Temptation Island: Role Play
makiwander · 37 chapters · 16,638 words
Introduction
Young and ambitious, Estancia Roces always gives her all to reach her dreams. But when she crosses paths with billionaire Lucas Monasterio and unexpectedly gets a job at Temptation Island, Tasya discovers that a life with Lucas is far more complicated than she thinks.
Dreaming for a better life, Estancia Rosales does everything she can to achieve her goals. She is always confident, but when she meets the cold and snobbish Lucas Monasterio, Tasya unexpectedly finds herself humiliated in front of many people. Now more determined to get the job in Lucas’ resort, Tasya begs him to give her another chance. With the undeniable attraction between them and after one drunken night, Tasya gets the biggest twist in her life–she suddenly becomes the wife of Lucas. Tasya vows to be the best wife for Lucas, but when she finds out the truth about their tangled past, can she still stay beside him no matter what? Or will these secrets only hurt them and bring them apart?
Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.
Cover Design by Regina Dionela

Prologue
Ang ambisyosang si Tash mula sa maliit na bayan ng San Isidro ay nawala sa sarili isang gabi nang uminom sa loob ng Isla ng Temtasyon kasama ang isang gwapong-gwapong lalaki na bago niyang amo.
Isinuko niya ang Bataan nang gabing iyon nang walang kahirap-hirap at nagising siyang nananakit ang katawan na walang saplot katabi ang kamag-anak yata ng anghel sa langit at lupa. Bilang laki sa kanyang lola at may paniniwalang isa siyang dalagang Pilipina (yeah), kinumbinse niya ang lalaki na panagutan ang ‘paglapastangan’ sa kanyang pagkatao. Laking gulat niya nang pumayag agad ito at nagpakasal sila sa loob ng Temptation Island ora mismo.
Ganoon kabilis?
Sa Temptation Island sila nanirahan ng kanyang bagong asawa, sa pinakamagarang mansyon sa loob ng makamundong isla. Lahat ng tao ay yumuyukod sa kanya. Dream come true, sa isip niya.
“Magandang umaga, Ginang Monasterio,”
magiliw na bati sa kanya ng nagsisilbi ng kanyang agahan.
Naka-jackpot na sana siya, kung hindi lang ang walanghiyang asawa ay tinetiyempuhan ang pagtulog niya bago ito umuwi. Naaamoy naman niya ang pabango nito sa unan sa tabi niya, pero hindi na niya muli ito nasilayan pagkatapos ng kanilang kasal.
Hindi siya makakapayag na gano’n-gano’n na lang. Kung ang napangasawa niya ang hari ng Temptation Island, dapat niyang gampanan ang kanyang role bilang isang reyna.
Kabanata 1
Ikinalawit ni Tash ang mahahaba niyang binti sa malamig na pole habang malambot na kumekembot ang kanyang balingkinitang baywang.
Namangha ang mga miron na nagmamasid at nagpuyat sa fiesta ng baranggay masilayan lang ang kanyang alindog. Bigay na bigay siya sa bawat indak, kesehodang kakapiranggot lang ang suot niyang makintab na kulay puting tela na halos kumawala na ang malulusog niyang dibdib.
‘Giling pa, gerl. Para sa ekonomiya.’
Patay-sindi ang ilaw sa stage kaya hindi niya nabibigyang-pansin ang mga kalalakihang naglalaway sa kanya. Isa pa, sanay na siyang pinagmamasdan nang may malisya. Masyadong mababaw ang mga lalaki, pasabikin mo ng kaunti, tiyak na mahihipnotismo agad sa iyo.
Nanliit ang mga mata niya nang makita niya ang kanyang kapatid na si Wendy na humahangos patungo sa entablado na akala mo ay tinatawag ng kalikasan.
“Tasya!” matinis na sigaw nito.
Pinanlakihan niya ng mata ang kapatid. Walang nakakaalam ng tunay niyang pangalan. Siya si Estancia Ligaya Rosanna Roces, ang panganay na apo ni Candida, ang notorious na lola ng San Isidro. Mas gusto niyang tinatawag na Tash, mas sosyal, mas nakakaangat, mas nakakatakam.
“Tasya, bumaba ka riyan! Nagising ang dragon!” Tarantang-taranta si Wendy na panay ang kaway sa kanya.
Meron pang isang minuto bago matapos ang tugtog ng kanyang sayaw. Ibinigay niya ang lahat sa paggiling, nagpalakpakan ang mga manyakis. Halos sampahin ang stage kung walang mga tanod na nakaharang.
Hindi nagtagal, nakita na niya ang kanyang Lola Candy kung kanyang tawagin, may bitbit na mahabang payong kahit wala namang ulan. Nanlilisik ang mga mata sa kanya.
“Estanciaaaaaa!” malakas na sigaw nito. Dahil doon, nawalan siya ng balanse. Napasinghap ang mga nanonood nang bumagsak ang kanyang likod sa stage. Napangiwi siya sa sakit. Maagap siyang tinungo ni Wendy at hinila pababa ng stage.
Kahit nananakit ang balakang, hinanap ng mata niya si Ian, ang baklang nag-booking sa kanya sa piyestahan.
“Beks, idaan mo sa bahay ang TF ko ha!” sigaw niya habang nagmamadaling umeksit sa madilim na bahagi ng entablado. Narinig na niya ang anunsiyo ng host pero mas nangingibabaw ang sigaw ng kanyang lola.
“Estancia! Ikaw talaga ang papatay sa aking bata ka!”
Sa ’di-kalayuan ay nakita niya ang tricycle ng pinsan nilang si Harold, ang madalas nilang rentahan tuwing kailangan nilang pumunta sa bayan. Napailing siya nang maisip ang patak ng metro ng kanyang pinsan. Tiyak na napamahal dahil dalawang bayan ang binyahe ni Wendy at ni Lola Candy; tiyak na hihirit pa ito ng bayad sa naunsiyami nitong tulog. Agad siyang itinulak ni Wendy papasok ng tricycle, uupo sana ito sa tabi niya nang hiklatin ito ni Lola Candy papalabas.
“Doon ka sa likod. Magtutuos kami ng kapatid mo.”
Umikot ang mga mata ni Tash. As if naman meron pa ring effect ang sermon sa kanya ng kanyang lola. Bingi na siya, matagal na. Hindi lang talaga maunawaan ng kanyang Lola Candy ang kanyang pangangailangan. Ayaw niya ng masikip, ng mabaho; gusto niyang umangat sa buhay! Palagay niya ay hindi siya nababagay sa lusak; doon siya nararapat sa mga bituin.
“Hindi ba sinabi ko na sa iyo? Ingatan mo ’yang katawan mo! Templo ’yan ng Diyos.”
“ Luh, ang liit naman ng templong ’yon kung katawan ko ang address.“
Tinuktok ng matanda ang kanyang noo. “Mangungumpisal tayo bukas. Ilang kaluluwa na naman kaya ang nagkasala nang dahil sa iyo!”
“E di sila ang mangumpisal! Bakit ako?”
“Dahil ikaw ang ahas na tukso!”
“Grabe! Akala ko ba love mo ako? Bakit ahas na tawag mo sa ’kin ngayon?” Maarte niyang hinawi ang buhok. Napangiti siya nang maamoy niya ang bagong biling mamahaling pabango. Three gives, pero mababayaran naman niya ’yon basta makalimang fiesta siya. Kakanta, sasayaw, magho-host o magiging hurado siya, pupwede na iyon para makaipon. May gusto pa nga siyang sapatos na nakita niya sa Instagram, labinlimang libo. Naku, harinawa ay maragdagan pa ang fiesta sa kalendaryo; sana rumami ang santo.
“Ang kunat na ng balat mong bata ka, wala ka pa ring pinagkatandaan. Bente-sais ka na.”
“Mukhang eighteen!” pagmamalaki niya.
Panay ang irap sa kanya ng kanyang lola buong biyahe pero hindi na niya nagawang lambingin ito. Napapapikit siya sa mahabang biyahe, nakakaengganyo kasi ang hangin sa San Isidro lalo’t gabi. Ang preskong amoy ng palay na humahalo sa malamig na hangin ang nagpapakalma ng kanyang isipan. Kahit madilim, nasisinagan ng liwanag ng buwan ang dugtong-dugtong na palayan. Ito ang ginhawang kanyang nakagisnan. Hindi ito kagaya ng hinihiling niya pero pupwede na. Hindi nga niya maintindihan ang sarili kung bakit hirap na hirap siyang makuntento, hindi pa naman siya nakakaranas ng ginhawa talaga.
Lumaki siya sa kanyang Lola Candy. Nakagisnan niya na si Wendy bilang nakatatandang kapatid pero hindi niya ito matawag ng ate dahil hindi naman sila magkamukha. Bukod doon, masyado silang malapit kaya matalik na kaibigan ang turing niya rito.
Parehas silang walang magulang. Namatay raw ang kanyang nanay nang ipanganak siya. Hindi naman niya kilala ang tatay niya. Iba pa raw iyon sa tatay ni Wendy. Rebelde raw kasi ang nanay nila kaya maraming naging boyfriend at siya ang tumapos sa maliligayang araw nito. Mag-isa silang itinaguyod ng kanyang Lola Candy kasama ang kanilang mga kaanak na malapit din sa kanila.
Paggawa ng kandila at pagtatahi ng basahan ang pangunahing kabuhayan ng kanilang maliit na pamilya. Si Wendy, nagtatrabaho sa isang fastfood chain sa kanilang bayan samantalang siya, kahit paunti-unti ay tinatapos ang kursong HRM sa pamamagitan ng raket sa hosting, singing, at dancing. Mabuti na lang at multi-talented siya. Kapag may sobra ay nakakabili pa siya ng bagay na para sa kanya.
“Hoy, nandito na tayo. Lagot ka talaga kay Lola Didang, pumasok ka na roon sa loob.” Nagising si Tash sa mahinang kalabit ni Wendy. Lulugo-lugo siyang nagpasalamat kay Harold pagkatapos mag-abot ng tatlong daan.
Naabutan niya ang kanyang lola na nagsisindi ng maliit na gasera. Kahit anong pilit niya rito na gumamit ng kuryente tuwing gabi, ipinipilit pa rin nito ang maliit na lamparang de-gaas para magkailaw.
“Estancia, ano ba’ng gusto mong mangyari sa buhay mo? Alam mo naman ang nangyari sa nanay mo, hindi ba?” May tampo sa boses ng kanyang lola.
“Kasingganda ko ba si Nanay? Parang hindi naman,” biro ni Tash habang hinihilot ang kanyang mga paa. “Saka Lola Candy, sayang ang opportunity. Alam n’yo namang ginagawa ko ito para sa ating tatlo.”
“Ha! Ang sabihin mo, ginagawa mo iyan para sa mga luho mo. Apo naman, hindi ko alam sa iyong bata ka kung saan mo napupulot iyang pagkahumaling mo sa mga materyal na bagay. Hindi ka naman nakatikim ng ganoon, wala naman sa paligid mo ang makakainggitan mo.”
Huminga nang malalim si Tash habang nakatanaw sa bintana at sa madilim na paligid sa bakuran. “Hindi ko nga po alam, Lola. Ang alam ko, gusto ko ng bagay na makikinang. Hindi naman po ako mali kung paghihihirapan ko ang mga bagay na gusto ko, hindi ba? Hindi naman ako masamang tao, Lola. Balang-araw, magkakaroon din ako ng mga bagay na gusto ko nang walang kahirap-hirap.”
“Huwag masyadong mataas ang tingin, apo. Kadalasan kapag nakatingala tayo, hindi malayong madapa at humalik sa lupa.”
“Hindi ba talaga ako pwede sa fastfood chain, Wendy?” Nakaupo sina Tash at Wendy sa harap ng kanilang bakuran, nagmemeryenda habang pinagmamasdan ang mga sasakyang dumaraan.
“Ano’ng gagawin mo roon? Naku, maliligawan ka lang ng mga crew. Naalala mo ba si Nitoy? Patay na patay sa iyo ’yon! Baka mamaya magayuma ka pa, e!” matigas na tanggi ni Wendy. Kayumanggi si Wendy, hindi nabiyayaan ng height, pero maganda rin kagaya niya. Pero sabi ng mga taga-San Isidro, mukhang mas sinwerte ng ama si Tash dahil mestiza siya, matangkad, at malakas ang dating. Madalas pa ngang napagkakamalang artista. Iyon ang palaging naririnig ni Tash kaya naman tumaas nang husto ang confidence niya, kasabay ng pagtaas ng mga nais niyang maabot. Plano niyang mag-apply bilang isang flight stewardess kapag nakapagtapos siya.
“Pero ano’ng gagawin ko? Sayang naman ang summer vacation ko. Meron kaming out of the country field trip sa susunod na sem, kailangan ko pa ng pambayad do’n.”
Napakamot ng ulo si Wendy. “Hayaan mo na, kapag nakuha ko yung midyear bonus ko, ipandadagdag ko sa tuition mo. Wala ka namang makukuhang trabaho sa bayan na ’to na sasapat. Mabuti pa nga iyang ginagawa mo dahil kahit papaano, malaki-laki ang kita.”
“Nagagalit naman si Lola Candy.”
“Ayun lang, napakahigpit sa iyo ni Lola Didang.”
Parehas silang namroblema dahil sa kanilang usapan. Alam ni Tash na gusto ring ibigay ng kanilang lola sa kanila ang lahat pero masyado nga yatang matayog kung mangarap siya. Hindi basta-basta maa-afford.
“Tasya! Tasya!” Nabulabog sila nang humahangos na dumating ang kababata niyang si Kim. Nakatodo makeup ito at sexy attire. “Tasya, merong go-see sa basketball court. Naghahanap daw ng mahigit isang daang empleyado para sa isang resort sa Palawan. Naku, merong pogi!”
“H-ha? Talaga?” Nabuhayan kaagad si Tash, ito na yata ang sagot sa kanyang panalangin. Nagmamadali niyang inubos ang softdrinks na iniinom nang hawakan siya ni Wendy sa braso.
“Baka hindi naman ’yan part-time job, Tasya. Sayang lang ang oras mo dahil hindi ka nila tatanggapin kung hindi ka pupwede sa mahabang panahon ng pagtatrabaho.”
“Hindi ko naman malalaman kung hindi ko susubukan, hindi ba? Bahala na. Pupwede naman akong mag-resign kapag malapit na ang pasukan. Magdadahilan na lang ako na may nakakahawang sakit, buni o an-an para paalisin nila ako nang kusa.”
Wala ring nagawa si Wendy. Nagmamadali siyang nagtungo sa kanilang kuwarto para mag-ayos. Ginaya niya ang porma ni Kim na sexy ang suot. Pinili niya ang maigsing pleated skirt at puting haltered dress. Lantad na lantad ang kanyang maputi at mala-kremang kutis na walang mantsa. Lalong humabang tingnan ang kanyang binti nang isuot niya ang five-inch stiletto sandals niya. Hindi niya kailangan maglagay ng foundation, sinuklay niya lang ang kanyang natural na nakahugis na kilay at saka naglagay ng cream blush at lip tint sa mukha. Pinakintab niya ang hanggang baywang na buhok na natural ang pagiging tuwid at kulay mais sa pamamagitan ng ilang hagod ng hair brush.
“Ang ganda mo talaga.” Hindi niya napansin na nakasilip pala si Wendy sa kanya roon sa may pintuan. Nakangiti itong lumapit at inayos ang kanyang buhok. “Malayo ang mararating mo, Tasya. Tiyak ko iyan. Galingan mo ha?”
Ngumiti siya at yumakap sa kapatid. “Lahat naman ng pangarap ko, kasama kayo. Wish me luck.” Ipinaligo niya ang mamahaling pabango at saka lumabas ng silid kung saan naghihintay si Harold.
Mahaba ang pila sa basketball court ng munisipyo nang dumating si Tash. Bumaba si Harold at sinilip ang kaganapan.
“Ang haba! Huwag ka munang bumaba riyan at pagpipiyestahan ka na naman. Ako na lang ang magpapalista sa iyo.” Nagpunas ng noo si Harold gamit ang puting bimpo bago siya iniwanan. Namangha siya sa dami ng pumila. Hindi man lang niya narinig ang audition na ito at napakaswerte naman ng San Isidro na sa lahat ng lugar na pupwede silang humanap ng empleyado ay sa maliit na bayan pa nila. Daig pa ang pa-job fair ng mayor at ang pa-livelihood ng baranggay kung maraming matatanggap sa resort na iyon.
Ilang sandali pa ay bumalik na si Harold. “Nakalista ka na pala, e! Inilista ka siguro ni Kim. Halika at ihahatid na kita roon sa upuang may numero. Ika-69 ka raw, pang-singkwenta na iyong iniinterbyu. Malapit na.”
Lahat ng mata ay nakatutok kay Tash nang bumaba siya ng tricycle ni Harold. Naka-tiger look naman ang kanyang pinsan na sinisita ang sobra kung titigan siya. Kinakalabit niya ito para magmadali na kaysa ambaan ng kamao ang bawat nadaraanan.
“Doon lang ako sa labas. May laban ng gagamba, sasali muna ako.” Humalakhak si Harold na mahilig sa mga small-time na sugal. “I-text mo ako kapag may nambastos sa ’yo rito, a.”
Napakamot siya ng ulo. Noon pa man ay bantay-sarado na siya ng mga pinsan, kaya nga kahit mahirap sila, alam niyang mataas ang value niya dahil parang prinsesa kung ituring siya ng mga kamag-anak niya. Yumaman lang talaga siya, madadamay sa swerte pati ang mga kamag-anak niya.
“Oo na. Huwag mong ubusin ang pera mo sa sugal. Isusumbong kita kay Tiyang Naty,” banta niya pa pero parang hindi naman narinig ng pinsan.
Pinagmamasdan pa lang niya si Harold na makalayo ay parang may kung anong pwersa nang kumukuha ng atensyon niya. Tumingin si Tash sa harapan kung saan mayroong mesa na nakaharap sa mga tao. May isang aplikante na nakatayo sa harap ng mikropono at kinakausap ng naroon sa mesa. Mayroon ding isang lalaki na nakahalukipkip na tutok na tutok ang mata sa direksyon niya.
Hindi ganoon kalayo ang distansiya niya sa lalaki kaya napagmasdan niya ang gatla nito sa noo dahil sa pagsimangot. Makapal ang kilay at manipis ang labi. Mahaba nang bahagya ang buhok nito sa karaniwan na sinadyang hindi pantay-pantay ang gupit. Bakas ang muscles sa suot nitong light blue polo. Hugis na hugis ang hubog ng panga ng lalaki, pati na rin ang tangos ng ilong nito.
Ang guwapo! Parang sa Mexican telenovela pa lang siya nakakita ng ganito katikas na lalaki.
Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki kahit na lumalakad na ang pila at lumilipat siya ng upuan. Hindi rin naman nito inaalis ang paninitig sa kanya. Nang siya na ang tinawag, may mga pumalakpak pa. Ramdam na ramdam niya ang pressure bilang pambato ng kanilang bayan.
“Hi, I am Tash Roces, 21, from the beautiful place of San Isidro!” masigla niyang pakilala sa sarili. Agad na nag-feedback ang mikropono. Bumilis ang tibok ng puso niya nang matagpuang nasa kamay ito ng lalaking kanina niya pa pinakatitigan.
“Twenty-one?” paniniyak nito sa malalim na boses. Pakiramdam ni Tash ay may kumirot sa kaibuturan niya sa paraan ng pananalita nito. Malamig ang boses at swabe, ang sarap pakinggan. Parang ang sarap . . . Napailing si Tash sa naiisip. Confident siyang ngumiti at tumango kahit pinagpapawisan nang malamig.
“We are offering P50,000 salary a month on average,” sambit ng guwapong lalaki. Napasinghap ang kababayan ni Tash, pati na rin siya. “It is higher than the salary bracket of waitresses, performers, and bartenders for a reason. We will require confidentiality, integrity, and honesty once we hire you,” seryosong sabi ng lalaki.
“Honesty,” ulit nito habang hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napaatras siya nang bahagya sa init na hatid nito sa kanyang katawan. Iyan na nga ba ang sinasabi niya, kapag pangit ang tumititig, manyak, kapag guwapo, mainit sa pakiramdam.
“I-I am 26 years old,” nauutal na sambit ni Tash.
“Next,” tugon nito na nakatingin na sa susunod na aplikante. Napahiya siya!
Kabanata 2
Kung ano’ng bilis na ma-interview si Tash, ang siya namang tagal ng kanyang paghihintay na matapos ang lahat ng nag-a-apply. Hindi na muling nag-interview pa ang lalaking masungit. Siya lang talaga ang nabiktima nito at ipinahiya!
Nilamok na siya sa kanyang pwesto pero ayaw niyang umalis. Makikiusap siya, magmamakaawa kung kinakailangan. Wala namang hindi makukuha kapag hinihingi nang maayos.
Nang tumayo na ang lahat ng nasa mesa at mangilan-ngilan na rin lang ang tao sa basketball court, tinungo niya agad ang lalaking nag-interview sa kanya. Tumalikod na ito patungo sa nakaparadang mga sasakyan doon sa labas ng basketball court. Mukhang papauwi na.
“Sir.” Nakasunod siya sa likuran ng lalaki. Ang malapad na likod nito at matambok na pang-upo ang kanyang napansin. Matangkad na siya pero malaki ang agwat sa kanya ng lalaki. Kailangan niyang tumingala para mapagmasdan ang batok nito. Humaplos pa roon ang palad ng lalaki kaya napansin niya ang pag-flex ng muscles nito sa braso. Dinaig pa ang mga nakasama niyang mga lalaki sa bikini open kung laki rin naman ng katawan ang pag-uusapan. In fact, parang kaya siyang durugin nito sa braso nito, iyon e kung yayakapin siya. Malamang kapag nakulitan sa kanya ay papaputukin nga siya gamit ang mga kamay.
“Sir,” ulit niya. Huminto ito sa tapat ng magarang pulang sasakyan kaya ganoon din siya.
“Sir, sorry. Sanay kasi akong dinadaya ang edad ko kapag merong mga audition. Hanggang 25 lang kasi ang kadalasang tinatanggap, Sir.” Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
Pumihit ang lalaki paharap sa kanya. Nakakunot ang noo. Napalunok siya sa nakakamanghang kagwapuhan nito kapag ganito kalapit. Nakadagdag pa sa appeal nito ang pagsimangot. Rough, brusque, very masculine.
“Hindi ko maipagkakatiwala ang negosyo ko sa sinungaling. I hate liars, Miss.”
“Tash.” Ngumiti siya nang matamis kahit pinagpapawisan nang malamig.
“Tash?” Tumaas ang kilay nito.
“Oh, hindi ako nagsisinungaling, a. Nickname ko ang Tash,” kaswal na sambit niya. “Ang buo kong pangalan ay Estancia Ligaya Rosanna Roces, sounds familiar, ’no? Parang yung bold star no’ng 90s.”
Nanatiling nakatingin sa kanya ang lalaki na parang inip na inip na kausap siya. Umikot ang mga mata niya. “Fine, Tasya. Tasya talaga ang tawag nila sa akin dito. Ano pa ang gusto mong malaman?”
“Wala. Not interested.” Tumalikod na itong muli at akmang sasakay na sa sasakyan.
“Sandali lang naman, Sir! Nagsasabi na po ako ng totoo. Baka naman pupwede n’yo akong isali sa shortlist n’yo.”
“Tapos na ang interview. Nakapili na kami,” sabi nito nang mabuksan ang pinto ng sasakyan.
“Sir naman. Please!” desperada niyang habol. Hinawakan niya sa kamay ang lalaki, napaigtad ito na parang napaso. Kung hindi nakakabit sa braso niya ang kanyang kamay ay baka lumipad na ito pero napangiwi siya nang tumama ito sa pinto ng sasakyan ng masungit na lalaki. “Aray . . .” Namilipit siya at agad na hinilot ang kamay. Tiyak niyang magpapasa iyon dahil gano’n kaselan ang kanyang kutis.
“Aray naman, ang lupit mo naman!”
“Bakit ka ba humahawak? Are we close?” arogante pang sita nito sa kanya.
“Imbes na mag-sorry ka, galit ka pa! Sungit!”
“You are invading my personal space, touching me even. Ano’ng karapatan mong hawakan ako?” Tumaas ang boses nito.
“Bakit? Sino lang ba ang pupwedeng humawak sa iyo? Ang arte-arte mo. Tingnan mo!” Iniangat niya ang likod ng kanyang palad at kitang-kita ang pagbabago ng kulay nito. “Gusto ko lang naman makiusap. Oo, 26 na ako, matanda na ako, siguro nga desperada. Kailangan ko ng trabaho, e. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral dahil huling-huli na ako sa karera. Lahat ng tao rito, naniniwalang malayo ang mararating ko pero nandito pa rin ako, kasama nila. Humihinga ng parehas na hangin na hinihinga ng mga kalabaw!” Nag-init ang sulok ng mga mata niya nang makaramdam ng awa sa sarili.
“Kaya lang naman ako nakikiusap nang ganito kasi naaawa na ako sa lola ko. Gusto ko naman na balang-araw kapag mananahi siya ng basahan, meron siyang maliwanag na ilaw kasi hindi na siya manghihinayang sa kuryente kapag kumikita na ako.” Tuluyan na siyang humikbi sa harap ng lalaki, hindi alintana ang pagkapahiya.
“Tasya, tama na ’yan. Tara na, umuwi na tayo.” Narinig ni Tash ang seryosong boses ni Harold sa kanyang likuran. Nang makita niya ito ay tinakbo niya ang kanilang distansya at umiyak sa balikat ng pinsan. Masuyong hinaplos nito ang kanyang likod.
“Dumaan tayo sa simbahan, ililibre kita ng goto na paborito mo, nanalo ako,” pang-aalo nito sa kanya, mas lalo siyang humikbi, naawa sa sarili. Naisip niya ang layo ng buhay nila sa lalaking pinapanood sila, maaaring pinagtatawan pa siya. Tumikhim pa ito sa kanilang likuran, papansin. Napaismid siya sa isip.
“Saka gulaman, ha, Harold? Tapos ilibre mo na rin yung pamasahe ko ngayon, wala naman akong napala, e,” pagsasamantala niya sa awa ng pinsan.
“Sige. Ano pa gusto mo? Gagawin natin.”
Mas malakas na napaubo ang lalaki. “I can talk to some people to do an interview for you.”
Natigilan siya sa sinabi ng mayabang na lalaki. Pumalakpak nang kaunti ang tainga niya.
“T-totoo?”
“Pero doon na sa hotel, everyone went back at the hotel.”
Bumitiw siya sa pagkakahawak kay Harold, napabuntonghininga ang mayabang na lalaki.
“S-sige. Pupunta ako roon ngayon.”
“Sumabay ka na sa akin. P-para mas mabilis,” suhestiyon nito. Agad na kumilos ang mga paa niya pero hinawakan siya ni Harold sa braso.
“Tasya. Sigurado ka ba? Baka hindi ka rin naman payagan ni Lola Didang. Sabi ng mga natanggap, sa Palawan daw ’yon. Alam mo ba kung saan ’yon? Sasakay ka ng eroplano.”
“Pero gusto ko . . . Magpapasundo na lang ako sa iyo mamaya.”
Walang nagawa si Harold nang sumama siya sa lalaki. Sumakay siya sa sasakyan nito nang walang pagdadalawang-isip. Naamoy niya agad ang panlalaking pabango nito sa sasakyan. Ang amoy ng mamahaling leather ay hindi nakaligtas sa kanya. Kagaya ito ng mamahaling bag na nabili niya nang manalo sa beauty contest sa kanilang lalawigan.
Mariing dumikit ang likuran niya sa upuan nang lumapit sa kanya ang lalaki. Nakahinga siya nang maluwag nang dumistansiya ito at ikabit ang kanyang seatbelt. Pinapagalitan niya ang sarili sa kakaibang reaksyon niya sa masungit na lalaki. Sa kabila ng kagaspangan nito ay humahanga pa rin siya nang husto. Siguro dahil wala naman sa bayan nila ang humalintulad sa lalaki. Kahit pa ang anak ng Mayor na naging manliligaw niya nang ilang taon ay hindi pumantay sa kagwapuhan ng kasama niya ngayon.
Napapikit siya nang hawakan ng lalaki ang kanyang kamay. Her toes curled instantly as she gently bit her lower lip. May pinahid na cream ang lalaki sa kanyang pasa. Masyadong banayad ang dampi nito sa kanyang balat na hindi mo aakalaing ang lalaking puro ugat sa kamay ang gumagawa.
“Better?” walang emosyong tanong nito.
Tumango siya nang tipid, “thank you.”
Umugong ang sasakyan, tanda ng pag-andar nito. “Sorry,” tila narinig niyang wika ng lalaki pero hindi niya tiyak.
Ang maigsing byahe patungo sa Rizal Hotel ay parang napakahaba. Sa gilid ng mga mata niya ay napapansin niyang nagtataas-baba ang Adam’s apple ng lalaki. Siya naman ay hindi mapigilang mapangiti; nagkaka-crush pa yata siya sa hinayupak. Isa pa, pinagbigyan siya nito. Hindi basta-basta ang second chance, mabuti ay ipinaglaban niya.
Sinalubong sila ng valet sa hotel lobby. Bumaba ang lalaki, kakaalis pa lang niya ng kanyang seatbelt ay pinagbubuksan na siya nito ng pinto. Gentleman naman pala, nadagdagan ang kanyang paghanga sa kabila ng pagsusungit nito. Mabait siguro, suplado lang. Marami namang ganoon.
Sinundan niya ito papasok sa loob ng hotel, lahat ay yumuyukod sa kanila dito.
“Good evening, Ma’am, Sir!”
“Good evening! Kumusta?” maligaya niyang tugon habang patuloy sa paghakbang nang mabilis.
Tinaasan siya ng kilay ng lalaki bago nag-isang linya ang labi nang tumapat sila sa elevator na silang dalawa na lang ang naroon.
“Let’s do the interview in my room,” anito.
“Okay.”
“Okay?”
Tumango siya.
“Are you sure?”
“Yes, Sir.”
“Hindi ka man lang magdadalawang-isip? I am inviting you inside my room,” pagdidiin nito.
Bahagyang tumagilid ang ulo ni Tash, sinusukat ng tingin ang lalaki. “Sir, kung trick question na naman iyan, hindi effective. Alam mo bang makukuha mo ang gusto mong sagot kung sasabihin mo lang nang maayos? Kanina, gusto mong malaman ang totoong edad ko. Pupwede mo naman akong diretsuhin, hindi iyong alam mo naman pala tapos magsusungit ka. Paano mo nga pala nalaman?”
“It is obvious that you are not 21!”
“Nakaka-offend naman ’to.” Umirap siya. “Ngayon, kung iniisip mong marumi akong babae dahil pumapayag akong sumama sa kuwarto mo, bahala ka. Ang alam kong makukuha sa kuwarto mo ay trabaho. Huwag kang mag-assume agad na dahil pumayag akong dalhin sa kuwarto mo e fuck girl ako, pero pupwede mong tanungin kung pumapayag ba akong makipag-sex sa iyo ngayong gabi para malaman mo ang sagot ko nang walang paligoy-ligoy.”
“Miss, your mouth!” Parang naeskandalo pa itong nagpalinga-linga kahit alam naman nitong walang tao.
“Ano? Trabaho ba talaga sa resort ang naghihintay sa kuwarto mo o gusto mong mag-sex tayo?” walang kagatol-gatol niyang tanong.
“Interview! Like what I’ve said!” tila hindi komportableng sabi nito.
“Tinuturuan lang kitang maging deretso. Kailangan mong sabihin ang nasa isip mo para makuha mo ang eksaktong gusto mo, bagay man ’yan, tao, o impormasyon. Paano ka nanliligaw kung ganyan ka? Pogi ka pa naman.”
“I don’t court.”
“Ah, kaya pala mainitin ulo mo.”
“Not because I don’t court it means that I am single.”
“So, may jowa ka?” Lumabi siya habang hinihintay na bumaba ang elevator. Sana wala.
“Hindi ko kailangang sagutin.”
Umismid siya. “Tinatanong lang. Sungit.” Tumunog ang elevator at sabay silang pumasok doon. Nakita niya ang repleksyon nila sa salamin. Maigsi ang kanyang suot samantalang pormal na pormal naman ang kanyang katabi. Nakanguso niyang nilingon ang lalaki.
“Kanina pa tuwid ang tayo mo. Ganyan ka lagi? Hindi ka nangangawit?” she asked. “Ano’ng pangalan mo?”
“Too many questions.”
“Sasagot lang, e.”
“Lucas.”
“Lucas,” ulit niya. “Maganda. Wala sigurong galit sa ’yo ang nanay mo. Sa akin kasi, mukhang naawa pa sa Estancia. Naku, baka naging Curacha pa ang first name ko para terno kina Ligaya at Rosanna. Fan na fan ang nanay ng ST films no’ng araw. Sabi ni Lola Candy, frustrated bold star daw ’yon, doon nga raw ako nagmana.”
Hindi kumibo ang lalaki.
“Tahimik ka talaga, Lucas?”
Napapikit si Lucas sa kanyang tanong. Naiirita na yata sa daldal niya, pinalo niya ang bibig at saka napangiti. “Huwag mo nang sagutin, Lucas.”
“Can you stop repeating my name?”
“Bakit? Ang sarap banggitin, eh. Lucas. Lucas . . . Lucas!” sambit niya sa iba’t ibang tono na nakakaakit. Umigting ang panga ng lalaki, kinagat niya ang dila niya, napipikon na niya ito. “Sige, baby na lang. Charot!” Bahagyang nahampas pa niya ang lalaki. Ang tigas ng braso, ha.
“Stop fooling around. I am a potential employer. I demand respect.”
Sinubukan niyang pumormal pero nauubo siya sa pagpipigil ng ngiti, hindi mapigilan ang pagkapilya. Sinamaan siya ng tingin ng lalaki. Mabuti at tumunog na ang elevator hudyat ng pagbubukas nito.
Nagpatiuna si Lucas na may mabibigat na hakbang. Napangisi siya, halatang labag sa loob. Sorry ito, marupok ito sa umiiyak na chicks. Nagtungo sila sa pinakadulong kuwarto. Nang itinapat ni Lucas ang card nito sa pinto at nang magbukas iyon ay hindi niya mapigilan ang mamangha. Iba talaga ang mayayaman.
Malamig ang buong silid. Malapad ang kama sa gitna, malaki ang bintana, warm lights, pati ang muebles ay halatang mamahalin.
“Make yourself comfortable.” Inalis ni Lucas ang dalawang butones ng polo.
Si Tash naman ay mabilis na inalis ang suot na sandals at patakbong tinalon ang kama. Ang lambot! Itinaas niya ang dalawang kamay at saka dinama ang mamahaling linen sa kanyang balat sa pamamagitan ng pagbukas-sara ng braso at mga binti nang paulit-ulit. Sosyal!
“Uh, not too comfortable.” Itinagilid ni Lucas ang kanyang ulo. “May interview ka pa. Tatawagin ko lang ang HR.”
Bumangon siya nang malapad ang ngiti. “Grabe, ang sarap ng buhay ng mayayaman, ano? Ang komportable ng higaan, walang ipis at daga, tapos mabango pa. Siguro, ang sarap-sarap ng buhay mo? Ang saya mo siguro,” sambit niya habang isinusuot ang sandals.
“Kung iyan ang pamantayan mo sa pagiging masaya, masyado kang mababaw.”
Umismid siya at humalukipkip. “Hindi ka lang marunong makuntento. Ako, kung ako ang meron ng lahat ng ito, lagi na lang akong nakangiti. Imagine, mabibili ko ang lahat ng gusto ko nang hindi ko na kailangan mag-ipon?”
“Ano-ano ba ang mga gusto mo?”
“Yung mga gusto ng mga babae—bags, shoes, pabango, damit.”
“Ordinary.”
“Alam mo, basher ka. Para kang si Lola Candy. Hindi kaya ordinaryo ang mga bagay na pinaghihirapan bago makuha. Hindi mo lang naa-appreciate.”
Kinuha ni Lucas ang telepono at merong ilang tinawagan, iyon na yata ang mag-i-interview sa kanya. Inayos niya ang sarili, sinuklay ang buhok gamit ang daliri sa harap ng magarang vanity mirror. Nang may kumatok ay pumitik ang kanyang puso sa kaba. Inihanda niya ang magandang ngiti. Dalawang middle-aged woman ang pumasok na umupo sa two-seater sofa.
“Ikaw iyong kanina, hija, hindi ba? Iyong 26 years old?” Inayos ng isang ginang ang kanyang salamin. Nahihiya siyang tumango.
“Pasensya na po kayo. More chances of winning kasi kung mas bata-bata ako nang kaunti.”
Napangiti ang dalawang ginang.
“Ano ba ang natapos mo? O ang work experience mo?”
Napakamot siya ng ulo. “Nag-aaral pa po ako. Wala pa rin akong work experience pero lahat ng gusto n’yo, kaya kong gawin.”
“Lahat?” Pumaimbabaw ang baritonong boses ni Lucas.
“Oo. Lahat,” taas-noong sagot niya. “Ano ba ang kailangan mo?” Sinalubong niya ang titig nito.
“Marunong ka bang sumayaw, hija?” putol ng isa sa mga ginang.
“Gusto n’yo habang kumakanta? Magaling akong gumiling lalo’t may hawak na mic, tiyak na masisiyahan ang kahit sinong makakakita.” Nanatiling tutok ang mga mata niya kay Lucas.
“Good, good.” Mukhang satisfied ang dalawang ginang sa kanyang sagot. Nagbulungan ang dalawa, lumapit si Lucas sa mga ito.
“Hindi natin siya kukuning dancer sa Pulse ,” narinig niyang tutol ni Lucas. “Housekeeping, ilagay n’yo siya roon.”
“Bakit hindi na lang dancer? Forte ko ’yon,” singit niya sa usapan. Hindi siya magaling sa housekeeping, tamad nga siya. Kung hindi dahil kay Wendy, hindi siya makaka-survive sa gawaing bahay.
“Namimili ka?” Tinaasan siya nito ng kilay. Nakagat niya ang pang-ibabang labi.
Sa bagay, wala naman siyang ideya kung anong trabaho ang naghihintay no’ng nag-apply siya kanina. Choosy pa ba siya? Isa pa, malaki raw ang sahod. Malaking tulong na iyon kahit pansamantala lang siyang magtatrabaho; makakaipon na siya ng sapat para maka-graduate siya.
“S-sige. Okay lang naman.”
“Okay then, we’ll see you in Temptation Island,” madilim na sambit sa kanya ni Lucas.
Nanuyo ang kanyang lalamunan, “T-temptation Island? A-ano ’yon?”
Kabanata 3
She’s very animated. Pinanliitan ni Lucas ang dalaga, ang kaisa-isang babaeng anak ni Don Levi Monasterio at ang panganay nito. Siya rin lang ang nakakaalam ng sikreto ng pamilya Monasterio at bahagi rin siya ng sikretong iyon. Donya Miranda will tremble when she discovers that he knew how she traded her very own daughter to have a son as a Monasterio first born—just what Don Levi prefered. Ngayon nga ay bahagi na siya ng pamilya Monasterio at kabahagi siya ng pag-akyat ng kayamanan sa pamilya.
Nothing can stop Lucas to get what he likes. Tuso ang matandang Don at tiyak na balang-araw ay babawiin nito ang lahat ng pinagtrabahuhan niya para sa pamilyang hindi siya kabahagi. Hindi niya hahayaan. He sacrificed a lot for the wealth of the family. Kung wala siya ay wala ang Monasterio Empire. Hindi man pinapahalagahan ni Levi Monasterio ang mga nagawa niya, ibahin siya nito. He remembered every single day that he skipped sleep, meals, and a good fucking because of Monasterio Empire. It wouldn’t go in vain.
Estancia giggled with his staff. Magigiliwin ito sa tao lalo na sa mga matatanda. She knew her way to their hearts.
“Nandito pa po kayo bukas? Magpapagawa ako ng puto sa lola ko, magaling ’yon magluto! Idadaan ko rito bukas.”
“Nakakahiya naman, hija! Pero oo at naririto pa kami bukas. Ioorganisa namin ang biyahe patungong Maynila ng mga natanggap.”
“Ikaw, nandito ka pa bukas?” Siniko siya ni Tasha, awtomatiko ang pagtaas ng kanyang kilay sa pagkakadikit ng kanilang mga balat. Narito pa rin si Tasha sa hotel room niya dahil ibinibilin dito ang dadalhing requirements.
“Wala.”
Sumimangot si Tasha. “Sayang naman. Hindi mo matitikman ang puto ko, malambot pa naman ’yon at mamasa-masa kapag mainit.”
Nag-init ang pisngi niya. Iba’t ibang ideya ang tumakbo sa isip niya. On regular days, he would grab the woman and fuck her senseless. But he knew, off-limits si Estancia. Hindi sila dapat umabot sa ganoon kung hindi ay masisira din ang diskarte niya. He can get laid literally by anyone he wanted, why would he jeopardize his plans for a sexual encounter with Tash? Cunts were all the same—wet, hot, and tight. Tiyak na hindi naiiba ang kay Tasha.
Napababa ang tingin niya sa suot nitong maliit na puting blouse. It pushed her globes up and he knew that it couldn’t fit in his huge hands. Her waist is so small and her legs are long. Mala-krema rin ang kutis nito. Now he understood why this small town treated her like a queen. Wala man itong ideya sa tunay na pagkatao, herself screamed opulence and the exquisite beauty of a full-blooded Monasterio.
He felt Tasha’s ass poking his crouch. Hindi siya nakakilos. Inaayos nito ang strap ng mataas na sandals na inalis kanina. Ngayon ay nakatuwad na sa kanyang harapan habang kumikilos nang taas-baba para iayos ang kung ano man!
Fuck! Hindi siya naniniwalang hindi alam ng babae ang ginagawang pang-aakit. Kanina pa ito! Kumiskis ang pang-upo nito sa kanyang harapan habang mabagal na minamasahe ang gilid ng paa nito.
“Ooh . . . Ang sakit!” she moaned and groaned altogether. Magsasalita na sana siya nang tumuwid ito ng tayo at hinarap siya nang nakangiti.
Damn it. Her smile was perfect! Her eyes smiled with her sexy lips too. Napalunok siya at napataas ng kilay.
“Salamat, Lucas.” She gently pressed his arm and his mind went haywire. Naramdaman niya ang pagpulso ng kanyang pagkalalaki. “Magkita na lang tayo sa isla. Mag-iingat ka sa biyahe palabas ng San Isidro.” She sounded sincere and gentle. Iba ito sa pagiging makulit kanina. Tasha knew her manners, huh?
Hindi nakatulong ang papuring iyon para kay Tasha. He wanted to grab her and taste those pretty lips. Gusto niyang makita ang mga mata nitong namumungay habang inaangkin niya. Damn that oohs and complains of pain while he’s inside her and pleasuring her. Her moans would be music to his ears.
Nagpaalam na si Tasha kasabay ng kanyang hiring staff. Her buttocks automatically jiggled when she walked away. Her body was perfect even when her back turned. Putang ina. Naiinis niyang tinakpan ng palad ang kanyang pagkalalaki na naghuhumindig na sa loob ng kanyang pantalon.
Kinuha niya ang kanyang telepono nang lumabas na si Tasha sa kanyang silid.
“Donna, I want to fuck you tonight. Ipapakuha kita sa chopper.” Hindi niya na hinintay ang kumpirmasyon ng nasa kabilang linya.
Being in his phonebook meant a lot to girls. He saved those who gave him remarkable and mind-blowing sex. They were just a handful of girls who knew how to keep their mouths shut. The rest were just for one-night stands.
In just an hour, Donna entered his room, removing her clothes while slowly walking to him. Unti-unti ay lumantad ang magandang katawan nito na walang saplot. Small waist, enhanced breast, shaved lady part, and a very clear morena skin. Wala ring mantsa ang katawan nito. Her sexy bangs fit her jet-black waist-long hair. Lumuhod ito sa kanyang harapan at inalis ang pagkakabutones ng suot niyang pantalon.
“Oh, this is so ready for me, huh?” Tumingala siya nang maramdaman niya ang init ng bibig ni Donna sa kanyang pagkalalaki. A familiar image crossed his mind. Ang mismong nagpainit sa kanyang gabi. Wala siyang balak dalhin si Donna sa trabaho pero hindi niya na kaya ang init ng katawan dahil sa babaeng kanina pa nakuha ang kanyang atensyon.
He pulled Donna’s hair to guide her to suck him more. She didn’t even gag. Paulit-ulit siyang nagmura habang hindi iniaalis sa isip ang imahe ni Tasha hanggang sa naramdaman niya na ang pamumuo ng tensyon sa kanyang puson.
“Fuck, fuck, fuck, Estancia!” he screamed as he came inside Donna’s mouth.
Tumayo si Donna, wiping his cum on her small pretty face.
“Who’s Estancia, darling?” Itinulak siya nito patungo sa kama at napaupo siya roon. Hingal pa siya sa pag-abot sa tuktok ng kaligayahan.
Donna pressed herself on his manhood and pumped up and down again.
“Call me what you want, then. I don’t mind . . .”
They fucked the whole night with lights off . . . He kept on calling somebody else’s name as he cum, hoping that this would be enough to satisfy his curiosity with the full-blooded Monasterio he wanted to bed.
“Napakagaga mo talaga!” Napangiwi si Tasha nang abutin ni Lola Candy ang kanyang tainga. Galit na galit sa kanya ito at hinabol siya ng walis tingting. Nang hindi makuntento ay piningot na siya dahil sa matinding galit.
“Wendy! Tumawag ka ng Bantay Bata! Minamaltrato na naman ako ni Lola!” sigaw niya sa kanyang kapatid.
Nagalit si Lola Candy nang makitang nag-iimpake na siya at handa nang sumama roon sa nag-hire sa kanya kagabi. Opportunity knocks once, sabi nga!
“Napakalayo n’on! Paano kung mapahamak ka!”
“Lola naman, e! Ang tanda-tanda ko na. Babalik naman ako pagkatapos ng tatlong buwan. Sayang iyong sahod! Kailangan ko iyon sa enrollment. Kung mayaman lang tayo, hindi ako aalis.”
“Ewan ko ba sa iyong bata ka! Bakit hindi ka makuntento? Kumakain ka naman dito, humihinga! Ano pa bang kailangan mong bata ka!” Gigil siyang pinalo sa pwet ni Lola Candy.
“Hindi ko po alam, Lola!” sigaw niya habang umiiwas. “Nararamdaman ko lang na mas may pakinabang ako kaysa manatili sa lugar na ito!” Nakailag muli siya sa walis. “Kasama naman kayo sa mga pangarap ko. Aalis tayo rito! Si Wendy hindi na ’yan magtatrabaho sa fastfood at ikaw, kukuha tayo ng mas magandang makina sa pananahi mo. Promise ko ’yan, Lola!”
Tumigil si Lola Candy sa pagpalo sa kanya at bumuntonghininga hanggang sa namasa ang mga mata. “Kaya ka ba aalis para sa amin ng kapatid mo?”
Nakalabi siyang tumango. “Marami akong pangarap para sa atin, Lola. Magtatayo na lang tayo ng maliit na negosyo kapag nakapag-ipon ako at hindi na natin kailangan maghiwa-hiwalay.” Niyakap niya ang kanyang lola na nabawasan na ang tangkad dahil sa katandaan at kakayuko sa makina ng pananahi.
“Magtrabaho ka roon nang mabuti. Huwag mo akong ipapahiya! Ako ang nagpalaki sa iyo, Tasya!” mangiyak-ngiyak na sigaw nito sa kanya.
“Opo, Lola. Pangako.”
“At kapag nakakuha ka na roon ng malaking sahod, hindi ka na sasayaw sa mga piyesta at magbabandera ng katawan!”
“Yes, Lola.”
“Tatahimik na itong bahay na ito kapag dalawa na lang kami ni Wendy.” Nagpunas ng kaunting luha si Lola Candy. Mas lalo niya itong nilambing ng yakap.
“Okay lang iyon para maipahinga mo ang tainga mo, Lola. Mami-miss ko po kayo . . . Alagaan mo ang sarili mo, ’La. Makikinig ka kay Wendy lagi . . .”
“Ang pinirmahan n’yong non-disclosure agreement ay binding. Ibig sabihin, wala kayong maaaring pagsabihan ng makikita n’yo sa loob ng isla. Wala pang kahit anong impormasyon mula sa loob ng isla ang lumalabas. At kung kayo ang maghahatid ng kahit anong balita o tsismis, hindi mangingimi ang Monasterio Corporation na habulin kayo.”
Matamang nakikinig si Tasha sa habilin ng HR head, ang isa sa nag-interview sa kanila sa San Isidro. Ngayon ay nasa Monasterio Towers na sila. Sa buong buhay niya ay noon lang siya nakakita ng ganoong gusali. Hindi niya mapigilan ang mapanganga sa mga muebles na naghuhumiyaw ng karangyaan. Siguro ang isang vase ay pwede na nilang pangkain sa isang taon o sobra pa.
Isinerve sa kanila ang meryenda habang nagsasalita ang HR na nakilala nila bilang Mrs. Tolentino. Naglaway siya sa steak sandwich na mayroon pang gintong flakes sa ibabaw. Agad siyang kumagat ng malaki habang nakikinig.
“Kaya kung sakali mang aatras kayo, ngayon pa lang ay gawin n’yo na.” Pumasok si Lucas Monasterio sa loob ng conference room. Agad na luminga ito at nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya tuloy nanguya ang isinubong pagkain. Nakaramdam siya ng init sa pagsalubong ng kilay nito sa kanya. Misteryoso, suplado, at gwapo—pak! Red flag!
Nagbigay-respeto ang mga staff sa lalaki. Hindi nito iyon pinansin dahil nanatili lang ang tingin nito sa kanya. Ano na naman kaya ang masama niyang nagawa? Desidido siyang hindi magpasaway sa isla dahil iyon ang pangako niya sa kanyang lola.
“Sisimulan namin sa pagsasabing ang Temptation Island kung saan kayo magtatrabaho ay isang sex island,” ani Mrs. Tolentino.
Nasamid siya nang malakas, may mangilan-ngilan na nagbigay ng gulat na reaksyon samantalang ang iba ay tila may ideya na. Hindi niya inaasahan iyon. Nagmamadali siyang inabutan ng kanyang katabing si Jeffrey ng shake para ipanulak.
Sex Island?
“Ang ating mga guest ay naglalakad nang nakahubad, nagtatalik kung saan nila matipuhan at hindi sila maaaring husgahan, titigan, at higit sa lahat ay bastusin. Don’t worry, pagkatapos nito ay isa-isa kayong daraan sa screening ng psychiatrist para malaman kung wala kayong tendency maging bastos at makaramdam ng libog sa hindi nararapat na pagkakataon. Hindi rin kayo maaaring galawin ng kahit sino sa isla maliban na lang kung mayroon kayong consent, ngunit bawal mang-akit at manguna sa pag-aalok ng sarili. That’s prostitution and we are against it,” kaswal na paliwanag ni Mrs. Tolentino na para bang normal iyon.
Namula ang kanyang mukha nang sobra pa sa sobra. Hindi nga siya nanonood ng porn at baka makalbo siya ni Lola Candy!
“Hahatiin kayo sa dalawang grupo kapag nagdesisyon kayong pumirma ng kontrata base sa mga nalalaman n’yo sa oras na ito. Mayroon na bang gustong umatras?”
Handa na sana siyang magtaas ng kamay at ayaw niyang maligo sa holy water kapag nalaman ito ni Lola Candy. Nasa kalahati na ang kanyang braso at nakapikit siya nang mariin.
“We are raising your offers to P100,000 a month, with P30,000 clothing and rice subsidy allowance every month, P1,000,000 worth of annual health card for you and your family and P50,000 signing bonus.” Napadilat siya sa gulat. Tumaas ang kilay ni Lucas Monasterio sa kanya na pinapanood pala ang pagtaas ng kanyang kamay. Napalunok siya at luminga siya sa paligid at walang nagtaas ng kamay para umatras. Bumaba ang kamay niya nang kusa.
Napadako muli siya kay Lucas. Nakahalukipkip ito kaya lalong pumorma ang bakat na bakat na muscles nito sa braso.
“Ah, mabuti naman.” Ngumiti si Mrs. Tolentino. “Then, for further screening process, hahatiin kayo sa experienced and unexperienced when it comes to sex. No judgement ito kaya sana ay hindi kayo magsisinungaling. Kailangan ito para sa pakikipag-usap n’yo sa psychiatrist. So, sino ang unexperienced dito o mga virgin? Magtaas ng kamay para mailista.”
Nagtaas siya ng kamay. Itinagilid ni Lucas ang kanyang ulo.
“Hindi pupwedeng magsinungaling.” Pumaimbabaw muli ang baritonong boses nito at tiyak niyang siya na ang tinutukoy nito.
“Hindi ako nagsisinungaling!” giit niya. “Ako po, Mrs. Tolentino. Never been kissed, never been touched, never been plok-plok.”
Natawa ang mga kasama sa kanyang katabilan. Napahugot naman ng buntonghininga si Lucas. Napangiwi siya dahil napainit na naman niya ang ulo nito.
“Palabiro talaga itong si Miss Roces. Totoo bang sa ganda mong iyan, hindi ka pa nagkaka-boyfriend?” magiliw na tanong sa kanya ng matanda.
“Hindi pa po kahit marami ang natatakam!” Malamyos niya pang iginiling ang balakang. Gumaan ang mood ng conference room dahil sa katatawanan niyang hatid.
“Baka ako na ang maswerteng lalaki!” singit ng isa na naroon sa unahan. Apat lang ang nakuha roon sa bayan nila at ang iba, hindi niya na alam kung saan galing.
“Hoy! Choosy ’to, ’no!” Umirap siya. “Pero manligaw ka muna.” She winked.
“Bawal ang employee to employee relationship, matatanggal,” matabang na komento ni Lucas.
“Ay, bawal na, Sir?” inosenteng tanong ni Mrs. Tolentino. Napapikit si Lucas na parang naiinis. “Oo, b-bawal pala talaga. Hehe.”
Dumaan silang lahat sa masusing proseso pagkatapos n’on. Ang sabi ay tutulak sa isla ang lahat ng nakapasa sa psychological test. Hapon na nang tawagin ang kanyang pangalan.
“Miss Roces, you passed. Welcome to Temptation Island.”
Kinuha niya ang papel mula sa nag-assess sa kanya sa psychological test at hinawakan iyon nang mahigpit. Sa wakas!
“Bye, hampy life!
Uuwi akong hindi na hampaslupa. This is it !“ bulong niya sa kanyang sarili.
Kinakabahan siyang sumampa sa chopper dahil sa lakas ng tunog n’on. Medyo madilim na kaya dumoble ang kanyang kaba. Ayaw niyang makakita ng kawalan sa kadiliman. She’s scared of the dark and heights even! Ngayon pa lang siya sasakay ng helicopter, kahit nga eroplano ay ’di pa siya nakatuntong.
Mag-isa pa lamang siya sa chopper at naghihintay ng makakasama nang okupahin ang kanyang tabi ng isang bulto. His manly scent filled the air inside the chopper. Napalunok siya nang mas lalo itong naging komportable sa pagkakaupo dahil magkadikit na magkadikit ang kanilang katawan.
“Lucas . . .” Nanunuyo ang kanyang lalamunan nang pasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa.
Kabanata 4
“Waaaahhhh!” Tasha screamed on his ear. Walang nagawa si Lucas nang sumampa ito sa kanyang binti at yumakap sa kanyang leeg. They looked like fucking while straddling. Umangat ang puting dress ni Tasha kaya lumantad ang binti nito. Silang dalawa lang ang naroon sa chopper at hindi niya alam kung saan ilalagay ang kamay. Fuck, he’s turned on. She’s breathing on his neck and what else he’s supposed to do.
“Takot ako, Lucas,” she purred on his neck. Her voice was soft and mellow. Malambing nitong iniangkla ang kamay at hinahaplos ang kanyang batok na para bang kumakalma ito sa ganoon. Ginawa pa yata siyang stressball.
“Miss Roces.” Nanatili siyang kalmado.
“Tash na lang.”
Mariin siyang napapikit. Hindi gusto ang ideya ng first name basis.
“Miss—”
“Baby?” tawad pa nito.
Itutulak niya sana ito pero mas humigpit ang kapit.
“Huwag, Lucas. Dito lang ako, please! Bakit ganito ang sasakyan papunta ro’n? Paano pa ako babalik pauwi sa amin?”
“You will not leave.”
“Huh?” Nag-angat ito ng tingin. Tutok ang magandang mukha sa kanya pero nanatili ang kapit sa kanyang batok.
“Nakapirma ka na ng kontrata sa amin,” paglilinaw niya. Matamis na ngumiti ito at itinagilid ang ulo. Ano ba itong babaeng ito! Hindi man lang nangimi sa kanya. Kaya silang dalawa ang nagkasama sa chopper ay kahit sina Mrs. Tolentino, ayaw siyang makasabay sa biyahe, pero si Tasha ang naglakas-loob na pumili ng personal niyang chopper para sakyan.
“Okay. Akala ko roon na ako mamamatay, e. Kung mamamatay sa sarap, e pwede rin naman—”
“Tasha!” Hindi na niya napigilang tawagin ito sa pangalan! Damn it, ayaw niya sana dahil iba ang naiisip niya roon. Whenever he fucked, he called his women Tash, Tasha, Estancia and her image in his mind each and every fuck remained since the day he met her.
Mabuti at limang minuto lang ang hinintay niya para makalapag sila sa isla. Sumakay silang dalawa ng motor boat pagkalapag ng chopper at doon sa mismong beach front ay sinalubong sila ni Cristina, ang head of security. At the very start of the day of the employment of their staff, si Cristina na ang magiging head ng mga ito, gano’n na rin ang mga guest.
Security was the major priority on the island. Sinisigurong walang kahit anong impormasyon ang makakalabas kahit pa mula sa mga guest. Ang construction ang naging pinakamadali sa lahat, pero ang pagpili ng iimbitahing miyembro pati na rin ang pagsisiguro ng security ang naging pinakamahirap.
Sumampa siya sa golf cart na maghahatid sa kanya sa Monasterio Mansion nang hindi tinitingnan si Tasha. Damn it, he needed to fuck because of that tease! Pagod na sana siya at hindi niya na sana gustong magpalabas ng init ngayong gabi pero hindi niya mapigilan ang uhaw sa magandang dalaga.
Binuksan niya ang isang bagong bote ng Dalmore 62. Sa dami ng pinagdaanan niyang problema sa negosyo ay ngayon lang siya namroblema nang ganito. It was a fucking sex problem! Akala niya ay mapupunan iyon ng kung sinong babae lang pero hindi ganoon ang nangyari. He had to fuck with eyes closed because his imagination only required Tash in it.
Sumimsim siya ng whiskey mula sa kanyang baso. Napangiwi siya sa tapang n’on. He will get drunk so he could sleep off the heat.
“Dito na, Ma’am. Enjoy.” Nagtataka man ay doon siya ibinaba ng golf cart driver na nasakyan niya. Ito na ang housekeeping quarters?
Mukhang hindi naman dahil mayroong party. May welcome party? Parang hindi naman din.
Mataas na mansyon ito na makikita lang sa mga libro. It looked like a castle. May maingay na music sa loob at nagkakasiyahan ang lahat. Napapikit siya nang mariin nang may naghahabulang nakahubad mula roon sa mansyon.
“Ano ba ’yon!” Napasinghap siya at napakapit sa dibdib sa gulat! Sinabi naman na sa kanila na ganoon nga pero nakakagulat pa rin!
Dumeretso siya sa pagpasok sa loob ng mansyon. Mas lalong lumakas ang ingay at halos sabayan iyon ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam ang tawag doon sa mga pamalo na leather para doon sa mga babaeng may kadena sa leeg at hinihila ng lalaking naka-leather brief din. Naeeskandalo siya sa nakikita kahit hindi naman siya judgemental.
May mga nakaposas pa! May pulis kaya sa mansyon?
“Hi, my lady. Tariq here. Enjoying so far?” Mukhang may lahing Arabo ang lalaki. Hindi niya alam kung i-Inglesin niya o hindi papansinin dahil baka mag-nosebleed pa siya. Wala itong pang-itaas at tanging pantalon lang na mababa sa baywang ang suot. His muscles were all in the right places! Mapula ang labi, may parang inaantok na mata, makapal ang kilay at may kaunting buhok sa dibdib pababa sa—napalunok siya sa nakita roon sa kabilang bahagi na naghahawakan ng katawan na wala nang mga saplot.
“Harujusko. B-bakit ganito?” Napahilamos siya ng mukha, hindi niya alam kung ano’ng uunahing tingnan. Sa isang banda ay wala na talagang kahit ano at nagkakabayuhan doon sa isang sulok. Hindi nga siya nakapanood ng porn, live na live naman ang una niyang nakita. Hindi niya alam kung ano ang mas maganda.
“Oh, I get it, you are nervous.” Natawa nang bahagya si Tariq at tumawag ng waiter. “First time?” Dinilaan nito ang pang-ibabang labi habang tinititigan siya at inaabot ang inumin na hindi niya alam kung kukunin niya.
“Sabi ng Lola Candy—”
Tumaas muli ang kilay ni Tariq. “Nasaan siya?” Nagpalinga-linga pa, kunwari’y may hinahanap.
“Nasa San Isidro.”
“Mukhang malayo ’yon dito. Hindi niya na malalaman. Sige na, pampalakas ng loob.”
Akmang iinom siya nang manliit ang mga mata niya. “May inilagay ka rito, tapos ano? Hihilahin mo ako sa kuwarto tapos tatakpan mo bibig ko para hindi ako makasigaw, at tapos ano? Hindi mo na ako kilala kinabukasan. Kasi ano? Ayaw mo ng obligasyon. Para ano? Para pakasalan kasi hindi mo naman ako kilala. Tama, ano?”
“Hey, hey!” Natawa si Tariq. “Akin na nga iyan.” Ininom iyon ni Tariq at tumawag muli ng waiter. “Ikaw na ang kumuha para sigurado. Hirap mong babae, mapagduda,” naiiling na sambit nito.
Nakairap siyang kumuha ng alak sa panibagong waiter na nagdaan. Tinikman niya ang lasang prutas na may halong pait na alak. Naginhawahan ang kanyang lalamunan. Hiling niya na sana ay matulungan nga siya ng alak na iyon na mawala ang kaba at pagtataka dahil walang tigil ang mga naroon sa party na maghalikan at mag-plok plok plok . . .
“Tariq!” Humalakhak ang mga lalaki sa hindi kalayuan at tinatawag ang kanyang kasama. May suot na Ironman T-shirt ang isa at ang isa naman ay naglalakad habang may nakabalot na tuwalya sa baywang. Siguro ay para ilalabas na lang ang suman sa kung kanino mang babae na mapusuan.
“Lucian! Lucifer!” Nag-apir pa ang tatlo nang magkalapit na. Tinitingala niya ang tatlo na ngayon ay napapagitnaan na siya.
“Bago mong chick?” tanong ng naka-T-shirt na Ironman pagkatapos ay pinasadahan siya ng tingin. Sabay silang napakunot ang noo nang magkatinginan kahit medyo madilim. “Hello, welcome sa Temptation Island, sana mag-enjoy ka.”
Lumapit din iyong nakasuot ng tuwalya. “Ang sex—H-hi, Ma’am!” Yumukod ito sa kanya.
“Oy, bagong reaksyon ’yan, ha. Marunong na kayong gumalang!” Pabirong sinapok sila ni Tariq pero hindi nagbago ang pagkakangiti ng dalawa sa kanya. Iniisip niya pa kung saan niya nakita ang mga ito. May kamukha, e.
“Kami nga pala ang may-ari ng isla. Lucian, siya naman si Lucifer,” pormal na pakilala nito.
“Kayo?” nagtataka niyang tanong. “Akala ko iyong si Lucas ang may-ari.”
“Oh, so you met our kuya!” Malawak ang ngisi ni Lucifer na parang may nakakatawa roon. “Binakuran ka agad, ’no? Matinik kasi iyong kapatid naming ’yon. Mukha lang maginoo ’yon pero sobrang bastos! Huwag kang didikit masyado!” Naghalakhakan na naman ang tatlo.
Itinagilid niya ang ulo. “May mas sobra pang bastos sa mga nandito?” inosente niyang tanong.
“Oo, yung panganay namin! Malupit ’yon si Idol!”
Inabutan siya ng alak ni Lucian at hindi na siya nagtanong. Hindi gaya ng pag-abot sa kanya ni Tariq noong umpisa, hindi niya alam kung bakit magaan ang loob niya kina Lucian at Lucifer. Nakalimutan niyang ikwento sa tatlong kausap na alipin siya sa isla at hindi siya dapat nakiki-party; napasarap kasi ang kanilang kwentuhan.
Kalaunan nga sa pananatili niya roon ay nasasanay na rin ang kanyang mga mata. Hindi naman pala sumablay ang psychiatrist na nag-test sa kanya kanina. Hindi naman niya ginustong makisali sa mga naghaharutan sa kung saan-saang bahagi ng mansyon.
“Nasaan si Lucas?” Nakakaapat na baso na siya nang maalalang tanungin. Hindi na kasi niya nakita ito simula pa kanina.
“Baka may pinapaligaya na. Uy, sorry, Tash, ha. Baka isipin mong niloloko ka ng kapatid namin. Pero niloloko ka nga lang talaga n’on. Maraming babae iyon.” Si Lucian.
“Nagsalita!” susog ni Tariq.
“Oo, ’wag kang mao-offend doon kay Lucas kasi nakaka-offend talaga personality n’on. Babaero, laging galit, masungit, mahilig sa—ewan ko ba ro’n! If I were you, Tash, run,” habilin ni Lucifer. Hindi niya ma-absorb ang pinagsasabi ng magkapatid!
“Teka! Naiihi ako!” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. “Nasaan ba ang CR?”
Itinuro ni Lucian ang daan at naglakad siya paakyat ng grand staircase habang pinapanood ang mga painting na naka-display roon. Napakaganda ng loob ng mansyon. Makikintab ang lahat ng mga muebles at kahit na madilim ay makikita pa rin ang pagiging elegante ng bawat haligi nito.
“Ah! Malalaglag ako, honey!”
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may magkapatong doon sa pinakataas na baitang ng hagdan. Buhat sa baywang ng lalaking nasa ilalim ang babaeng hawak na nakakapit sa stair rails. Parang mawawalan pa iyon ng balanse dahil sa likot.
“Honey, huwag masyadong wild . . . Baka gumulong tayo sa ibaba!”
Hindi na siya nagdalawang-isip na tulungan iyon. Hinawakan niya ang babae sa likuran para bigyan ito ng suporta. Iniisip niyang parte ng trabaho niya iyon at unang araw naman niya ngayon so . . .
“Sige, kaya mo ’yan, Ma’am!” Nag-cheer pa siya.
“Oh, thanks, Miss!”
“Go, Sir! Baka malaglag si Ma’am, bilisan mo riyan!” dagdag niya pa. Ilang sandali pa ay narinig niya na ang sigaw ng mga ito na nakatapos na.
“T-thanks . . .” humihingal na wika pa ng dalawa.
“You are welcome, Sir, Ma’am. Tasha Roces at your service!” magiliw niyang sagot pagkatapos ay umalis na roon. Napalunok siya sa lahat ng mga nakita. Parang sapat na ang araw na ito sa lahat ng mga nakita niya. Ito na nga yata ang limit niya.
Paekis-ekis ang kanyang lakad na naghahanap ng banyo. Sa sobrang laki ng mansyon ay nalito siya sa mga nakikitang pinto. Wala roon ang hinahanap na CR, hindi na niya kayang maghintay. Idagdag pa ang tama ng alak kaya mas lalo lamang siyang nahilo.
Nakyuryoso siya sa isang bahagi na mayroong harang na pulang kordon na nakikita niya lang sa mga sinehan kung bawal pumasok.
“Ang daya! Ayaw magpaihi!” Sumimangot siya at tumawid doon sa pulang kordon. Mas malalaking pinto na ang naroon sa bahaging iyon at itinulak niya ang pinakamalaki.
Napasinghap siya nang makitang may isang bulto ng katawan doon na nakaupo sa malapad na kama. Wala itong pang-itaas.
“Ay yawa!” Sa gulat niya ay napasigaw siya nang tumayo ito at naglakad papalapit sa kanya.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Umugong ang baritonong boses sa kanyang tainga.
“Lucas?” nagtataka niyang tanong.
“Yes, and what are you doing here? Dapat ay naroon ka sa mga kuwarto n’yo.”
“D-dito ako dinala ng golf cart kanina. Tapos nagtrabaho naman ako kasi may tinulungan akong makaraos doon kanina sa may hagdan. Wala bang nagti-tip dito kapag satisfied sa serbisyo?” Huli na para maisip niyang mali ang kanyang nasabi. Bumaba si Lucas sa kanya at inilapit ang mukha nito sa kanya.
“Did you drink? You smell alcohol.” Nakakunot ang gwapong mukha nito sa kanya. Kinabahan siya sa kanilang pagkakalapit.
“Ah! Hehe. Iyong mga kapatid mo naroon sa baba. Inalok ako.”
“They must’ve mistaken you as a guest! Bawal ang ginawa mo, hindi ba iyon ipinaliwanag sa iyo kanina?”
“Pinaliwanag . . .” Lumiit ang kanyang boses. Hindi niya rin naman alam kung ano’ng ginagawa niya sa mansyon na iyon. Akala niya ay doon na siya matutulog! Nakaramdam siya ng matinding pagkahilo kaya hindi niya napigilan na isandal ang ulo niya sa dibdib ni Lucas.
Narinig niya ang matinding pagsinghap ni Lucas pero hindi na siya makaalis doon sa dibdib ng binata.
“Naiihi ako, Lucas, saka nahihilo.”
“Damn it!”
“Bukas mo na ako pagalitan, naiihi ako talaga. Ihian kita sige,” mahinang banta niya. Naiiling si Lucas na iniangat ang mga paa niya sa lupa. Ang sumunod na naalala niya ay ang papatak-patak na lamang na impormasyon.
This woman was insane. May tinulungan palang makaraos ha! Virgin my ass!
Tsk, tama talaga ang hinala niya na sinungaling ito. Manang-mana sa mga totoong magulang.
“Damn, Tasha! Bakit mo iyan ininom?” Naghahanap lang si Lucas ng hangover pill pero ininom na ni Tasha ang kanyang whiskey. Sure, may tama na rin siya pero mas malala ang kalagayan ni Tasha. Nakailan na kaya ang babae?
“Ang init, Lucas!”
Walang ano-ano ay inalis ni Tasha ang suot na puting dress. Putang ina! Kahit santo ay hindi makakapagpigil sa katawan ni Tasha. Her lacy panty looked perfect on her velvety skin. Niyayakap ng strapless push-up bra nito ang malusog na dibdib kaya hindi niya maiwaksi ang paninitig. He loved big boobs and small waist—that’s his weakness.
“Hala, ang pogi! Ang pogi mo, Lucas.” Lumapit sa kanya ang babae at ikinulong sa palad ang mukha niya. Nagtaas-baba ang Adam’s apple niya sa matinding paglunok.
“Sabi ng mga kapatid mo, sobrang bastos ka raw?” Kumunot ang noo nito. “Parang hindi naman. Ito nga kahit hubad na ako wala kang ginagawa. Inom pa tayo, first day of work ko. Celebrate tayo!”
Nagsalin si Tasha sa baso ng whiskey pero inagaw niya ito at siya na mismo ang uminom. Tangina, gusto niya nanng mawalan ng malay ngayon din! Hindi niya alam kung paano magtitimpi kay Tasha ngayong halos walang damit ito at silang dalawa lang sa silid niya.
“Hindi ka ba naiinitan sa pantalon mo, baby?” Hinawakan nito ang butones ng pantalon niya at inalis iyon. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili sa nararamdamang pag-iinit. Mas lalong humina ang pangontrol niya dahil sa alak kaya hindi siya tumutol sa ginagawa ni Tasha. Gustong-gusto niyang damhin ang balat ni Tasha na ngayon ay abot-kamay niya na.
Nagsalin muli ito ng alak pagkatapos siyang tanggalan ng pantalon pero inagaw niya muli ang baso para siya na ang uminom. “ Lucas, pass out now, please!“ pakiusap niya sa sarili.
“Lahat ba rito nagse-sex, ha, Lucas?” tanong nito sa kanya. “Bakit sabi nila mag-ingat daw ako sa iyo?”
“Binibiro ka lang nila.”
“Bakit sila nagse-sex sa isla na ’to?”
“Wala kasing manghuhusga rito.”
“Nakakainggit naman ’yon.”
“Bakit ka naiinggit?”
“Parang masaya kasi . . .” Now he’s just on his briefs and her teasing moves ain’t helping. Itinulak siya ni Tasha sa kama at umupo ito sa kanyang mga binti. “Gusto ko rito, Lucas,” she whispered. She fixed herself on top of him. Now, his gleaming member was really mad and ready to pound!
“Umalis ka na hangga’t nakakapagpigil pa ako, Tasha.” His breath was rigid. Nahihirapan na siya. Imbes na umalis ay sumiksik muli si Tasha, ipinatong ang baba nito sa baba niya, namumungay ang mga mata nito na pinagmamasdan siya, just like how he imagined.
He licked his lower lip, and his eyes went sleepy just by looking at her.
“Gusto ko iyang labi mo, Lucas.” Nalalasing siya lalo sa paninitig nito. “Lambot yern?” She giggled.
Tumayo siya at mabilis na inihiga si Tasha para iiwas ang sarili.
“Lucas . . .” she whispered but he ignored her while he could. Ilang ulit siyang napamura. He went straight to the bathroom and tried to calm his phallus.
He made a few gentle strokes on his engorged muscle but that’s not enough for him. No, he didn’t want slow; he wanted to fuck hard right now. Nagmamadali siyang maibsan ang init sa katawan, after this, he will definitely fall asleep.
“Lucas.” Bumukas ang pinto ng banyo at hindi na siya nakapagtakip, bumagsak ang tingin ni Tasha sa kanyang pagkalalaki. Wala itong bakas ng pagkagulat. Mabagal itong naglakad papalapit sa kanya, bakas sa mata ang uhaw at pagkakyuryoso.
Dumeretso ang kamay nito sa kanina lang ay siya niyang hinahaplos. His sex yearned for her and now she’s petting it! She held his warm rod with her equally warm right hand.
“Tangina, Tasha, I hope you won’t remember this.” Hindi niya pinatigil si Tasha at naging makasarili na; tinakasan na siya ng kakaunting katinuan ng isip. Tiim-bagang niyang hinayaan ito sa ginagawa sa kanya na paghaplos. Napasinghap siya nang biglang lumuhod ito at inilagay sa bibig ang kanyang pagkalalaki.
“T-Tash . . .” Nahihirapan siyang bigkasin ang pangalan nito dahil sa ginagawa. He became selfish, perverted even. Hungry to have some more, he just let her give him a blowjob. Binuhat niya ang babae at dinala sa kama. Hindi na siya aatras pa.
Pilit itong bumabangon para habulin ang kanyang pagkalalaki pero hindi niya na ito binigyan ng pagkakataon. Ibinaba niya nang marahan ang suot nitong panty habang pinagmamasdan ang mukha nito. Naghihintay siya sa pagtutol pero walang kahit anong lumabas sa bibig nito kundi ungol at kanyang pangalan.
“Lucas . . .” Iniangat nito ang likod para kalasin ang strap ng bra. His eyes feasted on her plump breast. Itinapon nito ang bra sa kung saan. Iyon na ang hudyat niya para magmadali. He lowered his gaze on Tasha’s lady part. It was well-groomed and tempting. Nakyuryoso siyang ibinaba ang mukha roon at tinikman ang pagkababae nito. He wanted to satisfy her first. Gusto niyang marinig ang halinghing nito nang silang dalawa lang.
Umigtad ang likod nito pero pinigil niya ang mga binti nito sa pagkilos. She tasted sweet and fresh. He licked her clit up and down, left and right. He’s beginning to lose control. Hindi siya ganito kahina pero saka na niya iisipin kung bakit ganito ang kanyang pagkasabik. Siguro ay dahil ilang araw nang laman ng pantasya niya ang nag-iisang anak na babae ni Levi Monasterio.
“Oh . . . Lucas!”
Ipinuwesto niya ang sarili sa pagkababae nito. He knew it shouldn’t be counted but he asked the drunk Tasha anyway.
“Do I have your permission, Tasha?” he asked. It may not be her first anyway! Kanina nga lang ay may tinulungan itong makaraos, ito mismo ang nagsabi!
Tumango ang magandang dalaga, grinding her hips to meet his.
In one swift glide, he’s inside her. He felt something tear inside.
“Ouch! Sakit,” impit na reklamo ni Tasha. Pagkakataon naman niya para magulat. Para siyang nabingi dahil hindi iyon katulad ng karanasan niya sa mga babae.
“Fuck! A virgin!” Hindi siya makapaniwala. “Tash!” he roared, hungry but worried. It could have fucking hurt.
Aalis na sana siya nang pigilan ni Tasha ang kanyang braso.
“Diyan ka lang, Lucas,” she pleaded. “Ituloy mo na.”
Kabanata 5
“Aray . . .” Nakangiwi si Tash habang hindi alam ang baling na gagawin. Matindi ang panaginip niya, parang totoong-totoo talaga ang aksyon!
Nag-inat siya at bumangon sa napakalambot na kama na masakit ang ulo nang makita niya sa kanyang tabi ang nakadapang lalaki. Napangiti pa siya habang tinititigan ito.
“Ang gwapo naman talaga ni Lucas,” komento niya pa sa sarili. Makapal ang pilik-mata nito habang nakapikit, mapayapa ang mukha, at bahagyang nakakunot pa rin ang noo kahit tulog. She lazily stared at him for awhile, smiling, before realizing something’s wrong.
“Lucas?” Nagulat siya sa sarili na ito nga ay kanyang katabi.
“Lucas!” Mabilis niyang sinilip ang sarili sa ilalim ng makapal na comforter at natagpuang wala siyang saplot. Lumipat ang mga mata niya sa katabi at iniangat din ang comforter na nakatakip dito. Napanganga siya!
“Ay pwet!” Nakita niya rin ang pang-upo ni Lucas na noong isang araw lang ay sinisilip niya pa sa ilalim ng pantalon nito.
Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng dugo sa panlalamig nang husto. Pumikit siya nang mariin at inalala ang nangyari kagabi nang mabilis na mabilis para malaman ang susunod niyang hakbang.
Naghahanap siya ng banyo tapos ay nakita niya si Lucas, inayang uminom, nakita niyang nagsasarili sa banyo pagkatapos ay nag-volunteer siyang tulungan ito. Kasi siya si Tasha Roces, at your service!
Napasinghap siya at napatakip ng bibig nang maalala ang ginawa sa amo. Best employee yern?
Ibig sabihin, isinuko niya ang Bataan kahit nasa Palawan sila?
“Tash-aaaa!” naiinis siyang mahinang napatili sa sarili. “Ano’ng ginawa mong gaga ka! Trabaho ang ipinunta mo rito, gerl!”
Naalala niya pa ang mukha ni Lola Candy na nagbilin na huwag niyang ipapahiya tapos sa unang araw ay nakipag . . . plok . . . plok . . . siya sa kanyang amo.
Tinitigan niya si Lucas at ang payapang mukha nito habang nahihimbing. Dumako ang tingin niya sa mapupulang labi nito at parang may naalala muli siya sa nangyari kagabi. Naroon si Lucas sa pagitan ng kanyang mga hita at sinasabunutan niya ito. Unti-unting nahulog sa kanyang utak ang mumunting alaala ng kanyang pagiging wild!
Bumalik ang pag-iinit ng pisngi niya dahil sa alaalang iyon.
Kumilos si Lucas at nanigas siya sa kanyang puwesto. Siguro ay sisigawan siya nito at tatanungin siya kung bakit siya nasa kuwarto nito. At sisisihin siya sa nangyari kagabi at mapapalayas siya. Mababalita sa San Isidro na isang araw lang siyang nagtrabaho at sisante na agad. Pagkatapos hahabulin siya ng walis ni Lola Candy dahil hindi na siya virgin!
“Good morning . . .” Ang bahagyang malat na baritonong boses ni Lucas ang nag-alis ng atensyon niya sa mga naiisip. Walang bakas ng kahit anong gulat na ngayon ay magkatabi sila.
“G-good morning?” nagtataka niyang tanong.
“Bakit? Anong oras na? Tanghali na ba?” Iniinat nito ang braso habang nakadapa at sinilip ang alarm clock sa side table nito. “It is still morning.”
Bakit parang normal lang ang lahat sa lalaki? Samantalang siya ay kung ano-ano na ang naiisip na malalalang senaryo!
“H-hindi ka ba sisigaw? H-hindi ka magugulat? Hindi ka ba magagalit?” sunod-sunod na tanong niya.
“Magagalit? For what? Last night was okay.”
“O-okay?” paniniyak niya.
“Yeah. Not much experience but . . .” Itinagilid nito ang ulo, “. . . pwede na.”
Cool na cool itong tumayo at lumantad ang walang saplot na katawan nito. Hindi niya kinaya ang itsura nitong walang saplot ngayong wala na siyang tama ng alak. Nahihiya siya pero hindi niya magawang magtakip pa ng mata. Sinundan niya lang ang kaperpektuhan nito.
Binuksan ni Lucas ang makapal na kurtina sa silid kaya binalot ng liwanag ng umagang araw ang buong kuwarto.
Hinanap ng mata niya ang suot niyang damit. Kinubli niya ang katawan niya sa kumot at naglakad patungo sa dress niya. Nakita niyang nasira ang suot niyang panty. Nakayuko niyang pinulot iyon at napakagat-labi.
Ganoon pala ang pakiramdam ng mga fuck girl na ‘pwede na’ at hindi masyadong magaling, nahihiya. Bakit ba hindi niya ginalingan kagabi?!
“Take a shower and use my shirt. May mga new underwear diyan sa cabinet. Pick your size.” Nanatili ang mga mata ni Lucas sa bintana at kakaiba ang pagiging kalmado nito. Matindi naman ang kaba niya sa bawat pagkilos; nakikiramdam siya. Hindi niya alam kung nag-iipon lang ng galit si Lucas at babalikan siya maya-maya.
Nagmadali siyang sundin si Lucas para makaalis na siya pansamantala sa presensya nito. Nakita niya nga ang napakaraming panty sa cabinet at pinili niya ang puti, pagkatapos ay tumakbo na siya patungo sa banyo. Pumailalim siya sa mainit na shower pero hindi nakatulong iyon para mahimasmasan siya. She’s nervous! The day after sex was awkward. At extra awkward dahil hindi niya masabi na pinapahalagahan niya ang kanyang virginity na basta na lang nawala kagabi.
Pinukpok niya ang ulo nang maalala iyon. Patay talaga siya kay Lola Candy, pero alam niyang hindi na niya maibabalik iyon. Nakokonsensya nga lang siya sa nagawa! Iningat-ingatan nila ni Lola Candy ang kanyang puri pagkatapos ay ipinamigay niya nang ganoon lang?
“Naku, Tasya! Ngayon mo lang nalaman na gwapo pala ang kahinaan mo?!” husga niya sa sarili at nagmamadaling kumilos.
May mga disposable toothbrush din doon sa cabinet ni Lucas kaya kumuha siya ng isa pagkatapos ay nagsipilyo. Napapikit siya nang maalalang may isinubo siya roong napakalaking . . . bwisit!
At bigay na bigay naman siya! Napahampas siyang muli ng noo sa pagkadismaya sa sarili.
Tahimik siyang lumabas ng banyo na sinuklay lang ng daliri ang basang buhok.
Hindi niya matingnan si Lucas pero alam niyang kailangan niya nang umalis sa silid na iyon nang eksaheradong bumukas ang pinto sa silid. Gulat siyang nabalot sa katawan ni Lucas na ngayon ay naka-boxers shorts na. Nakaharap siyang nagbukas ng pinto, pero dahil sa lapad ng katawan ni Lucas na ngayon ay nakatakip sa kanya, ulo niya lang na nakasilip sa gilid ng braso nito ang makikita. Lumantad sa may pinto si Lucian nang nakaroba at nag-aalala.
“Lucas, may nawawalang guest! Iyong kainuman namin nina Tariq kagabi! Ang sabi magbabanyo pero hindi na nakabalik. Hindi kaya kinain na ng toilet? Pa-check natin ang CCT—Tash?”
“G-good morning, Lucian!” nakangiwing bati niya. Napawi ang pag-aalala sa mukha nito.
“O-oh . . . Hindi ko naman alam na nandito ka pala kay Lucas. Glad to know that you are safe, Tash. Or, are you—” Tumaas ang kilay nito, “. . . safe? You need my help?” Lumiit ang boses nito.
“Lucian.” Itinagilid ni Lucas ang ulo at pinilit masilip ang kapatid kahit nakatalikod ito. “Tash is half-naked. Get out of my room now.”
“Why is she half naked?” nagtataka pa nitong tanong.
“Lucian!” Pumaimbabaw ang galit na boses ni Lucas.
“Oh, I see.” Tumango-tango ito. “If you need help, I am just here, Tash.”
Nang mawala na si Lucian ay saka rin lang inalis ni Lucas ang pagkakatakip sa kanya. Napapikit siya.
“Lucas. Boss. Sorry . . .” mahina niyang sabi. “Alam kong bawal ang ginawa ko kagabi. Tinutulungan din lang naman kitang makaraos kaya lang nag-all the way ka. Tinodo mo. Tinodo n-natin . . .”
“At ano?” Tumaas ang isang kilay nito, “Iyong isang guest ay hindi nag-all the way sa iyo, Tasha? Iyon ba ang gusto mong sabihin?”
Nangunot ang noo niya at matagal pa bago niya naalala. “Ah! Iyong guests kagabi? Mahuhulog na kasi sila sa hagdan ng ka-sex niya kaya hinawakan ko iyong likod ni Ma’am para hindi sila mawala sa momentum,” paliwanag niya. “Hindi ko ginawa iyong ginawa ko sa iyo kagabi sa iba. Ang totoo ay ngayon pa lang ako nakahawak niyan at naka . . .” Napalunok siya. “Tikim. Pero don’t worry, ’di ko na matandaan kung ano ang lasa so hindi kita idya-judge.” Napatakip siya ng bibig.
“Tash. Stop. First things first. May masakit ba sa iyo?” Lumamlam ang tingin nito sa kanya pero mabilis din napalitan ng iritang mga mata.
“Aalisin mo na ba ako sa trabaho?” imbes na sumagot ay itinanong niya.
“What do you think?”
“Aalisin . . . Kaya lang . . .” Humugot siya ng buntonghininga. “Pwede ba akong kumapit sa piloto kapag natatakot ako sa biyahe kagaya ng ginawa ko sa iyo kahapon?”
“Hindi, Tasha.”
Napalunok siya. Para iyon lang!
“Hindi ka aalis,” sambit nito. “So tell me, what do you feel about last night?”
“A-ano . . . Masakit. Hindi kasi masyadong kasya—”
“Not that part,” awat ni Lucas nang napapapikit. “Do you want to demand something? Ang sabi mo noong una tayong nagkita na kung may gusto akong sabihin, sasabihin ko agad dapat. Then do that same. What’s on your mind?”
“Nahahati ang pakiramdam ko kung babalik na lang ba ako sa amin nang bigo o mananatili ako rito, Lucas. At tutal tinanong mo na rin naman kung ano’ng nasa isip ko at kung magsasabi ako ng totoo, kapag nalaman ito ni Lola Candy, mata ko lang ang walang latay.” Napangiwi siya. “Doon sa amin sa San Isidro, kapag nag-overnight ang babae at lalaki, kailangan nilang magpakasal kasi hindi titigil ang mga Marites doon sa amin. Magiging bida ka talaga buong-buhay mo at hanggang sa mga apo mo ay maririnig pa ang kamalian mong nagawa.”
Parang hindi pa nakuntento si Lucas sa kanyang impormasyon.
“Say it. If I am not Lucas Monasterio, what will you tell me?”
“Pengeng tip, Sir.”
“Be serious!” Lucas demanded.
“Sure ka?”
“Go.”
Iniangat niya ang dalawang kamao at hinampas ang matigas na dibdib ni Lucas. Isang beses noong una hanggang sa naging sunod-sunod. Hindi na niya pinigil ang sarili dahil matindi talaga ang kanyang nararamdaman ngayon.
“Walanghiya ka! Ano’ng akala mo sa hymen ko, pwede mo pang ibalik?! Kapag nalaman ito ng lola ko, tiyak mabubugbog ka ng mga tiyuhin at mga pinsan ko! At ako naman, kakalbuhin ng lola ko at baka ipatapon pa ako sa dagat! Ipaliwanag mo sa kanila ang nangyari kasi hindi ko kaya!” nagpupuyos niyang sambit. Nanatili si Lucas sa kanyang harapan, sinasalo ang kanyang galit.
“Paano ko gagawin ’yon? Paano kita matutulungan?” mahinahong tanong nito.
“Magpapakilala ka sa lola ko at sasabihin mo na hindi ka nakapagpigil kasi ngayon ka pa lang nakakita ng kasingganda ko—”
“That’s not true.”
“Ang kapal ng mukha mo. Kung ’di pala ako masyadong maganda bakit, bakit . . . bakit!” Hindi niya maituloy. “Sana ini-scotchtape mo na lang ang bibig ko at itinali ang mga kamay para hindi iyon nangyari!”
“Oh, things might get worse if you allow me to tie you in bed, Tash.”
“Bastos! Panagutan mo ang kinuha mo!”
“Are you saying that we should get married?”
Natigilan siya at napakurap-kurap. Oo nga’t paano nga siya papanagutan? Kung hindi naman niya ikukwentong may ganitong naganap sa kanya sa isla, walang makakaalam sa mga taga-San Isidro. Ano ba’ng iniaarte niya riyan! Kailangan niyang itama ang kanyang mindset!
“A-ah, hindi. Bakit naman natin gagawin iyon, hindi naman kita mahal?”
Napalunok si Lucas sa kanyang sinabi, parang nainsulto.
“Saka—saka papakasalan mo ba ako? Walang nangyayaring gano’n! Nakita mo ba ang agwat natin? M-mayaman ka, mahirap ako . . . sobrang hirap ko. Oo nga’t maganda ako pero tiyak na mas marami pang magaganda kaysa sa akin! At ilang taon ka na ba? Mukhang hindi ka pa tapos sa pagkabinata.”
“I am 26.” Ngumuso ito. “Kagaya mo.”
“And yes, I am rich, so I can make you rich, too,” dagdag pa nito. “And you may not be the prettiest but to me, you are . . .” Tumikhim ito at napakurap-kurap sa mukha niya, “. . . pretty enough.”
“S-sinasabi mo bang papakasalan mo ako?”
“Gusto mo ba?”
“P-para makauwi ako kay Lola nang may mukhang ihaharap . . . Iyon ang una kong naisip kanina. Pero imposible, ’di ba?” She chuckled.
“Okay, I’ll call a judge this afternoon. We’ll have this settled in marriage. Don’t worry.”
“S-sigurado ka?” paniniyak niya pero hindi ito kumibo.
“And you may not be the prettiest but to me, you are . . .” Tangina, ano bang linya iyon? He could have dropped that part. But then, that’s accurate. Hindi pa siya nakakakita ng kasingganda at kasing-inosente ni Tash. And her face last night while he was claiming her was something that will relive in his mind forever.
The way she touched him, eyes pleading, yearning, and hoping for him to be gentle. The sex was by far the slowest and most gentle he has ever been but he couldn’t get enough. If he could just wake up and continue having Tash for himself but that will be selfish. Naawa siya dahil alam niyang nasaktan niya ito sa una nitong beses.
Umiikot siya sa sariling swivel chair sa opisina niya sa Temptation Island. Nasa ibaba lamang iyon ng mansyon. One of the corners of the mansion has an office where his admins and accountants work. May tig-iisa silang opisina nina Lucian at Lucifer, sa kanya ang pinakamalaki dahil siya naman ang madalas gumamit n’on.
“Lucas, what the fuck?!” Nagmamadaling pumasok si Lucifer kasunod si Lucian sa kanyang opisina. Nakasuot na ito ng puting polo gaya ng kanyang iniutos. “May ikakasal dito sa sex island natin at ikaw pa? Lodi naman!” Dismayadong-dismayado ito. “’Di ba nag-promise tayo? Sex is forever? Paano ’yon, isa na lang talaga ang babae mo? Boring na ’yon! Para ka nang sina Wyatt, Monti, Markus, Izaak, Claude, Kaleb . . .”
“Luci, diamond is forever ’yon,” pagtatama niya.
“It is the same thing! Diamonds are for girls and sex is for us!” Galit ito habang si Lucian ay kalmadong inaayos ang kwelyo.
“What makes Tash special, Lucas?” tanong nito na deretso ang tingin sa kanyang mga mata. Lucian was always skeptical, his most dangerous trait, too.
“She values her dignity, Lucian.” Huminga siya nang malalim. “I can’t let her be brokenhearted for being reckless last night. I don’t want her to suffer the mental and emotional consequences.”
“Better let her be brokenhearted for a few weeks, months, maybe . . . Than to break her heart over and over again, Lucas,” seryosong sabi ni Lucian. “Sex is a sport to us assholes, but to some, those naïve ones like Tash, it is important to her. Baka ang dignidad niya ang tanging mayroon siya at aksidenteng naibigay niya sa iyo. If you are decided to marry her today for one mistake, don’t make her regret her impulsive decision for the rest of her life.”
“Sinasabi mo bang huwag kaming tumuloy sa pagpapakasal?” He’s triggered. Lumambot ang ekspresyon ni Lucian sa kanya.
“Well, as always. You know what you are doing, bro. Take care of her, Lucas, huwag mong paasahin, at least you could give her that. Most importantly, provide her needs, money, comfort, and safety. At least the bare minimum that a Monasterio like us could give.”
“At huwag mong aanakan kung hindi ka pa handa, Lucas. Don’t bring another life here on earth if you are still unsure. You know how we grew up. Don’t do that to your child,” masuyong tapik sa kanya ni Lucifer.
Although he’s the only one that was not a Monasterio by blood, pare-parehas ang kanilang karanasan sa mga magulang habang lumalaki. Laki sila sa mga yaya, driver, at bodyguard. May kanya-kanyang buhay sina Levi at Miranda Monasterio. That’s why they ended really close, silang tatlo lang ang meron sila.
“So, there’s no love between you two? Talagang pananagutan mo lang?” paniniyak ni Lucian. Tumango siya.
“That’s exactly what she said, hindi niya ako mahal.”
“Then make it clear to her. Pinapanagutan mo lang ang nagawa mo, haharap ka sa pamilya niya kapag handa na siya. Balang-araw, kapag kaya niya na muling magdesisyon, you will let her, Lucas. Maaaring makumbinsi ka niya na bumuo kayo ng pamilya, that means you’ll have to court her o maaaring pakawalan ka rin niya sa bandang huli. Pakawalan mo rin kung iyon ang gusto. Respect her decision no matter what. Ikaw ang may mali rito.”
May kakaibang pakiramdam ang gumuhit sa kanyang sikmura sa huling sinabi ni Lucian.
“What if she asks for Lucas’ money? Sugar Papi na si Lodi?” malungkot na tanong ni Lucifer.
“Lucas’ money is endless, Luci.” Ngumisi si Lucian. “Bigyan mo lang din ng regular allowance na mapag-uusapan, pasobrahan mo lang nang kaunti for being extra beautiful. Don’t hurt her, Luc. It is not necessary. You have everything now, including a beautiful wife. Congrats, man!”
Tumingin siya sa malayo nang napapatulala. Sa labas ng bintana ay tanaw ang private area ng Monasterio Mansion. Abala roon ang mga staff sa paglalagay ng bulaklak para sa kasal. At exactly 6 PM just before the sun sets, he will marry Tash. Tumiim ang kanyang panga habang tinitingnan ang dalawang itinuring na kapatid. It would be nice to have the two as his real brothers, but that’s not what the destiny wanted. That’s why he has to chase to get it.
“Ang ganda-ganda mo, Ginang Monasterio! Wala ka pang ayos niyan!” magalang na bati ng makeup artist na naroon sa isla. Si Jodi.
“G-Ginang M-Monasterio?” Masyado namang makaluma pero magandang pakinggan.
“Sabi kasi ni Sir Lucas, iyon na ang itawag sa iyo mula ngayon. Amo ka na rin namin. Tawagan mo lang ako kung gusto mong magpaayos ng buhok o magpa-makeup.”
“Tatawag lang ako?” paniniyak niya. Hindi pa siya nakakaranas ng gano’n! Kaya nga siya natutong mag-makeup dahil mahal magbayad ng makeup artist at madalas ay nangangati pa siya sa makeup na ginamit. Ngayon nga ay pinagmamasdan niya si Jodi na puro mamahaling makeup ang nakalatag sa kanyang harapan, mga bago pa iyong lahat.
“Itong mga makeup na ito, sa iyo lang ito gagamitin sabi ni Sir Lucas. Ipinadala niya ang mga personal na gamit mo mula Maynila. Iiwan ko rito sa magiging silid n’yo ni Sir Lucas habang inaayos pa ang sarili mong makeup room. Narinig kong ipinapahanda na rin iyon ni Sir.”
“Akin?”
Tumango si Jodi sa pagkamangha niya.
Ganoon kabongga? Napatingin siya sa pagitan ng mga hita niya sa ilalim ng silk robe.
Ang mahal ng value mo! Buti at sa tamang tao niya naisanla!
Light makeup lang ang inilagay ni Jodi sa kanyang mukha pero umangat ang features niya. Ganoon naman lagi kapag name-makeup-an siya. Kapag wala siyang makeup ay tila maputla siya dahil sa maputing kutis, kaya gustong-gusto niyang nalalagyan siya ng eyeshadow sa mata at manipis na blush dahil tumitingkad ang ganda niya.
Kinulot ni Jodi ang mahabang buhok niya at hinayaang nakalugay iyon. Wala nang kahit anong litrato ang kanilang kasal dahil bawal sa Temptation Island ang ganoon. Tinitigan niya ang mukha sa salamin at naisip niyang tandaan na lang ang kanyang itsura sa araw ng kanyang kasal.
But then, naisip niya ring baka ikasal din siya sa ibang tao balang-araw. Kapag hindi na niya mabibigo si Lola Candy sa mga maling desisyon niya sa buhay. She didn’t want her lola to see her failures, naaawa siya rito.
Hindi pa siya handang sabihin kay Lola Candy ang nangyayari sa isla. Gusto niya ay personal niyang ihaharap si Lucas at sana sa panahong iyon ay kahit magkaibigan man lang sana sila ni Lucas para mahalin din nito ang kanyang pamilya sa San Isidro.
“Ay! Ang ganda ng dress, Ginang Monasterio!” Inilahad sa kanya ni Jodi ang isang puti na lace flowy dress, see-through iyon at may malalim na neckline.
Napalunok siya. Hindi niya akalaing makakapagsuot siya ng ganoong gown. Palagi lang silang nagrerenta tuwing nagre-Reyna Elena o pageant siya. Sinuot niya ang gown at hindi niya mapigilang mamasa ang mga mata sa nakikita sa full body mirror sa silid. It was breathtaking! It suited her!
“Napakaswerte ni Sir Lucas sa iyo! Hay, dalawang Monasterio na lang ang natitira. Kumaunti ang chances of winning!”
Inalalayan siyang lumabas ni Jodi at pinaghintay muna siya sa receiving area ng mansyon. Sobra-sobra ang kaba niya nang marinig ang malamyos na musika mula sa violin, hudyat ng pagsisimula ng seremonyas.
Nang bumalik si Jodi ay hawak na nito ang bouquet niya. It was a small Lily of the Valley bouquet that fitted well with her beautiful McQueen wedding dress. Inalalayan siya nito patungo sa gitna ng make shift na bride entrance. Familiar music surrounded the open-air venue.
Nilipad ang puting kurtina sa gitna ng entrada, pinapalibutan ng puting bulaklak iyon. As soon as the curtains opened, she saw Lucas waiting at the end of the aisle. Beside him were his brothers Lucifer and Lucian. Ang tatlo ay gwapong-gwapo sa suot na puting polo at off-white slacks. Sa gitna ay mayroong kulay puti rin na carpet para lakaran.
Mabagal siyang naglakad patungo sa mapapangasawa na mukhang sabik na sabik nang mahalikan siya. Joke lang iyon. Tiim-bagang siyang tinitigan nito na para bang batang ipinapasok sa school kahit inaantok pa. But then, taas-noo pa rin siyang naglakad. Laban para sa popped cherry! Laban para hindi abugbog ni Lola Candy.
Huminga siya nang malalim nang makalapit kay Lucas. Mas lalo lang itong gumwapo sa malapitan.
“Hindi mo ba ito pagsisisihan?” she asked.
“Never.” Lucas licked his lower lip and stared at her intently.
“Congratulations, Tash!” Niyakap siya ni Lucifer. “Welcome to the family.”
“I hope you will enjoy being a Monasterio, Tash.” Niyakap din siya ni Lucian at kinamayan nito si Lucas. “Take care of her, brother.”
Isang judge ang nagpasinaya ng kanilang kasal sa isla. The water in the sea glistened brightly as the last minutes of the sun rays for the day kissed it. The skies were in blue, pink, and bright orange hues; the melodramatic scene was made for movies. It was a very simple ceremony, ngunit para kay Tasha ay napakaganda na n’on. Kuminang ang round-cut diamond wedding ring niya sa kamay. Ang kay Lucas ay simpleng white gold wedding band lang pero kumikislap pa rin kapag natatamaan ng araw.
“I now pronounce you, husband and wife. You may kiss the bride, Mr. Lucas Monasterio.” Papalubog na halos ang araw kaya binuksan na ang curtain light bulbs sa paligid.
Hinarap siya ni Lucas, naging malikot ang mga mata nito sa sinabi ng judge. Tinaasan niya ito ng kilay.
“Kiss daw, Lucas,” susog niya.
Marahas na napabuntonghininga si Lucas.
Aba, hindi pa yata siya hahalikan! Nahiya pa!
Tumikhim ang judge at pati na rin sina Lucian at Lucifer ay panay ang ubo. Nakahanda na ang musikerong may hawak ng violin para lagyan ng background music ang unang halik nila bilang mag-asawa, at unang halik din talaga nilang dalawa!
Hindi na naghintay si Tash, tumingkayad siya at ikinulong sa kanyang palad ang pisngi ni Lucas.
“Tash!” reklamo nito nang nakanguso dahil dinidiinan niya ang magkabilang pisngi nito.
Pinandilatan niya si Lucas. “First kiss ko ito! Huwag mong sirain!” banta niya habang iginigiya ang ulo ni Lucas sa kanyang direksyon.
“Can’t you wait?” supladong tanong nito.
“Back at you, Lucas! Can’t you wait din? Inuna mo pa ang honeymoon!” mapaklang sabi niya.
“That’s consensual!” pagtatanggol nito sa kanyang sarili.
“Kahit lasing ang nagbigay ng permiso sa iyo ay nakinig ka?”
“You did touch me first, Tash. Hindi ka rin nagpaalam. You violated me first,” matigas na sagot nito, pero pabulong para walang ibang makarinig.
“Start na yata ng foreplay ng dalawa. Angry sex yata mamaya . . .” malakas na bulong ni Lucifer. Pinamulahan siya ng mukha.
“A-ah . . . Hehe. Formality lang naman ang kiss. Pupwede namang hindi dahil kasal naman na kayong dalawa,” singit ng judge.
Umirap siya at binawi ang kamay sa pisngi ni Lucas. Just before she said anything else, she felt Lucas’ warm lips against hers. It was gentle, assuring, and made her heart beat faster. Lucas nibbled her lower lip and she had to lean on him because her knees turned into jellies. He held her waist with his hands and nothing made her feel more secure than that gesture, as if he would be holding her tightly no matter what.
Kumapit siya nang mahigpit sa polo ni Lucas. Pakiramdam niya ay mahihimatay siya sa tagal ng halik at patuloy na pagpapalambot nito ng tuhod niya. It was a slow melting fire that ignited her too. When Lucas let her go, he swiftly kissed her another smack on the lips and her forehead, as he caressed her hair delicately. He stared at her for a moment and she got lost too. Ang sinag ng papalubog na araw ang naging maliit na hati ng kanilang pagkakahiwalay.
“I’ll make this worth your while, Ginang Monasterio,” he vowed and then gave her another sweet kiss on the lips.
Kabanata 6
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 7
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 8
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 9
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 10
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 11
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 12
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 13
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 14
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 15
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 16
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 17
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 18
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 19
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 20
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 21
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 22
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 23
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 24
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 25
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 26
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 27
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 28
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 29
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 30
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 31
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 32
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 33
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Kabanata 34
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Huling Kabanata
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.


