loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
THAT LOVE WAS BIZZARE

THAT LOVE WAS BIZZARE

MixWithRed · 14 chapters · 13,758 words

Chapter 1

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental .

Kaizer’s

Pov.

Nagising ako ng marinig ko ang ringtone ng aking cellphone.

Habang nakapikit ay agad ’kong kinapa ang table upang hagilapin ito.

Nang mahawakan ko ito ay agad ko itongg tinignan ng nakapikit ang isang mata, at nakita ko ang isang mensahe galing kay Ashton at napangiti ako ng bahagya.

Si Ashton ang matalik kong kaibigan o sabihin nating childhood friend ko. Tinulungan ako ng pamilya n’ya nung mamatay ang mga magulang ko. Dinamitan, inayusan, pinakain, at pinag-aral, at higit sa lahat… minahal na parang tunay na anak. Ngunit nung kami ay second year highschool ni Ashton. Sa di inaasahan na panahon, ay nagkasakit ang mama namin ni Ashton na siyang ikinamatay nito, at ang ama namin ni Ashton ay kasalukuyang nasa ibang bansa. Nagtatrabaho siya roon para sa amin. Hindi naman ako pinabayaan ng papa niya kahit gano’n ang nangyari. Ngunit ayoko ring dumepende sa kanila dahil kung tutuusin ay sapat na ang pagpapalaki’t pagbibihis nila sa’kin noong ako’y musmos pa lang.

Solo na anak si Ashton, kaya naman nung ako’y inampon nila ay hindi naman naging ganoon kabigat sa kanila. Hindi rin naman ako tinuring na iba ni Ashton kahit alam naming dalawa na ako’y hindi n’ya tunay na kapatid.

Agad na akong bumangon upang maka-alis na sa motel na tinuluyan namin ng kasama ko kagabi.

Pero bago ako tumuloy sa CR ay iniligpit ko muna ang perang iniwan sa kamang hinigaan ko, bago ako naligo.

Sakto lang naman ang ibinayad sa akin kaya ayos na rin, maipapang-kain ko rin ’yon at dagdag ipon sa pag-aaral ko.

Nang mawala ang mama namin ni Ashton ay nagdesisyon akong pagtapos namin sa highschool, ay titigil muna ako upang makapag-aral si Ashton sa college. Gusto ko rin sanang mag-aral ng kolehiyo, ngunit alam kong hindi kakayanin ng papa ni Ashton. Kaya naman nagdesisyon akong huminto at magtrabaho.

Pagkatapos kong maligo ay iniligpit ko pa ang iba kong gamit at saka ko nireplyan ang mensahe kanina ni Ashton.

Message:

Ashton: Nasa’n ka? Ba’t di ka umuwi? Susunduin kita. textback.

Me: Madaming customers kagabi kaya tumuloy ako kila Tita Pearl, ’andito ako sa salon n’ya ngayon.

Ashton: Okay, papunta na’ko.

Nang mabasa ko ang reply niya na iyon ay nagmadali rin akong makasakay papunta sa Salon ni Tita Pearl.

Buti na lang ay sin’werte ako’t nakakita ako agad ng trycicle, kaya sumakay na ako para maunahan ko siya.

Pagdating ko sa Salon ay wala pa si Ashton kaya pumasok muna ako. Agad naman akong nakipag batian kay Tita Pearl at kay Prettiesa (pritiyesa).

“Kamusta ang pagiging masahista? Masakit ba?” Pang-aasar ni Tita Pearl at tipid akong ngumiti sa biro niyang ’yon.

“Oo nga, o baka ikaw ang minasahe?” Gatong pa ni Prettiesa na sobrang puti ng mukha dahil sa kung anong cream.

“Mga gaga, natural masakit kahit paulit-ulit, pero sanayan lang.” Aniya ko at tinapunan sila ng tingin pagkatapos.

“S’ya nga pala Tita, pag dumating si Ashton pakisabi na sa inyo ako tumuloy kagabi.” Pagsasabi ko at binigyan n’ya ako ng makahulugang tingin. Tila nakuha niya ang ibig kong sabihin.

“Aber? Ako na naman ang ginamit mong bala? O s’ya sige.. pagtatakpan kita pero pag nagka-bukingan.. labas na ako d’yan..” Sagot niya at mataman pa akong tinignan.

“Syempre naman tita, pero nananatili akong positibo na hindi nya malalaman.” Sabi ko at yumuko ng bahagya.

“Aba baklang ’to, walang lihim ang hindi nabubulgarism dae! Jusko ka!” Sagot naman ni Prettiesa gamit ang kanyang baklang boses, habang nililinis ang ibang kagamitan para sa buhok.

“Trot prettiesa, akala siguro ng gaga.. aayon sa kanya parati ang tadhana jusko ka dae!” Sang-ayon pa ni Tita Pearl at napa-ngiwi ako.

“Pero bilib ako sa powerlalu mo dae, akala ko once ma-try mo ay hihinto ka agad, pero para kang Globe! Go lang ng Go.. salutatey ka ni baklang prettiesa..fight!” Sabi pa nya sa’ken at bahagyang natawa naman ako sa facial expression niyam

“Gano’n talaga siguro prettiesa, pag nangangailangan ka’t gipit, kakapit ka talaga sa patalim.” Seryosong aniya ko.

“Trulaley! Pero naiisip ko anong magiging reaksyon ng Ashton pag nalaman niyang callboy ka! Like dertiiiii, baka itakwil ka.” Sabi ni Prettiesa at umaksyon pa siya na tila natatakot.

“Malamang, itatakwil talaga ako nu’n,, kaya nga dapat hindi niya malaman.” Tugon ko at ngumiwi naman sila, tila hindi sang-ayon.

“Ayy, Goodluck naman talaga sayong bakla ka, o sya higupin mo ang usok ng lihim mo nang wala syang malaman!” Makahulugang pang-aasar sa akin ni Tita Pearl.

Natahimik at natigil kami sa pag-uusap nang may dumating na customer.

Kaya umupo lang muna ako dito sa sofa at hinintay si Ashton na dumating.

Maya-maya lang ay dumating na si Ashton kaya naman nagpaalam ako kila Prettiesa at Tita Pearl na mauuna na ako. Tumango lang sila dahil nagsisimula na ring dumagsa ang mga customer kahit maaga pa.

Agad naman akong sinalubong ng tanong ni Ashton habang papasakay kami sa motor niya.

“Ba’t hindi ka nagpaalam?” Tanong niya habang salubong ang kilay.

“Eh kase nakalimutan ko, andaming nagpamasahe kagabi.” Pagsisinungaling ko at kumamot pa ako sa aking noo.

“Hays, edi bago ka sana umalis sa bahay ay nagsabi ka na baka hindi ka maka-uwi. hinanap kita kagabi at nabaliw ako kung sa’n ka hahanapin dahil wala naman akong ibang alam kundi itong salon na’to, pumunta ako dito kagabi, sarado na.” Aniya pa at tila napagod sa sinabi kaya di ko napigilan ang tumawa.

“Sorry! pft!” Aniya ko at tumawa.

“Ba’t ka tumatawa?” Pagalit niyang tanong.

“Ang sagwa mo magalit e! pft!”  Sagot ko at tumawa ulit.

Sininghalan n’ya lang ako at pinaandar na ang motor.

Pagka-uwi namin ay agad akong nagluto dahil papasok na maya-maya sa skwelahan si Ashton.

‘ang laki-laki na di pa marunong magluto.’

Alam kong delata ang inulam nya kagabi dahil nakita ko ang lata sa aming basurahan.

Pagka-lapag ko sa aking gamit ay agad akong nagluto ng adobong baboy dahil paborito ko ’to.

Si Ashton ay umakyat kanina pagdating namin, dahil s’ya raw ay maghahanda na.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbaba ni Ashton.

Mabuti na lang din ay naluto na ang pagkain at nakapaghanda na ako sa lamesa.

Pagbaba niya ay agad s’yang nagtanong.

“Ambango, anong niluto mo?” Tanong pa niya at tila sinisinghot ang naiwang amoy sa hangin.

“Adobo. kumain ka na diyan.” Aniya ko pa.

“Sige sige!” Sagot niya at agad umupo sa lamesa.

Nagwalis naman muna ako dahil medyo mabuhangin ang aming salas.

Tinawag niya naman ako.

“Oy Kaikai, kumain ka muna, mamaya ka na magwalis!” Sigaw pa niya dahil medyo malayo ako sa kaniya.

“Kumain ka na lang dyan, Ashtray!” Pang-aasar ko pa at ipinagpatuloy ang ginagawa.

“Bahala ka, uubusin ko ’tong niluto mo!” Pang-aasar din niya at nagsimula nang magsandok.

“Sige ubusin mo! Mabulunan ka sana!” Tugon ko pa ulit habang inililigpit na ang nawalis ko.

Pumunta naman agad ako sa lababo para maghugas ng kamay.

“Kumain ka na.” Sabi pa ulit ni Ashton at salubong ang kilay ko siyang tinignan.

“Oo na ashtray, kaya nga naghuhugas na ng kamay e!” Inis kunwaring sagot ko sa kanya.

“Bilisan mo, lumalamig na yung niluto mo kaikai!” Pang-aasar din niya.

Agad naman akong kumuha ng plato at umupo na sa upuan.

Sumasandok na ako ng kanin nang bigla na lang akong pisilin sa pisngi ni Ashton.

“Problema mo, ashtray? gusto mo sapakin kita?” Aniya ko habang salubong ang kilay.

angsakit

nun a’

’Wag, na-kyutan lang ako sayo.“ Tugon niya at saka tumawa ng malakas kaya napikon ako. Kaya tumayo ako at naglakad papunta sa kinatatayuan niya at umatras naman siya.

‘Bwiset ka ah’

“Anong gagawin mo?” Tanong niya at agad na gumuhit ang kaba sa kaniyang mukha.

Tinignan ko siya ng malagkit at may halong landi saka ako naglip-bite ng maangas.

“Naku-kyutan din ako sayo e!” Sabi ko habang humahakbang ng mabagal patungo sa kanya at s’ya ay atras ng atras.

“ANO BANG GINAGAWA MO?” Malakas na tanong pa niya habang umaatras.

Inambaan ko naman siya ng kamao at napa-takip naman sya ng braso niya.

“WAG KANG MANGUROT NG PISNGE! KUNG AYAW MONG MASAPAK!” Sigaw ko at hindi ko napigilan tumawa.

“Akala ko ano na, kinginamo!” Sigaw n’ya habang natatawa.

Bumalik naman na ako sa upuan para kumain.

Nagpatuloy naman kami sa asaran, habang kumakain ako’y pinagtitripan pa rin niya ako. at nagpasalamat ako dahil agad din naman s’yang umalis dahil papasok na raw siya sa kaniyang klase.

Chapter 2

Kaizer’s Pov.

Habang nandito ako sa bahay ay naka-receive ako ng message sa aking dummy account.

Message:

Him: Available ka ba? 8pm sa may juanito’s place? Magkano ba?“ With matching pic niya na hubad.

Me: Yes sir, I’m available, let’s talk about the price when we meet sir.

Agad naman akong umakyat sa kwarto upang ihanda ang mga gamit kong dadalhin.

Inilagay ko ang condom, lubricants sa aking bag.

Ang juanito’s place na tinutukoy niya ay malapit lang sa kinatatayuan ng salon ni Tita Pearl kaya hindi rin ganon kalayo at hindi gano’n kahirap puntahan.

Ang oras ngayon ay ala-una pa lang at mamayang alas tres pa ang uwi ni Ashton.

Alas-dos ay gagayak na ako upang magtrabaho kay Tita pearl, para dagdag income na rin.

Naghanda at nagdikit ako ng sticky note sa ref.

Ash, baka hindi ako ulit maka-

uwi

ngayong gabi, nagluto na rin ako ng

pritong

isda dyan,

initin

mo na lang kung gusto mo.

Iniayos

ko naman ang

niluto

kong Isda

upang

hindi ito

langgamin

.

-Kai

Mga 1:45 ay ready na akong gumayak.  ni-lock ko muna ang bahay at pumunta na sa salon ni Tita Pearl.

Pagkarating ko roon ay agad kong pinalitan si Pink, isang masahista sa salon ni Tita Pearl.

Nagkaroon naman agad ako ng customer kaya hindi ko na nagawang maupo pa.

Minasahe ko ang kanyang likod at mga binti, medyo matagal ngunit mas maganda iyon dahil mas malaki ang kanilang babayaran.

Hindi ko rin masyadong pinupwersa at ginagamit ko lang ang aking natural na lakas.

Mabilis namang tumakbo ang oras at nakapagpahinga na ako dahil wala pa namang ibang magpapamasahe.

Ako’y nakatanaw lang din sa ibang costumer na halatang narerelax sa mga serbisyong binili nila.

Mabilis namang tumakbo ang oras kaya naman agad na rin akong nagpalit upang puntahan ang aking kameet-up.

Kinuha ko naman ang aking cellphone para sabihan ang aking kameet-up na ako’y on the way na ngunit nabasa ko ang chat ni Ashton sa real account ko.

Message:

Ashton: Kai? Kumain ka na ba d’yan?

Ashton: Magsabi ka kung magpapasundo ka

Ashton: Tumawag ka pag di ka na busy.

Pagkabasa ko sa huling message niya ay agad kong pinindot ang call button.

Pagsagot niya ay agad akong nagsalita.

“Hello Ash, ako to! Kumain ka na?” Tanong ko agad.

“Oo, kumain na ako, ikaw? Baka ginugutom mo sarili mo dyan! Yari ka saken!” Malakas na sabi niya at bahagya ko pang na-ilayo ang ang phone sa aking tenga.

“Kumain na ako ashtray! Sige na ibababa ko na!” Aniya ko pa, dahil wala na rin naman akong sasabihin pa.

“Magsabi ka kung magpapasundo ka ha!” Dagdag pa niya at nangiti ako ng bahagya.

“Oo, tatawagan kita.” Sagot ko at nakagat pa ang labi.

“Mag-iingat ka.” Sabi pa niya at tila hinaplos ang puso ko sa lambing ng pagkakasabi niyang ’yon.

“I will, bye!” Sagot ko na lang at ibinaba ang tawag. 

‘abnoy’

Agad akong lumipat sa aking dummy account upang replyan ang message ng customer ko.

Message:

Him: send ka pic mo.

Me: (sent)

Me: Papunta na ako sa Juanito’s place sir.

Him: Sige, I’m on my way na rin.

Pagkabasa ko nu’n ay agad akong naghanap ng trycicle na masasakyan ko.

7:52pm ng marating ko ang lugar. Agad ko namang minessage ang aking ka-meet up.

Message:

Me: Wru sir?

Ilang minuto na pagtayo ko dun ay naka-receive ako ng reply.

Message:

Him: Nandito ako nakatayo malapit sa sasakyang puti, I’m wearing white long sleeve na nakatupi hanggang sa aking siko at naka-shorts at naka-topsider.

Me: Okay sige sir.

Agad ko namang nahanap ang aking ka-meet up dahil sa kanyang deskripsyon.

Agad akong lumapit sa kanya.

“Hi.” Bati ko

’ang awkward talaga

shet

“Hello I’m Jonathan, Jon for short hehe!”  Pagpapakilala niya at di ko naman ’yon pinansin.

“Sige Jon, sa’n ba tayo?” Tanong ko.

“Samahan mo muna ako dun sa loob, kain tayo!” Sabi niya at tinignan ko naman sya ng nagtatanong na tingin at mukhang na-gets nya naman.

“Don’t worry, treat ko..hindi ko ibabawas sa bayad ko sayo HAHA!” Mahinang biro pa niya.

Pumasok naman agad kami sa nasabing resto at kumain nga kami.

Naging casual lang naman ang aming pag-uusap, tanungan lang din mga bagay-bagay.

Matapos naming kumain ay inihanda ko na ang aking sarili dahil papunta na kami sa nasabing motel na nakuha niya.  Habang nasa biyahe ay para akong may bulate sa pwet at hindi ako mapakali.

Pagkarating namin roon ay agad ko syang kinausap.

“Maliligo lang muna ako.” Sabi ko at tumango lang naman siya.

Kahit ilang beses ko na ito ay hindi pa rin talaga ako nasasanay at kinakabahan pa rin ako.

Binilisan ko ang pagligo dahil alam kong susunod din s’yang maliligo sa’kin.

At ganun nga ang nang-yari..

Pagkalabas niya ay nangyari agad ang maka-mundong serbisyong binili nya sa’kin.

Bilang ako’y nabili ng kan’yang pera, ang katawan ko’y kumikilos para sa kanya. ang puso ko’y kailanma’y hindi ninais ito ngunit sa kapalarang meron ako, hindi ko ito natakasan.

Sa sakit na aking nararamdaman kada tatama siya ay napapakagat ako sa unan na kinahihigaan ko. at ang makamundong tamis ng halik niya na dinadala ako sa ibang dimensyon kung saan ang aking pakiramdam ay estranghero, para itong palaging bago kahit alam kong hindi naman.


Hindi ko alam kung anong nangyari matapos iyon dahil nakatulog ako sa pagod at sakit.

Nagising ako ng maramdaman ko ang katamtamang bigat ng braso ng naka-yakap sa akin.

Tatayo na sana ako ngunit naramdaman kong nagising siya.

“Uy, gising ka na pala.” Sabi pa niya habang nakapikit at nakangiti.

“Oo, tara na.. baka magbayad ka pa ulit dito.” Tugon ko na lang at bumangon na.

“Sige, maligo ka na para sunod ako.” Aniya pa.

Agad ko namang siyang sinunod at nung matapos ako ay naligo rin siya.

Hindi naman siya pumayag na agad akong umuwi matapos niyang ibayad ang napag-usapan naming presyo kagabi.

Dinala n’ya muna ako sa isang tapsilogan at dun kami kumain ng mapayapa.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasalamat ako.

“Salamat sa libre.” Sabi ko.

“Salamat sa kagabe.” Biro niya at namula naman ako. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niyang iyon.

‘tangina nakakahiya’

’Ahhh- hehehe!“ Tawa ko na lang.

’Kainin sana ako ng

lupa

ngayon.’

“Pwede ko ba mahingi number mo?” Aniya pa at nagtaka naman ako.

“Bakit sir?” Tanong ko pa.

“Anong sir? Jon na lang itawag mo sa’kin.”  Aniya na iniiba ang usapan.

“ Okay Jon, pero bakit?“ Tanong ko ulit.

“Para ma-contact kita directly, para may contact ako sa’yo.” Sagot niya at ngumiti. Nagtaka talaga ako ngunit binalewala ko ’yon

‘wala naman sigurong mawawala’

“Okay, ayan!” Sabi ko at ibinigay ang number ko.

“Sige thanks. alam mo ba? muka ka talagang familiar saken e. I just can’t tell exactly kung sa’n kita nakita e.” Sabi pa niya at kinilabutan ako

“Huh?” Takang sagot ko at binalewala ang takot.

“Promise, parang familiar ka talaga sa’ken.” Aniya at binalewala ko ang takot, dahil sigurado akong ’yon pa ang una naming pagkikita.

“Eh, ngayon nga lang tayo nagkita.” Sagot ko sa kanya.

“Kaya nga, ay basta yun na yon, sige mag-ingat ka pauwi ha.” Sabi niya pa.

“Okay, ikaw den.” Sagot ko at hinintay ko pang umalis s’ya gamit ang sasakyan niya.

Agad naman akong naghanap ng tricycle at pumunta na sa Salon.

Pagkarating ko sa Salon ay sarado pa ito dahil maaga pa, kaya naman agad ko ng minessage si Ashton.

Message:

Me: Nandito ako sa Salon.

Maya-maya pa ay nagreply na siya.

Message:

Him: Sige, wait mo’ko papunta na’ko.

Umupo naman muna ako sa upuan sa labas ng salon ni Tita Pearl.

Maya-maya lang din ay dumating na si Ashton.

Agad naman akong lumapit para sumakay sa motor niya.

Luminga naman siya sa Salon at nagtanong.

“Oh, ba’t sarado pa yan?” Tanong niya.

“Ahh, nauna kase ako kase naliligo pa si Tita Pearl, sabi nya ren na mauna na ako dahil alam nyang susunduin mo’ko.” Sagot ko.

“Ahh, ganun ba?” Aniya pa na tila nagtataka.

“Oo, tara na!” Sabi ko pa at inaya na siyang umuwi dahil baka mahalata niyang nagsisinungaling ako.

“Oo, sige!” Sagot niya at pinaandar na ang motor.

Chapter 3

Ashton’s Pov.

Ngayon ay papasok na ako upang pasukan ang mga subjects ko ngayong araw.

Medyo puro hassles dahil patapos na ang school year at ga-graduate na ako.

’gusto ko nang maka-graduate at

makapaghanap

ng trabaho’

Marami ngang nagtatanong kung bakit sobrang sipag ko raw at kung bakit wala akong gf.

Ewan ko ba, may isa na kaseng laman yung puso ko e, kaya nga gusto ko ng makatapos para pahintuin sya sa trabaho niya at pag-aralin siya.

Matagal ko nang gusto si Kai, ayaw ko lang sabihin dahil natatakot akong iwasan nya ’ko. Alam ko naman na kapatid ang turing nya sakin e, pero hindi naman kami magkadugo.

Simula pa lang nung highschool kami ay gusto ko na siya, napaka-maintindihin at mahaba ang pasensya nya sa’kin. Pag nagtampo ako, nandyan agad yan para mangulit.. at nung namatay si Mama, iyak ako ng iyak nu’n pero hindi sya nawala sa tabi ko, para nga s’yang tumayong mama ko dahil ang papa ko ay nasa ibang bansa, at wala namang ibang mag-aalaga sa’min.. at nung mga panahon na yun, iniisip ko mag-asawa kami at nakatira kami sa iisang bahay. Iniisip ko nga na asawa ko na talaga s’ya pag nilulutuan nya’ko HAHAHA kaso natatakot ako na pag-umamin ako, layuan nya ’ko, kaya mas okay na munang itago ito, baka mabigyan din ako ni Lord ng opportunity na masabi ito sa kaniya.

Pagdiretso ko sa aming classroom ay tahimik pa’t iilan pa ang naroon, pumasok na ako at sinimulang basahin ang mga nagdaang topics para di ko makalimutan at ma-refresh sa utak ko.

Dumaan ang ilang oras ay nag-anunsyo ang isang head na may oral revalida na magaganap sa aming major subjects, kaya naman nagreview ako agad at tinandaan ang mga importanteng impormasyon at ang mga key ideas.

Maya-maya pa ay isa-isang tinawag ang estudyante at pinapasok sa classroom upang humarap sa mga heads.

Doon ay tatanungin ka at iyong isasalaysay ang lahat ng alam mo sa ibinigay nilang topic sayo.

Syempre, the more na marami kang nalalaman, the more na mas mataas ang grades at mataas din ang tyansang makapasa.

Nang matapos ang revalida ay para akong nakahinga ng maluwag, hindi ko alam kung ako’y nakapasa o hindi. Basta ang akin ay nasabi ko lahat ng nalalaman ko at nabasa ko.

Maya-maya lang ay nakasama ko ang mga barkada nung uwian na namin.

Alas tres na ng hapon at palabas na kami ng skwelahan.

“Uy pre!” Pagtawag ni Ronald.

“Uy Ron!” Pagtawag ko rin.

“Pre, may interesado yata kay Kai ah, dun sa kapa-kapatid mo?” Aniya neto, at nakunot naman ang noo ko dahil sa  hindi ko nagustuhan ang narinig.

“Sino? At pano nakilala si Kai?” Inis na tanong ko at nagkibit-balikat siya bago sumagot.

Panong

may naka-kilala kay Kai?’

“Yun nga rin ang akin pre, nagulat ako dahil si Jonathan Salvador ng criminology, nagtatanong sa’ken kung may kilala daw ba akong Kai, e isa lang naman ang Kai na kilala ko at yun ang kapa-kapatid mo.” Sagot naman niya sa’kin at talagang nabalot na ng inis ang pagkatao ko.

Papunta naman na kami sa Parking lot dahil naroon ang aking motor.

“Pano naman kaya niyang nakilala si Kai?” Inis na tanong ko pa habang nagsusuot ng helmet.

“Ewan ko nga din pre, sige na pre una na’ko, ML tayo mamaya ah!”

“Sige sige pre!” Sagot ko at nabalot naman ako ng tanong.

’ Pa’no naman

nakilala

ng Salvador na’to si Kai?’

‘Manliligaw kaya sya ni Kai?’

Maraming tanong ang nagpagulo ng isip ko kaya naman pag-uwi ko ay agad akong nagbihis.

Pagtapos kong magbihis ay agad na akong dumiretso sa Salon na pinagtatrabahuan ni Kai.

‘Gusto kong malaman ang totoo.’

Pagkarating ko ay prente kong ipi-nark ang motor ko’t pumasok sa Salon ni Pearl.

Agad naman akong sinalubong nung Pearl na kaibigan ni Kai.

“Oh, anong kailangan mo iho?” Masayang tanong nito sa’kin.

“Nasa’n po si Kai?” Tanong ko.

“Ayun, nagpapahinga, kakatapos lang niya manghilot e, napagod yata.” Turo nya kay Kai na natutulog sa isang single sofa.

“Sige po.” At tumango lang naman siya at inasikaso ang ibang customers.

Ginising ko naman si Kai at umupo sa kalapit na sofa na kinatutulugan niya.

“Hmm, oh? Ano ginagawa mo dito?” Tanong niya nung gisingin ko siya, ngunit binalewala ko ’yon dahil may gusto akong malaman.

“May kilala ka bang Jon? Jonathan Salvador?” Tanong ko habang salubong ang kilay.

“M-meron bakit?” Sagot niya at nanlaki ang mata ko, at tila nagsisimulang maging galit ang kaninang inis lang.

“Ano mo siya?” Seryoso kong tanong.

“Teka nga, bakit nga kase?” Tanong niya at salubong na rin ang kilay.

“Ano mo nga siya? Manliligaw?” Mahinang sigaw ko at ramdam kong mas nagsalubong ang kilay ko.

“Hindi no, naging customer ko ’yun dito, nagpahilot.” Sagot n’ya saken at napa-buga naman ako ng hininga.

‘buti naman, akala ko talaga.’

“Akala ko kase manliligaw mo yun, nagtatanong kase sya kay Ron kung may kilala ba daw silang Kai.” Pag-amin ko sa kaniya.

Kaizer’s Pov.

Ikinagulat ko ng bahagya ang sinabi ni Ashton ngunit hindi ko ito ipinalahata.

“Ba’t naman kaya s’ya nagtatanong tungkol sa’ken e naging customer lang naman siya dito.” Pagsisinungaling ko.

’Sorry Ashton, alam kong magagalit ka pag

nalaman

mo, at alam kong

pandidirihan

mo ako.’

“Yun nga din ang tanong e, baka nagustuhan ka nu’n, mahilig pa naman din sa mga kagaya mo ’yong crim student na yon!” Sabi pa niya na siya namang ikinagulat ko.

“Criminology student yon?” Paninigurado ko.

“Oo!” Sagot niya na may bahid ng inis.

’yung

lalaking

yon? Magiging

pulis

?

Omygash

?

Ambobo

mo kai, schoolmate sya ni Ashton’

’Pag

nagkataon

na mag-ingay sya sa

nangyari

, pati pangalan ni Ashton

madadawit

, dahil alam ng

karamihan

na kapa-kapatid ako ni Ash’

“Baket parang gulat na gulat ka naman dyan?” Inis na tanong ni Ash na syang nagpabalik sa diwa ko sa reyalidad.

“Wala lang, di ko akalaing pulis yon HAHAHA!” Pagbibiro ko at bigla siyang ngumisi. Tila may naisip na kalokohan.

“Tama ka dyan, muka kasing siyang kriminal” Sabi pa ni Ashton na sinakyan ko kunwari.

Nagpatuloy naman kami sa pag-uusap ni Ashton kaya medyo nawala ang pangamba sa puso ko na maaaring malaman ni Ashton kung ano talaga ang trabaho ko.

Buti na lang ay walang customer na nagcontact sa aking dummy account kaya sumabay ako sa pag-uwi kay Ashton.

Pagka-uwi ay agad akong nagluto para sa aming hapunan

Napagdesisyonan kong mag-caldereta, nagprisinta si Ashton na tutulong siya. Ayaw ko sana, ngunit napaka-kulit kaya sinabihan ko syang maghiwa ng ibang kakailanganin ko habang tinatadtad itong manok.

Nang maluto ko ang ulam ay sabay kaming kumain.

“Kai, nood tayo ng movie pagtapos neto?” Sabi niya na may matamis na ngiti sa labi at napasimangot naman ako.

’pano ba ‘to nakarating ng college na hanggang ngayon isip bata?’

“Anong manonood ng movie? Wala ka bang pasok bukas?” Pagtatanong ko na may bahid ng inis.

“Sabado bukas no!” Sigaw nya sakin at ngumuso at napakamot ako sa sintido.

“Ay sabado ba? Pero kahit na! Edi magreview ka!” Sagot ko.

Nood

ka ng movie dyan, bawal nga magpuyat e’

“Eh? Tapos na naman na yung Oral Revalida kanina e, sige na gusto ko manood tayo ng movie.” Sabi pa niya at halata namang wala akong laban sa kakulitan niya.

“Sige, pero ako mamimili.” Sagot ko at sumimangot naman siya.

“Ayaw mo? Sige walang movie marathon.” Dagdag ko pa matapos makita ang kaniyang pagsimangot.

“Sige na nga, pag horror yan, bahala ka..mabubugbog ka kakatago ko.” Sabi pa niya at inirapan ko lang siya.

“Kumain ka na lang dyan, Ashtray!” Pang-aasar ko at ngumisi lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay nagprisinta syang iseset-up na ang tv.

Ako nama’y naghugas naman muna sa aming kinainan.

Pagtapos ay agad akong naupo sa tabi nya at kinuha sa kanya ang remote upang mamili ng movies.

Ang napili kong movie ay resident evil 2002, dahil hindi ko pa ito napapanood.

Nung nagsimula ang movie ay pumwesto agad si Ashton sa likod ko, itinukod nya ang baba nya sa balikat ko at isinandal nya ako sa kanya.

Nang biglang dumilat ang patay sa movie ay napa-yakap ng mahigpit sa’kin si Ashton dahil sa gulat.

“Ang duwag mo!” Inis kong sabi habang abala sa panonood.

“Tangina, nagulat ako e!” Sagot niya pa at natawa naman ako ng bahagya.

Nagpatuloy lang ako sa panonood habang nakasandal ako kay Ashton, nakatukod parin ang baba niya sa balikat ko at naka-yakap sa’kin.

Nang nasa kalagitnaan ng movie ay naramdaman ko ang bigat ni Ashton sa aking balikat kaya tinignan ko ’to.

‘aba tulog?’

Nakita kong natutulog na kaya naman hinayaan ko muna dahil malapit na rin ang matapos ang movie.

Sa huling parte ng movie ay nakuha nila ang gamot para matigil ang zombie outbreak ngunit pagkatapos nilang ma-indyekan si Matt ng gamot ay nahuli naman sila ng mga tauhan ng Umbrella Corp.

Pagkatapos ng movie na iyon ay agad kong pinatay ang TV. Dahan-dahan kong inihiga si Ashton sa sofa, ang akala ko nga’y magigising s’ya ngunit hindi.

Kinuha ko naman ang kumot at unan niya sa kanyang kwarto sa itaas, pagbaba ko ay agad kong inayos ang unan at kumot.

Gusto ko sanang matulog sa aking kwarto ngunit baka maulit ang nangyari noon kung saan nanood kami ng Quarantine 2 at hinayaan ko syang matulog sa sofa dahil nakatulog din s’ya noon sa balikat ko, at ang nangyari, madaling araw no’n ay pumasok sya sa kwarto ko’t isiniksik ang sarili nya saken dahil natatakot daw sya at nung umaga ay nagtampo sya dahil hindi ko man lang daw sya sinamahan sa sofa matulog.

Natawa naman ako sa naisip ko, kaya natulog na lang ako sa tabi niya at nag-isip isip ng kung anong bagay at hindi ko rin namalayan kung anong oras na ako nakatulog.

Chapter 4

Nagising ako sa bigat na nararamdaman ko.

Napagtanto ko na nakayakap pala sa’kin si Ashton kaya dumilat ako at iniangat ng onti ang aking ulo at narinig ko ang boses niya.

“Good morning.” Namamaos n’yang sabi at hinawa ko ang kamay niya ngunit hindi ako nagtagumpay.

“Umalis ka na nga dyan, magluluto pa’ko ng kakainin natin Ashtray!” Malakas na sabi ko sa kanya.

“Mamaya na, inaantok pako!” Sagot niya.

“Edi matulog ka!” Sigaw ko sa kanya.

“Eh, ansarap mo yakapin, dyan ka lang.” Sabi pa niya at isiniksik sa braso ko ang ulo nya.

“Umalis ka na dyan! Magluluto na’ko, bumangon ka na ren! Daming arte!” Pang-aasar ko.

“Hays, nakakainis ka naman Kaikai e!” Sigaw nya tas kumamot pa sa ulo.

Iniligpit naman niya ang kumot at unan at dinala ito sa itaas.

Naisipan ko naman na magluto ng itlog corned beef para sa agahan kaya agad na akong nagluto.

Habang nagluluto ako ay bumaba na rin si Ashton at nakapaghilamos na.

“Matagal pa ba yan?” Tanong niya.

“Oo, kaka-luto ko lang e!” Sagot ko.

“Ako na diyan!” Sabi pa niya at nilingon ko siya at tinarayan?

“Aba? Baka pag hinayaan kitang magluto dito? Masunog ’to, kaya itahimik mo na lang yang bunganga mo.” Pang-aasar ko sa kanya.

“Madali lang naman yan.” Pagyayabang niya.

“Oo madaling lutuin para sakin, tas pag sayo syempre madali na lang to sunugin.” Pang-aasar ko ulit.

“Turuan mo kaya ako.” Sabi niya at ngumuso at natawa naman ako habang iginigisa sa sibuyas itong corned beef.

“Sige, sa susunod.” Sagot ko na lang at pinatay na ang stove dahil luto na ang corned beef.

Agad kong inilatag sa lamesa ang corned beef at itlog na iniluto ko.

Agad din naman syang nagsandok ng kanin para sa aming dalawa.

Buti na nga lang nagsaing daw sya kaninang madaling araw ng magising sya dahil kung hindi? paniguradong wala rin kaming kanin na kakainin ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay agad naman akong nanood ng tv.

Si Ashton ay umakyat naman muna sa itaas. 

Maya-maya ay bumaba naman na si Ashton at bagong ligo, tumabi naman sya sa’kin at nanood.

“Papasok ka mamaya sa Salon?” Pagtatanong n’ya sakin.

“Oo, mamayang alas dos.” Sagot ko.

“Sige, ihatid kita.” Sabi pa niya at tumango ako at nanood na lang

Siya naman ay nagcellphone.

Ilang oras din akong babad sa tv ng mas sumiksik sa akin si Ashton at ibaba ang cellphone niya.

“Ang sakit ng ulo ko Kai.” Sambit nya at inihiga nya ang ulo nya sa hita ko.

“Yan kase, cellphone ka kase ng cellphone, anglakas pa ng brightness.” Sagot ko naman sa kanya at iniayos ang ulo nya sa hita ko.

“Ang sakit talaga.” Sagot niya na wala namang koneksyon sa sinabi ko.

“Okay, I-massage ko temple mo, para marelax.” Sabi ko.

“Marunong ka?” Tanong niya pa.

“Oo, masahista ako e.” Proud na sagot ko at hinilot na sya.

Pumikit lang naman siya at ako’y pinagpatuloy ang panonood at paghihilot sa kanya.

Hindi ko rin naman namalayan na mabilis palang tumakbo ang oras dahil ako’y abala sa panonood ng palabas sa telebisyon.

Napansin ko rin na nakatulog na si Ashton sa aking hita kaya hinayaan ko’t inihinto na ang paghilot.

‘masakit talaga siguro’

Nang matapat ang tingin ko sa cellphone ko ay naisipan kong bisitahin ang dummy account ko kung may customer ba ako.

Merong tatlo na nagmessage sa akin, ngunit mas pinansin ko ang message ni Jon.

Message:

Jon: Kailan ka available? Can I take you for tonight?

Jon: Please reply.

Lahat ng message nya ay na-send kanina lang alas-sais ng umaga.

Gusto ko sanang paunlakan ang ibang customers ngunit kailangan ko ring maka-usap si Jon kaya naman nag-decline ako sa iba at siya ang in-entertain ko.

’Ihihinto ko na rin ‘to, hindi na kaya ng sikmura ko’

Nandidiri ako para sa aking sarili ngunit alam kong katawan ko lang ang narumihan ngunit hindi nito nabahiran ang aking pangarap.

‘Wala naman din akong pake sa sasabihin ng iba, para naman to sa sarili ko at hindi para sa kanila.’

Nireplyan ko naman si Jon at sinabing magkita na lang kami kung saan kami unang nagkita.

Sa sobrang kabagutan ko ay inihiga ko na ang ulunan ni Ashton sa sofa upang ako’y makaligo at makagayak na.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at inayos ang aking gamit.

Pagbaba ko ay tulog na tulog pa rin si Ashton kaya ni-lock ko ang pinto sa loob para naman makalabas siya.

Nang makasakay ako ng trycicle at malapit na malapit na sa Salon ay bigla kong naalala si Ashton.

At naalala ko ring hindi ko pala sya nalutuan ng pagkain, ayoko namang magdelata na naman siya kaya naman sinend ko kung paano lutuin ang sitaw at kalabasa na may giniling.

Yun sana ang naisip kong ulam namin para sa gabing iyon, ngunit nakalimutan ko namang lutuin at ako’y hindi rin makaka-uwi dahil ako’y may kikitain.

I-sinend ko ang message ko kay Ashton at pinaalalahanan siya na nag-ingat sa pagbubukas ng kalan at wag hahayaan na hindi ma-isara ang tanke ng gasul.

Pinaalalahanan ko rin sya na palambutin ang mga gulay at hintaying maluto ang giniling dahil natatakot ako na sya ay ma-food poison.

‘Mahirap na, baka kung mapano yun.’

Pagkarating ko sa Salon ay iniwakli ko ang mga masamang naisip at nag-isip ng mga positibong bagay

Nagbuga ako ng hininga bago ako tuluyang pumasok at makipag-batian.

“Aba, ang aga mo naman yata?” Pagtatanong ni Tita pearl.

“Tita, nabagot ako sa bahay kaya pumunta na ako rito.” Sagot ko.

“Sige na, dahil maraming may isa pang gustong magpa-masahe kaso wala naman ng available, buti rin maaga ka, kaya Go na shu!” Pagtataboy ni Tita sa’kin dahil busy rin sya sa ce-cellophane ng customer.

Agad ko namang in-approach ang customer at sinabi nyang gusto nya ng 30minutes service kaya naman pinapasok ko sya sa room at pinahiga.

Inihanda ko naman ang gamit at ng natapos ako ay sinimulan ko na ang panghihilot.

Mabilis na tumakbo ang oras at naka-ilang hilot din ako sa iba-ibang kliyente.

Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay Tita Pearl na may kashogpo ako, it means may customer ako na dapat kitain.

Nang mabasa ko ang chat niya na naroon na siya ay agad na akong sumakay ng trycicle upang kitain siya kung saan kami unang nagkita.

Chapter 5

Agad ko namang nakita si Jon sa juanito’s place, kagaya nung unang kita namin ay nilibre nya ako sa isang resto.

Habang kumakain kami ay naalala ko ang pagtatanong ni Ashton sa’kin non kaya ininteroga ko na si Jon ng harapan.

“Jon, bakit nga pala nagtatanong-tanong ka sa mga kakilala mo kung kilala nila ako?” Tanong ko.

“Huh? Hindi ko ma-gets.” Sabi nya ng mahina.

“Nabalitaan ko, nagtatanong-tanong ka kung may nakakakilala ba sa’kin sa mga schoolmates mo..” pagpapaliwanag ko.

“Teka, pa’no mo nalaman?” Gulat na tanong niya.

“Hindi na mahalaga iyon, pero sagutin mo’ko, bakit?” Pagdidiin ko sa tanong ko.

“Pasensya ka na, nung una talaga kitang makita, familiar ka talaga sakin, kahit ngayon alam kong nakita na kita somewhere, kaya nagtanong-tanong ako, kase gusto kitang mas makilala pa, ewan ko ha, pero I really want to confess na, please do not get me wrong pero na-inlove at first sight ako sayo, alam kong ito yung sinasabi nilang ganon, there’s something in you that makes me more interested to you, I find you cute and I find you different from any other gays, Sorry, but I know you are gay and kahit hindi ka maniwala, bisexual ako and I really fell for a person’s like you, mga kagaya nyo, mga gays.. and alam kong ikaw, ikaw na ang laman nito” turo pa niya sa puso nya. “Kaya kung nainis ka dahil nagtanong-tanong ako sayo, sorry but I just want to know you more, and I will be really honest with you, gusto kitang ligawan.” And my eyes just widen.

Nang matauhan ako ay feeling ko ang awkward ng hangin at vibes na nararamdaman ko.

Hinawakan nya ang kamay ko’t talaga namang nanindig ang balhibo’t tumibok ng mabilis ang puso ko.

“Hindi ko alam ang s-sasabihin ko HAHA, wala pa naman kase akong karanasan sa ganito at wala pa akong naging manliligaw o boyfriend kahit n-noon.” Sagot ko.

“You mean, ako pa lang ang unang naglakas loob? This is crazy, it means that your heart is pure, hindi ka pa nagmahal at hindi ka pa nasaktan.” Sabi niya at bumuga ng hininga.

“Ewan ko, hindi ko talaga alam, nahihiya tuloy ako.” Sagot ko.

“Wag ka mahiya HAHAHAH, close naman na tayo a.” Sagot nya at tumawa pa.

Pagkatapos ng usapan na iyon ay tinapos na namin ang pagkain

Doon ulit kami dumiretso, sa motel kung sa’n may nangyari samin.. pagpasok pa lang ay iniharap na ako ni Jon sa kanya at napatitig naman ako sa kanyang mata.

Kung tutuusin? Gwapo rin si Jon, maganda ang medyo singkit na mata, matangos na ilong, at magandang porma ng labi, may balbas rin na inahit na talaga namang nakadagdag sa pagiging hot look niya.

Tumitig sya sa mata ko at nagsalita.

“The first day  na naging customer mo’ko, alam kong it was our first love making, hindi man ako ang naka-una sa iyo, ikaw naman ang unang nagpabaliw at nagpabilis ng tibok ng puso ko, I wanted this night to be memorable for the both of us.” Pagkatapos nyang sabihin iyon ay hinalikan nya ako.

Habang sinisiil nya ang aking labi ay dahan-dahan nya akong inihiga sa kama at hinubad ang aming kasuotan.

Ang pagka-adonis ay nabubuhay ng pareho sa amin, habang sinisiil ng halik ay naramdaman ko ang marahan nyang pagpasok sa akin.

Nang buo na niyang maipasok ang kanyang sandata ay naramdaman ko ang sakit kahit pa hindi ito ang aking unang beses.

Nararamdaman kong galit at mas lumalaki ang kanyang sandata sa bawat labas pasok nito sa aking lagusan.

Hindi ko mapigilan ang impit na sigaw kaya ako sinisiil ng halik ni Jon. Habang hawak nya ng marahas ang aking kamay ay hindi ako dito naka-tuon dahil mas masakit ang nararamdaman ko sa ibabang likod ng bahagi ko.

Sa bawat pagpasok niya ay syang impit na sigaw ko, maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagbilis niya kaya mas naramdaman ko ang sakit at pwersang ibinubuhos nya.

Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko na ang mainit na likidong mula sa kanyang sandata

Naramdaman ko ang bigat niya nung dumagan siya sa’kin. 

At sa pagkakataong iyon ay bigla kong naalala si Ashton.

‘Pasensya ka na, binaboy ko ang sarili ko’

Napapikit ako sa naisip ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.


Nang magising ako ay nakita kong naka-yakap sa akin si Jon at nakangiti sya ng makita nya akong tumingin sa kanya.

“Good morning.” Sabi nya.

“Good morning den, anong oras na?”

“It’s already 8 in the morning, tara maligo ka na’t kakain tayo sa labas.” Sabi nya.

“Okay, sige.” Sagot ko.

Nang matapos kami ay agad naman kaming pumunta ulit sa tapsilogan dahil yun daw ang paborito nyang kainan sa umaga.

Habang kumakain ay may idinadada syang kung ano-ano at nakikinig lang naman ako.

Medyo seryoso at puro tungkol sa feelings nya raw sa’kin ang topic niya.

Hinayaan ko lang naman siya dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang aking sasabihin. 

Nang matapos kami kumain ay agad akong naka-receive ng tawag galing kay Tita Pearl.

Tinignan ko lang naman muna si Jon at mukang nagets nya ang ibig kong sabihin.

Lumayo naman muna ako sa kanya at sinagot ang tawag.

“Yes tita?”

“Oh, thank God at sumagot ka, oh ano? Kamusta kayo ni Ashton?”

“Ano tita? Hindi ko ho kayo ma-gets?” Gulong tanong ko sa aligaga nyang pagsasalita.

“Kamusta kayo? Nasunog ang baranggay nyo kagabi diba? Ano kamusta na kayo?” Aligaga nyang tanong.

“Tita? Anong nasunog, hindi ho ako nakauwi kagabi dahil alam mo na tita.” Aligaga ko ring sagot.

“Ano? Akala koy naka-uwi ka kagabi, aba jusko tawagan mo si Ashton!” Oa nyang sabi na nagpakaba sakin.

Sumisikip ang dibdib ko at talagang kinabahan ako.

Agad akong sumakay ng trycicle at hindi ko na naisipan pang magpaalam.

Ibinaba ko ang tawag at sinubukang i-dial ang number ni Ashton ngunit hindi nya ito sinasagot.

Mas lalo akong kinabahan at naiyak naman ako sa kaba.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may nangyaring masama kay Ashton.

At nang maalala ko pa ang itinuro ko sa kanya kahapon ay mas lalo akong naiyak dahil yun lang ang naiisip kong puno’t dulo nito.

’Hindi ko kakayanin kung sakaling may nangyari sa

kanya’

Habang nasa byahe ay walang humpay ang aking pag-iyak.

Nang marating ko ang aming barangay ay nakita ko ang mga kabahayang tinupok ng apoy, meron pa ring mga bumbero at ang mga tao ay nagkalat sa bandang kalsada.

Bumaba ako sa trycicle at nagbayad, naglakad lakad ako at nagbabaka-sakaling makita ko si Ashton.

Habang naglalakad ay mas umaasa ako sa pag-asang hindi nasaktan si Ashton pero kahit ganon ay hindi pa rin humihinto ang luha ko sa pagtulo.

Naglakad lakad pa ako sa kalsadang iyon ng may narinig akong tumawag sa’kin.

“Kai!”

Agad akong lumingon upang hanapin kung sino ang tumawag sakin at hindi naman ako nabigo.

Nakita ko si Ashton na nakatingin sa akin at ang luha ko’y mas bumuhos.

Nang maka-lapit ako sa kanya ay agad ko syang niyakap at iningudngod ko ang sariling muka sa kanyang dibdib.

“Oh, bakit ka umiiyak?” Tanong niya.

“Nag-alala ako e!” Sagot ko at mas naiyak.

“HAHAHAH, okay lang yan.” At niyakap naman din nya ako.

“Siraulo ka, nag-alala ako sayo tas tatawanan mo’ko, yung guilt ko kanina hindi na halos matimbang, kase akala ko nasunog yung bahay sa pagluluto mo.” Sagot ko.

“Shhh, sorry haha! Hindi naman nasunog yung bahay natin, nakapasok sila agad sa baranggay natin, kaso yung kabilang street masyadong masikip don kaya ayan mas lumakas yung apoy dahil sa puro rin light materials ang mga kabahayan, saka panong masusunog bahay natin? Hindi ako pumalpak no, anggaling mo kaya magturo.” Sabi niya at niyakap ako ng sakto at yumakap din ako.

“Eh, ba’t andito ka?” Tanong ko.

“Hindi pa kase pwede bumalik sa mga kabahayan sabi nung mga bumbero, dito lang muna para safe, may possibilities pa rin daw kase na magkaroon ulit ng apoy kahit pa sabihing naapula na.” Sagot nya.

Pumunta kami sa isang kainan ng mapag-alaman kong hindi pa raw sya kumakain.

Habang kumakain ay inaasar-asar nya pa ako sa pag-iyak ko kanina at ako nama’y pikon na pikon at nagtitimpi lang.

Pero aaminin kong para akong nabunutan ng tinik ng makita ko sya kanina, para akong nakahinga ng maluwag.

’Salamat

panginoon

at

binuhay

mo ang taong mahal ko’t

pinanghuhugutan

ko ng lakas.’

Chapter 6 (SEMI-DATE?)

Kaizer’s Pov.

Mahigit isang linggo na rin ang lumipas mula ng masunog ang ibang kabahayan dito sa aming baranggay

Meron naman nagsisimula na ulit na ipatukod ang kanilang mga kabahayan at ang iba ay nasa evacuation center pa rin.

Para makatulong, naisipan namin ni Ashton na ibigay ang iba naming damit na hindi na namin isinusuot.

Ngayon ay nandito kami sa bahay dahil sarado ang Salon at wala rin daw pasok ngayon si Ashton.

Nanonood kaming dalawa ng telebisyon, sya ay tutok na tutok sa kdrama ngayon at ako ay bagot na bagot.

’Hindi

talaga ako natutuwa minsan sa mga love story love story na iyan!’

At nang magpatalastas ay naisip kong bigla ang gusto kong bilhin.

Kaya naman agad akong umakyat para maligo at maka-punta ng mall.

Binilisan ko ang aking pagligo at ng matapos ako ay nagbihis agad ako ng casual, parang pambahay lang, wala naman din akong masyadong gagawin pa roon.

Wearing my not that over oversize shirt and my maong short ay bumaba na ako

Nang makababa ako ay nagsalubong ang tingin namin ni Ashton at ang mga nagtatanong nyang mata.

Binalewala ko iyon at kinapa ang bulsa ko kung andito ba ang wallet ko.

Nang makapa ko ito ay lalabas na sana ako ngunit agad akong tinanong ni Ashton.

‘sabi ko na magtatanong e’

“Sa’n ka pupunta?” Tanong niya at nakatingin sa’kin.

“Baket?” Tanong ko pabalik.

“Sa’n ka nga pupunta?” Tanong niya.

“Dyan lang.” Sagot ko.

“May lugar bang dyan lang?” Pilosopong tanong niya.

“Meron, pupuntahan ko pa nga e!” Pilosopong sagot ko rin.

“Sa’n nga kase?” Malakas na tanong niya.

‘Naiinis na HAHAHAHA’

“Sa mall!” Sigaw ko sa kanya at tumawa.

“Wag ka muna umalis, sasama ako!” Sabi nya at kumunot ang noo ko.

“Anong sasama? Pumayag ba’ko?” Pagtatanong ko.

“Bahala ka, sasama ako.” Sagot nya at nginisian ako.

“Bahala ka, pumunta ka mag-isa mo’t magsosolo ako.” Sagot ko.

“Sige na kase! Parang tanga e!” Galit na sigaw niya at animoy kumibot kibot pa ang labi

’sarap asarin ng sirang ‘to.’

“Oo na! Bilisan mo, iwan kita dyan e!” Sagot ko.

“Hehehe!” Mapang-asar na tawa niya at inirapan ko lang siya na para akong babae.

Kinuha ko naman muna ang cellphone ko sa bulsa ko’t nagdudutdot roon.

Tinamad naman ako kakatayo kaya naupo ako saglit sa sofa at sumigaw.

“Antagal mo naman!” Sigaw ko.

“Wait lang, malapit na!” Sigaw niya pabalik.

At nag-fb na lang ako at nagscroll roon, binisita ko rin ang aking dummy at wala naman akong chat, atang ibang nagchat nung nakaraan ay napaunlakan ko na.

Sa tuwing maiisip ko ang pinasok ko ay iniisip ko si Ashton, alam kong magagalit siya at kamumuwian nya ako ngunit kung sakaling mangyari yon ay hindi ko alam, it do sound selfish but my ambition is my first priority right now.

Nang bumaba na si Ashton ay naka-suot sya ng almost similar na look sa akin, although hindi pareho ng styles ang mga damit namin ay almost pareho naman sa looks, with his not that over oversize tshirt and shorts too, It made him look like a model.

‘anggwapo talaga neto, sarap tirisin’

“Tara na, magjeep tayo!” Sagot ko.

“Anong magjeep?” Tanong niya.

“Magjeep tayo!” Sagot ko sa kanya.

“Ayoko, magmotor tayo!” Sagot niya at ngumuso naman ako sa kanya.

Ni-lock naman muna niya ang bahay at saka sumakay sa motor niya at nagsuot ng helmet.

“Sakay na!” Sabi niya at tumingin pa sakin at binigyan ko sya ng naiinis na tingin.

Habang naghihinay-hinay sya sa pagpapa-andar ay inabot nya sakin ang isang helmet at ipinasuot ito.

Nang makalabas kami ng kanto namin ay napahawak naman ako sa damit niya dahil sa bilis nyang magmaneho.

“Uy, wag mo bilisan!” Sabi ko.

“Para mabilis tayo makarating, kapit ka lang sakin.” Sagot naman nya at kumapit naman ako ng mahigpit sa kanya.

Nang makarating kami ng mall ay idinetso nya ito sa parking at naghanap ng mapaparkingan.

Nang maka-parada na siya ay agad naman akong bumaba at tinanggal ang helmet ko at gano’n na rin siya.

Nagulat ako ng humarap sya sakin at ayusin ang buhok kong nagulo at nginitian ako.

“Tara na sa loob.” At hinila naman niya ako papasok sa loob ni hindi man lang hinintay na makasagot ako.

Pagpasok namin ay agad nya akong tinanong.

“Ano ba gagawin mo rito?” Tanong niya.

“May gusto kase akong bilhin sa watsons at may gusto rin akong tignan sa bilihan ng cellphone.” Sagot ko.

“Cellphone? Bakit? At saka baka kulangin ka sa pera niyan, ako nalang kaya bumili ng cellphone mo? May pera naman ako.” Sambit nya at napailing ako.

“Kaya nga ako nagtrabaho para mabili yung gusto ko at makapag-ipon, kumikita ako kaya wag kang ano, tara kumain muna tayo.” Sagot ko.

“Sige, sa Jollibee tayo.. ako na bahala.” Sabi pa niya at hinatak na rin ako.

“Anong ikaw bahala, libre nga sana kita e.” Sagot ko.

“Wag na, bibili ka pa ng cellphone diba? Baka kulangin.” Sabi nya at nginitian ako.

Pagpasok namin ay agad nya akong tinanong kung anong akin at agad naman siyang luminya, ako naman ay naghanap ng ma-uupuan naming dalawa.

Nang maka-order sya ay agad syang umupo dala ang fries, at hinihintay pa namin ang spaghetti at yung rice na may fried chicken.

Minsan lang naman ako makapag-jollibee kaya pag nakakarating ako rito para kumain ay tinotodo ko na ang order kagaya ni Ashton.

Maya-maya habang kinakain namin ang fries ay dumating na ang spaghetti at yung fried chicken.

Agad naman namin itong nilantakan.

“Ang takaw mo.” Sabi nya ng matapos kaming kumain.

“Ikaw rin naman.” Sagot ko.

“Ang sarap kasi.” Sabi nya.

“Yeah” pag-sang ayon ko.

“Ewan ko, pero ang saya ko ngayon Kai.” Biglang sambit nya.

“Bakit naman?” Tanong ko.

“Feeling ko kase nasa date tayong dalawa e, bihira lang kase natin tong gawin na lumabas labas ng ganito.” Sabi niya at natawa naman ako.

“Para kang tange, kakapanood mo yan ng mga kdrama, kalalaking tao.” Pang-aasar ko sa kanya.

“Basta, yun na yon, para tayong nagdedate.” Sagot nya at sinimangutan ako.

Nang matapos kami roon ay agad naman kaming pumunta sa Watsons.

Agad ko namang kinuha ang aking bibilhin, nagulat ako ng may kinuha rin sya at napansin ko ay para naman sa buhok ng lalaki iyon kaya binalewala ko na lang at nagbayad na, matapos nyang magbayad ay agad naman siyang nagprisinta na sya na ang maghahawak ng dala ko.

Agad kaming pumunta sa isang branch ng popular na brand ng cellphone dito sa loob ng mall.

Nagtanong-tanong ako about sa mga latest units na nailabas ngayong taon.

Inisa-isa naman nya ang mga androids na naglabasan this year and ang mga kaibahan nito at kung ano ang mga upgrades nito.

Medyo may kamahalan ang aking napili ngunit napili ko ito dahil sa itinatagal ng baterya nito ayon sa saleslady, at nakita ko na rin ang komersyal nito sa telebisyon kaya naman napili ko rin itong bilhin.

Matapos ko iyong mabili ay nag-aya na akong umuwi kay Ashton.

Chapter 7

Ashton’s Pov.

“Uy ang saya ko para sayo, tignan mo ilang araw na lang ga-graduate ka na.” Masaya at naiiyak na sabi ni Kaizer

Tsumansing naman ako ng yakap at niyakap naman niya ako.

“Oo nga e, ako rin masaya.” Sagot ko.

’Syempre kelangan ko

gumraduate

para ako na

magpapa

-aral

sayo, gano’n kita

kamahal

kaso sana alam

mo’

“Mabuti na lang din at may inspirasyon ako, kaya malaking tulong sya dahil na-inspire ako para maka-graduate.” Dagdag ko pa.

Bumitiw naman sya ng bahagya sa yakapan namin at tinignan ako sa muka.

“Eh, sino ba yan? pakilala mo at pasasalamatan natin.” Sabi niya at nangiti naman ako.

pasalamatan

mo kaya sarili mo

HAHA’

“Oo, pasasalamatan ko sya pag nakita ko sya.” Pagsisinungaling ko

“O sya tara kain na tayo.” Sabi naman niya.

“Kai, bukas gala tayo.” Pakiusap ko.

“Oo sige hehe, sige tara na kain na.” Aya nya kaya hindi naman na kami nakapag-usap tungkol pa roon dahil nabaling ang aking atensyon sa pagkain at sa pagbibiro niya.

Napag-desisyunan naming ulit na magmovie-marathon at kagaya no’n ay pumunta na naman ako sa likod nya dahil ang pinapanood nya ay horror na naman.

Hindi naman ako gano’n katakot pero ayoko lang yung may nanggugulat at may hinahabol ng kung ano.

Ang pinapanood namin ngayon ay itong The human centipede, ewan ko pero nandidiri ako sa ginagawa ng baliw na ’to, may mga kinidnap sya sa parking lot and ginawa nyang pormang centipede.

Si Kai ay tutok lang na nanonood at focus na focus samantalang ako ay nakayakap lang at hindi mapakali dahil ayoko namang magfocus ng sobra dahil naduduwag ako basta horror movies na.

Sa sobrang tutok ko kay Kaizer ay hindi ko rin namalayan na nakatulog na ako.


Kaizer’s Pov.

Natapos ko ang movie at talagang nandiri ako sa ginawa ng baliw na iyon, pinagdugtong dugtong ba naman ang mga taong kinidnap nya at parang ini-staple ang bunganga sa pwetan ng isa pa.

Binalewala ko na iyon ng mapansin kong tulog na si Ashton sa balikat ko habang naka-yakap sa’kin.

Alam kong mahimbing na ang tulog nya dahil naririnig ko na ang mahinang paghilik niya.

Buti na lang rin ay inihanda ko na ang unan at kumot kanina kaya hindi na ako aakyat sa taas.

Alas diyes na ng gabi kaya naisip ko na ring matulog sa tabi niya dahil kagaya nga ng sabi ko noon, ayoko ng nagtatampo to dahil basta galing sya nanood ng horror movie ay ayaw nyang nag-iisa sya dahil mag-iisip sya ng kung ano ano

’ Isip-bata ’

Tumabi naman ako sa kanya at hinayaan kong makatulog ako ng kusa.


Medyo maaga akong nagising dahil naalimpungatan ako sa bigat ng hita ni Ashton na ipinatong nya sakin, hanggang ngayon ay tulog sya.

Alas sais na rin naman ng umaga kaya naisip ko ng magluto ng kanin.

Nang mailagay ko ito sa rice cooker ay lumabas naman muna ako saglit upang bumili sa panaderya ng pandesal, pagkarating ko roon ay agad akong bumili at umuwi pagkatapos.

Nagluto lang naman ako ng corned beef na may itlog dahil isa rin ito sa mga gustong kainin ni Ashton sa umaga.

Maya-maya lang din ay nagising na si Ashton kaya naman agad kaming kumain ng agahan na hinain ko.

Agad naman syang kumilos dahil may kailangan pa syang pasukan na mga subjects.

Ako naman ay hinugasan ang kinainan namin.

Nang bumaba sya ay agad syang nagpaalam na aalis na dahil hindi rin daw sya pwedeng ma-late sa kanyang klase.

Ako naman ay inubos ko ang aking libreng oras sa panonood at paglalaro ng mobile games.

Nang sumapit ang alas-onse ay nagluto ako dahil nagugutom na ako, habang nagluluto ay nilalantakan ko ang pandesal na natira kaninang umaga.

Menudo ang iniluto ko ngayon at nang matapos ako ay agad akong kumain ng kanin.

Habang kumakain ako ay ka-receive ako ng text mula kay Tita Pearl.

Message:

Him/Her: Need you in Salon sis, madaming gumogora ditey, magpapa-massage, Pink is not available today, Only Ayah, Berta, at si Prettiesa ang naghihilot, need kita gora na ditey.

Me: Sige Tita, bibilisan ko, pupunta na ako.

Matapos ko iyong i-reply ay agad na akong kumilos at ni-mute ang phone para mas matagal malowbat.

Pagkatapos kumain ay agad akong naligo at nagbihis, nag-ayos ng konti sa harap ng salamin at gumayak na ako.

Pagkarating roon ay agad kong isinuot ang uniform at pumasok sa room para i-entertain ang isang client.

Medyo matagal ang time na gusto nya but walang reklamuhan dito.

Tumagal kami dahil mukang lumalakas na talagang tunay itong salon ni Tita Pearl, bukod sa nawala na ang katunggaling salon ay mas rumami ang nagtiwala sa Salon na ito dahil sa magandang serbisyo.

Mabilis namang tumakbo ang oras at pagod na pagod ako.

Agad naman akong lumapit kay Tita Pearl ng sensyasan nya ako.

“Yes, Tita?”

“May gusto sana akong sabihin, gusto ka sanang gamitin ng aking kakilala, not hmm ha, ano bale ganito, sabi nya sasamahan mo lang sya sa isang party dahil wala raw syang partner at babayaran ka na lang niya.”

“Eh?” Pagtataka ko.

“Yes and no buts, kase ako na ang bahala sa suit mo.”

“Okay Tita.”

Nang matapos si Tita ay agad naman kaming pumunta sa bahay nya at nandoon naghihintay ang kakilala nya

Gwapo naman sya pero mas gwapo si Ashton ngunit ang kalamangan nya ay medyo build siya, I mean halatang suki sa gym.

Nag-usap naman kami sa mga gagawin roon at ang sabi niya naman ay pupunta lang nga raw sa isang party at sasamahan ko lang siya.

Ang party ay magsisimula ng alas syete at alas singko pa lang ngayon.

Sinabi nyang mas maganda kung maaga raw kami makakarating doon dahil traffic na raw mamayang alas-sais.

Kaya naman nakiligo na ako dito kila Tita at isinuot ang suit na sinasabi niya.

It was a white polo sleeve with a grayish black tuxedo.

Sa suot kong ito ay talagang lumitaw ang puti ng aking balat.

Agad naman kaming nagpaalam kay Tita Pearl at sumakay na sa sasakyan at gumayak.

Habang nasa biyahe ay bukas ang player kaya hindi ako naboring kahit pa wala kaming masyadong imikan.

Mga isang oras mahigit ang byahe dahil 6:32pm na, pagkarating namin sa venue ay halatang pang-bigtime ang party na ito dahil sa bonggang entrance na may mga bantay pa.

Pagkapasok ay makikita mo agad ang malaking tarpaulin na para sa magme-merge na company.

Hindi ko naman itinuon ang paningin ko roon, bagkus itinuon ko ang aking paningin sa paligid at sa mga taong naroon.

Napakaganda ng loob, hindi ko maisip kung gaano kamahal ang pagbabayad sa catering na ni-rent, but I’m sure na malakihang bayad ito dahil sa ganda.

Chapter 8

Ashton’s Pov.

Alas kwatro pa lang ay nagchat na ako at nagtext kay Kaizer dahil nga may plano akong aalis kami ngayon.

’excited

na tuloy ako, para na naman kaming

magde

-date’

Pagkatapos ng aming klase ay agad akong umuwi dahil gusto ko na ring gumala kasama si Kaizer.

Na-iimagine ko na para na naman kaming magde-date at hahawakan ko na naman sya sa kamay at aasar-asarin kahit madalas e ako yung mas pikon sa kanya.

Nangingiti ako habang nagmamaneho pauwi.

Pagkarating ko sa bahay ay laking taka ko ng makita kong lock ang pintuan.

Agad ko namang binuksan ang pintuan at wala ngang tao.

Naisip ko naman na baka nasa trabaho sya kaya naman agad akong naka-isip ng magandang ideya.

Agad akong naligo at nagbihis, inayos ko ng konte yung buhok ko at nilock ang bahay para umalis.

Nagmaneho naman agad ako para marating ko ang Salon.

Pagkarating ko roon ay bukas pa naman ito kaya pumasok ako, agad hinanap ng mata ko si Kaizer ngunit wala, at nang makita ko si Prettiesa ay agad ko itong tinawag.

“Prettiesa, nandyan pa ba si Kaizer?”

“Si Kai? Wala na siya kanina pa, magkasabay sila ni Tita Pearl e, may lakad yata sila.” Sagot nito.

At agad naman akong napa-isip.

“Gusto mo bang sumama mamaya kila Tita Pearl? Pupunta rin kase ako doon mamaya.” Sabi nya

“Ay hindi na, tatawagan ko na lang si Kaizer.” Sagot ko at lumabas.

Para namang bumigat ang pakiramdam at naupo muna saglit sa upuan sa labas ng salon.

Napatingin ako sa mga dumadaang sasakyan at naramdaman ko ang lungkot

Nararamdaman kong nagtatampo ako kay Kaizer, sinubukan kong tawagan ang cellphone nya ngunit hindi nya naman ito sinasagot.

Naka-ilang tawag rin ako sa numero niya at nung mawalan ako ng pag-asa ay umuwi na lang ako at do’n inilabas ang lungkot.


Kaizer’s Pov.

Alas diyes natapos ang party na pinuntahan ko, pagkauwi namin ay hindi pa ako agad naka-uwi sa bahay, bale nandito pa ako kila Tita Pearl, pagka-abot ng bayad sakin ay nagpasalamat ako at nginitian nya lang ako gayundin si Tita Pearl.

“Uy, hinahanap ka raw ni Ashton kanina sa Salon, sabi ni Prettiesa.” Sabi ni Tita Pearl

“Bakit daw?” Tanong ko at natigil ako ng may maalala ako.

“Hindi ko rin alam e, pero sabi daw ni Ashton tatawagan ka na lang daw.”

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni Tita bagkus agad kong tinignan ang aking cellphone

Nakita ko ang maraming miss calls ni Kaizer

Nagpaalam naman na akong uuwi agad dahil lamang ang kaba at guilt sa dibdib ko.

‘Bat ba hindi ko naalala?’

Nang makasakay ako ng trycicle ay nagdasal ako ng todo na sana ay gising pa siya.

Pagkarating ko sa bahay at nadatnan kong nanonood sya ng telebisyon at ng makita nya ako ay agad akong nagsalita.

“Ash, sorry… Inutusan pa kase ako e, atsaka nakalimutan ko.” Pagpapa-umanhin ko at yumuko.

“Okay lang yun” walang emosyong sagot niya at pinatay ang Tv.

“Ash” pagtawag ko.

“Okay lang, naiintindihan ko, mas importante naman yun e, sige na matutulog nako, ikaw din matulog ka na, pero kung gutom ka pa, may pagkain dyan kumain ka.” Walang emosyong sagot niya at tinignan lang ako at umakyat

Kilalang-kilala ko si Ash, alam kong nasasaktan at nagtatampo sya sakin, ang hirap pa man din suyuin nun.

Sinarado ko naman ang pintuan at umakyat na sa kwarto ko, sarado naman ang kwarto nya kaya nagtuloy na lang ako at doon ko inisip si Ash, alam kong nagtatampo sya at iniisip ko na kung ano ang pwede kong gawin para magkaayos kami dahil hindi ko rin kaya na nasa ganito kaming sitwasyon.

Hindi ko rin nakasanayan na ganito kami, ngayon na lang ulit ito naulit at hindi ko rin naman inaasahan na mauulit pa, nag-isip isip lang naman muna ako at di ko namalayang nakatulog ako.


Maaga akong nagising at ang unang pumasok sa isipan ko ay ang muka ni Ashton kagabi.

Kaya naman kahit medyo pagod ako ay bumangon na ako para ipagluto sya.

Naisipan kong magluto ng adobo para hanggang mamaya.

Napansin ko ring may natira pang menudo kaya pinainit ko rin ito habang nagluluto.

Nagtimpla naman ako ng kape ko

Alas otso ng umaga ay bumaba na si Ashton habang nanonood ako ng telebisyon.

“Oh kumain ka na, may ulam na dyan.” Sabi ko.

“Hindi na, sa skwelahan na ako kakain.” Sagot niya

“Maaga pa naman ah?” Sabi ko.

“Hindi na baka ma-late na ako.”

At lumabas sya ng hindi man lang ginalaw ang mga niluto ko.

At nanlumo naman ako dahil ramdam ko ang coldness sa kanya.

Kaya naman kumain na ako kahit parang nawalan ako ng gana.

Ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong may pag-asa pa para magkabati kami

Kahit pa nasasaktan ako sa pagtrato nya sakin ay titiisin ko dahil kasalanan ko rin naman.

‘ganun ko sya kamahal hehe.’

Talaga namang hinintay ko ang pag-uwi nya sa skwelahan at nagsabi ako kay Tita Pearl na hindi muna ako papasok.

Nang sumapit ang alas singko, pagpasok pa lang niya ay sinalubong ko agad sya ng yakap.

“Wag ka na magalit” Sabi ko.

“Hindi naman ako galit e.” Sagot niya

“Edi huwag ka na magtampo!” Bawi ko.

“Hindi rin ako nagtatampo.” Walang emosyong sagot niya.

“Ash.” Tinignan ko sya habang naka-yakap sa kaniya.

“Hindi nga ako galit, sige na at may pupuntahan pa’ko.” Sagot niya sa’kin at tila nanlumo naman ako.

Agad naman syang umakyat at hindi na ako nilingon at umupo naman ako sa dining chair at bumuga ng hininga

’Ano

ba pwede kong gawin para mawala yung tampo ng baby ko?’

Kahit anong isip ko ay wala pa rin pumapasok sa isip ko at nakita ko naman siya na pababa ng hagdan.

Agad ko naman siyang inaya kumain

“Uy, kain ka muna bago ka umalis.” Sabi ko.

“Hindi na, dun na lang ako kakain.. eatwell.” Sagot niya at nagpatuloy.

At pinanghinaan naman na ako ng loob at nawawalan na rin ng pag-asa.

’pero

hindi ako

susuko

,

tandaan

mo yan’

Chapter 9.

Habang nagmamaneho papunta sa Bar kung saan kami magkikita ng barkada ay naisip ko ang yakap ni Kaizer.

‘araw-araw mo gawin yun sakin, mawawala tampo ko’

Natawa naman ako sa naisip at nagpatuloy na lang sa pagda-drive.

Agad kong narating ang Disco Zone kung saan kami magkikita.

Pagpasok ay napakalakas ng tugtugan at marami na ring nagsasayaw sa dancefloor

Sa sobrang dami ng tao ay may nakakabangga ako kaya naman kaliwa’t kanan rin ang aking paghingi ng paumanhin.

Nang makita ko sila Ron ay agad akong naupo sa bakanteng silya.

Agad naman silang umorder ng hard liquor at talaga namang napamura ako dahil libre na raw ni Jonas.

Agad naman kaming nagsimula sa pag-tagay at pagpapaikot ng baso, at masyado silang mabilis kaya mabilis din akong tinamaan.

Naging mas malakas pa ang sounds ng sumapit ang alas diyes, nakaka-ilang bote na rin kami at alam kong lasing na ako ngunit pinipilit ko itong labanan.

Nang maubos namin ang laman ng huling bote ay nagka-ayaan na kaming umuwi, agad naman sumakay sa kanilang kotse si Jonas at si Ched.

Kami ni Ron ay papasakay pa lang ng motor.

Tinawag naman ako ni Ron ng maka-alis na ang dalawa.

“Ash.” Tawag nito

“Oh?” Sagot ko.

“Nakasagap ako ng balita galing kay Salvador.” Sabi niya.

“Anong balita naman?” Tanong ko habang nilalabanan ang hilo.

“May tama siya kay Kaizer mo pre, sa kapa-kapatid mo at na-ikwento pa nya sakin na nagsex na sila, ayoko pa nga maniwala nung una kaso nakita ko rin yung convo nila pre.” Sabi niya.

“Pre? Lasing ka lang yata pre.” Sagot ko.

“Pre, oo lasing ako, pero hindi ako nagsisinungaling, nakita ko yung convo nila at kung paano pumayag si Kaizer sa offer ni Jonathan.”

“Pre, hindi totoo yan, sa sunod na lang tayo mag-usap.” Sagot ko dahil sa namumuong galit sa loob ko.

’Ayokong

maniwalang

ganun ka, dahil kilala kita

e’

“Basta pre hindi ako nagsisinungaling.” Sagot nya at sumakay ng motor nya at pinaandar ito

Pinaandar ko rin ang motor ko kahit medyo nahihilo.

Kahit may parte sa puso kong naniniwala sa sinabi ni Ron ay umaasa pa rin akong hindi totoo iyon.

’Hindi

ko gustong maniwala sa kanila Kaizer, dahil isang paliwanag mo lang na hindi yon totoo,

paniniwalaan

kita’

Pagkarating ko sa bahay ay naka-lock na ang pinto kaya kinatok ko ito at sinalubong naman agad ako ni Kaizer na mukang kagigising lang.

“Oh anong oras na?” Tanong niya ngunit sinamaan ko lang sya ng tingin.

“Totoo ba?” Tanong ko.

“Ano bang sinasabi mo?” Gulong tanong niya.

“Sagutin mo’ko, totoo ba?” Sigaw ko at isinara ang pinto at nilapitan siya.

“Ang alin?” Sagot niya at tinitigan ako sa mata.

“Totoo ba? Na pumayag kang magpabayad dun sa Jonathan Salvador na yon?” Tanong ko at maiiyak na dahil sa sakit at galit na umuusbong sa loob-loob ko.

“Ash? Let me explain.” Sabi niya at naiiyak na rin ngunit gusto kong marinig ang eksplanasyon niya.

‘sabihin mong hindi totoo yon’

“Ashton? Totoo yun, bayaran ako, at hindi lang siya ang gumamit sakin, marami na Ashton, alam kong ang selfish pakinggan, pero ginawa ko lang to para makapag-ipon at makatulong sa pag-aaral ko Ashton, naka-ipon ako Ashton sa pamamagitan ng pagiging callboy, yun din ang dahilan kung bakit hindi ako nakaka-uwi minsan pag gabi.” Pag-amin niya at naiyak sya mas lalo na ako.

‘Hindi mo man lang ako inisip.’

‘Nasasaktan ako kase wala akong nagawa para sayo’

Umiyak lang ako at tinitigan sya habang lumuluha

“Ang sakit.” Sambit ko at lumuha ng lumuha

Parang nawala ang epekto ng alak sa akin at bumalik ako sa wisyo.

“Ashton sorry.” Sambit nya at nagsalubong ang kilay ko.

“Sorry!? Pagkatapos ng lahat? Nasasaktan ako ngayon dahil pakiramdam ko ganun ako ka-inutil at ganon akong walang halaga sayo kaya ka nagsinungaling sa’kin.” Sigaw ko at humagulgol

“Ang sakit, kase mahal na mahal kita pati si Mama, ni hindi mo man lang kami naisip, or kahit si Mama na lang e, yung mga pangaral niya, pero masyado kang maka-sarili e, nasasaktan ako kase pakiramdam ko anlaki ng pagkukulang namin, pagkukulang ko, kase mahal na mahal kita Kaizer, kung sinabi mong gusto mong mag-aral baka gumawa ako ng paraan para sayo, ganon kita kamahal Kaizer, hindi lang bilang kapatid, mahal kita.” Sigaw ko at mas lalong lumuha.

“Nagkamali yata ako ng pagkaka-kilala sayo Kai, akala ko ikaw yung taong pahahalagahan yung taong mahal mo, kaya nga umasa ako sayo e, kahit alam kong kapatid lang ang turing mo sa’kin, umasa ako na mahal mo’ko dahil iba yung pinaparamdam mo sakin e, pero ngayon? Sinampal ako ng katotohanan na wala kang nararamdaman sakin at wala kang pakielam kahit masaktan mo ako.” Dagdag ko pa at mas lalong humagulgol.

At siya ay umiiyak lang din.

“Ash, sorry.. hindi ko naman sinasadya, gusto ko lang talagang makatulong.” Sagot niya habang humihikbi.

“H’wag ka ng magsorry, ayoko munang marinig yan, masyado pang sariwa ang lahat, ang sakit ng ginawa mo sakin, pinandidirihan kita.” Sabi ko at umakyat sa kwarto at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak ko ng dahil sa sakit at galit dahil kay Kaizer.

‘Kahit galit ako sa kanya, mahal ko pa rin siya.’

’Kaya minsan ayokong parating puso ang pinakikinggan, dahil kailanma’y hindi nakakapag-isip ang puso ng tama, tibok ng tibok para sa isang tao kahit masakit

na’

’Nasasaktan

ako sa ginawa mo Kai!’

Kaizer’s Pov.

Hindi ko akalain na magiging ganito kasakit ang matatanggap kong mga salita galing kay Ashton.

‘Nasasaktan ako at nasasaktan rin siya’

Gusto kong humingi ng tawad ngunit alam kong sukdulan ang galit at hinanakit nya sa’kin.

’Ang sakit sakit kase may nasaktan akong tao para sa bagay na gusto kong

abutin’

’Hindi ko man lang inisip na may masasaktan sa

papasukin

ko, ang

manhid

ko,

makasarili

at nakakadiri’

Luhaan akong umakyat at naririnig ko ang hikbi ni Ashton sa kanyang kwarto

Balot na balot ng hiya at pandidiri ang aking pagkatao.

’Hindi

mo deserve ‘to Ashton, hindi kita deserve’

Habang lumuluha ay inempake ko lahat ng damit ko at iniwanan ang mga binigay ni Ashton.

’Kakalimutan ko ang lahat,

kakalimutan

ko ang

pahinang

ito ng buhay ko, dahil ito ang

sisira

at

wawasak

sa

akin’

Ang pakiramdam ko ngayon ay para akong papel na pinira-piraso.

Masyadong masakit ngunit alam kong kasalanan ko.

’Pero

bakit parang hindi nila ako maintindihan?’

Hinayaan kong lumuha ang sarili ko, agad naman akong tumawag ng Grab dahil wala na ring trycicle sa gabi.

Pagkatapos kong i-empake ang lahat ay binitbit ko ang maleta ko at dahan-dahang bumaba ng hagdan.

Nang makababa ako ay agad akong lumabas ay ini-lock ko sa loob ang pintuan saka ko ito isinara.

Naglakad ako ng kaunti at nakita ko na ang Grab na naka-parada.

Ipinasok ko na lang sa loob ng taxi ang bagahe ko at doon umiyak.


Chapter 10

Kaizer’s Pov.

“Oh, kamusta ka naman na?” Tanong ni Tita Pearl.

“Okay lang Tita, kaya ko pa naman.” Sagot ko at ngumiti ng peke.

Bumuntong hininga naman siya at tumitig sa akin.

“Alam kong gusto mong mag-aral kaya mo iyon nagawa, kasalanan ko rin dahil bibigyan na lang kita ng raket ay gano’n pa ka-laswa.” Sabi niya na may guilt sa tono ng boses.

“Wala kang kasalanan, pumayag ako kaya hindi mo kasalanan, ipinagpapasalamat ko iyon dahil nakatulong ka sa’kin.” Sagot ko.

“Alam mo eto yung gusto ko i-offer sayo, etong trabaho na ’to? Legal to, may friend ako sa Japan at gusto nyang samahan ko sya roon sa kanyang parlor, gusto nya ng makakatulong sa kanya, gusto kitang isama, bigtime ang sahod ron at sabi niya kung ayaw mo sa parlor ay pwede ka niyang I-hire as a housekeeper at ang sahod ay, tumataginting na 53,000 pesos kung icoconvert mo dito sa pera ng pilipinas.” Sabi niya at napanganga ako sa gulat.

“Sure ba yan Tita? Isasama nyo ako?” Tanong ko.

“Oo, gusto mong mag-aral diba? Why not magtrabaho tayo sa Japan at babalik tayo ng pilipinas once naka-ipon ka na.” Sagot niya.

“Ang laking tulong naman niyan Tita.” Sagot ko.

“Gusto mong makalimot diba? Use this para maka-move on ka.” Sabi niya at parang bumalik ang lungkot sa katawan ko.

“Tita, pag-iisipan ko muna..ayoko namang magpadalos-dalos, baka mas lalong magalit si Ashton.” Sagot ko.

“O sya sige, basta pag-isipan mo ha, don’t worry if ever ayaw mo talaga, kayo ni Prettiesa ang aasahan ko sa Salon ko, ipapahawak ko rin sayo ang ibang branch and babalitaan mo’ko, I just want to help my daughter.” Sabi niya at humalik sa noo ko at umalis.

Napa-isip ako sa mga sinabi ni Tita at hating-hati ako sa mga desisyong nabuo sa isipan ko.

Gusto ko ng magka-ayos kami ni Ashton ngunit nangangamba ako na marinig ko na naman ulit sa kanya ang mga masasakit na salita

’Hindi

ko kaya na sayo

nanggagaling

ang

ganoon

kasakit

na mga salita.’


Ashton’s Pov.

Hanggang ngayon ay nasasaktan ako at naiiyak ako sa inis at galit ko kay Kaizer.

Hindi pa rin ako maka-paniwala na nagawa niya iyon sa sarili niya.

Kahit alam kong wala akong karapatang magalit at masaktan ay kusa ko itong nararamdaman dahil mahal ko siya

Tulala lang ako rito sa mesa at hindi ginagalaw ang tinimplang kape.

Para akong nawalan ng gana nung makita kong blangko ang kwarto ni Kaizer at wala na roon ang mga gamit niya.

Halata ring kagabi pa siya umalis dahil hindi naman nagalaw at nagusot ang bedsheet ng kama niya.

Iniisip ko kung nasaan sya at nais ko syang puntahan ngunit kinakain ako ng pride ko.

Gusto ko ng makipag-bati ngunit may kung anong nagsasabi sa akin na huwag.

Tumulo ang aking luha ng maalala ang lahat ng nangyari kagabi.

’Bakit ba kase nagawa mo iyon, naiintindihan ko namang gusto mong mag-aral pero hindi ko

kailanman

naisip na magiging

bayaran

ka para lang sa

pangarap

mo’

Iniyak ko lahat ng sakit at saka ko ininom ang kape sa harap ko na para bang ito’y alak.

Hindi rin naman ito ganoon ka-init kaya naman deretsahan ko itong nainom.

Pagkatapos nun ay dumeretso ako sa kwarto para maghanda papunta sa skwelahan dahil malapit na rin matapos ang school year at ga-graduate na ako.

Kahit tamad na tamad ay pinilit kong maligo at makapag-bihis

Gusto ko sanang lumiban ngunit nilabanan ko ang lungkot at katamaran at pinilit na pumasok sa paaralan.

Pagkarating ko roon ay naghintay ako sa mga professors na magtuturo.

Maya-maya ay nagtuloy-tuloy ang klase at wala akong ganang makinig

Kahit anong discuss nila at pagsasalita ay walang pumapasok sa isip ko at parang gusto ko na lang matulog sa bigat ng pakiramdam

Para akong nawalan ng inspirasyon sa pag-aaral at parang gusto ko na lang magmukmok sa bahay ngunit alam kong walang matutuwa kung gagawin ko iyon.

Kahit tamad na tamad ay pinilit ko talagang makinig kahit walang tumatatak sa isip ko.

Nang matapos ang klase ay agad akong umuwi dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Pagpasok ko ng bahay ay ramdam ko ang lamig at rinig ko ang nakakabinging katahimikan.

Gusto ko nang mayakap at mapagtripan si Kaizer ngunit talagang kinakain ako ng pride ko.

’Ayokong makipag-bati dahil gusto kong

siy

ang

lumambing

sa’kin.’

’Ulitin

mo lang yung yakap na mahigpit, tas

magsorry

ka lang, langit na yun sakin Kaizer, umuwi ka na.’

Habang kumakain ako ng biscuit ay nakatitig ako sa pintuang umaasa na may uuwing Kaizer na sasalubungin ako ng may ngiti sa muka at yayakapin ako.

Namimiss ko yung boses nyang parating naka-sigaw at yung pagpapa-alala nyang kumain na ako.

’eh

ngayon, sino

magsasabi

saking

kumain ako kung wala ka,

engot

.’

Kahit pa galit ako sa kanya ay gusto ko syang makita ngunit sya naman tong umalis kaya mas nasasaktan ako.

’Imbes na gumawa ka ng paraan para mawala yung galit ko,

nilayasan

mo naman ako.’

Ipinagpatuloy ko ang pagkain at umakyat sa kwarto pagkatapos.

Nagtoothbrush naman muna ako sa banyo ng cr ko bago tuluyang mahiga.

Naiinis ako dahil gustong-gusto ko na siyang makita at maka-harutan ngunit wala naman siya rito.

Pero ayaw din naman ng sarili kong gumawa ng paraan, kaya naman inis kong ipinikit ang mata ko at nag-isip ng ibang bagay at hindi ko namalayang nakatulog na ako.


Lahat ng nangyari sa ngayong araw ay pareho lang din sa nangyari kahapon.

Ang katamaran ay nasa katawan ko at hindi ko alam kung hanggang kailan ko to kakayanin.

‘Alam kong si Kaizer lang ang sagot, pero ayoko gumawa ng paraan para bumalik siya.’

Hindi ko alam kung kailan ko matitiis ngunit hinahayaan ko na lang.

’Gusto

ko na talagang

magka-ayos

kami kahit galit pa rin

ako’


Kaizer’s Pov.

“Ano? Nakapag-usap na ba kayo?” Malungkot na tanong ni Tita Pearl habang naka-upo kami rito sa hapag-kainan.

“Tita…hindi pa po e, natatakot ho ako.” Sagot ko.

“Pa’no nyo maaayos yan? Pareho nyong iniiwasan ang isa’t-isa?” Tanong pa niya.

“Yung isa ayaw lumapit dahil nagtatampo, ikaw naman ayaw lumapit dahil natatakot ka, eh pa’no iyan?” Dagdag pa niya.

“Hindi ko rin ho alam Tita, gusto ko rin magkabati kami kaso natatakot ako na baka pandirihan nya ulit ako.” Sagot ko at natahimik naman si Tita.

Tinignan nya lang ako at inayang ituloy na ang aming pagkain.

Natutuwa lang ako kahit papaano dahil hindi naman talaga ako pinabayaan ni Tita Pearl kahit na wala akong masyadong kontribusyon sa kanya.

Kahit hindi kami magka-ano ano ay pinatuloy at pinaramdam nya saking hindi ako iba sa kanya at para akong pamilya niya.

Nang matapos kaming kumain ay nagprisinta ako na, ako na lang ang magliligpit ng kinainan namin.

Chapter 11

Ilang linggo na rin akong nakikitira kay Tita Pearl

Hindi naman nya ako siningil ng kahit ano, ngunit bilang utang na loob at tulong o kontribusyon ay nagprisinta ako na sa ibang branch ako pupunta para doon magtrabaho dahil doon daw muna sa isang branch si Tita.

Kahit hindi ko masyadong close ang tauhan ni Tita Pearl dito ay mababait naman sila.

Pangatlong araw ko na ring pumupunta rito at tumutulong, ang kasama ko rito ay si Mariko.

Isa syang post-trans at nagtatrabaho na rin sya ng ilang years dito sa Salon ni Tita Pearl.

Mabilis ko lang din syang naka-close dahil wala rin syang kaibahan sa ibang tauhan ni Tita Pearl, mabait, joker, matulungin at masipag.

Medyo maraming tao rin dito kagaya ng isang salon at talagang walang masyadong oras para magpahinga.

Nang may magpapahilot ay agad ko itong in-entertain at agad ko namang inihanda ang kagamitan.

Nang handa na ang lahat ay agad kong sinimulan ang pagmamasahe.

Nang matapos ako ay nagbayad sya kay Mariko dahil si Mariko rin ang nasa mini front office nitong Salon.

Lahat ng tauhan rito ay may ginagawa dahil may nagpapa-manicure at pedicure.

Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay Mariko na uuwi na dahil nasabi ko rin kay Tita Pearl na ako na ang magluluto ng kakainin namin para sa hapunan.

Ngunit bago maka-uwi ay nakareceive ako ng message galing kay Pink.


Ashton’s Pov.

Ilang linggo na rin ang lumipas at talagang hindi ko na kaya.

Napagdesisyunan kong puntahan ang Salon kung saan nagtatrabaho si Kaizer.

Hinintay kong matapos ang aking klase kaya nang matapos ay agad na akong nagmaneho para pumunta sa Salon.

Medyo may kalayuan ang Salon dahil galing ako ng school.

Maya-maya lang din ay narating ko na ang Salon ni Tita Pearl.

Pagpasok ko ay agad hinanap ng mata ko si Kaizer ngunit wala, gayundin si Tita Pearl ay wala.

Agad naman akong sinalubong ni Prettiesa na galing sa mini front office ng Salon na ito.

Agad ko naman siyang tinanong dahil gusto ko na ring makita si Kaizer.

“Nandyan ba si Kaizer?” Tanong ko at luminga sa likuran nya ngunit si Pink lang ang nakita ko na nakatingin din sa amin.

Binalewala ko ito at ibinalik ang tingin kay Prettiesa.

“Nako, diba hindi na sya nagtatrabaho dito? Kase naghahanda na siya?” Sagot niya at naguluhan ako.

“Ano? Para saan naman yang pinaghahandaan niya?” Tanong ko.

“Ay hindi mo ba alam? Ang sabi sakin ni Tita Pearl ay pupunta sila ng Japan.” Sagot niya at mas naguluhan ako.

“Sa Japan? Ano namang gagawin nila ro’n?” Malakas na tanong ko.

“Ang alam ko lang ay may offer sila ng trabaho roon, at alam ko rin na pumayag na sila sa offer na iyon.” Sagot niya at nabigla ako.

‘Anong aalis, hindi pwede’

“May address ka ba ni Tita Pearl?” Tanong ko.

“Oo meron.” Sagot niya at lumakad palapit sa Mini front office.

Ngunit sinalubong kami ni Pink.

“Hep hep, kumalma ka.” Sabi nya sakin

“Pinapunta ko na si Kaizer dito, mag-usap kayo ng masinsinan.” Sagot nito.

Sinubukan ko ring tawagan si Kaizer ngunit hindi naman sinasagot kaya naman wala akong nagawa kundi maupo rito sa sofa nila at hintayin si Kaizer.


Pagka-receive ko ng message na galing kay Pink ay agad akong sumakay ng trycicle para maka-punta sa isang Salon na pinagta-trabahuan ko.

Pagkarating ko roon ay agad akong nagbayad kay Manong at pumasok sa Salon.

Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng yakap ng umiiyak na Ashton.

“Uy, ba’t ka umiiyak?” Tanong ko habang nasasaktan.

’Anong

ibig sabihin nito,

napatawad

nya na ako?’

“Sabihin mong hindi ka na aalis.” Sabi niya habang nakayakap sakin at umiiyak.

“Anong aalis?” Tanong ko.

“Wag kang tumuloy sa Japan, wag mo’kong iwan Kaizer, hindi ko kaya! Mahal kita Kaizer!” Paki-usap nya habang umiiyak at nasaktan naman ako dahil umiiyak na naman siya.

“Hindi naman ako aalis e kase mahal din kita!” Sagot ko at yumakap pabalik at hinigpitan pa niya yung yakap niya sa akin.

’Hindi

ko alam na pwede pala maging masaya at the same time nasasaktan’


Ashton’s Pov.

Kanina habang hinihintay ko sya ay binabalot ng lungkot ang pagkatao ko

Ngayon ay para akong nakalutang sa saya.

“Mahal mo naman pala ako e, umuwi ka na, miss na miss na kita, kunin na natin yung gamit mo’t umuwi ka na.” Sagot ko at tumawa siya.

“Tinatawan-tawanan mo lang ako kase miss na miss na kita.” Inis na sabi ko at ngumuso habang nakayakap pa rin.

“Natakot akong lumapit sayo kase baka itaboy mo’ko, pero namiss din kita.” Sagot niya at hinagod pa ang likod ko habang magkayakap kami na para bang walang tao sa paligid namin.

“Namiss mo rin pala ako e, umuwi ka na mahal!” Naiiyak na sambit ko dahil natutuwa ako sa pakiramdam ko ngayon.

Hindi ko pinansin ang mga taong nasa paligid dahil ang importante ay okay na kami at masaya ako sa narinig ko mula sa kanya.

Agad ko naman siyang inaya na kukunin na namin ang gamit niya kung saan sya tumutuloy

Napag-alaman kong ka Tita Pearl sya tumutuloy at ngayon ko lang rin mapupuntahan ang bahay ni Tita Pearl.

Nagka-paalaman muna sila ng makuha namin ang bagahe ni Kaizer bago umuwi, kumuha naman ako ng Taxi at pinasakay doon si Kaizer dahil hindi nya yon mabubuhat lalo na’t nakamotor ako.

Pagka-uwi ay agad akong nagsorry at ganun na rin sya, kagaya ng naka-gawian ay ipinagluto nya ako ng paborito kong Adobo.

At ng kinagabihan ay nagmovie marathon na naman kami ngunit this time, love story na ang pinanood namin.

Nakayakap lang ako sa kanya at hinaharot harot ko pa din sya kahit papano.

Ki-niss ko nga lang siya kani-kanina at natawa ako sa reaksyon nya.

Sinabi ko rin sa kanyang araw-araw ko syang liligawan at natawa na naman ulit ako sa reaksyon niya.

Nakakatuwa dahil kapag naglalambing ako ay nilalambing nya rin ako pabalik.

Kahit pa sabihin ng iba na hindi mahalaga ang label ay ayaw ko naman na maging m.u lang kami kaya gusto ko syang ligawan dahil sigurado na akong siya na.

’Kung

darating

man sa

puntong

may

darating

na iba, hinihiling kong wag na silang dumating wag ka lang mawala’

Chapter 12

Ashton’s Pov.

Magiging plastik ako kung sasabihin kong naging smooth ang lahat para sa amin.

Well, hindi rin naging ganon kadali ang lahat sa amin.

Nakatanggap kami ng panghuhusga at panglalait sa iba ngunit hindi kami nagpadala

Ilang buwan na rin mula ng sagutin ako ni Kaizer .

Nung una ay hindi rin matanggap ni Papa ang nangyari ngunit kuma-kailan lang ay sinabi nyang sinusuportahan nya kami kung saan kami masaya.

Si Kaizer ay nag-aaral na sa school kung saan ako nagtapos, nursing ang kinuha nyang kurso dahil iyon ang gusto niya.

Ako naman ay nagtapos ng business management at ngayon nagtatrabaho bilang manager ng isang kilalang fastfood chain.

Isa na rin ako sa nagpapa-aral sa mahal ko.

Habang papauwi ako ay nangingiti ako dahil makikita ko na naman ang pagmumukha niyang nagpapabaliw sa aking puso.

Pagka-uwi ko ay nadatnan ko syang nanonood ng telebisyon kaya naman agad akong tumabi sa kanya at yumakap.

“Hi mahal.” Sabi ko habang nakangiti.

“Wag ka magulo.” Sagot niya at tumingin ulit sa telebisyon.

“Nireregla ka?” Pang-aasar ko at tinignan naman nya ako ng masama.

“Joke lang e, Iloveyou” sabi ko.

Ngunit hindi nya ako sinagot at nagpatuloy sa panonood at yumakap naman ako ng todo at tumitig sa kanya.

“AYLABYUUUU!” malakas na sabi ko sa harap niua.

“Ano ba.” Asar niyang sagot at tinulak ako ng bahagya.

“Aba nireregla ka no?” Pang-aasar ko at natawa naman siya.

“Hindi no, wag ka kase magulo, mahal din kita kaya wag ka muna magulo at hayaan mo’ko manood.” Sabi niya at yumakap din sakin at nanood sya ng telebisyon.

’Sabi ko sa inyo e, pag

naglambing

ako,

maglalambing

din kahit naiinis

HAHAHAHA’

—END

~~

Thank you for reading my stories, please let me know your thoughts about it, and please don’t plagiarize my work..

–MixWithRed✨

AUTHOR’S NOTE.

This story will be revise, not now but soon. I will change some of it, but I promised that it won’t change the main scenario’s, characters, conflicts etc. I’ll just revise it to make it more vivid and detailed.

-nag-english ako wao -XOXO.

-MixWithRed✨


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.