TEMPTATION ISLAND: Summer Heat
RaceDarwin · 1 chapter · 1,917 words
Prologue
Naliliyong inilibot ni Maita ang paningin sa loob ng Pulse. The place was not your typical nightclub. Hindi niya alam kung paano siya makikilahok. That is definitely not her first time, the atmosphere was just a little bit too intense. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng sauna, at nag-iinit ang kanyang katawan.
Kung nasa tabi lang niya si Jules, baka nasabunutan na siya nito sa pag-iinarte niya. Matagal niyang plinano ang pagpunta sa isla, pero ba’t nagsisisi siya ngayon?
Siya naman itong desperado na makatuntong sa Temptation Island. Ang plano niya ay manatili doon ng isang buong linggo, maghanap ng gwapong lalaki—hindi na baleng di siya type nito, basta ang importante ay pasado ito sa standards niya.
At dahil pagsusulat ang hanapbuhay niya, naisulat na niya ang buong mangyayari sa utak niya. Parte na din ng script na magbaon siya ng sariling condom at lubricants. That would be her first time. Importanteng madulas ang daan kahit may kakiputan.
Now looking back, she realized one thing. She might be desperate for sex, but she’s not an easy woman. Kung hindi ba bakit pa siya pupunta ng Temptation Island at gagastos ng malaki kung pwede naman niyang makita ’yon sa syudad?
You’re also here for the experience, remember?
Hindi siya dapat mag-aksaya ng oras. Meron lang siyang pitong araw para isakatuparan ang agendas niya and right now, she could hear the sound of clock’s ticking in her mind.
Kung ayaw niyang tuluyan siyang mapag-iwanan ng panahon at maging frozen ang tinggil niya. Marahil iyon na ang tamang panahon para siya na mismo ang mag-first move.
Tama na self-love shit na ’yan tuwing may magtatanong kung bakit pa rin siya single. Self-love? Ang totoo, walang nanliligaw sa kanya. At sa sobrang lamig ng bawat gabi niya, parang magluluwal na siya ng ice cubes.
Nilunok niya ang pait sa kanyang bibig.
The atmosphere was hot and dirty, and there’s a bunch of hot shirtless guys with ripped abs everywhere.
Hindi rin papahuli ang mga babaeng nagsasayaw sa gitna. There’s a lot of pretty faces in the crowd tonight. Parang isang krimen ang mapahalo sa mga ito. Kaya nandoon lang siya sa counter, pinapanood ang mga pawisang katawan na lumalapat sa isa’t isa habang sumisimsim ng alak.
Everyone was looking incredibly sexy and gorgeous. Bawat lingon niya may gwapo siyang makikita. Nag-aaksaya siya ng oras kung papanoorin lang niya ang mga ito at mag-aastang miserable.
Isa pang baso, ramdam na niya ang malakas na tulak ng alak sa loob niya. Lumakas ang kanyang loob na tumapak sa dance floor at sumayaw.
Sinigurado niyang nailalatag niya ng maayos ang kanyang face card habang mapang-akit na iginigiling ang beywang. Naramdaman niya ang mata ng ilang lalaki sa kanya. Merong pumwesto sa kanyang likod para idikit ang katawan ng mga ito at hinayaan lamang niya ang sariling mapaligiran ng maiinit na katawan.
God, this is soo crazy. Sa tagal niya doon, napansin niya ang gwapong lalaki sa counter. He looked so fucking hot and mysterious as he watched her. Gusto na niyang mabastos. Kanina pa itong nakatitig sa kanya, hindi ba siya nito lalapitan para landiin?
Iyon ba ang gusto nito? Panoorin lang siya? Well, she knew how to play that game. Pinagapang niya ang kanyang palad sa malulusog na dibdib niya at agresibong pinisil habang nakikipagtitigan dito.
Napakunot-noo ang lalaki.
Napaawang ang labi niya, biglang namasa ang pagitan ng kanyang hita. My, my.. Bakit parang iniluwa ito mula sa Turkish series na pinapanood niya at nagpakawala ng variant ni Kerem Bursin?
This guy looks so goddamn hot. She felt her skin burned with the way he stared at her. Parang gusto niyang tanggalin ang damit sa harapan nito at ibukaka agad ang nangangailangan ng atensyon.
Oh, please. She would never do that, but she’s also desperate..
Wala siyang minutong sasayangin pa. Kailangang mapasakanya din ang lalaking ito.
He’s the man, Maita. He is the one you’re looking for. Nanginginig ang mga binti, pwinersa niya ang sariling lumapit sa lalaki. Kailangan niyang panlabanan ang nerbyos niya, baka nakakalimot siya, dito nakataya ang kanyang kinabukasan.
Ang hiwa niya, nanatili na lang na nakatikom ng ilang taon. Nakakapangamba din, baka may sapot na.
Lumalim ang kunot sa noo nang tuluyan na siyang lumapit sa lalaki. Nakaupo lang ito pero base sa laki ng bulto nito, lagpas six footer ang lalaki.
Gumuhit agad ang mapang-akit na ngisi sa labi niya.
“Ang pogi mo naman,” mapang-akit na ngumiti siya sa lalaki, kinagat ang gilid ng labi niya. “Are you having fun tonight? Napagod ako kakasayaw, parang napagod din kakatalbog ’yung suselya ko..” napakapa siya sa kanyang hinaharap, sinasadyang pagbungguin ang mga iyon habang nanlalaki ang matang inaakit ito.
Di niya naiwasang sulyapan ang harapan nito. Damn, that bulge is something.
Wala siyang nakuhang tugon mula dito. Playing the mysterious type, eh? That’s fine with her. She liked that actually. Misteryosa din siya, tutulungan na itong buksan ang mga lihim niya kung gusto nito.. Simulan na nito sa panty niya.
Tumabi siya dito sa counter. Buong-buo ang confidence niya. Salamat sa alak na nainom niya, walang tatalo sa lakas ng tama na nararamdaman niya.
Napatitig ito sa mukha niya. Sa di malamang dahilan, nakagat niya ang pang-itaas na labi. Napakurap ang lalaki. Tanga, dapat lower lip ang kinakagat para mang-akit, gaga!
Pinaalpas niya ang malanding hagikhik at humarap sa bartender, “Can I have a glass of water, please? Nauuhaw kasi ako, I need some.. uhm, on my throat,” Pinagalaw niya ang kanyang dila sa kanyang pisngi.
Nakarinig siya ng tikhim. Nanggaling iyon sa katabi niya kaya naglakas loob na siya.
“Do you want a drink, handsome?”
Parang hindi nito narinig ang sinabi niya at lumipat ang tingin sa dance floor.
Did he just ignored her?
Nagkamali ba siya ng akala na interesado ito sa kanya kanina? She was sure he’s watching her in the dance floor.
Kung di siya tipo nito, kung mali man siya ng akala.. Maswerte pa rin ito dahil pasado ito sa standards niya!
Kailangan niyang magpapansin kung gusto niyang ma-achieve niya ang goal niya. Sinulyapan niya ang supladong pogi. Marami na siyang nakitang gwapo, pero iba ito.
Hindi niya alam kung dahil lang iyon sa alak, pero maninigurado siyang hindi ito uuwing hindi siya kasama.
NEW GOAL: Kailangan makumbinse niya itong i-take out siya!
Napansin niyang wala nang laman ang baso nito. Tinawag niya ang bartender. Napalingon ang lalaki at nakita ang ginawa niya.
“Para saan ’to?”
Ngumiti siya at mahinang naipalo ang palad sa malapad na dibdib nito. Parang gusto niyang mapatili. Holy moly, ang tigas ng muscles!
“Wag ka na mahiya, pogi. It’s on me,” pilyang kinindatan niya ito.
“What?”
“Your name starts with letter M, right?”
“No?”
“Oh, I’m wrong? Akala ko pangalan mo M.. as in Mine? Ahee.” Pinigil niya ang hagikhik bago pa iyon maging turn off.
Tila nangilabot itong tinanggal ang kamay niya sa dibdib nito. He looked at her with confusion, then he shook his head.
Bigla parang naging iritado ang mukha nito. “Fuck.”
Ano raw?
“Fuck me? Masyado kang mabilis, ha! First can we get a room or like—Oh, thanks!” Nagpasalamat siya sa bartender nang inilapag nito ang drink. Dinampot niya iyon para ibigay sa katabi.
“Let’s drink first. Wag kang mag-alala, di naman totoo ’yung kasabihan nila na pag may alak..”
“No, thanks.”
Tumawa siya at nagpumilit. “Wala akong balak, swear. I know you want a drink. Take it.”
“No, fuck off.” Tinabig nito ang baso dahilan para maibuhos niya ang laman niyon sa katawan nito. Malutong itong nagmura, at walang biro, mukhang galit na talaga ito.
Agad siyang humingi ng pasensya. Dinampot niya ang tissue na inoffer ng bartender at tinulungan ito. Ngunit marahas na tinabig nito ang kamay niya.
“What’s the problem with you, lady? I’m not interested! So, fucking please, leave me alone. Fuck off!”
Nayanig ang buong pagkatao niya sa sinabi nito. Pagtingin niya sa paligid, napansin niya ang tingin sa kanya ng mga taong nakasaksi sa pagreject sa kanya.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Napatungo siya sabay takbo sa rest room. May umuungol sa cubicle pero inignora lang niya iyon. Nagpunas siya ng luha, pinagsisisihan ang mga nagawa niya. Pwede ba niyang isisi iyon sa epekto sa kanya ng alak? She’s not even alcoholic. Di niya alam kung gaano siya katagal doon bago siya nagpasyang lumabas.
May mali si Maita kaya hindi siya ang biktima. She literally harassed the guy and she needs to apologise to him.
Eksaktong nanggaling din sa loob ng men’s rest room ang lalaki. Nagsalubong ang tingin nila. He was really mad at her. Ang talim ng tingin nito sa kanya, pero kahit ganun, ang gwapo pa rin.
“Are you still following me? Damn, you’re really desperate. I’m calling the—”
“No, no, please, di kita sinundan.. please, no!” pigil niya sa lalaki, nagmamakaawang lumapit dito. “I’m really sorry for what I did. Di ko alam ang ginagawa ko.”
Naningkit ang mata nito at sininghalan siya, “Don’t give me that excuse. You knew what you’re doing.”
“This is just my first time here, please. Hindi na talaga mauulit. Sorry, I’m really sorry!” Nakagat niya ang ibabang-labi at suminghot.
“Umiiyak ka ba?”
Nag-angat siya ng tingin, pumikit pa siya para lang lumabas ulit ang luha. “Yes.”
“You’re not a good actress.”
“Aray, umiiyak na nga ’yung tao. Di ka ba naaawa?”
“Hindi,” tumalim pa lalo ang tingin nito sa kanya. “But fine. Palalagpasin ko ’yung ginawa mo, but stay away from me. No more flirting. Go back to your hotel. Bago pa kita ipadampot—”
“Sayang naman ’yung awra ko kung zero ako ngayon,” hirit pa niya.
“Are you serious? You’re still thinking about sex?” Tumahimik siya. Ang totoo ay hindi. Napahiya na siya eh. Siraulo ba siya? Paano pa siya lalabasan nun eh buong gabi niyang dadamdamin ang pagkapahiya.
Parang nahabag naman ang lalaki sa kanya. “Look, you can stay. I’m sorry for being too harsh on you. I know you’re beautiful and very.. womanly. Sigurado akong makakahanap ka pa ng iba d’yan. Pero huwag mo ulit ipwersa ang sarili mo sa mga lalaking tulad ko. That’s not nice. I’m not being transphobic or anything, I respect people like you.”
Transphobic? Umikot bigla ang paningin niya. Naghalo-halo ang kanyang emosyon habang pinoproseso sa utak ang mga sinasabi niya. Alam niyang malala na ang tama ng alak sa kanya pero ang isang ’to..
“What do you mean? Nag-sorry na nga ako, di ba. Uulitin ko pa.”
“Okay na ’yun, nagso-sorry din ako.”
“Sorry para saan? Ako naman ’yung mali.” Kinagat niya ang ibabang-labi kasi feeling niya sa ganoong usapan nag-uumpisa ang lahat.
“Because you’re not my type?”
Aray, masakit ’yon ha. Parang lumubog agad ang papasibol na pag-asa sa puso niya.
“Ah.. e,” di niya alam ang sasabihin, “Ano pa?”
Tanga, tanga! Ano bang gusto niya pang marinig? Dapat tumalikod na siya, magtatakbo sa dalampasigan at sabay magpakalunod na sa tubig.
“Don’t get me wrong,” sabi pa nito, at malalim na bumuntong-hininga. Napansin niya na medyo namumula ang pisngi niya.
Why is he blushing?
“Damn. Paano ko ba sasabihin ’to na hindi kita ako makakasakit? I have to admit at first I was attracted, watching you in the dance floor.. You’re stunning, but—”
“But I’m not your type, nasabi mo na.”
“Yes, you’re not.”
Masakit na nga yung unang beses na sinabi nitong di siya type, kailangan ulitin?
Ngumiwi ang lalaki nang makita ang sakit sa mukha niya. “Hey, don’t cry. Ayaw kong magpaasa. Di talaga ako pumapatol sa trans, eh.”
Umurong ang luha ni Maita.
Race Darwin

