TGS SERIES 4 : Taming Mr. Governor [MPREG]
Argo Milan · 4 chapters · 5,481 words
The Grayson Siblings Series
D I S C L A I M E R
⚠️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents either are the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
⚠️ The photos used in this story do not belong to me. Credit to the rightful owners for pictures/information/media used.
⚠️ This story contains boy love story that related to men-to-men relationship. if you are not used or comfortable on this story you can leave this book.
⚠️ If you’re a homophobic at ayaw mga kwentong kagaya nito ay maaaring umalis ka agad dito ng payama at tahimik. Salamat.
⚠️ This book contains misspellings and incorrect grammar that you’ll read. I hope no one will judge and insults just because of the grammar found wrong here. No one’s perfect. Kung grammar conscious ka, just leave.
⚠️ WARNING!! R-🔞 Not suitable for yunger age readers. Read at your own risk‼️
⚠️ PLAGIARISM IS A CRIME!! No part of this story will copy nor printed without the permission of the author and its name on it. May be there’s a scene or plot of the story are the same to the other stories but this is purely my works and came from my naughty mind.
@All rights reserved
©JOHYEONRA
P R O L O G U E
What if?
Sa bawat dasal na iyong pinapanalangain ay unti unti nang natutupad?
Sa bawat hangad mo sa buhay ay waring pinagpala.
Paano kung ang pinapanalangin mong gustong matupad ay hindi pala sa diyos mababagsak kundi sa isang Politikong medyo may pagka… Basagulero?
Pero… Bet mo!
Kung minamalas ka nga naman sa buhay. Sa lahat ng magiging trabaho ko ay sekretarya pa ng isang Gobernador at di lang yan, ubod ng gaspang ng ugali.
Well, maliban na lang sa bayan na sinasakupan niya. Kung humarap sa madaming tao malaanghel ang ngiti pero kapag ako ang kaharap mas mataas pa ang ranko kay Satanas.
“Faster”
“Opo, ito na! Highblood agad”
Saad ko na inabit ang mga papeles sa mgga kailangan iimprove sa bayan at mga okasyon na dapat ay bungga.
“May sinasabi ka?”
“Wala Sir, ang sabi ko, ‘Ang gwapo gwapo n’yo’ pero pangit ang ugali.”
Napatitig s’ya sa akin na di kombinsido sa sinabi ko kaya hindi ako nagpatalo, nakipagtagisan din ako. Top 1 kaya to sa matagalang pag di pagkurap ng mata.
“Thanks for the compliment but I’m not unto man.”
“Ganoon naman ako Sir, kahit kayo lang nag-iisang lalaki sa mundo, di ko kayang sikmuraing maging asawa ko.
“What? Tatanggi ka pa sa grasya?”
Tanong niya. Tiningnan ko siya na may galit sa mukha. Prangkahan ko na kayo.
“Over my dead body, it’s a big Yes! mas mabuti pang iba na lang huwag ka lang. Real talk lang sir ha, walang personalan.”
Saad ko na ikinainis niya sa pag upo. Problema ng gobernador na ito. Napaka galitin.
“Minsan kasi sir, tumawa ka rin para kang binagsakan ng langit at lupa.”
“Soon. Kung akin ka na.”
May pa soon pang nalalaman, pero di ko narinig ang sinasabi nya sa panghuli. Nagkibit balikat lang ako at lumabas sa kanyang opisina.
Umupo ako sa table ko kung saan nasa labas lang ako ng kanyang pintuan ng kanyang opisina. Paano ko kaya mapaamo ang anak ni Satanas na ito? I open my laptop at binuksan ang Google.
Typing
“How to Tame the demon side of a person?”
Search ko at wala namang kwenta ang lumalabas. Puro stories ng wattpad ang nakikita ko.
My mission is. Taming Mr. Governor.
Jace Rio Easton
Hi mga tii!
It’s me! Ang baklang mahilig sa Tea tea! echos lang. Jace Collen Easton, your queen of all queens, the riding beke ng Pilipinas.
At nagiisang dyosa ng kagubatan!
Literally, i am just a secretary ng nag iisang Greg Grayson.
The superhot daddie! And the husband material of the Philippines, char lang. Well, paano kaya ako nakapasok sa mala hot sallon not lolo mo?
Di ko rin alam, basta isnag araw someone called my number and i am hired. Kasi daw paramg inikot sa roleta ang aming resume and hired!
“ Rio .“
Napatingin naman ako sa kanya. Speaking of the devil, well he’s here. Ang mainitin kong boss, pero tudo ngiti sa mga nasasakupan. Rio tawag niya saa akin dahil na rin sa yun ang pagkakilala niya sa akin so bahala siya
Sarap ding sakyan, chooss!!
Joke lang at baka magkaroon tayo ng dalawang sink hole sa mata.
“Hello sir hehe, kape po? Para naman mahimasamsan kalukuwa niyo.”
At nakita ko nga ang matalim nitong tingin.
Sir, wag kang ganyan at baka ma sakyan na kita sa tingin mo, alam mo naman i can ride all day all night. Char lang.
“Ibig ko pong sabihin,
may your soul rest in peace.“
“Pinapatay mo na ba ako, Mr. Easton?”
Ngumiti lang ako at umatras para magtimpla ng kape nito. Mainit nga ulo ng lolo mo. Di yata pinayagan ng jowa na maka score at maka shoot ang badila sa isang maluwag na tubo. Kawawang nilalang.
“Your coffee sir with high fiber of glutathione.”
Tinignan niya lang ako at ako naman ay ngumiti. Para naman pumuti ang budhi niya ng kahit kunti. Kahit ilang glutathione pa inumin nito di na magbabago ang itim nitong budhi, di mo naman maidadaan sa panalagin.
Jusko, diyos na lang sususko sa kanya.
Kinuha ko na ang iPad ko para naman makita ang schedule nito, kasi sa pagkakaalam may inspirational messages siyang gagawin sa isang event.
Nagtataka naman ako sa mga taong nag invite ng mga ganito sa kanya, ni wala ngang masasabing nakaka-inspired sa buhay niya eh. Puro na lang simangot buong araw.
“Meron ka pong kailangan na puntahang Event, sir. Una sa listah ay sa bayan ng Luntian Lupa at sa kaarawan ng mommy niyo. Ihahanda ko lang ang mga gamit mo at sasakyan.”
Umalis ako aa harap niya para naman makapaghanda sa bakbakan na aming gagawin mamaya.
Whaaa!! Jusko, kaya ayaw ko mag resign, malay mo di pala niya ako bibitawan, baka malay mo sa aking pagbigay ng papel ng resignasyon ay magagalit siya at ako ay kanyang paparusahan sa kama! Huwag! Aking iniirog!
Hahawakan niya ang aking mga palad at hahalikan ang likod ng aking kamay saka sasabihin na… Will you marry me?
Charot lang.
Ang gwapo naman talaga ng lolo mo oi. Mataas ang ilong, Mistiso, Matalino, Matangkad, Macho at matipunong katawan. Oh! San ka pa?!
Ramdam ko nga may 8 packs of abs si sir eh. Minsan nahahawakan ko kapag tulog. Char lang.
Bawala mga amega, dapat bilang isang magandang dilag at kasing ganda ni Binibining Klay, di natin hinahayaan na lapastanganin ang ating mga palad sapagkat tayo ay isang pilipina.
Ang ating minamahal na si Fedel ay dapat lang maghabol sa ating kagandahan. Char lang.
Sana ay masubaybayan ninyo ang love life ni Jace. Ang mala-fantasy ng buhay niya sa imagination ay ating subaybayan at baka malay mo magkatotoo ang pangarap niya haha.
JOHYEONRA
1
Jace Rio Easton
“Where is it?”
Sigaw niya habang ako ay kumakalkal ng mga documents na niwala niya. Ako pa talaga sinisisi sa katangahan ng lukong ito.
Huminga ako ng malalim bago ako nag salita.
“Pwede bang umaupo ka jan at tumahimik muna?”
Naiinis na ako at kunti na lang masasakal kona ang lalaing ito.
“Kung saan saan mo kasi nilalagay yung mga documents mo, maayos naman pinaglalagyan dyan sa lamesa mo, tapos di mo pa magawang ilagay sa tamang lagayan.”
Pagsesermon ko sa kanya, ewan ko ba sino ang boss sa aming dalawa, parang asawa na ako ditong nagsasalita.
“Are you blaming me?”
Sino pa ba dapat sisihin dito? Ako? Gwapo nga tanga naman.
“Hindi po, ako po may kasalanan. Happy?”
At nag patuloy sa pagkalkal. Kung di ka lang gwapo at yummy di na ako tatagal dito. Kaso baka pakasalan pa niya ako kaya stay to the max ang bakla.
Nang makita ko na ito ay nakita ko pa ang inis sa mukha niya.
“Di man lang nag pasalamat.”
Bulong ko at tumalikod para lumabas sa office niya bago siya nag salita ng ‘Thank you.’
At may ngiti naman si bakla pagkalabas ko.
“Omg. His smile is rare, once in a blue moon ko lang yun Lord nakikita!”
Sabi ko pa habang nag wo-walling sa pader.
Shit! Ang gwapo talaga. Ganito ba talaga lahi ng mga Grayson? Magpa-lahi na kaya ako nang maging gwapo naman yung magiging anak ko.
“Hoy! Wow gurl, bakit ka nakahandusay jan sa sahig? May nangyari ba?”
Tanong ni Cinderella na pinagkaitan ng mukha.
“Lynn… Buntis yata ako…”
“Hoy! Wala kang matres, kaya tama na yang pantasya mo, sino naman ang ama aber? Si sir? Kilala kita bakla, kaya di ka nag re-resign dahil umaasa ka na pakasalan ka ng lalaking yan e ayaw nga niya sa mga bading.”
Tinignan ko naman siya ng masama.
“Wala ka talagang suporta sa kaibigan mong walangya ka. Tara na at kumain.”
Habang hila ko naman ang isang ito lumabas kami para mag street food, lalo na at maraming nagtitinda sa di kalayuan.
“Sis, sa tingin mo. Ilang taon na kaya si Sir? Parang nasa tamang edad na siya pero wala akong nakikitang may asawa na dala ito o kahit anak man lang.”
Tanong ni Lynn sa akin. Sa ilang taon ko na nagsesrbisyo sa kanya, wala nga talaga akong napapansin na ganun.
“Ewan ko, baka ako ang hinihintay. Char lang.”
“Taas talaga ng pangarap mo no? Imbis na tumutok ka sa pagyaman si Sir talaga pinagarap mo.”
Aba! Sino ba namang hindi? Di talaga nagiisip itong babae na ito.
“Anti! Di ko na kailangan na mag payaman, si Sir ay sapat na. Sasakyan ko lang siya gabi-gabi okay na ako, masaya na matres ko niyan kapag ganun.”
Hinampas naman ako nito sa balikat ng napakalakas at humakalpak ng tawa.
“Rio. nababaliw ka na sa mga sinasabi mo, pero sa tingin mo gaano kalaki at kahaba kaya? hm?”
Ayan na nga ang aking likeness.
“Syempre bakla. sa araw araw ba naman na kaharap ko siya at kasama, di mo lang natatanong sa ibaba agad ako nag ge-greet and meet.”
Nagtilian naman kami ni baklitang mangkukulam.
“Gaga! ano sa tingin mo? kasya ba o ipagkasya na lang?” Si Lynn naman ay tumingin sa akin na naghihintay ng sagot.
“Kung susukatin. Mahaba siya miii, mataba, malaki, 9 inch ang sukat at… maugat!! Aaaaah!! Kinikilig ako!!” Tumili pa ako.
“Rio!!”
Nagulat ako sa biglang sigaw ni Lynn.
“Tumigil ka nga diyan! Napapasigaw ka na sa gitna ng kalsada, baka may makarinig!”
“Eh ano ngayon? Proud ako sa pantasya ko! Wala naman akong inaagrabyado, diba?”
“Tanga ka talaga. Puro kalandian laman ng utak mo,” sabi niya habang kumakain ng kwek-kwek.
Umupo kami sa bangketa, may fishball sa harap, may barbecue pa sa gilid, parang fiesta sa dami ng tao. Pero kahit maraming ingay sa paligid, ang utak ko kay Sir pa rin. Kay Grayson.
Napatingin ako sa langit.
“Sa dami ng lalaki sa mundo, bakit siya pa? Yung tipong kahit simpleng ngiti lang niya, parang may fireworks na sa dibdib ko. Kaso nakasimangot palagi eh.”
“Sis, baka gusto mo nang ipa-check up yang puso mo. Baka hindi na tama tibok niyan at malaman ko na ngisay ka na.”
Tawanan na naman kami ni Lynn.
Bigla siyang tumahimik. Tapos nagtanong siya ng seryoso, rare moment.
“Pero real talk, Rio. Kung sakali lang na… trip ka rin ni Sir, ano gagawin mo?”
Napahinto ako sa pagkuha ng fishball.
“Huh? As in seryoso? Like, kung biglang sabihin niya na gusto niya rin ako?”
Tumango siya.
“Ano pa nga ba? Syempre papakasal agad ako! Like bukas na agad ang wedding! Tapos honeymoon, tapos every day, every night… may sword fighting na magaganap at—”
“Okay na! Tama na! Ayan na naman utak mo, lumilipad na!”
Nagtawanan ulit kami pero sa likod ng mga biro, may totoo akong nararamdaman. Kasi kahit alam kong imposible, kahit biro lang lahat ng ito para sa kanya—para kay Greg—seryoso ako.
Nasa kalagitnaan kami ng tawanan nang biglang may humintong sasakyan sa harap namin.
Isang matte black na SUV.
Bumaba ang bintana.
Si Sir Greg. Nakasuot pa ng sunglasses kahit pagabi na.
“Rio.”
Nagulat ako.
“Po?”
“Tara. Hatid na kita. Delikado na dito.”
Speechless ako. Si Lynn napatingin sakin na parang kinikilig din para sa akin.
“Eh Sir, kasama ko si Lynn—”
“May driver siyang separate. Ikaw, dito ka sa akin.”
Mapipilit pa ba kita, Sir?
Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya. Tahimik sa loob. Parang ako lang ang may tunog—yung tibok ng puso kong parang kumakanta ng “This is it!”
Tumingin siya sa akin, seryoso ang mukha.
“Rio…”
“Po?”
“Next time, huwag kang magwo-walling sa labas ng opisina. May CCTV tayo.”
Shit .
Napakapit ako sa upuan. Sana nilamon na lang ako ng lupa.
Napahinto ang utak ko. Tangina. Nakita niya ‘yun? Sana may emergency button sa upuan para ma-eject na ako palabas.
“Ah… sir, sorry po. Stress lang po sa trabaho,” pilit kong tawa. Lutang. Nagka-amnesia ako bigla sa kahihiyan.
Hindi siya ngumiti. Walang reaction. Parang bangko.
“Hindi ka binabayaran para magpaka-clown sa hallway,” malamig niyang tugon.
Ouch . Tinamaan ako dun.
“Noted po, Sir,” mahina kong sagot habang pinipilit ngumiti, kahit parang kinayod ng grader ang pride ko.
Tahimik sa loob ng sasakyan. Ramdam ko ang tensyon. Yung tipong isang maling kibot ko lang, ibababa na niya ako sa kalagitnaan ng EDSA.
Napansin kong lumilihis kami sa daan papunta sa dorm ko.
“Sir, uh… hindi po ito daan pauwi—”
“Alam ko,” putol niya agad. “May kailangang pag-usapan tayo.”
Wala man lang pasintabi. Wala man lang please. Basta na lang command. Para akong alila. Pero bakit kinikilig pa rin ako? Pag-iusapan na ba namin ang kasal namin?
Aaah! Omg! mahahawakan ko na ba ang sandata na ipinamana ni Juan Luna? Chariz!
Pagkarating sa bahay niya — no, mansion — napalunok ako. Ang laki. Ang linis. Ang tahimik. Parang siya.
Pinapasok niya ako. Hindi man lang nagpakita ng kahit konting pakikipagkapwa-tao.
“Umupo ka.”
Sumunod ako. Umupo. Parang aso. Gusto ko na ngang tumahol.
Naglabas siya ng tubig, walang imik, tapos tumayo sa tapat ko, nakatukod ang mga braso sa lamesa, diretso ang titig.
“Rio.”
“Po, Sir?”
“Balak mo bang mag-resign?”
Napakagat ako sa labi. Ano ‘to? Termination notice disguised as small talk?
“Wala po akong planong umalis, Sir. Bakit po?”
Matagal siyang tumingin. Walang kahit anong emosyon sa mukha niya. Para siyang marble statue.
“Kung gano’n, ayusin mo trabaho mo. Hindi ka palaging pwedeng lumandi sa opisina.”
Boom .
“Po?!” Napalakas boses ko. Pero agad kong binawi. “I mean… di naman po ako—”
“May CCTV, remember?”
Cold. Flat. Sharp. Parang blade.
Hindi ko na alam kung magpapaliwanag ba ako o magpapakamatay na lang sa hiya.
“Wag mong ihalo ang personal sa trabaho, Rio. I’m your boss, not your friend. Tandaan mo ’yan.”
Masakit, pero gets ko. Wala siya sa phase na kaya niyang tanggapin kahit biro. At lalong wala siyang planong buksan ang sarili niya sa mga tulad kong parang bagyong dumaan sa buhay niya.
“Noted po, Sir,” mahina kong sagot habang pilit na nilulunok ang kirot sa pride.
Tumango lang siya. Walang emosyon. Walang salitang dagdag. Tumalikod siya at iniwan akong nakaupo sa loob ng bahay niya, habang ang puso ko… parang sinasakal.
Nang makalabas ako sa bahay ni Sir, parang ako’y binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung ano bang mas mabigat—yung kahihiyan o yung bigat ng salitang binitiwan niya.
“I’m your boss, not your friend.”
Ouch, sir. Kailangan ba talagang pakasungit?
Pagka-uwi ko sa dorm, dumiretso agad ako sa kama. Di man lang ako nagpalit ng damit. Nakadapa akong parang sinampal ng realidad. Nag-ring ang phone ko.
Lynn.
Sinagot ko habang nakatuklob sa kumot.
“Hoy bakla, saan ka galing at di ka na nagparamdam? Hinatid ka ni Sir diba?! Spill!!!”
“Girl…” bulong ko. “Ang lamig niya. Parang refrigerator na walang maintenance. Yung isang tingin pa lang, lalagnatin ka.”
“Ay. Anong sabi? May ganap ba?”
“Ganap? Oo. Ganap niyang sabihing ‘Don’t mix personal and work. I’m your boss. Not your friend.’ Ganern. Walang ka-emotion emotion.”
“Grabe! Parang robot!”
“Robot na may six-pack at jawline from hell, Lynn! Yung kahit ginagalit ka, ang sarap pa ring titigan!”
Tawanan siya ng tawanan sa kabilang linya habang ako naman, literal na nakatunganga sa kisame. Hindi ko na alam kung matatawa ba ako o magwawala.
“Pero sis, real talk…” seryoso na si Lynn. “Nasasaktan ka ba?”
Tahimik ako.
“Oo. Kasi kahit hindi naman niya ako pinapansin romantically, ang sakit pa rin sa ego kapag pinapaalala niyang wala akong karapatan umasa.”
“Aw. Alam mo, baka ganun lang talaga siya. Hindi lahat ng tao marunong magpakita ng feelings.”
“Baka. O baka ako lang talaga ang assuming.”
“Hayaan mo lang. Malay mo… sa likod ng pagiging masungit niyang ice prince na ’yan, may natutulog na feelings.”
Napangiti ako kahit papaano. Gusto kong maniwala. Pero paano kung wala talaga?
Bago kami magpaalam ni Lynn, binuksan ko ang phone ko. Tiningnan ko ang gallery. May isang stolen pic ako ni Sir habang nakatalikod siya sa opisina — seryoso, nakatutok sa laptop. Kahit likod lang niya, may dating. May ‘power’.
Napabuntong-hininga ako.
“Sir Greg… bakit ka ba ganyan? Bakit ba kahit paulit-ulit mo akong pinapahiya, di pa rin ako tumitigil? Ang tanga ko na yata.”
Pinindot ko ang lock screen. Pinikit ko ang mga mata.
Pero bago ako makatulog, isang thought ang hindi mawala sa isip ko:
Baka kaya siya galit, kasi may nararamdaman siya na ayaw niyang aminin.
To be Continued…
Kawawang Rio hahaha. Cheer up bading!
2
Jace Rio Easton
Tinatamad akong bumangon. Ito parang isang uuod sa higaan na handa na maging cocoon at maging isang butterfly. Paano ba naman wala na akong lakas para makapasok sa opisina dahil kay sir Greg!
“Makikita ko pa ang mukha niya na parang hindia pintura ng isang Artists.” Nag-paikot ikot na lang ako sa higaan na para bang roller coaster.
“AAAAAAH!! LORD GIVE ME A SIGN KUNG MAG RE-RESIGN AKOO!” Sigaw ko sa kwarto ko.
Pagkatapos ng sigaw kong iyon, tila nabingi ako sa sarili kong boses. Tumahimik ang paligid, hinihintay ang sagot ng langit-o kahit man lang isang kalabog mula sa kapitbahay na magsasabing “Tumahimik ka nga!”
Pero ang tanging sumagot sa akin ay ang tunog ng aking cellphone. Isang notification.
Kinuha ko ito nang padabog, umaasang baka email galing sa HR o kaya naman ay text mula sa isang recruiter. Ngunit nang mabuksan ko ang screen, ang bumungad sa akin ay isang viber message mula sa GC namin sa trabaho.
Sir Greg: “To everyone, may meeting tayo
later
9AM. Please be ready. And by the way, Rio, I need the report I asked for yesterday. ASAP.“
Napahilamos ako ng mukha sa unan. Sign ba ito na mag-resign o sign na kailangan ko na talagang mag-kape?
Tumayo ako nang dahan-dahan, parang slow-motion na eksena sa isang pelikula kung saan hindi ko alam kung ako ba ang bida o ang kontrabida sa sarili kong buhay. Habang naglalakad ako patungo sa banyo, nakita ko ang repleksyon ko sa salamin-sabog ang buhok, maga ang mata, at mukhang kailangan na ng divine intervention.
“Lord,” bulong ko habang nakatingin sa salamin, “kung ayaw mo akong bigyan ng sign na mag-resign, kahit sign na lang na hindi niya ako mapapansin sa meeting mamaya. Pwede na ’yun.”
Pero alam ko sa sarili ko, habang kinukuha ko ang towel ko, na ang pag-resigned ay hindi lang basta pag-alis sa opisina. Ito ay paglaya mula sa pagiging “uod” na pagod na sa kaka-crawl sa deadline.
Kinuha ko ang laptop ko. Sa gitna ng pag-aalinlangan, binuksan ko ang isang tab sa browser at nag-type ng: how to write a resignation letter.
Heto na, ito na yata ang sign.
Habang nakatitig ako sa cursor na kumikislap-kislap sa blankong dokumento, biglang tumunog ang laptop ko.
Napaisip naman ako… Secretary ako ng Governor na walang puso at Secretary din niya ako sa kompanya niya, maganda ang pagsasahod sa akin at walang labis at kulang maliban sa mga benefits nayan.
Okay titiisin na lang hanggang sa matira. Charing lang.
Naligo na ako para makapag ayos na rin at makapagpunta sa kompanya niya.
Greg Grayson. Ang panganay sa anak ng mga Grayson, He’s currently a Governor and a businessman. Kadalasan nakikita dito sa munisipyo dahil nga Governor.
A cold hearted but a kind person to his citizens yan lang din ang kinamamangha ko sa kanya. And actually he’s a widow to his ex-wife sa pagkakaalam ko lang ha. Pinanganak ng asawa niya ang anak nilang lalaki pero sa kasamaaang-palad namatay ang babae.
Kawawa diba? pwede naman akong maging ina ng bata at ako ang papalit, diba?
“Ay, Rio! Ano ba ’tong iniisip mo?” singhal ko sa sarili ko habang hinahawi ang basang buhok.
Napatingin ako sa salamin, kinakausap ang sarili na parang baliw. “Gaga ka ba? Magiging stepmom sa lalaking halos gawin kang punching bag ng mga report niya? Masyado kang nanonood ng K-drama, te!”
Pero hindi ko maikakaila, may parte sa puso ko na laging kumakabog kapag nakikita ko ang malungkot na mga mata ni Greg. Iba ang aura niya pagdating sa anak niya. Doon ko nakikita ang tao sa likod ng pagiging “Governor” at “Businessman.” Doon siya nagiging tao.
Nag-suot na ako ng corporate attire na akala mo ay mag-aapply sa misyon na imposibleng malampasan. Habang inaayos ko ang tie ng blusa ko, napatingin ako sa notification ng laptop ko. Bukas pa rin ang tab na ’ how to write a resignation letter.’
Isinara ko ang laptop nang padabog. “Mamaya na lang. Kapag talagang sinubukan niya ang patience ko sa meeting na ’to, ipapasa ko ’yan nang personal. I-print ko pa sa special paper.”
Paglabas ko ng bahay, sinalubong ako ng init ng araw. Sign ba ’to? Na dapat na akong mag-liwanag?
Habang nasa biyahe patungong munisipyo, hindi ko maiwasang isipin ang schedule niya. Governor sa umaga, CEO sa hapon. Tao ba talaga ang nilalang na ’to o robot? Minsan napapaisip ako, kailan kaya siya huling nakatulog nang mahimbing? O kailan siya huling nakangiti nang totoo, ’yung hindi pilit para sa mga constituents niya?
Pagdating ko sa opisina niya, sinalubong agad ako ng tensyon. Ang mga staff, panay ang lakad na parang may hinahabol na apoy.
“Rio! Nandyan ka na pala!” sabi ni Sarah, ang isa pang admin. “Heto, kape ni Gov. Black. As in, kasing-itim ng mood niya ngayon.”
Kinuha ko ang kape. “Bakit? May nangyari ba?”
“Ewan ko, pero kanina pa siya naglalakad sa loob ng opisina niya. Parang may kinakatakutan… o may gustong patayin.”
Napalunok ako. Heto na, Rio. Ito na ang sign kung magreresign ka o magiging martyr.
Pagkatok ko sa pintuan ng opisina niya, huminga ako nang malalim. “Sir, Rio po. Pasok ako?”
Walang sumagot. Kaya dahan-dahan kong pinihit ang hawakan ng pinto. Pagbukas ko, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng malaking bintana, nakatalikod. Nakahawak siya sa frame ng bintana, at doon ko napansin ang hawak niya sa kabilang kamay-isang maliit na picture frame. Ang anak niya.
“The report, Rio,” malamig niyang wika, hindi man lang lumingon. “I hope it’s worth my time.”
Tumayo ako nang tuwid, tinatago ang kaba. “Nasa laptop ko na po, Sir. I-pri-print ko na lang.”
Humarap siya sa akin. At sa pagkakataong ito, hindi ko nakita ang Governor. Nakita ko ang isang lalaking pagod na pagod na sa mundo.
“Make it quick,” sabi niya, sabay tingin sa orasan. “We only have ten minutes before the meeting starts. And after that… I need you to stay late. May kailangan akong ayusin.”
Stay late? Doon ko naramdaman na naman ang urge na i-click ang ’Submit ’ button ng resignation letter ko. Pero nang makita ko ang reflection niya sa salamin ng opisina-’yung mukha na pilit nagtatapang-nawala ang inis ko at napalitan ng awa.
“Copy, Sir,” sagot ko na lang.
Rio, focus. Kapag ginawa niya talaga akong babysitter mamaya, dyan na tayo mag-resign. Promise.
Ang meeting room ay puno ng mga nakakunot na noo ng mga department heads. Nasa dulo si Greg, nakaupo sa kaniyang swivel chair, habang ako naman ay nakatayo sa tabi niya, dala-dala ang kape at ang report na kaniyang hinihingi. Ang bawat tik-tok ng orasan sa dingding ay parang bombang malapit na sumabog.
“ Gov, tungkol sa budget allocation para sa infrastructure project-“
“I said the report first, Mr. Santos,” putol ni Greg, hindi man lang tinitignan ang nagsasalita. Ang mga mata niya ay nakapako sa akin. “Rio, the report.”
Inilapag ko ang folder sa harap niya nang walang imik. Ramdam ko ang tingin ng lahat. Ito na ang chance ko-kung magreresign ako, ngayon na habang nasa peak ang tension. Pero habang binabasa niya ang mga pahina, biglang nag-vibrate ang phone niya sa ibabaw ng mesa
Ang screen ay nag-flash: YAYA - ROSING.
Biglang tumigil si Greg. Ang Governor na kanina lang ay parang naghahanap ng away, ay biglang namutla. Mabilis niyang kinuha ang phone at hindi na nagpaalam sa mga taong nasa loob ng conference room. Lumabas siya nang nagmamadali, naiwan kaming lahat na nakanganga sa hangin.
“What just happened?” bulong ni Mr. Santos.
Hindi ko na hinintay ang sagot. Alam ko ang hitsura ng taong natataranta dahil sa anak. Hindi ako nag-isip. Kinuha ko ang notepad ko at sumunod ako sa kaniya sa labas.
“Sandali lang po ako pong bahala.”
Naabutan ko siya sa hallway, nakasandal sa pader at parang kinakapos ng hangin habang kausap ang yaya sa kabilang linya.
“Anong nangyari? Bakit mataas ang lagnat? Hindi ba siya nag-gamot kagabi?” boses niya, puno ng panic at guilt.
Nang mapansin niyang nakatayo ako doon, tiningnan niya ako. Ang “cold-hearted” na Governor ay wala na. Ang nakita ko ay isang tatay na gustong-gusto nang iwan ang lahat para lang makasama ang anak niya.
“Rio,” tawag niya, boses niya ay nanginginig. “Cancel everything. Lahat ng schedule ko ngayong araw. I need to go home.”
“Pero Sir, may
meeting
pa po kayo sa mga investors mamayang 11 AM-“
“I don’t care!” sigaw niya, pero agad din siyang huminahon nang makita niyang napatalon ako sa gulat. Huminga siya nang malalim, ang kaniyang mga balikat ay bumagsak. “I’m sorry. I just… I need to be with him. Please, handle the investors. Tell them… tell them I have an emergency.”
Tumingin siya sa akin, ang mga mata niya ay may halong pakiusap. Doon ko naramdaman: ang pag-resigned ay mukhang malabong mangyari ngayon.
“Sige, Sir,” sabi ko, kahit alam kong papatayin ako ng schedule na ’to. “Pero sa isang kondisyon.”
Natigilan siya. “What?”
“Ipapaliwanag ko sa mga investors kung bakit ka wala, at aayusin ko ang schedule mo. Pero pagbalik mo, kailangan mong mag-leave kahit dalawang araw para sa anak mo. Hindi ka pwedeng maging maayos na Governor o CEO kung hindi ka maayos na tatay.”
Sandali siyang tumahimik. Tinitigan niya ako, parang ngayon lang niya ako tunay na nakita. Pagkatapos, tumango siya nang bahagya at mabilis na naglakad palayo.
“If anything happened, I know you can handle it alone.”
Pahabol niyang sabi saka naiwan akong mag-isa sa hallway, hawak-hawak ang responsibilidad na hindi ko naman dapat dala.
Resignation letter? Sinong may time mag-resign kung ikaw na ang nagpapatakbo ng buhay ng lalaking ’to?
Sumapit na ang 11AM at nag sidatingan naman ang mga Investors at Contractors na dapat ay ka-meeting ni sir Greg. Lalo na at malalaking tao ang makakaharap niya ngayon.
Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang puso ko na parang tambol sa sobrang lakas ng tibok. Rio, kaya mo ’to. Ikaw ang gumawa ng report, ikaw ang nag-ayos ng schedule, at ikaw ang nakakaalam ng bawat detalye ng proyektong ’to.
Pagpasok ko sa boardroom, sinalubong ako ng masasamang tingin ng mga investors at contractors. Ramdam ko ang pagkadismaya nila.
“Nasaan ang Governor? This is highly unprofessional, Mr. Easton!” galit na sabi ng isang investor.
Tumayo ako nang tuwid, inayos ang aking blazer, at humarap sa kanila nang may ngiti-’yung ngiting pang-CEO. “My apologies, gentlemen. Governor Grayson had an urgent family emergency that required his immediate attention. He wants to reschedule your meeting next week.”
Ramdam ko ang pagkadismaya ng mga investors nang sabihin kong wala si Greg. Ang conference room, na dati ay malamig dahil sa aircon, ay biglang uminit dahil sa tensyon.
“This is unacceptable, Mr. Easton!” singhal ni Mr. Valdez, ang pinakamalaking investor. “We are talking about billions of pesos here, not a community bake sale! Hindi kami pwedeng makipag-usap sa secretary lang. We need the Governor, the decision-maker!”
“Exactly,” dagdag naman ng isa pang contractor. “Kung wala siya, we are walking out. Hindi namin pwedeng ituloy ang meeting kung wala ang mismong may-ari ng proyektong ito.”
Nagsimula na silang magligpit ng mga gamit. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Ito na, Rio. Ito na ang katapusan ng career mo. Pero pagtingin ko sa pinto-doon sa pwesto kung saan dapat nakaupo si Greg-nakita ko ang folder na inihanda ko. Alam ko ang bawat detalye, bawat butas, at bawat oportunidad sa proyektong ito. Mas alam ko pa ang numbers kaysa sa mga taong nasa harap ko.
“Wait!” malakas kong sabi. Tumigil sila sa paghakbang.
Huminga ako nang malalim, pilit pinapatatag ang boses ko. “If you walk out now, you are walking away from the most detailed, most efficient, and most profitable infrastructure proposal that the Governor has ever drafted. Yes, he is not here. But I am. And I know this project better than anyone else in this room-including the Governor himself.”
Nagkatinginan sila. May pagkutya sa mga mata nila, pero may kuryosidad din.
“ I have the authority to answer your concerns, and I have the data to prove why this investment is the best you’ll ever make,“ pagpapatuloy ko.
Umupo ulit si Mr. Valdez, nakataas ang kilay. “Fine. You have ten minutes. Kung hindi kami makukumbinsi sa loob ng sampung minuto, aalis na kami at hindi na kami babalik.”
Sa loob ng susunod na oras, parang nagbago ang mundo ko. Binuksan ko ang laptop. Sa loob ng sumunod na isang oras, ako ang naging bida. Ipinaliwanag ko ang mga technical details, ang timeline, ang budget allocation, at ang mga benepisyo ng proyekto sa mga mamamayan. Hindi lang ako basta nagbabasa ng slides; sinagot ko ang bawat mahihirap na tanong nila. Bawat tanong nila-mula sa legalities hanggang sa environmental impact-nasagot ko nang buong kumpiyansa.
Ipinaliwanag ko ang mga projections na hindi man lang na-discuss ni Greg dati. Ginamit ko ang bawat knowledge na nakuha ko sa loob ng mahabang buwan ng pagiging “anino” niya.
Nakita ko ang unti-unting pagbabago sa mukha nila. Ang pagkakrus ng mga braso ay napalitan ng pagkuha ng mga notes. Sa dulo ng presentasyon, tumayo si Mr. Valdez at inabot ang kamay ko.
“That was… impressive, Mr. Easton,” wika niya na may kasamang pagkamangha. “To be honest, I thought we were wasting our time today. But you just saved this deal.” sabi ng lead contractor pagkatapos ng presentation
“Hindi ko akalaing alam mo ang bawat detalye nito, Rio. In fact, may ilang points ka na mas malinaw pa kaysa sa mga naunang paliwanag ng Governor.”
Pagkatapos ng meeting, nagpalakpakan pa sila. Pakiramdam ko, lumutang ako sa ere. Resignation? Sino, ako? Sa galing ko bang ’to? Baka ako na ang susunod na Governor!
Bumalik ako sa opisina ni Greg, dala-dala ang adrenaline rush. Wala si Greg. Tahimik lang ang opisina. Nakaupo ako sa swivel chair niya, pinagmamasdan ang view mula sa bintana, nang biglang bumukas ang pinto.
Pumasok si Greg, mukhang haggard, gulo ang buhok, at pawis na pawis. Mukhang galing siya sa hospital. Pagkakita niya sa akin sa upuan niya, nanlaki ang mga mata niya.
“ Rio? Anong ginagawa mo sa upuan ko? And why are you still here? Akala ko ba…“ huminto siya, hingal na hingal. “The investors-anong nangyari? Siguradong nagalit sila. I need to call them.”
Kinuha niya ang cellphone niya, pero pinigilan ko siya nang marahan.
“Wala nang kailangang tawagan, Sir,” nakangiti kong sabi. “Tapos na ang meeting. Lahat sila, satisfied. In fact, ang sabi nila, napakagaling daw ng presentation natin.”
Natigilan si Greg. Dahan-dahan siyang naupo sa harap ng mesa, tinitigan ako nang mabuti. Hindi ko alam kung magagalit siya dahil inagawan ko siya ng spotlight, o magpapasalamat dahil inayos ko ang gulo.
“You presented? I said to cancel it, right?” tanong niya, boses niya ay halos pabulong.
“Yes, Sir. But they demand to see it now at kapag wala na magba-back-out sila sa plano. And I think I nailed it.”
Tumingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon, nakakita ako ng isang maliit, hapong ngiti sa mga labi niya. Hindi ’yung pilit na ngiti para sa camera. ’Yung totoong ngiti.
“You did,” sabi niya. “Thank you, Rio. I don’t know what I would do without you.”
Oh my God. Isang “Thank you” mula sa cold-hearted na si Greg? Biglang uminit ang pisngi ko. ’Yung planong mag-resign? Parang nag-evaporate na lang bigla.
Sige na nga extended yung resignation.
To be Continue…
![Cover of TGS SERIES 4 : Taming Mr. Governor [MPREG]](/story-covers/tgs-series-4-taming-mr-governor-mpreg_302965467.webp)
