loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
THE ANGEL'S CURSE (BXB)

THE ANGEL'S CURSE (BXB)

ThePageWriter · 2 chapters · 896 words

Disclaimer

Ang lahat ng maitatala sa pahinang ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda. Ano mang pagkakatulad, pagkakahawig o pagkakahambing ng bawat mga pangyayari, pangalan o grupo ng mga salita ay hindi sinasadya. Pinapayuhan din ang ilang mga kabataan na edad labing walo (18) pababa na ang kwentong ito ay nangangailangan ng matinding pag-unawa sapagka’t saklaw nito ang temang pang-LGBTQ+i. Kaya’t kung ang iyong isip ay hind bukas para ganitong klase ng babasahin ay malaya mong lisanin ang pahinang ito, ngayon din!

Date started: April 4, 2019

SIMULA

The Angel’s Curse/ Ang Sumpa ng Anghel

             "Gusto ko pang mabuhay.." Iyon ang naibulong sa hangin ni Ybes nang magising siya mula isang masamang panaginip kung saan nasaksihan niya ang karumal-dumal na sinapit ng kaniyang mga magulang mula sa kamay mga kriminal na nanloob sa kanilang bahay noon.

“Ybes, okay ka lang ba?” Tanong ng driver niyang si Mister Mariano na driver na nila simula pa noong kindergarten student pa lamang siya. Halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Ybes magmula pa noon hanggang sa nawalan siya ng paningin dahil sa isang aksidente.

“Okay lang ako. Ikuha mo ako ng tubig.” Iyon ang naibulalas nito sa kaniyang driver at mabilis siyang sinunod nito.

      Pagkaabot na pagkaabot sa kaniya ng isang baso ng tubig ay walang pasintabing nilagok niya iyon at saka huminga ng malalim.

“Ybes, tatlong taon na rin pala ang lumilipas. Baka gusto mong bisitahin ang paaralang ipitayo ng iyong mga magulang para sa’yo?” Iyon ang wika ni Mister Mariano na ikinainit ng kaniyang ulo.

“Bwiset! Pwede bang huwag mong babanggitin ang paaralang ’yon? Tsaka bakit hindi pa rin ako naooperahan hanggang ngayon? Wala pa ring bang eye donor?” Iritableng singhal ng binata sa una at talaga namang masisindak ang makakarinig no’n dahil sa lakas ng boses nito.

“Huminahon ka, Ybes. Ginagawan na namin ng paraan ni Miss Choi ang nais mo. Talagang wala pa lang donor na bago.” Paliwag nito.

“Ang daming reasons! Noong una may depekto, noong sumunod, ayaw ng pamilya tapos ngayon, ano? Ganyan ba kainutil ang mga doktor na kausap niyo?!” Halos lumabas ang lahat ng ugat ni Ybes sa leeg ng sabihin niya iyon kaya natahimik na lamang si Mister Mariano sa isang tabi at malambing na humilig sa anak-anakan.

“Ybes, ikalma mo lang ang sarili mo. Hindi maganda kung lagi kang sumisigaw. Hindi ganiyan ang Ybes na inalagaan ko.” Panimulang muli ni Mister Duran dahil totoo naman iyon. Kilalang mabuting tao si Ybes ng lahat ngunit nang mabulag ito ay talagang nagbago ang ugali nito. Naging mainitin ang ulo at talaga namang walang preno ang bunganga.

“Pwede ba, Mister Mariano! Itigil niyo ang pag-akto na akala niyo kayo si Daddy eh hindi naman!” Singhal nito at napalunok na lamang si Mister Mariano bago ito lumabas ng silid ng binata.


          Sa kabilang bahagi ay naghahanda si Anghel Kervy para sa kaniyang huling misyon. 
       Isa siyang anghel na sumusundo ng kaluluwa ng mga hayop kaya't nais niyang maging memorable ang kaniyang huling misyon.

“Tara na?” Tawag niya sa kaluluwa ng asong namatay dahil sa pambubugbog ng mga taong walang puso pagdating sa mga alagang hayop.

“Perpekto!” Pumapalakpak niyang singhal nang naglaho ang kaluluwang hinawakan niya. Nangangahulugan lamang iyon na makakabalik na siya sa Paraiso. Ngunit iyon ay akala lamang pala niya dahil dumating ang isa pang anghel na mas nauna sa kaniya sa lupa na kung tawagin ay Anghel Leo.

“Akala ko na ay tapos na ang aking misyon?” Tanong ni Anghel Kervy nang ihagis sa kaniya ni Anghel Leo ang isang pirasong papel na naglalaman ng pangalang Ybes Tamayo.

“Tao?” Tanong ni Anghel Kervy sa mas matandang anghel dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na susundo siya ng tao sa lupa.

“Ikunsidera mo na lamang na magandang pamamaalam iyan dito sa lupa. Nawa ay magtagumpay ka. Ikaw ay mayroon na lamang na dalawmpu’t apat na oras para isagawa ang iyong misyon. Aasahan ko ang iyong tagaumpay, Anghel Kervy! Huwag mong kakalimutang bumalik sa templo pagkatapos ng ika-24 na oras. Huwag na huwag kang magkakamali kung nais mo pang bumalik ng Paraiso.” Wika nito at sa isang iglap lamang ay naglaho ang naturang anghel.

“Tao?” Nagtataka pa rin niyang tanong na sinundan niya ng pagtingala sa langit.

“Kayo na po ang bahala sa akin. Kayo po ang mas higit na nakakaalam ng tama at mali kung kaya’t ang kalooban Niyo po ang aking kalulugdan.” Anito at mabilis siyang nagpadala sa pagbulusok ng hangin at lumabas ang kaniyang pagpak at dinala siya nito sa isang lawa kung saan nakaupo ang kaniyang susunduin.

Hawak ang tungkod na pamalo ay itinapat iyon ni Ybes sa harap ng anghel ay nagsalita.

“Sino ka para maupo sa tabi ko?” Pag-aangas nito.

“Tao. Bakit kay tatalas ng inyong mga dila?” Wika niya dahil hindi naman siya nito maririnig.

“Sino ka!” Eksaheradang sigaw nito kaya naman napaatras siya dahil tila ba nararamdaman siya nito sa hindi niya mawaring kadahilanan.

“Walang makapangyayari sa isang anghel na gaya ko kundi ang Lumikha lamang.” Bulong niya sa hangin bago siya luminga-linga sa paligid at tiyak siyang walang nakakakita sa kaniya kahit na tanghaling tapat na nang mga oras na yaon.

“Sinabi ng sino ka eh!? Sigaw uli ng maangas na binata kaya’t napilitan siyang magpahinga muna sa itaas ng isang gusali malayo sa binata at ipinikit niya ang kaniyang mga mata upang maging handa sa pagsundo sa binata ano mang oras.

Itutuloy…


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.