loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
TEMPTATION ISLAND: Ruthless Beauty

TEMPTATION ISLAND: Ruthless Beauty

RaceDarwin · 1 chapter · 2,808 words

Chapter 1

Wala yata siyang balak pagpahingahin ng bwisit na lalaking ’to. Glaiza stood at the center, making different poses and countless expressions just to satisfy the photographer. But none of those was enough. Ilang oras na ba siya doon? Kaunti na lang huhubarin na niya ang stilettos na suot at ibabato sa lalaki. Di bale na siguro na mawalan siya ng future projects at masira ang kanyang career sa kakalat na balita tungkol sa kanya.

Marahas na humigit siya ng hangin. “Wait lang.”

Humingi siya ng ilang minuto na pahinga. Hinilot niya ang kayang binti na kanina pang sumasakit. Napansin niya na tinitingnan siya ng staff ni Caio. Parang gusto nyang ibaling rito ang kanyang inis. Holy crap. What’s with that look?

Lumapit ito sa kanya. Inabutan siya ng babae ng tubig. Hinintay siya nitong matapos uminom, at saka inabutan naman siya ng inhaler. The fuck? Di na siya nag-reklamo. Effective naman ang inabot nito sa kanya. Nabawasan ang pagkahilo niya.

She badly needs sleep. Parati na siyang late na natutulog. Patapos na rin naman ang shoot. She could get a nice rest after this.

Ibinalik niya sa babae ang inhaler, then she gets back to her position.

Glaiza seductively parted her mouth and tilted her head, then her eyes making eye contact with his camera.

“That’s beautiful,” Caio smiled and gave her a thumbs up. “Hold that again for me.”

This man was so demanding that it’s testing her patience.

Kaunting pasensya na lang, makakauwi na rin siya sa kanyang kama.

Ibinigay niya ang gusto nito. Binalewala ang pangangalay ng kanyang tuhod. Gosh, kung hindi lang matagal na niyang kaibigan si Caio, kanina pa niya ito pinagmalditahan. But he was a great friend of hers. Bukod doon tinutulungan siya nitong madagdagan ang kanyang resources. She was able to get a big endorsement last month. Thanks to him. Hindi lang siya ang nag-iisang kaibigan na modelo ni Caio. Pero dahil sabay sila nitong pumasok sa industriya, naging malapit sila sa isa’t isa. Ilang beses rin niya itong ginawan ng pabor, lalo na nung nag-uumpisa pa lang ito sa karera nito bilang photographer. Currently, Caio is one of the most popular editorial and commercial photographer in the country.

Nang sabihan siya ng kanyang manager na si Caio ang in-charge ulit sa shoot, inihanda na ulit niya ang kanyang sarili.

Madaling-araw pa lang, tinatawagan na siya ng hinayupak! Masyadong istrikto ang lalaki pagdating sa oras ng trabaho. He was a sadistic bastard. Dito lang niya nararanasan na kapag ma-late siya kahit limang minuto lang, siguradong may parusa siya.

“Bend over, then look back her. That’s it. Give us the fantasy. Yes, that’s it. Perfect!”

Matapos ng ilang snaps ay natapos na ang paghihirap niya. Pakiramdam niya ay nakipagbuno siya sa sampung demonyo.

Lumapit sa kanya ang isang staff at inabutan siya ng roba upang takpan ang halos hubad niyang pangangatawan. The shoot was for a men’s magazine. The theme was BDSM. It’s funny that she almost backed out when she was informed that they were going to shoot something like that. She wasn’t comfortable with it at all. Pero alam niyang mapupukaw ang kuryosidad ni Caio pag tumanggi siya. Especially that she had done a similar shoot early in her career.

Nilunok niya ang pag-iinarte. Surprise, surprise!

Kahit ilang taon na siya sa industriyang ’yon, may mga pagkakataon na hindi talaga siya komportable sa pinapagawa sa kanya. But still, she always try to do her best.

Sa paligid niya ay abala ang mga staff sa pagliligpit ng gamit. Maagap na inabutan siya ng babaeng staff ng maiinom.

“Thanks, Mira,” nakangiting pinasalamatan niya it.

Uminom muna siya ng cold drinks para mapawi ang pagkauhaw niya.

Damn, she was really exhausted.

Mapapatay niya si Caio sa pagpapahirap sa kanya. And speaking of that sadistic man, naglalakad na ito palapit sa kanya.

May pilyong ngisi na nakaguhit sa gwapong mukha nito. Tumayo siya para salubungin ito.

“You did well today, Glaiza! Ang gaganda ng mga kuha mo.”

“Dapat lang.” Inirapan niya ito. “Pagkatapos kong halos mag-acrobat na, dapat lang worth it ’yung mga pinagawa mo, ano.”

He chuckled. “Silly. Gusto ko lang naman makuha ang mga perpektong anggulo para sa ’yo,” malambing na sagot nito at pinadausdos nito ang kamay sa beywang niya.

“Come, let me show you.” Dinala siya nito sa mesa kung saan naroon ang laptop nito kasamang iba nitong gamit sa pag-eedit ng mga larawan.

Tila nabawasan ang pagod niya nang makita ang mga kuha nito. Napangiti siya habang iniisa-isa ang mga larawan niya. She had to admit Caio was really talented. He was one of those people who really knew how to bring out the best in her. Alam nito kunin ang pinakamaganda at perpektong anggulo para makuha ang atensyon ng sinumang titingin sa larawan. His talent and creativity was unparalleled.

“You’re stunning in these photos, Glaiza. Madaling mauubos ang issue na ’to sa oras na lumabas ’to sa market. This would definitely get you a whole new crowd of stalkers. Are you ready for that?”

Pabirong umirap siya sa kaibigang photograper. “Oh, please no. I’ve got enough problems to deal with already.”

Humalakhak ang binata. “That’s why you should start to hire a bodyguard.”

“There’s no need. I can take care of myself from those perverts.”

She had been taking self-defense classes. Alam niyang sa panahon ngayon kailangang mag-doble ingat ng mga tulad niya. Ilang beses na rin siyang nakapagpadampot ng stalkers na hindi siya tinantanan. Minsan na rin na may nagtangka sa kanya sa isang private party, and that man earned a black eye from her.

Nagpaalam na siya kina Caio at sa ibang staff nang makatanggap siya ng message kay Jorge. He was just nearby and asked to pick her up. Sakto lang ang dating nito. Kumaway siya pagkakita sa SUV nito.

“How’s the shoot?” tanong ni Jorge pagkasara niya ng pinto.

“Tiring. You know Caio and his sadistic ways.”

“I bet it is.”

Hanggang ngayon ramdam niya ang pananakit n kasu-kasuan niya. Nakalimutan niyang tanungin ’yung staff nito kung anong tawag dun sa inhaler na inabot nito sa kanya. Inalala na lang niya ang itsura nun para mai-search pagdating niya sa bahay. Ipinikit niya ang mata at huminga ng malalim. Inaantok na lumingon siya kay Jorge.

“Thanks for picking me up, babe.”

“No problem. You seem really tired. You still have three hours to sleep, then you’ll need to get ready for the event this evening.”

Napamulat ulit si Glaiza pagkarinig sa sinabi ng kanyang manager. “What are you talking about? Anong event?”

“The one I thought I already mentioned yesterday.”

“Oh, no.”

Mabilis na umiling si Glaiza. “I’m not saying you have a choice to say no.”

“I really can’t. May appointment ako mamaya.”

“Appointment with whom? I know your schedule. You’re free later.”

“Did you forgot?”

Jorge gave her a skeptical smile. “May appointment ba talaga o may iniiwasan ka lang makita?”

Nagtaas si Glaiza ng kilay. “Sino naman ang iiwasan ko? I’m telling you the truth. May family dinner kami mamaya. Alam mo naman na minsan minsan ko lang ma-treat sina mama—”

“I just got a call from Tita. Hindi mo nga raw sinasagot ’yung tawag niya.”

“Oh, well..”

“What’s the next excuse?”

“You know, it’s supposed to be a surprise family dinner. Nasaan ang surprise kung itinawag ko sa kanila, di ba?”

Hindi ito nagsalita. Sinulyapan lang siya nito at tahimik na bumuntong-hininga, sabay sulyap ulit na may halong panunuri. Maarteng ipinatong niya ang palad sa dibdib.

“Okay. Stop staring at me like that. Know what? Pag-usapan na lang natin ’yan bukas.”

“Bukas pa? Mamaya na ang charity event. Sino pang aabutan mo bukas? Yung catering?”

“I’m sleepy. I can’t comprehend any of what you’re telling me. Zzzzz.”

“Oh, God. Here she go again.” Ipinikit niya ang mata at humarok ng malakas. Pero sino ba ang niloloko niya? Matagal na niyang kaibigan si Jorge bago pa ito maging manager niya. He had known her since college, when she was just an ambitious teen who loved joining pageants to earn money.

Marami itong alam tungkol sa pribadong buhay niya, sa mga nakaraan niya, sa mga lalaking dumaan sa buhay niya. Mga lalaki talaga, eh no? As if she really had a lot of ex-boyfriends. She had been single for a long time. Masaya na siya sa buhay loveless. Men are just source of heartbreaks and headaches. She’s fine without them.

“Wag mo kong tulugan, Glaiza. I’m not done yet.”

Tinigil niya ang pagpapanggap na tulog. Then she frowned at him.

“I know you’re free tonight. Malamang sa malamang magkukulong ka lang sa unit mo habang nagbabasa ng manhwa or kung ano mang kabadingan na naman ang kinakikiligan mo.”

Ang laki ng ngisi ni Glaiza. Totoong nahilig siya sa pagbabasa lately. She blamed Twitter for that addiction, after stumbling upon a racy scene of two men kissing. She searched deeper and the rest is history.

“Paano mo nalaman ’yan? Minsan gusto ko nang isipin na ikaw ang nangungunang stalker ko, eh.”

“You’re not very secretive about your latest addictions, sweetheart. And that’s how I know that you’re not trying to flirt these day. Hindi mo man lang ba nireplayan si Ram Velasco? I can’t believe you. That guy is obsessed with you. You gotta take advantage of the situation. Now that his name is everywhere, he could easily take your name to new heights. Malay mo ikaw na ang sunod na rumampa sa Victoria Secret.”

“Nah, I’m no longer dreaming of that. The new goal is to be a global IT girl.”

She could see Jorge rolling her eyes. “How can be that possible when you’re not trying hard to mingle? You don’t even recognize Ram’s value. That guy worked hard to earn his spot in the NBA and is a fan favorite among basketball enthuasiasts.”

“I don’t feel him at the moment. Masyado akong napepreskuhan sa kanya. I cannot pretend myself to like someone that I don’t.”

“You need acting lessons then. But I knew you’re a natural. You’ve done it before!”

“Excuse me? Dumaan na ako sa acting lessons no. Tingin mo paano ako nakuhang segment host kung hindi ko kayang umarte man lang?”

“Ang akin lang, concern ako sa dating life mo. You’re not getting any younger.”

“Hey, I’m still in my 20’s!”

“You’re still young, yes, I can agree. But to the new generation, 26 is old.”

“Well, fuck them. Kaya ko pang ipagpatuloy ang dry season ko hanggang 32.”

Jorge shot her a look, clearly irritated.

“Alright, gets ko ’yung concern mo. But I don’t have the same concern, Jorge. Sa ngayon wala pa talagang kumukuha ng interest ko. Ram may be popular and incredibly hot, but he’s just not my type. I’ve never been into basketball players. Alam mo ’yun.”

“Alright? Let me tell you your type then. You go crazy for guys who wear glasses, the nerdy kind, have full-sleeve tattoos, and a body that’s all muscle. Basically, a nerd trapped in a hot man’s body.”

Mahina siyang napamura.

“Wait, I think I know who that guy is.”

“Alright, Jorge, what can I do for you now? Kahit ano, but please, wag mo lang siguro ako ibugaw kay Ram.”

“I don’t care about him. I need you to go to this event.”

“Jorgie?”

“Oh, God. That’s creepy. Don’t call me that.”

Umiling ang dalaga. What if she doesn’t want to go? Tila nabasa ng kasama ang iniisip niya.

“Don’t be such a coward, Glai. I thought you’d already gotten over him.” Muli siyang sinulyapan nito, may halong pagpapaalala ang tono ng lalaki.

Napatiim-bagang siya. Kasabay niyon ay naramdaman niya ang pagsisikip ng kanyang dibdib. May pait sa kanyang lalamunan.

Jorge was right. Natatakot ang dalaga.

Naduduwag siyang makaharap ulit ito. Malaki ang tsansang magkrus ang kanilang landas. She heard that he is back again. She wasn’t prepared to see him. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag makita muli ito. Hindi siya umaasa na magiging maganda ang trato nito sa kanya. She knew deep in her that he hadn’t forgotten his resentment toward her. Nakikita niya sa isip ang huling beses na nakita ito, tumatak sa kanya ang muhi sa mga mata nito.

He had every right to be mad at her.

Matagal na rin naman ang panahong lumipas. Maaaring hindi na iyon ang nararamdaman nito. Baka na nakalimutan na rin siya nito.

She had already heard the news about his engagement. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Jorge ang kanyang pananahimik. “You cannot avoid him forever, Glai. You need to face him. Maliit na lang ang mundong ginagalawan nyo, remember? Magkikita at magkikita kayo, hindi man siguro ngayon pero malay mo makasabay mo siyang kumain sa labas.”

“Now that you mention it, magpapa-deliver na lang siguro ako ng food.”

“The fck? Sinasabi ko lang yung possibilities. Maliit naman yung tsansa na magkasabay talaga kayo aber? Hindi ka pa ba aware na nasa iisang building na lang kayo every weekdays?”

“Please wag sanang mamanifest.”

“Natatakot ka talagang makita ’yan siya, ano?” Jorge chuckled, “Glai, wake up. It’s been years already. Baka naka-move on na nga ’yung tao. Baka wala ka na sa sistema niya para ikaw ’yung mapraning ng ganito.”

“Paano kung hindi?”

“I think may karapatan naman siya magalit? Ipagpalit mo ba naman siya sa—”

Sinamaan niya ito ng tingin. “Wow, may pa-throwback ba tayo today? It’s not even Thursday.”

“Maniwala ka, I am doing you a big favor. Sa tingin mo ba talaga, maiiwasan mo siya? Remember, their family now owns the largest station in this country. At under ka sa agency na may connection sa kompanya nila. If Hayden still kept his grudge on you, alam mong madali lang para sa kanya na mabalikan ka. He could use his resources to hurt your chances of getting endorsements. Wala ka sanang career ngayon. You know how powerful his family is.”

The moment Jorge uttered his name, it was like a door she’d long shut opened wide again. The memories she tried so hard to bury came rushing back. Hindi siya handa sa emosyong rumagasa sa kanyang dibdib.

Ipinaling ni Glaiza ang kanyang mukha sa bintana.

Hayden Salvatore.

His face flashed in her mind as she closed her eyes. May poot at muhi sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. She deserve his hate. Sa kabila niyon wala siyang narinig sa lalaki. He just give him that look and left her speechless.

Hindi alam ni Glaiza kung bakit natatakot siyang makaharap ulit ang lalaki. Pakiramdam niya ay wala pa rin siyang mukhang maihaharap dito pagkatapos ng lahat.

What Jorge said was absolutely true. Hayden’s family acquired the TV station where she was working as a host in a segment of a noon-time show. Alam na rin naman niya ang bagay na ’yun bago pa banggitin ng manager niya. Mabilis kumalat ang balita sa mga staff.

Someone had already seen Hayden inside the building a few times. Pinapangambahan nga niya na isang araw ay basta na lamang sila magkasalubong o magkasabay sa elevator.

“Hayden doesn’t care about you anymore, honey.”

Muli siyang napamulat nang magsalita ulit si Jorge.

“Wala ka na dapat ipangamba kung sakaling magkita ulit kayo. You should also be grateful, atleast hindi naman napunta sa wala ’yung ginawa mo noon, di ba?”

Binato niya ito ng matalim ng tingin.

“Maging honest na lang tayo, ano? Na-achieve mo kung ano talaga ’yung ambisyon mo. You’re still one of the most in-demand celebrity. You’re successful and thriving. You can forgot about your past with Hayden. Ano ngayon kung ex ka niya at may bad break-up kayo? That’s in the past now. Hindi na kailangan pang maungkat, especially now that he’s newly engaged. Senyales na ’yun, Glai. Napakalaking sign na baka ikaw na lang ang hindi pa nakakaalis sa nakaraan nyo.”

Muli, alam niyang tama ang kaibigan. Lumunok siya para pawiin ang bara sa lalamunan niya. “A-Ano bang gusto mong gawin ko?”

Iniabot nito sa kanya ang maliit na envelop.

“That’s your invitation. Prepare yourself for tonight.”

“Jorge..” may pagtutol sa boses niya.

“I’m sorry, sweetheart. But you need to be there. Wala nang echos-echos ’to.”

Nanghihinang sumalampak si Glaiza sa kanyang kama. Basta na lang niya inihagis ang mga gamit sa kung saan saan. She let out a long, tired sigh. Pakiramdam niya pang-isang buwan na ang pagod na naramdaman niya. Her body and mind felt like they’d been pushed to their absolute limit.

Sa kabila ng pagod na nararamdaman, hindi niya magawang makatulog. She could only see Hayden’s face every fucking time she closes her eyes.

Hindi niya makuhang magalit kay Jorge sa pagpupumilit nitong umattend siya sa naturang pagtitipon. He was just merely doing his job as his manager. Maaaring ikinonsidera na rin nito na hindi siyang magiging komportable sa ideya. With Jorge insisting that she go, Glaiza had no choice but to brace herself for what was coming.

Damn it.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.