loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Bad Bitch (BXB) Completed

The Bad Bitch (BXB) Completed

CHAKASALSAL · 82 chapters · 22,357 words

BABALA

(MOVIE STYLE WRITING = 200 words pataas only every chapter)

CHARACTERS

Ross Brillantes Nate Bendula

Riss Brillantes

Lolo ni Ross Brillantes

Yolly Bendula Derum Bendula

Magulang ni Nate Bendula

Tita Liss

This is my new story so please do support me as always, thank u very much❤️

Hanggang CHAPTER 3 LANG TAYO AT ANG MGA SUSUNOD AY MOVIE CLIPS NA❤️

Ito po

ay

Movie Style Story pero hindi ito kagaya ng TGMTIL na naglalaman lang ng 200+ words every chapters at tataagin ko itong Movie Clips ❤️

Sana magustuhan ninyo at wag po kayong mag-alala kasi punong-puno naman ito ng katatawanan at majority dito ay kasupladahan

Enjoy❤️❤️

Trailer

“ipapatay na ang mga yan, kayamanan na lang nila ang kailangan natin” Sabi ng isang boses

“ano!?, paano mo nasasabi yan!?, wala ka bang puso huh!!!??” Sagot naman ng kanyang kausap

“well honey, if you want to live in this world, we need a life to be sacrifice for our dreams to be success, pag namatay sila makukuha na natin ang kanilang kayaman” Sabi pa neto

“parang-awa mo!, wag mo sanang idamay ang bata” Sagot neto

“tignan natin” Sabi naman neto

Ng biglang may dumating na isang lalake

“papunta sila bukas sa japan, para sa kanilang business meeting Ma’am” Sabi neto

“ano daw ang gagamitin nila papunta doon?, o baka mag fla-flight sila?” Tanong neto

“private jet po ma’am” Sagot neto

At napangiti naman ito, kasi nakaisip na ito ng plano

“anong binabalak mo?” Tanong ng kasama nya

Pero hindi nya pinansin at tinignan ang kararating lang nilang kasamahan

“make sure na mag-mamalfunction yang private jet na yan para sabog na silang mag-asawa” Sabi neto sa lalaki

“masusunod maam” Sabi neto tyaka na sya umalis

“wala kang puso!, aalis na ako, hindi mo ako kasama sa mga kasamahan mo” Sigaw neto at tyaka nya iniwan ito sa loob ng opisina

Pero hindi nila alam na may nakarinig na pala sa kanila at dali-dali itong umalis


Naghahanda na ang mag-asawa para sa kanilang business meeting na mangyayari sa japan at pinahanda ang kanilang private jet ang hindi lang nila alam ay may ginawa na pala sa kanilang sasakyan papunta doon.

“tayo na mahal” Sabi ng lalake at tinignan ang kanyang asawa na sa kanyang mata ay sya lang ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa

At nagtungo sila kung saan nakahanda ang private jet na gagamitin nila


Ng nasa gitnan na sila ng himpapawid at kung titignan sa baba ay nasa gitnna naman sila ng dagat pero maya-maya lang ay sumabog na ang private jet na kanilang sinasakyan

At dahil sa nangyari sa mag-asawa ay nakuha ng sakim na iyon ang kayaman ng mag-asawa na matagal na nilang iniipon at pinapalago

Talagang ang mga tao ay mga sakim sa kayaman, gagawin ang lahat para makuha lang ang mga ito

At dito na magsisimula ang ating kwento


Dont forget to like and share this story and please follow my Account

Anong masasabi ninyo sa movie trailer natin?

Please leave a comment

BABALA:

ANG KWENTONG ITO AY

MOVIE STYLE WRITTING

ANG BAWAT MOVIE CLIPS AY NAGLALAMAN LANG NG 200+ WORDS

AT KUNG AYAW MO NG MAIIKSING CHAPTERS AY PWEDE MO NG LISANIN ANG KWENTONG ITO

AT SA MGA MAKAKATAPOS NG KWENTONG ITO AY NAGPAPASALAMAT NA AKO NG MAAGA KASI TINIIS AT ININTINDI NINYO ANG AKING STILO KUNG PANO KO SULATIN ITONG KWENTO

PS. VOTE & FOLLOW

MAHAL KO KAYO MGA KASALSAL❤️

CHAPTER 1

Ross POV

Nandito ako ngayon sa harap ng salamin habang inaayos ng mga katulong ang maikli kong buhok na medyo mahaba na rin. Bigla na lang natanggal ng isa sa kanila ang isang hibla ng buhok ko.

Hindi maipinta ang gulat sa mukha ko, at ganoon din ang pangamba sa mukha ng katulong.

“You’re fired! Umalis ka rito sa mansyon!”

Sigaw ko habang nakatingin pa rin sa aking repleksyon sa salamin. Tahimik naman siyang lumabas ng kwarto. Sigurado akong ang susunod niyang gagawin ay ang mag-empake ng kanyang mga gamit.

Para sa akin, two words are enough for their jobs. Kapag nagkamali sila, wala na akong pakialam sa dahilan. Tanggal agad sila sa trabaho.

Abah! Hindi sila magtatrabaho sa amin kung tatanga-tanga sila.

“You!”

Itinuro ko ang isa pang katulong. Dalawa kasi silang naka-assign sa kwarto ko.

Napatigil siya at halos maging estatwa bago tumingin sa akin.

“Ano po iyon, sir?”

Tanong niya.

“Open the Bluetooth speaker, connect my phone, at patugtugin mo ang ITZY

– Wannabe .“

Agad naman siyang sumunod. Ngunit bigla akong napatulala nang Bad Romance ni Lady Gaga ang pinatugtog niya.

Tumingin ako sa kanya.

“You’re fired!”

Matapos kong tanggalin ang dalawang katulong na naka-assign sa kwarto ko, nag-ayos muna ako bago lumabas.

Habang pababa ako ng hagdan, nakita ko silang palabas na ng mansyon, bitbit ang kani-kanilang maleta.

Napansin iyon ng tita kong si Tita Liss.

Hindi n’yo siya kilala, no?

Eh kasi tatanga-tanga rin ang author ng story na ’to. Hindi man lang isinama si Tita sa listahan ng characters. Importante kaya siya sa buhay ko!

But anyway…

Ipinagpatuloy ko ang pagbaba sa mahaba, magarbo, at mala-kristal naming hagdan hanggang sa humarap ako kay Tita Liss na nakataas ang kilay.

“Yes, Tita?”

Tanong ko na may ngiti sa labi.

“’Wag mo akong ma-‘Yes, Tita’ diyan! Ano ba naman, Ross? Yung dalawang katulong na kakarecruit lang natin kahapon at naka-assign sa kwarto mo, tinanggal mo na agad! At take note, wala pa silang isang linggo rito. What is happening to you?!”

Singhal niya sa akin.

Natapos na kaming kumain ni Tita. Buti na lang at sinamahan niya ako, dahil kung hindi, baka marami na naman akong natanggal na katulong.

Bakit, kamo?

Kasi alam naman nilang gatas ang gusto kong inumin tuwing umaga, pero tubig ang ibinigay nila.

Like, hello? Nasaan ang gatas doon?

Magtatantrums na sana ako, pero alam n’yo ba ang ginawa ni Tita?

Tinapunan niya ako ng pritong itlog sa mukha!

Pero sakto sa bibig ko ang tama, kaya kinain ko na rin.

Wahahaha!

Tinanong ni Tita kung bakit walang gatas.

“Wala na pong stock, Ma’am.”

Sagot ng katulong.

“Gaga! Edi bumili ka! Tanga lang, Ate Girl? Tangang-tanga ka ba?”

Talak ko sa kanya.

Paulit-ulit siyang humingi ng pasensya bago dali-daling umalis para bumili ng maraming gatas.

Kung wala lang talaga si Tita, matatanggal silang lahat!

Naglalakad ako ngayon sa loob ng Rich Mall.

And I’m walking like a bitch.

Napansin kong maraming namimili rito. Siguro 80% ay mga mayayaman. Meron ding mga feeling mayaman.

Pero ang pinakaayaw ko sa lahat?

Mga window shoppers.

Like, what the f*ck? Bakit sila nakapasok dito?

Lumapit ako sa isang security guard.

“You! Tanungin mo nga ang mga ’yon.”

Sabay turo ko sa mga nagwi-window shopping.

“Kung may balak silang bumili, okay lang. Pero kung wala, paalisin n’yo na sila.”

Agad namang sumunod ang guard.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik siya.

“Aalis na lang daw po sila, sir. Wala raw po kasi silang pambili. Nagwi-window shopping lang daw po sila.”

Napataas ang kilay ko.

“Well, good. Kasi ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga taong pumupunta rito na wala namang balak bumili. At next time, pakibantayan naman ang mga pumapasok dito. Sabihan mo rin ang mga kasamahan mo. Ang dami-dami n’yo, hindi n’yo pa magawa nang maayos ang trabaho n’yo. Ayusin n’yo kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho.”

Tumango siya.

Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad para mag-shopping.

Pauwi na ako sa mansyon.

Marami-rami rin ang nabili ko sa Rich Mall.

Actually…

Hindi ko naman binayaran.

Mall ko naman kasi iyon.

Hahaha.

Dumaan muna ako sa Jollibee dahil paborito ko iyon.

And wait!

Binili ko na pala ang branch na iyon dahil malapit lang sa mansyon.

Kaya naisip ko…

Why not bilhin ko na lang?

At least wala nang problema.

Kaya ngayon, akin na ang Jollibee branch na iyon.

Grin.

Kagagaling ko lang sa loob ng Jollibee.

Bakit hindi na lang ako nag-drive-thru?

Eh gusto kong makita kung nagtatrabaho ba sila nang maayos!

Buhay ko ’to!

Nagbabasa ka lang!

Pinaandar ko na ang pink kong Brillant car at umuwi na.

Pero maya-maya lang, may batang biglang tumakbo sa gitna ng kalsada.

Buti na lang at nakapreno ako agad.

Lumabas ako ng kotse at hindi ko na pinansin ang mga sasakyan sa likuran ko.

Nakita ko ang bata kasama ang isang matanda.

“Hoy, bata ka! Papatayin mo ba ako sa katangahan mo?!”

Sigaw ko.

Halos maiyak ang bata.

“’Wag ka namang ganyan, iho. Hindi pa kasi kami kumakain, at bigla na lang tumawid ang apo ko. Pasensya na.”

Mahinang sabi ng matanda.

“I don’t care.”

Sabay hugot ko ng pera sa bulsa.

“Heto. Pambili n’yo ng pagkain n’yo. Eww!”

Inihagis ko ang pera bago bumalik sa kotse at umalis.

Yuck!

“Darating ang araw at maghihirap ka rin.”

Mahinang sabi ng matanda habang pinapanood ang papaalis na kotse ng binata.

Pinulot niya ang perang inihagis at hinawakan ang kamay ng kanyang apo bago sila naghanap ng mabibilhan ng pagkain.


Hi!!!! Anong masasabi ninyo sa first chapter?

Don’t forget to vote and follow me❤️

CHAPTER 2

Ross POV

Bumusina ako sa harap ng malaking gate ng aming mansyon. Agad naman nila itong binuksan kaya ipinark ko ang pink kong Brillant car sa covered court sa likod ng mansyon.

Napansin ko roon ang kotse ni Lolo, kaya excited akong bumaba sa sasakyan at dali-daling pumasok sa loob ng mansyon. Nadatnan ko sila ni Tita na nag-uusap sa kusina habang nagmemeryenda ng spaghetti, macaroni, at leche flan.

Agad akong lumapit kay Lolo at niyakap siya.

“Lolo, I’m glad you’re here. It’s been a month since I last saw you here at the mansion.”

Napangiti na lang si Lolo.

“Abah! Kailangan ko ring bisitahin ang apo ko para malaman kung kumusta na siya. Pero ito nga, sinabi ng Tita mo na tinanggal mo na naman daw ang bago mong katulong.”

Pakiusap niya sa akin.

“Okay, fine, Lolo. I won’t do it again.”

Nakangiti kong sagot.

Napangiti na rin sina Lolo at Tita sa naging asal ko. I’m an angel whenever my Lolo is around. Pati si Tita, dahil silang dalawa na lang ang natitira kong pamilya.

“By the way…”

Lumingon ako sa isang katulong na nakatayo sa gilid.

“Pakikuha ang mga pinamili ko sa pink kong kotse. Pink, ha? Narinig mo ba?”

Tumango naman ang katulong.

“At dalhin mo sa kwarto ko kapag nakuha mo na.”

Utos ko bago muling bumaling kina Lolo at Tita at nakisalo sa kanilang meryenda. Mamaya ko na lang kakainin ang binili ko sa Jollibee sa kwarto ko.

Next Day

Liss

POV

Hi sa inyong lahat! Ako nga pala si Tita Liss, ang tita ni Ross. Ako rin ang tumutulong sa pamamahala ng mga kumpanyang iniwan ng kanyang mga magulang.

Marami kaming kamag-anak na kasalukuyang humahawak sa mga negosyo, pero kapag dumating ang panahon na gusto na itong pamahalaan ni Ross, wala ni isa sa amin ang tututol. Sa simula pa lang, alam naming siya ang tunay na may-ari ng lahat ng iyon.

At si Ross naman… itinuring ko na siyang sarili kong anak. Kahit na mahilig siyang magtanggal ng mga katulong, natatawa na lang talaga ako sa kamalditahan ng anak-anakan kong iyon. Pinsan ko kasi ang nanay niya, kaya “Tita” ang tawag niya sa akin.

Ngayon, nandito ako sa kompanya para tingnan kung maayos ang trabaho ng mga empleyado.

Pagdating ko sa main office, may narinig akong nag-uusap.

Hindi naman ako mahilig makichismis, pero napukaw ang atensyon ko nang marinig ko ang pangalan ni Ross.

“Patayin n’yo na ang baklang ’yon. Sagabal lang siya sa pagkuha ko ng kayamanan.”

Nang silipin ko kung sino ang nagsasalita, halos matigil ang paghinga ko.

Si Lolo Riss.

Ka-chat niya si Loss, ang nakababatang kapatid ni Lolo at tito ni Ross.

Tahimik akong nakinig.

“Isagawa n’yo ang plano mamayang gabi.”

Dagdag pa ni Lolo Riss.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras.

Dali-dali akong umalis at bumalik sa mansyon.

Ross POV

Katatapos ko lang maligo at nagbibihis na ako nang biglang pumasok sa kwarto ko si Tita Liss.

Buti na lang at magbibihis pa lang ako.

“Gosh, Tita! Balak mo ba akong silipan?”

Pabiro kong sabi.

Pero nawala ang ngiti ko nang makita ko ang seryoso at takot na takot niyang mukha.

Lumapit siya sa malaking cabinet ko, kinuha ang isang malaking bag, at nagsimulang isiksik doon ang mga damit ko.

“Tita! Anong nangyayari sa’yo?!”

Nagulat kong tanong.

Tumingin siya sa akin.

“Kailangan mong umalis dito ngayon din! Ipapapatay ka ng Lolo mo!”

Sabay abot ng bag sa akin.

“Anong pinagsasasabi mo, Tita? Nababaliw ka na ba? Paano magagawa ni Lolo sa akin ’yon? Siya na lang ang natitira kong magulang. Tita, stop this nonsense already!”

Halos pasigaw kong sabi.

“Ang Lolo mo ang nagpapatay sa mga magulang mo! Kaya hindi na ako magtatakang pati ikaw ay gusto na rin niyang ipapatay!”

Parang tumigil ang mundo ko.

Si Lolo?

Paano?

Bakit?

“Alam kong marami kang tanong, pero kailangan mo nang umalis!”

Iniabot niya sa akin ang isa niyang ATM card.

“Gamitin mo lang ito kapag kailangan na kailangan mo.”

Bigla na lang may malakas na putok na narinig mula sa sala.

“Ano ’yon?!”

Gulat kong tanong.

“Nandiyan na sila! Bilisan mo! Dumaan ka sa bintana! Kunin mo ang card at gamitin mo lang kapag wala ka nang ibang paraan! Dali!”

May emergency ladder kasi sa labas ng bintana ng kwarto ko na diretso sa covered court.

“Hindi kita iiwan dito, Tita!”

Pero itinulak niya ako palapit sa bintana.

“Mag-iingat ka… alagaan mo ang sarili mo.”

Pareho na kaming umiiyak.

Hindi ko pa rin lubos matanggap ang mga nalaman ko, pero wala na akong oras para mag-isip.

Mabilis akong bumaba sa emergency ladder papunta sa covered court.

Iniwan ko ang pink kong Brillant car at kinuha ang yellow kong sasakyan para hindi ako madaling makilala.

Mabilis kong pinaandar ang kotse.

Buti na lang at bukas pa ang malaking gate ng mansyon.

Ngunit ilang segundo pa lang ang lumilipas, may narinig akong sunod-sunod na putok ng baril mula sa loob ng bahay.

Napaluha ako habang nagmamaneho.

Hindi ko lubos maisip na ang Lolo ko pala ang pumatay sa aking mga magulang…

At ngayon, gusto niya rin akong patayin.

Bakit?

Iyon lang ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko.

Pero kailangan ko munang mabuhay.

Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

As far as I could…

Babalikan

ko kayo.

At sana… ligtas ka pa, Tita, pagbalik ko.

CHAPTER 3

Nate POV

“Nay, maghahanap ulit ako ng trabaho.”

Sabi ko sa nanay kong kasalukuyang nagluluto sa aming maliit na kusina.

“Anak, napapadalas na ang paghahanap mo ng trabaho. Baka napapabayaan mo na ang pag-aaral mo.”

Nag-aalalang sabi ni Nanay habang lumalabas ng kusina.

Ako nga pala si Nate

Bendula , at siya naman ang nanay ko na si Yolly

Bendula . Ang tatay ko naman ay si Derum

Bendula , na kasalukuyang nasa bayan at nagbabantay ng maliit naming puwesto sa palengke.

Maliit lang ang bahay namin. Ang kinikita nina Nanay at Tatay sa palengke ay sapat lang para mapag-aral nila ako.

Pero ako itong matigas ang ulo. Gusto kong maghanap ng trabaho para makatulong sa gastusin ko sa kolehiyo.

At oo nga pala, third-year college na ako. Dapat fourth year na sana, pero dahil napabarkada ako noon, napahinto ako sa pag-aaral.

Pero dahil sa ginawa ng kapatid kong babae, napilitan akong bumalik sa pag-aaral para maiahon ko sina Nanay at Tatay sa kahirapan.

Ano bang ginawa ng kapatid ko?

Nag-apply siya bilang OFW. Sina Nanay at Tatay ang halos magpakahirap para mabigyan siya ng perang magagamit sa pag-alis.

Pero nang makilala niya ang isang mayamang lalaki sa ibang bansa, nagpakasal sila nang hindi man lang namin nalalaman.

Handa na sana namin siyang tanggapin muli bilang pamilya.

Pero pag-uwi niya rito sa Pilipinas, ikinahiya niya kami.

Dahil mayaman na siya, parang hindi na niya kami kilala.

Kinuha pa niya ang lahat ng gamit niya sa bahay at tuluyan kaming iniwan.

Sobrang nasaktan sina Nanay at Tatay.

Kaya simula noon, nangako akong tutulungan ko sila.

Nandito ako ngayon sa bayan para maghanap ng trabaho.

Sa San Fernando kami nakatira. (Author’s Note: Tawagin na lang nating Brgy

. Rosa , kahit wala naman talagang ganoong barangay. Hahaha.)

Habang naglalakad ako sa kalsada, may napansin akong papel na nakapaskil sa isang poste.

“Job for Hire –

Vigan

Mall.“

Pagkabasa ko noon, agad akong sumakay ng tricycle papunta sa Vigan Mall.

Kung hindi ninyo alam, ang Vigan Mall ang pinakamalaki at pinakatanyag na mall dito sa lungsod.

“Good morning po, Ma’am. Mag-a-apply po sana ako ng trabaho.”

Sabi ko sa babaeng nasa loob ng opisina sa pinakataas na palapag ng mall.

“Oh, good morning too. Can I see your profile?”

Sabi niya.

Tangina, men.

Spokening dollar ang matanda!

“College ka pa lang?”

Tanong niya.

Tumango ako.

Agad niyang isinara ang folder na naglalaman ng resume ko.

“I’m sorry to say this, but I cannot accept you.”

Laking gulat ko.

“Luh… bakit naman po, Ma’am?”

“First, hindi ka pa graduate. Second, nakikita kong hindi ka sanay magsalita ng English. Sa mall na ito, kailangan marunong kang mag-English para masabing competent ang mga empleyado namin.”

Napabuntong-hininga na lang ako.

Ang dami naman nilang arte.

Wala na rin naman akong magagawa.

Ngumiti na lang ako nang plastik, kinuha ang folder ko, at lumabas ng opisina.

Kung puwede lang manuntok…

Kanina ko pa sana siya nasuntok.

Nakakabanas.

Naglibot-libot muna ako sa loob ng mall.

Aaminin ko…

Maganda talaga ang mall na ito.

Hindi nakapagtatakang ito ang pinakatanyag sa buong lungsod.

Pero pagkatapos kong maglibot, lumabas na rin ako para humanap ulit ng trabaho.

Inabot na ako ng gabi.

Putcha!

Wala pa rin akong mahanap na trabaho.

Pauwi na sana ako nang mapansin ko ang makukulay na ilaw sa isang bahagi ng kalye.

Isa pala iyong bar.

At base sa nakikita ko…

Puro bading ang naroon.

Wala sana akong balak pumasok sa ganoong lugar.

Pero nang makita kong naghahanap sila ng empleyado, nilakasan ko na ang loob ko.

“Good evening po. Mag-a-apply po sana ako ng trabaho.”

Sabi ko sa baklang mukhang manager.

“Oh… I see. Handsome guy.”

Sabi niya.

Tangina, men.

Ang kapal ng make-up.

Ang kapal din ng lipstick.

Sa totoo lang, mas maayos pa ang make-up ng patay kaysa sa kaniya.

Lumapit siya at sinuri ako mula ulo hanggang paa.

“Pwede kang maging waiter… pero sa kaguwapuhan mo, mas bagay kang maging bold dancer.”

Ngumisi siya.

At doon ko napansin…

Dilaw ang ngipin niya.

Ang dami pang tinga.

Dugyot!

Hindi naman sa pagmamayabang…

May katawan din naman ako.

May abs.

Maputi ang balat.

Tamang muscles lang.

Hindi iyong parang sasabog na sa laki.

Ayoko ng ganoon.

Nakakatakot tingnan.

“Pasensya na po. Waiter lang po ang gusto kong maging trabaho rito.”

Pagkasabi ko noon, bigla niyang sinubukang hawakan ang alaga ko.

Pero mabilis kong nahawakan ang kamay niya.

At…

Sinuntok ko siya sa mukha.

Puta!

Hawakan na niya ang lahat…

Huwag lang ang alaga ko!

Agad akong umalis ng bar habang nakabulagta siyang walang malay.

Sumakay ako ng tricycle.

Buti na lang may bumibiyahe pa kahit gabi na.

“Manong, Brgy. Rosa po.”

Habang nasa biyahe kami, may nakita kaming isang dilaw na kotse na mabilis ang takbo.

Bigla itong nag-gewang.

At…

BANG!

Bumangga ito sa isang poste.

“Manong, para!”

Agad akong bumaba at nilapitan ang sasakyan.

May tao sa loob.

Binuksan ko agad ang pinto at binuhat ang binata.

Wala siyang malay.

Habang buhat ko siya, napagmasdan ko ang mukha niya.

Ang kinis ng balat.

Mahahaba ang pilikmata.

Mapupula ang labi.

At may Korean hairstyle pa.

Mayaman siguro ’to.

Agad ko siyang isinakay sa tricycle.

Nasa kwarto ko na kami ngayon.

Nagulat sina Nanay at Tatay nang may iniuwi akong isang binata.

Wala na kasi akong ibang mapagdadalhan sa kanya.

Malayo ang ospital, at mukhang wala naman siyang malubhang sugat.

Kaya dito ko muna siya dinala.

Kinuha ko rin ang bag niya mula sa kotse.

Ang sasakyan naman niya ay ipinakiusap ko muna kay Manong na ipahatak bukas at ipaayos ang mga nasira.

Iniwan ko rin ang contact number ko para matawagan niya ako kapag okay na.

Kung tutuusin…

Mukhang mayaman talaga ang taong ito.

May kotse eh.

Sa panahon ngayon…

Kapag may kotse ka, automatic mayaman ang tingin ng karamihan sa’yo.

CHAPTER 4

Ross POV

Minulat ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang paligid.

At masasabi kong…

Wala ako sa ospital.

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga, ngunit bigla kong naramdaman ang matinding sakit sa buong katawan ko kaya napahiga ulit ako.

“Gising ka na pala.”

Nakangiting sabi ng isang ginang.

Napagulat ako at agad ko siyang tiningnan.

“Sino ka?! Asan ako?! Kidnapper ka ba?!”

Sunod-sunod kong tanong.

Promise, para akong tanga sa dami ng tanong ko.

Pero ano’ng magagawa ko?

Naguguluhan at nagulat ako, ’di ba?

Bigla namang may pumasok na isang binata.

At shiiit…

Ang gwapo niya!

Ang sarap papakin!

Pero hindi ’yon ang isyu ngayon!

Ang isyu ngayon ay kung nasaan ako at bakit ako nandito.

“Alam kong marami kang tanong, pero lumabas muna tayo. Nakahanda na ang almusal sa kusina.”

Malumanay na sabi ng ginang.

“No!”

Halos pasigaw kong sagot.

“Hindi ako lalabas hangga’t hindi ninyo sinasabi kung nasaan ako! At malay ko ba? Baka may lason pa ang mga pagkain na ipapakain ninyo sa akin!”

Sigaw ko.

“Aba!”

Reaksyon naman ng binata.

Mukhang lalapit na sana siya para suntukin ako.

Siguro hindi niya nagustuhan ang sinabi ko sa nanay niya.

Whatever.

Wala na akong pakialam…

Kahit gwapo pa siya!

Pero agad siyang pinigilan ng ginang, na sa tingin ko ay nanay niya.

CHAPTER 5

Nate POV

Susugurin ko na sana ang binata kasi binabastos na niya si Nanay. Bastusin na niya ang lahat ng tao, huwag lang ang Nanay at Tatay ko.

Pero pinigilan ako ni Nanay at humarap siya sa binata, na sa tingin ko ay halos kasing-edad ko lang.

“Hoy, bata ka!”

Bigla akong nagulat sa sinabi ni Nanay.

“Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa itong ang daming sinasabi! Lumabas na tayo at kakain na. Huwag nang maraming tanong! Maliwanag ba?!”

Pasigaw na sabi ni Nanay.

Ang mas nakakagulat?

Tumango lang ang binata at mahinang sumagot.

“Opo.”

“Nay, ’yang blood pressure mo…”

Paalala ko.

“Okay lang ako, anak. Tara na at kumain na tayo.”

Sabi ni Nanay bago siya unang lumabas ng kwarto.

Sumunod na kaming dalawa ng binata.

At alam n’yo kung ano ang nakakatawa?

Hindi pa rin siya umiimik.

Mukhang sobra siyang nagulat sa pagsigaw ni Nanay kanina.

Ganyan ang napapala ng mga madadaldal.

Eh si Nanay ba naman ang nakatapat niya.

Wala pang nakakatalo kay Nanay pagdating sa kadaldalan.

Sa sobrang bilis niyang magsalita, parang nagra-rap na siya.

Kaya tuwing may mga tsismosang gumagawa ng kuwento tungkol sa amin, sila pa ang natatalo sa kanya.

Pagdating namin sa kusina, agad akong umupo sa bakanteng upuan.

Ganoon din ang ginawa ng binata.

Malaki at parisukat ang aming hapag-kainan, kaya tig-iisa kami ng puwesto sa bawat gilid nito.

“Kain na tayo.”

Nakangiting sabi ni Nanay.

Alam kong sinasadya niyang ngumiti para kahit papaano ay mabawasan ang tensyon na nararamdaman ng binatang kasalukuyang kasalo namin sa almusal.

CHAPTER 6

Ross POV

Tahimik akong kumakain, at hindi ko alam kung ano ang tawag sa ulam nila. Sa una, parang nag-aalangan akong kainin ito dahil may kakaiba itong amoy. Pero nang isubo ko na at matikman ito, tuloy-tuloy na akong nagsubo ng kanin at ulam.

Nang matapos akong kumain, tumayo ako, kumuha ng maiinom, saka lumabas sa maliit nilang kusina. Nagtungo ako sa maliit din nilang sala at tahimik na lamang silang hindi pinansin.

Maya-maya lang ay lumapit sa akin ang mag-asawa kasama ang anak nila. Naupo sila sa harapan ko dahil may mga upuan din doon.

“Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ng ginang sa akin.

Sa totoo lang, natatakot pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari kanina. Kaya habang kumakain kami, hindi ko mapigilang manahimik at mailang sa atmospera na nararamdaman ko.

“Ah… mabuti na po. At naalala ko po ang sinabi ninyo kanina sa kwarto. Ano po ba ang ibig ninyong sabihin sa pagtulong na sinasabi ninyo?” nagtatakang tanong ko.

“Ah, iyon ba? Kagabi kasi ay umuwi ang anak namin na buhat-buhat ka.” Napatingin ako sa gwapong binata. “Sinabi niya sa amin na nabangga mo raw ang poste malapit sa entrance ng Barangay Rosa. Kaya dinala ka na lang niya rito sa bahay dahil malayo ang ospital sa siyudad. Wala rin naman daw malalang nangyari sa katawan mo.”

“Kaya magpasalamat ka sa akin!” sumbat ng binata.

Napalaki ang aking mga mata nang maalala ko ang nangyari at tuluyan kong naunawaan ang lahat…

CHAPTER 7

Ross POV

“Nasaan ang kotse ko!?” tanong ko.

“Sa hinaba-haba ng sinabi ni Nanay, kotse mo pa talaga ang unang naisip mo?” pabulyaw na sumbat sa akin ng binatang tumulong daw sa akin.

“Edi, salamat! Ngayon, nasaan ang kotse ko?” tanong ko ulit.

“Abah!”

Susugod na sana sa akin ang binata, ngunit agad siyang pinigilan ng kanyang ina.

“Sabihin mo na lang, anak,” sabi ng ginang.

“Nandoon sa bayan. Ipinagawa iyon ng mama na naghatid sa atin kagabi rito sa bahay,” sagot ng binata.

Bigla akong napatayo.

“Kung ganoon pala, aalis na ako. Pupuntahan ko ang kotse ko sa pagawaan at saka ako uuwi…”

Naputol ang sasabihin ko nang maalala ko kung bakit nga ba ako tumakas.

Unti-unti akong naupo muli, pakiramdam ko’y nawalan na ako ng pag-asa.

“Bakit, iho? Anong nangyari? May masama ka bang nararamdaman?” tanong ng lalaking ama ng binata.

“Ano!? Bilisan mo na at umalis ka na rito!” sabi naman ng binata.

“Nate!”

Agad siyang sinaway ng kanyang ina at nilapirót ang kanyang tainga.

Nate pala ang pangalan niya. Bagay naman sa kanya… gwapo kasi siya.

“Ah… wala po. Wala na po pala akong babalikan.”

Mahina kong sinabi iyon, habang bakas ang matinding kalungkutan sa aking mukha.

CHAPTER 8

Nate POV

“Bakit? Anong nangyari?” tanong ni Nanay sa binata.

“Bakit hindi ka makauwi?” tanong naman ni Tatay.

“Kasi po, patay na ang mga magulang ko. Ang lolo ko po ang pumatay sa kanila. Kaya tumakas ako dahil hindi ko matanggap ang katotohanang nalaman ko.”

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya.

“Sigurado ka ba riyan, iho?” tanong ni Tatay.

“Opo. Noong tumakas po ako, tinulungan ako ni Tita dahil narinig niya ang pinag-uusapan ng lolo ko. Sinabi niyang ipapapatay na rin daw ako, kaya tinulungan niya akong makatakas sa mansyon. Pero dahil sa pagtulong niya sa akin, siya naman ang nagbuwis ng buhay.”

Pagkatapos niyang magsalita ay napaiyak na lamang siya sa harapan namin.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Kahit may pagkasuplado siya at halatang lumaki sa yaman, hindi ko pa rin maiwasang maawa sa mga pinagdaraanan niya.

Lumapit si Nanay sa kanya, niyakap siya, at marahang hinaplos ang kanyang likod.

“Kung ganoon, dito ka muna sa amin tumuloy kung wala ka nang mauuwian sa ngayon,” malumanay na sabi ni Nanay.

Bigla akong napatayo dahil sa sinabi niya.

“Ano!? Ano ba naman ’yan, Nay! Hindi na nga nagkakasya ang pera natin, tapos sasabihin mo pang dito titira ang lalaking ’yan?” sabi ko sabay turo sa binata.

“Ano ka ba, anak? Kailangan niya ng tulong. Hindi ba sinabi ko na sa iyo noon, kapag may nangangailangan ng tulong, dapat tulungan natin sila sa abot ng ating makakaya? Kaya dapat magtulungan tayong lahat dito,” sabi ni Tatay.

Sasagot pa sana ako, pero si Tatay na ang nagsalita. Kapag siya na ang nagdesisyon, wala nang makakaangal pa.

“Maraming salamat po,” nakangiting sabi ng binata.

CHAPTER 9

Ross POV

Gabi na naman.

Nagpapasalamat ako dahil pinayagan nila akong manatili rito sa maliit nilang bahay. Kahit hindi ako sanay sa ganitong pamumuhay, pipilitin kong makibagay at tumulong sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain. At kapag dumating ang panahon na kailangan ko nang bumalik upang lumaban at kunin ang nararapat para sa akin, masasabi kong may nagawa rin ako sa buhay… nagsimula man ako sa isang mahirap na pamilya.

Gosh! Naloloka na ako!

Bakit ba kailangang umabot sa ganito?

Lolo… bakit mo nagawa kina Mom at Dad iyon?

Mga anak mo sila. Pero pinatay mo sila para lang sa pera.

At ngayon, balak mo rin akong ipapatay?

Iyan ang mga tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko.

Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa sitwasyong kinakaharap ko ngayon.

Kailan kaya matatapos ang delubyong ito?

Akala ko maayos na ang takbo ng buhay ko. Mayaman na ako. Nakukuha ko na ang lahat ng gusto ko, nabibili ko na ang mga bagay na gusto ko, at namumuhay na lang ako nang komportable dahil sa perang mayroon ako. 😢

Pero hindi ko alam na bawat saya pala ay may kapalit na trahedya. 😢

Hindi ko rin alam na ang mga taong pinakamamahal mo pala ang siyang may itinatagong pinakamabigat na sikreto. 😢

Sana ay ligtas ka lang, Tita.

Hanggang sa makabalik ako… sana ay nasa mabuti kang kalagayan. 😢

CHAPTER 10

Ross POV

Nandito ako ngayon sa isang kwarto na katabi ng kwarto ni Nate—ang kwartong pinaglagyan nila sa akin noong isang gabi.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at masasabi kong kahit wala nang gumagamit sa kwartong ito, pinananatili pa rin nila itong malinis at maayos.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Nate na may dalang dalawang unan at isang kumot. May kutson na kasi ang maliit na higaan sa kwartong ito, kaya unan at kumot na lang ang kulang.

“Oh, ito! Gamitin mo ang mga ’to,” sabi niya.

Ramdam ko sa paraan ng kanyang pagsasalita na hindi niya talaga tanggap na dito ako titira sa kanilang bahay.

Ayoko rin naman sana, pero ano pa ba ang magagawa ko? Sila na lang ang tanging kakilala ko rito sa kanilang barangay.

“Salamat,” pasasalamat ko kay Nate.

Aalis na sana siya nang bigla ko siyang tawagin.

“Kanino pala ang kwartong ito?” tanong ko.

Natigilan siya sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap sa akin, at napansin kong nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Nakikituloy ka lang dito. Hindi ka pumunta rito para alamin ang kuwento ng buhay namin!” pabalang niyang sabi bago malakas na ibinalibag ang pinto.

Anong problema ng lalaking ’yon? Gosh! Okay, fine! Nagtatanong lang naman ako.

CHAPTER 11

Ross POV

Sarap na sarap ako sa pagtulog nang biglang may yumugyog sa akin.

“Ano ba, Yaya! Give me five minutes!” bulyaw ko habang nakapikit pa rin.

Pero hindi pa rin tumigil ang pagyugyog sa akin.

“Yaya! You’re fired!” sigaw ko habang nakapikit pa rin.

Bigla na lang akong itinulak, dahilan para mahulog ako mula sa hinihigaan ko.

Agad akong napatingin kung sino ang nagtulak sa akin.

Si Nate.

Nakatayo siya sa harapan ko at kitang-kita ang pagkainis sa kanyang mukha.

“Ano na!? May pa-‘Yaya, Yaya’ ka pang nalalaman. Bumangon ka na riyan. Pupunta tayo sa bukid ngayon,” sabi niya na ikinagulat ko.

Agad kong kinuha ang Samsung Z Flip kong cellphone at tiningnan ang oras.

4:00 A.M.

“What!? Bukid!? Ganito kaaga? My gosh!” irita kong reklamo.

“Huwag ka nang magreklamo! Unang araw mo pa lang na nakikituloy dito, ganyan ka na kung umasta. Bilisan mo na riyan!” mataray niyang sabi.

Natigilan ako sa sinabi niya.

Oo nga naman. Ako pala ang nakikitira sa bahay nila.

Gosh…

Kahit antok na antok pa ako, hinanap ko ang malaking bag na inihanda ni Tita para sa akin noong tumakas ako. Binuksan ko iyon at nagsimulang maghanap ng damit na maaari kong isuot.

CHAPTER 12

Ross POV

“Oh my gosh! Ang hirap nito! Ang bigat pa sa paa!” reklamo ko.

Hulaan ninyo kung ano ang ginagawa namin?

Nagtatanim kami ng palay!

’Yung bukid ay puno ng tubig, tapos ang ginagawa namin ay itinatanim ang mga punla ng palay sa malambot na lupa. Basta, ganoon na nga! Kailangan mong itusok ang bawat punla sa putik.

Ang setup namin, magkatabi kami ni Nate, habang nasa kabilang bahagi naman sina Tatay at Nanay niya.

“Sino ba kasing baliw ang magtatanim nang naka-sapatos!? Tanggalin mo nga ’yan! Baklang-bakla ang porma mo, putcha!” sabi niya sa akin.

“Hindi ko naman kasi in-expect na ganito pala ang gagawin natin dito sa bukid!” singhal ko naman.

“Eh ano ba ang ginagawa sa bukid? Hindi ba’t ganito?” sabi niya habang itinuturo ang ginagawa namin.

“Aba, malay ko ba! Akala ko magjo-jogging tayo o kaya ililibot mo lang ako sa bukid. Kaya nagsapatos ako. Gosh!” sagot ko.

Tinanggal ko na lang ang sapatos ko at inihagis iyon sa gilid.

Oh my… my poor shoes. Ang dumi-dumi na!

“Bilisan mo na riyan para matapos na natin ’to agad!” pasinghal na sabi ni Nate.

“Okay, fine!” sagot ko sabay irap sa ere.

Sana matapos na ’to. Gosh!

Diyos ko…

Parang “Gosh!” na yata ang word of the year ko.

Oh my gosh!

CHAPTER 13

Nate POV

Tinitingnan ko ngayon si Ross kung paano niya gagawin ang pagtatanim ng palay at, putcha, baklang-bakla! Makikita mo talagang hindi siya sanay sa ganitong trabaho.

At nang malaman ko ang kuwento niya kagabi, matapos kaming kumain, talagang nahabag ang damdamin ko sa kanya. Pero nawala rin iyon dahil hindi ko talaga masikmura ang ugali niya.

Napakaarte niya, tsk. Hinayaan ko na lang iyon. Hindi rin maiiwasan na dahil lumaki siya sa yaman, hindi niya makontrol ang ugali niya. Akala yata niya bahay niya ang bahay namin. Ganoon ang asal niya kaya nasusumbatan ko siya kapag sumosobra na talaga.

Pero ngayon, hindi ko maiwasang matawa sa kaartehan niya. Hahahaha!

Akalain mo kasi, nakasapatos na nga, magtatanim pa ng palay. Ayan tuloy, sobrang nadumihan ang sapatos niya.

Tapos may pasigaw-sigaw pa siya ng, “I can’t!” at “Gosh!”

Mga bagay na talagang nagpapatawa sa akin.

“Eh kung tulungan mo kaya ako rito, hindi ’yung pinagtatawanan mo ako!”

Singhal niya sa akin.

“Ano ka, sinuwerte? Pag-aralan mo ’yan!”

Pabalik kong singhal sa kanya.

“Grrr… Gosh! Okay, fine!”

Singhal na naman niya. Napangisi na lang ako nang tumalikod siya at ipinagpatuloy ang trabaho. Alam kong nahihirapan na siya, pero putcha, nakakatawa naman ang baklang ’to.

“Kain na, mga anak!”

Sigaw ni Nanay, na ngayon ay nasa kubo kasama si Tatay.

May kubo kami rito sa bukid, sapat para makapagluto, makaligo, at makapagpahinga. Talagang swak ang espasyo nito.

“At last! Food!”

Nakangiting sabi ni Ross habang dali-daling naglakad papunta sa kubo.

Pero habang naglalakad, bigla siyang napasalampak sa putikan.

Napatawa na lang ako nang malakas.

CHAPTER 14

Ross POV

“Hoy! Ibangon mo na ’dyan!”

Sigaw ng isang lalaki kaya napabalikwas ako mula sa aking higaan.

Si Nate pala ang sumigaw.

“Ano ba? Bakit ba?”

Inis na inis kong tanong.

“Ibangon mo na ’dyan at mag-aagahan na. Pagkatapos no’n, pupunta tayo sa palengke.”

Sabi niya.

“Oh my gosh! Ang sakit-sakit pa ng katawan ko dahil doon sa bukid! Tapos ngayon, pupunta pa tayo sa palengke? Gosh!”

Maktol ko sa kanya.

Unti-unti ulit akong humiga, pero dali-dali siyang lumapit sa higaan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at bigla akong hinila kaya napabangon ako.

“Ang dami mong satsat! Pagod din kami. Halika na, naghihintay na sina Nanay sa kusina!”

Sabi niya bago binitawan ang kamay ko.

“Okay, fine! Diyos ko, ang hirap ng ganito!”

Reklamo ko habang sumabay sa kanyang lumabas ng kuwarto.

“Ang dami mong sinasabi. Lalabas ka rin naman pala.”

Sabi niya.

“As if naman may choice ako, ’di ba?”

Nagtataray kong tanong sa kanya.

“Meron.”

Sabat niya agad.

“At ano naman iyon, aber?”

Taas-kilay kong tanong.

Lumingon siya sa akin at direkta akong tiningnan sa mga mata.

“Ang umalis ka rito. ’Yan na lang ang natitira mong choice.”

Sabi niya.

Dahil sa sinabi niya, bigla akong nakaramdam ng lungkot.

Kasi naalala ko na naman si Tita… at kung bakit hindi na ako puwedeng bumalik sa mansyon.

CHAPTER 15

Ross POV

Lumabas na kami ni Nate sa kuwarto, at hindi ko talaga mapigilang mainis at magmaktol.

As in! Lahat na yata ng inis nasa akin na.

Can you believe that? Katatapos lang naming pumunta kahapon sa bukid nila, tapos ngayon pupunta naman kami sa palengke? Like, oh my gosh! Ano naman ang gagawin namin sa palengke?

Gosh! I cannot take this anymore!

“Huwag ka ngang mag-English diyan! Nahihirapan si Author!”

Sabat naman ni Nate.

“Like you don’t care! Bakit ba kasi pinag-English pa ako ni Author?”

Bulyaw ko.

“Eh ’di ba mayaman ang character mo sa kuwentong ito? Kaya dapat nag-i-English ka kahit nahihirapan na si Author!”

Pabalik niyang bulyaw.

“Ay, oo nga, ’no?”

Sabi ko naman.

“At bakit tayo napunta kay Author? Matanong ko nga, ano bang gagawin natin sa palengke?”

Tanong ko.

Sakto namang nasa harap na kami ng hapag-kainan, kaya nahiya ako sa inasta ko.

“Pupunta kayong dalawa sa puwesto namin sa palengke.”

Sabi ni Nanay Yolly.

“Huh?”

Nagtataka kong tanong.

“Tutulungan mo akong magtinda.”

Nakangiti niyang sabi.

“Tayo lang po, Nay? Saan po pupunta si Nate?”

Tanong ko.

“Sasamahan ko si Tatay sa pamamasada para may kapalit siya sa pagmamaneho.”

Sagot ni Nate.

Napanganga ako sandali bago dahan-dahang tumango.

Ang sipag pala ng lalaking ’to…

Napangiti na lang ako.

CHAPTER 16

Nate POV

Natapos na kaming kumain at naghanda na kami ni Tatay para bumiyahe.

“Mag-iingat kayo, mahal… anak.”

Sabi ni Nanay sa amin ni Tatay.

“Oo naman po, Nay. Kayo nga po ang dapat mag-ingat, eh. Hindi kasi ako komportableng si Ross ang sasama sa inyo sa palengke.”

Sabi ko naman.

“Eh ’di sana ikaw na lang ang sumama.”

Pabulong niyang sabi, pero narinig ko pa rin.

“May sinasabi ka?”

Tanong ko sa kanya.

“Ay… hihi, wala. Mag-iingat kayo, ha? Huwag na kayong mag-alala kay Nanay. Ako na ang bahala sa kanya.”

Sabi niya. Alam kong may halong sarcasm ang paraan ng pagkakasabi niya noon.

“Dapat lang. Tara na, Tay.”

Sabi ko bago kami umalis.

Pero bago kami tuluyang makaalis, nakita kong pinanlakihan ako ni Ross ng mga mata, na para bang gusto na niya akong kutusan. Hindi naman ako nagpatalo kaya pinanlakihan ko rin siya ng mata.

Biglang nagsalita si Nanay.

“Mahuhulog na ang mga mata ninyo! Diyos ko, kayong mga bata. Gumayak na nga kayo para makapunta na kami ni Ross sa palengke.”

Sabi ni Nanay.

At tama ang nabasa ninyo kanina.

Nanay at Tatay na rin ang tawag ni Ross sa kanila dahil iyon mismo ang ipinakiusap ni Nanay sa kanya.

Alam na rin nina Nanay at Tatay na bakla siya.

Tsk… Tiis-tiis lang, Nate. Aalis din ang baklang ’yan.

CHAPTER 17

Ross POV

Nandito kami ni Nanay sa harap ng malaking market, at alam n’yo ba kung ano ang nakakatawa?

Green Market ang pangalan, pero orange naman ang pintura ng gusali.

Ano ’yun? Nakakalito na nga dito sa Pilipinas, pati mga simpleng logic pinapalito pa nila!

Bakit green ang blackboard?

Bakit hindi gold ang kulay ng pure gold?

At marami pang iba.

“Tayo na, anak.” Sabi ni Nanay sa akin.

At nakalimutan kong sabihin na bumaba pala kami dito sa likurang bahagi ng Green Market dahil dito ang pwesto ng palengke.

Nalito ka, ’no? Pati ako rin. Hahaha!

Habang papalapit kami sa palengke, napatakip na ako ng ilong.

“Gosh! Ang baho! Amoy tae dito!”

“Nandito na tayo, anak. Maupo ka na lang diyan at ako na ang magtitinda. Pero bantayan mo ang mga paninda, ha?” Sabi ni Nanay sa akin.

“Finally! ’Yun lang ang gagawin? Okay, it’s not that hard pala.” Maarte kong sabi habang umuupo sa lumang silya.

“Ay, bili na po kayo! Sariwa po ang mga ito!” Sabi ni Nanay Yolly sa isang mamimili. Iyan pala ang tinatawag nilang sales talk . Magaling si Nanay, ah. Kunin ko kaya siya sa Rich Mall kapag nakabalik ako sa mansyon. evil smirk

At bumili naman ang mamimili. Ang galing! Hihi.

Ang mga tinda pala nila ay mga karne ng baboy at manok. Kasama na rin ang bangus, tilapia, bulilit, daing, at iba pang mga isdang karaniwang mabibili dito sa palengke.

Dito naman sa parte ko ay mga panindang parang makikita sa sari-sari store. Kaya para hindi na mahirapan si Nanay, sinabi ko na lang na ako na ang bahala sa bahaging ito.

CHAPTER 18

Ross POV:

Habang nagtitinda kami ni Nanay, hindi ko na rin napigilang ma-enjoy ang pagtitinda. Ganito pala ang pakiramdam, ’no? Nakaka-enjoy pala talagang magtinda! Nagbibiruan pa nga kami ni Nanay na kesyo nag-iinarte raw ako noong una, pero nagustuhan ko rin naman pala sa huli.

Tama naman si Nanay. Sadyang may mga bagay lang talaga na natatakot tayong gawin dahil hindi natin nakasanayan. Pero kapag ginawa mo na at alam mong nakatulong ka pa, ang gaan pala sa pakiramdam. Kaya tinodo ko na ang pagtitinda. Hahaha!

“Bili na kayo! Bili na kayo, mga suki!” Sigaw ko habang nakikita kong karamihan sa mga mamimili ay mga binata at kababaihan.

May isa pang high school student na nagtanong kung may boyfriend na ba ako.

May mga babae naman na nagtatanong kung bakit nagbakla pa raw ako.

Hahaha! Natatawa na lang talaga ako.

Not to be boastful, pero maganda talaga ako… at gwapo rin at the same time. Pero siyempre, I prefer “maganda.” Hahaha!

CHAPTER 19

Ross POV:

Maya-maya lang ay may isang matandang bakla na pasigaw na hinahanap si Nanay.

Kaya lumapit agad ako sa kanila.

“Kulang ang barya mo! Kulang ng isang daan. Puwede na!” Sabi niya kay Nanay.

“Hoy! Bilangin mo ’yan nang mabuti para makita mo!” Sagot naman ni Nanay.

“Ikaw ang hindi marunong magbilang dito! Simpleng math lang, hindi mo pa alam! Kung sabagay, hindi ka kasi nakapagtapos kahit elementarya lang.” Sabi niya.

Alam ko na ang kuwento nina Nanay at Tatay na hindi sila nakapagtapos ng elementarya. Kaya nang marinig ko ang sinabi niya, talagang nagpanting ang tenga ko.

Hindi ko na napigilang magsalita.

“Mawalang-galang na ho, magkano po ba ang sinasabi ninyong kulang sa sukli ninyo?” Tanong ko.

“At sino ka naman? Wala ka nang pakialam doon!” Sagot niya.

“Hoy, baklang matandang chaka! Ano ba ang binili mo?!”

Nabigla siya sa sinabi ko. Dahil doon, ipinakita niya ang mga binili niya, at ako na mismo ang nag-total ng lahat.

“Magkano ba ang ibinayad mo?” Pasinghal kong tanong.

“Isang libo.” Sagot niya.

“Magkano ang isinukli sa’yo?” Tanong ko ulit.

“Dalawang daan at limampu.”

“Eh ikaw pala ang mali rito! Tama ang sukli mo! At huwag ka nang magtangkang bumunganga pa diyan kung ayaw mong batuhin kita ng isda!” Sigaw ko.

Dali-dali niyang kinuha ang mga pinamili niya at umalis. Pero bago siya tuluyang makaalis ay sumigaw pa siya.

“Babalikan kita!”

“Edi balikan mo!” Sigaw ko rin pabalik.

Pagkatapos ay napatingin ako kay Nanay, pero binatukan niya ako.

“Ay, ikaw talagang bata ka. Kaya ko naman ang sarili ko, eh. Inunahan mo lang ako.” Sabi niya habang nakangiti.

“Sorry po.” Nakangiti ko ring sabi.

At pagkatapos noon, nagtawanan na lang kaming dalawa.

CHAPTER 20

Nate POV

“Anak, pasukan na next month. Third year college ka na.” Sabi ni Tatay na may ngiti sa kanyang mga labi.

Alam kong sabik na sabik na silang makapagtapos ako, pero dahil doon ay nalulungkot ako.

Akalain mo ba naman… Kahit walang-wala na kami, nangungutang pa rin sila sa mga kapitbahay naming kapareho lang din naming hirap sa buhay para maipambayad sa mga gastusin ko sa university sa kabilang bayan. Doon kasi ang pinakamalapit na university mula sa aming barangay.

At ang barangay na iyon ay Brgy. Rose .

Nakakatawa, ’di ba?

Dito sa barangay namin, Brgy. Rosa ang pangalan. Dito nakatira ang mga taong mahihirap at ang mga may kaunti lamang na kaya sa buhay.

Samantalang sa Brgy. Rose , doon naman nakatira ang mga mayayaman, mga anak ng OFW, at iba pang may kaya sa buhay.

“Siguro hindi na lang muna ako mag-e-enroll ngayon, Tay.” Sabi ko.

Nakita kong bahagyang nalungkot siya sa sinabi ko. Pero imbes na magsalita, iniba na lang ni Tatay ang usapan at ipinagpatuloy ang pamamasada namin sa aming barangay. Papunta rin kasi kami sa sentro.

Lolo Riss POV

“Ano?! Nahanap na ba ang baklang apo kong iyon?!” Pasinghal kong sabi sa aking mga tauhan.

“Hindi pa po, pero ginagawa na po nami—”

Plak!

Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin nang ihagis ko sa kanya ang notebook na nasa ibabaw ng aking mesa.

“Gawin ninyo nang maayos ang trabaho ninyo kung ayaw ninyong masisante!” Sigaw ko.

Agad siyang yumuko bilang paggalang at dali-daling lumabas ng opisina.

Kinuha ko agad ang aking telepono at may tinawagan.

Someone’s POV

“Wala pa pong lead kung nasaan ang baklang iyon.” Ulat niya sa taong nakaupo ngayon sa kanyang marangyang trono.

“Hayst… Sige, umalis ka na.” Sabi nito.

Agad namang umalis ang kausap niya.

Asan ka ba, bakla ka!?

CHAPTER 21

Ross POV

Ang sarap ng tulog ko nang may marinig akong mga nagkakalampagang gamit sa labas.

Dahil sa pagkagulat, napabalikwas ako sa pagkakahiga.

Ano naman kayang nangyayari sa labas?

’Yan ang tanong ko sa aking isipan.

Kahit medyo masakit ang katawan ko at parang nahihilo pa ako, pinilit ko pa ring lumabas para tingnan kung ano ang nangyayari.

Pagkabukas ko ng pinto, dumiretso agad ako sa kusina.

Doon ko nakita si Nanay Yolly na may inihahandang pagkain dahil napansin kong may hawak siyang mga hotdog.

“Ano pong nangyayari, Nay?” Tanong ko.

Alam kong nagulat siya nang bigla akong magsalita. Agad siyang lumingon sa likuran niya kung saan ako nakatayo.

“Sus! Maryosep! Ginulat mo naman ako, bata ka. Buti at gising ka na. Okay ka na ba? Wala na bang masakit sa’yo?” Tanong ni Nanay.

“Wala naman po. Medyo nahihilo lang nang kaunti, Nay.” Sagot ko.

“Mabuti naman kung gano’n. Halos mawalan ka na ng ulirat nang makauwi tayo kahapon dito sa bahay.” Sabi niya, dahilan para magtaka ako.

“Bakit po, Nay? Ano po bang nangyari sa akin kahapon?” Tanong ko.

“Nawalan ka ng malay nang makauwi na tayo kahapon. Baka dulot iyon ng kapaguran mo sa palengke at dahil hindi ka pa sanay sa ganoong trabaho.” Paliwanag ni Nanay.

CHAPTER 22

Ross POV

“Buti na lang at nasalo ka agad ni Nate nang mawalan ka ng malay.” Sabi niya.

Si Nate pala ang nagdala sa akin sa kuwarto.

“Ah… gano’n po ba? Sorry po kung naging pabaya ako.” Mahina kong sabi.

This is not me… but I feel guilty. Hayst… ewan…

“Ano ka ba?” sabay tapik sa akin ni Nanay. “Okay lang iyon. Alam ko namang hindi ka sanay sa mga pinapagawa namin sa’yo. At nagpapasalamat pa nga ako kasi tumutulong ka pa rin kahit bago pa lang ang lahat ng ito sa’yo.” Mahabang paliwanag ni Nanay.

“Okay lang din po sa akin, Nanay. Ako po ang nakikitira sa inyo, kaya dapat tumulong din po ako rito sa bahay, o kahit sa anumang paraan, para masuklian ko naman po ang kabutihang ibinibigay ninyo sa akin.” Nakangiti kong sabi.

“Ano pa po pala ang ginagawa ninyo, Nay?” Tanong ko.

“Ah, heto.” Sabay pakita niya ng mga hotdog. “Magtitinda tayo ngayon ng barbecue.” Sabi niya.

What?!

Oh my gosh! Hindi ba sila napapagod?!

I can’t!

“Okay lang naman, anak, kung gusto mo pang magpahinga.” Nakangiti niyang sabi.

Dahil doon, bigla akong nakaramdam ng kung ano—parang hindi ko maipaliwanag.

“Nope! Tutulong ako, Nanay. Ano po ba ang dapat kong gawin?” Tanong ko sa kanya.

CHAPTER 23

Nate POV

Nandito kami ngayon ni Tatay sa bakuran namin dahil dito namin pinupuwesto ang mga tinitinda naming barbecue. Dito na rin namin iniihaw ang mga ito.

Ganito ang buhay namin dito—bukid, palengke, at kapag may oras o araw na bakante kami, o kaya naman ay walang magawa, nagtitinda kami ng barbecue.

Ross POV

Natapos ko nang tusukin ang mga hotdog, longganisa, at pati na rin ang maliliit na piraso ng karne ng baboy.

Kaya naisipan na namin ni Nanay na ilabas na ang mga ito para maihaw.

Binuhat ko na ang lalagyan kung saan nakalagay ang mga barbecue na lulutuin, saka ako lumabas ng kusina.

Nakita ko si Nate na abala sa pag-aayos ng mga uling, kaya nilapitan ko siya.

“Musta?” Mahina at nahihiya kong tanong.

“Ahm… Mabuti naman. Ikaw, kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong niya.

Napahinto ako saglit.

First time ko kasing marinig ang boses ni Nate na hindi sumisigaw.

“Okay na ako. Medyo nahihilo pa nang kaunti, pero kaya na. Salamat pala sa pagtulong mo sa akin no’ng nahimatay ako.” Sabi ko sa kanya.

“Wala ’yon. Kung nagkataon, baka sa ospital ang bagsak mo. Sayang din ang pera kung gano’n.” Sagot niya.

May parte sa akin na parang may ibang inaasahang sagot.

Kahit hindi ko maintindihan ang sarili ko, isinawalang-bahala ko na lang ang nararamdaman kong iyon.

Movie Clip 24

1 month later

Ross Pov

Nakahiga ako ngayon dito sa kwarto, at nakatingin sa kisame.

Hindi ko akalain na isang buwan na pala ang nakalipas nagbuhat ng dumating ako dito

At aaminin ko, ang dami-dami kong natutunan nung nanirahan na ako dito.

Una gustong-gusto ko ng pumupunta sa bukid Pangalawa ang dami ko ng kaibigan sa palengke, yung matandang bakla na nakaaway namin ni nanay nung unang pasok ko pa lang sa palengke, ayun sya na ang naging nanay nanayan naming mga bakla doon, at dahil napalapit na ako sa kanila ay alam na nila ang aking kwento, kung bakit ako napadpad dito, at kung ano ang ginagawa ko dito?

Kaya nung nalaman nila ang story ng buhay ko ay naisipan nilang magbonding kaming mga babakla, at alam mo yung nakakatawa hindi ako sanay sa mga maliliit na mga bonding kasi ang gusto ko na bonding ay yung pumupunta sa ibang bansa yung nga ganun,

Pero dahil sa kanila ay naranasan ko kung ano ang feeling ng magbobonding sa loob ng isang jollibee lang at kahit ganun ay nag-enjoy

Iba kasi pag nag-iisa ka at pag may kasama kang iba, ang saya-saya pala

Pangatlo napamahal na ako sa mga magulang ni nate at mahirap man aminin ay may gusto na ako kay nate

Paano kasing hindi ako magkakagusto sa kanya kung lahat kasi ng ginagawa nya sa akin ay parang nagpaparamdam na parang ewan

Heto tignan ninyo ang flashback Tignan ninyo sa susunod na movie clip hihi

Movie Clip 25

Flashback

Nagtutusok ako ng nga hotdog para merong ulit ititinda ng biglang nagkamali ako ng tusok ng barbecue stick dahilan para magdugo at mapa-aray ako

At biglang dumating si nate at nakita ang daliri kong may dugo at hinawakan nya ito tyaka sinabing

“di ka kasi nag-iingat eh”

Sabi nya sa akin, magsasalita na sana ako ng bigla nyang sinubo ang aking kamay

“oy.. Anong ginagawa mo!?”

Mahina kong tanong sa kanya

“wag ka na lang malikot”

Sabi nya at hinayaan ko na ito


Nung nasa bukid naman kami

Yung sanang bubuhatin kong sako na may lamang damo para sana ipapakain sa mga kambing ay binuhat nya bigla at ng susubukan ko na sanang kunin ito sa kanya ay dali-dali syang tumakbo habang buhat-buhat ang damo at tyaka ng nakalayo ay tumingin sa aking dereksyon tyaka ngumiti


Ganun na ganun lahat ang set-up at hindi ko mapigilang mahulog sa kanya, kahit sa mga simpling gawain lang na ginagawa nya sa akin.. Mahirap mag-asyum kasi hindi mo alam kung ano ang kahihinatnan neto pero itong huling sasabihin ko sa inyo ay talagang nagpagulo sa aking nararamdaman

Binilin kasi sa akin ni nanay na bumili daw ako ng suka sa tindahan ni aleng romina at malayo-layo ng kunti ito sa bahay

At habang naglalakad ako ay biglang may sumulpot na isang lalake, magkasing laki lang sila ni nate ng katawan

Lalagpasan ko na sana sya ng bigla nya akong hinipuan kaya, napaharap ako sa kanya at sinampal sya ng malakas

“abah!”

Singhal nya at nung susuntukin na sana nya ako ay biglang dumating sa nate na ikinagulat ko

“wag mong sasaktang ang baklang yan, kasi ako lang ang dapat manakit sa kanya”

Seryosong sabi ni nate at dumura na lang yung lalake tyaka umalis

At dahil sa sinabi ni nate ay syang nagpagulo sa aking nararamdaman.


Author’s Note:

May update na!!!!

Ano kaya ang mangyayari sa love birds natin??? Hahhahahaha

Malapit ng bumalik

si

Ross sa mansyon at sa miyerkules ko na iyon i-uupload

Sa ngayon heto munang 5 clips sa inyo

And happy 1k followers, ❤️❤️❤️

Movie Clip 26

Ross Pov

So ayan nakita nyo na yung flashback?

Paano kasing hindi ako mahuhulog sa kanya kung ganon naman ang lagi nyang ginagawa sa akin

Like, he makes me feel that I am special to him

Kaya dapat habang maaga pa ay kailangan ko ng malaman sa kanya mismo kung ano ba kaming dalawa

Kaya bumangon na ako sa aking pagkakahiga at tyaka tinignan ang aking bag kung may natira pa akong damit dito ng biglang may nahulog

Nagulat ako kasi kasi nakita ko yung card na binigay sa akin ni tita ng tumakas ako sa mansyon at tandang-tanda ko pa ang kanyang sinabi sa akin nung gabing iyon

Gamitin mo lang yan pag kinakailangan

Napahigpit ako sa aking pagkakahawak nung naalala ko na naman ang sinapit ni tita sa kamay ni lolo

Wag kang mag-alala tita, darating ang araw na ipaghihigante kita

Kaya nilagay ko muna sa bag ang card tyaka lumabas sa kwarto at napansin kong walang tao sa loob ng bahay kaya lumabas ako, at yun nagtitinda pala sila ng  barbecue ulit..

Favorate ko na ang barbecue, eh sa ang sarap whahahaha

“oh anak buti gising ka na” Sabi ni nanay dahilan para tumingin sa aking direksyon si nate tyaka ngumiti

Eneke be!! Nate may pangete-ngete ke pe eh!!

Hehe

Movie Clip 27

Ross Pov

“ah eh.. Oo nay, ano po bang maitutulong ko?” Tanong ko kay nanay

“tulungan mo si nate at mag-turok pa kayo ng isang supot na hotdog, kunin nyo itong taperwer para may panlagyan kayo” Sabi ni nanay sabay abot ng taperwer

At kinuha ko ito tyaka lumapit kay nate at ginawa namin ang pinapagawa ni nanay sa aming dalawa

“ahmmm… Nate” Pauna kong sabi

“ano yun?” Tanong nya

“kasi… Ahmmm… Pano ko ba sasabihin ito… Ahmm.. Kasi..” Hindi ko na alam kong ano ang una kong sasabihin o kung ano ba talaga ang aking sasabihin

Shemmmsss.. Naman

Ng biglang nilagyan ni nate ang aking ilong ng ketchup at napatingin ako sa kanya

Ang damuho naman ay tawang-tawa

“ ano ba kasing sasabihin mo??, mukhang seryoso ah…“ Natatawa nya paring sabi kaya pinunasan ko na ang aking ilong tyaka kinurot sya sa kanyang tagiliran

“a.. Ar… Ara.. Aray…!!” Daing nya

“ikaw ang nagsimula” Diin ko namang sabi

“aray.. Ara… Sorry na” Sabi nya at kurot-kurot ko parin ang kanyang tagiliran

Nakita ko naman na nasasaktan na sya kaya binitawan ko na ito

At hinimas-himas naman ni nate ang kanyang tagiliran

“oy.. Sorry.. Napasobra yata” Sabi ko

“an sakit nun kiss mo na lang ako para matanggal ang sakit” Sabi nya pero mahina ito kaya

“ano!, ang hina ng boses mo” Sabi ko

“wala!” Naiinis nyang sabi

Gosh!, tignan moto.. Tinatanong sabing wala pero naiinis naman

May saltik yata ang damuhong to.. Correction!! Gwapong Damuho😅❤️

Movie Clip 28

Ross Pov

“ross!, nak, bili ka nga ulit ng suka kina romina” Sabi ni nanay

“opo nay” Sabi ko lalapitan ko na sana si nanay para kunin ang perang pambili ng biglang hinawakan ni nate ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya at ang damuho seryoso ang mukha

“bakit?” Takang tanong ko sa kanya

“sasamahan na kita ngayon, baka nandoon na naman si kester at baka bastusin ka na naman” Seryosong sabi nya

“ano ka ba!, kaya ko na sarili ko” Nakangiti kong sabi at ihihiwalay na sana ang kanyang kamay sa aking braso ng mas lalong hinigpitan nya ito

“hindi pwede!, sasamahan kita sa ayaw at sa gusto mo, tayo na” Sabi nya

Kaya wala na akong nagawa at kinuha na ni nate ang pera na ibibili ng suka

“punta na kami nay” Paalam ni nate

“mag-iingat kayo” Sabi naman ni nanay si tatay naman ay nagpapasada

Sinimulan na naming naglakad ni nate papunta sa store ni aleng romina at grabeh!! nakakamatay ang katahimikan sa pagitan naming dalawa…

Gosh!!, gusto kong magsalita pero ayaw naman ng dila ko

Gusto kong tanungin peri natatakot naman ako sa sagot

Gusto kong malaman pero mahirap pala

“ahmmm… Nate-Ross” Sabay naming sabi sa aming nga pangalan

“ano yun?” Tanong nya

“ah mauna ka na” Sabi ko naman

“hindi ikaw na” Sabi nya naman

“ikaw na” Sabi ko naman

Movie Clip 29

Ross Pov

. “gusto kita!” Sabi nya at nanlaki ang aking mata

“a.. Ano.. Pakiulit nga” Sabi ko sabay kulikot ng aking teynga, baka may dumi kaya iba narinig ko

“gusto ko kita ross” Sabi nya at hindi nga ako nagkakamali ng aking narinig

Ang lalakeng nasa aking harapan ay gusto ako…

At parang may sumabog sa aking kaibuturan na dahilan para magdiwang ito

At ang ipinagtataka ko bakit ang lalim ng tagalog ko hahahhaha

Magsasalita na sana ako ng biglang

“ang sweet naman” Sabi ng isang boses at ng tumingin kami kung nasaan iyon ay nakita namin si kester at may kasamahan syang mga ibang lalake at tumatawa sila sa sinabi ni kester patungkol sa amin At nakita kong may hawak-hawak silang mga kahoy

“anong ginagawa nyo dito! ?” Maangas na tanong ni nate sabay pinunta nya ako sa kanyang likuran na oarang prikoprotektahan

“aba matapang ka ah!, sugurin nyo sya!” Sabi ni kester at sinugod kami ng kanyang mga kasamahan..

Nakipagsuntukan si nate kahit alam kong matatalo sya ay ginagawa nya ang lahat para protektahan ako kaya

“tulong-tulungan nyo po kami!!” Sigaw ko at nakita kong pinagkakaisahan na nila si nate

Maya-maya lang ay sinapok ni kester sa likuran ng ulo si nate dahilan para mapatumba ito

“prrrrtt..” At merong dalawang tanod ang papalapit sa amin at nagsitakbuhan naman ang mga tanod sa gawi namin

Dali-dali kong niyogyog si nate pero habang ginagawa ko iyon ay may dugo akong naramdaman sa bandang likuran ng ulo ni nate kaya doon na ako nagpanic.

Movie Clip 30

Ross Pov

..

Nandito ako ngayon sa labas ng hospital at nasa ER ngayon si nate

Natatakot na ako kasi grabeh yung pagdudugo ng ulo ni nate habang tinatakbo namin sya dito sa hospital

“asan ang anak ko?” Tanong ng humahangong si nanay yolly at tumatakbo sya palapit sa kinauupuan ko kasama si tatay

Tumayo naman ako tyaka sinabing nasa ER pa ito, kaya napaupo na lang ang mag-asawa

“sorry po nanay, dahil po sa akin kung bakit nangyari kay nate to” Sabi ko

“hindi anak.. Wag mong sisihin ang sarili mo, ganito na lang, umuwi ka muna at magpalit ng damit, tignan mo ang dumi na ng damit mo” Suhesta ni nanay

“pero…” Sabi ko

“wag kang mag-alala, kami na ang bahala dito” Sabi naman ni tatay kaya wala na akong nagawa at umuwi muna ako para magpalit, tyaka babalik din ako mamaya


Habang nagpapalit ako ay bigla kong naalala ang aking cellphone na pinatay ko nung tumatakas ako…

Naisipan kong buksan ito kaya kinuha ko ito tyaka umupo sa gilid ng higaan tyaka ko binuksan ang cellphone at ng nabuksan ko na ito ay ang daming mga miss calls ang nagsilabasan sa aking notification

Papatayin ko na sana ulit ng biglang may nagtext kaya tinignan ko ito agad-agad

Kung nababasa mo ito, umuwi ka ngayon dito sa mansyon kong ayaw mong mamatay talaga ang tita mo!

Oo!, buhay ang tita mo at kung gusto mo pa syang mabuhay pa ay siguraduhin mong makakauwi ka

ngayon

Movie Clip 31

Ross Pov

Nandito na ako ngayon sa maynila at pauwi na sa mansyon at habang nagbyabyahe ako ay hindi ko mapigilan ang aking nga luha na pumatak habang nakafocus sa kalsada na aking tinatahak

Flashback

Nung nabasa ko ang text na iyon ay hindi ako nagdalawang isip na bumalik sa mansyon nung nalaman ko na buhay pa si tita liss

Dali-dali akong nag-impake at kumuha ng papel at ballpen para mag-iwan ng  isang mensahe tyaka ko iniwan ang card ni tita sa kasama ang papel sa lamesa dito sa loob ng kwarto

Lumabas ako sa bahay dala ang bag at nagpara ng isang tricycle para puntahan ang aking sasakyan sa centro na kung saan duon ipinagawa ni nate ang aking yellow brillant car, buti na lang may natitira pa akong pera

Sa aking pitaka at yun ang pinambayad ko sa ginawa sa aking sasakyan

At tyaka na ako nagbyahe papuntang manila

End of flashback

At habang iniisip iyon ay hindi ko namalayan na may papalapit na pa lang malaking sasakyan sa harapan ng aking harapan

Bogshhh… Plajkkkk…

nagbanggaang sasakyan

Movie Clip 32

Nate Pov

1

month later……

Isang buwan na nung nagbuhat ng iniwan kami ni ross, iniwan ako

Tandang-tanda ko pa kong ano ang nakalagay sa sulat nun nung binigay sa akin ni nanay ang sulat ni ross, tatlong araw bago ako nagising sa aksidenteng nangyari sa aming dalawa

Flashback

Nagising ako at nakita ko sina

nanay

at tatay sa tabi ng aking higaan, nilibot ko ang aking paningin para hanapin kung nandito ba si ross ng biglang magsalita si nanay

“wala na si ross, bumalik na sya sa mansyon nila”

Malungkot na sabi ni nanay

At ng marinig ko iyon ay gusto kong bumangon para sundan ito

“wag ka munang bumangon anak”

Sabi ni tatay

“hindi pwede nay, na umalis na lang ng ganun si ross, baka may nangyari! “

Sabi ko naman

At may inabot sa akin si nanay na papel kasama ang isang card

Binuklat ko ang papel at binasa ang nakasulat at hindi ko mapigilang mapaluha

“nanay, tatay babalik na po ako sa mansyon, patawarin nyo ako sa nangyari kay nate, gusto ko pong sabihin na masaya ako na naging parte ako ng inyong pamilya, natuto akong maging masaya sa mga simpleng bagay-bagay at nagpapasalamat ako sa inyo, nagpapasalamat din ako kasi pinatuloy nyo ako ng walang pag-aalinlangan.

Masakit man sa akin pero kailangan kong bumalik, may aasikasuhin lang ako, wag po kayong mag-alala sa akin😢.

(proceed to Movie Clip 33)

Movie Clip 33

( continuation of the letter)

At para kay Nate naman.. Masaya ako kasi gusto mo ako…

Sa totoo lang sa araw na dapat na magkasama tayong bibili ng suka, tatanungin ko na sana kung may gusto ka sa akin para makomperma kung pareho tayo ng nararamdaman…

Oo.. Tama ang nabasa mo.. Gusto din kita..

Pero malungkot din ako ngayon kasi hindi ko inaasahan na ngayon na ang araw na babalik na ako sa mansyon…

Nanay at tatay kung nabasa nyo man ito ay wag po sana kayong magagalit kay nate kasi nagkagusto sya sa isang baklang kagaya ko..

Sana matanggap nyo sya at sana matanggap nyo din po ang aking nararamdaman sa inyong anak

Alam kong hindi pa ito ang huli nating pagkikita…

Sisiguraduhin kong babalik ako sa inyo..

At kung nakikita ninyo ang card na iyan

May laman po yang pera, wag po kayong manghinayang na gamitin yan para sa hospitall bill ni nate dyan, isipin nyo na lang na ito ang aking kabayaran sa inyong kabuting binigay sa akin..

At gamitin nyo ang matitira pag kinakailangan…

Mahal ko po kayo nanay at tatay…

Kayo na ang tunayong

m

ga magulang ko…

Mag-iingat kayo

At ikaw namang damuho ka…

Iwasan mo ang gulo..

Alagaan mo sina nanay at tatay..

Mahal ko kayo.. Gusto kita at mahal na din kita damuhong Nate😢❤️

Movie Clip 34

Nate pov

Flashback continuation..

Nalukot ko ang papel habang umiiyak, grabeh ang aking pag-iyak at hindi mapigilan ni nanay na yumakap sa akin at pinapatahan ako, napayakap nadin ako sa kanya at talagang napahagulgol ng malakas

Nakita ko namna si tatay na nakatayo lang sa gilid ng aking higaan at ramdam kong malungkot rin sya sa aking sinapit

“patawarin nyo ako, kasi nagmahal ako sa maling tao, sa ibang kasarian, pero nanay at tatay bakit ganun? …”

Umiiyak kong sabi

Biglang tinapik ni tatay ang aking balikat

“walang mali sa iyong pagmamahal, sadyang mapaglaro lang ang tadhana at kayong dalawa ang pinagtagpo”

Sabi ni tatay at pumapatak nadin ang kanyang luha

“parang anak ko narin ang batang iyon”

Dagdag pa nya

“tanggap ka namin anak.. Masaya nga ako kasi gusto ninyo ang isat-isa”

Sabi ni nanay na may ngiti sa mukha

“hindi kayo galit?, nandidiri?”

Tanong ko

“paano kami magagalit at mandidiro eh.. Anak ka namin.. At walang magulang ang gustong pigilan ang nararamdaman ng kanilang anak.. Kaya kahit magmahal kapa ng aso.. Ay okey lang.. Hahah”

Sabi ni nanay at ramdam kong pinapatawa nya lang ako..

“hintayin lang natin ang pagbabalik nya, ang magagawa na lang natin ay hintayin sya”

Sabi ni nanay at pinunasan ang aking mukha

Na nabaha na a aking

luha

Movie Clip 35

Nate Pov

Hihintayin kita

Yan ang palagi kong sinasabi sa araw-araw na lumilipas at isang buwan na ang lumipas at hindi parin sya bumabalik… Meron na ngang time na parang nawawalan na ako ng pag-asa sa kakahintay sa kanya

Anong ginawa namin sa Card??

*smirk

Ayun nagpatayo sina nanay ng sarili naming store at barbecue-han para pag bumalik si ross ay makakain nya lahat ng paborito nyang barbecue

Pinambayad nila mama sa hospital bill.. At balak sana pa nilang gamitin ang pera para makapag-aral ako.. Para pag bumalik ulit si ross ay makikita nyang nag-aaral na ako, pero ang sabi ko sa kanila na wag muna at magtratrabaho muna ako, kasi gusto kong pera ko ang gagamitin ko sa sarili kong pag-aaral

Hawak-hawak ko parin ang sulat na iniwan ni ross tyaka naisipang lumabas muna at maglakad-lakad..

Kaya tumayo na ako sa pagkakaupo dito sa harapan ng sari-sari store namin at sinimulang maglakad

“saan ka pupunta anak?” Tanong ni mama

“maglalakad-lakad lang ako dyan nay” Sabi ko

“mag-iingat ka kung ayaw mong magalit sayo si ross sige ka” Nakangiting biro ni nanay

At bigla na naman akong nalungkot kasi narinig ko na naman ang kanyang pangalan pero ngumiti na lang ako sa harapan ni nanay para hindi nya mahalata na nalulungkot ako


At habang naglalakad ay may nakita akong nakapaskil sa isang poste na papel

Wanted Bodygaurd

50,000 every month

Manila

Brillantes Mansion

Pls. Cobtact us here, 09263248732 (Author’s Note: number ko po yan.. Ligawan nyo ako mga top na bisexual!! Hahahha)

Hindi ko alam nung nabasa ko iyon ay parang may nag-uudyok sa akin na pasukin ang trabahong iyon..

Kaya kinuha ko ang poster at bumalik sa bahay para ipaalam sa kanila ang magandang balita..

Sana magkita tayo dyan sa maynila mahal ko,

Alam kong malaki ang maynila pero aasa ako na magkikita tayo dyan

Kasi yan na lang ang kaya kong gawin ngayon

Ay umasa..

Movie Clip 36

Nate Pov

.

.

.

.

.

.

“oh anak, nandyan ka na pala, at ano yang hawak mo dyan sa kamay mo?” Tanong ni nanay at lumapit ako sa kanya tyaka ko tinapat ang papel sa kanyang mukha

“ay ano ba yan!, hindi naman ako bulag para ilapit mo ng sobra eh” Natatawang sabi ni nanay tyaka nya kinuha ang papel na nakatapat sa kanyang mukha at binasa ang nakalagay

“totoo ba ito?, aba maganda na itong trabaho, pero delekado naman”. Sabi ni nanay

“okey lang nanay, basta kahit anong uri ng trabaho papasukin ko para makapag-ipon ako ng perang gagamitin ko sa aking muling pag-aaral sa pasukan basta marangal na trabaho ah hahahha” Sabi ko

“oo nga pero sa manila ito anak, masyadong malayo yata ang pupuntahan mong pagtratrabahuan” Sabi ni nanay

“kahit na nanay, malaki-laki na ang sweldong makukuha ko dyan” Pamimilit ko kay nanay

“yun lang ba ang pupuntahan mo sa maynila o baka may iba ka pang sadya?” Takang tanong ni nanay

“nay” Mahina kong sabi, alam kong si ross na naman ang sasabihin nya

“oh sya! Hindi na kita papakialaman sa desisyon mo, malaki ka na, ako narin ang bahalang magpapaliwanag sa tatay mo” Sabi ni nanay at yinakap ko na lang ito tyaka pumasok sa bahay para ihanda ang aking mga gamit kasi pag nakapagpaalam na ako kay tatay mamayang gabi ay bukas na bukas narin ay luluwas akong papuntang maynila.

Ross hintayin mo

ako

Movie Clip 37

Nate Pov

.

.

.

.

.

Nandito na ako sa harap ng malaking gate at chineck ulit ang address kong tama ba ako ng pinuntahan

At nakita ko ngang Brillantes Mansion ang nakalagay sa gate kaya tama ang pinuntahan ko

Nilinga-linga ko ang aking paningin sa paligid at masasabi kong malawak ito, kitang-kita ko pa ang covered court sa likuran ng mansion, maganda rin ang harap ng mansion na parang dinesenyo ng mabuti

Maya-maya lang ay bumukas ang malaking pintuan at lumabas ang isang yaya na may kaidaran na, nakita nya ako kaya naglakad sya palapit sa gate kung saan ako nakatayo

“ano ang iyong sadya binata?” Tanong neto sa akin

“ah mag-aaplay po sana ako ng trabaho” Sabi ko

“trabaho?, anong klase ng trabaho iyan iho?” Tanong neto

“bodyguard po” Sagot ko sa tanong nya

Magsasalita na sana na ang yaya ng biglang may nagsalita malapit sa pintuan ng mansyon at ng tumingin ako ay may nakita akong matanda na maganda ang kanyang kasuotan

“ano daw ang kailangan?” Tanong neto sa yaya na aking kausap

“mag-aaply daw sya ng trabaho bilang bodyguard, Don. Riss” Sabi ng yaya at doon ko lang mapagtanto na ang matandang nakatayo ay sya pala ang may-ari ng mansyon.

“edi papasukin mo na dito” Sabi nya kaya pumunta ang yaya sa gilid ng gate at may pinindot dahilan para magbukas ang gate na nakaharang sa aking harapan

Astig..

Movie Clip 38

Nate Pov

.

.

.

.

.

Pumasok kami sa loob at inilibot ko ang aking paningin sa loob neto at talagang nakakamangha ang ganda na aking nakikita ngayon

“yaya ipaghanda mo kami ng meryenda” Sabi ni Don. Riss sa yaya at nag bow naman ito tyaka umalis at pumunta sa malaki nilang kusina na kitang-kita dito sa sala

“doon tayo iho” Sabi ni Don. Riss sabay turo sa gitna ng sala na may sofa na uupuan doon

Kaya naglakad na kami papunta doon tyaka umupo


“anong pangalan mo?” Tanong neto sa akin

“nate bendulla po” Sagot ko

“tagasan ka?” Tanong nya ulit

“Vigan Ilocos Sur po, brgy. Rosa” Completong sabi ko sa aking address

“pasok ka na sa iyong trabaho” Sabi neto kaya nagulat ako

“talaga po?, salamat po” Sabi ko

“ang pagiging bodyguard mo ay mahalaga, dapat alerto ka, dapat magaling kang humawak ng baril, at dapat magaling ka sa close combat” Sabi nya

Kaya nanghinayang ako ng kunti at alam kong napansin  iyon ng matanda

“haha wag kang mag-alala, lahat ng pumapasok dito sa amin bilang bodyguard ay nabibigyan sila ng 1 month para mag ensayo at para matutunan lahat ng dapat matutunan bilang bodyguard, at libre yun, libre rin ang iyong pag-aaral at tyaka may sweldo ka ding 50k monthly, kaya wag kang manghinayang iho, at gawin mo na lang ang makakaya mo sa isang buwang pag-eensayo mo” Mahabng sabi ng matanda at napatango na lang ako

Kakayanin ko ito

Movie Clip 39

Nate Pov

.

.

.

.

.

.

Isang buwan na pala ang nakakalipas nagbuhat ng dumating ako sa mansyon para maging bodyguard at para mag-ensayo

At sa isang buwan na iyon ay wala akong naging balita kina nanay at tatay kasi kasama sa isang buwan na iyon na bawal ang paggamit ng cp o kahit na ano para makontact ang mga magulang..

Makakausap mo lang sila pag natapos na ang pag-eensayo

At sa isang buwan na iyon ay natuto akong humawak ng baril, natuto ako sa mga close combat, at masasabi kong marami na akong natutunan at marami naring nagbago sa akin

Hindi yung katawan kundi ang aking pag-iisip..

Kasi natuto akong isipin ang kapakanan ng ibang tao bago ako, yan ang palaging pinapaalala sa amin ni Don. Riss sa tuwing bumibisita sya sa aming pag-eensayo

Kumusta katawan ko??

Ayun regular na body built ng isang college guy hindi yung putok na putok ang muscle kundi katamtaman lang ang aking mga muscles sa katawan

Isang buwan na naman ang lumipas at si Ross lang ang tanging tumatakbo sa aking isipan aside sa aking mga magulang

Kumusta na kaya sya?

Ano kaya ang ginagawa nya?

Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pintuan ng aming kwarto

At tumambad sa amin si ate yaya na parang napagod sa kakatakbo

“nandito ang apo ni Don. Riss si Young master, lumabas daw tayong lahat, lalong-lalo na kayong mga baguhan sa trabaho dito sa mansyon” Sabi nya kaya dali-dali akong nagdamit tyaka nakisabay narin sa mga kasamahan ko sa kanilang paglabas sa aming kwarto

At nakakita ako ng taong hindi ko inaasahang makikita sa araw na ito

Movie Clip 40

Nate Pov

.

.

.

.

.

Parang nakakita ako ng multo, Namanhid ang aking katawan, Kumikinang ang aking mata dahil sa luhang nagbabadyang gustong bumagsak, Napipi ako, At tyaka hindi ako makapag-isip ng maayos dahil ang taong matagal ko ng hinihintay ay nasa harapan ko na, sya pala ang apo ni Don. Riss

Marami akong gustong tanungin sa kanya pero ang unang ginawa ko ay lumapit agad ako sa kanya tyaka sya yinakap ng mahigpit

Ramdam kong naestatwa ang kanyang katawan sa aking pagkakayakap at kita ko rin sa mga ibang naninilbihan na nagulat din sila sa aking ginawa

Maya-maya lang ay bigla akong natumba at nasa ibabaw ko na si Ross habang ang kanyang siko ay nakatapat sa akin leeg

“who are you to touch me!? “ Bulyaw neto tyaka sya tumayo at pinagpag ang kanyang damit..

Ako naman ay nalilito Bakit ross? Bakit parang hindi mo na ako naaalala?

“kilala mo ba sya apo?” Tanong ni Don. Riss kay Ross

“never in my wildest dream lolo, ngayon lang nga kaming nagkita eh.. And he got the nerves to hug me, kahit na ngayon ko lang  sya nakita, pasalamat ka at parang baguhan ka lang ngayon, kaya i cannot fire pa” Sabi nya sa akin at ako naman ay biglang napatayo tyaka nag-bow at nagsorry habang nakatingin sa mata ni Ross

Sana makita mo ang gustong ipahiwatig ng aking mata

Masakit at

nakakalungkot

kasi hindi mo na ako naalala

Movie Clip 41

Nate Pov

.

.

.

.

.

“anong naisip mo bro?, at yinakap mo si young master, mukha pa namang suplado” Sabi nya

Gusto ko itong sagutin na namiss ko ang taong sinasabihan nyang suplado pero

“ah wala.. Kamukha nya kasi yung pumanaw kong kapatid kaya hindi ko mapigilang yumakap sa kanya kanina” Ang aking pagdadahilan sa aking mga kasamahan

Bakit parang magkakasama kami sa iisang kwarto?

Meron kasing sariling kwarto ang mga yaya na tagapagsilbi sa mansyon, iba naman ang mga drivers, at iba din ang aming silid na mga bodyguards..

Pero nandito ako ngayon nakahiga sa aking higaan at hindi ko mapigilang mapa-isip

May nagyari ba kay ross nung pauwi sya?

Nadisgracia ba sya?

Kasi pag nakakaalala sya, eh bakit close na close sya sa lolo nya na sinabi nya noon sa amin nila tatay at nanay na ang lolo nya ang pumatay sa mga magulang nya

Parang may mali sa mga nagyayari…

At hahanapin ko ang sagot kung bakit ganito ang nagaganap ngayon

“alam nyo bang nadisgracia si Young master nung papauwi daw sya dito sa mansyon kaya pinagamot nila sya sa amerika para mapabilis ang pagkaka-gamot sa kanya” Usapan ng mga kasamahan ko at nagkaka-tugma na nga ang aking mga iniisip na katanungan sa aking isipan kanina pa

Napakuyom na lang ako ng aking kamay, kahit gusto ko ng puntahan si Ross para yakapin dahil sa kanyang sinapit pero

Ang magagawa ko muna ngayon ay ang ipaalala sa kanya na ako si nate bendulla at hinihintay sya nila nanay at tatay doon sa bahay

At ipapaalala ko din sa kanya na gusto namin ang isat-isa

Maghintay ka Ross, mahal ko😢

Movie Clip 42

Ross Pov

. . .

Pababa na ako ng hagdan suot ang aking gucci brand outfit at nakita ko ang isang yaya na nasa sala na naglilinis

“hey you!!!” Tawag ko sa kanya at napatingin sya sa gawi ko, sabay turo nya sa kanyang sarili

“ay hindi yang hawak mong panlinis!!, syempre ikaw!!, pakitawag nga yung lalake na yumakap sa akin kahapon, nate ba pangalan nun?” Tanong ko

“opo nate po” Sabi nya

“eh anong ginagawa mo dyan!?, tawagin mo na sya!” Sigaw ko at kumaripas naman ng takbo papunta sa kwarto ng mga bodyguards at nakita ko pa syang nadulas tyaka tumayo ulit kaya hindi ko mapigilang mapatawa sa katangahan nyang taglay

Nate Pov

.

.

.

.

.

“nate gising!, tinatawag ka ni young master” Sabi ng gumigising sa akin at ng narinig ko ang binanggit nyang young master ay agad-agad akong napabangon at nagulat naman si ate yaya

“bakit daw ate?” Tanong ko

“pupunta yata kayo sa rich mall” Hula naman nya kaya hindi na ako nagdalawang isip at kumaripas ng takbo papuntang banyo para maligo


Tinatahak na namin ang daan papuntang rich mall at nasa likuran naman si ross na nakaupo kaya malaya ko syang natitignan sa rear mirror ng biglang

“kanina ka pa!, wag mo nga akong matigna-tignan!, it creeps me out!” Singhal nya sa akin

Kaya binalik ko na lang ang aking tingin sa kalsada at tyaka ngumiti

Ang cute mo parin kahit inis na inis ka na

Movie Clip 43

Nate Pov

.

.

.

.

.

Nandito na kami sa rich mall at putcha ang dami kong bitbit na mga paper bag na naglalaman ng nga damit na kinukuha nya lang dito sa mall

Eh.. Anong masasabi ko.. Oo.. Kinukuha nya lang hindi nya binabayaran, ganyan talaga pag pagmamay-ari lang nya ang mall

Ang dami-dami nyang kinukuha na damit na pang matanda at iba pa…

“ahm.. Saan mo ba gagamitin ang mga ito?” Tanong ko sa kanya

“call me young master, and please I dont remember you, so don’t talk casually to me, kung ayaw mong masisante” Sabi nya at bigla ko namang naalala na hindi nya pala ako naaalala

Kaya napatango na lang ako sa kahihiyan

Ngayon naman ay nandito na kami sa make-up station

At tudo kuha lang sya ng mga make-ups at iba pa…

At talagang walang syang pakealam sa mga kinukuha nya,Gumamit na pa nga sya ng cart sa sobrang dami ng kinukuha nyang mga make-up


Habang kumukuha sya ng make-up ay merong lumapit sa akin na grupo ng mga kababaihan

At tinatanong ang aking pangalan, sinagot ko naman sila, at nakipagkwentuhan sa kanila para ientertain sila para kahit pano ay may makausap ako, sa kakahintay kay Ross

Ng biglang

“bibili ba kayo o makikipaglandian kayo sa bodyguard ko?” Tanong ng isang seryosong boses Kaya napalingon kami sa pinanggalingan neto at nakita namin ang seryosong mukha ni Ross

Movie Clip 44

Nate Pov

.

.

.

.

Kitang-kita ko ang matalim na tingin ni Ross sa mga babae na kausap ko

Kaya hindi ko mapigilang mapangiti ng patago

Pero masama ito baka may magawa pa si Ross sa kanila.. Lalapitan ko na sana sya ng biglang inabot ng isang babae ang aking kamay tyaka nya ako hinila, kaya ang dating ay nakapulupot na yung isa nyang kamay sa braso ko

“at sino ka naman?, bodyguard?, o baka boyfriend mo sya?, o binayaran lang para maging girlfriend ka nya?” Natatawang sabi ng babae kay ross, pipigilan ko na sana sya ng magsalita naman si Ross

“haha (*insert sarcastic tone) , are you idiot? or sadyang hindi mo narinig ang tinanong ko kanina” Sabi naman ni ross at ramdam kong humigpit ang pagkakapit ng babae sa aking braso, pahiwatig na naiinis na sya kay Ross

“yes bibili ako!, and who are you to tell me that I am idiot? , hindi mo ba alam na isa kami sa mga shareholder dito sa mall na ito at ang pamilya ko ang may pinakamalaking share!, kaya kung tutuusin parang mall ko na ito” Sabi ng babae

“ah.. Tek..” Naputol agad ang aking sasabihin ng tumawa si Ross

“ah.. Kaya pala, ama mo ba si Mr. Abalos?” Tanong ni Ross sa babae

Movie Clip 45

Nate Pov

.

.

.

.

.

Natahimik ng panandalian ang babae pero ngumisi ito tyaka tinignan si Ross

“oo, ama ko sya, at pwede kitang ipakaladkad ngayon sa nga security guard dito dahil ininsulto mo ako, guard!!!” Sigaw ng babae

At may lumapit na dalawang guard sa babae, nakita ko naman si Ross na walang ka nerbyu-nerbyus na makikita sa kanyang mukha

“kaladkarin ang baklang yan!” Sabi ng babae at ng tumingin ang guard sa pwesto ni Ross at nagulat sila kaya napa-bow na lang sila bigla na ikinagulat naman ng babae na kanina pa nakapulupot sa aking braso

“anong ginagawa ninyo!!!, kaladkarin nyo na sya!!!” Sigaw ng babae

“hindi po namin iyon magagawa maam” Sagot ng isnag guard

“ano!!??, gusto nyo bang masisante!?” Tanong ng babae sa guard na nagsalita

“nakalimutan kong sabihin sayo, ako si Ross Brillantes ang may ari ng mall na ito, guard palabasin ang mga babaeng yan!!” Sigaw ni ross at ng hawakan sana ng guard ang babae ay nagwala ito

“and one more thing (sabay kuha ni ross sa cellphone neto sa bulsa, at may pinindot tyaka nya tinapat ang cp sa kanyang teynga) Secretary Kim, can you do me a favor, remove Mr. Abalos sa listahan ng mga shareholder at kunin nyo rin lahat ng binigay nating share sa kanilang business” Sabi ni Ross at natahimik ang babae

“guard!!, tawagin nyo ang iba at kaladkarin ang mga yan palabas ng mall ko!!” Sigaw ni ross at nagsidatingan ang mga ibang guards at kinaladkad ang grupo ng babae kahit na nagwawala na sila

“and you!!!” Sigaw nya sa akin sabay turo narin

“yes young master?” Nerbyus kong tanong

“umuwi na tayo” Sabi nya kaya nag-bow na ako tyaka kinuha ang mga bagong paper bag na naglalaman ng make-up..

Nagseselos ba sya?

Movie Clip 46

Nate Pov

.

.

.

.

.

.

Nakapasok na kami sa mansyon at biglang humarap sa akin si Ross kaya nagulat ako, isama mo pa na ang talim ng kanyang tingin

“what is your name again?” Tanong ni ross sa akin, at sa sandaling narinig ko iyon ay parang nasaktan ako

Kaya, mo yan nate

“nate po young master” Sagot ko sa tanong nya

“mr. Nate, gusto mo bang ipaalala ko sayo kung ano ang trabaho mo!?” Singhal nya

Galit parin sya?

“hindi po” Sabi ko

“exactly!, kasi alam mo kung ano ang trabaho mo, at yun ay ang bantayan ako, hindi yung nakikipaglandian ka sa mga grupo ng babae dun sa mall na parang gusto mo na silang kantutin!” Bulyaw nya

Hindi sana ako magsasalita pero nung narinig ko ang sinabi nya sa huli ay nagsalita na ako

“ hindi po ah.. Sino ka para sabihin yan sa akin!!, hindi mo lang ako maalala ganyan na ang pag-iisip mo sa akin!, abah! Hindi po ako nakikipaglandian kanina!, sadyang friendly lang akong binata, halikan kita dyan eh.. “ Sabi ko naman sa kanya pero yung huling sinabi ko ay mahina lang

“ ano yung sinabi mo?“ Tanong nya

“ wala po young master, pasensya na po kanina“ Sabi ko sabay bow sa harapan nya. Tsk

“next time, ayusin mo trabaho mo kung ayaw mong masisante ng maaga, pwede ka ng bumalik sa kwarto mo! “ Sabi nya at tyaka umalis at nagtungo na sa kanyang kwarto na nasa second floor

Tsk… Kung hindi lang kita mahal eh..

Movie Clip 47

Ross Pov

.

.

.

.

.

Naglalakad na ako papuntang kusina at nakita ko si lolo na nakaupo na doon

“morning lolo” Nakangiti kong sabi

“oh gising ka na pala, maupo ka na dito at kakain na tayo” Sabi nya kaya tumango na lang ako tyaka umupo, kasi nagugutom nadin ako


Isusubo ko na sana ang kanin ng magsalita si lolo

“meron pala akong nakalimutang sabihin” Sabi nya kaya napakunot ang aking noo At napatingin ako sa kanya

“ano naman iyon lolo?,may nangyari ba sa kompanya? , or what so ever?” Tanong ko sa kanya

“wala naman (sabay tingin ni lolo sa isang yaya na nasa tabi nya) pakitawag nga si nate” Sabi nya

“and why is that lolo?” Takang tanong ko

“just eat your food apo, malalaman mo din pag nandito na sya” Sabi ni lolo kaya wala na akong nagawa kundi kainin ang pagkaing nakahain

Maya-maya lang ay nakita ko na si nate na nakatayo sa aming harapan

“pinapatawag nyo daw po ako Don. Riss?” Sabi nya

“ah.. Oo, naalala ko kasi na pasukan na sa next week, at naalala ko rin ang kontrata, kaya sa next week ay magsasabay na kayong papasok ni Ross sa Rafael University, pero babantayan mo parin sya” Sabi ni lolo

“what!?” Gulat kong reaction

“salamat po Don. Riss” Nakangiting sabi ni Nate tyaka tumingin sa akin na may ngiti rin sa mukha na parang nang-iinis na ewan tyaka sya umalis..

Arggghh..

Movie Clip 48

Nate Pov

.

.

.

.

.

Nakapalit na ako ng damit kasi ito na ang unang araw ko sa Rafael University kasama si Ross, nakabili nadin ako ng mga gagamitin ko sa University kasi nung sunday ay naisipan ko ng bumili para hindi na ako mahirapan pag malapit na ang pasukan

“nasaan na ba ang nate na yan!!??” Sigaw ng isang boses at alam ko na kung sino yun, kaya dali-dali na akong lumabas sa kwarto at nakita si Ross na nasa sala habang nakataas ang isa nyang kilay na nakatingin sa akin


“Akin na apo yang bag mo young master” Alok ko kay ross habang papasok na kami ng University

At bigla syang tumingin sa akin at seryoso ang mukha neto

“hindi ako baldado para kunin mo ang aking bag, and second pag nasa university tayo, tawagin mo lang ako sa pangalan ko, kahit huwag ng young master, okey!?” Sabi nya kaya tumango na lang ako

Nako-nako! Mahirap ng masigawan kay ross kaya ang magagawa ko na lang ay tumango


“ meron kayong bagong classmate, please introduce yourself“ Tukoy sa akin ng prof kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa harapan para magpakilala

“Hi, musta?, ako nga pala si Nate Bendula, at 20 na pala ako” Nakangiti kong sabi at kitang-kita ko sa mga babae na nagkakainterest sila sa akin.. Tsk.. Hindi naman sa nagmamayabang pero gwapo talaga ako.. PERIOD hahahha

Movie Clip 49

Nate Pov

.

.

.

.

.

2 weeks na ang nakakalipas at nakapag-adjust na ako dito sa bago kong university

Kamusta kami ni ross?

Ayun hindi nya parin ako naaalala

Meron pa ngang time na naisipan ko ng sumuko at gawin na lang ng mabuti ang trabaho ko, pero lagi kong naaalala yung pinagdaanan nya noon at yun ang nagtutulak sa akin para huwag sumuko at laging babantayan si ross

Pero ang nakakatangina lang kasi ay merong umaaligid sa kanyang mga kalalakihan

Kagaya nung nasa canteen kami

Flashback

“para sayo”

Sabi ng isang lalake kay ross sabay abot ng isang juice kaya ang ginawa ko ay umakto akong nabibilaukan tyaka kinuha ang juice at ininom ito

At marami pang iba

Kaya sa tuwing may umaaligid sa kanyang mga lalake ay eeksena na agad ako

At ngayon nga ay nasa library kami, Nawala lang ako saglit may katabi na syang lalake kaya dali-dali akong lumapit at hinaglit ang kwelyo ng lalake tyaka sya inambahan ng suntok dahilan para kumaripas ito ng takbo at tyaka ako umupo sa tabi ni Ross na wala man lang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid nya


Naka-upo na ako dito sa loob ng classroom at hinihintay si ross ng biglang may lumapit na babae at inabot sa akin ang chocolate kaya kukunin ko na sana ito ng biglang kinuha ni ross at sinabing

“baka may lason (sabay tapon sa basurahan) tyaka sya umupo sa kanyang upuan at hindi na pinansin ang babaeng nagbigay sa aking ng chocolate at bumalik na lang ito sa kanyang upuan

Movie Clip 50

Nate Pov

.

.

.

.

“okey class dismissed” Sabi ni prof at nagsitayuhan na ang mga kakalase ko kaya tumayo narin ako tyaka tinignan si ross na nakaupo parin at inaayos ang laman ng kanyang bag

“bye nate” Sabi ng mga babaeng kaklase ko tyaka sila lumabas

At nakita ko naman si ross na parang may binubulong kaya nagtanong ako

“may sinasabi ka po ba Ross?” Tanong ko

“may narinig ka ba?” Tanong nya sa akin at damn!!! ….. Wala talagang makakatalo sa kasupladan ng lalakeng to…

“tayo na, nandyan na ang sundo natin” Sabi nya at lumabas na kami ng classroom at ng nasa gate na kami ng university ay nakita na namin ang kotse ng mansyon at kanina pa pala ito naghihintay sa amin

Umupo ako sa harapan at si ross naman sa likuran

Kaya nagpapasimpleng sulyap ako sa gawi nya at buti naman hindi nya ako napapansin pag nagkataon sisigawan nya na naman ako


Nakapagpalit na ako ng aking pantulog na damit at naisipang humiga na, kasi nakakapagod ang araw na ito, nalala ko pa ang ginawa ni ross sa chocolate kaya hindi ko maiwasang isipin na nagseselos sya kanina kaya Napangiti na lang ako sa aking naiisip

At dahil sa kapaguran ay hinayaan ko na lang ang aking sarili na umidlip at hintayin ang bagong umaga


Third Pov

Tahimik syang pumasok sa kwarto ng mga bodyguards para hindi magising ang mga natutulog at tinabihan nya ang natutulog na si Nate

At hindi nya mapigilang pumatak ang kanyang luha

“miss na miss na kita, siguro napagod ka ngayong araw, alam mo bang nagseselos ako sa tuwing may babaeng lalapit sayo, at mas nagseselos ako pag binibigyan mo sila ng atensyon.., sorry kong nagpapanggap akong hindi kita kilala, sadyang may oras na nakalaan para sa lahat, meron lang akong gustong huliin na tao kaya Nate wag kang susuko, balang araw babalik din ako sayo (sabay hawak sa kamay ni nate) pangako” Sabi ni Ross at lumabas sa kwarto

Movie Clip 51

Ross Pov

.

.

.

.

Lumabas na ako sa kwarto ng mga bodyguard dala ang bigat ng aking damdamin

At tyaka umupo sa aking kama at dinamdam ang lamig ng hangin na lumalabas sa aircon

Habang nakaupo ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari noong pauwi ako galing sa San Fernando, Brgy. Rosa

Flashback

Nung nasa gitna ako ng byahe ay biglang may nagbanggaan sa gitna ng kalsada, sa kasamaang palad ay nadamay ang kotse ko dahilan para nawalan ako ng malay


Ng idilat ko ang aking mata ay nasa hospital na ako at narinig kong may kausap ang doctor sa kanyang cellphone

“nandito sa Mary Hospital si young master”

Sabi neto

At hindi ko maiwasang nerbyusin nung time na yun baka, kasabwat sya ni lolo

Natatakot, at hindi ko alam ang aking gagawin ng maramdaman kong titingin na sa gawi ko ang doctor kaya nagkunwari akong natutulog.

Maya-maya lang ay may pumasok sa kwarto at tyaka nagsalita ang doctor

“kumusta ang vitals nya?”

Tanong ng doctor sa

“wala pong problema doc, sa katunayan ay pwede na po syang lumabas pag nagising na sya”

Sabi ng nurse yata yun.

“hay.. Mabuti naman kung ganon, pwede ka nang umalis, at hihintayin ko pa ang guardian ng pasyente”

Sabi ng doctor

At narinig ko ang pagsara ng pintuan, maya-maya lang ay naramdaman kong may humawak sa aking kamay

“welcome back young master, matutuwa ang lolo mo ngayon na nagbalik ka

na

Sabi neto na nagpalito sa aking isipan

Movie Clip 52

Ross Pov

.

.

.

.

.

flashback

Habang nakapikit ay hindi ko parin maiwasan na mag-isip ng masama

Paano kung ipapatay ako ni lolo dito sa hospital?

Paano kung hindi ko na makikita sina nanay at tatay?

Paano kung hindi ko na ulit makikita si nate?

Yan ang mga katanungan na bumabalot sa akin isipan.

Nandito parin ang doctor at kasalukuyan parin akong nakapikit ng biglang narinig kong nagbukas ang pintuan at

“Ross!, oh my gosh!, doc kamusta sya?”

Yan ang anarinig ko at hindi ko mapigilang mapadilat nung time na iyon at nakita ko ang babaeng nagligtas sa akin na akala ko ay patay na pero nandito sya ngayon at buhay na buhay sa aking harapan

“ti.. Tita.. Pa.. Paano… Paanong buhay ka?”

Nauutal at gulat kong tanong sa kanya

Nakita ko naman sya na parang naiiyak na at bigla nya akong niyakap

“hindi… Buhay ako… Buti nagbalik kana…. Buti ligtas ka….”

Umiiyak na sabi ni tita at hindi ko narin mapigilang umiyak dahil sa tensyon ng emosyon na aking nararamdaman

At tyaka humiwalay na si tita sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking kamay tyaka tumingin sa aking mata

“ ano pong nagyayari tita? “

Takang tanong ko

Ng biglang nagbukas ang pintuan at iniluwal doon ang bulto ni lolo, at nakaramdam ako ng galit ng makita ko sya

ulit

kasi naalala ko na sya ang pumatay kina mommy at daddy

“anong ginagawa mo dito!!!!??”

Sigaw ko sa kanya

Movie Clip 53

Ross Pov

.

.

.

.

.

Flashback

Tumigil ang ikot ng oras na parang nag slow motion ang paligid at tutok na tutok ang aking mata kay lolo na kapapasok pa lamang sa kwarto at ng nagtagal ay napasigaw ako dahil

sa

galit

“ anong ginagawa mo dito!?“

Sigaw ko

“apo”

Mahinang bigkas nya at dahil sa narinig ko sa kanyang bunganga iyon ay hindi ko mapigilang umiyak na naman

“hahhahaha apo!??, may lakas ng loob ka pang tawagin akong apo!!!, kahit pinatay mo ang mga magulang ko!!!, huh!!!!!”

Naiiyak at may galit kong sabi sa kanya

Lumapit naman sya sa akin at hinawakan ang aking kamay na kahit pilit kong inaalis ang kanyang pagkahawak ay wala akong lakas para gawin ito tyaka sya lumuhod at nakatingin sa aking mata

“ patawarin mo sana ako sa aking mga nagawa sayo, patawarin mo ako apo“

Nagmamakaawa nyang sabi

“huh!!!, ang kapal din ng mukha mo!!, para humingi ng tawad, muntikan ng namatay si tita dahil lang sa kayamanang gusto mong maangkin!!”

Sigaw ko ulit sa kanya

“tama na, Ross!, walang kasalanan di Don. Riss, sadyang ginawa nya lang ang nakabubuti sa iyong kapakanan”

Sabi naman ni tita

Kaya napatingin ako sa kanya

“paano mo nasasabi yan tita!!??, muntikan ka ng pinapatay ng matandang ito!”

Sabi ko sabay duro kay lolo

“hindi sya ang

pum

atay sa mga magulang mo, at planado namin lahat ng ito“

Sabi ni tita na nagpagulat sa akin

Movie Clip 54

Ross Pov

.

.

.

.

Flashback

“anong planado?”

Tanong ko kay tita

“merong isang tao ang gustong umangkin sa kayaman na iniwan ng mga magulang mo para sayo, at hindi iyon si Don. Riss”

Sabi ni tita at nakita ko na tumayo si Don. Riss sa kanyang pagkakaluhod

“tama ang tita mo apo, kahit ilang milyon pa yan ay hindi ko kayang angkinin ang kayaman na para lang sa pinakamamahal kong apo at ikaw yun, kaya gumawa kami ng plano ng tita mo sa una’t sapol pa lamang ng storyang ito”

Sabi ni lolo

“hindi ko kayo maintindihang dalawa”

Sabi ko naman sa kanila at talagang nalilito na ako

“noong nakita mo kami ni Don. Riss na nag-uusap sa kusina

(

nasa chapter 2 po yata iyon)

nung nanggaling ka sa rich mall ay dun na nagsimula ang plano, magmula sa aking kapatid na si Tito Loss mo at sa aking pag-acting sa harapan mo, para mailayo ka sa kapahamakan sa taong gustong umangkin ng kayaman ng mga magulang mo“

Mahabang sabi nya

“at sino naman iyon?”

Tanong ko

“sa ngayon hindi pa namin masasabi kong sino sya, ang mahalaga ay alam mo na ang katotohanan na hindi kami ang kalaban dito, lalong-lalo na ang lolo mo”

Sabi ni tita at napatingin ako kay lolo na naiiyak na kaya tumayo ako at yinakap sya

“patawarin mo ako lolo sa mga masasamang sinabi ko sayo kanina”

Sabi ko at tyaka humiwalay sa yakapan namin

“okey lang yun apo, sadyang nadadala lang tayo sa ating emosyon”

Sabi nya

“so ano ang dapat na gagawin ko ngayon?”

Tanong ko sa kanila

“kailangang pumunta ka muna sa amerika at pag-aralan kong pano patakbuhin ang Brillantes Inc. ng isang buwan para sa iyong pagbalik ay pwede mo ng kunin ang dapat na saiyo pa napunta noon”

Sabi ni tita

At napatango na lang ako sa knayang sinabi

End of Flashback…..

Movie Clip 55

Ross Pov

.

.

.

.

Ngayon alam nyo na ang nangyari sa akin noon

Kaya ngayon kong makikita ko man ang taong iyon na pumatay sa mga magulang ko at gustong kunin ang mana ay sisiguraduhin kong magdudusa sya sa kulungan

Naubos na ang aking iniinom na kape kaya naisipan kong pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig

Ng nasa hagdan na ako ay nakita ko naman si Tita liss na kagagaling lang sa kusina at mabilis itong naglakad palabas ng mansyon

Na nag-iwan naman sa akin ng malaking palaasipan

May problema ba si tita liss?


Third Pov

Meron isang tao ang nakaupo na parang isang reyna sa loob ng opisina at hinihithit ang kanyang mamahaling sigarilyo

Habang ang paa neto na may suot na heels ay nasa lamesa na animo ay  parang hindi professional na tao ang itsura

Maya-maya lang ay may pumasok na isang lalake sa opisina at sinabing

“may bisita po kayo maam”

Sabi neto

“papasukin mo” Sabi nya kaya binuksan ng lalake ang pintuan para makapasok ang babae tyaka pumasok ang babae at nag-bow sa isang babae na nakaupo sa kanyang truno

“anong balita?” Tanong ng babae’ng naka-upo

“nagbalik na po si Ross, at kasalukuyan syang nag-aaral sa Rafael University” Sabi ng babae

Ngumiti naman ang babae’ng naka-upo sa babae na kausap nya ngayon

Sisimulan ko na ang plano kung ganon

“magaling, pwede mo ng lisanin ang aking opisina, Liss”

Movie Clip 56

Ross Pov

.

.

.

.

Sabado ngayon at naisipan kong pumunta muna sa beach para magpahangin

Gusto pa sanang sumama ni Nate pero sinupladahan ko lang sya para hindi na sya sumama


Flashback.

“ihanda ninyo ang aking pink brillant car at pupunta ako ngayon sa beach”

Sabi ko sa isang driver

Nakita ko naman si Nate na papalapit sa aking pwesto at alam kong narinig nya ang aking plano na pumunta sa beach

“sasamahan na po kita young master”

Sabi neto

“wag na, hindi ako bata para samahan moko lagi kung saan ako pupunta! “

Sabi ko sa kanya at tyaka lumabas ng mansyon at nakita ko na ang aking pink brillant car na nasa harapan na ng gate


Habang nag lalakad sa gitna ng dagat ay hindi ko maiwasang mamangha sa angking ganda neto kaya

Naglaro ako na parang bata Naglaro ako na parang walang problema At tyaka naglaro ako nang walang iniisip na iba

At ng natapos na akong naglaro sa dagat ay bumalik na ako sa aking kotse at ng bubuksan ko na sana ito ay biglang may kamay na pumulupot sa aking mukha dahilan para may maamoy ako at makatulog dahil sa amoy neto at sa oras na yun ay puro kadiliman na ang aking nakita


Nate Pov

.

.

.

.

.

Hindi ako mapakali kaya naisipan kong sunda si Ross

At pinanuod sya kung pano sya maglaro sa gilid ng dagat na parang bata

Ng nakita ko na syang pabalik ay naisipan ko na sang lumabas para yayain syang kumain ng biglang may nakita akong mga tao na kahinahinala ang kilos kaya’t nanatili ako sa loob

Maya-maya lang ay hinuli nila si Ross na wala ng malay kaya Lalabas na sana ako pero naisipan kong sundan muna sila

At doon ko tatawagin ang mga pulis pag nagkataon para mas mapabilis ang kanilang pagdating

Hintayin mo lang ako

Ross

Movie Clip 57

Ross pov

.

.

.

.

.

Ng idilat ko ang aking mata ay tyaka ko lang naramdaman na may nakapulupot pala dito dahilan para puro kadiliman lang ang aking nakikita

Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan at rinig ko ang tunog ng kanyang heels na papalapit sa akin

“gising ka na palang bakla ka” Sabi neto at hindi ko makilala kong kaninong boses ito

“sino ka!!!??, anong kailangan mo sa akin!!!!!??” Sigaw kong tanong sa kanya at

Pak!!

“manahimik ka, ang ingay mo naman” Mahinhin nyang sabi ng natapos nya akong sampalin

“sino ka ba talaga!?” Madiin kong tanong sa kanya

“manang-mana ka sa lolo mo” Sabi neto kaya natahimik ako

“well, I will make it simple to you, ako lang naman ang pumatay sa mga magulang mo, at karapatdapat na na kukuha sa mana na iniwna nila para sayo, hahahah” Sabi neto at tyaka tumawa ng malakas

“mamamatay tao ka!!, mas masahol ka pa sa hayop!! hayop ka!!!” Sigaw ko sa babaeng nagsabi na sya ang pumatay sa aking mga magulang

“oh my god, paano mo naaatim na sabihin yan sa sarili mong lola” Sabi neto na nagpatahimik sa akin

At tyaka nya tinanggal ang aking piring at nakita ko ang isang tao na matagal ko ng hindi nakikita

“anong ibig sabihin neto?, lola Esperanza?” Mahina at may diin kong tanong sa kanya

Movie Clip 58

Ross Pov

.

.

.

.

“well talagang nasilaw lang ako sa pera, at ang mga magulang mo ay sadyang mahihina” Sabi neto

“anong ibig mong sabihin?” Tanong ko

“yang lolo mo kasi, talagang mahal na mahal ang mga magulang mo na kahit nagkakaroon na ng problema dahil sa pamamalakad ng mga magulang mo sa kompanya ay tinutulungan parin sila neto para makaahon at ng nakaahon na sila ay wala man lang silang ibibigay sa akin na pera!, kaya nung nalaman ko na may itinatabi pala silang pera para sa anak nila ay naisipan kong why not, ipapatay ko sila at kunin ang mana ng kanilang anak” Nakangiting sabi ni lola esperanza sa aking harapan

“huh!, dahil lang dun?, ang babaw ng rason mo namang matanda ka!” Sabi ko at pak!

“hahah, mababaw na kung mababaw, sadyang sa mundo natin ay pera lang ang malayang nakakagalaw, mabuti man ito o masama” Sabi neto pagkatapos nya akong sampalin tyaka may kinuha sya sa gilid ng kwarto na papel at ballpen at itinapat sa akin

“ano naman yan?” Nakangisi kong tanong

“kontrata na kung saan, pepermahan mo ito para mapasakin ang mana” Sabi ni lola esperanza at napatawa ako ng malakas

“hahahhahaha, hindi pa ako  nababaliw para permahan yan hahahaha” Natatawa kong sabi at narinig ko naman ng tumawa rin sya kaya napatingin ako sa kanya

Movie Clip 59

Ross Pov

.

.

.

.

.

Tumatawa sya at nakita kong may hawak syang remote at pinindot ito dahilan para mabuksan ang isang tv at nakita ko doon ang mga magulang ni nate

“at hindi karin baliw para hayaang mamatay sila sa kamay ko diba?” Tanong ni Lola Esperanza

“hayop ka!!” Sigaw ko

“oo hayop ako at magiging demonyo ako pag hindi mo pa yan pepermahan kaya permahan mo na yan, kung ayaw mong madamay ang pamilya ng pinakamamahal mong lalake” Sabi nya kaya nawalan na akong ng lakas at ideya kaya kinuha ko na ang ballpen at tyaka pinermahan ang kontrata

“magaling, madali ka lang pa lang kausap, next week na pala ang anniversary ng Brillantes Inc. sa araw na iyon ay aangkinin ko na ang iyong mana kasama ang companya, kaya maghanda ka na” Sabi ni lola esperanza tyaka umalis

Lola Esperanza Pov

Nakalabas na ako ng kwarto na may malaking ngiti sa labi

“patayin nyo na yan” Sabi ko

Ng marinig ko ang hindi inaasahan

“ilabas nyo na si Ross Brillantes kong ayaw ninyong may mangyaring barilan dito” Sigaw ng isang pulis at nakomperma ko lang iyon ng sumilip ako sa bintana

“nalintikan na, hayaan nyo na sya, tumakas na tayo” Sabi neto


Nate Pov

20 minutes earlier

Nasa harapan na ako ng abandunadong building kaya tinawagan ko na si Tita Liss

“maam, na-kidnapp po si Ross at nandito ako ngayon sa *address” Sabi ko dito

Liss Pov

Tinawagan ko na ang mga pulis at papunta na sila doon sa address na binigay ko

“ano na ang gagawin natin?, gumawa na ng hakbang si Esperanza” Sabi ni Don. Riss sa akin

“wag po kayong mag-alala, gagawa ako ng paraan” Sabi ko tyaka tumayo at linisan ang kwarto

Hmmm.. May plano ka pala Donya Esperanza *smirk


Nate Pov

.

.

.

.

Nakita ko si Ross sa isang kwarto at dali-dali syang niyakap

“okey ka lang ba?, wala bang masakit sayo?, wala ba silang ginawa sayo?, bakit namamaga pisngi mo?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya pero napatigil ako ng ngumiti ito at sinabing umuwi na daw kami kaya wala na akong nagawa kundi sundin ang kanyang kagustuhan at nanahimik na lang tyaka umuwi

Movie Clip 60

Nate Pov

.

.

.

.

.

“kumusta ang aking apo?” Tanong ni Don. Riss

“okey na po sya, nakatulog na po sya sa kanyang kwarto” Sabi ko naman

“mabuti kung ganon, salamat sayo” Sabi nya sa akin

“walang ano man po” Sabi ko

“salamat sayo, dahil kung hindi dahil sayo ay hindi maliligtas ang apo ko ng ganito kadali lang” Sabi nya

“wala pong anuman, lahat po ay gagawin ko para mailagay lang sa ligtas si Ross” Seryosong sabi ko

“bakit parang kilalang-kilala mo ang aking apo?, may gusto ka ba sa kanya?” Nakangiting tanong ni Don sa akin Gusto ko syang sugurin dahil sa rason na nakilala ko si Ross dahil sya ang nagpapatay sa magulang neto dahilan para mapadpad si Ross sa brgy. namin pero buti nalang nakontrol ko ang aking sarili

“ ah..wala po akong gusto sa kanya. Nakikita ko po kasi sa kanya ang aking namayapang kapatid“ Imbento kong sagot sa tanong nya

“ganon ba, pasensya na sa nangyari sa kapatid mo” Sabi neto at tyaka ako tumango


Liss Pov

Nagdala ako ng aking damit at nilagay sa aking bag tyaka lumabas sa kaing bahay at sumakay sa aking kotse

Naisipan ko na kasing pumunta sa Baguio At ipaalam sa kanila ang nangyayari dito

At oras narin para makita ulit ang mga magulang ni Ross, na akala ng lahat ay patay na sila

*smirk

Movie Clip 61

Ross Pov

.

.

.

.

“young master, nasa sala na po si Don. Riss na naghihintay” Sabi ng isang yaya sa akin

“okey, I’ll be right there in just a minute” Sabi ko naman at umalis na ang yaya

Anong nangyayari? Yan yata ang tanong ninyo

Well ito na ang anniversary ng Brillantes Inc. at ito narin ang araw na lalabas si lola esperanza sa event na iyon

At sinabi ko na iyon kina lolo kaya pinaghandaan ko ang kanyang magiging palabas


Lola Esperanza Pov

.

.

.

.

Nandito na ako sa loob ng isang kwarto at rinig na rinig ko na sa labas ang mga boses ng mga mayayamang tao na dumalo sa anniversary ng Brillantes Inc.

“nakahanda na po ang lahat, Donya. Esperanza” Sabi ng isa kong bodyguard

“okey, let’s go” Nakangiti kong sabi

At tyaka lumabas sa kwarto na aking pinagtataguan at nakita ko sa mga taong mayayamang dumalo ang kanilang pagkagulat sa kanilang mga mukha

Sino kasi ang hindi magugulat na ang asawa ni Don. Riss ay dumalo na sa anniversary, na noon ay hindi sya dumadalo neto

Pumunta ako sa harapan at kinuha ang mic

“good morning to each and everyone, I am here today to simply give a warm greetings to all of you (*smirk) and to claim the Brillantes Inc. in my name, at heto ang patunay na sa akin na ang kompanyang ito” Sabi ko sabay pakita ng papeles na pinermahan mismo ni Ross at nakita ko na walang makapagsalita sa kanila dahil sa anunsyong aking sinabi

Movie Clip 62

Lola Esperanza Pov

.

.

.

.

.

Walang nagsalita nung natapos kong sabihin ang aking anunsyo ng biglang may pumalakpak at ng tignan ko kung saang direksyon iyon ay nakita ko sina Ross at ang aking asawa na si Don. Riss na nasa harapan ng malaking pintuan

“tama na ang palabas Donya Esperanza” Natatawang sabi ni Ross sa akin

“hahahah, ano pa ang ginagawa ninyo dito?, wala na kayong lugar dito, kasi sa akin na ang Brillantes Inc.” Sabi ko at tyaka pinakita ulit ang papeles na may perma nya

“nakakatawa ka lola, dahil sa pagkasilaw mo ng pera ay hindi mo napansin ang aking perma na nilagay noong gabing pinakidnap moko” Sabi neto at ang mga dumalo ay hindi mapigilang magbulungan at pinakita rin ni Ross ang hawak nyang papeles na may perma neto at nakita ko na iba nga ang perma na binigay nya

Kaya dahil sa inis ay pinunit ko ang papeles na hawak na may peke nyang perma

“walang ya ka!” Sigaw ko sa kanya

Ross Pov

.

.

.

.

“tapos na ang palabas!” Sigaw naman ng isang tao at ng tignan ko ang direksyon kung nasaan ito ay nakita ko si Tita Liss at napatingin din ako sa dalawa nyang kasama dahilan para bigla akong mawalan ng lakas na parang nanghina ang aking tuhod pero buti na lang nasalo ako ni lolo na nasa aking tabi

Movie Clip 63

Tita Liss Pov

.

.

.

Flashback

“ anong balita?, bigla ka yatang napapunta dito?“

Sabi ni Gilbert

“oo nga, Liss”

Sabi naman ni Maya

“pasensya na kung biglaan, pero kailangan na ninyong magpakita sa anniversary na magaganap next week”

Sabi ko agad sa kanila

“parang biglaan yata?”

Tanong naman ni Gilbert

“pasensya na talaga pero nadadamay na sa kapahamakan ang inyong anak, kaya kailangan na nating umaksyon”

Sabi ko na nagpagulat sa kanila

“kumusta sya Liss?”

Nag-aalalang tanong ni Maya

“nakidnap sya ng lola nyo pero narescue rin kaya okey narin sya pero kailangan na nating magpakita kasi ang mana ng inyong anak at ang kompanya ang habol ngayon ng lola nyo”

Mahabang sabi ko

“kung gayon maghanda na tayo”

Sabi naman ni Gilbert

End of flashback…

The anniversary scene…

“anong nangyayari Liss!? Bakit ka nila kasama!?, at bakit buhay pa sila!!?? “ Tanong ni Donya Esperanza sa akin

Kaya napangiti ako

“una’t sapol pa lang Donya ay hindi mo na ako kakampi, bakit buhay pa sila? Simple lang nilayo ko sila sa kapahamakan at sadyang matanda ka narin at hindi mo napapansin kong sino ang mga kakampi mo, at yung papeles na pinaperma mo kay Ross ay peke din” Nakangiting sabi ko

Flashback….

“liss gumawa ka nga ng papeles na kung saan nakalagay doon ang pagtratransfer lahat ng mga mana  ni Ross at ang buong Brillantes Inc.”

Sabi ni Donya. Esperanza sa akin

Kaya ang ginawa ko ay gumawa ako ng pekeng papeles at yun ang binigay ko sa kanya at ang original na papeles ay pinaperma ko kay Gilbert ang daddy ni Ross

End of flashback….

Maya-maya lang ay pumunta kami sa stage at kinuha ni Gilbert ang mic tyaka sya nagsalita…

Movie Clip 64

Nate Pov

.

.

.

.

Nandito ako ngayon sa stage kasama ang mga ibang bodyguard para magbantay sa event na nangyayari ngayon

Pero dahil sa mga rebelasyong naganap ay hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari

Maya-maya lang ay merong isang lalake na may kaedaran at pumagitna tyaka kinuha ang mic at nagsalita

“ako po si Gilbert Brillantes (sabay pakita naman ni Maam Liss ang isang papeles) at ang papaeles na yan ang magpapatunay na ako na ang ulit ang may-ari ng Brillantes Inc.” Sabi neto at bigla namang nagwala si Donya. Esperanza at biglang hinablot ang baril ng isang bodyguard na nasa tabi nya at tinutok kay Sir Gilbert

“ mga hayop kayo!!, kung ganon, sisiguraduhin ko kayong mamamatay kayo ngayong araw na ito“ Sabi ng matanda at lahat ng mga tao ay walang lakas na naglabas ng ingay at sadyang naghihintay sila kung ano ang susunod na mangyayari

“huwag!!!” Sigaw ng isang boses at nakita ko si Ross na nakatingin kay Sir Gilbert na may pangungulila sa mata

Kaya tumakb o ako

sa harapan at bang!!!!!

“nate!!!” Sigaw ni Ross at napatingin ako sa kanyang gawi na may ngiti sa mukha

Ang matanda naman ay mabilis na tumakas

“habulin nyo sya!” Sigaw ng isang naman ng isang tao at may narinig na lang akong putukan na na nagaganap

Ako naman ay unti-unti ng natutumba pero nasalo agad ako ni Ross

At kitang-kita ko ang kanyang pag-iyak

“tumawag kayo ng ambulansya!!!!” Naiiyak at galit netong sigaw sa mga tao na dumalo

Kaya pinilit kong inabot ang kanyang mukha at pinunasan ang kanyang luha at hinawakan nya din ang aking kamay

“wag kanang umiyak, okey lang ako” Ng sinabi ko iyon ay mas lalong lumakas ang iyak neto

“wag!!, wag ka munang magsalita, malapit na ang ambulansya, kumapit ka lang ah.. Kapit ka lang nate, please, parang awa mo, wag kang pipikit, diba sinabi mo sa akin na kakain pa tayo ng barbecue, ilelebre mo ako ng barbecue at kakain tayo ng magdamang ng mga barbecue” Naiiyak nyang sabi

Nalala mo pala ang mga yun

“mahal kita” Sabi ko at tumango-tango sya

Ross Pov

.

.

“mahal rin kita” Umiiyak kong sabi at nakita kong unti-unti nang pumipikit ang kanyang dalawang mata

“nate!  Nate,!” Sabi ko at niyuyogyog sya at tyaka sya niyakap ng mahigpit

at ang tangi ko na lang nagawa sa mga oras na iyon ay ang umiyak ng malakas

Movie Clip 65

Ross Pov

.

.

.

.

.

Dali - dali naming tinakbo si Nate sa malapit na hospital at yun na nga ay kapapasok lang nila ang katawan ni nate sa ER

kaya napaupo na lang ako sa sahig at tinakpan ang aking mukha kasi hindi ko mapigilang umiyak

“son” Yan ang narinig ko at bigla akong napatingala at nakita ko sina mom, dad, tita at si lolo

Kaya tumayo ako at yinakap silang dalawa

“paanong buhay pa kayo?” Naiiyak kong tanong

“maupo muna tayo dun, at ako na ang magkwekwento kay Ross” Sabi ni tita at nagtungo kami sa bakanteng upuan ng hospital na nasa harapan ng ER at tyaka sya nagkwento

Flashback

Tita Liss Pov

Nung narinig ko ang plano ni Donya Esperanza ay dali-dali akong umalis sa opisina kung saan sila nag-uusap nila Don. Riss na hindi sang-ayon sa plano ng Donya

Kaya nung araw na sasakay sila sa eroplano ay binalak kong pumunta doon ng patago at sinabi sa kanila ang masamang balak ng Donya sa mga magulang ni Ross

Sa una ay nahirapan silang maniwala sa akin pero sa kalaunan ay pinilit nila ang kanilang sarili na maniwala sa akin kaya ng nasa himapapawid na ang eroplano ay kitang-kita mismo ng aming mga mata ang pagsabog neto kaya gumawa kami ng plano na magpakalayo-layo muna sila at mangpaggap na namatay para darating ang araw at magpapakita ulit sila sa publiko para kunin ang dapat sa kanila at sa kanilang nag-iisang anak

End of Flashback…

Ross Pov

Ng narinig ko iyon ay hindi ko maiwasang mas-lalong magalit kay lola esperanza

Kaya ang nagawa ko na lang ay ang yakapin ang aking mga magulang at magpasalamat kay tita tyaka kay lolo

Pero maya-maya lang ay merong pumasok na nurse sa ER at parang may nangyari na masama, kaya nag-aalala ako

Matapos ang ilang sandali ay lumabas ang doctor sa ER

kaya dali-dali akong lumapit at tinanong ito

“kamusta po ang pasyente, kamusta si nate?” Tanong ko

“I’m sorry, pero ginawa na namin ang lahat pero hanggang dito na lang ang buhay ng pasyente” Sabi ng doctor

Kaya napahawak ako sa kwelyo nya kahit mas matangkad sya ng kunti sa akin

“sabihin mong hindi totoo yan!!!, sabihin mo.” Iyak kong sigaw na sabi sa doctor at pinigilan ako nila mom and dad kaya napayakap na lang ako sa kanila at napahagulgol ng malakas

Bakit moko iniwan nate? …


Nandito kami ngayon sa cementeryo kasama ang mga magulang ni nate na kanina pa umiiyak sa aking tabi . . . .

Paalam aking mahal

Sabi ko sabay lagay ng bulaklak sa kanyang puntod at tyaka umalis, at ng nakalayo na ako ay may narinig akong sumisitsit kaya ng tinignan ko ang paligid at nakita ko ang katawan ni nate at ang ulo nya ay hawak neto kaya napasigaw ako ng dahil sa takot

“ahhhhhhhh”


At bigla na lang akong napabangon sa aking pagkakaidlip . . Panaginip lang pala ang lahat

Tinignan ko si nate at mahimbing syang natutulog ngayon dito sa private room na kinuha nila mom and dad para sa kanya at natawagan ko narin ang mga magulang ni nate at sinabi ang nagyari at sinabing ayos lang din si nate

Totoo lahat ng nasa aking panaginip, pwera na lang ang parteng namatay si nate

Malakas kaya ang damuhong ito haha

Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at

“gumising ka na, hindi talaga kita nakalimutan, paano kita makakalimutan eh ikaw lang naman ang nag-iisa kong minahal na lalake, kaya gumising kana para makakain na tayo ng maraming barbecue hihi” Mahinang sabi ko at hinahaplos-haploas ang kanyang kamay

Movie Clip 66

Ross Pov

.

.

.

.

Pauwi na kami dahil nakalabas na si nate sa hospital at halos 1 week na ang tinagal namin doon, and honestly speaking nakaka-toxic dun hahhahahah

Alam na nila mom at dad na ngayon ang uwi ni nate sa mansyon kaya naghanda sila ng kunting surpresa para sa kanya

At sa 1 week pala na nasa hospital kami ay kwinento ko sa kanya ang lahat-lahat magmula nung umalis ako, nagpanggap na may amnesia, pekeng perma, pagdating nila mom and dad at tyaka si lola esperanza

Kaya ngayon binuksan na namin ang malaking pintuan at tyaka

“welcome back, nate!!!” Sabay-saby na sabi ng mga kasambahay, drivers, bodyguard, at tyaka sina mom, dad, lolo tyaka tita

Tinignan ko naman si nate at sinabing

“iiyak ka na ba nyan?” Nakangisi kong tanong

Dahilan para matawa na lang ang mga tao na nasa loob at nakitawa narin kami ng biglang nagring ang isang telephone na nasa gitna ng sala ba nakalagay sa lamesa

“ako na” Sabi ni nate at nilapitan ang telephone

“hello” Sabi neto

Maya-maya lang ay nagulat kami sa sigaw nya

“hayop ka!!” Sigaw nya kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at niloud speaker ito, hi-tech tong telephone namin kaya wag ka ng magtaka

“sino ka!!?”. Tanong ko dito

“hahahhahaha si lola mo ito bakla” Sabi ni lola esperanza sa kabilang linya

Movie Clip 67

Ross Pov

.

.

.

.

“anong kailangan mo!!?” Tanong ko

“wala kang kailangan sa akin, yang boyfriend ang may kailangan sa akin

“ pano mo nasabi!? “ Maarte kung tanong

“ kasi nasa kamay ko ang kanyang mga magulang “tulungan mo kami anak a!!!” At narinig namin ang pag sigaw ni nanay yolly

“hayop kang matanda ka!!, wag mong sasaktan ang mga magulang ko!!” Sigaw ni nate at kita ko na gigil na gigil na sya na nakatingin sa hi-tech naming telephone

“cut the drama!!, gusto kong pumunta ka dito nate at magdala ka ng 10 million, kapalit ng buhay ng mga magulang mo, dapat nag-iisa ka lang kung ayaw mong mamatay ang mga magulang mo!” Sabi ng matanda

“talagang lumang style ka nang matanda ka!!” Singhal ko naman

“alam ko mahal kong apo na bakla, kaya simulan na ninyong mag-impake ng pera” Sabi ng matanda at pinatay ang tawag

Napaluhod naman si nate at tyaka napahagulgol kaya niyakap ko ito

“wala akong ganong kalaking pera, anong gagawin ko?, sina nanay? At tatay?” Sabi nya

“akong bahala, basta hintayin lang natin kong saan address ka pupunta pero sa ngayon ayusin mo muna yang sarili mo, hindi mo namang hahayang panget kang haharap sa mga magulang mo diba?” Biro kong sabi sa kanya

Maghanda ka esperanza, hindi ako lumaking baklang bobo para hindi mapaghandaan ang mga nangyayari ngayon..

Movie Clip 68

Nate Pov

.

.

.

.

.

.

Nandito ako ngayon sa harapan ng lumang gusali at tyaka naisipan ko ng pumasok at baka mainip pa ang matanda at pagdiskitahan pa ang mga magulang ko

Tyaka ako sumakay sa elevator para magtungo sa 3 floor ng gusali, buti gumagana pa itong elevator

At ng nagbukas ang elevator ay nakita ko sina nanay at tatay na nakagapos at nagulat sila nung nakita nila ako

“anak!” Gulat na sabi ni nanay

“manahimik ka!” Sigaw naman ni esperanza at tyaka tinutok ang baril sa ulo ni nanay

“wag!, heto na yung pera na pinapakuha mo!” Sabi ko sa kanya at sininyasan naman nya ang isang lalaki para lumapit sa akin para kunin ang bag at ng nakita ang lalaki na totoong pera ito ay tumango ang lalaki sa matanda at sininyasan ulit ng matanda ang lalake na sa aking tabi at bigla akong binatukan ng malakas dahilan para mawalan ako ng malay


Ross Pov

.

.

.

.

Kanina pa ako nag-aalala kasi nandito kami ngayon sa labas ng lumang building at nagtatago

Ng narinig namin ang boses ni ezperanza habang palabas sa lumang building kasama ang mga lalaki na kanyang tauhan, ng nagsalita ang leader ng pulis tyaka lumabas sa pinagtataguan neto dahilan para magulat si ezperansa

Kaya lumabas nadin kami

“ano na lola esperanza, sumuko ka na!”. Sabi ko sa kanya

Movie Clip 69

Ross Pov

.

.

.

.

.

“magkamatayan na!!” Sabi neto at hinugot ang baril ng tauhan nya na nasa kanyang tabi at bigla akong hinablot ng kasama kong pulis at dumapa tyaka nagsimula ng magputukan ang mga tauhan ni esperanza at ang mga pulis

Takbo doon, tago dito pero nakita ko na nabawasan na ang mga tauhan ni esperanza,  huh!?, expert kaya ang mga pulis ko, hindi lang sila mga pulis kundi mga secret agent pa sila kaya kunti lang sa kanila ang napuruhan hindi kagaya ng nga tauhan ni esperanza na meron ng namamatay at talagang napuruhan naman ang iba

Maya-maya lang ay nawalan na ng bala si esperanza at patay narin ang iba nyang tauhan habang ang iba ay hindi na makalakad

Kaya dali-daling nilapitan ng mga agent si lola esperanza at ginawakan sa kamay at pinipilit paring makawala ng matanda

“higpitan nyo ang pagkakahawak tyaka nyo pusasan, walang pakealaman kahit matanda na yan” Sabi ko at sinunod nila ako kaya napapa-aray na lang si esperanza

“ano ngayon esperanza?, I mean lola pala, talo ka na ngayon” Sabi ko na nakangisi kaya natahimik ito

Pero maya-maya lang ay bigla syang tumawa

“hindi pa ako tapos” Sabi neto

“anong ibig mong sabihin?” Tanong ko kaya napangisi sya at naalala ko si nate

Pero ng humarap na ako sa building ay bigla  itong sumabog

Na aking kinabigla

Movie Clip 70

Ross Pov

.

.

.

.

.

.

“hahahahahah” Tawa ni esperanza habang umiiyak ako kaya ng narinig ko ang kanyang tawa ay tumayo ako agad tyaka sya sinampal ng malakas

Pak!!!!

“demonyo ka!” Sabi ko ko s akanya pero tunawa parin sya

“ano ngayon apo?, makukulong nga ako pero ikaw ay makukulong sa kalungkutan hahahha” Tumatawa nyang sabi kaya dahil sa galit ay hinablot ko ang baril ng isang agent na katabi ko at tinutok sa ulo ni esperanza

“a. A. Anong gagawin mo?” Natatakot at nauutal na tanong ni lola sa akin

“natatakot ka pa palang matanda ka!?” Singhal kong tanong at bigla akong pinigilan ng agent at kinuha sa akin ang baril kaya nakahinga naman si esperanza ng maluwag at ako naman ay napaluhod ulit tyaka humagolgol ng malakas habang nakatingin sa umaapoy na gusali

Nanay, tatay, at nate, patawad at hindi ko kayo naligtas

“bakit ka naman umiiyak dyan?” Tanong ng isang boses at ng tignan ko kung saan nanggaling ay nakita ko sina nate, kasama sina nanay at tatay at may kasama din silang isang babae

Kaya dali-dali akong napatayo at tumakbo sa kanilang gawi at yinakap si nate tyaka ngumiti kina nanay at tatay

“paano?” Takang tanong ko

Nate Pov

.

.

.

.

Flashback…

Movie Clip 71

Nate Pov

.

.

.

.

Flashback

Nagising ako at naramdaman kong nakatali ang aking kamay

“anak”

Sabi ni nanay kaya napatingin ako sa gawi nila

“okey lang ba kayo nay, tay?”

Tanong ko sa kanila

“okey lang kami”

Sabi naman ni tatay kaya napabuntong hininga na lang ako ng malalim

“kailangan na nating makatakas dito”

Sabi ko pero paano?

Ng biglang may pumasok na isang babae at lumapit sa gawi namin

“sino ka?”

Tanong ko sa kanya

“wag kayong mag-alala, isa akong kakampi at hindi ako isang kalaban”

Sabi neto tyaka nya kinalagan ang aking tali at pumunta naman ako sa gawi nila nanay at tatay tyaka sila kinalagan

“sino ka bakit mo kami tinutulungan?”

Takang taning ko

“isa akong alalay ni donya esperanza”

Sagot neto habang naglalakad kami palabas ng gusali

“bilisan na nating lumabas habang hindi pa sumasabog ang gusali”

Sabi neto

“anong ibig mong sabihin?”

Gulat kong tanong.

“napareto ako kasi narinig kong ang usapan nila donya kasama nag mga tauhan nya na papasabugin nila itong gusali kasama nag pamilya pag nakuha nila ang pera, alalay nga nya ako pero hindi ko kayang pumatay ng tao kaya dali-dali ko kayong hinanap. Tara na!! “

Sabi neto at sinundan namin sya palabas ng gusali at nakita kong nasa likuran kami ng gusaling ito

“ lumayo tayo sa gusali“

Sabi ng alalay ni esperanza at tumakbo nga kami ng biglang sumabog ang

gusali

ng nakalayo na kami dito

End of flashback

Movie Clip 72

Ross Pov

.

.

.

.

“salamat sayo, ano pa lang pangalan mo?” Tanong ko sa babaeng nagligtas kina nate

“Sophia po” Sabi neto

“hayop kang bata ka, pinakain kita!, pinalaki!, tas heto lang ang igagante mo sa akin!” Sigaw ni esperanza kay sophia

“nagpapasalamat ako sa tinulong mo sa akin pero kahit kailan ay hindi ako mamamatay tao!!!” Sigaw ni sophia sa matanda kaya umeksena ba ako agad

“ano pang ginagawa ninyo!?, ilayo nyo na ang matandang yan at ikulong bago ko pa ingudngud ang mukha nya sa lupa, at isama nadin ninyi ang bag na yan na naglalaman ng 10 million na peke” Nakangiti kong sabi

“ano ang ibig mong sabihin?” Takang tanong ni esperanza ng binigay sa kanya ang bag

“hindi ako tanga para bigyan ka ng 10 million, ano ka siniswerte!?, sige ilayo nyo na yan!” Sabi ko

“hayop ka!!” Sigaw nya habang pinapasok sya sa saskayan

“hayop sa ganda haha” Sabi ko naman kaya di ko mapigiling mapatawa sa aking sinabi at nakitawa narin sina nate

“sophia?, (tumingin naman ito sa akin) gusto mo bang maging personal assistant ko?” Tanong ko sa kanya

At nakangiti naman itong sumagot sa akin

“opo!, gusto ko po” Sabi nya kaya napangiti narin ako

“tayo na po nanay at tatay, kanina pa naghihintay ang saskayan sa gilid” Sabi ko sa kanila at sumunod rin sina nate at sophia

Tyaka umuwi sa mansyon na may ngiting wagi sa mukha

Movie Clip 73

Ross Pov

.

.

.

.

1 month later

It’s been a month ng nangyari iyon, at hindi parin mawala-wala sa aking isipan ang mga kaganapan noon.

Sa unang week ng buwan na iyon ay umuwi na sina nanay at tatay sa san fernando brgy. Rosa pero si nate ay nagpaiwan kasi may trabaho pa daw sya sa mansyon

Asus… Hindi pa kasi aminin na ayaw nya akong iwan eh hahaha

“nakahanda na po ang lahat young master” Sabi naman ng isang babae na nagligtas kina nate sa pagsabog ng gusali at ang dating alalay ni esperanza na ngayon ay assistant ko na

“okey, and please, young master ka dyan, batukan kitang babae ka eh” Sabi ko naman at nagtawanna kaming dalawa, sya narin ang naging bff ko sa mansyon at sa aking life narin

Nagtataka kayo kung ano ang nangyayari?

Naisipan ko kasing pumunta ngayon sa brgy. Rosa, San Fernando kasi namiss ko din yung mga kasamahan kong mga bakla doon sa palengke

At naalala nyo din ang mga pinamili ko na mga gamit noong first day ni nate na maging bodyguard ko?

At tyaka yung mga maraming make-ups?

Para sa mga bakla yun at ang iba ay para kina nanay at tatay

Kaya ayon.. Ibibigay ko na sa kanila

“tayo na” Nakangiting sabi sa akin ni nate at ang gwapo-gwapo nya ngayon sa suot nyang puting short at simpleng puting jacket na nakalagay na The Bad Bitch, at yun din ang suot ko ngayon, kumbaga couple jacket

“tayo na” Sabi ko ding nakangiti tyaka nya binitbit yung mga gamit at nilagay sa red brillant car ko at sya na ang nagdrive patungo sa aming ditinasyon

Movie Clip 74

Ross Pov

.

.

.

.

Nandito na kami sa harapan ng palengke

At sinabi ko kay nate na una naming pupunntahan ang palengke bago umuwi sa bahay nila

“sigurado ka bang papasok ka ngayon dyan!?” Takang tanong nya

“ano ka ba?, nasanay na ako dito noh!” Kumpyansa ko namang sabi sa kanya

Kaya binuhat na nya yung mga ibang gamit and mga make-up at tyaka pumasok sa palengke

Ng nakita ko na ang mga bayot ay napasigaw na ako

“mga bakla ng taon!!!” Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin at nagulat sila nung una pero dali-dali silang lumapit sa aking kinaroroonan

“gosh bes, ngayon ka lang ulit nagpakita!?” Beki 1

“oo nga, anong balita mayaman ka na ba ngayon?” Beki 2

“hi papa nate, hi bes” Beki 3

“asan ang regalo!?” Beki 4

“may dildo ba!? * Beki 5

Pok!!!!

Ayun sinapok nila si beki 5

Kalibugan ng baklang to hahaha

Kinuha ko naman ang mga paper bags na naglalaman ng gamit at maraming make-up tyaka binigay sa kanila

“ hayan mga gamit, mga dress, at maraming make-up regalo ko sa inyo ang mga yan“ Sabi ko at nagtitili naman ang mga bakla na kinuha iti

“next time na pang ang chikahan, kailangan na naming umalis” Nakangiti kong sabi sa kanila

“thank u baks!!!” Sabay nilang sabi tyaka na kami umalis na may ngiti sa mukha

MOVIE ENDING

Ross Pov

.

.

.

.

“masaya ka ba?” Tanong ni nate sa akin at hinawakan nya ang aking kamay habang nagmamaneho

“sobrang saya, ngayon pa at nakita ko na ulit ang mga baklang yun” Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa daan na tinatahak namin

“nandito na tayo” Sabi nya at huminto kami sa isang bahay na ngayon ay nag-iba na

Ang dating kahoy na bahay ay simentado na at meron ring isang sari-sari store akong nakita at ang aking ikinabigla ay meron ding barbecue-han narin dito at nakapangalan sa akin

Ross Barbecue

Yan ang nakapangalan at nakita kong palapit sina nanay at tatay sa akin at yinakap ako ni nanay

“gulat ka yata sa mga nakikita mong pagnabago ngayon dito?” Tanong ni tatay at napatingin ako sa kanya at tumango

“salamat sa card na iniwan mo, naipagawa namin ang bahay, nakapagpatayo ng maliit na negosyo at nagpatayo rin kami ng barbecuehan na nakapangalan sayo, para maalala namin na merong isang binata ang naligaw sa aming bahay at binigyan kami ng blessing at tinuring namin na parang anak” Mahabng sabi ni nanay kaya napayakap ako sa mag-asawa tyaka ako tumingin kay nate na may ngiti sa mukha

“at pinatayo rin ang barbecue-han na yan para makain mo lahat ng gusto mong barbecue kahit gaano pa ito karama” Nakangiting sabi ni nate

Kaya naisipan naming kumain ng barbecue na kung saan si nanay ang nag-iihaw tyaka si tatay naman ang naghahanda ng sawsawan namin


Sinusubuan ako ni nate at tymatanggi ako baka makita nila nanay at tatay ng biglang

“wag ka ng mahiya anak, alam na namin ang relasyon ninyong dalawa” Nakangiti sabi ni tatay na nagpagulat sa akin

“kaya okey lang, tanggap namin kayong dalawa”. Nakangiting sabi naman ni nanay kaya sinubo ko na ang pinapasubo sa akin ni nate baka pag hindi ko pa ito sinubo ay iba pa ang ipapasubo nya sa akin mamayang gabi

Sus!!, mahirap na!!, malaki pa naman si babay nate hahahha

At nagtawan, tyaka nagkasiyahan na parang wala ng bukas

Ako nga po pala si Ross Brillantes, na mahilig kumain ng barbecue, plus suplada

Tyaka

Mahal na mahal si Nate Bendula

At

Ito na po ang huling kabanata ng aming storya

THE END


Pero bago ninyo lisanin ang apat na sulok ng intabladong ito, nais ko pong sabihin na free po ang magbigay ng vote at free din po ang pag-follow ninyo sa akin❤

Salamat sa mga nagbasa ng aking second Movie Style Writting story na “The Bad Bitch”

Sana basahin nyo din ang aking first Movie Style Writting Story na “The Gay Mermaid That I Loved”

Plug!!!!

-The Mirror’s Love Bxb Completed

-Game On Bxb Completed

-Let’s Play Bxb Completed

-The Gay And The Magic High Heels Bxb Completed

Mr. Antipatiko Bxb Completed

My name is Chakasalsal

Mabuhay kayo mga Kasalsal❤️❤️❤️

DONATE

Sino pong gustong mag-donate ng load para kay author

Para makapag-upload na naman ako ng bagong kwento❤️❤️❤️🙏🙏🙏🙏🙏

Here’s my number 09776781224

Please po

Thank u in advance❤️🙏

Special Chapter

Ross Pov

“mahal!!!!!, may pupuntahan ako!!, ikaw na muna maghahatid kay Mervin sa school nya!” Sigaw kong sabi kay Nate at nakita kong buhat nya yung anak namin na si mervin pababa ng hagdan

Yes beach!!!, may anak na kami at sya si Mervin Bendula, 4 at kinder na sya ngayon

“ huh!?, saan kaba pupunta!?, parang nagmamadali ka yata!? “ Pasigaw na tanong ni nate kasi palabas na ako ng mansyon

“basta importante to!!” Sigaw ko naman

“mas-importante kaysa sa anak mo!?” Sigaw nya

Pero hindi ko naintindihan kasi nakalabas na ako at dali-daling pinuntahan ang aking pink brillant car at inarangkada na sa kalsada

Nate Pov

“dad… Nakalimutan yata ni dada na bday ko ngayon” Malungkot na sabi ng maliit na boses at tinignan ko ang aming anak at kitang-kita mo ang lungkot sa kanyang mukha kaya bigla ko itong kiniliti na nagpatawa sa aming anghel

“ano ba anak, baka nga may surpresa ang dada mo kaya nagmamadali” Pagkokombinsi ko sa anak namin

Siguraduhin mo lang mahal na may surpresa ka nga kung hindi, papagorin kita mamaya


Kasusundo ko lang kay mervin at natutulog sya sa likuran ng kotse habang ako naman ay nagmamaneho

Kanina ko pa tinatawagan si Ross pero wala man lang sinagot sa mga tawag ko…

Tsk…. Makikita mo mahal!


Ginising ko na si mervin at tyaka binuhat ito papasok ng mansyon ng nakita kong parang walang ilaw na makikita sa loob kaya nagtaka ako agad, kaya ang ginawa ko ay dinalian naming pumasok sa mansyon habang buhat-buhat si mervin at ng binuksan ko ang malaking pintuan ay biglang bumukas ang ilaw at

“happy birthday mervin!!!!!” Sigaw nilang sabay at nakita ko lahat ng mga kaibigan at tyaka mga magulang ko, at nakita kong lumapit si ross sa amin na may ngiti sa mukha at binati ang aming anghel

“happy birthday baby ko” Nakangiting sabi nya kay mervin at si mervin naman ay gustong magpabuhat sa kanyang dada kaya binigay ko ito sa bisig ni mahal

“thank u dada” Nakangiting sabi ni mervin at hinalikan sa labi ang kanyang dada

“akala ko na nakalimutan mo na birthday ng anak mo” Sabi ko

“pwede ba yun!?, kaya nga nagmamadali ako kanina para masundo lang sina nanay at tatay sa San Fernando” Nakangiti nyang sabi

Kaya hinalikan ko na lang ito sa labi

“dyosko!!!!, kainan pinunta namin dito hindi manuod ng halikan!!! Kaloka!!!” Sigaw ng isang kaibigan na bakla ni ross na nakasama nya sa palengke

“gaga!!!” Natatawang sabi naman ni ross

“yung bata!!!” Sigaw ulit ng bakla

Dahilan para magtawanan kaming lahat kaya pumunta na kami sa sala at tyaka sinimulang nilantakan ang mga handa ni mervin

Support Me Guys!❤️

Hi po sa lahat, gusto ko lang po i-share ang aking youtube channel At puro mga sayaw po ito

Nagmamakaawa po ako na sana supportahan nyo ako sa aking:

Youtube Channel - Jojo Brillantes Tiktok/Facebook & IG - Lapitan Moko

gaya ng pagsupporta ninyo sa akin dito sa wattpad as CHAKASALSAL. ❤️

HELLO PO!

Hello po!

As of July 2, 2026, nire-revisit at nire-reedit ko ang mga chapters para mas gumanda ang pagkakasulat ng story na ito. Naalala ko kasi na noong college pa ako nang isulat ko ito, kaya may mga mali sa grammar at may iba pang parts na kailangan talagang ayusin.

But don’t worry! Lahat ng iba kong published stories ay na-edit ko na. Ito na lang talaga ang natitira. Hahaha!

Yun lang.

Byeee

!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.