The Auctioned Angel (BxB)
Kabythedreamer · 4 chapters · 4,073 words
Prologue
“K-kinakabahan ako!” saad ko sa aking sarili. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang auction event na ’to.
Puno ng takot at pangamba ang aking nararamdaman dahil sa kakaibang kaba na bumubundol sa dibdib ko.
Rinig ko ang malakas na tugtugan mula sa labas. Isang auction event. An underground auction event na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makasali.
Matatapos ang araw na ito, na wala na ang kalayaan ko. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking mga mata.
“Kailangan mo ’tong gawin, Shawn!” pagpapalakas ko ng loob sa aking sarili.
Nakapiring na ang aking mga mata at tanging dilim lang ang nakikita ko. Dilim na kasing itim ng mga pagsubok ng buhay ko.
Malamig na ihip ng hangin ang bumalatay sa hubad-baro kong katawan. Mamaya lang ay mawawala na ang katiting na dignidad na natitira sa akin.
Hindi ko naisip na mararanasan ko ang ganitong bagay.
Ngunit bakit nga ba? Bakit nga ba magtatapos sa ganito ang lahat?
Naramdaman ko ang mga yabag na patungo sa akin.
“Ikaw na ang susunod. Inumin mo ’to. Saad ng isang boses ng babae at may kung ano siyang likidong pinainom sa akin. Wala akong nagawa kung hindi inumin iyon.
Unti-unti ay nakaramdam ako ng sobrang init at pagkauhaw. Uhaw na uhaw sa bagay na hindi ko maintindihan at maunawaan.
“And for our last auction for tonight. Let us all ready ourselves to bid for the…
Auctioned Angel!“
Sebastian Mok as
Kairus Hart Armendarez
Note: Photos are not mine.
Chapter 1
Ang pagiging mahirap ay hindi hadlang para umunlad. Iyan lagi ang sinasabi ng nanay ko sa akin. Bata pa lang ay iniwan na kami ng tatay ko. Mahirap? Sobrang hirap.
Habang tumatanda ako ay siya namang pag dami ng responsibilidad na kailangan kong gampanan sa pamilya ko. Ako ang tumatayong haligi ng tahanan. Ako ang panganay kaya ako ang kailangang tumulong sa aking nanay.
Dalawa lamang kaming magkapatid. Malaki ang agwat ko sa nakababata kong kapatid. Sanggol pa lamang siya ay iniwan na kami ng tatay ko para sa ibang babae. Bata pa lamang ay natuto na akong magbanat ng buto para sa pamilya ko.
Nariyan ang makikisama ako sa mga kabataan na nangangalakal para may maibigay na pera sa nanay ko. Sumasama din ako sa pagawaan ng lata na malapit sa baranggay namin.
Janitor, konduktor, kargador at ibang marangal na trabaho ay napasukan ko na para matustusan ang pangangailangan ng aming pamilya.
Maputi ang aking balat kahit na bilad sa arawan. Pero ramdam ko na magaspang na ang mga ito dahil sa pagtatrabaho.
Pero wala lang sa akin iyon. Kung kinakailangang mag trabaho para maibigay ang pangangailangan ng pamilya ay gagawin ko.
Ako si Angelo Shawn Cruz. Kilala ako ng lahat bilang Angelito. Lalo na compund na tinitirhan namin simula pagkabata ko. Angelito? Sounds masculine, right? But my physiques are far different from that.
May pagka-feminine ang itsura ko. Yes, I am bisexual but I am not gay. Those two are different, remember that. May laman naman ang katawan ko pero kumpara sa ibang lalaki ay flat lang ang tiyan ko kahit na anong trabaho ang ginagawa ko. Mahirap din mag ka-muscle ang biceps ko.
Kahit na alam kong hindi ako isang straight na ruler ay mabuti akong tao. Kailan man ay hindi ako tumapak ng pagkatao ng iba. Hindi ako nanghamak ng kung sino man.
Kasalakuyan akong nasa ikalawang taon ng kolehiyo. Kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management sa isang pampublikong Unibersidad ng kamaynilaan.
Trabaho. School. Trabaho. School. Iyan na ang naging buhay ko simula ng mamulat ako sa mundong ito. Hindi kami mayaman, kahit na libre ang matrikula sa paaralan ay may mga proyekto na kailangang gawin at pagkagastusan.
Kailangan ko ding mag trabaho para sa pamilya ko. Kailangan kong tumulong para sa mga bayarin sa bahay. ‘Bread Winner’ iyan ang tawag nila sa akin. Pero ang pressure ay sobrang hirap.
“Mr. Cruz, late ka na naman? Anong sabi sayo ng department head? Binalaan ka na ’di ba? Kung hindi mo kayang pagsabayin ang trabaho at school ay huminto ka na lang!” saad ng matandang propesor sa akin.
Tanging pag-yuko lang ang nagawa ko. Dahil tama siya, lahat ng propesor ng paaralan ay pinagbibigyan ako. Ang sobra ay nakakasama.
“Sorry, sir. I’ll do better next time.” saad ko habang nakayuko.
Wala ng sinabi ang propesor. Strict ang propesor namin na ’yon pero siya ang madalas na umintindi sa akin.
Sana’y na din ang mga ka-blockmates ko sa akin kaya medyo nabawasan na ang hiya na nararamdaman ko.
“Late ka na naman.” saad ng kaibigan kong si Miguel. Umupo naman ako sa tabi niya.
“Pakopya ng assignment mamaya ah.” saad ko. Nginisian niya lang ako at tumingin na muli sa harapan.
Highschool pa lang ay magkakilala na kami ni Miguel. Si Miguel Hernandez, may kaya ang pamilya niya pero kahit gano’n pa man ay napaka-simple at buti niyang tao.
Six footer ang gago pero kahit na may itsura siya ay ni minsan wala pa siyang pinakilalang babae sa akin. Tumingin na ako sa harapan ng propesor at nagsimula na ding makinig.
As usual, wala na naman akong naintindihan. Pero kahit gano’n pa man ay nag notes na lang ako ng mga dapat aralin. Dalawang taon na lang din naman at makaka-graduate na din ako. Konti na lang!
“Ang panget talaga ng sulat mo…” komento ko sa kaniya at isang kaltok lang ang natanggap ko.
“Gago ka ah!” saad niya.
“Totoo naman ah?” sabay tawa sa galit na galit niyang itsura. Kahit noong High School pa lang ay panget na talaga ang sulat ni Miguel.
“Akin na nga iyan…” saad niya at bago pa man niya makuha ang kwaderno niya sa akin ay mabilis ko na itong natakbo.
Tanging tawa lang ang sinagot ko sa kaniya. Sinamaan niya lang ako ng tingin at itininaas ang gitnang daliri niya sa akin.
“Aba! Gago ka ah!” saad ko at nag tawanan lang kaming dalawa.
Kadalasan ay ganito lang ang tagpo namin tuwing mangongopya ako sa kaniya. Ni minsan ay hindi naman siya nag reklamo eh. Haha.
Kung minsan din ay nagpapahinga lang kami sa ilalim ng puno sa field ng school. May ibang Kaibigan naman si Miguel bukod sa akin.
Dahil bahagi din siya ng varsity ng school at siya din ang captain ball nito.
“May practice ka mamaya?” tanong ko.
Tanging tango lang ang sinagot niya sa akin. “May trabaho ka?” sunod na tanong niya.
“Kailan ba ako nawalan ng trabaho?” tanong ko sa kaniya. Pero tinaas niya lang muli abg gitnang daliri niya dahil alam niyang pinipilosopo ko na naman siya.
“Paano mauuna na ako?” tanong ko kay Miguel dahil inaayos pa niya ang gamit niya.
Inilabas niya ang varsity shirt niya at nagulat ako ng bigla niyang hubarin ang uniporme namin.
Hindi nakaiwas sa mga mata ko ang shredded na six pack abs niya. Kusa namang kumabog ang dibdib ko.
“G-gago ka ah. Dapat sa banyo ka na nagbihis.” komento ko at tinawana niya lang ako.
“Ba’t pinapawisan ka?” saad niya at kaagad ko namang pinunasan ang pawis na sinabi niya ngunit wala naman.
“Gago!” saad ko at iniwan na siya ng tuluyan.
“Wait!” sigaw niya at humabol na sa akin. Inakbayan niya naman ako hanggang sa makalabas kami ng building.
Pagkatapos ng klase ay agad akong nag tungo sa bahay para makapagpahinga pansamantala at makapagbihis na din. Si Miguel naman ay dumiretso na sa practice ng team nila.
“Oh! Angelito, kamusta ang skul?” tanong ng matandang dalaga na kalapit bahay lang namin.
“Ayos naman, manay…” sagot ko at dumiretso na sa maliit naming tahanan. Pagkadating ko ng bahay ay walang tao. Malamang sa malamang ay sinama ng nanay ang kapatid ko sa factory.
Matapos kong magpalit ng damit at maghilamos ay kaagad akong sumalampak sa banig.
“Makakatulog na din…”
Chapter 2
Tiningnan ko ang oras sa cellphone kong 3210. Tatlong oras na akong nakatulog simula ng pagdating ko. Wala pa din ang nanay pati si Aimee, ang bunso kong kapatid na babae.
Siguro ay nag over time na naman ang nanay para may dagdag kita. Napailing na lang ako. She always try to force herself in working
Pero kahit anong saway ko ay hindi pa din siya tumitigil. Naawa na nga ako sa kaniga eh, kung pwede lang ako na lang ang magtrabaho ay gagawin ko.
Waiter ako sa isang bar, isang sakay mula sa baranggay namin. Magkakalapit lang talaga ang mga pinapasukan ko para mabilis akong makapunta sa paaralan kapag sumapit na ang umaga.
Pag dating ng alas-sais ng umaga ay sa isang coffee shop malapit naman sa school ako pumapasok. Wala eh, kailangang mag-trabaho para sa bayarin sa bahay.
Matapos kong maligo ay kaagad kong isinuot ang may kalumaan ng uniporme. Sakto lang ito sa katawan ko ngunit kapansin-pansin na ang kalumaan nito.
Napatingin ako sa orasan. Bente minutos na lang ay nagsisimula na ang trabaho kaya kaagad akong nag-iwan ng sulat sa bahay para kay nanay at lumabas na ng bahay.
May kadiliman na ang kalingitan. Alas-otso na ng gabi. Ng may jeep na huminto sa harapan ko ay kaagad akong sumakay. Minuto lang binilang ay nakarating na ako sa bar na pinapasukan ko.
Sa likod ako nito dumaan. “Oh, Shawn. Buti nandito ka na.” saad ng manager kong may nasa 40’s na at may katabaan. “Opo, boss.” sagot ko at inilagay na ang mga gamit ko sa locker ko.
Kaagad naman akong nag-umpisang mag trabaho. As usual, punas ng mga mesa at ayos ng mga upuan. Maya-maya lang ay unti-unti ng dumadami ang customer ng bar.
Typical na bar, puno ng mga taong gustong magpakalango sa alak. Habang sumasayaw sa saliw ng tugtog. Kadalasan ay mga nasa 20’s pataas ang mga customer namin.
Maya-maya lang habang nag-aayos ng mesa ay biglang may dumaang lalaki sa likuran ko.
Kaagad kong nasamyo sa ilong ang matapang na pabango ng lalaki. Mabango ito ngunit maamoy mo ang kakaibang aroma na hatid nito.
I look at my back pero wala na ang lalaki. Nakatalikod na siya mula sa akin. Kapansin-pansin ang anim na talampakang tangkad niya.
May built din ang likod niya. Nang mawala na siya sa paningin ko ay nagpatuloy na ako sa pag tatrabaho.
I have been smelling that fragnance for a while now. Pero ni hindi ko man lang makita ang mukha ng lalaking ’yon…
Maya-maya ay dumating si Miguel kasama ang varsity team nila. Halos lahat sa kanila ay may kasamang babae ngunit siya si Miguel lang ang wala.
“Hey!” tawag niya sa’kin. Kapansin-pansin ang itsura ni Miguel sa suot niyang faded jeans at simpleng black shirt. Lumilitaw ang maputi niyang balat.
“Oh, iinom kayo?” tanong ko habang nagpupunas ng mesa.
“Mag ba-basketball kami, kaya kami nandito.” pilosopong sagot niya at isang kaltok lang naman ang ginawad ko sa kaniya.
“Doon ka na nga. Marami oang customer…” saad ko.
“Tulungan na kita diyan…” akma niyang kukunin ang tray na hawak ko ng inguso ko sa kaniya ang manager ng bar.
Kaagad naman niyang naintindihan at pumunta na sa upuan kasama ng mga ka-team niya.
Akala ko magiging maayos lang ang lahat, but I am wrong.
“Waiter, ang kinis mo ah. pwede ka bang ma-table?” tanong ng isang lalaki na may katandaan na.
“Lalaki ho ako, sir. At wala pong gano’n sa bar namin.” saad ko at tatalikod na sana ng hawakan niya ng mahigpit ang palapulsuhan ko.
“Sir, ayoko po ng gulo…” saad ko.
“Isa lang naman eh…” Husky na saad niya. Kapansin-pansin na lango na siya sa alak kaya pinilit ko na lang tanggalin ang kamay niya kesa suntukin pa siya at mawalan pa ako ng trabaho.
Sana’y naman ako sa mga gintong customer eh…
“Sir, bitaw na po…” saad ko.
“Ayoko nga!” sigaw niya. Halos mapatingin na ang iba sa gawi namin kaya napailing na lang ako.
“Magkano ka ba?!” malakas na sigaw niya na nagpapantig sa tenga ko. Akmang idadapo ko na ang palad ko sa kaniya ng segundo lang ang lumipas ay tumalsik na siya sa sahig. Isang suntok lang ay tulog na siya.
Napatingin ako sa lalaking sumuntok sa kaniya. Pinaghalong kaba at takot ang naramdaman ko ng makita ang madilim na awra na nagmumula kay Miguel.
Minsan ko lang makitang nasa gintong anyo si Miguel. At ang huli, ay ayaw ko na lang alalahanin.
Lalapitan niya pa sana ang lalaki ng pigilan ko na siya. Kaagad kong niyakap ang may kalakihan niyang katawan.
“Hayaan mo na…” saad ko. Tumingin lang siya sa akin. At walang salitang lumabas sa kaniya ng bigla niya na lang akong hilain palabas ng kumpulan.
“Wait, ’di ko pa tapos ang trabaho ko…” saad ko. Pero parang hindi ako narinig ni Miguel.
“Ano ba!?” saad ko at pilit nagpumiglas sa mga hawak niya kahit nasasaktan na ako….
Eto na naman kami…
Ng makalabas na ay binitawan niya na ako.
“Ano ba, Miguel? Nay trabaho pa ako! Dapat kinausap mo na lang eh!” saad ko imbes na magpasalamat.
Kita kong bumalatay ang frustration sa gwapo niyang mukha.
“Ba’t ba kasi dito ka nag tatrabaho? Pwede bang yung disente naman!” saad niya at nagpantig ang tenga ko.
“A-ano? Disente? Disente ang trabaho ko Miguel! Kung ganiyan ka mag-isip wala na akong magagawa…” saad ko at tatalikod na sana pero nagulat ako ng bigla niyang hilain ang kamay ko at muli sa ikatlong pagkakataon ay nagkadapuang palad ang mga labi namin.
Amoy ko ang samyo ng alak na mula sa kaniya. Napahinto ako. Napatitig ako sa mga mata niyang nakapikit at biglang napikit ko ang mga mata ko. Magkadikit lamang ang mga labi namin pero…
“No! Mali ito!” saad ko pagkakalas ko sa kaniya.
“Bakit ba kasi mali!?” sigaw niya. “Bakit ba hindi pwede?!” kita ko ang lungkot sa mga mata ni Miguel. We’re friends and yet he wanted me more than a friend.
“Miguel… Please… Napag-usapan na natin ’to ’di ba? Na hanggang magkaibigan lang tayo…” saad ko….
“Ayoko ng hanggang doon na lang tayo! It has been 4 fucking years pero ayaw mo pa din ako! Ano bang kulang sa’kin? Ano bang wala sa’kin?
“Miguel…” hindi ko na alam ang gagawin ko ng muli ay makita ko na naman ang mga mata niyang lumuha.
“Hindi pwede… Hindi talaga pwede…” saad ko kahit halos lumabas na sa ilong ang mga salitang binibitawan ko.
“Please… Pag-bigyan mo naman ako oh… Kahit isang beses lang…. Kahit ngayong gabi lang… Mahal lang kasi kita eh…” kaagad kong tinakpan ang tenga ko.
Alam ko na kung saan pupunta ang usapan na ’to. Paulit-ulit na naming pinagtatalunan ang bagay na ’to…
“Miguel, hindi tayo pwede… Hindi talaga eh…. Please, makuntento ka na lang… Libog lang iyan… “ saad ko.
Huli na para bawiin ko ang huling sinabi ko ng isang malakas n mura ang binitawan niya.
“Libog? Tangina! Edi sana matagal na kitang pingsamantalahan. Tangina naman, Angelo! Mahal kita!” saad niya at mabilis na tumalikod mula sa akin.
Bakit nga ba hindi pwede? Apat na taon na ang lumipas pero hindi pa din pwede… At baka hindi na talaga….
Chapter 3
I knock on the door. Sumalubong sa akin ang isang ginang na palagay ko ay katiwala ng bahay.
“Dong, klasmet mo ba si Migz?” tanong ng ginang at tumango naman ako.
“Migz! Ang klasmet mo, nandito na… Tuloy ka iho…” saad ng ginang. Bumungad sa akin ang may kalakihan nilang sala. Doble ang laki nito kung susumahin ay kalahati lang ng sala nila ang bahay naming.
First time ko lang pumunta sa bahay ng kamag-aral ko Unang-una na ang bahay ni Miguel. Siya kasi ang partner ko sa isang project naming sa school…
Manghang-mangha ako sa laki ng bahay nila. Inikot ko ang paningin ko at sa ’di kalayuan ay meroong family portrait.
“Pamilyar ang tatay niya sakin ahh…” saad ko.
Maya-maya lang ay dumating na si Miguel. Nakangiti siya ng lumapit siya sa akin.
“Doon tayo sa kwarto?” Tanong niya…
“Laki ng bahay niyo ahh.” Papuri ko agad sa kaniya.
“Hindi naman…” saad niya. Ha? Nagyayabang ba siya? Pero sabagay hindi pa siya nakakapunta ng bahay ko.
“Tara!” yaya niya at hinawakan ang kamay ko. Pansin ko na medyo lagi niyang hinahawakan ang kamay ko kahit kaya ko naming maglakad.
Pero anyways, hinayaan ko na lang siya at nagpahila na sa ikalawang palapag ng bahay. Kapansin-pansin na mayaman talaga ang pamilya niya….
Nang makarating kami sa kwarto niya ay halos malula ako sa desenyo nito. Halos lahat ng gamit niya ay maganda. Malaki din ang kwato niya at sa gitna ay may King size na kama…
“Upo ka!” saad niya pagkalapit naming sa study table niya. Pero sadyang malikot ang mga mata ko. Talaga ngang mayaman ang pamilya niya.
“Saan ang parents mo?” tanong ko sa kaniya bigla habang inaayos niya ang laptop at Personal Computer niya.
“Ang mom, nasa kompanya. Ang step dad ko nasa company din.” Saad niya…
“Step Dad? You mean hindi mo siya tatay biologically?” Tanong ko at tumango naman siya.
Tatanungin ko pa sana kung nasaan ang tunay na tatay niya pero sa susunod na lang. Matapos niyang ayusin ang mga gamit niya ay kaagad naman kaming nagsimula.
Nakakatuwa dahil madaming pagkain kahit oras pa lang ng meryenda. Tinapay lang kami ng nanay tuwing ganitong oras pero pang limang tao na ang pagkain na nandito na hinanda nila..
“Kumain muna tayo…” saad niya. Halos matakam naman ako sa tsokolate na cake. Ni minsan ay hindi ko pa nagawang nakakain nun. Nasa pulang kahon ito na may pula ring ribbon.
“Kain ka…” saad ni Miguel at nilagyan niya naman ako sa platito ng pagkain.
Matapos naming kumain ay kaagad naman kaming bumalik sa pag-gawa ng proyekto naming sa paaralan. Pasiyado alas-otso na ng matapos kaming gumawa.
“MIgz, kakain na! Andiyan na ang Mom at Dad mo…” saad ng ginang na kasama nila sa bahay…
“Opo…” magalang naman na sagot ni Miguel. Uuwi na sana ako pero kinulit niya pa din ako na sumabay ng hapunan sa kanila. Nahiya naman akong tumanggi at sumama na lang din sa kaniya. Pagkababa naming ay naabutan ko ang Step Dad niya na nakatalikod mula sa pwesto naming.
Binati niya ang Dad niya at humalik naman siya sa Mom niya. Maputi ito at matangkad. Mukhang nagmana si Miguel sa kaniya.
“Classmate ko Mom, Dad si Angelo…” saad niya at pinaupo niya ako sa tabi niya. Malaki ang mesa nila pero umupo ako sa upuan katabi niya.
Nasa harap naming ang mama niya. Nasa gilid ko siya at ng makita ko ang Step Dad niya ay biglang bumilis ang kabog ng puso ko.
Napatitig ako sa kaniya. Hindi ako maaring magkamali siya yun. Siya ang lalaking ’yon….
Dahil bigla kong nawala sa sarili ay hindi ko namalayan na nilagyan na pala ako ni Miguel ng pagkain sa plato ko.
“Kain ka na…” bumalik lang ako sa reyalidad ng sabihin niya iyon…
Ngunit nanginginig kong hinawakan ang kutsara at tinidor…. Hindi ko alam. Pero biglang sumakit ang puso ko. Parang may sumusugat sa pagkatao ko. Bata pa man ako pero malinaw pa sa alaala ko ang lalaking tinuturing na Step Dad ni Miguel…
Siya…
Siya nga….
Siya nga ang papa ko… Sinubukan kong patatagin ang loob ko. Hindi ko inasahan ang bagay na ’to. Na Step Dad ni Miguel ang tatay ko at ang nanay niya ang pinalit sa nanay ko… Parang gusto kong umiyak pero hindi ko ginawa…
Matagal ko na siyang kinalimutan gaya ng paglimot niya sa amin ng kapatid ko…
Napansin ko ang mga pagsulyap sa akin ng Step Dad ni Miguel… Pero ginawa ko ang lahat para magpanggap…
Naalala niya kaya ako?
Naalala niya kaya na anak niya ako?
Naalala niya kaya na may iniwan at inabando na siyang pamilya…
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman kay Miguel… Inggit? Selos? Na habang may inaalagaan siyang anak ng iba ay naghihirap kaming anak niya…
Ni hindi man lang siya bumalik, Ni hindi man lang niya naisip na dalawin kami sa loob ng walong taon. Sa loob ng walang taon na iniwan niya kami para sa iba…
SIyam na taon lamang ako noon. Wala pang isang buwan ang kapatid ko… Pero iniwan niya na kami… Tapos nandito siya… Mapera… Mayaman… Hindi naghihirap… Hindi natutulog sa papag…
Ganoon na lang ba ’yon?
“Ayos ka lang?” tanong ni Miguel at tumango lang ako… Sinikap kong ubusin ang pagkain na nasa plato ko kahit hindi ko na kaya….
Ng matapos ay kaagad akong nagpaalam kay Miguel at sa mga magulang niya….
“Ihatid mon a kaya siya, Arnold?” Saad ng mama ni Miguel…
“Nako hindi na po… Malapit lang po ako…” saad ko agad at ni hindi ko magawang tumingin sa tatay ko na inabando na kami…
Nang makalabas ng pintuan ay halos lumuwag ang hininga ko…
“Ayos ka lang ba talaga, mukha kang tensiyonado eh..” komento ni Miguel at pilit na tawa lang ang sinagot ko…
“Ayos lang…. Paano? Una na ako ah…” saad ko..
“Hatid na lang kaya kita?” saad niya at hinampas ko lang siya sa balikat.
“Hindi na…” saad ko at mabilis na naglakad patalikod sa kaniya. Kasabay ang pagluha ng aking mga mata…. Akala ko tanggap ko na… Akala ko okay na ako… Akala ko hindi na ako nangungulila sa kaniya… Pero bakit? Bakit ang sakit pa din?
Naging maayos naman kami ni Miguel. Naging matalik ko siyang kaibigan. Siya ang naging sandalan ko. Siya ang naging kaibigan ko pero hindi niya alam na ang step dad niya ang tatay ko. Hindi na din ako bumalik sa bahay nila.
Hindi na ako nagtangka pang bumalik.. Ayoko na muli pang makaharap siya.. Hindi na pwede. Ayoko ng masaktan lang muli.
Akala ko ay magiging maayos na kami ni Miguel.. Pero lumipas ang mga linggo ay nakikitaan ko siya ng pagbabago… Masiyado na siyang Clingy at laging nakadikit sa akin. Hindi ko alam pero unti-unti ay nailing ako….
Isang araw ay nagkaroon kami ng Camp sa school. Hindi sana ako sasama pero binayaran ni Miguel ang lahat ng gastusin. Mas gusto ko na lang sana magtrabaho sa factory pero sabi niya sumama daw ako kaya wala akong nagawa dahil likas ang pagiging makulit niya….
It was a camp… Sa loob ng dalawang araw ay puro saya at aktibidad na nakakagaan ng loob pero isang gabi bago ang pag-uwi naming ay hindi ko in-expect na mangyayari yun sa amin. Lumabas si Miguel nun para sumama sa mga kaibigan niya sa Varsity ng School naming. High School pa lang kami ay likas na ang pagiging athlete niya….
Pero nagulat ako ng pagbalik niya ng Tent ay nagpasama siya kung saan sa akin. Naamoy ko na medyo nakainom siya ng alak. Batid ko na ang mga kasamahan niya sa varsity ang nagpainom sa kaniya pero hindi ko na lang sinabi sa kaniya na napansin ko….
“Anong ginagawa natin dito, MIgz?” tanong ko ng dalhin niya ako sa medyo mataas na bahagi ng gubat na tanaw ang kalangitan…
“Angelo Shawn Cruz….” Saad niya habang nakatitig sa akin…
Nailang at napuno naman ako ng pagtataka…
Kumunot lang ang noo ko pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin… Akala ko hanggang doon na lang ’yon pero hindi…
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at inilapat ang labi niya sa labi ko.. Hindi ko alam ang gagawin… Hindi ako nakagalaw…
He was my fucking, first kiss!
Dilat lang ang mga mata ko. Unti-unti ay gumagalaw na ang dila niya papasok sa labi ko…. Kaagad ko siyang tinulak palayo sa akin at isang suntok sa labi niya ang ginawad ko sa kaniya….
“Gago ka ah!” saad ko….
Napaupo lang siya sa damuhan at pinunasan ang pumutok na gilid ng labi niya….
“Bakit? Bakit mo nagawa iyon?” saad ko….
“Dahil gusto kita! No, dahil mahal kita, Shawn…” saad niya at binanggit ang ikalawang bahagi ng pangalan ko.
Halos matigagal naman ako sa kinatatayuan ko….
“Ano? Sabihin mong nagkamali lang ako ng dinig…” naguguluhang saad ko…
“No! It was the truth! Gusto kita!” saad niya…
“No! Hindi pwede! Hindi maari!” sigaw ko at kaagad akong tumakbo pabalik sa camp namin. Litong-lito at hindi ko malaman ang gagawin… I should have distant myself kung alam ko lang nag anito ang mangyayari….
Since that night, I tried to distance myself from him… Pero unti-unti ay nagkaayos kami at hindi niya na muling nabanggit ang bagay na iyon…. Not until on the graduation day naming noong Senior High School.. But I still rejected him… Kung kailangan i-reject ko siya ng paulit-ulit ay gagawin ko….
I do like Miguel, pero knowing that his step dad is my father…. It just make things so wrong!
End of Flashback….

