TEAM TAYO: Mga Kwentong Ube
vincentmanrique · 14 chapters · 10,165 words
TEAM TAYO: Mga Kwentong Ube
Sa mundo, marami kang makikilalang mga tao. Yung iba, basta makikilala mo lang pero wala namang impact sa buhay mo. Yung iba naman, magkakaroon ng malaking epekto sa’yo. At sa ayaw mo at sa gusto ay magiging parte ng iyong pagkatao.
Marami pang dadating na tao sa buhay mo, pero iilan lang ang talagang hihipo sa puso at kaluluwa mo.
Book Cover By: Lovely Ann C. Hanopol (@DDGoddess)
Chapter 1 - CANOJOSP
Hello Josh,
What we really want to do is what we are really meant to do. When we do what we are meant to do, money comes to us, doors open for us, we feel useful, and the work we do feels like play to us. If you’re happy in what you’re doing, you’ll like yourself, you’ll have inner peace. And if you have that, along with physical health, you will have more success that you could possibly have imagined.
Find out what you like doing best and get someone to pay you for doing it.
Good luck!!!
I know you’ll find a new job soon. Continue with your master’s degree and do everything to finish it. When it’s done, you can climb to an even higher ladder of success. But, do not forget every person you have known and met along the way.
’Yan ang message ko kay Josh bago siya tuluyang umalis sa kompanyang naging tahanan niya sa loob ng mahigit dalawang taon. Gustong-gusto niya talagang magtrabaho dito. Alam ko kung gaano siya nagtiyaga at nagsikap para lang makapagtrabaho sa kompanyang ito. Di lang minsan niya sinubukang mag-apply bago niya tuluyang narinig ang mga katagang: “You’re hired!”
Thanks,
Tsong
,
Happy
naman
a
ko
at
nakapasok
…
Mukhang
wala
t
alaga
d
ito
a
ng
s
werte
ko.
Lols
:D Thanks and God bless!
Dama ko ang pait sa sagot niya sa mensahe ko. Pero wala na talagang magagawa. Kailangan nang umalis at humanap ng swerte sa ibang kompanya.
UserID: CANOJOSP
Si Josh ay isa sa original members ng Team Ube. Pangarap niyang maging indie film actor at magbida sa indie film na ang titulo ay “Hipo”. Pag kumita daw ang pelikula, siguradong magkakaroon ito ng part two at ang title naman ay “Lamas”. Biruan na namin na pag naging indie actor siya ay tataas ang presyo niya sa booking. Biruan lang naman yun. Usapang ewan lang. Kung seseryosohin niya, pwede naman. Pasable naman siya kung looks ang pagbabasehan. Kwento nga niya, muntik na siyang madiscover nung bata pa siya nung minsan may nagshooting sa lugar nila. Pero di pumayag ang parents niya. Sayang! Kung nagkataon, bata pa lang ay bumu-booking na siya?
Slim si Josh nang unang kita ko sa kanya dito sa kompanya. Maputi. Palatawa, pero madalas ay seryoso siya. May mga oras na parang ayaw niyang makipag-usap sa tao. Tutok na tutok lang siya sa trabaho.
Paglipas ng ilang buwan ay unti-unting nagkalaman ang dating manipis na katawan. Nakahiligan kasi niyang mag-gym at mag-zumba. Dati, hanggang sa loob ng opisina ay sinasayaw niya ang steps ng zumba sa tugtog ng kanta ni J-Lo.
KASAMA siya sa team building sa Laguna. One week pa lang yata siya nun sa trabaho. Tahimik siya, naobserbahan ko. Pero game sa lahat ng team building activities. Kaya nung unang nag-organize ang Team Ube ng overnight swimming activity, expected ko nang sasama siya. Pero iba ang sagot niya.
“May church kasi ako pag Saturday. Di ko po alam kung makakasama ako. Pipilitin ko pong makasama. Kahit sumunod na lang ako dun. Itext n’yo na lang sa akin kung paano pumunta dun,” sabi niya.
Ganun na nga ang nangyari. Sa araw ng outing, lahat ay sasakay sa inarkilang van papuntang Lalakay, Los Baños, Laguna maliban sa kanya.
Ah hindi. Nauna na nga pala sa resort si Kat. Taga-Biñan, Laguna kasi siya. Mas malapit kung didiretso na siya dun kesa pumunta pa siya ng Boni at sumabay sa team sa byahe. Sinadya naming paunahin si Kat dun para sa isang nilulutong sorpresa.
Medyo matagal din kami sa Robinsons Pioneer. Wala pa kasi yung van. Nakapag-grocery na kami ng mga kakainin sa outing. Mula sa chichirya, hanggang sa mga iinumin at mga lulutuin para sa isang magdamagang pagliliwaliw, ready na ang lahat.
Si Hero, nagutom na. Andun siya sa isang sulok ng waiting area ng Robinsons at pumapapak ng kanin at ulam. Isa ang kumuha ng litrato niya habang kumakain, dedma lang ang bata. Tuloy lang sa pagkain.
Ako naman, papasok sana ulit sa loob ng mall para bumili. Pero sa entrance ay tumunog ang aparatong idinidikit ng gwardiya sa bawat pumapasok.
“Sir, may dala po yata kayo diyan sa bag nyo,” sabi ng guwardiyang babae.
Para akong nahuli sa aktong gumagawa ng krimen. Naalala kong may dala akong kutsilyo at nakasilid yun sa bag ko.
“Sorry…” tanging nasabi ko, sabay talikod upang ibigay sa mga kasama ko ang bag. “Iiwan ko na lang dito yung bag.”
MAYA-MAYA’Y dumating na ang van at isa-isa na kaming nagsisakayan. Maingay kami habang binabagtas ng van ang daan papuntang Laguna. Aabutin siguro kami ng mahigit dalawang oras na biyahe, lalo na’t matrapik na pag ganitong oras. Buti na lang at dala ni Tina ang pocket wi-fi niya. Unahan sa pag-connect kasi lima lang ang mapalad na makakakonekta sa wi-fi. Yung mga hindi naka-connect ay nakuntento na lang sa walang patumanggang kwentuhan tungkol sa kung anu-ano lang naman. Bumangka rin ako siyempre hanggang napunta ang usapan sa showbiz kung saan updated ang lolo mo. Biruin mo, year 2012 yun pero ang pinag-uusapan namin ay ang issue ng mga Brunei Beauties! Napunta rin ang usapan sa mga kalokohan at bentang-benta kay Irish ang joke ko na gagawin nang Catholic School ang TESDA at tatawagin itong St. Tesda Catholic School na pwede ring St. Tesda of Calamba dahil eksaktong dumaan ng Calamba City Hall ang van na sinasakyan namin.
Pansamantalang nahinto ang kwentuhan pagdating namin ng Calamba City dahil lahat ay naging alerto sa dinadaanan namin. Gabi na kasi nun at hindi namin masyadong kabisado kung saan kami pupunta. Kailangang may nakatingin sa kaliwa’t kanang parte ng kalsada para hindi kami lumampas sa aming pupuntahan.
Di naman kami naligaw. Nakarating kami nang maayos sa Nuvo Hot Spring Resort. Sakto, andun na si Kat at inihanda na ang mga dapat ihanda.
Maayos na sa private pool resort. May mga lobong nakakalat sa pool. May ilang naka-display sa paligid ng lugar. At si Kat ang mag-isang gumawa nun. Naalala ko nung huli kaming mag-usap, sabi ko: “Paano yung mga lobo? Dadalhin mo ba dun na nakalobo na o dun mo na lang palolobohin?”
“Dun na lang, Tsong. Madali lang naman palobohin yun.”
KANYA-KANYANG takbuhan ang lahat. May pumasok sa kwarto para tingnan ang higaan. May nag-check ng CR. May dumiretso sa kusina upang umpisahan nang ihanda ang lulutuin para sa hapunan. Si Jas ay agad na tinanggal ang suot na t-shirt at mabilis na tumalon sa pool.
Kung anong bilis nang pagtalon ni Jas ay siya ring bilis ng pag-ahon niya. “Ang init!” Hindi niya inakala na mainit ang tubig sa pool.
No! hindi lang mainit. Sobrang init. Aba, kung maglalagay ka siguro ng itlog dito at ibababad mo nang matagal ay maluluto ang itlog.
Nagkanya-kanyang lubog ng paa ang iba pa upang tantiyahin kung gaano kainit ang tubig sa pool. At lahat ay kumbinsidong mainit nga talaga.
Eh siyempre! hot spring nga, di ba?
Nagpasya silang ’wag munang lumusong sa pool. May pumunta sa kusina upang tumulong sa mga nagsimulang maghanda ng kakainin. May pumili ng number sa songbook ng videoke. May dumiretso sa kwarto para saglit magpahinga. May abala sa pagkukwentuhan. Si Jas ay muling bumalik at naglunoy sa pool.
Maya-maya pa’y nagtext si Josh. Nasa SM Calamba na raw yung bus na sinasakyan niya. Niyaya ko si Kat na samahan ako sa labas ng subdivision para abangan ang pagdating ni Josh. Gabi na kasi. Sa isang first timer sa lugar na iyon, mahirap kalkulahin kung saan bababa. Maliban na lang siyempre kung alam ng konduktor ang lugar. Paano kung hindi?
Sumama na rin sa amin ni Kat si Raffy, Jessica, Jen, at Tina ang team lead namin.
Akala namin ay saglit lang at dadating na si Josh pero mukhang natrapik pa yata ang sinasakyan niyang bus kaya nilibang namin ang aming mga sarili sa pamamagitan ng pag-jump shot sa gilid ng highway. Si Tina siyempre ang aming photographer. Nakailang jump shots din kami bago may humintong bus sa kabilang gilid ng highway. Bahagya pa ngang lumampas ang bus. Nang muli itong umandar, nakita namin ang pasaherong bumaba. Si Josh.
PAGBALIK namin sa resort, nasa pool na ang iba. May isang busy sa videoke. Abala rin sa pagluluto at pag-iihaw si Ram at Jhelle.
Sa pagdating ni Josh ay tila nag-umpisa na ang totoong activity. Siyempre kumpleto na kami. Lahat ay naging abala na sa paglangoy. Ako naman ay mas minabuting ngumawa na lang sa videoke.
Nang matapos na sa pagluluto sina Jhelle at Ram ay kumain na kami. Dahil gutom at pagod, halos maubos ang inihandang pagkain. Buti na lang at marami talaga kaming baon kaya alam naming may kakainin pa kami hanggang bukas ng umaga. Salamat talaga kay Jhelle at Ram dahil sa super effort nila para maihanda ang mga pagkain. Tingin ko nga, mas marami silang naubos na oras sa pagluluto kesa sa pag-eenjoy na lumangoy sa pool.
Nang maghahatinggabi na ay inilabas na namin ang sorpresa. Hindi namin alam kung ay idea na sina Raffy at Jovil, pero nang ilabas namin ang dalawang cake (siyempre tig-isa sila), ay parang nagulat naman sila at di inaasahan ang eksena.
Sinindihan ang kandila at kumanta ng happy birthday. Ni-request namin na mag-wish sila bago nila hipan ang kandila. Pagkatapos ay mas naging masaya na ang sumunod na pangyayari dahil isa ang biglang kumuha ng icing sa cake at ipinahid iyon sa isa at lahat ay gumaya na.
Habulan. Tawanan. Sigawan. Lahat ay enjoy na enjoy sa simpleng kalokohang iyon. Sa background ay si Josh na walang pakialam na kumakanta sa videoke.
Si Hero ay busy naman sa pagdodokumento ng mga katuwaang iyon.
Click! Picture dito.
Click! Picture doon.
Isa ang nagpahid din ng ice cream sa kanya at dahil may dala siyang camera ay hindi na siya nakaiwas.
Si Irish at Jen ay sumali na kay Josh. Si Josh ang singer, si Irish at Jen ang dancers.
Sa huli, si Hero ang pinakamaraming icing sa likod. Ako ay konti lang dahil wala naman akong ginawa kundi umiwas nang umiwas.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Madaling araw na pero gising pa rin ang lahat. sayang ang dalawang malaking kuwarto, ginamit lang bilang tambakan ng mga gamit namin. Mas nilubos talaga kasi ng team na maglaro sa pool lalo na’t dala ni Tina ang celfone niyang pwedeng kumuha ng pictures underwater. Sosyal! Kanya-kanya silang sisid sabay picture kaya halos lahat sila ay mayroong underwater shots.
UMAGA NA ay ako pa rin ang bumabangka sa videoke. Ewan kung ano na ang nangyari kay Josh. Baka nasa room at nagpapahinga. Pero ang natatandaan ko, ako si Jhelle at Ram lang ang nasa pool area nang mga oras na iyon. As usual, abala na naman ang dalawa sa paghahanda ng agahan.
Maya-maya ay kumpleto na naman kami sa pool area pero wala nang naligo sa pool. Nag-shower na ang iba habang hinihintay na maluto ang pagkain. Yung iba naman ay inubos ang natitirang oras sa pagpi-picture taking.
Si Kat ay bihis na rin dahil maaga siyang susunduin ng mama at kapatid niya. Sila rin ang naghatid kay Kat sa resort kahapon.
Masaya ang naging salo-salo namin sa agahang iyon. Kinapos man ng konti sa ulam ay napagkasya na rin kung ano man ang nasa mesa.
Maya-maya pa’y dumating na ang sundo ni Kat at nagpaalam na siya sa team.
Hindi na rin naman kami nagtagal doon pagkaalis ni Kat. Hinintay lang naming maubos ang oras sa pamamagitan ng picture taking. Lahat na lang ng posing ay ginawa na ng team para bongga talaga ang souvenirs photos at memories sa unang team building activity ng team ube.
Pagdating ng caretaker ng resort ay binayad namin ang balanse ng renta at nagpaalam kami na aalis na, tutal naman ay dumating na rin ang van na inarkila namin para maghatid at sumundo sa amin sa resort.
Nang may madaanang kaming tindahan ng mga pasalubong, sandaling huminto doon ang van at bumili kami nang maiuuwing buko pie, lansones at iba pang sweets.
Marami sa amin ang nakatulog sa biyahe. halatang mga puyat at pagod. pero masayang-masaya sa mga alaala ng isang solidong pagsasama ng team ube.
BIGLANG NAGKAROON ng re-org sa buong team. Nagulat man ang lahat ay wala na silang magagawa. Nagkahiwa-hiwalay na ang team ube.
Si Josh ay napunta sa team red. Hindi ko na siya masyadong nakakasama mula nung malipat siya sa team na iyon. Ako man ay nalipat din ng team at napunta sa team blue. Halos lahat ng miyembro ng team ube ay napunta sa kung saan-saang team. Si Nhyang lang ang naiwan sa team ube.
Magkaganoon man, buo pa rin ang kinagisnan naming team ube. Ano man ang achievement ng isa, hindi nawawala ang katotohanang sa team ube siya natuto at nag-umpisa. Team ube ang humubog sa kung ano mang alam at nagagawa niya ngayon para sa team na kinabibilangan ng bawat isa.
Hanggang dumating ang panahon na halos lahat ng pumasok sa top ten ng stack ranking ng buong team ay galing lahat sa team ube. Isang karangalan iyon na ipinagmamalaki ng team hanggang ngayon. Ang dating mga newbie na tinuturuan lang ng mga tenured employees ay siya na ngayong nangunguna kung pagalingan sa trabaho ang labanan.
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan.
“Josh, nagresign ka na raw?”
“Oo, tsong.”
“Bakit? May lilipatan ka na ba?”
“Wala po,” dama ko ang lungkot sa kanyang boses.
“Di ba naka-enrol ka sa masteral ngayon? Paano’ng pag-aaral mo?” totoo ang pag-aalala ko.
Di na siya sumagot.
Di na rin naman ako nagpilit na sagutin niya ang tanong. Minsan may mga bagay na mas mabuting hindi na lang natin alam.
Dumating ang last day ni Josh sa trabaho. Isang email ang ipinadala ko sa kanya.
Hello Josh,
What we really want to do is what we are really meant to do. When we do what we are meant to do, money comes to us, doors open for us, we feel useful, and the work we do feels like play to us. If you’re happy in what you’re doing, you’ll like yourself, you’ll have inner peace. And if you have that, along with physical health, you will have more success that you could possibly have imagined.
Find out what you like doing best and get someone to pay you for doing it.
Good luck!!!
I know you’ll find a new job soon. Continue with your master’s degree and do everything to finish it. When it’s done, you can climb to an even higher ladder of success. But, do not forget every person you have known and met along the way.
NANG MAGRESIGN si Josh, nabalitaan ko na marami rin siyang inaplayang kompanya pero hindi naging madali sa kanya na makahanap ng mapapasukang trabaho. Hanggang isang araw, nakatanggap ako ng text sa kanya na nagsasabing gagawin daw niya akong character reference. Agad naman akong pumayag. Maliit na bagay lang iyon para tanggihan pa.
Natanggap naman si Josh sa inaplayan niyang iyon. Pero wala pang isang buwan ay nabalitaan kong nag-resign siya ulit. Pero mabuti naman at may nalipatan siya kaagad na mas maganda.
Ngayon ay mukhang nag-eenjoy naman siya sa bago niyang trabaho. Pansamantala muna niyang itinigil ang pag-aaral niya. Pero balita ko, itutuloy niya ulit iyon.
Si Josh ang isang halimbawa ng taong paulit-ulit na sumubok at paulit-ulit ding nabigo, pero hindi siya sumuko kahit kelan. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa Diyos na alam niyang hindi siya pababayaan.
Alam ko, dadating ang panahon na matutupad din ni Josh ang lahat ng kanyang mga pinapangarap. Dahil walang imposible sa isang taong nagsisikap sa kabila ng tila walang katapusang mga pagsubok sa buhay.
Chapter 2 - VILLMARF
“LADIES AND GENTLEMEN!!!!”
Dumagundong ang drums. Tilian ang audience na majority ay teenagers at yung mga nasa early twenties.
“Please welcome on stage… THE SUPER JUNIOR!!!”
Mas naging malakas ang hiyawan nang lumabas sa stage ang grupo kasabay ang intro ng kanilang kantang No Other. Parang mahihimatay pa ang ilan. Di maikakailang sikat na sikat talaga ang grupong Super Junior ng Korea.
Neo gateun saram ddo eopseo juwireul dureobwado geujeo georeotddeongeol eodiseo channi Neogachi joeun saram neogachi joeun saram neogachi joeun maeum neogachi joeun seonmul Neomu dahaengiya aesseo neoreul jikyeojul geu sarami baro naraseo eodiseo channi Nagachi haengbokan nom nagachi haengbokan nom nagachi unneun geureon choegoro haengbokan nom
Neoe ddaddeutan geu du soni chagapgge, chagapgge sigeo isseul ddae Neoe gangaeddeon geu maeumi nalkaropgge sangcheo badasseul ddae Naega jabajulge anajulge salmyeosi, geugeoseuro jageun wiroman doendamyeon jokesseo Eonjena deo maneun geol haejugo sipeun nae mam neon da mollado dwae
Gaseumi sorichyeo malae jayuroun nae yeonghon
Eonjena cheoeume i maeumeuro neoreul saranghae georeowatddeon siganboda nameun nali deo mana
Maganda ang melody ng kanta. Nakakaindak. Kaya naman lalong naging wild ang audience. Sayaw kung sayaw. Bigay kung bigay.
Neo gateun saram ddo eopseo juwireul dulleobwado geujeo georeotddeon geol eodiseo channi Neogachi joeun saram neogachi joeun saram neogachi joeun maeum neogachi joeun seonmul Neomu dahaengiya aesseo neoreul jikyeojul geu sarami baro naraseo eodiseo channi Nagachi haengbokan nom nagachi haengbokan nom nagachi unneun geureon choegoro haengbokan nom
Sa audience ay parang tulala lang si Irish. Di pa rin siya makapaniwalang andito siya ngayon at live na pinanonood ang concert ng pinakapaborito niyang KPop group. Front row pa naman siya kaya ang lapit-lapit niya sa stage. Kitang-kita niya mula sa malapit ang grupong kinakikiligan hindi lang niya kundi nang maraming kabataang umiidolo sa Super Junior.
Bumaba sa stage si Lee SungMin. Mas lalong naging wild ang audience. Nataranta si Irish. Mas malapit na sa kanya ngayon ang pinakapaborito niya sa Super Junior.
Kinamayan ni Lee SungMin ang mga nasa front row. Pagtapat nito kay Irish ay hindi lang basta pagkamay ang ginawa ng Koreanong singer. Hinawakan nito si Irish at tila inaanyayahang umakyat sa stage. Di malaman ni Irish kung sasama ba siya o tatanggi.
Tila nagsalita naman ang kanyang konsensya. Gaga! Papakipot ka pa eh yan nga ang pinunta mo dito. Sasama ka ba o sasama?
Namalayan na lang ni Irish na akay na siya ni Lee SungMin Paakyat ng stage. Nang nasa stage na siya ay iginiya siya ng grupo para sabayan sila sa pagsayaw. Dito tila nawala na ang hiya ni Irish at nakipagsabayan na siya sa grupo.
Tuloy pa rin ang sigawan ng audience. Enjoy na enjoy sila sa nangyayari ngayon sa stage.
Ijjana jogeum aju jogeum na sujupjjiman neon molla sogeun taeyangboda ddeugeowo nae mam jom alajwo TVsyoe naoneun Girldeureun mudaeeseo bichi nannedo neon eonjena nunbusyeo (nae ga michyeo michyeo Baby) Sa ranghandan neoe male sesangeul da gajin nan You & I, You’re so fine neo gateun saram isseulgga Saranghae o, naegeneun ojik neobbuniran geol babo gateun naegeneun (jeonburaneun geol alajwo)
Gateun gireul georeowasseo urin seoro dalmagago itjjana nollaul bbuniya gomaul bbuniya saranghal bbuniya
Neo gateun saram ddo eopseo juwireul dulleobwado geujeo georeotddeon geol eodiseo channi Neogachi joeun saram neogachi joeun saram neogachi joeun maeum neogachi joheun seonmul Neomu dahaengiya aesseo neoreul jikyeojul geu sarami baro naraseo eodiseo channi Nagachi haengbokan nom nagachi haengbokan nom nagachi unneun geureon choegoro haengbokan nom Neo gateun saram ddo eopseo
Natapos ang kanta at bago bumaba ng stage si Irish ay isa-isang humalik sa kanya ang lahat ng miyembro ng Super Junior. Sabi siguro ng ibang mga babae sa audience, ang swerte ng loka. Siya pa ang hinalikan imbes na siya ang humalik. Bakit ba? Eh hinalikan siya e. Choosy pa ba siya?
Panghuling humalik kay Irish si Lee SungMin. Kung nakamamatay lang ang sobrang kilig na nararamdaman ni Irish nang mga sandaling iyon, malamang kanina pa siya namatay sa stage.
Halos magiba ang buong venue ng concert sa tindi ng sigawan! Walang tigil ang tilian! Mas malakas pa ngayon ang hiyawan! Lahat sa audience ay humihiling ng isa pang kanta mula sa grupo.
Nakabalik na sa upuan niya si Irish. Hindi pa rin siya makapaniwala. Sulit na sulit ang ibinayad niya sa concernt na yun. Di lang siya nakapanood, nalapitan, at nahalikan pa siya ng Super Junior.
Paglinga ni Irish sa bandang kanan niya, mga tatlong tao lang ang pagitan ay nakita niyang nanonood din sina Kim Bum at Kim So Eun ng sikat na sikat ring Soeul Couple. Anong swerte niya! Di lang Super Junior ang nakita niya nang malapitan. Abot kamay rin niya ang Soeul Couple!
Konting-konti na lang, hihimatayin na talaga siya!
Diyos ko, wag na sanang matapos ang gabing ito!
KRRIIINNGG!!!
Napabalikwas nang bangon si Irish!
Tila naguguluhang lumingon siya sa paligid. Asan na ang Super Junior? Panaginip lang ba ang lahat? Pero parang totoong-totoong nangyari at kanina lang ay damang-dama pa niyang hawak ang kamay ni Lee SungMin.
Hay! Panaginip nga. Isang napakagandang panaginip.
USERID: VILLMARF
Nagkayayaan kaming mag-Kuwago’s pagkatapos ng morning shift. Malapit lang ang Kuwago’s sa office namin, walking distance lang. Naisipan lang naming mag-bonding bago ang unang official team building activity ng Team Ube.
Pagdating sa Kuwago’s ay kanya-kanyang hanap ng pwesto. Nakatabi ni Irish si Nhyang. Umorder ng isang bilaong pancit si Jovil at beer na maiinom. Si Josh ay agad na nagsalang ng mga numero sa videoke. Kanta kung kanta si Josh. Bigla’y nagkaroon siya ng mini-concert nang gabing iyon.
Kumanta rin si Jovil. Ako man ay napakanta rin. Maging si Kat ay nagbigay-pugay sa pamamagitan ng national anthem niyang Akap. Pero ang kanina pa namin pinipilit kumanta ay si Irish. Alam namin na mahilig siya sa KPop at pinakakanta namin siya ng isang Korean song na alam niya. Pero ayaw niya. Wala raw siyang alam.
Isa ang naglagay ng numero sa videoke para sa kantang I Don’t Care ng 2NE1. Sinabi naming si Irish ang kakanta nun. Nang mag-umpisa nang tumugtog ang intro ng kanta ibinigay ni Josh ang mikropono kay Irish, umiling lang ito. Ibinaba sa mesa ang mikropono.
Nag-umpisa nang lumabas ang lyrics sa monitor, hindi pa rin inaabot ni Irish ang mic.
Pinilit namin siyang kumanta. Alam namin kayang-kaya niyang kantahin yun.
Ayaw niya.
Isa pang kulit.
Ayaw talaga.
Nag-uumpisa na sa videoke ang pamilyar na kanta. Pero walang gustong kumuha ng mic.
…Ni otgise mudeun ripseutigeun naneun jeoldaero yongseomotae Maeil harue sushipbeon kkeojyeoinneun haendeupon Byeonhaji anheulgeotman gata oh oh
Geujeo chinguraneun sumanheun yeojachingu Nal ttokgachi saenggakhajima I want let it bye Ije nimamdaerohae nan miryeoneul beorillae Hanttae jeongmal saranghaenneunde oh
Isa ang pilit na ipinasa sa kanya ang mic. Alanganin man, kinuha niya ito. At tila tinatantiyang sinabayan ang lyrics sa videoke.
Gakkeumsshik sure chwihae jeonhwalgeoreo jigeumeun saebyeok daseosshiban Neon tto dareun yeojaui ireumeul bulleo no
I don’t care geumanhallae niga eodieseo mwol hadeon Ije jeongmal sanggwan anhalge bikyeojulla Ijewa ulgobulgo maedallijima Cause I don’t care e-e-e-e-e I don’t care e-e-e-e-e
Hindi ko alam kung alam ba niya ang kinakanta niya, kung kabisado ba niya. Pero sa pandinig ko ay parang tugma naman sa sinasabi niya ang nakasulat na lyrics sa screen ng videoke.
Cause I don’t care e-e-e-e-e I don’t care e-e-e-e-e Boy I don’t care…
Dareun yeojadeurui darireul humchyeoboneun Niga neomuneomu hanshimhae Maeil ppaenonneun keopeulling na mollae han sogaeting Deoisang motchameulgeotgata oh oh oh
Sa maniwala ka at sa hindi, natapos niya ang kanta kahit sino man sa amin ay hindi naman naintindihan ang meaning ng kantang yun.
Siya na!
Siya na ang one and only Koreana!
HINDI naman nagtagal sa team ube si Irish. Ilang araw lang, nalipat siya sa Team Yellow. Pero kung gaano siya kabilis nalipat sa team yellow ay ganun din kabilis siyang nalipat sa Eastern Hemisphere kasama si Kristine Joy.
Totally different process ang pag-aaralan nila sa EH kaya sobrang nanibago sina Irish at Kristine Joy. At dahil baguhan, asahan na natin ang madalas nilang pagkakaroon ng error sa processing.
Siyanga pala, invoice processor po ang trabaho nila sa company under Finance and Accounting. It involves entering the invoice details in SAP so that it will be coded, posted and paid. Akala n’yo madali lang ang trabahong ito pero hindi. Kahit ang mga super tenured na sa work na ito ay nagkakamali pa rin.
Bakit hindi? Eh kasi laging nagkakaroon ng process updates. Kaya yung process na alam mo at nakasanayan mo na, all of a sudden ay maiiba. At dahil iba na, andun yung chances na makalimutan mo na may new process na nga pala at magamit mo pa rin yung lumang proseso.
Minsan ay lumapit sa akin si Irish. Nagkwento siya about mga audit findings niya sa EH at sa kalagitnaan ng pagkukuwento ay hindi niya napigilang umiyak. Ganun siya talaga. Napakaiyakin. Although sa labas ng trabaho ay isa siyang masayahing dalaga, napakamaramdamin niya at mababaw lang ang luha.
Dahil bagong lipat pa lang sa EH, mas close pa rin siya sa mga kakilala at kaibigan niya sa dating team. Napansin nga raw minsan ng team lead niya na bakit mas madalas pa niyang kasama ang mga taga-Western Hemisphere kesa sa new team niya sa EH.
Pero ganun naman talaga ang tao, di ba? Kung saan ka mas kumportable, dun ka sasama. Pero gumawa pa rin ng paraan si Irish para maging belong sa bagong team niya. Hanggang totally immersed na siya sa Eastern Hemisphere. Katagalan, nakasanayan na rin niya ang process ng EH at ang mga audit findings ay isang bagay na hindi na niya iniiyakan ngayon.
Pero kahit nasa EH na siya, sumama pa rin siya sa team building ng team ube sa Laguna. Sa Robinsons Pinoneer ang meeting place at dun na rin namin hinintay ang van na maghahatid sa amin sa resort.
Medyo na-delay ang dating ng van. Ewan kung nahirapang si manong driver na humanap ng parking or nasa amin ba ang problema. Pero dahil dumating din sa wakas ang sasakyan ay isa-isa na kaming nagsisakayan. Napuno ng kuwentuhan at halakhakan ang biyahe. Maingay kami habang binabagtas ng van ang daan papuntang Laguna. Aabutin siguro kami ng mahigit dalawang oras na biyahe, lalo na’t matrapik na pag ganitong oras. Buti na lang at dala ni Tina ang pocket wi-fi niya. Unahan sa pag-connect kasi lima lang ang mapalad na makakakonekta sa w i-fi. Yung mga hindi naka-connect ay nakuntento na lang sa walang patumanggang kwentuhan tungkol sa kung anu-ano lang naman. Bumangka rin ako siyempre hanggang napunta ang usapan sa showbiz kung saan updated ang lolo mo. Biruin mo, year 2012 yun pero ang pinag-uusapan namin ay ang issue ng mga Brunei Beauties! Napunta rin ang usapan sa mga kalokohan at bentang-benta kay Irish ang joke ko na gagawin nang Catholic School ang TESDA at tatawagin itong St. Tesda Catholic School na pwede ring St. Tesda of Calamba dahil eksaktong dumaan ng Calamba City Hall ang van na sinasakyan namin.
Pansamantalang nahinto ang kwentuhan pagdating namin ng Calamba City dahil lahat ay naging alerto sa dinadaanan namin. Gabi na kasi nun at hindi namin masyadong kabisado kung saan kami pupunta. Kailangang may nakatingin sa kaliwa’t kanang parte ng kalsada para hindi kami lumampas sa aming pupuntahan.
Buti na lang at hindi naman kami naligaw. Narating namin ang resort kung saan andun na si Kat na sadyang pinauna na namin para ihanda ang lugar at i-prepare na rin ang isang sorpresa para sa aming dalawang kasama.
Maganda ang resort. Sinalubong kami ng mga lobong nakakalat lang kung saan-saang bahagi ng resort. Ang ilan ay andun at nakalutang sa pool na mas nagpaganda sa dito dahil sa iba’t-ibang kulay nito na mas tumitingkad pag natatamaan ng ilaw.
Nagpalit ng damit si Irish at lumabas siyang naka-blouse at bulaklaking shorts. Dahil petite lady, nagmukha siyang teenager sa suot niya. Sabagay, teenager pa talaga siya nung time na yun dahil 18 years old lang siya nung grumaduate ng college.
Hindi siya kaagad nag-swimming. Nakipagchikahan muna siya sa mga kasama. May isang kumakanta na sa videoke. Yung iba ay naging busy na sa paghahanda ng makakain.
Nung ilabas na ang sorpresa para kina Jovil at Raffy, lahat ay nagmistulang mga bata nang habulin ang isa’t-isa para pahiran ng icing na mula sa cake na regalo ng team kina Jovil at Raffy na magbi-birthday sa buwang iyon. Si Josh na walang pakialam na kumakanta sa videoke ay sinamahan ni Jen at Irish bilang mga dancers. Hanggang silang tatlo na ang nagpeperform sa gilid ng pool habang patuloy sa paghahabulan at pagpapahiran ng icing ang ibang mga nandun.
Lahat ay masaya. Alam ko, lahat ay nag-enjoy. Isang gabi iyon na wala kaming ibang inintindi kundi tumawa at magpakasaya. Isang gabi naming kinalimutan ang trabaho at nagliwaliw lang kasama ang mga kaibigang nakilala sa trabaho.
Umuwi kaming baon ang mga magagandang alaala sa team building na ’yun.
Dumating nag panahong naging close din si Irish sa mga ka-team niya sa EH kaya naman nabawasan ang oras na sumasama siya sa mga lakad ng team ube. Mahirap naman talagang pagsabayin ang bawat mga lakad ng magkaibang team. At hindi talaga pwedeng lahat ay sasamahan mo, lalo na kung ang gastos ay magmumula sa sarili mong bulsa. Pero andun pa rin yung assurance sa magkakaibigan na gaano man katagal kayong hindi magkasama, hindi mawawala ang nabuong samahan at pagkakaibigan. Hindi naman talaga nasusukat sa dami ng oras na pinagsamahan ang tibay ng pagkakaibigan. Andami diyan, super close at laging magkasama pero paimbabaw lang pala. Mas okay yung hindi nga kayo laging magkasama, pero alam mo na anytime, may kaibigan kang masasandalan sa kanya.
Pagkalipas ng isang taon, na-promote si Irish. ganun pa rin ang trabaho pero expected nang mabibigyan siya ng ibang tasks na nararapat sa bago niyang level sa opisina. Preparasyon iyon sa mas mataas pang level na pwede niyang abutin sa trabaho kung patuloy niyang pagsusumikapang abutin ang goals niya sa buhay.
Isang goal na gusto niyang maabot ay maging top performer for the month. Kung iyong iba ay ginagawa nang negosyo ang pagiging top performer dahil halos buwan-buwan ay TP sila, naging mailap kay Irish ang ganung oportunidad. Pero lagi kong sinasabi sa kanya na kung sisikapin niyang lagpasan ang bawat performance niya sa araw-araw, di magtatagal ay matutupad niya ang goal niyang iyon. Tiwala lang sa sarili niyang kakayahan at mas pagpupursige sa mga bagay na nais niyang maabot ang kailangan.
Sa ngayon, na sa Eastern Hemisphere pa rin si Irish. May mga plano siyang gusto niyang gawin para sa professional growth niya. Hindi naman yun masama. Kung saan sa tingin niya mas mapapaunlad niya ang kanyang sarili, both personal and professional, nakasuporta lang naman kami sa desisyon niya. Dahil magkakaiba man ng team ngayon ang mga original members ng team ube, nananatili naman silang magkakaibigan.
Dahil ang team ube, magkahiwalay man ng rutang tinatahak ay mananatiling isang team na handang magbigay ng suporta at totoong pagmamalasakit sa bawat isa.
Chapter 3 - FLORKATD
TEASER…
…sa umpisa’y intro lang ang maririnig, hanggang sumabay na sa himig ang isang malamyos na tinig.
Nagtatanong Bakit mahirap Sumabay sa agos Ng iyong mundo
Nagtataka Simple lang naman sana Ang buhay Kung ika’y matino
Sabihin sa akin lahat ng lihim mo Iingatan ko Ibaling sa akin ang problema mo Kakayanin ko…
Simpleng kanta, simpleng pag-awit. Pero andun yung matinding emosyong puso lang ang pwedeng magbigay. Mula sa isang taong, napakalaki ng puso. Hindi maramot. Laging iniisip yung ikabubuti ng iba. Madalas willing pa siyang magsakripisyo basta alam niyang mapapabuti ang iba sa gagawin niya.
…Sasamahan ka sa tamis Sasamahan ka sa dilim Sasamahan ka hanggang langit Sasamahan ka sa tamis Sasamahan ka sa pait Sasamahan ka sa dilim Sasamahan ka hanggang langit Sasamahan ka
Natapos ang kanta, pero hindi pa doon nagtatapos ang kanyang istorya.
Chapter 4 - CHAVJESV
teaser…
“Ingat ka,” sabi ko.
“Chong, sila ang mag-ingat sa akin. Tingin ko pa lang…,” balik niya sa akin.
Napangiti na lang ako habang patungo sa escalator sa Boni station ng MRT. Naiwan na siyang naghihintay ng bus na masasakyan. Minsan naman ay nag-e-MRT din siya, pero may mga oras na gusto niyang mag-bus para mas komportable sa byahe pauwi sa kanila.
Di ko na hinintay na makasakay siya. Alam ko, kayang-kaya niyang alagaan ang sarili niya. Siya yung tipo ng tao na alam ang mga karapatan niya at mas alam niya kung kelan ito ipaglalaban.
Chapter 5 - ELLIJENJ
teaser…
…Para siyang santa.
Buhay na santa.
Sabi ko nga, baka lumagpas na siya sa kisame ng langit dahil sa sobrang kabaitan niya. Kabaitang hindi paimbabaw lang. Kabaitang naipapakita niya sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa. Sa trabaho man o sa komunidad.
Nung matanggap namin ang sweldo nung September 15, halos lahat nagrereklamo dahil sa laki ng kaltas… dahil sa laki ng tax. Pero siya, buong ningning na nagsabi na hindi dapat magreklamo kundi magpasalamat na lang sa blessings.
Hindi sa akin direktang sinabi yun. Narinig ko lang sa mga kwento ng ibang ka-team. Pero sapul na sapul, hindi lang ako kundi ang iba pang tila hindi nakuntento sa biyayang natatanggap nila.
Lalagpas na talaga siya sa kisame ng langit.
Teka, may kisame ba ang langit?
Chapter 6 - BAYAMARS
MARK JASON ang totoo niyang pangalan. Pero Hero ang tawag namin sa kanya dahil Bayani ang kanyang apelyido. Noong bago pa lang siya sa team ube, ’di ko siya gaanong pinapansin. Mukha kasing maangas. Parang ’di ko makakasundo. Para rin siyang bisor, kung saan-saan nakararating. Ang hilig kasing mag-floorwalk. Palibhasa mabilis siyang mag-process kaya agad ding nakaka-quota. Kaya ayun, ikot nang ikot ang bata.
Tama.
Bata pa siya.
Fresh grad. First job.
Kaya makikita mo sa kanya yung pagkamasigasig. Makikita mong gusto niyang matuto. Marami siyang gustong gawin. Mas marami ang gusto niyang patunayan. Kahit late na siyang umuwi, siguradong napakaaga pa rin niyang papasok kinabukasan. Hindi nga siya nale-late. Ah, minsan na-late na pala siya. Pero dalawa o tatlong minuto lang yata. Basta, madalas nabibigyan siya ng CP points dahil sa perfect attendance niya at punctuality. Yun ang dalawang bagay na di ko talaga ma-achieve. Pero nagagawa niya nang madali at madalas.
Yung CP points, parang reward yun na binibigay ng mga lead tapos pag nakaipon ka ng sapat na points, pwede mong ipalit yun ng kung-anu-anong gamit, appliances, gift certificates, at iba pa. May mga leads na bonggang magbigay ng CP points. Meron din namang makunat pa sa belekoy.
Akala ko talaga ’di ko makakasundo si Hero. Hanggang minsan nalaman ko na magkalapit lang pala kami ng inuuwian. Hindi naman magkapitbahay, pero kung masipag kang maglakad, kayang lakarin mula sa inuuwian ko hanggang sa bahay nila. Mula nun, sabay na kaming umuwi. At dun ko na rin nag-umpisang makasundo ko siya. At nakilala ko siya at ang totoong siya.
Panganay siya sa limang magkapatid na apat ang lalaki. Kung titingnan mo si Hero, parang easy go lucky lang. Walang pakialam sa mundo. Parang ang buhay sa kanya ay puro kalokohan lang. Kasi yun talaga ang makikita mo sa kanya. Pero sa sandaling nag-uusap na kami na kaming dalawa lang, wala siyang bukambibig kundi ang mga gusto niyang gawin sa buhay para matulungan ang kanyang mga magulang. Nung unang sweldo nga niya, nagbigay siya agad ng pera sa papa at mama niya. Ang saya-saya niya dahil masaya ang mga magulang niya dahil nakakatulong na siya sa kanila. Basta tuwing susweldo siya, hindi niya kinalilimutang mag-abot sa kanila. Iba pa siyempre yung treat niya sa kanyang mga kapatid. Inililibre niya ang mga ito saan mang fast food restaurant.
Ganun siya sa pamilya niya. At gusto niyang ibigay sa kanila ang higit pa dun. Kaya naman todo sikap siya para mapagbuti ang trabaho. Gusto niyang ma-regular. Ayaw niyang mawala ang unang trabahong nagbigay sa kanya ng pagkakataong magkaroon ng perang ang halaga ay di pa niya nahawakan kahit minsan.
Masayahin si Hero. Maloko. Pero sa mga sandaling kailangang magseryoso, makikita mo ang sinseridad ng kanyang pagkatao.
Nung minsan nagkatampuhan sila ni Josh. Maliit na bagay lang yun. Di nagkaintindihan. Naging umpisa ng cold war sa pagitan nila. LQ, sabi namin, na tumagal rin ng ilang linggo dahil wala isa man sa kanila ang may gustong mag-umpisang bumati sa isa’t -isa para maputol na ang pagkailang sa pagitan nilang dalawa. Sinubukan ko pa silang kausapin at pagbatiin pero ayaw talaga kaya pinabayaan ko na lang. Pasasaan ba’t magbabati rin ang dalawang kumag na ito. Kababata pa eh ang tataas na ng pride!
Pero sabi nga, time heals all wounds. Ngayon, ay okay na okay na sila ulit pagkatapos ng maraming pagkakakataon ng dedmahan.
USERID: BAYAMARS
Lahat ay excited sa unang team building activity ng team ube. Sa Robinsons Pioneer ang meeting place. Medyo matagal din kaming naghintay dun. Wala pa kasi yung van. Nakapag-grocery na kami ng mga kakainin sa outing. Mula sa chichirya, hanggang sa mga iinumin at mga lulutuin para sa isang magdamagang pagliliwaliw, ready na ang lahat.
Si Hero, nagutom na. Kaya pumuwesto siya sa isang sulok sa labas ng mall malapit sa waiting area at pumapak ng kanin at ulam. Isa ang kumuha ng litrato niya habang kumakain, dedma lang ang bata. Isang litrato pa. Dedma ulit. Tuloy lang siya sa pagkain.
Nang dumating ang van ay nagsisakay na ang lahat at bumiyahe na kami. Naging masaya ang aming biyahe kahit inabot na kami ng trapik sa daan. Mas masaya pa ang mga eksena pagdating namin sa resort. Ang mainit na tubig sa pool ay biglang naging dahilan ng halakhakan nang biglang magdive dito si Jas, at bigla ring umahon dahil sa hindi inaasahang init ng tubig sa pool na dulot ng natural na init na nagmumula sa Mount Makiling.
Nang maghahatinggabi na ay inilabas na namin ang sorpresa na naihanda sa tulong ni Kat. Kung hindi kay Kat, hindi magiging madali sa amin ang pagseset-up ng sorpresang ito. Hindi namin alam kung ay idea na sina Raffy at Jovil, pero nang ilabas namin ang dalawang cake (siyempre tig-isa sila), ay parang nagulat naman sila at di inaasahan ang eksena.
Sinindihan ang kandila at kumanta ng happy birthday. Ni-request namin na mag-wish sila bago nila hipan ang kandila. Pagkatapos ay mas naging masaya na ang sumunod na pangyayari dahil isa ang biglang kumuha ng icing sa cake at ipinahid iyon sa isa at lahat ay gumaya na.
Habulan. Tawanan. Sigawan. Lahat ay enjoy na enjoy sa simpleng kalokohang iyon. Sa background ay si Josh na walang pakialam na kumakanta sa videoke. Kahit kailan kami lumabas na may kantahang magaganap, asahan mo na ang free concert ni Josh.
Si Hero ay busy naman sa pagdodokumento ng mga katuwaang iyon.
Click! Picture dito.
Click! Picture doon.
Isa ang nagpahid din ng ice cream sa kanya at dahil may dala siyang camera ay hindi na siya nakaiwas.
Sa huli, si Hero ang pinakamaraming icing sa likod. Pero katulad ng dati, dedma pa rin ang lolo ko at tuwang-tuwa pang pinakuhanan ng litrato ang balikat niyang napuno ng chocolate icing.
Natapos ang outing. Isang masaya at di malilimutang pagsasama ng isang grupong binuo ng trabaho at pagkakaibigan.
ALAS-SIETE na ako nagising nang umagang iyon. Nakita ko ang cellphone ko, may dalawang miscalls. At may dalawa ring unread text messages. Nang tiningnan ko kung sino ang tumawag, si Hero. Bandang alas-kuwatro ng madaling araw nang sinubukan niya akong kontakin. Ang dalawang text messages niya ay may oras na mag-aala-sais ng umaga.
Nag-reply ako sa text message: “Bakit?”
Mabilis ang kanyang naging sagot. “Nandito ako sa Mcdo.”
“Saang Mcdo? Anong ginagawa mo diyan?”
“Dito sa malapit sa office, yung nadadaanan ng tricycle pag pumapasok tayo. Punta ka rito.”
“Sige, hintayin mo ako diyan.” Hindi na ako nagtanong pa ng iba. Malalaman ko rin naman mamaya pagdating ko sa Mcdo.
Mabilis ang naging pagkilos ko. Naligo ako, nagbihis at agad na pumunta sa lugar na sinabi ni Hero.
Hindi ko siya nakita pagpasok ko sa Mcdo. Asan kaya ’yun?
Tinext ko siya. “Asan ka?”
Wala akong natanggap na sagot. Pero nakita ko siyang papalabas sa washroom ng Mcdo. Bitbit niya ang dalawang bag.
Ano kayang nangyari dito? Andaming dala?
“Saan ka galing?” tanong ko.
“Naghilamos lang.”
“Hindi. Ba’t may dala kang dalawang bag?”
“Sa Pasig, kina Jobelle.” Si Jobelle ang girlfriend ni Hero. Umupo si Hero sa isang bakanteng silya.
“Kumain ka na ba?” tanong ko.
Umiling siya. “Tsong, samahan mo akong humanap ng matitirhan.”
Napatingin ako sa kanya. “Anong nangyari?”
“Pinalayas ako ng tatay ko.”
“Eh bakit?”
“Tumira na naman ’yun eh. Basta tumira ’yun ganun ang ugali. Inaaway ang nanay ko. Siyempre sinaway ko, ayun ako ang napagbalingan. Pinalayas ako. Eh, ’di lumayas. Akala siguro niya hindi ako aalis.”
“Papasok ka ba ngayon?” Late ka na kung papasok ka.“
“Half day na lang ako. Samahan mo naman ako maghanap ng bahay mamaya.”
Tumango ako. “Sige…”
PERO HINDI pala ganoon kadali humanap ng matitirhan. Ganoon naman palagi. Kung kelan kailangan mo na ang isang bagay, at saka naman mahirap hagilapin. Pero kung hindi mo na kailangan, andyan at nagkalat lang sa tabi.
Napilitan si Hero na sa motel na lang magpalipas ng gabi. Ilang araw din siyang nasa ganoong sitwasyon hanggang sa nagsabi siya sa akin na doon muna siya tutuloy sa kaibigan niya sa Valenzuela.
Tuloy pa rin kami sa paghahanap ng matitirhan. Kung dati ay titirhan lang niya, ngayon ay titirhan na niya at ng mama at mga kapatid niya.
Nang sa wakas ay makahanap na kami ng bahay, at saka naman ayaw nang sumama sa paglipat ng nanay niya. Okay na kasi ang mama at papa niya. Wala na ang dati’y sama ng loob sa isa’t-isa.
Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang gusto ng mama niya. Ganoon naman siya lagi pagdating sa kanyang pamilya.
Tiyempo namang lumipat din ng tirahan ang isang katrabaho namin kaya nakihati na lang siya sa renta. Doon na muna siya hanggang kung kelan niya muling maisipang lumipat ng tirahan. At least doon, malapit lang sa opisina.
Hanggang sa dumating ang panahong naging okay na rin ulit sila ng papa niya. At nakumbinse na siyang bumalik sa bahay nila sa Sampaloc.
“TSONG, Anong oras ang uwi mo?” tanong niya sa akin isang gabi pagpunta niya sa station ko. Hawak-hawak niya ang kanyang tiyan na para bang may kakaibang nararamdaman.
“Alas-tres pa. Bakit?”
“Ang sakit kasi ng tiyan ko. Galing na ako sa clinic pero wala namang ginawa. Wala ring binigay na gamot. Obserbahan ko lang daw muna.”
Bumalik siya sa station niya pero mamaya lang ay nagbalik siya sa station ko.
“Masakit pa rin…” reklamo niya.
“Kaya mo pa ba?”
Tumango siya. “Opo, pero masakit na talaga.”
“Bumalik ka kaya muna sa clinic. Baka may gawin na sila kapag nalamang ganyan pa rin ’yan.”
“Kagagaling ko lang doon. Sige, Tsong balik muna ako sa station ko.”
“Quota ka na ba?”
“Opo, kanina pa.”
“Eh, bakit ’di ka pa umuwi? Mag-undertime ka na lang.”
“Mamaya na lang po…”
Alas-tres y kinse nang muli siyang bumalik sa station ko.
“Tsong, alas-tres na. Hindi ka pa ba uuwi? Uwi ka na para may kasabay ako,” sabi niya. Hawak pa rin niya ang sumasakit niyang tiyan.
—to be continued
Chapter 7 - REFODELM
“SAAN ANG PROVINCE MO?” tanong ko sa isa sa mga newbie sa team Ube. Na-curious kasi ako sa apelyido niya. May naging kaklase kasi ako nung high school na kaapelyido niya.
“Sa Marinduque po.” sagot niya sa kanyang usual na mahina at malambing na tono ng boses.
Bingo!
Di nga ako nagkamali. Magkababayan nga kami.
Pero nang tanungin ko siya kung may kakilala siya o kamag-anak sa bayang ng Boac, umiling siya sabay sabing, “Wala po.”
Sabagay, sa ibang bayan kasi sa Marinduque nagmula ang kanyang mga magulang. Pero iniisip ko talaga na kamag-anak niya yung naging kaklase ko nung high school. Sa liit ba naman ng probinsiya ng Marinduque, napakalaki ng tsansang magkamag-anak sila kung meron lang magtitiyagang i-trace ang kanilang family tree.
Mabait si Delmar. Hindi siya yung tipo na maboka at maepal. Napakaaga pa niyang pumasok. Bilib ako sa taong ito na tila hindi yata natutulog dahil siya ang laging nauunang dumating sa office. Alas-sais ang umpisa ng shift niya pero alas-singko pa lang ay nasa opisina na siya. Sasabihin nyo sigurong sakto lang naman ang pasok na alas singko. Pero aminim n’yo rin na para makarating ka sa office ng alas singko, dapat alas tres ay gising ka na para pagsapit ng alas kuwatro ay paalis ka na ng bahay. At least isang oras dapat ang allowance sa biyahe papuntang trabaho. Iyon ay kung ayaw mong ma-late at hindi makapag-claim ng daily shift allowance. Sabagay, may mga team lead naman na hindi mahigpit sa pag-claim ng allowance as long as hindi nama sobrang late sa trabaho ang empleyado.
Mahiyain siya, nabasa ko na yun sa kanyang kilos bagama’t nandun ang likas niyang self-confidence. Magaling din siya. In fact, andami niyang naiisip na ideas nung pinagsa-submit kami ng “poka yoke”. Mga little ideas daw yun na makakatulong para mas mapadali ang ginagawa naming trabaho.
Aside dun, mabilis pang magprocess ng invoice. Basta, ang gaan-gaan niyang kausap at kasama.
Delmar pala ang kanyang pangalan.
Nice name. By the sea ang ibig sabihin. Bagay sa personalidad niya na mahilig sa dagat. Di nga ba at ritwal na niyang ginagawa ang umuwi sa lalawigan nila sa Marinduque tuwing bakasyon o birthday niya at ubusin ang oras sa pakikipaglaro sa mga alon sa dalampasigan?
Lagi nga namin siyang sinasabihan na isama naman kami sa Marinduque. Pati ako ay sasama pa, to think na dun na nga ako pinanganak at lumaki. Sayang nga lamang dahil hanggang ngayon, hindi pa niya kami nadadala sa lugar na gustong-gusto niyang uwian tuwing bakasyon.
Akala niya, hindi na siya makakauwi dun dahil may pasok kaht holiday ang mga BPO companies. Pero nagagawan niya ng paraan na makapag-leave ng ilang araw para lang magawa ang halos taon-taon niyang pag-uwi sa Marinduque.
Mahal na mahal niya ang Marinduque na isang isla, kung paanong gustong-gusto rin niya ang dagat.
Kung paanong maharot ang alon sa bawat paghampas nito sa dalampasigan ay siyang liksi rin niyang sinasalubong ang buhay.
Katulad ng dagat, malalim si Delmar.
Napakalalim…
USERID: REFODELM
TO BE CONTINUED…
Chapter 8 - ROJAKRIS
NAGKAKASAYAHAN na kami sa private resort sa parteng iyon mg Laguna na inarkila namin overnight. Karamihan ay abala na sa pagtatampisaw sa pool na mainit ang tubig.
Sa gitna ng pagkakasayahan ng mga nasa pool ay biglang sumisid si Tin at lumangoy-langoy sa pool.
“Para lang tayong nasa ano…” Sabi ni Hero sabay lingon sa akin. “Tsong, saan nga ’yung lugar na maraming butanding?”
“Donsol, Sorsogon.”
“Yun! Parang nandun lang tayo. Nakakakita na kasi ako ng lumalangoy na butanding dito.”
Dedma lang si Tin. Sanay na siya sa mga brutal na pagbibiro ni Hero. Di na bago ang mga ganung biro sa kanya. Di siya nasasaktan. Kaya niyang makipagsabayan sa mga tawanang siya ang paksa ng katatawanan. Di siya pikon. Wala yun sa kanyang bokabularyo.
Siya si Kristine Joy. Tawag namin sa kanya ay Tin.
Mabait.
Masayahin.
Iyakin.
Pero ang pagiging iyakin niya ay hindi tanda ng kanyang pagiging mahina kundi tanda na siya’y buhay at marunong masaktan. Tanda na siya’y marunong magpakita ng emosyon base sa kung paano ito dapat ipakita, maging ito man ay sa pamamagitan ng mga luhang umaagos sa kanyang mga mata.
Maya-maya pa’y biglang lumutang si Tin mula sa pagkakasisid niya at tila sirena itong nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang ibabaw ng dagat sa unang pagkakataon. Emote na emote pa ang lola n’yo. Halakhakan ang lahat sa kanyang ginawa. Ganun naman lagi si Tin. Siya ang buhay ng bawat pagtitipon. Sagot na niya ang saya at patawa sa bawat lakad ng barkada. No dull moment ika nga pag andyan sa tabi si Tin.
…to be continued
Chapter 9 - CONDRAFR
SOBRANG magalang.
Iyon ang unang impression ko sa kanya. Laging may opo ’pag nakikipag-usap siya sa ibang tao. At lahat ng officemates namin ay tinatawag niyang ate at kuya. Sabagay, bata pa kasi siya. Nineteen lang siya nang ma-hire sa office. Pero sa likod ng batang katawan at murang isipan ay naroon ang maturity pagdating sa pag-handle ng mga responsibilidad niya sa trabaho. Kaya nga hindi na ako nagtaka nang pinakyaw niya ang monthly awards na ibinibigay sa team. At tila ’di pa nakuntento, naging top performer pa siya isang buwan bago siya ma-regular sa trabaho. Nakakatuwa. Sa kabila ng mga karangalang nakuha niya sa iilang buwan pa lang na pagtatrabaho ay hindi nagbago ang ugali niya pagdating sa pagtupad sa kanyang mga responsibilidad sa opisina.
USERID: CONDRAFR
Ang suplado mo naman.
’Yon ang nabasa niya sa natanggap niyang email. ’Di niya malaman kung sino ang nagpadala sa kanya no’n dahil APProcessing mailbox ang ginamit.
Hmmm… Secret admirer?
Baka naman stalker?!
Hindi ko alam kung nakuha ng email na iyon ang kanyang atensiyon, pero ilang araw lang ay nakatanggap naman siya ng text message galing din kay APProcessing.
At mula noon ay nakatatanggap na siya ng mga mensahe mula rito.
Ewan ko lang kung nirereplayan niya ang mga text message ni APProcessing pero knowing Raffy, alam kong siya ’yung tipo na ’di magre-reply sa mga nagte-text na ’di niya kilala.
At noong Valentine’s Day, kung saan may pakulong Greeting’s On Air sa production floor, tatlong mensahe mula kay APProcessing para kay Raffy ang binasa ng DJ. Mga mensaheng nagsasabi ng paghanga niya kay Raffy mula sa pisikal na anyo nito hanggang sa mga ngiting nagpapawala sa kanyang katinuan. Mensaheng nagpaparamdam kung gaano kasidhi ang pagnanais niyang makilalang mabuti si Raffy at maging malapit na kaibigan.
Sino si APProcessing?
Babae ba siya o lalaki?
That’s my tomboy o pogay?
At saka ko nalaman, ako pa pala ang naging dahilan para makuha ni APProcessing ang number ni Raffy.
“Tsong! Anong number ni Raffy?” Tinawag ako ng team lead naming si Tina pagdaan ko sa station niya.
“Marami po siyang number, eh. Wala ka po bang number niya?”
“Meron kaso ’di ko kabisado.”
Pasimple kong nilabas mula sa bulsa ko ang cellphone. Bawal sa production floor ang phone at lagot ako kapag nakita nilang nagdadala ako ng telepono sa loob ng production area.
Tiningnan ko sa phone book ang number ni Raffy at binigay ko kay Tina. ’Di ko na inalam kung para saan. Siguro ite-text niya si Raffy para sa kung ano mang importanteng bagay.
Ilang araw lang ang nakakalipas at may sinabi sa akin si Raffy.
“Tsong, may nagte-text sa akin hindi ko kilala.”
“E ’di mag-reply ka, tanungin mo kung sino.”
“Hindi pa nga ako nagre-reply. Hindi kasi ako sumasagot sa text ’pag hindi ko kilala.”
Hindi na ako nagsalita. Alam kong gano’n nga si Raffy, dedma sa mga unknown numbers na bigla na lang magte-text sa kanya.
Pero nang sumunod na araw, may sinabi na naman siya sa akin.
“Tsong, kilala ko na kung sino ’yung nagte-text sa akin.”
“Sino raw?”
“Si AP Processing.”
“Ha? Nagpakilala na ba kung sino siya?”
“Hindi pa rin. Sinabi lang na siya si AP Processing.”
“In fairness, resourceful siya. Nag-effort pa talaga siya na makuha ang number mo!”
“Sino kaya ’to? Ayaw naman talagang magpakilala.” Ang pagtataka ay hindi nawala sa mukha ni Raffy.
Hindi na ako nakasagot. Anong isasagot ko sa isang bagay na ako mismo ay walang kaalam-alam?
ISANG araw ay nilapitan ko sa station niya si Tina. Hindi mawala sa isip ko na nagsimulang mag-text kay Raffy si APProcessing pagkatapos na hingin ni Tina sa akin ang number nito.
“May nagte-text kay Raffy pero hindi niya kilala,” kaswal kong sabi.
Tumingin sa akin si Tina at saka tumawa nang mahina. “Kilala ko yata ’yong nagte-text sa kanya.”
“Kilala n’yo po?”
“Hindi ba hiningi ko sa’yo ang number ni Raffy?”
“Sino pong humingi sa’yo? Kanino mo binigay?” tanong ko.
“Do’n sa isang lead. May tao raw siyang gustong malaman ang number ni Raffy.”
“Sinong lead? Sino po ’yong tao niya?”
At sinabi sa akin ni Tina kung sino ang lead na iyon at pati na rin ang tao nito na interesadong malaman ang cellphone number ni Raffy.
MADALAS na pareho kami ng shift ni Raffy. Parang package deal yata kami. Kung ano ang shift ng isa ay gano’n din ang shift ng isa pa. Kaya nang mapunta kami sa night shift ay nakasabay din namin ng shift ang taong pinagsususpetsahan kong si APProcessing.
Pagdating ko sa office ay naroon na si Raffy. Medyo nagulat ako dahil nakaupo sa bandang likuran niya ang isang lalaking kilalang-kilala ko sa mukha at pangalan. Itago natin siya sa pangalang Bryan. Siya ang sinabi sa akin ni Tina na diumano ay humingi ng cellphone number ni Raffy. Kung ganoon, siya si APProcessing?
Umupo ako sa station na katabi ng station ni Raffy. Mas malapit sa likuran ko si Bryan. Ilang sandali pa ay nakita ko si Bryan na tumayo at nag-login sa computer na nasa likuran ng station ni Raffy.
—to be continued
Chapter 10 - CUNAJHIE
Dedicated siya sa trabaho. Makikita mo naman yun sa kanya. Sa buong panahong naging miyembro siya ng Team Ube, di ko matandaan kung iilang buwan ba na sumabay ang shift niya sa shift ng team namin. Lagi kasi siyang naiiwan sa night shift kahit ang lahat ng ube ay nasa morning shift na. Okay lang yun sa kanya. Para sa trabaho, night shift forever ang peg niya. Kung kailangang tawagan at makausap ang mga kliyente sa US, okay pa rin sa kanya. Kaya isang malaking factor siya kung bakit ang mga problemadong invoices ng western hemisphere ay isa-isang naresolba at nawala sa inbox.
Ganun ang dedikasyong ipinakita niya sa trabaho. Kahit dati naman siyang nag-uuwian sa Bulacan araw-araw, minabuti pa niyang mag-board malapit sa opisina para masigurong di siya male-late sa biyahe, at magkaroon din ng mas mahabang oras ng tulog pagkatapos ng night shift. Siya ang nag-adjust para sa trabaho, para mas mapagbuti ang serbisyo niya.
Hanggang isang araw, ginulat niya ang Team Ube nang magsubmit siya ng resignation letter.
Ito ang istorya ni Jhelle.
UserID: CUNAJHIE.
Chapter 11 - DELMAR
“Kumusta ang pagpro-process?”
Ito ang question of the day tuwing magha-huddle ang Team Ube. Kasunod siyempre ang tila chorus na pagsagot ng mga miyembro. At doon na mag-uumpisa ang mga agenda ng huddle. May mga araw na magaganda at very, very light lang ang mga pinag-uusapan. May mga araw namang sermon ang inaabot ng team mula sa kanilang team lead.
Ganun lagi ang eksena. Ganun lagi ka-hands on si Tina sa kanyang mga alaga. Lahat ng tasks na naka-assign sa bawat isa ay kailangang nagagawa nang tama at on time. Di pwede ang mga palusot at kung anu-anong alibi kung hindi mo nagawa ang mga dapat mong gawin. Siguradong mapupuno ang mailbox mo ng mga follow up emails. At kahit naka-VL pa si Tina, hinding-hindi lilipas ang isang araw nang hindi niya binubulabog ng emails ang buong team ube na binubuo nang mga newbies na pinagsama-sama sa iisang team. Mga newbies na huhubugin at aalagaan ni Tina para bawat isa ay maging asset ng kompanya.
Sa aspetong yun magaling si Tina. At patutunayan iyon ng mga ubeng hawak niya.
USERNAME: DELMAR
SI TINA ang team lead ng Team Ube kaya siya ang nag-organize ng unang team outing namin. Nakahanap kami ng private resort sa internet. Kinontak niya ang caretaker ng resort at nang magkasundo sa presyo ay napagkasunduan naming mag-ocular inspection sa resort, at kung magugustuhan namin ay magdedeposito na rin kami para sealed na ang reservation. Kaya pagkatapos ng night shift on that friday night ay lumarga kami ni Tina at bumiyahe papuntang Laguna. Pagod at antok ang kalaban namin pero dedma na. Basta ang importante ay makarating kami sa resort at makita kung pupuwede na ba para sa unang team building namin ang resort na ’yun.
Chapter 12 - DELARONC
Marami ang nagsasabi at marami rin ang naniniwalang maganda ang future niya sa BPO industry. Siya yung tipong team lead material.
Matalino.
Madiskarte.
Magaling sa time management.
At higit sa lahat, may pagka-istrikta.
Isang tingin pa lang niya, titiklop ka na.
Paano pa kung umirap na siya?
Pero paano kung ang future na nakikita ng iba para sa kanya ay tila nagbabadyang di na magkaroon ng katuparan dahil iba ang direksyong gusto niyang puntahan?
Bagot na ba siya sa tila monotonous work na ginagawa niya araw-araw at gusto na niya ng iba naman?
Siya si Nhyang at ito ang kanyang kasaysayan.
Epilogue
MARAMI na ang nagbago sa team ube. May mga nag-resign na at nagtatrabaho na ngayon sa ibang kompanya. May mga nalipat ng team. May na-retain sa team ube na naging team purple kasama ang mga bagong miyembro at nitong pagpasok lang ng 2015, nabuwag na rin ang team purple dahil inilipat ng team si Tina.
Eto ang update sa mga original members ng team ube:
Josh - nagtatrabaho na ngayon sa isang BPO company sa Taguig. At least, malapit ito sa boarding house niya.
Irish - nandoon pa rin siya sa Eastern Hemisphere at ako ang naging team lead niya. After a year, nag-reorg kami at napunta siya sa ibang team lead. Sa ngayon, promoted na siya at abala sa mga bago niyang responsibilidad sa team.
Katrin - mukhang nag-eenjoy naman siya sa shared services ng isang kompanya ng gasolina. Paminsan-minsan ay nakaka-chat ko siya at nagkakabalitaan kami. Nagkaroon pa nga ng pagkakataong nakasama siya at ang boyfriend niya nang manood kami ng stage play sa UST. Kahit bihira na kaming magkasama, alam kong andyan lang naman siya sa malapit.
Jessica - pagkatapos niyang mapunta sa team yellow, nalipat siya sa team purple at ngayong 2015, inilipat na rin siya sa Eastern Hemisphere. At ngayon September 2015, umpisa na ng training niya para lumipat sa delivery center ng company namin sa Ilocos. September 2017, muli siyang na-promote at ganap na siyang team lead sa trabaho niya sa Ilocos.
Jen - andoon pa rin siya sa team yellow. Dumaan sa mga propesyunal na problema at pagsubok. Naging trainer siya para sa Ilocos delivery center at napamahal sa mga ilokanong naging trainees niya. Ngayon, nasa blue team na siya at na-assign sa panibagong task na hahamon sa kanyang kapasidad. Pero dumarating din sa ating propesyunal na buhay na kailangan nating magdesisyon at pumunta sa landas na tingin natin ay mas mapapabuti tayo. Nag-resign si Jen at lumipat sa isang kompanya sa BGC, Taguig. Ngayon, engaged na siya sa kanyang boyfriend at naghahanda na sila para sa kanilang kasal.
Mark Jason - napunta sa team pink, nilipat sa team purple. Ngayon balik team pink na siya. Pero nilipat din sa yellow team hanggang ilipat siya sa team ko sa eastern hemisphere. At pagkalipas ng ilang mga buwan pa ay nag-resign na rin upang lumipat sa ibang kompanya. Ngayon, mukha namang nag-e-enjoy siya sa kanyang trabaho. May sarili na siyang bahay sa Cavite at napagtapos na rin niya sa pag-aaral ang dalawa niyang mga kapatid.
Delmar - nalipat siya sa team yellow, doon siya nagpapakadalubhasa sa mga LatAm invoices. Hindi nagtagal, napagpasyahan niyang lumipat ng kompanya na nagbigay sa kanya ng oportunidad ma mag-training ng mahigit isang buwan sa USA. Kelan nga lang ay nabalitaan kong na-promote siya. Maganda ang kinalabasan ng paglipat niya ng kompanya.
Kristine Joy - pagkatapos niya mapunta sa green team, nilipat siya sa Eastern Hemisphere kasabay ni Irish. Ngayon, nilipat ulit siya sa Western Hemisphere pero dun na sa back end team. At para ma-promote ay lumipat siya ng project. Pero hindi na niya nagustuhan ang pamamalakad sa nilipatan niya kaya nag-resign na lang siya at lumipat sa ibang kompanya.
Raffy - masaya na siya ngayon sa shared services ng isang kompanya ng mga tsokolate at juice. Later on, bumalik din siya sa kompanya namin. Pero plano na rin niyang mag-abroad kaya hindi ko na inaasahang magtatagal siya dito. At ayun na nga, lumipat ulit siya ng kompanya sa BGC, Taguig na nagbigay sa kanya ng oportunidad na nakapag-training sa United Kingdom. Sa ngayon ay nag-e-enoy siya sa kanyang trabaho na may flexible working hours. Araw-araw rin siyang nagpapakondisyon sa gym para mapanatili ang magandang pangangatawan.
Jhelle - matapos niyang magresign, napunta siya sa pagbebenta ng insurance. Nag-Royale din siya at mukhang sinuswerte naman sa bago niyang career kung saan nagagampanan rin niya nang maayos ang pagiging mabuting nanay sa kanyang mga anak.
Tina - siya ang laging nagsasabi sa amin to always embrace changes. Ngayon, nilipat siya sa Eastern Hemisphere at siguradong malaking change ang kailangan niyang i-embrace. After several months, na-promote siya sa ibang project kung saan andoon din si Raffy. Currently, nasa isang project siya sa BGC, Taguig at masaya naman siya sa bago niyang obligasyon sa opisina.
Nhyang - na-retain sa ube na naging team purple. Ngayon, napunta naman siya sa AP Manual Rush. Di naman siya nagtagal dun dahil nilipat siya sa team yellow. After a month, lumipat siya sa team ko sa eastern hemisphere. Hanggang sa napunta siya sa ibang team lead, pero sa EH pa rin. Pero katulad ng iba pa, ang kaway ng oportunidad sa ibang kompanya ay nang-aakit. Nag-resign siya at ngayon ay nagtatrabaho sa isang kompanya sa Makati.
Malaki ang pagbabago ng bawat isang miyembro ng team ube. Mula sa mga dating newbie hanggang sa maging tenured employees, makikita ang growth nila personally and professionally. Mapunta man sa ibang kompanya, o mahaluan man ng ibang kulay at sistema ang pagiging ube ay malinaw na makikita pa rin sa bawat isa sa kanila.

