayan ni Julius, ganun din ang gagawin ko. Saka ikaw ma?! Hindi kinakahiya ang pinaka-da best na nanay ah! Ang ganda ng Mama namin ni Julius and proud na proud kami sa kanya! Kaya kung anuman ang iniisip mong hindi maganda, alisin mo na ’yan. Ginagawa namin ’yun dahil mahal na mahal ka lang talaga namin.” mahaba kong paliwanag sa kanya. Ngumiti ito at sinaluhan na din ako sa pagkain.
“Sige na nga, alam n’yo talaga magkapatid kung paano ako mapapangiti noh?! Araw-araw din ako sinasabihan ng kapatid mo na ang ganda-ganda ko! Minsan parang natutuwa kayo ’pag inuuto n’yo ako.” salaysay nito. “Oo nga pala, kamusta ang training mo anak? Maayos naman ba?” dugtong nito.
3weeks na ang lumipas simula ng mag-start ako ng training sa restaurant na pinapasukan namin ni Cha. At isang linggo na lang para makapirma na ako ng contract para maging official na employee na ako dun.
“Ayos naman Ma. Maganda naman ang feedback sa akin ni Manager. Mababait din ang mga ka-work ko doon. Mahirap din ang trabaho pero nag-eenjoy din ako at the same time. Marami din kasi akong natututunan.” sagot ko.
“Mabuti naman kung gano’n. Basta ’wag mo pa rin pababayaan ang sarili mo anak ha? Basta ’pag nagkaro’n ng problema, andito lang si Mama para makausap mo.” payo n’ya.
“I know Ma, salamat. Pa-kiss nga sa maganda kong Mama!” paglalambing ko. Ganyan kami ni Julius sa kanya. S’ya kasi ang ginagawa naming prinsesa dito sa bahay dahil alam naman namin na bilang isang babae, espesyal din dapat s’yang ituring lalo na at minsan ay sumasagi sa kanyang isipan ang aming mga naging karanasan simula nang iniwan kami ni Papa. Isa pa, deserve nilang mga nanay ’yun dahil sa walang kapantay nitong pagmamahal sa atin.
Matapos kumain ay nagsimula na akong mag-ayos para pumasok sa trabaho. Excited na ako dahil isang linggo na lang matatapos na din ang training period ko. Isa pa, darating din daw ang boss namin mamaya kaya dapat ay maaga kaming lahat lalo na ako dahil bago lang ako. Galing daw ito sa isang branch ng restaurant n’ya sa The Fort dahil may kailangang ayusin sa medyo mahabang panahon.
Dumating ako sa restaurant at nagsimula na din magtrabaho. Biglang nag-call ng attention namin si Mam Shai at sinabing nasa office lang ang boss namin at gawin daw naming maayos ang trabaho namin dahil medyo strict daw ito.
Kung ganun, mas maaga pa pala s’ya dumating kesa sa amin dahil wala man lang nakapagsabi na kanina pa ito naririto sa restaurant. ’Yan ang nasa isip ko.
Bumalik na kami sa kanya-kanya naming pwesto at itinuloy ang mga ginagawa matapos sabihin iyon ni Mam Shai.
Breaktime na namin at lalabas na sana kami nina Cha, Dee at Ben nang tawagin kami ni Mam Shai. Madadaanan kasi ang mga office ng boss tuwing lalabas kami galing sa aming crew room. Naroon si Mam Shai sa isa pang silid na katabi ng office n’ya. ’Yun daw ang office ng may-ari ng pinagtatrabahuhan namin, ’yan ang sinabi sa akin ni Cha nung unang araw ng training ko.
Sumunod na lamang kami dahil hindi naman kami pwedeng pumalag kahit umaandar na ang oras ng break namin. Boss ’yan eh. Hahahaha!
Pagkapasok namin ay nagulat ako sa aking naabutan. Halos hindi ko maigalaw ang aking mga paa habang nakatingin sa gwapong lalaki na prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Nagtayuan din ang mga balahibo ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Marahil ay sa sobrang kaba.
Sh*t! S’ya ’yung lalaking natapunan ko ng iniinom n’ya 3weeks ago! S’ya ’yung lalaking sinabihan ko na ipangungutang ko pa ang perang pambili ko ng kape para isaboy sa kanya! Juicecolored! Boss ko s’ya!!! Huhuhu.. Natauhan na lamang ako mula sa pag-eemote dahil siniko ako ni Cha.
“Bessy, pinapakilala ka ni Mam Shai kay Sir. Tulaley lang?” bulong sa akin ni Cha. Binalik ko ang tingin sa lalaki at nagpakilala.
“G-good afternoon Sir. I’m Axyll T-tom, your newest employee. It’s nice to m-meet you po.” utal kong pagpapakilala. Mabuti naman at nagawa kong magsalita pa kahit mukhang natuyo na ang lalamunan ko.
“Good afternoon.” maikli n’yang sagot habang nakatingin pa rin sa akin. Ha?! ’Yun lang?! Hindi man lang ako iwe-welcome sa company n’ya?! Asa ka naman Tom?! S’ya ang boss hindi ikaw! sigaw ng isip ko sa akin. Oo nga naman!
“Tom, he’s Mr. Alexander Alvarez. Call him Chef Xander or Sir Xander. The owner of this restaurant and the one in The Fort.” wika ni Mam Shai at bumaling naman kay boss. “And Xander, he’s the one I’m talking to. Our new employee and I think our next asset.” pakilala naman sa akin ni Mam Shai at kinindatan pa ako matapos ng pagpapakilala. Ang cool lang talaga ni Mam Shai, kaya magaan din katrabaho.
Nakatingin lang sa akin si Sir Xander at wala akong mabakas sa kanyang mukha dahil wala naman itong kakaibang ekspresyon na pinakita. Putek! Kinakabahan talaga ako. Baka bigla n’yang maalala ang mga nasabi ko sa kanya.
Matapos ang pagpapakilala ay umalis na din kami sa office ni Sir Xander since wala na din naman s’yang sinabi after akong ipakilala. Naaalala ko ang una naming engkwentro ni Sir Xander, bigla akong nakaramdam ng hiya at kaba. Hindi ko naman kasi akalain na sa laki ng Pilipinas at sa dami ng company na pwede kong pasukan, eh dun pa talaga sa restaurant n’ya! tss! Malas na ata ako ah!
“Hoy bessy! kanina ka pa walang imik ah?! Na-starstruck ka ba kay Sir Xander? Don’t worry dahil hindi ka nag-iisa bessy! Gwapo naman kasi ni Sir eh! hihihi! Madami nagkaka-crush dun kaso mukhang hindi n’ya kami type! Ngayon lang may tumanggi sa charming ko at s’ya lang ’yun!” maligalig na sabi ni Cha. Andito kami sa tambayan nila sa covered parking area ng mall na tambayan din ng ibang tenant employees para sumimple ng tulog ’pag breaktime.
“Baliw! Iba ang iniisip ko! Saka mas gwapo naman ako dun noh! Tingnan mo nga, hindi nga ata marunong ngumiti ’yun! Paano ’yun humaharap sa customer na walang reaction?!” naiinis kong balik sa kanya.
“Bessy may pinaghuhugutan?! Ngayon ka lang ata nainis sa isang tao ah?! At sa boss pa natin talaga?! Higit sa lahat, ikaw lang hindi naka-appreciate sa kapogian n’ya! My gawd! ’yung ibang customer nga nagpapanggap na may complain sa food natin para lang mapansin n’ya at makausap s’ya alam mo ba ’yun?! Ang aarte eh! Hindi nila inisip na may binabagayan ang kaartehan! May hawak na branded na bag at todo maka-english ’yung iba, pero naman! ’Pag nakita mo ang itsura, malilito ka kung saan ang mukha at paa!” pagmamaldita nito.
“Grabe s’ya! Oy bessy ang bunganga mo ah! Sobra ka naman makapintas. Tumatanda ka na,magbago ka na. Paano kung may makirinig sa’yo? Kaya ka madalas mapaaway sa hindi nakakakilala sa’yo eh!” pangaral ko sa kanya.
“Fine! Sorry naman. Ikaw namn kasi kanina ka pa walang imik, may problema ba?” tanong n’ya.
“Magkakilala ba kayo ni Sir Xander?” Biglang sabat ni Dee suot ang expressionless n’yang mukha. Nagulat man ako sa biglang tanong ni Dee ay hindi ako nagpahalata. Weird talaga ’tong si Dee dahil kahit hindi s’ya madalas magsalita ay malakas ang pakiramdam nito at mukhang malakas mag-observe.
“Ha? H-hindi noh! Nagulat lang ako kanina dahil akala ko matanda na ang boss natin, medyo bata pa pala.” pagpapalusot ko.
“Kahit din naman kami nung una. Mabait naman ’yun si Sir Xander kahit tahimik lang. Cool nga ’yun eh, kasi minsan instead na pagalitan kami dahil mali ang nagagawa namin, s’ya mismo nagde-demonstrate kung pa’no gawin ng tama ang kanya-kanyang trabaho namin. Tropa nga tawag ko dun minsan eh. Hahahaha!” sabat din ni Ben habang tutok pa rin sa paglalaro sa kanyang cellphone.
“Hoy kamote! Usapang tao ’to ah! Ituloy mo na lang ’yang paglalaro mo d’yan at ’wag kang sumasabat kung hindi naman hinihingi ang opinion mo!” pagtataray ni Cha kay Ben. Medyo nasasanay na din ako sa pagsusungit dito ni Cha na sinusuklian n’ya naman ng masayang ngiti. Ngayon lang ako nakakita ng taong natutuwa sa tuwing binabara ng kausap.
“Sugar naman… Sinasang-ayunan ko lang naman ang sinabi mo kay Tom. Mabait naman talaga si Sir Xander ’di ba? Kakampi mo ako Sugar. Lagi lang akong ba-back up sa’yo.” pangungumbinsi pa ni Ben kay Cha.
“Ano daw?!!! At saan mo naman napulot ’yang pangalan na ’yan?!” galit nitong tanong kay Ben.
“Alin? ’Yung Sugar?” tanong din ni Ben.
“Ay! Hinde! ’yung Soysauce! My gahd! Bingi lang Ben, ha?!?” pambabara nanaman ni Cha.
“Ahh.. hehe.. Naisip ko lang kasi Cha na sugar na lang ang itatawag ko sa’yo kasi lagi mo ako tinatawag na kamote. Eh wala naman ibang condiments na babagay sa kamote kundi asukal lang. Hehe! Ang sweet nga eh ’di ba?” weird nitong tugon. Nakikinig na lang kami ni Dee sa pagsasagutan nila.
“Ansabe?! Hoy kamote! Tigilan mo ’ko sa pagpapa-cute mo! Hindi ikaw ang pagpapantasyahan ko! Alam mo ’yan! At bago pa ako iwasan ng mga crushes ko dahil sa pagtawag sa ’kin ng ganyan, lubayan mo ako!” gigil na sabi ni Cha.
“Mai-inlove ka din sa ’kin Sugar ko. Siguro sa tamang panahon.” nakangiting wika ni Ben.
“Spell ASA kamote ka?! Tamang panahon pinagsasabi mo?! Hindi na dadating ’yun dahil ’pag hindi ka tumigil d’yan, baka nasa himlayan ka na sa panahon na ’yun dahil sasakalin na talaga kita!” galit pa rin si Cha. Hindi na din umimik si Ben at ngumiti na lang ito ng matamis. Talaga ’tong dalawang ’to! Si Dee naman ay bumalik na din sa pagkaka-tulala.
Matapos ang breaktime namin ay sabay-sabay na namin tinungo ang aming pinapasukan at tinapos ang natitira naming oras sa trabaho. Marami din ang mga tao sa mga nagdaang oras kaya hindi naiwasan na may mag-o-overtime. Nagpresinta na lamang ako pang-dagdag din sa sweldo ko. Hindi ko na din nakita pa si Sir Xander dahil mas marami ata ang inaasikaso nito sa loob ng office. Hindi ko pa rin maalis sa aking isip ang tanong kung bakit wala itong naging reaction sa muli naming pagkikita. Inisip ko na lamang na marahil ay hindi na nga nito naaalala na ako ’yung taong nakasagutan n’ya sa River Park 3 weeks ago. Mabuti naman kung ganun, mababawasan ang nerbyos ko. Sayang naman ang hirap ko ng 3 weeks para lang makapasok sa trabaho na ’to.
Dumaan pa ang apat na araw at maganda naman ang takbo ng trabaho ko. Hindi ko din masyado nakikita si Sir Xander dahil kung wala ito sa office n’ya ay nasa kitchen ito at nagsu-supervise sa mga kitchen staff katulong ang Assistant n’yang si Chef Randy. Kung sabagay, nariyan naman si Mam Shai na sa amin at sa customers namin ang focus. Kung kinakailangan naman ang aming Chef sa dining para kumausap ng guests, si Chef Randy ang lumalabas.
On the fourth day of my training as waiter, inabot kami ng halos hating-gabi dahil naging busy ang araw na ’yun. Closed na ang restaurant at naghahanda na kami sa pag-uwi.
Nagbibihis na sa crew room ang mga babae ng sama-sama at kaming mga lalaki naman ay nasa labas lang dahil pwede naman kami magbihis ng sabay-sabay. Hindi kagaya ng mga babae na ang dami pang daldalan at marami pang ginagawa bago makauwi. Sabi nga ni Cha, kahit pauwi na at laspag na sa trabaho, dapat ay prepared s’ya. Who knows kung sa jeep daw n’ya makilala ang forever n’ya. Or kung ma-hold up at masaksak daw s’ya, dapat daw ay naka-powder pa rin s’ya at lipgloss pa. Para daw ’pag ma-headline man s’ya sa tv at dyaryo ay maganda pa rin s’ya. Tsk! S’ya na talaga!
Pinili kong sa guests restroom ng restaurant magbihis ng sandaling iyon dahil kailangan ko muna mag-jingle bago bumyahe. Mahirap na kung sa byahe pa ako abutan.
Pero nangilabot ako pagpasok ko sa mens restroom. Hindi naman ako nakakita ng multo, pero naroon lang naman ang boss ko at naghuhugas ng kamay sa sink. Pagpasok ko ay nakita n’ya ang repleksyon ko sa salamin na katapat ng pinto ng restroom. Hindi pa pala ’to nakakauwi si Sir Xander. Gusto kong lumabas na lang sana pero agad itong nagsalita. Napansin n’ya siguro ang pagdadalawang isip kong pumasok.
“Go ahead. I’m done with my thing.” sabi nito sa akin na wala pa rin expression ang mukha.
“Ahm. G-good evening Sir.” bati ko dito ng nakayuko. Pakshet! Bakit ba hindi matanggal ang kaba ko dito ’pag kausap ko ’to?!
Pumunta na ako sa isa sa mga urinal dito sa restroom. Bagamat naiilang ako dahil hindi pa ito umaalis ay tinuloy ko pag-jingle ko. Naka-talikod naman ko sa kanya. Pero bwiset lang, halos hindi ko mailabas ang ihi ko dahil sa kaba. Concentrate Tom! Concentrate! pagkausap ko sa sarili ko. Successful naman ang pag-ihi ko at inayos na ang zipper ng pantalon ko. Tumalikod na ako sa urinal para maghugas na ng kamay.
“Ay butiki!” bulalas ko dahil nakaharap sa akin si Sir Xander habang nakatingin ng diretso sa mata ko at naka-cross arms pa. Kahit nagulat ay hindi ako nagpahalatang kinakabahan. Pumunta na ako sa sink para maghugas ng kamay na katabi lamang ng kinatatayuan ni Sir Xander.
“Akala ko bukas ka pa matatapos umihi. Ilang araw ba yang naipon?” tanong n’ya. Nang-aasar ba ’to?! Hindi ko na lamang pinansin ang sarcastic n’yang joke kung joke man iyon. Itinuloy ko pa rin ang paghuhugas ng kamay.
“Gabi na po Sir andito pa po kayo. Pauwi na po pala kaming mga nasa dining.” pagpapaalam ko dito at hindi pinatulan ang ‘joke’ n’ya.
“Hinintay ko talagang matapos ang araw na ito para sa isang bagay.” wika n’ya at nakikita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin pa rin ito sa akin. Curious man ako ay hindi ko na rin tinanong kung ano man ang bagay na ’yon. Baka nga naman kasi confidential.
“Ganun po ba? Sige po, ingat na lang kayo pag-uwi.” ’Yun na lamang sinabi ko habang patuloy na sinasabon ang mga kamay ko.
“Yeah. Hinintay ko talaga ang oras na ’to or should I say naghihintay pa rin ako?” sabi nito. Clueless pa rin ako sa sinasabi n’ya. At talaga naman mukhang nagkekwento ang boss ko ah. Hindi ako makapag-react sa sinasabi n’ya kaya pinili ko na lamang manahimik. Ngunit nagulat ako sa sumunod nitong sinabi.
“Hinihintay ko kasi ang mainit na kapeng isasaboy sa ’kin ng taong mangungutang pa raw makabili lang nito.”
Napatigil ako sa pahuhugas ng kamay at natulala dahil sa sinabi ng boss ko. Naestatwa ako ng literal dahil binalot ako ng pag-aalala at takot.
Buong akala ko ay hindi ako nito natatandaan dahil hindi n’ya ako kinausap kahit minsan tungkol sa bagay na ’yon. Nagpatuloy s’ya sa kanyang sinasabi habang ako ay tila isang bato na hindi makagalaw sa pagkabigla.
“Surprised? Didn’t expect na matatandaan kita Tom? Mukhang sa akin nga pumapabor ang lahat ah.. Tsk! Tsk! Tsk!” wika nito habang umiiling. “So, you still have 3 days to pass the training right? Kayanin mo kaya Tom? Ang makasama sa trabaho ang taong kinasusuklaman mo and worse, boss mo pa? Well, let’s see kung hanggang saan ka. I’ve heard a lot of good things about you Tom, pero tandaan mo ako ang boss dito. At sa akin din nakadepende ang pagtanggap sa’yo dito.” dugtong pa n’ya.
Napukaw ang attention ko ng bahagya itong gumalaw at mukhang tapos na sa mahaba n’yang linya. Pero hanggang sa mga oras na ’yun ay hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko at isasagot ko. Tumingin s’ya sa kanyang relo at nagsalita.
“Hhmm.. I guess, I have to go after you guys. It’s really getting late. So, i’ll see you tomorrow Axyll Tom Perez?” napatingin na lamang ako dito. Hindi ako nakapagbigay ng reaction sa tanong nito dahil loading pa lang ang utak ko sa mga sinabi nito.
Nagulat ako sa ginawa nito, lumapit ito sa kin at inilapit ang mukha n’ya sa mukha ko.
“Be ready for the challenge Tom, I’ll make you see kung sino ang hinamon mo.” Ngumisi ito sa akin matapos n’yang sabihin iyon.
Naiwan akong tulala at sari-sari ang iniisip. Itutuloy ko pa ba? Eh 3 days na lang may contract na ako. Pwede naman akong maghanap ng ibang trabaho ’di ba? Pero paano ’yung pang-gastos namin sa mga susunod na araw habang wala pa rin akong nahahanap na work? Gggrrr!!!! Mababaliw na ako!!
Nakauwi ako ng bahay ng gabing iyon ng hindi ko namamalayan kung paano. OA ba? Saklap kasi talaga ang nangyari kanina sa restroom, nagulo ang isip ko.
Naabutan kong nasa labas ng bahay si Julius at malalim ang iniisip. Agad ako nitong nilapitan at napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Kuya… Kanina pa kita hinihintay. kamusta nga pala ang trabaho?” kinuha n’ya din ang bag ko. Malambing ano po? Inakbayan ko s’ya habang papasok kami ng bahay. At eto nanaman ang tanong kung kamusta ang trabaho.
“Ok lang naman. Ikaw, kamusta ang pag-aaral? Bakit gising ka pa?” pasisinungaling ko at pag-iiba ng topic.
“Ok lang naman kuya, top 1 ulit sa huling major exam. Alam mo naman sa’yo ako nagmana eh. Saka nag-promise ako na mag-aaral pa ako ng mabuti para pagdating ko ng college mag-aapply ako ng scholar para hindi ka mahirapan.” nakangiti nitong pagbabahagi. Proud ako sa kapatid kong ito. Matalino na, mabait pa.
“Mabuti naman kung ganun. Oo nga pala, bakit mo ako hinhintay sa labas? Maaga pa pasok mo sa school bukas ah?” tanong ko pagpasok sa bahay at naupo sa sofa.
“Kasi kuya may educational trip kaming darating next week eh. Maaga naman ’yun in-advise sa amin kaso akala ko magiging sapat ang naipon ko mula sa binibigay mong allowance sa akin para makaipon ako pambayad. Hindi nga sana ako sasama kasi alam ko naman hindi natin kakayanin ang bayad dahil alam mo naman kung anong sistema ng educational trip sa school. Sa baguio kasi ’yun gaganapin ngayon kaya malaki talaga ang budget. 3 days kami dun Kuya, at ’yung mga pupuntahan namin doon ang magiging laman ng susunod naming major exam. May seminar na din kasing kasama ’yun para sa mga graduating kagaya ko.” mahaba nitong paliwanag.
“So, inantay mo ako para ipaalam na sasama ka sa educational trip na ’yon? At para itanong kung kaya ko bang bayaran ang fee para doon?” tanong ko dito. Tumango naman ito ng nakayuko. Nakaramdam ako ng awa sa kapatid ko. Sa loob kasi ng apat na taon nito sa highschool ay ngayon lang ito makakasama ’pag nagkataon. Pinaupo ko ito sa tabi ko at inakbayan muli.
“Julius, alam mo bang proud ako sa inyo ni Mama? Masaya ako at pinagpapasalamat ko sa Diyos na kayo ang ibinigay N’ya sa akin na pamilya. Kaya kahit nahihirapan ako, gusto kong malaman n’yo na gagawin ko ang lahat para ikasasaya n’yo. Gusto kong iparamdam sa inyo ang sayang nararamdaman ko sa tuwing maiisip ko na hindi n’yo kailanman pinaramdam na iba ako sa normal sa mata ng ibang tao. Hindi n’yo ako tinalikuran at kailanman hindi n’yo ako ikinahiya. Kaya kung ’yung maliit na bagay na ’yan ang pino-problema mo, kayang-kaya ’yan ni kuya mo noh!” pagpapalakas ko ng loob dito. Ayaw kong mag-alala ito at baka dumating ang araw na mahirapan itong sabihin sa akin ang mga pangangailangan nito.
Ngumiti ito ng malapad at tumingin sa mga mata ko. Ang gwapo din ng kapatid ko, lumalabas na ang pagka-artistahin nito. Kung sabagay, sa akin nga daw s’ya nagmana ’di ba? Hahaha!
“Salamat kuya ah! Da Best ka talaga! Hindi ka lang mabait, maganda pa!” pagbibiro nito sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin at natawa naman s’ya.
“Matulog ka na nga lang dun at maaga ka pa bukas! Puro kalokohan ’yang nasa isip mo! Kahit ganito ako, alam mong mabenta din ako sa chix! Kaya ’pag nagka-girlfriend ka, itali mo yan sa bewang mo dahil baka sa akin din ang bagsak n’yan!” pagbibiro kong pagbabanta dito. Tinawanan lang ako ng loko!
“Sige na kuya, sunod ka na lang sa kwarto ah. Mauna na ako matulog, pahinga ka na din pero kumain ka muna kahit konte. Para hindi nag-aalala si Mama.” nakangiti nitong pagpapaalm..
“Sige, good night bro..” sabi ko at pumunta na s’ya sa aming kwarto.
Naiwan akong tulala at nag-iisip. Nagpasya akong ituloy ang training at tanggapin ang hamon ni Sir Xander, para sa Mama ko at kapatid ko. Kung hindi man ako tanggapin ni Sir Xander after ng training, maghahanap na lamang kao ng ibang trabaho. Hindi naman siguro unfair si Sir Xander sa empleyado. Dahil kung ganun s’ya, hindi s’ya magiging successful na tao.
Nagpahinga ako ng gabing iyon at nagdasal bago matulog na sana ay kayanin ko ang nalalabing tatlong araw ng training ko.
A/N
Musta guys? Dedicated ang chapter kong ito kay
ecinueenaje
dahil s’ya ang unang nagbasa ng kwento ko.. hehe.. next chapter mag-dedicate ulit ako.. sana sipagin din ako para sa chapter 3 ngayong gabi.. later guys! tsup!
cold_deee
chapter 3 - dark chocolate parfait
A/N
Yow! sinipag lang ng konte at naisipang mag-update agad-agad.. Hehe.. Eto na,makikilala n’yo na si Xander.. anyway, here’s chapter 3 guys.. Enjoy!
dedicated ’tong chapter na ’to kay
xPANICx
dahil sa story n’ya na
The Restroom Love Affair
.. ’Yun ang unang bromance na nabasa ko dito sa watty at ’til now nasa top 1 ng favorite bromance story ko s’ya.. Thank you idol sa magandang story na ’yan.. More power po!
-si Xander nga pala sa media.. gwapo ng loko eh..
XANDER POV
Matapos ang pakikipag-usap ko kay Tom sa restroom ay nagpasya na din akong umuwi. Hindi pa rin nakakalabas sa restroom si Tom dahil nasabi ni Charm nung mapadaan ako sa mga empleyado kong naghahanda na’ng umuwi na si Tom na lang ang hinihintay nila para sila ay makauwi na. Marahil ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang mga sinabi ko sa CR kanina.
In my 26 years of existence, ngayon lang ako naka-encounter ng gaya ni Tom. Hindi ako sanay ng nasisigawan at hindi ako sanay ng ini-ignore.
Sabi nga nila, I’m almost perfect. Matangkad, moreno, gwapo at may well built na pangangatawan dahil sa regular na pagpunta sa gym. ’Yan ang physical features ko. Matalino din ako at higit sa lahat, mayaman ako. Single ako ngayon dahil simula ng iniwan ako ng nag-iisang babaeng pinag-alayan ko ng panahon, pera at pagmamahal ay wala na akong sineryosong babae na makaka-relasyon.
Bitter ba? Nah! Hindi ko lang talaga nahahanap pa ang taong tatanggap sa akin ng buo kasama ang pinakamamahal kong anak ng walang kapalit. Masyado akong nasaktan ng iwan kami ng babaeng mas priority ang social life kesa ang masayang pamilya.
Single father of a very adorable and beautiful daughter named Carla. She’s my life and I can’t afford to lose her. She’s now 7 years old, and I’m telling you, she’s not just a typical kid because she’s bright and very smart. Nagmana daw ito sa akin according to Mom. She stays with my Mom and stepdad in Manila since dun talaga kami nakatira. But I have to buy my own condo unit here in Alabang dahil malapit ito sa restaurant ko.
I have a stepdad na British at pareho ko silang mahal ng Mommy ko. My biological father passed away when I was 2 years old kaya wala s’yang remembrance o memory sa akin aside from the surname. I studied in London when I was in gradeschool ’til highschool. But I decided to study college dito sa Pilipinas at dun nagsimula ang pagbabago ng buhay ko.
I met a girl at sobrang head over heels ako sa kanya. Mahal na mahal ko s’ya that time to the point na nagplano akong buntisin s’ya dahil ayokong iwan n’ya ako at ’yun ang naging paraan ko para hindi s’ya mawala sa akin. Naging successful ako sa plan kong ’yon at nabuntis nga s’ya. Galit na galit s’ya noon sa akin pero hindi ko ’yon pinansin dahil mahal na mahal ko nga s’ya. But, when the day came for her to give birth to our child ay kasabay din nun ang pagkawala n’ya.
“Sh*t! That memory again!” wika ko na mahina.
Umuusbong muli ang galit sa aking puso sa tuwing maaalala ko ’yon. Nakarating ako sa sasakyan ko at agad akong pumasok dito. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Hindi pa man ako kumakalma ay nakita ko nang naglalakad ang mga empleyado ko na kalalabas lang ng restaurant namin. Nakita ko si Tom na walang imik ngunit ngumingiti sa tuwing kinukulit ni Charm. Hindi nila ako napansin sa loob ng sasakyan dahil tinted ito at bago pa lamang kaya hindi nila ako mapapansin.
Lumapit sa kotse ko si Charm with an amazement look on her face. Kinabahan ako dahil baka nakita nila ako kahit tinted ito. Ngunit nawala ang kaba ko ng makita kong nag-pose ito katabi ng sasakyan ko at nagpapakuha ng picture kay Tom gamit ang cellphone nito. Well, hindi ko naman masisi si Charm dahil maganda naman talaga ang nabili kong kotse at latest model pa ito ng kilalang sports car. Nakailang pose din si Charm at nakita kong tawa at ngiti lang ang ginagawa ni Tom habang kumukuha ng shots. Hindi ko maiwasan ang titigan ang mukha ni Tom habang ngumingiti. Mayro’ng kakaiba dito na nakakagaan ng pakiramdam. Doon ko lang napansin na ang kaninang galit ko sa pag-alala sa past ko ay tuluyan nang nawala. Hinawakan ko ang aking dibdib. Kumalma na nga at naging normal na ang tibok ng puso ko. Napailing na lamang ako sa biglang pumasok sa isip ko. Tsk! Dala lang siguro ito ng pagod kaya nagkakaganito ako.
Hinintay ko muna silang matapos sa ginagawa nila bago ko pinaandar ang kotse ko at umalis pauwi sa condo ko.
Paguwi ko ay agad akong naligo at nagbihis. Humiga ako sa kama ko at inalala ang mga nangyari kanina nung nasa restroom kami ni Tom. Natatawa ako ’pag naaalala ko ang naging reaction n’ya kanina. Epic talaga ’yung pagkaka-tulala n’ya!
“Maghanda ka Tom, nag-uumpisa pa lang ako magsaya.” natatawa kong sambit. Hindi naman ako bully sa empleyado, natatawa lang ako sa pagkakataon dahil hindi ko alam na magkikita pa kami ng lalaking bumulyaw sa akin 3 weeks ago sa River Park ng mall.
Masama lang talaga ang mood ko ng mga oras na ’yun dahil sa hindi magandang nangyayari sa isang branch ng restaurant ko sa The Fort. Bumaba ang sales pero tumaas ang expenses nito.
Naglalakad ako nun sa lugar na ’yun matapos kong bumili sa starbucks ng paborito kong inumin tuwing stressed ako. Nakita ko ang lalaking kasalukuyang nagsisintas ng sapatos n’ya. Hindi ko din malaman sa sarili ko kung bakit hindi na lamang ako umiwas sa kanya dahil nakaharang nga s’ya sa daan. Nangyari na nga ang pagtayo nya at napahigpit at hawak ko sa iniinom ko dahilan para matanggal ang takip nito at matapon ang laman sa polo ko.
Aminado naman ako na masakit talaga ang mga binitiwan kong salita sa kanya. But I didn’t expect na sasabog s’ya sa galit at hindi nagpakita na nai-intimidate s’ya sa akin. I was about to call him pa nga and ask for an apology. But when I saw a tear fell from his eyes, parang nagbara ang lalamunan ko nang oras na ’yun.
Haay.. Sana isang araw masabi ko ang salitang sorry sa kanya. Pero paano ko magagawa ’yun kung nasimulan ko nang asarin s’ya? Hindi ko din maintindihan ang sarili ko eh! ’Pag kaharap ko na kasi s’ya, iba ang mga salitang lumalabas sa bibig ko sa gustong sabihin ko! Lumalakas din ang kabog ng dibdib ko. Siguro dahil nagi-guilty lang talaga ako! ’Yun na lang ang iniisip ko dahil hindi ko gusto ang idea na parang attracted ako sa kapwa ko! aarrgghhh!! Baka naman natutuwa lang ako sa lalaking ’yun? Lalaki ’yun Xander! Hindi Pwede! Paulit-ulit kong sinisigaw ’yan sa isip ko.
“Sana bumalik pa s’ya sa restaurant matapos ko s’yang hamunin kanina sa restroom.” piping wika ko.
Nakatulog ako sa daming gumugulo sa isip ko patungkol kay Tom.
Maaga akong pumasok kinabukasan dahil dinaanan ko pa ang isang branch ko sa The Fort. Lunchtime nang matapos kong i-check ang situation ng restaurant ko doon. Dumirecho ako ng Alabang para naman sa rstaurant ko dito.
“Good afternoon Sir Xander!” bati sa akin ng mga empleyado ko. Binati ko din sila at binigyan ng ngiti.
Pumunta muna ko sa office ko para ilapag ang mga gamit ko at dumirecho sa kitchen. Naabutan ko si Tom na nasa kitchen area at abala sa paghuhugas ng plato ng mga oras na ’yon. Nabuhayan naman ako ng loob dahil hindi ko akalaing papasok pa ulit ito matapos ang mga pagbabanta ko sa kanya kagabi. Ngunit kumunot ang noo ko nang maalala na dapat ay hindi dito ang station n’ya.
“Ah Xander, nandito ka na pala. By the way, Tom offered na s’ya na lang ang maging dishwasher for this day dahil hindi pumasok si Jello. May sakit daw eh. At since complete naman ang staff natin sa dining, pumayag na din ako. Is that ok?” si Shai na biglang sumulpot sa likod ko. Doon na lamang napalingon sa akin si Tom at ang iba pang cook na abala sa kani-kanilang gawain.
“Good afternoon Sir Xander! Ang gwapo natin ngayon ah. Ninakawan n’yo nanaman ako at humiram ng kagwapuhan kanina habang tulog ako noh?!” makulit na wika ni Jurnie na cook dito at ubod ng daldal. Nakaka-biruan ko din kasi ang isang ’to dahil matagal na din ito sa serbisyo. Likas na mababait ang mga empleyado ko dito at pinagpapasalamat ko iyon. Hindi ko na natugunan si Jurnie dahil binati din ako ni Tom.
“Good afternoon Sir Xander. I hope you don’t mind kung nandito ako sa teritoryo mo?” nakangiti itong nagtatanong sa akin. Lumitaw nanaman ang dimple nito habang nagsasalita lalo na nang ngumiti ito. Sh*t! Eto nanaman ’yung pyestahan sa dibdib ko. Sa halip na simpleng salita na ‘ok’ ang lumabas sa bibig ko ay nadagdagan pa ito.
“Ok.. But since you’re offering naman na, can you work for it for more days?” nabibigla kong sabi. Ewan ko ba kung bakit ko nasabi ’yon!
“Xander! What do you mean?! Pinahiram ko lang s’ya and I need him also sa dining!” baling sa akin ni Shai. Ang kaibigan kong sinamahan akong tumulong sa restaurant na ito instead of accepting the job of their own company. Kababata ko rin ito at saksi sa mga naging paghihirap ko sa nakaraan.
“And Shai, please call Jello and tell him to take a leave for his fast recovery.” utos ko sa kanya.
“Gahd Alexander! You’re unbelievable! Sayang naman kung nakakulong lang dito sa Tom! Why not getting a dishwasher d’yan sa mga tao mo?!” naiinis na sambit ni Shai while stomping her feet. Isip bata din ’to minsan eh. Ang gandang babae pero nawawala minsan ang pagiging finesse ’pag nagagalit. Kaya kahit kailan ay hindi ako nagkaron ng kakaibang feelings para dito. As in WALA! Ganun din naman s’ya sa akin dahil mas gusto nito ang mga lalaking may sense of humor na wala sa akin.
“It’s fine Ma’am Shai, makakabalik pa rin naman ako sa labas. And besides, andun naman sina Charm and the rest of the gang. I’m sure magagaling din naman sila sa pag-handle ng guests. Kaya nga po na-regular sila ’di ba?” patukoy ni Tom sa dining area na tinawag n’yang labas. Bakit ba ganyan sila sa kitchen? Kulungan ba ang tingin nila dito?
“See Shai? Ok naman pala kay Tom eh. So what’s the big deal? Part din naman ng training n’ya to ’di ba? Makakatulong din sa kanya ’to and for the company at the same time. Hindi na tayo kukuha pa ng part time or extra manpower just to cover Jello’s job kaya makakatipid din tayo.” mahaba kong linya kay Shai.
“Fine! Pero ’pag nasugatan ’yang si Tom or lalabas ’yan ng may burn sa kamay dahil sa maiinit n’yong equipment, ikaw ang mananagot sa akin! Sayang ang skin n’ya noh?!” pagsuko ni Shai at lumabas na ng kitchen.
Napansin kong nasa bandang oven na malapit sa pwesto namin ang Assistant kong si Randy na tahimik lang at marahil narinig n’ya ang pagtatalo namin ni Shai.
“Oh bro! Nandyan ka na pala. Kamusta? Kamusta operation dito kanina habang wala ako?” binati ko na lamang ito.
“Ok naman. At oo, matagal na ako dito. Ewan ko nga lang at bakit hindi mo napansin.” Humuhugot nanaman ’tong best friend ko. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nito. Mahirap na at baka mawala pa sa mood ’to at maapketuhan ang lasa ng kanyang niluluto.
Iginala kong muli ang aking mata sa loob ng kitchen. At eto, huminto nanaman ang mata ko sa pwesto ni Tom na abala sa paghuhugas ng mga utensils.
“Xander?” biglang tawag sa akin ni Randy. Dahilan para mabalik sa kanya ang tingin ko mula sa pagkakatitig kay Tom.
“H-ha?” tanong ko sa kanya. Ang tipid noh?!
“Ang sabi ko, sino ba gagawa sa napag-usapan nating costing para sa new menu? Ikaw ba o ako na?” nakataas na ang kilay nito sa pagtatanong.
“Ha?” natatanga kong tanong. Ano ba nangyayari sa akin?!
Umasim ang mukha nito at tumingin sa gawi ni Tom. Ganun din ako at nakita kong abala pa rin ito sa paghuhugas. Bumaling akong muli kay Randy at nakaisip ako ng idea.
“Ahm Randy, can you please do the costing this time and ako na muna ang bahala dito sa kitchen.” pakiusap ko sa kanya. Hindi ito nag-react pero nakikita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. S’ya kasi ang madalas na in-charge dito sa kitchen at kung hindi ako busy sa paper works ay saka lamang ako tumutulong dito. At dahil wala naman s’yang isinagot ay ako na lang muli ang nagsalita.
“Magbibihis lang ako.” tangi kong nasabi at lumabas na para magbihis ng chefs’ uniform.
Pagbalik ko ng kitchen ay nagulat pa ang iba kong staff dahil naka-uniform na nga ako. I must say, bagay talaga sa akin ang uniform na ’to.
“Chef namiss namin yan ah!” wika ni Jurnie.
“Talaga lang ah? ’Wag kayong mag-alala, mamaya ipaparamdam ko sa inyo na namiss ko din ang sumigaw at sitahin ang mga mali n’yong pagkain na mailalabas.” pabiro kong wika kay Jurnie.
“Eto na ang monster Chef! Kilos na mga bata! Ayusin ang trabaho kung ayaw n’yong may lumipad na sandok dito!” sigaw ni Jurnie sa iba pang nasa kusina.
Nakita ko si Tom na nakatitig lamang sa akin.
Hhhmmm… Gwapo ko sa uniform noh? pagyayabang ko sa aking isip habang nakatingin din sa kanya. Binigyan ko s’ya ng matamis na ngiti at nakita kong namula ang kanyang mga pisngi. Agad s’yang tumalikod at itinuloy ang kanyang paghuhugas ng tila natataranta pa. Natatawa ako sa kapilyuhan ko.
Dumating ang peak hours at naging busy na ang lahat ganun din ako. Sigaw dito at sigaw doon ang ginawa ko sa pag-call ng orders. Hindi na namin namalayan ang oras hanggang sa pagsara ng restaurant. Pagod ang lahat ngunit masaya naman dahil mataas ang sales ng araw na ito.
“Ok guys, thanks for this day. I’ll see you tomorrow. Good job by the way!” wika ko sa staff ko.
“Thanks Chef!” sabay-sabay nilang wika.
Nilingon ko si Tom sa kanyang pwesto at abala pa rin ito sa paghuhugas ng mga ginamit ng mga kusinero. Dapat ko rin itong pasalamatan sa pagtulong sa amin dito. Lumapit ako dito at tinapik sa balikat. Bahagya itong nagulat at nilingon ako.
“Ah Sir Xander kayo po pala.” wika n’ya at ngumiti.
Nakita kong pawis na pawis na ito ngunit suot pa rin nito ang magandang n’yang ngiti. Hindi ba ito napapagod?
“Sir?” paggising nito sa akin. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagkakatitig ko dito.
“Ahm.. A-ano.. B-bilisan mo ang ginagawa mo dahil marami ka pang lilinisin.” Sh*t! eto nanaman ang bibig ko! Bakit ba iba ang lumalabas ’pag kaharap ko na ’to?!
“Ah… Sige po Sir.” tangi n’ya na lang naisagot.
Itinuloy na nito ang kanyang ginagawa habang ako naman ay parang naubusan na ng sasabihin kaya tumalikod na lamang ako.
Putek! nakalimutan ko magpasalamat! sabi ko sa isip ko. Gusto ko man bumalik ulit sa kanya ay hindi ko na magawa pa dala na din ng hiya. Pambihira naman kasing utak ’to! Parang hindi umaandar ’pag kaharap ko na s’ya eh!
Pumunta na ako sa office ko para makapagbihis na din at maghanda sa pag-uwi. Habang inililigpit ang gamit ko ay pumasok sa office ko si Shai.
“So, how’s Tom? Ok ba s’ya?” tanong nito sa akin.
“I must say, he’s doing good.” tugon ko.
“See? I told yah! He’s one of the reasons kung bakit dumami din ang customers natin. They are always looking for Tom and asking him to be their server especially those college students.” pagmamalaki pa nito.
“Sa kitchen ulit s’ya until he finish his training. There’s 2 more days right?” bigla kong suggestion sa kanya.
“Sure thing. Pero ibabalik mo s’ya sa akin ah?! Tandaan mo, pinahiram ko lang s’ya sa’yo.” nakataas kilay nitong sabi.
“Yeah sure. I think he’s better in the dining area din naman.” sagot ko.
RANDY POV
Narito ako ngayon sa pintuan ng office ni Xander at sinadya kong hindi magpakita sa dalawa kong kaibigan na seryosong nag-uusap. Narinig ko ang seryoso nilang usapan tungkol kay Tom na bagong waiter dito sa restaurant.
Hindi ko maiwasan ang magtaka sa ikinikilos ni Xander simula nang dumating ang Tom na ’yan. Hindi kailanman nakialam si Xander sa kahit na sinong empleyado lalo na kung sa dining area naman ito naka-assign. He let Shai to do things na may kinalaman dito at sa akin n’ya naman pinagkakatiwala ang pagtanggap ng staff sa kitchen.
Iba ang pakiramdam ko sa bagay na ’to at hindi ko gusto ang idea na pumapasok sa isip ko! Kailangan ko pang mag-observe lalo na kay Xander. Malaki ang tiwala kong hindi sisirain ni Xander ang mga salitang sinabi n’ya noon sa akin nang ipagtapat ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
flashback….
“What?! You mean Randz you’re gay?? And what do you mean that you’re in love sa lalaking best friend mo?!! Is it me you’re referring to?! Ha?!!” galit na tanong sa akin ni Xander.
“I’m sorry Xandz….” ’yan na lamang ang nasabi ko.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin at patuloy lang ang pagtulo ng masagana kong luha ng mga oras na ’yun
at s’ya naman ay tahimik na nakatitig lamang sa akin.
Narito kami sa kanyang kwarto dahil nagyaya akong uminom. Sinabi kong may malaki akong problema at hindi naman ako nabigo na pakikinggan n’ya ako. Uminom lang ako ng uminom dahil kailangan kong mailabas ang saloobin ko. Hindi ko na kaya pang sarilinin ito dahil sa araw-araw na magkasama kami ni Xander ay lalong nahuhulog ang loob ko dito. Naging malapit kami simula nang unang araw namin nito sa college.
Naparami ang inom ko kahit na paminsan-minsan ay pinipigilan ako ni Xander.
Hinayaan kong lunurin ang sarili ko ng alak hanggang sa makayanan ko nang sabihin ang nararamdaman ko.
Nangyari na nga ang pagtatapat ko sa kanya at tinangka kong halikan s’ya ngunit maagap s’ya at napigilan ako sa gagawin ko. Tinulak n’ya ako ng buong lakas na s’yang ikinatumba ko. Tinanong n’ya ako kung ano daw ba ang problema ko at pinagtapat ko nga na nagmamahal na ako sa best friend ko.
Matagal na katahimikan ng namayani sa amin. Matapos ang mahabang pag-iisip n’ya marahil ay n
arinig ko s’yang bumuntong ng hininga at lumapit ng bahagya sa pwesto ko.
“Randz… You’ve been good to me eversince. Best friend kita at higit sa lahat kapatid na ang turing ko sa’yo. Hindi ako against sa third sex o sa mga katulad n’yo. Pero, I’m sorry Randz… hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo. We can stay the way we are, best friends. Ayokong masira lang ’yon dahil d’yan sa feelings mo. I promise you walang magbabago. Pero…… Alam mo naman na straight ako ’di ba? ahm…. Kasi, I can’t imagine myself na nakikipagrelasyon sa kapwa ko lalake. I hope you understand.” mahaba nitong paliwanag at nagkamot pa ng batok matapos n’yang sabihin ’yon.
Tahimik lamang ako ng mga oras na sinasabi n’ya ang mga salitang ’yon. Best friends.. Yeah.. Best friends lang talaga ang pwedeng maging relasyon namin ng lalaking nasa harap ko ngayon.
Tumawa ako ng bahagya na s’ya naman n’yang ipinagtaka.
“Anong nakakatawa?” tanong n’ya.
Umiling muna ako ng bahagya habang natatawa sa pangyayari sa aming dalawa.
“Wala Xandz. Natatawa lang ako dahil ang ine-expect ko ay matatapos ngayong gabi ang friendship natin eh.” paliwanag ko.
Lalo namang kumunot ang noo nito.
“Baliw ka ba? Dahil ba sa pinagtapat mo ang sexuality mo kaya ganun ang tingin mong mangyayari? Randz, hindi naman mapapantayan ang pinagsamahan natin nang dahil lang sa ganyan ang sexual preference mo. Hindi ko tinitingnan ng mga ganung bagay. As long as naging totoo ka sa akin at nand’yan kayo ’pag kailangan ko, sapat na ’yun para tanggapin ko kayo.” mahaba pa ulit nitong paliwanag.
’Yan ang best friend ko. Napakabuting tao kaya siguro nahulog din ako sa kanya.
Hindi lahat ng tao ay may kakayahan na tanggapin ang mga taong katulad ko at isa na dito ang mga magulang ko.
“So, walang magbabago?” tanong ko sa kanya.
“Best friend pa rin kita gago!” sigaw nito sa akin. Tumingin na lamang ko sa kanya habang nilalahad n’ya ang kanyang kamay upang alalayan akong tumayo. Nagsalita pa ulit ito na parang walang nangyaring hindi maganda sa pagitan namin.
“Tara! Ituloy na ’tong inuman. Pero ’wag mo ’ko gapangin ’pag nakatulog ako ah? Kundi masasapak na kita! Hindi lang tulak ang mapapala mo!” biro n’ya matapos akong alalayan
. Itinaas n’ya rin ang kanyang kamao na pinahihiwatig na susuntukin talaga ako nito.
“Ulol! Hindi pa ako desperado!!” at sabay na kaming tumawa.
Hindi nga ako binigo ni Xander sa mga sinabi n’ya sa akin. Hindi s’ya nagbago sa pakikitungo n’ya sa akin. Mag-best friends pa rin kami at nariyan pa rin s’ya tuwing kailangan ko s’ya at ganun din naman ako sa kanya.
Dumating din ang oras na nagmahal s’ya at nabigo pero hindi ko pa rin s’ya iniwan. Bumangon s’ya mula sa pagkabigo at naroon pa rin ako sa tabi n’ya. Kahit ang pagpasok n’ya sa culinary school ay sinamahan ko s’ya maging sa pagtayo ng business na ito.
Hindi ko kailanman iiwan ang taong nagpahalaga sa akin na hindi kayang gawin ng iba. Kung may nagbago man sa amin ay itong nararamdaman ko. Mas lalo ko s’yang minahal ngunit kailangan ko na lamang itong itago at makuntento sa samahan namin.
end of flashback……..
Nagpasya na rin akong umalis matapos kong marinig ang pag-uusap ni Shai at Xander. Tama na ang mga narinig ko.
Malalim ang iniisip ko nang mga oras na ’to. Kung tama ang nararamdaman ko sa mga ikinikilos ni Xander ay hindi ako makakapayag na matupad ito. Walang pwedeng makinabang sa kanyang iba lalo na at mas matagal na ang aming pinagsamahan. Hindi ako papayag na sa iba s’ya mapupunta lalo na at wala itong naging sakripisyo para sa kanya. Hindi kailanman mapapantayan ng Tom na ’yan ang mga hirap ko!
“Hindi ka nararapat sa kanya Tom!” bulong ko sa aking sarili at tinungo na ang daan palabas ng restaurant.
A/N
Musta guys? Nagpakilala na si Chef Randy sa chapter na ’to. Next week na po siguro ang next chapter kasi magiging busy ulit ang lola n’yo.. Tuwing restday lang kasi ako nakakapag-concentrate eh.. Later guys! Have a great weekend! Tsup!
cold_deee
chapter 4 - white chocolate mousse
A/N
Hi guys! Here’s chapter 4 mga mahal kong readers! enjoy!
-please paki-play ng nasa media para mas feel na feel ang pagbabasa ha? tenkyu!
XANDER POV
Narito ako ngayon sa isang hotel at kasalukuyang nasa malaking function hall nito. Kumikislap ang paligid dahil sa mga palamuti at nagkalat na dekorasyon ng mga puting bulaklak.
Narito rin ang mga mahal ko sa buhay na masaya sa mangyayari ngayong gabi. Nakikita ko ang saya sa kanilang mga mukha lalo na ang anak kong si Carla. She’s wearing an elegant gown at katabi n’ya ang mga magulang ko na hindi mapapantayan ang saya sa kanilang mga mukha.
Narito rin ang mga empleyado ko sa restaurant at masayang pinapanood ako na nag-aabang dito sa dulo ng isang aisle. Sila rin ay magiging saksi sa magandang pagbabago sa buhay ko. Nasa likod ko naman ang isang tao na magdedeklara maya-maya lamang na makakamit ko na ang matagal ko nang inaasam. Ang makasama ang taong pag-aalayan ko ng pang-habang buhay na pagmamahal.
I’m wearing a
white suit na may blue necktie at masasabi kong pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Ngayon magaganap ang pinakahihintay kong masayang kaganapan ng buhay ko.
Nagsimula nang tumugtog ang song na nababagay sa okasyong ito. Kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto ng function hall na may ilang metro ang pagitan mula sa kinatatayuan ko.
Naroon ang taong hinihintay ko dito sa kinatatayuan ko.
Halos masilaw ako sa nakikita kong liwanag na nagmumula sa likod ng taong makakasama ko habang buhay. Nasundan din ito ng usok na nagmumula fog machine sa magkabilang side ng kinatatayuan nito. I must say, perfect ang entrance ng mahal ko.
Nagsimula na rin itong maglakad dahan-dahan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maaninag ang mukha nitong taong nagpapasaya sa akin. Pareho ang aming suot na white suit ngunit pula lamang ang kulay ng kanyang necktie.
“Beautiful In White”
Not sure if you know this But when we first met I got so nervous I couldn’t speak In that very moment I found the one and My life had found its missing piece
So as long as I live I’ll love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now to my very last breath This day I’ll cherish You look so beautiful in white Tonight
What we have is timeless My love is endless And with this ring I say to the world You’re my every reason You’re all that I believe in With all my heart I mean every word
So as long as I live I’ll love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now to my very last breath This day I’ll cherish You look so beautiful in white Tonight
Nang makalapit na ito sa akin ay inilahad ko na ang aking kaliwang kamay upang abutin ang kanyang mga kamay. Hindi ko pa rin maaninag ang mukha nito. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng song na napili ko para sa okasyong ito, para sa mahal ko.
Nagsimula na nga ang seremonya at walang mapaglagyan ang saya ko. Nakangiti lang ako sa buong oras na nagsasalita ang taong magdedeklara ng pagiging isa namin ng mahal ko. May nakikita din akong saya sa mukha ng taong katabi ko bagamat hindi malinaw ang repleksyon nito. Kilalang-kilala ko ang ngiti na ito. Ito ang ngiting nagpukaw ng attention ko.
“You are now and forever partners in life.” wika ng lalaki sa harapan na nagkasal sa amin. “You may now kiss each other.” nakangiti pa nitong dugtong.
Agad kong hinarap ang taong nasa aking tabi. Nakangiti akong tumingin ng derecho dito. Hindi ko talaga maitago ang saya ko. Nagiging malinaw na rin paunti-unti ang repleksyon ng taong ito.
Habang palapit ng palapit ang mukha ko dito para mahalikan ay nakita ko na ng malinaw ang mukha nito. Kaunti pa at maglalapat na ang aming mga labi.
S’ya….. s’ya ang taong nasa harap ko at makakasama ko habang buhay…
……. si Tom…..
“Aaaahhhhhhh!!!!!!!!” sigaw ko kasabay ang pagbalikwas ko sa aking kama. Napahawak rin ako sa aking dibdib at sunod-sunod ang naging paghinga ko.
“Sh*t! Ano ’yun?!” wika ko at sinapo ang aking ulo. Tumingin ako sa wallclock ko at nakita kong madaling araw pa lang. Napansin ko din na suot ko pa rin pala ang headset ng cellphone ko at nakatulugan ko na pala ang pagpapatugtog dito. Tumutugtog dito ang kantang nasa panaginip ko kanina lang.
Humiga ulit ako sa kama at hindi pa rin natatanggal sa isip ko ang naging panaginip ko. Hindi ako mapakali at tinatanong ang sarili ko kung bakit ganun ang napanaginipan ko. Hindi ko din tinanggal ang headset sa tenga ko and this time, pinatugtog ko pa ang kantang ’to ng Westlife ng naka-single repeat.
“Ang weird…” nasabi ko ng pabulong. “Pucha! Nababakla na ba ako?!” dugtong ko pang tanong sa sarili.
Paikot-ikot ako sa kama ko at hindi na ako dinalaw pa ng antok. Matagal akong nag-isip sa kakaibang nangyayari sa akin. Tinanggal ko ang headset at pinatay ang cellphone ko.
“Hindi pwede ’to! Hindi ’to pwedeng mangyari! Hinding-hinde!!” sigaw ng isip ko.
Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi mangyari ang nasa panaginip ko. Nagkataon lang ’yon! Siguro dahil sa nakikita ko s’ya araw-araw. Paano ko ba s’ya maiiwasan? Ayaw ko naman maging unfair sa kanya dahil nagtatrabaho naman s’ya ng maayos. At balita ko pa ay breadwinner ito sa kanyang pamilya. Isa ’yan sa mga sinabi ni Shai nung magkausap kami.
Nabuo ang aking desisyon na iiwasan ko na lamang s’ya para kahit sa panaginip ay lubayan ako ng kanyang mukha.
Bumangon ako sa pagkakahiga at nag-asikaso na lamang ng sarili para pumasok sa trabaho. Uunahin ko na munang puntahan ang restaurant ko sa The Fort.
TOM POV
Maaga akong pumasok ngayong araw na ito dahil iba ang schedule ko mula ngayong araw at bukas dahil sa kitchen pa rin ako naka-duty. Masaya naman akong binati ng mga kasamahan ko sa kusina kahit abala sila sa kanya-kanyang trabaho.
Sinimulan ko na ang mga dapat kong gawin. Good vibes lang. Good vibes lang. Positive lang dapat! ’Yan ang lagi kong iniisip sa tuwing magsisimula ang araw ko.
Dumating ang lunch at naging busy nanaman kami ng mga oras na ’yun. Nakita naming lahat ang pagpasok ni Sir Xander sa kitchen suot ang kanyang upper Chef uniform at maong pants sa pangbaba na talaga namang bagay sa kanya. Binati naming lahat ito ngunit hindi ito tumugon. Tahimik lamang ito habang iginagala ang mata. Hindi din ito tumingin sa pwesto ko.
“Mukhang badtrip Chef ah? Masama ba gising mo?” birong tanong ni Jurnie na makulet. Tinitigan lamang ito ni Sir Xander ng masama.
Ibinaling naman agad ni Jurnie ang tingin n’ya kay Daniel na kasama din namin sa kitchen at nagkunwaring ito ang kausap n’ya.
“Ha Daniel? Masama ba gising mo? May bago akong games sa cellphone ko, laruin natin maya para mabawasan pagka-badtrip mo! Astig ’to pre! Plapi bird ba ’yun? ’Yung ibon na mabigat ang nguso at ulo! Kaka-download ko nga lang sa play store eh. “ pagpapalusot pa nito.
“Pare, wala na ’yun sa play store matagal na. Baka hindi mo lang alam kaya pinapaalam ko na sa ’yo. Saka Flappy bird ’yun! Hindi Plapi bird! Clash of Clans na lang sana sinabi mo para hindi halatang nagpapalusot ka!” tugon dito ni Daniel.
Nakita kong siniko na lamang ni Jurnie si Daniel dahil sa pagkapahiya.
“Do your job well today. Ayokong may maging complain tayo ngayong araw. May oras ang biruan at ’pag oras ng trabaho, magseryoso kayo.” malamig na sabi ni Sir Xander.
Natahimik na lamang ang lahat dahil sa kakaibang pinapakita ni Sir Xander ngayon.
“Ayoko rin ng tumutunganga lang habang marami pang dapat hugasan.” dagdag pang sabi nito na hindi tumitingin sa akin o sa gawi ko. Salitang nagpagising sa akin dahil ako lang naman ang dishwasher ng mga oras na ’to. Agad akong kumilos at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Naging mas busy nga kami hanggang sa maggabi. Ganun pa rin si Sir Xander, cold pa rin ang treatment sa amin at kahit minsan ay hindi tumingin sa akin kahit nung bumalik ako galing sa break ko.
“Sinong naghugas ng mga equipment na to?!!” biglang sigaw na patanong ni Sir Xander. Nagulat kaming lahat at hindi nakapagsalita ang kahit na sino man sa mga kusinero.
At dahil ako lang naman ang dishwasher ng shift na ’yon ay walang duda na ako ang tinatanong nito.
“A-ako po Sir.” kinakabahan kong sagot.
“Didn’t you know na after nitong hugasan ay dapat ibabad ’to sa mainit na tubig?!” sigaw ulit nito patukoy n’ya sa mga equipment na hindi ko naibabad sa mainit na tubig. Eh hindi pa naman ako tapos eh. Katatapos ko lang kaya banlawan ’yung mga yun. Atat lang?
“Ah Sir, hindi ko pa po naibababad ’yan kasi isasabay ko na lang sana itong iba dito na hindi ko pa tapos banlawan.” pagrarason ko dito.
“Nag-iisip ka ba?! Eh kung kailanganin na agad ’yang mga yan?! Hihintayin pa ba namin na matapos mong hugasan ang iba bago pa namin magamit ’yang mga ’yan?!” bulyaw ulit nito sa akin.
“Ahm, sige Sir ibababad ko na.” sagot ko na lamang.
“No! Ulitin mong hugasan ’yang mga ’yan dahil mukhang kanina pa ’yan naka-expose! And please! Pakibilisan! Matuto kayong kumilos ng tama para walang pumapalpak!” sigaw nitong muli at inihagis sa sink na nasa harap ko ang hawak nitong mga kagamitan na kanina lamang ay binanlawan ko.
Hindi na lamang ako umimik bagamat nagulat ako at sinunod na lang ang kanyang iniuutos. Mabilis kong hinugasan ang nakatambak sa lababong iyon.
“Aray!” bahagyang napalakas ang boses ko dahil nakaramdam ako ng hapdi sa aking kamay. Nang itaas ko ang aking kamay ay unti-unting may masaganang dugo ang dumadaloy dito. Marahil ay may nakahiwa sa aking isang bagay mula sa mga hinuhugasan ko.
Agad namang lumapit sa akin si Daniel at hinawakan ang kamay kong may tumutulong dugo.
“Sh*t! What happened?! Are you ok?!” taranta nitong tanong.
Napatingin naman sa amin si Sir Xander at ibang katrabaho ko na nasa loob ng kusina. Nakita kong parang nabigla pa ito at kung hindi ako nagkakamali ay nakitaan ko ito ng pag-aalala sa mukha.
“Nasugatan ata ako sa isa sa mga hinuhugasan ko.” sagot ko kay Daniel. Ininspeksyon ni Daniel ang mga nasa sink.
“Eh paanong hindi ka masusugatan?! Eh nandito din ang knife sa mga hinuhugasan mo?! Bakit kasi naisama ’yan dito? Hindi ba dapat nakahiwalay ’to?!” tanong nito. Hindi na lamang ako umimik. Hinila ako nito ni Daniel at nagpaalam kay Sir Xander.
“Sir, dalhin ko lang muna s’ya sa crew room. Kailangan magamot muna ang sugat n’ya, baka ma-infect pa.” pagpapaalam nito. Wala pa rin imik si Sir Xander at nakatingin lamang ito sa amin habang kami ay palabas ng kusina. Narinig ko pa si Jurnie na nagsalita at kinausap si Sir Xander.
“Hala ka Chef! May naitapon ka atang kutsilyo dun kanina sa sink kaya nasugatan si Tom! Hala ka!” at tuluyan na nga kaming nakalabas.
Tinungo na nga namin ni Daniel ang crew room at agad din ako nitong pinaupo pagkarating dito. Kinuha n’ya ang medicine kit naming mga empleyado na nasa loob lang ng CR namin dito.
“Akin na ’yung kamay mo Tom, lagyan muna natin ng alcohol para malinis.” Utos ni Daniel.
“Ah, ’wag na Daniel. Kaya ko naman na ito. Bumalik ka na dun at baka hinahanap ka na din ni Sir.” agad kong sagot dahil nahihiya rin ako dito. Para akong batang nasugatan at kailangan pang gamutin ng nanay.
“Wag nang matigas ang ulo Tom. Saka saglit lang naman ito, matatapos din agad ito lalo na kung wala ka nang reklamo.” mariin nitong tugon. Hindi na lamang ako umimik dahil tama nga naman s’ya, tatagal lang kami lalo dito kung makikipagtalo pa ako.
Habang nililinis ni Daniel ang aking sugat ay hindi ko maiwasang titigan ito. Gwapo din naman itong si Daniel, magaganda ang expressive n’yang mga mata at matangos ang ilong. Hindi rin magpapahuli ang kakisigan nito lalo na’t matangkad ito. Hinipan nito ang sugat ko matapos lagyan ng alcohol. Bahagya akong napangiwi dahil sa hapdi pero hindi nakaligtas sa akin ang mabango nitong hininga.
“Masakit pa ba?” tanong nito at derechong tumingin sa mga mata ko. Ngayon ko lang napansin na masyado palang malapit ang pagitan ng aming mga mukha. Agad kong iniwas ang aking tingin at lumayo ng bahagya dahil nakaramdam ako ng pagkailang.
“A-ayos na ako. Sige na, baka marami na kayong dapat gawin dun sa kusina. Susunod na lamang ako pagkatapos kong iligpit ’tong medicine kit.” nauutal ko pang sabi.
Bumuntong hininga s’ya.
“Babalikan kita, d’yan ka lang.” bigla nitong sabi.
“Ha?” parang tanga kong tugon. Pero hindi na ako nito sinagot at lumabas na ng crew room.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng crew room at inilabas ang maingay na nilalang.
“OMG bessy??! Ano’ng nangyari??!” nag-aalalang tanong ni Cha.
“Nasugatan lang bessy, malayo sa bituka. Teka, ’di ba on duty ka pa? Bakit andito ka?” tugon ko dito.
“Pinakiusapan kasi ako ni Daniel at ipinagpaalam kay Mam Shai para puntahan ka dito. Ahm, bessy ok ka lang ba?” kita ko ang pag-aalala dito.
“Ano ka ba naman bessy, sugat lang ’to! Hindi ’to nakakamatay. Sabi ko nga, malayo sa bituka ’to.” sagot ko dito. Ayaw kong nag-aalala ito.
“Hindi naman ’yun ang ibig kong sabihin bessy eh. Ok ka lang ba dun sa kitchen? Ang totoo n’yan narinig namin na pinapagalitan ka kanina ni Sir Xander. Kahit si Mam Shai nagtataka sa pagsusungit ni Sir Xander ngayon, pero wala s’yang magawa dahil si Sir Xander ang namamahala sa loob ng kusina. Baka lalo pang mapasama kung papasok s’ya dun.” paliwanag nito.
Bahagya naman akong naawa sa sarili ko. Pero hindi ako dapat magpakita ng kahinaan dito.
“Ok lang ako bessy. Saka parte naman ’to ng trabaho eh. Wala kang dapat ipag-alala, maliit na bagay lang ’yun. Marami na akong naging trabaho kaya sanay na rin ako sa mga ganun.” pagpapakalma ko dito. Alam ko kasing hindi ako tatantanan nito ni Cha. Overprotective kasi ito sa akin at ganun din ako sa kanya.
“Sabi mo ’yan ah? Basta ’pag nahihirapan ka na magsabi ka lang ha?” malungkot nitong pakiusap. Ngumiti na lamang ako at tumango.
“Tara na Tom! Iuuwi na kita.” ang biglang sulpot no Daniel. Hindi na din ito naka-uniform.
“Ha?” parang tanga ko nanamang tanong. Somehow parang nagkaro’n ng double meaning ang sinabi n’ya.
“Ang ibig kong sabihin ihahatid na kita sa inyo.” paliwanag nito sa sinabi n’ya.
“T-teka, ’di ba naka-duty ka pa? Saka kaya ko naman eh,sugat lang ’to Daniel. At isa pa ilang oras na lang naman out na din naman ako. Tatapusin ko na lang shift ko.” sagot ko sa kanya.
“Una, nagpaalam na ako na mag-undertime. Pangalawa, pano ka pa makakapaghugas kung may sugat nga ang kamay mo? Pangatlo, pumayag na din si Chef Xander nung ipinagpaalam kita. ’Yung isa sa mga kusinero na lang ang maghuhugas pansamantala hanggat wala pa ang reliever mo. At pang-apat, ’wag ka nang pumalag dahil masasayang lang ang pag-a-undertime ko kung hindi kita maihahatid. Kuha mo?” mahaba nitong paliwanag. Hindi na ako nakapagsalita dahil nahihiya talaga ako, nag-undertime ba naman kasi para lang maihatid ako.
“Pumayag ka na bessy. Isipin mo na lang makakalibre ka ng pamasahe.” bulong ni Cha sa akin. “At ikaw naman Daniel, ingatan mo ’tong best friend ko kundi babatukan talaga kita ’pag may mangyari ulit dito!” baling n’ya naman kay Daniel.
“No worries Charm, akong bahala sa best friend mo.” nakangiting sagot nito kay Cha. “So, let’s go Tom?” Baling naman nito sa akin. Wala na nga akong nagawa at tumayo na lamang ako at kinuha ang mga gamit ko sa locker ko. Nagpaalam na din ako kila Mam Shai ganun din sa mga kasama ko sa kitchen. Wala dun si Chef Xander kaya hindi ko na nagawa pang magpaalam dito.
Pumunta kami ni Daniel sa parking lot. Anong gagawin namin dito?
May sasakyan ba ’to? Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko.
“Hahaha! May motorbike ako Tom, kaya nandito tayo.” biglang salita ni Daniel. Pucha! Nababasa ba nito ang isip ko?!
“Wala akong ganung kakayahan Tom, sadyang nasasabi mo lang siguro nang hindi namamalayan ang tanong mo sa isip mo. Hahahaha!” tuwang-tuwa nitong sabi.
“Aahh… Hehe.. Pasensya na..” tangi ko na lang nasabi.
Nakarating kami sa sinasabi nitong motorbike at napanganga ako sa aking nakita. Akala ko ay normal na motor lang ang meron ito, pero laking gulat ko na mamahaling Ducati bike ang pinaglagyan nito ng susing hawak n’ya. Hindi naman ako ignorante sa mga ganitong bagay. Lalaki pa rin ako at may interes sa mga ganitong bagay kaya may nalalaman ako dito.
“Oh, suot mo ’to.” utos n’ya at ibinigay sa akin ang isa pang helmet. Sinuot ko ito at hinintay ko muna s’yang makasakay sa kanyang motor bago ako umangkas dito. Humawak ako sa kanyang balikat para may makakapitan ako ’pag nagsimula na itong magmaneho.
“Hindi kami komportableng mga driver ng bike ’pag sa balikat namin nakahawak ang angkas namin. Baka madisgrasya tayo.” wika n’ya. Tinanggal n’ya ang aking mga kamay at inilagay ito sa kanyang bewang. Bigla akong nahiya at bahagyang niluwagan ang pagkakahawak dito. Sa suot n’yang jacket na lang ako kumapit. Pwede na siguro ito.
“If that’s what you want.” wika n’yang nakangisi na hindi ko na lamang pinansin.
Sinimulan n’ya nang painitin ang makina ng motor at nang makita n’yang pwede na itong itakbo ay agad n’yang pinahaharurot ito.
“Putek!” bulalas ko dahil sa gulat at takot. Napayakap ako sa bewang n’ya at naramdaman kong natawa pa ito ng bahagya.
Habang nasa kalsada ay naalala kong hindi ko pa pala nasasabi kay Daniel kung saan ako nakatira.
“Daniel! Ituturo ko na lang sa’yo kung saan ang daan pauwi sa amin!” Medyo pasigaw kong sabi dahil naka-helmet nga kami at maingay ang paligid dahil sa iba pang saksakyang nakakasabay din namin sa kalsada.
“Ok! Pero may dadaanan lang ako ha? Saglit lang naman ’to tapos uuwi na din tayo!” may kalakasan din n’yang sabi.
“Sige lang, walang problema!” sagot ko. Libre naman ang sakay eh. Hehe!
Huminto kami dito sa bahagi ng baywalk at ipinarada ng maayos ang kanyang motor. Nagtataka man ay sumunod pa rin ako sa kanya. May tinawag s’yang isang lalaki at nakita kong inabutan n’ya ito ng pera. Nakaramdam naman ako ng takot sa tagpong iyon.
“Pinababantayan ko lang ang motor ko sa kanya. Mahirap na, marami pa rin ang loko-loko ngayon.” nakangiti n’yang sabi sa akin. ’Yung totoo? Mind reader ba ’to? Nasasagot n’ya kasi ang mga tanong sa isip ko. Tango na lamang ag aking naisagot.
Naglakad-lakad na nga kami sa kahabaan ng Baywalk at napansin kong palinga-linga ito. Maya-maya pa ay napangiti ito at huminto ang tingin sa isang direksyon.
“Aling Tasing!” sigaw ni Daniel habang kumakaway pa. Nakita ko ang may edad na babae na napatingin sa gawi namin. May hawak itong basket na sigurado akong balut at penoy ang laman dahil may mga chicharon ding nakasabit dito. Ngumiti ito ng malapad nang makita si Daniel.
“Daniel! Anak!” excited na sabi ng tinawag n’yang Aling Tasing.
“Kamusta po? Na-miss ko kayo ah! Nasa’n ang mga bata?” magiliw na wika ni Daniel.
“Kuya Daniel!!!” sigaw ng mga bata na nagmula sa aming likuran. Lima sila, dalawang babae at tatlong lalaki. Tila nakitaan ko sila ng pananabik. May mga hawak itong mga rosas na marahil ay inilalako.
“Oh! Nariyan pala kayo! Kamusta?” tanong nito sa mga bata habang isa-isang ginugulo ang mga buhok ng mga ito.
“Ayos naman kuya! Mababait kami kagaya ng bilin mo!” nakangiti nilang tugon.
“Namiss ko kayo kaya dumaan muna ako dito. Ah, s’ya nga pala Aling Tasing at mga bata, may kasama ako. S’ya si Tom, katrabaho ko. Sinamahan lang ako saglit para dalawin kayo bago ko s’ya ihatid pauwi.” pakilala n’ya sa akin sa mga ito. “At Tom, si Aling Tasing naman ito, ang mga batang ito naman ay sina Let-let, Yeng, Jerome, Kit at Egoy.” pakilala n’ya rin sa mga ito sa akin.
“Kamusta po kayo? Ako po ulit si Tom.” pagpapakilala ko ulit at binigyan ko sila ng magandang ngiti.
“Hala! S’ya ba ’yung sinasabi mo Kuya Daniel??” manghang sabi nung Let-let.
“Ha?” takang tanong ko.
“Oo nga kuya Daniel! S’ya ba ’yun?? Ang sabi mo kasi noon may dimple s’ya eh, kagaya ko..” inosenteng tanong naman ni Egoy.
“A-ahm…” tanging sambit ni Daniel. Nagtaka naman ako dahil hindi naman kami close nitong si Daniel para maikwento ako sa mga ito dahil magkaiba ang station namin sa trabaho. Ngayong araw nga lang kami nakapag-usap ng matagal, dahil hanggang ngiti at batian lang kami sa trabaho.
“Naku! Kayo talagang mga bata kayo! Tigilan n’yo nga ang kuya n’yo sa pangungulit at baka umuwi din ’yan agad at hindi na tayo dalawin ulit dito.” pagputol ni Aling Tasing sa mga bata. “Kayo naman mga iho, kumain na ba kayo?” baling naman nito sa amin.
“Opo, tapos na Aling Tasing. Kagagaling lang namin sa trabaho at may free meal naman kami doon kaya busog pa naman po kami. Talagang dinalaw lang po namin kayo para kamustahin. Aalis din po kami agad kasi kailangan ko pa pong ihatid ’tong si Tom eh.” sagot dito ni Daniel.
“Ganun ba? O s’ya, eto na lang balut, baunin n’yo pauwi. Dalawin n’yo na lang ulit kami dito sa ibang araw.” wika ni Aling Tasing matapos ilagay sa papel at plastic ang dalawang pirasong balut.
“Akin na po Aling Tasing! Salamat!” agad na pagkuha ni Daniel sa mga balut. Hindi man lang tumanggi ’tong isang ’to?! Mukhang maliit na nga lang ang kita sa pagtitinda nun eh, tinanggap pa rin!
“Tom, mauna ka nang maglakad. May sasabihin lang ako kay Aling Tasing saglit tapos hahabol na lang ako.” wika ni Daniel sa akin. Tumango na lang ako at nagpaalam na din sa mga ito.
“Mauna na po ako Aling Tasing at mga bata. Mag-iingat po kayo. At salamat nga po pala sa balut Aling Tasing.” magalang kong pagpapaalam.
“Sige iho, ikaw din. Salamat sa pagsama dito kay Daniel.” nakangiting wika ng matanda.
“Balik ka Kuya Tom ha? Tapos kwentuhan mo kami ng mga nakakatakot!” sabi ni Egoy. Napangiti naman ako sa sinabi nito.
“Sige ba! ’Yun lang pala eh! Kita tayo sa susunod.” nakangiti ko pa ring sagot.
Tumalikod na nga ako pero nang makalayo ako ng konte ay nilingon ko silang muli. Nakita kong may iniabot si Daniel sa kamay ni Aling Tasing pero isinawalang bahala ko na lamang iyon. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa motor ni Daniel.
“Sorry kung natagalan. Biglang sulpot ni Daniel at umakbay sa akin. Mas matangkad din pala ito ng konti sa akin?
“Ayos lang, ’wag kang mag-alala.” nakangiti kong sagot at hindi na pinansin ang pagkakaakbay n’ya sa akin.
Bumyahe na nga kami ng tahimik at nakarating sa bahay namin.
“Sigurado ka bang ayaw mo munang pumasok?” tanong ko sa kanya dahil gusto ko muna s’yang patuluyin kahit saglit bilang pasasalamat man lang.
“Ayos lang Tom, next time na lang. Saka late na din eh, may pasok pa din tayo bukas. Pahinga ka na din.” wika nito na sinukuan ko na lamang.
“Kaw ang bahala. Salamat nga pala ha? Malaki ang naitulong mo sa akin ngayong araw na ito.” nahihiya kong sambit.
“Wala ’yun! Maliit na bagay.” maikli n’yang sagot. Natawa naman ako sa sinabi n’ya.
“O sige na, ingat ka na lang paguwi ha?” sabi ko dito.
“Yes Master!” sagot nito at sumaludo pa ito. Pinaandar n’ya na nga ang kanyang motor at kumaway na lamang ako dito.
Bago ako pumasok ng bahay ay may napansin akong sasakyan na nakaparada sa kabilang side ng kalsada namin na tila pamilyar sa akin. Akmang lalapitan ko na sana ito ngunit mabilis din itong umandar palayo. Ipinag-kibit balikat ko na lang ito at tuluyan nang pumasok ng bahay namin.
Tomorrow will be another day! Be positive Tom! Good vibes lang! Sigaw ko sa aking isip.
A/N
Woah! Napahaba ata chapter na ’to ah?! Anyway, na-excite ako mag-update agad kasi nakarinig ako ng magandang music kanina kaya biglang may nag-pop up na scenario sa utak ko. Thanks sa pagbabasa guys! later! tsup!
-cold_deee
chapter 5 - cookie crumble
A/N
Hello guys! Musta naman ng lahat? I hope all is well.. Review tayo sa last chapter..
Ano nga kaya ang magiging papel ni Daniel sa story na ’to? Marami pang mangyayari and sana hindi kayo magsawang magbasa lalo na sa mga kawork ko kahit na minsan pinipilit ko na kayo magbasa.. Hahahaha! Sa mga susunod sigurong chapters magdedicate na ulit ako.
Anyway, here’s chapter 5. Enjoy! Tsup!
——>si Daniel nga po pala ’yung nasa media. Cute ba?
TOM POV
Alas dose ng tanghali nang ako ay pumasok sa trabaho. Lunch time kaya expected na maraming tao. Pagkapasok ko ay binati ko ang mga kasamahan ko dito sa kitchen.
“Good afternoon po!” bati ko sa mga kasamahan ko. Binigyan naman nila ako ng ngiti at ang ilan naman ay tumango as a sign ng kanilang pagbati pabalik. Hindi ko alam na nasa bahaging sulok ng kitchen sina Sir Xander at kausap nito si Chef Randy.
“Ahm, Good Afternoon din po Sir Xander and Chef Randy.” bati ko din sa kanila. Tumango naman si Chef Randy sa akin ngunit tahimik lang na nakatingin sa akin si Sir Xander. Problema nito? Sungit talaga. -_-’
“Tom!!” biglang tawag sa akin ni Daniel suot ang magandang ngiti.
“Uy Daniel! And’yan ka na din pala. Kamusta?” bati ko dito. Humarap na din ako sa lababo upang simulan ang aking trabaho.
“Ayos lang. Wait lang, ’wag mo muna basain kamay mo.” utos nito na s’yang pinagtaka ko.
“Ha?” taka kong tanong. Napapansin ko lang, gamit na gamit ko na ata ang maikling tanong na ito these past few days.
Tumungo si Daniel sa lugar kung saan nakalagay ang mga kagamitan para sa mga take out containers at iba pang kagamitan sa kitchen. May kinuha s’ya mula doon at hindi ko napansin kung ano ’yun. Lumapit ito sa akin na hindi naaalis ang pagkakangiti.
“Kamay mo.” maikli nitong sabi.
“Ha?” eto nanaman ang monologue ko.
“Sabi ko akin na ang kamay mo.” utos sa akin ni Daniel. Nagtataka man ay sinunod ko na lamang ito. Inangat ko ang mga kamay ko habang kami ay magkaharap.
“Suot mo ’to. Hindi pa magaling sugat mo ’di ba? Hindi ka makakapaghugas ng maayos n’yan kung wala kang gloves na suot. Isa pa baka lumala pa ’yan.” wika n’ya habang sinusuot ang pares ng gloves sa mga kamay ko.
“Naks! Dumadamoves ka na parekoy ah!” tukso ni Jurnie kay Daniel na hindi ko alam kung anong ibig sabihin.
“Ulol! Asikasuhin mo ’yang trabaho mo at ’wag mong pinapakelaman ang iba!” balik dito ni Daniel.
Naigala ko ang mata ko at nakita kong nakatingin din sa amin sina Sir Xander at Chef Randy. Nakaramdam naman ako ng hiya.
“S-salamat.” utal kong sabi kay Daniel. “Sige, balik ka na dun. Maghuhugas na ako.” dugtong ko pa. Muli itong ngumiti at bumalik na nga sa kanyang pwesto.
Sinimulan ko na ngang maghugas at nagpapasalamat naman ako dahil hindi nababasa ang sugat ko sa tulong na din ng gloves na ibinigay ni Daniel.
“Huling araw mo na dito. Siguraduhin mong magagawa mo ng maayos ang trabaho mo.” boses ng lalaki sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita kong si Sir Xander ito. Hindi ko alam na nakalapit na pala ito sa pwesto ko.
“O-opo Sir.” tangi ko na lang nasabi. Hindi na muli itong nagsalita at tumalikod na lamang sa akin.
“Randz, let’s go to my office. Dun na lang natin ituloy ang pag-uusap sa proposal ng bagong supplier.” pagkausap nito kay Chef Randy. “Jurnie, take charge please.” utos naman nito kay Jurnie.
“Yes boss!!” magiliw na sagot ni Jurnie. Umalis na nga sila ni Chef Randy at ipinagpatuloy na nga namin ang aming trabaho.
Dumating ang breaktime naming mga empleyado sa shift namin. Patungo ako ng crew room ng mga oras na ’yon para tingnan kung naroon na din ba sina Cha, Dee at Ben na nakasanayan ko nang kasabay tuwing breaktime.
“Tom!” biglang tawag sa akin mula sa likod ko. Huminto ako at nilingon ito.
“O Daniel, ikaw pala. Break mo din ba?” bati ko sa kanya.
“Oo eh. Yayain sana kita mag-ikot-ikot muna sa loob ng mall kung wala kang ibang pupuntahan.” yaya n’ya.
“Wala naman. Kaso kasabay ko sila Charm tuwing break, magpapaalam muna ako.” sagot ko habang tinatanggal ang suot kong apron.
“Ok na.” tipid n’yang sagot habang nakangiti.
“Ha? Anong ok na?” taka kong tanong.
“Ipinagpaalam na kita. Sila kasi ang lagi mong kasabay ’pag break ’di ba? Kaya naisip ko sa kanila muna ako magsabi bago kita yayain. Ayaw pa nga nung una pumayag ni Charm eh, pero nung sinabi ko na bibilhan ko s’ya ng ice cream kapalit ng pagpapahiram sa’yo eh pumayag din agad.” nagkakamot pa ito ng batok ng sinabi iyon. Natawa naman ako sa mabilis na pagpayag ni Cha. Pagdating talaga sa pagkain, wala nang nakikilala ’yung isang ’yun.
“Ganun ba? Sige, hintayin mo lang ako at ilalagay ko lang itong apron sa crew room.” sagot ko. Bago pa ako tumalikod kay Daniel ay biglang bumukas ang pinto sa gilid ng aming pwesto. Niluwa nito si Sir Xander na nakakunot ang noo at nasa likuran n’ya naman si Chef Randy. Mataman kami nitong tiningnan ng ilang segundo bago kumilos at dumaan sa pagitan namin ni Daniel. Pero saglit itong huminto at nagsalita habang nakatalikod sa amin.
“Sa susunod na mag-uusap kayo, make sure na hindi sa tapat ng pinto ng office ko. Hindi lang kayo ang tao dito kaya isipin n’yo naman ang mga taong pwede n’yong maistorbo.” malamig nitong wika.
“S-sorry Sir.” paghingi ko ng paumanhin. Ngunit hindi ito nag-react at umalis na lang. Nakatingin lang sa akin si Chef Randy ng walang reaction at nilampasan na din kami. Tiningnan ko si Daniel na mukhang hindi apektado.
“Hoy, bakit hindi ka man lang humingi ng sorry sa boss?” pabulong kong paninita kay Daniel. Ngunit sa halip na sumagot ay nagkibit-balikat lamang ito. Napailing na lamang ako at tinungo ang crew room.
Lumabas na nga kami ni Daniel at nag-ikot-ikot sa mall. Window shopping ang pinagkaabalahan namin. Tuwang-tuwa ako kay Daniel dahil napaka-maligalig nito. ’Pag may nakikitang kakaiba sa loob ng mall ay nagpapakuha ito ng picture gamit ang kanyang iphone 6 plus. Minsan ay napipilit n’ya akong magpapicture kasama s’ya. Sino ang kumukuha sa aming dalawa ng picture? Ayun ang loko, ginagamit ang kanyang pagpapa-cute sa mga girls na nag-iikot din sa mall para kuhanan kami.
Natapos ang breaktime namin pero bago kami bumalik sa restaurant ay bumili muna ito ng anim na pirasong Magnum ice cream.
“Ang dami naman n’yan? Si Charm lang naman ang kakain.” tanong ko sa kanya. Saka ang mahal kaya ng ice cream na ’yun! Kumuha ito ng dalawa mula sa plastic at binigay ang isa sa akin matapos tanggalin ang pagkakabalot nito.
“Para sa’yo, sa akin, kay Charm, kay Dee, kay Ben at para kay Jurnie na nangungulila ngayon at nag-iisa dahil hindi n’ya ako nakasama sa breaktime.” tatawa-tawa nitong sagot. Napapailing na lang ako habang natatawa din dahil sa sagot n’ya. Maalalahaning tao din pala itong si Daniel.
Tinungo na nga namin ni Daniel ang daan pabalik sa restaurant para tapusin ang natitira naming oras sa trabaho. Nang ibigay ni Daniel ang mga ice cream kina Cha ay tuwang-tuwa naman ang patay-gutom kong best friend. Kahit daw ’wag na akong isauli ni Daniel ay ayos lang basta may supply s’ya ng pagkain araw-araw. Ang bait noh? Ipamigay daw ba ako?!
Isang oras bago matapos ang shift ko ay pumasok ang isa kong katrabaho sa kitchen at sinabing pinapupunta ako sa office ni Mam Shai bago daw ako umuwi. Kinabahan naman ako dahil ito nga ang huli kong araw bilang trainee. Hindi rin nakaligtas ’yon sa pandinig ng iba kong mga kasama sa kusina.
“Good luck Pareng Tom! Painom ka ’pag nakapirma ka na ng kontrata ha?” wika ni Jurnie.
“Eh pano ’pag hindi ako nakapasa?” tanong ko pabalik.
“Edi magpakape ka! Saklap ng feeling mo nun panigurado eh. Hahahaha!” pabirong wika ni Jurnie. Mahinang binatukan naman ito ni Daniel na s’yang ikinatahimik nito. Alam ko namang sinusubukan lang nilang bawasan ang kabang nararamdaman ko.
“Samahan na lang kita maya Tom. Antayin kita hanggang matapos kang kausapin ni Mam Shai.” nakangiting suhestiyon ni Daniel. Gusto ko mang tumanggi ay mukhang kakailanganin ko ang kasama mamaya lalo na kung hindi ako mabibigyan ng kontrata.
“Salamat.” tanging nasabi ko na lamang na may tipid na ngiti.
Natapos nga ang shift ko at narito ako ngayon sa tapat ng office ni Mam Shai. Ito na nga ang oras para malaman ko kung nakapasa nga ba ako sa training. Bago ako kumatok ay huminga muna ako ng malalim.
“Come in!” sigaw ni Mam Shai mula sa loob ng kanyang office.
“Good Evening Ma’am.” bati ko matapos kong buksan ang pinto.
“Good evening Tom. Please have a seat.” utos n’ya. Napansin kong seryoso ang mukha nito at kung hindi ako nagkakamali ay may nakikita akong lungkot. Tahimik akong sumunod sa kanya at umupo sa silyang nasa harapan ng table n’ya.
Mataman n’ya akong tinitigan na pareho pa rin ang ekpresyon sa mukha. Kinakabahan talaga ako at sunod-sunod ang paglunok ng laway ang aking ginawa habang direchong nakatingin lang sa kanyang mga mata. Binalot kami ng katahimikan at naputol lamang iyon nang s’ya ay bumuntong hininga ng malalim.
“Kamusta ang experience dito Tom?” malungkot ang pagtatanong n’yang ’yon.
“A-ayos lang naman Mam. Ang totoo n’yan masaya nga po ako at na-experince kong magtraining sa ganitong klase ng lugar. Naging maayos din naman po ang treatment ng mga empleyado n’yo dito sa akin at nagpapasalamat po ko dun.” tugon ko sa kanya.
“Mabuti naman kung ganun.” bumuntong hininga ulit ito. “You know naman Tom na hindi lang ako ang namamahala dito right? There’s Chef Xander and Chef Randy in the kitchen, and your Kuya Vher naman sa dining and bar. So, hindi lang sa akin nakasalalay ang pagtanggap sa’yo dito.” dugtong pa n’ya.
Dito na nga ako nabahala. Nawala sa isip ko na hindi nga lang pala si Mam Shai ang boss ko, at hindi lang s’ya ang magdedesisyon kung matatanggap ako. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa dahil naalala kong hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni Sir Xander sa mga nagdaang araw. S’ya nga pala ang may-ari ng pinata-trabahuhan ko. At kahit maganda ang feedback ko kina Mam Shai, kung hindi nito ako gusto ay wala pa rin silang magagawa.
Tuluyan na akong napayuko at nangingilid na ang aking luha. Binalot na ako ng kalungkutan. Naisip ko agad ang bukas na haharapin para sa amin nina Mama at Julius. Magsisimula nanaman ako ng panibago.
“Tom? What’s wrong?” Tanong ni Mam Shai. Hindi ako makatingin dito dahil ano mang oras na magsalita ako ay magka-crack ang boses ko at bubuhos ang luha ko. Labis akong nahahabag sa sarili ko.
“May ballpen ka bang dala?” out of the blue na tanong ni Mam Shai.
“A-ano po ’yun Mam?” naguguluhan kong tanong at napatingin sa kanya. Baka kasi mali lang ako ng pagkakarinig. Maghanap ba ng ballpen? May sariling opisina si Mam pero wala s’yang ballpen?
“I’m asking you kung may ballpen kang dala? Don’t get me wrong, may sarili naman akong ballpen. Pero sayang naman kasi ang ink nito kung ipangpipirma mo lang. Ang mahal kaya neto!” may pagka-maarteng wika n’ya. Doon ko napansin na may papel na nakalatag sa ibabaw ng table ni Mam Shai. Tinitigan ko ito at bumaling ang tingin kong iyon kay Mam Shai.
“Ano? Titingin ka na lang? I know I have this exceptional beauty and irresistible body Tom. Pero kung wala kang ballpen na dala, eh hindi mo mapipirmahan ’tong hinanda kong kontrata.” taas kilay n’yang sabi. Natauhan naman ako sa sinabi nito.
“Ah! Meron Mam! Eto po!” At binibigay ko ang ballpen kong nakaipit sa polo ko sa kanya. Nasanay na din kasi akong magdala ng ballpen dahil sa dining ako unang nag-train.
“Hahahahaha! Relax Tom! Ikaw ang pipirma ng contract mo hindi ako! Why giving it to me? Hahahaha! Saka ’yung mukha mo, ang epic ah?! wahahaha!” masaya nitong sabi. Hindi ko alam kung maiinis ba ako dito kay Mam Shai dahil sa mga ikinilos n’ya. Lakas pa tumawa, iba din ang trip eh. Ibang-iba kasi ang kilos nito sa pisikal n’yang anyo. Pero ’yun ang maganda sa kanya, madali mo itong makakapalagayan ng loob.
Ngumiti ako na parang wala nang bukas. Masyado akong masaya dahil sa wakas ay may matatawag na akong trabaho na regular ang kinikita. Kinuha ko ang papel sa table kahit hindi pa humihingi ng permiso kay Mam Shai. Bakit ba? Excited ako eh!
“This calls for celebration. Congratulations Tom and welcome to the company, officially.” masaya nitong wika matapos kong pirmahan ang kontrata.
“Thank you Mam! Thank you po!” taos puso kong pasasalamat.
“Hindi lang ako ang dapat mong pasalamatan Tom. Remember, hindi lang ako ang superior mo kaya dapat pasalamatan mo rin sila. And also, you deserve this contract because you really worked hard for it. Just continue the good performance and who knows? Baka maging regular ka rin like Charm na nakaka-receive ng iba pang benefits na malaki ang maitutulong sa family mo.” nakangiti nitong lahad sa akin.
“Makakaasa po kayo Mam. Salamat po ulit.” wika ko na hindi mapatid ang ngiti.
“And since you’re done signing, you may go. I’m sure naghihintay na sila sa maganda mong balita. I’m talking about sa best friend mong maingay and sa family mo. Congratulations again Tom.” mahaba nitong sabi. Tumango ako at naglakad na nga paalis.
Kinuha ko ang mga gamit ko mula sa crew room at naghanda na pauwi. Panigurado akong matutuwa nito sina Mama at Julius.
Paglabas ko ng crew room ay s’ya namang labas din ni Sir Xander kasama si Chef Randy. Kailangan ko nga din pala pasalamatan ang mga ito.
“Ahm Sir Xander..” pagtawag ko ng atensyon dito. Tumingin naman ito sa akin.
“Naka-pirma na po ako ng contract. Gusto ko po sanang magpasalamat sa chance na magtrabaho dito. Salamat po talaga.” nahihiya kong wika ngunit nagbigay ako ng isang wagas na ngiti. Napansin kong napapitlag ito ng konti at tila lumikot ang galaw ng kanyang mga mata.
“A-ahm.. about that, just continue working hard. S-see you tomorrow and on the next days.” nauutal nitong wika. Problema nito ni Sir?
“Yes Sir. Makakaasa po kayo.” sabi ko dito. “Sa inyo din po Chef Randy, thank you din po.” baling ko din kay Chef Randy. Tango lang ang naisagot nito. May kung ano rin akong napansin sa kanyang mga mata, tingin na parang pagka-disgusto. Hayaan na nga, baka badtrip lang. Bagay silang mag-best friends talaga ni Sir Xander, parehong suplado. Hehe!
“Sige po, mauna na din ako.” pagpapaalam ko sa mga ito. Tumango lamang sila at tuluyan na nga akong lumabas sa restaurant na ’yon.
Paglabas ko ay nakita kong naghihintay sa akin sina Cha, Dee, Ben at si Daniel.
“Bessy!! Ano? Kamusta? Nakapirma ka na ba?” wika ni Cha. Ngumiti naman ako bilang pagsagot sa tanong n’ya.
“OMG!!!! Congrats Bessy!!! I’m so happy for you!! Matutuwa din nito sina Tita at Julius! Wait! I’m gonna text my Mom and Dad na din, matutuwa din sila ’pag nalaman nila!!” tili ni Cha habang niyayakap ako. Close din kasi ako kina Tito at Tita dahil magkababata nga kami ni Cha. Pangalawang bahay na nga din namin nina Mama at Julius ang bahay nila Cha dahil minsan ay iniimbatahan din nila kami na dun matulog sa tuwing uuwi ang mga ito galing sa probinsya at may okasyon sa kanila.
“Congrats pre! Official na ’to!” masayang sabi ni Ben.
“Salamat pre!” balik ko dito.
“Congrats Tom.” -_- wika ni Dee na poker face pa rin. Alam kong masaya din ito para sa akin. Nagpasalamat din ako sa kanya.
“Congrats Tom! Sabi ko na nga ba at makakapasa ka din eh! Pano? Celebration na ’to!” masaya ding sabi ni Daniel.
“Hahaha! Saka na siguro ’pag nakatanggap na ako ng regular pay ko. Alam n’yo naman na training allowance lang natatanggap ko sa loob ng isang buwan ko dito ’di ba? Pero sa unang sweldo ko promise ililibre ko na kayo. Meron na din kasi akong matatanggap na service charge sa oras na ’yun panigurado.” wika ko sa mga ito.
“Sino ba nagsabi na ikaw ang sasagot ng gastos ngayon?” sagot ni Daniel.
“Oo nga! Si Daniel na bahala! Tara na Bessy!! Saglit lang naman tayo eh! Saka naplano na namin ’yun bago ka lumabas. Nagugutom na din ako eh, hindi ka ba naaawa sa ’kin?” at nag-pout pa ang patay-gutom kong best friend. Pero hindi ko ito pinansin.
“Nakakahiya naman kasi Daniel. Pare-pareho lang naman tayo ng sasahurin ’pag nagkataon eh. Ipunin mo na lang ’yang pera mo. Baka kailanganin mo din ’yan, mas maganda na ang handa.” magalang kong pagtanggi dito.
“Hindi na kailangan ’yun bessy! Maraming pera ’yan si Daniel noh?! Ewan ko ba kung bakit nagta-trabaho pa ’yan dito eh parang barya lang naman ang sahod n’ya dito eh! Ayaw bigyan ng chance ’yung mga mas kailangan ng trabaho!” bulalas ni Cha. So, hindi na pala nakakapagtaka na magaganda ang kagamitan nitong si Daniel including his phone and motor bike. Kung sabagay, halata naman sa kutis nito na mayaman nga ito.
“Parang ikaw hindi ah?! ’Di ba sabi nila Tito ikaw na mag-take over ng isang business n’yo? Pero mas pinili mo din magtrabaho dito! Sino ngayon ang hindi nagbibigay ng chance sa mga mas nangangailangan ng trabaho?!” balik ko kay Cha. Rich kid din kasi ito eh. Masyado lang makulit at kung anong gusto, eh ’yun ang ginagawa.
“Hmp! Whatever! Kaya na nila Kuya at Ate ’yun! Ayoko na makigulo pa noh!” pagrarason nito.
“Tama na nga ’yang bangayan n’yo. Tara na at nandun na si Jurnie sa pupuntahan natin.” pagputol sa amin ni Daniel.
“Pero kasi––” magdadahilan pa sana ako kay Daniel dahil nakakahiya naman talaga, pero agad din ako nitong pinutol.
“Please????? Ok sige, ganito na lang. Dahil sa nahihiya ka Tom, ipagpalagay na lang natin na may utang ka sa akin. Bayaran mo na lang sa ibang araw. Ok na ba ’yun?” pangungumbinsi n’ya. Bumuntong hininga na lamang ako tanda ng pagsuko.
“Sige na nga… Sa’n ba tayo?” tanong ko.
“D’yan lang, videoke na lang tayo sa Music 21. Sa akin ka na sumabay Tom, may dalang sasakyan naman ’yan si Dee. Dun na lang sina ni Ben at Charm.” sagot ni Daniel. Nyeta! Rich kids pala talaga ’tong mga kaibigan kong ’to eh! Si Ben na lang ata ang kapareho ko ang estado ng buhay.
Wala nga akong nagawa at sumunod na lang sa plano. Nakaangkas ulit ako sa motor ni Daniel.
Narating namin ang Music 21 at naabutan namin si Jurnie doon na mag-isang kumakanta ng rock song habang nakapikit pa. Feel na feel n’ya ang concert n’yang yon at hindi namamalayan na nakapasok na kami. Sigaw dito at sigaw doon ang ginagawa n’ya habang nakatingin lang kaming lahat sa kanya sa mula sa pinto. May time pa na tumalon s’ya pahiga sa isa sa mga couch doon at mukhang ang feeling n’ya eh sinalo s’ya ng mga manonood n’yang fans at pinagpapasa-pasahan s’ya ng mga ito habang nakahiga sa ere at kumakanta. Nagulat pa kami dahil ang lakas ng tunog ng pagkakabagsak n’ya na parang masisira ang couch dahil medyo chubby itong si Jurnie ngunit may cute at masayahing mukha. Moreno din ang balat nito at makinis. Nanatili pa rin kami sa pinto. Matapos ng kanta n’ya ay sumigaw pa ito.
“Mabuhay Araneta Coliseum!!! Thank you!! Wooohhh!!” sigaw nito sa microphone.
“Ano pre? Tapos ka na mag-adik? Ano tinira mo?” paggising sa kanya ni Daniel mula sa panaginip.
“Oh! And’yan na pala kayo! Kanina pa ba kayo dumating?” tanong ni Jurnie habang naka-microphone pa rin.
“Oo, at kitang-kita namin ang karima-rimarim mong performance! At utang na loob, may pangarap ka bang maging host sa TV at kailangan naka-microphone ka pa ’pag magsasalita?” si Daniel na pumasok at umupo na din sa isa sa mga couch. Sumunod naman kami sa kanya.
“Wag mo akong ganyanin ’tol! Hindi mo ba alam na ang taong kaharap mo eh dating laman ng mga audition sa TV?!” saad ni Jurnie.
“Oh?! Anyare?!” si Daniel.
“Hindi mo alam?! Grabe ’tol! Kaibigan pa naman kita at kasama sa trabaho pero hindi mo alam?! Lumalabas na ako ngayon sa TV! Pero kung wala kayong cable, hindi n’yo talaga ako mapapanood! Wala kayong skycable o cignal noh?!” mahaba nitong sabi na nagyayabang.
“Talaga Kuya Jurnie?? May cable kami pero hindi pa kita nakita kahit minsan. Anong channel ba?” curious at atat na tanong ni Cha.
“Sa Animal Planet.” maikling tugon ni Jurnie. Ang lakas ng tawa namin maliban kay Dee na poker face pa rin.
Nagsimula na nga ang aming kasiyahan. Kantahan at inuman, pero si Dee at si Daniel ay pakonti-konti lang dahil magmamaneho pa ang mga ito. Marunong naman akong kumanta ngunit masaya na akong makita silang nagkakagulo doon at nag-uunahang kumanta.
Medyo tinatamaan na din ako ng espirito ng alak kaya binabawasan ko na ang pag-inom ko. Turn na din ni Daniel kumanta dahil sa wakas ay nagsawa na sa pag-aagawan sina Cha, Ben at Jurnie sa microphone. Si Dee naman ay panay palakpak lang ang ginagawa habang walang reaction ang mukha.
Nagsimula nang tumugtog ang kanta ni Daniel na ang pwesto ay sa harapang couch ko lang at nasa pagitan namin ang table na pinaglalagyan ng aming mga pagkain at inumin.
(a/n: paki-play po ’yung nasa media. ’yan po ang kinanta ni Daniel.
song title: sa isang sulyap mo)
Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo
Maganda ang boses ni Daniel. Malamig sa tenga at tila naglalambing. Habang kinakanta ni Daniel ang linyang iyon ay nakatitig lamang ito ng seryoso sa akin na tila nakikiusap. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kakaiba. Bumilis ng kusa ang tibok ng puso ko.
Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko
Chorus:
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako,
para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako,
nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo,
ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako,
sa isang sulyap mo, napa-ibig ako…
Wala akong ibang marinig ng mga oras na ’yon kundi ang boses n’ya. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang nagliwanag ang paligid habang kumakanta s’ya. Parang nawala ang lahat ng nasa paligid at s’ya na lang ang nakikita ko. Patuloy pa rin s’ya sa pagkanta at patuloy pa rin kaming nakatitig lang sa isa’t isa.
“Ehem!” boses ni Jurnie at tila nagbalik sa dati ang lahat. Natauhan kaming dalawa ni Daniel at agad na umayos ng upo. Doon ko napansin na tahimik sila at nakatitig lang din sa aming dalawa ni Daniel.
“Kala ko kelangan na namin kayong dalhin dalawa sa ospital eh! Tapos ’pag tatanungin kami ng doctor kung ano nangyari sa inyo, sasagutin ko talaga na natunaw kayo kakatitig sa isa’t-isa! Grabe kayo! May kasama kayo oh! Magtitigan kayo wagas ah?!” mahabang wika ni Jurnie. Nahiya ako, sobra! Bunganga talaga ni Jurnie walang makakapigil eh! Napayuko na lang ako sa kahihiyan.
“Ulol! Inggit ka lang! Bakit hindi ka makipagtitigan din sa katabi mo?!” dinig kong wika ni Daniel.
“Anong tititigan ko?! Eto?! Etong pader na ’to?!” dinuro-duro n’ya pa ang pader na katabi n’ya dahil nasa dulong bahagi s’ya ng kwarto naming iyon.
“Oy! tama na ’yan. Umuwi na tayo kasi may mga pasok pa tayo bukas.” wika ni Cha. “Sasabay ka ba sa amin bessy?” dagdag pa nito at binaling sa akin ang tingin. Tingin na makahulugan at tila nanunukso. Sinamaan ko na lang tingin.
“Oo, sasabay na ako. Ayos lang ba Dee? Magkalapit lang din kasi bahay namin ni Charm eh. Saka kelangan may kasabay ’to pauwi, madilim na din kasi eh. Mahirap na, baka maapakan sa daan.” wika ko na nang-aasar kay Cha. Maliit na tao kasi eh. Hehe.
“No biggie..” -_- Poker face na sagot ni Dee.
“O sige, ako na tatawag para sa bill natin.” suggestion ni Ben.
“Aba dapat lang, para hindi ka lang basta uminom at kumain dito! Uso mahiya kamote!” Pagtataray ni Cha kay Ben.
“Hahaha! Ang sweet talaga ng Sugar ko!” sagot lang ni Ben at nag-flying kiss pa ito. Akmang babatuhin na sana ito ni Cha ng basong nasa mesa ay nakatakbo na si Ben. Naiwang gigil na gigil si Cha. Grabe talaga ’tong dalawang ’to!
Nakalabas na nga kami ng lugar na ’yon at nagpaalam na sa isa’t-isa. Hinatid muna kami nina Jurnie at Daniel sa sasakyan ni Dee bago sila umalis.
“Ingat ka Tom. See you tomorrow.” nakangiting wika ni Daniel.
“So si Tom lang mag-iingat ganun?!” taas kilay na tanong ni Cha.
“Ah.. hehe.. S’yempre kayo din! Ingat kayong lahat ah. Kita na lang tayo bukas.” nahihiyang sabi ni Daniel.
“Whatever! O s’ya ingat din kayo. Itali mo Daniel ’yang si Kuya Jurnie kasi baka biglang mag-amok. Kita mo itsura? Mukhang may sanib na eh!” sabi ni Cha.
“Bunganga mo! Nahiya naman ako sa’yo! Eh ikaw? Baka bigla ka na lang may kagatin d’yan sa daan! Ang takaw mo pa naman!” sagot naman ni Jurnie.
“Tama na ’yan.” pag-awat ko sa kanila. “Ahm.. Daniel, salamat ah? Ang dami ko na utang sa’yo. Babawi ako sa susunod. Promise!” itinaas ko pa ang kanan kong kamay na parang nanunumpa. Natawa naman ito.
“Sure ’yan ah? Sige, antayin ko ’yan. Pero gusto kong malman mo na hindi ako naniningil ng pera ha? Iba ang hihingiin ko!” wika nitong medyo natatawa.
“Ano naman?!” takang tanong ko.
“Ano pa ba edi kamay! Kamay ang hihingiin n’ya sa’yo Tom!” halos pasigaw na sabi ni Jurnie. Inambahan ito ni Daniel ng batok at tumakbo naman ito. “Pick up line mo kasi Pareng Daniel bulok! Gamit na gamit na ’yan eh!” dagdag pa nitong pang-aasar kay Daniel.
“Pasens’ya ka na dun ah? Lam mo namang baliw ’yun!” paghingi ni Daniel ng paumanhin sa mga sinabi ni Jurnie.
“Ayos lang, sanay na din naman.” sagot ko ng nakangiti.
“O pano? Ingat na lang ha? Kita tayo bukas.” nakangiti na rin s’ya. Tumango na lang ako habang nakangiti. Pumasok na kami sa sasakyan ni Dee at umalis. Kumakaway na lamang si Daniel habang paalis kami sa lugar ’yon ganun din si Jurnie.
Nakarating na din ako sa bahay matapos kong ihatid si Cha. Tulog na sila Mama at Julius dahil late na ako nakauwi.
Bukas… Bukas na ang totoong start ko sa trabaho. Kaya ko ’to! pagkausap ko sa sarili bago tuluyang matulog.
A/N
Kamusta po ang chapter na ’to guys??! Hindi ko alam kung ok eh.. Medyo tulog kasi diwa ko ngayon.. hehe.. Sana makapag-update agad ako bukas.. ingat kayo mga mahal ko!
’
til next chapter! tsup!
-cold_deee
chapter 6 - turkish delight
A/N
hello mahal kong readers! hindi ko na po pahahabain ang message ko guys. excited na din kasi ako makilala n’yo ang ibang characters. hehe! enjoy po!
dedicated po itong chapter na ’to kay
JUliusLadrOma
.. Salamat sa suporta bata.. at salamat sa kapeng pinabili ko kanina.. hahaha!!
––> si Charm/Cha po pala ’yung nasa media ^_^
CHARM POV
My name is Charmaine Butil or Charm for short. But my family and close friends used to call me Cha. Kinulang man ako sa height, sumobra naman ako sa ganda! Walang kokontra dahil ang kumontra, sinasabi ko sa’yo magbigti ka na!
Best friends kami ni Tom and love na love ko ’yun! We’re childhood friends and we know each other secrets. As in EVERYTHING! Even his favorite brand of underwear and its size eh alam ko! He’s my super oh so hot bessy na super bait din.
In terms of lifestyle, may kaibahan kami ni Tom. Pero hindi naging dahilan ’yun para hindi kami makabuo ng bata, este ng friendship! Sana nga lang malahian ako ni bessy eh, kaso mas attracted s’ya sa kasing hot n’ya at hindi sa kagaya kong Diyosa. Well kahit ganun s’ya, hindi pa n’yan na-experience magka-boyfie or magka-gf. Mas priority n’ya kasi sina Tita at Julius eh. But somehow, I want to see him smiling someday not because he helped people around him to be happy. Instead, someone is making him happy. Love, that’s what I meant. ’Coz he really deserve it.
Anyway, I’m super duper happy kasi finally nakahanap na din s’ya ng work na masasabi n’yang regular ang income. Well, he deserved it naman talaga. He’s really worth sa magagandang opportunity kasi he’s a hard working person and super bait pa. Even my parents loves him so much. Why? Kasi hindi s’ya o sila ng family n’ya ang mga tipong mapagsamantala. They know their limits sa mga ibinibigay na tulong sa kanila. O ’di ba? That’s very rare sa panahon ngayon.
Let’s proceed to the current situation. We’re here sa storage room and we’re in the middle of looking for his uniform na provided ng company. Eh ’di ba nga last day ng training n’ya kahapon? So magkakaro’n na s’ya finally ng uniform! Yey!! Hindi na s’ya naka-white polo lang. I’m sure he will stand out ’pag naisuot n’ya na ang company uniform namin. Lalo s’yang magiging hot!
“Bessy, sana tinutulungan mo ako ’di ba? Hindi ’yung nakatunganga ka lang d’yan. ’Yung totoo? Natutulog ka na ba d’yan?” reklamo ni Bessy.
“Alam mo bessy, kaya mo na ’yan. Saka look naman oh! Nasa taas ang pinaglagyan ng mga uniform! You think maaabot ko ’yan?!” reklamo ko din with matching flipping my oh so gorgeous hair! Duh?! Kala n’ya s’ya lang marunong magreklamo ah?!
“Fine! Eto? Pwede na ba ’to?” pakita n’ya sa akin ng polo na black na may kalakihan ang size.
“Bessy naman! Look for something na medyo fit sa’yo! Sayang naman ang oh so yummy body mo kung ’yan ang isusuot mo!” sagot ko dahil pang-size ni Kuya Jurnie ang hawak nito.
“Eh ito?” pakita n’ya naman sa isang polo na mukhang bagay sa built ng katawan n’ya.
“Perfect! Sige na bessy sukat mo na! Dali!” excited kong tugon. Naghubad din naman agad s’ya ng kanyang shirt sa harap ko. Wala na kaming malisya nito dahil sanay na din kami sa ganito, pero nagpunas pa rin ako ng laway ko dahil may kumawala mula sa bibig ko. Ang ganda naman kasi katawan ni bessy eh.. Kahit hindi masyadong malaki, perfect at well formed naman ang muscles nito. Lean lang kumbaga.
Nagkatuwaan pa kami ni bessy habang nagsusukat s’ya dahil pinapasuot ko din pati mga pambabaeng uniform sa kanya. Wahahahaha! Kakatuwa pag-tripan si bessy kasi pulang-pula na s’ya sa hiya.
Habang nagkakatuwaan kami at sinasamantala ko ang hubad na katawan ni bessy ay sumulpot na parang tae si Chef Randy sa storage room na ’yon.
“Ah, Chef Randy Good efternoon po.” bati ni Bessy sa kanya habang topless s’ya. Deadma lang ako. Hindi ko feel mag-greet eh, bakit ba?! Hindi naman nag-response itong Chef na ‘to na naaamoy kong pareho ni bessy at hunky papa din ang bet. My gosh!! I need to cover my best friends’ naked body!!
May kinuha ito sa bandang kaliwa ng locker na pinaglalagyan ng stocks sa kitchen.
“Siguraduhin mo lang Mr. Perez na magagawa mo ng maayos ang trabaho dito. Sayang naman ang ibabayad ng company kung hindi sapat ang trabahong ibibigay mo.” bigla nitong wika ng walang reaction ang oh so maputlang mukha nito. Tumaas naman ng 5 meters ang kaliwang kilay ko. Seriously?! Hindi na nga nag-greet pabalik kay Tom eh ’yun pa ang sasabihin?! Duh?!
“Yes Chef! Makakaasa po kayo.” polite na answer ni Bessy. Hay naku! Kung ako sasagot dito ay sasagutin ko ’to ng mas magalang na linyang ’pakyu ka po Chef, mga bente po. Kaya nga po ako nakapasa sa training ‘di ba? Kasi masipag ako!’ Ganun ang sasabihin ko! At dahil mabait nga si bessy ay sumagot pa ito with all smile.
“Mabuti naman kung ganun. I just don’t want na magsisi si Xander in the end na tumanggap s’ya dito ng taong magpapadagdag lang ng sakit ng ulo n’ya.” cold pa nitong dagdag. Aba’t teka! Talipandas ’to ah?!
“Yes Chef, I understand.” sagot ulit ni Bessy na naka-smile pa rin! Eto ang ayaw ko dito sa best friend ko eh! Medyo manhid ang peg! Pero papayag ba akong hindi umeksena?!
“Ohohohoho!” eksena kong tawa while covering my oh so kissable mouth using my beautiful left hand. “Don’t yah worry Chef, I knew my best friend very well. And I’m sure if Mam Shai gave him a chance as well, she saw potential within him. You know naman Mam Shai, she has a good instinct in terms of choosing good employees. Right Chef?” I said with taas kilay ng mga 4meters! Pasalamat s’ya nabawasan ang taas neto ng 1meter noh?!
“Gusto ko lang manigurado.” sagot n’ya na lang. Ay?! Ang tipid lang?! I was like expecting for a longer argument noh?! Well, it’s better this way. He’s not worth of my oh so sweet saliva din naman.
Umalis na din si Chef Randy nang hindi nagpapaalam or nag-excuse man lang. Why so rude?! My gosh!
“Bessy! Bakit ka naman sumagot ng ganun?!” sita sa akin ni Bessy Tom.
“My gosh! Can’t you feel it bessy?! He’s discouraging you! Are you dense?!” asar kong tanong. Kaloka naman kasi ang pagkamanhid neto!
“Eh baka naman kasi concern lang kay Sir Xander.” mabait pa rin n’yang sagot.
“Whatever! Bilisan na nga natin at baka mamaya tayo pa mag-away dito!” I said para lang matapos ang usapan namin about that bitchy Chef Randy.
May nase-sense talaga ako sa isang ’yun eh! He never treated anybody like that dito sa restaurant. Tahimik lang s’ya and wala s’yang ginawa kundi ang sumunod lang sa mga instructions ni Sir Xander. But now he’s different, he’s acting weird. I can sense that he don’t like my bessy around. I can see hatred in his eyes. At kung si bessy man ang cause no’n, well sorry na lang! Dahil nagkakamali s’ya ng kinakalaban! Hindi n’ya mahahawakan kahit ang dulo ng daliri ng bessy ko hanggat nakatayo ako. Eto lang masasabi ko sa kanya:
BRING IT ON!!!! (insert: nag-flip pa ako ng hair!)
TOM POV
Matapos ang halos isang oras na paghahanap ng maisusuot kong uniform kasama si Cha ay pumunta muna ako ng crew room para doon magbihis at suotin ito ng maayos. Medyo natagalan pa ako ng konte dahil sa necktie ko. Itim na long sleeves with red necktie at black pants. Masasabi kong presentable na akong tingnan ngayon.
Bago makarating sa dining area ay nakasalubong ko si Sir Xander. Bahagya itong napahinto at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Na-conscious naman ako bigla dahil baka hindi ito bagay sa akin. Bahagya din itong napalunok na hindi ko alam kung anong dahilan. Baka nauuhaw lang?
“Sir? Ahm, may mali po ba sa uniform ko? Hindi po ba bagay?” tanong ko dito.
“A-ah.. O-ok naman.. K-kaso ’yung necktie mo lang, medyo hindi maayos.” utal nitong wika. Agad ko naman itong chineck at oo nga, hindi pa rin maayos ang pagkakalagay. Agad ko itong tinanggal at sinubukan muling ayusin.
“Hehe.. Pasensya na Sir, hindi kasi ako sanay magsuot ng ganito eh.” sagot ko habang inaayos pa rin ito. Ngunit ang malas nga naman dahil hindi ko talaga ito maayos ng tama. Sh*t! Dapat pala pinag-aralan ko din ito eh! Tuloy pa rin ako sa pag-aayos at kahit na ilang ulit ko itong gawin ay mali pa rin.
Nagulat na lamang ako nang kinuha ito ni Sir Xander mula sa aking kamay at s’ya mismo ang nag-ayos. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil ang lapit lang ng pagitan naming dalawa habang nakaharap s’ya sa akin at patuloy na inaayos ang necktie ko. Amoy ko din ang pabango nito na mukhang mamahalin.
May isang minuto n’ya rin ata ’yun ginawa at matapos n’yang ayusin iyon ay humiwalay ito sa akin at nagsalita.
“Dapat mo ding pag-aralan ang bagay na ’yan para confident kang haharap sa mga guests.” payo nito at nakita ko na rin ito sa wakas na ngumiti matapos ang ilang araw na pananahimik.
“Salamat Sir. Hayaan n’yo magpapaturo ako kay Ben na gawin ito ng tama.” wika ko at nagpakawala ako ng magandang ngiti. Lumikot naman bigla ang mata nito at tila ba biglang nataranta.
“S-sige, pumunta ka na sa dining area para magtrabaho. G-Good luck.” wika nito at tumalikod na sa akin. Kita ko pang nagbuntong hininga ito. Problema nun?
Tumungo na nga ako sa dining area at sinimulan ko na ang mga dapat gawin. Binati ako ng ilan kong kasamahan dito na bagay daw sa akin ang uniform. Nagpasalamat na lamang ako sa kanila.
Habang nasa bar area ako at nagmamasid sa mga ilang customer na naroon kung may mga kailangan ito ay biglang bumukas ang pinto tanda na may pumasok na guests. May dalawang lalaki na pumasok na sinalubong ni Cha ng tuwang-tuwa.
“OMG! Welcome back Dominic and fafa Rigo! Long time no see ah?!” magiliw na bati ni Cha.
“Hahahaha! Namiss ko kayo ah?!” bati ng isang lalaki na tila pamilyar sa akin. Gwapo ito at halatang may maipagmamalaki na katawan dahil sa tikas nito. Ganun din ang kasama nito.
“Kami ba talaga ang namiss mo? O baka naman ang barmaid namin dito?” wika ni Cha.
“Hahahahaha! Hindi ka pa rin nagbabago Charm, ang daldal mo pa rin! Teka, nasa’n ang kumpare kong bugnutin?” tanong nito kay Cha.
“Andun s’ya sa office n’ya. Tatawagin ko na ba?” sagot naman ni Cha.
“Mamaya na, upo muna kami sa bar.” wika nito kay Cha.
“Sure! Hinihintay ka na din ng mabangis naming barmaid I’m sure!” tila excited si Cha habang sinasabi iyon.
Umupo na nga ang mga ito sa bar stools. Binati din ito ni Kuya Vher na captain waiter namin at kasalukuyang tumutulong kay Dee sa loob. Nakita kong umasim ang mukha ni Dee na unang beses ko pa lamang nakita simula ng makilala ko ito. May ibang reaction pa pala itong tinatago si Dee bukod sa poker face? Amazing! Lumapit sa pwesto ko si Cha matapos n’yang i-welcome ang dalawang lalaki na bagong dating.
“Bessy! ’Yan si Dominic, kaibigan ’yan ni Sir Xander and kasamahan n’ya dati sa modelling agency. Lumalabas na din ’yan sa TV at ilang advertisements. Ang gwapo n’ya noh?” pakilala sa akin ni Cha sa kausap n’ya kanina. Kaya naman pala pamilyar s’ya sa akin. At talaga? model dati si Sir Xander? Kung sabagay, gwapo talaga si Sir at maganda pa ang katawan.
“Ok.” Naisagot ko lamang at tinandaan ang pangalan nito. Required kasi sa amin ang alamin ang pangalan ng aming mga guests para tuwing babalik ang mga ito ay matatawag na namin sila sa kanilang pangalan. Masarap daw kasi sa pakiramdam ng isang customer na kilala sila ng mga empleyadong nagse-serve sa kanila.
“At ’yung kasama n’ya naman ay si fafa Rigo. Pinsan ’yan ni Dominic at model din ng isa sa mga pinakasikat na brand ng clothing company dito sa Pilipinas. Ang hot nila noh?! Hihi! Crush ko nga ’yan sila eh, kaso reserved na ’yan si Dominic kaya si fafa Rigo na lang ang crush ko!” tukoy n’ya naman sa isa pang lalaki.
“Reserved?” taka kong tanong dahil sa pagtukoy n’ya kay Dominic.
“Oo! Manood ka, may magaganap and I’m sure matutuwa ka!” excited naman n’yang wika.
“Ano naman ’yun?” taka ko pa ring tanong.
“Makikita mo kay Dee ang never mo pang nakita sa kanya. Wait! magbibilang lang ako ah?! Manood ka!” at umalis na nga ito sa pwesto namin papunta kina Dominic at Rigo.
Pumwesto si Cha sa gilid ni Dominic na kasalukuyang nakangiti na tila nang-aasar kay Dee. Si Dee naman ay hindi na nabawi ng pagka-asim ng mukha. Na-curious naman ako kung anong meron.
“Game na ba?” excited na tanong ni Cha kay Dominic at Dee.
“Game!/Cool!” sagot na sabay ni Dominic at Dee.
“Ok! Let the battle begin, in 3! 2! 1! Go!” wika ni Cha sa dalawa. Nagsimulang magsalita si Dominic.
“Kamusta naman ang bouncer dito? Este barmaid pala?” si Dominic.
“At kamusta naman ang haliparot na nilalang na kilala ko?” si Dee naman.
“Gwapo pa rin sa pagkakaalam ko!” nakangiting wika ni Dominic.
“Ang lamig ah! May dala kang sariling aircon?” si Dee ulit na nakasimangot na.
“Wala! Sadyang nilalamig ka lang siguro dahil sa payat mo. Ang nipis mo Dee, may kinakain ka pa ba sa inyo?” pang-aasar ni Dominic.
“H’wag kang mag-alala dahil kahit wala akong kinakain mabubuhay ako, ’wag ka lang magpakita dahil presence mo pa lang nakakatuyo na ng dugo!” wika ni Dee na nakataas na ang kilay. Grabe! First time kong marinig si Dee na ganun kahaba ang sinabi!
“Alam ko na ’yan Dee! Sa madaling salita, para akong bampira na humihigop ng dugo at lakas mo!” maligalig na sagot ni Dominic.
“Ah talaga?! Oo! Isa ka ngang bampira na nambibiktima nang kahit na sino matugunan lang ang hilig mo!” galit na turan ni Dee. Wow! Marunong palang magalit si Dee?
“At sa lahat ng bampira, aminin mo! Ako ang pinaka-hot at gwapo sa mundo!” pagyayabang ni Dominic at kumindat pa.
“Talaga lang ah?! Saan banda? Mula leeg hanggang paa?!” si Dee ulit.
“Gusto mong makita?” si Dominic at tumayo mula sa bar stool. Umatras ito ng bahagya para makita ni Dee ang kabuuan nito dahil mataas ang bar counter dito.
“Eto oh!” dagdag pa ni Dominic at itinaas ang polo shirt nito.
“Woooaaahhh!!!” sigaw ng mga nakakita sa ginawa ni Dominic kasama na dito ang ilang customers. Hindi nga ako nagkamali, maganda nga ang katawan nitong lalaking ito. Maputi ito at makinis. May 6packs abs at maganda din ang dibdib. Mukhang alaga talaga sa gym. Kung sabagay, model nga eh.
Dito na hindi nakapagsalita si Dee at nakita kong namula ito. Hehe! Ang cute ni Dee. Naestatwa na lamang ito at tila nalunok na lamang ang dila dahil sa ginawa ni Dominic.
“And the winner for this battle is, Dominic!” sigaw ni Cha. Palakpakan naman ang mga nakasaksi. Nag-bow pa si Dominic.
“Woohh!! Ano na bang score Cha?” tanong ni Dominic matapos ibaba ang suot nitong polo shirt.
“Ayon sa record ko simula sa alamat ng pagdedebate n’yo ay 106 for Dominic at 107 for Dee! At dahil ikaw ang nanalo ngayon Dominic, tie na ang score n’yo! Better luck next time Dee!” masayang sagot ni Cha.
Tumalikod na si Dee na hindi pa rin naaalis ang pagkainis. Nilapitan s’ya ni Kuya Vher at hinimas ang ulo nito.
“Kayo talaga, hindi n’yo na tinantanan ’tong alaga ko.” wika n’ya kina Dominic at Cha.
“Hahahahaha! Ayos lang ’yan Kuya Vher, enjoy naman eh.” wika ni Rigo. Bumaling ito sunod kay Dee. “Dee, ’wag ka magalit sa ’kin ah? Mamaya gulpi sa akin ’tong umaaway sa ’yong bampira.” dagdag pa nito na tinutukoy ang pinsan n’yang si Dominic.
Natapos nga ang bangayan ng dalawang iyon at pinakiusapan na ni Rigo si Cha na tawagin na si Sir Xander.
Bumalik na kami sa kanya-kanyang trabaho. Nakita ko din si Sir Xander na binati ang mga kaibigan n’ya at umupo na din sa tabi ng mga ito. Umiinom na rin s’ya gaya ng mga kaibigan n’ya.
Hindi naman naging busy ang gabing iyon palibhasa ay Tuesday. Tuwing weekends kasi kami humahataw talaga.
Habang nakatayo ako malapit sa bar station at iginagala pa rin ang mata sa mga magtatawag na guests ay napadako ang tingin ko sa pwesto nila Sir Xander. Nakita ko itong nakatitig sa akin na hindi ko mabasa ang ekspresyon. Ngumiti na lamang ako ng malapad sa kanya dahil baka isipin nito na hindi ako ngumingiti sa dining area. Part kasi ng uniform bilang server ang pag-smile.
Bahagyang nanlaki ang mata nito at tila ba natataranta nanaman. Mabilis na inilihis nito ang kanyang tingin at ibinaling muli sa kanyang mga kaibigan. Ano bang problema nito ni Sir? Napapansin ko madalas itong natataranta. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at tumingin ulit sa mga table na may customer.
Dumating ang closing time namin at naglilinis na nga kami ng ibang parte ng dining area nang mga oras na ’yon. Si Cha at ako na lang ang naiwan dito sa dining at si Dee naman sa bar station. Hinihintay na lamang namin matapos sa kasiyahan at inuman ang isang table ng customers namin doon. Eto ang mahirap sa pagtatrabaho sa isang restaurant. Paminsan-minsan ay makaka-encounter ka ng medyo makukulit at lasing na customers na kahit closed na ang restaurant ay walang pakialam kung sila na lang ang natitira. Kesa naman makipagtalo ay hintayin na lamang silang matapos lalo na kung malaki ang naging bill nila. At kahit ilang beses mo silang i-approach ay oo lang ang isasagot. Pero ’wag ka! ’Yung oo nila ay inaabot ng dalawang oras!
Nang makaalis na ang mga ito ay nagtungo na kami sa crew room para kunin ang aming gamit para magpalit ng damit. Sa CR ulit ako ng guests nagbihis at sila Cha at Dee naman sa crew room.
Paglabas ko ng CR ay nakita ko sila Cha at Dee na naghihintay sa may bandang pinto ng restaurant.
“Halika na bessy! Ang bagal mo naman! Nakakahiya kay Sir Xander.” wika ni Cha. Nagtaka naman ako kung paano nadawit ang pangalan ni Sir Xander sa aming pag-uwi.
“Bakit naman?” tanong ko kay Cha.
“Ihahatid n’ya na daw tayo dahil panigurado wala na daw tayong masasakyan ng ganitong oras.” nakangiti nitong sagot. Nagulat naman ako.
“At pumayag ka naman agad?!” tanong ko ulit dito. Wala na talagang natitirang hiya dito sa babeng ’to!
“Ehehehe.. Para makalibre saka para ma-experience naman ang ilan sa mga car collections ni Sir!” excited nitong wika.
“Nakakahiya ka talaga! Boss natin ’yun Cha ano ka ba?!” inis kong turan dito.
“Wapakels ako sa pag-iinarte mo bessy! Basta ako sasabay ako kay Sir! Ngayon, kung plano mo maglakad pauwi, simulan mo na ngayon pa lang!” at umirap pa ito. Sarap kotongan eh! Bumaling na lang ako kay Dee at tinanong ito.
“Ikaw Dee? Sasabay ka din ba?” tanong ko kay Dee.
“No. I brought my car.” -_- sagot nito. Pakshet! Edi kami lang dalawa ni Cha?
“Ano na? Naghihintay na si Sir sa labas sa atin oh! Baka masigawan na tayo nun! Dee, nasa’n na ’yung susi at ako na magsasara at magbabalik kay Sir?” pangungulit ni Cha. Ibinigay na nga ito ni Dee.
Lumabas na kami sa restaurant at nasa labas na din ng pinto ang isang sasakyan na sa palagay ko ay kay Sir Xander na nga. Dalawa kasi ang pinto ng restaurant namin. Isa ay sa loob ng mall at ang isa naman ay dito sa labas ng mall katapat ng parking area. Dito pumapasok ang mga customers namin na late na dumadating at lumalabas.
Matapos ni Cha i-lock ang pinto ay kumaway ito sa kotseng nasa tapat namin. Nag-blink ang headlights nito senyales na napansin kami nito. Agad na nagpaalam sa amin si Dee at nag-iba na ng daan. Agad kaming kumilos ni Cha patungo sa kotse bagamat nahihiya pa rin ako.
Patungo na sana ako sa backseat ngunit naunahan ako ni Cha.
“Bessy, dun ka na sa harap. Mauuna naman ako bumaba kesa sa’yo eh. Para hindi naman magmukhang driver ang boss natin.” wika ni Cha at mabilis na pumasok. At wala na nga akong nagawa. Binuksan ko ito at nakita ko si Sir na nakatingin sa akin. Mas gwapo pala ’to sa upper view? Wika ng lumalandi kong isip. Tsk! Ano ba ’tong iniisip ko?!
Pagkaupo ko ay agad na binuhay ni Sir Xander ang makina ng kotse n’ya at maya-maya pa lamang ay pinaandar na n’ya ito. Pero hindi pa man kami nakakalayo ay pinarada n’ya ulit ito sa gilid ng daan na ipinagtaka ko.
Hindi ito nagsalita pero kumilos ’to patungo sa akin at akmang yayakapin ako. Sobrang lapit ng mukha n’ya sa mukha ko at amoy ko nanaman ang pabango n’ya. Napapikit na lamang ako at pigil ang hininga dahil parang tumigil ang pagtibok ng puso ko.
“Mag-seatbelt ka para safe.” tangi n’yang sabi at lumayo ulit sa akin. Nagbuga ako ng malakas na hangin nang hindi n’ya nahahalata. Grabe naman kasi! Lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko!
“Ehem! Sir thank you po sa paghatid sa amin ah?” biglang pagputol ni Cha.
“No problem, late na din naman. Delikado na din sa daan. Ituro mo na lang Charm ang daan sa inyo pauwi.” sagot ni Sir Xander at pinaandar na muli ang sasakyan.
“Sure Sir!” masayang sagot ni Cha.
Mahabang katahimikan. Wala din ako maisip na topic eh, saka baka ayaw ni Sir na may kumakausap sa kanya habang nagda-drive s’ya.
“Ahm Sir…??” Pagtawag ni Cha.
“Hhmmm?” sagot ni Sir Xander.
“Wala ka bang music d’yan?” request ni Cha. Seriously?! Saan ba nakakakuha ng kakapalan ng mukha ’tong si Cha?!
Hindi sumagot si Sir Xander sa kanya at pinindot na lamang ang stereo ng kotse n’ya sa fm station. Tumugtog naman ang kantang ‘Sa Isang Sulyap Mo’ ng 1:43.
“OMG! Bessy ’di ba ’yan ’yung kinanta ni Daniel kagabi tapos nagkatitigan pa nga kayo??” malakas na sabi ni Cha. Aarrgghh!! Bukas bibili na talaga ako ng packaging tape para sa bunganga nitong si Cha eh! Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko! Nakakahiya!
Nagulat na lamang ako ng padabog na nilipat ng station ito ni Sir Xander.
“Ay… Sir, bakit mo nilipat?” disappointed na tanong ni Cha.
“I just don’t like tagalog songs.” maikli nitong sagot. Hindi na dito sumagot pa si Cha.
Tumugtog sa stereo ni Sir Xander ang kanta ng Lifehouse na ‘Falling in’ na talagang paborito ko. At dahil paborito ko ito ay sinabayan ko ito.
(a/n: paki-play po ’yung nasa media.. ’yan po yung song ^_^)
Tahimik naman ang dalawang nasa tabi ko habang kumakanta ako ng mahina. Nakikita ko din si Sir Xander na sinasabayan ang kanta sa pamamagitan ng pagtapik-tapik sa manibela. Napangiti naman ako dito.
“Ehem ulet! Ganda ng song noh? Bagay sa taong takot tanggapin ang pagmamahal para sa kanya? Parang pakipot lang ang peg?” wika ni Cha. Nagkatinginan naman kami ni Sir Xander at sabay na natawa sa sinabi ni Cha.
“Anong nakakatawa?!” Inis na wika ni Cha.
“Wala!” sabay ulit kami ni Sir Xander at muling nagkatinginan. At muli, sabay na tumawa.
“Ewan ko sa inyo! Kumanta na lang kayo kesa duet n’yo akong pinatatawanan.” inis na sabi ni Cha. Lalo tuloy kaming natawa ni Sir Xander.
Narating namin ang bahay nina Cha at bumaba na rin ito matapos magpasalamat. Sinimulan na ulit ni Sir Xander magdrive patungo naman sa bahay namin.
“Sir, salamat ulit sa paghatid ha? Pasensya ka na din dun sa best friend ko kung masyadong maingay ah?” wika ko sa kanya. Somehow medyo nabawasan ang kaba ko na kausapin ito dahil sa nangyari kanina. Mabuti na lang at nariyan si Cha. Bahagya itong natawa. Hindi maka-move on kay Cha?
“Wala ’yun. Nakakatuwa nga s’ya eh. At isa ’yun sa mga assets n’ya kung bakit marami din ang natutuwa sa kanyang customers natin.” sagot naman nito habang nakangiti. Gwapo talaga ’tong si Sir ’pag ngumingiti eh noh?! Parang kung ganyan ang mabubungaran mo paggising mo sa umaga eh kumpleto na ang araw mo.
“Bakit?” biglang tanong nito.
“Ha?” paborito kong tanong.
“Bakit ka nakatingin?” tanong n’ya. Ah sh*t! Hindi ko namalayan na napatagal na ang tingin ko sa kanya! Tom naman! Nawawala ka nanaman sa sarili!
“A-ah.. w-wala naman po..” nauutal kong sagot.
“Andito na tayo.” at hininto n’ya na nga ang sasakyan n’ya. Pagtingin ko ay nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Bigla naman akong may na-realize.
“Sir, paano n’yo po nalaman na dito ang bahay ko?” puno ng pagtataka kong tanong. Dahil hindi ko pa naman ito naisama dito. Tanging si Cha at Daniel lang ang nkakaalam nito sa mga katrabaho ko. Maski sina Dee at Ben ay hindi pa nakakarating dito.
“A-ahm.. N-nasabi sa ’kin kanina ni Charm.. b-bago ka nun lumabas ng CR sa restaurant.. n-nung hinihintay ka nila. Remember?” Utal nitong sagot. Nagtataka man ay tumango-tango na lamang ako.
“Ganun po ba? Ahm.. Sige Sir, baba na po ako. Hindi ko na po kayo maiimbita sa loob kasi alam kong tatanggi din kayo dahil late na. Hehe.. Ingat na lang po kayo pabalik ah? Salamat po ulit.” pagpapasalamat ko at tinango-tanguan na lamang ako nito habang nakangiti.
Bumaba na ako sa kanyang kotse at maayos na isinara ang pinto nito. Hindi muna ako umalis sa pinagbabaan ko dahil hihintayin ko muna itong makaalis. Bumukas ang window ng kotse n’ya na nasa side ko at nakita ko s’yang nakangiti at sumaludo pa sa akin.
“Good night Sir Xander. Ingat po ulit.” wika ko dito.
“Good night Tom. See you tomorrow.” sagot nito ng nakangiti. Ngiting nagpaestatwa sa akin. Ngiting ngayon n’ya lang ipinakita sa akin. Narinig ko pa itong bumusina ng tatlong beses bago pa nito tuluyang patakbuhin ang sasayan n’ya. Naiwan akong nakabukas ang bibig at tulalang tinitingnan ang papalayo n’yang sasakyan.
“Sh*t! Ano ’yun?” wika ko habang hawak ang dibdib ko. May ibang kabog kasi akong naramdaman sa dibdib ko na ngayon ko lang naramdaman. Parang gumulo ang sistema ko nung nakita ko ang ngiting ’yon.
Hindi ko alam kung paano ako nakapasok ng bahay at ngayon ay nakahiga na sa aking kama nang hindi ko namamalayan.
Bakit ganito nararamdaman ko? Parang ang sikip ng dibdib ko. Pero bakit ang sarap sa pakiramdam ng paninikip ng dibdib kong ito? Kakaiba.. Mga tanong ko sa aking isip hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
A/N
musta ang chapter na ’to guys? comment naman po kayo para alam ko kung may dapat po akong baguhin sa style ng pagsusulat ko.. kelangan ko din po ’yon para mas mapaganda ang kwento.. pleeaaaseeee???
-cold_deee
chapter 7 - sticky toffee pudding
A/N
pagbati ulit mula kay author! musta naman guys?! ok naman ang lahat?! anyway, continue natin ang pagpapakilala sa iba pang characters na magiging part ng buhay nila Xander at Tom. Paano kaya sila magiging part ng story ng dalawang taong ito?
here’s chapter 7 and dedicated ’to kay
astrid012014
dahil nagtatampo na sa akin kasi mas inuna ko daw mag-dedicate sa iba lalo na sa bumili ng kape ko.. ayan na ha?! ’wag ka na magtampo..
––> si Ma’am Shai po ’yung nasa media. Sophisticated nga talaga ’di ba?
SHAI POV
Shall I introduce myself? Well, I’m Shai but I’m not shy. I have this strong personality that will intimidate you at first. If people don’t like the way I act, I don’t give a damn! I mean, what’s my choice? This is me and there’s no reason for me to change just to meet their expectations. Be with me or just get out of my sight. That’s my rule.
Anyway, I have these two friends that I am with for a long time. First, there’s Xander. My childhood friend that for a moment ay muntik nang masira ang buhay because of that witch na iniwan lang ang anak in his care. I work in one of his restaurants dito sa Alabang. It’s my way of supporting him kahit ang kapalit ay ang pagma-manage ng family business namin. And it’s worth it, I’m really enjoying this job.
Second is this Randy guy na na-meet namin ni Xander when we were in college. We all became best buddies since then. I know what happened few years back when this guy confessed his feelings to Xander. I was shocked at first! I mean, what is now happening in this world? Hot guys nowadays are into hot guys na din?! However, I know a thing like this is possible when the subject is love.
And right now here I am, on my way sa isang bar somewhere in The Fort. After I parked my red car sa tapat ng bar na ito, I immediately entered the front door. People in this bar glanced at me like they saw a goddess. I know right! Finally after a minute of searching my purpose, I saw this guy in the bar counter na kanina pa ako hinihintay. And looking at him, mukhang nakakarami na ito ng nainom.
“Hey.. Drinking with the same reason I bet?” I asked nang makalapit ako sa kanya.
“Hey..” he said and gave a peck on my cheek. I can smell the alcohol, mukhang nakakarami na nga.
“So, what’s up? I wasn’t able to meet you kanina, maaga ka daw umuwi. Still the same reason why you’re here?” tanong ko and umupo sa tabi n’ya.
“What’s new? Hahahaha!” fake nitong tawa. Gahd! Sabi ko na nga ba! It’s still about our friend Xander.
“C’mon Randz.. Hindi ka pa rin ba nakaka-move on over him? I mean, it’s been years! Hanggang kelan ka ganyan?” I asked.
“I don’t know.. I really don’t know.” sagot n’ya. Looking down while shaking his head and heaved a deep sigh.
“Look Randz, hindi lang s’ya ang lalaki dito sa mundo. There’s a lot of fish in the ocean you know?” pangungumbinsi ko sa kanya. “ The usual please.“ sabi ko naman sa bartender na nasa harapan namin para kunin ang order na lagi kong iniinom dito. This is the place kung saan madalas kong kasama sina Xander at Randy when we hang out, kaya kilala na din kami ng mga staff dito.
“Yeah right.. Pero para s’yang si Nemo, Shai.. Hahaha! He’s different and alam mo ’yon..” at uminom muli ng kanyang alak.
“Fine, he’s really different. Pero paano mo makikilala ang iba kung sa kanya ka lang nakatingin? Try to meet people. Explore! Masyado ka nang naging attached sa kanya to the point na pati yata pagtanda n’ya eh susundan mo s’ya? You have your own life Randz, hindi lang sa kanya dapat ang focus mo.” medyo irritated na din ako. All these years naman kasi, si Xander na lang ang nasa isip nito.
“If he will just allow me Shai na samahan s’ya hanggang pagtanda, gagawin ko. S’ya na lang ang taong nakakaintindi sa akin. Even my parents hindi na ako pinakelaman eversince nalaman nila ang sexuality ko. You even know that.” sagot n’ya.
I felt pitty naman, kasi his statement is true. I really can’t imagine na dahil lang sa nagpakatotoo s’ya, kapalit nun ang paglayo family n’ya sa kanya. They didn’t even supported his needs when he was in college. He has to work for his own at sa tulong na din namin ni Xander.
“Eh pa’no kung ang taong magmamahal sa’yo eh nand’yan lang sa tabi at hinihintay ka? But since you’re busy with Xander, hindi mo s’ya napapansin?” sabi ko dito. This is not the right time para sabihin kung sino man ’yon. He should be the one to discover it. Tumingin s’ya sa akin ng makahulugan. Tinaasan ko naman s’ya ng kilay ko. “What?!” I blurted. Kasi iba nga ’to makatingin.
“Don’t tell me Shai, may pagnanasa ka sa ’kin?” tanong n’ya. My mouth widely open dahil na-shock ako sa tanong n’ya. Gahd!
“F*ck you Randz! You know you’re not my thing!” inis kong sabi dito.
“Hahahahaha! Just kidding Shai! Cute ka pa rin magalit!” tawa pa rin s’ya ng tawa. Ininom ko na lang ang drink ko dahil ibinigay na ito ni Mr. Bartender. “But seriously, why giving me an advice kung ikaw nga hindi pa nagkaka-boyfriend?” added question n’ya. Ngumisi naman ako sa tanong n’ya.
“Don’t underestimate me Randz. Not all things ay dapat kong sabihin sa inyo.. You’re still guys kaya dapat may mga bagay din akong tinatago.” I said while raising mg left eyebrow.
“Talaga lang ah? O baka naman wala lang talagang magkamali sa’yo?” hamon n’ya sa akin. Lalo naman lumapad ang ngisi ko.
“Wanna witness my ability?” hamon ko din sa kanya. Ngumiti lang ito.
Inikot ko ang barstool na inuupuan ko and nakatalikod na ako ngayon sa bar counter. I’m wearing black dress right now na above the knee ang length, flaunting a little of my flesh. Nakalugay din ang medyo curly long hair ko. I crossed my legs and naka-lean ang left elbow ko sa bar counter while my right hand is holding my cocktail drink.
Ginala ko ang tingin ko sa paligid looking for a target. Then after a couple of minutes…
“Gotcha!” I whispered.
I saw this cute guy na nakatingin sa akin. Ngumiti ito sa akin and I responded by showing my sexiest smile. Tumingin ulit ako kay Randy and nakuha n’ya naman ang ibig kong sabihin. Nag-smile lang s’ya and mukhang nae-entertain naman s’ya sa ginagawa ko.
Binaling ko ulit ang tingin ko sa cute guy na nakita ko and I raise my drink while looking at him straight. He did the same thing. After that, I turn around to face the bar again.
“See? That’s the show! Now tell me, mukha ba akong hindi nagka-boyfriend?” pagyayabang ko sa kanya after I made a sip with my drink. Natawa naman ito sa akin.
“Iba ka talaga Shai! Hahaha!” he chuckled.
“I know right!” I said while flipping my hair.
“Lipat na lang tayo ng ibang bar. Baka mamaya mag-isa na lang akong uuwi kasi I’m sure sooner or later somebody will interrupt our moment.” suggestion n’ya.
“Moment mo lang ’to, sinamahan lang kita! ’Wag mo na akong idamay sa pagka-broken hearted mo!” natatawa kong balik dito.
“Fine! Fine! Let’s go?” yaya n’ya.
“Right.” sagot ko and then he asked for the bill na sa bartender.
I know hindi pa natatapos ito dito. I just have to look after him dahil mahal ko din itong kaibigan ko. I know may pinagmumulan ang pagkakaganito nito dahil ngayon ko lang ulit ito nakitang ganito kalungkot for a long time. Kuntento na ito sa kung ano man ang meron sa kanila ni Xander before.Pero these days ay naging mas quiet ito kaya nag-aalala din ako.
I tried to observe Xander kung may naging changes din ito and hindi nga ako nagkamali. That guy is getting more quiet at parang may gumugulo sa kanya. But sometimes, I can see him smiling habang malalim ang iniisip nito. I was like start thinking na nga na nababaliw na ito. I think I should be more observant within these two.
Aarrgghh!! How can I have a boyfriend if these guys are pestering me like hell?! Tapos magtatanong sila kung bakit wala pa akong pinapakilala sa kanila?! They’re really a pain in the ass?!
XANDER POV
Nandito ako ngayon sa office ng aking restaurant at prenteng nakaupo. Occupied ang isip ko ng isang bagay o mas tamang sabihing, ng isang tao.
I woke up this morning na may ngiti sa aking labi. I can’t find the right words to express my happiness because of what happened last night.
Hinatid ko sina Charm at Tom sa mga bahay nila and hindi naman ako nagsisi ng mga oras na ’yon kahit na malayo pa ang byahe ko pabalik ulit ng place ko. Dahil for the first time ay nagkaro’n na din kami ng normal conversation ni Tom.
Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ko kung pa’no ko iniwan si Tom ng nakabukas ang bibig na marahil ay sa pagkabigla. Binigyan ko kasi ito ng magandang ngiti at sincere ako doon.
Sa maikling panahon na nakasama ko ito ay naging malaki ang impact nito sa akin. I really can’t understand kung anong nangyayari sa akin. I tried to be rude and cold towards him, pero sa t’wing ginagawa ko ito ay nasasaktan din ako.
Tulad noong nakaraang araw nang masugatan ito mula sa paghuhugas ng mga equipments sa kitchen. Gusto ko s’yang lapitan nang mga oras na ’yon dahil nag-alala talaga ako sa kanya. Pero maagap si Daniel na nilapitan iyon at tinulungan. Nakaramdam ako ng pananakit ng dibdib sa hindi ko malamang dahilan habang hawak ni Daniel ang mga kamay n’ya.
Dala na din ng guilt feelings ay inalam ko kung saan ito nakatira. Sa pamamagitan ng paghahanap ng personal informations nito sa aming files dito ay nalaman ko iyon. Gusto kong mag-sorry that time. Pero nung nasa tapat na ako ng bahay nila ay hindi ko magawang bumaba ng sasakyan ko dahil tinakasan ako ng lakas ng loob na harapin s’ya. Mga nasa tatlong oras din akong nasa loob lang ng sasakyan ko ng gabing iyon.
Maya-maya ay may dumating na motor at nagulat ako na sina Daniel at Tom ang sakay nito. Nakita ko pang nag-usap ito saglit bago tuluyang umalis si Daniel. Nakaramdam nanaman ako ng sakit ng mga oras na ’yon. Lalapit na sana si Tom sa pwesto ko ngunit maagap kong pinaandar ang sasakyan ko.
’Yan din ang totoong rason kung paano ko nalaman ang bahay nila at hindi galing ang information kay Charm na ginawa kong palusot kung paano ko nalaman kung saan ito nakatira.
Kinabukasan din ay naramdaman ko ang parehong sakit na naramdaman ko nang pumasok si Tom sa trabaho. Nilapitan kasi ito ni Daniel at sinuotan ng gloves upang hindi mabasa ang sugat nito. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit gusto kong hilain ang kamay ni Tom mula kay Daniel. Sounds gay right? Pero anong magagawa ko? Basta ko na lang naramdaman ito.
Mas lalo pa akong nakaramdam ng inis dahil mga bandang hapon ay narinig kong nag-uusap ang dalawa sa tapat ng office ko habang dini-discuss namin ni Randy ang mga supplies na pwedeng maibigay ng newest supplier namin.
Hindi ko na napigilang tumayo at lumabas ng office na ’yon kahit hindi pa kami tapos mag-usap ni Randy. Parang ayaw ko na kasing marinig kung ano ang magiging plano pa nila sa breaktime nilang dalawa.
At hindi pa nagtapos ang inis kong ’yon dahil mga bandang gabi ay naisipan kong magbukas ng facebook na matagal ko nang hindi nagagawa. Nakita ko ang mga bagong upload na pictures ni Daniel dahil friends kami nito sa social networking site na ito. Si Tom at Daniel na magkasamang nagpakuha ng pictures sa loob ng mall. May latest post pa that time si Daniel na ‘Finally got the chance to be with you’ at may ‘feeling happy’ pa ang loko! Lakas makasira ng mood eh!
Sa sobrang inis ko nga ay naitapon ko ang cellphone ko. Mabuti na nga lang at matibay ito dahil kinabukasan ay buhay pa ito.
Muntik na din masira ang mood ko kagabi dahil nabanggit ni Charm nung ihahatid ko sila sa bahay nila na lumabas pala sila nung gabi ding ’yon. Kinantahan pa daw s’ya ni Daniel at nagawa pa nilang magtitigan. Kaya sa sobrang inis ko ay inilipat ko na lamang sa ibang station ang stereo ko para hindi ko na din marinig ang kanta. Hindi naman talaga totoong ayaw ko ng tagalog songs. In fact, marami akong alam na tagalog songs na tinutugtog ko sa gitara ko. At dun na nga nagsimula ang magandang conversation sa amin ni Tom.
Na-realize ko na pinahihirapan ko lang din ang sarili ko kung patuloy kong pahihirapan si Tom. Kaya kagabi ay hinayaan ko ang aking sarili na magpakatotoo.
Alam ko ang pakiramdam na ito. Isang beses ko pa lamang ito naramdaman at ngayon nga ang pangalawang pagkakataon. Ang unang beses nito ay nang makilala ko ang ina ng anak kong si Carla. Kung tama man ako sa nararamdaman ko, gusto kong pag-aralan muna ito at alaming mabuti. Ayaw ko nang maulit ang una kong pagkabigo.
Kung ang katanungan ay kung nababakla na ba ako ay saka ko na lamang ito iisipin. Hahayaan ko na lamang dalhin muna ako ng agos nito dahil masaya ako sa nararamdaman ko ngayon.
Naputol ang aking mahabang pag-iisip nang may biglang imahe ang sumulpot at umupo sa silyang nasa tapat ng table ko.
“Tapos ka na bang managinip ng gising Xander?” wika ni Shai.
“Do you need anything?” tanong ko dito at hindi pinatulan ang pang-aasar n’ya. Inirapan lang ako nito.
“Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin. So, how are you Xander?” sagot at tanong n’ya na rin. Bahagyang nangunot naman ang noo ko.
“Ano bang klaseng tanong ’yan Shai? Magkasama tayo araw-araw, then why asking me all of a sudden kung kamusta ako? Hindi ba dapat ako ang mangamusta sa’yo? Where were you last night at sa text mo na lang ako in-inform na umalis ka na pala dito kahapon ng maaga?” sunod-sunod kong tanong.
“Wooahh! Isa-isa lang Boss. Magkasama kami ni Randy last night and went out to get some drinks. You know? Like the old times.” paliwanag n’ya.
“Isa pa ’yon. Nag-inform sa akin na mamaya pa daw s’ya makakapasok, kahapon maaga naman umuwi. Tapos ngayon, sasabihin mo sa akin na you two were drinking last night. Is there anything new na hindi ko pa alam sa ating tatlo?” angal ko dito.
“How about you Xander? Is there anything na hindi mo pa nasasabi sa amin?” balik nitong tanong. Natahimik naman ako dahil naisip ko kung dapat ko bang sabihin ngayon sa mga ito ang mga naging pagbabago sa akin. Hindi pa rin ako nagsalita kaya nagpatuloy ito.
“Napapansin ko Xander na lately nags-space out ka. Nawawala ka na din sa focus. Minsan naaabutan din kitang tulala at maya-maya ay ngingiti. Kelangan na ba kitang dalhin sa psychiatrist?” dire-direcho n’yang sabi. Napabuntong hininga naman ako at hindi pa rin umimik. Wala akong maisagot sa mga sinasabi n’ya.
“The last time I witnessed you like this was nung nakilala mo ang bruhang ina ng anak mo. Be honest Xander. Tell me, are you inlove?” tanong nito sa akin. Tiningnan ko ito seryoso at nagbalik din ng tanong sa kanya.
“And what if I am?” tanong ko sa kanya ng derecho.
Nanlaki ang mga mata nito. Hindi agad ito nakaimik. Expected ko na ’yon dahil wala pa akong pinakilala sa kanila na sinabi kong inlove na ako dito. Puro fling lang ang alam nila at kung makaka-one night stand ko ay hindi na nila makikilala pa.
“Seriously?! Kanino?!” agad nitong tanong nang makabawi mula sa pagkabigla.
“Not now Shai…. M-medyo ano kasi…” hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
“Medyo what?!” pangungulit nito.
“K-komplikado….” utal kong wika habang nagkakamot pa ng batok.
“Komplikado? How complicated? May asawa ba ’to? Matandang dalaga? Matrona? Taong grasa? Tell me!” may kalakasan n’yang wika.
“No.. Wala sa mga ’yun.. Basta! Sasabihin ko din naman sa’yo eh. But please,, not now?” pakiusap ko dito. Kumalma naman ito bumalik sa composure.
“Fine! Alam na ba ’yan ni Randz?” tanong n’ya.
“No, not yet. And please, ’wag mo muna sabihin. I mean, medyo naguguluhan pa kasi ako. Bigyan n’yo muna ako ng time. Komplikado nga kasi.” pakiusap ko ulit.
“Ok.. Pero make sure na hindi ’yan kagaya ng bitch na dati mong karelasyon! Or else may paglalagyan ’yan! Mamimili lang s’ya kung sa oven or sa fryer n’ya gustong matusta!” pagbabanta nito. Napangiti naman ako dahil maswerte ako sa kaibigan kong ’to.
“Hinding-hinde! Ibang-iba s’ya sa inaakala mo Shai.” nakangiti kong sagot dito.
“Whatever! Sige na, I’ll go ahead. Pupunta na ko sa dining. At ikaw naman, tumayo ka na d’yan at magtrabaho!” sermon nito.
“Yes Boss!” sagot ko dito at sabay na kaming naglakad palabas ng office ko.
Naging busy kami sa kitchen ng mga oras na ’yon hanggang mag-gabi. Dumating din si Randy ngunit hindi kami nito nakapag-usap ng maayos dahil abala nga ang lahat.
Paminsan-minsan akong lumalabas sa dining area para tingnan ang mga customers namin ng mga oras na ’yon. At sige na nga aaminin ko na, para sulyapan na din si Tom na abala din sa pagta-trabaho. Paminsan-minsan itong napapatingin sa akin at nahuhuli akong nakatitig sa kanya. S’ya naman ay ngingiti lang sa akin na s’yang nagbibigay ng kakaibang saya sa pakiramdam ko. Pero kung dati ay umiiwas ako ng tingin dito, ngayon ay iba na. Nginingitian ko na ito pabalik at s’ya naman ang parang naguguluhan at kung minsan ay parang nagtataka. Ngayon ko lang na-realize ang right definition ng salitang ‘cute’ dahil sa inaasta n’ya. Putek! Para naman akong teenager nito sa sinasabi ko!
Dumating pa nga ang mahabang oras at eto na nga, magsasara na din ang restaurant. Papunta na sana ako ng restroom ng mga customers para gawin ang nakasanayan ko bago umuwi na maghilamos at magbawas ng likido nang marinig ko ang mga staff ko na nag-uusap-usap sa labas ng restroom. Hindi naman nila ako nakikita dahil nasa likod ako ng pader na kinalalagyan ng restroom na iyon.
“Bessy, ’di ba off mo din bukas?” boses iyon ni Charm.
“Oo, bakit mo naman natanong? Off mo din ba?” boses naman ni Tom.
“Sama ka sa ’min nila Dee at kamoteng Ben! Punta tayong Enchanted Kingdom!” si Charm ulit.
“Eh bessy alam mo namang wala pa akong pera eh. Saka na ’pag may extra akong pera.” sagot naman ni Tom.
“Eh hindi ka naman gagastos eh. May free tickets ako dito bigay ng customer ko kanina. Sa food naman, si Dee na daw ang bahala. Sa labas na lang daw tayo kakain kasi mahal daw ang pagkain sa loob eh. Kaya naisip n’ya magbaon na lang tayo at iwan sa kotse n’ya. ’Pag nagutom naman tayo, pwede tayong bumalik sa kotse ni Dee tapos pasok na lang ulit tayo. May stamp lang dun na ilalagay sa atin para makapasok ulit tayo.” mahabang wika ni Charm.
“Ganun ba? Sige, ayos lang naman. Anong oras ba?” si Tom ulit ang nagtanong.
“Yey!! Dapat andun na tayo after lunch para mas marami tayong masakyang rides! Sunduin mo na lang ako sa bahay ha? Para dito na lang natin hintayin sa mall sina Dee at kamoteng Ben!” wika ni Charm.
Umalis na ako sa kinatatayuan kong ’yon at dali-daling kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa. Agad kong hinanap sa contacts ko ang taong naisip kong makakasama sa mission ko. Nang makita ko ito ay agad ko ding tinawagan. Nakakailang ring pa lang ay sinagot na agad nito.
“Hello parekoy! Anong atin?!” wika ng kausap ko.
“Hello brad! May lakad ka ba bukas?” tanong ko agad.
“Wala naman brad. Wala naman chicks na nag-iinvite pa sa ’kin. Bakit mo natanong?” sagot n’ya.
“Gusto mo ba sumama sa ’kin? Sama mo na din pinsan mo kung gusto mo. May pupuntahan tayo.” wika ko naman sa kausap ko.
“Wow! Bago ’yan brad ah?! Ikaw ang nagyaya?! Mukhang may maganda kang plano ah?! Sure Sure! Anong oras ba?” pagpayag n’ya.
“Mga after lunch brad. Convoy na lang tayo. Dadalhin ko sasakyan ko, tapos kahit isang sasakyan na lang din kayo ng pinsan mo.” bilin ko sa kanya.
“Sige sige! Siguraduhin mong matutuwa kami d’yan ah?! Text mo na lang iba pang details. Busy pa ’ko sa chicks ko ngayom eh. Kita na lang tayo bukas.” at binaba na nito ang tawag ko. Napangiti naman ako sa biglaang plano ko.
“Ako ba wala kang planong imbitahin?” nagulat ako sa boses sa likuran ko. Napalingon naman ako dito at nakita ko ang walang ekspresyong mukha ni Randy.
“Oh Randz, ikaw pala. Kanina ka pa ba d’yan?” tanong ko dito. Bigla na lamang kasi itong sumulpot.
“Hindi naman, kararating lang. So sa’n ang lakad? Mukhang bago ’yan ah. Nauna mo pa silang imbitahin kesa sa akin?” tila nagtatampo nitong wika.
“Masyado ka naman matampuhin Randz! Nauna lang sila pero papunta na din sana ako sa’yo para personal kang yayain.” magiliw kong wika dito.
“Talaga lang ah?!” sagot lang nito. Hindi ko na ito pinatulan at nilihis ang kanyang katanungan.
“Sunduin kita bukas before lunch, sa kotse ko na lang tayo.” sabi ko na lamang dito.
“K.” tipid nitong sagot. Ayaw ko na lamang punain ito sa sa kakaibang kinikilos dahil baka hindi pa ito handang magsalita sa ngayon. Isa pa, medyo marami din akong iniisip sa ngayon at isa na dito si Tom.
Nakita kong papalabas na sina Tom at Charm kaya nagpanggap akong may katext sa aking phone. S’yempre dapat serious ang acting ko.
“Sir Xander, Chef Randy.” dinig kong wika ni Tom. Nakayuko kasi ako. Inangat ko ang aking mukha ng dahan-dahan. Para dramatic at mas gwapo tingnan.
“Yes?” wika ko with all smile and mapungay na eyes. At eto nanaman s’ya, hindi nanaman mapakali. Hehe! Nag-eenjoy na ako sa nangyayari sa amin ah!
“Ahm.. M-mauna na po kami. I-ingat din po kayo pag-uwi.. K-kita na lang po ulit tayo sa ibang na araw..” utal-utal n’yang wika.
Tumango at ngumiti na lamang ako. Pero ang isip ko sigaw na ng sigaw ‘See you tomorrow Tom! See you Tomorrow!’ Paulit-ulit nitong sigaw.
“Ba-bye po Sir Xander and Chef Randy. Ingat po kayo sa pag-uwi. Mag-iingat din po kami. Lalo na itong si Bessy ko, kelangan ko talagang ingatan ’to.” wika ni Cha ng may diin at nakatingin kay Randy. Ipinagkibit-balikat ko na lamang ito.
Umalis na silang dalawa at ako naman ay pumunta na sa restroom to do my thing. Maaga akong uuwi dahil may lakad pa ako bukas. Ite-text ko na lang si Shai na s’ya muna ang bahala dito sa restaurant bukas.
Tomorrow will be a great day! See you Tom. Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko hanggang matapos ang gabing ito.
A/N
Musta po ang chapter na ito? Sumakit ang ulo ko sa POV ni Shai.. Hirap maging sosyal.. hahahaha! Anyway, see you next update.. Baka mai-post ko din agad dahil may draft na ako dun.. Baka abutin ng 2 parts ’yun kasi maraming magyayari.. hehe.. salamat guys! tsup!
-cold_deee
chapter 8.1 - strawberry cheesecake
A/N
Hello guys! Magiging 2 parts ’tong chapter na ’to kasi between Dee and Dominic ang half, then kina Tom at Xander naman ang other half. Medyo marami kasi ang mangyayari.
Oo nga pala, salamat sa mga nagbabasa nitong kwento ko. Pero sana vote din kayo every chapter para mas masaya. Hahahaha! Don’t forget to comment po, para next chapter sa inyo ko naman ide-dedicate. Thank you!
––> si Dee nga po pala ’yung nasa media.
DEE POV
Magpapakilala pa ba ako? ’Wag na, tinatamad ako. -_-
Nagda-drive ako ngayon papuntang Enchanted Kingdom at sakay ko sina Charm, Ben at Tom gamit ang kotse ko. Ito ang kauna-unahang beses na lalabas kaming magkakasama. Pumayag na din akong sumama dahil bored na din ako sa papanahimik ko.
Nasa tabi ko si Tom habang nasa backseat naman sina Charm at Ben na kanina pa maingay. Hindi ko malaman kung naglalambingan ba ito o nag-aaway. -_-
“Kamote ka! Bakit kasi sumama ka pa?! Narinig mo lang na inimbita ko si Dee kagabi, inimbita mo na din sarili mo! Hindi ba talaga uso sa’yo ang hiya?!” galit na sabi ni Charm.
“Sugar naman.. Sabi ko naman sa’yo babantayan kita ’di ba? Kaya kahit saan ka magpunta, nasa likod mo lang ako. Hehe!” sagot ni Ben.
“Ano ka aso?! Buntot nang buntot?! Pwede ba minsan tantanan mo ang beauty ko?! Hindi na ako magkaka-jowa n’yan ’pag lagi kang nanjan! Isipin pa nila boyfriend kita!” inis na turan ni Charm.
“Eh bakit? Bagay naman tayo ah? Saka Sugar kahit ipagtabuyan mo ako, hindi pa rin ako aalis dito. Mamaya n’yan may manakit pa sa’yo, kelangan andun ako para protektahan ka.” nakangiting wika ni Ben.
“Protektahan?! Tingnan mo nga ’yang itsura mo?! Mukhang ikaw pa ang kelangan ng proteksyon eh! Ilagay na lang kaya kita sa sako para talagang protektado ka?!” sigaw ulit ni Charm.
“Hehe! Alam mo Sugar, mas cute ka talaga ’pag nagagalit. Kinikilig ako sa’yo ’pag ganyan ka!” si Ben.
“Ah talaga? Gusto mo makita kung pa’no talaga ako totoong magalit?!” si Charm na bumaba na ng bahagya ang tono. Nakita ko naman si Ben sa rear view mirror ng sasakyan ko na tumango-tango.
“Dee, may lubid ka ba d’yan? Itatali ko ’tong kamoteng ’to sa labas ng compartment mo tapos patakbuhin na natin ’tong sasakyan mo! Kaladkarin natin hanggang makarating tayo ng Enchanted!” at tumaas nanaman ang boses nitong sabi sa akin. Dito na hindi nakatiis ang katabi ko.
“Cha sobra na ’yan ah?! Hindi ko na gusto ang lumalabas sa bibig mo. Nananahimik lang ako dito, pero ’pag hindi mo pa tinigilan ’yang pagmamaldita mo uuwi na lang tayo!” banta ni Tom kay Charm. Natahimik naman ito at inambahan na lamang ng suntok si Ben.
Mabuti na lamang at nandito si Tom para awatin si Charm. S’ya lang kasi ang may kakayahan na patahimikin ito. ’Pag si Tom na kasi ang nagalit, parang nagiging maamong cute na tuta na ’tong si Charm.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa aming destinasyon. At tulad ng napag-usapan, kumain muna kami dito sa sasakyan ko para makatipid din sa pera dahil may kamahalan ang mga pagkain sa loob.
Actually, I don’t mind kung sa loob kami kakain dahil may pera naman ako. Pero ayaw ko namang pangunahan ang mga ito dahil alam kong hindi rin magiging komportable ang lahat lalo na si Tom. Gusto ko magkakasama kami sa lahat ng bagay at ine-enjoy ito ng magkakasama. Alam ko din na kahit mag-alok pa kami kay Tom ng libre ay tatanggihan din nito. Hindi kasi s’ya mapagsamantalang tao.
Sandwich lang ang kinain namin dahil napag-usapan na namin na dapat ay nag-lunch na kami bago pa umalis ng aming mga bahay. Matapos nga kumain at nagtungo na kami sa loob ng amusement park na iyon at kitang-kita ko na masaya din sila lalo na si Charm.
Dala ko ang DSLR camera ko at sinimulan na din nilang magpakuha kung saan sila matuwang mag-pose. Hindi ako mahilig magpakuha ng picture kaya nag-offer na lamang akong photographer nila. Besides isa rin ito sa mga hobby ko, ang kumuha ng magagandang tanawin at masasayang tao.
Hindi rin ako sumama sa kanila sa pagsakay sa ibang mga rides dahil ang totoo ay acrophobic ako. Takot ako sa matataas na lugar. Sinabi ko naman sa kanila ’yun at naiintindihan naman nila ako. Nakita pa nila ang takot sa akin nang pilitin ako ni Charm na sumama sa roller coaster o Space shuttle dito. Kaya ang ending, naka-tatlong beses kaming pumila sa bumper car o Dodgem dahil ’yun lang ang kaya kong sakyan. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanila, kaya mas lalo ko silang na-appreciate dahil nagpapakita sila ng suporta sa akin.
Mahaba ang pila sa gusto nilang sakyan kaya nagpaalam muna akong bibili ng tubig at mag-iikot-ikot habang hindi pa sila tapos makasakay.
Matapos bumili ng tubig ay umupo muna ako sa mga nagkalat na silya sa paligid. Tiningnan ko muna ang mga kuha kong pictures nila sa camera ko. Naisipan kong dagdagan pa ang pictures kaya naghanap ako ng magandang spot na abot ng aking mata sa amusement park na ito habang nakaupo pa rin ako.
Itinutok ko ang camera kung saan-saan. Shot dito at shot doon ang ginawa ko. Habang nakasilip sa camera ay sinubukan kong i-zoom in ito para makuhanan ko ang Carousel na nakita ko. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nahagip na pamilyar na imahe ang camera ko. Imahe ng taong hindi ko gustong makita dahil kumukulo ang dugo ko dito.
Ipinikit ko ang mata ko ng ilang segundo dahil baka namamalik-mata lang ako. Pagsilip ko ulit sa camera at sa pwesto kung sa’n ko ito nakita ay wala na ito.
“Baka nga namamalik-mata lang ako.” pagkausap ko sa aking sarili. Tumayo na lamang ako sa lugar na iyon at nagpasyang pumunta sa lugar kung sa’n ko iniwang nakapila sa isa sa mga rides sina Charm. Baka tapos na din kasi sila. Ngunit ang inabutan ko ay pasakay pa lamang sila kaya may ilang minuto pa para sila ay makalabas.
Naglakad-lakad muli ako habang tinitingnan ang nakuha kong picture mula sa camera. Pero sa paglalakad kong ’yon ay hindi ko sinasadyang mabangga sa isang taong nakatalikod mula sa akin.
“Sorry.”
“Arekup!”
sabay naming wika.
Humarap ito sa akin at muli, umakyat ang dugo ko papunta sa aking ulo.
“Ta-e!” tangi kong nasabi.
DOMINIC POV
Gwapo ako! ’Yan lang ang kaya kong ibigay na description sa sarili ko. Pangalawa gwapo ulit, perfect na body na nagpapadagdag ng appeal ko at panghuli, gwapo ulit! Ganun talaga, artista eh! Hahahaha! Hindi ko na pahahabain ang pagpapakilala dahil I’m sure ang ilan sa inyo ay kilala na ako. Basta, gwapo ako!
Maiba tayo ng kwento bukod sa pagkagwapo ko. Niyaya kami ng bugnutin kong kaibigan na lumabas. First time mangyari ’to in the history of our friendship dahil madalas kami ang nagyayaya dito. Chicks dito at chicks doon ’pag magkakasama kami nitong apat. Sa akin sila umaasa pagdating sa chicks maliban kay Randy, chicks din kasi ’yun eh! Wahahahaha! ’Wag kayo maingay sa sinabi ko, baka mapukpok ako ng kaldero nun! Ang pinsan ko namang si Rigo ay napipilitan ding kagatin ang binibigay kong chicks dahil kung hindi ay ibubulgar ko ang lihim nito! Hehe! Ganyan ako mang-black mail sa kanya! Si Xander naman ay hindi na kailangan pang alayan ng palay dahil kusa nang lumalapit ang mga ito dito. Gwapo din ang loko eh, parang ako!
Eto na nga at nakarating kami sa amimg destinasyon. At eto ang naging reaksyon ko:
“Tangina brad! Ano ’to?! Bakit nandito tayo?! Enchanted Kingdom ang pucha! Ano tayo? Bata?!” maktol ko.
Akala ko naman kasi ay sa hotel ang punta namin at may naghihintay sa isang room na mga babaeng magpapaligaya sa nangungulila kong pagkalalaki. Hindi naman ito umimik at nakatingin lamang sa entrance ng amusement park na ’yon. Pucha! Sarap kitilin ang buhay eh!
“Hayaan mo na ’tol. Baka naman may malaking dahilan kaya ’yan nagyaya dito.” wika ng pinsan kong si Rigo na kay Randy nakatingin. Bwisit din ’to eh! Palibhasa mukhang mag-eenjoy din s’ya! Tahimik lamang si Randy pero alam kong nagtataka din ito. Hindi naman kasi sinabi ni Xander sa amin na dito kami pupunta.
“Tara na, pasok na tayo.” tipid na sabi ni Xander. Arrgghh!! Nauurat talaga ako!!
Naglakad na ito sa entrance at s’ya na din ang pumila para bumili ng ticket naming apat. Isinuot sa amin ang makulay na bracelet na palatandaan na pwede na kaming pumasok sa lugar na ’yon. Panira ng porma ang bracelet na ’to! Nakakabawas ng pagka-gwapo eh!
Habang nasa loob kami ay nagpalinga-linga itong si Xander na tila may hinahanap. Ako naman ay magkarugtong na ang mga kilay sa inis! Lakad dito at lakad doon. Sino ba hinahanap nitong bugnutin na ’to?!
“Ano pare?! Hinahanap mo ba Carousel para sumakay sa kabayo? Tangina brad! Hindi ko alam na ganito ang trip mo! Kung alam ko lang binigyan na kita ng ticket papuntang Disneyland nung birthday mo!” pagmamaktol ko ulit. Bahala ka d’yan! Magsawa ka sa kakabunganga ko! Sana tinawag ko na lang isa sa mga chicks ko eh, nasiyahan pa ako kahit nakakulong lang sa malamig na kwarto!
“Ang dami mong sinasabi! Sumunod ka na lang. Sigurado ako mamaya matutuwa ka din!” sagot nito.
“Matutuwa? Saan banda? Sa babaeng gansa sa Swan lake na rides habang nakasakay ako sa kanya?!” bunganga ko ulit sa kanya. Hindi na ito sumagot at patuloy na lamang na naglakad at nagpalinga-linga ulit.
Huminto kami saglit para magpahinga. Nakatayo lang kami dito sa gilid ng daan habang ang baliw kong kaibigan ay patuloy pa rin sa paghahanap kay Casper. Bwiset kasi, hindi naman sinasabi kung ano o sino ang hinahanap eh.
Habang nakatayo lamang ako at nagmamaktol ay biglang may bumangga sa gwapo kong likod.
“Arekup!”
“Sorry.”
Sabay naming sabi ng nakabangga sa akin.
Tumalikod ako upang lingunin ito dahil baka chicks. Kelangan masulit ko ang pagsasayang ko ng oras dito sa lugar na ito. Pagharap ko dito ay literal na nabuhay ang dugo ko. Hindi pala chicks kundi brusko!
“Ta-e.” tangi n’ya na lang nasabi nang makita ako. Ngumiti naman ako. Ngiting tagumpay dahil mukhang may mangyayari nang maganda sa pagpunta ko dito.
“O-M-G!! Fafa Rigo!! Whacha doin’ here??!!!” boses sa likod ni Dee. Si Charm pala kasama si Ben at isa pang lalaki na nakita kong nagta-trabaho din sa restaurant ni Xander. Gwapo din ito kagaya ko. Naks!
“Hi Charm! Kamusta? Andito din pala kayo, what a coincidence.” sagot dito ni Rigo.
“Coincidence nga ba?” mahinang sabat naman ni Randy na hindi na maipinta ang mukha. Hindi naman namin pinansin iyon.
“Good afternoon po Sir Xander at Chef Randy.” nakangiting bati nung lalaki na gwapo din kagaya ko. Ngumiti naman si Xander bilang response. Ngiti na tila nakita na nito ang matagal na nitong hinahanap? Hhhmmm… Si Randy naman ay tumingin lamang sa lalaking bumati.
“Good afternoon din po Sir Dominic at Sir Rigo.” bati naman ni Ben sa amin ng pinsan ko. Pero mukhang nag-iba ang timpla nito nang tingnan si Rigo. At dahil sanay na ako sa harap ng camera ay ngumiti ako ng abot hanggang tenga para lalong gwapo.
“Kung makangiti parang tanga lang.” bulong ng bruskong si Dee pero narinig pa rin namin.
“Mamaya na ’yan giyera n’yong dalawa.” pagputol ni Xander. Aba’t! Hindi pa nga ako nakakasagot eh! “Sakto andito din pala kayo, baka gusto n’yong mag-join na lang sa ’min para mas masaya.” dugtong pa nitong nakangiti. Ano daw??! At kelan pa natutong mag-entertain ng ibang tao ’tong mokong na ’to maliban sa amin?! Hhhmmm…
“Such a brilliant idea Sir Xander!! Makakasama ko din si Fafa Rigo, parang date lang noh?! Group date nga lang, pero keri na din!” maligalig na pagsang-ayon ni Charm.
“Malas naman.” bulong ulit ni Dee.
“Jackpot kamo, may makasama ka ba namang kasing gwapo ko mamalasin ka pa?” gwapong sagot ko sa kanya.
“Lakas ah. Open air na dito, pero ramdam mo pa rin na may nagdala pa rin ng sariling aircon.” sagot nanaman n’ya.
“Aircon ba? Eh kung airc––” sasagot pa sana ako pero pinutol na ako ni Xander.
“Mamaya na yan. Simulan na natin magikot-ikot dito.” pagputol n’ya sa moment ko. Pucha! Hindi pa tapos ang speech ko ah! Bastos talaga ’tong Xander na ’to! Nakita ko pang napangisi si Dee. Aba’t! Nang-aasar pa talaga!
“Mamaya ka sa ’kin!” wika ko na walang boses sa kanya.
Naglakad na kami at nagsimulang maghanap ng pwedeng sakyan. Nakaka-ilang rides na din kami pero napapansin kong bihira lang sumakay dito si Dee. Kapag nasa extreme rides kami pipila ay nagsasabi ito na pagod na daw s’ya o kaya ay kukuhanan n’ya na lamang daw kami ng picture dahil s’ya lang naman ang may dalang camera. Hhhmmm… Mukhang may naaamoy akong dahilan nito ah…
Nakilala ko na din ang gwapong lalaki na kagaya ko, si Tom. Nakalamang lang s’ya sa akin ng dimple sa isang pisngi. Pero pareho pa rin kaming gwapo.
Nagyaya si Xander na kumain muna at magpahinga matapos ang ilang rides. S’ya na daw ang bahala sa gastos at kahit ilang beses tumanggi si Tom ay wala itong nagawa. Eh boss n’ya ba naman ang nagsabi eh, ewan ko lang kung makaangal pa s’ya.
Habang kumakain kami ng mga oras na ’yon ay may biglang umilaw na bombilya sa ulo ko. Nakaisip ako ng gwapong idea.
“Brad! Ano kaya kung maghiwa-hiwalay tayo?” gwapo kong suggestion.
“Ha?! Bakit naman?” tanong ni Xander.
“Eh kasi mas maganda kung magkakahiwalay tayo para masakyan natin ’yung mga gusto nating sakyan. Ang hirap kasi brad kung napipilit mo lang ang isa sa atin kahit hindi nila gustong sakyan ’yun. Eh nandito nga tayo para mag-enjoy ’di ba?” gwapong sagot ko sa kanya.
“Teka, ’di ba ikaw ’yung galit na galit kanina kung bakit tayo nagpunta dito? Bakit isinasali mo na ngayon ang sarili mo sa mga gustong mag-enjoy?” si Randy na ngayon lang ulit nagsalita sa mahabang panahon. Ngayon na nga lang nagsalita, binara pa ako!
“Wag ka ngang epal d’yan Randy! Nagsa-suggest lang ako. Kung wala ka magandang suggestion, ituloy mo na lang ’yang pagkain mo!” gwapong balik ko sa kanya.
“Tama si Dom. Isa pa, mas marami tayong masasakyan kung mababawasan ng miyembro. Tapos ’pag may magandang nasakyan ang isang grupo, text n’yo ang lahat para i-recommend kung saan ’yung rides na ’yun. Kung may gustong i-try ’yun, edi punta na lang sila dun.” pagsang-ayon ni Xander. Wahahaha! Beat that Randy?! “Maghati tayo sa apat na grupo, dalawa sa isang grupo. Payag kayo?” dagdag n’ya pang sagot.
“Sure!” sabay na sagot namin ni Charm. Mukhang lahat naman ay sang-ayon dahil wala naman ang umapela.
“So, sino ang magkaka-pareha?” tanong ni Ben.
“Kami ni Tom.” mabilis na sagot ni Xander. Nagtataka naman kaming lahat na napatingin sa kanya.
“A-ahm… N-napansin ko kasi na mahilig s’ya sa mga extreme rides kaya sa tingin ko m-magkakasundo kami….” utal nitong wika.. Hhhhmm… Ok?
“Kami ni Dee.” gwapong ngiti kong sabi.
“Ayoko. Kay Ben na lang ako sasama.” sagot ng masungit na si Dee.
“Ayaw mo ako kasama o dahil sa mga pambatang rides lang ang kaya mong sakyan?” paghahamon ko sa kanya. Tinapunan naman ako nito ng masamang tingin. Hahahaha! Sige lang Dee, magalit ka pa!
“Sorry Dee.. Kay Charm kasi ako sasama eh. Alam mo na, baka kung mapaano s’ya. Kelangan andun ako.” pagtanggi ni Ben kay Dee. Wahahahaha!! Sige lang, mawawalan na s’ya ng choice kundi ang kasama ako.
“At sino naman nagsabi na sasama ako sa’yong kamote ka? Kay Fafa Rigo ako sasama!” sagot naman ni Charm kay Ben. Napakamot ng ulo naman si Ben.
“Sorry Charm, kay Randy ako sasama eh. Kilala na kasi namin ang isa’t-isa kaya alam namin mga trip namin. Pasensya na talaga.” magalang naman na pagtanggi ni Rigo kay Charm.
Wala nang nagawa si Charm kundi sumama kay Ben. Ganun din si Dee, wala s’yang nagawa kundi ang sumama sa akin. Wahahahaha! Tagumpay!!
Tinapos na namin ang aming pagkain at nag-usap na magkikita na lamang sa gabi after ng fireworks display senyales na magsasara na ang amusement park.
Sinimulan namin ni Dee sumakay sa kung saan-saan na puro bata lang ang kayang makasakay. Pinagbigyan ko s’ya kung saan man n’ya gustong pumunta. Hindi ako magrereklamo dahil mamaya, ako naman ang masusunod kung saan man kami pupunta.
Paminsan-minsan naman habang naghahanap kami ng pwedeng sakyan ay kumukuha lamang ito ng picture ’pag may nakitang magandang view.
“Oy Dee, ako naman ang kuhanan mo ng picture! Puro na lang paligid ang kinukunan mo. Ano bang napapala mo d’yan?” gwapo kong wika dito.
“Sa kanila may napapala ako. ’Pag nakikita ko ang mga kinuhanan kong pictures, nare-relax ako. Pero kung ikaw ang kukunan ko ng picture, malamang ma-stress lang ako.” kalmado pero madiin n’yang wika.
“Grabe ka naman! ’Yung iba nga nagmamakaawa makakuha lang ng picture sa akin eh. O baka naman nagpapakipot ka lang kaya kunwari ayaw mo?” gwapo kong sagot. Napailing na lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad ay may nakita kaming nagkakagulo na tao sa isang lugar doon. Nakita namin na maraming tao ang nagpapakuha ng picture sa mascot ng amusement park na ito na isang wizard. Eldar ata name nun! Wala naman akong pakelam dahil mas sikat naman ako sa wizard na ’yun! Kaya akmang maglalakad na sana ako ulit nang may pumigil sa akin. Hawak n’ya ang dulo ng gwapong polo shirt ko sa likod. Pagtalikod ko ay nakita ko si Dee na nakayuko at hawak pa rin ang dulo ng polo shirt ko. Hindi ko makita ang expression nito dahil naka-cap ito. Nakita ko na lamang na pulang-pula ang mga tenga nito dahil ito lang ang parte na nakikita ko. Matangkad kasi ako at gwapo.
“A-ano….” sabi n’ya habang nakayuko pa rin at hindi pa rin bumibitaw.
“Ha? Anong ano?” takang tanong ko.
“A-ano nga… K-kasi… B-baka pwede natin kuhanan ng p-picture si Eldar…” mahina nitong sambit. Nangunot naman ang noo ko dahil nasorpresa talaga ako.
Bukod sa ito ang unang beses na nakiusap ito sa akin ay ngayon ko lang nalaman na may ganitong side pala si Dee, and I find it cute. Ngayon lang ah?!
Bumuntong hininga na lamang ako. Sige na nga, pagbibigyan ko na. Minsan lang naman ’to umamo sa akin eh.
“Sige, akin na camera mo. Kukuhanan ko kayo ng picture.” offer ko sa kanya. Umangat ito ng tingin sa akin at nakita ko ngang pulang-pula ang mukha nito. Ang cute!
“H-hindi.. Ako ang kukuha ng picture sa inyo.. Tumabi ka kay Eldar tapos picturan ko kayo…” sabi n’ya. Mas lalo naman akong nagtaka.
“Ha?! Ang weird mo naman! Dapat ikaw ang magpa-picture kasama s’ya para may matatawag kang souvenir para sa inyong dalawa! Bakit ako?!” gwapo kong angal sa kanya.
“Eh sige na.. Kinakabahan kasi ako, saka nahihiya ako sa kanya..” pahina nang pahina n’yang sabi. Ano daw?! Nahihiya?! Sa mascot?! Bumuntong hininga muna ako.
“Sige ganito na lang. Pagkatapos kong magpa-picture sa kanya, ikaw naman ang sunod. Ok ba? ’Pag hindi ka pumayag, hindi na ako magpapa-picture kasama s’ya.” gwapo kong suggestion. Alam ko namang gusto n’ya din ’yon, nahihiya lang talaga siguro. Saglit itong nag-isip at pumayag na din naman.
“S-sige na nga.” sagot n’ya.
Agad akong kumilos at pinuntahan si Eldar. Sinabi kong magpapakuha ako ng picture sa kanya at pumayag din ito kahit hindi nagsasalita. Ngumiti pa rin ako kahit na alam kong photogenic na ako. At kahit anong reaction ng mukha ko ang ipo-project ko sa camera, ay gwapo pa rin ako.
Nagsimula na si Dee na kumuha ng picture sa aming dalawa. At dahil kilala na din ako sa TV ay may nakita din akong ibang tao na panakaw na kumukuha ng picture sa amin ni Eldar.
Matapos ng pag-picture sa amin ay binalikan ko agad si Dee. Kita ko din dito na natuwa ito sa mga picture na nakuha n’ya sa amin ni Eldar.
“Akin na camera mo. Ikaw naman ang magpa-picture sa kanya.” wika ko habang kinukuha mula sa kanya ang camera. Hindi naman ako nahirapang kunin ito.
“Eh kasi––” aangal pa sana ito pero kinuha ko agad ang kamay n’ya at hinila s’ya papunta kay Eldar. Ang liit pala ng braso ng bruskong to?
“Ayan, tabi ka sa kanya.” wika ko sa kanya at binitawan na ito. “Eldar pa-picture kasama s’ya ha?” wika ko naman sa mascot at hindi nanaman sumagot. Asa! May mascot bang nagsasalita?!
Lumayo na ako ng konte sa kanila para simulan ang pagkuha ng picture. Nakita kong nahihiya pa rin si Dee dahil hindi ito gumagalaw. Sinenyasan ko sila na maglapit ng pwesto na ginawa naman nila. Sumilip na ako sa camera at literal akong napatigil dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang mukha ni Dee na nakangiti habang naka-peace sign pa ito.
Isang shot mula sa camera n’ya. Iyan lang ang ginawa ko pero sinenyasan ko silang ’wag munang aalis sa pwesto. Inilabas ko ang cellphone ko at tinungo ang camera icon nito. Nagtataka man ang mukha ni Dee ay nagawa pa rin nitong ulitin ang pose nito kanina. Maraming shot ang ginawa ko. Matapos nito ay nag-thumbs up ako senyales na ok na. Lumapit na sa akin si Dee at kinuha mula sa akin ang camera.
“Bakit isa lang ang picture ko? Eh parang ang tagal namin ni Eldar magkatabi ah?” reklamo nito.
“Ok na ’yan. Matuwa ka na dahil pumayag pa si Eldar na magpa-picture sa’yo.” pang-aasar ko dito. Ibinulsa ko na din ang cellphone ko. Magkatabi kasi ang cellphone ko at camera n’ya abang kinukunan sila ng mascot, pero sa cellphone ko ako nag-capture ng nag-capture. Sumimangot naman ito na hindi ko naman pinansin.
Naglakad-lakad pa kami at ilang pang-batang rides pa ang sinakyan namin hanggang sa abutin kami ng dilim. Dito ko na isasakatuparan ang maitim kong plano laban sa bruskong ito.
“Dee, kanina pa kita pinagbibigyan na sumakay sa mga pang-batang rides. Siguro naman it’s about time na ’yung rides naman na gusto ko ang sakyan natin.” gwapo kong suggestion dito. Hindi naman ito umimik at nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito.
“S-saan ba ang gusto mong s-sakyan?” utal na tanong nito. Ayos! Mukhang huli ko na ang fear ng babaeng ’to ah!
“Sa Wheel of Fate. ’Yung ferris wheel nila dito?” suggestion ko. Nakita ko kung paano lumikot ang mga mata nito. Hehe! Kinakabahan na ’to!
“Ahm… P-pwede bang sa iba na lang? K-kasi pagod na din ako. B-baka mahaba din ang pila doon.” wika n’yang nauutal pa rin. Eto nanaman s’ya sa mga palusot n’ya.
“Last na ’to! Promise after this pupuntahan na natin sila Xander. Saka mahiya ka naman sa ’kin! Hindi na nga ako nagreklamo sa mga rides na gusto mo tapos eto lang ang request ko ayaw mo pa? O baka naman….. dahil natatakot ka? Akala ko ba wala kang kinatatakutan Dee?” mahaba at gwapo kong wika na may panghahamon.
“H-hindi ah! A-ako m-matatakot?! Hindi pa pinapanganak ang makakapanakot sa akin! Tandaan mo ’yan!” pagyayabang n’ya. Edi wow! Tingnan lang natin!
“Ayun naman pala eh! Tara na!” At hinila ko na s’ya patungo sa ferris wheel. Let the game begin! wika ng isip ko.
DEE POV
Nakapila kami ngayon ng haliparot na ito sa ferris wheel na gusto nitong sakyan. Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa t’wing uusad ang pila namin. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa takot. Ayaw ko sa mga matataas na lugar pero wala akong choice dahil ayaw kong makita nito ang kahinaan ko. Kailangan kong panindigan ang pagsakay dito nang hindi n’ya nahahalata ang takot na namamayani sa akin.
Dumating na nga ang sandali na kanyang hinihintay. Turn na namin para sumakay sa ferris wheel na ito. Kahit naninigas na ang mga binti at paa ko ay nagawa ko pa rin ihakbang ang mga ito para sumakay at umupo dito sa loob.
Magkaharap kaming nakaupo dito. Tahimik lang ako samantalang s’ya ay nakangiti lang sa akin. Hindi ako pwedeng magpahalata na natatakot!
Nagsimula na itong umandar paunti-unti at pataas din ng pataas. Direcho lang din ang tingin ko sa aking kamay hawak ang camera ko na nasa lap ko. Sa madaling salita ay nakayuko ako.
“Takot ka ba sa matataas na lugar Dee?” tanong bigla ng haliparot sa harap ko. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanyang sumagot.
“H-Hindi.” halos pabulong ko nang sagot. Ramdam kong nasa tuktok na din kami ng ferris wheel na ’yon.
“Talaga? Eh bakit nanginginig ang mga kamay mo? Ingat lang, baka mabitawan mo camera mo.” wika n’ya. Doon ko na lamang napansin na hindi ko na pala makontrol ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa nararamdamang takot.
“H-Hindi ako t-takot.” nagawa ko pa ring sumagot.
“Ah talaga?!” tangi n’yang wika at ramdam kong nakangisi s’ya ng mga oras na ’yon. Hindi ko s’ya nakikita dahil nakatuon nga ang mga mata ko sa mga kamay kong naginginig. Naramdaman kong tumayo ito at pumwesto sa kaninang pagitan namin, malapit na s’ya sa akin at bahagyang nakatayo.
Nagsimula s’yang maglikot at magtatalon na s’yang nagpadagdag ng kaba sa akin. Pakiramdam ko ay mahuhulog kami mula sa taas ng mga oras na ’yon. Dito na ako nanghina ng tuluyan.
“Ano Dee? Hindi ka pa rin ba natatakot?” wika n’ya habang naglilikot pa rin. Naipikit ko ang aking mga mata sa takot.
“T-tama na Dom… Please.. Tama na…” pakiusap ko sa kanya at tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha ko. “Nakikiusap ako Dom, tama na.. please… natatakot na ako…. please…” paulit ulit kong sinasabi habang humihikbi at patuloy pa rin sa pag-agos ang masagana kong luha. Sobrang takot na talaga ako.
Naramdaman kong tumigil ito sa kanyang ginagawa at tumabi ito sa akin ng walang imik.
“Buksan mo mga mata mo. Paano mo makikita ang ganda ng view mula dito sa taas kung hindi mo haharapin ang takot mo?” narinig kong wika n’ya habang nakapikit pa rin ako.
“A-ayoko… Natatakot talaga ako…” umiiyak pa rin ako.
“Ganun ba? Kasama mo naman ako eh.. Buksan mo na mga mata mo. I assure you, makikita mo ang iba pang ganda ng mundo. ’Di ba ’yan ang mga gusto mong makita at makuhanan ng pictures? Kaya face your fear Dee. Please?” wika n’ya. Naramdaman ko na lamang na hawak na nito ang magkabilang pisngi ko at inangat while wiping my overflowing tears on my cheeks using his thumbs.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko habang sinisinok pa rin dahil sa pag-iyak.
And there……
I saw the beauty of earth….
Nakaharap sa akin si Dominic na nakangiti na iba sa mga pinapakita n’ya sa t’wing magkakaharap kami.
“Sa akin ka lang tumingin para hindi ka matakot dito sa taas.” wika n’yang nakangiti at hawak pa rin ang magkabilang pisngi ko. Tumango ako at ngumiti pabalik sa kanya.
Habang magkatinginan kami ay lumiwanag ang kalangitan dahil may naglabasang fireworks mula sa magkabilang pwesto namin ni Dominic. Nakita ko ang nagliliwanag na mukha at reflection ng fireworks sa mga mata ng lalaking kaharap ko.
‘Nakita ko na din ang isang magandang parte ng mundo’
wika ng isip ko.
Matapos naming sumakay doon ay tahimik kaming nagtungo sa mga kasama namin na nanonood din ng fireworks ng mga sandaling iyon.
“O kamusta ang bangayan n’yo? sino nakapuntos ngayon? May nadagdag ba sa score mo Dominic?” wika ni Charm nang makapwesto na kami sa tabi nila.
“Wala. Cease fire muna. Ayaw magsalita ng kaibigan n’yo eh.” sagot lang ni Dom. Nagtaka naman ako dahil kung tutuusin ay pwede n’yang ipagyabang na napaiyak ako nito.
Tiningnan ko lamang s’ya ng may pagtataka. Tumingin din s’ya sa akin at ngumiti matapos akong kindatan. Naramdaman kong nag-init ang aking mukha matapos n’yang gawin iyon. Ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa iba.
‘Ta-e! Bakit ngayon lang ako pinakaba ng lalaking ito?’
wika ng aking isip dahil naramdaman kong bumilis ang pagtibok ng aking puso.
A/N
Musta po ang chapter na ’to? Pasensya na kung kelangan ko isingit ang moment nina Dee at Dominic ah? Wala lang, feel ko lang. Saka naisip ko lang na i-share kung paano sila magsisimula dahil magiging part din sila ng ating mga bida. hehe! later ko din ipo-post ang moment nina Tom at Xander.. konting antay lang.. see yah!
––cold_deee
chapter 8.2 - blueberry cheesecake
A/N
Hi guys! Kung meron man pong naputol ang first half ng story ko or ’yung chapter 8.1 pasensya na. Mahina kasi ang internet connection ko. Baka ibinenta nanaman ng kapatid ko ang password sa kapitbahay kaya naagawan na ako. -_-
Anyway, eto na po ’yung moment ni Tom at Xander. Enjoy guys!
––> si Dominic po sa media. Hehe! Crush kasi ’yan ni author kaya s’ya ang napili ko and ginamit talaga ang real name n’ya.. emegesh!
XANDER POV
Narito na nga kami sa Enchanted Kingdom and as expected, umandar nanaman ang kadaldalan ng kaibigan kong si Dominic. Hindi ko naman ito masisi dahil ang akala nito siguro ay sa isang lugar kami pupunta na may kinalaman sa pambababae. Ubod kasi ang hilig nito sa mga ganung bagay. Sana lang ay makakilala ito ng katapat n’ya para hindi na ito lalaking pariwara.
“Tangina brad! Ano ’to?! Bakit nandito tayo?! Enchanted Kingdom ang pucha! Ano tayo? Bata?!” paumpisang reklamo nito.
Hindi ko na lamang ito pinansin dahil wala akong oras para magpaliwanag sa kanya. May mas importante akong pakay sa lugar na ito.
Nagsimula na lamang akong magpalinga-linga sa entrance ng amusement park na ito at baka sakaling makita ang pakay ko.
“Hayaan mo na ’tol. Baka naman may malaking dahilan kaya ’yan nagyaya dito.” si Rigo na ang sumagot at nagtanggol sa akin. Mabuti at sinamahan s’ya ng pinsan n’yang matino para pakalmahin s’ya. Hindi pa rin ako umimik dahil abala pa rin ako sa paghahanap.
“Tara na, pasok na tayo.” tangi kong nasabi at nagpunta na sa bilihan ng ticket dito.
Matapos magbayad ay dumerecho na kaming apat sa loob ng amusement park na ’yon. Hindi pa rin ako umiimik at nagpapalinga-linga lang sa paligid. Lakad dito at lakad doon ang ginawa namin.
“Ano pare?! Hinahanap mo ba Carousel para sumakay sa kabayo? Tangina brad! Hindi ko alam na ganito ang trip mo! Kung alam ko lang binigyan na kita ng ticket papuntang Disneyland nung birthday mo!” pikon na sabi ni Dominic. Hindi ko pa rin ito pinansin. Alam kong mamaya lamang kung makita na namin ang hinahanap ko ay mapapakalma din ang babaerong ito.
“Ang dami mong sinasabi! Sumunod ka na lang. Sigurado ako mamaya matutuwa ka din!” malapit na din akong mapikon.
Ang laki naman kasi ng lugar na ito. Hindi ko naman pwedeng kontakin ang isa sa mga miyembro ng grupong hinahanap ko dahil baka mahalata ako ng mga ito lalo na nitong mga kaibigan ko.
“Matutuwa? Saan banda? Sa babaeng gansa sa Swan lake na rides habang nakasakay ako sa kanya?!” pagngangawa pa rin nito. Hindi pa rin ako umimik dahil busy pa rin ang mata ko sa paghahanap sa grupong iyon.
Hanggang sa naisipan kong huminto muna at sumunod naman sila. Baka napapagod na din kasi sila eh. Nagbubunganga pa rin si Dominic pero walang pumapansin sa kanya.
“Arekup!”
“Sorry.”
Dinig kong sabay na sabi ni Dominic at isang babae.
Nilingon ko ang mga ito at nakita ko na ang kanina ko pa hinahanap na grupo. Napangiti ako ng palihim.
‘Nakita ko din kayo sa wakas!’
wika ng isip ko.
“Ta-e.” sabi pa ni Dee nang makilala kung sino ang nabangga n’ya.
“O-M-G!! Fafa Rigo!! Whacha doin’ here??!!!” biglang sulpot ni Charm mula sa likod ni Dee. Nakita ko din si Ben na kasunod nito at sa wakas, nakita ko na din ang talagang pakay ko…
….si Tom.
“Hi Charm! Kamusta? Andito din pala kayo, what a coincidence.” pagbati ni Rigo sa kanila.
“Coincidence nga ba?” sambit ni Randy. Nagulat man ay hindi ako nagpakita ng pagkasurpresa. Tiningnan pa ako ni Randy ng makahulugan, pero hindi ko na lamang iyon pinansin. Baka lalo pa s’yang makahalata.
“Good afternoon po Sir Xander at Chef Randy.” bati sa amin ni Tom. May nagpyesta nanaman sa loob ko nang mga sandaling iyon. Ngiti lamang ang itinugon ko sa kanya.
“Good afternoon din po Sir Dominic at Sir Rigo.” bati naman ni Ben sa dalawa. Ngiti lang din ang naging sagot ng mga ito lalo na si Dominic na umabot ata hanggang anit n’ya sa ulo.
“Kung makangiti parang tanga lang.” sabi ni Dee na paniguradong si Dominic ang sinasabihan. At bago pa lumala ang bangayan ng dalawa ay pinutol ko na ito.
“Mamaya na ’yan giyera n’yong dalawa.” saway ko sa kanila. “Sakto andito din pala kayo, baka gusto n’yong mag-join na lang sa ’min para mas masaya.” pag-iimbita ko sa kanila. Alam kong nagtataka ang mga kasama ko dahil hindi ko ugali ang mag-entertain ng ibang tao maliban na lamang kung may kinalaman sa trabaho.
“Such a brilliant idea Sir Xander!! Makakasama ko din si Fafa Rigo, parang date lang noh?! Group date nga lang, pero keri na din!” pagsang-ayon ni Charm. Hehe! Umaayon na ang lahat sa plano ko.
“Malas naman.” bulong ni Dee pero dinig pa rin namin.
“Jackpot kamo, may makasama ka ba namang kasing gwapo ko mamalasin ka pa?” sagot naman ng mapagpatol na si Dominic.
“Lakas ah. Open air na dito, pero ramdam mo pa rin na may nagdala pa rin ng sariling aircon.” pagpaparinig ulit ni Dee.
“Aircon ba? Eh kung airc––” hindi na naituloy ang sasabihin ni Dominic dahil pinutol ko na agad ito.
“Mamaya na ’yan. Simulan na natin magikot-ikot dito.” wika ko. Alam kong napipikon na sa akin ’tong si Dominic pero wala akong pakialam.
Nagsimula na kaming maglakad-lakad at naghanap ng masasakyan. Natatawa man ako sa aking sarili dahil sa plano kong pagsunod dito ay isina-walang bahala ko na lang. Gusto ko lang makilala pa si Tom kaya ginawa ko ang bagay na ito.
Naipakilala na din namin si Tom kina Dominic at Rigo. Marami kaming pinuntahan at sinakyan ngunit hindi ako nagkaroon kahit minsan ng pagkakataon na makausap si Tom. Laging nakadikit sa akin si Randy kaya si Rigo ang kausap nito. Likas kasing ma-entertain ang isang ’to. Kung minsan ay gusto kong sumabat sa kanilang usapan ngunit si Randy ay panay din ang tanong at pakikipag-usap sa akin.
Nagsisimula na akong mainis dahil may ilang oras na din kaming magkakasama ay wala pa kami nitong nagagawang conversation. Kahit ’pag kukuhanan kami ni Dee ng pictures ay hindi ko ito nakakatabi.
Bago pa ako tuluyang sumabog dahil nakikita kong nagtatawanan pa sina Tom at Rigo na nag-uusap ay niyaya ko na lamang ang mga itong kumain. Gusto kong putulin na ang kanilang pag-uusap kaya mamaya ’pag kakain kami ay pepwesto agad ako sa tabi ni Tom.
“Guys, kain muna tayo. Hindi pa ba kayo nagugutom?” tanong ko sa kanila. Napahinto naman sila sa paanyaya ko.
“Ahm, sige Sir. Kumain muna po kayo tapos magkita na lang po ulit tayo dito.” sagot ni Tom ng nakangiti. Sa wakas! Kinausap n’ya din ako! Pero teka! Anong sabi n’ya?
“Ha? Bakit? Hindi ba kayo sasabay sa amin?” tanong ni Rigo sa kanya. Lintek! S’ya nanaman ang kausap!
“Hindi na Rigo, may pagkain kami sa sasakyan ni Dee. Pupunta na lang kami dun para kumain ’pag nagutom kami.” nakangiting sagot sa kanya ni Tom. Ano daw?! Rigo na lang ang tawag n’ya?! Wala nang Sir?! Close na agad sila?!
Bago pa mapahaba ang usapan ulit nilang dalawa ay nagsalita na ako.
“No. Sa amin na kayo sumabay. My treat.” may diin kong wika.
“Pero Sir––” aangal pa sana ito nang agad ko itong pinutol sa kanyang sasabihin.
“Utos ko ang sumabay kayong kumain sa amin. May reklamo ka ba Tom? Baka lang nakakalimutan mong boss mo pa rin ako?” pagputol ko sa kanya.
“W-wala po..” sagot na lamang n’ya. Ganyan nga! Ako lang ang kausapin mo.
Tumungo na nga kami sa kakainan namin at sina Rigo at Randy na ang bumili ng aming pagkain. Nakita kong umupo na si Tom sa dulong bahagi ng upuan ng may mahabang mesa doon. Sumunod agad ako dito at umupo sa tabi n’ya.
‘Tingnan ko lang kung makasunod pa sa’yo si Rigo dito’
wika ko sa aking isip.
Nakarating na nga ang dalawa at tumabi din si Randy sa kanang bahagi ko. Si Tom naman ay nasa kaliwa ko. Ang pwesto namin ay ganito:
Charm/Ben/Dee/Dominic (table) Tom/Ako/Randy/Rigo
‘Ang galing ko! Ang layo na nila Tom at Rigo sa isa’t-isa!’
wika ulit ng isip ko habang napapangiti.
“Sir? Ang saya mo ata?” biglang pansin sa akin ni Charm.
“A-ah.. Wala. May naalala lang ako.” palusot ko.
Nagsimula na kaming kumain at nakita kong halos hindi galawin ni Tom ang kanyang pagkain.
“Bessy! Palit tayo gusto mo? Sorry, ngayon ko lang napansin na ganyan pala ang napunta sa’yong pagkain.” nag-aalalang wika ni Charm.
“Bakit? Anong meron sa pagkain mo? Ayaw mo ba n’yan?” takang tanong ko kay Tom.
Basta ko na lang kasi pina-order sina Rigo at Randy kung anong makita nila doon na pwedeng orderin. Napunta kay Tom ang seafood pasta at ang akin naman ay cheese burger.
“Eh Sir may allergy kasi ’yan sa ibang seafood si Tom eh. Baka kung mapa’no pa s’ya.” sagot naman ni Charm sa tanong ko.
“Ok lang bessy, alam kong gutom ka na din at paborito mo ’yan. Hindi pa naman ako gutom masyado eh. Kung gusto mo sa’yo na lang din ’to.” alok n’ya kay Charm.
Akmang ibibigay n’ya na ito nang pigilan ko ang plato nitong iniaabot kay Charm.
“No. Kumain ka.” utos ko sa kanya.
“Eh Sir, may allergy nga s’ya d’yan.” reklamo ulit ni Charm.
Hindi ko ito pinansin. Kinuha ko ang plato at inilagay sa tapat ko. ’Yung plato ko naman ay iniusog ko sa tapat ni Tom. Pinagpalit ko ang aming pagkain.
“Now, kumain ka na.” utos ko sa kanya.
Hindi na ito umimik at sinimulan na din kumain. Hehe! One point for Xander! Sigaw ko sa aking isip.
“Brad! Ano kaya kung maghiwa-hiwalay tayo?” biglang pagputol ni Dominic sa katahimikan. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
“Ha? Bakit naman?!” taka kong tanong. Ibig sabihin mawawalan din ng silbi ang pagsunod ko dito kung maghihiwa-hiwalay kami?!
“Eh kasi mas maganda kung magkakahiwalay tayo para masakyan natin ’yung mga gusto nating sakyan. Ang hirap kasi brad kung napipilit mo lang ang isa sa atin kahit hindi nila gustong sakyan ’yun. Eh nandito nga tayo para mag-enjoy ’di ba?” sagot naman n’ya. May punto naman s’ya. Pero paano ko makakasama itong lalaki sa tabi ko?!
“Teka, ’di ba ikaw ’yung galit na galit kanina kung bakit tayo nagpunta dito? Bakit isinasali mo na ngayon ang sarili mo sa mga gustong mag-enjoy?” biglang sabi ni Randy.
“Wag ka ngang epal d’yan Randy! Nagsa-suggest lang ako. Kung wala ka magandang suggestion, ituloy mo na lang ’yang pagkain mo!” atungal naman nitong si Dominic.
Bigla akong napaisip sa suggestion ni Dominic at isang idea ang nabuo sa aking isip. Kung minsan pala ay may silbi din ang isang ’to. Akala ko wala akong mapapala kundi ang pakinggan lang ang tantrums ng isang ’to eh. Saglit silang natahimik at nagsalita na ako.
“Tama si Dom. Isa pa, mas marami tayong masasakyan kung mababawasan ng miyembro. Tapos ’pag may magandang nasakyan ang isang grupo, text n’yo ang lahat para i-recommend kung saan ’yung rides na ’yun. Kung may gustong i-try ’yun, edi punta na lang sila dun.” wika ko. “Maghati tayo sa apat na grupo, dalawa sa isang grupo. Payag kayo?” dagdag ko pa.
“Sure!” sabay na bigkas nina Charm at Dominic. Hindi na din nagsalita ang iba tanda ng pagsang-ayon.
“So, sino ang magkaka-pareha?” tanong ni Ben.
“Kami ni Tom.” bigla kong sagot.
Napatingin naman silang lahat sa akin ng may pagtataka.
“A-ahm… N-napansin ko kasi na mahilig s’ya sa mga extreme rides kaya sa tingin ko m-magkakasundo kami….” utal kong wika. Wooh! Muntik na akong hindi makaisip ng dahilan ah!
Nagkasundo na nga ang lahat kung sino-sino ang magkakapareha. May mga naging pagtatalo pa sa part nila Charm at Ben ganun din kina Dominic at Dee, pero sa huli ay may nabuo ring magkakapareha.
Matapos kumain ay sabay-sabay na kaming lumabas ng restaurant na iyon. Naunang umalis sina Dee at Dominic sumunod naman sina Charm at Ben na nagtatalo pa rin. Si Randy naman ay parang nag-aalangan pang umalis pero sa huli ay magkasama din sila ni Rigo na sinimulan nang maghanap ng mapupuntahan.
“S-sir, saan n’yo po gustong sumakay?” tanong ni Tom sa akin.
“Upo muna tayo dun sa malapit sa Carousel. Baka mabaliwala ang kinain natin kung sasakay agad tayo sa extreme rides. Baka mailuwa agad natin ’to eh.” sagot ko sa kanya. Natawa naman ito.
“Kung sabagay. Sige po.” pagsang-ayon n’ya.
Nang makarating doon ay agad din kaming umupo at pinanood ang pag-ikot ng Carousel. Pagkakataon ko na ito para mas makilala ang lalaking ito at para makakuha ng information dito. Nagsimula akong mag-open ng topic sa kanya.
“Buti pinayagan ka ng girlfriend mo na magpunta dito nang hindi s’ya kasama?” kunwaring pagtatanong pero kumukuha na ako dito ng info. Bahagya itong natawa sa tanong ko bago sumagot.
“Wala ako nun Sir eh. Focus muna sa Mama ko at kapatid ko.” honest n’ya namang sagot habang nakangiti.
“Weh? Wala kang girlfriend? Eh mukha ka ngang babaero tingnan eh! O baka naman boyfriend ka meron?” pabiro kong tanong. Natawa ulit ito sa akin.
“Wala din ako nun Sir. Sabi ko nga, focus ako sa Mama ko at kapatid ko. May sakit kasi si Mama at si Julius naman ay nag-aaral pa. Kaya ’pag inatupag ko pa ang pagkakaro’n ng girlfriend o boyfriend, baka hindi na ako makatulong sa kanila.” nakangiti pa rin itong sumagot.
Literal naman akong napanganga sa sinabi n’ya. Ang ibig sabihin….
“Hahahaha! Nakakatawa po itsura n’yo Sir! Totoo po sinabi ko at hindi ko ikinakahiya ’yun. Pero hindi ko din naman pinagkakalat ’yun. Ang gulo po ’no?” sagot n’ya sa akin ng nakangiti.
Ewan ko ba, pero somehow parang nabuhayan ako ng loob sa statement n’ya at pag-amin.
“You mean…?” mahabang tono kong pagtatanong.
“Yes po. Bisexual po ako.” nakangiti n’yang sagot.
“A-ahm… Ok..” wala na akong masabi kaya hindi na nasundan ang pagtatanong ko.
“Bakit Sir? May problema po ba kayo sa mga kagaya ko? Ahm…. K-kung homophobic po kayo ’wag po kayong mag-alala. H-hindi na lang po ako lalapit sa inyo. Naiintindihan ko po.” malungkot nitong wika.
“No!!” bigla kong sabi sa kanya at napahawak pa ako sa braso nito dahil akmang aalis ito. “Ahm… I mean, nagulat lang kasi ako. ’Wag kang mag-alala, I have friends na kagaya mo. And they are really good people. Hindi ko sila o kayo hinuhusgahan sa kung ano ang sexual preference n’yo. In fact, malalapit talaga sila sa akin.” nagkakamot ulo kong sabi sa kanya.
Ngumiti naman ito sa akin kaya sinuklian ko din ito ng ngiti na may assurance na wala s’yang dapat alalahanin at hindi n’ya ako dapat iwasan. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nagsalita ng nakangiti.
“Tara na nga Sir, nang makarami tayo.” sabi n’ya sa akin..
“Ha?” tanong ko. Para kasing nag-double meaning ang sinabi n’ya sa aking iyon.
“Ah, I mean nang makarami tayo ng rides.” nahihiya n’yang paliwanag.
“Hahahaha! Sure! Ikaw muna bahala kung saan mo gustong unahin.” sagot ko sa kanya.
Tumayo na din ako at sabay kaming naglakad. Umakbay ako sa kanya at ramdam kong bahagya s’yang nagulat. Timingin ito sa akin na sinuklian ko lamang ng isang matamis na ngiti.
TOM POV
Matapos ang pag-uusap naming iyon ni Sir Xander ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Nasabi ko din sa kanya ang tunay kong pagkatao. At natutuwa naman ako dahil hindi naging big deal sa kanya ang sexual preference ko. Na-impress pa ako sa mga naging sagot n’ya kanina. May ganoong side din pala si Sir Xander? Akala ko ay puro pagsusuplado lang ang alam nito. Hindi ko alam na may angking kabaitan din pala ito. Kung sabagay, hindi ko pa s’ya masyadong kilala. Pero alam kong darating ang araw na makikilala ko din s’ya paunti-unti.
Nagpunta kami sa kung saan-saang extreme rides na talagang parehas naming gusto. Sigaw dito, sigaw doon ang ginawa naming dalawa.
Kung minsan ay ’pag nagustuhan talaga namin ay pipila ulit kami para ulitin iyon. Tulad na lamang sa Anchors Away o ’yung malaking bangka na idinuduyan kami. Nasa kabilang side ako kasama ang ibang nakasakay doon at s’ya naman ay piniling sa kabilang side ng bangka umupo kasama din ang ibang taong nakasakay din doon. Kaya ang set up namin ay magkaharap kami pero magkalayo ng pwesto. Ngunit nagsesenyasan kaming dalawa na tila nagpapayabangan kung sinong unang susuko.
Habang umaandar ang bangkang iyon at pataas ng pataas ang pagduyan ay palakas din ng palakas ang pagsigaw naming mga sakay dito. Meron pa ngang kapag kami ng mga tao dito sa side ko ang nasa taas ay sabay-sabay kaming tumatayo at ang ilan ay nagagawa pang sumayaw. S’yempre hindi naman magpapatalo ang grupo ng nasa side ni Sir Xander. Kapag sila naman ang nasa taas ay ganun din ang ginagawa nila. Nakikita ko pa si Sir Xander na parang s’ya ang leader ng side na ’yon at sinesenyasan ang mga kasama n’ya na tumayo habang nasa taas sila. Ang saya lang talaga dahil nakikita kong nag-eenjoy talaga si Sir at nakikita ko ang ibang side n’ya.
Matapos ang extreme ride na ’yon ay nagsalubong kaming dalawa na tawa ng tawa. May mga ilang tao din ang nagpakuha ng picture kasama s’ya pagkababa namin. Kung sa bagay, gwapo naman kasi talaga si Sir Xander lalo na ’pag nakangiti.
Akala ko ay ako ang kukuha ng picture at hahawak ng camera sa mga ilang babaeng nagrerequest ng picture sa kanya, ngunit nagulat ako nang sabihin ng mga babaeng ito na kaming dalawa ni Sir Xander ang kukuhanan nila ng magkasama. Nahihiya pa ako nung una dahil s’yempre boss ko ito. Pero sinabi ni Sir Xander na ok lang ’yon kaya sa huli ay nakangiti akong sinasalubong ang mga shots ng camera nila. Umakbay pa si Sir Xander sa akin na s’yang naging dahilan para magtilian ang mga babaeng kumukuha sa amin ng pictures. May narining din kaming comment sa aming dalawa ni Sir Xander.
“Bagay kayong dalawa, parehas gwapo! Ayyyiieeee!!!” sabi ng ilan.
Nagkatinginan lamang kaming dalawa ni Sir Xander at sabay na natawa. Mas naging komportable na tuloy ako sa kanya.
Sunod kaming pumunta sa isang horror house dito at para kaming tanga na nagtutulakan kung sino ang unang papasok. Natatawa kami dahil kung titingnan ay ang tatangkad namin pero takot sa magpapakita o susulpot na mga mananakot sa loob nito.
Sa tuwing magugulat ako ay napapaatras ako dahilan para maatrasan ko si Sir Xander. Nasa likod ko kasi s’ya nakapwesto. Sa tuwing napapaatras ako ay dumidikit ang likod ko sa matipuno n’yang dibdib. Kung minsan ay nahahawakan ako nito sa magkabilang bewang para hindi kami parehong matumba. At sa tuwing mangyayari ’yon ay naaamoy ko ang pabango n’ya. Ang bango talaga ng boss ko.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa horror house na ’yon nang biglang may nilalang ang gumulat sa amin at akmang hahabulin kami. Napasigaw kami ng malakas at akmang lalapitan ako nito nang hawakan ni Sir Xander ang kamay ko at hinila akong tumatakbo palabas ng lugar na ’yon.
Paglabas namin doon ay hingal na hingal kaming dalawa. Pero napansin ko ang kamay ni Sir Xander na nakahawak pa rin sa aking kamay. Tiningan ko s’ya at mukhang nakuha n’ya naman ang ibig kong sabihin.
“S-sorry.” wika n’ya at binitiwan ang kamay ko.
“O-ok lang Sir.” sagot ko naman.
Awkward. ’Yan ang nangyari sa amin. Ako na lamang ang pumutol sa pananahimik naming dalawa dahil ayaw kong sirain ang mood namin kanina.
“Tara Sir, hanap pa tayo masasakyan. Nakakatuwa ka pong makita na takot na takot eh.” nakangiti kong wika sa kanya. Tiningnan naman ako nito ng masama.
“Ah ganon? Sige, maghanap pa tayo ng masasakyan. Ang unang sumuka ang talo. At ang kondisyon, kelangan sumayaw d’yan sa gitna ng maraming tao ah?! ’Yung walang music! ’Yung parang tanga lang!” hamon n’ya sa akin.
“Sige ba! Wala na bang mas mahirap dun Sir? Ang dali naman no’n!” pagtanggap ko ng hamon n’ya at pagyayabang na din.
“Ah ganon? ’Wag ka muna magyabang d’yan, hindi kita pakakalmahin ’pag sumuka ka at ’wag na ’wag mo lang akong iiyakan!” sabi pang naiinis.
Natawa na lang ako sa mga sinabi n’ya at maya-maya ay nakita ko na din s’yang natatawa.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at naghanap pa ng maraming pwedeng sakyan. Si Sir Xander naman ay parang hindi nauubusan ng energy dahil hanggang sa mga oras na ’yon ay buhay na buhay pa rin s’ya at tawa ng tawa. Masaya akong nakikita si Sir Xander na ganito kasaya.
Napagkasunduan din namin na sumakay sa space shuttle o ’yung tinatawag na roller coaster ng marami. Actually, pangalawang beses kong sasakay dito ngayon dahil kanina ay sumakay na kami dito nila Cha. Pero gusto kong ulitin ito dahil si Sir Xander na ang kasama ko this time.
Habang nakapila ay hawak ni Sir Xander ang kanyang cellphone at vini-videohan ang galaw ng roller coaster na ’yon. Hindi ko na lamang s’ya pinakelaman sa bagay na ’yon. Nakatalikod ako sa kanya habang s’ya ay abala sa pagvi-video at ako naman ay abala sa pagtingin-tingin sa paligid. Nabigla ako nang marinig ko na lamang s’yang nagsalita sa likod ko.
“Smile!” wika n’ya.
Humarap ako sa kanya at nakita kong nakatutok ang camera ng cellphone n’ya sa akin. Napangiti muna ako nung umpisa dahil sa kalokohan n’ya pero natawa ako sa sumunod n’yang ginawa. Nagtanong s’ya sa akin na tila isang reporter at ini-interview ako.
“Ano pong masasabi n’yo Sir Tom na mamaya lamang ay sasayaw na kayo sa gitna ng amusement park na ito ng walang music dahil panigurado ay susuka na kayo pagkatapos sumakay sa space shuttle na ito?” tanong n’ya habang kinukunan pa rin ako ng video.
Natawa naman ako sa tanong n’yang ’yon kaya hindi agad ako nakasagot. Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil hindi ako maka-move on sa tanong n’ya. S’ya rin naman ay natatawa sa kalokohan n’ya. Nang medyo ayos na ako ay sinagot ko ito ng nakangiti.
“Pasensya na po, pero sinisigurado ko po na ang sasayaw mamaya ng walang music sa gitna ng amusement park na ito ay walang iba kundi ang lalaking may hawak ng camera ngayon na nagngangalang Sir Xander.” sagot ko at tawa muli ako ng tawa habang nakatapat pa rin sa akin ang camera ni Sir Xander. S’ya din ay natawa sa naging pagsagot ko.
Naputol lang ang moment na ’yon nang umusad muli ang pila at turn na namin para sumakay dito.
Magkatabi kami ni Sir Xander na umupo dito. After ma-check ng staff ang safety naming mga sakay ay sumenyas na ito sa operator na s’yang magpapaandar ng roller coaster na ito. Nagkatinginan kami ni Sir Xander at sabay na ngumiti sa isa’t-isa.
“Good luck!” sabay din naming wika at umandar na nga ang aming sinasakyan paatras o patalikod sa ere para makabwelo sa aming pagbagsak.
Pagbagsak ng aming sinasakyan ay tila naiwan ang aming lamang-loob mula sa taas. Ang lakas ng aming sigaw at nagawa pa naming itaas ang aming mga kamay. Nagkatinginan pa kami ni Sir Xander habang umaandar pa ito at sabay na sumisigaw. Sigaw na pareho kaming nag-eenjoy.
Matapos ang pagsakay namin doon ay bumaba na kami nang hindi nagkakatinginan. Ngunit nang magkasalubungan ang aming tingin ay pareho kaming napahinto at humagalpak ng tawa. ’Yung buhok n’ya kasi ay nawala sa ayos at alam kong ganun din ang sa akin. Tawa kami ng tawa habang pareho namin itong inaayos.
Hindi pa doon nagtapos ang aming kasiyahan dahil napagpasyahan naman namin ngayon sumakay sa Jungle Log Jam o ’yung parang nakasakay ka sa wood at ang dadaanan at babagsakan mo ay tubig. Eto rin ang napagpasyahan naming huling sakyan bago kami bumalik sa aming grupo dahil gabi na din.
Nasa harap na bahaging upuan ako nakapwesto at nasa likod ko naman si Sir Xander. Hindi naman masyadong nakakatakot doon kaya nagagawa pa namin makapag-usap habang umaandar ang aming sinasakyan.
“Sir Xander, siguro dito pwede ka nang sumuka kasi d’yan lang sa tubig ok na. Hindi na nila mahahalata na nagkalat ka! Hahahaha!” sabi ko sa kanya habang patuloy pa ring tumatawa.
“Asa ka Sir Tom! Baka ikaw ang magkalat dito! Siguraduhin mo lang hindi ko makikita dahil ako mismo magre-report sa management dito na sinukahan at dinumihan mo ang lugar nila!” balik nito sa akin na natatawa din.
Sa una ay puro talsik lamang ng tubig ang napupunta sa amin. Pero nang nasa mataas na pwesto na kami at bumagsak ay s’ya ring talsik ng mas maraming tubig mula sa aming gilid dahil sa impact ng aming pagbagsak.
Pagkababa namin ay muli nanaman kaming natawa dahil para kaming basang sisiw dalawa. May dinukot s’ya sa kanyang bulsa at inilabas ang isang panyo.
“Basa ka na, para kang naligo nang walang sabon at shampoo!” wika n’ya habang pinupunasan ang mukha ko. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Napangiti lang ako.
Inilabas ko din mula sa aking bulsa ang aking panyo at pinunasan din ang kanyang mukha.
“Alam mo Sir Xander, mas maganda siguro kung ’yung panyo natin hindi basa noh? Para siguradong matutuyo tayo.” wika ko. Basa kasi pareho ang aming panyo dahil sa huli naming sinakyan. Natawa kami pareho habang nasa mukha pa rin namin ang panyo at kamay ng isa’t-isa.
Habang tumatawa kami ay bigla kaming nakarinig ng pagputok at kasabay nito ay ang pagliwanag ng kalangitan. Nagsimula na ang fireworks display ng amusement park na ’yon. Namangha ako sa ganda nito at hindi ko mapigilang masambit sa aking bibig na…
“Ang ganda….” wika ko habang nakatingala.
“Oo nga.. gustong-gusto ko s’ya..” wika ni Sir Xander na nilingon ko naman.
Doon ko nakitang hindi s’ya sa fireworks display nakatingin kundi sa akin. Medyo mas mataas s’ya sa akin kaya medyo nakaangat ang tingin ko sa kanya.
Nagkatitigan kami pareho sa isa’t-isa habang patuloy sa pagsabog ng ilaw ang magagandang fireworks sa kalangitan. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, kapareho ng pagkabog nito nung gabing inihatid n’ya ako sa aming bahay.
Ano ’tong nararamdaman ko?
Hindi kaya? Hindi kaya……….
“Xander?” boses na nagpagising sa aming dalawa ni Sir Xander.
Napalingon kaming dalawa ni Sir Xander dito at nakita naming nasa aming harapan si Randy, Rigo, Cha at Ben.
“Anong meron?” biglang tanong ni Cha.
Nagtaka naman kaming dalawa ni Xander kaya nagkatinginan kami. Doon lang namin napansin na hanggang ngayon ay nasa mukha pa rin namin ang aming mga kamay na may hawak na panyo. Hindi pa rin namin ito nababawi mula sa pagpupunas sa isa’t-isa. Agad namin itong ibinaba.
“Si Sir Xander kasi eh..” wika ko habang ibinubulsa ang panyo.
“Anong ako?” angal nito sa akin. “Wag kayong maniwala, si Sir Tom ang may kasalanan!” wika n’ya naman sa mga kasama namin.
Tiningnan ko s’ya ng masama at ganun din s’ya sa akin. Ngunit habang nagtatagal ang pagkakatitigan namin ay nagbago din ang aming ekspresyon. Sabay kaming humagalpak ng tawa.
Wala naman naging reaksyon ang apat na tao sa aming harapan, marahil ay nagtataka sa ka-weirduhan naming dalawa.
Matapos nun ay biglang nagsalita si Cha at nilapitan si Rigo.
“Fafa Rigo, ’pag hinalikan mo ako gusto ko may fireworks ah?” sabi ni Cha at kumapit pa sa braso ni Rigo.
“Ah-eh…” kamot ulong nasabi lang ni Rigo.
“Bakit Sugar ko? Nanliligaw na ba s’ya sa’yo?” biglang tanong ni Ben na malungkot ang tono.
“Hinde.” direchong sagot ni Cha.
“Eh bakit mo nasabing hahalikan ka n’ya at dapat may fireworks pa?” malungkot pa rin si Ben.
“Joke lang ’yun. Nagpaparinig lang ako sa kanya, baka kasi sakaling balakin n’yang manligaw. At tungkol naman sa fireworks, sign ko kasi ’yun na hinihingi.” ang tila nangangarap na sabi pa ni Cha. Alam ko kung ano ang sign na ’yon, dahil minsan n’ya nang nasabi sa akin ’to.
“Sign?” tanong ni Rigo sa kanya.
“Yes Fafa Rigo, sign! As in S-I-G-N!!” at ine-spell n’ya pa. “Sign na ’pag hinalikan ako ng isang lalaki at biglang may mag-e-explode na fireworks sa langit, ibig sabihin s’ya na ang matagal ko nang hinahanap na makakasama habang-buhay. Hindi ko na din s’ya papakawalan!” tila nananaginip pa nitong sabi.
“Baka naman tumandang dalaga ka n’yan Charm?” wika naman ni Rigo. Natawa naman kami dito.
“Ah basta! Kung wala ’yung sign na ’yun, hindi ako maniniwala sa forever!” may diin na sabi ni Cha.
Wala nang nag-comment sa huling sinabi ni Cha, baka humaba pa eh. Hehe..
Habang nanonood pa rin sa natitirang fireworks display ay nakita na din naming paparating sina Dee at Dominic.
“O kamusta ang bangayan n’yo? sino nakapuntos ngayon? May nadagdag ba sa score mo Dominic?” pagpuna sa kanila ni Cha.
“Wala. Cease fire muna. Ayaw magsalita ng kaibigan n’yo eh.” sagot naman ni Dominic ng nakangiti.
May napansin ako sa dalawang bagong dating na ito. Tila bumaba ang timpla nila sa isa’t-isa. Iba din ang ngiti ni Dominic kay Dee nang mga oras na ’yon.
Kung sabagay, kami nga ni Sir Xander ay nagawang maging komportable sa isa’t-isa kahit isang araw lang eh.
Ang ganda ng araw ko..
Sana sa mga susunod na araw ganun pa rin….
A/N
Hi guys! musta po ang chapter nina Xander at Tom? Comment naman jan! Ingat kayo! ’Til next chapter!
––cold_deee
chapter 9 - candied apple
A/N
Hello mahal kong readers! baka may nagiging problema kayo sa pag-download ng ibang chapter. Ang gawin n’yo po remove n’yo muna sa library n’yo and then add n’yo na lang ulit. Kung ganun pa rin, pm n’yo ako dito sa wattpad for soft copies. Thank you! Happy reading!
––>si Carla po, daughter ni Sir Xander ’yung nasa media.
TOM POV
May dalawang buwan na din pala ang lumipas mula nang magkakasama kami nila Sir Xander na nagpunta sa Enchanted Kingdom. At may dalawang buwan na din kong nagtatrabaho dito sa restaurant n’ya.
Nagkaro’n na din ng konting pagbabago sa samahan naming lahat. Pero maganda ang mga pagbabagong ’yun.
Una ay mas naging malapit kami nila Cha, Dee at Ben. Alam na din nila Dee at Ben ang sexual preference ko, pero ang nakakatawa ay wala silang naging reaksyon doon. Naguluhan pa nga ako noong una, pero ang sabi nila hindi naman daw kasi big deal ang bagay na ’yon.
Naging mas malapit na din kami kina Daniel at Jurnie. Minsan ay kasabay namin silang magbreak kung magkakasabay kami ng shift. Minsan din ay lumalabas kami after work. Dinala na din namin sila sa aming tambayan sa parking lot ng mall na halos gawin nang bahay ni Jurnie. May mga upuan kasing nakalagay sa parking lot na ’yon at ginagawa n’yang tulugan iyon.
Sina Dominic at Rigo naman ay patuloy pa rin ang pagpunta sa restaurant namin. Hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nila ni Dee sa isa’t-isa. Tuwing magkikita ay nagsasagutan pa rin at si Cha pa rin ang scorer nila. Naging katuwaan na sila ng lahat ng katrabaho namin dahil nakakatuwa silang panoorin magbangayan. Pero napapansin ko lang, mukhang hindi na madalas makapuntos si Dee sa kanya. Minsan ay hindi na s’ya halos makapagsalita kapag kaharap si Dominic. Hhhhmmm….
At dahil panibagong buwan ay panibagong schedule na ako ngayon. Pang-umaga na ang shift ko mula 6 ng umaga hanggang 3 ng hapon. Tahimik sa umaga dahil walang masyadong customers. Si Kuya Vher na Captain Waiter lang ang kasama ko tuwing ganitong oras. Hindi ko kasama sa shift sina Cha kaya medyo hindi ako sa kanila nakakasama lately.
Alas-kwatro na ngayon ng hapon at kasalukuyan akong nasa River Park ng mga oras na ito. Dito muna ako tumatambay habang nagpapalipas ng pagbaba ng araw. Masyado pa kasing mainit kung ba-byahe ako pauwi ng alas-tres ng hapon. Isa pa, nare-relax talaga ako sa lugar na ito.
Kasalukuyan akong naglalakad-lakad dito at naalala ko nanaman kung paano kami unang nagkita ni Sir Xander sa lugar na ito. Nakakatuwang isipin na ang dating pinagbantaan ko na bubuhusan ng kape ay boss ko na ngayon.
Oo nga pala, naikwento ko ba na nagbago din ang treatment sa akin ni Sir Xander? Mas maayos na ito makitungo sa akin ngayon. At isa sa mga pinagtataka ko ay minsan ako nitong tinatawag na Sir Tom. Nahihiya ako ’pag ginagawa n’ya ’yon kaya minsan ay sinabi kong ’wag n’ya akong tawagin sa gano’n. Alam n’yo ba ang sagot?
“Eh ano naman? Endearment natin ’yon? Ako si Sir Xander at ikaw si Sir Tom.”
’Yan! ’Yan ang sagot n’ya. Nagsimula lang naman ’yun nung magkasama kami sa Enchanted Kingdom. Akala ko ay dala lang ’yun ng sitwasyon na nagkakatuwaan kami.
Minsan ’pag may dala s’yang pagkain ay hindi n’ya din nakakalimutan na dumaan sa aming crew room para bigyan kami. Wala naman akong pakialam doon noong una, pero sabi ng mga katrabaho ko nakakapagtaka daw ang mga kinikilos ng boss namin ngayon. Dati-rati raw kasi ay hindi naman ito naliligaw sa crew room at hindi naman daw ito nagdadala ng pagkain para lang ipamahagi sa ibang empleyado. Naging masayahin din daw ito at maalas nang nakikipag-usap sa mga dining staff n’ya. Dati raw kasi ay sa kitchen lang ito madalas makipag-usap. Sabi ko naman, baka gusto lang makipag-lapit sa amin dahil staff pa rin naman n’ya kami. Natuwa naman sila sa bagay na ’yon.
Abala ang aking isip sa pagmumuni-muni sa mga nangyari sa mga nakalipas na buwan nang may tumawag sa aking atensyon.
“Hey you!” wika ng isang babae na may kaliitan ang boses.
Luminga-linga naman ako sa paligid ngunit wala akong makitang pinagmulan ng nagsalita.
“Hey young man, I’m talking to you!” boses ulit n’ya.
Doon ko napansin na may batang babae na ako yata ang kausap. Nakaupo ito sa isang bench at walang kasama. Luminga-linga ulit ako dahil baka hindi naman pala ako ang tinatawag nito. Nang makita kong ako lang ang malapit sa kanyang pwesto ay tinanong ko na ito.
“Me?” sagot pa at tinuturo ang aking sarili.
“Yes you! Is there anybody here aside from me and you?” sagot n’ya sa akin.
Hindi ko pinansin ang sinabi n’ya kaya lumapit na lamang ako sa kanya.
“Yes little Miss? What can I do for you?” tanong ko dito at ngumiti.
Napansin kong maganda ang batang ito. Cute na cute din s’ya sa kanyang outfit na mala-korean ang fashion. Mukha din itong mayaman base sa kanyang kutis.
“You look very familiar.” kunot-noo n’yang wika sa akin.
“Really?” tanong ko sa kanya.
Nakangiti pa rin ako sa kanya habang nagtatanong. Ewan ko ba kung bakit parang magaan ang loob ko sa batang ito.
“Yeah. I think I saw you somewhere. ’Coz I remember that dimple.” wika n’ya naman at tinuturo ang dimple ko sa kanang pisngi ko.
Natawa naman ako sa sinabi n’ya. Hindi lang naman ako ang may dimple sa mundo tapos sasabihin n’yang familiar ako sa kanya dahil lang dito. Iniba ko ang usapan para hindi n’ya na i-insist ang tungkol sa dimple ko.
“What can I do for you little Miss?” wika kong nakangiti pa rin.
Bahagyang nag-iba ang ekspresyon nito na tila may naalala.
“Uhm.. Do you happen to know where my Daddy’s work place is?” tanong nito sa akin.
Nag-iba na din ang ekspresyon nito at bigla na lamang itong umiyak. Nag-alala naman ako bigla. Nilapitan ko agad ito.
“Hey baby, don’t cry… Uhm.. If you want, I can help you find your daddy’s work place. Just please don’t cry.” wika ko habang pinupunasan ang mga luha nito. Lumuhod na rin ako para magpantay kami nito.
Nag-aalala din ako dahil baka isipin ng mga nakakakita ay pinapaiyak ko ang cute na batang ’to.
“Ok.” sabi ng batang kaharap ko at tumigil agad sa pag-iyak. Ngumiti agad ito ng malapad sa akin.
Literal na nangunot ang aking noo dahil sa bilis magpalit ng mood ng batang ito.
“Baby, are you with someone?” tanong ko sa kanya.
“Nope. I ran away from my Yaya and our driver.” nakangiti n’ya pa ring sagot.
“What?!!!” sagot ko ng may kalakasan dahil sa pagkabigla.
“You heard me right young man. I ran away from them because they kept me waiting to find my Dad’s work place.” paliwanag n’yang nakasimangot naman ngayon at nag-cross arms pa.
Huminga ako ng malalim. Grabe ’tong batang ’to! Hindi ba ’to natatakot mag-isa?!
’ Kalma lang Tom, bata ‘yan.’ wika ng aking isip.
“Uhm… Ok.. What’s your name by the way baby? I’m Tom, but call me Kuya Tom ok?” wika ko sa kanya.
“Uhm.. ok Kuya Tom. My name is Carla.” sagot n’ya at nag-smile na ulit.
“Ok Carla, so what’s the name of your Daddy?” tanong ko ulit.
“I’ll tell you later. But can you please buy me an ice cream first?” utos n’ya.
“Uhm… ok…” sagot ko na lamang. Mabuti na lang at my pera ako dito dahil kaka-sweldo lang namin kahapon.
“Yey!!! Let’s go!” masigla n’yang wika.
Hinawakan ako nito sa kamay at tumakbo ito papasok ng mall. Tinungo namin ang Dairy Queen dito sa food court ng Festival Mall. Um-order naman kami agad at pareho ang flavor na gusto namin, cookies and cream.
“Kuya Tom, I know my Dad’s place, I mean where he lives. Can you just send me there instead?” pakiusap nito habang kumakain ng ice cream.
“Ok.. Do you know the exact location? Or do you have any contact details of your Dad?” tanong ko. Putek, maubusan ako ng baon na english sa batang ’to ah! Kung hindi lang s’ya cute eh!
“I left my cellphone with Yaya and I can’t remember his contact number. But as I said, I know where he lives. It’s just around this place.” mahaba n’yang paliwanag habang patuloy pa rin sa pagkain.
“Ok then, I’ll send you there after we eat ok?” sagot ko sa kanya.
Paminsan-minsan kong pinupunasan ang bibig nito dahil nagkakalat ang ice cream na kinakain nito. Ang cute talaga ng batang ’to. ^_^
Matapos kumain ay naglakad na kaming dalawa na magkahawak-kamay. Sinubukan ko rin kumbinsihin itong lumapit na lamang kami sa mga guard at sinabi ko ring magpapatulong kami sa pulis pero tumanggi ito. Umabot pa sa point na umiyak ito ng pagkalakas-lakas dahilan para pagtinginan kami ng mga tao. Kaya wala na akong nagawa kundi ang samahan ito sa lugar kung saan daw nakatira ang Daddy n’ya. Sigurado ba ’to na alam n’ya?
“Kuya Tom, let’s just walk na lang kasi malapit lang ’yung condo ni Daddy dito.” wika n’ya nang makalabas kami ng mall para kumuha ng taxi sana.
Teka?! Nagta-tagalog s’ya?! Putek! Pinahirapan pa ako sa pag-construct ng english eh marunong naman pala mag-tagalog ’to!
“Saan ba nags-stay ang Daddy mo?” ayan, nag-tagalog na ako.
“There in Avida.” sagot nito.
Mabuti na lang at alam ko ’yun at nabanggit n’yang sa condo nakatira ang Daddy n’ya.
“Ok, let’s go!” wika ko sa kanya.
Habang naglalakad kaming magkahawak-kamay ay panay ang daldal nito na namimiss n’ya na daw kasi ang Daddy n’ya kaya nagpumilit itong magpunta dito. Busy daw kasi ang Daddy n’ya sa work para sa future n’ya kaya sa halip na hintayin ang Daddy n’ya na dumalaw sa kanila ay s’ya na lamang daw ang dadalaw dito. Matalinong bata ito dahil naiintindihan n’ya ang kalagayan ng Daddy n’ya.
Sinabi n’ya din na wala na s’yang mommy dahil iniwan daw sila nito noong baby pa s’ya. Tinanong ko s’ya kung nalulungkot ba s’ya dahil wala s’yang Mommy pero enough na daw sa kanya ang kanyang Daddy pati ang mga lolo at lola n’ya.
Nadadala na din ako sa kwento n’ya kaya nasabi ko sa kanyang ganun din ang ginawa ng magaling kong ama sa amin nila Mama. At alam ba ninyo kung anong sinabi n’ya sa akin? Maging masaya na daw ako at may natitira pa akong pamilya, nariyan pa naman daw si Mama kaya ’wag daw kaming malungkot na magkapatid. ’Yung totoo? Bata ba talaga ’tong kausap ko?!
Halos nasa kalahati na kami ng aming paglalakad patungo sa Avida ay nagsabi itong pagod na. Kinarga ko naman ito at pinagpatuloy namin ang aming pagke-kwentuhan. Ngunit habang nagke-kwento ako ay naramdaman kong hindi na ito nagre-response. Pagtingin ko sa kanya ay natawa ako dahil tulog na pala ito. Binilisan ko na lamang ang aking paglalakad upang marating na ang lugar na aming tutunguhin.
“Ahm Miss, dito daw po nakatira ang Daddy ng batang ito. Pwede n’yo po ba kaming dalhin sa unit n’ya?” wika ko sa receptionist dito sa condo building na ito. Karga ko pa rin si Carla na mahimbing pa rin ang tulog.
“Ano po bang name ng Daddy n’ya Sir?” tanong ng receptionist. At dun ko na lamang naalala na hindi nga pala nito nasabi sa akin kung ano ang pangalan ng kanyang Daddy.
“Hindi n’ya po kasi nasabi sa akin eh. Pero wala po bang naghahanap sa anak n’ya na nakatira dito?” tanong ko sa kanya.
“Ah! Meron po Sir! Sige po, maupo muna kayo dito sa lobby. Tatawagan ko lang po si Mr. Alvarez.” wika ng babae. Hindi na ako nag-abala pang alamin ang detalye ng binanggit n’yang pangalan ng ama nitong si Carla.
Tinungo namin ang sofa na naririto sa lobby ng condominium na ito at pinahiga na lamang si Carla sa aking lap. Hindi ko alam kung gaano pa ako katagal na naghintay ng mga oras na ’yon dahil hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
XANDER POV
Halos paliparin ko ang aking sasakyan nang makatanggap ako ng tawag mula sa receptionist ng condo na tinutuluyan ko na may naghahanap daw sa akin na lalaki at hinatid daw doon ang anak ko.
Halos mabaliw na ako kanina nang malaman ko mula sa kanyang yaya at driver na tumakas daw ito mula sa kanila para hanapin ako. Hindi ko din napigilan ang aking sarili na pagbantaan ang mga iyon dahil sa takot na mawala ang nag-iisang anak ko. Sino bang matutuwang magulang ang malamang nawawala ang anak nila?!
Iniwan ko ang restaurant sa kamay ni Shai para personal na hanapin ang anak ko. Tinungo ko ang lugar kung saan ito huling nakasama ng driver namin at Yaya n’ya. Humingi na din si Shai ng tulong mula sa Security Department ng mall para mahanap ang anak ko ngunit ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin nila ito nakikita.
Nang makarating ako sa condominium building na tinutuluyan ko ay hindi ko na nagawa pang mai-park ng maayos ang aking sasakyan. Tinungo ko agad ang lobby kung saan naroon daw ang aking anak at ang lalaking naghatid daw sa anak ko.
Pagkarating ko roon ay laking gulat ko nang maabutang tulog ang aking anak sa lap ng isang natutulog ding lalaki. Nakayakap ang kaliwang kamay nito sa aking anak habang ito ay mahimbing ding natutulog.
Pinagmasdan ko silang dalawa at tila nakaramdam ako ng ibayong saya dahil bukod sa nakita ko na ang aking anak ay alam kong nasa mabuti pala itong mga kamay.
Nilapitan ko silang dalawa at ginising ko ang aking anak sa pamamagitan ng paghalik dito sa noo. Nagising naman ito at laking gulat n’ya nang makita ako.
“Daddy!!” wika nito at napayakap sa akin.
Ginantihan ko din ito ng yakap na mahigpit. Yakap na nagpapahiwatig ng lubos na pagmamahal at sandaling pangungulila. Nangilid din ang aking mga luha dahil sa takot na naramdaman ko kanina lang. Ngayon na ako lubusang nakahinga ng maluwag.
“Sir Xander?” wika ng lalaking nagising yata sa ingay ng anak ko.
“Tom.” wika ko sa kanya at ngumiti.
“Oh! You’re awake Kuya Tom.” wika naman ni Carla at humarap kay Tom habang karga ko pa rin.
“Ikaw po ’yung daddy ni Carla?” tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako at tumango.
“Dad, you’re done with your work? Are you tired?” tanong ng anak ko sa akin.
“Tired? Yes, I’m very tired looking for you all over the place. Care to explain what happened? Why did you escape from your Yaya and our driver?” medyo pagalit kong tono.
“I’m sorry Dad… It’s just that I really miss you but they didn’t listen to me when I asked them to send me to you right away. They’re just busy talking and staring to each other like I’m not around. They even holding each others hand instead of mine. You think it’s good?” explanation n’ya at nag-pout pa ito.
“Either way, what you did is still not good. You should have texted me or called me. Halos mabaliw si Daddy, even you grandparents wouldn’t like this kung nalaman nila. Do you even know the consequences of what you did?” balik ko dito.
“I’m really sorry Dad… I promise, hindi na po mauulit…” wika n’ya at umiyak na ito.
Bumuntong-hininga ako ng malalim. Hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko kung sakaling nawala na ito ng tuluyan sa akin. Laking pasasalamat ko na lamang at nakabalik ito.
“If this will happen again, Daddy might die because of losing you. Do you want that to happen?” tanong ko sa kanya.
“No Daddy… Don’t.. please.. I’m so sorry…” sagot n’ya sa akin. Iyak pa rin ito ng iyak at halos hindi na makahinga sa paghikbi.
Alam kong kahinaan din ako ng anak ko kaya kailangan ko iyon sabihin. Dapat n’yang malaman na lahat ng mali n’yang nagagawa ay may nagiging epekto sa iba.
“Enough of that, basta hindi na mauulit ’to ha? Or else…..” pagbabanta ko sa kanya.
“No Daddy please… Promise, hindi ko na po uulitin…” sagot n’ya. Niyakap ko na lang muli ito at pinatahan mula sa pag-iyak. Hinalikan ko nang paulit-ulit ang kanyang ulo dahil miss na miss ko ito.
“Ahm Sir… Ok na po si Carla. Masaya akong nagkita na kayo. Kailangan ko na din po sigurong umalis. Gabi na din po kasi.” wika ni Tom.
Sh*t! Oo nga pala, andito nga pala si Tom. Nakalimutan ko na dahil sa labis na pag-aalala sa anak ko.
“Kuya Tom? Why are you leaving agad? Can you stay for a little longer? Please?” pakiusap ni Carla sa kanya.
“Eh Carla andito naman na si Daddy, nagkita na kayo. ’Di ba miss na miss mo na s’ya? Kaya mas maganda kung uuwi na din ako para mas matagal kayong mag-bonding.” wika ni Tom at hinawakan sa ulo si Carla.
Tumingin si Carla sa akin at inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong.
“Daddy, can we invite him to your room? I know he’s a good man and you knew each other naman ’di ba? I remember him also, he was the guy in the video of your phone ’di ba?” bulong nito.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng anak ko. Alam kong matalas ang memory nito, pero hindi ko alam na makikilala n’ya agad ito kahit ngayon pa lang sila personal na nagkita.
“How sure you are that it was him?” bulong ko din sa kanya.
“I remember his smile daddy. And that dimple, I knew it was him! That’s why when I saw him at the park, I called him agad.” bulong ulit nito pabalik.
Napalunok na lamang ako at hindi nakapagsalita sa statement ng anak ko. So katulad ko ay na-attract din ang anak ko sa ngiti ng taong kaharap namin ngayon.
“Ahm… Excuse lang po Sir Xander at Carla, pa’no po? Mauuna na po ako..” pagpapalam na ni Tom sa amin.
“Ahm… Gusto mo bang umakyat muna sa taas? Dito ka na mag-dinner para makabawi naman kami sa’yo. Pasasalamat na din Tom. Salamat nga pala ha? Nakalimutan ko na’ng pasalamatan ka kasi nag-alala talaga ako dito sa anak ko.” wika ko dito.
“Walang pong anuman Sir. Masaya po akong matulungan ang cute na si Carla.” nakangiti n’yang sambit.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko, umakyat muna tayo sa taas Sir Tom?”
“Ahm.. Kasi––” tangi n’yang nasabi ngunit pinutol agad ni Carla.
“Please Kuya Tom? I want to hear more of your stories. Please???” pakiusap ng anak ko ng naka-pout pa.
Nakita ko si Tom na bumuntong hininga at tila sumusuko sa anak ko. Hehe! Mukhang may magiging kakampi na ako ah..
“Haayy… Sige na nga… Hindi lang kita kayang tiisin Carla eh..” wika ni Tom na nagkakamot pa ng ulo.
“Yey!!!!! Let’s go na!! Daddy, make something yummy ha?” wika ni Carla.
“Sure baby.” sagot ko ng nakangiti.
Narating namin ang unit ko at agad na hinila ni Carla si Tom patungo sa sala. Nakakatuwang tingnan na madali n’yang nakuha ang loob ng anak ko. Kung sabagay, madali naman talagang makapalagayan ito ng loob. Likas itong masayahin at mabait.
Nagsimula na akong magluto at s’yempre walang kahit na ano mang seafood sa aking inihanda dahil allergic doon si Tom. Si Carla naman ay hindi mapili sa pagkain dahil sinanay ko na ito at kahit ano man ang lutuin ko ay hindi nito tinatanggihan.
“Dinner is ready! Come over here guys!” sigaw ko mula dito sa kusina dahil abala pa rin ang dalawa sa sala at nagkakatuwaan.
“Yey!! Let’s go Kuya Tom. Let’s eat na! You should taste what daddy prepared ’coz I’m sure you will love it! Remember he’s a very good Chef!” pagmamalaki ng anak ko.
“I know.” sagot ni Tom habang tumatawa.
Naupo agad sila sa dining table ko at sinimulan ko na din lagyan ng pagkain ang plate ng anak ko.
“Thanks Daddy!” wika ng anak ko.
Akmang lalagyan ko na din ang plate ni Tom nang hawakan nito ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kuryente sa paglapat ng aming mga balat. Sh*t! Iba talaga ang epekto ng lalaking ’to sa akin eh!
“A-ako na po Sir. Kaya ko na po.” pagtanggi nito sa akin.
“No. Hayaan mo na ako. Bisita ka namin kaya dapat hayaan mo nang gawin ko ito.” wika ko sa kanya.
“Oo nga Kuya Tom. Let Daddy do it if you don’t want to see him get mad.” segunda naman ng anak ko.
Wala nang nagawa si Tom at hinayaan akong paghandaan s’ya ng makakain. Hehe! Ang sarap naman sa pakiramdam na paghandaan ito ng pagkain.
Nagsimula na kaming kumain at tahimik lamang kami.
“How is it Kuya Tom? Did you like what Daddy cooked for us?” biglang tanong ng anak ko.
“Yes baby, he’s really a good cook.” sagot ni Tom habang nakangiti.
Napangiti naman din ako dahil masaya akong nagustuhan n’ya ito.
“See? I told you!” pagmamalaki ulit ni Carla.
Tinapos na namin ang pagkain at nang matapos ito ay nag-presenta si Tom na s’ya na lamang ang maghuhugas. Narito kami ngayon sa aking lababo at nag-aagawan sa plato para maghugas nito.
“Ako na nga. Maupo ka na lang doon sa sala at magpahinga.” utos ko dito.
“Ehh! Sir Xander naman! Kumain na nga ako ng libre tapos ayaw mo pa akong makabawi kahit sa paghuhugas?” reklamo naman ni Tom.
“Stop it Kuya and Daddy. Why don’t you just do it together?” biglang sabat ng anak ko.
Napatingin naman kaming dalawa dito ni Tom at nagkatinginan. Natawa naman kaming parehas sa tinuran ng anak ko.
“Oh, tayo na lang daw maghugas. ’Wag ka na umangal kung ayaw mong magalit ’yan.” wika ko kay Tom.
“Hahahaha! Sige na nga.” sagot na lamang n’ya at walang nagawa.
“Carla, go to my room na and take a bath. Let’s bring Kuya Tom later sa house n’ya.” utos ko sa anak ko.
“Really?? Ok! Wait n’yo po ako ha?” tanging sagot n’ya at saka tumungo sa kwarto ko. May mga damit na din kasi dito sa unit ko ang anak ko.
Habang naghuhugas ay hindi namin maiwasan ni Tom na magbiruan. Nauwi ito sa basaan ng tubig at habulan. Para kaming bumalik sa pagkabata dahil sa ginagawa namin. Mayroong ipapahid n’ya sa mukha ko ang basa n’yang kamay at kunwari magagalit ako kaya mananahimik s’ya. Pero ’pag nakakatyempo ako ay s’ya naman ang babasain ko sa mukha. Tawanan lang kami ng tawanan hanggang sa maputol ito.
“Daddy??” pagtawag ng anak ko.
Nilingon namin ito habang ang mga kamay namin ni Tom ay nasa mukha ng isa’t-isa.
“Aw! Why didn’t you join me? I wanna play too!” dugtong pa n’ya ng maabutan kami sa ganoong tagpo. Naka-pout nanaman ang kanyang nguso.
Nagkatinginan kami ni Tom at muling natawa sa inasta ng anak ko.
“Next time baby. But for now, wait mo muna kami sa sala ok?” natatawa kong wika sa kanya na agad din naman nitong sinunod.
Matapos maghugas ay nagpalit na din ako ng damit para ihatid si Tom sa kanila. Noong una ay hindi ito pumayag na magpahatid, pero s’yempre sa huli ay ako pa rin ang nanalo.
Nasa byahe na kami ngayon patungo sa bahay ni Tom at nasa likurang bahagi ng sasakyan ko silang dalawa ng anak ko. Patuloy sila sa kwentuhan at katuwaan.
Nakarating kami sa bahay nila at naabutan namin ang isang ginang na nasa harapan ng kanilang bahay.
“Ma, bakit nasa labas pa po kayo? Gabi na ah? Baka makasama ’yan as inyo..” wika ni Tom sa kanya.
“Hinihintay kasi kita anak. Nag-alala ako kasi dapat kanina pa ang uwi mo pero wala ka pa. Pinatext din kita sa kapit bahay natin pero hindi ka nagreply.” wika ng ginang.
“Ah Ma, pasensya ka na. Galing po ako sa bahay ng boss ko eh. Hinatid ko ang anak n’ya. Saka hindi ko ba nabanggit sa inyo na bumigay na ang phone ko? Tagal na din kasi nun ’di ba?” sagot ni Tom. Dito na ako lumabas mula sa kotse.
“Magandang gabi po Ma’am. Ahm.. Ako po pala si Xander, katrabaho po ni Tom.” pagpapakilala ko sa Mama ni Tom.
“Ay, may kasama ka pala anak.” wika nito kay Tom. “Magandang gabi din sa’yo hijo, nanay ako ni Tom. Ikaw ba ang naghatid sa kanya? Salamat ah?” dugtong pa n’ya at inabot din ang kamay kong nakalahad sa kanya.
“Walang ano man po. Pasensya na din po kayo kung ginabi na si Tom sa pag-uwi, inimbita pa po kasi namin s’ya ng anak ko sa bahay ko.” wika ko sa kanyang ina.
“Ah Ma, s’ya po ’yung sinasabi kong boss ko. Si Sir Xander po.” pakilala n’ya sa akin. “Sir, si Mama Lita ko po.” at pinakilala naman ako sa kanyang ina.
“Ah ganun ba? Ok lang po Sir, nag-alala lang talaga ako sa anak ko. Tuloy po kayo sa bahay namin. Pero pagpasensyahan n’yo na at may kaliitan ha?” baling nito sa akin.
“Xander na lang po. ’Wag n’yo na lagyan ng Sir, masyadong pormal eh. Saka next time na lang po ako tutuloy kasi nasa kotse din ang anak ko at naghihintay Ma’am.” magalang kong pagtanggi.
“Naku! Ang batang ito, ayaw magpatawag ng Sir pero tinatawag naman akong Ma’am!” reklamo ng kanyang ina.
“Oh edi Mama na lang din po kung ok lang?” bigla kong suhestiyon dito.
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Tom at napangiti naman ang kanyang ina.
“Kung d’yan ka ba komportable eh, ok na ok sa akin! Aba! Magiging tatlong gwapong lalaki na ang anak ko, magrereklamo pa ba ako?” magiliw nitong wika. Hehe! Gusto ko ’tong nangyayari ah?
“Ma naman! Boss ko po ’yan!” reklamo ni Tom.
“Aba bakit anak? ’Yun ang gusto n’ya at gusto ko eh! Saka ano bang masama dun?! Anong gusto mo? Ikaw ang tawaging Mama o ako?!” pagsagot nito kay Tom. Ang cool ng Mama n’ya!
“Oo nga! Bakit ba kasi kumokontra ka pa sa amin Sir Tom? Wala ka din naman magagawa ’pag in-insist ko eh!” pagsang-ayon ko din sa ina nito.
“Ewan ko sa inyo! Ikaw naman Sir Xander baka nakakalimutan mong nasa kotse pa ang anak mo at ayan oh! Nakadungaw na dito at hinihintay ka na!” turo nito kay Carla na nakangiti sa bukas na bintana ng kotse ko.
“Hi Lola! I’m Carla po, nice to meet you po!” pagpapakilala ng anak ko.
“Ay hija! Ang ganda mo naman, mana ka sa Daddy mo.” bati ni Mama Lita pabalik. Humagikgik naman ang aking anak sa tinuran ni Mama Lita. Hehe! Mama na talaga tawag ko?
“Ngayon naman baby Carla ikaw naman ang nakikitawag kay Mama ng Lola? Naku! Kayo talagang mag-ama parehas na parehas! Parehas makukulit!” reklamo ulit ni Tom.
Natawa naman kaming lahat sa inasta ni Tom. Maging ang anak ko ay natawa sa naging pangyayari.
“Naku, paano po? Kailangan na namin umuwi dahil maaga pa rin po kami bukas pa-Maynila dahil ihahatid ko pa po ang anak ko.” pagpapaalam ko sa mga ito.
“Ah sige hijo, next time dalaw kayo ulit ha? Ipaghahanda ko kayo ng masasarap para naman hindi nakakahiya sa inyo.” wika ni Mama Lita.
“Sige po Ma, promise pupunta kami ng anak ko.” wika ko dito.
“Ba-bye baby Carla! Good girl ka ha? ’Wag mo na ulit bibigyan ng problema si Daddy ok?” pagpapaalam na ni Tom sa anak ko nang lapitan n’ya ito sa kotse.
“Ba-bye Kuya Tom! See you po, ingat ka din. Mami-miss din kita sa Manila.” sagot naman ng anak ko at humalik din kay Tom. Sweet talaga ang anak ko, mana sa akin.
“Pa’no Sir Tom? Kita na lang tayo bukas?” pagpapaalam ko kay Tom.
“Sige Sir Xander, mag-iingat po kayo ah?” wika nitong nakangiti. Mukhang nasasanay na din ito sa endearment namin. Hehe!
Pumasok na ako sa aking kotse at bago pa kami makaalis ay nagpaalam pa ulit kami sa pamamagitan ng pagkaway. Bumusina din ako ng tatlong beses na alam kong hindi naman binibigyan ng kahulugan ng mga ito.
“I really like Kuya Tom Daddy.” biglang wika ng anak ko habang binabaybay namin ang daan pauwi.
“Me too anak.” sagot ko sa kanya.
Nagkatinginan kami ng aking anak at parehong ngumiti.
A/N
Grabe sila…… Vote naman d’yan…..
––cold_deee
chapter 10 - lemon macaroons
A/N
Musta guys?! Masakit ulo ni author kaya hindi muna ako magda-daldal.. Enjoy reading chapter 10 guys! -_-
––>si Chef Randy po sa media.
TOM POV
Isang araw ang lumipas nang makilala ko si Carla na anak pala ni Sir Xander. Parang bigla ko ding na-miss ang batang ’yon. Hindi rin pumasok kahapon si Sir Xander, baka inihatid na n’ya si Carla sa Manila.
Normal na umaga, nandito na ako ngayon sa restaurant at magsisimula nanamang magtrabaho. Patungo ako ngayon sa crew room para magpalit ng uniform ko.
“Good morning Tom! Namiss kita ah!” biglang bati sa akin ng lalaki mula sa likod ko.
Lumingon ako at nakita kong papalapit sa akin si Daniel.
“Uy! Ikaw pala Daniel! Good morning din. Pang-morning shift ka din pala?” tanong ko sa kanya.
“Oo eh, nakipagpalit ako ng shift kay Christian sa gabi. May mga bagay kasi akong sisimulan ngayong pang-umaga na ako.” wika n’yang nakangiti.
“Ganun ba?” tanging reaksyon ko.
“Ganun na ganun!” masayang wika nito.
“Tara na! Baka malate pa tayo, magbibihis pa tayo.” sabi ko na lang para makapagsimula na kami sa aming trabaho.
Umakbay ito sa akin patungong crew room. Habang papalapit sa crew room ay biglang bumukas ang pinto ng office ni Sir Xander at niluwa nito ang gwapo kong boss na nakangiti sa akin. Pang-umaga din pala s’ya.
“Good morning Sir Xander, ang ganda ng gising ah?” bati ko sa kanya. Parang blooming ngayon ang boss ko ah?
Hindi ito tumugon sa bati ko at naglaho ang kaninang ngiti n’ya sa labi. Tumingin ito sa aking katabi kasunod ng tingin n’ya sa aking balikat na hanggang ngayon ay akbay pa rin ni Daniel. Naglakad ito at nilampasan lamang kami ni Daniel nang wala man lang kahit isang salitang binanggit.
“Anong nangyari dun?” takang tanong ko kay Daniel.
“Malay ko. Baka nakakaramdam na ng pananakit ng dibdib?” sagot ni Daniel.
“Ha?! May sakit ba si Sir Xander?!” natataranta kong tanong kay Daniel.
“Wala! Nakita mo namang malakas pa kay Hercules ’yung taong ’yun eh!” balik nitong sagot sa akin.
“Eh bakit sasakit dibdib nun kung wala s’yang sakit?!” nag-aalala ko pa ring tanong.
“Hayaan mo na nga ’yun! Basta malakas ’yon!” wika n’ya. “Tara na nga! Baka lalo pa tayong ma-late n’yan sa kakatanong mo eh.” dugtong n’ya pa.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinila na ako ni Daniel patungo ng crew room. Ngunit narinig ko pa itong bumulong habang hila n’ya ako.
“Ang manhid naman kasi!” sambit n’yang pabulong. Hindi ko na lamang iyon inusisa at baka nga lalo pang humaba ang aming usapan at lalo nga kaming ma-late.
“Good morning Kuya Vher!” masigla kong bati sa Captain waiter namin. Kararating ko lang dito sa dining area para simulan ang trabaho.
“Good morning din Tom!” magandang bati din nito.
“Kamusta pala buhay-buhay Kuya? Sinagot ka na ba ng nililigawan mo?” tanong ko habang nagsisimula nang mapunas ng table.
“Ayun! Mailap pa rin, pa-hard to get eh!” sagot n’ya. Abala din s’ya sa paglilinis sa loob ng bar.
“Baka naman kasi kulang sa effort Kuya? Bilhan mo kaya ng chocolates?” suhestyon ko sa kanya.
“Naku! Nagawa ko na nga ang lahat eh, lumuhod na lang sa asin ang kulang para mapa-oo ko lang.” reklamo nito.
“Laki ng problema mo Kuya! Edi magpalit ka na lang ng liligawan!” hamon ko dito.
“Baliw! Kung kaya ko lang, ginawa ko na. Eh mahal ko talaga eh!” sagot nito.
“Yown! That’s my Kuya! Tiyaga lang, matatanggap mo din trophy n’yan!” pagpapalakas ko ng loob dito.
“Sana nga eh. Hehe!” tanging nasabi n’ya.
Mabait din itong Captain Waiter naming ito at masasabi mong pang-boy next door din ang dating. Kahit na mas matanda sa amin ito ng ilang taon ay hindi mo ito mahahalata kung hindi mo tatanungin ang edad. Gwapo at may maganda ring pangangatawan.
“Tom, paki-refill mo na lang ang mga condiments at tissue sa mga table. Wala pa naman tao kaya ako muna bahala dito sa dining.” utos niya sa akin.
“Sige Kuya.” sagot ko at sinimulan ko na ang dapat gawin.
Para makapag-refill ng condiments ay kailangan ko pang pumunta ng storage room namin dahil naroon ang aming stocks. Naabutan ko doon si Daniel na abala din at may mga hinahanap.
“Uy Daniel! Nandito ka din pala.” pagpuna ko sa kanya.
“Tom! Magre-refill ka din?” bati at tanong nito.
“Oo eh, habang wala pang tao.” sagot ko sa kanya.
“Ano ba kailangan mo? Ako na kukuha.” offer nitong tulong sa akin.
“Ah talaga? Bait ah? Anong panis na pagkain ang nakain mo?” tanong ko ng pabiro.
“Panis agad na pagkain? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang tulungan at ayaw mahirapan?” sagot naman nito.
Tumawa na lang ako at ganon din s’ya. Sinabi ko kung ano ang mga kailangan ko at isa-isa n’ya ’yong inabot sa akin.
“Ahm Tom, gala ulit tayo mamaya sa breaktime. Tagal na nung huli tayong magkasama eh. Saka wala ang ibang tropa, ang lungkot mag-isa.” yaya nito sa akin.
“Wow ah?! May pinagdadaanan ka ba? Humuhugot ah!” pagbibiro ko ulit sa kanya habang inaabot ko mula sa kanya ang mga kailangan ko.
“Meron.” seryoso nitong wika.
“Ha? M-may problema ba Daniel?” bigla akong nag-alala sa kanya.
“Next time ko na sasabihin, pero malalaman mo din naman in the process.” nakangiti n’yang sagot.
“Ha? Anong ibig mong sabihin?” taka kong tanong.
“Hahaha! Sabi ko nga, malalaman mo din paunti-unti. Pero sa ngayon, hayaan mo muna ako.” natatawa nitong sambit.
“Mmm… Wala bang clue?” tanong kong nagkakamot ng ulo.
“Mmmm.. Sige, bigyan kita. May kinalaman sa nararamdaman ko.” sabi n’yang nakatingin ng derecho sa mga mata ko.
“Bakit? May sakit ka ba Daniel na hindi sinasabi?” nagsimula na din akong mag-alala.
“Meron.” tangi n’yang sagot.
“Ano?! Saan?! Anong sakit mo?!” panic mode na ako.
“Relax Tom, wala kang dapat ipag-alala sa health ko. Ahm… Connected lang s’ya sa puso.” sambit n’yang nakahawak pa sa kanyang sentido na tila nag-iisip.
“Puso?! Daniel! Baka kung ano na ’yan! Nagpa-check up ka na ba?” kinakabahan na ako sa lalaking ’to. Baka may sakit nga ito at ayaw sabihin sa akin.
“Hindi na kelangan. Ibang sakit ’to. Sakit sa puso kasi in love na ako. Hahahaha!” tatawa-tawa n’yang sagot. Nakahinga naman ako ng maluwag.
“Haayy.. Akala ko kung ano na! Pinakaba mo ako dun ah!” wika ko habang hawak pa ang dibdib ko. “Pero teka? Kanino ba ’yan? Asus! Mukhang nagbibinata na ang kaibigan ko ah?!” dugtong kong tukso sa kanya.
“Gusto mo talagang malaman kung kanino?” sagot n’ya sa akin.
“Kanino?” curious din ako eh. Hehe!
“S——” hindi n’ya naituloy ang kanyang sasabihin dahil pinutol ito ng taong biglang sumulpot mula sa aming likuran.
“Nasa oras kayo ng trabaho. Kung may dapat kayong pag-usapan tungkol sa personal n’yong mga buhay, sa labas n’yo na lang gawin. Masyado pang maraming dapat tapusing trabaho.” malamig na wika ni Sir Xander mula sa pagsulpot.
“Ah S-sir Xander.. Sorry po..” paghingi ko ng paumanhin.
Hindi ako nito pinansin at may kinuha din sa storage na ’yon.
“Tom, mauna na ako ha? Kita na lang tayo sa breaktime. Oo nga pala, baka gusto mong dumalaw kila Aling Tasing mamaya. Gusto ka na din daw makita ng mga bata.” wika ni Daniel.
“Oo nga pala, matagal na din nung huli ko silang nakita. Pero pwede bang sa restday na lang natin?” suhestyon ko sa kanya.
“Oo ba! Angkas ka na lang ulit sa motor ko, punta din tayo sa bahay namin. Ipapakilala kita sa magulang ko.” nakangiting sagot ni Daniel.
Bogsssh!!
Halos mapatalon ako sa gulat dahil may malakas na tunog akong narinig mula sa likod ko. Nilingon ko ang pinanggalingan at nakita kong may mga gamit na nagkalat sa sahig at nasa harapan ito ni Sir Xander.
“Sir? Ayos ka lang ba?” tanong ko at nilapitan ito.
“Pa’no Tom? Kita na lang tayo mamaya sa breaktime! Dun ko na lang din sasabihin ang hindi ko nasabi sa’yo.” biglang sabat at masiglang wika ni Daniel na tila hindi man lang nasorpresa sa nangyari. Nakangisi din ito at hindi ko alam kung anong dahilan noon.
Umalis si Daniel at tinuon kong muli ang atensyon kay Sir Xander para alamin ang nangyari at matulungan ito kung may maitutulong man ako. Tulala lamang ito at nakayuko habang nakapamewang. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon dahil nakayuko nga ito.
“Ayos ka lang ba Sir? Ako na kukuha ng kailangan mo. Tulungan na po kita.” pag-offer ko sa kanya.
“A-ayos lang ako. B-bumalik ka na din doon at baka kailanganin ka na din ni Vher.” wika nito nang hindi man lang tumitingin sa akin.
“Sigurado ka ba Sir? Baka kailangan mo ng tulong?” pagpupumilit ko pa.
“Sinabi kong ok lang ako ’di ba?! Hindi ka ba nakakaintindi?!!” bulyaw nito sa akin at tumingin sa akin ng derecho.
Nagulat ako sa naging reaksron nito kaya hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung bakit ito nagkakaganito. Wala akong mabakas sa kanyang mga mata kung hindi galit.
“S-sige po. M-mauna na ako. Pasensya na.” tangi ko na lang nasabi at nilisan ang lugar na iyon.
Gulong-gulo ang isip ko kung bakit ganoon na lamang ang inaasta ni Sir Xander samantalang wala naman akong narinig na naging problema nito. Akala ko nga ay maganda ang mood nito dahil nakita ko pang nakangiti ito kaninang umaga.
Binalikan ko si Kuya Vher sa dining na abala sa paghahanda ng mga kakailanganin sa buong araw.
“Oh Tom! Nagkita na kayo ni Sir Xander?” pagpansin sa akin ni Kuya Vher.
“Ah oo Kuya, sa stock room.” tangi kong sagot.
“Ano daw ang kailangan n’ya? Hinahanap ka kasi sa akin eh. Sabi ko nasa stock room ka.” tanong n’ya.
“Meron daw ba? Wala naman s’yang nabanggit.“tanong ko din pabalik.
“Eh bakit ka n’ya hinahanap?” tanong ulit nito. Medyo makulit lang noh? Hehe!
“Malay ko Kuya. Wala talaga s’yang nabanggit eh. At ayaw ko na s’ya kulitin kung may kailangan s’ya, baka masigawan nanaman ako.” sagot ko na lamang.
“Ganun ba? Ang weird naman nun?” wika n’ya.
“Hayaan mo na Kuya, baka nakalimutan n’ya itatanong n’ya kaya ganun.” wika ko sa kanya.
Dumaan pa ang ilang oras at dumami ang customer namin dahil sa mga call center agents na dito sa amin nagbe-breakfast matapos ang kanilang trabaho. Naging smooth naman ang flow ng operation kahit na dalawa lang kami ni Kuya Vher at paminsan-minsan kaming tinutulungan ng aming cashier na si Lizzy.
Kahit naging abala ay hindi nawala sa isip ko si Sir Xander dahil kakaiba talaga ang mga kinikilos nito. Pumupunta din ito sa dining area para tingnan ang sitwasyon pero hindi ako nito tinatapunan ng tingin. Hindi ako mapakali dahil matagal na ang panahon simula nang huli ako nitong napagtaasan ng boses o nabulyawan.
“Excuse me?” tawag sa akin ng isang babaeng customer sa dining. Nakataas ang kamay nito habang tinatawag ako. May mga kasama din itong mga babae na nasa akin din ang atensyon. Nilapitan ko naman agad ang mga ito.
“Yes Ma’am? Do you need anything?” magalang kong tanong dito pagkalapit ko.
“Uhm.. What’s your name?” tanong nito ng nakangiti.
Nakakapagtaka man dahil nakikita naman ito sa aking nameplate ay tinatanong pa rin nito, pero magalang ko pa rin itong sinagot.
“Tom po Ma’am.” sagot ko ng nakangiti.
“Aaww! I like the name. It suits you! By the way Tom, I’m interested kasi to book for a birthday celebration ng friend ko. And I’m just wondering kung pwede kong malaman ang ibang details sa’yo.” maarte nitong pagsasalita habang nakangiti at nakatingin sa akin ng derecho.
“Go girl! Ikaw na talaga!” wika naman ng isang kasama nitong babae. Ngumiti lamang ang customer na kausap nito at hindi iyon pinansin. Binalikan ko na lamang ng tingin si Ma’am.
“Sure Ma’am. Kailan n’yo po ba planong gawin?” magalang kong pagtatanong.
“Next week yun eh. Kaso medyo magiging busy ako. So is it ok kung kunin ko na lang ang number mo para I’ll call you na lang to inquire?” maarte pa rin nitong sambit.
Sasagot na sana ako at tatanggi dahil wala naman akong cellphone number dahil nasira nga ang phone ko ’di ba? Ngunit may biglang boses ang sumagot mula sa aking likuran.
“I’m sorry Ma’am but we do not allow our staff to give their personal contact numbers. But if it is regarding the reservation that you are requesting, you may get our company contact details to get other information.” sagot ni Sir Xander ng seryoso.
“Oh! There’s another cute guy here.” sabi ulit ng babaeng kasama ni Ma’am.
“I’m sorry? But who are you?” nakataas na kilay na tanong ni Ma’am. Pero makikitaan mo rin ito ng interes sa biglang pagsulpot ni Sir Xander. Sino ba ang hindi? Eh gwapo nga ang boss ko.
“Alexander Alevarez at your service Ma’am. Owner of this restaurant. By the way, thank you for choosing this restaurant to spend your breakfast.” propesyonal na pagpapakilala ni Sir Xander.
“Woooaahh!” sabay-sabay na wika ng mga babaeng nasa mesang iyon.
“Oh! It’s nice to finally meet the owner of this restaurant. Mmm… I heard you’re a bachelor? Mind if you join us? By the way, Eunice here.” pagpapakilala nitong babae.
Naging malagkit ang tingin nito kay Sir Xander. Hindi ko maikakailang maganda itong babaeng ’to. Kahit nakaupo ay alam mong maganda din ang katawan nito.
“Thank you for your invitation, but I just had my breakfast. Maybe some other time like lunch or dinner? I think that would be better.” nakangiti at magalang namang sagot ni Sir Xander.
“No Xander, the word better is not the right term. That would be perfect!” sagot ng Eunice at may haplos pang nalalaman sa dibdib ni Sir Xander. Ang landi lang. At etong lalaki naman na ’to, isa ding malandi. Bagay sila. -_-
Dahil sa nakatayo lang ako at pinapanood sila ay napansin ulit ako ng magaling kong boss.
“Tom, i-assist mo na lang ang ibang table. Ako na ang bahala dito kina Ma’am Eunice.” utos sa akin ni Sir Xander. Ano daw?! Ang aga-aga landian ang aatupagin?! Akala ko ba marami pang dapat gawin?!
“Ahm, sige po Sir. Excuse me.” tangi ko na lang nasabi at umalis na.
Ganoon na nga ang aking ginawa at hinayaan silang mag-usap. Hindi ko maiwasan na sila ay sulyapan paminsan-minsan. Malalagkit din ang tingin ng ibang nasa mesang iyon kay Sir Xander na sinusuklian lamang ni Sir Xander ng ngiti. Ewan ko ba? Parang bigla kong nakaramdam ng pagkairita sa hindi ko malamang dahilan.
‘Kanina lang kung makitungo sa akin akala mo lalamon ng buhay, pero ngayon naman wagas makangiti!’
wika ng badtrip kong isip.
“Oh Tom, ayos ka lang?” tanong ni Kuya Vher habang narito ako sa bar counter at hinihintay ang in-order ko para sa isang customer. S’ya kasi ang bartender ngayong umaga.
“A-ahm, ayos lang Kuya. B-bakit mo natanong?” tanong ko din sa kanya.
“Sigurado ka ba? Eh punit-punit na ’yang order slip na hawak mo oh?! Ano bang kasalanan n’yan sa’yo?” pagsagot n’ya na may halong pang-aasar.
Doon ko na lamang napansin na gano’n nga ang nangyari sa kawawang order slip. Nakatingin kasi ako sa gawi ng mga babaeng kausap pa rin hanggang ngayon ni Sir Xander at nagkakatuwaan. Wala na bang planong umalis ’yun dun?!
“Ah, s-sorry Kuya. Nasaan na ’yung order kong mango juice?” tanong ko sa kanya.
“Sigurado ka bang ok ka lang? Coffee ang order mo Tom, wala ka namang ino-order na mango juice!” sagot n’ya.
“Ah, s-sorry Kuya.” tangi ko na lamang nasabi.
“Sigurado ka ba talagang ayos ka lang? Ngumiti ka na d’yan. Nasa dining tayo, isuot mo ’yang trademark mong ngiti. Sige ka, baka mapansin ka ni Sir Xander mapagalitan ka nanaman.” pangungulit muli nito.
“Makulit lang Kuya? Ok nga lang ako. Pasensya na din ulit, sige magko-concentrate na ako.” wika ko na lamang dito.
Lumipas pa ang mga oras at hindi na nga natahimik ang aking isip. May ilang oras na din simula nang makaalis ang mga babaeng customers na kausap kanina ni Sir Xander. Binigyan n’ya pa ang mga ito ng complimentary desserts at tuwang-tuwa naman ang mga babaeng maaarte sa table na ’yon.
Ilang oras man ang nakalipas ay hindi pa rin maalis ang inis na nararamdaman ko ng mga oras na ’yon. Hindi ko alam kung saan ba ito nagmula pero talagang naiirita ako.
Breaktime ko ngayon at palabas ng crew room upang lumanghap ng sariwang hangin sa labas ng restaurant. Nasa pinto pa lang ako ng crew room ay kalalabas lang din ni Sir Xander mula sa kanyang office. Nagkatinginan kami at walang sino man sa amin ang nagsalita. Pareho kaming nagpapakiramdaman. Naputol lamang iyon nang may tumawag sa aking pangalan.
“Oy Tom! Sabi ko sa’yo sabay na tayo magbreak eh! Hintayin mo na ako, ilalagay ko lang ’tong apron at toque ko sa loob.” wika ni Daniel mula sa biglaang pagsulpot.
“Ah oo nga pala. Pasensya na, nakalimutan ko. Sige hintayin na lang kita dito sa pinto.” wika ko sa kanya.
Pagpasok ni Daniel sa crew room ay nagulat naman ako sa malakas na pagsara ng pinto ng office ni Sir Xander. Muli pala itong pumasok sa kanyang office.
’Ano bang problema nun?! Kanina ang saya-saya kausap ’yung mga babae tapos nung nakita nanaman ako mukhang nagalit nanaman! Bipolar din ‘tong boss ko eh!’
tanong at maktol ng badtrip kong isip.
Lalo akong nakaramdam ng pagkairita sa kanya.
XANDER POV
“Oh? Bakit ka bumalik? Akala ko ba sa labas ka kakain?” tanong ni Randy sa akin. “At saka bakit mo naman binagsak ’yang pinto? May ginawa bang masama sa’yo?” dugtong pa nitong tanong.
“Wala!” tangi kong sagot at binagsak din ang lagayan ko ng pagkain sa mesa dito sa office. Padabog din akong umupo sa aking silya. Ipapamahagi ko sana itong mga pagkaing dala ko sa mga nasa morning shift ng araw na ’to.
“Mukhang badtrip ah.” pagpuna n’ya sa akin. Hindi na lamang ako sa kanya tumugon.
“Tara na Tom! Hindi ka pa kumakain noh? Hindi kasi kita nakita kumuha kanina ng staff meal sa kitchen eh. Tara! Sa loob ng mall na lang tayo kumain, hindi pa rin ako kumakain eh. My treat!” dinig kong wika ni Daniel sa labas ng office ko.
“Ikaw nanaman manlilibre? Baka masanay ako n’yan ikaw din! Alam mong malakas akong kumain.” dinig kong sagot ni Tom.
“Walang problema basta ikaw! Gusto ko lagi kang busog!” magiliw na wika ni Daniel.
“Tara na, para after kumain makagala pa tayo.” sagot naman dito ni Tom.
Lalo akong nairita sa narinig ko. Hindi ko napigilang magmura matapos kong marinig ang pag-uusap nila. Kung bakit kasi hindi soundproof itong office ko!
“Bullsh*t!” mahina kong sambit ngunit may diin.
Narinig ko ang payak na pagtawa nitong si Randy at nagsalita.
“Ibang klase din ’yang kapatid mo eh noh?! Lakas dumiskarte. Kung sabagay, legal naman s’ya sa inyo. I mean, walang problema kina Tito at Tita dahil tanggap naman nila ang pagiging bisexual n’ya. Ang swerte ni Tom ’pag nagkataon, hindi na s’ya mabibigyan ng problema sa magiging in-laws n’ya. At higit sa lahat, bagay na bagay sila.” mahabang wika ni Randy.
Isa pa ’yang bagay na ’yan! Kanina nung nasa stockroom sila narinig ko din ang pag-uusap nila. Gusto kong magwala nang marinig kong lalabas nanaman sila at may plano itong ipakilala kina Mommy at Tito!
“Will you please shut up Randy?!” inis kong wika dito.
Oo, kapatid ko nga si Daniel at tanging sina Randy at Shai lang ang nakakaalam dito sa restaurant ko. Half-brother ko s’ya dahil anak s’ya ng unang asawa ng stepdad ko ngayon. Namatay ang kanyang ina kaya napangasawa n’ya naman si Mommy. Nasa custody pa rin naman ito nila Mommy at Tito.
“Oh! Bakit naman?! Ayaw mo bang maging brother-in-law si Tom? I’m sure matutuwa din sina Tito at Tita ’pag nakilala na nila si Tom. Isipin mo, ang kapatid mong rebelde noon ay tumino na ngayon dahil lang sa tinamaan s’ya kay Tom! Isn’t it nice?” may pagka-sarkastiko nitong wika.
“I said shut the f*ck up!” bulyaw ko na dito.
“Why are you acting like that Xander? Don’t tell me hindi mo gusto ang idea na ’yun para kina Daniel at Tom? Hindi naman kaya……..? Nevermind. Hindi mangyayari ang iniisip ko tama ba Xandz? If I remember, sinabi mong you can’t imagine na makipag-relasyon sa kapwa mo lalaki, ’di ba?” wika nito na tila nangungutya.
Hindi ako nakaimik dito. Inaalala n’ya ang panahon na nagtapat s’ya sa akin ng kanyang nararamdaman at tinanggihan ko iyon. Malapit na kaibigan lang kasi ang turing ko dito hanggang ngayon. At sino bang mag-aakala na makakaramdam din ako ng parehong nararamdaman n’ya noon? Ang magkagusto din sa kapwa ko lalaki?! Iba kasi ang epekto ng Tom na ’yun eh!
“Malaki ang tiwala ko sa’yo Xandz. Alam kong hindi ka sumisira ng mga nasabi mo na. Kaya sana, ’wag mong sirain ang tiwala ko sa’yo.” huling wika nito at nilisan na din ang office ko.
“Sh*t!” inis kong sambit dahil alam kong nasira ko na ngayon pa lang ang mga nasabi ko noon sa kanya.
Kung magpapatuloy pa ito, may mga tao din akong masasaktan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi kailangan pang maging komplikado ang lahat?!
RANDY POV
Umalis ako ng office ni Xander nang may ngiti sa aking labi.
Sa loob ng ilang buwan kong pag-oobserba dito ay na-comfirm ko ang hinala ko. Simula nang dumating si Tom dito ay nag-iba na din ang pag-uugali ni Xander. Madalas na itong nagiging masayahin at mas madalas na din itong nagsasalita. Nakikita ko rin ang kakaibang saya sa kanyang mukha kapag kausap at kasama n’ya si Tom.
Pero dahil may binitiwang salita noon sa akin si Xander ay ginawa kong alas ’yon para hindi n’ya maituloy ang kung ano mang balak n’ya kay Tom. Kahit ilang beses kong ipaalala ang mga sinabi n’ya sa akin noon ay gagawin ko!
Masama ba akong tao? Hinde! Nagmahal lang ako! At hindi kasalanan ’yon! Hindi nga lang n’ya ako tinanggap dahil sa pesteng pagkakaibigan na ’yan!
Siguro mas matatanggap ko pa kung mag-aasawa na lamang muli si Xander ng babae kesa sa magkaroon s’ya ng relasyon sa kapareho n’yang lalaki. Nagawa n’ya akong tanggihan noon kaya nararapat lang na matutunan n’yang tanggihan ang ibang lalaking kagaya ni Tom!
Habang nasa gano’ng pag-iisip ako ay nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Tumatawag sa akin si Rigo. Isang araw na ang nakakalipas mula nang huli kami nitong magkita, at nagsisisi ako sa pagkikitang ’yon.
“What is it this time?” pagsagot ko sa tawag.
“Randz, can we talk?” wika sa akin ni Rigo.
“Nag-uusap na tayo.” casual kong sagot dito.
“No, I mean sa personal.” pakiusap nito.
“Wala na tayong dapat pang pag-usapan Rigo. I thought nagkalinawan na tayo? What happened that night was just an accident! We’re both drunk alam mo ’yon!” inis kong wika dito.
“Hindi na ba talaga maalis d’yan sa puso mo si Xander?” nanlulumo nitong tanong.
“Alam mo ang sagot d’yan.” tangi kong sagot.
“Eh paano ’yung nangyari sa atin Randz? Gano’n na lang ba ’yon sa’yo? I mean, ako ang nakauna sa’yo. Wala ka bang pakialam dun?” tanong pa muli nito.
“Rigo please! Hindi ako babae na kapag may nangyari na sa kanila ng lalaki ay kailangan panagutan na! Isang beses lang may nangyari sa atin Rigo, at hindi na mauulit ’yun!” inis kong sambit sa kanya.
“Randz please…” pakiusap n’yang muli.
“No Rigo! Ako ang nakikiusap sa’yo, tigilan mo na ako at kalimutan na lang ang nangyari. Isipin mong walang nangyari ng gabing ’yon!” halos pabulyaw kong wika dito. “I have to go, marami pa akong gagawin.” pahabol ko pa sa kanya at pinatay na ang tawag.
“So… Care to explain what I heard my friend?” boses sa likod ko.
Nagulat ako at nanlaki ang mga mata. Ibayong kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko gusto na may makarinig pero dahil sa bugso ng damdamin ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinarap ko ito ng bahagyang nakabukas ang aking bibig.
“Now my friend, maaari mo na bang sabihin sa akin kung ano ang mga narinig ko? I’m waiting…” wika n’ya. Naka-cross arms pa ito at nakataas ang kilay.
“Shai please… marami pa akong gagawin.” pakiusap ko sa kanya.
Tatalikuran ko na sana ito ngunit maagap itong nagsalita.
“Alam na ba ’yan ni Xander? Kasi kung hindi pa, ike-kwento ko na lang sa kanya kung ano ’yung mga narinig ko. With that, kakausapin ka n’ya at sa kanya na mismo ako magtatanong kung ano ang explanations mo. What do you think Randz? You think it’s a good idea?” nang-aasar pa n’yang sabi.
Hinarap ko ito ng may inis sa mukha ko. Naka-cross arms pa rin ito at may ngisi sa kanyang mga labi.
“You’re such a bitch!” inis kong sambit.
“Oh! Congratulations my friend, now you know! Thank you! Hahahahaha!” at nagpakawala ng pang-mangkukulam n’yang tawa. Signature na n’ya ’yan!
Matalino talaga ito at alam n’ya kung paano mako-corner ang isang tao. Kahit na ilang beses ko ding tanggihan ito ay alam kong kukulitin lang ako at hindi magdadalawang-isip na sabihin talaga ito kay Xander. Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim.
“Fine! After our shift!” wika ko at umalis na sa harapan n’ya. Narinig ko na lamang ang malulutong nitong tawa na s’yang mas nagpadagdag ng inis ko dito. Wala na akong masabi, bagay talaga sa kanya ang title na black mail queen!
TOM POV
Matapos ang aming breaktime ni Daniel ay sabay na din kaming pumasok sa crew room. Nakalimutan ko din pala itanong sa kanya ’yung hindi n’ya nasabi sa akin kanina sa stock room.
Pagpasok ko sa crew room ay nagulat ako sa naging salubong sa akin ng aking mga katrabaho.
“Congrats Tom! Galingan mo ah?!” wika nila sa akin.
“Ha?!” taka kong tanong. Nginitian lang naman nila ako.
“Oh! There you are Tom. Galingan mo ha? ’Wag mong ipapahiya ang Team ko! Ipakita mong mas talented ang mga tao ko dito kesa sa tao ni Karen sa The Fort!” wika ni Ma’am Shai mula sa likod ko at katabi si Cha na nakakapagtakang tahimik ngayon. Tinutukoy n’ya ang Team ni Ma’am Karen sa branch ng restaurant namin sa The Fort.
“Ah Mam, wala po akong maintindihan sa sinasabi n’yo.” pag-amin ko dito.
“Sinabi kasi ni Charm that you’re a good dancer. No, a great dancer rather. Kaya ikaw ang magre-represent sa Thanksgiving Party natin next month together with Lizzy! Give your best shot darling! ’Wag mo akong ipapahiya!” mahaba n’yang wika.
“Cha?!! Ano ’to?!!” baling ko sa best friend ko.
“Ah.. Eh.. Sorry bessy ha? Kasi need daw nila ng dancer eh.. Naisip ko ikaw, kasi dancer ka naman noon ’di ba?” nagkakamot na ulong sagot sa akin ni Cha.
“Naisip mo ba talaga o nag-suggest ka?!” inis kong wika dito.
“Ah… hehe… sorry naman bessy… N-naisip ko lang kasi sayang ang talent mo eh.. Kaya ganun nga ginawa ko, n-nag-suggest ako…” halos mautal s’ya at nagtago sa likod ni Mam Shai.
Ayaw ko kasing gawin ang bagay na ’yon, nahihiya din kasi ako.
“Enough of that, it’s settled. So whether you like it or not Tom, sasayaw ka.” pagputol ni Ma’am Shai sa amin ni Cha. “Oh! By the way Tom, just watched your dancing skills in YouTube. Nice body huh! You’re so hot sa sayaw mo don. Thanks to Charm!” pahabol pa nito.
“What?! Cha!!!!” halos mapasigaw ako sa gigil kay Cha.
“Sorry na bessy!!!!” wika ni Cha at tumakbo palayo.
May sayaw kasi ako noon nung college na in-upload ni Cha sa YouTube. Noong nalaman ko ito ay galit na galit ako dito dahil s’ya ang kumuha ng video na ’yun. Ang sabi n’ya ay buburahin n’ya na daw ’yon pero mukhang naloko nanaman ako ng best friend ko.
‘May araw ka din sa akin Cha!!!!’
tanging nasabi ko sa isip ko.
A/N
Hello readers! Malapit na po sa inaabangan nating climax ang story na ’to. Saan kayo? Team Daniel o Team Xander? Magkaribal ang magkapatid. Til next chapter na lang po! Tsup!
––cold_deee
chapter 11 - apple crumble
A/N
Hello readers! Nandito na po tayo sa part na mag-uumpisa na ang inaabangan ng lahat. Confusion and realization ang mga susunod na chapters. So enjoy reading po! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa nito kahit silent readers kayo.. Hehe!
Dedicated po itong chapter na ito kay
YorTzekai
dahil sobra akong kinikilig sa mga ginagawa n’yang stories. Continue inspiring
people
and writing good stories idol!
––> si Xander po sa media
, pa-kiss nga!
TOM POV
Tatlong linggo na ang lumipas nang malaman kong ako ang representative ng aming branch para sa presentation na gagawin sa darating na Thanksgiving Party ng aming company.
Tuwing matatapos ang shift ay nagpa-practice kami ni Lizzy sa aming sayaw na gagawin. Noong una ay naiilang at nahihiya ito sa akin dahil lalaki ang kapareha n’ya at medyo intimate ang aming choreography. Kaya wala akong choice kundi aminin na isa akong bisexual para mapakalma ito kahit papaano. Nagtagumpay naman ako sa bagay na ’yon dahil nawala ang pagkailang nito at naging maayos ang aming pag-eensayo.
Pero hindi ko akalain na maike-kwento n’ya ito sa aming mga katrabaho. Kung sabagay, hindi ko naman nasabi sa kanya na ilihim na lamang iyon. Hindi naman sa nahihiya ako sa sarili ko, ayaw ko lang na napag-uusapan at kinukulit ng mga nakakaalam. Maganda na rin iyon dahil wala naman akong narinig na negative feedbacks tungkol dito.
Sa tatlong linggo na iyon ay si Daniel ang nakakasama ko, pang-umaga din kasi ito. Ewan ko ba, ang sabi n’ya ay may mga sisimulan s’ya ngayong pang-umaga na ang shift n’ya pero lagi naman itong nakabuntot sa akin. Ano naman ang masisimulan n’ya kung lagi s’yang nakadikit sa akin? Kahit sa practice namin ni Lizzy ay nakabantay din ito. Inihahatid din ako nito sa bahay at nakilala n’ya na din sina Mama at Julius na kapatid ko.
Sa mga nagdaang linggo din ay hindi na din ako pinapansin ni Sir Xander. Hindi ko maikakailang nalulungkot ako sa nagyayari dahil ang alam ko ay wala kaming naging problema nito. Hindi naman ito nagbago ng treatment sa mga katrabaho ko, sa akin lang talaga s’ya umiiwas. Hindi din ako nito tinatapunan ng tingin lalo na kung kasama ko si Daniel.
Kung may naging pagbabago man dito ay ang madalas nitong pagsama kay Ms. Eunice na aming customer sa restaurant. Kung minsan ay sa lunch sila magkasama, at kung minsan naman ay dinner. Lumalabas sila at marahil ay doon na din kumakain. Masaya silang nagkekwentuhan at lagi kong nakikitang nakaalalay sa bewang nito si Sir Xander. Hindi ko alam kung anong relasyon nila pero sa tuwing nakikita ko silang magkasama ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. Sumasakit ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Tila nagbalik kami sa aming simula at wala kaming naging masasayang pinagsamahan.
“Bessy ok ka lang ba?” tanong sa akin ni Cha.
Naririto kami ngayon sa park kung saan una kong nakilala si Sir Xander. Restday n’ya ngayon at nagyaya gumala matapos ang aking shift. Naimbitahan din kami ni Daniel na pumunta sa bahay nila para sa dinner. At dahil maaga pa at alas-kwatro pa lamang hapon ay dito muna kami tumambay.
“O-okay lang naman bessy. Bakit mo natanong?” sagot ko sa kanya.
“Eh kasi bessy kanina pa ako dito nagsasalita pero tulala ka lang d’yan at walang reaksyon.” nagtatampo pa nitong sabi.
“May iniisip lang ako bessy. Pasensya na.” wika ko dito.
“Si Sir Xander ba?” bigla n’yang tanong.
Hindi ako nakaimik at tumingin lamang ako dito ng may pagtataka. Paano n’ya nalamang si Sir Xander ang nasa isip ko?
“’Wag mo na tangkaing i-deny bessy. Kilala na kita simula balakubak hanggang dumi sa paa.” dagdag pa nito.
Napabuntong hininga na lamang ako at ibinalik ang tingin sa malayo. Wala nang dahilan para mag-deny pa.
“Alam mo ba bessy na dito kami unang nagkakilala?” bahagya akong natawa matapos kong sabihin ’yon. “Natapon ’yung iced coffee na dala n’ya noon dahil nabangga ko s’ya. Who would have thought na s’ya pala ang magiging boss ko?” dagdag ko pa.
“Reminiscing the past lang ang peg bessy?” tanong nito ng seryoso o pabiro.
“Hindi ko alam kung bakit ganun na s’ya sa akin ngayon bessy. Wala naman akong maalala na ginawa kong mali sa kanya. Iniiwasan n’ya ako at kahit minsan ay hindi na kinausap. Naguguluhan ako.” pagsusumbong ko dito.
“Naguguluhan o nalulungkot ka bessy?” tanong pa nito habang kumakain ng ice cream. Ang takaw talaga.
“S’yempre nalulungkot ako. Nami-miss ko ’yung dati naming samahan. Tawanan lang ng tawanan kahit wala naman minsan dahilan. Alam mo ’yun?” sagot ko dito.
Tumigil ito sa kanyang pagkain at tinitigan ako. Hindi na ako nakatiis at nagtanong na sa kanya dahil nakatitig lamang ito at walang sinasabi.
“Bakit?” tanong ko dito.
“Bessy, anong nararamdaman mo ’pag kasama mo si Sir Xander?” tanong nito.
“Ano bang klaseng tanong ’yan?!” tanong ko ulit sa kanya.
“Eh basta!! Sagutin mo na lang!!” demanding n’yang wika.
Huminga na lamang ako ng malalim at inalala ang mga sandali na magkasama kami ni Sir Xander na masaya. Napangiti ako sa pag-alala sa mga iyon.
“Masaya. Parang ayaw ko matulog kinagabihan dahil ayaw kong matapos ang araw na ’yon dahil ang saya-saya ko.” nakangiti kong sagot dito.
“Ah.. Eh.. ’Y-yung pakiramdam mo ’pag k-katabi mo s’ya at kasama? I mean, may bago ba sa sistema mo? N-normal ba ’yung… y-yung paghinga mo?” utal nitong tanong.
Nagtaka naman ako. Pero para matahimik s’ya ay inalala ko na lamang kung anong nararamdaman ko sa t’wing kasama ko si Sir Xander. Naipikit ko pa ang mga mata ko habang inaalala ang mga ’yon. Habang inaalala ay naramdaman kong nag-iba ang tibok ng puso ko at bumilis ito na parang ang layo ng tinakbo ko. Kakaiba dahil ang sarap sa pakiramdam nito.
“Bessy, parang kinakabahan ang pakiramdam ko kasi ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero hindi ’yung klase na masakit. Parang ganun.” sagot ko sa tanong n’ya habang nakapikit pa rin at dinadama ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko.
“O-M-G!!!! As in Oh My Gosh bessy!!!” tili nito.
Napatingin naman ako dito bigla dahil sa pagsigaw nito.
“Anong problema mo?” takang tanong ko dito.
“Bessy! Ganyan ka na ba talaga kamanhid?! My gosh bessy! In love ka na kay Sir!! O-M-G talaga!!!” sigaw pa ulit nito.
Bigla naman nanlaki ang mga mata ko at bahagyang naibuka ang bibig ko sa pagkabigla.
“T-tumigil ka nga b-b-bessy! Ano bang p-p-pinagsasabi mo?!” halos hindi ko mabigkas ang mga sinasabi ko.
“Bessy ano ka ba?! Una, nalulungkot ka dahil hindi na kayo nagkakasama. Ibig sabihin nami-miss mo na s’ya! Pangalawa, masaya ka ’pag kasama mo s’ya. Hindi kumpleto ng araw mo kung wala s’ya. Pangatlo, bumibilis ang tibok ng puso mo ’pag kaharap mo na s’ya! Umiibig ka na!! Ahahahaha! In love na ang bessy ko!! In love na ang bessy ko!!” mahabang litanya pa nito. Tumalon-talon pa ito na akala mo ay nanalo sa lotto.
“Tumigil ka nga bessy! Hindi basehan ’yun para sabihin mong in love na ako sa kanya! Eh paano kung nanghihinayang lang ako dahil ang akala ko magkaibigan na kami?! Ganun lang ’yun! ’Wag kang mag-assume!” sagot ko dito.
Saglit itong natahimik. Tila nag-iisip.
“Confused ka pa rin bessy? O sige, ganito na lang. May pang-apat na paraan pa para ma-confirm mo kung talagang in love ka na sa kanya.” wika nito.
“Ano naman ’yun?” curious kong tanong.
“U-uh-Uh! Hindi ko muna sasabihin sa’yo…. Mararamdaman mo din ’yun! Just sit back and relax!” wika nitong maarte at wina-wagayway pa ang hintuturo sa aking mukha.
“Ewan ko sa’yo! Tara na nga! Baka naghihintay na din si Daniel sa atin sa parking! Nakakahiya sa kanya!” yaya ko dito.
Hinila ko na ito sa parking lot dahil dumating na din ang oras ng usapan namin ni Daniel. Dala raw nito ang kanyang kotse dahil kasama nga namin si Cha.
Pagkarating sa parking lot ay sakto din ang dating ni Daniel.
“Tom! Charm! Ano? Ready na ba kayo?” bati nito sa amin.
“Yes Daniel!! Let’s go!!!” masiglang sagot ni Cha. Ngumiti na lamang ako.
Dinala kami nito sa isang magarang kotse na hindi na nakakapagtaka dahil mayaman nga itong kaibigan naming ito. Umalis na nga kami at sumakay sa kotse ni Daniel.
“Ano bang meron Daniel at nagyaya ka sa bahay n’yo?” tanong ko dito habang nagda-drive. Nasa passenger seat ako at si Cha ang nasa likod.
“Birthday ko.” sagot nito ng nakangiti.
“What?!” sabay naming sambit ni Cha.
“You heard me. Birthday ko kaya invited kayo sa house namin. Sayang nga, hindi ko na naimbitihan sina Ben at Dee pati na rin si Jurnie, hindi kasi sila nakapag-request agad ng restday ngayon. Pero may second celebration naman ako kaya makakasama pa rin natin sila. Sa ngayon ang importante kayo muna.” mahaba nitong paliwanag.
“Eh Daniel nakakahiya naman sa’yo. Hindi man lang kami nakabili ng regalo.” nahihiya kong wika dito.
“Oo nga Daniel, sana nasabihan mo kami ng maaga para hindi na kami tumambay kanina. Naghanap na lang sana kami ng regalo for you. Sarey..” maarteng wika ni Cha.
“Okey nga lang. Hindi naman importante ’yun sa ’kin. Dumating lang kayo sapat na, lalo ka na Tom.” nakangiti pa rin nitong wika.
“Ehem! Regalo na ba ’yun sa’yo Daniel? Kung regalo na sa’yo si bessy, kahit ’wag mo na iuwi basta ’wag mo kalimutan ang supply ko ng ice cream ha?” si Cha.
Sinamaan ko naman ito ng tingin. Si Daniel naman ay natawa na lang sa sinabi ng magaling kong best friend.
Nakarating kami sa bahay nila. At kung nasorpresa ako noong nakita ko ang mga sasakyan nitong si Daniel ay mas napanganga ako sa laki ng bahay nila. Hindi ito bahay kung hindi isang mansyon! Si Cha naman ay normal lang dahil malaki din ang bahay nitong best friend ko.
Pumasok kami at dinala kami sa kanilang dining area dahil naroroon na daw ang kanyang step-mom, pamangkin at step-brother. Naikwento n’ya na din kasi sa amin na ulila na s’ya sa ama at ina kaya sa custody na s’ya ng kanyang step-dad at pangalawang asawa nito.
Narating namin ang dining area at sinalubong kami ng may edad na babae sa amin. Kahit may edad na ay maganda pa rin ito. Mukhang edukada at mukhang mabait din.
“Hijo, I’m glad nandito na kayo. Sila ba ang sinasabi mong inimbita mo?” bati ng ginang kay Daniel na nakangiti.
“Yes Tita. Meet Tom and Charm, sila po ang mga kasama ko sa trabaho and at the same time, kaibigan ko na din.” sagot naman dito ni Daniel ng nakangiti.
“Good evening po Ma’am.” sabay naming bati ni Cha.
“Good evening! Just call me Tita Mavel. Ayoko ng masyadong formal.” nakangiti pa rin ito.
“Ok po Tita Mavel.” sabay ulit kami ni Cha.
“Finally, na-meet din kita Tom. I’m glad nakarating ka.” tanong nito sa akin ng hindi nawawala ang mga ngiti.
“Ah, salamat po T-tita..” sagot ko ditong nauutal. Hindi kasi ako sanay tawaging Tita ito agad.
“I heard a lot of good things about you Tom. Pero mamaya na natin ’yan pag-usapan. Naghihintay na sa atin ang pagkain. C’mon, join us to celebrate Daniel’s birthday celebration.” paanyaya naman nito. Hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.
Pagkaupo sa hapag ay nagulat ako nang may tumawag ng pangalan ko. Sumulpot ito sa dining area na ’yon.
“Kuya Tom!!!!” si Carla. Tumakbo ito palapit sa akin at agad akong niyakap. Ginantihan ko din naman ito, na-miss ko ’tong batang ’to. Pero teka?
“Carla baby, what are you doing here?” takang tanong ko sa kanya matapos namin maghiwalay.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Daniel. Tiningnan ko siya ganun din si Cha at si Tita Mavel na tila nagtataka.
“Carla, I told you not to run. How many times do I ha––” biglang sulpot ni….. Sir Xander???
“Hi Sir Xander!” bati ni Cha dito.
Nagulat ako sa biglang pagsulpot nito. Ngunit mas nagulat ako nang makita ko ang pagsulpot ng babae mula sa likuran nito. Si Eunice.
“Oh! Hi Tom! Nice to see you here! Invited ka rin pala sa celebration ni Daniel?” bati nito sa akin.
“Of course! Importante sila sa akin that’s why they’re here, specially Tom.” si Daniel na ang sumagot.
“Kuya Tom, how are you po? Na-miss kita.” wika sa akin ni Carla habang nakaharap pa rin sa akin.
“Uumm.. Ako rin baby, na-miss kita. How are you? Naging good girl ka ba?” tanong ko dito.
“S’yempre po! Just like what you told me last time! Mataas din po grades ko sa school! Top 1 pa rin po ako sa class!” pagmamalaki nito. Ang cute talaga!
“Hahaha! That’s great! Keep it up baby!” wika ko dito at ginulo ng bahagya ang buhok.
“Teka! Teka! Paano kayo nagkakilala Tom?” tanong bigla ni Daniel.
Sasagot na sana ako pero pinutol na ito ni Tita Mavel.
“Guys, mamaya na ’yan. Masamang pinaghihintay ang pagkain. C’mon, let’s eat first at dito natin pag-usapan ’yan.
Ganoon na nga ang nangyari. Pumunta kaming lahat sa mesa para mag-dinner. Nalaman namin ni Cha na half-brothers sina Daniel at Sir Xander. Ipinaliwanag din ni Tita Mavel kung bakit kailangan nila ’yon itago sa restaurant at naiintindihan naman namin iyon. Naipaliwanag din ni Sir Xander kung paano kami nagkakilala ni Carla. Nagpasalamat din sa akin si Tita Mavel dahil ako daw pala ang taong tinutukoy ni Sir Xander na nakakita kay Carla noong panahon na nawala ito.
Nagpatuloy ang dinner at kung paminsan-minsan ay tinatanong ako ni Tita Mavel tungkol sa maraming bagay. Nagtataka na din ako at ganoon din si Cha kaya nagkakatinginan na lamang kami nito.
Mabuti na lang din at kasama ko si Cha dahil ito ang bumabangka sa kwentuhan pati na rin ang anak ni Sir Xander na si Carla. Alam din kasi ni Cha na hindi ako mahusay mag-entertain ng tao. Tumatawa ang lahat kina Cha at Carla sa t’wing ang mga ito ay magsasalita.
Ganoon pa man, kahit masaya ang lahat sa mesa ay hindi pa rin ako pinapansin ni Sir Xander. Nakakaramdam nanaman ako ng pananakit ng dibdib dahil kahit magkakasama kami ay hindi ako nito kahit minsan tinapunan ng tingin.
“So, ano ang gusto mong i-announce Daniel? Kailangan worth ’yan dahil umuwi pa ako all the way from London at iniwan ang ama n’yo doon kahit may mga importante pa kaming inaasikaso sa business natin. Pero s’yempre, dahil birthday mo din kaya umuwi ako. Pagpasensyahan mo na ang ama n’yo kung hindi rin nakauwi, ngayong araw din kasi ang meeting n’ya with the big boss ng makaka-merge nating company doon kaya hindi n’ya pwedeng iwan ’yon.” wika nito kay Daniel.
Habang naghihintay ng sagot mula kay Daniel ay uminom muna ako ng tubig dahil katatapos lang namin mag-dessert.
“Ok lang po Tita, naiintindihan ko. About naman po sa importanteng sasabihin ko, si Tom po Tita. S’ya po ’yung kinekwento kong nagugustuhan ko. No, s’ya ang taong nagpabago sa akin at nagpapatibok ng puso ko. Kaya plano kong ligawan s’ya at hindi s’ya isuko.” sagot ni Daniel sa tanong ni Tita Mavel.
Bigla akong nabulunan sa naging pahayag ni Daniel. Literal akong napaubo kaya hinimas-himas ni Cha ang likod ko.
Ano daw?!!! Liligawan?!!
“Bessy, ayos ka lang?” nag-aalalang wika ni Cha na patuloy pa rin sa paghimas ng likod ko.
‘Hindi ako okey!!!!!’
sigaw ng isip ko.
“Hijo, are you ok?” tanong sa akin ni Tita Mavel.
“O-okey lang po. N-nabigla lang ako.” sagot ko dito at pinupunasan ng panyo ang bibig ko habang nakayuko.
Hindi ako makatingin sa kanilang lahat kaya hindi ko makita ang kanilang reaksyon.
“So, congratulation Daniel anak. Nakita mo na din ang taong magpapabago sa’yo. I’m happy for you.” narinig kong wika nito kay Daniel. Hindi ko pa rin maiangat ang tingin ko.
“Thanks Tita Mavel. Ako na po magsasabi nito kay Tito, tatawagan ko s’ya mamaya.” dinig kong sagot naman ni Daniel.
“So Tom, gusto kong malaman kung may pag-asa ba ang anak ko sa’yo. Ayaw kitang i-pressure pero mabait ang anak kong ito. Hindi ka sa kanya magsisisi. Kung nagawa n’yang magbago para sa’yo, ibig sabihin lang no’n ay mahalaga ka talaga sa kanya at seryoso s’ya sa’yo.” wika naman nito sa akin.
Tiningnan ko lamang ito at hindi ako makasagot. Hindi ko magawang maibuka ang bibig ko dahil baka may mali lang akong masabi. Naguguluhan ako.
Inilibot ko ang mata ko isa-isa sa kanila na nasa sa mesang ’yon at huli kong tiningnan si Sir Xander. Sa wakas ay nagawa ako nitong tingnan. Seryoso s’yang nakatitig sa akin at hindi ko mabasa kung anong tingin ang ibinabato n’ya sa akin ngayon.
“Babe, gusto mo pa bang dessert?” pagputol ni Eunice na pagtatanong at hinawakan ang kamay ni Sir Xander.
“No thanks, I’m full. I think nasabi na ni Daniel ang gusto n’yang sabihin, mauuna na ako.” wika ni Sir Xander at tumayo. Umalis na din ito na sinundan naman agad ni Eunice.Nakatingin lamang kami sa kanila habang sila ay papalayo.
“So Tom? What do you think? May chance ba sa’yo ang anak ko?” tanong ulit sa akin ni Tita Mavel pagkaalis nina Sir Xander.
“Ahm, k-kasi po… P-pwede po bang pag-usapan muna namin ito ni Daniel Tita? S-sa totoo lang po, n-nabigla ako sa sinabi n’ya. H-hindi ko po kasi talaga ine-expect ito.” magalang kong wika dito.
“Hhmmm.. Mabuti pa nga hijo, mukhang ginulat ka talaga nitong anak ko. Full of surprises naman kasi ’tong anak kong ito.” nakangiti namang sagot ni Tita Mavel.
“Ay oo nga po Tita! Muntik pa nga ako malaglag kanina dito sa silya ko eh! Mabuti na lang po at oversize ang chair n’yo dito, kundi sa ospital n’yo ako itatakbo dahil baka mabagok din ang ulo ko! Ang sakit sa beautiful brain ko ah, hindi pa nga yata nagpa-process ’yung mga sinabi n’ya eh.” biglang sabat ni Cha.
“Hahahaha! Nakakatuwa ka talaga Charm! Ano kaya kung pumunta muna tayo sa taas at ipapakita ko sa’yo ang mga collection ko ng alahas? Para makapag-usap din sina Tom at Daniel.” paanyaya nito kay Cha.
“Ayy!! Gusto ko ’yan Tita!! Let’s go!!” masiglang sagot ni Cha.
“Carla apo, sumama ka na din sa amin.” yaya naman nito kay Carla.
“Ok po Lola!!” sagot din ni Carla.
Naiwan kami ni Daniel sa kusina at wala kahit isa sa amin ang nagsasalita. Marahil dahil sa katahimikan ay s’ya na rin ang sumuko. S’ya na din ang pumutol sa katahimikan.
“Sa garden tayo mag-usap Tom ayos lang ba?” paanyaya nito.
“S-sige.” tangi kong sambit.
Tinungo namin ang garden nila at umupo ako sa isang bench doon. Ako na ang unang nagtanong sa kanya.
“Anong ibig sabihin nito Daniel?” tanong ko dito.
“I’m sorry Tom kung nabigla kita. It’s just that, I can’t control this anymore. Gusto kita. No! Mahal na kita Tom! Hindi mo ba napapansin ’yon?” wika n’ya. Inangat ko ang tingin ko at tiningnan ko s’ya sa mga mata. Alam kong totoo nga ang sinasabi n’ya. Nasa bandang harapan ko s’ya dahil nanatili itong nakatayo.
“Pero Daniel, alam mong magkaibigan tayo. Alam mong kaibigan lang ang turing ko sa’yo. Bakit umabot tayo sa ganito? Kailan pa ’to nagsimula ha?” tanong ko sa kanya.
“Simula nang makita kita.” sagot n’ya.
Hindi ako tumugon dito kaya itinuloy n’ya ang kanyang sinasabi.
“Noon tumatambay lang ako sa restaurant ni Kuya Xander. Nakita kitang nagta-trabaho doon at trainee ka pa lang noon. Araw-araw akong pumupunta doon para lang makita ka. Hindi ko din alam kung paano nagsimula at kung anong meron ka at nakuha mo ang atensyon ko. Basta! Napapakalma ako ng ngiti mo, gumagaan ang pakiramdam ko t’wing nakikita kita. Kaya naisip ko, mas madalas kitang makikita at may chance akong makausap ka kung magiging magka-trabaho tayo. Humingi ako ng tulong kay Tita Mavel para maipasok ako sa restaurant ni Kuya Xander at hindi naman ako nabigo. Naghintay man ako ng matagal-tagal para makausap ka pero nabigyan pa rin ako ng chance. Hindi mo lang alam Tom kung gaano ako kasaya ng mga oras na ’yon. Kaya please naman Tom, payagan mo naman akong makapasok sa puso mo.” mahaba nitong litanya.
“Pero Daniel, paano kung hindi ko masuklian ’yang nararamdaman mo? Alam mong may priority ako, ang pamilya ko. Ayaw kong maging unfair sa’yo at maghintay ng matagal o umasa sa wala.” wika ko dito.
“Pero Tom willing naman ako maghintay eh. Payagan mo lang ako. Hindi ako magde-demand kahit isang beses. Hayaan mo lang akong maipakita sa’yo at maiparamdam kung gaano kita kamahal.” nakikiusap nitong wika.
“Pero Daniel…” pagtutol ko pa rin.
“Please Tom.. Please? Kahit ito na lang ang regalo mo sa akin ngayon. Hayaan mo lang ako maipakita sa’yo na ikaw lang ang nagpapaikot ng mundo ko. Ikaw lang ang importante sa akin. Ikaw ang bumago sa pagkatao ko. Kaya sana, kahit bilang kaibigan, maibigay mo ang hinihiling ko. Nangangako ako, ’pag hindi naging sapat ang mga naipapakita ko sa’yo, ako na mismo ang lalayo. Pero sa ngayon, sana hayaan mo muna ako.” pakiusap muli nito.
Tinitigan ko lamang ito. Wala akong maisip na sasabihin dahil sa dami ng naging tulong nito sa akin ay nahihirapan akong tanggihan ito. Naging napakabuti nitong tao. Wala kahit isang beses na binigo ako nito. Puro mabubuting bagay ang ipinakita nito sa akin.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“Daniel… H-hindi ko maipapangako na masusuklian ko ang nararamdaman mo. K-kung ganun man ang mangyari, ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad.” wika ko dito.
Lumapit ito sa akin. Tinakpan n’ya ang bibig ko ng kanyang palad at nagsalita ito.
“Ssshhh… Wala kang dapat ihingi ng tawad Tom. Desisyon ko ’to. Maghintay man ako sa wala ay alam kong wala akong pagsisisihan. Gusto ko ang ginagawa ko at gusto ko ang mga gagawin ko. Tandaan mo, kahit ano basta para sa’yo ibibigay ko. Kahit paulit-ulit mo pa akong saktan, paulit-ulit pa rin kitang mapapatawad. Basta ’wag lang na ako ang magiging dahilan ng kalungkutan mo. Ganun kita kamahal.” derecho s’yang nakatingin sa mga mata ko nang sinabi n’ya ito.
Tinanggal ko ang kanyang kamay sa bibig ko.
“Ayoko kasing masaktan ka Daniel. Mahalaga ka sa ’kin. Ayokong ako ang magiging dahilan ng paghihirap mo kung hindi ko masuklian ang nararamdaman mo.” pakiusap kong muli dito.
“Gusto mo ba akong maging masaya?” tanong nito. Nakayuko ito sa akin at bahagyang magkalapit ang aming mukha.
Tumango lamang ako bilang sagot.
“Pwes, hayaan mo lang akong nasa tabi mo. Hayaan mo lang akong protektahan ka. Hayaan mo lang akong mapasaya ka. Hayaan mo lang akong maipadama sa’yo na importante ka. At higit sa lahat, hayaan mo lang akong mahalin ka. ’Yan lang Tom, mapapasaya mo na ako. Kaya please? Kahit abutin ako ng ilang taon o dekada, basta kasama lang kita.” nakikiusap pa rin nitong wika.
Muli ko itong tinitigan at nakita ko ang nakikiusap nitong mga mata. Ayaw ko talagang masaktan ito at gusto kong makita na lagi itong masaya. Ayaw ko man s’yang paasahin ngunit baka sa hinihingi n’ya ay masuklian ko ang mga kabutihan nito sa akin.
“Kung tatanggi ako ngayon sa’yo hahayaan mo din ba ako?” tanong ko dito.
“Hindi.” maagap nitong sagot.
“Eh wala din naman pala ako magagawa eh, anong choice ang ibibigay mo sa akin?” muling tanong ko sa kanya.
“Wala!” maagap uli nitong sagot.
“See? Bahala ka!” sambit ko sa kanya.
Tumawa lamang ito at agad akong niyakap ng mahigpit.
“Salamat Tom. Salamat.” wika nito ng paulit-ulit.
“H-hindi na ako makahinga Daniel..” reklamo ko dito dahil sa mahigpit n’yang yakap.
“Ay! Sorry! Sorry!” wika n’ya at binitiwan din ako.
“Ganyan ka pala magpakita ng pagmamahal? Pinapatay mo?” tanong kong pabiro.
“Hahahaha! Sorry naman. Natuwa lang talaga ako.” tatawa-tawa n’yang sagot.
Saglit pa kaming nag-usap ni Daniel at nagdesisyon na din akong umuwi. Maaga pa kasi ang pasok ko bukas kaya dapat ay makauwi na din ako. Nagpumilit pa s’ya na ihatid kami ni Cha pero tumanggi na ako. Sinabi rin kasi ni Cha na magpapasundo na lamang s’ya sa driver nila sa paguwi. Sinabi ko rin sa kanya na sulitin na lamang ang oras sa pag-celebrate ng birthday n’ya sa pamilya n’ya.
Bago kami umalis ni Cha ay nagpaalam muna ako na gagamit ng CR nila kaya bumalik muna ako sa loob ng mansion. Madadaanan ko ang kusina para makarating ako ng CR dito, eto na kasi ang pinakamalapit nilang CR.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng CR nang may biglang humawak sa braso ko at pwersahang pinaharap. Nagulat ako sa nangyari at hindi agad nakapag-react. Ngayon ay nasa harapan ko ang taong gumawa noon. Hinawakan n’ya rin ang isa kong braso dahilan para hindi ako makagalaw ng maayos. Sinandal n’ya rin ako sa pader sa tabi ng pinto. Nanlaki ang aking mga mata ko nang makita ang taong gumawa nito sa akin.
“S-sir Xander…” gulat kong wika nang makilala ito.
“Bakit Tom?! Bakit?!!” halos pigil nitong sigaw sa akin.
Galit ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Ilang pulgada lang din ang layo ng kanyang mukha mula sa akin. Amoy ko na din ang mabango n’yang hininga.
“S-sir.. Hindi ko po kayo maintindihan..” naguguluhan kong tanong.
“Pucha! Bakit nangyayari ’to Tom?!!” gigil na gigil nitong tanong.
“A-ang alin po ba Sir? W-wala po talaga akong maintindihan.” naguguluhan ko pa ring tanong.
“Hindi mo maintindihan?! Manhid ka ba talaga?!! Bakit mo ginagawa sa akin ’to?!! Ha?!!” galit na galit na s’yang nagtatanong at pinandidilatan na ako ng mata. Nakatiim bagang na din s’ya sa pagtatanong at lalong humigpit ang hawak nito sa akin.
“S-sir… N-nasasaktan na po ako…” pakiusap ko dito at hindi sinagot ang tanong n’ya.
“Babe? What’s going on?” biglang wika ng isang babae mula sa likuran ni Sir Xander.
Lumuwag ang pagkakahawak nito hanggang sa mabitawan na ang aking braso at unti-unting hinarap ang babae. Si Eunice.
Salitan kami nitong tiningnan ni Sir Xander at wala ni isa sa amin ang sumagot.
“Haayy.. Anyway, kung ano man ’yang pinagtatalunan n’yo itigil n’yo na yan. Let’s go to your room babe.. I have something to show you.. Something you will really like.. Let’s go?” yaya nito kay Sir Xander at lumapit.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Tinitingnan ko lamang ang bawat galaw nila. Nakita ko kung paano lumapit si Eunice kay Sir Xander at inilagay ang mga braso sa leeg nito. Halos sumabog ang aking dibdib nang makita kong palapit ng palapit ang mukha ni Eunice kay Sir Xander. S’ya naman ay nanatili lamang sa ganoong posisyon.
Ang sakit. ’Yan lang ang alam kong nararamdaman ko sa nakikita ko.
“Bessy! Let’s go na! Nasa labas na ang sundo natin.” biglang sulpot ni Cha. Nakita n’ya rin kung ano ang posisyon ng dalawang taong kaharap ko.
Agad akong kumilos at hinila si Cha palabas ng mansion na ’yon. Lumabas kami nang hindi na nakapagpaalam pa kina Daniel at Tita Mavel maging kay Carla. Derecho lang ang lakad ko habang mahigpit na hawak si Cha. Hindi naman ito nagre-react sa ginagawa kong pagkaladkad sa kanya.
Pagkalabas ng mansion ay agad akong sumakay sa kotse nila Cha at sumunod naman s’ya.
“Manong tara na po.” wika ni Cha sa driver nila.
Mga ilang minuto ang naging katahimikan sa sasakyan na iyon. Tanging ang mabilis na pagtibok ng aking puso ang naririnig ko. Mabilis din ang naging paghinga ko at parang namamanhid ang mga panga ko. Nagki-kiskisan din ang mga ngipin ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
“Bessy… are you ok?” simpleng tanong ni Cha.
Doon ko na hindi kinaya ang pagpigil sa mga luha kong kanina pa gustong kumawala. Sunod-sunod itong naglandas sa aking mga pisngi.
“Bakit ang sakit bessy? Bakit ang sakit-sakit?” tanong ko kay Cha sa pagitan ng pag-iyak ko. Paulit-ulit ko ding sinusuntok ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
“Ssshhhh… Tahan na bessy.. Tahan na… Ngayon alam mo na. Mahal mo na s’ya bessy. Mahal mo na si Sir Xander. Natatandaan mo ang sinabi kong pang-apat na way para malaman mong in love ka na sa kanya?” tanong nito sa akin. Hindi naman ako makatugon dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak kaya nagpatuloy na lamang ulit ito.
“Selos bessy. Selos. Nakita mo sila kanina sa ganoong posisyon. Nasaktan ka at ngayon umiiyak. Lahat ng nararamdaman mo kay Sir Xander mula sa pagiging masaya at malungkot ay dahil mahal mo na s’ya.” dugtong nito.
Doon ako bahagyang natauhan at lalong napaiyak. Napayuko ako at itinakip sa aking mukha ang mga palad ko.
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ko pa ito na-realize? Kung kelan hindi na pwede.
“Ang sakit lang bessy.. Ang sakit-sakit talaga..” paulit-ulit kong sinasabi.
Niyakap na lamang ako ni Cha dahil sa awa n’ya sa akin habang binabaybay namin ang daan pauwi.
‘Nagmamahal pala ako sa boss ko. Mahal ko na pala si Sir Xander.’
paulit-ulit na sinasabi ng utak ko.
A/N
Hoho! Musta kayo guys? Musta ang chapter na ’to? Bibitinin muna natin ha? ’Til next chapter po! Ingat kayo! Tsup!
––cold_deee
chapter 12 - strawberry shortcake
A/N
Masakit nanaman ang ulo ni author kasi nagyaya uminom si Sharyl sa akin kagabi. Anyway, I had a great time Sha, dami kong nalaman na hindi mo pa nakekwento. Hahaha!
Here’s chapter 12 guys! Enjoy reading!
Dedicated ’tong chapter ko kay
Zildjian11
dahil sa mga gawa n’ya ako na-inspire magsulat din ng story. Nabasa ko na lahat ng story mo idol, at inaabangan ko na lang update mo ng 9 mornings book 2.. Pa-update na po pls..
––> si Tom po ’yung photo sa media, pa-hug!
XANDER POV
Isang linggo ang nakalipas matapos ang hindi ko maitagong galit sa aking sarili. Hinayaan kong mawala ang pagkakataong makasama ko pa si Tom. Hindi man s’ya pagmamay-ari ng kapatid kong si Daniel ay alam kong malilimitahan na ang pagkikita namin at pag-uusap.
Halos gusto kong magwala nang i-announce ni Daniel ang plano nitong panliligaw kay Tom. Noong una ay nagawa ko pang mapigilan ang galit ko. Pero nang marinig ko ang pag-uusap nila sa garden at nagawa nitong pumayag sa gusto ni Daniel ay hindi ko na nagawang kumalma. Nagpuyos ako sa galit nang mga oras na ’yon. Humanap ako ng pagkakataon para komprontahin ito at nagtagumpay ako. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay hindi naging maganda ang komprontasyon namin dahil sa galit na nararamdaman ko.
Sa loob ng isang linggo ay pinili kong hindi muna makipagkita sa kanya. Alam kong dapat ay magpaliwanag ako sa huli naming naging pag-uusap, pero hindi ko alam kung paano ko ito pakikiharapan.
Hindi ako pumapasok sa branch ko sa Alabang sa loob ng isang linggo. Dito ko pinili sa branch ko sa The Fort pumasok para makapag-isip-isip at para na rin asikasuhin ang aming Thanksgiving Party na dito gaganapin nagyong gabi.
Nahinto ang aking pagmumuni-muni nang may tatlong magkakasunod na katok ang narinig ko sa aking pinto dito sa office ko sa The Fort.
“Come in!” sigaw ko dito.
“Sir Xander?” wika ni Karen ng makapasok na ito. Hindi naman ako gumalaw sa aking pagkakaupo sa swivel chair ko.
S’ya ang manager ko dito sa branch kong ito. Maganda ito at may maipagmamalaki na katawan. Matalino rin ito at sopistikada. Kung tutuusin ay pareho sila ni Shai kaya sa tuwing magkikita itong dalawa ay hindi nila mapigilan ang ikumpara ang sarili sa isa’t-isa. I-consider mo pang pareho silang single at parehong magaling na manager sa magkaibang branch. Pareho rin ang fashion sense nitong dalawang ’to. Nagtataka lang ako minsan kung bakit hindi sila magkasundo kahit nagkakapareho naman sila sa maraming bagay.
“Yes Karen?” tanong ko dito.
“Shai just informed me that they have already closed the restaurant there in Alabang and they’ll be here anytime soon. Should I start preparing the traps for her?” wika nitong nakataas ang kilay at hindi maitago ang pagkaasar kay Shai.
Natawa naman ako sa sinabi nito.
“Hahaha! Stop it Karen. You know what will happen kung malaman n’ya ’yang sinasabi mo.” wika ko dito.
“I’m just kidding Sir. Pero kung hindi ko gagawing biro, mas maganda.” sagot naman nito. Ayaw talaga magpatalo.
“Anyway, ’yun lang ba? Sige, closed na din naman tayo kaya pwede mo nang kausapin ang host ng party pati na rin ang inupahan nating catering service para makapaghanda.” utos ko sa kanya.
“Well then, maiwan ko na kayo. Kailangan ko pang magpalit ng new dress ko dahil I’m sure hindi magpapatalo ’yang best friend mo sa beauty ko. Buti na lang I had the chance and went to the parlor na kanina.” wika nito at nag-flip pa ng buhok n’ya.
“Ok. Lalabas na lang ako mamaya kapag nandito na sila.” sabi ko dito ng nakangiti.
Lumabas na s’ya sa aking office at ibinalik ko ang naputol kong pagmumuni-muni kanina.
Ano kaya ang magiging reaksyon ko ’pag nagkita kami mamaya ni Tom? Isang linggo ko din s’yang hindi nakikita at isang linggo ko na din s’yang nami-miss.
Nag-umpisa nanaman akong mainis sa aking sarili. Bakit ba kasi pumayag pa ako sa suggestion ni Eunice? Sana hinayaan ko na lang na ako ang gumawa ng way para mapalapit pa lalo kay Tom. Hindi sana ako naunahan ng magaling kong kapatid.
Habang nasa ganoong pag-iisip ako ay tumunog naman ang cellphone ko kaya agad kong tiningnan ang caller. Lalo akong nainis nang makita ko kung sino ito pero sinagot ko pa rin.
“Yes Eunice? Ano nanaman ang kapalpakang idea meron ka na mapipilitan nanaman akong gawin?” bungad ko sa tawag nito.
“Hoy Xander! Sa halip na inisin mo ako, pasalamatan mo na lang ako!” wika nito.
“Pasalamatan?! Look Eunice, sa ginawa nating pagpapanggap lalong napalayo sa akin si Tom! Nawala na ang chance kong makalapit pa ulit sa kanya!” mataas na boses kong sumbat sa kanya.
“Xander hindi mo ba nakita ang result ng ginawa ko? Gahd! Hindi mo ba nakita kung anong reaksyon ni Tom nung makita n’ya na hahalikan kita?! Hahahaha! Grabe! Kung umiyak lang s’ya sa harapan natin nun baka napaamin na agad tayo! I’m sure hindi mo na mapipigilan na yakapin na lang s’ya!” tuwang-tuwa nitong wika.
“Ewan ko sa’yo! Dahil sa ginawa mo lalong gumulo ang sitwasyon!” inis kong sumbat dito.
“’Wag ka na nga magreklamo d’yan! Ang importante may hint na tayo kung may nararamdaman din ba s’ya sa’yo!” wika nito.
Napabuntong hininga ako sa sinabi nito, medyo kumalma din ako.
“Mag-usap na lang tayo sa ibang araw Eunice. May mga gagawin pa ako dahil mamaya na ang Thanksgiving Party namin. Kailangan ko pang maghanda.” mahinahon kong wika.
“Ayiieee! Magpapa-gwapo ka lang eh. Aminin mo, nami-miss mo na si Tom noh?! Mamaya makikita mo na s’ya, kalma lang ha?!” pang-aasar pa nito.
“Ewan ko sa’yo!” tangi kong nasabi at binaba na ang tawag nito.
Napangiti ako sa sinabi ni Eunice. Naging malapit na din ito sa akin at masasabi kong weirdo din ito. Masyadong makulit at may pagka-isip-bata. S’ya din ang nakaisip na magpanggap kaming magkasintahan para malaman kung may espesyal din bang pagtingin sa akin si Tom.
Naikwento ko kasi kay Eunice kung ano ang nararamdaman ko para kay Tom nang minsan kaming lumabas nito. Noong una ay gulat na gulat ito at hindi makapaniwala. Dala na din siguro ng nainom namin ay nai-confess ko dito lahat. Matapos ang aming kwentuhan ay nakaisip ito ng idea sa kung paano ko daw malalaman kung may nararamdaman din ba sa akin itong si Tom dahil nasabi kong sana ay pareho kami ng nararamdaman nito. Dito kami nagsimulang maging magkaibigan at madalas nang nagkakasama. Parang nakababatang kapatid ko na ito dahil sa angking kakulitan nito.
Dumating ang oras ng aming Thanksgiving Party at isa-isa nang nagdatingan ang mga empleyado ko sa magkaibang branch. Ang ilan sa mga ito ay magkakakilala na dahil kung minsan ay nagpapalitan kami ng tao para mapunan ang kakulangan ng bawat branch.
“Hi there Xander! Kamusta naman ang magaling kong kaibigan na hindi na kami nagawang dalawin for the past week?” tanong ni Shai na may pagka-sarkastiko.
“Shai, you know that I have to focus din dito.” tangi kong sagot dito matapos naming magbeso-beso.
“Kasama din ba d’yan sa pagfo-focus mo ang hindi magparamdam? Gahd Xander! I don’t know what’s going on, but I have this feeling na parang may iniiwasan ka.” wika n’ya. Ang lakas talaga ng pakiramdam nito.
Naputol ang aming pag-uusap nang biglang sumingit si Karen na nanggaling mula sa aking likuran. Mabuti naman at dumating ito dahil hindi ko matatakasan ang pagi-interrogate nitong kaibigan ko.
“Oh! Look who’s here! Akala ko hindi ka na makakarating dahil hindi mo gusto ang tumapak sa lugar ko.” wika ni Karen kay Shai.
“Oh! Hello there Karen my dear! Pwede ba naman ’yon? Ayaw ko naman na ma-disappoint ang mga employees mo dito na makakita kahit minsan ng new and fresh faces kagaya ng mga empleyado ko sa Alabang.” pagyayabang din ni Shai.
“Ahahahaha! Hanggang ngayon pala Shai hindi ka pa rin nagbabago. You know naman na pagdating sa mga employees, nangunguna ang mga empleyado ko dito. Besides, The Fort ito at alam mong mas marami dito kung fresh at new faces lang naman ang ating pag-uusapan.” sagot naman ni Karen.
“U-uh-uh! ’Wag kang masyado magyabang Karen. Hindi rin magpapahuli ang mga nasa Alabang. Mamaya makikita mo kung ano ang pinaghalong looks at talent ng mga empleyado ko na wala sa inyo.” pagmamalaki ni Shai.
“Siguraduhin mo lang Shai na hindi magpapatalo ang mga employees mo sa employees ko. My employees even hired a professional trainer para sa number nila mamaya. Kaya if I were you, itago mo na lang ang performers mo. Dahil I’m sure mahihiya silang tapatan ang performance ng employees ko.” pagyayabang din ni Karen.
“Hhhmmm… Let’s see what will happen kung makita mo na ang gagawin ng new employee ko na si Tom. Please prepare your handkerchief ’coz I’m sure maglalaway ka sa kanya.” wika ni Shai.
Napatingin naman ako bigla dito kay Shai dahil hindi ko alam na si Tom pala ang kinuha nitong magpe-perform para sa nakaugalian na naming program every Thanksgiving Party namin. Hindi kasi ako nakikialam sa mga pakulo nila dahil nanonood lang naman ako bilang suporta para sa mga empleyado ko. Naririto lamang ako para pasalamatan sila sa mabuti nilang serbisyo sa loob ng nagdaang taon.
“Enough of that. Makikita din natin ’yan mamaya. Let’s just enjoy the night.” pagputol na lamang ni Karen sa pagyayabang ni Shai. “By the way, nice dress Shai. I guess you bought that from Europe pa? I saw it in magazine kasi.” dugtong na papuri pa nito.
“You too Karen my dear. You look good sa dress mo. And I guess we bought the same brand? I saw it online naman.” nakangising tugon naman ni Shai.
See? They have the same personality and taste right? At bago pa mapunta kung saan ang iringan nitong dalawa ay pinutol ko na sila.
“Let’s proceed to the function room. Andun na din ang iba.” wika ko sa kanila. “Shai, wala pa ba ang ibang nasa Alabang branch?” dugtong kong tanong na tinutukoy ang iba kong empleyado na kasama ni Shai sa branch kong iyon.
“Nandito na ang iba, nauna nang pumunta sa function room. Sina Daniel at Tom na lang ang wala dahil may dadaanan pa raw.” sagot ni Shai.
Nagsimula nanaman kumulo ang dugo ko sa narinig ko.
“What’s wrong Xander?” tanong bigla ni Shai. Napansin yata ang pagkairita sa mukha ko.
“W-wala. Let’s go, ’wag natin paghintayin ang mga empleyado natin.” sagot ko sa kanya at nauna nang maglakad patungo sa function room ng restaurant ko.
Umupo na lamang kaming mga namamahala sa isang table na nakalaan para sa aming mga namamahala sa parehong restaurant. Narito sina Karen, Shai, Randy at Rigo na bagong member ng aming company.
Si Rigo ang pumalit bilang Assistant ko dito sa The Fort dahil ang dating Chef ko dito ay kusa na ring umalis dahil hindi napatakbo ng maayos ang branch kong ito. Mabuti na rin ’yun dahil ayaw ko din namang sa akin pa manggaling na kailangan n’ya nang umalis dito.
So far ay maganda naman ang tandem nina Karen at Rigo dahil nakatapos din naman si Rigo ng Hotel and Restaurant Management. Nakatapos din s’ya sa kanyang culinary course kaya tiwala akong magagampanan nito ang kanyang posisyon ng maayos. Nang malaman ito ni Randy ay tumutol ito. Hindi ko maintindihan kung bakit kaya hindi ko maiwasang tanungin pero bigo akong makakuha ng sagot. Kaibigan namin si Rigo kaya nagtataka ako kung bakit malaki ang pagtutol n’ya sa pagtanggap ko dito.
Matapos ang ilang sandali ay pumasok sa pinto ng function room na iyon ang taong isang linggo ko nang hindi nakikita. Ang taong dahilan kaya magulo ang aking isip ngayon.
Hindi nanaman naging normal ang tibok ng aking puso at tila nanlamig ang buong katawan ko. Tila gusto ko itong lapitan at yakapin ng mahigpit.
Inilibot nito ang kanyang tingin at nagtagpo ang aming mga mata. Parang tumigil sa pag-ikot ang aking mundo at tila kami lamang dalawa ang tanging nasa mundong ito. Hindi ko ngayon mabasa ang nasa mga mata nito. Nalulungkot? Ewan ko, pero parang may kulang sa tingin n’ya ngayon. Hindi ito katulad ng mga panahong nagkakasama pa kami.
Naputol ang aming titigan nang may umakbay kay Tom mula sa kanyang likuran. Si Daniel na nakasunod pala sa pagpasok n’ya. May sinabi sa kanya si Daniel at iginaya s’ya nito sa mga upuan kasama ang kanilang mga katrabaho. Sinundan ko sila ng tingin at tila gusto kong pataubin ang mesang nasa harapan ko.
“Are you ok Xandz?” tanong ni Randy mula sa tabi ko.
“A-ahm.. Yeah.. Why?” sagot at tanong ko sa kanya.
Nakatitig ito sa akin at hindi ko mawari ang emosyon nito sa kanyang mga mata. Tila ba may galit ang mga ito. Ibinalik n’yang muli ang kanyang tingin sa aming harapan at nagsalita.
“Baka mapunit na ’yang hawak mong table napkin sa higpit ng hawak mo.” tangi n’yang sinabi.
Pagtingin ko ay ganun nga ang nakita ko. Hawak ko ang table napkin habang nakakuyom ang palad ko. Binitiwan ko ito at bumuntong hininga na lamang.
“’Wag mo na lang akong pansinin. Kausapin mo na lang ’yang si Rigo sa tabi mo.” sagot ko na lamang dito.
Napapansin ko kasing simula nang umupo kami ay hindi pa nagbatian ang dalawang ito. Tila ba umiiwas si Randy kay Rigo kahit na lalapitan s’ya nito.
Nagsimula na ang program at nakikita kong masaya naman ang aking mga empleyado. May mga ilang games na inihanda para sa kanila at kami naman ay nanonood lamang habang sila ay nagkakasiyahan.
Napapatingin ako sa gawi nila Tom na katabi si Daniel. Nakikita kong nagtatawanan sila at hindi ko talaga mapigilang hindi magpuyos sa galit. Si Daniel din ang personal na nag-aasikaso kay Tom kahit sa pagkain nito. Nakikita kong tumatanggi si Tom ngunit wala din magawa sa huli dahil mapilit talaga si Daniel. Gusto ko talaga silang paghiwalayin at bitbitin na lamang si Tom pauwi para hindi na makasama pa ni Daniel. Naiinis talaga ako kaya hindi ko din nagawang kumain ng maayos.
Dumating na ang sandali na inaabangan ng lahat. Ang pagpe-perform ng mga empleyado sa magkaibang branch ng restaurant ko. Ako naman ay tuluyan nang nasira ang gabi dahil naiirita ako sa nakikita ko kina Daniel at Tom.
“Gosh! Mamaya ’pag nakita n’yo ang best friend ko sumayaw I’m sure hindi n’yo mapipigilan ang sarili n’yong panggigilan s’ya! S’ya ang pinaka-hot na dancer na nakilala ko! Na-prove ko na ’yan kasi kahit mga lalaki na-attract sa bessy ko when we were in college nung nagsayaw s’ya! Ahahahaha!” dinig kong wika ni Charm sa mga katabi n’ya.
Lumapit kasi ang mga ito sa aming mesa dahil mas gusto nilang mapanood sa malapitan ang mga magpe-perform. Naririto kasi ang aming mesa malapit sa stage ng function room namin na ito.
“Eto pa ang isa Dee at kamoteng Ben, baka mamaya sa sobrang may bumilib sa bessy ko may makauna na sa lips n’ya!” tili pa ni Charm.
Bigla akong napaayos ng upo at mas pinakinggan pa ang mga susunod pang sasabihin ni Charm. Naging mas interesado ako.
“Anong ibig mong sabihin Sugar ko?” dinig kong tanong mula kay Ben.
“Slow nanaman kamote ka?! Makauna sa lips! Ibig sabihin s’ya ang magiging first kiss ni Tom! Gets mo na?! Grabeh! Ang bagal talaga mag-process ng little brain mo!” wika ni Charm kay Ben.
“Hehe! Pinapakilig mo nanaman ako sugar ko, pinapagalitan mo nanaman ako!” sagot naman ni Ben.
“’Wag na kayong maingay, mags-start na ang Team The Fort.” -_- saway naman ni Dee.
“Ladies and Gentlemen! Let us give a warm of applause for team The Fort!” malakas na pakilala ng host sa kanila.
Naunang mag-perform ang employees ng The Fort branch at masasabi kong talented nga ang mga empleyedo dito. Anim silang nagsasayaw ngayon. Sigawan at palakpakan ang maririnig mo sa lahat ng sulok ng function room na ’yon. Nakikita ko din si Karen na proud na proud sa mga empleyado n’yang nagsasayaw ng mga oras na ’yon.
Hindi ako pamilyar sa mga uri ng sayaw dahil tanging pagkanta lang ang hilig ko. Pero hindi ko maikakailang magagaling nga ang mga itong magsayaw. Kung sabagay, sabi nga ni Karen ay nag-hire pa ang mga ito ng professional trainer para sa kanilang choreography.
Tiningnan ko naman si Shai at nakikita kong hindi ito nababahala sa performance ng grupo ng The Fort. Natatawa ako habang iniisip kung bakit kailangang parang may mamagitang competition sa dalawang branch na ito dahil wala namang nag-aabang na premyo at pawang katuwaan lang naman ito. Siguro ay proud lamang talaga sila sa kani-kanilang mga hinahawakang tao.
Natapos ang sayaw ng unang grupo at nakita kong natuwa naman ang mga nanonood na empleyado maging kami ditong nasa management.
“See that Shai? ’Yan ang mga employees ko. See how talented they are? Magagaling ’di ba?” pagmamalaking wika ni Karen kay Shai.
“I must admit, magagaling nga sila. Pero hindi pa nag-start ang performance ng team ko. You must watch and not let your eyes blink even once. Kasi baka may ma-miss kang galaw nila.” kampante at nakataas kilay namang tugon ni Shai.
Hindi na din ako makapaghintay dahil alam kong isa si Tom sa mga magpe-perform. Pumunta si Jurnie sa gitna ng stage at naglatag ng kutson na may isang unan at kumot sa gilid na bahagi ng stage na ’yon.
’Para saan ‘yun?’
tanong ko sa aking isip.
“Hhhmmm.. Mukhang may magaganap na malagim sa performance ng Team Alabang ah?!” wika ng host. “Ready na ba kayong makita ang performance ng Team Alabang?!” dugtong pa nito.
“YESSSSS!!!!” sigaw ng mga empleyado.
“So, hindi na natin patatagalin pa! Let us all welcome! Tom and Lizzy from Team Alabang!!” sigaw ng host. Nagpalakpakan naman kaming manonood.
“Silang dalawa lang? Anong gagawin ng mga ’yan? Ballet? Ballroom? C’mon Shai! How can they beat my employees kung dalawa lang sila?” komento ni Karen kay Shai.
“Just watch and learn my dear. Relax ka lang.” tugon naman ni Shai na prenteng nakaupo at makikitaan mo ng confidence.
Namatay ang ilaw sa function room na ’yon. Nagsimula nang tumugtog ang ‘Earned It’. Alam ko ang title ng song na ito dahil napanood ko ito sa isang movie. Hindi ko na sasabihin ang title ng movie na ’yon dahil baka isipin n’yo na ganun ang klase ng movie na gustong-gusto kong panoorin. -_-
(a/n: please paki-play guys ’yung nasa media. ’Yan po ang sinayaw ni Tom at Lizzy.)
Nang magsimula ang music ay bumukas din ang spotlight at nakatutok ito kay Tom. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakikita ko si Tom na naka-sando lang na itim at pantalon din na itim. Lalong lumitaw ang kaputian nito at ganda ng hubog ng katawan nito. Bagsak ang buhok nito dahil basa ito ng tubig. May hawak din itong lubid na may isang metro yata ang haba.
Nagsimula itong gumiling gamit ang props nitong lubid na inihampas n’ya rin sa floor. Literal akong napanganga dahil sa galing n’yang gumiling at sumayaw. Naririnig ko pa ang malakas na tilian ng mga babae dito sa function room na ito. Nanatili naman akong hindi kumukurap at kay Tom lang nakatingin.
Lumapit ito sa isang gilid habang sumasayaw pa rin. Sakto din ang pagbukas ng ilaw at lumitaw ang empleyado naming si Lizzy na naka-nighties na itim. Sumasayaw din si Lizzy habang nakahiga sa nakita naming inilagay na kutson kanina lamang.
‘Sh*t!’
mahina kong sambit dahil napaka-intimate ng sayaw ng dalawang ito.
Hindi bastusin ang sayaw nila at masasabi kong creative pa nga ito. Pero hindi ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginagawang pagsayaw ni Tom. Napakahusay n’yang gumiling na sinasabayan pa ni Lizzy.
Lalo akong hindi napakali sa pagkakaupo nang punitin ni Tom ang sando n’yang itim. Lalo naming nakita ang ganda ng hubog ng katawan nito. Hindi man kasing laki ng katawan ko dahil batak sa gym ay hindi pa rin maikakailang maganda rin ang katawan nito na lalong nagfe-flex dahil sumasayaw nga ito.
‘sh*t!’
muli akong napamura dahil sa ginawa n’ya.
Kung tutuusin ay magaling din sumayaw si Lizzy at talagang napaka-sexy ng costume nito. Pero hindi ko mapigilan na ibalik ang aking mga mata kay Tom. Sinasabayan n’ya ng nakakaakit na tingin ang kanyang pagsasayaw. Kung minsan pa ay kinakagat n’ya ang ibabang bahagi ang kanyang mapupulang labi na nagpapadagdag ng galing nito sa pagpe-perform. Inaayon n’ya sa uri ng sayaw ang kanyang facial expression.
“Woohoo!! Mahal ko ’yan!!” dinig kong sigaw ni Daniel habang patuloy na nagsasayaw sina Tom.
Alam kong sa mga nakakarinig ay iisiping si Lizzy ang sinasabihan nito. Pero sa aming mga nakakaalam ay alam naming para kay Tom ang mga katagang ’yon.
Nagsimula nanaman akong balutin ng selos dahil sa sigaw ni Daniel na iyon.
‘Nalintikan na! Kung sasagutin ni Tom si Daniel, ibig sabihin may pagkakataon s’yang makita anytime na topless si Tom?!’
sigaw na tanong ko sa aking isip.
Gusto kong hilahin si Tom mula sa stage at patigilin na ito sa kanyang pagsasayaw. Ayaw kong nakikita ng ibang tao na wala itong suot na damit kahit na pang-itaas lang ang nawala dito.
Hindi ako mapakali nang mga oras na ’yon at gusto ko nang matapos ang performance nila. Pero habang naghihintay akong matapos ’yon ay parang lalong bumabagal ang oras.
“Xander! Bakit ba ang likot mo d’yan at hindi ka mapakali? Nanonood pa kami at hindi pa tapos ang performance nila Tom! Kaya please? ’Wag mo kaming istorbohin?!” naiinis na wika sa akin ni Shai.
“S-sorry..” tanging nasabi ko dito.
Umupo akong muli ng maayos. Nakita ko ding nakatingin sa akin si Randy ngunit hindi ko na lamang ’yon pinansin. Nagpatuloy kami sa panonood at nagpatuloy din ang pagtaas ng dugo ko sa nakikita kong pagsasayaw ni Tom na walang pang-itaas.
Sa wakas ay natapos din ang performance na iyon. Palakpakan at sigawan ang tangi mong maririnig sa function room na ’yon. Kung sila ay tuwang-tuwa sa kanilang nasaksihan, ako ay ibayong inis naman ang nararamdaman.
“See that Karen? That’s the real performance.” dinig kong wika ni Shai.
“Well, magaling nga sila specially that guy. What’s his name again? Damn! He’s so hot! Ayaw n’ya bang dito na lang ma-assign sa The Fort?” dinig kong tanong ni Karen.
Lalo akong nainis sa narinig ko. Si Karen pa lang ang may comment na ganyan, paano na lang ang ibang nanood sa function room na ’to?!
Sa sobrang inis ko ay tumayo ako sa aking inuupuan at naisip kong magpahangin muna sa labas para pakalmahin ang aking sarili.
Habang naglalakad palabas ng restaurant kong iyon ay nakita ko si Tom na patungo sa CR at wala pa ring pang-itaas na suot. Wala kasing CR ang function room at kailangan munang lumabas mula doon kung gusto mong gumamit nito. Luminga-linga ako sa paligid at nakita kong walang ibang tao sa restaurant ko, marahil ay nasa loob lahat ng function room para ipagpatuloy ang party. Kusang gumalaw ang aking mga paa at tinungo din ng CR na pinasukan ni Tom.
TOM POV
Matapos ang sayaw na ginawa namin ni Lizzy ay naisip kong tumungo ng CR para magbihis muli ng damit.
Masaya akong natapos din ang aming sayaw ni Lizzy dahil nabawasan din ang oras kong magpahinga sa mga nagdaang araw. Masyado kasi kaming pinupursige ni Mam Shai na i-perfect ang aming sayaw. Lagi n’yang sinasabi sa amin na dapat daw ay perfect ang performance namin dahil hindi daw s’ya pwedeng matalo ni Mam Karen. Haayy! Wala naman premyo ’to eh, pero kung i-pressure kami ni Mam Shai parang contest sa TV ang sasalihan namin. -_-
Narating ko ang CR ng restaurant namin dito sa The Fort branch. Medyo nakakatakot pala ’pag walang tao dito dahil medyo madilim na at nasa loob ng function room ang lahat ng empleyado para sa party.
Pagpasok ko sa CR ay inilapag ko ang aking bag na naglalaman ng ilan kong gamit sa tabi ng sink. Inilabas ko dito ang aking towel para magpunas ng pawis mula sa nakakapagod na sayaw. Matapos magpunas ay kinuha kong muli ang aking damit na sinuot nang ako ay dumating sa party na ito.
Habang isinusuot ko ang aking polo shirt ay bigla na lamang namatay ang ilaw sa CR na ’yon. Kinabahan ako dahil madilim sa loob at wala akong maaninag kahit na konting liwanag. Lalabas na sana ako nang may biglang humawak sa aking braso at sapilitang pinasandal sa pader ng CR na ’yon. Malakas ang taong iyon dahil kahit pilit akong kumakawala ay hindi ko pa rin nagawa. Lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko pero kailangan kong maging matapang.
“Sino ka?!” may kalakasang tanong ko sa kasama ko sa loob ng CR.
Hindi ito tumugon kaya pinagbantaan ko na ito.
“Magpakilala ka! Kung hindi mo ako pakakawalan sisigaw ako dito!!” banta ko sa kanya.
Doon ko lamang na-realize na mali ang ginawa kong pagbabanta dahil tinakpan nito ang aking bibig gamit ang isa n’yang kamay habang ang isa ay mahigpit pa ring nakahawak sa isa kong braso.
Hindi ako gumalaw dahil sa ibayong kaba na nararamdaman ko. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil kung ano-anong masasamang bagay na ang pumapasok sa isip ko. Natatakot akong baka may gawing masama ang taong ito sa akin.
Pinili kong huminahon at hindi lumaban dahil baka lalo akong mapahamak kung lalaban ako dito. Hindi pa rin n’ya tinatanggal ang kanyang mga kamay sa aking bibig at braso. Ramdam ko ring malapit lang ang kanyang mukha sa akin dahil nararamdaman ko ang mabilis na paghinga nito na dumadapo sa mukha ko. Ayaw ko mang aminin pero mabango ang hininga nito at amoy ko rin ang tila mamahalin nitong pabangong pang-lalaki. Pamilyar din sa akin ang kanyang pabango ngunit hindi ko maalala kung saan ko ba naamoy iyon.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay bigla kong naisip sina Mama at ang kapatid kong si Julius. Ayaw kong may mangyari sa aking masama dahil ’pag nawala ako ay wala na ring tutulong sa mga ito.
Dahil sa naisip kong iyon ay hindi ko napigilang mailabas ang mga luha sa mga mata ko. Naglandas ito sa aking mga pisngi at alam kong umabot iyon sa kamay ng taong nagtakip sa aking bibig.
Bahagyang lumuwag ang kapit nito sa aking bibig ganun din sa aking braso. Paluwag ng paluwag ang kapit nito hanggang sa tuluyan n’ya itong mabitawan. Nanatili kaming nakatayo at nanatili pa rin akong umiiyak ng mga oras na ’yon. Tanging impit na pag-iyak ko ang maririnig sa loob ng CR na ’yon.
Mga ilang sandali ay naramdaman kong hinawakan n’ya ako sa magkabilang pisngi gamit ang mga kamay n’ya. Marahan n’ya akong hinawakan dito habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Nagulat man ako sa naging paghawak nito ay hindi pa rin ako nag-react.
Naramdaman kong pinupunasan nito ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa aking mga pisngi gamit ang kanyang mga hinlalaki. Habang dinadama ko iyon ay nakaramdam ako ng security. Tila ba napanatag ako habang hawak ako nito. Sino ba ’tong taong ’to?
Tumagal kami ng mga ilang minuto sa ganoong posisyon hanggang sa kumalma ako at natigil din sa pag-iyak. Hawak n’ya pa rin sa mga sandaling iyon ang aking mga pisngi gamit ang dalawa nyang mga kamay at wala sa amin ang may nagsasalita.
Maya-maya pa ay naramdaman kong malapit na ulit ang kanyang mukha dahil naamoy ko nanaman ang mabango nitong hininga. Agad kong hinawakan ang kanyang mga kamay na nakahawak sa aking mga pisngi.
“Ssshhh…” mahina at tangi nitong sambit. Lalaki nga ito base sa kanyang tinig. Na-confirm ko ring malapit nga ang kanyang mukha sa aking mukha.
Tila ba huminto ang mundo ko dahil sa hindi ko mawaring mangyayari ng mga oras na ’yon. Hindi ako makagalaw dahil sa pinaghalong kaba at pagtataka.
Ilang segundo pa ang nakalipas at naramdaman kong may mainit na bagay ang dumampi sa aking mga labi. Napasinghap ako sa nangyari. Hindi ako maaaring magkamali, alam ko ang bagay na ito.
‘Hinalikan ako ng taong estrangherong ito. Ang lalaking estranghero ang kumuha ng first kiss ko.’
mga salitang binibigkas ng aking isip.
Habang magkadikit ang aming mga labi ay hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at tila ba hinahalukay ang aking sikmura habang dinadama ang matamis nitong mga labi. Ang pakiramdam ko’y nagliwanag din ang buong paligid.
Matapos ang ilang segundo ay bumitaw ito at dahan-dahang binitiwan ang aking mga pisngi. Naramdaman ko na lamang ang paglalakad nito palayo at lumabas ng pinto.
’Sino ‘yon? Sino ang lalaking kumuha ng first kiss ko?’
tanong ko sa aking isip.
A/N
Oha Oha! Musta mga readers? Ok lang po ba ang chapter na ito? Alam kong may idea kayo sa humalik kay Tom pero next time na natin banggitin. Abang na lang po sa next chapter! Thanks readers!! Ingat kayo lagi!
––cold_deee
chapter 13 - scones
A/N
Hello readers! Wala naman ibang nangyari sa ’kin kaya wala ako mai-share sa inyo. At alam kong wala din naman ang interesado. Hahahaha!
Here’s chapter 13. Enjoy reading!
––> si
Xander
po sa media.
TOM POV
Tinanghali ako ng gising ngayong araw. Restday ko ngayon kaya sinulit ko ang pagtulog ko. Narito ako sa aking kama at hindi pa rin bumabangon mula sa mahabang pagtulog.
Ilang araw din akong puyat dahil sa practice namin ni Lizzy na ginagawa namin matapos ang aming shift sa trabaho.
Kagabi naganap ang aming Thanksgiving Party. At kagabi rin naganap ang isang bagay na hindi ko makakalimutan.
Hinalikan ako ng taong hindi ko kilala sa CR ng branch namin sa The Fort. Sa tuwing maaalala ko ang bagay na ’yon ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang malalambot na labi ng taong humalik sa akin.
“Sino ba kasi ’yun?” mahina kong sambit.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil sa may nakahalik sa akin ng walang permiso o magagalit dahil hindi man lang nagawang magpakilala ng taong gumawa sa akin noon. Pero sa tuwing maaalala ko ang malambot n’yang labi ay hindi ko din maiwasang mapangiti. Tila ba napanatag ako nang ginawa n’ya ang bagay na ’yon. Hawak n’ya ang aking mga pisngi nang may pag-iingat. Tila ba secured na secured ako sa kanya.
“Malay ko! Ano ba kasing ginawa n’ya sa’yo?” narinig kong tanong sa akin.
“Hinalikan n’ya ako.” sagot ko at hinawakan ko ang labi ko.
“Kelan?” tanong muli nito.
“Kagabi.” sagot ko naman.
“Saan?” tanong n’yang muli.
“Sa party.” sagot kong muli.
Katahimikan….
“Kyaaaaahhhhh!!!!!!” sigaw ng nagtanong.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at tuluyang nagising nang makita kong nasa kwarto ko si Cha at tumili ng pagkalakas-lakas. Putek! Anong ginagawa ng babaeng ’to dito?! Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa ginawa nito.
“Kyaaaahhh!!!” tili muli nito.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Si Cha pala ang nagtanong sa akin at hindi ko sinasadyang masagot ang mga tanong nito. Akala ko ay nakikipag-usap lang ako sa sarili ko! Nalintikan na!
“Anong nangyari?!!” biglang sulpot ng kapatid kong si Julius sa pinto.
“Anak?! Cha?! Ayos lang ba kayo?!” alalang tanong ni Mama. Kasunod ito ni Julius.
“Tita!!! Julius!!! You gotta hear this!! Si bessy po!!! Na-experience na ang first ki—–” wika ni Cha na hindi naituloy dahil tinakpan ko agad ang bibig nito.
“Ha?” takang tanong naman ni Mama at Julius.
“W-wala ’to Ma. N-nababaliw nanaman ’tong si Cha.” sagot ko sa kanila. Hawak ko pa rin ang bunganga ng best friend ko.
“Eh ano ’yung sinasabi n’yang first mo? First ki ba ’yun?” tanong muli ni Mama.
“A-ano… Ahm… First ki… F-first.. First King of the Night ’Ma! Tama! A-ahm, nanalo kasi ako ng King of the Night kagabi sa party.” nauutal kong sagot dito.
“Aahhhh…” sagot naman nina Mama at Julius ng sabay at tumatango-tango pa.
Haayyy… Buti na lang nakalusot.
“Sure ka kuya first time mo ’yon? Eh ’di ba naging King of the Night ka na ng JS Prom n’yo nung high school?” usisa naman ng kapatid kong si Julius.
“Oo nga anak. Nakuha mo din ’yun nung Acquaintance Party n’yo nung college. Hindi first time ’yun! Consistent ka nga eh.” dugtong pa ni Mama.
“Ahm.. S-syempre po, first time ngayong n-nagtatrabaho na ako.” sagot ko kina Mama.
Hindi naman sila tumugon. Mukhang hindi ata naniniwala.
“’Di ba? ’Di ba Cha?!” hingi ko namang suporta kay Cha habang hawak ko pa rin ang bibig nito.
Pinandilatan ko ito ng mata para malaman n’yang kailangan n’yang makisang-ayon. Tumango-tango naman ito kina Mama at Julius.
“Hay ewan ko sa inyong dalawa! Bumaba na nga kayo at malapit na din maluto ang pananghalian. Cha, dito ka na din kumain. Ikaw naman Julius tulungan mo akong maghanda sa baba.” mahabang wika at utos sa amin ni Mama.
“Sige po ’Ma.” tangi kong sagot.
Lumabas na sila sa aking kwarto at kaming dalawa na lamang ang naiwan ni Cha. Tinanggal ko ang aking kamay sa pagkakatakip sa bibig nito. Nakita kong nakangisi ito at nakatingin sa akin ng derecho.
“Bessy! Pwede pa ulit tumili?” wika ni Cha na nagpipigil ang boses dahil mukhang gusto nga talagang tumili ulit.
“Subukan mo Cha! Kakaladkarin talaga kita palabas ng bahay namin nang makita mo ang hinahanap mo!” banta ko rito.
“Bessy enebeh! Kinikilig ako!! Anyare??!! Kwento na dali!!” maligalig n’yang wika at nagpipigil pa rin sa pagtili.
“Ewan ko sa’yo! Ano bang ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?” tanong ko dito.
“Litsi! ’Wag mo nga iniiba ang usapan bessy! Ano nga nangyari sa party? May first kiss ka na?! Emegesh bessy! Sino?! Sino s’ya?!” pangungulit n’ya at hindi pinansin ang tanong ko.
“Ewan ko.” tanging sagot ko at tumayo na sa aking kama para tumungo sa banyo dito sa aking kwarto. Maghihilamos at magtu-toothbrush muna ako.
Mabuti na lamang at naayos na ang isang kwarto dito sa bahay na dating tambakan namin ng mga gamit. Magkasama kasi kami ni Julius dati sa iisang kwarto pero ayaw kong nabubulabog ito sa pagtulog tuwing uuwi ako ng late sa gabi.
“Ewan mo?! Anong klaseng sagot ’yan bessy?! Umayos ka nga! Sasabihin ko talaga kina Tita na nakipaghalikan ka kagabi! Sige ka!” pagbabanta nito.
“Nakipaghalikan agad bessy?! Hindi ba pwedeng s’ya lang ang humalik at wala akong nagawa?!” balik ko dito.
“Eh ano nga?!” pangungulit nito at pumapadyak-padyak pa ang paa.
“Ewan ko nga bessy. Hindi ko kilala. Hinalikan n’ya ako sa CR ng restaurant natin doon. Madilim dahil patay ang ilaw kaya hindi ko nakilala ang magnanakaw na ’yon!” inis kong sagot sa katanungan n’ya.
“Ibig sabihin may mystery kisser ka bessy???” tanong nito na nanlalaki pa ang mga mata.
“Ganun na nga.” tangi kong sagot.
“O-M-G!! Wala ka man lang bang nakuhang clue? I mean, ’yung shape ng mukha n’ya, ’yung built ng katawan n’ya?” tanong nito at sumunod pa talaga dito sa banyo.
“Seriously bessy? ’Di ba nga sabi ko sa’yo madilim nga?! Patay ang ilaw kaya paano ko makikita ang mga ’yon?!” inis kong sabi dito habang naghihilamos.
“Ay oo nga noh?! How about ’yung amoy n’ya?” tango nitong sagot na may follow up question pa.
Napaisip naman ako sa tanong n’ya. Saglit akong napatahimik at inalala ang amoy ng humalik sa akin.
“Mmm… Sa totoo lang bessy pamilyar ’yung pabango n’ya eh. Kaso hindi ko matandaan kung saan ko ba naamoy ’yon.” sagot ko dito habang nakatingin sa taas dahil sa pag-alala ko sa amoy nito.
“Ganun ba? Sayang naman. Kelan ba kasi nangyari?” tanong nitong muli.
“Natatandaan mo ba bessy nung matapos kaming sumayaw ni Lizzy? Nagpunta ako sa CR nun para magpalit na ulit ng damit pero namatay ang ilaw sa CR. Lalabas na sana ako kaso biglang may humawak sa akin, tapos ayun! May iba pang nangyari kaya napaiyak ako sa takot. Pero nung narinig n’ya akong umiiyak, hinawakan n’ya ako sa pisngi. Tapos.. tapos… ahm… ayun na.. n-nangyari na ’yon.” mahaba at nauutal kong paliwanag sa kanya.
“Eeehhh!!! Bessy!! Kinikilig na talaga ako enebe!” wika ulit nito.
Nagsimula naman akong mag-toothbrush this time habang s’ya ay naroon pa rin sa kanyang pwesto sa pinto at binabantayan ako.
“Sino kaya may gawa nun bessy?” tanong n’ya.
Nagkibit balikat na lamang ako dahil wala talaga akong idea.
“Imposible namang si Daniel ’yon dahil pagkatapos mong sumayaw hanggang pagbalik mo, hindi na din ’yun umalis kasama namin.” komento nito.
Hindi pa rin ako umimik.
“Hindi kaya si Sir Xander?” bigla nitong tanong.
Napatigil ako sa aking ginagawa dahil pinaalala n’ya ang lalaking isang buwan ko nang hindi nakakausap. Muli ko nanamang naramdaman ang lungkot. Simula nang ma-realize ko ang nararamdaman ko dito ay kagabi lamang kami nagkita. Hindi pa rin ako nito magawang kausapin. Alam kong mali ang nararamdaman ko para dito, pero hindi ko nagawang makontrol. Nagmahal ako sa kanya nang hindi ko namamalayan.
“S-sorry bessy… Pinaalala ko nanaman s’ya sa’yo.” hinging paumanhin ni Cha.
Tumango lamang ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa.
“Mmm… Gusto mo bang gumala bessy?” tanong nito sa akin.
Alam ko na ang gusto nito. Ang ma-divert ang kalungkutan ko. Mahal talaga ako ng best friend ko.
Matapos ang paghihilamos at pag-toothbrush ko ay sinagot ko ito.
“Saan naman tayo gagala?” tanong ko dito.
“Kahit saan! Kung gusto mo sa River Park sa mall. Gala lang tayo doon.” sagot nito.
Naisip kong wala naman akong gagawin buong araw kaya pumayag na din ako. Wala din pala itong pasok dahil nag-leave ito. Alam n’ya kasing male-late s’ya ng gising dahil may party kagabi.
Matapos naming kumain ay nagpahinga lang kami ng konte at nag-asikaso na pareho para umalis sa hapon. Dito na s’ya sa bahay namin naligo at nagbihis dahil may mga damit naman s’ya dito at personal na mga gamit. ’Di ba? Ganyan kami ka-close ng babaeng ’to.
Matapos ang lahat ay narating namin ang lugar kung saan nagsimula magbago ang aking mundo. Hindi ko maiwasang makaramdam muli ng lungkot dahil naririto ako sa lugar na ito.
Nakaupo lamang kami ni Cha sa isa sa mga benches na naroon at nagpapahinga dahil sa mahabang pag-iikot.
“Tom? Oh my gosh! It’s really you! Kamusta ka na? Kasama mo din si Charm. How are you Charm?” bati sa amin ng babaeng lumapit sa amin.
“A-ah.. Ms. Eunice, kayo po pala. Ok naman po. Kayo po kamusta?” utal kong pangangamusta dito dahil sa pagkabigla.
“Ok lang naman. Mind if I join you guys?” tanong nito sa amin.
“Nakaupo lang po kami dito kaya wala pong dahilan para mag-join ka pa po sa amin.” malamig na sagot ni Cha.
Siniko ko naman itong best friend ko dahil umaandar nanaman ang pagka-maldita.
“Sure po. Kaso baka ma-bored lang kayo kasama kami Ms. Eunice.” magalang kong wika dito.
“It’s ok. Mas boring ang mag-isa eh. And please, drop that Ms. Eunice thingy. Call me Eunice na lang. Hindi naman nalalayo ang edad natin I guess?” wika nito at umupo na sa aming tabi.
“Ok fine Eunice.” mabilis na pagsang-ayon ni Cha.
“Haayy.. So, kamusta naman ang work? Galing ako from shopping eh. Tapos I decided to have coffee there and then I saw you two here nga kaya lumapit ako.” magiliw na wika ni Eunice at itinuro pa ang coffee shop na pinanggalingan.
“Ahahaha! Really?? Hindi ka pa ba pagod? Pwede ka naman umuwi.” sagot naman dito ni Cha.
Ngumiti lamang si Eunice sa sinabi ni Cha.
“Nope. Actually dahil nakita ko kayo, ok lang bang yayain ko kayo for dinner? Nakakalungkot kasi mag-isa eh.” yaya ni Eunice.
“Ganon ba Eunice? Why don’t you invite Sir Xander na lang? Kasi may mga plano pa kaming gagawin ni bessy eh.” simpleng pagtataray ni Cha. Siniko ko nanaman ito dahil masyado nang halata na pinapalayas n’ya ito. Inirapan lang naman ako nito. Maldita talaga.
“Eh may mga tatapusin pa daw kasi s’ya eh. Nami-miss ko na nga s’ya sa totoo lang.” naka-pout pang sabi ni Eunice.
Hindi ko nanaman maiwasang masaktan sa sinabi ni Eunice. Hindi ako nakapagsalita dahil sa nararamdaman kong pananakit ng dibdib.
“Awww! Pareho pala kami ni Sir Xander. May mga gusto din kasi akong TAPUSIN!” wika ni Cha at in-emphasized pa talaga ang salitang tapusin. Alam kong si Eunice ang tinutukoy nitong gustong tapusin. Brutal talaga ’tong babaeng ’to!
“Ahm.. Eunice, kahit man po gusto namin sumama sa inyo hindi po kasi pwede eh.. M-may mga gagaw––” hindi ko natapos na pagsasalita dahil pinutol na ako nito.
“Sige na Tom please??? Promise, maaga tayong makakauwi. Nagugutom na kasi ako eh.. Don’t worry, my treat! Kahit ano gusto n’yong orderin walang kaso sa akin. Samahan n’yo lang din akong uminom kahit konte. Kahit kayo kumain lang.. It’s just that, may problema kasi ako ngayon kaya dina-divert ko ang sarili ko sa shopping at paglabas.. Kahit ngayon lang please? Wala kasi ang iba kong friends.” malungkot nitong wika.
Bigla naman akong nakonsensya dahil mag-isa nga lang ito.
“Ahm.. Ganon po ba? P-pero saglit lang po ha?” pagpayag ko dito.
“Bessy??!!” angal ni Cha.
“Sige na bessy, saglit lang naman eh.” sagot ko kay Cha.
Sumimangot naman ito. Alam kong ayaw n’ya lang akong sumama sa taong dahilan ng sakit na nararamdaman ko.
“So it’s a yes?” tanong ni Eunice.
Tumango lamang ako at pilit na ngumiti.
“Yey!! Let’s go?” yaya nito at tumayo na sa kanyang upuan.
Wala na kaming nagawa ni Cha at sumama na lamang dito. Dinala n’ya kami isa sa mga restaurant dito sa River Park. Agad s’yang tumawag ng waiter at pinapa-order kami ng kahit anong gusto naming kainin.
“Gusto n’ya ’to ah.. Sige, mamulubi s’ya sa mga oorderin ko!” inis na bulong ni Cha.
Umorder si Cha ng maraming pagkain at napansin kong puro mamahalin ang in-order nito. Halos mapayuko ako sa hiya sa ginagawa ni Cha pero wala akong magawa. Nakikita ko naman si Eunice na walang pakialam at sumasang-ayon lang sa mga ino-order ni Cha sa waiter. Kahit ang waiter na kumukuha ng aming order ay nagtataka sa dami ng in-order ni Cha.
Dumating ang aming mga pagkain at nagsimula na din akong mamoblema kung paano namin ito uubusin.
“Ok na ba ’yan sa inyo? Kaya n’yo ba ubusin ’yan?” tanong ni Eunice.
“Hahahaha! Hindi pa nga kami nakakaorder ng dessert eh. Sabi mo naman sagot mo ’di ba? Kaya go lang kami! Ok lang naman sa’yo ’di ba?” pang-aasar ni Cha.
Mukhang hindi naman tumatalab ito kay Eunice dahil nakangiti lamang ito.
“Nope. Go lang sa pag-order. No biggie.” nakangiti nitong baling kay Cha.
Umismid lamang dito si Cha. Haay! Bratinela talaga.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay umorder na din si Eunice ng kanyang inumin. Tahimik lamang itong nagte-text at kung minsan naman ay ngumingiti. Minsan ay may kausap ito sa phone at lumalayo ito sa amin sa tuwing ginagawa n’ya ito. Kung sabagay, privacy nga naman.
Madilim na ang paligid dahil gabi na rin at ilang minuto pa ang lumipas ay um-order pa si Eunice ng alak. Napansin kong hindi lamang ito iisa at inilagay ito sa tapat namin ni Cha.
“Ahm.. Eunice, hindi kami iinom.” wika ko dito.
“C’mon Tom. Isa lang naman. And besides, kailangan mo ’yan.” nakangiti nitong wika.
“Po?” tanong ko dito pero hindi n’ya ako sinagot.
“Charm? Pwede mo ba akong samahan sa powder room? I think kailangan natin mag-retouch. Medyo tipsy na din ako eh, marami na din ang nainom ko.” baling nito kay Cha.
“Ha? Bakit? Maliligaw ka ba papunta dun? Saka hindi ko na kailangan mag-retouch, maganda pa rin ako kahit hindi maligo ng tatlong ar––” putol na wika ni Cha dahil hinila na ito ni Eunice.
“Babalik agad kami Tom. Good luck!” nakangiti nitong wika sa akin.
Naguluhan naman ako dito pero ipinagkibit-balikat ko na lang. Naririnig ko pang nagrereklamo dito si Cha pero patuloy pa rin s’yang hinihila ni Eunice. Nakita ko ding kinausap ni Eunice ang waiter na humahawak sa table namin pero hindi ko madinig ang sinabi nito dahil malayo sila sa kinauupuan ko. Tumango-tango lamang ang waiter dito.
Ilang minuto matapos nilang makaalis ay ipinagpatuloy ko na ang aking pagkain. Problemado pa rin ako kung paano namin ito uubusin ni Cha. Inubos ko na lamang ang nasa plato ko at prenteng umupo habang hinihintay ang dalawang babae na dumating.
“Sir, this is the table reserved for Ms. Eunice. Please have a seat. Paki-antay na lang daw po s’ya, may pinuntahan lang.” dinig kong wika sa likod ko.
“Ok, thank you.” sagot naman ng pamilyar na boses sa kausap n’ya.
Hindi ako tumingin sa pinanggalingan ng mga tinig na ’yon. Nakita ko na lamang na may taong naglakad sa gilid ng inuupuan ko at pumunta sa harapan ng mesang kinakainan namin. Inangat ko paunti-unti ang aking paningin at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sinong tao ang kaharap ko ngayon.
“S-sir X-xander…” mahinang sambit ko.
Hindi naman ito tumugon at seryoso lang akong tiningnan. Sumunod itong umupo at ngayon ay magkaharap na kami. Saglit kaming nagkatinginan nang walang sinasambit na kahit anong salita.
“Sir? May I offer you a drink?” pagputol sa amin ng waiter.
“Ahm.. Scotch whiskey please, straight.” sagot dito ni Sir Xander.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang mga oras na ’to. Nanigas ako sa aking kinauupuan at tila hindi ko alam ang gagawin.
Matapos nitong um-order ay dinukot nito ang kanyang cellphone at nakita ko ang pagkairita sa kanyang mukha habang nagte-text. Hindi ko maiwasang masaktan sa ikinilos nito. Marahil ay hindi nito gusto na makita ako kaya ganito ang reaksyon n’ya.
Nagsisimula nanaman akong makaramdam ng pananakit ng dibdib dahil dito. Gusto kong umiyak dahil ang taong minamahal ko ay hindi gustong makita ang kagaya ko. Sabi ko na nga ba at galit ito sa akin. Bakit ba kasi minahal ko pa ’to? Nasasaktan lang tuloy ako sa tuwing makikita ko ito at malamig ang pakikitungo sa akin.
Para makahinga ako dahil sa pangyayaring ito ay ininom ko na lang ng walang alinlangan ang ibinigay na alak kanina ni Eunice sa akin. Hindi ko alintana ang pait at init nito sa lalamunan. Nagawa kong ubusin ito sa isang inuman lang.
Hindi ako tumitingin kay Sir Xander kahit ramdam kong tinitingnan ako nito. Salamat sa alak na nainom ko dahil napigilan yata nito ang nagbabadyang patak ng mga luha ko kanina.
Katahimikan pa rin ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Hindi ko s’ya magawang tingnan dahil alam kong ’pag ginawa ko ’yon ay makikita ko lamang muli ang malamig nitong mga tingin. Masasaktan nanaman ako.
“Here’s your another round Sir.” wika ng waiter sa akin.
Binigyan pala ako muli nito ng alak na pareho ng ininom ko kanina. Nagtaka naman ako dahil hindi naman ako um-order. Pero maganda na rin ito para hindi naman ako mukhang tuod dito sa harap ni Sir Xander.
Ininom kong muli ito at ibinaling muli sa iba ang aking tingin. Ramdam kong nakatingin lang sa akin si Sir Xander pero hindi ko ito masuklian ng tingin dahil sa kaba at hindi makontrol na kabog ng dibdib ko.
“Nasaan si Eunice?” biglang tanong ni Sir Xander.
Nakaalis na ang waiter kaya alam kong ako lang ang tanging kausap nito. Sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil ito ang kauna-unahang beses na kausapin ako nito mula nang iwasan ako nito isang buwan na ang nakakalipas.
“N-nagpunta lang po sa p-powder room.” sagot ko dito pero hindi ko pa rin tinitingnan.
Hindi na muli itong nagsalita matapos kong sagutin iyon. Kahit pala ang hanapin lang sa akin ang taong nagpapasaya dito ay napakasakit pa rin.
Dumating muli ang waiter at naglagay nanaman ng alak sa harap ko. Gaya ng una ay ininom ko agad ito. Ganun pa rin, tahimik pa rin kaming dalawa habang parehong umiinom.
Nakailang balik ang waiter sa mesa namin at nakailang beses din ako nitong binigyan ng alak na agad ko ring iniinom. Hindi pa rin nakakabalik hanggang ngayon sina Eunice at Charm. Nasaan na kaya ang mga ’yon?
XANDER POV
Nasa harap ko ngayon ang taong gustong-gusto ko nang makasama sa mahabang panahon. Miss na miss ko na ang taong ito. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng aming pag-uusap dahil sa loob ng isang buwan ay ngayon ko na lamang ito muling nakaharap. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mga oras na ’to.
Pumunta ako sa restaurant na ito dahil kanina pa ako kinukulit ni Eunice na pumunta daw ako rito. Sinabi kong marami pa akong dapat gawin ngunit nagbanta ito na ’pag hindi ako nagpunta ay pupuntahan n’ya ako sa restaurant ko para doon ako kulitin. Wala akong nagawa dahil alam kong gagawin talaga n’ya ang bagay na ’yon pag nagmatigas pa ako. Lalo lamang akong hindi makakapag-concentrate sa trabaho.
Bumalik na din ako dito sa Alabang branch ko dahil gusto ko na din makita ang isang tao na matagal kong iniwasan. Pero pagdating ko sa restaurant ay nadismaya lamang ako dahil wala pala ito roon dahil restday pala nito.
Nang makarating ako dito sa sinasabi ni Eunice na pagtatagpuan namin ay nagulat ako sa naabutan kong tao na nakaupo rin sa mesang iyon. Halos mahulog ang puso ko nang makita ko si Tom kaya hindi ko magawang magsalita.
Tinitingnan ko lamang ito habang sa iba n’ya itinutuon ang kanyang paningin. Nakikita kong malungkot ito sa mga oras na ’to at ibayong pag-aalala ang namamayani sa akin. Gusto ko s’yang tanungin pero hindi ko magawa dahil nawawalan ako ng lakas ng loob na gawin iyon. Wala na rin dito ang ngiting una kong napansin sa kanya. Ang ngiting nagpabihag sa akin.
Alam kong hindi rin ito komportable na makita ako dahil ramdam kong kabado rin ito na makaharap ako. Bawat inom n’ya ng alak ay tinitingnan ko lamang ito. Alam ko ring umeepekto na ang tama ng alak sa kanya dahil pumupungay na ang mga mata nito.
“Hang tagal naman nila Cha at Eunish! Waiter! Bigyan mo pa nga ako ng isha…” wika nito na halos nabubulol na.
Binigyan naman ito muli ng waiter. Pero akmang iinumin n’ya itong muli ay pinigilan ko na ito.
“Tama na. Lasing ka na.” wika ko dito.
Tiningnan ako nito habang namumungay na ang mga mata. Hawak ko ang kanyang kamay para pigilan ang kanyang pag-inom. Ngumisi naman ito bigla.
“Sha wakash pinanshin mo din ako.” wika nito sa akin.
Putek! Bakit ba nanghihina ako sa mga tingin nito ngayon?!
“Hang tagal na Shir.. Hang tagal na…” wika pa nitong muli.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Hano bang kashalanan ko sha ’yo?” tanong nito sa akin.
Hindi muli ako nakaimik.
“Ha Shir? May nagawa ba akong mali? Bakit mo ba sha akin ginagawa ’to?” tanong nito sa akin.
Lasing na s’ya dahil nagagawa na nito akong tingnan sa mga mata. Mabuti na lamang at walang masyadong tao dito sa restaurant na ito kaya hindi maririnig ang aming pag-uusap. Malayo rin kasi ang pagitan namin sa ibang table na may customer.
Nakaramdam naman ako ng ibayong lungkot nang makita ko ang kalungkutan nito sa mga mata.
“Hindi mo ba alam na ang shakit-shakit ng ginagawa mo sha ’ken? Araw-araw iniiship ko kung bakit mo ako ginaganito? Dahil ba sha ayaw mo sha kagaya ko? Dahil ba na-realize mo na hindi ka dapat nakikishama sha mga kagaya ko? Shana Shir binigyan mo naman ako ng dahilan… Kashi matatanggap ko naman kahit anong dahilan mo, basta nanggaling sha ’yo. Kahit ano Shir… Kahit ano… ’Wag lang ’yung ganito..” at tuluyan na itong umiyak.
Yumuko ito sa mesa habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Doon na ako bumigay. Ibayong pagsisisi ang naramdaman ko nang sabihin n’ya ang mga salitang ’yon.
‘F*ck! Paano ko nagawang saktan si Tom ng ganito?’
tanong ko sa aking isip.
“Tom, let’s go. Lasing ka na. Ihahatid na kita.” yaya ko dito.
Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan namin ang bagay na ito. Hindi naman ito tumugon kaya kinuha ko na ang bill mula sa waiter at binayaran agad.
Akay-akay ko ito papunta sa aking kotse para ihatid. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak at pagsasalita.
“Bakit Shir? Hang shakit-shakit kashi!” paulit-ulit nitong sambit.
Hindi ko pa rin magawang sumagot dahil sa guilt.
Pagkarating kotse ay pinaupo ko agad ito sa passenger’s seat sa tabi ko. Mukhang nakatulog ito dahil nakapikit na at tumahimik din sa kakasalita. Sinuotan ko din ito ng seatbelt dahil alam kong lasing ito at baka kung anong mangyari dito.
Pagkaupo ko para sana paandarin na ang sasakyan ay bigla naman nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Tiningnan ko muna ito at nakita kong si Eunice ang nagtext.
’It’s your chance Xander! Na-miss mo na s’ya ‘di ba?’ text nito sa akin.
Luminga-linga ako sa labas mula dito sa aking kotse at nakita ko si Eunice at Charm na nasa labas ng restaurant na pinanggalingan namin. Agad ko itong tinawagan na sinagot n’ya rin agad.
“Bayaran mo sa akin ang kinain n’yo doon sa loob ah?! Ang laki ng bill n’yo, dalawang alak lang order ko 15,000 na ang binayaran ko?!” sumbat ko dito.
“Eh si Charm ’yung order ng order eh! Saka okey na ’yan! Kasama mo naman na si Tom oh! Kulang pa nga ’yun na bayad mo sa amin eh!” sumbat nito pabalik.
Nakita ko si Charm na kinuha ang cellphone kay Eunice at kinausap ako.
“Sir, ’wag mo muna iuwi ’yan si bessy ha? May sakit kasi ang Mama n’ya kaya ’pag nakita n’yang ganyan si Tom baka mag-alala ’yon.” pakiusap ni Charm.
“Eh saan ko naman dadalhin ’to?” alala kong tanong.
“Edi sa condo mo muna! Sir naman,matalino kang tao pero hindi mo naisip ’yun?” sarkastiko pa nitong sagot.
“Ewan ko sa inyo! Magsama kayong dalawa, parehong baliw!” wika ko dito at binabaan ko agad ng tawag.
Nakita ko pa silang nagtawanan.
Pinaandar ko na agad ang sasakyan at nagdrive nang hindi alam ang patutunguhan. Matagal ang naging byahe ko at nakita ko ang aking sarili na inihinto ang kotse sa isang lugar na pinupuntahan ko sa tuwing gusto kong makapag-isip.
Nasa mataas na lugar ito sa Antipolo na makikita mo ang kabuuan ng lugar kapag narito ka sa taas. Tahimik dito at maganda sa gabi. Maraming puno at halaman sa paligid. Tanging mga ilaw mula sa baba ang makikita mo. Malamig ang hangin at napaka-presko.
Pagkarating namin doon ay pinagmasdan ko si Tom. Nasa loob lang kami ng kotse at tinititigan ko ang maamo nitong mukha. Marahil dahil sa mahabang byahe ay nakapagpahinga na ito at unti-unti nitong minulat ang kanyang mga mata. Mukhang bumaba na rin ang tama ng alak dito dahil pagmulat nito ay nagsimula nanaman ako nitong sumbatan.
“Ano bang naging kasalanan ko sa’yo Sir? Pinapahirapan mo ako sa pag-iisip dahil wala talaga akong idea. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa akin na araw-araw kitang nakikita pero hindi mo man lang ako matapunan ng tingin? At araw-araw kong hinihiling sa bawat pagpasok ko sa trabaho na sana pansinin mo na ako?” medyo tuwid na nitong wika sa akin.
Nagsimula nanaman maglandas ang kanyang mga luha pababa sa kanyang mga pisngi. Gusto ko s’yang hawakan at gusto kong pahiran ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakatingin lamang ako sa kanya habang sinasabi n’ya ang mga katagang ’yon.
“Para akong tanga Sir alam mo ba ’yon? Ayaw mo ba akong kasama? Nakakahiya ba ako? Hindi mo ba gusto na may taong kagaya ko na makalapit sa’yo?!” malakas nitong pagkakasabi sa pagitan ng pag-iyak.
‘Hindi. Gusto kitang makasama araw-araw kung alam mo lang.’
sagot ko ngunit hindi ko maisatinig.
Bahagya itong natawa kahit patuloy itong umiiyak.
“Hahaha! Siguro nga po ganun ang dahilan. ’Yun na lang po ang iisipin ko dahil mukhang wala naman akong makukuhang sagot sa inyo.” wika nito.
Pinunasan nito ang kanyang mga luha ngunit may mga kumakawala pa rin dito na hindi n’ya mapigilan. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nasasaktan akong nakikita s’yang nasasaktan.
Ipinagpatuloy nito ang kanyang pagsasalita matapos ang ilang minutong katahimikan. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha. Huminga ito ng malalim habang nakatingin sa harapan. Ngumiti rin ito na hindi kagaya ng dati n’yang mga ngiti. Ngiting nasasaktan ang nakikita ko ngayon sa kanya.
“Hayaan n’yo po Sir. Hindi na lang po ako lalapit kahit kailan sa inyo. Mali din naman po kasi ako eh. Bakit ko ba inilalapit ang sarili ko sa inyo eh boss ko nga kayo at empleyado n’yo lang ako. Pasensya na po. Hinding-hindi na ako lalapit kahit kailan sa inyo. Matapos lang po ang kontrata ko, mapapanatag na din po kayo. Ilang buwan na lang din naman po kaya sana matagalan n’yo pa po ang makita ako. Pagkatapos po ng kontrata ko, magiging malaya na din po tayong pareho. Pasensya na po ulit.” mahabang wika nito.
Dito na ako natauhan.
Hindi. Hindi s’ya dapat lumayo. Ilang buwan na lang? Tapos ano? Hindi ko na s’ya makikita? Ano ba ’tong ginagawa ko?!
“Mukhang malayo po itong lugar na ito Sir. Pero hindi naman po siguro ako maliligaw. Mauna na po ako. Salamat po sa oras dahil nagawa kong sabihin ang mga gusto kong sabihin sa inyo. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi.” bigla nitong wika.
Tinanggal nito nag kanyang seatbelt.
“Sige po Sir Xander. Sa pagbaba ko dito, ilalagay ko na sa tama ang lahat. Boss ko kayo at empleyado n’yo lang ako. Walang namagitan sa atin kahit na pagkakaibigan. Salamat po sa lahat Sir.” wika ulit nito nang hindi man lang ako tinitingnan. Tanging sa harap lang ang tingin nito.
Akmang bubuksan nito ang pintuan ng aking kotse nang bigla ko itong pigilan. Hinawakan ko ito sa kanyang braso at hinila paharap sa akin.
Nagtataka ang mga mata n’yang nakatingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin. Agad ko s’yang hinawakan ng dalawa kong kamay sa magkabila n’yang pisngi.
Napapikit ako nang agaran ko itong halikan sa kanyang mga labi. Dama ko ang init sa pagkakadikit ng aming mga labi.
‘Sa pangalawang pagkakataon, nahalikan ko ang taong hindi ko kayang mawala. Ang taong pinili ng puso kong mahalin.’
Hindi ito nakagalaw at alam kong nabigla ito sa aking ginawa.
Pagkabitaw ko dito ay nakita ko ang nanlalaki nitong mga mata dahil sa gulat sa pangyayari.
“Please Tom… Please Sir Tom… Dito ka lang… ’Wag mo akong iiwan… Hindi ko kakayanin… Mahal na mahal kita. Dito ka lang..” paulit-ulit kong pakiusap.
Hawak ko pa rin ang kanyang mga pisngi habang nagsisilabasan ang mga luha kong ngayon lamang ulit nangyari sa mahabang panahon. Ngayon lang ulit nangyari dahil ngayon lang ulit ako nakaramdam ng takot na may mawawala sa akin na napaka-importanteng tao.
“Please Sir Tom? Dito ka lang…..” muli kong pakiusap sa kanya habang umiiyak at nakatitig sa kanyang magagandang mga mata.
A/N
Hohoho! kamusta po ang chapter na ’to guys? comment naman po d’yan! Feel you next chapter readers! Ingat!!
––cold_deee
chapter 14 - ice cream cake
A/N
Hello readers! Continuation po ito ng mga nangyari sa pagitan nina Tom at Xander. Hindi kasi ako naka-move on sa last chapter.
Dedicated ’tong chapter na ’to kay
Msbrokenharted
na patuloy sa pag-vote sa story ko. Salamat ng marami! Talaga bang broken hearted ka po? Chismosa lang ako ’di ba?! Hahaha! Ok lang ’yan! Sarap maging single! Enjoy lang natin! hehe!
Enjoy reading po sa chapter 14!
––> si Tom po sa media.
TOM POV
“Please Tom… Please Sir Tom… Dito ka lang… ’Wag mo akong iiwan… Hindi ko kakayanin… Mahal na mahal kita. Dito ka lang..” wika ni Sir Xander habang hawak n’ya ako sa magkabilang pisngi at nagsimula na ring bumagsak ang mga luha sa mga mata nito.
Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa pagkabigla.
“Please Sir Tom? Dito ka lang…..” dagdag pa niya.
Ngayon ko lamang nakita na ganito kahina ang kilala kong boss ko. Lagi itong confident sa lahat ng kanyang bawat galaw.
Hindi ko pa rin magawang makapag-react sa mga nangyayari. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang magkalapit ang aming mga mukha.
“’Wag kang umalis sa tabi ko.. Ayokong may magbago.. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap sa akin na hindi tayo nag-uusap… Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan na makita kang umiiyak.. Hindi ko sinasadya… ’wag kang umalis…” paulit-ulit nitong pakiusap sa pagitan ng pag-iyak.
“S-sir..” tangi kong sambit.
“Alam ko naman mali ako Tom.. Pero hindi ko naman akalain na aabot sa ganito… Hindi mo lang alam kung paano mo binago ang mundo ko.. Marami kang binago sa pagkatao ko.. Hindi bago sa akin ang magmahal.. Pero sa kagaya mo, hindi ko alam kung paano sisimulan.. Tom… sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon.. Isa lang.. Isa lang ang hinihingi ko.. Isang pagkakataon lang… Pakiusap.. Mahal kita Tom.. Mahal kita…” mahabang litanya nito.
Dito na ako nagkaroon ng lakas ng loob na gumalaw. Inangat ko ang mga kamay ko at ipinatong sa mga kamay n’yang nakahawak sa mga pisngi ko.
Ibayong saya ang nararamdaman ko nang sabihin ni Sir Xander ang mga salitang ’yon. Sumilay ang mga ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung ano ang mga salitang dapat kong sabihin.
Muling naglandas ang mga luha sa aking mga mata. Ngunit kung noong una ay luha ito ng kalungkutan, ngayon ay luha na ito ng nag-uumapaw na kasiyahan.
Tumango-tango lamang ako habang nakangiti bilang sagot sa kanyang pakiusap. Nakita kong nanlaki ang mga mata nito at kasunod noon ay ngumiti ito ng ngiting ngayon ko lamang muling nasilayan.
Niyakap ako nito bigla at nagsalita ng mahina.
“Salamat Tom.. Salamat..” wika nito.
Napangiti ako at ginantihan ang kanyang mga yakap.
Hindi ko ma-explain ang sayang nararamdman ko sa mga oras na ito. Hindi ko akalain na sa ganitong pagkakataon kami magkakaayos. Tila nagliwanag ang mundo ko sa mga pangyayari.
Ilang sandali ay nagbitaw kami sa aming mahigpit na pagkakayakap. Agad n’yang inabot ang aking mga mukha at pinunasan ang aking mga luha.
“’Wag ka nang umiyak, ang pangit mo ’pag umiiyak.” wika n’yang natatawa pa.
Inabot ko rin ang kanyang mga pisngi at pinunasan din ang kanyang mga luha.
“Ikaw kaya ’yun Sir Xander. Tingnan mo nga sa salamin, mas pangit ka umiyak.” ganti ko naman sa kanya.
Sabay naman kaming natawa sa aming mga sinabi.
“Tara na nga. Masyado na tayong madrama. ’Wag ka na ulit magtatangkang lumabas dito nang walang permiso ko ha?! Kundi itatali talaga kita d’yan sa upuan mo!” banta nito sa akin.
Bahagya naman akong natawa.
“Yes Sir!” sagot ko dito.
“Good.” wika naman nito.
Sinimulan na nitong paandarin ang kanyang sasakyan at tinungo ang daan pabalik.
Mahaba ang aming naging byahe ngunit hindi namin iyon alintana dahil panay lang ang kulitan namin sa sasakyan. Kahit medyo nahihilo pa ako dahil sa mga nainom ko ay hindi ko iyon pinansin. Masaya ako sa mga pangyayari.
Akala ko ay ihahatid ako nito sa aming bahay ngunit nagulat ako nang i-park nito ang kanyang sasakyan sa tinutuluyan nitong condo building. Narito kami sa parking lot at pinatay n’ya na rin ang makina ng kanyang kotse.
“Sir? Uuwi na po ako.” wika ko dito.
“Hindi. Nakausap ko na si Charm at sinabi n’yang dito ka tutuloy. Don’t worry, may mga extra naman akong damit na maisusuot mo kaya wala ka nang magiging problema.” nakangiti nitong wika.
“Pero Sir…” tangka kong pagtanggi dito.
“Wala nang pero-pero. Alam mo ba kung anong oras na? Madaling araw na. Gusto mo bang lalong mag-alala si Mama dahil umuwi ka ng late at nakainom pa? Si Charm na ang bahala magpaliwanag kay Mama kaya ’wag ka na tumutol pa. Dito ka tutuloy sa ayaw at sa gusto mo.” mahaba naman nitong wika.
Natawa naman ako dahil sa pagtawag n’ya ng Mama sa aking ina.
“Anong tinatawa-tawa mo d’yan?!” naiinis nitong tanong.
“Wala. Bakit kasi nakiki-Mama ka sa Mama ko? Eh may sarili ka naman Mama?” natatawa kong tanong dito.
“Mama ko na rin si Mama Lita kaya wala ka nang magagawa. Wala ka na din kawala dahil simula ngayon babakuran na kita. Akin ka lang, tandaan mo ’yan Tom!” wika nito ng seryoso.
Bigla naman akong napatigil at napaisip sa mga sinabi nito. Bakit n’ya sasabihing babakuran n’ya ako? Wala naman naging malinaw na usapan sa aming dalawa na kami na.
“Oh? Bakit bigla kang natahimik d’yan?” pagputol nito sa aking pag-iisip.
Tiningnan ko s’ya ng seryoso. Gusto kong maging malinaw ang lahat. Ayaw kong mag-assume ako sa isang bagay na walang linaw. Ayaw kong may mga pagsisihan sa huli dahil lang sa mali ang naging interpretasyon ko.
“Sir?” pagtawag ko dito.
“Hhmmm?” tangi n’yang sambit ng nakangiti at naghihintay ng susunod kong itatanong.
“Tayo ba? May napag-usapan ba tayong magiging official na tayo?” tanong ko dito.
Bigla naman nawala ang ngiti nito sa kanyang mga labi. Tinitigan ako nito ng seryoso. Ako naman ay naghihintay ng sagot mula rito.
Tinanggal n’ya ang kanyang seatbelt at padabog na bumaba ng kotse. Pinagmamasdan ko lamang s’ya na tinungo ang pintuan ng kanyang kotse kung saan ako nakaupo. Binuksan n’ya ito nang hindi ako tinitingnan.
“Baba.” tangi nitong wika.
Nagtaka naman ako sa biglang ikinilos nito.
“Sabi ko baba.” malamig muli nitong sambit at tiningnan na ako sa mata.
Ako naman ay nakatingala sa kanya habang inuutusan akong bumaba mula sa kanyang kotse. May nasabi nanaman ba akong mali? Bakit ganito nanaman ako nito itrato?
Dahan-dahan naman akong bumaba mula sa kanyang kotse at tumayo sa labas. Malakas n’yang sinarado ang pintuan n’yon at ni-lock. Umalis s’ya sa harapan ko at mukhang tutunguhin n’ya ang elevator para umakyat na sa kanyang unit. Iniwan n’ya ako sa kinatatayuan ko nang wala man lamang kahit isang salita.
Naguluhan nanaman ako. Bakit bigla nanaman ang naging pagbabago nito? Nagsimula nanaman ako makaramdam ng sakit dahil sa ipinapakita n’ya.
Sa halip na magtanong sa kanya ay pinili kong tumalikod na lamang sa kanya habang s’ya ay palayo. Inihakbang ko ang aking mga paa palayo sa kanya. Nagsimula nanaman tumulo ang aking mga luha. Nagdesisyon na lamang akong umuwi sa aming bahay dahil sa inakto nito. Akala ko ay ayos na ang lahat, hindi pa pala.
“Saan ka pupunta?!!” biglang sigaw nito.
Nagulat naman ako sa lakas ng sigaw nito. Bahagya pa akong napapitlag kaya napatigil din ako sa paglalakad.
“U-uuwi na po ako.” utal kong sagot dito ngunit hindi ko pa rin ito hinaharap. Ayaw kong makita n’yang umiiyak ako.
Hindi ako nito sinagot kaya nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay nagulat nanaman ako dahil bigla na lamang may humawak sa kamay ko at pwersahan akong hinila pabalik sa pwesto ko kanina.
Nagulat akong hawak ni Sir Xander ang kamay ko at halos kaladkarin ako nito patungo sa elevator. Hindi ito nagsasalita habang mahigpit na hawak ang mga kamay ko. Nakikita kong salubong ang mga kilay nito na hindi ko alam ang dahilan. Wala akong nagawa kundi ang magpadala na lamang sa paghila n’ya sa akin.
Narating namin ang elevator at agad din kaming nakapasok. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ko kahit nang pindutin n’ya ang button kung saang floor naroon ang kanyang unit.
Tahimik kami sa loob ng elevator at tanging mabilis na paghinga n’ya ang naririnig ko. Ako naman ay tahimik lamang habang patuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.
Narating namin ang floor kung nasaan ang kanyang unit. Hinila nanaman ako nito palabas. Binuksan n’ya ang kanyang pinto at isinara pagkapasok namin. Doon n’ya na lamang binitawan ang aking kamay.
Nakatalikod ito ngayon sa akin at ako naman ay nanatiling nakatayo sa likod ng pinto. Katahimikan ang bumalot sa amin. Nakapamewang ito ng isang kamay at ang isa naman ay tila inihihilamos sa mukha. Kung titingnan s’ya sa mga oras na ito ay tila frustrated ang inaakto nito.
Humarap ito sa akin ng walang kahit isang salitang binibigkas. Tiningnan ko lamang ito sa kanyang mga mata. Alam kong galit s’ya kaya lalong nag-unahan ang mga luha ko sa pagbagsak.
Nagulat ako nang kumilos ito patungo sa akin at dahan-dahan akong niyakap. Dahil sa ginawa n’ya ay mas lalo akong napaiyak, humagulgol na ako sa pagkakataong iyon. Hindi ko din napigilan ang aking sarili na yakapin din ito ng mahigpit habang umiiyak.
“Ssshhhh…. ’Di ba sabi ko sa’yo ayaw kong nakikita kang umiiyak? Nasasaktan ako ’pag nakikita kang nasasaktan.” malambing nitong wika habang hinahagod ang aking likod. Mahinahon na ito ngayon.
“M-may mali nanaman ba akong nasabi Sir? S-sorry na po…” paghingi ko ng tawad dito sa pagitan ng pag-iyak.
Bumitaw ito sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Huminga ito ng malalim habang nakatingin sa akin.
“You’re hopeless.” wika nito.
“P-po?” taka kong tanong dito.
Bahagya itong tumawa ngunit hindi pa rin ako nito binibitawan.
“Ano bang gusto mong gawin ko para lang pumasok d’yan sa kokote mo na nasa ibang stage na tayo?” tanong nito sa akin habang nakangiti.
“H-hindi ko po maintindihan..” tapat kong sagot dito.
Hindi na ito nagsalita at nanatili na lamang na nakatitig sa akin. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Inangat n’ya ang kanyang mga palad at inabot ang aking mga pisngi. Paulit-ulit n’yang banayad na hinahaplos ang aking mukha. Inilapit n’ya din ang kanyang mukha sa akin. Bahagya itong yumuko para magpantay ang aming paningin, mas matangkad kasi s’ya sa akin.
“Mahal kita Tom. Hindi ko alam kung kailan nagsimula at wala na akong balak pang alamin. Basta ang alam ko masaya ako ’pag kasama kita. Hindi naman ako mapakali ’pag wala ka. Para akong masisiraan ng bait. Para akong tumakbo ng ilang kilometro ’pag katabi kita dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Isa ka sa kumukumpleto sa araw ko. Ayaw kong aalis ka sa tabi ko. Bago sa akin ang bagay na ito at alam kong ganoon din sa’yo. Gusto ko lang malaman Tom…. handa ka bang sumugal sa relasyong ito kasama ko?” mahabang litanya nito.
Unti-unti akong napangiti sa litanya nito. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nasusuklian ang pagmamahal mo ng isang tao. Gusto kong maranasan ang mahalin pabalik ni Sir Xander.
Biglang nawala ang ngiti sa aking labi dahil may naalala ako.
“Sir? P-paano po pala si Eunice? ’D-di ba girlfriend mo s’ya?” tanong ko dito.
Bahagya itong natawa sa tanong ko na ipinagtaka ko.
“Walang kami ni Eunice. Baliw talaga ang babaeng ’yun. S’ya nga ang gumawa ng paraan para magkaayos tayo. Pinabayaran pa sa akin ang mga kinain n’yo kanina na pagkarami-rami. Pero wala na akong pakialam doon. Ang importante kasama na kita ngayon.” nakangiti nitong saad.
Ngumiti din ako pabalik sa kanya. S’ya pa rin ang sumunod na nagsalita.
“Ngayon gusto kong malaman Tom kung handa ka na bang sumugal kasama ako?” tanong muli nito.
Muli akong ngumiti sa kanya at tumango. Muli kong nasilayan ang ngiti ng lalaking minamahal ko.
Susugal ako sa bagay na ito. Masaktan man ako sa hinaharap, alam kong wala naman akong pagsisisihan dahil minahal ko s’ya. Ito ang unang pagkakataon na papasok ako sa isang relasyon kaya lahat ng bagay ay bago at handa ko iyon harapin.
Matapos ang sandaling iyon ay naramdaman ko na lamang ang mahigpit nitong yakap. Ang sarap sa pakiramdam na yakap ka ng taong nagpapasaya sa ’yo. Ginantihan ko rin ang yakap na ’yon.
Matapos bumitiw ay tuwid ako nitong tinitigan. Unti-unti n’yang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naramdaman ko na lamang ang mainit nitong mga labi sa aking mga labi.
Ganito pala kasarap sa pakiramdam ang bagay na iyon. Parang magical dahil tila nagliwanag ang buong paligid. Ayaw ko nang matapos ang sandaling ito. Parang hinuhukay ang aking sikmura dahil sa halik na iyon. Ibayong saya ang nararamdaman ko. Ito ang halik na gusto kong maranasan.
Pero bigla nanaman akong may naalala sa halik n’yang iyon. Tila ba pamilyar ang pakiramdam habang magkalapat ang aming mga labi. Naaamoy ko din mula sa kanya ang pamilyar na pabango.
Alam kong naramdaman ni Sir Xander ang pagkabigla ko kaya bumitaw din ito na may pagtatanong sa kanyang mga mata.
“Sir? Parang… parang pamilyar ang lahat… Kilala ko rin ’yung amoy na ’to.. ’Y-yung pabango n’yo..” inosente kong wika.
Natawa ito sa akin. Dumistansya din ito sa akin at mga isang metro na ang layo namin sa isa’t-isa dahilan para tuluyan kaming maghiwalay.
“Alam mo bang pangatlong beses na kitang nahalikan Tom?” natatawa nitong tanong.
“Pangatlo? Eh ’di ba kanina mo lang ako h-hinalikan? P-pangalawa pa lang ’di ba?” tanong kong muli.
“Hahahaha! ang slow mo talaga Tom! Hindi mo ba naisip kung bakit pamilyar ang halik ko?” tanong n’ya naman sa akin.
Tumango naman ako habang nagtataka sa tanong nito. Nagpatuloy naman ito.
“Ako ’yung kasama mo sa CR sa The Fort. Ako ang nagpatay ng ilaw doon at ako din ang humalik sa’yo non.” nakangiti nitong paliwanag at kinindatan pa ako.
Bakit ba ang gwapo nito?
Nabigla rin ako sa naging rebelasyon nito. Kung ganon, tama nga si Cha sa hinala nito.
“Hindi ko na kasi matiis eh. Ang hot mong sumayaw non. Pero hindi ko gusto ang ginawa mo doon. Sino bang nagsabi na dapat pang punitin o hubarin ang damit mo nung nagsasayaw ka? Kailangan pa bang gawin ’yun?! Exposed na exposed ang katawan mo! Kung kani-kanino mo lang ba ipapakita ’yan?!” naiinis nitong paliwanag.
Natawa naman ako sa naging pahayag nito.
“Sir? Possessive lang?” natatawa kong tanong dito.
“Oo! Bakit mo pa kasi kailangang gawin ’yun?!” mataas na tonong pagtatanong muli nito.
Ewan ko pero parang kiniliti ako sa kilig nang inamin n’yang possessive s’ya sa akin.
“Si Mam Shai po. Mas maganda daw po ’yun para hindi na alisin ng audience ’yung tingin nila. Nakakadagdag daw po ng gana ’yon sa mga manonood.” nakangiti kong sagot dito.
“Wala talagang maisip na matino ang babaeng ’yon! Tandaan mo ito Tom, iyon na ang una at huli na gagawin mo ’yon! Hanggat kasama kita, wala kang papakitaan ng katawan mo!” utos nito sa akin habang dinuduro pa ako.
“Pero Sir hindi po ’yon ang unang beses na ginawa ko ’yon. Noong college ako kasama ako sa dance troupe ng school namin. Minsan may partner o special performance naman po ako. Tama naman po si Mam Shai na kung minsan dapat gawin din ang bagay na ’yun. Part ’yun minsan ng ikagaganda ng choreography.” paliwanag ko dito.
“Pwes ngayon hindi na! Tinatanggal ko na ang patakaran na ’yon kung sino man ang nagpauso ng bagay na ’yon! Nakakagalit eh!” malakas pa rin nitong wika.
Hindi na ako sumagot sa pagkakataong ito. Nakangiti ko itong nilapitan at niyakap sa bewang para pagaanin ang loob nito.
“Sorry na.. Promise, ’yun na ang huli.” wika ko dito habang yakap ito.
Alam kong gumaan na ang loob nito dahil ginantihan n’ya ang yakap ko. Ang sarap talaga sa pakiramdam. Narinig ko pa itong bumuntong hininga ng malalim.
“Haayy.. Hindi talaga kita kayang tiisin..” wika nito habang yakap ako.
Natawa naman ako at agad na bumitaw. Magkalapit pa rin kami at hawak ko pa rin s’ya bewang n’ya at s’ya naman ay sa mga balikat ko nakahawak.
“Ok ka na Sir? Pwede na ba tayong pumasok? Kanina pa tayo nakatayo dito eh. Nangangawit na ako.” sabi ko sa kanya habang nakangiti.
“Oo nga pala. Halika na, nagugutom ka ba? Gusto mo bang magluto muna ako para makakain ka bago matulog?” tanong nito sa akin.
“Ang dami kong nakain kanina kaya wala nang paglalagyan ang kakainin ko. Ikaw ba Sir? Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain? Sasamahan na lang kita.” alok ko dito.
“Makita lang kita busog na ako.” banat nito sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi n’ya. Inakbayan ako nito at nagsimulang maglakad patungo sa kanyang kwarto.
“Maligo na lang tayo tapos matulog na. Madaling araw na din eh” wika n’ya habang naglalakad kami.
Nagpadala na lang ako sa kanya at hindi na komontra.
Pagkarating sa kanyang silid ay tinungo nito ang kanyang cabinet at kumuha ng ilang mga damit. Kumuha rin ito ng towel at ibinigay sa akin ang mga ito.
“Maligo ka na d’yan sa CR, doon na lang ako sa CR sa kabilang kwarto. May spare toothbrush na din ako d’yan, hanapin mo lang sa cabinet sa taas.” bigay nitong instruction ng nakangiti.
Tumango lamang ako sa kanya at kinuha ang mga gamit mula sa kanya. Lumabas na din s’ya hawak ang isa pang towel. Pumasok ako agad sa loob na banyo para simulan na rin maligo. Ramdam ko ang pagod dahil sa maraming pangyayari sa araw na ito.
Matapos kong maligo ay nagbihis na ako. Napansin kong may kalakihan ang damit ni Sir Xander sa akin. Medyo loose ito dahil mas malaki nga ang pangangatawan nito kumpara sa akin.
Matapos magsuklay ay dire-direcho akong lumabas mula sa banyo. Nagulat ako sa aking naabutan. Si Sir Xander na abala sa paghahanap ng damit na maisusuot mula sa kanyang cabinet. Wala itong pang-itaas at tanging tapis lang ng tuwalya na nakapulupot sa kanyang bewang ang nasa ibabang bahagi nito.
Malapad ang katawan ni Sir Xander at alam mong gawa ’yon ng kanyang regular na pagpunta sa gym. Well formed ang kanyang mga muscles sa braso at maumbok ang kanyang dibdib. Makikita mo rin ang 6packs na abs n’ya dahil nakatagilid s’ya sa akin mula sa kinatatayuan ko. Isabay mo pa ang napaka-gwapo nitong mukha. Napalunok ako dahil sa ganda ng tanawing nakikita ko.
Putek! Dumudumi na ang isip ko! -_-
“Enjoying the view?” bigla nitong wika.
Doon ko lang napansin na nakatingin pala ito sa akin habang malaya kong pinagsasawa ang aking mga mata sa kanyang katawan. Kumindat pa ito sa akin habang nakangiti.
Dahil sa ginawa n’ya ay ramdam kong nag-init ang aking mukha at alam kong sa mga oras na ito ay pulang-pula na ako. Agad akong kumilos at bumalik sa banyo. Sinara ko rin agad ang pinto. Narinig ko pa ang malakas nitong pagtawa mula as labas ng banyo.
Ang bilis ng tibok ng puso ko at para akong aatakihin sa mga pangyayari. Tinakpan ko ang aking mukha ng aking mga kamay dahil sa labis na pagkapahiya.
Matapos ang ilang minuto ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng banyong pinasukan ko.
“Tom! Tapos na akong magbihis, pwede ka nang lumabas d’yan.” wika ni Sir Xander mula sa labas.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng banyo habang nakayuko. Hindi ko pa rin magawang tingnan s’ya ng tuwid. Nasa harapan ko s’ya ngunit hanggang dibdib lang ang nakikita ko rito at hindi ko nakikita ang kanyang mukha. Nakasando lamang ito na itim at boxer shorts.
Inangat nito ang aking mukha sa pamamagitan ng paghawak n’ya sa magkabila kong pisngi. Hinalikan n’ya ako sa aking pisngi kaya napatingin na din ako sa kanya ngayon.
“Ang cute mo mag-blush! Mas lalo akong mai-inlove sa ’yo n’yan ’pag ganyan ka.” nakangiti nitong wika.
“Nagulat lang naman ako. Bakit ba kasi dito mo pa naisipang magbihis? Hindi na lang doon sa CR sa kabila?” tanong ko rito.
“Asus! ’Wag ka na mahiya Tom. Sooner or later makikita mo rin naman ako ng walang takip ang katawan kahit tuwalya.” nakangiti nitong sambit.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n’ya. Bahagya ko ring naibuka ang aking bibig. Nag-init muli ang aking mukha at alam kong namula nanaman ako. Bakit ba kasi bumabanat ’to ng mga ganung bagay?!
Bigla na lamang itong natawa.
“Hahahahaha!! Tom!! Look at your face!! Ang pula!! Hahahaha! Ang cute talaga!!” malakas n’yang wika sa pagitan ng malakas na pagtawa.
Hindi ko magawang magsalita. Sinamaan ko lamang ito ng tingin dahil hiyang-hiya talaga ako sa mga sinasabi nito. Mukhang nakuha naman nito ang ibig kong iparating sa masamang tinging ipinupukol ko sa kanya. Agad din itong tumigil sa pagtawa at unti-unting lumapit sa akin. Niyakap ako nito at hinalikan sa ulo.
“’Wag kang mag-alala.. Hindi ko gagawin ang bagay na ’yon kung hindi ka pa handa. Saka ayaw ko rin mapahiya sa ’yo dahil hindi ko rin alam kung paano ginagawa ang bagay na ’yon. Sa babae ko pa lang naranasan ’yon. Gusto ko rin maging espesyal ang pangyayaring ’yon sa ating dalawa. A thing like that should happen in a perfect moment. Because you deserve to be treated special Tom. You are very special to me. I actually think that you are too perfect for me. Minsan nga iniisip ko, siguro naging napakabuting tao ko sa unang buhay ko kaya ngayon ibinigay Niya sa akin ang kagaya mo.” mahabang litanya nito habang nakakulong ako sa mga bisig nito.
Napangiti ako sa mga sinabi n’ya kaya ginantihan ko rin ito ng mahigpit na yakap. Nag-uumapaw na saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Bumitaw ito sa akin at hinawakan ang aking kamay.
“Halika na at matulog. Kailangan na natin magpahinga. Alam kong pagod ka sa mga nangyari sa buong araw.” yaya nito sa akin habang iginagaya ako sa kanyang kama.
“Sa kabila ba ako matutulog?” tanong ko sa kanya na tinutukoy ang isa pang kwarto dito sa kanyang condo.
“Ha?! Sinong nagsabi na doon ka matutulog? Tabi tayo.” wika nito sa akin at hinila na ako patungo sa kanyang kama.
Hindi ako nakatugon at napahinto ako sa paglalakad. Huminto rin ito dahil sa hindi ko paggalaw. Tumingin ito sa akin at ngumiti.
“’Wag kang mag-alala, magkatabi lang tayong matutulog. Wala akong gagawing hindi mo gusto.” wika nitong nakangiti.
Hindi na ako sumagot sa kanya at muli na akong naglakad. Magkahawak kamay naming tinungo ang kanyang kama. Nauna akong humiga dahil iginaya n’ya ako sa kanang pwesto ng kanyang kama. S’ya rin mismo ang naglagay ng kumot sa akin. Matapos n’yon ay s’ya naman ang umikot at tinungo ang kaliwang pwesto ng kama para humiga. Magkatabi kami na iisa ang kumot na ginagamit.
“Ayos lang bang iwan natin ang lamp shade na nakabukas Master Tom?” tanong n’ya sa akin.
Tumango lamang ako dito dahil hindi rin naman ako sanay matulog ng madilim.
Tumagilid ito paharap sa aking pwesto. Bahagyang nakaangat ang kanyang ulo na sinusuportahan ng kanyang isang kamay. Tinitigan n’ya ang aking mukha. Nakatingin lamang din ako sa kanya habang ginagawa n’ya iyon.
“Good night Master Tom. Hindi mo lang alam kung paano mo ako pinasaya ngayong araw.” nakangiti nitong sambit.
“Good night din Sir Xander. Salamat din.” tugon ko rin dito ng nakangiti.
Matapos n’yon ay hinalikan n’ya ako sa aking noo. Inangat n’ya rin ang aking ulo at ipinatong sa kanyang braso. Agad n’ya rin akong niyakap ng mahigpit.
“Payakap nga. Kahit katabi kita ngayon parang nami-miss pa rin kita.” wika nito.
Napangiti naman ako sa sinabi n’ya. Ginantihan ko rin ito ng yakap. Ito ang unang pagkakataon kong makaramdam ng ganitong saya. Pakiramdam ko ay panatag na panatag ako sa mga bisig n’ya.
“Good night ulit Master Tom. I love you.” wika ulit n’ya.
“Good night. Mahal din kita.” sagot ko dito.
“Aaww! Kinilig ako dun ah?!” sambit nito.
Natawa na lamang ako sa sinabi n’ya. Mas lalo n’ya pang hinigpitan ang pagkakayap sa akin at nakatulog na nga kami sa ganoong pwesto.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako kinabukasan nang masakit ang aking ulo. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nagtaka ako sa paligid ko. Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong hindi pamilyar ang lugar na ito.
Saglit akong nag-isip at inalala ang mga nangyari. Bigla akong napangiti nang maalalang kasama ko nga pala kahapon ang taong mahal ko. Opisyal na rin kami nitong magkarelasyon. Natulog kami ng magkatabi at may ngiti sa aming mga labi.
Tumingin ako sa aking tabi at nagulat na wala na roon si Sir Xander. Napansin ko rin na may malaking bulaklak ng isang sunflower sa aking tabi na tinutulugan kagabi ni Sir Xander. Napansin kong may maliit na sulat na naroon kaya kinuha ko ito at agad na binasa.
’Good morning Master Tom! Sunflower for you! Sana napangiti kita. Gusto ko kasi makita ang dimple ng mahal ko! I love you Master Tom!
-puso puso puso mula kay Master Xander’
Natawa ako sa nilalaman ng sulat n’ya. Medyo korny rin pala si Sir Xander.
Bumangon ako sa kama at agad na pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush muna.
Matapos n’yon ay lumabas na rin ako ng kwarto. Mula dito sa pintuan ay naaamoy ko na ang masarap na pagkain. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kusina ng condo unit ni Sir Xander. Nakita ko itong abala sa pagluluto habang sumisipol pa. Ang ganda ng gising ng taong mahal ko ah? Kung sabagay, ako din naman.
Tahimik akong lumapit dito at sinilip ang kanyang niluluto habang s’ya ay nakatalikod. Patuloy pa rin ito sa kanyang ginagawa at halatang nage-enjoy ito.
“Ang bango naman..” wika ko mula sa kanyang likuran.
“Oh sh*t!” ang gulat n’yang reaksyon.
Humarap ito sa akin kaya binigyan ko ito ng magandang ngiti.
“Good morning Master!” bati ko ditong nakangiti.
“Haay.. Ginulat mo ako!” wika nitong nakahawak pa sa dibdib.
Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha mula sa pagkagulat hanggang sa pagngiti.
“Good morning too Master! Kamusta ang tulog?” dugtong pa nitong pagbati pabalik.
Lumapit ito sa akin at ginawaran ako ng halik sa noo.
“Ayos naman. Ikaw? Maaga ka ata nagising.” wika ko naman sa kanya.
“S’yempre gusto kong pagsilbihan ang Master ko.” sagot nitong nakangiti at mahinang pinisil ako sa ilong.
Napangiti na lamang ako.
“Saglit na lang ’to kaya umupo ka na lang muna d’yan. Ano bang gusto mo? Coffee? Igagawa kita. Saglit lang.” dugtong nito habang hawak ako at pinaupo sa upuan.
“Ako na, kaya ko na ’yan. Ikaw ba nagkape na?” tanong ko sa kanya.
Akmang tatayo akong muli para ipagtimpla din ito ng kape ay pinigilan ako nito. Hawak n’ya ang balikat ko at pinaupo muli sa silya.
“D’yan ka lang Master ok? Ako na ang bahala sa lahat. Nagkape na rin ako pero magkakape ulit ako mamaya para sabayan ka.” wika nito sa akin.
Wala na akong nagawa kaya sinunod ko na lamang ito.
Makalipas ang ilang sandali ay natapos na nito ang kanyang niluluto kaya sabay na kaming kumain. Masarap ang mga inihanda nitong pagkain kaya hindi ko napigilan ang purihin ang mga ito ng ilang beses. Masaya naman s’ya at nagustuhan ko ang mga ito.
Tinanong ko pa s’ya kung bakit ang sarap n’yang magluto. Natawa naman s’ya dahil hindi naman daw s’ya siguro magiging Chef at owner ng isang restaurant kung hindi s’ya masarap magluto. Napahiya ako pero natawa rin sa huli. Nawala sa isip kong Chef nga pala s’ya.
Natapos kaming kumain at sabay na rin naming hinugasan ang mga ginamit sa kusina. Kagaya ng nangyari noong hinatid ko si Carla dito ay hindi nanaman namin naiwasang mag-asaran at magkulitan kaya matagal naming natapos iyon.
Matapos ang matagal na paghuhugas ng kagamitan ay nagpahinga kami saglit sa kanyang sofa. Akbay ako nito habang magkatabi kaming nakaupo.
“Master Tom, maligo ka na at mag-ayos. Aalis tayo.” biglang wika nito sa akin.
“Ha? Eh may pasok pa ako Sir Xander.. Pang-gabi ako ngayon.” pagtutol ko dito.
“Una sa lahat, gusto ko Master din ang tawag mo sa akin. ’Yun ang gusto kong endearment natin ok? Alam kong nababaduyan ka pero wala akong pakialam. Master kita dahil alipin mo ako, at Master mo ako dahil Chef ako. Master Chef, ganun! Naiintindihan mo?” may awtoridad nitong wika.
Natatawa ako sa naisip n’ya dahil kailangan pa talagang may endearment. Pero dahil si Sir Xander ’yan ay alam kong wala akong magagawa kundi ang sumunod na lamang. Tumango-tango na lamang ako habang natatawa bilang pagsang-ayon.
“Good. Pangalawa, tumawag na ako kay Shai na hindi ako makakapasok. Sinabi ko rin sa kanya na hindi ka rin makakapasok dahil kasama kita. ’Wag kang mag-alala, sinabi kong related ’to sa trabaho kaya wala na rin s’yang nagawa.” sabi pa n’ya.
Ipinagpatuloy ulit nito ang kanyang pagsasalita dahil derecho lamang akong nakatingin sa kanya.
“At pangatlo, ipinag-paalam ka na rin ni Charm sa Mama natin kaya wala na tayong magiging problema. Ayaw ko rin naman mag-alala si Mama Lita kaya kailangan alam n’ya kung nasaan ka.” nakangiti pa ulit nitong wika.
Natatawa talaga ako sa tuwing tatawagin nitong Mama ang Mama ko. Natutuwa akong makita ang ibang side ni Sir Xander. May pagka-makulit din pala ito at may pagkaisip-bata. Pero higit sa lahat ay likas itong malambing.
“Saan ba tayo pupunta Master?” tanong ko sa kanya.
Lumapad ang ngiti nito at ginawaran nanaman ako ng halik. Sa pagkakataong ito ay sa pisngi ko naman.
“Hindi ko mapigilan kiligin ’pag tinatawag mo akong Master.” sambit nito.
Natawa ako sa kanyang muli.
“So saan nga tayo pupunta?” tanong kong muli sa kanya habang natatawa.
“Basta! Ako ang bahala. Hindi naman tayo lalayo eh. Sa mall lang naman tayo pupunta. Wala lang, hindi pa kasi kita nakakasama maglibot kahit minsan sa mall.” wika nito at nakita ko pa itong nag-pout.
“Hahahaha! Ang cute ng Master ko!” tuwang-tuwa kong wika at pinisil ko pa ang kanyang mga pisngi.
“Mas cute ang Master ko!” balik naman nito sa akin at ginawaran naman ako ng halik sa labi.
Saglit lamang iyon pero ang lakas ng epekto sa akin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko at nag-init muli ang mukha ko.
“Oh! Kagaya n’yan! Ang cute mo ’pag nagba-blush Master! Hahahaha!” tuwang-tuwa nitong wika.
Napayuko na lamang ako dahil sa hiya. Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon dahil hindi pa rin s’ya maka-move on sa kakatawa. Ilang sandali pa ay tumigil din ito.
“Master… halika na maligo na tayo para marami tayong magawa sa mall mamaya.. Doon ka na lang ulit as kwarto ko maligo, ako naman sa kabila para mabilis tayong matapos ok?” bulong nito sa aking tenga.
Naiangat ko ang aking mukha para sana sumagot sa kanya. Pero nang magtagpo ang aming mga mata ay ginawaran nanaman ako nito ng mabilis na halik sa aking labi. Nabigla ako at nanlaki ang aking mga mata. Hinawakan ko ang isa sa mga throw pillow na naroon sa sofa na inuupuan namin.
Agad din s’yang tumayo at lumayo sa akin dahil alam n’ya na ang aking gagawin. Tumakbo ito palayo habang tawa ng tawa sa kalokohang ginawa n’ya. Narating agad nito ang kabilang kwarto kung nasaan ang isang banyo. Pagkapasok n’ya roon ay dumungaw pang muli ito sa pinto at sumigaw.
“I love you Master Tom! Mamaya panakaw ulit ng maraming kiss ha?!” sigaw nito sa akin.
Ibinato ko nang tuluyan ang hawak kong throw pillow pero hindi s’ya nito tinamaan dahil naisara n’ya agad ang pinto. Naririnig ko pa na tawa ito ng tawa sa kanyang kalokohan.
’Medyo masakit din pala sa ulo ang lalaking ‘to!’
wika ko sa aking isip.
Pero kahit ganoon ay s’ya lamang ang nagagawa akong pangitiin kahit na anong dahilan.
‘Mahal ko talaga ang taong ito.’
mga salitang binibigkas ko sa aking sarili.
A/N
Ayiieeee!! Sino po ang mga kinilig?? Comments please??? Ingat mga mahal kong readers!! Itutuloy natin ang date nila sa next chapter.
––cold_deee
chapter 15 - sweet cream puffs
A/N
Yey!! Proceed na tayo sa first date nina Xander at Tom.. Here’s chapter 15 guys! Enjoy!! Dedicated ’tong chapter na ’to kay
ehdz_kantadya
na super ang support sa akin.. salamat kapatid!!
––si Xander at Tom sa media.
TOM POV
Narito ako ngayon sa kwarto ni Sir Xander at abalang nag-aayos ng aking sarili dahil nagyaya itong lumabas at pumunta sa mall. Wala akong ideya kung anong gagawin namin doon.
Medyo nag-aalala rin ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na um-absent ako sa aking trabaho. Alam kong isang araw ang mawawala sa sweldo ko pero hindi ko na naiisip ’yon. Gusto kong makasama si Sir Xander sa unang pagkakataon ngayong opisyal na kaming magkarelasyon.
Date bang matatawag ito?
Sa tuwing iniisip kong date ang aming gagawin ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal, para akong kinikiliti sa saya. Parang ayaw mong matapos ang araw na hindi kayo nagkakasama.
Suot kong muli ang damit ko kahapon nang dumating ako rito. Naipa-laundry na daw ito ni Sir Xander kaninang umaga. Hindi rin naman kasi kasya ang mga pantalon n’ya sa akin kaya wala akong mahihiram sa kanya ngayon.
Nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto ng kwarto ni Sir Xander. Tapos na rin siguro ito magbihis kaya dali-dali kong binuksan iyon.
Bumungad sa akin ang gwapong nilalang pagkabukas ko ng pinto. Naka-polo shirt lamang ito na itim na may manipis na white lining ang sleeve at collar na fit sa kanya. Lalong nakita ang magandang hubog ng katawan nito. Naka-pants lang din ito na itim at white snickers. Ang gwapo ni Sir Xander at hindi ko maiwasang titigan ito sa mga sandaling ito. Ito ang unang pagkakataon na makita ko ito sa ganitong kasuotan. Ang cool lang n’ya. Lagi kasi itong naka-corporate attire o kung minsan ay makikita kong naka-chef uniform na bagay na bagay din sa kanya.
“Tapos mo na ba akong suriin mula ulo hanggang paa Master?” nakangisi nitong tanong sa akin.
“Ah-eh… Ang porma mo naman Master. Nakakahiya naman kung kasama mo ako na ganito lang ang suot ko.” wika ko dito habang nagkakamot ng batok.
Simple lang kasi ang suot ko ngayong araw. Medyo fit na white t-shirt at dark maong pants at white snickers.
“Bakit naman? Kahit naman ano isuot mo bagay sa’yo. ’Wag lang talaga ’yung wala kang suot na damit kagaya nung nagsayaw ka. Baka ’pag ginawa mo ’yun makikita mo nanaman kung paano ako magalit.” pagbabanta naman nito sa akin.
“Hindi ka pa rin maka-move on? Tapos na ’yon saka nangako ako sa’yo na hindi na mauulit ’yun ’di ba?” natatawa kong wika dito.
“Haay… Hayaan mo na nga.. Anyway, let’s go? Para mas mahaba ang oras natin magdate.” wika nito sa akin na ngayon ay nakangiti na.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi n’ya. Date nga ang pupuntahan namin. Lalo tuloy akong nakaramdam ng excitement.
“Tara na.” tangi kong sagot.
Maglalakad na sana ako palabas ng kwartong iyon ay pinigilan naman n’ya ako sa pamamagitan ng paghawak sa mga braso ko. Nagtataka naman akong tiningnan ito. Hindi ito nagsalita ngunit ang ikinabigla ko ay nang bigla ako nitong yakapin.
“Payakap muna Master. Mamaya hindi natin ’to magagawa sa pupuntahan natin eh. Mami-miss ko ’to panigurado. Hindi naman sa nahihiya ako sa relasyon natin, ayaw ko lang na hindi ka komportable sa mga tingin ng mga taong makakakita sa atin mamaya.” paliwanang nito sa akin.
Alam kong ganoon nga ang mangyayari dahil hindi naman open ang ganitong relasyon sa bansang ito. Disappointed man ay naiintindihan ko ang bagay na iyon. Ayaw ko rin naman na may mga mapanghusgang tingin ang ipupukol kay Sir Xander.
Sinagot ko na lamang si Sir Xander sa kanyang sinabi sa pamamagitan ng pagyakap dito pabalik.
Matapos noon ay bumitaw na kami at sabay na naglakad palabas ng kanyang unit. Nakarating kami sa parking at sumakay na rin sa kanyang kotse. Gusto n’ya pa akong pagbuksan ng pinto ng kanyang sasakyan pero nagmatigas akong hindi n’ya na kailangan gawin iyon dahil hindi naman ako babae. Nakasimangot lamang ito nang tanggihan ko iyon at wala kami nitong imikan sa loob ng sasakyan.
Habang nasa biyahe ay hindi pa rin nito magawang umimik. Nakasimangot lamang ito habang patuloy na nagda-drive. Hindi ako komportable na ganito kami katahimik ngayong magkasama kami.
“Sir?” pagtawag ko sa kanyang atensyon.
Hindi naman ito sumagot at patuloy lang sa pagmamaneho.
“Sir..” tawag ko muli dito ngunit ganoon pa rin, wala pa rin itong sagot.
Huminga ako ng malalim at tinawag s’yang muli.
“Master…..” malambing kong tawag dito.
Natigilan muna ito saglit at nakita kong pinipigilan nito ang mapangiti.
‘Huli ka ngayon! Nagpapalambing lang pala eh!’
wika ko sa aking isip.
“Bakit?” sagot nito sa akin ngunit hindi pa rin ako tinitingnan.
“Magde-date tayo ’di ba? Paano natin mae-enjoy ang date natin kung nakasimangot ka d’yan? Hindi ka ba masaya na ito kauna-unahang beses na magde-date tayo?” tanong ko rito.
Tila ba natauhan s’ya nang sabihin ko iyon. Natahimik itong lalo at tila nag-isip. Bumuntong hininga ito at maya-maya ay inihinto ang kanyang kotse sa gilid ng kalsada. Nagtataka man ako ay pinili ko na lamang na hindi magtanong.
Hinawakan ako nito sa kaliwang kamay at tumingin sa akin ng tuwid. Huminga s’ya ng malalim at sinimulang magsalita.
“I’m sorry Tom.. Gusto ko lang naman na pagsilbihan kita eh. Gusto ko ako ang personal na mag-aasikaso sa’yo. Gusto kong ipakita sa’yo kung gaano ka kahalaga sa akin kahit sa mga simpleng bagay lang..” wika nitong nakatingin ng derecho sa aking mga mata.
“Naiintindihan ko naman ’yon. Hindi lang naman kasi ako komportable na ginagawa sa akin ang mga ganoong bagay. Siguro hindi lang kasi ako sanay. Ito ang unang beses na may umaasikaso sa akin maliban sa pamilya ko, kaya sana minsan intindihin mo rin ako. Ikaw ang unang taong nagpapakita sa akin ng mga ganong bagay. Bigyan mo lang din sana ako ng oras para makapag-adjust.” pakiusap ko sa kanya.
Ngumiti ito sa akin saka muling nagsalita.
“Sorry kung binigla kita Master. Hayaan mo, uunti-untiin natin ang lahat ng bagay. Pero gusto ko sanayin mo na rin ang sarili mo kung paano kita pagsilbihan. Masaya ako sa ginagawa ko. Masaya akong sa ’yo ko ginagawa ang mga bagay na iyon. Gusto kong makita mo kung paano magpakita ng pagpapahalaga at pagmamahal ang isang Alexander Alvarez.” nakangiti nitong paliwanag.
Napangiti na rin ako sa kanyang tinuran. S’ya lang talaga ang nakakagawa nito sa akin. Parang lahat ng bagay kahit hindi ko gustong gawin ay nagagawa n’yang maging madali sa akin. Nakukumbinse n’ya ako nang walang pag-aalinlangan at takot.
“Pero hinay-hinay lang ha? Pwede ba ’yun Master? Pakiramdam ko rin kasi babae ako o isang bata na dapat itrato ng ganon ka-espesyal.” nagkakamot sa ulo kong pakiusap sa kanya.
“Hahahaha! Eh talaga naman special ka sa akin eh. Saka talagang bata ka pa kasi mas matanda ako sa’yo. Kung hindi lang mas bagay sa atin ang tawagang Master siguro pipiliin kong tawagin kang baby eh.” natatawa n’yang wika.
“Itigil mo na nga ’yan.. Umalis na tayo, baka wala na tayo abutan sa pupuntahan natin n’yan.” medyo nakasimangot na ako dahil nagsisimula nanaman itong mang-asar.
Natawa naman ito sa pagsimangot ko.
“Kahit nakasimangot ka Master cute ka pa rin! Tara na, alis na tayo pero pa-kiss muna ako!” biglang wika nito at ngumuso pa ito.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi n’ya. Sasagot pa sana ako at aalma pero hindi na nangyari iyon dahil lumapit na ito agad at hinawakan ako sa batok. Ginawaran ako nito agad ng isang halik sa labi. Saglit lamang iyon, smack lang kumbaga pero naging dahilan ’yon ng abnormal na pagtibok ng aking puso.
“Ok na ako! Ang sarap talaga ng lips ng Master ko!” tuwang-tuwa nitong sambit at ini-start nang muli ang kanyang kotse.
Napailing na lamang ako habang nakangiti sa ikinilos nito. Hindi ko akalain na may ganitong side si Sir Xander. Nakakatuwang isa ako sa mga pinalad na makita ang ganito n’yang personalidad. Proud ako sa bagay na iyon dahil sa akin n’ya ginagawa iyon.
Narating namin ang Alabang Town Center. Sumusunod lamang ako sa kanyang mga hakbang habang kami ay nagkakatuwaan at nag-aasaran.
Pumasok kami sa isang kilalang mens apparel at sinimulan n’yang maghalungkat ng mga damit doon. Inabala ko naman ang aking mga mata sa pagtingin sa shop habang nasa tabi lang ni Sir Xander na abala pa rin sa ginagawa.
“Hi Sir! Mmm.. Gusto n’yo po bang mag-try ng mga new arrivals namin ngayon?” biglang wika ng babae sa aking tabi.
Staff pala ito sa shop na ito. Nginitian ko lamang ito at agad na sinagot.
“No, it’s ok. Thank you. Sinamahan ko lang s’ya.” sagot ko at tinuro si Sir Xander sa aking tabi.
“Mmm.. Ganon po ba? Sayang naman po. Kahit po mag-try lang kayo. I’m sure babagay sa inyo ’yung mga damit na nandito. Ang cute n’yo po kasi eh.” wika ulit ng babae at todo kung makangiti.
Sasagot na sana akong muli pero narinig ko na lamang na nagsalita si Sir Xander.
“Excuse me Miss? Pwede mo ba akong i-assist? Ako kasi ang bibili, narinig mo naman s’ya ’di ba? Sinamahan n’ya lang ako dito.” seryosong wika ni Sir Xander.
“A-ah.. I’m sorry Sir. S-sige po, may napili na po ba kayo?” tarantang sagot ng babae kay Sir Xander.
“Yeah. Ikuha mo ako ng medium size nito. Dalhin mo na rin ang large size please?” utos naman ni Sir Xander dito.
Agad na kumilos ang babae at kinuha ang mga pinapakuha ni Sir Xander. Tiningnan ko naman si Sir Xander ng may pagtataka.
“Ang sungit mo naman Master.” bulong ko rito.
“Hindi kasi magtrabaho ng maayos eh.” tugon naman nito.
“Eh ina-assist naman tayo ng maayos ah?” sagot ko naman sa kanya.
“Tsk! Ang manhid mo talaga. Hindi mo ba nahahalata na nagpapa-cute sa ’yo ang babaeng ’yun? Sinabi mo na nga na hindi ka bibili pinipilit ka pang magsukat. Anong susunod? Magpapakuha ng picture sa ’yo? Ganon?” inis nitong sabi.
Natawa naman ako sa kanya.
“Selos ka naman?” tanong ko naman sa kanyang natatawa.
“Hindi. Naiinis lang ako.” balik naman n’ya sa akin.
Tumahimik na lamang ako ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang matawa sa inaasta nito. Tumalikod na lamang ako sa kanya para hindi n’ya ako makitang natatawa. Ganito pala magselos si Sir Xander, ang cute.
“D’yan ka lang ha? ’Wag ka na umalis dito. Sasalubungin ko na lang ’yung babae para hindi na s’ya ulit lumapit dito.” bilin nito sa akin.
Hinarap ko ito ng nakangiti at tumango-tango. Beast mode nanaman s’ya kaya hindi na ako makikipagtalo. Umalis na ito at hinintay ang babaeng lumabas mula sa stock room.
Ilang sandali pa ay lumabas ang babae mula sa stock room dala ang mga pinapakuha ni Sir Xander. May sinabi rin dito si Sir Xander habang hawak naman ang isang black na short. Umalis muli ang babae pabalik ng stock room ngunit nagawa pa ako nitong sulyapan bago pumasok roon at ngumiti. Lumingon naman sa akin si Sir Xander na nakasimangot nanaman kaya mabilis naman akong tumalikod para iwasan n’yang makita ang pagtawa ko.
Ilang sandali pa ay lumapit na si Sir Xander sa akin at iniabot ang white long sleeve na cotton ang tela at isang 3/4 na black short.
“Isukat mo ’to. Doon sa may fitting room para makaalis na tayo dito.” wika nito sa akin.
Tiningnan ko ito ng may pagtataka ngunit hindi ko na nagawa pang magtanong dahil hinawakan na ako nito sa balikat at iginaya na sa fitting room. Wala na akong nagawa kaya sinunod ko na lamang ito.
Matapos kong magpalit ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Simple lang na white long sleeve na walang collar at cotton. Maganda ang combination sa medyo fit na black short at hanggang tuhod lamang ang haba. I must say, magaling talagang pumili ng damit si Sir Xander.
Lumabas ako sa fitting room at sinalubong ako ng mahal ko. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Ibinalik nito ang kanyang tingin sa aking mukha at saka ngumiti, ngiting tagumpay.
“As I thought, bagay sa ’yo.” nakangiti n’yang sambit. “Hintayin mo ako dito. Magfi-fit lang din ako.” dugtong pa n’ya.
Hindi na ako nakapagsalita dahil pumasok na rin agad ito sa fitting room na pinanggalingan ko.
Ilang sandali pa ay lumabas na rin ito sa fitting room at nagulat ako sa aking nakita. Suot nito ang parehong pares ng damit na pinasukat n’ya sa akin. Bahagya ko pang naibuka ang aking bibig sa pagkabigla. Kung bagay ito sa akin ay mukhang mas bagay ito sa kanya dahil mas malaki ang katawan nito sa akin. Kaya pala medium at large ang pinakuha n’yang size kanina.
“Let’s go.” wika nito.
Hindi ito patanong kundi isang utos. Hinila na rin ako nito patungo sa cashier counter ng shop na iyon. Naroon din ang babaeng kanina lamang na nag-assist sa amin. Dalawa sila roon at ang isa naman ay ang cashier malamang ng shop na iyon. Nagulat pa ito nang makita na pareho ang aming suot ni Sir Xander.
“Miss, kukunin na namin ang mga ’to. Isusuot na rin namin, then pakilagay na lang sa bag itong mga damit na suot namin kanina.” wika ni Sir Xander sa cashier.
“Sige po Sir.” sagot ng cashier.
Ibinigay ni Sir Xander ang kanyang credit card at sinimulan na ng cashier gawin ang payment transaction.
“Sir, ang cute n’yo po. Pareho pa po ang napili n’yong damit. Magkapatid po ba kayo?” tanong sa akin ng saleslady na nag-assist sa amin kanina habang tinitiklop ang mga damit na suot namin nang pumasok kami rito.
Nginitian ko ito at sasagutin na sana na hindi kami magkapatid. Pero hindi ko na naituloy dahil sa biglang pagsagot dito ni Sir Xander.
“Hindi kami magkapatid. Couple kami, kaya please? Pakibilisan kasi may date pa kami?” nakasimangot na sagot nito.
Agad naman itong inasikaso ng sales lady. Mukhang nataranta na ito sa pagsusuplado ni Sir Xander. Matapos n’yang mailagay ang aming mga damit sa bag ay agad din itong kinuha ni Sir Xander sa kanya. Nauna na ring maglakad si Sir Xander sa akin. Bago pa ako makaalis sa counter na ’yon ay nagawa pang bumulong sa akin ng sales lady.
“Sir, ang cute magselos ng boyfriend mo. In fairness bagay po kayo. Parehas kayong gwapo.” wika nito na tila kinikilig pa.
Nginitian ko na lamang ito at nagpasalamat. Hindi ako sanay na tawagin itong boyfriend ko pero hindi ko mapigilang hindi kiligin nang sinabi ng sales lady iyon.
“Master! Let’s go!” pagtawag sa akin ni Sir Xander mula sa pinto ng shop.
Nagpaalam na ako sa sales lady at nagmamadaling sumunod kay Sir Xander. Inakbayan ako nito habang naglalakad na s’yang ipinagtaka kong muli. Simpleng akbay lang naman iyon na para kaming magkaibigan lang. Ayaw kong sabihin na parang akbay na magkapatid dahil ayaw n’ya nga ang ideyang ’yon.
“Kailangan yata itali na kita sa bewang ko para lang hindi ka na kausapin ng iba!” naiinis nitong wika.
Natawa nanaman ako rito.
“Ang cute pala magselos ng Master ko!” wika ko naman sa kanya.
Sinamaan lang ako nito ng tingin ngunit hindi na muling nagsalita.
Sumunod naman kaming nagpunta sa shop ng mga sapatos. Akbay pa rin n’ya ako nang pumasok kami roon. Saglit itong tumingin-tingin sa mga sapatos na naroon kaya napabitiw din ito sa pagkakaakbay sa akin. Kinausap n’ya ang isa sa mga staff na naroon habang hawak n’ya ang dalawang magkaibang kulay ng Nike shoes ngunit pareho ang design.
“Pakikuhanan mo nga kaming dalawa ng size.” utos nito sa lalaking naga-assist sa amin.
Nagtataka nanaman ako dahil isinama nanaman ako nito sa pagpili n’ya ng sapatos. Tiningnan ko ito ng may pagtatanong.
“’Wag ka nang kumontra. Gusto ko parehas tayo.” seryoso nitong wika sa akin.
Hindi na lamang ako umimik at sumagot dahil kanina pa ito nakasimangot magmula nang bumili s’ya ng aming damit. Nakakatakot pa naman ito tumingin. Ibinigay na lamang namin ang size ng aming sapatos sa salesman na umaasikaso sa amin.
Ilang sandali pa ay dumating na ang mga sapatos at agad din namin itong isinukat. Color dark grey na may halong blue ang kanya habang dark grey na may halong pula naman ang sa akin. Isinuot na rin namin iyon at s’yempre s’ya nanaman ang nagbayad sa counter.
Nakita ko rin ang presyo ng kanyang binayaran at aaminin kong nalula ako sa presyo dahil umabot din iyon ng halos 20,000 pesos. Balewala naman kay Sir Xander ang bagay na iyon. Hindi ba ito nanghihinayang sa halagang iyon? Eh halos sweldo ko na ng dalawang buwan ’yon eh!
Paglabas namin ay inakbayan ako nitong muli.
“Ayan! Complete get up na tayo. Mukha na talaga tayong couple Master!” masaya nitong wika sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi n’ya.
“Sure ka Master? Kasi mas mukha tayo ngayong kambal o kaya dancers kesa couple eh.” natatawa kong wika.
“Sige lang, asarin mo lang ako. Basta masaya ako ngayon kasi naka-couple outfit tayo!” sambit pa nito na hindi napapatid ang pagkakangiti.
Napapailing na lamang ako habang natatawa sa mga sinasabi n’ya.
“Saan mo ba gustong kumain? Lunch time na rin eh. I’m sure gutom ka na, kasi ako gutom na rin eh.” tanong nito sa akin.
“Kahit saan Master, basta kasama kita.” banat ko rito ng nakangiti.
Lalo namang lumapad ang kanyang pagkakangiti at inilapit ang kanyang mukha sa aking tenga.
“’Wag kang ano! Kinikilig ako.” bulong nito sa akin.
Tuluyan na akong natawa sa sinabi n’ya at ganoon din s’ya.
Ipinagpatuloy namin ang aming paglalakad na nagkakatuwaan. Habang naglalakad ay napansin kong natanggal ang sintas ng sapatos ko kaya tumigil muna ako saglit para ayusin sana iyon. Hindi ko pala nai-sintas ito ng maayos kanina noong isinukat ko.
Akmang yuyuko na sana ako para ayusin iyon ay maagap namang yumuko sa aking paa si Sir Xander. Nasa kalagitaan kami ng isang park dito sa parte ng mall. Marami rin ang naglalakad na tao sa parteng ito dahil isa ito sa bahagi na attraction ng mall na iyon.
Nakaluhod ang isa n’yang tuhod sa aking harapan habang inaayos ang pagkakasintas ng aking sapatos. Nahihiya ako sa mga taong nakatingin sa amin pero mukhang walang pakialam doon si Sir Xander. Tuloy lang s’ya sa pagsi-sintas ng sapatos ko.
Matapos n’yang iayos ang sintas ng sapatos ko ay tumayo na ito at muli akong inakbayan.
“Tara na, gutom na talaga ako.” wika nito sa akin ng nakangiti.
Nginitian ko ito pabalik at tumango sa kanya bilang pagsagot. Naglakad kami ng sabay na hindi tinatanggal ang kanyang pagkakaakbay sa akin.
Narating namin ang isa sa mga kilalang restaurant dito sa Pilipinas para doon kumain. Saglit kaming umupo at tumingin sa kanilang menu. Matapos kunin ng waiter ang aming order ay tahimik lamang kaming nakaupo na magkaharap.
Nakatingin ako sa labas ng restaurant at tinitingnan ang mga taong dumadaan. Nagulat na lamang ako nang marinig kong kumakanta sa Sir Xander.
Nilingon ko ito at nakita kong nakasalong-baba ito sa mesa at malapit ng bahagya ang mukha nito sa akin. Sinasabayan n’ya ang kanta na tinutugtog sa restaurant na ’yon.
(a/n: paki-play po ’yung nasa media. ’yan po kinakanta ni Xander. Song title: All my life by The Katinas)
I will never find another lover sweeter than you,
Sweeter than you
And I will never find another lover more precious than you
More precious than you
Oh
you are close to me you’re like my mother,
Close to me you’re like my father,
Close to me you’re like my sister,
Close to me you’re like my brother
You are the only one my everything and for you this song I sing
And all my life I’ve prayed for someone like you
And I thank God that I, that I finally found you
All my life I’ve prayed for someone like you
And I hope that you feel the same way too
Yes, I pray that you do love me too
I said you’re all that I’m thinking of…..baby
Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginagawang pagkanta ni Sir Xander. Mahina lamang iyon pero ang lakas ng epekto sa akin. Derecho lang ang mga mapupungay nitong mga mata na nakatitig sa akin.
Said, I promise to never fall in love with a stranger,
You’re all I’m thinking of, I praise the Lord above,
For sending me your love, I cherish every hug,
I really love you
Nang kantahin n’ya ang linyang iyon na ‘I really love you’ ay humabol pa s’ya ng salitang ‘i love you’ ng walang boses na lumalabas mula sa kanyang bibig. Bulong lang kumbaga. Sinabayan pa n’ya iyon ng kanyang pagkindat. Parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa at kilig nang ginawa n’ya ’yon. Hindi ko rin naiwasang matawa dahil sa saya.
And all my life, baby, baby, I’ve prayed for someone like you,
And I thank God that I, that I finally found you, baby
All my life I’ve prayed for someone like you
And I hope that you feel the same way too
Yes, I pray that you do, love me
You’re all that I ever known, when you smile, on my face, all I see is a glow.
You turned my life around, you picked me up when I was down,
You’re all that I ever known, when you smile on your face all I see is a glow,
You picked me up when I was down
You’re all that I ever known, when you smile on your face all I see is a glow,
You picked me up when I was down and I hope that you feel the same way too,
Yes I pray that you do love me too
Patuloy lang si Sir Xander sa pagkanta. Ako naman ay patuloy lang rin sa pagtitig sa kanya habang nakangiti. Iba talaga ’pag ginagawa ito sa’yo ng taong mahal mo. Nakakawala ng pagod at tanging saya lamang ang mararamdaman mo. Parang lalabas ang puso ko sa kilig ng mga oras na ito. Ito pala ang isa sa mga sinasabi n’yang “experience-love-in-Alexander-Alvarez-way.”
All my life, I’ve prayed for someone like you,
And I thank God that I, that I finally found you
All my life I’ve prayed for someone like you
Yes, I pray that you do love me too
All my life I’ve prayed for someone like you
And I thank God that I, that I finally found you
All my life I’ve prayed for someone like you
Yes, I pray that you do love me too
Matapos ang kanta ay hindi ko maiwasang mapapalakpak habang tumatawa. Kahit na medyo korny si Sir Xander ay nagagawa n’ya pa rin akong mapasaya sa mga simpleng bagay lang. Nanatili lamang s’yang nakatitig at nakangiti sa akin.
“Uummm.. Sorry to interrupt you Sir.. Ok na po ba? Pwede ko na po ba ilagay itong mga orders n’yo?” wika ng isang tinig sa tabi ng aming mesa.
Nilingon namin ito at nakita naming may dalawang waiter na nakatayo rito at hawak na ang aming mga inorder na pagkain.
Nagkatinginan kami ni Sir Xander at sabay na natawa.
“Go ahead. Thank you.” natatawang sambit ni Sir Xander sa mga ito.
Inilapag na nga ng mga ito ang aming pagkain at sinimulan na rin namin itong kainin. Masaya kaming kumakain at kung paminsan minsan ay si Sir Xander na rin ang naglalagay ng pagkain sa aking plato.
Hindi rin naiwasan ni Sir Xander ang magkomento sa mga pagkain na nakahain sa amin. Pinupuri n’ya ang ilan dito at kung minsan naman ay iniisip at nilalasahan kung ano ang ginamit na sangkap rito. Ganito pala ang mga Chef na kagaya ni Sir Xander ’pag kumakain. Kinikilatis nila lahat ang kanilang nalalasahan. Pinapabilib n’ya ako sa ginagawa n’yang iyon.
Matapos kumain ay nagpahinga lang kami at nagke-kwentuhan. Inalala namin ang aming unang pagkikita kaya hindi namin maiwasang magtawanan. Paulit-ulit n’yang tinatanong kung nasaan na raw ’yung kapeng ibubuhos ko sa kanya.
“Ano na Master? Ilang buwan ko na hinihintay ’yung kapeng ibubuhos mo sa akin ah?!” pangungulit nito sa akin.
“Relax ka lang Master. ’Wag kang excited, darating tayo d’yan.” wika ko ng may pekeng ngiti.
“Talaga lang ah? Kaya mo bang buhusan ng kape ang gwapong kagaya ko?” tanong nito.
“Hindi basehan sa akin ang gwapong kagaya mo para hindi ko magawa ang bagay na ’yon Master.” sagot ko naman dito na nakaukit pa rin ang pekeng ngiti sa aking mukha.
“So hindi pala kagwapuhan ang basehan mo?” wika nito.
Nanatili akong nakangiti sa kanya habang s’ya naman ay tila nag-iisip sa susunod n’yang sasabihin.
“Eh kaya mo bang buhusan ng mainit na kape ang taong mahal mo? And at the same time ay mahal na mahal ka rin?” biglang tanong nito.
Bigla naman nawala ang pekeng ngiti ko. Naramdaman ko nanaman na nag-init ang mukha ko.
“Ah-ahmmm…. ano…” hindi ko alam ang sasabihin ko.
Sa halip na maghanap ng idadahilan ay yumuko na lamang ako. Natahimik ako at nahiya sa tanong nito. Narinig ko namang tumawa ito. Hindi ko s’ya magawang tingnan sa mga oras na ’to. Bakit ba kasi ang hilig nito bumanat at mapakilig? Ilang sandali pa ay natahimik din ito.
“Tom, magnanakaw ba si Mama Lita?” biglang tanong nito sa akin.
Bigla ko naman naiangat ang aking mukha at tinignan s’ya ng masama. Parang sumama ang loob ko sa tanong nito. Kahit na hindi kami mayaman ay hindi namin magagawang magnakaw para lang may makain kami.
“Hindi ganyan ang Mama ko! Binuhay n’ya kami ni Julius nang mag-isa sa malinis na paraan!” matigas kong pagkakasabi sa kanya.
“Oh! Relax ka lang! Tinatanong ko lang naman!” wika naman nito habang nakataas pa ang dalawang kamay na tila sumusuko.
“Eh bakit kasi ganyan ang tanong mo?! Anong naisip mo para pag-isipan si Mama na mgnanakaw?!” naiinis ko nang tanong.
Ibinaba nito ang kanyang mga kamay at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Ngumiti s’ya sa akin ngunit matalim naman na titig ang ibinigay ko sa kanya.
“Sorry na.. Akala ko kasi ninakaw n’ya ang lahat ng bituin at inilagay sa ’yong mga mata. Grabe! Kumikislap kasi mga mata mo oh! Kaya nai-inlove ako lalo sa’yo!” banat n’ya.
Putek! Pumi-pick up line pala ang lokong ’to!
Hindi ako nakapagsalita sa banat n’ya. Konti na lang talaga mamamatay na ako dito sa kilig dahil sa ginagawa nito sa akin!
Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko at muling napayuko. Alam kong pulang-pula na ako dito dahil ang init na talaga ng mukha ko.
“Ayiieee.. Kinilig s’ya sa banat ko.. Patingin nga Master ng mukha mo.. Ang cute mo talaga ’pag nagba-blush!” masayang wika nito habang paulit-ulit na pinipindot ang aking kaliwang pisngi.
Pinipigilan kong ngumiti dahil lalo lang ako nitong aasarin. Iisipin n’ya pang kinikilig ako sa ginagawa n’ya kahit ’yon naman ang totoo.
“Master.. Hawakan mo nga ang leeg ko. Feeling ko mainit ako eh. Nilalagnat ata ako.” biglang wika ulit nito.
Literal naman akong nagulat at nag-alala sa sinabi n’ya kaya naiangat ko agad ang aking ulo mula sa pagkakayuko. Hinawakan ko agad ang kanyang leeg para ma-check kung may lagnat nga ito.
Hindi pa nagtatagal ang aking palad sa kanyang leeg ay tinanggal n’ya na rin agad iyon. Hinawakan n’ya at tinulak pabalik sa akin.
“Ayan, okey na.” bigla nitong wika.
Nagtaka naman ako sa sinabi n’ya.
“Ha? Anong okey na? Wala ka nang lagnat?” tanong ko sa kanya na nagtataka.
Ang weird n’ya talaga.
Kinuha n’ya ang kanyang cellphone mula sa bulsa at tila may pinipindot doon. Nakayuko ito habang ginagawa n’ya iyon.
“Okey na Master. Ite-text ko lang ang mga kaibigan ko. Ipagmamalaki kong nahawakan ako ng isang anghel na bumaba mula sa langit papunta dito sa lupa.” masigla n’yang wika.
Matapos n’yang sabihin iyon ay inangat muli nito ang kanyang tingin at tiningnan ulit ako sa mata. Ngumiti ito at binigyan nanaman ako ng nakakamatay n’yang kindat.
Naikuyom ko ang aking kamao sa inis at kilig sa mga banat nito. Kumuha ako ng tissue at ibinato iyon sa kanya. Tumama iyon sa kanyang dibdib at nagpakawala s’ya ng malakas na tawa.
Kahit nakakunot ang aking noo ay napapangiti ako sa mga ginagawa nito. Nagpatuloy pa s’ya sa kanyang mga korny jokes at pick up lines. Ako naman ay patuloy lang din sa pagngiti sa mga binibitawan n’yang salita.
Matapos ang aming lunch ay naisipan n’ya namang manood ng sine. Pareho kami ng hilig sa bagay na iyon kaya wala kaming pansinan at imikan sa loob ng sinehan. Nakaakbay lamang ito sa akin at kung minsan naman ay nakahawak ito sa aking kamay mula sa umpisa hanggang sa matapos ang movie na aming pinapanood. Wala naman kaso sa amin dahil madilim doon at kokonti lang din ang nanonood.
Nag-ikot-ikot pa kami matapos ng aming panonood ng sine. Bumili rin s’ya ng ilan pang mga damit para sa kanya at para sa akin. Kahit na umaayaw at tumatanggi ako rito ay wala rin akong nagawa. Nagagalit kasi s’ya kapag tumatanggi ako. Katwiran n’ya ay para may magamit daw ako kapag sa condo n’ya ako minsan tutuloy.
Sinubukan kong sumagot sa kanya na isang gabi lang naman akong natulog sa kanyang condo at kagabi lang ’yon dahil wala akong choice. Hindi na ulit ako matutulog doon dahil may sarili naman akong bahay at nakakahiya rin sa kanya. Pero sa halip na pakinggan ako at unawain sa pagra-rason ko ay nag-walk-out ito sa shop na pinasukan namin.
Ilang beses ko rin itong sinuyo ngunit hindi sa kanya iyon umepekto. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lamang sa kagustuhan nito na minsan ay doon ako sa condo n’ya matutulog. Pagkasabi ko noon ay nagbago na ng mood ito. Inakbayan na ako nitong muli at binalikan ang shop kung saan n’ya binibili ang mga damit namin kanina.
’Haay! Bipolar talaga ’tong lalaking ‘to! Ang bilis mag-shift ng mood!’
wika ko sa aking isip.
Pero kahit may ganoong pangyayari sa amin ay hindi iyon naging dahilan para maputol ang aming kasiyahan. Nagpatuloy kami sa pamamasyal o mas tamang sabihing date.
Matapos ang pamimili ng aming damit ay dumaan naman kami sa super market doon at nag-grocery. Kailangan n’ya na raw mamili dahil paubos na ang kanyang stock ng goods sa condo. Madami s’yang pinamili kaya nagtaka nanaman ako at tinanong s’ya kung bakit ganun iyon karami. Sinagot naman n’ya ako na dapat lang daw iyon dahil minsan ay doon raw kasi ako tutuloy at kailangan kumpleto ang kanyang ingredients kapag ipagluluto n’ya ako.
Grabe talaga si Sir Xander. Hindi ko alam kung kikiligin pa ba ako rito o maiinis na eh. Lahat ng binibili n’ya ay dapat na ikino-consider ako. Nanghihinayang din kasi ako sa mga ginagastos n’ya.
Matapos mag-grocery ay iniwan muna namin ang kanyang mga pinamili sa supermarket na iyon dahil naisipan n’ya namang mag-dinner muna kami. Babalikan na lamang namin ang mga iyon pagkatapos namin mag-dinner.
Matapos ang aming dinner ay binalikan na namin ang aming pinamili at nagdesisyon nang umuwi. Ihahatid muna namin ang aming mga pinamili sa kanyang condo bago n’ya naman ako ihahatid sa aming bahay.
Habang naglalakad kami bitbit ang aming mga pinamili ay tuloy pa rin kami sa masayang kwentuhan. Patuloy rin s’ya sa kanyang mga pick up lines at wala naman akong nagawa kundi ang mapangiti dahil sa kilig sa kanyang mga banat.
“Master, mag-resign ka na lang kaya bilang waiter sa restaurant ko?” seryosong wika sa akin ni Sir Xander.
Tiningnan ko ito at nakita kong seryoso nga ito sa kanyang sinasabi. Hindi na siguro ito bumabanat ng pick up line n’ya. Trabaho na kasi ang pinag-uusapan kaya alam kong seryoso ito sa kanyang sinasabi.
Tumigil ako sa aking paglalakad kaya napatigil rin s’ya. Bitbit pa rin namin pareho ang kanyang mga pinamili.
“B-bakit naman? A-ayaw mo na ba ako magtrabaho sa restaurant mo?” utal kong tanong sa kanya.
“Naisip ko lang kasi… mas maganda siguro kung maging snatcher ka na lang..” wika n’yang seryoso pa rin.
Napakunot ako ng noo sa sinabi nito at labis na nagtaka.
“Ano?!!” nabibigla kong tanong rito.
“Magpupulis na kasi ako.. Para sana ’pag snatcher ka na at pulis na ako, hahabol na lang ako ng hahabol sa ’yo..” sagot n’ya at nagawa nanaman akong kindatan ng loko.
Kung wala lang akong mga hawak ngayon ay baka nakatikim na ito sa akin.
Sinamaan ko lang ito ng tingin ngunit may naisip ako kaya hinayaan ko na lang s’yang natatawa. Seryoso akong sinabayan s’ya sa paglalakad patungo sa kanyang kotse dito sa parking lot ng mall.
“Master, gusto ko sana sabihan ka ng mga sweet na salita. Gusto ko kasi makita kung anong magiging reaction mo ’pag sinabi ko sa’yo ang mga ’yon.” seryoso kong wika sa kanya ng hindi s’ya tinitingnan at patuloy lang sa paglalakad.
“Talaga?! Eh bakit hindi mo gawin?! ’Wag mo sabihing nahihiya ka pa rin sa akin?!” mabilis nitong sabi.
Huminto naman ako sa paglalakad kaya napahinto rin ito. Magkaharap kami ngayon at tinitingnan ko lamang s’ya ng seryoso. Inaantay n’ya akong magsalita na ginawa ko rin naman matapos ang sandaling katahimikan.
“Ang totoo kasi n’yan hindi ko masabi sa ’yo ’pag kaharap kita. Speechless na ako makita pa lang kita.” banat ko sa kanya.
Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat. Naibuka rin n’ya ng bahagya ang kanyang bibig.
‘Ha! Akala mo ikaw lang marunong bumanat ah?!’
pang-aasar ko sa kanya sa aking isip.
Iniwan ko s’ya sa kanyang kinatatayuan at sinimulan na ulit maglakad. Iniwan ko s’yang tulala. Natatawa ako sa naging reaksyon n’ya.
“Master!” tawag nito sa akin. Mukhang naka-recover na s’ya.
“Ano?!” tanong kong may kalakasan.
Hindi pa rin ako lumilingon at patuloy pa ring naglalakad patungo sa kanyang kotse.
“Sabi ko sa’yo ’wag kang ano eh! Kita mo kinikilig ako!” sigaw nito.
Napatawa ako sa sinabi n’ya.
“Ewan ko sa’yo! Halika na!” sigaw ko pabalik sa kanya.
Nang marating namin ang kanyang kotse ay mabilis din kaming umalis pauwi sa kanyang condo. Nakakapagod ang araw na ito pero masasabi kong isa ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko.
Ilang sandali pa ay narating namin ang condo building na tinutuluyan n’ya. Nagtatawanan kaming umakyat patungo sa kanyang unit. Nasa tapat kami ngayon ng kanyang pinto at bubuksan na sana iyon ni Sir Xander. Pero nagulat kami nang may taong tumawag sa aking pangalan.
“Tom….” tawag nito sa akin.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat nang makilala kung sino ang taong iyon.
“D-daniel…..” tangi kong sambit.
A/N
Hehe! D’yan muna tayo. Ang haba na ng chapter na ’to eh.. Pero nag-enjoy naman ako. Sana kayo rin! Ingat kayo mahal kong readers!
––cold_deee
chapter 16 - shredded apple pie
A/N
Ayan, dito na tayo sa medyo madramang eksena. Kung hindi n’yo man ma-feel ang chapter na ’to, sorry na.. Weakness ko kasi ang malungkot na event, masyado nga kasi masayahin si author eh.. hehe!
Dedicated ’tong chapter na ’to kay
jhEyMar27
.. kaway-kaway naman d’yan!! salamat sa continues votes mo.. God Bless!
Enjoy reading fellas!
––> si Daniel po sa media.
paki-play din po ng nasa media, para po kay Daniel ’yan.
TOM POV
“Tom….” tawag nito sa akin.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat nang makilala kung sino ang taong iyon.
“D-daniel…..” tangi kong sambit.
Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.
Nakita ko si Daniel na nakatayo mula aming likuran. Suot nito ang ngiting hindi normal sa kanya. Ngiting hindi umaabot sa kanyang mga mata.
“Uuwi ka na ba? Tara na, ihahatid na kita. Sinundo lang talaga kita rito.” yaya nito sa aking nakangiti.
Alam kong peke ang mga ngiting iyon. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang tinig kahit na pinipilit n’yang ngumiti.
Oo nga pala, may Daniel nga pala sa buhay ko na walang ginawa kundi ang samahan at pasayahin ako. Sa sobrang sayang nararamdaman ko sa muling pagkakaayos namin ni Sir Xander ay nakalimutan kong may Daniel pala na naghihintay sa akin. Nakaramdam ako ng pagka-konsensya sa mga nangyayari.
“Daniel, pumasok muna tayo sa loob. Mag-usap muna tayo. May mga gusto akong ipaliwanag sa’yo.” biglang singit ni Sir Xander.
Nanatili naman si Daniel na nakatingin sa akin at hindi pinansin ang alok ni Sir Xander na tumuloy muna sa loob ng kanyang unit.
“Galing nga rin pala ako kila Aling Tasing kanina Tom. Kinakamusta ka n’ya pati ng mga bata. Kelan ka daw ba pupunta doon?” tanong sa akin ni Daniel.
Ramdam kong iniiwasan n’yang makausap si Sir Xander dahil hindi n’ya man lang ito magawang tingnan. Nanatili lang s’yang nakatingin at nakangiti sa akin.
“Ahh.. S-sige dadalaw ako isa sa mga darating na araw.” sagot ko sa kanya.
“Ganon ba? Maganda ’yon! Sabay na tayong pumunta doon, kagaya ng dati.” sagot n’yang muli sa akin.
“Daniel, p-paano mo nga pala nalamang nandito ako?” utal kong tanong at pag-iiba ng usapan.
Si Sir Xander naman ay pinili na lamang manahimik. Marahil ay ramdam n’ya rin ang pag-iwas ni Daniel sa kanya.
“Eh ’di ba? Responsibilidad ko bilang manliligaw mo na ihatid at sunduin ka? Kaya dapat alam ko kahit saan ka magpunta. Hindi ka kasi pumasok kanina eh, kaya sobrang nag-alala ako. Kaya heto ako ngayon, sinusundo ka.” masigla nitong paliwanag pero kahit ganoon ay ramdam mo ang kalungkutan nito.
“Daniel, ako na ang maghahatid sa kanya.” pagsingit ni Sir Xander.
“Hindi kita kinakausap. Si Tom ang kausap ko kaya tumahimik ka d’yan. Ihahatid ko na s’ya.” malamig na sagot dito ni Daniel.
Nagbago rin ang ekspresyon ng kanyang mukha at masamang tingin ang ibinabato nito kay Sir Xander.
“D-daniel…” tangi kong nasabi.
Hindi ko alam kung paano ko sa kanya ipapaliwanag ang mga bagong pangyayari sa akin at kay Sir Xander. Alam kong naging napakabilis ng lahat.
“Ano? Ok na ba Tom? Halika na, baka naghihintay na rin si Tita at si Julius sa ’yo. Hindi ka raw umuwi kagabi kaya mas lalo akong nag-alala.” wika naman n’ya sa akin.
Ibinalik n’yang muli ang ngiti n’yang peke. Nahihirapan ako sa nakikita ko sa kanya.
Hindi n’ya na nahintay ang sagot ko at kusa na itong lumapit sa akin. Hinawakan n’ya na ako sa kaliwang kamay at akmang isasama na sa kanyang pag-alis ngunit isang kamay rin ang humawak sa aking kanang kamay. Si Sir Xander.
“Sinabi ko nang ako na ang maghahatid sa kanya.” mahinahong sambit ni Sir Xander kay Daniel.
“At sinabi ko ring hindi ikaw ang kinakausap ko! Ako ang maghahatid sa kanya!” mataas na tonong sagot ni Daniel kay Sir Xander matapos n’ya itong lingunin.
Hindi pa rin nila binibitawan ang mga kamay ko. Ayaw ko ng nakikita ko ngayon. Kailangan habang maaga ay maayos ito. Kailangan kong ipagtapat kay Daniel ang mga naging pagbabago sa amin ni Sir Xander. Alam kong masasaktan ito, ngunit kung patatagalin ko pa ay lalo ko lamang itong masasaktan dahil umaasa s’ya sa wala.
“D-daniel… M-may gusto sana akong sabihin sa ’yo… Ang t-totoo.. K-kami na ni S-sir––” utal kong wika ngunit hindi na naituloy dahil pinutol na n’ya agad ako.
“Wala kang sasabihin Tom. Wala akong nakita. Wala akong narinig at higit sa lahat! Walang kayo!” pasigaw nitong pagputol sa sasabihin ko.
“Daniel ano ba?! ’Wag mong sigawan si Tom!” mataas na ring boses ni Sir Xander.
Agad namang natigilan si Daniel.
“S-sorry Tom..” paghingi nito ng paumanhin sa akin.
“Daniel.. Makinig ka sa akin.. Si Sir Xander at ako ay––” putol ko nanamang wika.
“Ayaw ko Tom! Ayaw ko! Hindi ako makikinig! Wala kang sasabihin!” wika nito at binitiwan ang kamay ko.
Habang sinasabi n’ya iyon ay takip n’ya ang kanyang dalawang tenga ng kanyang mga kamay habang paulit-ulit na umiiling ng nakapikit. Tila ba isa itong batang paslit na ayaw sundin ang iniuutos sa kanya.
Naaawa ako sa nakikita ko. Naaawa ako kay Daniel. Nadudurog ang puso ko sa nasasaksihan ko.
“Halika na Tom… Uwi na tayo.. Ihahatid na kita.. Pakiusap..” wika ulit nito habang nasa ganoon pa ring pwesto.
“Daniel…” tangi ko na lang sambit.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Tila ba lahat ng kasiyahan ko ay nabura at napalitan ng lungkot dahil sa nakikita ko kay Daniel.
Tiningnan ko si Sir Xander at nakikita ko rin ang awa nito sa kanyang kapatid. Nagi-guilty ako sa nakikita ko sa dalawang ito, ayaw kong lalo silang magkasira. Ramdam ko naman na may pader sa pagitan ng dalawang ito noon pa man. Hindi ko lamang alam ang dahilan dahil hindi naman nagkwento kahit minsan sa akin si Daniel.
“Daniel makinig ka. Mahal ko si Tom.” wika ni Sir Xander na mahinahon kay Daniel.
Tinanggal ni Daniel ang mga kamay n’ya sa kanyang mga tenga at nanlilisik na mga mata ang ipinukol nito kay Sir Xander.
“Mahal?! Mahal mo din s’ya Kuya?! Lahat na lang ba ha?! Tangina! Wala ka na ba talagang ititira sa akin?! Lahat na lang?!” sigaw nitong tanong kay Sir Xander.
“Daniel makinig ka..” pakiusap ni Sir Xander ng mahinahon.
“Hindi! Ako ang pakinggan mo Kuya!! Ako naman ang pakinggan mo!! Ngayon lang!!” sigaw nitong muli kay Sir Xander.
“Daniel…” muling pakiusap ni Sir Xander.
“Lahat Kuya nakuha mo na!! Pati ba naman si Tom?!! Una si Tito!! Simula nang dumating kayo ni Tita sa buhay namin ni Tito hindi n’ya na ako napapansin!! Lagi na lang ikaw!! Ikaw ang bida! Ikaw ang magaling! Matalino! Lahat! Sunod si Josephine!! Ako Kuya!! Ako ang unang nagkagusto sa kanya! Pinakilala lang kita!! Pero anong nangyari?! Nabuntis mo s’ya!! May narinig ka ba sa akin?!! Ha?!! Hindi ka pa nakuntento! Pati ang isa sa mga negosyo ni Tito sa ’yo din napunta!! May narinig ka ba ulit sa akin?! Wala!! Tapos ngayon pati si Tom?!! Ano?!! Wala ka na bang ititira sa akin?!! Lahat na lang ba aagawin mo?!” sumbat nito kay Sir Xander habang dinuduro ito.
Naglandas na rin ang masasaganang luha mula sa kanyang mga mata patungo sa kanyang mga pisngi. Ito ang kauna-unahang nakita kong umiyak si Daniel.
“Wala akong inaagaw sa ’yo.” mariin na sagot ni Sir Xander sa mga paratang ni Daniel.
Nanatili naman akong tahimik at hindi alam ang gagawin sa mga oras na ito. Hindi ko alam na ganito pala kabigat ang dinadala ni Daniel. Tanging pagngiti at saya lang kasi ang ipinapakita nito sa amin. Naaawa talaga ako sa kanya sa mga oras na ito.
May mga ilang tao na rin ang lumabas mula sa kani-kanilang unit na nanunuluyan sa condominium na ito. Nakakaagaw na kami ng atensyon dahil sa ginagawang pagsigaw ni Daniel.
“Wala?! Eh anong tawag mo sa mga ’yon?!” tanong ni Daniel ng pasigaw kay Sir Xander.
Hindi nakasagot si Sir Xander sa kanya. Patuloy lamang si Daniel sa pag-iyak. Ako naman ay nagsisimula na ring makaramdam ng tila pagsisisi dahil sa aking palagay ay may pananagutan ako sa mga nangyayari.
Ilang minuto pa ang lumipas ay ipinagpatuloy muli ni Daniel ang pagsasalita. Sa pagkakataong ito ay nagbago na ang ekspresyon nito. Mahinahon na ito at nakikiusap ang mga mata. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Lumapit pa ito kay Sir Xander.
“Ngayon lang Kuya… Ngayon lang… Nakikiusap ako sa ’yo… Kung gusto mo luluhod pa ako at magmamakaawa sa ’yo… Kahit anong gusto mong ipagawa sa akin gagawin ko… Ipinapangako ko ’yan sa’yo… ’Wag mo lang kunin sa akin ang natitirang kaligayan ko… Nakikiusap ako sa ’yo…” pagmamakaawa ni Daniel.
Dahan-dahan itong yumuko at unti-unting lumuhod sa harap ni Sir Xander. Hawak nito ang dalawang paa ni Sir Xander habang nakaluhod.
Dali-dali ko itong nilapitan at pilit na itinatayo ngunit matigas ito at ayaw n’yang tumayo mula sa pagkakaluhod. Patuloy pa rin ang pagmamakaawa ni Daniel.
“Daniel ano ba?! Tumayo ka d’yan! Hindi mo naman kailangang gawin ’yan! Mapapag-usapan natin ’to ng maayos…” pakiusap ko kay Daniel habang pilit itong pinapatayo.
Tiningnan ko si Sir Xander upang humingi ng tulong para pigilan ang kanyang kapatid sa ginagawang iyon ngunit nakatingin lamang ito ng derecho. Kita kong nahihirapan din ito at hindi rin nito gusto ang mga nangyayari. Tanging pagkagat lamang sa kanyang ibabang labi ang kanyang nagagawa upang mapigilan ang pagluha.
“Sir ano ba?! Tulungan mo akong patayuin si Daniel!” pakiusap ko kay Sir Xander.
Nagawa n’ya na akong lingunin ngayon. Nakikiusap ang mga mata nitong tiningnan ako.
“Tom… Paano ko ibibigay ang natitirang kaligayan n’ya kung tanging kaligayahan ko rin ’yon?” wika nito sa akin.
Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang umabot sa ganito. Hindi ba ako pwedeng maging masaya nang walang masasaktan?
Binalikan kong muli si Daniel at kinausap.
“Daniel… Halika na.. Sasama na ako sa ’yo.. Umuwi na tayo. Tumayo ka d’yan, pakiusap.” wika ko kay Daniel.
“Tom…” pagtawag naman ni Sir Xander sa akin.
Tumayo ako ng tuwid at hinarap s’ya. Alam kong hindi n’ya rin ito gusto. Alam kong nasasaktan din s’ya. Pero kailangan ko munang ayusin ito at sisimulan ko iyon kay Daniel.
Nginitian ko ito ng mapait.
“Mag-uusap muna kami Master. Mag-usap naman tayo bukas. Siguro kailangan muna natin ilagay sa ayos ang lahat. ’Wag kang mag-alala, babalitaan kita. Magpahinga ka na rin, alam kong pagod ka.” wika ko sa kanyang mahinahon.
“Are you sure you’re okey?” tanong nitong nag-aalala.
Tumango naman ako at pilit na ngumiti bilang pagsagot.
Hinila ako nito at niyakap. Ginawaran rin ako nito ng halik sa noo bago kumalas sa pagkakayakap.
“Promise me, babalik ka.” pakiusap nito habang hawak na ngayon ang aking mukha.
“Promise.” sagot ko rito.
Tumango lamang ito bilang pagpayag.
Nilapitan ko na ulit si Daniel na nakaluhod pa rin sa mga oras na ito.
“Daniel, let’s go. Tumayo ka na d’yan. Umuwi na tayo.” pakiusap ko dito.
Hindi ito umimik ngunit sumunod naman ito nang alalayan kong tumayo. Hinawakan ko ito sa kamay para igaya palabas. Bago kami tumalikod ay tiningnan ko muna si Sir Xander para magpaalam.
Naglakad na kami ni Daniel at tinungo ang daan palabas ng building na iyon.
Nang makarating sa parking ay sinundan ko lamang ang kanyang paglalakad habang mahigpit n’yang hawak ang aking kamay. Patuloy pa rin si Daniel sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa mga oras na ito.
Narating namin ang kanyang motorbike nang walang namamagitang usapan sa aming dalawa.
“Daniel, pwede mo ba akong dalhin muna sa pinuntahan natin noong una kong nakilala sina Aling Tasing?” bigla kong wika kay Daniel.
Tiningnan n’ya lamang ako at ngumiti ng pilit bago tumango-tango.
Ito lang ang alam kong lugar kung saan kami makakapag-usap ng maayos.
Isinuot n’ya sa akin ang isa n’yang dalang helmet. Lagi n’ya sa aking ginagawa ang bagay na iyon sa tuwing sasakay ako rito. Alagang-alaga ako ni Daniel sa lahat ng bagay kaya hindi ko maiwasang malungkot na nakikita s’ya sa ganitong sitwasyon.
Angkas ako sa kanyang motor at s’ya naman ay tahimik na nagmamaneho. Nakakapit ako sa kanyang bewang at mula rito ay ramdam kong patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Mabilis at malalim ang kanyang paghinga. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang nararamdaman n’ya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sa kanya ang lahat. Naging napakabuti nitong tao sa akin at natatakot akong lalo itong masaktan.
Narating namin ang lugar na aming pinuntahan at tulad ng dati, may binayaran lamang itong tao para mabantayan ang kanyang motor. Medyo kumalma na ito ngunit kita ko ang namamaga nitong mga mata mula sa malalim na pag-iyak.
Nagsimula kaming maglakad patungo sa tabing dagat at naupo. Ito ang bahagi ng Baywalk kung saan may ilang mga taong tumatambay at nag-uusap ang naroon. Tahimik ang lugar na ito at alam kong mas makakapag-usap kami rito ng maayos.
“Daniel….” pagtawag ko sa kanyang atensyon.
Sinubukan ko itong tingnan sa aking tabi at tahimik lamang itong nakatingin sa paghampas ng dagat sa mataas na harang na aming inuupuan.
“Tom… Mahirap ba akong mahalin?” tanong n’ya sa akin.
Nagsimula nanamang pumatak ang kanyang mga luha sa pagkakataong ito.
“Hindi Daniel––” putol kong wika dahil nagtanong muli ito sa akin.
“Kung ganon, bakit lagi nawawala sa akin ang mga taong pinahahalagahan ko? Bakit kung kailan napalapit na ako sa kanila bigla na lang silang lumalayo sa akin?” tanong nito.
Nagawa na n’ya akong tingnan ngayon.
“Daniel… Hindi sila nawala sa ’yo. Hindi ko alam kung anong mga pinagdaanan mo sa nakaraan dahil hindi ka naman nagkwento kahit minsan sa akin nang mga iyon. Pero sa nakikita ko, ikaw ang naglayo ng sarili mo sa kanila.” paliwanag ko sa kanya.
Bahagya itong natawa kahit na may mga luha sa mga mata n’ya.
“Kailangan kong gawin iyon dahil kung ipagpapatuloy ko pa, lalo lang akong masasaktan.” sagot n’ya sa akin.
“Pero naisip mo ba na nasasaktan mo rin sila sa paglayo mo sa kanila?” tanong ko sa kanya.
Hindi ito nakaimik kaya nagpatuloy ako.
“Hindi mo kailangang lumayo Daniel. Ang kailangan mo lang gawin ay tanggapin. Walang taong nakukuha ang lahat ng kagustuhan nila. Bawat isa sa atin ay may nakalaan at wala kang kailangang gawin kundi ang hintayin iyon.” wika ko sa kanya.
“Pero bakit ikaw Tom? Ikaw ang taong hinihintay ko. Pero bakit hindi ka pa rin sa akin napunta? ’Yung Kuya ko na kahit walang napatunayan o nagagawang hakbang para makuha ka ay nagawa n’ya pa rin? Masisisi mo ba ako kung manliit ako sa sarili ko?” balik nito sa akin sa pagitan ng pagiyak.
Hindi ako nakaimik dahil sa pagkakonsensya. Hinayaan ko s’yang tingnan ako habang patuloy s’yang lumuluha.
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin.
“Mahal mo ba s’ya?” bigla nitong tanong sa akin. Umiiyak pa rin ito.
Ilang segundo bago ko ito nasagot.
“I’m sorry…” tangi kong naisagot.
“Aaaahhhhh!!!!” biglang sigaw ni Daniel kaharap ang dagat at patuloy lang s’ya sa pag-iyak.
Dito na tuluyang umagos ang aking mga luha. Nasasaktan ko ang taong walang ginawa kung hindi ang samahan at pasayahin ako. Hindi ko ito gustong saktan pero ayaw kong magsinungaling sa kanya. Hindi ko rin naman alam na mahuhulog ang loob ko sa kapatid nito. Hindi ko rin naman sinasadya ang bagay na iyon.
Gusto kong damayan si Daniel sa kanyang kalungkutan. Pero paano ko gagawin iyon kung ako ang sanhi nito? Sinisisi ko ang sarili ko sa kalungkutang nararamdaman nito.
“Tom… Kaya ko rin naman gawin lahat ng ginagawa ni Kuya eh.. Kung may kulang pa at may gusto ka pa, handa kong ibigay ’yon sa ’yo… Ako lang sana ang piliin mo…” nakikiusap na wika nito.
“I’m sorry… Sorry Daniel… Sorry… Sorry..” paulit-ulit kong sambit sa kanya sa pagitan ng pag-iyak ko.
Hindi s’ya sumagot at patuloy lang kaming umiiyak na dalawa. Nakayuko ako kaya hindi ko alam kung saan na ito nakatingin.
Halos isang oras din walang namagitan sa aming usapan at tanging hikbi lamang ang maririnig mo sa aming dalawa. Iyak ng paghihinagpis ang kanya at iyak ng pagsisisi ang sa akin.
“Dati, alam mo bang close na close kami n’yan ni Kuya Xander? Wala akong kapatid. Maaga rin akong iniwan ng Mama ko kaya sa pangangalaga ako ni Tito Ian naiwan. Pangalawa s’yang asawa ni Mama dahil ang tunay kong ama ay maagang namatay. Mabait si Tito Ian kaya napalapit na rin ako rito. Itinuring n’ya akong tunay na anak na ipinagpapasalamat ko. Nag-asawa ulit s’ya at ’yon na si Tita Mavel na Mommy ni Kuya Xander. Pareho kami ni Kuya Xander na maagang iniwan ng tunay na ama. Gusto kong sumaya si Tito Ian kaya kahit na masakit na ipinagpalit n’ya na ang Mama ko ay tinanggap ko iyon.” bigla nitong kwento sa akin.
Hindi ko nagawang mag-react kaya nagpatuloy ito sa kanyang pagkekwento.
“Mabait naman si Tita Mavel kaya madali ko itong nakapalagayan ng loob. Itinuring n’ya akong tunay na anak kahit na may anak na siyang Kuya Xander. Pakiramdam ko ay nakumpleto ulit ako dahil may matatawag na muli akong pamilya. Mabait si Kuya Xander at kung minsan s’ya pa nga ang nagtatanggol sa akin noon sa school kapag binu-bully ako at tinatawag na sampid sa pamilyang iyon. Pero kung minsan ay hindi ko maiwasang mainggit sa kanya dahil sa atensyong nakukuha n’ya. Matalino s’ya at laging may naiuuwing magandang balita galing sa school. Naging paborito na rin s’ya ng mga kamag-anak ni Tito Ian. Parang bigla akong nawawala sa picture sa tuwing pinupuri s’ya. Pero sa halip na magalit ako sa kanya ay ginawa ko s’yang inspirasyon. Nagsumikap ako para matulad ako sa kanya. Idol nga ang tawag ko sa kanya eh.” mahabang pagpapatuloy nito.
Nanatili akong nakikinig lamang sa kanya.
“Dumating ang college at doon ko nakilala ang babaeng una kong minahal. Dinala ko ito sa bahay at ipinakilala sa kanila. Nagkamali ako dahil ang akala ko ay kayang suklian ni Josephine ang nararamdaman ko para sa kanya. Kapatid lang pala ang turing niya sa ’kin. Tinanggap ko iyon pero hindi ako sumuko sa kanya. Nanatili kaming magkaibigan. Pero dahil sa madalas s’ya sa bahay namin ay nahulog ang loob nila ni Kuya sa isa’t-isa. Doon na ako nawalan ng pag-asa. Pinili kong lumayo sa kanila hanggang sa hindi ko na kilala ang sarili ko. Nagrebelde ako dahil ang pakiramdam ko iniwan ako ng mga taong mahalaga sa akin. Wala na nga akong magulang, nawalan pa ng pangalawang pamilya at kaibigan. Sa tuwing nalulungkot ako, dito ako pumupunta. Dito ko rin nakilala sila Aling Tasing at ang mga bata. Naisip kong sa kanila na lang makipaglapit dahil pare-pareho naman kami ng dinanas. Lahat kami ay inabandona ng mga mahal namin sa buhay.” malungkot nitong pahayag.
Hindi ko pa rin magawang magsalita dahil sa labis na awa sa kanya. Muli itong nagsalita.
“Tapos heto na nga. Dumating ka sa buhay ko.” wika ulit n’ya.
Nagsimula nanamang dumaloy ang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi. Patuloy s’ya sa kanyang pagkekwento habang humihikbi.
“Handa na akong magbago Tom eh. Nasimulan ko na dahil binigyan mo ako ng lakas. Sabi ko sa sarili ko ‘Daniel s’ya na, s’ya na ang matagal mo nang hinihintay’. Kaso bakit ganito nanaman ang nangyari? Bakit naulit nanaman? Alam ko naman na hindi ako perpekto at nagkakamali paminsan-minsan. Pero naging napakasama ko ba para maranasan ko ang mga ito?” tanong n’ya.
“Hindi Daniel. Hindi totoo ’yan. Kung alam mo lang kung paano mo kami napapasaya sa paligid mo. Kahit mga taong hindi mo kaano-ano napapasaya mo. Mabuti kang tao kaya nasasaktan ako sa mga dinadanas mo. Nasasaktan ako dahil isa ako sa mga taong nagpapahirap sa ’yo. Patawarin mo ako Daniel…. Patawarin mo ako…” pakiusap ko sa kanya habang patuloy ang pagdaloy ng masagana kong mga luha.
Hindi nito sinagot ang mga sinabi ko. Humarap ito sa dagat at nakatitig sa kawalan. Tila ba nag-iisip s’ya ng malalim. Awang-awa na ako sa kanya dahil nakikita kong naaawa rin s’ya sa kanyang sarili. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng kanyang mga luha ganon din ako.
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin.
“Alam ko naman Tom na matagal nang may pagtingin sa ’yo si Kuya eh. Inunahan ko lang s’ya dahil alam kong mahihirapan s’yang tanggapin na katulad ko rin s’ya na nagmamahal sa kapareho n’yang kasarian. At ginamit ko rin ang pagkakataong iyon para lalong mapalapit sa ’yo.” bigla n’yang sambit.
Nagulat man sa kanyang sinabi ay hindi ko nagawang makapagsalita dala ng kalungkutan.
“Natatandaan mo ba Tom ang mga sinabi ko noon sa ’yo nang panahong ipinagtapat ko ang pagmamahal ko sa ’yo?” tanong n’ya sa akin.
Hindi ko magawang sumagot dahil nahihirapan akong makita ang sitwasyon n’ya ngayon. Nagpatuloy ito sa kanyang sinasabi.
“Sinabi ko sa ’yong hindi ako magde-demand kahit isang beses. Pero bakit parang hindi ko kaya? Gusto ko akin ka lang. Sinabi ko rin sa ’yo na kahit paulit-ulit mo akong saktan ay paulit-ulit pa rin kitang mapapatawad. Ganon kita kamahal Tom, ganon kita kamahal. Na kahit sarili ko kalilimutan ko para lang maipakita sa ’yo kung gaano kita kamahal.” wika nito sa akin muli.
“I’m sorry Daniel… Patawarin mo ako, hindi ko sinasadya… Patawarin mo ako…” paulit-ulit kong wika.
Hirap na hirap na akong magsalita dahil sa paninikip ng dibdib ko at paghikbi.
Humarap ito sa akin at lumapit. Dahan-dahan n’ya akong niyakap kaya lalo akong nanghina sa kanyang ginawa. Hindi ko alam kung paano ko mapapatawad ang sarili ko sa nagawa kong pananakit dito. Tanging pagyakap lang pabalik sa kanya ang nagawa ko.
“Ssshhhh… Tom, itigil mo ’yan.. Wala kang kasalanan.. Pinili kong ipaglaban ang nararamdaman ko para sa ’yo kahit na simula pa lang sinabi mo nang hindi mo iyon masusuklian.. Ako ang patawarin mo dahil inipit kita sa sitwasyong ganito. Dahil lang sa gusto kong makaramdam ng saya, pinilit ko ang kagustuhan kong mas maging malapit sa ’yo.. Patawarin mo ako Tom.. Patawad..” wika nito habang yakap ako.
Naging mahinahon na rin ito at bahagyang tumigil sa pag-iyak.
“Hindi ko gustong saktan ka Daniel.. Naging napakabuti mo sa akin.. Pati kina Mama at Julius.. Hindi ko alam kung paano ko mapapatawad ang sarili ko..” wika ko sa kanya pabalik.
“Tom, pinili ko ito. Natatandaan mo rin ba nung sinabi ko sa ’yong titigil lang ako kapag hindi naging sapat ang pagpapakita ko ng pagmamahal sa ’yo? Na ako na mismo ang lalayo?” tanong nito sa akin.
Tumango-tango lamang ako bilang pagsagot habang nakakulong lamang ako sa mga bisig nito.
“Isa lang doon ang kaya kong gawin Tom.” dugtong n’ya.
Napabitaw naman ako sa aming pagkakayakap at tiningnan ko ito ng may pagtatanong. Hinawakan n’ya naman ako sa magkabila kong balikat bago n’ya ipinagpatuloy ang pagsasalita.
“Gusto kong malaman Tom.. Masaya ka ba kasama si Kuya?” tanong nito sa akin ng malumanay.
Saglit ko itong tiningnan sa mata bago ako tumango bilang pagsagot.
Nagbitaw ito ng mapait na ngiti at nagsalitang muli.
“Isang bagay lang ang magagawa ko Tom. Sa pangalawang pagkakataon, magpapaubaya ako. Ginagawa ko ito hindi para kay Kuya. Ginagawa ko ito dahil mahal kita, mahal na mahal. Ayaw kong makita kang hindi masaya. Gusto kong makita ang bagay na nagustuhan ko sa ’yo, ang mga ngiti mo. Pwede ba ’yon?” wika nito sa akin.
Nanatili naman akong nakatingin sa mga mata n’yang puno ng lungkot. Nagpatuloy pa itong muli.
“Pero ang bagay na hindi ko kayang gawin ay ang malayo sa ’yo. Alam kong tanga ako dahil dapat ay hahayaan na kita at lalayo na ako. Pero ayaw kong may mananakit sa ’yo. Hangga’t hindi ako nakakasiguradong walang mananakit sa ’yo, maaari bang manatili ako sa tabi mo? Kahit bilang magkaibigan lang. Gusto lang kitang protektahan tulad ng dati. Pero nangangako ako sa ’yo na hindi ako makakasagabal sa relasyon n’yo ng Kuya ko. Susuportahan ko kayo sa abot ng makakaya ko. Basta makita lang kitang masaya, kuntento na ako. Pwede ba ’yon Tom?” pakiusap nito.
Napakabuti ni Daniel. Hindi ko lubos maisip kung bakit n’ya nararanasan ang mga paghihirap na ganito sa kabila ng kabutihan nito.
Tumango-tango ako bilang pagsagot sa kahilingan nito. Hindi ko magawang magsalita. Masaya ako dahil sa pagtanggap nito pero nalulungkot din ako sa nakikita ko ngayon sa kanya.
“Salamat Tom… Salamat..” wika nito at niyakap ako muli.
Ginantihan ko ang kanyang yakap. Sana sa ganitong paraan ay mapagaan ko kahit kaunti ang bigat na nararamdaman nito.
“Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti para ibigay sa akin ang kagaya mo Daniel. Sana sa lalong madaling panahon ay mahanap mo na rin ang hinihintay mo. Gusto kong makita kang masaya. Ayaw kong nahihirapan ka.” wika ko sa kanya.
“Mas mahihirapan ako kung malalayo ka. Kaya sana hayaan mo ako sa bagay na ikasasaya ko. Ang protektahan ka. Pwede ba ’yon Tom?” pakiusap n’ya.
Huminga ako ng malalim at hinarap s’ya.
“Maipapangako mo ba na susubukan mong balikan ang mga taong iniwan mo at nagmamahal sa ’yo? Gusto kitang tulungan mabuo muli ang sarili mo Daniel. Mahalaga ka na rin sa akin kaya gusto kong makumpleto ka.” hiling ko dito.
“Kung ’yon ang tanging paraan para hindi mapalayo sa ’yo, gagawin ko.” tangi n’yang sagot.
“Daniel..” pakiusap kong muli.
“Hindi kita isusuko Tom.. Pero sa ngayon, gusto kitang makitang masaya kaya ipapaubaya kita kay Kuya. Maghihintay ako tulad ng ipinangako ko noon sa ’yo.” wika nitong muli.
Tinitigan ko lamang ito dahil wala akong maisagot sa mga sinabi n’ya. Mukhang desidido na s’ya.
Ilang minuto kami sa ganoong posisyon bago ako nito niyayang umuwi.
“Halika na, ihahatid na kita. Punasan mo na rin ang luha mo. Baka ’pag nakita ni Tita na namamaga ang mata mo mapagalitan pa ako. Sabihin n’ya pang pinapaiyak kita.” wika nito sa akin matapos bumitaw.
Bahagya akong natawa.
“Eh totoo naman eh.” sagot ko sa kanya.
Tumawa lamang ito sa sinabi ko. Ilang minuto matapos nang pangyayaring iyon ay muli na akong nagsalita. Seryoso ko itong tiningnan.
“Salamat Daniel. Salamat. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa lahat ng ginawa mo sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa ’yo. Pangako, mananatili akong tapat na kaibigan mo. Ituring mo akong pamilya, kami nila Mama at Julius. Pamilya mo na rin kami. Kaya sana ’wag mong isiping nag-iisa ka. Nandito kami, isipin mong nadagdagan pa ang mga taong nagmamahal sa ’yo at nagpapahalaga. Importante ka sa amin. Nariyan din naman sila Charm, Dee at Ben. Isama mo pa si Jurnie kahit baliw ’yon.” wika ko na rito at ngumiti.
“Kahit ’wag mo na isama ’yun!” balik n’ya naman ngunit tumatawa.
“Baliw ka! Bestfriend mo ’yun!” natatawa kong wika sa kanya.
“Joke lang! Mahal ko ’yung damulag na ’yon.” depensa n’ya naman.
Binalikan na namin ang kanyang motor at nagpasya na ring umuwi. Walang namagitang usapan sa aming dalawa habang nasa biyahe.
Narating namin ang aming bahay ngunit tumanggi ito nang alukin ko s’yang pumasok muna. Hindi na s’ya umalis pa sa pagkakaupo sa kanyang motor. Ako naman ay nakatayo lamang sa kanyang harapan.
“Hindi na Tom. Late na rin eh. Saka magkikita naman tayo bukas ’di ba?” tipid na ngiti n’yang wika sa akin.
“Oo naman. Magkikita pa tayo bukas.” sagot ko naman sa kanya.
“Sana walang magbago sa samahan natin Tom. Tulungan mo akong mapanatili ang pagbabago ko. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin dahil ikaw ang dahilan ng pagbabago ko.” pakiusap nito.
Ngumiti ako sa kanya at nagsalita.
“Pangako Daniel. Magkaibigan tayo ’di ba? Gusto kong maging saksi sa muling pagbuo ng pagkatao mo. Gusto kong maging saksi sa bawat kasiyahan mo. Hindi ako aalis as tabi mo. Ayaw kong isipin mong lumalayo kaming mga taong pinahahalagahan mo.” nakangiti kong wika sa kanya.
“Salamat Tom.. Salamat..” nakangiti na nitong wika. “Payakap nga, kahit ito na ang huli bilang manliligaw mo!” dugtong pa nito.
Wala naman akong pag-aalinlangan na nilapitan ito at mahigpit na niyakap. Muli itong nagsalita.
“May nagmamay-ari na kasi sa ’yo eh. Baka mamamatay ’yun sa selos si Kuya ’pag ginawa ko ito sa ’yo kahit bilang magkaibigan na lang. Monster pa naman ’yun kapag nagseselos.” wika nito habang yakap ako at natatawa.
Natawa rin ako sa sinabi n’ya dahil tama naman ang bagay na iyon.
Bumitaw na kami at nagpaalam na rin s’yang aalis.
“Good night Tom. See you tomorrow. Sunduin kita ha? Sabay na tayong pumasok. Gusto kong makausap si Kuya kasama ka pagdating natin sa trabaho.” wika nito sa akin.
Tumango ako sa kanya at ngumiti.
“Good night. Mag-iingat ka ha? Kita tayo bukas.” sagot ko sa kanya.
Isinuot na nito ang kanyang helmet at pinaandar ang kanyang motor. Nagawa pa nitong kumaway muna bago tuluyang makaalis na ginantihan ko rin ng pagkaway.
Pumasok na ako sa bahay at nagulat akong nadatnan si Mama na nakaupo sa aming sala.
“Ma… Bakit gising pa po kayo? Dapat po ay nagpapahinga na kayo ah?” wika ko sa kanya.
Nilapitan ko ito at hinalikan sa pisngi.
“Bakit gising pa ako? Aba anak, baka gusto mo naman magpaliwanag muna kay Mama kung bakit hindi mo nagawang umuwi dito kagabi? Ang sabi lang sa akin ni Cha ay ’wag lang akong mag-alala dahil nasa mabuti kang kalagayan. Nasa heaven ka raw kagabi. ’Yung totoo, nagda-drugs ka na ba anak? Tapos ngayon gabi ka na umuwi. Nag-aalala din ako noh?” mahabang wika nito at tila nagtatampo.
Nilapitan ko itong muli at niyakap.
“Ma naman.. ’Wag ka nang magtampo. Sorry na po. Saka hindi ako nagda-drugs no!” paglalambing ko rito.
Alam kong na-miss lang ako nito at ramdam ko ’yon nang yakapin ako nito pabalik.
Matapos namin bumitaw ay nagtanong itong muli.
“So anong nangyari? Sinong kasama mo at hindi mo nagawang umuwi kagabi?” tanong nito sa akin.
Umupo ako sa upuan sa kanyang tapat dahil mukhang mahabang paliwanagan ang mangyayari. Ito na rin kaya ang pagkakataon na sabihin ko kay Mama ang tungkol sa amin ni Sir Xander?
“Mmm… S-si Sir Xander po..” tangi kong sagot.
“Ah… ’Yung isang anak kong gwapo pala.. So anong meron sa inyo ni Xander? Bakit kailangan doon ka pa matulog at inabot naman ngayon ng gabi para umuwi?” pag-uusisa nito.
Napakamot ako ng ulo bago sumagot sa kanya. Hindi rin ako makatingin dito ng tuwid.
“Ahm… K-kasi po.. ano kasi…” utal kong wika na hindi maituloy. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
“Kasi ano?” tanong muli nito.
“K-kasi po… ahm… ano..” wika ko ulit.
“Luma-love life na ba ang panganay ko?” biglang tanong nito.
Agad kong naiangat ang aking mukha at tiningnan si Mama ng may pagtataka.
“P-paano n’yo n’yo po nalaman Ma? W-wala pa po akong nasasabihan ah?” utal kong tanong sa kanya.
Natawa naman ito bigla sa tanong ko.
“Hahahaha! Ang totoo anak sinubukan ko lang hulaan. Kaso ang bilis mo naman umamin! Hahahaha!” sagot n’yang tumatawa pa rin.
“Ma naman eh!” maktol ko rito.
“So anong nangyari? Kwento na dali! Ayieee!! Ang panganay ko marunong na palang kiligin! Akala ko sa pag-ihi ka na lang kikiligin eh!” wika nito at tinabihan na ako sa pagkakaupo.
“Mama naman eh! Uhm.. Next time ko na ike-kwento ’Ma.. Medyo mahabang kwento eh.. Pero Ma, hindi po ba kayo galit?” tanong ko sa kanya.
“Bakit naman ako magagalit anak? Masaya pa nga ako eh!” sagot n’ya naman sa akin.
“Talaga ’Ma?” hindi makapaniwala kong tanong.
Sumeryoso naman ito at tiningnan ako sa mata.
“Anak, wala akong hinangad kundi ang kasiyahan n’yo ni Julius. Kayong dalawa ang nagiging lakas ko sa tuwing makikita kong masaya kayong magkapatid. Masyado ka na rin nag-focus sa amin ni Julius kaya sa tingin ko oras na rin para sarili mo naman ngayon ang isipin mo. Puro na lang kami ni Julius ang inaasikaso mo. Paano ka naman? Gusto ko rin naman makita ka na masaya sa piling ng taong nagmamahal sa ’yo.” paliwanag nito sa akin.
Napangiti n’ya naman ako sa kanyang mga sinasabi. Wala na talagang hihigit pa sa Mama ko. Nagpapasalamat ako dahil ang kagaya n’ya ang naging nanay ko.
“Salamat Ma… Salamat po.” wika ko dito at niyakap ng mahigpit.
“Asus! Ang drama ng panganay ko oh! Pero teka? Paano si Daniel?” tanong nito at bumitaw sa aming pagkakayap.
Nagtaka naman ako sa tanong nito. Kahit minsan ay hindi ko sa kanya nabanggit ang ginawang panliligaw sa akin ni Daniel. Hindi kaya si Cha ang nagsabi?
“Paano n’yo po nalaman ang kay Daniel ’Ma? Si Cha po ba ang nagsabi?” tanong ko sa kanya.
“Hindi anak. Si Daniel mismo. Nagpaalam s’ya sa akin noong minsan s’yang nandito. Bumilib nga ako sa batang ’yon eh! Alam kong malinis rin ang intensyon n’ya sa ’yo dahil hindi ’yun maglalakas-loob na magpaalam sa akin kung hindi s’ya seryoso. Kaya nung sinabi n’ya ’yun, pumayag na rin ako. Niyakap pa ako at nagtatalon sa tuwa nung pumayag ako.” mahabang sagot nito.
Nakaramdam nanaman ako ng pagka-konsensya. Napakabait talaga ni Daniel.
“Nagkausap na po kami ’Ma, kaya po medyo na-late ako ng uwi ngayon. Noong una ay naging mahirap, pero sa huli ay natanggap n’ya na rin. Naaawa nga ako sa kanya ’Ma eh. Kasi wala s’yang ginawa kung hindi puro kabutihan.” wika ko sa kanya.
“Naiintindihan kita anak. Pero tama ang ginawa mo. Kung ipagpapatuloy mo naman kasi ang bagay na iyon ay pareho lang din kayong masasaktan sa huli. Magiging maayos din ang lahat. Magtiwala lang kayo.” payo n’ya naman sa akin.
“Sana nga ’Ma. Sana nga.” tangi kong sagot.
“O s’ya, matulog na tayo. May pasok ka pa bukas. At sabihin mo sa boyfriend mo na magpunta dito at pormal naman na ipagpaalam ka sa akin! Basta-basta na lang pasasagutin ang panganay ko nang hindi nagpapaalam! ’Wag ganun sabihin mo!” wika nito.
Natawa ako sa sinabi ni Mama.
“Opo ’Ma. Sasabihin ko sa kanya.” natatawa kong sagot.
“O sige na, magpahinga ka na. Matutulog na rin ako.” paalam ni Mama sa akin.
“Sige Ma. Good night po. Magpahinga ka na rin. Salamat Ma. I love you po!” paalam ko din sa kanya.
“I love you too anak.” sagot naman nito.
Hinalikan ko muna ito bago namin tinungo ang kanya-kanyang kwarto.
Salamat sa araw na ito at naging maayos ang lahat. Kailangan ko rin maging handa sa hinaharap. Alam kong simula pa lamang ito at marami pa ang maaaring mangyari.
A/N
Phew! Ang hirap magdrama! Mag-a-update po ako agad kasi wala kami pasok sa work ng 2days dahil holy week. Hahaha! Sarap! Enjoy your weekend guys!
––>cold_deee
chapter 17 - choco butternut
A/N
Hi guys! Kain tayo sopas! Bawal daw ang karne ngayon sabi ni madir dahil biyernes santo! -_-
This chapter is dedicated to
RonnieMendenilla
.. salamat inaanak sa support kay ninang!!
Enjoy chapter 17 guys!
––> si Eunice po sa media.
XANDER POV
Matapos ang mga pangyayari sa pamagitan namin nina Daniel at Tom kagabi ay hindi na rin ako nakatulog ng maayos.
Gusto kong intindihin si Daniel pero sa tuwing naiisip kong si Tom ang magiging kapalit nito ay hindi ko magawang pagbigyan ito.
Aaminin kong nasasaktan ako para sa kapatid ko. Kahit na hindi ko ito kadugo ay itinuring ko na rin itong tunay na kapatid. Naging malayo lang kami sa isa’t-isa nang dumating sa buhay namin ang babaeng naging sanhi rin ng pagkawasak naming magkapatid.
Nang mga panahong napalapit kami ni Josephine sa isa’t-isa ay ang unti-unti rin n’yang paglayo sa aming lahat. Sinubukan ko s’ya noon kausapin ngunit sa tuwing bubuksan ko ang topic na iyon ay tanging ngiti lang ang ibibigay nito at sasabihing wala lang sa kanya ang lahat. Pero dahil na rin sa nangyari sa pagitan namin nila Tom ay naging sanhi na rin ito ng paglabas ng itinatago n’yang sama ng loob.
Mabait si Daniel kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt dahil sa mga nangyari.
Simula kagabi ay hindi na ako mapakali sa pag-iisip kung anong nangyari sa kanilang pag-uusap. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil nakita ko ang awa sa mga mata ni Tom para kay Daniel. Natatakot ako na magbago ang desisyon ni Tom na sumama sa akin at ipagpatuloy ang aming relasyon.
Kahapon ang isa sa pinaka-masayang araw ng buhay ko dahil kasama ko ng buong araw si Tom. Hindi ko naisip kahit minsan na magkakasama kami nito sa pagtulog. Gumising rin ako kinabukasan nang may ngiti sa labi dahil nakita ko ang mukha ng mahal ko na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Napaka-inosente nitong tingnan at hindi ko maiwasang gawaran ito ng halik. Panakaw man iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng nag-uumapaw na saya.
Maaga akong pumasok ngayong araw na ito dahil maaga rin akong nagising kanina. Ilang oras lang din ang itinulog ko dahil sa pag-aalala kina Daniel at Tom.
Pumasok din ako ng maaga dahil nagbabaka-sakali akong may makukuha akong balita tungkol kay Tom. Ngunit nang tanungin ko kanina si Charm ay nagawa pa ako nitong sigawan dahil tinatanong ako kung bakit hindi ko ito kasama. Nakalimutan n’ya ata na boss n’ya ang sinisigawan n’ya sa labis na pag-aalala sa best friend n’ya.
Sinubukan kong tanungin sa kanya kung may contact number ba si Tom pero nabigo ako dahil wala pala itong cellphone ngayon. Tanging kay Charm lang s’ya umaasa sa ngayon dahil hindi pa ito nakakaipon para makabili ng bago. Hindi ko rin naman kasi nagawang tanungin si Tom kahapon kung anong contact number n’ya noong magkasama kami. Ang tanga ko lang talaga. Nawawala kasi ako sa sarili kapag kasama ko na s’ya.
Lalo akong nag-alala dahil sa nalaman kong iyon. Paano ako makikibalita kay Tom kung wala kaming communication?
Habang naghihintay ng balita ay nagkulong muna ako dito sa aking office. Hinihintay ko ang huling shift na papasok ngayong araw na ito. Nasa panghuling shift kasi si Tom noong ma-check ko ang schedule ng aking mga staff.
Nakaupo lamang ako ngayon sa swivel chair ko at pinapanood ang video ni Tom na kinuhanan ko noong nagpunta kami ng Enchanted Kingdom. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag nakikita ko ang nakangiti nitong mukha sa video. Iba talaga ang hatid ng mga ngiti ni Tom. Kahit paulit-ulit ko itong panoorin ay hindi ko ito pagsasawaan. Pinanood ko itong muli dahil nami-miss ko na s’ya.
Natigil ang pagngiti ko at pagtitig sa nakangiting mukha ni Tom mula sa video dahil biglang nawala ang cellphone ko sa aking mga kamay.
Nang sundan ko ang direksyon kung saan papunta ang aking cellphone ay nagulat ako dahil nasa kamay na ito ng isang mangkukulam. Tinitingnan n’ya rin ang aking pinapanood nang may pagtataka ang kanyang mukha.
“Akin na ’yan Shai!” pagpupumilit ko sa kanya.
Panay lang naman ang iwas nito sa akin habang patuloy na pinapanood ang video. Nang matapos n’ya itong panoorin ay kusa n’ya na rin itong ibinalik sa akin ng dahan-dahan. Kita ko rin ang pagkabigla dito dahil nanlaki ang mga mata nito at bahagyang nakabuka ang kanyang bibig.
“Xander… What the hell was that?” gulat nitong tanong.
Bumalik ako sa pagkakaupo sa aking swivel chair. Kalmado lamang ako dahil wala akong pakialam sa magiging reaksyon nito. Ayaw kong itago ito dahil hindi si Tom ang klase ng karelasyong dapat itago. S’ya ang klase ng taong ipinagmamalaki.
“What you see is what you get.” wika ko sa kanya. “Bakit ka nga pala pumasok dito nang hindi man lang magawang kumatok?” dugtong ko pa at pag-iiba na rin ng topic.
“What?! What’s going on Xander?!” tanong muli nito at hindi pinansin ang huli kong tanong.
“I thought you’re smart Shai? Bakit kailangan mo pang itanong kung anong nagyayari? As what I have said, what you see is what you get.” kalmado ko pa ring sagot sa kanya.
“Wait! Wait! Wait! Let me breath Xander.” wika nito.
Huminga ito ng malalim ng maka-ilang beses bago ibinalik ang sariling composure. Ako naman ay nanatiling prenteng nakaupo.
Nang maka-recover ay agad ako nitong tinanong.
“So, mind to tell me what’s going on? I mean, since when? Is he the one you’re referring when you told me that you’re…. you’re… you’re already inlove?”
“Yep!” tangi kong sagot nang nakangiti.
Nakita kong natigilan ito at mas lalong nanlaki ang mga mata.
“Oh My! Are you serious Xander?! H-how come?!” gulat pa rin n’yang tanong.
Napakunot naman ang aking noo sa tanong nito.
“What do you mean ‘how come?’ Shai? Is it not possible?” tanong ko sa kanya pabalik.
“YES! I mean, I thought… I thought… y-y-you’re…..” utal nitong wika na hindi na natapos dahil ako na ang nagtuloy.
“Straight? ’Yun ba ang gusto mong sabihin? Siguro nga hindi na ako straight kung ’yan ang sa tingin mo. But I don’t mind. Masaya ako sa nararamdaman ko. Masaya ako na nagmamahal na ulit ako. Hindi ka ba masaya doon Shai? I thought all you’ve wanted is to see me happy?” tanong kong muli sa kanya.
“It’s not that Xander. Binigla mo ako! I mean, it’s really surprising! No, this is definitely shocking!” wika nito at umupo na sa silyang nasa harapan ng table ko.
“Well, I can’t blame you. Kahit ako hindi makapaniwala noong una. I even tried to avoid him. I tried to dismissed the thought na magkagusto sa kagaya ni Tom. But then, I realized na pinahihirapan ko lang ang sarili ko. I tried to get closer to him. And there! Na-realize ko na mahal ko na talaga s’ya.” paliwanag ko sa kanya.
Matapos kong sabihin ’yon ay napangiti ako. Pumasok kasi sa isip ko ang nakangiting imahe ni Tom.
“Oh Gahd! The real Xander is back!” sambit ni Shai.
“Aren’t you happy for me?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti ito sa akin. Kilala ko si Shai at alam kong sincere ito sa kanyang ngiti.
“I’m very happy for you Xander. It’s been a long time since the last time I saw you wearing that creepy smile. Hahahaha!” pang-aasar nito.
Napasimangot ako sa sinabi n’ya. Pero alam kong masaya nga ito para sa akin.
“You shut up!” saway ko sa kanya.
Tumawa itong muli at bigla ring tumigil. Tila may inaalala.
“But wait Xander. Did Randy knew about this? We all know what happened years ago between the two of you. What’s your plan?” nag-aalala nitong tanong.
Huminga ako ng malalim at nag-isip. Isa pa nga pala si Randy. Paano ko sasabihin sa kanya ang bagay na ito? Alam kong madi-disappoint s’ya kapag nalaman n’ya ang tungkol sa pagbabago ko.
“I think I’ll just talk to him and explain everything. Alam kong madi-disappoint s’ya, pero wala akong balak itago ang relasyong ito. Mahal ko si Tom at hindi ako makakapayag na dahil lang sa binitiwan kong salita sa nakaraan ay magkasira kami.” wika ko sa kanya.
“Well, I guess you should. Good luck Xander. You guys are my best friends, ayaw kong magkasira tayo. You better talk to him as soon as possible.” payo naman n’ya.
“Yeah.” tanging sagot ko.
“Well, since you’re back I guess there must be a celebration! May balak ba kayong ipaalam ito sa lahat? I mean, including our employees?” tanong nito sa akin.
“I have to ask Tom first. Gusto ko dalawa kaming mag-desisyon sa bagay na ’yan. Pero kung ako ang tatanungin, s’yempre ayaw kong itago ito. Ang hirap magtago ng sayang nararamdaman ko, baka hindi ko rin mapigilan ilabas ’pag kaharap ko na s’ya.” paliwanag ko rito.
“Gahd! You’re really back Xandz! Ang korny mo nanaman! Ganyan ka ’pag in-love! Nakaka-goose bumps!” kantyaw nito sa akin at tumayo na sa kanyang kinauupuan.
Natawa naman ako sa sinabi n’ya.
“Mag-boyfriend ka na kasi Shai! Go and get a prey para hindi ka naiinggit sa akin!” kantyaw ko pabalik.
“Shut up! Kung magiging kagaya mo lang din ako, nevermind!” balik naman n’ya sa akin.
Mas lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi n’ya. Pumunta na rin ito sa pinto ng office ko at nagpaalam na babalik na ulit sa dining area ng restaurant namin.
Naiwan nanaman akong mag-isa sa office at muling nag-isip. Inisip ko kung paano ko ipapaliwanag kay Randy ang mga bagay na ito. Hindi ko alam kung matatanggap nito ang paliwanag ko. Kilala ko ang best friend kong iyon. Ang pinaka-ayaw n’ya ay ang hindi pagtupad sa isang salita.
Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang makarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto ng office ko. Agad akong tumayo at pinagbuksan ito sa pagbabaka-sakaling si Tom ang bubungad dito. Ngunit nagulat ako sa taong ngayon ay kaharap ko.
“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong nito.
“Daniel..” tangi kong sambit.
Hindi na ako hinintay nitong patuluyin s’ya dahil agad din itong pumasok ng office ko. Isinara ko ang pinto at hinarap s’ya.
Magkaharap kami ngayon at titig na titig lamang sa isa’t-isa. S’ya na rin ang unang nagsalita.
“Hindi na ako magpapa-ligoy-ligoy pa. Gusto kong makasigurado kung tama ba ang naging desisyon ko.” wika nito.
Hindi ako sumagot at hinintay ko ang susunod n’yang sasabihin.
“Mahal ko si Tom at walang duda iyon dahil kaya kong ipagsigawan ito kahit sa buong mundo. Ikaw? Handa ka bang harapin ang magiging tingin ng mga tao sa’yo? Handa ka bang makatanggap ng sari-saring lait at pang-mamata ng iba?” tanong nito sa akin.
Bahagya akong napangisi dahil sa tanong n’ya bago sumagot.
“Hindi tayo tunay na magkapatid Daniel at marami tayong kaibahan. Pero may isang bagay tayong parehong-pareho. Ang walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Kaya mong isigaw sa buong mundo na mahal mo si Tom? Ibahin mo ako, kung kinakailangang isa-isahin ko ang tao sa mundo para sabihing si Tom ang mahal ko ay gagawin ko.” wika ko dito.
Ngumisi naman ito sa akin.
“Sa tingin mo ba mapapanindigan mo s’ya? Kasi ako, lahat gagawin ko para sa kanya.” tanong n’yang muli.
Ako naman ang napangisi sa sinabi n’ya bago sumagot.
“Hindi ako kasing galante mo. Hindi ko kayang gawin ang lahat para sa kanya. Dalawa lang ang kaya ko, ang mapasaya at mahalin s’ya.” sagot ko sa kanya.
Napangiti ito sa huling sinabi ko bago nagkomento.
“Kapatid nga kita.” wika n’ya.
Napangiti rin ako sa sinabi nito. Matagal nang panahon ang huli naming pag-uusap tulad nito. Ang sarap pakinggan mula sa kanya na kapatid pa rin ako sa paningin nito sa kabila ng mga nangyari.
Bumuntong-hininga ito at nagpatuloy sa kanyang sinasabi.
“Alagaan mo s’ya Kuya. Gusto kong sabihin sa’yo na pinapalaya ko na s’ya. Pinapalaya ko s’ya hindi para sa’yo. Pinapalaya ko s’ya dahil gusto ko s’yang maging masaya.” wika muli nito sa akin.
Lalo akong napangiti sa sinabi n’ya. Napakasaya ko dahil tinawag na muli ako nitong Kuya at nagawa n’ya na ring palayain si Tom. Mabait talaga ang kapatid kong ito, wala akong ibang masabi sa kabutihan nito.
“Makakaasa ka.” sagot ko rito.
“Ayokong umasa muna sa ngayon kaya babantayan ko pa rin s’ya. Ang kaibahan nga lang, magkaibigan na lang kami. Hindi naman problema ’yun ’di ba? At gusto rin kitang balaan Kuya. Sa oras na mapaiyak o saktan mo s’ya, ako na mismo maglalayo sa kanya. Babawiin ko s’ya tandaan mo ’yan.” mariin nitong pagbabanta.
Natawa ako sa sinabi n’ya at sinagot iyon.
“Sayang naman ang plano mong ’yan Daniel. Kasi hindi mangyayari ’yang mga sinasabi mo. Hinding-hindi ko sasaktan si Tom kaya ’wag ka nang umasa.” sagot ko sa kanya.
“Mabuti naman kung ganon. Mabuti na ang malinaw.” tanging wika nito.
Humakbang ito palapit sa akin at inabot ang kanyang kanang kamay. Muli itong nagsalita.
“Pasayahin mo si Tom pakiusap. Gusto ko lang makitang lagi s’yang masaya.” pakiusap n’ya.
Inabot ko naman ang nakalahad n’yang kamay bago magsalita.
“Hindi mo na kailangang makiusap dahil pareho lang ang gusto nating dalawa. Ang pasayahin s’ya.” sagot ko sa kanya.
Humakbang ito palapit at agad akong niyakap.
“Good luck Kuya, malaya na kayo.” wika nito habang yakap ako.
Ramdam kong malungkot pa rin ito sa naging desisyon nito pero nagawa n’ya pa rin kaming palayain. Walang kasing bait ang kapatid kong ito. Sana ay makahanap na rin ito ng taong pupuno sa kalungkutan nito.
“Salamat bro.. Salamat..” tangi kong sagot.
Bumitaw kami nang may ngiti sa aming mga labi. Matapos ang tagpong iyon ay tumingin ito sa bahaging pinto ng aking office at nagsalita.
“Pumasok ka na! Kanina ka pa hinihintay nitong Kuya kong kumag!” sigaw n’ya sa pinto.
Ilang sandali lang ay unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong matagal ko nang hinihintay. Tila ba nagliwanag ang buong paligid nang makita kong muli ito. Iba talaga ang epekto nito sa sistema ko.
“G-good afternoon.” alangan nitong pagbati mula sa pinto.
“Master….” tanging bigkas ko.
“Paano? Lalabas na ako. Mag-usap muna kayo.” paalam ni Daniel.
Tumango-tango lamang si Tom kay Daniel habang nakangiti. Ako naman ay naiwang tulala kay Tom.
Naglakad si Daniel sa gawing pinto at bago lumabas ay nagulat ako sa ginawa nito.
“Payakap nga Tom! Bilisan mo ha? Baka ma-late ka.” wika nito habang yakap si Tom.
Doon na ako nagising at agad na kumilos patungo sa kanila. Hinawakan ko sa mga braso si Daniel at pilit na tinatanggal ang pagkakayap n’ya kay Tom.
“Teka! Teka! Teka! Akala ko ba okey na Daniel?! Bakit may pagyakap pa?!” halos sigaw ko kay Daniel.
Bumitaw naman si Daniel at nakangiting kinausap si Tom.
“See? Sabi ko sa ’yo Tom eh, monster ’yan ’pag nagseselos!” wika n’ya at tumawa.
Si Tom naman ay nakita kong pinipigilan ang pagtawa.
“Lumabas ka na nga! Mag-uusap pa kami ’di ba? Magbihis ka na sa crew room! Bilis!” utos ko kay Daniel.
“Oo na! Oo na! Mamaya ko na lang ulit yayakapin si Tom ’pag wala ka.” sagot naman n’ya.
“Labas na sabi eh!” sigaw ko na dito.
Lumabas na nga ito ngunit halos maubusan naman ito ng hangin sa kakatawa. Isinara ko rin agad ang pinto ng office ko.
Humarap ako kay Tom at agad na niyakap ito ng mahigpit.
“Gahd! Na-miss agad kita!” wika ko sa kanya habang yakap ito.
Bahagya itong natawa bago sumagot.
“Na-miss din kita Master.” wika n’ya at tinugunan ang yakap ko.
Hindi ko talaga maiwasang hindi kiligin at mapangiti kapag tinatawag ako nitong Master. Idagdag mo pang yakap ko ito.
“Kamusta ka Master? Ayos ka lang ba? Pinaiyak ka ba ng pasaway na kapatid ko?” tanong ko sa kanya.
Natawa itong muli at sumagot.
“Ako nga ang nagpaiyak sa kanya Master eh. Kayo ba nagkaayos na kayo?” tanong nito pabalik.
“Mmm… Sa tingin ko okey naman.” tangi kong sagot.
“Mabuti naman kung ganon.” tugon nito.
Ninamnam namin ang sandaling kami ay magkayakap ng oras na iyon. Parang ang tagal kong hindi nakasama si Tom. Sobra ko talaga s’yang na-miss.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsalita muli ito habang nasa ganoon pa rin kaming posisyon.
“Ahm… Master? Kailangan ko na pong magbihis. Malapit na po ang shift ko, baka malate ako.” wika nito.
“Mamaya na, dito ka muna. O kaya um-absent ka muna kaya? Date na lang ulit tayo!” suhestyon ko dito.
Bigla naman itong kumalas sa aming pagkakayakap at tiningnan ako ng masama.
“Tumigil ka nga! Wala na akong sasahurin sa kaka-absent ko!” reklamo nito sa akin.
Ang cute! Kahit anpong expression ni Tom, ang cute!
“Eh ’di babayaran ko na lang ang araw mo!” muli kong suhestyon.
Lalong tumalim ang tingin nito sa akin.
“Hindi ko na talaga gusto ’yang idea mo Sir Xander ah?! Ayaw kong umaasa sa ibang tao.” wika nito.
“Joke lang! Eto naman hindi na mabiro! Nilalambing lang kita eh! Na-miss kasi talaga kita!” sagot ko naman at muli s’yang niyakap.
“Umayos ka kasi!” reklamo nito.
Natawa akong muli sa kanya. Kahit na nagrereklamo ito ay nagawa pa rin n’yang gantihan ang yakap ko.
“Master, magbibihis na ako.” muling pakiusap nito.
Bumitaw na kami sa aming yakapan pero may pahabol pa ako.
“Sige, pero pa-kiss muna?” request ko sa kanya.
“Ano nan––” pagrereklamo n’yang pinutol ko.
Bago n’ya pa maituloy ang sasabihin n’ya ay ninakawan ko na ito ng halik. Kahit siguro ilang beses kong gawin sa kanya ito ay hindi ako magsasawa. Nakita ko nanaman itong nag-blush. Ang cute talaga!
“Sige na Master Tom, magbihis ka na. Kita tayo mamaya sa dining.” nakangiti kong wika sa kanya.
“Magta-trabaho ako. Hindi kita makakausap mamaya. Ikaw din, magtrabaho ka na. Balita ko simula nang dumating ka, nandito ka lang nakakulong sa office mo.” sagot naman nito sa akin.
“Aawww! Hinahanap pala ako ng Master ko! Kinikilig nanaman ako!” magiliw kong wika sa kanya.
Muli nanaman itong namula kaya tuwang-tuwa nanaman ako.
“Ewan ko sa’yo! D’yan ka na nga! Magtrabaho na tayo!” wika nito at tinungo ang pinto.
“Yes boss!” sagot ko at sumaludo pa ako.
Natatawa naman itong lumabas ng pinto at umiiling-iling.
Masaya ako sa naging resulta ng lahat. Walang mapaglagyan ang kaligayahan ko. Sana ay magtuloy-tuloy pa ito.
Teka? Dapat mag-celebrate ako!
TOM POV
Narito ako sa dining area at sinimulan nang magtrabaho. Naging abala ang araw na ito dahil marami kaming customers. Paminsan-minsan pumupunta sa dining area si Sir Xander at kumakausap ng ibang customers na naroon. Paminsan-minsan ay nakikita ko itong tumutulong sa amin sa paglilinis dahil sa dami ng aming customers.
Hindi rin ako nakaligtas sa mga pagpapa-cute nito. Minsan ay hindi ko maiwasang mailang dahil sa ginagawa nitong pagtitig sa akin. Sa tuwing magtatama rin ang mga mata namin at ngingiti ito at kikindat. Ayaw ko mang magpahalata ay hindi ko mapigilang mag-init ang aking mukha. Alam kong namumula ako kaya nakikita ko itong tuwang-tuwa sa ginagawa.
Nang makahanap naman ako ng tiyempo ay ginantihan ko ito. Nginitian ko ito ng matamis tulad ng ngiting gusto n’yang nakikita sa akin. Kaya ang resulta, s’ya naman ang natulala at nataranta. Halos hindi ko mapigilan ang aking pagtawa dahil sa nangyari sa kanya.
Dumating ang break time ko at pagpasok ko ng crew room ay nagulat ako sa naging bungad ng mga katrabaho kong kasabay kong magbreak ng oras na iyon.
“Oy Pareng Tom! Kain ka na rin! Eto ang pizza mo oh! Swerte mo isang box sa’yo.” bungad sa akin ni Ben.
“Ha?! Saan naman galing ’yan?” tanong ko naman sa kanya.
“Nag-treat si Sir Xander. Pina-deliver ’yan dito. ’Yung sa’yo naman nakahiwalay. Bilin n’ya rin sa amin na ’wag daw namin buksan, ikaw lang daw ang magbukas.” paliwanag naman n’ya.
Nilapitan ko ang box ng pizza para buksan. Ano naman ang naisip ni Sir Xander at nagpa-deliver pa ng pizza?
Dahan-dahan kong binuksan ang box ng pizza at nagulat ako sa laman nito. Heart shaped na pizza na hindi pangkaraniwan dahil bilog o square lamang ang nakikita ko madalas. Tiningnan ko ang sa mga katrabaho ko at nakita kong puro hugis bilog ang sa kanila.
Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa kalokohan ni Sir Xander na iyon.
“Ano bang flavor ang sa’yo at kailangan sa’yo lang ’yang isang box?” tanong naman ni Lizzy sa akin.
Akmang sisilipin n’ya ang laman ng box na hawak ko ay tinakpan ko agad itong muli. Nagtataka ako nitong tiningnan.
“A-ahm… p-parehas lang naman sa flavor ng sa inyo..” utal kong wika kay Lizzy.
“Whatever!” tangi lang nitong wika at bumalik na sa kanyang upuan at itinuloy ang pagkain.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na ito nangulit pa.
Agad din naman akong tumayo bitbit ang pizza na binigay ni Sir Xander. Pinuntahan ko ito sa kanyang office at agad na kumatok. Hindi pa nagtatagal ay binuksan n’ya naman ang pinto.
“Oh?! Hi Master! Natanggap mo ba ang pizza na bigay ko? Nakain mo ba?” tila excited nitong wika.
Pumasok muna ako sa kanyang office bago nagtanong.
“Paano ko makakain ’to Sir Xander sa harap nila? Anong naisip mo at ganito ang shape na in-order mo?” medyo naiinis kong wika dito.
“Ano naman ang problema don? Nagpakahirap pa kaya ako para lang ma-request ’yan. Gusto ko special ang sa’yo kasi special ka.” nakangiti nitong wika.
“Sa tingin mo matutuwa ako? Eh nakakahiya kaya sa kanila, hindi ko nga magawang buksan sa harap nila.” sagot ko naman sa kanya.
Biglang nawala ang mga ngiti nito at malungkot na tumingin sa akin.
“Hindi mo ba nagustuhan? Sorry…” wika nito.
Agad naman akong nakonsensya sa naging reaksyon nito. Hindi na muli itong nagsalita at yumuko na lamang.
Huminga ako ng malalim saka ko ito nilapitan. Niyakap ko ito sa kanyang bewang at kinausap.
“Master… Sorry na… Nagulat lang talaga ako sa laman ng box. Alam mo naman na hindi pa nila alam ang tungkol sa atin ’di ba? Ayaw ko lang naman na pag-usapan ka nila. Baka mag-isip pa sila na ang boss nila ay may favoritism. Baka hindi ko kayanin ang maririnig ko sa kanila ’pag may sinabi silang hindi maganda tungkol sa’yo.” paliwanag ko dito.
“Hindi naman favoritism ang tawag doon Master eh. Para sa boyfriend ko ’yon, hindi para sa favorite kong empleyado.” sagot naman nito.
Nakatingin lamang ito ng derecho at hindi ako matingnan. Ako naman ay bahagyang nakatingala sa kanya.
“Oo nga, nandon na tayo. Pero ayaw kong malaman nila ang tungkol sa atin sa ganoong paraan.” paliwanag kong muli sa kanya.
“Eh sa paanong paraan mo gustong ipaalam sa kanila? Sabihin mo nga sa akin Tom. Hindi mo ba gustong malaman ng iba ang tungkol sa atin? Kasi ako kaya kong sabihin sa kanila ’yon. Hindi ko ikinakahiya ang tungkol sa atin.” balik n’ya naman sa akin at nagawa na akong tingnan sa mga mata.
Napangiti naman ako sa sinabi n’yang iyon. Ang buong akala ko kasi ay itatago namin ang aming relasyon dito sa aming trabaho. Iyon din kasi ang bagay na gusto kong itanong sa kanya.
“Hayaan mong ako ang magsabi sa kanila Master, pero hindi sa ganoong paraan. ’Wag din natin silang biglain. Alam mo namang ikaw ang boss dito at empleyado mo lang ako.” pangungumbinsi ko dito.
Huminga naman ito ng malalim at saka ako niyakap pabalik.
“Ikaw ang bahala. Basta ’pag hindi ko nahintay, ako na mismo magsasabi sa kanila.” wika naman n’ya.
Natawa lamang ako sa kanya. Ang sarap pala lambingin ang nagtatampong Sir Xander.
“Teka? Kumain ka na ba Master?” bigla kong tanong sa kanya at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.
“Hindi pa nga eh. Hinihintay kasi kita. Alam ko kasing pupunta ka dito sa office ko. Pero ang akala ko ay para magpasalamat ka, yun pala para pagalitan lang ako.” nakanguso nitong sagot.
Natawa nanaman ako. Ang childish n’ya talaga.
“Sige na, sabay na tayo. Eto na lang heart shaped pizza na bigay mo.” yaya ko dito.
Ngumiti naman ito sa akin at inakbayan ako. Umupo kami sa maliit na sofa dito sa loob ng kanyang office. Ako rin ang nagbigay ng isang slice para sa kanya. Habang kumakain ay hindi namin maiwasang magkulitan nanaman. Tanging tawa namin ang maririnig mo sa office n’yang iyon.
Matapos ang aking breaktime ay bumalik na rin ako sa aking trabaho. Hindi na gaanong busy sa mga oras na ito.
Habang nakatayo malapit sa entrance ng aming restaurant ay bumukas ang pinto nito.
Agad ko itong binati at ginawa ang welcome greeting ng aming restaurant. Nagulat ako nang tanggalin nito ang kanyang sunglass.
“Hi Tom! Kamusta?” masiglang bati nito.
“H-hi Eunice. A-ayos lang naman po.” utal kong bati pabalik.
Ngumiti lamang ito at nagtuloy sa usual spot nito. Sinundan naman ito agad ng kapwa ko waiter na si Ben na naka-assign sa kanyang pwesto. Dapat ay ako ang mag-a-assist sa kanya dahil bilang waiter ay nararapat na ihatid muna namin ang aming guests sa kanilang uupuan. Pero hindi ko na iyon nagawa dahil sa pagkabigla.
“Is Xander there?” dinig kong tanong nito kay Ben.
“Yes Ma’am. Ipapatawag ko po ba?” magalang na sagot ni Ben.
“Yes please. Thank you.” wika nito.
Halo-halo ang nararamdaman ko. Ewan ko kung naiinis ako o ano. Pero hindi ko gusto ang presence nito.
Lumabas si Sir Xander at dumerecho s’ya sa lugar ni Eunice. Nagbeso-beso pa sila. Narito naman ko sa bar area dahil nagligpit ako ng mga basong pinag-gamitan ng customer.
‘Aba! At hindi man lang ako tinapunan ng tingin?!’
maktol ko sa aking isip.
‘Sige lang, pakasaya kayo. May patawa-tawa pang nalalaman!’
muli kong maktol.
“Ha? Sinong tumatawa Tom?” tanong ng isang tinig sa aking tabi.
Agad ko itong nilingon at nakita kong nakalapit na pala sa akin si Kuya Vher na aming bartender.
“Ah-eh.. W-wala kuya.. Sige, balik ka na rin sa trabaho.” wika ko rito.
“Nagsasalita ka nanaman mag-isa Tom. Malala na ’yan!” balik nito sa akin.
Hindi ko na lamang ito pinansin.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagtatrabaho. At ang magaling kong boss, nagpatuloy rin sa pakikipag-harutan sa babaeng ’yun!
Alam kong nasabi sa akin ni Sir Xander na tinulungan kami ni Eunice na magkaayos. Pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko na magkaroon sila ng espesyal na pagtitinginan lalo na at ang alam yata ng Mommy ni Sir Xander ay girlfriend n’ya ito.
“Tom!” tawag sa akin ni Kuya Vher.
Nilapitan ko itong muli dahil mukhang may ipapahatid itong order sa akin.
“Pakilagay sa table 2 please.” pakiusap n’ya at ibinigay sa akin ang pineapple shake.
Pag-check ko kung saan ko ilalagay ang inumin na iyon ay parang gusto kong ibalik muli kay Kuya Vher ito at sabihing sa iba n’ya na lang iutos. Dahil ang inumin na iyon ay kay Eunice lang naman.
Labag man sa aking kalooban ay wala akong magagawa dahil si Ben ay busy naman sa pagte-take order sa isa pang table.
Lumapit ako sa kanila at nakikita kong ang saya-saya nilang nag-uusap. Sinuot ko ang pekeng ngiti at nagsalita.
“Excuse me Ma’am. Here’s your pineapple shake.” wika ko at inilapag na ang order.
Hindi sila nag-response at abala pa rin sa kwentuhan at tawanan. Sinubukan kong magtanong muli gamit ulit ang pekeng ngiti.
“Is there anything else you need Ma’am?” tanong ko.
At for the second time, wala nanaman akong sagot na nakuha. Busy pa rin sila!
Kesa magmukhang tanga ay umalis na lang ako sa kanilang harapan. Ngunit nang makatalikod na ako sa kanila ay saka naman ako nito tinawag.
“Ahm.. Tom?” tawag sa akin ni Sir Xander.
Humarap naman ako sa kanya at ngumiti muli. Sa wakas napansin n’ya rin ako!
“Ahm.. Paki-follow up mo naman ang food ni Eunice sa kitchen.” biglang pakiusap ni Sir Xander.
Literal na napataas ang kilay ko dahil matapos n’ya iyon sabihin ay bumalik na ulit ang tingin nito kay Eunice.
‘Gggrrr!!! Nakakagalit na talaga!!!’
sigaw ko sa aking isip.
Pumunta ako sa kitchen at nag-follow up ng pagkain na ’yon.
Eto rin ang mahirap sa pagiging waiter eh, iisa lagi ang dapat na reaksyon. Dapat lagi lang nakangiti kahit na sasabog na ang dibdib namin sa galit!
Ilang minuto ang lumipas at nakita kong lumabas na ang in-order nitong pagkain. Mabuti na lamang at hindi na ako ang naghatid sa table na iyon.
Hindi pa rin umalis si Sir Xander sa pwesto ni Eunice. Lalo akong nakakaramdam ng inis dahil mukhang wala na itong balak na umalis pa roon.
Ilang sandali pa ay nakita kong kinakausap na rin ni Eunice ang ibang waiter at waitress dito sa aming restaurant. Bati rito at ngiti roon ang ginagawa nito. At eto namang mga kasama ko, mukhang natutuwa rin sa kanya.
Ilang sandali pa ay ang pwesto na lamang ni Eunice ang natitirang table na may nakaupo dahil nakaalis na ang iba naming customer. At hindi nga ako nagkamali, hindi na umalis doon si Sir Xander.
Halos mabura ko na ang pintura ng mga tables na naroon dahil sa madiin kong pagpupunas sa mga ito. Naglilinis ako ngayon dahil malapit nang magsara ang restaurant namin.
Lalo pa akong naiinis dahil ako na lang ang kumikilos sa mga oras na ito. Ang mga kasamahan ko naman ay abala sa pakikipag-kwentuhan sa bisita ni Sir Xander. Naroon na rin ang ibang kitchen staff dahil ipinakilala ito sa kanila ni Sir Xander. Tanging si Daniel lang ang hindi ko nakita. Marahil ay abala rin ito sa loob ng kitchen sa paglilinis.
Naririnig ko ang malakas nilang tawanan at kantyawan na lalong nagpapakulo ng dugo ko.
“Tom! Come here! Join us! Kanina ka pa naglilinis d’yan eh!” biglang tawag sa akin ni Eunice.
Nilingon ko ito at ginamit ko nanaman ang pekeng ngiti.
“Sorry Ms. Eunice. Kailangan ko lang pong tapusin ito eh. NAKAKAHIYA naman po kasing umuwi nang marumi pa rito.” wika ko at may diin ang salitang nakakahiya.
“Kanina pa kaya malinis ’yan Tom! Pabalik-balik ka na lang sa pinupunasan mong table! Nakapaglinis na rin sila Ben sa area ng booth seats kaya wala ka nang lilinisin. Dito na lang tayo habang naghihintay ng oras mag-out. Wala naman problema kay Sir Xander kasi wala na tayong customer oh!” wika naman ni Jurnie.
Minsan talaga pahamak ’tong si Jurnie eh!
Wala na nga akong nagawa dahil wala na akong mahagilap na idadahilan.
“Come here Tom! I wanna ask you a favor. Eto kasing si Xander eh, pinag-iisipan pa kung ihahatid ako o hinde. Tulungan mo naman akong ma-convince please? Hindi kasi nila kinaya ma-convince eh.” maarte nitong wika na tinuturo pa ang mga katrabaho ko.
Tiningnan ko lamang si Sir Xander ngunit nanatili itong nakatingin kay Eunice at natatawa sa kanya. Ang mga kasama ko naman ay tila naghihintay ng isasagot ko.
Parang sasabog na ako dahil sa nakikita ko. Hindi na ako naiinis! Nagagalit na ako!
“Bakit po kelangan n’yo pa ng tulong Ms. Eunice? Kung ayaw n’ya pong maghatid sa inyo, ’wag n’yo na po pilitin.” tanging nasabi ko.
“Eh gusto ko nga s’ya makasama pa eh..” sagot naman nito.
Nagtawanan naman ang mga katrabaho ko kahit walang nakakatawa sa sinabi nito. Marahil ay natatawa sila sa pag-iinarte ni Eunice.
Naku! Kung hindi lang talaga ’to babae!
“S’ya po ba tinanong n’yo kung gusto kayo makasama? Bakit po kasi pinipilit n’yo pa?” inis kong wika.
Hindi ko na napigilan ang inis ko kaya kusang lumabas na ito sa bibig ko.
“Hahahaha! Relax Tom! Wala naman kasing masama kung magkasama kami umuwi ’di ba? In fact, pwede nga s’ya matulog sa condo ko. Single naman s’ya and single naman ako, so wa––” wika nito ngunit putol dahil agad kong sinalungat ito.
“Hindi s’ya single!” pagputol ko sa kanya.
“Oh really? Is that true Xander?” tanong ni Eunice kay Sir Xander.
Tiningnan ko si Sir Xander ng matalim at naghintay sa sagot nito.
“A-ahm…” tanging sambit ni Sir Xander. Tila ba hindi nito alam kung anong isasagot.
“See? Walang maisagot ang boss n’yo ’di ba? So pwede n’ya na akong ihatid at matulog na rin sa condo ko, right guys?” tanong ni Eunice sa mga katrabaho ko.
“Oo nga Sir! Hatid mo na! Ayiieee!!!” kantyaw naman nila.
Sa pagkakataong ito ay naubos na ang pasensya ko.
“Hindi nga pwede Eunice! Bakit ba ang kulit mo?!” inis kong wika rito.
Natahimik silang lahat sa ginawa kong pagsigaw.
itutuloy……
A/N
Sorry guys need ko s’ya i-cut, napahaba eh. hehe! proceed na tayo sa next chapter.
––>cold_deee
chapter 18 - bavarian deluxe
A/N
eto na po ang continuation ng chapter 17.. enjoy guys!
––> picture po ng stand up comedians sa media.
TOM POV
“See? Walang maisagot ang boss n’yo ’di ba? So pwede n’ya na akong ihatid at matulog na rin sa condo ko, right guys?” tanong ni Eunice sa mga katrabaho ko.
“Oo nga Sir! Hatid mo na! Ayiieee!!!” kantyaw naman nila.
Sa pagkakataong ito ay naubos na ang pasensya ko.
“Hindi nga pwede Eunice! Bakit ba ang kulit mo?!” inis kong wika rito.
“At bakit hinde?” nakataas ang kilay nitong pagtatanong sa akin.
“Dahil hindi nga s’ya single! Ako! Ako ang boyfriend n’ya at s’ya ang boyfriend ko! Kung gusto mo, dalawa kaming maghahatid sa’yo. Pero hinding-hindi s’ya matutulog sa condo mo!” gigil na gigil kong sagot dito.
Katahimikan ang bumalot sa aming lahat na naririto. Walang nangahas na magsalita. Nanatili naman akong nakatitig kay Eunice.
Maya-maya pa ay gumuhit ang ngiti sa labi ni Eunice saka nagpakawala ng malakas na tawa.
“Hahahaha! Gosh! ’Yun lang pala ang kailangan kong gawin para mapaamin kayo eh! Grabe! Wala pa rin kupas ang acting skills ko!” wika ni Eunice.
Tiningnan ko si Sir Xander at nakita kong ngumiti ito ng malapad. Nilapitan rin ako nito at agad akong ikinulong sa kanyang mga braso.
Yakap ako ngayon ni Sir Xander nang magsalita ito.
“Kayo talaga. Bakit n’yo ginagalit ang mahal ko?” tanong nito sa lahat.
“Wooooohhh!!!” sigaw ng mga katrabaho ko at dinig kong ang iba ay nagpalakpakan pa.
Nagtataka naman ako sa nangyari kaya hindi ko magawang magsalita.
“Sorry Pareng Tom! Gusto lang namin ma-confirm sa’yo. Nung sinabi kasi sa amin ni Sir Xander na ikaw ’yung mahal n’ya, akala namin nagti-trip lang eh. Kaya ginalit ka na lang ni Ms. Eunice para ikaw na mismo mag-confirm!” dinig kong wika ni Ben.
Napabitaw naman ako kay Sir Xander at nagtataka kong tiningnan ito.
“Oh! ’Wag ka magalit sa ’kin. Kahit ako hindi ko alam ’yan.” depensa ni Sir Xander.
Binalingan ko ang mga katrabaho ko at tiningnan sila ng masama.
“Mga baliw! Pwede n’yo naman ako deretsahing tanungin ’di ba? Hindi ’yung may ganito pang drama!” inis kong wika sa kanila.
“Asus! Nagka-lovelife ka lang Tom highblood ka na! Masakit ba sa ulo si Chef Xander?” kantyaw ni Jurnie.
“Hoy teka! Bakit ako nadamay d’yan?!” reklamo naman ni Sir Xander.
Nagtawanan naman ang lahat dahil sa nangyari.
Dumating ang oras ng aming pag-uwi ngunit hindi doon natapos ang araw namin. Nagyaya naman this time si Sir Xander na lumabas kasama ang mga katrabaho ko. Kasama rin si Eunice sa amin. Talagang napaka-masayahin nga nitong babaeng ’to at kahit may pagka-maarte kumilos ay game na game naman sa lahat ng bagay kaya siguro madali n’yang nakasundo ang mga katrabaho namin.
Dala rin pala ni Eunice ang sarili n’yang sasakyan at wala naman talaga s’yang balak magpahatid kay Sir Xander. Lakas din mag-trip eh.
Narito kami sa loob ng sasakyan ni Sir Xander. Nasa passenger seat ako sa tabi n’ya at nasa likod naman ng sasakyan sina Jurnie, Ben, at Lizzy. Isinabay na ni Sir Xander ang mga ito patungo sa aming pupuntahan. Ang iba naman ay sumabay sa sasakyan ni Eunice at ang iba naman ay may sariling mga motor kaya convoy ang nangyari sa amin.
Tinanong ko naman si Sir Xander kung bakit bigla naman s’yang nagyaya lumabas ngayong gabi.
“S’yempre dahil masaya ako!” tangi n’yang sagot.
“Ha?! Ano naman ang magandang nangyari at ang saya mo?” tanong kong muli sa kanya.
“Eh kasi wala na tayong itatago! Aba Master! Ang saya-saya ko kaya nung sinabi mong boyfriend mo na ako! Halos isigaw mo pa nga ’di ba?” sagot naman nito.
Hindi ako nakaimik sa naging sagot nito. Aminin ko man sa hindi ay kinilig ako sa sinabi nito.
“Ayyiiieeee!! Ang cheesy pala ni Chef Xander ’pag inlove!!” kantyaw naman ni Jurnie mula sa likuran namin.
“Sir, ang sweet n’yo pala noh?!” wika naman ni Lizzy.
“Kaya nga idol ko ’yan si Sir Xander eh! Lakas makabanat!” sabat naman ni Ben.
“Hahahaha! Ganon talaga ’pag proud ka! Kaya mamaya samantalahin n’yo na ang kasiyahan ko. Order lang ng order ah?” sagot naman ni Sir Xander.
Ako naman ay nanatiling tahimik dahil sa mga naging banat nito ni Sir Xander.
Narating namin ang isang kilalang comedy bar dito sa Las Piñas at sabay-sabay na rin kaming pumasok. Nagulat ako nang may mga sumalubong sa amin.
“Bessy!!!!” sigaw ni Cha na sumalubong sa amin.
“Cha?! A-anong ginagawa n’yo dito?” takang tanong ko naman dahil kasama rin n’ya ang iba pa naming katrabaho. Sila ang mga nasa opening shift kanina sa restaurant.
“Nag-GM kasi yata si Sir Xander sa lahat na magti-treat daw s’ya kasi my dapat daw i-celebrate! S’yempre minsan lang good mood si Sir kaya pagbigyan na!” masayang sagot naman ni Cha.
Tiningnan ko si Sir Xander sa aking tabi ng may pagtatanong.
“Ganyan ako ’pag masaya Tom. Kaya maghanda ka na. Umpisa pa lang ’yan.” wika naman nito sabay kindat.
“Charm??!!! O-M-G!!! I miss you friendship!!” biglang sigaw naman ni Eunice mula sa aming likuran.
“O-M-G friendship!! Andito ka rin pala!! I miss you too friendship!!” sagot naman ni Cha.
Nagyakapan pa ang mga ito at kita mo sa kanila na tuwang-tuwa na nagkita sila. Ako naman ay literal na nagtaka at napataas pa ang kaliwang kilay ko dahil sa palitan ng salita ng dalawa.
“Teka! Teka! Teka! At kelan pa kayo naging close? Sa pagkakaalala ko nung huli tayong magkakasama halos isuka mo na si Eunice ’di ba Cha?!” tanong ko sa kanilang dalawa.
“Kelan? Eh ’di nung araw ding ’yun! Ano ka ba bessy! Nothing is impossible noh! Friendship na kami ni Eunice!” sagot naman ni Cha.
“Yeah! We’re super friends na talaga!” segunda naman ni Eunice.
“Hayaan mo na sila Tom. Bagay naman ang tandem nila dahil parehong baliw ’yan eh.” singit naman ni Sir Xander.
“Whatever!!” sagot naman ng dalawa ng sabay.
Hindi ko maiwasang matawa dahil totoo naman ang sinabi ni Sir Xander.
Pumasok na kami sa comedy bar na iyon at bumungad sa amin ang maraming customer ng oras na iyon. Malaki rin itong bar na ito at mukhang mamahalin ang mga sine-serve nila dahil sa makikita mong classy ang lugar. May entrance fee ring babayaran ’pag pumasok ka, pero hindi na kami siningil dahil may nagbayad na raw nito kani-kanina lamang.
Hinatid kami ng waiter sa aming uupuan at nagulat ako sa mga nadatnan naming tao roon. Naroon sina Mam Shai, Chef Randy, Dominic at Chef Rigo. Kumpleto pala ang gang n’ya. Nagbeso muna sina Mam Shai at Sir Xander at nag-manly hug naman sa mga lalaki. Binati rin namin ang mga ito.
“So anong meron Brad at pati kami ay dinamay mo sa treat mo? Hindi nga sana kami pupunta ni Rigo dahil akala ko sa amusement park mo nanaman kami dadalhin eh!” bungad ni Dominic.
“Mamaya mo malalaman. At utang na loob, ’wag mong sirain ang gabi ko dahil masaya ako.” sagot naman ni Sir Xander.
“Eh ’di ikaw na ang masaya brad! Teka! Bakit wala ’yung amazona n’yong katrabaho na si Dee?!” tanong naman nito bigla ni Dominic.
“Bakit?! Nami-miss mo na?! Aminin mo na kasi, may gusto ka na kay Dee!!” sabat naman ni Cha.
“Hindi ko mami-miss ’yun at lalong wala akong gusto doon! Ano ako? Desperado?!” sagot naman ni Dominic sa kanya.
Hindi alam ni Dominic na nasa likuran n’ya lang si Dee nang mga oras na ’yon. Hindi ito sumagot sa sinabi ni Dominic gaya ng dati. Nilampasan n’ya lamang si Dominic kaya nagulat ito nang makitang naroon pala si Dee.
“Ayan! Narinig ka! Ang sakit mo naman magsalita Dom! Balang araw makakahanap ka rin ng katapat mo tandaan mo ’yan!” banta ni Cha sa kanya.
“Maraming babae sa mundo Charm! At kahit magkaubusan at s’ya na lang ang matitira, malabong magkagusto ako sa kanya! Eh mas lalaki pa sa akin ’yang maton na ’yan eh!” balik naman ni Dominic kay Cha.
“Itigil n’yo na ’yan. Baka hindi lang kayo aware na ang pinag-uusapan n’yo eh nandito lang?” awat ni Rigo sa kanila dahil tahimik lamang si Dee sa kanyang tabi.
Nanahimik naman ang dalawa kaya naupo na rin kaming lahat sa mahabang table para sa aming grupo.
May mga stand-up comedian ang comedy bar na iyon na mga bading. Cross dressers sila at talagang nakaaliw ang mga batuhan nila ng linya.
Magkatabi kami ni Sir Xander sa upuan. Nakikipag-usap s’ya sa mga kaibigan n’ya at kami namang magkaka-trabaho ay nagsimula nang kumain at magkwentuhan. Magkalayo kami ng upuan ni Daniel, at mukhang tinutupad nga nito ang sinabi n’yang hindi s’ya makakasagabal sa amin ni Sir Xander.
“May mga bagong dating pala tayong grupo ngayong gabi ateng!” wika ng isang host sa stage habang tinuturo ang aming grupo.
“Oo nga ateng! At in fairness ha?! Ang daming yummy sa grupo nila!” sagot naman ng isang host.
“Ay oo nga!! Teka!! ’Wag na tayo magbreak mamaya para kumain! Dito na lang tayo sa stage tapos magpa-serve na lang tayo ng kanin! Titig na lang tayo sa grupo nila, instant ulam na!” bato namang linya ng nauna.
Nagtawanan naman lahat ng taong nasa loob ng comedy bar na iyon kasama kami.
Nagpatuloy ang kasiyahan ng gabing iyon at tanging tawanan lamang ang maririnig mo. Mukhang nag-eenjoy naman ang lahat.
“Teka may nag-request! Kakanta daw ang dalawang babae galing sa grupong uulamin natin mamaya!” bitaw na linya ng host sa stage habang tinuturo muli ang aming grupo.
Tumayo naman sina Eunice at Cha sa kanilang kinauupuan at tinungo ang stage na iyon.
“Ay mga ate! Hindi na talaga hinintay ipakilala at tawagin? Atat na atat lang umakyat dito?!” bungad naman ng isang host sa dalawa matapos makaakyat sa stage.
“Why pa? There will be the same outcome din naman, aakyat pa rin naman kami dito sa stage!” sagot naman ni Eunice.
“Ay?! Sumasagot?! Teka! Ding!!! Ang bomba! Este ang bato!” bitaw naman ng isang host kausap ang isa n’ya pang kasama.
“Anong gagawin mo sa bato Ateng?!” sagot naman ng isa.
“Ay?! Tanga lang ateng?! Try mo ipukpok sa ulo mo!! ’Wag mong tantanan ang pagpukpok hangga’t may malay ka ha?! Siguraduhin mong hindi ka na nakakahinga! Ka-imbyera ka!!” sagot naman ng nauna.
“Ay grabe s’ya!!” sagot naman bigla ni Cha.
“Ay?! Sumasabat?! Sumasabat?! Ako ba ang kausap mo ’teh?!” tanong naman ng host.
“Ay hinde hinde!! S’ya!! S’ya ang kausap ko!!” sagot naman ni Cha at tinuturo ang isang ilaw sa taas ng stage na iyon.
Tawanan kaming lahat sa naging eksena ng apat doon sa stage.
“Ay mukhang palaban ’tong dalawang ito ah?! Well, malalaman natin ’yan mamaya after n’yong kumanta. Siguraduhin n’yo lang na magaganda ag boses n’yo ha? Dahil kung hindi malapit lang ang presinto dito! Ipapadampot talaga namin kayo!” wika naman ng isang host.
“Whatever!” sagot naman nina Eunice at Cha.
Palaban talaga ’tong dalawang ’to.
Iniwan na ng mga hosts ang dalawa sa stage at nagsimula naman tumugtog ang kakantahin nina Eunice at Cha.
Sa simula ng tugtog ay palakpakan ang mga tao dahil kilala ang kantang kanilang aawitin. ‘That’s What Friends Are For’ ang title at alam ng lahat kung gaano kataas ang kantang iyon.
Nang magsimulang kumanta ang dalawa ng sabay ay sumigaw na agad ang dalawang host na nasa gilid lang ng stage.
“Guard! Guard! Palabasin na ’yan!!” sigaw ng isa at naka-microphone pa.
“Pulis! Pulis! May nag-eeskandalo dito! Damputin n’yo na ’to!” sigaw naman ng isa pa sa microphone din.
Halos hindi kami makahinga sa kakatawa ng mga sandaling iyon dahil sa sintunadong boses ng dalawa naming kasama sa stage. Feel na feel nila ang pagkanta kahit na makabasag-eardrums ang mga boses nila. Kumukumpas-kumpas pa si Eunice at si Cha naman ay tinatakpan pa ang isang tenga n’ya na animo’y pinapakinggan at tinotono ang kanyang boses kahit sintunado naman. Bagay talaga silang magkasama dahil halos parehas ang characteristics nila.
Matapos ang kanilang kanta ay nilapitan silang muli ng mga hosts sa stage.
“Alam n’yo mga ate, uso na rin ang mahiya. Baka lang hindi kayo aware?” tanong ng isang host.
“Oo nga! Muntik pang malugi ang bar na ito dahil sa inyo! Kung hahaba pa ’yung kanta n’yo malapit na mag-alsa balutan ang mga customers dito!” wika pa ng isa.
Tawanan nanaman kami at ganoon din ang dalawa naming kasama sa stage. Game na game sila sa punchline ng mga hosts ng bar na iyon.
Bumaba na sina Eunice at Cha sa stage at pinalakpakan naman namin sila nang makaupo na sila sa aming pwesto. Palakpakan dahil ang lakas ng loob ng dalawang ito sa ginawa nilang performance.
“Ay eto ateng! May nag-request nanaman! This time lalaki naman ang kakanta!” pagpukaw muli ng isang host sa stage.
“Ay talaga? Lalaki ateng?” tanong naman ng isa.
“Bingi lang ateng? Sinabi ko na ’di ba? Uulitin ko pa? Ka-imbyerna ka na talaga!” sagot naman ng nauna.
“Ay sige! Ipakilala na ’yan!” excited naman na sagot ng isang host.
“Ok! Ang susunod naman nating guest ay itago naman natin sa pangalang Master Chef! Bongga ’to ateng ah?! Ayaw ibigay ang tunay na pangalan! Mysterious type lang ang peg!” pakilala ng host.
Agad naman akong napatingin sa aking tabi. Nakita kong nakangiti lang si Sir Xander at nilingon ako. Tiningnan ko naman ito ng may pagtataka ngunit kindat lang ang isinagot nito.
“Ok! May we call in Master Chef! Where are you?!” sigaw naman ng isang host sa stage.
Agad na tumayo si Sir Xander mula sa kanyang inuupuan sa aking tabi. Sinundan ko lamang s’ya ng tingin at ganoon din ang ginawa ng mga kasama namin dito sa mesa. Umakyat ito sa stage at natulala naman ang dalawang host nang makita ito.
“Ateng! Patay na ba ako?” tanong ng isang host sa kasama n’ya habang kinakalabit ito at nakatulala lamang kay Sir Xander.
“Mukha kang patay oo! Pero buhay ka pa Ateng! Bakit mo nga pala nasabi?” tanong naman ng isa habang tulala rin kay Sir Xander.
“Kasi nakakita ako ng isang anghel Ateng! Nasa langit na ata ako.” sagot naman ng nauna.
“Ay ateng! Gumising ka na, nananaginip ka. Alam mong sa impyerno ka mapupunta dahil makasalanan ka ’di ba?” sagot naman ulit ng isang host.
Nagtawanan naman ang lahat ng taong narito sa bar.
Matapos maka-recover sa pagkatulala ang mga hosts ay tinanong ng mga ito si Sir Xander. Nanatili naman kaming nanonood sa kanila.
“Ahm.. Hi Master Chef!! What’s your real name?” tanong ng isang host na pinaliit pa ang kanyang boses at animo’y hinahawi ang kanyang buhok habang nagtatanong kay Sir Xander.
“Xander.” maikling sagot ni Sir Xander at ngumiti.
Ang lahat ng bading at babae sa bar na iyon ay nagsigawan din nang magsalita ito.
“Ang gwapo mo naman Xander!!!” dinig kong sigaw ng isa sa mga customer na naroon.
“Ayyy!! Ang ganda ng boses!! Lalaking-lalaki!! Paano pa kaya ’pag umungol na s’ya ateng?!!” wika ng host sa kanyang kasama.
“At Ateng!! Amuyin mo!! Hambango-bango!! Hhhmmm!!” wika naman ng isa pang host habang inaamoy-amoy si Sir Xander.
“Kamusta naman si baby Xander?” tanong muli ng isang host kay Sir Xander.
“Ayos naman po.” sagot naman ni Sir Xander at ngumiti.
Muli namang nagsigawan ang mga tao.
“’Wag mo na akong pino-po. Tawagin mo na lang din akong baby.” sagot naman ng isa at pinaliit muli ang kanyang boses.
Natawa lang si Sir Xander at ang mga tao sa sinabi nito.
“So.. kakanta ka baby Xander, para ba sa akin ang kakantahin mo?” wika ulit ng isang host habang hinawakan naman ngayon sa dibdib si Sir Xander.
Naiilang si Sir Xander base sa nakikita ko pero dinadaan na lamang nito sa pagtawa.
“Para sa Master ko.” maikling sagot naman ni Sir Xander.
Nagulat naman ako sa naging sagot nito. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong nakakalokong ngiti ang ibinibigay sa akin ng mga katrabaho ko. Ang mga kaibigan naman ni Sir Xander ay nakatingin lamang sa stage at pinapanood ito. Mukhang nagtataka na rin ang mga ito kaya pinili na lamang makinig sa mga susunod pang sasabihin ni Sir Xander.
“Ay?! Master din? ’Yung totoo? Member ba kayo ng Karate Club kasi Master din ang pakilala mo sa amin kanina? O baka naman member kayo ng sindikato? Sabihin mo na habang maaga para makaiwas na kami sa inyo.” bitaw naman ng isa pang host.
Natawa naman si Sir Xander sa tanong na iyon bago sumagot.
“Nope. Master ang endearment namin ng special someone ko.”
“Ay?!! May jowa na pala ateng!!” wika ng isang host at bumitaw na rin sa wakas sa paghawak sa dibdib ni Sir Xander.
“Ay oo nga!! Nasaan ’yan?!! Sinong lapastangan ang jowa nitong baby Xander namin?!” wika naman ng isang host habang animo’y naghahanap sa mga taong naroon sa bar na iyon.
Kinabahan na ako sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya nanigas na lamang ako sa aking kinauupuan.
“Nandoon po.” sagot ni Sir Xander at itinuro n’ya ang table namin.
Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa ginawang iyon ni Sir Xander. Sunod-sunod na paglunok ang nangyari sa akin dahil sa kaba. Nakita ko ring tumingin sa aming gawi ang mga kaibigan ni Sir Xander.
“Ikaw Shai?!!” gulat na tanong ni Dominic kay Mam Shai.
“Hey! Watch your mouth! Not me ok?!” sagot naman ni Mam Shai.
“Tumayo ka lapastangan ka! Magpakilala ka! Lumabas ka sa’yong lungga! Napapaligiran ka namin!” sigaw naman ng isang host habang nakaharap sa aming table mula sa stage.
Nakagalaw na lamang ako nang pilit akong pinapatayo nina Eunice at Jurnie.
“Eto s’ya oh!! Sumusuko na s’ya!” sigaw ni Jurnie habang hawak ako sa isang braso.
“Go Tom!! ’Wag mong ipahiya si Xander!!” dugtong naman ni Eunice at hawak naman ang isa kong braso.
“Wooohhh!!!” sigaw naman ng iba ko pang mga katrabaho.
Wala akong nagawa kaya napatayo na rin ako habang nagkakamot ng ulo. Nakita ko ring nagulat ang ilang mga kasama namin dito sa mesa lalo na sina Cha at mga kaibigan ni Sir Xander. Wala pa nga kasi masyadong nakakaalam ng relasyon namin ni Sir Xander.
Napapikit ako at naitakip ko ang aking mga braso sa aking mga mata dahil nasilaw ako sa spotlight na itinutok sa aking kinatatayuan.
“Tanggalin mo ang mga kamay mo sa mukha mo at sumuko ka ng maayos!” dinig kong sigaw ng isang host.
Dahan-dahan kong ibinaba ang aking mga kamay at tiningnan silang nasa stage. Nakangiti sa akin si Sir Xander at ang dalawang hosts naman ay napanganga dahil sa gulat nang makita ako. Natahimik din ang buong lugar nang tanggalin ko ang mga kamay ko sa aking mukha.
“Ateng!! Nakikita mo ba ang nakikita ko?!” tanong ng isang host.
“Oo ateng!! May isa pang anghel!! Nasa langit na nga talaga tayo!!” sagot naman ng isa pang host.
Ngumiti ako ng alanganin dahil sa hiya.
“Hang gwapo rin Ateng!!” wika pa ulit ng isa.
“Seryoso ka ba dito baby Xander??!!” gulat na tanong ng isang host kay Sir Xander.
“Yep. S’ya si Tom. Boyfriend ko.” nakangiting pagpapakilala ni Sir Xander sa akin.
Nagulat na lamang ako nang makarinig ako ng malakas na sigawan sa bar na iyon. Halos mabingi ako sa tili ng mga babae at bading nang mga oras na ’yon. Isama mo pa ang mga katrabaho ko. May mga ilan ding kumalampag ng kanilang mga mesa at paulit-ulit na binaba-tingting ang mga babasaging alak at baso na kanilang iniinom.
“Grabe! In fairness bagay kayo ng Master mo baby Xander ah?! Parehas kayong yummy!” komento ng isang host.
“Salamat.” maikling sagot naman ni Sir Xander habang nakangiti.
“Oo nga! Nagkakaubusan na ng gwapo Ateng! Kumilos na tayo bago pa mahuli ang lahat! Dali!!” komento naman ng isa.
Nagtawanan naman ang mga tao sa sinabing iyon ng host.
“So para pala kay baby Tom ang kakantahin mo? Tanong lang, mahal mo talaga s’ya?” biglang tanong ng host kay Xander.
“’Wag ka na magduda. Kasi mahal ko s’ya higit pa sa sobra.” confident at nakangiting sagot naman ni Sir Xander. Diretso din itong nakatingin sa akin nang sinagot n’ya iyon.
Muling umalingawngaw ang sigawan sa bar na iyon. Ako naman ay napangiti nang marinig ko ang naging sagot nito.
“OMG Ateng! Kaya naman pala na-inlove si baby Xander kay baby Tom kasi ang gandang ngumiti oh! Napunit ang panty ko sa smile n’ya!” komento ng isang host habang tinuturo ako.
“Oo nga! Bagay talaga kayo baby Xander! Well, good luck sa inyo at sana magtagal pa kayo.” wika naman ng isang host.
“Salamat.” maikling sagot ni Sir Xander.
“At dahil d’yan, simulan mo nang haranahin si baby Tom!” magiliw na wika ng host.
“Music please!” sigaw naman ng isa pa.
Ako naman ay umupo na dahil tinanggal na rin ang spotlight na nakatutok sa akin.
Pumwesto si Sir Xander sa gitna at hinarap ang microphone na nakalagay sa isang mic stand.
Nagsimula ang intro ng music na kakantahin ni Sir Xander. Kilala ang kantang iyon ng Michael Learns To Rock. Kahit may kalumaan iyon ay talagang isa iyon sa mga pinakamagandang awitin na alam ng lahat.
(a/n: paki-play po ng nasa media, ’yan po ang kinanta ni Xander. song title: I’m gonna be around.)
It’s been so long since we took the time
to share words from deep inside us
We’re in our own world spinning our wheels
but you know how I feel
Halos maibuka ko ang aking bibig nang marinig ko ang boses ni Sir Xander. Hindi ko alam na magaling pala talaga itong kumanta. Alam ko ring ganoon din ang mga katrabaho ko dahil tahimik lamang ang mga ito sa aming mesa. Noong una ko kasing marinig iyon noong kumakain kami sa restaurant nang lumabas kami ay mahina lamang ang boses n’ya habang kumakanta. Kaya hindi mo mapapansin ang ganda ng boses nito. Husky at malambing ang boses niya na parang nakaka-akit pakinggan.
since the first time I took your hand
my love for you has just been growing
You always seem to understand
You know how I am
[Chorus:]
I’m gonna love you til the end
I’m gonna be your very true friend
I wanna share your ups and downs
I’m gonna be around
When you’re alone cause I’m away
don’t be sad don’t be afraid
I’m gonna turn my thoughts to you
like I always do
Habang kinakanta n’ya iyon ay sa akin lamang s’ya nakatingin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa pagkanta n’ya. Nakaka-akit na mga tinging ibinabato n ya sa akin habang hawak ng dalawa n’yang kamay ang microphone na gamit n’ya.
[Chorus:]
I’m gonna love you til the end
I’m gonna be your very true friend
I wanna share your ups and downs
I’m gonna be around
Catch you when you fall
Hold you when you’re down
Sharing every moment
I wanna show you all I do
I believe I’ve found a miracle
in you
Mukha s’yang professional singer sa kanyang pagkanta. Hindi ko alam na may ganitong talent pala si Sir Xander. Ayaw ko mang aminin ngunit para talaga akong kinikiliti sa mga oras na ito dahil sa tuwa at kilig. Hindi rin mapatid ang titigan at ngitian namin ni Sir Xander habang kumakanta s’ya.
[Chorus:]
I’m gonna love you til the end
I’m gonna be your very true friend
I wanna share your ups and downs
I’m gonna be around
I’m gonna love you til the end
I’m gonna be your very true friend
I wanna share your ups and downs
I’m gonna be around
I’m gonna love you til the end
I’m gonna be your very true friend
I wanna share your ups and downs
I’m gonna be around you..
Natapos ang kanyang pagkanta at malakas na sigawan at palakpakan ang iginawad sa kanya ng lahat ng mga taong narito sa bar. Maski ang mga empleyado ng bar na ito ay nakita kong nagpa-palakpakan sa kanyang performance.
“Grabe Ateng!! Hindi ko kinaya ang performance ni baby Xander!! Ang ganda ng boses!!” komento ng isang host habang papunta sa gawi ni Sir Xander.
“Oo nga! At nakita mo ba kung gaano kalagkit ang titigan nila ni baby Tom?! Juicekoh!! Nakakaloka silang dalawa!!” komento naman ng isa pa.
“Thank you Xander for that wonderful performance. At wish naming lahat na forever na ang lovelife n’yo ni baby Tom. Bagay talaga kayo promise! ’Di ba?!” komento naman ng isa pang host at tinatanong ang mga ibang customers na naroon.
“YES!!!” sigaw naman ng mga tao pati na rin ng mga katrabaho ko.
“Salamat.” nakangiting sagot ni Sir Xander.
Bumaba na si Sir Xander sa stage at bumalik na sa aming pwesto. Pagkaupo nito ay agad din ako nitong inakbayan at nginitian ko naman ito pabalik. Nagsigawan muli ang mga katrabaho namin sa aming ikinilos.
“Tangina brad! ’Yun pala ang sasabihin mo kaya pinatawag mo kaming lahat! Muntik na akong atakihin kanina nung pinakilala mo si Tom na boyfriend mo! Ginulat mo talaga kami!” wika ni Dominic kay Sir Xander.
Natawa si Sir Xander sa sinabi ni Dominic at nakipag-apir dito.
“Congratulations Xander and Tom. I’m happy for you guys, specially to you Xander. Finally nakikita na kitang masaya.” sincere na bati ni Mam Shai sa amin ni Sir Xander.
“Salamat Mam Shai. ’Wag po kayong mag-alala, hindi po ito makaka-apekto sa trabaho ko.” wika ko sa kanya.
“That’s good to hear Tom. All I really want is to see my best friend happy in the arms of someone who’s really worth of his love. I know you’re a good man, I trust you.” wika nito pabalik sa akin.
Nginitian ko ito pabalik at agad din n’ya akong niyakap.
“Please take good care of him.” bulong pa nito sa akin habang yakap ako.
“Opo Mam Shai, makakaasa kayo.” sagot ko naman sa kanya.
Matapos bumitaw ay niyakap din s’ya ni Sir Xander.
“Thank you Shai. Thank you.” wika ni Sir Xander sa kanya habang yakap n’ya ito.
“No biggie. We will never be best friends for nothing Xandz.” sagot naman ni Mam Shai.
Napabitaw din agad sila nang sumigaw si Dominic sa kanila.
“Tama na ’yang drama na ’yan! Let’s continue the celebration for Xander and Tom!! Cheers!!” sigaw ni Dominic at itinaas ang kanyang inumin.
“Cheers!!” sigaw naman naming lahat.
Matapos inumin ang aming drinks ay biglang nagtanong si Sir Xander.
“Teka? Where’s Randy?” biglang tanong ni Sir Xander.
Ngayon ko nga lang napansin na wala na nga ito sa aming mesa, ganon din si Rigo. Hindi ko napansin na nakaalis na ang mga ito dahil kay Sir Xander lang ang focus ko kanina.
Nagkatinginan sina Mam Shai at Dominic ng makahulugan bago sumagot.
“Umalis na si Randy, may gagawin pa raw s’ya eh. Sinamahan naman s’ya ni Rigo kaya hayaan na natin sila.” casual na sagot ni Dominic.
“You better talk to that guy very soon Xandz.” wika naman ni Mam Shai kay Sir Xander.
“Yeah.. I will.” tanging sagot naman ni Sir Xander matapos ang malalim na buntong-hininga.
Nagtataka man ako sa naging usapan nila ay hindi ko na lamang inusisa. Alam kong may mga bagay sa kanilang mga magkakaibigan na hindi ko dapat na panghimasukan kahit na magkarelasyon na kami ngayon ni Sir Xander. Mas matagal na silang magkakasama kaya dapat ay alam ko kung saan kami lulugar.
Naging masaya ang gabing iyon sa lahat lalo na sa amin ni Sir Xander. May pagkakataon rin na sinuyo ko pa si Cha dahil nagtatampo ito nang malaman na hindi s’ya ang unang nakaalam ng relasyon namin ni Sir Xander. Mabuti na lamang at naroon si Eunice at tinulungan akong magpaliwanag.
Matapos ang kasiyahan ay nagpasya na rin kaming umuwi. Nagpasalamat silang lahat sa treat ni Sir Xander sa amin. Nagpasalamat rin si Sir Xander pabalik sa kanila dahil sumama ang mga ito kahit na may mga pasok ng maaga ang ilang naroroon.
Narito kami ngayon ni Sir Xander sa kanyang sasakyan at binabaybay ang daan pauwi sa bahay. Gusto pa n’yang doon daw ako sa condo n’ya matulog pero tumanggi ako dahil hindi ako nakapag-paalam kay Mama. Wala naman itong nagawa kaya ihahatid na lamang ako nito sa amin.
“Nag-enjoy ka ba Master?” tanong nito sa akin habang nakatingin pa rin sa daan.
“Oo naman Master! Salamat!” sagot ko sa kanya.
Ngumiti naman ito at nagsalitang muli.
“Mabuti naman kung ganon. Ang saya-saya ko talaga!” halos pasigaw nitong wika.
Natawa naman ako sa sinabi n’ya.
“Halata nga Master! Ang saya mo nga!” natatawa kong wika sa kanya.
“S’yempre naman Master! Alam na kasi ng lahat na tayong dalawa na! Ewan ko na lang kung may eepal pa sa’yo! Subukan lang talaga nila!” banta pa n’ya.
Muli nanaman akong natawa sa sinabi at ikinilos n’ya. Parang bata talaga ’tong lalaking ’to.
“Walang eepal sa akin. Baka sa’yo meron?” tanong ko sa kanya pabalik.
“Walang eepal sa akin Master. At kahit umepal pa sila, bahala sila! Umasa sila sa wala! Basta ako, masaya na ako sa’yo. I love you Master…” paglalambing naman n’ya ngayon.
“I love you too Master…” sagot ko naman pabalik.
Kumagat ito sa kanyang ibabang labi habang nakangiti. Diretso pa rin ang tingin n’ya sa kalsada habang nagda-drive.
“Master…” tawag n’ya sa akin.
“Hhhmmm?” sagot ko sa kanya.
“Kinikilig nanaman ako.” sagot n’ya sa akin habang nakangiti at patuloy pa rin sa pagmamaneho.
Napatawa n’ya ako sa sinabi n’yang iyon. Wala talagang makakapantay kay Sir Xander pagdating sa mga ganitong banat. Lalo ko s’yang minamahal sa tuwing nagagawa n’ya akong pangitiin at patawanin.
Nakarating kami sa aming bahay ngunit hindi pa rin n’ya ako pinapababa sa kanyang sasakyan.
“Master, pa-kiss muna bago ka pumasok. Nakaka-isa pa lang ako ngayong araw oh!” request nito sa akin.
“Bakit? May bilang ba dapat ang kiss natin sa isang araw?” taka ko namang tanong sa kanya.
“Wala.” maikli n’yang sagot.
“Oh?! Wala naman pala eh!” wika ko sa kanya pabalik.
“Wala nga kasi dapat unlimited ang kiss natin sa isang araw.” sagot n’ya naman ulit.
Haayy! Minsan naman sana tantanan n’ya ako sa pagiging sweet n’ya! Baka maaga akong mamatay sa kilig nito!
Wala na akong nagawa dahil kusa na itong lumapit at hinawakan ako sa mukha bago hinalikan. Mabuti at smack lang ’yon dahil hindi naman ako marunong ng tinatawag ng iba na french kiss ba ’yun? Nakakahiya man ay wala talaga akong ideya sa ganoong bagay dahil si Sir Xander pa lang naman ang una kong nakarelasyon.
“Kahit ilang beses kitang halikan Master hindi pa rin nakakasawa!” masaya nitong wika matapos akong halikan sa labi.
“Ewan ko sa’yo! Paano? Baba na ako ha? Kita tayo bukas.” pagpapaalam ko sa kanya ng nakangiti.
“Teka! May nakalimutan ako!” biglang sambit nito.
Kumilos ito at may kinuha sa likurang bahagi ng upuan sa kanyang kotse. Dalawang paper bags ang kinuha n’ya at inabot sa akin.
“Ano ’to?” takang tanong ko sa kanya.
“Buksan mo.” nakangiti n’yang sagot.
Binuksan ko ang paper bag at nilabas ang laman ng isa sa mga ito. Nagtaka naman ako sa nilalaman ng paper bag na iyon.
“Cellphone?” nagtataka ko nanamang tanong sa kanya habang hawak ang box ng cellphone na iyon.
“Ay hindi Master. Refrigerator ’yan! Tama, refrigerator ’yan!” pamimilosopo n’ya naman.
Inambahan ko ito ng hampas ng paper bag dahil sa pamimilosopo n’ya. S’yempre hindi ko itutuloy ’yun! Ayaw ko nga saktan ang mahal ko.
Sa halip na umilag ay natawa pa ito sa ikinilos ko.
“Ano nga? Bakit may cellphone?” inis kong tanong sa kanya.
“Para may communication tayo Master. Gusto ko lagi kang ma-check. Kung kumain ka na ba, kung matutulog ka na, kung papasok ka na. Basta lahat! Nami-miss kasi kita lagi eh, saka nag-aalala talaga ako ’pag wala akong balita sa’yo. Kaya binilhan na kita. Balita ko rin kasi matagal ka nang walang gamit na cellphone eh.” mahabang sagot naman n’ya.
Agad kong ibinalik sa paper bag ang cellphone at ibinalik ulit sa kanya.
“Hindi ko matatanggap ’yan.” wika ko sa kanya.
Biglang nagbago ang expression n’ya mula sa pagkakangiti hanggang sa paglungkot ng kanyang mukha.
Nakokonsensya ako sa nakita kong reaksyon n’ya ngunit hindi ko kayang tanggapin ang mga ganoong bagay lalo na at alam kong mamahalin ang unit ng cellphone na ibinibigay niya. Masyado na itong maraming naibigay sa akin at ayaw kong maging abusado sa kanya.
“Bakit Tom?” malungkot nitong tanong. Hindi n’ya na rin ako tinawag na Master. Talagang masama nga ang loob n’ya.
“Master naman. Masyado ka nang maraming naibigay sa akin. Ayaw kong abusuhin ’yon. Saka may balak naman akong bumili n’yan eh, hindi pa nga lang sa ngayon dahil pinag-iipunan ko pa. Hintayin mo na lang akong makabili, pwede ba ’yon?” paliwanag ko sa kanya.
Hindi pa rin nagbabago ang malungkot nitong ekspresyon at nagsimula nanaman magtanong.
“Hindi ’yan ang gusto kong marinig na sagot sa tanong ko kung bakit kailangan mong ibalik sa akin ito.” malungkot pa rin n’yang wika.
“Kung ganon ano?” tanong ko sa kanya.
“Bakit ayaw mong tanggapin ’to? Ayaw mo bang magkaroon tayo ng communication ngayong mag-boyfriend na tayo? Kahit na magkasama tayo sa trabaho, may mga oras na magkalayo tayo. Hindi mo ba gustong malaman kung kumain na ba ako? Kung safe ba akong nakauwi sa condo ko? Hindi ka ba nag-aalala sa akin tuwing wala ako sa paningin mo? Ganyan ka ba Tom?” sunod-sunod nitong tanong.
Bigla naman akong nakonsensya sa mga tanong nito. Hindi ako nakaimik sa mga sinabi n’ya. Lalo pa akong nanghina dahil sa lungkot ng mga mata nitong nakatingin sa akin.
Agad ko itong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
“I’m sorry Master.. Sorry… ’Wag mo naman isiping hindi ako nag-aalala sa’yo.. Ayoko lang abusuhin ka.. ’Yun lang ’yon.. Ayoko rin kasi isipin ng iba na nagustuhan o minahal lang kita dahil sa estado mo.. Gusto kong ipakita sa kanila na mahal kita bilang ikaw, mahal kita dahil tanggap mo ako, mahal kita dahil sa ugali mo, mahal kita sa lahat ng aspeto at hindi sa mga materyal na bagay na ibinibigay mo..” malumanay kong paliwanag habang yakap ko ito.
Naramdaman ko ang mahigpit nitong yakap pabalik. Alam kong gumaan na ang pakiramdam nito.
“Salamat Master. Mahal na mahal kita.” sagot nito sa akin.
Ngumiti ako at sumagot.
“Mas mahal na mahal kita.” wika ko naman.
Naramdaman kong mas hinigpitan n’ya ng pagkakayakap sa akin nang sabihin ko iyon.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at kinuha muli ang isang paper bag na hawak ko kanina.
“Akin na ’to Master, pero sana last na ’to ha?” wika ko sa kanya.
“Mmm… Hindi ko ’yan maipapangako Master pero tatanungin na lang muna kita sa susunod.” nakangiti nitong balik.
Napalo ko na lang ang noo ko sa kakulitan nito. Kung sabagay, hindi s’ya si Sir Xander kung hindi n’ya nakukuha ang kagustuhan n’ya.
“Teka? Bakit dalawa ang paper bag? Ano ’yang isa?” turo ko sa isa pang paper bag na naiwan sa kanya.
“Ah.. hehe! Cellphone din. Ipapabigay ko sana kay Mama Lita para ’pag hindi ka makakauwi, magte-text ka na lang sa kanya. Wala din kasi silang gamit ni Julius ’di ba? Kaso dahil sa muntik mo nang hindi tanggapin ang isa, alam kong tatanggihan mo na rin ’to. Kaya iuuwi ko na lang pabalik.” nagkakamot ulo n’yang paliwanag.
“Buti alam mo. Okey naman kami kahit wala muna silang magagamit kasi nakikisuyo naman kami sa kapit-bahay namin na may cellphone eh. Kaya hindi na kailangan.” sagot ko naman sa kanya.
“Sabi ko nga!” tangi n’yang sagot na may pilit na ngiti.
“O paano? Pwede na ba akong bumaba Master? Umuwi ka na rin at mag-iingat ka ha? ’Wag kang matulog sa byahe.” paalala ko sa kanya.
Tumango-tango naman ito habang nakangiti bilang sagot.
Binuksan ko na ang pinto ng kanyang kotse at bumaba na rito. Pero bago ko maisara ang pinto ng kanyang kotse ay ipinasok kong muli ang aking katawan sa loob habang nasa labas ang aking mga paa.
“Halika nga Master, lapit ka sa akin.” utos ko sa kanya.
Walang pag-aalinlangan naman itong lumapit sa akin na nagtatakang tumingin sa akin.
Hinawakan ko s’ya sa magkabilang pisngi at dahan-dahang hinalikan sa labi. Ilang segundo ring magkalapat ang aming mga labi bago ko pinakawalan ito.
Magkatapat pa rin ang aming mukha at nakita ko ang pagkagulat dito. Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa ko.
“Good night Master. Salamat sa lahat. I love you.” halos pabulong kong wika habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga matang gulat na gulat.
Binitiwan ko na ang kanyang mukha at tuluyan nang lumabas sa kanyang kotse at isinara na rin iyon. Iniwan ko s’ya sa ganoong posisyon at pumasok na ng aming bahay ng nakangiti.
A/N
Ayiieee!!! Kamusta po ang chapters na magkasunod mga readers?! Comments and votes naman po d’yan! ’til next chapter guys!! Enjoy your vacation!
––cold_deee
chapter 19 - tiramisu
A/N
Happy Easter everyone!
Sorry, ngayon lang ulit ang update. Masyado akong naging busy sa pagbasa ng ‘A Gay Cinderella Twisted Story’ ni
Absurd018
!! Salamat sa magandang story author!! Sana magkaro’n din ako ng Teejay sa buhay ko! Para humaba din ang hair ko na aabot hanggang New York kagaya ni Anjo!! Hahaha!!
––> si Master Tom po sa media.
TOM POV
Gumising ako isang umaga nang makarinig ako ng ingay mula sa labas ng ng aking silid. Nakahiga ako ngayon sa aking kama at medyo nakukulangan pa ako sa tulog dahil nasa pang-gabing shift ako kahapon.
Gusto kong matulog pa ng mga oras na iyon kaya pumwesto akong muli patagilid para ibalik muli ang aking sarili sa pagtulog.
Pilit ko mang ibalik ang aking pagkakatulog ay hindi ko na magawa dahil pakiramdam ko ay tila may nagmamasid sa akin ng mga oras na iyon. Ang weird lang sa pakiramdam kaya wala akong nagawa kundi ang imulat unti-unti ang aking mga mata.
Nabungaran ko ang mukha nang nag-iisang taong labis na nagpapabilis ng pagtibok ng aking puso. Magkalapit ang aming mukha at tanging magandang ngiti nito ang makikita mo sa kanya ng mga oras na iyon.
“Good Morning Master!” nakangiti at malambing na bati ni Sir Xander.
Napangiti ako sa ganda ng ngiti n’yang iyon.
“Good Morning din Master.” nakangiti kong pagbati pabalik.
Saglit kaming nagkatitigan nang may ngiti sa aming mga labi. Ngunit nang tuluyan nang magising ang aking diwa ay napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga at bahagya pang napaatras.
“Anong ginagawa mo rito???!!” sigaw ko ng pagkabigla habang tinuturo s’ya.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito sa akin. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at niyakap ako. Nanatili naman ako sa aking pagkakaupo.
Ang bango talaga ni Sir Xander. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano nagkagusto sa akin ang isang gaya n’ya. Ang swerte-swerte ko sa totoo lang.
“Master namiss kita! Hhhmmm!!!” wika nito habang yakap ako at lalong hinigpitan. Ramdam ko ang panggi-gigil n’ya dahil para ako nitong isinasayaw habang nasa mga bisig n’ya.
Bahagya akong natawa sa ginawa n’ya at ginantihan din ang kanyang pagyakap.
“Na-miss din kita Master.” tugon ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
Sinulit namin ang aming yakap dahil halos dalawang linggo rin kami nitong hindi nagkita. Tanging texts at tawag lang ang namagitan sa amin. Mga ilang minuto rin kaming magkayakap ngunit bigla naman akong may naalala.
“Teka Master! Ang tanong ko ang sagutin mo. Anong ginagawa mo rito? Saka paano ka nakapasok?” tanong ko sa kanya.
“Pinapasok ako ni Mama! Sabi n’ya tulog ka pa. Hinintay naman kita magising kaso nainip na ako eh. Kaya sabi ko kay Mama ako na lang gigising sa’yo.” sagot naman niya.
Nagulat naman ako sa naging sagot nito.
“I-ibig sabihin, n-nakapag-usap na kayo?” tanong ko ulit sa kanya.
Hindi ko pa kasi naipakikilala ito ng pormal kay Mama simula nang maging kami nito. Naging busy kasi si Sir Xander nitong mga nagdaang linggo kaya hindi s’ya makapunta rito sa bahay. Kinailangan kasi nitong mag-full time sa branch n’ya sa The Fort para sa mga mahahalagang bagay.
“Oo. Nakapag-bonding na nga kami eh.” maikli n’yang sagot.
Tumango-tango na lamang ako dahil wala naman na akong maitanong pa. Mamaya ko na lang siguro uusisain ang naging usapan nila.
“Halika na Master. Bangon ka na para makakain ka na. Sinundo na kita ngayong araw para sabay na rin tayong pumasok.” malambing na wika ni Sir Xander.
“Ibig sabihin balik ka na sa branch namin?” tanong ko dito.
“Yep! Miss na din kasi kita Master.” nakangiti naman nitong sagot.
Napangiti rin naman ako dahil makakasama ko na ulit ito.
“Sige Master. Pero pwedeng maligo muna ako? Hindi pa nga ako nakaka-toothbrush at hilamos dumidikit ka na sa akin. Nakakahiya..” nagkakamot ulo kong sagot.
“Mamaya na Master.. Higa ka ulit tapos tabi tayo! Dali!” sagot naman nito sa akin.
Alam kong nagpapalambing lang ito dahil nag-aasal bata nanaman.
“Baliw ka ba? Nasa labas lang si Mama, gusto mo bang may isiping hindi maganda ’yun sa atin?” wika ko sa kanya at tumayo na rin ako ng higaan.
Bahagya naman itong napaisip sa sinabi ko bago sumagot.
“Sige na nga. Mamaya na lang tayo magtabi.” nakangiti nitong pagsang-ayon.
“Ewan ko sa’yo!” wika kong natatawa. “Doon mo na lang ako hintayin sa labas ha? Maliligo lang ako.” dugtong ko pa..
Wala itong sinagot at nanatiling nakangiti lamang sa akin.
Kinuha ko na agad ang aking towel at tinungo ang banyo.
Matapos maligo ay dire-diretso kong tinungo ang aking cabinet nang walang lingon-lingon. Nasa tabi lamang kasi iyon ng pintuan ng CR nitong kwarto ko.
Nakatapis lamang ako ng aking towel sa ibabang bahagi ng aking katawan habang abala sa paghahanap ng aking maisusuot. Nang makita ko ang mga damit kong susuotin mula sa cabinet ay inilagay ko na iyon sa aking kama.
Nagpahid muna ako ng lotion sa katawan bago ko kinuha ang aking underwear na nasa kama. Akmang isusuot ko na sana ang aking underwear ay may nakita akong imahe sa gilid ng aking mga mata.
Unti-unti ko itong nilingon at nakita kong nakatayo roon si Sir Xander at tulalang nakatingin sa akin. Hawak nito ang picture frame ko na nasa maliit kong mesa dito sa loob ng aking kwarto.
Nanlaki ang mga mata kong tiningnan ito. Nagulat ako dahil ang buong akala ko ay nakalabas na ito.
“Anong ginagawa mo rito?! Akala ko nasa labas ka na?!” mataas na boses kong tanong sa kanya.
Doon lamang yata ito natauhan kaya nagawa n’ya nang maigalaw ang kanyang mga matang titig na titig sa akin. Naging malikot din ito at tila ba nataranta.
“A-ahm… K-kasi… n-naaliw akong tingnan i-itong picture mo… S-sige.. l-lalabas na ako..” utal nitong sagot at nagmamadaling lumabas ng aking kwarto.
Wala naman akong nagawa kaya itinuloy ko na lamang ang aking pagbibihis. Hindi ko na muna isinuot ang aking polo shirt dahil medyo kusot ito.
“Pa-plantsahin ko muna ito.” mahina kong sambit.
Lumabas ako ng kwarto ko na walang suot na damit maliban lang sa aking pantalon. Naabutan ko si Mama at Sir Xander sa sala na nag-uusap. Nakaupo silang pareho at magkatabi.
“Ma, nasaan po ang plantsa natin? Magpa-plantsa po ako ng polo ko.” tanong ko kay Mama.
Napansin kong nakatulala nanaman sa akin si Sir Xander nang mga oras na iyon. Tiningnan ko ito ng may pagtatanong habang nakataas pa ang isang kilay ko.
Bigla naman itong namula at tila natarantang muli. Iniwas n’ya ang kanyang tingin nang walang kahit isang salitang binibigkas.
’Ano bang problema nitong lalaking ‘to?’
tanong ko sa aking isip.
“Nandoon anak sa kwarto ni Julius, ginamit n’ya kasi kanina para sa uniform n’ya.” sagot naman ni Mama.
Tinungo ko na lamang ang kwarto ni Julius at doon na rin ako nag-plantsa.
Matapos kong gawin iyon ay lumabas na rin ako para saluhan na rin sila sa pagkain. Naabutan ko silang nagkakatuwaan at nagke-kwentuhan sa harap ng mesa.
“Halika na anak, handa na ang pagkain. Kumain ka ng marami ha? Luto ’yan ni Xander. Maaga ’yan nagpunta rito kanina kaya tinulungan n’ya ako magluto.” pagyaya sa akin ni Mama.
Agad naman akong umupo sa tabi ni Sir Xander. Nagbalik nanaman ito sa pagiging balisa ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin.
“Ma, ang ingay n’yo po kanina habang tulog ako. Sino po ba kausap n’yo?” tanong ko kay Mama at nagsandok na rin ng aking pagkain.
“Ah, wala ’yun anak. ’Yung kamag-anak lang natin sa probinsya, kausap ko sa cellphone.” sagot ni Mama.
“Ang aga n’yo naman hiniram ’yung cellphone ng kapit-bahay natin. Sana kinuha n’yo na lang ’yung cellphone ko sa kwarto.” wika ko sa kanya.
“Ah hindi anak. Gamit ko ang cellphone ko.” maikling sagot naman nito.
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi n’ya. Wala naman kasi itong cellphone at nakikigamit lang s’ya minsan sa kapit-bahay namin.
“Cellphone mo?” tanong ko.
“Oo. Binigyan ako ni Xander kanina. Ewan ko ba d’yan sa batang ’yan! Tinatanggihan ko nga eh, ang kaso mapilit. Kakailanganin ko naman daw ’yun kapag na-late ka ng uwi sa gabi. Naipagpaalam ka na din n’yan sa akin na minsan doon ka sa condo n’ya matutulog. Pumayag naman ako kasi hindi ka naman babae. Hindi ka naman mabubuntis ’di ba?” dire-diretso naman nitong paliwanag.
Literal na nag-init ang aking mukha dahil sa sinabing ’yon ni Mama.
“Ma!” alma ko dito.
“Ay bakit anak? Wala pa bang nangyayari sa inyo nitong gwapo kong anak na si Xander? Aba, ang bagal n’ya naman pala!?” tanong nanaman nito.
“Ma! Ano ba naman ’yang sinasabi n’yo?! Nakakahiya kay Sir Xander oh?!” reklamo kong muli.
“Ay! Sori naman anak. Sige, ituloy na natin ang pagkain.” tanging wika ni Mama.
Nilingon ko si Sir Xander at nakita kong namumula ito. Nag-isip na lang ako ng maitatanong dito para malihis ang usapan.
“’Di ba parang nag-usap na tayong hindi mo na ibibigay ’yung isang cellphone sa amin? Binigyan mo na nga ako ng isa eh. Ano nanaman ’to?” tanong ko sa kanya.
“M-master naman.. Kay Mama ko naman binigay ’yung cellphone. S-saka anong gagawin ko d’yan? Itatambak sa bahay ko? H-hindi naman pwedeng ibalik pa ’yan sa pinagbilhan ko.” paliwanag naman nitong nauutal.
Ano bang problema nito?
“Oo nga anak. Noong una tumatanggi nga ako, pero naisip ko kakailanganin talaga natin ito. Paano ’pag may emergency dito sa bahay? Paano kita mako-contact kung gabi na? Nakakahiya naman kung kakatok pa ako sa kapitbahay para lang matawagan o itext kita ’di ba?” wika naman ni Mama.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Mama. Kung sabagay, paano nga kapag may emergency? Saka minsan, ako rin ang bumibili ng gamot ni Mama. Kailangan n’yang sabihin sa akin tuwing paubos na ang mga ito at madali na ako nitong mako-contact kung mayroon na din itong sariling cellphone.
Wala na akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga.
Sinimulan na namin ang aming pagkain. Nagke-kwentuhan kami ni Mama at nalaman kong kanina pa narito si Sir Xander ng maaga at pormal na nga itong nagpakilala kay Mama bilang boyfriend ko. Nakakatuwa lang dahil alam kong gusto s’ya ni Mama dahil pinayuhan n’ya pa itong alagaan ako. Nagkasundo pa sila na dahil mas malapit ang tinutuluyan ni Sir Xander sa aming trabaho ay doon na lamang ako tutuloy kapag late na ako nakalabas. Ni hindi na nga ako tinanong kung ayos lang ba sa akin. Ang pakiramdam ko tuloy ay pinapamigay na ako nito ni Mama.
Habang nagkekwentuhan kami ni Mama ay napansin kong tahimik pa rin si Sir Xander sa aking tabi. Hinawakan ko ito sa kamay at saka tinanong.
“Master, okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.
Bigla naman itong napatingin sa akin at tiningnan rin ang aking kamay na nakahawak sa kamay n’ya. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na tinanggal ang kanyang kamay sa aking pagkakahawak. Nagtaka naman ako sa inasal n’yang iyon.
’Ano bang nangyayari sa lalaking ‘to at ganito ang kinikilos?!’
tanong kong muli sa aking isip.
Maya-maya pa ay natapos na kaming kumain at nagpaalam na rin kay Mama. Sakay ng kanyang kotse ay sabay naming tinungo ang kanyang restaurant. Konting pag-uusap lamang ang nangyari sa amin habang nasa biyahe kami. Naisip kong baka napagod lamang ito nitong mga nakaraang linggo sa pagpunta sa kanyang branch sa The Fort. Mamaya ko na lang s’ya tatanungin at kakausapin.
Pagkarating sa restaurant ay sinimulan ko na ang magtrabaho. Maayos naman ang lahat. Ilang oras na rin ang nakalipas ay hindi ko na nakita pang muli si Sir Xander. Ang sabi ni Mam Shai ay nasa office lamang ito.
Dumating ang aming break at narito kami nila Cha at Ben sa kitchen para kunin ang aming free meal para sa araw na iyon. Ngunit bago namin makuha iyon ay tinawag kami ni Jurnie dahil may ipapatikim raw itong soup na ilalabas next month sa aming menu. Kailangan din kasi namin iyon tikman para alam namin ang aming sasabihin sa aming customers kapag natanong sa amin ang soup na iyon.
Matapos tikman ang soup na iyon ay tinungo na namin ang aming crew room. Gusto kong puntahan si Sir Xander sa kanyang office para kamustahin ngunit naisip kong baka abala ito.
Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay parang nag-iiba ang aking pakiramdam. Para akong sinasakal ng mga oras na iyon. Namimigat din ang aking mga mata. Nahihirapan akong huminga kaya uminom agad ako ng tubig. Napansin naman ni Ben ang pagiging balisa ko.
“Pareng Tom ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Ben.
“H-hindi nga eh.. P-parang nahihirapan akong… m-makahinga…” hirap kong pagsasalita. Hawak ko rin ang aking dibdib.
“OMG bessy!! Anong nagyari sa’yo?! Nangingitim ka!! Namamaga rin ang mata mo!” nag-aalang wika ni Cha.
Doon lamang ako naalarma. Tumayo ako at tinungo ang harap ng salamin sa aming crew room. Nakita ko ang aking sarili na tila bluish ang kulay at namamaga ang mata gaya ng sinabi ni Cha. Lalo akong nag-panic ng mga oras na iyon.
Hahakbang sana ako pabalik sa upuan ay bigla naman akong natumba. Hirap na hirap na akong huminga.
“Bessy!!!”
“Pareng Tom!!”
dinig kong sigaw nina Cha at Ben.
Kasunod noon ay ang pagdilim ng aking paningin.
XANDER POV
Narito ako sa aking office at tulala lamang dahil sa mga pangyayari kanina.
Maaga kong sinundo si Tom sa bahay nila at pormal na nagpakilala kay Mama Lita. Napakabait talaga n’ya. Hindi ako magtataka na ganoon din si Tom dahil mabuting ina ang nagpalaki sa kanya.
Maaga akong nagpunta roon at pinilit kong tapusin ang lahat ng kakailanganin kong gawin sa branch ko sa The Fort. Mahalaga kasi ang araw bukas para sa akin.
Ilang araw ko rin pinaghandaan ang mga gagawin para sa espesyal na araw namin ni Tom bukas. Isang linggo kong pinaghandaan iyon.
Ang ika-isang buwan ng relasyon namin ni Tom.
Tama, isang buwan na kami bukas at naisip kong i-celebrate iyon sa lugar sa Antipolo kung saan nagsimulang maging opisyal kami ni Tom.
Ngunit nawala ang buong sistema ko nang makita ko si Tom na lumabas mula sa kanyang banyo kanina na nakatapis lamang ng kanyang tuwalya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Para akong natuyuan ng lalamunan at hindi ko mapigilang pagmasdan ang kanyang buong katawan.
Parang bumagal din ang ikot ng mundo lalo na nang makita kong nagpahid ito ng lotion.
Bawat patak din din tubig mula sa kanyang basang buhok ay tila naging mabagal din. Maputi at makinis si Tom. Nakaramdam ako ng kakaiba ng mga oras na iyon. Pakiramdam na nakukuha ko lamang sa tuwing may makakasiping ako noon.
‘Sht! Sht! Sh*t!’
mahina at paulit-ulit kong sambit habang pabalik-balik ako sa paglalakad sa loob ng aking office.
Naiisip ko pa lamang na nayayakap ko ang kanyang katawan ay nakakaramdam na ako ng pang-iinit. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganito sa kapwa ko lalaki.
Naputol ang aking pag-iisip nang may malalakas na katok sa aking pinto dito sa office. Ano ba ’to?! May balak bang sirain nito ang pinto ko?!
“Xander!! Get out of that cave!! Now!!” dinig kong sigaw ni Shai mula sa labas.
Pumunta naman ako agad doon at pinagbuksan ito. Nakita ko ang nag-aalala nitong mukha.
“Problema mo?!” tanong ko sa kanya.
“Si Tom! Isinugod sa ospital!” tarantang sagot nito.
“Ha?! Anong nangyari?!” bigla akong nataranta.
“I don’t know! Bigla na lang s’yang bumagsak at nahihirapan daw huminga! Hurry up! Hinatid s’ya ni Daniel!” sagot naman nito.
Agad akong kumilos at kinuha ang susi ng kotse ko.
“I-text mo sa akin kung saang ospital.” huling wika ko habang palabas ng aking office.
Nalaman kong nasa pinaka-malapit na ospital lamang isinugod si Tom kaya dali-dali kong pinuntahan iyon.
Nang malaman kong nasa emergency room ito ay dali-dali kong pinuntahan iyon. Naabutan kong nasa labas noon sina Daniel at Charm. Makikita mo rin ang pag-aalala sa mga ito.
“Anong nangyari?!” alala kong tanong sa mga ito pagkalapit sa kanilang pwesto.
“Hindi ko alam eh. Sabi ni Charm nahirapan daw huminga kanina tapos namamaga ang mukha.” sagot ni Daniel.
Tiningnan ko si Charm at nagsimula na rin itong umiyak.
“K-kakain pa lang sana kami kanina.. Okay naman s’ya buong duty eh.. Pero nung break bigla na lang s’ya nagkaganyan.. N-natatakot ako.. Pangalawang beses na nangyari sa kanya ’to eh..” hirap na pagsasalita ni Charm dahil sa pag-iyak.
Nangunot naman ang aking noo sa sinabi nito.
“Pangalawa? May sakit ba s’ya Charm?! Ano bang meron?!” taranta kong tanong sa kanya.
“N-naisugod na dati ’yan dahil may nakain s’yang seafood.. N-naalala mo ba ang sinabi ko noon Sir na may allergy s’ya sa ganun? Pero mas malala ngayon eh.. Nawalan na kasi s’ya ng malay..” sagot naman n’ya.
Hindi ko nakakalimutan ang bagay na ’yon. Kaya nga sa tuwing ipagluluto ko ito ay iniiwas ko ang mga ingredients na ganun.
Bago pa ako makapagtanong ay bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang doktor mula rito.
“Sino ang kamag-anak ng pasyente?” tanong nito.
Agad ko itong nilapitan at sinagot.
“Ako po! Boyfriend ako ng pasyente!” sagot ko nang may kalakasan.
Natigilan ang doktor at tiningnan ako ng may pagsusuri.
“Ahm.. Patient’s name is Mr. Axyll Tom Perez?” tanong muli ng doktor.
Tila ba naninigurado ito na hindi kami nagkakamali ng pasyenteng pinuntahan.
“Yes, boyfriend n’ya ako. So tell me, anong nangyari sa kanya?!” halos pasigaw ko nang tanong.
Tila ba natauhan naman ang doktor at nagsimula nang magsalita.
“Ahm.. sorry.. Well.. base on my observation, may na-take s’ya na may kinalaman sa seafood. To make it short, nagkaroon s’ya ng matinding allergy. May alam ba kayong huli n’yang kinain pra atakihin s’ya ng ganon katinding allergy? Like food that has seashells? Iyon kasi ang nakikita kong dahilan at ’yun ang naging symptoms ng reaction ng kanyang katawan.” maikling paliwanag ng doktor.
Nag-isip naman akong mabuti bago ko ito sinagot.
“Ang sabi mo Charm kanina, hindi pa kayo nag-start kumain nung mangyari ’to right?” tanong ko kay Charm.
Tumango naman ito bilang pagsagot kaya nagpatuloy ulit ako.
“Pinaghanda ko s’ya kanina ng pagkain pero I made sure na walang halong seafood ang mga ’yon dahil aware akong may allergy s’ya doon. Wala na rin naman s’yang kinain after that I guess. Dahil pagdating namin sa restaurant ay nag-start na rin s’yang magtrabaho.” wika ko naman sa doktor.
Nakikinig naman sa akin ang doktor pero matapos ang ilang sandali ay nagsalita si Charm.
“Teka lang po. Bago kasi kami pumunta ng crewroom para kumain ng meal namin, may pinatikim sa amin si Jurnie na soup. Ang sabi n’ya ay ilalabas daw na special natin ’yun next month. Hindi naman n’ya sinabi kung ano ’yon kasi nag-iisip pa lang daw ng ipapangalan don sa soup na ’yon.” explain ni Charm.
“What?!” sabay naming wika ni Daniel.
“Well I guess kailangan n’yong alamin iyon. But for now, nabigyan naman namin s’ya ng mataas na dossage ng medicine para bumalik s’ya sa normal. Don’t worry, he’ll be fine and sa tingin ko pwede na s’yang makalabas kahit mamaya. He just needs to take a rest.” paliwanag naman ulit ng doktor.
Tumango-tango naman kami ng mga kasama ko at nakahinga na rin kami ng maluwag.
“Well then, I better go. Bisitahin n’yo na lang s’ya sa room n’ya.” wika ulit ng Doctor.
“Thanks Doc.” sabay-sabay naming wika.
Matapos n’yon ay pinuntahan na namin ang silid ni Tom at nakita namin itong mahimbing na natutulog. Kita pa rin ang namamaga nitong mata kahit nakapikit sanhi ng allergy. Agad ko itong nilapitan at hinalikan sa noo.
“Mabuti na lang at okay na s’ya. Natakot talaga ako.” wika ni Charm.
“Gago ’yang si Jurnie! Masasapok ko talaga ’yun kung hindi pa naging okay si Tom!” wika naman ni Daniel.
Bigla naman akong natauhan sa sinabi ni Daniel. Nagsiklab ang galit sa loob ko dahil sa sinapit ni Tom. Kinuha ko ang credit card ko at susi ng aking condo at iniabot iyon kay Daniel.
“Kayo na muna ang bahala kay Tom. Dala mo naman ang sasakyan mo Daniel ’di ba? Ihatid n’yo s’ya sa condo ko mamaya at bayaran mo na rin ang bills dito sa ospital. May kailangan lang akong asikasuhin.” bilin ko sa kanila.
“Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Daniel.
“Maniningil lang ako.” maikli kong sagot habang nanlilisik ang aking mga mata.
Umalis din ako agad at hindi na sila hinintay pang makasagot. Agad akong kumilos para bumalik sa aking resraurant.
Nang makarating sa aking restaurant ay dire-diretso akong pumunta sa kitchen at hinanap ang aking pakay. Mabuti na lamang at hindi busy ang oras na iyon. Nakasalubong ko pa si Shai at kinamusta si Tom pero nilampasan ko lamang ito nang hindi sinasagot ang kanyang tanong.
Pagdating ko sa kitchen ay abala si Jurnie sa pagbibilang ng ilang items sa chiller. Agad ko itong nilapitan at itinulak. Nawalan ito ng balanse kaya napahiga ito sa sahig habang nasa ibabaw n’ya ako at hinawakan s’ya sa magkabilang kwelyo.
“Anong pinakain mo kay Tom?!! Tangina!! Muntik na s’yang mamatay alam mo ba?!!” sigaw ko sa kanya.
Napaatras naman ang ibang tao sa loob ng kitchen dahil sa pagkabigla sa aking ginawa. Narinig ko rin si Shai sa aking likuran at nagtanong.
“Xander! What’s going on?! Bitawan mo si Jurnie! Ano ba?!” awat nito sa akin.
Hawak n’ya ako sa braso at pilit na tinatanggal ang aking mahigpit na pagkakahawak kay Jurnie. Hindi ko s’ya pinakinggan.
“Sumagot ka!!!!” galit na galit kong sigaw ulit kay Jurnie.
“C-chef.. H-hindi ko po alam.. Basta po s-sinabi sa akin na i-ipatikim lang ’yun sa staff.. H-hindi ako ang naglason kay Tom..” utal nitong sagot dahil sa takot.
Kung hindi lang ako galit ngayon ay baka matawa ako sa sinabi n’yang nalason si Tom dahil hindi naman. Pero nag-uumapaw ako sa galit kaya walang lugar kahit ang awa at simpatya sa kahit na sino ngayon.
Natigilan ako nang maisip kong inutusan lamang s’yang ipamahagi iyon.
“Sino ang nagluto non?!! Sino ang nag-utos sa’yong ibigay sa kanila ’yon?!!” sigaw kong muli sa kanya.
“S-si Chef R-randy po..” maikling sagot nito.
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi n’yang iyon. Lalo akong nagsiklab sa galit nang malaman kong si Randy iyon. Alam kong alam n’ya na may allergy si Tom sa ibang seafood dahil naroon s’ya noong malaman iyon.
“Oh.. my.. God..” dinig kong sambit ni Shai.
Agad kong binitiwan si Jurnie at tumayo. Tinulungan din s’ya ni Shai tumayo.
“Nasaan s’ya?!” tanong ko sa mga tauhan ko sa kitchen.
“K-kanina pa po nakaalis. Umuwi po ng maaga..” sagot ng isa sa mga naroon.
Agad akong lumabas at tinungo ang aking kotse. Sinimulan kong magmaneho para puntahan si Randy sa kanyang tinutuluyan.
Pagkarating ko sa kanyang condo building ay nakita ko ang kanyang kotse sa parking lot kaya alam kong naroon lamang s’ya sa kanyang unit.
Dali-dali akong pumunta sa kanyang unit at kinatok iyon ng pagkalakas-lakas.
Nagulat ako sa taong nagbukas ng pintuan ngunit hindi ko na nagawa pang magtanong. Pumasok ako agad at hinanap si Randy.
“Xander, anong problema?” tanong ni Rigo sa akin. Naka-boxer shorts lamang ito at walang pang-itaas na damit.
“Nasaan ang magaling mong kaibigan?!” tanong ko kay Rigo na ang tinutukoy ay si Randy.
Hindi pa nakakasagot si Rigo ay bumukas na ang pinto ng CR at niluwa ang katatapos lang maligo na si Randy. Tanging boxer shorts lang din ang suot nito at nagpupunas ng towel sa kanyang basang buhok.
Agad ko itong sinugod at sinuntok sa kanyang kaliwang pisngi. Natumba ito at nagawa kong hawakan s’ya sa kanyang leeg ng isa kong kamay. Akmang susuntukin ko itong muli ay maagap naman akong naawat ni Rigo.
“Xander ano ba?!! Huminahon ka nga!! Pag-usapan natin ’to ng maayos!!” awat sa akin ni Rigo ngunit hindi ko pinakinggan.
“Gago ka!! Anong ginawa mo kay Tom?!!” galit na galit kong sigaw kay Randy.
Sa halip na matakot at magtanong si Randy sa akin ay napangisi pa ito. Tumawa pa ito ilang saglit bago magsalita. Hawak ko pa rin ang kanyang leeg. Hawak naman ni Rigo ang kanan kong braso at pilit pa rin akong inaawat.
“Hahahaha! Alam mo na pala Xandz? Tsk! Ano ba ’yan! Hindi pala naging malinis ang trabaho ko!!” wika nitong nakangiti ng nakakainsulto.
Lalong nag-init ang aking ulo sa ginawa nito. Gusto kong lumpuhin ang kaibigan kong ito dahil sa ginawa nito. Hindi, gusto ko s’yang patayin dahil sa ginawa n’ya kay Tom.
Nagpumilit akong makawala sa pagkakahawak ni Rigo at halos magwala na ako para lang gulpihin ang gagong Randy na ’to.
“Hayop ka!! Anong kasalanan sa’yo ni Tom?!! Bakit kailangan mong gawin sa kanya ’yon?!! Tangina!! Kaibigan kita Randy!! Kapatid na nga kung ituring!! Pero bakit nagawa mo sa akin ’to?!! Alam mong mahalaga s’ya sa akin!! Pero gago ka!! Halos patayin mo s’ya!!” sumbat ko sa kanya.
Nagbago ang kanyang ekpresyon at napalitan ito ng galit. Kumilos ito at pwersahang tumayo. Nagulat na lamang ako nang bigla rin ako nitong sinuntok sa kaliwa kong pisngi. Natumba ako at ngayon naman ay s’ya na ang inaawat ni Rigo.
“Kaibigan?! Eh mas gago ka pala Xander eh!! Lahat tinanggap ko sa’yo dahil magkaibigan tayo!! Nasaktan mo ako noon at hindi tinanggap ang pagmamahal ko ng higit pa sa lintik na pagkakaibigang sinasabi mo!! Lahat ng sakit tiniis ko!! Dahil ikaw lang ang taong natitira para tanggapin ako!! Sinubukan kong kalimutan lahat ng sakit na dinulot mo dahil mas gusto mong magkaibigan lang tayo!! Ayaw mo sa kapwa mo lalaki ’di ba?!! Pero tangina lang!! Sinira mo ang salitang ’yon!! Nagtiwala ako sa sinabi mo!! Pero ang hayop na Tom lang pala na kelan mo lang nakilala ang sisira sa mga sinabi mo!!” sumbat nito pabalik da akin.
“Hindi ko sinadya ang bagay na ’yon!! Hindi ko sinadyang mahalin si Tom!!” sigaw ko ulit sa kanya.
“Sinadya mo man o hindi sinira mo pa rin ang binitiwan mong salita!! Sinasaktan mo na lang ako ng paulit-ulit pero ito ang bagay na hinding-hindi ko matatanggap!! Lahat kayo!! Simula sa magulang ko! Pati sa ibang myembro ng pamilya ko hanggang sa’yo!! Pinaglalaruan n’yo ako at paulit-ulit na sinasaktan!! Ano bang ginawa kong masama sa inyo?!!” sigaw nito at dumaloy na ang mga luhang gusto nitong pakawalan.
Hindi ako nakaimik sa mga huling sinabi nito. Alam kong malaki rin ang partisipasyon ko sa galit na nararamdaman niya at wala akong maisip na paraan kung paano ko ito matutulungan.
Nagpatuloy ito sa kanyang mga panunumbat.
“Ano bang meron sa kanya Xander at nagawa ka n’yang baguhin?! Ano bang meron kay Tom na wala sa akin at nagawa mo s’yang mahalin sa maiksing panahon?!! Ako!! Ako Xander ang kasama mo sa lahat!! Hindi kita iniwan kahit paulit-ulit mo akong sinasaktan!! Pero s’ya?! Ano na bang nagawa n’ya?!! Ano bang napatunayan n’ya?! Sabihin mo nga!! Eh walang-wala naman s’ya kung ikukumpara mo sa akin!!” pagpapatuloy pa n’ya.
Sandaling akong natahimik at unti-unting tumayo. Hinarap ko s’yang muli ng nakangisi. Tiningnan ko s’ya sa mata bago ako nagsimulang magsalita.
“Alam mo kung anong meron sa kanya na wala sa’yo Randy? Si Tom hindi n’ya isinasara ang puso n’ya para sa iba. Ikaw ikinulong mo ang sarili mo sa paghihirap mo sa nakaraan. Si Tom kahit na may problema, nagagawa n’yang idaan lahat sa ngiti. Nagagawa n’yang pasayahin ang mga tao sa paligid n’ya kahit s’ya mismo may sariling problema. Ikaw? Itinutulak mo palayo ang mga taong gustong pumasok sa buhay mo. Namo-moblema ka dahil ang pakiramdam mo walang nagmamahal sa’yo? Gumising ka nga! Ang daming taong gustong pumasok sa buhay mo para punan ang kalungkutan mo pero ikaw mismo nilalayo mo ang sarili mo! Walang dapat ditong sisihin kundi ang sarili mo Randy! Madamot ka! Pati sarili mo pinagdadamot mo sa iba!” mahabang wika ko sa kanya.
Hindi ito nakaimik sa lahat ng mga sinabi ko. Batid ko ring huminahon na ito. Hinanda ko na ang aking sarili para umalis pero nagsalita akong muli.
“Mag-isip ka Randz. Hindi ka makakawala sa sakit na nararamdaman mo kung patuloy mong ikukulong ang sarili mo. Subukan mong bigyan ng pagkakataon ang mga tao sa paligid mo na makapasok sa buhay mo. Wala naman masamang masaktan, lahat naman dinadanas ’yan. Lahat nadadapa, lahat nasusugatan. Pero tandaan mo, choice mo kung gusto mong bumangon at tumayo. Choice mo kung ipapagamot mo ang sugat mo. Walang makakatulong sa’yo kundi ang sarili mo lalo na kung lahat ng nasa paligid mo ay pinagtatabuyan mo. Magsimula ka ulit Randz, ’wag mong tambayan ang mga bagay at lugar na nagpapahirap sa’yo.” mahabang dugtong ko.
Tumalikod na ako at tinungo ang pinto. Hindi ko na nahintay pang makapagsalita ang dalawang taong iniwan ko sa silid na iyon.
Ngayon ko napagtanto na mas kailangan kong protektahan si Tom. Hindi ko s’ya hahayaang masaktan ng iba. ’Yung nangyari pa nga lang sa kanya kanina ay halos mamatay na ako sa kaba, ano pa kaya kung tuluyan s’yang mawala? Haay!! Hindi mangyayari ’yun! Kung kinakailangang hindi s’ya aalis sa aking tabi ay gagawin ko maprotektahan lang s’ya.
Mabilis akong nagmaneho pabalik sa condo ko nang makatanggap ako ng text mula kay Daniel na naihatid na nila si Tom sa aking condo. Nagkamalay na daw ito ngunit nakatulog ulit nang makarating sa aking condo. Tinawagan ko na lamang sila na hintayin na lamang ako bago sila umalis.
Pagkarating sa aking unit ay naabutan ko sila Daniel at Charm na nakaupo sa sofa sa aking sala.
“Kuya!” bati ni Daniel.
Si Charm naman ay hindi ako magawang batiin dahil puno ang bibig ng ice cream. Sana ay hindi n’ya naman inubos ang laman ng ref ko.
“Kamusta s’ya?” tanong ko sa kanilang tinutukoy si Tom.
“Ayos naman. Mabilis naman umepekto ang gamot na binigay ng doktor. May mga ni-reseta din sa kanyang gamot para mawala na din ang ibang pantal n’ya.” sagot naman ni Daniel.
Binigay naman sa akin ni Charm ang mga gamot nang hindi pa rin makapagsalita dahil puno pa rin ang kanyang bibig. Tinanggap ko na lamang sa kanya ang mga ito.
“Salamat ah? Puntahan ko muna s’ya.” wika ko sa kanila.
“Sige Kuya, pero uuwi na din kami. May pasok pa kami bukas eh. Ihahatid ko na lang si Charm. Balitaan mo na lang kami kung ayos na s’ya.” pagpapaalam ni Daniel.
“Ganon ba? Salamat nga pala ng marami ha? Makakabawi rin ako sa inyo.” wika ko sa kanila.
“Hayaan mo na ’yun. Basta para kay Tom. Saka mukhang bawing-bawi naman na si Charm eh. Check mo ref mo, inubos na ata laman nun!” turo naman n’ya kay Charm.
Inambaan lamang ito ni Charm ng suntok dahil hindi pa rin n’ya magawang magsalita. Sunod-sunod pa rin kasi ang kain nito ng ice cream.
Hindi nga nagtagal ay umalis na ang dalawa. Nagawa pa ni Charm na kumuha ng ilang pagkain sa ref ko para raw baon pauwi. Hinayaan ko na lamang s’ya dahil walang kaso naman sa akin ’yun.
Binuksan ko ang aking silid at nakita ko si Tom na mahimbing na natutulog. Nilapitan ko ito at hinalikan sa noo.
Lumabas muna ako sandali upang tawagan si Mama Lita at ipaalam ang nangyari. Sobrang nag-alala ito ngunit siniguro ko naman na maayos na si Tom kaya nakahinga rin ito ng maluwag. Sinabi ko ring dito muna tutuloy si Tom at pumayag naman ito.
Nagpasya akong maligo muna bago matulog. Masyadong napakaraming nangyari sa araw na ito kaya ramdam ko ang pagod.
Matapos maligo ay tinungo kong muli ang higaan kung saan mahimbing pa ring natutulog si Tom. Ang amo ng mukha ni Tom kaya hindi ko maiwasang titigan ito. Napaka-swerte ko para magkaroon ng isang kagaya n’ya.
Nakahiga ako sa kanyang tabi at walang sawang pinagmamasdan s’yang matulog. Gusto ko s’yang bantayan na lamang magdamag.
Kumilos ito nang hindi iminumulat ang kanyang mga mata. Nagulat ako sa ginawa nito dahil bigla n’ya na lamang akong niyakap sa bewang. Napangiti ako sa ginawa n’yang iyon at ginantihan ito ng mas mahigpit na yakap.
“I love you.” bulong ko sa kanya.
“Mas mahal kita.” sagot rin nito ng pabulong.
Napangiti ako at mas lalo naming hinigpitan ang aming pagkakayap.
Nakatulog na rin kami sa ganoong posisyon.
A/N
Sabaw ba ang chapter ko ngayon? Pasensya na, wala talagang pumapasok sa isip ko ngayon. Bawi na lang ako next chapter. Ingat mga readers!!
––cold_deee
chapter 20 - crème brulée
A/N
Hello readers! Medyo badtrip ang wattpad ngayon sa new update ah.. Ang hirap mag-insert ng photo at video sa media! Kainis! Force stop lagi! Phone pa naman ang gamit ko para lang sa update! Nakakagalit!
Anyway, may gusto ba mag-request d’yan ng BS? Comment lang po, kasi nakaisip na ako ng draft. Gusto ko lang po malaman kung may interested.. Salamat!
––> si Xander sa media.
TOM POV
Gumising ako isang umaga na mataas na ang sikat ng araw. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nagtaka sa aking paligid. Nagulat akong wala ako sa sariling kwarto.
Inilibot ko ang aking mga mata habang inaalala ang mga nangyari bago ako makarating sa lugar na ito.
“Oo nga pala…” sambit ko sa aking sarili nang maalala ang mga pangyayari kahapon.
Tiningnan ko ang aking katawan at may kaunting bakas pa ito sanhi ng allergy ko.
Tumingin ako sa aking tabi at hindi ko nakita ang taong inaasahan nang mga sandaling iyon.
“Saan kaya s’ya natulog?” tanong ko sa aking sarili.
Nakita ko rin sa orasan na alas onse na rin pala ng umaga kaya dali-dali na rin akong tumayo mula sa kama at inayos na rin iyon. Epekto siguro ng gamot kaya mahaba ang naging tulog ko. Hindi na rin mabigat ang aking pakiramdan katulad kahapon.
Naisipan ko na lamang na maligo muna para hanapin si Sir Xander. Marahil ay nasa kitchen n’ya iyon at nagluluto nanaman.
Natapos akong maligo at mag-ayos. Mabuti na lamang talaga at may mga gamit na ako dito sa bahay ni Sir Xander. Nakakatuwa nga dahil ang mga damit na binili ni Sir Xander para sa akin ay maayos nang nakalagay sa cabinet kasama ang mga damit n’ya. Sa CR ay ganun din, magkasama na sa iisang lalagyan ang toothbrush naming dalawa. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang pakiramdam ko ay para kaming mag-asawa dahil sa mga bagay na iyon.
Lumabas na ako sa kwartong iyon ngunit nang lumabas ako ay nagulat akong muli.
Tanging kadiliman ang sumalubong sa akin. Patay ang mga ilaw at wala akong makita kahit na iisang liwanag. Tahimik rin ang buong bahay. Naisip kong baka umalis si Sir Xander nang mga oras na iyon ngunit nagbakasakali pa rin akong naroon lamang s’ya.
“Master???” tawag ko sa kanya.
Wala naman sumagot kaya tinawag ko itong muli.
“Master??” hanap ko sa kanya.
Nagulat na lamang ako dahil biglang nagliwanag ang isang parte ng bahay ni Sir Xander. Tiningnan ko iyon at nakita kong may projector na nakatutok sa isang white screen.
Tinitigan ko iyon at hinihintay ang mga susunod na mangyayari.
Nagsimulang mag-play ang video mula sa projector na iyon.
5….
4….
3….
2….
1….
’Yan ang nakikita ko mula sa palabas. Tila ba manonood ako ng sine ng mga oras na iyon dahil sa nakita kong bilang. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa mga susunod pang ipapalabas mula roon.
“Tae, baka mamaya may lumabas na lang na multo d’yan…” kinakabahan kong sambit.
Hindi ko kasi maiwasang mag-isip ng hindi maganda dahil madilim ang buong paligid at tanging ang white screen lamang ang nagbibigay ng liwanag.
‘Tom…..’
salitang biglang lumabas mula sa pinapanood ko. Slide show pala ito. Nagulat ako dahil sa pangalan ko ang nabasa ko mula roon.
‘Naaalala mo pa ba ito?’
muli ko nanamang nabasa sa palabas.
Hinintay kong muli ang mangyayari. Sunod na nag-play sa video ay ang masayang mukha ko noong nasa Enchanted Kingdom ako. Naaalala ko ang sandaling iyon. ’Yan ang video na iniinterview ako kunwari ni Sir Xander habang nakapila kami sa sakayan ng roller coaster. Naririnig ko rin mula sa background ang boses ni Sir Xander na masaya akong kinakausap.
Napangiti ako sa napapanood kong iyon. Matapos mag-play ay may lumabas ulit na mensahe sa video.
‘Eh itong mga ito…. alam mo ba ang mga ito???’
’yan ang mga sumunod kong nabasa.
Biglang tumugtog ang pamilyar na kanta. Ang kantang nag-play sa kotse ni Sir Xander noong ihatid kami nito sa bahay namin ni Cha. ’Yung kantang ‘Falling In’ ng Lifehouse na isa sa mga paborito ko.
Kasabay ng awiting iyon ay ang paglabas isa-isa ng mga larawan ko sa white screen. Lahat ng iyon ay ang iba’t-ibang ekspresyon at ginagawa ko. Mayroong kumakain ako, natutulog at kumukuha ng order ng customers sa restaurant. Pero ang napansin ko ay mas marami ang picture kong nakangiti ako.
Tumagal ang mga pagpapalabas ng mga pictures ko na puro stolen ng dalawang minuto rin siguro. Nagtataka ako dahil hindi talaga ako aware na nakuhanan ako ng larawan ng mga sandaling iyon.
‘You don’t know how much I want to stare at you when you smile…’
‘And you don’t know how much I want to see every spark in your eyes.’
‘You don’t know how much I want to embrace you when you’re sad..’
‘And you don’t know how much I want to hug you tight when you’re mad..’
‘You don’t know how much I want to feel your presence from time to time..’
’And you don’t know how much I want to kiss you from day ‘til night..’
magkakasunod na lumabas mula sa slide show.
Bahagya pa akong natawa sa huling linya na iyon. Unlimited kiss talaga ang gusto?
‘But there’s one thing I want you to realize…’
panibagong mensaheng lumabas.
Hinintay ko ang susunod na mga salitang mababasa ko. Mga ilang segundo rin ang lumipas bago ito lumabas.
‘I love everything about you..’
Doon na kumawala ang isang luha mula sa aking mata dahil sa tuwa. Alam kong isang tao lang ang gagawa nito. Ang taong mahal na mahal ko.
Nawala ang liwanag na nagmumula sa projector palatandaan na tapos na ang palabas. Muling nagdilim ang paligid ngunit kasunod nito ay isa nanamang nakakamanghang sorpresa.
Unti-unting umilaw ang mga nagkalat na christmas lights sa loob ng silid. Sobra akong namangha sa nakikita ko. Ang gandang tingnan ng mga dilaw na ilaw. Dim na ngayon ang paligid dahil sa nagkalat na ilaw.
Nakita kong may mga nakalutang na asul at puting lobo. Sa dulo naman ng tali ng mga lobong ito ay may mga nakasabit na larawan.
Nilapitan ko isa-isa ang mga iyon at napangiti ng malawak dahil sa mga larawang nakikita ko. Larawan naming dalawa ni Sir Xander ang mga nakasabit sa mga lobong iyon. Mga masasayang larawan na magkasama kaming dalawa.
Kaya pala sa tuwing magkasama kami ay ilang beses itong hihiling sa akin na mag-picture daw muna kami. Pinagbibigyan ko naman dahil alam kong hindi rin ako mananalo sa kanya.
Matapos suriin ang mga larawan ay kusa nang gumalaw ang aking katawan para hanapin ang taong gumawa ng magandang bagay na ito.
Sa pag-ikot ko ay nakita ko sa likod ng pinto ang taong may pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko. Nakatayo ito mula roon at may hawak na isang bugkos ng bulaklak. Nakasuot ito ng dark brown na polo at naka-slacks na itim. Naka-leather shoes din ito, formal attire kumbaga. Talagang napaka-gwapo n’ya ngayon.
Nginitian ko ito pabalik habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko sa kasiyahan. Mabilis itong lumapit sa akin na hindi natatanggal ang pagkakangiti.
Paglapit n’ya ay agad ko itong niyakap ng mahigpit. Ganoon din ang kanyang ginawa pabalik.
“Did you like it?” tanong n’ya sa akin habang yakap ako.
“No..” sagot ko.
Naramdaman kong biglang lumuwag ang pagkakayakap nito kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko at sinundan ang sinabi ko.
“I love it… Thank you…” wika ko sa kanya.
Muling humigpit ang kanyang mga yakap at nararamdaman kong tuwang-tuwa rin ito.
Makalipas ang ilang sandali ay bumitaw na rin kami. Magkatinginan kami habang nakangiti.
“Ano bang meron? Bakit may ganito ka pa?” tanong ko sa kanyang medyo natatawa at pinunasan ko na rin ang aking mga luha.
“Nagse-celebrate.” simpleng sagot n’ya.
Nagtaka naman ako sa sinabi n’ya.
“Ha? Anong celebration? Dahil ba nakalabas agad ako sa ospital?” tanong ko ulit pabalik.
“Isa na rin ’yon. Pero may isang bagay pa.” sagot n’yang nakangiti pa rin.
Nangunot naman ang noo ko.
Hindi n’ya na rin ako pinagsalita. Iniabot n’ya na agad ang hawak n’yang bulalak.
“Happy monthsary Master.” nakangiti n’yang pagbati at mabilis akong hinalikan sa labi.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkasorpresa sa narinig. Hindi ako nakapagsalita at tanging pagkagulat ang naging reaksyon ko.
“Oh? Hindi mo man lang ba ako babatiin? O baka naman nakalimutan mong ngayon ang first monthsary natin?” sunod-sunod n’yang tanong.
“Sine-celebrate ba ’yon?” taka kong tanong sa kanya na hindi pa rin nagbabago ang reaksyon.
“Oo naman! Isang buwan na tayo kaya dapat i-celebrate ’yon!” maagap nitong sagot.
“Eh di ba… a-anniversary lang naman ang sine-celebrate? A-alam kong isang buwan na tayo, p-pero hindi ko alam na dapat i-celebrate din ’yun sa unang buwan.” gulat ko pa ring wika.
Tila nag-isip naman ito ng kaunti bago sumagot.
“Mmm… Actually, hindi lang naman sa unang buwan. Bawat buwan na lumipas ay dapat i-celebrate iyon.” sagot n’ya.
Napalo ko ang aking noo dahil sa narinig kong paliwanag n’ya. Tiningnan ko s’ya at humingi agad ng sorry sa kanya.
“Sorry Master… Hindi ko alam ang bagay na iyon… Nakakahiya… Wala man lang akong naihanda..” paghingi ko ng paumanhin.
Ngumiti lamang ito at muli akong niyakap bago nagsalita.
“Hayaan mo na ’yon. Ang mahalaga magkasama tayo. Kahit na nasira ang una kong plano na magpunta tayo sa lugar kung saan naging official tayo, kasama pa rin kita. Happy monthsary Tom.” wika nito.
Niyakap ko rin s’ya pabalik ng may ngiti sa labi.
“Happy monthsary Xander.” sagot ko.
Napabitaw ito bigla sa mahigpit na pagkakayakap at tiningnan ako sa mata. Nagtaka naman ako sa ikinilos nito.
“Ulitin mo nga!” maligalig nitong wika.
“Ang alin? Happy Monthsary?” tanong ko.
“Hindi ’yon! Tinawag mo ako sa pangalan ko ng walang Sir! First time ’yon! Kaya dali na, ulitin mo na!” tuwang-tuwa nitong sabi habang nakahawak sa magkabila kong balikat.
“Xander.” ulit kong bigkas ng pangalan n’ya.
Ngumiti ito ng malapad.
“Isa pa nga!” utos n’ya.
Natawa naman ako sa inasal nito.
“Xander.” wika ko ulit.
“Arrgghhh!! Ang sarap pakinggan kapag galing sa’yo.” wika nito at niyakap muli ako ng mahigpit.
Natatawa talaga ako sa kinikilos nito. Kung sabagay, unang beses ko nga iyong ginawa at nakaramdam ako ng saya. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay walang namamagitan sa aming dalawa kundi pagmamahal. Walang boss at walang empleyado.
“Halika na. Kumain na tayo para makainom ka na din ng gamot mo.” wika nito matapos bumitaw sa mahigpit na pagkakayakap.
Napapansin ko lang, kanina pa kami nagyayakapan nito? Well, gusto ko rin naman.
“Tara na. Gutom na rin ako eh.” sagot ko dito.
Iginaya ako nito sa kanyang dining habang nakaakbay sa akin. Nakita kong marami ang nakalatag na pagkain sa mesa.
“Ang dami namang pagkain. Ikaw ba lahat nagluto nito?” tanong ko sa kanya.
“Nope. Dalawa lang ang niluto ko d’yan. ’Yung iba binili ko na sa labas kasi kukulangin ako sa oras sa paghahanda ng surprise ko ’pag nagluto pa ako ng marami.” sagot naman n’ya.
“Hindi mo naman kailangan magluto ng marami. Tayo lang naman dalawa ang kakain eh.” wika ko sa kanya.
“Hayaan mo na.. May sine-celebrate naman tayo eh..” sagot naman n’ya sa akin.
Nang makaupo kami ay s’ya na rin ang naglagay ng pagkain ko sa aking plato.
“Oo nga pala, may pasok ka ba ngayon? Uuwi na lang muna ako sa amin. Alam kong kailangan kong magpahinga ngayong araw dahil ’yon din ang advice sa akin ng doktor kahapon.” wika ko sa kanya.
This time, ako naman ang naglalagay ng pagkain n’ya sa kanyang plato.
“Wala. Sasamahan lang kita buong araw.” sagot naman n’ya sa akin.
Nagtaka naman ako sa sinabi n’ya.
“Eh bakit parang bihis na bihis ka?” tanong kong muli sa kanya.
“Wala lang. Para gwapo ako ’pag nakita mo na ako.” sagot n’yang nakanguso.
Natawa ako dahil asal bata nanaman ito.
“Hindi mo naman kailangan magbihis para lang magpa-gwapo. Gwapo ka pa rin kahit anong suotin mo.” nakangiti kong wika sa kanya.
Nakita kong namula ito kaya mas lalong natawa ako.
“Talaga lang ha?” biglang wika nito.
Nagtaka naman ako sa tanong n’ya kaya natigil ang pagtawa ko. Sinundan n’ya pa iyon ng isang tanong na lalong nagpatahimik sa akin.
“Kahit wala akong suot na damit, sa tingin mo gwapo pa rin ako?” nakangising wika nito.
Ako naman ngayon ang nakaramdam ng hiya sa sinabi n’ya kaya napayuko na lamang ako. Narinig ko s’yang tumawa ng malakas. Tsk! Mukhang naisahan nanaman ako ng isang ’to!
“Kumain na nga lang tayo.” pag-iiba ko ng usapan.
Sinimulan na nga namin ang kumain at mabuti naman at hindi na naungkat pa ang pang-aasar niya kanina. Masaya naming pinagsaluhan ang aming tanghalian at tanging puro tawanan at lambingan ang aming ginawa. Mabuti na lamang at natapos namin ang aming pagkain.
Sa pagkakataong ito ay hindi n’ya na ako hinayaang maghugas ng lahat ng aming pinagkainan kahit na nagpupumilit pa ako.
Matapos iyon ay tinungo n’ya ang kanyang kwarto at nagbihis ng kanyang pambahay. Kahit na simpleng damit lang ang suot nito ay lumilitaw pa rin ang angking kagwapuhan nito.
“Anong gagawin natin ngayon? Sabi mo dito lang tayo sa bahay.” tanong ko sa kanya.
“Mag-movie marathon na lang tayo. May mga bagong bili akong dvd d’yan. Tara!” aya nito sa akin at hinatak na ang kamay ko.
Hinanda n’ya na ang dvd player at sinalang na rin ang aming papanoorin. Dahil nga sa mahilig kaming pareho sa panonood ng movie ay tahimik lamang kaming nanonood ng mga oras na iyon.
Nakaupo s’ya sa sofa at ako naman ay nakaupo sa sahig. Nakatalikod ako sa kanya habang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Nakapatong lamang ang aking siko sa kanyang hita at s’ya naman ay nag-iiba ng posisyon paminsan-minsan. Mayroong uupo s’ya ng tuwid ngunit nakaakbay pa rin sa akin, at kung minsan naman ay yayakap mula sa aking likuran.
“I love you..” bulong nito sa aking tenga habang yakap ako sa leeg sa aking likod.
Nilingon ko ito at sinagot.
“I love you too..” sagot ko at ngumiti sa kanya.
Nagpatuloy ang panonood namin ng movie at maya-maya ay napagod din sa aming posisyon.
“Inaantok ako. Gusto ko matulog. Ang aga ko kasi nagising kanina.” wika nito.
Nilingon ko s’ya.
“Sige, d’yan ka na lang sa sofa. Babantayan na lang kita habang tinatapos ko ’yung movie.” wika ko sa kanyang nakangiti.
“Gusto ko tabi tayo.” paglalambing nito.
Pumayag naman ako sa kanyang gusto. Mabuti na lamang at malaki ang sofa nito.
Nakatagilid kaming humiga sa sofa ng magkatabi. Nakatalikod ako sa kanya habang nakaunan sa kanyang kanang braso. Nakahawak naman ako sa braso n’yang nakayakap sa aking bewang habang nanonood ng movie.
“Tom…” bulong nito sa aking tenga.
Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng pangingilabot na hindi ko maintindihan kung para saan nang tawagin n’ya ang aking pangalan. Lalo na nang magdampi ang kanyang labi at parang hinihipan n’ya ang aking tenga.
“Hhmmm?” sagot ko sa pagtawag n’ya. Nakaharap pa rin ako sa kanyang tv screen.
“Ang sexy mo talaga. Ang bango mo pa.” bulong muli nito.
Mahinang tawa naman ang naging sagot ko.
“I love you…” dagdag pa nito sa malambing na tono.
Nagbago ako ng posisyon at hinarap ko ito. Tiningnan ko s’ya sa mga mata at nakita ko ang sinseridad doon. Hinawalan ko rin ang kanyang pisngi bago ko sinagot ang kanyang sinabi.
“I love you too…” wika kong nakangiti.
Nakatitig lang kami sa isa’t-isa ng mga ilang minuto. Maya-maya pa ay inilapit n’ya ang kanyang mukha sa akin. Ako naman ay naghintay sa kanyang gagawin.
Ilang sandali pa lamang ay naglapat ang aming mga labi habang nakayakap s’ya sa akin. Ang aking kamay naman ay kusang bumaba at inilagay sa kanyang bewang.
Ilang segundong magkalapat ang aming mga labi at ilang sandali pa ay naramdaman kong iginalaw n’ya iyon. Bahagyang nakabuka ang mga iyon at sinisipsip ang aking labi. Tila ba nilalasap n’yang mabuti ang parte ng bawat labi ko.
Sinubukan kong suklian ang halik n’yang iyon. Ginaya ko ang kanyang bawat paggalaw. Napapikit kami sa ginagawa naming halik sa bawat isa. Kakaibang pakiramdam ang nararanasan ko ngayon. Tila ba lumilipad ako sa sensasyong dala nito.
Naramdaman kong humigpit ang kanyang pagkakayakap at ganoon din ako. Kusang gumagalaw ang aking mga kamay at niyakap din s’ya ng mahigpit dahil nadadala ako sa kanyang bawat galaw.
Naging mas madiin. Naging mas masarap sa pakiramdam. Bumilis din ang pagtibok ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan. Ganito pala sa pakiramdam ang mahalikan ang taong mahal mo. Para akong nawawala sa sarili at tanging s’ya lang ang naiisip ko.
Ilang sandali pa ng mainit naming halikan ay gumalaw s’ya at umibabaw sa akin ng hindi napuputol ang aming halikan. Nakayakap na ako sa kanyang leeg at s’ya naman ay sa aking katawan. Naramdaman ko ang kanyang kamay na hinahaplos ang aking bewang na lalong nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Lalong naging mas madiin ang kanyang mga halik na patuloy ko pa ring sinusuklian. Naririnig ko na rin ang kanyang mahihinang ungol habang ginagawa namin ang bagay na iyon.
Nagsimula na ring umabot ang kanyang halik papunta sa aking pisngi papunta sa aking leeg. Nang nasa bahaging leeg ko na s’ya humahalik ay kakaibang sensasyon ang muli kong naramdaman. Napapakagat na rin ako sa aking labi dahil sa ginagawa n’yang iyon.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang sarap ng bawat dampi ng kanyang labi sa parteng iyon. Parang mababaliw ako sa hindi ko malamang dahilan. Napakapit na lamang ako sa kanyang batok at tila ba gusto ko na itong sabunutan.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari dahil nagpakawala ako ng isang mahinang ungol. Tila ba natauhan naman ito sa kanyang narinig mula sa akin. Napahinto ito at muling ibinalik ang kanyang halik sa aking labi.
Ilang sandali pa ay nagbitaw kami sa paghahalikan at tumitig sa isa’t-isa na puno ng pagmamahal. Naghahabol ng hininga dahil para kaming tumakbo ng ilang kilometro sa bilis ng tibok ng aming mga puso. Mapupungay ang mga mata ni Xander na nakatitig sa akin at alam kong ganoon din ako sa kanya.
“Gahd… you’re seducing me..” mahinang sambit n’ya sa akin.
Nanatili naman akong nakatingin sa kanya at hindi s’ya sinagot. Hindi pa rin s’ya umaalis sa pwesto n’ya sa aking ibabaw. Hinawakan ko s’ya mula sa mata, ilong hanggang sa kanyang labi. Tila ba kinakabisado ko ang bawat parte ng kanyang mukha.
Matapos kong gawin iyon ay nagsalita na ako.
“Hindi ko alam kung paano mo ako nagawang mahalin. Napakaswerte ko sa’yo. Mahal na mahal kita.” wika ko sa kanya.
“Mas maswerte ako dahil ibinigay sa akin ang kagaya mo. Wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama ka hanggat nabubuhay ako. Mahal na mahal din kita.” buong pagmamahal n’yang sambit.
Hinalikan n’yang muli ako ngunit sandali na lamang iyon hindi kagaya noong una.
“Matulog na lang tayo. Baka kung ano pang magawa ko sa’yo.” wika nito matapos abutin ang remote ng tv at dvd at pinatay ang mga iyon.
Bumalik ito at pumwesto sa pagkakahiga at yumakap itong muli sa akin ng mahigpit.
Ngumiti na lamang ako sa mga sinabi nito at niyakap na rin s’ya pabalik. Natulog kaming muli ng hapong iyon at kahit na nasa loob lamang kami ng kanyang unit ay aaminin kong napakasaya ng araw na iyon.
Dumating ang gabi at sabay din kaming nagising. Nagyaya itong lumabas at doon na lamang daw kami kumain para ituloy ang pagse-celebrate ng aming unang buwan bilang magkasintahan.
Matapos magbihis ay umalis din kami at tinungo ang mall kung saan una kaming nag-date.
Ganoon pa rin tulad ng dati, nakaakbay pa rin ito sa akin at walang pakialam sa mga taong nakatingin sa amin. Ayaw kong biguin ito kaya hinahayaan ko lang din ang mga taong iyon. Mas mahalaga sa akin si Xander kaysa sa sasabihin nila. Gusto kong ipakita na kahit kailan ay hindi ko ikinahiya ang relasyon na meron kaming dalawa.
Bumili rin kami ng ilang gamit na kakailanganin n’ya sa kanyang condo. Personal na mga gamit namin at stocks ng pagkain. Natawa pa nga ako nang ikinuwento nito na halos maubos ang natitira n’yang stocks dahil inubos daw ito ni Charm nang hinatid ako ng mga ito kahapon.
Ang mga ilang personal kong gamit ay hindi ko na s’ya pinayagan pang s’ya ang magbayad. Kahit na sumasama ang kanyang loob ay nagagawa ko naman itong amuhin at lambingin. Lalo na kung sa harap pa ito ng ibang tao ko ginagawa. Kung minsan nga ay nahahalata ko na itong nagtatampo kunwari para muli ko nanamang amuhin. Isip-bata talaga, pero isa ’yon sa mga nagustuhan ko sa kanya.
Napadaan kami sa isang jewelry shop at nagulat na lamang ako nang bigla n’ya akong hinila papasok doon.
“Halika Master! Tingin muna tayo dito.” yaya nito sa akin.
“Ayan ka nanaman eh! Tapos mamaya ’pag may nakita ka bibilhin mo nanaman!” sermon ko sa kanya.
“Sige na! Monthsary naman natin eh! Isipin mo na lang ito na ang regalo ko!” wika naman nito pabalik.
Wala na nga akong nagawa dahil hindi n’ya na hinintay pang makasagot ako.
Pagpasok namin sa loob ay sinalubong agad kami ng isang lalaki na staff sa jewelry shop na ito.
“Good evening Sir! May gusto po ba kayong i-try sa mga jewelry dito?” magalang na wika ng lalaki sa amin.
“S’ya lang.” sagot ko sa salesman at itinuro si Xander sa tabi ko.
Napangiti naman ang salesman sa sinabi ko at ibinaling ang tingin kay Xander. Hehe! Ang sarap talaga tawagin s’ya sa pangalan n’ya.
“Ahm… By any chance, meron ba kayong couple ring dito?” tanong ni Xander.
“Yes Sir! Para po ba sa girlfriend n’yo ang isa? Kasama n’yo po ba s’ya? Or kung hindi naman po, dapat po alam n’yo ang size ng daliri n’ya. Para po hindi na masayang ang effort n’yo kung babalik pa kayo para sa tamang size nito.” magalang na sagot ng salesman.
Muli rin akong sinulyapan ng salesman at nakakapagtakang binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti. Gwapo rin ang salesman na ito at sa tingin ko ay kaedaran ko lamang din ito.
“Oo. Para sa partner ko, at oo kasama ko s’ya.” sagot ni Xander.
“Ganon po ba? Kung ganon, pwede na po kayong pumili ng magugustuhan n’yo at tawagin na rin ang girlfriend n’yo para maisukat n’ya na din po.” sagot muli ng salesman ngunit hindi kay Xander nakatingin kundi sa akin.
“Hindi na kailangan. Kasama ko na s’ya.” wika nito at inakbayan ako bigla. “Kaya pwede ba? Ipakita mo na lang ’yung mga choices ng couple rings dito? Isusukat na namin ng BOYFRIEND ko! Tigilan mo na rin ang pagpapa-cute d’yan dahil akin lang ’to!” mahabang wika ni Xander at idiniin pa ang salitang boyfriend habang itinuturo ako.
Nasampal ko nanaman ang aking noo dahil sa inasal nito. Napakaseloso!
“Ah.. eh.. Ganon po ba? Sige po, this way po.” wika ng lalaki at itinuro ang section ng couple rings sa shop na iyon. May sinabi pa itong salesman ng mahina habang naglalakad papunta roon. “Sayang…” dinig kong sinabi nito.
“Anong sabi mo?!” inis na tanong ni Xander.
Lumingon ang salesman sa amin kaya agad kong tinakpan ang bibig ni Xander.
“Ah-eh.. wala! Sige, saan ba? Para maisukat na namin nitong BOYFRIEND ko.” wika ko habang hawak pa rin ang bibig ni Xander na nakaakbay sa akin. Idiniin ko rin ang salitang boyfriend gaya ng ginawa n’ya.
Itinuloy naman ng lalaki ang paglalakad kaya nakahinga na ako ng maluwag. Tinanggal ko na rin ang aking kamay sa bibig ni Xander. Sa pagkakataong ito ay nakangiti na si Xander na nakatingin sa akin.
Tsk! Bipolar talaga! Kanina parang bulkang sasabog, ngayon naman wagas makangiti!
“Master, anong bagay sa ating dalawa?” tanong nito sa akin matapos marating ang pakay namin.
“Uuhmm.. Master, naalala ko. Hindi nga pala ako pwedeng magsuot ng ganyan kasi bawal sa trabaho ko. Baka mawala ko pa ’yan kung maya’t-maya huhubarin ko.” wika ko sa kanya.
Totoo naman kasi iyon. Mahihirapan din akong magserve kung may suot akong singsing.
“Oo nga ’no? Edi lagyan na lang natin parehas ng necklace tapos isuot natin doon ang singsing? Closed neck naman ang uniform nyo eh. Kaya pwede ’yon.” sagot naman nito sa akin.
Tsk! Ang tigas talaga ng ulo eh ’no?!
“Sige na! Ako bahala sa’yo! Wala din naman silang magagawa sa gusto ko dahil ako ang boss n’yo!” dagdag pa nito.
Ayan na, ginagamit nanaman ang posisyon n’ya basta magawa lang ang gusto. Kaya wala na nga akong nagawa sa kagustuhan nito. Mabibingi nanaman ako sa kakulitan nito eh.
“Eto na lang, simple lang. Gusto ko rin pala na may pangalan nating dalawa ’yan. ’Yung sa akin, may pangalan mo. ’Yung sa’yo naman, may pangalan ko. Ayos ba?” masayang wika nito sa akin.
“Oo na lang.” sagot ko sa kanya.
Nagbago nanaman ang ekspresyon nito at napalitan ng pagsimangot.
“Joke lang! Eto naman hindi na mabiro! Oo nga! Ang ganda! Bagay sa ating dalawa!” pang-uuto ko dito.
Pero sa halip na ngumiti ay nanatili itong nakasimangot na nakatingin sa akin. Kaya naman dinagdagan ko ang sinabi ko.
“I love you..” wika kong nakangiti sa kanya.
Ayun na! Ngumiti na ulit s’ya na abot hanggang tenga! ’Di ba? Bipolar talaga?!
Kinuha na nga nito ang mga singsing. At ang akala kong kwintas na pagsusuotan ng mga ito ay sa iba na lang namin bibilhin at sa presyong mumurahin ay doon din n’ya naisipang bilhin. White gold kasi ang mga ito kaya alam kong mahal ang mga ito.
Matapos ang ilang sandali nang maibigay namin ang aming napili ay kinuha na rin ang aming mga sukat. Kailangan daw naming balikan na lamang iyon dahil sa iuukit na pangalan doon na ilang minuto rin dapat hintayin.
Naisipan muna naming mag-ikot-ikot muli sa loob ng mall. Nagsimula nanaman itong mangulit at hindi ko nanaman maiwasang matawa sa mga ginagawa nito. Maya’t-maya ako nitong kinukuhanan ng picture gamit ang kanyang cellphone.
“Master, picture tayo dito.” yaya nito habang nakaupo kami sa garden ng mall na iyon.
Napagod kasi kaming maglakad-lakad kaya naisipan muna naming magpahinga.
“Sige, pero cellphone ko naman ang gagamitin ko ha?” wika ko dito.
Pumayag naman s’ya sa gusto ko at sinimulan na din namin kumuha ng pictures naming dalawa.
Matapos ang ilang shots ay tiningnan ko ito isa-isa. Napangiti ako dahil kita mo ang saya sa aming dalawa. Pumili ako ng isa sa mga pictures na nakuhanan ko at ginawa kong wallpaper ng cellphone ko.
Nang makita ni Xander ang ginawa ko ay ngumiti ito at agad na niyakap ako.
“Oh? Bakit bigla ka na lang nangyayakap d’yan?” tanong ko sa kanya.
“Kasi pinapakilig mo nanaman ako.” sagot nito sa akin.
Walang mintis talaga akong pinapangiti nito ni Xander. Ang mga simpleng bagay na ginagawa n’ya ay nagbibigay sa akin ng ibayong saya.
“I love you.. Happy monthsary Master..” bulong ko sa kanya at ginantihan ang yakap nito.
“Happy monthsary Master.. I love you too..” balik naman nito.
Matapos naming magpahinga ay binalikan na rin namin ang aming kwintas at singsing.
Kinuha n’ya ang isang pares na may pangalan n’ya at isinuot sa akin. Wala s’yang pakialam kahit nasa harap kami ng staff ng shop na iyon at may mga ilang customers din ang naroon. Ganon din ang ginawa ko sa kanya, isinuot sa kanya ang pares na may pangalan ko naman.
“Pakikuhanan mo nga kami ng picture please.” pakiusap n’ya sa salesman na kanina ring nag-assist sa amin.
Hindi pa man nakakasagot ang salesman ay binigay n’ya na agad ang kanyang cellphone dito. Napakamot na lamang ng ulo ang salesman sa kakulitan ni Xander.
Ilang shots din ang ginawa namin bago nakuntento si Xander.
Matapos magpunta sa lugar na iyon ay umuwi na rin kami sa kanyang condo. Sarado na rin kasi ang ilang shops sa mall ng mga oras na iyon. Pagod man ang aming katawan ay masaya naman kaming pareho.
Pagkarating sa kanyang condo ay tinulungan ko muna itong mag-ayos ng aming mga pinamili. Nagdesisyon na rin kaming maligo para maghanda na rin sa pagtulog.
Narito kami ngayon sa kanyang kama at magkaharap na nakahiga. Ilang pulgada lamang ang layo ng mukha sa isa’t-isa.
“Master, kaya mo na bang pumasok bukas?” tanong nito sa akin.
“Oo naman. Hindi naman ako nagkaroon ng trangkaso para humaba pa ang pahinga ko. Tsaka sayang din kasi ang araw, ayaw ko ng madagdagan ang absent ko.” sagot ko naman sa kanya.
“Gusto ko kasi sana ganito ulit tayo bukas. Kahit maghapon lang tayo dito sa bahay, parang ang saya lang.” wika nito.
“Alam ko, ganon din naman ako. Kaso alam mo naman na kailangan ko din magtrabaho.” wika ko naman sa kanya.
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.
“Hindi naman kita mapipilit eh. Sa ibang bagay nananalo ako sa’yo. Pero ’pag ganyang usapan wala akong panalo. Ikaw ang nasusunod. Alam kong ayaw mong umaasa as iba kung para sa pamilya mo ang pag-uusapan kahit willing naman ako tumulong.” medyo malungkot nitong sabi.
“Mabuti naman at alam mo.” wika kong nakangiti dito.
“Basta ’wag ka lang masyado magpakapagod. Sabay tayong kumain sa breaktime mo bukas. Sabay din tayong uuwi.” pakiusap n’ya.
“Wala ka na bang balak na pauwiin ako sa bahay namin?” tanong ko sa kanya.
“Gusto ko nga sana dito ka na lang eh. Ipagpaalam kaya kita kay Mama Lita na dito ka na lagi uuwi?” suhestyon nito.
Kunwari ay nag-isip ako ng matagal habang nasa sentido ko ang aking hintuturo.
“Hhhmmm… Sa tingin mo ba papayag si Mama? Kung pumayag s’ya, edi sige.” wika ko sa kanya.
Bigla itong napabangon sa kanyang pagkakahiga na bakas ang pagkamangha.
“Talaga?!” tanong n’ya.
“Kung papayag nga si Mama.” sagot ko sa kanya.
“Papayag ’yon! Ang lakas ko kaya kay Mama!” masaya n’yang wika.
“Weh?! Paano ka naman nakakasiguro?” pang-aasar ko dito.
“Basta! Ramdam ko ’yon!” pagmamalaki n’ya.
“Parang hindi naman.” pang-aasar ko ulit.
“Ah ganon?!” panghahamon n’ya naman.
Tumango-tango naman ako ng paulit-ulit bilang pagsagot. Nakangiti ako ng nang-aasar sa kanya. Naningkit ang mga mata nitong tiningnan ako.
“Hindi pala ako gusto ni Mama ha?!” wika nito.
“Yep yep!” pang-aasar kong muli.
Hinawakan ako nito sa tagiliran at sinimulang kilitiin.
“Ayan! Para sa pang-aasar mo!” sigaw naman n’ya habang kinikiliti ako.
“Ahahahahaha! Putek! Itigil mo ’yan! Ahahahaha!! Tama na!!” sigaw ko sa pagitan ng pagtawa.
“Bawiin mo muna ang sinabi mo!” utos nito sa akin.
“Ahahahaha!! Oo na!! Oo na!! Tama na!! Xander ano ba?!! Ahahahaha!” sigaw ko ulit habang tumatawa.
Bigla naman s’yang napatigil sa ginagawa n’yang pangingiliti sa akin at tinitigan ako ng maiigi.
“Ang sarap talaga pakinggan kapag ikaw ag tumatawag sa pangalan ko.” malambing na sambit nito.
Nginitian ko s’ya habang nakatitig sa kanyang mapupungay na mata. Hinawakan n’ya ako sa magkabilang pisngi at hinahaplos iyon ng buong pag-iingat.
Unti-unti n’yang inilapit ang kanyang mukha sa akin at maya-maya pa ay muli nanaman naming dinama ang halik ng bawat isa. Hindi tulad ng nangyari kanina ay banayad at dama kong puno ng pagmamahal ang bawat halik n’ya.
Hindi ko alam kung ilang minuto ’yun nagtagal bago namin binitiwan ang labi ng isa’t-isa. Ngunit matapos n’yon ay may ngiting sumilay sa aming mga labi.
“I love you Tom..” wika n’yang titig na titig sa aking mga mata.
“Salamat sa pagmamahal.. I love you too Xander..” wika ko sa kanya pabalik.
Humiga na s’yang muli sa aking tabi at nakaunan ako sa kanyang kanang braso. Niyakap ko s’ya sa kanyang bewang at idiniin ko ang aking mukha sa kanyang matipunong dibdib. Niyakap n’ya rin ako ng isa n’yang braso at hinalikan ako sa ulo.
“Good night Master..” wika n’ya.
“Good night Master..” wika kong pabalik.
A/N
Comments naman po d’yan.. Para alam ko kung may dapat ba akong baguhin sa way ng pagsusulat ko.. Tulong n’yo na lang po sa naliligaw kong utak ngayon..
Ingat mga mahal kong readers! -_-
––cold_deee
chapter 21 - double dutch
A/N
Gusto ko lang pasalamatan ang mga katrabaho kong pumayag na gamitin ko ang mga pangalan nila para sa mga characters ko.. Hehe! Yes, mga ka-work ko ’yang mga ’yan. Salamat sa support guys!
––> si Dee po sa media.
TOM POV
Narito ako ngayon sa isang hotel sa Makati para um-attend sa isang seminar na kakailanganin namin bilang waiter o server ng aming restaurant. Mula sa iba’t-ibang restaurant ang mga taong naririto para sa training na ito.
Kasama sina Cha, Dee, Ben at ilang mga katrabaho ay sabay-sabay kaming nagtraining. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kasama namin ang isa dito sa tabi ko.
“Master, inaantok na ako.” bulong nito sa tabi ko habang nakatungo sa mesang nasa harap namin.
“Eh bakit kasi sumama ka pa dito?” tanong ko rin na pabulong sa kanya.
Hindi kasi kami pwedeng mag-ingay habang nagle-lecture ang speaker sa unahan. Mahirap nang mapagalitan. Mabuti na nga lang at narito kami sa bandang likuran kaya hindi naman siguro kami mapapansin.
“Tinatamad kasi ako doon sa office ko. Tsaka andon naman si Shai, kaya n’ya na ’yon.” sagot naman nito sa akin.
“Tinatamad? Eh ano ngayon ang nangyayari sa’yo? Tingnan mo nga, kanina ka pa nakatungo d’yan. Mamaya mapagalitan ka ng speaker dahil hindi ka nakikinig sa kanya.” wika ko nanaman sa kanya ng pabulong pa rin.
“Eh wala din naman akong gana magtrabaho kung wala ka doon sa restaurant. Kaya sumama na lang ako dito.” sagot nanaman nito.
“Jusko naman Xander! Parang hindi ako umuuwi sa bahay mo kung makamaktol ka d’yan!” naiinis kong wika sa kanya.
“Eh basta! Gusto ko kasama lang kita!” sagot nanaman nito.
Sasagot pa sana ako pero may bigla na lamang sumingit sa aming pag-uusap.
“Mga hijo, baka pwedeng sa labas n’yo na lang ituloy ’yang pagliligawan n’yo? Kasi nagle-lecture pa ako. Baka mamaya ’pag nagpa-exam ako ay wala kayong maisagot?” wika ng aming speaker sa training na ito.
“S-sorry po..” hingi ko ng paumanhin at napatungo na lamang ako.
Naramdaman kong tumayo si Xander sa aking tabi. Ang akala ko ay hihingi ito ng pasensya dahil sa hindi pakikinig.
“Niyayaya ko po kasing magdate itong boyfriend ko Sir pagkatapos ng lecture n’yo. Kaso ayaw pong pumayag eh. Pasensya na po kayo Sir kung naistorbo din namin kayo.” dire-diretsong wika ni Xander.
Napaangat ako ng ulo sa narinig ko mula sa kanya.
“Ayyyiiieeee!!” kantyaw naman ng mga kasabayan namin sa training na mula naman sa ibang kumpanya.
“Pumayag ka na kasi Kuya!!” sigaw naman ng isang babaeng hindi ko kilala.
Hinila ko si Xander paupo dahil sa eksena nito. Hindi talaga nahihiya ang isang ’to! Nagagawa pang mag-imbento ng kwento!
Hinarap kong muli ang speaker at humingi ulit ng dispensa.
“P-pasensya na po Sir. Sige po, ituloy n’yo na po ang lecture. ’Wag n’yo na lang po s’yang pansinin.” wika ko sa speaker.
“Okay. Pero sana makinig na kayo this time.” wika nito sa akin. “Ikaw naman Mister, mamaya mo na ituloy ang panliligaw mo. Tanghaling tapat pa lang oh!” baling n’ya naman kay Xander.
Humarap naman muli ang speaker sa akin at nagsalitang muli.
“At ikaw naman Mister, pumayag ka na agad para hindi n’ya naiistorbo ang training na ito.” baling naman nito sa akin.
Napayuko akong muli dahil sa pagkapahiya. Muli naman akong nakarinig ng kantyawan sa mga um-attend ng training na ito.
Pumunta nang muli ang speaker sa unahan at itinuloy ang lecture. Nilingon ko si Xander at nagmwestra ng aking kamao para sabihing ‘Humanda ka sa akin mamaya!’
Sa halip na patulan ako ay ngiting tagumpay lamang ang naging sagot nito.
Tumagal pa ang training namin hanggang hapon at naririto na kami sa lobby ng hotel. Napag-usapan namin ang aming mga lalakarin maya-maya lamang.
“So ano? Sino-sino ang aattend sa birthday ni Dominic? Dito rin naman gaganapin ’yon kaya hindi na tayo lalayo.” tanong ni Xander.
Naimbitahan kasi kami ni Dominic sa kanyang birthday party na gaganapin rin sa hotel na iyon mamayang gabi. Masyadong malaking selebrasyon ang mangyayari kaya nagdalawang-isip ako noong una kung pupunta ba ako. Hindi pa naman ako sanay sa ganitong klase ng okasyon na puro mayayamang tao ang naiimbitahan. Pero dahil kasama ko si Xander ay pumayag na rin ako.
“Pupunta ako, nakakahiya naman kasi tanggihan si Dominic eh.” wika ni Ben.
“Alam na namin ’yon! Kahit nga siguro hindi ka imbitahan pupunta ka pa ring kamote ka eh!” pambabara naman ni Cha kay Ben.
“Eh ikaw Dee?” tanong ni Xander kay Dee.
“Hindi. -_-” sagot ni Dee.
“Ha?! Bakit naman?! I’m sure ine-expect ka rin ni Dom na pupunta sa party n’ya!” wika ni Cha.
“Asa ka pa. Alam ko naman na ayaw n’ya akong nandon. -_-” sagot naman ni Dee.
“Ang nega mo naman Dee! Hindi kompleto birthday non kung wala ka! Kaya pumunta ka na!” pamimilit ni Cha.
“Oo nga Dee. Para naman magkakasama pa rin tayo.” pangungumbinsi ko rin.
“Wala rin naman akong maisusuot kaya wala rin akong choice kahit pilitin n’yo pa ako. -_-” sagot nanaman ni Dee.
“Eh pano naman kasi! Pantalon at t-shirt lang ang alam mong suotin! Pati ’yang cap mo! Minsan tanggalin mo rin! Mabuti hindi ka pa napapanot?! Minsan try mo rin maging pa-girl! Jusko!” panenermon naman ni Cha sa kanya.
“Dito ako komportable eh. -_-” sagot naman ni Dee.
“Ay! May future kang magka-lovelife n’yan girl! Siguro ’pag umabot ka na ng singkwenta! ’Yung tipong desperada ka na?!” pambabara nanaman ni Cha.
“Parang ikaw may lovelife ah? -_-” sagot nanaman ng hindi nagpapatalo na si Dee.
“Aba’t! Marunong ka na sumagot?! Nakakabuo ka na pala ng sentence ah! Kelan pa ha?!” inis na si Cha.
“Oy! Tama na ’yan. Kayo pa mag-aaway n’yan eh.” saway ko sa kanila.
“Ganito na lang. Bakit hindi ka na lang bumili ng maisusuot mo Dee? Mahaba pa naman ang oras eh. Sumabay na lang kayo sa amin ni Tom kasi bibili din s’ya ng suit n’ya. Malapit lang ang mall dito at doon ka na rin magpaayos.” suhestyon ni Xander.
“Good idea Sir Xander! Gusto ko ’yan!” pagsang-ayon ni Cha kay Xander. “And besides, isn’t it the perfect chance na makita ni Dom how beautiful you are Dee? C’mon! Hindi ka ba napapagod na natatawag na maton ng lalaking ’yon?! Maganda ka Dee, pero hindi ka lang marunong mag-ayos! Friend kita kaya hindi na ako minsan nakakatiis sa pang-aalispusta sa’yo ng lalaking ’yon! For once ipakita mo naman na mali s’ya sa mga sinasabi n’ya! Kaya utang na loob, sumama ka na!” mahabang wika ni Cha.
Humihinga pa ba itong babaeng ’to sa pagsasalita?!
Saglit na nag-isip si Dee. Alam ko naman na hindi na rin nito gusto ang mga pang-aasar ni Dominic sa kanya. At sa unang pagkakataon, nakikita ko ring naapektuhan na s’ya sa mga sinasabi nito sa kanya.
“Dee, kahit ngayon lang? Tama si sugar ko. Tutulungan ka naman namin eh. ’Wag kang mag-alala.” wika naman ni Ben.
“Asus! Nagsalita naman ang isa pang walang taste pagdating sa fashion!” si Cha nanaman at binara nanaman si Ben.
“Eto naman si sugar! Minsan lang magsalita ng may sense, kinontra pa.” wika naman ni Ben na nagkakamot pa ng ulo.
“Dee, nandito lang kami. Magkakasama pa rin naman tayo eh. Hindi rin naman ako komportable sa ganon kalaking okasyon kaya sana pumayag ka na.” dagdag ko pang pangungumbinsi kay Dee.
Nag-isip muna si Dee ng ilang minuto bago nagsalita.
“Ahm.. S-sino naman ang makakatulong natin sa pagpili ng damit?” tanong ni Dee.
Napangiti naman kaming lahat sa sinabi nito.
“Leave it to me!” biglang wika ni Cha.
Kinuha nito ang kanyang cellphone at may tinawagan ito.
“Hello friendship?!…. Yeah! It’s me! Your one and only pretty friendship!…. Ahahaha!…. Well, we badly need your help. Can we meet sa pinakamalapit na mall?… Yeah… Yeah…. Really?!!… OMG! I so love you na talaga!… Ok ok! We’ll just meet you there!…. Ok, see yeah later!” mga narinig naming wika ni Cha habang kausap ang nasa kabilang linya.
Binaba na rin nito ang tawag at ngumiti sa amin.
“Okay na! So ready ka na ba Dee?” tanong ni Cha.
Hindi na namin tinanong kung sinong kausap nito kanina kaya naghanda na rin kami. Nag-check in kami ni Sir Xander sa hotel na ito kagabi pa kaya hindi na namin kailangang umuwi pa sa condo ni Xander. Sina Cha at Dee naman ay napagdesisyonang mag-check in na lamang din dito sa hotel para hindi na rin umuwi. Si Ben naman ay may kaibigan daw na malapit lang dito nakatira kaya doon na rin s’ya dumiretso.
Tinahak namin ang mall na malapit sa hotel na iyon gamit ang sasakyan ni Xander.
Pagkarating sa mall ay nagulat kami sa sumalubong sa amin.
“Hey guys! How are you!” masayang bati nito sa amin.
“Eunice??!!” gulat naming wika maliban kay Cha.
“The one and only! Ahahaha!” wika naman n’ya sa amin.
“It’s her! S’ya ang tutulong sa’yo Dee to find the perfect outfit for your revenge! Ahahahaha!” masayang sabi ni Cha.
“Yeah right! So Dee, are you ready?” tanong nito kay Dee.
Tumango lamang si Dee kahit nag-aalangan.
“Well then, let’s start! Hahanap din naman ako ng outfit ko dahil invited din ako sa party ni Dominic.” wika ulit ni Eunice.
“Okay, we’ll meet you na lang sa party. Hahanap na rin kami ng maisusuot nitong si Tom.” singit naman ni Xander.
“Asus! Gusto mo lang masolo si bessy Sir Xander eh! Ginamit mo pa ang pagbili ng damit!” kantyaw ni Cha kay Xander.
“’Wag ka nang kumontra.” seryosong wika nman ni Xander.
Natutuwa akong isipin na sa akin lang naipapakita ni Xander ang iba n’yang pag-uugali tulad ng pagiging malambing at paminsan-minsan ay pagiging isip bata. Sa ibang tao kasi ay seryoso ito kung makipag-usap.
“Fine! Paano? See you around?” wika sa amin ni Cha.
Tumango na lamang kami ni Xander sa mga ito at naghiwa-hiwalay na rin.
Narito kami ngayon ni Xander sa isang shop ng mga suit sa loob ng mall. May dalawang oras na rin ang nakalipas simula nang maghiwa-hiwalay kami nila Cha. Naisipan muna kasi namin ni Xander na kumain bago bumili ng maisusuot ko.
Sa totoo lang, si Xander ang kasalukuyang pumipili ng maisusuot kong suit. At ako? Andito lang sa upuan ng shop at pinapanood s’yang pumili ng mga suit na naroon. Wala naman kasi akong alam pagdating sa mga ganitong formal na kasuotan.
Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Dee sa mga oras na ito. Mabait ang kaibigan naming iyon. At kahit na hindi gaanong nagsasalita iyon ay pinaparamdam n’ya ang pagpapahalaga n’ya sa amin. Sa tingin ko ay dapat maibalik sa kanya ang kabutihang ipinapakita n’ya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
“Master..” pagtawag ko kay Xander na abala pa rin sa pagpili ng suit.
Nilingon n’ya ako para marinig ang susunod kong sasabihin.
“Sa tingin mo ba tama ang ginawa naming pamimilit kay Dee na pumunta sa party ni Dom? Ngayon ko lang kasi naisip na baka sa halip na makatulong kami para mag-iba naman ang ginagalawan n’ya ay baka lalo pa namin s’yang ipahamak.” alala kong tanong.
“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan nitong tanong.
“I mean, alam naman nating lahat kung paano s’ya itrato ng kaibigan mo ’di ba? Kung napapansin mo rin, dati kapag nagku-krus ang landas ng dalawa halos hindi natatapos ang bangayan nila. Kung ako ang nasa posisyon ni Dee, masasaktan ako sa mga binibitawang salita ni Dom. Nagbago din ’yon lately, hindi na sumasagot ngayon si Dee sa kanya. Pakiramdam namin lahat may nag-iba na kay Dee. Parang madali na s’yang maapektuhan sa mga sinasabi ni Dom. Hindi lang ’yon, kung minsan nahuhuli namin s’yang nakatingin lang kay Dom. Feeling namin may pinipigilan s’ya sa sarili n’ya at hindi n’ya mailabas ’yon.” mahabang paliwanag ko kay Xander.
Lumapit ito sa akin at tinabihan ako sa pag-upo sa couch na naroon sa loob ng shop. May hawak din itong isang pares ng suit.
“At kelan ka pa natutong makaramdam ng nangyayari sa paligid mo? Ang kilalang pinakamanhid na tao sa mundo, naramdaman din sa wakas ang nangyayari sa paligid?” tanong naman nito sa akin.
Sinamaan ko ito ng tingin. S’ya naman ay natawa sa pagsimangot ko.
“Seryoso nga kasi! Nag-aalala talaga ako kay Dee. Baka ipahiya lang s’ya ni Dom doon sa party n’ya.” alala ko pa ring wika.
Bumuntong hininga si Xander bago ako inakbayan.
“Alam mo Master, wala kang dapat ipag-alala. Kilala ko ang kaibigan kong si Dom. Kay Dee lang n’yan nagagawa ang bagay na ginagawa n’ya sa kanya. Alam mo ba kung bakit?” tanong naman nito sa akin.
“Hindi.” maikli kong sagot.
“Kasi sa totoo lang, kahit sinong babae kayang-kaya non makuha ni Dom in just a couple of minutes. Pero nakita n’yang iba si Dee. Si Dee lang ang nagagawang ilabas ang pagiging totoong s’ya. Parang ako! Kung hindi ikaw ang kausap ko, ibang ugali ang naipapakita ko sa iba. Pero pagdating sa’yo kahit pigilan ko, lumalabas ’yung tunay na ako. Kaya nga wala kaming magawa kahit na pigilan namin ang sarili namin eh. Kasi kusang lumalabas sa bibig namin ang mga gusto naming sabihin. ’Di ba kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay, hindi ka natatakot ipakita ang totoong ikaw? Kasi komportable ka sa kanila.” mahabang paliwanag nito.
“Eh paano kung ipahiya n’ya nga si Dee mamaya? Hindi ko maiwasan mag-alala sa kaibigan namin. Baka sisihin ko pa ang sarili ko ’pag nakita kong umiiyak si Dee ’pag nangyari ’yon.” wika ko sa kanya.
“Hindi mangyayari ’yon, magtiwala ka lang. Napansin mo ba na mas pinili kong humiwalay tayo sa kanila kanina? Kasi dumating si Eunice at nandon din si Charm. Malaki ang maitutulong ng mga ’yon kay Dee. Fashion guru ’yon si Eunice alam mo ba? At kahit baliw ang dalawang ’yon, pagdating sa pagtulong sa kaibigan hindi ka nila bibiguin. Alam kong may magandang mangyayari, magtiwala ka lang. Kilala ko ang kaibigan kong si Dom at hindi na rin ako makapaghintay sa mangyayari mamaya.” mahabang paliwanag nito.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito.
“Anong ibig mong sabihin?” taka kong tanong.
“Master, maganda si Dee alam mo ’yan. Kulang lang s’ya sa self confidence kaya perfect ang timing na kasama niya sina Eunice at Charm dahil nag-uumapaw sa pagkabilib sa sarili ’yung dalawang ’yon! Malaki ang maitutulong nila kay Dee. At isa pa, alam mong kahit tahimik lang si Dee, palaban naman ’yun!” paliwanag nanaman nito.
“Haayy.. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala para sa kanya.” wika ko nanaman.
“’Wag ka nang mag-alala d’yan. Heto! Sukatin mo muna ito tapos kung talagang nag-aalala ka, puntahan muna natin sila kung nasaan man sila. Kamustahin lang natin kung ano na ang nangyayari para hindi ka na mag-alala d’yan.” wika n’ya sa akin at inabot ang pares ng suit na kinuha n’ya.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Alam n’ya talaga kung paano mapapagaan ang pakiramdam ko. Tinungo ko na rin ang fitting room para sukatin ang napili n’yang suit.
Matapos mabili ang susuotin ko sa party mamaya ay tinext ko na rin si Cha kung nasaan sila. Nagreply naman ito agad kaya tinungo na rin namin ’yon agad ni Xander.
Naabutan namin sila ni Xander sa isang salon dito rin sa loob ng mall. Marami ang customers ng salon ng mga oras ’yon. Nakita ko naman sina Cha at Eunice na nakaupo at inaayusan ng mga staff ng salon na iyon. Si Dee naman ay nakaupo lamang sa couch na naroon.
“Bessy! Kamusta ang pamimili? May maisusuot ka na ba?” tanong sa akin ni Cha.
“Hey guys!” bati naman ni Eunice.
Si Dee naman ay tumango lang sa amin bilang pagbati at ibinalik muli ang tingin sa magazine na binabasa.
“Oo, meron na. Kayo ba meron na?” tanong ko sa kanila pabalik.
“Yep! And I’m sure sa nabili naming gown, marami ang mapapalingon sa amin sa party mamaya! Gosh! I can’t wait to see them drooling over us later! Especially the boys!” sagot naman ni Eunice.
“Eh si Dee?” alala kong tanong.
Parang wala kasi itong balak na magpaayos dahil tahimik lang itong nakaupo sa isang tabi.
“Don’tcha worry bessy. Later pa s’ya aayusan dahil magtutulong-tulong ang lahat ng staff dito for her major transformation! And about naman sa susuotin n’ya, wala ka na rin dapat ipag-alala. She bought the most elegant dress we’ve ever seen. Ayaw pa nga bilhin nung una eh, gusto ’yung simple lang para makatipid din daw. But you know naman me bessy, walang nananalo sa ’kin!” paliwanag naman ni Cha.
“Ganon ba? Buti naman.” wika ko.
“Ayan, okay ka na ba?” tanong naman sa akin ni Xander sa aking tabi.
Nginitian ko naman ito pabalik. Tama nga s’ya, mabuti na lamang at kasama n’ya sina Eunice at Cha.
“Hey babe!” biglang dinig naming wika ng babaeng nasa isang upuan sa salon na iyon.
Lahat kami ay napalingon sa kanya dahil sa lakas ng boses n’ya. Pero ang mas nagpagulat sa amin ay nang lapitan ito ng isang lalaking kilala naming lahat.
“Hi babe!” wika naman nito sa babae at hinalikan pa ito sa pisngi.
Maganda ang babaeng ito ngunit parang nabibigatan na ang labi nito sa kapal lipstick nito. Ang kapal din ng make up nito na marahil hindi mo na ulit makikilala ’pag binura n’ya ito.
Dahil sa nakatayo lamang kami ni Xander sa likod nina Cha at Eunice ay napalingon rin sa amin ang lalaking ito.
“Xandz! Tom!” bati nito sa amin.
“Uy brad! Kamusta?” bati naman ni Xander sa kanya.
“Hello Dom.” bati ko dito.
“Hi Dom! Happy Birthday!” sabay na wika nina Cha at Eunice.
“Uy! Andito rin pala kayo! Kamusta?! Pupunta ba kayo mamaya sa party ko? ’Wag kayong mawawala don ha?! I’m expecting you guys to be there!” maligalig na wika nito.
“Yep! Pupunta kami so ’wag kang mag-alala. Kaya nga nandito na rin kami sa salon ngayon eh!” sagot naman ni Cha.
Nilingon ko si Dee sa kinauupuan n’ya at nakita kong nakatingin lamang ito kay Dom at sa babaeng akbay na nito ngayon.
“Sino s’ya?” biglang tanong ni Xander sa babaeng kaakbay nito.
Nilapitan ni Dominic si Xander at binulungan. At dahil katabi lamang ako ni Xander ay narinig ko ang naging sagot nito.
“My new pet.” sagot ni Dom.
Wala naman naging reaksyon si Xander sa sinabi nito, marahil ay sanay na s’ya sa kaibigan n’yang ito. Muli namang bumalik si Dom sa babae at doon ay napansin n’yang nakaupo si Dee sa couch sa isang tabi.
“Oh! Kasama n’yo rin pala ang maton na ’to?!” manghang wika ni Dom at tinuro si Dee.
“Obvious ba? Bulag lang?” sagot naman ni Dee na nakataas ang isang kilay.
“’Wag mong sabihing magpapaayos ka rin dito? Mali ka ng pinuntahan! Dapat sa barber shop ka nagpunta, dahil doon nagpapaayos ang mga lalake! Magpapaganda ka? Naku Dee! Papahirapan mo lang ang mga staff dito, hindi ka ba naaawa sa kanila? Baka umabot kayo hanggang bukas hindi ka pa rin nila tapos ayusan!” pang-aasar naman nito kay Dee na natatawa pa.
Ang babaeng akbay naman ni Dom ay natawa sa binitiwang salita ni Dom. Dahilan ’yon para makaramdam ako ng inis dito. Ganoon din sina Cha at Eunice dahil masama na ang ipinupukol nilang tingin kay Dom at sa babaeng kaakbay nito.
Nilingon ko si Dee dahil nag-aalala ako dito. Nakita ko s’yang nakangisi at matalim na tinitingnan si Dom. Si Dom naman ay tila natakot sa naging reaksyon ni Dee dahil biglang natigil ito sa pagtawa.
“Siguro nga. Pero sa tingin ko, hindi naman kami aabutin hanggang bukas dito. Dahil kahit ang mga staff dito sa salon na ito ay mas pabor na simple lang ang make-up na nababagay sa isang babae.” wika ni Dee at hindi binabawi ang tingin kay Dom.
“Tama ka d’yan ’teh!” wika naman ng dalawang bading na nag-aayos kina Cha at Eunice.
Binalingan naman ng tingin ni Dee ang babaeng kaakbay ni Dom.
“Kesa naman sa mga babaeng parang wala nang bukas para mag-make-up. ’Yung totoo? Last day na ba nila kaya sinulit na ang limang kilo ng powder at sampung kilo naman ng lipstick para lang makapag-make-up?” nakataas pa rin na kilay na wika ni Dee.
Natawa naman kaming mga nakakarinig sa sinabi ni Dee, lalo na sina Cha at Eunice pati na rin ang dalawang bading na nag-aayos sa kanila.
Inis ang mukha ng babaeng kaakbay ni Dom.
“Babe! Let’s go na nga! Baka masira lang ang araw ko dito! Ako pa naman ang makakasama mo later the whole time to entertain your guests!” inis na wika ng babae at tumayo na.
“So… see you later then. Tingnan natin ang pinagmamalaki mo Dee. You know me, ihanda mo na ang sarili mo sa mga magiging comments ko sa itsura mo.” pang-aasar ni Dom kay Dee.
Ngumisi ulit si Dee bago nagsalita.
“Well, let’s see. Kapag nagawa kong mapatahimik ang kahambugan mo, ‘who you’ ka na sa akin.” nakangising sagot naman ni Dee.
Hindi naman na nakasagot si Dom dahil hinila na rin agad s’ya ng babaeng kasama n’ya. Naiwan naman kami na manghang-mangha sa mga sinabi ni Dee. Ang haba kasi ng naging speech n’ya kaya hindi namin maiwasang mapanganga.
“Mga ate! Gawin n’yo ang lahat para kainin ng mayabang na lalaking ’yun ang mga sinabi n’ya! Magbabayad ako kahit magkano!” biglang wika ni Dee sa mga staff ng salon na iyon.
“Sure Madam! Relax ka lang d’yan! Pati ang babaeng ’yon kakainin ang sarili n’yang lipstick ’pag nakita ka na! Jusko! Kanina pa kami imbyerna don! Ang daming reklamo na kesyo ang tipid daw namin maglagay ng make-up sa kanya!” wika naman ng isang bading.
Matapos ang aming pagbisita sa kanila ay umalis na rin kami ni Xander para makapaghanda na rin. Nasa sasakyan kami ngayon ni Xander at binabaybay ang daan pabalik ng hotel.
“See? I told you Master, wala kang dapat ipag-alala kay Dee.” wika sa akin ni Xander.
“Oo nga eh. Palaban nga rin talaga. Pero kinakabahan pa rin ako sa gagawin ni Dom sa kanya mamaya.” wika ko naman sa kanya.
Hinawakan nito ang kamay ko at nagsalita.
“Trust me. Walang hindi magandang mangyayari. Magiging maganda ang resulta maniwala ka.” nakangiti nitong wika.
Nginitian ko naman ito at itinuloy n’ya na rin ang pagmamaneho.
Pagkarating sa hotel ay naligo na kami at nag-ayos na rin. Si Xander ang nag-aayos ng necktie ko. Naaalala ko tuloy noong una n’yang ginawa ito sa akin. Noong panahon na hindi pa ako marunong maglagay ng necktie sa uniform ko sa restaurant.
“Ayan, ang gwapo mo na Master!” puri sa akin ni Xander.
“Ikaw din naman!” wika ko naman at pinisil ko ang kanyang ilong.
Halos hindi rin nagkakalayo ang design ng suit na napili ni Xander para sa amin. Gusto raw n’ya na terno kami.
“Paano? Let’s go? Nagtext na rin sa akin si Dom na marami na rin ang tao doon.” yaya n’yang nakangiti.
Sa halip na sumagot ay hinawakan ko ito sa kanyang pisngi at binigyan ng mainit na halik. Ginantihan n’ya rin ang aking halik na tumagal din siguro ng isang minuto.
Pagkabitaw namin ay agad itong nagtanong sa akin.
“What was that for?” nagtataka n’yang tanong ngunit nakangiti.
“Alam ko naman na hindi tayo lalabas dito hanggat hindi ka nakakahingi ng kiss. Kaya para hindi ka na mahirapan magrequest, binigay ko na agad.” sagot ko sa kanyang nakangiti.
Tumawa naman ito sa naging pagsagot ko.
“You knew me very well.” natatawa nitong wika at hinawakan na ako sa kamay. “Let’s go.” at hinila na ako palabas ng pinto.
Narating namin ang lugar sa hotel na ito kung saan gaganapin ang birthday party ni Dominic. Namangha ako dahil malaki ang area na napili ni Dom at marami na rin ang taong naroroon. Mukhang hindi rin basta-basta ang mga taong naroon dahil makikita mo sa kanilang mga suot.
Pagpasok namin ay may mga bumati kay Xander na hindi ko mga kilala. Ang sabi ni Xander ay dati n’ya rin itong mga kasamahan sa modeling agency kung saan kasama n’ya rin si Dom.
May mga babae ring halos mapasigaw sa gulat nang makita si Xander dahil matagal na daw nilang hindi nakikita ito. Noong una ay naiinis ako dahil may ilan pang lumilingkis sa braso nito. Pero ang ginagawa ni Xander ay hahawakan ang aking kamay at ipapakilala sa kanila bilang boyfriend n’ya. Ang ilan sa kanila ay hindi ko nakitaan ng pagkagulat, marahil ay hindi na bago sa kanila ang ganitong uri ng relasyon. Mabuti naman at mukhang iginagalang nila ang bagay na iyon.
Nakita namin si Dominic sa may pinto ng area na iyon at binati.
“Happy Birthday brad!” bati ni Xander at nag-manly hug sila.
Binati ko rin ito at kinamayan. ’Wag na daw kami mag-manly hug, ’yan lang naman ang sinabi ni Xander kay Dom. Natawa na lang kaming dalawa ni Dom sa kanya. Kasama rin ni Dom ang babaeng nasa salon kanina. Totoo nga ang sinabi ng babaeng ito na kasama s’ya sa pag-welcome ng mga dumarating na mga bisita. Kulang na lang din ay sumabit ito sa leeg ni Dom sa sobrang pagkakalingkis n’ya rito.
“Salamat.” balik naman ni Dom sa amin. “Si Ben nasa loob na at sinimulan nang kumain. Nasaan na nga pala sila Charm at Eunice? Pati ’yung babaeng maton?” tanong n’ya pa.
“Parating na rin daw, kakasagot ang sa text ko.” sagot ko naman sa kanya.
“Oh! Ayan na pala sila eh!” biglang wika naman ni Xander at tinuturo ang paparating na sila Eunice at Cha.
“Hi Dom! Happy Birthday!” bati ni Eunice at nagbeso sila.
“Happy Birthday Dom!” bati naman ni Cha at ganon din, nagbeso rin sila.
Ang gaganda ng ayos ng dalawang ito. Lalong lumabas ang kanilang ganda dahil sa mga suot at make-up nila.
“Salamat, salamat.” balik naman ni Dom.
Matapos magpasalamat ay nilingon muli ni Dom ang pinanggalingan nina Eunice at Cha na tila may hinahanap.
“Calm down Dom. Parating na rin s’ya in just a minute. So be ready.” biglang wika ni Cha ng nakangisi kaya napatingin rin si Dom sa kanya.
“Oh! There she is.” wika naman ni Eunice at may tinuro sa lugar kung saan sila nanggaling.
Sabay-sabay kaming napatingin sa babaeng parating. Nakasuot ito ng isang napaka-eleganteng black night gown na may mahabang slit. Nakikita mo ang kinis at puti ng kanyang mga balat dahil sa suot n’yang iyon. Nakalugay ang maising buhok at may simpleng make-up na lalong nagpalabas sa tunay n’yang ganda.
Halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko. Ibang-iba s’ya sa araw-araw na nakikita ko.
Lumapit ito sa amin ng nakangiti. Ngayon ko lang s’ya nakitang nakangiti ng ganito katagal. Nakikita kong nakangiti lamang sina Cha at Eunice ganon din si Xander habang nakatingin sa babaeng dumating. Ako naman ay nakanganga na yata sa mga sandaling ito dahil sa pagkabigla.
“Happy Birthday Dom!” bati ng babaeng kararating lamang at nagbeso pa kay Dom.
“D-dee…” tanging nasabi ni Dom.
Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin kay Dee. Si Dee naman ay nanatiling nakangiti.
“Dee?! Is that you?!” wika sa aming likuran kaya nilingon namin ito.
“Hi Rigo!” bati ni Dee pabalik dito.
Nakita rin namin sa likod ni Rigo si Chef Randy ngunit hindi kami nito magawang tingnan.
“Sige Rigo, sunod ka na lang doon. Mauna na ako.” wika nito kay Rigo.
Tumango na lamang si Rigo sa kanya at muling hinarap si Dee.
“Dee! Wow! You look gorgeous!” manghang wika ni Rigo kay Dee.
“Thank you.” sagot naman ni Dee at muli nanamang ngumiti.
“I didn’t expect this! I mean, I know you’re beautiful eversince! But look at you now! Uhm.. Can I call you princess?” papuri muli ni Rigo.
Natawa naman si Dee sa mga sinabi ni Rigo. Kami naman ay nanatiling nakikinig sa kanila.
“Teka lang brad. Birthday mo?” biglang sabat naman ni Dom na tinuturo pa si Rigo habang nakataas ang isang kilay. Sa wakas ay nagawa na ring makapagsalita nito.
“Ha? Ay sorry brad, hindi ko lang mapigilan matuwa kay Dee. Na-surprise kasi talaga ako.” sagot naman ni Rigo na nakangiti.
“Akala ko kasi birthday mo eh. Dinaig mo pa ako mag-entertain ng mga bisita ko.” wika naman ni Dom na nakasimangot na ngayon.
Hindi na ito pinansin ni Rigo sa huli nitong sinabi at nilapitan na si Dee.
“So… I guess wala ka pang escort for the night? Can you spend your precious time with me princess?” tanong ni Rigo kay Dee at bahagyang inangat ang kanyang siko para kapitan ni Dee.
“Sure.” nakangiting pagpayag ni Dee at kumapit na sa braso ni Rigo.
Nauna na silang maglakad kaya naiwan kami ditong nakatingin lang habang papalayo sila.
“Bwiset.” narinig naming bulong ni Dom.
Natawa si Xander at tinapik-tapik ang balikat ni Dom.
“Relax lang brad! Paano? Sundan na lang namin sina Princess Dee at Prince Rigo ha?” pang-aasar ni Xander.
“Isa ka pa! Pumunta na nga lang kayo sa table n’yo!” inis na sagot ni Dom kay Xander.
Natatawa naman kaming umalis sa pwestong iyon at tinungo ang table na para sa amin. Naabutan namin sina Dee at Chef Randy na nakaupo at pinapagitnaan si Rigo. Naroon na rin si Ben at abala lang sa pagkain. Nagtataka naman ako at hindi nagpapansinan sina Xander at Chef Randy.
“Master, bakit hindi yata kayo nagpapansinan ni Chef Randy? May problema ba?” bulong ko kay Xander.
Tumingin lamang s’ya sa akin habang hawak ang aking kamay at ngumiti.
“Hayaan muna natin s’ya Master. Let’s give him some time para makapag-isip.” sagot lamang nito sa akin.
Hindi ko na lamang s’ya inusisa pang muli. Baka hindi pa rin s’ya handang pag-usapan ang bagay na iyon.
Nagsimula ang party at masaya naman kami sa aming table dahil bumabangka nanaman sina Cha at Eunice. Maya-maya pa ay lumapit si Dominic sa aming table kasama pa rin ang babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin namin kilala.
“Guys, okay lang ba kayo d’yan?” tanong nito sa amin.
“We’re good brad! Nag-eenjoy naman kaming lahat dito especially si Rigo at Dee. Look! Kanina pa tawanan ng tawanan ang mga ’yan!” wika ni Xander.
Tiningnan naman ni Dominic ang mga ito at mukhang hindi s’ya napansin dahil tuloy pa rin sa kwentuhan ang mga ito. Hindi tulad ng dating maingay na si Dom, tila nawawalan na ito ng mga sasabihin ngayon.
“Hey birthday boy! Don’t ruin your night! Let’s have fun! Dito ka na lang sa table namin para kung may gusto kang sulyapan, madali mo na lang makikita.” makahulugang wika naman ni Xander.
Hindi ko alam kung anong gustong tumbukin nitong si Xander. Pero ang iba naming kasama sa table maliban kina Rigo at Dee na abala pa rin hanggang ngayon sa kwentuhan ay mga nakangisi.
“No no no no! We can’t join this group babe!” biglang pagtutol ng babae n’yang kasama.
Napatingin kaming lahat sa sinabi ng babae. Maging sina Rigo at Dee ay napatigil rin sa kwentuhan nang halos sumigaw ang babaeng ito dahil sa pagkontra.
“And why not?” kalmadong tanong naman ni Dom sa babae.
“Oh c’mon babe! You can’t just let your girlfriend join this group! May naka-reserve nang table for us!” maktol ng babae.
Nakakainis ang mga sinasabi nito at hindi man lamang n’ya inisip na nandito kami sa harap n’ya para umasta s’ya ng ganyan. Nakita kong gigil na rin sina Cha at Eunice sa babaeng ito.
“And who says na girlfriend kita?” balik na tanong ni Dom.
Lahat kami ay nagulat sa sinabi nito kaya nanahimik na lang kami lalo. Hinihintay na lamang namin ang susunod na mangyayari.
“W-what do you mean?” nabibiglang tanong ng babae.
“Ehem! Gusto mo bang ako na ang sumagot sa tanong mo Miss?” biglang singit ni Xander.
Nagulat ang babae sa pagsingit na ito ni Xander. Maging kami nina Cha, Eunice, Dee at Ben ay nagulat. Tiningnan ko sina Rigo at Chef Randy, ngunit nakangisi lamang itong nakatingin sa babae at kay Xander. Lahat ay nag-aabang sa mga sasabihin nito.
“Hindi mo ba napansin Miss? Hindi ka nga nagawang ipakilala sa amin ni Dom. I bet pati sa parents n’ya hindi ka n’ya nagawang ipakilala. Am I right? Sa totoo lang kanina pa kami naiirita sa ipinapakita mo towards us. Sa tagal naming magkakasama ng mga ’to, kilala na namin ang isa’t-isa. Alam mo ba ang pinakaayaw ni Dom sa lahat? ’Yung mga taong hindi kayang pakisamahan at pahalagahan ang mga kaibigan n’ya.” mahabang paliwanag ni Xander.
Tiningnan ng babae si Dom at hinawakan pa n’ya ito sa kamay.
“You can’t do this to me, right babe?” nagmamakaawang tanong ng babae kay Dom.
“You heard my friend. Oh! By the way, what’s your name again? Sorry, but I always call my girls babe ’cause I’m bad at names. Once I call you by your name, then that’s the time you can claim that you’re my girlfriend.” paliwanag ni Dom sa babae.
Nilingon naman ni Dom si Dee na hanggang ngayon ay nagugulat pa rin sa mga nangyayari bago nagsalita.
“Right Dee?” tanong nito kay Dee na ngumiti at kumindat pa. Si Dee naman ay nanlaki ang mga mata at kitang-kita ang pamumula nito.
Tiningnan ko sina Chef Randy at Rigo at nakita kong nakangisi pa rin ang mga ito ganoon din si Xander. Grabe pala itong magkakaibigan na ’to.
“You will pay for this! All of you!” biglang sigaw ng babae sa amin.
“Oh! How much? Let me be the one to pay for it.” sagot nanaman ni Xander.
“No no no! Let me have this mga pare, treat ko na sa inyo.” singit naman ni Rigo na may nakakagagong ngiti.
“No, this time it’s mine. So, how much is it Miss? Do you accept credit cards, cheques, or do you prefer cash?” si Chef Randy naman ngayon.
Lalong nagalit ang babae sa mga sinabi ng mga ito.
“Arrrrgghhh!!” sigaw ng babae at halos sabunutan ang sarili bago galit na galit na umalis.
Nagtawanan naman ang mga magkakaibigan sa kalokohan nila. Naupo na rin si Dom sa table namin at sinaluhan na rin kami.
“Grabe! Nakakatakot kayo! Ganyan ba kayong magkakaibigan?!” manghang tanong ni Eunice.
“Nope! Ganyan lang kami sa mga taong hindi alam ang salitang respeto.” mahinahong sagot naman ni Rigo.
“’Wag na natin pag-usapan si… ahm… kung sino man s’ya! Let’s just enjoy the night! Umuulan ng drinks! So let’s start!” masayang wika ni Dom.
“Yeah!! For the birthday boy!!” sigaw naman ni Xander at itinaas ang kanyang basong may lamang alak.
“Cheers!!!” sigaw naming lahat at itinaas din ang aming mga basong may inumin.
Nagpatuloy ang kasiyahan namin ng gabing iyon. At kahit na awkward sina Xander at Chef Randy sa isa’t-isa ng mga oras na iyon ay hindi naman nakaapekto sa lahat dahil naging masaya kaming lahat sa gabing iyon.
“See? I told you, you don’t have to worry about Dee. I also have good friends just like yours.” biglang bulong sa akin ni Xander.
Ngumiti naman ako sa kanya bago sumagot.
“Yeah right.” ngiti kong sagot.
Sinulyapan ko si Dee at nagulat akong nasa tabi na ngayon nito si Dom. Pero ang napansin ko, namumula si Dee hindi dahil sa inaasar s’ya ni Dom. Namumula s’ya dahil bumabanat na ngayon ng pick up lines sa kanya si Dom. Panay kantyaw naman kaming naririto sa table na ito sa kanila.
Mukhang nahanap na nga ni Dom ang katapat n’ya sa katauhan ni Dee. Nakakatuwang isipin na ang dalawang ito ay magtatapos sa ganitong set-up. Ngayon alam ko nang simula bukas ay mayroon na rin magiging pagbabago sa dalawang ito.
Naging mas mahaba pa ang gabing iyon at naging mas masaya naman kaming lahat.
A/N
Ok, kailangan ko lang isingit ang development between Dee and Dom dahil sa mga susunod na chapters ay
focus
na tayo kina Xander at Tom. Salamat sa patuloy na pagbabasa guys! Kahit iilan lang kayo.. Hahahaha! Sobrang salamat sa inyo. Puso puso puso!
––> cold_deee
chapter 22 - rain drop cake
A/N
Hi guys! Gusto ko lang sabihin na malapit na ang ending nito. Ilang chapters na lang po ang natitira. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa. :)
––> si Tom po sa media.
TOM POV
Mabilis na lumipas ang araw at linggo. Masasabi ko ring naging napakasaya nito.
Una ay nang i-celebrate namin ni Xander ang aming 2nd monthsary. Kung noong unang monthsary namin ay naging masaya ito kahit nasa bahay lang n’ya kami, mas naging masaya naman ang ikalawang buwan namin.
Dinala ako ni Xander isang umaga sa Antipolo kung saan nagsimula sa amin ang lahat. Nagkataon na restday ko ang araw ng aming 2nd monthsary kaya naging magandang pagkakataon iyon para kami ay lumabas. Ito ang lugar kung saan namin dapat ipagdiriwang ang aming unang buwan, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay naospital naman ako at kailangan kong magpahinga na lamang ng araw na iyon.
Inihinto n’ya ang kanyang sasakyan sa lugar kung saan una n’yang ipinagtapat ang kanyang nararamdaman para sa akin. Nagatataka man ay sumunod na lamang ako sa kanya nang bumaba s’ya sa kanyang sasakyan. Naririto kami sa mataas na lugar na ito kung saan makikita mo ang buong siyudad ng Antipolo.
Napakagandang tanawin at presko ang hangin. Tahimik lamang akong nakatanaw sa mga kabahayan sa ibabang bahagi ng aming pwesto.
Ilang saglit pa ay nagulat ako nang may kumalabit sa aking likod.
“Kuya…” wika ng isang batang lalaki sa aking likuran.
Nilingon ko ito at binigyan ng isang ngiti.
“Yes?” tanong kong nakangiti.
“Para po sa’yo.” wika naman n’ya sabay abot ng isang piraso ng sunflower.
“Ha?” ang nakakunot-noo kong tanong sa kanya.
“Para po sa’yo.” muli nitong wika at mas lalong inilapit sa akin ang bulaklak.
Tinanggap ko na lamang iyon sa halip na makipagtalo kahit na nagtataka pa rin.
Nilingon ko si Xander sa kanyang pwesto kanina para sabihin ang bagay na iyon. Ngunit laking pagtataka ko nang wala na ito roon. Inilibot ko ang aking mata sa paligid upang hanapin s’ya ngunit bigo ako. Tanging mga taong namamasyal nang umagang iyon ang aking nakikita.
Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa upang hanapin s’ya nang may bigla nanamang kumalabit sa akin.
“Kuya..” wika nanaman ng isa pang bata.
Paglingon ko ay nakita ko ang isa nanamang bata na may hawak ulit na sunflower.
“Para po sa’yo.” wika rin nito at iniaabot ang pangalawang sunflower.
Hindi na ako nagtanong at agad na tinanggap ang bulaklak na iyon.
“Salamat.” wika kong nakangiti sa kanya.
Ngunit ang akala ko ay doon na iyon matatapos. Magkakasunod na mga batang may hawak na sunflower ang isa-isang lumapit sa akin at iniabot ang mga iyon. Tanging pagngiti at pasasalamat na lamang ang namutawi sa aking bibig ng mga oras na iyon.
Matapos kong matanggap ang huling bulaklak ay umalis na ang mga bata. Nag-iisa na lamang ako sa lugar na iyon na puno ng katanungan sa aking isip.
Ilang sandali pa ay naalala kong hinahanap ko nga pala ang taong nagdala sa akin sa lugar na ito. Inilibot kong muli ang aking mata ngunit hindi ko pa rin s’ya makita. Hawak ko pa rin ang hindi ko mabilang na sunflower sa aking kamay at akmang hahakbang na sana akong muli ay bigla naman akong natigilan dahil sa isang tinig mula sa aking likuran.
“Hey young man, are you looking for someone?” tanong ng isang batang babae.
Nilingon ko ito at nagulat ako sa batang nasa aking harapan ng mga oras na iyon.
“Carla?!” gulat kong tanong dito.
“Hi Kuya Tom!” nakangiti nitong pagbati sa akin.
Agad ko itong nilapitan at lumuhod sa kanya para yakapin ito ng mahigpit. Narinig ko pa itong humagikgik at agad na ginantihan ang aking pagyakap.
“Na-miss kita baby Carla.” wika ko dito habang yakap ko.
“Hihi! Na-miss din kita Kuya Tom!” masayang sagot n’ya sa akin.
Matapos bumitaw ay agad ko itong tinanong.
“Wait! What are you doing here? And who are you with?” tanong ko sa kanya habang hawak s’ya sa kanyang mga balikat.
Hindi ako nito sinagot, bagkus ay may itinuro ito sa aking likuran. Nakita kong may papalapit na tao sa amin ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatakpan ito ng mga hawak n’yang lobo.
Ilang sandali pa ay nasa harapan na namin ito. Hinawakan ko si Carla sa kamay at agad akong tumayo.
Nagulat na lamang ako nang unti-unti n’yang bitawan ang mga lobo dahilan para lumipad ito ng magkakasama. Ngunit ang mas nakapagpagulat sa akin ay nang may bumagsak na tila mahabang papel na nakatali sa ibabang bahagi ng mga lobo.
‘I LOVE YOU TOM!’
ang nakalagay sa papel at patuloy sa pag-angat kasama ang mga lumipad na lobo.
Walang lumabas sa aking bibig na salita sa labis na pagkabigla. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking tingin upang tingnan ang taong hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa aking harapan.
Nakangiti ito sa akin at nagwika.
“Happy 2 Months Master!” nakangiti n’yang wika.
Hindi ako nakapagsalita dahil bigla kong naalala ang batang hawak ko ang kamay hanggang ngayon. Kinabahan ako dahil sa pagkakaalam ko ay walang ideya ang pamilya nito sa aming relasyon. Tiningnan ko si Carla at nakita kong nakangiti lamang ito sa akin.
“Hey Kuya Tom! Daddy is waiting for your response!” wika nito sa akin.
Nagulat ako sa sinabi sa akin ni Carla kaya muli kong binalikan ng tingin si Xander na may pagtataka pa rin sa aking mukha.
“May alam na ba s’ya?” mahina kong tanong kay Xander.
Lalo naman lumapad ang pagkakangiti ni Xander bago ako sinagot.
“Hindi lang basta may alam, sinabi ko sa kanya lahat-lahat.” nakangiti nitong pagsagot.
Tiningnan ko si Carla at hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon.
Bago pa ako makapagtanong ay inunahan na ako ni Carla sa pagsasalita.
“Kuya Tom, do you love my Dad?” tanong nito sa akin na lubos kong ikinabigla.
“Yes baby of course!” maagap kong sagot.
“Then there’s nothing to worry about. Whatever makes my Dad happy will be my happines as well.” nakangiti nitong sagot.
Hindi ko lubos akalain na ganito kadali ang magiging pagtanggap ng anak ni Xander sa akin. Alam ko naman na matalino itong bata pero hindi ko alam kung paano ang ginawang pagpapaliwanag dito ni Xander para maunawaan nito lahat. Agad akong napaluhod upang bigyan ito ng mahigpit na yakap.
“Thank you baby. Thank you!” tangi kong sambit dahil sa lubos na kaligayahang nadarama. Ginantihan din naman ni Carla ang aking yakap.
“So, ganun na lang? Paano naman ako? Kanina pa ako naghihintay ng sagot dito oh!” biglang maktol naman ni Xander sa likod ko.
Bumitiw ako kay Carla at hinarap si Xander. Agad ko itong niyakap bago nagsalita.
“Salamat Master, salamat. Happy monthsary.” wika ko habang yakap s’ya na tinugon n’ya rin.
“Nagustuhan mo ba surprise ko?” tanong n’ya sa akin habang yakap pa rin ako.
“Gustong-gusto. Salamat.” sagot ko sa kanya.
Habang nasa ganon kaming posisyon ay nagsalita ulit si Carla.
“Uhm.. Can we eat na? I’m hungry na po kasi..” wika ni Carla.
Agad naman kaming napabitaw ni Xander at sabay na natawa. Nakanguso na si Carla at halata mong gutom na talaga s’ya.
Sa isang resort and hotel kaming tatlo tumuloy na pina-book ni Xander. Kumain, mamasyal at mag-swimming ang naging bonding namin sa araw na iyon. Doon ko din nalaman na kasama pala ni Carla ang kanilang driver at kanyang yaya upang ihatid ito doon. Naging napakasaya ng sandaling iyon para sa amin at masasabi kong isa rin sa pinakamasayang araw sa buong buhay ko.
Pero….
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
matapos ang araw na iyon ay s’ya ring naging pagbabago ni Xander ng pakikitungo sa akin.
“Bessy ano ba?! May plano ka pa bang gumalaw d’yan?! My gahd! Look, pupunta tayo ng Batangas para mag-enjoy! Pero nakakahawa ang mood mo dahil parang pasan mo ang mundo! Pati mga katrabaho natin apektado na oh! Dalawang linggo ka nang ganyan!” panenermon ni Cha sa akin.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang pag-aalala ng mga katrabaho ko sa akin.
“P-pasensya na.. ’Wag n’yo na akong intindihin, may iniisip lang ako.” pagpapaumanhin ko sa mga ito.
Narito kami sa coaster o ’yung tila ba maliit na bus na inupahan ng aming company para sa isang team building at syempre, para makapag-enjoy na rin. Lahat kami ay kasama maliban na lamang kina Chef Randy na halos dalawang buwan na ring hindi pumapasok sa aming restaurant sa hindi ko malamang dahilan. Wala rin dito si Xander dahil kailangan din daw nito asikasuhin ang dalawang magkahiwalay na restaurant n’ya habang wala kami. Iyon ay ayon lamang sa sinabi ni Ma’am Shai nang ito ay tanungin ko.
Pupunta kami sa isang resort sa Batangas para doon ganapin ang isang araw na activity na nakalaan para sa lahat ng empleyado ng restaurant. Hindi naman nagsara ang aming branch dahil humiram ng mga empleyado mula sa isa pang branch sa The Fort na magpapatuloy ng operation ng aming restaurant. Magkaiba kasi ang araw ng aming team building sa kanila.
“Are you sure you’re okay Tom?” wika naman ni Mam Shai mula sa harapan ng aming inuupuan ni Cha.
“Yes Ma’am, sorry..” sagot ko naman sa kanya.
“Dapat tayong mag-enjoy bessy, ngayon lang tayo makakapag-bonding na kasama ang lahat. C’mon! Smile ka na!” pangungumbinsi ni Cha.
Binigyan ko lamang ito ng pilit na ngiti bago nagsalita.
“Inaantok pa kasi ako bessy eh. Ang aga kasi natin nagising kanina. Sige, iidlip muna ako.” pagsisinungaling ko sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang ito sa aking sinabi at ipinikit ko na nga ang aking mga mata habang nakasandal sa kinauupuan namin.
Matapos ang dalawang araw ng aming pagpunta sa Antipolo ay naging malaki rin ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Xander. Nakiusap itong sa bahay daw muna namin ako umuwi dahil kailangan s’ya sa The Fort branch. Hindi naman ako tumutol dito dahil ilang araw na rin akong hindi nakakauwi sa aming bahay at miss na miss ko na din sina Mama at Julius.
Hindi naman kami nawalan ng komunikasyon noon ni Xander dahil minsan ay dumadaan pa ito sa branch namin sa Alabang para kamustahin ako. Sa mga sumunod na araw ay tanging texts at tawag na lamang ang naging komuniskayon namin. Ayos lang naman sa akin iyon noong una. Pero nang mga sumunod pang araw ay bihira na lamang ito magparamdam at kung minsan ay natatagalan bago s’ya makapag-reply sa mga text ko.
Minsan ay tinanong ko ito kung busy ba ito dahil hindi man lamang nagparamdam ng isang araw. Ngunit tanging maiksing text message lamang ang natanggap ko dito na nagsasabing ‘ok lang ako’. Ang layo kung tutuusin na sagot sa tanong ko kung busy ba s’ya.
Gustong-guto ko na s’yang tanungin kung may problema ba sa trabaho n’ya ngunit inisip kong baka mas lalo lamang akong makaabala sa kanya. Wala rin akong natatandaan na naging pagtatalo sa pagitan naming dalawa kaya nagtataka ako sa biglaang panlalamig nito sa akin. Kahit anong pag-iisip ko ay wala talaga akong makitang dahilan ng mga pagbabagong iyon.
“Bessy…” nag-aalalang tawag sa akin ni Cha.
“Hhmmm?” tanging nasabi ko at hindi pa rin ako nagmulat ng mata.
Naramdaman ko na lamang na pinupunasan ni Cha ng panyo ang aking pisngi dahilan para maidilat ko ang mga mata ko.
“Umiiyak ka nanaman.” wika ni Cha na may pag-aalala.
Doon ko na lamang napansin na lumuluha na nga ako ng mga oras iyon. Wala na akong maisagot pa kay Cha dahil kusang lumabas mula sa aking mga mata ang tunay kong nararamdaman.
Niyakap ko na lamang ang aking bag na nakapatong sa hita ko at yumuko. Patuloy na naglalandas ang mga luha ko at pinipilit ang aking sarili na hindi marinig ang pag-iyak ng mga kasama ko sa sasakyang iyon.
“Hindi pa rin ba kayo nakakapag-usap?” tanong ni Cha.
Tanging pag-iling lamang ang naging sagot ko dahil hindi ko magawang magsalita.
Alam ni Cha ang nangyayari sa amin ni Xander ngayon dahil wala naman akong masasabihan kundi s’ya. Minsan ay nagyaya na rin itong puntahan namin si Xander sa The Fort para bisitahin at kamustahin ngunit tumanggi ako. Inisip ko kasing mas lalo lamang akong makakagulo sa kanyang pagtatrabaho.
Hindi na muli pang nagtanong si Cha at nanatili naman ako sa pagkakayuko habang nakayakap sa aking bag. Patuloy sa pagluha hanggang sa makaramdam ako ng pagod at maya-maya pa lamang ay nakatulog din ako.
Nagising na lamang ako sa mahihinang pagtapik ni Cha sa aking balikat.
“Bessy, andito na tayo.” may kahinaang wika ni Cha.
Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko at tumingin sa paligid. Tanging kami na lamang pala ni Cha ang naiwan sa coaster.
“Bumaba na sila bessy. Okay ka na ba?” tanong ni Cha.
Alam kong hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ito sa akin. Ayaw kong sirain ang excitement nito kaya naman ngumiti ako sa kanya.
“Okay na ako bessy. Salamat.” wika ko ng nakangiti.
“Sure ka ha?” pangungulit n’ya.
Tumango-tango na lamang ako ng hindi tinatanggal ang aking pagkakangiti.
Napagdesisyunan na nga naming kunin ang aming mga gamit at bumaba sa coaster na iyon. 10:00 ng umaga nang marating namin ang resort na iyon at hindi ko mapigilang hindi mamangha nang makita ko ang kabuuan ng lugar. Kulay puti ang buhangin at kulay asul ang tubig ng beach na iyon. Mayroon ding nakahiwalay na pool area kung dito mo naman naisin na mag-swimming. Kumpleto rin sila sa facilities at marami rin akong nakikitang activities sa dagat na pwedeng subukan ng mga taong naroon.
Narating namin ni Cha ang lobby ng resort upang malaman kung saan ang aming room. Nang makuha namin ang room number namin ay inihatid ko muna si Cha sa naka-assign sa kanyang room. Nakita ko rin ang ilang mga babae naming katrabaho na nauna nang dumating sa silid na iyon.
Ilang sandali pa ay hinanap ko na rin ang room na para sa akin ngunit ang lubos kong ipinagtataka ay nasa kabilang villa pa ito. Apat na accommodation type kasi ang meron sa resort na ito. Kung sabagay, ayos na rin ’yon dahil hindi naman kalayuan ang pagitan ng aming mga tutulugan. Baka doon talaga ang accommodation para sa mga lalaki.
Nang makita ko ang room ay kumatok muna ko ng ilang beses ngunit walang sumasagot mula sa loob kaya unti-unti ko na lamang binuksan ang pintuan ng kwartong iyon. Sinabi rin kasi ng receptionist na narito na rin daw ang makakasama ko kaya sa kanya na ibinigay ang susi.
Laking gulat ko nang makita ko ang loob ng silid na iyon dahil hindi ito katulad ng room na gaya ng kina Cha. Kumpleto ito sa kagamitan mula sa sala hanggang sa dining. Masasabi kong special ang kwartong ibinigay sa akin kaya hindi ko maiwasang magdalawang isip kung tama ba ang silid na aking napuntahan.
Agad akong umalis sa silid na iyon at tinungo muli ang reception area para i-confirm. Ngunit pagkarating ko doon ay inulit lamang sa akin ng receptionist kung anong room ang para sa akin. Makailang beses ko pa itong tinanong kung sigurado ba s’ya at sinabi n’yang doon daw talaga ako. Nagawa pa nitong itanong sa akin kung Axyll Tom Perez daw ba ang pangalan ko na sinagot ko naman ng oo dahil ako naman talaga iyon. Wala na akong nagawa kaya naman bumalik na ako sa room na pinanggalingan ko.
Gaya pa rin noong una ay kumatok muna ako dahil baka nasa loob na ulit ang makakasama ko sa kwarto. Halos mainis pa ako dahil nakalimutan ko ring itanong sa receptionist kung sino nga ba ang makasama ko sa room na iyon. Nang wala pa ring sumasagot ay pumasok na akong muli. Inilibot kong muli ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto at hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa ganda ng kwartong ito.
Binuksan ko ang isang pinto na nasa may kanang bahagi upang libutin pa ang ibang parte nito. Laking gulat ko ulit nang makita ang bedroom na iisa lamang ang kama na naroon. Nakita ko rin na may malaking bag na nakapatong sa kama at naisip kong baka nga lumabas lamang ang makakasama ko sa kwarto.
“Sino kayang makakasama ko dito?” tanong kong muli sa aking sarili.
Halos isang oras na rin ang lumipas ay hindi pa rin dumarating ang aking kasama sa silid na iyon kaya napagdesisyunan ko na lamang na iayos ang aking mga gamit at ilagay sa cabinet na naroon. Nakatanggap na rin ako ng text mula kay Cha na nasa dining hall na rin silang lahat para mag-lunch. Nagbihis na lamang ako ng white na board shorts at black na sando.
Pagkarating ko sa dining hall ay naroon na nga ang lahat. Ang ilan sa kanila ay sinisimulan nang kumain at ang iba naman ay nakapila pa sa buffet.
“Bessy! Kuha ka na ng food mo tapos dito ka na rin umupo!” sigaw sa akin ng kumakaway na si Cha habang nasa isang table kasama sina Dee, Ben, Lizzy, Jurnie at Daniel. Kumaway din silang lahat na akin ding tinugunan.
Ganoon na nga ang aking ginawa. Pagkakuha ko ng pagkain ay sumunod na rin ako sa kanilang table.
“Ang gwapo mo ngayon Tom ah!” pagbati sa akin ni Daniel.
“Asus! Mga hirit mo pre!” kantyaw naman ni Jurnie.
“Inggit ka lang!” balik naman dito ni Daniel.
“Oy tama na ’yan! Nasa harapan kayo ng pagkain oh!” saway naman sa kanila ni Lizzy.
Sinimulan na namin ang kumain at hindi namin mapigilan ang kwentuhan nang mga oras na iyon. Excited ang lahat ng kanilang mga gagawin.
Matapos kumain ay saglit kaming nagpahinga at maya-maya pa ay nagkayayaan ang lahat na libutin ang lugar kahit tirik na tirik ang araw. Picture dito at picture doon ang aming ginagawa. Saglit kong nakalimutan ang pangungulila ko kay Xander nang mga oras na iyon dahil sa nakakahawang saya ng aking mga kasama.
“Oy! Kami naman ni Tom picturan mo dito!” utos ni Daniel kay Jurnie.
“Oo na! Mamaya ako naman picturan n’yo doon sa taas na puno ha?!” balik naman na utos ni Jurnie.
Inilapit naman ni Daniel ang kanyang mukha sa aking tenga at nagsalita.
“Ngayon ka lang makakakita Tom ng baboy na nakakaakyat ng puno.” bulong nito sa akin na ikinatawa ko.
“Hoy! Ano sinasabi mo d’yan Daniel?!” sigaw ni Jurnie sa kanya.
“Wala! Sabi ko gwapo ka panigurado ’pag sa babuyan este sa puno ka nagpa-picture!” sigaw ni Daniel pabalik.
Natawa na lang kami sa kakulitan ng dalawang lalaking ’to.
Pumwesto kami ni Daniel sa gilid ng pool at sinimulang mag-pogi pose. Maraming pose ang aming ginawa dahil sa request na rin ni Daniel. Sabay kaming nagkukulitan na parang mga bata. Masarap naman talagang sabayan ang kakulitan ni Daniel kaya lahat ng shots namin ay pawang magaganda.
Ilang shots pa nga ang nangyari at nang inakbayan ako nito ay nagulat na lamang ako sa biglaang pagsigaw nito.
“Aray!!” daing nito habang hinihimas ang likod ng kanyang ulo.
“Anong nangyari?!” tanong kong nag-aalala sa kanya. Lumapit na rin sa amin si Jurnie.
“May bumato sa akin eh!” inis na wika nito.
“Ha?! Sino naman?!” taka kong tanong dahil nasa harap naman si Jurnie na kumukuha sa amin ng picture. Sina Cha, Ben at Lizzy naman ay malayo sa amin at nasa bandang unahan din habang kinukuhanan ng picture ni Dee.
“Baka may monster sa likod natin! Naiinggit!” inis pa ring wika ni Daniel at patuloy pa ring hinihimas ang kanyang ulo.
“Ha?!” ang nagtataka kong tanong sa kanya. Tumingin rin ako banda sa aming likuran ngunit puro pamilyang nagkakasiyahan lamang ang aking nakikita.
“Wala! Tara na nga! Lipat na lang tayo! Baka mamaya kung ano pang magawa sa akin nun eh!” suhestyon n’yang bigla.
Tumango na lamang ako at sumunod na lamang kami ni Jurnie sa kanya habang papalayo. Narinig ko pa itong nagsalita ng mahina.
“Kainis! Seloso talaga!” wika n’ya ngunit hindi na lamang namin inusisa kasi mukhang badtrip na talaga s’ya.
“Kainis talaga! Nakalimutan n’yo na rin akong picturan sa puno!” inis ding sambit ni Jurnie sa aking tabi.
Tinawag na namin ang iba pa naming kasama at nagdesisyon muna kaming bumalik ng aming room at magpahinga sandali dahil mamayang gabi raw namin sisimulan ang aming activity. Nagtataka man ako dahil sa gabi ito gagawin ay hindi na lamang ako nagtanong. Kailangan kong mag-reserve ng energy para sa mga gagawin namin mamaya.
Pagbalik ko sa room ay tahimik pa rin. Wala pa rin ang makakasama ko sa room na iyon. Naitanong ko rin naman ito kina Daniel kanina ngunit wala silang ideya kung sino ang makakasama ko dito. Tulad nila Cha ay marami rin sila sa isang kwarto at ilang kama rin daw ang mayroon doon. Inisip ko na lamang na sinuwerte ako dahil napunta ako sa napakagandang kwarto na ito.
Dahil kulang na rin sa tulog at pagod sa byahe’t paglilibot kanina ay nakaramdam ako ng pamimigat ng mga mata. Humiga ako sa kama at sinimulang umidlip para may lakas din ako mamayang gabi sa aming activity.
.
.
.
.
.
.
.
“I’m sorry Tom.” malungkot na wika ni Xander sa akin.
“H’wag mo naman gawin sa akin ’to Master.. Ano bang mali sa akin? Kung ano man ’yon, handa kong baguhin.. ’Wag lang ’yung ganito..” pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak.
“I’m sorry..” tangi n’yang nasabi.
Lumapit ito sa akin at ginawaran ako ng halik sa labi. Matapos iyon ay umalis s’ya sa aking harapan at unti-unting inihakbang ang mga paa papalayo. Naiwan akong lumuluha at hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa upang s’ya ay habulin.
“Xander!!!” tangi kong sigaw ngunit unti-unti rin s’yang naglaho sa aking paningin.
Napabalikwas ako sa pagkakahiga at pilit hinahabol ang aking hininga.
“Panaginip lang pala.” sambit ko habang sapo ang aking dibdib.
Saglit akong natulala habang nakaupo sa kamang aking hinigaan. Nahawakan ko ang aking mukha at naramdaman kong may mga tubig na naglandas sa aking mga pisngi. Kahit sa panaginip ay hindi ako pinatatahimik ng mga katanungan patungkol sa mga nangyayari sa amin ni Xander.
Patuloy na tumatakbo sa aking isip ang senaryo sa aking panaginip. At nang maalala ko ang halik na ginawa sa akin ni Xander doon ay kusa kong nahawakan ang aking mga labi.
“Bakit parang totoo?” sambit kong muli sa aking sarili dahil ramdam ko ang init ng huling halik nito sa aking panaginip.
Natauhan na lamang ako nang tumunog ang aking cellphone sa maliit na mesang nasa tabi ng aking higaan.
“Hello Cha?” sagot ko sa telepono matapos kong makita na s’ya ang tumatawag.
“Bessy? Nakapaghanda ka na ba?” tanong nito sa kabilang linya.
“Kagigising ko lang eh. Saan ba gagawin ang activity?” tanong ko dito.
“Sa tabi ng beach lang. Maghanda ka na.” wika n’ya ulit.
“O sige, maliligo lang ako tapos didiretso na lang ako d’yan.” sagot ko naman sa kanya.
“Okay, see you later bessy. Special ang mangyayari kaya dapat maghanda ka rin ha?” wika n’ya pa ulit na tila excited pa.
Bago pa ako makasagot ay binabaan na ako nito ng linya.
Nagtataka man ako dahil sa sinabi ni Cha ay pinagkibit balikat ko na lamang iyon.
“Baka special dahil sa activity na gagawin.” wika ko na lamang.
Agad na lamang akong tunayo mula sa higaan at tinungo ang cabinet kung saan ko inilagay ang aking mga damit kanina. Nagulat ako nang makita kong may mga damit na ring naroroon bukod sa mga damit ko. Nilingon ko ang kama na aking hinigaan at wala na nga roon ang bag ng sa tingin ko ay makakasama ko sa kwartong ito.
Nakabalik na pala s’ya habang natutulog ako. Hindi na ako nag-abala pang hanapin s’ya dahil ayaw ko rin namang mahuli sa aming activity. Kaya matapos kunin ang aking mga kailangan ay tumungo na ako sa banyo ng kwartong iyon para maligo.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin naming activity kaya naman nagsuot na lamang ako ng puting sando at pinatungan ko rin ng puting polo at sinadya kong buksan lang. Black board shorts at sandals na rin.
Matapos ang lahat ng paghahanda ay tinext ko si Cha para itanong kung saan ba ang eksaktong lokasyon. Ngunit ilang minuto rin akong naghintay ay wala pa rin itong nagiging sagot. Kesa naman maghintay ako ng pasko ay nagdesisyon na lamang akong hanapin ang lugar. Basta ang sabi n’ya naman ay sa tabi ng beach kaya doon na lamang ako didiretso.
Naglakad ako sa tabi ng dagat upang hanapin ang mga kasamahan ko. May mga nasasalubong akong mga grupo ng tao pero kahit isa ay wala sa mga iyon ang katrabaho ko. Medyo kinakabahan na rin ako ng mga oras na iyon dahil talagang late na ako. Halos makarating na ako sa dulo ng resort at iilan na lang ang taong naroon.
Huminto muna ako sa aking paglalakad upang tawagan ang kahit na sino man sa mga katrabaho ko. Ngunit sa hindi ko maintindihang pangyayari ay hindi ko sila makontak lahat. Huminga na lamang ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili dahil sa labis na inis at kaunting kaba ng mga oras na iyon. Baka kasi sinimulan na nilang gawin ang activity kahit wala ako at hindi na ako nagawa pang hintayin.
Ibinulsa kong muli ang aking cellphone at nagdesisyon na rin akong hanapin na lamang sila sa ibang lugar. Akmang ihahakbang ko na ang aking mga paa ay s’ya rin namang tunog ng aking cellphone sa aking bulsa. Dali-dali ko itong kinuha at nasorpresa ako sa pangalang naka-display sa screen at tinatawagan ako.
“Xander…” mahina kong wika habang nakatitig lamang sa aking cellphone.
Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang cellphone ko. Ibayong kaba at takot ang nararamdaman ko. Ito naman ang gusto ko, ang makausap s’ya. Pero nagbalik sa aking ala-ala ang mga nangyayari sa amin nitong mga nagdaang linggo. Isama mo pa ang masamang panaginip ko kanina.
Hindi ko alam kung ilang minuto kong hawak ang aking cellphone habang patuloy itong nagri-ring. Marahil ay sa katagalan bago ko ito sagutin ay kusa rin itong namatay.
Dahil sa nangyari ay hindi ko maiwasang mapaupo sa buhangin ng mga oras na iyon. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Ilang sandali pa ay muli nanaman itong nag-ring. Muli akong tinatawagan ni Xander kaya ang kaninang kaba ko ay mas dumoble.
Nanginginig ang aking mga kamay na pinindot ang answer button. Itinapat ko iyon sa aking tenga at dahil sa kaba ay hindi ako makapagsalita. Nanatili lamang ang aking telepono sa aking tenga habang hinihintay na magsalita si Xander sa kabilang linya. Ngunit nakakabinging katahimikan lamang ang namagitan sa amin.
Marami akong gustong itanong sa kanya kaya hindi ko na palalampasin ang pagkakataong iyon na magkakausap kami. Kinalma ko ang aking sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim.
“H-hello?” utal kong wika sa pagbasag ng aming katahimikan.
“Tom…” wika n’ya sa kabilang linya.
Si Xander nga. Ang tagal kong hinintay marinig ang kanyang tinig. Tila ba ilang taon kami nitong hindi nagkausap. Miss na miss ko na ang lahat sa kanya.
“Kamusta ka Tom?” tanong n’ya ulit.
Nakaramdam ako ng sakit dahil sa pagtawag n’ya sa aking pangalan. Malamig ang kanyang pagtawag dito at hindi na tulad ng dati na may kakaibang dala sa akin tuwing bibigkasin n’ya ang aking pangalan. Wala nang ‘Master’ na nakasanayan na naming maging tawagan.
“I-ikaw? K-kamusta ka naman?” utal ko pa ring wika at hindi sinagot ang kanyang tanong. Ano nga bang isasagot ko sa kanya kung hindi naman talaga ako okay?
“Masaya ako ngayon. Masayang-masaya.” casual nitong pagkakasabi.
Lalo akong nakaramdam ng sakit nang sagutin n’ya ang aking tanong. Tila ba wala sa kanyang epekto ang pagkakalayo namin ng ilang linggo.
“G-ganon ba? M-mabuti naman..” tangi kong wika.
“Ahm.. Tom, may gusto nga pala akong sabihin sa’yo.” wika n’ya ulit.
“A-ano ’yon?” kinakabahan kong tanong.
Saglit itong natahimik bago n’ya nagawang sumagot.
“I’m sorry Tom… I’m so sorry…” wika n’ya.
Doon na ako tuluyang nanghina. Tila ba tinakasan na ako ng lahat. Nagunaw ang mundong ginagalawan ko. Eto na nga, nagkakatotoo na ang panaginip ko kanina. Ganitong-ganito iyon. Hihingi s’ya ng tawad at iiwan na ako.
Tuluyan nang bumagsak ang masagana kong mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na rin nagawa pang sumagot sa kanya. Tanging pag-iyak lamang ang nakatulong sa akin ng mga oras na ito at naging sandalan ko para ilabas ang sakit na nararamdaman ko.
“Tom? Hey! Are you crying?!” tarantang tanong ni Xander sa kabilang linya.
Hindi ako nakasagot, mas lalo pang lumakas ang naging pag-iyak ko dahil alam kong iiwan na n’ya ako.
“Oh sh*t!” dinig kong sabi n’ya sa kabilang linya at naputol na ang tawag.
Habang nakaupo sa buhanginan ay naiyuko ko na lamang ang aking ulo sa aking mga braso habang patuloy sa pag-iyak.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay naramdaman kong may mabibilis na hakbang ang papalapit sa aking pwesto. Dinig ko rin ang paghahabol n’ya ng kanyang hininga marahil ay dahil sa ginawa nitong pagtakbo.
Hindi ako nag-angat ng tingin at patuloy lamang sa pag-iyak. Alam kong nasa harapan ko lamang s’ya dahil nakikita ko ang kanyang mga paa.
“Tom….” wika ng isang tinig na kilalang-kilala ko. Ang tinig na ilang linggo kong hinintay na marinig.
Unti-unti kong inangat ang aking ulo upang makita ito. Ganon na lamang ang tuwa at lungkot ko nang makita ko si Xander na nakatayo sa harap ko. Tuwa dahil sa wakas ay nakita ko na s’ya, at lungkot dahil sa alam ko na ang mga susunod na sasabihin n’ya.
Hindi ko pa rin magawang magsalita kaya sa pagluha ko na lamang ipinarating ang mga gusto kong sabihin.
Agad naman s’yang lumapit at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan n’ya ako sa magkabilang pisngi at pilit na pinupunasan ang mga luha kong patuloy pa rin sa pag-agos.
“Hey.. stop crying..” wika n’ya at panay pa rin ang pagpunas ng mga luha ko.
Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya habang ginagawa n’ya iyon.
“I’m sorry…” dugtong n’ya pa.
Mas lalo nanaman akong naiyak sa sinabi n’ya kaya wala na s’yang nagawa kundi ang yakapin ako habang nakaluhod s’ya sa harapan ko.
“Ano bang mali Xander? Ano bang naging kasalanan ko? Bakit kailangan mo akong iwan sa paraang ganito?” sunod-sunod kong tanong sa kanya sa pagitan ng paghikbi. Sa wakas ay nagawa kong itanong ang mga bagay na iyon sa kanya.
Napabitaw naman s’ya sa pagkakayakap at tiningnan ako ng buong pagtataka.
“Ano ba ’yang pinagsasabi mo?” takang tanong naman nito.
“Eh ’di ba kaya ka nagso-sorry kasi iiwan mo na ako? Ano bang mali kong nagawa sa’yo?” tanong kong muli sa kanya. Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.
“What?! At saan mo naman nakuha ’yang idea na ’yan?!” ang may kalakasan n’yang tanong sa akin na puno ng pagtataka.
“Ganon na ganon ang nasa panaginip ko! Nag-sorry ka tapos iniwan mo na lang ako! Tapos idagdag mo pa na hindi mo ako kinakausap nitong nagdaang mga linggo! May mali ba akong nagawa Xander?! Sana bigyan mo naman ako ng dahilan! Hindi ’yung ganito!” sumbat ko sa kanya.
Lalong nagdugtong ang mga kilay nito sa mga sinabi ko.
“Panaginip?! Ano ba ’yang pinagsasabi mo Tom? And about naman sa paglayo ko ng dalawang linggo, may magandang dahilan naman ako doon. Kaya nga nagso-sorry ako sa’yo. Alam ko naman na nasaktan ka sa ginawa ko, kaya I’m really really sorry…” paliwanag nito at hinawakan na ako sa aking mga pisngi ng dalawa n’yang palad.
Hindi naman ako nakapagsalita sa kanyang sinabi. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanyang mga mata. Nagpatuloy naman s’ya sa kanyang mga sinasabi.
“Kinailangan kong lumayo sa’yo dahil may mga importante akong inasikaso na hindi ko magagawa kung nasa tabi kita at iisa ang inuuwian nating dalawa. At isa pa, wala akong balak na iwan ka gaya ng sinasabi sa panaginip mo. C’mon Tom, ang tanda mo na hindi mo pa rin alam ang kasabihan na kabaligtaran ng panaginip ang reyalidad? Hindi kita iiwan kahit na ipagtabuyan mo pa ako tandaan mo ’yan. Mahal na mahal ko kaya ang Master ko.” mahaba n’ya pang paliwanag.
Natigil naman ako sa pag-iyak dahil sa mga naging paliwanag n’ya.
“B-bakit kailangang hindi mo ako kausapin? Kahit ang pagreply sa mga text ko, h-hindi mo nagawa. Saka nararamdaman ko nanlalamig ka sa akin. Hindi mo na nga ako tinatawag na.. M-master…” mahina kong tanong sa kanya.
“Eh s’yempre mas magiging effective ang gagawin ko!” masigla n’ya namang sagot.
“Gagawin?” taka kong tanong sa kanya.
“Basta! Mamaya malalaman mo! Sa ngayon, tumayo muna tayo dito. Ang sakit na din ng tuhod ko eh. Kanina pa ako nakaluhod dito.” wika n’ya.
Agad naman akong kumilos at inalalayan n’ya na rin akong tumayo. Nang tuluyan na kaming nakatayo ay bigla n’ya na lamang akong niyakap ng mahigpit.
“Grabe! Na-miss kita Master! Miss na miss!!” wika n’ya sa aking tenga.
“Ako rin, miss na miss na kita.” sagot ko naman sa kanya at ginantihan s’ya ng napakahigpit ring yakap.
Dama ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at alam kong ramdam n’yang ganoon rin ang sa akin.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon at tanging sa mga yakap namin ipinaramdam ang pangungulila sa bawat isa.
Ilang sandali pa ay bumitaw kami at nanatiling nakatitig sa mga mata ng bawat isa. Nakahawak s’ya sa aking mga pisngi at ako naman ay sa kanyang bewang.
“I love you Master..” wika n’ya sa akin.
“I love you more Master..” sagot ko naman sa kanya ng nakangiti.
Kasunod ng mga binitiwan naming salita ay ang mainit na paglapat ng aming mga labi. Dama ko sa mga halik naming iyon ang pangungulila namin sa isa’t-isa. Ilang minuto rin kaming ganoon bago bumitaw. Mas naging malawak na ang mga ngiti namin ngayon.
“Let’s go! Everyone is waiting for us.” bigla nitong sambit.
“Ha? Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Basta! Malalaman mo rin maya-maya.” tangi n’yang sagot.
Hinawakan n’ya ako sa kamay at nagsimula na s’yang maglakad kaya wala na akong naging choice kundi ang sumunod sa kanya kahit na may mga katanungan pa ako.
A/N
Oooppsss!!! Dito muna po tayo ha? Hindi kinaya ng isang chapter eh. Next chapter na lang guys!!
––cold_deee
chapter 23 - soufflé
A/N
Ok, here’s the continuation of chapter 22 na nabitin guys!
Enjoy reading!
––>si Xander po sa media.
XANDER POV
“Let’s go! Everyone is waiting for us.” wika ko sa kanya.
“Ha? Saan tayo pupunta?” tanong naman n’ya sa akin.
“Basta! Malalaman mo rin maya-maya.” tangi ko namang sagot.
Hinawakan ko s’ya sa kanyang kamay at hinila papunta sa lugar kung saan nakahanda ang aking sorpresa para sa kanya.
Narating namin ang pavilion ng resort at kitang-kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.
“Eh wala naman tao dito ah? Ang dilim-dilim.” sambit ni Tom.
“Maghintay ka lang.” tangi kong sagot.
Mula sa aming kinatatayuan ay may isang bagay sa isang sulok na unti-unting nagliwanag. Kasunod ng liwanag na iyon ay unti-unti rin itong lumapit sa amin hanggang sa huminto ito dalawang metro mula sa aming kinatatayuan. Hindi pa rin namin maaninag ang mukha ng taong may hawak ng ilaw na iyon. Umalingawngaw ang isang masayang tugtog sa pavilion na iyon hudyat ng aking sorpresa para kay Tom.
“Happy birthday to you..
Happy birthday to you..
Happy birthday, happy birthday…
Happy birthday to you!!“
Nagliwanag na ang paligid at nakita ko kung paano nanlaki ang singkiting mata ni Tom. Naibuka rin n’ya ang kanyang bibig sa labis na pagkasorpresa.
Nasa gitnang bahagi ng pavilion na iyon ang lahat ng aming mga kasama sa trabaho at masayang ipinagpatuloy ang pagkanta habang pumapalakpak pa.
Sa aming harapan naman ay ang dalawang taong pinakaimportante sa buhay ni Tom. Hawak ang cake na may nakasinding kandila.
“Mama?! Julius?!” gulat na sambit ni Tom.
Natapos ang kantang para kay Tom bago nakapagsalita ang dalawang tao sa kanyang harapan.
“Happy birthday anak!” bati ni Mama Lita sa kanya.
“Happy birthday Kuya!” bati rin naman ni Julius.
Nakita ko kung paano naiiyak si Tom sa sorpresa namin itong sa kanya.
“Salamat Ma, salamat Julius.” ang naiiyak nitong sambit.
“H’wag ka sa amin magpasalamat Kuya. Kay Kuya Xander dapat. S’ya ang may pakana nitong lahat.” nakangiti namang pagsagot ni Julius.
Tiningnan ako ni Tom at hindi nakaligtas ang luha ng kaligayan sa kanyang mga mata. Agad itong bumitaw sa pagkakahawak sa aking kamay at naging mabilis ang pangyayari nang yakapin ako nito. Mahigpit at damang-dama ko ang kaligayahan n’ya ng mga oras na iyon. Ginantihan ko rin ito at nagsalita.
“Happy Birthday Master!” buong pagmamahal kong bati sa kanya at hinalikan s’ya sa ulo.
Halos hindi nito mabigkas ang mga gusto n’yang isagot sa akin.
“S-salamat…. Salamat… Maraming salamat M-master..” paulit-ulit n’yang wika.
“Wala ’yon, basta para sa’yo.” nakangiti kong sagot dito.
“Oy! Mamaya na ang lambingan! Blow the candle and make a wish na!” ang biglang pagsigaw ni Charm habang naka-microphone.
Nagtawanan naman ang lahat at agad na bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Tom. Pinunasan n’ya rin ang kanyang mga luha bago hinarap ang cake na hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Mama Lita at Julius.
“Wish ka na anak. Dali at excited na si Mama makain itong cake!” pagbibiro ni Mama Lita.
Ngumiti si Tom at pumikit na rin s’ya. Saglit s’yang natahimik para sa kanyang wish at kami naman ay nakatingin lamang sa kanya. Ano kayang wish ng mahal ko?
Idinilat n’ya ang kanyang mga mata at saka hinipan ang kandilang nasa ibabaw ng cake. Nagpalakpakan naman kaming lahat matapos iyon.
Agad na kinuha ng waiter na nasa pavilion na iyon ang cake na hawak ni Mama Lita kaya nagkaroon na ng pagkakataon na magyakap ang mag-iina. Masaya akong nakikita si Tom na ganito kasaya.
“Birthday ko pala ngayon ’Ma…” sambit ni Tom habang yakap n’ya ito.
“Oo nga anak! Nakakatampo ka! Nakalimutan mo na kung kelan ka lumabas dito sa ano ko!” pabiro namang sagot dito ni Mama Lita.
“Mama talaga! Ang halay mo mag-isip!” maktol ni Tom pero natatawa rin ito.
“Happy birthday ulit Kuya. Sana masaya ka ngayon. Nakalimutan mo ang birthday mo dahil sa pagmu-mukmok mo sa loob ng dalawang linggo.” wika naman ni Julius.
“Salamat Julius. Hindi lang ako masaya! Masayang-masaya pa! At tungkol naman sa pagmu-mukmok ko, si Xander ang sisihin n’yo!” wika naman ni Tom.
Natawa na lamang ako sa sinabi ni Tom. Pagkabitiw ng mga ito ay nagtanong naman ulit si Tom.
“Teka nga pala? Paano kayo nakarating dito?” tanong ni Tom sa kanila.
“Sinundo kami ni Xander kanina. Magkakasabay kaming pumunta dito anak. Ang swerte mo talaga sa boyfriend mo anak! Alam mo bang ayaw n’ya kaming mag-commute na lang? Gusto n’ya ay s’ya mismo ang maghatid sa amin dito!” mahabang pagsagot naman ni Mama Lita.
“S’yempre ayaw ko naman mapagod kayo Mama kaya hindi ako papayag na mahirapan kayo sa byahe. At isa pa, kargo ko na rin kayo dahil boyfriend ako ng anak n’yo.” nakangiti ko namang singit sa kanilang pag-uusap.
Binalingan naman ako ni Tom at saka nagtanong ulit.
“Teka nga pala, akala ko ba dapat nasa Manila ka para asikasuhin ’yung dalawang restaurant mo?” takang tanong n’ya sa akin.
“S’yempre joke lang ’yun! Palalampasin ko ba ang birthday ng mahal ko?!” masaya kong sagot sa kanya at kinurot ko pa s’ya sa kanyang pisngi. Nakita kong namula nanaman ito. Ang cute talaga!
Nasa ganoon kaming senaryo nang biglang umeksena nanaman si Charm sa microphone.
“Hello there?! Manonood na lang ba kami sa inyo?! Sana na-inform n’yo kami para nakapagdala kami ng popcorn noh?! Daig n’yo pa nasa telenobela n’yan ah?! Gutom na kami dito oh! Ano?! Ganito na lang tayo?!” sigaw ni Charm.
Agad naman kaming kumilos at pumunta sa kinaroroonan nila para magpasalamat din.
Lahat ay binati si Tom na tinugunan naman nito ng paulit-ulit na pasasalamat. At etong kapatid ko na si Daniel ay yayakap pa sana kay Tom kaya maagap kong hinila ang kanyang kwelyo sa likod.
“Ikaw Kuya kanina ka pa! Hindi ka na naawa sa bukol ko! Nakakadalawa ka na rin! Birthday naman ni Tom kaya dapat hindi mo ipagdamot ’yon!” reklamo ni Daniel na parang bata.
“Bakit? Anong ginawa sa’yo ng Kuya mo?” takang tanong naman ni Tom sa kanya.
Nataranta naman ako agad kaya maagap akong nagsalita. Nabanggit kasi minsan sa akin ni Tom na dapat ay maayos ang pakikitungo ko lagi kay Daniel dahil mas panganay pa rin ako rito. Agad kong inakbayan si Daniel.
“Ah, wala yun Tom! Hahaha! ’Di ba wala ’yun Daniel?” sagot ko kay Tom at binalingan ko ng tingin si Daniel. Pinandilatan ko rin ito ng mata at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa balikat n’ya. Sumimangot lang naman sa akin ang kapatid ko.
“Eh ano ’yung tungkol sa bukol na sinasabi n’ya?” tanong muli ni Tom.
“Binat—— aray!!!” ang hindi na naituloy na pagsusumbong ni Daniel kay Tom dahil hinawakan ko ang parte ng ulo n’yang may bukol.
Na-guilty rin naman ako dahil nakapa kong may bukol nga ito dahil sa pagkakabato ko sa kanya kanina nang tangkain n’yang samantalahin ang pag-akbay kay Tom habang nagpapakuha sila ng picture.
“Ayos ka lang ba Daniel?” ang pag-aalala ni Tom.
Tumingin muna sa akin si Daniel at saka matipid na ngumisi. Ano nanaman kayang pina-plano ng mokong kong kapatid?!
Hinarap n’ya si Tom ng may nakakaawang mukha.
“Happy birthday ulit Tom. Pasensya na, hindi na kita mayayakap ngayon bilang pagbati kahit gustuhin ko man. Kahit na isa rin naman ako sa naghanda para maging matagumpay itong surprise birthday celebration mo. Alam mo namang bukod kay Jurnie ay ikaw lang ang pinakamalapit kong kaibigan. Pero dahil sa alam kong may limitasyon na ay hanggang greetings na lang tayo. Sige, mauna na ako. Kakain na lang ako.” ang lungkot-lungkutan at pangongosensya nitong sabi.
Gusto ko na dagdagan ang bukol nitong Daniel na ’to sa totoo lang!
Akmang tatalikod na si Daniel na alam ko namang pagkukunwari lang ay agad itong napigilan ni Tom.
“Sandali Daniel!” pagpigil ni Tom sa nakatalikod at nag-iinarteng si Daniel.
Humarap naman si Daniel na suot pa rin ang nakakarimarim na mukhang nagpapaawa.
Lumapit dito si Tom at niyakap ito ng mahigpit. At ang baliw ko namang kapatid ay biglang nagbago ang ekspresyon. Ngumiti ito ng malapad at walang alinlangang niyakap pabalik si Tom. Nakita n’ya ang matalim kong mga tingin sa kanya. Mabuti na lang at nakatalikod sa akin si Tom kaya nagawa kong iangat ang kamao ko at iminuwestra ’yon kay Daniel upang ibigay ang mensaheng ‘humanda-ka-sa-akin-mamaya!’.
Sa halip naman na matakot si Daniel ay nagawa pa nitong ilabas ang kanyang dila at binigyan ako ng nakakasar na ekspresyon ng mukha.
“Salamat Daniel.. Salamat..” wika ni Tom sa kanya.
Pagkabitaw sa kanilang yakapan ay bumalik nanaman ang nakakasuklam na naglulungkot-lungkutang mukha ni Daniel.
“Walang anuman Tom. Alam mo namang kaibigan kita kaya nandito lang ako para pasayahin ka.” ang madrama n’yang wika.
“Kaya nga nagpapasalamat ako sa’yo kasi naging kaibigan kita.” ang nakangiting sagot naman ni Tom.
Bago pa tuluyang maubos ang pasensya ko ay pinutol ko na ang hindi na yata mapuputol na pag-iinarte ng kapatid ko.
“Paano? Ayos na siguro na nayakap ka na ni Tom noh? Pwede na ba tayong kumain? Kasi nagugutom na ang BOYFRIEND ko.” wika ko kay Daniel ng may diin ang salitang boyfriend para inggitin din s’ya. “’Di ba gutom ka na Master? Tara na, gutom na rin ako eh.” pagyaya ko naman kay Tom.
“Mabuti pa nga. Halina kayo at nang makarami ng kain.” nakangiting pagsang-ayon naman ni Tom.
Akmang sasabay pa sana si Daniel sa paglalakad kay Tom nang kunin ko ang kamay ng mahal ko. Hinila ko na si Tom bago pa umepal itong kapatid ko.
“Oy Daniel sumunod ka na rin ha?” wika ni Tom kay Daniel sa aming likuran.
“Sige Tom.” sagot naman ni Daniel na may pekeng ngiti.
Tumalikod na sa kanya si Tom kaya binalikan ko ng tingin si Daniel. Isang mapang-asar na ngiti naman ang binigay ko dito. Kitang-kita ko kung paano ako nito tingnan ng masama. Nakakatawa ang hitsura n’ya sa totoo lang!
Matapos namin kumuha ng aming pagkain ay dinayo namin ang table kung saan naroon ang aking mga kaibigan na sina Shai, Dominic, Rigo at s’yempre si Randy.
Oo, narito si Randy dahil nakapag-ayos na kami. Ako na rin ang unang lumapit dito sa pakiusap na rin ni Rigo. Nami-miss na rin daw kasi nito ang magtrabaho sa restaurant.
Humingi ito ng tawad sa nagawa kay Tom na agad ko namang tinanggap dahil sino ba naman ako para tanggihan ’yon? At isa pa, hindi naman sa akin s’ya nagkaroon ng kasalanan kundi kay Tom. Ang mahalaga ay na-realize n’ya ang naging pagkakamali n’ya. Hindi rin naman mapapalitan ng isang pagkakamali lang ang mga kabutihang nagawa nito sa akin simula ng maging kaibigan ko ito.
“Happy birthday Tom.” ang nahihiyang bati ni Randy.
“Salamat Chef Randy. Nami-miss ka na namin ah? Kelan ka ba ulit papasok?” sagot at tanong din ni Tom sa kanya.
“Ie-enjoy ko muna ang bakasyon ko. Mga ilang days pa siguro.” sagot ni Randy.
“Sinasamahan ko rin s’ya sa bahay n’ya magbakasyon. Baka naiinip eh.” biglang pagsabat ni Rigo.
“Ikaw ba ang tinatanong? Ako ’di ba?” sarkastikong wika naman ni Randy kay Rigo.
Ngumiti na lamang si Rigo at hindi pinansin ang pambabara sa kanya ni Randy. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagpisil ni Rigo sa isang hita ni Randy dahilan para mapaigtad si Randy dahil sa pagkabigla at kiliti. Nakita ko ring kinurot iyon ng pasimple ni Randy kaya nabitawan din ni Rigo ang kanyang hita. May naaamoy na talaga ako sa dalawang ito sa totoo lang. Pero hihintayin ko na lamang na sa kanila mismo iyon manggaling.
“Happy birthday ulit pareng Tom! Ang ganda ng venue ng party mo ah?!” masiglang bati ni Dominic.
“Salamat Dom. Sa totoo lang hindi ko nga talaga naalalang birthday ko ngayon eh.” nahihiyang sagot ni Tom.
“I’m sure na-stress ka sa kakaisip ng problema na binigay sa’yo ng baliw naming kaibigan that’s why you even forgot your special day.” wika naman ni Shai na pinatatamaan ako.
“Oo nga Ma’am Shai eh. Pero salamat din kay Xander dahil naging masayang celebration ito.” sagot naman ni Tom. Ngunit tila may naalala ito kaya nasundan iyon ng pagtatanong. “Teka Ma’am Shai, natapos n’yo po ba ’yung activity natin? Pasensya na po kung hindi ako nakaabot, ang akala ko kasi sa tabi ng dagat ’yon gagawin. Pero pagdating ko doon, wala na akong inabutan.” mapagkumbabang wika ni Tom kay Shai.
“Don’t worry about it honey. Wala naman talagang team building dito. We’re here to celebrate your special day. Si Xander ang may idea ng team building kuno na ’to. Celebration ’to ng birthday mo, and at the same time ay company outing na rin.” nakangiti namang sagot ni Shai.
“Edi ikaw na talaga brad!” panunukso naman ni Rigo sa akin.
“Ganon po ba? Pero salamat din po at nakarating kayong lahat.” wika ni Tom sa mga kaibigan ko.
“’Wag mo kami isipin Tom! Minsan lang din kasi manlibre ’yang si Xander kaya sinasamantala na rin namin! Sa’yo lang yata galante ’yan eh!” panunuya ni Dominic.
“Hoy! Nakalista ’yan kaya ’wag ka mag-assume! Ipapadala ko sa’yo mga nagastos ko sa’yo!” balik ko naman na pang-aasar sa kanya.
“Sige lang! Lista mo sa tubig! Sa mineral water ha? Para sosyal ’pag natanggap ko!” balik na pang-aasar naman n’ya.
Napuno lamang ng tawanan ang aming table. Ilang sandali pa ay nagpaalam si Tom para kamustahin naman ang ibang katrabaho namin na mukhang nag-eenjoy na rin. Huli nitong pinuntahan sina Mama Lita at Julius na kabilang naman sa table nila Daniel at Charm.
Nagpatuloy ang kasiyahan at talaga namang bumaha ng pagkain, alak at kasiyahan ng gabing iyon. Maagang nagpaalam sina Julius at Mama Lita. Hindi rin kasi makakabuti ang pagpupuyat kay Mama Lita dahil sa kanyang kalagayan.
Ilan pang oras ay nababawasan na ang bilang ng mga empleyado ko ang naroon. Ang ilan naming katrabaho ay mukhang hindi na rin kinaya ang mga nainom. May mga nauna nang bumalik sa kani-kanilang room at ang ilan naman ay kung saan na yata abutan ng kalasingan ay doon na rin napagdesisyunang matulog. May nakita pa akong pinagkasya ang sariling matulog sa man-made na bato sa labas ng pavilion. Good luck na lang sa kanya bukas kung hindi s’ya sakitan ng katawan.
Alam kong nakainom na rin si Tom at nakakaramdam na rin ito ng pagod kaya niyaya ko na rin itong magpahinga. Sina Shai at Dominic na lamang ang naroon kasama sina Dee, Charm, Ben at Daniel na mukhang mga hindi tinablan ng alak. Sila na lamang din daw ang bahalang maghintay pa sa mga natitirang empleyado na nagpapakalunod pa rin sa alak.
Naglalakad na kami ni Tom paalis sa lugar na iyon na magkahawak ang kamay nang bigla itong magtanong.
“Saan ka nga pala matutulog Master?” tanong nito sa akin.
“Edi sa room natin.” maikli kong sagot.
“Ha? Anong natin? Eh may kwarto na ako eh, andun na rin ’yung mga gamit ko.” pagtataka n’ya.
“Kaya nga, kwarto natin ’yon!” sagot ko sa kanya.
“Eh may kasama na ako doon Master. Hindi tayo magkakasya sa iisang kama na nandoon.” pakikipagtalo n’ya pa.
“Alam ko. At ako lang naman ang misteryosong makakasama mo doon. Hindi mo pa rin kilala hanggang ngayon kung sinong kasama mo doon tama ba ako?” tanong ko sa kanya ng nakangisi.
Saglit itong natahimik na s’ya namang ikinatawa ko. Alam kong nagulat ko ito sa aking sinabi kaya inakbayan ko ito at binigyan ng halik sa pisngi. Naramdaman ko na lamang na ipinulupot n’ya ang kanyang mga kamay sa aking bewang habang patuloy pa rin kaming naglalakad patungo sa aming kwarto.
“Sobrang saya ko ngayon Master. Salamat ng marami ha? Ito na yata ang best birthday ko. At nangyari ’yon dahil sa’yo. Sobrang salamat talaga.” wika nito.
Huminto muna ako sa paglalakad dahilan para mapahinto rin s’ya. Hinarap ko s’ya at binigyan ng isang ngiti.
“Sabi ko sa’yo wala akong gustong gawin kundi ang pasayahin ka ’di ba? Kahit hindi mo na ako pasalamatan basta nakikita kong masaya ka sa nagagawa ko ay sapat na. Mahal na mahal kita kaya kahit imposible, susubukan kong maging posible mapasaya lang kita.” madamdaming kong wika sa kanya.
Ngumiti naman s’ya at nakita ko nanaman ang nagliliwanag n’yang mukha. Nasilayan ko nanamang muli ang nakakabighani n’yang mga ngiti.
“Hindi yata sapat ang paulit-ulit na pasasalamat ko sa’yo Master. Hindi ko alam kung paano ko matutumbasan ang lahat ng ginagawa mo para sa akin. Mahal na mahal din kita higit sa alam mo kaya ’yun lang ang tangi kong maibibigay sa’yo. Salamat sa lahat Master.” wika n’yang nakangiti.
Hinawakan ko s’ya sa kanyang dalawang pisngi at binigyan s’ya ng halik. Tumugon din s’ya at doon namin ipinaramdam sa bawat isa ang mga salitang hindi na namin nasabi pa. Matapos namin ang masuyong paghalik ay nagbitaw kami at tinapos ko iyon sa paghalik din sa kanyang noo.
“Tara na. Doon na lang natin ituloy ang lambingan sa kwarto natin.” wika ko sa kanya at inakbayan ulit s’ya.
Natawa na lamang s’ya sa aking sinabi at ibinalik sa aking bewang ang kanyang mga kamay.
Bago pa kami makarating sa aming kwarto ay nagulat pa kami dahil nakita kong nasa labas ng room namin ang tila naghihintay na si Randy. Nasa katabing kwarto lang din kasi ng amin ang sa kanila ni Rigo. Sina Dominic naman at Shai ay kumuha rin ng kani-kanilang kwarto.
“Oh Chef Randy, akala ko nagpapahinga ka na?” tanong dito ni Tom.
Ngumiti si Randy bago nagsalita.
“Hinihintay kasi kita Tom. Pwede ka bang makausap? ’Yung ikaw lang?” pakiusap ni Randy at tumingin sa akin. Wari’y sinasabing iwan ko muna sila. Nakuha ko naman ang gusto n’yang ipahiwatig kaya nauna na akong magpaalam kay Tom.
“Mauna na ako sa loob ha? Maliligo muna ako, sunod ka na lang ’pag tapos na kayo mag-usap.” wika ko kay Tom na mukhang nagtataka.
Hindi nito nagawang sumagot at tumango na lamang sa akin. Hinalikan ko na lamang s’ya sa noo at agad rin akong pumasok sa aming kwarto.
TOM POV
Hindi ko alam kung bakit ako gustong makausap ni Chef Randy ngunit nakikita kong seryoso ang aming pag-uusapan. Pumasok na si Xander sa aming kwarto at naiwan kaming dalawa ni Chef Randy sa labas.
Huminga muna s’ya ng malalim bago sinimulang magsalita.
“Kamusta ka Tom?” tanong n’ya sa akin.
“Okay lang naman Chef. Kayo po?” tanong ko pabalik.
“Getting better.” maikli n’yang sagot.
Hindi ko naman alam ang susunod kong sasabihin dahil hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nagkausap kami nito. Masyadong tahimik si Chef Randy nang mga panahong nakakasama ko pa s’ya sa restaurant.
Muli n’yang binasag ang aming sandaling katahimikan.
“Gusto ko lang sana humingi ng tawad sa’yo Tom. I’m sorry for being selfish and inconsiderate.” buong pusong pagpapakumbaba ni Chef Randy. Nakayuko ito at tila ba hiyang-hiya sa sarili.
“Huh? Ano pong ibig sabihin n’yo Chef? Hindi ko po kayo maintindihan. Wala po akong maalala na naging kasalanan n’yo sa akin.” pagtataka ko naman sa mga sinabi n’ya.
Muli itong bumuntong hininga. Tila ba bumebwelo sa mga susunod pang sasabihin. Nanatili pa rin s’yang nakayuko habang nagsasalita.
“A-ako ang may kagagawan kung bakit ka naospital dalawang buwan na ang nakakalipas.. A-ako ang sanhi kung b-bakit nailagay sa alanganin ang buhay mo.. Dahil sa pagiging makasarili ko, h-hindi ko na inisip na halos muntik na akong makapatay ng walang kasalanan.. P-patawarin mo ako Tom.. Patawarin mo ako..” mahaba n’yang paliwanag at hindi na rin napigilang mapaiyak.
Natulala naman ako sa naging rebelasyon nito. Nanahimik ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil sa pagkabigla. Hinayaan ko lamang s’yang ipagpatuloy ang kanyang mga sasabihin.
“Hindi ako umaasa na mapatawad mo ako sa bigat ng kasalanan ko. Pero sana hayaan mong makabawi ako. Saktan mo ako Tom. Gawin mo ang lahat para ilabas mo ang galit mo sa akin. Hindi kita pipigilan dahil pinagsisisihan ko ang nagawa ko sa’yo.” dagdag pa n’ya.
Nakikita ko ang labis nitong pagsisisi sa nagawa n’ya. Ramdam kong binabagabag s’ya ng kanyang konsensya sa mga oras na ito. Dalawang buwan na ang nkakalipas at alam kong ganon katagal na rin n’yang dinadala ang guilt na nagawa n’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“Hindi ko sasabihing ayos lang ang ginawa mo Chef. Pero sapat na sa akin na nagsisisi ka. Alam kong may mabigat kang dahilan kung bakit mo nagawa ’yon.” wika ko sa kanya. “Si Xander ba?” dugtong kong tanong.
Napaangat ang kanyang ulo mula sa pagkakayuko.
“P-paano mo nalaman? S-sinabi n’ya ba sa’yo?” tanong n’ya pabalik.
Natawa naman ako sa naging reaksyon n’ya.
“Ramdam ko naman ’yon sa totoo lang Chef. Alam kong may espesyal kang nararamdaman para sa kanya. Pasensya ka na rin kung nasaktan kita ng hindi ko sinasadya. Minahal ko rin naman kasi s’ya tulad mo, kaya alam ko ang bigat ng nararamdaman mo kung sakaling hindi n’ya nasuklian ang pagmamahal mo.” paghingi ko ng paunmanhin sa kanya.
“Hindi mo naman kasalanan ’yon. Siguro hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya n’yang ibigay sa akin. Okay na rin ’yon kesa naman balewalain n’ya ako.” nakangiti n’ya namang sagot habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
Nginitian ko naman s’ya at masasabi kong wala nang mamamagitang ilangan sa amin mula ngayon.
“So siguro naman Chef, okay na tayo? Pwede pa naman tayo magsimula ulit ’di ba?” tanong ko sa kanya.
Natawa naman s’ya sa sinabi ko at hindi ko alam kung para saan ’yon.
“Ngayon alam ko na kung anong nagustuhan sa’yo ni Xander. You’re one of a kind Tom. At masaya ako na kagaya mo ang makakasama ni Xander. So…. friends?” wika n’ya at inilahad ang kanang kamay n’ya sa akin.
Hindi naman ako nag-atubiling tanggapin iyon.
“Friends!” sagot kong nakangiti.
“So, anong binigay na regalo sa’yo ng mokong kong kaibigan ngayong birthday mo?” wika n’ya matapos bumitaw sa aking kamay.
“Wala naman na akong mahihiling pa. Sobra-sobra pa nga ang naibigay n’ya sa akin eh. Kahit wala na ang rega-regalo na ’yan. Masaya na ako na kasama ko lahat ng importanteng tao sa buhay ko.” sagot ko namang nakangiti.
“Mmmmm…. Bakit hindi na lang ikaw ang magregalo sa kanya? I mean, kapalit naman ng effort ng kaibigan ko. ’Yung….. alam mo na?” mapanukso nitong wika na tila may iniisip na kakaiba.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya.
Saglit itong tumingin sa akin ng may pagtataka.
“Don’t tell me hindi n’yo pa nagagawa yung bagay na ’yon?! My goodness! Nagtatabi na kayo sa pagtulog pero hindi n’yo pa nagagawa yung bagay na ’yon?!” may kalakasan n’yang pagtatanong.
“Ano ba kasing bagay ’yon?” taka ko pa ring tanong.
“Hay ano ba naman ’yan Tom! Mabait ka lang talaga pero slow ka rin pala!” ang tila naiinis n’yang sagot.
“Eh hindi naman kita maintindihan Chef eh! Ano ba kasi yun?!” ang naiinis ko ring tanong pabalik.
Huminga muna ito ng malalim bago nagsimulang magpaliwanag.
“Tom, since birthday mo naman… Why don’t you make it more special? I mean, why don’t you do this thing na ngayon pa lang mangyayari? Para naman masulit ang mga naging effort sa’yo ng kaibigan ko. That thing will surely make your relationship become more stronger and…….” ang pambibitin n’ya pa sa huli n’yang sinabi.
“And???” tanong ko sa kanya.
“Intense!” huli n’yang sagot.
Hindi ko makuha ang ibig n’yang sabihin kaya binigyan ko lang s’ya ng nagtatanong na ekpresyon. Tumawa naman ito sa naging reaksyon ko bago nagsalita ulit.
“Hingi ka ng gift kay Xander.” wika n’ya sa akin.
“Ano naman hihingiin ko pa sa kanya? Eh sobra-sobra na nga ang nagawa n’ya sa akin Chef.” wika ko naman pabalik.
Lumapit naman ito sa akin at bumulong.
“Let’s just say…. Birthday sex.” maikli n’yang sagot.
Literal akong napanganga dahil sa pagkagulat. Uminit ang mukha ko at alam kong pulang-pula na ako ngayon.
“Hindi mo ba mahal ang kaibigan ko?” tanong nito pagkalayo sa tenga ko.
“S-s’yempre, m-mahal na mahal ko si Xander.” utal na sagot ko naman sa kanya.
“At alam kong mahal ka din n’ya Tom. Wala naman sigurong masama kung gagawin n’yo ’yon. Just think of it na magle-level up lang ang relasyon n’yo.” paliwanag n’ya.
Hindi naman ako nakapagsalita pa dahil biglang nagulo ang sistema ko. Nanatili akong tulala.
“O paano Tom? Papasok na ako sa kwarto namin. Pag-isipan mo sinabi ko sa’yo.” pagpapaalam ni Chef Randy at tinapik-tapik pa ako sa balikat.
Tumango-tango na lamang ako dito at tuluyan na rin s’yang pumasok sa katabi naming kwarto.
Mabigat ang mga paa kong pumasok sa aming kwarto ni Xander. Tulala pa rin ako dahil inisip ko ang mga sinabi ni Chef Randy sa akin.
Pagkarating ko ng kwarto ay nakita kong nakatapis lamang ng twalya si Xander sa ibabang bahagi ng kanyang katawan at katatapos lang maligo. Nakatalikod ito sa akin habang abala s’ya sa pagkuha ng kanyang maisusuot na damit pangtulog. Muling nagbalik sa akin ang mga sinabi sa akin ni Chef Randy kanina.
“Birthday sex..”
“Birthday sex..”
“Birthday sex..”
ang paulit-ulit na salitang naririnig ko sa aking isip.
Kitang-kita ko ang magandang hubog ng katawan ni Xander. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakita ko ito sa ganitong ayos, pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napalunok ako at ramdam kong nag-iinit ang pakiramdam ko.
Bigla itong humarap sa akin at tila ba naging mabagal ang paggalaw n’ya ng mga oras na iyon. Lalo kong nakita ang magandang hubog ng kanyang katawan ngayong nakaharap na s’ya sa akin. Hindi ko maiwasang tingnan s’ya mulo ulo hanggang paa. Tila ba natuyuan ako ng laway dahil nakatingin s’ya ng diretso sa akin at nakikita ko ang gwapo nitong mukha.
“Master?”
Sa bawat titig n’ya ay tila ba nagkaroon ng musika ang buong paligid.
“Master?”
Tanging ang half-naked na Xander lamang ang nakikita ko ng mga oras na iyon.
“Tom! Ano ba nangyayari sa’yo? Kanina ka pa tulala d’yan?! Ayos ka lang ba?” tawag sa akin ni Xander.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin at ngayon ay nasa harapan ko na.
“Uy! May problema ba Master?” alala n’yang tanong at hinawakan ako sa magkabilang braso.
Parang may kuryenteng bumalot sa buo kong katawan nang hawakan n’ya ako sa aking mga braso kaya inilagay ko ang mga tingin ko sa pagkakahawak n’ya sa akin. At dahil nasa harapan ko s’ya ay hindi ko naiwasang tingnan ulit ang buo n’yang katawan. Hindi naging normal ang pagtibok ng puso ko sa pangyayaring iyon. Parang lalabas ang puso ko ng mga sandaling ito.
Tiningnan ko s’ya sa mga mata n’yang puno ng pag-aalala.
“M-maliligo… n-na rin… a-ako..” utal kong sambit.
“May hindi ba magandang nangyari sa pag-uusap n’yo ni Randy? Tell me.” tanong n’yang muli sa akin.
“W-wala naman… m-mainit kasi…” ang utal ko pa ring sagot at malayo sa kanyang tanong.
“Ha?!” ang naguguluhan n’yang tanong.
Alam kong naguguluhan s’ya sa kinikilos ko. Pero hindi ko talaga magawang maging normal dahil sa kakaibang pakiramdam ko.
Sa sobrang kaba ko ay dali-dali akong nagtungo sa cabinet para kunin ng mga kakailanganin ko sa pagligo. Hindi ko na muli s’yang nilingon at agad na akong pumasok sa banyo. Napasandal ako sa likod ng pinto nito. Iniwan ko s’yang tulala at hindi umaalis sa kanyang pwesto. Mabilis ang mga naging paghinga ko at pilit na kinakalma ang sarili. Tulala at malalim ang iniisip.
Ilang saglit pa ako sa ganoong posisyon at naisipan ko nang maligo. Marahil ay kailangan ko rin ito para mahimasmasan ako.
Natapos akong maligo at sinimulan na ring mag-toothbrush. Habang nakaharap sa salamin ay pinag-isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Chef Randy.
“Eto na ba ang tamang oras para gawin namin ’yon?” tanong ko sa aking sarili habang nagsisipilyo at nakatingin sa salamin.
Sa dalawang buwang relasyon namin ni Xander ay ramdam ko ang buong pagmamahal nito. Kahit na hindi normal sa paningin ng ibang tao ang ganitong uri ng relasyon ay hindi n’ya kahit minsan ipinaramdam na naiiba kami sa kanila. Tanging pag-aalaga at purong pagmamahal ang ibinibigay nito sa akin. Walang alinlangan n’ya akong ipinagmamalaki sa kahit na sino man. Kaya nga sa bawat araw na dumadaan ay mas lalo ko itong minamahal.
Matapos ang mahaba ko pang pag-iisip ay nabuo ang aking desisyon. Matapos kong gawin ang mga bagay sa pagligo ay nag-ayos na rin ako. Nagbihis at syempre nagpabango.
Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko s’yang nakasandal sa headboard ng aming kama. May mga tinitingnan s’ya sa kanyang cellphone, marahil ay mga pictures ’yon na kinuhanan n’ya kanina. Agad din s’yang napatingin sa akin at itinigil ang kanyang ginagawa. Naka-boxer shorts lamang s’ya at walang pang-itaas na damit. Hindi ko nanaman mapigilang mapahanga sa magandang hubog ng kanyang katawan. Ako naman ay nanatiling nakatayo lamang sa tapat ng pintuan ng banyo.
Nang mapansin n’yang wala akong balak gumalaw sa aking pwesto ay s’ya na mismo ang tumayo at lumapit sa akin. Tinitingnan ko ang bawat pagkilos n’ya papalapit kaya ang kabog ng aking dibdib ay lalong naging doble.
“Is there something wrong Tom? Kanina ka pa tahimik.” alalang tanong nito habang nakatitig sa aking mga mata.
Ilang pulgada lang din ang layo ng kanyang mukha sa akin. Marahil ay gusto n’yang mabasa ang nasa kalooban ko sa pamamagitan ng pagtitig sa aking mga mata.
Napalunok ako dahil sa ginagawa n’yang pagtitig sa akin.
“X-xander….” ang mahinang pagtawag ko sa pangalan n’ya.
“Hhmmm?” malambing n’yang tanong.
“I… I… I….” ang hindi ko maituloy na sasabihin.
“You what Tom?” tanong n’yang hindi napuputol ang aming titigan.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinabing….
“I… I want to… d-do it..” ang nauutal kong wika.
Saglit itong natulala at hindi nakapagsalita. Tila ba matagal nagrehistro sa kanyang utak ang aking sinabi.
“W-what do you mean?” s’ya naman ngayon ang nautal. Tila ba gusto n’yang masigurado kung iyon nga ba ang gusto kong mangyari.
“Xander… make love to me…” ang lakas loob kong wika sa kanya.
Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Tinitigan n’ya ako ng may katagalan. Tila ba naninigurado kung handa na ba akong gawin ang bagay na iyon. Tinapatan ko rin naman ng buong tapang ang kanyang mga titig. Gusto kong iparating na handa na akong gawin ang bagay na ’yon at seryoso ako sa gusto kong mangyari.
Dahil sa hindi pa rin s’ya gumagalaw at hindi pa rin n’ya pinuputol ang kanyang pagtitig sa akin ay ako na ang kusang gumalaw.
Unti-unti akong lumapit sa kanya at hinawakan s’ya sa magkabilang bewang. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at unti-unti kong pinaliit ang distansya sa pagitan naming dalawa.
At naglapat na nga ang aming mga labi.
Binigay ko ang pinakamatamis kong halik sa kanya na masuyo rin n’yang tinugunan. Naging mainit ang aming mga halik hanggang sa naramdaman kong niyakap n’ya ako sa aking bewang at likod. Napapikit ako sa sensasyong nararamdaman ko. Dama ko ang kanyang pagmamahal sa bawat pagtugon sa mga halik ko.
Ilang saglit pa ay naramdaman kong kumilos s’ya at naglakad ng hindi pinuputol ang aming halikan. Nagpadala na lamang ako sa kanya at paatras akong sumusunod sa bawat paghakbang n’ya dahil nanatili kaming magkayakap at patuloy sa paghalik.
Sunod ko na lamang na naramdaman ang pag-alalay n’ya sa akin sa paghiga. Narating na pala namin ang aming kama. Nakahiga ako habang s’ya naman ay nasa ibabaw ko.
Ilang saglit pa ay bumitaw s’ya at tiningnan ako sa mga mata. Mabilis ang aming paghinga at para kaming naubusan ng hangin dahil sa nangyari.
“Tom, are you sure about this? Kung hindi ka pa handa, makakapaghintay naman ako.” wika nito sa akin na may pag-aalala.
Ngumiti muna ako ng matamis sa kanya at hinawakan s’ya sa mukha.
“Masyado na kitang mahal para paghintayin pa kita ng matagal. Masyado na kitang mahal at sapat na ’yon para ipagkatiwala ang buong ako. At higit as lahat, masyado na kitang mahal kaya lahat ng magpapaligaya sa’yo ay ibibigay ko.” madamdamin at nakangiti kong wika sa kanya.
Ngumiti s’ya ng ubod ng tamis sa aking inilahad. Hinalikan n’ya ako ng buong pagmamahal mula sa labi papunta sa aking pisngi. Inilapit n’ya ang kanyang bibig sa aking tenga at mapang-akit na nagsalita.
“Kung ganon, samahan mo ako sa lugar na hindi pa natin napupuntahan ng sabay.” ang nakakaakit n’yang tinig.
Kakaibang kilabot ang naramdaman ko ng sinabi n’ya ang mga salitang ’yon. Kakaibang kiliti rin ang naging hatid sa akin nang dilaan n’ya ang aking tenga.
Doon na nga nagsimula ang mahabang gabi para sa aming dalawa ni Xander.
(a/n: Ooopppss!! Cut muna tayo dito!!
Ang susunod na eksena ay ang BS na hindi ko ilalahad sa chapter na ito.
Kung gusto n’yong mabasa ang BS nina Xander at Tom,
pumunta po kayo sa profile ko at pakibasa ang BIO ko or ’yung ABOUT sa akin. Naroon po ang steps para mabasa n’yo iyon.
Salamat!! :))
––cold_deee
chapter 24 - macadamia brittle
A/N
Eto po ’yung eksena matapos ang love making o BS nila Tom at Xander na sinadya kong hindi ilagay dito. May mga readers din po kasi na mas prefer na hindi mabasa ang maseselan na eksena.
Para po sa mga gustong mabasa iyon, kailangan n’yo po muna akong i-follow at makikita n’yo na po sa works ko ang ’
RESTRICTED CHAPTER
’ doon. Salamat. :))
This chapter is dedicated to
RonnieMendenilla
.. Eto na ’yon inaanak! Hahaha!
––> si Tom po sa media.
XANDER POV
Habang pinagmamasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Tom ay hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko lubos akalaing naganap kagabi ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Ipinagkatiwala sa akin ni Tom ang kanyang sarili at buong puso n’yang ipinaramdam sa akin ang kanyang pagmamahal.
Narito kami sa aming kama sa kwartong nakalaan sa amin dito pa rin sa isang resort sa Batangas. Kitang-kita ko ang pagod kay Tom sa kanyang pagtulog. Sino ba namang hindi mapapagod kung ilang beses namin ’yon ginawa?
Tanging mahihinang paghilik ang naririnig ko sa kanya ngayong umaga. Nauna akong gumising sa kanya kaya sinasamantala ko ngayon na titigan ang maamong mukha ng mahal ko. Ang sarap kagatin sa pisngi ni Tom habang patuloy ko s’yang pinagmamasdan.
At dahil nga sa hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko ay hinalikan ko ang nahihimbing kong mahal sa kanyang labi. Marahil ay naramdaman n’ya iyon kaya unti-unti n’yang naidilat ang kanyang mga mata.
“Good morning..” malambing kong wika sa kanya.
Muli kong nasilayan ang ngiting nagpabihag sa aking puso. Ang ngiting gusto kong masilayan bawat araw at ang ngiting hinding-hindi ko pagsasawaan.
“Good morning….” nakangiting sagot ni Tom.
Muli n’yang ipinikit ang kanyang mga mata ngunit nanatili pa rin s’yang nakangiti. Gahd! Para s’yang anghel sa ayos n’yang iyon.
“Gising na Master.. Umaga na oh..” masuyo kong paggising dito at hinawakan s’ya sa mukha.
Sa halip na sumagot ay yumakap ito sa akin at pilit na isiniksik ang kanyang mukha sa aking kili-kili. Mabuti na lamang at wala akong kiliti doon. S’yempre, ginantihan ko rin iyon ng yakap.
“Mamaya na… Inaantok pa ako Master…” malambing n’yang wika.
Hindi ko mapigilang matawa sa kanyang sinabi. Pagod nga talaga ang mahal ko at kulang pa naman talaga kami sa tulog kung tutuusin.
“Kung pwede nga lang na dito na lang tayo maghapon sa kwarto Master, walang problema sa akin. Mas gusto ko nga ’yon eh. Kaso nagtext na sina Mama Lita na nag-aalmusal na sila.” pagkumbinsi ko naman sa kanya.
Sa totoo lang ay ang text ni Mama Lita ang nagpagising sa akin kanina. Sinabihan ko na lamang s’ya na natutulog pa ang anak n’ya kaya maya-maya na lang kami susunod sa kanila. Wala naman sa kanyang problema at sinabihan pa akong hayaan na lamang magpahinga si Tom. Pero ayaw ko rin naman na maghintay sila Mama ng matagal sa amin.
“Oo nga pala… Sige, 5 minutes na lang… Inaantok pa kasi talaga ako…” malambing n’ya pang pakiusap.
Muli nanaman akong natawa dahil ang cute n’ya talaga ngayon sa ginagawa at sinasabi n’ya.
“Ikaw naman kasi, ang wild mo kagabi.” bulong ko sa kanya.
Hindi s’ya sumagot sa sinabi ko ngunit naramdaman ko na lamang ang hapdi ng kanyang kurot sa aking bewang.
“Aray!!!” daing ko sa kanya.
Hindi pa rin s’ya sumagot ngunit nang tingnan ko ang kanyang pisngi na hindi n’ya nagawang itago ay pulang-pula ito. Marahil ay nahihiya pa rin ito sa nangyari sa amin kagabi.
Natawa akong muli at hindi na ininda pa ang mahapdi kong tagiliran dahil sa kanyang kurot. Ngunit matapos ang ilang minuto ay nagkusa na rin itong umalis mula sa aming pagkakayakap.
“Halika na Master. ’Wag natin paghintayin sila Mama ng matagal. Mamaya aalis na din sila ’di ba?” tanong n’ya sa akin.
Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi.
Napag-usapan kasi namin ito kagabi. Isang gabi lang talaga ang plano nila Mama Lita na mag-stay sa resort na ito dahil may inaasikaso raw si Julius sa kanyang dating eskwelahan. Katatapos lang kasi nito mag-graduate sa highschool bilang valedictorian at hinahabol n’yang makapasok sa isang university para maging full time scholar bilang college student.
Nang makatapos nga ito sa highschool ay kasama kami ni Tom na um-attend sa kanyang graduation. Pati ako ay naging proud sa bayaw kong iyon kaya naisipan kong regaluhan ito ng cellphone. Noong una ay nakipagtalo pa sa akin si Tom pero nang ipaliwanag kong regalo ko naman ito para sa kapatid n’ya ay nakumbinsi ko rin ito. Ipinaliwanag ko rin na kakailanganin n’ya iyon sa pagtungtong n’ya ng college.
“Master?” pagtawag ni Tom sa akin.
Nakatayo na kasi ako mula sa kama kaya nilingon ko s’ya. Nakita kong hindi pa rin ito tumatayo mula sa pagkakahiga kaya natawa ako sa ayos n’ya.
“Yep Master?” nakangiti kong pagtugon sa kanya.
“Uummm… ikaw na muna maunang maligo. Nanamnamin ko lang ang paghiga, inaantok pa talaga ako eh.” inaantok pa ring wika ni Tom.
Agad ko naman itong nilapitan at hinalikan sa noo.
“Sige, pero pagbalik ko dapat nakatayo ka na d’yan ha?” pagsuko ko sa kanya.
Ngumiti na lamang s’ya bilang pagtugon sa aking sinabi. Ang cute talaga ni Tom kaya hindi ko mapigilang halikan itong muli sa kanyang labi.
Matapos n’yon ay tinungo ko na agad ang banyo para simulan nang maligo. Habang naliligo ako ay naalala ko nanaman ang nangyari sa amin dito ni Tom kaya napangiti nanaman ako. Haayy! Sana lagi na lang kaming ganito, sana walang magbago. Dahil napakasarap talaga sa pakiramdam ang makasama lang lagi ang minamahal mo.
Halos kalahating oras din akong naligo at naghanda. Paglabas ko mula sa banyong iyon ay naabutan ko si Tom na nakahiga pa rin sa aming kama at mukhang bumalik muli sa kanyang pagkakatulog. Wala talaga s’yang mintis sa pagpapangiti sa akin. Kahit sa mga simpleng bagay n’yang ginagawa ay napapasaya n’ya ako.
Nilapitan ko s’yang muli at pinaliguan ng halik ang kanyang buong mukha. Sa ganoong paraan ay alam kong magigising na ito.
“Master naman eh! Halik ka ng halik eh kakaligo mo lang! Hindi pa ako naliligo oh!” maktol n’ya. Umupo s’ya sa kama at tuluyan na nga itong nagising.
“Hahahaha!! Okay lang ’yon! Mabango pa rin ang Master ko kahit bagong gising!” masaya kong wika sa kanya.
Sinimangutan lang n’ya ako kaya lalo akong natawa.
“Effective pala ang ganung panggising sa’yo Master! Ganon nga gagawin ko sa’yo lagi.” pilyong wika ko at tinaas-baba pa ang aking mga kilay.
“Ewan ko sa’yo!” sagot n’ya lamang sa akin. Nanatili naman akong natatawa sa kanya.
Tatayo na sana s’ya nang bigla itong mapaupong muli sa kama.
“A-aray!!” ang daing n’ya.
Nataranta naman ako kaya agad ko itong nilapitan.
“Bakit?! Anong nangyari?!” alala kong tanong.
“A-ang sakit ng likod ko….” muli n’yang pagdaing at hawak ang kanyang likod.
Eto na nga ang kapalit ng sarap na nilasap namin kagabi. Alam kong mangyayari ito sa kanya kaya hindi ko maiwasang mag-alala.
“S-sorry Tom…” mapagkumbaba kong sambit sa kanya.
Tumingin ito sa akin at unti-unting ngumiti.
“Ayos lang ako Master, ’wag kang mag-alala. Masaya ako sa nangyari at wala akong pinagsisisihan doon.” nakangiti n’yang wika sa akin.
Dahil sa sinabi n’ya ay hindi ko naiwasang mayakap s’ya.
“Thank you.. thank you…” wika ko at paulit-ulit s’yang hinalikan sa kanyang malambot na pisngi.
Natatawa s’ya sa ginagawa ko sa kanya. Wala eh! Nanggigigil talaga ako sa mahal ko.
“Ang sakit lang talaga Master, kung bakit kasi ang laki n’yan eh!” natatawa n’yang sambit.
“Ganon talaga! Sabi ko nga sa’yo, gifted eh!” pagmamalaki ko na tinawanan lang n’ya.
“O s’ya, maliligo na ako. Konting antay lang kasi mabagal akong kumilos ngayon.” wika n’ya at dahan-dahang tumayo.
Nakita ko kung gaano s’ya nahihirapang maglakad kaya tinulungan ko na lamang s’yang kunin ang iba n’ya pang kailangan para sa pagligo. Nag-offer din ako sa kanya na tutulungan s’ya sa pagligo pero pinagsarahan lang n’ya ako ng pinto ng banyo. Baka raw may mangyari nanaman ’pag hindi ko napigilan. Kaya wala akong choice kundi hintayin na lamang s’yang matapos.
Matapos n’yang maligo ay hindi na s’ya tumanggi na tulungan ko s’yang mag-ayos. Nakuha pa naming magharutan ng mga oras na iyon. Hindi ko alam pero ang sarap pala sa pakiramdam noong ako ang nagsusuklay ng kanyang basang buhok. Nagkaroon nanaman kasi ako ng pagkakataon na titigan ang gwapo n’yang mukha. At s’yempre, nakanakaw nanaman ako ng halik sa kanya dahil hindi ko nga mapigilan. Hehe!
Narito kami ngayon at naglalakad patungo sa dining hall ng resort na iyon. Magkahawak kami ng kamay at sinasabayan s’ya sa kanyang mabagal na paglalakad. Pagkarating namin sa lugar ay nakita namin ang aming mga katrabaho at kaibigan ganoon din sila Mama at Julius.
“Bessy!” ang sigaw ni Charm habang kumakaway.
“Good morning Tom! Good morning Kuya!” bati naman ni Daniel sa amin.
“Good morning din bessy at sa’yo rin Daniel.” pagbati ni Tom pabalik.
Ako naman ay ngumiti lang sa kanila.
Siguro ay napansin ni Charm ang hirap ni Tom sa paglalakad kaya nagrehistro ang pagtataka sa kanyang mukha.
Nasa iisang mesa sina Charm, Daniel, Mama Lita at Julius kaya nilapitan ni Tom si Mama Lita para bigyan ng halik sa pisngi.
“Good morning anak!” bati ni Mama Lita.
“Good morning Kuya!” bati naman ni Julius.
“Good morning din sa inyo. Kamusta ang tulog n’yo?” nakangiting pagbati ni Tom sa kanila.
“Ayos naman Kuya.” sagot ni Julius at si Mama Lita naman ay tumango-tango bilang pagsang-ayon.
“Bessy, ayos ka lang ba?” tanong ni Charm. Eto na nga ang sinasabi ko, masyadong taklesa ang babaeng ’to kaya hindi ko maiwasang kabahan.
“Ayos lang naman, bakit mo naman natanong?” pagtataka ni Tom. At eto pa ang isang ’to, may pagka-slow talaga ang mahal ko.
“Eh bakit parang hirap na hirap kang maglakad?” sunod na tanong ni Charm.
Hindi agad nakasagot si Tom at nakita kong namumula na ang mukha nito kaya agad na akong sumabat.
“Nadulas kasi ’yan sa banyo kagabi kaya ganyan.” kaswal kong sagot.
“Okay ka lang ba anak? Baka kailangan mong patingnan ’yan sa doktor? Hindi ka ba tinamaan sa ulo?” ang biglang pag-aalala ni Mama Lita.
“A-ayos lang naman ako Mama. M-masakit lang talaga ang likod ko pero wala naman na bukod doon.” ang utal na pagsagot ni Tom.
Tumango-tango lang naman sila at mukhang kumbinsido naman silang lahat maliban kay Daniel na matalim ang mga tinging ipinupukol sa akin. Mukhang may ideya na s’ya sa nangyari.
“Bessy, doon na lang ulit kayo sumabay kila Chef Randy mag-breakfast. Tapos na din kasi kami eh, sila magsisimula pa lang naman. Excited na din kasi kami nila Tita at Julius mag-swimming. Kailangan sulitin na namin ang paglangoy kasi mamayang hapon aalis na din kami.” ang mahabang wika ni Charm.
“Ganon ba? Sige, after namin susunod na din kami mag-swimming.” nakangiting sagot naman ni Tom.
Hinatid ko muna si Tom sa table kung saan nakaupo rin sina Randy at Rigo. Sinabihan ko na rin si Tom na ako na lamang ang kukuha ng pagkain naming dalawa.
“Nasaan si Dom?” tanong ko sa kanila pagkalapit namin ni Tom sa kanilang table.
“Good morning din Xandz!” sarkastikong bati ni Rigo.
“H’wag mong simulan ang araw ko Rigo. Masyado akong masaya kaya ayaw kong masira iyon.” balik ko ulit sa kanya.
“Good morning sa inyo.” bati ni Tom sa kanila.
“Good morning din Tom.” nakangiting bati rin nila.
Hindi ko na lamang sila inintindi dahil ayaw ko talagang masira ang araw ko kahit kulang pa ako sa tulog. Pinaghila ko na lamang si Tom ng kanyang mauupuan. Nakita ko kung paano nahihirapan sa pag-upo si Tom kaya nakaalalay lang din ako sa kanya.
“Anyare sa’yo Tom? Bakit para kang buntis na malapit nang mag-labor? Para ka rin zombie kung kumilos.” komento ni Rigo kay Tom.
Nakita ko nanaman ang pamumula ng mukha ng mahal ko. Ngumisi si Randy sa kanyang tabi bago nagsalita.
“Baka minulto ’yan kagabi at hindi nakatulog ng maayos. Naaalala mo pa ba Rigo ’yung naririnig natin kagabi na mga ungol? Galing ’yun sa kabilang kwarto na nagkataon namang kwarto nila.” mapang-asar na lahad ni Randy.
“Ahhh…. Oo nga, naalala ko nga ’yun Randz! Grabe! Muntik na rin akong hindi makatulog kagabi sa mga ungol ng multong ’yun! Narinig mo rin pala ’yun?!” pagpatol naman ni Rigo kay Randy.
Matapos sabihin ’yon ni Rigo ay nagtawanan pa silang dalawa. Nilingon ko si Tom at nakita ko ang malilikot nitong mga mata at hindi mapakali. Pulang-pula na ito ngayon. Alam kong kami ang pinatatamaan ng mga ito kaya agad naman akong sumaklolo para sa mahal ko.
“Tsk! Naririnig n’yo rin pala ’yon mga brad?! Grabe! Naalala n’yo ba kahapon nung sabay tayong dumating dito sa resort?” pagputol ko sa tawanan nilang dalawa.
“Oh? Anong meron pagdating natin kahapon dito?” tanong ni Rigo sa akin.
Hinanda ko na ang sarili ko para ilahad sa kanila ang aking magandang kwento. Tumikhim pa ako para makatotohanan.
“Ehem! Ganito kasi ’yon. Sabay tayong dumating sa mga room natin ’di ba?” tanong ko sa kanila.
Tumango-tango naman sila sa akin bilang sagot kaya nagpatuloy ako.
“Eto kasi ang nangyari. Tumambay muna ako sa terrace sa kwarto namin noong pumasok na tayo sa kanya-kanyang room. Maya-maya nakarinig ako ng isang kalabog! S’yempre mga brad, natakot ako! Kaya dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Tahimik naman ang buong kwarto kaya nagtaka ako kung saan nanggaling ’yung kalabog na ’yon! Nagulat ako ulit nung makarinig ako ng isa pang kalabog! Narinig kong nanggaling ’yon sa kwarto n’yo! Tatakbo na sana ako papunta sa inyo sa pag-aalalang may nangyari na sa inyong masama. Pero nung bubuksan ko na sana ’yung pinto ng kwarto n’yo ay iba na ang narinig ko! Puro ungol na nga lang ng dalawang multo ang mga narinig ko! Grabe! Ngayon ko lang nalaman na may MULTO rin pala sa kwarto n’yo?!” mahabang paglalahad ko sa kanilang dalawa at may diin sa salitang multo.
Nakita ko kung paano naestatwa si Randy at agad rin namula. Si Rigo naman ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Gusto kong matawa sa dalawang ito sa kanilang reaksyon pero nginisian ko na lang sila. Ano kayo ngayon mga baliw?!
Natahimik ang lahat at hindi gumagalaw ang kahit na isa sa amin. Tanging pagkabigla ang nakikita ko kina Rigo at Randy. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanila habang nakangising mapang-asar.
Nabasag na lamang ang katahimikan nang biglang magtanong si Tom.
“I-ibig sabihin… m-may multo talaga sa r-resort na ’to?” ang tila natatakot na tanong ni Tom.
Nagulat kami sa naging tanong ni Tom. Nagpalitan kami ng tingin nina Rigo at Randy na may mga mukhang hindi makapaniwala. Matapos ang pagpapalitan ng tingin ay sabay-sabay kaming napahagalpak ng tawa. Halos maiyak kaming tatlo sa katatawa dahil sa naging reaksyon ni Tom sa asaran naming tatlo.
“Ano bang nakakatawa?! Nagtatanong ako ng maayos dito oh!” ang inis na inis na tanong ni Tom.
Sa halip na sagutin s’ya ay muli nanaman kaming nagtawanang tatlo. Grabe! Hindi ko alam na ganito pala ka-slow si Tom! Ang cute n’ya talaga dahil napaka-inosente!
“Wala ’yun Master! Sige na, kukuha na ako ng pagkain natin, alam kong gutom ka na.” ang wika ko na lang sa kanya habang natatawa pa rin.
“Ewan ko sa inyo! Hindi naman ako maka-relate sa kwentuhan n’yo kaya mas maganda pa ngang kumuha ka na ng pagkain dun sa buffet at baka maubusan pa tayo!” naiinis pa ring sagot ni Tom.
Hinalikan ko na lang muna s’ya sa ulo bago kumilos papunta sa buffet table sa dining hall na iyon.
Pagkarating ko sa aming table ay iba na ang kanilang pinag-uusapan at nakita kong komportable na si Tom at Randy sa pakikipag-usap sa isa’t-isa. Masaya ako at wala nang namamagitang hindi maganda sa aming tatlo. Naging masaya ang naging almusal namin dahil sa walang katapusang kwentuhan. Mabuti na lamang at mababait itong mga kaibigan ko at hindi nila hinahayaang hindi ma-out of place si Tom sa amin.
Matapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit. Nagdesisyon na rin kaming bumalik ng aming mga kwarto para maghanda naman na maligo sa dagat habang hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw.
Katatapos lang namin ni Tom makipag-bonding sa iba sa mga activities dito sa beach. Naririto kami ngayon sa tabi ng dagat at gumagawa ng sand castle. Ang iba naman naming kasama maging sina Mama Lita at Julius ay nasa dagat pa rin at masayang naglalaro at lumalangoy.
“Master, gusto ko kahit hindi kasing laki ng palasyong ito ang magiging bahay natin ay ayos na sa akin basta ikaw ang kasama ko at si Carla.” ang wika ko kay Tom.
Ngumiti naman si Tom bago ito sumagot. Patuloy pa rin kami sa pag-gawa ng aming sand castle.
“Ang sarap naman pakinggan Master! Hindi ko akalain na may naiisip ka nang ganyan para sa atin.” ang masayang wika ni Tom.
“S’yempre naman! Dapat ngayon pa lang iniisip na natin ang future nating dalawa! Gusto ko na nga bumili ng bagong bahay kasi naliliitan ako sa condo ko para sa ating dalawa. Gusto ko ’pag nagla-love making tayo lilibutin natin ang buong bahay! Ang sarap nun ’di ba?” ang masaya kong lahad sa kanya.
Natawa naman s’ya sa aking sinabi.
“Baliw ka talaga! Balak mo bang bumili tayo araw-araw ng bagong appliances? Kasi mababasag lang ang mga ’yun kung ganon ang gusto mong mangyari!” natatawa n’yang sambit.
Napatigil naman ako sa ginagawa ko dahil sa narinig ko sa kanya.
“Ibig sabihin araw-araw nga natin gagawin ’yun Master? Kasi ang sabi mo araw-araw tayong bibili ng appliances eh.” mapanukso kong tanong sa kanya.
S’ya naman ang napatigil sa kanyang ginagawa at nataranta. Ang cute talaga!
“H-hindi ’yon ang ibig kong s-sabihin.” utal n’yang sagot.
“Ayyiieee!! Kakasabi mo lang eh…” panunukso ko sa kanya at kinikiliti pa s’ya sa kanyang tagiliran.
“T-tumigil ka na nga d’yan Xander! T-tapusin na natin ’tong palasyo natin!” pag-iiba n’ya ng usapan na nagkukunwaring naiinis dahil ang totoo ay nahihiya s’ya. Namumula nanaman kasi ito.
Dahil alam kong magagalit na s’ya sa akin kung patuloy ko pa s’yang aasarin ay kumuha na lamang ako ng buhangin para maglagay pa ulit sa tuktok ng aming palasyo. Hehe!
Pero bago ko ilagay ang kinuha kong buhangin ay nagulat na lamang kami nang may bola ng volleyball ang ngayon ay nasa ibabaw na ng aming ginagawang sand castle.
“A-ang palasyo natin Xander…..” ang natulalang wika ni Tom.
Sa nakita kong reaksyon ni Tom ay hindi ko mapigilang magalit. Malungkot s’yang nakatitig sa nasirang palasyo naming dalawa. Tila ba naguho ang kanyang pangarap na magiging tahanan naming dalawa.
“There it is! Oh! Nasira ko ba ang ginagawa n’yo? Sorry, ulitin n’yo na lang.” wika ng isang tinig sa aking likuran.
Agad ko itong hinarap at nakita ko ang isang lalaki na nakatingin sa nasirang sand castle namin ni Tom. Itinulak ko s’ya at galit na galit ko itong tinanong.
“Gago ka ba?! Alam mo bang magkatulong namin itong ginawa ng matagal?! Tapos parang wala lang sa’yo para sabihing ulitin na lang namin?!” galit kong turan sa lalaking ngayon ay nakaupo na sa buhangin dahil sa lakas ng pagkakatulak ko.
Ngumisi muna ito at dahan-dahang tumayo. Nagpagpag s’ya ng kanyang shorts at kamay dahil sa mga buhanging dumikit sa kanya. Hinarap n’ya ako saka nagsalita.
“Kung maka-react ka naman dude parang totoong bahay mo ang sinira ko. Tss! Para ka naman n’yang bata.” nakangising wika n’ya sa akin.
“Eh tarantado ka naman pala talaga eh ’no?!” pagsigaw ko sa lalaking kaharap ko.
Akmang lalapitan ko na sana ito para suntukin nang pigilan ako ni Tom.
“Master tama na ’yan. Hayaan mo na, gumawa na lang ulit tayo ng bago. Halika na, lipat na lang din tayo ng pwesto.” wika ni Tom habang hawak ako sa aking braso.
Nilingon ko s’ya at nakita kong nakangiti ito ngunit maaaninag mo ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Wait! T-tommy????” ang biglang sabat ng lalaking nakasira ng palasyo namin ni Tom.
Nilingon namin ito. Nakita kong nakatitig lamang ito kay Tom na tila nagtataka. Tiningnan ko si Tom at nakarehistro sa kanya ang mukhang nagtatanong.
“Tommy!! Ikaw nga!!” ang masayang wika ng lalaki. “Kamusta ka na?! Hindi mo ba ako natatandaan?!” dugtong n’ya pang tanong.
Pagtingin ko kay Tom ay unti-unting nag-iba ang kanyang ekspresyon. Mula sa pagtataka ay nanlaki ang kanyang mga mata.
“P-popoy??!!” ang halos pasigaw na tanong ni Tom.
“Ako nga! Kamusta?! Ang tagal nating hindi nagkita ah?!” masayang bati ng lalaking tinawag na Popoy ni Tom.
Ang mas nakakagulat ay nang lumapit ito kay Tom para yakapin ito. Dahilan para mabitawan ako ni Tom. Hindi ko alam, pero parang may kaba akong naramdaman nang mabitawan ni Tom ang aking kamay. Nanatili na lamang akong nakatingin sa kanila.
“Grabe Popoy! Ang laki na ng pinagbago mo! Dati ang taba-taba mo saka parang nerd na nakasalamin ka pa noon!” ang masayang wika ni Tom habang magkayakap sila.
“Hindi naman, ikaw nga ang malaki ang pinagbago. Muntik na kitang hindi makilala kung hindi ko pa nakita ang dimple mo! Hahahaha! Oo nga pala, belated happy birthday Tommy!” sagot naman ng kumag na lalaking ito at binati pa si Tom.
Mabuti na lamang at hindi nagtagal ang yakap nilang iyon dahil baka ako na ang kusang nagtanggal noon kung nagkataon.
“Salamat, akala ko nakalimutan mo na. Kamusta ka na nga pala Popoy? Big time ka na siguro ’no?! Kelan ka pa nakabalik?! Ang huli kong balita sa’yo ay nasa Dubai ka ’di ba?” nakangiting mga tanong ni Tom matapos nilang bumitaw sa isa’t-isa.
“Big time ka d’yan!! Hahaha!! Sakto lang naman. 2 years ako sa Dubai, pero last year pinadala ako ng company namin sa US para sa panibagong project. Last week lang ako nakauwi kaya heto, ine-enjoy ko muna ang bakasyon.” wika ulit ni kumag.
Naiinis ako dahil mukhang nakalimutan na yata ni Tom na ang lalaking ito ang sumira ng palasyo namin! At mas lalo akong naiinis dahil mukhang nakalimutan na rin yata ni Tom na kasama n’ya ako ngayon! Kaya bago pa sila mauwi sa mahabang kwentuhan ay sinira ko na ang kanilang reunion!
“Tom, baka hinahanap na tayo ng iba. Puntahan na muna natin sila.” malamig kong pagtawag sa atensyon ni Tom.
Mukhang nakalimutan nga ni Tom na kasama n’ya ako kaya naman parang nataranta ito at nagawa na akong mapansin.
“Ay oo nga pala! Xander, si Popoy nga pala. Kababata at bestfriend namin ni Cha. Engineer s’ya at ngayon lang kami nagkita ulit matapos ang ilang taon.” pakilala ni Tom sa akin. “Popoy, si Xander naman, boyfriend ko. S’ya din ang boss ko sa pinagta-trabahuhan kong restaurant ngayon.” pagpapakilala naman n’ya sa akin.
Natuwa naman ako dahil pinakilala n’ya akong boyfriend dito sa Popoy na ito.
“Wow! hindi ako makapaniwala na talagang may boyfriend ka na Tommy! Hindi mo na talaga ko nahintay?” ang biglang wika ng lalaking ito.
Talagang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi n’ya. Ewan ko kung sinasadya n’ya ba iyon pero hindi ko gusto ang lumabas sa bibig nito.
“Hehe! Kahit naman ako hindi ko in-expect eh. Wala eh, tinamaan ako sa lalaking ’to.” pagsagot ni Tom at itinuro ako.
Nakita ko ang pagdilim ng mukha ng lalaking ito sa sinabi ni Tom ngunit nagbago rin agad s’ya ng ekspresyon at hinarap ako.
“Ronnie na lang pare. Si Tommy lang at si Cha kasi ang pwedeng tumawag sa akin na Popoy eh.” wikang nakangiti naman ng lalaking ito at inilahad ang kanyang kamay.
Sa sinabi n’yang iyon ay mas lalo akong nakaramdam ng inis sa kanya. Ano bang akala n’ya? Interesado akong kilalanin s’ya?
Sa halip na tanggapin ang nakalahad n’yang kamay ay binalikan ko na lamang ng tingin si Tom.
“Tara na Tom. Baka naghihintay na sila Mama Lita at Julius. Malapit na mag-lunch at baka nagugutom na rin sila.” wika ko kay Tom.
Mabuti na lamang at nakahalata s’ya kaya ibinaba na rin n’ya ang nakalahad n’yang kamay. Pero hindi pa pala natatapos ang pag-uusap nilang iyon.
“What?! Kasama n’yo rin sila Tita at Julius?! Nasaan sila? Gusto ko silang kamustahin, nami-miss ko na din sila Tommy!” ang pagsabat nanaman nitong si Ronnie daw.
“Kasama namin sila simula kahapon. Kung gusto mo sumama ka na lang sa amin para makita mo rin si Cha. I’m sure nami-miss ka na rin nun!” ang masiglang pag-anyaya ni Tom sa kanya.
Kahit kumukulo na ang dugo ko sa nangyayari ay wala akong magawa dahil mukhang masaya si Tom sa pagkikita nila ng kababata n’yang ito. Ayaw kong gumawa ng eksena dito na hindi magugustuhan ni Tom at baka mauwi pa sa aming pagtatalo.
Mabuti na lamang at hinawakan ako ni Tom sa kamay para sabay naming tunguhin ang lugar kung nasaan sila Mama Lita. Patuloy pa rin sila sa kanilang kamustahan habang naglalakad kami kaya tahimik lamang akong nakikinig sa kanila.
Nang marating namin ang dining hall kung nasaan sila Mama Lita, Julius at Charm para mag-lunch ay nakita ko kung gaano nasorpresa ang mga ito nang makita nila si Ronnie. Halatang-halata ang closeness nila sa isa’t-isa na s’yang naging dahilan para masira ng tuluyan ang araw ko.
Nawala ako sa mood at nanatiling tahimik habang sila ay masayang nagke-kwentuhan tungkol sa kanilang mga buhay-buhay. Ayaw ko silang pakinggan kaya pinili ko na lamang na ibaling ang atensyon ko sa panonood sa mga dumaraang tao sa lugar na iyon.
Alam kong nararamdaman iyon ni Tom kaya maya’t-maya ako nito tinatanong kung ayos lang ba ako. Ngunit tanging pagtango lang ang isinasagot ko dito.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong may tumapik sa likod ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Daniel.
“Kuya, ayos ka lang? Kanina pa kita pinagmamasdan sa malayo, mukhang badtrip ka ah? Saka sino ba ’yang kasama nila Tom na lalaki?” bulong na tanong ni Daniel.
“Hindi ako okay dahil sa hambog na ’yan! Sinira n’ya lang naman ’yung palasyo namin ni Tom kanina kaya naiirita ako sa pagmumukha n’yang kumag na ’yan!” inis kong sagot sa kanya ng pabulong din.
Alam kong naintindihan ni Daniel ang nararamdaman kong inis sa mga oras na iyon kaya hindi na s’ya muli pang nagtanong. Tumayo ito ng tuwid at saka tinawag ang atensyon ni Tom.
“Oy Tom! Wala ba kayong balak mag-swimming ulit?! Sarap lumangoy ngayon oh!” pagtawag ni Daniel kay Tom.
Hindi ko alam kung anong iniisip nitong kapatid ko at ’yon ang kanyang sinabi. Dahil sa totoo lang ay hindi magandang maligo ng ganitong oras dahil tanghaling tapat.
Nilingon s’ya ni Tom ng nakangiti.
“Daniel, ipapakilala ko nga pala sa’yo si Ronnie. Kababata s’ya namin ni Cha at kapit-bahay lang din namin.” pagpapakilala ni Tom sa kanya.
“Ronnie pare, best friend ni Tommy.” pakilala ni Ronnie at naglahad ng kamay kay Daniel.
“Daniel naman pare, BEST FRIEND din ni Tom.” sagot naman ni Daniel ng may diin ang salitang best friend. Inabot din nito ang kamay ni Ronnie.
“Wow! May bago ka na palang best friend na lalaki Tommy! Akala ko ba ako lang ang best friend mo?” wikang nakangiti ni Ronnie na tila nang-aasar.
Nakita kong nainis si Daniel sa sinabi nito. Kung ako man din ang nasa kalagayan ni Daniel ay maiinis din ako rito.
“Mabait ’yan si Daniel. Kaya higit pa sa kaibigan ang turing ko d’yan. Parang kapatid na nga rin s’ya sa akin eh.” ang sagot naman ni Tom kay Ronnie.
“Teka, bakit parang ngayon ko lang s’ya nakilala Tom? Ngayon ko lang s’ya nakita, dahil ’pag nagpupunta ako sa inyo wala naman ibang napuntang kaibigan mo doon ah?” tanong naman ni Daniel kay Tom.
“Kanina lang kasi kami nagkita ulit dahil sa ibang bansa s’ya nagtrabaho ng ilang taon bilang engineer. Last week lang s’ya nakauwi dito.” ang pagsagot naman ni Tom sa kanya.
“At hindi pa maganda ang naging pagkikita namin kanina. Nasira ko ba naman ang ginagawa n’yang palasyo eh. Hahahaha!” ang pagsabat ni Ronnie sa usapan nila.
Gusto ko na sanang mag-react sa sinabi nito dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari ngunit hinawakan ako sa balikat ni Daniel dahilan para mapigilan ko ang sarili ko.
“Hahahaha! Hindi nga talaga maganda ang pagkikita n’yo. Ikaw ba naman sirain mo ang pinaghirapan ng dalawang tao, hindi talaga magandang bagay ’yon pare!” ang makahulugang wika naman ni Daniel na natatawa. Alam kong peke ang pagtawang iyon ni Daniel dahil kilala ko na ang kapatid ko.
Mukhang nakuha naman ng Ronnie na ito ang makahulugang sinabi ni Daniel kaya hindi na lamang n’ya ito pinansin. Muli n’yang binalingan si Tom at nagsalita.
“Hayaan mo Tom! Next time ako na mismo ang gagawa sa’yo ng magandang palasyo at sisiguraduhin kong magiging maganda ang pundasyon! Hindi ’yon madaling masisira dahil hindi lang puro buhangin ang gagamitin ko para doon. Kung puro lang kasi buhangin, wala talagang seguridad iyon. Masisira at masisira talaga kahit konting pag-ulan lang ang dumaan!” ang makahulugan din nitong wika ni Ronnie.
Gusto ko nang tumayo at hatakin ang leeg ng lalaking ito dahil sa kanyang mga binitawang salita ngunit mas naging mahigpit ang hawak ni Daniel sa aking balikat.
“Ganon ba? Tamang-tama pala! Ikaw na lang ang kukunin nila Kuya Xander at Tom para sa magiging love nest nila. Sakto lang pala ang pagbabalik mo ’no? Matutulungan mo ang Kuya ko na magtayo ng bahay nilang DALAWA ni Tom.” ang nakangiting pagsabat ni Daniel.
Matatalim ang tingin na pinukol ni Ronnie kay Daniel dahil sa sinabi nito. Mabuti na lamang at naririto itong kapatid ko para kahit papaano ay may naging tagapag-salo ako.
“Ahm… Mga hijo, mas maganda siguro kung kumain na lamang muna tayo. Mamaya na natin pag-usapan ang mga bagay na iyan.” ang biglang pagsasalita ni Mama Lita. Marahil ay naramdaman n’ya ang tensyon sa pagitan nina Daniel at Ronnie. Iyon din kasi ang iniisip ko, ayaw kong maging bastos sa harap ni Mama Lita kaya mas pinili ko na lamang na ibaling sa iba ang atensyon ko.
Wala nang nagsalita pang muli matapos magsalita ni Mama Lita. Sinimulan na nga naming kumain at hindi na rin nagawa pang umalis ni Daniel sa aming mesa. Nakikita ko ang minsang matatalim na tinginan nina Ronnie at Daniel sa isa’t-isa ngunit walang nangangahas na magsalita. Ako naman ay nanatiling tahimik dahil tuluyan nang nasira ang araw ko.
Matapos kumain ay nagpaalam na sila Mama Lita, Julius, Charm at Daniel na umalis dahil kailangan na nilang maghanda para sa pag-uwi sa Manila. Si Ronnie naman ay pinilit na lamang na sumama ni Charm sa kanya para lisanin ang dining hall na iyon kasama s’ya. Marahil ay naramdaman din ni Charm ang hindi magandang nangyayari dahil sa pananahimik ko.
Naiwan kami ni Tom sa dining hall at walang namagitan sa aming usapan. Gusto kong iparating sa kanya na hindi ko nagustuhan ang presensya ng kanyang kaibigan.
“Xander… may problema ba? Kanina ka pa tahimik eh.” tanong ni Tom sa akin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagsalita.
“Tara na, bumalik na tayo sa kwarto natin. Kailangan na natin maligo dahil nanlalagkit na tayo. Hindi pa tayo nagbabanlaw simula kanina.” malamig kong pagyaya sa kanya.
Nagsimula na rin akong maglakad at naramdaman kong sumusunod naman ito sa akin.
Pagdating sa aming kwarto ay pinauna ko na s’yang maligo at nanatili na lamang ako sa terrace habang hindi pa s’ya natatapos. Gusto ko kasing pakalmahin ang sarili ko.
Matapos n’yang maligo ay hindi ko s’ya nilingon at agad kong tinungo ang banyo. Iniwan ko s’ya sa aming kwarto na nakatingin lamang sa akin. Tahimik ito at alam kong nararamdaman n’ya ang inis ko dahil sa pananahimik ko.
Matapos kong maligo ay nagbihis lamang ako at tinabihan s’ya sa pagkakaupo sa kamang naroon. Nakatitig lamang ito sa akin habang ako ay inabala ang sarili sa pagkalikot ng cellphone ko.
“Master…” pagtawag n’ya sa akin. Ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang tinig.
“Bakit?” malamig kong tanong ng hindi pa rin s’ya tinitingnan.
Hindi naman s’ya nagsalita kaya hindi ko na lamang s’ya tinanong muli. Itinuloy ko na lamang ang pagcheck ng mga emails ko dahil baka may mga importanteng messages na kailangan kong mabasa.
Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng paghikbi kaya natigil ang pagbabasa ko sa mga emails na natanggap ko. Nang lingunin ko si Tom ay nakita kong umiiyak na pala ito kaya agad ko s’yang nilapitan at ikinulong sa aking mga bisig.
Tsk! Kapag ganito na si Tom ay hindi ko na kaya pang tiisin. Ayaw na ayaw ko kasing nakikita itong nasasaktan at umiiyak.
“S-sorry na Master… H-h’wag ka nang magalit…” pagsusumamo n’ya sa akin habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
“Sorry na rin… Hindi ko lang talaga mapigilang mainis dahil sa pinakitang attitude ng kaibigan mo. Pero hayaan mo na ’yun. ’Wag ka nang umiyak..” pakiusap ko sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod.
“Hindi ko naman alam na ganon ang mangyayari eh. Kahit ako nagtataka kung bakit parang may nag-iba kay Popoy. Hindi naman s’ya dating ganon. Masayahin lang s’ya at hindi kailanman nagsalita ng hindi maganda sa kapwa n’ya. Naisip kong baka may pinagdadaanan s’ya kaya nagdesisyon akong isama na rin s’ya kanina para sana kausapin namin ni Cha. Kaso hindi naman kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap tatlo.” mahaba n’yang paliwanag.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“Hindi ko alam Tom. Pero para akong kinakabahan sa kanya. Hindi ko alam kung anong dala n’ya sa pagbabalik n’ya. Pakiramdam ko kasi may mali eh, parang may hindi magandang mangyayari. Parang… parang malalayo ka sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Natatakot ako.” ang pagsasabi ko ng totoo. Isa ’yon sa bumabagabag sa akin kung pagbabasehan ang mga tinging ipinupukol sa akin ni Ronnie kanina.
Bumitaw si Tom sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Pinunasan n’ya ang kanyang mga luha at nagsalita.
“Ngayon ka pa ba matatakot Master? Magtiwala ka lang sa akin, hindi ako mawawala sa’yo hanggat hindi mo sinasabi sa akin na hindi mo na ako kailangan. Hindi kita iiwan at walang sinoman ang pwedeng magpahiwalay sa atin, tandaan mo ’yan.” nakangiti n’yang wika sa akin.
Kinalma ko ang sarili ko sa mga sinabi n’ya. Tama si Tom, kailangan lang namin pagkatiwalaan ang isa’t-isa. Hindi si Ronnie ang magiging dahilan ng pagkasira namin kahit pa matagal n’ya na itong kilala.
“Salamat Tom.. Salamat..” wika ko sa kanya.
Hinalikan n’ya ako sa labi at ngumiti. Kahit paano ay naiwaksi ko ang mga agam-agam sa akin. Hindi ako makakapayag na mawala sa akin si Tom kaya gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang relasyong ito.
“Halika na, baka paalis na ang lahat. Sasabay na lang daw sila Mama at Julius sa coaster na sinasakyan nila Cha pabalik ng Manila. Ihatid natin sila kahit sa sakayan lang.” pagyaya sa akin ni Tom at tumayo na s’ya habang hawak ako sa kamay.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Pero bago kami makalabas ng kwarto ay siniil ko muna ito ng halik para ipadama na wala na akong takot na nararamdaman sa mga oras na ito.
A/N
Ilang chapters na lang po guys!! Salamat sa patuloy na pagbabasa.
––cold_deee
chapter 25 - summer berries & cream
A/N
Hey guys! Alam kong may mga typo error ako sa mga ilang chapters, ganon din po sa mga ilang wrong grammar. Pasensya na po, aayusin ko na lang sa susunod. Salamat sa patuloy na nagbabasa.
––> si Ronnie/Popoy po sa media.
SOMEONE
POV
Naririto ako sa isang restaurant upang katagpuin ang taong makakatulong sa akin upang mabawi ang taong matagal kong hinintay para maging akin.
Halos dalawang oras na akong naghihintay sa restaurant na ito kaya nang makita ko s’yang papalapit ay hindi ko naiwasang tingnan ito ng masama.
“What took you too long? I’ve been here for decade. For Pete’s sake!” inis kong bungad sa kanya.
“Don’t be too harsh my dear. I’m here to give you a hand, remember?” nakangising wika nito at naupo sa kaharap kong mesa.
Huminga na lamang ako ng malalim dahil totoo naman ang kanyang sinabi. Kakailanganin ko s’ya para maging matagumpay ang aking plano.
“So, how’s your meeting with them? Is there a chance na makuha natin ang gusto natin?” tanong n’ya sa akin.
“I don’t know yet. Dahil sa tingin ko sa ex-boyfriend mong ’yan ay wala s’yang balak pakawalan ang taong gusto kong mabawi.” sagot ko sa kanya.
“Oohh… I pity you my dear.. But don’t worry, alam ko ang kahinaan ng ex-boyfriend ko. You don’t have to do anything but to watch my steps. And besides, may isa pa akong hawak para hindi n’ya magawang makaiwas sa akin.” puno ng tiwala sa sarili n’yang wika sa akin.
“Siguraduhin mo lang. Dahil kapag pumalpak ka, alam mo na ang mangyayari.” pagbabanta ko sa kanya.
Tumawa lamang s’ya sa aking pagbabanta at muling nagsalita.
“C’mon my dear. Just trust me.” wika n’ya at ngumisi.
Nagpatuloy na lamang kami sa pag-iisip sa aming mga magiging plano habang kumakain ng aming dinner sa restaurant na iyon.
DANIEL POV
Kagagaling ko lamang mula sa aking trabaho nang maisipan kong dumalaw muna kina Aling Tasing sa Baywalk. Naisipan ko munang dumaan sa isang restaurant dito sa Pasay para bumili ng konting pasalubong para sa kanila ng mga bata.
Matapos kong mai-park ang aking motor dito sa parking lot ng restaurant ay agad ko ring pinatay ang makina nito. Akmang tatanggalin ko pa lamang ang suot kong helmet ay napukaw ng aking atensyon ang papalabas na tao mula sa restaurant na papasukin ko.
Nanginginig ang aking mga kamay at nanlaki ang aking mga mata nang masilayan ko ang kabuuan ng taong ngayon ay patungo na sa isang kotse. Hindi ko nagawang maikilos ang aking sarili sa labis na pagkabigla. Sinundan ko s’ya ng aking tingin hanggang sa makaalis na s’ya habang nagda-drive ng kanyang kotse.
Ilang minuto rin akong tulala at hindi makapaniwala sa aking nakita. Kahit na hindi ko na matanaw mula sa aking pwesto ang kanyang kotse ay hindi ko pa rin magawang gumalaw. Tila ba tinakasan ako ng sarili kong kaluluwa nang muli kong masilayan ang mukha ng taong iyon. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na makikita ko s’yang muli. Nakaramdam ako ng takot ng mga oras na iyon.
“P-paano na ito kung magkita ulit sila?” tanong ko sa aking sarili.
Naputol lamang ang aking pag-iisip nang may biglang nagsalita mula sa aking likuran.
“Sir? Ayos lang po ba kayo? Pasensya na po, pero bawal po kasi ang tumambay dito sa tapat ng restaurant maliban na lang po kung kakain kayo dito sa restaurant namin.” wika ng guard ng restaurant nang lingunin ko ito.
Agad kong tinanggal ang aking helmet at humingi ng pasensya rito.
“Ahm.. P-pasensya na.. O-order ako don’t worry.. Medyo may nakakuha lang ng atensyon ko kaya napatigil ako dito.” pagpapaumanhin ko sa guard.
“Ganon ba Sir? Sige po, pasensya na rin po. Sige po, pumasok na lamang po kayo sa loob kung handa na po kayo.” magalang naman nitong sagot sa akin.
Akmang tatalikod na sana ang guard nang maisipan ko itong tanungin.
“Ahm.. boss!” tawag ko sa guard.
“Bakit po Sir?” sagot ng guard matapos akong lingunin.
“N-napansin mo ba ’yung taong kalalabas lang ng restaurant n’yo? Regular customer n’yo ba s’ya?” tanong ko sa guard.
“Naku, pasensya na Sir pero hindi po eh. Ngayon ko lang po s’ya nakita rito. Ang totoo n’yan ay saglit lang din naman s’yang nag-stay sa loob. Kumain lang po at umalis na rin.” sagot naman ng guard.
“G-ganon ba? Sige, salamat.” tangi kong wika sa kanya.
Kinuha ko rin agad ang aking cellphone mula sa aking bulsa at dali-daling hinanap sa aking contact list ang taong sa tingin ko ay maaaring makatulong sa akin.
Nag-ring ang kabilang linya at ilang sandali lang ay sinagot na rin n’ya ito.
“Hello Daniel? Bakit napatawag ka? May problema ba?” sagot nito sa kabilang linya.
“Randy…. I saw her…… S-she’s back…” ang halos hindi ko mabigkas na pagbalita sa kanya.
“She’s back??? Sino ba ’yang tinutukoy mo? May umalis ba at ngayon ay nagbabalik? Wala naman ’di ba? Maliban na lang…… k-kung si….” ang wika n’ya na pahina ng pahina ang boses hanggang sa hindi n’ya na masabi ang huling linya.
“Yeah. S’ya nga. I just saw her.” ang may diin kong wika.
“Oh God! This can’t be! Ano nang mangyayari sa dalawa?” ang taranta n’yang reaksyon.
“Yeah. I think kakailanganin nila tayo.” ang alala kong wika sa kanya.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga n’ya sa kabilang linya.
“I got it. No need to ask. Hindi s’ya magtatagumpay kung ano man ang binabalak n’ya. Hindi na sa pangalawang pagkakataon! I have to tell this to Shai.” madiin n’yang wika.
“Yeah.” maikli kong sagot sa kanya.
Saglit pang pag-uusap ang namagitan sa amin ni Randy dahil sa pagtatanong n’ya kung paano ko ito nakita. Nagdesisyon na rin kaming magpaalam at mag-oobserba na lamang kami kung may mga hindi magandang pangyayari sa mga susunod na araw.
Matapos kong maibaba ang tawag ay inayos ko na lamang ang aking motor upang makapasok na rin sa restaurant na iyon at gawin ang nauna kong planong pagbili ng pagkain dito.
Nang makapasok ako sa loob ng restaurant ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mukha ng taong itinuring na naming patay. Hindi ko akalain na dito lang sa lugar na ito ko s’ya makikita.
Habang naglalakad sa loob ng restaurant ay nakayuko ako dahil sa malalim na pag-iisip. Nagulat na lamang ako nang bago ako makarating sa upuan ng isang table doon ay s’ya rin naman tayo ng isang customer mula sa nakatalikod na upuan sa aking dinadaanan.
“Oh sh*t!” ang nabiglang wika ng isang lalaki nang magkabanggaan kami.
“S-sorry..” paghingi ko ng paumanhin ng nakayuko.
“Ikaw?!” ang sunod na narinig kong sinabi n’ya.
Inangat ko ang aking ulo para makita ito. Nagulat ako sa taong ngayon ay nasa harapan ko. Agad na umangat ang dugo ko papunta sa aking ulo.
“Sa dami ba naman talaga ng restaurant dito sa Manila ay dito pa kita talaga makikita noh? Ano bang tawag sa ganito? Co-incidence? Ay hinde! Kamalasan pala ang tawag dito.” sarkastiko kong wika sa kanya.
Sa halip na mainis sa sinabi ko ay ngumisi ang ulupong na nasa harap ko.
“Alam mo Daniel, sa halip na ako ang pagdiskitahan mo, bakit kaya hindi na lang tayo magtulungan? Alam ko naman na hanggang ngayon ay hoping ka pa rin sa isang bagay. Mas mapapadali siguro kung magtutulungan tayo?” wika n’ya sa aking nakangiti.
Napakunot ako ng noo dahil sa kanyang sinabi. This guy is so unbelievable!
“Ano bang gusto mong palabasin?!” inis kong tanong sa kanya.
“Nothing. You’ll find it soon.” maikli n’yang sagot. “So, I’ll see you next time? No, I’ll see you soon Daniel.” dagdag n’ya pang makahulugan.
Tinapik-tapik n’ya ako sa aking balikat at akmang lalagpasan n’ya na ako para lumabas sa lugar na iyon nang pigilan ko s’ya sa aking pagsasalita.
“Kung ano man ’yang binabalak mo, sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay. Tandaan mo ’yan……
………Ronnie!“
madiin kong banta sa kanya.
TOM POV
Matapos ang masayang birthday celebration ko na hinanda ni Xander sa isang resort sa Batangas ay nagkaroon pa kami ng pagkakataon na mag-bonding na kaming dalawa lamang.
Nang mga sumunod na araw namin doon matapos ang pag-alis ng lahat ng katrabaho namin at kaibigan kasama sina Mama at Julius ay nagkaroon kami ng pagkakataon na sulitin ang aming bakasyon. Puro masasayang sandali ang naging kaganapan at talagang pinaramdam namin sa bawat isa ang labis na pagmamahal.
Naroong nagpapaligsahan kami sa paglangoy o nagpapaunahang tumakbo na parang mga bata. Sinubukan rin namin ang iba pang activities ng resort na iyon na hindi namin nagawa sa nagdaang mga araw.
May araw rin kaming umalis sa resort na iyon at nagpunta sa iba’t-ibang lugar na maaaring pasyalan sa Batangas. Mabuti na lamang at dala n’ya ang kanyang sasakyan kaya naging madali lang sa amin ang magbyahe. Nakarating din kami ng Tagaytay na kahit may kalayuan ay hindi namin napansin ang haba ng byahe dahil masaya kami kahit sa byahe.
Food trip din ang isa sa aming mga nagawa dahil ito ang isa sa kanyang mga paborito. Nagtataka nga ako sa lalaking ito na kahit malakas kumain ay hindi naman nagbabago ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Halos isang linggo nga kaming naririto sa resort na ito at ngayon ang huling gabi namin dito. Mabuti na nga lang at nagdala pala s’ya ng mga extra kong damit dahil pang-dalawang araw lang naman ang dala ko. Akala ko nga kasi ay team building ang ipinunta namin dito.
Minsan rin kami nakikibalita sa mga mahahalagang tao sa buhay namin na naunang umuwi sa Manila. Kung minsan ay naiinis na sila sa amin dahil dapat daw ay i-enjoy na lamang daw namin ang aming bakasyon dahil wala naman daw kaming dapat alalahanin sa kanila doon. Si Xander ay napagalitan ni Ma’am Shai dahil kinakamusta n’ya ang tungkol sa restaurant n’ya. Ganun din sila Mama, napagalitan din ako dahil inaalala ko sila. Pinayuhan nila kami na ilang araw na lang din naman ay uuwi na rin kami kaya sulitin na lamang daw namin ang pag-stay dito sa resort.
Ngunit kagabi ay nakatanggap kami ni Xander ng mensahe na nag-iwan sa amin ng katanungan. Nakatanggap si Xander mula kay Randy na nagsasabing, h’wag daw kaming bibitaw ni Xander sa isa’t-isa anuman ang mangyari. Inisip na lang namin ni Xander na parang good luck message lang n’ya sa amin ’yun simula nang magkaayos kaming tatlo.
Ilang sandali pa ay nakatanggap naman ako ng message mula kay Daniel na nagsasabing, nariyan lang s’ya lagi sa aking tabi at alam daw n’yang mahal ako ng kuya n’ya. Tinanong ko s’ya kung may problema ba ngunit ang sabi n’ya ay wala naman daw. Ipinagkibit-balikat na lamang namin ni Xander ang bagay na iyon at sinulit na lamang ang aming bakasyon tulad ng sinabi nila. Bukas kasi ay babalik na kami sa Maynila para bumalik na rin sa aming trabaho.
Ngayon nga ay papunta kami ni Xander sa tabi ng beach dahil naimbitahan kami ng namamahala ng resort na ito na may open party na magaganap ngayong gabi. Suot namin ni Xander ang long sleeve na polo at black na semi fitted short na sinuot namin noong unang date namin. Naka-sandals nga lang kami this time at hindi isinuot ang aming ‘couple shoes’ dahil sa buhangin ang venue ng party.
“Master, ano kayang meron sa party doon?” curious na tanong ni Xander sa akin.
Naririto kami at naglalakad para tunguhin ang venue.
“Hindi ko rin alam eh. Pero ang sabi ng staff dito kanina, masaya raw ang party na ’yon dahil maraming tao ang nagpupunta doon. Pati kasi ang mga hindi naman naka-check in sa resort na ito ay pwede rin um-attend.” mahabang sagot ko naman sa kanya.
“Uumm… Kung sabagay, i-enjoy na lang natin since babalik na rin naman tayo sa Manila bukas.” nakangiting wika naman ni Xander sa akin.
Tumango-tango naman ako habang nkangiti sa kanya.
Pagdating namin sa lugar ay nagulat kami dahil maraming tao ang naroroon. Sari-saring ilaw ang tila sumasayaw at ang mga tao ay halos magwala na sa pagsasayaw. Malakas ang music na pinangungunahan ng isang DJ na nagpapatugtog sa gitna ng stage. Magaling ang mixing DJ na iyon dahil lahat ng mga tao rito ay napapaindak. At dahil likas nga akong dancer ay hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement.
“Grabe! Ngayon lang ulit ako makakapag-party after a long time!” ang pasigaw na sabi Xander sa akin dahil sa lakas ng sounds.
“Ako rin! Parang ang saya!” pasigaw na sagot ko rin sa kanya.
May lumapit sa aming waiter na nakapang-hawaiian outfit at binigyan kami ng alak for their welcome drinks daw. Naglakad-lakad pa kami at huminto sa isang mesang mataas para doon uminom habang pinapanood ang mga taong nagsasayawan doon.
“Hey there couple!” bati ng isang babae sa amin.
Lumapit ito sa amin at doon lang namin napansin na may kasama rin itong isa pang babae na nakangiti rin sa amin. Parehong magaganda ang babaeng ito at masasabi kong pareho ring magaganda ang katawan base sa kanilang dress na suot.
“Hello!” bati rin namin ni Xander.
Inilapag rin nila ang kanilang mga drinks sa aming mesa.
“Hahahaha! Hindi man lang ba kayo magtatanong kung paano namin kayo binati? Tinawag namin kayong couple pero wala man lang nag-react sa inyo?” ang natatawang tanong ng isang babae.
“What for? Eh couple naman talaga kaming dalawa?” ang natatawa ring tugon ni Xander.
“Wow! Gusto ko ’yang pagiging proud n’yo! By the way, I’m Cherry.” pakilala n’ya sa kanyang sarili at iniabot ang kanyang kamay na tinanggap rin namin.
“And I’m Julie.” maikling pakilala naman ng isa pang babae. At nakipagkamay rin kami sa kanya.
Nagpakilala rin kami ni Xander sa kanila. Mukhang mababait naman at mukhang hindi mga flirt kaya maayos din naming kinausap ni Xander.
“So, paano n’yo nga pala nalamang couple kami?” tanong ni Xander sa kanila.
“Oh c’mon! ’Yung mga body language n’yo kilalang-kilala na namin ’yan! Hindi na sa amin bago ’yan.” masayang sagot ni Cherry.
“Actually, we’re the same. Me and Cherry are couple as well. Pero hindi pa kami totally out. Mahirap na, alam mo naman ang isip ng ibang tao.” nakangiting sabat pa ni Julie.
Napa-wow naman kaming dalawa ni Xander sa sinabi nila at natawa na lamang sila sa aming reaksyon.
“Who would have thought na dalawang chicks eh couple din?!” ang manghang tanong ni Xander.
“Hahahaha! Ganon din naman sa inyo! Parehong hunk pero couple din!” ang natatawang wika ni Cherry.
Pero ang mas ikinagulat namin ay nang magkiss silang dalawa sa harap namin. Smack lang naman pero hindi namin maiwasang ma-amaze.
Dahil sa nangyaring iyon ay madali kaming nagkapag-palagayan ng loob. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan habang patuloy sa pag-inom ng alak. Napapasayaw na rin kami sa aming pwesto dahil sa ganda ng music at dala na rin ng mga nainom.
Ilang saglit pa ay mas umingay ang mga tao dahil sa sinigaw ng DJ na hindi ko naintindihan. Nagulat na lamang ako ng tinuturo ng DJ si Xander mula sa stage. Nagsisigawan rin ang mga tao habang nakatingin kay Xander.
“Ok lang ba Master?!” ang tanong sa akin ni Xander ng pasigaw dahil sa ingay ng paligid.
“Ang alin?!” takang tanong ko sa kanya ng pasigaw rin.
“Pinapasayaw ako sa stage!” sigaw n’ya pabalik.
At dahil ito ang kauna-unahang beses na makikita kong magsasayaw si Xander ay nakaramdam ako ng excitement.
“Sige!!!” at itinaas ko pa ang kamao ko sa sobrang excitement ko.
Tumakbo na si Xander sa stage kaya lalong nag-ingay ang mga tao.
“Tom! Contest ’yan! Are you sure about this?!” tanong sa akin ni Cherry.
“Oo naman! Magsasayaw lang naman s’ya ’di ba?!” sagot ko naman sa kanya.
“Hindi ka ba magseselos?!” tanong naman bigla ni Julie.
Tiningnan ko naman sila ng tila nagtatanong. Ano ba kasing masama kung magsasayaw lang naman?
“Look!” sabay nilang wika at tinuro ang stage kung nasaan si Xander.
Nakita ko doon na bukod pala kay Xander ay may dalawang lalaki rin ang nasa stage. At ang mas nakakagulat ay may mga babae ring naroroon na tila partner ng bawat isa sa kanila. Anim silang lahat ang naroroon. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan at nag-aabang sa mga susunod na mangyayari.
Nagsimulang tumugtog ang ‘Sorry’ na kanta ni Justin Bieber. May mga sinasabi ’yung DJ pero hindi ko maintindihan ang mga iyon dahil nakatingin lang ako kay Xander na nasa stage.
(a/n: paki-play po ng nasa media para mas feel na feel! Hahahaha!)
Nagulat na lang ako ng sabay-sabay silang sumayaw sa stage. Ang sumunod na pangyayari ay mas nakakagulat dahil wild ang mga naging pagsasayaw nila doon. Pati si Xander ay tila hindi na napigilan ang mapasayaw dahil sa saya ng party na ito. Sakto lang ang mga galaw ni Xander ngunit hindi maikakailang ang hot n’ya sumayaw.
Ang babaeng partner ni Xander sa stage ay naging malagkit na rin ang tingin sa kanya habang gumigiling sa harap n’ya. Nagtangis ang mga ngipin ko sa tagpong iyon dahil si Xander ay patuloy lang sa pagsayaw at tila walang pakialam sa ginagawa ng partner n’ya. Nakangiti pa rin s’ya habang nagsasayaw.
Sigawan ng sigawan ang mga tao dahil sa mga ginagawa ng mga contestants kasama si Xander sa stage. Lahat ay nag-eenjoy maliban sa akin na tila ginagawa ng tubig ang alak na nasa harap namin sa sobrang inis.
“C’mon!!! The stage is still open!! Anyone else who wants to join them?!!” ang masiglang tanong ng DJ.
Isang ideya ang pumasok sa isip ko dahil sa sobrang inis.
“Sino sa inyo magaling magsayaw?!” biglang tanong ko kina Cherry at Julie.
“Si Cherry! Dating cheerleader ’yan nung college eh!! Bakit?!” sagot at tanong ni Julie.
“Oh no! I know what you’re thinking Tom!!! Don’t te—–” ang hindi na naituloy na sasabihin ni Cherry nang hawakan ko na s’ya sa kamay.
“Julie, pahiram muna si Cherry ha?!” pagpapaalam ko kay Julie.
“Woooohhoooo!!! Go babe!!! Go Tom!!” pag-cheer naman ni Julie sa amin habang papunta kami sa stage.
Pagdating namin sa stage ay mas lumakas ang sigawan ng mga tao. Nakita ako ni Xander ngunit nginisian ko lang ito. Dahil na rin sa mga nainom ko ay bahagyang kumapal ang mukha ko at hindi ko pinansin ang kapal ng tao sa party na ito.
“Whoahh!! Another hot guy and a hot chick came up on stage!! Let’s see what moves they can do!!” sigaw muli ng DJ nang ipakilala kami.
Katabi lang namin ni Cherry sa stage si Xander at ang partner n’ya. Nang tingnan ko ulit si Xander ay nakangisi na rin ito sa akin.
Magkaharap dapat ang bawat magpartner at ’yun nga ang ginawa namin ni Cherry. Magkatinginan kami ni Xander dahil magkatalikod naman si Cherry at ang partner ni Xander.
Patuloy lang ang tugtog at nagsimula na ulit sumayaw ng lokong si Xander. Muli ko itong nginisian at nagsimula na rin akong magsayaw. Naririnig ko ang sigawan ng mga tao nang magsimula akong gumalaw. Sino ba namang hindi? Eh dancer nga ako pwera sa pagyayabang. Smooth lang ang bawat galaw ko na sinasabayan din ni Cherry. Tama nga si Julie, magaling nga magsayaw si Cherry.
Mukhang hindi naman apektado si Xander sa amin ni Cherry. Kung sabagay, alam naman kasi n’yang hindi ako pagnanasahan nitong si Cherry dahil may Julie na ito.
Mas naging intense ang pangyayari nang magsigawan ang mga taong nasa baba kabilang ang DJ.
“Take it off!!”
“Take it off!!”
“Take it off!!”
Nagulat na lang ang lahat nang hubarin ng partner ni Xander ang kanyang blouse at tumambad sa amin ang malulusog nitong dibdib na natatakpan ng white na bra. Naka-shorts itong maiksi kaya mas nakita ang magandang hubog n’yang katawan. Maganda rin ang babae at mukhang may binatbat kung sa beauty contest ilalaban.
Ang sunod na ginawa ng babae ang labis na nakapagpagulat sa akin. Hinubaran n’ya ng suot na polo si Xander kaya lalong nagsigawan ang mga tao. Eh ang ganda ba naman ng katawan nitong si Xander kaya sino bang hindi mapapasigaw?
Hindi rin nagpahuli ang iba pang contestants dahil naghubad na rin sila ng kanilang mga pang-itaas. Kami na lamang ni Cherry ang may mga suot na pang-itaas ngayon.
Akala ko ay wala nang mas nakakagulat pa roon. Pero tumalikod ang babae kay Xander at inabot ang mga kamay nito. Inilagay n’ya ang mga kamay ni Xander sa kanyang bewang at gumiling ito pababa. Muli itong humarap kay Xander at hinawakan s’ya sa kanyang balikat pababa sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang abs.
Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa eksena nila.
“Ah ganon?!” sigaw ko sa aking isip.
Dahil tila sumabog na ako na parang bulkan ay mas naging agresibo ako sa aking mga galaw. Mas ginalingan ko ang paggiling at pagsayaw. Pinaikot ko si Cherry sa aking mga braso at gumiling ako habang yakap ko s’ya ng isang kamay. Nakatalikod sa akin si Cherry at sinasabayan ang paggiling ko pababa. Nakadikit din ang aking mukha sa leeg ni Cherry dahilan para magsigawan ulit ang mga tao.
Nakita kong napangisi lalo si Xander sa ginawa namin ni Cherry.
Lalo akong nainis sa reaksyon n’yang ’yon. Hindi pa ako nakuntento at nakaisip ako ng isa pang ideya. May dumaan na waiter sa baba ng stage kaya naman….
boom!
….nag-back dive ako para makababa sa stage na iyon!
“Whooaaaa!!” sigawan muli ng mga tao dahil sa ginawa ko.
Nakita kong namangha si Xander dahil sa ginawa ko.
“See that Xander?! Kumalaban ka ng tunay na dancer eh! Makikita mo hinahanap mo!” sigaw kong muli sa aking isip.
Kinuha ko mula sa waiter ang dalawang beer na nasa tray nito at inabot kay Cherry na nasa stage pa rin. Akmang aakyat na ako muli sa stage ay nakita kong may nakalahad na kamay sa taas upang alalayan akong umakyat. ’Yung isang contestant din palang lalaki. Hindi na ako nagdalawang isip na abutin iyon. Pag-akyat ko dahil sa tulong n’ya ay nagdikit ang aming katawan dahil sa aming pwersa. Mas matangkad din sa akin ang lalaking ito.
“That was cool!” bulong ng lalaki sa aking tenga.
Tiningnan ko lang s’ya ngunit agad din s’yang kumilos para kumuha rin ng beer mula sa waiter na hindi bumababa ng stage. Sinimulan ko ulit magsayaw sa harap ni Cherry habang kinukuha ang isang beer na hawak n’ya. Nakita kong patuloy pa rin sa pagsasayaw sina Xander at ang partner n’ya pero nakatingin s’ya sa akin.
May ibinulong ako kay Cherry na s’yang ikinatawa n’ya ngunit agad din s’yang kumilos para gawin iyon.
Saglit na uminom si Cherry sa kanyang beer at dahan-dahan…..
…..ibinuhos n’ya ’yon sa aking katawan habang patuloy akong sinasayawan.
Sigawan nanaman ang mga tao dahil sa ginawa ni Cherry.
Nang maubos ’yon ay ako naman ang uminom ng konte mula sa aking beer at dahan ko ring ibinuhos sa aking katawan hanggang sa huling patak nito.
Mas lalong naging wild ang naging sigawan ng mga tao nang hawakan ko ang dulo ng basa ko nang polo at unti-unti ko itong inangat hanggang sa mahubad ko. Habang ginagawa ko ’yon ay patuloy lang ako sa pagsayaw na lalong nagpaingay sa lugar na iyon. Alam kong ayaw ni Xander na muli akong magsasayaw sa harap ng ibang tao ng walang suot na damit pero mas nangingibabaw sa akin ang makaganti ngayon.
Tumambad kasi sa kanila ang aking maputing katawan. Sa bawat sayaw ko rin ay nagfe-flex ang muscles at abs ko na lalo pang nakita dahil basa ang katawan ko ng beer.
Napangisi ako nang makita kong nakatulala si Xander sa akin. Hindi na s’ya makagalaw tulad ng una n’yang ginawa.
Naputol ang aking pagtingin sa kanya nang maramdaman kong may pumulupot na braso sa aking leeg mula sa aking likuran. May hawak rin itong bote ng beer na may laman pa. Napatigil ako sa aking pagsasayaw.
“Want to spill this third bottle?” ang bulong ng isang lalaki sa aking tenga.
Napalingon ako sa kanya at nagulat ako ng malapit na ang pagitan ng aming mga mukha. S’ya ang lalaking tumulong sa akin kanina sa pag-akyat ko ng stage. Gwapo rin pala itong lalaking ito at maganda rin ang katawan dahil nakita ko rin iyon kanina matapos n’ya akong tulungan.
Hindi pa man ako nakakasagot sa kanya ay nagulat na lamang ako nang nabitawan n’ya ang aking leeg dahil pilit na tinanggal ’yon ni Xander. Nasa harapan ko na pala ito at nanlilisik na ang mga matang nakatingin sa lalaki sa akin likuran.
Walang sabi-sabi ay hinawakan ako ng mahigpit ni Xander sa aking pulsuhan at hinila pababa ng stage na iyon. Nakita ko sa baba si Julie na natatawa pa.
“Sorry Julie! Pakisabi na rin kay Cherry!” sigaw ko sa kanya habang nagpapakaladkad ako kay Xander.
“No worries! Good luck!” sigaw n’ya naman pabalik.
Naiinis man ako ay nagpapadala na lang ako kay Xander sa paghila n’ya sa akin. Ngunit nakakaramdam na ako ng sakit sa aking kamay dahil sa kanyang ginagawa.
Narating namin ang aming kwarto nang walang namagitang salita sa aming dalawa. Pagpasok namin sa bedroom ay padabog n’yang binitawan ang aking kamay kaya nagulat akong lalo.
“Ano bang problema mo?!” sigaw n’ya sa akin.
Nag-init ang ulo ko sa pagsigaw n’yang iyon dahil ito ang unang pagkakataon na nagawa n’ya akong sigawan.
“Eh ikaw?! Ano bang problema mo?!” sigaw ko sa kanya pabalik habang hinihilot ang aking kamay na hila n’ya kanina.
“Ikaw!! Ikaw ang problema ko!! Ganyan ka ba talaga ha?!!” sigaw nanaman n’ya habang tinuturo ako.
Galit na galit talaga s’ya pero mas nagagalit na ako sa kanya ngayon dahil sa pagsisigaw at pagduro n’ya sa akin.
“Ako pa talaga?!! Eh ikaw ’tong kung makasayaw doon parang wala kang boyfriend ah?!!” sumbat ko sa kanya.
“Nagpaalam ako sa’yo at pumayag ka!!! Sana hindi ka pumayag para wala ako sa stage na ’yon!!!” sumbat n’ya pabalik.
“Kasama ba sa pagpayag ko na hawakan ang babaeng ’yon at hayaan mong hubaran ka n’ya sa harap ng tao at lalong-lalo na sa harap ko?!!!!” ang galit na galit kong sigaw sa kanya habang dinuduro ko na s’ya.
Nagdikit na rin ang ngipin ko sa sobrang galit dahil naaalala ko ang mga naging eksena nila kanina.
“Eh ikaw?!! Ikaw pa ang mismong naghubad ng suot mo at ibalandra ang katawan mo sa harap ng tao!!! Ano?!! May balak ka bang ibenta ’yang katawan mo?!! Harap-harapan kang lumalandi sa ibang lalake!! Nagdidikit ang katawan n’yo sa mismong harap ko!!!!” sigaw n’yang muli sa akin at dinuro-duro na rin ako.
Dito na ako naestatwa sa sinabi n’ya. Hindi ko akalain na masasabi ni Xander ang mga salitang ito. Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Ang sakit ng bawat salitang binitiwan n’ya.
“Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Malandi ako?” mahinahon ko nang tanong sa kanya at unti-unti nang naglandas ang luha sa aking mga mata.
Hindi s’ya nakaimik sa akin at tila ba natauhan s’ya.
“Ha Xander?! Ganyan ba ang tingin mo sa akin?! Sumagot ka!!!” muli kong tanong na pasigaw sa kanya habang umiiyak.
Hindi n’ya pa rin nagawang magsalita o sumagot sa tanong ko. Nagpatuloy na lamang ako habang magkatitigan kami.
“Wala kang maisagot?!! Kung sabagay, hindi mo pa naman ako lubos na kilala ’di ba?! Sino ba ako?!! Simpleng empleyado mo!! Waiter sa restaurant mo!! At trabahador mo lang na dapat ay sumusunod lang sa mga utos mo!!!” sumbat ko sa kanya.
Hinilamos ko ang isang kamay ko para punasan ang mga luha kong patuloy pa rin sa pag-agos. Bumuntong hininga ako at muling nagsalita sa kanya ngunit ngayon ay mahinahon na ako.
“Hindi ko akalain na ganyan kababa ang tingin mo sa akin. Ang sakit ng mga binitiwan mong salita. Kulang pa ba ako sa pagpapakita ng pagmamahal ko? Pasensya ka na ha? ’Yun lang ang kaya ko eh. Pasensya ka na.” wika ko sa pagitan ng pag-iyak.
Tinalikuran ko na s’ya at kinuha ang towel para maligo at maghanda sa pagtulog.
Patuloy pa rin ako sa pagiyak sa CR dahil sa nangyari. Ito kauna-unahang pagkakataon na nag-away kami ni Xander sa dalawang buwan naming relasyon.
Mabuti at nakatulong kahit paano ang malamig na tubig sa pagligo ko dahil bahagya akong kumalma.
Paglabas ko ng CR ay nakita kong nakatayo ito at mukhang inaabangan ako. Akmang lalapitan ako nito ngunit agad rin akong nagsalita.
“Maligo ka na rin, baka tanghaliin tayo ng gising bukas. Mauuna na akong matulog.” malamig kong wika sa kanya at nilampasan ko na rin s’ya.
Tulala ako habang pinapatuyo ang buhok ko. Hindi ko alam kung gaano katagal sa loob ng CR si Xander dahil hanggang sa makahiga ako ng kama ay hindi pa ito lumalabas. Ipinikit ko ang aking mga mata upang simulang matulog ngunit hindi ko talaga magawa. Naramdaman kong nakalabas na ito mula sa banyo at nag-ayos na rin ng kanyang sarili.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong humiga na rin ito sa aming kama. Nakatalikod ang pwesto ko sa kanya kaya hindi ko alam ang kanyang mga ikinikilos.
Ilang minuto pa ang nakalipas mula nang humiga s’ya ay hindi ko narinig ang kahit na anong pagkilos mula sa kanya. Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla ako nitong yakapin sa bewang mula sa aking likuran. Tila ba nanlambot ako sa yakap n’yang iyon at nagsimula nanaman tumulo ang aking mga luha. Hindi ko na rin napigilang mapahikbi dahil sa pagiyak.
“I’m sorry Tom…. I’m sorry…. sorry… sorry….” paulit-ulit n’yang wika sa likod ko. Umiiyak na rin ito base sa naririnig kong boses n’ya.
Nasa batok ko ang kanyang mukha at pilit na isinisiksik doon. Ilang sandali pa ay naramdaman kong basa na rin ang aking batok dahil sa kanyang mga luha. Hindi ko magawang magsalita kaya pinakinggan ko na lamang s’ya sa kanyang mga sasabihin.
“Sorry kung nakapagsalita ako ng ganon… Hindi naman ganon ang pagkakakilala ko sa’yo eh.. Nagselos lang talaga ako kanina kaya hindi ko na nakontrol ang sarili ko… Sa sobrang selos ko, hindi ko na alam ’yung mga lumalabas na salita sa bibig ko… Hindi ka ganoong klase ng tao… Please Tom, ’wag mong isipin na mababa ang tingin ko sa’yo… Mahal na mahal lang talaga kita kaya ganoon na lang ang selos na naramdaman ko… Kung alam mo lang kung gaano ko na gustong magwala kanina doon… Patawarin mo na ako Tom… Ayokong matapos ang araw na ito na magkagalit tayo… Please… Kausapin mo na ako….” mahabang wika n’ya habang umiiyak.
Naiintindihan ko naman s’ya sa kanyang pagseselos dahil ganoon rin ang naramdaman ko kanina nang makita ko ang pagsasayaw nila ng kapartner n’ya sa stage. Aminado rin naman ako na may mga mali rin akong nagawa dahil hindi kami aabot sa ganito kung nanahimik na lamang ako sa isang tabi at pinagkatiwalaan na lamang s’ya. Masyado rin akong nagpadala sa selos ngunit sa magkaiba at maling paraan namin iyon inilabas.
Agad akong humarap sa kanya at niyakap rin s’ya ng mahigpit. Isiniksik ko rin ang aking mukha sa kanyang dibdib.
“Sorry din… Sorry…. Alam kong may mali rin akong nagawa… Nagselos lang din naman ako sa nakita ko kanina eh.. Promise, next time lalawakan ko na ang isip ko… Ayaw ko nang maulit ’yung kagaya nito… Nasasaktan natin ang isa’t-isa dahil sa padalos-dalos tayo… Sorry din Xander….” wika ko sa kanya habang umiiyak pa rin.
Niyakap n’ya pa ako ng mahigpit matapos kong sabihin iyon. Hinalikan n’ya rin ako sa aking ulo bago nagsalita.
“Kalimutan na natin ’yun. Ang mahalaga ay naayos tayo. ’Wag ka nang umiyak. Please?” pakiusap n’ya sa akin.
Tanging pagtango lamang ang naging sagot ko. Nagsalita s’yang muli habang magkayakap kami.
“Grabe Tom, akala ko iiwan mo na ako. Natakot talaga ako. Promise, susubukan ko nang kontrolin ang galit ko para hindi naliligaw ’yung mga salita ko. Nung nakita nanaman kitang umiyak, nanghina ako. Akala ko tatapusin mo na ang lahat. Sorry ulit Master…..” wika n’ya ulit at hinalikan nanaman ako sa ulo.
Agad kong inangat ang aking ulo at tiningnan s’ya. Pinunasan n’ya ng kanyang hinlalaki ang mga natitira ko pang luha.
“Sabi ko naman sa’yo hindi kita iiwan hanggat hindi mo sinasabing hindi mo na ako kailangan ’di ba? Kaya hindi mangyayari ’yun.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Hinawakan n’ya ako sa magkabilang pisngi bago nagsalita.
“’Yan ang hinding-hindi ko masasabi kahit galit na galit na ako. Never kong sasabihin na hindi na kita kailangan. Kasi para kang tubig at hangin sa mundo ko. Naiintindihan mo?” seryoso n’yang wika sa akin.
Tumango naman ako sa kanyang mga sinabi habang nakangiti pa rin. Niyakap n’ya ako ng mahigpit kaya nasa ibabaw n’ya ako ngayon.
“I love you Master.. Salamat at pinatawad mo pa rin ang gagong katulad ko.” wika n’ya sa akin.
“I love you too Master.. Salamat sa mahabang pasensya sa kagaya ko.” sagot ko sa kanya.
Sabay kaming natawa dahil sa aming mga sinabi. Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon nang magsalita s’yang muli.
“Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas, maghahanda pa tayo ng gamit natin pabalik ng Manila.” wika n’ya.
“Sige, good night Master.” wika ko.
“Good night din Master..” sagot n’ya.
Inangat ko ang ulo ko at tiningnan s’ya.
“I love you..” wika ko ulit sa kanya.
“I love you more..” nakangiti n’yang sagot.
Inilapit ko ang aking mukha at hinalikan s’ya na kanyang ring tinugon.
May ngiti sa aming labi nang matulog kami ng gabing ’yon. Masaya kami dahil bago matapos ang araw ay naayos namin ang aming naging problema.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkabalik namin ng Maynila ay dumeretso na kami sa kanyang condo. Naglalakad kami patungo sa kanyang condo nang nagtatawanan. Masaya kaming nagke-kwentuhan kahit pagod kami sa byahe.
Nasa tapat na kami ng pintuan ng kanyang condo at ilalagay na sana n’ya ang susi para buksan iyon nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan mula sa aming likuran.
“Xander…..” tinig ng isang babae.
Nagulat ako nang mabitawan ni Xander ang hawak n’yang susi kaya dali-dali kong pinulot iyon. Pagtingin ko kay Xander ay tulala itong nakaharap sa pinto.
Tiningnan ko ang babaeng tumawag sa kanya sa aming likuran. Hindi s’ya pamilyar sa akin kaya nagtanong ako.
“Sino po sila?” tanong ko sa kanya.
A/N
Hmmmm…… Sino kaya itong nagpunta sa condo ni Xander????
’til next chapter guys!
––cold_deee
chapter 26 - lemon sorbet
A/N
Yow! Penge po votes! :((
––> si Josephine po sa media.
TOM POV
Pagkabalik namin ng Maynila ay dumiretso na kami sa condo ni Xander. Naglalakad kami patungo sa kanyang unit nang nagtatawanan. Masaya kaming nagke-kwentuhan kahit pagod kami sa byahe.
Nasa tapat na kami ng pintuan ng kanyang condo at ilalagay na sana n’ya ang susi para buksan iyon nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan mula sa aming likuran.
“Xander…..” tinig ng isang babae.
Nagulat ako nang mabitawan ni Xander ang hawak n’yang susi kaya dali-dali kong pinulot iyon. Pagtingin ko kay Xander ay tulala itong nakaharap sa pinto.
Tiningnan ko ang babaeng tumawag sa kanya sa aming likuran. Hindi s’ya pamilyar sa akin kaya nagtanong ako.
“Sino po sila?” tanong ko sa kanya.
Hindi ako nito sinagot. Tumingin ito kay Xander at tinawag muli ang kanyang pangalan.
“Xander…. c-can we talk?” tanong ng babae.
Tiningnan ko si Xander kung anong reaksyon nito ngunit nanatili itong tulala sa tapat ng pinto. Sinubukan kong tawagin ang atensyon n’ya.
“Master? Kilala mo ba s’ya?” inosente kong tanong sa kanya.
Hindi s’ya umimik kaya muling nagsalita ang babae sa aming likuran.
“You must be Tom?” tanong ng babae sa akin.
“Ahm.. Opo, ako po si Tom. Kayo po?” tanong ko pabalik sa babae.
“I’m Josephine. It’s nice to finally meet you Tom.” nakangiti n’yang pagpapakilala sa akin.
Pamilyar ang kanyang pangalan ngunit hindi ko matandaan kung saan ko nga ba narinig ito. Nagkaroon din ako ng pagkakataong tingnan ito ng mabuti. Hindi maitatanggi ang angking kagandahan ng babaeng ito. Balingkinitan ang katawan at halatang mayaman base sa kanyang kutis at pananamit.
“Ahh… Nice to meet you din po Ms. Josephine.” nakangiti kong sagot din sa kanya.
“Call me Jho. Masyadong formal at masyadong mahaba ang Josephine.” nakangiti n’yang wika sa akin.
Nabasag ang aming pag-uusap ni Josephine nang biglang kinuha ni Xander mula sa akin ang susi ng kanyang condo.
“Pumasok na tayo Tom. Hindi ko s’ya kilala.” malamig na wika ni Xander.
Ang sumunod na pangyayari ang labis kong ikinagulat. Tumakbo si Josephine papunta sa gawi namin at agad na niyakap si Xander sa likod. Napaatras ako dahil sa tagpong iyon. Bahagya kasi akong nahawi ni Josephine.
“Xander please…. hayaan mong magpaliwanag ako…” pagmamakaawa ni Josephine at nagsimula na itong umiyak.
Kahit na nagulat ako ay pinili kong magpakahinahon. Mukhang may kailangan nga siguro silang pag-usapan.
“Ahm… Xander… K-kung kinakailangan n’yong mag-usap na dalawa, uuwi muna ako sa amin. Para na rin makamusta ko sila Ma––” ang hindi ko naituloy na pagsasalita dahil pinutol ako ni Xander.
“Hindi ka aalis Tom! Dito ka lang!” madiin n’yang wika.
Pilit n’yang tinanggal ang pagkakayakap ni Josephine sa kanya dahilan para mapaupo ito sa sahig. Agad kong nilapitan si Josephine dahil naawa ako dito. Inalalayan ko itong makatayo at agad na kinausap ng mahinahon si Xander.
“Master naman… Baka pwedeng kausapin mo na lang s’ya ng maayos? ’Wag mo naman s’yang saktan please?” mahinahon kong pakiusap kay Xander.
Humarap si Xander sa aming dalawa ni Josephine at nakita ko ang galit na galit nitong mukha. Salubong ang mga kilay at nagtatangis ang mga ngipin.
“Saktan?! Itanong mo sa babaeng ’yan kung sino sa amin ang nanakit!” sagot ni Xander sa akin.
“Xander please… Magpapaliwanag ako… Hayaan mo akong magpaliwanag… May dahilan ako kung bakit nangyari ’yon…” pagmamakaawa ni Josephine.
Binalingan ng tingin ni Xander si Josephine at galit na galit itong nagsalita.
“Ngayon mo pa naisipang magpaliwanag?! Matapos mo kaming iwan ni Carla ng pitong taon?!” sigaw ni Xander sa kanya.
Nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ko iyon. Ngayon, naiintindihan ko na. S’ya pala ang ina ni Carla. Ang nag-iisang babae na minahal ng magkapatid na Xander at Daniel.
Dahan-dahan kong nabitawan si Josephine dahil sa mga narinig ko. Natulala ako at hindi makapagsalita. Hinayaan ko ang aking sarili na marinig ang bawat sasabihin nila.
“Xander please….. pakinggan mo ako… nagmamakaawa ako…” pakiusap ni Josephine.
“Matagal na panahon ang hinintay kong paliwanag galing sa’yo!!! Nagpaliwanag ka ba?!! Nagparamdam ka ba?!!!! Ngayon kung kailan ayos na ang lahat sa amin babalik ka para magpaliwan——” ang hindi naituloy na sasabihin ni Xander nang putulin ito ni Josephine.
“Tinago ako ng pamilya ko Xander… Matapos kong manganak ay binawi nila ako at dinala sa States.. Gusto kong kumawala sa kanila dahil gustong-gusto ko nang makapiling kayo ni Carla.. Pero ginawa nila Daddy at Mommy ang lahat para hindi ako makawala sa puder nila… Ayaw nilang mangyari na ang nag-iisang tagapagmana nila ay mabansagang disgrasyada… Maniwala ka sa akin Xander…. Hindi n’yo alam ang naging paghihirap ko nang kunin nila ako… Daig ko pa ang isang hayop na ikinulong…” mahabang wika ni Josephine habang patuloy sa pagiyak.
Natahimik naman kami ni Xander dahil sa mga naging rebelasyon nito. Lubos akong nakaramdam ng awa kay Josephine dahil sa pangungulila nito sa pamilya n’ya. Alam kong bilang isang ina ay hindi n’ya gugustuhing mawalay sa kanyang anak.
“At paano ka ngayon nakarating dito kung talagang itinago ka ng pamilya mo?” ang biglang pagtatanong ni Xander ngunit sa mahinahong paraan ngayon.
“Ginawa ko ang lahat para makuha ang tiwala nila… Nagsumikap ako para makuha paunti-unti ang properties nila… Nag-aral akong mabuti at hindi ko ipinakita sa kanila kahit minsan na nangungulila ako sa pagkawala ng nag-iisang anak ko ganoon din sa’yo… Nagpanggap akong kinalimutan ko ang lahat sa inyo para magtagumpay ako… Hindi nga nagtagal ay nakuha ko na ang gusto ko… Dahil hawak ko na ang lahat ng properties namin ngayon, wala na silang magawa kahit ang mga tauhan nila para mapasunod ako… Nagbunga na ang mga paghihirap at pangungulila ko….” paliwanag pa ni Josephine.
Hindi nagsalita si Xander kaya nagpatuloy si Josephine.
“Lahat tiniis ko Xander… Gabi-gabi akong hindi makatulog ng maayos sa pag-iisip sa inyong dalawa ni Carla… Kung sa tingin mo Xander ay ikaw lang ang naghirap sa loob ng pitong taon, doble ang nararamdaman kong pangungulila alam mo ba ’yon? Dahil ikaw, kasama mo si Carla… Pero ako? Mag-isa at walang karamay nang mga panahong nagungulila ako sa inyo… Ultimo pamilya ko ay hindi ko malapitan… Nag-iisa ako sa loob ng pitong taon…. Nag-iisa ako….” at tuluyan na s’yang humagulgol ng malakas. Napaluhod na rin ito sa labis na pighati.
Awang-awa ako sa mga pinagdaanan ni Josephine. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman n’ya dahil sa labis na pangungulila sa kanyang pamilya.
“Hindi ko alam… Hindi ko alam Jho kung dapat ba akong maniwala…” ang umiiling-iling na wika ni Xander.
“Xander… kahit hindi mo ako mapatawad ay tatanggapin ko…. Gusto ko lang makita ang anak ko…. Gusto ko lang makasama kahit minsan ang nag-iisang anak ko….” ang pakiusap ni Josephine habang nakaluhod sa harap ni Xander.
Tinungo ko si Josephine at inalalayan para tumayo. Nagulat ako nang pati sa akin ay magmakaawa ito.
“Tom please…. Kausapin mo si Xander… Ikaw na lang ang malalapitan ko… Kahit ngayon lang tayo nagkakilala ay alam kong maiintindihan mo ako… Nakikiusap ako sa’yo… Kumbinsihin mo s’yang makita ko ang anak ko… Pakiusap Tom… Pakiusap…” pagmamakaawa nito sa akin.
Tiningnan ko si Xander upang makita kung ano ang magiging sagot nito. Ngunit mabilis itong tumalikod at tinungo ang pinto ng kanyang unit. Naiwan kami ni Josephine sa labas habang patuloy s’ya sa kanyang pagiyak.
“Hindi ko alam kung magagawa ko ang pakiusap mo sa akin Josephine, pero susubukan ko s’yang kausapin. Sa ngayon siguro mas makakabuting hayaan muna natin s’yang makapag-isip. Naguguluhan pa kasi s’ya kaya sana intindihin muna natin. At ikaw naman, mas makabubuti sigurong magpahinga ka muna. Hayaan mo, gagawin ko ang kaya ko para makumbinsi s’ya.” wika ko kay Josephine.
Ngumiti si Josephine at agad akong niyakap.
“Salamat Tom… Salamat…. Napakabuti mo… Salamat… Babalik na lang ako sa ibang araw.. Salamat ulit..” ang paulit-ulit n’yang sambit habang yakap ako.
Tumango-tango naman ako bilang pagtugon habang hinahagod ang kanyang likod.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin s’ya sa akin. Nagbigay s’ya sa akin ng konting detalye kung paano s’ya makakausap kung sakaling makumbinsi ko si Xander.
Pagpasok ko sa unit ni Xander ay hindi ko s’ya matagpuan sa sala o kusina kaya dali-dali ko itong pinuntahan sa kwarto. Wala rin ito doon ngunit naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa kanyang banyo. Mukhang naliligo ito. Nagdesisyon na lamang akong iligpit ang mga gamit naming dala-dala mula sa pagbabakasyon.
Ilang sandali pa ay lumabas ito mula sa CR at nakita kong mukhang normal na ito kumilos ngunit hindi n’ya ako magawang tingnan. Nagsuot lamang s’ya ng kanyang damit. Matapos n’yon ay kinuha n’ya ang kanyang laptop at umupo sa isang sofa na nasa loob ng bedroom n’yang iyon. Naupo naman ako sa kamang katapat n’ya.
“Master….” tawag ko sa kanya.
“Hhhmmm?” tanong n’ya pabalik sa akin.
“P-pwede ba tayong mag-usap?” utal kong tanong sa kanya.
“Tungkol saan?” tanong n’ya pabalik at hindi pa rin ako tinitingnan.
“Tungkol kay Jos——” ang hindi ko natapos na sasabihin dahil pinutol n’ya agad ako.
“Wala tayong pag-uusapan tungkol sa kanya Tom.” malamig n’yang sagot sa akin at nagawa na rin akong tingnan sa wakas.
“Master naman… Hindi ka ba naaawa sa kanya?” tanong ko sa kanya.
“Awa? S’ya ba naawa sa akin noong panahon na iniwan n’ya kami ni Carla? Sige nga Tom, sagutin mo ako!” tanong n’ya sa akin pabalik.
“Pero Xander, s’ya din naman naghirap eh. Hindi mo ba narinig ang paliwanag n’ya? Sa loob ng pitong taon wala s’yang masasandalan kundi ang sarili n’ya. Ikaw may mga kaibigan, pamilya at higit sa lahat kasama mo si Carla.” paliwanag ko pa sa kanya.
Huminga s’ya ng malalim bago nagsalita.
“Tom, ayaw kong mag-away tayo nang dahil lang sa nakaraan ko. Tapos na ’yon at hindi na dapat pang balikan. Maayos naman kami ngayon at may kanya-kanya nang buhay. Masaya na ako sa’yo at hindi na s’ya dapat pumasok pa sa kung anong buhay meron ako. Makuntento na s’ya don!” pagmamatigas n’ya.
“Hindi pa tapos ang nakaraang sinasabi mo. Tinatalikuran mo lang ang nakaraan mo ng hindi iyon inaayos. Paano mo magagawang lubusang maging masaya sa ngayon kung may bumabagabag pa rin sa’yo? Paano tayo lubusang magiging masaya kung ang pakiramdam ko ay may nakaraan kang maaring gumugulo sa’yo? Sa tingin mo ba hindi ko iniisip ang mga bumabagabag sa’yo sa nakaraan? Gusto kong maayos ang mga susunod nating yapak ng magkasama. Gusto kong maging masaya tayo nang walang inaalala.” mahinahon kong paliwanag sa kanya.
Hindi n’ya nagawang magsalita kaya nagpatuloy ako.
“At isa pa, hindi mo ba iniisip si Carla? Kahit hindi n’ya sabihin, alam mong naghahanap pa rin ’yon ng kalinga ng isang ina. Ipagkakait mo ba ’yon sa kanya? Mahal mo ang anak mo ’di ba? Dapat alam mo rin kung saan s’ya magiging masaya. At iyon ay ang makilala ang kanyang ina.” dagdag ko pa.
Huminga s’ya ng malalim bago tiniklop ang laptop n’ya. Tumayo s’ya sa kanyang inuupuan at nilapitan ako sa kamang inuupuan ko. Umupo rin s’ya sa aking tabi bago nagsalita.
“Kaya mahal na mahal kita eh. Sumobra ka sa bait! Minsan nakakainis na!” wika n’ya sa akin na tila naaasar.
Ngumiti naman ako sa kanya at nagsalita.
“Gusto ko lang na wala kang galit na nararamdaman. Maaari kasing makaapekto ’yan sa araw-araw mong pamumuhay. Kung may galit ka sa puso mo, hindi mo magagawang lubusang maging masaya.” nakangiti kong wika sa kanya.
“Hindi ka ba natatakot Tom?” tanong n’ya sa akin.
“Saan naman?” tanong ko sa kanya pabalik.
“Na magkakaroon kami ng pagkakataong magkausap. Dati ko s’yang minahal kaya hindi ka ba natatakot na maging sanhi ’yon ng paglalapit ulit namin?” tanong n’ya sa akin.
“Gusto kong maging tapat sa’yo. Nakakaramdam din naman ako ng takot. Pero may tiwala naman ako sa’yo. Hindi mo naman ako magagawang saktan ’di ba? Ayaw mo naman akong nakikitang umiiyak ’di ba?” sagot at tanong ko sa kanya.
“S’yempre naman! Walang duda ’yan! Mahal na mahal kita kaya hindi kita magagawang saktan.” maagap n’yang sagot sa akin.
“Ayun naman pala eh. Wala akong ibang panghahawakan kundi ang sinabi mong ’yan. Maiintindihan ko at hindi ako makasarili para ipagkait ang karapatan ni Carla na makilala ang kanyang ina. Mahal ko rin ang anak mo at gusto kong makita rin s’yang maging masaya.” nakangiti kong paliwanag sa kanya.
Bigla akong niyakap ni Xander ng sabihin ko ang mga iyon.
“Salamat Tom… Salamat… Anghel ka talaga na binigay sa akin alam mo ba ’yon?” wika n’ya habang yakap ako.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi.
“OA naman Master! Anghel agad? Gusto ko lang naman maging masaya ang tao sa paligid ko lalo na ang mga mahal ko.” wika ko sa kanya.
“Ayun na nga eh. Masyado kang mapagbigay. Puro para na lang sa iba ang iniisip mo. Paano ka naman?” wika n’ya pabalik habang yakap pa rin ako.
“Masaya naman ako Master eh. Masasabi kong maswerte pa nga ako dahil may pamilya ako at mga kaibigan. Tapos dumating ka pa sa buhay ko. May mahihiling pa ba ako? Kaya naman ayaw kong ipagkait sa iba ang mga magagandang bagay na dumarating sa buhay ko.” sagot ko sa kanya.
Bumitaw s’ya sa aming pagkakayakap at hinarap ako.
“Basta tandaan mo Tom ha? Mahal na mahal kita at sana ay panghawakan mo ’yan. Hindi makokompleto ang buhay ko kung wala ka.” madamdamin n’yang wika.
“Mahal na mahal din kita. Hindi ako magbibigay ng kahit na anong dahilan para bitawan ka. Hanggat alam kong mahal mo ako, hindi ako aalis sa tabi mo.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Tinapos namin ang aming pag-uusap sa pamamagitan ng mainit naming mga halik. Maya-maya pa ay naramdaman kong gumagapang na ang kanyang kamay sa aking likuran at unti-unting inaangat ang aking suot na t-shirt. Kaya bago pa mauwi sa mainit na tagpo ang aming halikan ay pinutol ko na ito.
“Master, ang pilyo mo nanaman. Hindi pa ako nakakaligo oh! Amoy pawis pa ako!” wika ko sa kanya.
Tinawanan n’ya lang ako bago s’ya nagsalita.
“Kahit ’wag ka na maligo Master. Mabango ka pa rin naman! Ang sarap mo nga kagatin eh!”
“Ewan ko sa’yo! D’yan ka na nga! Nalalagkitan na rin ako sa katawan ko eh! Init na init na rin ako!” wika ko habang tumatayo para tunguhin ang banyo.
Narinig kong muli ang pagtawa n’ya sa aking likuran.
“Tama ba ang narinig ko sa’yo Master? Ulitin mo nga!” utos n’ya sa akin.
Humarap naman ako sa kanya ng may pagtatanong sa aking mukha. Nakita kong nakangiti s’ya ng tila may iniisip na hindi maganda. Binalikan ko ang mga huli kong sinabi sa kanya. At nang maalala ko ang huling linyang sinabi ko ay awtomatikong nag-init ang mga pisngi ko. Napanganga pa ako dahil sa dobleng kahulugan ng mga salitang iyon.
Dahil sa hindi ako makasagot ay dali-dali akong tumalikod sa kanya at kinuha ang twalya. Narinig ko pa s’yang tawa ng tawa, marahil ay sa naging reaksyon ko.
Pagkapasok ko ng banyo ay narinig ko s’yang sumigaw na lalong nagpainit ng mukha ko.
“H’wag mo nang i-lock ’yang pinto ha?! Papasok na lang ako d’yan! Tutal init na init ka na!” ang pilyong sigaw n’ya.
Sa takot ko ay mabilis kong ni-lock ang pinto ng banyo. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sinimulang maligo.
“Napaka-pilyo talaga!” inis kong sambit sa aking sarili.
Matapos kong maligo at mag-ayos ay dahan-dahan akong lumabas ng banyo. Mabuti na lamang at hindi ko na s’ya inabutan sa kwarto n’ya dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga susunod n’yang pang-aasar.
Nakaamoy ako ng pagkain kaya lumabas din ako ng kwartong iyon. Naabutan ko s’yang nagluluto sa kanyang kitchen kaya unti-unti ko s’yang nilapitan. Ang hot talaga ng boyfriend ko habang nagluluto. Hindi ko mapigilang mapangiti sa iniisip ko.
Dahan-dahan ko s’yang nilapitan at niyakap mula sa kanyang likod. Nagulat s’ya sa pagyakap kong iyon ngunit agad ring nakabawi kaya ngumiti ito sa akin.
“Anong niluluto mo Master?” tanong ko sa kanya habang sinisilip ang kanyang niluluto.
“Naalala mo ba ’yung kinain natin sa isang restaurant sa Tagaytay? Sinusubukan kong gayahin ’yung recipe na ’yon.” sagot naman n’ya.
“Eh paano mo naman gagayahin ’yon kung hindi naman nila sinabi ang recipe nun?” tanong kong muli sa kanya.
“Nung tinikman ko! Nilalasahan ko ’yung ingredients na ginamit nila doon. Sana nga lang ay tama ang naging panlasa ko.” sagot n’ya naman habang patuloy pa rin sa pagluluto.
“Mmmmm… Ang galing mo naman! Saka ang bango!” wika ko sa kanya.
“Ang bango? Ng alin? Ng niluluto ko o ako?” pilyo n’yang tanong.
Natawa ako ng kaunti bago ako sumagot.
“Parehas!” masaya kong sagot sa kanya.
Muli s’yang natawa sa aking naging sagot. Humarap s’ya sa akin kaya bahagya kong niluwagan ang pagkakayakap ko. Niyakap n’ya ako ng buong higpit at hinalikan sa noo.
“Sige na, maupo ka muna d’yan. Matatapos na rin ito. Matitikman mo na rin maya-maya ang mabangong luto ko at ang mabangong ako.” natatawa n’yang wika sa akin.
Tumawa na lang ako sa kanya at kumalas na rin sa aming pagkakayakap.
Ilang sandali pa ay natapos na ang kanyang niluluto kaya tinulungan ko na lamang s’yang maghanda ng aming mga kakainan.
Nang magsimula na kaming kumain ay namangha ako sa lasa ng kanyang niluto. Kuhang-kuha n’ya ang lasa ng kinain naming iyon sa Tagaytay. Pero mas masarap pa nga ang luto n’ya. Tinanong ko s’ya kung anong nilagay n’ya doon na mas nagpadagdag ng masarap nitong lasa. Ang sabi n’ya ay may nilagay s’yang konting spices para magbalanse ang lasa ng gulay at karne. Sobrang proud talaga ako na may Chef akong boyfriend.
Dahil sa labis na tuwa ay nahalikan ko s’ya ng paulit-ulit sa pisngi kaya tuwang-tuwa naman s’ya.
Matapos namin kumain ay nagpresenta na akong maghugas ng aming pinagkainan. Pumayag na rin s’ya sa aking gusto dahil may bibilhin pa raw s’ya sa labas kaya naiwan akong mag-isa sa loob ng kanyang condo. Tinanong ko kung anong bibilhin n’ya ngunit sinabi nitong magpapa-load lang daw s’ya. Tumango-tango na lamang ako sa naging sagot n’ya. Ngunit habang naghuhugas ako ng aming pinagkainan ay may bigla akong naalala.
“Magpapa-load?! Eh hindi naman prepaid sim ang gamit nun ah? Naka-line ang sim nun at monthly dumarating ang billing n’ya para sa cellphone n’ya!”
pagkausap ko sa aking sarili.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang aking katanungan at ipinagpatuloy na lamang ang aking paghuhugas ng pinggan.
Matapos kong maghugas ng pinggan ay nagtungo muna ako sa sala para maglinis ng kaunti doon at manood ng tv na rin. Buti na lang at may cable si Xander kaya sa HBO ko agad nilipat ang channel.
Hindi pa rin bumabalik si Xander mula nang ito ay magpaalam na lumabas. Tinext ko s’ya dahil nag-aalala na ako sa kanya. Agad naman s’yang nagreply na pauwi na rin s’ya kaya hindi na rin ako nag-usisa pa. Ang importante naman sa akin ay safe s’ya lagi.
Dahil sa busog ako at pagod pa mula sa mahabang byahe kanina ay hindi ko namalayang nakatulog ako sa sofa.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulog dahil paggising ko ay madilim na sa labas. Natatanaw ko kasi sa malaking bintana ang labas ng condo ni Xander kaya nalaman kong gabi na pala.
Agad akong tumayo sa sofa at inilibot ko ang aking mga mata ngunit walang Xander akong nakikita. Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinext ulit s’ya. Tinanong ko kung nasaan na s’ya. Ilang minuto pa akong naghintay ngunit wala akong natanggap na reply mula sa kanya.
Kinabahan na ako kaya agad akong nagtungo sa aming kwarto para kunin ang wallet ko at hanapin s’ya sa labas ng condo. Nagtoothbrush din muna ako at nag-ayos ng buhok dahil plano kong hanapin ito sa labas ng condo building na iyon.
Matapos kong mag-ayos ng kaunti ay lumabas na ako ng kwarto namin. Ngunit napansin kong bukas ang kabilang kwarto ng condo ni Xander kaya nagtaka ako. Hindi naman namin tinutulugan ang kwartong iyon kaya nagtataka akong bukas iyon.
Pagpasok ko ng kwartong iyon ay nagulat ako nang may lagaslas ng tubig na nanggaling mula sa banyong naroon.
Dahan-dahan akong lumapit doon at idinikit ang aking tenga sa pinto. Natawa ako nang marinig kong kumakanta pa si Xander habang nasa loob. Marahil dahil sa summer ngayon at sobrang init ay naligo s’yang muli. Kung sabagay, plano kong maligo rin ulit dahil naiinitan na rin ako. As in naiinitan dahil sa panahon!
Nawala ang pag-aalala ko kanina nang isipin kong hindi pa ito nakakabalik. Inilapag ko ang aking wallet sa mesang naroon ganun din ang aking cellphone. Nakagawa ako ng konting ingay dahilan para marinig ni Xander na nasa CR pa rin.
“Master?!” sigaw n’ya mula sa banyo.
“Po?!” sagot ko naman sa kanya.
“Haay! Akala ko pinasok na tayo ng magnanakaw eh! Nagugutom ka ba? Matatapos na akong maligo, ipaghahanda kita pagkatapos ko!” sigaw n’ya ulit sa banyo.
Lumapit ako sa pinto ng banyo para sumagot sa kanya.
“Busog pa ako Master, ang dami kong nakain kanina. Ikaw ba? Gusto mo ipaghanda kita? May tira pa naman ulam kanina, iinitin ko na lang.” wika ko na nakaharap sa tapat ng pinto ng CR.
Hindi s’ya sumagot kaya nagtaka ako. Idinikit kong muli ang aking tenga sa harap ng pinto upang pakinggan kung anong nangyari sa kanya at hindi s’ya sumagot.
Ngunit laking gulat ko nang biglang bumukas ang pinto ng banyo dahilan para mauntik na akong matumba papasok. Mabuti na lamang at maagap akong nayakap ni Xander kaya hindi ako bumagsak. Wala itong pang-itaas at basa pa ang katawan mula sa pagligo. Tanging towel lang na nakapulupot sa kanyang bewang ang suot nito.
“Ano ba yan! Bakit mo biglang binuksan?! Muntik pa akong matumba sa ginawa mo!” reklamo ko sa kanya.
“Eh ano ba kasing ginagawa mo d’yan sa pinto?” natatawa n’yang sagot.
“Hindi ka kasi sumagot eh! Kaya akala ko kung ano na nangyari sa’yo!” sagot ko sa kanya na medyo naiinis. “Ano? gusto mo ba kumain? Maghahanda ako.” tanong ko ulit sa hindi n’ya nasagot na tanong ko kanina.
Inilapit n’ya ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong.
“Oo, gusto ko nang kumain. At oo, maghanda ka na.” wika n’yang pabulong sa akin.
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa pamamaraan n’ya ng pagsabi sa akin non. Dumikit din kasi ang kanyang labi sa aking tenga habang nagsasalita s’ya.
Akmang lalayo ako sa kanya para ipaghanda na s’ya ng kanyang kakainin ay bigla n’ya naman akong pinigilan at hinawakan sa aking kamay.
“Oh? Saan ka pupunta?” taka n’yang tanong.
“Edi maghahanda ng pagkain mo! Gusto mo na kumain ’di ba? Sabi mo maghanda na ako!” sagot ko sa kanya.
Ngumisi ito sa akin at nagulat ako nang bigla n’ya akong hilahin papasok ng CR. Sinarado n’ya rin ang pinto at hinawakan ako sa magkabilang braso. Bahagya s’yang yumuko para magpantay ang aming paningin at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
“Oo nga, nagugutom na ako. Pero hindi sa pagkain kundi sa’yo. Maghanda ka na hindi ng pagkain, kundi ihanda mo ang sarili mo.” nakangisi n’yang wika sa akin.
Kinagat n’ya pa ang kanyang ibabang labi at hindi ko maiwasang mapalunok nang gawin n’ya iyon. Nangungusap ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
Halos mapasigaw ako nang biglang bumukas ang shower dahilan para mabasa ako. Nabasa na rin ang suot kong damit dahil sa bigla n’yang pagbukas ng shower. Magrereklamo pa sana ako sa ginawa n’ya ngunit hindi ko na nagawa dahil bigla n’ya akong siniil ng halik.
(a/n: ang susunod na eksena ay maselang bahagi ng aking istorya.
Kung nais n’yo itong mabasa, pumunta po kayo sa aking profile at basahin ang aking BIO or ’yung ABOUT sa akin. Doon n’yo po makikita ang steps para mabasa n’yo ang chapter na iyon. Maraming salamat!
)
.
.
.
.
.
.
.
Matapos ang mainit na tagpo sa amin ni Xander ay nagsimula na rin akong mag-isip ng malalim.
Mahimbing itong natutulog sa aking tabi at kanina ko pa pinagmamasdan ang maamo n’yang mukha.
Alam kong may mga kakaharapin kaming pagsubok ni Xander lalo na at nagbalik na ang ina ng kanyang anak at dati n’yang kasintahan. Pero kailangan namin maging matatag lalo na ako. Hindi ko man alam kung tama ba ang naging desisyon kong pumayag na magkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap ay panghahawakan ko na lamang ang kanyang mga pangako. Panghahawakan ko rin ang aming pagmamahal sa isa’t-isa. Alam kong mahal n’ya ako at mahal na mahal ko rin s’ya.
“Lagi mong tatandaan Xander na ano man ang mangyari ay ikaw lang mamahalin ko ng gaya nito. Mahal na mahal kita.” bulong ko sa kanya habang hinahawi ang kanyang buhok na tumatakip sa kanyang magagandang mata.
Ilang sandali pa ay umupo ako sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone at tinext ang taong nakiusap sa akin kani-kanina lamang. Ibinalita kong nagawa ko nang mapapayag si Xander sa kanyang pakiusap.
“Sana tama itong nangyayari. Sana wala akong pagsisihan.” wika ko sa aking sarili.
Hindi nagtagal ay nakatanggap agad ako dito ng reply.
“Salamat Tom… Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa’yo. Maraming salamat.”
reply ni Josephine sa aking text.
Hindi na ako nagreply sa kanya at nahiga nang muli sa tabi ni Xander.
“I love you Master..” bulong ko sa kanya.
Nagulat ako nang gumalaw ito nang hindi nagmumulat ng kanyang mga mata. Inangat n’ya ang aking ulo at nilagay sa kanyang dibdib. Niyakap n’ya ako ng mahigpit at nagsalita.
“Tom…. mahal na mahal kita…” wika n’ya habang yakap ako.
Hindi ko alam kung tulog ba s’ya o gising. Pero nang sabihin n’ya ang mga katagang iyon ay nawala ang kaninang alalahanin ko. Niyakap ko rin s’ya ng buong higpit at ipinikit ang aking mga mata.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Xander sa trabaho. Balik sa normal ang lahat tulad ng dati.
“Hi bessy! Kamusta ang bakasyon?” masiglang bati sa akin ni Cha.
Narito kami sa aming crew room at magbibihis na ng aming uniform.
“Ayos naman. Masaya naman lahat ng nangyari.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Mukha nga pareng Tom! Sa sobrang saya mo nakalimutan mong takpan ang marka ng kaligayahan mo d’yan sa leeg mo!” biglang sabat naman ni Ben.
“Love bite. -_-” wika naman ni Dee.
Nataranta ako at dali-daling tinungo ang salamin sa aming crew room.
“Putek!” mahina kong sambit nang makita ko ang hickey na ginawa ni Xander sa aking leeg.
“Ayiieeeee!!! Ang bessy ko hindi na virgin oh!! Wala ka bang balak ikwento?!” ang kantyaw sa akin ni Cha.
Tiningnan ko s’ya ng masama dahil wala akong masabi. Sobra akong nahihiya.
“Kayo tigilan n’yo ako ha?! Magbihis na nga kayo at baka malate pa tayo!” kunwari ay naiinis kong wika sa kanila.
Kumilos naman sila at agad na naghanda. Pero ang mga mata nila ay paminsan-minsan akong sinusulyapan ng tila nang-aasar. Hindi ko na lamang sila pinansin.
Mabuti na lamang at naitatago ng aking uniform ang kiss mark na gawa ni Xander. Closed neck kasi ang uniform namin.
Nagsimula na nga kaming magtrabaho lahat. Naging busy ang araw na iyon kaya hindi namin namalayan ang oras na nagdaan.
Dumating ang aming breaktime at patungo kami nina Cha, Dee at Ben sa crew room upang kainin ang aming free meal para sa shift naming iyon. May dala kaming kanya-kanyang tray na naglalaman ng aming pagkain.
Pagdaan namin sa mismong pinto ng office ni Xander ay nagulat na lamang kami nang lumabas si Ma’am Shai mula roon na galit na galit ang hitsura. Tiningnan ako nito ng matalim kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.
“Sana hindi ka magsisi sa mga naging desisyon mo Tom.” madiin nitong wika sa akin at umalis.
Nakatingin lamang kami sa kanya ng may pagtataka habang s’ya ay papalayo.
“Anong problema nun bessy? May nagawa ka bang kasalanan?” takang tanong ni Cha.
“W-wala naman. Ngayon lang kami nagkita ni Ma’am Shai. Saka wala naman naging complain sa akin kanina sa dining.” sagot ko naman kay Cha.
“Mukhang seryoso ’yan ah. -_-” wika ni Dee.
“Mukha nga. Ngayon ko lang narinig mag-tagalog ng malalim si Ma’am Shai eh.” komento naman ni Ben.
Nakatigil pa rin kami sa harap ng office ni Xander nang lumabas ito mula roon.
“Tom, can we talk? Dito ka na lang kumain, sabay na tayo.” pakiusap sa akin ni Xander.
Tiningnan ko naman sila Cha upang ipaalam kung ayos lang ba sa kanila. Mukhang nakuha naman nila ang mga tinging binigay ko sa kanila dahil sabay-sabay silang tumango at naglakad papasok ng crew room.
Kinuha ni Xander ang dala kong tray at inilapag sa mesang nasa tapat ng kanyang mesa sa office. Sinarado ko na rin ang pinto upang makapagsimula na rin kaming mag-usap.
“Bakit galit si Ma’am Shai? May nagawa ba akong mali?” tanong ko agad kay Xander.
Hinawakan n’ya muna ako sa kamay at iginaya sa upuang naroron. Magkatabi kami sa upuan at bumuntong hininga s’ya bago nagsalita.
“Nalaman n’ya na ang tungkol sa pagbalik ni Josephine. Galit na galit si Shai sa kanya kaya alam kong hindi magandang ideya kung malalaman n’yang pumayag akong makipagkasundo kay Josephine kahit na alang-alang sa aming anak.” pagsagot ni Xander.
“Pinaintindi mo ba sa kanya lahat Xander?” tanong ko sa kanya.
“Matalinong tao si Shai. Pero dahil sa nakita n’ya kung gaano ako kamiserable noong iwan ako ni Josephine, sinarado n’ya na ang kahit na anong chance para kay Josephine. I can’t blame her, Shai has been there since we were kids. Hindi nila ako iniwan ni Randz kahit noong mga panahon na kinalimutan ko ang sarili ko. Isinumpa pa nga n’ya na kapag nagpakita pa si Josephine sa amin ay baka mapatay n’ya pa ito.” mahabang paliwanag ni Xander.
“K-kung ganon, may dahilan nga si Ma’am Shai na magalit sa akin. Ako kasi ang nagkumbinse sa’yo na kausapin s’ya.” nag-aalala kong wika.
Ngumiti naman si Xander sa akin bago nagsalita.
“Hindi ’yun galit sa’yo. Kilala ko si Shai dahil matagal na kami n’yan magkasama. ’Yung binitawan n’yang salita sa’yo kanina ay hindi nangangahulugang galit s’ya sa’yo. Maniwala ka Master, nag-aalala lang ’yon sa’yo.” paliwanag ni Xander sa akin.
“Sana nga. Sana rin ay maintindihan n’ya ang sitwasyon.” malungkot kong wika.
“Hayaan mo na muna ’yon. Lalabas lang ’yon saglit para magpalamig ng ulo. Kung hindi n’ya pa rin matanggap ang pagbabalik ng ina ni Carla, mas mabuting hanggat maaari ay mapigilan natin na ’wag mag-krus ang landas ng dalawa! Kasi World War 3 ’yun panigurado!” pagbibiro ni Xander.
“Ewan ko sa’yo! Kumain na nga lang tayo. Nagugutom na ako eh. Hati na lang tayo dito.” natatawa kong wika sa kanya.
“Sige, subuan mo ako Master ha?” ang parang bata n’yang paghingi ng pabor.
“Hala s’ya! Baldado ka na?” tugon kong pang-aasar sa kanya.
“Grabe ka naman! Isa lang spoon oh! Kaya share tayo!” nakanguso n’yang wika.
“Spoon lang ang isa! Pero apat ang kamay natin. Edi magsalitan tayo sa spoon.” pang-aasar ko ulit.
Hindi na ito umimik pero alam kong nagtatampo na ito. Kinuha n’ya ang fork at ’yun ang kanyang ginamit para kumuha ng sabaw ng sinigang na ulam.
‘Grabe! Lakas ng topak! Gamitin ba ang tinidor sa sabaw?!’
inis kong wika sa aking isip.
At dahil nga sinusumpong nanaman ng pagkaisip-bata si Xander ay wala nanaman akong nagawa. Kinuha ko mula sa kanya ang tinidor at kumuha ng kanin sa hawak kong kutsara.
“Oh, ibuka mo na bibig mo!” utos ko sa kanya habang nakaabang ang hawak kong pagkain para isubo sa kanya.
Unti-unti naman ngumiti ang loko at ibinuka nga ang kanyang bibig. Ako na lamang ang sumuko. Sinubuan ko na lamang s’ya dahil baka maubos ang isang oras na breaktime ko sa pag-iinarte ng boyfriend ko.
Natapos naman namin ang aming lunch at bumalik naman na sa normal si Xander. Madali lang naman suyuin ito, ang gusto lang talaga ay magpapansin at magpalambing.
Bumalik na kami sa kanya-kanyang trabaho at tinapos ang kanya-kanyang shift sa araw na iyon. Narito na kami sa aming crew room para naman magpalit na ng aming damit pang-uwi.
Nag-check muna ako ng cellphone ko dahil baka may natanggap akong message. Hindi nga ako nagkamali dahil may message mula kay Mama.
“Anak, pwede bang umuwi ka muna? May importante lang na dapat mong malaman at makita.”
message ni Mama sa akin.
Nakaramdam ako ng kaba nang mabasa ko ’yon. Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng crew room para magpaalam kay Xander.
Dahil sa sinabi kong text ni Mama sa akin ay hindi rin naiwasan ni Xander na mag-alala. Nagdesisyon s’yang sumama at ihatid ako sa aming bahay.
Pagdating namin sa bahay ay tanaw ko na agad mula sa labas na bukas ang lahat ng ilaw sa loob. Dapat nga ay natutulog na sila nang mga ganitong oras dahil mahigpit naming binibilin kay Mama na ’wag magpupuyat.
Dali-dali naming tinungo ni Xander ang pinto ng bahay at kumatok. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwa si Julius.
“Kuya..” ang pagtawag n’ya sa akin.
“Anong nangyari Julius?” taranta kong tanong.
Sa halip na sagutin ni Julius ang tanong ko ay nagbigay daan ito sa amin senyales na pumasok muna kami ng bahay. Pagpasok namin ni Xander ng bahay ay nagulat ako sa taong katabi ni Mama na nakatayo sa aming sala.
Hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking ito. Agad na nabuhay ang galit na nararamdaman ko sa taong ito.
“Anong ginagawa n’yan dito?!!”
pasigaw kong tanong kina Mama at Julius.
A/N
Enebenemenyen… Ang daming surprises para kay Tom at Xander…
’til next chapter guys! have a great day!
––cold_deee
chapter 27 - chocolate midnight cookies
A/N
hello readers! :))
––> si Xander po sa media
XANDER POV
“Anong ginagawa n’yan dito?!!”
ang biglang sigaw ni Tom sa lalaking katabi ni Mama Lita.
May hinala na ako kung sino ang lalaking iyon dahil kahawig s’ya ng magkapatid na Tom at Julius.
“Anak, makinig ka sa akin..” pakiusap ng lalaki kay Tom.
Tama nga ako, s’ya ang ama nina Tom at Julius.
“Hindi! Wala akong papakinggan mula sa’yo!” sigaw ni Tom dito.
Ngayon ko lang nakita ang ganitong galit mula kay Tom. Ang buong akala ko ay masaya ito kahit wala ang kanyang ama.
Minsan na rin n’ya sa akin naikwento ang tungkol sa pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Pero nang ilahad n’ya iyon ay tila ba walang sakit o galit itong nararamdaman para sa kanyang ama.
“Anak, makinig ka muna sa paliwanag ng Papa mo..” pakiusap ni Mama Lita kay Tom.
“Makinig?! Nakakalimutan mo na ba Mama kung paano tayo pinabayaan ng lalaking ’yan?! Nang dahil din sa kanya nagkasakit kayo!” sumbat ni Tom.
“Anak, alam kong nagkamali ako.. Kaya nga naririto ako ngayon para humingi ng tawad… Pero maniwala ka, hindi ko ginusto ang lahat..” pakiusap muli ng kanyang ama.
“Ginusto mo man o hinde, iisa pa rin ang naging epekto ’di ba?! Iniwan mo pa rin kami!! Para saan pa at bumalik ka?! Hihingi ka ng tawad?!! Kalokohan ’yan!! Umalis ka rito!! Hindi ka namin kailangan!!” ang mas lumakas na sigaw ni Tom sa kanya.
Hinawakan ko na si Tom dahil tila hindi n’ya na makontrol ang kanyang sarili dahil sa labis na galit sa kanyang ama.
“Tom!! Hindi kita pinalaki para magsalita ng ganyan!! Rumespeto ka!! Ama mo pa rin s’ya!!” ang pagsaway naman ni Mama Lita kay Tom.
“Ano ba Mama?!! ’Wag mong sabihing napatawad mo na s’ya?!! Alam n’ya ba ang mga naging hirap natin nung iniwan n’ya tayo?!! Alam n’ya ba ang mga naging sakripisyo ng bawat isa sa atin?!!” tanong ni Tom pabalik kay Mama Lita.
Kami ni Julius ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila. Tensyonado na kami dahil sa sagutan ni Tom at ng kanyang ama at Mama Lita.
“Makinig ka kasi muna anak sa Papa mo..” mahinahong pakiusap na ni Mama Lita.
“Hinde!! Wala akong Papa!! Matagal nang patay ang Papa ko!! Matagal ko nang binaon sa lupa ang pangalan ng ama ko!!” ang galit na galit na sagot ni Tom kay Mama Lita.
“Tom tumigil ka na! Hindi ko na talaga gusto ang mga lumalabas sa bibig mo!” ang muling pagsuway ni Mama Lita kay Tom.
“Hindi Mama! Bakit pa kasi bumalik ’yan eh! Maayos naman tayo kahit wala ’yan! Hindi natin s’ya kailangan!!” pagsagot muli ni Tom.
Wala akong magawa kundi awatin si Tom. Alam kong malalim ang pinaghuhugutan ng galit n’ya. Muling nagsalita ang kanyang ama.
“Anak naman… mag-usap tayo ng maayos.. Marami akong dapat na ipaliwanag sa’yo… At kaya ako nagbalik dito ay para makabawi sa mga panahong nawala ako.. Humihingi ako ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo lalo na sa’yo… Alam kong malaki ang naging sakripisyo mo para sa Mama at kapatid mo..” mahinahong pakiusap ng kanyang ama.
“Alam?! Ano bang alam mo?!! Wala kang alam dahil wala ka sa buhay namin ng mahabang panahon!! Wala kang alam!!” ang galit na galit pa ring wika ni Tom.
Hindi na rin naitago ni Tom ang kanyang mga luha dahil sa labis na lungkot at galit.
“Anak, nakikiusap ako… Makinig ka muna sa kanya… May dahilan ang Papa mo kaya s’ya nawala…” ang muling pakiusap ni Mama Lita kay Tom.
“Hindi Mama!! Paalisin mo ’yan!! Kung hindi s’ya aalis, ako mismo ang magpapaalis sa kanya!!” wika ni Tom.
Dito na rin kumilos si Julius para awatin si Tom dahil akmang susugod na rin ito para paalisin ang kanyang ama.
“Kuya tama na!” pag-awat ni Julius habang yakap si Tom. “Pakiusap… pakinggan mo muna si Papa… ’Wag mo na din sagutin si Mama… Hindi ’yan makakabuti sa kanya…” ang naiiyak nang pakiusap ni Julius.
Tila ba natauhan si Tom nang sabihin iyon ni Julius. Nakikita n’ya na rin si Mama Lita na umiiyak at nakatingin sa kanya na tila nagmamakaawa. Napatigil si Tom at natahimik. Nagsalitang muli si Mama Lita at alam naming nakikinig lamang si Tom sa kanya.
“Anak… pakiusap naman… makinig ka muna kahit sa amin…” ang umiiyak na pakiusap ni Mama Lita kay Tom.
Nagulat kaming lahat nang mapahawak si Mama Lita sa kanyang dibdib matapos n’yang sabihin iyon.
“Mama!”
“Ma!”
“Mama Lita!”
“Honey?!”
sigaw naming lahat dahil napaupo na rin si Mama Lita habang hawak ang kanyang dibdib.
“J-julius… k-kunin mo ang gamot k-ko…” ang hirap na pagsasalita ni Mama Lita.
Agad na kinuha iyon ni Julius mula sa kanilang kusina. Kami naman ay nanatiling nakaalalay kay Mama Lita.
“Honey? A-anong nangyayari? Dadalhin ka na namin sa ospital!!” ang tarantang wika ng kanyang ama.
Iminuwestra ni Mama Lita ang kanyang kamay paangat na nagsasabing hindi na kailangan. Ilang sandali pa ay dumating na si Julius dala ang gamot nito at isang basong tubig. Agad din iyong ininom ni Mama Lita.
Pinaupo muna namin si Mama Lita sa kanilang sofa para sandaling kumalma.
“Mama…” ang umiiyak na pagtawag ni Julius dahil sa pag-aalala.
“Honey… Halika na, baka mas makabubuting dalhin ka na namin sa ospital..” ang pakiusap ng ama ni Tom.
“Wala kang karapatang magdesisyon para kay Mama.” ang sabat naman ni Tom at matalim na tiningnan ang kanyang ama.
Wala naman magawa ang kanyang ama kundi ang mapayuko sa bawat salitang binibitawan ni Tom sa kanya. Makikitaan mo rin ito ng kalungkutan sa kanyang mga mata.
“T-tom anak… s-samahan mo muna ako sa kwarto ko… ihatid m-mo muna ako d-doon…” ang utal na pakiusap ni Mama Lita kay Tom.
Agad na hinarap ni Tom si Mama Lita dahil sa pakiusap n’yang iyon.
“Ma… baka dapat na namin kayong dalhin sa ospital…” wika ni Tom ng mahinahon.
“Ayos lang ako anak… K-kailangan ko lang magpahinga..” sagot naman ni Mama Lita at pilit na ngumiti.
“Sigurado ka po ba Ma?” alalang tanong ni Tom pabalik.
Tumango-tango naman si Mama Lita bilang pagsagot.
Huminga ng malalim si Tom at binalingan ako.
“Master, dito ka lang muna ha? Samahan ka muna ni Julius.” wika n’ya sa akin.
Tumango-tango naman ako sa kanya bilang pagsagot.
Inalalayan n’ya si Mama Lita habang paakyat sila sa kwarto nito.
“Kuya, gusto mo ba ng maiinom? Kaso tubig lang ang meron dito. Wala kami juice.” ang biglang tanong ni Julius sa akin.
Gusto kong matawa kay Julius dahil puro luha pa ang kanyang mga pisngi habang tinatanong ako ng parang normal lang at walang nangyari.
“Sige Julius, salamat. Medyo kailangan ko nga ng tubig dahil natakot ako sa kuya mo eh. Biglang nag-transform.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Sige po, ikukuha ko kayo.” sagot n’ya sa akin. “Kayo po Papa?” tanong n’ya naman sa ama n’yang nasa tabi ko nga pala.
“Ayos lang ako anak. Bigyan mo na lang itong si Xander.” sagot naman ng ama nito.
Nagulat ako sa kanya dahil alam n’ya ang pangalan ko kaya napatingin ako dito.
“Sige po. Pakihintay na lang ako.” wika ni Julius at naglakad na itong muli papunta sa kanilang kusina.
Nilingon ako ng ama nina Tom at Julius saka ako nginitian. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon kaya nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.
Ilang sandali pa ay dumating si Julius at ibinigay sa akin ang tubig na hiningi ko. Totoo ang sinabi ko. Sa mga nangyari kanina ay tila ba natuyuan ako ng lalamunan kaya kinailangan kong uminom ng tubig.
Matapos kong uminom ay nagsalita ang ama ni Tom kaya napatingin akong muli sa kanya.
“Xander, pwede ka bang makausap?” tanong sa akin nito.
Hindi ko alam, pero parang bigla akong kinabahan nang sabihin n’ya iyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko ito at ngayon ay makakausap. Kahit pa sabihing masama ang loob dito ni Tom ay hindi ko maiwasang kabahahan dahil kakausapin ako ng isang taong malaki ang parte sa pagkatao ni Tom.
“O-opo. S-sige po.” ang kinakabahan kong sagot.
“Doon na lang tayo sa labas.” nakangiti n’yang pag-anyaya sa akin.
Tumayo na ako upang tunguhin ang labas ng bahay nila Tom.
“Julius anak, d’yan ka lang ha? Baka may kailanganin si Tom at ang Mama mo. Mag-uusap lang kami ni Xander.” bilin n’ya kay Julius.
“Sige po Papa.” sagot naman ni Julius.
Nang makarating kami sa labas ng kanilang bahay ay naupo kami sa isang mahabang silya na gawa sa kahoy doon. Tanaw dito ang aking sasakyan sa tapat ng kanilang gate. Ngayon ko lang din napansin na may isa pang sasakyan na nasa kabilang side ng kanilang kalye at nasa bandang likuran lang ng aking kotse.
“Pasensya ka na kung sa ganitong paraan pa tayo nagkakilala ha?” ang nakangiting wika sa akin ng ama ni Tom.
“Wala po ’yon. Wala naman pong may gusto ng nangyari.” sagot ko naman sa kanya.
Bumuntong hininga ito bago nagsalita. Nakatingin ito sa malayo at tila malalim ang iniisip.
“Hindi ko masisisi ang anak kong si Tom kung ganoon ang galit n’ya sa akin. Alam kong malaki ang naging sakripisyo n’ya para lang mabuhay sila.” pagsisimula n’ya.
Ako naman ay nanatiling nakatingin lang sa kanya at hinihintay ang mga susunod n’yang sasabihin. Nagpatuloy ito matapos ang ilang segundo.
“Naaalala ko pa kung gaano kami kalapit ni Tom sa isa’t-isa noong bata pa s’ya. Lagi n’ya akong tinatawag, ‘Papa doon tayo! Papa dito tayo! Papa gusto ko non! Papa gusto ko nito!’ , laging ako ang hinahanap n’yan.” at bahagya s’yang natawa. Nagpatuloy s’yang muli. “Kadalasan nga ay nagtatampo na ang Mama n’ya sa kanya dahil kahit sa pagtulog ay ako ang gustong makatabi ni Tom. Papa’s boy nga ang tawag d’yan ng asawa ko eh.” dagdag n’ya pa.
Ngumingiti s’ya ng mapait habang kinekwento at inaalala ang nakaraan. Nanatili naman akong tahimik na nakikinig sa kanya.
“Noong lumalaki s’ya, mas lalo kaming naging malapit. Kahit na nasa ibang bansa ako ay hindi naging hadlang ang layo namin sa isa’t-isa para mas maging close kaming mag-ama. Lagi n’yang ibinabalita na may honor s’ya sa school o mataas ang grades n’ya. Likas na matalinong bata kasi ang anak ko, pareho sila ni Julius. Lagi n’ya noon sinasabi sa akin na mag-aaral pa daw s’ya ng mabuti dahil ’pag nakatapos daw s’ya ng pag-aaral ay hindi ko na kailangan magtrabaho pa sa ibang bansa. Magtatayo daw s’ya ng sariling negosyo at sama-sama raw namin iyon ima-manage.” malungkot n’yang paglalahad.
Hinayaan ko lamang s’yang magkwento pa. Gusto ko rin kilalanin ang batang Tom na ngayon ko lang maririnig.
“Noong makakatapos na s’ya ng highschool, doon na kami nawalan ng komunikasyon. Miss na miss ko na sila noon lalo na ang mga anak ko.” lahad n’ya at tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil ramdam ko ang pangungulila n’ya sa kanyang pamilya. Naiintindihan ko iyon dahil may anak din ako at minsan ko lang din makasama sila Mommy.
“H’wag n’yo po sanang masamain ang itatanong ko sa inyo. Pero ano po bang naging dahilan ng pagkawala n’yo?” magalang kong tanong sa kanya.
Natahimik ito at matagal na nag-isip. Ilang minuto rin s’yang ganoon bago s’ya sumagot.
“Nakulong ako sa ibang bansa.” maikli n’yang sagot.
Sa naging sagot n’ya ay tila ba tumigil ang pag-andar ng oras. Nanlaki ang aking mga mata at hindi ako nakaimik sa labis na pagkabigla. Marahil ay naramdaman n’yang wala akong maibigay na reaksyon sa nangyari sa kanya kaya nagpatuloy s’ya.
“Nakulong ako dahil pinagbintangan akong nagnakaw ng pera ng aming kumpanya. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari, pero alam ng Diyos kung gaano ko iniingatan ang aking trabaho dahil gusto kong sa malinis na paraan ko binubuhay ang aking pamilya. Ayaw kong may masasabi sa akin ang mga anak ko ’pag lumaki sila. Gusto ko maging proud sila sa akin. Pinagtulungan ako ng ilang may posisyon sa kumpanyang pinapasukan ko. Malaki kasi ang naging tiwala ng boss ko sa akin at tanging sa akin n’ya ipinagkakatiwala ang lahat maging ang accounts ng kumpanya namin.” mahaba n’yang paglalahad.
Hindi pa rin ako makaimik dahil sa naging rebelasyon n’yang iyon kaya nagpatuloy s’ya.
“Noong isang beses ay may nadiskumbre akong naglalabas ng pera mula sa account ng aming company. S’ya ang business partner ng boss ko. Agad kong ni-report ’yon sa boss ko at nagalit s’ya dahil doon. Nagkaroon sila ng pagtatalo at ang ilang business partners nila ay may kanya-kanyang pinanigan. Nagulat na lamang kami nang lumabas sa imbestigasyon na pirmado ko ang mga documents para makalabas ang mga pera sa account na iyon.” muli n’yang lahad.
Umiyak s’yang muli habang kinekwento ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Wala akong nagawa kundi ang hawakan s’ya sa kanyang likod upang iparamdam ang aking pakikiramay.
“Dahil sa mga ebidensyang iyon ay nahatulan akong makulong. Nagmakaawa ako sa kanila at hiniling na magkaroon ng panibagong imbestigasyon. Pero nabigo ako dahil ang mga unang pumanig sa boss ko ay bumaliktad. Mas marami na sila laban sa amin kaya wala rin nagawa ang mga taong naniniwala sa akin. Sinubukan kong humingi ng tulong sa Philippine Embassy, pero dahil sa bigat ng kaso ko ay wala rin silang naging tulong.” pagpapatuloy n’ya.
“Noong nasa kulungan ako ay muntik na akong mabaliw. Lagi kong inaalala ang pamilya ko dito. Miss na miss ko na sila at lalo akong nag-alala nang hindi nila ako pinayagang makausap ang sino man sa kanila. Sinigurado ng mga nagsampa ng kaso sa akin na walang makakarating na kahit na anong balita sa akin dito sa Pilipinas. Makapangyarihan ang pera kahit saan, kaya nagawan nila ng paraan iyon. Dahil sa depression ay muntik na akong mabaliw at dumaan pa ako sa ilang psychological therapy at tests. Ilang taon din iyon habang nasa loob ako ng kulungan.” dagdag pa n’ya.
“P-paano po kayo nakalaya? Mabigat po ang ganoong kaso hindi po ba? Lalo na at wala kayo sa bansa natin.” tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman s’ya sa pagkakataong ito bago ako sagutin.
“Hindi kasi sumuko ang boss ko at naniniwala s’yang naging tapat ako sa kanya at sa lahat ng bagay. Inasikaso n’ya ang naging kaso ko at hindi ako pinabayaan kahit ilang taon ako sa kulungan. S’ya rin ang umasikaso sa pagpapagamot ko sa loob. Noong nakabalik ako sa normal ay ang paglaya ko naman ang sinunod n’yang asikasuhin. Pinabuksan n’yang muli ang kaso sa tulong na rin ng mga naniniwala sa akin. Napatunayan na wala akong kasalanan at tampered ang lahat ng naging signatory ko. Dahil doon ay nakalaya nga ako tatlong taon na ang nakakalipas.” una n’yang paliwanag sa tanong ko.
“Eh bakit hindi po kayo agad bumalik kung tatlong taon na pala kayong nakalaya?” tanong ko sa kanya.
“Noong makalaya kasi ako ay nasa loob pa rin ng kumpanya ang mga taong nasa likod ng paglabas ng perang iyon. Kaya nakiusap sa akin ang boss ko na tulungan silang panagutin ang mga taong iyon. At dahil na rin sa gusto kong makabawi sa kabutihan ng boss ko at ng mga taong naniwala sa akin ay tumulong ako sa imbestigasyon. Doon ako nag-focus at inilahad lahat ng mga nalaman ko. Ang buong akala ng mga totoong may sala ay nakauwi na ako sa Pilipinas. Lingid sa kanilang kaalaman ay nasa custody ako ng mga taong naniniwala sa akin. Ako ang naging daan para lumabas ang katotohanan. Dalawang taon ang tinagal ng kasong iyon at naging matagumpay kami. Nagulat din ang ilang board members nang lumabas ako sa hearing. Naging sapat din ang mga ebidensya laban sa mga tunay na may kasalanan sa tulong ko na rin.” masaya nitong paglalahad.
Napangiti na ako sa kanyang mga inilahad. Masaya ako at nalinis n’ya ang pangalan n’ya.
“Kung ganoon po, sana man lang po ay tumawag kayo sa pamilya n’yo at pinaalam ang nangyari.” wika ko sa kanya.
“Hindi ganon kadali ’yon Xander. Ilang taon akong nawala ng wala silang nababalitaan sa akin. Hindi sapat lang na sa telepono ko ilahad ang mga nangyari. Gusto ko ay handa ako ’pag hinarap ko na sila. Alam ko kasi na mahabang paliwanang ang dapat kong gawin.” sagot n’ya naman sa akin.
“Kung sabagay, tama po kayo. Hindi talaga madali iyon sa dami ng nangyari.” komento ko.
Ngumiti naman s’ya sa naging sagot ko. Pero may naalala rin akong itanong sa kanya kaya sinamantala ko na rin ang pagkakataon.
“Oo nga po pala, ang sabi n’yo po ay tatlong taon na kayo mula nang makalaya at dalawang taon ang naging pag-usad ng kaso. Nasaan po kayo sa loob ng isang taon?” tanong ko sa kanya.
Natawa ito sa akin dahil sa pag-uusisa ko ngunit agad din itong sumagot.
“Nasabi kong gusto kong maging handa ’pag hinarap ko na sila ’di ba?” tanong nito sa akin.
Tumango naman ako nang maalala kong sinabi n’ya iyon kanina. Kaya naman nagpatuloy s’ya.
“Isa ’yon sa mga naging paghahanda ko. Ang mag-stay pa doon ng isang taon. Dahil nga sa nakulong na ang mga may totoong may sala sa pagkawala ng pera sa kumpanya ng boss ko ay nakabalik ako sa serbisyo. Higit pa nga doon ang nangyari dahil itinaas nila ako ng pwesto. Kahit ang mga accounts ng ilang board members ay sa akin na rin ipinagkatiwala. Masaya ang boss ko sa nangyari para sa akin, s’yempre ganoon din ako. Kaya sa loob ng isang taon ay muli akong bumangon. Nagsumikap muli ako para sa plano kong pagbalik sa pamilya ko. At eto na nga iyon, kaya ako naririto.” nakangiti n’yang wika.
Napangiti rin ako sa kanyang naging tagumpay sa kabila ng kanyang mga paghihirap.
“Masaya po ako para sa inyo. Napakaswerte po ng pamilya n’yo na may ama silang kagaya ninyo.” komento ko sa kanyang nakangiti habang tinatapik-tapik ko ito sa kanyang balikat.
“Salamat.” maikli n’yang tugon ng may buong ngiti.
Ngayon ko lang napansin na kapag ngumingiti ang kanyang ama ay katulad din ito ng mga ngiti ni Tom.
“No wonder Papa’s boy si Tom. Kahawig na kahawig n’yo rin po s’ya lalo na ’pag nakangiti.” wika ko sa kanyang nakangiti rin.
“Talaga? Masaya akong marinig ’yan sa’yo Xander. Napapansin mo rin pala ang ganda ng ngiti ng anak kong iyon?” natatawa n’yang tanong sa akin.
“Opo! ’Yung ngiti n’ya pong iyon ang nagustuhan ko sa kanya eh! Napapagaan n’ya ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti n’ya! Alam n’yo ’yung kahit mainit ang ulo ko dahil sa stress sa trabaho? Pero kahit wala pang sinasabi sa akin si Tom, basta ngingitian n’ya lang ako nawawala na ’yung inis na nararamdaman ko!” masaya at ganado kong wika sa kanya.
“Talaga?” nakangiti n’yang tanong.
“Opo! Saka napakabait pa n’ya hindi lang sa akin kundi sa iba rin! Kaya nga po mahal na mah——” ang naputol kong pagsasalita dahil naalala kong hindi nga pala alam ng kanyang ama na boyfriend ko ang anak n’ya.
Dahil si Tom ang topic ay hindi ko napigilan ang bibig ko. Masyado akong ganado sa pagkekwento dito at nakalimutan kong ito nga pala ang kanyang ama. Grabe naman kasing bibig ’to!
“Hahahahahahahaha!!!!” ang biglang pagtawa nito ng malakas at nakahawak pa sa kanyang tiyan.
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa aking nagawa. Naihilamos ko na lamang ang aking kamay sa aking mukha dahil sa labis na hiya at kaba.
Naramdaman kong tinapik-tapik ako nito sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya. Natatawa pa rin ito hanggang ngayon pero medyo kumalma na.
“H’wag kang mag-alala Xander. Alam ko na ang tungkol sa inyo. Naikwento na sa akin ng aking asawa at anak kong si Julius ang tungkol sa inyo.” natatawa nitong wika.
“Ah eh.. H-hindi po ba kayo magagalit? K-kasi… l-lalaki po ang karelasyon ng panganay n’yo?” kinakabahan kong tanong sa kanya.
Tumigil na s’ya sa kanyang pagtawa ngunit nanatili s’yang nakangiti.
“Nasabi ko naman sa’yo na close talaga kami ng anak kong si Tom ’di ba? At dahil sobra kaming close, alam ko ang lahat tungkol sa kanya. Naalala ko pa nga noon na tumawag s’ya sa akin noong nasa ibang bansa ako at sinabi n’yang may crush daw s’yang babae. Pero ilang araw lang rin ay tumawag muli s’ya sa akin at tinanong ako kung bakit parang nararamdaman n’ya rin iyon sa kambal ng babaeng crush n’ya! Sabi ko sa kanya, baka dahil kambal sila at magkamukha sila? Baka parehong maganda? Alam mo ba ang naging sagot ni Tom? Sabi n’ya, ’ eh kasi Papa lalaki ‘yung kakambal ng crush ko eh !’” wika n’ya at tumawa nanaman ng malakas bago nagpatuloy. Pati ako ay hindi rin maiwasang matawa dahil sa nangyaring iyon kay Tom.
“Doon namin nalaman ng asawa ko ang sexual preference ni Tom. S’yempre noong una, nagulat ako. Panganay ko s’ya at lalaki pa ’di ba? Pero kahit ganoon ay hindi naman nabawasan ang pagmamahal ko bilang ama sa kanya. Tanggap namin iyon simula pa noon. Isa pa, hindi iyon ang magiging basehan para mabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Masyadong maraming bagay ang nakaka-proud sa anak kong iyon. Kaya kahit saan ako magpunta ay pinagmamalaki ko s’ya ganoon din si Julius. Kahit itanong mo pa sa mga boss ko eh! Kilala na nga nila ang buong pamilya ko kahit hindi pa nila nakikita dahil proud ako sa kanila.” masaya n’ya pang dugtong.
Napangiti naman ako sa kanyang mga sinabi. Nawala rin ang aking kaba ng mga oras na iyon habang s’ya ay nagkekwento.
“Ahm… Sir, alam ko pong late na para dito dahil kanina pa tayo nag-uusap. Pero ito na rin po ang hihingiin kong pagkakataon na magpakilala ng pormal sa inyo bilang boyfriend n’ya. ’Wag po kayong mag-alala, aalagaan ko po s’ya. Hindi ko man po mapantayan ang pagmamahal n’yo bilang ama sa kanya, sisiguraduhin ko naman pong aalagaan ko s’ya at mamahalin hanggat nabubuhay ako o kahit sa kabilang buhay pa.” ang walang takot kong wika sa kanya.
Hindi agad s’ya sumagot ngunit nakangiti s’ya sa aking nakatingin.
“Alam ko Xander, alam ko. Alam ko ang lahat ng tungkol sa inyo. At asahan mo, suportado ko kayo. Suportado namin kayo. Gusto ko nga magpasalamat sa’yo dahil alam ko ang mga kabutihan mo sa pamilya ko lalo na kay Tom noong mga panahong wala ako. Salamat sa’yo.” nakangiti n’yang wika sa akin.
“Salamat Sir!” masaya kong wika sa kanya.
“H’wag mo na akong tawaging Sir! Kanina ka pa tawag ng tawag sa akin na Sir eh, ikaw nga ang boss ng anak ko!” natatawa n’yang wika sa akin.
“Eh kasi…..” sambit ko habang nagkakamot ng aking batok.
“Tutal naman ay narinig kong Mama Lita na ng tawag mo sa asawa ko, then call me Papa na rin. Papa Nate.” nakangiti n’yang wika sa akin at inilahad ang kanyang kamay.
Agad kong inabot ang kamay n’yang iyon at dahil sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko ito. Naramdaman ko ring tinapik-tapik n’ya ang aking likod habang natatawa dahil sa kasiyahan.
“Salamat Papa.” masaya kong wika sa kanya habang yakap s’ya.
Pagkabitiw namin ay agad ko rin itong kinausap.
“Ahm.. Gusto n’yo po ba Papa na tulungan ko kayo para makausap si Tom?” tanong ko sa kanya.
Sasagot na sana si Papa Nate nang biglang may nagsalita mula sa aming likuran.
“Hindi na kailangan.” seryosong wika ni Tom.
TOM POV
Nang maihatid ko si Mama sa kanyang kwarto ay saglit kaming walang imikan. Alam kong nang dahil sa akin ay muntik nanaman itong atakihin. Natakot ako nang makita ko s’yang ganoon. Ang labis na galit ko sa aking ama ay tila ba nawaglit sa aking isip dahil sa pag-aalala sa kanya.
Nang mahimasmasan si Mama ay nakiusap ito sa akin na makinig sa kanyang mga sasabihin. Alam kong tungkol ito sa aking ama at ayaw ko sanang pakinggan iyon. Pero dahil sa ayaw kong magtalo nanaman kami ni Mama ay wala akong naging choice kundi pakinggan ito.
Nagsimula si Mama sa paglalahad ng mga nangyari kay Papa simula nang mawala ito. Habang inilalahad ni Mama ang nangyari kay Papa ay hindi ko napigilan ang umiyak. Labis akong naawa sa naging kalagayan n’ya sa ibang bansa.
Hindi ko akalain na labis itong naghirap doon. Ang buong akala ko ay kinalimutan na kami nito. Masyado akong nagpadala sa galit sa kanya dahil sa bigla n’yang pagkawala. Hindi ko inisip na may pinagdaanan pala itong napakahirap na buhay sa ibang bansa.
Masyado akong naging makasarili at hindi inisip na baka may mabigat itong dahilan kung bakit s’ya biglang nawala. Ni hindi ko inalam ang kalagayan n’ya doon bago ako nag-isip ng mga negatibong bagay sa kanya.
Labis ang aking naging pagsisisi dahil sa ginawa kong pagtataboy sa kanya kanina. Nagsisisi rin ako dahil wala akong nagawa habang nagdurusa s’ya doon. Sarili ko lang ang inisip kong nahihirapan sa mga oras na iyon. Sa kanya ko lahat isinisi ang paghihirap namin at ang pagkakasakit ni Mama na hindi n’ya rin naman ginusto. Masyado kong inisip na nahihirapan kami nang dahil sa kanya.
Dahil sa mga narinig ko mula sa inilahad ni Mama ay hindi ko naiwasang humagulgol sa harap ni Mama. Naiintindihan naman ni Mama ang naging reaksyon ko kay Papa kanina. Niyakap n’ya ako ng mahigpit at sinabing hindi pa naman huli ang lahat. Nariyan pa si Papa para makausap ko.
Kaya naman dali-dali akong bumaba para kausapin s’ya. Aaminin ko na kahit galit ako sa kanya nitong nagdaang mga taon ay hindi maiaalis na sa akin na isipin s’ya sa bawat araw na nagdaan. Miss na miss ko na si Papa. Miss na miss ko na ang taong labis na pinaramdam sa akin ang pagmamahal ng isang ama.
Nang makarating ako sa sala namin ay sinabi ni Julius na nag-uusap sila ni Xander sa labas. Pinakiusapan ko si Julius na umakyat muna para bantayan si Mama. Dahil na rin sa hindi naman kalakihan ang aming bahay ay nakarating agad ako sa aming pintuan.
Doon ko narinig ang naging pag-uusap nilang dalawa. Nagtago muna ako sa likod ng pinto upang marinig ang kanilang pag-uusap. Narinig ko rin ang mga bagay na pinagdaanan ni Papa sa ibang bansa na hindi naikwento ni Mama sa akin kanina.
Muli akong napaiyak lalo na noong kinuwento ni Papa kung gaano kami noon kalapit sa isa’t-isa. Kung gaano s’ya ka-proud na may isang anak s’yang kagaya ko. Ngayon ko lalong napatunayan kung gaano kami nito kamahal.
Ilang sandali pa ay naririnig kong nagkakapalagayan na sila ng loob ni Xander. Muntik pa nga akong matawa ng malakas nang magkwento si Xander ng dire-diretso kay Papa. Natawa ako noong hindi n’ya naituloy ang kanyang sasabihin nang ma-realize n’ya na hindi pa namin nasasabi kay Papa ang tungkol sa aming dalawa.
Pero nang sabihin ni Papa na alam n’ya na ang tungkol sa amin at wala s’yang tutol dito ay nakaramdam ako ng kaginhawaan.
“Ahm.. Gusto n’yo po ba Papa na tulungan ko kayo para makausap si Tom?” tanong ni Xander sa kanya.
Doon ko na napagpasyahang lumabas mula sa likod ng pinto.
“Hindi na kailangan.” seryoso kong wika.
Napalingon silang dalawa sa aking gawi at alam kong kinakabahan sila sa mga maaari kong sabihin.
“Pwede mo ba kaming iwan muna Xander?” pakiusap ko kay Xander.
“Ah.. S-sige.. Mag-usap muna kayo.. Papasok lang muna ako ulit sa loob at kakamustahin si Mama.” wika ni Xander.
Tumango naman ako sa kanya. Hinawakan n’ya rin si Papa sa balikat upang magpaalam na s’ya ring tinanguan.
Nang makaalis si Xander ay dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Papa.
Ilang minuto kaming tahimik. Alam kong nakatingin sa akin si Papa ngunit ako ay nakatingin lamang sa lupa sa aking harapan. Nakayuko ako dahil sa labis na hiya sa ginawa ko sa kanya kanina. Naputol ang katahimikang iyon nang magsalita si Papa.
“Anak…” wika n’ya.
Alam kong may mga susunod pa itong sasabihin ngunit inunahan ko na s’ya.
“Papa… Sorry po…” wika ko at tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko.
Hinarap ko si Papa at paulit ulit akong humingi ng tawad sa kanya.
“Sorry po Papa… Sorry po kasi hindi kita pinakinggan… Sorry po kung hindi ko muna inalam ang naging sitwasyon mo doon.. Sorry po kung naging makasarili ako dahil inisip kong kami lang ang nahihirapan dito.. Sorry po Papa!” paghingi ko ng tawad sa kanya habang patuloy sa pag-iyak.
Tumulo rin ang mga luha ni Papa at agad akong niyakap. Mahigpit ang kanyang yakap ganoon din ako.
“Tahan na anak.. Naiintindihan ko.. Gusto rin mag-sorry ni Papa dahil naging ganito ang pamumuhay n’yo.. Sorry dahil marami kang naging sakripisyo.. Sorry anak…” wika ni Papa habang umiiyak rin.
Umiling-iling ako dahil hindi ako sang-ayon sa paghingi n’ya ng tawad. Wala s’yang dapat na ihingi ng tawad dahil hindi n’ya iyon ginusto.
“Hindi Papa.. Wala kang kasalanan.. Masyado lang akong nagpadala sa galit at inisip kong kinalimutan mo na kami.. Sorry po Papa..” muli kong paghingi ng tawad sa kanya.
“Tahan na anak.. Naiintindihan ko.. Ang mahalaga ngayon ay magkakasama na tayo.. Buo na ulit tayo.. Masayang-masaya si Papa alam mo ba? Miss na miss ko na kayo lalo na ang panganay ko..” wika n’ya at mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin.
“Ako din Papa.. Miss na miss na din kita..” sagot ko at mas lalo pa akong napaiyak.
Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong mayakap ang unang lalaki sa buhay ko na labis na nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon bago bumitaw. Sinulit namin ang mga panahong hindi kami nagkasama. Nang makabitaw kami ay may ngiti na sa aming mga labi.
“Ang panganay ko iyakin pa rin hanggang ngayon!” biro sa akin ni Papa.
Ganyan kami ituring ni Papa, ang feeling n’ya ay baby pa rin kami sa kanya kahit na mas matangkad na kami ni Julius kesa sa kanya ngayon.
“Papa naman eh! Hindi na ako iyakin!” maktol ko sa kanya habang pinupunasan ko ang aking mga luha.
Natawa naman s’ya sa aking sinabi.
“Talaga? Hindi ka ba pinapaiyak n’yang si Xander? Sabihin mo lang kay Papa kung paiiyakin ka n’yan! Dahil kahit mas malaking tao sa akin ’yan ay hahabulin ko talaga ’yan ng patalim!” pagbabanta n’ya.
Ako naman ang natawa sa kanya ngayon.
“Papa talaga! Hindi ako pinapaiyak n’yan! Takot lang n’ya sa ’kin. Laki kaya ng muscle ko! Mana sa Papa ko!” pagmamalaki ko naman sa kanya habang pinapakita ang muscle ko sa braso.
“Mabuti naman kung ganon. Sayang nga lang anak at hindi ko nasaksihan kung paano umusbong ang pag-iibigan n’yo!” wika naman n’ya.
“Eeeww! Ang baduy naman ng term mong umusbong Papa! Masyadong makaluma!” kantyaw ko sa kanya.
Natawa nanaman s’ya dahil sa biro ko.
“Grabe anak! Na-miss ko ito! Na-miss ko ang bonding natin kagaya nito!” masigla n’yang wika.
“Papa, baka magselos na si Julius n’yan ’pag narinig n’ya yan! Isipin nun paborito mo ako!” pagsita ko sa kanya.
“Hindi ’yon magseselos. Alam n’ya naman kung gaano ko rin s’ya kamahal. Magkaiba nga lang kayo ng gusto ng kapatid mo. Minsan nagagawa mong iwan kami para lang makalaro si Cha noong mga bata pa kayo. Kaya kapag nilalayasan mo kami, kung saan-saan kami namamasyal ni Julius nang hindi mo nalalaman. Hindi mo nga alam hanggang ngayon na natuto si Julius maglaro ng basketball dahil sa akin ’di ba? Kasi busy ka sa pakikipaglaro kay Cha ng bahay-bahayan!” mahaba n’yang kwento at tawa ng tawa.
“Ah ganon?! Samantalang ako sa P.E. lang namin sa school natutong mag-basketball! Samantalang si Julius may personal trainer! Kaya pala nagulat ako na mas magaling s’ya sa akin maglaro ng basketball!” pagpatol ko naman sa kanya pabalik.
“Hayaan mo na anak! Kung gusto mo maglaro tayo ng basketball sa ibang araw eh! Basta siguraduhin mo lang na hindi pupunta si Cha dahil baka maengganyo ka nanaman sumama sa kanya maglaro ng bahay-bahayan o kaya ’yung chinese garter!” natatawa n’ya pa ring balik sa akin.
“Wala nang ganun ngayon Papa! On line games na ang uso ngayon!” wika ko naman sa kanya pabalik.
“Weh?! Hindi nga?!” ang kanyang reaksyon.
Dahil sa naging reaksyon ni Papa ay hindi ko napigilang tumawa. Kalog pa rin si Papa hanggang ngayon.
Marami pa kaming napag-usapan ni Papa at tila ba throwback ang aming naging kwentuhan. Tanging puro tawanan ang aming ginawa dahil sa labis na kasiyahan at pagkasabik sa isa’t-isa.
“Madaling araw na anak. Dito na lang kayo magpahinga ng boyfriend mo. Delikado na ang bumyahe ng ganitong oras.” ang wika n’ya sa akin.
“Sige Papa, sasabihin ko sa kanya. Dito ka rin naman matutulog ’di ba?” tanong ko sa kanya.
“Aba oo naman! Namiss ko kaya ang Mama mo. Kaya kahit na muntik mo na akong kaladkarin palabas kanina, inisip ko nang kumapit sa upuan para lang makatabi ulit ang mahal kong asawa!” pilyong sagot n’ya sa akin.
Tawa nanaman kami ng tawa dahil sa sinabi n’yang iyon.
Ilang sandali pa ay nagdesisyon na kaming pumasok sa loob at tinungo ang aming mga kwarto. Pagpasok ko sa aking kwarto ay nagulat ako dahil sa halip na kumbinsihin ko pa si Xander na dito na lamang kami matulog ay mukhang hindi na kailangan.
Mahimbing na itong natutulog sa aking kama at nakapagpalit na rin ito ng pangtulog. Ginamit n’ya ang damit ko para may pamalit. Kahit na medyo masikip ito sa kanya ay mukha naman s’yang komportable doon.
Nilapitan ko ito at hinalikan sa pisngi.
“Sweet dreams Master… Salamat at nandito ka sa tabi ko… I love you..” bulong ko sa kanya.
Dahil nga sa sarap na sarap na ito sa kanyang pagtulog ay hindi na n’ya nagawa akong sagutin. Napangiti na lamang ako sa kanya dahil para s’yang bata habang yakap n’ya ang aking unan.
Nagtungo na lamang ako sa aking banyo para maghilamos na lang at mag-toothbrush. Nagpalit na rin ako ng aking pangtulog at tumabi sa nahihimbing na si Xander.
Humiga ako sa tabi ni Xander ng may ngiti sa aking labi. Napakasaya ng araw kong ito dahil pakiramdam ko ay tuluyan na akong nakumpleto.
Sana ay tuloy-tuloy na ito…
A/N
Konti na lang!!
Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa!! hart hart hart!!
––cold_deee
chapter 28 - banoffee pie
A/N
Konti na lang po!!!
TOM POV
“Tom! Kanina ko pa pinapalabas itong pagkain ng table 3! Hindi mo ba naririnig ’yung call ko?!” pagbasag ni Chef Randy sa aking ulirat.
“S-sorry Chef. Sige po, akin na.” sagot ko na lamang sa kanya.
Nakita ko na lamang itong bumuntong-hininga matapos iabot sa akin ang pagkain para sa customer kong naghihintay sa table sa aming restaurant.
“Pagkahatid mo nito bumalik ka dito sa akin ha?” wika n’ya bago ako tumalikod sa kanya.
“S-sige po.” malumanay kong sagot sa kanya.
Ganoon na nga ang nangyari. Inihatid ko na ito sa customer sa table na iyon.
Pagbalik ko sa pinto ng kitchen ay nakaabang na sa akin si Chef Randy. Hinubad n’ya ang kanyang apron at toque at agad na lumabas mula roon.
“Follow me.” malumanay n’yang wika sa akin.
Hindi na ako nagsalita at sumunod na lamang ako sa kanyang utos.
“Charm, Ben, kayo na muna ang bahala sa naiwang pwesto ni Tom. Kailangan ko lang s’yang kausapin.” utos n’ya sa dalawa nang amin itong makasalubong.
“Yes Chef.” sagot naman nila.
Tiningnan ko sina Cha at Ben. Nakita ko ang pag-aalala sa kanilang mukha. Ngumiti na lamang ako ng pilit para ipakitang ayos lang ang lahat. Magiging ayos din ang lahat.
Narating namin ang office ni Sir Xander at pinaupo n’ya ako sa upuan sa tapat ng mesang para sa nagmamay-ari ng restaurant na iyon, sa mesa ni Sir Xander. Sinarado n’ya ang pinto matapos n’ya kong papasukin doon. Nanatiling nakatayo si Chef Randy sa aking likuran hindi malayo sa aking inuupuan.
“So tell me what’s bothering you Tom? You’ve been spacing out lately.” malumanay na pagkakatanong ni Chef Randy.
Hindi ako nakaimik. Aminado ako na wala nga ako sa sarili nitong mga nagdaang araw. Nagpatuloy s’ya dahil hindi s’ya nakakuha ng sagot mula sa akin.
“Nung isang linggo lang, ang saya-saya mong ibinalita sa amin na nagbalik na ang tatay mo. Ang saya-saya mo dahil nagkaayos na kayo. And now, ano itong nangyayari sa’yo? Umalis din ba agad ang tatay mo?” simula ng panenermon n’ya sa akin.
“Hindi po.” maikli kong sagot.
“Then what?” tanong n’ya.
Sa halip na sagutin ko ang kanyang tanong ay binalikan ko s’ya ng isa ring tanong.
“Kelan po babalik si Xander?” tanong ko sa kanya.
Kahit na hindi ko nakikita ang mukha ni Chef Randy dahil nasa likod ko s’ya ay alam kong nagulat din ito sa aking tanong. Natigilan kasi ito at hindi agad nakasagot.
“Honestly Tom, I don’t know.” pagsagot n’ya ng tipid sa aking tanong.
“Akala ko po best friend ka n’ya? Bakit hindi mo po alam kung kailan s’ya babalik?” ang tanong ko ulit sa kanya.
Bago pa ito makasagot ay biglang bumukas ang pinto ng office at iniluwa si Ma’am Shai na tila may galit sa kanyang ekpresyon.
“At ikaw Tom, hindi ba boyfriend ka n’ya? Bakit hindi mo alam kung kailan ang balik n’ya?” ang sarkastikong tanong sa akin ni Ma’am Shai.
Tama s’ya. Boyfriend ko nga si Xander pero hindi ko alam kung kailan ang balik n’ya mula sa kanyang biglaang leave.
“Hindi ko alam na hindi na pala uso ang kumatok ngayon? Kailan pa? Sana na-inform mo kami Shai.” ang sarkastikong pagsita naman ni Chef Randy sa kanya.
“At kailan ka pa natutong kausapin ang tauhan ko sa dining area ng walang pahintulot galing sa akin Randy?” ang balik naman ni Ma’am Shai sa kanya.
“Gusto ko lang s’yang kausapin dahil nagiging blangko lately ’yang waiter mo. Naaapektuhan na ang trabaho n’ya dahil sa pagiging ganyan n’ya.” malumanay nang sagot ni Chef Randy sa kanya.
“I know. At lahat napapansin iyon.” sagot naman ni Ma’am Shai.
Napayuko ako dahil sa kanilang mga sinabi.
“Pasensya na po kayo Ma’am Shai, Chef Randy. Hindi na po mauulit.” paghingi ko ng paumanhin sa kanila.
Umupo si Ma’am Shai sa tapat ng inuupuan ko. Hindi ko man s’ya nakikita ay alam kong nakatitig ito sa akin.
“May kinalaman ba dito si Xander?” tanong ni Ma’am Shai sa akin.
Hindi ako muling nakaimik dahil iyon ang totoo. Si Xander ang dahilan ng pananahimik ko. Si Xander ang dahilan kung bakit gumugulo ang isip ko.
“Tell us Tom. May hindi ba kami nalalaman sa nangyayari sa inyong dalawa?” tanong naman ni Chef Randy.
Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Chef Randy. Hindi iyon maikakaila dahil sa nagdaang linggo na wala si Xander ay si Chef Randy ang kasama ko kung wala sina Cha at Daniel, ganoon din sina Dee at Ben. Hindi naman kasi kami magkakapareho ng schedule ngayon.
Nagulat na lamang ako nang hawakan ni Ma’am Shai ang aking kamay na nakapatong sa aking hita.
“Tom, kung may problema ka, why not share it with us? Baka makatulong kami. Hindi na lang tayo basta magkatrabaho dito, pamilya mo na rin kami. ’Di ba nga mas mahaba na ang oras natin na magkakasama kesa sa mga pamilya natin? Kaya ’wag kang mahihiyang magkwento. Kaibigan mo na din kami, nag-aalala na din kami sa’yo.” malumanay na pangungumbinsi sa akin ni Ma’am Shai.
Ramdam ko ang pag-aalala sa kanila. Nahihiya ako dahil parang nagiging pabigat na din ako sa kanila. Isa pa, ilang araw ko na rin dinadala ang bigat sa dibdib kong ito.
“Tom, trust us. Kaibigan namin si Xander, at kung sinong mahalaga sa kanya ay mahalaga na rin sa amin.” wika naman ni Chef Randy.
Naramdaman kong humawak din ito sa aking balikat habang nakayuko pa rin ako.
“Now, tell us what’s bothering you Tom.” muling wika ni Ma’am Shai na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
Huminga ako ng malalim. Siguro nga ay kailangan kong ilabas ito. Sila pa lang ang unang taong makakaalam ng dinadala ko ’pag nagkataon. Marahil ay talagang naaapektuhan na talaga ang trabaho ko.
Isang malalim na buntong hininga muli ang pinakawalan ko bago ako magsimulang magkwento.
flashback…
Matapos ang mga naganap sa aming bahay nang dumating si Papa ay masaya kaming sabay-sabay na nag-agahan kinabukasan.
Masaya kaming nag-uusap habang nasa mesa at masarap na pinagsasaluhan ang hinandang almusal ni Mama at Xander. Maaga pala s’yang nagising at nagpresinta na tumulong sa pagluluto kay Mama.
Napakasaya ko dahil nakumpleto nang muli ang aking pamilya. Isama mo pa si Xander na mukhang damang-dama na ang pagiging miyembro nito.
Hiniling na rin ni Papa kay Xander na kung maaari ay dito muna ako umuwi sa aming bahay habang naririto si Papa dahil may balak din itong bumalik sa ibang bansa ano mang araw. Hindi naman tumutol si Xander at s’ya pa ang nagsabi na madalas na lamang s’yang pupunta rito. Nagpaalam din s’ya na kung pwede ay s’ya naman minsan ang matutulog dito dahil siguradong mamimiss n’ya raw ako. Hindi rin naman tumanggi sina Mama at Papa sa kahilingan n’ya. Welcome na welcome raw s’ya sa aming bahay na labis n’yang ikinatuwa.
Matapos ang aming masarap na agahan ay tinawagan ni Xander si
Ma’am Shai upang ipagpaalam na mag-halfday na lang kami sa aming trabaho. Wala naman naging problema iyon kay Ma’am Shai dahil wala naman masyadong tao tuwing weekdays. Gusto kasi ni Xander na mas mahaba pa ang oras namin mag-bonding kasama ang pamilya ko.
Habang nasa sala kami at nagkakatuwaan habang nanonood ng movie sa dvd ay nakatanggap ako ng text mula sa taong nakausap ko ilang araw pa lamang ang nakakalipas.
“Hi Tom! I hope I’m not a disturbance. But, can I ask you a favor? I want to see my daughter na kasi. Hindi na ako nakatulog since you told me na pumayag na si Xander na makita ko si Carla. Pwede mo bang kausapin si Xander na makita ko ang anak ko ngayon?” mahabang text message ni Josephine.
Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung para saan. Pero nang marinig ko ang tawa ni Xander ay tila ba kumalma ako. Kasama ko s’ya at alam kong masaya s’yang kasama ako. Tinanggal ko ang kung ano mang alalahanin meron ako.
Tiningnan ko muna si Sir Xander na masayang nakikipagkwentuhan kay Julius. Agad naman itong napalingon sa akin at nagtanong ng nakangiti.
“Yes Master? May gusto ka bang sabihin?” nakangiti n’yang tanong.
Hindi na ako nagdalawang-isip na ipaalam ito.
“Pwede ka bang makausap sa labas?” tanong ko sa kanya.
Nagtataka naman itong tumingin sa akin. Sinalubong ko ang kanyang mga tingin upang ipaalam na mahalaga ang aking sasabihin.
“Sige na Xander, sundan mo na ’yang panganay ko. Baka nagseselos na ’yan at kami na lang ang kinakausap mo kanina pa.” ang biglang pagsabat ni Papa sa amin.
“Oo nga Xander. Baka makita mo na lang ’yan na naglulupasay ’pag hindi mo pinagbigyan.” ang nang-aasar naman na sabat din ni Mama.
Tiningnan ko ng masama sina Mama at Papa.
“Ang saya po ninyo ’no? Porket magkasama na kayo ulit, ako naman ang nakita n’yo. Hindi ako nagseselos.” depensa ko.
“Asus! Hindi daw nagseselos si Kuya. Eh maya’t-maya ka nga tumitingin sa amin ni Kuya Xander eh. Hindi kami n’yan talo! Bayaw ko na ’yan!” sabat naman ni Julius na nakisali na rin sa pang-aasar.
Binalingan ko ng tingin si Julius at masama na rin ang tingin ko dito.
“Isa ka pa!” wika ko at hinampas ng aking tsinelas ang kanyang paa.
Nagtawanan naman silang lahat dahil sa inasta ko.
“Sige na,halika na sa labas nang masolo mo na ako.” wika naman ni Xander habang natatawa.
Hinawakan n’ya ako sa kamay at iginayang tumayo. Malapit na kami sa pinto para lumabas ng bahay ay narinig ko naman ang sabay-sabay na kantyaw ng pamilya ko.
“Ayyyiieeee!!” pang-aasar nilang tatlo.
Babalikan ko pa sana sila ngunit inakbayan na ako ni Xander at itinuloy ang aming paglalakad patungo sa labas ng bahay. Naupo na lamang kami sa silyang mahaba na nasa tabi lamang ng aming pinto.
Nang makaupo na kami ng tuluyan ay agad na nagtanong si Xander.
“So, what do you want to talk about Master? Bilisan natin at namimiss ko na sila sa loob.” wika n’yang natatawa.
Alam kong nang-aasar na rin ito sa akin. Ngunit wala akong oras ngayon para patulan ang kanyang pagbibiro. Mas importante ang gusto kong sabihin sa kanya.
“Master, nagtext si Josephine sa akin.” paunang salita ko.
Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang mukha. Ang nakangiti n’yang ekspresyon ay biglang naging seryoso.
“At anong sinabi n’ya?” mahina ngunit ramdam kong may inis.
“Gusto daw n’yang makita si Carla ngayon.” mahinahon kong sagot sa kanya.
“Hindi pwede! Hindi ko kayang iwan sa kamay n’ya ang anak ko.” madiin n’yang wika.
“Xander, akala ko ba napag-usapan na natin ’to? Akala ko ba bibigyan mo na ng chance si Josephine para makasama si Carla? ’Di ba nga para rin kay Carla ito? Para finally, ma-meet n’ya na rin ang Mommy n’ya?” pangungumbinsi ko sa kanya.
Natahimik naman s’ya sa aking sinabi. Ilang minuto rin s’yang hindi nakapagsalita kaya hinawakan ko na s’ya sa kanyang mga kamay. Nginitian ko s’ya ng matamis at alam kong dahil doon ay nakita kong kumalma ito.
“Natatakot kasi ako Tom. Paano kung hindi na n’ya ibalik sa akin ang anak ko? Mamamatay ako. Nanay pa rin s’ya ni Carla kaya natatakot akong may gawin s’ya na maaaring makapagpahiwalay sa aming mag-ama.” ang malungkot na wika ni Xander.
Lalo kong diniin ang pagkakahawak sa kanyang kamay at nakangiti ako sa kanyang nagsalita.
“Gusto mo ba sabihin ko kay Josephine na mangyayari lang ’yon kung kasama ka? I’m sure papayag s’ya.”
pangungumbinsi ko sa kanya.
“No Tom, sabihin mo sa kanyang papayag lang ako kung kasama TAYONG DALAWA.” sagot n’ya ng may diin sa salitang tayong dalawa.
“Pero….” pagtutol ko sana ngunit mabilis n’yang pinutol.
“Please Tom, please?? Hindi ko kakayaning makasama si Josephine. Hindi ko alam kung kaya ko s’yang pakiharapan ng maayos. Hindi pa rin kami okay, alam mo ’yan. Kaya sana pumayag ka na..” pakiusap n’ya sa akin.
Tinitigan ko s’ya sa kanyang mga mata at nakikita kong seryoso s’ya na isama ako. Hindi ko man ito gusto dahil para sa mag-ina sana ito ay wala naman akong magagawa. Nakikiusap ang mga mata ni Xander at alam kong kailangan ako nito.
Himinga ako ng malalim bago sumagot.
“Sige, sasabihin ko sa kanya.” pagsuko ko kay Xander.
Ngumiti ito at niyakap ako.
“Salamat Master…” wika n’ya at alam kong nakangiti ito.
Agad kong tinext si Josephine upang sabihin ang kondisyon na hinihingi ni Xander. Ilang sandali lang ang aking hinintay ay nakatanggap na agad ako ng reply mula sa kanya.
‘Sure Tom! Thank you! Super thank you talaga! So, text me na lang kung paano ko makikita ang anak ko ha? See you later!’ sagot n’ya sa text.
Sinabi ko iyon kay Xander at nakahinga naman s’ya ng maluwag nang malaman na pumayag itong kasama kaming dalawa.
Nagpaalam na lang kami kina Mama at Papa na may importante kaming lalakarin kaya kailangan na muna naming umalis. Hindi naman sila tumutol at sinabing babalik din ako mamaya. Nagtext din si Xander kay Ma’am Shai na hindi na kami makakapasok dahil may biglaang pangyayari. Pumayag din naman agad si Ma’am Shai.
Napag-usapan namin ni Xander na kami na muna ang dapat na makaalam tungkol sa pagkikita nina Josephine at Carla. S’ya na raw ang bahala magpaliwanag sa mga kaibigan at pamilya n’ya. Pero gusto raw itong sabihin ni Xander sa kanyang mga kaibigan sa lalong madaling panahon dahil wala s’yang gustong itago sa mga ito. Ang mga magulang kasi n’ya ay nasa ibang bansa at nais n’yang ipaalam ito kapag sila ay umuwi na lamang. Sa akin naman ay wala pa akong planong sabihin dahil alam kong mag-aalala lang sa akin ang pamilya ko, ganoon din sina Cha.
Umuwi muna kami sa condo ni Xander upang magbihis. Plano naming sunduin na lamang si Carla sa bahay nila sa Manila at magkikita na lamang kami sa isang mall malapit doon. Tinext ko rin agad si Josephine upang ipaalam ito. Labis ang kanyang pasasalamat sa akin dahil sa naging tulong ko upang makita n’ya ang kanyang anak.
Nang masundo namin si Carla ay sa akin agad ito lumapit bago pa kay Xander. Miss na miss ko na rin ka-bonding ang batang ito. Napakasarap kausap dahil masyadong mature itong mag-isip kumpara sa ibang bata na kaedaran lamang n’ya.
Bago pa kami makaalis ng bahay nina Xander doon ay masinsinan na naming kinausap si Carla. Noong una ay hindi naman ito nagpapakita ng interes na makilala ang kanyang ina. Ngunit dahil sa pakikipag-usap namin ni Xander sa kanya ay nakumbinsi rin namin ito.
Habang nasa byahe ay patuloy ko pa ring kinakausap si Carla at alam kong unti-unti ay nagiging interesado na rin s’ya para makilala ang kanyang tunay na ina. Nasa likod kaming dalawa ni Carla habang si Xander ay naiwan sa unahan para magmaneho ng aming sasakyan. Hindi kami nanahimik ni Carla at patuloy lang sa kwentuhan at biruan.
Nagdesisyon kami na sa isang restaurant na lamang namin tatagpuin si Josephine kaya tinext ko s’yang muli. Nauna kaming nakarating sa VIP ng mamahaling restaurant doon. Ayaw din namin makakuha ng atensyon mula sa ibang kumakain. Privacy ang kailangan nila. Kami lamang ang nasa loob ng VIP room na iyon kaya malayang masasabi ng bawat isa sa kanila ang mga gusto nilang sabihin. Alam kong kailangan nila ang bagay na iyon.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng VIP room at iniluwa nito si Josephine. Hindi pa man sila pormal na nagkakakilala ay hindi na napigilan ni Josephine ang kanyang sarili. Patakbo itong lumapit kay Carla at niyakap ito ng mahigpit habang umaagos ang kanyang mga luha. Hindi naman s’ya binigo ng bata at ginantihan ang yakap na iyon. Kami naman ni Xander ay nanatiling tahimik na nakatingin sa kanila.
Matapos ang muling pagtatagpo ng mag-inang Josephine at Carla ay napagdesisyunan na naming kumain. Noong una ay nasa pagitan lamang nina Josephine at Carla ang pag-uusap. Pero dahil sa likas na madaldal at bibong bata si Carla ay naging magaan ang bawat pangyayari. Unti-unti na kaming nakakasali ni Xander sa kanilang usapan. Labis na sinusulit ni Josephine ang sandali na makasama si Carla ng mga oras na iyon. Naririnig ko na rin ang pagtawa ni Xander kahit na minsan lang silang magkausap ni Josephine kapag silang dalawa ang tinatanong ni Carla. Ako naman ay nanatiling nakikinig lamang sa kanila.
Nakikinig.
Nanonood.
’Yan lang ang tangi kong nagawa sa mga oras na iyon.
Matapos ang aming pagkain ay niyaya naman kami ni Carla na maglibot sa mall. Sinamantala naman ni Josephine ang bagay na iyon. Lahat ng gustuhin at kahit hindi gustuhin ni Carla ay binibili n’ya.
Habang abala sila sa pamimili sa department store na aming pinuntahan ay nakikita ko ang kasiyahan ng bawat isa sa kanila. Si Josephine na patuloy ang pagpuri sa kanyang anak habang suot ang damit na isinukat nito. Si Carla na umiikot-ikot pa habang ine-enjoy ang damit na pinasukat ng kanyang ina. At si Xander na tuwang-tuwa sa ginagawa ng kanyang anak.
Ako? Nanatiling nanonood sa kanilang kasiyahan. Tahimik na pinagmamasdan ang kasiyahan ng bawat isa sa kanila. Nang mga sandaling iyon at hindi ko naiwasan ang makaramdam ng kirot sa aking puso. Nakikita ko ang larawan ng isang masayang pamilya. Pakiramdam ko ay hindi ako nararapat sa lugar na iyon. Pakiramdam ko ay isa akong dakilang extra.
Pero ayaw kong maging makasarili. Dahil talaga namang isang pamilya sila. Naniniwala akong mahal ako ni Xander. Kaya iyon ang aking panghahawakan.
Dumating ang oras para kaming lahat ay umuwi. Natapos ang araw na masaya silang lahat.
“Daddy, I want to spend more time with Mommy. Can we go out again tomorrow?” ang pakiusap ni Carla sa kanyang Daddy.
Narito na kami sa aming sasakyan at binabagtas na ang daan para ihatid sa kanilang bahay si Carla. Narito pa rin kami ni Carla sa likod ng sasakyan at si Xander ang nagmamaneho. Si Josephine naman ay umuwi na rin sa kanyang tinutuluyan.
“Mukhang nag-enjoy ang anak ko ah?” ang nakangiting sagot ni Xander kay Carla.
“Yes Daddy! Super!” masayang sagot naman ni Carla.
“Okay, I’ll just text your Mom kung pwede s’ya bukas. Vacation mo naman sa school kaya walang problema.” pagpayag naman ni Xander.
Kahit na nabigla ako sa naging sagot ni Xander ay hindi ako nagpahalata. Hindi ko kasi napansin na may direkta na silang komunikasyon ni Josephine. Ako lang kasi ang may number ni Josephine, ako ang kinokontak n’ya noong una kung gusto n’yang makausap si Xander. Hindi ko alam kung kelan sila nagpalitan ng contact number na dalawa kanina.
Pero wala akong karapatang magtanong. Nararapat lamang na may contact ang magulang ng batang si Carla dahil sila ang magulang nito.
Matapos namin ihatid si Carla sa kanilang bahay ay ako naman ang ihahatid ni Xander pauwi sa aming bahay. Habang nasa byahe ay tahimik lamang ako dahil naiisip ko ang mga nangyari kanina. Narito na ako nakaupo
sa
kanyang tabi sa harap ng kanyang sasakyan. Binasag na lamang ni Xander ang aming katahimikan nang magsimula itong magsalita.
“Master, salamat sa araw na ito ha? Ang saya-saya ng anak ko. Ikaw ang naging daan para maging masaya ang anak ko.” masaya n’yang wika at hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa aking hita.
Kung sa iba sasabihin ang bagay na ito, malamang ang isasagot nila ay ‘oo, kahit ikaw nga ang saya-saya mo!’. Pero ayaw kong gawin iyon dahil mahal ko si Xander ganoon din si Carla. Kaya lahat ng makakapagpasaya sa kanila ay ibibigay ko.
“Wala ’yun Master. Masaya rin ako at nakita kong masaya rin si Carla.” nakangiti kong sagot sa kanya at hinigpitan rin ang hawak sa kanyang kamay.
“Paano? Sama ka ulit bukas. Ipagpapaalam na lang kita kay Shai para mag-leave. Ilang araw lang naman. Samahan natin silang dalawa.” wika n’ya sa akin.
Saglit akong nag-isip bago s’ya sinagot. Naisip ko ang mga pangyayari kanina.
“Mukhang kaya mo naman na Master na makausap ng normal si Josephine. Kailangan pa ba ako doon? Baka makagulo lang din ako. Ayaw kong inaalala mo ako, mahahati ang atensyon mo sa amin ni Carla. Bonding n’yo na rin ’yon ng anak mo habang nakabakasyon s’ya sa school. Isa pa, alam mo naman na kauuwi lang ni Papa. Baka hilingin din nila na magkasama-sama kami ng mahabang oras habang nandito pa s’ya at hindi pa nakakabalik sa ibang bansa.” mahaba kong paliwang sa kanya.
Bumuntong-hininga si Xander bago s’ya sumagot.
“Kung sabagay. Baka mapagalitan na rin ako ni Papa kung hihiramin ko nanaman ang panganay n’ya.” pagsuko n’ya sa akin.
Ngumiti na lamang ako sa kanyang isinagot. Nanatili kaming tahimik habang binabagtas ang daan pauwi sa aming bahay.
Nang maihatid n’ya ako sa bahay ay normal naman ang lahat. Ganoon pa rin tulad ng dati.
Kinabukasan ay hindi nga kami nagkasama ni Xander. Pero maya’t-maya naman kami nagtetext at nagtatawagan. Nasa amusement park daw sila ngayon at ipinapasyal ang anak nilang si Carla.
Kahit na nakakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib ay hindi ko pinahalata ’yon sa kanya. Pagkakatiwalaan ko si Xander. Panghawakan ko ang pagmamahal namin sa isa’t-isa.
Kinabukasan ay pinaalam n’ya sa akin na nagleave s’ya sa trabaho. Niyaya n’ya akong muli na sumama sa kanila ngunit muli nanaman akong tumanggi. Inisip kong iyon lamang ang oras nila para sa kanilang anak. Ayaw kong agawan pa sila ng pagkakataon.
Ngunit matapos ang ilang araw na magkakasama sila ay hindi na ako muli pang inimbitahan ni Xander na sumama pa sa kanilang mga lakad. Hindi na rin ako nasusundo ni Xander dahil pagod ito sa kanilang naging biyahe. Naiintindihan ko naman iyon dahil malayo ang kanilang mga pinupuntahan.
Mag-isa akong umuuwi at malalim ang iniisip. Nagiging matagal na rin ang pagre-reply ni Xander sa aking mga text. May pagkakataon pa nga na tinatawagan ko ito ngunit hindi n’ya nasasagot. Kapag nakikita n’ya siguro ang mga missed calls ko ay doon lamang n’ya ako tatawagan.
Hanggang sa ang mabagal n’yang pagre-reply sa mga text ko ay naging madalang na rin. Minsan ko na rin itong tinanong sa kanya nang magkausap kami sa telepono. Ngunit parang uminit lang ang kanyang ulo sa naging tanong ko. Hinayaan ko na lamang at ako na rin ang humingi ng pasensya sa kanya. Ayaw kong mag-away kami ni Xander at isipin n’yang humahadlang ako sa mga nangyayari.
Ganoon na nga ang mga pangyayari at doon na rin ako nagsimulang mag-isip. Hindi na rin sa akin nasabi ni Xander kung kailan ang kanyang pagbabalik sa trabaho. Kagabi ay sinubukan ko s’yang tawagan ngunit patay ang kanyang telepono.
Isang linggo.
Isang linggo ko nang hindi nakikita si Xander.
end of flashback….
“Sinasabi ko na nga bang disaster lang ang dala ng babaeng ’yan eh!” komento ni Ma’am Shai sa aking mga inilahad.
“How could Xander do this?! Hindi n’ya pa rin nasasabi hanggang ngayon sa amin na nagkikita na pala sila ng babaeng ’yon!” inis na wika ni Chef Randy.
“H’wag po kayong magalit sa kanya Chef Randy. Baka naman po kasi gusto n’yang sa personal n’ya kayong makausap.” maagap kong sagot sa kanya.
“But Tom! Kahit noong nagpaalam s’ya sa akin na magleave ay hindi n’ya nga sinabi ang dahilan!” inis pa rin nitong wika.
Hindi ako nakaimik sa sinabi n’yang iyon.
“Randz, this is not the right time to blame Xander. Mas kailangan tayo ngayon ni Tom.” ang mahinahong pakiusap ni Ma’am Shai kay Chef Randy.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Chef Randy sa aking likuran.
Saglit kaming natahimik bago iyon binasag ni Ma’am Shai.
“Why not give him a visit today Tom? I mean, siguro naman napagod na rin sila sa pamamasyal nila. Baka nagpapahinga ’yon ngayon.” suhestyon ni Ma’am Shai.
“Hindi ko po alam Ma’am Shai. Kagabi pa po ako nagte-text kung kailan s’ya pwedeng puntahan sa condo n’ya pero hindi pa po ako nakakatanggap ng reply.” ang malungkot kong sagot sa kanya.
“Okay, I get it. Gusto mo bang magpahinga na muna ngayon Tom? Mukhang hindi ka rin makakapag-concentrate n’yan sa trabaho mo eh. Okay naman ang operation ng restaurant ngayon dahil complete ang staff. Mas maganda siguro kung magpahinga ka muna.” wika ni Ma’am Shai.
Hindi ako nakaimik.
“Tama si Shai, Tom. Hindi makakabuti kung ganyan ang sitwasyon mo habang nagtatrabaho. Kami na muna ang bahala dito. Do not worry about your unfinished job. Give time for yourself.” mahinahong wika ni Chef Randy.
Alam kong nag-aalala lamang sila sa akin. Pero siguro nga ay tama sila, kailangan kong mapag-isa muna. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Ayaw ko rin na naaapektuhan ang mga taong nasa paligid ko dahil lang sa pansarili kong mga dahilan.
“Pasensya na po kayo. Pero bukas po, sisiguruhin kong makakapagtrabaho na ako ng maayos. Pasensya na po talaga.” pagpapakumbaba ko sa kanila.
“Nothing to worry Tom.” sagot ni Ma’am Shai.
“Mamaya Tom kung may mabalitaan ako sa lokong si Xander ay itetext kita, susubukan ko s’yang kontakin.” wika naman ni Chef Randy.
“Salamat po.” maikli kong sagot.
Hindi na rin ako nagtagal sa lugar na iyon at lumabas na rin sa office ni Xander. Iniwan ko silang dalawa doon at tinungo na ang crew room para magbihis. Nagdesisyon akong umuwi na lamang ng bahay at magpahinga. Ilang gabi na rin kasi akong hindi makatulog ng maayos dahil sa labis na pag-iisip.
Nang makarating ako sa aming bahay ay nagulat ako nang hindi lang ang pamilya ko ang naroon sa loob.
“Tommy! Kamusta?” masayang bati n’ya sa akin.
“Popoy?! A-anong ginagawa mo dito?” gulat kong tanong.
“Hay naku ang batang ’yan! Kanina pa nandito at hihintayin ka raw makauwi.” wika naman ni Mama.
“Hindi ko alam na nag-ibang bansa pala ’yang si Ronnie at ngayon ay mukhang successful na rin. Masaya ako para sa kanya.” nakangiting wika naman ni Papa.
“Salamat Tito.” nakangiting sagot ni Popoy.
“Teka anak? Bakit ang aga mo? Dapat ay mamaya ka pa uuwi ’di ba?” takang tanong sa akin ni Mama.
“Ahm… masama po kasi ang pakiramdam ko kaya pinauwi na lang po ako.” pagpapalusot ko.
“Ayos ka lang ba anak? Ano bang masakit sa’yo?” ang pag-aalala naman ni Papa.
“Ayos lang ako Papa. ’Wag po kayong mag-alala. Masakit lang po ang ulo ko. Magpapahinga lang po siguro ako.” sagot ko naman sa kanya.
“Sigurado ka ba anak?” alala pa ring tanong ni Mama.
“Opo Mama.” paniniguro ko sa kanila.
“Mukhang wrong timing yata ang punta ko dito ah. Sige Tommy, sa ibang araw na lang ako dadalaw ulit. Pahinga ka muna.” nakangiting wika ni Popoy.
“Pasensya ka na Popoy ha? Pero ’pag may oras, labas tayo nila Cha. Sayang naman kasi ang bakasyon mo dito.” wika ko naman sa kanya.
“Walang problema. Paano? Mauna na ako. Magpahinga ka ng mabuti ha?” nag-aalala n’yang wika.
Tumango na lamang ako at binigyan s’ya ng tipid na ngiti.
Hindi na nga nagtagal si Popoy at nagpaalam na rin kina Mama at Papa.
Umupo muna ako sa aming sofa at hinubad muna ang aking sapatos. Nakikiramdam ako kina Mama at Papa dahil mukhang may mahalaga silang sasabihin ngunit hindi malaman kung paano sisimulan. Nakikita ko silang nagsisikuhan at tila nagpapahiwatig kung sino ba dapat ang unang magsasalita.
Bago pa sila magkasakitan ng tuluyan ay ako na ang nagtanong.
“Ma, Pa? May gusto ba kayong itanong o sabihin?” tanong ko sa kanila.
Nagtinginan muna silang dalawa bago umupo sa upuan sa tapat ko.
“Ahm.. Kasi anak, may gusto sanang sabihin sa’yo ang Papa mo.” wika ni Mama.
“Bakit ako? Ikaw na magsabi Honey!” baling naman ni Papa kay Mama.
“Aba’t! Bakit ako?! Ikaw na!” ang balik naman ni Mama sa kanya.
Bumuntong hininga na lamang ako at pinutol na sila sa kanilang pagtuturuan.
“Mama, Papa, sabihin n’yo na po. Sige kayo, baka abutin tayo ng madaling araw dito kung walang magsisimulang magsalita sa inyo.” mahinahon kong wika sa kanila.
Si Papa na ang nagsimulang magsalita ngunit nagkakamot ito ng batok na tila hindi malaman kung paano ito sasabihin.
“Eh kasi anak.. Napag-usapan namin ng Mama mo ang tungkol sa pagbalik ko sa ibang bansa..” pauna n’yang wika.
“Ano pong meron tungkol doon? Aalis na po ba kayo agad?” tanong ko naman pabalik.
Si Mama naman ngayon ang nagsalita.
“Hindi ’yon anak.. Kasi nakatanggap ng tawag ang Papa mo noong isang araw.. Hindi ko alam kung magandang balita ba iyon o hindi..” si Mama naman ang nagsalita.
Kinabahan ako sa sinabi ni Mama. Hindi ko naiwasang isipin ang mga pinagdaanan ni Papa sa ibang bansa. Hindi kaya may kinalaman ito dito?
“A-ano pong meron? Ano pong sinabi sa inyo?” ang kinakabahan kong tanong.
“Anak ’wag naman OA! Hindi ka artista! Kung makaarte ka naman, parang pang-audition ’yang reaction mo!” ang komento ni Mama.
“Eh ano nga po kasi ’yon?!” ang medyo naiinis ko nang tanong.
Kinakabahan kasi talaga ako. Bumuntong-hininga si Papa bago nagsimulang magpaliwanag.
“Anak makinig ka.. Kasi sinabi sa akin ng boss ko na sa pagbabalik ko sa kompanya namin ay maaari ko nang isama ang pamilya ko doon.. Sila ang bahala sa lahat ng gagastusin. Wala tayong ilalabas na pera. Sa totoo lang, gusto ko rin ang ideya na ’yun. Naisip ko na rin iyon nitong mga nagdaang araw. Kahit ako pa ang gumastos ay gusto kong makasama rin sana kayo doon. Sapat naman ang kinikita ko para mabuhay tayo sa bansang iyon. Sa totoo nga ay makakaipon pa rin tayo dahil sobra-sobra rin ang natatanggap kong sweldo. Mataas na kasi ang posisyon ko ’di ba? Pero hindi naman ako lubusang magiging masaya kung malayo kayo sa akin.” mahabang explanation ni Papa.
Nabigla ako sa sinabi ni Papa. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o hindi. Masaya ako dahil sa wakas ay makukumpleto na kami. Magsisimula na ulit kami. Pero nalungkot ako nang maisip ko si Xander. Paano na kaming dalawa?
Dahil sa hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi ni Papa ay nagpatuloy s’ya.
“Naisip ko rin kasi anak na makakabuti kay Mama mo ang manatili muna doon. Mas magagaling ang mga doktor na naroon kaya mas malaki ang chance na gumaling s’ya. Mas advance ang technology doon kaya mas madali s’yang gagaling. Nasa plano ko na rin na doon n’yo na rin tapusin ni Julius ang inyong pag-aaral. Mas maganda rin ang naghihintay na opportunities sa inyo in the future kung doon kayo makakapagtapos. Ikaw, isang taon na lang ang kailangan mong tapusin ’di ba? Si Julius naman, magsisimula pa lang. Kaya mas makabubuti kung doon s’ya magsisimulang mag-college.” mahabang paliwanag pa ni Papa.
“Ano pong sabi ni Julius?” tanong ko sa kanila.
“Pumayag s’ya anak. Ikaw na lang ang hindi pa namin natatanong kung papayag ka.” ang sagot naman ni Mama.
Sa sinabi ni Mama ay mukhang payag rin naman s’ya.
Saglit akong natahimik upang mag-isip. Inisip ang magandang buhay na naghihintay sa amin sa ibang bansa. Ang muling pagkakabuo ng aming pamilya. Pero paano si Xander? Maiiwan ko s’ya dito? Parang hindi ko kaya.
Dahil sa pananahimik ko ay nagsalita muli si Mama.
“Alam kong nahihirapan ka ngayon anak. Kaya nga nahihirapan din kami ng Papa mo kung paano namin ito sasabihin sa iyo. Alam namin na mahihirapan kang magdesisyon dahil nariyan pa si Xander na kailangan mong i-consider.” wika ni Mama.
“Pero anak, ano man ang desisyon mo ay rerespetuhin namin. Mahalaga pa rin para sa amin ang kaligayahan mo. Hanggat hindi ka pa nakakapag-desisyon, isasabay na lang namin sa pag-aasikaso ng papeles ng Mama mo at ni Julius ang mga kakailanganin mo sa pagpunta sa bansang iyon. Para kung papayag naman kayo ni Xander, at least nakahanda na ang lahat. Ayos lang ba sa’yo ’yon?” tanong ni Papa.
“Sayang naman po sa pera Papa kung isasabay n’yo na rin ang kakailanganin ko.” sagot ko sa kanya.
“Ay! Kuripot ka pa rin talaga anak!” biglang wika ni Mama.
Natawa naman si Papa bago nagsalita.
“Hindi n’yo na kailangan pang tipirin ang sarili n’yo anak. Marami na akong naipon at sinisiguro kong kahit anong gustuhin n’yo ngayon ay makukuha n’yo. Ayaw kong magyabang, pero totoo ang sinasabi ko.” wika naman ni Papa.
“Tama ang Papa mo anak. Alam mo bang kaya napapayag n’ya si Julius na sumama sa ibang bansa dahil sinabihan n’yang bibilhan n’ya ito ng sarili n’yang kotse doon?” natatawang wika naman ni Mama.
Nagulat din ako sa mga sinabi ni Mama. Mukhang maganda na nga ang pamumuhay namin ngayon. Hindi lang halata kay Papa dahil simple lang ito sa lahat ng bagay. Noong isang araw nga ay nagyaya ito na mag-shopping kami pero tinanggihan namin nina Mama dahil may trabaho pa ako at hindi ako pwedeng um-absent. Sinabi rin n’ya na may plano s’yang bumili ng bahay na bago naming titirahan. Pero mukhang hindi na nga ito matutuloy kung sa ibang bansa na kami maninirahan kasama s’ya.
“Ano anak? ’Wag ka nang kumontra kung isasabay na namin ang pag-aasikaso ng papers mo para sa pagtira natin sa ibang bansa ha? Kung hindi ka man tumuloy, okay lang din naman. Magagamit mo naman ang ilang documents mo kapag dinalaw mo kami doon.” paliwanag ni Mama.
Kung sabagay, tama sila. Gusto ko rin naman silang makita at makasama kung sakaling naroon na sila. Mas makabubuting wala na akong aayusin pa kung nakahanda na ang iba kong kakailanganin.
“Sige po. Pero ’yung tungkol sa pagsama ko, pwede po bang bigyan n’yo muna ako ng oras para makapag-isip? Kailangan ko po munang ipaalam din muna ito kay Xander.” wika ko sa kanila.
“Oo naman anak. Sabi nga namin sa’yo, ano man ang desisyon mo ay rerespetuhin namin. Ang mahalaga ay kung saan ka masaya. Kung hindi ka man sumama sa amin, alam naman naming masaya ka. Iyon ang mas importante sa amin.” nakangiting wika ni Mama.
“Salamat Mama, Papa.” nakangiti ko ring balik sa kanila.
Hindi na kami nagtagal pa sa aming pag-uusap at tumungo na ako sa aking kwarto para magpahinga. Ilang minuto pa lamang akong nakakahiga ay tumunog naman ang aking cellphone. Agad kong binasa ang text na natanggap ko, umaasang si Xander ito.
‘Tom, nasa condo lang n’ya si Xander bukas. Nakausap ko s’ya ngayon lang.’
si Chef Randy pala.
‘Salamat Chef. Sige, daanan ko muna s’ya bago ako pumasok sa trabaho. Salamat po ulit.’
reply ko sa kanya.
Nakaramdam ako ng saya kahit na si Chef Randy lang ang nagtext at hindi si Xander. Miss na miss ko na s’ya dahil isang linggo ko na s’yang hindi nakikita.
Natulog akong may ngiti sa aking labi dahil sa excitement na makita si Xander bukas. Kailangan din namin pag-usapan ang naging desisyon ng mga magulang ko na pagtira at pagsama kay Papa sa ibang bansa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maaga akong gumising kinabukasan upang puntahan si Xander sa kanyang condo. Umaga pa lang kaya mahaba pa ang magiging oras para makapag-usap kami dahil sa hapon pa ang pasok ko sa trabaho.
Nakangiti akong naglalakad papunta sa kanyang unit. Ilang sandali pa ay narating ko rin ito. Ilang katok ang aking ginawa bago ito bumukas.
“Hi Kuya Tom!! Good morning! How are you?! Miss na po kita!” ang masiglang bati ni Carla sa akin.
Napangiti rin ako at agad ko itong niyakap. Naka-pajama pa ito at halatang kagigising lang.
“Good morning baby! Na-miss din kita!” bati ko pabalik habang yakap s’ya.
“Carla? Sino ’yan?” ang biglang tanong mula sa loob ng bahay.
Nakaramdam ako ng kaba nang marinig ko ang tinig ng taong nagtanong kay Carla. Napabitaw sa akin si Carla kaya napatayo na rin ako.
Sumunod na nangyari ay lumabas ang taong hindi ko inaasahang madadatnan ko sa bahay ni Xander.
“Oh?! Hi Tom! Kamusta?” nakangiti n’yang bati sa akin.
Nakapang-tulog rin ito. Manipis na sleeveless at short na pang-tulog.
“J-josephine…” tangi kong nasambit.
A/N
Ayun na nga! Vote and comment please! Thank you!
–– cold_deee
chapter 29 - glazed lemon filled
A/N
Konting chapter na lang po guys para matapos ang book 1. Yes, book 1 po dahil nakaabang na rin ang book 2.
Mas mature at mas maganda ang mga pangyayari. ’Yun lang po!
Enjoy reading!
TOM POV
Sumunod na nangyari ay lumabas ang taong hindi ko inaasahang madadatnan ko sa bahay ni Xander.
“Oh?! Hi Tom! Kamusta?” nakangiti n’yang bati sa akin.
Nakapang-tulog rin ito. Manipis na sleeveless at short na pang-tulog.
“J-josephine…” tangi kong nasambit.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa taong nakita ko.
“Jho? Carla? Sino daw ’yan?” narinig kong tanong ni Xander mula sa loob.
“Daddy, it’s Kuya Tom po!” sigaw ni Carla pabalik.
Hindi ko na narinig pang sumagot si Xander nang sumagot si Carla sa kanya.
“P-pasok ka Tom..” ang sinabi sa akin ni Josephine at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
“S-salamat…” utal ko ring sagot dahil sa pagkabigla.
Hinawakan ako ni Carla sa aking kamay kaya nagawa ko na ring ihakbang ang aking mga paa.
“He’s in the kitchen Kuya Tom.” wika sa akin ni Carla at hinila na ako papunta sa kinaroroonan ni Xander.
Nang makarating kami ni Carla sa kitchen ay nakita ko si Xander na nakatayo roon at mukhang inaabangan na lang ang aking pagpasok. May hawak itong sandok at mukhang nagluluto ng kanilang agahan. Base sa kanyang ekspresyon ay nabigla ito sa aking pagdating.
Nagkatinginan kami nang walang salitang namamagitan.
“Daddy? Are you just gonna stand there? Didn’t you miss Kuya Tom?” tanong ni Carla sa kanya.
Tila ba doon lamang natauhan si Xander. Doon lamang s’ya nakapagsalita.
“Carla, puntahan mo muna si Mommy mo sa sala. Mag-uusap lang kami ni Kuya Tom mo.” utos ni Xander kay Carla.
“Okay po!” sagot naman ni Carla sa kanya.
Binitawan na ni Carla ang aking kamay at naiwan na nga kami ni Xander sa kusina. Pinatay n’ya muna ang stove kung saan s’ya nagluluto. Humarap s’ya sa akin ngunit hindi n’ya ako magawang tingnan.
Dahil doon ay ako na ang unang nagsalita.
“Pwede bang umupo?” tanong ko sa kanya.
Tila ba doon n’ya lang naalalang patuluyin ako sa kanyang kitchen.
“S-sorry.. Halika, maupo ka dito. Gusto mo ba ng maiinom? Coffee?” alok n’ya sa akin.
“Hindi na. Nag-almusal na ako sa bahay. Salamat.” maikli kong sagot.
Bakit ganito? Bakit parang naiilang kami sa isa’t-isa? Bakit sa loob lang ng isang linggo ay ganito na ang pagbabago? Muli nanaman akong nakaramdam ng kirot sa aking puso.
Dahan-dahan akong lumapit sa upuan na nasa mesang naroon. Umupo rin naman s’ya sa silyang nasa aking harapan.
“K-kamusta ka na Tom?” tanong n’ya sa akin.
Tom…
’Yan na lang ang tawag n’ya sa akin ngayon. Hindi na Master.
“Ako nga ang mangangamusta sa’yo kaya maaga akong nagpunta dito. Ilang araw na rin kasi tayong hindi nakakapag-usap.” kaswal kong sagot sa kanya.
“Mabuti naman ako.” maikli n’yang sagot.
“Mukha nga. Halata nga.” balik ko naman sa kanya. Nakangiti ako ngunit alam kong hindi iyon umabot sa aking mata. Pekeng ngiti lang ang nakayanan kong ibigay.
Hindi s’ya nakapagsalita sa aking sinabi. Mukhang guilty sa sinabi ko. Dahil sa katahimikan namin ay ako na lamang ang nagsalitang muli.
“Hindi mo naman sinabi na dito na pala natutulog si Josephine. Ilang araw na ba? Sana man lang ay sinabi mo sa ’kin. Ano ba naman ’yung itext mo ako kahit isang beses lang Xander. Para alam ko kung ano na ang nagyayari.” wika ko sa kanya.
Hindi ko sinasadya ang mga salitang binitawan ko. Alam kong sarcastic ang pagkakabitaw ko sa mga salitang iyon. Pero huli na para bawiin ko iyon, nasabi ko na.
Umangat s’ya ng kanyang tingin at diretso akong tiningnan sa mga mata.
“Ano bang gusto mong palabasin sa mga salita mo Tom? Nakiusap sa akin ’yung tao na tumuloy muna dito dahil malayo ang inuuwian n’ya. Gabi na kami nakakarating sa mga nagiging lakad namin. Alangan naman pabayaan ko s’yang umuwi mag-isa? Babae pa rin ’yon baka nakakalimutan mo?” sagot n’ya sa akin pabalik.
Alam kong naiinis na s’ya dahil pinipigilan n’ya ang kanyang boses na mapalakas. Ayaw n’yang marinig nina Josephine at Carla ang pag-uusap naming iyon.
Pilit akong huminahon sa pamamagitan ng paghinga ng malalim.
“Hindi naman sa ganon. Nabigla lang ako na nakita ko s’ya dito.” mahinahon kong wika sa kanya.
“Fine. Kasalanan ko and I’m sorry kung hindi ko nasabi sa’yo. Naging busy lang kami nitong mga nagdaang araw.” wika n’ya sa akin.
“Bakit hindi ka na nakakapagreply sa mga text ko Xander? Text ako ng text sa’yo pero wala akong natatanggap na reply.” tanong ko sa kanya.
Napataas ang isa n’yang kilay dahil sa tanong ko. Sa akin ay kaswal na tanong lamang iyon. Pero mukhang hindi n’ya nagustuhan.
“Ano ba ito Tom? Pumunta ka ba rito para sa isang interrogation? Pulis ka na ba?” inis n’yang tanong sa akin.
“Hindi naman sa ganon… Gusto ko—” ang hindi ko na naituloy na sasabihin dahil pinutol n’ya na ako.
“Fine! Kung gusto mo talagang malaman ang sagot, sasabihin ko. Naiwan ko ang cellphone ko dito sa bahay noong bago kami magpunta sa Baguio. Tatlong araw kami doon at wala akong cellphone na dala. Kagabi lang kami nakauwi kaya kagabi ko lang nahawakan ang cellphone ko. Ano? May sunod ka pa bang tanong?” ang mahaba n’yang paliwanag na nagpipigil pa rin sa kanyang boses.
“B-baguio?” ang nabigla kong tanong.
Hindi ko alam na nagpunta sila sa Baguio at tatlong araw silang naroon. Wala akong kaalam-alam. Hindi ko naiwasang makaramdam ng awa sa sarili ko.
“Oo. Nagpunta kami roon dahil iyon ang gusto ni Carla.” sagot n’ya.
“Sana man lang nagawan mo ng paraan. Sana nakitext ka man lang o kaya tumawag ka sa akin kahit noong nasa Bagiuo na kayo.” ang hindi ko na napigilang sumbat.
“Ano bang nangyayari sa’yo Tom? Akala ko ba okay sa’yo ’to? Akala ko ba walang problema na magkakasama kami? Ikaw ang may gusto nito ’di ba? Kung may problema dito, ’yon ay dahil hindi ko nagawang ipaalam agad sa’yo. Pero narinig mo naman ang paliwanag ko ’diba? Naiwan.ko.ang.cellphone.ko! Mahirap bang intindihin ’yun?!” ang pigil na pigil n’ya nang pagsasalita ng malakas.
“Ako ang hindi mo naiintindihan Xander. Ano bang nangyayari sa’yo? Bakit ganito ka makipag-usap sa akin? Masama na ba na tanungin kita ngayon?” tanong kong naiinis na rin.
“Oo nga, nagtatanong ka. Pero sa tono ng pagtatanong mo, parang may gusto kang palabasin eh!” balik n’ya naman sa akin.
“Wala akong gustong ipahiwatig sa mga tanong ko. Maliban na lang kung guilty ka. Guilty ka ba?” ang may inis ko pa ring pagtatanong sa kanya.
“Wala akong dapat ika-guilty! ’Yan ba ang dahilan ng pagpunta mo dito? Ang awayin lang ako? Ilang araw tayong hindi nagkita pero ganyan ang isasalubong mo sa akin?” sunod-sunod n’yang tanong na naiinis na rin.
Napailing ako at napatawa ng mahina. Hindi ko akalaing ganito ang magiging pag-uusap namin sa loob ng isang linggong hindi pagkikita.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at inilagay nang muli sa aking balikat ang aking bag.
“Hindi ko alam Xander. Pero pakiramdam ko may mali. Hindi ko alam na ganito rin ang magiging salubong mo sa akin. Mabuti pa nga na hindi na lang ako nagpunta rito.” dire-diretso kong wika at tinalikuran s’ya.
Hindi na ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Lumabas ako ng kanyang kitchen at hinanda ang sarili sa paglabas ng kanyang condo. Tila ba sasabog ang aking dibdib dahil sa inis na nararamdaman.
Narating ko ang kanyang pinto upang lumabas ngunit narinig kong tinawag ako ni Carla. Nilingon ko naman ito at nakita kong tumakbo ito papalapit sa akin.
“Kuya Tom! You’re going home na? Why so early? Let’s have breakfast first!” yaya sa akin ni Carla.
Huminga ako ng malalim bago sinimulang magsalita.
“Sorry, next time na lang baby. May pasok pa si Kuya eh. Baka ma-late ako.” wika ko sa kanya habang hawak s’ya sa kanyang ulo.
Ngumuso naman ito at tila disappointed sa sinabi ko.
“Sige po. But next time will you promise me na sasama ka na sa amin?” tanong sa akin ni Carla.
Kahit na gusto ko nang umiyak sa sinabi ni Carla ay pinilit kong ngumiti.
“Yes baby, I promise.” nakangiti kong sagot sa kanya. Sinubukan kong pasiglahin ang aking boses.
“Yey!!” masigla n’ya namang wika.
“Paano baby? Mauuna na si Kuya ha? Be good okay?” paalam ko kay Carla at hinalikan s’ya sa kanyang noo.
“Yes po, always.” nakangiti n’yang sagot.
Tumakbo na si Carla kung saan s’ya nanggaling. Naroon si Josephine na nakatayo at nakatingin sa akin. Nagtaka ako sa kanyang naging reaksyon. Nakangisi s’ya sa hindi ko malamang dahilan.
Lumabas na lamang ako sa unit ni Xander na gulong-gulo. Hinakbang ko ang aking mga paa palabas ng building na iyon.
Nang makalabas na ako ng tuluyan sa building ng condo na tinutuluyan ni Xander ay umupo muna ako sa waiting shed na nasa kabilang kalsada. Masyado pang maaga para pumasok ako sa trabaho. Hinayaan kong pagmasdan ang mga sasakyang dumaraan doon.
Tulala ako at iniisip ang mga nangyari sa pagitan namin ni Xander kanina lamang. Hindi ko nakontrol ang emosyon ko kaya nakapagsalita rin ako ng mga hindi n’ya nagustuhan.
Tama naman si Xander, ako ang may gusto ng mga bagay na ito. Ako ang nagsabi na sumama s’ya sa pamamasyal ng mag-ina. Kung tutuusin, dapat hindi ko s’ya sisihin. Lahat ’yon ay may pahintulot ko.
Inalala ko ang mga magagandang bagay na nangyari sa amin ni Xander. Maliit na bagay lang ang aming pinagtalunan at hindi na dapat lumala iyon. Dapat ay intindihin ko ang lahat ng bagay. Dapat ay lawakan ko ang aking isip. Mahal ko si Xander, kaya dapat ay sinusuportahan ko s’ya sa lahat ng bagay.
Matapos ang halos isang oras na pag-upo sa waiting shed doon ay nakapagdesisyon akong balikan si Xander at humingi dito ng tawad. Gumaan na rin ang aking pakiramdam. Inalala ko ang lahat ng effort ni Xander para sa relasyon naming ito. Hindi ko hahayaang magkalamat ang relasyon namin dahil lang sa pagiging makasarili ko.
Nagbalik ako sa kanyang unit at halos takbuhin ko ang daan para makarating agad doon. Alam kong hindi naman aalis ang pwesto ng kanyang unit, pero hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagtakbo dahil isang linggo akong nasasabik na makasama si Xander. Ito na ang pagkakataon na makasama ko s’ya ulit kaya dapat ay hindi kami nagkaroon ng pagtatalo.
Pagdating ko sa kanyang pinto ay hinihingal pa ako dahil sa pagtakbo. Nakangiti kong inangat ang aking kamao para muling kumatok. Ngunit hindi ko naituloy iyon nang marinig ko ang ang malalakas na tawa na nagmumula sa loob ng unit n’yang iyon.
Ang masayang tawa ni Carla.
Ang matinis na tili ni Josephine.
At ang malakas na pagbibiro ni Xander kay Josephine na tila ba hinahabol ito.
Dinig na dinig ko ang lahat mula sa labas. Kaya mula sa pagkakangiti ko ay unti-unting nabawi ito. Ang kamao kong handa na sanang kumatok ay unti-unti ko na ring ibinaba. Napayuko ako habang pinapakinggan ang masasayang tao sa loob ng unit na iyon.
Hindi ko na kinaya pa. Unti-unti akong umatras at tumalikod sa pintong iyon. Parang may mga bakal na bola ang aking mga paa dahil halos hindi ko ito maihakbang. Tulala at tila bumibigat ang aking paghinga.
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko. Walang buhay ko itong kinuha mula sa aking bulsa at hindi tiningnan kung sinong caller. Agad kong pinindot ang answer sa screen nito ngunit hindi ko magawang magsalita.
“Hello Tom? Galing ako sa bahay n’yo. Ang sabi ni Tita maaga ka daw umalis? Nasaan ka ngayon? Mamaya pa ang pasok mo ’di ba?” wika ng nasa kabilang linya.
Kilala ko ang tinig na iyon at hindi ko na kailangan pang tingnan sa screen kung sino ang caller.
“Daniel……” wika ko at ang inaasahan ko ay nangyari na.
Bumuhos na ang aking mga luha at hindi ko na napigilan ang mapahikbi.
“Tom?! Anong nangyari?! Nasaan ka ba?!” taranta n’ya nang tanong.
Hindi ako makapagsalita. Patuloy lamang na naglalandas ang aking mga luha sa aking mga pisngi. May mga taong nadadaanan ako at alam kong pinagtitinginan na ako. Si Daniel ay patuloy pa rin sa pagtatanong kung nasaan ako ngunit hindi ko magawang magsalita.
Mabuti na lamang at nagawa kong maikilos ang aking mga paa at tinungo ang fire exit sa dulo ng pasilyo ng condo building na iyon. Napaupo ako sa hagdanan sa loob ng fire exit na iyon. Kahit hirap na hirap na akong magsalita dahil sa labis na pag-iyak ay pinilit kong magsalita sa kausap ko sa kabilang linya.
“D-daniel… P-pwede mo ba akong… sunduin dito….” ang halos hindi ko mabigkas na salita.
Tinanong ni Daniel ang kinaroroonan ko at nasagot ko naman iyon sa pagitan ng pag-iyak. Matapos ang aming pag-uusap ay ipinatong ko ang aking ulo sa aking mga brasong nasa ibabaw ng aking mga tuhod. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Habang naaalala ko ang aking mga nasaksihan kanina lamang ay lalong naghihirap ang aking kalooban. Napahagulgol na ako sa sandaling iyon. Hindi ko na napigilan dahil sobrang sakit na ng dibdib ko. Mabuti na lamang at walang tao rito. Dahil kung hindi ay dalawa lang ang maaaring mangyari sa akin. Pagtatawanan ako o kakaawaan. Ayokong maranasan ang dalawang bagay na iyon.
Mahabang minuto rin ang lumipas at maya-maya lamang ay narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto ng fire exit na iyon. Nilingon ko ang taong pumasok sa lugar na iyon.
Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Nakita ko ang pag-aalala. Agad itong lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Dahil sa kailangan ko ng karamay ngayon ay hindi ko napigilan ang aking sarili na mas higpitan ang aking yakap sa kanya.
“Daniel….” tangi kong nasabi habang patuloy sa pag-iyak.
“Tom….. ano bang nangyari?” nag-aalala n’yang tanong habang hinahagod ang aking likod.
“I-ialis mo ako sa lugar na ito…. Pakiusap Daniel… Ialis mo ako rito…” paulit-ulit kong pakiusap sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.
“Sige sige.. Pero please, kumalma ka muna.. Iaalis kita dito, okay?” pakiusap n’ya rin sa akin.
Tumango-tango na lamang ako dahil wala na akong mailabas na salita mula sa aking bibig.
Ilang sandali pa kaming naroroon. Hindi rin ako binitiwan ni Daniel habang patuloy pa rin akong umiiyak. Nang medyo kumalma na ako ay ako na mismo ang nagsabi kay Daniel na umalis na kami. Agad rin naman s’yang kumilos at inalalayan ako sa bawat kilos ko. Hindi na kami lumabas mula sa fire exit na iyon. Doon na rin kami dumaan para makalabas at tunguhin ang parking area kung nasaan ng kanyang motor. Tama lang iyon dahil baka makasalubong pa namin sina Xander. Ayaw kong makita n’ya ako na ganito ang hitsura.
Pagdating namin sa parking area ay isinuot n’ya na sa akin ang isang helmet n’yang dala. Matapos n’yang maisuot ang kanyang helmet ay sumakay na rin s’ya sa kanyang motor at inaya n’ya na akong umalis doon. Kinuha n’ya ang aking mga kamay at pinaikot sa kanyang bewang. Nakayakap ako sa kanyang katawan.
“Alam kong kailangan mo ’yan. Sige, umiyak ka lang sa likod ko habang nagmamaneho ako.” wika n’ya sa akin.
Hindi na ako umimik at isinandal ko na lamang ang aking ulo sa kanyang likuran habang nakayakap sa kanya. Nang paandarin na ni Daniel ang kanyang motor ay nagsimula nanaman akong umiyak. Sarili ko lang ang naririnig ko ng mga oras na iyon. Ang mga impit kong pag-iyak at hindi mapigilang paghikbi. Si Daniel naman ay tahimik lamang at patuloy lamang sa pagmamaneho. Ngunit sa tuwing humihinto kami kapag naka-red ang stop light ay hinahawakan n’ya ang aking mga brasong nasa katawan n’ya. Pinaparamdam n’ya na naririto lang s’ya at dinadamayan ako.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na bumyahe. Ngunit dinala ako ni Daniel sa isang park na hindi pamilyar sa akin. Malaki ang park at walang masyadong tao roon.
Saglit na nagpaalam si Daniel sa akin kaya inihatid n’ya muna ako sa isang bench na naroon sa park na iyon. Pagbalik n’ya ay may dala na itong bottled water.
“Uminom ka muna Tom. Alam kong pagod ka. Makakatulong din ’yan para kumalma ka.” wika n’ya sa akin pagkaabot ng tubig.
“Salamat.” tipid kong sagot.
Ininom ko ito at hindi nga nagkamali si Daniel, bahagyang lumuwag ang paghinga ko.
“Tumawag na rin ako kay Ma’am Shai. Sinabi kong hindi ka makakapasok. Tinawagan ko na din si Chef Randy at sinabi kong kasama kita. Hindi na rin ako papasok. Pumayag naman sila kaya wala ka nang dapat ipag-alala.” wika n’ya ulit sa akin.
“Nahihiya ako Daniel. Pasensya ka na kung nadamay ka pa. Hindi ka rin tuloy nakapasok.” paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
“Wala ’yon. Mas mahalaga ka sa akin ngayon. Alam kong kailangan mo ng kausap kaya mas nanaisin kong nandito ako kasama mo.” sagot n’ya naman.
Sa unang pagkakataon simula nang umalis ako sa pinto ng unit ni Xander ay napangiti ako.
“Salamat Daniel.. Salamat..” wika kong nakangiti kay Daniel.
“Yown! Nakita na rin kitang ngumiti! Putek! Isa pa nga!” biro n’ya sa akin.
Natawa naman ako sa birong iyon ni Daniel. Mabuti na lamang at naririto si Daniel para samahan ako. Kung wala ito sa aking tabi ay hindi ko alam ang gagawin ko.
Sandali kaming natahimik at pinagmasdan ang ganda ng park na iyon. Nabasag lamang ang katahimikang iyon nang magsalita si Daniel.
“Tom, hindi ko alam kung anong nangyari. Pero kung handa ka nang ikwento, makikinig ako. Kung hindi pa naman, nandito lang din ako.” wika n’ya sa akin.
“Hayaan mo Daniel, baka mamaya maikwento ko rin sa’yo. Baka hindi ko kasi kayanin kung hindi ko rin mailalabas ito. Baka sumabog din ako. Bigyan mo muna ako ng ilang minuto o oras para makapag-isip na rin.” pakiusap ko sa kanya.
“Sige lang, walang problema sa akin.” nakangiti n’yang sagot sa akin.
Ganoon na nga ang nangyari. Tahimik lamang kami ni Daniel. Nakamasid lamang ako sa malaking park na naroon. Hindi ko pa rin maiwasan ang umiyak sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari nitong nagdaang mga linggo. Wala akong magawa kundi ang ilabas ito sa pamamagitan ng pag-iyak. Si Daniel naman ay paminsan-minsan akong hinahawakan sa likod tanda ng pakikiramay.
Siguro ay mga apat na oras na kaming ganoon. Kumakalam na rin ang aking sikmura dahil sa gutom. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga kaganapan kanina ay nawawalan din ako ng ganang kumain.
Dahil sa mahabang oras na inilagi namin doon ay nakabuo ako ng isang desisyon. Isang desisyon na maaaring makapagpabago ng buhay ko at buhay ni Xander. Walang kasiguraduhan, pero ito lang ang nakikita kong paraan para masagot ang aking mga katanungan. Susugal ako. Ganoon naman talaga ang nagmamahal, kailangang sumugal.
Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang tumigil ang pag-iyak ko. Pero ang sakit na nararamdaman ko ay hindi na yata maaalis.
“Daniel..” pagtawag ko sa kanya.
Nakatingin pa rin ako sa malayo at hindi hinaharap si Daniel.
“Hhhmm?” sagot n’ya sa pagtawag ko.
Alam kong nakatingin lamang s’ya sa akin dahil nasa gilid ko lamang s’ya nakaupo. Nag-aabang sa mga susunod kong sasabihin.
“Maaari mo ba akong gawan ng pabor?” pakiusap ko sa kanya at nilingon ko na s’ya.
“Ano ’yon? Kahit ano Tom, basta ’wag lang kitang makitang ganyan. Basta sumaya ka lang ulit. Basta bumalik lang ’yung dating Tom na nakilala ko.” sinsero n’yang sagot.
Napangiti ako sa mga sinabi ni Daniel. Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan si Daniel dahil lagi s’yang nariyan sa aking tabi.
“Maaari ba tayong pumunta mamaya kay Ma’am Shai? Gusto ko s’yang kausapin. Ganoon din sana si Chef Randy.” wika ko sa kanya.
Alam kong nagtataka s’ya sa pabor na hinihingi ko. At para masagot iyon ay sinimulan kong magkwento.
“Akala ko ’pag nagmahal ang isang tao, puro saya lang ang mararamdaman. Hindi pala. Masakit din pala. Lalo na kung alam mong hindi ikaw ang tunay na nagmamay-ari sa kanya.” pauna kong salita.
“A-anong ibig mong sabihin?” takang tanong ni Daniel.
“Hindi yata ako ang taong makakapagpasaya sa Kuya mo. Dumating na yata ang totoong taong nagpapasaya sa kanya. Ang unang taong minahal n’ya. Ang babaeng una n’yong minahal na dalawa.” sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkabigla sa kanya. Nanlaki ang mga mata n’ya at bahagyang naibuka ang bibig n’ya.
“I-ibig sabihin… n-nagkita na sila? P-pero bakit ang bilis naman yata? May kinalaman ba ito sa nangyari sa’yo k-kanina?” ang sunod-sunod n’yang tanong.
Ngumiti naman ako ng mapait at tumango sa mga naging tanong n’ya.
Doon ako nagsimulang magkwento. Simula nang makita namin ito sa condo ni Xander. Kung paano kami nagkasama-sama nang gusto nitong makita ang anak nilang si Carla hanggang sa nangyari kanina. Wala na akong itinago. Sinabi rin ni Daniel na nakita n’ya ito isang beses noong nasa isang restaurant s’ya. Ngunit hindi n’ya na iyon pinaalam pa sa kanyang Kuya.
Nakita ko ang awa ni Daniel sa akin. Nakita ko rin ang galit n’ya kay Josephine at kay Xander. Ngunit ipinaliwanag ko na wala naman silang kasalanan. Kagustuhan ko rin naman iyon noong una pa lang. Alam kong hindi ko s’ya nakumbinsi doon, pero hinayaan n’ya akong magsalita.
Sinabi ko na rin sa kanya ang mga nabuo kong plano. Mga planong walang kasiguraduhan. At nang mailahad ko kay Daniel ang aking plano ay tumutol ito.
“Tom! Sinasabi mo bang isinusuko mo na si Kuya?!” pagtutol n’ya sa mga inilahad ko.
“Hindi Daniel. Gagawin ko ito dahil ipinaglalaban ko ang Kuya mo. Hindi ko s’ya isinusuko. Mahal na mahal ko si Xander. At nangako akong hindi ko s’ya bibitawan.” sagot ko sa kanya.
“Eh bakit ’yan ang naisip mong gawin?! Hindi ba lalo lang kayong mapapalayo sa isa’t-isa?!” taka n’ya pa ring tanong.
“Hindi Daniel. Kaya ito ang naging desisyon ko ay dahil gusto kong mas mahaba ang oras ko para makasama s’ya. Mas mahaba ang oras ko para maipakita ko kung gaano ko s’ya kamahal.” nakangiti kong wika sa kanya. Ngunit hindi ko naiwasan ang isang luhang tumakas at pumatak mula sa aking mata.
Pinunasan na ni Daniel ang aking luha ng kanyang kamay.
“Baka naman galit ka lang kaya ka nagdesisyon ng ganyan? H’wag kang magdesisyon ng galit. Pag-isipan mong mabuti Tom. Marami ang maaapektuhan kapag ginawa mo ’yan. Marami na ang napalapit sa’yo, at isa na ako doon.” pag-aalala n’ya.
Umiling ako sa kanyang sinabi at nagsalita.
“Hindi Daniel.. Hindi ako galit. Sabi ko nga sa’yo, gagawin ko ito dahil mahal ko ang Kuya mo. Hindi ko s’ya isusuko.” sagot ko sa kanya.
Bumuntong hininga naman s’ya bago nagsalita.
“Mukhang buo na ang desisyon mo. Wala naman akong magagawa doon. Pero nandito lang ako lagi Tom, susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo. Kahit saan ka magpunta o kahit anong oras mo ako kailanganin, nandito lang ako.” sinsero n’yang wika sa akin.
Niyakap ko na lamang si Daniel dahil sa sinabi n’yang iyon. Napakaswerte ko at may kaibigan akong kagaya ni Daniel.
“Salamat sa lahat Daniel…” wika ko sa kanya habang yakap s’ya.
“Basta ikaw. Malakas ka sa akin eh!” sagot n’ya naman sa akin.
Bumitaw kami sa pagkakayakap at agad ko s’yang niyaya.
“Tara na! Puntahan na natin sina Ma’am Shai at Chef Randy. Pero bago ’yon, kumain muna tayo. ’Wag kang mag-alala, treat ko. Dami ko nang utang sa’yo eh!” nakangiti kong pag-anyaya sa kanya.
Tumayo rin agad ito at agad akong hinila sa kamay.
“Siguraduhin mo lang ’yan ah? Baka magsisi ka ’pag inorder ko lahat ng gusto kong kainin?!” hamon n’ya sa akin.
“Oo nga! Kahit sa pinakamahal na restaurant pa ’yan, kahit lahat pa ng nasa menu nila!” pagyayabang ko rin sa kanya.
Pwede ko na kasing gastusin ang lahat ng naipon ko sa savings account ko mula sa aking pagtatrabaho. Sinabi kasi sa akin ni Papa na may bagong savings account na kami ni Julius na pinabuksan n’ya. May laman na rin daw iyon at anytime ay pwede akong mag-withdraw. Pero dahil ayaw ko namang galawin iyon nang wala namang mahalagang pagkakagastusan ay minarapat kong iwan na lamang kay Mama ang bank book ko.
“Wow! Oo nga pala! Big time na pala ang best friend ko!” pang-aasar n’ya sa akin habang hinihila pa rin ako papunta sa kanyang motor.
“Baliw! Hindi ako big time!” natatawa kong balik sa kanya.
“Oo na lang!” wika n’ya ulit.
Matapos namin kumain ni Daniel sa napili naming restaurant sa isang mall malapit sa park na iyon, ay saglit kaming nagpahinga. Napag-usapan namin kung paano ko sasabihin ang plano ko kina Ma’am Shai at Chef Randy.
Matapos magpahinga ay nagdesisyon na rin kaming pumunta sa restaurant kung saan kami nagtatrabaho. Kung saan nagsimula ang lahat ng pagbabago sa buhay ko.
Halos isang oras kaming nasa byahe. Muli kong naalala ang masakit na nangyari kanina. Pero sa pagkakataong ito ay nagpakatatag ako. Kahit isang patak ng luha ay pinilit kong hindi pumatak.
Pagkarating namin sa restaurant ay hinanap ko agad sina Ma’am Shai at Chef Randy. Nagpaiwan na lamang si Daniel sa dining at nakikipag-asaran sa mga kasama namin sa trabaho. Mabuti na lamang at walang masyadong customer ng mga oras na iyon.
Pinapunta ako ni Ma’am Shai sa kanyang office. Pagdating ko roon ay nadatnan ko na rin si Chef Randy na nakaupo sa tapat ng mesa ni Ma’am Shai. Pinaupo nila ako sa upuan na katapat ni Chef Randy.
Tinanong nila ako kung ano ang nais kong sabihin. Hindi na ako nagdalawang-isip na ilahad ang aking mga naging desisyon. At tulad ng inaasahan ay tumutol sila. Parehong-pareho sa naging reaksyon ni Daniel. Pero nang sabihin ko ang mga dahilan ko na inilahad ko rin kanina kay Daniel ay wala rin silang nagawa.
“Basta nandito lang kami Tom. Hayaan mo, tutulungan namin kayo. Tutulungan ka namin Tom.” wika ni Chef Randy.
“He’s right Tom. We’re just here, ready to back you up.” wika naman ni Ma’am Shai.
“Salamat po. Maraming salamat po sa inyo.” naiiyak kong wika sa kanila.
Wala naman silang sinabi. Tumayo sila at mabilis nila akong niyakap na dalawa. Hiniling ko rin sa kanila na h’wag na lamang itong sabihin sa kahit na kanino lalong-lalo na kay Xander. Pumayag naman sila at nangako na hindi ito sasabihin. Basta’t para sa ikatatagumpay ng aming relasyon.
Matapos ang tagpong iyon ay lumabas na rin ako sa silid na iyon. Bawat madaanan kong parte ng restaurant na iyon ay tinititigan ko. Sinasaulo ko ang hitsura, bawat larawan na nakasabit sa wall, bawat upuan at mesang naroroon, maging ang locker room na lagi naming tinatambayan.
Huli kong pinasok ay ang office ni Sir Xander. Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng kanyang office. Hinaplos ko ang mesa, upuan maging ang mga librong naroon. Mga bagay na nagpapaalala sa masayang kwentuhan namin ni Xander. Huli kong tinungo ang kanyang table. Nakita ko ang larawan ni Carla na naroon. Napangiti ako nang makita ko ang ngiti ni Carla. Sunod kong nakita ay ang larawan namin ni Xander na nasa mesa ring iyon. Kinuha ko ito at hinaplos.
Hindi ko napigilan ang muling mapaiyak.
“Sana Xander maipanalo ko ang laban na ito. Nakikiusap ako sa’yo, ilaban mo rin ako. Dahil kung bibitawan mo ako, wala na sa akin sasalo. Sarili ko na lang ang aasahan ko para makaangat muli sa pagkakahulog ko. Pakiusap… ilaban mo ako….” umiiyak kong pagkausap sa kanya mula sa aming masayang larawan.
Ilang minuto ko pa itong tinitigan bago ko ito tuluyang bitawan.
Lumabas ako sa office ni Xander at tinungo sina Cha sa locker room na ngayon ay tapos na sa kanyang shift, at sina Ben at Dee na ngayon ay nakabreak.
Pagpasok ko pa lamang sa locker room ay sinalubong na agad ako ni Cha ng yakap.
“Bessy…. narinig ko ang pag-uusap n’yo nina Ma’am Shai at Chef Randy… Sinabi ko rin kina Ben at Dee ang naging desisyon mo… Sigurado ka na ba d’yan?” wika sa akin ni Cha habang yakap ako. Naririnig ko ang kanyang paghikbi kaya niyakap ko rin ito ng mahigpit.
“Sorry Cha, kailangan ko lang talagang gawin.” sagot ko naman sa kanya.
“Bessy… Alam kong may pinagdadaanan ka, kilala kita… Gusto kong magalit sa’yo dahil hindi mo agad sa akin sinabi. Pero next time na ’yung galit ko. Gusto kong damayan ka ngayon dahil mas mahalaga ka.” muling wika ni Cha.
“Sige, mamaya doon ako matutulog sa inyo para makapag-usap tayo. Sasabihan ko rin sina Mama at Papa na doon kami sa inyo mamaya tutuloy. Ayos lang ba ’yon kina Tito at Tita?” tanong ko sa kanya.
Bigla naman s’yang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at nagulat ako nang bigla ako nitong hampasin sa braso.
“Aray! Bakit ka namamalo na lang bigla?!” daing ko kay Cha.
“Kahit kelan pwede kayo doon! Parang hindi mo naman alam ’yon?! Kahit ’wag na nga kayong magpaalam eh! Hindi na kayo iba sa amin alam mo naman ’yon ’di ba?!” naiinis n’yang wika.
“Oo na! Oo na! Eto naman kung makahampas parang wala nang bukas!” balik ko naman sa kanya habang hinihimas ang braso kong pinalo n’ya.
“Pareng Tom, basta nandito lang kami ha? Tandaan mo ’yan. Tawag ka lang.” ang biglang sabat ni Ben.
Nilapitan ko ito at niyakap rin ng mahigpit.
“Salamat Ben, salamat sa lahat.” wika ko sa kanya.
“Tom…” ang pagtawag ni Dee.
Bumitaw ako kay Ben at agad na niyakap si Dee.
“Kahit wala kang sabihin sa akin Dee, nararamdaman ko na naging mahalaga rin ako sa’yo. Mahalaga na rin kayo sa akin kaya sana manatili pa rin tayong magkakaibigan.” mahaba kong wika sa kanya.
Humigpit ang kanyang pagkakayakap at nagsimula na s’yang umiyak. Hindi n’ya na nga nagawang magsalita kaya ako na lamang ang nagtuloy.
“H’wag ka nang umiyak Dee.. Baka bugbugin pa ako ni Dominic n’yan eh. Isipin nun pinapaiyak kita.” natatawa kong wika sa kanya.
Bumitaw naman s’ya akin at kahit may luha pa sa kanyang mga mata ay poker face n’ya na akong tinitingnan ngayon. Namumula rin ang kanyang mga pisngi, marahil ay nang mabanggit ko ang pangalan ni Dominic.
“Paano? Kita-kits tayo sa ibang araw ha? Labas ulit tayo, this time treat ko na.” nakangiti kong wika sa kanila.
“Sige, ingat Pareng Tom.” wika ni Ben.
Si Dee naman ay tumango-tango lang.
“Bessy, kita tayo sa bahay mamaya ha? Tabi tayo matulog, ikwento mo sa akin lahat okay? Ite-text ko sila Mommy at Daddy para makapagpahanda sila ng makakain nating lahat.” wika ni Cha sa akin.
“Sige Bessy. Isasama ko si Daniel okay lang ba? Kahit pasasalamat lang dahil s’ya ang sumama sa akin simula pa kanina.” sagot ko naman kay Cha at paghingi na rin ng pabor.
“Sure! Kahit doon na rin s’ya mag-overnight. Ipaayos ko na rin ang guest rooms doon.” pagpayag n’ya.
Hindi na nga kami nagtagal pa roon at umalis na rin kami ni Cha. Pero bago pa kami makalabas ay nakiusap ako sa kanila na sana ay isekreto muna nila ang naging pasya ko. Nirerespeto naman nila iyon na lalo kong ipinagpasalamat.
Pinuntahan ko si Daniel at agad niyayang umalis na mula roon. Inimbitahan ko na rin s’ya na sumama sa amin kina Cha para mag-overnight. Pumayag na rin s’ya ngunit kailangan n’yang umuwi sa kanyang condo para kumuha ng ilang mga gamit.
Saglit lang ang naging paghihintay ko kay Daniel upang makakuha ng kanyang gamit sa kanyang condo. Muli kaming bumyahe patungo sa bahay nina Cha.
Pagkarating namin doon ay naroon na rin sina Mama, Papa at Julius. Nagulat rin ako dahil naroon din si Popoy. Saglit kong kinausap sina Mama at Papa sa naging desisyon ko sa aking trabaho. Hindi naman sila tumutol doon bagamat pilit nilang inaalam sa akin kung anong dahilan. Nakiusap ako sa kanila na kung maaari ay sa ibang araw ko na lamang sabihin kaya wala naman silang nagawa.
Narito kami sa swimming pool area nila Cha. Ang mga magulang namin ay masayang nagkekwentuhan sa kabilang side ng pool kasama ang mga Kuya at Ate ni Cha pati na rin ang mga asawa ng mga ito. Si Julius ay masayang nakikipag-usap sa pamangkin ni Cha. Kung kami ni Cha ay ang pinaka-close, si Julius naman ay sa pamangkin ni Cha na anak ng Kuya n’ya. Kaedaran n’ya lang kasi ito. Narito naman kami nila Cha, Popoy at Daniel sa kabilang side ng pool.
“Bakit sinama n’yo pa ’yan? Dapat tayong magbe-best friends lang ang nandito ’di ba?!” ang tila naiinis na tanong ni Popoy na tinutukoy si Daniel.
“Inggit ka? Inimbitahan ako ng bestfriend kong si Tom, may reklamo ka?” ang pang-iinis naman ni Daniel kay Popoy.
“Teka! Teka! Teka! Bakit ba ang init ng dugo n’yo sa isa’t-isa? Ikaw Ronnie ha? Baka nakakalimutan mo, bahay ko ’to? Kaya kung sino ang gusto kong papuntahin dito, wala kang magagawa. At ikaw naman Daniel? Konting bagay lang pinapatulan mo na! Tumahimik kayong dalawa kung ayaw n’yong maging hapunan kayo ng mga Doberman namin d’yan sa likod!” banta ni Cha sa kanila.
Nanahimik naman silang dalawa.
Umiinom kami ng mga oras na iyon. Nauna nang magpahinga ang aming pamilya dahil hating-gabi na rin. Pero pinayuhan nila kami na maghinay-hinay sa pag-inom. Naiwan na lamang kaming apat rito at dahil na rin sa alak ay hindi ko na rin napigilang ikwento sa kanila ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Xander ngayon.
Minsan akong napapaiyak ngunit ang mga malalapit kong kaibigan na ito ay maagap na umaalalay sa akin.
“Sorry bessy ha?! Pero nagagalit ako d’yan sa boyfriend mo at sa impakta n’yang ex! Naku! ’Pag nakita ko talaga sila pagbubuhulin ko talaga sila!” ang naiinis na reaksyon ni Cha.
“Wala naman silang kasalanan bessy. Sabi ko nga, ako ang nagtulak sa kanila na gawin ’yon.” mahinahon kong sagot.
“Ewan ko sa’yo bessy! Bakit kasi ang bait-bait mo! Inaabuso ka na, naka-smile ka pa! Remind lang kita ha?! Tao ka at hindi santo! Baka lang nakakalimutan mo?!” sermon n’ya pa.
Nanahimik na lang ako at si Daniel na ang sumalo sa panenermon ni Cha.
“Tama na Charm. Hindi naman makakatulong kay Tom ang galit mo eh. Ang mahalaga kung paano natin s’ya matutulungan.” payo ni Daniel kay Cha.
Sumabat naman si Popoy sa pagkakataong ito.
“At paano ka naman makakatulong kung ang sanhi ng kalungkutan ni Tommy ay ang kapatid mo?!” wika ni Popoy kay Daniel.
“Alam mo Popoy—” ang hindi naituloy na sasabihin ni Daniel dahil pinutol na s’ya ni Popoy.
“Ronnie! Sila lang dalawa ang pwedeng tumawag sa aking Popoy!” pagtatama n’ya sa pagtawag ni Daniel sa kanya.
“O sige! Ronnie o Popoy o kahit ano pa man ang pangalan mo na masakit pa rin naman sa tenga! Hindi ko hawak ang utak ng kapatid ko! Basta ako, mananatili ako sa tabi ni Tom! Ikumpara mo naman sa’yo! You’re claiming that you are the best friend of Tom. Pero simula nang magkwento si Tom tungkol sa nangyari sa kanila ni Kuya, wala kang ginawa kundi ang ngumisi lang d’yan! Gusto ko na nga matawa dahil mukha ka nang aso d’yan sa totoo lang! Ngiting-aso! Kuha mo brad?” mahabang wika ni Daniel kay Popoy.
Sasagot pa sana si Popoy kay Daniel nang pinutol na ito ni Cha.
“Stop!!!! Hindi talaga kayo titigil?! Kanina pa kayong dalawa ha?! Hindi lang ako nagsasalita dahil nakikinig ako kay Bessy pero nakikita ko ang sagutan n’yo sa sama ng tingin n’yo sa isa’t-isa! Nag-dinner na ang mga aso namin! Baka gusto n’yong maging midnight snacks nila?!” pag-awat ni Cha sa kanila.
“Haaayy! Tama na Bessy. Mas maganda siguro kung magpahinga na tayo. Halos madaling araw na rin eh. Bukas na lang natin ituloy ang pag-uusap.” wika ko kay Cha.
Sa totoo lang ay nakaramdam na rin ako ng pagod. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ito.
“Mabuti pa nga. Pina-ready ko na ’yung gagamitin mong pangtulog bessy. Nasa kama ko lang ’yon. Ikaw na muna ang maunang mag-shower kung gusto mo, susunod na lang ako. Kung gusto mo nang matulog, ’wag mo na akong hintayin. Tatabi na lang ako sa’yo ’pag matutulog na ako.” mahabang wika ni Cha.
“What?!!” ang sabay na reaksyon nina Daniel at Popoy.
“Don’t tell me hanggang ngayon tabi pa rin kayong matulog ni Tommy, Cha?!” reaksyon ni Popoy.
“Hindi ba pwedeng kami na lang ni Tom ang magkatabi para mas mabantayan ko s’ya?!” ang reaksyon naman ni Daniel.
“Anong what what kayo d’yan?! Watwatin ko mukha n’yo eh! At para sagutin kita Popoy, oo! Hanggang ngayon nagtatabi pa rin kami sa pagtulog! At ’pag sineswerte ako, nagsasabay pa minsan kaming maligo! Alam din ’yon ng mga magulang namin at wala silang pakialam! May problema ka ba doon?!” mataray na sagot ni Cha kay Popoy.
“W-wala.” maikling sagot naman ni Popoy.
“At ikaw naman Daniel, hindi mo na kailangang bantayan ngayong gabi si Bessy! Ano?! 24 hours gusto mo ikaw lang ang kasama?! Selfish much?! Ganon?!” pagtataray n’ya naman kay Daniel.
“Oo na! Oo na! Ang dami mo namang sinabi!” sagot na lang ni Daniel.
“Good! Now, let’s go! Matulog na tayo at gagala tayo bukas! Restday ko kaya pumasyal tayo!” wika ni Cha.
“Buti na lang nakabakasyon ako! Tsk! Sayang nga lang Daniel at hindi ka makakasama sa amin dahil may pasok ka ’no?” sarkastikong wika ni Popoy.
“Sayang talaga Popoy, este Ronnie! Sayang kasi hindi matutupad ang hiling mo na hindi ako makasama! Kasi nag-file na ako ng leave kanina lang. At kung kelan ko maisipang bumalik sa pinagtatrabahuhan namin, doon lang ako babalik. Sa madaling salita, hawak ko ang schedule ko!” pang-aasar naman ni Daniel kay Popoy.
Nakakahalata na ako sa bangayan ng dalawang ito. Ano bang mga pinaglalaban nila at hindi sila magkasundo?
“Hindi talaga kayo titigil dalawa?! Manang!! Pakawalan mo nga sina Blacky at Brownie! Ipalapa mo ang dalawang unggoy na ’to!!” tawag ni Cha sa kanilang mayordoma na nasa likod lamang namin.
“Sige Cha, pupuntahan ko na.” sagot naman ni Manang.
Agad naman na kumilos sina Daniel at Popoy at pinigilan si Manang.
“Manang, ’wag naman po.” pakiusap ni Daniel.
“Oo na! Titigil na Cha!” pagsuko naman ni Popoy.
Hindi na nga itinuloy ni Manang ang pagpapakawala sa mga Doberman nina Cha dahil sa pakiusap ng dalawa. Alam kong sinakyan lamang ni Manang si Cha sa kalokohan n’ya. Pero dahil sa naiingayan na rin ako sa bangayan ng dalawang lalaking ito ay hindi ko na kinontra pa si Cha.
Narating namin ni Cha ang kanyang kwarto at naghanda na rin kami sa pagtulog. Nang makahiga na kami sa kanyang kama ay niyakap ako nito.
Ganito talaga kami ni Cha kapag may problema ang isa sa amin. Dapat ay mag-overnight sa bahay ng isa sa amin para damayan ang isa’t-isa. Weird man sa iba, ngunit kahit ang aming mga magulang ay hindi tinututulan ang mga ganitong bagay sa amin ni Cha. Palibhasa ay lumaki na kami na hindi halos mapaghiwalay ng best friend kong ito.
“Bessy… Andito lang ako ha? ’Wag kang susuko. Ano man ang maging resulta ng mga plano mo, hindi ako aalis sa tabi mo..” wika n’ya sa akin.
Ipinatong ko ang kanyang ulo sa aking braso habang nakayakap pa rin s’ya sa akin.
“Salamat bessy… Tulungan mo na lang akong magdasal para sa magandang resulta..” sagot ko naman sa kanya.
Tumango-tango naman s’ya sa aking pakiusap.
“Good night bessy…” wika ni Cha at hinalikan ako sa pisngi.
“Good night din bessy..” sagot ko naman at hinalikan ko s’ya sa kanyang ulo.
Nakatulog na nga kami ni Cha sa ganoong posisyon.
A/N
Ilang chapters na lang kaya?? Hhmmm…. ’Til next chapter guys!!
––cold_deee
chapter 30 - pralines and cream
A/N
Hey guys! Dalawang chapters na lang po ang natitira! Abang na po tayo sa book 2! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa!
TOM POV
Narito pa rin kami sa bahay nila Cha at naghahanda para sa aming lakad mamaya. Hinihintay na lamang namin si Cha na matapos sa kanyang pag-aayos. Kasama ko si Daniel dito sa sala nila Cha.
Hindi ako nakatulog ng maayos sa magdamag dahil maya’t-maya ay nagigising ako. Paulit-ulit kong napapanaginipan ang mga naging kaganapan kahapon. Ang naging pagtatalo namin ni Xander hanggang sa umalis ako sa condo n’yang iyon. At sa bawat gigising ako ay hindi ko maiwasang matulala at mapaluha.
“Tom, sigurado ka na ba talaga sa mga plano mo?” tanong ni Daniel sa akin.
Kami lang dalawa ang narito dahil si Popoy ay saglit na umuwi sa kanilang bahay para makapagbihis. Dadaanan na lamang n’ya kami dito maya-maya lamang.
“Oo Daniel. Ito ang araw para magsimula ako.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Tom, ikaw lang ang inaalala ko. Ayaw kong makita ka ulit sa sitwasyon na gaya ng nangyari kahapon.” nag-aalala n’yang wika.
Ngumiti muna ako bago ko s’ya sinagot.
“Hindi na Daniel. Hanggat kaya ko, magpapakatatag ako. Mahal ko ang kapatid mo, at gagawin ko ang lahat para maibalik ang dating samahan namin. Ipaglalaban ko si Xander.” sagot ko sa kanya.
“Pero Tom––” pagtutol sana ni Daniel ngunit hindi ko na s’ya pinatapos.
“Isa lang naman ang hiling ko Daniel. Na sana, ipaglaban n’ya rin ako.” pagputol ko sa kanya.
Bumuntong hininga si Daniel at tiningnan ako sa mga mata.
“Basta ano man ang mangyari Tom, sasamahan kita. Nandito lang ako.” wika n’yang seryoso.
“Salamat Daniel.. Alam kong nagiging abusado na ako sa paningin mo, pero lulubusin ko na rin ang pagtulong mo. Pwede bang samahan mo lang ako hanggat hindi pa natatapos ang laban kong ito?” pakiusap ko sa kanya.
S’ya naman ngayon ang ngumiti bago ako sinagot.
“H’wag mong isipin na pagiging abusado ’yan Tom. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Kagustuhan ko ito. Kaya nga nag-file ako ng leave sa trabaho para masamahan ka ’di ba? Hindi mo na kailangan hilingin sa akin ang bagay na ’yan. Gaya nga ng sinabi ko, nandito lang ako.” wika n’yang nakangiti.
Naputol ang aming pag-uusap nang sumulpot mula sa kung saan si Popoy.
“Oy! Anong sinasabi mo kay Tommy?! Baka pati ikaw pinapaiyak mo na rin ’yan ah?! Kayong magkapatid ang sarap n’yo talagang gulpihin eh ’no?!” pagsita n’ya kay Daniel.
“Tumigil ka d’yan! Baka ikaw ang paiyakin ko kapag hindi mo tinigil ’yang bunganga mo kaka-epal!” sagot naman ni Daniel sa kanya.
Aawatin ko na sana sila sa kanilang pagbabangayan ngunit inunahan na ako ng taong nanggaling sa hagdan.
“Manang!!!! Pakawalan n’yo sina Blacky at Brownie!!! Ngayon na!!!” sigaw ni Cha.
“Sige Cha!!!” sigaw naman ni Manang na hindi ko alam kung nasaan.
“Hindi na! Eto na titigil na!” sigaw nina Daniel at Popoy na nag-aalala.
Bumaba na nga si Cha at mukhang tapos na s’yang magbihis.
“Tara na? Ako na lang pala ang kulang.” nakangiti nang pag-aya ni Cha.
“Sa akin ka na sumabay Tom.” pag-aya ni Daniel.
“Bakit sa’yo? Dala ko naman ang kotse ko kaya sa akin na lang s’ya sasabay.” pagtutol naman ni Popoy.
Dito na ako nagsalita.
“Ayos lang Popoy, isabay mo na lang si Cha. Doon na lang ako sa motor ni Daniel. Gusto ko rin kasi malanghap ang polusyon sa kalsada.” pabiro kong wika kay Popoy.
Gusto ko kasing mabaling ang atensyon ko sa kalsada. Ayaw ko ng katahimikan. Baka kasi ’pag nasa kotse lang ako ay hindi ko nanaman maiwasang malungkot at isipin ang lahat ng nangyari nang mga nagdaang araw sa amin ni Xander.
Alam kong nahahalata na nila Cha ang pagpilit ko sa sarili kong maging masigla. Pero hindi ko sila nariringgan ng kahit na anong pagpuna. Sinisiguro rin nila na maging normal ang lahat sa pagitan namin.
“Ano Popoy? May ipaglalaban ka pa? Si bessy na ang nagdesisyon!” wika ni Cha.
“Wala!” inis na sagot ni Popoy pero masama ang tingin kay Daniel.
Tinungo na nga namin ang aming mga sasakyang gagamitin namin para pumunta sa isang mall. Nagpumilit kasi si Cha na mag-shopping kami ngayon. Alam kong gusto lang akong tulungan ni Cha kaya ito ang naisip n’yang gawin namin. Ayaw n’yang makita na nalulungkot ako.
Pagdating namin sa mall ay naisipan muna naming kumain sa isang restaurant. Sinadya talaga naming hindi muna kumain bago umalis sa bahay nila Cha. Gusto kasi namin mag-pizza at pasta.
Si Popoy ay nagpaalam muna na pupunta ng CR sa loob ng mall. Si Daniel naman ay mukhang kinailangan rin gumamit ng CR, dahil ilang segundo lang bago makaalis si Popoy ay sumunod na rin ito.
Pagkaupo namin ay agad kong kinuha ang aking cellphone para i-check kung may message na ba si Xander. Simula kasi nang umalis ako sa condo n’ya kahapon matapos ang aming pagtatalo ay hindi na ako nakatanggap ng text mula sa kanya. Mas lalo akong nakakaramdam ng kaba dahil sa bagay na iyon.
“Bakit hindi mo pa itext bessy? Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo. Kung hindi n’ya magawang magtext, ikaw na ang mauna. Wala naman sigurong masama doon. Boyfriend mo naman s’ya.” mahinahong wika ni Cha sa akin.
Napansin n’ya rin pala ang maya’t-maya kong pagtingin sa aking cellphone.
“Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan ang conversation Cha. Umalis ako sa condo n’ya kahapon na hindi kami magkasundo.” normal kong sagot sa kanya.
Ayaw kong ipakita kay Cha na labis pa rin akong nalulungkot sa mga pangyayari. Kailangan kong magpakatatag sa kanilang harapan.
Sa totoo lang ay ito na ang isa sa mga kinakatakot ko. Kung dati-rati ay lagi akong tinetext at tinatawagan ni Xander, ngayon ay tila nag-iba na. Lagi din n’yang tinatanong dati kung nasaan na ako at kung anong ginagawa ko. Ganito ba kabilis ang magiging pagbabago sa amin? Nangyari lang sa higit isang linggo.
Bago pa makapagsalita si Cha ay dumating naman ang waiter para iabot sa amin ang menu. Wala na rin kaming nagawa kundi ang umorder muna. Kami na rin ang nag-abalang umorder para kina Daniel at Popoy habang wala sila.
Habang naghihintay sa aming mga inorder ay dumating naman si Popoy at agad na tumabi sa akin.
“Nasaan si Daniel?” takang tanong ni Cha.
“Bakit sa akin n’yo hinahanap ang ungas na ’yon?! Malay ko sa kanya!” inis na sagot ni Popoy.
“Highblood much?! Eh sumunod ’yun sa’yo nung nagpunta ka sa CR eh!” sagot naman ni Cha sa kanya.
“S-sumunod?” nauutal na tanong ni Popoy.
Napansin kong tila ba nag-iba ng ekspresyon si Popoy nang magtanong s’ya. Tila ba bigla itong naging balisa.
“Oo! Kasunod mo lang s’ya kanina.” sagot ulit ni Cha sa kanya.
Bago pa makapagsalita si Popoy ay dumating na rin si Daniel. Agad itong umupo sa katabing upuan ni Cha. Kapansin-pansin din ang kakaibang kinikilos ni Daniel. Tahimik ito at masama ang tingin na ipinupukol kay Popoy.
“Daniel? Ayos ka lang ba?” alala kong tanong sa kanya.
“Ayos lang ako Tom.” tipid n’yang sagot sa akin.
Napansin din iyon ni Cha kaya tinanong din s’ya.
“Eh bakit parang nawala ka sa mood? Kanina lang ang saya-saya mo ah?! Nag-CR ka lang ganyan ka na!” tanong ni Cha sa kanya.
Nagsalita na rin ako dahil baka may dahilan ang biglang pag-iba ng mood n’ya.
“Oo nga, nag-away nanaman ba kayo ni Popoy sa CR?” mahinahon kong tanong sa kanya.
Tumingin muli s’ya kay Popoy at nagsalita.
“Hindi ako nag-CR. May sinundan kasi akong kakilala ko. Hindi nila ako napansin kaya sumama ang mood ko.” matigas n’yang pagkakasabi.
Hindi kami agad nakapagsalita dahil sa reaksyon ni Daniel. Sa totoo lang ay napakababaw lang ng dahilan ni Daniel kung bakit biglaan ang pagbabago ng kanyang ikinikilos. Hindi n’ya rin binabawi ang masamang tingin n’ya kay Popoy. Nang tingnan ko si Popoy ay tila ba pinagpapawisan ito at lalong naging balisa. Hindi ko alam pero parang may tensyon sa pagitan nilang dalawa ngayon.
Mabuti na lamang at dumating na ang waiter para i-serve na ang aming pagkain. Sinimulan na namin ang kumain at tanging si Cha lamang ang abala sa pagkekwento at pagtatanong sa amin. Si Daniel ay nanatiling seryoso. Si Popoy naman ay naging tahimik. At ako, hanggang ngayon ay iniisip pa rin si Xander.
Hanggang sa matapos kami sa pagkain ay nanatili kaming tahimik maliban kay Cha na patuloy pa rin sa pagkekwento. Nagpapahinga na lamang kami dahil sisimulan naman namin ang maglibot maya-maya lamang.
Muli ko nanamang tiningnan ang aking cellphone sa pagbabaka-sakaling nagtext na si Xander. Ngunit wala pa rin hanggang ngayon.
Habang hawak ko ang aking cellphone ay nakapag-isip-isip ako.
Ayokong lumala ang nangyayari sa amin ni Xander. Gusto kong magkaayos kami. Kung hindi ako magawang itext ni Xander ay ako na lamang ang magtetext sa kanya. Wala naman sigurong masama roon. Itutuloy ko na lamang ang paghingi sa kanya ng tawad sa inasta ko sa kanya kahapon.
Hindi ako susuko. Ilalaban ko si Xander.
Sisimulan ko na sanang mag-compose ng message nang biglang tawagin ni Cha ang aking pangalan.
“Bessy…..” ang tawag n’ya sa akin ng may pag-aalala.
Nagtataka naman ako sa biglang pagbabago ng ekspresyon ni Cha. Kanina lamang ay ang ingay-ingay n’ya dahil sa pagkekwento.
“Bakit bessy?” nag-alala na rin ako.
Hindi makapagsalita si Cha, naroon pa rin ang kanyang pag-aalala. Nabigla na lamang ako nang biglang magsalita si Daniel.
“Tom, sa amin ka lang tumingin. ’Wag kang lilingon.” utos ni Daniel ng seryoso.
Lalo naman akong nagtaka. Ano bang meron?
Tiningnan ko si Popoy dahil baka makakuha ako ng sagot dito. Ngunit paglingon ko sa kanya ay hindi s’ya sa akin nakatingin. Sinubukan kong sundan ang tingin ni Popoy.
Sa aking kanan at sa labas ng aming kinakainan. Sa tapat lamang ng restaurant na aming kinaroroonan ay nakita ko ang dalawang taong masayang kumakain at nagkekwentuhan. Nagkakatuwaan.
“Xander…..” sambit ko sa kanyang pangalan.
DANIEL POV
Dahil hindi na namin napigilan si Tom na lumingon ay nakita n’ya ang dalawang tao na masayang nagkekwentuhan sa restaurant na katapat lamang din ng restaurant na aming kinakainan.
“Xander….” ang tangi n’yang sambit na mahina.
Si Kuya, kasabay na kumakain sa isang restaurant si Josephine. Sila lang dalawa at hindi kasama si Carla.
Hindi ko alam kung ilang minuto n’yang tinitingnan ang masayang pagkain at kwentuhan nina Kuya at Josephine. Kami naman ay walang magawa dahil labis din kaming nabigla.
Tanging kalungkutan ang nakikita ko sa mga mata ni Tom habang nakatingin as kanila. Hindi ko talaga kayang makita s’ya ng ganito. Parang nadudurog din ang aking puso sa tuwing makikita kong malungkot at umiiyak si Tom.
Nagulat na lamang kami nang bigla kaming harapin ni Tom na may ngiti sa kanyang mga labi. Pero ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata. Pilit na ngiti ang kanyang ibinibigay.
“Kayo naman. Baka naman pinag-uusapan lang nila ang tungkol sa anak nilang si Carla. ’Wag kayong mag-isip ng hindi maganda.” nakangiti n’yang pangungumbinsi sa amin.
Hindi kami nagsalita. Mukhang walang kumbinsido kahit isa sa amin sa kanyang sinabi kaya muli s’yang nagsalita.
“Para mapanatag kayo, itetext ko. Itatanong ko kung nasaan s’ya. Hindi naman sa akin nagsisinungaling si Xander, alam n’yo naman ’yon.” nakangiti n’ya pa ring pagsasalita.
Wala pa rin kaming naging reaksyon kaya minabuti n’ya na lamang kunin ang kanyang cellphone at sinimulang itext si Kuya.
Nakangiti s’yang nagtetext at kami naman ay nanatiling tahimik at palitan naming tinitingnan si Tom at sila Kuya na nasa kabilang restaurant.
Natapos na yata n’yang itext si Kuya dahil hindi na s’ya pumipindot sa kanyang cellphone. Tiningnan ko si Kuya sa kabilang restaurant at nakita kong nilabas n’ya ang kanyang cellphone at may binabasa roon. Natanggap n’ya na yata ang text ni Tom. May tina-type rin ito sa kanyang cellphone, siguro ay nagrereply na kay Tom.
Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ni Tom. Senyales na nakatanggap s’ya ng text. Ang ngiti ni Tom kanina ay unti-unting naglaho. Hindi s’ya nakakibo at natulala na lamang.
“Anong sabi?” tanong ni Charm sa kanya.
Hindi nakasagot si Tom kaya agad na kinuha ni Charm ang kanyang cellphone para basahin ang mensahe.
“Nasa The Fort. Pasensya na, busy kami sa branch ko dito.” pagbasa ni Charm sa naging reply ni Kuya.
Naikuyom ko ang aking mga palad dahil sa nalaman naming iyon. Si Kuya, nagsinungaling kay Tom sa kauna-unahang pagkakataon. Malayo ang branch n’yang iyon dito sa mall kung saan sila naroroon. Ano na ba talagang nangyayari kay Kuya?!
“Eh siraulo naman pala talaga ’yang boyfriend mo eh! Nasa The Fort?! Eh ayan oh?! Kitang-kita ng mga mata natin kung nasaan s’ya!” gigil na gigil na reaksyon ni Cha habang dinuduro pa si Kuya Xander.
Kahit ako ay hindi mapigilang makaramdam ng inis kay Kuya. Gusto ko na s’yang komprontahin dahil sa ginagawa n’ya kay Tom. Noong una ay hindi s’ya nagpaparamdam. Ngayon naman ay kasama n’ya si Josephine at nagawa pang magsinungaling kay Tom.
Muling nagsalita si Tom at hindi inaalis ang kanyang mga pekeng ngiti.
“Hayaan n’yo na bessy. Baka naman kasi may importante silang pinag-uusapan kaya hindi n’ya pwedeng sabihin kung nasaan sila. Hayaan mo, ’pag hindi na busy si Xander itatanong ko ’yan sa kanya.” mahinahon n’yang wika ng nakangiti.
Walang makukumbinsi sa mga sinasabi n’ya. Sarili lang n’ya. Pero wala kaming magawa. Ito ang gusto ni Tom. Pero kapag hindi ako nakapagtimpi, baka ako na ang kokompronta kay Kuya. Hindi ko na gusto ang ginagawa n’ya!
“Ewan ko sa’yo bessy! Sige, kumbinsihin mo pa ’yang sarili mo!” naiinis na wika ni Charm.
Hindi na nakasagot si Tom sa sinabi ni Charm. Agad itong kumilos at tumayo.
“H-hintayin n’yo lang ako. P-pupunta lang ako saglit sa CR.” utal n’yang wika.
Tatayo na sana ako para samahan s’ya nang pigilan n’ya ako.
“Daniel please… Hayaan mo muna akong mag-isa..” wika n’ya ng may pangungusap sa kanyang mga mata.
Alam kong sinabi n’ya lang iyon para walang makakita kung paano n’ya ilalabas ang sakit na nararamdaman n’ya.
Pagkaalis ni Tom ay tahimik lamang kami sa aming mesa. Nabasag na lamang iyon ng biglang magsalita si Charm.
“Hindi na pwede sa akin ’to! Hindi ako papayag na ginagawa n’ya kay Tom ang bagay na ito!” gigil na gigil na wika ni Cha. Nangingilid na rin ang kanyang mga luha sa galit n’yang nararamdaman kay Kuya.
Kinuha ni Charm ang kanyang cellphone at halos mabutas n’ya ito sa pagpindot doon. Wala akong ideya kung sinong tinext n’ya. Pero nang matapos s’yang magtext ay ibinaling n’ya ang kanyang tingin kina Kuya at Josephine na nasa kabilang restaurant lamang. Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin doon.
Nakita kong kinuha ni Kuya ang kanyang cellphone at tila ba may binabasa.
Unti-unti ay nakita ko ang dahan-dahang paglingon sa amin ni Kuya. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata kahit na may kalayuan ang aming pwesto sa kanila. Napanganga pa s’ya sa labis na pagkabigla. Wala akong reaksyong tumingin rin sa kanya.
Naiintindihan ko na. Tinext ni Charm si Kuya kaya napalingon na rin ito sa amin.
“Tara na? Magbayad na tayo. Marami pa yata tayong pupuntahan.” ang biglang pagsulpot ni Tom sa aming likuran.
Dahil sa bigla n’yang pagsulpot ay napatingin kaming lahat sa kanya. Nakatayo lamang s’ya at nakangiti kaming tinitingnan. Sa hindi sinasadyang pangyayari ay napatingin ulit kaming lahat kay Kuya na nasa kabilang restaurant. Para kaming nanonood ng laban ng isang tennis kung paano namin salitang tinitingnan sina Kuya at Tom.
Sa pagkakataong ito ay mas kitang-kita ang pag-aalala sa mukha ni Kuya. Alam kong nabigla rin ito at nakita n’ya si Tom na kasama namin. Nakatingin s’ya kay Tom na nanlalaki ang mga mata.
Muli naming binalingan ng tingin si Tom at lahat kami ay nasorpresa. Nakangiti si Tom kay Kuya. Ngunit ang ngiting iyon ay puno ng kalungkutan. Hindi ko na gusto ang nangyayari, naaawa na ako kay Tom.
Muling ibinalik ni Tom sa aming tatlo ang kanyang tingin.
“Halika na, umalis na tayo. Saan n’yo ba gustong pumunta?” nakangiti n’yang tanong sa amin.
Hindi kami muling nakapagsalita dahil sa inastang iyon ni Tom. Pilit s’yang nagpapakatatag sa kabila ng sakit na nararamdaman.
Harap-harapan na ang ginagawang panloloko ni Kuya sa kanya pero nagagawa n’ya pa ring ngumiti. Mas lalong nadaragdagan ang galit ko kay Kuya. Nasasaktan ako para kay Tom.
Dahil sa hindi kami nakapagsalita ay muli nanamang nagsalita si Tom.
“Pakiusap, umalis na tayo hanggat kaya ko pa. Baka hindi ko na kasi kayanin ang mga susunod pa.” pilit na ngiti n’ya pa ring pakiusap.
Agad na kumilos si Charm at hinila si Tom palabas ng restaurant. Ako naman ay agad na pumunta sa cashier upang bayaran ang aming mga kinain.
“Sundan mo na sila Ronnie. Kung magtagal ako dito, tatawagan ko na lang si Charm.” pakiusap ko kay Ronnie nang marating namin ang counter.
Hindi naman ito tumutol at agad na sinundan sina Charm at Tom.
Matapos kong bayaran ang aming mga kinain ay lumabas na ako ng restaurant upang hanapin sila Tom. Hindi ko na nagawang lingunin si Kuya sa kabilang restaurant dahil baka hindi ko makontrol ang galit ko sa kanya. Ayaw kong makagawa ng eskandalo dito. Isa pa, mas kakailanganin ako ngayon ni Tom.
Ilang hakbang pa lang ang aking nagagawa ay nag-vibrate na ang aking cellphone sa aking bulsa.
‘Daniel, andito na kami sa parking. Nagbago ang isip ni bessy. Umuwi na lang daw tayo.’
ang text ni Charm sa akin.
Hindi na ako nagdalawang-isip at agad akong tumakbo patungo sa parking lot ng mall kung saan nakapark ang aming sasakyan.
Naabutan ko sila roon na nasa tapat ng aking motor. Agad ko rin silang nilapitan.
“Daniel, sa’yo ulit ako sasabay ayos lang ba? Sumama kasi pakiramdam ko kaya nagyaya na akong umuwi.” pakiusap ni Tom.
Alam naman naming lahat na palusot lang iyon ni Tom, pero wala naman kaming magawa.
Tumango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon. Walang salita ang lumalabas mula sa aking bibig dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa sitwasyon n’ya ngayon. Alam kong ganoon din sila Charm kaya pinili na lamang din nilang manahimik.
“Daniel, ikaw na ang bahala kay bessy ha? Magpapahatid na lang ako kay Popoy.” pakiusap ni Charm.
“Sige.” maikli kong sagot.
“Tommy, magpahinga ka na agad pagdating sa bahay n’yo ha?” wika ni Ronnie kay Tom.
Gusto ko na sanang kontrahin itong si Ronnie dahil sa kunwaring pag-aalala n’ya kay Tom. Kung alam lang nila Charm at Tom ang natuklasan ko dito ay sigurado akong may lulugaran ang siraulong ito! Pero ayaw kong sa ganitong pagkakataon iyon sabihin. Mas makakadagdag lamang iyon sa mga iisipin ni Tom. Tama na ang paghihirap ng kalooban n’ya kay Kuya.
Umalis na nga sila Ronnie at Charm kaya naiwan na lang kami dito ni Tom sa tapat ng aking motor. Walang imik si Tom ngunit pinipilit n’yang kumilos ng normal at nagkukunwaring parang walang nangyari. Mas nasasaktan ako sa kinikilos n’yang ito.
“Tom…” pagtawag ko sa kanya ng may pag-aalala.
“Daniel, pwede bang dumaan muna tayo sa park na pinagdalhan mo sa akin kahapon?” ang parang normal lang n’yang pakiusap.
“S-sige.” tangi kong naisagot.
Kinuha ko na agad ang aking helmet at isinuot iyon sa kanya. Hindi na rin kami nagtagal at agad na umalis sa lugar na iyon.
Habang nasa byahe kami ay nakayakap lamang sa likod ko si Tom. Hindi s’ya nagsasalita ngunit dama ko ang kanyang mga hikbi. Alam kong umiiyak nanaman ito ngunit hinayaan ko lamang s’yang ganoon. Sana nga lang ay makabawas sa sakit na nararamdaman n’ya ang pag-iyak n’yang iyon. Napapakagat na lamang ako sa aking labi dahil pati ako ay nadadala sa kalungkutang nararamdaman ni Tom sa mga oras na ito.
Nang marating namin ang park ay naupo kami sa bench na naroon. Tumigil na sa pag-iyak si Tom, marahil ay pinilit n’yang gawin iyon dahil ayaw n’yang makita ko s’ya sa pagiging mahina n’ya ngayon.
Sa loob ng isang oras na pag-upo namin doon ay tahimik lamang s’yang nakatingin sa malayo. Ako naman ay nanatiling tahimik din at paminsan-minsan s’yang sinusulyapan.
Nagulat na lamang ako nang biglang kunin ni Tom ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at tila may hinahanap sa kanyang contacts. Ilang sandali pa ay idinikit n’ya na iyon sa kanyang tenga. Matapos ang ilang segundo ay ngumiti ito at sinimulang kausapin ang nasa kabilang linya.
“Hello Master? Nasa bahay ka na ba ngayon?” tanong n’yang nakangiti.
Nagulat ako sa narinig ko. Si Kuya pala ang tinawagan n’ya.
“Pwede ba akong pumunta d’yan ngayon? Namimiss na kasi kita. Kasama ko si Daniel, okay lang ba?” patuloy n’ya pa.
Hindi ko naririnig kung ano ang mga isinasagot ni Kuya.
“Sige sige.. Antayin mo kami ha? May gusto ka bang ipabili? Para bago kami pumunta d’yan, bibilhin muna namin ni Daniel.” muli n’yang wika.
“Ganoon ba? Okay, kita na lang tayo maya-maya.” pagtatapos n’ya.
Matapos n’yang ibaba ang kanyang tawag ay hinarap n’ya na ako. Nagtataka ko naman s’yang tiningnan.
“Halika na Daniel. Dalawin natin ang Kuya mo.” nakangiti n’yang wika sa akin.
“Pero Tom!” pag-alma ko sa kanya. Hindi ko na napigilan pa ang aking inis.
“Saglit lang naman tayo doon. Gusto ko lang s’yang makita.” pakiusap n’ya pa.
“Tom ano ba?! Itigil mo na nga ’yang pagkukunwari mo! Ginago ka na ni Kuya! Itigil mo na ang pagpapanggap na hindi nasasaktan!” ang halos pasigaw ko nang wika sa kanya.
Biglang nagseryoso ang kanyang mukha at tiningnan ako sa mata. Binawi ang mapagkunwari n’yang mga ngiti.
“Daniel sinabi ko na sa’yo, ilalaban ko si Xander. Mahal ako ang Kuya mo at nangako kami na hindi namin bibitawan ang isa’t-isa.” madiin n’yang wika sa akin.
Naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Naiinis dahil sa pagpapakatanga ni Tom. Pero tinatalo ito ng awang nararamdaman ko sa kanya. Nagagalit ako kay Kuya, at nagagalit rin ako sa aking sarili dahil wala akong magawa kung paano ko si Tom matutulungan.
Hinawakan ako ni Tom sa kamay na nasa mukha ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang nakikiusap n’yang mga mata.
“Daniel… ngayon kita kailangan… pakiusap… dalhin mo na lang ako sa kanya..” pakiusap n’ya sa akin.
Muli akong napakagat sa aking labi sa labis na awa kay Tom. Pilit kong kinalma ang sarili ko at bumuntong hininga ng malalim.
“Sige! Pero ipangako mo sa akin na kung hindi mo na kaya, umalis na tayo agad sa lugar na ’yon!” madiin kong pakiusap sa kanya.
Ngumiti naman s’ya at tumango-tango.
“Pangako.. salamat Daniel.” nakangiti n’yang sagot sa akin.
Agad naman kaming umalis sa park na iyon at tinungo ang condo ni Kuya. Halos isang oras din ang aming naging byahe bago kami nakarating sa condo ni Kuya.
Pagdating namin sa tapat ng pinto ni Kuya ay huminga muna ng malalim si Tom bago kumatok. Ilang katok lang ang ginawa ni Tom at agad na binuksan iyon ni Kuya Xander.
Kahit alam na ni Kuya ang magiging pagdating namin ay hindi n’ya pa rin naitago ang kanyang pagkasorpresa.
“Master! Namiss kita!” salubong ni Tom sa kanya at agad s’yang niyakap.
Gulat na gulat si Kuya sa pagyakap ni Tom kaya hindi s’ya nakapagsalita. Nakita kong inangat n’ya rin ang kanyang mga kamay at inilagay sa likod ni Tom. Ginantihan n’ya ang yakap ni Tom ngunit hindi kasing higpit ng yakap ni Tom.
Ako naman ay napatalikod sa tagpong iyon. Hindi ko kayang makita si Tom sa ganoong sitwasyon. Nagkukunwaring masaya sa harap naming lahat. Pinipigilan ko ang aking luha sa pamamagitan ng pagkagat ng aking ibabang labi.
“Master.. Pasensya ka na nga pala kahapon ha? Sorry, hindi mo yata nagustuhan ang mga sinabi ko. Nagkamali ako. Sorry, hindi ko na uulitin ’yon.” narinig kong wika ni Tom.
“Tom….” ang tanging nasabi lang ni Kuya.
Dito ay hindi ko na napigilan ang isang luha na pumatak sa aking mata. Hindi ko na kaya ang pagpapakababa ni Tom sa kanyang sarili.
Pinunasan ko ang aking luha at hinarap sila. Nakayakap pa rin si Tom kay Kuya. Si Kuya naman ay parang naestatwa na lang sa kanyang kinatatayuan.
“Hindi mo ba kami papapasukin?” tanong kong pinipigil ang galit.
Mukhang natauhan naman si Kuya dahil agad din itong kumilos. Matatalim na tingin ang ipinupukol ko kay Kuya. Napayuko naman ito at hindi ako magawang tingnan ng diretso.
“P-pasok kayo.” nauutal n’yang sagot.
Pumasok na nga kami ni Tom pagkabitaw n’ya kay Kuya. Hawak ni Tom ang kamay ni Kuya at tinatahak namin ang daan papunta sa kanyang sala.
“Grabe Master! Na-miss ko ’tong bahay mo ah?” masayang wika ni Tom habang naglalakad.
“Tom….” sambit ni Kuya. Tila ba may gusto itong sabihin base sa kanyang pagtawag dito.
Agad akong umupo sa sofa na naroon. Sila naman ay nanatiling nakatayo sa gilid ng inuupuan ko.
“Ikaw lang mag-isa dito ngayon? Nasaan si Carla? Nandito rin ba si Josephine? Nasaan sila?” masiglang tanong ni Tom.
“A-ano… N-nasa summer class si Carla.. Pinag-enroll kasi namin s’ya ng piano lesson.. S-sinundo muna s’ya ni Jho..” nauutal na sagot ni Kuya.
“Ganon ba? Ang galing naman ni Carla.” nakangiting sagot pa rin ni Tom.
Alam kong hindi malaman ni Kuya kung paano n’ya sisimulan ang pagpapaliwanag kay Tom dahil sa inaasta nito. Alam n’yang nakita s’ya nito kanina sa restaurant at alam din n’ya na nagsinungaling s’ya dito.
“Tom… y-yung kanina––” ang hindi naituloy na pagsasalita ni Kuya.
“Naiintindihan ko Master. ’Di ba pinag-uusapan n’yo lang naman ni Josephine ang tungkol sa anak n’yo kaya nandoon kayo sa restaurant ng mall na ’yon?” nakangiting pagputol ni Tom.
“K-kasi Tom… N-nung nagtext ka––” ang muling pagsasalita ni Kuya Xander na muling pinutol din ni Tom.
“Ayos lang ’yon Master. Sabi ko nga sa kanila, baka may mahalaga lang kayong pinag-uusapan kaya kailangan mong hindi sabihin kung nasaan ka ’di ba? Tama ako ’di ba?” pagputol ni Tom.
Nagdikit na ang aking mga ngipin dahil sa labis na inis sa aking nasasaksihan.
“Hindi kasi Tom––” putol nanamang bigkas ni Kuya. Pero sa pagkakataong ito ay ako na ang pumutol at hindi na pinatapos si Kuya.
“Ano? Sasabihin mo ba na nagkataon lang ’yon?! Nagkataon lang na nagsinungaling ka para sabihing busy ka sa branch mo sa The Fort?! Hindi ko nga alam kung matatawa ako sa ginawa mong dahilan kanina eh! Nakabalik ka na pala sa trabaho nang walang nakakaalam bukod sa’yo?!” ang hindi ko na napigilang pagsasalita kay Kuya.
“Daniel itigil mo ’yan!!” pagsuway sa akin ni Tom.
Natahimik naman ako sa pagsuway na ginawa sa akin ni Tom. Nakita ko ang determinasyon nitong patigilin ako sa panunumbat kay Kuya.
Napailing na lang ako habang nakangisi dahil sa inis na nararamdaman. Ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon. Gusto ko nang magmura sa totoo lang. Mabuti at napipigilan ko pa dahil iniisip ko lang si Tom.
“Master, pumasok muna tayo sa kwarto. Na-miss ko na ’yung hinihigaan ko.” dinig kong wika ni Tom.
Hindi ko na kasi kaya pa silang tingnan. Hindi ko kayang masaksihan kung paano nagmumukhang tanga si Tom lalo na at kapatid ko ang sanhi nito.
Nagpadala na lamang si Kuya sa paghila sa kanya ni Tom. Tinungo nila ang kwartong kanilang tinutulugan.
Dahil sa malapit lang ang pinto ng kwarto ni Kuya Xander mula dito sa sala ay natatanaw ko ang ibang bahagi nito. Naiwan rin nilang bukas ang pinto kaya malaya kong naririnig ang kanilang pag-uusap.
“Oh! Bakit nakataob ’yung picture natin dalawa dito sa side table Master? Siguro hindi ka nag-iingat sa pagkilos kaya ganoon. Mag-iingat ka sa susunod para hindi mo nababangga ito.” wika ni Tom.
Nanatili lamang akong nakikinig sa pag-uusap nila. Hindi pala, nanatili akong pinapakinggan ang pagpapakababa ni Tom kay Kuya Xander. Si Kuya naman ay nanatiling tahimik sa lahat ng sinasabi ni Tom.
Nakita kong tinungo ni Tom ang kanilang cabinet kung saan naroon ang kanilang mga damit. Side view lamang ang nakikita ko kay Tom ngayon dahil doon nakapwesto ang kanilang cabinet.
Hindi ko nakikita ang laman ng cabinet kaya hindi ko alam kung ano ang meron doon dahil bigla kong nakita ang paglungkot ng ekspresyon ni Tom. Mga ilang segundo rin s’yang nakatitig sa loob n’yon bago nagsalita.
“Master… n-nasaan na ang mga damit ko? B-bakit may mga damit ng pangbabae na dito? K-kay Josephine ba ang mga ito?” nauutal na tanong ni Tom at hindi binabawi ang pagkakatitig sa loob ng cabinet.
“Tom… k-kasi… a-ano….” ang hindi malamang sasabihin ni Kuya Xander.
Ngunit matapos ang hindi malamang paliwanag ni Kuya ay muling ibinalik ni Tom ang kanyang mapagkunwaring mga ngiti at hinarap si Kuya.
“Alam ko na! Siguro pina-laundry mo muna ’no?” masigla n’yang pagsagot sa sarili n’yang tanong. Nagawa pa n’yang magbitaw ng huwad na tawa bago ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi. “Hindi ka pa rin nagbabago Master, magastos ka pa rin. Hindi mo naman kailangan palabhan ang mga damit ko dahil malinis pa naman ang mga ’yon.” nakangiti n’yang dugtong.
Naikuyom ko na lamang ang mga palad ko dahil labis na akong nasasaktan sa nakikita ko kay Tom.
Hindi na nakasagot pa si Kuya Xander sa sinabing iyon ni Tom. Alam kong dama n’ya ang kakaibang ikinikilos ni Tom. Hindi lang ako sigurado kung naaapektuhan s’ya dito. Hindi ko alam kung anong nararamdaman n’ya sa nakikita n’ya kay Tom ngayon.
“Halika na, labas na tayo Master. Gusto kong uminom ng tubig.” muling wika ni Tom.
Pagkalabas nila sa kwartong iyon ay tumunog naman ang cellphone ni Kuya mula sa kanyang bulsa. Kinuha n’ya iyon ngunit nag-aalangan s’yang sagutin ito dahil nakatitig lamang s’ya sa screen nito habang patuloy sa pagtunog. Sinilip ni Tom kung sino ang tumatawag.
“Tumatawag si Josephine. Sagutin mo na, baka importante ’yan.” nakangiting sambit ni Tom sa kanya.
Tiningnan muna ni Kuya Xander si Tom bago iyon sagutin.
“H-hello?” sagot ni Kuya sa tawag ni Josephine.
Tumalikod si Tom kay Kuya at binitiwan na ang kamay nito. Kahit nakatalikod si Tom ay alam kong hindi n’ya napigilan ang kanyang pagluha dahil nakita kong nagpunas ito ng kanyang pisngi.
“N-nandito lang sa b-bahay…. S-sige, ingat kayo… Bye.. “ mga narinig kong wika ni Kuya sa kanyang kausap.
Matapos maibaba ni Kuya ang kanyang tawag ay muling humarap si Tom sa kanya ng nakangiti.
“Pauwi na ba sila dito?” nakangiting tanong ni Tom kay Kuya Xander.
Tanging dahan-dahang pagtango lamang ang naisagot ni Kuya sa kanya.
Muling nagsalita si Tom.
“Kung ganon, kailangan na pala namin umalis ni Daniel. Baka maya-maya lang ay nandito na sila.” wika ni Tom ng nakangiti.
Hindi nakasagot si Kuya sa sinabing iyon ni Tom. Tanging pagtitig lang ang nagawa n’ya kay Tom sa oras na iyon.
Dito na ako pinuntahan ni Tom at nakangiti akong kinausap.
“Halika na Daniel. Umuwi na tayo.” nakangiti n’yang pagyaya sa akin.
Hindi na ako sumagot at agad na akong tumayo sa inuupuan ko. Naglakad na kami ni Tom patungo sa pinto ni Kuya. Sumusunod lamang sa amin si Kuya ng tahimik mula sa aming likuran. Pero bago kami makalabas ay muling humarap si Tom sa kanya.
“Master, ilang araw na lang pala ise-celebrate na natin ulit ang monthsary natin. Hayaan mong ako muna ang gumawa ng set-up ha? Ite-text kita kung saan natin ’yon ise-celebrate.” nakangiti pa ring wika ni Tom.
“S-sige.” tipid na sagot ni Kuya.
Niluwagan ni Tom ang kanyang huwad na ngiti.
“Paano? Mauuna na kami ni Daniel. Mag-iingat ka ha? Kayo ni Carla.” wika ni Tom.
Hindi na nakasagot pang muli si Kuya kaya humarap na sa akin si Tom.
“Tara na Daniel.” pagyaya n’ya sa akin.
Tinalikuran na namin si Kuya at nagsimulang maglakad palabas ng building na iyon. Walang nagsasalita sa amin ngunit nakikita ko si Tom na malalim ang mga paghinga. Pinipigilan ang kanyang sariling muling lumuha.
Nanatili kaming tahimik hanggang sa marating namin ang parking area kung saan naka-park ang aking motor.
Nang nasa tapat na kami ng aking motor ay agad kong kinuha ang isang helmet para isuot iyon kay Tom. Nagulat na lamang ako nang biglang ngumiti si Tom at nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
“Tinupad ko ang pangako ko sa’yo Daniel. Sabi ko ’pag hindi ko na makakayanan pa ang mga pangyayari, uuwi na tayo ’di ba? Nagawa ko iyon Daniel. Nagawa ko ang pangako ko sa’yo…” wika n’ya.
Matapos n’yang sabihin iyon ay sunod-sunod na naglandas ang kanyang mga luha n’ya.
Agad ko s’yang niyakap at mahigpit rin ang kanyang naging pagyakap sa akin.
“Ang sakit Daniel…. ang sakit-sakit…” paulit-ulit n’yang sambit habang yakap ko s’ya at patuloy sa kanyang pag-iyak.
“Matatapos din lahat ito Tom… Magtiwala ka lang… Hindi ka namin iiwan, nandito lang kami…” tangi kong sagot sa kanya.
Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon bago kami nagbitaw.
“Daniel.. p-pwede bang sa iyo muna ako tutuloy ngayong gabi? Ayaw ko kasing makita ako nila Mama at Papa na ganito.. Ayokong tanungin nila ako.. Ayokong magalit sila kay Xander..” pakiusap n’ya sa akin.
Pinunasan ko ang mga luhang n’yang patuloy pa rin sa pagpatak.
“Sige Tom, kung ’yan ang nararapat mong gawin.” sagot ko sa kanya.
Umalis na rin kami sa lugar na iyon at tinungo ang aking condo. Nararamdaman ko pa rin mula sa aking likod ang patuloy na pag-iyak ni Tom habang nasa byahe kami. Hindi ko maiwasang masaktan para kay Tom. Labis n’yang minamahal ang kapatid ko. Dahil sa nangyayari ay hindi ko mapigilan ang hindi magalit kay Kuya. Paano n’ya nagagawang saktan si Tom ng ganito? Walang mag-aakala na sa loob lang ng ilang araw ay malaki na ang kanyang pinagbago.
Pagkarating namin sa aking condo ay inaya ko muna si Tom na kumain ngunit wala s’yang gana. Pinahiram ko muna s’ya ng aking mga gamit para sa kanyang pagtulog. Naligo na muna s’ya at agad na tinungo ang aking kama.
Matapos n’yang mahiga sa kama ay ako naman ang sumunod na naligo. Paglabas ko mula sa aking banyo ay naabutan ko si Tom na nahihimbing na. Marahil ay sa sobrang pagod at sa dami ng nangyari ngayong araw ay agad s’yang nakatulog.
Marahan ko s’yang nilapitan at tinitigan. Napakaamo ng mukha ni Tom. Ngunit kahit sa kanyang pagtulog ay kitang-kita mo ang kanyang kalungkutan. At kahit na natutulog s’ya ay tila ba nararamdaman n’ya pa rin ang mga masasakit na nangyari sa kanya.
Tumulo ang kanyang luha habang nakapikit s’ya.
Dahil sa nangyaring iyon ay mas lalo akong nakaramdam ng awa para kay Tom. Hindi ko na rin nakontrol ang aking sarili dahil napaluha na rin ako.
“Tahan na Tom… Nasasaktan ako na nakikita kang ganyan… Pangako ko sa’yo, hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Kahit na kapatid ko pa ang makakalaban ko… Hindi kita iiwan..” sambit kong mahina sa kanya.
Matapos kong punasan ang kanyang mga luha ay agad akong kumuha ng alak sa aking kusina. Tinungo ko ang aking terrace at naging malayo ang aking tingin. Muli kong naisip ang mga pinagdadaanan ni Tom.
“Napakaswerte mo Kuya. Pero bakit mo sinasaktan ng ganito si Tom?” pagkausap ko sa aking sarili.
Patuloy lamang ako sa pag-inom habang patuloy rin sa pagpatak ng aking mga luha.
Hindi ko kayang makita si Tom sa ganitong kalagayan.
Muli kong pinagmasdan si Tom na natutulog pa rin sa aking kama.
“Kahit hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko Tom, hindi kita iiwan hanggat nakikita kitang nasasaktan. Sana makita kong muli ang tunay mong mga ngiti.” sambit ko habang pinapanood s’yang natutulog.
Babantayan lang kita Tom. Hindi kita iiwan.
A/N
Promise! Habang tina-type ko ang mga natitirang chapters, umiiyak ako. Tissue!!!!
––cold_deee
PRE-FINALE - apple fritter
A/N
Pre-finale na mga mahal kong readers!! Enjoy reading! Ihanda ag mga tissue kung may maiiyak man!
:’(
TOM POV
Ngayon ang araw na aking hinihintay. Narito kami sa isang resto bar na nasa Riverpark. Ang park na ito ay ang lugar kung saan kami unang nagkita ni Xander.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing maiisip ko kung paano ang aming naging unang pagkikita. Noong matapunan ko s’ya ng iniinom n’yang kape. Sino ang mag-aakala na s’ya ang aking magiging boss at magiging malaki ang parte sa buhay ko?
“Tom, tinext mo ba si Kuya kung saan ang venue nitong hinanda mo?” pagbasag ni Daniel sa mahabang pag-iisip ko.
“Oo Daniel. Tinext ko s’ya noong isang araw pa.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Eh ano naman ang naging sagot ng magaling mong boyfriend?!” sarkastikong tanong naman ni Cha.
“Oo daw, pupunta daw s’ya.” sagot ko rin sa kanya ng nakangiti.
“Aba! Akalain mo, marunong din palang magreply ’yang boyfriend mo?!” sarkastikong wika pa ni Cha.
“Siguraduhin lang n’yang darating s’ya! Dahil kung hindi, hinding-hindi ka na n’ya makikita pa.” seryosong sambit ni Popoy.
“Ano nanaman ang pinaglalaban mo Popoy? Alam kong may pagnanasa ka noon kay bessy ha?! Pero alam mong magkakapatid na lang ang turingan natin. Kaya sana, kinalimutan mo na rin ’yang nararamdaman mo!” sermon ni Cha sa kanya.
Nagtaka naman ako sa sinabi ni Cha kaya agad kong sinaway ito.
“Ano bang pinagsasabi mo Cha? Mahiya ka nga kay Popoy. Pati ba naman s’ya pag-iisipan mo ng ganyan? Hindi n’ya ’yon gagawin kaya itigil mo na ’yang sinasabi mo.” pagsita ko sa kanya.
“Ay ewan ko sa’yo bessy!” tangi n’yang sambit at tinalikuran ako ngunit may mga sinasabi pa ito na hindi ko maintindihan.
Tiningnan ko na lamang si Popoy at nakita kong ibinaling n’ya na lamang ang kanyang tingin sa iba. Nang lingunin ko naman si Daniel ay blangko lamang ang tinging ipinupukol n’ya kay Popoy.
Inabala na lamang namin ang pag-aayos ng lugar. Inupahan ko ang buong bar para sa espesyal na araw na ito. Nagbawas man ako sa savings ko ay hindi naman ako nanghihinayang doon. Espesyal naman ang araw na ito para sa amin ni Xander.
Ginamit ko ang binigay sa akin na savings account ni Papa. Sa totoo lang ay nasorpresa ako sa halagang laman n’yon. Akala ko ay sapat na ang halagang iyon para makatapos ako sa pag-aaral. Pero laking gulat ko nang makita ko ang laman ng bank account ko. Maaari na akong bumili ng sarili kong bahay at sariling sasakyan kung gugustuhin ko. Nagpasalamat na lamang ako kay Papa dahil doon.
Ilang araw rin matapos ang pagpunta namin ni Daniel sa bahay ni Xander ay sinubukan kong magpakatatag. Lagi ko s’yang tinetext at kinakamusta. Hindi ko alintana kung hindi man n’ya magawang sumagot sa mga text ko. Ang mahalaga sa akin ay nasabi ko at pinaramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya kahit sa text lang.
Madalas na rin hanapin sa akin si Xander nina Mama, Papa at Julius. Ngunit wala akong masabi kundi busy ito sa trabaho. Wala silang nalalaman sa nangyayari sa amin ni Xander. Iyon ay dahil….
….umaasa akong magkakaayos pa kaming dalawa. Umaasa akong babalik ang aming magandang samahan.
Si Daniel ang laging nariyan para sa akin. Labis rin akong nagpapasalamat sa kanya dahil wala s’yang sawa sa pag-alalay sa akin. Nahihiya man ako sa kanya ngunit wala na akong makakapitan sa mga panahon na ito. Si Cha naman kasi ay may trabaho. Si Popoy naman ay matagal naming hindi nakasama kaya hindi n’ya alam kung paano nagsimula sa amin ni Xander ang lahat. Tanging si Daniel lang ang may oras ngayon para masamahan ako.
“Oy bessy! Tulala ka nanaman d’yan! Ano pa ba ang mga gagawin natin?” pagputol ni Cha sa aking mahabang pag-iisip.
“Ah.. S-sorry bessy.. Sige, isabit na lang muna natin ang mga balloons.” sagot ko sa kanya.
Hindi na muli s’yang nagsalita at inaya na rin si Popoy na tulungan s’yang ikabit ang mga balloons na binili namin.
Inaayos namin ang bar na ito base sa mga plano ko. Gusto ko kasi maging espesyal pa rin ang araw na ito sa amin ni Xander. Gusto kong maging memorable ito. Dahil ayaw ko mang isipin….
….maaaring ito na rin ang huling beses na ipagdiriwang namin ang espesyal na araw na ito.
Sumusugal pa rin ako at naniniwalang mababawi ko si Xander. Pinipilit kong maging positibo, pero hindi ko minsan maiwasang mag-isip sa hindi magandang kahihinatnan ng pakikipaglaban ko.
Una sa lahat ay si Josephine ang una n’yang minahal at hindi malayong manumbalik ang pagmamahal n’ya rito. Pangalawa ay may anak sila. Sa tuwing naiisip ko iyon ay pakiramdam ko’y nagiging sagabal lamang ako sa isang pamilyang maaaring muling mabuo.
Pero dahil sa may mga pangako sa akin si Xander noon ay doon ako kumakapit. Ilang beses n’yang pinatunayan sa akin na mahal n’ya ako kaya naniniwala akong may natitira pa akong pag-asa.
Alam kong nagiging makasarili na ako, pero tao lang naman ako. Nagmamahal lang din tulad ng lahat. Umaasa at nagdarasal sa parehong pagmamahal na kaya kong ibigay.
“Tom…” ang biglang pagtawag sa akin ni Daniel.
Tiningnan ko s’ya at nakita ko ang kanyang pag-aalala.
Kinuha n’ya ang kanyang panyo at pinunas iyon sa aking pisngi.
“Nagsisimula ka nanaman. Hindi na ba nauubos ’yang mga luha mo?” tanong n’ya sa akin habang patuloy sa pagpunas ng aking mga luha.
Hindi ko s’ya magawang sagutin dahil kapag ginawa ko iyon ay lalong mapapansin nila Cha at Popoy ang paghihirap ng kalooban ko.
Ganito ako nang mga nagdaang araw. Hindi napapansin ang aking pagluha sa tuwing sumasagi sa aking isip ang mga naging pagbabago sa relasyon namin ni Xander.
“Gusto mo bang mag-CR muna? Hayaan mong kami muna ang mag-ayos ng mga kakailanganin para mamaya. Kailangan mo rin ayusin ’yang sarili mo dahil maya-maya lang nandito na rin ang mga kaibigan natin.” wika n’yang may pag-aalala pa rin.
Tumango-tango na lamang ako sa kanya at nagdesisyon na lamang akong tunguhin muna ang CR. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay muling nagsalita si Daniel.
“Tom, lagi mong tatandaan… Kahit iwan ka na ng lahat, hindi ako aalis sa tabi mo.” sambit n’ya sa likuran ko.
Nilingon ko s’ya at saka ako sumagot.
“Salamat Daniel.” wika kong nakangiti.
Nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi kaya muli ko na s’yang tinalikuran at itinuloy na lamang ang pagpunta sa banyo ng bar na iyon.
DANIEL POV
Alam kong hirap na hirap na ang kalooban ni Tom ngayon. Pero wala akong magawa kundi ang umalalay lamang sa kanya at damayan s’ya.
Minsan ay hindi na ako sang-ayon sa ginagawa n’yang desisyon. Masyado n’yang mahal na mahal si Kuya Xander kaya kahit ang sarili n’yang pride ay kinalimutan n’ya na. Alam ko rin kung paano n’ya pagtakpan si Kuya sa pamilya n’ya. Ayaw n’yang masira si Kuya sa kanyang mga magulang dahil pilit n’yang sinasabi sa akin na magbabalik muli sa dati ang samahan nila. Nirespeto ko na lamang ang kanyang desisyon kahit alam kong hirap na hirap na s’ya.
Hindi ko alam kung anong ginawa ni Josephine kay Kuya para makalimutan agad ni Kuya ang mga bagay na nangyari sa kanila ni Tom. Kung paano tinanggap ni Kuya sa sarili n’yang mahal n’ya si Tom at kung paano n’ya ipaglaban sa lahat na si Tom ay para lamang sa kanya. Pero simula nang bamalik si Josephine ay tila ba kinalimutan na lahat iyon ni Kuya.
Matapos ang aming paghahanda sa sorpresa ni Tom para kay Kuya ay nagsimula na ring magdatingan ang aming mga kaibigan. Narito ang lahat ng mga mahahalagang tao na naging saksi kung paano nagsimula ang lahat kina Kuya Xander at Tom.
Sina Randy, Rigo, Ate Shai at Dominic ay narito rin. Maging ang aming mga katrabaho sa restaurant kabilang sina Charm, Ben, Dee at lahat ng staff ng restaurant ni Kuya. Narito rin si Eunice at si Ronnie na tumulong para mapaghandaan ang espesyal na araw na ito para kina Tom at Kuya Xander. Kumpleto ang lahat at tanging si Kuya na lang ang kulang.
Nilapitan ko si Tom na nakikipag-usap kina Randy at Rigo.
“Tom, pwede ka bang makausap saglit?” tanong ko sa kanya.
“Oo naman.” nakangiti n’yang sagot.
Umalis kami sa kinatatayuan n’ya at saglit na nagpaalam kina Rigo at Randy na pinuntahan na lamang sina Ate Shai at Dominic sa isang table. Ang iba naman ay nagsimula nang kumain dahil may ilang oras na rin silang narito na naghihintay rin sa pagdating ni Kuya.
Narating namin ang labas ng bar at agad ko s’yang tinanong. Hindi kasi kami magkakapag-usap ng maayos dahil nagsimula na ring tumugtog ang bandang inupahan ni Tom para tumugtog ngayong gabi.
Pumwesto kami ng nakatayo sa labas ng bar na iyon. Sinigurado kong walang makakarinig sa aming pag-uusap kaya dito ko s’ya dinala sa mga upuan at mesang nasa labas ng bar.
“Tom, sigurado ka bang darating si Kuya?” nag-aalala kong tanong sa kanya.
Ngumiti s’ya ng mapait bago ako sagutin.
“Oo naman. ’Di ba nga pinaalala ko sa kanya noong nagpunta tayo doon na may ihahanda ako para sa espesyal na araw na ito sa amin. “ sagot n’yang may pilit na ngiti.
“Eh bakit hanggang ngayon wala pa s’ya? Malapit nang mag-alas-onse Tom. At isang oras na lang tapos na ang eksaktong araw ng monthsary n’yo. Dapat ay kanina pa s’ya nandito kung may balak s’yang dumating.” wika ko pa ring nag-aalala.
“Darating s’ya Daniel, maniwala ka. Nagtext na rin naman ako sa kanya noong isang araw eh. Baka may inasikaso lang din kasi ’yun. O kaya naman baka may inihanda rin s’yang sorpresa sa akin.” sagot n’ya ng may pilit na pagngiti. Eto nanaman s’ya at kinukumbinsi ang sarili n’ya.
“Alam mo Tom, hindi ko na alam kung magagalit na ako sa’yo. Bakit ba pilit mo pang pinapaasa ang sarili mo ng ganyan?! Hindi ko na kayang panoorin kang ganyan!” wika kong naiinis sa kanya.
Hindi naman s’ya nakasagot sa akin at agad na nagbago ang kanyang ekspresyon. Naging malungkot ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Mas gusto ko na ito. Mas gusto kong nakikita ang totoong nararamdaman ni Tom, kesa sa nakikitang pinipilit n’ya ang kanyang sarili na nagpapakatatag at ngumingiti ng pilit sa kabila ng sakit na nararamdaman.
Muli akong nagsalita dahil hindi n’ya nagawang sumagot.
“Hanggang kelan mo gagawin ’to Tom?! Hanggang kelan mo pagmumukhaing tanga ang sarili mo?! Hindi ka ba napapagod?! Tom gumising ka na nga! Nahihirapan na ako makita kang ganyan! Kapatid ko si Kuya Xander, pero mahalaga ka rin sa akin! Hindi ko kayang nakikita kang nahihirapan ng ganyan!” malakas kong pagkakasabi sa kanya.
Lalong lumungkot ang kanyang mukha dahil sa mga nasabi ko. Nakita ko ring nangingilid na ang kanyang mga luha sa kanyang mga matang nakatingin sa akin.
“Napapagod ka na ba sa akin Daniel?” tanong n’yang bakas ang kalungkutan sa kanyang tinig.
“Hindi Tom! Hindi! At hindi ako mapapagod na bantayan at alalayan ka! Hindi ako mapapagod sa pagsunod at pagtulong sa’yo! Ang akin lang, sana matuto kang alalahanin din ang sarili mo! Hindi lang kay Kuya umiikot ang mundo mo! Paano naman ang mga nagmamahal sa’yo na patuloy na nag-aalala sa’yo?!” sagot ko sa kanya.
“Pero Daniel, babalikan naman ako ni Xander eh. Mahal ako ng Kuya mo, kaya alam kong hindi n’ya rin ako matitiis. Babalik s’ya.” pangungumbinsi n’ya sa akin.
“Pero Tom! Hanggang kelan?! Hanggang kelan mo balak maghintay?! Hanggang kelan mo pahihirapan ang sarili mo?!” tanong kong muli sa kanya.
Unti-unting pumatak ang mga luhang kanina n’ya pa pinipigilan.
“Hindi ko alam Daniel… Hindi ko alam… Pero mahal na mahal ko si Xander… At hanggat may nakikita pa akong pag-asa para magkaayos kami, hindi ako bibitaw sa kanya…” sagot n’ya habang patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha.
“Pero Tom… Nahihirapan na rin kaming makita kang ganyan… Nag-aalala na kami sa’yo. Alam kong kahit anong tago mo kina Tito at Tita tungkol kay Kuya, ramdam nilang may problema ka. Magulang mo sila kaya hindi mo maitatago sa kanila ang tunay na nararamdaman mo.” wika ko sa kanyang mahinahon.
Hindi nakaimik si Tom sa mga huli kong sinabi. Nakatingin ako sa kanya at nakita ko kung paano nagpatuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. Dahil doon ay hindi ko nanaman naiwasang makaramdam ng awa sa kanya. Alam kong problemado na s’ya. Pero heto ako at mukhang nagagawa ko pang bigyan s’ya ng panibagong sakit na magpapahirap sa kalooban n’ya.
Huminga ako ng malalim at nilapitan s’ya. Niyakap ko s’ya at agad na humingi ng tawad.
“Sorry Tom.. Nag-aalala lang talaga ako sa’yo. Hindi ko na dapat binibigyan ka ng panibagong problema. I’m sorry..” sinsero kong wika sa kanya.
Gumanti s’ya ng yakap at lalo s’yang napaiyak matapos kong sabihin iyon.
“Sorry din Daniel… Alam ko namang nagmamalasakit lang kayo sa akin.. Pero ’yung kagustuhan ko pa rin ang sinusunod ko…” pagsagot n’ya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.
“Ganun talaga eh.. Nagmamahal ka. Pero sana Tom mangako ka. Kapag pagod ka na, sabihin mo lang sa akin ha? Hindi ako aalis sa tabi mo hanggat kailangan mo ako.” pakiusap ko sa kanya.
Tumango-tango naman s’ya.
“Pangako Daniel.. Pangako..” tangi n’yang naisagot.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon bago kami bumitaw. S’ya ang unang nagsalita matapos punasan ang kanyang mga luha.
“Hindi ako dapat umiiyak. Baka pumangit ako ’pag dumating na si Xander. Hindi n’ya ako dapat makitang ganito.” wika n’yang natatawa.
Huminga na lamang ako ng malalim at hindi sinagot ang sinabi n’ya. Iniba ko na lamang din ang usapan dahil baka mainis nanaman ako sa patuloy n’yang pagpapaasa sa sarili n’ya.
“Sige na, bumalik ka na muna sa loob. Baka hinahanap ka na rin nila Charm at ng mga kasama natin. Dito muna ako, magpapahangin lang muna ako saglit.” wika ko sa kanya.
“Sige. Pumasok ka na rin maya-maya ha?” sagot naman n’ya.
Nginitian ko s’ya ng tipid at tumango-tango bilang pagsagot.
Hindi na s’ya muli pang nagsalita at pumasok na lamang s’ya sa loob. Naiwan ako sa labas at tulalang tinitingnan ang mga halamang naroroon sa labas ng bar na iyon.
Ilang saglit pa ay may naramdaman akong lumapit sa kinatatayuan ko. Nilingon ko ito at nang makita ko kung sino ito ay hindi ko maiwasang makaramdam ng galit. Hindi ko s’ya pinansin at ibinalik na lamang ang aking tingin sa mga halaman. Naramdaman kong tumabi ito sa kinatatayuan ko at nagsindi ng sigarilyo.
“Narinig ko ang pag-uusap n’yo.” pagbubukas n’ya ng usapan.
Nilingon ko s’ya ngunit hindi ko s’ya sinagot. Muli kong ibinalik ang aking tingin sa mga halamang naroroon.
“Bakit hindi mo na lang samantalahin Daniel ang pagkakataon na makuha si Tom ngayong miserable s’ya?” tanong n’yang muli sa akin.
Nag-init ang aking tenga at umangat ang aking dugo sa aking ulo dahil sa sinabi n’yang iyon. Tiningnan ko s’ya ng masama bago ko sinagot ang tanong n’ya.
“Hindi ako kagaya n’yo ni Josephine, Ronnie! Hindi ko magagawang saktan si Tom!” madiin kong wika sa kanya.
Natawa s’ya sa aking sagot na lalong nagpa-init ng aking ulo ko.
“Hindi mo naman s’ya sasaktan eh! Kukunin mo lang s’ya ngayong miserable s’ya. I’m sure, magagawa mong ibalik ang dating s’ya kapag nakalimutan n’ya na ang Kuya Xander mo!” natatawa n’yang paliwanag.
Hindi ko na nakontrol ang aking sarili dahil sa sinabi n’yang iyon. Hinawakan ko s’ya sa kanyang kwelyo at isinandal sa pader. Dahilan para mabitawan n’ya ang kanyang sigarilyo.
“Ganyan ka ba magmahal Ronnie?! Mahal mo rin si Tom ’di ba?! Pero bakit mo nagagawang saktan s’ya ng ganyan?!” tanong ko sa kanyang pasigaw.
Biglang nagseryoso ang kanyang mukha bago ako sinagot. Hindi ko pa rin s’ya binibitawan sa kanyang kwelyo.
“Oo! Mahal ko si Tom! At gagawin ko ang lahat para mabawi s’ya! Matagal akong naghintay Daniel! Simula pa noong bata kami, mahal ko na s’ya! At ngayong nandito na ako at handa na ako, gagawin ko ang lahat para mabawi s’ya mula sa Kuya mo!” pasigaw n’yang sagot sa akin.
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napangisi. Gusto kong matawa sa kanyang sinabi.
“Mahal? Ganyan ka magmahal? Kaya mong tiisin na nakikita mo kung paano unti-unting nauupos si Tom? Kaya mong tiisin na nakikita s’yang nalulungkot?” tanong ko sa kanya.
Hindi s’ya nakasagot sa aking tanong. Tila ba nag-isip ito sa aking mga sinabi. Binitawan ko s’ya at ipinagpatuloy ko ang aking mga sinasabi.
“Tingnan mo ngayon si Tom, Ronnie! Hirap na hirap! Walang oras na hindi s’ya umiiyak! Ganyan ba?! Ganyan ba ang gusto mong makita sa kanya?!” tanong ko sa kanya ng pasigaw.
Hindi s’ya muling nakasagot sa aking tanong. Muli kong ipinagpatuloy ang aking mga sinasabi.
“At isa pa, anong sinasabi mo na binalikan mo s’ya para mabawi kay Kuya?! Nagpapatawa ka ba Ronnie?! Kahit kailan hindi naging sa’yo si Tom! Umalis ka nang hindi ikaw ang mahal n’ya! At kahit ngayong nandito ka na, hindi ka pa rin n’ya magagawang mahalin! Dahil kung talagang mamahalin ka n’ya higit pa sa isang kaibigan, sana nangyari na ’yan noon pa! Hindi nangyari ’di ba?! Dahil hanggang kapatid lang at malapit na kaibigan lang ang kaya n’yang ibigay sa’yo! Kung talagang si Kuya ang mahal n’ya, walang silbi ang pagbabalik at pagiging handa mo! Lalo mo lang pinahihirapan si Tom!” sigaw kong muli sa kanya.
Napayuko si Ronnie sa aking mga sinabi. Sa pagkakataong ito ay naramdaman kong iniisip n’ya ang aking mga sinabi.
“Mag-isip ka Ronnie! Matagal mo nang kasama si Tom! Alam kong mahalaga s’ya sa’yo! Pero deserve n’ya ba ’yang mga ginagawa n’yo ni Josephine?! Sinasaktan mo s’ya Ronnie! Masyado kang makasarili! Hindi mo mahal si Tom dahil kaya mo s’yang saktan!” wika ko ulit sa kanya.
Sa pagkakasabi kong iyon ay inangat n’ya ang kanyang ulo at tiningnan ako sa mata.
“Mahal ko si Tom!” madiin n’yang wika.
“Mahal? Ganyan ka magpakita ng pagmamahal? Ikaw! Kayo ni Josephine ang dahilan ng pagiging miserable n’ya! Ngayon sagutin mo ako kung ganyan ka magpakita ng pagmamahal sa kanya?! Dinudurog mo si Tom! Sinisira mo ang buhay n’ya! Pinapatay mo s’ya ng paunti-unti!” sagot ko sa kanya habang dinuduro s’ya.
Hindi s’ya nakaimik sa mga sinabi ko. Nakita ko rin kung paano unti-unting naglandas ang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi. Hindi na rin ako nagsalita sa pagkakataong ito.
Ilang minuto kaming ganoon. Nakatayo lamang ako at nakatingin sa kanya habang patuloy s’yang lumuluha. Ilang sandali pa ay nagsalita s’ya.
“Bakit hindi mo sinabi kay Tom, Daniel? Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang nalalaman mo na kasabwat ko si Josephine para paghiwalayin sila ni Xander?” ang bigla n’yang tanong sa akin matapos ang aming katahimikan.
Tiningnan ko s’ya sa mga mata bago ko s’ya sinagot.
“Kasi mahal ko si Tom.” madiin kong sagot sa kanya.
“Ano? Hindi kita maintindihan Daniel?” nagtataka n’yang tanong.
Tiningnan ko s’ya bago ko sagutin ang tanong n’ya.
“Mahal ko si Tom kaya ayaw ko s’yang nasasaktan. Kapag sinabi ko sa kanya na isa ka sa dahilan kung bakit sila nagkakalabuan ni Kuya, sa tingin mo ba hindi s’ya malulungkot? Ang isa sa mahalagang tao sa buhay n’ya ay isa sa mga dahilan kung bakit s’ya ngayon nasasaktan. Isa pa, hindi ngayon ang tamang panahon para sabihin iyon sa kanya. Masyado na s’yang nasasaktan sa nangyayari sa kanila ni Kuya, madaragdagan pa ang paghihirap ng kalooban n’ya. Kung tutuusin, kung talagang matatag si Kuya, hindi s’ya magpapadala sa mga ginagawa n’yo ni Josephine. Pero nakikita kong naging mahina s’ya. Kaya hindi lang kayo ni Josephine ang may kasalanan dito. Pati si Kuya, dahil naging mahina s’ya.” mahabang paliwanag ko sa kanya.
Hindi s’ya nakasagot sa mga sinabi ko. Marahil ay guilty din s’ya. Nagpatuloy pa akong muli.
“Mahal ko si Tom kaya gusto ko makita s’yang masaya. At kung si Kuya Xander ang tanging magpapasaya sa kanya, handa kong isakripisyo ang kaligayahan ko. Dahil ’pag nakikita kong masaya si Tom, nagiging masaya na din ako.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Saglit s’yang napaisip sa sinabi ko.
“Pero nakita mo ba ang nangyari? Sinasaktan ng Xander na ’yan ngayon si Tom. Hindi mo ba naisip na kung ikaw sana ang nasa posisyon ni Xander, hindi mo mapapaiyak si Tom. Hindi ka ba nanghihinayang sa naging sakripisyo mo?” pagtatanong n’yang muli.
“Tama ka naman doon Ronnie. Hindi ko nga s’ya mapapaiyak. Pero ang tanong, mapapangiti ko ba s’ya tulad ng mga ngiti n’ya kapag kasama n’ya si Kuya? At para malaman mo, hindi ako nanghihinayang sa naging sakripisyo ko. Ilang beses kong nakita na naging masaya si Tom kay Kuya, bagay na alam kong imposible kong magawa. At kapag nakikita kong ganoon kasaya si Tom, napapanatag ako. Pakiramdam ko naibigay ko ang napakagandang regalo sa kanya.” nakangiti kong paliwanag sa kanya.
“Kaya ba tinutulungan mong magka-ayos sila ng Kuya mo? Kahit pa ang kapalit ay masaktan ka?” tanong n’ya sa akin.
“Oo. Gusto kong maibalik ang dating ngiti ni Tom. Gusto kong maging masaya s’ya ulit. Kahit hindi na ako sang-ayon minsan sa mga nagiging desisyon ni Tom, sinusuportahan ko na lang s’ya. Dahil kung makamit n’ya man ang hinahangad n’yang pagbabalik ni Kuya, alam kong babalik na s’ya sa dating s’ya. Babalik na ang mga ngiti n’ya na nagbibigay buhay din sa akin.” mahaba kong sagot sa kanya.
“Ganyan ka pala magmahal? Selfless?” tanong n’ya sa akin.
Natawa naman ako sa kanya bago s’ya sagutin.
“Oo. Mas gusto kong maging selfless kaysa maging selfish!” natatawa kong sagot sa kanya.
Masama ang naging tingin n’ya sa akin matapos kong sabihin iyon.
“Anong gusto mong palabasin? Na ako ’yung selfish?” naiinis n’yang tanong.
“O bakit? Hindi ba?” tanong ko pabalik sa kanya.
“Walang masama kung maging selfish! Kung ang kapalit naman non ay magiging masaya ako! Sooner or later, mapapasaya ko rin naman s’ya!” sagot n’ya naman pabalik.
“Pero ’di ba mas maganda kung sa umpisa pa lang nakikita mo na s’yang masaya? Kung sa umpisa pa lang maibibigay mo na kung ano ang mas makakapagpasaya sa kanya?” pangungumbinsi ko sa kanya.
“Ewan ko sa’yo! H’wag mo ipilit sa akin ’yang bagay na ’yan! Dahil lalo lang tayong hindi magkakasundo!” wika n’ya pabalik.
Natawa na lamang ako sa kanyang sinabi. Hindi talaga kami magkatugma ng paniniwala sa bagay na iyon.
Katahimikan ang sumunod na nangyari. Pareho kaming may iniisip nang mga sandaling iyon. Pero sa palagay ko, iisa lang ang tumatakbo sa aming isip. Iyon ay walang iba kundi si Tom.
“Daniel.” biglang pagtawag n’ya sa akin.
“Bakit?” tanong ko nang hindi s’ya hinaharap.
“Sa ngayon, gusto kong makita si Tom na masaya. Gusto kong makita ang ngiting nagustuhan ko sa kanya. Kaya sana, bantayan na lang muna natin s’ya.” wika n’ya sa akin.
Tiningnan ko s’ya at saka ngumiti sa kanya.
“Ngayon lang yata tayo magkakasundo.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Magkatinginan kami at hindi ko tinatanggal ang mga ngiting ibinigay ko sa kanya. Ngayon lang kasi ako naging sang-ayon sa kanyang mga sinabi.
Pero nakakapagtaka dahil unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata at nanatiling nakatitig lang sa akin. Nabawi ko ang pagkakangiti ko dahil sa pagtataka.
“Uy! Ano na nangyari sa’yo? Bakit para kang nakakita ng multo?” taka kong tanong sa kanya.
Agad naman s’yang nagbawi ng tingin sa akin at tila ba naging balisa.
“Ah-ahm… M-mukha ka naman kasi talagang multo! Nakakatakot ’yang mukha mo!” ang sagot n’ya sa akin.
Napakunot naman ako ng noo dahil sa kanyang sinabi.
“Ano?! Ulitin mo nga ’yang sinabi mo?!” inis kong tanong sa kanya habang dinuduro pa s’ya.
Tumalikod naman s’ya bigla at naglakad palayo sa akin.
“Wala! Pumasok na nga tayo sa loob! Baka hinahanap na tayo ni Tom!” sagot n’ya habang naglalakad papasok sa loob ng bar.
Hindi na lamang ako sumagot sa kanyang sinabi at sinundan na lamang s’ya papasok ng bar na iyon.
Pagdating ko sa loob ay sinalubong ako ni Ate Shai.
“Daniel! Nasaan na ba ’yang magaling mong kapatid?! It’s midnight already! Dapat kanina pa s’ya nandito!” ang may inis sa tonong pagtatanong ni Ate Shai.
Tiningnan ko ang aking relo at lampas na nga alas-dose ng gabi. Tapos na ang araw kung kailan dapat nila ise-celebrate ang espesyal na araw sa kanilang dalawa. Muli akong tumingin kay Ate Shai at sinagot ito.
“Sorry, hindi ko rin alam Ate.” seryosong sagot ko sa kanya.
“Don’t tell me wala s’yang balak siputin dito si Tom?! My God! Look at Tom! Tulala na lang s’ya at walang ginawa kundi ang tumingin sa pintuan ng bar! He still expects na darating si Xander!” inis n’ya pa ring wika.
Tiningnan ko si Tom at nakita ko itong tulalang nakatingin sa tutmutugtog na banda. Katabi n’ya si Charm na kitang-kita ang pag-aalala sa mukha habang tinitingnan s’ya. Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko naman ang aming mga kaibigan at katrabaho na malungkot ang mga ekspresyon. Ang mga ilan ay tumitingin na rin sa kanilang mga relong suot-suot.
Agad kong nilapitan at tinabihan si Tom.
“Tom…” pagtawag ko sa kanya.
Tumingin naman s’ya sa akin at kitang-kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
“Tom, ayaw kitang panghinaan ng loob. Pero sa tingin ko hindi na darating si Kuya.” wika ko sa kanya ng may pag-aalala.
“Daniel, maghintay pa tayo. Baka na-traffic lang ’yon.” sagot n’ya ng may pilit na ngiti.
“Bessy naman…” ang wika naman ni Charm.
“Saglit na lang.. Sige na.. Maghintay pa tayo…” pakiusap ni Tom.
Hindi na lamang kami sumagot at pinili na lamang namin tumahimik at samahan s’ya.
1:00 am
“Wala pa rin ba si Xander?! Anong oras na oh?!” ang tanong ni Dominic mula sa aming likuran.
“Dom.. pasensya na… pero makakapaghintay pa ba kayo kahit saglit?” pakiusap ni Tom kay Dominic.
Sinenyasan ko na lamang si Dom na sundin ang pakiusap ni Tom. Nakuha naman ni Dom ang ibig kong sabihin kaya bumalik na lamang s’yang muli sa kanyang upuan.
2:00 am
“Tom.. kailangan na daw magsara ng bar..” wika ni Rigo sa aming likuran. Naroon din si Randy sa kanyang tabi at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.
“B-baka naman pwedeng mag-extend pa tayo? Baka pwedeng pakiusapan ang manager nila. M-magbabayad na lang ako..” ang muling pakiusap ni Tom.
Nagkatinginan kaming apat nila Randy, Rigo at Charm. Huminga ng malalim si Randy bago nagsalita.
“Sige, ako na ang bahalang kumausap sa manager nila. ’Wag mo na rin isipin ang babayaran mo, ako na ang bahala. Kakausapin ko na rin ang manager ng banda para mag-stay pa sila.” wika ni Randy.
“Salamat Chef Randy.” balik ni Tom sa kanya.
Muling ibinalik ni Tom ang kanyang tingin sa bandang tumutugtog. Tulala nanaman itong nakatingin sa kanilang pagkanta. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang awa at pag-aalala ng lahat ng aming mga kaibigan at katrabaho na nakatingin sa tulalang si Tom.
Hindi na ako nakatiis kaya agad akong tumayo sa aking inuupuan.
“Daniel! Saan ka pupunta?” ang tanong sa akin ni Charm.
Tiningnan ko muna si Tom ngunit hindi n’ya pinuputol ang pagkakatitig sa patuloy na tumutugtog na banda.
“Tatawagan ko na s’ya! Sobra na ’to!” ang may galit na sa boses kong pagsagot sa tanong ni Charm.
Hindi pa rin tumingin sa akin si Tom. Senyales na iyon na hindi n’ya ako tinututulan sa naging desisyon ko.
Lumabas ako ng bar na iyon at agad na kinuha ang aking cellphone. Nang mahanap ko ang pangalan ni Kuya sa aking contact list ay agad ko itong pinindot.
Maraming beses akong nag-dial ngunit hindi n’ya pa rin sinasagot. Hindi ako tumigil hanggat walang sumasagot sa kabilang linya.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong tinawagan, ngunit sa huling pagtawag ko ay may sumagot na dito.
“Hello?” pagsagot ni Kuya sa aking tawag.
Nakaramdam ako ng galit dahil halata sa kanyang boses na kagigising lang nito.
“Kuya! Nasaan ka na ba?!!” sigaw kong tanong sa kanya.
“Nandito sa bahay ko! Bakit ka ba naninigaw Daniel?! Mag-aalas-tres pa lang ng madaling araw oh! Ang aga-aga mo naman mang-istorbo!” ang tila naiirita n’ya pang sagot.
Nag-init lalo ang ulo ko dahil sa kanyang sinabi.
“Siraulo ka pala eh! Alam mo ba kung anong araw ngayon?! O mas tamang tanungin ko sa’yo kung ano bang petsa kahapon?! Ubos na ang pasensya ko sa’yo Kuya! Monthsary n’yo kahapon ni Tom! At hanggang ngayon, umaasa pa rin sa’yo ’yung tao na darating ka sa napag-usapan n’yo!!” sigaw ko sa kanya.
Saglit na tumahimik ang kabilang linya hanggang sa magsalita s’ya.
“Oh sh*t! N-nand’yan pa kayo?!” taranta n’yang tanong.
“Ano ba sa tingin mo?!!” tanong ko sa kanya pabalik.
Matapos kong sabihin iyon ay agad n’yang ibinaba ang aking tawag.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone. Nagdikit na rin ang aking ngipin dahil sa galit na nararamdaman ko. Mga ilang minuto pa akong nasa labas at pinapakalma ang sarili.
Matapos ang ilang buntong-hininga ay bumalik na ako sa loob.
Nang marating ko ang kinauupuan nina Tom at Charm ay nakita kong tulala pa rin si Tom. Wala s’yang imik pero ang kanyang mga mata ang nagsalita kung ano ang nararamdaman n’ya.
Naglandas ang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi habang nakatingin sa tumutugtog na banda.
“Bessy…..” ang nasambit ni Charm at hindi na rin napigilan ang umiyak.
Hindi s’ya sinagot ni Tom dahil patuloy lamang ito sa pag-iyak. Humihikbi na rin ito.
Hindi ko na kinaya pa ang nakikita ko kay Tom. Agad ko s’yang hinatak at ikinulong sa aking bisig. Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Tanging impit na pag-iyak at pagsinok ang nagawa ni Tom habang yakap ko s’ya.
XANDER POV
Nang matanggap ko ang tawag mula kay Daniel ay nagmamadali akong tumayo mula sa aking kama. Nagmadali akong nagbihis at kinuha ang susi ng aking kotse.
Halos paliparin ko ang kotse ko sa pagmamaneho. Sana ay maabutan ko pa sila doon. Kahit si Tom na lang ay sana maabutan ko pa. Tiningnan ko ang orasan na nasa aking kotse. Malapit nang mag-alas-kwatro ng madaling araw.
Nang marating ko ang bar na tinext sa akin ni Tom noong nakaraang araw ay nagmamadali akong bumaba sa aking kotse.
Pagpasok ko sa bar ay nakita ko ang paligid na napapalibutan ng mga balloons. Sa bandang gilid ng restobar na iyon ay ang malaking poster ng picture namin ni Tom. Nakangiti kami at masayang-masaya sa larawang iyon. Nakasulat din doon ang mga salitang ‘Happy Monthsary Master!’.
Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan nang makita ko ang lahat ng iyon.
Sinubukan kong lingunin ang mga taong naroroon sa lugar na iyon. Naroon ang mga kaibigan namin at mga katrabaho. Kumpleto sila ngunit walang saya ang makikita sa kanilang mga mukha. Nakatingin silang lahat sa akin, ang ilan sa kanila ay nakita ko pang napayuko.
Habang nakatingin ako sa kanila ay s’ya namang biglang pagtugtog ng isang banda sa stage. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay nang makita ko ang taong nakaupo sa gitna ng stage na iyon.
Si Tom na nakaupo at may microphone sa kanyang harapan na nasa mic stand. Nakita ko rin sa bandang gilid ng stage si Daniel. Kahit sa malayo ay kitang-kita ko ang mga luhang umaagos sa pisngi ni Daniel.
Muli kong ibinalik aking tingin kay Tom. Ngayon ko lang napansin ang mga ilang bagay na nagbago sa kanya. Bahagya s’yang pumayat at kahit sa malayo ay kitang-kita ang pamumugto ng kanyang mga mata.
Nagsimulang kumanta si Tom. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa aking pwesto.
(a/n: paki-play po ’yung nasa media. ’Yan po ’yung kinakanta ni Tom.)
Here I am alone in this empty room,
And let my mind just fly you to the end.
Thoughts of you still linger in my memory,
Wondering why my life is not that fair.
I could still recall those memories of you,
The joy and all your laughter,
The love that we’ve been through.
Oh I can’t believe, you’re gone…
Bigla akong nanghina dahil sa nakikita ko. Nakapikit si Tom at dinadama ang bawat pagkanta n’ya. Dama ko ang kalungkutan sa boses n’ya.
Talkin’ to myself, for reasons I can’t find.
F
indin’ out why everything went wrong.
tears falling down on my cheeks,
that i’ve been tryin’ to hold.
I just dunno if I could still go on.
Nang matapos n’ya ang linya ng kantang iyon ay idinilat na n’ya ang kanyang mga mata. Ngunit kasabay niyon ay ang sunod-sunod na pagbagsak ng kanyang mga luha. Lalo akong naghina at hindi ko na napigilan ang mapasandal sa poste sa aking tabi.
I wanted you to stay,
the tears began to show,
you said that you care for me
but then you have to go
and now I know,
you’re gone.
Sa pagkakataong ito ay tiningnan na ako ni Tom. Kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Nakita ko rin ang mga taong naririto na umiiyak na rin habang pinapanood si Tom.
chorus:
I don’t want to remember,
the things we used to do,
all the things that remind me of you.
I don’t want to hear those songs,
those songs we used to sing,
’cause I don’t wanna feel the pain in my
heart
Patuloy pa rin s’ya sa kanyang pagkanta habang patuloy rin sa pag-agos ng kanyang mga luha. Hirap na hirap na rin s’yang bigkasin ang mga salita dahil sa pag-iyak at pagsinok n’ya. Hindi n’ya rin iniaalis ang pagkakatingin sa akin.
I just can’t believe,
you’re gone..
And I don’t want to remember,
the things we used to do,
all the things that remind me of you.
I don’t want to hear those songs,
those songs we used to sing,
’cause I don’t wanna feel the pain in my heart
Dahil sa labis na pag-iyak ay hindi na nagawa pang ipagpatuloy ni Tom ang kanyang pagkanta. Naitakip n’ya ang kanyang mga braso sa kanyang mga mata. Nakita kong nilapitan agad ito ni Daniel at niyakap ng mahigpit. Iyak rin ng iyak si Daniel habang hinahagod ang likod ni Tom.
Naging mahigpit ang mga naging pagkapit ni Tom kay Daniel. Paano ko nagawa ito kay Tom?
Nanatili akong tinitingnan si Tom sa kanyang pag-iyak. Kitang-kita ko ang hirap n’ya sa paghinga.
Ilang sandali pa ay nakita kong inalalayan s’ya ni Daniel na bumaba mula sa stage. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makababa sila. Sinalubong ng aming mga kaibigan si Tom at isa-isa s’yang niyakap. Maging sila ay umiiyak habang niyayakap si Tom.
Nang matapos iyon ay muling inalalayan ni Daniel si Tom palabas. Palapit sila ng palapit sa aking pwesto dahil nasa likod ko lamang ang pintuan ng bar na iyon.
Sinubukan kong tumayo ng tuwid nang nasa harapan ko na si Tom. Nakayuko ito at patuloy pa rin sa pag-iyak.
“Tom…” pagtawag ko sa kanyang pansin.
Unti-unti n’yang tinanggal ang braso n’yang nakatakip sa kanyang mga mata. Inangat n’ya ang kanyang tingin upang magtama ang aming mga mata.
Hindi ko nakayanan ang nakita kong sakit sa kanyang mga mata. Labis-labis na pagsisisi ang naramdaman ko. Hindi ko akalain na ako ang naging sanhi ng mga luhang iyon. Ako ang naging sanhi ng kalungkutan n’yang iyon.
Sa kabila ng patuloy na pagdaloy ng kanyang mga luha ay unti-unting ngumiti si Tom. Ngiti na puno ng kalungkutan.
“M-master… h-happy monthsary…” wika n’yang nakangiti.
Matapos n’yang sabihin iyon ay muli s’yang yumuko at humakbang palampas sa akin. Hawak pa rin s’ya ni Daniel na hindi rin tumigil sa pag-iyak.
Hinawakan ko agad ang kanyang braso bago pa s’ya tuluyang makalayo. Ngayon ko na-confirm ang pagbabago ng kanyang katawan. Ang dati n’yang katawan ay bahagyang pumayat. Kitang-kita ko ang malaking pagbabawas ng kanyang timbang.
“Tom…” pagtawag ko sa kanya na may pagmamakaawa.
Huminto s’ya ngunit hindi n’ya ako nilingon.
Bago pa ako makapagsalita ay may humawak din sa braso kong nakahawak sa braso ni Tom.
Si Ronnie.
“H’wag mo s’yang hahawakan. Tama na ang pananakit mo sa kanya. Hindi na kami papayag na pinapanood lang s’ya na patuloy mong sinasaktan.” madiin na wika sa akin ni Ronnie.
Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Ganoon din si Charm na nasa kanyang tabi. Matatalim na tingin ang ipinupukol nila sa akin.
Nilingon kong muli si Tom. Hindi n’ya pa rin ako nagawang tingnan kahit na hinawakan ko na ang kanyang braso.
Ang mas ikinagulat ko ay nang unti-unting tinatanggal ni Tom ang kanyang braso sa aking pagkakahawak. Patuloy pa rin s’ya sa pag-iyak habang nakatalikod sa akin.
Naluwagan ko ang pagkakahawak ko sa braso ni Tom dahil na rin sa ginawa n’yang pag-aalis nito. Nang tuluyan na kaming nakabitaw ay walang lingon-lingon si Tom at nagsimula na muling maglakad. Naiwan akong tinitingnan lamang s’ya habang papalayo.
“Masaya ka na ba? Masaya ka nang nakikita ang paghihirap ng kaibigan ko?” ang may diin na pagtatanong ni Charm sa akin.
“Hindi ko akalain na magagawa mo ito Xander.” disappointed na wika ni Eunice.
Hindi ko sila nasagot. Umalis na rin sila kasama ni Ronnie kasunod ang lahat ng aming mga katrabaho.
Ilang saglit pa ay dumating ang aking mga kaibigan.
“Brad, kaibigan kita. Pero hindi ko gusto ang ginawa mo kay Tom. Ano bang nangyayari sa’yo?” tanong sa akin ni Dominic.
“My God! I don’t know what to say Xander! Eto na nga ba ang kinakatakot ko! Friendly advice lang Xander, ayusin mo ’yang sarili mo bago pa mahuli ang lahat. Bago mo pagsisihan ang lahat.” ang makahulugang wika naman ni Shai.
Napayuko na lamang ako dahil sa labis na hiya. Hindi ko nagawang sumagot sa kanila.
Nagpaalam na lamang sina Dominic at Shai. Naiwan na lamang kaming tatlo ni Randy at Rigo nang nakatayo.
“Baka iwan n’yo rin ako?” tanong ko sa kanila habang nakayuko.
“Hindi ko gusto ang ginawa mo Xander. Pero kaibigan ka pa rin namin. Gusto mo bang pag-usapan kung ano na ba ang nangyayari sa’yo?” tanong sa akin ni Rigo.
“Doon na lang tayo sa condo ko.” ang biglang suhestyon naman ni Randy.
Hindi na nila ako hinintay na makasagot dahil nagsimula na rin silang maglakad. Nag-offer si Randy na s’ya na lamang ang magda-drive ng sasakyan ko habang sakay ako. Si Rigo naman ay dala ang kanyang kotse na s’yang sinakyan nilang dalawa kanina papunta sa lugar na ito.
Nang marating namin ang condo ni Randy ay sa sala n’ya kami pumwesto. Kumuha si Randy ng mga maiinom na alak at inilagay sa mesang nasa harap namin. Hindi ko na rin hinintay na alukin pa ako dahil agad ko itong binuksan at ininom.
Nagbihis lamang si Randy at Rigo ng kanilang pambahay at agad na sinaluhan ako sa pag-inom.
“Ngayon, sige na. Magkwento ka. Kahit hindi namin naiintindihan kung bakit nangyayari sa’yo ito, pipilitin naming intintindihin.” ang biglang wika ni Randy.
Huminga ako ng malalim para simulan ang mga nangyari sa akin.
A/N
Next na po ang FINALE ng Book 1.. Thank you for reading.. :’(
––cold_deee
FINALE - banana split
A/N
Eto na! Finale na ng book 1 guys! After po ng chapter na ito, kasunod po nito ang teaser ng book 2! Usap tayo doon! Enjoy! :))
Dedicated nga pala ’tong FINALE kay
johngreeg
! Special ’di ba? S’ya kasi ang kauna-unahang tao na hindi ko kilala ng personal na nag-comment sa isinulat ko. Super na-appreciate ko ’yon. Salamat ulit! :))
––> paki-play na rin po ’yung nasa media habang nagbabasa kayo ng buong chapter. Much better kung may downloaded na kayong song na ’yan tapos i-single repeat n’yo na lang po para tuloy-tuloy as pag-play. suggestion lang naman po ’yun para feel na feel n’yo ang chapter na ’to. d’yan po kasi nanggaling ang emosyon ko habang nagbabasa. Hehe!
song title: I love you goodbye
by: juris
DANIEL POV
Matapos ang ilang araw at gabi mula nang dapat ay masayang monthsary nila Tom at Kuya Xander ay nanatili si Tom sa aking condo.
Hindi ko s’ya makausap ng maayos dahil lagi lamang itong tulala. Minsan ay pinipilit ko pa itong kumain dahil kitang-kita na ang malaking pagbabago ng kanyang timbang. Nanlalalim na rin ang kanyang mga mata dahil sa labis na pag-iyak at hindi pagtulog ng maayos.
Ako na rin ang nakikipag-usap kina Tito at Tita para ipaalam na nasa pangangalaga ko si Tom ngayon. Pilit man nila akong pinapaamin kung ano ba ang nangyayari kay Tom ay pinili ko na lamang na sabihing maayos naman s’ya. Nagi-guilty na nga rin ako sa pagsisinungaling sa kanila ay wala akong magawa. Nakikiusap sa akin si Tom na h’wag ipaalam sa kanila ang nangyayari sa kanila ni Kuya Xander.
Apat na araw na ang lumipas ngunit tila ba walang kapaguran si Tom sa pag-iyak. Minsan ay dumalaw sina Charm at Ronnie dito sa aking bahay ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig upang sagutin ang mga katanungan nila. Inintindi na lamang nila ang kalagayan ni Tom. Nakiusap na lamang sila sa akin na bantayan si Tom.
Ilang beses na rin s’yang tinawagan ni Kuya Xander at nakikiusap na makipagkita sa kanya. Ngunit hindi n’ya magawang magsalita sa tuwing nasasagot n’ya ang tawag nito. Tanging pag-iyak lamang ang nagagawa n’ya sa tuwing naririnig n’ya ang boses ni Kuya sa kabilang linya.
Hindi namin ipinaaalam kay Kuya kung nasaan ito ngayon. Maging ang kanyang mga magulang ay sinabihan ko na h’wag sasabihin kay Kuya na nasa bahay ko ito dahil na rin sa pakiusap ni Tom. Nagtataka man sila ay sinabi ko na lamang na may inihahanda kasing sorpresa sa kanya si Tom kaya hindi nila pwedeng sabihin kung nasaan s’ya ngayon. Nagsinungaling nanaman ako ngunit sinusunod ko na lamang ang pakiusap ni Tom.
Ngayon ay tulala nanaman si Tom at nakaupo lamang sa aking terrace habang pinagmamasdan ang mga nagdaraang sasakyan sa kalsada mula sa baba ng aking condo.
“Tom…” pagtawag ko sa kanya nang ito ay lapitan ko.
Dala ko ang kanyang pananghalian dahil hindi nanaman n’ya nagawang kumain ng almusal kanina.
Hindi n’ya nanaman ako nagawang sagutin. Nanatili s’yang nakatingin sa baba ng building na iyon.
“Tom… kumain ka na. Hindi ka nanaman nag-almusal kanina.” pakiusap ko sa kanya at inilapag ang pagkain sa mesang nasa harap ng kinauupuan n’ya. Umupo na rin ako sa kabilang upuan.
“Daniel…” tawag n’ya sa akin ngunit hindi ako nilingon.
“Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Tumawag sa akin si Chef Randy kanina lang.” wika n’yang mahina sa akin.
“Anong sabi?” tanong kong muli.
“Si Xander… Lagi daw nag-iinom, hanap ng hanap sa akin. Gabi-gabi daw na naglalasing.” sagot n’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa mga sinabi n’ya. Nagpatuloy s’ya sa kanyang pagsasalita.
“Sa tingin ko Daniel, nagsisisi na s’ya. Baka nahihirapan na si Xander ngayon.” nag-aalala n’yang sambit.
Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi.
“H’wag mong sabihin na naaawa ka kay Kuya ngayon?” tanong ko sa kanya.
Sa wakas ay nagawa n’ya na akong lingunin at kausapin ako habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
“Daniel… ayokong makitang nagkakaganon si Xander.. Hindi ko kayang makita s’yang nahihirapan..” wika n’ya ng may nakikiusap na mata.
“Tom naman! Ikaw ba natiis n’ya na naghihirap ng ganyan?! Dalawang linggo ka nang nahihirapan! Kahit ba minsan tinanong ka n’ya kung ayos ka lang ba?! Tapos ngayon nabalitaan mo lang na naglalasing s’ya, parang nakalimutan mo nanaman ang mga naging paghihirap mo?! Aba Tom! Hindi ka ba napapagod?!” panenermon ko sa kanya.
Saglit s’yang natahimik at napayuko sa aking mga sinabi.
“Mahal ko si Xander, Daniel.. Kahit na ganon ang nangyari sa amin, hindi ko pa rin kayang makita s’yang nagiging miserable..” paliwanag n’ya.
Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa sinabi n’yang ’yon.
“At ikaw?! Anong tawag mo sa nangyayari sa’yo ?! ’Di ba miserable ka rin ngayon dahil sa kagagawan n’ya?! Tingnan mo nga ’yang sarili mo! Nasubukan mo na bang tumingin sa salamin?! Hindi mo na nga nagagawang kumain at matulog ng maayos!” sermon ko pang muli sa kanya.
Muli nanaman s’yang natahimik kaya nagpatuloy ako.
“Hindi ko naman sinasabi sa’yo Tom na kalimutan mo na si Kuya. Pero kahit ngayon lang, tiisin mo s’ya! Hayaan mong pagsisihan n’ya ang mga nagawa n’ya! Hayaan mong ma-realize n’ya ang mga nagawa n’yang katarantaduhan sa’yo! Sobra mo nang ibinaba ’yang sarili mo sa kanya! Ipakita mo naman sa kanya kahit konti na hindi n’ya dapat pinaranas sa iyo ang mga bagay na ’yon!” pagpapatuloy ko pa sa kanya.
“Pero Daniel.. m-mukhang nagsisisi naman na s’ya ’di ba? Ilang araw n’ya na rin akong tinatawagan at nagmamakaawa na kausapin ko na s’ya. S-siguro naman sapat na ’yung mga araw na ’yon para patawarin ko na s’ya? P-palagay ko naman babalik na rin s’ya sa dati. Hindi n’ya na magagawang saktan ulit ako..” mahaba n’yang wika at tiningnan ako sa mga mata.
Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi n’yang iyon. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya. Ngunit pinili ko na lamang manahimik dahil makakadagdag lang iyon sa paghihirap n’ya. Baka hindi ko rin makontrol ang sarili kong makapagsalita ng hindi maganda kung magpapatuloy pa ako. Lalo lamang s’yang mahihirapan.
Salubong lang ang aking mga kilay na tiningnan s’ya. Nakita ko ang nakikiusap n’yang mga matang nakatingin sa akin.
Hinawakan n’ya ako sa aking kamay at nagsimula s’yang magsalita.
“Daniel…. sige na naman… kahit ito na ’yung huli.. gusto kong bigyan s’ya ng pagkakataon ulit..” pakiusap n’ya sa akin.
“Hanggang kelan ’yang huling sinasabi mo Tom? Wala ka ba talagang pagod na nararamdaman? Hindi ka na ba naaawa sa sarili mo?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
“Daniel… nakikiusap ako sa’yo… alam kong nagsisisi na si Xander… Kaya nga ayaw ko nang patagalin pa ’to… bigyan natin s’ya ng pagkakataon para makabawi… Baka ito na ’yung hinihintay kong pagbabalik n’ya sa akin..” muli n’yang pakiusap.
Tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak at agad na tumayo sa aking pagkakaupo.
“Ewan ko sa’yo Tom! Bakit ba nagpapakababa ka ng ganyan sa kanya?! Nasaan na ba ang katinuan mo?! Hindi ko na alam kung paano na kita matutulungan n’yan kung ikaw mismo hindi mo kayang tulungan ang sarili mo! Minsan naman kontrolin mo ’yang sarili mong magtanga-tangahan sa nangyayari!” wika ko sa kanya ng may kalakasan.
Hindi naman s’ya nakasagot sa sinabi ko. Tinalikuran ko na s’ya dahil hindi ko na talaga nakontrol pa ang aking sarili. Pumasok na ako sa aking kwarto at iniwan ko s’yang nakaupo habang nakayuko lamang sa kanyang inuupuan.
Alam kong napasobra ang mga sinabi ko sa kanya. Pero hindi ko na kayang makita pa ang mga susunod na maaaring mangyari sa kanya. Doble ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko s’yang nahihirapan. Hindi ko minsan maiwasang magsisi kung bakit ipinaubaya ko s’ya kay Kuya. Kung bakit hindi ko na lang s’ya pinaglaban noon. Iniisip ko, kung pinaglaban ko kaya s’ya noon makikita ko kaya s’yang nahihirapan gaya nito ngayon?
Pero dahil nandito na ito ay wala na akong magagawa. Susuportahan ko na lamang s’ya at babantayan. Aalalayan hanggang sa muli s’yang makabangon. At patuloy na mamahalin kahit imposibleng maibalik sa akin ang pagmamahal na iyon.
Ilang oras kaming hindi nag-usap. Hindi rin s’ya umaalis sa kanyang inuupuan. Ako naman ay paminsan-minsan s’yang sinisilip. Hindi n’ya pa rin ginagalaw ang pagkaing inihanda ko para sa kanya.
Nakikita kong hirap na hirap na s’ya. Nagsimula nanaman s’yang umiyak. Tiniis ko na makita s’yang ganoon ng ilang oras, patuloy lamang sa pag-iyak.
Pero sa ilang oras na panonood sa kanya habang patuloy na umiiyak ay mukhang mapapasuko nanaman n’ya ako. Hindi ko pala talaga kayang tiisin s’ya na patuloy lamang sa pag-iyak.
Nilapitan ko s’ya unti-unti at tinawag ang kanyang atensyon.
“Tom…” malumanay kong pagtawag sa kanya.
Hindi s’ya sumagot. Patuloy lamang s’ya sa paghikbi at pag-iyak.
Huminga ako ng malalim at mas lumapit sa kanyang pwesto. Pumunta ako sa kanyang harapan at lumuhod para makita ko ang kanyang mukha. Hinawakan ko s’ya sa kanyang kamay na nasa kanyang hita.
“Tom… I’m sorry… Sorry sa mga nasabi ko sa’yo kanina…” sinsero kong wika sa kanya.
Humihikbi pa rin s’ya ngunit nagawa n’ya na akong tingnan ngayon.
“W-wala ka naman kasalanan Daniel.. Totoo naman lahat ng sinabi mo… K-kaso hindi ko talaga kayang mawala ang Kuya mo…” wika n’ya sa pagitan ng pag-iyak at paghikbi.
Hindi ko nagawang makasagot sa kanya kaya nagpatuloy s’ya.
“Aaminin ko sa’yo, hindi ko alam kung ano pa ang pinakamasakit na bagay ang kaya kong makita para lang matauhan ako… Masyado kong mahal ang Kuya mo kaya nagbubulag-bulagan ako…” dugtong n’ya pa.
“Ganyan mo kamahal si Kuya Xander, Tom?” tanong ko sa kanya.
“Higit pa sa inaakala mo Daniel…” sagot naman n’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago ko s’ya sinagot. Mas higpitan ko rin ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay. Sinubukan kong ngumiti kahit pilit.
“Ang swerte ng Kuya ko sa’yo Tom. Hindi ko minsan maisip kung ano bang meron s’ya at binigyan s’ya ng kagaya mo.” wika ko sa kanya ng may pilit na ngiti.
Hindi n’ya nagawang makasagot sa sinabi ko. Nagpatuloy na lamang ako ngunit nagbitaw muna ako ng malalim na buntong hininga.
“Sigurado ka na bang handa mo na s’yang harapin ngayon? Handa ka nang kalimutan ang lahat ng ginawa n’ya sa’yo?” tanong kong mahinahon sa kanya.
Tumingin s’ya sa aking mga mata at nakita ko ang pag-asa dito. Bahagya rin s’yang tumigil sa pag-iyak.
Hindi s’ya makasagot kaya muli ko s’yang tinanong.
“Sigurado ka na ba Tom?” tanong kong muli sa kanya.
Dahan-dahan s’yang tumango-tango bilang pagsagot sa aking tanong.
Pinilit kong ngumiti muli sa kanya at saka nagsalita.
“Kung ganon, sige. Pupuntahan natin s’ya. Sasamahan kita.” wika ko sa kanya.
Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa ilang linggo na ganito s’ya ay muli kong nasilayan ang ngiti n’yang punong-puno ng sinseridad. Ang ngiting nagpapalambot sa matigas na puso ng isang tao.
Mabilis ang naging pagyayari. Binitiwan ni Tom ang aking kamay at mabilis akong niyakap.
“Salamat Daniel… Salamat…” wika n’ya sa akin ng paulit-ulit.
Kahit labag man sa kalooban ko ang naging pagpayag ko ay alam kong sa ganitong paraan ay napagaan ko ang kalooban n’ya.
“Basta sa ikakaligaya mo Tom, gagawin ko ang lahat… Basta kapag pagod ka na, sabihin mo lang sa akin ha?” wika ko sa kanya habang yakap rin s’ya.
Tumango-tango naman s’ya.
“Pangako Daniel… Salamat…” wika n’ya pa.
Ilang segundo pa kaming nasa ganoong posisyon bago kami bumitaw.
“Sige na, maghanda ka na. Kahit gabi na, pupuntahan natin si Kuya. Ihanda mo na rin ’yang sarili mo. Gusto mo bang makita ka n’ya na ang pangit-pangit mo ngayon? Ikaw rin, baka magbago isip nun!” pagbibiro ko sa kanya.
Natawa naman s’ya sa aking sinabi. Gumaan ng bahagya ang pakiramdam ko nang marinig ko ang kanyang pagtawa.
“Oo na! Maliligo muna ako!” sagot n’ya sa akin.
Bago pa s’ya makatayo ay muli kong hinila ang kamay n’ya.
“Oopps!! Balik!” pagpigil ko sa kanya.
“Bakit?” taka n’yang tanong ngunit umupo rin naman s’ya.
“Anong bakit?! Hind ka pa kumakain simula kanina! Kumain ka muna kahit konte!” wika ko sa kanya at agad na tumayo.
Kinuha ko ang pagkain na ibinigay ko sa kanya kanina at nagpatuloy sa aking sinasabi.
“D’yan ka lang, kukuha lang ulit ako ng pagkain. At hinding-hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo nauubos ang pagkain mo!” dagdag ko pa.
Ngumiti naman s’ya sa akin bilang pagsagot. Nagtungo na lamang ako sa aking kitchen at ikinuha s’ya ng pagkain.
Sana nga ay maging maayos na ang lahat. Hindi ko na alam kung paano pa matutulungan si Tom kung magpapatuloy pa ito. Hindi ko na kayang nakikita s’yang ganito kamiserable.
Matapos n’yang kumain ay naghanda na rin kami. Sa loob ng dalawang linggo ay ngayon ko lang muling nakitang naging masigla si Tom. Punong-puno ng buhay at pag-asa.
“Tom, itext mo muna si Kuya kung nasaan s’ya. Baka naman wala ’yun ngayon sa bahay n’ya.” wika ko sa kanya.
“Tinext ko na s’ya kanina nung naliligo ka Daniel. Nandoon lang naman daw s’ya sa condo n’ya.” sagot n’ya sa akin ng nakangiti.
Hindi na ako sumagot at pinagpatuloy na lamang ang pag-aayos.
Umalis na kami sa aking bahay at nagsimulang magbyahe gamit ang aking motor. Kahit nasa likod ko si Tom ay dama ko ang excitement sa kanya. Nararamdaman ko ang kasiyahan n’ya dahil panay ang kwento nito sa akin na sinasagot ko rin naman kahit nahihirapan kaming mag-usap dahil sa ingay ng kalsada at naka-helmet pa kami.
Pagkarating namin sa building ng condo unit ni Kuya ay mabilis itong bumaba sa aking motor.
“Dalian mo Daniel. Akyat na tayo.” wika n’ya sa akin.
“Hindi makapaghintay? Aalis ba ’yung unit ni Kuya? Alam n’yang pupunta ka dito kaya nandon lang ’yon! H’wag kang atat d’yan!” sagot ko naman sa kanya.
“Eh sige na! Bilisan na natin! Nami-miss ko na ang Kuya mo!” sagot n’yang nakanguso pa.
Kahit umimpis ang kanyang mga pisngi dahil bumaba ang kanyang timbang at nanlalalim ang kanyang mga mata ay lumalabas pa rin ang kagawapuhan ni Tom.
“Oo na! Oo na! Eto na nga oh!” sagot ko pabalik sa kanya.
Matapos kong i-park ng maayos ang aking motor ay nagmamadali kaming tinungo ang elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang unit ni Kuya.
Nang makarating kami sa floor kung nasaan ang unit ni Kuya ay nagmamadali rin kaming tunguhin ang kanyang pinto.
Bahagya pang natigilan si Tom nang nasa tapat na kami ng pintuan ng unit ni Kuya. Tila ba may malalim itong iniisip.
“Kinakabahan ako Daniel.” bigla n’yang sambit.
“Gusto mo bang ako na ang kumatok?” tanong ko sa kanya.
Hindi naman s’ya sumagot kaya sinimulan ko nang kumatok.
Ilang katok ang aking ginawa ngunit wala pa rin ang sumasagot mula sa loob.
“B-baka umalis s’ya?” alalang tanong ni Tom.
“Hindi ’yun aalis dito kung alam n’yang pupunta ka.” sagot ko naman sa kanya.
Hindi naman s’ya sumagot sa sinabi ko. Hinawakan ko ang doorknob at nagulat pa ako dahil hindi naka-lock iyon. Nagkatinginan pa kami ni Tom dahil nagtaka rin s’ya.
Pumasok na lamang ako sa loob at sinundan naman ako ni Tom. Tahimik ang buong bahay.
“Kuya?” pagtawag ko sa kanya.
“Kuya Xander! Nand’yan ka ba?” pagtawag kong muli ngunit wala kaming naririnig na pagsagot.
Inilibot ko ang aking paningin sa kusina at sala ngunit wala roon ang taong hinahanap namin. Napansin kong bahagyang nakabukas ang pintuan ng kanyang kwarto kaya pinuntahan ko iyon.
Unti-unti kong niluwagan ang pagkakabukas ang pinto nito. Madilim ang paligid kaya binuksan ko ang ilaw nito.
Pagbukas ng ilaw ay nasorpresa ako sa nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko at naestatwa sa kinatatayuan ko. Para akong natuklaw ng ahas sa aking nakita.
“Daniel? Nand’yan ba s’ya?” ang biglang tanong ni Tom sa akin.
Agad kong pinatay ang ilaw ng kwarto at hinarap si Tom na paunti-unti na palang lumalapit sa akin.
“T-tom…. U-umuwi na lang t-tayo…” ang utal kong wika sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko habang sinasabi ko iyon kay Tom. Gulong-gulo ang isip ko at hindi ko alam ang dapat gawin.
“Ha? Bakit naman? Wala ba s’ya d’yan?” takang tanong n’ya.
“A-ano… k-kasi… kasi….” ang hindi ko maituloy na sasabihin.
Mas lumapit pa sa pwesto ko si Tom kaya lalo akong nakaramdam ng takot.
Alam kong nararamdaman n’ya na ngayon na may kakaibang nangyari. Nagbago na rin kasi ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang kaninang excitement n’ya ay nawala at tanging pag-aalala ang nakikita ko ngayon.
Nang makarating s’ya sa aking harapan ay hinawakan n’ya ako sa aking braso. Hindi ako nakagalaw mula sa pagkakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto ni Kuya.
Pero sa pagkakataong ito ay tila ba mas malakas sa akin si Tom. Mahigpit ang naging paghawak n’ya sa aking braso at unti-unti akong pinaalis sa aking kinatatayuan. Wala akong nagawa kundi ang tumabi para bigyan s’ya ng daan.
Pinagmasdan ko s’yang dahan-dahan sa paghakbang papasok ng kwarto. Naabutan n’ya ang kwarto ni Kuya na madilim. Nakita ko kung paano nanginginig ang kanyang kamay na pinindot ang switch ng ilaw ng kwarto ni Kuya.
Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita n’ya ang isang damit na nasa lapag. Mula sa isang damit ay nasundan pa iyon ng ilan pa na nasa sahig. Dahan-dahan ang kanyang naging paghakbang habang sinusundan ang mga kasuotang nagkalat.
Napahinto s’ya sa kanyang paglalakad nang makita kung saan nagtapos ang huling piraso ng damit sa sahig.
Sa kama ni Kuya Xander.
Nahihimbing si Kuya Xander nang walang pang-itaas. Katabi si Josephine na natutulog din at halata ring walang damit kahit natatakpan ng kumot. Nakayakap si Josephine sa katawan ni Kuya. Muli kong tiningnan si Tom.
Tulala n’yang pinagmamasdan ang dalawa. Mula sa pagkakatulala ay sunod-sunod na naglandas ang kanyang mga luha. Ilang segundo n’ya iyon pinagmasdan habang patuloy sa pagluha.
“Tom….” pagtawag ko sa kanyang mahina mula sa pinto.
Umatras si Tom habang papalayo sa dalawang taong nakahiga pa rin hanggang ngayon sa kama. Dahan-dahan ang kanyang naging pag-atras. Hindi alintana kung matitisod s’ya sa kanyang inaatrasan.
Nang nasa may bandang pintuan na s’ya ay napasandal s’ya sa maliit na mesang naroroon. Hindi sinasadyang mabangga n’ya ang vase na nakapatong doon. Nabasag ito dahilan para makagawa ng ingay.
Unti-unti ay nakita ko ang pagkilos ni Kuya mula sa pagkakahiga hanggang sa umupo ito sa kama. Iminulat n’ya ang kanyang mga mata. Ako ang una n’yang tiningnan na nakatayo sa pinto. Dahan-dahan n’yang inilipat ang kanyang tingin sa aking kaliwa. Nanlaki ang mga mata n’ya nang makita ang imahe ni Tom na patuloy na bumubuhos ang mga luha.
“Tom…….” tangi n’yang nasambit.
Nakita namin na gumalaw rin si Josephine at dahan-dahang umupo habang hawak ang kumot para takpan ang kanyang hubad na katawan.
“Xander, are you okay? Magpahinga pa tayo, masyado tayong napagod.” wika ni Josephine sa kanya.
Nilingon ito ni Kuya at mas lalo s’yang nagulat dito. Muli n’yang ibinalik ang tingin kay Tom.
“T-tom….” utal na tawag ni Kuya kay Tom.
“X-xander… B-bakit?” nahihirapang pagbigkas ni Tom.
Hindi nakasagot si Kuya sa tanong ni Tom. Tila ba naguguluhan ito.
Hindi na muling nagsalita pa si Tom kaya nilingon n’ya ako. Patuloy pa rin s’ya sa pag-iyak.
“D-daniel… Ialis mo na ako… d-dito… P-pagod na ako….” ang nahihirapan n’yang pakiusap sa akin.
Nakita ko ang kanyang panghihina at malapit na itong mapaupo kung hindi lang s’ya napakapit sa mesa. Agad ko s’yang nilapitan at inalalayan para makatayo.
“Tom…” tangi kong nasabi habang inaalalayan s’yang makatayo.
“Daniel…. h-halika na… um-umalis na tayo…” muli n’yang pakiusap sa akin.
Hindi na ako nagdalawang isip at agad na inalalayan s’ya para makalabas sa kwartong iyon.
Walang naririnig sa kwartong iyon kundi ang malakas na pag-iyak ni Tom. Takip n’ya ng kanyang kaliwang braso ang kanyang mga mata dahil sa patuloy na pag-iyak. Naikagat ko ang aking labi para mapigilan din ang aking pagluha.
Nang nasa may pinto na kami ng condo ni Kuya ay nagulat ako nang biglang may humatak pabalik kay Tom. Dahilan para mabitawan ko ito.
“Tom… please…. pakinggan mo ako… h-hindi ko alam ang nangyari…” pakiusap ni Kuya kay Tom.
Hawak n’ya sa magkabilang balikat si Tom. Naka-boxer shorts lamang s’yang nakikiusap kay Tom.
“Daniel…. uwi na tayo…. pagod na pagod na ako….. ayoko na….” ang paulit-ulit na pakiusap ni Tom habang nakatakip pa rin ang kanyang braso sa kanyang mga mata na patuloy pa rin sa pagluha.
Lalo akong nanghina sa nakikita ko. Hindi ko na rin napigilan ang mapaluha dahil kitang-kita ko ang pinakamiserableng sitwasyon ni Tom. Para s’yang nasisiraan ng bait ngayon.
“Daniel…. pagod na pagod na ako…. pakiusap… iuwi mo na ako….” muli n’yang pagtawag sa akin.
Ihahakbang ko na sana muli ang aking mga paa para kunin muli si Tom at alalayan ngunit mabilis si Kuya na lumuhod at niyakap ang bewang ni Tom.
“Tom… please… hindi ko talaga alam ang nangyari… pakinggan mo naman ako… nagmamakaawa ako sa’yo… ’wag mo naman gawin sa akin ito…” pakiusap ni Kuya na nagsimula na rin umiyak habang yakap si Tom.
“Daniel… ilayo mo na ako sa kanya… ayoko na….” wika ni Tom sa pagitan ng pag-iyak.
“Hindi Tom… please… ’wag mo akong iwan… nakikiusap ako sa’yo….” wika ni Kuya.
Hindi na muling nagsalita si Tom ngunit patuloy lamang ito sa pag-iyak ganon din si Kuya.
Ilang minuto kaming ganoon at hindi umaalis sa aming pwesto. Walang salitang namagitan sa amin.
Ilang minuto ng katahimikan at nakita ko kung paano pinapakalma ni Tom ang kanyang sarili. Maraming malalalim na paghinga ang kanyang ginawa bago n’ya sinimulang magsalita.
“Kaya kong ibaba ang sarili ko para sa pagmamahal ko sa’yo Xander, alam mo ba ’yon?” sambit ni Tom habang umiiyak.
Hindi sumagot si Kuya. Patuloy pa rin s’yang umiiyak kaya nagpatuloy si Tom.
“Pero nakakapagod din pala. Akala ko hindi na ako makakaramdam ng pagod. Hanggang dito na lang ang kaya ko Xander. Pagod na akong ipaglaban ka. Pagod na rin akong masaktan.” pagpapatuloy ni Tom.
Nagulat ako sa mga sinabi ni Tom. May ideya na ako sa sinasabi n’ya ngunit pinili kong pakinggan na lamang s’ya sa mga susunod n’yang sasabihin.
Nakita kong inangat ni Kuya ang kanyang ulo at tiningnan si Tom. Nakatingala itong tinanong si Tom.
“A-anong ibig mong s-sabihin Tom?” takang tanong ni Kuya habang lumuluha.
Tiningnan ni Tom si Kuya habang patuloy ang pagpatak ng mga luha nila.
“Xander, pasensya ka na kung hindi ako naging sapat… Siguro may mga naging pagkukulang ako sa’yo… Siguro hindi sapat ang pinakita kong pagmamahal sa’yo… Pasensya ka na..” wika ni Tom.
Umiling-iling si Kuya bago nagsalita.
“H-hindi.. Tom… pakiusap, h’wag mong sasabihin na hihiwalayan mo ako.. pakiusap.. hindi ko kakayanin.. Tom…” muling pakiusap ni Kuya.
“Nagawa mo nang mawala ako sa’yo Xander… Kaya alam kong kaya mo.. Pasensya na….” wika ni Tom at tila nahihirapan bigkasin ang mga huling sasabihin n’ya. “P-pero… mukhang hanggang dito na lang tayo…” ang sunod n’yang sinabi at mas lalong napaiyak sa pagkakataong ito.
Nanlaki ang mga mata ni Kuya nang marinig n’ya iyon.
“Tom!!! H’wag mo naman sabihin ’yan.. Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako? Lahat gagawin ko… Pakiusap.. ’wag mo naman gawin sa akin ’to… Akala ko ba hindi mo ako isusuko? Sabi mo hindi ka aalis sa tabi ko hanggat kailangan kita ’di ba? Kailangan kita Tom… kailangan kita…” pagsusumamo ni Kuya kay Tom.
“Pero Xander… hindi ako ang sumuko… ikaw… ikaw ang sumuko sa ating dalawa… pinilit kong maging matatag.. pero ikaw ang nagtulak sa akin palayo…” sagot ni Tom sa kanya.
“H’wag Tom… please… h’wag mo akong iwan….” pakiusap ni Kuya habang nakaluhod pa rin at nakayakap kay Tom.
Hindi sumagot si Tom sa sinabi ni Kuya. Inangat n’ya ang kanyang mga kamay at hinawakan ang mga braso ni Kuya na nakayakap sa kanya. Nakita ko kung paano n’ya sapilitang tinatanggal ang mga kamay ni Kuya sa kanyang bewang.
“Tom… please… h’wag ganito… ayoko.. hindi ako bibitaw…” pakiusap pa rin ni Kuya.
“Matagal ka nang bumitaw Xander… Matagal na…” sagot ni Tom kay Kuya.
“Tom…. hindi ko kaya… h’wag mong gawin sa akin ’to… ’wag mo akong iwan.. pakiusap…” pagmamakaawa ni Kuya habang umiiyak.
Mas lalong naging determinado si Tom na tanggalin ang mga kamay ni Kuya sa kanyang bewang hanggang sa tuluyan itong matanggal.
“Sana noon mo sinabi ’yan noong mga panahon na halos manlimos ako sa’yo… Noong mga panahon na nagmamakaawa rin ako sa’yo.. Kasi ngayon Xander, hindi ko na kaya… Masyado na akong durog na durog…” wika ni Tom habang umiiyak.
“Tom… please… sabihin mo lang kung anong pwede kong gawin para mapatawad mo ako…” muling pakiusap ni Kuya.
Hindi muna nagsalita si Tom ng ilang segundo. Ngunit matapos iyon ay nakakita ako ng tapang sa kanyang mga mata sa unang pagkakataon.
“Sigurado ka Xander? Kahit ano?” tanong ni Tom kay Kuya.
“Kahit ano Tom… kahit ano…” sagot ni Kuya sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.
Huminga ng malalim si Tom bago nagsalita.
“Gusto kong maghiwalay na tayo. Palayain na natin ang isa’t-isa simula sa araw na ito. Gusto kong magsimulang mamuhay ng hindi ka kasama. At gagawin ko iyon ngayong oras na ito. Sisimulan ko paglabas ko ng bahay na ito.” determinado n’yang wika.
Nagulat man ako sa kanyang sinabi ay hindi ako nagsalita.
Umiling-iling si Kuya tanda ng hindi pagsang-ayon sa kagustuhan ni Tom. Patuloy s’yang nagmamakaawa kay Tom ngunit mukhang desidido na si Tom.
“Tom… please….” sambit ni Kuya. Nakaluhod pa rin ito hanggang ngayon na nakaharap kay Tom.
Nakaramdam din ako ng awa kay Kuya sa sandaling ito. Ngunit hindi ko masisisi si Tom sa naging desisyon n’ya. Masyado na s’yang maraming hirap na dinaanan.
Humarap sa akin si Tom at tinalikuran si Kuya na nakaluhod pa rin hanggang ngayon at patuloy na umiiyak.
“Daniel, umalis na tayo. Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga.” wika n’ya sa akin.
Hindi n’ya na ako hinayaang sumagot. Humakbang s’ya patungo sa pinto at nilampasan ako. Muli kong nilingon si Kuya na hindi na tumayo mula sa pagkakaluhod. Iyak lamang s’ya ng iyak at kitang-kita ko ang pagsisisi n’ya.
Tinalikuran ko na rin si Kuya at sinundan si Tom.
Pagkarating namin ni Tom sa parking ay bigla s’yang huminto sa paglalakad.
“Tom…” pagtawag ko sa kanya.
Ang kaninang tapang na kanyang pinakita ay naglaho. Tiningnan n’ya ako at nagsimula nanamang umagos ang kanyang mga luha.
Agad ko s’yang niyakap dahil iyon ang alam kong kailangan n’ya.
“Ang sakit-sakit Daniel… Akala ko kakayanin ko pa ang mga susunod… Nakakapagod din pala… Hindi ko alam kung paano na ako magsisimula ngayon…” wika n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod.
“Tahan na Tom… kasama mo ako… hindi kita pababayaan… Sasamahan kita…” wika ko sa kanya.
Mas lalong lumakas ang kanyang pag-iyak ng sandaling iyon. Damang-dama ko ang kanyang paghihirap at paghihinagpis.
Ilang minuto pa kaming ganon at hinintay s’yang iiyak lang ang lahat ng sakit na nararamdaman. Makalipas ang ilang sandali ay bumitaw s’ya at nagsalita.
“Ngayong nangyari na ito, kailangan kong ituloy ang unang plano ko Daniel… Kailangan kong magsimulang muli…” wika n’ya sa akin.
“S-sigurado ka na ba d’yan?” nabibigla kong tanong sa kanya.
“Kailangan kong gawin ito. Gusto kong magsimulang muli. Pero kailangan kong pag-isipan kung ano ang mga magiging hakbang ko.” sagot n’ya sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at tiningnan s’ya sa mata.
“Tom, ’di ba sabi ko sa’yo sasamahan kita sa lahat ng oras? Hindi kita iiwan, kasama mo akong magsisimula.” wika ko sa kanya.
“Daniel…” tangi n’yang nasabi. May plano s’yang kontrahin ako pero hindi ko na s’ya hinayaan na magsalita.
“Matagal ko nang napag-isipan ito Tom. Hindi ko hahayaan na iwan ka sa ganitong sitwasyon. Sasamahan kita at desidido na ako.” madiin kong wika sa kanya.
Hindi na s’ya nakapagsalita pa kaya nagsimula na akong maglakad at hinila na lamang s’ya patungo sa aking motor.
Hindi ko kayang iwan si Tom sa ganitong kalagayan. Mahalaga s’ya sa akin at hindi ko hahayaang patuloy s’yang masasaktan. Sasamahan ko s’ya hanggat kailangan n’ya ng makakasama.
.
.
.
XANDER POV
Matapos ang ilang linggo simula nang makipaghiwalay sa akin si Tom ay doon ako tuluyang nagising. Naisip ko ang mga naging hirap n’ya sa akin. Labis akong nagsisisi sa nangyari. Napabayaan ko s’ya at hindi inisip na nasasaktan na s’ya.
Sa loob ng ilang buwang relasyon namin ni Tom ay ngayon ko lamang napagtanto na mas mahal ko pala s’ya at hindi ko kayang mawala s’ya sa akin. Mas masakit ang naging pag-alis n’ya kesa noong iniwan ako ni Josephine. Mahal na mahal ko si Tom at parang mamamatay ako kung hindi ko s’ya makakasamang muli.
“Xander itigil mo na nga ’yan! Halos isang buwan ka nang walang ginawa kundi ang uminom! Magkakasakit ka na n’yan sa ginagawa mo!” pagsita sa akin ni Randy.
Narito kaming lima sa bahay ni Randy. Si Shai, Dominic at Rigo ay narito rin. Dito muna ako nag-stay simula nang iwan ako ni Tom. Hindi ko kayang mag-stay sa bahay ko dahil paulit-ulit kong nakikita ang senaryo ng pakikipaghiwalay sa akin doon ni Tom.
Pinasundo ko rin muna si Carla sa kanyang Yaya para doon muna sa bahay namin sa Manila. Malapit na rin naman kasi ang pasukan sa school kaya kailangan na rin n’yang umuwi. Isa pa, baka mapabayaan ko lang s’ya. Si Josephine naman ay pinilit ko pa at halos ipagtabuyan kong umuwi na sa bahay n’ya.
Oo, simula nang nakipaghiwalay sa akin si Tom ay wala na akong ginawa kundi ang uminom. Hindi na rin ako nakakapasok sa trabaho dahil patuloy ko pa ring hinahanap si Tom na ngayon ay tila ba pinagtataguan na ako. Sinubukan ko s’yang puntahan sa kanilang bahay ngunit nabalitaan kong umalis na raw sila roon. Sinubukan kong gawin ang lahat para mahanap s’ya ngunit bigo ako. Kahit ang mga kaibigan n’ya ay walang ibinigay na detalye kung nasaan na ito. Mukhang nagpalit na rin ito ng number dahil hindi ko na rin s’ya makontak.
“Bakit hindi mo sinabi agad sa akin Shai na nag-resign na sa trabaho si Tom?” tanong ko kay Shai.
“Wait! Ako ba ang sinisisi mo Xander?! Nakiusap sa amin si Tom na ’wag ipaalam ’yon sa’yo! Do you have any idea kung bakit s’ya nag-resign? Para ibigay sa’yo ang buong oras n’ya para makasama ka! Wala kang alam ’di ba?! Dahil busy ka sa bitch na Josephine na ’yon! Did you even tried to call us kung kamusta na si Tom? Even your business ay hindi mo man lang nagawang kamustahin dahil busy ka sa babaeng ’yon! Now tell me! Sino ba ang dapat sisihin dito?!” galit na pagsasalita ni Shai sa akin.
“Shai, enough! Hindi naman makakatulong ’yang paninisi mo eh. Nangyari na, kailangan na lang natin hanapin si Tom. Baka si Daniel ay may idea kung nasaan s’ya. Hintayin na lang natin s’yang makabalik mula sa leave n’ya.” pag-awat naman ni Dominic.
Tumahimik naman kaming lahat bago nagsalita si Randy.
“No need for that. Mukhang kasama n’ya nga si Tom. Pumunta s’ya kahapon sa restaurant at kinausap ako. Nagpasa na rin s’ya ng resignation letter n’ya.” wika ni Randy.
“What?!” reaksyon naming lahat maliban kay Shai sa sinabi ni Randy. Mukhang pati s’ya ay alam na ang bagay na ito.
“What you heard is true. We tried to ask him kung bakit, pero hindi n’ya sinabi. Hindi rin s’ya nagbigay ng kahit na anong information kung nasaan si Tom.” sagot ni Shai.
“Ibinenta na rin ni Daniel ang condo unit n’ya. Hindi alam ni Daniel na kaibigan ko ang pinagbentahan n’ya. It was an accident nung mabasa ko ang Deed of Sale ng unit n’ya. I asked my friend kung makakakuha s’ya ng information kay Daniel kung bakit n’ya ibinenta ’yon. Pero personal reason daw kaya wala rin kaming napala.” mahabang wika ni Rigo.
Lahat kami ay hindi nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Mahalaga ang condo ni Daniel sa kanya kaya imposibleng ibenta n’ya ’yon. Maliban na lamang kung aalis ito at hindi na titira doon. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng mga oras na iyon.
“M-may idea ba kayo k-kung may planong umalis si Daniel ng bansa?” tanong ko sa kanilang kinakabahan.
Saglit silang nag-isip sa aking tanong. Nakita kong nagkatinginan sina Randy at Shai.
“Randy! Shai! Sagutin n’yo ako!” tanong kong pasigaw sa kanila.
“W-wala Xandz… Wala kaming idea kung aalis si Daniel ng bansa… M-maliban na lang k-kung…” sagot ni Randy na hindi maituloy.
“Maliban na lang kung ano?!” tanong kong muli ng pasigaw.
Si Shai na ang sumagot sa pagkakataong ito.
“Maliban na lang kung plano n’yang sumama kina Tom paalis ng bansa. ’Yun ay kung itutuloy nga ni Tom ang sinabi n’yang plano noon.” sagot ni Shai.
“P-plano? A-aalis si Tom?” utal kong tanong.
“Oo. ’Yun ang sinabi n’yang plano n’ya noon nung mag-resign s’ya kung sakaling hindi ka n’ya mabawi. Sasama s’ya sa pamilya n’ya sa ibang bansa para ipagpatuloy na lang ang pag-aaral n’ya.” mahinahong sagot ni Randy.
Dahil sa narinig ko ay hindi ko nakontrol ang sarili ko. Naibato ko ang baso kong may alak sa sahig. Wala akong alam na may ganoon palang plano si Tom.
“Bullsh*t! Bakit hindi n’yo man lang sa ’kin sinabi ’yan?!” sigaw kong tanong sa kanila.
Tiningnan ako ng masama ni Shai at saka ako hinarap. Nagulat ako ng bigla ako nitong sampalin sa kaliwang pisngi. Hindi ako nakagalaw at natulala na lamang sa ginawa n’yang iyon.
“Are you really that stupid Xander?! Ikaw ang boyfriend ni Tom kaya dapat ay alam mo ang mga bagay na ’yon! Sinubukan ni Tom sabihin ’yon sa’yo ng ilang beses!! Pero nasaan ka?! Wala!! Sinabi n’yang handa s’yang magpaiwan dito para sa’yo at hindi samahan ang pamilya n’ya sa ibang bansa para lang makasama ka!! Pero anong ginawa mo?!! Hindi mo s’ya binigyan ng chance na makausap ka!! Now tell us!! Kami ba ang dapat na sisihin dito?!!” gigil na gigil na sumbat sa akin ni Shai.
Natahimik ako sa kanyang mga sinabi. Tinalikuran n’ya ako at agad na kinuha ang kanyang bag at susi ng kanyang kotse. Bago pa s’ya umalis ay humarap itong muli sa akin. Nakita kong pumatak ang isang luha sa kanyang mga mata bago nagsalita.
“Masakit ba Xander? Masakit ba ang mabalewala? Kulang pa ’yan sa mga pinaranas mo kay Tom. Kaibigan kita, matalik na kaibigan, kapatid na nga kung tutuusin. Pero hindi ko kinaya ang pagpapahirap mo kay Tom. Sana sinaksak mo na lang s’ya, sana pinatay mo na lang s’ya. Para isang sakit lang ang mararanasan n’ya. Kaso hindi eh! Unti-unti mo s’yang pinatay! You’re the worst! Sorry, pero hindi sa’yo ang sympathy ko. Not this time Xander.” ang may diin n’yang wika sa akin.
Matapos n’yang sabihin iyon ay lumabas na ito ng unit ni Randy. Lalo akong nagsisi sa mga nagawa ko kay Tom.
Walang lumabas na salita sa bibig ko ngunit hinayaan kong ilabas ang tunay kong nararamdaman sa pamamagitan ng mga mata ko. Walang tigil ang mga luha ko sa pagbuhos. Luha ng pangungulila at luha ng labis na pagsisisi.
Tahimik lamang ang tatlong kaibigan ko na kasama ko ngayon. Marahil ay gusto rin nila akong sisihin sa mga oras na ito ngunit pinili na lamang nilang hindi magsalita.
Ipinagpatuloy ko ang aking pag-inom ng alak. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong maibalik si Tom. Gusto kong mabawi s’ya. At kung sakaling makabalik s’ya sa akin ay gagawin ko na ang lahat para lang hindi na s’ya mawala pa sa akin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako isang gabi dahil sa patuloy na pagtunog ng cellphone ko. Masakit pa ang ulo ko dahil hanggang tanghali akong nag-iinom. Iniwan na lamang ako ni Randy dito sa condo n’ya dahil kailangan n’yang pumasok sa restaurant.
Nakita kong tumatawag sa akin si Shai. Nagtataka man ay sinagot ko pa rin ito.
“Hello?” pagsagot ko sa tawag n’ya.
“Ayaw pa sana kitang kausapin Xander, but I think this will be your last chance.” wika n’ya sa kabilang linya.
“A-ano ’yon Shai?” kinakabahan kong tanong.
“Narinig ko si Charm na kausap sina Ben at Dee sa crew room. Sinabi ni Charm na ngayong gabi ang alis nila Tom. Sasama silang lahat para ihatid si Tom sa airport. If I were you, ayusin mo na ’yang sarili mo dahil 2am ang flight nila Tom. 9pm pa lang Xandz, kaya may oras ka pa kung gusto mo s’yang makita. I’ll text you sa iba pang details.” mahabang paliwanag ni Shai.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig ko. Totoo nga, aalis na si Tom. Parang hindi ko kaya.
“Xandz? Are you still there?” tanong muli ni Shai.
“Shai… p-parang hindi ko kayang makita s’yang paalis…” ang nanghihina kong sambit sa kanya.
“Xander! Ano bang mas gusto mo?! Ang hindi mo na s’ya makita kahit kailan o ang makita s’ya for the last time?! Hindi mo ba naisip na baka may chance pa para magbago ang isip n’ya kung magkakausap kayo?!” pasigaw na wika ni Shai.
Saglit akong napaisip sa mga sinabi ni Shai. Tama, maaaring ito na ang huling pagkakataon ko para makausap si Tom. May natitira pang pag-asa na mabawi ko s’ya. Maliit man ang chance ay kailangan kong subukan iyon.
“Shai… salamat.” tangi kong nasagot sa kanya.
“Save it Xander! Now, move!!” sigaw n’ya rin sa kabilang linya.
Agad kong binaba ang tawag at agad na tinungo ang banyo para maligo. Nawala ang iniinda kong sakit ng ulo at tanging excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Mabilis ang lahat ng naging pagkilos ko. Tinakbo ko rin ang parking lot para kunin ang kotse ko. Pero kamalas-malasan ay ayaw mag-start nito.
“Tang*na naman! Makisama ka naman ngayon!” sigaw ko na parang tanga na kinakausap ang walang malay na kotse.
Ilang subok pa ang aking ginawa ngunit ayaw pa rin nitong mag-start. Nagdesisyon na lamang akong bumaba ng aking kotse at kumuha na lamang ng taxi.
Maglalakad na sana ako palabas ng parking nang biglang may bumusina sa aking likuran. Nilingon ko ito at nakita ko si Randy dala ang kanyang kotse.
“Sakay na! Baka mahabol pa natin sila!” sigaw n’ya sa bintana ng kotse n’ya.
Hindi na ako nagsalita pa at agad na pumasok na ng kotse n’ya.
Nang nasa byahe na kami ay tahimik lamang kaming dalawa. Wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal na sana ay maabutan ko pa si Tom. Nakatanggap na rin ako ng text mula kay Shai para sa ibang detalye ng flight ni Tom.
Isang oras din yata ang naging byahe namin dahil may mga bahagi ng kalsada na medyo traffic.
Pagdating namin sa airport ay mabilis kaming pumasok sa loob. Halos tumalon ako para lang mahanap si Tom. Nagawa ko pang tumungtong sa mga upuang naroon at inilibot ang aking paningin. Tinutulungan din ako ni Randy na maghanap.
Lakad takbo ang ginawa ko.
“Tom!!!” sigaw ko sa airport.
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng tao sa paligid. Ang mahalaga sa akin ay makita ko si Tom.
“Tom!!! Nasaan ka?!!” sigaw kong muli.
“Chef Xander?!” ang biglang tinig mula sa likuran ko.
Nilingon ko ito at nakita ko si Ben na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Agad ko itong hinarap at hinawakan sa magkabilang balikat.
“Ben, nasaan si Tom?!” may kalakasang tanong ko sa kanya.
Nakita kong napalunok ito at tila ba kinakabahan.
“S-sorry Chef… H-hindi ko pwedeng sab—” ang hindi n’ya na naituloy na sasabihin dahil muli ko s’yang sinigawan.
“Sabihin mo sa akin kung nasaan si Tom! Dahil kapag hindi mo sa akin sinabi ay tatanggalan kita ng trabaho!!” pasigaw kong banta sa kanya.
Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Alam kong mali ang pamamaraan ko ng paghingi sa kanya ng impormasyon ngunit wala na akong iba pang maisip na paraan para lang makita pa si Tom.
“N-nandoon po Chef…” ang sagot n’ya sa akin habang tinuturo ang isang bahagi ng departure area na hindi ko pa napupuntahan. “K-kaso baka hindi mo na din sila abutan Chef… Tinawag na kasi ’yung mga passengers para sa flight nila eh… Kaya nga po pauwi na rin sana ako nung nakita kita…” dugtong n’ya pa.
Agad akong kumilos at binitiwan si Ben. Tumakbo ako hanggang sa marating ko ang lugar na itinuro ni Ben. Nasalubong ko pa sina Charm at Dee na mukhang nanggaling rin doon.
“Sir Xander! H’wag mo na s’yang sundan!” ang sigaw na may galit sa tinig ni Charm.
Hindi ko s’ya pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang pagtakbo ko.
Nakita ko ang mga pasaherong papasok sa pintong bahagi ng departure area na iyon ngunit hindi ko makita si Tom dahil sa dami nila.
“Tom!!!” sigaw ko habang tumatakbo.
Napatigil ang mga taong naroon dahil sa pagsigaw ko.
“Master Tom!!!” sigaw kong muli.
Sa kalagitnaan ng paghahanap kong iyon ay tila ba nadinig ang panalangin ko. Hindi ko alam kung paano nangyari na ang mga taong naroroon ay unti-unting nagsitabi at nagbigay daan para makita ko ang hinahanap ko.
Nakatalikod s’ya sa akin ngunit kilalang-kilala ko ang likod n’yang iyon.
“Master Tom!!” tawag kong muli sa kanya.
Nagsimula nanaman bumuhos ang aking mga luha. Hindi pa rin s’ya sa akin humaharap kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinatatayuan n’ya. Humarap rin sa akin ang kanyang mga kasama na sina Mama Lita, Papa Nate, Julius at ang kapatid kong si Daniel.
Nang marating ko ang kanyang pwesto ay hinawakan ko s’ya sa kanyang kamay habang nakatalikod pa rin s’ya.
“H’wag mong hawakan ang anak ko!” madiin na utos sa akin ni Mama Lita.
Nakita ko ang galit sa kanya. Hindi ako nakapagsalita kaya nagpatuloy s’ya.
“Hindi ko alam ang tunay na dahilan ng pagkakaganyan ng anak ko! Pero bilang isang ina, alam kong may kinalaman ka rito Xander. At bilang isang ina, hindi ako papayag na patuloy na masaktan ang anak ko.” dugtong pa nito.
Sa wakas ay nagawa ni Tom na gumalaw. Hinarap n’ya si Mama Lita at mahinahong kinausap.
“Ma… Sige na po, kakausapin ko lang s’ya… Mauna na po kayo sa loob… Saglit lang po ito…” pakiusap ni Tom kay Mama Lita.
“Pero anak!” pagtutol ni Mama Lita.
“Honey, sige na. Hayaan mong makapag-usap sila kahit saglit. Mauna na tayo sa loob.” ang pakiusap naman ni Papa Nate.
Hindi ko nakitaan si Papa Nate ng galit sa mga mata ngunit blangko lamang ang kanyang ekspresyon.
Saglit akong tiningnan ng masama ni Mama Lita bago tiningnan si Tom.
“Sige. Pero sasamahan ka ni Daniel.” ang may diin n’yang utos.
Tumango-tango naman si Tom sa sinabi ng ina. Iginaya na rin ni Papa Nate at Julius si Mama Lita na pumasok na sa loob. Si Daniel naman ay naiwan na kasama namin ni Tom.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras para makausap si Tom. Agad ko s’yang niyakap nang s’ya ay humarap sa akin.
“Tom… please… ’W-wag kang umalis… ’Wag mo akong iwan… M-magbabago na ako… Lahat ng gusto mo susundin ko na… H-hindi ako magrereklamo, nangangako ako sa’yo…” pagmamakaawa ko sa kanya.
Narinig ko ang impit n’yang pag-iyak sa aking balikat matapos kong sabihin iyon. Nagawa n’ya rin akong yakapin pabalik.
“Xander… hindi kasi ganon kadali iyon… Nakapagdesisyon na ako… Kailangan ko ulit mabuo… Masyado na akong maraming sakit na pinagdaanan kaya kailangan kong magsimulang muli…” pagsagot n’ya sa akin.
“Hindi mo na ba ako mahal? Alam ko namang nagkamali ako Tom, pero sana bigyan mo naman ako ng pagkakataon… nakikiusap ako sa’yo…” pakiusap kong muli sa kanya.
“Mahal na mahal kita Xander… Pero hindi ko kayang makihati sa pagmamahal mo… May pamilya ka… Nand’yan na rin si Josephine… Nagkasakitan na rin tayo kaya sa tingin ko ito na rin ng tamang panahon para palayain na natin ang isa’t-isa… “ mahaba n’yang paliwanag sa pagitan ng pag-iyak.
“Pero Tom… ikaw ang mahal ko… hindi s’ya..” pagtukoy ko kay Josephine.
“Hindi lang naman ’yun ang dahilan Xander eh… Kailangan ko rin matutunan na mahalin ang sarili ko… Masyado akong mahina… Masyado kong kinalimutan ang sarili ko dahil sa pagmamahal ko sa’yo… Hayaan mo muna akong makabawi kahit para sa sarili ko lang…” muli n’yang sambit.
“Pero Tom.. hindi ko kayang mawala ka… mahal na mahal kita..” pakiusap ko pa sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak at mas hinigpitan ko pa ang aking yakap.
“Nakikiusap din ako sa’yo Xander… ’Wag mo na akong pahirapan… Buo na ang desisyon ko… Simula na rin ito ng katuparan ng mga pangarap ko… Ang makasama ng buo ang pamilya ko… Ang makatapos sa pag-aaral ko… Kaya sana, ibigay mo na rin ang pagkakataong ito sa akin… Subukan mong kalimutan ako… At susubukan ko ring kalimutan ka…” muli n’yang pakiusap.
Hindi ako nakaimik dahil sa mga huli n’yang sinabi. Hindi ko akalain na masasabi n’ya iyon. Marahil ay sobra-sobrang sakit ang idinulot ko sa kanya para makapag-desisyon s’ya ng ganon.
“Tom, kailangan na nating umalis.” ang biglang wika ni Daniel sa aming tabi.
Naramdaman ko ang unti-unting pagbitaw sa akin ni Tom.
“Xander please… kailangan na namin umalis..” wika n’ya sa akin dahil hindi ko pa rin s’ya magawang bitawan.
“Kuya… kailangan na naming umalis.” pakiusap ni Daniel sa akin.
Unti-unti akong itinulak ni Tom dahilan para mabitawan ko s’ya. Nakita ko ang sakit sa kanyang mga matang patuloy sa pag-iyak.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan s’ya sa magkabilang pisngi. Muli ko s’yang hinagkan sa kanyang labi. Habang patuloy ang aming pagluha ay magkadikit ang aming labi at dinadama ang huling halik naming dalawa. Dama ko ang pagmamahal n’ya sa akin sa kanyang pagtugon sa aking halik.
Ilang sandali pa ay s’ya na rin ang bumitaw sa aking paghalik. Magkadikit ang aming mga noo at hawak ko pa rin s’ya sa kanyang mga pisngi.
“Mag-iingat ka… salamat sa lahat Xander… salamat sa pagmamahal… Master…” wika n’ya at agad na tumalikod sa akin habang patuloy pa rin sa pag-iyak. “Tara na Daniel. Hinihintay na nila tayo sa loob.” pagtawag n’ya naman kay Daniel.
Tiningnan ako ni Daniel bago nagsalita.
“Kuya, ingatan mo ’yang sarili mo. Aalis na rin ako..” pamamaalam n’ya sa akin.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Bigo akong maibalik sa akin si Tom. Binigo ko si Tom sa mga binitiwan kong pangako sa kanya. Hinarap ko si Daniel at nakiusap ako.
“Daniel… ingatan mo si Tom… pakiusap… alagaan mo s’ya… ’W-wag mong gawin sa kanya ang mga ginawa ko… Alalayan mo s’ya… Gawin mo ang lahat para mapasaya s’ya… Kung kinakailangan mong burahin ang ala-ala ko sa kanya, gawin mo para lang mapasaya s’ya… nakikiusap ako sa’yo… hihintayin ko ang pagbabalik n’yo…” pakiusap ko kay Daniel habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
“Hindi mo na kailangang makiusap sa akin Kuya.. Gagawin ko ang lahat para makabangon s’ya.. Hindi ako aalis sa tabi n’ya.. Babantayan ko s’ya..” sagot sa akin ni Daniel.
Agad ko s’yang niyakap na s’ya rin naman n’yang tinugon.
“Mag-iingat ka Kuya…” wika n’ya sa akin.
Tumango-tango na lamang ako dahil hindi ko na kaya pang magsalita.
Matapos namin bumitaw ay unti-unti na silang naglakad papasok sa loob. Pinanood ko na lamang sila habang papalayo. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi ko alintana ang tingin ng mga taong naroroon.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghawak ng isang kamay sa aking balikat.
“Xandz, wala na sila. Halika na, umuwi na tayo.” ang may pag-aalalang wika ni Randy.
Hindi ko na nakikita pa sila Tom kaya unti-unti na rin akong tumalikod at hinarap si Randy. Nasa kanyang tabi rin sina Charm, Dee at Ben. Nakita kong lumuluha rin sila. Alam kong nakakaawa ako ngayon, pero kasalanan ko ito. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ko sana sinaktan si Tom, hindi ko rin mararanasan ang sakit na ito.
Bago pa kami magsimulang maglakad ay muli kong nilingon ang pinto na pinasukan nila Tom.
“Hihintayin kita Tom… Hihintayin ko ang pagbabalik mo… Mahal na mahal kita kaya kahit gaano katagal, maghihintay ako…” wika ko.
Matapos kong sabihin iyon ay sabay-sabay na kaming naglakad paalis sa lugar na iyon.
‘Maghihintay ako Tom, kahit gaano pa katagal.’
END OF BOOK 1…
A/N
Ayun na nga po. Salamat po sa mga sumubaybay sa Book 1 ng ‘Taste of a True Love’.
Kung may nagalit man po sa ending ng book 1, pasensya na po. Sorry po ulit. Pero dito po kasi magsisimula ang mga pagbabago na mangyayari sa book 2.
Again, salamat po ng marami sa inyo!
Sana ay basahin n’yo rin po ang book 2 na makikita n’yo rin sa profile ko.
T
hank you!
Ciao!
––cold_deee
BOOK 2 TEASER
A/N
Eto na po ang teaser para sa book 2!
Nasa media na rin po ang cover ko para dito.. May idea ba kayo kung anong mangyayari sa book 2 base sa cover na ginawa ko? hehe! comment kung meron man! hahaha!
Sinadya ko rin po pala na hindi muna lagyan ng POV ang TEASER ng Book 2 para iwan kayo ng palaisipan kung sino-sino ang mga character na ’yan.
Magkakaibang eksena din po ang nand’yan na mababasa n’yo sa random chapters. Hehe!
“Bae, tikman mo ’tong niluto ko.” wika ko sa kanya habang nakaabang na ang spoon na may pagkain na ipapatikim ko sa kanya.
“Ayoko Bae! Baka kagaya nanaman ’yan ng ginawa mo last time! Baka may sili nanaman ’yan sa loob!” nagtatampo n’yang sambit.
Natawa ako sa naging reaksyon n’ya.
“Hindi na! Promise!” wika kong natatawa.
“Kapag bored ka talaga, ako ang nakikita mo noh?!” inis n’ya pang sambit.
“Hahahaha! Ang cute mo kasi Bae!” natatawa kong balik sa kanya.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
“Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa’yo… Pero sana nabigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag..” wika ko sa kanya.
“Para saan pa? Tapos na tayo ’di ba? At isa pa, may kanya-kanya na tayong buhay. Hindi ka man masaya sa buhay mo ngayon, hindi ko na kasalanan ’yon! Pinili mo ’yan kaya panindigan mo na lang!” nakangisi n’yang pagkakasabi sa akin.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
“Patawarin mo kami anak kung kailangan mong isakripisyo ang kaligayahan mo… Patawarin mo kami kung kailangan namin gawin ito…” sinsero n’yang paghingi ng tawad sa akin.
“Nangyari na po ang lahat… Isa pa, para rin naman po sa inyo ang lahat ng ito… Lalo na po sa kanya… Mahal na mahal ko s’ya kaya gusto ko s’yang protektahan…” sagot ko sa kanya.
“Matatapos na rin ang lahat ng ito… Maibabalik mo rin s’ya sa’yo..” muli n’yang wika sa akin.
“Mukhang malabo na po ’yang sinasabi n’yo… Kung doon po s’ya magiging masaya, handa po akong magsakripisyong muli…” sagot ko sa kanya.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
“Kamusta ka naman? I guess loser pa rin?” tanong n’yang nakangisi.
“At ikaw? Mmmm… Let me guess! Still a bitch?” tanong kong pabalik sa kanya.
“Well, mas maganda na ang maging bitch! Tingnan mo naman kung ano ang napala ng pagiging bitch ko? Nakukuha ko ang gusto ko!” balik n’ya sa akin.
“Oh c’mon! H’wag kang pakasiguro.” pauna kong wika. “Let me give you an advice, ’wag mo s’yang iwan mag-isa ha? Baka magulat ka na lang, magmamakaawa nanaman s’ya sa harapan ko.” nakangisi kong balik rin sa kanya.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
“Hanggang kelan mo balak magpakatanga? Alam mong hindi ka n’ya magagawang mahalin kahit ganyan na ang estado n’yo.” wika n’ya sa akin
ng may pag-aalala.
“Hindi ko alam. Hindi naman siguro masama na kahit minsan maramdaman kong may nagmamahal sa akin ’di ba? Alam kong darating ang araw na iiwan n’ya rin ako. Pero kahit ngayon lang,
m
aranasan kong mahalin n’ya kahit huwad lang ang lahat. Alam kong panaginip lang ito, at alam kong bukas magigising din kaming pareho.“ mahabang sagot ko sa kanya.
“
Ewan ko sa’yo! Talagang hindi ka makakahanap ng tunay na magmamahal sa’yo kung patuloy mo lang s’yang susundan! Sa kanya lang kasi ang focus mo kaya hindi mo na napapansin ang paligid mo!“ wika n’yang pabalik sa akin.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
“Kelan mo balak sabihin sa kanya ang totoo? Bakit hindi mo pa gawin ’yon ngayon? Pagkakataon mo na ’to!” pangungumbinsi n’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago s’ya sinagot.
“Ngayon ko pa ba gagawin ’yon? Ngayon pa na nakikita ko na s’yang masaya?” tanong ko sa kanya pabalik.
“At papano ka naman? Ikaw naman ang nahihirapan. Paano na ang kaligayahan mo?” pag-aalala n’ya pa.
“Hanggat nakikita ko s’yang nakangiti, wala na akong mahihiling pa. Kaligayan ko na rin ang nakikita s’yang masaya.” sagot ko sa kanya.
A/N
Ayun na nga! Mga patikim pa lang po ’yan sa mga mangyayari sa book 2! Hehe!
Thanks guys! Sana po basahin n’yo pa rin po ang TASTE OF A TRUE LOVE II. Pakihanap na lang po sa profile ko.
Usap na lang tayo doon! Salamuch!
––cold_deee
PATALASTAS
Hello po! Baka may ilan sa inyo na gusto pang kilalanin ang bida sa kwentong ito, maaari n’yo silang i-add sa kanilang mga facebook account. Be friends with them at saksihan ang kanilang mga kalandian, kakornihan at kalokohan.
Naririto po ang kanilang mga Facebook account:
ALEXANDER ALVAREZ’s profile:
AXYLL TOM PEREZ’s profile:
Isingit na rin na rin natin si,
RANDY LIAM DE TORRES profile:
Usap-usap na lang po tayo doon!
Maraming salamat!
–– cold_deee

