loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
THE BAD BOY'S SLAVE

THE BAD BOY'S SLAVE

makiwander · 62 chapters · 186,178 words

Pasakalye

Update is Thrice a Week or more ❤️

Kauna-unahang teenfiction na iniaalay ko sa mga kabataang mambabasa ko

Bawal akong i-bash sa comment box, sumasagot ako. Wag umastang nagbabayad ka sa bawat pahina at nagkaroon ka bigla ng karapatan na bastusin ang istorya ko. Respeto. Bago tawaging tao, matutong rumespeto.

Bawal i-bash ang kapwa reader mo. Masaklap ang kakalagyan ng troller sa akin. Masaklap talaga.

Any criticsms are welcomed in DIRECT MESSAGES.

Purely fictional, names and places are accidental.

All rights reserve by the author.

Date Started: March 3, 2016

Simula

Bawal .

‘First mystery, the annunciation of Gabriel to Mary. Hail Mary—’

“Ang pangit!”

Humigpit ang hawak ko sa rosaryong nasa kanang kamay ko.

Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy ang paglalakad sa gitna ng mga estudyanteng nandidiri ang tingin sa akin habang nagpe-pray ako.

’—Full of grace ––“

“Ang taba!”

“Siguro maasim yan! Ang kapal ng damit eh. Longsleeves and long skirt, seriously?”

“Try mong amuyin girl para magising ka.”  Sagot naman nung isa sabay tawa ng malakas.

Binilisan ko ang paghakbang ko, ayokong magkasala dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko naman gustong mapunta sa lugar na ito kaya hindi na nila kailangang ipamukha na hindi ako nababagay dito.

Sabi ni Mama maganda daw mag-aral sa Keio University. Hindi daw lahat nakakapasok dito, yun lang daw mayayaman at matalino. Napa-oo tuloy ako. Hindi ko naman itinuturing ang sarili ko na mayaman, matalino siguro, kaya nga ako nakapasok dito dahil scholar ako. Mas gusto ko yung ganon kaysa iaasa na lang sa mga magulang dahil naniniwala ako na ang tao ay pinanganak mag-isa at dapat magsurvive mag-isa. If we are not fit to exist alone, sana may kasama ang lahat ng tao kapag pinanganak o di kaya kung mamamatay.

Pinalibot ko ang mga mata ko sa buong eskwelahan, siguro nga espesyal ang lugar na ito. From expensive paintings to ancient sculptures, to wide lobby and soccer fields. This school doesn’t have a canteen, they have Food Alley– four floors of different food stalls from famous fastfood chains to fine dining. Ang lahat ng mga estudyante dito pinaparada ang mamahalin nilang bag at mga damit. Samantalang ako, pinaparada ko ang bilbil ko na itinatago ko sa makakapal na damit.

Ramdam na ramdam ko tuloy ang pagiging iba ko.

“Paano ba yan nakapasok dito?” Bulong nung isa. Hindi naman talaga bulong kasi dinig na dinig ko.

Pinanghinaan agad ako ng loob sa unang araw ko ng pagpasok sa college. Tama ba na pumarito ako? Mas gusto ko sanang mag-aral sa eskwelahang pinamumunuan ng mga madre kaysa dito. At least doon mababait ang mga estudyante dahal puro dasal ang aatupagin.

Namimiss ko na tuloy si Sister Aida, yung guidance counselor namin noong highschool. Sya ang nagturo sa aking maging mabait at huwag gumanti sa kapwa kahit na ginagawan ka ng masama.

I sighed. Tumingala ako sa langit sa gitna ng mga nagtatawanan na mga schoolmates ko.

“Patawarin mo po sila. Hindi po nila ang kanilang ginagawa. Amen.” Pumikit pa ako para mas maramdaman ko ang spiritual connection ko sa nandoon sa itaas.

“Tabi!” May sumigaw mula sa di kalayuan na boses ng isang babaeng nangungutya sa akin kanina.

Hindi ako kumilos at nanatili lang nakapikit. Tiyak naman ako na hindi ako ang tinutukoy nya dahil wala naman syang pakialam sa akin. Isa pa, hindi talaga ako nagpapaabala tuwing kausap ko ang lumikha.

“Naku Miss, tumabi ka! Mayroon ka na lang tatlong segundo para mabuhay!” Sigaw din nung isa pa.

Napakunot ako ng noo. Bakit parang ako ang sinasabihan nila?

“Ang mga pangit talaga madaling mamatay!”

Unti unting naramdaman ko ang paglayo sa akin ng mga estudyanteng kanina lang ay ginawa akong tampulan ng tukso.

“Waahhhhhhh Si Gaelan!!!!!” May sumigaw na mga babae at halos mabingi ako sa sigaw na yon kahit alam kong malayo na ang boses.

“Yuki! Oh my labs!!!”

“Si Kiro!!!”

“Zeus! Likod pa lang ulam na!”

‘Gaelan? Yuki? Kiro? Zeus?’ Yung sikat na dance troupe dito? Actually pito sila, mayroon pang nagngangalang Rye, Ice at Hunter, hindi lang nabanggit nung mga nagsisigawan.

Sa totoo lang hindi ako pamilyar sa kanila. Nakita ko kasi na laman ng bawat bulletin board ang mukha nila at may nakasulat na YUKAN’NA.  Mukhang dancers.

Na-intriga ako agad sa presensya nila. Didilat pa lang sana ako ng matumba ako sa sahig dahil sa malakas na pwersa ang tumama sa balikat ko dahilan ng pagbagsak ko. Sinadya yon. Binangga ako.

Imbes na magalit, pinagdaop ko muli ang akong mga palad at tumingala muli sa langit.

“Saint Guiseppe, please heal me po.” Bulong ko muli ng isang panalangin dahil nasaktan ng husto ang balakang ko.

“Nasaktan kaya?” Bulong ng pinakamalapit sa akin na schoolmate ko.

“Malamang hindi, ang kapal ng damit, ang taba pa.”

Kitang kita ko ang makikintab na sapatos ng apat na taong dumaan sa harap ko.

Tumahimik ang buong paligid. Parang may dumaang anghel sa Keio University at nakapagdesisyon sila na magbagong buhay.

“Miss grab my hand.” Isang kamay ang tumapat sa mukha ko na syang dahilan ng pagsinghap ng mga nanonood sa paligid.

Tinitigan ko lang ang kamay na yon. Mukhang malambot at masarap hawakan!

Ay! Ano ba yan! Sabi ni Sister Aida, masama daw pinagpapantasyahan ang kapwa, kasama na doon ang mukha, katawan, kamay! Kahit dulo ng daliri!

“Miss?” Untag sa akin nung isa sa Yukan’na member.

“Yuki.” Napalingon ako doon sa nagsalita na may kulay brown na mata. Isa doon sa member nung F4 este nung Yukan’na. Nakatingin sya doon sa lalaking nag-aabot ng kamay. Nakapamulsa sya at mukhang walang pakialam sa nangyayari sa paligid nya bukod sa kaibigan nyang nag-aalok ng kamay sa pangit na kagaya ko. Ang dalawa pa nilang kasama ay tila may sariling mundo at di din alintana ang humihiyaw ng mga pangalan nila.

Bumalik ang tingin ko doon sa nag-aabot ng kamay. Tsinito ang una mong mapapansin sa buong pagkatao nya, mabait at maamo ang mukha. Hindi sya nakangiti at seryosong nakatingin lang sa akin.

“Hindi ba nya tatanggapin ang kamay ni Yuki?” Isang bulong ang narinig ko.

“Sana nga hindi! Baka magka-germs pa ang kamay ni Yuki!”

Napakuyom ako ng palad. Buong lakas akong tumayo kahit na nahihirapan ako. Hindi ako humawak kay Yuki dahil baka lalong magalit ang mga fans nya. Nakarinig pa ako ng pagbuga ng hangin mula sa mga fans nya nang pilitin kong tumayo ng hindi humahawak kay Yuki. They sighed in relief!

“Salamat.” Nagawa ko pang magbigay ng ngiti bago ko kinuha ang bag ko na nalaglag at umaktong maglalakad na. Tumango sa akin si Yuki at tipid na napangiti din.

“GIRLS NAKITA NYO YON?! NGINITIAN SYA NI YUKI!!! IM GONNA DIE!!” Eksaheradang sigaw mula doon sa mga nagkakagulo ang huling narinig ko.

Huminto ako sa ilalim ng malaking puno sa quadrangle. Naalala kong kunin ang Registration Form ko sa aking bag. Nakalimutan ko na tuloy na kaya ako nandon sa building dahil papunta na ako sa klase ko sa Math.

Wala akong nagawa kundi pumihit papabalik. Nabawasan na din ang grupo ng mga nandoon sa lobby kaya malaya na akong nakapaglakad na walang mapanuring tingin.

Tanaw ko pa sa aking harapan yung mga members ng Yukan’na na yon, para tuloy akong sumusunod sa kanila.

Pumasok sila sa loob ng isang classroom, sunod sunod sila. Tiningnan kong muli ang registration form ko at ang nakaukit na room number doon sa may pinto na pinasukan nung Yukan’na.

Room 1201– yun ang nakalagay sa form ko. Tumingala ako doon sa may pinto, Room 1201.

Room 1201. Room Twelve Zero One.

Napakurap kurap ako ng ilang beses.

Kaklase ko sila?

Mukhang mas matanda sila sa akin ah.

Naputol ang pag-iisip ko nang dumaan sa harapan ko ang isang magandang babae na mayroong mahabang buhok na kinulot sa dulo. Her sweet scent filled my nose. Grabe ang bango naman non!

May bitbit syang dalawang libro at class records na yakap nya sa kanyang dibdib. She pouted her red lips and swayed her hair bago pumasok sa Room 1201.

Oh wait. So teacher ko sya sa Math?

Requirement din ba sa eskwelahang ito na napakaganda ng teacher para sulit ang binabayad ng mga estudyante?

“Papasok ka ba?” Nakangiti at malambing ang boses nung babae nang sumilip sya sa pinto.

“Y-yes po.” Tumango ako at sumunod papasok.

Agad akong naghanap ng mauupuan pagkapasok ko ng classroom. Una kong natagpuan ang bakanteng silya sa likuran pero nang magtama ang mata namin noong nakaupo sa tabi ng bakanteng silya, agad nyang pinatong ang bag nya doon at nagkibit balikat. Ganoon din ang ginawa ng iba pa.

“Miss? You might want to take a seat.” Untag sa akin nung magandang teacher. Gusto ko sanang umupo kaya lang ayaw nila akong katabi, gusto ko sanang isantinig.

Umayos ako ng pagkakatayo at naglakad papalapit doon sa unahan kung saan—

Nandoon ang F4 na F7 na ngayon dahil kumpleto na sila!

Nagtaas ng kilay yung kaninang tumawag kay Yuki nang magtama ang mga mata namin, nakaupo kasi sya sa pinakagitna, katabi nya si Yuki sa kaliwa, at sa kanan naman nya nakapatong ang bag nya. Katabi ng bag nya yung tatlo pang myembro nung grupo nila na hindi nya kasama sa paglalakad kanina.

“Gaelan, it would be nice if you will let the lady sit instead of your bag..” Malamyos ang pagkakasabi ng teacher sa kanya.

Ah, Gaelan pala ang pangalan nya.

Agad naman na kinuha ni Gaelan ang kanyang bag at pinatong sa kanyang binti. Tutok ang mata nya doon sa magandang teacher na para bang nagsaboy si Teacher ng silver dust sa kanya at napailalim sya sa kung anong magical spell.

“Dyahe naman oh!” Sabi naman nung katabi nung bag ni Gaelan kanina.

“Isaiah, that’s not nice.” Pagalit noong teacher doon sa nagsalitang F7 na mas gusto pang katabi ang bag ni Gaelan kaysa sa akin.

“Pero–”

“Ice, stop.” Awat ni Gaelan doon sa kaibigan nya na awtomatikong huminto.

Ibang klase. Bawat bitaw ng salita nya may pagbabanta, in fairness, scary.

Nagsimula ang klase at ramdam ko ang pagpapawis ng kamay ko. Paano ba naman, nakakatakot na may magawa akong mali tapos magagalit itong si Gaelan, baka i-flying kick ako.

Sabagay baka hindi nya naman gawin yon. In fairness studious sya. Nakapangalumbaba sya at nakatingin lang sa blackboard buong discussion.

Naging abala naman ako sa pagsusulat ng lessons ni Miss Farrah. Magaling syang magturo. Mabait pa.

Nakuntento ako sa unang subject ko. Nag-iwan si Miss Farrah ng assignment sa amin pagkatapos ay nagpaalam na.

Mabilis na naglaho ang F7 sa tabi ko sa pangunguna na naman ni Gaelan. Ang iba kong mga kaklase naman ay parang mga langgam na nagsisunuran sa kanila.

Naiwan akong mag-isa dahil hindi naman ako nagmamadaling umalis. Lunch break naman ang kasunod ng klase ko na ito.

Maayos kong sinalansan ang libro at notes ko sa bag bago tumayo at maglakad patungo sa Food Alley.

Kinapa ko ang bulsa ko at binilang ang pera ko habang naglalakad sa quadrangle.

Sixty pesos. Magji-jeep pa ako mamaya kaya 40 pesos na lang ang para sa pagkain.

Pasimpleng umikot ako sa Food Alley para humanap ng kakasya sa 40 pesos. Sa isang sulok nakita ko doon ang F7– F6 na lang ngayon dahil wala na si Gaelan. Nakita ko pang umangat ang gilid ng labi ni Yuki ng magkatinginan kami. He may be the friendliest (kung friendly bang matatawag ang pagsmirk nya) among the group. I gave him a nod at bumalik sa pagsisiyasat ng food stalls.

Argh! Pinakamura ay sandwich na nagkakahalagang 75 pesos. Di bale na nga! Sa bahay na lang ako kakain. Isang klase lang naman at uuwi na ako.

Dinig ko ang pagkalam ng sikmura ko sa mga pagkaing nakikita at naamoy ko kaya napagdesisyunan ko na lumabas na lang ng Food Alley.

Luminga linga ako nang marating ko ang exit ng Food Alley para humanap ng lugar kung saan mayroong pinaka-kaunting tao. Yung hindi ako mapansin. My eyes landed to the seemed oldest building (but not too old building) in Keio.

Walang tao.

Malalaki ang hakbang ko na naglakad patungo doon.

Excited akong makarinig ng katahimikan mula sa buong maghapon na ingay at panghuhusga. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong makalayo sa ingay.

Umupo ako sa four-seater armchair na nakasalansan doon sa labas. Nakapaharap ito sa mga kwartong madilim at walang laman. Pinatong ko ang bag ko sa armrest at doon ko napiling ipahinga ang aking ulo.

Itutulog ko na lang ang gutom.

“Mmm..”

Huh?

“Mmm..”

“Ssshhhh..”

??

“Mmm.. I– I cannot hold it, G..” Boses ng isang babae.

?????

Dala na naman ng kyuryosidad hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na parang nahihirapan.

Sabi ni Sister Aida, dapat daw kahit sa estranghero maging matulungin ako. Sinundan ko ang ingay na naririnig ko hanggang sa natagpuan ko ang tamang kwarto. The windows were shut closed at mayroon pang kurtina na nakatakip mula sa loob. Sinubukan kong iikot ang doorknob but it’s locked.

Susuko na sana ako at lalayo ng mapansin kong mayroong maliit na sinag ang nanggagaling mula sa loob. Yumuko ako at lumuhod para sumilip sa pinanggalingan ng sinag, may maliit na butas ang pinto. Almost a 25-centavo coin peephole!

“Mmmm..” I heard a woman’s voice again.

Sumilip na ako ng tuluyan doon sa peephole, maliit ang butas. Sobrang liit pero hindi yon hadlang para hindi ko makita ang kaganapan doon sa loob.

I gasped with what I saw!

Si Gaelan, nakaupo sa isang monobloc chair at sa kanyang binti ay nakaupo ang isang babae na wala na sa ayos ang damit.

They were kissing passionately at kung saan saan naglalakabay ang kamay nilang parehas.

I almost vomit at maglalakad na sana papalayo but my feet’s locked.

Napakunot ang noo ko nang bumaling sa gawi ko ang mukha ng babaeng kasama ni Gaelan dahil hinahalikan nya ito sa leeg.

Napatakip ako ng bibig at wala sa oras na napasign of the cross!

Hindi to pupwede!

Because I saw Miss Farrah on top of Gaelan!

Kabanata 2

Yukan’na .

Nagmadali akong maglakad papalayo. Matindi ang kaba ko doon sa nakita ko kanina. Hindi ko naman nakita lahat, pero tiyak kong hindi maganda ang ginagawa nilang dalawa.

Ano yun?

Una, bata pa si Gaelan.. Mas matanda sa kanya si Miss Farrah!

Isa pa, teacher namin si Miss Farrah, estudyante si Gaelan!

Isa pa ulit, nandito sila sa loob ng school at maling mali ang ginagawa nilang paglalampungan…

At isa pa, okay last na, mali ang sex outside marriage!

Di ba tinuturo sa highschool ang Chastity Covenant?! Last year, tandang tanda ko pa ang kontratang pinapirma sa amin ni Father Kit at ibinaon sa lupa ng simbahan na mananatili kaming busilak hanggang sa araw ng kasal namin, mapalalaki man o mapababae.

Haliparot pala ang Gaelan na yon. Grabe..

Napasign of the cross ako at huminga ng malalim bago tumingala muli sa langit.

“Please forgive their souls. Amen.”

Halos magkanda-dapa dapa ako sa mabilisang paglalakad. Susmayosep! Hindi ko kasi akalaing makakakita ako ng ganoong klaseng bagay.

That is—

That is so wrong and so—–

“Ouch!” Sa pangalawang pagkakataon, napaupo ako muli sa lupa ng Keio. Tulog ba ang guardian angel ko ngayon? Rest Day? Mukhang pinabayaan nya ako today. Napakamot ako sa aking ulo at nanalangin muli ng pasensya.

“Miss, are you okay?”

Hindi ako nakasagot dahil sa inindang sakit sa pang-upo.

“St. Guiseppe, please heal me again.. Amen.” Tumingala ako muli at nanalangin.

“Miss?” Ulit ng boses ng isang babae na nakabungguan ko.

Umangat ang aking noo at sinapat ang nakatayo sa harapan ko. Her voice is too soft and sweet, parang candy. Masarap sa tenga.

My eyes darted to a beautiful face. Hindi lang pala boses ang maganda kundi ang mukha din nya. Mahaba ang kanyang buhok na kulay brown at ang kanyang mata? Kulay blue. Nakakamangha!

“Hi?” Nagtataka nya din akong tiningnan. “Hellooooo? Are you there?” Pinaikot ikot nya ang kanyang palad sa aking mukha.

“O-okay lang.” Sagot ko kahit ang totoo ay hindi.

“Selene.” Nakangiti nyang inabot ang kanyang kamay sa akin.

“Ria.” Kinuha ko ang kamay nya but she locked in her hands at hinila ako papatayo.

“Ikaw yung binu-bully kanina nila Charm di ba?”

“Charm? Sinong Charm?” Nagtatakang tanong ko.

“Yung btch!” Sagot nya. Napatakip ako ng ng aking bibig.

“Don’t say bad words, Selene..” Wika ko sa kanya but she just smirked.

“Sabi ng Mommy ko, di bale nang masama ang lumalabas sa bibig ko basta may mabuti akong puso. Anyway, kumain ka na?”

Nanatili ang mata ko kay Selene. Sobrang amo ng mukha nya, mapagkakamalan mo syang iginuhit na anime character, yung kutis nya parang bulak at para syang kumikinang, pero napakabrusko nya magsalita.

“Hindi pa.. Kulang ang pera ko–” Sagot ko pero hindi nya ako pinatapos magsalita.

“Tamang tama, wala akong kasabay.” Kinuha ni Selene ang kamay ko at kinaladkad ako pabalik ng Food Alley.

Taas noo syang naglalakad at walang pakialam sa mga napapatingin sa kanya o nakatingin sa akin dahil kasama ko sya.

Pinagmasdan ko ang mga hakbang nya kung saan sya papunta at doon sya naglakad sa may direksyon ng F6! Hinanap ko sa grupo nila si Gaelan.

Aist! Oo nga pala, nandoon pa yon sa old building. Hindi ako dapat matakot, magpapatay malisya ako, tama!

“Oi, Zeus. Chick mo.” Siniko ni Ice yung Zeus na tinutukoy nya.

Umismid si Selene at humalukipkip kay Ice.

“Kuya Zeus, bili mo ako ng food saka si Ria. I want double cheeseburger—”

“Without mayonaise, extra cheese sauce, no tomatoes plus fries without salt and caramel sundae.” Tumatayo na si Zeus habang dinidikta ang mga sasabihin ni Selene. Napaawang ang labi ko. Galing!

“Bangis. Memorize.” Humalakhak ang isa pang chinito na F6 na naalala ko sa pangalang si Kiro.

“Kuya mo?” Tanong ko kay Selene habang naglalakad papalayo si Zeus. Pinagmasdan nya din si Zeus pagkatapos ay umirap.

“Hindi.”

“Ah, pinsan mo?”

“Hindi din..”

“Eh ano?” Imposible namang sunud-sunuran sa kanya ang taong yon na hindi man lang sila blood related. Kuya pa nga ang tawag nya.

“Slave ko sya. Haha!” Humalakhak si Selene habang hinihila ako sa bakanteng lamesa na medyo malayo doon sa F6.

“Upo ka dyan dali.” Hinila ni Selene ang isang monobloc at nginuso yon para umupo ako na syang sinunod ko naman.

“Tumingin ka sa paligid mo.” Utos ni Selene. Umikot ang mga mata ko. Wala namang kakaiba bukod doon sa lahat ng mata ay nandoon sa F6.

“Nakatingin sila lahat sa F6.” Nagkibit balikat ako.

“F6?” Kununot ang noo niya.

“Parang F4 eh. Yun bang big deal yung presensya nila tuwing papadaan na sila. Lahat lilingon at halos sambahin sila. Ayun nga lang pito sila. F7 sila kanina pero ngayon anim lang sila kaya F6.” Nagkibit balikat ako. Tinitigan ako ni Selene na parang hindi makapaniwala, mamaya lumapad ng husto ang ngiti nya.

“I like you!” Humagikgik syang muli.

“Pero eto seryoso ha. Mag-iingat ka sa pitong yan. They seem quiet but looks can be deceiving.” Bumulong sya sa akin at pinagdikit ang monobloc namin.

“They guy in Sky Blue shirt…” Panimula nya. Pasimple akong lumingon sa kanan kung nasaan ang F6. “That’s Rye. Rafael Ace Garcia. They own G Towers, yung pinakasikat na condo developer sa bansa.”

Si Rye, hindi mo sya mapapansin dahil parati syang nakayuko. Moreno at mapula ang mga labi. Walang ekspresyon ang mukha nya at ang tanging gumagalaw sa kanya ay ang kanyang kilay.

“Pinsan ni Rye si Ice. Pinsan ko din si Ice. Isaiah Ezekiel Jacinto. Wag kang magpapadala sa ngiti nyang lokong yan. Madaming nagpakamatay dyan.” Umirap pa si Selene sa kanyang pinsan ng magtama ang kanilang mga mata. “He’s filthy rich, they own 70% of the malls in our country and 40% of Dubai.”

Si Ice, laging may nakakalokong ngiti. He flaunts dimples most of the times. Sya din ang madalas mong maririnig na tumawa sa kanilang lahat.

“Yung dalawang singkit. Kambal yan, half japanese. Yuki at Kiro Yushima. They have a security and intelligence business, isa ang Philippine government sa kliyente nila, pero small time lang ang Pilipinas, they also work for Japan, Russia and South Korea.”

Pinakatitigan ko ang dalawa, magkamukha nga sila but Yuki’s eyes is deep set. Singkit sya pero may talukap, si Kiro naman puro ang pagka-tsinito.

Nagtama ang mata namin ni Yuki. Nauna akong yumuko dahil sa pagpula ng pisngi ko. Ewan ko kung anong klaseng santo ang nag-iintervene sa akin kapag nakikita ko ang mukha ni Yuki, para kasing ang gaan ng loob ko sa kanya.

“Going back to Zeus. Si Zeus anak ni Tita Loraine, close friend ni Mom and Dad. They own the largest TV company but aside from that, I hate him.”

Tiningnan ko ng mataman si Selene. Parang normal lang sa kanya ang sinasabi. How could she hate Zeus if he’s too nice to her?

“Selene..” Di ko namalayan na nakalapit na si Zeus kay Selene. Narinig nya ba si Selene? Seryoso ang mata nya na nakatingin kay Selene pero inirapan lang sya.

Binaba ni Zeus ang pagkain na inorder nya para sa amin ni Selene.

“Thank you..” Sambit ko. Tumango lang si Zeus sa akin at binalik ang tingin nya kay Selene na walang pakialam na ngumunguya na ng fries.

Bumalik na si Zeus kanilang pwesto. Nakatuon ang mga mata ko sa kanya ng biglang may dumating na syang nagpasinghap ng mga estudyante sa Food Alley.

Ako naman ay hindi malaman ang gagawin. Para akong naguilty sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Di ba mas malaki ang kasalanan nya? Kay Papa God at syempre sa school. Labag yon sa rules!

“Gaelan Blake Ancheta. He’s an ultimate jerk. Their family and my family are business partners in Construction Business. My mom and his mom are bestfriends so as our dads. Kilala ko na yan si Gaelan simula noon and his parents don’t have any idea how scumbag he is.” Nakatingin din pala si Selene kay Gaelan.

Pinagmasdan ko si Gaelan habang tahimik syang umuupo katabi ng kanyang mga kaibigan. He has a lean body, maputi sya pero hindi sobrang puti and his eyes, brown iyon pati ang kanyang buhok ay sumisilay din ang pagkabrown. Bihira syang ngumiti at parang laging nag-oobserve sa paligid, nag-aantay ng may gumawa ng pagkakamali, maybe?

“Spoiled yan nila Tita Blair, only son kasi tapos bunso pa—” Pagpapatuloy ni Selene.

Tumingin sa direksyon namin si Gaelan, hindi ko agad naialis ang mata ko at ganoon din sya.

“So magagaling silang sumayaw?” Wala sa sariling naitanong ko para bumalik ang mga mata ko kay Selene.

“Sayaw? Anong sayaw?”

“Hindi ba dance troupe sila?” Kumagat ako ng fries at pinagmasdan si Selene. Nanlalaki ang mga mata nya at nilapit ang mukha nya sa tenga ko.

“Seriously, hindi mo alam kung ano ang Yukan’na?” Parang gulat na tanong nya. I shook my head.

“Tunog mananayaw eh.” Nagkibit balikat ako.

“Naku girl, don’t you ever ever say that in front of them. Ang Yukan’na ay private organization na nagmula sa isang mafia sa Japan, father ni Yuki at Kiro ang president. They are financing groups with certain skills, particularly those with killer skills and their training will start from highschool para makita agad ang potential then they will hire them in their security and intelligence agency.”

Kumunot ang noo ko.

“Parang fraternity?”

“Worst. Fraternity puro hangin yon, but Yukan’na, they are elite members who are being trained to be the best, you must see how they fight. They can kill with bare hands if they want to.” Parang may pagmamalaki pang sabi ni Selene.

“N-nakita mo na?” Pumasok agad sa isip ko ang posibilidad na saktan ako ni Gaelan dahil doon sa nakita ko. Bare hands pa! Eh di ba mabagal ang paraan na yon? Papatayin ka muna sa suntok at sa sakal. Sa taba kong to hindi agad aabot sa organs ko ang suntok nya.

“Kung paano sila pumatay? Yang pito na yan, wala pang napapatay pero nakita ko na kung paano sila makipaglaban doon sa gangsters ng Triston. That time inagaw ang girlfriend ni Ice tapos sinugod nila. Seven against twenty five people na may dalang mga kahoy at patalim at hindi man lang naalikabukan ang Yukan’na.”

Hindi ko naituloy ang isubo ang french fries na hawak ko. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Paano nila nagawang sumali sa ganoong samahan?

Sabi ni Selene, they were chosen, chosen to do bad? Hindi ba nila naiisip ang mga taong nag-aalala para sa kanilang buhay?

Nag-alarm na ang cellphone ko hudyat na kailangan ko ng maghanda para sa susunod kong klase. Nagpaalam ako kay Selene pero tumayo din sya.

“Ihahatid na kita.” She smiled at me.

Habang nag-lalakad, walang humpay sa pagkukwento si Selene tungkol sa kanya. Ka-batch nya pala ang Yukan’na, nasa 3rd year na sila at kagaya ko, business course din ang kinukuha nila. Tinanong ko kung bakit may klase ang Yukan’na sa Math 1, sinabi ni Selene na malamang sit in lang yon dahil matatalino ang miyembro ng Yukan’na, imposibleng may bumagsak sa kanila.

Baka umuupo talaga doon si Gaelan para makita si Miss Farrah. Napailing ako, pilit na binubura ang imaheng nakita ko kanina.

“Pag may umaway sayo, sumbong mo sa akin ha?” Bilin ni Selene bago kami maghiwalay.

Ngumiti ako at tumango.

She waved her hands at me habang naglalakad na din sya papalayo.

Pagpasok ko sa classroom, ganoon pa din ang tinginan at bulungan sa akin ng mga kaklase ko. Di ko tuloy alam kung ano ba talaga ang ikinaayaw nila sa akin.

Masama bang hindi maging kagaya nila?

People tend to judge people quick based on their appearance, nakakalimutan nila that everyone is unique.

Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng pinakuha kami ng index card para gawing classcards. Kinuha ko ang bag ko at napadako ako sa maliit na bulsa, naisip ko bigla ang rosary na hawak ko kanina.

Kinapa ko ang bulsa ko at napansing wala yon doon. Hinanap ko ulit at paulit ulit na kinapa sa bag ko, halos nailabas ko na ang lahat ng gamit ko pero wala pa din.

Sa Food Alley lang naman ako nagtungo. Imposibleng malaglag din yon habang nag-uusap kami ni Selene dahil naisara kong mabuti ang bag ko bago ako umalis doon sa lumang building kanina.

Lumang building! Malamang nandoon yon!

Pagkatapos ng discussion namin sa Soc Sci, nagmadali akong tumayo para hanapin ang rosary ko. Hindi yon pupwedeng mawala dahil bigay sa akin yon.

Tiningnan ko ang paligid ng old building at ganoon pa din, wala pa ding tao ang napapagawi doon.

Dumako ang mata ko sa armchair na inuupuan ko kanina. Kuminang agad ang rosaryo ko nang masinagan ng araw.

“Thank you po at wala pong ibang nakakita..” I whispered habang lakad takbo kong tinungo ang kinaroroonan ng rosaryo ko.

Dinampot ko iyon at natigilan ako ng may maramdaman akong nakatayo sa likuran ko. Masyado yong malapit ang distansya para hindi ko mapuna. I even smelled the manly cologne, the scent gives security, parang niyayakap ka– kung di ko lang alam na nasa panganib ako ngayon ganoon sana ang mararamdaman ko.

“So ikaw pala ang may-ari?” Isang malamig na boses ang narinig ko galing sa likuran.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko habang dahan dahang humarap. I saw Gaelan, walang ekspresyon ang mata nya pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko pinag-aaralan nya ang buong pagkatao ko.

“What did you see?” Ang kulay kape nyang mata ay walang kasinglamig kung tumingin.

Por dyos por santo, santisima! Nanginig agad ang aking mga tuhod.

Butil butil na pawis ang nalaglag sa pisngi ko. Parang tubig ang pag-agos nito mula sa noo.

‘Mahabaging ama, bigyan nyo po ako ng awa.’ Nag-sign of the cross pa ako sa kanyang harapan. Mas lalo nya akong tiningnan ng masama.

“Don’t do that in front of me. Hindi ako Santo!” Napapikit ako dahil mas nakakatakot ang boses nya ngayon. Kumapit ako sa napakahabang laylayan ng aking palda at halos mapunit ito sa aking mga kamay.

‘St. Jude, help!’

“What’s your name?” Tanong nya.

Unti unti akong nagmulat ng mata. Sabi nila nakakawalang malay daw ang isang ito dahil sa angking kagwapuhan. Aminado naman ako doon, pero tingin ko hindi lang malay ang mawawala sa akin kundi ang sarili kong buhay dahil sa nakita ko kanina!

Magsisinungaling ba ako? –Pero bad yon, Ria!

Kaya lang pag nagsabi ako ng totoo, mamamatay ako nang hindi ko nakikita ang mga magulang ko!

Nakatayo sa harapan ko si Gaelan Blake Ancheta, ang leader ng Yukan’na ayon kay Selene. Ang pinaka kinatatakutan ng lahat.

Sabi na nga ba dapat sa St. Scho ako inenroll ni Mama. Eh di sana nagdadasal ako ng Three o’ clock prayer ngayon hindi yung ganito— pakiramdam ko may 2 minutes na lang ang buhay ko. Sana naman mabilis ang pagpatay nya at wag nya gupitin ang buhok ko, ayokong umakyat sa langit na maigsi ang buhok baka hindi ako papasukin dahil hindi kaaya-aya ang maigsi ang buhok sa babae.

“Maria Arabella Kassandra Floresca.” Inangat ni Gaelan ang ID ko at halos masakal ako sa sariling ID lace.

‘St. Joseph, hindi ko po alam na ngayon kita tatawagin. 16 pa lang po ako pero patron na ng mamamatay ang tinatawag ko, make it a quick death, please!’

“From now on, I will keep an eye on you. Hindi ka makakalayo sa akin, Maria.” Pinanliitan nya ako ng mata bago padabog na binagsak ang ID ko. Napayuko ako. Umaasa ako ng suntok, bugbog o kung ano pero hindi nangyari.

Pinagmasdan ko ang likod nyang papalayo. Napaupo ako sa malamig na sahig ng corridor ng Keio. Inintay kong bumagal ang sobrang bilis na tibok ng puso ko.

Maganda bang bagay na pinaglagpas nya ako ngayon o pagsisisihan ko yon buong buhay ko?

Kabanata 3

Boyfriend.

Wala ako sa sarili hanggang sa makauwi ako. Nakatipid pa ako ng dalawang sakay sa jeep dahil di ko namalayan na naglakad ako simula sa school hanggang sa bahay. Hindi naman malayo ang bahay namin sa Keio, nagiging dalawang sakay lang dahil hindi tugma ang ruta noong isang jeep na sinasakyan ko.

“Ay jusko kang bata ka! Bakit ganyan ang itsura mo? Pawis na pawis ka ah!” Ibinaba ni Mama ang walis tingting at iniwanan ang mga dahon na nalaglag mula sa puno ng makopa sa harap ng aming bahay. Ngumiti ako ng pilit pero bakas pa din sa mukha ni Mama ang pag-aalala.

“Naglakad lang po ako.” Sambit ko.

“Oh eh bakit? May baon ka nam—” Huminto si Mama sa pagsasalita at pinanliitan ako ng mata.

“Hindi mo na naman kinuha ano? Inihalo mo na naman ang baon mo sa pamalengke na ibinigay sa akin ng Papa mo?”

“Nandyan na po ba yung mga stuffed toys ni Ate Ailyn?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Dumating na kanina. Nalagyan ko na ang kalahati–”

“Ma..” Protesta ko. Hindi ko talaga gusto kapag ginagawa ni Mama ang trabaho ko. Kaya nga ako nagtatrabaho para makatulong tapos parang dinadagdagan ko pa ang gawain nya.

“Maria.. Hindi mo naman kailangang gawin—”

“Ma, okay lang po ako..” Pagpapanatag ko sa kanya.

“Ay sige, kapag nagalit sa akin si Ma’am.” Napangiwi si Mama ng makapasok kami sa bahay.

“Ma naman, ako po bahala sa inyo.” Tinapik ko ang likod ni Mama at dumiretso ako sa salas kung saan nakita ko ang malaking plastic ng mga stuffed toys na lalagyan ko ng maliliit na damit.

Nagsimula na akong bihisan ang mga stuffed toys ng sumilip si Mama mula sa maliit na kusina at mayroong dalang juice at sandwich. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa klase ng pag-aalaga nya sa akin simula pagkabata.

Sya ang matyagang nagturo sa akin na mag-pray saka pinakilala nya sa akin ang mga Saints kaya nagpapasalamat ako sa kanya.

Nang matapos ko ang ginagawa, nagtungo ako sa kwarto ko para gawin ang mga assignments ko nang tumunog ang phone ko.

Unknown Number: So how’s the stuffed toys?

Kinabahan ako sa isang mensahe na natanggap ko.

Nagtipa ako ng reply.

Ako: Sino to?

Unknown Number: Hulaan mo..

Ako: Mmm.. Hindi ko mahulaan eh.

Unknown Number: I am watching you.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko! Nagpalinga linga ako at baka napunta nga si Gaelan sa kwarto ko. Isa lang naman ang magtetext sa akin ng ganito pero paano nya nalaman ang number ko?

“Maria, kain na..” Sumilip si Mama sa kwarto ko kaya tumayo na ako at sumunod. Naabutan ko si Papa na nakaupo sa lamesa kaya nagtungo ako doon para mag-mano.

“Kaawaan ka ng Diyos. Umupo ka na..”

Nag-pray muna si Papa bago kami kumain, ilang minuto ko nang naririnig ang pag-galaw ng mga kubyertos pero nakatingin pa din ako sa pagkain sa harap.

“H-hindi mo ba gusto ang pagkain, Maria?” Nagtatakang tanong ni Mama. Ngumiti ako at sumubo ng isa.

“Aba, kumain ka.. Hindi ka maaring pumayat, ano na lang ang sasabihin ni Ma’am.”

“Buding, hayaan mo nga si Maria baka nagdi-dieta na. Dalaga na yan. Magiging debutante na pagkalipas ng dalawang taon.”

Sumimangot ako sa sinabi ni Papa kaya humalakhak si Papa. Hindi naman ako nagda-diet eh! Kinakabahan kasi ako kaya hindi ako makakain ng maayos. Iniisip ko pa yung mga sinabi ni Selene, paano na lang kung bugbugin ako ni Gaelan? Mag-aaalala tyak si Mama.

Dapat umiwas ako sa taong yon. Tama! Iiwas ako.

Kinabukasan, normal ang lahat sa Keio. Normal, ibig sabihin pinipintasan pa din nila ako habang dumadaan ako. Dinig ko ang malakas nilang pagtawa sa bawat paghakbang ko. Humawak ako sa rosary ko habang bumubulong ng prayers sa utak ko at hindi ko sila pinansin.

‘The agony of—’

Isang bagay ang tumama sa likod ko kaya napalingon ako sa paligid ko. Nakita ko sa paanan ko ang isang papel na nakalamukos, mukhang sinadyang ibato sa akin kaya naman pinulot ko iyon at binasa ang nakasulat.

MAG-IINGAT KA.

Pula ang ginamit na tinta. Tapos may nakalagay sa baba na simbolo ng letter Y.

“Hala! May warning sya mula sa Yukan’na!” Di ko napansin ang paglapit sa likod ko ng ilang mga schoolmates ko.

“Oh, very unfortunate! Tsk tsk..” Iiling iling na sabi ng babae na nasa gawing kanan ko. Malapit sya pero hindi nya hinahayaang magkadikit ang balat namin. Hindi ko sila pinansin at tinapon sa pinakamalapit na basurahan ang note. Napasinghap ang mga nakakita.

“Itinapon nya lang?”

“Binabalewala nya ba ang warning?”

“Naku, simula na ng malas nya. Wag na nating asarin, kawawa na yan sa pito.”

“Ayan na! Ayan na!” Tumili ang isa at mula sa di kalayuan nakita kong naglalakad ang F6 papalapit sa direksyon ko. F6 dahil wala si Gaelan.

“Ice.. Ikaw ba ang nagbigay ng note?” Kunot noong tanong ni Yuki pero sa akin sya nakatingin. Huminto sila sa tapat ko.

“Ako agad?” Reklamo nya. Tinapik sya ni Zeus si Ice sa likod. “Oh? Bakit ako ang pinagbibintangan nyo? Kanina pa tayo magkakasama ah.”

“Grabe! Nilapitan sya ng Yukan’na!!!” Tili ng isa sa nanonood sa amin.

“Baka si Gaelan, Yuki.” Seryoso ang boses ni Rye at nakapamulsa lang. Wala syang direktang tinitingnan.

“Tsk.” Napailing si Yuki.

“May ginawa ka ba sa kanya?” Tanong sa akin ni Yuki. Mabilis akong umiling.

“Kausapin ko na lang. Ingat ka, Ria.” Pagkasabi nya non, sunod sunod silang naglakad. Lalo akong natakot!

Pakiramdam ko talaga malapit na ang katapusan ko!

“St. Peter, wag mo muna akong ilista sa Book of Life. Amen.”

“Grabe sya. Parang hindi man lang sya nasindak sa Yukan’na!”

Hindi ko pinansin ang mga naririnig kong nagsasalita. Naglakad akong muli patungo sa classroom ko. Kinailangan kong dumaan sa lumang building ng Keio dahil yon ang pinakamalapit sa Room 1508 ayon sa maps na binigay sa akin ng school.

Nakayuko akong naglalakad ng nakita ko sa gilid ng mata ko ang naglalakad kasabay ko.

“Tch, hindi ka pa din lumalayo sa lugar na to? Inaantay mo bang makita ulit ako?” Nanigas ako sa boses na narinig ko. Hinarap ko si Gaelan sa aking gilid. Nakasuot sya ng itim na tshirt at jeans. Nakapamulsa sya habang pinanliliitan ako ng kulay kape nyang mga mata.

.Ang kulay nya ay katamtaman. Maputi sya pero hindi kakulay ng papel. His biceps are evident, parang madalas mag-gym, yan ang brasong sasakal sa leeg ko panigurado!

Hindi ko sya pinansin at nagdirediretso ako sa paglalakad, ang totoo natatakot ako sa kanya pero anong magagawa ko kung nakita ko na ang kalokohan nila ni Miss Farrah?

Hinila ako ni Gaelan at ipinaharap sa kanya. Agad kong iniiwas ang ulo ko dahil akala ko sasapakin nya ako.

“Una, bawal ka dito sa building na to.” Malamig nyang sabi.

“O-oh, sige h-hindi na m-mauulit..” Sagot ko at akmang kakawala para umalis.

“Pangalawa, gusto kong ipaalam sayo na hindi maganda ang aaabutin mo kapag may nakaalam sa nakita mo, at pangatlo—” Tumingin sya diretso sa mga mata ko, ilang saglit syang nakatitig doon pagkatapos ay nag-iwas agad sya ng tingin.

“P-pangatlo, alipin na kita simula ngayon.” Umayos syang tayo at binitawan ang braso ko.

“A-alipin? G-grabe naman y-yun..” Maliit ang boses ko ng pagpoprotesta, muling nagsalubong ang makakapal na kilay ni Gaelan at halatang hindi nagustuhan ang pagtutol ko.

“O sige na, alipin na. Alipin.” Pagpayag ko kahit labag sa loob.

“Bilang paunang utos, pumunta ka dito ng lunchbreak. Sa tapat ng room na yan–” Itinuro ni Gaelan ang classroom kung saan ko sila nakita kahapon.

“Manonood ulit ako? Ayoko na–”

“Tsk! Hindi ka manonood. Babantayan mo ang hallway kung mayroong dadaan habang magkasama kami ni Farrah.” Aniya.

“Eh pero paano ako kakain?” Tanong ko.

“Hindi ka kakain. Kumain ka ng mas maaga pero hindi sa lunchbreak dahil yon lang ang oras ni Farrah.”

“Bakit ako ang mag-aadjust sa date nyo?” Napakapit akong muli sa gilid ng mahaba kong palda. Takot na sigawang muli ni Gaelan dahil sa walang preno kong pagtatanong.

“Dahil alipin kita. At ang alipin, sumusunod sa utos ng amo nya. Sige na. Alis na. Kapag hindi ka dumating dito sa lunchbreak, I. WILL. K—”

“Oo dadating! Dadating ako!” Natatarantang sabi ko.

Pinakawalan din ako ni Gaelan pagkatapos. Wala ako sa sarili habang nagdidiscuss ang Professor namin. Paulit ulit akong tumitingin sa orasan dahil nag-aalala ako na hindi dumating sa oras sa lumang building. Baka magwala si Gaelan at totohanin nga ang pagpatay sa akin.

“Hi Ria!” Nakangiting kumaway si Selene sa akin mula sa malayo. Kumaway ako pabalik at sumenyas sa kanya na may pupuntahan ako. Tumango sya at tinuro naman ang library, mukhang magrereview sya.

Pagkadating ko sa lumang building nakarinig na agad ako ng ingay mula sa loob ng classroom. Mas malakas kaysa sa kahapon. Alam ba nila na nandito ako? Bakit mas malakas pa kaysa kahapon? O baka naman kampante na sila dahil alam nilang may nagbabantay sa hallway.

Kinuha ko ang earphones ko mula sa bag ko at nakinig na lang sa malakas na music. Gusto ko sanang magnovena kaya lang hindi magandang destinasyon ang kinalalagyan ko ngayon.

Pabalik balik ang tingin ko sa kaliwa at kanan. Mukhang wala naman talagang napapagawi dito. Ilang sandali pa bumukas na ang pinto. Nakita ko si Miss Farrah na inaayos ang kanyang damit. Si Gaelan naman ay parang lasing na nakatitig lang sa magandang mukha ni Miss Farrah.

“Hi Maria!” Kaswal na bati sa akin ni Miss Farrah. Tumango lamang ako sa kanya. Sinilip ako ni Gaelan gamit ang gilid ng kanyang mga mata, ako ang nag-iwas ng tingin. Sakto namang tumunog muli ang bell tanda ng simula na ng afternoon classes. Tumayo agad ako para magtungo sa classroom ko sa Philosophy. Sa kabilang direksyon ako dumaan.

“Maria!” Narinig kong tawag sa akin ni Gaelan. Lumingon ako saglit at tumingin muli sa dinadaanan ko. Sinasabayan ako ni Gaelan sa paglalakad.

“Binabalaan kita–”

“Wala akong pagsasabihan.” Mabilis na sagot ko. Kailan ba sya titigil sa pag-babanta sa akin? Takot ko na lang mamatay hindi ba?

“Okay, bilhan mo ako ng bottled coffee sa Food Alley.” Mabagal syang naglakad kasabay ko. Tiningnan ko sya at hindi man lang sya nag-aabot ng pera!

“Nasaan ang pambili mo?” Tanong ko ng malapit na kami sa quadrangle at wala pa din syang ibinibigay.

“Bakit mo ako hinihingian ng pera? Alipin nga kita di ba?” Nakataas ang kanyang kilay na parang naiinis sa akin.

“Alipin mo nga ako pero hindi ako ang magulang mo. Hindi ako ang magbabayad sa mga luho mo.” Matigas na sabi ko.

Pinanlakihan nya ako ng mata pero hindi ako nagpatinag, “Sumasagot ka agad? Anong klaseng alipin ka?” Iritado nyang tanong.

“Alipin na walang pera. Gaelan, kapag ibinili kita ng hinihingi mo, ako ang mawawalan ng baon.”

“It’s just 80 pesos!” Nakahalukipkip na sabi nya.

“Oy girl, kinakausap sya ni Gaelan!” May narinig akong boses ng babae na nakatingin pala sa aming dalawa ni Gaelan pero mukhang hindi naman iyon alintana ni Gaelan.

Napabuntong hininga ako.

“80 pesos ang hinihingi mo, ang baon ko 100 pesos lang. Ang 20 pamasahe ko sa jeep pauwi at ang 60 pesos ang pambili ko ng pagkain.” Pag-rarason ko. Napaawang ang labi ni Gaelan at ginulo gulo ang kanyang buhok.

“Paano ka nakapasok sa Keio kung wala kang pera?!” Inis nyang tanong.

“Scholar ako.”

“Ilang minuto na silang magkausap?” Boses na naman ng babae ang narinig ko.

“Girl, 5 minutes na!” Halos mangiyak ngiyak na sagot naman nung isa.

“O sige na, sige na.” Kinuha ni Gaelan ang kanyang wallet sa bulsa at naglabas ng isang libo at winagayway sa harapan ng mukha ko. “Bilhan mo ako.” utos nya.

Kinuha ko ang pera at nagmadaling magtungo sa Food Alley. Mayroon na lamang kasi akong 5 minutes para magtungo sa susunod na klase.

Nang mabili ko na ang kape ni Gaelan, natagpuan ko syang nakatayo doon sa lilim ng puno ng mahogany, nakahalukipkip na naman sya at pinagmamasdan ang bawat pagkilos ko.

Inabot ko sa kanya ang bottled coffee pati na din sana ang sukli pero tumalikod na sya at binuksan ang bote ng kape nya.

“Gaelan, sukli.”

“Keep the change.” Sagot nya bago uminom. Kumunot ang noo ko. Nagtatapon sya ng pera.

“Hindi ko tatanggapin.” Nilapag ko sa lupa ang sukli at mabilis na naglakad pagpapalayo.

“Hoy Maria!” Narinig ko pang sigaw nya ng makalayo na ako.

Hindi na ako lumingon dahil nag-aalala akong ma-late.

Tumunog ang sikmura ko habang nagkaklase kami. Mukhang kailangan ko nang masanay na hindi manananghalian. Ayoko naman humirit kay Mama na ipagluto din ako ng baon dahil tiyak na mawawalan naman ako ng gana sa pakikinig ng ingay ni Gaelan at Miss Farrah doon sa bakanteng classroom.

Hay Ria! Ano bang pinasok mo!

Ang mga sumunod na mga araw ay ganoon din. Hindi nagsasawa si Gaelan at Miss Farrah sa kanilang ginagawa. Kahit sa Math Class nga namin mahahalatang pinapaboran ako ni Miss Farrah, tingin ko ay para mapagtakpan ko sila sa hindi tama nilang ginagawa.

Araw araw ko ngang inihihingi ng tawad ang pangungunsinte ko sa kanila kaya lang natatakot naman akong suwayin si Gaelan kundi baka mawala na lang ako sa mundo.

“Hindi ka na naman magla-lunch?” Ngumuso si Selene sa akin. Ilang linggo na nya akong inaabangan sa classroom ko tuwing lunchbreak pero lagi kong sinasabi na hindi ako makakasabay dahil may ginagawa akong importante. Nakakasabay ko naman sya tuwing snacks kapag may klase ako ng 3PM.

“Mamaya na lang tayo mag-sabay.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Naku, Ria. Ang payat mo na agad! Tingnan mo o, ang luwag na ng damit mo. Hindi ka kasi kumakain ng lunch.” Puna nya sa akin.

Hindi ko naman napapansin ang pagpayat, pero ang kawalan ng gana, oo. Nakukunsensya kasi talaga ako!

Ang Gaelan talaga na yon!

Naiinis na napakamot ako ng ulo dahil sa naiisip. Wala naman akong maaaring sabihin may Selene dahil malalagot ako kay Gaelan!

“O sige na. Kay Zeus na naman pala ako sasabay. Mamaya ah.” Ngumiti si Selene at kumaway sa akin habang papalayo. Sinalubong naman sya ni Zeus at sabay na silang naglakad.

Ako naman sa opposite direction patungo sa lumang building.

“Tingnan mo o, pupunta na naman sya sa lumang building.” Nakarinig ako ng bulungan sa may kiosk doon kung saan ako dumadaan patungong lumang building.

“Ano kayang mayroon doon? Sabay ba silang naglulunch ni Gaelan? Kasi paglabas nila doon, lagi silang magkasama..”

Napapikit ako ng mariin habang naglalakad.

Kita mo na! Kita mo na!

Ang kalokohan ni Gaelan ako pa talaga ang napagdudahan.

“Iba din pala ang taste ni Gaelan sa mga babae.”

“Pero medyo pumayat na sya ah.”

“Baduy pa din! Tingnan mo ang buhok, laging nakapusod sa taas! At ang paborito nyang kulay, brown!”

“Girl, wag kang magsalita ng ganyan. Kung totoo ang sa kanila ni Gaelan malalagot tayo!”

“Imposibleng totoo yon! Eh last month nya mayroong note mula sa Yukan’na ang isang yan!”

Binilisan ko pa ang lakad ko, ayoko ng marinig dahil naiinis lang ako.

Pagdating ko doon sa lumang building kinabit ko muli ang earphones ko at pabalik balik na lumingon sa kaliwa at kanan. Nakahinga ako ng maluwag ng magbukas na muli ang pinto sakto sa pagkatunog ng school bell for afternoon classes. Noong minsan kasi nahuli ako sa klase dahil nagtagal sila ng husto.

Dating gawi, sumunod si Gaelan sa akin sa paglalakad. Kinuyom ko ang palad ko at kinagat kagat ang labi ko at bago maubos ang pasilyo ng lumang building, buong tapang kong hinarap si Gaelan.

“Diyan ka lang.” Sambit ko. Kumunot ang noo ni Gaelan, napaawang ng kaunti ang mapupula nyang labi.

“Anong sabi mo?” Iritadong sabi nya.

“Diyan ka lang at wag tayong sabay na maglalakad.” Yumuko ako at pumikit. Inaantay na sigawan nya ako.

“Ano bang problema mo? Bibilhan mo pa nga ako ng pagkain sa Food Alley!”

Napatiklop agad ako sa kanyang sigaw. Ayan Ria, panindigan mo yan!

“Eh k-kasi bago a-ko pu-pumunta d-dito n-n-nakari–nig ak-ong b-ulungan.” Nahihirapan na sabi ko, nakakatakot talaga si Gaelan kapag galit!

“Ayusin mo nga!” Naiinis na sigaw ni Gaelan.

“Iniisip nila na may relasyon tayo. Kapag sabay na naman tayong umalis dito, ganoon na naman ang iisipin nila.”

Natigilan si Gaelan, hinangin bahagya ang kanyang buhok at mataman akong tiningnan.

Hindi sya nagsalita at maya maya pa lumapad ang kanyang pagkakangiti na parang may ideyang pumasok sa kanya. Natulala ako sa pantay pantay nyang ngipin. Grabe, bagay sa kanya ang nakangiti. Parang hindi sya gagawa ng masama.

“Aha! Tama!” Aniya.

??

“Maria, magpanggap ka na girlfriend ko!” Hinawakan nya pa ako sa magkabilang balikat ko at niyugyog ako paulit ulit.

???!!!!

“That way, they wouldn’t think na kami ni Farrah. That way it would be easier.” Nakangising sabi nya na nagniningning pa ang mata.

“A-ayoko.” Sunod sunod at mabilis ang pag-iling ko.

Tumingin na naman sya sa akin ng nagbabanta at diniinan ang paghawak sa balikat ko, masakit….

“Wala kang magagawa, Maria. Do as I say.” Mariin nyang sabi.

Kaya bago matapos ang araw na yon. Boyfriend ko na si Gaelan Blake Ancheta ng ganun ganon na lang.

Kabanata 4

Yabs at Tabs

“Hala grabe. Bakit sila magkasabay kakain?”

“Baka magugunaw na ang mundo..”

“Shh, wag kang maingay, gusto mo bang mapatay ni Gaelan?”

“Gaelan.. May pasok pa ako.” Bulong ko sa likod ni Gaelan. Amoy na amoy ko pa ang kanyang pabango kaya umiwas ako ng kaunti, nahiya naman ako.

“Bibilhan mo pa nga ako ng pagkain di ba?” Pabulong na angil nya sa akin. Tumalim ang kanyang titig kaya natakot ako agad.

“S-sige. Anong gusto mo?” Takot na tanong ko sa kanya. Pinagmasdan ko syang kunin ang kanyang wallet at nag-abot na naman sa akin ng 1,000 pesos.

“Bilhan mo ako ng fried chicken saka coke.” Aniya. Pinanliitan ko sya ng mata, tinaasan naman nya ako ng kilay.

“Bakit?” Tanong nya.

“Araw-araw fried chicken lang ang kinakain mo.” Puna ko. Sinimangutan naman nya ako agad at akmang sisigawan. Iniangat ko ang palad ko para patahimikin sya.

“Tandaan mo, girlfriend mo ako.” Bulong ko sa kanya.

“Eh ano naman ngayon?!” Depensa nya habang umuupo doon sa lamesa.

“Dapat mabait ka.. Kasi walang maniniwala kung hindi.” Suhestyon ko. Mukha namang nakumbinse ko sya kaya itinikom nya ang bibig nya.

“Humanda ka kapag tayong dalawa na lang.” Banta nya.

Hindi ako kumibo at kinuha ang pera sa kanya. Lumapit ako doon sa paborito nyang fastfood at nag-order ng pagkain nya. Pinagtitinginan pa din ako habang bitbit ko ang tray ng pagkain ni Gaelan. Binaba ko ito doon sa lamesang nakalaan sa Yukan’na.

“Yung para sayo?” Tanong nya habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga pagkain. Umiling ako.

“Papasok na ako.” Sambit ko. Sinamaan nya ako ulit ng tingin kaya napaupo ako doon sa couch katabi nya.

“Gaelan, hindi ako maaring umabsent dahil hindi pupwedeng bumaba ang grades ko..” Bulong ko muli sa kanya.

“Tch. Ako ang bahala sayo.” Sambit nya sabay hiwa sa manok sa kanyang harapan.

Grabe naman yun. Paano akong maniniwala sa kanya eh ginawa nya pa nga akong panakip butas para hindi sila mahuli ni Miss Farrah. Kung sya ang batas eh di dapat hindi sila naglilihim ngayon. Kung sya ang batas dapat si Miss Farrah lumipat ng pagtuturuan para pupuwede na sila.

“Gaelan..”

“Tsk, sige na, sige na. Mamaya susunduin kita sa room mo. Wag kang aalis doon hangga’t wala ako, naiintindihan mo?” Medyo napalakas na sabi nya.

‘Yieee.. ang sweet ni Gaelan!!’

Napangisi si Gaelan dahil sa narinig nyang komento. Napayuko lang ako. Buti kung matagalan nya ang ganitong set up. Lumabas ako at nagtungo sa classroom ko, halos kasabay ko lang ang propesor.

Nakinig ako ng husto sa discussion pero hindi maiwasan na mawala ako sa focus. Paano ko sasabihin kay Mama na may boyfriend na ako? Kailangan ko bang sabihin yon? Di ba fake lang naman? Kaya lang pag sinabi kong peke, mag-aalala yon kung bakit ginagawa ko ang pagpapanggap lalo na pag sinabi kong manganganib ang buhay ko kapag hindi..

“Miss Floresca, so what is Hypothalamus?” Tanong sa akin ng Professor Laurente. Tumayo ako at napalunok. Hindi ako masyadong nakinig.

“Hypothalamus is a portion of the brain that contains a number of small nuclei with a variety of functions.” Pang-huhula ko.

“Important function?” Sumunod na tanong nya.

“It links the nervous system to the endocrine system via the pituitary gland.”

“Very good. Nag-aaral. Hindi puro pagpapaganda.” Hinampas ni Professor Laurente ang desk ni Tyra na nagme-makeup sa gitna ng klase.

Sumimangot si Tyra “Miss naman. Nandyan si Gaelan sa labas!” Sabi pa nito. Nagbulungan ang mga kaklase ko at halatang kinikilig ang karamihan.

Napalingon din ako sa labas ng classroom namin. Nakita ko doon si Gaelan na nakahalukipkip. Nagtama ang mga mata namin at agad nya akong tinaasan ng kilay. Napayuko ako agad.

Napakaaga naman nya! Mayroon pa kaming 20 minutes na natitira. Nagpaquiz pa si Professor Laurente sa amin bago kami tuluyang pinalabas.

Nakayuko akong lumabas at huminto sa tapat ni Gaelan. Iniabot nya ang kamay nya sa akin at tinitigan ko iyon ng matagal.

‘Anong ginagawa ni Gaelan?’

‘Sinundo nya ba yang geek na yan?’

‘Tingnan mo o, hindi tinatanggap ni Maria ang kamay nya.’

‘Sinong Maria?’

‘Ayang pangit na yan!’

“Kunin mo ang kamay ko, mapapahiya ako.” Bulong ni Gaelan ng may pagdidiin. Kinuha ko ang kamay nya at una kong napansin….

Ang lambot!

Hawak kamay kaming naglakad sa corridors. Gulat na gulat ang bawat nasasalubong namin. Hindi ko sila masisisi dahil talaga namang nakakagulat. Isang mataba at isang payat. Ang sakit sa mata.

“Grabe, ang pawisin naman ng kamay mo!” Inihagis ni Gaelan ang kamay ko pagkadating namin sa parking lot ng school at wala ng tao.

Pinunasan nya ang kamay nya sa kanyang pantalon na parang diring diri.

“K-kinakabahan kasi ako eh..”

Totoo naman. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakahawak ng kamay ng iba. At syempre takot ako kay Gaelan. Baka sigawan nya ako o kung ano…

Sabagay kahit anong gawin ko, sisigawan nya pa din naman ako.

“Eh bakit ka ba kinakabahan!” Sigaw nya.

Kita nyo na. Sisigaw talaga sya.

“Sakay na..” Nginuso ang sasakyan sa aming harapan. Isang kulay pula na sportscar, di ko alam ang tawag.

Sumakay ako doon at sumalubong agad ang bango nito.

“Maswerte ka at ikaw ang una kong sinakay sa Dodge ko.” Sambit nya pagkasakay nya doon sa driver seat.

“Ah.. Thank you.” Sagot ko naman. Sinamaan nya ako muli ng tingin.

Sobra naman, galit ulit.

“Alam mo hindi ko alam kung inaasar mo lang ako o kung ano eh.” Reklamo nya.

“Naasar ka ba?”

“Oo, asar na asar!”

“Sorry..”

“Kita mo na! Nakakaasar ulit!”

Hindi na ako kumibo.

“O bakit hindi ka sumagot? Nakakaasar ulit!” Sabi nya.

Kahit ano palang gawin ko maasar sya. Eh bakit ako pa ang napili nyang pagpanggapin na girlfriend nya? Bakit hindi na lang yung katanggap tanggap ang itsura?

Naku, makakaligtaan ko na naman ang pagrorosaryo ko habang naglalakad pauwi dahil si Gaelan ang kasabay ko.

Tinuro ko kay Gaelan kung saan kami dadaan pero alam na daw nya, mas lalo tuloy akong natakot. Sinabi ko ngang ibaba na lang nya ako sa malapit lang sa amin pero tumanggi sya. Nagpapakipot pa daw ako kahit gusto ko namang ihatid nya. Eh hindi ko naman talaga gusto.

Binuksan ko ang pinto ng kanyang sasakyan pagtapat sa bahay namin at mabilis na bumaba.

“Hoy, saan ka pupunta?” Narinig ko pang sigaw nya.

Mabilis akong pumasok doon sa gate at narinig ko ang pagbukas ng kanyang pintuan at pabagsak na pagsara nito.

“Sino ang naghatid sayo?” Tumigil si Mama mula sa pagwawalis.

“Maria!” Mula sa labas ng maliit naming gate, nandoon si Gaelan. Masama ang tingin sa akin.

Sinenyasan ko sya na wag maingay. Nagtataka na ang mukha ni Mama kaya mas lalo akong kinabahan!

“Sino sya?” Tanong ni Mama.

“A-ah.. Si Gaelan po. Kaeskwela ko.”

“Anong kaeskwela?” Reklamo ni Gaelan mula sa labas. Namutla ako ng husto! Wala akong balak sabihin kay Mama kung sino sya.

“Uuwi na po sya Mama. Tara na po sa loob. Bye, Gaelan. Bukas na lang.” Hinila ko si Mama na nagtataka pero sumunod naman sa akin.

“Sino ba yon, Ria?” Nag-aalalang tanong ni Mama habang ibinababa ang gamit ko sa sofa.

“K-kaibigan ko po,” Pagsisinungaling ko.

“Mukhang hindi naman kaibigan. Mukhang masungit ang batang yon!”

“Mabait po sya Mama… Ganon lang po ang mukha nya, mukha po talaga syang may diprensya sa utak pero mabait.” Paninindigan ko.

“O sya sige. Basta kung may problema, magsasabi ka sa Papa mo ha. Alam mo na ang gagawin.  Walang maaring umapi sayo.” Pagpupunto pa ni Mama.

Inabala ko ang gabing iyon sa pag-aaral. Wala naman akong magagawa kundi ang tingnan ang libro ko, nawalan na naman ako ng gana kumain. Nung mga nakaraang araw, si Miss Farrah at Gaelan ang nagkakasala, ngayon naman, ako at si Gaelan.

Kawawa naman ang kaluluwa ng taong iyon.


“Mmm.. I missed you.. Baka naman totoo na ang tsismis sa inyo ni Maria ha.” Narinig ko ang medyo malakas na bulong ni Miss Farrah mula doon sa room kung saan sila nagtatagpo ni Gaelan.

“Hindi, Babe.. Magkakagusto ba ako sa kanya? Kahit dulo ng daliri mo hindi pupwedeng ikumpara sa kanya.” 

“Dapat lang, magseselos talaga ako! Ayy!!! Ano ba Gaelan! Be gentle naman!” Humalakhak si Miss Farrah at ako naman ay nagsimulang ikabit ang earphones ko. Pumikit ako para pagtakpan ang gutom na nararamdaman.

Ilang bigas kaya ang matitipid ko dahil sa kawalang gana sa pagkain simula pumasok ako sa Keio? Ilang oras din kayang pangungumpisal ang katumbas ng pagsisinungaling namin ni Gaelan?

“Maria.. Maria.” Nakaramdam ako ng pagyugyog sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na nakatayo sa harap ko si Yuki Yushima! Ang isa sa F7 este Yukan’na. Pinakiramdaman ko agad ang paligid kung mayroon bang ingay mula doon sa silid nina Gaelan, nakahinga ako ng maluwag noong wala.

“Anong ginagawa mo dito?” Hindi ko naiwasang tanungin. Nakahanda na ang aking depensa, kailangan ko syang mailayo dito kahit anong mangyari!

“Nakita kasi kita, natutulog ka. Akala ko may sakit ka.”

“W-wala… Halika na.” Tumayo ako at hinila sa braso si Yuki para ilayo sya dito sa old building pero hindi sya nagpahila.

“Nasaan si Gaelan?” Tanong nya sa akin at nagpapabigat. 

“W-wala. Wala sya dito.”

Tumaas ang kilay ni Yuki. “Talaga? Wala? Di ba lagi kayong magkasama kapag lunch break at dito kayo nanggagaling?” Nabitawan ko ang kanyang braso dahil wala naman akong lakas para hilahin sya.

“M-minsan lang yon.” Depensa ko. Lumikot ang mga mata ko dahil ang hirap maagsinungaling!

“Ah, minsan lang pala yon.” Tumango tango sya kahit halata pa din ang pagdududa sa kanya. 

’Kayo na daw ni Gaelan? Para kasing hindi ka pa nya naipapakilala sa amin.“ Naging isang manipis na linya ang labi ni Yuki, parang binabasa nya ang susunod na magiging reaksyon ko.

“Ah. Hehe, kailangan pa ba non?” Ngumiti ako ng alanganin.

Nagpamulsa si Yuki at tinitigan akong mabuti, mas lalong nanliit ang singkit nyang mga mata.

“Syempre. Bestfriend namin si Gaelan, we should know..” Nagkibit balikat pa ito habang naglalakad papaikot sa akin.  Huminto sya sa harap ko at iniangat ang baba ko na para bang inuutusan nyang magsalita ngayon din.

Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nakatuon sa mga mata nya. Kinakabahan ako. Hindi ko na alam kung paano pa pagtatakpan ang kalokohan ni Gaelan. Lalo na kung mayroong lalabas napag-ungol mula doon sa classroom siguro magtatatakbo na lang ako at aantayin ang kamatayan ko sa kamay ni Gaelan dahil mabubuking sya.

“Yuki.” Sabay kaming napalingon sa likod. Nakatayo doon si Gaelan, mag-isa lang sya at salubong ang kanyang kilay.

“Gaelan.” 

“Bakit mo kausap ang girlfriend ko?” Matigas na tanong ni Gaelan. Ngumisi si Yuki.

“So totoo nga?”

Naglakad si Gaelan papalapit sa amin at nilagpasan nya si Yuki! Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tiningnan ako ng may pag-aalala. 

“Okay ka lang ba, Tabs?” Nakakakumbinse ang mga mata nya na nag-aalala.

“Tabs?” Sabay pa naming naisantinig ni Yuki pero mas mahina ang sa akin.

“Endearment ko sa kanya.” Umismid pa si Gaelan kay Yuki. “Ganoon talaga di ba ang may relasyon? Right Tabs?” Kumindat pa si Gaelan sa akin at itinapat pa nya ang kanyang bibig sa aking tenga “short for taba. “ Bulong sa akin ni Gaelan na may halong pang-iinsulto.

Nakuha ko agad ang kanyang ibig sabihan. Ang Gaelan talagang ito! Napakapilyo nya at presko.

“Ah, oo naman Yabs..” Ngumisi ako at bumulong din sa tenga ni Gaelan. “ short for Yabang. Wag kang magrereklamo, nakatingin ang kaibigan mo..“ Sabi ko sa kanya.

Tumango tango si Yuki atg sumeryoso ang mukha, hindi ko mabasa ang ekspresyon nya. Sakto naman tumunog ang bell for lunchtime. Kaya kahit papaano ay naligtas kami, yun nga lang ay patuloy akong siniringan ni Gaelan habang naglalakad papalayo ng old building.

Facebook: Makiwander Stories

Kabanata 5

Pahirap.

“Tabs!”

“Yabs.”

“Tabs!”

“Yabs.”

“Tabs!”

‘Uy! May tawagan na talaga sila! Huhuhu!’

‘Ano kayang ibig sabihin non?’

‘Bakit yang mataba pa na yan?!’

“Oh my gosh! Kayo na talagang dalawa?!” Huminto si Selene sa harapan namin ni Gaelan, patungo sana kaming Food Alley habang si Yuki naman ay nauna na sa paglalakad. Isa ding weirdo yon.

“Back off, Selene.” Masungit na sabi ni Gaelan.

“No. I am Ria’s only friend kaya dapat alam ko.” Pagpupumilit pa ni Selene. Napangiwi ako. Kung alam mo lang talaga Selene…

“Oo, kami na nga! Tsk, kailangan talaga ipag-diinan?!” Sigaw ni Gaelan. Tumahimik ang buong Keio. Ang paghuni lang ng ibon ang maririnig. Nahiya nga akong huminga dahil baka marinig nila dahil sobrang tahimik.

‘Oh Sht. He means it.’ May isang babae ang hindi napigilang mapabulalas.

Napaawang ang mapupulang labi ni Selene, nanliit ang husto ang bilugan nyang mga mata na kulay blue.

“Langya ka Ancheta! Paano mo ginawa yon?” Malakas na hinampas ni Selene ang balikat ni Gaelan, agad na sumama ang mukha ni Gaelan at akmang hahampasin din si Selene.

“Gaelan!” Mula sa malayo mayroong sumigaw. Salubong ang kilay ni Zeus na naglalakad papalapit sa amin.

“Tsk.” Sambit ni Gaelan. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila lalo na nang lumapit si Zeus kay Selene at tiningnan ito ng may pag-aaalala.

“Ayos ka lang?” Zeus asked. Umirap naman si Selene.

“Ang OA mo. Subukan ni Gaelan galawin ang dulo ng daliri ko, isusumbong ko sya kay Daddy!” Buong pagmamalaking sabi ni Selene.

“Tss. I should tell Ninong Alec how bitchy you are!” Pagbabanta ni Gaelan.

“I should tell Ninang Blair how jerk you are!”

“Tara na, Selene..” Pumagitna ako sa kanilang dalawa dahil mukhang walang magpapatalo. Matigas ang ulo ni Gaelan, ganoon din si Selene pero syempre mas kampi ako kay Selene dahil mabait sya sa akin.

“Teka, Tabs! Kakain pa tayo!” Sigaw ni Gaelan nang naglalakad kami ni Selene papalayo.

‘Ay grabe na ang sakit! May tawagan talaga sila!’  Mayroon na namang nagsalita sa di kalayuan.

“Busog pa ako, Yabs. Ikaw na lang.” Binigyan ko sya ng pekeng ngiti.

Kitang kita ko ang pagsimangot ni Gaelan. Halatang ayaw nyang tinatawag syang Yabs.

“Bibilhan mo pa ako ng pagkain di ba.” Tumakbo pa si Gaelan at inagaw ang kamay ko kay Selene.

“Fried chicken lang naman ang kinakain mo eh. Ano bang challenge doon?” Huminto ako at hinuli ko din ng tingin ang kanyang mga mata.

“Hindi ko gusto ng fried chicken ngayon! Gusto ko ng gulay. Ikaw ang pumili.”

‘Naglalambing si Gaelan sa kanya!’

‘Eiw, bakit walang taste si Gaelan?!’

‘Wag mong ipaparinig yan kay Gaelan, baka magalit yan.’

kailangan ko na atang masanay sa malalakas na bulungan kapag malapit ako kay Gaelan. Tsk.

“Sasama ako!” Singit ni Selene.

“Hindi na, bakit sasama ka pa?” Kontra naman ni Gaelan kay Selene. “Zeus, igapos mo nga yang chick mo.” Nakangising sabi ni Gaelan kay Zeus na nakasunod lang pala sa amin sa likuran. Nakapamulsa sya at nakatuon lang ang mga mata nya kay Selene.

“Hindi nya ako chick!” Namula ang pisngi ni Selene, angat na angat ito dahil maputi ang kanyang kutis na parang snow.

Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Zeus, para bang natutuwa sya kapag naiilang si Selene.

Pumunta kami ni Gaelan sa Food Alley at hindi na nga nakasunod pa si Selene, wala pa akong susunod na klase dahil free cut namin. Gaya ng dati, inabutan ako ni Gaelan ng isang libo para ibili sya ng pagkain.

Tumungo ako doon sa Filipino selections ng Food Alley. Bumili ako ng rice, pinakbet at inihaw na tuna. Imbes na coke, bottled water rin lang ang kinuha ko.

Pagkababa ng pagkain sa harapan ni Gaelan, sumimangot agad sya.

“Bakit yan?!” Masungit na tanong nya. Ngumuso ako at umupo sa kanyang harapan.

“Sabi mo gusto mo ng gulay.”

“Tsk, ayoko nyan.” Umiling sya at parang nandidiri pa doon sa pagkain.

“Wag kang ganyan, baka magtampo sayo ang grasya. Masarap ito.” Sumandok ako ng kanin at nilagyan ko ng kalabasa. Itinapat ko ang kutsara sa kanyang bibig pero umiling sya. Yung sunod sunod na pag-iling na parang bata.

“Hindi ka kumakain ng gulay?” Nagtatakang tanong ko. Umiling syang muli.

“Dapat kumain ka na nito ngayon, alam mo ba na 1,000 people everyday ang namamatay dahil sa hypertension. Dahil lagi silang kumakain ng makokolesterol na pagkain—”

“Say it to yourself, Tabs. Bago ako mamatay sa hypertension, ikaw muna kasi mas mataba ka pa sa akin. Sigurado ako na sampung cups ng rice ang inuubos mo sa isang araw at ang balat ng chicken ang ginagawa mong chips.” Natatawang sabi nya sa akin. Sumimangot naman ako.

Ang sama nya talaga.

Humalakhak sya ng hindi na nya mapigilan.

“Nakakatawa ang mukha mo, Tabs. Lalong lumobo ang pisngi mo! Gusto mo bang bilhan kita ng chicharon?” Nanginginig pa ang balikat nya sa sobrang ligaya.

“Grabe ka, Yabs. Kaya lang naman ako tumaba kasi magaling mag-alaga si Mama..” Pagtatanggol ko sa aking sarili pero hindi naman ata sya nakikinig dahil tawa sya ng tawa.

Binagsak ko ang kutsara na hawak ko, hinawakan ko ang bag ko at tumayo na.

“O saan ka pupunta?” Natatawa pa ding tanong nya.

“Aalis na ako, hindi ka naman pala kakain.”

Tumalikod na ako at lumayo na sa lamesa. “T-teka! Tabs, pikon mo! Kakain ako!” Pahabol nya pa. Hindi ko na sya pinansin pero naramdaman ko na lang ang paghawak ni Gaelan sa braso ko.

‘Ay may LQ agad?’

“Sige na, kakain na ako. Madaming nakatingin kaya wag mo akong ipapahiya kung ayaw mong magalit ako.” Bulong pa nya sa akin ng may halong pagbabanta. Nagpatianod ako sa paghila ni Gaelan. Umupo akong muli sa harapan nya.

“Subuan mo ako.” Utos nya. Napaawang ang labi ko.

“Tss. Kanina sinusubuan mo ako, gawin mo ngayon!” Pagdidiin nya na may kasama pang pag-ismid. Huminga ako ng malalim.

‘St. Monica, Mother of Patience and Tolerance, please give me kindness today.’

Sumandok ako muli ng kanin, nilagyan ko ng kaunting gulay at isda at sinubo ko iyon kay Gaelan. Mabilis nya yong nginuya na parang hindi humihinga pagkatapos ay lumagok ng tubig. Gusto kong matawa sa itsura nya dahil namumula ang mga mata nya na parang hindi nya gusto ang nangyayari sa kanya.

Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Gaelan pero patuloy pa din sya sa pag-subo tuwing sinusubuan ko sya. Kawawang bata!

“Bakit ka natatawa?!” Galit na tanong na naman sa akin ni Gaelan.

“Kasi namumula na ang mukha mo.” Ngumisi ako. Nag-iwas sya ng tingin.

“Hindi pa ba ubos?”

“Isa na lang, AH!!!” Nilahad ko ang huling serving doon sa bibig nya.

‘They are so PDA! Ilang buwan na ba sila?’

Nagawa nga ni Gaelan ang huling pagsubo. Uminom agad sya ng tubig mula doon sa mineral water bottle nya.

“Very good, Yabs!” Papuri ko sa kanya.

Nilabas ni Gaelan ang dila nya. “Ang sama ng lasa!” Reklamo nya.

“Masasanay ka din. Nasa isip lang naman ng tao yan kaya hindi masarap ang gulay. Sa bahay namin, laging gulay at isda ang niluluto ni Mama.” Kwento ko.

“Hindi ako makikikain sa inyo.”

“Hindi din naman kita iimbitahan.” Sagot ko naman, pinandilatan nya ako ng mata. Pati ang butas ng ilong nya nanlaki din. Nakakatuwa syang asarin, para pala syang bata. Kaya lang kapag nagagalit sya ng totoo, nakakatakot, kaya tuloy sunod sunuran ako sa kanya.

Nag-alarm na naman ang bell para sa afternoon classes. Tumayo na ako, nag-angat naman ng tingin si Gaelan mula sa pagtitipa sa kanyang cellphone.

“Pupunta na ako sa klase ko, maiwan na kita.” Maayos na pagpapaalam ko. Tumango si Gaelan at tumayo na din.

“Bakit?” tanong ko ng inagaw nya sa akin ang bag ko.

“Tss, ihahatid kita.”

“Hindi naman ako maliligaw.”

“Tsk, tanga ka ba? Girlfriend nga di ba? Kailangan ihatid kita para mas convincing!” Bulong nyang muli sa akin. Tumango tango ako at hinayaan sya sa kanyang gusto. PE ang next class ko kaya tinahak namin ang daan patungo sa gymnasium.

“Sige na, ayos na ako dito.” Huminto ako sa tapat ng locker room ng girls para magpalit ng PE uniform. Ito lang ang tanging uniporme na mayroon kami, mas pinili kasi ng mga estudyante na ipagparangalan ang mamahalin nilang damit kahit dito sa university.

May mga babaeng pumasok din sa loob ng locker room, lahat sila ay nakatingin kay Gaelan. Hindi man lang sila tinapunan ni Gaelan ng tingin.

“Iintayin kita hanggang sa matapos.”

“Hindi ka ba pumapasok sa klase mo?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Noon ay hindi ko napapansin pero ngayon kumbinsido na ako. Parang hindi kasi sya nagmamadali lagi. Parang may sariling oras.

“We are not required to.” Sagot nya pagkatapos ay tumalikod na.

Ang cool nyang tingnan kapag naglalakad sya papalayo. Parang walang pupwdeng humarang sa kanya o di kaya ay manakit. Kinakatakutan pa sya ng lahat.

“Hoy biik! Paano mo ginayuma si Gaelan?” Napalingon ako sa likod ko ng may humila ng braso ko.

“Hindi ko sya ginayuma.” Mabiis na sagot ko.

“Anong hindi?! Paano naging kayo?!”

“E-ewan ko.” Kinabahan ako ng ipasandal ako ng babaeng may maamong mukha doon sa locker. Nasaktan ako pero hindi ako makapagreklamo dahil may nakatayo din na apat pang babae sa kanyang likuran. Hindi ko sya kilala, hindi ko sya kaklase.

“Matagal na naming binabantayan si Gaelan tapos sayo lang pala mapupunta?! Humanda ka sa mga susunod na araw! We will make your life miserable at hindi ka maaring magsumbong kay Gaelan dahil babalikan kita!” Gigil na pagbabanta ng babae.

“Rona, let’s go.. Andyan na si Sir Advincula!”

Nakahinga ako ng maluwag ng iwanan nila ako sa locker room. Ano bang nagustuhan ng mga ito kay Gaelan? Hindi naman sya mabait. Hindi din naman sila pinapansin. Napailing na lang ako.

Nagpalit ako ng PE uniform ko at nagtungo sa bleachers kung nasaan ang mga kaklase ko. Nasa harapan na si Sir Advincula na mayroong hawak na listahan.

“Nasa akin na ang listahan ng mga pumasa sa inyo sa try outs.” Anunsiyo ni Sir Advincula. Naalala ko nga na noong unang linggo ng klase, nagkaroon ng try out ang iba’t ibang teams para sa mga freshmen na isasali nila bilang bagong miyembro. Elite Circle ang tawag nila imbes na Sports Club. Maayos kasi ang training ng mga ito dahil nirerepresent nila ang Keio sa Interschools at ang mga nagiging miyembro ay sumisikat nationwide.

“Basketball, Toledo, Ang, Suarez.” Tumayo ang tatlong kaklase ko at nag-apir pa sila sa isa’t isa. Nagpalakpakan din ang mga kaklase ko at nakisali na din ako dahil dama ko ang kanilang tuwa.

“Volleyball Womens, Arevalo.”

‘Yes!’ Tumayo si Monica at halos mapatalon pa sya dahil sa tuwa. Malaki syang babae at payat, bali-balita nga na sikat na sya sa volleyball noong highchool pa lang at pinili sya ng Keio dahil sa skill nyang yon.

Sunod sunod ang naging pagtawag sa mga pangalan, mayroong mga team kagaya ng Men’s volleyball ang hindi kumuha sa amin kaya nadismaya ang ibang sumali.

“And lastly, cheerleading.” Binitin ni Sir Advincula ang kanyang sasabihin.

“Alam kong madami sa inyo ang sumubok, sinabi iyon sa akin ni Rona. Isa lang daw ang nakapasok.” Malungkot na pagbabalita ni Sir Advincula.

“Yes, ako na yan! Ako na!” Tumayo si Tyra at kumaway sa lahat.

“Im sorry, Tyra, but Maria Arabella Kassandra Floresca will be joining the squad.” Ngumiti ako at hinanap ang kaklase kong tatayo para palakpakan.

“Ria?” Untag sa akin ng katabi kong si Lisa. “Ikaw yon hindi ba?”

Doon pa lang nag-sink in ang sinabi sa akin ni Sir Advincula. Binanggit nya ang pangalan ko!

“Nag-try out ka?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Tyra.

“Hindi!” Mabilis na sagot ko at yun naman ang totoo.

“Inagaw mo na ang lahat sa akin!” Maluha luhang sambit ni Tyra sabay takbo papalabas ng gym na sinundan naman ng mga kaibigan nya.

“Hindi po ako nag-try out!” Pagpupunto ko.

“Don’t be shy Miss Floresca. It’s fine. Mamaya nga pala ang unang rehearsal mo kasama ang squad. You may rest for now dahil kasunod ng PE class nyo ang rehearsal.” Nakangiting sabi ni Sir Advincula. Bumagsak naman ang balikat ko.

Wala sa sariling lumabas ako ng gymnasium. Napabuntong hininga ako at napatingala sa langit.

Ano na naman pong challenge ito, Lord?

“Kitang kita ko ang ikalawang baba mo kapag nakatingala ka.” Napalingon ako sa nagsasalita. Nakita ko agad si Gaelan na nakahiga doon sa ilalim ng puno ng mahogany. Mayroong nakalatag na tela sa kanyang likuran at ang kanyang magkabilang braso ang ginawa nyang unan. Naglakad ako papalapit sa kanya. Umupo pa ako doon sa kanyang tabi.

“Kasali ako sa cheering squad.” Bulong ko. Agad na napabangon si Gaelan.

“Ikaw? Eh di ba puro magaganda lang ang kasali doon? Haha!”

Sinimangutan ko si Gaelan, “Hindi naman ako sumali don eh!” Bulalas ko.

“Sus! Hindi daw! Sabihin mo kung kailan ang practice nyo ah, para makalayo ako. Baka lumindol sa Keio kapag sumayaw ka.”

Gusto ko na lang maiyak dahil sa frustration. Kung sino man ang nagsali sa akin don malamang gusto akong ipahiya o pahirapan. Siguradong may kinalaman kay Gaelan iyon pero hindi naman ako maaring magsumbong kay Gaelan dahil tyak na malalagot ako lalo at mas pag-iinitan. Or worst, wala syang gagawin dahil wala naman syang pakialam.

Oo nga pala’t isa din sya sa nagpapahirap sa akin.

Kabanata 6

Crush.

“Umikot ka pa!” Sigaw sa akin ni Rona, ang cheerleader namin. Hirap na hirap akong kunin ang steps dahil hindi ko alam kung marunong ba akong sumayaw. Noong bata pa ako, naalala kong nagba-ballet ako, mas madali yon para sa akin dahil mahinahon ang pag-galaw. Hindi kagaya nito na halos baliin na ang aking buto.

Umikot ako ng gaya ng sinasabi. Nakahalukipkip si Rona. Sila ang sumita sa akin kanina sa locker room, siya ang may gusto kay Gaelan at pakana nya kung bakit ako nandito.

Para pahirapan ako.

Umikot ako ng isa pang beses, tumango ang mga nasa likod ni Rona na higher year habang pinapanood ako.

“She’s surprisingly–” Ngumisi si Sunshine at siniko si Rona, umismid si Rona at tumingin sa malayo.

Surprisingly? Surprisingly ano?

“Montebello! Late ka na naman!” Napatingin ako doon sa direksyon na tiningnan ni Rona. Nakangiti si Selene na lumalapit sa amin, nakasuot sya ng malaking tshirt at jogging pants na ang isa ay naka-angat hanggang tuhod.

“Late dismissal, leader!” Sagot ni Selene. Dumako ang mga mata nya sa akin at agad na nanlaki iyon.

“Oh my! Ria! You are here!” Halos mapatalon pa si Selene pagkakita sa akin. Alanganin akong ngumiti dahil pinagtitinginan kami ng mga kasamahan namin.

“Enough! Kanina lang ay magkasama kayo ah? Bakit parang sumobra naman kayo sa saya? Ikaw!” Tinuro ako ni Rona, “Turuan mo yang kaibigan mo! The rest, you may take a break.” Lumakad si Rona papalayo sa amin. Naiwan kaming dalawa ni Selene sa dance studio. Napakamot ako ng aking ulo. Nahihirapan na nga ako, magtuturo pa.

“Sumali ka pala!” Kumapit si Selene sa braso ko na parang tuwang tuwa.

“Oo.. I mean, hindi. Sinama lang nila ako sa listahan kasi galit sila sa akin.”

Nagbago ang mukha ni Selene, napalitan ngpag-aalala “Galit? Bakit?”

“Dahil doon sa amin ni Gaelan… Gusto nila akong pahirapan…”

“Ganoon ba? Sinabi mo na ba kay Sir Advincula? Halika, sasamahan kita magsumbong.” Agad na hinila ni Selene ang kamay ko pero hindi ako kumilos. Kapag ginawa ko yon, tiyak na hahanap pa sila ng paraan para mabalingan ako ng inis.

“Hindi na.. Okay lang din kasi nandito ka.” Nakangiting sabi ko.

“Naku, hindi rin! Tamad ako magpractice. Nakakainis kasi yang mga kasama ko dito. Sumali lang naman ako kasi na-pressure ako kay Mommy. Si Zeus kasi kasali sa basketball. So I have to be part of the Elite Circle too.”

“Anong kinalaman ni Zeus sa pagsali mo sa squad?” Kung tutuusin, ang mga tipo ni Selene ang nababagay dito, she’s very pretty and petite, hindi kagaya kong malapad ang pangangatawan.

“Basta! Masyado kasi syang pabida sa parents ko kaya naiinis ako sa kanya. Minsan nga, tingin ko mas paborito pa sya kaysa sa akin.” Hinawi ni Selene ang kanyang buhok at halatang naiinis. Nabanggit ni Selene na parang anak ang turing ng kanyang mga magulang kay Zeus dahil wala daw itong Daddy at ang Mommy naman nya ay abala sa pagtatrabaho. Nagkataon pang wala ding kapatid na lalaki si Selene kaya tinatangi ng parents nya si Zeus.

Tingin ko naman hindi kinulang si Selene sa pagmamahal, but maybe sometimes, your measuring tool is different to others, may mga tao namang ayaw ng atensyon, kagaya ko.

Ngumiti ako kay Selene at inaya syang simulan na ang ensayo.

Tinuro ko ang basic steps, agad nakuha ni Selene dahil graceful naman sya. Bagay sa kanya ang pagsasayaw kung tutuusin.

“Ria, magaling ka magturo!” Papuri sa akin ni Selene.

“Hindi ah.. Mabilis kang matuto..”

Umiling si Selene at lumapit doon sa stereo, sinimulang patugtugin ang ineensayo namin na kanina pa. Nakaharap kami sa salamin kaya kitang kita ko ang bawat pagkilos ko.

And another one bites the dust

Oh why can I not conquer love?

And I might have thought that we were one

Wanted to fight this war without weapons

Nagsimula akong sumabay kay Selene. Nahihiya pa ako at awkward ang pagsasayaw para sa akin pero kahit papaano, naiaangat ko naman ang katawan ko.

“Ganyan nga Ria.. Wag kang mahihiyang kumilos.” Pangungumbinse pa sa akin ni Selene habang buong bigay ang pagsasayaw.

Well, I’ve got thick skin and an elastic heart,

But your blade—it might be too sharp

I’m like a rubber band until you pull too hard,

Yeah, I may snap and I move fast

But you won’t see me fall apart

’Cause I’ve got an elastic heart

Natapos kami ni Selene sa inensayo namin pero hindi pa bumabalik sina Rona. Pinagpawisan ako ng sobra. Kinuha ko ang aking tubig na nakapatong sa bleachers at umupo doon, tumabi sa akin si Selene pero humiga sya at ginawang unan ang bag.

“Galingan mo, Ria. Madami sa school na to ang nag-iintay na mapahiya ka pero wag mo silang bibigyan ng kalayaan na pagtawanan ka.” Sambit ni Selene habang nakapikit. Tumango ako. Kapag nagkamali ako, alam kong ibubully nila ako, kung magagawan ko naman ng paraan na maging maayos para maging katanggap tanggap sa kanila, willing naman akong gawin yon.

People that are being abused are not just plain victims, they are abused because they let it. Iniisip ko tuloy na kung nagpapaabuso ako ngayon kay Gaelan, ibig sabihin, sariling kagustuhan ko yon kaya hindi ako dapat magalit sa kanya.

Sabagay, hindi naman tama na magalit ako sa kanya at husgahan ang pagkatao nya, magagalit sa akin si Papa God. Tingin ko may pinagdadaanan lang si Gaelan at sa akin nya ibinubuhos ang frustrations nya.

Ang cheering squad na ang halos naging buhay ko sa Keio simula sumali ako. Araw araw mayroong ensayo dahil kailangang pulido na pagdating ng Intramurals. Seryoso ang lahat dahil sa pressure sa grupo namin. Dalawampu lang kasi ang miyembro kaya kailangan magagaling ang lahat. Nakalimutan na nga ata ni Rona ang pagpaphirap sa akin dahil mas inuuna nya ang kapakanan ng squad, kapag mayroon akong tama na ginagawa, pinapapurihan ako, kapag may mali, saka sya magagalit.

“Ria, talaga bang ayos lang sayo ang laging magensayo sa cheering na yan? Ang laki ng ibinawas sa timbang mo ah. Kumakain ka ba pa?” Nag-aalalang tanong ni Mama habang sinusuklayan ang buhok ko. Kakatapos ko lang magshower, inabot na kasi kami ng gabi sa school.

Ngumiti ako at tumango.

Maluluwag na halos ang lahat ng damit ko pero hindi ko pinapalitan dahil ayokong manghingi kila Mama. Madalas naman naka-PE Uniform ako dahil sa practice ng cheering squad kaya hindi ako namumrublema.

Naglalakad ako patungo sa lumang building para bantayan muli si Gaelan at Miss Farrah, napansin kong wala doon ang upuan na madalas kong upuan kaya naman tumayo lang ako sa tapat ng pinto. Tuwing nakakarating kasi ako dito, madalas nandoon na sila sa loob at tuwing mag-aalarm na ang bell, umaalis na din ako agad dahil naging sobrang demanding nung schedule ng cheering squad practice namin. Halos hindi na ako makapag-aral.

“Tatayo ka talaga dyan ng isang oras?” Napalingon ako kay Gaelan. Nakasuot sya ng itim na tshirt at pants, naglalakad papalapit sa akin. Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi at inantay syang makalapit.

“May sakit si Farrah, pass muna kami.” Aniya. Tumango ako at ngumiti.

“Okay.” Pumihit na ako patalikod, sa wakas makakapunta ako sa chapel at makakapagreflect. Namiss ko kasi ang quality time with Papa God. Napangiti ako habang naglalakad. Napa-hum pa ako ng paborito kong kanta.

‘Hmmm—Hmmm—Hmmm’

“Saan ka pupunta?” Natigilan ako at napalingon kay Gaelan, nakasunod pala sya sa akin ngayon.

“May pupuntahan lang ako..”

“Sama.” Hinigit nya ang braso ko at nagpatiuna maglakad.

“T-teka, wag ka na sumama, maiinip ka lang doon. Saka lunchbreak na, hindi ka ba kakain?”

Sinamaan ako ng tingin ni Gaelan kaya hindi na ako umimik pa. Ako ang humakbang para maungusan ko sya, dumaan kami sa gitna ng quadrangle kaya nakarinig ako ng pagreklamo mula sa kanya.

“Ano ba yan! Ang init naman dito, Tabs!”

Eh sya kaya ang may gustong sumama. Ilang paghakbang pa narating na namin ang sadya ko. Nakahinga ako ng maluwag at mapayapa.

Kapayapaan!

“Papasok ka dyan?” Reklamo ni Gaelan ng humakbang ako sa unang baitang paayat ng chapel.

“Oo, kung gusto mo dyan ka na lang..” Nakangusong sabi ko. Tinaasan ako ng kilay ni Gaelan.

“Sinabi ko bang gusto kong nandito lang ako? Syempre aircon dyan, mas gusto ko sa loob.”

“Hindi naman tambayan ang loob ng chapel eh.”

“May sinasabi ka?!” Siniringan na naman ako ni Gaelan ng nakakatakot kaya nanahimik na lang ako.

Walang tao sa loob ng chapel kundi kaming dalawa ni Gaelan. Maraming fresh flowers sa loob at mga upuan, may kurtina na kulay violet, puti at gold na siyang humaharang sa mainit na sinag ng araw na nanggagaling sa labas, sa harapan naman ay isang malaking cross.

Ang solemn!

‘Ting-Ting! Blag! Boom! Bag! Ting! Eeeekkkk!’

Napalingon ako sa nasa likuran ko dahil sa ingay na um-echo pa sa buong chapel, nakaupo na si Gaelan sa isa sa mga upuan at doon nagsisimulang maglaro mula sa kanyang cellphone. Napanganga ako sa kanyang ginawa. Grabe sya!

“Gaelan! Magagalit sayo si Lord! Banal na lugar ang bahay dalanginan kaya kailangan manahimik ka at hindi maglaro.” Hindi ko na napigilan ang aking sarili na pagalitan sya.

“Anong gagawin ko dito?” Angil nya sa akin.

“Eh di magdadasal din! Kung hindi ka rin lang magdadasal, lumabas ka na lang.” Suhestyon ko. Pinandilatan nya ako ng mata pero sinalubong ko lang iyon. Para sa religious beliefs ko, hindi ako tataob kay Gaelan!

“Pinapalabas mo ako?” Gulat na tanong nya.

“Hindi kita pinapalabas, pinapapili kita, magdadasal ka dito sa loob o mag-lalaro ka doon sa labas?” Tanong ko sa kanya. Hinawi nya ang kanyang buhok na bahagyang humaba na kaysa sa dati. Kinagat nya ang pang-ibaba nyang labi at mukhang gusto pa akong awayin.

“Bibili ka nga ng pagkain ko eh! Anong akala mo, libre ka na porket wala si Farrah?” Bigkas ni Gaelan ng buong gaspang.

“Bibilhan kita ng pagkain, antayin mo na lang ako sa labas at magdadasal muna ako.”

“Gusto ko dito!” Pagpupumilit nya.

“Pero hindi ka pupwedeng maglaro.. Pag nandito ka, magdadasal ka lang.” Baling ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.

“Hindi nga ako marunong magdasal!” Sigaw nya sa akin.

Nagulat naman ako. Ilang ulit akong kumurap kurap at hindi makapaniwala, aba kahit anong relihiyon marunong magdasal at manampalataya, pero itong si Gaelan hindi.

“Wag mo nga ako tingnan ng ganyan. Hindi ako satanista okay? I am just not comfortable talking to someone who isn’t there.” Nagpamulsa si Gaelan at umiwas ng tingin.

“Alam mo, hindi mo naman kailangang makita ang Diyos eh, dapat alam mo na nag-eexist sya. Dahil kung hindi, paano mo ipapaliwanag ang buhay mo.”

“Of course, God exists! Hindi lang ako sanay makipag-usap. Ang awkward lang.”

“Hindi ka tinuruan ng Mommy mo?” Tanong ko.

“Tinuruan. Kasama ang mga Ate ko, pero hanggang doon lang yon noong sabay sabay pa kaming magdasal saka hindi ako yung leader, si Brooke madalas o di kaya si Brandy.” Kwento nya pa. Tsk tsk, kawawa naman pala si Gaelan, kanino sya tumatawag tuwing nasa panganib sya?

“Sige, dahil ayaw mong umalis dito at hindi ka marunong magdasal, tuturuan na lang kitang mag-pray. Pagkatapos, pupwede mo itong gawin bago ka matulog.”

“Tsk corny!” Kontra nya sa akin.

“Labas ka na lang talaga kung hindi ka makikinig.” Wika ko.

Napakamot ng kanyang ulo si Gaelan pagkatapos ay umupo doon sa upuan. Lumapit ako sa kanya at lumuhod ako sa kneeler, tinapik ko sya sa tuhod kaya gumaya din sya sa akin sa pagluhod.

“Gawin mo to okay? Pagdikitin mo ang mga palad mo saka ka pumikit… Magpe-pray na ako kaya wag kang maingay. Pakinggan mo kung paano.” Tumango naman si Gaelan.

Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang mag-pray.

“In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. I and Gaelan praise You Lord God for All the beautiful things You have created. Thank you for blessing us with good health, shelter, food and more than anything else that we could ask for. Thank you for giving us a beautiful family and friends to watch our back every time, they are our angels here on earth…”

Mahaba haba ang sinabi ko, bahagya kong sinilip si Gaelan at nakita kong nakatitig lang sya sa akin kaya bahagya ko syang siniko. Para naman syang natauhan kaya pumikit sya kagaya ko.

“Please take care of me and Gaelan everyday. Protect us from harm physically and emotionally. These we ask, in Jesus Name, Amen!” Pagtatapos ko.

“Ganoon lang!” Masaya kong sabi kay Gaelan. “Di ba ang gaan sa pakiramdam makipag-usap sa kanya? Ayan, may baon ka ng prayer today, hindi ka na dapat matakot na masaktan.”

“Hah! Sinong natatakot?!” Pagmamayabang ni Gaelan. Ngumiti lang ako. Kahit papaano alam kong gumaan ang pakiramdam nya. Sino ba naman hindi? Para kayang bestfriend si Papa God.

Lumabas kami ni Gaelan sa chapel, sa baba ng stairs nakita namin doon ang mga kaibigan nyang F7, ang miyembro ng Yukan’na. May kani-kaniyang hawak na softdrinks in can at chips, mukhang seryosong nagkukwentuhan.

Unang nagtama ang mga mata namin ni Ice. Lumipat ang mata nya kay Gaelan, “Whoah! Dude! Sa loob ka galing?” Nagtatakang tanong ni Ice, umismid lang si Gaelan bilang sagot.

Nagkatinginan kami ni Yuki, may sarkastikong ngiti sa kanyang mga labi at napapailing pero wala syang sinabing salita.

“Lunch muna kami.” Pagpapaalam ni Gaelan na nilagpasan ang kanyang mga kaibigan.

“Naghahamon ang Romans.” Sambit ni Rye ng dumaan sa kanyang harapan si Gaelan. Natigilan si Gaelan.

“We are not a cheap fraternity, Rye. We don’t do shits.” Seryosong sabi ni Gaelan.

“Baka gustong magpasikat.” Singit naman ni Zeus.

“At ano? Papasikatin nyo? Umuwi kayo ng maaga.” Yun lang ang sinabi ni Gaelan at hinila nya ako muli patungo sa direksyon ng Food Alley.

Hindi ko naman naiintindihan ang pinag-uusapan nila. Naghahamon? Ang Romans? Yun yung taga-kabilang school yun ah.

“Teka, ano yung naghahamon?” Hindi ko napigilan ang aking sarili na magtanong.

“Naghahamon ng away.” Nagkibit balikat si Gaelan na parang normal lang ito. Nagpatiuna syang maglakad papasok kaya naman sumunod ako agad.

“Makikipag-away ka? Kaka-pray lang natin!” Pagpapaalala ko sa kanya.

“Tss, sinabi ko bang makikipag-away ako? Sabi ko nga umuwi na sila di ba? I choose my battles, Maria. I don’t fight with cheapskates. The only time my fist lands on worthless people is when it is for worthy people.” Seryosong sambit ni Gaelan. Hindi ko mapigilan ang paghanga sa paraan ng pagkakasabi nya non. Ang cool!

“Ano? Bilib ka no?” Diretsahang tanong sa akin ni Gaelan. Nag-iwas ako ng tingin, pakiramdam ko namula pa ang aking pisngi.  Gaelan almost half-smiled, umigting ang kanyang panga pero normal lang nya iyon. Bagay pa nga sa kanya.

“A-anong gusto mong kainin?” Pag-iiba ko ng topic.

“You are free to choose.” Kalmadong sagot nya.

“Talaga? Kahit gulay?”

“Susubuan mo ulit ako?” Tanong nya na may kasamang pagkindat at matamis na ngiti. Sa pagkakataong iyon, namula na talaga ng husto ang pisngi ko! Ano ba ang ginagawa ni Gaelan?!

Tumawa sya, hindi, humalakhak sya. Parang tuwang tuwa pa sya sa naging reaksyon ko. Lumabi ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

“Wag mo na ulit gagawin yon.” Banta ko sa kanya.

“At bakit?” Natatawa pa ding tanong nya pero mas mahinahon na sya ngayon.

“H-hindi ko alam, namumula ang pisngi ko. Ayoko ng ganoong pakiramdam!” Paliit ng paliit ang boses ko samantalang tutok naman ang mga mata ni Gaelan sa akin, para syang namamangha dahil nakangiti ang kanyang mga mata.

Hindi ko kasi madepina ang pakiramdam ko. Yung nag-iinit ang pisngi kasi may nakita kang nagustuhan mo, parang ngayon.

“Tabs, alam ko kung ano yan..” Nagulat ako nang akbayan ako ni Gaelan. Hindi agad ako nakakilos dahil masyado syang malapit sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng mabagal nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko at pasimpleng dinikit ang kanyang labi sa buhok ko.

Dub-dub-dub-dub!

Lalabas na ata ang puso ko!

“Crush mo ako.” Bulong nya nang sobrang lapit sa aking tenga.

Kabanata 7

Thank you  Ruffyeon  for making my cool cover :)

Umalis Ka Na.

“Hala! Grabe ka naman na mapagbintang! Hindi pa nga ako nagkakacrush eh!” Mainit na mainit na aking pakiramdam. Parang puputok na ang pisngi ko sa sobrang init at magiging chicharon.

Totoo naman na hindi pa ako nagkaka-crush, lagi ko noong naririnig sa mga kaklase ko ang crush pati na din sa mga kasama ko sa cheering squad pero tumitili sila kapag nakikita nila ang crush nila eh. Kung crush ko si Gaelan, dapat tumitili din ako kapag nakikita ko sya, kaya lang kinakabahan ako at natatakot. Bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ako mapalagay, imposibleng crush yon! Baka sindak pa kamo.

“Pwes, ako ang una mong crush, tandaan mo yan.” Buong pagmamayabang nyang sabi.

“Yabs ka talaga..” Bulong ko. Nagulat na lang ako ng kurutin ako ni Gaelan sa pisngi, yung napakadiin!

“Aray!” Reklamo ko. Nanliit ang mga mata nya sa akin bago bitawan ang aking pisngi.

“Ikaw naman, Tabs!” Pang-aasar nya pa.

‘Ang sweet nila!’

‘Relationship goals, OMY!’

Kinuha ko ang pera mula kay Gaelan pero imbes na ako lang ang mag-isang magtungo doon sa Filipino Selections, naglakad si Gaelan kasama ko.

“Bumili ka din ng pagkain mo ah para mas tumaba ka pa at bagay talaga sayo ang ‘Tabs’” May panunuya sa boses ni Gaelan, pinili ko tuloy ang isda at ampalaya bilang pagkain ni Gaelan. Hindi naman umimik si Gaelan, palagay ko ay hindi nya alam ang lasa ng ampalaya!

Doon kami pumwesto sa lamesa ng Yukan’na. Kagaya ng sinabi ni Gaelan, ibinili din nya ako ng pagkain ko, pero katulad din ng sa kanya.

Pumikit muna ako para magdasal ng kaunti.

‘Bless us oh Lord, and this thy gifts which we are about to receive, from thy bounty, through Christ our Lord, Amen..’

“Tara, kain na—”

Natigilan ako ng makitang nakatingin na naman sa akin si Gaelan nang nagtataka. Nakakunot ang kanyang noo na parang may ginawa akong kasalanan.

“Tsk, mauuntog ka na niyan sa langit! Kaka-pray lang natin kanina ah!”

“Iba pa yon, iba din ito. Dapat tuwing kakain ka, bubulong ka ng kaunting prayer para magpasalamat.” Sabi ko sa kanya, napailing na lang sya at sumandal.

“Bago ka kumain, subuan mo ako.” Utos nya. Pinanliitan ko sya ng mata.

“May kamay ka naman eh..”

“Pagkatapos talaga kitang ilibre ng lunch, susuway ka pa sa akin?” Nakataas ang kilay na tanong nya. Hindi ko naman sinabi na ilibre nya ako ng lunch. Napakamot na lang ako ng ulo at naglagay ng ampalaya at kanin sa kutsara. Sinubo ko iyon sa kanya at muntik na nyang ibuga ang pagkain sa kanyang plato pero tinakpan ko ang kanyang bibig.

“Bad magluwa ng pagkain. Nguyain mo yan..” Sabi ko sa kanya. Wala syang nagawa kundi nguyain ito ng mabilis at lunukin sabay inom ng tubig.

“Ano yan?!” Reklamo ni Gaelan ng pasigaw. Gusto kong matawa sa kanyang mukha na uusok na sa inis.

“Ampalaya. Medyo mapait—”

“Anong medyo? Sobrang pait! Ayoko—”

“Hep! Sabi mo kanina, kahit ano kakainin mo? Masasanay ka din dito. Wag mong iisipin na mapait sya.”

“Hindi ko iniisip! Nalalasahan ko. Pwe!”

“Masarap ito! Saka iwas pa sa diabetes.” Nakangiting paliwanag ko. Hindi din naman matigas ang pagtanggi ni Gaelan kasi kinain naman nya basta sinusubuan ko sya. Para talaga syang hari kung mag-utos sa akin. Nang matapos na sya sa kanyang pagkain, ako naman ang nagsimulang kumain, kaya lang nakakailang subo pa lang ako, biglang tumunog ang bell para sa afternoon class.

Tumayo agad ako pero hinawakan ni Gaelan ang kamay ko.

“Kumain ka lang.”

“Hindi puwede, may klase pa ako..”

“Tsk, ako nga ang bahala.”

Kumain nga ako kagaya ng sinabi ni Gaelan. Nasa gitna na ako ng pagkain ng dumating si Yuki, umupo sya ng nakaharap sa amin pagkatapos ay ngumiti sya sa akin. Yung labi nya lang ang nakangiti, yung mata hindi. Siguro kasi masyadong mawawala iyon kapag pati yung mata nya pinangiti nya pa kahit bagay sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito?” Masungit na tanong ni Gaelan.

“Bakit? Tamabayan natin to ah. Hi Ria. Wala kang klase?” Baling sa akin ni Yuki, ngumiti ako saka umiling.

“Meron, kaso sabi ni Yab— Ni Gaelan, sya daw ang bahala.”

Tinitigan ako ng husto ni Yuki, pakiramdam ko nahihiya ako.

“Gaelan, tinuturuan mo syang mag-cutting?” Tanong ni Yuki pero nakatingin pa din sa akin. Napaisip ako, oo nga no, cutting of classes na ito, kung hindi man, late ako. Hindi din magandang tingnan. Kaya lang nakakatakot kasi talaga si Gaelan, baka patayin nya talaga ako lapag hindi ako sumunod.

“Tch. Hindi ko tinuturuan, pinapakain ko lang. Ikaw kaya mag-aral ng gutom.”

“Hindi naman tayo nag-aaral kaya hindi natin alam ang pakiramdam.” Sagot naman ni Yuki. Nagulat na naman ako. Hindi sila nag-aaral? Bakit nasa school sila? Saka sa klase ni Miss Farrah, nandoon sila. Tiningnan ako ni Yuki at napansin nya ata ang pagtataka ko.

“May mga modules lang kami na kailangang tapusin kada buwan. Business naman ang course namin at may kani-kaniyang negosyo ang mga parents namin na kailangan din namin bisitahin kaya may special pass kami sa Keio.” Paliwanag ni Yuki.

“P-pero bakit umaattend kayo sa klase ni Miss Farrah?”

“Ewan ko dito kay Gaelan.”

Ay, talaga naman ang Gaelan na to, masyado namang obvious sa pagkahumaling kay Miss Farrah!

Ngumuso si Gaelan at mukhang napatagal ang titig ko sa kanya dahil pinanlakihan nya ako ng mata.

“O bakit? Bawal? Mahina ako sa Math eh. Mabilis ko makalimutan.” May kasama pang pag-ismid ang sinabi na iyon ni Gaelan.

Wala naman akong sinasabi.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Kahit naman maaari akong ma-late, ayoko din namang madami ang malagpasan ko sa klase. Si Gaelan at Yuki ang sumama sa akin patungo doon sa Arts and Letters building. Kasabay ko sa paglalakad si Gaelan samantalang si Yuki, medyo nagpapahuli ng kaunti sa paghakbang. Napansin ko na napakapino nya kung kumilos. Wala sa mukha nya ang pagiging mapanganib dahil sa hinahon ng kanyang pagsasalita.

Kay Gaelan, kita mo kasi agad yung angas nya. Yung pagiging basag ulo at walang gagawing maganda. Imbes na magiging ligtas ang pakiramdam mo, para ka nyang hostage kapag kasama mo sya. Hindi ka maaring gumalaw ng walang pahintulot nya.

“Miss Floresca! You are late, I am so disappointed of you!” Bungad sa akin ni Professor Bruno Listana hindi pa ako nakakapasok sa pinto. Matinis ang boses ng isa sa pinakamatinik na Propesor ng Keio, kahit may pusong babae sya, hindi naman sya nauubusan sa taray. Nagbulungan agad ang mga kaklase ko.

“Let her in.” Tumabi sa akin si Gaelan at nakipagtitigan kay Professor Listana.

“Mr. Ancheta, Miss Floresca is my student, kung hindi ko pinapapasok ang mga kaklase nya na nale-late sa klase, bakit ko sya bibigyan ng special treatment?” Sagot sa kanya ni Professor Listana. Hinila ko ang laylayan ng tshirt ni Gaelan para umalis na pero nanatili syang nakatayo doon.

“If you will not let her in—” Nag-igting ang panga ni Gaelan, nakita ko naman na natigilan si Professor Listana.

“Let her in Professor. Kung gustong matuto ng isang estudyante, hindi nyo dapat ipagdamot. Isa pa, sa tingin ko, hindi naman sinasadya ni Ria na ma-late.” Kalmadong paliwanag ni Yuki. Lumambot agad ang ekspresyon ni Professor Listana, lumipat ang tingin sa akin.

“Pasok, ayoko nang mauulit Miss Floresca.” Sabi nya sa akin at nauna na sa pagpasok.

Alanganin akong humakbang papasok dahil nakatingin ang mga kaklase ko sa akin. Nakakahiya talaga! Kahit talaga patayin ako ni Gaelan sa susunod, hindi na talaga ako makikinig sa kanya kapag may kinalaman sa schedule ko sa klase!

Napalingon ako sa may pintuan. Nakita ko pang nakatyo doon sa may corridor si Gaelan, nakahalukipkip at nakasandal sa poste ng balcony. Tinaasan nya ako ng kilay ng mapatingin ako sa kanya kaya umiwas na lang din ako ng tingin. Ang sungit talaga nya.

Dalawang oras ang itinagal ng klase namin kay Professor Listana, dalawang oras din nandoon si Galean sa balcony. Nakaupo sya at mukhang may inaantay.

Sino kaya ang inaantay nya?

Lumabas na ako at nagpahuli sa mga kaklase ko ng matapos ang lecture, library time namin kaya magtutungo ako sa library para magsagot ng mga assignments ko para bukas. Nagkatinginan kami ni Gaelan ng tumapat ako sa balcony, umiwas ako ng tingin at naglakad ng mas mabilis kaysa normal.

“Tsk, bakit mo ako iniiwanan ha?” TInapik ako ni Gaelan sa balikat na nahabol pala ako agad.

“Aray…” Reklamo ko habang hinihilot ang tinapik nya. Medyo malakas kasi yon. Wala talagang puso ang isang ito.

“Hindi ko naman alam na ako pala ang iniintay mo eh.”

“Malamang! Sino ba ang iintayin ko don?” Pasigaw nyang sabi sa akin. Lagi talaga syang nakasigaw.

“M-malay ko.”

“Halika, meryenda tayo.” Pag-aaya sa akin ni Gaelan habang bitbit ang likod ng t-shirt ko.

“H-hindi pupwede.” Tanggi ko, natigilan si Gaelan sa paghakbang at pinanliitan ako ng mata. Napapikit na lang ako dahil sa takot.

“Anong hindi puwede? Nagutom ako sa pag-iintay sayo!” Angil  nya.

“Eh di sana kumain ka muna…”

“Hindi ako kakain mag-isa dahil ikaw ang taga-bili ng pagkain ko. Ano? Tumatanggi ka na?” Masungit na sabi nya sa akin. Napaka-bully nya talaga. Paano kaya sya pinalaki ng mga magulang nya?

“S-sige, bibilhan kita ng pagkain pero pagkatapos pupunta ako sa library kasi may mga assignments pa ako eh.”

“Tsk! Sino pa ba ang nagpupunta sa library sa panahong ito?”

“Ako..” Halos bulong na sagot ko. Napailing si Gaelan at halatang nagtitimpi ng inis. Nagtitimpi pa talaga sya sa lagay na yan.

“Sige, library muna, titiisin ko muna ang gutom ko pero pagkatapos mo don, bibilhan mo ako ng pagkain.” Hinila ako sa braso ni Gaelan patungo doon sa library. Malapit lang sa Arts and Letters building ang isa sa mga library ng Keio kaya doon ako dinala ni Gaelan.

Malamig na aircon ang bumungad sa amin pagkapasok. Tama si Gaelan, wala ngang tao dito. Siguro sa internet na sila naghahanap ng sagot. Ako kasi mas gusto ko na naamoy ang pahina ng libro, saka yung challenge ng paghahanap. Pag-internet kasi, direkta na doon sa hinahanap mo, pag naghahanap ka naman, may matututunan ka pang iba doon sa proseso ng paghahanap. Bonus na yon.

Umupo si Gaelan doon sa pinakasulok ng library. Binagsak nya ang bag nya kaya napalingon kami ng librarian doon si direksyon nya. Parang wala naman syang pakialam na nakipagtitigan din sa librarian na hindi man lang sya pinagsabihan. Napailing na lang ang librarian na nakilala ko bilang si Miss Cecile.

“Sige, feel free to browse the books. Kung mapapansin mo, ikaw lang ang tao dito..” Nakangiting sabi sa akin ni Miss Cecile.

Nagtungo agad ako doon sa shelves ng libro tungkol sa Science at kumuha ng Physiology books, uunahin ko muna ito dahil ito ang una kong klase bukas. Binagsak ko ang mabibigat na libro sa harap ni Gaelan na nakapikit. Napadilat sya pagkakita sa akin. Ni-ready ko ang notes ko at hinanap ang assignment ko sa Physiology.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat ng humalakhak si Gaelan. Hawak niya ang isa sa mga librong kinuha ko.

“Fck, bakit nakahubad ang tao sa librong ito?” Natatawang tanong nya. Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang pagmumura.

“Hindi sila nakahubad, pinapaliwanag dyan ang human anatomy.” Sagot ko pero hindi pa din nawawala ang tawa nya.

“Talaga? E ano to?” Natatawang tanong nya sa akin sabay turo sa male organ ng lalaki. Huminga ako ng malalim. Ang pilyo talaga!

“Testicles, at ito naman vagina. Testicles produces sperm from epididymis where the sperm is stored. Vagina is a muscle, leading from external genitals to the cervix of the uterus, as the ovary releases egg to the vagina, and that egg meets with the sperm, together they create possible conception.” Paliwanag ko ng seryoso.

“Kaya nga may mga proteksyon hindi ba? Guys can use condom, while girls can do—”

“Bad ang pre-marital sex.” Nakayukong bulong ko. Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon ni Gaelan, hindi na kasi sya nagsalita pagkatapos. Tiningnan ko sya ng halos papatapos na ako sa assignments ko, may suot na pala syang earphones at nakikinig ng music mula sa i-touch nya. Nakahalukipkip sya at nakatingin lang sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kasi parang may nasabi ako na mali.

Ano kayang iniisip nya? Na-offend nya ba sya sa sinasabi ko? Totoo naman kasi eh. Kaya lang, paano pala kung anak sa labas si Gaelan? Eh di produkto pala sya ng pre-marital sex. Ay, grabe ka talaga Ria! Napaka-judgmental mo.

“T-tapos na ako.” Nahihiya pa akong magsalita kasi masyadong seryoso ang mukha ni Gaelan. Tumango sya at tahimik na kinuha ang bag nya. Kumaway pa ako kay Miss Cecile bago ako tuluyang lumabas ng library, nauna na tuloy lumabas si Gaelan.

Uwian na din ng ilang mga estudyante, maririnig na kasi ang ingay na nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng building ng Keio. Kami lang ni Gaelan ang nasa bahagi ng library. Mataman syang nakatitig sa akin.

“Nagmahal ka na ba?” Tanong sa akin ni Gaelan kaya natigilan ako sa paghakbang papalapit sa kanya. Nanatili lang ako sa may pintuan ng library.

Ngumiti ako bahagya at tumango “Oo naman, mga magulang ko—”

“Bukod sa pamilya at kaibigan. Tsk. Bakit ko ba tinatanong, mukha namang hindi.” Nadidismaya nyang sabi.

“Ikaw? Nagmahal ka na ba?” Balik tanong ko sa kanya, malungkot akong ngumiti. Alam ko na kasi kung ano ang pinaghuhugutan ng pagkawala nya sa mood at tiyak na magagalit sya sa susunod kong sasabihin.

“Bulag ka ba? Girlfriend ko si Farrah, and yes, we do sex. That’s what couples do. When you are inlove, you give yourself, you give everything. Ang sa kanya ay akin, ang akin ay sa kanya.”

Umiling ako at humakbang ng isa papalapit kay Gaelan.

“No. When you are inlove you don’t give anything but love, not even your body or your soul not unless you both mean it. Wala kang utang sa kanya. When you are inlove, you respect. Irerespeto mo ang pagkatao nya mula ulo hanggang paa, alam mo ang limitasyon ng dapat mong ibigay sa hindi— You will know when is the right time to do it.”

“Tsk, that’s what Manangs would say. Masyado kang makaluma, Maria.” Napapailing na sabi nya.

“Pagmamahal ba ang pagkuha ng pagkababae nya sa isang classroom na walang tao at palihim nyo yong ginagawa? Pagmamahal ba ang pagtatago ng isang relasyon?—”

“Are you saying—”

“When you love, you do alot of things Gaelan. You are happy, you are proud and you are kind. You do the right things not the wrong ones, you make everything else special. Ipagsisigawan mo sa buong mundo na nakita mo na ang taong mahal mo because that person deserves it. You do not just show it in passionate kisses or aggressive sex, because love is more than that.” Seryoso ko syang tiningnan, naikuyom nya ang mga palad nya at tiningnan ako ng masama.

“Wala kang karapatang sabihin yan sa akin.” Malamig na utas nya.

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Love is not a baggage, it is freedom, kung itinatago mo yan, then it is not love.”

“Tumigil ka na!” Sigaw sa akin ni Gaelan. Napaatras ako dahil kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Di ko napigilan ang pagpatak ng luha ko pero mabilis kong tinuyo yon. Nagalit ko na ng tuluyan si Gaelan. Nanginginig ang kamao nya at hinihingal habang nakatingin sa akin.

“Umalis ka na, Maria habang nasa katinuan pa ako.” Matigas nyang sabi.

Kabanata 8

Paano Na.

“Ria! Ano ba? Bakit ba ang bagal ng kilos mo?” Napapitlag ako sa pagsigaw ni Rona. Hindi ko kasi maiwasan ang hindi mahuli. Alam kong hindi nya ako pinag-iinitan, talagang mali mali lang ako.

Pagkatapos naming mag-usap ni Gaelan, imbes na ako ang umalis, mas nauna pa sya sa akin sa paghakbang. Nagalit talaga sya. Alam ko namang magagalit sya, bakit ba kasi nakialam pa ako.

“Break muna! Para kayong mga lantang gulay lahat. Lakas makahawa ni Ria.” Napapailing na sigaw muli ni Rona. Nag-init ang pisngi ko. Nakakahiya naman sa mga kasamahan ko, nadamay sa galit ni Rona.

Umupo naman ako sa dance floor, mula sa kabilang dulo ng dance studio, nakita ko si Selene na papalapit sa akin.

“May problema ba?” Tanong nya agad nang makalapit. Umiling ako. Hindi naman problema kung galit sa akin si Gaelan. Lagi naman syang galit sa akin, ano naman ang bago doon.

“Ganun ba? Kanina ka pa kasi wala sa sarili. Imbes na ako ang masigawan ni Rona, ikaw pa tuloy.” Ngumiti si Selene na parang balewala at inabutan ako ng isang bote ng mineral water.

“Nag-away ba kayo ni Gaelan?” Tanong nya sa akin. Napabuntong hininga ako. Nanlaki ang mga mata nya.

“Oh my! May LQ kayo?” Parang natatawa pang tanong nya. “Hulaan ko, si Gael ang may kasalanan no? Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan mo don sa kinakapatid ko. Sabagay, badboy sya. Di ba tayong mga girls, mayroong something sa badboys?”

Napangiwi ako. Isa pa din yong bagay na pinagtatakahan ko. Bakit mas gusto ng girls ang badboys? Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang mabait at maasikaso.

“Kaya nga yan si Zeus, trying hard eh. Sumali sya sa Yukan’na para magmukhang bad boy. Hindi naman yon totoo! Sus, takot lang non sa akin!” Humalakhak na ng tuluyan si Selene. Tuwang tuwa talaga sya kung ang pambubully kay Zeus ang topic.

“Grabe, ang pogi ni Zeus! Nakita mo ba kung paano nya tingnan si Olivia? “ Napalingon kami sa pumapasok sa studio na mga kagrupo namin. Nakakunot ang noo ni Selene pagkakita ko sa kanya. Parang may hindi nagustuhan doon sa narinig.

“Sino ulit, Tish?” Tumayo si Selene at lumapit na doon sa mga kagrupo namin na Freshies din kagaya ko.

“Si Zeus! Nakita namin doon sa Accountancy building. Buhat nya si Olivia kasi na-sprain si Olivia nung nagpapractice para sa Miss Keio 2016.”

Tumalim ang mga mata ni Selene.

“Anong ginagawa doon ni Zeus? Nahihilig na ba sya sa Beauty contest?” May halong sarkasmong sambit ni Selene, tumayo ako at tinapik si Selene sa balikat, napayuko kasi sila Tisha, natakot ata kay Selene.

“Selene, calm down..” Bulong ko. Hinihingal si Selene at nakakuyom ang mga kamao. Pumikit pa sya bago muli akong hinarap.

“Aalis muna ako, magpapaalam ako kay Rona. Sumakit ang ulo ko.” Hindi na inantay ni Selene ang sagot ko dahil kinuha nya agad ang kanyang bag at lumabas ng studio.

“Ay nagalit?” Bulong nila Tisha sa isa’t isa.

Nang makaalis si Selene bumalik naman sina Rona. Pinilit kong magfocus kahit nahihirapan ako. Sa kahuli-hulihan, hindi naman ako napagalitan ulit dahil nakasabay na ako sa lahat.

Madilim na nang i-dismiss kami ni Rona. May kani-kaniya naman kasi silang sasakyan kaya siguro hindi sila nag-aaalala kung madilim na. Ako naman, nagsimula ng maglakad papauwi. Binati pa ako ng guard ng dumaan ako sa exit, sa may kanto pa ako makakasakay ng jeep kaya naglakad ako.

Napabuntong hininga ako ng mapansin kong mayroong itim na sasakyan ang sumusunod sa akin, tumigil ako sa paglalakad, at tumigil din ang sasakyan. Humakbang ako at nagsimula ding umandar ang sasakyan. Gumilid ako ng nilalakaran at nagtungo doon sa sidewalk. Medyo gumilid din ang sasakyan. Napabuga ako ng malalim at huminto muli sa paglalakad, huminto din ang sasakyan. Nagtungo ako doon sa may bintana ng driver’s side at kinatok yon. Bumaba naman agad ang bintana at napayuko agad ang nakasakay na nagmamaneho.

“Butler Joe, paano po kayo magtatago kung ang Mustang ni Daddy ang dala nyo?” Sambit ko.

“Sorry po Young Maiden, ito na po ang pinakamaliit nyong sasakyan sa mansyon.” Hindi pa din ako tinitingnan ni Butler Joe sa mata.

“Nasaan si Chief Smiths? Bakit ikaw ang gumagawa ng trabaho nya?” Napaangat ang mukha ni Butler Joe, mukhang nagulat sa tanong ko.

Napangisi ako. Gotcha!

“Butler… Alam ko pong sinusundan ako ni Chief. Kahit nakamotorcycle pa sya o kaya nag-lalakad din, alam kong nakasunod lang sya hanggang makauwi na ako kila Mama.”

“K-kailan po ba kasi kayo uuwi, Young Maiden? Namimiss na po kayo ni Madame, nag-aalala na din po si Master sa kalagayan nyo.”

Napabuntong hininga ako. “Alam naman nila kung bakit. Itong college lang naman ang hinihingi ko sa kanila. O sige na po, Butler.. Sasakay na po ako ng jeep.” Umayos ako ng tayo para magpatuloy sa paglalakad.

“Young Maiden, sa akin na po kayo sumabay. Hindi ko pa kayo matingnan na sumasakay ng Jeepney. Please po.” Nakakaawa ang mukha ni Butler Joe pero nakakatawa. Siguro tinakot na naman sya ni Daddy.

“Butler, pikit po kayo pagpasakay na ako. Bye Butler! Gutom na po ako eh!” Natatawa pa akong nag-para nung jeep na dumaan. Nakita ko pa ang pag-iling ni Butler Joe dahil sa ginawa ko.

Mabilis akong nakauwi dahil wala namang traffic. Kitang kita ko ang pagsunod sa akin ni Butler Joe, nawala naman agad nang makapasok ako sa bahay nila Mama.

“Ria.. Diosmio! Anong oras na? Gutom ka na ba?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Mama at kinuha ang bag ko.

Si Mama Buding ang nag-alaga sa akin simula bata pa ako. Siya din ang pinakiusapan ng mga magulang ko na tumayo bilang guardian ko ng magdesisyon akong humiwalay sa kanila.

Humiwalay. Naalala ko ang sarili kong nakaluhod kay Daddy at nagmamakaawang pakawalan nila ako kahit ngayong college lang. Hindi ko alam, siguro napagod lang ako na ang lahat ng bagay nakahain sa amin ng mga kapatid ko kaya ito ang napili kong tahakin pansamantala. Gusto kong maging normal. Hindi bilang heiress.

“Gutom na po, Ma. Nakasalubong ko kasi si Butler Joe doon sa malapit sa school.”

Natigilan si Mama. Umupo naman ako sa may lamesa at nagsandok ng pagkain ko at nagpanggap na balewala lang ang nakita ko.

“Kain na po tayo, Ma. Si Papa po?”

“Nasa trabaho pa… Ria, wag mo sanang mamasamain ang ginagawa ng mga magulang mo na pagbabantay sayo. Para sayo din naman ito.” Umupo din si Mama sa harapan ko.

Ngumiti ako at tumango. “Naiintindihan ko po, sapat na po sa akin na pinayagan nila ako na mag-aral sa Pilipinas at manirahan kasama kayo. Nag-eenjoy po ako sa school.”

Totoo iyon. Dati kasi homeschooled ako at walang kaibigan. Nung huling taon ko lang sa highschool saka ako nagkaroon ng chance na makapasok sa normal na paaralan.

“Sa lahat talaga ng anak ni Pierre, ikaw ang naiiba.”

“Malamang po Mama.. Apat ang anak na lalaki ni Daddy, ako lang ang babae.” Pagpupunto ko. Natawa si Mama.

“Ang mga Kuya mo, lahat spoiled. Lahat nakadepende sa kayamanan nyo. Gilad, Ahmed, Rab at Xenon, lahat sila ay kumportable sa puder ng mga magulang mo, ikaw itong babae, ikaw pa ang hindi.”

Ngumiti ako at kumagat ng kalabasa. Gusto ko nga yung naiiba ako sa mga kapatid ko, saka ngayon lang ako nakakapamuhay ng normal, malayo sa sikat na apelyido ko at itatrato nila ako base sa kilos ko.

Mahirap kasi yung alam mong halos sasambahin ka nila just because of your social status, hindi mo na magagawang iimprove ang pagkatao mo. People get easily blinded by golds and diamonds because you already are what they wanted to see, pero kung bato ka lang sa paningin nila, kailangan kanilang hinangin at kinisin para makita ang totoong halaga mo.

Naghahanda na akong magpray bago matulog ng tumunog ang cellphone ko.

Isang unknown number ang nagflash dito.

+63917817***: I don’t want to see your face.

Napakunot ang noo ko at nagtipa ng reply.

Ako: Sino to?

+63917817***: The fck? Still not saving my number?! Wag ka na ulit magpapakita sa akin sa school naiintindihan mo? -Gaelan Blake Ancheta.

Napanguso ako habang binabasa ang mensahe ni Gaelan. Humiga ako sa aking kama at nagkibit balikat.

Ako: Okay.

Umupo na ako para magstart magpray ng tumunog muli ang phone ko.

Gaelan: Wag mo akong titingnan kapag makakasalubong mo ako kundi lagot ka sa akin!

Ako: Okay….

Gaelan: Okay? Puro okay?

Grabe, kahit sa screen ng cellphone, naiimagine ko ang mukha ni Gaelan na nagagalit sa akin.

Ako: Pag hindi okay magagalit ka naman di ba? Wag ka na magreply, magpe-pray na ako. Magpray ka din.

Gaelan: AYOKO!

Hindi ko na sinagot yon at sinilent ko na ang cellphone ko. Nagsimula na akong magpray at natulog na pagkatapos.

Nang pumasok ako kinabukasan, parang may kakaiba akong naramdaman. Lumingon ako sa kaliwa’t kanan, wala naman akong makita, hindi naman siguro ako usundan ni Chief Smiths sa loob ng Keio. Tumigil ako at lumingon sa likod ko, nagtaka pa ako ng makita ko doon si Gaelan.

“Why are you staring?” Masungit na tanong nya.

Hindi ko naman sya tinitingnan eh, napatingin lang ako. Bumalik na lang tuloy ang tingin ko doon sa dinadaanan ko. Magsosorry pa sana ako kasi hindi ko nareplyan yung napakadami nyang text message sa akin kagabi. Nung umaga ko nabasa ang napakadaming death threat nya, yung pinakahuling mensahe nya pa, ipinadala nya ng 3AM! Dire-diretso akong naglakad patungo doon sa klase ko.

Ang mga sumunod na araw, napakahirap iwasan ni Gaelan. Kasi kung nasaan ako, nandoon din sya. Nung minsang magpunta ako sa Food Alley, nandoon sya sa likod ko.

“Tabi!” Sabi nya ng naiinis. Sinadya nyang banggain ang balikat ko kaya yung hawak kong baso ng juice tumapon ng kaunti sa mga kamay ko.

“Gaelan..” Napalingon ako doon sa tumawag sa kanya, pagkakita ko nandoon si Zeus. Nakakunot ang noo nya kay Gaelan.

“Tch.” Sabi nya tapos umalis na. Ano na naman yun? Hindi ko naman sya inaano.

‘Uy, dalawang linggo na silang hindi nagpapansinan!’

‘Mukhang break na yung dalawa! Yehey!’

Mukhang masayang masaya ag buong Keio dahil sa alleged breakup namin ni Gaelan. Ayos lang naman sa akin yon, mabuti nga at nahinto na ang pagsisinungaling namin, napabuntong hininga na lang ako habang kumukuha ng tissue doon sa pinagbilhan ko ng juice. Papalabas na sana ko ng Food Alley ng may sadyang tumapik ng kamay ko at natapon ang juice sa damit ko.

Napaangat ako ng tingin sa tumabig sa kamay ko. Si Missy!

Kaklase ko sya sa Algebra at laging masama ang tingin nya sa akin. Bakit naman nya ako inaaway ngayon?

“Pwede ko na tong gawin kasi wala na kayo ni Gaelan.” Humalakhak sya at tinaasan ko ng kilay. Lumabas ang mga perpekto nyang ngipin, para syang anghel na masaya pero may buntot.

Hindi ako nakasagot, pilit kong pinunasan ng tissue ang damit ko na para bang makakatulong yon.

“Hindi mo pa din pwedeng gawin dahil kaibigan ko sya.” Napalingon ako sa likod ni Missy, nandoon si Yuki at nag-igting ang kanyang mga panga. Lalo akong naguluhan. Hindi ko naman kaibigan si Yuki.

Ang lagkit sa pakiramdam ng juice na tumapon sa bandang tyan ng damit ko.

“Y-yuki..” Ngumiti si Missy pero nilagpasan sya ni Yuki.

“Let’s go, Ria.” Hinawakan ni Yuki ang mga kamay ko. Binawi ko agad yon dahil nakaramdam ako ng pagkailang lalo na ng magsimula na namang magbulungan ang mga schoolmates namin.

“Sorry.” Nagkibit balikat sya at nilagay ang dalawa nyang palad sa likod nya. Naglakad sya kasabay ko pero ang totoo sinusundan ko sya. ‘Let’s go’ daw pero hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Huminto kami sa isang kwarto na mukhang classroom, nang buksan nya yon, namangha pa ako dahil para syang kwarto! May mga kama, TV, computers at lockers.

“Hala, may ganito pala dito!” Hindi ko naiwasan na maibulalas ang pagkamangha ko, eh kasi parang bahay!

“Tambayan ng Yukan’na.” Ngumuso si Yuki sa taas, parang mayroong flag na may simbolo na Y. Kinabahan ako bigla, ibig sabihin nandito ako sa kampo ni—–

“Anong ginagawa nya dito?” Bumukas ang pinto at sumulpot si Gaelan doon. Nakasimangot sya agad sa akin. Ngumiti si Yuki sa kanya na parang balewala at may kinukuha doon sa locker na kulay green ang door.

“Tinapunan sya ng juice ni Missy, hindi mo ba nakita? Tsk, ikaw pa naman itong boyfriend ..” May pagdidiin ang sinabi na yon ni Yuki.

Binuksan naman ni Gaelan ang locker nya na kulay blue naman ang pinto at naghalungkat din. Nanatili akong nakatayo doon sa tapat nung double deck na kama at hindi alam ang gagawin, magpapaalam na sana ako ng biglang nagsalita ang dalawa.

“OH..” Sabay na sabi ni Gaelan at Yuki. Napatingin ako sa kanilang dalawa dahil may itim na tshirt ang nakalahad sa akin.

Tumaas ang kilay ni Gaelan sa akin, yung tingin na may pananakot kaya mapapa-oo ka— samantalang nakangiti naman si Yuki. Yung ngiti na mapapa-oo ka din.

Hala nakakalito naman!

“Kunin mo na ang t-shirt ko, hindi sayo kakasya ang tshirt ni Yuki. Mas malaki pa ang katawan mo sa kanya eh, baka masira.” Ngumisi si Gaelan na may halong pang-aasar.

Sinimangutan ko si Gaelan tapos pinandilatan nya ako, umiwas ako ng tingin at kinuha ang tshirt ni Yuki.

“Bihis ka na doon.” Tinuro ni Yuki ang isa pang pinto doon sa loob ng room. Hindi ko na tiningnan ang mukha ni Gaelan, tiyak na maaasar na naman sya sa akin.

Pumasok ako doon sa loob ng CR na tinuro ni Yuki. Grabe, wala na akong masabi sa ganda! Shower room lang naman at toilet ang nandito pero mamahalin ang muebles. Sabi na nga ba at katulad ng Yukan’na ang mga kapatid ko na aksayado sa pera ng mga magulang. Sinuot ko ang tshirt na pinahiram ni Yuki, kulay itim at may nakasulat na Yukan’na sa harap. Sa likod, may nakasulat na Yushima . Yung apelyido ni Kiro at Yuki.

Tiniklop ko ang manggas dahil medyo mahaba kahit tingin ko ay fit ang shirt na ito sa kanila . Matangkad si Yuki, katulad ni Gaelan, pati ang pangangatawan ay ganoon din. Suot ko naman ang jogging pants ng Keio dahil may practice kami mamaya ng cheering squad.

Lumabas ako at nakita kong nakahiga si Gaelan doon sa ibaba ng double deck bed, nakadekwatro pa sya at naglalaro ng PSP. Sumilip sya sa akin at nagtaas muli ng kilay, kay Yuki na lang ako tumingin kasi nakangiti sya.

“You look good.” Papuri ni Yuki, namula naman ang pisngi ko sa hiya.

“Yuck.” Bulong ni Gaelan pero narinig ko yon.

“Isasaoli ko na lang ito, Yuki. Salamat at pasensya na sa abala.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Gaelan. Nag-iimagine ako na wala sya sa paligid kagaya ng gusto nya.

Paglabas ko ng headquarters ng Yukan’na, tumunog ang special bell. Yun ay kapag mayroong announcement ang Dean o di kaya ang President. Hinanap ng mata ko si Selene sa paligid pero hindi ko sya agad nakita kaya dumiretso na ako sa gym.

‘Suot nya ang t-shirt ng Yukan’na?’

‘Bakit Yushima ang nakalagay? Bakit hindi Ancheta?’

‘O my! Nabihag nya ang Yuki ko!’

‘Hindi kaya ang dahilan ng break up ni Gaelan at Ria ay si Yuki?’

‘Ang swerte naman nya! Dalawa sa Yukan’na ang nabihag nya!’

Sari saring bulungan ang narinig ko patungo sa gym. Nasanay na din ako sa bulungan na yon kaya hindi ko na din pinapansin.

“Ria!” Nakita ko agad si Tisha at Abby, yung mga kasamahan ko sa cheering. Kahit papaano ay kinakausap nila ako, lagi din kasi silang napapagalitan ni Rona kaya hindi sila mapagmataas kahit magagaling silang sumayaw. Kumaway sila sa akin at inaya ako sa pwesto nila.

“Selene!” Tawag ko kay Selene nang makita kong naghahanap ang kanyang mga mata sa dagat ng mga estudyante ng Keio at umusog ako ng kaunti para makaupo sya sa tabi ko.

Nagliwanag agad ang mukha nya at patakbong lumapit sa amin. Tumunog ang mikropono doon sa stage kaya napalingon kami lahat.

“Si Dean Aurelio.” Nakangiting sambit ni Abby.

Pinagmasdan ko ang may edad na lalaki doon sa stage habang nagmamasid sa mga estudyanteng naghahanap ng pwesto dito sa gym.

“Okay, silence…” Sambit ni Dean Aurelio na pinagbigyan naman ng lahat. Napalingon ang lahat sa entrance ng gym kung saan sabay sabay na pumasok ang Yukan’na. Si Ice, Hunter, Kiro, Zeus, Rye, Yuki at Gaelan. Mukha talaga silang Dancers. Malalakas kasi ang dating.

Seryoso silang naglakad sa gitna ng gym, umupo sa monoblock chair na sakto sa kanilang pito kahit na siksikan na ang ibang mga estudyante sa gym, may upuan pa din sila.

“We would like to announce the following school events…” Panimula ni Dean Aurelio. Nagpalakpakan ang mga estudyante, pati si Tisha at Abby. Si Selene naman nanantili ang kanyang mata sa cellphone at naglalaro ng Clash of Clans daw yon.

“May I see the hands of the Elite Circle?”

Nilibot ko ang paningin ko at ganoon din ang ibang mga estudyante sa paligid, inaantay kung sino ang magtataas ng kamay. Nagkaroon ng kaunting ingay ng magtaas ang kamay ang Yukan’na.

“Eiw, feelers.” Komento ni Selene sa tabi ko, pero doon ang mata nya kay Zeus, parang galit na naman.

“Bakit?”

“Tsk, Basketball Players kuno.” Nagkibit balikat si Selene.

Siniko naman ako ni Tisha at ni Abby na magtaas ng kamay. Oo nga pala, parte din ako ng Elite Circle dahil sa cheering squad.

‘Kasali sa squad si Ria?’ Narinig kong bulong nung nasa itaas ko.

‘Ni hindi ko pa nga nakikita ang binti nyan! Eh di ba maiigsi ang suot ng cheering squad?’

Hindi ko na sila pinansin, medyo nag-alala din ako kasi nawala sa isip ko ang damit.

Nakita kong lumapit ang PE teacher namin na si Sir Advincula kay Dean Aurelio at mayroong binulong, ngumiti si Dean at tumango tango.

“Elite, are you ready for the Intercollegiate?” Tanong ni Dean.

“YES DEAN!” Malakas na sigaw ng ilang mga estudyante, partikular ang Yukan’na. Parang wala pa din pakialam si Selene.

“Sus, talksht..” Bulong nya doon sa gilid ko.

“Mataas ang excpectation ko lalo na sa Cheering Squad. Last year ay natalo tayo mula sa grandslam natin for three consecutive years. Babawiin ba natin yon?” Nakangiting tanong ni Dean. Napadako ang tingin ko kay Rona na inaambaan kami ng kamao para sumagot.

“Yes Dean…” Sagot ng halos mga babaeng miyembro, kasama na din ako syempre.

Napuno bigla ng bulungan ang gym hanggang sa mayroong sumigaw.

“Sample, sample!!”

Gumaya ang iba sa pagsabi ng ‘Sample’

Nag-chant sila kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Parang na-alarma din si Rona dahil hindi namin ito napaghandaan. Lumipat ng tingin nya sa amin. Napaangat din ang ulo ni Selene na nanliliit ang mata.

“Mga gagong to.” Bulong nya na ang tinutukoy ay ang mga schoolmates namin na sumigaw ng sample. Mabilis ang tibok ng puso ko.

Hindi pa ako handang humarap sa napakaraming tao.

Paano na?!

Kabanata 9

Para Sa Akin .

“Sample!!”

Tumayo si Rona ng senyasan sya ni Sir Advincula. Kinakabahan ang kanyang ngiti nang umakyat sa stage. Nakababa ang mikropono pero narinig kong sinasabi ni Rona na hindi pa kami masyadong tutok sa stunts.

Totoo naman yun, yung ritmo pa lang ng katawan namin ang pinagtutuunan namin ng pansin. Gusto kasi ni Rona na walang mahinhin o di kaya mas malalaki ang pagkilos ng isa sa amin. Gusto nya ay pare-parehas.

‘Then show your dance that you have practiced. Kahit wala munang stunt.’ Si Sir Advincula.

Huminga ng malalim si Rona at tiningnan si Sunshine na katabi nya kanina. Si Sunshine at Lexy ang pinakaleader namin bukod kay Rona dahil sila ang Seniors.

“Ayan na, Litsi.” Bulong ni Selene sa tabi. Kanina pa talaga sya mukhang wala sa mood. Hindi ko naman alam kung bakit. Sure naman ako na hindi sya mahihiya na sumayaw dahil ilang taon na syang parte ng Elite Circle.

“Ria, tawag tayo ni Rona.” Sambit sa akin ni Abby.

“Backstage daw.” Ngumuso si Tisha na nakatayo na, tumayo na din si Selene. Parang naging jelly ang tuhod ko sa kaba. Hindi ako nahihiya sumayaw kapag kasama ang squad pero kapag madami nang audience, hindi ko ata kakayanin.

‘Saint Vitus, Patron of Dancers, please intercede. Amen..’

Pagdating namin sa backstage, nagpapaypay si Rona ng kanyang sarili, nandoon na din ang ibang miyembro. Tiningnan kami isa isa ni Rona ng may pagbabanta. Kailangan talaga naming umayos.

“Anong suot nyo? Naka-sports bra ba lahat?” Tanong nya sa amin. Tumango ako. Yun ang pinapasuot sa amin kapag practice pero sa ilalim naman ng tshirt. Proteksyon lang kapag nagpapractice kami.

“Remove your shirts, girls. Bilis.” Nanlaki ang mga mata ko samantalang agad naman na nagtanggal ng tshirt ang mga kasamahan ko.

Hala, hindi pwede..

“Ano, Floresca? Ako pa ang magtatanggal ng sayo? Wala pa tayong uniform kaya jogging pants na lang muna at sports bra.” Anunsiyo ni Rona. Nangulubot ang mukha ko.

Nakakahiya! Panigurado kapag nakita ako ni Kuya Gilad na labas ang tyan, magagalit yon. Si Kuya Rab nga kaya ako pinapataba para hindi ako maengganyo na magsuot ng maigsi..

Nakita ko na naman na pinandilatan ako ni Rona, napatiklop ako sa takot. Alam ko namang nape-pressure sya kaya kailangan ko ding sumunod. Wala akong oras para tumanggi sa gitna ng mga kagrupo kong kinakabahan. That is very wrong in ‘teamwork’.

Pinagpawisan ako ng malamig habang dahan dahang tinatanggal ang tshirt na pinahiram ni Yuki. Abala na ang mga kasamahan ko sa pags-stretching, hindi pa kami kumpleto kaya mapipilitan kami na sumayaw kahit halos kalahati lang kami.

Tense na tense si Rona, pabalik pabalik syang naglalakad, hindi na nga sya nag-stretch eh, mas inatupag nya ang mga itsura namin.

“Ponytail your hair! Alam nyo na yan sinasa––”

Natigilan si Rona ganoon din ang mga kasamahan ko sa pagtatali ng buhok. Lahat ng mata nila ay nakatutok sa akin dahil tuluyan ko na natanggal ang tshirt ko.

Bumukas ang bibig ni Selene na parang mayroong gustong sabihin pero nahulog muna sa pag-iisip.

“Pucha, may abs ka, Ria? Wala ka naman palang tyan eh!” Manghang mangha na bulalas ni Selene.

Walang tyan ba ang tawag sa ganito? Saan mapupunta ang kinakain ko kung ganon?

Tinapik tapik pa nya ang tyan ko. Napangiwi ako at tumagilid kay Selene. Nahihiya ako eh.

“Bakit suot ka ng suot ng extra large! Lagi pang naka-longsleeves. Weido ka talaga!” Naiinis na sambit ni Rona pero napapangiti din sya kagaya ng iba. Hindi ko tuloy alam kung nakakatuwa ba o nakakatawa ang itsura ko.

“Ria, toned ang muscles mo.” Ani Sunshine habang mataman akong tinitingnan.

Lalong nanlamig ang kamay ko. Paano ako makakakilos ng mabuti kung puro magaganda ang sinasabi nila sa akin? Pakiramdam ko biglang tumaas ang expectation nila.

“Ibibigay ko na ang song. Yung nirehearse natin this week okay?” Sambit ni Sunshine na nagpunta sa dulo ng backstage para ibigay doon sa Student Affairs yung CD namin.

“T-teka, ako yung nasa harap non eh…” Singit ko kay Sunshine.

“Abby at Tisha, sa harap din kayo, si Rona ang nasa gitna katabi ni Ria. Bawal magkamali. Freshies, ayusin nyo.”  Maayos na sabi ni Lexy pagkatapos ay lumingon sya sa akin at nagbigay ng mabait na ngiti.

“Kaya mo yan, magaling ka. Sabayan mo si Rona pero wag mong kokopyahan ng steps.” Sabi nya pa.

Hala! Sabayan daw eh manghang mangha nga ako kay Rona. Napapanganga nga ako kapag humahataw na sya.   Tapos lagi pa akong pinapagalitan ni Rona kasi mahinhin daw ako kumilos.

Nilagay namin ang kamay namin sa gitna at sumigaw ng “FIGHT”

Naunang lumabas ang mga nasa likuran, si Selene, Lexy, Sunshine, Anj, Karen at Marga.

Ang daming sumigaw sa labas, mukhang madami silang fans! May mga pumipito pa doon. Yung puso ko parang gusto akong iwan ngayon at umuwi tapos matutulog na lang.

“Let’s go girls.” Utos ni Rona. Sya ang nauuna sa paglalakad. Bago pa kami makalabas ng stage mayroong sumisigaw.

“Mayroon pa!” Halos mga schoolmates naming boys ang sumisigaw.

Bakit ba sila excited?

Madilim ang stage kaya halos silhouette lang naman ang nakikita is pero bakit sobra naman sila kung makasigaw? Mahihilig ba sa sayaw ang mga tao dito?

Si Tisha ang unang pumunta sa unahan, sumunod si Rona. Bahagya akong tinulak ni Abby para sumunod na kay Rona. Ilang beses akong napalunok lalo na nang nag-static na ang music player. Ibig sabihin ay magsisimula na.

Gusto kong maiyak pero wala na ata talagang atrasan.

Come here Rude Boy, Boy Can’t you get it up..

Come here Rude Boy, Boy is you big enough Take it, Take it Baby, Baby Take it, Take it Love Me Love Me…

[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]

( Maki Say’s: If you are viewing the video, syempre hindi ito ang cheering squad pero sa imagination ko ganito ang steps nila Maria. Haha Benta. Hip Hop!  😂✌🏽️)

Halos mabingi ako sa sigawan na nanggagaling sa audience. Inisip ko na lang na patatas silang lahat lalo na ng magbukas ang ilaw at yung audience naman ang dumilim. Nakakasilaw sa stage!

At ang daming ––

Patatas!

Patatas!

Patatas!

Ganyan nga Ria! Hindi sila tao, mga patatas yan..

‘Si Ria ba yan? Bakit na-deflate? Ang payat nya!’

Patatas!

‘Syet, ang galing magsayaw ni Ria! Jealous!’

‘Nakakasabay si Ria kay Rona. Girl, pakikurot ako baka panaginip ituuuuu!!’

Patatas na nagsasalita!

Buong pagsasayaw namin, sari saring komento ang naririnig ko. Mabuti sana kung makabuluhan yon kaya lang puro hindi makapaniwala na nangayayat ako kahit sa tingin ko ay hindi naman masyado.

‘Ria!! Go Ria!’ Sigaw noong nasa likuran. Alam kong mga kaklase ko iyon na lalaki. Hindi ko hinayaan na mawala ako sa focus dahil patay ako kay Rona kapag nagkamali.

Tiningnan ako ni Rona doon sa huling parte ng kanta, tinanguan nya ako at alam ko na ang susunod na gagawin.

Backflip.

Sabay kaming umikot sa ere at tinapos namin ang sayaw sa pagsplit bilang isang grupo.

Tumayo kami nang may poise at gumawa ng isang linya para mag-bow sa audience na natahimik. Nagkapit kapit kami sa bewang ng bawat isa at ngumiti sa lahat. Napatingin ako sa pwesto ng Yukan’na dahil hindi sila mahirap mapansin. Nandoon sila sa unahan. Nakangiti si Yuki at nagthumbs up sa akin, sinagot ko iyon ng ngiti. Sila Zeus ay pumapalakpak..

Samantalang si Gaelan..

Si Gaelan..

Walang reaksyon.. Nakapangalumbaba lang sya sa sandalan ng monoblock nya na nakapabaliktad at parang walang kung ano man ang napanood nya.

Hinihingal pa ako at malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa pagod pero hindi pa ako naging ganito kasaya.. Masarap sa pakiramdam ang may makakaappreciate sayo. Kahit hindi ang lahat ng tao masiyahan, ayos lang.

“Wow! Mukhang handang handa na ang nagagandahang cheering squad natin ah!” Lumapit si Dean sa gitna kaya kami naman ang tumalikod para bumalik sa backstage at magbihis.

“Good job, Ria.” Tinapik ni Rona ang balikat ko.

“Yes, Ria. You’re a surprise!” Humagikgik si Lexy. Kumapit si Selene sa akin ng makapagsuot na kami ng tshirt. Inaya nya ako na sabay lumabas.

‘Hi Ria!’

‘Ria, ang galing mo!’

Napangiti na lang ako sa bawat nadadaanan namin pabalik sa pwesto namin kanina. Napatingin ako muli sa pwesto ng Yukan’na at doon ko nga nakita si Gaelan na masama ang tingin sa akin.

Inaaano ko na naman ba sya?

Nang makadaan kami sa pwesto nila, narinig ko syang magsalita.

‘Tss, hindi naman magaling.’

Tumigil si Selene at humalukipkip sa harap ni Gaelan. Hinila ko sya sa braso para lumayo pero hindi sya kumilos.

“Alam mo Gael, ang bitter mo! Hindi mo lang matanggap na hindi na lang ikaw ang nakakakita kay Ria ngayon eh.” Umirap si Selene pero hindi pa din umaalis sa pwesto nila.

“Ha! Well Selene, I am just telling the truth. I didn’t like what I see.” Masungit na sabi ni Gaelan.

“Who cares?!” Angil ni Selene.

Tahimik lang ako sa isang gilid at nakayuko. Tumayo si Yuki mula sa pinakadulong upuan at lumapit sa akin.

“Umupo ka muna, Ria.” Hinawakan nya ako sa pulso at inialok ang upuan nya. Alanganin ako na kumilos pero tumayo din si Zeus at tiningnan si Selene para ilahad din ng upuan nya.

“Upo, Selene.” Pormal na sabi ni Zeus. Padabog na umupo si Selene sa upuan ni Zeus kaya tumabi na din ako.

“Salamat..” Sabi ko sa kanilang dalawa. Tumayo sila sa gilid at tumingin sa stage dahil sa mga anunsyo ni Dean Aurelio.

“—And on the last day of this month, we will be having our yearly Acquaintance party..” Ani Dean Aurelio.

Umingay ang buong gym, may napapalakpak pa sa tuwa.

“And we encourage the higher years to invite the Freshies to be their date that night, whether it is boys or girls.. Of course our intention is to build camaradarie within everyone.” Pormal na sabi ni Dean.

Inanunsyo din kung ano ang magiging theme ng party at kung saan gaganapin. Hindi ako masyadong nakinig sa ibang detalye kasi masyadong maingay yung mga kaeskwela ko. Sabay sabay kaming tumayo ng matapos na ang announcements. Kasabay iyon ng pagtatapos ng oras ko sa school.

Nakasunod ako kay Selene at hindi na nilingon pa si Gaelan na walang ginawa kundi siringan ako.

“Kain muna tayo, Ria. Wag ka na tatanggi kasi sexy ka naman na!” Humalakhak si Selene. Ngiti lang ang itinugon ko habang naglalakad kami papuntang Food Alley. Dumiretso kami doon sa fastfood. Ibinili din nya ako ng pagkain at tig-isang tray kami na bitbit.

Luminga kaming dalawa para maghanap ng pwesto pero bigo kami dahil nagtungo din sa Food Alley ang mga estudyante ng Keio dahil pare-parehas na natapos ang mga klase namin.

“Selene!” Kumaway si Ice sa pwesto ng Yukan’na at nginuso ang kanilang upuan. Maluwag pa doon at maari pa silang magimbita ng iba.

Napatingin ako kay Gaelan na nakahalukipkip at tinitingnan ang reaksyon ko. Tatanggi sana ako pero naglakad na si Selene papalapit sa kanila, sumunod na din ako.

“So, may date ka na ba Ria sa Akwe?” Tumikhim si Ice at tiningnan ako habang kumakagat ng burger. Oo nga pala at ako lang ang Freshman dito. Inaasahan nilang mayroong date ang Freshies.

“Hindi naman siguro si Gaelan kasi break na kayo di ba?” Humalakhak si Kiro. “Etong kakambal ko kasi—”

“Kiro..” Awat ni Yuki sa kambal nya bago ako balingan at ngumiti ng nahihiya.

Nagtaas ng kilay si Kiro at ngumisi habang napapailing.

“Ako.” Napatingin kaming lahat ng magsalita si Gaelan. Kanina pa kasi sya tahimik.

“Ako ang date nya. Hindi pa kami break. Sinong may sabi? Tss.” Dugtong pa nya.

Hindi ko naituloy ang pagsubo ng French Fries ko. Halos masamid kasi ako. Akala ko pa naman nakalusot na ako kay Gaelan dahil galit sya!

Ngumuso si Gaelan ng tingnan ko sya tapos tumingin ulit sa malayo. Pag hindi naman ako nakatingin sa kanya, nakikita ko sa gilid ng mata ko na inoobserbahan nya ako.

Nang matapos na kaming magsnacks, nagkani-kaniyang paalam na ang Yukan’na. Tumayo din kami ni Selene dahil nandyan na ang sundo nya. Humalik si Selene sa aking pisngi bago patakbong tinungo ang palabas ng Food Alley.

Inayos ko din ang bag ko at nagpaalam sa natitira sa lamesa na si Yuki, Rye at Hunter. Pati din pala kay Gaelan nagpaalam ako kaya lang tumayo sya kasabay ko, saka sumunod din sya sa paglalakad ko!

Halos malapit na kami sa school exit ng magsalita si Gaelan.

“Hindi ko gustong date ka.” Mapakla ang pagkakasabi ni Gaelan.

Tumango ako at ngumiti ng tumapat kami sa may parking lot ng school. Alam ko kasing hanggang dito na lang sya dahil nakita ko na ang kanyang sasakyan.

“Okay.” Sagot ko.

“Tss! Nakakainis ka talaga, Maria!” Ginulo ni Gaelan ang kanyang buhok na parang inis na inis na talaga.

“Ria na lang.” Ngumiti ako at itinama ang pagtawag nya sa pangalan ko.

“Ayoko. Ria ang tawag sayo ng lahat. Ako lang ang tatawag sayo ng Maria, naiintindihan mo?” Umismid si Gaelan. Tumango ako at ngumiti.

“Okay.” Pumihit ako para maglakad na papalabas ng school.

“At saka–”

Tumigil ako sa paghakbang.

“T-tabs ka pa din para sa akin.” Mahinang pagkakasabi ni Gaelan. Lumingon ako sa kanya, hindi ko napigilan ang paghagikgik. Inaasar na naman nya ako. Akala nya talaga pikon ako.

“Ikaw pa din si Yabs ko.” Sagot ko sa kanya at saka tumawa. Napalunok si Gaelan, nilagay nya ang parehas na palad nya sa kanyang bulsa tapos umiwas sya ng tingin sa akin..

Akala ko uusok ang ilong nya sa galit kapag inasar ko sya.

Ang weird weird nya ngayon.

Kabanata 10

Hello @utternothingness Napa-update ako dahil sayo. Malakas ka sa akin eh haha 😂😊✌🏽️

Hot .

Kagaya ng nakagawian, naglakad lang ako pauwi sa bahay habang nagro-rosaryo. Nakakapagod ang araw na to!

Hindi ko namamalayan ang paglalakad ng malayo dahil nalilibang ako sa pananalangin. Inenjoy ko ang simoy ng hangin na medyo madumi dahil sa usok ng jeep. Ang baho pero masaya! Tao na ako!

Kanina nakita ko pa si Chief Smiths na sumusunod din sa akin at naglalakad, naka-mask pa sya. Hindi ko na lang pinansin! Baka pagalitan ni Daddy pag nalaman nya na nahuli ko sya.

Papasok pa lang ako doon sa maliit naming gate ng makarinig ako ng halakhakan doon sa loob. Wala din si Mama sa labas kagaya ng nakagawian nyang pagwawalis ng bakuran tuwing hapon kaya nagtaka ako.

Pumasok ako sa pinto at laking gulat ko nang makakita ako ng malalaking tao— pero hindi kapre, doon sa loob ng bahay namin. May hawak silang stuffed toys at karayom, ginagawa ang trabaho ko.

“Kuya!!” Sigaw ko. Sabay sabay silang napalingon. Wala naman akong partikular na tinutukoy! Naexcite ako na nakita ko si Kuya Gilad, Kuya Rab, Kuya Ahmed at Kuya Xenon na nagsisiksikan sa lumang sofa nila Mama at kani-kaniyang naglalagay ng damit doon sa mga manika na trabaho ko para makakuha ng allowance.

“Baby Botchog ko!!!” Sigaw ni Kuya Rab na nabitawan ang hawak na manika sabay yakap sa akin. Natigil sya sa pagyakap at bigla nyang kinapa ang likod ko. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at inilayo ng onti sa kanya. Tinusok tusok nya ang tyan ko at hinaplos ang mukha ko. Nangunot ang makakapal nyang kilay at dumilim ang kulay brown nyang mga mata.

“Bakit malnourished ka na, Baby Botchog?!!!!” Naging mabilog ang mapula nyang labi dahil sa pagkagulat. Si Kuya Rab ang pinakamakulit sa lahat ng kapatid ko, sya din ang pinakamadaming babae, he knows how to please women but he’s better in breaking their hearts. Matagal ko na ngang ipinapanalangin ang soul ni Kuya Rab eh, grade 2 pa ata nung nagstart ako sa pagno-novena para ma-spare sya sa hell.

“Rab, masyado kang OA.” Umismid si Kuya Gilad habang humahakbang papalapit sa akin para yakapin ako. Si Kuya Gilad naman ang pinakaseryoso sa kanilang apat. Panganay at masungit. Nung bata ako akala ko talaga sya si Superman, kamukha kasi eh, ang stiff nya pa. Yun pala si Bin Laden ang idol nya, lagi kasi syang galit, di ko din alam kung bakit…

“Ria, baka naman nagsusuot ka ng maiigsi. Alam mong ayaw na ayaw ko yan.” Tumaas ang kilay ni Kuya Gilad, para bang may ginawa na akong kasalanan kahit wala pa. Ay meron pala, yung kanina, labas ang tyan ko.

“Mas OA ka Gilad..” Singit ni Kuya Xenon. Sya ang pinakabunso sa lalaki. Ako lang ang tumatawag na ‘Kuya’ sa kanila pero sa isa’t isa, they don’t. “Dalaga na si Ria. There’s nothing wrong.” Inakbayan ako ni Kuya Xenon at hinalikan ang buhok ko. Dati napagkamalan kong kakambal si Kuya Xenon kasi nagkamalay na lang ako na lagi kaming magkalaro. Hanggang sa lumaki na kami, sya ang napagsasabihan ko ng secrets ko kasi hindi sya mahigpit. Kuya Xenon is the liberated type. Sa lahat ng bagay. Ayoko na ngang alamin kung ano ang mga iyon eh, pero pinagpe-pray ko din sya kung ano man ang ginagawa nya sa likod ng pamilya namin.

“Basta walang boyfriend, boyfriend, Ria.” Naging isang manipis na linya ang labi ni Kuya Ahmed na kanina pa nakikinig pero walang reaksyon masyado. Ganoon talaga sya, seryoso pero hindi sya kasing dominante ni Kuya Gilad, wala lang talaga syang pakialam. Sa lahat ng Kuya ko, sya ang pinakamadaming naging girlfriend kasi kapag may nagtanong sa kanya kung pwede ba syang maging boyfriend, ang sagot nya lang ay ‘Okay’.  Sa kanya ko ata nakuha ang kaka-okay ko kay Gaelan eh.

All of my brothers resembles the same features. Ginto ang kanilang balat, sunkissed but not dark. Mapupula ang labi at may brown na mata. The tallest is Kuya Gilad, pabawas ng pabawas ang height namin hanggang sa halos wala ng matira pa sa akin. Good thing, all my brothers are still tall hanggang kay Kuya Xenon na tinitingala ko pa din kapag kausap ako.

“Anong ginagawa nyo dito?” Nakangiting tanong ko habang nakayakap sa bewang ni Kuya Xenon.

Tumayo si Kuya Ahmed at inabutan ako ng sobreng kulay powder blue. Sa likod ay may nakasulat na date.

‘09.30.16’

“Celebration ng birthday ko.” Nagkibit balikat si Kuya Ahmed. Nanlaki ang mga mata ko.

Hala, yun din ang araw ng Acquiantance party namin eh!

“Naku Kuya, mayroong—”

“Ineexpect ka ni Mom and Dad. Alam mo naman na tuwing may gathering ang Floresca, kumpleto tayo.” Seryosong sabi ni Kuya Gilad. Napanguso ako. Tiyak na pag sinabi kong Acquiantance Party ang pupuntahan ko, lalo nila akong kukumbinsihin na wag pumunta doon.

“Dadalhin ni Butler Joe dito ang magtatahi ng gown mo para makapili ka ng design at masukatan. Sinundo lang sa airport, galing pang Dubai si Michael Cinco.” Wika ni Kuya Rab. Lalo akong nawalan ng pag-asa. Nakaplano na pala ang lahat. Naisip ko ang mukha ni Gaelan, tiyak na magpapaulan na naman yon ng death threat kapag hindi ako pumunta.

Sabagay, sabi naman nya ayaw nya akong maka-date eh.. Hindi naman siguro magagalit yon. Slight lang.

Inabot ng hapunan ang mga Kuya ko sa bahay ni Mama. Nagpa-cater pa nga sila ng food eh, ang aksayado talaga sa pera. Napapailing na lang ako dahil hindi ko sila matanggihan.

Nasukatan na din ako ng gown. Di ako makapili ng design dahil hindi ko alam kung anong gusto ko. Wala kasi akong gusto eh, nadistract pa ako kay Kuya Rab na halos magwala nung nalaman na 24 na lang ang bewang ko, proyekto nya daw kasing maging 40 sana bago ako mag-18. Grabe talaga sya.

Nag-paalam na din sina Kuya nang lumalim na ang gabi. Isa-isa ko silang niyakap. Nakakamiss kasi. Kahit si Kuya Ahmed at Kuya Xenon na lang ang madalas sa bahay kasi si Kuya Gilad at Kuya Rab may work na sa Aviation Business ni Daddy, nakakamiss pa din ang kwentuhan namin bago matulog.

Pero ito kasi ang pinili ko….

“Ria..” Narinig ko ang mahinang pagkatok ni Mama sa labas ng pinto ng kwarto ko. Kasalukuyan akong nagrereview para sa Midterms namin next week bago ang Acquiantance Party. Sumilip si Mama sa aking pinto at ipinakita ang baso ng gatas.

“Gatas mo, inumin mo na habang mainit.” Umupo din si Mama sa kama ko at pinagmasdan akong inumin ang baso ng gatas. Ngumiti sya ng maubos ko na yon.

“Masaya ka ba at nadalaw ka ng mga kapatid mo? Hindi mo ba namimiss si Madame at si Master?” Tanong sa akin ni Mama. Lalong nangulubot ang kanyang noo dahil sa pagngiti. Simula kay Kuya Gilad, sya na ang nag-alaga, malamang na-stress talaga si Mama ng sobra doon sa mga kapatid ko.

Ngumiti ako at tumango. “Namimiss din, pero madalas naman silang busy kaya hindi ko masyadong naiisip, sanay na ako eh.”

“Nagtatampo ka ba?” May bahid ng pag-aaalala ang boses ni Mama.

“Ay hindi po! Actually mas iniisip ko pa nga po yung Birthday party ni Kuya Ahmed. Natapat kasi na Acquiantance Party namin sa school. Naka-Kompromiso na din po ako doon sa kaibigan ko sa school na pupunta ako.” Humugot ako ng malalim na paghinga at na-picture ko na naman ang ilong ni Gaelan na umuusok.

“Ganoon ba? Gusto mo din bang dumalo doon sa Acquiantance Party na yon?” Tanong ni Mama.

Hindi ako umimik kahit alam ko ang sagot.

Gusto ko. Kahit wala akong date, gusto ko. Unang beses ko kasing mararanasan yon eh. Kaya lang, kung magtatampo naman sa akin ang pamilya ko, hindi naman tama.

“Hindi po. Maiintindihan naman po ako siguro ng kaibigan ko..”


“Ano? Iindyanin mo ako ganon? Pagkatapos kitang ayain?!” Halos lumabas na ang gums ni Gaelan kakasigaw sa akin. Nandito ako sa labas ng lumang building. Aantayin ko sana na matapos ang date nila ni Miss Farrah pero si Gaelan lang ang nakita ko dito, nakaupo sya doon sa arm chair na lagi kong inuupuan tuwing binabantayan ko sila ni Miss Farrah. Wala syang kasama ngayon.

“E-eh kasi may aattend-an akong birthday..”

“Na mas importante pa kaysa sa akin?!” Nanlalaki ang butas ng ilong ni Gaelan tapos yung noo nya may sampung wrinkles.

“O-oo..” Syempre naman kapatid ko yon.

Malakas na sinipa ni Gaelan ang arm chair kaya tumalsik ito at malayo ang inabot.

“No! You will attend because I said so! Subukan mong hindi, I will make your life––”

“O-oo na! Oo na! Pupunta ako!” Mabilis kong sabi para huminto na si Gaelan sa pagtatantrums nya.

Paano ko kaya gagawin yon? How can I be at two places at the same time?

“Subukan mong hindi, Maria! Makakatikim ka sa akin!” Nanggigigil na pagbabanta ni Gaelan. Tumango ako.

Wala tuloy ako sa sarili nang magtungo ako sa sumunod na klase ko. Lumilipad ang utak ko habang discussion, hindi ko nga mahuli yung brain ko eh.

Paano nga kaya?

Ginulo-gulo ko ang buhok ko. Hay! Bahala na nga! Mayroon pa akong isang linggo para pag-isipan.

Nang matapos ang klase namin na wala akong naintindihan kahit isa, naabutan ko sa labas si Selene na parang may iniintay. Nagliwanag agad ang mukha nya pagkakita nya sa akin.

“Ria! Sama ka sa akin! Free day ko today eh.” Masayang sambit ni Selene sabay kapit sa braso ko. Nilagay nya ang takas na buhok sa likod ng kanyang tenga at patalon talon pang naglalakad.

“Free day?” Tanong ko.

“Free day! Selene’s Day! Today is the day when I can buy all that I want. This happens every quarter, right after my class until midnight!” Masayang kwento nya. Ngumiti ako kahit hindi ko naiintindihan. I am happy for her basta she’s happy. Huminga si Selene ng malalim bago nagkwento.

“Si Dad kasi mahigpit sa akin pagdating sa shopping but he allows me to shop once every quarter of the things I need and I want as long as it’s after my classes at hanggang hatinggabi lang. So literally, I can buy everything today! Dali! Isasama kita! I will buy something for you!” Excited nyang sabi habang winawagayway ang credit card na mayroong pangalan ng Daddy nya.

Natigilan ako.

“N-naku, wag na Selene. Eh di ba, araw mo nga ngayon? Bakit ibibigay mo pa sa akin?”

“Syempre! Friends tayo! Saka wala naman akong gusto o kaya kailangan na hindi ibinibigay ni Mommy at Daddy eh. Ikaw na lang ang bibigyan ko. Magtatampo ako kapag tatanggi ka!” Lumabi si Selene at nagpaawa sa akin. Ang spoiled nya talaga!

Nakakahiya sana kaso—

“Ayan! Doon tayo Ria!” Turo ni Selene sa luxury boutique ng makarating kami sa mall, para kaming may hinahabol na midnight sale kung makapagmadali sya. Napabuntong hininga ako. Mag-aaksaya ng pera si Selene para sa akin kahit hindi naman sana kailangan.

Nagtama ang mata namin ng Manager ng boutique pagkapasok namin ni Selene, nanlaki ang mata nito. Ngumiti si Selene sa kanya at tumugon ito ng yuko na sobrang baba.

Enjoy si Selene sa paglalakad sa boutique. Manghang mangha sya hindi lang sa display ng mga damit kundi pati na din sa palamuting itim at ginto sa buong shop. Humahalimuyak din ang mabangong amoy mula doon sa air humidifier ng shop. Nakakaengganyo din ang mahinang jazz music sa loob. Wala masyadong pumapasok dito kundi mga high end na kliyente lang o di kaya naman mga Personal Shopper ng mga billionaires na walang time para magshopping. In short, wala kaming kasama ni Selene ngayon sa loob.

Ngumiti si Selene at hinarap ang isa sa mga staff. “In fairness ha, ang gagalang nyo ngayon!” Turan niya sa isa. Mukhang pabalik balik dito si Selene. Nanatiling nakayuko ang staff kahit kinakausap sya kaya naman lumakad ako at nilagpasan ang staff.

Nasalubong ko na naman ang isa sa mga staff at yumuko na naman ito. Napangiwi ako sa kanilang asta kaya hinanap ng mata ko ang Manager, nakita ko ang manager sa tabi ng Cashier na nakatayo at nakamasid sa amin. Kinuha ko ang pagkakataon para lumapit sa pwesto nya habang palaboy laboy naman si Selene sa palibot ng boutique.

Yumuko agad ang Manager na nag-ngangalang Chin base doon sa gintong nameplate na nakalagay sa kanyang itim na Amerikana nang makalapit ako.

“Chin, wag na kayong yumuko pag dumadaan ako.” Bulong ko. Pati kasi ang cashier nakayuko na din sa akin at bahagya pang nanginginig ang kamay.

“Hindi po pupwede, Young Maiden.” Magalang na pagtanggi nito. Napakamot ako ng aking ulo.

“Hindi nila pupwedeng malaman kung sino ako.”

“Pero–”

“Chin, inuutos ko na wag kang yumuko.” Sabi ko sa mariin na boses. Napanganga si Manager Chin pero tumuwid sya ng pagkakatayo.

Kinalabit ko ang cashier na hindi makatingin sa akin “Wag mong icharge ng kahit ano ang card nya ha. Pakiannounce na din sa buong Ahmed Mall na offline ang lahat ng transaction sa card ni Alec Xerxes Montebello pero hindi nya dapat malalaman.” Kumindat ako at hinanap si Selene na natatabunan ng mga damit habang hindi alam kung ano ang gusto nya para sa akin.

“Kukuha tayo ng gown mo–” Panimula ni Selene. Umiling agad ako.

“May gagamitin ako Selene..”

Mukha namang nagulat si Selene sa sinabi ko pero maya maya din ay ngumiti sya. “Ganoon ba? Sige. Bibilhan na lang kita ng pang-school. Yung sakto sa sukat mo.”

Hindi na ako tumanggi. Nagniningning ang mga mata ni Selene sa mga damit na nahahawakan. Inaanalisa nya ang mga disenyo ng bawat isa. Maya maya pa ay naglabas na sya ng isang notebook at namangha ako nang buklatin nya ito at naglalaman pala ng iba’t ibang sketch ng mga damit.

“Gawa mo?” Una kong naitanong. Masayang ngumiti Selene at pinakita sa akin isa-isa ang kanyang designs.

Wala akong masabi sa sobrang ganda! Magaling syang gumuhit pero ang kurso nya ay business.

“Libangan ko lang ito.” Paliwanag nya nang mahalata nya ang pagtataka sa mukha ko.

Kumuha si Selene ng pitong pares ng dress para sa akin. Sabi nya maganda daw ito at magmumukha akong bata tingnan. Tuwang tuwa sya sa pagsukat ko ng mga damit. Para syang bata na ang pangarap ay maging isang designer.

“Alam mo ba, ako ang nagdesign ng gown ko para sa Akwe. Sayang nga hindi kita naidesign nung sayo kasi nung March ko pa sinimulan yung akin.. Pero next year, ako na ang magdedesign ng gown nating dalawa, promise!” Nagtaas pa sya ng palad sa harap ko. Napangiti ako.

“Talaga? Sige mas gusto ko yon!” Sagot ko naman.

Nang masiyahan na si Selene sa mga pinamili nyang damit para sa akin, nag-aya syang kumain ng Ice cream doon sa rooftop ng mall. Open space yon at maraming nagpapahinga mula sa mahabang pamimili sa Ahmed Mall na ipinangalan sa ikatlo kong kapatid, ito din ang ima-manage nya pagkatapos nyang mag-aral.

Nag-eenjoy ako sa pagkain ng cookies and cream ko nang muntikan na akong mabilaukan dahil natanawan ko si Kuya Rab na papalapit sa amin. Di ko malaman kung tatayo ba ako at sasalubungin sya o magpapatay malisya na hindi sya kilala.

Akala ko nakita nya ako pero nagkamali ako dahil dumiretso sya doon sa malapit sa counter kung saan oorder ng ice cream. Hindi nya ako pinanasin!

“One Coffee Jelly and– What’s yours, Babe?” Narinig ko pang sabi nya.

May kasama sya? Mag-isa lang syang naglalakad kanina ah!

Dahan dahan akong lumingon para tingnan ang kinakausap ng Kuya ko.

“Mint Ice Cream, Babe.” Sagot nung tinawag nyang ‘Babe’.

Agad na nanlaki ang mata ko ng makita ang kausap ni Kuya Rab.

“Oh, ang hot ng boyfriend ni Miss Farrah oh! May na-scoop pa tayo bago tayo umuwi..” Humagikgik si Selene habang pinagmamasdan nya si Kuya Rab na hinahalikan sa labi si Miss Farrah na girlfriend naman ni Gaelan!

Kabanata 11

Wag.

“Ria, ang weird mo, kanina ka pa tahimik. Don’t tell me hindi ka sanay makakita ng nagkikiss sa lips at nashock ka kay Miss Farrah? Okay lang yun kasi sa labas naman ng school!” Ani Selene habang nakatunghay ako sa bintana. Ihahatid na nya ako papauwi sa bahay namin matapos naming magdinner. Parehas na din kaming nakadama ng pagod.

Yung utak ko, pagod na pagod sa pagtakbo dahil sa nakita ko kanina. Sino ang niloloko ni Miss Farrah? Si Gaelan ba o ang Kuya ko? Syempre kapag nasaktan ang Kuya ko, masasaktan ako— Kung si Gaelan naman ang niloloko nya—

Pinakiramdaman ko ang puso ko na unti unting bumabagal tuwing iniisip ko si Gaelan na nasasaktan.

Ilang liko pa ang ginawa ng sasakyan pauwi sa amin. Naglilibang si Selene sa pagsilip sa mga itinatayong Christmas lights dahil September na.

“Nagsisimula na lumamig ang panahon no?” Nakangising sabi ni Selene. Tumango ako at tipid na ngumiti.

“Napagod ka naman ata, Ria eh. Pero sana nag-enjoy ka.. Suot mo yan bukas ha!” Ngumuso si Selene at itinuro ang bahay namin. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.

Sabay sabay na iniabot sa akin ni Selene ang mga paperbags ng damit na para daw sa akin. Humalik sya sa aking pisngi at mabilis naman akong lumabas.

Naabutan ko si Papa na nagsa-shine ng sapatos nya sa labas ng bahay. Dating driver / bodyguard ni Daddy si Papa Cardo, tapos sa bahay na namin nabuo ang pagmamahalan nila ni Mama Buding na taga-pangalaga naman naming magkakapatid.

“Kaawaan ka ng Diyos.” Ginulo ni Papa ang buhok ko at pilit na ngumiti ang pagod na mata. Security guard na kasi ang trabaho ni Papa, lagi syang nakatayo sa maghapon.

“Kumain ka na ba, Ria?” Narinig ko pa si Papa habang pumapasok ako ng bahay.

“Opo, Pa.” Nilakasan ko na lang ng kaunti ang boses ko. Natagpuan ko naman si Mama na nagtatahi ng damit sa mga manika ni Ate Ailyn habang nanonood ng paborito nyang teleserye.

“Ma..” Wika ko ng may kaunting pagrereklamo. Sinipat ako ni Mama Buding sa ilalim ng kanyang eyeglass at lumiit muli ang mga mata dahil sa pagtutok doon sa manika na ginagawa nya.

“Nalilibang ako dito, Ria. Isa pa, para makapagpahinga ka na. Kamusta ang lakad nyo ng kaibigan mo?”

Umupo ako sa pinakamahabang sofa at itinaas ang aking paa.

“Nakakapagod po mag-mall.” Reklamo ko habang nakatuon ang mga mata sa TV.

“Hmm, hindi ka naman kasi nagma-mall kahit kayo pa ang mayari ng pinakamamahaling mall sa buong mundo. Isa pa, hindi mo na kailangan magtungo sa mall para makuha ang kailangan mo. Masabihan nga ulit si Sam na puntahan ka dito para sukatan ka at ikuha ka ng mga damit. Masyado nang maluluwang ang mga sinusuot mo.”

Ngumiti ako kay Mama at tumango. Si Sam ang personal shopper ng aming pamilya, trabaho na namana nya sa mommy nya na fashion stylist din nila Mommy at Mommy noon. Si Kuya Gilad ang bukod tanging hindi dinadamitan ni Sam kasi magkaaway daw sila simula ipanganak silang dalawa, hindi ko pa natatanong kung paano ba nag-aaway ang mga baby.

“Ay, Ma. Nasaan po ang phone ko?” Tanong ko kay Mama ng maalala ko na na naman si Kuya Rab.

“Yung iphone mo? Nandoon lang sa lamesa ng kwarto mo. Bakit mo ba yun iniiwan? Sa panahon ngayon, kahit hindi naman mayayaman mayroong iphone.” Komento pa ni Mama habang humahakbang na ako sa limang baitang na hagdanan patungo sa mga kwarto.

Nakahinga ako nang makita ko na mayroong charge ang cellphone kahit hindi ko ginagamit.  Agad kong hinanap ang numero ni Kuya Rab.

“Baby Botchog!” Humalakhak si Kuya sa kabila ng ingay sa paligid.

“Kuya, nasa Ahmed Mall ako kanina.” Panimula ko.

“Mm, sabi nga. Nandoon din ako.” Bahagyang lumayo si Kuya Rab sa ingay para siguro makausap ako ng maayos.

“Nakita kita kanina, may kasama ka Kuya.. Yung Baby na tinawag mo—”

“Wait.. Umaga, Tanghali, Hapon o Gabi?” Putol sa akin ni Kuya Rab.

Bahagya akong natigilan sa tanong ni Kuya. Anong ibig nyang sabihin?

“Anong oras mo ako nakita?” Untag ni Kuya.

“H-hapon..” Yumakap ako sa isang unan.

“Ah! 3PM o 5PM?” Tanong nya ulit.

“5PM..” Yun ang sa pagkakatanda ko.

“Ah, si Faye.. Faye ba yun o Farren? I am really bad with girl names Baby Botchog. Pangalan ni Mommy at yung sayo lang ang natatandaan ko.”

Napakamot ako ng aking ulo, “Farrah, Kuya.. Professor ko sya sa Keio.” Ipinahinga ko ang aking likod sa kama.

“Ow, Professor pala yun? Akala ko call center agent. Naku, humihina na ang memorya ko! Baka mabuking ako ng mga girlfriend ko!” Humagikgik muli si Kuya na parang may sili sa singit.

“Kuya!” Tawag ko sa atensyon ni Kuya Rab, tumigil naman sya sa pagtawa at nakarinig ako mula sa background na pagsara ng pinto ng sasakyan, para siguro mabigyan sya ng privacy habang kausap ako.

“Baby, boys will be boys. We will get serious at 35, sa case ko, maybe 40.” Malutong na tawa na naman ang pinakawalan ni Kuya Rab. Grabe talaga sya!

“Kaya ikaw, don’t take relationships seriously. Men cheat, women cheat, because when we are young, we don’t actually know what we really want. We are dictated by the standards of the society. Yung gwapo para sayo sa edad mong yan, malamang pangit na yan after 5 years.”

Napanguso ako. I don’t think so. People cheat because they thought there’s someone better. It’s a choice not reality. Cheating is a devil clothed in gold, maniniwala at matutukso ka. But when you give in, that’s the time when you will regret of not being loyal. Minsan kasi nasa harap mo na, naghahanap ka pa ng iba.

“Kuya, mag-ingat ka po kasi napag-aralan ko sa Science namin pwede ka daw magkaroon ng STD kapag–”

“WTF, Ria? sa Science mo ba talaga natutunan nya?” May bahid ng pagkainis ang boses ni Kuya. Tumango ako kahit hindi ako nakikita. Napbuntong hininga sya.

“Ria, I am just having fun. Stressed ako sa trabaho.”

“And playing with girls is your way of coping up?” Nagtatakang tanong ko. So this is really boys’ way to relax? Kaya ba si Gaelan ay ganoon din?

“Well, sige, titigilan ko na ang Professor mo.” I can just imagine Kuya Rab’s poker face.

“Stop playing with girls, Kuya. In general.” Pangaral ko sa kanya.

“Baby Botchog, gwapo si Kuya, it’s normal.” Tumawa muli sya. Napasimangot ako. Lahat ay kayang i-give up ni Kuya Rab para kay Mommy at sa akin pwera ang pambababae. Ipagpapatuloy ko na lang nga ang pagpe-pray sa soul nya para makasama namin sya sa heaven.

Nagpaalam ako kay Kuya Rab nang walang nakukuhang konklusyon. Kung si Gaelan ay seryoso kay Miss Farrah at si Kuya Rab ay hindi, sino ang pinaglalaruan ni Miss Farrah?

Nakatulog ako sa isiping iyon.


“Wow, Ria! Tingnan mo! Bagay na bagay sayo ang mga damit na yan! Mabuti at nalabhan ko kagabi. Kay ganda ganda mong bata.” Nangislap ang mga mata ni Mama habang sabay naming pinapanood ang sarili ko sa salamin.

“Talaga po ba, Mama?” Paniniyak ko. Hindi kaya masyadong mahalay ang ganito? Kita ang tuhod at ang braso. Baka lamigin ako, aircon pa naman ang classrooms at masyadong malamig talaga.

“O, nakita ko pa ang mga ito doon sa mga pinamili nyo ng kaibigan mo.” Nilahad ni Mama sa kanyang palad ang cheektint na sinasabi ni Selene. Mabilis ang pag-iling ko. Ayokong mag-makeup!

“Hindi na po, Mama..” Tanggi ko. Tiningnan ako ni Mama ng nagtataka.

“Ay o sya, sabagay mapula naman ang labi at pisngi mo.”

Kumaway ako kay Mama nang makalabas na ako ng gate namin. Hinawakan ko agad ang aking rosaryo para manalangin habang papasok sa Keio.

‘Third Sorrowful Mystery: The Crowning of Thorns’

‘Si Ria ba yan?! Ang ganda ng damit!’

‘Major makeover?’

‘In fairness nagkaroon sya ng kaunting kaunting istura. Konti lang naman girl, mas maganda pa din ako!’

Nakarating na ako sa school kaya naabala na ako sa ginagawang morning prayer. Pinalagpas ko lang ang lahat ng naririnig ko at nagpatuloy sa pagdadasal hanggang sa makarating ko sa unang klase ko na…

MATH!

Sunod sunod na pumasok ang Yukan’na sa classroom, halatang inaantok pa sila dahil halos 45 minutes pa bago ang aming klase kay Miss Farrah. Unang nagtama ang mga mata namin ni Gaelan, bahagyang napaawang pa ang kanyang labi pagkakita sa akin pero baka guni-guni ko lang dahil tumikhim sya at tumingin sa whiteboard, inayos ko pa ang aking tuhod para makadaan siyang mabuti, tumabi sya sa akin kagaya ng dati, sa gilid ko naman ay si Yuki.

“Hi Ria, ang ganda mo naman ngayon.” Kaswal na pagbati sa akin ni Ice, ngumiti ako at nag-init ang pisngi.

“Tss, paano sya biglang gumanda sa paningin mo?” Kunot noong tanong ni Gaelan. Tumagilid ako ng bahagya para hindi ko sya masyadong makita, nakukunsensya kasi ako sa panloloko ni Miss Farrah at nang kapatid ko sa kanya.

“Hi Ria, may assignment ka na sa Chapter 5?” Nakangiting tanong ni Yuki, napaharap pala ako sa kanya kakaiwas sa mata ni Gaelan na laging galit sa akin.

“Pupwedeng patingin? Hindi kasi ako sigurado sa number 10.” Ani Yuki. Ngumiti ako at tumango, kinuha ko sa bag ko ang notebook ko at hinanap ang pahina na may sagot.

“Ito! Ito ang assignment ko!” Halos sigaw na sabi ni Gaelan kaya napalingon kaming lahat. Tinabig pa ni Gaelan ang kamay ko na mag-aabot sana ng notebook kay Yuki at ipinilit ang kanyang notebook sa kaibigan.

“Hindi ka naman gumagawa ng assignment ah!” Komento ni Hunter sa kanyang tabi habang nakangisi.

“Bakit? Masama ba kung nakagawa ako? Tss.” Umirap pa si Gaelan, napangiti ako kay Yuki at nagkibit balikat. Iniabot ni Yuki ang mga kamay nya para kunin ang notebook ko pero ipinagtutulakan pa din ni Gaelan ang kanyang notebook.

“Gael, bakit ba proud na proud ka sa assignment mo?” Humagalpak sa tawa si Zeus habang nagtataka pa din ako. Inilayo ko na lang kay Yuki ang notebook ko para kunin nya ang kay Gaelan, baka kasi shining moment ni Gaelan ngayon kaya ipinagmamalaki nya ang kanyang assignment.

Sinilip ni Yuki ang notebook ni Gaelan at saka tumango, iniabot nya din kay Gaelan ang notebook nito pagkatapos “Katulad lang ng sa akin.” Sambit naman ni Yuki.

“Ibig sabihin tama!” Buong pagmamalaking sabi ni Gaelan. Nginitian ko si Gaelan, very good pala sya. Umiwas ng tingin si Gaelan sa akin at hinanap ng mga mata nya si Yuki saka siya muling ngumiti ng may pagmamalaki.

“Ibig sabihin wala ka ding sagot. Tsk, tigilan mo nga ako Gaelan.” Pagsusungit ni Yuki kay Gaelan.

Hindi ko napigilan ang matawa. Wala naman pala syang sagot eh! Bakit nya pa pinapakopya si Yuki?

“Patingin nga.” Kinuha ko kay Gaelan ang kanyang notebook pero inilalayo naman nya iyon sa akin.

“Ano? Kokopya ka din?” Pinandilatan pa ako ni Gaelan ng mata. Umiling ako.

“Hindi, ipagsasagot kita.” Kaswal na sabi ko. “Sabay nating sasagutan hanggang sa maintindihan mo. Wala pa naman si Ma’am eh.”

Dahan dahang iniabot sa akin ni Gaelan ang notebook nya nang makumbinsi. Gumawa din ng bilog sina Kiro, Zeus, Ice, Hunter at Rye para makinig sa paliwanag ko.

“Ganoon lang pala yon!” Tuwang tuwa si Rye habang tumatango. Nagsusulat din sya sa kanyang notebook at nagsimulang magsagot sa kanyang sarili. Gumaya din sina Zeus. Pati si Yuki ay umayos na din ng upo.

“Naintindihan mo na?” Bulong ko kay Gaelan habang abala na ang kanyang mga kaibigan sa pag-aanswer nung assignment namin.

“Hindi pa. Mamaya kailangan mo akong turuan sa library time mo. Magkikita tayo sa library, kapag hindi ka nagpunta, lagot ka sa akin.” Muli ay sinamaan na naman ako ng tingin ni Gaelan, yung nakakatakot na tingin.

Hindi pa ako nakakasagot ng pumasok si Miss Farrah. Nakasuot sya ng itim na dress na hapit sa kanyang katawan at isang blazer na bulaklakin. Napakaganda nya, bumagay sa kanya ang pulang mga labi. Mataas pa ang kanyang cheekbones kaya bawat ekspresyon ng mukha nya, umaangat talaga.

“Hot.” Medyo malakas ang pagkakabulong ni Kiro. Tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon ni Gaelan pero wala naman syang ginawa. Hinarap nya ang kanyang notebook at tiningnan ang mga sinagutan namin kanina.

“Guys, I will just leave a seatwork. Ria, can you collect their papers kapag tapos na? Iwan mo na lang sa faculty. Mayroon kasi akong emergency meeting.” Nilingon ako ni Miss Farrah. Tumango ako kahit hindi na nya nakita, nakatalikod na kasi sya at nagmamadaling magsulat sa whiteboard ng mga problems eh.

Lumabas agad si Miss Farrah na tila nagmamadali ng makapagsulat ng sampung problems para sagutan namin. Inabala ko ang sarili ko sa pagsagot habang naglalaro lang si Gaelan sa kanyang cellphone.

“Yabs, di ka ba magsasagot?” Kinalabit ko ang kanyang braso, yung mata lang nya ang gumalaw para tingnan ako. Siguro nawalan sya ng gana kasi si Miss Farrah umalis.

Hay, paano ko ba sasabihin sa kanya na pinagtataksilan sya ng kanyang girlfriend at masasayang lang ang kanyang panahon?

Nang matapos na namin ang papel bukod kay Gaelan, tumayo na ako para magtungo sa chapel. Nilagpasan ko ang Yukan’na dahil nag-aayos pa sila ng kanilang mga bag.

Ito talagang si Gaelan, hindi nagsagot! Umupo lang sya doon at naglaro ng naglaro.

Umupo muna ako sa pinakagitna ng chapel at bumuntong hininga habang nakatingin sa Krus.

‘Papa God, wag nyo po sanang isipin na cheating ito. Charity work lang po. Amen.’

Humugot ako ng malalim na paghinga. Kinuha ko ang blankong papel sa bag ko at yung may sagot kong papel mula sa pulumpon ng seatworks na tinipon ko.

GAELAN BLAKE ANCHETA

Sinulat ko doon sa pinakamataas na bahagi ng blankong papel. Napabuntong hininga ako. Ang ganda ng pangalan nya. Bumagay sa kanya.

Sinimulan ko ng kopyahin ang mga sagot ko. Doon ako nakaupo sa kneeler, at ginawa kong lamesa ang upuan ng chapel.

Nasa pangwalo na ako ng biglang natakpan ng anino ang sinusulat ko, kinabahan ako pero napawi din naman iyon nang makita ko si Gaelan na nakakunot ang noo at nakatingin sa ginagawa ko.

“Anong ginagawa mo, Tabs?” Tanong nya.

“Seatwork mo. Wala ka kasing sagot.” Sagot ko habang nagpapatuloy sa pagsusulat.

“Tss. Kaya hindi ako nagsagot dahil ayoko. Bakit mo pa ako ginagawan? That’s cheating!” Naiinis na sabi nya.

“Nawalan ka ba ng gana dahil hindi pumasok si Miss Farrah?” Hindi ko pinansin ang pag-aakusa nya. I have my own thoughts of cheating and this is not one of it.

“Bihira na rin lang kaming magkita dahil busy sya, inuunawa ko na lang.” Wika ni Gaelan.

Tumango tango ako.

“H-hindi ba nababawasan ang pagmamahal mo sa kanya kasi hindi mo na sya madalas makita?”

Kumunot ang noo ni Gaelan.

“Bakit mababawasan? May paninindigan ako. Si Farrah lang ang sineryoso ko.” Umismid si Gaelan. Unti unting bumagsak ang mga labi ko hanggang nahulog ako sa malalim na pag-iisip.

Kung ganon pala, wala pa ding magbabago. He will love until it hurts.

“Sana mahalin ka din ni Miss Farrah kagaya ng pagmamahal mo..” Bulong ko. Hindi ko alam kung bakit may nagbabara sa lalamunan ko. Lumunok ako ng isang beses pero nandoon pa din, hanggang sa may isang patak ang bumasa sa papel na sinusulatan ko.

Hindi ko yata kayang makita na mayroong nasasaktan.

Tiningnan ko si Gaelan at maingat syang umupo sa tabi ko.

“Gusto mo bang may sagot ako sa mga yan?” Tanong nya sa mahinahon na boses habang nakatingin sa seatwork nya na ginagawa ko. Tumango ako.

Kumuha sya ng blankong papel mula doon sa pad ko at nagsulat muli ng pangalan nya. Kinuha nya ang notebook ko para kopyahin ang mga questions sa seatwork at nagsimula na magsagot.

“Don’t get polluted. Don’t be bad because most of us are bad. Just—just stay what you are, Maria. Wag kang gagawa ng masama dahil lang sa akin.” Bulong nya habang ang mata ay nandoon lang sa papel.

Kabanata 12

Bakit .

“Hello!” Bati ko kay Gaelan pagkadating ko doon sa lumang building. Araw araw akong nagpupunta dito para bantayan sila ni Miss Farrah kaya lang panglimang araw na hindi dumadaan dito si Miss Farrah. Si Gaelan lagi ang naaabutan ko at nakakatuwa kasi lagi syang nagsusulat ng kung ano sa notebook nya.

Kapag hindi pala sya namabababae, pag-aaral ang aatupagin nya.

“Turuan mo nga ako nito.” Wika ni Gaelan na nakatingin doon sa notebook. Napakamot ako ng ulo. Dalawang taon ang lamang nya sa akin, bakit ako ang magtuturo sa kanya?

Pumwesto ako armchair na nakatabi kay Gaelan sa tapat mismo ng room kung saan sila madalas magdate ni Miss Farrah.

Binasa ko ang kanyang libro at mukhang literature ang subject na inaaral nya.

“Di ba hindi ka naman pumapasok?” Nagtataka na tanong ko sa kanya.

“Tch! Pag hindi pumapasok, hindi agad nag-aaral? Hindi lang kami required pumasok dahil may iba kaming gusto. Physical training ang pinagkakaabalahan namin, but in exchange we will be given a college diploma in Business. Pang-display.”

“Ah.. Eh di gagraduate kayo ng walang natututunan?” Nagtataka kong tanong.

“Kaya nga nag-aaral ako di ba?! Dali! Turuan mo ako nyan.” Pasigaw nyang sabi.

Huminga ako ng malalim at sinimulang basahin ng malakas ang story ni Apollo at Daphne. Tungkol ito kay Apollo na pinagtatawanan si Eros, ang god of love dahil hindi naniniwala si Apollo love. Until ni-struck ni Eros si Apollo ng arrow nya, while yung other end ng arrow naman ang pinangstruck nya kay Daphne kaya opposite ang nangyari kay Daphne, she hated Apollo and chose to remain a virgin for the rest of her life. Niligawan sya ng husto ni Apollo but Daphne felt the opposite, lalo lang syang naiinis kay Apollo. And then one day, they went on a race at magkapantay ang kanilang galing, Eros made a way na maabutan ni Apollo si Daphne, but Daphne prayed to his father Peneus (the God of the River) to open the earth and enclose her, she wanted to be free from Apollo..

“..Suddenly her legs took root and her arms grew into long and slender branches. Apollo reached the laurel tree, and, still enamored with Daphne held the tree in a special place in his heart..” Naramdaman ko ang luha ko sa huling bahagi ng kwento ni Apollo at Daphne. Ang lungkot lungkot naman. Napatingin ako kay Gaelan na nakatitig lang sa akin.

“Dapat kasi tinanggap na lang ni Daphne ang love ni Apollo. Bakit mas ginusto nyang maging puno? Tsk! Mga babae talaga pakipot.” Umiling iling si Gaelan habang pinupunasan nya ang luha ko gamit ang kanyang panyo.

“Mahirap kasing magtiwala sa taong hindi naniniwala sa love sa umpisa..” Humikbi pa ako ng isa at napailing si Gaelan.

“At least si Apollo, nagbago sya. Si Daphne nagmatigas. Umiyak ka tuloy ngayon. Pag makita ko talaga yan si Daphne pagsasabihan ko yon.” Naiinis na sabi nya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Nagslouch si Gaelan sa armchair at tinaasan ako ng kilay.

“O bakit?” Tanong nya.

“Eh Greek mythology lang naman ito, hindi totoo.”

“Yun naman pala eh. Ba’t umiiyak ka?” Masungit nyang tanong. Ngumuso ako. Ang sungit nya talaga.

“Nakakaiyak eh.”

“Tss. Naging malungkot lang yan kasi si Apollo inalagaan pa si Daphne nung naging puno ito. Dapat dyan kay Apollo, nung naging puno si Daphne, iniwanan na lang niya kung yun rin lang ang gagawin nya. Sus!”

Lalo akong napasimangot. Wala man lang talaga syang romantic bone. Paano nya nasasabing mahal nya si Miss Farrah kung ganito sya kalamig.

“Mahal nya eh..” Bulong ko.

“Tsk! Hindi pagmamahal ang tawag don. Ang tawag don, pakitang tao. Dahil kung ako ang nagmahal ng ganon, magdadasal na rin lang akong maging puno. Sasamahan ko sya, hindi ko kayang makita syang nahihirapan. I rather choose the same fate as her. Hindi ko bibigyan ng tsansa ang sarili kong magkagusto sa iba.”

Napangisi ako. Mukhang may magandang pananaw din naman pala si Gaelan. May pag-asa pa ang soul nya. Magsasagot pa sana ako ng questions sa notebook ni Gaelan ng isarado nya ito.

“Halika na sa chapel tapos lunch tayo.” Tumayo si Gaelan at nauna pang maglakad sa akin. Nakakatuwa dahil mukhang nasasanay na si Gaelan sa routine ko. Di na sya nahihiya na pumasok sa chapel.

Umupo agad si Gaelan nang makarating kami sa chapel. Tinapik ko ang kanyang tuhod. Tinatamad syang lumuhod sa katabi ko.

“Anong prayer mo ngayon?” Excited na tanong ko kay Gaelan. Nung isang araw ang pinagpray nya sana daw bilhan sya ng sariling condo ng Daddy nya. Tapos kahapon, sana daw pumasa yung Ate nya sa Entrance Exam sa Harvard.

“Ang prayer ko, wag na masyadong makulit si Maria.” Sinukat nya ako ng tingin. Hindi ko maiwasan ang pag-labi. Hindi naman ako makulit! Kuminang ang mata ni Gaelan at pilit na pinaliit yon para takutin na naman nya ako.

“Wag yon. Hindi pwede yon.”

“Ano? Mayroong hindi pupwede sa prayer? Di ba nung isang araw sabi mo sa akin ‘kahit ano’ ang hilingin ko.”

“But that’s too much!” Protesta ko. Umismid si Gaelan at pumikit na.

Masama pa din ang loob kong nagpray. Madami na akong nasabi. Nahiling ko na ang safety namin ni Gaelan pati na ng pamilya namin, ang blessings at yung wisdom sa pag-aaral namin.

“..Saka sana po, wag na akong makulit. Amen.” Panghuli kong sinabi. Naramdaman ko ang panginginig ng balikat ni Gaelan hanggang sa mauwi sa malakas na tawa.

Hinayaan ko lang syang tumawa ng husto hanggang sa tumagal ang panonood ko, ano kayang toothpaste ni Gaelan? Ang bango ng hininga eh.

Tumigil din si Gaelan sa pagtawa at hinila ang kamay ko. Tiyak gutom na sya dahil ilang sandali lang nandoon na kami sa Food Alley. Bumibili sya ulit ng gulay, kilala na nya ang ampalaya, okra, talong at sitaw pero pinakapaborito nya ang chopsuey, sa isda naman nagustuhan nya ang tuna.

‘Ang cute nilang tingnan no?’

‘Oo nga eh! Relationship goals talaga! Sobrang sweet’

‘Pero si Ria talaga ang naka-jackpot kay Gaelan eh.’

“Ikaw na lang ang magbitbit ng tubig.” Nginuso ni Gaelan ang dalawang bottled water doon sa binili nya. Hawak nya kasi ang tray sa magkabilang kamay.

Dire-diretsong naglakad si Gaelan patungo sa upuan ng Yukan’na pero wala dito ang mga kaibigan nya. Isang beses ko rin lang silang nakasabay dito eh.

Nagulat pa ako ng sumulpot si Yuki sa aming harapan. Binaba nya ang pagkain na hawak at umupo doon sa tapat namin ni Gaelan.

“Pass kami ni Kiro sa training mamaya ah. Bibili pa kami ng suit para sa Saturday.” Baling ni Yuki kay Gaelan. Buong linggo ko na naririnig ang tungkol sa Acquiantance party pero hindi ako makapagkomento dahil baka hindi ako makarating. Hindi pa ako nakakaisip ng palusot kay Gaelan.

Tumango si Gaelan habang nakatingin kay Yuki. Binalingan nya ako at tinaasan ng kilay “Ubusin mo yang pagkain mo.” Sabi nya sa akin. I nodded at mabilis na ngumuya ng pagkain, nagagalit kasi si Gaelan pag hindi ko nauubos eh.

Hinatid ako ni Gaelan sa sumunod na klase ko pagkatapos ng lunch at sinundo nya din ako. Paniwalang paniwala na talaga ang buong campus na girlfriend nya ako kahit hindi naman.

Hanggang kailan kaya namin ito gagawin?

Tumikhim si Gaelan ng malapit na kami sa parking lot. Nilingon ko sya at naabutan ko syang nakatingin sa akin.

“Ililibre kita ng gown para sa Akwe. Bili na tayo ngayon.” Sambit nya. Natigilan ako saka mabilis na umiling.

“H-ha? Hindi na.. M-may isusuot na ako.”

“Talaga? Baka pangit yung isusuot mo ha? Lagot ka talaga sakin.”

Alanganin akong ngumiti at umiling.

“Susunduin na lang kita sa Sabado. 8PM pa naman yung Akwe, so..”

Mabilis akong umiling. “W-wag na. Ako na lang ang pupunta…”

Pinanliitan ako agad ng mata ni Gaelan. “Wala ka bang planong pumunta? Iindyanin mo ba ako?”

“P-pupunta!” Patay…

“Subukan mong lokohin ako Maria.. Sinasabi ko sayo…” Pagbabanta nya.


“Grabe! Totoo nga ang chismis Iha! Umimpis ka na nga!” Pabalik balik akong sinipat ni Sam. Sya ang may bitbit ng gown ko para sa birthday ni Kuya Ahmed na gaganapin mamaya at ginagawan nya din ako ng panibagong sukat para sa mga damit na bibilhin nya para sa akin.

Tumawa ako. Bata pa si Sam, kaklase nya si Kuya Ahmed noon at magkasundo sila. Si Kuya Gilad naman ang mortal enemy nya. Dati pa yun nagstart, laging pinapalayas ni Kuya Gilad si Sam sa bahay namin pero pagtatawanan lang siya ni Sam at sasabihing wala syang brief.

“Ang bongga din ng gown! ‘The’ Michael Cinco lang naman ang nagtahi! Windangers nga ako nung dineliver sa bahay, akala ko inaalayan na ako ng damit ni Gilad bilang peace offering. Sya kasi ang nagdala. Sabi nya lang sa akin ‘Isuot mo yan kay Ria, umayos ka.’” Wika ni Sam na gayang gaya ang ekspresyon ni Kuya Gilad.

Nagtawanan kami habang tinutulungan ko syang iladlad ang gown sa mannequin. Maganda ang pagkaktahi. Off white gown ito with gold and swarovski embelishments. Mahaba ang dulo habang hapit na hapit naman ang pang-itaas at sleeveless.

Kinuha ni Sam ang notebook nya.

“3PM dadating dito si Albert Kurniawan for your makeup and then at 4PM, bihis na tayo 4:30 diresto na sa mansyon. By 5:30 nandoon na dapat tayo. With traffic siguro mga 6, sabagay 7PM pa naman ang start. Dito na din ako magbibihis ha. Nakahiram ako sa kaibigang designer ko. Ang bongga nyo naman kasi magbirthday. Dinaig pa ni Ahmed ang Debut ko kahit 23 na kami, ikaw lang ang hindi nagcecelebrate, pero tiyak ko sa debut mo baka buong Pilipinas pakainin ng lechon ng mga Floresca.” Humagikgik si Sam sa naiisip.

Madalas akong magbirthday sa mga ampunan o di kaya ospital. Ibinibigay sa akin ni Mommy at Daddy yung kailangan kong cash tapos idodonate ko na lang, mas masaya kasi yung ganon. Hindi kagaya ng ganito, aksayado sa pera.

“Sam.. Pupwede bang humingi ng favor?” nakahiga kami sa kama ko habang nakakalat ang fashion magazine sa aming tabi.

“Yes Baby Girl?”

“Pupwede mo ba akong itakas mamaya? Acquiantance Party kasi namin sa school, gusto kong pumunta.”

Pinanliitan ako ni Sam ng mata “May boyfriend ka na ba sa school nyo?”

Nag-init ang aking pisngi “W-wala.. Inaantay ako ng kaibigan ko. Hindi ko naman masabi na birthday ng kapatid ko kasi di ba hindi ko nga pinapaalam sa school kung sino ako.”

Tumango tango si Sam. “I think makakaalis tayo pero 8PM pa..”

“H-hindi puwedeng mas maaga?”

“Baby Girl, 7PM ang party ng Kuya mo. Andami pang Cheche Bureche ng pamilya mo. Sasabihin ko na lang na may ipapakita ako sayo sa condo ko na malapit lang sa mansyon nyo. Basta kailangan nating bumalik bago mag12 para hindi sila makahalata..”

Tumango ako. Pupwede na siguro akong umalis sa party pagkatapos ng isang oras. Sasabihin ko na lang din kay Gaelan na malelate ako.

Nasunod ang schedule na sinasabi ni Sam. Inayusan ako ni Mr. Albert. Tahimik syang magtrabaho, feeling ko tuloy nalulungkot sya kasi madaming aayusin sa mukha ko. Nang matapos naman na ang makeup ko, napangiti sya ng husto.

“Ayan! Prinsesang prinsesa ka na!” Ani Mr. Albert sa akin.

Ngumiti lang ako at tumango. Nasunod naman ang gusto ko na hindi madidilim na kulay ang ilagay sa akin, earth tones lang lahat. Yung buhok ko naman ay nakabun pero maluwag ang pagkakaayos.

“And for the last touch!” Nilabas ni Sam ang box na kulay pula.

“Regalo sayo ni Ahmed.” Kumindat si Sam habang pinapakita sa akin ang makintab na chandelier earrings na gawa sa diamond.

“Hala! Bakit nya pa ako niregaluhan? Si Kuya talaga, sya ang may birthday eh!”

“Isuot mo. Alam mo naman ang mga Kuya mo, mahal na mahal ka non. Ang sarap tuloy mahalin ang isa sa mga kapatid mo kasi alam mo kung paano sila mag-aalaga ng babae. Except kay Gilad of course. Pati na din si Rab kasi baka may Aids yon.” Humagikgik si Sam. Dati nga iniisip ko na mayroon silang something ni Kuya Ahmed, pero iniisip ko lang siguro yon dahil wala naman syang naikukwento sa akin.

Sumakay kami ni Sam sa sundo na limousine. Nandoon kasi ang sasakyan ni Sam sa bahay namin. Nakadating kami bago mag-6PM. Sinalubong ako ni Kuya Ahmed. Binigay ko ang regalo ko sa kanya na unan na ako mismo ang gumawa. Nagpaturo kasi ako kay Ate Ailyn kung paano eh. Ako ang nagdesign nung pillow case, pinintahan ko, hindi masyadong maganda pero at least may effort.

“Baby Botchog, gusto ko din ng ganito!” Inagaw ni Kuya Rab kay Kuya Ahmed ang unan na regalo ko. Sumimangot si Kuya Ahmed.

“Bakit? Birthday mo ba?”

“Hindi mo din naman Birthday eh. Next week pa ang totoong birthday mo!” Sagot naman ni Kuya Rab. Natawa lang kami ni Sam habang pinapanood sila. Nakasuit na din ang mga kapatid ko at handang handa na. Nagtipon lang kami sa living room para magkwentuhan.

Pinatawag na kami ng pumatak ang 6:30. Doon ko pa lang muli nakita si Mommy at Daddy. Kakadating lang nila galing sa Business travel.

“Mommy!” Tumakbo ako at sinalubong ng yakap si Mommy. Lumapit din ako kay Daddy at yumakap.

Mas close ako kay Mommy kaysa kay Daddy. Si Daddy kasi medyo cold sa amin. Yun ang paraan ng pagdidisiplina nya.

“You’ve lost weight!” Sinipat ako ni Mommy habang hinahawakan ang bewang ko. Ngumiti lang ako bilang tugon. “I miss you Baby..” Hinalikan ako muli ni Mommy sa noo. Ang ganda ni Mommy sa suot nyang pula na gown. Nakalugay ang kanyang buhok pero maayos ang pagkaka-blowdry. Maganda ngumiti si Mommy, sabi nya, yun daw ang dahilan kung bakit nainlove ang masungit na Daddy ko sa kanya.

Si Daddy naman ang pinagmanahan ni Kuya Gilad at Kuya Xenon. Seryoso at cold. Gayumpaman, mararamdaman pa din ang love nila sayo.

“Ria, may pasalubong kami sayo. Nandoon sa kwarto mo ang mga chocolates na paborito mo from Greece.” Ngumisi ako at muling yumakap kay Daddy.

“Thanks Dad. You’re the best.”

Tinaasan ako ng kilay ni Daddy “Talaga? Baka ipinagpapalit mo na kami sa Mama Buding mo.”

Ngumiti ako at kinurot si Daddy sa magkabilang pisngi para pangitiin ang kanyang labi.

“Seselos ka po?”

“Eh, hindi ka na umuuwi dito simula nag-aral ka sa University.”

“Sorry po, busy lang… Bawi po ako sa sembreak.” Hinalikan ako ni Daddy sa noo at niyakap ng mahigpit.

Nagsimula ang party. Mayroon pang emcee na pinakilala ang buong pamilya namin isa-isa. Typical gathering ng mga politiko at negosyante ang party ni Kuya Ahmed. Mahigpit ang security sa loob. Bawal ang media sa amin. Masyado din kasing pribado si Daddy at ayaw nya na makilala kami ng lipunan dahil malaking risk daw sa amin.

**kring **kring

“Asan ka na?!” Halos mailayo ko sa aking tenga ang cellphone. Nag-alala ako ng makitang si Gaelan yon.

“S-sorry. Nakalimutan kong magtext na medyo male-late ako..” Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang naglalakad papalayo sa mga tao.

“Ha! Pinagiintay mo ako? You have the guts ha! Baka akala mo na gusto kitang maka-date? Well, Maria. I don’t!” Masungit ang kanyang pagkakasabi.

“S-sige.. Hindi na lang ako pupunta. Sorry..”

“Anong hindi ka pupunta?! Kahit naman ayaw ko tinitiis ko lang na makasama ka.” Pasigaw nyang sabi.

“Kaya nga hindi na ako pupunta para hindi ka na mag-tiis…” Umupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno sa garden namin. Ramdam ko na ang pagod dahil sa dami ng ginawa ngayong araw na to.

“Lubus-lubusin mo na! Pumunta ka na dito! Kapag hindi ka dumating sa loob ng isang oras lagot ka talaga!” Pananakot nya pa.

Hinanap agad ng mata ko si Sam na kausap si Kuya Ahmed. Kailangan kong makaalis. Mukhang nakuha ni Sam ang gusto kong sabihin ng mapadako ang mga mata nya sa akin.

“Nasabi ko na. Dali! Excited na akong ipakita sayo yung gawa ni Anne Koh na naka-weave na gowns!” Sumenyas si Sam habang lumalayo kami kay Kuya Ahmed.

“We shall return, Ahmed. This is not goodbye. Love you!” Nagflying kiss pa si Sam kay Kuya Ahmed, sakto naman na nakasalubong namin si Kuya Gilad na nakasimangot kay Sam.

“Love you?” Tanong pa ni Kuya Gilad.

“I love you more, Gilad!” Sambit ni Sam habang hindi tumitigil sa paglalakad.

“Samantha!” Sigaw ni Kuya Gilad. Ako lang ang lumingon kay Kuya Gilad samantalang si Sam ay dire diretso lang habang tawa ng tawa na ginalit na naman si Kuya Gilad ko.

Hinanap namin ang kotse ni Sam ng makarating kami sa labas ng bahay namin. Nakita naman namin agad na nasa pinakaunahan ng pila ng mga sasakyan doon sa labas.

“Fasten your seatbelt, Baby Girl..”

Seryosong nagmaneho si Sam pagtungo sa Keio. 15 minutes lang, nakarating na kami.

“Ay bongga ang school. Madaming gwapo dito?” Tanong ni Sam habang pinagmamasdan ang maliwanag na Keio mula sa labas.

“Mayroon. Konti..” Nagkibit balikat ako.

“O sya. Pasok ka na. Wag mo akong intindihin, dito lang ako sa coffee shop, tamang tama dahil may deadline akong article doon sa Mega Magazine. Sulat muna ako. Kailangan ko ng katahimikan. Text lang, Baby Girl.” Ngumiti si Sam, bitbit ang kanyang laptop, pumasok na sya sa coffee shop na nasa labas ng school pero pag-aari pa din ito ng Keio. Wala ngang tao ngayon, siguro lahat nandoon sa party. Naglakad na ako mula sa parking lot hanggang sa Function building ng Keio na tinatawag na Charm Building. Parang Hotel ang lobby ng Charm, pinatayo ito para sa lahat ng activities ng Keio na pormal.

Sinalubong ako ng receptionist at hiningi ang ID ko. Ni-tap nya doon sa isang maliit na scanner at ibinalik muli sa akin. “Enjoy the party, Miss Floresca.”

Ngumiti ako at tumango. Sumakay ako ng elevator at pagbukas nito, bumungad sa akin ang malapad na hall na maganda ang pagkakaayos. Kulay blue, red at yellow ang malamlam na ilaw sa lugar. Nasa gilid lang ang mga lamesa habang sa gitna ay ang malaking dance floor. May ilang nagkakasiyahan na sa pagsasayaw sa saliw ng mabilis na music.

‘Oh my gosh. Ang ganda ng gown. Im gonna die in jealousy. Like right now! OMGGGG!!!’

‘Grabe, mukhang tunay ang nakalagay na accents sa gown! Entricate ang design!’

Ilang papuri pa sa suot kong gown ang narinig ko mula sa mga kababaihan. Paano kaya nila nasabi na tunay na crystals ang nakalagay sa gown?

“W-wow..” Nasa tapat ko ngayon si Yuki. May hawak syang baso sa kanyang kamay at ngiting ngiti na nakatingin sa akin.

“K-kanina ka pa inaantay ni Gaelan sa table namin. Tara.” Hinawakan ako ni Yuki sa siko, madami kaming nakakasalubong na mga estudyante na panay ang tingin sa akin.

Buti na lang at madilim, hindi nila mahahalata ang pamumula ng pisngi ko.

Kinakabahan ako habang natatanaw ko si Gaelan. Naka-slouch na naman sya at nakasimangot habang nakatingin doon sa dance floor. Kahit nakasimangot sya, ang lakas pa din ng dating nya. Naka-suit kasi sya ngayon at talaga namang bumagay sa kanya.

“Gael, nandito na si Ria..” Sambit ni Yuki sabay tapik sa balikat ni Gaelan.

Dahan dahan na lumingon sa akin si Gaelan, nanliliit ang mga mata nya habang mabilis na tumayo para galit na harapin ako.

Bumukas ang labi nya pero nangunot ang noo nya. Tinitigan nya ako ng husto. Napayuko ako at naghanda na sa pagsigaw nya. Kasalanan ko naman kasi..

“B-bakit ngayon ka lang?” Mahinahon nyang sabi.

Ganoon ko ba sya katagal pinag-intay?!

Kabanata 13

Maki Say’s: May mga video links akong isinali, syempre party itong scene. Yung iba na naka-offline reading I think  you will see a blank space in your interface kaya wag na kayong magtaka :) Hindi putol putol ang story okay? 

Thanks for reading! :)

Aray Ko Beh.

“Mabuti naman dumating ka na, Maria. Kanina pa malungkot yan si Gaelan…” Panimula ni Ice.

“PARANG IIYAK NA!!!” Sabay sabay na sabi ng Yukan’na sabay hagalpak ng tawa.

Alanganin akong ngumiti sa kanila. Tiyak na magagalit na naman si Gaelan sa akin kapag napikon sya sa mga kaibigan nya.

“Sorry ha, late ako..” Bulong ko kay Gaelan habang hinahawi ko ang gown ko na umaabot doon sa upuan nya.

“Bakit ka ba late? Matagal bang magpa-plastic surgery? Siguro nahirapan yung mga nag-ayos sayo kaya ka ganyan kaganda.” Masungit nyang sabi.

“N-nagagandahan ka sakin?” Paniniyak ko.

“Hindi! Sila ang nagagandahan sayo. Narinig mo naman di ba? Tss.” Highblood na naman sya.

“Ria!!!” Sumugod sa pwesto namin ang mga freshies na kasama ko sa cheering. Si Abbie, Tisha, Francine at nandito din si Selene na magandang maganda sa suot nyang itim na gown.

“Wow! Sabi na nga ba at ikaw yan eh. Halika, doon ang table natin mga squad!” Hinila ni Selene ang kamay ko pero pinigil iyon ni Gaelan.

“O bakit? Hindi ito prom kaya wag kang maarte Gaelan. Walang date date. Kailangan makisocialize ng freshies sa iba. Grabe mambakod! Eh di maiinip naman niyan si Ria puro kayo lalaki dyan!” Dire-diretsong sambit ni Selene.

“Tss. Ang daming sinabi! Papakainin ko muna. Ihahatid ko mamaya sa inyo. Alis na.” Sinamaan ng tingin ni Gaelan si Selene pero hindi kagaya ko na napipipi kapag galit na si Gaelan, sinabayan lang ito ng sama ng tingin ni Selene.

Hindi pa din umalis si Selene sa tapat ng aming lamesa kaya inaasar sya ng Yukan’na kay Zeus, nung napikon na sya, saka lang sya kumilos at iniwanan ako. Kinuha ni Gaelan ang kamay ko pagkatapos ay tumungo kami doon sa buffet table. Mukhang lahat ay nakakain na pero madami pa ding pagkain na nakaayos. May isang buong lechon pa nga.

Kumuha si Gaelan ng plato at ibinigay sa akin. Kumuha din sya ng isa pa.

“Hindi ka pa kumakain?” Takang tanong ko.

“Hindi pa nga! Tagal mo kasi!” Galit na sabi ni Gaelan.

“Wag ka na magalit..” Bulong ko. Nakaka-kunsensya naman, ako kasi nakakain na sa party ni Kuya Ahmed.

“Tch, ano bang gusto mo?” Tanong sa akin ni Gaelan habang nakatingin doon sa mga pagkain. Sya ang naglalagay sa plato ko, gusto kong magreklamo dahil napakadami nung nilalagay nya pero bubukas pa lang ang bibig ko, may naka-amba agad ng sigaw.

Kumain kami ni Gaelan sa isang sulok. Natanawan ko si Miss Farrah sa doon sa pinakaunang table sa aming tapat kasama ang faculty na nagkakasiyahan din. Kulay purple ang gown nya at low neckline. Napakasexy nyang tingnan, parang artista. Ganyan siguro ang mga taste ni Gaelan.

Nilipat ang tingin ko kay Gaelan at nakatingin lang sya doon sa pagkain nya. Siguro hindi nya maaring tingnan si Miss Farrah kasi baka may makahalata, o di kaya nasasarapan sya sa food kaya nagcoconcentrate sya. Isang week na kasi kaming kumakain ng gulay eh.

Nang maubos ko na ang pagkain ko, nakita kong kumakaway ang mga kasama ko sa squad. Sa kabilang parte ng function hall ang pwesto nila.

“Tapos ka na?” Tumango ako ng nagtanong si Gaelan. Sya ang naunang tumayo at inilahad ang kanyang kamay sa akin.

“Sasayaw kayo?” Nakangising tanong ni Hunter kay Gaelan.

“Ihahatid ko sa mga kaibigan nya.”

“Kay Selene? Sama ako.” Tumayo din si Zeus. Nakita kong naglalakad papalapit si Selene sa pwesto namin, para siguro salubungin ako. Tumawid kami sa dance floor kung saan may nagkakatuwaan na magkakaklase na sumugod sa dance floor at masayang sumayaw sa saliw ng isang trance music. Dumikit ang ilan sa aking balat, nakita ko si Gaelan na nakasimangot na dahil naiipit na kami at hindi makalakad.

“Selene!” Tawag ni Zeus kay Selene dahil pare parehas kaming naiipit. Inabot ni Selene ang kamay ni Zeus at pilit na dumikit sa amin.

Nagkabungguan kami ni Selene ng balikat at parehas kaming nagtawanan.

“Grabe naman! Gustong gusto nilang sumayaw!” Tawang tawa si Selene na hindi napapansin na nakasandal na sya sa dibdib ni Zeus na nakahawak sa kanyang bewang.

Tumikhim si Gaelan, nag-angat ako ng tingin. Katulad din pala ng kay Selene ang pagkakasandal ko sa kanya.

“S-sorry.” Humarap ako sa kanya, marereklamo pa sana sya at aawayin sana ako nang biglang namatay ang ilaw. Napasigaw ako! 

Nagpanic ako kagaya ng ibang mga estudyante.

“Tabs, pakinggan mo ang boses ko, wag mong bibitiwan ang kamay ko.” Sambit ni Gaelan. Nakaramdam ako ng pag-gagap sa palad ko.

“Yabs, ikaw ba to?” Inagat ko ang kamay na nakahawak sa akin.

“Im here..” Bulong nya sabay hila pa sa akin pabagsak sa dibdib nya. I can smell his scent at mas lalo akong naengganyo na humilig sa dibdib nya. Parang safe kahit ang dilim dilim sa paligid. Para kasi syang warrior kung umasta. Ang tapang tapang.

“Ano ba yan! Ang korny! Bakit brown out!” Narinig ko ang boses ni Selene.

“Wag kang lalayo sa akin, Selene.” Narinig ko din si Zeus.

When the days are cold And the cards all fold And the saints we see Are all made of gold

When your dreams all fail And the ones we hail Are the worst of all And the blood’s run stale

https://youtu.be/qZaCtJc07RI

Unti unting bumukas ang malamlam na ilaw. Mas malamlam kaysa kanina at sumabay ang malamyos na awitin. Ang ibang estudyante ay halos mapasigaw sa kilig samantalang ako…

Parang lalabas ulit ang puso sa sobrang bilis ng tibok. Nag-angat ako ng tingin kay Gaelan, napalunok sya at maya maya pa ay ginigiya nya ako para sumayaw kagaya ng iba.

When you feel my heat Look into my eyes It’s where my demons hide It’s where my demons hide Don’t get too close It’s dark inside It’s where my demons hide It’s where my demons hide

“N-nagkataon lang ito. Sasayaw tayo hanggang marating ang dulo ng dancefloor. Wag kang mag-iisip ng iba..” Sambit sa akin ni Gaelan. Tiningnan ko lang sya at palagay ko hindi sya kumportable.

“Ano? Bakit ganyan ka makatingin? Magsalita ka.”

“N-nagpa-palpitate kasi ako. May problema ata ako, Yabs.” Bibitiwan ko sana ang isang kamay ko para pakiramdaman ang aking dibdib pero hinila lang iyon ni Gaelan pabalik. Hawak nya ang kaliwang kamay ko samantalang ang kanang kamay nya ay nakaalalay sa likod ko. Pilit akong pinapalapit ng kamay nyang yon sa kanya. 

“Baka pagod ka lang. Sa susunod kasi wag ka na magsusuot ng ganyan. Halika, lapit ka dito..” Hinila ako ni Gaelan pabagsak doon sa dibdib nya. Eh parang mas lalong nagalit yung puso ko at bumilis.

“Kalma lang, nandito lang ako.” Mahinahong bulong sa akin ni Gaelan.

I wanna hide the truth I wanna shelter you But with the beast inside There’s nowhere we can hide

No matter what we breed We still are made of greed This is my kingdom come This is my kingdom come

Pinikit ko ang mga mata ko at unti unti nga akong napanatag habang maliliit ang hakbang na sumasabay sa music.

“Oy lovebirds. Naubos na yung tao, parang may sariling mundo tayo dyan ah. Tara na, Ria.” Hinila ako ni Selene papalayo kay Gaelan. Doon ko lang naramdaman na naging normal na ang pagtibok ng puso ko.

Buti na lang inilayo ako ni Selene doon kundi baka ma-cardiac arrest ako. Nakakahiya mamatay sa gitna ng dance floor!

Sinipat nina Tisha at Sunshine ang gown ko nung nandoon na kami sa pwesto ng squad. Nalibang ako sa pakikipagkwentuhan sa kanila.

“Saan mo to pinagawa?” Tanong ni Sunshine na nakahawak sa laylayan ng gown ko.

“H-hiniram ko lang.”

Sorry po Lord sa pagsisinungaling.

“Parang ka-tipo ng dinedesign ni Michael Cinco eh! Ang ganda ganda!” Wika ni Tisha. Hindi na ako kumibo dahil ayoko na ng karagdagang pagsisinungaling.

Puro sayawan ang sumunod na naganap. Paminsan minsan nababawasan ang mga ka-squad ko kasi may nag-aayang sumayaw sa kanila. Lagi kaming naiiwan ni Selene.

“Bakit kaya walang nag-aayang sumayaw sa akin?” Nakalabing tanong ni Selene.

“Wag ka na malungkot, Selene.. Sa akin din naman..” I chuckled. Nakasimangot pa din si Selene.

“Syempre. You are Gaelan’s property. Everybody knows that. Baka pag isinayaw ka ng iba, ito na ang last day nila sa earth.” Nagkibit balikat si Selene. Ngumiti lang ako sa sinabi nyang iyon. Wala namang pakialam si Gaelan sa akin eh.

‘Everyone, you may ask the faculty members to dance ha! Mukhang inaantok na ang mga Professors nyo.’ Sambit ni Sir Arnaldo sa mikropono. 

Mula sa kinauupuan ko, nakita kong tumayo si Gaelan. Patungo sya sa lamesa ng faculty. Nilapitan nya si Miss Farrah na agad namang ngumiti. Inilahad ni Gaelan ang kamay nya at tinanggap naman ni Miss Farrah.

Kung anong bilis ng puso ko kanina, sya namang bagal ngayon. Tinapik tapik ko ang dibdib ko.

“Huy, anong ginagawa mo dyan? Parang sira.” Tumawa si Selene. Kumunot ang noo ko at hindi pinansin ang pagbibiro nya.

“Eh kasi parang nagmamalfunction na naman eh. Kanina nagpapalpitate tapos ngayon parang hihinto sa pagtibok.”

“Ha? Naku, ipacheck mo yan Ria. Alam mo ba yung pinsan ni Dad, cardio yon.. Samahan kita next week, gusto mo?” Tanong ni Selene na hindi ko masyadong inintindi. Nakatingin lang ako doon sa dance floor kung saan nakakapit si Gaelan sa manipis na bewang ni Miss Farrah. Kaswal silang nagkukwentuhan at parang ang saya saya nila.

Ilang beses ako napalunok.

Ayan na mag-i-stop na ang heart ko..

“Hi Ria, can I have this dance?” Inilahad ni Yuki ang kamay nya sa akin. Nakangiti sya at yung mata nya nag-eexpect. Ayaw ko sana pero…

Ah tama! Pag nandoon ako sa dance floor, bumibilis ang tibok ng puso ko. Kailangan ko sigurong bumalik para bumilis na ulit!

Kinuha ko ang kamay ni Yuki at tiningnan si Selene. Inaaya na sya ni Zeus sumayaw pero tumatanggi si Selene. Si Selene talaga! Kapag walang nag-aaya, naiinis. Kapag meron, naiinis din. Ang gulo nya!

“Ang ganda mo naman ngayon.” Pambobola sa akin ni Yuki ng marating namin ang gitna ng dance floor. Nakahawak sya sa aking bewang at nakapatong naman ang kamay ko sa kanyang balikat.

“Ikaw din pogi..” Binola ko din sya. Yuki chuckled. Namumula din ang pisngi nya.

“Hala, nagbu-blush ka.” Puna ko.

“Hindi ah.” Yumuko si Yuki para ikubli ang pamumula pero huling huli ko na sya eh!

“Namumula ka eh. Nahihiya ka ba sakin? Kasi ako namumula kapag nahihiya.” Nagkibit balikat ako.

“Bakit ka naman nahihiya?” Nakangiting tanong nya. Nakatuon lang ang mga mata nya sa akin. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig ni Yuki. Si Gaelan naman kasi hindi nakakatingin sa akin ng diretso, ganoon kasi yung mga bad boys, laging guilty ang eyes kasi nagla-lie sila lagi.

“Wala. Nakakahiya lang kasi.. Hindi ako normal. Mataba ako, walang talent, hindi ako cool–”

“Sinong may sabi? Bugbugin ko!”

Natawa ako sa sinabi ni Yuki.  Paano nya bubugbugin eh ako ang nagsasabi non sa sarili ko!

“Ouch! Gaelan.. Kanina mo pa ako inaapakan!” Nakarinig ako ng pagrereklamo. Nagtama ang mata namin ni Gaelan na malapit na malapit pala sa amin ni Yuki. Umiwas sya ng tingin at hinarap ulit si Miss Farrah.

Ang weird naman non, kanina nasa magkabilang dulo kami. Nung nagkatinginan kami ni Gaelan, sumayaw silang muli papalayo sa amin ni Yuki hanggang sa nawala na sila sa dagat ng tao dito sa dance floor.

‘Magbigayan naman kayo, change partners sa para fair!’ Anunsiyo muli sa mikropono ng isa sa mga faculty. Nagkatinginan kami ni Yuki, tumingin sya sa paligid nya at ganoon din ako.

Sino ang makakapartner ko?

Nakita ko si Steve, yung kaklase ko na nasa kanan, at si Lawrence naman sa kaliwa, parehas silang nakatingin sa akin samantalang ayaw kumilos ni Yuki para pakawalan ang bewang ko.

Binalik ko ang tingin ko kay Lawrence, nabigla ako ng sumulpot si Gaelan at dumaan pa sa gitna ni Lawrence at nung partner nya.

“Gaelan!” Nakita kong sinusundan sya ni Miss Farrah.

“Gael, change partners daw, hindi leave partner.” Bulong ni Yuki kay Gaelan. Hinila ni Gaelan ang kamay ko mula sa balikat ni Yuki at sinenyasan ito na puntahan si Miss Farrah. Napapailing na sumunod si Yuki.

“Anong pinag-uusapan nyo ni Yuki? Bakit ka tawa ng tawa?” Magkasunod na tanong ni Gaelan. Hindi ko na nga mapakinggan ang kanta kasi masyadong malakas ang boses nya.

“Sabi ko kasi pogi sya..” Kwento ko.

“A-ano? Sinabi mo yon? Bakit mo yon sinabi?!”

“Eh kasi sabi nya maganda ako eh.” Nagkibit balikat ako.

“Ang cheap mo!” Naiinis na sabi nya sa akin. Napasimangot ako. Cheap agad? Pogi din naman si Yuki talaga eh. Singkit ang mga mata, matangkad din  naman at mabait pa!

“Ang ganda mo Maria!” Angil sa akin ni Gaelan.

“Thank you!”

“A-anong thank you! Dapat ang sagot mo ‘Pogi din ako’ !”

“Hindi ako dapat pogi, panlalaki yon di ba?” Pang-aasar ko sa kanya. Namula ang ilong nya sa inis.

Ngumiti ako at tinuro ang pisngi nya.

“Biro lang. Pogi ka din. Ikaw ang pinakapogi dito para sa akin.” Pagsasabi ko ng totoo. Tumigil si Gaelan sa pagsasayaw. Kumurap kurap ang mata nya. Huminto din ako sa pagsayaw. Nagkasukatan kami ng titig hindi ko alam kung bakit kasabay ng paghinto nung natapos na kanta, tila mayroon ding huminto sa paligid namin. Hindi ko alam kung ang mga nagsasayaw ba, yung oras or yung mundo.

  All I knew this morning when I woke Is I know something now, know something now I didn’t before. And all I’ve seen since eighteen hours ago Is green eyes and freckles and your smile In the back of my mind making me feel like

https://youtu.be/jwNrC_tkigU

“I am inlove with someone else.” Bulong ni Gaelan kasabay ng panibagong kanta. Napawi ang ngiti ko. Nakaramdam ako ng pagbabara sa lalamunan dahil sa sinabi nya.

Tumingin ako ng diretso sa mga mata nya pero hindi nya sinalubong ang titig ko. Parang nilalamukos ngayon yung puso ko. Iba na ngayon ang pakiramdam nya. Sa tingin ko kailangan ko na talagang lumayo sa lugar na ito.

“O-okay.. Kailangan ko na pala umuwi.. Nag-iintay na yung kaibigan ko sa labas. Bye Gaelan.”

Nagmadali akong naglakad paalis doon sa dancefloor. Hindi na binigyan ng pagkakataon na makapagsalita si Gaelan.

Hindi ko na nilingon si Selene na tinatawag ako. Pati din si Tisha nakangiting sinalubong ako pero nilagpasan ko lang.

Pakiramdam ko unti unting kumakapal ang mga palad ko at umaakyat ang pamamanhid sa mukha ko. Ito ba yung tinatawag nilang stroke ? O heart attack na talaga to?

Lumabas ako ng Charm building at sinalubong ang malamig na hangin at katahimikan habang naglalakad patungo sa coffee shop kung nasaan si Sam. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang lungkot habang naglalakad ako sa field ng  Keio. Ganito pala ang itsura nito pag gabi, malamig at mag-isa. Taliwas sa ingay at saya tuwing umaga. 

Kawawa ka naman pala Keio.

Niyakap ko ang sarili ko na unang beses na nakaramdam ng ganito katinding lungkot. Natalo pa yung lungkot ko tuwing nakikipaglaro ako sa mga cancer patients sa Children’s Hospital. Hindi ko maesplika ang lungkot at kirot sa dibdib.

Tumayo ako sa glass door nung coffee shop, bubuksan ko na sana ang pinto ng may humila sa braso ko. Di ko namalayan na nasa likod ko na pala si Sam.

“Bakit ka umiiyak, Baby Girl?” Tanong niya sa akin. Agad kong kinapa ang mukha ko. Basa nga iyon ng luha. Ni hindi ko nga naramdaman ang pagtulo ng luha ko kanina! Bakit naman ako iiyak?

“Aray ko Beh, inlove ka ba?” Nagtataka na tanong sa akin ni Sam.

Kabanata 14

Dalaga Na.

“Maria!” Mabilis kong pinalis ang mga luhang naglandas sa aking pisngi ng marinig si Gaelan na nagmumula sa madilim na parte ng school.

“Hoy, bagets! Ikaw ba? Ikaw ba ang nagpaiyak sa Baby Girl namin?” Tinulak tulak ni Sam si Gaelan sa dibdib. Nangunot ang noo ni Gaelan dahil sa ginagawa sa kanya ni Sam.

“Nanggaling lang sya sa loob ng masaya pa sya, lumabas sya ng lumuluha! Kayo talagang mga lalaki kayo! Wala kayong ibang alam kundi manakit ng mga babae. Kay bata bata mo pa!”

“Teka nga! Hindi ako!” Hinila ni Gaelan ang aking siko at hinarap sa kanya. Hinawakan nya ang ibaba ng mata ko at kinapa.

“Bakit ka umiiyak?” Tanong nya sa nag-tatakang tono.

“Ikaw! Ikaw ang inayakan nyan! Gwapo ka kasi! Yang mga gwapo masyadong harmful. Dapat sa mga katawan nyo nilalagyan ng skull na may dalawang bones na naka-ekis para layu-layuan kayo ng girls. Nabiktima mo tuloy ang Baby Girl namin!” Singit ni Sam sa usapan. Hindi sya pinansin ni Gaelan na nag-aalala pa din na nakatingin sa akin.

“Ano? Bakit ka umiyak? Sinong nagpaiyak sayo?”

Tiningnan ko si Gaelan at pakiramdam ko naiiyak na naman ako. Hindi ko talaga alam kung bakit! Humikbi ako at naiyak lang ulit.

“Kasi yung Keio… Malungkot pag gabi.” Hindi ko napigilan ang paghikbi.

Napaawang ang labi ni Gaelan, ganoon din si Sam pero ako patuloy pa din sa pagluha.

“Hoy Baby Girl! Ano bang pinagsasabi mo? Nilalagyan mo ng buhay ang lahat ng bagay, mamaya nga sumagot ang mga yan sayo!” Kinikilabutan na sabi ni Sam.

“A-anong sabi mo?” Nakatingin pa din sa akin si Gaelan.

“M-malungkot.. Kasi madilim at saka tahimik.. T-tapos.. mag-isa.” Sa pagkakatanda ko, yun talaga ang nagpalungkot sa akin ng husto. Ang ganoong tanawin. Ang weird weird ko talaga.

Ngumisi si Gaelan at pinisil ang magkabila kong pisngi “Tabs ka talaga!”

“Aw”

“Bitiw! Wag mo ngang ganyanin ang Baby Girl namin!” Awat ni Sam.

“Hatid na kita?” Tanong ni Galean habang may kung anong kinukuha sa bulsa nya. Yun pala ay panyo, ipinamunas nya iyon sa aking mga mata habang kinakausap ako.

“May car kami!” Buong pagmamalaki ni Sam sabay turo sa Hello Kitty Car nya.

“Ako na lang ang maghahatid.” Sambit ni Gaelan kay Sam. Kinuha ni Gaelan ang kamay ko at nilagay ang panyo nyang puti pagkatapos ay itiniklop ang palad ko.

“No! hindi pwede. Ilang taon ka na ba?” Matigas ang pag-iling ni Sam. Para syang sinasapian ng mga Kuya ko kapag kasama ko sya. Alam nya kasi kung paano ako pinalaki kaya ganoon din kung magprotekta sya sa akin.

“18.”

“18 ka. Siya, 16. Under the supervision of a beautiful Guardian Angel. Ang mga 18 years old mapupusok yan. Magle-lead yan sa teenage pregnancy kaya dapat habang lumalalim ang gabi, umuuwi na kayo sa kani-kaniyang bahay. Lalo ka na, sa mukha mong yan, cute ka. Pero hindi ka na virgin. Delikado ang alaga ko. Babushki Eklavu! This is really goodbye. I might not see you again. Love you na walang malisya Baby Boy!!” Hinila ako ni Sam papalayo kay Gaelan. Alanganin akong humakbang yung mata ko nandoon pa din kay Gaelan na nagtataka sa mga pinagsasasabi ni Sam.

Humagikgik si Sam ng masarhan na ang Hello Kitty Car nya at tinuro si Gaelan.

“Ang cute nya Baby Girl. Mamaya bago ka matulog, itext mo sya ng ’ Hi, got home safe. Thanks for tonight.. ’ Lagyan mo ng madaming period saka smiley sa dulo,” Halos mamilipit si Sam sa kilig.

“Sam naman eh!” Naiinis na sabi ko.

“O ano? Aarte pa? Cute nga eh. Tapos kung makatingin sayo, rawr.. May landi factor. Ang dami ko nang pinagdaanang ganyan sa Kuya mo maniwala ka.” Bumisina pa si Sam kay Gaelan na hindi pa din umaalis sa pwesto nya pagkatapos ay nagmaneho na si Sam ng mabilis. Sana hindi nya inusukan si Gaelan.

“Kaninong Kuya?” Nagtatakang tanong ko.

“Kay Gilad! Sus, yang Kuya mo na yan, pakipot yan pero inlove sa akin yan. Pero sorry sya, hindi sya aabot sa dulo ng daliri ko dahil irereject sya ng genes kong pang Beauty Queen!” Humagalpak na naman si Sam sa kanyang naiisip.

“Galit sayo yun si Kuya Gilad, makulit ka daw. Ayaw pa naman nya sa makulit.” Di mapigilang sabi ko. Nanliit ang mga mata ni Sam.

“Sinabi nya yon?!” Naiirita na sabi ni Sam.

“Oo, kakasabi nya lang ulit kanina kasi tinutukso sya ni Kuya Rab sayo. Sabi nya ‘Rab, do not tease me with that hamster girl. She’s annoying. 23 na akala mo 3 years old.’ Ganong ganon ang sinabi nya..” Kwento ko. Hinampas ni Sam ang kanyang manibela.

“Humanda sa akin ang walanghiyang Gilad na yan! Mamaya sya sa akin.”

Mainit ang ulo ni Sam na nagmaneho pabalik ng mansyon. Madami pa ding sasakyan. Pasimple kaming pumuslit ni Sam doon sa likod at nagpanggap na kanina pa nandoon.

“Apir! Baby girl! Hindi nila nahalata ang ninja moves natin!” Tumawa si Sam habang umiinom ng cocktail drink.

“O Sam, you are here.. Where’s your mom?”

“Nasa Hongkong po Tita, kasama ang bago nyang jowa.” Nagkibit balikat si Sam sa tanong ni Mommy na huminto sa tapat ng aming table.

Kahit masayahin si Sam, malungkot yung life story nyan. Kasi iniwan sila ng Daddy nya tapos yung Mommy naman nya nagkaroon ng maraming boyfriends tapos hindi na sya inalagaan. Kaya nga madalas nandito sa amin si Sam dahil naawa sa kanya si Mommy. Pinapagalitan nga ni Mommy si Kuya Gilad dahil ang mean mean nya kay Sam. Parang hindi nya alam ang pinagdadaanan nito.

“Ganoon ba? Dito ka na matulog ha, don’t drink and drive.”

“Tita, pupwede po ba sa kwarto ni Gilad?” Ngumisi si Sam kay Mommy na sinagot naman ni Mommy ng halakhak.

“Aba eh, pupwede! Tanungin mo sya kung gusto nya.”

“Yes, may basbas! Gilad! Honey! Tabi tayo mamaya!” Sigaw ni Sam sa kapatid ko na may mga kausap na investors. Lumingon si Kuya Gilad na magkasalubong ang kilay.

Lalong humagikgik si Sam at Mommy ng makita ang reaksyon ni Kuya Gilad.

*Beep **Beep

Gaelan: Nakauwi ka na?

Ako: Nakauwi na. Ikaw?

Ay, bakit ko ba sya tinanong? Ayaw pa naman nyang tinatanong.

Gaelan: Yup. May training kami bukas. Sama ka?

Ako: Hindi na..

Gaelan: Sunduin kita sa bahay nyo ng 1PM.

Ako : Okay.

“Sam, bukas ba ihahatid mo din ako sa bahay ni Mama Buding?” Kumakain na si Sam ng napakaraming spaghetti at fried chicken na para sa mga batang bisita.

“Hm? O sige, dito naman ako sleep eh. Patulog sa kwarto mo ha. Ayoko sa guest room nyo, masyadong creepy.” Umarte pa syang kinikilabutan. Malungkot daw kasi ang pakiramdam sa guest room namin, hindi ko alam kung bakit.

“Akala ko ba tabi kayo ni Kuya Gilad?” Natatawang tanong ko kahit sanay naman ako na katabi sya simula nung bata pa ako.

“Hmm, depends. Mukhang konti pa lang naiinom ng Kuya mo eh. Pag marami rami na, tiyak pupwede ko na gapangin para lalong mainis sa akin!” Nagtawanan na naman kami ni Sam. Paboritong paborito nya talagang asarin si Kuya dahil si Kuya Gilad ang pinakapikon sa lahat ng Kuya ko. Lumapit si Kuya Xenon sa akin at pinakita sa akin ang bagong game nya sa PSP.

Nalibang kaming dalawa sa paglalaro habang si Sam naman ay tinabihan ni Kuya Ahmed at nagbobolahan silang dalawa. Si Kuya Ahmed, kay Sam lang nagiging playful ang aura. Madalas syang poker face sa iba.

“Ang ganda mo talaga Sam, hot pa.” Narinig ko si Kuya Ahmed na mukhang nakainom na.

“Talaga ba? Wait ibababa ko lang itong neckline ko. Dali bolahin mo pa ako!” Humagikgik si Sam sabay pakita ng cleavage nya. Natawa kami ni Kuya Xenon.

“Ugh! What are you doing? Pinipikot mo ba ang kapatid ko?” Reklamo ni Kuya Gilad na naglalakad papalapit sa amin. Sumimangot si Sam at naglakad papalapit kay Kuya Gilad.

“Kung may pipikutin ako Gilad, ikaw na yon. Dahil ikaw ang pinakamatanda dito, for sure ikaw na din ang pinakamaraming pera.” Mataray na sambit ni Sam kay Kuya.

“Ha, as if mapipikot mo ako!”

Kinuha ni Sam ang kamay ni Kuya Gilad at nilagay sa dibdib nya ng mabilis. Nanlaki ang mga mata ni Kuya Gilad. Humalakhak naman si Kuya Xenon samantalang nangingiti lang si Kuya Ahmed.

“Oh my gosh, did you see that guys? Hinawakan nya ang boobs ko! Tita yung panganay nyo po hinipuan ako!” Sigaw ni Sam. Nagliligpit na ang mga waiters ng tables and chairs kaya malakas ang loob ni Sam na umeksena.

Namula ng husto ang pisngi ni Kuya Gilad. Malamang ay dahil sa inis. Kumuyom ang kanyang palad at nag-igting ang panga.

“Samantha! I really hate you!” Sigaw ni Kuya Gilad sabay walk out.

“Nyehnyeh! Pikon! Dapat nga magpasalamat ka dahil dumampi ang palad mo sa ginintuang papaya ko. Ang arte mo Gilad! Shame on you!”

“Turukan nyo nga ng pampakalma yan si Sam.” Komento ni Kuya Xenon na humihikab na. “Tulog na tayo..” Kinuha ni Kuya Xenon ang kamay ko at inalalayang tumayo. Nahirapan ako dahil sa suot kong heels.

“Sakit na paa?” Nag-aalalang tanong ni Kuya Xenon.

Tumango ako. Yumukod naman si Kuya Xenon sa aking harapan. Napangiti ako. “Dating gawi. Sakay na po mahal na prinsesa.” Natawa ako nang ioffer ni Kuya ang likod nya. Gumapang ako paakyat sa likod nya at walang kahirap hirap nya akong nabuhat.

“Ang laki ng ibinawas ng timbang mo, Baby.” Puna ni Kuya Xenon. “Mahirap ba talaga sa school?”

Ngumiti ako at umiling habang umaandar na si Kuya Xenon. “Exciting, masaya. Hindi puro kain pero masaya.”

“Good. Nag-eenjoy ka. Kaya ka naman pinagbigyan ni Daddy para mag-enjoy ka eh.”

I know. Alam kong natatakot silang pakawalan ako dahil nag-iisa akong babae pero ginawa nila dahil love nila ako. Pangarap kong masubukan ang normal na bagay kaya nakakatuwa dahil hinahayaan nila ako.

“Si Kuya Rab?”

“Ayon, nagre-redeem ng STD. Nambababae na naman.” Humikab si Kuya Xenon ng buksan ang pinto ng kwarto ko. Namiss ko ang Kulay Pink kong kwarto, may mga nakahilera na napakaraming paperbags sa loob, siguro ito ang tinutukoy ni Daddy na pasalubong nila sa akin mula sa Greece.

“Goodnight Kuya, Thank you.. I love you!”

“I love you too, Baby. Sleep tight.”

Nagtungo ako sa sa shower room para mag-wash up. Ni-blow dry ko ang buhok ko bago bumalik sa aking kama, naabutan ko doon si Sam na nakahiga, nakapagpalit na sya ng pantulog nya, hawak nya ang cellphone nya at nagchecheck ng texts. Napagaya tuloy ako sa pagsilip sa cellphone ko.

Gaelan: Goodnight, Tabs.

Tiningnan ko ang oras at kakatext nya pa lang.

Ako : Goodnight din Yabs :)

Gaelan: Bakit gising ka pa? Hindi ka pa matutulog?

Ako: Matutulog na din. Ngayon pa lang ako inaantok.

Gaelan: Matulog ka na kasi isasama kita bukas.

Ako: Okay :) Goodnight ulit :)

Gaelan: Goodnight :-*

Gaelan: Ay eto pala :-) Typo.

Napangiti ako sa huling mensahe ni Gaelan. Syempre naman typo yun. Bakit naman nya ako sesendan ng kiss emoticon.

“Yung Baby namin dalaga na talaga!” Tinusok ako ni Sam sa bewang kaya napaigtad ako.

“H-hindi ah. Magkaibigan lang talaga kami ni Gaelan. Matutulog na ako. Goodnight Sam!”

Pinatay na ni Sam ang lampshade. Kinuha ko sa bulsa ng pajama ko ang panyo na ipinahiram ni Gaelan kanina at tinapat yon sa ilong ko. 

Mmmm.. Amoy Gaelan. Nakakatuwa amuyin.

Maki Say’s: Alam ko bitin. Pinangiti ko lang kayo. Haha! :)

Kabanata 15

Gusto.

“Samantha! What are you doing in my room?” Malalakas na sigaw ni Kuya Gilad ang gumising sa diwa ko.

Haaay! I miss home…

Nakakamiss ang mga boses ng mga kapatid ko, ang malambot na kama, ang malamig na kwarto at higit sa lahat..

“Good morning, Princess!” Pagmulat ng mata ko, nakatunghay na sa akin si Mommy at inaantay na magising ako.

“Good morning, Mommy! I miss waking up like this..” Yumakap ako kay Mommy at hinalikan sya sa pisngi.

“Ikaw naman kasi, bakit hindi ka na lang umuwi dito sa bahay? Pupwede naman dito si Yaya Buding at si Filo, mayroon silang kwarto sa quarters, mas malaki pa nga sa bahay nila!”

“Mommy, I want a normal life. Pag nandito ako, lahat na lang nakukuha ko. Isang sabi ko lang, mayroon na agad ako. I want the struggles, Mom..”

“Hija, why would you want struggles? Kaya ng nagpapakahirap kaming ng Dad mo na magtrabaho para maibigay ang pangangailangan nyo..” Lumabas ang mga linya sa noo ni Mommy. I chuckled, pilit kong binanat ang wrinkles nya.

“Struggles makes you strong, Mom.”

“Struggles destroys a person.”

“Destruction is a choice. People self destruct because they try to escape the pain rather than enduring it.”

“May hangganan ang tao, anak. Hindi lahat kayang mag-tiis. May mga nasasaktan hanggang mabasag—”

“Nasasaktan sila dahil pinaninindigan nila ang prinsipyo nila, they are not willing to sacrifice… That, is also a choice.”

“Love— Love is blind.” Napatingin kami ni Mommy kay Sam na biglang pumasok sa kwarto ko, nakatapis lang sya ng tuwalya at ngiting ngiti na tiyak may ginawa na namang kalokohan.

“Grabe naman kayong mag-ina kung makahugot. Umagang-umaga, ang deep! Wala bang tipong JAPAN dyan? Like Just Always Pray At Night?” Humalakhak si Sam pero napakamot lang ako ng aking ulo. “Ay waley ang joke. Bibihis lang po ako, Tita. Yung panganay nyo ang sensitive! Masyadong pa-virgin! Pinaglihi nyo po ba yan kay Virgin Mary? Joke!”

Napailing na lang si Mommy kay Sam. Sanay na din sya, sa bahay na ito si Daddy lang naman ang hindi niya masyadong mabiro. Tingin ni Sam, dadaan sya sa butas ng karayom ni Daddy bago makuha si Kuya Gilad.

Inaya ko si Mommy sa chapel para mag-rosary, pinaunlakan naman nya ako. Ito kasi ang bonding moment namin simula pa noon and I am thankful na ganito nya ako pinalaki. She taught me who to lean on, she taught me moral values and above all, she taught me to have faith.

We had early lunch, yun kasi ang nakasanayan ng pamilya lalo na pag weekend. Tanghali na kasi nagigising ang mga kuya ko kaya brunch na, instead na lunch. Nakakatuwang panoorin na kasama ko na ulit sila sa isang lamesa habang nagkukwentuhan pero hindi ko maiwasan ang tumingin sa cellphone ko ng ilang beses.

Matutuloy pa kaya kami? Wala pa syang mensahe eh.

“Tita, batsi na po kami ni Baby Girl pagkatapos ng lunch time ah, may group study po kasi sya. Ihahatid ko lang.” Sinipa ako ni Sam sa ilalim ng lamesa saka kumindat sa akin.

“O sige.. Ipapahatid ko na lang ang mga gamit mo kay Butler Joe, Maria Arabela. And please, tuwing weekends naman, dalawin mo kami.” Ngumiti ako kay Mommy at tumango.

Pagkatapos naming mananghalian, inaya ako ni Sam sa kwarto ko para bihisan. Naalala ko nung bata pa kami, she likes dressing up Barbie dolls pero ngayon, tao na talaga ang binibihisan nya.

“Magde-date kayo ni Baby Boy no? Naku, nung ganyan ang edad ko, madami na akong flings! Pero wag kang gagaya sa akin. Kahit loka loka ako, alam ko kung paano ko aalagaan ang sarili ko. The world is cruel, Baby Girl. Hindi lahat ng nakikita mo totoo, hindi lahat ng mabait may malinis na intensyon—”

“Hindi din ang lahat ng masama, bad talaga… Di ba? Sometimes, people turns to be bad because they hate rejections. Shield lang nila yun para hindi masaktan.”

Pinanliitan ako ni Sam ng mata saka napailing.

“Tsk, delikado tayo dyan eh! Don’t see the goodness in everyone! Minsan ang masama, masama lang talaga!” Inayos ni Sam ang laylayan ng maong jumpsuit ko.

Napanguso ako. Dati akala ko, salbahe talaga si Gaelan pero unti unti, nakikita ko naman ang good side nya. Maasikaso sya kahit ayaw nyang ipahalata. Nag-aalala sya kapag nagagalit sya.

“Bago sayo ang pakiramdam na crush, Ria.. Nakakatuwa yan, support ako dyan pero wag seryosohin ah. Si Tito Alfredo, 20 years ko na nililigawan si Gilad pero hindi ko pa din makuha ang approval nya. Patay ka sa Tatay mo pag nag-jowa ka sa Keio.. Ang lahat ng kalayaan na meron ka, mawawala.” Seryosong hinawakan ni Sam ang mga kamay ko at tiningnan sa mata.

“Ang unfair naman non…” Reklamo ko. Bakit sina Kuya kaliwa’t kanan ang girlfriends pero okay lang? Bakit ako, bawal? Maiintindihan ko pa sa ngayon dahil bata pa ako, pero kapag 18 na ako? 20? 25? Bawal pa din?

“You are the heiress of this famly, Ria. Mas malaki ang responsibilidad mo kaysa sa kanilang lahat dahil you will own the empire. Gilad, Rab, Ahmed and Xenon will be the back bone. Feeling ko nagpa-raffle yang si Tita Helga at Tito Al kung sino ang magmamana ng kayamanan nyo eh, hindi lang ako nainvite.” Hinawi ni Sam ang buhok ko.

Mas lalo akong nanlumo. Hindi ko pa din maunawaan ang patakaran ni Daddy. I will not be given just a part of what we have, I will get the whole of it at ayos lang iyon sa mga kapatid ko.

“Seriously, they see so much potential in you. Matalino ka at mabait. Yung mga Kuya mo, matalino, gwapo at masusungit. Hindi tuloy pinagpala.” Ngumiti si Sam at napapalakpak matapos nya akong ayusan. “Ayan! Ang cute cute mo na, Baby Girl! Halika na!” Hinila ni Sam ang aking kamay ng magustuhan na nya ang itsura ko. Dumaan kami sa pasilyo sa second floor kung nasaan magkakatabi ang mga kwarto naming magkakapatid at kinatok ang pinto ng mga Kuya ko.

“We are leaving! Gilad, Honey! Pa-kiss muna ako at baka humabol ka na naman!” Humalakhak si Sam habang tinagalan ang madadaming katok sa pinto ni Kuya Gilad.

Nakasimangot na lumabas si Kuya Gilad at niyakap ako ng mahigpit. “Kapag may problema, magsumbong sa Kuya ha.” Humalik si Kuya Gilad sa aking buhok.

“Ang sweet mo Honey.. Eh pag ako kaya ang may problema?” Singit ni Sam.

“Eh di masaya! Dapat sayo tinatambakan ng problema para manahimik ka.” Umismid si Kuya Gilad sa napasimangot na si Sam.

“Gilad—” Ang boses ni Mommy sa may living room. Nakasilip pala sila ni Daddy sa amin mula sa ibaba. Nanahimik si Kuya Gilad bigla.

“Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng may problema kaya ganyan ka magsalita.” Mapaklang sabi ni Sam. Tumalikod na sya at nagmartsa papababa ng hagdan. Humalik ako sa pisngi ng mga Kuya ko at hinabol si Sam na bumeso kay Mommy at kumaway kay Daddy na walang sinasabing salita.

“Gilad talaga!” Narinig ko pang pagalit ni Mommy kay Kuya.

“Sam!” Nahuli ko pa si Sam na nagpunas ng luha sa kanyang mata bago humarap sa akin ng nakangiti.

“Sorry kay Kuya ha.. Masungit kasi talaga yon..” Hingi ko ng tawad.

“Ah! Wala yon. Sanay na. Sakay na Baby Girl, baka nag-iintay na yung kaklase mo.”

Sumampa ako sa sasakyan ni Sam kahit na nag-aalala pa din ako sa kanya. Hindi na kasi sya nag-sasalita eh, tapos yung ilong nya medyo mapula.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Kuya Gilad.

Ako : Pinaiyak mo si Sam, Kuya. Bad ka.

Kuya Gilad : Sya tong malakas mang-asar, pag ginantihan mo naman mapipikon.

Ako : Hindi ka ba nakukunsensya?

Kuya Gilad : Nope.

Natahimik na din tuloy ako sa loob ng sasakyan ni Sam. Nakakahiya kasi nanghihingi ako ng favor sa kanya pero ang bad bad ng Kuya ko sa kanya. Matampuhin pala si Sam. Sabi na nga ba, sad sya deep inside kaya nya lagi pinagtitripan ang Kuya ko para maging masaya. Pero kasi malayo naman si Kuya Gilad para maging clown. Ang sungit sungit non eh.

“Andyan na si cutie pie…” Medyo nakangiti na si Sam ng makarating kami sa apartment ni Mama Buding. Nakaupo si Gaelan sa loob ng gate namin. Napakurap kurap pa ako dahil iba ang itsura nya ngayon. Masyado syang—kaswal. Itim na sando ang suot nya at itim na pants. Bahagyang umangat ang labi nya pagkakita sa akin.

![](https://img.wattpad.com/ccc2bdbc4e2ca7bbba3c6dee8041bb2fdff93925/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5f495139384474454f737a7155413d3d2d3234303837393630372e313434323439346136653730333866382e6a7067)

Tumayo sya pagkakita at sinalubong ako sa labas ng gate.

“Shet, 18 pa lang yan? Bakit ang ganda ng katawan?” Nanlalaki ang mata ni Sam na bumabalik ang dating sigla.

“Saan ka galing, Tabs? Umagang umaga nag-gagala ka.” Masungit na sabi ni Gaelan sabay gulo sa buhok ko.

“Kay bata bata mo pa ang clingy mo! Maiwan ko na si Baby Girl. Wag masyadong mapusok. Iuwi mo ng maaga.” Bilin ni Sam kay Gaelan na nakatingin lang.

Pinanood muna namin ni Gaelan na makalayo si Sam. “Magpaalam ka muna sa Mama mo.” Hinarap ako ni Gaelan. Tumango ako at tumakbo papasok ng bahay ay naabutan ko doon si Mama Buding na nagwawalis.

“Ma, aalis po muna kami..” Yumakap ako at humalik sa kanyang pisngi.

“Ay, eh sige. Mag-iingat ka ha..”

Tumakbo ako pabalik kay Gaelan. Nakatayo sya doon sa passenger seat ng itim na sasakyan. Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok naman ako.

Inantay ko si Gaelan na makapasok sa sasakyan bago ko kinabit ang seatbelts. Pinagmasdan ako ni Gaelan sa ginagawa ko, nailang tuloy ako at hindi mai-shoot yung metal buckle, biglang hinawakan ni Gaelan ang kamay ko para tulungan ako. Nag-init ang pisngi ko kaya lumingon ako sa bintana.

Narinig ko ang pagkabit ni Gaelan ng seatbelts nya hanggang sa dahan dahan nang umaandar ang sasakyan.

“Kumain ka na?” Tanong nya.

“Mmm.”

“Saan ka nanggaling kagabi? Akala ko uuwi ka na.”

“K-kay Sam ako umuwi. Nagpunta kasi kami sa birthday nung kakilala namin.” Pagsisinungaling ko.

Sorry Gaelan…

Tumango tango si Gaelan at nilingon ako.

“Wag kang lalayo sa akin mamaya ah.” Bilin nya habang nagmamaneho.

“B-bakit?”

“Tsk! Malamang ikaw ang slave ko. Bakit naman kita isasama sa training ko kung hindi mo ako pagsisilbihan doon?” Naiinis na sabi nya.

Ngumiti ako at tumango. Oo nga pala!

Ilang sandali pa nakarating kami sa isang lugar na mayroong mataas na pader at napakalaking gate. Bumukas agad yung gate pagtapat ng sasakyan ni Gaelan at sumaludo ang mga nakaitim din na lalaki sa kanya ng magbaba sya ng bintana. Sinagot lang nya iyon ng tango.

Nagmaneho si Gaelan ng mabagal pero napakahaba na daan. Sa magkabilang gilid ay mayroong damuhan. May mga lalaki at ilang babae ang nagte-training na parang sa military. Humahakbang sila sa gulong, nag-momonkey bar at nag-jo-jogging. Lahat sila ay naka-all black. Huminto sila pagkakita sa sasakyan ni Gaelan at sumaludo ulit pero hindi nagbaba ng bintana si Gaelan.

Hindi ko alam kung saan ang dulo ng facility pero mayroon akong natanawan na mansyon, hindi kasing laki ng sa amin pero malaki na din. May mahigit sa sampu ang katulad ng sasakyan ni Gaelan at mga motor na magkakamukha din. Ipinarada ni Gaelan ang sinasakyan namin katabi ng mga yon at nang makababa na kami, doon ko napansin na ang nakasulat sa plate number ay pare-parehas na ‘Yukan’na’

“Halika..” Inilahad ni Gaelan ang kanyang kamay sa akin na tinanggap ko agad. Pumasok kami sa loob nung mansyon. Para talaga itong magarbong bahay. Mayroong malawak na pasilyo at pasikot sikot. Walang tao. Palagay ko hindi matapos ang hall ng bahay hanggang sa makarating kami sa isang malaking frosted glass door, itinulak iyon ni Gaelan. Napangiti ako ng makita ko ang mga pamilyar na mukha. Andito ang F7!

“Tsk. Wag kang ngingiti.” Umirap si Gaelan sa akin kaya napasimangot ako. Ang sungit!

“Hi Ria!” Maligayang bati ni Kiro. Gumaya din ang iba sa pagbati na tinanguan ko lang at medyo ngumiti na hindi labas ang ngipin. Baka magalit na naman ang amo ko eh.

Mayroong boxing ring sa gitna at nakita ko si Yuki na tanging pantalon lang ang suot at nakikipaglaban sa isang doble ang laki ng katawan sa kanya. Lumingon si Yuki sa akin kaya nasuntok sya sa mukha. Napangiwi ako pero mukhang hindi iyon ininda ni Yuki dahil binalikan nya ng napakaraming suntok yung sumuntok sa kanya.

Bago ang tunog ng suntok sa akin, pakiramdam ko nakapanlalambot ng tuhod. Napaawang ang labi ko habang nakitang sumusuntok si Yuki. Hinila ako muli ni Gaelan sa isang upuan sa sulok at pinaupo. Lumuhod si Gaelan sa harapan ko at pinanliitan ako ng mata.

“This is a sport. Wag nga ganyan ang mukha mo.” Sambit sa akin ni Gaelan.

“Eh bakit nananakit?” Di makapaniwalang tanong ko.

Napangiti si Gaelan dahil don at pinisil ang pisngi ko ng mariin.

“People needs pain to know their limits. Mas mabuti na yon para hindi ka basta bastang masasaktan sa susunod.”

Iniwanan ako ni Gaelan ng bote ng mineral water at isang bag na naglalaman ng pangangailangan nya. Pinanlakihan ako ng mata ng tanggalin nya ang suot nyang pang-itaas at sumampa sa boxing ring ng bumaba na si Yuki.

“Wala man lang warm-up? Parang may bago?” Panunuya ni Hunter kay Gaelan. Nagpupush up si Hunter pero parang balewala lang sa kanya ang magsalita. Sa gilid naman ay si Zeus na panay ang sipa sa kamay ni Ice. Si Rye ay sumusuntok sa punching bag na sobrang lakas.

Tumalon talon si Gaelan sa boxing ring. Nakabalot lang ang kamay nya pero wala syang gloves na makapal. Sinugod sya ng isa ding lalaki na malaki ang katawan, triple pa nga ata ng kay Gaelan, napaiwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng kaba hanggang sa makarinig ako ng palakpakan.

Dagan-dagan na kasi ni Gaelan yung kalaban nya at hawak sa leeg.

“Bangis!” Papuri ni Rye na natigilan sa ginagawa.

“Pa-impress, Bruh?” Humalakhak si Ice. Lahat sila ay nakatingin kay Gaelan na tumingin sa akin.

Napalunok ako at nagpalpitate na naman. Mukhang kailangan ko na tanggapin ang offer ni Selene na magpacheck up sa kakilala nila na Cardiologist.

Ilang oras pa ang nakalipas, bakas na ang pagod sa kanilang lahat. Nakaupo na sila sa sahig ng gym. Lumapit sa akin si Gaelan at humingi ng towel pero hindi nya yon kinuha. Binaba nya ang bote ng tubig na hawak nya at sinamaan ako ng tingin.

“Tsk, anong klaseng yaya ka? Bakit hindi mo ako punasan ng pawis?!” Angil sa akin ni Gaelan. Tumayo ako at dahan dahang idinampi ang towel kay Gaelan.

“Maria, tuyo na ang pawis ko bago ka matapos. Ayusin mo!” Sigaw nya muli. Hindi naman kasi ako marunong magpunas ng pawis ng iba eh!

Medyo diniinan ko ang pagpunas ng pawis, sinimulan ko sa malapad niyang likod. Napalunok ulit ako. Alam kong pinagmamasdan ako ng lahat sa aking ginagawa pero bawal ako tumigil dahil magagalit na naman si Gaelan.

Humarap si Gaelan sa akin kaya nag-angat ako ng tingin. Yung distansya nya mga isang dangkal na lang. Kinuha nya ang kamay kong may towel tapos nilagay sa mukha nya at dinampi doon kasama ang kamay ko.

Gusto kong magtatatakbo! Alam kong namumula ng husto ang pisngi ko. Kumakalampag din ang puso ko na hindi ko na maintindihan ang pattern. Mayroon ding nagwawala na kung ano sa sikmura ko tapos yung kamay ko, nanlalamig.

“Pag-nagpupunas ka ng pawis, ayusin mo..” Nilagay ni Gaelan ang towel sa dibdib nya, nag-alab ng husto ang pisngi ko. Umangat ang gilid ng labi ni Gaelan na parang nangingiti.

“Ayoko nito..” Bulong ko.

“Alin?” Kaswal na tanong nya.

“Ayokong magpunas ng pawis. Kaya nga ako nag-aaral kasi ayokong maging taga-punas ng pawis eh!”

“Tsk, kahit mag-aral ka pa. Kung gusto kong maging taga punas ka ng pawis ko, gagawin mo.” Umirap si Gaelan. Binawi ko ang towel sa kanya at padabog na nagmartsa pabalik ng upuan. Mas lalong sumimangot si Gaelan ng lumapit sa akin.

“Yabs ka talaga!” Angil ko.

“Aba, lumalaban ka na?” Bulong lang iyon pero pinisil nya ang ilong ko. Hindi ako nakasagot dahil nagsalita ang isang lalaki na kanina pa nanonood sa kanilang training. Foreign ang features nito at may malaki ding pangangatawan, tinatawag nila itong ‘Coach’.

“Gaelan, Yuki.” sambit nung lalaki. Tumuwid ng tayo si Gaelan at lumapit sa ring. Ganoon din si Yuki.

“Okay, exciting!” Tumayo si Ice sa baba ng ring, ganoon din ang iba pa. Bakit exciting? Sila ba ang magsusuntukan?

Pumwesto si Yuki sa kanan, si Gaelan naman ay nakapaharap sa akin. Sinamaan nya ako ng tingin kaya napayuko ako. Isang pagpito ang narinig ko. Nakarinig agad ako ng pagtama ng suntok sa katawan.

“Nice one, Yuki.” Sambit ni Kiro.

Napailing si Gaelan at binalikan ng suntok si Yuki sa mukha.

“Gaelan wag masyadong mainit ang ulo!” Suway ng trainer nila.

Tumango si Gaelan dito dahilan kung bakit nasipa sya ni Yuki pabagsak.

“Strategy, boy!” Ani Zeus. Ilang saglit pa ay nasa ibabaw ulit si Gaelan. Biglang bumilis ang kilos nila hanggang sa wala ng makatama ng suntok dahil sa sobrang liksi. Gaelan would try to kick pero naiiwasan iyon ni Yuki. Susuntok si Yuki pero agad na makakalayo si Gaelan. Depensa.

“Ayaw nyong magkasakitan, so sweet!!” Humagalpak si Kiro. Labing limang minuto na kasi ang nakakalipas at hindi nila masaktan ang isa’t isa.

Sumilip sa akin si Yuki at biglang kumindat. “Hi Maria!” Sambit nito. Pinanlakihan ako ng mata dahil sa kanyang ginawa.

Nagtiim bagang si Gaelan at sinugod si Yuki ng malakas na suntok sa mukha. Natawa lamang si Yuki. Nawalan ng direksyon si Gaelan sa pagsuntok dahil nakakapasok si Yuki sa depensa nya hanggang sa tuluyan nyang maupuan si Gaelan sa tyan at hindi na muling pinakawalan.

“Enough.” Sambit nung kanilang trainer. Agad namang umalis si Yuki sa ibabaw ni Gaelan.

“Nawala ka sa focus, Ancheta.” Sambit nung coach nila.

Tumango lang si Gaelan at bumaba sa ring. Naglakad sya ng papalapit sa akin. “Ikaw kasi eh!” Angil na naman nya. Hindi na ako nakakibo dahil napalingon ako doon sa sugat nya sa kilay.

“May sugat ka. Teka.” Kinuha ko ang pouch ko. Mayroong maliit na metal box doon na mayroong first aid kit. Kasama ng rosary ko. Pinaupo ko si Gaelan sa upuan ko kanina at binalatan ang cotton pad. Nilagyan ko iyon ng alcohol at dinampi sa kilay ni Gaelan habang hinihipan iyon. Nakatitig lang sya sa aking ginagawa.

Ang lapit pala ng mukha namin!

Binalatan ko ang bandaid pagkatapos ng paglalagay ng alcohol sa sugat.

“Oh ano yan???” Iniwas ni Gaelan ang kanyang mukha.

“Bandaid!”

“Bakit pink! Tch! Hello Kitty pa! Ayoko nyan!” Galit na sabi nya.

“Eh wala na akong iba eh..”

“Wag mo na akong lagyan.” Umismid sya at akmang tatayo.

“Sige na. Pauwi naman na kayo di ba?” Napansin ko kasing nagliligpit na ng gamit ang mga janitors sa loob.

Walang nagawa si Gaelan at nilahad ang noo nya sa akin. Inayos ko ang paglalagay ng bandaid sa ibaba ng kanyang kilay. Napangiti ako ng makuntento.

“Favorite mo pala si Hello Kitty.” Narinig ko si Zeus na nakatitig kay Gaelan habang nag-uusap sila sa isang sulok. Napangiti ako dahil kinakantyawan sya ng husto!

Nililigpit na ang mga gamit sa gym kaya nagsimula na din akong ayusin ang kay Gaelan. Mahirap pala maging yaya!

“Halika na..” Napalingon ako kay Gaelan ng makalapit sya sa akin. Di ko namalayan na nakapagshower na pala sya at nakasuot na ng tshirt na puti at maong. Kahit hindi naman sya magshower, hindi sya nag-amoy pawis.

Kinuha ni Gaelan ang mga gamit nya mula sa akin at naglakad ulit kami ng paikot ikot sa mansyon. Naabutan namin sa labas sina Yuki, Kiro, Zeus, Ice, Rye at Hunter na nakapuwesto sa parehas na itim na sasakyan ng kagaya ng kay Gaelan. Papadilim na din pala sa labas kaya natapos na ang training. Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Mama Buding na maayos lang ako.

Kumaway ako sa mga kaibigan ni Gaelan ng pagbuksan ako nito ng pinto. Nagpaalam din si Gaelan at kami ang pinakaunang lumabas ng facility.

“Gutom na?” Tanong ni Gaelan. Umiling ako dahil yon ang totoo.

Pinagmasdan ko ang kalsadang tinatahak ni Gaelan. Napakunot ang noo ko dahil pamilyar.

“May klase ka?” Nagtatakang tanong ko dahil bumisina sya sa tapat ng gate ng Keio. Kagaya ng kagabi, madalim pa din ang Keio, lalo na ngayon dahil wala ng party. Pinagbuksan kami ng Guard. Binaba ni Gaelan ang bintana at bumati sa gwardiya na nakangiti sa kanya.

Nagpark si Gaelan sa parking lot na walang laman. Ano kaya ang gagawin namin dito?

Inilahad ni Gaelan ang kamay nya sa akin para pababain ako ng sasakyan pero hindi gaya kanina, hindi na nya ako binitawan.

Naglakad kami sa gitna ng kadiliman ng Keio, humampas na naman ang pamilyar na hangin sa akin. Yung malungkot na hangin. Nalulungkot pa din ako para sa Keio pero hindi na ako naiiyak.Medyotakot ako sa dilim eh!

“Ano bang ginagawa natin dito?” Natatakot na tanong ko kay Gaelan. Tumigil sya sa paglalakad sa gitna ng field.

“Tingala ka..” Utos ni Gaelan.

Ginawa ko ang sinabi nya, natulala ako ng bumukas ang napakaraming christmas lights sa ibabaw. Nakasabit lang ito sa mga poste na at ginawang parang sampayan. Sobrang dami at ganda! Namangha ako ng sobra.

![](https://img.wattpad.com/d97c485795fe207ec0627dfc33588194322a0317/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f765878747178546a55465a634d513d3d2d3234303837393630372e313434323535623733323930323061322e6a7067)

“A-ang ganda!!” Bulalas ko. Nagpaikot ikot ako habang nakatingala. Sa gilid ay mayroong couch na may nakapatong na binoculars. Kinuha ko yon at sumilip sa itaas para tingnan ang stars. Lumapit si Gaelan sa akin at pinindot ang cassette radio sa maliit na side table sa gilid ng couch.

You look so wonderful in your dress

I love your hair like that

The way it falls on the side of your neck

Down your shoulders and back

We are surrounded by all of these lies

And people who talk too much

You got the kind of look in your eyes

As if no one knows anything but us

Napatingin ako kay Gaelan ng nakangiti pero nag-iwas sya ng tingin.

“I-it was just a random song.” Aniya. Tumango ako. Wala naman akong iniisip na iba.

Should this be the last thing I see

I want you to know it’s enough for me

’Cause all that you are is all that I’ll ever need

I’m so in love, so in love

So in love, so in love

“Nalungkot ka nung una kasi mag-isa ka. Ngayon, may kasama ka na. Ganoon pa din ba?” May bahid ng kaba sa boses ni Gaelan, parang bigla syang kinabahan sa isasagot ko.

Ngumiti ako sa kanya at umiling.

“Hindi na. Nandyan ka lang naman di ba?” Tumingin ulit ako sa binoculars at nilibang ang sarili ko sa pagsilip sa buwan.

You look so beautiful in this light

Your silhouette over me

The way it brings out the blue in your eyes

Is the Tenerife Sea

Hindi sumagot si Gaelan kaya binaba ko ang binoculars na hawak para tingnan sya. Nakatitig lang sya sa akin. Yung kulay brown nyang mata na nirereflect ang ilaw, ang anino na dumidepina sa kanyang mukha, he looks so perfect.

“Kung yon ang gusto mo..” He whispered.

Yung puso ko, mabilis ulit… Tapos nauubusan na ako ng oxygen!

***Song Prompt: Terenife Sea 

https://youtu.be/kNrJhb1iv8U

Kabanata 16

Inlove.

“Ikaw ang gumawa nito?” Tanong ko kay Gaelan habang nakaupo kaming dalawa sa couch at salitan sa pagsilip sa binoculars.

Hanggang ngayon ay manghang mangha pa din ako sa lugar na nakaayos para sa akin. Nakakapanlambot ng pakiramdam sa sobrang saya.

“Hindi, pinagawa ko lang.” Sagot nya. Tiningnan ko sya ng mataman, tumingin din sya sa akin ng masungit na tingin pagkatapos ay napabuga sya ng hangin, umikot pa yung eyeballs nya at nagslouch ulit. Napapansin ko na kapag hindi sya kumportable, nagsslouch sya ng upo.

“Oo, ako na ang gumawa. Kaninang umaga.” Sambit nya na parang tinatamad. Napangiti ako ng husto at dumikit pa ng kaunti sa kanya.

“Eh bakit mo ginawa?” Natutuwang tanong ko. Umatras si Gaelan at pinakitaan ako ng nahihindik na mukha.

“W-wala! Bored ako sa bahay eh. Pang-warm up na din sa training ko. Stretch ng muscles, alam mo na. Saka don’t make a big deal out of this. Katulong ko si Zeus dito.” Aniya sabay tingin sa malayo.

Tumango tango ako.

“Dapat pala mag’Thank you din ako kay Zeus..” Naisip ko.

Pinandilatan ako ni Gaelan ng mata na parang galit. “Bakit ka magte-thank you sa kanya eh idea ko nga ito?!” Naiinis na sabi nya.

Hala, galit naman agad.

“Sige, pakisabi na lang sa kanya na masaya ako..”

“Hindi ko ipapaalam, nandito ba sya? Kung gusto nyang makita ang ekspresyon mo e di sana nandito sya, kaso wala kaya ibig sabihin hindi sya interesado!” Paninigaw na naman nya sa akin. Lumabi ako kay Gaelan. Nagwawala na sya ng sobra. Siguro naririnig ni Manong Guard ang pagsigaw nya.

“Napakasungit mo naman, Yabs!” Reklamo ko. Tumingin na lang ulit ako sa binoculars. Narinig ko ang pagtikhim ni Gaelan at naramdaman ko ang pag-ayos nya ng upo sa malapit sa akin.

“Nagpa-order ako ng pizza, dapat nandito na yun.” Pag-iiba nya ng usapan.

Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti.

Nakakita nga kami ng isang delivery boy na naka-tayo sa aming harapan pagkalipas ng ilang saglit. Iniabot sa akin ni Gaelan ang cellphone nya at isang PSP na magkapatong para lumapit sa delivery boy.

“How is it so far?” Tanong nung delivery boy ng makalapit sa kanya si Gaelan. Aba’t sosyal na engliserong delivery boy. Feeling close pa!

Napaangat ako ng tingin at napansing si Hunter ang may bitbit ng pizza.

“Bakit ka ba nagsalita? Di ba dapat nagdedeliver ka lang ng pizza?” Naiirita na sabi ni Gaelan habang kinukuha ang box ng pizza kay Hunter.

“You’re welcome, Gael.” Pilosopong sagot ni Hunter pagkatapos ay kumindat sa akin.

Natawa ako pero ako naman ang binalingan ni Gaelan ng death stare nya. Pagkakataon ko naman para umayos ng upo at sumeryoso ang mukha.

Tumingin na lang ako sa PSP ni Gaelan at nakitang naglalaro sya ng NBA. Sinubukan kong pumindot doon dahil sa kyuryosidad at nagulat ako na nakakapaglaro pala ako.

“You’re good.” Umupo si Gaelan sa tabi ko at pinanood ang ginagawa ko. Kahit ako ay nagulat din! Nakapagshoot ako at halos magtatalon ako sa tuwa!

“Hala, marunong ako Yabs!” Tuwang tuwa na sabi ko. Ngumiti sa akin si Gaelan kaya naramdaman ko na naman na nagalit yung heart ko bigla, napawi ang ngiti ko, “N-nagugutom na pala ako.” Sabi ko na lang.

Kumunot ang noo ni Gaelan pero tinanggap naman nya ang PSP na iniabot ko. Nawi-weirduhan na siguro sya ng husto sa akin. Bakit ba kasi ang weird ko? Ngingiti lang sya, kinakabahan ako. Eh pag ngumiti naman sa akin ang iba, normal lang naman.

Binuksan ni Gaelan ang box ng pizza pero hindi sya agad kumuha. “Pray?” Tanong nya sa akin.

Ayan napangiti na naman ako… Marunong na talaga syang magpray..

Nagpray ako ng maigsi kasi baka makatulog naman si Gaelan tapos kumuha na kami ng pizza.

“Anong trabaho ng Mama mo?” Gaelan asked in the middle of our dinner, parehas kaming naka-indian sit sa couch kaya lang ay muntik na akong mabulunan sa tanong..

“S-si Mama… Ang trabaho nya, sa mall.”

“Clerk? Cashier?”

“Uhm, nagbebenta sya ng produkto ng mall..” Partly true. She’s the VP for Sales of Ahmed Chain of Malls.

“Ah, saleslady..” Gaelan nodded.

“Ayun! Ayun nga. Hehe!” Napakamot ako ng aking ulo.

“Ikaw, anong work ng Mommy mo?” Siguro sobrang busy non kaya hindi nya nababantayan ang pagigi ng naughty ni Gaelan.

“She’s a model and entrepreneur. She cooks very well so she has a catering business and also a events planner.”

“Wow! Siguro sobrang ganda nya no?” Kaya naman pala matangkad at gwapo itong si Gaelan dahil sa nanay nya.

“She is. Mabait pa. My Dad loves her so much, she’s funny, kind and loving..” Buong ningning na pagdedescribe ni Gaelan sa kanyang nanay. Lalo tuloy syang naging gwapo sa paningin ko. Ang mga Kuya ko kasi love na love din si Mommy kaya plus pogi points.

“Nung bata ako, I was almost kidnapped by my Dad’s secretary, si Mommy ang nakahanap sa akin dahil sa ninja skills nya.” Natatawa si Gaelan habang nagbabalik tanaw, ako naman ay hindi halos makapaniwala.

Muntik na syang makidnap?

“Well, that’s the main reason why I joined Yukan’na. I was traumatized. Muntik na akong mabitbit ng mga goons, pero si Ninang Peyton at si Mommy ang nagligtas sa akin. My Dad taught me not to trust anyone since then.”

“So may trust issues ka na simula non?” Tanong ko.

“Uhm, yeah. Galit ako sa sinungaling na tao. Ate ko na yung secretary ni Dad noon. She gave me a lot of stuffs kaya nakuha nya ang loob ko. Hindi pala totoo. She placed me into danger. The danger that I never talked about to anyone kasi nagagalit pa din ako hanggang ngayon..” Dumilim ang mga mata ni Gaelan at kumuyom ang kamao nya. “It’s my secret, Maria.” He whispered.

Naawa ako kay Gaelan. Bad secretary naman yon! Nasa earth pa sya pero for sure her soul is being burned already. Hinaplos ko ang nakakuyom na kamao ni Gaelan hangang sa unti unting kumalma ito.

“Hindi na mangyayari yon. Kaya mo na ipagtanggol ang sarili mo.” Pagpapanatag ko sa kanya.

“Yes, I will strangle their neck if—”

“Shhh, bad yon. Di ba dapat kapag may gagawa ng masama sayo, tatakbo ka tapos magsusumbong ka sa pulis. Wag mo ilalagay ang batas sa kamay mo Gaelan. Bata pa tayo, our judgment is based on emotions. Kapag galit ka, wala kang papakinggan kundi ang sarili mo, pero paano kung nagkamali ka? Nakapanakit ka na ganon?”

“Paano naman kung tama ako? Eh di hindi ko na naiganti ang sarili ko?” Balik tanong nya.

Hay. Ang tigas talaga ng ulo ni Gaelan. Napakamot na lang ako ng aking ulo.

We stayed in silence habang nakikinig ng music pero hindi ako nakaramdam ng inip. Buti nga at hindi na nagtanong pa si Gaelan ng tungkol sa pamilya ko. Paano kaya kung malaman nya na itinago ko ang pagkatao ko? Sabagay, maipapaliwanag ko naman ng mabuti yon.

Hindi naman ako nagtatago ng katauhan para saktan sya. Hindi ko din naman akalain na magkukrus ang landas naming dalawa. Nabiktima lang kami ng pagkakataon. Gusto ko na sana sabihin sa kanya kung sino ako kaya lang trust issues nya nga ang pinag-uusapan namin tapos sasabihin ko na nag-lie ako sa katauhan ko. Like ‘Ay oo nga pala, Gaelan. Nag-lie din ako.’ Baka magalit sya lalo. Nakakatakot pa naman siya.

“Thanks Maria sa pagtatyaga mo sa pagsusungit ko.” Out of nowhere biglang sabi ni Gaelan sa akin.

Ngumiti ako at tumango.

“Eh di ba normal mo na yan? Sabi ng Mom—ma ko.. Dapat daw, yung mga taong masusungit, lalo silang ila-love kasi kulang ng love ang heart nila.” Sabi ko. Napalunok si Gaelan habang pinakikinggan ang sinasabi ko.

“S-so? Love mo ako ganon?” Nakataas ang kilay na tanong ni Gaelan.

“Pero nalaman ko na sobrang love ka pala ng Mommy mo kaya hindi ka kulang sa love, hindi love yung ibinigay ko sayo kundi acceptance. Masungit ka talaga pero natiis ko kasi I accepted you.” Mahabang paliwanag ko sa kanya. Nagsalubong ang kilay ni Gaelan.

“Tch. Wala akong naintindihan sa sinasabi mo. Halika na nga, baka hinahanap ka na ng Mama mo.” Tumayo ako ng hilahin ako ni Gaelan. Inalalayan nya pa akong makasakay sa kanyang sasakyan.

“Magsalita ka lang.” Wika ni Gaelan habang nagmamaneho. Natawa ako.

“Ano naman ang sasabihin ko?” Tanong ko.

“Ikaw si Maria, ikaw ang Tabs ni Gaelan.” Lalo akong natawa ng husto.

“Eh bakit ko naman sasabihin yon?”

“Gusto ko.”

“Ako si Maria, ako ang Tabs ni Gaelan.” Paulit ulit kong nirerecite at ngiting ngiti naman si Gaelan. Hindi ko na namalayan na malapit na kami sa bahay.

“Thanks for tonight, Gaelan..” Kumaway ako kay Gaelan ng ibaba nya ako sa aming bahay. Tumango lang sya. Ang tipid nya talagang ngumiti, kanina naman tawa ng tawa.

Pumihit ako papasok sa gate namin ng magring ang phone ko, nakalayo na ng kaunti si Gaelan.

“Nakapasok ka na sa bahay nyo?” Inalis ko pa sa aking tenga ang telepono para tiyakin kung sino ang tumatawag. Si Gaelan! May nakalimutan ba sya?

“O-oo.. Eto na sinasarhan na ang gate.” Sagot ko.

“Okay.. Gising pa sila Mama mo?” Nakapasok na ako sa loob ng bahay, nagmano lang ako kay Mama at itunuro ang aking kwarto. Tumango naman ito.

Binaba ko lang ang aking sling bag at humiga sa kama.

“Gising pa…” Sagot ko.

“Galit sila? Late na ba para umuwi ka?”

“H-hindi.. Saan ka na banda?”

“Eto, kakaliko ko lang sa may kanto sa inyo..” Sagot nya.

“Eh bakit hindi mo pa ibinababa ang tawag, baka maaksidente ka.”

“Naka-bluetooth headset ako.” Aniya.

Tumango tango ako. “Hindi ka ba papagalitan kasi late ka na uuwi?”

“Hindi din. Ang Mommy at Daddy ko, maaga matulog yung mga yon. Pagka-dinner nasa kwarto na agad.”

Napangiti ako, “Ang sweet naman nila…”

“Hmm.”

Pagkalipas ng dalawang oras……

“Ano, nakapagwash up ka na?” Tanong ko kay Gaelan. Kakabalik ko lang sa telepono pagkatapos ko magsipilyo at mabilis na shower, ganoon din ang ginawa nya pero hindi namin pinuputol ang tawag.

“Ah, yup.” Sagot nya. “Matutulog ka na ba?”

“Hindi pa ako antok eh.. Ikaw?” Sagot ko.

“Hindi pa din.”

“Wala ka bang ibang gagawin?” Tanong ko sa kanya. Ang haba kasi ng usapan namin eh pero madidismaya din ako kung puputulin nya ang tawag. Ang weird ng pakiramdam pero nakakahiya naman kung sasabihin kong ayaw ko pang ibaba nya yung tawag.

“Mmm, wala pero gusto ko naririnig pa din kita.”

Napangiti ako, biglang may malakas na naman na force sa dibdib ko na parang gustong tumili na ewan.

Eh bakit naman ako titili?

I hear Gaelan sighed.

“I have this bad habit I need to break, Tabs.” Sambit ni Gaelan sa kabilang linya. Kalmado na ang boses nya at tahimik na tahimik sa paligid nya. Hindi kagaya nung akin may tumatahol pang aso sa labas. Naririnig kaya nya?

“Nasanay ako sa boses mo maghapon, parang ayaw kong matapos.” Medyo namamaos na sabi nya.

Hala! My cheeks flared in an instant!

Napabangon ako bigla at tinakbo ang salamin sa kwarto ko. Pulang pula ang mukha ko!

“B-bakit naman?” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

“Ewan ko. Bakit nga kaya?” Tanong nya.

“Mmm hindi ko alam, Yabs. Tulog ka na.”

Kasi kung hindi pa baka mag-collapse ako sa kwarto ko sa sobrang pagbilis ng puso ko..

Tumawa si Gaelan ng mahina sa kabilang linya, napaupo ako sa sahig dahil naging jelly na naman ang tuhod ko dahil sa paraan ng pagtawa nya.

“Goognight, Tabs. Thanks for today..”

“Goodnight, Yabs.”

Hindi ko alam kung sino ang unang nagbaba nung tawag na yon.. Basta ang alam ko, hindi ako. Nakatulog kasi ako na naririnig ko pa ang paghinga ni Gaelan sa kabilang linya tapos pagkagising ko, patay na ang phone ko kasi empty battery na.


‘Oh my, they are like the perfect couple!’

‘They are so bagay! Lalo na ng mag-improve ang fashion sense ni Ria! They look so good togetherrrr..’

‘True that girl! They are my OTP!’

‘Like Marlan sounds so good, noh?’

Puro labas sa ilong ang boses ng mga naririnig kong usapan tuwing dumadaan kami ni Gaelan. Hindi naman kami laging magkasama. Tuwing nagpepray lang kami sa chapel saka pag kumakain ng lunch, pag library time saka pag-uwian lang kami nagkakasabay. Madalas ba yun? Tatlong linggo pa lang naman na ganoon.

“Puntahan kita sa library mamaya, Tabs.” Wika ni Gaelan sa akin bago nya ako iwan sa classroom ko. Tumango ako sa kanya. Ilang hakbang sa mula sa classroom ko ay nandoon ang mga kaibigan nyang F7, inaantay sya. Nagrereklamo si Ice kasi bihira na daw sumama sa kanila si Gaelan. Pero syempre joke lang yon, kasi ako ang salingketket sa kanilang grupo. Madalas kasama nila si Gaelan at ako.

Ngumiti ako kay Gaelan.

“Mm, okay. Kung may gagawin pa kayo nila—”

“Ako ang maghahatid sayo pauwi. Antayin mo lang ako sa library.” Putol nya sa sasabihin ko. Tumango ako, hindi naman sya magpapatalo eh.

Ngumiti si Gaelan at ginulo ang buhok ko bago pumasok sa classroom. Inantay nya pang makaupo ako ng maayos bago sya umalis sa tapat ng classroom.

‘Nakakainggit si Ria! Nasa kanya na ang lahat. Huhu!’

‘OA mo, may anim pa. Si Gaelan lang ang na-ekis sa listahan.’

Napangiti ako sa kanilang sinasabi. Grabe naman sila, friends lang kami ni Gaelan eh.

Nagtungo ako sa library pagkatapos ng klase ko kagaya ng nakagawian. Lie low kami ngayon sa cheering squad dahil next week kami magpupuspusan para sa Intercollegiate. Kumuha ako ng libro sa Psychology at nagbasa basa ng kaunti. Si Gaelan lang naman ang inaantay ko. Nalibang ako sa binabasa.

“Ria, papasara na ang library..” Nagangat ako kay Miss Cecil at nilibot ang mata sa buong paligid. Wala na ngang tao. Inabot pala ako ng tatlong oras sa library at alas-sais na nga ng hapon na hindi ko man lang namamalayan.

Sinikop ko ang mga librong kinuha ko pero pinigil ako ni Miss Cecil, “Ako na. Gumagabi na, baka wala kang masakyan.” Itinuro ni Miss Ces ang bintana sa labas. Ngumiti ako at nagpasalamat.

Nasaan na kaya si Gaelan?

Sa second floor ng Arts & Letters ang library kung saan ako madalas na sinusundo ni Gaelan. Mabilis akong humakbang sa hagdan pababa. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. Malamang ay naging busy sya sa training ng Yukan’na kaya nakalimutan nya akong daanan. Kaya ko naman umuwi mag-isa.

Ako: Uwi na ako. Okay lang ako. Ingat :)

Binalik ko sa aking bulsa ang cellphone at nagpalinga linga sa buong field. Wala na halos esudyante dahil 4:30 pa lang ay dismissal na ng lahat maliban na lang ang mayroong extra curricular activities, ngayon nga ay madilim na. Humakbang pa ako ng isa ng mapatingin ako sa isang bahagi ng school.

Natuon ang mga mata ko sa lumang building, mayroon kasing nakatayo doon.

Pinanlakihan ako ng mata ng makita kong naroon si Gaelan at si Miss Farrah, sa tapat ng room kung saan sila madalas nagpupunta. Kitang kita ko ang paghawak nila sa kamay ng isa’t isa habang seryosong nag-uusap.

Pakiramdam ko pinupunit ang puso ko. Natigilan ako at hindi makaalis sa kinatatayuan ko.

Huminga ako ng malalim habang inaasahan ko ang susunod na mangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Napapikit ako ng tama ang hinala ko.

Naglapat ang kanilang mga labi at naghahati ngayon sa isang mainit na halik.

That day, I felt how it is to be dead while you are still gasping for air.

Nahulog ang luha sa aking mga mata na parang butil ng nagdadalamhating ulan.

Sa likod ng utak ko nandoon ang maliit na boses na pilit kong iniignora, sinisigawan ako ng tinig na yon.

Stop Being Naive, Maria!

Paulit ulit ang boses na kumakalampag sa damdamin ko.

Mas lalong nanginig ang palad ko ng tumulak si Gaelan at Miss Farrah doon sa loob ng classroom na hindi pinuputol ang halik.

Unti-unti kong pinakawalan ang palad ko at sumuko sa maliit na boses na yon dahil tama ito.

Im inlove.

And it is painful as hell…

Kabanata 17

Maki Say’s: I just want to greet my not so fiction superhero @gypee9 a Happy Birthday! You are so lucky to have a wife like me, magaling magluto, pasensyosa, mabait— ay Birthday mo ba? Haha Thank you for being my Garrett Ancheta. Charat! Last na. Thank you for not giving me wattpad like plot twists! Sasakit ang bangs ko kung sakali. Love you :*

Expelled.

“Tama na, Baby Girl..” Tinapik tapik ni Sam ang aking likod. Sya lang kasi ang puwedeng tawagan ko ngayon eh. Nung hindi na lumabas sina Gaelan at Miss Farrah doon sa classroom, tinawagan ko si Sam dahil hindi ako makahakbang pa pauwi sa bahay namin ni Mama Buding.

“Alam mo, hindi ko man alam yang iniiyak mo, naiintindihan ko naman na may kinalaman yan kay Baby Boy.” Sam sighed. Pinanood namin ang iilang mga sasakyan na umaakyat doon sa parking lot habang nakaupo kami sa sidewalk sa tapat ng condo ni Sam. Sabi ko gusto kong magpahingin kasi naubos yung hangin ko. Ang sakit sakit naman pala ng ganon.

“Ang tanga tanga ko kasi. Nasasaktan tuloy ako ngayon.. Tama nga ikaw, dapat hindi pa ako naiinlove—”

Iniangat ni Sam ang kamay nya sa ere at kinumpas kumpas iyon kasabay ng mabilis na pag-iling.

“Infatuation lang yan, Baby Girl… Iba ang inlove sa crush. Bago ka mainlove, dadaan ka muna sa crush okay? Yung mga batang kagaya mo, feeling nila inlove na sila doon sa taong hinahangaan nila, pero iba ang inlove Ria, ang love–”

Nangunot ako ng malungkot “Ang love—” Panimula ko.

“Love is extreme, it brings you to the peak of the best and worst feeling. It is forgetting your conviction for somebody else’s refuge. It will make you oppose goodness or darkness, or let both ends meet. Love is to hope for the impossible. Love is the anticipation of pain and your response yet when it hurts you, love stays..”

Pinunasan ko ang aking luha habang binabanggit ang mga katagang eksaktong nararamdaman ko kay Gaelan.

“Tama! Eksakto. Teka, pano mo nalaman yon?” Nagtatakang tanong ni Sam. Malungkot akong tumingin sa kanya.

“Baby? Don’t tell me.” Nanlaki ang mata nya.

“Hala! Shinortcut mo ang nararamdaman mo? N-nagmahal ka? At 16?” Di makapaniwalang sambit ni Sam. Hindi ako nakaimik. 

Hindi ko din alam kung kailan. Kung posible ba… 

If this is crush I won’t care for the rules, hahayaan ko ang sarili ko na humanga dahil walang masama. Pero ang pakiramdam ko ngayon, kailangan kong pigilan dahil makakasama. It will break me, tatalon ako sa isang bagay na alam kong mahuhulog lang ako sa pinkamalalim dahil walang sasalo.

Maya maya ay napalitan ng lungkot ang mukha ni Sam.

“Wala man lang salad moments…” Bulong nya sa kanyang sarili.

“Anong salad?”

“Yung kilig lang, Baby.. Yung mga moment namin ng Kuya mo..”

“Bakit Salad?”

“Sus, ang slow mo naman eh.. Iiiiihhh!! SALAD! SAM-GILAD! SA-LAD!” Humalakhak na naman si Sam na parang kinikilig. Tipid akong ngumiti at ibinalik ang tingin sa lupa.

“Dito ka na lang sa akin magsleep, Baby Girl.. Iiyak mo yan ngayon pero bukas dapat nakamove on na. Saka mo na lang sa akin ikwento ha, baka kasi maging murderer ako kapag uminit ang ulo ko kay Baby Boy, wala pa ngang ganap ang SALAD love team, makukulong agad ako.”

Tumayo na kami ni Sam para pumasok na sa kanyang condo ng magring ang cellphone ko.

Sabay kaming napatingin ni Sam sa bag ko. Umilaw kasi ang cellphone. Kinuha ko yon at ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng makita ang pangalan ni Gaelan. Iniisip ko pa ang gagawin ko ng mawala agad sa kamay ko ang phone dahil kinuha ito ni Sam at inihagis sa basurahan.

“Don’t contact him again. Never. Ever.” Umirap si Sam samantalang ako nakatulala sa cellphone kong tumutunog sa basurahan. Lumapit na ang mga pusa at kinagat yon.

I sighed.

Sam is right.. I have to quit it. Gaelan is too high for me. Ordinaryo lang ako pero espesyal sya. His likes is impossible to achieve, naging mabait pa nga sya na yumukod pa mula sa matayog nyang kinalalagyan at nakipagkaibigan sa akin. Naging mabait sya sa akin kahit alam namin parehas na magkaiba ang mundo namin.

Or maybe we aren’t friends at all. Kailangan nya ako para pagtakpan ang bawal na bagay na ginagawa nya. 

Oo nga pala. He’s just using me.

Nandoon sya sa lebel na mahirap abutin. He has good looks, charm and amazing guts. Puno sya ng confidence at walang pupwedeng bumali. His strong and courageous. He is…

My exact opposite.

Wala ako doon sa mundo nya, ni hindi ko na nga maaalala kung kailan nagsimula na pumasok ako doon. Pero kagaya ng mga bagay na hindi naman parte ng isang malaking larawan, I should get out. His world is not my world.

Nasaktan ako sa bagay na hindi ko naman dapat ikinasasakit.

Naramdaman ko ang isang bagay na bawal para sa akin.

At ang masaklap, sa maigsing panahon lang.

“Sa tingin mo ba, Sam.. Malandi ako?” Nahihiyang tanong ko kay Sam.  Nakahiga na sya sa kama at nagce-cellphone habang ako ay nakaupo lang naman. Pinahiram nya ako ng kanyang pantulog pati na din ang gagamitin ko sa school bukas.

“Don’t ever think that Baby Girl. Normal lang ang pakiramdam na yan. Magiging mali lang kapag sineryoso mo yan. Pagbibigyan kita ngayon na umiyak pero kapag pinaabot mo ng linggo yang kakamukmok mo, ako na ang babatok sayo.”

Ngumuso ako at napatingin kay Sam na mayroong katext. Bakit kaya ang chill chill ni Sam? Samantalang ako, umiyak na agad eh nakipagdate lang naman si Gaelan sa girlfriend nya. Syempre girlfriend nya yon. Wala naman akong laban dahil hindi ko naman kayang ibigay ang kayang ibigay ni Miss Farrah sa kanya.

Bad kaya yung ginagawa ni Gaelan at Miss Farrah..

Bakit ko ba nagustuhan ang Gaelan na yon? Eh di kapag nagustuhan nya din ako eh di kailangan ko ding gawin yung ginagawa ni Miss Farrah. Hindi ko talaga magagawa yon!

“Baby, ang 16 years old dapat nagfo-focus sa studies. Di ba alam mo naman yon? Bibigyan ka naman ng pagkakataon ng family mo sa lovelife pero tapusin mo muna yang pag-aaral mo kung ayaw mong ipasara ni Tito Al ang Keio.”

“Hindi naman ako nagboyfriend, Sam..”

“Hindi pa! Kapag niligawan ka ni Baby Boy, sasagutin mo o hindi?”

Hindi ako agad nakasagot.

“See?! Hindi mo kayang sagutin ang tanong ko! Ay nakung bata ka! Hindi ka pa pupuwede magboyfriend hangga’t hindi pa nagkakatuluyan ang Salad !” Napapailing na sambit ni Sam.

“Love mo talaga, Kuya ko?” Pagkakataon ko naman para tanungin sya.

“Love. Love asarin! Ano ka ba, Baby Girl, pati ba ikaw nacoconfuse na?! My feelings for your Kuya is the exact opposite. Di ba ‘tulak ng bibig kabig ng dibdib’? That is my way of saying I hate him. Ang sungit kaya ng Kuya mo. Mauubos ang ovaries ko don kakaputok everytime na binabasag nya ang pagkatao ko. Walanghiyang yon eh, bukod sa Nanay at Tatay ko, sya lang nagpapaiyak sa akin.”

“Eh kasi lagi mo syang inaasar, eh ayaw nga nya magpakulit..” Napapakamot ang ulo na sabi ko.

“Para kinukulit lang eh! Pumangit ba sya sa pangungulit ko? Hala sige, matulog ka na dyan. Gisingin na lang kita bukas..” Pinatay na ni Sam ang lampshade at kinumutan ako.

“Wala na akong phone..” Naalaala ko bigla.

“Mabuti nga yon para hindi ka na macontact ni Baby Boy. Goodnight Baby Girl..”

Nang gabing yon, hindi naman talaga ako nakatulog. Slight lang.. Eh kasi iniisip ko pa din si Gaelan. Kung kaya ko lang labanan ang pagseselos ko kapag magkasama sila ni Miss Farrah, gagawin ko. Kaya lang hindi ko kaya eh. Kawawa naman ako pag tiniis ko yung sakit ng puso ko. Iiwas na lang ako, hindi naman siguro nya ako papatayin talaga.


Inihatid ako ni Sam sa school kinaumagahan. Ayaw ko pang bumaba ng sasakyan kasi parang naging over dressed naman ako bigla. Ini-style nya yung damit ko ng sobra, kita yung braso ko  sa jumpsuit dress na kulay itim.

“Maganda ka! Tsk. Ipakita mo kay Baby Boy ang alindog ng nag-iisang prinsesa ng mga Floresca.” Ipinagtulakan ako ni Sam pababa ng sasakyan kaya wala akong nagawa nung halos tumalsik ako papalabas.

Maliliit ang hakbang ko habang pumpapasok sa school. Hanggang sa napahinto ako dahil may humarang sa dinaraanan ko.

Unti unti akong nag-angat ng tingin. Kahit hindi ko naman tingnan, naaamoy ko talaga sya eh.

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Masungit na sabi ni Gaelan. Pakiramdam ko pinupunit na naman yung puso ko nang makita ko sya, lalo na napatingin ako doon sa labi nya na kahalikan si Miss Farrah kahapon.

“Wala akong cellphone. Nawala eh. Sige.” Yumuko ako at akmang lalagpasan sya pero hinila nya ako sa siko.

“Bakit umuwi ka na kahapon? Di ba sabi ko intayin mo ako?” Nakayuko si Gaelan at nag-igting ang panga nya. Alam ko nagagalit na naman sya pero kung galit sya, masama din ang loob ko. Kahit man lang sa ganitong paraan, the feeling is mutual.

“Hindi ka naman dumating, nagsara na yung lib–”

“Dumating ako, Maria. Nahuli ako ng konti pero dumating ako.” Matigas na sabi nya.

“A-ah, ganoon ba. Sige. May klase pa ako.” Pilit akong kumawala sa paghawak nya sa siko ko pero ayaw nya talaga akong bitawan.

“Gaelan, malelate na ako.” Alma ko. Para kaming ewan na naghihilahan sa gitna ng Keio.

“Bakit ganyan ang suot mo?”

Tumingin ako sa damit ko. Napailing sya at hinila ako. Nagpapabigat ako pero malakas talaga sya. Dinala nya ako sa sasakyan nya na kulay pula tapos may kinuha doon na galing sa paperbag. Niladlad nya ang isang jacket na kulay itim. Kitang kita ko ang nakaburda sa likod gamit ang puti na sinulid.

ANCHETA

Iningat ni Gaelan ang kamay ko para isuot yon pero hindi ako sumunod. Sinamaan nya ako ng tingin.

“Ayoko, b-baka makita ni Miss Farrah na suot ko yan.” Umiling ako at humakbang ng isa paatras.

Natigilan si Gaelan. “Since when do you care? Magkaibigan tayo hindi ba?”

Magkaibigan.

Pakiramdam ko namumula ang mata ko sa hapdi. Kailangan ko na umalis bago pa ako maiyak sa harap ni Gaelan.

“Hindi. Ayaw ko na kaibigan ka. Gusto ko ako lang mag-isa. Gusto ko yung kagaya ng dati na walang pumapansin sa akin. Ayaw ko na magpanggap na girlfriend mo kasi ayaw ko na magsinungaling!” Pumihit ako papatalikod at naglakad ako ng mabilis.

“Maria!” Narinig ko pa ang pagsigaw ni Gaelan pero hindi na talaga ako lumingon. Ayaw ko na talaga! Kahit magalit pa sya. Kahit ipabugbog nya pa ako, tama na.

‘Oh girls! Look at her! She’s so gorg! Ang ganda ng damit!’

‘Look at her hair.. Bagay din sa kanya ang naka-curls. Para syang angel.’

‘Kaya siguro nagustuhan ni Gaelan.’

Kagaya ng dati hindi ko pinansin ang nagbubulungan. Binaling ko ang atensyon ko sa notebook at nagbasa ng past lessons.

‘Eeeeeeee!!!!’ Natigilan ako ng marinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko. Sa gilid ng mata ko nakita ko ang pag-upo ng kung sino sa bandang kaliwa ko. Naramdaman ko na may pumatong na kung anong bagay sa likod ko, amoy pa lang alam ko na..

Yung jacket ni Gaelan.

Nilingon ko sya ng nakakunot ang noo.

Seryoso naman ang mukha nya na tiningnan ako.

“Sa tingin mo makikinig ako pag sinabi mong ayaw mo? I won’t.” Umiling si Gaelan at tumingin sa white board.

Gusto ulit tumalon ng puso ko pero pinigilan ko ng husto. Hindi pwede. Eh ano naman kung ipinipilit ni Gaelan ang sarili nya sa akin, kailangan nya kasi ako kaya nya ginagawa yan.

Nag-seat in si Gaelan sa klase ko. Hindi naman sya pinapagalitan ng Prof namin kasi hindi nman sya nanggugulo. Pabalik balik ang tingin nya sa akin pero nagpapanggap akong hindi sya kilala kapag nagkakatinginan kami.

Binigyan kami ng seatwork ni Prof Hernaez na tungkol sa Physics. Lumabas sya sandali at iniwan kami. Nagsimula na akong magsagot sa yellow paper ng may lumapit sa akin.

“Ria, patulong naman ako sa question 8.” Tiningnan ko ang kaklase ko na si Leo, suki syang nagpapaturo sa akin. Umupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ko kagaya ng nakagawian.

Nginitian ko sya at binasa ang problem para ipaliwanag ng biglang mawala ang papel ni Leo sa aking desk.

“Sa iba ka na lang magtanong.” Masungit na sabi ni Gaelan.

“Ah- S-si Maria kasi ang pinakamatalino sa klase, lagi nya din naman ako–”

“Anong itinawag mo sa kanya?” Madilim ang mga mata ni Gaelan na nakatingin kay Leo. Biglang tumahimik ang klase.

“Maria..” Ulit ni Leo. Nagulat na lang ako ng biglang umangat si Leo sa floor dahil iniangat sya ni Gaelan sa pamamagitan ng pagkapit sa collar ng polo ni Leo. Nawalan ng kulay si Leo dahil sa takot. 

“Ako lang ang pupwedeng tumawag sa kanya ng ganon!” Masama ang tingin ni Gaelan kay Leo. Yung panga nya sobrang tigas at nanliliit ang mata. Kinabahan din ako pero lumamang ang inis.

“Gaelan, ano ba? Bakit ka ba nanggugulo?” Halos maiyak na ako sa paraan ng pagtatanong ko. Natigilan si Gaelan sa ginagawa.

“Ang bad bad mo talaga!” Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Kinuha ko agad ang gamit ko at naglakad na papalabas.

Nakakaiyak!

Hindi ko alam kung saan pupunta. Pinunasan ko ang luha ko dahil pinagtitinginan na ako ng mga estudyante na nadadaanan. Nagpunta ako sa chapel pero hindi ako pumasok sa loob. Dumaan ako sa likod. Mayroon doong playground, walang nagagawi dito pero maganda pa din ang pagkakaayos. Umihip ang hangin pero hindi pa din nito nahanginan ang utak ko na gulong gulo. Umupo ako doon sa isa sa mga swing.

“Maria..”

Nanlambot ako ng marinig ang boses nya. Bakit ba sya sunod ng sunod?

“Im sorry. N-nagsorry ako doon sa kaklase mo. Sorry.. Wag ka na magalit. Nainis lang naman ako kasi–” Nag-angat ako ng tingin kay Gaelan kumuyom ang kanyang palad at malungkot akong tiningnan.

“Sya pinapansin mo, ako hindi..”

Itinulak ko ng kaunti ang sarili ko sa swing huminto ito ng hinawakan ni Gaelan ang inuupuan ko.. Nakaupo sya sa harap ko at inilebel ang mukha nya sa akin.

“Sorry na. Hindi na ako magpapa-late ulit. Sorry na, Tabs.” Mapupungay ang kanyang mga mata habang nakikiusap. Umiwas ako ng tingin pero ibinaling nya ang mukha ko patungo sa kanya at hinuli muli ang mga mata ko.

Pumikit ako. Nanghihina ako sa paraan ng pagtitig nya at parang ikinukulong ako nito sa ibang dimensyon.

“Ayaw ko na magpanggap bilang girlfriend mo, Gaelan. You don’t have to be nice because I am doing you a favor. Ayoko na.”

“Eh di wag na.. Wag na tayong magpanggap.. Kung ayaw mo na, hindi na.. Im sorry, Tabs.” Nanigas ang katawan ko ng bigla akong yakapin ni Gaelan. Nakapatong ang baba ko sa kanyang balikat, yung kamay nya nananatili sa likod ko at yung isa sa ulo ko.

“Wag ka na magalit..” Pakiusap ni Gaelan. It sounded like strings. Bawat salita mayroong hinihila sa puso ko. Tumutunog ng malakas pero malamyos. Unti unti kong iniangat ang mga kamay ko para gayahin ang paraan ng paghawak nya. Lalong idiniin ni Gaelan ang sarili nya sa akin ng maramdaman nya ang haplos ko.

Bumuhos ang luha ko habang kumukuha ng lakas ng loob, kitang kita ko ang pagdikit ng kulay asul na tshirt ni Gaelan sa kanyang balat dahil nababasa na ng luha ko.. I need to stop. Now.

“Im sorry, Gaelan.. I don’t want to be part of this anymore..” Buong lakas akong kumawala sa yakap ni Gaelan kahit hirap na hirap ako.

Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Gaelan dahil sa sinabi ko. Tumayo sya pero mas mabilis akong tumakbo. 

Isang bagay na pinagsisisihan ko.

Hindi ko alam na yun pala ang huling pagkakataon na makikita ko ang mga mata nya na nakikiusap sa akin, because the next day..

“Ria! Buti dumating ka na..” Nag-aalala ang mukha ni Selene ng salubungin ako sa gate ng Keio, umaga pa lang pero tila nagtitipon ang mga estudyante at lahat sila ay mayroong kumpulan. Kumunot ang noo ko.

“Pinapatawag ka ni Dean..” Mahinang bulong ni Selene.

Sa likod ni Selene, nandoon si Zeus na masama ang tingin sa akin.

“Tsk, after what he has done to you? Seriously?” Napapailing si Zeus habang nadidismaya akong tinitingnan. Napaawang ang labi ko dahil mukhang galit sa akin si Zeus. Nakakatakot din pala yon kapag galit.

Kinabahan ako pero wala naman akong matandaan na ginawang pagkakamali.

Ano bang nangyayari?!

Nakita ko sa di kalayuan na naglalakad si Ice, Hunter at Rye. Lahat sila ay may matang matatalim na ipinupukol sa akin habang naglalakad papalapit.

“You’ll regret this, Ria.” Sambit sa akin ni Ice.

Naguguluhan pa din ako. Ang dami ding mata ang nakatingin sa akin. Yung iba ay naawa, pero karamihan ay galit.

“A-ano ba? Stop it, guys… Hindi pa natin alam ang side ni Ria..” Humarang si Selene sa akin na para bang handa syang ipagtanggol ako sa kahit ano.

“Selene.. Mas kakampihan mo yan kaysa sa kinakapatid mo? Gaelan will be expelled!” Galit na sambit ni Rye habang galit na tinuturo ako.

Ano ba talaga ang nagawa ko?!

Kabanata 18

Maki Say’s : First and foremost. Wala pang story ang SALAD. Aksidenteng nalikha lang sila habang nagsisimula ang The Bad Boy’s Slave 😂 Pero aking pinag-iisipan bilang mga ganern naman talaga ang genre ko.. Ang TBBS ay isang eksperimento. Gusto ko lang asarin ang sarili ko isang araw na naiinip ako. Nung time na nabwisit ako sa ayaw sa Touch Me Again kasi ‘hindi na daw maintindihan’. Eh kasalanan ko ba na ganon ang tema ko. Kalerky.. Romance writer / Mature Content talaga ang laman ng stories ko tapos may mga bagets na napadpad sa TMA tapos ako pa ang mali?!

Sabi ko, makagawa nga ng plot na pambata. Haha Tapos aba, aba, aba! Pati ang mga audience kong forever 21 kagaya ko, sinubaybayan na din pero sorry at hindi ko talaga mapapanindigan ang teen fiction kung walang lesson of the day mula kay Maria. #TularanSiMaria

Maraming Salamat sa suporta! ❤️🙂

Bully .

“And whatever it is, Gaelan’s wrong. Ipanalangin na lang natin na wag syang maexpel.” Matatag ang boses ni Selene habang nakahawak sa siko ko.

“That is what Yuki and Kiro are doing, pero alam nyo naman si Master Yushima. Ayaw non na mababahiran ang Keio ng eskandalo. Kahit pa hindi iyon totoo.” Napapailing na sambit ni Zeus habang tinitingnan ako ng makahulugan.

Si Master Fukuda Yushima ang mayari ng Keio University. Siya ang lolo ni Kiro at Yuki kaya mayroong special grant ang Yukan’na. But despite that special grant, nabanggit ni Selene na mas mabigat ang responsibilidad ng Yukan’na dahil under sila ng special training, they have to be the best in what they do because they will be the  highest paid agents in the future. Yukan’na group finances Keio University and its businesses.

“Selene.. Ano ba talaga ang nangyayari?” Bulong ko kay Selene habang naglalakad kami papunta sa Dean’s office. Lahat sila ay binabato ako ng tingin na nadidismaya. Nakita ko sina Tish at Sunshine na napayuko ng magtama ang mga mata namin.

Lumingon lingon si Selene sa paligid at nung nakakakuha ng pagkakataon, hinila nya ako sa may chapel. Mabilis nyang naisara ang pinto pagkapasok namin.

“Hindi mo ba talaga alam, Ria?” Nagtatakang tanong ni Selene. I shook my head. Malapit na akong mamatay sa kakaisip!

“Ria, mayroong nag-send ng litrato ni Gaelan at ni Miss Farrah na naghahalikan habang magkahawak kamay. Doon sa may lumang building–” Napasinghap ako sa sinabi ni Selene!

“We received an email last night. Buong Keio ang nakatanggap.” Pagkukwento ni Selene.

Hindi ko naman alam kung mayroong ganoon dahil hindi ko nachecheck ang email address ko na provided ng Keio. Wala namang internet sa bahay ni Mama Buding.

“A-at ikaw ang sender.. Nilagay mo sa sulat ang lahat ng nangyari. Tuwing kailan may nangyayari, ilang beses at pati— pati ang pagpapanggap mo na maging girlfriend ni Gaelan dahil tinakot ka nya. Sinabi mo na gumaganti ka at galit ka sa bully dahil nabully ka noon sa dati mong school. Now the whole school is mad at you, alam mo naman na ang suporta ng mga tao dito ay para sa Yukan’na. Tingin nila ay ipinapahamak mo si Gael. The pictures are so real but—”

Literal na napaawang ang labi ko sa sinabi ni Selene. Nanginig ang palad ko. Hindi ko ginawa yon!

“S-selene! Hindi ko magagawa ang ganoong bagay..” Pumatak agad ang luha ko dahil sa desperasyon. Wala akong pakialam kung magalit sa akin ang buong Keio pero si Gaelan, ayaw kong pag-isipan nya ako na hindi ko itinago ang secret nya.

“Ria.. Naniniwala ako sayo. P-pero ang buong school kasi, at si Gaelan…”

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo ng matuwid. Hindi lang ang pagtatanggol sa aking sarili ang gusto kong gawin, no, hindi man lang iyon sumagi sa isip ko. I need to save Gaelan dahil sa akin ay wala namang masyadong mawawala. No, nothing will change because I am a Floresca.

Hinawakan ni Selene ang kamay ko at naglakad kami sa gitna ng mga matang nagtitinginan na ngayon ay alam ko na kung bakit.

Lumunok ako ng ilang beses ng makarating kami sa tapat ng Dean’s office. Kumatok si Selene at natanawan ko na agad si Miss Farrah at si Gaelan na magkatapat na nakaupo. Umiiyak si Miss Farrah samantalang blangko ang reaksyon ni Gaelan at hindi man lang nag-angat ng tingin sa bumukas na pinto.

“A-ahm Dean.. andito na po si Floresca..” Kinakabahan ang boses ni Selene pero mahigpit ang hawak nya sa kamay ko.

“Thank you Miss Valdemar. You may leave us now.” Tumango si Dean kay Selene. Alanganing napatango din si Selene bago binitawan ang aking kamay.

“Nandito lang ako sa labas..” Tinapik nya ang balikat ko at tumango ako.

Nang sumara na ang pinto, sari-saring kaba na ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung naririnig ba nila ang ingay ng puso ko. May tunog din ang paghikbi ni Miss Farrah. Tumingin sya sa akin ng masama bago nagpunas ng luha.

“Miss Floresca, have a seat..” Alanganin akong tumabi kay Miss Farrah. Sa upuan kasi ni Gaelan, nakatabi ang kanyang bag at hindi nya inialis. Hindi din sya tumitingin sa akin.

“Gusto kong nandito kayong tatlo bago ako magsimula ng pagtatanong. I want to be fair to everyone. I am sorry to know that you were bullied in your school..”

Nanatili akong natahimik kahit hindi iyon totoo. Kung magsasalita ako, baka ikapahamak ni Gaelan, I have to be wiser this time.

“Miss Floresca, I thought that you might deny the email that was sent last night dahil kaharap mo ang dalawang nasasangkot but I just want you to know that you also made an offense by creating a clamor at school kahit hindi ikaw ang nababanggit doon sa email. If it was you who sent the email, may kaampatang parusa. Ibang usapan pa doon sa nilalaman ng sulat, kung totoo ay makakasama mo sila sa parusa pero kung hindi, I am sorry Miss Floresca but you will be denied your rights in going inside the University’s premise.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I never felt so helpless! Lumaki ako na ipinagtatanggol ako ng mga kapatid ko, but now that I am all alone ay ganito pala ang pakiramdam.

“Ito na lang ang itatanong ko sayo… Boyfriend mo ba talaga si Mr. Ancheta?” Sumandal si Dean sa kanyang swivel chair.

Tiningnan ko si Gaelan. Napailing sya at nanunuyang ngumiti.

“Ano? Ayaw mong magsinungaling hindi ba? Then spill it.” Panghahamon nya.

“Gaelan, hindi ko magagawa yon sayo!” Asik ko.

“Sinungaling!!” Sigaw ni Miss Farrah sa akin.

“Farrah, stop it.” Awat ni Gaelan sa kanya sa kalmadong boses.

Isa pa lang ang nagsalita pero parang bala na ito sa aming tatlo na may kani-kaniyang gustong sabihin. Umingay agad ang opisina ng Dean at kumapal ang hangin. Lumiit agad ang espasyo sa aming tatlo.

Hinilot ni Dean ang kanyang sentido bago ipinatong ang kanyang kamay sa lamesa.

“So Ancheta at Floresca, wala talaga kayong relasyon?” Tanong ni Dean. Hindi ako ang sumagot.

“Wala.” Gaelan answered. Taas noo habang ang mga mata nya ay nakatingin sa akin.

“Then Miss Farrah and Gaelan– Ibig sabihin ay mayroon kayong relasyon. Totoo ang nasa email–”

“I edited the photos.” Pikit mata kong sambit. Halos kumawala ang puso ko sa pagsisinungaling. Maiiyak pa ata ako dahil sa pag-amin sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Tumahimik ang opisina ng Dean. Hindi ako makatingin kay Gaelan, bagkus hinarap ko ang Dean at buong tapang na tumingin sa kanyang mga mata.

Bahala na.

“I edited the photos d-dahil galit ako kay Miss Farrah. I am about to fail my math, I tried to blackmail her with the photo but she refused. G-galit din ako kay Gaelan because h-he’s bullying me kaya sya ang inilagay ko sa litrato. It’s a big joke, Dean. Naisip ko lang isulat kagabi na mayroon silang relasyon p-para magkaroon ng gulo but now I thought it is a shallow plot. Im sorry. I—”

Pumikit akong muli “I deserve an expulsion, Dean.”

Lalong naguluhan ang mukha ni Dean pero nanahimik lang si Gaelan, kumuyom ang palad nya at masama akong tiningnan.

“Dean, I will be responsible for this. P-please. I am very guilty.” Pagpupumilit ko.

Katahimikan ang namagitan sa amin. Pati ang pag-iyak ni Miss Farrah ay pahina na din ng pahina.

“Okay.. It started in an email, let’s end this in an email. I demand a public apology from you, Miss Floresca.”

Iniabot sa akin ni Dean ang laptop nya at sa harap nilang tatlo ay gumawa ako ng email para ipadala sa lahat. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagdududa sa akin sarili. If this what it takes to clear his name then I will do it. Gaya ng sabi ko, walang mawawala sa akin.

’Students of Keio University;

I sincerely apologize for the malicious photo and content of the letter I sent last night. Everything is not true. Miss Farrah and Gaelan is not in a relationship, neither Gaelan and I. It is a dishonorable act on my end and I take the responsibility to all of these.

Respectfully yours,

Maria Arabella Kassandra Floresca

Tumango tango ang Dean ng maipadala ko email. Salubong ang kilay ni Gaelan ng maabutan kong nakatingin sa akin pero saglit lang yon dahil binawi nya agad ang kanyang tingin.

“About the expulsion, I need to talk to your parents first. I saw from your file that Budy and Teofilo Sta. Ana are your guardian. Where are your parents?” Tanong ni Dean sa akin na siyang ikinabigla ko. Pinanliitan ako ng mata ni Gaelan. Napaiwas ako ng tingin, he really have strong senses. Sa ngayon, tiyak na hindi lang ang motibo ko ang pinagdududahan nya kundi ang pagkatao ko.

“P-pupwede po bang guardian na lang ang humarap?” Sumubok ako. My parents will not be very pleased with this.

“Not unless your parents are dead. Are they?”

Napakapit ako sa aking mga tuhod. I cannot do that to Mommy and Daddy.

“B-buhay pa po..” Halos bulong iyon.

“Well then, I will first talk to the board and then I will get back to you. For now, kailangan mong iretract ang statement mo sa lahat ng magtatanong and I hope hindi ka gagawa ng kahit anong gulo habang nasa watchlist ka. And you, Mr. Ancheta, stop bullying.”

Wala ng iba pang sinabi ang Dean. Sabay sabay kaming tumayo. Nauna si Miss Farrah na lumabas. Sumunod ako sa kanya, nakita ko agad si Selene. Lumiwanag ang mukha nya pagkakita sa akin.

“Mag-usap tayo.” Isang mahigpit na kamay ang naramdaman ko sa braso ko.

“Gaelan, nag-usap na kayo sa loob hindi ba? Bitawan mo na si Ria.” Pilit na iniaalis ni Selene ang kamay ni Gaelan sa akin pero halos bumakat ang kamay ni Gaelan sa sobrang pagkakakapit.

“Selene.. Sandali. Magkita na lang tayo mamaya.” Wika ko.

Alangan si Selene ng bitawan ako. I smiled at her ngunit ng makatalikod na sya, napawi ang ngiti ko. Alam kong nag-aalala sya pero gusto ko ding makiusap si Gaelan.

Hinila ako ni Gaelan paakyat ng isa pang palapag. Nandito ang rooftop. Walang nagagawi dito dahil maraming rooftop ang Keio na maaring gawing pahingahan at ang isang ito ay para sa Faculty.

Nauuna si Gaelan sa akin at sumunod lang ako. Sinubukan kong dumistansya sa kanya pero sadyang mababagal ang hakbang nya kaya nagpang-abot kami. Humarap sya sa akin at malamig akong tiningnan.

“So what’s this? Di ba sinabi kong ititigil na natin? Bakit ka pa nagsumbong?!” Napayuko ako sa pagsigaw ni Gaelan sa akin. Nanliliit ang mata nya at hinihingal.

“Hindi ako ang nagsumbong…” Impit ang boses na sabi ko.

“Ngayon hindi na ikaw? Bakit? Natatakot ka na i-bully ka ng Keio? Well, you know what, dinala mo yan sa sarili mo! Welcome to hell, Miss Floresca. Gamitin mo na ang pagdadasal mo, kakailanganin mo yan sa mga susunod pang araw.” Buong pagbabantang wika ni Gaelan. Pinagpagan pa niya ang gilid ng blouse ko pagkatapos ay tumalikod na para umalis. Namula agad ang mga mata ko dahil sa ginawa nya.

“Hindi ako, Gaelan!” Isinigaw ko yon kahit nanginginig ang aking boses pero hindi na sya huminto. Galit sya.

Galit na galit sya.

Nanatili ako doon sa rooftop para ibuhos ang nararamdaman ko. Gusto kong isigaw na walang hustisya pero wala namang magagawa iyon.

I stayed there for a while. Hinagis hagis ko ang maliliit na bato na malapit sa akin.

Napatingala na lang ako ng mayroong anino ang tumabing sa akin. Isang panyo ang iniabot nito. Tiningnan ko lang iyon pero hindi ko kinuha. Gusto ko ng malayang pag-iyak. It’s no use in wiping tears kung may panibagong yugto din naman ng pagluha.

“Do you know that Gaelan is my bestfriend?”

Hindi ako umimik.

“Si Daddy ang nagprotekta sa kanya simula nung muntik na syang makidnap, lagi kaming nasa bahay nila noon at kalaro namin ni Kiro si Gaelan. We pulled him up from the trauma.” Yuki sighed. Kagaya ko ay umupo din sya sa inuupuan kong malaking tubo ng tubig.

“Before I thought we are doing him a favor but Gaelan became a good friend noong iniligtas nya si Kiro mula sa pagkakalunod noong grade 6 kami sa Amanpulo, family vacation ng mga Ancheta at invited kami. Ibinigay nya ang lifevest nya kay Kiro kahit hindi sya marunong lumangoy. Naiyak ako non. Akala ko mawawalan ako ng kakambal at kaibigan. Doon ko nakilala si Gaelan na handang ibigay ang buhay nya para sa iba. When he was chosen by my Dad to lead our batch in Yukan’’na Training imbes kay Kiro o sa akin, hindi ako nagdalawang isip. I cannot be as selfless as him. Hindi ko matatapatan ang ugali nyang yon.”

Ngumiti ako at tumango. Alam ko namang may itinatagong kabutihan si Gaelan, madalas nga lang ay hindi halata.

“But I believe in you, Ria. I know you know what’s going on between Gaelan and Farrah and I know that you did not send that email. Nagalit lang si Gaelan dahil wala syang maituro ngayon kung sino pero Alam kong hindi ka matitiis non.” Yuki patted my head. Doon ko napansin na tumigil na pala ako sa pag-iyak. Ang kwento lang pala kay Gaelan ang magpapatahan sa akin.

“This school will be cruel to you after what happened. Kaya pa?” Tanong sa akin ni Yuki, ngumiti ang singkit nyang mata at naglapat ang mapupulang labi. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

“Kaya pa..” Tumango ako, ganoon din si Yuki. Tumayo sya at iniabot ang kamay nya sa akin pero umiling ako.

“Mauna ka na, dito muna ako..” Bulong ko. Yuki nodded his head at tumalikod na. Nagbilang ako ng sampu bago tinawag ang kanyang pangalan.

“Yuki..” Buong lakas na tawag ko. Natanawan ko ang mga sapatos nya na huminto bago tuluyang makababa.

“Kahit anong mangyari– Kung sasaktan nila ako, wag kang lalapit. Pakiusap.” Wika ko.

“Ria–”

“Your friendship is beautiful. Hindi ako ang sisira nyan. Si Gaelan, takot syang magtiwala. Wag mong sisirain ang tiwala nya sayo na nabuo nyo ng ilang taon.” Tumayo ako ng matuwid at matapang na tiningnan si Yuki saka nagpatuloy.

“If everything else fails, if it is too painful, I can always give up.. W-walang mawawala sa akin.” Ngumiti ako ng mapait, “There are things that we can sacrifice but a good friendship is not one of them.”

Kumuyom ang palad ni Yuki pero nakikiusap ang mga mata ko habang tinitingnan sya.

“If I won’t save you, it’s because you don’t want me to, at naniniwala akong kaya mo pa. Pero kung hindi na, just call my name, Ria. I will ignore the odds just to save you.” Mariing sabi nya.

Hindi ako sumagot. Bakit ba ang bait bait nya? Parang mas mabait pa ata si Yuki kaysa sa akin.

“Ria, mangako ka.. Tatawagin mo ang pangalan ko kapag hindi mo na kaya.” Untag nya pa.

Tipid akong tumango kay Yuki at bahagyang ngumiti. Nakahinga syang maluwag at nagsimula ng pumihit pababa ng rooftop.

‘St. Guiseppe, please intervene.’

I whispered before I took my first step outside the faculty building. Hindi na ako nagulat ng Isang matigas na bagay ang tumama sa katawan ko dahilan para mapaupo ako. Mabuti na lang at nakapantalon ako kaya hindi ako mag-aalala sa suot ko.

“Oops, nakaharang ka kasi dyan. Akala namin net..” Humalakhak ang isang babae mula sa higher year. Nagtawanan din ang mga kaklase nya. Tumango lang ako at aalis na sana ng biglang may bumuhos sa damit ko, madumi at mabahong tubig iyon!

Mula sa aking mukha pababa sa aking dibdib, kinilabutan ako sa dahan dahang pagdaloy ng maruming tubig sa aking katawan.

Napatingala ako para tingnan ang may gawa pero muntik pang bumagsak sa akin ang isang balde na pinanggalingan ng tubig na madumi. Maswerte na na nakailag ako. Tanging tawanan na lang ang narinig ko sa buong paligid.

“Why isn’t she grateful?! Nabigyan na nga ng pagkakataon para maging girlfriend ni Gaelan pero sinayang nya lang?! Ipinahamak pa si Gaelan!”

“Dapat lang sa kanya yan! Bagay sa mabaho nyang ugali! Eiwww”

Halos magsilayuan ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Mabagal ang paghakbang ko. Iniinda ko pa din ang bola na tumama sa aking tyan kanina. Masakit kasi iyon pati ang pagkakabagsak ko ay sobrang lakas din.

Natanawan ko si Selene mula sa malayo, hahakbang sya papalapit sa akin pero umiling lamang ako. Ayaw ko na pati sya ay madamay pa. I nodded and smiled at her. Gusto ko pa ngang sabihin sana na ayos lang ako kahit hindi naman kaya lang ayoko na magsinungaling.

Pumasok ako sa CR para kahit papano ay matanggal ko ang mabahong amoy sa akin. Mag-isa lang ako doon.

Grabe naman, ano kaya ang mayroon sa tubig na iyon?

Ginamit ko ang handwash bilang pansabon sa aking sarili. Hinayaan ko na pati ang suot ko ay mabasa na din ng tubig. Matutuyo din naman ito kaya lang ay medyo matagal, kaysa umuwi ako kay Mama na mabaho, tiyak na mag-aalala iyon. Mabuti nga at walang Chief Smiths sa loob ng school kung hindi malaking gulo kapag nakita nila ako na ganito ang ayos.

Madaming mag-aalala sa akin kapag nakita akong ganito. Wala nga lang sa lugar na ito. But that’s how life is. You cannot choose where to exist, you cannot choose the people you interact with. Hindi perpekto ang mundo and that’s reality.

My parents tried to give us a perfect world but there’s no such thing. Hihilahin ka talaga ng mundo palayo sa comforts mo. No one can escape reality. No one can escape pain.

A life without pain isn’t a life at all.

Mabuti na yung ganito at natututo.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Basa ang mahaba ay natural kong buhok, nawala tuloy ang pagkakulot nito sa dulo. Ipinikit ko ang mga mata ko, natuyo ang contact lens ko dahil sa pagkuskos ko sa aking mga mata. Tinanggal ko iyon at muling sumilay ang kulay caramel kong mata. Yung kay Gaelan ay madilim na brown samantalang sa akin ay tila nasobrahan sa gatas. Banaag ang lahi ni Papa sa mata naming magkakapatid. Daddy used to be an orphan from Romania, pero inampon sya ng mga Floresca na hindi nabiyayaan ng anak.

Pinadaan ko ang hintuturo ko sa aking ilong, nakuha ko kay mama ang pagiging manipis at tangos nito, samantalang ang labi ay kay Papa, natural ang pagkakulay pink at ang pout nito.

Isang pagclick ng pinto ang narinig ko, sumunod ang papalayong hagikgikan. Nagtungo ako sa pinto para hilahin iyon pero hindi ito nagbukas. Naka-lock mula sa labas.

Napabuga na lang ako ng hangin. Maari naman akong humingi ng tulong dahil hindi naman nabasa ang dala kong cellphone pero pinili ko na manatili muna sa banyo na ito kung saan mayroong katahimikan.

Tumapat ako sa hand dryer at nagkibit balikat. Magpapatuyo muna ako dito.

Bukas na lang nila ako i-bully ulit.

Kabanata 19

First Aid.

Unti unti na tumahimik sa labas, mukhang nagsi-uwian na ang mga estudyante pero nandito pa din ako sa banyo at nagtatago. Huminga ako ng malalim, hinanap ko ang numero ng Keio sa aking cellphone para humingi ng tulong sa Admin, lumapit ako sa pinto at sinubukang muli na buksan ito pero kagaya noong kanina, naka-lock pa din talaga.

Narinig ko na ang pag-ring sa kabilang linya ng mapalingon ako sa pagbukas ng pinto sa banyo. Dahan dahan kong ibinaba ang cellphone para itago dahil yung iphone ang gamit ko, hindi pa din ako kumportableng gumamit ng mamahaling gadget lalo na at scholar pa din ako.

Huminga ako ng malalim para mawala ang pagkabigla, doon kasi sa may pinto, nakatayo si Yuki. Seryoso syang nakatingin sa akin, sa kaliwa nyang kamay ay mayroong paperbag at iniaabot nya din.

“Change.” Sambit nya.

“A-anong ginagawa mo dyan?”

“Binabantayan ka. I figured out you can go out anytime you want but you didn’t so—I waited.” His lips formed a thin line, ako naman tiningnan lang yung paperbag na hawak nya.

“Yuki, papauwi na naman ako.” Hinawakan ko ang kamay nya na may paperbag para itulak sa kanya iyon papabalik.

“Your clothes are still wet, isa pa, wala naman na makakakita sa atin na magkausap. Everyone went home. Wag ka na matakot.” Lumambot ang aura ni Yuki. Kanina ko pa kasi napapansin yung parang galit sya pero mabait. May mabait bang galit? Bakit naman sya magagalit?

“Are you mad?” Di ko mapigilang tanungin. Tinitigan ako ni Yuki, umangat ang gilid ng labi nya at inilagay ang kanyang kamay sa bulsa. Para naman nangingiti sya pero tinatago nya.

“Yes. Why are you so nice?” Seryoso nya akong tiningnan pero sumisilay naman ang ngiti sa kanyang labi.

“Ikaw din naman ah.” Hindi ko napigilan ang pagngiti. Natawa si Yuki pero mahina lang, yung pisngi nya namumula din ng onti, napakamot pa sya ng batok at mas inilapit ang paperbag sa akin.

“Sige na, isuot mo na ito, magagalit na talaga ako kung hindi.” Wala na akong nagawa ng isabit nya ang paperbag sa braso ko.

Tumalikod na si Yuki at sya na ang nagsara ng pinto para sa akin. Pumasok ako sa cubicle at tinuyo ng sarili gamit ang towel na kasama sa ibinigay nya. Isang baby pink na dress ang nandoon sa paperbag, simple pero halatang mamahalin, nabasa ko ang brand na ito sa magazine eh. Mayroon ding bagong sandals na kulay puti, sukat na sukat sa akin. Mabilis ang pagkilos ko, siguradong nag-iintay pa si Yuki sa labas kasi nice syang tao.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Hinawi ko ang aking buhok at nilagay sa gilid ng aking balikat, bumalik na ulit ang pagkakulot ng dulo dahil medyo tuyo na.

Ang galing naman ni Yuki. Sukat na sukat lahat.

Nagkibit balikat ako at saka kinuha ang aking bag, tuluyan na lumabas sa banyo at napansin na bahagyang papadilim na pala sa labas. Nakita ko si Yuki na nakasandal sa pole ng pathwalk na ilang hakbang lang ang distansya sa ladies’ room. Yuki’s arms is tightly crossed in his chest which defined his broad shoulders, parehas ng kay Gaelan. Siguro ito ang benepisyo ng kanilang training, parang silang Avengers. Si Yuki si Captain America, tapos si Gaelan si Hulk—grumpy kasi sya.

Bahagyang ngumiti si Yuki pagkakita sa akin.

“Akin na..” Kinuha ni Yuki ang aking bag at yung paperbag na may lamang maduming damit at sumabay sa aking paglalakad. Nagpalinga linga pa ako para tiyaking wala na ngang mga estudyante, mabuti at wala naman. Naglakad kami ni Yuki hanggang sa parking lot at nag-iisang sasakyang kulay dilaw ang nandoon. Siguro ay kay Yuki.

“Ako na ang bahala mula dito. Thanks Yuki.” Kukunin ko na sana ang bag ko mula kay Yuki pero inilayo nya ito.

“Ihahatid na kita.” Hindi inalis ni Yuki ang tingin nya sa akin.

“Hindi na, Yuki.. Ayos lang ako.”

Bumuntong hininga sya.

“Paano kapag sinaktan ka ulit?”

“Umuwi na sila.” Ngumuso ako at nilibot ang paningin ko sa buong Keio na wala na halos tao.

“Paano bukas?” Tanong ulit ni Yuki.

“Magdadala na ako ng extra na damit.” Ngumisi ako sa naisip na ideya. Napailing si Yuki.

“You know what, this is pointless. Inako mo ang kasalanan na hindi mo ginawa, pati ang galit ng mga tao tinatanggap mo din. Kahit mag-away kami ni Gaelan—”

“Wag..” Hinawakan ko sa braso si Yuki. “Maniwala ka, okay lang ako. Saka lilipas din naman yung galit nila. Ang mahalaga hindi na expel si Gaelan at hindi nawalan ng trabaho si Miss Farrah. Wala namang aamin hindi ba? Walang aako.”

Makahulugan akong tiningnan ni Yuki pagkatapos ay kinamot na lang ang kanyang ulo.

“Why am I even listening to you, Ria?” He asked.

“Dahil malaki na ako at kaya ko. Basta Yuki! Kaya ko talaga!” Kinuha ko kay Yuki ang aking bag at mabilis na humakbang, nang malapit na ako sa gate, nilingon ko si Yuki at nakita kong nakatingin pa din sya sa akin at tulala. Ngumiti ako at kumaway pero umiling lang muli sya tanda ng hindi pag-sang ayon.

Ganoon naman talaga.

People will disagree because they think they know what’s best for you, but actually they don’t. Minsan kasi, hindi mo ginagawa ang ibang bagay para sa sarili mo kaya hindi nila makita kung anong pinaglalaban mo. Katulad ng akin.

Makita ko lang na maayos sya, kuntento na ako.

The next days were struggle. Halos lahat ay galit sa akin, pati ang mga propesor ay pinag-iinitan ako. Inakala kasi nila na gawain kong mangblackmail ng teacher para makakuha ng maayos na marka.

“Miss Floresca, given the radius of the large wheel is 13 and the radius of the hub is 3, Which direction does the large wheel roll along the table?” Tiningnan ako ni Professor Del Mundo na ako lamang ang halos tanungin sa klase simula nung nasangkot ako sa gulong may kinalaman si Gaelan.

Dahan dahan akong tumayo. Iniaabot kasi sa akin ang pentel pen para magsagot sa whiteboard. Napalunok ako dahil hindi pa naman sa amin natuturo ang topic doon sa tanong nya.

“Ako pa ba ang lalapit sayo?” Pinandilatan ako ng propesor kaya nagmadali akong humakbang.

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Lagi naman at sanay na ako.

Sinubukan kong i-solve ang problema kahit wala talaga akong ideya. Nang ilang minuto na akong nakatayo, may hinila si Professor Del Mundo sa aking likod.

“Ilusyonada.” Binasa nya ang papel na nakadikit pala sa aking likod. Nagtawanan muli ang mga kaklase ko.

“Tama nga ito! Ilusyonada kang matalino pero ang totoo ay hindi naman! Anong pandaraya ba ang ginagawa mo sa klase ko noong una? That is so ridiculous! Nagawa na ang mahigit sa kalahati ng grado mo at kung alam ko lang, sana mas pinagtuonan ko ng pansin kung valid ba ang grades mo sa klase ko nuong una!” Inihagis ni Professor Del Mundo ang kanyang stick sa lamesa na naglikha ng tunog. Bahagyang umangat ang balikat ko.

“Sit down!” Sigaw nya muli sa akin. Hindi ko matingnan ang mga kaklase ko dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Napatingin ako kay Leo, noong una ay ipinagtatanggol pa nya ako pero noong sya naman ang ginantihan ng mga kaklase ko, lumayo na din sya.

Naiintindihan ko. I rather sacrifice for people  than seeing them suffer because of me. Mabigat kasi sa pakiramdam ang ganon.

Lunchbreak ang sumunod sa klase ko sa Physics. Natanawan ko si Selene na mayroong maliit na ngiti para sa akin mula doon sa labas ng classroom nya. Tumango lang ako at tipid ding ngumiti bago naglakad papalayo.

Nakakamiss si Selene. Kaya lang ayaw ko na madamay pa sya sa gulo ko. Mag-isa tuloy ako lagi, sya naman ay napipilitang sumama sa Yukan’na tuwing kakain sya ng lunch.

‘Bakit ba yan nandito? Hindi pa ba expelled dahil doon sa ginawa nyang kasinungalingan?’

‘Sasabihin ko kay Daddy na sabihan na si Master Fukuda na alisin na ang leech na yan! Or else ipu-pull out namin ang shares namin dito!’

‘Gagawin ng Daddy mo yon?’

‘Of course! Tama lang naman na paalisin na ang isang yan dahil hindi sya magandang impluwensiya. If they will not kick her out, ibig sabihin ay hindi maganda ang eskwelahang ito.’

Huminga ako ng malalim at lumapit sa bilihan ng burger. Kadalasan ay doon ako sa may likod ng chapel kumakain tapos mag-iintay ako ng afternoon bell sa loob ng chapel, kapag lunchtime kasi, madaming ideya ang mga estudyante para saktan ako, kahapon nga lang nabasa ng juice ang notebook ko dahil binagga ako sa Food Alley tapos agad na binuhusan ang mga gamit ko ng malagkit na juice.

Papaalis na sana ako doon sa food stall ng may nakabangga akong tao. Buti na lang mineral water ang bitbit ko kaya hindi natapon sa nakabungguan ko. Nag-angat ako ng tingin para mag-sorry ng makita ko si Gaelan yon. Masama ang tingin sa akin kaya napaatras ako ng isang hakbang.

“Sorry.” Bulong ko.

‘Oh my gosh! Nagkabungguan sila!’

‘Sana sapakin ni Gaelan ang babaeng yan!’

“Apology not accepted. Tss.” Umirap si Gaelan at napanguso ako. Tatalikod na sana ako nang bigla na naman akong hilahin ni Gaelan, mahigpit ang pagkakahawak nya pero hindi naman masakit. Mas masakit pa nga yung tumamang baseball sa ulo ko kaninang umaga.

“Bakit nandito ka pa?” Tanong ni Gaelan. Tumahimik ang buong Food Alley dahil sa nagsalita si Gaelan.

“Lunch break pa eh.” Nakayuko kong sagot.

“Hindi yon ang ibig kong sabihin. Bakit nasa Keio ka pa? Hindi ka ba nagsasawa sa pananakit nila sayo?”

I smiled then I shook my head. Nagulat si Gaelan dahil sa sagot ko.

“Inaantay ko lang naman silang magsawa sa pananakit nila sa akin eh.” Ngumiti ako pero yung taksil kong mata nangilid na naman ang luha. Parang may nagtutulak sa akin na isumbong kay Gaelan ang lahat ng ginagawa sa akin lately pero naisip ko, para saan pa? Hindi naman nya ako kakampihan. Hindi naman nya ako kinampihan kahit kailan.

“You are crazy.” Napailing si Gaelan.

Tumango lang ako. Siguro nga baliw na ako. Pupwede ko naman hindi tiisin lahat. Pupwede naman na umuwi na lang ako kay Mommy at Daddy, mag-homeschool o di kaya ipangalandakan ang kapangyarihan ng pamilya ko but I don’t like it. If I will give up this early then what am I?

“Wag ka na magalit..” Nanginig ang boses ko sa pakiusap na yon. “Hindi naman ako eh.” Di ko napigilang humikbi. Unti unting lumuwag ang pagkapit ni Gaelan sa braso ko. Nangunot ang noo nya at naestatwa lang ang titig sa akin. Nabitawan ko tuloy yung hawak kong pagkain lalo na nung sunod sunod na ang pagbuhos ng luha.

‘Umiiyak na sya!’

‘Wala pala yan eh!’

Paulit ulit na lang sa pandinig ko ang mga boses na nanunuya sa akin. Isang linggo na silang galit. Isang linggo na nila akong sinasaktan at pinag-iinitan pero hindi ako lumalaban. Iniintay ko lang na magsawa sila kahit ipinamumukha nila sa akin na habang buhay nila akong aayawan.

Kapag nahihirapan na ako, nagpe-pray na lang ako. Iniisip ko na lang na hindi naman masamang bagay ang makaramdam ng galit, dito kasi binubuhos ng tao ang disappointments nila mula sa iba’t ibang aspeto ng buhay, normal lang ang nararamdaman nila kasi akala nila masama akong tao at galit sila sa masamang tao.

“Oops..” Nagtawanan ang isang grupo na binuhusan ako ng mainit na kape sa dibdib, napangiwi ako sa hapdi. Dumaloy ang init mula sa aking dibdib patungo sa tyan hanggang sa mamanhid iyon sa sakit.

“Kawawa naman si Ria..” Lumabi ang nagbuhos sa akin ng kape at itinaktak pa ang cup sa aking ulo, kaunting patak na lang naman ang nandoon pero mainit pa din sa scalp. Hindi ako nakagalaw. Kanina lang ay umiiyak ako, ngayon naman ay nasasaktan ako dahil sa paso ng mainit na kape.

“Ano ba! Nak ng Teteng kayo ah!” Isang tili ang narinig ko mula sa loob ng Food Alley. Nakita ko si Selene na galit na galit na sumugod papalapit doon sa babaeng nagbuhos sa akin ng kape. Agad nya yong sinuntok sa panga.

“S-selene..” Gulat na gulat ako sa ginawa nya.

“Hindi ba kayo titigil? Nananahimik lang ako dahil ayaw ni Ria! Pero sobra na! Sobra na!” Inupuan ni Selene ang babae na nagtapon sa akin ng kape at sinabunutan iyon. Ilang sandali pa ay nakapalibot na ang mga estudyante at nanonood. Nabunggo ang likod ko ng mga nagmamadaling miyembro ng Yukan’na sa pangunguna ni Zeus, walang hirap na binitbit ni Zeus sa tyan si Selene para palayuin ito sa babae na binubugbog nya.

“Selene, calm down..” Hinalikan ni Zeus si Selene sa likod ng batok pero hindi pa din tumigil si Selene. Pulang pula ang maganda nyang mukha dahil sa galit.

“Akala mo natatakot akong masuspend? Well, I am not afraid!” Matapang pang sabi nito doon sa babae na binugbog nya. Galit din itong nakatingin kay Selene pero hindi ito makalaban dahil sa Yukan’na.

“Selene.” Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Selene habang karga pa din sya ni Zeus. “I am okay.” Kahit ang totoo ay inaalala ko ang paso sa balat ko ng tumapon na kape, sana ay hindi naman mag-marka.

“Hindi, Ria. You are not okay. Dadalhin kita sa clinic.” Nagpumiglas si Selene para bumaba pero umiling lang ako.

“Uuwi na lang muna ako. Salamat.”

Kitang kita ko si Gaelan na nakatayo sa may pinto. Blangko ang ekspresyon nya at nakakuyom ang kamao. Sa tabi ni Gaelan, nandoon si Yuki, humahakkbang na sya papalapit sa akin pero marahan akong umiling. Tumalikod na ako at mabilis na lumayo sa Food Alley.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang naglalakad. Pinipigilan ko ang mas madaming pagluha pero hindi ko na talaga mapigilan. Nagpunas ako ng mata bago humakbang sa gate ng Keio, nag-aalala na baka makita ako ni Chief Smiths na umiiyak. Sumakay ako ng jeep para mabilis akong makauwi, I need to check kung nagkaroon ba ng problema ang aking balat dahil sa init.

Doon ako umupo sa gitnang bahagi ng jeep, hahayaan ko sana ang hangin na tuyuin ang mata ko.

“Bayad po.” Kinuha ko ang 100 pesos na iniaabot sa akin at binigay sa driver. Naputol tuloy ang pag-iisip ko ng malalim.

“Ilan to?” Inangat ng driver ang pera.

Tumingin na ako sa bintana para aliwin sana ang sarili ko nadadaanan na baranggay na may iba’t ibang ginagawa ang mga nakatira. May nagkukwentuhan, may nagpapaypay ng barbecue, may naglalaro sa kalsada na parang ang simple simple lang ng buhay.

“Isang gwapo po, saka isang magandang prinsesa. Keep the change.” Sagot nung nag-abot ng bayad kanina.

Humagikgik ang mga estudyanteng babae na nasa harap ko at nakatingin doon sa kaliwa ko, siguro ay yung nag-abot ng 100 pesos ang tinitingnan nila.

Nilingon ko ang nasa aking kaliwa. Nangunot ang noo ko ng makita si Yuki na nasa tabi ko pala. Nakangiti sya at may hawak na isang plastic cup na puno ng ice.

“First aid?” Mahinahon syang ngumiti habang unti unti syang umusog at tuluyang tumabi sa akin.

“Bakit nandito ka?” Pilit kong pinakaswal ang boses ko kahit na naiilang ako sa sobrang lapit na distansya. Hindi ko tinanggap ang cup at tumingin muli sa labas ng bintana.

Naramdaman ko ang malamig na bagay sa aking kamay, nandoon din ang kamay ni Yuki, pilit na pinapahawak sa akin ang yelo. Iniangat nya ang kamay ko patungo sa direksyon kung saan ako napaso, sa may collarbone nagsimula ang pagdampi. Kamay ko ang may hawak sa cup na may yelo pero yung kamay ni Yuki ang nagdidirekta sa akin.

Sobrang lapit ni Yuki, nararamdaman ko na yung paghinga nya sa leeg ko tapos yung baba nya nasa shoulders ko na at naka-rest doon. Nakakailang! Hindi ko alam kung malamig ba ang kamay ko dahil sa yelo o dahil sa hawak ni Yuki. I sighed. Baka mag-away sila ni Gaelan kasi nakikipagfriends sya sa akin.

“Sana hindi ka na lang sumunod kasi—” Wika ko.

“Hindi ko kayang tingnan ang ganon.” Bulong ni Yuki habang maingat nyang sinu-solusyonan ang paso ko.

“I can’t really stay nice for too long, Ria. I am choosing this. Bahala na.”


Maki Say’s: Ang weird ng #MaKi (Maria + Yuki). Parang ako ang binabanggit nyo, well anyway, okay lang. Kanya kanyang ship yan di ba?!

Please vote & comment.

Kabanata 20

Kapatid.

“Pasok ka..” Pag-aaya ko kay Yuki ng makarating kami sa bahay. Tumango sya at tumuloy.

“Good Afternoon po!” Sambit ni Yuki, hindi ko namalayan kung sino ang kanyang kausap. Lumabas pala kasi sa pinto si Mama para salubungin ako. Sumagort si Mama pero sa akin ang kanyang tingin.

“Magandang hapon din, iho. Anong nangyari dyan?” Lumipat ang mata ni Mama sa damit ko na kulay brown na.

“Natapunan po ng kape mga schoolmates namin na nagkukulitan sa school.” Kaswal na sambit ni Yuki. Alanganin akong ngumiti kay Mama na halatang nadismaya sa nangyari. Laging masungit si Mama kapag may hindi magandang nangyayari sa amin.

“Sana ay nagtungo ka sa ospital, halika at titingnan ko. Pasok ka muna–” Tiningnan ni Mama si Yuki at inantay pagsasabi ng pangalan nito.

“Yuki Thorn Yushima po.”

“Salamat Yuki.. Pumasok ka muna at titingnan ko ang nangyari kay Ria.”

Agad na hinila ni Mama ang kamay ko patungo sa kwarto ko. Sinarado nya ang pinto pagkatapos ay isa isang tinanggal ang butones ng blouse ko. Nakitingin na din ako sa nangyari sa aking balat na mahapdi at masakit.

“Pulang pula! At itong parteng ito umangat na ang balat. Tsk, bakit hindi nag-iingat ang mga bata don sa Keio? Kapag nalaman ni Madame—”

“Ma.. Baka po marinig kayo ni Yuki..” Bulong ko. Umismid si Mama.

“Maligo ka muna at amoy ka kape. Kukuha ako ng yelo at ointment sa baba. Nasa pangangalaga kita, hindi ka dapat nagkakaganyan. Hala sige at kilos na.” Inabutan ako ni Mama ng towel at pinatungo ako sa banyo.

Sumunod ako kay Mama. Mabilis akong naligo at paglabas ko, may nakahanda na na yelo at ointment sa aking kama. Saglit kong pinasadahan ng yelo ang affected area tapos naglagay na ng ointment. Pansamantalang naibsan ang hapdi pero matindi pa din ang pamumula.

Bumaba ako mula sa kwarto para silipin si Yuki. Tahimik syang nakaupo sa sofa at mayroon sa harapan na pichi pichi at coke. Ibinigay siguro ni Mama. Walang kahit anong ginagawa si Yuki kundi nagmamasid lang sa paligid.

“Kamusta?” He asked, bakas ang pag-aalala.

“Namula lang ng kaunti tapos pantal.” Ngumiti ako at tumabi sa kanya.

“Salamat ha.” I finally said. Bahagya nya akong sinilip gamit ang gilid ng mata nya at tumango.

“Ipahinga mo muna yan. Mabuti at walang pasok bukas..” Ani Yuki, ipinatong nya ang kanyang kamay sa tuhod at parang may nais sabihin pang iba, kaya lang ay mayroong tumawag mula sa labas.

“Tao po..” Sabay kaming napalingon ni Yuki sa may pinto dahil sa kumatok. Lumabas din si Mama mula doon sa kusina para tingnan.

Isang babaeng nakaputing coat ang nandoon. Palagay ko ay doktor, bata pa sya at magandang babae.

“Sino po si Maria Arabella Kassandra Floresca?” Tanong nung babae.

“Ako po..” Tumayo ako at lumapit sa kanya.

“Kamusta ang skin mo?” Ngumiti ito at nag-aalala akong tiningnan.

Hala, feeling close naman.

“I am Doctora Rosalie Ybanez. Dermatologist. Mayroon kasing tumawag sa akin at sinabing may paso ka daw.”

Lalo naman akong nagtaka.

“Sino po naman ang tumawag?”

Napawi ang ngiti nya at saglit na nag-isip “Y-yung school nyo! Di ba galing ka sa school kanina. T-tapos h-hindi ka nagpadala sa clinic. Kaya p-pinadala ako ng school.” Sagot nito. Napalingon ako kay Yuki, baka mamaya joke time na naman ang mga schoolmates ko at nagpadala ng accomplice para sirain ang balat ko. Lumapit si Yuki sa akin.

“I know her, she’s also one of our doctors.” Seryosong sabi ni Yuki habang mataman na tinitingnan si Rosalie.

“H-hi Sir Y-yuki!” Sabi nung doktora. Tumango lamang si Yuki at nagbigay ng daan kay Doktora.

Bumalik kami sa kwarto ko kasama si Mama Buding habang tinitingnan ni Doctora ang balat ko. Mabuti nyang sinuri isa isa.

“Hindi naman pala malala, grabe naman, parang matter of life and death na nung tumawag kanina. OA.” Bulong ni Doktora sa kanyang sarili habang ginagamot ang mga lumobong balat dahil sa lapnos.

“This should be healed in a week. Lagyan mo lang nitong ointment, at inuman ng antibiotic para hindi mainfect. Lalo na pag naging open wound na ang mga lapnos.”

“Sino po yung tumawag?” Tanong ko muli. Masyado naman palang mabait yung Keio kung ganito ang trato nila sa estudyante. Yung binubugbog ni Selene, pinadalhan din kaya ng doctor?

“Ah. Hehe! Yung nurse sa clinic nyo. Masyadong nag-aalala yung nurse eh. Grabe makasigaw sa phone! Papatayin-

  • ay este.. Pupuntahan nya daw ako sa clinic ko pag hindi ako nakarating dito. Buti malapit lang sa clinic ang bahay nyo kundi wala na ako sa earth este sa clinic ko.“ Napakamot ng ulo si Doctora Rosalie at nagmadali na sa ginagawa.

“Magkano ho ba ang bayad, Doctora?” Tanong ni Mama ng maisuot ko na muli ang blouse ko.

“Ay, wala ho. All expense paid!” Nakangiting sagot ni Doctora. Nakakapagtaka naman.. Ang bait talaga ng Keio, sana mas marami pang mag-enroll sa kanila.

Bumaba na kami ng kwarto ko ng matapos. Nahihiyang ngumiti si Doctora nang dumaan sa harap ni Yuki.

“Rosalie, what medications?”

Napakapit pa si Doktora Rosalie sa kanyang dibdib dahil sa biglang pagtatanong ni Yuki. Para syang nagugulat na natatakot.

“ Bactroban cream and Sultamicillin Tosylate , Sir Yuki.“ Sagot ni Doctora Rosalie. Tumango si Yuki kaya nagdire-diretso na si Doctora papalabas ng bahay, pero nandoon pa lang sya sa may pinto, muli syang kinausap ni Yuki.

“Isabay mo na ako.” 

“Ah, Sir Kasi– may p-puntahan pa ako.”

“Sa Keio din ako pupunta. Doon ka din naman papunta hindi ba?” Nagtaas ng kilay si Yuki. Tumango naman si Doctora Rosalie.

“S-sige, Sir.”

Hinarap ako ni Yuki at ginulo ang buhok ko.

“Drink your medicines, Ria. Take care.” Sambit nito. Tumango ako at nagpasalamat kay Doctora Rosalie at kay Yuki na may isa pa ding katanungan sa isip.

Sino kaya ang nagpadala sa doktor?


Nagpahinga lang ako kinabukasan. Sa wakas at wala na ding pasok! Makakaligtas ako sa pambubully ng school. Nagbabasa ako habang nakahiga sa aking kama ng mag-ring ang cellphone ko. Tamad kong kinuha iyon.

“Hello?”

“Baby Botchog!!” Humalakhak si Kuya Rab sa kabilang linya. Napangiti agad ako sa lutong ng tawa nya.

“Free ka ba today? I-Date mo si Kuya.” Malambing na tanong nito. I rolled my eyes, I cannot say no to my Kuya. Isa pa, sa kanila din ako matutulog mamaya dahil weekend. Inaantay ko na nga lang si Butler Joe para sana sunduin ako.

“Punta tayo sa mall nung pangit nating kapatid!”

‘Whatever, Rab.’ Narinig ko pa si Kuya Ahmed na tumututol mula sa kabilang line.

“Sige Kuya..”

“Dadaanan kita dyan, Prinsesa ko. Ikaw Ahmed, sama ka?”

‘Ingay!’

Humalakhak ulit si Kuya Rab.

“Mantika mo matulog, Ahmed. Baby Botchog, mga 1PM andyan na si Kuya ha.”

Naghanda ako agad pagbaba ko ng tawag ni Kuya Rab. Nahirapan akong pumili ng damit dahil lahat ay puro bago, ipinadala ni Sam.

Kinuha ko ang maong na shorts jumpsuit at puting tshirt. I fixed my hair into a high ponytail. Ilang saglit lang, bumubusina na si Kuya Rab sa labas.

Ibinaba nya ang kanyang bintana, he’s wearing aviators and white shirt, yung manggas ay bahagya nyang itiniklop para ipakita na naman ang muscles nya. He smiled playfully when he saw me.

“Hi Baby Botchog. Naiinis pa din ako na pumayat ka but you look great!” Hinalikan ako ni Kuya Rab sa noo pagkapasok ko sa kanyang sasakyan.

“Hi Kuya.. Ang pogi mo today.”

“Lagi naman.” Humagikgik ang Kuya ko na sobrang bilib sa sarili. Humilig ako sa kanyang balikat at inamoy ang pabango nya na nakasanayan ko.

“Namiss kita, Kuya..” I whispered.

“Tsk.. Kaya nga pinuntahan kita.”

“Wala kang date?”

“Ikaw.. Ikaw ang pinakagusto kong maka-date sa lahat.”

Natawa ako sa pambobola ni Kuya pero namiss ko sya ng husto.

Walang ibang activity na nakakalibang sa mall ni Kuya Ahmed kaya kumain lang kami ng kumain ni Kuya Rab. Gaya ng dati na nagtungo kami dito ni Selene, lahat sila ay yumukod kapag nakikita kami ni Kuya, pinagsasabihan ko nga ang iba na wag na gawin kaya lang ay hindi daw pupwede.

“Baby.. Look at this..” Iniangat ni Kuya Rab ang isang malaking body pillow na color pink. “Katulad nung nasa bahay, kunin natin ha? Ilagay mo doon sa kwarto mo kay Yaya Buding.” Ngumiti ako at niyakap ang malaking unan.

“Young Master, ipapadala na lang po namin sa address nyo.” Yumuko ang saleslady na pulang pula ang pisngi. Ngumisi si Kuya Rab.

“Okay, beautiful!” Umakbay sa akin si Kuya Rab pagkatapos ay hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

“Gael, let’s go to–”

Napalingon ako sa boses ng nagsasalita, hindi pa kami tuluyang nakakalakad papalayo ni Kuya Rab. Nakita ko si Gaelan habang napakapakapit sa braso nya si Miss Farrah na madaming bitbit na paperbag. May kumurot na naman sa puso ko dahil sa nakikita ko, masakit pa din sa mata ang makita sila na magkasama.

Saka paano na lang kung may makakita sa kanilang iba? Sayang naman yung pagpapabully ko..

Nakatayo lang ako at nakapaharap sa kanila, si Gaelan hindi din naman umalis o humakbang. Nagtaas ng kilay si Miss Farrah at sinipat ako mula ulo hanggang paa.

Nagtiim bagang naman si Gaelan habang tiningnan ako. 

Galit na naman..

Sinundan ko ang mga mata nya, nandoon sa balikat ko na pinapatungan ng kamay ni Kuya Rab.

“Baby, what else do you want?” Tanong sa akin ni Kuya, doon lang ako nagbalik sa kamalayan. Nag-angat ako ng tingin kay Kuya at hindi man lang nya tinapunan ng tingin si Miss Farrah samantalang si Miss Farrah naman ay tutok ang mata sa Kuya ko. Hindi tuloy ako nakasagot dahil naalala ko na mayroon nga pala silang nakaraan ni Kuya Rab.

“Let’s go home, excited na si Mommy na makita ka.” Ibinaba ni Kuya Rab ang kamay nya sa aking kamay at mahigpit na hinawakan iyon.

Napalunok si Gaelan at sinundan na naman ang kamay ni Kuya Rab. 

Ano kaya ang mayroon sa kamay ni Kuya? Bakit laging nandoon ang mga mata ni Gaelan?

Hindi ko na nakita si Gaelan at Miss Farrah nang naglakad na si Kuya Rab. Hanggang sa makasakay kami ng sasakyan ay nanatili ang katahimikan ko.

“Kuya, wala na ba kayo ni Miss Farrah?” Naisipan kong itanong.

“Farrah who?”

“Yung professor ko.. Yung dine-date mo dati.. Yung kanina na nakatayo sa harap natin bago tayo umalis ng Ahmed.” Paliwanag ko.

“Ah! Si Farrah pala yun. Kaya pala pamilyar. Haha!” Hinampas ko si Kuya Rab sa binti at pinanliitan ng mata, mas lalo syang tumawa.

“Kidding! I have to pretend that I don’t know her para di na mag-expect. Alam mo naman ako, kapag clingy na ang chicks ayawan na.” Tamad na nagmaneho si Kuya Rab nang matanawan  na namin  ang gate ng village.

Napanguso ako sa sinabi ni Kuya Rab. Grabe talaga sya! Paano nya nagagawang mambabae ng ganoon karami? At balewala lang sa kanya ang damdamin ng iba?

Sabagay, si Miss Farrah naman ay mayroon ng Gaelan, aanhin nya pa ang Kuya ko. If she really loves Gaelan, Gaelan deserves the 100% of it, hindi kalahati, hindi katiting. Buo dapat hindi ba?

Dahil mahal na mahal sya ni Gaelan.

Nagpaalam si Kuya ng maihatid nya ako sa mansyon, hindi talaga bumaba at paniguradong mambababae na naman. Naabutan ko naman si Kuya Gilad at Kuya Xenon sa living room. Parehas na nakatingin sa kanilang cellphone.

Si Kuya Xenon, nakangiti at mukhang kinikilig. Si Kuya Gilad naman, nakasimangot at galit, as usual…

“Kuya..” Una akong lumapit kay Kuya Xenon at humalik sa pisngi. Si Kuya Gilad ay hindi man lang ako tiningnan, abala talaga sya sa kanyang cellphone.

“Kuya!” Tawag ko sa pansin ni Kuya Gilad.

“Ano bang problema ni Sam? Why isn’t she answering my calls?” Yun ang bungad sa akin ni Kuya Gilad.

“That’s something new. You calling Samantha.” Puna ni Kuya Xenon na nasa cellphone pa din pero nakikinig sa usapan.

“I don’t want to call her, si Mommy kasi, panay ang follow up kung nagkaayos na daw ba kami.” Napapailing si Kuya Gilad.

“So nakikipag-ayos ka dahil sinabi ni Mommy?” Paglilinaw ko.

“Baka naman namimiss mo.” Kuya Xenon chuckled, binato tuloy sya ng unan ni Kuya Gilad.

“Ayain ko na lang magsleep over?” Tanong ko kay Kuya Gilad pero hindi sya sumagot, nagkibit balikat ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at inanyayahan si Sam na magtungo sa bahay. Pumayag sya kaso may tatapusin lang daw syang shoot. Umakyat ako sa aking kwarto habang hinihintay sila Mommy at Daddy na nagtungo daw sa outreach program. I miss them. Dati rati ay lagi nila akong bitbit sa mga outreach program kaya lang ngayon ay bihira na ako umuwi.

Tinitigan ko ang music box ko at ilang sandali pa, nakatulog na ako sa sobrang pagod….

“Don’t wake her up.. Mag-aalala iyon.”

“Pero kailangan nyang malaman.”

“Hindi pa nga natin alam, pumunta na muna tayo sa ospital.”

Naalimpungatan ako sa mahinang boses na nagtatalo doon sa labas. Boses ni Mommy, Daddy, at Kuya Gilad.

Lampshade na lang ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto ko, mula sa labas ng bintana, tanaw ko ang buwan at bituin. Ginabi na ako ng sobra sa pagtulog!

Kinusot ko ang mga mata ko at napagpasyahang humakbang papalabas ng kwarto para alamin ang nangyayari.

Sabay sabay na napalingon sa akin sina Mommy, Daddy at mga Kuya ko, pati si Sam ay nandito na din. Nakatayo lang sila sa harap ng pinto ng silid ko kaya pala naririnig ko sila kanina.

“Ano pong nangyayari?” Tanong ko.

Doon ko napansin na namumula ang mata ni Mommy. Yumakap sya agad sa akin at naramdaman ko ang panginginig nya ng katawan.

“Rab was beaten up. Binugbog ang Kuya mo at hanggang ngayon ay wala pa ding malay. Puntahan na natin ang anak ko, Al.. Kailangan nya ako.” Humihikbing sambit ni Mommy.

Malakas na kumalabog ang dibdib ko, binalot ng matinding pag-aalala sa kapatid ko!

Bakit sya binugbog?

Maki Say’s: 

Lahat ng katanungan masasagot sa mga susunod na kabanata. Kapag isiniksik ko kasi sa isang chapter, malamang the end na agad. Hihi Pagtyagaan ang mga typo. Sobrang nakapikit na while typing:)

Kabanata 21

Not This One .

Nakatulala ako sa itsura ni Kuya Rab. Nakaupo ako sa hospital bed sa tapat mismo ng kanyang mukha. Kulay violet ang magkabilang mata nya, namamaga yung lips at may bukol sya sa cheekbone. Para syang eggplant. Sana mayroon pa syang teeth kung hindi, magwawala sya ng husto pagkagising nya.

Sabi ng doktor, maayos ang lahat ng tests kay Kuya although nabugbog ng husto ang kanyang mukha. Wala lang daw syang malay dahil sa pisikal na pagkapagod.

Napaka-bad naman ng bumugbog sa kanya.

Sana sa abs na lang ni Kuya Rab pinatama ang suntok para hindi sya masyadong nasaktan, sabi kasi ni Kuya matibay daw ang parteng iyon ng kanyang katawan.

Love na love pa naman ni Kuya Rab ang face nya.

“Grabe naman ang gumawa nito kay Rab.. Ano kayang atraso ni Rab? Mukhang gustong paitimin si Rab sa pamamagitan ng pasa ah? Talampakan na lang ang maputi kay Rab, the rest kulay purple na. Pero in fairness, Kikay!” Komento ni Sam habang nakatunghay sa may paanan ni Kuya. Humagikgik sya pero sinamaan ko sya ng tingin kaya tumuwid sya sa pagkakatayo.

Ako lang ang bantay ni Kuya Rab dahil nakatulog naman ako ng kanina, si Mommy at Daddy namamahinga na doon sa extension na room dito sa hospital suite ni Kuya Rab kasama si Kuya Xenon. Si Kuya Ahmed at Kuya Gilad naman doon sa kabilang room.

 

“Iidlip muna ako Baby Girl ha.” Pumwesto na si Sam sa sofa bed sa gilid ng kama ni Kuya Rab. Kasya kaming dalawa doon pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Hindi ata ako makakasleep hangga’t wala pang malay si Kuya Rab.

Marahan kong hinaplos ang kamay ni Kuya Rab at pumikit para mag-offer ng prayer na sana gumaling na sya agad. Nilibang ko ang sarili sa pagtanaw sa patak ng kanyang dextrose. Ilang nurse at doktor ang pabalik balik sa suite ni Kuya Rab ng hindi man lang nagigising ang mga kasama ko dito sa suite.

Madilim pa din sa labas at unti unting lumalamig ang temperature sa kwarto ni Kuya Rab, nilagyan ko sya ng comforter at muling umupo sa kanyang tabi. Nakakainip palang magbantay ng natutulog.

“Ria, you should sleep. Ako muna ang magbabantay kay Kuya..” Niyakap ako ni Mommy, paos pa ang kanyang boses. Tumingin ako sa orasan at nakitang 4am pa lang.

“Bakit gising ka na po?” Yumakap ako kay Mommy pabalik.

“I am worried about, Rab. Kahit sabihin pa ng doktor na maayos sya, hangga’t hindi ko sya nakakausap, hindi pa din maayos para sa akin..”

“He seems fine, tulog lang siya. Wag na po kung ano ano ang iniisip natin.” Pagpapatanag ko kay Mommy, ngumiti sya ng pilit at inayos ang buhok ko.

Nakita ko si Daddy na kinukusot kusot ang kanyang mga mata habang lumalabas doon sa room nila ni Mommy.

“Magbabayad ang gumawa nito kay Rab.” Kalmado ngunit strikto ang mukha ni Daddy. He’s the typical father, strict and disciplinarian pero mapagmahal. He makes sure everything about us is being attended to pero makikinig naman sya kung gusto namin na wag syang makialam.

This time, I know he’s mad. Ayaw nyang masaktan ang kahit sino sa amin.

“A-ah..” Sabay sabay kaming napalingon ng umungol si Kuya Rab.

“Rab!”

“Kuya!”

Sabay sabay kaming lumapit sa kanya.

“Ang sakit–” Humawak si Kuya sa kanyang sikmura. Si Mommy agad na lumapit doon sa buzzer na naka-konekta sa nurse station. May pumasok agad na doktor at nurse para tingnan si Kuya. Naiiyak si Mommy habang tinitingnan si Kuya samantalang ako naman ay awang awa. Ayaw pa naman ni Kuya Rab ng injection. Ilang sandali pa, napakalma naman na si Kuya Rab sa sakit dahil sa pain killer. Nakaidlip sya saglit pero nagising din sya pagkatapos ng limang minuto.

“How are you feeling Rab?” Hinaplos ni Daddy ang buhok ni Kuya ng magising sya ulit.

“Better..” Napangiwi si Kuya Rab habang iniinda ang pag-upo. Hirap na hirap talaga ang kanyang mukha sa pagtatyagang makaupo kahit inaalalayan sya ni Daddy.

“What happened Radley Brent?” Medyo masungit na tanong ni Mommy pero bakas pa din ang pag-aalala. Kinuha ni Kuya Rab ang kamay ni Mommy at hinalikan iyon. Ngumiti sya ng kaunti kay Mommy.

“Binugbog ako.” Wika ni Kuya Rab na parang hindi pa obvious ang fact na bugbog sya ng sobra.

“Nino? Ilan? Saan?” Tanong naman ni Daddy.

“S-sa condo ko..”

“Paanong nakapasok doon ang mga bumugbog sayo?”  si Daddy. Tutok na ngayon ang atensyon nya kay Kuya. Kanina ko pa kasi naririnig na gusto nya ng detalye sa nangyari kay Kuya Rab para makapag-isip ng susunod na hakbang.

Nagkibit balikat si Kuya. “Baka may unit din doon. Mag-isa lang kasi ang gumawa nito..”

“Isa? Tapos ganyan ang inabot mo?” Pinanlakihan ng mata si Daddy, ako naman ay nanatiling nakikinig lang.

“I don’t know, Dad. I am with my fling–”

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo Rab, tigilan mo na ang pagiging palikero mo!” Pinalo ni Mommy si Kuya sa balikat. Napangiwi si Kuya sa sakit pero this time umismid lang si Mommy.

“Hindi issue dito ang pambabae ng anak ko, ang issue dito binugbog sya, Helga. We will sue the condominium’s security dahil sa nangyari sa kanya. I will request for a CCTV copy–”

“Hindi na Dad.. Kahit wala pa ang CCTV, Maa-identify ko sya. Alam ko ang pangalan nya. Nagpakilala sya bago nya ako iniwan kagabi.”

“Ano? Nagpakilala pa?! Ang lakas naman ng loob non!” Galit na sigaw ni Daddy.

“Sabi nya, tandaan ko daw ang pangalan nya..” Nahihirapang ikwento ni Kuya. Kumunot ang noo ni Daddy.

“Ahmed, call Attorney Montemayor.” Di ko napansin na nakatayo na pala si Kuya Ahmed sa pintuan ng kanilang kwarto at gising na din na nakikinig.

Agad na kinuha ni Kuya Ahmed ang kanyang cellphone mula sa kanyang pajama at nagdial doon.

Ilang saglit na pag-uusap lang ay  nilingon na kami ni Kuya Ahmed.

“He’s on his way.” Aniya na ang tinutukoy ay si Tito Deuce Montemayor.

“Anong pangalan ng bumugbog sayo, Kuya?” Kyuryoso kong tanong. Napakatapang naman ng taong iyon para magpakilala pa, dapat pag gumagawa ng bad di ba dapat secret lang yon?

Tumikhim si Kuya Rab at mataman akong tiningnan.

“Gaelan Blake Ancheta.” Malinaw ang pagkakasabi ni Kuya Rab. Naestatwa ako. Hindi man lang ako nakapaghanda sa reaksyon ko dahil napaawang ng husto ang mga labi ko.

Parang malakas na dagundong ang dumaan sa tenga ko pagbanggit ng pangalan ni Gaelan, gusto ko pang sampalin ang pisngi ko at sabihing hindi ito totoo.

Si Gaelan?

Alam nya ba ang namamagitan kay Kuya Rab at Miss Farrah?

At bakit naman buong puso nyang sinabi ang pangalan nya?!

Wala man lang syang balak magtago doon sa ginawa nya sa kapatid ko?

Lagot na..

“Ria, taga-Keio yon hindi ba? Boyfriend sya ni Farrah. Nagalit sa akin dahil naabutan nya si Farrah sa condo ko.”

“K-kuya.. Ano kasi–”

“Ilang taon na siya? Pwede na makulong?” Sumunod na tanong ni Kuya na bakas sa mata ang galit. Napahugot ako ng malalim na hininga.

“Kuya, g-ganoon lang siguro ang reaksyon nya d-dahil inagaw mo ang–ang girlf–”

“Hindi yon sapat na dahilan!” Gigil na pagtutol ni Daddy. Napatahimik ako at sumiksik kay Kuya Ahmed.

“Dad, wag mo naman sigawan si Baby Botchog..” Nanghihinang sambit ni Kuya Rab.

“Hindi ko sinisigawan si Maria Arabella. Paano kasi uunawain nya na naman ang nambugbog sayo eh hindi naman tama yon.” Napapailing na sambit ni Daddy, napanguso naman ako at napayuko na lang. Hindi naman sa kinakampihan ko si Gaelan pero kawawa naman sya kapag kinasuhan sya ng pamilya ko. Si Attorney Montemayor pa naman ang familiy lawyer namin, balita ko wala pang natatalo na kaso yon simula pa noon.

“Dad, pinalaki nyong maawain si Ria, magtataka pa ba kayo kung ganito kabait ang kapatid ko?” Inakbayan ako ni Kuya Ahmed at malambing na niyakap.

Tinitigan ako ni Daddy at napailing na lang.

Dumating si Attorney Montemayor sa ospital. Nakipagkwentuhan sya kay Daddy at diniscuss ang mga kasong maaring isampa kay Gaelan. Sa bawat pag-uusap nila, kinakabahan ako. Hindi naman ako makasingit kasi sasabihin nilang bata pa ako at hindi dapat sumasali sa usapan ng matatanda.

Hindi ko lang maiwasan ang mag-alalala. Makita ko pa lang ang mukha ni Gaelan na hinuhuli ng mga pulis, nanghihina na ako.

“Baby Girl! Psst!” Pasimple akong tinawag ni Sam kaya bumalik ako sa realidad, bahagyang nakakubli ang katawan nya doon sa kwarto nu Kuya Ahmed at Kuya Gilad. Si Kuya Gilad na lang ang andon at tulog dahil si Kuya Ahmed naglalakad lakad sa labas.

“Halika, picture-an mo ang SALAD.” Iniabot sa akin ni Sam ang cellphone nya na mayroong pilyang ngiti. Tumakbo sya doon sa kama ng natutulog na si Kuya Gilad at sumakay kay Kuya.

Alanganin akong lumapit ng pumwesto na si Sam at mukhang excited talaga sya sa gagawin. Pumwesto sya sa tyan ni Kuya Gilad at inilapit ang mukha nya sa kapatid ko at nagpose na parang hahalik dito.

“Dali! Game na, Baby Girl!” Humagikigik si Sam kaya inihanda ko na ang cellphone nya. Sobrang lapit talaga ng mukha nya kay Kuya kaya sunod sunod ang pagclick ko hanggang sa—

  “Ano ba Gilad!” Pilit na kumakawala si Sam sa kapatid ko na ikinulong sya sa mga bisig nito at hinahalikan ng totoo. 

“Gilad!!” Tili ni Sam pero wala talaga syang magawa kay Kuya na ayaw syang bitiwan!

“I miss you, Samantha.” Bulong ni Kuya Gilad kay Sam na may kasamang pagkindat. Kitang kita ko ang pamumula ni Sam at halos mapatalon papalayo kay Kuya.

“Walanghiya ka Gilad! First kiss ko yon!” Halos maiyak si Sam sa pagsigaw. Nagmartsa sya papalabas ng kwarto. Ngumisi si Kuya Gilad habang pinagmamasdan si Sam na naiinis.

“Kuya, ginalit mo na naman si Sam..”

“Magbibiro tapos hindi naman pala kayang panindigan.” Iiling iling si Kuya Gilad habang bumabangon. “Gising na si Rab?”

“Oo Kuya pero kakasleep lang ulit.”

Sa maghapon, ganoon lang ang nangyari. Binabantayan ng lahat si Kuya Rab, pilit na nililibang sya kahit alam naman namin na hindi iyon nakakabawas sa sakit na nararamdaman ni Kuya.

Nang papalubog na ang araw, nagpaalam sina Mommy para asikasuhin ang kaso na gusto nila isampa. Ako naman hindi mapakali lalo na ng malaman ko kung sino ang may sala sa nangyari sa Kuya ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Kuya, namumula ito. Halatang sumuntok din sya para ipagtanggol ang sarili.

Kamusta kaya si Gaelan kung sinuntok din sya ni Kuya Rab?

“Baby?” Napalingon ako kay Kuya Rab na nagising ulit. Kumpara kanina, mas maayos na syang magsalita ngayon. Siguro nakapagpahinga na din ng sapat.

“Kuya, may gusto ka po?” I asked, tumayo ako at lumapit sa mga fruits na nasa side table. Umiling si Kuya  Rab at bahagyang ngumiti kahit namamaga ang lips nya.

“Thank you sa pagbabantay kay Kuya ha..”

“Wala yon Kuya. Basta sana, wag ka na maging babaero.” Ngumuso ako, natawa naman si Kuya.

“Hindi ko maipapangako yan Baby pero maipapangako ko sayo na makukulong ang gumawa sa akin nito..”

Natigilan ako. Ipapakiusap ko si Gaelan, sana pagbigyan ako ni Kuya.

“Kuya—”

“Hmm?”

“Pupwede bang iforgive mo na lang yung gumawa sayo nyan?” Pakiramdam ko kinukurot ako sa bawat salita lalo na ng makita ko ang pagsasalubong ng kilay ni Kuya Rab.

“No!” Matigas na pagtanggi nya.

“Di ba Kuya, parehas lang naman kayong may kasalanan?”

“Ako? May kasalanan? Masyado syang pa-big deal! His girlfriend is cheating on him pero ako ang pinagbalingan nya?”

“But Kuya–”

“No Ria. Kapag pinagusapan pa natin ito, magtatampo ako.” Tumagilid si Kuya Rab sa akin. Ganito sya kapag ayaw na nyang makipag-usap. Ako naman nanghina ng husto ang pakiramdam. Ipapakulong nila si Gaelan at hindi ko ata kayang panoorin na lang yon. I need to do something.

Nagmahal lang sya, in a very possessive way. Hindi naman masama yon hindi ba? Hindi masamang angkinin mo ang taong mahal mo. Hindi masamang ipaglaban. Hindi masamang magalit kapag may ibang kamay na humahawak sa kanya. Isa iyong pakiramdam na hindi makokontrol.

Pinunasan ko ang luhang pumapatak sa mata ko dahil napapaluha ako sa pag-iisip ng iba’t ibang mga bagay. Nagkukulong ako sa kwarto nina Kuya Gilad at Kuya Ahmed simula nung nag-usap kami kanina ni Kuya Rab.. Naririnig ko sa labas ang mga dumating na pulis at kumukuha ng statement kay Kuya Rab.

Hindi ko kayang pakinggan..

I can’t really imagine how Gaelan smashed my brother to death. Kahit na masungit sya, hindi ko maisip na ganoon sya kabayolente. Ganunpaman, I still want to understand. I don’t want him to be jailed. He’s still young. Isa pa, naging matapang sya dahil sa trauma nya noon. I cannot blame him, really.

“Kailan ang warrant of arrest sa taong iyon?” Narinig ko si Daddy mula sa labas. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

“First thing in the morning Sir, papapirmahan lang namin sa Hepe–”

“Si General Locsin ba ay maaaring pumirma nyan para mas mapabilis ang pagdakip sa batang yon?”

“Al, gabi na.. Ipagpabukas na natin–” si Mommy.

“Baka tumakas pa.”

Tumayo ako at pikit matang pinihit ang doorknob.

“Daddy.. Please..” Napalingon ang lahat sa akin ng lumabas ako sa pinto.

“Ria.. Go back to the room.” Maawtoridad na sambit ni Mommy.

“No Mommy. I cannot take this anymore. Please do not bring Gaelan to jail.” Pakiusap ko.

“Ria, what are you talking about?” Tanong ni Daddy.

“Daddy, he’s my friend. Kung ano man ang ginawa nya–”

“Kung ano man ang ginawa nya, wala syang karapatan! He cannot hurt anyone from this family! Isang Ancheta lang ang bumugbog sa anak ko? Kahit bukas na bukas ipapasara ko ang kumpanya ng mga magulang nya and I won’t even blink!”

Galit na sigaw ni Daddy. I did not falter. Matapang akong tumingin sa kanya. Si Kuya Rab ay nagtataka na akong tiningnan.

“I love you Kuya and I know you don’t deserve this.. But please understand, nadala lang din sya ng galit nya. Di ba Mommy, sabi mo po, kapag nasasaktan ang tao, nagagalit sila. At kapag ang galit, nagmula sa broken heart hindi dapat hinuhusgahan? Kasi hindi nila sinasadya ang ginawa nila. At kailangan nating irespeto ang feelings ng mga taong nasasaktan dahil umiiyak yung heart nila dahil sa pain!” Hindi ko na talaga napigilan ang umiyak sa harapan nilang lahat. Pinahid ko ang luha ko at pilit na pinatatag ang boses ko.

“Mahal nya ang girlfriend nya, Kuya. Kung para sayo Kuya Rab, mababaw na bagay lang ito, para kay Gaelan ay hindi. Si Miss Farrah lang ang minahal nya. Alam ko. Alam ko yun.” Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Kuya Xenon dahil hinihingal na ako sa pagpaliwanag ng pasigaw at umiiyak.

I am desperate!

Pero hindi ako titigil hangga’t hindi sila napapakiusapan.

“How can you put him in jail? He is too young Daddy.. Nanakawan nyo sya ng pagkakataon para mabuhay ng maayos. Saka Mommy, ano sa tingin mo ang mararamdaman ng Mommy nya kapag ipinakulong nyo ang anak nya?”  Subok ko.

Lumapit sa akin si Mommy at hinawakan ang mga kamay ko. Tiningnan nya ako ng diretso sa mata, malabo ang paningin ko dahil sa bugso ng luha pero mapait na ngumiti si Mommy sa akin.

“But Ria, ano sa tingin nila ang naramdaman namin ng Daddy mo noong halos patayin nya sa bugbog ang Kuya mo? Hindi naman nila puwedeng sabihin na nabuhay si Rab kaya walang kaso ang ginawa nya. He’s a threat, Ria.. Paano kung ulitin nya?” Sambit ni Mommy ng mahinahon. Hindi ako nakasagot, suminghot lang ako sa kanyang harapan, hinaplos ni Mommy ang buhok ko at saka tinapik ang aking pisngi.. Valid ang takot nila pero para sa akin, hindi na iyon gagawin ni Gaelan.

“Kakausapin ko sya, Mommy. Please. Daddy..” Lumapit ako kay Daddy at mahigpit na yumakap sa kanya. Gusto ko pa ngang lumuhod sa kanyang harapan pero niyakap ako ni Daddy ng mahigpit. Tinapik ni Daddy ang aking likod at malalim na nagbuntong hininga.

“I can grant all of my Baby girl’s wishes but not this one. Im sorry, princess..”

Doon ko tuluyang napagtanto na wala akong magagawa. Hindi ko kayang ipagtanggol si Gaelan.

Kabanata 22

Safety .

Tumakbo ako papabalik ng kwarto na umiiyak. Hindi ko alam kung gaano katagal. Basta ramdam ko ang sakit na hindi ako pinakinggan.

“Baby Girl.. Kain na ng dinner, kanina ka pa hindi kumakain.” Narinig ko si Sam sa gilid ng kama. Umiling lamang ako.

“Baby Girl.. Naiinitindihan ko ang nararamdaman mo. Syempre si Baby Boy ang issue dito, pero kahit hindi ka kumain, desidido talaga sina Tito Al na ipakulong sya. Kung ano man ang dahilan ni Baby Boy, mali pa din sa batas ang ginawa nya. Kung ang batas kasi Baby, nag-ma-matter sa feelings eh di wala na makukulong?”

Hindi ako umimik. If they want to send anyone to jail, they can do that except to Gaelan. Ayaw ko talaga syang makulong. All my life hindi ako naging brat, lagi akong nakikinig at sumusunod but not this time. I am not in for this.

Napabuntong hininga si Sam at umalis na ng kwarto. Narinig ko pang ipinaliwanag nya sa pamilya ko na ayaw kong kumain. Naririnig kong nagrereklamo si Mommy pero sinabi ni Daddy na hayaan muna ako.

I can hear the sound of dining utensils outside, naamoy ko din ang pagkain pero wala akong gana. Gusto kong tawagan si Gaelan para sabihing magtago sya pero wala naman akong numero nya.

Naramdaman ko na lumubog ang kama na hinihigaan ko. Natanawan ko si Kuya Gilad. Humiga sya sa tabi ko at pilit na sinisilip ang mukha ko. Lalo ko lamang iyong siniksik sa unan.

“Baby.. It breaks our hearts kapag nagtatampo ka.” Bulong sa akin ni Kuya Gilad.

“Sana intindihin mo naman sila Daddy. Pag nagfifty years old ka na at nagkaroon ka ng anak, maiintindihan mo sila..”

Napalingon ako kay Kuya. Nakangiti sya sa akin. Fifty years old talaga?! Hinampas ko sya sa balikat dahil nagpipigil ako sa pagngiti.

“I hate you all!” Sambit ko. Hinuli ako ni Kuya Gilad at kinulong sa yakap.

“We love you, Baby. Bata ka pa kasi kaya hindi mo naiintindihan. But this is the best for Rab’s safety.” Ani Kuya. Hindi ko pa din maintindihan.

The best won’t matter. Pupwede naman na magdagdag ng security si Kuya Rab para walang makalapit sa kanya. I sniffed again at hinagod ni Kuya ang likod ko. Hindi ko pa ito iintindihin. Both parties are at fault. Wala akong sinasabi na tama si Gaelan pero dapat ay pumili din si Kuya Rab ng babaeng paiibigin.

If people would make the right choices, no one would get hurt. The thing is, you’ll only know it is wrong after you suffer from its consequences.

Nilapit ko ang sarili kay Kuya Gilad at niyakap nya ako ng mahigpit.

Nakatulog ako sa ganoong ayos.

Tiyak ko na hindi ako papasok kinabukasan. Nagising din kasi ako na may guilt. Bigla kong naisip si Kuya Rab. Hindi ko na sya sinilip simula kagabi dahil naging emosyonal ako. Masama ang loob ko sa kanila, I was blinded by my wants from what is right, but still, ang desisyon ko ay mananatili. Hindi ko pa din gustong maparusahan si Gaelan.

Katabi ko si Kuya Gilad at katabi naman nya si Kuya Ahmed. Parehas silang tulog kahit sumisilip na ang liwanag sa labas.

Humakbang ako papalabas ng kwarto na hindi gumagawa ng ingay. Sumilip ako sa pwesto ni Kuya Rab. Gising na sya at nagce-cellphone. Wala syang kasama sa labas. Napalingon sya sa akin at malambing na ngumiti. Alanganin akong lumapit sa kanya pero iniunat nya ang kanyang kamay para lumapit ako sa kanya.

“Baby Botchog..” Hinawakan ni Kuya ang kamay ko. Umupo ako sa kanyang kama na hindi makatingin sa kanya.

“Nalulungkot si Kuya kapag nagtatampo ka sa amin eh.” Bulong nya. Lalo naman akong naguilty.

“Im sorry Kuya for being a bad girl.” Nag-ulap na naman ang mata ko pero pinahid iyon ni Kuya Rab.

“Alam ko na naaawa ka sa kaibigan mo, Ria..” Huminga sya ng malalim at seryoso akong tiningnan sa mata.

“Kaya sabi ko kay Daddy, hindi na ako magsasampa ng kaso.” Ngumiti sa akin si Kuya. Dahan dahan akong nag-angat ng mukha. Hindi ako makapaniwala!

“Baka kasi lalo kang sumexy kapag hindi ka namin sinunod. Hindi ka kumain maghapon ah. Sandali, magpapadeliver si Kuya ng food..” Pinindot ni Kuya ang buzzer at may dumating agad na nurse. Nakatingin lang ako kay Kuya habang sinasabi nya ang gusto nyang pagkain.

I still couldn’t believe this!

“Baby? Okay na ba sayo ang inorder ko?” Mabilis akong tumango kahit wala akong naintindihan sa sinabi ni Kuya Rab.

Nang makalabas na ang nurse hindi ko napigilan na yumakap kay Kuya.

“Thank you Kuya!”

“A-aww!”

“Ay sorry Kuya! Masaya lang ako..” Ngumiti ako. Hinaplos ni Kuya Rab ang pisngi ko.

“Yun naman ang gusto ko, Baby. Maging masaya ka lagi.”

Para akong nasa ulap at gumaan ng husto ang aking pakiramdam. Nang sumunod na araw, mas napabuti ang pakiramdam ni Kuya Rab. Hindi ko sya iniwanan kahit sinasabi nya na ayos lang sya. I am really grateful!

Sa isang linggong pananatili ni Kuya sa ospital, bumuti na ang kanyang kulay at pakiramdam. Nung ikaapat na araw lang, nakakatayo at nakakalakad na naman sya.

“Excited na akong umuwi, Baby Botchog!” Nakatawang sambit ni Kuya. Nagkukwentuhan kaming magkakapatid sa pwesto ni Kuya Rab. Nakaupo lang si Kuya sa Kama nya samantalang nakatayo kami ni Kuya Gilad at si Kuya Xenon naman ay katabi ni Kuya Ahmed sa sofa.

“At makapambabae ka na naman! Sa kaharutan mo naoospital ka tuloy. Nacheck ba nila kung may AIDS ka na? Sana isinabay na din.” Ani Kuya Gilad. Sumimangot si Kuya Rab sa kanya.

“Inggit ka lang. Nakatali ka na kasi kay Sam kaya nagsusungit ka. Ganyan ba kapag pumasok sa serious relationsh*t? Nagiging loyal? Eiw si Gilad, one woman man!” Pang-aasar naman ni Kuya Rab. Tumawa si Kuya Xenon at Kuya Ahmed. Ano naman ang nakakadiri sa pagiging stick to one? Si Kuya Rab talaga!

“I can get all the girls that I want Rab, and Samantha isn’t one of them.”

“Ang taas ng standards!” Napalingon kaming lahat sa pintuan ng bumukas iyon. Pumasok si Sam na mayroong dala dalang paperbag na mayroong cake. Iniabot nya iyon kay Kuya Rab.

“Wow! The best ka talaga Sam! Kung ako lang ang niligawan mo, sinagot na kita. Si Gilad kasi pakipot eh.” Wika ni Kuya habang binubuksan ang paborito nyang japanese cheesecake mula kay Sam.

“I know right! I am a good catch, maganda, sexy, mabait! Sino bang hindi magugustuhan ang kagaya kong Beauty Queen?” Buong pagmamalaking sambit ni Sam kay Kuya Rab.

“Sige one time, date tayo.” Sabi ni Kuya Rab na ngumunguya.

“You know it is very unethical to bring someone food at yung mga kasama nya ay wala.”  Puna ni  Kuya Gilad. Umirap lang si Sam.

“Bakit? May sakit ka ba? Alam mo ang problema sayo Gilad, kapag nilalambing ka, ayaw mo. Kapag hindi naman, galit ka. May issue ka ba sa pagkatao ko talaga? o sadyang may galit ka lang sa mga babaeng sobrang lakas ng sex appeal? Sorry ha, hindi ko kasalanan kung ipinanganak akong ganito!” Umismid si Sam at lumapit kay Kuya Ahmed. “Hi Mahal ko!” Bati nya kay Kuya Ahmed sabay beso dito.

“Pero magaling na si Rab!” Angil ni Kuya Gilad.

Napabuga ng hangin si Sam at nahinto sa pakikipagkwentuhan kay Kuya Ahmed. Naghalungkat sya sa bag nya ng kung ano.

Napangiti sya ng makita nya ang isang kahon ng Tictac candy.

“O ito Gilad, wag ka na magtampo. Sayo na ito.” Inilagay ni Sam ang Tictac sa kamay ni Kuya Gilad. Natawa kami ni Kuya Xenon dahil nangunot ang noo ni Kuya Gilad.

“Tsk!” Ani Kuya Gilad at lumabas na ng kwarto ni Kuya Rab.

Natawa lang kaming lahat. Dumating si Mommy at si Daddy sa room ni Kuya Rab na may mga kasamang househelps para iligpit ang gamit ni Kuya.

Inantay lang namin na mapainom si Kuya Rab ng gamot pagkatapos ay umalis na din kami sa ospital.

Nilingon ko ang napakaraming bodyguards ng pamilya namin. Pati tuloy ang mga nurse at pasyente sa ospital napapalingon dahil sa dami ng lalaking naka-itim ang sumasabay sa paglalakad namin.

Sumakay kami sa isang sasakyan bukod kay Kuya Xenon na dala ang sasakyan. May sumunod din sa kanyang bodyguard. Mukhang hinigpitan na ni Daddy ang seguridad naming lahat.

Para sa akin ay ayos lang, basta hindi mapapahamak si Gaelan. Pupwede naman kaming mag-adjust. Kakausapin ko lang si Gaelan at sasabihing mali ang ginawa nya.

Nanatili ako sa mansyon hanggang lunes ng umaga. Doon ako nanggaling para pumasok sa Keio pero mamayang hapon ay doon na ako ulit kay Mama Buding uuwi.

“You will have Smiths, Cepeda, Esquivel and Del Cruz, Ria.. Wag kang mag-alala. They won’t meddle in your school life. Nandoon lang sila lagi sa labas at titiyakin nila na makakauwi ka ng ligtas.” Sabi ni Daddy.

Tumango ako. Wala na akong oras para makapagdiskusyon pa. Humalik ako sa pisngi ni Mommy at Daddy. Nakaalis na si Kuya Gilad, Kuya Ahmed at Kuya Xenon, si Kuya Rab naman ay namamahinga daw.

Sumakay ako sa sasakyan na minamaneho ni Chief Smiths.

“Chief Smiths, paano po kapag sumabay ako sa kaibigan ko pagpapauwi?” Tanong ko.

“May tracker po ang cellphone nyo, Young Maiden. Kapag lumabas kayo ng Keio, nakakasunod ako. Ganoon pa din sa susunod na mga araw.”

Tumango ako. At least tracker lang at hindi camera.

Nagpababa ako na medyo malapit na lang sa Keio. Bumaba din ang ibang mga bodyguards ko. Hindi sila nakaitim ngayon para madaling humalo sa iba.

Naglalakad ako at dumistansya sila. Nakahinga ako ng makaapak ako sa Keio.

Namiss ko to!!

“Aray..” May tumama na bola ng badminton sa pisngi ko.

‘Bakit nandito pa yan?’

‘Akala ko nagquit na! Gusto talagang mahirapan! Weird’

‘Ihanda ang welcome party!’

Nagsimula na naman sila. Hindi ko na lang pinansin. Naglakad ako patungo sa unang klase ko, sayang at hindi ko nasimulan ang pag-rorosaryo kaninang umaga.

Lumingon ako sa parking lot nang dumaan ako doon para hanapin ang sasakyan ni Gaelan pero wala naman ito. Isa iyon sa agenda ko ngayong araw, kailangan ko syang kausapin.

‘Bakit pumasok si Ria?’

‘Sabi pa naman ng grupo nina Viktoria may pa’welcome party kapag tumuntong ulit sya ng Keio..’

‘Lagot na. Free cut pa naman today at wala ang karamihan sa Faculty dahil nakipagmeeting para sa Intercollegiate..’

‘Malamang hindi nya alam yon dahil ngayon lang sya nagpakita!’

‘Sabihan kaya natin na wag syang pumasok, tiyak na bugbog aabutin nya kila Vicky!’

‘Gusto mong mabugbog ni Vicky? Hayaan mo na.. Tara na..’

Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Ayon sa pagkakaintindi ko, walang klase ngayon? Lalo akong hindi nagmadali sa paghakbang. Hahanapin ko na lang si Gaelan para makausap.

**Beep ** beep

Nagmadali akong pumunta sa gilid dahil sa sasakyang bumusina. Nakita kong sasakyan iyon ni Gaelan. Natuwa ako. Makakausap ko agad sya! Inantay ko ang pagbaba nya sa pula nyang sasakyan. Nakasimangot kaagad sya sa akin.

“Gaelan..”

“Bakit hindi ka pumasok ng isang linggo?” Angil nya agad sa akin.

“K-kasi–”

“Inalagaan mo ang boyfriend mo?” Galit na tanong nya. Napakunot ang noo ko.

“He’s a cheater, Maria. Bakit mo sya inalagaan? Dapat nilumpo ko na yon eh.”

Hinangin ang buhok ni Gaelan, nanatili lang akong nakatingin sa kanya, galit na galit ang kanyang mga mata.

“Gaelan. Hindi tama ang ginawa mo.” Panimula ko.

“What?” Nadidismayang tanong ni Gaelan. Nanunuya syang natawa at tumingin sa malayo bago ako binalikan ng matalim nyang tingin.

“Hindi tama? Maria, niloloko ka ng taong yon pero hindi tama?”

I sighed.

“Naiintindihan ko na nagagalit ka dahil may relasyon siya kay Miss Farrah.” Nanginig ang boses ko. Matabang ang panlasa ko sa pagpupunto na nagalit sya dahil kay Miss Farrah but that is a fact. Iritableng napakamot ng kanyang ulo si Gaelan.

“What? You think I am that shallow? Hoy Maria, hindi ako ganon kababaw. Kung gusto ni Farrah sa taong yon wala akong pakialam! Niloloko ka nga nya eh! Ano ba ang mahirap intindihin doon?”

Natigilan ako. Walang kaso sa kanya ang pakikipagrelasyon ni Miss Farrah kay Kuya Rab?

Kaya sya ganito dahil akala nya ay boyfriend ko si Kuya at nagtataksil ito sa akin?

“Bad ang gumamit ng kamao, Gaelan. Naiintindihan ko na matapang ka. Lumakas ka dahil sa pinagdaanan mo. Pero kung lagi mong magiging solusyon ang lakas mo, ano ang pinagkaiba mo sa mamamatay tao?” I asked. Gaelan clenched his jaw. Dumilim ang mata nya na parang may paparating na bagyo.

“Talaga bang ipinagtatanggol mo ang taong yon?” Puno ng hinanakit ang mga mata nya.

Huminga ako ng malalim bago tumango.

Hinampas ni Gaelan ang bubong ng kanyang sasakyan.

“Whatever! Bahala ka na dyan, Maria!” Asik nya sabay tumalikod sa akin para maglakad papalayo.

“Gaelan, hindi ko boyfriend ang sinaktan mo. Kapatid ko yon.” Umalpas ang luha ko sa mga mata ko ng sumigaw sa kanya. Tumigil sa paghakbang si Gaelan at nanatili kami sa katahimikan.

The silence is deafening. Tunog lang ng dahon sa puno ang maririnig sa pagitan namin.

“K-kapatid?” He asked again. Tumango ako kahit hindi nya ako tinitingnan.

“Please don’t do that again, Gaelan. Stop being bad. I hate it!” Huli kong sinabi bago naunang maglakad sa kanya. Pinahid ko ang luha ko habang naglalakad.

Alam kong hindi sya makikinig, sino ba naman ako. But he needs to know! He cannot be bad and violent all his life. Tama na yung alam nya kung paano poproteksyunan ang kanyang sarili pero para gamitin nya ito sa karahasan o solusyunan ang init ng ulo, masyado na iyong mali!

Humugot ako ng malalim na paghinga at humakbang ng mabibilis.

Nang makarating ako sa gitna ng Keio, agad na may bumuhos sa akin na tubig na puno ng yelo. Ramdam ko ang panunuot ng lamig sa balat ko dahil namanhid ng husto ang aking panga.

‘Welcome back, b*tch!’ Humalakhak si Tyra babang may bitbit na balde ng tubig. Binato nya iyon sa akin pagkatapos. Unti unting nagsilapitan ang mga estudyante sa akin.

May mga binato silang papel at ballpen habang tumatawa. Pilit akong umiiwas pero na-corner nila ako sa gitna.

“Bakit ba kasi bumalik ka pang papansin ka?”

“Attention seeker!” May nagbuhos sa akin ng juice at potato chips. Naramdaman ko agad ang pagdagdag ng lamig at panginginig ng tuhod ko.

Tinakpan ko ang mukha ko, hindi ko na alam kung ano ang tumatama sa akin. Sari saring pagkain at mga papel ang mga iyon. Lahat ng binubuhos nila ay may kasamang panunuya at pagtawa.

‘Bagay sayo yan, sinungaling ka naman eh! We don’t want you here! You’re just a dirt in this community!’

‘Hindi sapat na matalino ka para pasukin ang mundo na gusto mo, social climber!’

Niyakap ko ang aking sarili, mayroong bag ang humampas sa akin, paulit ulit. Tumingala ako. Sa pwestong ito ako sinurpresa ni Gaelan, puno ng masasayang alaala para sa akin ito pero ngayon ay ganito ang nangyayari sa akin.

Naiyak ako sa pang-aapi na ginagawa nila. Gusto kong tumakbo papalayo pero nakabilog sila at wala akong kawala.

‘BLAG!’

Isang malakas na tunog ang tumama sa mukha ko, doon mismo sa aking ilong. Dahilan kung bakit ako napaluhod. Kitang kita ko ang pagtalbog ng bola ng soccer papalayo sa akin. Hinawakan ko ang aking ilong at nakita ko ang masaganang pagdudugo nito.

Nakaramdam agad ako ng pagkahilo. Ayoko ng dugo!

Nakita ko ang Yukan’na at si Yuki ay akmang hahakbang papalapit sa akin. Natanawan ko si Gaelan na tumatakbo patungo kay Yuki mula sa likod at iniharang nya ang kamay nya sa dibdib ni Yuki.

I can see that Gaelan mouthed ‘Wag.’

Nawalan ako ng pag-asa. Ayaw nya akong patulungan. He really hates me..

Unti-unti akong nawawalan ng malay at papahiga na talaga sa damo.

“Tama na!” Ang boses na puno ng galit ang huling narinig ko bago tuluyang maging itim ang lahat.

I did not fall on the grass, I felt a tight grasp on my back as I fell asleep in someone’s embrace assuring my safety.

Wala na akong naalala pagkatapos.

🍀

Maki Say’s : Last update today, I am super mega SEVERELY sick. Please vote all chapters! Isinali ko ito sa Wattys2016 ✌🏽️

Facebook Group: MAKI DYOSA (Wag Matakot)

Facebook Account: Makiwander Stories

Facebook Fan Page: Ako si Maki

Vote. Comment. Recommend.

Kabanata 23

Turning Tables.

May mga pangyayaring matatauhan ka na lang. Sometimes, you clearly know what is good and bad for you because you were raised that way. You were raised to be prim and proper, you were raised to decide which things should be beneficial.

Pero sa buhay, tables will turn. Ipaglalaban mo ang mga prinsipyo na akala mo ay tama. Sa pakiramdam mo kasi, yon ang maganda. Its consequences? Masasaktan ka. You fought so hard but in the end, hindi pala yon ang tama. Nalinlang ka and at some point, you just have to stop. Lalo na kung gumagawa ka na lang ng mabuti para sa isang tao. Isang tao na lang.

“Umalis ka na Yuki.”

“Bakit ako ang aalis? Hindi ba ikaw dapat? Kasalanan mo naman yan lahat eh.”

“Bakit ako?”

“Tch, halos sambahin ka ng Keio di ba? Dapat ay inawat mo sila umpisa pa lang pero ano? Wala kang ginawa!”

“Ako lang ba ang halos sambahin dito? Di ba kayo din? Ikaw din?”

“Alam nyo ang ingay nyong dalawa! Magigising si Ria eh… Umalis na nga muna kayo.” Naalimpungatan ako sa boses ng nagtatalo at ang panghuli ay ang boses ni Selene. Natatakpan ng kurtina ang hinigaan ko. Nakapagpalit na ako ng damit at maayos na din ang balat ko, malinis na malinis na.

Nanatili lang akong nakahiga at pinagtagpi tagpi ang nangyari kanina. Huli kong natandaan ay yung may bumato sa akin ng soccerball. Ang lakas kasi non. These students became unruly because of hate and they are so young to hate that much. Nakakalungkot.

“Oh my! You are awake!” Halos mapatalon pa si Selene pagdungaw nya sa kurtina.

Ngumiti ako ng tipid.

“Number 1, We’re here at Infirmary. Number 2, hindi malala ang inabot mo dahil natakot ka lang sa dugo. Walang bali ang nose, may doktor na tumingin sayo kanina. Number 3, naiganti ka na ng Yukan’na sa mga bumugbog sayo. Naligo silang lahat sa ketchup at french fries. Taray di ba? Ang saya ko kanina!”

“Dapat ay hindi na.. Baka lalo silang magalit sa akin.” Napayuko ako dahil sa sinabi ni Selene.

Pinakiramdaman ko ang ilong ko, maayos pa di naman. Buti at wala ng bahid ng dugo. Uuwi na lang siguro ako.

Nilingon ko si Selene. Nakangiti sya sa akin.

“Hindi na galit si Gaelan sayo, hindi ka na ibubully ng school. Pupwede na ulit tayong magkasama!”

Tumango ako kay Selene at ngumiti. Galit pa din yon si Gaelan. Nadamay lang siguro sa pagtulong sa akin ng mga kaibigan nya.

“Sino ang nagdala sa akin dito? Sino ang sumalo sa akin?” Parang may naalala akong sumalo sa akin pero hindi ko tiyak. Parang anino lang kasi. Sumigaw yon ng ‘Tama na’ o baka naman boses ko yon? Hindi ko lang siguro nakilala.

“Nagdala? Siguro yung Yukan’na. Nandoon kasi ako sa room namin nung nangyari yon sayo. Kung nandon ako baka sinapok ko ang lahat ng nandoon! Bakit ba kasi ang bait mo?” Malakas na tanong ni Selene. Napangiwi ako, dapat ba ay hindi ako mabait?

Sino nga kaya yun? Baka naman guni-guni ko yon. Pero tiyak naman na mayroong nagdala sa akin dito kasi hindi naman ako makakarating ng clinic kung wala.

“Ayos ka na ba? May naghahanap sayo.” Sumulpot ang nurse sa aming harapan. Nakangiti sya sa akin at bahagyang hinawi ang kurtina.

Tumango ako pero ang sumunod ay nagulat ako ng nagpakita sa aking harapan ang mga bodyguards ko.

“Chief Smiths!” Yumukod silang lahat sa akin. Si Selene naman ay mayroong nagtatakang mga mata. Gusto ko silang paalisin pero huli na ang lahat. Si Chief Smiths talaga..

“Young Maiden, nag-alala po kami. Hindi gumalaw ang tracker sa isang lugar, apat na oras na.”

“Y-young maiden. W–wait.. R-ria?” Naguguluhang tanong ni Selene.

“Ayos na ako. Lumabas na kayo ulit, baka may makakita. Basta don’t tell this to Dad, okay?” Wika ko sa kanila.

“Masusunod po, Young Maiden.” Sabay sabay nilang sabi at magkakasunod ding umalis.

“Ria… Bodyguards mo?” Pinanlakihan ng mata si Selene. Ngumiti ako at tumango.

“Secret lang ha..” Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko si Selene. Sya lang naman ang naging mabait sa akin simula umpisa.

“Oh my God. So you are related to FLORESCA EMPIRE?!”

“Daddy ko saka mga kapatid ko.” Nagkibit balikat ako.

“REALLY??!” Halos mabingi ako sa sigaw ni Selene. Nakakatawa talaga sya.

“Eh bakit hinahayaan mong mabully ka dito? Dapat sinasampal mo sila ng pera mo!” Nagpamewang si Selene. Sinenyasan ko sya na wag syang maingay.

“Hindi pa kasi ako nakakaranas ng outside world, Selene.” Bulong ko sa kaniya.

“And the world is tough, eh?”

“It makes you stronger..”

“Sus! Takot ka nga sa dugo eh! You won’t co-exist if you don’t fight back. Kailangan mabait ka saka matapang. Grabe hindi ako makapaniwala! Hinayaan mo ang sarili mong ibully ni Gael! Baka mamaya mawala na lang sa mundo ang kinakapatid ko, Ria ha. Please, kawawa naman si Ninang Blair.”

Natawa ako sa sinabi ni Selene. Wala naman akong bad na gagawin kay Gaelan eh. Sumobra na nga ako sa pag-gawa ng mabuti para sa kanya.

I am becoming stubborn just to protect Gaelan. Ang pagiging maalalahanin ko sa kanya, may ibang napapasama. The more I try to protect him, the more I am straying away from who I am. Pakiramdam ko nagbabago ang pagkatao ko. Unti unti akong pinapalitan ng nararamdaman ko kay Gaelan dahil bukod sa kanya, wala na akong iba pang inaalala kahit pa ang aking sarili. Isinasakripisyo ko ang lahat para sa isang tao at ang sabi ni Mommy, dapat daw ang goodness ay para sa lahat. Kung good ako kay Gaelan at bad naman ako sa sarili ko, it means I am not doing it right. I sighed.

Wag kang makulit Maria.

Nalaman ko na pinahiram pala ako ni Selene ng mga damit nya at sila ng nurse ang natulong na maglinis sa akin. Nakakahiya naman pala. Nagpaalam na si Selene kasi may practice sila sa cheering squad. Hindi na din ako makakasali doon kasi dalawang linggo na silang puspusan sa practice samantalang ako, isang linggong pinag-initan ng Keio at one week din na hindi pumasok para kay Kuya Rab.

Bumangon na ako para umuwi, magaan na ang pakiramdam ko at tingin ko wala na ding estudyante sa labas. Nagpasalamat ako sa nurse at kinuha ang bag ko.

“May sundo ka ba?” Nag-angat ng tingin ang nurse sa akin mula sa pagsusulat nya sa maliit na lamesa. Ngumiti ako at umiling. Sya din ba yung nurse na nagpadala ng doctor sa bahay namin nung nakaraan?

“Wala po, pero kaya ko naman na po. Salamat.”

“Baka mahilo ka sa daan. Mag-iingat ka.” Sabi nya. Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Mas hindi safe sa Keio eh.

Paglabas ko ng pinto ng Infimary, nakita ko agad si Gaelan. Nakasandal sya sa isa sa mga pole ng pathwalk at seryosong nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Tumikhim sya at naglakad sya sa likuran ko.

“Maria.”

Hindi ako lumingon kahit namimiss ko na din yung mahinahon na boses nya. Nung nakaraang dalawang linggo kasi lagi syang nakasigaw sa akin eh. When he’s calm, it calms my senses too. Pakiramdam ko ay ligtas ako at hindi nya talaga ako papatayin.

“Maria…” Tawag nya ulit ako.

“Maria, pansinin mo ako.” Ulit nya.

Napahinto ako, nagsusumamo kasi ang boses nyang yon. Nilingon ko sya, parang pagod ang mga mata nya. Nakatingin sya sa akin at nagpuppy eyes. Hindi ako dapat magpalinlang. Kasi si Gaelan magaling talagang mag-puppy eyes tapos lolokohin na naman nya ako para mayroon ulit syang awayin.

“Bakit?” Tanong ko sa kanya pero nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit. Sobrang higpit.

“G-gaelan.” Mas humigpit pa ang yakap nya, balak nya ata akong gawing Mashed Maria.

“Wag kang gagalaw.” Sumiksik sya sa leeg ko. Paano ako makakagalaw eh iniipit nya ako ng sobra. Nagtataka naman ako. Ano kaya ang nangyayari kay Gaelan?

“Galit ako sayo. Alam mo ba yon?” Tanong nya. Tumango ako.

“Lagi naman..” Bulong ko. Umiling sya.

“I am mad at you because I thought you chose your principles over me. I want you to choose me above anything else. But fck—”

Tinapik ko ang likod ni Gaelan, “Bad ang magmura!” Angil ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin.

“–And you did. Pinili mo nga ako, Maria and I don’t like it. Y-you are starting to be like us.” Hindi binitawan ni Gaelan ang yakap nya sa akin.

Ang gulo naman nya! Gusto nya itago ko ang secret nya pero nung nagsinungaling ako para ipagtanggol sya, ayaw nya din?

“Sinabi ko sayo sayo noon, don’t be bad. Wag kang mapasama dahil masama ang nasa paligid mo. Sinaktan ka nila dahil doon—”

“Wala naman akong ginawang masama—” Protesta ko.

“You lied. For me.” Pagpupunto nya. Hindi ako nakasagot.

“I was never scared of blood until I saw you bleed.” Napapaos na bulong ni Gaelan. Parang hinang hina ang boses nya habang nagsasalita.

Dahan dahang ibinaba ni Gaelan ang kamay nya patungo doon sa kamay ko. I can feel his sweaty palm in my right hand, bahagyang nanginginig ang kamay nya. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung para saan. Humakbang ng isa si Gaelan paatras sa akin. Tiningnan nya ako sa mata, iniwas ko ang mukha ko pero hinawakan nya ako sa pisngi para ibaling ang atensyon ko sa kanya.

“Im sorry.” He sincerely said. Pakiramdam ko tumigil ang lahat ng bagay sa paligid namin at kami na lang ang humihinga. Nanlambot ang tuhod ko, tumuwid ako para umaayos ang pagtayo ko, gusto kong bumalik sa yakap nya pero alam kong hindi tama.

“I forgive you, Gaelan. You don’t even have to say sorry. Yun ang pinili ko and we shouldn’t feel bad for our choices right? H-hindi ko kasi kaya na malungkot kayo ni Miss Farrah, a love like that—”

“We broke up. Bago pa ang kumalat na email, nakipaghiwalay na ako sa kanya.” It’s almost a murmur. “That’s why I got mad at you dahil itinigil ko na ang relasyong bawal bago ka pa mag-sumbong, but fck you’re not the culprit and if I will find out who, I will wring his neck–” Bumilis ang kanyang paghinga sa galit.

“Do not say bad words, Gaelan and do not attempt murder!” Suway ko sa kanya. Dahan dahan nyang niluwangan ang kanyang kamao at huminga ng malalim.

“B-bakit kayo magkasama nung isang araw ni Miss Farrah?” Di ko napigilan ang aking sarili na magtanong.

“Because she’s sad. Pakiramdam ko may malaki din akong kasalanan sa kanya at may pinagsamahan din naman kami…” Tumingin sa malayo si Gaelan at nahihirapan din na magpaliwanag. Gusto ko pa sana tanungin kung bakit sila nagkahiwalay pero masyado nang panghihimasok iyon. Nakuntento na lang ako sa nalaman ko.

Ngumiti ako, kailangan ko na sabihin sa kanya ang napagtanto ko. Iiwas ako para hindi na kami parehas napapahamak.

“Sige Gaelan, uuwi na ako. Wag mong iisiping galit ako at tama ka, I have to stick with my principles from now on. Didistansya ako sayo, Gaelan.”

Mas mahalaga ka na kasi kaysa sa prinsipyo ko ngayon..

“T-teka—”

“It is for the better, isa pa, masanay na din tayo sa ganito. I am about to face expulsion—”

“I will tell the truth! Hindi ko man alam kung sino ang gumawa ng email na yon, but at least I will say that it is not you at totoo ang laman ng email. Sasabihin ko na lang na mayroong galit sa akin.. I will apologize to your brother if I have to–” Hinawakan ni Gaelan ang braso ko habang sunod sunod nyang dinidikta ang kanyang plano, umiling ako.

“Please don’t. Wag na Gaelan. Wag mong sayangin ang isinakripisyo ko sayo. I choose to bend my principles for the first time, it doesn’t feel good kaya wag mong sayangin.” Matigas kong sabi. Natulala si Gaelan sa mukha ko. Kinuha ko ang pagkakataon para lumayo sa kanya.

Kung mabibigyan pa din ako ng pagkakataon na ulitin ang mga bagay na ginawa ko para sa kanya, ganoon pa din ang gagawin ko. Gaelan cannot be expelled. Importante sa kanya ang Yukan’na. Nakita ko ang kanyang training para maging agent. He deserves it. Maliit na bagay lang ang sa akin. Kahit hindi naman ako mag-aral, walang magbabago. I am still the heiress and I don’t need Keio to help me with it.

Mabilis pa din ang tibok ng puso ko habang humahakbang ako. I will do it right this time, makakabuti na rin siguro na mag-iwasan kami ni Gaelan. Mayroong galit sa kanya o sa akin o sa aming dalawa. Hindi ko na naman maiiwasan ang protektahan sya kapag nagkataon. Kung magkalayo kami, I won’t trigger the hate. Hindi madadamay si Gaelan. I might break the principles again, just for him.

Sumakay ako ng jeep papauwing bahay, papadilim na kasi. Gabi na ng makarating ako at naabutan ko si Mama Buding na nagtatahi ng pantalon ni Papa. Doon lang ako bumalik sa realidad na mapanatag sa parang roller coaster na nangyari sa akin nung mga nakaraang araw. Gusto kong magkulong sa kwarto at magpahinga.

“Nagtungo ako kay Rab, naglalambing nga na doon muna tayo matulog.” Tumawa si Mama Buding. Si Kuya Rab kasi matagal bago nadettach kay Mama. Napagkamalan pa nga daw nya na si Mama Buding ang nanay nya kay niloloko namin sya na ampon.

“Pahinga po muna ako, Mama.” Umakyat ako sa kwarto ko. Nilapag ko ang cellphone ko sa side table at nagshower muna. Pagbalik ko napansin ko ang sunod sunod na pag-ilaw ng aking cellphone.

Napakunot ang noo ko ng makita kung sino ang nagtetext.

Yabs Ko: Bakit mo ako iiwasan?

Yabs Ko: Kasi hindi ako mabait?

Yabs Ko: Itatama ko na lang kasi yung ginawa ko para tapos na.

Yabs Ko: Tabs, sorry na.

Napataas ang aking kilay. Paano ako nagkaroon ng numero nya? At may pangalan pa talaga.

Ako: Paano mo nalaman ang number ko?

Yabs Ko : Nung wala kang malay, inilagay ko.

Ako: Bakit?

Yabs Ko: Para maitext kita.. Saka maitext mo ako.

Ako: Bakit?

Yabs Ko: Bati mo na ako, sorry na..

Ako : Hindi naman ako galit. Basta wag mong babawiin ang mga sinabi ko sa school. Hayaan mo ako, maayos din ang lahat..

Humiga ako sa aking kama, sa baba ay naririnig ko na si Mama Buding na naghahanda ng plato para sa hapunan. Wala pa din akong ganang kumain.

Ang bilis ng mga reply ni Gaelan, minsan nga ay dalawang mensahe ang pinapadala nya, hindi pa ako nakakareply doon sa una. Wala kaya syang ginagawa? I realized that I am texting him casually at di ko napansin ang oras.

Yabs Ko: Paanong magiging maayos? Kanina nga nahimatay ka, kung hindi pa kita nasalo, babagsak ka doon sa lupa.

Ako: Ikaw ang sumalo sa akin?

Di ko mapigilan ang pagngiti kahit sinubukan kong pigilan.

Yabs Ko: MAY IBA KA BANG INAASAHAN?

Napanguso ako, nagsusungit na naman sya. Para tinatanong lang eh.

Ako: Wala, hindi ko lang inaasahan na ikaw.

Yabs Ko: Ganoon din yon, may iba kang inaasahan!

Yabs Ko: Galit ka pa ba sa akin?

Ako: Hindi naman nga ako galit sayo..

Yabs Ko: I missed you.

Napa-facepalm ako. Ang init nang pisngi ko! Bakit biglang ang daming sinasabi ni Gaelan na kakaiba? Natakot ba talaga sya na tinamaan ako ng bola na yun? Hindi pa ako nakakaisip ng isasagot, tumunog muli ang cellphone ko.

Yabs Ko: Baba ka.. Please.

Baba? Bakit nya ako pinabababa? Ibig bang sabihin– Kinabahan ako ng husto! Gumapang ako papunta sa may study table ko na nakaharap sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at nakita ko si Gaelan na nandoon. He’s still wearing his faded jeans and his black vneck shirt, this time he is wearing a beanie. Bahagya syang kumaway sa akin at alanganin na nakangiti. Nakasandal sya sa kanyang pulang sasakyan habang hawak ang kanyang cellphone.

Humarap ako sa salamin, nakasuot na ako ng terno na pajama na kulay pink. Hinawi ko lang ang aking buhok at kinapa ang aking mata kung mayroong kakaiba doon pagkatapos ay nagmadali ng bumaba.

“Ria, kakain na…” Narinig ko si Mama mula sa kusina habang pabagsak akong bumababa sa hagdan.

“Una na po kayo, may kakausapin lang po ako dito sa may gate.” Halos kumaripas ako para tunguhin si Gaelan. Binuksan ko ang gate. Huminga ng malalim si Gaelan pagkakita sa akin. Ganoon din ako. Unti-unting naging panatag ang pagtibok ng puso ko pagkakita ko sa kanya.

“Hindi ka pa umuuwi?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

Umiling sya.

“Bakit hindi pa? Eh gabi na.. Halika sa loob. Kain tayo.” Aya ko sa kanya pero hinila na naman nya ang kamay ko at nahila nya ako papalapit sa kanya, bumagsak na naman ako sa dibdib nya.

Ano ba ang nangyayari kay Gaelan?

“When the world is bad, I just want to breathe.” Sambit nya. Naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya. Gumaya na naman ang puso ko, bumilis din ang akin!

Nag-angat ako ng tingin kay Gaelan. Napalunok ako ng makita ko ang pagpungay ng mga mata nya.

“Wag mo akong iiwasan, magpapakabait na ako.” Pakiusap nya. His voice is husky and  pleading.

Iniangat ko ang kamay ko at nilagay ko sa likod nya. Kinuha nya ang pagkakataon para sikupin ako sa mas malawak na yakap. I rested my chin in his arms dahil yun lang ang abot ko. It was a bear hug and it is comforting.

“This is my peace, Maria. Do not take it back. I will bend this time. I promise.”

And just like that, the tables were turned again, Gaelan at the advantage. This time he’ll be the one changing the ground rule. 

Kung bakit at para saan, hindi ko alam…

KABANATA 24 (2nd Re-posting)

Maki Say’s: Hindi mabasa ng iba ang Chapter 24. So Reposting this :)

Mayroong Isang Linya.

Hanggang sa bago ako matulog nasa isip ko ang pangyayaring yon sa pagitan namin ni Gaelan. It was.. different. Gaelan was different. Nagbago siya bigla.

“Bakit hindi ka pa natutulog?” Tanong ni Gaelan sa kabilang linya. Nakauwi na daw sya at nakakain na. Sabi nya ay tatawag sya pagkatapos ng lahat ng kanyang gagawin sa bahay nila at ngayon ay mukhang tapos na.

“Mmm.. Kasi kakatapos ko lang ayusin ang mga gamit na dadalhin ko bukas.” Nagkibit balikat ako habang naglalagay ng gamit sa aking bag.

Tumahimik bigla sa kabilang linya. Iniisip ko tuloy kung naputol ba ang tawag.

“Gaelan?” Untag ko. “Andyan ka pa?”

“I thought you are waiting for my call.” May kakaibang tunog sa boses nya. Napangiti ako, para talagang bata.

“Bakit ko naman aantayin?” Tanong ko sa kanya.

“Tss! Syempre. Sinabi kong tatawag ako. Kapag sinabi ko, gagawin ko. You should wait.”

“I waited. Inaayos ko ang mga gamit ko kasabay ng pag-iintay sayo para kung hindi mo gagawin, may pakinabang naman ang oras ko hindi ba?”

“Fine. Nakakain ka na ba? Tinanong ka ba kung bakit ka nagtagal sa labas?” Tanong nya. Umiling ako kahit hindi nya nakikita.

“Kumain ako pero hindi ako tinanong. Ikaw, hindi ka ba tinanong kung bakit late ka na umuwi?” I asked.

“Late? This is still early. Masyado pang maaga ang uwi ko na ganito..”

I pouted. Is this still early? It is 10 in the evening!

“Maaga? Anong oras ka ba kadalasan umuuwi?” Kyuryosong tanong ko. Tumayo ako para ilagay ang bag ko sa study table.

“Tuwing kasama ko sina Yuki kadalasan ay umaga na..” Kaswal nyang sagot.

“Training?” Kumunot ang aking noo.

“Party.” Tipid na sabi nya. I almost sighed with his answer.

“Ah.” Wala akong ibang masabi at nahulog na lang ako sa pag-iisip.

Sabagay ang tipo nila ang madalas na magtutungo sa mga pinupuntahan ng mga Kuya ko para makainom at makapambabae. Si Gaelan kaya nambababae din?

Siguro.. Imposible namang hindi sya mapansin ng mga nagagandahang babae. At imposibleng hindi sya tumingin sa mga babae kahit girlfriend nya pa noon si Miss Farrah.

“Natahimik ka?” Gaelan asked in the other line. Nakagat ko ang pangibabang labi ko. Naimagine ko kasi agad na nag-sasaya si Gaelan habang mayroong kaakbay na babae at umiinom. Parang may tumutusok na kung ano sa puso ko. Ang pangit sa pakiramdam.

“W-wala.” I shook my head. Humiga ako sa aking kama at tinakpan ko ang aking mukha. Ano ba ang nangyayari sa akin?

“Huhulaan ko.” I can distinguish a smile on his voice. “Ayaw ni Maria na nagpaparty ako, tama?” He asked.

Hala! Paano nya nalaman yon?!

“H-hindi naman sa–”

“Hindi ko na gagawin..” Malambing nyang sabi. Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko! Ano ba naman si Gaelan!

“Bakit mo hindi gagawin?” Nangingiming tanong ko pero sa likod ng utak ko, umaasa na ako ang dahilan.

“Kasi ayaw mo. Lahat ng ayaw mo hindi ko na gagawin. Hindi na ako makikipag-away, hindi na ako mambubully, hindi na din ako gagawa ng gulo. I will be a good boy for Maria.” Pangako nya. I am almost dreamy, ang sarap pakinggan. Halos mabitiwan ko ang hawak kong cellphone.

“Gusto ko yon..” Halos bulong ko. Napatakip ako ng aking bibig. Masyado akong nahumaling sa pangako nyang yon kahit hindi ko naman alam kung tutuparin nya. Napakapilyo kaya ni Gaelan!

“Basta mangako ka, hindi mo ako iiwasan ha? Lagi tayong magkasama.”

Napahagikgik ako “Paano tayo laging magkakasama eh hindi ka naman pumapasok sa klase!”

Hindi nya sinagot ang tanong kong iyon hanggang sa nagpaalam na ako para matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Kaya kinabukasan, nagulat na lang ako dahil inaabangan ako ni Gaelan sa gate ng Keio.

“Good morning!” Maligayang bati ni Gaelan. Maayos ang kanyang suot. Hindi sya naka-tshirt ngayon. Nakasuot sya ng polo shirt na kulay puti. Pormal ang kanyang pantalon at sapatos. Sa likod nya ay mayroong backpack. Inabot nya ang mga libro ko mula sa akin.

“Bakit ganyan ang suot mo?” Hindi ko mapigilan ang matawa. Agad namang napasimangot si Gaelan.

“Papasok ako sa klase!” He said. Napahinto ako sa paglalakad at kunot noong hinarap sya.

“Aist! Di ba sinabi ko na nga! Lagi tayong magkasama para hindi mo na ako maiiwasan.” Tumingin si Gaelan sa malayo at pasimpleng inabot ang kamay ko. Huminga ako ng malalim kahit tinatambol ng husto ang puso ko sa pagkakadikit ng kamay namin.

Bakit kaya ganon ang pakiramdam? Sa simpleng bagay halos tumakbo ang puso ko ng mabilis. Presenya nga lang ni Gaelan, kinakabahan agad ako.

‘OMG! Nagkabalikan ba sila?’

‘Girl, hindi naging sila hindi ba?’

‘Look at them. Mukhang ingat na ingat si Gaelan kay Ria!’

‘Just leave them alone! Baka paliguan na naman tayo ni Gaelan ng ketchup!’

Sari-saring bulungan ang naririnig ko habang naglalakad kami sa field ng Keio. Hindi naman iyon alintana ni Gaelan. Hawak kamay kaming naglalakad patungo sa classroom ko. Maliliit ang hakbang namin, para tuloy hindi nauubos ang daanan. Ang tagal naming makarating eh!

“Wag mo silang papansinin.” Nag-angat ako ng tingin kay Gaelan na mayroong seryosong ekspresyon. Naririnig din nya ba sila? Ay oo nga pala.. Mayroon din naman syang tenga.

“Sa akin ka lang makikinig, Maria.” Huminto si Gaelan at hinarap ako. Tinitigan nya ako ng husto. Madaming emosyon ang makikita sa mga mata nya pero hindi ko maintindihan kung anong laman. It is both dark and caring. Paano nya napagsasabay ang emosyon na yon? Madilim pero malambing. Ang sarap tinginan pero nakakapanghina. Yumuko ako para umiwas sa ganoong paninitig, baka mahimatay ako sa sobrang panlalambot dahil sa titig nya.

“Ria!” Kumaway si Selene na ilang hakbang lang ang layo mula sa amin ni Gaelan. Patakbo syang nagtungo sa amin at masayang sumabit sa braso ko.

“Tch, napaka-extra talaga ni Selene.” Bulong ni Gaelan.

“Huh?” Tanong ko. Napailing lang si Gaelan.

“Im so happy you are here! Ayos ka na ba? Halika, hahatid kita sa classroom mo!” She chirped. Hinila ni Selene ang kamay ko pero hindi ako nakagalaw dahil hila din ni Gaelan ang kabila.

“Ako na.” Malamig na turan ni Gaelan. Napasimangot naman si Selene sa kanya.

“Bakit ikaw? Hoy Gaelan, baka di mo nakakalimutan na ikaw ang dahilan kung bakit napapahamak si Ria lately!”

“Alam ko. Kaya nga ako na ang maghahatid kasi poprotektahan ko sya.” Sagot naman ni Gaelan. Natigilan si Selene at lumipat ang mga mata sa kamay naming magkahawak. Nanlaki ang mga mata nya.

“OMG! Kayo na?” Selene shrieked.

“HINDI!” -Ako

“OO! “-Gaelan

“Anong oo?”-Ako

“Anong hindi?”-Gaelan

Sabay kaming nagsasalita kaya lalong naguluhan si Selene.

“Ha? Hindi pa?” Hinarap ako ni Gaelan.

“Paano magiging tayo? Eh hindi ka naman nanligaw.” Nagkibit balikat ako. Bakit ganoon ang iniisip ni Gaelan? Di ba dapat nagtatapat muna ng feelings bago magkakaroon ng relasyon? May feelings ba sya sa akin? Sabi nya lang magpapakabait sya eh.

“Akin ka!” Naiinis nyang sabi. Napaatras ako dahil sa pagsigaw nya.

“Hindi pa pala kayo eh.” Boses iyon ni Yuki na naglalakad papalapit sa amin. Nakangisi sya at nang-aasar na tiningnan si Gaelan. Kasunod nya ay sina Kiro, Ice, Hunter, Rye at Zeus.

“Anong hindi pa tayo?” Binulungan ako ni Gaelan ng nagtataka.

“Bad magsinungaling.” I whispered.

“I am not lying! Ano yung kagabi? You let me hug you.” Sumbat nya sa akin na nanlalaki ang mga mata.

“Dapat ba hindi?” I asked. Niyakap nya ako, dapat bang ipagtulakan ko sya?

“Why, will you let anyone hug you?” Nakakatakot na naman nya akong tiningnan.

“Well, if–”

“Tsk.” Pabagsak na binitawan ni Gaelan ang kamay ko at  umismid.

“Naku, LQ kayo agad?” Humagikgik si Selene.

“Ria. Hindi naman nanliligaw yan si Gaelan. Hindi uso yon sa kanya.” Natatawang paliwanag ni Selene. Humawak pa sya sa kanyang tyan sa sobrang ligaya, mas lalong napasimangot si Gaelan.

“Gaelan has a lot of girls, too. Nakukuha nya ang lahat sa tingin at pambobola.” Humalakhak si Hunter at nakipag-high five sa mga kaibigan nya na tumatawa din. Nilingon ko si Gaelan. Wala man lang syang reaksyon. Ibig sabihin ay totoo? Kagaya sya ng mga kapatid ko?

“Madami ka naman palang babae eh.” Bulong ko kay Gaelan.

“Of course! Gwapo ako! Anong akala mo sa–”

“Eh di dun ka na sa mga babae mo!” Kinuha ko ang mga libro ko sa kamay ni Gaelan na kanina lang ay bitbit nya. Naglakad ako papalayo sa umpukan na yon.

Nakaramdam ako ng inis na hindi ko maipaliwanag.

Anong klaseng inis ba ito?

Nakarating ako sa classroom na hindi na lumingon pa sa likod. Umupo ako sa bandang hulihan. Pinanlakihan ako ng mata ng makita kong pumasok din si Gaelan. Nakasimangot sya na naglakad sa direksyon ko.

Pabagsak din syang umupo sa tabi ko. Hindi ko sya pinansin. Naiinis pa din ako sa kanya. Madami pala syang babae! Akala ko si Miss Farrah lang ang naging girlfriend nya! Kung makapagexplain pa sya noon ng ibig sabihin ng pagmamahal, akala mo kung sinong siyentipiko!

Nagpangalumbaba ako sa arm chair ko. Masyado pang maaga para sa unang klase. Kakaunti pa nga lang ang nakaupo sa classroom. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Gaelan. Lumingon ako sa bandang kanan na bintana. Sa kaliwa ko nakaupo si Gaelan at hindi ko alam ang ginagawa.

Pinagmasdan ko ang puno sa labas, pati ang pagdapo ng ibon dito ay pinansin ko. I sighed. Sobrang lungkot ng pakiramdam ko. Ayaw ko ng ganito.

“Iba ang girlfriend sa fling okay?” Huminga ng malalim si Gaelan at pinutol ang katahimikan.

“Ganoon pa din yon.” Wika ko sa nadidismayang tono.

“Hindi ko na nga gagawin eh. Bakit ba naiinis ka?” Tanong nya sa akin na tila nawawalan na din ng pasensya.

“Eh bakit ba nangingialam ka. Eh sa naiinis nga ako! Masama bang makaramdam ng inis?” Bumilis ang paghinga ko, ako ang nawalan ng pasensya agad agad. Hinarap ko si Gaelan at nakatulala lang sya sa akin. Bahagya pang nakaawang ang kanyang labi sa gulat.

“Hey..” Hinawakan ni Gaelan ang kamay ko. “Naiiyak ka na.” Bulong nya. Nagtataka kong pinakiramdaman ang mata ko at nakita kong nabasa nga iyon ng luha.

Hala! Bakit ako umiiyak?

Kumuha si Gaelan ng panyo at pinunasan ang mukha ko.

“Did I upset you?” Mahinahong tanong ni Gaelan. Suminghot ako para pigilan ang pagluha.

Am I upset? Siguro nga. Dati ay nakukuha ko ang lahat, kahit ang pakiramdam na gusto ko ay nakukuha ko pero bakit ngayon ay hindi ako masaya?

Marahan akong tumango.

“Sorry. It’s all in the past..” He whispered. “Hindi na ulit ganon, makakaasa ka.”

Hinigpitan ni Gaelan ang paghawak sa kamay ko.

Mahigpit.

Gaya sa paghawak ko sa mga pangako nya.

Nakumpleto namin ni Gaelan ang buong school week na hindi naghihiwalay. Pumapasok sya sa lahat ng klase ko at gumagawa din sya ng assignments nya. Nakakatuwa ang mga pagbabago. Pagkahatid nya sa akin pagkagaling sa school. Umuuwi din sya agad.

Yun ang sabi nya.

“Hello, Selene?” Kakatapos ko pa lang magshower at maghanda para sa pagtulog ng tumawag si Selene sa akin.

“Alam mo ba kung nasaan si Gaelan? Kasama nya pa ba si Zeus?” Tanong nya sa akin. Tumingin ako sa aking orasan, 9PM.

“Hm? Ang alam ko nakauwi na si Gaelan. Nagtext kasi sya sa akin–”

“Magkakasama silang pito!” Putol ni Selene. Dumaan si Zeus sa Pool Club at nandoon si Gaelan! Dapat nga ay sasama ako pero hindi pumayag si Zeus. Inihatid nya din ako pauwi at bumalik doon. Wait, hindi ba sinabi sayo ni Gaelan?“

Nagtataka naman ako. Malinaw ang sinabi ni Gaelan na uuwi na sya.

Parang hangin lang na dumadaan sa tenga ko ang mga sinabi ni Selene tungkol sa pagkainis nya kay Zeus at sa duda nitong may babae ito. Nasa isip ko kasi, si Gaelan. Nagsinungaling ba sya?

Nabuhay na naman ang inis sa akin. Habang lumilipas ang oras, kung ano ano ang nadadagdag sa imahinasyon ko. Umiinom sya, nakikipagsayaw sa kung sinong babae at magsasaya. Habang ako..

Iniisip sya.

Sinilip ko ang cellphone na pinatay ko pagkatapos makipag-usap kay Selene. Pinatay ko iyon dahil sa tsansang magtetext si Gaelan at magsisinungaling sya. I don’t want to hear him lie. Mas mabuti pang wala syang sasabihin. Hindi ako masyadong masasaktan.

Hinipan ko ng hangin na nalaglag sa aking mukha.

Ano na kayang ginagawa nya?

Eh bakit ko ba iniisip?

Bahala nga sya! Kung gusto nyang mambabae eh di bahala sya..

Kahit masakit, sanay naman na akong masaktan..

Habang pinipilit ang aking sarili na makatulog, nakarinig ako ng kung ano na tumama sa may bintana ko. Tumayo ako para silipin yon.

Nagtaka ako ng makita doon si Gaelan, nakasuot ng jacket, sa ilalim non ay puting tshirt at kulay gray na—pajama? Bakit sya nakapantulog?

Nakatingin sya sa akin ng malungkot pagkatapos ako ay kanyang tinanguan, para bang sinasabi na babain ko sya. Nagmadali naman ako na humarap sa salamin at nagsuklay ng buhok. Madilim na sa aming salas dahil malalim na ang gabi kaya nagdahan dahan ako kundi ay baka magising si Mama at Papa.

“Anong ginagawa mo dito?” Pagalit na tanong ko kay Gaelan habang sinasarhan ang gate. Hindi pa ako nakakalapit, sumugod na sya agad ng hakbang.

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga text ko? Bakit nakapatay ang cellphone mo? Alam mong tatawag ako hindi ba? Alam mo.” Yumukod si Gaelan at humilig sa balikat ko, ang dalawa nyang kamay ay nakapaakap sa bewang ko. Para syang nagtatampo na kung ano. Lumambot ang puso ko agad. Nagsisi sa pagpapatay ko ng cellphone para hindi sya makausap.

“K-kasama mo ang mga kaibigan mo.” I whispered.

“Kanina. Birthday ni Agent Toshio, Kuya nila Yuki at Kiro. Tinawagan nila ako para dumaan doon. Bumati lang ako at umuwi na din.”

Hindi ako nakaimik. Iniangat ni Gaelan ang mga kamay nya patungo sa balikat ko at mula doon ay niyakap ako ng mas mahigpit.

“Kinabahan ako kasi galit ka.” He softly said. I couldn’t believe na si Gaelan ang nagsasalita sa aking harapan. Masyadong mahinahon, masyadong malambing. Sinisira ang bawat bakod na binuo ko at ng pamilya ko sa aking sarili.

I want to dwell. I want to stay. I want to hope. For him. With him.

Inilagay ko ang mga kamay ko sa bewang ni Gaelan at humilig ako sa kanyang dibdib. My nose welcomed his manly scent. It smells like fresh mint and wood. Pinakalma ako nito mula sa samu’t saring kaba at pagdududa simula pa kanina.

“Sorry, akala ko kasi–” I mumbled.

“I am keeping my promise. I will keep my promise. Wag ka na magagalit. Nag-aalala ako.” He whispered. I close my eyes. Tight.

Slowly, I am pushing myself towards him.

No, quickly. This is fast.

Para akong hinehele ng isang napakagandang pakiramdam, hindi ko na gustong sumayad pa ang mga paa ko sa lupa.

Mayroong isang linya.. At gustong gusto ko na humakbang doon para abutin sya.

But no, how about my principles?

Sabagay, matagal na iyong wala. Pagdating kay Gaelan, matagal ng nawala. Ang mayroon na lang sa mundo ko ay siya.

“Mag-iintay ako.” Wika muli ni Gaelan. Kinuha nya ang kamay ko at inilagay nya sa kanyang dibdib. Those are crazy heartbeats! Hindi ko alam kung para saan.

“Wag kang aalis.” Mas lalong humigpit ang hawak ni Gaelan sa mga kamay ko. Huminga sya ng malalim at tiningnan ako ng seryoso.

“Hindi na. Hindi na mauulit ang lahat.”

Ang sarap pakinggan,I don’t want this night to end. Nanatili kami ni Gaelan sa labas ng bahay, tumingin sa stars habang nakaupo sa hood ng sasakyan nya. Parehas na kaming nakapantulog. Nagpunta lang daw sya sa bahay dahil galit ako. Sabi ko sana ay ipinagpabukas na lang nya pero umiling sya, hindi daw sya makakatulog.

Sabay kaming humikab ni Gaelan. Itinulak ko na sya papauwi. Baka kasi mahihirapan syang magmaneho kung magmamatigas sya.

Nakahiga na ako sa aking kama pero hindi mawala ang aking ngiti. Nagtext na si Gaelan na nakauwi na sya sa kanila kaya napanatag na ako.

**Kring **Kring

“Hello?” Nakangisi kong sagot.

“Ria.” Isang malamig na boses ang sumagot sa kabilang linya. Akala ko ay si Gaelan. Sinilip ko ang screen ng phone ko at nakitang si Kuya Rab ang tumatawag.

“Bakit gising ka pa?” Seryoso nyang tanong. Umayos ako ng pagkakaupo sa aking kama.

“Papatulog na din po, Kuya. Kamusta ka na?” Kinakabahan kong tanong. Dumagundong ang puso ko, hindi kaya ng kanina kundi sa kakaibang paraan.

“Bad. I feel bad, my princess.” Malamig nyang tugon at umabot ang panlalamig na yon sa aking batok. Kinilabutan ako ng husto.

Kabanata 25

Bakit.

“Alam mo, hindi ko pa din gets si Gaelan kung bakit biglang patay na patay sayo.. Hindi kaya plot twist lang ang lahat ng ito, tapos may gagawin syang kalokohan?” Lumabi si Selene at sinubo ang lollipop sa kanyang bibig. Namamahinga kami sa park ng Keio sa likod ng chapel. Kaming dalawa lang ang nandito at kakatapos lang namin maglunch.

Si Gaelan nagpaalam na kasama ang mga kaklase nya dahil mayroon silang meeting para sa kanilang project. Pumapasok na sya sa mga klase nya. Minsan pa nga, napapagaya sa kanya ang mga kaibigan nya sa Yukan’na.

“Patay na patay? Hindi naman Selene. Bumait lang sya ng sampung paligo sa akin.” Nakangiting paliwanag ko. Umismid si Selene.

“Wow ha, bumait? Eh kulang na lang walisin ang nilalakaran mo. Saka grabe kung dumikit sayo, parang mayroong glue, ipinagtutulakan nya pa ang sarili nya sayo samantalang nung nakaraan, halos itaboy ka nya. Sabihin mo nga, ginayuma mo ba ang kinakapatid ko?” Nagtaas ng kilay si Selene, humagikgik ako. Ang kulit nya talaga at parang bata.

“Bad yung witchcraft.” Wika ko. Ngumuso si Selene at tumango tango habang tinutulak ang sarili sa swing.

“Baka talagang gusto ka na nuon pa. In denial lang. Kaya nung umamin na sya sa feelings nya, dire-diretso na.” Sambit ni Selene na nakatingin ngayon sa damo, mabagal ang kanyang pagswing kaya hinahangin ang mahaba nyang buhok.

Napaisip ako. Gusto ba talaga ako ni Gaelan? Hindi naman kasi nya sinasabi kung ano ang gusto nya. Madalas, sinasabi nya ang ayaw nya.

Ayaw nyang tumintingin ako sa iba ng tao.

Ayaw nyang nagagalit ako.

Ayaw nyang makikipag-usap ako sa mga lalaki kahit pa sa mga kaibigan nya.

Ayaw nyang nagsusuot ako ng maigsi.

Ayaw nyang sumali ako sa cheering squad.

Kaunti na lang nga iisipin kong isa sya sa mga Kuya ko, madami din yong ayaw eh.

Speaking of Kuya.. Ano nga kaya ang sinasabi ni Kuya Rab? Nag-aalala ako dahil baka nakita nya kami ni Gaelan na magkasama pero hindi na naman sya tumawag ulit. Siguro ay nananaginip lang non si Kuya Rab o di kaya masama ang pakiramdam nya nung isang gabi.

“Pero alam mo Ria, kahit kinakapatid ko yun si Gaelan, wala pa din akong tiwala sa mokong na yon eh. Alam mo bang yung phonebook nya puro pangalan ng babae?” Hinawi ni Selene ang kanyang buhok sa likod. Bahagya akong natigilan at napalunok.

Puro babae ang numero sa cellphone nya?

“L-lahat ba yon tinatawagan nya?” Nakaramdam ako ng pagbabara sa aking lalamunan dahil sa sariling tanong.

“Ewan ko. Ewan natin! Pwedeng hindi, pwedeng oo. Alam mo, yang Yukan’na na yan, pare parehas ang shape ng intestine nila! Mga babaero. Tsk. Si Zeus nga mayroon ng girlfriend ngayon eh, di ako naniniwala. Kung meron man panigurado, one week lang yon.” Buong pagmamalaki na sambit ni Selene.

Narinig ko din na mayroong girlfriend si Zeus. Si Olivia Montemayor daw, yung muse ng accountancy. Lagi silang magkasama nung nakaraan kaya si Zeus hindi na masyadong nakakasama ang Yukan’na at dahil doon laging mainit ang ulo ni Selene.

“Mabait naman si Olivia, bagay sila–”

“Naku hindi!” Sigaw ni Selene. Napaatras tuloy ako bahagya mula sa pagkakaupo sa swing. Huminga si Selene ng malalim at pumikit. Ayan, nagagalit na naman sya…

“H-hindi sila bagay..” Halos bulong lang iyon ngayon. May bumalatay na sakit sa mukha ni Selene. Si Selene yung taong mahilig magdeny pero yung asul nyang mata hindi nakakapagsinungaling. Nanatili syang nakayuko at maya maya pa nagpunas sya ng mata, mapait syang ngumiti sa akin.

“Salbahe talagang Zeus na yun! That’s why I never liked him.” Kumuyom ang kamao ni Selene at tumayo ng tuwid. “Tara?” She asked, namamaos na ang kanyang boses at mabilis na namula ang ilong. Alanganin akong tumayo at sumunod sa kanya sa paglalakad. Mabigat ang hakbang ni Selene pero pilit nyang pinasisigla ang mukha. Nag-aalala tuloy ako.

“Tabs!” Hindi pa kami nakakalayo ni Selene sa park, nakita kong humahangos si Gaelan papalapit sa akin. Ngumiti agad ako. Kagaya nung nakaraang araw, pormal ang kanyang polo shirt at mayroon syang bag na nakasabit sa balikat.

“Vacant mo na?” Agad nyang tanong.

Tumango ako. Wala akong susunod na klase kaya maari na akong umuwi pero mananatili muna ako sa library para makapagbasa ng mga libro.

Nagpaalam si Selene sa amin ni Gaelan. Kumaway ako at pinagmasdan syang maglakad patungo sa building na pupuntahan nya. Nag-aalala pa din ako pero nabaling kay Gaelan ang atensyon ko.

“Kumain ka na?” Bumaba agad ang kamay ni Gaelan sa aking kamay. Hinayaan ko sya, nasasanay na din naman ako. Isa pa, panatag ako kapag ganito. Ano kaya ang mayroon sa hands nya?

“Mmm, ikaw?” I asked. Ngumiti sya ng matamis. Nahawa din tuloy ako sa pagngiti. Kinagat nya ang pang-ibabang labi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Pinaglaruan nya ang mga daliri ko sa kanyang kamay. Nakakaengganyo ang kanyang ginagawa, wala naman akong kiliti sa kamay pero nakikiliti ako.

“Hindi pa, samahan mo ako?” Lumamlam na naman ang mga mata ni Gaelan at bahagyang lumapit pa sa akin.

Sabay kaming naglakad patungo sa Food Alley. Dumiretso kami sa binibilhan namin ng gulay at isda. Nakakatuwa na sanay na sanay na sya kumain ng masustansya. Kumuha si Gaelan Mango Shake para sa akin at chicken sandwich.

“Kumain na ako..” I insited, ngumisi si Gaelan at pinakatitigan ako.

“Payat mo na eh. Pataba ka ulit.” He said pagkatapos ay inakbayan ako ng buong bigat sabay kurot sa pisngi ko ng madiin.

“Aww..” Reklamo ko. Humalakhak lamang sya. Si Gaelan talaga mahilig mang-asar. Hinilot ko ang parte ng kinurot.

Ibinaba ni Gaelan ang tray sa lamesa ng Yukan’na, tumango sa akin si Hunter at kumaway naman si Ice.

“Hi Maria.” Bati sa akin ni Yuki. Ngumiti ako sa kanya pero sumimangot si Gaelan.

Tinapik ko ang kanyang braso para hindi magsungit sa kaibigan. Ayaw nya talagang tinatawag ako ng iba bilang ‘Maria’. Isa na naman sa mga ayaw nya.

Tahimik na kumain si Gaelan habang nakaupo ako sa kanyang tabi.

“Hay! Nakakapagod mag-aral. Ang corny.” Dumating si Rye at binagsak ang kanyang notebook. “Gael, ayoko na mag-aral.” Sambit nya.

Masama din syang tiningnan ni Gaelan.

Tumawa si Hunter. “Submit to your leader, Rafael Ace.” Ani to.

“We study at home.” Nagkibit balikat si Rye.

“Rafael, isa…” Pagbabanta ni Gaelan.

“Kaya ayokong mainlove, corny din.” Napapailing na umalis si Rye para siguro bumili ng pagkain.

Nasasanay na din ang sa takbo ng usapan ng Yukan’na. Madalas ay nagtatalo sila pero lagi namang magkakasama. Nalipat ang paningin ko kay Gaelan ng tumunog ang kanyang cellphone, halos papatapos na syang kumain. Kinuha nya yon sa kanyang bulsa at nagbasa. Napapangiti sya sa mensaheng nakalagay doon. Pinigilan kong mapakunot ang noo ko, uminom lang ako ng shake mula sa aking baso.

Maligaya syang nagtipa ng reply.

Nasilip ko ang ‘Brianna’ doon sa cellphone nya. Hindi ko lang nabasa ang nilalaman ng mensahe. Ipinatong muli ni Gaelan ang cellphone nya at agad iyong tumunog. Hindi sya natuloy sa pagsubo dahil kinuha nya iyon.

‘Brianna’ muli ang nakita ko. Ako kaya ang pinag-uusapan nila nung katext nyang babae?

“Is that Bree?” Nakangising tanong ni Ice. Nagkibit balikat si Gaelan at ngumisi pabalik. Nagtinginan sila ng may kahulugan. Sino ang katext ni Gaelan? Bumagabag sa akin ang isiping yon hanggang sa umalis na kami sa Food Alley. Sumunod sa akin si Gaelan patungo sa library para manatili doon. Kumuha ako ng napakaraming libro sa shelves at umupo sa harapan ni Gaelan. Nag-angat ng tingin si Gaelan at tumayo para lumipat sa tabi ko. Humila sya ng upuan at dinikit sa upuan ko.

Hindi ko sya pinansin at itinutok ang mata sa libro. Nagsulat ako ng mga notes na kailangan. Narinig kong nagvibrate ang phone ni Gaelan mula sa lamesa, nakita ko agad ang pangalan ng nagtext sa kanya.

‘Brooke’

Babae ulit?

Napanguso ako at nagsulat. Napansin ko ang madiin na pagkakasulat ng mga sumunod na letra habang sumasagot si Gaelan sa mensahe. Binaba muli ni Gaelan ang cellphone nya sa lamesa. Humilig ang ulo nya sa balikat ko, pasimple akong umiwas kaya nalaglag ang ulo nya. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Gaelan pero naramdaman ko na lang ang paghawak sa kamay ko kaya bumagsak ang tingin ko doon.

“Bakit?” Gaelan asked, may himig ng pag-aalala.

I shook my head. Bakit nga ba?

Masama ang pakiramdam? Hindi.

Galit? Hindi.

Nagtatampo? Hindi.

Nagseselos? Kanino naman?

“Tabs, kanina ka pa tahimik.” Bulong sa akin ni Gaelan. Sa sobrang lapit nya sa mukha ko, ramdam ko ang mainit nyang paghinga. Lumayo akong muli ng bahagya at tumikhim.

“Busy lang ako..”

“Pasyal tayo?” He asked.

Umiling ako. Lumabi si Gaelan at nagpuppy eyes sya ulit.

“Gusto mo magsimba tayo sa Tagaytay?” Sabi nya.

“Layo.”

“Maaga pa naman eh..”

“Ayaw.” Umiling ako at binaling ulit ang paningin ko sa libro.

“Tabs.. Bakit ka ganyan?” Ulit nya sa malambing na boses.

Hindi ko sya sinagot dahil hindi ko din alam ang nangyayari sa akin. Parang nawalan ako ng interes na kausapin sya pero ayokong umalis sya sa tabi ko. We stayed in silence hanggang napagod ang mga mata ko sa pagbabasa ng libro. Sinarhan ko ang libro na nasa harapan ko.

“Hay salamat, pwede mo na akong pansinin!” Nag-inat si Gaelan at ngumiti sa akin, nanahimik lang pala sya dahil akala nya ay busy ako. Nanatiling blanko ang ekspresyon ko kaya napakunot ang noo nya. Tumayo sya kasabay ko at sinikop ang mga libro. Naglakad kami sa mga shelves at isa isa kong ibinalik ang mga kinuha ko.

“Maria, galit ka? May ginawa ba ako?” Untag sa akin ni Gaelan habang naglalakad sa pagitan ng partitions ng library.

Umiling akong muli. Napabuntong hininga si Gaelan.

“Di ba, masamang magsinungaling?” Natigilan ako sa sinabi ni Gaelan. Oo nga pala! Nakakapagsinungaling din ako dahil kay Gaelan. Pumikit ako. Dapat walang magbabago, dapat ako pa din ang dating Maria kahit andyan si Gaelan.

I will save whatever principles and goodness that is left in me. I still want to be the same person, but this time, I want to be able to choose.

Tinutok ni Gaelan ang nga mata nya sa akin na parang naghahanap ng sagot. Napabuga ako ng hangin.

“S-sabi kasi ni Selene.. Madami daw numero ng babae sa cellphone mo.” Nahihiya kong sabi. Matagal akong tinitigan ni Gaelan bago malakas na napabuntong hininga.

Kinuha nya sa kanyang bulsa ang cellphone nya at iniabot sa akin.

“Check it.” Utos nya. Umiling ako. Nakakahiya na yon! Hindi ko dapat pinapakialaman ang personal na gamit nya.

Kinuha ni Gaelan ang kamay ko at ipinatong nya ang cellphone nya na nakalagay doon sa phonebook.

Agent Toshiyo. Agent Yushima. Coach Ford. Hunter. Ice. Kiro. Rye. Yuki. Daddy. Brandy. Brianna. Brooke. Mommy. Tabs ❤. Zeus.

Paulit ulit nyang niswipe ang phonebook at wala ng ibang numero.

“Limang babae lang. Yung tatlong Ate ko, mommy ko at yung sayo.” He sighed. “Kaya ba wala ka sa mood dahil doon?”

Marahan akong tumango.

“Nagseselos ka?” Mayroong mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Bakit kaya sya natutuwa? Ganunpaman, I nodded.

“Wag ka masyadong nagpapaniwala kay Selene. Bitter yon eh.” Nagkibit balikat si Gaelan.

“Pero maraming nagtetext sayo?”

“Marami, pero hindi ko naman sinasagot.” Nilagay nya ang cellphone nya doon sa messages. Madaming hindi nakarehistrong numero, yung iba ay hindi pa nga nya nababasa.

Inakbayan ako ni Gaelan at nilagay ang huling libro doon sa shelves. “Kapag may gusto kang malaman, tatanungin mo lang ako.”

“Baka magalit ka.” Bulong ko.

“Hindi na ako yung Gaelan na yon. Hindi na ako magagalit sayo kasi nandito na tayo..” Wika nya.

“Saan?” Kunot noong tanong ko.

“Nandito na tayo sa hindi ko na kailangang magtago. Ayos na. Naipaparamdam ko na.”

“Ang alin?”

Ano ba yung mga sinasabi ni Gaelan! Ang gulo gulo naman!

“Na gusto kita..” Nagkibit balikat si Gaelan at nauna sa paglalakad. Ako naman ang natigilan at sinundan na lang sya ng tingin. Napakurap kurap pa ako habang hindi pa nagsisink-in ang sinasabi nya.

Gusto nya ako?

Kaya sya bumait kasi gusto nya nga ako?

Bumaling sa akin si Gaelan nang hindi ko sya sinundan. Mapula ang kanyang pisngi at tenga. Bumagsak ang tingin ko sa sapatos ko dahil nakaramdam din ako ng hiya.

“H-halika na..” Nilahad nya ang kamay nya sa akin. Lumapit naman ako at kinuha yon.

Tahimik kaming naglakad ni Gaelan. Mayroong hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. This is crazy, parang mayroong kumurot sa puso ko at nagtutulak sa akin na magsalita. Ano ang sasabihin ko? Dapat ba mayroon din akong sabihin dahil gusto nya ako?

Kung hinahayaan ko sya na magustuhan ako, ibig sabihin ay gusto ko din sya hindi ba? Alam nya din kaya ang bagay na yon? Eh di ibig sabihin magkakaroon kami ng—relasyon? Bad kaya yun? Kasi sabi ng mga Kuya ko, bad pa daw sa age ko. Anong age ba ang tama? Pag nagbirthday ba ako sa susunod na buwan at 17 years old na ako, pupwede na?

Bumagsak ang balikat ko, sabi ni Kuya Gilad kapag 50 years old na ako…

Matagal pa mag-iintay si Gaelan.

Tumingala ako at napansing papadilim na din. Bahagyang makulimlim din ang langit. Maamoy mo sa hangin ang tila magaspang na hamog, parang uulan ng malakas.

“Tabs, umaambon na..” Pinagbuksan ako ni Gaelan ng sasakyan at inanyayahang pumasok. Nagmadali din si Gaelan na umikot patungo sa driver seat dahil mas lumalaki ang patak ng ambon. Inihanda ko ang tissue at pinunasan ko ang braso ni Gaelan. Tipid syang ngumiti sa akin at ginulo ang buhok ko.

“Salamat.” Bulong nya. Tumango ako. Nang papaalis na kami ay tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Ilang metro pa lang ang layo sa aming school, wala ng mga estudyante o tao sa paligid hindi kagaya ng normal na araw, dahil siguro napakalakas ng ulan. Dumilim ang kalangitan ng tuluyan dahil sa ulan at papagabi na din naman.

Binuksan ni Gaelan ang ilaw ng kanyang sasakyan at ilang ulit na bumusina. Napatingin ako sa kanya. Nakahinto kami sa gitna at panay lang ang kanyang busina. Doon ko napansin na mayroong apat na itim na sasakyan ang nakaharang sa aming dadaaanan, at mayroong mga lalaking nakatayo at hinahayaang maulanan ang kanilang mga sarili.

“Anong problema?” Tanong ko kay Gaelan na seryosong nakakunot ang noo.

“Dito ka lang.” May kinuha na baseball bat si Gaelan sa gilid ng kanyang sasakyan. Kinabahan ako ng husto. Pakiramdam ko ay mayroong gulo.

“T-teka! Wag kang bababa..” Natatarantang sabi ko ng akmang bubuksan ni Gaelan ang pinto.

“Tabs, kahit anong mangyari wag kang bababa.. Lock the doors.” Kinuha ni Gaelan ang cellphone nya at iniabot sa akin.

“Kapag hindi ako bumalik ng sampung minuto, tawagan mo si Yuki.” Sabi nya ng hindi nakatingin sa akin kundi nakatuon lang doon sa labas.

Bumaba na si Gaelan at sinunod ko ang gusto nya. I locked the door. Pinanood ko sya kung paano sya maligo sa ulan. Natatanawan ko sya dahil doon sya nakatayo sa gitna ng sasakyan. Nakapormang poprotektahan ang kinalalagyan ko kahit anong mangyari. Hindi ko na nakita ang sumunod nang may sumugod kay Gaelan na nakaitim. Natumba si Gaelan, napapikit ako habang sinusuntok o sinisipa siguro sya ng mga lalaking nakaitim.

“Tama na!” I yelled, alam kong hindi nila ako maririnig mula sa loob ng sasakyan dahil sobrang lakas din ng ulan.

Nabuhayan ako ng makitang tumayo si Gaelan, pero napakunot ang noo ko ng iniangat nya ang baseball bat na bitbit nya at nilaglag iyon sa lupa.

Bakit nya itinapon? Hindi ba sya lalaban?

Naglakad sya papalapit doon sa mga lalaki. Dahan dahang lumuhod si Gaelan sa harapan ng mga nakaitim at nilahad nya ang magkabilang braso nya, parang sinasabing suntukin sya ng mga ito! Isa isang sumugod ang mga nakaitim at pinagsusuntok sya. Naririnig ko ang malakas na pwersa na ibinabato sa kanya. Napatakip ako ng bibig.

Bakit hindi sya lumalaban!?

Hindi na ako nag-isip. Lumabas ako. Tumakbo ako sa kinalalagyan nya. Nakahiga na si Gaelan sa lupa at wala ng malay pero ayaw pa din syang tigilan sa suntok at sipa. Basang basa ang kanyang katawan.

“Tigil! Tumigil kayo!” Sigaw ko at pinilit isiniksik ang sarili ko paplapit kay Gaelan.

Hinila ko ang isang lalaki na bumubugbog kay Gaelan.

“Hinto!” Sumigaw ang lalaking inilayo ko kay Gaelan. Hindi ko na sya tiningnan pero huminto nga ang lahat ng bumubugbog kay Gaelan. Lumuhod ako sa kanyang harapan. Tulog sya at punong puno ng dugo ang mukha at ang kanyang puting tshirt ay naging mapusyaw na pula dahil sa dugo at tubig.

Bumuhos ang luha sa akin. Awang awa ako sa kanya. Hinaplos ko ang buhok nya, hindi man lang sya kumilos. Kailangan kong tawagan si Yuki pero ayokong iwan si Gaelan, baka saktan muli sya.

“Young Maiden. Lumayo po kayo dito, wag po kayong magpaulan..” Dahan dahan akong napaangat ng tingin sa mga sumugod kay Gaelan.

Ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko ang isa sa Bodyguard ng aming pamilya.

“B-Bakit?” Puno ng hinanakit na sigaw ko.

Marahan kong ibinaba si Gaelan muli sa lupa.

“Chief Smiths!” Sigaw ko para humingi ng tulong, nakita ko ang kaba sa kanilang mga mukha.

“Y-young Maiden, napag-utusan lang po ako.” Sabi nung bodyguard na hindi ko matandaan ang pangalan.

“Chief Smiths!” Sumigaw muli ako, nanginginig sa galit. Anong kasalanan ni Gaelan sa kanila!

Natanawan ko ang apat na motor na sumusugod papalapit sa amin. Nagmamadaling bumaba si Chief Smiths at ang apat pa nyang kasama sa motor.

“Severin, anong ginawa nyo?” Mabilis na tanong ni Chief Smiths sa bumugbog kay Gaelan.

“Tulungan nyo ako, Chief Smiths.” Umiiyak na sabi ko, bumalik ako sa katawan ni Gaelan at ipinahiga sya sa aking binti.

“B-bakit ka lumabas?” Bahagyang nakadilat ang mga mata ni Gaelan, pinipilit nyang ngumiti kahit na duguan ang kanyang mga labi.

“Baka lagnatin ka, Tabs… Pasok ka na doon sa sasakyan. Tawagan mo si Yuki kapag umalis na sila..” Nanghihina nyang sabi.

“Gaelan, Im sorry..” Humihikbing sabi ko, isang nanghihinang ngiti ang itinugon nya sa akin.

“Inaantok ako, Tabs..” He whispered.

Kabanata 26

Just Stay .

“Young Maiden, dalhin po natin sa ospital..” Lumapit sa akin si Chief Smiths at akmang bubuhatin si Gaelan na walang malay.

Tumango ako, hindi ko alam ang gagawin. I want to wake Gaelan up pero hindi na sya kumikilos o kung ano. Humawak ako sa kanyang tyan at ramdam ko pa din ang pagkilos non kaya bahagyang napanatag ako.

Isang sasakyan ang dumating, napuyuko ako dahil nasilaw ako sa liwanag na nagmumula doon, tumatagos sa patak ng malakas na ulan. Huminto iyon sa tapat ng sasakyan ni Gaelan.

Nahagip ang aking hininga ng makita ko si Yuki, tumakbo sya patungo kay Gaelan at nag-aalala ng husto ang kanyang mukha.

“Gael..” Nakakunot ang noo nya at tinapik tapik ang pisngi ni Gaelan habang nakaluhod din sa harapan nito.

“Y-yuki..” nanginig ang labi ko. Gumala ang mga mata nya sa bodyguards ng pamilya namin na bumugbog kay Gaelan.

“Agent Yushima.” Bati ni Chief Smiths sa kanya.

Magkakilala sila?

Ibig bang sabihin, alam ni Yuki ang tungkol sa akin?

“Umuwi ka na.. Dadalhin ko si Gaelan sa Headquarters, mayroong gagamot sa kanya doon..” Sambit ni Yuki ng tumingin sya sa akin. Mabilis akong umiling. Hindi! Hindi ko iiwan si Gaelan.

“Young Maiden, makakabuti po kung uuwi muna kayo, ipapahatid ko kayo–”

“Ayoko! Hindi ako aalis sa tabi ni Gaelan! Bakit sya sinaktan?” Nanginig ang balikat ko sa sobrang sama ng loob, tila mauubusan ako ng hininga sa pagsabog ng emosyon.

I don’t want to see him like this at maisip pa lang na ang pamilya ko ang may gawa, halos masukuan na ako ng malay. I am nervous and I am mad. Sino sa pamilya ko ang kayang gumawa ng ganito?

Huminga ng malalim si Yuki, “Sumama ka na kung ganon. Chief Smiths, report to Master Al that she’s safe. Kasama nya ako.” Tumayo ng tuwid si Yuki at buong lakas na binuhat si Gaelan. Napaawang ang bibig ko pero wala na akong tsansang magtanong pa kung bakit kilala ni Yuki si Daddy.

Nagmadali akong sumunod kay Yuki. Nakabukas ang upuan sa likod ng itim nyang sasakyan at inihiga nya doon si Gaelan sa tulong ni Kiro. Nilagyan sya ni Kiro ng maliit na unan at kinumutan.

“Iuwi mo ang sasakyan sa bahay ng mga Ancheta, Kiro. Ipapasundo na lang kita kay Hunter.” Seryosong sambit ni Yuki kay Kiro. Mabilis na tumango si Kiro at tumakbo patungo sa sasakyan ni Gaelan.

Marahas na pinatakbo ni Yuki ang kanyang sasakyan, sa tunog nito ay tila mayroong karera. Walang patid ang pagsilip ko doon sa likuran dahil nag-aalala ako ng husto. Si Yuki naman ay abala sa pagpapahanda ng mga kagamitan na ipanggagamot kay Gaelan doon sa headquarters nila. Narinig ko din ang pag-uusap nila ni Hunter para sunduin si Kiro sa bahay nila Gaelan. Walang habas ang pag-ring ng cellphone ni Yuki kaya hindi ako nakakuha ng pagkakataon na tanungin sya kung nakikilala nya ba ako.

Napansin kong walang tumatawag na magulang ni Gaelan. Hindi ba ito ipapaalam sa kanyang pamilya?

Dumating kami sa pamilyar na lugar. Nagbukas agad ang malaking gate ng kanilang Headquarters at sumaludo ang lahat sa aming pagdating. Walang pinansin si Yuki na bakas sa mukha ang pag-aalala. Hindi nagbago ang bilis ng kanyang pagmamaneho kahit nakapasok na kami sa facility.

Huminto kami sa tapat ng mansyon kung saan sila nagte-training at isang grupo ng mga nakaputi na mayroong hila hilang stretcher ang parang langgam na sumugod sa sasakyan ni Yuki. Hindi pa napapatay ang makina ng kotse ay nakabukas na ang pinto at maingat na hinila si Gaelan na wala pa ding malay.

Itinulak agad nila si Gaelan papasok doon sa loob ng mansyon at natanawan ko pang isinasakay nila ang stretcher ni Gaelan sa elevator na hindi ko napansin noon. Kalmadong naglakad si Yuki papalapit sa akin at inilahad ang kanyang kamay habang nakayukod.

“Young Maiden..” Wika nya.

“Y-yuki..”

“Gagamutin nila si Gaelan, they are the best doctors our country have. Isa pa, kumpleto kami sa facilities dito. We have a chopper kung kinakailangang dalhin sa ibang bansa. You see, worrying is unnecessary but I will let you stay here because I understand how you feel, Young Maiden..” seryoso nyang paliwanag. Parehas kaming nananatili sa ilalim ng ulan.

“K-kilala mo ako?” Kahit alam ko na ang sagot, gusto ko pa ring marinig. Tipid na tumango si Yuki.

“You are my special case, Young Maiden. Hindi makakapasok ang bodyguards mo sa Keio dahil nangako ang mga magulang mo sayo na magiging normal ang pagpasok mo ng college. But you know, they couldn’t really let you go right?” Pormal na pakikipag-usap ni Yuki sa akin. Hindi pa din ako makapaniwala! Alam nya? Alam ba lahat ng Yukan’na?

Tumalikod sa akin si Yuki kaya sinundan ko sya. Isang motor ang bumusina mula sa aming likuran kaya kami natigilan sa paghakbang. Naka-itim mula ulo hanggang paa ang nakasakay dito, humarap si Yuki, ganoon din ako.

“Agent Yushima..” Boses ng isang babae ang nasa likod ng helmet. Isang plastic bag ang iniabot nya kay Yuki kasabay ng pagtanggal nya ng helmet.

Nagulat ako ng makita ang isang napakagandang mukha na nagtatago doon sa helmet. She’s tanned, her nose is chiseled and her lips are plump. Wala syang makeup pero napakaganda nya! Agent din ba ito?

“Thank you, Brie..” Tumango si Yuki sa kanya.

“Gamitin mo ito, Young— uhm, Maria.. Brianna, ihatid mo sya sa guest room.”

“Kamusta ang kapatid ko, Agent Yushima?” Hindi pinansin nung babae ang utos ni Yuki. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng magandang babae na sinabayan si Yuki sa paglalakad.

Kapatid?

Sya ang isa sa ate ni Gaelan?

“He will be fine, Brie. Ihatid mo muna si Maria sa guest room at saka ka magtungo sa treatment room. Mauuna na ako doon.” Kalmadong sambit ni Yuki at nagpatiuna na sa paglalakad. Tinanguan ako ng babae at inayang umakyat sa malapad at makintab na hagdang kahoy. Nauuna sya habang nagtatanggal sya ng kanyang itim na jacket. Natira na lamang ang isang itim na tank top na panloob. Grabe, napakaganda nya pero mukhang mabagsik.

Humarap sya sa akin at umatras ako ng isang hakbang. Pormal syang ngumiti at kinunutan ako ng noo.

“Brianna..” Iniabot nya ang kanyang kanang kamay. Tinanggap ko iyon at tipid na ngumiti.

“Sorry kung seryoso ako ha. Nag-aalala lang ako sa bunso namin. Hindi ko alam kung anong kalokohan na naman ang pinasok non.” Napapailing nyang sabi. Nakarating kami sa huling baitang ng second floor. Mabilis syang nagtungo sa isang puting pinto at binuksan ang doorknob. Iniabot nya sa akin ang plastic bag na bitbit nya.

“Maari kang mag-shower at magpalit ka na ng damit. Nasa third floor ang treatment room. Nandoon lang ako kung may kailangan ka.” Tinuro nya pa ang isang hagdang kahoy na paakyat sa third floor ng mansyon. Patakbo syang lumayo sa akin at nagtungo sa kinalalagyan ni Gaelan. Wala akong nagawa kundi tunguhin ang kwarto. Mayroong malapad na kama at magagandang muebles sa loob.

This mansion really looks like a home kaya lang weirdo ang nilalaman ng bahay. Maraming security sa paligid at halos lahat ay nakaitim.

Dumiretso ako sa bathroom ng silid. Mayroong bathtub at dibisyon para sa shower room, nagtungo ako sa shower room dahil gusto ko na din puntahan si Gaelan. Mabilis akong nagshower at nagpalit ng damit. Isang puting dress ang dinala para sa akin ni Brie

Bitbit ko ang suot ko kanina ng lumabas ako ng banyo. Maayos ko munang itiniklop nang makapa sa bulsa ng dress ang aking cellphone. Pinakatitigan ko iyon. I want to know a lot of things. Mayroon na akong hinala pero ayaw tanggapin ng sistema ko. We are brought up with high moral values, bakit ganito?

I shook my head. I need to know. Now.

I dialled my brother’s number. Lumunok ako ng marinig ko ang pagring sa kabilang linya. Sa pangatlong ring ay mayroon agad na sumagot.

“Kuya, ikaw ba?” Humikbi ako agad, hindi pa natatapos ang pagsagot ni Kuya Rab sa kabilang linya.

“Ang pambubugbog nya sa akin, mapapalagpas ko, pero ang panloloko nya sayo, hindi.” Seryosong sambit ni Kuya Rab. Nakuha ko agad na kilala nya si Gaelan at alam nya ang pagiging malapit namin.

“Kuya! Hindi nya ako niloloko and about what you did— That’s bad! Hindi tayo pinalaki ni Mommy ng ganito!” Protesta ko.

“Oh, I know they will understand. Kung hindi ako pinalaki ganito pwes para ipaalala ko din sayo, hindi ka nila pinalaking ganyan, Maria. Bata ka pa, what are you thinking? Makikipagrelasyon ka sa isang basag ulo?”

“He’s an agent!” Pagtatanggol ko.

“All the more na dapat mag-ingat ka, what kind of life did he promise you? Bubuhayin ka nya sa pagpatay ng masasamang tao?”

“You are overthinking, Kuya.”

“I am not overthinking. You really think he likes you? Noong nakaraang linggo ay halos patayin nya ako sa bugbog dahil kay Farrah. Hindi mo ba naiisip na parte ka ng paghihiganti nya sa akin?” Pang-uusig ni Kuya Rab. Umiling ako ng mabilis. Sinabi ni Gaelan ang dahilan kung bakit nya yon nagawa kay Kuya Rab. Dahil akala nya ay niloloko ako ni Kuya at naniniwala ako doon!

“Hindi pa alam nila Daddy ang ginagawa mo but you should stay away from him. Do it now, Maria. Bago ka saktan ng gago na yan!”

“Kuya!” Napatakip ako ng bibig sa kanyang pagmumura.

“The world is cruel, Maria. It will justify wickedness as noble. It will make you blind. this world stings and if you haven’t experience pain yet, it will destroy you quick. Mabilis at masakit.” Gigil na sambit ni Kuya Rab. Bumagsak agad ang luha ko sa kanyang sinabi.

No! Hindi ganoon si Gaelan. Hindi ganoon ang mundo. It will make you strong, it will not destroy you. Masisira ka lamang kung hahayaan mo. It’s the way you view things, you learn or you self-destruct. You can either be good or be bad. Life choices will make it different.

Pinunasan ko ang luha ko. I am not living in a make believe world. I was hurt a couple of times simula pumasok ako sa Keio but I survived. Nababasag ako pero paulit ulit na nabubuo dahil ganoon ang tao. You will break but you will be whole again. Hindi tayo gawa sa babasaging bagay.

We are made out of the strongest material by God, we are made out of love and it is unbreakable! Love endures all things.

Naglakad ako papalabas ng kwarto nang kumalma na ako. Mabagal akong umakyat patungo sa treatment room na itinuro ni Brie. Sa gitna ng third floor ay mayroong malawak na sofa, malaking TV at wine cellar doon sa gilid. Nakaupo si Yuki sa isang malaking sofa at nakahawak sa kanyang cellphone, samantalang si Brie at nasa dulong sulok ng kwarto, nakatayo lang sa labas ng pinto. Marahil ay doon ginagamot si Gaelan.

“We cannot come in yet, nagpahanda ako ng pagkain. Kumain ka muna.” Marahan akong lumapit kay Yuki at umupo. Abala sya sa pagtitipa ng mensahe. Huminga ako ng malalim.

“Alam– alam ba nila ang pagkatao ko?”

“No. Even Kiro doesn’t know.” Tipid na sagot ni Yuki.

“Alam ba ng pamilya ko ang nangyayari sa loob ng Keio?”

“No. I was assigned to protect you from harm, not to report about your personal life.”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Yuki.

“Salamat.. Alam kong naging mabait ka sa akin dahil sinabi ng pamilya ko, but Thank you, Yuki. For keeping my secrets.”

Tipid na tumango si Yuki. He seems so cold now. Hindi man lang sya nagsabi na mabait talaga sya sa akin dahil sadyang mabait sya. Of course, he’s supposed to be nice. My family is paying their agency to protect me.

Ang yapak ng combat boots mula sa wooden floor ang nagpaangat sa paningin ko. Papalapit sa amin si Brie.

“Ilan ang bumugbog sa kapatid ko?” Kay Yuki nakatingin si Brie.

“There were four cars. Siguro ay dalawampu.” Nagkibit balikat si Yuki at ipinatong ang cellphone nya sa centertable.

“May lead ka na kung sinong nag-utos?”

Napakapit ako sa aking tuhod. Yuki knows that it is my family.

“Wala.” He calmly said. Napalingon ako kay Yuki. His face has no trace of lying. Walang kahit anong pagdududa sa kanyang mga mata. Kaya siguro hindi ko nahalata na binabantayan nya ako. He can lie and get away with it easily.

“Sasakalin ko kung sino ang gumawa. Hindi ako titigil kapag hindi ko nakita–”

“Brie..” Awat ni Yuki.

Napangiwi ako, mukhang maoospital na naman si Kuya Rab.

“Puputulan ko na lang ng pototoy.” Umismid si Brie kasabay ng bulgarang pagsasalita. Halos mapatakip ako ng tenga sa kanyang sinabi.

“Brie.. Nabugbog si Gaelan dahil hinayaan nya. Sa tingin mo magkakaganyan ang kapatid mo kung hindi yan pumayag? Sya na lang bugbugin mo pagkagising dahil may pagkatanga.” Tumayo si Yuki at tumingin sa akin.

“Mag-intay ka dito. Iche-check ko ang pagkain.” Naglakad na sya patungo sa hagdan. Naiwan kaming dalawa ni Brie at umupo sya sa tabi ko. Nilingon nya ako at nginitian.

“Girlfriend ka ng kapatid ko?” She asked. I shook my head right away.

“Ah..” Tumango tango sya.

“Pero close kayo? Wala ka naman dito kung hindi. Ikaw ba si Tabs?”

I nodded.

Lumapad ang ngiti ni Brie at nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin.

“Binabati kita sa pagpapatino sa kapatid ko..”  Tinapik tapik nya pa ang aking likod. Hindi ako nakagalaw. Iniisip ba nila na ako ang dahilan ng pagbabago kay Gaelan?

Humiwalay sa pagyakap sa akin si Brie at mataman akong tiningnan.

“Kapag mayroon kang balita sa nanakit sa kapatid ko, sabihin mo sa akin ha.” Sambit nya. Hindi ako nag-react. Ayokong magsinungaling pero hindi ko naman maaring ituro ang sariling kapatid!

“A-anong gagawin mo k-kung sakali?”

Ano ba Maria! Don’t ask kung ayaw mong marinig ang pananakit sa Kuya mo!

“I will definitely cut his balls. Tapos, ilalagay ko ang pototoy nya sa noo nya!” Galit na sambit ni Brie. Napatakip ako ng tenga. Tiningnan ako ni Brie ng nagtataka at saka sya humalakhak dahil sa reaksyon ko.

“Brutal ba? But seriously, may kalalagyan sya sa akin.” Kumuyom ang kamao ni Brie at kitang kita ko sa mata nya ang galit. Nakikini-kinita ko na kung anong aabutin ni Kuya Rab sa kamay ng Ate ni Gaelan. Eh para syang amazona kasi! She’s beautiful but her looks can kill.

“A-agent ka din ba?”

Tumango sya.

“Intelligence Department but I am good in Taekwondo and Yawyan. Alam mo yun? Yung Sayaw ng Kamatayan? Filipino version of Muay Thai–kickboxing–”

Patay ka talaga Kuya Rab.. Tsktsk..

Malamang madali yong mapapatumba ng ganito kagandang babae. Kahinaan ng kapatid ko ang magagandang babae.

“Brianna.. Agent Ancheta is stable now. Napagod lang ang kanyang katawan pero alam mo naman na mahigpit ang training nyan kaya kayang kaya tumanggap ng suntok.” Mayroong lumabas na doctor mula sa treatment room. Nakahinga ako ng maluwag. Sinundan ko si Brie na pumasok sa loob ng treatment room na wala ng ibang tao. Nakapikit si Gaelan.

“Gael.. Walanghiya ka, pinagalala mo na naman ako.” Sinapok ni Brie si Gaelan, napasinghap ako sa pagtrato nya sa sariling kapatid. Hindi kumilos si Gaelan.

“Hoy. Ayos ka na daw. Wag kang umarte dyan..” Patuloy na pagdadaldal ni Brie na akala mo ay hindi nag-aalala kanina.

“Bakit ka ba nagpabugbog? Para ano pa’t nagtetraining ka?” Hindi pa din kumikilos si Gaelan. Nanatili lang ako sa may pinto at nakamasid.

“Kasama ba ng pagbait mo ang pagiging bano–”

“Aist. Ang ingay mo, Brie! Bakit puro ikaw ang nagsasalita? Nasaan ang Tabs ko?” Hinampas ni Gaelan ng unan si Brie. Pinanlakihan ako ng mata. Nagtutulug-tulugan lang sya?!

Nilingon ako ni Brie at napangisi sa akin. “Binata ka na talaga, hindi mo na ako kailangan.” Napapailing si Brie at humalik sa noo ni Gaelan. “Mag-uusap tayo mamaya.” Masuyong sambit nito pagkatapos ay naglakad na papalabas ng kwarto.

Naiwan kaming dalawa ni Gaelan. Katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Kung kakamustahin ba sya o magsosorry sa ginawa ng kapatid ko o aamin sa totoong katauhan ko.

Alam na ba niya?

“Ah! Aray!!”

Bumalik ako sa sa huwisyo ng marinig ko ang boses ni Gaelan na sumisigaw.

Napangiwi si Gaelan at humawak sa kanyang tagiliran. Agad akong lumapit para tinginan sya.

“A-anong masakit?”

“D-dito.. Haplos mo..” Utos ni Gaelan. Hinaplos ko ang kanyang tyan. Nakakunot ang kanyang noo at parang nasasaktan talaga. Kawawa naman si Yabs.

“Dito din..” Lumabi si Gaelan at itinuro ang kanyang noo. Hinaplos ko din yon at napapapikit pa sya.

“Dito din.” Tinuro nya ang putok nyang labi. Nilagay ko ang kamay ko don pero hinuli din  ni Gaelan ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko! Namula ang aking pisngi at may sumilay na mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Nagawa pang magbiro!

“Gaelan!” Suway ko.

“Nag-alala ka ba?” Tanong nya sa akin habang mataman akong tinitingnan.

Tumango ako. Naalala ko ang suntok at sipa sa kanya kanina na tinanggap nya ng buong buo.

“Bakit hindi ka gumanti? Kaya mo naman sila eh..” Naluluhang tanong ko. Hilaw na ngumiti si Gaelan at humigpit ang hawak sa kamay ko.

“Handa akong magpabugbog hanggang mawala na ang pagdududa sa kapatid mo.” Makahulugan nyang sabi.

“Nakausap mo sya?” Gulat na tanong ko.

Tumango sya. “I apologized.”

“Bakit mo pa ginawa?” Hindi ko mapigilang itanong. Hindi makikinig si Kuya Rab at napahamak pa sya dahil don!

“I want to prove na kaya kong alagaan ang prinsesa nila..”

Parang akong sinampal sa sinabi ni Gaelan.

‘Prinsesa nila..’

“Y-You know..” Nanginig ang labi ko, hindi ko na kailangang tanungin kung alam nya na ang pagkatao ko. Nagkibitbalikat si Gaelan.

“Kailan lang, noong nakausap ko ang Kuya mo, he adviced me to stay away from you but I didn’t so….” He answered habang tinitingnan ang kanyang mga pasa. I am lost for words!

“Inaantay kitang magsabi ng totoo.” Ngumiti si Gaelan ng mapait. Napalunok ako.

“Hindi ka nagagalit? I lied. I lied again.” Pinunasan ko ang luha ko. He knows! And he hate liars!

“You lie for the right reasons.”

“But it’s still a lie..”

“But I like you.. How can I get mad?” Masuyong hinaplos ni Gaelan ang kamay ko. Pinilit nyang umupo para punasan ang luha ko. Umupo ako sa kanyang tabi para mabilis nya akong maabot.

“Sorry..” I whispered. Hinalikan ni Gaelan ang aking buhok.

“Just stay, whatever happens. Just stay.” 

I promise, I will stay.. I won’t falter. I’ll stay. Here. With him.

Kabanata 27

Sino ?

Nagising ako kinaumagahan na nandoon ako sa tabi ni Gaelan. Agad na uminit ang pisngi ko kasi hindi ko alam na nakatulog pala ako sa tabi nya.

Nagkukwentuhan pa kami kagabi tungkol sa favorite kong Saint eh. Nakakahiya naman kung ako ang unang nakatulog! Tapos yung pwesto pa namin, pinagkasya namin ang aming sarili sa kama na pang-isahan lang.

Nakasiksik ako sa kanya at nakapatong ang kamay nya sa bewang ko, mahimbing din sya. Bahagyang nag-iba ang pattern ng tibok ng puso ko at nahulog sa paninitig kay Gaelan.

Ang amo amo ng mukha nya kapag tulog… Sinilip ko ang pilikmata nya at pinalaruan ko pa iyon gamit ang hintuturo ko. Makapal ang pilik nya, mas makapal pa ata kaysa sa akin. Lumipat ang daliri ko sa ilong nya. Ang tangos naman, mapula ito dahil pinagsusuntok kagabi pero hindi nabawasan ang pagkaperpekto nito. Tapos yung lips nya parang strawberry. Kahit umaga at hindi naman nya kinakagat, mapula pa din..

Dahan dahan akong kumilos para sana bumaba kaso bumigat ang kamay ni Gaelan sa bewang ko. Hindi tuloy ako ulit nakagalaw. Kaya lang nag-aalala ako dahil baka masaktan ko sya at hindi maayos ang pagkakapuwesto nya, nabugbog pa naman sya ng husto.

“Dito ka lang..” Natigilan ako sa pagkilos ng marinig ko ang napapaos na boses ni Gaelan. Tinitigan ko sya ng husto. Nakapikit pa din sya.

“Paano ka gagaling kapag hindi ka makakapahinga ng maayos?” Hinaplos ko ang pisngi nya at kinapa ang mga galos doon. Napangiti sya sa aking ginagawa.

“I just had the best sleep.”

Gusto ko syang hampasin kaya lang naalala ko na bagong bugbog pala sya. Naalala ko na naman na kagagawan ng kapatid ko.

“Sorry.. Sorry sa ginawa ng kapatid ko.” Mahinang bulong ko. Bahagyang nagmulat ng mata si Gaelan at sinilip ako.

“Did I say that Im mad? Lahat naman ito may kapalit hindi ba? You will stay.” Para syang bata na nagpapaalala sa akin ng binitiwan kong salita.

Ngumiti ako at tumango. Pangako.

Nang masiyahan na si Gaelan sa pagsiksik ko sa kanya, bumangon na din ako bago pa may dumating na doctor at nurse sa kanyang kwarto. Naunang dumating ang almusal nya. Nagpakuha din sya ng pagkain para sa akin pero tumanggi ako.

“No. Sabay tayong magbe-breakfast. Unang beses to hindi ba? Nagising tayong magkatabi.” Ngumiti si Gaelan at hindi nga ginalaw ang kanyang pagkain hangga’t hindi dumadating ang akin. Nahihiyang ngumiti ako sa babaeng nurse na nagdala ng pagkain ko, pati tuloy ako ay inaasikaso nya pa.

Umupo kami sa gilid ng kama, mayroong lamesang may gulong sa tabi ni Gaelan at inilipat iyon sa aming harapan. Fried rice, eggs, ham and bacon ang nakahanda. Mayroon ding fruits at juice. Si Gaelan ang nagsasalin ng pagkain ko sa aking plato, para tuloy ako ang mayroong sakit!

“Ako na..” Protesta ko habang nagsasalin si Gaelan ng juice sa baso ko.

“Ako na. Baka kasi kapag nakakita ka ng mag-aasikaso sayo, doon mo na ibigay ang atensyon mo.”

Natawa ako sa sinabi nya. Si Gaelan talaga! Anong akala nya sa akin? Naghahanap ng taga-silbi? Madami kaya kaming taga-silbi sa bahay.

“Bakit natatawa ka?” Nag-wiggle yung kilay ni Gaelan. Hindi ko kasi mapigilan. Iniisip nya bang ang basehan ng pagmamahal ay nasusukat sa pinakamagbibigay sayo ng atensyon?

Madami nga ang umiibig dyan na hindi nasusuklian pero umiibig pa din sila. Hindi naman kasi nadidiktahan ang puso na piliin ang mababait lang sayo. Kadalasan, we fall for the wrong ones, mas naghahabol tayo sa mga bagay na mahirap makuha.

“Ang aga ng lambingan. Ayos ka na?” Sunod sunod na pumasok ang Yukan’na sa loob ng silid ni Gaelan sa pangunguna ni Ice, awtomatiko naman na napasimangot si Gaelan.

“Bakit nandito kayo? Tss, sa ospital nga, hindi pa visiting hours ang ganito.” Umismid si Gaelan.

“Sa lahat ng dinadalaw, ikaw pa ang galit.” Masungit na sabi ni Hunter.

Umupo din sila sa kama ni Gaelan at nginitian nila ako isa isa. Tumango lang ako sa kanila, naramdaman ko ang kamay ni Gaelan sa aking bewang.

“Ako na ang maghahatid sayo papasok sa school, Ria. Papasok ka pa hindi ba? May klase din kasi ako sa Physics. Hay!” Ani Rye na parang labag sa loob ang pagpasok sa eskwela. Tumango ako agad. Buti at hindi sobrang aga ng unang klase ko, mayroon pa akong masasabayan pagpasok sa Keio.

“Anong ikaw? Hindi sya papasok.” Protesta ni Gaelan.

“Hala, papasok ako.” Ungot ko.

“Anong papasok ka? Dito ka lang, hindi pa ako magaling.” Singhal sa akin ni Gaelan.

“Hindi naman ako nurse eh.” Napakamot ako ng aking ulo. Pinanliitan ako ng mata ni Gaelan at pinindot ang ilong ko.

“Gusto mo bang tumingin ako sa mga nurse na nandidito dahil wala ka?” Banta nya.

“Makikita mo naman talaga sila kasi may mata ka.” Sagot ko.

Humagalpak sa tawa ang mga kaibigan ni Gaelan. Namula ang tenga ni Gaelan agad. Ano bang mali sa sinabi ko?

“Akala ko ba selosa ka?!” Naiinis na tanong nya.

“Bakit naman ako magiging selosa?” Tanong ko ulit. Si Gaelan talaga. Bigla syang nawalan ng sense.

“Because you like me!” Pagpupumilit nya. Pagkakataon ko naman para pamulahan ng pisngi. Sa harap ng kaibigan nya, pinapaamin nya ako sa feelings ko.

“I-I like everyone…” Nagkibit balikat ako. Pabagsak na tinanggal ni Gaelan ang kamay nya sa bewang ko ay nadidismayang tiningnan ako.

“Dude, wag ka kasing mag-assume na merong ‘kayo’..” Sambit ni Kiro na mas lalong nagpatawa sa lahat. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nya basta namumula na lang ang mukha ni Gaelan.

“Ako na lang ang maghahatid.” Mula sa labas ng pinto ay pumapasok si Yuki. Tipid ko syang nginitian. Ngayong alam ko na kaya pala sya mabait sa akin dahil sa trabaho nya sa pamilya ko, nakaramdam ako ng pagkailang.

“Ako ang nagdala sa kanya dito kaya ako ang maghahatid.” Wika ni Yuki.

Walang nagawa ang lahat. Nagmasid rin lang sila kay Yuki. Tiningnan ni Yuki ang plato ko, wala na iyong laman kaya tumayo na ako.

“Mayroon ng damit sa kwarto mo, let’s go to your house first para magsabi sa guardian mo na maayos ka lang and then we will head to Keio.”

“But—” Narinig ko ang pagprotesta ni Gaelan. Hinarap sya ni Yuki at kalmadong tiningnan.

“Gaelan, bad shot ka pa din sa mga Floresca. Don’t be selfish this time.”

Napatingin ako kay Gaelan, alam kong ayaw nya talaga akong paalisin. Ayaw ko din naman sanang umalis kaya lang kailangan ko ding pumasok. Kapag hindi din ako umalis sa headquarters ng Keio, magdududa si Kuya Rab na paniguradong pinasusundan din ako.

Naligo muna ako at nagbihis, nakita ko ang bag ko nandoon nakapatong sa kama, siguro ay dinala ni Kiro dito. Bago ako tuluyang lumabas, mayroon muna akong hinanap na isang bagay na gusto kong ibigay kay Gaelan.

Sumilip ako sa kwarto ni Gaelan bago ako bumaba para pumasok sa school at nakita kong namamahinga sya doon sa kama.

Nakatingin sya sa labas ng bintana at tila malalim ang kanyang iniisip.

Napalingon sya sa akin ng humakbang ako papalapit sa kanya. His lips started to show a smile. Ngumiti din ako at lumapit na ng tuluyan sa kanya.

“Ipapahiram ko muna sayo.” Sabi ko kay Gaelan sabay abot ng rosary.

Ngumiti si Gaelan at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko kasama ang rosary. Iniangat nya ang rosary at itinapat sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.

“Why didn’t I notice that this rosary of yours is freaking diamond and gold?” Natatawang sambit ni Gaelan. Napangiti ako ng maalala ang una naming pag-uusap. Hinanap ko ang rosary na ito sa lumang building kaya nahuli ako ni Gaelan at nagsimula na ang lahat ng gulo at nakakatuwang bagay sa pagitan namin.

“But this is our lucky charm.” Huminga sya ng malalim at nginitian ako.

“Magpagaling ka..” Bilin ko kay Gaelan.

“I can drive you to school.” Nagkibit balikat sya.

“Magpahinga ka. Kakausapin ko si Kuya para hindi na mangyari ito ulit.”

Yun talaga ang naiisip ko, imbes na kay Mama Buding ako pupunta, pupuntahan ko ulit si Kuya Rab, makikiusap na hayaan nya na si Gaelan.

“It won’t be easy.” Ngumiti ng hilaw si Gaelan.

Alam ko. But if I won’t do anything then nothing will change. It is worth a try.

“It will. They will listen to me.” Nilagyan konng kumpiyansa ang aking boses kahit sa sarili ko ay nagdududa ako. Si Kuya Rab pa lang ang nakakaalam ng pagiging malapit namin ni Gaelan, mayroon pa akong tatlong mga Kuya at si Daddy pa.

Papalabas na sana ako ng pinto ng tawagin ako ni Gaelan.

“Pupuntahan mo ba ako mamaya?” Puno ng antisipasyon ang kanyang mata. Tumango ako. Gusto kong matiyak na ayos lang sya. Gagawa ako ng paraan para madalaw sya.

Naabutan ko si Yuki na nag-iintay doon sa may living room. Nakapangalumbaba sya sa kanyang tuhod at seryosong nag-iisip.

“Young Maiden, handa ka na?” Magalang nyang tanong.

“Yuki.. Pupwede bang Ria na lang?” Tanong ko sa kanya.

“Dati pwede, pero ngayong alam mo na nagsisilbi ako sa pamilya mo, hindi na pupwede. I owe you respect.”

“But we are friends!” Sambit ko bago napatakip ng bibig. Oo nga pala, ginawa nya lang ang lahat dahil napagutusan sya.

“Sorry Yuki. I just assumed.” Nagkibit balikat ako at nauna ng lumabas ng mansyon. Lumapit ako sa sasakyan ni Yuki na sinakyan namin kagabi. Mabagal syang naglakad papalapit sa akin.

“Ria, we can’t stay friends. Amo kita..”

“Bakit noong una?” Ngumuso ako at tiningnan sya. Yuki sighed.

“Noong una ay hindi mo pa alam. Ngayon alam mo na.”

“Okay.” Malungkot akong tumango. Noong bata pa ako, lumaki ako na mayroong sariling bodyguard. Hindi naman kami pinagbabawalan na maging malapit sa mga bodyguard namin pero tingin ko ay protocol na nila ang maging civil sa pinagsisilbihan. Mabilis kasing magduda si Daddy kapag magaan ang loob namin sa bodyguard, iniisip nya agad na baka kidnapin kami o kung ano.

Yuki is different. Mabait sya sa akin umpisa pa lang pero ngayon ayaw na nya akong friend.

“Ria.. Im sorry. Gusto mo ba talaga akong kaibigan?” Tanong ni Yuki ng mapansin ang pananahimik ko. Nagtatlong hakbang pa sya papalapit sa akin kaya lumiit ang distansya. Tumango ako ng madami.

Ngumiti sya at napapailing akong tiningnan.

“Okay. Well, then.. We’re friends.” Anunsiyo nya. Bumalik ang sigla sa kanyang mukha pati yung ngiti nya na mabait. Halos mapapalakpak ako sa tuwa kaya natawa din sya.

“Mababaw ang kaligayahan mo kaya aliw na aliw si Gael sayo eh. Let’s go.” Pinagbuksan ako ni Yuki ng pinto at pumasok naman ako. Inintay ko syang makasakay bago magtanong ng maraming bagay.

Sinimulan ko sa pagtatanong kung kailan nya unang nalaman na ako ay ako. Ay ang gulo!

“Before you went to Keio. Kahit anong mangyari, sa Keio ka makakapag-aral dahil si Daddy ang nagrecommend non, Ria. You are safe in our school..” Simpleng sagot ni Yuki. Napasimangot ako sa kanyang sinabi. I was bullied in Keio!

“Well, uhm, except for the bullies. Hindi namin inaasahan ang ganon. I offered you help but you declined, hinayaan kita pero h-hindi naman kita iniwan.”

Napangisi ako. Oo nga naman! Lagi ngang nakasunod sa akin si Yuki non. Sabagay, ako naman ang may gusto na magpabully eh. I want to feel the suffering because I want to know until when I can endure. I did.

“Ayos lang yon! Eh kasi hindi naman ako kagaya nyo na maayos ang itsura–”

“Hindi ka magiging kagaya namin, Ria. Your parents are the richest and most powerful people in this country. Kung tutuusin, lahat kami ay ordinaryo lang sa paningin mo.” Putol sa akin ni Yuki.

Napalabi ako at tiningnan si Yuki na seryosong nagmamaneho.“Mayaman naman kayo eh.” I pointed out. They cannot put up security agency if they are not rich. They even have a world class facilities inside their headquarters.

“Pero hindi kasing yaman nyo. Tuldok lang ang sa amin Ria and I have to do well in protecting you dahil sa akin nakasalalay ang business ni Dad.”

“Ibig sabihin kaya mo lang ako kinaibigan dahil mayaman ako?”

“What do you think of me? a Social climber?” Umirap sa akin si Yuki kaya ako natawa. Social climber! Kahit kailan hindi kami pinalaki nila mommy na tumingin sa estado ng mga nakakasalamuha namin kaya hindi ko naisip na mayroon akong masasabihan na social climber.

“Kasi sabi mo sa akin nakasalalay ang negosyo nyo.” Natatawa kong tanong. Ngumiti si Yuki ng malapad.

“Oo pero di ibig sabihin na itatrato kita ng walang sinseridad. You are a good person, hindi mahirap makisimpatya sayo. Hindi mahirap maging mabuti lalo na at alam ko ang kwento mo. You wanted to experience a normal life kaya ka nakisalamuha sa amin.”

Ngumiti ako at tumango. Mabuti naman pala at hindi social climber si Yuki. Nagsabi na ako kay Yuki na didiretso na muna sa Keio bago sa bahay nila Mama. Nakapagtext naman na ako kagabi at sinabing ligtas ako.

Naunang lumabas si Yuki sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayang lumabas.

‘Si Yuki naman ang kasama nya!’

‘Mukha lang talagang mahinhin ang isang yan pero kapag wala si Gaelan, si Yuki naman!’

‘When the cat is away, the mouse will play.’

“Wag mo na pansinin.” Bumulong sa akin si Yuki. Tumango lang ako, hindi nya ata alam na sanay na sanay na ako.

Hinatid ako ni Yuki sa unang klase ko. Sumubok akong makinig sa lessons pero walang humpay ang mensahe sa akin ni Gaelan. Kinakamusta ako at pinapapicture-an ang katabi ko. Ang kulit kulit talaga nya!

“Miss Floresca, ipinapatawag ka sa Dean’s office.” Nagmadali akong ikubli ang cellphone ko dahil akala ko papagalitan ako ng Professor ko, pero mukhang hindi naman nya nakita na nagtetext ako sa klase.

‘Expulsion will be served..’ Ngumisi si Tyra sa akin ng dumaan ako sa kanyang upuan. Yumuko na lang ako at hindi pinakinggan ang mga bulungan nila.

Mabilis akong naglakad patungo sa opisina ni Dean, nakarating agad ako pero hindi ako makapasok. Ni hindi ko maiangat ang kamay ko para kumatok.

You can do this Maria.. Kaya mo yan!

Kakatok pa lamang ako ng bumukas ang pinto at tiningnan ako ni Miss Farrah mula ulo hanggang paa. Nanggaling sya doon sa loob. Mula noong eskandalo, ngayon ko lang ulit sya nakita kaya nagulat ako. Ang sinabi sa amin ng substitute teacher ay nangibang bansa daw sya. Sumalubong sa akin ang matapang nyang pabango. She’s wearing a white dress that hugs her body. Malaki ang pagitan ng taas namin dahil para talaga syang modelo sa height, isa pa, nakasuot sya ng high heels. Her curves are at the right places, hinog na ang kanyang katawan. No wonder Gaelan fell for her. She’s perfect. She’s very beautiful. Binangga nya ang aking balikat at umismid sa akin.

Bago pa ako makapagreact, Natanawan ako ng Dean kaya sinenyasan nya akong pumasok. I nervously entered his office. Hindi ako mapakali sa dami ng ideyang pumasok sa utak ko.

“Miss Floresca. The board talked about your case and most of them were in agreement of expulsion” Sumandal si Dean sa kanyang swivel chair at hinilot ang kanyang sentido.

“However, Agent Yushima insisted that we should talk to your parents.” Pagpapatuloy nya pa.

Hindi ako nakapagsalita at nag-isip ng magandang gagawin. I can stop now. I can leave Keio at bumalik sa mga magulang ko but I am not sure if I am willing to sacrifice the memories I had here, mga kaibigan na nabuo at ang pagiging ‘normal’ na estudyante.

“Kapag nakausap nyo po ang parents ko, hindi nyo na po ba ako ieexpel?” Kyuryosong tanong ko. Huminga ng  malalim si Dean.

“There’s a chance that you won’t be expelled. Ang totoo nyan, gusto naming makausap ang magulang mo para malaman namin ang environment mo sa labas ng Keio at makumbinse kami na hindi na mauulit ang kalokohang ginawa mo. If we will not be assured that your parents can discipline you at home, well then Miss Floresca, I am sorry but you will be expelled.” Mataman na paliwanag ni Dean. Tumango ako.

My parents will be disappointed pero hindi ko alam kung paano nila sosolusyunan ang bagay na ito. Ilalayo din ba nila ako sa Keio?

“Your parents will be here this afternoon. Ang school affairs na ang nagpadala ng imbitasyon sa mga magulang mo para makatiyak kami na makakarating sila.”

Napasinghap ako. Ngayon na?

Wala man lang akong natanggap na tawag mula sa kanila!

“Pinaalam ko lang sayo para hindi ka mabigla.” Yun ang huling sinabi ng Dean bago matapos ang pag-uusap namin.

Dadating sila!

Wala sa sariling lumabas ako ng Faculty Building, tanging pagkabog ng dibdib ang naririnig ko at ang pakiramdam na napakalayo ng lahat sa akin. Nakita ko si Selene na naglalakad papalapit kaya tumigil ako sa paghakbang.

“S-selene..” Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

“Bakit ganyan ang mukha mo?” Nakangiting tanong ni Selene.

Umiling ako. Wala akong gana ikwento ang mangyayari. Nalulungkot ako na baka huling araw ko na ito sa Keio kapag nagkataon.

‘Narinig mo ba na ieexpel na ngayon si Ria!’

‘Mabuti naman at wala ng aaligid kay Gaelan!’

‘Ha! So tayo pa rin ang mayroong huling halakhak!’

Nagtawanan ang mga estudyante na dumaan sa aming harapan. Alam kong sinadya nila na paringgan ako. Sinundan sila ni Selene ng tingin.

“Totoo ba yon Ria? Kaya ka galing sa faculty?” Hinawakan ni Selene ang aking braso. Marahan akong tumango.

“Pero wala kang kasalanan! Si Gaelan ang dapat umayos ng gusot na ito.” Dismayado syang napabuga ng hangin. “Nasaan na ba yon?”

“M-may lagnat sya. Wag mo na lang sabihin sa kanya. I-I can do this. I-isa pa, baka mawala sa kanya ang Yukan’na kapag iniligtas nya ako.”

“Ano? Bakit mawawala? May ginawa ba syang kasalanan?” Selene asked. Napakagat ako ng pangibabang labi ko. Hindi nila alam na nagkaroon nga ng relasyon si Miss Farrah at si Gaelan dahil hindi naman nasarhan ang issue na yon. They just thought Gaelan forgive me and that’s it.

“W-wala. Pero hindi nya ako maaring ipagtanggol. Basta Selene.. Kahit anong mangyari, wag mong ipaparating kay Gaelan.” Mahigpit na bilin ko.

“Tsk! You know what? Kung pupwede ko lang alamin kung sino ang naghack ng email mo kaso wala naman akong ideya kung paano gagawin yon.” Umismid si Selene.

I should have thought about it before too.. Kaya lang hayaan ko na din dahil baka may iba pang madamay.

Inaya nya ako sa Food Alley kahit wala akong ganang kumain. Naging bulong bulungan ang expulsion sa akin ngayong araw at mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Pagkatapos naming umorder ni Selene, pumwesto na kami sa bakanteng lamesa.

‘Nagpakita na si Miss Farrah. Yun lang daw ang inantay para maexpel yan si Ria eh’

‘Well, good for her! Mawawala na ang sinungaling dito.’

“Hoy! Kung makapagsalita kayo parang wala kayong ginawa kay Ria ah! Eh kung ireport ko ang pambubully nyo sa kanya?” Binato ni Selene ng fries ang kabilang mesa. Yinugyog ko ang braso ni Selene para wag na makipagtalo.

“Selene, kung binully man namin sya at maexpel sya ngayon, wala ng silbi ang pagsusumbong mo dahil isa na syang outsider ng Keio. Tiyak na babalik na sya sa public school kung saan sya nababagay!” Binato ako ng fries noong nasa kabilang lamesa. Napayuko lang ako at tinanggap iyon.

“Ano ba!” Gumanti din si Selene sa pagbato ng fries at galit na galit sya sa kausap.

“Selene. Let’s go..” Bulong ko sa kanya. Hinihingal si Selene sa pagtitimpi ng galit pero tumayo din sya at sumunod sa akin.

Nagpatiuna si Selene sa paglalakad. Nakasunod ako sa kanya ng may biglang sumagi sa akin at ang sumunod ay nakaramdam na lang ako ng malamig na bagay sa ilalim ng damit ko. Softdrinks.

“Oops.. Iniisip ko lang na baka mamiss mo.” Sambit ni Tyra kasabay ng paghagikgik ng mga kaklase namin. Itinapon nya ang plastic cup na naubos ang laman sa dibdib ko.

“Sayang. Sana nakapaghanda kami ng farewell party para sayo.” Iiling iling si Tyra na kunyari ay naaawa. Tiningnan ko lang sya dahil wala akong masabi.

“Ano? Walang magtatanggol sayo? Iniwan ka ni Gaelan? Siguro kasi, alam nyang ngayon ka maeexpel. Siguro kasi, ayaw ka nyang ipagtanggol. Siguro kasi, nagpapanggap lang sya na mabait para makaganti sayo!” Tinulak ni Tyra ang balikat ko. Halos matumba ako sa tulak na yon. Parang mga bola na ibinato sa akin ang mga salita nya.

Sa lahat ng sinabi nya sa huling punto ako naapektuhan. Pangalawang beses ko na yon narinig. I heard it from Kuya Rab last night. Gumaganti si Gaelan sa akin.

“Do not pollute her thoughts, Bitch,” Malakas na tinulak ni Selene si Tyra at para akong papel na hinila ni Selene. Kumakayod lang ang suot kong sapatos sa lupa dahil hindi ako halos makahakbang. Nakarating kami sa gitna ng field ng huminto si Selene sa paglalakad at hinarap ako.

“Don’t tell me you believe her crappy mouth?” Seryosong tanong ni Selene na ang tinutukoy ay si Tyra.

“Di ba kahit ikaw ay nagdududa din sa kabaitan ni Gaelan?” Naisantinig ko. Selene sighed. Hinawakan nya ang magkabilang kamay ko at niyugyog.

“Oo.. But I can see happiness in his eyes..”

Naalala ko si Miss Farrah. Napakaganda nya. Ganoon ang tipo ni Gaelan. Maganda, matangkad at sopistikada. Lahat ng hindi ako. Nung umalis si Miss Farrah, saka nagkaroon si Gaelan ng kalayaan na lapitan ako. Totoo nga kaya ang paglapit nya o dahil wala si Miss Farrah kaya nya nagagawa iyon? May plano nga ba syang gumanti?

‘OMG. Dumating ba ang President ng Pilipinas?’

‘What a car! Ngayon pa lang ako nakakita ng sampung mustang na magkakasama!’

Napalingon kami ni Selene sa mga nagbubulungan.

Nakarinig ako ng malakas na pag-ugong ng sasakyan mula sa di kalayuan. The roar of a sports car engine, it’s a familiar sound dahil magkakasama ang apat na tunog na pumupunit sa ingay ng lahat ng madadaaanan nito. Agad kong natanaw ang mga sasakyan na pagmamayari ng mga kapatid ko. Nakasunod sila sa mustang na naglalaman ng security namin. Humilera ang mustang paikot sa field ng Keio. Sa gilid ng mga ito ipinarada ng mga kapatid ko ang pula, itim, dilaw at puting Lambhorgini.

‘What’s happening?’

‘Grand entrance, sino yan?’

Di ako makakilos. Alam na alam ko kung sino ang dumating. Kumapit sa kamay ko si Selene. Magkakasabay na bumukas ang pinto ng mustang at lumingon sa likuran. Tila may inaantay. Napigil ang hininga ko ng makita ko ang limousine ng mga magulang ko. Marahil ay nanggaling sila sa importanteng meeting kaya ito ang gamit nilang sasakyan. Sabay sabay na yumukod ang security namin  habang pababa ang mga magulang ko. Nagpalinga linga si Mommy na tila mayroong hinahanap.

Napangiwi ako ng makita ang seryosong mukha ni Daddy at Mommy ng magtama ang mga mata namin. Naglalakad na sila papalapit sa direksyon namin ni Selene. Binuksan ni Kuya Gilad ang itim nyang Lamborghini kaya napalingon ako doon. Ang lakas ng pagsinghap ng mga estudyante sa paligid.

‘Oh no? Is he a god?’

‘Spell Gwapo!!’

Magkakasunod na lumabas sa kanilang sasakyan si Kuya Rab, Kuya Ahmed at Kuya Xenon na mas lalong nagpaingay sa mga nanonood.

‘OMFG!!! Ang gagwapo!’

‘Saan sila galing? Mag-aaral ba sila sa Keio?!’

“Ria, kuya mo ang mga yan? Pahinging isa.” Narinig kong bulong ni Selene. Hindi ko sya nasagot dahil nakatutok ang mga mata ko kay Mommy na nakikipagtitigan sa akin.

“Young Maiden!!” Sabay sabay na sabi ng mga bodyguards  namin kasabay ng pagyukod.

‘W-what?!’

‘D-did they just call her–’

Huminto si Mommy sa aking harapan. I can see in her eyes that she’s not pleased. Bumaba ang tingin nya sa aking damit at hinaplos nito ng buong pag-iingat ang nabasa ng softdrinks kanina. Kumuyom ang kamao ni Mommy kaya napaatras kami ni Selene sa takot. Huminga sya ng malalim at lumingon sa paligid.

“Sinong gumawa sa Baby ko nito?!” Matinis na sigaw ni Mommy.

Ang mga estudyante ng Keio na kanina lang ay nakamasid, biglang pumasok sa kanilang classroom at nagtago.

Oh Lord!!

Kabanata 28

Tricks.

Kabado akong humakbang habang sinusundan si Mommy at Daddy. Kahawak ko ng kamay si Selene, hindi ko man lang naipakilala sa kanila ang kaibigan ko dahil masyadong seryoso ang hangin. Tingin ko kahit anong oras ay sasabog na si Mommy sa galit samantalang si Daddy ay nanatiling walang imik kagaya ng dati. Nagkatinginan kami ni Kuya Rab at tinaasan nya ako ng kilay. Galit ba talaga sya sa akin?

Nakikita ko pa din ang nakamasid sa amin ang mga estudyanteng nagtatago sa classroom. Nahihiya tuloy ako dahil masyadong magarbo ang pagdating ng aking pamilya. Iniisip kaya nilang mayabang kami? Sana naman ay hindi.

Lumapit sa akin si Kuya Xenon at hinawakan ang kamay ko.

“Okay ka lang?” Kuya Xenon asked. Tumango ako kahit kinakabahan ako. Ang araw na ito ang maghuhusga kung mananatili ako sa Keio o babalik na naman ako sa home schooling na ayokong mangyari.

I want this life. Hindi perpekto pero ito ang gusto ko. This is reality, people aim for beautiful things but there’s no such thing as constant beauty. Ugly things should interfere to experience magnificence.

Bawat paghakbang, naakakarinig din ako ng malakas na kalabog sa puso. Nakarating kami sa opisina ng Dean, ang bodyguard mismo ni Mommy ang kumatok sa pinto. Taas noo pa din si Mommy. She’s an epitome of strong woman with elegance and beauty but there are so many things why Dad loves her, katiting pa lang ang nabanggit kong positibo.

“Nandito na po si Master Alfred & Madame Helga Floresca.” Magalang na sambit ng bodyguard kay Dean. Nakita ko pa mula sa labas ang pagtango ni Dean, naunang pumasok si Mommy at Daddy kasunod ang mga Kuya ko, sumunod ako sa loob at naiwan si Selene. Ngumiti si Selene sa akin para palakasin ang aking loob. She even mouthed ‘goodluck’ bago ko sarhan ang pinto.

Bahagyang nakaawang pa ang labi ng Dean dahil sa pagdating ng aking pamilya, hindi siguro inaasahan na ang magulang ko pa ang magsusungit sa pag-uusap na ito. Of course, my parents won’t actually care if I will get expelled, it’s just that they will not back down without a good fight. Nilipat ni Dean ang kanyang tingin sa akin ng may nagtatanong na mata. Tumikhim sya at lumipat naman ang tingin kay Mommy.

“M-mrs. F-floresca, pinatawag ko po kayo dahil, uhm..”

“May ginawang kalokohan ang anak ko, ganoon ba?” Tumaas ang kilay ni Mommy. Napigil ko ang aking hininga. Hindi naman masungit si Mommy, kaya lang kapag ang kanyang anak na ang pinag-uusapan, nagiging tigre talaga sya. Hindi na nadugtungan ng dean ang kanayang sasabihin.

“Well, Dean. I would like to apologize if my daughter had difficulty in adjusting in this ‘normal’ environment that she’s not used to but I would like to stress that my daughter is born a heiress and raised as such at kahit hindi ko pa naririnig ang reklamo nyo sa anak ko, hindi ako naniniwala.”

“Uhm, M-mrs.Floresca. What really happened is that your daughter, sent an email to the entire school, maliciously claiming that her schoolmate and her Math Teacher is in a relationship.” Mahinahong paliwanag ni Dean.

“And why would she do that?” Mommy asked, humalukipkip pa sya. Si Daddy na nasa kanyang tabi ay hinaplos lang ang kanyang likod.

“I am sorry Mrs. Floresca but your daughter is failing Math and she admitted of doing the crime to blackmail Miss Hernaez her professor and Mr. Ancheta dahil na-bully daw sya nito..”

“Admitted?” Matalim akong tiningnan ni Mommy. “Bullied?” matabang ang pagkakasabi ni Mommy, “Failing math?” Wika nya muli. Napayuko ako, I can see wrath in her eyes at nakakaramdam ako ng hindi magandang pangyayari.

“Maria Arabella..” Mabagsik ang pagkakasabi ni Mommy. Umangat ang balikat ko sa pahkataranta.

“Consider the functions f(x)= x2 and g(x)=7x + b. In the standard (x,y), coordinate plane, y=(g(x)) passes through (4,6). What is the value of b?” Seryoso akong tiningnan ni Mommy. Ugh! I hate it when she asked random math equations! It is her favorite subject.

“The value of B is 8.” Napalunok ako sa aking sagot. Tumango tango si Mommy at tiningnan si Dean na ngayon ay kunot na kunot na ang noo.

“My daughter’s IQ is not really high at 160– but her Mathematics intelligence is way too above average. She was not just trained by a professor, but by a Singaporean Mathematician, she started at the age of 6. Solving Algebra at 7. Her favorite is Trigonometry but her Algebra is not really bad.” Umayos si Mommy sa kanyang pagkakaupo. Hindi nagsalita si Dean at tila inaabsorb pa ang pagmamalaki ni Mommy tungkol sa akin.

“Can I talk to her Math Teacher to know in which area my daughter is failing?”

“Of course, Mrs. Floresca. Yolly, can you look for Miss Hernaez?” Lumingon si Dean sa kanyang sekretarya. Nagdial ito sa telepono at ilang sandali pa ay nagsabi na ito at kinumpirma ang pagpunta ni Miss Farrah. Napalingon ako kay Kuya Rab, tumaas muli ang kanyang kilay sa akin. If this is still about Gaelan then I should change his views.

Walang nagsasalita habang iniintay namin si Miss Farrah. Mas lalong nagkaroon ng tensyon ang hangin ng makarinig kami ng mahinang pagkatok mula sa labas ng pinto.

“Miss Hernaez, please come in.” Si Dean.

Lumunok si Miss Farrah at lumipat ang mga mata nya kay Kuya Rab, nakikita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.

“Radley..” Mahinang bulong nya. Umiwas ng tingin si Kuya Rab. Lumipat ang tingin sa akin ni Miss Farrah na tila hindi makapaniwala.

“Ikaw ba ang Math Teacher ng anak ko?”

Tumuwid sa pagkakatayo si Miss Farrah at alanganing tumingin kay Mommy.

“Y-yes, Ma’am..”

“So, ikaw ang teacher na may relasyon sa kanyang estudyante?” Diretsang tanong ni Mommy.

“I– I beg to disagree Ma’am. It was taken out of proportion. I-I mean, M-miss Floresca is failing her Math–”

“She will never fail your subject, Miss Hernaez! I really think that someone is framing up my daughter.”

“U-umamin na sya, I mean–wala naman kaming relasyon ni Mr. Ancheta… K-kasi s-si Radley ang boyfriend ko..” Kinakabahang paliwanag ni Miss Farrah sabay tingin kay Kuya.

“Excuse me? I don’t do girlfriend thing, Farrah. It is clear, ang boyfriend mo ay yung estudyanteng bumugbog sa akin because he saw us in my condo.” Masungit na pagtanggi ni Kuya. Sumakit na ang ulo ko. Kaunti na lang ay madadawit na ang pangalan ni Gaelan.

“I-it’s not true..” Napalunok si Miss Farrah.

“Dean, your Faculty member is having an affair with Gaelan Blake Ancheta! I was beaten up by your student out of jealousy.” Buong pagdidiin na sambit ni Kuya. Gusto ko na lang maglaho ng marinig ko ang pangalan ni Gaelan!

“W-wait, what? So ang issue na ito–Maria Arabella being expelled and you Radley Brent being beaten up is because of this leech and that Ancheta?” Hindi na napigilan ni Mommy ang pagtaas ng kanyang boses.

“Nasaan ang iba pang sangkot?” Kalmadong tanong ni Daddy na tila malalim ang iniisip.

“Mr. Ancheta is sick so he can’t come.” Mabilis na sagot ng Dean na mukhang naguguluhan na din.

“My son was clearly beaten up because of this girl and my daughter was framed up–” Inaanalisa ni Daddy ang pangyayari. Mahinahon pa din sya samantalang si Mommy ay galit na galit na.

“Hindi pa tayo malinaw sa issue na mayroong na-frame up, Mr. Floresca, umamin ang anak nyo–”

“Hindi na ako magtataka kung umamin ang anak ko sa isang bagay na hindi nya ginawa dahil alam nyang kahit anong pagkakamali nya ay mahal pa din sya ng kanyang pamilya but I am really disappointed that her name is being dragged in this scandal. Maaring tinakot sya ni Ancheta.”

“Hindi po ganoon si Gaelan, Dad!” Singit ko.

“Ria..” Kuya Gilad said in a warning tone.

“H–he’s my friend, kagaya ko ay biktima lang din sya n-ng c–chismis.”

“Chismis? That bastard beaten the sh*t out of me!” Masungit na sigaw ni Kuya Rab.

“Radley Brent, watch your mouth!” Si Mommy.

“Mom, Ria is being influenced by that guy to lie. Pinaako pa sya sa kasalanang hindi naman nya ginagawa–”

“Hindi nya ako sinabihan, Kuya Rab. Kailangan ko lang sabihin na ako ang may kasalanan para matapos na. Isa pa.. W-wala naman silang relasyon ni Miss Farrah.. K-kaya ka nya binugbog dahil akala nya boyfriend kita at niloloko mo ako.” Nahihiyang paliwanag ko.

“So you are saying na may gusto sayo si Gaelan kaya nya binugbog si Radley?” Tumaas ang kilay ni Miss Farrah. Tiningnan ko sya ng makahulugan, hindi ito ang tamang panahon para makipagtalo sya. I need to spare Gaelan in that student-teacher relationship issue para makumbinse ang Dean at ang mga magulang ko na lahat kami ay biktima! Gusto nya ba talaga sa pakiramdam ang pinag-aawayan ng dalawang lalaki kaya nagagalit sya sa sinabi ko?

“Ria, just tell the fcking truth!” pagpupumilit ni Kuya Rab at nagsusumamo ang mata sa akin, nag-iwas na lang ako ng tingin.

“Rab, do not pressure Ria.” Singit ni Kuya Ahmed. I don’t know what to do! I need to finish this issue now! Kung hindi ay madadamay pa si Gaelan.

Napatingin ako kay Dean na mukhang hilong hilo na sa lahat ng bagay na lumalabas. Parang mga bomba na sumasabog isa isa at hindi mapigilan ang mga ito. Tuloy tuloy, nakakabingi. Huminga ng malalim na hininga si Dean at tinanggal ang kanyang eyeglasses.

“Okay, okay. The student-teacher relationship issue, maari muna nating isantabi dahil wala dito ang isang involve, rest assured that it will be further investigated, ipapatawag din ang kanyang mga magulang kagaya nito. Mr & Mrs Floresca, gusto ko lamang masettle ang issue kay Miss Floresca. Uulitin ko, an email was sent using her email account at naglalaman iyon ng malisyosong litrato ni Miss Hernaez at Mr. Ancheta. Inamin iyon ng inyong anak—”

“Xenon, call our IT guy. God, nobody knows how to investigate this case properly?” Mommy rolled her eyes.

“Ikaw naman, wag kang amin ng amin ng kasalanang hindi para sayo. I taught you how to be nice, Maria Arabella Kassandra, but not this.” Nadidismaya akong tiningnan ni Mommy. It makes me sad that I fail them. Nabigo akong sumunod sa values na ipinakilala sa akin ni Mommy. The principles on how to be good and not to lean on evil, she’s now thinking I didn’t follow. Tingin pa lang nya ay alam nyang sumuway ako.

“Radley, is Ria your sister?” Narinig ko pang bumulong si Miss Farrah kay Kuya Rab. Hindi kumibo si Kuya Rab “but you said your surname is De Marco?“Bulong muli ni Miss Farrah. Humagikgik si Kuya Xenon dahil doon.

“Miss, flirts don’t get to bag honest guys.” Kuya Xenon said as a matter of factly.

Napasimangot si Miss Farrah, nagtaas ng kamay si Kuya Xenon na natatawa pa din, ganoon nga si Kuya Rab, ang pagkatao nya ay itinatago nya din sa kanyang mga babae.

Ilang sandali pa ay dumating na ang isa sa tauhan namin na si Richard na mula sa aming IT Consultancy Firm ni Kuya Xenon. Lumapit si Richard sa computer ni Dean at tiningnan ang email na sinend noon sa Keio gamit ang email address ko.

“The IP address indicates that the email came from Taguig.” Kalmadong sabi ng ni Richard, tumatango tango naman si Dean dahil nakikita nya ang bawat proseso ng pag-iimbestiga. Si Mommy ay nagpapaypay ng kanyang sarili at tila tiyak na tiyak sya na wala talaga akong kinalaman sa ganoong kabulastugan.

“Our house is in Makati and Ria is now staying at Quezon City.” Sambit ni Mommy. Nagtipa muli ang Richard na walang pakialam sa komosyon. Mayroon syang ilang tinawagan para magtanong ng ilang bagay at humingi ng assistance.

“According to my tracker, Sir. This is the address of the culprit. Pinakuhanan ko na din ng litrato sa agents ng mga Floresca ang bahay.” Nilingon ni Richard si Dean na ngayon ay pinanlalakihan ng mata.

“Miss Hernaez, hindi ba ito ang bahay mo?” Lumingon si Dean kay Miss Farrah na namumutla na ngayon. Nanliit ang mga mata ni Mommy, tumayo sya at nilapitan si Miss Farrah.

“Sinasabi ko na nga ba!” Sigaw ni Mommy.

“N-no! I am being set up! H-hindi porket mayaman kayo..” Umatras si Miss Farrah kay Mommy. Ako naman ay takang taka sa nadiskubre ni Richard.

Hindi ko iyon naisip man lang! Bakit nya iyon gagawin sa kanyang sarili? Kung gusto nya akong ipahamak, hindi ba dapat ay sa ibang bagay na lang? Why did she let herself be exposed?

“Mayaman? Of course! Then why are you doing this? Miyembro ka ba ng sindikato at gusto mong perahan ang aming pamilya?!” Asik ni Mommy. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Kuya Rab. He’s throwing death glares to Miss Farrah habang bumubukas ang bibig para magsalita.

Isang katok ang umawat sa dapat na pagsasalita ni Kuya Rab. Nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si Gaelan doon sa may pinto. Seryoso syang nakatingin sa akin. Sugat sugat ang kanyang mukha at halatang may iniindang sakit sa paglalakad. He’s wearing a black shirt and jeans habang ang kanyang kanang kamay ay nandoon sa tagiliran.

Tatayo na sana ako para tulungan sya pero hinawakan ni Daddy ang aking kamay para pigilan.

“G-gael! Pinagtutulungan nila ako!” Kumapit si Miss Farrah sa braso ni Gaelan, hindi inaalis ni Gaelan ang kanyang tingin sa akin kaya ako ang umiwas. Masyadong masakit sa mata ang nakikita ko pero hindi ko naman iyon masabi sa lahat, hindi na lang ako titingin kung ganito pala kasakit.

“See!” Sigaw ni Kuya Rab na nakatingin sa akin. Gusto ko na maiyak. Ang posibilidad na tama ang hinala ni Kuya Rab na niloloko lang ako ni Gaelan ay hindi maproseso ng utak ko. Mayroong masakit na parte sa puso ko na hindi ko madepina. Gumuguho ang maliliit na pag-asang binuo ko noong mga nakaraang araw dahil naging masaya ako, kasama sya.

“Mr. Ancheta! Clarify this issue!” Galit na tiningnan ni Dean si Gaelan at ang kaninang pagkakalmado nya ay nawala na.

“Totoo.” Direstahan nyang sabi.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi.

“Gago talaga.” Galit na pagpaparinig ni Kuya Rab.

“May relasyon kami ni Farrah..” Parang tinutusok ako sa bawat pagbagsak ng mga salita ni Gaelan. Nangingilid na ang mainit na luha sa aking mga mata.

“And you are manipulating my sister because you love bullying her? Sinabi ko sayong layuan mo sya! Look at where you are dragging her name! Mess huh? Ito ang gusto mo?” Kuya Rab clenched his jaw. Hindi kumibo si Gaelan kaya mas lalo akong nasaktan. Umaasa akong tumanggi man lamang sya sa mga paratang.

Katahimikan ang nanatili sa maliit na opisina na tuluyang sumikip dahil sa aming lahat. Patuloy sa pag-iyak si Miss Farrah sa balikat ni Gaelan na walang karea-reaksyon.

“I lied. I admit all the accusations. I bullied Maria, I engaged in student-teacher relationship.” Pumikit sya ng mariin at nagkuyom ng kamao “ I –I know it was Farrah who sent the email, I let it happen because I want to bully Maria for no reason. Fire Farrah and expel me. I don’t care.“ Matigas na sambit ni Gaelan. I almost faint! Bakit ganon? No. he’s not even joking. He’s dead serious about it.

“Gaelan!” Sigaw ni Miss Farrah ng di pagsang-ayon. Nanatili lamang akong nakikinig sa mga salita ni Gaelan, parang lumalabas lang ito sa kabilang tenga dahil namamanhid na ako sa sakit. Bakit ang mga sinabi kanina ni Gaelan nung umaga ay taliwas sa sinasabi nya ngayon? Paano nya nagawang magsinungaling sa akin? He knows! He knows about the email and he let it. Gusto nya lang ako ipahamak!

Dahil ba masaya? Dahil ba nakakatuwa?

The thought almost killed me. It is painful. Masakit itago ang sakit lalo pa’t nakikita ko silang ganito kalapit at haharapin nila ang problema na magkasama.

“Bakit ba hindi ka na lang natuluyan kagabi?” Gigil na sambit ni Kuya Rab. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Gusto kong pigilan si Kuya Rab kaya lang wala na akong lakas para tumutol, tinatanggap ko na lang ang lahat ng sakit. Kasi ang sakit sakit na.

Natapos ang usapan na wala na akong naintindihan kahit isa. Naririnig ko ang paghingi ng tawad ni Dean sa amin. Si Miss Farrah ay umiiyak pa din at sa isang sulok ng Dean’s Office, nanatali doon si Gaelan na mayroong pagod na mata. Nakakaawa sya kung titingnan pero anong magagawa ko? Hindi ako ang kailangan nya.

“Let’s go, Ria.” Hinawakan ni Kuya Gilad ang aking kamay. Yumukod muli ang mga bodyguards paglabas namin ng opisina. Halos lahat ng estudyante ay nakamasid muli. May mga matang namamangha, may mga matang nagtataka, pero ang karamihan ay natatakot.

“Ria! Kamusta? Dumating si Gael?” Hinablot ni Selene ang aking kamay. “Uuwi ka na ba? Ito ang extra shirt ko, magpalit ka muna ng damit.”

Huminto si Mommy sa paghakbang.

“Speaking of, who did that to you, Princess?” Mom asked in a sing-song voice. Nakangiti pa sya pero alam kong hilaw ang ngiting iyon.

“Mommy, h-hindi naman—”

“Si Tyra po, kaklase nya po! Ayon o! Lagi nga po nyang binubully si Ria–” Malakas na pagsusumbong ni Selene.

“S-selene…”

Hindi nakahakbang si Tyra ng marinig ang pangalan nya. Naglakad patungo doon si Mommy kasunod ang ilang bodyguards, takot na takot ang mga mata ni Tyra.

“Mommy.” Sinubukan kong takbuhin ang distansya namin.

“Sorry Ria! Sorry. Hindi ko talaga alam! Sorry!” Pinagdaop pa ni Tyra ang kanyang mga palad ng makarating ako sa kanyang harapan. Hindi ako nakaimik dahil sa paghingi nya ng tawad. I am not sure if it was sincere or out of fear.

“Do it again, little girl… “ Panghahamon ni Mommy. “Then your Daddy will be jobless in one month. You play around with my daughter, I will close this school. Be a good girl.. Especially to my princess!”

Pagkasabi non ay tumalikod agad si Mommy. Si Tyra naman ay mabilis na tumango tango at nagingilid ang luha sa mga mata. I sighed. I feel bad about Tyra, tiyak na napahiya sya.

“Maria Arabella, sakay sa kotse..” Daddy demanded. His eyes are deep and brooding. Pagkatapos ng lahat ng ingay at kaguluhan kanina sa Dean’s office ay hindi pa din pala sya tapos, siguro ay mayroon syang sariling opinyon sa lahat ng pangyayari.

“Daddy..” Ayokong umalis pero wala akong magagawa kundi ang sumunod, I need to know what they want too. Sana hindi doon kasali ang pagsuko ng buhay ko sa Keio, kahit walang Gaelan ay magpapatuloy ako. Makakalimutan ko din siguro sya at ang panloloko nya. Ipagpe-pray ko na lang talaga at sisimulan ko na mamayang gabi.

Tumunog ang cellphone ko kaya natigil ako sa paghakbang sa direksyon ng sasakyan nila Mommy. Agad na kumalabog ang puso ko sa hindi inaasahang mensahe sa kanya.

Yabs Ko: Stop doing things for me and let me handle this. I am still your Knight.

Nahirapan akong huminga dahil doon sa mensahe. Hindi pa ba tapos ang kanyang palabas?

Kaya lang, kahit iniisip ko na niloloko nya ako, bumibigay naman ang aking puso at naglalakad na naman papabalik sa kanya.

**Kring Kring

“H-hello..” Tila nagbara ang aking lalamunan. Bakit ko ba sinagot ang tawag ni Gaelan?

“Don’t cry..” I heard him said. Kinapa ko ang aking mata at napansin na naluluha ako. Nagpalinga linga ako at nakita kong nakatayo si Gaelan doon sa labas ng opisina ni Dean sa ikalawang palapag, nakakapit sya sa railings at nasa kanyang likod si Brie. Hindi ako nakapagsalita.

“I love you..”

Bulong lang iyon but it seems like I clearly heard it dahil nakita ko ang pag-arko ng kanyang labi dahil sa kanyang sinabi. Halos sumabog ako sa halo halong pakiramdam, gusto kong takbuhin ang distansya naming dalawa pero hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako.

“Ria, let’s go!” Untag ni Mommy.

Binalikan ko ng tingin si Gaelan at tumingin muli kay Mommy saka napabuntong hininga.

No Ria.

This world is full of tricks!

Kabanata 29

Bahala Na.

Hindi ako sumagot kay Gaelan at ibinaba agad ang tawag. Nagmamadali na kasi si Mommy at Daddy. They really want to get out of Keio. Sa sasakyan ay wala kaming kibuan. Si Daddy malalim ang iniisip habang si Mommy ay mukhang galit sa pinagdaanan namin ngayon dahil gusto ko ng normal na buhay kagaya ng mga kasing edad ko. I want to feel being happy because you lack of some things, settle for less and resolving my problems in my own accord.

Nang dumating kami sa mansyon, bumalik na naman ang kaba kanina lalo na noong doon kami dumiretso sa library. Our library is only being used in serious meetings of the family. Isa ito sa mga bagay na yon.

Si Daddy ang nakaupo sa aisle, sa kanyang kaliwa ay si Mommy katabi si Kuya Rab tapos si Kuya Ahmed. On Daddy’s right nandoon naman si Kuya Gilad at Kuya Xenon. I am sitting on the other side of the aisle. Lahat sila ay nakapaharap sa akin at mukhang madaming gustong itanong.

“Now, talk.” Utos sa akin ni Daddy.

“Dad, I am doing fine. Nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan.”

“That your own Professor framed you up? Ganoon ba ang kalakaran sa Keio? Ang mga estudyante ay nakikipagrelasyon sa guro. Ang Guro ay ginagawan ng krimen ang kanyang estudyante? That’s horrible.” Napapailing na sabi ni Mommy.

I think so too, hindi katanggap tanggap ang ginawa ni Miss Farrah sa akin pero hindi magbabago ang desisyon ko. Hindi dahil ako ang nakatanggap ng kamalasan, isusuko ko na ang gusto ko.

“I-i still want to go to school..” I whispered.

“But you are being bullied, Maria Arabella. Si Ancheta at yung babaeng kinausap ko kanina, kahit ang Professor na yon ay binubully ka. Maaring ang buong Keio ay inaalipusta ka. Hahayaan mo bang walang tumatanggap sayo sa paaralang yon?” Mommy asked.

“I have a friend.” Pagtatanggol ko at nasa isip si Selene. She’s been nice to me eversince. Hindi nya hinusgahan ang pagkatao ko at ni hindi nadagdagan ang pagiging mabuti nya noong nalaman nya ang pagkatao ko.

“Friend is one thing, pero ang mas madalas mong makakasalamuha ay inaayawan ka. I am heartbroken, Princess.” Tiningnan ako ni Daddy ng may malungkot na mata.

Tumahimik ang buong library. Ang mga kapatid ko ay hindi kumikibo. Nasasaktan ako sa ganoong tanawin pero wala akong magawa. They are right. Sinasaktan ako doon samantalang pinoprotektahan nila ako buong buhay ko.

“But I still want this. I want this Daddy..” Pagpupumilit ko halos maiyak na ako. Wala na akong masabi dahil alam kong tama sila at hindi ko naman mababago ang sitwasyon, pero gusto ko talaga. Gustong gusto ko.

Tinitigan ako ni Daddy. Bumuga sya ng hangin pagkatapos ng ilang sandali.

“Fine.” His tone is with finality.

“Alfred!” Protesta ni Mommy, itinaas ni Daddy ang kanyang palad para patapusin sya ni Mommy sa pagsasalita.

“You will be returning to school pero dito ka na uuwi. Hatid sundo ka, with bodyguards and driver. I want you to promise na hindi ka lalapit sa Professor na yon pati kay Ancheta. I want you safe, Princess. Kapag naulit pa ito, Im sorry but you will be homeschooled again. Nagkakaintindihan ba tayo?” Matigas na sambit ni Daddy. Tumango ako, paulit ulit. Isang tsansa kapalit ng pag-iwas ko kay Gaelan.

‘I love you..’

Paulit ulit na nag-echo ang boses ni Gaelan. Totoo kaya yon o niloloko nya lang ako? Hindi ko na alam ang totoo. All I know is life choices isn’t that easy. Kung papipiliin ka kung magiging mabuti ka ba o masama, madaling piliin ang mabuti. Pero kung papipiliin ka kung magtitiwala ka o hindi, ang hirap palang pumili.

Sa isang iglap, bumalik ako sa dating buhay. Doon na ako sa mansyon pinatuloy ni Mommy. Nagkasundo kami na hindi sila magrereklamo sa mga school activities at hindi ako magkakaroon ng curfew kung sakali, but I should report to Chief Smiths. Umayon pa din sila sa gusto ko but they want me to see in our house everyday and they are betting on my honesty.

Honesty. Papanatilihin ko yon para hindi mabalewala ang tiwala nila sa akin. Nakita ko kung paano ako pagtiwalaan ng aking pamilya noong nandon kami sa opisina ng Dean. They were there not to apologize but to prove my innocence kahit hindi pa nila alam ang nangyayari.

“Good morning, Mom, Dad. Kuyas!” Maligaya kong bati sa aking pamilya kinaumagahan. Medyo nahuli ako sa breakfast dahil hindi ako agad nakatulog kagabi. Pinatay ko ang aking cellphone pero hindi naman ako napalagay sa kakaisip sa isang tao. Si Gaelan. Maeexpel kaya sya? Kung hindi ay kailangan ko sya iiwasan. Sana ay hindi iyon mahirap gawin.

“O! I miss this kind morning. Good morning Baby Botchog!” Bati sa akin ni Kuya Rab. Nakakatuwa na hindi na ulit sya galit sa akin. Doon ako pumwesto sa tabi ni Kuya Xenon kagaya ng dati.

“Good morning Baby.” Bulong sa akin ni Kuya Xenon na mukhang inaantok pa. He placed food on my plate pagkatapos si Kuya Gilad naman ang nasasalin ng juice. Nanonood si Mommy at Daddy sa amin ng nakangiti.

“This is what I want..” Sabi ni Mommy kay Daddy.

Masaya kaming nagkwentuhan habang nag-aagahan. My vibe in the morning is back, kasama ko muli ang pamilya ko at maingay muli sa hapag. Kahit papaano ay naibsan ang kaguluhan ng utak dahil dito. Kagaya ng napagkasunduan, I went to school with a driver and bodyguard. Si Chief Smiths lamang ang kasama ko.

Pagbaba ko pa lang ng Keio, pinagtitinginan na ako ng lahat. Siguro dapat ay masanay na ako sa ganito. I will till try to be on the shadows kahit alam na nila ang pagkatao ko.

“Hi Ria! Do you want to eat lunch with us?” May lumapit sa aking grupo na kasama noon ni Tyra. Napangiwi ako sa ideya. Hindi kaya plano nilang pasakitin ang aking tyan?

Mukha naman nabasa ng isang babae ang aking iniisip. Malapad syang ngumiti at tinapik ang aking balikat.

“Look, we are sorry for what we have done. Let’s start a new beginning as friends!” Masayang sambit nito.

“I-Im sorry pero may kasabay ako tuwing lunch..” Yumuko ako at nilagpasan sila. They want me to be their friend because of my family’s power at ayoko ng ganon. You don’t gain friendship because of what you have. You earn them with your personality.

Lumanghap ako ng malinis na hangin nang nagsigalawan ang puno sa field ng Keio. This is so refreshing. Hindi ko talaga ito ipagpapalit sa apat na sulok ng aming mansyon.

“Maria.” Natigilan ako sa paghakbang dahil sa boses na yon. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko doon si Gaelan. Nagtataka ko syang tiningnan. Bakit ba sya pumapasok? Maayos na ba sya? Mukhang hindi pa. Namamaga pa ang kanyang mukha at may mga sugat at pasa sa mata. Even his arms are full of bruises!

“Gaelan, please. Just go home and rest.” Tumalikod ako at humakbang.

“She’s jealous of you. Iniisip nyang ikaw ang dahilan ng pakikipagkalas ko sa kanya bago pa ang tagpo sa litrato na yon. She invited me to talk that day, bigla nya akong hinalikan. Hindi ko alam ang motibo nya. Wala akong naisip na ito.” Patuloy sa pagpapaliwanag si Gaelan habang naglalakad ako. Hindi ako lumingon. It hurts that I cannot envision the truth. Dalawang tao lang ang kilala ko, ang mabuti o ang masama pero ang nagtatago sa gitna ay nalilinlang ako.

“So you are saying that you lied? Itong sinasabi mo ang totoo at ang kahapon ay hindi. Nung mga nakaraang araw? Alin doon ang totoo? Ang hirap maniwala kapag may ilan kang bagay na ipinagsisinungaling at ang iba ay hindi. I am not a mind reader.” 

“Kailangan kong sabihin ang lahat ng sinabi ko kahapon para bumagsak si Farrah! The only way she could go down is if I will push her with me. Parehas kaming may kasalanan. Ayokong magmalinis!”

But you still choose to be with her in her battle.

“I don’t care. I don’t care anymore, Gaelan! Kailangan kitang iwasan dahil gusto kong mamuhay ng normal. This. This is a privilege! Kung magpapatuloy ako sa paglapit sayo, ibabalik ako sa home schooling. I don’t want that.” MPinilit kong tigasan ang aking anyo kahit nahihirapan ang kalooban ko. Nasasaktan akong isipin na pinili na lang din nyang magsinungaling, bakit isinama nya ang kanyang sarili sa parusa? Now, I need to push him away because my family hated him more! 

Hinawakan ako ni Gaelan sa braso at ipinaharap sa kanya. At doon, nagsisi ako kung bakit tumingin pa ako sa mata nyang parang nasasaktan. Dumaloy sa akin ang sakit na yon, parang may nagdudugtong sa aming dalawa na kapag nasasaktan sya, yun din ang nararamdaman ko. Masakit din. 

Lumunok ako ng umigting ang panga ni Gaelan.

“Iiwasan mo ako para sa buhay na to? Akala ko ba hindi ka aalis sa tabi ko? You promised!” Gaelan clenched his jaw.

“I don’t know! Yung mga sinabi mo kahapon–”

“Yung mga sinabi ko kahapon ay para idiin si Farrah. She can get away with it. Magaling syang umarte. Kailangan ko syang hilahin pababa. Babagsak sya kung magpapabigat ako. Ganoon yon! I lied because you promise you will stay. NO MATTER WHAT. Regardless if I do bad things, you will stay. At hinawakan ko ang pangako mong yon.” Mabibigat ang bawat sinasabi ni Gaelan. 

There, pinaalala nya sa akin kung bakit ako maniniwala sa kanya. Parang kinukurot ang puso ko ng maalala ko kung paano sya nakiusap na mananatili lang ako sa tabi nya kahit anong mangyari at kung paano nya pinanghawakan ang pangako nyang iyon.

“I can’t.” Mahinang bulong ko.  Napaawang ang labi ni Gaelan.

Humapdi ang gilid ng mata ko. I remember my parents’ faces, yung mga salita ng mga Kuya ko. Ang pagiging dismayado nila sa kabila ng kagustuhang mapabuti ako. Now my logic isn’t working, I cannot think straight dahil humaling na humaling na ako sa aking nasa harap at nakaramdam ako ng takot, paano kung tama sila?

I cannot do it. 

Tumigas ang anyo ni Gaelan at dahan dahang niluwagan ang pagkakahawak sa akin.

“Mas mahalaga sayo ang normal na buhay na ganito? Fine. Enjoy every minute of it. Hindi na kita guguluhin.” Pagkasabi non ay tumalikod na si Gaelan. Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha habang pinagmamasdan syang naglalakad papalayo. Nalasahan ko ang alat sa aking mga labi, pero mas lamang ang pait. I tried to suppress a sob but I failed! Para akong bata na iniwan ng paboritong kaibigan. Nanginig ang balikat ko ng husto, may mga natanawan akong paparating kaya tumakbo ako patungo sa ladies room dahil hindi ko na kayang pigilan ang bigat ng nararamdaman. Hindi ko din alam ang gagawin ko.

This pain is unbearable. Ganito pala ang pakiramdam na maubusan ng dahilan para ipaglaban mo ang taong ayaw mong pakawalan? Kahit sya ang piliin ko, hindi din magiging matagumpay dahil itatago din naman ako ng aking pamilya sa kanya.  He was never part of my choice, hindi nila ako hahayaan.

Lumabas lang ako doon sa ladies room ng marinig ko ang morning bell. Pumasok ako sa klase ko kahit namamaga ang aking mga mata. Hindi kagaya ng dati na pinapaupo ng mga kaklase ko ang kanilang bag, ngayon ay nakangiti sila sa akin at inilalahad ang upuan sa kanilang tabi. Pumwesto ako doon sa likuran kagaya ng nakasanayan ko na.

Mabilis kumalat ang balita tungkol sa katauhan ko. Yung iba ay ngingitian ako tuwing makakasalubong ko samantalang yung iba ay lumilihis ng daan at natatakot sa akin. Pakiramdam ko, nagbago ang mundong ginagalawan ko sa isang iglap. Keio is now trying to give me a perfect environment. They are trying to make me believe that this is a normal life, ang mga tao ay mabait sayo o hindi ka guguluhin.

“You know, this school is really pathetic! Talaga bang ibabase nila ang pakikisama sa kung anong meron ka?” Ngumuya si Selene ng kanyang burger at pinagmasdan ang mga nakaupo sa kalapit na lamesa na tila nangangarap na nakatingin sa akin. Hinawi nya ang kanyang buhok at kampanteng nakapatong ang paa sa isang bakanteng upuan. Hindi ako kumibo at pinaglaruan ang spaghetti sa aking harapan.

“And Gaelan is such a loser. Alam mo bang nagresign sya sa Yukan’na?” Sambit ni Selene. Huminga ako ng malalim. Kamusta na kaya sya? Isang linggo ko na syang hindi nakikita. Ang alam ko ay hindi sya ieexpel dahil nakiusap ang kanyang mga magulang sa board pero hindi naman sya pumapasok.

“Hindi naman sya tinanggal sa Yukan’na eh!” Pagpapatuloy ni Selene. Bakit nga kaya nagresign sya? Saka bakit hindi sya nagpapakita sa school?

Pumasok sa Food Alley ang Yukan’na at pumwesto sa kanilang lamesa. Tumahimik ang buong Food Alley dahil kahit sanay na sila sa presensya ng mga ito ay namamangha pa din sila. The usual air in their group suddenly fills the whole place, dark. Mga kabataang walang pakialam, they won’t bend and they make rules. They all look the same except for one. Wala si Gaelan.

I realized that this school is not the same without him. Pero pupwede naman syang pumasok. Bakit hindi nya ginagawa? Nagrerebelde na ba sya? Hindi na sya mag-aaral?

Pagkatapos namin magsnack ni Selene, naglakad na kami patungo sa gate ng Keio. Free cut namin parehas. Sabay kaming nag-intay ng aming sundo. Naunang dumating ang sasakyan ni Selene habang ang akin ay wala pa.

“Ayos ka na?” Bumeso sa akin si Selene bago sumakay sa kanilang sasakyan. Tumango ako at ngumiti.

“Oo! Ayos na ako. Text kita mamaya kapag nakauwi na ako.”

Umupo ako sa bakanteng waiting shed para intayin sina Chief Smiths. Kadalasan ay nauuna pa sila sa schedule ko pero iba ngayong araw.

**Kring *kring

“Hello, Chief Smiths?”

“Young Maiden, mayroong aksidente habang papunta kami sa school mo kaya hindi gumalaw ang traffic. Mag-intay lang po muna kayo o pumasok muna sa loob ng Keio para ligtas. Mukhang gagabihihin kami” Suhestyon ni Chief Smiths. Nilingon ko ang Exit Gate ng Keio at nagsisimula na lumabas ang mga estudyante.

“Ganoon ba? Kay Mama Buding na lang muna ako uuwi para hindi na kayo maabala.” Naisip ko na ganoon na nga. Namimiss ko na din si Mama. Ayaw nilang sumama sa mansyon ni Papa, dalawin ko na lang daw sila.

“Magco-commute po kayo? Maglalakad? Baka hindi po safe, Young Maiden. Magpaalam po muna kayo kay Master Al.”

Tumango tango ako. Dinial ko agad ang numero ni Daddy na agad din namang nasagot. I can hear him tapping from his computer.

“Dad! Natraffic po si Chief Smiths. Pupwede po ako kay Mama Buding umuwi? Malapit lang naman sa school.” 

Dad did not answer right away but he sighed.

“Okay, Ria. Mag-iingat ka. Call me when you get there. Kapag may problema ay tatawag ka din.”

Napangiti ako sa pagpayag ni Daddy. Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Sa kanto ito ng Keio. Gusto ko sanang maglakad kaya lang ay naghahati na ang dilim at liwanag. Sa jeep naman ay madaming tao, mas ligtas doon.

“Hi Miss.. Pauwi ka na?” Napalingon ako sa nagsalita sa aking tabi. Di ko namalayan na mayroong grupo doon na mukhang may inaantay din. They are in school uniforms pero mukhang hindi ayos ang kanilang mukha, may mali sa kanilang mga mata, bahagyang mapupula iyon.

Hindi ako sumagot pero nakaamoy ako ng panganib. NIlingon ko ang daan pabalik sa Keio, kung maglalakad ako papabalik, mas ligtas ako doon. Kaya lang paano kung habulin din nila ako?

“Inisnab ka, David!” Humalakhak ang isa na may hawak na sigarilyo. Mas lalo akong kinabahan dahil mukhang hindi nila ako titigilan. Marahas akong tumalikod para bumalik ng Keio ng biglang may humawak sa kamay ko.

‘Lord, please protect me, St. Michael, please intervene with my prayers. Amen.’

“Lambot ng kamay Pre!” My heart thumped really hard! Nanginig ang tuhod ko sa bawat pagkabog. Isa na naman ba itong dahilan para ibalik ako sa homeschooling? Yun ay kung makakauwi ako ng buhay!

“Bitaw..” Isang malamig na boses ang bumasag sa kabang nararamdaman ko at sa isang iglap kumalma ang nerves ko.

Si Gaelan!

Nakatingin sya doon sa kamay kong hawak nung isang lalaki at magkasalubong na magkasalubong ang kilay.

“Oy.. Andito na pala ang hinihintay natin!” Natutuwang sabi nung isa.

Napakunot ang noo ko ng tumayo sila at pinaligiran si Gaelan. They are tall and buff. Siguro ay mga anim sila kasama ang may hawak ng kamay ko.

“Tanggal ka na daw sa Yukan’na? Bakit?” Nanunuyang tanong nung pinakamalaki sa kanila. Hindi sumagot si Gaelan. Tumagos ang tingin nya sa akin.

“Sakay sa kotse ko.” Sabi nya sa akin sabay nguso ng sasakyan nya sa likod. Hindi naman ako makagalaw. Bakit ako sasakay doon? Paano sya?

“Chicks mo?” Tiningnan ako ng lalaking may hawak sa kamay ko.

“Ganda, Pre ah. Pahira—” Isang suntok ang tumama sa pisngi nung nagsalita. Sinuntok sya ni Gaelan. Nanginginig ang kamao ni Gaelan at sa lagay na yon ay nagpipigil pa sya! But the guy went straight on the floor and passed out!

“Gago ka ah!” May gumanti ng suntok kay Gaelan. He’s out numbered! Masyado silang madami para sa isa.

“Maria. Go to my car and lock the door!” Nagawa pang isigaw ni Gaelan. Hindi ako makakilos dahil kinakabahan ako. I still remember the punches he received from our bodyguards. Ayoko na makita ulit na duguan sya.

My heart beats like crazy pero wala akong magawa para matulungan sya. Sabay sabay syang sinunsuntok ng tatlong tao at ang dalawa ay nakahawak sa kanya. Umangat ang kanyang paa at sinipa ang dalawang sumusuntok sa kanyang harapan. Kagaya nung isa, bumagsak ang dalawa.

Three in total ang napabagsak ni Gaelan kaya bumitiw na sa pagkakahawak ang dalawang pumipigil sa kanya. They tried to punch him pero sinipa lang ni Gaelan ang parang leader nung grupo at ininda nito ang sakit kaya yung natitirang dalawa ang pinagbuntunan nya ng suntok at sipa. Gaelan is fighting really well pero hindi din biro ang natatanggap nyang suntok.

Apat na ang napabagsak ni Gaelan at hindi pa din tumitigil ang dalawa.

“Gusto nyo ding mahiga sa lupa?” Mayabang na sabi ni Gaelan at kinwelyuhan ang isa. I shook my head. No this isnt happening! Bakit pa sya nagmamalaki sa mga ito?

“T-tara na!” Aya nung isa sa kanyang kasama. Hirap na hirap bumangon ang nakahiga samantalang ang isa ay wala pa ding malay. In a split second they all vanished!

Lumapit sa akin si Gaelan at hinila ang aking kamay patungo doon sa sasakyan nya. Kaladlkad ang ginagawa nya sa akin.

“Why are you here?” Tanong sa akin ni Gaelan na parang naiinis.

“Inaantay ko ang bodyguard ko kaya lang natraffic daw kaya uuwi sana ako kay Mama Buding. May sugat ka–”

“Tch. Hindi ligtas! Sana ay nag-intay ka na lang. Paano kung wala ako dito?” Pasigaw nyang tanong sa akin, hinarap nya ako at napahinto kami sa tapat ng kanyang sasakyan, bumalik na naman ang pagiging iritable nya.

“Bakit ba nandito ka?” Tanong ko din.  Nandito lang pala sya eh di sana pumapasok na din sya sa school.

“Bakit ka nagtatanong?” Masungit nyang sabi. Napanguso ako. Napakasungit naman!

“Ihahatid na kita.” Umirap si Gaelan. Hindi na ako nagprotesta. Nakakatakot ang nasaksihan ko kanina kaya laking pasasalamat ko at nandito sya.

Tahimik ang naging byahe namin patungo kay Mama Buding. Hindi nya din ako tinitingnan. Ako ang tingin ng tingin sa kanya dahil nag-aalala ako sa kanyang sugat. Hindi pa nga magaling ang suntok ng bodyguards namin sa kanya, ngayon naman ay mayroong panibago.

Hindi ko namalayan na nakahinto na kami sa apartment ni Mama kung hindi pa ako kinalabit ni Gaelan sa noo. Walang ekspresyon ang kanyang mukha at hindi ko gusto kapag ganito sya kalamig.

Bumaba ako sa bahay ni Mama, narinig ko ang pagsara ng pinto ni Gaelan kasunod ko. Napansin ko ang gate na nakapadlock at saradong pinto. Tinulak tulak ko iyon.

“Mama!” Sinubukan kong tumawag. Ilang ulit akong tumawag pero walang sumasagot. Sumilip ang kapitbahay namin na si Aling Julie pagkalipas ng ilang sandali.

“O, Ria. Naku, wala dyan si Buding. Umuwi sila ni Filo sa Cagayan dahil naospital daw ang Tatay ni Buding. Hindi mo ba alam?” Tanong sa akin ni Aling Julie na sa pagkakaalam ay pamangkin ako ni Mama.

Umiling ako, wala naman kasing cellphone yon si Mama Buding at si Papa at base sa pagkakakilala ko sa kanila, hindi sila magpapaalam sa mga magulang ko kapag mayroong problema dahil mahihiya sila.

Binalikan ko ng tingin si Gaelan. Mapungay ang kanyang mata, dahil siguro sa suntok sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili na haplusin ang pasa sa kanyang baba pero laking gulat ko na lang ng halos mapaso ako sa init.

“Bakit ang init mo?” Gulat na tanong ko sa kanya.

Nag-iwas ng tingin si Gaelan.

“May lagnat ka?” Sumunod na tanong ko. Eh bakit pa sya namamasyal kanina? Nakipagsuntukan pa sya!

“Ayos lang ako.” Doon ko lang napansin that his voice is hoarse, paos at mahina. Bakit ba hindi ko napansin na may sakit sya?

“Ihahatid na kita sa totoong bahay mo.” He offered. I shook my head.

“Hindi. Hindi na. Malayo ang sa amin, isa pa may malalang traffic daw sa daraanan. Kailangan mong umuwi.”

“At ikaw?” Tinaasan ako ng kilay ni Gaelan.

Oo nga pala, paano ako? Siguro uunahin ko muna na makauwi sya at magpapasundo na lang ako mamaya doon sa bahay nila? Wala naman kasi akong pagpipilian. Kung babyahe si Gaelan patungo sa amin, hindi ko din sya maiimbitahan para gamutin. Tapos susuungin nya ang trapik papabalik. Kawawa naman sya.

“Isama mo muna ako sa inyo.” Nahihiya kong bulong. Tiningnan ako ni Gaelan ng hindi makapaniwala pagkatapos ay natawa ng nanunuya.

“Ikaw? Sasama ka sa bahay namin?” He asked, maliit ang kanyang mga mata at para bang sinusuri ang ekspresyon ko. Tinapangan ko ang aking mga mata.

I nodded. 

Bahala na.

Kabanata 30

Akin.

Patungong isang sikat na village na malapit lang sa Keio ang binabaybay namin. Nakingin lang ako kay Gaelan sa buong byahe, makita ko lang ang pasa nya ay nag-aalala na ako, ngayon pa kaya na alam kong inaapoy sya ng lagnat?

Tumunog ang aking cellphone dahil sa isang mensahe galing kay Daddy.

Dad: How are you?

Ako: Im fine Dad.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang ipinapadala ang mensahe. Hindi ko maaring sabihin na sumama ako kay Gaelan, tiyak na mag-aalala yon at ipapasundo ako. Pwede naman akong magsabi ng totoo, kaya lang ayaw kong iwanan si Gaelan na ganito ang kalagayan.

Huminto si Gaelan sa tapat ng isang eleganteng brass gate, mula sa labas ay matatanaw ang napakagandang landscaping ng kanilang garden, may mga payat na puno at nakahugis na bonsai. Mayroon ding nakatanim na rosas. Madilim na pero angat na angat pa din ang ganda ng pagkakaayos dahil sa detalyeng malamlam na ilaw sa kanilang garden.

Bumusina si Gaelan at agad na nagbukas ang gate. Mas lalo akong namangha sa pagpasok sa loob, sa gilid ay mayroong magarbong swimming pool na mayroong kulay asul, pula at berdeng ilaw sa ilalim ng tubig. Mayroong ding maliit na fountain malapit dito. Their house is not as big as ours pero mapapansin na naalagaan ito ng husto. It brings out the warmth and calm feeling when you are home.

I wonder if he grew up here. Masyadong kalmado ang pamamahay para sa masungit na si Gaelan. Ibinalik ko kay Gaelan ang aking paningin at tinaasan nya ako ng kilay.

Nagpark si Gaelan katabi ng iba pang sasakyan sa kanilang bahay. Bumaba ako kasabay ng kanyang pagbaba. Mabigat ang pagsara nya ng pinto sa kanyang side pagkatapos nang magkatinginan kami, umismid sya.

“Galit ka pa din sa akin?” Lakas loob kong tanong sa kanya.

“Ano sa tingin mo?” He answered coldly.

Napangiwi ako ng talikuran nya ako. Kahit galit sya, iniligtas nya pa din ako kaya kailangan kong tiisin ang pagsusungit nya. Nakasunod ako sa kanya habang naglalakad sya at tinutumbok ang main door ng bahay. Huminto kami sa pinto na gawa sa mabigat na kahoy, it is painted dark brown. Pinindot ni Gaelan ang maliit na buzzer. We waited for 20 seconds at bumukas agad ang pinto.

Napanganga ako sa isang napakagandang babae sa aming harapan. Nakasuot sya ng puting maong shorts at light yellow spaghetti strap, mahaba ang kanyang buhok at brown ang kanyang mga mata. Mayroon syang foreign features na sumasalamin sa mga nagagandahang modelo na napapanood ko sa TV. Nanliliit ang mata nito kay Gaelan at mukhang hindi pa napansin ang presensya ko.

“Pilyo kang bata ka! Bakit mo tinakasan ang nanay mo ha?!” Sambit nito sabay hablot ng tenga ni Gaelan. Napapikit si Gaelan at hinawakan ang kamay ng babae para patigilin sa ginagawa.

“Mom! Sorry na!”

Mom? Ito ang mommy ni Gaelan? Mukhang kasing edad lang sya ni Brie.

“Sorry? Saan ka na naman nagpunta? Tatlong araw kang may lagnat, tatlong araw ka din umaalis araw araw. Paano ka gagaling?”

“Mommy! May kasama ako..” Ungot ni Gaelan sabay tingin sa akin. Alanganin akong ngumiti at tipid na kumaway ng dumako sa akin ang mata ng Mommy ni Gaelan.

“Good evening po..”

Tumuwid sa pagkakatayo ang Mommy ni Gaelan at nahihiya akong nginitian.

“Good evening. Sorry, di ko napansin na mayroong tao. Ako nga pala si Blair. Mommy ni Tutuy.”

“T-tutuy?”

“Oo, Tutuy. Si Gaelan..” Inakbayan nya pa si Gaelan na nakasimangot ng husto.

“Mom!”

“What? Yun naman ang tawag namin sayo ah.”

“Si Daddy yon, nilipat nya lang sa akin nung pinanganak ako.” Napapailing na sambit ni Gaelan.

“Speaking of Daddy. Nagagalit din sayo si Honeybunch at teka, bakit ka may pasa? Nakipagbasag ulo ka na naman?” Hinawakan pa nito ang mga sugat ni Gaelan sa mukha. “Anong pangalan mo pretty girl?”

“Ria po..”

“Girlfriend?” Sumunod na tanong ni Gaelan.

“Hindi.” Si Gaelan na ang sumagot habang tinitingnan ako ng masama.

“Ria.. Ria..” Tila nag-isip na sambit ni Tita Blair. “Ay ikaw ang Ria na nagturo kay Tutuy na kumain ng gulay? Ikaw din ang nagturo sa kanyang magdasal? Naku, maraming salamat ha! Halika pasok ka.” Hinila ako ni Tita Blair para tuluyang makapasok sa kanila. Maganda din ang pagkakaayos sa loob ng bahay, the design is Mediterranean inspired. Minimalist at pinag-isipan ang ilalagay na furniture.

“Alam mo, nung ganyan ang edad ko sayo, mahilig din akong magpray. Best in Religion nga ako.” Humagikgik pa si Tita Blair habang nagkukwento.

Dalawa ang hapagkainan sa kanilang bahay, isang malaki at isang maliit na kasya lamang sa anim. May dalawang babae ang nakaupo doon at nanonood ng TV, parehas na maganda ang mukha at mestiza.

“Brooke, Brandy, asan si Brianna?”

“May hina-hunting daw po, Ma. Alam nyo na yung bunsong babae nyo may pagka-ninja.” Humagikgik ang isang babae.

Hina-hunting? Hindi kaya si Kuya Rab?

“May bisita ang bunso natin!” Excited na sambit ni Tita Blair.

“Ria, ito ang dalawa sa mga Ate ni Gaelan, yung maganda na yon si Brooke.” Turo ni Tita Blair sa isang babae na kulot kulot ang buhok, her skin is as clear as silk, mabait syang ngumiti sa akin.

“Hello Ria. Gilrfriend ni Gael?” She asked nicely.

“Hindi!” Mabilis na sagot ni Gaelan bago pa man bumukas ang bibig ko.

“Kung maka-hindi, wagas!” Puna ng isang babae na tingin ko ay si Brandy. Her hair is soft brown, tingin ko ay natural iyon, manipis ang kanyang ilong at sya ang mayroong pinakamapusyaw na brown na mata sa kanilang lahat. Tumayo sya at lumapit sa akin para bumeso.

“Wag mong sasagutin ang kapatid ko ha, spoiled brat yan tapos sumasagot sa mga Ate nya. Napakasungit nyan. Mamalasin ka—”

“Brandy!” Awat ni Gaelan sa kanyang Ate, humagikgik naman ang Ate nya sa kanya.

Umupo kaming tatlo sa lamesa kasama si Gaelan, umalis agad si Tita Blair para kumuha ng first aid kit. Walang ginawa ang dalawang ate ni Gaelan kundi pagpiyestahan ang kanyang mga pasa.

“Lagot ka kay Daddy.” Pananakot pa ni Brooke. Umismid lang sa kanila si Gaelan.

“Honeybunch!!” Mula sa salas ay masayang tumili si Tita Blair.

“Hi Babybunch!” Isang lalaki ang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Agad na sumabit si Tita Blair sa kanya. Tingin ko ito ang Daddy ni Gaelan dahil sa tindig ay magkaparehas sila, nanggaling kaya ito sa abroad? Parang excited na excited si Tita eh.

“Asan si Tutuy? Nakauwi na?”

Tutuy ba talaga ang tawag ng kanyang mga magulang kay Gaelan? Nakakatuwa naman ang kanyang nickname.

“Wag mong papapagalitan kasi nandito ang nililigawan. Saka Gaelan ang itatawag mo, nagagalit.” Bulong pa ni Tita Blair.

Humagikgik si Brandy at tiningnan kami ni Gaelan ng makahulugan. Tumikhim si Gaelan, inirapan ako ng mapatingin muli sa kanya.

“Hi Kids!” Tumakbo si Brooke at Brandy patungo sa Daddy ni Gaelan. Tumayo din si Gaelan para yumakap dito. Mahigpit ang mga yakap nila sa isa’t isa. Masyadong malambing ang kanilang pamilya. Nakakatuwa.

“Hello, Miss—” Binalingan ako ng Daddy nila. He looks young, bagay na bagay sila ni Tita Blair dahil mukha din syang modelo.

“Ria..” Bulong ni Tita Blair.

“Ria, my name is Garrett, Tut— Gaelan’s Dad. Feel at home ha, kumain na ba kayo?”

“Nagpapaluto pa ako, Honeybunch.” Maagap na sagot ni Tita Blair. Tumango si Tito Garrett at tinitigan ang mukha ni Gaelan bago nangunot ang noo, “May pasa ka na naman?” He asked. Umiwas ng tingin si Gaelan.

“Kanino kaya nagmana yan si Gaelan at Brianna, Honeybunch? Mahilig sumuot sa gulo.” Napapailing na sabi ni Tita Blair.

“Iniligtas lang po ako ni Gaelan sa muntik ng mambastos sa akin kaya napaaway po sya. Sorry po Tita, Tito..” Di ko na maiwasang sumingit. Tumango tango si Tita Blair at kinurot sa tagiliran si Gaelan.

“Nice move ha. Ipagpatuloy mo yan. Sa dahas din ako nadaan nitong Daddy mo eh–”

“Babybunch..” Tito Garrett groaned, I wonder how they started their love story. They really look so cute and inlove with each other. Masyado silang masaya kung titingnan.

After awhile, nagsimula na ang hapunan. Wala pa din si Brie. Nahanap na kaya nya si Kuya Rab? Sana hindi naman nya balian ng buto.

Parang sa bahay namin ang kanilang hapunan, madaming usapan ang nagaganap, it’s just that my brothers and parents usually talks about business. Sila naman, kung hindi ang iboboto nila sa eleksyon ang pinag-uusapan, yung huling nangyari sa telenovelang inaabangan nilang pamilya. Namiss ata ni Tito Garrett ang episode kahapon.

“Ikaw Gaelan.. Have you decided where to transfer?” Kyuryosong tanong ni Tito Garrett sa kanya.

Tiningnan ko si Gaelan at nag-iwas sya ng tingin sa akin. Transfer? School?

“Hindi pa ako nakakapagdecide, Dad.”

“Magtransfer ka na nga lang Tutuy, kinakabahan ako sa pagsali mo dyan sa Yukan’na na yan. Okay lang sa akin kung sumali ka sa Dance troupe, nakakapogi yon, pero ang maging agent ka? Kinakabahan ako lagi. Yan si Brianna, ipapa-fix marriage ko na lang para maging babae.” Mahabang litanya ni Tita Blair na ikinatawa naman ni Brooke at Brandy.

Pagkatapos ng dinner kinuha agad ni Gaelan ang kamay ko, hindi ko alam kung saan kami naglalakad pero humakbang kami ng hagdan paakyat. Napahinto kami sa isang kwarto at nang buksan iyon, bumungad sa amin ang isang malawak na kwarto na may pinturang pastel light blue. Ang kama ay kulay gray pati ang kurtina. It is very manly.

Umupo si Gaelan sa kanyang kama, nakatayo lang ako doon sa may pinto. Tiningnan na naman nya ako ng masama.

“Paano ka uuwi?” Tanong nya. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

“M-magpapasundo ako.” I lied. Siguro kahit kay Sam na lang kung ayaw nya ako dito. Of course ayaw nya ako dito, ako lang naman ang nagpumilit na sumama sa kanya. Saka saan naman ako matutulog kung sakali? Paano nya sasabihin sa mommy nya na dito ako tutuloy?

“Kaya ba hindi ka pumapasok dahil may lagnat ka?” Pagkakataon ko para magtanong.

“Lagnat lang ba ang pwedeng maging sakit kaya ako absent?” Angil nya sa akin.

“M-may iba ka pang sakit? Dahil ba sa suntok ng kapatid ko? S-sorry.. Isusumbong ko sya sa Daddy ko, sasabihin ko—”

“Hindi!”

“Pwes ano? Bakit hindi ka pumapasok? Anong sakit mo?” Nagtataka pa ding tanong ko.

“Dito?” Turo nya sa kanyang dibdib.

“M-may sakit ka sa puso? B-bakit? P-paano? Malala na ba? Ipagpray natin yan Gaelan..”

“Tsk, ang inosente mo talaga. Ipapahatid na lang kita sa driver namin. Wag ka na magtagal dito. Baka mag-alala ang mga magulang mo.”

Umiling ako, I can make an excuse. Hindi naman nila malalaman na hindi ako kay Mama Buding nakauwi dahil hindi nila ito mako-contact. Nag-aalala ako kay Gaelan.

“Can I stay here?” Impit na bulong ko. Pinanlakihan ng mata si Gaelan.

“Dito? Dito?” Tanong nya sabay turo sa kanyang kwarto. Mahina akong tumango.

“Im worried.” Sagot ko.

“You cannot stay here.” Matigas na tanggi ni Gaelan.

“K-kahit ngayon lang. Gusto lang kitang bantayan.”

“Hindi ko kailangan ng bantay.” I can see that.

“Gagamutin ko yung sugat mo..” Lahat na lang ata ng dahilan masasabi ko ngayon, sana pumayag na sya.

“May kasama ako sa bahay.” Pagmamatigas nya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Pakiramdam ko ipinagtutulakan nya ako. Gusto ko ding malaman ang plano nya na paglipat ng school. Hindi na kami magkikita talaga? Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.

“Sorry na kasi!” Di ko napigilan ang sarili ko. “Sorry na Gaelan.. Sorry.” I sobbed.

“Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. If I would choose homeschool, hindi din naman kita makikita. Balewala rin iyon. K-kapag pinili ko ang Keio, I cannot be friends with you but still, I can see you. Pero hindi ka naman pumapasok kasi galit ka. Sorry na Gaelan.” I explained in between tears. I just have to be honest, baka sakaling may solusyon sya, ako kasi wala. I cannot break my parents’ hearts pero ayoko ding lumayo kay Gaelan.

Mataman akong tiningnan ni Gaelan, para bang sinusukat ang sinasabi ko. I just want to see him. Always. Sarili ko lang naman ang niloloko ko kapag iiwasan ko sya at mas mahirap magsinungaling sa sarili.

Inilahad ni Gaelan ang kanyang braso. Tumango sya sa akin, mabagal akong humakbang patungo sa kanya, dahan dahan nya akong hinila papalapit sa kanya hanggang sa mapaupo ako sa kanyang tabi. Niyakap nya ako ng mahigpit, mahigpit na wala ng salita na kailangan pang sabihin. I like to stay here. I feel that any moment, sasabog ako sa sobrang lungkot at saya. Na dahil hindi magkatugma ang dalawang emosyon sa aking sarili, puputok na lang ako basta.

“Mahal kita.” Bulong nya. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. I acknowledge.

Mahal din kita, Gaelan.

“Iiyak ka ng madami kapag nasa tabi mo ako, pero hindi ako ang gagawa sayo non.” He whispered. Tumango ako. “Papaiyakin ka nila dahil ayaw nila sa akin. Magagalit sayo ang mundo. Gagawin mo ang mga bagay na hindi mo ginagawa noon.”

“I don’t care..” Bulong ko. Gaelan sighed.

“Let’s jump?” Tanong nya.

Kinuha ko ang kamay nya para pagmasdan, pinagdaop nya ang palad namin, my hands looks small in his.

“I love you too..” 

Napasinghap si Gaelan dahil sa sinabi ko. Hinalikan nya ang aking noo, kitang kita ko ang paraan ng pagkinang ng kanyang mga mata.

“It’s official. Akin ka. Akin.”

At 16, I fell inlove. I am not sure what to do. They say it’s difficult, they say it is wrong, but I wanted this. I wanted to take the risk. I jumped, we both jumped. I didn’t know that it will open my eyes to another side of the world, another side of me. Sa isang iglap, hindi na ako ang Maria na nakilala ng lahat. Nagbago ang lahat. Naiwala ko ang aking sarili.

Kabanata 31

MAKI SAY’s: CONFESSION OF A NAUGHTY SLAVE ang title ng story ng mahaharot na magulang ni Gaelan. R-18 sya although di naman puro ooh at ahh (sige pa?) ang mababasa nyo. Romantic Comedy, nakaprivate ang ibang chapters. Be a responsible reader ❤️✌🏽️

Heather .

Ipinagpaalam ako ni Gaelan sa kanyang Mommy na matulog sa kanila. They accommodated me in their guest room. Sa katabi lang ng kay Gaelan. Ipinapahiram din ako ng damit ni Brandy. They welcomed me warmly. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala.

Kami na ni Gaelan..

At hindi mawala ang ngiti naming dalawa.

“Ano bang problema nyo? Bakit ang lawak ng ngiti nyo?” Nakakunot ang noo ni Tita Blair sa amin ni Gaelan. Naka-indian sit kaming dalawa sa kama sa guestroom, kaharap si Tita Blair, si Brooke at Brandy naman ay nakaupo doon sa may paanan ng kama at nanonood ng TV. Nagkukwentuhan pa din kami, nakakatuwa sa kanilang bahay, they really spend time together kay sobrang close nila.

“Masama na bang ngumiti ngayon, Mom?” Gaelan asked, pasimple ko syang kinurot sa tagiliran.

“Ah.. May secret kayo na hindi sinasabi sa amin? Malalaman ko din yan! Brandy, check mo nga si Brianna kung dumating na.” Untag ni Tita Blair kay Brandy.

“Dumating na sya Mom.. Nandoon sa headquarters nya.” Sagot naman nito.

“Sa basement? Ano naman ang ginagawa doon at hindi nagpakita sa akin?”

“Baka may kinidnap na naman. Hindi ba dati kinidnap nya yung kalaro nya sa kapitbahay dahil na-cutean sya..” Tumawa si Brooke. Kinabahan naman ako, mas malala pa pala sa naiisip ko ang kayang gawin ni Brie.

Hindi kaya nakidnap nya na si Kuya Rab? Ibig sabihin nandito din ang kapatid ko?

“Gaelan. Alam ba ni Brie na kapatid ko ang nagpabugbog sayo?”

Nagkibit balikat si Gaelan. “She never share her plans. Don’t worry, sinabi kong wag na syang gumanti sa gumawa sa akin nito.”

“Kawawa naman ang Kuya ko. Malalaman ba natin kung kinidnap sya ni Brie ngayong gabi?” Bulong ko muli.

“Alright, we’ll check later, Baby.” Dinikit ni Gaelan ang kanyang labi sa akin at bahagyang inamoy ang buhok ko.

“Baby?” napangiwi ako ng pinanlakihan kami ng mata ni Tita Blair.

“BABY????” Ulit pa nya sa mas malakas na boses.

Tumalbog talbog pa si Tita Blair sa kama sa sobrang excitement.

“Honeybunch!!” Tumili si Tita Blair, agad naman bumukas ang guest room at sumilip si Tito Garrett na may hawak na papeles at naka-eyeglass pa.

“Si Tutuy may girlfriend na..”

“Hindi ba matagal na?” Nagtaas ng kilay si Tito Garrett.

“Hindi counted ang mga babae nito ni Gaelan. Si Ria lang ang nakilala ko kaya sya lang ang kikilalanin ko.”

“Im happy for the both of you..” Niyakap pa ako ni Tita Blair.

“Oh, Im so sorry, Ria..” Malungkot na biro ni Brandy. Binato sya ng unan ni Gaelan.

“Gaelan, be a responsible boyfriend.” Seryosong paalala ni Tito Garrett. Kumunot pa ang noo nito. Tumango si Gaelan at hayagan ng hinawakan ang kamay ko.

“Asus! Inlove ang bunso!” Natatawang sambit ni Brooke. Nahihiya ako! Hindi naman namin pinagusapan ni Gaelan kung paano namin sasabihin ito. Gayunpaman, masaya ako na hindi naman namin itago sa kanilang pamilya, ramdam ko din na masaya sila para sa amin.

Nagsialisan na sa guest room sina Tita Blair, Brooke at Brandy ng matapos na ang palabas na paborito nila. Naiwan kaming dalawa ni Gaelan.

“Uminom ka na ba ng gamot?” Tanong ko sabay dama sa kanyang noo.

“I am very fine now, Tabs.. Nandito ka na.”

“Papasok ka na ba ulit sa Keio?” Umaasa akong oo, hindi ko sya madalas makikita kapag wala sya.

“Oo, babantayan ko ang girlfriend ko..”

Ngumiti ako. I am somebody else’s girlfriend.

“Hindi kita maipapakilala sa pamilya ko.” Malungkot kong sabi.

“Hindi pa ngayon. Someday I will make you proud, that way magiging karapat dapat na ako sayo.”

“But I am proud of you..” Singit ko.

“Kulang pa din.” Huminga sya ng malalim at kinuha ang kamay ko, he looked at me intensely. “Sorry for not being perfect for you. Kung alam ko lang na kagaya mo ang dadating sana nagpakabait na ako.”

Ngumiti ako at tinapik ang pisngi nya, “Basta magpapakabait ka na, okay na ako don.”

Tumango si Gaelan at mahigpit akong niyakap. I feel safe. Nawala ang lahat ng pagaalala ko.

Sabay kaming nag-pray ni Gaelan para gumaling na sya ng tuluyan. Ilang sandali lang, pinabalik ko na si Gaelan sa kanyang kwarto para makapagpahinga. Sinubukan kong pumikit pero hindi ako makatulog. Masaya? Kinakabahan? Hindi ko alam. Something has changed, I hope it is for the better.

12midnight.

Nakatingala lang ako sa kisame, o di kaya ililipat ko sa display na water globe ang aking mga mata, baka sakaling antukin ako sa mabagal na pag-angat ng iba’t ibang kulay ng tubig na may malamlam na ilaw. Umupo ako at ipinasandal ang aking likod sa headboard. hanggang sa may naulinigan akong sumigaw mula sa kung saan. Naiimagine ko lang ba iyon?

Maya maya pa ay may nadinig ako ulit na sumigaw. Totoo nga! Hindi na ako nakatiis kaya humakbang ako papalabas ng guestroom.

Madilim na sa buong kabahayan. Natatakot ako kaya dumiretso na ako sa kwarto ni Gaelan, swerte na hindi nasara ang pinto. Mahimbing na natutulog si Gaelan that’s why I went straight to wake him up.

“Yabs.. Yabs..” Tinapik tapik ko ang kanyang pisngi. Umungot sya at marahang dumilat.

“May narinig akong sumigaw..” Bulong ko sa kanya.

“H-ha? Saan?”

Umiling ako “I don’t know.. I heard it twice.”

Tumayo si Gaelan. Nakasuot sya ng shorts at tshirt na kulay gray. Hinawakan nya ang aking kamay habang humahakbang kami pababa ng kanilang hagdan.

Isa pang hagdan pababa ang binaybay namin. Mayroon pang pinto!

Gaelan slowly opened the door at nagulat na lang ako ng bumulaga doon si Kuya Rab. Nakatali ang kamay sa isang upuan. Sa kanyang harap ay nandoon naman si Brie. Kinidnap nga nya ang kapatid ko!

“Brianna!” Sumulpot kami ni Gaelan. Nanlaki ang mga mata ni Brie at mukhang nagulat.

“What are you doing?” Inis na tanong ni Gaelan at lumapit sa kinaroroonan ni Kuya Rab.

“Nahuli ko na sya Gael! Sya ang nanakit sayo!” Hindi ko maintindihan ang kinang sa mata ni Brie. She seems really excited and happy.

“Bakit mo sya iniuwi?” Tanong ni Gaelan.

“Hindi ko sya iniuwi. Sumama sya sa akin!” Pagmamalaki ni Brie. Nasampal ko ang sariling mukha, si Kuya Rab talaga basta maganda, sasama!

“Kuya..” Di ko na natiis at humakbang na ako sa liwanag. Nanlaki ang mata ni Kuya Rab pagkakita sa akin.

“What are you doing here?”

“Kuya. Mahabang kwento.. Ikaw? Bakit nandito ka?” Balik ko ng tanong sa kanya.

“I am trying to hit on this girl– Wait a minute.. Are you two related?” Tanong nya kay Gaelan.

“Kapatid ko. Brianna, magagalit na naman sayo si Daddy. I will untie him.” Tinatamad na sabi ni Gaelan.

“What? No! Hindi pa ako tapos sa kanya.” Awat ni Brie.

“Oo nga, hindi pa kami tapos..” Ngumisi si Kuya Rab. Tyak na may naiisip na naman na kalokohan.

“Brie, please. He’s Ria’s brother. Just. Let. Him. Go. Ayoko ng gulo.”

“No. Ayon sa batas ni Brie. Kailangan nyang makulong ng 8 hours at ipapakagat ko sya sa langgam.”

“Brie, stop being a kid.” Suway naman ni Gaelan.

“I am not being a kid! Pinabugbog ka nya, Gaelan.”

“I am getting excited, sweetheart.” Ngumisi ulit si Kuya Rab. Pinamulahan ng pisngi si Brie.

“Bastos! Hindi kita type. Pangit!”

“Pangit ako? Anong tawag mo sa kapatid mo?”

“TSE!!”

“I will untie him now.” Tumayo si Gaelan sa likod ng upuan.

“Thanks. I owe you one kahit hindi ko pa alam kung bakit nandito ang kapatid ko. Hindi makakarating ito kay Daddy pero magpapaliwanag ka pa.” Nilingon ako ni Kuya Rab “Uuwi tayo ngayon. Where’s my car?” Kaswal na sabi ni Kuya Rab kay Brie.

“I left it at the bar.” Pabalang na sagot ni Brie.

“What?” Gulat na gulat si Kuya. Mahal na mahal pa naman nya yung sasakyan nya, inaasahan kong magwawala si Kuya pero pinagmasdan nya lang si Brie. He looks really amused with her.

“Ihahatid ko na kayo doon sa bar.” Pagtatapos ni Gaelan ng pagtatalo.

“Pero bukas na.. I think you are drunk.” Seryosong tiningnan ni Gaelan si Kuya Rab. “I cannot allow you to drive Maria when you are drunk.”

Hindi nakakibo si Kuya Rab. Napakamot naman si Brie ng kanyang ulo.

“Ang ingay ingay mo kasi eh.” Paninisi ni Brie kay Kuya Rab. Sumilay ang pilyong ngiti sa kapatid ko.

“I bet mas maingay ka pa sa akin kapag–”

“Eiw..” Brie rolled her eyes.

“Green minded mo.” Siniko ni Kuya Rab si Brie, humagikgik pa sya.

“Pwede ba hindi tayo close! Pangit ka! Makakaganti din ako sayo.”

“Payag naman ako kung ngayon mo ako sasaktan.”

“Alam mo bang pinlano kong putulin ang patotoy mo at ilagay ko sa noo mo? or sa nose mo para kailangan mong hawiin pag kakain ka… It will be annoying. Or maybe, hindi na kailangan sa nose ilagay kasi panigurado maigsi lang yan!”

Napatakip ako ng aking tenga.

“Brianna! Enough with your green jokes.. Parang hindi babae.” Naiiling na sabi ni Gaelan. Ngumuso lang si Brie at pasimpleng kinurot si Kuya Rab sa braso. Hindi umaangal ang kapatid ko ngayon. Hinahayaan nya ang pang-aalipusta sa kanya ni Brie. Sabay sabay kaming umakyat sa mga kwarto.

Walang ginawa si Kuya Rab kundi subukin na i-flirt si Brie pero hindi tumatalab ang charms ni Kuya. Hinatid ni Gaelan si Kuya Rab sa isang guest room pagkatapos ay doon naman ako sa kabila. Paniguradong maraming itatanong si Kuya tungkol sa nangyari ngayong araw. Kaya lang, paano kapag nalaman nyang kami na ni Gaelan?

“Wag kang mag-alala. I will tell my parents not to tell anyone about us yet.. I will wake up early. Goodnight Tabs.” Kinurot ni Gaelan ang pisngi ko bago tinapik ang aking likod para tumuloy na sa kwarto.

Nakatulog ako ilang sandali lang. Maaga akong nagising at dumiretso agad ako sa banyo para makaligo at makapagbihis. Iniisip ko kung nakatulog kaya si Kuya Rab?

Nasagot ang tanong ko ng makita ko syang nagkakape doon sa may kitchen kaharap si Gaelan at masinsinan silang nag-uusap.

“Ria, uuwi na tayo.” Tumayo si Kuya Rab. “Our guards are here.”

“I have to say goodbye to Gaelan’s parents.” Ungot ko. Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Rab.

“No. We are not staying any longer.”

“Rab. I have no bad intentions.” Tumayo din si Gaelan.

“But she’s too young! Just stay away from her. It is better that way.”

“We had a bad first meeting.” Sumusunod si Gaelan sa aming paglalakad papalabas ng kanilang bahay.

“And I forgive you for that, I apologize too for hurting you. Not my sister, Gaelan.”

Napangiwi ako. Sinabi ba ni Gaelan sa kanya? Tiningnan ko si Gaelan ng nagtatanong na mata. Umiling lamang sya.

Ang mga bodyguards ni Kuya ang sumundo sa amin. Tahimik ang naging byahe. Hindi ako tinatanong ni Kuya Rab, mas mabuti na yon kaysa dumami pa ang pagsisinungaling ko.

“You are still young, Ria. This world is not a game.”

“I can handle myself Kuya. Pain is inevitable. Actually, your comments about my life is hurting me right now. Hindi mo ba ako pinagtitiwalaan na kailangan mo pa akong ilayo kay Gaelan? That you have to hurt him to make him stay away?” Nilipat ko ang aking tingin sa bintana ng sasakyan. Nahihirapan ako kung paano ako magiging normal pagdating namin sa bahay. I may lie. I will lie and Kuya Rab will see it.

“Bahala ka. Hindi na ako makikialam. Sa oras na saktan ka nya–”

“Wala kang gagawin–”

Huminga ng malalim si Kuya Rab. “Sa oras na saktan ka nya, pwede kang umiyak sa akin. Tutulungan kitang makalimot.” Hinuli ni Kuya Rab ang aking kamay. Humilig ako sa kanyang balikat. I couldn’t believe he would change his mind like that!

Dumating kami sa bahay, agad na sinalubong kami ni Mommy.

“Bakit magkasama kayo?” Mommy asked.

“Sinundo ko na, ’My. Nagpasundo.” Kaswal na sagot ni Kuya.

“So how was Buding?”

“Okay lang po sila.. Ria, prepare for breakfast. May pasok ka pa hindi ba?” Tiningnan ako ni Kuya Rab. Hindi nya ako hinayaang magsalita, in short, hindi din ako nakpagsinungaling.

Nagpalit ako ng damit para sa school. Si Kuya Rab na rin lang ang naabutan ko sa breakfast table at may kausap sa telepono. I couldn’t help but to compare our life with Gaelan’s. Akala ko masaya na ang amin, pero mas masaya pala sa kanila. Sabay sabay silang kumakain at hindi nila pinaguusapan ang negosyo sa hapag. Maayos din naman ang katayuan nila sa buhay. Bakit kaya hindi namin maaring bawasan ang oras namin sa pagnenegosyo?

“What are you thinking?” Kuya Rab asked.

“Wala tayong kasabay magbreakfast.” Ngumuso ako at tiningnan ang laman ng plato ko.

“They all left. Madaming appointment sina Mom and Dad.” Pagdadahilan ni Kuya Rab. Tumango ako at sumubo ng tinapay.

Tumikhim si Kuya Rab. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin na parang may gustong sabihin kaya pinanliitan ko sya ng mata. Napabuga sya ng hangin bago magsabi ng salita.

“Y-yung kapatid ba ni Gaelan, m-may uhm, boyfriend na ba yon?” Tanong ni Kuya Rab sabay tingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ang aming garden. Napigil ko ang aking hininga.

“Naku Kuya, wag si Brie. Kung sasaktan mo lang sya marahil mas masasaktan ka.”

“Sasaktan agad? Anong akala mo sa Kuya mo?”

“Manloloko.” Diretsa kong sagot. Pabagsak na ibinaba ni Kuya ang dyaryo. Sabi na nga ba nahipnotismo sya sa ganda ni Brie kaya sya napunta sa headquarters nito. Hinayaan nya ang sarili nya magpabihag.

Nagkibit balikat ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Walng nakuhang inpormasyon sa akin si Kuya dahil wala naman akong masyadong alam kay Brie. Isa pa baka kapag nakita nya pa ang ibang Ate ni Gaelan ay doon din lumipat ang atensyon nya.

Ilang sandali pa, bumabyahe na ako patungong school. Mayroong kaba at excitement, makikita ko ulit si Gaelan. Kanina ay nagtext sya na nasa school na sya.

Pagbaba ko ay halos takbuhin ko ang pagpasok sa Keio. Hindi nga ako nagkamali at nag-iintay si Gaelan sa may parking lot. Agad nyang inabot ang kamay ko at mahigpit na hinawakan yon.

Madaming bumati kay Gaelan dahil sa pagpasok nya. Wala namang humpay ang pagngiti at pagbati nya pabalik.

“Gael!” Sabay sabay na sambit ng Yukan’na at mabilis na humakbang patungo sa kanya.

“Bumalik ka..” Hindi makapaniwalang sabi ni Ice.

“I have to. Kailangan kong bantayan ang girlfriend ko.” Ngumiti si Gaelan at iniangat ang kamay naming dalawa.

Pinanlakihan ng mata ang mga kaibigan nya, bukod kay Yuki.

“Kayo na?” Sabay sabay nilang tanong. We both smiled bilng kunpirmasyon. Walang sawang nagcongratulate ang mga kaibigan nya sa akin. Tipid lang na ngumiti si Yuki.

“Ang dami mong namiss nung wala ka! Alam mo bang nagtransfer na dito si Heather?” Kwento ni Kiro.

Unti unting napawi ang ngiti ni Gaelan.

“T-talaga?” He asked. Yung kaninang sigla ng mata nya biglang nawala. “Tabs, let’s go.” Tinapik ni Gaelan ang aking balikat. Ngumiti lang ako sa mga kaibigan ni Gaelan para magpaalam.

Tahimik naming binaybay ang patungo sa classroom ko. I wonder where did the dead air came from. May nasabi bang hindi maganda si Kiro?

Huminto kami sa tapat ng classroom ko.

“Magkita na lang tayo sa chapel..” Anunsiyo ko.

“Hindi, susunduin kita dito. Hapon pa ang klase ko.”

Tumango tango ako, wala ng masabi.

“Mag-aaral kang mabuti ha.” Ngumisi sa akin si Gaelan kaya napasimangot ako.

“Kailan ba hindi?” Tanong ko.

“Tuwing iniisip mo ako.” Pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi ni Gaelan! Si Gaelan talaga!

“Hindi mangyayari yon!” Umirap ako. Bumalik ang kinang sa mga mata ni Gaelan at hinuli ang kamay ko. Bahagya nyang idinikit ang katawan nya sa akin. Ang kamay ko ay halos nakadikit na sa kanyang dibdib.

Seryoso nya akong tiningnan, “Mahal kita.” Bulong nya. Parang may kung anong humahaplos sa tyan ko kapag sinasabi nya yon. Napapanatag ako ng husto. Mataman nya akong tiningnan, I can feel the electricity that assures me that he means it.

“Mahal—”

“Gaelan..” Sabay kaming napalingon sa nagsalita sa aming harapan.

Kumunot ang noo ni Gaelan, ako naman nagtataka sa babaeng nagsalita. Her skin is white and her eyes are gray. Nakasuot sya ng skintone na dress at puting pumps. Hinahangin ang manipis pero alon alon nyang buhok.

“Heather.” Bulong ni Gaelan.

Kabanata 32

Maki Say’s:

-(Heather—HEDER with a ‘th’)

-Walang PAng story ang Rab at Brie, wala silang side story. Pasulpot sulpot lang sila sa TBBS

-Wala PAng story ang Sam at Gilad.

So far they are still support characters here in TBBS. Mas gusto ko ang buong libro para sa kanila pero hindi ko yon maisasabay ngayon :) Sa lahat ng tanong na paulit ulit. WALA PA. WALA PA talaga.

So don’t.

“Twin!” Nakangiting sinalubong nung babae si Gaelan sabay yakap ng mahigpit dito, napalunok ako.

This is just fine right? It is just a hug.

Gulat ang mukha ni Gaelan sa ginawa nung babae pero hindi sya nagsalita. Unti unting humiwalay ang babae sa pagkakayakap pero puno pa din ng kumpiyansa ang kanyang ngiti.

“Hanggang ngayon ay nagtatampo ka pa din sa akin?” Bahagyang tinapik ng babae ang balikat ni Gaelan na parang naging estatwa na lang dahil sa pangyayari.

“Sabi ko naman sayo, babalik ako kapag nag18 na ako. Here I am.” Nilahad pa ng babae ang kanyang mga kamay. “Huy, magsalita ka naman.”

Kinailangan ko pang sikuhin ang tagiliran ni Gaelan bago muling kumilos.

“I-Im glad you are back.” Mahinang sabi ni Gaelan.

“You are glad pero parang labas sa ilong. Nakita ko na sina Yuki at Kiro, sayang at hindi pala pumapasok sa klase ang mga iyon. Mabuti at nandito ka. Tingin ko ay magiging magkaklase tayo.”

Nanatili lang akong nakatayo at nakikinig sa kanilang usapan. Nakakakuha na ng atensyon si Gaelan at ang babae kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Tumuwid ako at inalog ng kaunti ang braso ni Gaelan.

“Papasok na ako.” I said, sabay lakad patalikod. Hindi kumibo si Gaelan, narinig nya kaya ako?

“Tabs..” Nakalayo na ako ng tawagin akong muli ni Gaelan. “Tabs..”

Lumingon ako. Hindi ko pa din tiyak kung lalapit ako pero tumango sa akin si Gaelan kaya humakbang ako pabalik. “This is Heather. Kaibigan namin ni Yuki at Kiro nung bata kami. Heather, this is Maria. Girlfriend ko.”

‘What? For real? Like, sila na ulit?’

‘On and off and on and off…’

‘AND ON.’

Nagsimula na naman ang parang bubuyog na bulungan ng mga kaklase ko. Gaya ng dati, ni hindi ko man lang tinapunan ng tingin. Lumapad ang ngiti ni Heather at tiningnan akong mabuti pagkatapos lumipat ang mga mata nya kay Gaelan.

“Binata ka na ah! Hello! Ako si Heather. Nung bata pa kami madalas kaming napagkakamalang kambal ni Gaelan.” Kwento nito. Malakas ang boses nya pero malambing, bumagay sa maamo nyang mukha ang kanyang tono.

“Mukha ka kasing lalaki non.” Umangat ang gilid ng labi ni Gaelan at mukhang nangingiti na.

“Ay grabe sya! Kambal si Yuki at Kiro and secret mo na gusto mong magkaroon ng kakambal kaya sinabi ko sayo na ako na lang ang kakambal mo! Nagpagupit pa ako ng buhok non para sayo.” Si Heather.

Natawa na ng tuluyan si Gaelan.

“Kinarir ko ang pagiging bestfriend sayo hindi ba? Kaya bati mo na ako, Gaelan! Alam mo namang nung 7 years old ako, umaasa lang ako sa pakain ng magulang ko, paano kita pipiliin noong nagmigrate kami sa States?” Kinuha ni Heather ang braso ni Gaelan at humilig dito. Gaelan laughed again.

‘Bestfriend sya ni Gaelan? Oh my!’

‘She’s really pretty!’

‘Ang ganda ng sense of style nya and she looks cool!’

“Oo na, nakalimutan ko na yon.” Natatawa pa ding sambit ni Gaelan. “Saan ang susunod mong klase?”

“Gaelan, mauupo na ako.” Wika ko bago pa nila makalimutan ang presensya ko.

“Okay, Tabs. See you later.” Malawak ang ngiting sabi ni Gaelan, nauna pa silang tumalikod kaysa sa akin kaya napagmasdan ko silang mabuti. Heather is a bit tall kaya abot sya sa tenga ni Gaelan. She has a lot of curves too.

Napabuntong hininga lang ako, what do I know about curves? I don’t wear dresses like that. Naglakad ako patungong upuan ko at nakahinga ng dumating na ang professor ko.

Lumilipad ang utak ko habang nagkaklase. Bestfriend ba talaga iyon ni Gaelan? Masyado silang masaya kung titingnan. Sabagay, di ba ganoon naman kapag may kaibigan ka, dapat masaya. Haist! Ano ba itong iniisip ko. Dapat kay Gaelan lang ang aking tingin at hindi sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hinilot ko ang nostrils ko, the thought is giving me headache.

Lumingon ako sa labas ng pinto para ipahinga ang aking mga mata, kalahating oras pa lang ang nakakalipas sa klase. Nagulat pa ako ng makita ko don si Gaelan. Nakangiti sya at kumakaway. Sinenyas nya ang kanyang cellphone kaya kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

Yabs Ko: Mahal kita, wag mo akong isipin :P

Napasimangot ako at inirapan si Gaelan na napakalapad ng ngiti. Hindi na sya umalis sa tapat ng classroom ko, hanggang kailan nya ba ito balak gawin? Hindi naman sana kailangan.

‘Grabe, dalawang oras nakatayo doon si Gaelan!’

‘Iba talagang mag-mahal si Gaelan!’

Then I realized that I should appreciate this little things that he do. Sa isang relasyon, may mga bagay na hindi naman kailangan pero gustong gawin para sayo, o ang mga bagay na kaya mo namang gawin sa iyong sarili pero iba pa din kung may gagawa para sayo. Small things like that and we should be thankful. Kung ang ibang tao nga natutuwa, paano pa ikaw na inaalayan ng serbisyo?

“Gutom na ako!” Ungot ni Gaelan sabay hawak sa kanyang tyan. Sinalubong nya ako pagkalabas ko pa lang ng pinto.

“Tabs!” Inakbayan ako ni Gaelan kaya nilingon ko sya, “I love you.” Ngumiti sya sa akin, nag-init ng husto ang pisngi ko.

Hindi ko alam kung may ibang nakarinig! Napakabulgar talaga ni Gaelan!

“Saan mo gustong kumain? Ito ang first day duty ko bilang boyfriend mo.” Buong pagmamalaki nyang sabi. Lumilingon pa din ako sa likod dahil baka may nakakarinig sa aming usapan.

“Basta gusto kitang kasabay.” Sabi ko. Napangisi si Gaelan.

Nagtungo kami sa Food Alley. Awtomatiko ang mata namin sa lamesa ng Yukan’na. Nakaupo na don ang mga kaibigan ni Gaelan, si Selene at si Heather.

“Ria!” Kumaway sa akin si Selene. I smiled back. Nagsisimula na silang kumain at masayang nagkukwentuhan.

“Dyaan tayo uupo?” Alanganing sambit ni Gaelan ng hilahin ko ang kanyang kamay papunta doon.

“Oo, ayaw mo ba? Mga kaibigan mo sila.” Paalala ko sa kanya.

Nagkibit balikat si Gaelan at sumunod din sa akin. “Ako na ang bibili ng pagkain..” Tumango ako sa sinabi ni Gaelan. Tumalikod agad sya at nagpunta sa food kiosks.

“Kayo na daw ni Gaelan? Bakit hindi mo ako tinext?” Nagtatampo ang boses ni Selene. Nahihiya akong ngumiti, tumahimik kasi silang lahat at tila gustong pakinggan ang sasabihin ko.

“Kagabi lang, Selene.”

“Hm, okay! Basta pag niloko ka ni Gaelan isumbong mo sa akin ha!” Pagmamalaki ni Selene.

“Sa akin mo isumbong. Madami akong pamblackmail kay Gaelan!” Singit ni Heather na ikinahalakhak ni Kiro at Yuki. It’s like she knows half of Gaelan’s life. Ang kalahating hindi ko pa nararating.

I shoo away the thought in an instant, hindi makakatulong kung maiinggit ako kay Heather dahil lang sa childhood bestfriend nya si Gaelan, whatever their connection is, iba ang sa amin. I want to believe that ours is deeper. We are building our future together kaya ano ang pakakaisipin ko?

Umupo si Gaelan sa aking tabi na may bitbit na pagkain. Pinagmamalaki nya ang mga gulay na binili nya. Hindi sya natahimik hangga’t hindi ko sinasabi na very good sya kaya puro kantyaw ang inabot nya sa kanyang mga kaibigan.

“Tabs, subuan mo ako..” Paglalambing sa akin ni Gaelan.

“Yuck! Alam na naming may relasyon kayo, wag naman sa harapan namin please..” Umirap si Selene pero ako, sinunod ko ang gusto ni Gaelan. Gusto kong pagbigyan ang paglalambing nya. Wala namang masama lalo na’t kami na.

“Binata ka na talaga, Tutuy!!” Panunukso ni Heather na nakatutok lang ang mata sa amin. She’s smiling dreamily. Ramdam ko ang tuwa nya para sa amin, kung tuwa nga bang matatawag ang kinang ng kanyang mga mata.

“Oh please, Heather. Don’t start.” Pagbabanta ni Gaelan sa malamig na tono.

He really hates his nickname that is why I never attempted teasing him that.

Humagikgik lang si Heather, “Pikon pa din!”

Napangiti lang si Gaelan at napailing. Inambaan sya ni Gaelan na babatuhin ng tissue si Heather. Mas lalong natuwa si Heather dahil doon.

Sa mga sumunod na araw, unti unting pumapasok si Heather sa mundo namin at nakakapag-adjust na ang sistema ko. Nakakapanibago. Close din sila ni Selene dahil magkaklase sila. Madalas ay sabay kaming kumain kasama ang Yukan’na. She has a good sense of humor at halos lahat ay gusto sya.

“I have free tickets for One Republic concert!! Who’s coming?” Ipinaypay ni Heather ang mga ticket sa kanyang sarili. Nagsigawan naman sina Ice, Hunter at Kiro. Rye remained smiling, while Gaelan looks calm and happy. Nandito kami sa park sa likod ng chapel at nag-iintay ng afternoon bell.

“Heather! One for me!” Nagtaas si Selene ng kanyang kamay at agad syang inabutan ni Heather.

“Ako!”

“Ako!” Nag-uunahan na makakuha ang magkakaibigan.

Pinisil ni Gaelan ang aking kamay “You want to come?” Bulong sa akin ni Gaelan. Ngumiti ako at umiling.

“Hindi ako papayagan ni Daddy.” Sagot ko. Tumango si Gaelan at pinagmasdan na lang ang mga kaibigan nyang nag-aagawan sa ticket.

“Gaelan! Di ba paborito mo ito? Favorite song natin ang Stop And Stare! Naalala mo non? Bulol ka pa non!” Natatawang sabi ni Heather. I was surprised. Gaelan likes it? Hindi ko man lang alam. Hindi ko nga kilala kung sino ang One Republic. Siguro ay isang banda yon, does Gaelan loves music? I never asked.

“Baka ikaw ang bulol!” Patol naman ni Gaelan.

“Ano, join ka?” Heather asked.

“Hindi na. Hindi kami sasama ni Maria.” Nakangiting sabi ni Gaelan. Tumahimik ang lahat dahil sa desisyon ni Gaelan. I felt awkward. Hindi lang ba sya sasama dahil hindi ako pupwede?

Does it really have to be this way? Kailangan nyang limitahan ang kanyang sarili dahil sa akin? Nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili. Pakiramdam ko ako ang killjoy kaya hindi pupwedeng maging masaya si Gaelan. Kapag hindi ako pupwede, hindi na rin sya.

“Yabs, sumama ka na… Kahit hindi ako kasama.” Bulong ko.

“No. We will decide as partners.” Sangga ni Gaelan.

Tinitigan ko ang kanyang mukha. His eyes are really understanding. Puno na ito ng pagiingat simula naging kami. Hindi nya ako hinahayaang mag-isa at nirerespeto nya ang mga desisyon ko. Hindi sya nagkulang sa bagay na iyon. And I really think he is sacrificing a lot for me kaysa ako ang gumagawa sa kanya.

I heaved a sigh, this won’t hurt but—

“Okay, sasama ako. Sasama tayo.” Pinal na desisyon ko.

Napalunok si Gaelan at tiningnan ako ng hindi makapaniwala. Binigyan ko sya ng panatag na ngiti.

“Ako ang bahala. Makakasama ako.”

And I never felt proud about my decision since then. Kung kayang gawin ni Gaelan ang sakripisyo para sa akin, kaya ko din para sa kanya. Gaelan is still the same, sweet and caring. Yun nga lang pagkatapos ng oras sa Keio ay tapos na din kaming mag-usap. Hindi na kami magpapansinan at mag-iiwasan. We have surpassed three weeks and we are still okay. So far we planned it this way.

I have friends and above all, I have Gaelan. The world is fun.

“—At saka alam mo ba, hindi nahalata ni Prof Marquez na pinipilosopo na sya ni Heather. Tawa nga kami ng tawa!” Humalakhak si Selene habang nagkukwento sa akin habang papalabas kami ng Keio. Wala naman akong maisagot kundi tango. They are all older than me. Ako lang ang freshman. Bago sa akin ang lahat ng kalokohan na ginagawa ng higher years, lahat ng freshman ay takot pa din. I heard rumors about Heather being laid back and cool, para daw syang lalaki kung umasta pero babaeng babae ang porma. Men are literally drooling over her beauty and guts.

“Wag ka ngang magkwento kay Ria, Selene! Baka gayahin ako nyan!” Nakitawa din si Heather and her laugh is divine, mas lalo syang gumaganda, I wonder if Gaelan notices this things about his bestfriend.

Naglalakad si Heather sa aming unahan kasabay si Gaelan. Papalapit na kami sa parking lot kaya kailangan na naming pumosisyon ng maayos, si Selene sa aking tabi at si Gaelan at Heather naman ang sabay.

“Oy hindi! Malayo, Heather! Si Ria, demure yan. Matalino at mabait. Sya nga ang nagturo kay Gaelan magdasal!” Buong pagmamalaki ni Selene. Hinampas ni Heather si Gaelan. Umiwas si Gaelan at tumawa.

Mayroon bang nakakatawa?

“Pinapahiya mo ako, ako ang nagturo sayo magdasal nung kinder! Ibig bang sabihin, kinalimutan mo? Nagrerebelde ka sa akin kaya ka naging salbahe?” Natatawang tanong ni Heather kay Gaelan. Sumaboy sa kanyang mukha ang mahaba nyang buhok, mas lalong natawa si Gaelan at sya mismo ang humawi nito patungo sa ayos.

Naglakad na si Gaelan at Heather patungo sa pulang sasakyan. Sa kanya sumasabay si Heather dahil magkalapit lang ang kanilang bahay. Pinagmasdan kong pagbuksan ni Gaelan si Heather ng pinto at kung paano nya alalayang sumakay iyon doon. Araw araw ko namang nakikita ang tagpong ito pero ang hirap pa ding lunukin.

Parang masakit..

Pinapagalitan ko nga ang aking sarili dahil hindi naman tama na makadama ako ng ganito. Malinaw pa sa sikat ng araw na magkaibigan si Heather at Gaelan, ako lang ang maruming mag-isip.

Paglabas ko ng gate ng Keio, nakaabang na doon si Chief Smiths. Yumukod sila at sinagot ko lang iyon ng tango.

Mas masaya ba silang magkwentuhan kapag silang dalawa na lang? Nababanggit kaya ako ni Gaelan or naalala man lang?

“Baby Girl, you are spacing out. Sabi ko tingnan mo ang gown ni Kim K!” Siniko ako ni Sam. Sinubo ko ang strawberry mula sa maliit na dessert fork. Nanonood kami ng TV sa kwarto ko. Ilang beses akong lumingon sa aking cellphone para icheck kung nagtext muli si Gaelan, sinabi nya kasing sa kanila nagdinner si Heather dahil wala pa ang parents nito sa kanilang bahay at gagabihin umuwi.

“Selosa ka ba, Sam?” I asked out of nowhere. Hindi na din ako tumingin sa TV dahil hindi ko na alam ang pinapanood ni Sam.

“Ako? Well, depende. Hindi ako magseselos kahit alam kong may nakakahigit sa akin kung hindi naman sya pinagtutuunan ng pansin ng Kuya Gilad mo.” Sam chuckled.

Hindi nga ba pinagtutuunan ni Gaelan ng pansin si Heather? Kung gayon ay bakit nandoon ito sa kanila?

Argh! Syempre wala si Heather kasama sa kanilang bahay. Gagawin ko din naman iyon kung nagkapalit kami ng sitwasyon.

“Pero hindi maiiwasan na makaramdam ng selos. Minsan balewala lang yon sa mahal mo pero sayo big deal na yung kaunting atensyon na ibinigay nya. Ikaw na ang may mali doon, maitatama mo lang iyon kung itutuon mo ang isip mo sa iba pang bagay bukod sa taong mahal mo. Kaya nga ako, nagpapakabusy si Gilad sa business? Ako, busy sa styling! Para naman mamiss nya ako! Mamaya ng doon ako matutulog sa kwarto nya eh kasi napapadalas ang pagkagat ko sa dila ko! I really feel Gilad thinks about me!”

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Sam at bumalik sa pag-iisip. Ako nga siguro ang mali, binibigyan kong lahat ng kahulugan. Hindi ko dapat hayaan ang sarili na maging selosa. I know Im still young but I want to make my decisions right. Being in a relationship is deceitful. Nag-uumapaw ang emosyon kaysa sa pag-iisip ng tama. Gusto kong turuan ang aking sarili na pumili ng tamang emosyon. I will trash all the negativities kung hindi ay baka magkasira lang kami ni Gaelan.

Yabs Ko : Sinundo na si Heather ng parents nya. Miss na kita, Tabs. I love you.

Kung ganito ang taong mahal mo, maiiwasan mo ba talaga ang pagiging makasarili? I want to feel every word, I want to take everything literally. Lahat ng sinasabi nyang pagmamahal at pangako, I want to feed my soul with it. Pakiramdam ko, doon ako mas lalong nagmamahal.

I was about to reply when there’s an incoming facetime videocall.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Gaelan. Sa background, halata ang kanyang kwarto. Inaantok ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.

“Tagal mong magreply, hindi mo na ba ako mahal?” Paunang sabi sa akin ni Gaelan. Napangiti agad ako. Lumingon pa ako sa pinto at tiniyak na nakalock na iyon, mabuti na lang at nagpresinta si Sam na sa guest room matulog.

“Mahal.” Nahihiyang sagot ko. Umangat ang labi ni Gaelan at tinitigan ang screen.

“Can I curse?” Seryosong tanong nya.

“Bad—”

“Damn, hindi pa din ako nasanay. Kinikilig pa din ako pag sinasabi mo yan. Mahal na mahal kita, Maria.”

Ganoon din ang pakiramdam ko. Bumilis ang tibok ng puso ko pati ang paghinga. I want to cry. I want to cry because of the love I felt. May ganoon palang emosyon, sa sobrang halaga ng sinasabi, maiiyak ka. Nabusog ang kaluluwa ko ng husto at parang lulutang na lang sya paitaas.

I sighed. Bumagsak ang ilang buhok ni Gaelan sa kanyang noo. He looks really handsome. Hindi siguro ako magsasawang pakatitigan ang mukha nya.

“I love you too, Gaelan. Wag mo akong sasaktan.”

“I wont. I promise”

“Good.”

Sana ay hindi nga, Gaelan. Dahil sa ngayon yun lang ang tanging panghahawakan ko para manatiling normal. If I won’t be shattered, I will keep my sanity. Tearing me apart will be hard, so probably, mending me will be twice as much. So don’t.

Kabanata 33

Lagi.

“Ria!”

Nahinto ako sa paghakbang ng mayroong tumawag sa akin. Nakita kong si Rona at Sunshine yon. Mabibilis ang mga hakbang nila at mukhang sinusundan talaga ako. Binigyan ko sila ng ngiti at tuluyan silang hinarap.

“Napag-isipan mo na ba ang itinext namin sayo nung isang linggo?” Tanong ni Rona. Mas lalong tumingkad ang kulay ng kanyang buhok dahil natapat kami sa sinag ng araw.

Naalala ko ang mensaheng yon. Iniimbitahan nila akong muli na sumali sa squad pero ipinahiwatig ni Gaelan na ayaw nya daw akong sumali doon dahil hindi naman daw mabuting na kaibigan sina Rona kahit ipinaliwanag ko na maayos ang pakikitungo nila sa akin. Nung panahong dapat ay ieexpel ako, ako na mismo ang hindi dumalo sa mga practice dahil ayaw kong madamay sila sa aking gusot.

“Pasensya na, Rona. Sa tingin ko ay hindi ko na makakayanan ang ensayo.” Malungkot na pagdadahilan ko.

“Kaya lang biglaang umalis si Tisha! Nagkasakit kasi ang Daddy nya at kailangan nyang puntahan sa States, si Selene naman nagquit din kelan lang..” Singit ni Sunshine. “Kukulangin kami ng tao para sa routine. Hindi ba talaga pwede, ha, Ria?”

Gusto ko sanang sumali, kaso ay si Gaelan kasi.. Ayaw kong pag-awayan pa namin..

“Pasensya na talaga..” Nakayukong sabi ko. Ayaw kong makita nila sa mata ko na gusto ko talaga at nanghihinayang ako.

Napabuga ng hangin si Rona at tiningnan akong mabuti.

“You don’t have to stop doing things you want to do just because you are in a relationship.” Seryosong sabi ni Rona. Napaiwas ako ng tingin.

“Hindi naman sa ganon, Rona..”

“Ria, this is a friendly advice, wag mong pakiutin ang mundo mo sa isang tao. A healthy relationship should grow with you not against you..”

“Rona!” Suway ni Sunshine. Napailing si Rona at tiningnan ako ng nadidismaya. Wala akong nagawa kundi yumuko. I just want to please Gaelan, I want to make sure he’s always happy at doon ako nagiging masaya.

Iba naman ang nakukuha kong kasiyahan sa pagsasayaw, pero kung ano man yon, tingin ko ay mas higit ang saya ko kapag si Gaelan ang masaya.

Huminga ako ng preskong hangin kasabay ng pagwagayway ng mga puno, wala pa namang nagbago hindi ba? I am still Maria, trying to make the right choices. Isa lang sa mabuti o masama, doon lagi sa mabuti ang tingin.

Hindi ko nakita si Gaelan sa buong maghapon, nagtetext lang sya na nagpapractice sila ng basketball. Tuwing pahinga nya ay sinusubukan nya akong tawagan para kamustahin.

Busy na din ang Keio. Sa sabado ang opening ng Intercollegiate. May mga nagse-set up ng booths at soundsystem. Umupo ako sa isang plant box na nakapaharap sa maliit na stage na inilagay sa gitna ng field ng Keio. Sa ibabaw ay mayroong mga banderitas na nakasabit sa ibabaw. It is really festive. Bago sa akin ang lahat ng ito.

Napatayo ako ng makita ko si Gaelan na nanggaling sa gymnasium. Kasama nya ang Yukan’na. They are in their varsity shorts, Kulay puti at berde iyon at bilang pang-itaas, nakasuot lang sila ng plain tshirt. Kay Gaelan ay puti. Malawak ang kanyang ngiti habang hawak ang bola at pinapaikot ang kanyang kamay.

He looks happy. So this is one of his passion, sports. Nung isang araw ay nalaman ko na mahilig sya sa music. Hindi ko pa sya natatanong tungkol doon. Maybe I can try to listen to his likes. Marunong akong mag-piano kaya sa classical music ako namulat. Magugustuhan din kaya nya yon?

Pinlano kong maglakad papalapit sa kanya para kahit papaano ay magkita man lang kami. Kaunting oras na lang kasi ay susunduin na ako ni Chief Smiths. Napigil ang paghakbang ko ng magtakbuhan ang napakaraming estudyante papalapit sa stage. Napakunot ang noo ko.

“Heather! Heather!” They are cheering on Heather pero hindi ko sya makita. Kahit ang Yukan’na ay huminto din sa paglalakad.

Ilang sandali pa, nakita ko si Heather na humahalakhak. Hinihila sya ng isang lalaking kaklase paakyat ng stage at mayroong nakasabit na gitara sa kanyang likod.

“Test our sound system!” Natatawang sabi ng lalaki nyang kaklase.

Napapailing na lumapit si Heather sa mic stand.

“Okay! Okay!” Natatawa pa din si Heather. Inilagay nya sa kanyang harapan ang gitara at inayos iyon.

“Mic test..” Nakangising sabi nya. Mas lalong sumigaw ang lahat when she started plucking her guitar.

‘I need another story Something to get off my chest My life gets kinda boring Need something that I can confess’

Just when she started singing, the crowd when quiet. Maganda ang boses nya at magaling syang mag-gitara like she’s naturally born with it!

“Go Heather!” Mula sa di kalayuan ay pumapalakpak si Selene. I can’t help but to adore Heather too. She looks so confident and cool. Now, she definitely bagged the Miss Popular title.  Not your typical queen bee, pero iyong boyish at maganda.

‘Tell me what you want to hear Something that will light those ears Sick of all the insincere So I’m gonna give all my secrets away’

Lumipat ang mga mata ko kay Gaelan. He looks.. Amused . 

Seryoso syang nanonood pero nakangiti ang kanyang mga mata. Hindi ko sya masisisi sa kanyang reaksyon. Nakakabilib naman talaga si Heather. I wonder if I can do anything that will give him chills like this. Yung tipong makikita mo sa mata nya na proud sya dahil girlfriend nya ako at may ginagawa akong kakaiba.

Dumagundong ang ingay sa Keio ng matapos si Heather sa pagkanta. Everyone heard it. Centralized kasi ang sound system and she’s really good. Sinalubong sya agad ni Selene at ng Yukan’na. Si Gaelan ang nasa pinakahuli. Gusto ko ding lumapit kay Heather dahil kahit papano ay magkaibigan naman kami pero nakukunsensya akong lumapit.

Nakakaramdam kasi ako ng inggit.

At alam kong hindi iyon tama.

Kumuyom ang palad ko at ipinilig ang ulo. Hindi tama ang ganitong pakiramdam. Wala namang ginagawang masama si Heather pero kung ano anong negatibo ang nasa aking kalooban.

Imbes na lumapit, pumihit ako sa opposite way. Magtutungo ako sa chapel at magsosorry na lang kay Lord. Naging bad ako today.

Kagaya ng dati, tahimik ang chapel, maririnig mo pa ang pagsara ng mabigat na pinto. Walang tao. This is like heaven kung tutuusin. Saglit akong tumitig sa mga kandila sa harapan. Sa utak ko ay walang hanggan ang paghingi ko ng tawad dahil sa naiisip ko. God gave us different qualities and she’s good at singing so what’s the problem with it? Bakit ako makakadama ng inggit kung may mga bagay din naman na magaling ako..

Kagaya ng…

Kagaya ng ano nga ba?

Mabilis akong lumuhod at pumikit.

‘Lord, sorry po talaga kung inggitera ako. Promise hindi ko po sinasadya ang makaramdam ng ganon. Sorry din po kasi nagsisinungaling ako tungkol sa amin ni Gaelan. Alam ko po, hiningi ko na ito ng forgiveness simula nag-umpisa kami, gusto ko lang po iremind sa sarili ko na hindi tama ang ginagawa ko kaya po magsosorry ako palagi hanggang sa makakuha na ako ng lakas ng loob na magsabi ng totoo. Please touch my family’s heart to accept our situation just in case. This Lord God, I pray. In Jesus Name. Amen!’

Umupo muli ako sa church seat at muling ninamnam ang katahimikan.

“Sabi na nga ba nandito ang pinakamamahal ko eh..” Napalingon ako sa nagsasalita. Nakangiti si Gaelan at mabagal na naglalakad patungo sa akin. Nakapagbihis na sya ng maong at gray vneck shirt, hinubad nya ang kanyang baseball cap at lumapit sa akin, umupo agad sa tabi ko.

“Kamusta ka?” Kinuha agad ni Gaelan ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri.

“Im okay.” Pagsisinungaling ko.

“You don’t seem okay.” Nagtaas ng kilay si Gaelan. “Nakita kita kanina, akala ko ay lalapit ka sa akin pero tumalikod ka. Tinetext kita, walang reply. You are being a bad girlfriend.” Pinanliitan ako ni Gaelan ng mata.

“T-talaga? Sorry..” Malungkot kong sabi. Akala ko talaga ay kay Heather ang atensyon nya kanina at medyo masakit para sa akin ang tagpong iyon.

Ginulo ni Gaelan ang buhok ko “Naniwala ka naman agad. You are still the best girlfriend. Tell me, what happened today?”

‘Inisip ka, nainggit kay Heather, at ngayon nagsisisi?’

“Im fine. Kamusta ang practice?” Tanong ko para maipagpaliban nya ang mga tanong nya sa akin.

“Okay din. We are at 100%. All set na.”

“Tiyak na madaming sisigaw para sayo.” I muttered. Napangiti si Gaelan aat iniangat ang baba ko gamit ang kanyang mga daliri.

“Those won’t count kung hindi rin lang ikaw. Uuwi ka na ba? Facetime tayo bago tayo matulog ha.” Gaelan smiled and it is contagious, napangiti din ako at napawi ang pag-aalala.

He seems so kind. Well, he is kind. Ano pa bang hahanapin ko kay Gaelan? Mabait, malambing at maasikaso. I shouldn’t worry right?

Kaya lang ang hindi ko pag-aalala ay nananatili kung kaming dalawa lang ang magkasama, PERO ang mundo ay maraming tao. Maraming kasali sa buhay nyo. Hindi lang ‘Ikaw at Ako’. Meron din talagang ‘Iba’.

And I have to get used to it……

‘Stop and stare I think I’m moving but I go nowhere Yeah, I know that everyone gets scared But I’ve become what I can’t be, oh’

Isang strum ang pinakawalan ni Heather para tapusin ang kanta. Magkaharap sila ni Gaelan at sabay na kinakanta ang awit na yon. Yung paborito daw nila. Nakatingin lang ako at itinutulak ang sarili sa swing habang nakikinig sa kanilang dalawa.

Heather’s been bringing her guitar for three days now. Madalas pagkatapos naming mag-lunch ay mamamahinga kami sa park sa likod ng chapel at madalas syang tumugtog. I learned that Gaelan also plays guitar kaya madami silang napaguusapan na bagay tungkol dito.

Lumipat ang mata ko kay Selene but she’s busy sketching. Ang ganda ng kamay nya, magaling syang gumuhit. See? Everyone is good at something. I want to know where I am good at. Siguro ay hindi ko pa nadidiskubre ang sa akin.

“Ikaw, Ria. Do you sing?” Nakangiting tanong ni Heather. Ngumiti ako pabalik at umiling. At ayoko na ding subukin dahil napakagaling nila ni Gaelan, mapapahiya lang ako.

“What do you love to do then? Acting? Photography?”

“Don’t give her ideas, Heather. Baka nga subukin nya.” Sambit ni Gaelan. Napawi ang ngiti ko at bahagyang napahiya. Hindi nya ba gustong maging magaling din ako sa ibang bagay? Magiging responsibilidad nya ba na bumilib sa akin kahit hindi naman ako magiging sobrang galing?

I felt the urge to tell him that I am quite offended but I choose not to. Everyone’s happy and I don’t want to ruin the mood. Isa pa, hindi ako marunong kung paano ba magalit. Bad kasi yon di ba?

Tumahimik na lang ako at inabala ang sarili sa pagbabasa ng libro kahit wala akong maintindihan ni isa. Halos ipagpasalamat ko ang afternoon bell dahil maari na akong umalis na hindi mukhang nagwalkout. Mabilis ang lakad ko, at di ko namalayan na nasa tapat na ako ng classroom ko sa Literature kung hindi pa ako nahuli ni Gaelan sa braso.

“Ang bilis mo..” Ngumuso si Gaelan at mukhang hinihingal. Nag-peke ako ng ngiti, bahagyang kinakapos din ng hininga.

“Maaga kasi pumapsok si Prof Herrera kaya nagmadali ako. Sige na, pumasok ka na. Magkita na lang tayo mamaya.”

“Okay, Tabs.. I love you.”

Ngumiti lang ako bilang tugon, pinisil ni Gaelan ang aking kamay.

Pinagmasdan ko ang likod ni Gaelan na papalayo pagkatapos nya akong halikan sa noo para magpaalam.

“Ria, free cut. Sick leave si Prof–” Sambit sa akin ni Francis habang sinasalubong ako mula sa pgpasok sa room. Ngumiti ako at tumango.

“Alam ko.”

Alam ko dahil nang hindi ko na makita si Gaelan, nagmadali din akong umalis sa classroom. Dumaan ako sa kabilang side na hagdanan patungo sa likuran ng literature building kung nasaan ang headquarters ng Cheering Squad.

Masaya akong humahakbang habang binubuo ang ideya na nasa isip. Binuksan ko ang pinto ng headquarters at sumalubong doon ang katahimikan.

Wala doong tao bukod kay Rona na nagsusulat sa maliit na lamesa sa gilid. Nag-angat sya ng tingin dahil sa tunog ng yabag ng sapatos ko.

“Rona, pupwede pa ba akong sumali?” Tanong ko na mayroong alanganing ngiti. Nagliwanag ang mukha ni Rona at nilapitan ako.

“Talaga? Pinayagan ka ni Gaelan?” She asked excitedly.

Umiling ako.

“Hindi nya alam. Hindi naman nya ako direktang binabawalan, isa pa gusto ko syang surpresahin.” Kumpiyansang sabi ko. I want to be good at dancing, siguro ay magiging proud si Gaelan dito kahit noong una nya akong makitang sumayaw ay hindi nya nagustuhan.

Gagalingan ko ang ensayo! Alam kong hindi naman imposible dahil nagawa ko na noon.

One on one ang naging training sa akin ni Rona para sa mga napag-iwanan kong mga sayaw. Tahimik nya akong ipinagpapaalam sa mga klase ko para sa ensayo kaya pagkahatid sa akin ni Gaelan sa classroom ay nagtutungo ako sa headquarters. The squad members were also advised to keep it a secret, at least for the time being.

“You will be thrown Ria. Kaya?” Striktong tanong ni Rona. Ilang ulit akong tumango. Ni hindi man lang ako nakadama ng takot. I want this! Makikita ako ni Gaelan ng husto kapag nangyari yon.

Kumapit ako sa balikat ni Sunshine at Emma habang inaapakan ko ang kanilang palad. Bumwelo sila para ihagis ako kasabay ng aking pagtalon.

At nang ginawa ng ang routine ang saya ng pakiramdam ko! Gusto ko sa ere! Gusto kong lumipad. Hindi lang dahil sa makikita ako ni Gaelan kundi dahil alam kong kaya ko itong gawin ng maayos. I am at least good at this!

Si Rona ay mayroong alarm na tumutunog 30 minutes bago matapos ang klase ko na dapat kong pinasukan. I will rest pagkatapos ay babalik muli sa classroom na parang walang nangyari.

Tumunog ang cellphone ko habang namamahinga ako sa dancefloor at nagpupunas ng pawis. 

Yabs Ko : Tabs, baka hindi kita makasabay kumain. Sumakit ang tyan ni Heather. Ihatid muna namin ni Selene. Eat on time. I love you Baby.

Napabuntong hininga ako, hindi na ako sumagot. Nilagay ko muli sa aking bag ang cellphone. Hindi na ako bumalik sa classroom dahil doon. Tiningnan ako ni Rona ng nagtataka.

“I can still practice. Wala si Gaelan, may inasikaso.” I said, tatlong araw na rin lang ang natitira para sa main event, I should practice while I still can. Tumango si Rona na tila naiintindihan ang sinasabi ko.

“Pahinga ka muna. We don’t want you to experience muscle fatigue. Dumito ka muna kung wala kang pupuntahan.”

Ganoon nga ang ginawa ko. Gustong gusto kong ialis sa isip ko na wala si Gaelan ngayong araw at kasama nya si Heather pero nahihirapan pa din ako. I can’t really find words to describe this bad habit that I keep on doing.

Nagseselos ako sa kaibigan ni Gaelan at maling mali iyon. They are friends and I should stop worrying!

Tumingin ako sa cellphone ko na nagfaflash ang numero ni Gaelan, tumatawag sya. I don’t even have the guts to answer. Hindi dahil sa galit ako sa kanyang ginawa kundi dahil galit ako sa sarili ko kung bakit unti unti akong binabago ng ganitong pakiramdam.

Isang mensahe muli ang pumasok pagkatapos ng tawag.

Yabs Ko : Tabs? Are you okay? Pabalik na ako dyan.

Napakunot ang noo ko. Bakit naman sya babalik? Naihatid na ba nya si Heather?

Tumunog muli ang cellphone ko sa isang tawag, sa pagkakataong iyon, sinagot ko na.

“Hello.”

“Tabs, bakit hindi ka sumasagot? Ayos ka lang ba?” Tahimik sa paligid ni Gaelan kaya bakas na bakas ang kanyang pag-aalala.

“A-ayos lang ako. Kamusta si Heather?” Mahinang tanong ko.

“Ipinakuha ko na sa driver ni Selene.”

“B-bakit?”

“I can’t drive her and drive back after, that would take too much of my time. Gusto na ulit kita makita.. Baka pagbalik ko ay pauwi ka na, ayoko non.” I can imagine Gaelan’s sincere eyes and it made my heart melt. 

I pouted habang pinagdidiskitahan ang sintas ng rubber shoes ko.

“You don’t have to do it.” I said, kahit ang totoo ay parang pinipisil ang puso ko sa tuwa.

“I don’t but I want to do it.”

Tumayo na ako at sumenyas kay Rona na papalabas na ng headquarters. Dumiretso ako patungo sa parking lot para salubungin si Gaelan. Saktong sakto naman na dumating ang sasakyan nya at bumisina pa sa akin. Malapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang kanyang pagpark.

Tumakbo si Gaelan papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“I missed you..” He whispered. “Every minute.”

And that was the best feeling.  

Sana ay ganito lagi..

Kabanata 34

Never.

Inintay ko ang pagtawag sa akin ni Gaelan pagdating ko sa bahay, ni hindi pa ako nagbihis para lang maabangan ang kanyang tawag. Natutukso akong pindutin ang kanyang numero pero ayaw ko sanang maabala sya. Siguro ay nagmamaneho pa papauwi.

“Young Maiden, pinapatawag po kayo ulit ni Young Master Gilad.” Nag-angat ako ng tingin kay Ruby, ang aming kasambahay, pangalawang beses na nya ako tinawag para maghapunan pero hindi ako bumababa. I want to wait for Gaelan’s call.

Huminga ako ng malalim, maybe he forgot to call me, mamaya na lang siguro. Pumasok ako sa restroom para mabilisang magshower bago bumaba sa hapag. My brothers are waiting for me. Hindi man lang nila ginalaw ang kanilang pagkain, nahiya tuloy ako.

“Madaming assignment, Prinsesa?” Kuya Ahmed asked. Hindi ako halos makatingin. Natagalan akong bumaba dahil sa pag-iintay kay Gaelan at hindi ko man lang naisip na mayroong nag-iintay sa akin.

“O-oo eh.. Sorry Kuya..”

Kuya Rab shook his head, “Okay lang Baby Botchog.”

Wala si Mommy at si Daddy, they are both in Rome. Magiging ganoon kaya ako pag-tanda ko? I would be so occupied because of our business. Parang ayaw ko ng ganoon. Kung saan ang gusto ni Gaelan, malamang yun ang pipiliin ko. His life is very simple, ang tanging gusto lang naman nya ay sasakyan, basketball at music. Kapag sinabi nya sigurong mananatili kami sa Pilipinas, yun din ang gagawin ko. Di ba nga sabi, follow your heart . Na kay Gaelan naman kasi ang puso ko.

Tinagilid ni Kuya Xenon ang kanyang ulo.

“Anong iniisip mo, Ria? Hindi mo na ginalaw ang pagkain mo.” Ibinalik ko ang tingin ko sa aking pagkain. Hindi pa halos nangangalahati iyon.

“Y-yung assignment ko Kuya.” Sabi kong muli.

Nakumbinse naman ang mga kapatid ko at agad kong tinapos ang pagkain. Nagkwentuhan pa sila ng ilang bagay pero wala na ang utak ko doon kaya nagpasya na ako na umakyat muli sa kwarto, agad kong chineck ang cellphone ko. Wala pa ding tawag mula kay Gaelan. Kadalasan ay nagvi-videocall kami mula sa facetime pero hindi ganoon ngayon.

I tried dialling his number pero busy tone ang lumabas. Ilang ulit at ganoon pa din.

Nakauwi kaya sya ng ligtas?

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pag-iintay. Kinabukasan ko na nabasa ang kanyang mensahe at missed calls.

Yabs Ko: Tulog ka na, Tabs?

Yabs Ko: Im sorry, na-busy ako bigla. I love you. Goodnight.

Sinagot ko naman yon na nakatulog ako ng maaga kaya di ko na naintay ang tawag nya, hindi ko na pinaalam na inabot ako ng late dahil sa pag-iintay pero wala pa din kaya nakatulugan ko na lang. Naghanda na ako para sa pagpasok, dalawang araw bago ang opening ng Intercollegiate at ang performance ng squad. Nilagay ko sa bag ang lahat ng kailangan, pamalit na damit at sapatos, maraming towel at nagbaon na din ako ng energy drink.

Mag-isa akong nag-almusal at nagmadali ako para pumasok sa school. Mayroon din kaming ensayo mamaya but I want to attent my first class. Pinapanalangin ko nga na matapos na ang lahat dahil hindi ko na matagalan ang maglihim kay Gaelan, but I want to surprise him. Ang tanging ipinag-aalala nya lang naman sa squad ay baka awayin ako nila Rona, ang akala kasi ni Gaelan ay hindi ako magaling, baka pagalitan lang ako don. Sinusubukan ko namang galingan eh at hindi naman nagagalit si Rona.

Ibinaba ako ni Chief Smiths sa harap ng parking lot ng Keio. Napakunot ang aking noo ng matanawan ko si Gaelan na binubuksan ang pinto at nakita kong lumabas doon si Heather na maganda ang ngiti. Pinagmasdan ko pa sila hanggang sa maglakad sila patungo sa harapan ng aming sasakyan, masaya silang nagkukwentuhan. Hindi siguro alam ni Gaelan na sasakyan namin ang nandito sa harapan.

“Young Maiden, may problema po ba?” Tanong ni Chief Smiths, I shook my head. Wala sa sarili akong bumaba at naglakad ilang hakbang ang layo mula kay Gaelan at Heather.

“Buti nga at tumawag ka! Kung hindi, siguro hindi ako nakatulog.” Si Heather.

“Ang tagal mo nga bago nakatulog. Hindi pa ba umuuwi si Chloe?” Tanong naman ni Gaelan.

“Hmp, hindi pa! Iniisip ko nga kung paano ako makakatulog mamayang gabi.”

“Para ka pa ding bata, hindi ka pa din nakakatulog kapag walang katabi.” Natatawang sambit ni Gaelan. Sila ba ang magkausap ni Heather kaya hindi nya ako natawagan? Kumirot ang puso ko. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ang paglalakad sa likuran nila dahil nasasaktan ako, baka mahimatay na lang ako bago ako dumating sa classroom sa sobrang sakit.

Uminit ang sulok ng mata ko. Ano ba tong pakiramdam, nakakaiyak!

Hahakbang pa sana ako ng isa kaya lang ay may pumigil sa braso ko. Paglingon ko, nakita ko si Yuki, nakakunot ang noo nya sa akin. Napabuga sya ng hangin at napailing tapos isang puting panyo ang idinampi nya sa mukha ko para punasan ang nagbabadyang luha. Pagkatapos non hinila nya ako sa pinakamalapit na building. Pumwesto kami sa pinakagilid ng staircase, madilim doon dahil hindi pa nakabukas ang ilaw.

“You are jealous.” Bulong sa akin ni Yuki. Hindi ko alam kung ano ang nakikita ko sa seryoso nyang mata. Kung galit ba o nadidismaya.

“H-ha? Hindi ah.” Hindi ko alam kung saan ibabaling ang paningin ko. Nakakabasa ata ng isip si Yuki eh!

“Ilang araw na kitang pinagmamasdan, lagi kang nakatingin sa kanilang dalawa. Kung nagsasalita lang ang mga mata mo, alam na din ni Gaelan ang nararamdaman mo.”

“Hindi, Yuki. Napuwing lang ako.”

“Lagi ka bang magsisinungaling pagdating sa kanya?” Mariing tanong sa akin ni Yuki. Natulala ako sa kanyang mga mata. “Sa akin, magsisinungaling ka din? Di ba sabi mo magkaibigan tayo?”

I pouted, lagi na ba talaga akong nagsisinungaling? Kailangan ko na talagang mangumpisal!

“Masama bang magselos?” Di ko na napigilang tanungin si Yuki. He sighed.

“Normal lang, kaya lang dapat ipinapaalam mo sa kanya.”

Umiling ako, hindi ko kaya. Madidismaya sa akin si Gaelan at iisipin nyang hindi ko sya pinagtitiwalaan.

Huminga ng malalim si Yuki at sumandal doon sa pader, “They are bestfriends. Inseparable. Sya ang kaibigan noon ni Gaelan bago kami dumating ni Kiro. Kaya lang nadestino sa Amerika ang mga magulang nya kaya sya umalis. Gaelan as a kid was so heartbroken. Hanggang sa paglaki nga ay nadala nya pa din ang tampo nya kay Heather, but it seems tha they are okay now.” Ipignagkibit balikat ni Yuki.

With that being said, hindi ako maaring magselos. Normal lang na magkaroon ng bestfriend ang boyfriend mo kahit na babae pa ito, wala naman kasing pinipiling kasarian ang pagkakaibigan hindi ba.

Ang judgemental ko naman!

Siguro ay namiss lang nila ang isa’t isa. They were stucked with who they are years ago. Close pa din sila. Hindi naman magbabago yun hindi ba? Ilang minuto pa kaming nanatili ni Yuki sa katahimkan. Nag-re-reflect ako sa mga pagkakamali ko nung mga nakaraang araw at kung paano ko masusolusyonan, pero mukhang mahirap solusyonan ang bagay na hindi mo alam kung saan nanggagaling.

“Hatid na kita sa room mo?”

“Sorry Yuki..”

“Saan?”

“Kasi pinag-iisipan ko ng masama ang mga kaibigan mo.” Paliwanag ko. Yuki chuckled.

“Hindi mo sila pinag-iisipan ng masama, nagseselos ka lang. Kailangan ko bang idefine sayo ang bawat pakiramdam na bago sayo? Hindi lahat ng pakiramdam na hindi maganda, masama na agad. That means you are a real person dahil nararamdaman mo ang lahat ng emosyon. Walang masama o mali sayo, Ria. You are a beautiful person.”

Napatingin ako kay Yuki.

“Uhm, inside.. Beautiful inside.” Pagtatama ni Yuki. Tumango ako, nakuha ko ang kanyang ibig sabihin. Sabay kaming naglakad patungo sa Science Building para sa klase ko sa Physics, hindi ko na makita si Gaelan pero nagulat na lang ako ng makita ko syang nakatayo doon sa tapat ng classroom ko. Napatingin sya sa amin ni Yuki at agad na nagbago ang kanyang ekspresyon.

“Kanina pa ako nagtetext sayo.” Malamig na sambit ni Gaelan.

“Nakasalubong ko sya kanina sa parking lot.” Yuki said pero hindi man lang sya tiningnan ni Gaelan.

“Di ba dapat ay kanina ka pa nandito?”

“Gaelan. Hinatid ko lang sa classroom.” Seryosong sabi muli ni Yuki. Hindi ako makasagot kay Gaelan. Hindi ko naman maaring sabihin sa kanya ang pinag-usapan namin ni Yuki.

“Papasok na ako.. S-salamat Yuki.” Nakayukong sabi ko. Narinig ko pa ang marahas na pagbuga ng hangin ni Gaelan. Hindi ko na sya matingnan. Nagagalit ba sya dahil magkasama kami ni Yuki?

Hindi ako makapagfocus sa klase ko dahil iniisip ko na galit si Gaelan. Lumilipad ang utak ko kung saan saan. Baka sumama na ito kay Gaelan. Yung heart ko nga kasama na nya, pati din ba yung brain?

Ipinagpapasalamat ko ng matapos na ang klase. Mahaba pa ang vacant ko dahil wala ang susunod naming Propesor. Sa hapon pa naman ang ensayo namin dahil may gagawin pa daw sila Rona sa kanilang org. Nakita ko agad si Gaelan na nakatayo sa labas ng classroom, nakapamulsa sya. His eyes darted at me, masama ang kanyang tingin sa akin. Napayuko ako ulit.

Nakakatakot na naman ang tingin nya. Yung kagaya nung dati. Hindi ko naman alam kung ano ang ginawa kong masama. Kasalanan na ba na sabay kami ni Yuki maglakad? Syempre magkakasabay talaga kaming maglakad dahil nasa iisang school kami, saka kasama naman nya si Heather kanina eh.

“Gutom ka na ba?” Malamig na tanong sa akin ni Gaelan.

Umiling ako.

“Kakain tayo.” Yun ang sinabi nya. Hindi naman talaga ako nagugutom. Si Gaelan talaga kung ano ang maisipan, yun na yon.

Naglakad kami patungo sa Food Alley. Nagulat pa ako ng makita ko sa lamesa ng Yukan’na si Heather at si Selene.

“Tagal nyo! Gutom na ako.” Heather said but she’s smiling. Inaantay ba nila kami? Kaya ba kami kakain dahil gutom na si Heather?

Iniwan ako ni Gaelan sa lamesa, alanganin akong umupo. Si Selene ay hawak na naman ang kanyang sketch notebook at nawala na naman sa sarili dahil sa pagdo-drawing. Sinabi nya sa aking magsusubmit sya ng application sa isang Art School sa Brussels kaya iyon ang pinagtutuunan nya. Nginitian ako ni Heather.

“Sorry ha, mapapaaga ang lunch natin. Sabi kasi ng doctor ko, sumakit daw ang tyan ko dahil nalilipasan ako ng gutom.” Paliwanag ni Heather. Tumango lang ako kahit sa loob loob ko ay hindi ko maintindihan. Kailangan bang pati ako ay mag-aadjust sa oras ng kain nya? Hindi pa naman ako masyadong kumakain dahil masamang matagtag ang tyan kapag busog. Naghahanda na ako para sa practice namin mamaya.

Dumating si Gaelan dala ang aming pagkain. Ibinili nya din si Heather at Selene.

“Wow! Favorite ko!” Halos mapapalakpak si Heather sa pasta sa kanyang harapan. Yon kasi ang binili ni Gaelan. Kay Selene ay cheeseburger. Sa aming harapan ay nagbaba sya ng pinakbet, steamed prawns at dalawang kanin.

“Kain na, Tabs.” Seryosong sabi sa akin ni Gaelan. Hindi ako agad nakakilos. Mataman kong tiningnan ang pinakbet sa aking harapan.

“Tabs.” Untag ni Gaelan.

Hindi pa din ako kumilos kaya si Gaelan ang nagsalin ng pagkain sa plato ko.

“Allergic ako sa shrimps.” Sabi ko. Nahinto sa pagsandok ng pasta nya si Heather at tinitigan kaming mabuti. Napakunot naman ang noo ni Gaelan.

“Kailan pa?” He asked. There was an awkward silence between us. Awkward talaga kasi natigilan si Gaelan sa pagsasalin ng pagkain sa akin.

“Anong kailan pa? Malamang since birth!” Pilosopong sambit ni Heather. “Bakit hindi mo alam? Tsk. Ria, pwede na sayo itong pasta. Ako na lang ang sa prawns at pinakbet.” Alok sa akin ni Heather. Nahihiya akong ngumiti at umiling. Paborito nya yon kaya yun ang binili ni Gaelan.

“Bibili na lang ako ng akin.” Tumayo agad ako at hindi na inantay si Gaelan na magdesisyon. Nagtungo ako dun sa salad bar para umorder ng salad at vegetable juice. Bumalik ako sa lamesa namin. Hindi pa din ginagalaw ni Gaelan ang kanyang pagkain.

“K-kain na tayo.” Hindi ako makatingin kay Gaelan habang inilalatag ang pagkain sa harapan.

Napailing si Gaelan ng tingnan ang pagkain ko pero hindi na sya nagsalita. Kumain kami ng tahimik. Si Selene patuloy sa pagdrawing at hindi halos magalaw ang pagkain, si Heather naman ay mukhang ineenjoy ng husto ang kanyang pasta.

Hindi ko alam kung magkaaway ba kami ni Gaelan noong araw na iyon. Saglit lang naman kami naging matahimik pero nagpapansinan naman kami. Nagtetext pa din kami noong umuwi pero hindi na kami naguusap sa facetime.

Ganito ba kapag may problema ang isang relasyon?

Ang hirap naman, wala akong mapagtanungan.

Siguro lilipas din ang ganitong pakiramdam.


Dumating ang araw na pinaghandaan ko ng husto. Maingay ang buong Keio, ang kalapit na mga school ay imbitado din para sa opening ng Intercollegiate. Tahimik ako sa gilid ng stage habang pinapanatili ang pagiging kalmado. Walang kaide-ideya si Gaelan sa gagawin ko. Ang alam ko ay nagwa-warm up sila sa mas maliit na court ng Keio.

“Ria.. Pumunta ka na sa likod.” Nabuhayan ako ng makita ko si Sunshine, sa kanyang kamay ang ang kanyang rubber shoes. Nakaayos na ang kanyang mukha. She’s in a high ponytail at mayroong light makeup kaya mas lalong umangat ang kanyang ganda.

Binati ko ang lahat ng ka-team ko noong pumasok ako sa backstage. Abala ang iba dahil inaayusan pa, yung iba naman ay nagbibihis. Mayroong lumapit sa akin na makeup artist at pinaupo ako sa kanyang upuan.

“Lahat ba talaga kayo ay magaganda?” Hindi makapaniwalang tanong ng makeup artist. Ngumiti lamang ako sa kanya. “Ang mga mata mo, kakaiba ang pagkabrown, ang ganda ng hugis ng ilong mo at labi! Ilang taon ka na?”

“16 po. 17 na next month.”

“Isang taon pa, sumali ka sa Binibining Pilipinas ha? Pasok ang beauty mo doon!”

“Lahat ata kami ay sinabihan mo nyan.” Natatawang sabi ko habang nilalagyan ako ng foundation sa aking mukha.

“Naku hindi. Kitang kita ko sa mata mo na mananalo ka doon!”

Madami pang iginiit ang bading na makeup artist, susubukin daw nya akong ipasok sa ganoong pageant, nagsawa na din ako sa kakatanggi dahil ipinagpupumilit nya talaga.

Nauulinigan namin mula sa backstage ang nakakabinging sigawan. Mukhang nagsimula na ang opening remarks. Bumukas ang TV sa backstage para ipakita ang kaganapan sa labas. Isa isang ipinapakilala ang magrerepresenta sa bawat school, natural ay madami ang sumisigaw para sa Keio kahit madami ding taga ibang school dito.

Sumunod at pinakahuli ay ipinakilala ang basketball team. Pinatay pa ang ilaw bago binanggit ang bawat school. Mas lalong nagwala ang mga estudyante at lumabas ang napakaraming banner sa paligid. Lahat ay tutok doon sa TV lalo na ng ipakilala ang basketball team ng Keio. Unang lumabas ang ibang mga players na hindi ko kilala, at syempre, ang panghuli ay ang Yukan’na. Kahit sa backstage ay nagtitilian ang mga bading at babae, lalo na ng ifocus ang camera kay Gaelan. Nakaramdam ako ng sobrang pagmamalaki dahil madaming sumisigaw para sa kanya. I am so proud of him. Nakakatuwa na ako ang pinagtutuunan nya ng pansin kahit pa napakadaming humahanga. I will support him all the way.

Kitang kita ko ang paglinga linga ng mga mata nya. Ako kaya ang hinahanap nya? Baka hindi naman, baka naghahanap lang sya ng pamilyar na mukha dahil mukhang hindi sya kumportable sa camera. Nahagip ng camera si Heather na may sariling banner para kay Gaelan. Ngumiti si Gaelan sa kanya at tila nahimatay ang kanyang mga kaklase. Hindi ko ininda yon, magkaibigan sila at tama lang na i-cheer nya si Gaelan.

I will give him the best cheer today, para sa kanya ang performance ko ngayon.

‘And now, the moment that we’ve all been waiting for! The cheerdance competition!’

Hindi ko alam na may iiingay pa pala ang Keio dahil sa announcement na yon. Dumagundong ang dibdib ko sa kaba. Unang innanounce ang pangalan ng Roman University, sila daw ang mahigpit na kalaban ng Keio. Napakaganda ng routine nila, pansamantalang nagduda ako sa routine na inihanda namin, hindi kaya masyadong simple? O baka magkamali ako at maging dahilan ng pagkatalo ng team.

“Kinakabahan ka?” Nilapitan ako ni Rona na hindi inaalis ang tingin sa TV. Nakahalukipkip sya at napansin ko ang pagkinang ng kanyang kutis, ang ganda ganda nya din ngayon.

Hindi na ako nahiyang tumango.

Ngumiti si Rona. “Normal lang yan. Tuwing nagpeperform ka, isipin mo lang kung para kanino mo ginagawa ang lahat ng ito. We perform as a team and we got each other’s back. Hindi naging maganda ang simula natin, but you gained friends in the squad. Isipin mong wala kang kaibigan na dapat malaglag sa bawat routine, isipin mo na mo din na iingatan ka ng kaibigan mo para hindi ka mapahamak kaya ialis mo ang takot. Hindi ka namin pababayaan at wag mo din kaming pababayaan.” Tinapik ni Rona ang aking balikat. Nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil doon, she deserves to be the leader, she always say the right words when you need it.

May anim na schools pa ang sumunod. Nalilito na ako kung alin nga ba ang pinakamagaling. They were all great. Uminom ako ng kaunting tubig dahil nararamdaman ko na ang panunuyo ng lalamunan ko. Pinagmasdan ako ang sarili ko sa salamin, I am wearing the squad uniform, white and green stripes, lantad ang tyan at binti but this looks sporty, not in any way seductive. Ang buhok ko at malinis na ipinusod sa likod na ikinulot ang dulo at nilagyan ng puting ribbon. The make up is light pero tumingkad ang kulay ng aking mga mata.

Pinasalamatan ang Unibersidad de San Miguel na huling nagperform, may kumatok sa aming nakaheadset na may hawak na folder, pinalapit na kami sa sa floor. Bago lumabas ay nanalangin kami bilang team, tama lang ang aming ginawa dahil paglabas namin mula sa dressing room ay sobrang ingay na ng crowd. Nahati kami sa dalawang grupo, ang grupo nila Rona ay nagtungo sa kabilang parte ng court.

‘And now, last but not the least. The pride and glory of Keio University! The Keio Elite Pep Squad!’

Halo halong sigawan at palakpakan. Everyone’s excited! Natabunan na din ng excitement ang aking kaba. Humupa ang hiyawan at napalitan ng katahimikan ng namatay ang ilaw. I can smell anticipation in the air.

Pumaibabaw ang tunog ng malakas na drums hudyat para pumwesto si Sunshine at salubungin ag cartwheel ni Rona mula sa kabila.

‘KEIO! KEIO!’

The crowd went wild ng lumiwanag ang ilaw, lalo na ng mas naging mabibilis ang pagtatagpo ng aming grupo sa gitna dahil sa halo halong cartwheel at flips, ang tugtog ay tila tunog sa lumang ninja movies at mas lalong lumalakas at bumibilis ang pagtambol ng drums. Ginawa ko ang sa akin at sinalubong si Eunice dahil kami ang panghuli, just when we are complete in the middle, sabay sabay kaming nagsplit.

‘GO RIA FLORESCA!!!’

Alam kong si Selene ang sumigaw noon pero hindi ko nilingon dahil nagfocus ako sa stunt at steps ng aming grupo. Everyone’s energetic! Naka-paste ang ngiti sa aming mga labi na parang hindi nakakaramdam ng kahit anong hirap o pagod!

Limang minuto ang itinagal ng aming pagsasayaw. Sa loob ng limang minuto ay walang tigil ang pagsigaw sa aming mga pangalan!

May mga taga ibang school din ang napapansin kong sumisigaw ng aking apelyido. Of course, there’s a surname at the back of my cheering uniform, maliit lang iyon pero kitang kita.

“Ria, are you ready?” Halos pasigaw na tanong ni Gab dahil sa ingay. Simple akong sumenyas ng tango at umapak sa palad nila ni Harold. This is the finale stunt at ako ang nasa gitna, sa likod ko ay nakaalalay ang lahat ng squad members.

Lord, please make me safe. Amen.

Iniangat nila ako at inihagis paitaas, hindi magkandamayaw ang pagsigaw ng crowd! Ngumiti ako habang isa isang ginagawa ang stunt na aming iniensayo, paulit ulit akong nag-tumbling sa ibabaw ng aking mga team at hindi man lang ako nakadama ng takot.

“Ria! Ang galing mo!” Hindi napigilang ibulalas ni Rona. I winked at her.

Just when I did the final bend and the final pose kung saan nagtatatalon ang lahat ng estudyante, nagtama ag mata namin ni Gaelan. Kitang kita ko ang madilim nyang mga mata. Nagtiim bagang sya at bigla na lang umalis na parang galit na galit.

Bumalik sa akin ang kaba na hindi ko man lang naramdaman kaninag nagpeperform ako.

Bakit? May ginawa ba akong mali?

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata, mabuti na lang at sumabay ang pagpatay ng ilaw. Gumuho ang pag-asang binuo ko ng ilang araw na makita sa mga mata nya ang nakita ko kung paano sya maging masaya sa pagkanta ni Heather. Mas malala pa yung reaksyon nya noong una nya akongmakitang sumayaw. Bakas sa kanyang mukha ang sobrang disgusto dahil sa ginawa ko.

Maingat akong ibinaba ng teammates ko kaya mabilis ko ding pinalis ang aking mga luha.

He will just never be proud of me.

Kabanata 35

Maki Say’s: Ang susunod na pangyayari ay hango sa tunay na buhay ko kaya mag-ingat kayo sa mga comments nyo. Char! :) Happy weekend! Thanks for reading :)

Break.

Ang dami kong nasasalubong, lahat sila ay bulgarang humahanga. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko. Nagpunta agad ako sa dressing room para hagilapin ang gamit ko at umalis na. Hahanapin ko si Gaelan.

“Ria! Saan ka pupunta?” Tawag sa akin ni Rona, huminto ako para harapin sya.

“Kailangan ko na umalis, Rona..” Pagsisinungaling ko. Ngumiti sya at tumango.

“Job well done. Sayang at hindi mo maabutan ang results. Sana makabalik ka.”

Tumango lang ako at nilagpasan sya, hindi na yon importante. Ano pang halaga non kung hindi din naman nagustuhan ni Gaelan ang surpresa ko? Akala ko ay matutuwa sya pero hindi. Hindi man lang sya nanatili para pumalakpak kagaya ng iba.

Tiningnan ko ang cellphone ko, dalawang mensahe lang ang nandoon, bago ata magsimula ang pagpapakilala sa kanila at yung isa ay yung hinahanap nya ako para kumain, wala syang planong manood ng cheerdance competition.

Nagtungo ako sa chapel, nakahinga ako ng matanawan ko sya sa swing, pero ganoon na lang ang pagkalukot ng mukha ko ng makita kong nasa tabi nya si Heather.

Si Heather ulit.

“You should understand that she wants to be a part of a group.” Narinig ko pang sabi ni Heather.

“Group? Hindi pa ba sapat ang grupong mayroon ako? She’s part of my friends! She’s my girlfriend! Why does she needs a group?” Si Gaelan. Nasasaktan ako sa sinasabi nya.

Oo, sumasama ako sa Yukan’na, pero tuwing magkakasama sila, tila may sarili naman silang mundo. Hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila! Hindi ko makuha ang mga bagay na gusto nila. Unlike in the squad, nakakapag-usap kami tungkol sa steps, sa stunts at sa mga bagay tungkol sa buhay. They treated me like a family, they cover me up when I want to keep our practice a secret. Tuwing may napapagod ay mayroon ding nagpapalakas ng loob, kung may natatakot, may hahawak sa iyong kamay.

“Bumalik na tayo doon, baka hinahanap ka na. Di ba first game kayo? Sayang ang banner ko.” Ngumiti si Heather kaya napangiti din si Gaelan. Unti unti akong nilulubog sa pinatataguan ko. Nang tumayo sila, nagmadali akong pumasok sa loob ng chapel.

At doon ako nagsimulang umiyak.

Gaelan wanted me to need him but he doesn’t need me as much. Madami syang matatakbuhan samantalang ako ay sya lang. Hindi pa ba nya nararamdaman ang pangangailangan ko sa kanya ng husto? I need him so much pero ayoko syang sakalin sa bagay na yon dahil ayaw ko syang limitahan. Huminga ako ng malalim ng maubos na ang luha ko. Sinuot ko ang varsity jacket ng pep squad. Gusto ko pa sanang panoorin ang laro ni Gaelan kaya lang maiiyak lang ako pag makikita ko sya.

Papalabas na sana ako ng paking lot para salubungin si Chief Smiths ng mayroong humarang sa dadaanan ko. Kitang kita ko sa kanilang sando ang ‘Roman University’.

“Uy, ang star ng Keio.” Sambit nung isa, nag-angat ako ng tingin, lalagpasan ko sana sila kaya lang mas lalo nilang nilakihan ang pagsakop sa aking daraanan.

“Ang galing mo kanina.” Sabi nung pinakamatangkad. Hindi ako makapagsalita kasi parang hindi talaga nila ako papadaanin.

Madami pa silang sinabi, hinihingi ang numero ko at ang kung ano ano. Wala akong sinabi kahit anong salita. Wala masyadong tao sa parking lot dahil halos lahat sila ay nandoon sa gymnasium. I can just call Chief Smiths to help me pero hangga’t maari ay ayaw ko para hindi na lumikha ng komosyon.

“Nakakainis yung malakas ang loob pero nandito sa loob ng Keio di ba, Ice?” Napalingon ako sa aking tagiliran, nandoon si Hunter na sinasarhan ang pinto ng kanyang puting sasakyan, kasunod nya si Ice, may bitbit silang ice chest, mukhang gagamitin nila sa game.

Binaba ni Ice ang hawak ng ice chest, “Baka sinasadya, Bro.”

Nakaamoy ako ng gulo. Magsisimula na ang game pero mukhang handa pang makipag-away ang dalawa. Nakita kong humahakbang si Ice papalapit. Sa likod nya ay si Hunter. Parehas galit ang kanilang mukha.

Natawa lang ang Romans, “So dito nyo gustong simulan ang laban?” Wika nung isa na para bang may nakakatawa.

“Kami ang nagsimula o kayo?” Tinulak ni Hunter ang isa. “Ria, get out of here.” Utos nya na hindi inaalis ang mata doon sa kaharap.

“Hunter.. Tatawag na lang ako ng security..” I whispered. Umiling si Hunter at agad na nagpakawala ng suntok. Napaatras ako sa mabilis na kaguluhan, sa isang iglap ay nasa lupa na silang lahat at nagpapapgulong gulong! Wala man lang nakakapansin dahil walang sounds yung suntukan! Walang nagsasalita kundi puro suntok at sipa lang.

Napalingon ako sa gymnasium, hihingi ako ng tulong!

Nagmadali akong tumakbo patungo doon, isiniksik ko ang sarili sa napakaraming tao na nanonood ng laro ng volleyball. Nakita ko si Gaelan na katabi si Heather sa pinakaibabang bleachers, nag-alangan akong lumapit pero naisip ko si Ice at Hunter, nakakalamang sa bilang ang Romans. Isinantabi ko muna ang sama ng loob, mabuti na lang at napatingin sa akin si Kiro.

“S-si Hunter saka si Ice, napaaway.. Doon sa may parking lot.” Kinakabahang sabi ko.

Nakarinig ako ng ilang pagmumura mula kay Zeus, tumakbo sila patungo doon, sumama din si Gaelan at nalagpasan na nila ako. Sumunod na lang ako sa kanila, pagkarating namin sa parking lot ay nakahiga na ang limang kalaban nung dalawa. Hinihingal si Ice at Hunter pero wala namang sugat.

“Tapos na!” Buong pagmamalaki ni Hunter. Nakahinga ako ng maluwag na wala man lang masamang nangyari sa kanila.

“Bakit kayo nakipagsuntukan?” Yuki asked. Ang strikto nyang mata ang ipinukol nya sa mga kaibigan.

“Binabastos nyan si Ria. Pababayaan namin?” Sabi naman ni Ice na parang hindi pa din nakakabangon sa inis. Napatingin ako kay Gaelan. Napakuyom ang palad nya.

“Tsk, paano pa makakapaglaro ng basketball ang mga yan? Tulog na!” Reklamo ni Kiro.

“Tara!” Nagkaayaan na sila para iwanan ang Romans. Hindi man lang kumilos si Gaelan at nanatili ang mga mata sa akin.

Sinalubong ko ang mga titig nya. Nasasaktan ako sa paraan ng pagtingin nya. Galit din ba sya sa akin dahil nasuntok ng mga kaibigan nya ang makakalaban nila sa game? Ano pa kaya ang isisisi sa akin ni Gaelan?

“Look where your decisions got you.” Itinuro ni Gaelan ang mga nakahiga sa lupa.

“Gaelan.”

“Ano? Sabihin mo sa akin na may idinulot na maganda ang pagsali mo doon sa squad. These people are now fantasizing about you and I bet there’s more. How much attention do you really need?!” Pagalit na sabi nya sa akin. Napayuko ako dahil sa kanyang pagsigaw. Mabuti at walang tao na napapadaan man lang.

“Hindi ko hiningi ang atensyon nila…” Impit ang boses ko.

“Then ano? Why don’t you just stay who you are, Maria? Why do you keep on changing? How much blood should shed dahil sa katigasan ng ulo mo? Ilan pa kaming mapapaaway ng dahil sa pagiging impulsive mo?”

“I am not being impulsive.” Pagtatanggol ko sa aking sarili kahit nanginginig na ang boses ko.

“Hindi? Then why are you wearing that uniform? Why did you lie?” Sigaw ni Gaelan na para bang hindi ko sya naririnig, hinihingal pa sya sa sobrang inis.

“I did not lie!” Bumulusok ang luha sa aking mata kasabay ng pagsigaw ko. Halos masamid pa ako sa sobrang sama ng loob. Why is he so mad about it? Kung kilala nya ako, he would know that I did not intentionally do it para magpapansin.

But he doesn’t know me at all. Now I have to explain.

“I wanted to surprise you at magkaibang bagay yon. Do you know how much it costs?” My voice cracked– Out of frustration, disappointment at marami pang bagay na ngayon ko lang naramdaman.

“It cost me every bruise, every sprain and muscle ache because I am not really good at anything but I tried. Hard. Really, really hard to please you.” Pinalis ko ang luhang nag-uunahan sa aking pisngi habang nababasag ang aking pagkatao. Nilalamukos ang puso ko sa sobrang sakit lalo na kapag nakikita ko sya na parang walang balak sumuko sa galit nya.

“Yung makita ang mga mata mong humahanga dahil nakikita mo akong magaling sa isang bagay na hindi nagagawa ng iba? It would probably make me jump for joy. Gusto ko ng ganon. K-Kahit kaunting appreciation lang, kahit katiting nung kinang ng mata mo noong kumanta si Heather sa stage, pahingi naman non—”

“Heather? So si Heather ang issue. Paano naman sya napasok sa usapan?” He asked in full sarcasm. Ilang beses bang makukurot ang puso ko dahil sa pag-uusap na ganito?

“She is not the issue Gaelan. Ikaw. Bakit hindi mo kayang maging proud sa akin? Kasi alam mo, proud na proud ako sayo—”

“Don’t use that line to me. Do not get there!” Naiinis na sigaw nya and it breaks my heart. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingin sa malayo. Katahimikan. Tanging langit lang ang saksi sa palitan namin ng mga salita at sa mga pagdaing ng luha ko.

Tumunog ang cellphone ko, marahil ay iniintay na ako nila Chief Smiths. Nadidismaya kong tiningnan si Gaelan.

“Gusto ko lang makuha ang atensyon mo, ang dami mo ng sinabi.” Hindi sya sumagot kaya nagpatuloy ako.

“I am filthy rich and I can afford a security to protect me and even to die for me. I don’t need you to bleed, Gaelan, I won’t appreciate that.” Matigas kong sabi, nagtiim bagang sya at tinitigan ako. Hindi ako sigurado kung paano ko napanatili ang pagiging straight-faced kahit patuloy na umaagos ang luha ko na parang patak ng ulan. My knees trembled, I felt my chest crumpled. Tumalikod na ako sa kanya dahil yon ang pinakatamang gawin bago ko pa maipunto at maipaalala sa kanya that I am Maria Arabella Kassandra Floresca, the heiress who just choose to live this life with audacity. At sila, ang maswerteng naging parte nito.

“Just make this heart stop bleeding. Masakit na.”

Buong lakas akong humakbang papalayo. My soul is wounded. Pakiramdam ko gusto na ako nitong iwan dahil sa buong buhay ko ngayon lang naging ganito kasakit. Maybe because you did not expect that the person whom you have loved most will be the one to hurt you. Kung sino pala ang minahal mo ng sobra, sila lang ang may kakayanan na manakit sayo ng ganito katindi.


“Hello Pincess!” sinalubong ako ni Mommy pagkagaling ko sa school. Dumaan muna ako sa mall para magbihis dahil hindi na ako nagkaroon ng oras. Ginawa ko na ding dahilan iyon para palipasin ang pamumula ng aking mga mata.

“Mom, dumating na pala kayo..” Lumapit ako at humalik sa kanyang pisngi.

“Of course, we only have a month to go to prepare for your 17th birthday.”

“I don’t want anything, Mom.” I snorted. Alam kong hindi naman sya papayag. Nung 16th birthday ko kasi ipinangako ko na sa kanya na papayag akong magpaparty sya ngayon.

“Why not? It is just a party where you can invite your friends. Of course, girl friends huh. Kung ayaw mong magwala ang mga Kuya mo.”

“Hello Baby Girl!” Nagulat pa ako sa presensya ni Sam sa aking harapan. When there’s party, there’s Sam. She makes sure everything’s okay.

“Wag kang makikinig kay Tita, she just have to say it just so she can tell your Kuya’s that she warned you about boys but we can really invite guy friends di ba, Tita?”

Natawa si Mommy at nagkibit balikat, ngumuso sya at itinuro si Kuya Gilad na nandoon lang sa paligid.

“Gilad! Pinagmamasdan mo na naman ang kagandahan ko. Hindi pa tayo tapos, sino yung babaeng kasama mo nung isang araw?” Malambing at tila nagtatampong sambit ni Sam.

“Ikaw? Sino ang kasayaw mo doon sa club?” Tinaasan sya ng kilay ni Kuya Gilad at agad na pumula ang pisngi ni Sam.

“Oh my gosh si Jake!” Kinikilig na sambit ni Sam. Pabagsak na inihagis ni Kuya Gilad ang papeles na hawak doon sa centertable at nagwalkout.

Mayroon ba silang selosan?

Bakit hindi naman sila nagsisigawan? Bakit hindi umiiyak si Sam? Bakit ako umiiyak kapag nagseselos?

Ang weirdo ko talaga.

Sa sumunod na araw ay hindi na ako pumasok. Nanatili lang ako sa bahay dahil isang linggo naman ang Intercollegiate. Sinubukan ko munang maglaan ng oras sa aking sarili, hinayaan kong hindi gumana ang aking cellphone Pangalawang araw pa lang ay inip na inip na ako. Madalas lang ako sa aking kwarto at umiiyak. My tears is my breakfast in the morning and my dinner at night. How much did I lose in me? Hindi ko na matagpuan ang aking sarili. Kahit humakbang ako pabalik, wala na akong makitang bakas ng pagkatao ko noon.

This world really changed me. Totally. 360 degrees.

Then I realized a lot of things. Maybe I fell inlove too early, I lose myself in the process. Hindi ko man lang maibigay ang hilig ng sarili ko, kumuha agad ako ng isa pang iisipin. Nilagay ko ang buong mundo ko kaya hindi ko malunok na hindi lang ako ang nasa mundo nya.

Yes. This is too early.

Pangatlong na araw ng Intercollegiate, pumasok muli ako sa pag-aakalang nabuo ako sa pagiging mag-isa, pero nang makita ko muli si Gaelan at magkasama sila ni Heather? Nabasag muli ako.

“Ria! Ngayon ka lang ulit pumasok? Nanalo kayo sa Cheering Competition!” Masayang pamamalita sa akin ni Heather. She’s wearing high waisted maong shorts and a white racerback, nakalugay ang kanyang mahabang buhok at nakasuot din sya ng puting baseball cap at sneakers. How can I be jealous of this girl and think that she looks good with Gaelan?

Tipid lang akong ngumiti sa kanya at tumango, si Gaelan ay hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Kakalabas lang nila sa Food Alley samantalang ako ay papasok pa lang sana.

“Pasok muna ako sa loob.” Nagawa kong sabihin. Pumasok nga ako pero hindi man lang ako humakbang, inantay ko lang na sumara ang pinto, nag-ipon ng lakas ng loob tapos lumabas ako muli ng matiyak ko na nakalayo na sila.

Hinanap ko ang daan patungo doon sa chapel, I need to vent out again, kailangan ko ulit mag-pray. I have to ask forgiveness everytime I see Heather with him, nagsasawa na ako dahil pati yon ay kailangan kong ipaghingi ng tawad. Pagtapak ko sa loob ay tumalikod akong muli ng makita ko ang pamilyar na katawan na nakaupo doon sa pinakagitna.

“Wag kang aalis.” Sambit ni Gaelan.

Alam kong hindi ko naman kailangang sumunod sa kanya pero hindi ko din maihakbang ang paa ko, naestatwa ako doon sa kinatatayuan ko.

Tumayo si Gaelan at dahan dahang lumapit sa akin, pinanliitan nya ako ng mata at masuyong hinaplos ang pisngi ko. Pinigilan ko ang kamay nya dahil nilulusaw ng hawak nya ang pagkatao ko, ganoon ang pakiramdam.

“Im sorry..” Bulong sa akin ni Gaelan. Sa bulong pa lang nya halos bumigay na ang sistema ko pero pinulot ko ulit at pinagtagpi tagpi ang puso ko na ilang ulit na nyang binasag.

Umiling ako, “I am too young.”

“Don’t say it..” Mariin na pumikit si Gaelan, alam nya kung saan papunta ang usapang ito and he’s right.

“I am too young and I don’t know how to handle this. Gaelan, I am too young.”

“I don’t care. Sige, sorry. Sorry Tabs. I was wrong. Sa tingin mo ba, sayo lang bago ang lahat ng ito? Sa akin din.. I don’t like anyone seeing you the way I do. I don’t want them to see why I love you but I am very proud of you. Very proud of you.” Nagpahinga ang noo ni Gaelan sa aking noo, nagsusumamo ang kanyang mata at bahagyang basa pa ito. Sinalo ni Gaelan ang pisngi ko ng dalawang palad nya, my face seems so small with his hands.

“Tabs, sorry.. Sorry. Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. You want to grow? Then go. I will let you. Just don’t do this. Please.” Pumikit ako, ayokong makita si Gaelan na ganito. He broke me! Couple of times, I can forgive him but staying in this relationship keeps me on chastising myself. Nalulunod na ako sa sobrang pagmamahal ko sa kanya at hindi na din iyon makatarungan.

“Let’s break up..”

“No.. No.. Tabs. Break agad? Pag nag-away tayo, break agad? Bakit ganon? Normal lang naman ang nag-aaway ha? Normal lang ito. Ito na nga, nagsosorry na ako..”

“Gaelan, please..”

“I missed you. I missed you. Im sorry..”

“I just realized that I am not ready..”

“Tabs.” Putol sa akin ni Gaelan, may luhang umalpas sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung gaano pa ang itatagal ko sa usapan na ito, bawat patak ng luha ni Gaelan gusto kong saluhin. Gusto kong ako lang ang masaktan, akala ko ako lang ang masasaktan.

“Kailangan kong mapag-isa.” I said. Unti unting dumulas ang kamay ni Gaelan pababa ng aking mukha. Punong puno ng sakit ang kanyang mga mata.

Gaelan is the one. I love him to bits that it is really painful. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa sobrang sakit at pagmamahal.

My heart pounded so hard for him that it ended up breaking at the same time. Kasabay ng pagmamahal ko.

“I will give you space if I don’t love you.” Seryoso akong tiningnan ni Gaelan sa mata.

“But I do, so—stay.. Kapit lang, Baby.” Wika ni Gaelan at masuyong hinalikan ang aking noo.

Kabanata 36

Maki Say’s: Maraming salamat sa bumati sa akin ng Mudra’s Day ❤️ At sa mga hindi nangulit ng update dahil araw ko yon. Thank you 😊 Although this chapter is long. Pambawi.

Break. (The Second)

“Please, Gaelan. Hayaan mo muna akong makapag-isip.” Pakiusap ko. Kung naniniwala ako sa kasabihang ‘If you love someone set them free.’ taliwas ang kay Gaelan.

“At pano kapag naisip mong ayaw mo na sa akin?” Hinawakan ni Gaelan ang aking siko na parang nakadepende doon ang desisyon ko.

“S-siguro hindi talaga..” Nag-iwas ako ng tingin. Tingin ko ay hindi mangyayari yon. Hindi ako dadating sa puntong hindi ko na sya gusto. Naiisip ko pa lang ay tiyak na itatakwil ako ng sarili ko sa sobrang pagde-deny.

“No! Hindi pwede. Bakit ang bilis namang magbago ng isip mo?” Buong pag-tatampong sambit nya and it breaks my heart to him like this. Hindi naman nya kailangang magmakaawa para mahalin ko sya dahil andon na ako. Ang hinihingi ko ay oras para maitama ko ang sarili ko bago pumasok sa relasyon na kagaya nito. 

Exclusivity has a lot of meaning. Exclusivity do not give you the right to be selfish, to be narrow minded and to hate people. Ang pagiging ekslusibo ay may kaakibat na responsibilidad na maunawaan na may sarili pa ding mundo ang isa at yon ang gusto kong maintindihan ko. I want to find my individual self before being with someone. I also want to understand Gaelan’s individuality, that way, I wouldn’t be insecure.

“This is too fast, Gaelan. Think about things too, baka h-hindi naman talaga ako ang mahal mo.”

“What? Did I make you feel that?” Gulat na gulat ang mukha ni Gaelan.

“–O may mahal ka pang iba.” Pagtatama ko na ang nasa isip ay si Heather. That maybe, unknowingly, inintay nya ang pagbabalik nito kaya lang ay nandito na ako, dumating na ako at hindi na nya ako maitulak papalayo dahil gusto nya lang panindigan.

“What? Tabs, may iba pa ba tayong problema dito? Sino?”

Hindi ako nakakibo, I don’t want him to make me say it. Hindi nya ba talaga nararamadaman? Their closeness is like a rust to me, unti unti nitong nilalamon ang mahina kong puso hanggang sa hindi ko na ito makilala.

“Si Heather.. Nagseselos ka kay Heather?” It’s like a light bulb moment for him.

Tiningnan ko lang sya sa mata at hindi na sumagot.

“Tabs! For crissake! We are childhood friends. If I love her like I love you sa tingin mo magmamakaawa ako na wag natin tapusin ito ngayon?” Hinawakan ni Gaelan ang magkabila kong braso para tumingin sa kanya.

“Hindi ko nga naiintindihan Gaelan! Nasasaktan ako kapag magkasama kayo pero alam ko namang hindi tama kasi magkaibigan kayo. Nahihiya ako sa sarili ko kapag nararamdaman ko yon kaya nakikipagbreak ako. Bago mo pa sabihin na mali ang nararamdaman ko, alam ko na. That’s why I know I am not doing this right. I hate this feeling. Kailangan kong mag-isip ng malayo sayo.” Yumuko ko para hindi nya makita ang mukha ko na punong puno na ng luha. Iniangat ni Gaelan ang baba ko at ipinaharap sa kanya.

“Tabs. Ikaw ang mahal ko. Panghawakan mo yon.”

“At yung nasasaktan ako, titiisin ko? Can I teach this not to feel anything? Can I really dictate this?” Tinuro ko sa kanya ang puso ko. “Hayaan mo muna ako, kapag nakapag-isip isip na ako saka na tayo mag-usap ulit.”

Tumalikod na ako at papalapit na sa pinto ng chapel. I can’t stay any longer.

“Are you making me choose between you and Heather?” Napigil ako sa tuluyang pagbubukas ng pinto.

“I am not asking you to choose.” Nanginig ang boses ko.

“You are!” Giit ni Gaelan.

“No, I am telling you that I want to be alone because I want to learn. Gusto kong mapag-isa dahil gusto kong ituwid ang isip ko, I know this will help me in the future. Hindi kita pinapapili. Kung gusto mo ding gumawa ng bagay na maitatama ka o mas mapapabuti, then do it. Bye Gaelan.”

Naglakad ako patungong rooftop ng Arts And Letters Building, doon kasi ang pinakamalapit. Binuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang mangyayari sa mga susunod na araw, siguro ay mas masakit. Siguro mas magiging malapit sila, siguro tuluyan na kaming magkakalayo.

Isang kamay na mayroong panyo ang lumebel sa aking mukha. Tiningnan ko muna ang nag-aabot at nakita kong si Yuki iyon. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang mukha ko, balewala din naman dahil laging mayroong bagong bugso ng luha.

“Masyado ka pang bata para umiyak ng ganyan kadami.” Malumanay na sabi ni Yuki. Pinigilan ko ang paghinga para hindi tumulo ang luha pero ganoon pa din, parang gripo ang mata ko.

“Kung ako ang magulang mo, grounded ka.”

Nakuha non ang atensyon ko.

“Bakit naman? Masama bang umiyak?” Nakasimangot na tanong ko.

“Alam mo yung joke na PBB Teens?”

I shook my head.

“You are too young to fall inlove as serious as that.”

“Eh yun ang nararamdaman ko eh.” Gusto kong magmaktol. Hindi nya lang ako naiintindihan. “Matanda ka na ba Yuki?” Umismid ako.

“I am older than you, at least.”

“Break na kami.” I sighed. Hinayaan kong hanginin ang buhok ko at dinama ang sinabi ko. Break na. Wala na. Tapos na.

“See, mature people won’t do that.” Yuki uttered.

“Paano kung nasasaktan ka na?”

“Di ba ikaw nga ang nagsabi na gusto mong masaktan kaya ka nakikihalubilo sa amin?” Tinaasan ako ng kilay ni Yuki. “Tapos kapag nasaktan ka, ayaw mo na?” Sinasabi nya yon na parang pinapagalitan ako, natigil tuloy ako sa pag-iyak.

“So dapat hindi ako nakipagbreak?”

“Dapat nag-intay ka muna ng pagkakataon at siguradong sigurado ka na. Do you think hindi nasasaktan si Gaelan ngayon? Ngayon pa lang nagmahal si Gaelan. Fck corny. But I think he really loves you”

“Ako din naman ah.”

“Exactly. Nagkasakitan lang kayo.”

“Ikaw Yuki, nagmahal ka na ba?”

“Yes.”

“Nagkasakitan din kayo?”

“Ako lang. Hindi sya kasali. Hindi naman nya alam eh.”

“Bakit hindi mo sabihin?”

“She’s too young.”

“Like 10 years old?” Grabe naman kung sampung taong gulang pa lang ang minamahal ni Yuki. Matagal tagal pa pala syang mag-iintay.

“No, like 16.”

“Ah, ka-age ko pala.” Tumango tango ako. “Pero 17 na ako next month, will that make me old enough?”

“Age is just a number.”

“Parang Ponds ?” Remembering the beauty product which used that line he said.

“Experience is what makes you old, and that makes you come up with better decisions. Hindi pa ako tapos eh.”

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pag-uusap namin ni Yuki. Time is what I really need. Time and experience maybe. Sinimulan ko ang pag-iisip ng huling araw na magkita kami ni Gaelan although I really missed him. Kung hindi pa kami ni-require na pumunta sa school para sa huling araw ng Intercollegiate ay hindi pa sana ako papasok. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong iakto kapag nagkita kaming muli.

Nandoon ako sa gymnasium kasama ang Cheering Squad sa huling araw ng Intercollegiate. Awarding Ceremony na kasi at nanalo nga ang Keio sa karamihan sa mga laro.

“Ria, tinetext ka namin, bakit hindi ka nagrerelply?”

Ngumiti ako ng tipid kay Rona. “Sira kasi ang cellphone ko.” Pagsisinungaling ko. Ang totoo ay hindi ko binubuksan. Umusog ako ng kaunti para makaupo sila.

“Kung may pinagtataguan, magpalit ng number.” Suhestyon ni Rona. Napangiwi ako, alam nila siguro ang ginagawa ko ngayon.

“Sorry talaga ha.. Hindi namin akalaing pag-aawayan nyo pa ito ni Gaelan.” Rona looked at me with sincerity.

“Hindi. Nagkaintindihan na kami sa bagay na ito.” Sambit ko. Ako lang talaga ang umayaw.

Sabay sabay kaming napalingon sa stage ng ianunsyo na ang simula ng program. Binanggit muli ang pagkapanalo ng cheering squad at kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagmamalaki. Ang pinakapanghuli ay ang anunsiyo ng nanalo sa basketball team, alam ko na din na ang Keio ang nanalo doon.

“Ang galing galing nga ni Gaelan..” Bumulong si Sunshine sa katabi nyang si Angelique. Hindi naman ako makapagkumento dahil hindi ko man lang napanood kahit isa. Siguro ay inspirado pa din sya dahil sinuportahan naman sya ni Heather. Hindi naman talaga kailangang nandoon ako.

“Siguro sya ang MVP.” Bulong pa ni Clara. I sighed. Kung naging magaling sya sana ay sya nga, deserve naman nya yon. Sa kabilang bleachers nakita ko doon si Heather kasama ang kanyang mga kaklase. She’s all smiles looking at the stage. Tiyak kagaya ko ay proud din sya para kay Gaelan.

Pumapalakpak ako sa bawat pagtawag ng team na nanalo, pinapunta naman kami dito para pumalakpak. Inanunsyo na ang 3rd at second place sa basketball.

“And now. This year’s Basketball Competition winner, they made a history being the first Grandslam champion of Intercollegiate for 70 years, may we call on, KEIO Timberwolves!”

Kumurap kurap ang ilaw sa gymnasium ng Keio at napalitan ng maliliwanag ng ilaw ang masayang music. They all stood up to clap their hands for Keio. Gumaya din ako. Napunta agad ang mata ko kay Gaelan, they are all wearing their white varsity jacket in jeans but Gaelan just stood out. Mapapatingin ka din sa kanya, siguro dahil ay maraming sumisigaw ng kanyang pangalan.

Isa isa silang sinabitan ng medalya. Tipid na ngumiti si Gaelan.

“Ang gwapo talaga ng boyfriend mo, Ria.” Siniko ako ni Sunshine sa sobrang ligaya, sinuway naman sya ni Rona sa ginawa. Umupo na ako dahil hindi maganda ang aking pakiramdam, masaya ako na malungkot. Tumingin ako sa aking mga sapatos lalo na ng magsalita ang emcee.

‘And this year’s Most Valuable Player is Gaelan Blake Ancheta!’ Nagsigawan ang lahat ng ianunsyo ang kanyang pangalan. Hindi na ako tumingin. Para kasing sasabog ang puso ko sa sobrang saya ko para sa kanya pero hindi ko maipakita. Baka sabihin ni Gaelan, ang weird ko, nakipagbreak ako tapos kung makapalakpak naman ako, wagas. Tahimik na lang na nag-clap yung puso ko para sa kanya.

“Any words for your fans?” Tanong nung emcee. Gusto ko ng umalis, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ayokong marinig ang boses nya sa ngayon. Hindi pa talaga maayos ang pakiramdam ko.

“Ano yung nandoon sa kamay ni Gaelan?” Narinig kong bulong sa akin ni Rona. Napatingin din ako sa kaliwang kamay ni Gaelan na may hawak ng mikropono. Kapansin-pansin kasi ang kulay itim na kung ano doon sa kanyang daliri.

“Is it a tat? Pwede bang magpatattoo sa Keio?” Tanong naman ni Sunshine.

Kyuryoso din akong tumingin doon at pinagmasdang mabuti, nilipat ko ang tingin ko kay Gaelan at napansin kong nakatingin na sya sa akin at huli na para umiwas.

“Uhm, I want to extend my thanks to all the students of Keio.” Nagsigawan ang lahat ng magsalita si Gaelan, halos mapapikit ako sa boses nyang yon dahil namimiss ko naman na talaga syang kausap.

“Maria Arabella Kassandra Floresca, para sayo to kahit hindi mo ako pinanood. Mahal na mahal kita.”

My cheeks flared up with his statement. Umugong ang buong gym sa kanyang anunsiyo. Tunog ng nadidismaya pero karamihan ay natutuwa. Namanhid ang buong mukha ko, para lumabo pa nga ang paningin.

Talaga bang sinabi nya yon? Halos mahimatay na si Rona sa aking tabi, nagpapapadyak din ang mga kasamahan ko sa cheering squad at pinisil at kinurot pa ako nung iba. Para silang mga ipo-ipo na nagpaikot ikot sa sobrang kilig!

Ano bang ginagawa ni Gaelan?

Naramdaman ko na lang ang paghila sa akin ni Sunshine pababa ng bleachers, nasa ikalawang baitang lang naman ako kaya hindi mahirap. Nagpabigat ako ng husto, anong gagawin ko? Napatingin ako kay Gaelan, nakatingin sya sa akin, hawak ang kanyang trophy. Walang ano-ano ay humakbang sya patungo sa akin. Mas lalo kong ginustong lamunin na lang ng lupa!

Binitawan na ni Sunshine ang kamay ko, doon ko naramdaman ang kamay ni Gaelan sa akin, mataman nya akong tiningnan habang pinagdadaop nya ang palad namin. Bumaba ang tingin ko sa daliri nyang may tinta. In his left hand ring finger there’s an ink, at letter ‘M’ iyon. Sinubukan kong burahin, napangiwi si Gaelan.

![](https://img.wattpad.com/c73069fc32ce06f22cc651681f1a6f01071266e2/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f49435466516d44756462397a52413d3d2d3235343539363531322e313434636337633165373738353238362e6a7067)

“Bago pa lang yan, masakit pa, Baby.”

“Anong ginawa mo?” Pagalit ko sa kanya, nakalimutan ko na ang mga matang nakamasid sa amin.

“It’s your initial in my ring finger.”

“I know, pero bakit?”

“You will put our wedding ring on it.”

“Gaelan.. Let’s take this slow.” Umiwas ako ng tingin. Mataman akong tiningnan ni Gaelan at hinaplos ang pisngi ko.

“Wag ka ng magtampo. Wag kang lumayo sa akin, ako ang mag-aadjust. You don’t need to have second thoughts about it, girlfriend ko ang priority ko.”

Kitang kita ko ang determinasyon sa mga mata nya. How can he say it? This world is full of uncertainties, hindi lahat ng gusto mong mangyari, yun ang mapupunta sayo. Kahit ganoon ang gusto ko, hindi ko tiyak kung kakayanin ba ng puso ko ang mangako ng walang hanggang sa kanya. Tama si Yuki, gusto kong makaramdam ng sakit pero kapag naramdaman ko na, naduduwag na ako, hindi ko na kaya. Ngayon, naiisip ko pa lang ang pinagdaanan namin ni Gaelan na away at ang posibilidad na maulit yon, natatakot na ako.

Pero yung puso ko talaga, makulit.

Sumubok ulit ako pero may pag-iingat. Ngayon ay hindi ko na masyadong binibigyan ng kahulugan ang pagkilos nya. Sometimes when you overanalyze things, doon ka mas nasasaktan. Mas binabantayan ko ngayon ang aking sarili kahit na walang patid ang panunuyo sa akin ni Gaelan.

“–Maganda at safe naman ang campsite sa Magsaysay. It is your opportunity to experience to disconnect with the outside world. Yun ay kung gusto nyo lang naman.” Kaswal na sambit ni Professor Aranque na dinidiscuss ang imbitasyon sa aming klase para magtungo sa retreat ng isang linggo which means half of our sembreak.

But I don’t think I will be allowed to stay in the province for a week.

“So sino ang makakasama?” Professor Aranque asked. I didn’t raise my hand kahit halos lahat sila ay sasama. I sighed. Madami pa naman sigurong next time.

Niligpit ko ang gamit ko ng matapos ang klase, nag-iintay na din si Gaelan sa labas.

“Gutom ka na, Tabs?” Bungad sa akin ni Gaelan pagkalabas ko ng classroom. I nodded, late na din kaming nadismiss. Tahimik kaming dalawa na naglalakad patungo sa Food Alley, kahit araw araw naming ginagawa ang sabay na pagkain, ramdam ko na mayroong nag-iba. Hindi lang ako ang dumidistansya, ganoon din si Gaelan, para syang nakikiramdam sa dapat nyang gawin para hindi na ulit ako makipagbreak sa kanya.

Pinaupo ako ni Gaelan sa bakanteng lamesa, hindi doon sa upuan ng mga kaibigan nya dahil nandoon ang Yukan’na. Tipid akong kumaway kay Selene, ganoon din ang ginawa nya. Wala doon si Heather, sa kabilang bandang lamesa sila nakapwesto, nakita ko syang nakatingin sa amin ni Gaelan. Kasama nya ang mga kaklase nya, ngumiti din sya sa akin at kumaway. Ganoon din ang ginawa ko kahit nakukunsensya ako, alam kong iniiwasan sya ni Gaelan para sa akin.

Inantay ko si Gaelan na bumalik dala ang aming pagkain.

“Gusto mo ba nito?” Tanong nya habang ibinababa ang grilled chicken at iba’t ibang klaseng gulay na walang hipon. Tumango ako, ayos lang naman sa akin.

“Sa sabado pala yung concert, uhm, makakasama ka ba?”

Matagal pa akong nag-isip para maalala ang concert na sinasabi ni Gaelan. Oo nga pala, yung paborito nyang banda. Nandoon ang mga kaibigan nya, nandoon din si Heather. Siguro ay ayos lang kung wala ako.

“Hindi na siguro, ikaw na lang.” Sagot ko. Napatigil si Gaelan sa pagkuha ng pagkain at tinitigan ako.

“Sumama ka na, nangako ka.” Sabi nya, “We still do things as partners right? Please?”

Huminga ako ng malalim, I made a promise. Kahit hindi ko maintindihan ang sitwasyon namin ni Gaelan, hindi dapat naapektuhan ang pangakong binitiwan ko. Kaya pinroblema ko maghapon kung paano ako magpapaalam kay Daddy at Mommy.

Sumilip ako sa library ng aming pamilya pagkadating ko mula sa school, madalas ay nandito si Daddy para sa mga papeles na kanyang iniuuwi sa bahay. Nag-angat sya ng tingin ng maramdaman nya ang pagbubukas ng pinto.

“Dad..” I uttered.

“Yes, sweetheart?”

“C-can I… Can I watch a concert with friends?”

Ilang segundo akong tiningnan ni Daddy bago magsalita. “Concert.. With friends. Sino sinong mga kaibigan? Kakilala ko ba sila?”

“Hindi pa po.. Just r-random classmates from school.”

“Baka hindi safe yon, Hija. Concerts have the worst crowds, nagwawala ang mga tao, smokers are everywhere, may mga nakainom—”

“Dad, please?” Pagsusumamo ko. Hinawakan ko pa ang ibabaw ng kamay ni Daddy para maramdaman nya ang pagiging desperado ko. “I will be a good girl. I promise.”

Huminga ng malalim si Daddy at tiningnan akong mabuti. “You will bring your security with you. Uuwi ka pagkatapos na pagkatapos ng concert.”

Tumango tango ako. Mabuti iyon! Basta makakapunta ako.

Hindi ko na nakakasama ang Yukan’na ng mga sumunod na araw kaya hindi ko alam kung ano ang aasahan ko doon sa concert. Unang beses ito. Unang beses na pinayagan ako ni Daddy. Nabanggit ko naman kay Gaelan at naging masaya sya. Gustong gusto nya ang bandang yon.

“Doon ba tayo magkikita, Tabs?” Inilipat ko sa kabila kong tenga ang cellphone habang kausap si Gaelan. Bukas na ang concert at hindi talaga mapalagay si Gaelan.

“Oo.. Kailangan kasing kasama ko ang bodyguards ko. Ihahatid nila ako doon.”

“Okay.. Magsuot ka ng kumportableng damit. Wag kang mag-palda o di kaya ay dress, magsuot ka din ng sneakers.” Bilin pa ni Gaelan, tumango tango ako kahit di nya nakikita.

“Mahal kita.” Sambit ni Gaelan para putulin ang katahimikan.

Mahal din kita.

Ang salitang ilang araw ko na ding nililimitahang sabihin. Ayaw ko na ding magpadalos dalos. Ayaw ko din na isipin nya na sobrang nahuhumaling ako sa kanya kahit totoo naman yon. Minsan kasi, kapag ikaw ang mas nagpapakita ng pagmamahal, ikaw ang nababalewala. Ayoko lang maulit ang dati.

Dumating ang araw ng concert. Nakabihis na ako, skinny jeans, puting scoop tshirt at sneakers ang sinuot ko, sinunod ko ang sinabi ni Gaelan. Alas-sais ang usapan namin na magtagpo doon sa entrance. Tinext ko si Gaelan ng sumakay ako sa sasakyan at sinabi nyang nag-iintay sya, maaga pala nagsisimula ang concert?

Mayroon ng pila doon sa venue pagdating ko pero mukhang hindi pa nagpapapasok. Everyone has banners huge and small. Mukhang masasaya at excited ang lahat pero ako talaga walang reaksyon dahil hindi ko naman kilala.

“Young Maiden, mag-i-station lang po kami sa palibot ng area. Ayos lang po ba kung pipila kayo o dito muna kayo sa sasakyan?” Si Chief Smiths.

Tumango ako, puro kabataan lang naman ang nasa paligid kaya sigurado akong ligtas.

“Aantayin ko lang ang mga kaibigan ko, I don’t want them to feel intimidated with my bodyguards. Please be discreet, Chief.” Bilin ko. Tumango si Chief Smiths at sumenyas sa kanyang mga kasama bago tuluyang lumayo sa akin.

Nagparada ang tatlong itim na sasakyan ng mga bodyguards ko at natabunan sila ng napakaraming tao. Tumunog ang cellphone ko, tumigil muna ako sa paghahanap kina Gaelan at sinagot iyon.

“Kahit madaming tao, ikaw agad ang nakikita ko. Ano bang pinakain mo sa akin?” Napangiti ako ng marinig ang boses ni Gaelan.

“Gulay at isda.” Sagot ko.

“Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko, Baby.” Nag-init ang pisngi ko.

Nasaan na ba si Gaelan? Alam kong nakikita naman nya ako!

“Dati ay mataba ako. Ayaw mo sa akin kasi mataba ako.” Pag-papaalala ko sa kanya. I even rolled my eyes.

“Dati mataba ka, ayaw ko sayo dahil nakuha mo ang atensyon ko kahit mataba ka.”

“Bakit binobola mo pa din ako? Nasan ka ba?” Natatawang tanong ko.

“Pag marami na pala ang nasa harap mo, hindi mo na talaga ako makikita.” May himig ng pagtatampo si Gaelan. Nagpalinga linga ako. Nasaan ba talaga sya?

May kakaiba akong napansin na nakatayo at mayroong hawak na lobo sa di kalayuan, hugis puso pa ang lobo!

“Ikaw ba ang may lobo?” Gusto kong matawa. “Paano kita makikita kung nagtatakip ka ng mukha?”

“Can you follow the balloon, Baby?” Tanong nya.

“Uhm..” Sinubukan kong lumapit sa lobo pero naglalakad ito, sumuot suot ako sa napakaraming tao para lang masundan, kapag nawawala ako ay titingala ako para makita ko ito. Parang hindi nauubos ang tao. Hanggang sa nakita ko na nakahinto ang lobo. Nakita kong nakatali iyon sa sasakyan ni Gaelan. Tinanggal ko ang pagkakaribbon nito sa door handle at ininspeksyong mabuti.

“Sakay.” Utos ni Gaelan pagkabukas ng bintana.

Sumakay agad ako sa kanyang sasakyan.

Ngumiti si Gaelan at hinawakan ang kamay ko. “Good job, Tabs.”

“S-saan tayo pupunta?”

“Itinakas lang kita sa mga guards mo.” Gaelan chuckled habang nagsisimula ng paandarin ang sasakyan. “Turn-off your phone.”

“Di ba manonood tayo ng concert..” Pagpapaalala ko sa kanya.

“I have better plans.”

“More than your favorite band?”

“For my favorite girl.”

Pinisil ni Gaelan ang palad ako at kalmadong nagpaandar ng kanyang sasakyan.

Ilang ulit akong nagtanong kung saan kami pupunta pero surprise daw! Si Gaelan talaga ang daming kalokohan.

Napagtanto kong malapit sa bahay nila ang binabaybay ni Gaelan na daan. Pupunta kami sa kanila o ano?

Nadaanan na namin ang bahay nila pero lumagpas lang siya. Saan ba talaga?

Isang bakanteng lote ang pinaradahan ni Gaelan. May chicken wire na nakaharang at may nakalagay na ‘PRIVATE PROPERTY’. Mukhang wala namang tao sa loob, kulay berde ito dahil sa mga halaman at napakatahimik. I can even see the birds flying towards the area, siguro ay pupwesto na sila sa mga puno para tulugan.

“Halika na.” Pag-aaya sa akin ni Gaelan.

“Saan?”

“Dito..”

“Sinong mayari nyan?”

Hindi sumagot si Gaelan at nagsimula na syang maglakad. Sumunod na lang tuloy ako. Binuksan nya ang nagsisilbing gate doon sa lugar. Pumasok sya at sumunod pa din ako kahit kinakabahan. Are we trespassing?

“Alright, we need to hike a bit..” Hinawakan ni Gaelan ang aking kamay. Sobrang bare pa nung lugar. Puro puno lang pero mukhang well-maintained naman. Mayroong paakyat na pathwalk na tanging hindi natatakpan ng makapal na damo’t halaman at doon kami umakyat ni Gaelan. Ano kayang mayroon doon sa itaas? Parang bakante din naman. Naghahati ang dilim sa liwanag kaya nakikita ko pa ang palibot. Kaya lang mamaya ay madilim na! Late na din kami sa concert, hahanapin kami ng mga kaibigan namin.

Siguro limang minuto kaming nag-lakad paakyat. Wala ng ilaw sa itaas kaya nangapa ako, ang liwanag ay tuluyan ng nilamon ng dilim. Just when we stood there under a big tree, sumilip ang buwan sa pinakamataas na bahagi ng lugar. Doon ko napagtanto kung nasaan kami. It’s a cliff! Hinila ako ni Gaelan sa pinaka dulo non.. Ganoon na lang ang pagkamangha ko ng makita ko ang man-made lake sa ibaba! Kumikinang ito dahil sa perpektong bilog na buwan, yun ang nagsilbing liwanag.

“Ang ganda!” Bulalas ko. Gaelan smiled widely.

“Nagustuhan mo?” Tanong sa akin ni Gaelan. Tumango tango ako. Higit pa sa pagkagusto ang pakiramdam ko, napakasaya dito! Matahimik, mahangin, ang liwanag na nagmumula sa buwan at tunog ng tubig sa ibaba. It is really enchanting!

“Good. Halika.” Hinawakan ni Gaelan ang aking kamay, Nagtungo kami sa kabilang dako ng cliff, ilang hakbang lang naman ang layo. May nakikita akong mga gamit na hindi ko mapagtanto kung ano pero naliwanagan ako ng magbukas si Gaelan ng maliit na lamp na may dilaw na ilaw. Sapat lang ang liwanag nito para makita ko ang tent at barbecue grill sa katabi non. Na-excite ako bigla. Are we going to camp? Bonfire, barbecue and soft music? I really like the idea though.

“Do you love camping?” Tanong ko kay Gaelan. Umiling si Gaelan.

“I saw how your eyes lit up when Professor Aranque invited your class into a camp pero hindi ka nagtaas ng kamay nung nagtanong kung sino ang sasama.” Yumukod si Gaelan at pinisil ang pisngi ko. Nalungkot ako ng maalalang hindi nga pala ako makakasama doon.

“Hindi kasi ako pwede doon.” Napanguso ako. Gaelan hugged me.

“I know, so we are doing this.”

“Paano yung concert na gusto mo?” Bulong ko sa kanyang dibdib.

“Alam ko kasing mahihirapan kang magpaalam sa susunod na araw kung hindi natin to gagawin. Mas madali kang itakas ngayon. This is our first date too.”

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa effort ni Gaelan. Sabagay, pinag-iisipan naman nya talaga ang mga ginagawa nya, kagaya noon na nanood kami ng stars sa Keio, may mga sinabit pa syang ilaw sa gitna ng Keio. Nakakatuwa ang ganitong side ni Gaelan.

“Hindi mo na ba gustong manood ng concert?” Nag-aalala ko syang tiningnan, if he really wants it, kahit ipagpaliban na lang muna ito o di kaya ay humabol kami sa concert. Baka nagsisimula pa lang naman yon.

“Saka na. Isasama pa din kita kapag nanood ako non.” Tumango ako, I will surely come with him kapag nangyari yon.

Gaelan set up a bonfire kung saan sa harap non kami umupo. Tapos nagluto kami ng barbecue para sa dinner naming dalawa. May nakaready din syang music player para kahit papaano ay may mag-aalis ng katahimikan.

“Tabs, tell me something about yourself.” Hinuli ni Gaelan ang aking kamay.

Tinaasan ko sya ng kilay. “Bakit ngayon ka nagtatanong nyan?”

“Well, I planned this date because I want to know you better.”

“Paano kapag nakilala mo ako ng husto, ma-turn off ka?” Biro ko sa kanya.

“That won’t happen.”

I smiled. “Hm, I have four brothers, Gilad, Rab, Ahmed and Xenon.”

“Bakit yun ang inuna mo? Tinatakot mo ba ako?” Umismid sa akin si Gaelan. Natawa ako.

“Sinasabi ko lang!”

“Ako ang bunso. I was homeschooled eversince. Growing up, I was taught to love everyone–”

“Hindi pwede. Dapat ako lang!” Singit naman ni Gaelan.

“Iba yung sayo, iba yung sa ibang tao.”

“So iba ako?” Ngumisi si Gaelan.

“Ipagpapatuloy ko pa ba?” I asked. Gaelan embraced me and nodded. Habang nagkukwento ako, nakasiksik lang sya sa balikat ko at nakatingin sa mukha ko. Hawak nya din ang parehas na kamay ko. Hindi ko nga alam kung nakikinig pa sya eh. Madami akong nasabi, pati sa maliliit na detalye, mga paborito kong gawin, pagkain saka yung favorite Saint ko.

Tumingin ako sa orasan. It is 10 in the evening. Inaya ako ni Gaelan doon sa tent para maexperience ko daw. Although I think this is not the usual tent dahil napakaraming unan. Halos hindi na maramdaman ang lupa na pinapatungan ng tent.

We both lay down, ang ulo namin nakatapat doon sa maliit na butas ng tent, nakasilip kami sa stars.

“I want to know you more.” Narinig kong sabi ni Gaelan.

“But I want to know you more by doing things together.” He said. Malungkot akong ngumiti. Will that be possible? Limitado ang kilos ko ngayon at hindi ko tiyak kung mababawasan pa ba yon paglipas ng panahon. I will have bigger responsibilities as I get older. Fact won’t change, I am the heiress and my world is way different than his.

“Maria, ikaw pa din ang Tabs ko at ako pa din ang Yabs mo kahit anong mangyari ha?” Tumagilid si Gaelan paharap sa akin. Parang narinig nya ang iniisip ko. Tumagilid din ako paharap sa kanya.

In his eyes, I can see a lot of emotions, angat doon ang lungkot at takot. Kinuha ko ang kamay nya na mayroong Initial ko at hinaplos yon.

“Makakapag-intay ka ba?” I asked.

“Oo.” Mabilis na sagot nya.

“Bakit ako?”

Kinuha ni Gaelan ang kamay ko at itinapat sa dibdib nya. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok non.

“Simula una kitang nakita, hanggang ngayon, ganyan na sya.” He bit his lower lip. Kumilos ako para mas lumapit sa kanya. Itinapat ko ang tenga sa kanyang dibdib at mas pinakinggan pa yon. Parang mayroong tumutugtog doon na napakagandang musika. Mabilis pero pare-parehas ang ritmo.

“I want to stay here.” I whispered. Hindi ko alam na may kakayahan akong magpatibok ng ganito at espesyal yon dahil kay Gaelan ang pusong ito. The badboy who made me his slave, and until now, I am. Until when, I don’t know.


“Maria Arabella!” Nagising ako sa pagtapik sa aking balikat. Noong una ay akala ko nananaginip lang ako pero nakita ko nga ang mukha ni Daddy na galit na nakatingin sa akin. Sa likod nya ay si Mommy na naguguluhan.

Tiningnan ko sa aking tabi, Gaelan is also fast asleep. Maliwanag na sa labas. Kinabahan ako ng husto.

Nakatulog kami!

“Tutuy” Si Tita Blair ay pilit na ginigising naman si Gaelan. Dahan dahan akong bumangon at lumabas ng tent. Nakita ko doon si Tito Garrett na may kasama ding ilang bodyguards na naka-barong, while my family has a whole battalion of guys in black.

“Maria Arabella, I am so disappointed of you!” Galit na sambit ni Daddy.

Napayuko na lang ako. Hindi naman namin sinasadyang makatulog at wala naman kaming ginawang masama. Although yes, mali. Mali talaga ito.

“Dad.. let’s not overreact. I am sure Ria has a good explanation on this.” Lumapit sa akin si Kuya Rab at iniharang ang katawan nya sa akin.

“You better.” Tinuro pa ako ni Daddy kahit nakakapit na ako sa bewang ni Kuya Rab. Humigpit ang yakap sa akin ng kapatid ko.

“Mr. Ancheta, I would like to invite you in our home to talk about your son.” Seryosong wika ni Daddy kay Tito Garrett. Tumango naman ito.

“Princess, why did you do this?” Disappointed na sabi ni Mommy.

That day I know I will choose, and I know I will break somebody’s heart.

Kabanata 37

Last Card.

“Ano ang ginagawa nyo don?” Tunog kulog ang boses ni Daddy. Magkatabi kami ni Gaelan sa pinakasentro ng malapad naming lamesa sa library.

Nakapaharap si Mommy, Daddy, Tita Blair, Tito Garrett at ang apat kong kuya sa amin. Suddenly, our library seems so small. Ang hangin ay katulad ng sa korte na mayroong seryosong paglilitis.

Agad na hinanap ni Gaelan ang kamay ko at hinawakan.

“Get your hands off my daughter!” Sigaw ni Daddy. Nanginginig ang kanyang kamay na tinuro si Gaelan. Umangat ang balikat ko sa gulat.

“Wala namang sakit ang anak ko..” Singit ni Tita Blair.

Sumunod naman si Gaelan sa pagbitiw, tumango ako sa kanya. Sabay pa kaming napabuntong hininga.

“Again, nagpaalam ang anak ko para manood ng concert. Then what are you doing there, huh, Ria?” Dad asked.

“Dad.. Sumaglit lang po kami don tapos nakatulog kami..” Maliit ang boses ko.

“Sumaglit? You knew this ahead? You planned this?”

“Ako po ang nag-aya.” Gaelan answered. “Im sorry, Sir.”

Hindi sya pinansin ni Daddy, sa akin pa din ang mata ni Daddy. Tila pinipilit na magpakahinahon pero mukhang hirap na hirap si Daddy.

“I told you to stay away from this guy!” Hinaplos ni Mommy ang likod ni Daddy. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pabalik balik na hinaplos ang tuhod ko. This is so stressful.

“Mr. Floresca, nagmula na sa mga bata na walang kakaibang nangyari. And we were all there early in the morning. Nothing happened.” Tito Garrett said.

“And we just assume na wala nga?” Sarkastikong tugon ni Daddy.

“Kung meron, Mr. Floresca. Shall we arrange their marriage?” Tito Garrett countered. Kumunot ng husto ang noo ni Daddy.

“Marriage?! What are you talking about? Don’t give me an idea Ancheta that this is a set up. Your family is at the advantage if they’ll get married..” May pinahihiwatig ang boses ni Daddy at hindi ko gusto iyon.

“Dad!” Suway ko.

“Woah woah. Mr. Floresca, hindi man kasing laki ng yaman nyo but we also have our own empire. Taga-pag mana din si Gaelan ng kung anong meron kami.”

“Meron kayo? What you have is so little–” Nanunuyang sabi ni Daddy.

“Dad please!” Nasapo ko ang aking noo.

“We can sign a prenuptial agreement kung ano man ang magiging desisyon nyo–” Si Tito Garrett.

“Pre-nuptial agreement? Bakit? Ano bang meron sila? Your son is just influencing my daughter.”

Kumuyom ang palad ko. Napatingin ako kay Gaelan na mukhang nahihilo na din sa takbo ng usapan. His eyes are tired pero nanatili syang nakikinig bilang respeto.

“Dad! Boyfriend ko po si Gaelan.” I finally said. Hindi ko na talaga matagalan ang sinasabi ni Daddy sa pamilya ni Gaelan. Nakakahiya. They were so nice to me and now Dad is clearly insulting them.

Katahimikan ang namayani sa library. Napayuko lang si Tita Blair at si Tito Garrett, alam kong wala silang balak sabihin ang katotohanan because they want to protect me.

Napaawang ang labi ni Daddy at Mommy. Ang mga Kuya ko ay mukhang hindi naman nagulat.

“Walang namilit, walang nang-impluwensya. That’s all my decision. Ako. Gusto ko po. Mahal ko po si Gaelan.”

“Princess! What do you know about love? You are just sixteen!” si Mommy, lalapitan sana ako pero hinawakan ni Daddy ang kamay nya.

“Turning 17, Mom.” Matapang kong hinarap ang tingin ng aking mga magulang.

“Still! Anak.. I am so disappointed!”

“H-how could you fall inlove with this guy?” Parang nandidiri na sabi ni Daddy.

“Sir, wag naman po kayong mapanghusga.” Wika ni Tita Blair at naiintindihan ko na na-offend sya. I even want to apologize about Daddy’s words.

“Mapanghusga? Your son beaten up my son, he had a relationship with his professor–”

“Past is past, Sir. Move on.” Giit ni Tita Blair.

“Mommy..” Ungot ni Gaelan.

“Bakit anak? Kung ang Diyos nga nagpapatawad, sila pa kaya? Kahit papaano ang EDSA nakakamove on kapag alas tres ng madaling araw hanggang alas singko ng umaga tapos siya ay hindi makaahon dahil sa mga ginawa mo?” Kunot-noong tanong ni Tita Blair sabay turo kay Daddy.

“Your son even have an ear pierce!” Sabi ni Daddy. Lumambot ang mukha ni Tita Blair at pinanliitan ng mata si Gaelan.

“Pinagalitan ko nga yan ng umuwi sa bahay na may butas ang tenga.” Sang-ayon ni Tita Blair.

“And a tattoo!!”

“Lagot sa akin yang Ninang Pey mo. Bakit ka nga ba nagpatattoo?” Dismayadong tanong ni Tita Blair kay Gaelan.

“Sir.. I am all that you said pero mahal ko po ang anak nyo. I cannot change my past kahit magdamag nyo akong pigain dito. But my future? I can make it better.” Paninindigan ni Gaelan. He looked at Daddy with determined eyes.

“And you want me to believe that? Once a reckless and rude, will always be reckless and rude! As what Muhammad Ali Jinnah said, once a decision is taken, stand by it as one man. It is who you are!”

“Ay Sir. Do not judge my son, he is not a book, quote unquote Melanie Marquez, Miss International 1979.” Sabi ni Tita Blair.

“Sir, I stood by it and I apologized. Now I am deciding to be a better man for your daughter, paninindigan ko din.”

“Really? Then stay away from her.” Umismid si Daddy.

“Ay hindi naman pwede yon.” Tumayo si Tita Blair. “Kapag nagmamahalan ang tao, hindi dapat pinaghihiwalay. Ano? Sa coke na lang talaga hahanap ng happiness ang mga batang to? “

“Mrs. Ancheta. Nasasabi mo lang yan dahil lalaki ang sayo. Sa amin ay babae..” Sambit ni Mommy.

“Ma’am. Yung anak nyo nga, pinapakitunguhan namin ng mabuti sa bahay kahit babae ang sa amin.” Sagot ni Tita Blair.

Pagkakataon ko naman para kumunot ang noo. Sino? Babae?

“W-what do you mean?” Naguguluhang ngumiti si Mommy sabay baling sa mga Kuya ko na nagtuturuan kung sino.

“Ayan ho. Yang anak nyong yan.” Sabi ni Tita Blair sabay turo kay Kuya Rab. “Sinusuyo ang anak ko.” Umismid si Tita Blair. Napayuko si Kuya Rab.

Talaga?

“Radley Brent! Totoo ba yon?” Pagalit ni Mommy.

“Well, I-I.. I just want to make friends with her. Not that I am courting her–”

“Ah ganon? Itinatanggi mo ang anak ko? Samantalang ang anak ko dito eh halos ipagpatayan ang kapatid mo? Naku Honeybunch! Umalis na nga tayo dito! Nakakahiya naman sa alta na ito! Yayamanin!” Galit na sabi ni Tita Blair.

“Babybunch–”

“Naku, hindi. Gaelan tayo na nga. True love waits. Ganon yon. Kami nga ng Daddy mo, kung ano ano ang inabot bago magkatuluyan pero kami pa din sa huli. Distansya lang yan, as long as you are magically connected, kaya nyo yan, quote unquote Papa Jack.”

“Mom, please!”

“Ria, you will not be returning to Keio.” Banta sa akin ni Daddy at hindi pinapansin ang pagtatalo ni Gaelan at Tita Blair,

“That’s unfair Daddy!” Tanggi ko. “I want to study in school.”

“Not until you will break up with this man.”

“If I will be homeschooled, hindi nyo din naman kami hahayaan na magpatuloy.” Pagdadahilan ko.

“Exactly. Ria, you are still young..”

“Dad please.”

“I will stand by my decision, Ria. You will break up with this guy. No boyfriend while studying. You will just finish this sem and you will be homeschooled again.” Matigas na sambit ni Daddy.

Para akong nalugi, nalukot ng husto ang mukha ko at parang kinukurot ang puso. Awtomatiko ang pagluha ko, hinaplos ni Gaelan ang aking likod, tiningnan nya ako ng makahulugan pero hindi yon nakatulong para tumigil ako sa pag-iyak.

Pinagsisihan ko tuloy na nakatulog ako kagabi! At ang himbing pa. It’s like I am sleeping at home that time. Doon kay Gaelan, kumportable ako. But if I could just turn back the time, hindi sana ito mangyayari.

Nakaalis na sina Tita Blair, dumiretso ako doon sa kwarto ko. I am grounded! Kahit cellphone ay wala. Dalawang linggo na rin lang ang natitira sa semester, ibig sabihin ay babalik na naman ako sa dati kong buhay and I don’t want it. Nakakasakal. Malungkot. At walang Gaelan.

“Ria, open your door..” Narinig ko ang boses ni Mommy. Pinunasan ko ang luha ko at nagtakip ng unan sa ulo para hindi sya marinig.

“You haven’t had anything today. Gabi na at hindi ka pa kumakain.” Nag-aalala ang tinig ng Mommy ko. Gustuhin ko mang lumabas dahil kanina pa nya ako binabalikan pero hindi, hindi talaga ako lalabas dahil hindi ako sang-ayon sa desisyon nila. Pakiramdam ko ay pinagtutulungan ako.

I don’t feel anything, I don’t even want to do anything. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ng sariling pamilya. We apologize, why they can’t accept it? Sila ang nagturo sa akin magpatawad, bakit hindi ngayon?

Inaksaya ko ang oras ko sa pagpiga ng lahat ng tubig sa katawan ko, mapapahinga ako ng kaunti pero pag naalala ko na naman si Gaelan, naiiyak ako.

Unti-unting tumahimik ang paligid. I bet because it is almost 1 in the morning. Hindi pa din nauubos ang luha ko and I keep on thinking what happened to Gaelan. Pinagalitan din ba sya kagaya ng sa akin? I bet not, his family is more understanding. Mas malawak at mas maalalalahanin. My family is motivated by business, lahat para sa kanila ay puro pera lang, lahat ng pangyayari ay may kinalaman sa pera. May intensyon sa aming pera. Kung ganoon ay sino ang nararapat?

“I fell inlove with your Dad when I was 12..” Narinig ko mula sa labas ng pinto ang boses ni Mommy. Nahagip ko ang aking paghinga, akala ko ay tulog na sya. Seryoso ang boses ni Mommy.

“But it is a one sided love affair. Ayaw sa akin ng Daddy mo because he’s inlove with– my sister.”

Napaupo ako sa aking kama dahil sa rebelasyon. Si Tita Helena? Yun ang Ate ni Mommy. Unti unti akong lumapit sa may pinto at hindi gumawa ng kahit anong ingay. Gusto kong marinig.

“Noong una ay hindi ko pinahalagahan dahil bata pa ako, baka paghanga lang. Helena and Pierre Alfred’s relationship was smooth sailing kasabay non ay ang Inalagaan kong pagmamahal para kay Pierre Alfred. I was 18 and reckless then.. My welcome party when I got home from France. I secretly got drunk. Alfred was in the guest room but I didnt know. I took off my clothes believing I was in my room. Nagising ang lahat the next morning. They saw us.. My option was to get married o di kaya lalayas ako..” Nanginig ang boses ni Mommy. Napatakip ako ng aking bibig.

“Lumayas ako.. Pero ginipit ng lolo mo si Pierre kaya napilitan ang Daddy mo na pakasalan ako. I should feel Im at the top of the world. Sa wakas! Nakuha ko ang gusto. At 18, I am married to him. Sa loob ng ilang taon bumuo ako ng imahinasyon na mag-asawa kami kahit alam kong sa likod ko ay nagkikita pa din sila ni Helena. Sinabi ko sa sarili ko, ‘ayos lang, kasal kami ni Pierre .’ I was wrong.. I was wrong, anak.” Humikbi si Mommy.

“Pierre cheated on me with my own sister inside our marriage.. Well, not really. It was really Helena in the first place. I was so heartbroken. Ginawa ko ang lahat, binigay ko ang lahat sa kanya. Lahat. I almost lost Gilad at wala sya sa tabi ko. Hindi nya alam na dinadala ko ang Kuya mo noon. He was so sorry for it at galit na galit ako. After a few years, nung sineryoso na ako ng Daddy mo dahil iniwanan ko sya. Kung hindi ko sya iniwan hindi nya mararamdaman ang halaga ko.”

“You know what, when you are young, everything’s new to you. Magdedecide ka base sa iyong naramdaman pero mali, anak. Maling mali. Madami kang masasaktan at pati ang sarili mo, masasaktan mo din. I almost killed myself and I don’t want that to happen to you. Hindi mo pa kaya, Baby ka pa. Baby pa kita.” Naririnig ko ang pahinto hinto sa boses ni Mommy dahil sa pag-iyak. Sinabayan ko sya sa pagluha. I never thought she went through that! The way Daddy looked at her, it’s like she was his everything. Tila walang ganoong pinagdaanan. Tila walang nagtaksil at walang nasaktan.

“We are not saying that Gaelan is a bad person but this is too early. You should be focusing on alot of things, on being a good child, a good student and enjoy your youth rather than focusing on each other. We don’t want you to miss anything. Anak, intindihin mo. Nasasaktan na si Mommy..” Masuyong sambit ni Mommy. Tumayo ako. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at natagpuan ko si Mommy na nakasalampak doon sa sahig at punong puno ng luha katabi ang tray ng pagkain na mukhang lumamig na. Hindi talaga sya sumuko sa pag-iintay na labasin ko sya.

I sat on the floor at agad na niyakap sya. Sabay kaming umiyak. I understand that until now she’s hurting. Totoo nga na nakakapagpatawad pero hindi nakakalimot. Ang masakit noon ay sasakit pa din sa kasalukuyan ang naiwan nong peklat.

“Im sorry to hear that, Mommy. I love Gaelan so much too.. I understand this is too early but I love him. More than anyone, you should understand this. Please understand, Mommy.”

“I know! That is why I am advising you to stay away to a potential heartbreak. You will get heartbroken, nakakatakot na pagkatapos ng napakahabang panahon, iiyak ka pa din kagaya nito kapag naaalala mo ang sakit..” Hindi ako kumibo. I am heartbroken because they are not letting us be. Pero kay Gaelan ay hindi, wala akong nakikitang masama.

That night, hinayaan ko si Mommy na pakainin ako. Tinabihan nya pa ako sa pagtulog. Then the day after was different. Noong pumasok ako, hayagan na ang bodyguards ko. Nakasunod sila sa akin, wala halos makalapit dahil natatakot sila sa mga ito and I almost hated this day.

“Ria!” Tumatakbo si Selene patungo sa akin ng lumabas ako sa aking classroom. “Lunch tayo.”

Ngumiti ako at tumango.

Nagtungo kami sa Food Alley kasama ang bodyguards ko. Hinanap agad ng mata ko si Gaelan pero wala sya doon. Alanganing ngumiti sa akin ang Yukan’na. Si Yuki naman ay nakatitig lang sa akin na parang nagsasabing ‘I told you.’

“Chief Smiths., pwede pong sa may pinto muna kayo? Kakain lang kami. Tanawin nyo na lang ako mula doon.” I said.

“Sige po Young Maiden.” Yumuko si Chief Smiths. Umorder kami ng pagkain ni Selene. Nagpapalinga linga pa sya ng umupo kami sa lamesa.

“Wag magbabago ang ekspresyon mo ha. May sulat ako dito mula kay Gael. Baka maiyak ka pa.” Bilin ni Selene. Nagulat ako at natuwa pero sinunod ko ang hindi masyadong mag-tatalon sa tuwa. At least kahit papaano ay mayroon sya para sa akin. Gustong gusto ko syang kamustahin!

Iniabot ni Selene sa akin ang isang notebook. Sa unang pahina nandoon agad ang sulat ni Gaelan. Maayos at malinis ang pakakasulat.

“10/16/16, 7AM

Hi Baby.. Kamusta ka na? Well, I am fine. Knowing my parents, they are not ballistic about it. I really hope you are fine. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Don’t do anything funny. Mahal na mahal kita. Lagi kang sasama kay Selene para makakapag-usap pa din tayo kahit papaano sa notebook na to. Aantayin ko ang sagot mo.

Love,

Gaelan “

Pinilas ko agad ang sulat ni Gaelan at tiniklop. Pasimple kong inipit yon sa librong dala ko. Excited akong nagsulat ng sagot doon sa notebook.

“Hey, Ria. Kumain ka muna kaya..” Puna ni Selene. Umiling lang ako. Hindi ko na maintay! Sasagutin ko si Gaelan.

“10/16/16, 12PM

Hi Yabs.. Sorry sa inasal ng pamilya ko, please apologize to your parents for me. I am doing fine. All day I was crying yesterday, I did not eat but I did when Mommy cried. I still don’t understand why they are so mad about this but my feelings won’t change. I love you.. Kumain ka din lagi. Can I meet Selene after class? Sana may sulat ka ulit sa akin. I miss you.. I love you.

-Maria“

Ganoon tumakbo ang isang linggo. Walang patid ang sulatan namin. Sa gabi ay nangungulila ako. I miss the late night texts and videocalls. Pero hindi naman lahat ay makukuha mo hindi ba? Nagkasya na lamang kami sa pasulat sulat. Hindi ko nakita si Gaelan sa loob ng isang linggo. Hindi kasi ako hinihiwalayan ng bodyguards ko, pero lagi daw nya akong nakikita. Paminsan minsan ay nagkukumento pa sya sa suot ko.

Ginagawa kong pampaantok ang paulit ulit na pagbabasa ang mga sulat nya. Hindi naman makapagbagbag damdamin ang nilalaman ng ilan. Minsan kung ano lang ang nangyari sa klase nila o napag-usapan nila sa kanilang bahay. Naka-kunsumo na nga kami ng tatlong notebook, madalas kasi masyadong mahaba ang sinasabi ko. Ayaw ko kasing maubos ang usapan namin at magsawa kami sa sulatan. Ito na lang ang kinakapitan ko, Ito na lang ang natitira sa amin.

“ 10/21/16 12PM

Hi Yabs.. Next week ay birthday ko na. Alam mo naman yon hindi ba? Wag ka ng mag-isip ng regalo. Ang wish ko talaga makita kita. Miss na miss na kita. Pero wag kang mapressure. Ipinipilit ko pa ding unawain ako nila Daddy. Kanina nga si Kuya Gilad binilhan ako ng sarili kong condo, si Kuya Rab ay niregaluhan ako ng sariling sasakyan, they both said they want me to be independent. Although Dad disapproved. Medyo KJ ang Daddy ko. Hehe :) At least my brothers aren’t overreacting now. Nakikita kasi nilang malungkot ako. I love you! Anong lunch mo? Ako kalabasa saka chicken adobo :) Kain madami.

Love,

Tabs“

“10/21/16, 1PM

Hello Tabs.. Ang cute mo today. Yeah. I know when is your birthday. I am still thinking for a gift. Glad to know that your Kuyas are finally enlightened about your independence. But I think Rab is just winning my empathy. My sister almost killed him last night, pero masayang masaya pa din sya sa piling ni Brie kaya sumisipsip sya kay Mommy at sa aming pamilya. I love you. I ate Tuna and Mango Juice. I tried to bake blueberry cookies, count it, it should be 10, not unless Selene ate one. I hope you like it. Mahal kita.

-G“

“Ay grabe si Gael, walanghiya! Pinagbintangan pa ako!” Kumento ni Selene habang nakikibasa ng sulat dito sa may park sa likod ng chapel. Ibinagsak nya ang isang tupperware ng cookies na gawa ni Gaelan sa aking binti. Excited akong binuksan yon at inamoy. Ang bango! Pumikit pa ako at ninamnam ang bawat kagat.

“Sarap na sarap lang?” Nagtaas ng kilay si Selene. “Baka binili nya lang yan sa tabi-tabi! Si Gael pa! Bolero yun, sinungaling—”

“Selene!” Suway ko.

“Fine. Fine. Siya na ang gumawa. Mukha ngang napuyat ang loverboy.”

Inubos ko tuloy ang maghapon sa kakaisip kung ano ang maari kong ibigay sa kanya. Nakaupo ako sa garden at pinagmasdan ang mga pananim namin doon. Dumako ang mga mata ko sa succulents at cactus.

Napangiti ako. I love succulents, under the family of cacti. Naalala ko ang sinabi ni Mommy tungkol sa halamang ito. It means protection, chastity and endurance. Kumuha ako ng bagong paso at ako mismo ang naghanda ng lupa at naglipat ng bagong panganak na succulents.

“10/21/16, 8PM

Yabs, alagaan mo yung succulent. It is still a baby. Succulents are known to adapt to situations and environments pero bantayan mo pa din ha. Tonight, we discussed about their plans about me going back to homeschooling :( I am really sad. I want to say that we aren’t communicating but I cannot lie about us anymore. It breaks my heart. I won’t speak but I won’t lie. Any better plans? I love you.

-Maria“

“Ano ba ito? Pagdalahin daw ba ako ng paso?” Reklamo ni Selene habang nasa chapel kami. Maliit lang naman ang paso, kaya nga itong sikupin ng isang buong kamay.

“Sige na Selene. Next sem mamimiss mo din ako.. I will not be studying here anymore.” Malungkot kong pagbabalita.

“What? B-bakit? Nahuli na ba tayong tatlo? Sabihin mong hindi na kayo nag-uusap..”

Umiling ako. “It is no use. Decided na si Daddy. Hopefully ibalik na sa akin ang cellphone ko by then.”

“Ang lungkot naman non, Ria!” Bulalas ni Selene.

Iniisip ko pa lang ang ideya parang hindi ko na kaya. Paano kung hindi ako bigyan ng cellphone? Hindi pa rin ba kami magkakausap ni Gaelan? And then what? Magkakalimutan kami. Parang mapait na pagkain yon sa aking dila, gusto kong iluwa.

“10/22/16, 2PM

Hi Baby.. I will take care of the succulent though it is my first time holding a plant. Pag-aaralan ko pagdating sa bahay. Papadamihin ko para sayo. About homeschooling.. Hindi ko din kaya yon, Baby. Better plans you asked? ESCAPE. What do you think? I love you and I am serious.

-G.“

“10/22/16, 3PM

Escape? What do you mean?

-M“

“Magtanan tayo.” Napalingon ako sa aking likod. Nasa library ako at pumipili ng libro sa pinakadulong shelves, free cut namin at inaantay ko lang ang sagot ni Gaelan sa aking huling sulat bago sana umuwi. Otherwise hindi ako makakatulog dahil sa salitang ‘escape’.

Natulala ako pagkakita kay Gaelan, ngayon ko lang sya muling nakita. Inisang hakbang ni Gaelan ang pagitan namin at niyakap ako mula sa likod. I closed my eyes, my nose welcomed his scent and my knees trembled with his sight. Nalaglag ang hawak kong libro mula sa aking kamay. Humarap ako ng tuluyan sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. I missed this. I missed him so much! Nabasa ang aking mata sa sobrang tuwa. Hinaplos ko ang kanyang mukha, ang kanyang mata, ilong at labi, hinuli nya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

“I missed you, Yabs. I missed you..” I sobbed. Kumapit ako sa kanyang damit, my grasp is so tight, Para akong bata na nawala at muling nakita. Ayaw ko na halos humiwalay sa yakap nya but then sinubok kong dumistansya dahil baka may makakita sa amin kahit nasa labas ang bodyguards ko pero hindi ako pinakawalan ni Gaelan.

“Don’t worry. Miss Cecille is for us.” Tukoy ni Gaelan sa aming librarian.

“Ano ang sinasabi mo sa sulat mo?” Tanong ko kay Gaelan. May kinuha sya sa kanyang bulsa at inilahad sa akin ang isang manipis na gintong necklace, ang pendant nito ay shooting star. Hindi ito magarbo o kung ano, pero magandang maganda ito sa paningin ko.

“Tomorrow will be your last day in Keio, and the day after is your 17th birthday, pupuntahan kita sa bahay nyo sa araw na yon kung isusuot mo ito bukas. Itatakas kita. Bago magsimula ang party mo, magkasama na tayo.” Hinihingal na sambit ni Gaelan. Hindi ako halos makapaniwala sa naririnig ko.

“G-gaelan—Sigurado ka ba?”

“Pag-isipan mo, wear that only if you are decided.” He said firmly.

“Paano kung hindi? I—I mean, kung hindi tayo magtagumpay? They will stop us. Mas malala pa sa ngayon ang mangyayari.”

“This is our last card, Baby. Magkakahiwalay din tayo kapag umalis ka na sa Keio, there is no way that we will see each other again. They will send you abroad.”

“What? No!” Walang ganoong napag-usapan. Homeschool! It is what they told me last night. Umigting ang panga ni Gaelan.

“Brie told me! Sinabi sa kanya ni Rab ang plano ng pamilya mo. They will send you abroad, Tabs. Wala ng tayo pagkatapos ng bukas.” Hinawakan ni Gaelan ang pulsuhan ko at mataman akong tiningnan. His eyes are longing and hoping. Namumula ang gilid nito at tila maiiyak na.

That can’t be. They cannot send me abroad. Homeschool is what they said. Malinaw yon.

An image crossed my mind, napapikit ako dahil sa imahe.

And then I realized that we have a house in Romania, my father’s hometown.

Kabanata 38

Tapos Na.

Kinapa ko ang kwintas sa aking leeg. Abala ang lahat sa paghahanda sa party mamaya habang ako ay natutulala. Bawat oras ay nakaabang ako. Itatakas ako ni Gaelan at nakahanda ako doon.

I don’t want to go to Romania. Hindi lang dahil wala doon si Gaelan kundi dahil hindi ko na nararamdaman ang pag-isisip nila sa kagustuhan ko. Nasasakal ako.

“Baby girl! Did you see Ezra Santos’ gown for you? Ang ganda! Paano pa kaya kung debut mo? Have you invited your friends?” Nilapitan ako ni Sam at hinalikan ako sa pisngi. I shook my head. I invited no one, walang magaganap na party. Sa huling sulat ni Gaelan ay magtatagpo kami sa labas ng mansyon at bibigyan nya daw ako ng senyales kung kailan.

Hapon na ng simulan ang makeup ko. Sinunod ko ang gusto nila, hinayaan kong ayusan nila ako pero hindi pa ako nagpalit ng damit, mas madaling tumakas sa suot kong summer dress. Para akong nabibingi sa mga pag-uusap, wala ang isip ko doon kundi na kay Gaelan. 7PM ang party and it is almost 5PM but no signs of him.

“Hi Baby Girl! Happy birthday!” Lumapit sa akin si Kuya Ahmed and handed me a gold card. Kinapa ko ang nakaembossed na pangalan ko at ang kay Kuya Ahmed, he gave me a supplementary card. Magagamit ko ito sa pagtakas namin ni Gaelan.

“Thanks Kuya!” Pinilit kong pasiyahin ang tinig ko. But the sad thought kicks in, I might not see them again tomorrow.

Si Kuya Xenon naman ay binigyan ako ng cellphone, hindi ako halos makapaniwala. I am grounded in gadgets!

“Tago mo lang.” Bulong ni Kuya. I am really delighted! Niyakap ko si Kuya Xenon at itinago ang box sa drawer ko bago pa mayroong makakita. They both left the room ng sinabihan akong magbihis na. Pumasok sa loob ang dalawang dresser at si Sam para bihisan ako.

My make up was fresh and light, brown ang eyeshadow at glossy peach naman ang sa labi. Nakaayos na din ang buhok ko, it is in messy bun.

Nirequest kong iwanan muna ako sandali bago isuot ang gown, binuksan ko ang cellphone na ibinigay ni Kuya Xenon ng mawala na sila at nagtipa ng message para kay Gaelan.

Ako: Yabs, where are you? I will go out now.

Tumingin ako sa orasan, 6:15. He might be waiting outside. Baka hindi nagdala ng cellphone. Suot pa din ang floral dress, pasimple akong lumabas ng mansyon. I passed by the fire exit na diretso sa likod ng mansyon. Sa maliit na exit gate ako dumaan at sa isang iglap, nasa kalsada na ako ng village. Tanging ang cellphone ni Kuya Xenon at ang wallet na naglalaman ng gold card mula kay Kuya Ahmed ang hawak ko.

I can buy whatever I need kapag magkasama na kami ni Gaelan.

6:30 . I glimpsed on my watch, nakakubli ako sa mataas na halaman sa pinakasulok na labas ng aming mansyon. By now I think everyone’s looking for me but still, no signs of Gaelan. I tried dialling his number but I cannot reach him.

7:00. Mas naging mahirap ang pagtatago ko. Naalarma na ang aming security dahil nakikita ko na ang paglabas nila mula sa mansyon, our man is speaking through walkie talkies at ang ilan ay sumasakay na sa motorsiklo. Sumiksik ako ng husto sa mga halaman at hindi gumawa ng kahit anong ingay. Tingin ko ay hindi na din makakalapit pa si Gaelan dito kung ganito ang sitwayson.

Sinubukan ko maglakad sa pagitan ng halaman ng mga kapitbahay hanggang sa makalayo ako ng kaunti. Ramdam ko ang galos sa pagsuong ko sa mga halaman pero hindi ko alintana. Tumakbo pa ako para tunguhin ang gilid ako ng entrada ng village na nadedekorasyunan ng puno para ulit magtago. Sa village gate ko napagdesisyunang mag-intay para makita ko si Gaelan kung magtatangka syang pumasok. Ipinagpasalamat ko ang kadiliman at ang malamlam na ilaw sa poste, hindi ako nahirapang magkubli.

8:30 PM

“Nasaan ka na ba Gaelan?” I whispered to myself. Hinawakan ko ang binigay nyang kwintas. I can feel insect bites on my skin pero hindi ko binigyang pansin. I notice a taxi that went inside our village pero isang babae ang sakay non. Nawawalan na ako ng pag-asa, ilang beses na akong sumilip nag-asam na si Gaelan ang pumapasok sa village namin pero hindi.

Nakaisip ako ng ideya. Sinubukan kong maglakad ng kaunti papalapit muli sa aming mansyon, lumayo lang ng kaunti sa guard house, nang matanawan ko ang taxi na pumasok kanina sa village at ngayon ay papalabas na, winagayway ko ang kamay ko at agad na huminto ito. Dali-dali akong sumakay.

Tinuro ko ang bahay nila Gaelan. Ngayon ay nakakaramdam ako ng kaba sa kanyang kaligtasan. Kung walang masamang nangyari, dapat ay nandito na sya. He will not forget this! Imposible.

Nagtago ako ng husto ng huminto ang taxi sa guard house para kunin ang kanyang ID. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na ako ng aming village. Finally!

Malakas ang kabog ng dibdib ko ng papalapit ako sa bahay nila Gaelan.

“Dito lang po, Manong.” Sabi ko sa taxi, dalawang bahay ang pagitan kina Gaelan. “S-sandali lang po..”

Wala pang limang minuto, I saw Gaelan’s car. Hinawakan ko agad ang wallet ko para kumuha ng pambayad pero natigil ako ng bumaba si Gaelan. Kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto sa shotgun seat at iniluwa non si Heather. May sinasabi ito kay Gaelan at ngiting ngiti pa sya.

Kumunot ang noo ko. May dala si Heather na pagkain sa kanyang kamay. Inalalayan pa sya ni Gaelan na pumasok sa loob ng kanilang gate. Nanood ako kung paano iabot ni Gaelan ang susi sa isa sa kanilang mga guards. Hindi ako halos makahinga! I dialled Gaelan’s number again, I saw he took his phone from his pocket kasabay ng sunod sunod na busy tone sa kabilang linya.

Pinatay nya ang tawag ko…

“Neng, okay ka lang?” the taxi driver asked. Tumango ako ng nanginginig ang mga labi at nabasa na ang mukha sa luha.

He cheated! He played on my feelings!

“S-sandali lang po..” Dahan dahan akong bumaba ng taxi. Wala sa sariling naglakad patungo sa visitor’s gate ng mga Ancheta.

“Gaelan!” I called. Napalingon sya mula sa aktong papasok sa kanilang bahay, pumihit sya papunta sa akin, his expresson remained blank, parang hindi man lang sya nagulat na nandito ako sa harap nya.

“Anong ginagawa mo dito?” Malamig na tanong nya.

“M-may usapan tayo..” Nahihirapang sabi ko.

“Gael, sino yan?” Narinig ko ang boses ni Heather. Napapikit ako. This will be the most embarassing moment of my life, I am crying in front of Gaelan at may ibang makakakita.

“Get inside, Heather.” Wika ni Gaelan ng makita ko ang anino ni Heather na papalapit. Hindi sya sumunod.

“Ria? Are you okay?” Sumilip si Heather sa may gate at kumunot ang noo.

“Heather, susunod na ako. Pumasok ka muna.” Ulit ni Gaelan, tumango tango naman si Heather.

“Gaelan, nag-intay ako.” Bigkas ko. Alam kong hindi pa nakakalayo si Heather but my words couldn’t wait.

“You should go back.”

“What? No! I came this far Gaelan! I came this far tapos pababalikin mo ako doon? May usapan tayo. Sinabi mong mag-intay ako, hindi lang ako nag-intay! Andito na ako..” Bigong bigo ang boses ko. Ni hindi ko maisip kung si Gaelan pa ba ang kaharap ko. Baka ibang tao na!

“Wala akong balak pumunta.” Malamig na sabi nya. Hindi man lang sya tumitingin sa akin. Natigilan ako at ilang segundong prinoseso ang kanyang sinabi.

“Anong sabi mo?”

“Wala akong balak pumunta. I realize that I can’t do this. I am too young, you are too young.”

Hindi ako makapaniwala. My heart shattered in to pieces hanggang sa natulala na ng tuluyan. Ramdam ko ang panginginig ng balikat ko dahil sa sama ng loob.

“Ganoon lang yon? Ha?” Hinampas ko ang dibdib ni Gaelan pero parang bakal lang iyon sa aking kamay. “Hahayaan mo akong pumunta sa ibang bansa?” Buong hinanakit na tanong ko.

Humakbang ng isa si Gaelan paatras, “Loving you is so complicated. It is not what I imagined. Alam mo, tama ka, maybe this is too fast-”

Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Gaelan, halos mamanhid ang kamay ko pero hindi man lang sya pumiksi.

“Ang daya mo! Ang daya daya mo! Pinaniwala mo ako. You broke my heart so many times but I choose forgive you because I thought you deserve it. But you don’t!” Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang palad. As if it could cover me up from tears, halos umecho nga ang pagtangis ko sa aking tenga.

Binalot kami ng katahimikan bukod sa malakas kong paghikbi. I felt a constricting pain in my chest, the pattern of my tears remained constant, malungkot na malungkot at parang dinudurog. Sa puntong iyon, alam ko na. Alam na alam ko na hinding hindi na ako magmamahal ulit sa paraang ganito. My love for him is so strong that it consumed me. The feeling came in when I was not ready, when I have not yet figured out what it is called in the first place. Sa panahong ang mga salita para ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ay hindi pa nabubuo!

Hindi ko alam kung paano pa ako humihinga sa kanyang harapan kung sa paraan pa lang ng panlalamig nya, kanina pa ako namatay.

Kumuyom ang palad ko, sumikip ng husto ang dibdib.

Standing in front of me is the man I choose to love. It is forever. I know. Hindi basta kumawala ang utak ko, hindi dala ng kabataan kundi isang pakiramdam na itinakda sa akin. I know I am not capable to feel this love so compelling, so selfless and destructive ever again. My future is here in front of me and I am sure. Madilim ang mga mata ni Gaelan, his jaw tightened, inaantay kong maawa man lang sya sa akin pero hindi. Hindi sya lumapit.

“But then, I love you. Gaelan.” I whimpered.

“Kahit anong masamang gawin mo. God knows how painful it is and how ready I am to embrace it.” Nanginginig ang kamay kong inilihad kay Gaelan kasabay ng pagpikit ko.

“Kakalimutan ko ang lahat. Tumakas tayo, please.” Kinagat ko ang pangibabang labi ko, I never thought I would be so good in self destruction. Inaantay ko ang pagdampi ng kamay nya sa akin.

Pero nabigo ako.

“You don’t know what you are talking about.” Ang huling salitang narinig ko bago sumara ang gate sa harapan ko.

Tapos na. I cried convulsively, pinagmasdan ko ang likod nya na papalayo sa akin.

“Ineng, iuuwi na kita.” Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo sa harapan ng gate nila Gaelan para labasin ako ng Taxi Driver at higitin sa braso.

Walang lakas na nagpatianod ako at sumakay sa taxi nya.

“Dalhin nyo po ako sa airport, Manong.” Bulong ko.

Saglit na nag-isip ang taxi driver at sinilip ako mula sa rearview mirror.

“Ineng, alam ba ito ng mga magulang mo? Ibabalik na lang kita sa inyo-”

“17 na po ako, Manong pero magpapaalam po ako pagdating ko sa pupuntahan ko.” I sobbed and sniffed altogether. I am so frustrated na balak pang makipagtalo sa akin ng Manong driver.

“Neng, ang anak ko hindi pa nakakapagdesisyon ng ganyang edad. Pag-ibig ba ang problema mo? Mag-aral ka muna. Walang magseseryoso sa kabataan ngayon. Tsk.” Manong Driver said as if he knows everything.

“Kung hindi nyo po ako ihahatid sa airport sa ibang taxi na lang po ako.” Akmang bababa ako ng pigilan ako ni Manong.

“Sige na, ihahatid na kita. Baka mas lalo kang mapahamak sa kamay ng ibang taxi dyan.”

Sinunod ni Manong ang hiniling ko. Natulala pa ako sa liwanag at abalang airport pagpasok doon ng taxi. Nakaramdam agad ako ng kapayapaan na walang nakakaalam kung nasaan ako. Freedom, it is so close in my lips that I could taste it. Kinapa ko ang dibdib ko, may kalayaan pero kulang. My heart left me. Iniwanan ako at hindi ko alam kung kailan babalik. Baka hindi na, baka sa kanya na. We will not be close again but I will never forget how it used to be. Masakit. Sobra.

“Ito po ang bayad.” Kumuha ako ng pera sa wallet ko ng higit higit pa sa metro pero umiling lang ang Manong Driver, hindi nya tinanggap.

“Kung saan ka man pupunta, tumawag ka sa magulang mo. Hindi nyo kasi alam kung gaano kami nag-aaalala sa padalos dalos na desisyon nyo. Walang magulang ang naghahangad na mapasama ang anak.. Tandaan mo yan, Ineng.”

Tumango lang ako at nagpasalamat. Bumaba ako at pumila papasok sa airport kasabay ng ilang mga magkasintahan na nagkakatuwaan. Mabilis kong inialis sa utak ko na ganyan dapat kami ni Gaelan kung tumupad sya sa pangako nya. Hindi na nga sya tumupad sa kanyang pangako, nagsisiya pa sya kasama si Heather.

Nagtungo ako sa pinakamalapit na ticketing office kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta pero napili ko ang Cebu. Walang dalang gamit o kung ano.

Habang nag-iintay sa ticketing officer na ibigay ang aking ticket, sinubukan kong i-dial ang numero sa aming bahay.

“Floresca Residence..”

“May I speak to Helga?” I asked in a formal voice.

“Who’s on the line please?”

“Anna.” Pagsisinungaling ko.

Ilang segundo din akong nag-intay bago may sumagot muli sa kabilang linya.

“Hello?”

“Mom.. Please don’t make a scene. I am fine. I need time. I am so heartbroken right now.” Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang pag-iyak. May katabi pa akong nanay na may kargang baby na natutulog, ayaw kong gumawa ng ingay.

“A-anak.. Oh my, anak.. Come home to Mommy. I will take care of you.. Hindi kami galit, umuwi ka..” Bulong ni Mommy pero bakas din sa kanyang boses ang pagluha.

“Mom, I need time. Sandali lang. I need a break. Please..”

“O-okay.. S-san ka pupunta? May pera ka ba? What do you need?”

“I have money. Pupunta po ako sa Cebu. I will be fine.” Paniniyak ko kahit hindi ko alam kung kaya ko ba talaga.

Ibinigay sa aking ang ticket para sa susunod na flight. Gulong gulo ang utak ko. Ganoon ba talaga katindi ang naging pagmamahal ko? Nakuha ko pang ayain si Gaelan na sumama sa akin. Ako pa ang naglakas ng loob pero tinanggihan ako.

Then I thought maybe I love like Helga Floresca, love like no tomorrow, no limits . We will choose to love until our heart revamps into a broken glass. That fragile– but still capable of loving into those small broken pieces.

Habang nakasakay ako sa eroplano, bumalik muli sa akin ang alaala. The way he said he loves me, his promises and his conviction. Balewala lahat. Pakiramdam ko ay nilagay nya ako sa posisyon na hindi na ko maaring bumalik dahil walang kahit ano sa mga dinaanan ko nung umpisa. Walang pangako o alaala ang itinira. Nang lingunin ko ang daan pabalik, walang nag-iintay, wala akong babalikan, wala sya. All of a sudden it turned into a sink hole, malalaglag ka lang kung tatalon ka pero walang sasalo.

Masakit. Pinakamasakit lahat ang mapagtaksilan, higit pa ang maiwanan dahil sumuko sya sa laban kahit handang handa ka. Masakit na magtiwala at panghawakan ang pangako sa hangin. The empty promises cuts like sword, walang kahit ano pero nakakasakit.

I fell hard and I was made to believe that reckless love gains the best love. Rough, spontaneous and true. Mali ako. Walang ganoon. Ang pagmamahal na walang pag-iingat ay isang apoy na susunugin ka kapag hulog na hulog ka na.

The consuming love I had, but love just ain’t enough. Stupid, Maria.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Kanina lang ay maliwanag pa at punong puno ako ng pag-asa, pero habang papalapit ako sa destinasyon ko, bumabalik ang pait ng alaala.

“Ah.. di ko akalain na may kaharutan ka pala five years ago ha. Muntik ka pang makipagtanan! May balita ka pa sa kanya?” Lumabi si Regine sa akin. Ang kanyang alon alon na buhok ay nakakadistract. Kulay asul kasi ang ilang strands nito. Minsan ay pink o di kaya gold kung gusto nya.

“Sa tingin mo makikibalita pa ako? Ipinagpalit nya ako sa bestfriend nya, kakamustahin ko pa?” Umismid ako.

“Kasi kung makapagkwento ka ng anim na buwang love-hate relationship nyo eh naubos mo ang 17-hour flight natin mula France! Beh, nakakalimang power nap na yang nakaupo sa harapan natin, hindi ka pa din tapos sa kwento mo!”

Ngumisi ako sa kanya. Parang kailan lang kasi. Buong buo pa din sa utak ko ang detalye, wala akong halos nakalimutan. I sighed.

“Kahit si Yuki ay hindi din naman nagkwento kung kamusta na sya. He will forever be ‘he-who-must-not-be-named’ ng pamilya ko. Walang nagbanggit sa akin, hindi din naman ako nagtanong. Hindi ako interesado.” Ngumuso ako at tiningnan ang sarili ko sa maliit na compact mirror mula sa aking trench coat. My hair is now shoulder length, I maintained a side bangs and that’s it, my hair reflects brown hues kaya wala na akong gustong baguhin.

“Speaking of Yuki ko. Hindi ba talaga nanligaw sayo? Di ba sya ang nakasama mo sa Cebu nung nag-emote ka? Ayie.” Siniko pa ako ng matabil kong kaibigan.

Umirap ako sa sinabi ni Regine.

“Mukha ba kaming sweet sa isa’t isa? Ang daming babae ng isang yon! Sisingit pa ba ako?” Binalot ko muli ang aking sarili sa comforter at itinaas ang paa, ugh! I hate long flights!

“Well, he choose to be with you when you studied in Venice.” Nagkibit balikat si Regine.

“Hah, Rej. Alam mong hindi totoo yon. He choose to live in Venice dahil idol nya si James Bond sa Casino Royale.”

“But he was there for you right? You’re bestfriends.”

Pinanlakihan ko sya ng mata “Sinong may sabi? Si Yuki? Pinapaniwala ka na naman nya palibhasa’y patay na patay ka!”

Pumikit ako ng ilang sandali. Napagod ako sa kakasalita. Hanggang sa layover namin sa Dubai ay nagsasalita lang ako. It’s been, what? Five years. Parang kailan lang. Nothing has changed, tingin ko ay wala pero sabi nila Rona noong magkita kami sa Rome ay hindi na daw nila ako halos makilala. Tumatawa na lang ako.

Pagkalapag ko pa lang ng Cebu noong 17th Birthday ko, Yuki was at the airport, nakasabay ko sa pagpila sa taxi. Sabi nya nagkataon, well I guess nagkataon nga dahil bakit naman nya ako susundan? I stayed in Oslob for two weeks, sa parehas na hotel nandoon din si Yuki. Hindi ko naramdaman ang mag-isa dahil sinasabayan nya din ako sa pagkain at pamamasyal. Kung iisipin ko ngayon, baka hindi nga ako nagsurvive kung mag-isa ako doon.

Nang ilang balde ang iniluha ni Mommy, bumalik ako sa Manila. I never saw ‘him’ again because I was homeschooled. Para akong robot ng mga panahong yon, I did what my parents asked me to do, to study and focus on it. Walang nagtanong kung kamusta nga ba ako. Kahit ang sarili ko ay hindi ko nakamusta. Come my 18th birthday, nagising ako ng umiiyak, walang hinto at ni hindi naubos ang tubig sa katawan, that is when I realized that I am not yet okay, I was never okay. Para sa akin, ang birthday ko ang anibersaryo ng pagkakatanga ko at ang napala ko sa pagsuway sa magulang. Yun lang ang naalala ko tuwing nagbibirthday ako.

That is why on my 18th birthday I went to Venice, dala ng sobrang lungkot. Hindi ko alam kung anong nag-iintay sa akin, pagkababa ko ng eroplano, si Yuki ulit ang nandoon. Naitanong ko pa sa sarili ko kung sya ba ang nag-iintay sa akin sa Venice but who am I kidding, may misyon sya doon. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari sa buhay ni Yuki pero araw araw ko syang nakikita, maybe his mission was near my place or what. Whenever I asked him, he will always say that it is a secret mission . Of course! He’s an agent.

“In fairness, bago ngayon ang atake mo, yung lugar na tinatakasan mo tuwing birthday mo, babalikan mo na ngayong birthday mo din.” Ngumisi si Regine na nanunuya. She was my classmate in Venice when I took up Culinary Arts, bukod kay Yuki, sya ang madalas na nakakasama ko since her family’s in Italy, hindi na sya umalis doon magmula ng umapak ako sa Venice. Babalik din ito doon pagkatapos ng aming bakasyon sa France at Pilipinas.

“Hindi ako tumatakas.” Umismid ako. “Hinahanap ko ang lugar na para sa akin. Normal yon sa tumatanda.”

“And home is where you should be, right?”

’The plane is now preparing for our final descent. Make sure your seatbelts are securely fasten. Please straighten up your seats, window shades up and tray table stood still. ’

Home , minsan ko na ring natagpuan kung saan iyon..

at Imposible ng makauwi pa akong muli doon.

Kabanata 39

Why?

“Fck!”

“Tutuy!”

Napatingin ako kay Mommy ng yakapin ako. Im still in my hospital bed but the nightmare still held me captive. Muntik na akong mamatay and I just realized that I am alive.

“M-may masakit ba anak?”

Umiling ako at kumapit sa balikat. Napangiwi ako sa kirot ng tumama na bala.

“Ump!” Hinampas ako ni Mommy sa kabilang balikat. Gumapang ang sakit nito sa kabila.

“Aww!” Reklamo ko.

“Bakit ka sumalo ng bala ha? Napakaimposible mo Tutuy! B-buti h-hindi ka napano..” Humikbi si Mommy sa aking harapan. Hinawakan ko ang kamay nya pero agad nya akong sinugod ng yakap. My shoulder still hurts pero ayoko din naman syang alisin yung yakap nya. Akala ko talaga hindi ko na mayayakap ang mga mahal ko sa buhay kaya dinama ko ng husto ang yakap ni Mommy.

“Tigil tigilan mo na ang pagiging agent, Tutuy.. Ha? Masyadong delikado.. Tulungan mo na lang si Honeybunch sa business natin..” Umiiyak na sabi ni Mommy. Pinunasan ko ang kanyang luha.

“Mom.. Ito na ang buhay ko. Wala akong ibang alam gawin kundi ito.. Sinubukan ko naman na tigilan ito dahil kay–” Then an image of her crossed my mind again. I shook my head, here I go again.

“Saka hindi naman masamang magligtas ng buhay.” Diverting the topic to a new one.

“Hindi masama? Eh paano kung napano ka ha? Paapatayin mo ako sa lungkot! Ano bang hindi namin naibibigay sayo ng Daddy mo ha? Aba, kahit ano anak ibibigay namin. Sa bahay ka na lang kung ganyan rin lang!”

Hinapit ko sa kanyang bewang si Mommy, “Ikaw naman, Mommy. I am alive. Masyado ka talagang maalalahanin. Kay Daddy ka magfocus, malaki na ako.”

“No! Ikaw pa din ang Baby boy ko.”

“Isipin mo na lang, I saved a life. Walang iiyak kasi hindi napahamak ang iniligtas ko.”

Yeah, I don’t think I can see her weeping face again dahil ang mukha nya noong huli kaming nagkita ay hanggang ngayon bumabagabag pa din sa kin. The image of a young girl crying like a baby.

“Hindi mo naman daw kliyente ang iniligtas mo ah. Instinct na ba yan anak? Kinabog mo pa ang mga bayani sa trip mo!”

“Whether client or not, buhay pa din yon. Nandoon ako–”

“Kaya muntik ka ng mamatay. Yung buhay nila mahalaga, eh yung sayo? Anak, never waste your life to someone who doesn’t know your worth.” Seryosong sambit ni Mommy. Hindi ko mapigilan ang pagngiti.

“Nuks, si Mommy may hugot na naman!” I chuckled. Iniripan lang nya ako.

“Eh kasi naman ikaw Tutuy! Pinagalala mo ako!” Nagpapapadyak pa ang cute kong Nanay. Wala akong ginawa kundi aluin sya. I understand, mahirap ang trabaho ko pero wala naman akong ibang alam gawin kundi ito. Isa pa, hindi ko matiis na hindi ko gawin ang sumalo ng bala para sa taong yon….

“Ancheta. Secure Governor Joson. Wag kang dumikit sa mga guards nya, they shouldn’t know that he has A-line agents.”

“Copy.” Pasimple akong sumagot kahit hindi bumubukas ang aking bibig. Isang gawaing nakasanayan ko na tuwing mayroong misyon.

Why people hire bodyguards kung wala din namang tiwala ang mga ito sa kanila? Anyway, more work for us. From my vision, I can vividly see the main entrance of the pavilion where all the important people gathered. Nakihalubilo ako na tila ka-parte ng mga ito sa suot kong pormal na suit.

Kumuha pa ako ng champagne mula sa nagdaang unipormadong waiter para makibagay. I softly moved my head to sway with the jazz music played all over the place.

A static sound from my bluetooth earpiece came in.

“Tng*na, ang ganda ng chicks ni Gov.” I heard Ice chuckled from the other line. Halos mapailing ako sa kalokohan nya.

“Jacinto, as far as I know, ikaw ang pinakamalayo dito, ang linaw naman ng mata mo.” I murmured kasabay ng kunyaring pag-inom ng wine sa baso.

“Hi! Alone?” A woman in scarlet red gown walk towards me. She beamed a seductive smile habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Fck, hindi ba yan ang reigning Miss Philippines?” I heard Ice again. Hindi ako makapagkumento dahil napakalapit na ng babae sa akin. Paano nya nakilala ang mga sumasali sa beauty contest? I wonder if he watches the coronation night just to see women in bikini.

“Yeah, alone.” I answered.

“Would you want some company? Bianca by the way.” Iniabot nya ang kanyang kamay sa akin na maluwag ko namang tinanggap. Soft hands, small hips, plump lips, probably a rich kid.

“Malambot na kamay, maliit ang bewang, oh whoah, no underwear?” I heard Ice commented. Sinubukan kong pigilin ang pag-ngisi ko. Ang talas ng mata ng gago.

““Ancheta, ang mata mo, focus on Governor Joson.” Agent Toshiyo said, nakamasid sya mula sa drone camera na nakasunod sa akin connected to numerous CCTV monitors inside a van na nakaparada sa labas ng venue. Nagkunwari akong nagkakamot ng batok.

“Pwede bang si Jacinto ang sabihan mo kaysa ako?” Bulong ko bago muling humarap sa babaeng nasa harap ko.

“Nice to meet you, Maxine–” I uttered.

“It’s Bianca.”

“Oh, sorry.”

The girl chuckled. It sounded like a crisp from an ice, cold but distinct.

“Here’s my card..” She then said.

“T-Thanks?” Nagtaas ako ng kilay habang tinatanggap ang calling card.

“And my spare key in the hotel where I am staying tonight..” She whispered. The girl flaunted her soft gaze, parang inaantok itong bumaba sa dibdib ko. Bahagya akong tumagilid at pasimpleng tiningnan muli ang kliyente namin.

“Fck, Jackpot! Toshiyo, ako ang ilagay mo sa pwesto ni Ancheta next time, lagi na lang syang front guy!”

“Gago ka, Ice.” Si Kiro ang narinig ko sa kabilang linya.

“Why? Mas gago si Ancheta, ang daming pinapalagpas na babae, masyadong loyal kay Heather ang ungas.”

“Kasing galing ka nya para maging front? Tsk, makakita ka lang ng babae, nagiging puso na ang mga mata mo–”

Sinubukan kong patayin pansamantala ang Bluetooth headset ko, nakakabingi ang kaingayan ni Ice na sinabayan pa ni Kiro. Napadako ang mga mata ko sa pamilyar na mukha, the couple stands gloriously right in the entrance door. I have seen them in so many gatherings pero ako ang madalas na umiiwas. I am not sure if they can remember me. Hindi naman importante ang gaya ko sa kanila, isa pa ay napakatagal na noong huling nagkaharap kami.

Pinakiramdaman ko ang paligid, pasimple akong lumingon sa entrance ng pavilion. Ang mga guests ay nanatili sa labas para magkwentuhan imbes na manatili sa loob ng venue kung saan ginanap ang isang Art Exhibit ng isang anak ng senador. Bumalik ang tingin ko kay Governor Joson, nakatayo sya sa likuran ng mga taong iniiwasan ko. Hinilot ko ang aking sentido.

Focus, Ancheta.

Napakunot ang noo ko ng may dumaan sa aking paningin na isang maliit na pulang ilaw na tumama sa likod ni Governor Joson. Nagmadali akong naglakad at binuksan ang bluetooth headset.

“Jacinto, I need a backup. Hanapin mo ang may sniper, ako na ang bahala sa kliyente.” Kumalabog ang puso ko at nagmadaling maglakad patungo kay Governor Joson. Isang dipa na lang ang layo ko. Ang magagawa ko ay itulak sya para mailigtas pero tiyak na mayroong tatamaan ng bala kung gagawin ko yun.

Mas nag-igting ang pulang ilaw sa likod ni Governor Joson. Hindi na ako nag-isip kundi itulak sya pabagsak at iniharang ang katawan sa taong mapupuntirya ng bala kasabay ng matinis na pagtunog ng sniper at isang pang putok kasabay non. Mabilis ang pangyayari kaya natahimik ang lahat, tila hindi pa nakuha ang nangyari o di kaya’y nabigla. Ibinagsak ng security ni Governor Joson ang kanilang katawan sa politiko para protektahan sa maari pang mangyari.

“Tngna! Na-late ang bala ko! But I think the gunman is dead. Yushima, confirm.” Si Ice ang narinig kong nagsalita.

“Affirmative.” Sabi naman ni Kiro kasabay ng pagtunog ng isa pang putok na nagmula sa baril ni Kiro, para siguro tiyakin na hindi na makakagalaw pa ang gunman.

Malakas na sigawan ang umusbong sa paligid. Nagtakbuhan ang mga tao at sa isang iglap halos maubos ang laman ng venue. Hinawakan ko ang balikat ko na nataniman ng bala. Unti unti nakaramdam ako ng panlalabo ng mata dahil doon. Mainit at mahapdi. Parang may pwersang humihila sa aking tuhod papalapit sa lupa. My chest felt heavy that I have no choice but to fall down.

“Ancheta, do you copy?” Si Agent Toshiyo ang narinig ko mula sa bluetooth headset. Hindi na ako makasagot. Pinagmasdan ko na lang ang masaganang dugo na lumalabas sa katawan ko.

“P*ta, emergency. Hunter, ambulansya! Ancheta is down.” Si Ice muli.

“On my way.”

Naramdaman ko ang pagsalo sa aking katawan mula sa likuran.

“Son.. Son.. Hang in there. Smiths! I need a chopper!” Nag-aalala ang mukha ng taong iniligtas ko habang pinagmamasdan ako.

Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko sa tagpong iyon.

“Ikaw talagang bata ka! Tatlong araw kang tulog. Hindi ka na makakaulit. Ilang taon ka na bang agent? Ngayon ka lang natamaan ng bala. Ay hindi pala basta natamaan! Sinalo mo ang bala!” Paulit ulit na tinusok ni Mommy ang sentido ko. Hinayaan ko sya sa kanyang ginagawa. Nasa ganoon kaming posisyon ng may kumatok sa pintuan.

Natigilan kaming dalawa sa pormal na pagpasok ng buhay na iniligtas ko. Inaasahan ko na kakausapin nila ako pero hindi ganito kabilis. Dahan dahang bumaba si Mommy sa aking kama at alanganing ngumiti sa dumating.

“Good morning!” Malambing na wika ni Mommy.

“Good morning, Mrs. Ancheta.. Gaelan.”

Yumuko ako para tanggapin ang kanilang presensya.

“Thank you so much for saving, Alfred.” Hinawakan ni Mrs. Floresca ang aking mga kamay, nagulat ako sa pagsugod nya na mangiyak ngiyak pa. Tipid akong tumango.

“No problem, Ma’am.” I want them to think that it is just my social responsibility to save lives, kung hindi man ay nakasanayan ko na dahil sa uri ng trabaho. Reflex, maybe.

“Uhm, kami na ang magbabayad ng hospital bills—” Mr. Floresca said.

“Ay hindi na ho! Nakakahiya!” Mommy cut off. Tumango ako sa kanyang sinabi bilang pagsang-ayon.

“No, kung hindi sa pagligtas mo sa akin–”

“Sir.. Parte ho iyon ng trabaho ko. Wala po akong hinihinging kapalit.” Paglilinaw ko.

“I know.. Alam kong wala. But please.. Just this one. No, I have another thing to ask aside from this one..”

Sumeryoso ang mukha ni Mr. Floresca. Tiningnan ko syang mabuti at nag-intay ng kanyang sasabihin.

“C-can you.. Can you work for my family?” Alanganin nyang tanong. Napaawang ang labi ko. Hindi ko inaasahang manggagaling yon sa kanya. They have a lot of agents. Ang head ng kanilang security na si Smiths ay nagmula pa nga sa ikalawang batch ng Yukan’na.

“Sir, I have a girlfriend.”

Dammit!

Hindi ko alam kung bakit yon ang nasabi ko. Gusto kong sapakin ang sarili ko paulit ulit! Pagkakataon naman ni Mr. Floresca para magulat and I understand why! Why am I being weird?!

“A-ah.. Of course.. Hindi naman– hindi naman pagiging boyfriend ng anak ko ang hinihiling ko sayo.. She’s in Venice and staying there for good. I am asking you to be the head of my security. Matagal tagal na din akong hindi umaasa sa security, kadalasan ay para sa mga anak ko na lang but what happened to Governor is an eye opener. Pinupuntirya ng masasamang tao ang kagaya ko. I want a round the clock security for my family and I have spoke to Senior Agent Yushima about this, pumayag sya na iassign ka sa aking pamilya.” Mahaba nyang litanya.

“So then, it was decided.” Sambit ko. Kung saan naman ako ilagay, hindi ako makakapagreklamo dahil ito ang trabaho ko, hindi kami namimili ng misyon.

“It was, but I want to ask your opinion about it. Kung hindi mo naman gusto ay hindi ko ipipilit.” Pormal na sabi ni Mr. Floresca.

Tiningnan ko si Mommy na nakikinig sa usapan at nagkibit balikat lamang, bakas ang pag-aalangan.

“Okay, Sir..” Tumango ako. Napabuga ng hangin si Mommy ng malakas, hinawakan ko lang ang kanyang kamay para intindihin nya ako. I have to do this. Trabaho ko ito.

Nagpaalam si Mommy para icheck ang mga gamot ko. Nanatili lang doon si Mr. & Mrs. Floresca para makipag-usap sa akin. Mostly the conversation went about the set up. Hindi ko tinanong ang paraan ng pagbabayad. As an agent of Yukan’na, the salary will definitely be paid in Yukan’na but Mr. Floresca insisted to pay my services apart from what they will pay my agency. Hindi na ako nakipagtalo dahil pagod pa din ang katawan ko dahil sa operasyon.

Isang katok ang pumutol sa aming usapan. Akala ko ay bumalik na si Mommy pero nagkamali ako, pagkabukas ng pinto ay nandoon si Heather na may nag-aalalang mukha. She’s wearing a maong shorts and a ripped loose sleeveless top. Mukhang kakagaling pa lang nya sa trabaho.

“Twin!” Yumakap pa sya agad sa aking bewang. Hinaplos ko ang kanyang likod.

“What are you doing here? Hindi ba mayroon kang concert ngayon?” I asked. Vocalist sya ng isang banda. Imbes na tutukan ang kanilang negosyo, ito ang kanyang napili dahil ayaw nya na umalis muli sa Pilipinas.

“Rehearsal pa lang ngayong umaga. Tumakas lang ako. Sabi ni Tita, gising ka na. Pinag-alala mo ako.” Yumakap muli sya sa akin. 

“I am fine. Hindi ako makakapunta sa concert mo but I will definitely buy a dvd. Goodluck. Bumalik ka na doon.”

Hindi pa din humiwalay sa pagkakayakap si Heather. Nasanay na ako sa pagiging malambing nya. It is one of the things why I know I can work it. This might probably work.

What’s not to love about her? She’s kind, sweet, caring and beautiful. Paulit ulit kong sinasaksak ang utak ko sa katotohanang iyon.

Tumikhim si Mr. Floresca kaya napahiwalay si Heather sa pagkakayakap sa akin.

“Ma’am, Sir, this is Heather, m-my girlfriend.” Pagpapakilala ko. Tumango lamang si Mr. Floresca at ngumiti lamang si Madame Helga. I felt awkward. Limang taon ang nakakaraan ay halos ipaglaban ko ng patayan ang kaisa-isa nilang anak na babae, and here I am, introducing a new girlfriend to them. Maybe some things aren’t meant to be but still happened for us to learn. Yung buong pagkatao mo ay parte ng isang malaking puzzle, hindi basta basta mabubuo kung wala ang isang pangyayari.

And with that I realized,

There’s no such thing as great love. As you get old, you will look for a companion than someone to hold and to give you the feel of a tight knot in the stomach, kasama na siguro sa pagtanda ang hindi mo maramdaman ang mga ganong pakiramdam, masyadong teenager ang kiligin. Aminado naman ako na naging mapusok ang kabataan ko kaya tiyak ko na kung hindi ko binago ang desisyon ko, wala din akong kakayanan na pasayahin sya . Madami din namang magbabago pagkalipas ng panahon. 

Magmamahalan pa kaya kami hanggang ngayon kung abutin kami ng ganito kalayo? Probably not. People change and feelings change . I guess.

Umalis din si Heather pagkalipas ng ilang sandali. Maayos syang nagpaalam kina Mr. & Mrs. Floresca na hindi nya siguro alam na magulang ni Maria. Hindi ko na din ipinakilala. Matagal na panahon naman na iyon. Irrelevant sa kung anong meron sa amin ngayon.

“Mauuna na din kami.” Tinapik ni Mr. Floresca ang aking braso. Ngumiti ako at tumango.

“Maraming salamat, Sir. I will see you after my recovery.”

Naunang lumabas si Ma’am Helga sa may pinto. Nagpaiwan si Mr. Floresca at mataman akong tiningnan.

“About what happened years ago—”

“Kalimutan na po natin yon, Sir. Isa pa, I believe she’s doing fine. Tama kayo.”

Makahulugan akong tiningnan ni Mr. Floresca bago malalim na bumuntong hininga.

“Okay, Son.. We got to go..” Malungkot nya akong nginitian saka tinalikuran.

Doon nagsimula ang paninilbihan ko sa mga Floresca. Anim na buwan ang lumipas at naging maayos ang lahat. Lahat ng schedule ni Mr. & Mrs. Floresca ay alam ko. Hindi naghihiwalay ang mag-asawa kahit saan sila pumunta, doon ko higit na nakilala ang mag-asawa. Wala pala silang ipinagkaiba sa mga magulang ko kung maglambingan.

“Gaelan, we will stay in our house this whole afternoon.” Sambit ni Mr. Floresca, lumingon ako sa likuran dahil nakaupo ako sa tabi ng kanilang driver.

“Okay, Sir.”

“Sa tingin mo, ano kayang surprise ang gusto nya?” Si Ma’am Helga.

“Hindi ba naghanda na si Samantha? Baka mainis na naman yon dahil OA tayo.” Humalakhak si Mr. Floresca, itinutok ko ang mata ko sa kalsada at nagpalinga linga, naghahanap ng posibleng panganib.

“By the way, Gael?”

“Yes, Sir?”

“Can you pick up my daughter at the airport after?” Kaswal na tanong ni Mr. Floresca. Pinanatili ko ang kalmadong mukha kahit biglang sumikip ang paghinga ko sa sinabi nya.

Daughter. Isa lang naman ang anak nilang babae.

“Yes, sir.” I managed to answer formally.

Kaya ngayon nakatayo ako sa arrival area ng airport, my palms are sweaty at halos magkaroon na ng concert sa loob ng dibdib ko sa lakas ng pagtambol. Hawak ko pa ang plakard na ibinigay sa akin ng girlfriend ng panganay ng mga Floresca.

‘WELCOME BACK, RIA!’

Why the heck am I doing this?

Kabanata 40

Change .

“Ang sakit sa likod!” Nag-inat si Regine paghakbang namin sa labas ng eroplano. Sinuot ko ang aviators ko para hindi naman mag-hello ang eyebags ko sa pamilya kong susundo sa akin.

“Inaantok na ako. I’ll probably sleep later. Ikaw?” tanong ko kay Regine.

“Ako din..” binaybay namin ang mahabang lakaran sa loob ng airport para kunin ang luggage namin. Pinagsama-sama namin sa cart ang mga ito at si Regine na ang nagpresintang magtulak.

“Sino ba ang susundo sa atin?” tanong ni Regine habang patuloy ako sa paglalakad. Nagpalinga-linga ako at tumingin sa salamin na naghahati sa mga taong papadating at sasalubong.

Natigilan ako ng mahagip ko ang isang cardboard na mayroong pangalan ko.

“WELCOME BACK RIA!!!” At ang tuldok ng exclamation point ay tila hugis puso pa.

Lumipat ang mga mata ko sa may hawak non. Hindi pa nya ako nakikita kay mabilis ang pagtalikod ko kasabay ng mabilis na pintig ng puso.

“Oh? anong nangyari?” Concerned ang boses ni Regine.

“Y-yung sundo natin–”

“Asan?”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Is this a joke?! Bakit naman ang taong yon ang susundo sa akin? Imposibleng may nalalaman sya sa pagdating ko. Not unless my family have to do something with it! Pinagkakaisahan ako? Bakit?

“Ay ang bongga ng pawelcome back! Ang gwapo ng sundo!” Humagikgik si Regine.

“Rej! Siya yung pinag-uusapan natin kanina.” Mahinang sambit ko. Agad akong nilapitan ni Regine at hinawakan sa magkabilang balikat habang naka-form ng ‘O’ ang kanyang labi.

“Sya? As in sya? Bakit ka nya susunduin? Wag ka ngang assuming teh! Baka naman hindi ikaw. Ria lang nakalagay, walang apelyido!”

Napagtanto kong tama si Rej. Imposible din naman na ako nga ang pinupuntahan nya. Isa pa, eh ano naman?

Pull yourself together, Ria!

That was five years ago, kalma.

Huminga ako ng malalim at sinubukang bawiin ang composure ko.

Hinawi ko ang buhok ko at hinayaang ang ilang hibla ay tumabing sa kalahati ng mukha ko. Tumuwid ako sa pagkakatayo at pinagmasdan ang suot kong skinny jeans at puting button down shirt.

Lumabas kami sa may passenger’s arrival area na hindi na muli syang tiningnan. I am pretty sure he won’t notice me. Nasaan na ba kasi ang pamilya ko?

“Welcome home, young maiden.” Itinagilid ko ang ulo ko dahil sa boses na iyon. Fudge! Fudge!

Nanikip ang dibdib ko dahil limang taon ang lumipas at narinig ko ulit ang boses na yon. It is somewhat nostalgic. Kulang ang balik tanaw ko kanina, ito ang kumumpleto. The exact feel of his soothing voice talking to me.

“Hi! Ako si Regine!” Narinig ko ang boses ni Regine na magiliw na tinanggap ang presensya ni Gaelan. Giving me time to redeem myself from the surprise. Nag-paste ako ng ngiti bago tuluyang lumingon.

“Agent Ancheta.” Malamig na pagpapakilala ni Gaelan sa kanyang sarili kay Regine. Tumikhim ako.

“Thank you.” Pormal na sabi ko. “Can you help us with our things, please?”

Tumango naman si Gaelan na hindi ako masyadong tinitingan. Kinuha ni Regine ang cardboard mula sa kanya.

“Nag-abala pa si Agent ng pa’welcome back!” Natatawang sabi ni Regine.

“It was Samantha’s idea. Para madali nyo daw akong nakita.” Sagot ni Gaelan habang nagpapatiuna sa pagtulak ng cart.

“Hindi naman kami mahihirapang makita ka.” Kumento ni Regine na pasimple kong siniko. She is ogling at Gaelan’s behind. Aminado din naman ako na mas lalong umangat ang ganda ng katawan ni Gaelan. He looks more matured now in his black slacks and dark blue polo. Yung imahe nyang naalala ko kanina, halos burahin ng itsura nya ngayon. He seems professional. Ang kilay nyang makakapal ay laging salubong, palinga linga din ang kanyang mata sa paligid, hindi din halos sumilay ang ngiti sa kanya.

Ano naman kaya ang ginagawa nya sa pamilya namin?

Si Regine ang tanong ng tanong kay Gaelan. That, or we will all suffer in silence the whole ride. Traffic pa naman.

“So, agent ka na nagtatrabaho sa mga Floresca. Alam mo may kilala din akong agent eh. Si Yuki Yushima! Kilala mo ba yon?” Tinaasan ko ng kilay si Regine sa aking tabi. Mabuti at nakashades ako kung hindi ay mahahalata ni Gaelan ang reaksyon ko. He’s sitting beside our driver.

“Yes. He resigned years ago.”

Resigned? Sabi ni Yuki mayroon daw syang misyon sa Venice ah! Pinaglololoko nya ba ako?

“Boyfriend yon ni Ria. Magkasama sila sa Venice.”

I almost died in Regine’s statement! Ano bang pinagsasasabi ng babaeng ito?!

“A-ah. Ganon ba. Wala na ding akong balita kay Yuki.” Narinig kong sabi ni Gaelan na hindi man lang nakita ang kanyang reaksyon. Sabagay. Why the hell would I care?

Hinagilap ko ang cellphone ko at hinanap ang numero ni Yuki sa whatsapp contacts ko.

Ako : Nasa Pilipinas ka ba?

Mabilis na tumunog ang cellphone ko.

YuYu : Hello sweet sugar coated fairy!

I groaned with Yuki’s reply. Hindi na ako magtataka kung nasa Pilipinas din sya, isang bwan ko syang hindi nakita dahil nagbakasyon kami ni Regine sa France. Kung hindi sa kalsada ng Rome nagpalaboy laboy ang isang yon pra maghanap ng broken hearted na bibiktimahin, uuwi nga sya sa Pilipinas.

Ako : Alam mo bang si Gaelan ang sumundo sa akin? At alam mo bang alam ko na resigned ka sa Yukan’na! Tsk. You are such a liar.

YuYu : Galit ka naman agad, cute little thing eh! Eto nga nagte-training ako ulit para maging agent.

Ako : Tigil tigilan mo ako sa endearments mong baduy!

YuYu : Why o why, Baby bomb? 😞

Binalik ko ang cellphone ko sa aking pouch. I never had a serious conversation with Yuki eversince. Ngayon ay naisip ko na nakatulong sa kanya ang paglayo sa Yukan’na. Dati kasi ay stiff sya. Ngayon napakapalabiro.

Nagbeep muli ang cellphone ko.

YuYu : Pretty tiny booboo.. 😍

Ako : Y-U-C-K!

YuYu : 😮😮😮

I almost imagined Yuki making a face. Napangiti ako.

Ako : Haha! I miss you, Yuki.

Natanaw ko na ang entrada ng village namin. Tuwing napapadako ang mga mata ko sa gilid non kung saan ako nagtago para intayin si Gaelan, naawa pa din ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko yun ginawa. Now we treat each other as strangers, hay, Ria! Sayang talaga ang effort mo!

Pumasok ang aming sasakyan sa mansyon. I missed the sight of it. Gusto ko nang bumaba kahit hindi pa humihinto ito dahil sa excitement. Namimiss ko na ang kwarto ko.

Tuluyan nang huminto ang sasakyan. Hinawakan ko agad ang door handle para bumaba ng sasakyan pero bumukas ito agad.

Nakita kong si Gaelan ang nagbukas non. He’s still poker face.

“Salamat.” Bulong lang iyon at hindi ko na sya muling tiningnan.

Nakasunod si Regine sa akin. Ordinaryo ang tingin ko pagpasok sa bahay. Wala ang mga kasambahay sa paligid. Siguro din nasa opisina pa ang mga kapatid ko.

“WELCOME BACK!!!” Halos mabingi ako sa pagsigaw ng aking pamilya na nanggagaling sa muebles sa iba’t ibang parte ng kabahayan! Natawa pa ako ng mapagtanto na nagtago lang sila doon. May pasurprise surprise pang nalalaman!

“Thank you!” Sinalubong ako ni Kuya Rab at niyakap ako. He handed me a black jewelry box with a gold engrave of ‘Cartier’.

“Happy birthday Baby Botchog. Welcome back..” Hinalikan ako ni Kuya Rab sa noo. Tinaasan ko sya ng kilay at nginuso ang kanyang regalo.

“That’s not a necklace. See for yourself.” Bulong nya.

He knows I do not want another necklace. Tuwing nakakakita ako ng kwintas, I really see it as a symbol of a broken promise kaya ayoko na noon.

It is really funny how one person can make a difference. You will view things differently because of a mistake, false hope and a dying love. Sa isang pitik.

“Young Maiden, you left your phone.” Magalang na sambit ni Gaelan sabay abot sa akin ng telepono. Sinilip ko ito at nakita ko ang missed calls mula kay Yuki. Hindi pa din umalis si Gaelan sa aking harapan kaya hindi din ako gumalaw, nagkunyaring abala sa cellphone.

Isang flash ng camera ang sumilaw sa akin. Parehas pa kaming nagulat ni Gaelan.

“Throwback Thursday oh! Welcome back, Baby girl!Hello Baby Boy!” Humalik si Sam sa aking pisngi. Hinaplos ko ang kanyang tyan na nagdadala sa aking pamangkin.

“Kailan ang kasal?” Tanong ko sa kanya.

“Naku hindi pa! Hindi pa ako sigurado kay Gilad kung talagang natuto na sa leksyon nya. Alam mo naman tayo. Survivor. Kung lolokohin nya pa ako ulit, mas madaling mag-impake kung hindi nakatali.” Umismid si Sam at tumingin kay Kuya Gilad. Sumilay ang masayang ngiti kay Kuya Gilad ng magtama ang mga mata nila ni Sam at naglakad papalapit sa amin.

“Welcome back, Ria.. Honey, do you want anything?” Yumakap pa sya sa bewang ni Sam.

“I want you out of my sight. Tse!” Tumalikod si Sam at naglakad patungo sa kung saan. Sinundan naman sya ni Kuya Gilad.

Kumaway ako kay Mommy at Daddy na may kung anong sinasabi sa mga kasambahay namin. Binalingan ko si Gaelan na nakatayo pa din sa aking harap.

Tumunog muli ang cellphone ko. Napatingin ako kay Gaelan na mukhang may sasabihin. Sumenyas ako na sasagutin ko ang tawag at naglakad papalayo sa kanya.

“Hi cotton candy puppy puff!” Bungad ni Yuki sa kabilang linya.

“Kailan mo ba ako seseryosohin?” Naiinis na tanong ko sa kanya.

“Baka pag sineryoso kita, magulat ka.” Yuki chuckled. Umirap ako sa hangin. Bakit ba ang dami nyang naloloko? He’s a sweet talker and that’s it. This manwhore.

“Im home.” Kinagat ko ang pangibabang labi ko. Nakatayo ako sa gilid na lamesa kung nasaan ang picture frames ng aming pamilya.

“I need someone to talk to.” dugtong ko.

I heard Yuki sighed. “Hindi mo ba talaga ako titigilan? Mula Venice hanggang sa Pinas pang-maalaala mo kaya ang pagkakaibigan natin? Do I look like Charo Santos to you?” Reklamo nya. Napalabi ako. Nagsasawa na si Yuki sa mga reklamo ko sa buhay. I cannot blame him. All I talk about in sadness but no reason in particular. I just feel sad.

“Okay.. I’ll just see you one of these days.” I murmured.

Isang malakas na pagtunog ng motor ang narinig ko na nagmumula sa main door ng mansion. Napakunot ang noo ko dahil narinig ko din yon sa kabilang linya.

There. I saw Yuki confidently walking down his motorcycle. Pinatay nya ang telepono at kaswal na kumaway sa akin.

“Hi Lollipop!” He flashed a playful grin. Halos mapatalon ako sa sobrang saya! He’s here! Finally, may kakampi ako. I have yet to ask them what is Gaelan doing here at parang aligaga pa si Mommy sa pag-asikaso dito, I think they are cooking something and Yuki will balance my stress!

“YuYu!” I smiled from ear to ear. Sinalubong ko sya ng yakap. Dinig ko pa ang pagsinghap sa aking pamilya pero ng lingunin ko sila, nagpatuloy lang sila sa kanilang ginagawa.

Bukod tanging si Gaelan ang nanatiling nakatingin sa aming dalawa. Tinaasan ko sya ng kilay kaya nag-iwas sya at ngumiti kay Mommy habang kinuha ang inaabot na juice ng Nanay ko. What’s with these people?!

“Gael..” Yuki extend his hands to Gaelan, tinanggap namin nito agad. I wonder if he believes Regine. Pinaniniwalaan nya kayang may relasyon kami ni Yuki? Well, it doesn’t matter.

Masaya ang kwentuhan ng pamilya ko sa loob ng aming bahay but we retired early. Napagod kasi kami ng husto sa byahe, isa pa ay madilim na din. Hapon na din namang ng kami ay dumating. Hinatid ko si Yuki sa labas ng bahay ng magsiakyatan na ang pamilya ko.

“Lovely sweetypie, I have to go.” Hinawakan ni Yuki ang aking pisngi ag pinanggigilan. Kinurot ko sya sa tagiliran para itigil nya but he did not.

“Bukas magiging busy na ako sa turnover ng business ng aming pamilya.” Huminga ako ng malalim. Changes will happen soon.

“Tawag ka lang pag kailangan mo ng kausap.” Seryosong sabi ni Yuki.

“Nakakaabala ka lang naman! Napakakulit mo.”

“Aray naman! Grabe ka sa akin!” Kumapit si Yuki sa kanyang dibdib pagkatapos ay pinitik ako sa noo. Ginantihan ko sya ng pitik sa ilong. Umalingawngaw ang malutong naming tawanan.

“Young Maiden. Kailangan nyo nang pumasok.” Natigil kami ni Yuki ng sumulpot si Gaelan sa aming gilid. Tumuwid kami ng tayo ni Yuki.

“I am with Yuki. You don’t have to worry.” Pormal kong sabi.

“I am not worrying, I am just doing my job.”

“If you are doing your job, please avoid meddling with my privacy.” Umirap ako.

“Privacy? Nandito kayo sa labas so what’s so ‘private’ about it?”

“Kailangan ba nagtago kami?” Humalukipkip ako.

“That would be awkward.” Nanunuyang ngumiti si Gaelan.

“At bakit?”

“Because I am your shadow. I will be your bodyguard.”

Pinanlakihan ako ng mata. Like, seriously?!

“Hindi ko kailangan!” I insisted. I need to talk to Daddy. “Yuki, I have to go.”

Tumango si Yuki at tipid na kumaway sa akin. “Bye, Peanut butter jelly! Goodnight!”

Naiinis akong nagmartsa patungo sa loob ng mansyon. I couldn’t believe this!

Kumatok ako ng mabilis sa kwarto ni Mommy at Daddy, agad akong pumasok doon. Naabutan ko pa silang nanonood ng TV habang magkayakap.

“Hello Princess!” si Mommy.

“Dad, paano namang nangyari na bodyguard ko si Gaelan? I don’t need one. Saka bakit close na po kayo?”

“Calm down, Ria.” Dad said.

“No! I cannot calm down! Daddy, please. Not Gaelan.”

Tiningnan ako ni Daddy ng may pagod na tingin.

“Why not?”

“K-kasi hindi ako kumportable!”

“Because?”

“I don’t know. Basta hindi.”

“Ako kumportable sa kanya.” Daddy said with finality. Mas lalo akong nafrustrate!

“Dad!” Bakit? Bakit bigla? Hindi ba dapat galit sila sa kanya dahil bad sya!

“Ria, he caught a bullet for me. He saved my life.” Umupo si Daddy sa kama at sumandal sa headboard.

Doon ako natahimik.

He did that?

Hindi ko man lang alam na nalagay sa panganib ang buhay ni Daddy ng ganon! At ang malaman na si Gaelan pa ang humarang na bala para sa kanya ay napakahirap paniwalaan. When did he become selfless?

“And I think if he can do it for me, he will do the same for you.”

“Did we say thanks?” Yun ang naunang pumasok sa isip ko.

“I am not only grateful. Both of us know that he doesn’t need an extra income but I still insisted that he work for us because of what he did. You need a bodyguard as loyal as Gael.”

Wow, Gael! Nickname na ang tawag ng Daddy ko sa kanya. I rolled my eyes, hindi ko na napigilan. Tiningnan ko si Daddy. He looks tired. Yes, he’s old and he probably needs me to take over. Maybe he’s worried and I hate it that I need to listen this time, like a kid.

“I don’t like him meddling with my personal life, Dad.”

“He won’t.”

“And I don’t want to see him 24/7.” Pilit ko.

“Impossible.”

“What? Why?”

“He sleeps beside your room.”

“WHAT?!”

“You’re such a baby. May feelings ka pa ba?” Ngumisi si Daddy na parang tinutukso pa ako.

“My God! Dad! That was ages ago!” Napairap ako ng husto.

“Good. He also has a girlfriend. “

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Daddy pero agad din namang nakabawi. Sanay naman na ako. Siguro hindi ko man naturuan ang puso ko na magmahal ng iba bukod sa kanya, alam kung namanhid naman na ako sa sakit. Sa sobrang sakit, ayaw ko na din magmahal ulit kaya nagmumukhang sya pa din. Akala ng iba sya pa din. But I don’t think so, wala lang akong balak magmahal ulit na parang baliw na baliw.

Desidido akong kalimutan ng husto ang parteng iyon.

“Remember that he saved your Dad’s life, Ria.” Bilin ni Mommy bago ako tuluyang lumabas ng kanilang kwarto.

Kahit papaano ay nagbago ang pananaw ko na iniligtas nya si Daddy. I have to say thank you. Kung pinaalam sana nila sa akin noon pa na muntik nang mapahamak si Daddy at niligtas sya ni Gaelan eh di sana nagpasalamat ako sa pamamagitan ng email. Kaya lang ay hindi. Kailangan ko pa tuloy gawin iyon ng personal.

Bumaba ako patungo sa kusina. Noong nasa Venice ako, kumuha ako ng Culinary arts. Dalawang taon ko itong inaral. Narelax ako ng husto pagmasdan ang magagandang pastry. Makukulay na pupwedeng kainin. Kumuha ako ng mga sangkap para sa naiisip ko. Nutella s’mores. Madali lang namang gawin.

Sinilip ako ng isa sa mga kasambahay at nag-alok ng tulong pero umiling lamang ako. I want to do this all by myself.

“Nagbebake ka?” Napalingon ako kay Regine na pupungas pungas.

“Yes.”

Hinawi ko ang buhok ko sa pamamagitan ng braso pagkatapos ay binalikan muli ang mixer.

“Ano meron? Hindi mo pa ipinagpabukas.”

“Mabilis lang ito, s’mores lang.”

“Tulungan kita?”

“Hindi na. Tingnan mo ang itsura mo oh. Tingin ko ay iisipin mong panaginip lang ang usapan nating ito kinabukasan. Go back to sleep. If you are not sleep walking.” Biro ko. Regine made a face pagkatapos ay tumalikod sa akin.

Nilagay ko sa molder ang naihanda kong mixture pagkatapos ay nilagay sa oven. Hinarap ko naman ang marshmallow at ang pagtunaw nito sa butter. Kailangan ay maingat para hindi masunog.

Nang maluto na ang nilagay kong mixture sa oven, isa- isa ko itong pinalamanan ng softened mallows. Habang ginagawa ko iyon ay nakita ko si Gaelan na pumasok sa kusina. Hindi nya pa ako agad napansin at dumiretso sya sa ref para kumuha ng tubig. Di ko naialis ang mata ko sa kanya kaya ng napadako ang tingin nya sa akin ay tinaasan nya ako ng kilay. Bumagsak ang mata ko sa ginagawa.

He saved your Dad’s life, Ria. Wag masungit.

Naramdaman kong umupo si Gaelan sa bar stool kung saan ako abalang nagbe-bake, mabagal syang umiinom ng tubig sa baso nya na parang wine ang nandoon. Aba’t umupo pa talaga!

Minadali ko ang pagpapalaman ng s’mores at inilipat iyon ng cookie jar. Lalagyan ko pa sana ng ribbon kaya lang nakikita naman nya ang ginagawa ko.

“Oh.” Iniabot ko ang jar ng hindi tumitingin.

“Baka sabihin mong wala kong heart, thank you ko yan kasi niligtas mo si Dad.” Sambit ko. Nang harapin ko sya, nakataas na naman ang kilay nya sa akin!

Ano bang problema nya?

Iniangat ni Gaelan ang kamay nya at akmang hahawakan ang mukha ko kaya napaatras ako ng kaunti. Hinuli naman nya ang balikat ko at mas inilapit pa sa kanya.

“Puro harina ang mukha mo.” Seryoso nyang sabi habang pinapagpagan ang mukha ko.

Nakakainis! Baka sabihin nyang pinaghirapan ko ng husto ang ginawa ko. Dapat pala ay binawasan ko ng asukal para mukhang walang effort!

Napatitig ako sa mukha nya habang ginagawa nya yon. He changed. Pag kumunot ang noo nya magkakaroon ng guhit sa pagitan ng ilong. Tapos mas nakadepina na ang kanyang panga.

“Pumangit ka.” Di ko napigilang sabihin.

“Ikaw din.” Sabi naman nya. Humaplos sa aking ilong ang mainit nyang hininga. Pinili kong ignorahin yon.

“Pero mas pangit ka.” Pamimilit ko.

“Mas pangit ka, hindi mo lang matanggap.” Seryoso pa din ang kanyang mukha sa pag-aalis ng harina sa mukha ko.

Sumimangot ako at pinalis ang kamay nya.

“Quits na tayo sa pagliligtas mo ng buhay ng Daddy ko. Nagthank you na ako.”

“Cookies?” Nanunuya nya akong tiningnan sabay angat nung cookie jar.

“Masarap naman yan! Isa pa, hindi lang naman yan ang ibibigay ko. I will pray for you too. Siguro hindi ka na nagpepray kaya ka tinamaan ng bala. Tsktsk.”

Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Gaelan. Mas lalo ko syang kinunutan ng noo.

Nagmartsa na ako papalabas ng kusina ng naiinis.

“You still hasn’t changed.” Mula sa kusina ay isinigaw nya.

Kabanata 41

Still .

Maaga akong bumangon para simulan ang araw ko. No, I was not able to sleep at all. Mayroon akong jetlag. Parang nirereplay pa sa utak ko yung eksena nung tinatanggalan nya ako ng harina sa face.

Gaelan is so good in flirting.

And oh, come on Maria. Ano to? Nagpapadala ka?

Dumiretso agad ako sa pagligo at kumuha na lang ng kung ano sa closet ko. I ended up wearing an all white ensemble. From pleated dress to white stilettos. Dinampot ko ang shades ko at nilagay sa aking ulo. Iniisip kong magbreakfast pero kinakabahan ako ng husto sa unang araw ko sa LAYA Air. Kuya Gilad will train me though, pero hindi sapat ang dahilan na iyon para maging kampante ako.

Aantok antok pa akong humakbang sa labas ng kwarto ko. Kailangan kong magtrabaho katulad nila Kuya at hindi ko alam kung paano ko ba magagawa yon. Hindi naman ako ganoon kasipag.

“Mama!” Nagulat pa ako ng salubungin ako ni Mama Buding sa ibaba ng hagdanan. Hindi ko sya nakita kahapon dahil hindi naman na sila naninilbihan sa amin. Ngiting ngiti si Mama habang pinagmamasdan akong makababa.

“Ria! Kamusta ka na?” Niyakap ako ni Mama ng mahigpit. Agad kong napansin na bumaba ang kanyang timbang at mukhang nadagdagan ang kulubot sa mukha. Surprising how five years could change a person, pero kung iisipin mo parang kailan lang.

Ganoon siguro talaga, mas mabilis magbago ang itsura, pero kapag feelings ang tinamaan sayo, you will remember it vividly. Lahat ng saya di mo makakalimutan lalo naman ang sakit, may peklat pang kasama, if not, fresh wounds stays forever.

“Mabuti. Kayo po ni Papa? Bumalik na kayo ulit ng Maynila? Dito na kayo sa bahay?” Umaasang tanong ko.

“Naku hindi. Binisita lang kita. Isa pa, dinala ko dito ang pamangkin kong mamasukan dito. Halika, ako ang naghanda ng almusal. Kumain ka na muna. Nagsialisan na ang mga kapatid mo.” Hinila ako ni Mama Buding patungo sa dining area. Nakaramdam ako ng sandaling pamimilipit ng sikmura ng madatnan ko doon si Gaelan, holding the jar of cookies I baked last night. Kalahati na ito halos. Kinain nya ba kagabi? Inalmusal nya?

Nag-angat ng tingin si Gaelan at tumuwid ng pagkakaupo. He’s wearing his agent uniform.  Kung uniporme ba ang dark blue longsleeves na nakatiklop hanggang siko at slacks. How can he save a life with a leather shoes though? Parang may pupuntahan lang na fashion show.

“Teka’t titingnan ko kung nakahanda na ang meatloaf.” Tinapik ako ni Mama Buding sa balikat at saka nagtungo na ng kusina. Ni hindi man lang nagulat na nandito si Gaelan. Ganoon na ba ka-usual ang presensya nya sa bahay namin?

Inabot ko ang bandehado ng kanin at nagsimulang magsandok. Gusto kong magpanggap na wala si Gaelan sa harapan ko kaya lang paano ko naman gagawin yon kung hindi sya umaalis sa harap. Kalmante syang nakaupo na para bang sanay na sanay sa bahay namin.

“Is this how you say thanks?” Seryosong tanong ni Gaelan sabay angat sa hangin ng cookie jar. Tipid akong tumango.

And why did he ask?

Alam ko namang kulang ang cookies sa pagligtas nya kay Daddy. Wala naman na akong iooffer pang iba. Kabuhayan package? Hindi naman nya kailangan. Baka naman nag-iintay ng paparty? Patawarin ko na lang kaya sya sa utak ko? Sabagay hindi naman nya alam na galit ako.  Kaunting galit lang naman.

ibinuhos ang atensyon sa pagkain habang iniisip ang ibang pasasalamat kay Gaelan. Hindi ko tuloy napansin na naparami ako ng kain dahil lagay ng lagay si Mama Buding sa plato ko ng kung ano-ano. I missed Filipino cuisine! Lalo na ang luto ni Mama.

Nahinto lamang ako ng hindi iniaalis ni Gaelan ang tingin nya sa akin. Binaba ko ang kutsara at tinidor ko, hudyat ng pagtatapos sa pagkain.

“You can eat more. Maaga pa naman.” He said. Umiling na ako.

“Im good. Too much carbs.” Uminom ako ng tubig.

“Takot kang tumaba?” Natatawa nyang tanong. Ano naman kayang nakakatawa doon?

“Yeah. May bad experience kasi ako sa pagiging mataba. Anyway, Male-late ako na ako.”

An awkward silence filled the air. Tiningnan ako ng mataman ni Gaelan.

What now?

“You are already late.” Pagpupunto nya na may striktong mukha, hindi man lang kumilos sa harapan.

Tinaasan ko sya ng kilay kasabay ng pagtayo. Masungit pa din talaga sya! May mga bagay din talagang hindi nababago ng panahon. Ang kasungitan ata ni Gaelan likas na likas talaga. Ano namang masama sa pagsasabing may bad experience sa pagiging mataba? Kung hindi naman dahil don, hindi kami magkakakilala kasi hindi nya ako ibu-bully!

Umalis na ako sa harap ng lamesa at nagpaalam kay Mama Buding na syang may bitbit ng bag ko. Si Gaelan ang kumuha ng bag imbes na ako sana ang kukuha mula kay Mama.

“Thank you.” Wala sa sariling sabi ko.

Sinundan ko sya sa paglalakad hanggang sa makarating sa main door. Sino kaya ang magmamaneho para sa akin? It could be Mang Vic. Natanawan ko syang papalapit sa amin.

Binuksan ni Gaelan ang upuan sa likod para pumasok ako.

“Thanks.”

“Two.” Sambit ni Gaelan. Kinunutan ko sya ng noo. Two? Anong ibig nyang sabihin?

Umikot si Gaelan patungo sa driver seat. Sya ba ang magmamaneho? Hindi naman sya driver! Tumikhim pa sya at inayos ang rearview mirror kaya nagkatinginan kami mula doon. Matagal kaming nagkatinginan.

“Yes?” Tanong nya ng seryoso. Nag-iwas ako ng tingin. Teka nga! Sya din naman ay patingin tingin din? Parang ako lang ang nakatingin ah!

“Bakit ikaw ang nagda-drive?” I asked.

“Driver Bodyguard.” Nagkibit balikat sya.

“Why are you doing this?” Hindi ko na matiis na hindi tanungin. Agent sya. Hindi naman talaga sya ‘bodyguard’ at mas lalong hindi naman sya driver!

“This is my job.”

“No, this isn’t your job.”

“I was hired to do this, Young Maiden.”

“Can you stop addressing me that?”

“Yes, Ma’am!” Galing sa ilong na sagot nya.

“Ayaw ko din ng Ma’am. Do not act as if we don’t know each other. Too late to be formal now so quit it.” Pabagsak kong ipinahinga ang likod sa sandalan ng sasakyan.

“Copy, Baby.” Bulong lang iyon but I think I heard it!

“What did you just say?” Medyo tumaas na ang boses ko.

“Copy?” Pinaikot nya ang manibela dahil sa isang U-turn.

“Copy what?”

“Copy clearly.” Kalmado nyang sagot.  Tumikhim ako ng napapahiya.

Nagkamali lang siguro ako ng dinig.

The drive to Laya Airlines is too quiet. Wala akong ibang naririnig kundi ang pangilan-ngilan na pagbuntong hininga ni Gaelan o di kaya ang pagpindot sa cellphone ko dahil kanina pa ako hinahanap ni Kuya Gilad.

Dinala sa parking lot ni Gaelan ang sasakyan. He once again opened the door for me so I said thanks again, he said ‘Three’ when I said thanks. Ang weird naman nya today! What’s with his counting thing?

Akala ko ay maghapon ko syang makakasama pero tumigil sya sa lobby ng Laya. Will he stay there the whole time? Ganyan ka-boring ang trabaho ng agent? Noon, hindi ko naman naiimagine sina Chief Smiths na naiinip sa pagbabantay sa amin but now, seeing Gaelan waiting that long parang nakakawa naman.

I just shrugged.

Sabagay, naintay nga nya ang pagbabalik ni Heather simula iwanan sya, mag-intay pa kaya para sa akin ng walong oras? Piece of cake.

“Ria!” Pagbukas ko ng pintuan ng opisina ni Kuya Gilad, tuwang tuwa nyang sinalubong ako, with open arms pa!

“Hi Kuya!”

“How was your travel going here?”

“Fine.” Pagod akong umupo sa silya sa harapan.

“Fine as in really fine? O fine na wala ka lang choice?”

I sighed.

“Why is he even my bodyguard, Kuya?” Napapagod na tanong ko. Ang tanong na hindi nagpatulog sa akin kagabi.

Lumabi si Kuya Gilad at ibinagsak ang likod sa kanyang swivel chair.

“Because Pierre Alfred Floresca suggested it? Did you ask him why?”

“I did! Nakakainis lang kasi parang ako pa ang immature. Samantalang dati, pinaglalayo kami.”

“Ria, he’s dad’s favorite person now. If you really don’t want him, I will talk to Dad.”

“Hindi naman sa ayaw. Ang weird lang kasi sa pakiramdam. Parang hindi ako tumanda. Those old faces, nandyan pa din. It reminds me how stupid I was before.” Humalukipkip ako at sumimangot.

“Speaking of old face.. Have you seen Selene?”

“Hindi pa. We lost touch. Nag-aral daw sya sa New Jersey para mag-masters, yun ang huling balita ko.”

“You should see her now.”

Nakaramdam ako ng saya sa ibinalita ni Kuya Gilad. Kung nandito sya sa Pilipinas ibig sabihin pupwede ko syang dalawin?

“Your friend looks a miserable housewife..” Dugtong ni Kuya.

“Miserable? Housewife? What do you mean?”

“Well, Sam was supposed to style her in one of Valdemar’s corporate event last month pero isinugod daw sa ospital. Nakitang maraming pasa.” Nagkibit balikat si Kuya Gilad samantalang gulat na gulat naman ako. I didn’t know she got married! And to whom?

Sumakit ang ulo ko bigla, nag-alala ako agad.

“C-can I see her now?”

Inilahad ni Kuya Gilad ang palad nya. “Sure, Princess.”

Nagmamadali akong nagtungo sa lobby. Wala na akong pakialam kung unang araw ko ay maglalakwatsa agad ako. Nag-alala ako sa sinabi ni Kuya. Ilang hakbang lang nakarating na ako sa entrada ng opisina.

Nanliit ang mata ko ng makita ko ang receptionist doon na nakikipaghagikgikan kay Gaelan. Si Gaelan na kanina lang ay sinusungitan ako.

“Neda..” Nakita ko sa ID plate ang pangalan nya. Tumuwid naman sya ng pagkakatayo.

“Y-yes Ma’am?”

“May pasalubong ako galing Rome.” Malamig kong sabi.

“Ay, thank you po, Ma’am!”

Inilahad ko sa kanyang table ang maliit na prayer book. Napawi naman ang ngiti ni Neda. “Pray ka sa free time mo.”

Kitang kita ko ang pag-angat ng labi ni Gaelan na agad din namang nawala ng masama ko syang tingnan.

Naglakad ako papalapit sa elevator na naiinis pa din. Hindi ba dapat ay nagtatarabaho sya? Nabura agad yung concern ko sa pagkainip nya! For sure he’s pleased that he stayed at the lobby. Alam ko ang mga tipo ni Gaelan, she likes confident girls like Ms. Farrah, Heather and even Neda. Ilang babae pa kaya ang nagdaan doon sa limang taon na hindi ko sya nakita? Three, ten? Maybe, twenty! No, probably a hundred. Sabi ni Daddy, mayroon daw syang girlfriend. So sino naman kaya?

“Where are we going?” Natigil ako sa pag-iisip ng mamatay ang ilaw sa paligid. Nasa loob pala kami ni Gaelan ng elevator at wala kaming pinindot na button kaya nag-stand by mode ito. Nanginig ang kamay ko at hindi alam ang pipindutin. I hate dark, enclosed spaces!

“Ako na.” Natigil ako sa panginging ng maramdaman ko ang kamay ni Gaelan na humawak ng mahigpit sa kamay ko. “You’re trembling.”

“I hate dark places.” I uttered, pinaikot ni Gaelan ang daliri sa ibabaw ng palad ko. I don’t know what for pero gumaan ang pakiramdam ko.

“Im here.” Matatag na sabi nya pero nanlambot ang tuhod ko.

In three seconds nagkaroon agad ng ilaw, napatingin ako kay Gaelan na nakatingin lang sa akin. Nag-unahan pa kaming mag-iwas ng tingin.

“I want to see Selene. Nasaan sya?”

Natulala si Gaelan sa mukha ko na parang imposibleng sagutin ang tanong ko.

“Gaelan.”

Tumango si Gaelan. Tahimik kaming naglakad patungo sa sasakyan. Napuno ang utak ko sa pag-iisip kay Selene habang nasa byahe kami. Ayaw ko naman magtanong kay Gaelan tungkol kay Selene. I felt guilt, she’s a good friend, dapat hindi ko pinutol ang komunikasyon sa kanya dahil nasaktan ako. Hindi ko alam na mas malala pa pala ang inabot nya sa kamay ng asawa nya.

Bumisina si Gaelan sa tapat ng isang mansyon na mayroong malaking ‘V’ na nakaukit sa kahoy na gate. Hindi pamilyar ang bahay. I never met Selene’s parents before kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. Would they think na chismosa ako?

“Let’s go?” Hindi ko napansin si Gaelan sa harapan ko na nakalahad na ang kamay.

Hindi ko tinanggap ang kamay pero bumaba din ako. May sumalubong sa aming matandang babae na nakatuon ang mata kay Gaelan.

“Hi Manang.. Si Selene po?” Tanong ni Gaelan.

“Nasa itaas.. Umakyat na lang kayo doon.”

Ngumiti ako sa may katandaang babae na pormal na ngiti ang sinukli. Malaki ang bahay nila Selene, modern Mediterranean ang disenyo, parang mga bahay sa Italy. Bumungad ang malaking painting ng pamilya nila Selene, bata pa si Selene sa litrato, may hawak na baby ang kanyang Mommy at mayroon pang isang batang lalaki doon na kasama. Ang alam ko, babae ang kapatid ni Selene? Who’s the baby boy?

“Selene…” Mahinahong kumatok si Gaelan sa tapat ng isang puting pinto ng makaakyat kami sa ikalawang palapag, walang sumagot kaya binuksan ni Gaelan ang pinto.

Nagulat pa ako ng makita ko si Selene. She really looks thin and frail. Nakaupo sya sa isang rocking chair na nakapaharap sa bintana. Pero mas nasurpresa ako sa nagsusubo sa kanya ng pagkain.

“Twin!”

Napalunok ako ng ibaba ni Heather ang hawak nyang  bowl ng soup sa tray at tinalon nya ang distansya nila ni Gaelan at naglambitin dito. Her legs wrapped against Gaelan’s waist. Umiwas ako at binaling ang mga mata kay Selene na nakatingin sa akin ng walang emosyon. I wonder if she still remembers me.

Pero nakumpirma ko ng may tumulo sa kanyang mga mata na luha. Oh my God she’s crying!

Napatakip ako ng bibig. Naiyak din ako sa kalagayan nya. Parang hindi sya kumakain ng husto. And I never imagined her like this! She’s the strong Selene! Bakit sya nagkaganito?

Naglakad ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit.

“I failed, Ria. I am such a failure..” She whispered in between sobs. Hinagod ko ang likod nya.

“Maayos din ito.” Hinaplos ko ang mukha ni Selene at mas lalo syang naiyak. Wala tuloy akong ginawa kundi aluin sya buong maghapon. Hindi ako nagtanong. Sa tingin ko mas lalo syang maiiyak kung magtatanong ako sa pinagdaanan nya.

“Ria, you’re back.” Napalingon ako kay Heather na nasa likod ko pala. She’s wearing a black spaghetti strap and shorts but she looks pretty. Inilahad nya ang kamay nya at niyakap ako. Yumakap din ako pabalik.

“Kamusta?” I asked casually. Hindi ako tumitingin kay Gaelan na nakaupo sa kama ni Selene.

“I am fine. We’re fine.” Sinilip nya sa gilid ng mata nya si Gaelan.

“Good to know.”

Tumango lang si Heather at tiningnan si Selene. “Bes, do you need anything?”

Bes? They are bestfriends now? Madami talaga akong nakaligtaan, all of a sudden Heather took over, sa kanya napunta ang titulo na dapat ay sa akin. Pero wala naman akong karapatang magselos. Pinili kong talikuran ang lahat ng tao na may kinalaman kay Gaelan.

Ngumiti si Selene at umiling.

Lumapit ako kay Selene at kumuha ng book sa bag ko, hindi iyon bago. Inspirational book iyon na bitbit ko simula tumuntong ako sa ibang bansa. It helped me moved on. I hope this will help Selene too.

“Si Ria, hindi pa din nagbabago!” Sa unang pagkakataon nakita ko ang malapad na ngiti ni Selene habang binabasa ang title ng libro na ibinigay ko. Yung childish na smile nya bumakas sa mukha nya. Tumawa ako.

“Akala mo lang wala, pero madami.”

“Yeah. I am sure madami..” Napalingon ako kay Heather na nakayakap sa bewang ni Gaelan. Nakaramdam ako ng pagkurot sa sikmura ko.

Kailangan kong masanay.

“Twin, will you go home later? Wala akong gig mamaya.” Malambing na tanong ni Heather kay Gaelan.

“No. I have work.” Pormal na sagot ni Gaelan.

“Twin.. I missed you.. Alam mo namang bihira lang ako mabakante. Kahit sa gabi na lang tayo magkita.” Mas lalong lumambing ang boses ni Heather.

Tumingin si Gaelan sa akin na parang naiilang. I just shrugged.

“You go home. Ayos lang ako.” Paniniguro ko, “I will call Yuki to pick—”

“Ako na. Ayoko namang sabihin ni Mr. Floresca na hindi ko inaayos ang trabaho ko.” Putol sa akin ni Gaelan

“Gaelan, I can manage.”

“You can’t. Wag ka na makulit.”

“I am not! Ikaw ang makulit.” Tumaas ng kaunti ang boses ko.

“Mas makulit ka!”

Aba’t talagang ipipilit nya pa! Huminga ako ng malalim dahil ayaw ko naman makipag-away sa harap ni Selene.

“Gaelan, Yuki can do it.”  Kalmado kong sabi. Nagtiim bagang sya.

“No one do things the way I do, Maria.” Matalim akong tiningnan ni Gaelan. Natigilan tuloy ako. Sa unang pagkakataon mula ng magbalik ako, tinawag nya akong ‘Maria’ and thousands of memories came back.

Pakiramdam ko sinampal sa akin ang sakit na pinaramdam nya noon. Iniwan nya ako sa ere. Pinaasa nya ako sa pangakong sya ang bumuo. Pinasakay lang ako tapos mag-isa lang pala akong babyahe. That’s exactly how it felt years ago and I can still feel it now.

“W-wait.. You guys aren’t fighting right?” Si Heather. Sinabayan ko ang tingin ni Gaelan.

“No one will do it the way you do because others always do it better.” Umismid ako at lumabas na ng kwarto ni Selene.

It still hurts but I refuse to admit it.

Kabanata 42

Assumed .

“I smell something sweet..” Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ako halos makapaniwala na si Yuki yon!

“Strawberry muffin!!” Napangisi si Yuki pagkakita ko sa kanya.

Nandito kasi ako sa garden ng mga Valdemar-Montebello. Umalis na lang ako bigla kanina, parang ayaw ko na bumalik kasi nakakahiya! Masyadong naging mapakla ang pagkakasabi ko non at ano na lang ang sasabihin nila Heather at Selene. That I am bitter?

I want to smack my head, literally.

“I want to go home..” Lumapit ako kay Yuki at ipinahinga ang ulo ko sa kanyang balikat, nakakahiya talaga! Naramdaman ko ang kamay ni Yuki sa aking likod.

“You’re home..” Bulong nya. Lumabi ako kay Yuki pero binigyan nya ako ng mabait na ngiti. Hinaplos ni Yuki ang pisngi ko and I felt uneasy. Kapag seryoso sya kasi, hindi ako sanay.

“I will bring you home.” Mula sa likod nagsalita si Gaelan. Napalingon agad ako.

“Ako ang nagdala sayo kaya ako din ang mag-uuwi.” Sinamaan ko sya ng tingin. Bakit ba sya sumusunod? Iniwan nya si Heather? Ayos lang kaya ito sa kanya? Because if I was her years ago, I would probably get jealous. Hahamunin ko si Gaelan ng breakup kagaya ng ginawa ko non.

“Anong ginagawa mo dito?” I asked Yuki instead. Not minding Gaelan’s presence.

“I smelled something sweet so sinundan ko. Ikaw pala yan.” He chuckled. Hinampas ko sya sa balikat. Gusto ko kapag nagbibiro sya. Kapag masyadong seryoso ang hangin sa pagitan namin, it creeps me out.

“Ang corny corny mo!” Humagikhik ako.

“Ehem..” Tumikhim si Gaelan. Napawi ang tawa ko. Nagkatinginan sila ni Yuki. Palipat lipat ang mata ko sa kanila dahil nagtitigan sila ng husto na parang walang gustong pumutol but then, Yuki sighed.

“Sumama ka na sa kanya, Honeybunny.” Tinapik ni Yuki ang balikat ko. Para silang may kung anong pinag-uusapan pero hindi ko naman naiintindihan. Eksaherado akong napayuko dahil sa sinabi ni Yuki. Pinamimigay nya ako. Gusto kong magtampo.

“He’s just doing his job.” Iniangat ni Yuki ang baba ko gamit ang isang daliri tapos namungay ang mata nya habang tinitingnan ako. Napalunok ako, Yuki’s starting to freak me out again!

Naubo naman si Gaelan ng sobrang lakas, parang malapit na lumabas ang lungs. Kanina naman ay wala syang ubo, magkakasakit kaya sya?

Wala akong nagawa kundi sumakay sa aming sasakyan kasama si Gaelan. Hindi na ako nakapagpaalam kay Selene. Pupunta na lang ako sa ibang araw. Tuturuan ko syang mag-bake para hindi sya mainip. Hindi ko na isasama si Gaelan kapag pupunta ako dito. Tama, tatakasan ko sya.

“Yuki and you.. are a c-couple?” Gaelan asked habang papalabas kami sa village nila Selene. He tried his best to remained poker face pero nauutal naman sya. I don’t want to answer his question about my personal life. My God, its been years, kung interesado pala sya, sana noon pa sya nagtanong.

Sana hindi nya ako pinakawalan.

“Kayo pala ni Heather no?” Balik tanong ko. Natahimik sya bigla. Pero ilang sandali lang nagsalita sya ulit, hindi ko inaasahan.

“Kailan lang.”

Sinungaling talaga ang isang to.

“I am happy for both of you. Finally nagpakatotoo ka.” Pinili kong sabihin.

“What? Nagpakatotoo? Do you think Im lying years ago?” Bumagal ang pagmamaneho ni Gaelan.

“Oo.” I said as a matter of factly.

Tumingin ako sa labas ng bintana at doon tinuon ang pansin.

Biglang nagpreno ng napakalakas si Gaelan.

“Aray!” Reklamo ko dahil muntik na tumama ang ulo ko sa sandalan ng sasakyan nya. Galit ba sya sa sinabi ko?

“Im sorry. Lower your head.” Utos nya habang nakalingon sa likod.

“Ha?”

“Tabs, just do it..”

“Ha?” Mas lalo tuloy akong nalito! Him calling me Tabs! Nag-balik tanaw na naman ang utak ko ng kusa!

“Tss.” Hinila ni Gaelan ang kamay ko at hinapit ako papalapit sa kanya sa driver seat. Pinahinga nya ako sa dibdib nya at narinig ko na naman ang ritmo na matagal ko na hindi narinig. Mabilis na tibok ng puso. Pero ngayon hindi na ako nag-isip ng ibig sabihin nito. Ganito lang talaga siguro to noon pa. Idinadahilan nya lang na malapit ako kapag bumibilis ito para kiligin ang younger version ko.

“A-anong gagawin mo?” Nagtataka kong tanong. Naiwan ang mga binti ko sa passenger seat sa likod, ang kalahati ng katawan ko nakapahinga sa dibdib nya. Pinagtitripan nya ba ako?!

Nag-ring ang cellphone nya. Pinindot nya at nilagay nya agad sa loudspeaker.

‘Y. Yushima calling…’

“Walang plaka ang sasakyan.” Narinig ko si Yuki sa kabilang linya. May nakikita ba silang hindi ko nakikita? Are they ghostbusters?!

“Ilan?” Gaelan asked.

“Isa lang. Anong dala mo?” Si Yuki.

“45.”

“Give a warning shot.”

Pinanlakihan ako ng mata ng kumuha si Gaelan ng baril mula sa kung saan. Wala naman akong nakita na kahit ano kanina na may ganito sya.

“Sandali. Ano bang gagawin mo?” Pigil ko sa kamay nya.

Feeling ko nasa Just For Laughs ako at pinapakaba lang ako ni Gaelan dahil mayroong hidden camera! Wala naman akong nakikita na kahit ano.

Binuksan ni Gaelan ang bintana at hinarap sa likod ang kanyang baril at walang ano ano na ipinutok ito. Doon ko napansin ang itim na sasakyan na nasa likuran na biglang umatras at pinatakbo ang sasakyan papalayo sa direksyon namin.

“Susundan ko.” Yuki ended the call kasabay ng pagtunog ng kanyang motor sa kung saan. Nakasunod din pala si Yuki sa amin. Nag-alala ako ng husto Samantalang si Gaelan kalmadong nagpatakbo muli papalabas ng village.

“Ano yon?” My heart beat went faster! And I am very sure hindi dahil kay Gaelan iyon. I am nervous!

“May sumusunod sa atin.” Gaelan said.

“Baka naman may stalker ka o di kaya nakaaway.” Sinamaan ko sya ng tingin, naniniwala akong hindi ako ang sinusundan non! Bigla nya akong hinila hanggang mapayakap ako ng tuluyan sa kanya. Iniangat nya ang binti ko para malipat ako sa shotgun seat.

“Ayyy! Ano ba?!”

Nagpupumiglas ako pero nagmatigas si Gaelan.

“Wala akong stalker, ikaw meron.” Napapailing na sabi nya sabay tingin sa cellphone nya na nakaflash pa din ang pangalan ni Yuki. “Hawakan mo to.” Sabi ni Gaelan sabay abot sa akin ng baril.

“Ayaw! Ayoko..” Pinatong ko ulit sa binti nya ang baril. Grabe naman! Bakit nya ako pinapahawak ng ganon? Buong buhay ko, I only touch rosary, prayer books, yung mga bumubuhay ng kaluluwa ng tao, now he wants me to touch a gun? Nakakapatay ng tao!

“You need this, Tabs. Wag ka na makipagtalo.” Napapagod na sabi ni Gaelan. Nilahad nya ang palad ko at maingat na inilagay ang baril. May kinuha na naman sya sa gilid ng sasakyan at pinatong sa dashboard na baril din. Bakit ang dami nyang baril? It seems that he’s up for a war!

Malalim na nag-isip si Gaelan habang nagmamaneho. Hindi ko tuloy sya matanong. Seryoso? May susunod sa akin? Hindi ba talaga ligtas ang pamilya namin kaya isang batalyon lagi ang security? I never realized that before. Or maybe, paranoid lang si Gaelan. Or babae nya talaga ito na nagagalit dahil may girlfriend na sya.

Napagpasyahan kong hindi na muna bumalik sa Laya Air. I am emotionally drained. At nakarinig ako ng putok ng baril for crissakes!

“Ria, ang aga nyo bumalik?” Sinalubong kami ni Mama Buding sa main door ng mansyon. I smiled weakly. Inaya kami ni Mama sa kusina para mag-lunch, mayroong dalawang plato don para sa amin. Ibinuhos ko ang atensyon sa pagkain. Nakikita kong tinitingnan ako ni Gaelan sa gilid ng mata ko pero hindi ako tumingin pabalik.

Tumayo na ako ng makuntento na sa kinain. I am planning to watch food channel in my room dahil nakaalis na si Regine at nagtungo na pala sa mga relatives nya. Wala akong makakausap.

“Maaga pa. Change clothes.” Biglang nagsalita si Gaelan. Tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay.

“At bakit?” I asked.

“I will teach you something. Wag ka na makipagtalo.” He said. Nakipagtagisan ako ng tingin pero ako din naman ang sumuko.

Nagmartsa ako papabalik sa aking kwarto para magpalit ng damit. I wore a jeggings and black scoop shirt.

Ano naman kaya ang ituturo nya? I hope something interesting para hindi naman ako makakatulog.

Napaawang ang labi ko ng mapagtanto ko kung saan nya ako ‘tuturuan’.

‘Straight Shooters.’

Dinala nya ako sa gun shooting range na malapit lang sa village namin. Ang daming nakadisplay na baril pero hindi magkakamukha. Hindi ko alam ang tawag ng mga ito but it really looks deadly.

“Gael..” Isang morena na babaeng may tattoo sa braso ang lumapit kay Gaelan. She got well groomed brows and pouty lips. Mahaba ang kanyang buhok at itim na itim. The girl snaked her arms to Gaelan. Ang dibdib nya ay humahaplos kay Gaelan dahil naka-tanktop lang sya na kulay pula at reallyyyyy short shorts!

“Apple, I have a company.” Lumayo si Gaelan pero hindi pa din mawala ang tingin ko sa babaeng iyon. Masyadong bulgar. Bigyan ko din kaya sya ng prayer book?

“Oh.. Hi?” ‘Apple’ said. Sinipat nya ako mula ulo hanggang paa. Umayos ako ng pagkakatayo.

“Bine-baby sit mo?” Tiningnan ni Apple si Gaelan. This girl is really unbelievable. Kumapit muli sya kay Gaelan. Alam kaya ni Heather ito? Gaelan is being unfaithful!

“May bakanteng shooting range?” Tanong ni Gaelan.

“Basta ikaw, babakantehin ko.”

Hindi ko maiwasan ang masamid. This girl is flirting upfront!

Sumunod kami ni Gaelan kay Apple. Isang kwarto na mayroong karton na hugis tao sa gitna at sa pagitan non ay salamin. Mayroon ding lamesa na napapatungan ng baril at mga bala na nakapila.

“Okay. You may leave now, Apple. Thank you.” Pormal na sabi ni Gaelan. Parang nadismaya naman si Apple dahil pinapaalis sya. Tumaas ang kilay ko.

“Dati naman hindi mo ako pinapaalis.” Lumabi si Apple.

Aba’t ganon? Hinahayaan talaga sya ni Gaelan na lumapit lapit kapag mag-isa lang sya? Babaero talaga.

Nang hindi kumibo si Gaelan, umalis naman si Apple. Nakatuon na kasi ang pansin ni Gaelan sa mga bala na nandoon sa lamesa.

“General rule, Inexperience doesn’t matter, safety does. So safety first…”

Hindi ko inalis ang tingin ko kay Gaelan habang nagsasalita sya tungkol sa basic safety tungkol sa baril. Naiinis pa din kasi ako. Paano nya pagkakasyahin sa talambuhay nya ang napakaraming babae? Paano kapag naging hero sya at may nagsulat ng biography nya? Ilan kaming nandoon bilang leading lady? Baka maubos ang pahina sa pangalan pa lang ng mga chicks nya.

“Whoah. If looks can kill, I am probably dead right now. But it doesn’t so you need to learn guns.” Umismid si Gaelan at sinentro ang kanyang baril sa target pero hindi naman ipinutok yon.

“Ayoko na matuto nyan. Para saan pa’t nandyan ka hindi ba? Kung ayaw mo naman ng trabaho mo, you can resign. I will get a security–”

“That is not my point. I want you to learn because two heads are better than one.” Putol sa akin ni Gaelan.

Natigilan ako. May punto sya. Two heads will result to a stronger unit. Saka hindi din tama na dumepende sa kanya. Isa pa, mahilig syang mang-iwan. Baka nga iwanan ako sa panganib, mahirap na.

Binigay ni Gaelan ang safety rules. Sampu iyong sinabi nya pero isa lang ata ang natandaan.

“Point your muzzle in a safe direction when not firing..” Sambit ko sa unang rule.

“Ano pa?”

I sighed. Hindi ko na matandaan ang iba kundi ang tungkol sa safety. I cannot imagine that I will use this to someone but as Gaelan said, Guns don’t kill people, people do it. Siguro naman mapapatawad nya ako kung hindi ako makakapatay. Kahit nga sa lamok, naawa ako eh, tao pa kaya?

“––Ten. Learn The Mechanical And Handling Characteristics Of The Firearm You Are Using.” Huling sambit ni Gaelan.

“Okay. I will just review it tonight. Sampu lang naman di ba?” Isinuot ko ang eye and hearing protector. Sinubok kong lagyan ng bala ang magazine kagaya ng itinuro ni Gaelan at isinaksak ito sa baril.

Ghad, this is heavy. Seriously heavy.

“Use your left hand on the barrel to support the weight. Wag kang kabahan dahil lalong manginginig ang kamay mo. Feel it as the extension of your arms.”

“I know, I know..” Naiinis na sabi ko. Nakakalimang ulit na kasi si Gaelan. I want to shoot the target para matigil na si Gaelan sa pagtuturo.

“Watch me first.” Pinanood ko si Gaelan na confident na  itinutok ang baril sa target. In one aim he was able to hit the bullseye. He’s so good at this!

“Ikaw naman..” I just lip read Gaelan’s words. Halos ma-shutdown kasi ang ingay mula sa hearing protection na suot ko.

Pigil hininga kong tinutukan ng baril ang target.

“Aim!” Gaelan said. I did! But it didn’t hit anywhere. Nadismaya ako. Ibig sabihin ay hindi pa kami hihinto.

Sumubok pa ako ng isa, dalawa, tatlo. Balewala. Ano ba itong baril na ito? Baka tabingi ang pagkakagawa!

Nagulat ako ng balutin ni Gaelan ang katawan ko sa yakap nya. He held my hands tightly. Nanlamig ang mga kamay ko lalo na ng sumilay ang tattoo nya sa ring finger nya. It’s still there! My initial is still there? Hindi kapani-paniwala na hindi nya ipinabura o baka naman busy sya?

“Focus. Interval of shooting is one second per bullet. That’s the code of conduct of shooting.” Gaelan said. I nodded.

Tinulungan ako ni Gaelan na paputukin ang baril. Malapit ito sa bulleye! We tried again and it hit the bullseye.  Napangisi ako ng malapad! I want to feel the victory but it was Gaelan’s hands helping me. I cannot do it myself for sure.

Maya maya pa ay binitawan na ako ni Gaelan pero nanatili pa din sya sa likod ko. Naiilang ako sa mainit na paghinga nya sa leeg ko pero wala naman akong lakas para paalisin sya. Nawawala kasi ang kaba ko kapag malapit sya. He’s my guide.

Focus Ria! You can do this!

I focused on the target and tried shooting again. This time tumatama na talaga sa katawan ng target kahit hindi bullseye. Ayos na iyon kaysa hindi di ba? Sumubok pa ako ng tatlo at lahat iyon sa katawan na tumatama.

“Last bullet..” Anunsiyo ni Gaelan. Napahinto ako. Pinag-isipan kong mabuti kung paano papatamain sa bullseye. Bigla akong nagkaroon ng drive para gawing tama ang shooting.

“If you have a last bullet what will you do?” Gaelan asked.

“Focus and shoot the villain?”

“Good.” Pumulupot ang kamay ni Gaelan sa bewang ko at ang baba nya ay pinahinga nya sa balikat ko. It is so– warm.

“You don’t have to shoot if I am still with you, I will die for you, Princess.”

“Don’t die.. I will get killed if you’re dead, Gaelan.” Pagpupunto ko. Gaelan sighed.

“Fair enough. But If I die, do not die with me..”

Bulong nya sa aking tenga. Kahit sa pagitan ng makapal na hearing protection, naririnig ko sya ng husto. Lumakas ang tibok ng puso ko. Ayaw matigil. May nagmamartsa ata sa loob at hindi nagpaalam sa akin!

“I don’t want anyone to die for me.” I whispered.

Bumagsak ang tingin ko sa hawak kong baril. Mabilis na hinawakan ni Gaelan ang kamay ko at pinutok iyon. Tumumba ang target dahil sa ulo pinatama ni Gaelan.

“Then learn. Be good.”

Tumango tango ako. Gagawin ko talagang mabuti ito. Magiging magaling ako para maipagtanggol ko din ang sarili ko at ang mga bodyguards ko. Hindi ako manonood habang may nagaalay ng buhay para sa akin o para sa pamilya ko. I promise.

Inabutan ako ni Gaelan ng mineral water pagkatapos ng shooting. Bumalik kami sa lobby ng Firing Range at nakita ko na naman si Apple na may malalagkit na tingin kay Gaelan.

“Tapos na? Puwedeng ako naman?” Pinagpagan ni Apple ang kwelyo ni Gaelan na blangko lang ang mukha. Hindi ba talaga sya titigil? At eto naman si Gaelan hindi man lang pinipigilan. He’s really unfaithful!

“Mauuna na ako sa sasakyan.” Nagpatiuna na ako at sumakay ng elevator.

“Wait!” Tumatakbo patungo sa akin si Gaelan kaya minadali ko ang pagsara ng pinto.

Nakalimutan kong na kay Gaelan pala ang susi ng sasakyan. I should drive myself home! Wala pang isang minuto, niluwa na din ng elevator si Gaelan. Nakasimangot sya sa akin.

“Bakit mo ako iniwan?” Naiinis na tanong nya.

“Eh baka kasi may pag-uusapan pa kayo ni Apple.” Umirap ako.

“Bakit ka ganyan sa akin?”

“Wala! Nakakainis ka lang kasi niloloko mo si Heather! Playboy! Masama!”

“Oy teka! Grabe ka manghusga! Kaibigan ko si Apple.”

“Why are you even explaining?!”  Gusto kong sumabog sa inis! He’s guilty! He knows I am pertaining to Apple because he really is cheating.

“Why are you reacting that way, then?”

“Kasi nakakainis ka! Manloloko! Babaero! Prostitute!”

“A-anong prostitute?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Gaelan.

“Ah basta! Tse!” Humalukipkip ako at tumingin sa ibang direksyon.

“Anong tse! Bakit ba galit na galit ka?” Napakamot si Gaelan ng kanyang ulo.

“Because you are cheating on Heather and I don’t like guys that cheat.” Sinubukan kong kumalma panandali pero si Gaelan naman ang hindi makalma.

“Okay. I may be cheating! But I guarantee you that it is not with Apple!”

Aleluya! Umamin din.

“See? Cheater ka!”

“I am not cheating on Heather, Maria. I am cheating on my feelings.” Tinuro pa nya ang kanyang dibdib.

Hindi ko na nasundan ang sinabing iyon ni Gaelan. Pumasok na sya sa sasakyan at ako nanatili lang sa labas. Isang busina ang nagpatigil sa pag-iisip ko, pinaandar na pala nya ang sasakyan. Padabog akong sumakay sa shotgun seat.

Nakasimangot si Gaelan na kinabitan ako ng seatbelts. Sumimangot din ako pabalik.

Nang makalayo na kami sa Firing Range, kumalma ang mukha ni Gaelan at may kinuha na kung ano sa bulsa nya at inilahad sa gawi ko. I gasped with the sight of ‘galatine’. It’s my favorite candy in Venice! Naubos ko na ang ganito ko dahil nagbakasyon kami ni Rej sa France bago umuwi sa Pilipinas.

Kukunin ko na sana ito sana ito ng sarhan ni Gaelan ang palad nya. Napasimangot ako.

“Galit ka pa?” Tumaas ang kilay nya sa akin. Mabilis akong umiling. Ipagpapalit ko talaga ang galit ko sa Galatine!

“Okay..” Nagkibit balikat si Gaelan at binigay sa akin ang apat na piraso. Binalatan ko ang isa at kinain yon. Nagbalat pa ako ng isa at diretsong sinubo yon kay Gaelan before I realized what I did! My hands touched his lips. Namula ang pisngi ko.

“S-sarap noh..” I said instead.

Kaswal na tumango si Gaelan, “Sobra. Isa pa nga.” He smiled wickedly. Hinampas ko sya sa braso. Nakakainis! Kanina lang, sobra kami kung magsigawan tapos ngayon sinubuan ko pa ng candy.

“Akin na lang to.. Wala nito dito.. Bakit ka pala meron nito?”

“Bawal na ba ako magkaroon nyan kasi paborito mo?” Tanong nya. Kumunot ang noo ko.

“How did you know?” Nagtatakang tanong ko. Lumikot ang mga mata ni Gaelan at di na ako tiningnan.

“I– I just assumed.” He said.

Kabanata 43

Maki Say’s: No Update means Working AF, five times a week, 10 hours a day. Thank you for waiting.

Taking It Back.

Gumala ang mata ko sa dinaraanan, kung tutuusin, saglit lang naman ang byahe kaya lang mabagal magdrive si Gaelan ngayon. Kahit nawala na ang inis ko kay Gaelan dahil sa pagpi-flirt nya kay Apple, hindi ko pa din sya masyadong pinapansin. Sabagay, hindi din naman nya ako pinapansin kaya okay lang. Masungit nga pala sya. Hanggang ngayon masungit pa din at mas naging seryoso. I wonder how his five years went. Siguro naging napakasaya nya dahil wala na syang problema sa akin.

That he realized that it was not love after all. No sacrifice, shortcut, kapag masakit na titigil ka na. Kung mayroong kapirasong pagmamahal siguro yun yung puppy love na tinatawag. Infatuation, that’s the right word to describe it.

Napadako ko ang kamay nya sa manibela, nandon ang initial ko. Hindi kaya nagagalit si Heather? Hindi kaya pinipilit na paalis yon? Maalis pa kaya yon? Sabagay baka pwedeng gawan ng paraan ang letter M at maging H ito. Why not now? He should have done it years ago.

“Wala akong planong magpatattoo ulit para matakpan ’to.” Narinig ko ang seryosong boses ni Gaelan. Nakatingin na pala sya sa akin at nahuli nya akong nakatingin sa daliri nya. Umiwas ako ng tingin, hindi ko tuloy alam kung saan pa ako titingin. Sa bubong ng sasakyan? Sa labas?

“Pagawa mo na lang na H. Pwede naman siguro yon.”

Ano ba Ria? Nag-suggest ka pa talaga!

“Pwede.” Lumabi sya. “But it will never be the same. Magkaiba ang M sa H.” Nagkibit balikat sya.

Syempre magkaiba yon. Ang sinasabi ko lang naman dapat ipaalis nya dahil baka maging problema pa nila kasi kung ako kay Heather magagalit talaga ako kay Gaelan.

Kaso hindi naman ako si Heather…

Hindi na lang ako kumibo. Ayaw ko na ngang makipagkwentuhan kay Gaelan. Nakakarinig ako ng mga bagay na hindi ko gustong marinig. Pumikit na lang ako at sumandal sa bintana ng sasakyan, ang pinakamagandang gawin para umiwas ay pumikit.

Hindi ko namalayan na nakarating kami sa bahay dahil natuluyan akong nakatulog. Naramdaman ko lang ang mahinang tapik ni Gaelan sa pisngi ko. Pagdilat ko nakatitig sya sa akin at nakakunot ang noo.

“Humihilik ka.” He said. Nanlaki ang mga mata ko kasabay na pinamulahan din ng pisngi. Sa igsi ng byahe na yon, nagawa ko pang humilik? Dahil ba sa hindi ako nakatulog kagabi?

“T-talaga?” Mahina kong tanong. Nakakahiya! Gusto ko na lang bumaba at tumuloy na sa kwarto ko sa sobrang hiya!

Hindi kumibo si Gaelan at tinanggal ang seatbelts ko. Inabot ko ang bag ko sa likuran ng sasakyan na hindi pa din naalis sa isip ang paghilik ko. Sabi nila ang mga taong humihilik may deprensya sa puso, kung yun ang pagbabasehan malamang humilik nga ako. Nakaikot agad si Gaelan para pagbuksan ako ng pinto.

“H-hindi nga? Humihilik nga ako?” Ulit ko habang bumababa.

“Oo, ang sakit sa tenga. Paano ba natitiis ni Yuki ang hilik mo?” Humawak pa sya sa kanyang tenga at napangiwi. I creased my forehead. Sinundan ko ang paghakbang nya sa hagdan patungo sa main door ng mansyon.

“Paano naman nya malalaman na humihilik ako?” Nagtatakang tanong ko. Hindi naman ako tinatanong ni Yuki kung humihilik ako, that’s a silly question too, hindi ko naman inirerecord ang sarili ko tuwing natutulog.

Natigilan si Gaelan at tinitigan akong mabuti. Umangat ang gilid ng labi nya, akala ko ay ngingiti sya pero napailing lang sya tapos naglakad na sya sa loob ng bahay. Ano naman kaya yon?

Napakamot na lang ako ng aking ulo at nagtungo sa grand staircase ng mansyon para umakyat na sa kwarto ko at matulog. Kaya siguro ako humihilik dahil hindi sapat ang tulog ko kagabi.

Tiyak na wala ng manghuhusga sa akin doon dahil mag-isa lang ako sa kwarto. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng may maalala.

“Gaelan!” Tawag ko sa kanya ng makitang papalabas sya muli ng main door para siguro i-garahe ang sasakyan. Tumigil naman sya at nag-angat ng tingin. Kinabahan ako bigla. Ayoko sanang gawin dahil trabaho naman nya kaya lang hindi naman ako pinalaki ni Mommy na ungrateful sa serbisyo ng mga tauhan namin.

“Thanks for today.” I said. Halos mauna ang puso ko patungo don sa kwarto ko at gusto na magtago. Nagsisi din ako sa sinabi ko. Baka kasi mag-expect si Gaelan na lagi akong magte-thank you pagkatapos ng maghapon. Tapos iisipin nya na close kami.

“Four.” He said.

“H-ha?”

“Fourth time you said thanks today.”

Ganoon na karami? Akala ko ito ang una kaya nga kinabahan pa ako ng husto. Tumango ako kay Gaelan at hahakbang na sana ulit paakyat ng kwarto ko.

“Four cookie points for me. So kelan ang cookies ko?” Gaelan asked. Natigilan tuloy ako. Bakit ko naman sya gagawan ng cookies kapag thankful ako?

Naptapik ako ng noo.

Dahil sinabi ko nga pala na sa ganoong paraan ako nagpapasalamat.

“I baked cookies last night because you saved Daddy’s life.” Paglilinaw ko. Aba wala naman akong balak na paglutuan sya lagi! Nakahanap sya ng chef sa katauhan ko?

Nagtaas ng kilay si Gaelan sa akin, nag-wiggle pa nga ata. “I saved your life today, Princess.”

Unti unting lumambot ang mukha ko. Ayan na naman, nako-konsensya na naman ako! Nung nagsabog ng konsensya, malamang gising na gising ako at sinalo ko lahat.

“Okay. Mamaya.” Halos bulong lang iyon at tumalikod na para makapagpahinga sandali. Bumalik ako sa kwarto ko at nahiga agad na hindi pa nakakapagpalit ng damit. Hinilot ko ang sentido ko. This is awful. Hanggang saan ko kaya kakayanin ang presensya ni Gaelan sa sistema ko? Gusto ko na umatras at bumalik na lang ng Venice o di kaya lumipat sa South Africa para takasan ang lahat ng ito. Ulit.

What I left years ago is the exact thing that I went home to. The feeling stays. Ang pakiramdam na tinakasan ko bumalik lang. It didn’t even dressed up, ganoong ganoon pa din. Si Gaelan at si Heather, right on my face. Yung sakit na nararamdaman mo noong nasa malayo ka ay naging realidad.

Kinuha ko ang pulumpon ng papel sa ilalim ng unan ko. It’s stained, yung ibang bahagi ng papel tumigas na, nag-blot na ang ink at halos mabura ang letra ng iba dahil sa dami ng luhang ibinuhos ko tuwing binabasa ko ang mga ito. Hindi na siguro maiintindihan ng iba ang nakasulat pero memoryado ko na lahat.

Nagsimula na namang magbadya ang luha na kanina ko pa itinatago. Hindi ko maalala kung bakit lagi kong binabalik balikan ang palitan ng mensahe namin ni Gaelan noon. Yung mga pangako sa bawat salita ang binibitbit ko sa pagtulog ko gabi-gabi. Yung mga simpleng ‘I love you’, ’ Mahal na mahal kita, Maria’,

’Miss na miss na kita. ’, kahit isang linya lang yon, tumatak talaga. I sighed. These words are not mine now pero hindi naman siguro masama kung aangkinin ko ang mga sulat na ito.

Humawak ako sa pangako nyang yon, umasa ako. Bumuo ako ng pangarap na merong sya at ako. Ilusyon.

I thought I tamed a Bad Boy but I am still his slave after all.

Pumikit akong muli pero gising lang ang isip ko. Kapag mag-isa ka pala maaalala mo yung mga bagay na ayaw mong isipin. The way Heather owns him, sa paraan ng paghawak at pagtingin ni Heather sa kanya. I may be like that before. So inlove and so hopeful. I may be more than that. I chose him over my own family, yun nga lang ipinagtabuyan nya ako. He chose Heather. Nanatili ako pero sya ang lumayo. Humawak ako habang sya ay bumibitaw. Naniwala ako pero nawala sya.

Madilim na ng mapagdesisyunan ko na kumilos at magpalit ng damit. Umaasa akong dumating na ang pamilya ko mula sa kani-kaniyang trabaho. I don’t have any idea what it is like now. Dati ay bihira naman kaming magkasabay ng pamilya sa pagkain. Everyone’s busy. Kaya ganon na lang ang pagkagulat ko nang makita silang lahat na nasa dining table.

“Ria, come. Ipapaaakyat na nga sana kita sa kwarto mo kung hindi ka pa bumaba.” Nakangiti si Mommy sa akin. Tumabi ako kay Kuya Xenon.

“Hi Sam!” I greeted. Katabi sya ni Kuya Gilad at nilalagyan ng pagkain ang kanyang plato.

“Hi Baby Girl! Si Baby Boy?” Sam chirped.

Hinanap nga sya ng aking mata. Kasabay din ba syang kumain ng pamilya namin?

“Umalis, may pupuntahan daw.” Dad said. Tumango lang ako. I realized that Heather asked him to be with her dahil wala itong trabaho. Siguro ay pinuntahan nya. I sighed. I told him I’d baked him cookies today. Mali akong isipin na kasama ko sya sa pagbe-bake. Bakit ko nga ba iniisip yon? Mas uunahin nya ang girlfriend nya kaysa kahit kanino.

Naging abala ang pamilya sa pagkain. Pinakinggan ko ang mga plano ni Mommy at Daddy na mag-abroad pero this time hindi para magnegosyo kundi magbakasyon. That’s something new. Dati-rati ay hindi nila maiwanan ang negosyo.

“Ria, I want to believe that Laya Air will be in good hands as long as you are there..” Pagbibiro ni Daddy. Sumubo ako ng ice cream na nasa harapan ko.

“Kuya Gilad is there, Dad. Panonoorin ko lang sya kung paano nya patakbuhin ang business. I will be handling the conglomerate.”

“Yes, but do not presssure yourself, Hija. Hindi ka naman namin pinauwi para pag-aralan ang lahat ng ito..”

Pwes, bakit nga ba ako nandito? Pupwede na ba ako ulit bumalik ng Venice?

“Namimiss ka lang namin..” Kuya Ahmed said. Ngumiti ako sa kanya. I missed my family too, kaya lang parang mas matahimik ang buhay sa ibang bansa. Everything else is simple, kakaunti lang ang pupwedeng kong maisip. Dito ay samu’t sari, hindi na ako sanay.

Right after dinner, nagtungo ako sa kitchen para magsimula na magbake. I will bake a cookie sampler. Yung may iba ibang flavors. Oatmeal cookie, choco chip, butter cookies, caramel s’mores. Hindi pa din naman ako inaantok, might as well bake for the whole family.

Nilabas ko ang lahat ng tools at ingredients na kakailanganin. Sinalin ko ang flour a malaking mixing bowl, babaling na sana ako sa asukal ng mapaangat ako ng tingin dahil biglang pumasok si Gaelan sa kusina. He’s wearing a black shirt and black pants, sa kanyang kamay ay mayroog maliit na paperbag. I maintained a blank face at binalik na lang ang atensyon sa ginagawa.

“Tutulungan kita.” Wika nya habang dumiretso sya doon sa sink at nagsimulang maghugas ng kamay.

“Hindi na, baka napagod ka sa date mo.” I said coldly.

“What? Anong date?” Kasabay ng pagtatanong ni Gaelan ay ang pagpatay nya ng gripo.

“Date.. Di ba nakipagdate ka kaya ka umalis?”

“Kapag umalis nakipagdate agad?” Bakas ang inis sa kanyang boses. Sya pa ngayon ang nainis! Ano bang masama sa pakikipagdate. Hindi ko naman sya pinapagalitan dahil doon.

“Okay, hindi ka na nakipagdate. Hindi na din ako magtatanong.” Inirapan ko sya. Narinig ko pa ang pagbuga nya ng hangin pagkatapos ay lumapit sa akin.

“I just went out to get you this.” Mahinahon nyang sabi. Iniabot nya ang paperbag at nagulat ako sa laman non ng buksan ko.

A wooden music box! Isang maliit na boat ang umiikot sa palibot ng landscape ng Venice sa saliw ng Lovers Concerto .

https://youtu.be/aqBd607JVqk

“S-saan mo nakuha ito?” Kahit sa Venice hindi ka naman makakahanap ng ganito. Ang sarap titigan! It could make me fall asleep remembering my memories in Venice. Hindi ko na kailangang maiyak gabi gabi para makatulog.

“I-i thought you missed Venice kaya nagpagawa ako kay Brooke nyan. She was so excited making it for you. Ngayon nya natapos kaya kinuha ko kanina.” Nahihiya pa nyang sabi.

“It’s so beautiful!” Bulalas ko. Napangiti si Gaelan. “Thank you..” I smiled like an idiot. Gustong gusto ko. Nagsisi nga ako kung bakit nagmula pa ako sa France bago pumuntang Pilipinas. Sana umuwi muna ako sa Venice at binitbit ang mga unan ko, it was my home for a while at namimiss ko nga ito agad.

“You said Thanks again.” Nakangiting sabi ni Gaelan.

“Yup, I am making more cookies.” I murmured.

“Can I help?” He asked.

Hindi ko alam kung anong oras na kami natapos ni Gaelan. Humihikab na ako ng ma-bake ko na ang lahat. We just need to cool it down. Nakatitig si Gaelan sa cookies, iniisip nya ata kung alin ang sa kanya. Imposible namang maubos nya lahat ang limang tray ng cookies. Not unless goal nyang maging mataba, pero kung gugustuhin nyang sa kanya ang lahat, pupwede din naman. Magbebake na lang ako ng ibang batch para kila Kuya.

“Matulog ka na, I will put it in the jar.” Sambit ni Gaelan, nahuli ata ang paghikab ko.

“Ikaw? Hindi ka pa ba inaantok?” Feeling ko mas madami pa syang pagod sa akin eh. Sya kasi ang nagmimix ng cookie mixture, masakit yon sa braso kung tutuusin. Umiling si Gaelan.

“I want to stay awake to keep this reality. This is so surreal.”

Nagtaka na naman ako sa sinasabi nya. Hindi ba sya makapaniwala na nakapagbake sya ng cookies?

“I lived in memories for so long, ngayon totoo na.” Dugtong nya habang nakatingin sa kanyang mga kamay.

Hindi ako agad nakagalaw at mas lalong hindi na nakapagsalita.

Hindi ko mapigilang sampalin ang sarili ko kung hindi baka mastroke pa ako. Nananaginip ba ako? Bakit nya sinasabi ang mga bagay na to? Kung mag-aassume ako, iisipin kong may gusto sya sa akin pero kung titingnan ko ang facts, he has Heather now. Imposible ang sinasabi nya.

Tumango ako at pinilit na lang balewalain. Siguro sapat na naman ang pagpapalamig ng cookies, kinuha ko ang jar pero kasabay non ang pag-abot din ni Gaelan. Nagkadikit ang kamay namin tuloy. Tapos nagkatinginan kami. Ang weird ng pakiramdam. Hindi creepy kagaya ng kay Yuki, ang kay Gaelan, masakit. Pain reflected in his eyes when I met his gaze, hindi ko alam kung para saan, o kung nakikita din ba nya ang sakit sa akin kaya ganoon din ang sa kanya.

“P-pagtulungan na natin ang cookies.” I said. Bumaling ako sa tray at maingat na inalagay yung mga yon sa jar. Ganoon din ang ginawa ni Gaelan, mabilis nga kaming natapos dahil sa pagmamadali ko.

“Goodnight!” Sambit ko sabay talikod. Nakakailang hakbang na ako sa hagdanan ng mapansin kong nakasunod sa akin si Gaelan.

“Bakit mo ako sinusundan?” I asked, horrified.

“The guestroom beside your room is where I sleep.” Turo nya sa pinto ng kwarto ko. Ilang segundo pa bago nag-sink in, saka ako tumango tango.

“Okay.” Mas mabilis ang naging lakad ko paakyat.

Nagshower lang ako pagdating ko sa kwarto ko, nakahiga na ako sa kama ko ng makarinig ako ng mahinang pagkatok. Napapikit ako. I am sure si Gaelan yan. Pupwede naman akong magpanggap na tulog kaya lang ay katok pa din sya ng katok.

Nagpagdesisyunan kong pagbuksan sya ng pinto, itinapat nya sa mukha ko ang music box. Nakalimutan ko palang kunin dahil sa pagkataranta. Nakasuot sya ng puting tshirt at pajama. He looks different. And I like him looking different.

“Sorry. Thank you..” Sinarhan ko agad ang pintuan at sumandal doon para pilit pakalmahin ang sarili na binayo ng kaba.

The cycle went on, magkasama kami lagi ni Gaelan sa Laya Air. Naging abala ako sa pag-o-orient sa akin ni Kuya Gilad. Sobrang seryoso ng kapatid ko. Hindi na ako sanay ng hindi ako masyadong nilalambing tuwing kausap nya. He treats me as his subordinate. Walang oras para ngumiti.

Ang tanging oras ko lang para magrelax ay tuwing lunchtime. I will usually chat Yuki or Selene dahil wala akong oras para sa kanila. Umilaw ang cellphone ko hudyat ng isang text message.

Yuki: Sweet Hunny Bun, dinner tayo mamaya?

I sighed. Simula dumating ako sa Pilipinas, hindi na rin naman ako nakakalabas. Ang tanging nabuo kong plano ay para sa darating na Sabado, I will visit Selene and invite her to go somewhere else. Masyado syang stressed sa nangyari sa kanya. Gustuhin ko man ilaan ang napakaraming oras ko sa kanya, naging abala ako dahil pinapasahan ako ni Kuya Gilad ng mga trabaho.

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok doon, hindi ko na kailangang papasukin dahil bumukas din naman iyon. Si Gaelan, bitbit ang lunch ko. Hindi ko alam kung pati ito ay kasama sa trabaho nya but whenever he knows I am busy, he brings in food.

“You may go home tonight.” Sambit ko kay Gaelan habang nilalatag nya ang pagkain sa aking harapan. Natigilan naman sya at kinunutan ako ng noo.

“I will be with Yuki. Simula nang dumating ka, hindi ka pa masyadong nakakaalis kaya this is the best time.”

“I am doing my job.” Pagpupumilit nya.

“I know, pero hindi naman ibig sabihin na 24/7 tayong magkasama.”

“I am paid 24/7 by your Dad.” He answered.

“Kahit pa. May lakad kami ni Yuki.” Wika ko. Pinanliitan nya ako ng mata.

“At hindi ako pupwedeng sumama?”

“Come on, Yuki is part of your team. Ano bang problema mo?”

“He’s not me.”

Walang punto kung makikipagbangayan pa ako kay Gaelan. Nilagay ko sa loudspeaker ang office phone ko at dinial ang numero ni Daddy.

“Hello?”

“Dad, please give Gaelan a day off tonight para makauwi naman sya sa pamilya nya. I will be with Yuki later.”

Saglit na walang sumagot sa kabilang linya. “Dad?” Untag ko.

“Makikipagdate ka?” Tanong ni Daddy.

“Catch up lang po, Daddy.”

“Okay. Be safe.” Wika ni Daddy, tinaasan ko ng kilay si Gaelan. Malakas syang napabuntong hininga at lumabas na agad sa opisina ko.

Hindi ko na nakita si Gaelan buong maghapon. Siguro kausap na naman nya si Neda, ang receptionist ng opisina. Nung isang araw lang nahuli ko na naman silang nagtatawanan. Pasalamat si Neda at busy ako, pagnabakante ako, tuturuan ko syang mag-Angelus at three o’clock prayer para lagi syang occupied.

Sumagot ako sa text ni Yuki at sinabi ang oras ng uwian ko. Pinaalalahanan kong magdala sya ng sasakyan kaysa motorsiklo, baka magwala si Daddy kapag nalaman nyang sumakay ako sa motor.

Saktong 6PM dumating si Yuki. I went to powder room to freshen up a bit. Tinanggal ko lang ang blazer ko at itinira ang kulay puti kong pencil cut dress bago makuntento sa istura.

Luminga linga pa din ako sa paligid ng Laya Air at nagbabakasakaling makita si Gaelan pero bigo naman ako, wala na sya. Baka umuwi na nga. Hindi ko namalayan ang paulit ulit na pagkaway ni Yuki sa aking harapan ng makababa na ako ng opisina. Namangha pa ako sa suot nyang pormal na maroon longsleeves at slacks. Nice is an understatement, he looks dashing. Abot tenga ang ngiti nya pagkakita ko sa kanya.

Napailing ako ng bumukas ang pinto ng kanyang silver BMW i8, still a sports car pero at least hindi motor. Yung pintuan nga lang ay umaangat na parang pakpak kaysa mano-manong binubuksan. Kaya marami syang nabibiktima, Yuki’s charm is oozing.

“Fancy dinner?” Tanong nya sa akin pagkapasok nya sa loob ng sasakyan.

“Ano? Wala kang plano?” Pang-aasar ko sa kanya. Humalakhak si Yuki, halos mawala na naman ang mga mata nya.

“Meron, chill dinner lang sana. Alam ko namang ayaw mo sa enclosed spaces kasama ako. Naiilang ka sa pagiging witty ko.” He even winked at me.

“Oh Yuki! Kailan ka pa ba naging malandi!” Napapailing na lang na sabi ko. Ang pagkakakilala ko kay Yuki noon, seryoso pero mabait. But now, he’s so jolly. Ibang Yuki ang nadatnan ko sa Venice. Lagi na lang tuloy ako natatawa kahit wala akong balak. Minsan sa kalagitnaan ng pag-iyak ko, bigla na lang nya akong papatawanin.

“I want a chill dinner.” Sabi ko.

“Yes, Ma’am.” Sumaludo pa sya saka pinaarangkada ang sasakyan.

Dahil sa Manila Traffic, saktong 7PM kami nakarating sa lugar na tinutukoy ni Yuki. Maraming nakaparadang sasakyan sa labas ng restaurant na mukhang bahay ang disenyo kung titingnan mula sa labas. It is made of rough finish cement, makaluma din ang disenyo ng bintana, it is made of wood and capiz. May mga nakasabit pang halaman sa itaas ng bintana. Malamlam ang ilaw sa loob at makakarinig ka ng masaganang kwentuhan mula sa doon.

Mukhang hindi naman kami makakaupo kung sakali, I think everyone’s having a good time. Mayroon pa atang performer sa restaurant kaya tiyak na mas magtatagal ang mga tao sa pagkain.

“Wala ng space.” Malungkot na sabi ko. His car doors flew up. Naunang bumaba si Yuki at nakarating agad sa side ko para tulungan akong bumaba.

“There’s always a space for you and me, munchkins.” Ugh! He winked again.

Sumama ako kay Yuki at nagpatangay na lang hanggang sa makarating kami sa entrance. Kitang kita ko mula sa glassdoor papasok ang punong punong restaurant.

“Sir, fully booked na po.” Sabi noong waitress na nandoon sa sa entrada ng restaurant.

“I know. Dalawa lang naman kami, baka pupwede kaming isingit. Magdagdag ng isang lamesa—”

“Yuki, wag na.” Bulong ko. Makikiusap pa talaga kami! Si Yuki talaga! Kahit saan namang walang tao, ayos lang ako.

“Sir, hindi po pwede—”

“Please..” Giit ni Yuki.

I face palmed nang papungayin na ni Yuki ang mga mata nyang singkit at sinubok akitin ang nandoon na waitress. At yung waitress naman, nagpadala nga!

“Thank you, Arfie!” maligayang kumaway si Yuki sa magandang waitress na nakuha nya din ang numero.

We ended up sitting in front! Naglagay lang ng ekstrang lamesa para sa amin. Isang lalaking nagsa-saxophone ang nasa harapan ang background music sa restaurant. Kaya pala madaming tao dito dahil cozy ang feels, para talagang nasa bahay. Mayroong sofa sa ilang parte at mga gamit sa lumang bahay ang nandito. Old telephone, wooden cabinets, black and white pictures on the wall na tiyak may kinalaman sa mayari ng restaurant.

“Ang ganda dito..” Sabi ko kay Yuki. He just smiled and nodded.

‘Mic test’

Napalingon kami ni Yuki sa nagsalita. Nasurpresa pa ako ng makita ko sa gitna ng stage si Heather, nagsimulang magpalakpakan ang mga tao at parang nagulat din sa kanyang presensya. Nakasuot sya ng leather pants at puting loose sleeveless top. May nakasabit ding gitara sa kanyang likod.

‘Good evening ladies and gentlemen. We are the Symphonica..’

“Nabalitaan kong sikat na banda ni Heather dito sa bansa, concerts—sold out.” Bulong sa akin ni Yuki habang nagtitipa si Heather ng pamilyar na kanta sa kanyang gitara.

Tumango tango ako habang nakikinig sa magandang boses ni Heather. I am pretty sure she’ll make it big. Talented sya at maganda.

Dumating na ang order namin. Hindi pa din ako makakain. I am not sure kung overwhelmed lang ba ako sa performance ni Heather o naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon ikinukumpara ko pa din ang sarili ko sa kanya. How I wish I am as good as her.

‘Hi Twin!’ Mula sa stage ay kumaway si Heather, hindi nya pa nakanta ang sumunod na linya dahil sa pagsasalita nya. Sinundan ko ang tingin ni Heather at napansin kong nandoon din si Gaelan, nakatayo sa isang sulok.

Of course he’d watch kahit ang inaasahan ko ay umuwi sya sa mga magulang nya at kapatid!

‘Wow, this is a surprise. I didn’t know my boyfriend will watch my set.’ Tila gulat na gulat pang sabi ni Heather habang ang mga tao naman ay tila nanghinayang ng banggitin ni Heather na may boyfriend na sya.

Sweet nya ha, nagsurpresa pa talaga.

Nakaramdam ako ng inis lalo na ng umupo si Gaelan sa katapat na table namin. Mayroon kasing customer na kakaalis lang. Parang kilig na kilig naman si Heather ng gawin yon ni Gaelan. Napatingin ako kay Gaelan, nagtama ang mga mata namin pero ako ang naunang mag-iwas ng tingin, para kasing galit sya sa akin. Hindi ko naman sya inaano.

Binaling ko na lang ang atensyon ko kay Yuki. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kabilang lamesa. Si Yuki kasi nakatalikod kay Gaelan, tapos si Gaelan naman nakapaharap sa aming lamesa. Nakahalukipkip sya at masama ang tingin sa akin.

Tumingin na lang ako muli sa stage ng kumanta ng bagong song si Heather. Her voice is like an angel. Dapat dito nakatingin si Gaelan.

https://youtu.be/FazgXMzEUh4

When you hold me in the street

And you kiss me on the dance floor

I wish that it could be like that

Why can’t it be like that?

’Cause I’m yours

Hindi ko alam kung nakikita ba ni Heather kami ni Yuki na malapit sa kanya. Madilim kasi ang mga lamesa sa harapan bukod don, kay Gaelan lang nakatuon ang atensyon nya. Kumanta ang isang miyembro ng banda ni Heather na lalaki kaya nagkaroon ng pagkakataon si Heather na tanggalin ang kanyang gitara at ipatong sa isang bahagi ng stage.

When you’re with him, do you call his name

Like you do when you’re with me? Does it feel the same?

Would you leave if I was ready to settle down?

Or would you play it safe and stay?

Akmang bababa si Heather sa stage at lalapit kay Gaelan, but then, tumayo din si Gaelan, akala ko sasalubungin nya si Heather pero ganoon na lang ang gulat ko ng nagtungo sya sa lamesa namin ni Yuki at hinawakan ang kamay ko. Takang taka naman ako.

“Gael.” Yuki stood up. Tiningnan nya si Gaelan ng may pagbabanta.

“I am taking it back Yuki. I am taking it back. Fck hindi ko kaya.” Yun ang huling salita ni Gaelan bago ako hinila papalabas ng restaurant.


Maki Say’s: Hindi putol ang update. Kung may nakita kang malaking blanck space, video link yon na hindi navi-view sa gadget mo na gamit. Thank you!

Kabanata 44

Bahala

.

“Teka nga! Gaelan! Saan tayo pupunta?” Binawi ko ang kamay ko pagkalabas namin ng restaurant, I am expecting Yuki to follow pero hindi sya sumunod. Kahit si Heather ay hindi lumabas.

“Bakit?” Naiinis na tanong ko. Huminto kami sa pinakasulok na bahagi ng parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Yuki. Ipinagpasalamat ko na huminto din si Gaelan at hindi na tumutol.

Ginulo ni Gaelan ang kanyang buhok at mataman akong tiningnan na para bang may ginawa nga akong masama sa kanya.

“I don’t want to see you there.” Tinuro nya pa ang loob ng restaurant.

Pansumandali kong hindi nakuha ang sinabi nya. Sa kanya ba ang restaurant na yon at hindi kami pupwede ni Yuki?

“Eh di uuwi na kami ni Yuki! Hindi yung umeeksena ka pa!” I retorted.

“You don’t understand. I don’t want to see you with Yuki! Im jealous. Gods! I am jealous!” Buong frustration na isinigaw nya sa akin, hindi ko mapigilan ang mapataas ang kilay.

“And why? Nang dumating ako, meron ng Heather at ikaw. You left me years ago, baka nakakalimutan mo. Don’t act like you care about me now dahil wala kang alam! You have no idea what I’ve went through!”

“Bakit? Do you have any idea what I have went through?” Sagot ni Gaelan ng pasigaw din. Lalo  namang nagpuyos ang kalooban ko. Bakit nya ako tatanungin kung may ideya ako? Gusto kong malaman kung ano ang pinagdaanan nya pero wala akong narinig sa kanya simula pa noon! Do I need to ask? He owe me an explanation!

“Pwes bakit hindi mo sabihin? You just tell me! Matagal akong nag-intay!” Sinubukan ko syang itulak ng malakas at nagpaanod lang sya. Tila apoy ang bawat salita. Bawat bitiw ng panibagong hinanakit parang hangin na nagpapalakas ng apoy. The worst part is I am starting to tear up. Ramdam ko na ang pananakit ng mata ko at hindi ko na mapigilan. I gasped when a tear fell from my right eye. Nanginig ang labi ko dahil parang may nakabara sa pagbabalak kong magsalita.

“Bakit? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako pinabayaan? Bakit mo ako pinakawalan?”

Paulit ulit ko syang itinulak sa bawat katanungan. Every question cut deep, I want to stop asking but I cant.

“I have to push you away because I want you to become better.” Napayuko si Gaelan.

“And you think I am better now?” Buong hinanakit na tanong ko.

“You are.”

“Then I am better off without you then.” Bumalik lang sa alaala ko ang sakit na pinaranas nya sa akin noon.

Kasabay ng pagwasiwas ng hangin ay ang panunuyo ng luha pero may panibago na namang babagsak. Tuwing may lalabas sa restaurant, umaasa akong si Yuki o si Heather yon pero wala ni isa sa kanila ang nandoon.

Humakbang si Gaelan papalapit sa akin at umatras ako ng isa. Isang pag-atras lang ang nakayanan ko dahil lumapit ng husto si Gaelan at kinain ang distansya namin. Hinawakan nya ang ulo ko at masuyong hinaplos yon at ipinasandal sa kanyang dibdib. All of a sudden, I want to rest now. Hindi ko alam kung kaya ko pang makipagtalo.

“Im sorry..” Bulong nya. “I never said this in the past but I am sorry. I really am. Hindi ko alam kung makakagaan sa nararamdaman mo but Im sorry.”

Sorry.

Simula nagkahiwalay kami hindi ko inisip na ang paghingi nya ng tawad ang kailangan ko. I need reasons. Bakit?

“Bakit mo ako iniwan, Gaelan?” Impit na ang boses ko.

Ria, just stop .

Napapagitnaan ako ng kyuryosidad at sakit ng nararamdaman, lamang ang gusto kong ibuhos ang tinago ko ng ilang taon.

Tinuro ko ang dibdib ko. “Kasi Gaelan ang sakit sakit pa din.. Tinitiis ko lang dahil kailangan kong humakbang, I was forced to grow. Ayaw kong isipin nyong lahat na nanatili ako kung nasaan ako noon pero alam mo ba? kung saan mo ako iniwan, nandoon pa din ako. Nandon pa din ito.”

“I always ask myself, ’ Hindi ba dapat ganito kasakit ?’ Kasi ang sakit.. Ang sakit pa din talaga..” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko pero hindi iyon nakatulong para pigilin ang sarili sa pagsasalita.

“Pagod na pagod na akong magalit kasabay ng pagiging mabait. Tao lang pala ako. Ito lang pala ang kaya ko.” Tinakpan ko ang mukha ko sa sobra sobrang pagluha. Nahihirapan na akong huminga at nahihiya akong umamin ng kahinaan.

“Maria.. Im sorry..” Hinawakan ako ni Gaelan sa braso pero iniiwas ko lang iyon.

“Tinalikuran mo ako noon, may bago ka pa ngayon. Ano pang para sa akin hindi ba? Wala. Hindi na ako umaasa. Tulungan mo na lang akong pagalingin to.. Magsabi ka na ng totoo..” Nagsusumamo na ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pait. It was a young love! That was five years ago but it imprisoned the pain, kumakawala na ngayon.

“I have to choose. I don’t want you to self destruct because you will realize that you made a wrong choice. Prinsesa ka, ordinaryo ako. Kahit pigain mo ako, hindi buong mundo ang maibibigay ko sayo.”

“Pero wala akong hinihingi sayo!” Sigaw ko.

“Wala pa! Pero magkakaroon. Bata ka pa noon. You love your family so much!” Mariin nyang sabi.

“At naisip mo yan pagkatapos mo akong paasahin? Pagkatapos mong mangako na dadating ka? Pagkatapos kong mag-intay! Pagkatapos kong magmakaawa! Pagkatapos kong maniwala na ipaglalaban mo kung anong meron tayo pero hindi. Hindi mo sineryoso ang mararamdaman ko kasi inisip mong bata pa ako. You all think that I will forget it. Walang naniwala that I am capable. Capable of getting hurt big time. And I was, still am.” Pinalis ko ang luha ko. Kitang kita ko ang nag-aalalang pagsulyap nya sa akin pero hindi ako nagpatinag.

To others, this conversation is useless. Nasaktan na ako. Tapos na. This is just the casualty.

But this has to happen. We both need closure. I need closure to heal. Then I will move on. Mas magiging matatag pa pagkatapos nito. Aasa muli pero mas magiging matalino.

“Hindi lang ikaw ang nasaktan.” Pumiyok ang boses ni Gaelan kasabay ng pagkislap ng kanyang mga mata.

Nagkibit balikat ako habang napapailing.

If you experienced pain and survived from it, you will live your life protecting yourself from harm. Pakiramdam ko, kapag lumapit ako kay Gaelan, babalik lang ang dati. If I was his pain from the past, ano pa ang ginagawa nya sa harapan ko? I am not his greatest after all, kahit sya ang sa akin.

Ngayon ay malinaw na. Tumayo ako ng tuwid.

“That was puppy love. I was sixteen. I should forget it like how you forgot me. Im stupid. Dapat ay hindi ako umiiyak ngayon.” Ngumiti ako ng mapait, sisiguruhin kong ito na ang huli.

“I did not forget you.” Nagtiim bagang si Gaelan.

Umiling ako. Napatingin ako sa isang taxi na nagbaba ng pasahero sa restaurant.

“Hindi yan ang nakikita ko ngayon. Go back inside. Apologize to Heather.” Mariin kong sabi saka nagmadaling sumakay ng taxi. I heard Gaelan shouted my name but I didn’t look back.

“Manong.. Paandarin nyo na po.” Yun lang ang nakayanan kong sabihin pansamantala. Pinatahan ko muna ang sarili bago ko nasabi ang address ng bahay. I know Gaelan is following me. Wala naman akong balak iligaw sya dahil uuwi lang naman ako.

Pagdating ko ng bahay, huminto din ang sasakyan ni Gaelan sa harap ng mansyon. Hindi sya bumaba. He might be giving me time.

Pinagbuksan ako ng gwardiya ng mansyon at saka ko narinig ang mabilis na pagpapatakbo ni Gaelan ng sasakyan. Hindi sya uuwi dito. He might talk to Heather. Wala na akong pakialam. Sapat na sa akin ang malaman niya na nasaktan nya ako.

Wala akong ganang umakyat sa kwarto ko. Contemplating about the normal life that I thirst when I was young. Pinilit kong kumawala noon dahil nainip ako sa buhay na mayroon ako.

But the truth is, a normal life is not about simplicity. Yon ang tinuro sa akin ni Gaelan. Ang totoong buhay ay yung may kakayanan na saktan ka, paluhain ka at ikukulong ka sa bagay na pilit mong tatakasan. Life is not about happiness, it’s about pain and how you will get through, and being happy after. A product of destruction is a complete being.

Binuo nya ako sa pamamagitan ng pagsira. O sinira muna nya ako. Kasalukuyang sinisira. Dahil ngayon, I still feel empty.

Desidido akong ipalayo si Gaelan sa akin. Kung hindi papalitan si Gaelan bilang bodyguard ko, hindi na rin lang ako lalabas ng bahay.

“No Maria Arabella. I want Gaelan to be your bodyguard.” Matigas na sabi ni Daddy ng pasukin ko sya sa library kinabukasan. Hindi ko pa nakakaharap muli si Gaelan pero alam kong nasa paligid lang sya ng mansyon.

“Dad. I am avoiding him. Don’t make it hard for me, please..” Pakiusap ko. Umupo ako sa kanyang tagiliran.

Tinanggal ni Daddy ang kanyang eyeglasses at kinusot ang kanyang mata bago isuot muli. Tiningnan nya ako ng may napapagod na mata.

“Noong bata ka pa, sinabi mong gusto mo ng normal na buhay.. Sinabi ko noon kay Helga, bakit ang unica hija ko pa ang gustong dumaan sa butas ng karayom? Ang prinsesa ng lahat..”

Tumayo si Daddy at naglakad patungo sa bintana kung saan matatanaw ang aming garden. He likes the sound of the grass cutter and the sprinkles of water, nakakapag-isip daw syang mabuti kapag ganito. Tinuon ko ang mata ko kay Daddy na hindi na tumingin sa akin kundi doon sa malayo.

“But Helga said, I have to let you go. Nakinig ako.. I know I cannot protect you from everything. I want to tell you back then that you will get hurt even in your deepest comfort. Kahit ang unan ay pupwede kang bigyan ng hika, o titirhan ng surot na kakagat sayo.” Ngumiti si Daddy at napailing. “Kahit gaano kaperpekto ang artipisyal na mundong gawin ko sa iyo, masasaktan at masasaktan ka. Madadapa ka.”

A tear rolled down my cheeks.

“At nadapa ka. At 16 nadapa ka. I want you to know that I am so proud of you. Kitang kita ko si Helga sayo, ang babaeng minahal ko ng husto. Nginitian mo kami kahit na alam naming gabi gabi umiiyak ka. That’s a lesson learned for you..”

“In life, you don’t have to avoid someone to continue living. You should realize that the existence of the other is not enough to kill you. Mentras may iniiwasan ka, mas pinapaliit mo ang mundo mo. This is another lesson for you. Gaelan earned my trust, personal issues aside, I trust him for your safety.”

Wala na akong nagawa sa sinabi ni Daddy. Bihira kasi magsalita si Daddy kaya kapag may sinabi sya, nakikinig kaming lahat. Lalo na ako.

Siguro naman kakayanin ko. Hindi naman ibibigay ni Daddy sa akin ang bagay na hindi ko kaya.

Bumaba ako sa garden kung nasaan ang gazebo. Hindi muna ako lalabas ng mansyon. I will give myself time before seeing Gaelan again. I don’t feel my life is at risk too. Yung sinabing sumusunod sa amin noong galing kami kila Selene, wala naman na akong balita. Maybe it is not a big deal after all.

“Nagbreakfast ka na, Maria?” Napalingon ako sa likod ko ng may magsalita. Napairap ako sa hangin ng makita ko si Gaelan na bitbit ang garapon ng cookies. He’s munching like it is an ordinary day except for his eyes are red.

“Wala kang pakialam.” I glared at him. Hindi man lang sya nagkaroon ng reaksyon. Tiningnan nya lang ako na parang wala kaming pinag-usapan kagabi at hindi ako umiyak sa kanyang harapan.

Buong umaga akong naglalakad sa palibot ng mansyon. Ngayon nga ay nasa sofa ako sa living room at nagbabasa ng libro. Wala nga lang akong maintindihan na letra dahil kung nasaan ako, nandoon din si Gaelan yakap ang cookie jar nya at mayroon din syang libro na kunyari ay binabasa nya. Pag mapapadako ang tingin ko sa kanya, mahuhuli ko naman na nakamasid sa akin.

Tumunog ang cellphone ko. Inakala kong si Yuki yon. I texted him last night to apologize pero hindi naman sya sumagot.

Napangiti na din ako ng mabasa ang pangalan ni Selene.

Selene : Kamusta ka na? I heard from Heather what happened last night 😔

Napabuntong hininga ako bago nagtipa ng reply.

Ako : Ano bang nangyayari sa kinakapatid mo? Sabihin mo nga wag syang two timer 😠

Selene : Ay, alam na ang salitang two-timer 😂😂😂 Pinaulanan ko nga ng text kagabi ang reply lang sa akin wag akong mag-alala. Sinabihan ba namang chill lang ako!

I sighed. Well, Gaelan is right. Hindi dapat pinapaprublema pa si Selene dahil may sarili din syang problema na ipinangako nyang ikukwento nya sa akin kapag nagkita kami ng personal.

Nakaisip ako ng ideya!

Ako : Luto tayo! Punta ako sa inyo 😁😁😁

Selene : Oh! Sige! Naiinip na nga ako sa bahay. Hindi ako pinapalabas ni Mommy. 😭😭😭

Nakangiti akong naglakad pakyat ng kwarto ko. Naramdaman kong sumunod din sa akin si Gaelan sa hagdan.

“Wag mo sabihing susundan mo din ako hanggang sa kwarto ko?” Umismid ako.

“May kukunin lang ako sa kwarto ko.” Tinuro ni Gaelan ang tinutulugan nya. Ngumiti pa sya bigla para hindi ako magduda. Napailing na lamang ako. Tinalikuran ko sya at nagpatuloy sa pag-akyat.

Mabilis akong naghanda. I opted for a simple jeans and beige top. Magluluto kami kaya kailangan ay kumportable. Walang tigil si Selene sa pagtetext tungkol sa sangkap na kakailanganin ko para makapagpabili na sya. Sinabi ko na lang na kung ano ang mayroon sa kanila, yun na lang ang lulutuin.

Nagblower lang ako ng buhok ko habang nag-iisip kung paano ko matatakasan si Gaelan. Napatingin ako sa walk-in closet ko.

Another idea crossed my mind.

Pumasok ako sa walk in closet ko at hinawi ang mga damit na nakasalansan para makita ang maliit na pinto na laging nagagamit noong bata pa kami ni Kuya Xenon. Sobrang close kami ni Kuya Xenon kaya mayroon akong access sa kwarto nya para tuwing gusto kong maglaro ay dadaan lang ako dito.

Pagbukas ko non ay kwarto na agad ni Kuya, wala ng pasikot sikot pa. Wala naman sya kaya napangiti ako ng husto. Bumungad sa akin ang ikalawang palapag ng kwarto ni Kuya Xenon. He has the largest room amongst us. May hagdanan sa kanyang kwarto.

The top floor is Kuya Xenon’s study area where he prepare and store all of his inventions. He loves miniature mechanisms. He has fascination for mechanical things kaya binigyan sya ng malaking kwarto noon pa man. Isang spiral na hagdanan ang dinaanan ko para makababa sa main room ni Kuya Xenon where his bed is. I smiled at the sight of our pictures together in his side table.

Mayroon syang malaking bintana na nakakunekta sa sarili syang terrace na nakaharap sa likod na bahagi ng garden. Hinawi ko ang makapal na kurtina saka ko binuksan ang bintana at pasimpleng umupo sa terrace at inihakbang ang paa ko patungong garden.

Pasimple akong kumubli sa malalaking halaman hanggang sa makarating ako sa helper’s exit door. Maliit lang iyon at sa loob lang mayroong access. Kung gustong pumasok ay kakailanganing pumindot sa intercom para mainspeksyon muna ng gwardiya ang kanilang dala ngunit sa paglabas ay wala ng kailangan.

Kumalabog ang puso ko dahil sa ginagawang pagtakas. Wala talagang nakakakita sa akin kaya mabilis lang akong nakalabas sa mansyon. Pasimple akong naglakad papalabas ng village. I am taking my time.

Nang makalabas ako ng village napangiti ako ng husto. Pinara ko ang kauna-unahang taxi na dumaan, sinabi ko ang address nila Selene.

*Kring Kring

Napangiti ako ng makita ang numero ni Selene sa screen.

“Papunta na ako..” I told her without bothering to say hello .

“Sige! Excited na ako! Itext mo sa akin ang numero ng taxi ha..” Humagikgik si Selene sa kabilang linya kaya lalo din akong naexcite.

“Oo. Ibababa ko na ito. Magtetext ako.” Sambit ko.

Nagtitipa ako ng mensahe ng mapansin ko ang paulit ulit na pagsulyap ng taxi driver sa rearview mirror. Kumunot ang noo ko.

“Ma’am? May sumusunod po ba sa inyo?” Kinakabahang tanong ng taxi driver. Mabilis kong pinadala ang numero ng taxi kay Selene bago kumpirmahin ang sinasabi ng driver.

Lumingon ako sa likod. Inisip ko agad na si Gaelan ang tinutukoy nya. Pero nabali ang paniniwala ko ng makita ko ang sasakyan. It’s a big black hummer. Wala kaming ganito.

Binayo ang puso ko ng nakita ko ng may sumilay na baril mula sa bintana ng sasakyang nakasunod sa amin.

“Ma’am, yuko!” Sigaw ng taxi driver, kasunod non ang sunod sunod na pagtama ng bala sa taxi na sinasakyan ko. Humiga ako sa sahig ng taxi habang ang driver at nakayakap sa manibela.

Pumikit ako at inantay na matapos ang putukan. I am so scared! Hindi ko inialis ang tingin ko sa taxi driver na nasa aking harap. I want to make sure that he is okay, nakayuko din sya gaya ko at nakatingin sa akin ng takot na takot. I want to assure him that it’s okay pero hindi ko din naman tiyak kung ayos nga lang ba kami.

“Ma’am..” Dahan dahang iniabot sa akin ng taxi driver ang lisensya nya.  Kumunot ang noo ko sa kanyang ginawa.

“Namatay po ang asawa ko sa panganganak. K-kung makakaligtas po k-kayo, hanapin nyo po ang anak ko. Hanapin nyo po si Rodrigo D-de Guzman.. Nandito po ang address ko.” Tila hirap na hirap nyang sabi.

Kinuha ko ang lisensya nya at doon ko napagmasdan ang dugo na masaganang umaagos sa kanyang dibdib.

“M-manong… M-may dugo..” My whole body started trembling.

“Kaawaan po kayo ng Diyos para makita nyo pa yung anak ko.. W-wag nyo po syang pababayaaan kung makakaligtas po kayo..”

I was horrified when the guy in front of me closed his eyes. Is he dead?

“Manong!” I shouted. Hindi pa ako nakakabawi ng mapansin kong tumigil na ang putukan sa labas. Nakatulala lang ako sa lalaking walang malay sa harapan ko hanggang sa magliwanag ang loob ng taxi dahil sa pagbukas ng pinto.

Isang kamay ang humila sa akin papalabas ng taxi. Nagpupumiglas ako pero masyado akong mahina, nakatuon lang ang mata ko sa loob ng taxi.

“S-si Manong..” I cried!

Kahit sa hinagap, hindi ko inasahang mangyayari sa akin ang panganib na ito.

‘Kayo na po ang bahala sa akin, Papa God.. Amen.’

Kabanata 45

Instant

.

Kahit saan na ako dalhin, wala na akong pakialam. Nakatuon ang pansin ko sa naiwan kong taxi na naglalaman ng duguan na Mamang Driver. Halos mapunit din ang lisensya sa kamay ko. Puro dugo iyon pero hindi ko alintana.

Walang kumilos ngayon kung saan naganap ang barilan. Ang hummer ay nakabukas ang lahat ng pinto. Mayroong limang katawan ang nakakalat sa ibaba mismo nito at isang katawan doon sa may taxi kung saan ako nakapwesto kanina.

May takip ng mukha ang ilan, samantalang isang pamilyar na mukha ang nakita ko doon sa mga nakahiga at walang malay.

“C-Chief Smiths!” Sumigaw ako ng makita na duguan din at nakahandusay sa kalsada ang head of security namin. Kung titingnan mo ay hindi na sya humihinga pero umaasa ako…

Doon ko na realize na nasa malaking panganib nga ako at wala na akong aasahan. Unti unting may naghihintuang sasakyan sa crime scene, nagsimula ng umosyoso ang mga tao dahil ilang dipa na lang ang layo namin sa main road. Mayroon pa ngang sinadya ang kinaroroonan namin kanina. Nakarinig pa ako ng alarm ng pulis sa di kalayuan kaya kumalabog ang puso ko. I should wait for the police but I am stepping backwards. Sumisiksik sa mga puno sa gilid ng main road.

“Faster!” Sambit ng may hila sa kamay ko. Doon lang bumalik ang lahat, someone pulled me from the taxi! At hawak nya pa din ang kamay ko ngayon.

Ibig sabihin ay nagtagumpay ang may masamang balak. Napatay nila si Chief Smiths kaya nakakuha sila ng pagkakataon na kuhain ako mula sa taxi at kidnapin!

Kasunod ba ay hihingi sila ng ransom? They will emotionally torture my family for days? Hindi ako makakapayag! Para akong dinudurog sa isiping kailangan ko na ding isuko ang aking buhay ngayon din.

“Just kill me now.” Nanlalabo ng husto ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pagluha. Kung noon ay ayaw kong masaktan, iba kapag nasa panganib ka– tatanggapin mo na lang ang lahat. Mas gusto mo na lang mamatay dahil papatayin ka din naman kalaunan, pagkatapos ng katakot takot na pananakot na papatayin ka nila, they will still do it after they get what they want. I’d rather wish for a quick death kaysa sa kung ano anong torture.

Pumikit ako at nagpabigat. Patayin nya na lang ako kasama ng bodyguard ng pamilya ko. At least mahahanap nila ako agad kung sakali. I just pray they will think of the taxi driver, sana ay maisipan nilang tumulong sa pamilya nya kung sakali.

“Tss.”

Nagulat na lang ako ng umangat ako sa lupa at isinampay ako sa isang balikat.

“Get back to your senses, Maria. You are in danger.”

Ang pamilyar na boses na yon. Matigas at maawtoridad.

“G-gaelan?” I asked. Hindi sumagot si Gaelan na mabilis na naglakad patungo sa main road at humalo kami sa napakaraming tao. Napalitan ang matataas na damo ng mga building sa paligid. Right! Nakalagpas na kami sa residential area at ngayon ay nandito kami sa matatayog na simbolo ng lungsod.

Pinagtitinginan kami dahil ang laki laki ko na at buhat buhat nya pa din ako ni Gaelan, parang balewala naman ito sa kanya dahil abala sya sa pagtingin sa cellphone nya. Bahagya ko na lang iniyuko ang ulo ko at hindi na din tumingin pa sa mga tao habang walang kahirap hirap na buhat ni Gaelan.

Sumusunod kami ni Gaelan sa tracker ng cellphone nya. Kung saan saan kami nagsusuot. Kahit sa maliit na pagitan ng mga building sa isang commercial area, sinusuong namin. Malalaki ang naging hakbang ni Gaelan kaya naman nakita agad namin ang hinahanap nya. Isang motorsiklo. Hindi kasing garbo ng kay Yuki pero mukhang maayos naman.

Kinuha ni Gaelan ang nakasabit na helmet pati na din ang jacket.

“Wear this.” Iniabot ni Gaelan sa akin ang kanyang hawak. Hindi na ako nag-atubiling suotin yung jacket dahil kahit mataas ang sikat ng araw, nakaramdam ako ng panlalamig. Hindi ko maisuot ng maayos ang jacket. Pumapasok sa isip ko na muntik na talaga akong mamatay wala pang isang oras ang nakakaraan.

Now that it is just me and him, I feel safe, at the same time I feel weak. Wala akong nagawa kanina para iligtas ang sarili ko.

“Nanginginig ka.” Hinawakan ni Gaelan ng mahigpit ang kamay ko. Bahagya akong napagitad pero kumalma din naman, ramdam ko pa din ang takot. Unti unti ay may bumagsak na namang luha sa akin. Gusto kong magsumbong kay Gaelan. Gusto kong umiyak habang sinasabi ang naramdaman ko kanina at ang pasasalamat ko na iniligtas niya ako.

Isang mahigpit na yakap ang binigay sa akin ni Gaelan para tumahan ako. Naramdaman ko ang pagiging ligtas sa kanyang yakap. Halos madurog ako sa higpit ng yakap nya pero gusto ko yon. Gustong gusto.

“Hindi ka mapapano, basta nandito ako.” He whispered. Tumango tango ako habang patuloy sa pag-iyak. Wala namang tigil si Gaelan sa pagpapatahan sa akin. Binubulungan ako ng mga nakakapantag na salita.

Inilayo ni Gaelan ang kanyang sarili sa akin ng kumalma na ako pagkatapos ay sya na ang tumulong sa akin sa jacket.

Minaneho ni Gaelan ang motor at sa loob ng isang oras ay nasa kalsada lang kami. I really think na nakalayo na kami mula sa pinangyarihan ng ambush. Hindi na din ganoon kabilis ang pagmamaneho ni Gaelan at hindi na nagmamadali.

May hinintuan muli kaming lumang bodega. Ang mga bodega sa setting ng isang Cowboy Film, luma at abandonado. Bumaba si Gaelan para buksan ang gate na chicken wire lang ang harang at isang padlock. Ipinasok nya ang kanyang motor sa warehouse at doon ako namangha ng husto…

Sa loob ay isang hindi inaasahang modernong pasilidad. Mula sahig hanggang bubong ay kulay puti. Doon nakakubli maraming sasakyan, mula sa ordinaryo hanggang sa mamahalin ang itsura. Naglakad kami sa isang hallway na puro sasakyan. Sa isang biometric scanner, nilagay ni Gaelan ang kanyang hintuturo at bumukas ang isa pang sliding metal door, isang elevator! Kung patungo saan ay hindi ko alam.

Isang matinis na tunog hudyat ng pagbubukas ng elevator ang sya namang pagbungat ng napkaraming baril at explosives sa isang kwarto na gawa sa metal, hindi ganoon kaliwanag ang ilaw. Makikintab ang lahat at nakasalansan ng maayos ang bawat isang sandata.

What do we need this for?

Walang ginawa si Gaelan kundi maglagay ng kung ano anong baril at pasabog sa isang itim na duffle bag.

“A-ano yan?” Kinakabahang tanong ko ng humawak si Gaelan sa isang granada na kadalasan sa pelikula ko lang nakikita. Hindi kaya sumasabog agad ito kapag nalaglag?

“Grenade.” Kaswal na sagot nya.

“Kailangan mo ba nyan? Umuwi na tayo..”

Umiling si Gaelan na parang hindi makapaniwala sa ideya ko. Naglakad syang muli papalayo sa akin at kumuha ulit ng maliit na baril at iniabot nya sa akin pero hindi ko tinanggap.

“No. I want to go home!” Pagpupumilit ko. I have so many things to do! Pupuntahan ko pa ang anak na sinasabi nung driver kanina.

Huminga ng malalim si Gaelan na tila nagpipigil lang ng emosyon.

“There’s no home.. Wala na, Maria. Wala kang babalikan. Everyone in your family flew outside the country. Everyone.” Wika ni Gaelan sa akin. Ako naman ang hindi makapaniwala.

I was with Daddy this morning! Nagpaalam pa ako sa mga Kuya ko bago sila pumasok sa opisina. My mom even combed my hair before she went out with Dad.

“An hour ago, tumawag ang Daddy mo at sinabing dalhin kita sa Laya Air because there’s a big threat to your family. Sgt. Viernes bumped your parent’s car while they are on their way to the office. Sinadya iyon. May pulis lang na dumating kaya sila nakarating sa Laya.”

“Pero pagdating doon, isang death threat ang natanggap ni Gilad. They will kill your family at 3PM in the afternoon.”

Napasinghap ako sa sinabi ni Gaelan. Death threat? Bakit? I never thought we were in danger before. I always feel safe!

“Itinawag agad sa akin ni Master Al na kailangan kitang dalhin sa Laya dahil doon. Then the police called, Sgt. Viernes spoke about the assassination plot to your family, your family security plot against you.”

My mouth fell.

“H-hindi.. Impossible– Si Chief Smiths—”

“I killed Smiths. I shot him because he was the one chasing you. He will kill you.” Buong kumpiyansang sagot ni Gaelan.

The words are like bombs. Nalalaglag isa-isa at ang hirap tanggapin.

Sobra sobra ang nalaman ko ngayong araw na ito. My family is outside the country now.

“Then let’s go to Laya!” Sambit ko. Kahit hindi parehas na eroplano then maybe I could hop in to another plane. Magkikita na lang kami kung saan sila nagpunta!

Umiling si Gaelan. “Sabay sabay pinasabog ang eroplano ng Laya Air kaninang ala una ng hapon kaya pupunta sana ang magulang mo doon para tumulong kay Gilad. Kaya lang, kasabay non ang pagsunog din sa Ahmed mall–”

“N-no, no.. Hindi yan nangyari. You are lying! Ibalik mo ako sa pamilya ko! They will not leave me here! Kung nasunog ang lahat ng eroplano, paano sila nakaalis!” Naghihysterical na ako sa sobrang gulo ng isip ko. I understand every word but I cannot decode it in my brain! Parang puro riddles ang sinabi nya na may kalakip lang na ibig sabihin.

“They borrowed plane from Tan Group of Companies! Kaya nga dapat ay sasabay ka doon pero mas malaki ang tsansa na mapahamak silang lahat kung magtatagal pa! Pinasok kita sa kwarto mo pero nakita kong wala ka doon. Halos mabaliw ako kanina dahil akala ko nakuha ka na din nila. They want to kill your family all together. At the same time! That was the plan. Ala una, susunugin ang lahat ng inyong negosyo. Alas tres, papatayin kayong lahat! Yan ang sinabi ni Viernes!”

Mas lalo akong napaiyak. Wala na pala ang lahat. Hindi ko namalayan! At nasa bingit pala kaming lahat ng kamatayan. I want to see my family. I want to make sure they are okay.

“H-how can I t-talk to Dad?”

Malungkot akong tiningnan ni Gaelan. “There’s no way.. Before they took off, I promised him I will take care of you. I have to decide that they should not wait for you. Mas lalo kayong mapapahamak lahat kung mapapatagal ang pag-alis. Im sorry. That’s the most that I can do.”

Lumuluha akong tumango. Kung ako din naman ang papipiliin ay ganoon din.

Then what now? Saan ako magsisimula? Wala akong pamilya. Wala din akong kahit ano. Our businesses are ruined. Matitigil ang operasyon ng Laya Air, ang Ahmed Malls ay naging abo na. Marahil pati ang pabrika ng autoparts ay ganoon din. Our security betrayed us. Inaasahan ko pa ang sunod sunod na complaints sa Laya o di kaya sa Ahmed o sa factory kung may mga nadamay na tao.

“I was so reckless, dapat ay kasama nila ako ngayon..” Buong pagsisising bulong ko.

“Yes you are reckless.” Matigas na sabi sa akin ni Gaelan. Napayuko na lang ako sa hiya. Pinigilan kong lumuha pero hindi ko mapigilan.

“That’s what I am here for, so stop worrying about that. Bilisan na natin.”

Mabilis na kumilos si Gaelan. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang kinukuha ko basta tinutulungan ko lang sya.

Hinila ako ni Gaelan sa isang kwarto pagkatapos ng ginagawa namin at nakita ko doon na may mga bagong damit na iba’t ibang klase. Binigyan ako ni Gaelan ng daster para suotin. Mapusyaw na dilaw ang kulay. Kumuha pa sya ng maraming pares na ganoon din at nilagay sa isang backpack.

“B-bakit ko ito susuotin?” Hindi naman sa nagrereklamo ako pero mayroon naman akong damit. Hindi naman siguro kailangang magpalit ng damit ngayon.

Napabuga ng hangin si Gaelan na tila napapagod na magpaliwanag.

“Kasi kung hindi mo ako tinakasan, sana hindi ka maiiwan ng pamilya mo dito sa Pilipinas. Because Miss, you are now officially wanted by those criminals. Delikado na ang buhay mo at ang mababaw, gasgas at nakakabobong ideya na naiisip ko para maitago ka ay magdisguise ka.”

“Disguise? Sa daster? Nagpalit lang ng damit, hindi na agad ako? Magic daster ba ito? Pang-agent?” Sunod sunod na tanong ko.

“Tsk, ang dami mong tanong. Kailangan mo munang magpalit ng damit. Malamang may nakapagreport na ng suot mong yan. Kapag may humabol sa ating dalawa, kasalanan mo.” Pananakot pa sa akin ni Gaelan sabay angat ng kanyang tshirt habang nakikipag-usap sa akin.

“A-ano yan?” Halos pasigaw kong tanong sabay talikod. Did he just took off his pants in front of me?! Ugh! Yung tshirt ay matitiis ko pa pero ang pantalon talagang tinanggal din sa harapan ko!

“Nagbibihis! Magrereklamo ka?” Tanong nya ng naiirita.

“Syempre magrereklamo ako! Ako ba nagbibihis sa harapan mo?” Di ko mapigilang tanungin ng hindi tumitingin. Agad naman akong nagsisi dahil nakarinig ako ng pagak na tawa mula kay Gaelan.

“Sige nga?” Paghahamon nya.

“Tse!”

Umirap ako at tinungo agad ang isang maliit na pinto patungo sa banyo na hindi na sya nilingon. Hindi ko alam kung bakit ako nagsuot ng ganito, sa lahat ng disguise ito talaga ang napili nya. Alanganin akong lumabas dahil sa nakikita kong repleksyon sa salamin.. I look like myself…

YEARS ago!

Yung lumang ako. Yung baduy at walang ayos.

“Hey, long time no see!” Nang sa wakas mapagdesisyunan ko na lumabas pagkatapos magbihis, sinalubong agad ako ni Gaelan ng mayroong nanunuyang tingin.

“Ayoko nito! Hindi ba puwedeng magdisguise ng iba?”

“Like what? Hindi ka naman pwedeng maging rabbit, o di kaya hamster, or butterfly.” Nagtaas ng kilay sa akin si Gaelan.

Nakipagtitigan ako sa kanya pero ako din naman ang sumuko. Anong disguise nga ba? Wala din akong alam.

“You have to listen to me, Maria. I am all that you got.” Seryoso si Gaelan ng sinabi nya yon.

Kaya ngayon nakasakay ako sa sasakyan na lumang modelo. Si Gaelan ay nakasuot ng maluwang na tshirt at faded jeans. Nagpapanggap syang mahirap pero napakagwapo pa din.

Tumingin ako sa kamay ko kung nasaan ang lisensya ng taxi driver na nakita ko. His face will forever haunt me. Sana ay may tumulong sa kanya kung may pag-asa pa syang mabuhay.

CHUCK DE GUZMAN .

Yan ag nakalagay sa lisensya. Tiningnan ako ni Gaelan ng may nagtatakang mata.

“Ano yan?” He asked bago muling ibinalik ang mata sa kalsada.

“Ibinigay sa akin ng taxi driver na nasakyan ko kanina. Gusto nyang puntahan ko ang anak nya–”

“No, we will not do that.” Putol sa akin ni Gaelan.

“Pero sa akin nya ipinagkatiwala ang anak nya.. Bata pa yon.. Paano kung namatay na si Mang Chuck? Paano ang anak nya?”

“Paano kung nabuhay?”

“Kailangan pa din ng magbabantay sa bata. Wala na syang nanay.. Namatay daw ang asawa ni Mang Chuck sa panganganak. Paano kung maospital si Mang Chuck? And worst paano kung wala na talaga..” Nanghihina ako sa isiping yon. Dahil sa akin nadamay ang inosenteng tao. O may mga nadamay na inosenteng tao dahil sa pamilya namin ngayong araw na ito. I will pray for their safety, sana ay mayroong tumulong sa kanila. Sana ay mayroong umayos ng problema.

“Sige na. Wag ka nang umiyak. Hahanap tayo ng tyempo pag mas dumilim na.” Kinapa ko ang mukha ko at naramdaman ko na naman ang pagkabasa non. Naiyak na naman pala ako.

Bumwelta ang sasakyan ni Gaelan pabalik doon sa siyudad. Wala akong masyadong alam sa kalsada pero si Gaelan, mukhang alam ang pasikot sikot. Paliit ng paliit ang kalsadang dinadaanan namin. Pati ako ay nasanay na din sa paglinga linga dahil baka mayroon na namang nakaambang panganib.

Bukod sa napakaraming naglalasing sa kalsada at ilang nagbabasketball, wala naman akong napapansing kaduda-duda. Luma ang kulay silver na lancer ang sinasakyan namin. 90s na modelo pa kaya wala namang pumansin ng nagparada kami sa tapat ng isang tindahan. Wala man lang tumingin.

“Sandali lang. Wag kang lalabas hangga’t wala akong sinasabi. Wag kang makulit.” Yun ang huling bilin sa akin ni Gaelan bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Nagtanong sya sa nagigitara sa gitna ng  isang umpukan. Agad namang sumenyas ng pagtuturo ang isang lalaki. Sinundan ko ang kamay nya at nakita ko agad ang isang lumang barong-barong na nandoon.

Kumatok sa bintana ng sasakyan si Gaelan at pinalabas ako. Nakaakbay sya sa akin habang binabaybay namin ang kalsadang napakaraming bata na naglalaro pati na din mga matatandang nagkukwentuhan. Hindi ko maiwasan ang mapalingon sa paligid, isang mundong hindi ko nakasanayan. Kahit sina Mama Buding ay hindi tumira sa ganito.

“Tao po..” Kahit nakabukas ang pinto, kumatok pa din kami sa maliit na bahay na tinukoy na kay Mang Chuck.

Walang sumagot pero nakabukas ang TV na maliit doon sa salas na walang tao.

“Tao po..” Ulit ni Gaelan.

“Sandali.” May sumagot mula sa loob. Nakatanaw akong isang lalaking nagsusuot ng tshirt nya at mukhang kakagising lang. Huminto sya sa tapat ng pinto at sinipat kami mula ulo hanggang paa. Tumikhim si Gaelan at inilahad ang kanyang kamay.

“Brad, ako nga pala si Raymond. Raymond De Guzman at ito naman ang Misis kong si Anita De Guzman, pinsan ko si Kuya Chuck.” Napataas ang aking kilay sa pagpapakilala ni Gaelan pero mahina nya akong siniko kaya nagpeke ako ng ngiti.

Tumango lang ang matangkad na lalaki na aming kaharap, parang hindi naman sya interesado sa presensya namin.

“Wala pa si Pareng Chuck. Namamasada pa yon. Gabi pa ang uwi.”  Tila walang ganang sambit ng Mama. Ibig sabihin, hindi nya alam na may masamang nanagyari kay Mang Chuck?

“Oo alam namin yon, Fritz.” Wika naman ni Gaelan. Napakunot ang noo ng lalaki, sinong Fritz?

“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” Tanong nung lalaki. So sya nga si Fritz?

“Sinabi sa akin ni Kuya Chuck. Sinurpresa kasi namin sya kasama ang buo naming pamilya. Nandoon sila ngayon sa bahay namin sa Bicutan, nagvivideoke. Pinapakuha nya si Rigo.”

Gusto ko nang palakpakan ang galing ni Gaelan sa pag-arte. Hindi ko naman binanggit ang pangalan ng anak ni Mang Chuck sa kanya, ngayon pati ang nickname ay alam nya din!

“Ah tamang tama! May pa-liga mamaya eh. Makakasali pala ako. Kayo na ang bahala kay Rigo. Pakisabi kay Pareng Chuck, umuwi muna ako sa bahay namin.”

Nagsasalita pa si Mang Fritz, nakatalikod na sya sa amin. Pumasok sya sa kwarto at paglabas nya, may bitbit na syang bata. Hindi lang basta bata .

Sanggol!

Umiiyak ito ng husto. Nagkatinginan pa kami ni Gaelan ng iabot sa amin ni Mang Fritz ang baby. Ako ba ang kukuha? O siya? Tinaasan kami ni Mang Fritz ng kilay.

“Hindi kayo marunong magbuhat ng baby?” Nakataas ang kilay na tanong ni Mang Fritz. Sabay kaming umiling. Napa-tsk pa si Mang Fritz ng ituro sa amin kung paano. Pinalahad nya lang ang kamay ko at sinabing alalayan ang leeg ni Baby Rigo. Takot na takot ako dahil baka mapisa ko sa sobrang liit! O di kaya baka mahulog ko dahil iyak sya ng iyak at liyad ng liyad.

“Ssshhh…” Sinubukan kong ihele sa pamamagitan ng pagsayaw si Rigo. In just a matter of seconds, tumahan ito agad. Seriously? Ganoon lang?

“Napatahan mo..” Gaelan said. Tumango tango ako at di ko mapigilan ang maluha ng bahagya, kinagat ko pa ang pang-ibabang labi ko pra pigilan ang pag-luha. Wala na syang magulang. At kasalanan ko.

“Wag kang umiyak..” Binulungan ako ni Gaelan. Si Mang Fritz naman nakanganga habang tinitingnan akong umiiyak.

“May secret kayo no? Kayo ang totoong magulang ni Rigo?” Humalakhak pa si Mang Fritz. “Sabi na nga ba’t imposibleng magkaroon ng ganyan kapoging anak yan si Chuck! Siguro kung ako ang ama pupwede pa! Eh kaso sya! O sya! Sige. Babay Rigo! Wag mo silang pahirapan hanggang magkita kayo ni Tatay ah! Lablab yan ni Tatay Fritz! High Five! Apir!” Pinilit pa ni Mang Fritz na ibukas ang kamay ni Rigo para mag-high five sila. Grabe naman ang yaya ni Rigo. Masyadong astig.

Pinalis ko ang luha ko at nauna na kaming lumabas sa bahay pagkatapos iabot ni Mang Fritz ang mga gamit ni Rigo. Mabilis lang kaming naglakad pabalik ng sasakyan pagkatapos pinaarangkada na iyon ni Gaelan.

Lumalalim na ang gabi, nagmamaneho pa din si Gaelan. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Si Rigo naman ay tulog lang. Napa-gatas na din namin sya kanina kaya mukhang kuntento na sya.

“Maria.. Maria..” Mahinang tapik ang naramdaman ko mula sa aking pisngi. Nagising ako bigla. Napabuntong hininga ako ng makita ko si Rigo sa aking kamay. Hindi ng ito panaginip.

“Nandito na tayo. Halika na.” Naunang lumabas si Gaelan sa sasakyan at nakasunod naman ako. Buhangin ang unang natapakan ko. Kasabay non ang paghampas ng malamig na hangin at tunog ng alon.

“N-nasa beach tayo?”

“Tabing-dagat. Nasa Batangas tayo.”

Naglakad si Gaelan bitbit ang mga bag namin. Niyakap ko si Rigo dahil pinoprotektahan ko sa lamig. Medyo nakadilat na din kasi sya pero hindi naman sya nagagalit.

“Manang Selya..” Kumatok si Gaelan sa maliit na pinto. Gawa sa pawid at kahoy ang bahay, sa mga katabi nito ay ganoon din. “Manang..”

“Sandali!”

Niluwa ng pinto ang isang may edad na babae.

“O? Daniel? Ikaw ba yan? Ay sus! Ikaw nga Daniel!”

Daniel ?

Tuwang tuwa ang matanda at yumakap agad kay Gaelan.

“Ang tagal mong hindi napagawi dito sa Sta. Monica ah! Bigla ka pang nawala.”

“Oo nga ho eh. Nakakontrata sa abroad.” Nagkibit balikat si Gaelan.

“O e anong ginagawa mo dito, Daniel. May kailangan ka ba?” Nagtatakang tanong ni Manang Selya.

“Ay oho. Itatanong ko kung maayos pa ho ba yung kubo ko.”

“Ay oo naman! Lagi naming nililinisan ni Mercy iyon. Alam mo naman yon si Mercy, malakas ka doon!” Humagikgik pa si Manang Selya na parang kinikilig. Gustong tumaas ng kilay ko pero pinigilan ko.

Sino namang Mercy yon?

“Kayo talaga Manang, hanggang ngayon tinutukso nyo pa din ako. Eto nga’t kasama ko ang misis– Aw!” Inapakan ko ang paa ni Gaelan bilang pagtutol. Anong misis? Dinadamay pa ako nito sa kalokohan nya!

“Aray. Nakagat ata ako ng alimango.” Wika ni Gaelan sa matandang hindi inaalis ang mukha sa akin. “Si Kathryn po, misis ko. Ito ang anak namin, si Rigo.”

“Ah.. Nagagalak akong makilala ka, Kathryn. Bagay na bagay kayo ni Daniel. Halika’t magsalabat muna kayo sa loob habang kinukuha konang susi..” Mas niluwagan ni Manang Selya ang pintuan at saka kami pumasok. Maayos ang loob ng bahay, kahit maliit ay malinis.

Sa upuang gawa sa kawayan kami umupo. Lumabas si Manang Selya mula sa kusina na may bitbit na thermos. Nilagay nya sa aming harapan ang dalawang tasa at sinalinan ng kung ano.

“Pampatanggal lamig.” She said. Pumasok muli sya sa isang kwarto na natatakpan lang ng kurtina at may iniabot kay Gaelan na susi.

“Ito ang susi. Malinis ang kubo mo. Lagyan mo lang ng panibagong kobre kama ang kutson ng papag at maayos na yon.”

“Salamat, Manang.”

Inabot ni Gaelan ang kanyang tasa at uminom doon. Ginaya ko sya pero muntik ko na maibuga. Napangiwi ako sa lasa ng ininom ko. Lasang ginger! Ginagawa palang juice yon?

“Hindi ka sanay sa salabat, hija. Taga Maynila ka ba?” Tanong ni Manang Selya. Hindi ako agad nakasagot. Ito pala ang salabat!

“Naku hindi ho. Taga-Nueva Ecija itong Misis ko.” Sabi ni Gaelan sabay akbay sa akin.

Tumango tango naman si Manang Selya na tila nakumbinsi.

Hindi din kami nagtagal. Nang maubos ni Gaelan ang salabat nya, nagpaalam na kami. Hinaplos ko ang mukha ni Baby Rigo na tulog na naman. Napakabait naman ng baby na ito!

Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang madilim na paligid. Hanggang kailan kami dito? Kailangan ba talagang magsinungaling kami? Kakayanin ko kaya? And the big question is, Sino ang may kagagawan ng lahat ng ito sa aming pamilya?

Tumingin ako sa malapad na likod ni Gaelan habang nauuna syang maglakad. At least I feel safe with him.

Sa weirdong paraan nga lang.

May instant baby na nga ako, may instant husband pa.

Tumingala ako sa langit at bumulong.

’ Lord, you are full of surprises !’

Kabanata 46

Okay

.

Huminto kami ni Gaelan sa isang kubo na apat na bahay ang pagitan mula kila Manang Selya. Halos kamukha din ito nung kay Manang Selya. Yun nga lang ay mayroon pang limang baitang ang hahakbangin bago ang pinaka-pinto. Yari sa semento ang una at huling baitang ngunit ang loob ng bahay ay puro kawayan na. Kahit wala pang binubuksang aircon o di kaya electric fan, angat na angat na ang pagiging presko ng lugar.

Binuksan ni Gaelan ang bintana sa pinaka’salas’, nilipad agad ang kurtina kasabay ng hampas ng alon sa dalampasigan. Itinabi ni Gaelan sa pinakasulok ang mga bag na bitbit at doon naman sa upuang kawayan ang gamit ni Baby Rigo.

“Sandali, iaayos ko muna ang kama.” Gaelan said. Hudyat naman iyon para tambulin ang dibdib ko. Isang kwarto lang ang mayroon, tiyak na isa lang din ang kama doon. Hindi naman sya pupwede doon sa upuang kawayan dahil technically, nakikitira ako sa kanyang kubo. Pupwede naman ako na lang sa upuan matulog kaya lang paano naman si Rigo? Baka daganan lang ito ni Gaelan kung sila ang magkatabi.

Napapikit ako sa naalala ko .

Nahuli kami ng mga magulang namin noon dahil nakatulog kami sa tent kahit wala kaming balak. Ibig sabihin, maaring makatulugan din namin si Baby Rigo dahil parehas kaming mahilig matulog. I cringed at the thought.

I swear! Hindi talaga ako matutulog! Babantayan ko lang si Rigo.

Lumabas si Gaelan mula doon sa kwarto. Walang pinto na nakaharang kaya natanawan ko na agad ang kama na mayroong manipis na kutson. Nakabalot na ito ng puting kobre kama. Hindi ganoon kalapad ang higaan pero masyado ding malaki para sa isa.

“Saan kami matutulog ni Rigo?” Tanong ko.

Nginuso ni Gaelan ang kama.

“I-ikaw?” Sumunod na tanong ko. Nagtaas naman ng kanyang kilay si Gaelan.

“Dyan din. Saan mo papatulugin ang asawa mo?” Mapanuri ang tingin ni Gaelan sa akin. Di ko maiwasan ang pamulahan ng pisngi! Bakit naman kami tabing matutulog? Wala namang nakakakita sa amin kapag nandito kami! Hindi naman namin kailangang magpanggap kung kaming dalawa lang hindi ba?

“My back aches if I sleep on a hard surface. Kung bibili naman ako ng dalawang kutson para sayo at sa akin, magtataka naman ang mga taga-dito.”

“Will they even know if you will do that?” Nagtaas ako ng kilay. Ganoon ba ka nosy ang mga taga dito? Pati ang pagbili ng kutson ay kakamustahin?

“You just saw Sta. Monica at night, you haven’t seen it in the morning. Nagugutom ka ba?” Pag-iiba ni Gaelan ng usapan. Kanina ay nakapagdrive-thru pa kami kaya hindi naman ako masyadong gutom. Umiling lang ako at inilagay si Baby Rigo sa kama na ngayon ay nakamulat na.

Kumuha ako ng wipes mula doon sa mga gamit nya at marahang pinunasan ang kanyang buong katawan. Hindi ako sigurado sa ginagawa pero pinalitan ko sya ng diapers. Nakamasid lang si Gaelan sa ginagawa ko.

“You’ll be one hell of a good mom.” Gaelan said, amused. Tiningnan ko lang sya at binalik ang atensyon kay Rigo, paano naman nya nasabi yun? kung ako nga sa sarili ko, hindi din tiyak ang ginagawa ko.

Kahit hindi umiiyak si Baby Rigo ay tinimplahan ko sya ng gatas. Sa dami ng itinulog nya, napakakonti naman ng paghingi nya ng gatas. Hindi siguro sya reklamador na bata. Ilang buwan na kaya si Baby Rigo?

“Paano ka pala nakarating sa lugar na ito?” I asked. Mukhang kilala na sya ng mga tao sa lugar na ito, ayun nga lang ay bilang Daniel.

“I had a case here before. Drugs. Ibinabagsak ng mga taga-China sa daungan ng mga mangingisda dito. Kinailangan kong magpanggap na mangingisda din para makasalamuha ko sila at malaman ang kanilang ginagawa.”

“So you know how to fish?” Mas namangha ako sa isiping iyon. He really changed! Dati nga ay hindi sya kumakain ng isda. Gaelan gave me a weirded look.

“Masama?” Sarkastiko nyang tanong. Umirap lamang ako.

“And how did you know Mang Fritz’ name awhile ago?” Kanina ay nagulat din ako doon. Nakalimutan ko lang syang tanungin dahil nakatulog ako sa byahe.

“Itinanong ko doon sa pinagtanungan ko ng bahay ni Chuck De Guzman, I casually asked kung sino ang nagbabantay kay Rigo.”

I nodded. I didn’t know Gaelan will mature like this. He could stand on his own, make his own decisions and save lives. I am—well, kinda proud of him, as someone, as his ex- uhm, schoolmate.

“At sino naman si Kathryn ?” I asked afterwards.

Mataman akong tiningnan ni Gaelan at pinanliitan ng mata. “Selos ka?” His smile turned into a smug.

Nag-iwas ako ng tingin. Malay ko ba kung ipinangalan nya pa ako sa isa sa mga babae nya? Pwede naman kay Heather nya ako ipinangalan para nagkatotoo nang misis nya si Heather. Pangarap nya siguro yon.

“Tsk, hindi ka talaga nanonood ng TV?” Napapailing na sabi ni Gaelan pagkatapos ay hinawakan nya si Rigo at pinakatitigan ito.

“Rigo, si Nanay mo nagseselos na naman.” Sambit nya sa harap nito. Pinanlakihan ako ng mga mata.

“Hoy, ang kapal ng mukha mo!” I said defensively!

“Shhh.. Don’t say bad words in front of our son.” Masama pa nya akong tiningnan. Nagngingitngit ako sa inis. This guy! Sa ganitong sitwasyon nagagawa pa nyang magbiro at inisin ako.

“Si Kathryn, yung kaloveteam ni Daniel. I was actually trying to pull a joke but Manang Selya bought it so.. Hayaan na natin.”

Humalukipkip ako at masama din syang tiningnan. “At bakit mo naman naisip na gawing biro na loveteam ang pangalan nating dalawa?”

“Para meant to be, hindi ba?” He chuckled. Kumindat pa sya. Ugh! Napakapilyo talaga!

I decided to start unpacking Rigo’s things. Wala naman akong mapagtatanungan kung ano pa ang kanyang mga kailangan. Hindi ko din alam kung may pera ba kaming dala. Kung meron man, hindi din pupwedeng maglustay dito sa islang ito dahil magtataka pala ang mga tao.

Then Gaelan has to fish? And me? Ako ang magbebenta noong mga isda?

“Hey, anong iniisip mo?” Bulong ni Gaelan ng napansin nyang nahinto ako sa ginagawa. Yakap yakap nya si Rigo.

“I don’t know what to do here. I want to talk to my family but I cannot use phone. Are we trapped here forever?”

“Kung maka-trap ka naman porket ako ang kasama mo.” Umismid si Gaelan dahil sa pagrereklamo. I mentally rolled my eyes. Parang hindi sya seryoso sa pagtakas namin kanina. Ngayon ay parang mas naging mapayapa sya. Does he think that we are safe here?

“I will talk to Master Yushima tomorrow. Aalamin ko ang pangyayari sa Floresca Empire. I will ask him to send Agent Toshiyo wherever your family is to check on them. Yuki, I believe he will hunt whoever plotted this against your family, hindi yon mahihirapan dahil si Smiths ay dating Yukan’na, madaling makakuha ng leads. And me, I have the most difficult part in this case.” Sumandal sya sa headrest ng kama at tiningnan akong mabuti.

“I have to look after you and pretend that I am your husband. Hirap di ba? Ang sungit mo pa naman sa akin.” He smiled again so I scowled.

“Wala akong pambayad sa inyo.” Nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko alam kung magkano pa ang natitira sa amin o kung mayroon pa ba. Nakakahiya kung mageexpect sila ng bayad mula sa aming pamilya lalo na’t alam ko na napakamahal ng serbisyo ng kanilang grupo tapos wala pala silang mapapala. Malaking abala ito. I am just praying that Attorney Deuce would take over all the casualties. Kung pwede lang matulog tapos pagkagising mo, wala na talagang problema.

“It’s on me. You just need to be a good wife, Baby.” Pagpapanatag sa akin ni Gaelan pero imbes na mapanatag ako, bumilis ang tibok ng puso ko. Baby ? It is loud and clear.

“Cat got your tongue?” He smirked.

“Don’t call me Baby . Porket wala dito ang girlfriend mo.” Sagot ko pabalik. Napawi ang ngiti ni Gaelan dahil sa sinabi ko. I just sighed.

“I need to rest. Rigo will sleep in the middle, okay?” Pagpaplano ko. Tumango naman si Gaelan. Kapag tumutol pa sya aba ewan na lang.

I just took a quick shower, mabuti at mayroong maayos na bathroom sa kubo ni Gaelan. It is simple but complete. May simpleng TV, lamesang pang-apatan, kalan na mayroong gasul, mini ref (thank God) for sure kakailanganin ito ni Rigo at yung kwarto naman ay napakaraming unan. I love pillows. Hindi ako kumportable kung dalawa lang ang unan tapos paghahatian pa naming tatlo.

Ginawa namin ang pinlano kung paano kami mahihiga. Isang maliit na ilaw lang ang naging liwanag sa gitna kadiliman, pinagana na din ang electric fan dahil sinarhan na ni Gaelan ang lahat ng bintana. Pinagmasdan ko si Rigo na dilat na dilat naman ngayon.

“Baby, you better sleep now.” I whispered. Tumagilid si Gaelan at pinagmasdan din si Rigo pagkatapos ay tiningnan ako.

“You too, Baby..” Gaelan said. Tumaas na naman ang aking kilay kaya humagikgik si Gaelan.

“Hindi ikaw ang kausap ko.” Masungit kong sabi.

“Don’t call Rigo, ‘Baby’. Nalilito ako, akala ko naglalambing ka sa akin.”

Hindi na ako nagsalita. Sumeryoso ang mukha ni Gaelan pagkatapos ay hinaplos si Rigo sa katawan.

“Ikaw ang matulog. Ako na ang magbabantay kay Rigo.”

Tumagilid si Rigo, pagkatapos ay tumagilid muli papaharap kay Gaelan. Parang hindi sya mapakali. I wonder if he’s looking for Mang Chuck now. Eerie thoughts about Mang Chuck came across my mind. Naalala ko na naman ang duguan nyang katawan at kung paano sya pumikit pagkatapos nya ang akong bilinan sa kanyang anak. Sana wag syang magmulto.

Wherever he is, I would still hope that he survived. If he did not, I promise to take care of Rigo and to treat him as my own.

Before closing my eyes, I sat down. I forgot to say my prayers. Nagkatinginan kami ni Gaelan.

“What do you need?” He asked worriedly.

“Magdadasal lang ako. Pray tayo.” Tumango si Gaelan at binuhat muli si Rigo.

I lead the prayer. I thanked God for the safety of my whole family despite of what happened. Madalas kasi hindi na nakikita ng mga tao na mayroon pang ipagpapasalamat lalo na’t puro masasalimuot din naman ang nararansan, but if we will just open our eyes in those small things, we will realize that we are so blessed. The fact the we wake up daily with the capability to fight danger, sickness, hunger and even death is a blessing.

“… And I pray for continuous safety and strength for the whole family, Gaelan and Baby Rigo. These we asks in Jesus’ Name, Amen.”

I ended my prayer at paglingon ko kay Gaelan, nakatingin pa din sya sa akin.

“I missed listening to your prayers.” He said pagkatapos ay maingat na inihiga si Rigo sa kama. Rigo just rolled down.

“Tingin ko hindi sanay si Rigo sa kama.”

Nag-angat ako ng tingin kay Gaelan habang hinahawakan ang kamay ni Rigo. Rigo on the other hand looks frustrated that he cannot sleep. Mas bumibilis ang pag-ikot ikot nya na parang nayayamot.

“Masasanay din siguro sya. Matulog ka na, ako na ang bahala.” Wika ni Gaelan.


Malalakas na iyak ni Rigo ang gumising sa akin, tumingin ako sa paligid dahil madilim pa. Si Gaelan, mahimbing at hindi man lang narinig ang pag-iyak ni Rigo. I carried the baby and slowly danced him, it is amusing that I am able to carry him with one hand now, ang isa kong kamay ay nagsasalin ng scoop ng gatas sa feeding bottle. Tumahimik na din sya at ininom ang gatas habang nakatingin sa akin. I smiled at him, kahit ginigising ka sa madaling araw ng baby, hindi mo makukuhang magalit kasi ang cute cute nila. Rigo’s nose is chiseled. Moreno ang kanyang kulay pero mapula ang kanyang labi. Deep set ang kanyang mga mata at mahahaba ang pilik. I am sure that he will grow up good looking.

Hindi na ako muling nakatulog, bumalik na naman ako sa pag-iisip sa kalagayan ng aking pamilya. Gaano kaya kabilis matatagpuan ang gumawa sa pamilya namin nito? At ang motibo?

Imposibleng mayroong makaaway ang mga magulang ko, they are both loved by the people. Magaling silang makisama, lalo na si Mommy na madasaling tao. Napakalalim naman ng galit ng kung sino man iyon at hindi man lang inisip ang kalagayan ng mga taong madadamay.

I looked at Rigo again, he’s now sleeping. I gently kissed his forehead and I whispered ‘Im sorry’. Kasalanan ko talaga kung bakit sya nawalan ng ama. If I did not escape, then iba ang sakay ni Mang Chuck ng mga oras na yon. Hindi ang kagaya ko na mayroong banta sa buhay.

“Good morning..” A husky voice filled my ear. I froze in an instant. A gentle hand felt my cheeks and a squeeze on my hand made me feel safe again.

“Nandito pa ako.” Gaelan said. I nodded. At least someone familiar, hindi ako naiwanan mag-isa pero alam kong hinihiram ko lang sya. Dadating din ang oras na kapag maayos na ang lahat, kailangan ko na syang isaoli kay Heather, o kung matatagal ang pag-aayos, baka iwanan na lang din nya ako at iintindihin ko yon. Hindi naman nya ako responsibilidad. Hindi na siguro sya mababayaran pa ng aking pamilya.

“Nandito lang talaga ako..” He said again. Sa pagkakataong iyon, inakbayan na ako ni Gaelan, he gently kissed the top of my head “Hindi na kita iiwan. Hindi na.”

Isang panibagong umaga ang sinalubong namin ni Gaelan. Inihiga namin si Rigo sa kama at pinalibutan ng napakaraming unan para makagawa ng gawaing bahay. Bumaba si Gaelan ng kubo bilang Daniel. Pagbalik nya ay mayroon na syang dalang mga plastic na mayroong lulutuin. Puro lamang dagat ang mga iyon at ilang kilong bigas. Hiniling ko na sana ay mayroong mas kumpletong sangkap but this is all that I got.

Ang boneless bangus na dala ni Gaelan ay ginawa kong fried daing , nagprito din ako ng itlog at nagluto ng fried rice. Hinayaan ko munang bumaba si Gaelan ng kubo habang nagluluto ako. Mukhang madami syang kakwentuhan sa ibaba dahil naririnig ko pa ang kanyang boses na masaya. Hindi sya suplado sa iba. Hindi na sya masungit. O parte ito ng pagdidisguise nya.

Maya maya pa ay umakyat syang muli na may malaking ngiti.

“So this is how it feels to be a Chef’s husband?” May kislap sa mga mata nya habang pinagmamasdan ang nakahanda sa lamesa. Ano bang feeling ng isang ito? Nagbabahay-bahayan kami?

“Simple lang ang mga yan. You don’t need to be happy about it.” Umismid ako sa kanya, hindi naman napawi ang ngiti ni Gaelan.

“Kahit ano, basta luto mo.” He said.

Mukhang totoo ngang masaya sya dahil sya ang halos umubos ng pagkain. Na-challenge na naman ako sa pag-iisip ng lulutuin ko sa pananghalian. Ang kaluluwa ko bilang Chef ang bumabangon sa akin. Sana ay mas madami akong sangkap! Pinagplanuhan kong bumaba bago mananghalian para humanap ng maari kong ilagay sa hipon na iniakyat ni Gaelan kanina. Isasama ko na lang si Rigo maglakad lakad.

“Bababa muna ako, Tabs. Hahanap ako ng bangkang pupwede kong samahan bukas para sa pangingisda.” Pagpaaalam ni Gaelan habang nasa pinto na. Pumayag naman ako kahit iniisip kong hindi naman na nya kailangang gawin. He has money. But then again, maiisip ko na naman na kailangan nga pala naming makibagay.

I have no idea what this island looks like, kung paano ba mamuhay ang mga tao, kung paano sila kumilos. Mamaya talaga ay maglalakad lakad ako. Wala akong balak lumayo kahit na panatag ako na ligtas ako sa Sta. Monica dahil dito ako inilagay ni Gaelan. Iniiwanan nya nga din ako at nagpapalaboy laboy sya. Isa pa, ako si Kathryn.

“Daniel… Daniel. Yuhoo!!!” Isang malambing na boses ng babae ang narinig ko mula sa ibaba ng kubo. Nag-alala agad ako dahil baka maabala sa pagtulog si Rigo. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi man lang kumilos si Rigo.

“Sino ka?” Di ko mapigilan na mapataas ang kilay sa isang babae doon sa pinakababang baitang ng kubo.

“Ay fierce! Tiger look! Ikaw ba ang asawa ni Daniel? Ako nga pala si Mercy. Kaibigan ni Daniel.” Pagpapakilala nya sa kanyang sarili. Malakas talaga ang kanyang boses at masyadong magiliw. Kitang kita ang kanyang personalidad sa suot nyang maigsing maong shorts at kulay rainbow na spaghetti strap. Hindi din pantay ang kulay ng mukha sa kanyang leeg at pulang pula ang kanyang mga labi.

Ex din ba sya ni Gaelan?

“Mayroon akong dalang biko at sapin sapin. Ito oh..” Tinanggal ni Mercy ng takip na tela ang kanyang hawak na bilao. Kitang kita ko ang makulay na puto doon. Nag-effort pa talaga sya huh.

“Girl, tanggap ko na mayroon ng asawa’t anak si Daniel, wag mo ako tingnan ng ganyan.” Prangkang sabi nya. Napalunok ako at pinilit bawiin ang masungit na ekspresyon ko. How do I look like a while ago? Mukha kayang kakainin ko sya or something?

“Tuloy ka.” Sambit ko bilang pambawi. Hindi naman nag-atubili si Mercy na umakyat. Malapad ang kanyang ngiti sa akin at naamoy ko agad ang pambatang cologne sa kanya. She seems nice actually.

Tinulungan ako ni Mercy na maglinis ng kubo ni Gaelan. Kahit pala maliit ay mahirap linisin. Sya din ang nagpalit ng diaper ni Rigo ng nagpoopoo ito. Nagluluto kasi ako ng pananghalian namin ni Gaelan noong nagkaroon ng call of nature ang Baby. Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na panoorin si Mercy sa kanyang ginagawa. Ang totoo ay kagabi ko pa pinorpoblema ang parteng ito sa buhay ni Rigo. Hindi ako marunong. Nalaman kong wet wipes lang pala at bahagyang mainit na tubig at bulak ang panlinis sa mga sanggol na kagaya ni Rigo.

Nag-offer pa nga si Mercy ng paliguan ng bata na kinalakihan ng pamangkin nyang one year old na daw ngayon. Sya din daw ang magdadala mamayang hapon pagkatapos nyang magdeliver ng puto sa mga mangingisda na dadaong sa dalampasigan.

“Grabe, Kath! Ang cute cute ng anak nyo ni Daniel! Hindi ko lang makuha kung sino ang kamuha pero dahil gwapo sya at napakaganda mo, ang pogi pogi ni Rigo.” Papuri pa ni Mercy habang pinanggigigilan ang tyan ni Rigo.

“Salamat..” I smiled. “Dito ka na mananghalian, nakaluto na ako..” I announced. Ngumiti si Mercy at umiling.

“Naku, hindi na. Ala una pa ako kakain, pagkatapos kong magbenta ng puto. Sa bahay na ako manananghali para madala ko na din ang paliguan ni Rigo at yung mga damit na kinalakihan ng pamangkin ko. Speaking of, bababa na ako. Narinig ko na ang potpot ng mga bangka! See yah later alligator!” Maligayang pagpapaalam ni Mercy. Inihiga nya si Rigo sa upuang kawayan na nasasapinan ng kumot at nahaharangan ng unan.

Natuwa naman ako doon. Sa wakas ay magkakaroon ng gamit si Rigo. Hindi na namin kailangang mamili. I want to give Rigo the nicest things that I saw in Ahmed Mall before, but then again, that mall turned into ashes. Bumalangkas na naman ang lungkot sa puso ko. Kuya Ahmed must be devastated about it. He loves his mall.

Isang yakap sa bewang ang naramdaman ko mula sa likod. Ang baba naman ay nakapahinga sa balikat ko. I can smell his manly perfume despite that he went out under the sun.

“Don’t stress yourself too much. Everything will be okay.” Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Gaelan.

Huminga ako ng malalim. Kung wala talaga si Gaelan, malamang mababaliw na ako.

“Mahirap ng maging maayos ang lahat, Gaelan. If this will last long, paano na ako?”

Hindi ko inialis ang kamay ni Gaelan. Parang kinukurot ang puso ko sa nangyayari sa aking pamilya at hindi ako mapanatag.

“Paano ka? You don’t even have to worry about it. I am here to take you in. You and Rigo and everyone else you want to put in the boat. Kahit anong gusto mo, Maria, yun ang ibibigay ko.” Masuyo nyang sabi.

Kabanata 47

Tampo

.

“Yuki has leads. Smiths’ been planning this for 10 years now. Simula pumasok sya sa inyong pamilya.”

Napasinghap ako sa sinabi ni Gaelan. Kakatapos lang nyang makipag-usap sa mga myembro ng Yukan’na. Doon sa lumang sasakyan na minaneho nya kahapon nakikipag-communicate. Sabi nya ay mayroong gadget doon or something. So this is how they work huh. Masyadong moderno.

“Kung ganoon, bakit hindi pa noon isinagawa?” I asked.

“Ang planong ganoon kalaki, hindi basta basta mapapatupad. Inantay ni Smiths na mapalitan ang halos lahat ng security ninyo sa loob ng sampung taon at ipinasok nya lahat ng kasabwat nya. Of course, he gained your trust already. Kahit ang manning company ng security guards sa lahat ng inyong mga negosyo ay sya na din ang nagpapatakbo.”

I sighed. Ganon? Ang hirap naman pala ng sitwasyon. Determinado talaga ang may kagagawan na saktan ang aming pamilya.

“How about Yuki?” Naisip kong itanong.

“What about Yuki?” Nag-iba agad ang mukha ni Gaelan at para bang may sinabi akong kasalanan.

“Ayos lang ba sya?”

“Anong ayos lang ba sya? He has the same job as mine of course he would be okay.”

“Delikado ang trabaho nyo. Hindi naman kayo laging okay.” I answered back.

“Bakit ako? Did you ask if I am okay?” Naiirita na ang boses ni Gaelan.

“Oh well.. You look okay.” Nagkibit balikat ako.

“I am not okay!” Naiinis na sabi nya sa akin. Umaastang bata na naman sya, wag nya sabihing nagseselos na naman sya kay Yuki. Hindi naman si Yuki ang kasama ko kundi sya.

“Okay? Then what should we do?” Tinaasan ko sya ng kilay.

“What will you do if Yuki is not okay?”

“Visit him maybe?” Sagot ko naman.

“Tsk.” Naiinis nyang sabi pagkatapos ay lumabas na ng kubo. Nagdadabog. Naiwan kaming dalawa ni Rigo. Nagkatinginan kami ni Rigo na bitbit ko sa mga bisig ko.

“Grabe si Tatay no. Ang sungit?” I whispered.

Ngumiti naman si Rigo, ibig sabihin napansin nya din.

Maghapon kaming ganoon. Dumaan na si Mercy kanina at pinagisipan namin kung saan papaliguan si Rigo. Hindi naman sya nagtataka na mukhang wala akong alam sa bata. Sabi nya kasi normal lang iyon na walang alam dahil sanggol na sanggol pa si Rigo at sya ang unang anak ko. Sumang-ayon na lang ako.

Sumilip ako sa bintana ng kubo ng halos papalubog na ang araw. Napakarami ngang tao sa dalampasigan. May mga batang naglalaro, madami ang may mga dalang bilao at banyera ng isda. May mga babaeng nagkukwentuhan. Everyone is busy. Parang hindi mauubusan ng gagawin dito.

Nasaan kaya si Gaelan?

“Kathryn! Halika dito sa ibaba!” Kumaway si Mercy. Doon ko lang napansin na kasama sya sa umpukan ng mga kababaihan. Mayroon syang mga kakwentuhang mga na mga kasing edad nya lang. “Dalhin mo si Rigo, madaming maghehele sa kanya dito! Dali!”

Ngumiti naman ako at sumunod. Bumaba ako at sinalubong agad ako ni Mercy pagkatapos ay kinuha si Rigo mula sa akin. “Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Yan si Minda,  Lynn saka si Imang.”

Isa isang kumaway ang mga kaibigan ni Mercy sa akin. Sa harap ng Kubo mayroong mahabang bangko at doon sila nag-aya umupo.

“Lahat kami dito nagtitinda ng kung ano-ano. Ako ang sa puto. Etong si Minda at Lynn, ice tubig at ice candy, si Imang naman ang nagtitinda ng turon at banana cue. Ikaw kaya? Ano ang maari mong itinda? Tiyak na maibebenta mo iyon dahil napakaganda mo! Madalang sa patak ng ulan ang napapadaang maganda dito!” Humalakhak si Mercy at sumangayon naman ang mga kaibigan nya. Ngumiti lamang ako. Paano naman ako naging maganda? Sa buong buhay ko, si Yuki lang ang natatandaan kong nagsabi na maganda ako, bola pa.

Inisip ko kung magbenta kaya ako ng lutong ulam? Makakadagdag na ako sa panggastos, malilibang pa ako, but then again, tiningnan ko si Rigo. Wala naman akong mapag-iiwanan sa kanya.

“Kaya lang si Rigo.. Wala syang bantay..” Tiningnan ko si Rigo mula kay Mercy.

“Ito? Itong poging batang ito? Kapag magtitinda ka, pupwede mo namang isabit sayo. Tuturuan kita kung paano. Gamit lang ang kumot maisasabit mo na. Kapag may ginagawa ka naman maari mong ilagay doon sa duyan na binili ni Daniel o di kaya ay ako! Lagi ko naman kayong mapupuntahan eh!”

Bumili nga pala si Gaelan ng duyan kanina para hindi na daw ako mag-aalalang iwanan si Rigo tuwing nagluluto ako. Magandang ideya yon. Sasabihin ko kay Gaelan na sasama ako kila Mercy na magtinda sa dalampasigan.

“Tatlumpung minuto lang naman tayo pupwesto doon sa may dalampasigan! Naku, ubos agad ang paninda! Basta wag kang magpapautang sa mga yon dahil madaling makalimot kapag lumayag na sa dagat!” Naghalakhakan ang mga kaibigan ni Mercy. Ngumiti lamang ako. Susubukan kong magluto habang wala si Gaelan dahil sabi nya alas-sais ng umaga ay kailangan na nilang pumalaot. Tanghalian lang naman kung sakali at dalawang klaseng ulam lang siguro ang sisimulan ko.

Madami pa kaming napag-usapan hanggang sa dumilim na. Hindi ko pa din nakikita si Gaelan na dumadating. Nagtampo nga kaya sya? Nagpaalam na ako dahil magluluto pa ako ng hapunan para sa amin ni Gaelan, ayokong wala syang madatnan na pagkain. I must do my part in this set up.

“O sige Kathryn. Wala pa si Daniel? Baka kasama non si Pedro dahil namiss ang isa’t isa! Nag-iinuman na naman.” Kwento ni Mercy sa akin.

Nakipag-inuman? Since when was this his hobby?

“Saan nakatira si Pedro?” Nahihiyang tanong ko.

“Si Pedro, tauhan yon ni Kapitan. Matalik na kaibigan ni Daniel yon.” Tinuro ni Mercy kung saan banda ang bahay ni Kapitan. Doon daw kasi nanunuluyan si Pedro at doon din madalas makipag-inuman si Gaelan noon.

“Ah sige. Sunduin na lang namin ni Rigo kapag wala pa sya at nakaluto na ako.” Sambit ko. Binigyan ako ni Mercy ng mapanuksong ngiti.

“Masyado namang bantay sarado si Daniel sayo. Sabagay, kung ganyan din naman ang napangasawa ko, sa bahay lang sya at nakatali.” Nangngarap na humagikgik si Mercy. Ngumiti lamang ako.

Bago ako pumasok sa loob ng kubo bumili muna ako ng ilang sangkap na kailangan ko sa pagluluto. Mayroon kasi kaming katabing sari-sari store kaya natuwa na din ako kahit papaano. Bukas daw ay pupuntahan ako ni Mercy para makapaglakad lakad kami doon sa talipapa at makita ko ang mga paninda doon. Papaarawan din daw namin si Rigo bukas para hindi mamutla at idadaan na din sa health center para macheck up. Grabe, hindi pala ako maiinip dito kung sakali. Madami palang pupwedeng gawin lalo na at nandito si Rigo.

“You are a blessing, Rigo..” Bulong ko kay Rigo bago ko sya iniwan sa duyan. Binuksan ko pa ang maliit na TV para may mapakinggan syang tunog.

I will prepare a fried chicken. Tingnan natin kung hindi mawala ang tampo ni Gaelan dito dahil ito ang paborito nya. Naghanda ako ng breading para sa chicken. I made sure na malasa ito kahit hindi kagaya noong mga sangkap sa Italy ang ilalagay ko. Pabalik balik ang tingin ko sa orasan. It’s past seven pero wala pa din si Gaelan. Grabe naman yun magtampo!

Napabuntong hininga na lang ako at inantay makaluto. Kapag pumatak ng alas-otso at wala pa din sya, susunduin ko talaga sya!

Aba at talagang sinubok ako ni Gaelan dahil wala pa sya nang alas-otso. Kinuha ko si Rigo mula doon sa duyan para sunduin ang dapat sunduin. Binalot ko sya sa maliit na kumot at tinakpan ang kanyang ulo, inilock ko muna ang pinto bago tuluyang bumaba ng kubo.

Hindi naman nakakatakot sa labas, actually the shore seems fun. May mga bata pa ding naglalaro, may nag-gigitara, inuman at kwentuhan but everyone’s behave. Ramdam ko ang buhangin sa pagitan ng suot kong tsinelas habang naglalakad. Madali daw mahanap ang bahay ni Kapitan, yun lang daw ang tanging gawa sa semento dito sa Sta. Monica, mayroong malaking gate at maliwanag ang lahat. Huminto ako sa kahuli-hulihang bahay at nakita ko ang lahat ng sinabi ni Mercy. Ito nga ang bahay ni Kapitan.

The gate is not as big as our house, pero dahil ito lang ang may gate dito, ito talaga ang pinakamalaki. Sementado din ang kanilang daanan. May malaking bungalow sa pinakadulong bahagi at mukhang staffhouse ang nasa bukana ng lupain.

“Saan ka, Miss?” Tanong sa akin nung nakatayo doon sa may gate. Isang Mama na matangkad at may kayumangging balat.

“Itatanong ko lang sana kung andyan si Gae– Daniel po..” Ugh, I need to get used to it!

“Ah! Si Daniel! Oo! Birthday kasi ni Gigi! Yung anak ng kapitan kaya mayroong inuman. Hindi ba nagpaalam sayo?”

Umiling lamang ako. So nakakain na pala sya.

“Pumasok ka na muna. Ikaw ba si Kathryn? Usap-usapan ngang dumating dito si Daniel na mayroon nang pamilya.” Tumango ako ng tipid. Mukha namang mabait yung Mama na sumalubong sa akin. Sinamahan nya akong pumasok sa loob ng bahay ni Kapitan, unti unti akong nakakarinig ng halakhakan sa di kalayuan. Nang makarating na kami sa harap mismo ng bahay, natanawan ko na mayroon ngang salo-salo doon sa loob ng bahay. May nakaset-up na lamesa doon sa magkabilang bahagi ng garden. Sa kaliwa ay grupo ng mga kababaihan at sa kanan naman ay grupo ng mga kalalakihan.

Natigil sa kwentuhan ang mga kababaihan at napatingin sa akin. Kung titingnan mo, mas mayumi silang kumilos kaysa kila Mercy pero hindi mo kakakitaan ng ngiti ang kanilang mga labi. Pinagmasdan nila ako mula ulo hanggang paa kaya ako na lamang ang ngumiti kahit bakas sa kanila ang disgusto.

“Daniel! Nandito ang asawa mo!” Sambit nung Mama na kasama ko. Nagsilingunan naman ang mga kalalakihan. Hinanap agad ng mata ko si Gaelan at nakita ko sya doon sa pinakasulok. Mukha syang nataranta at biglang tumayo. Kasabay ng kanyang pagtayo ay isang babae sa kanyang tabi. Makinis ito at napakaputi. Nakasuot sya ng shorts at puting flannel shirt na naka-tuck in sa kanyang manipis na bewang. She’s pretty. Akala ko ba bihira ang maganda dito?

Tumayo din ang babae pagkakita sa akin at pasimple akong pinasadahan ng tingin. Sino naman kaya ito?

Agad na humakbang si Gaelan papalapit sa akin. Amoy alak sya at mapula na ang mukha. Simula anong oras pa kaya sya umiinom?

“B-bakit ka a-andito?” Bulong nya.

“Hinanap lang kita kasi oras na ng hapunan. Nag-eenjoy ka pala. Sige, mauuna na kami ni Rigo.” Bulong ko din sa kanya. Ayaw ko naman syang ipahiya kahit alam kong mapapahiya sya sa pagsundo ko.

“Hindi. Uuwi na tayo.” Hinawakan ako ni Gaelan sa pulsuhan at akmang hihilahin pero nagpabigat ako.

“Ano, Dan? Sinusundo ka na?” Ang nakahalukipkip na babae na katabi kanina ni Gaelan ay mayroong nanunuyang tingin kay Gaelan. It is like she’s testing his pride.

“Kailangan ko na ding umuwi, Gigi.” Sagot naman ni Gaelan. Naghalakhakan ang mga kalalakihan na kainuman ni Gaelan. Namula ang aking pisngi! Sana pala ay hindi na lang ako nagpunta dito!

“Pakainin mo muna ang kasama mo.” Sambit nung Gigi. Agad akong umiling. Ayoko ng magtagal. Kung gustong maiwan ni Gaelan eh di maiwan sya! Kami naman ay uuwi na din.

Narinig ko pa ang pagpapaalam ni Gaelan. Nauna na kami ni Rigo sa may gate at inantay na lamang sya.

“Halika na.” Umakbay si Gaelan sa akin ng akmang maglalakad na kami papalayo sa bahay ng kapitan pero pinalis ko ang kamay nya.

“Galit ka?” Bulong ni Gaelan at muli lamang akong inakbayan.

Great! He’s drunk.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung galit ako pero nakakainis kasi. Nakikipag-inuman lang pala sya at hindi man lang sya nagpasabi! Ayos lang naman kung hindi sya nagpasabi basta uuwi sya sa oras ng hapunan. Ano? Basta na lang ako mag-iintay sa kanyang presensya kung kailan nya matipuhan umuwi?

“Quit that internal monologue, Baby. Tell me what made you angry.” Masuyong sabi sa akin ni Gaelan.

Aba’t nagtanong pa sya?!

Binilisan ko ang lakad ko. Nakakainis talaga! Maingat kong ibinaba si Rigo sa duyan at saka lumapit sa mga gamit nya para timplahan sya ng gatas.

“Hey..” Untag sa akin ni Gaelan. Nakapamewang pa sya doon sa may pintuan. Mas lalo akong nainis sa kanyang itsura. Nagngitngit talaga ako sa inis at parang puputok ako dahil sa pakiramdam na yon.

“Look, I don’t care if you are tired but I expect you to be respectful with who’s waiting for you!” Matigas na sabi ko. Nagbago naman agad ang mukha ni Gaelan at mabilis na sinarhan ang bintana.

“Wait, Princess. Before you act bratty, isipin mo munang may nakakarinig sayo sa ibaba.” Bulong nya habang sinasarhan ang mga bintana.

Wala na akong pakialam!

Humalukipkip din ako sa kanyang harapan pero nagpamewang muli si Gaelan at malalim na huminga.

“First, inaya lang nila ako dahil nakita nila ako sa dalampasigan. I could have txted you pero wala akong cellphone.” Pauna nyang sabi pero bakas din naman ang pagkairita sa kanyang boses. Nagagalit ba sya dahil inaaway ko sya? Pwes, galit din ako!

“Second, uuwi naman talaga ako kahit hindi mo ako sinundo.”

“Third–” Huminga ng malalim si Gaelan. “Im sorry.. Hindi ko na uulitin.” He said sincerely. Gayunpaman hindi nabawasan ang inis ko.

Nanatili ako sa gilid ng duyan ni Rigo at hindi na tiningnan si Gaelan.

“Baby?” Untag ni Gaelan. Malamang ay lasing sya kaya nananawag na naman sya ng Baby !

“Baby, kumain ka na ba? Im sorry. May gusto ka bang kainin? Gusto mo bibili ako sa bayan?” Nilapitan ako ni Gaelan pagkatapos ay hinaplos ako sa magkabilang braso.

“TSE!” Nainis talaga ako at iniwanan ko sila ni Rigo doon sa salas.

Humiga ako sa kama at bumaluktot. Wala talaga akong maririnig! Bahala si Gaelan sa buhay nya! Niyakap ko ang unan at binalak ko pang suntukin pero bad kasi maging bayolente.

I am really frustrated. Is this the life that I want? No! Pero nagtitiis ako at nagpapasensya! Like what he told me, he’s all that I got. Sana nga lang ay hindi nya masyadong ipinadadama sa akin na mag-isa ako! These, he’s used to all of these and I am not! Kaya nyang ipagpatuloy ang normal nyang buhay, normal na kasiyahan samantalang ako ay hindi. I have to think about my family, my safety and I even have to think why this is all happening to me!

“Did you cook for me?” Narinig ko ang boses ni Gaelan doon sa entrada ng kwarto. Hindi ako kumibo.

“Halika na, sabayan mo ako.” Malambing pa din ang kanyang boses. Naiinis ako dahil natutukso akong lingunin sya kahit ayaw ko naman!

“Kumain ka na hindi ba? Nagpunta ka sa birthday. Wag mo ng piliting kumain.” Walang ganang sabi ko.

“Your cooking excites me.. Gustong gusto ko na ipinagluluto mo ako.”

Hindi ako umimik kahit kaunting kaunti na lang mapapangiti na nya ako. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Gaelan at nadama ang paglubog ng kutson.

“Kanina ako ang nagtatampo sayo, tapos ngayon ako pa din ang nanunuyo?” Pinindot pindot pa ni Gaelan ang aking braso.

“Sige na.. Bati mo na ako, Tabs. Sorry na talaga.”

Bumangon na ako at seryoso syang tiningnan.

“Galit pa din ako sayo pero kakain na tayo.”

Unti unting ngumiti si Gaelan pagkatapos ay hinaplos pa ang pisngi ko. Pinalis ko lang yon ng kamay.

“Ang ganda ganda mo talaga, Tabs. Ang cute cute mo pa kapag nagtatampo ka. Kahit lagi mong sinasaktan ang damdamin ko, hindi pa din ako magsasawang suyuin ka.” Sabi nya pa.

Sumimangot ako kahit ang totoo, nilusaw non ang lahat ng tampong kinipkip ko kanina pa.

Nakakainis ka talaga, Yabs!

Kabanata 48

In Public.

“Daniel!” Kumaway ako habang inaabangan ang bangkang dumaong sa dalampasigan. Naghagikgikan ang mga kaibigan ni Gaelan na kasama sa bangka. I did not bother. Bitbit ko si Rigo na bahagya ng matibay ang likod. Isang buwan na kasi kami sa isla ng Sta. Monica at ito na ang kinasanayan ko araw araw. Sinasalubong namin si Gaelan sa pampang. Rigo is always excited. Kitang kita ko naman sa mukha nya.

“Rigo, andyan na si Tatay.” I whispered giddily. Itinaas ni Rigo ang kanyang kamay tanda ng pagkatuwa. Hindi ko mapigilang pabirong kagatin ang matambok nyang pisngi. Binubusog sya ni Gaelan sa gatas at sa regular na check up. Noong isang araw nga na nagka-rashes si Rigo, isinugod na agad ni Gaelan sa pribadong ospital. Ang pedia ni Rigo ay doon din nagmula.

“Baby!” Sumigaw ng malakas si Gaelan na nasa unahan na ng bangka. He’s beaming like a proud man dahil sinasalubong sya lagi ng kanyang pamilya.

“Sino bang Baby mo pre? Si Rigo o si Kathryn?” Tanong sa kanya ni Pedro habang hinihila ang bangka para itali. Napailing si Gaelan habang lumukso pababa ng bangka.

“Parehas.” Sagot nya. I rolled my eyes heavenwards. Napakagaling talagang magpanggap ng isang ito. Simula nung pinag-awayan namin ang pagtungo nya sa bahay ng kapitan na hindi man lang nagpaalam, lagi na syang umuuwi ng maaga. Kadalasan, tutulungan nya akong mamalengke para sa mga sangkap na iluluto ko para sa kinabukasan imbes na si Mercy ang makakasama ko.

Lumapit sa amin si Gaelan at agad ko siyang inabutan ng bagong bimpo para pamunas ng pawis. Hindi iyon kinuha ni Gaelan. Bagkus, humalik agad sa aking noo at pisngi ni Rigo.

“Ikaw naman ang magpunas sa akin para sweet.” Bulong nya. Tinaasan ko sya ng kilay.

“Wag mo nga akong idamay dyan sa acting mo.” Pagsusungit ko, nagsimula na kaming humakbang patungo sa aming kubo. He smiled ear to ear when I faced him.

“Alam mo, gustong gusto ko kapag nagsusungit ka. You grew up very well.” He even patted my back.

“Masungit ako dahil hindi ka naging mabait sa akin noon. Inubos mo ang lahat ng kabaitan ko.” Sagot ko pabalik. It’s now Gaelan’s turn to raise an eyebrow.

“Ubos na ang kabaitan mo nyan? Kung ganyan ang lahat ng ubos na ang bait, lahat pupunta sa langit.” Inakbayan ako ni Gaelan at hinalikan muli ang tuktok ng ulo ko na para bang tuwang tuwa sa pagsusungit ko. Ano bang nakakatuwa sa masungit?! Palibhasa, masungit sya kaya gusto nya siguro ay ganoon din ako.

“Ako na nga ang magpupunas ng pawis—”

“Dan! Pawis na pawis ka! Ako na!” Sabay kaming napalingon sa bagong dating na si Gigi. Inagaw nya ang bimpo mula kay Gaelan at maagap itong pinunasan ng pawis. “Ako na ha.. Bitbit mo ang bata kaya hindi mo ito magagawa.” Gigi said without looking at me. I think she really hates me. Kay Gaelan at Rigo naman ay napakagiliw nya.

“Ay ang kati-kati! Imang ang daming lamok! Ang kati mangagat!” Napatingin ako kay Mercy na diretso ang tingin kay Gigi habang bitbit ang bilao ng kanyang puto. Si Imang naman ang may bitbit ng ulam na iniluto ko, sya na lang ang pinagbebenta ko dahil ayaw ni Gaelan na makipag-interact ako sa mga mangingisda. Security protocol, I think.

Hindi din tinapunan ni Gigi ng tingin si Mercy at Imang. Ako naman ay nagngingitngit sa inis. Akala ko kasi ay nasa Maynila sya gaya ng kwento ni Mercy. Doon daw ito naka-base bilang veterenarian. Well, I didn’t ask about her though, sabi kasi ni Mercy mag-iingat daw ako kay Gigi.

Baka dapat si Gaelan ang mag-ingat dahil tumatama ang dibdib ni Gigi sa kanyang braso sa suot nitong spaghetti strap na itim at maong shorts. Hindi kaya masakit sa pakiramdam ang tamaan ng dibdib?

“Huy. Psst” Sinitsitan ako ni Mercy at ininguso si Gigi at Gaelan. Hindi naman ako makasingit dahil panay din ang hakbang palayo ni Gaelan, pilit itong lumalayo.

“Gigi, ako na. Hindi naman ako bata.” Napangiwi si Gaelan habang inaagaw ang bimpo.

Talagang hindi na sya bata! Bakit hinahayaan nya pa ding punasan sya ng pawis ni Gigi? Pinaagaw nya pa ang bimpo nya huh.

“Kahit hindi naman bata, kailangan pa ding alagaan. Kasi kung puro sanggol ang inaalagaan, magiging losyang ka.” May pagdidiin ang bawat salita ni Gigi. Nanlaki ang aking mata at pinagmasdan ang sarili. Daster na kulay asul ang suot ko at lagpas lang ng kaunti sa tuhod. Ito ang mga ibinibili sa akin ni Gaelan. Kung nakakalosyang palang tingnan eh di sana binilhan din nya ako ng shorts at spaghetti strap!

Tumahimik ang lahat ng nakarinig sa sinabi ni Gigi. Bumuka ng husto ang bibig ni Mercy na tyak ding nagulat.

Tumalikod na ako. Hindi ko na nga nasabi kay Imang ang presyuhan ng mga niluto kong ulam. Bahala na syang magtinda sa mga iyon. Manonood na lang kami ni Rigo ng TV.

“Please, Gigi. I don’t want to be rude but you are insulting my wife and I don’t like it.” Gaelan’s voice broke the silence.

Parang may humaplos sa puso ko ng sabihin iyon ni Gaelan. Narinig ko pa ang paghakbang ng mabibigat na paa doon sa buhangin. Nginitian ako ni Rigo, siguro ay nawala ang pagkunot ng aking noo kaya gumaan din ang kanyang pakiramdam.

“Baby! Sandali..”

Hinuli ni Gaelan ang aking braso, tumigil naman ako sa paglalakad at nilingon sya. Napangiti ako sa mukha nyang sobrang nag-aalala. He creased his forehead. Bahagya kong inayos ang nagulo nyang buhok at kinuha mula sa kanya ang bimpo at marahang pinunasan ang kanyang noo.

“Nagluto ako ng paborito mo.” I said, unti unting napawi ang pag-aalala sa mukha ni Gaelan at kinuha mula sa akin si Rigo para kargahin. Gaelan developed this certain fondness to Rigo, madalas silang maglaro pagkagaling ni Gaelan sa pangingisda. Naikwento pa nga nya sa akin na pinagtatawanan sya ng mga kasamahan dahil lagi syang nagmamadaling umuwi.

Nilahad ko sa harapan ni Gaelan ang niluto kong fried chicken at pinakbet. Ngumiti sya sa akin. Gamit ang isang kamay dahil bitbit nya si Rigo, nagsalin si Gaelan ng kanin sa aking plato at sa kanya.

I sighed. This life is simple. May isisimple pa pala ang buhay nila Mama Buding noon. Ang simpleng buhay na hinangad ko, si Gaelan pa pala ang magpapalasap sa akin. Still, I am worried about my family. Sabi ni Gaelan, mag-intay. Gaano kaya katagal ang iintayin ko? Isang buwan, dalawa? Taon? Or worst baka ganito na lang habambuhay.

“I can almost hear what you are thinking. Anong problema?” Gaelan asked casually. I looked at him, he’s eating heartily, basta luto ko napakagana nyang kumain. Hindi ba sya hinahanap ni Tita Blair? Parang tuwang tuwa sya sa pangingisda. Yung kutis nya naging kulay kayumanggi na talaga, he looks more manly though.

“My family. Hanggang kailan tayo magtatago?” Sumeryoso ang boses ko. Si Gaelan naman ay panay lang ang kagat sa manok.

“Hangga’t hindi pa ligtas. Yuki is doing his best, I can assure you that. Hindi naman nya gustong magtagal tayong dalawa na magkasama.”

“Bakit?” Nag-aalala din ako kay Yuki habang tumatagal ang lahat ng ito. Baka nalalagay sa panganib ang kanyang buhay.

Napabuga ng hangin si Gaelan at mataman akong tiningnan. “Dahil ayaw nyang magkasama tayo.”

“Eh di sana pala nagpalit kayo ng posisyon.” I whispered.

“Mas gusto mo bang kasama si Yuki dito?” May bahid ng pagkadismaya ang boses ni Gaelan. Tiningnan ko na lang sya ng mataman kundi mauuwi na naman ito sa kanyang pagseselos.

“Not really. I just think that Yuki’s family is more on this agent thing. Kung mawala sya ng ganito katagal, walang mag-aalala. Pero ikaw. Si Tito Garrett, Tita Blair, mga Ate mo at girlfriend mo, they will all look for you.”

Nagkibit balikat si Gaelan. “Kung magkapalit kami ng posisyon ni Yuki, they won’t see me still. Nandoon lang ako kung nasaan ka.” Makahulugan nyang sabi.

“Wag ka ngang flirt.” Umismid ako.

“So you know what’s flirting now?”

“Oo, yung ginagawa nyo ni Gigi. Flirting iyon.” Pagpupunto ko.

“Did I reciprocate? Wait, akala ko ba hindi ka nagalit doon sa bagay na yon?”

“I am not. I am just giving an example.”

“Yung pagfi-flirt ko nakikita mo, pero yung pagfiflirt sayo ng iba hindi mo makita.” Umismid si Gaelan. Niyakap nya si Rigo at hinaplos ang likod nito.

“Wala naman kasing nagfiflirt sa akin. Pagsuotin mo ba naman ako ng daster araw araw at halos hindi na palabasin ng bahay, may pagkakataon pa ba?” I fought back.

“Bakit? Gusto mo bang magdamit ng iba? Yan naman ang bagay sayo ah. I like seeing you like that.”

“Bakit sila Mercy, dito din naman sila nakatira pero hindi naman sila ganito manamt?” Reklamo ko sa hindi makatarungang pagpapasuot sa akin ni Gaelan ng suway sa modernong pananamit.

“What? Seriously?” Nanunuyang sambit ni Gaelan. “Do you want to be like Mercy and Imang?”

“I don’t want to be like them. I just want to look pretty!” Bulalas ko.

“You are pretty! Sino bang may sabing hindi? Hindi mo naman kailangang ipangalandakan pa ang bagay na yon by wearing sexy clothes!” Binagsak ni Gaelan ang kanyang kutsara at tinidor saka humalukipkip.

“I didn’t say I want to look sexy! I want to be confident. I don’t want to look weird.” Huminga ako ng malalim

“You don’t look weird to me!”

“Yes, because this is what you want for me! Tinanong mo ba ako kung anong gusto ko? You don’t. You always make decisions to yourself, for both of us! You always know what is right! You always get things your way. You like bossing around. Kapag sinabi mo, yun na.” Inisa-isa ko ang kanyang pag-uugali.

“Teka, yung pananamit mo pa din ba ang pinag-uusapan natin dito?” Tumaas ang boses ni Gaelan. Si Rigo ay halatang papaiyak na dahil papalit palit na ang tingin nya sa amin. Agad akong kumalma. Hindi magandang nakakakita sya ng nag-aaway but here we are.

“Akin na si Rigo. Mamaya na lang ako kakain.” Inilahad ko ang kamay ko pero hindi ibinigay sa akin ni Gaelan si Rigo.

“If you hate me for what I did years ago, I am sorry. Pero mahirap tiisin na paulit ulit mo sa aking ipaaalala ang isang desisyon na ginawa ko noon. You just make me feel miserable over and over.”

“Yes, I hated you for that. And I hate that attitude of yours.” Tumalikod na lang ako para hindi na muling bumangon ang galit. Gaelan expelled a shuddering breath.

Gustong gusto kong patayin ang sama ng loob pero hindi ganoon ang nangyayari. Kung para lang itong switch, matagal ko ng pinatay. Bakit ba mayroong mga taong ilalabas ang pinakamaganda at pinakapangit na bagay sayo?

Because you let them have a taste of you . Pinakita mo kasi ang kahinaan mo kaya kaya nila iyong gamitin sa ikatutuwa o ikakagalit mo. And for me, he is my weakness, he’s doing a good job in making me happy and annoying me at the same time.

Nakaharap lamang ako sa maluwang na bukas ng bintana sa kwarto ng kubo at lumalanghap ng sariwang hangin. Ang bubungan ng aming kapitbahay ang nakikita ko dahil sa may gilid ng kubo ako nakaharap. Kung saan walang mga taong dumadaan. Naririnig kong nakabukas ang TV sa may salas, nanonood na naman si Rigo at si Gaelan ng paborito nilang afternoon drama. Ancheta’s are really fond of telenovelas, doon siguro nakakuha ng ideya si Gaelan na ipangalan ako don sa isang artista. Baka ang totoo ay crush nya. Hindi nya lang sinasabi dahil nagagalit ako kapag may babae syang nababanggit. Nagkakataon lang naman na nag-aaway kami tuwing mayroong babaeng involve. Not that I do that intentionally. Not that I am jealous. Nagkakataon lang talaga.

Nang mapagod ang mga mata ko, umupo ako sa gilid ng kama at humila ng libro na binili para sa akin ni Gaelan. Tuwing nagtutungo sya sa bayan, lagi syang may uwing libro saka pagkain sa fastfood o di kaya pizza. He really thinks I miss city life. Hindi naman yon eh, I really miss my family kahit na nageenjoy din naman ako sa pananatili sa Sta. Monica. Kung wala lang akong iniisip na kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay, baka lagi din akong masaya.

Sinumulan kong basahin ang isang libro kung saan nag-apply na caregiver ang bidang babae sa isang paralisadong lalaki. The guy is really tough, hindi ka naman maiinis sa bidang lalaki dahil alam mong mahirap ang pinagdadaanan nya. Kahit gaano ka pa kabuting tao, walang kahit ano ang makakapagtago ng nararamdaman mo.

That’s what makes you human.

Ang tatlong senses ang gagana sayo habang nabubuhay ka.

Feeling, hurting and loving. Repeat.

Kailan kaya ako matatapos sa hurting phase? Nakakapagod din kasi.

“Tulog na si Rigo. Galit ka pa sa akin?” Napalingon ako kay Gaelan mula doon sa labas ng pinto, bagong ligo. Mukha na naman syang natatakot sa akin. Hindi ko tuloy alam kung tama bang magalit pa ako. Nakakatuwa kasi ang takot sa kanyang mga mata. Parang bata talaga.

Nakunsensya din ako bigla sa aking ginawa. Kung tutuusin matagal na naman ang bagay na yon, dapat ay hindi na ako galit. Isa pa, hindi na naman nya iyon problema hindi ba? Bakit ko pa ipapaalala ang bagay na gusto nyang kalimutan? Kailangan ko talagang kausapin ang sarili. I have to decide to let go of everything.

“Di ba galit ka din kanina?” Sinarhan ko ang libro at inilagay sa gilid ng kama. Itinuro ni Gaelan ang kanyang sarili na para bang nagtataka.

“Ako? Buti sana kung kaya kong magalit sayo.” Sambit ni Gaelan habang naglalakad papalapit sa akin, umupo sya sa gilid ng kama ko at kinuha ang aking kamay.

Ngumuso at pinagmasdan ang kanyang ginagawa, pinagdaop nya ang aming mga palad kaya umangat ang pagiging maliit ng kamay ko. “Lagi ka kayang galit sa akin noon.”

Pinisil ni Gaelan ang kamay ko saka ngumiti.

“Ganoon lang ako maglambing. Kumportable ako sayo noon kaya nakikita mo ang lahat ng pangit sa akin, pero hindi ako galit. Hindi ako magagalit sayo.”

Tumango tango ako, I feel guilty all of a sudden. Kung hindi pa ba guilt ang naramdaman ko kanina.

“Im sorry.” Sabay pa naming sabi ni Gaelan. Di ko mapigilan ang pagngiti, ganoon din sya. Nagkatawanan tuloy kaming dalawa! Gumaan agad ang pakiramdam at nawala ang inis ko.

“Punta tayo sa bayan?” Tanong sa akin ni Gaelan pagkatapos ng ilang sandali. Bayan . Ngayon nya lang ako inimbitahan papunta doon.

“Pupwede?” I asked. Tumango tango si Gaelan.

“Sorry, hindi ko naman kasi alam na gusto mo ding lumabas. Gusto lang kitang itago—”

“Dahil hindi ligtas?” I cut him off. I understand.

“Dahil seloso ako.”

Hindi ko mapigilan ang pagngisi. “What? Bakit ka natatawa?” Naiinis na tanong nya. I chuckled. Ang pikon nya pero namumula naman ang kanyang tenga at pisngi.

“Magkaiba ang natatawa sa natutuwa.” Pinilit kong magpakaseryoso.

“So natutuwa ka?”

“Hindi, natatawa.” Tumayo na ako para humanap ng maayos na damit para sa bayan. That’s all for now. Nasa relasyon pa din ang isang to. Masyado naman ata syang nadadala.

Pinili ko ang isang sleeveless na bestida, lagpas tuhod ito at kulay of white. Ito na ang pinakarevealing na ibinili ni Gaelan para sa akin. Mabilisan akong naligo habang natutulog si Rigo sa may duyan. Kapag kasi gising sya, hindi ko kayang iwanan. Kasama tuloy sya sa pamamalengke lagi.

Di ko maintindihan ang reaksyon ni Gaelan pagkakita sa akin. Unang beses kong isinuot ang bestidang ito. Nagagandahan ba sya o di nya din nagustuhan? Nailang ako bigla.

“B-bibihisan ko lang si Rigo ha.. Gising na ba?” Nagtungo ako sa duyan para lapitan si Rigo.

“H-hindi sya kasama. Papunta na si Mercy dito, babantayan daw muna nila si Rigo.” 

Napataas ako ng aking kilay, bakit ko naman ipapaubaya si Rigo kay Mercy? Well, nakikita ko naman ang pagmamahal ni Mercy kay Rigo dahil mahilig ito sa bata gawa ng napakarami nyang pamangkin pero nakakahiya naman!

“Nakakahiya naman yon, Gael.” Di ko mapigilang sabihin. “Isa pa, gagawa si Mercy ng puto tuwing hapon. Maabala sya.”

“I said I will pay for her time para kahit hindi na sya gumawa ng puto para bukas, bantayan nya lang ang anak natin.”

“And why would you do that?” Buong pagdududa kong tanong.

“Because I want to date you.. In public.” He said.

Kabanata 49

Choose.

“Saan tayo pupunta? Anong gagawin natin doon sa bayan?” Excited na tanong ko kay Gaelan habang minamaneho nya ang lumang sasakyan. Nung mga nakaraang araw, palengke na ang pinakamalayong nararating ko at nakukuntento na ako doon dahil hindi naman pupwede.

“I will probably buy you clothes. Mayroong department store doon. We will eat in a resturant tapos we will watch a movie.”

Napangiti ako sa kanyang balak. Naplano na pala nya ha! Gusto ko non! Naiinip na din kasi ako sa apat na sulok ng kubo. Nasanay na ako sa ingay ng mga tao sa dalampasigan lalo na yung mga nakikipagtawaran sa banyera ng isda. Maiingay pero masaya din naman.

Napangiti ako ng makita ang isa sa sikat na department store sa bansa. Sa pagkakaalam ko ay pag-aari ito nila Ice. Malaki ang pagkakaiba ng malls ng mga Jacinto sa Ahmed Mall. Ahmed Mall only has branches in the key cities here and abroad, mas madami ang AC mall kaysa sa Ahmed. They are targeting the masses to middle class ngunit hindi pa din maitatanggi ang ganda ng kanilang mga malls.

Yumukod agad ang security ng AC Malls ng makilala si Gael. Mayroong sumalubong sa aming naka-barong na kulay blue at nakipagkamay kay Gaelan habang hawak ang kanyang walkie talkie.

“Soriano, I want a heightened security. Walang makakapasok na kahit anong may patalim o baril dito, malinaw?”

“Yes, Agent Ancheta.” Buong pag-galang na sagot ni Mr. Soriano.

“Eh di sana hindi ka pinapasok.” Bulong ko kay Gaelan habang binabaybay namin ang daan papasok ng mall. He has a gun! He always bring it anywhere.

“I am with my queen that I need to protect.” Sambit ni Gaelan sabay pag-aayos ng baril sa kanyang bewang. Ikinubli nya iyon sa ilalim ng kanyang blue na tshirt. Nasasanay na din ako. He knows what he is doing anyway.

Bawat nadadaanan namin ay nagbibitiw ng sulyap kay Gaelan, he must be the most good looking man in this town! Parang gulat na gulat ang lahat sa kanyang presensya. Sabagay, simula ng tumuntong ako ng Sta. Monica, hindi naman maitatanggi ang maamong mukha ni Gaelan ang siyang aagaw ng atensyon ng kahit sino, he’s tall and lean too. Umakbay sa akin si Gaelan at iginiya ako agad sa bilihan ng mga damit.

“Whatever you like, Baby.” Nilahad ni Gaelan ang kanyang kamay sa isang stall na mayroong mamahaling damit. This is too much for an island! Umiling agad ako. Lumabas ako pagkatapos mag’ thank you’ sa mga saleslady na nakahandang mag-assist sa akin at sumunod naman si Gaelan.

“Masyado namang pormal doon. Dito tayo.” Tinuro ko kay Gaelan ang tindahan ng casual wear. Tumingin agad ako ng gusto ko. They have everything! Lahat ay katulad ng mga sinusuot nila Mercy at Imang. Kaya magaganda ang kanilang balat dahil pantay ang pagkaginto nito. They are fond of wearing shorts and sleeveless.

Napapalunok si Gaelan tuwing humahawak ako sa mga tank top at maiigsing shorts pero wala naman syang sinasabi. He’s supressing himself to overreact, akala siguro ay magagalit na naman ako kapag sya ulit ang pumili ng dapat kong suotin.

Huminga ako ng malalim at binitawan ang mga damit. “Hindi na lang ako bibili. Ang totoo, kumportable naman talaga yung mga binili mo sa akin. Presko.” I said. Mukha namang nagulat si Gaelan sa desisyon ko.

He really won’t like it if I wear shorts, huh? Sabagay, kailangan ko naman talagang makibagay sa isla. Hindi naman kailangan na pagtinginan pa nila ako.

“Hindi nga? Ayaw mo talaga?” Gaelan asked habang sumusunod sa aking paglalakad. I smiled and shook my head.

“Totoo. Yun naman din ang taste ko pagdating sa mga damit. Kahit hindi ko naman totoong anak si Rigo, mukha na talaga akong losyang, as early as 16.”

“Tsk, that’s not true! Kahit basahan pa ang isuot mo, ikaw ang pinakamaganda sa akin!” Halos isigaw yon ni Gaelan dahilan kung bakit napalingon sa amin ang mga namimili sa paligid. Awtomatiko ang pagpula ng pisngi ko. Gusto ko pa ngang humingi ng paumanhin sa mga naabala dahil sa pagsigaw ni Gaelan.

“Gaelan, wag ka ngang maingay!” Suway ko ng nahihiya dahil kitang kita ko ang ipinupukol na tingin sa amin. Umiling si Gaelan at mukhang may naisip na gagawin.

Hinila ako ni Gaelan sa kamay at dinala sa activity center ng mall kung saan maraming nakaupo at namamahinga mula siguro sa maghapong paglalakad sa mall. Kinakabahan ako sa binabalak nya.

He stood straight at nilingon ang bawat dumadaan, mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko. “Ang ganda ng Misis ko no?” He proudly said. “Ang ganda ng Misis ko!” He shouted in a louder voice kaya nagbulungan ang mga tao. Panay ang hampas ko sa dibdib ni Gaelan pero pinigil nya lang ang aking kamay at hinalikan ako sa noo.

‘May asawa na pala. Akala ko pupwede pang maagaw.’

‘Ay, ang swerte ni Ate. Mukhang mahal na mahal sya.’

“Tama na nga, Gaelan. Naniniwala na ako sayo. Salamat.” Sabi ko para tumigil na sya! Nakakahiya talaga.

“You don’t need anyone’s eyes on you. Mine is enough.” In a husky voice he said. Mas lalo naman akong namula. Why does he keep on saying unnecessary things?! Parang nanuyo tuloy ang lalamunan ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

“T-tara na nga! Kung ano ano ang sinasabi mo!” Pag-iiwas ko sa kanyang sinabi.

Pakiramdam ko tuloy pinagtitinginan talaga kami ng husto! Of course, this guy beside me shouted that I am beautiful! Napakamapag-biro nya talaga!

Namiss ko ang magpunta sa mall. Nalibang na ako sa pagtingin tingin ng mga makukulay na bagay na nakadisplay pero wala naman akong gustong bilhin. Sumaglit kami sa baby store para ibili ng gamit si Rigo tapos nagpumilit si Gaelan na bumili ng crib, lumalaki na daw kasi at lumilikot sa pagtulog si Rigo, baka daw madaganan namin.

“Ibig sabihin ay ibibili mo na din ako ng kama?” Excited na tanong ko. Kung si Rigo ay may sarili ng higaan dapat ay mayroon na din ako! Hindi pupwedeng matanggal si Rigo sa aming gitna dahil magiging magkatabi kami non ni Gaelan.

“Bakit kita ibibili? Paano tayo magkakasya doon sa kubo?” Tanong sa akin ni Gaelan, napaisip ako bigla.

“Ibig sabihin tabi tayo?” Tanong ko muli. Ang weird naman non! Hindi magandang tingnan. Ilang segundo akong tiningnan ni Gaelan bago nagpakawala ng malalim na hininga.

“Doon ako sa sahig, alam kong hindi ka naman kumportable.” Sumeryoso ang boses nya at nagpatuloy sa pagtingin ng laruan na pwedeng isabit sa crib ni Rigo. Binalewala ko ang kanyang pananahimik. I cannot suggest na magkatabi kaming matulog dahil bad talaga yun! Fake naman ang pagiging mag-asawa namin!

Kumuha din si Gaelan ng unan at manipis na kutson. I think para yun ang hihigaan nya mamayang gabi. Hindi na ako kumibo kahit nahihiya ako. Ako na lang kaya ang matulog doon sa sahig? Pupwede naman akong magtiis ang kaso ay hindi naman papayag si Gaelan.

Pagkatapos namin sa pamimili ng gamit na inilagay muna sa sasakyan ni Gaelan, bumalik kami sa mall kahit inakala kong uuwi na kami. Nararamdaman din kaya ni Gaelan na ayaw nyang umuwi?

Ayaw ko pa din kasing umuwi. Parang ang saya saya ng araw na ito. Hindi binibitawan ni Gaelan ang kamay ko at hinayaan ko sya, siguro ay kailangan pa din naming magpanggap dito?

Pumila kami sa cinema. Tinitingnan ko ang mga palabas. Ano kaya ang gustong movie ni Gaelan? Hindi naman kasi ako mahilig sa pelikula. I like books better. Mas nananamnam ko ang bawat eksena at nailalagay ko ang sarili ko sa posisyon ng mga bida.

“What do you want?” Tanong sa akin ni Gaelan pagkatapos nyang basahin ang nakasulat sa monitor ng mga showing na movie ngayong araw.

“Ikaw?”

“Im all yours.” He then said. Nakuha tuloy nya ang atensyon ko. Umirap ako ng makita kong nakangisi sya sa akin.

“Hindi yon ang ibig kong sabihin. Tinatanong ko kung anong gusto mong panoorin?”

Gaelan snickered. Gusto nya talagang binibiro ako. “I think you will like this movie.” Itinuro ni Gaelan ang isang Hollywood film na nagmula din sa isang libro.

“It’s an adaptation of my parents’ favorite movie.” Kwento ni Gaelan. Na-curious naman ako. The film looks classic. Maganda ang babaeng bida at gwapo ang lalaki. I think I have read the book before, hindi ko lang din maalala kung kailan.

Bumili kami ng isang popcorn at dalawang drinks. Gaelan loves coke samantalang orange juice naman ang sa akin, he made me choose the popcorn flavor, of course I chose cheese. Mahaba pa ang ipinakitang trailer ng mga  coming soon films bago nagsimula ang movie na papanoorin namin, halos mapangalahati na namin ni Gaelan ang popcorn dahil ang bilis nyang kumain. Kung hindi ko bibilisan ang pagkuha ay mauubusan ako!

“Tsk, dapat pala bumili ako ng tig-isa.” Napapailing na sambit ni Gaelan.

“Eh bakit kasi isang popcorn lang ang binili mo?”

“I thought it is sweet, para ka palang dinosaur kumain ng popcorn.”

Siniko ko sya dahil sa kanyang sinabi! Malakas din kaya syang kumain.

Tumahimik kami sa pagnguya ng makita na namin ang pagsisimula ng movie. It started with a drunk woman kissing her bestfriend. Napapikit ako agad sa nakita.

“Maria, you are 22 years old for crissakes.” Bulong sa akin ni Gaelan habang dahan dahang inaalis ang kamay ko mula sa pagkakatakip sa aking mata.

“Eh hindi nga ako sanay.” Singhal ko. Kahit sa kadiliman ay nakikita ko ang pagngisi ni Gaelan. “Welcome to the world where everybody kiss.” Tumawa si Gaelan, hinampas ko sya sa balikat. Okay lang naman ang kiss, basta espesyal iyon. Hindi naman kung kani-kanino ang kahit anong parte ng katawan mo. It is sacred kaya!

“Basta ako hndi ko ikikiss ang kung sino sino.” Komento ko.

“That’s my girl.” Gaelan patted my head. Yun ang huli kong narinig pagkatapos ay sobra na akong nahulog doon sa movie. The girl got pregnant by some random guy but she loves her bestfriend. Hindi nya lang ito masabi dahil mag-aaral sa ibang bansa yung guy. Nung nagkita silang muli, ikakasal na yung bestfriend nya sa iba. She moved on and got married to the father of her child pero sa kasamaang palad, yung bestfriend naman nya ang hindi natuloy sa kasal nito. But she’s not free to love the bestfriend anymore. She’s married.

Parang hindi talaga sila hinahayaan na magkaroon ng happy ending. Laging wrong timing ang tadhana eh. Parating hindi pupwede ang isa. Para silang magnet na may opposite poles. Madaming ganoon talaga ang sitwasyon. Nakakalungkot isipin.

“…He doesn’t deserve you and you deserve far better. You deserve someone who loves you with every single beat of his heart, someone who thinks about you constantly, someone who spends every minute of every day just wondering what you’re doing, where you are, who you’re with, and if you’re OK. You need someone who can help you reach your dreams and who can protect you from your fears. You need someone who will treat you with respect, love every part of you, especially your flaws. You should be with someone who can make you happy, really happy, dancing on air happy..”

“Grabe nakakaiyak.” I whispered ng basahin ni Rosie ang sulat sa kanya ng bestfriend nya ng umalis ito. Feeling ko talaga ako ang kinakausap ni Alex . Damang dama ko talaga, halatang halata sa pag-iyak ko. Naghagilap ako ng panyo pero wala akong makita.

“Tsk, umiiyak ka na naman.” Walang pag-aatubiling pinunasan ni Gaelan ang mukha ko gamit ang kanyang palad.

“Kasi naman, parang hindi talaga sila pupuwede.” I sniffed. Napangiti si Gaelan dahil sa pag-iyak ko.

“Dahil pinakita sayo ng tadhana na hindi pupwede, susuko na kayo?” Napailing si Gaelan. “They should just follow their heart.”

“Kahit may masasaktan?” Mas lalong nabasa ang mukha ko. Tumango si Gaelan.

“You know what matters? You have to get what makes you happy.”

“What if it makes you sad too? At mas lamang yung pagiging sad kaysa sa pagiging happy?” Tanong ko.

“Just feel the sadness while you can still endure it.”

“That’s awful.” I muttered.

“YOLO. Remember that.”

“You only live once?”

“You only LOVE once. You have to follow your heart. Bend and reach for it, if it breaks then you can say you have loved truly. No regrets.”

Gaelan stretched his arm and extended to my shoulders. Humilig ako sa kanyang dibdib, mas gumaan kasi ang pakiramdam ko. Ayun nga lang parang may mga paru-paro na nagkagulo sa tyan ko.

Kalma ka, heart..

It is a night well spent, dumaan muna kami sa pizza parlor para bumili ng pagkain para kay Mercy at sa mga pamangkin nya. Kanina ay sinabi nyang wag daw kaming mailang at maari kaming umuwi kahit gabi. Nakakahiya naman kung mas magpapalalim pa kami ng gabi at masyado kaming maging masaya.

“Nag-enjoy ka ba?” Gaelan asked. I smiled and nodded. Kahit simpleng pasyal lang iyon malaking bagay na. Dinig ang paghampas ng alon sa dalampasigan habang naglalakad kami patungo doon sa kubo, malakas ang hangin at maginaw. Ni-stretch ulit ni Gaelan ang kamay nya at inakbayan ko dahil napansin nya ang panlalamig ko.

“Malamig?” He asked. I nodded again.

Natanawan ko agad sa bintana si Mercy habang bitbit si Rigo. Malapad ang ngiti ni Mercy pagkakita sa amin mula sa bintana ng aming salas.

“Oy! Andyan na ang lovebirds! Tamang tama! Naiinip na ang pinsan nyo!” Wika agad ni Mercy sabay lingon sa kanyang likuran.

Nagkatinginan kami ni Gaelan.

Pinsan?

Kinabahan ako agad. Binaba ni Gaelan sa gilid ng kubo ang crib ni Rigo. Sinenyasan nya akong wag umakyat. Mabilis na hinawakan ni Gaelan ang baril na kanina pang nasa kanyang bewang at dahan dahang umakyat.

My heart pounded fast. Gulo na naman ba ito?

“James! Andyan na si Daniel!” May kinausap si Mercy mula doon sa loob.

Sino namang James ?

Nakaramdam na ako ng takot dahil wala naman akong kilalang pinsan! At wala akong kilalang James. Are we not supposed to be hiding here? Bakit naman mayroong dadalaw sa amin.

“Fck you!” Nasa pinakatuktok na ng hagdan si Gaelan at napamura bigla habang ibinabalik ang baril sa kanyang bewang. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

Nagmadali akong humakbang para tingnan kung sino ang kausap ni Gaelan. Nagulat pa ako ng makita si Yuki na mayroong pilyong ngiti sa labi! What is he doing here?

“Hello Kath!” Halos bumulanghit sa tawa si Yuki na nagpakilala bilang James .

Hindi pa ako nakabawi ng mapansin kong may kinakausap si Mercy sa ibaba ng hagdan ng kubo.

“O Nadine! Nakita mo ba ang sari sari store ni Aling Nena?”

Who’s Nadine now?!

Takang taka din ang mukha ni Gaelan ng biglang sumulpot sa may pinto ang kapatid nyang si Brie!

“Hi Daniel & Kath!” Humalakhak si Brie habang sumisipsip sa kanyang softdrinks sa plastic. “Wag mo akong tingnan ng ganyan Daniel ha, may dala naman akong tent.” Tumawa muli si Brie sabay upo sa sofa.

James and Nadine ? Seriously?!

Tumingin ako kay Yuki ngunit nagtaas sya ng kanyang dalawang kamay, “It is Nadine’s idea.” Sambit nya.

“Tengene, pangarap ko to. Walang basagan ng trip.” Wika naman ni Brie habang hinahawi ang kanyang mahabang buhok. She looks so casual and cool.

Bumaling ako kay Mercy na palipat lipat ang tingin sa amin at halatang gulong gulo na. Naiintindihan ko dahil ako din ay naguguluhan!

“Uhm, Mercy, maraming salamat sa pagtingin kay Rigo ha. Ito ang pizza, iuwi mo sa mga pamangkin mo.” Tumango tango si Mercy at lumapad na naman ang ngiti pagkakita sa pasalubong namin.

“Walang anuman, napakabait ni Rigo, mana sayo, Girl. Goodnight, Rigo! Goodnight Lovebirds! Goodnight din James at Nadine!”

Walang nagsalita sa aming apat at inantay naming mawala si Marcy sa aming paningin.

Agad na sinarhan ni Gaelan ang pinto at ang mga bintana. Masama nyang tiningnan si Brie na hindi mapigilan ang pilyang ngiti.

“What are you doing here?” Naiinis na tanong niya. “And you are Nadine , now? Seriously?”

“What’s wrong? Eh nung pangarap mong maging si Daniel Padilla, jinudge ba kita? Hindi di ba?!” Humagikgik na naman si Brie dahil mukhang napikon na naman si Gaelan.

“Fine! Ano ngang ginagawa nyo dito?” Naiinis na sabi ni Gaelan.

“Sabi ni Daddy, babalik na daw ang mga Floresca sa isang linggo. We just have to be very careful about our actions. Kritikal ang susunod na linggo sa atin kaya inutusan kami ni Brie na magpunta dito para dagdagan ang security.” Yuki said in a stern voice.

“Security? Ligtas dito!” Kontra ni Gaelan.

“We have a hint of who did this to the Florescas.” Wika ni Yuki.

“Then? Hulihin sila at pagsalitain.” Suhestyon ni Gaelan.

“Madami ka pang hindi alam, Gael. Did you make a call to Heather last week?” Seryosong tanong ni Yuki.

Nagkatinginan kami ni Gaelan. Huminga ako ng malalim. Of course he would call Heather, girlfriend nya ito.

“W-well. I did. Kailangan ko syang tawagan dahil gusto kong kamustahin si Mommy since I cannot call my Mom directly if I am on a mission dahil sa posibilidad na naka-tap ang linya sa bahay namin. Si Brie hindi ko matagpuan, apparently nagtungo sya sa Dussledorf.” Masama ang tingin ni Gaelan kay Brie. Pinanlakihan ng mata si Brie dahil mukhang hindi nya alam na may ideya si Gaelan sa kanyang pinuntahan.

“Hindi ko sinusundan si Radley Brent Supot no! Yun ang mission order ko! Papansin ka na naman!” Masungit na sagot ni Brie.

“Oh my God, you saw Kuya Rab? They are in Germany?” Nawala ang focus ko doon sa pagtawag ni Gaelan kay Heather. I heard my Kuya’s name.

“Yes, Ria. They are. Nandoon sila sa nagpahinga habang inaayos ang gusot dito sa Pilipinas. 90% na maayos na kaya wala ka ng dapat ipag-alala.” Si Brie.

“Anong kinalaman ng pagtawag ko kay Heather?” Putol ni Gaelan sa kanyang kapatid.

“Dude! You are cheating on Kathryn! That’s what it means! Magagalit ang mga Kathniel !” Panunuya ni Brie kay Gaelan.

“Shut up!”

“Gael, noong araw na tumawag ka kay Heather, may nagmamasid dito sa Sta. Monica. I was following the lead ng mapadpad ako dito noong nakaraang araw. Sa lugar na ito mismo ko natagpuan ang makakapagturo sa atin kung sino ang may kagagawan nito sa mga Floresca.”

I am slowly absorbing Yuki’s words. I cannot even chew it yet.

“So?” Gaelan asked. He crossed his arms into his chest. Yuki sighed.

“Either Heather’s phone was tapped kaya may nakatunton sa inyo Or—”

“She gave the suspects your whereabouts.” Si Brie.

“I am sure someone tapped her phone. Heather? Ano ang interes nya sa lahat ng ito? She never asked who I am with, sinabi kong nasa Singapore ako para sa isang misyon. Nanghingi pa nga sya ng pasalubong, she was so casual when I talked to her. Yuki, you grew up with Heather too so you know her.” Lumakas ang boses ni Gaelan. Kita ko ang disgusto sa tinutumbok ni Yuki at Brie.

“I thought so too. Not until I learned that Ria and Heather are cousins.” Seryosong sambit ni Yuki na tinapunan din ako ng tingin. My jaw dropped.

I only met Heather in school! Kilala ko sya bilang bestfriend ni Gaelan and that’s it!

“Alam mo ba iyon, Ria? Pinsan mo si Heather.” Ulit sa akin ni Brie. I shook my head in shock. Wala akong alam.

“M-maybe she doesn’t know it too. And if she does—” Wika ni Gaelan.

“If she knows it bakit hindi nya sinabi? Hindi nya sinabi kahit kanino.” Kalmado ngunit may pagdidiin ang boses ni Yuki.

“Well baka hindi nya alam!” Pagpupumilit ni Gaelan. Hinilot ko ang aking sentido. Ayoko ding manghusga kung ganoon ang sitwasyon.

Daddy is an adopted child from Romania. Samantalang si Mommy ay may nag-iisang kapatid na babae. Si Tita Helena, whom we never met. Pinutol nito ang komunikasyon kay Mommy simula pa noon.

“Helena Martina Ortega-Wilson. Is she your aunt, Ria?” Tanong sa akin ni Yuki. I nodded. I know Helena Martina Ortega, by name.

“Wait there Yuki, it sounds like pinagbibintangan mo agad si Heather dahil magkadugo sila ni Maria. Is that a big deal now? Kapag kamag-anak, suspect na? Do you have proof? Nasaan na ang pagiging agent mo?”

“Ikaw, nasaan na ang pagiging agent mo? Motive and opportunity are present, wag kang bulag.”

“Ano ang motibo? She’s at our age!” Pasigaw na sambit ni Gaelan.

“At this age, we already killed alot of people!” Pagpupunto ni Yuki.

“We killed BAD people, Thorn.” Unang beses na binanggit ni Gaelan ang second name ni Yuki, umiwas ng tingin si Yuki dahil sa pagbanggit ng pangalan nyang iyon at binalikan ng matalim na tingin si Gaelan.

“But we are still capable of killing, Gael.”

“Heather will not do that. She’s innocent.” Pilit na kinakalma ni Gaelan ang sarili kahit nakakuyom na ang kanyang kamao.

Matagal na nagtagisan ng tingin si Yuki at si Gaelan. Napailing si Yuki pagkalipas ng ilang sandali.

“Okay, you said it. Ria, pack your things.” Mariin ang pagkakasabi ni Yuki at akmang lalapit sa akin.

“What? Why?” Malakas na itinulak ni Gaelan si Yuki papalayo bago pa man makalapit. Bumagsak si Yuki sa sahig dahil na-out of balance sya!

“Gaelan!” Sabay naming suway ni Brie. Lalapit pa lang ako ay agad ng nakatayo si Yuki. Galit na galit itong hinarap si Gaelan.

“You cannot protect our client. You cannot protect, Ria if you are being selective. Lahat ng nasa paligid ni Ria ay suspect! Lahat! Kahit ang nanay mo, tatay mo, kapatid mo, ako o kung sino pa sa amin. You see Smiths, huh? Isang Smiths na naman ang dadating sa mga Floresca kung sarado ang utak mo. This is a fcking conflict of interest! Iniiwasan ko lang na masaktan si Ria sa poder mo, iniiwasan ko lang na mag-away tayo, Gael. Ria, pack your things.” Utos muli ni Yuki.

Susunod na sana ako ng pigilin ako ni Gaelan sa braso. Natigilan ako ng magtama ang mga mata namin ni Gaelan. Nakita ko don ang tingin ng nakikiusap pero ilang saglit lang ay nagbago na naman ang mga ito. It became cold, so cold.

“What are we supposed to do with Heather?” Walang kaemo-emosyong tanong ni Gaelan. Kitang kita ko sa mata nya ang galit at frustration na pinagbibintangan ni Yuki ang girlfriend nya. Tingin ko ay hindi pa din sya kumbinsido sa sinabi ni Yuki but he’s torn in deciding whether to drop my case because she believes in Heather or to continue because he already started my case.

“We have to move fast. Call her again tomorrow from the next town. Nakaabang na doon si Toshiyo. Kapag nagbago ang pattern ng sumusunod sa inyo at magtungo sa kabilang munisipyo, we will bring Heather to question.”

Nag-igting ang panga ni Gaelan. I feel sorry that he has to go through with this. Bakit pati sa ganitong sitwasyon, kailangan nyang mamili sa pagitan namin ni Heather? Can he prove Heather’s innocence while keeping me safe?

The answer is no. He has to choose one.

Kabanata 50

Maki Say’s : Filler Chapter, wag umasa. Promise starting next week masipag na ako mag-update. Nagda-diet ang lola nyo kaya laging masakit ulo ko, di ako makapagsulat, haha! 😂😂😂

No Reaction

.

Mahimbing na si Brie sa tabi ko, si Gaelan nakahiga doon sa sahig katabi ng crib ni Rigo, samantalang si Yuki ang umukopa ng sofa sa salas ng kubo.

Nakakabingi ang katahimikan, umokupa ng aking tenga ang mahihinang alon na nagmumula sa labas. Sa isip ko ay nagsisimula na akong magbilang ng oras.

Nararamdaman kong malapit ng matapos ang lahat ng ito. Nahahati ako sa pagitan ng kagustuhan na makita na muli ang aking pamilya at  sa kagustuhang manatili sa simpleng buhay na ganito. I feel that something is pulling me to stay this way.

Will it be the same if I will stay here without Gaelan? O baka sya naman ang pangunahing dahilan kung bakit minamahal ko ang katahimikan na ito.

“Gaelan..” I called his name. Nakita ko kasing nakatingin sya sa akin. Hindi ko namalayan na malaya ko syang tinitingnan kanina pa.

“Hindi ka makatulog?” Kalmadong tanong nya.

I nodded. Hindi ko alam kung nakita nya ba yung pagtango ko pero bumangon sya agad. Lumapit sya sa lalagyan ng gatas ni Rigo at inilagay ang isang bote na may tubig sa kamay ni Brie at sa kabila ay ang canister ng powdered milk.

“Anong ginagawa mo?” I whispered.

“Brie will wake up in the slightest noise. Pupwede nating iwan si Rigo sa kanya.” Bulong naman ni Gaelan.

“Iiwan? Saan tayo pupunta?” Tumayo ako at sinundan ang kanyang ginagawa.

“Can I date you? Again?” Hinarap ako ni Gaelan, dahil sa kanyang taas kinailangan kong tumingala. It is like he’s bothered and wanting to tell something o baka imahinasyon ko lang yon.

“Date? Madaling araw? Baliw ka ba?” I hissed. Napakaweirdo naman ng ganoong ideya. Saka paano kung hindi magising si Brie sa iyak ni Rigo?

“Malapit na.” Pumikit si Gaelan at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. It is so amazing how a single touch can speak words unspoken. Binalot ko ang sarili sa balabal at kumuha pa ako ng isa para kung sakaling lamigin si Gaelan kung saan man kami pupunta.

Marahan ang naging pagkilos namin ng buksan namin ang pinto para lumabas. Hindi naman din gumalaw si Yuki, siguro ay tulog na tulog na.

Sa silong ng kubo, kumuha si Gaelan ng ilang pirasong kahoy at gas lamp. What will this be then? Camping? May bonfire?

Nasagot ang tanong ko ng tumapat kami sa isang bangka. Okay, this is getting weird. Papalaot ba kami? Simula pumarito kami sa Sta. Monica, hindi pa ako nakasakay ng bangka. This will be the first. Maaring huli na din kung malulutas na ang problema namin.

“Mapayapa ang dagat.” Nilubog ni Gaelan ang kanyang paa sa tubig. “Nasa laot na din ang mga kasama kong mangisda ng ganitong oras kaya wag kang matakot.”

“Im not really scared. You’re here.” Sagot ko. Umangat ang gilid ng labi ni Gaelan. Sa isang iglap naging mahinahon ang kanina pang malilikot nyang mata.

Inalalayan ako ni Gaelan na sumampa sa maliit na bangka. Agad nyang pinaandar ang motor nito. In less than a minute talaga ngang nasa ibabaw kami ng tubig!

Humahampas ang malamig na hangin sa aking mukha. Parang nagkagulo ang kaba at tuwa na nararamdaman ko sa akin tyan! It is really amazing how God make things work, we can glide on top of a deep sea. Lahat talaga ay posible!

“Kinakabahan ka ba, Tabs?” Pasigaw ang tanong ni Gaelan dahil sa ingay ng motor. Umiling ako. When he’s near, I will never be afraid for my own life but for his life. Mas madalas akong mag-aalala para sa kanya. Nakasanayan ko na ata ang ganon. He’s very adventurous after all.

Nakikita ko nga ang mga bangka na umiindayog lamang sa ibabaw ng tubig. Halos lahat ay maliliit. Siguro ay natutulog ang mangingisdang sakay non dahil wala akong nakikitang taong gumagalaw.

Unti-unting bumagal ang takbo ng bangka. Inakala kong mayroong problema kaya lumingon ako sa tinitingnan ni Gaelan. I figured out that there’s an island behind me, makikita lamang iyon sa malapitan dahil nilamon ito ng kadiliman. Bukod sa maliwanag na bituin sa kalangitan at ang lampara ng bangka ng mga mangingisda na sumasabay sa alon, wala ng makikitang liwanag sa lugar. Ilang hakbang mula sa pampang noong isla, tinalon ni Gaelan ang dagat at umabot yon hanggang tuhod kaya nabasa agad ang laylayan ng maong nyang shorts.

Hinila ni Gaelan ang lubid papalapit doon sa pampang. His muscles flexed while he’s doing that. Nanood lang ako dahil hindi pa ako handang tumalon. Baka may natutulog na isda at maapakan ko pa. Kawawa naman.

“Tabs, come on.” Inilahad ni Gaelan ang kanyang kamay ng maitali nya ang bangka sa isang putol na kahoy. Inabot ko ang kamay nya pero dumiretso ang magkabilang palad nya sa aking bewang. He did not assist me! Binuhat nya ako na parang bata at ibinaba lamang ng nasa tuyong buhangin na.

Pumula ang aking pisngi, mabuti na lang at madilim, hindi nya mapapansin. Tumalikod sya para kunin ang lamp at ang kahoy. Tinulungan ko syang magset up para sa gagawing apoy. In just a matter of minutes mayroon na agad na apoy. Hindi naman ito ang unang beses na naghati kami sa apoy, the first one was five years ago. The last time that we were together bago kami pinilit na paghiwalayin hanggang sa tuluyan na ngang magkahiwalay dahil iniwan nya ako. Hindi nya tinupad ang pangako nya. My heart still constrict everytime I remember that but I don’t want to brought it up again. Unti unti ay natatanggap ko na.

May mga bagay talagang hindi nangyayari para mabigyang daan ang mas mahalaga pang mga bagay na maghuhubog sayo para maging mabuti kang tao.

That Gaelan is not a bad person after all. He pushed me away to make me better and in the process he fell inlove. Ganoon naman yata, sa dalawang nagmahal, may isang maiiwan sa mundong binuo nyong magkasama. Yung isa ay nagsisiya na sa piling ng iba samantalang ikaw, napupuno ka pa din ng tampo dahil mahal mo pa. Mahal mo pa ng sobra sobra.

Acceptance.

I need to teach myself how. Sometimes kindness is not just about compassion and humility, not even being understanding. It is about accepting the reality, that no matter how a good person you are, things won’t bend your way. Hindi lahat ng gusto mo ay mapupunta sayo dahil mabuti ka.

“The last time we sat by the bonfire was the last time we were together. Five years ago.” Nagsalita si Gaelan habang inayos ang pagkakapatong ng balabal sa aking likod.

Tumango ako at huminga ng malalim. “So is this a premonition or something? Ito na ang huli nating pagkikita? Gaelan, you don’t have to do this. Kung hindi ka naniniwala na may kinalaman si Heather sa kaguluhang ito, then don’t continue protecting me. Hindi ka magtatagumpay sa mga bagay na hindi mo pinapaniwalaan. You have to put your heart on it.”

Totoo yon. I am not bitter or something. Pagod na din kasi ako sa pag-iisip kung ano ba ang dapat sa aming dalawa. I would understand if he would choose Heather. I would understand and accept it.

Mataman akong tiningnan ni Gaelan at inabot ang kamay ko para ilagay sa dibdib nya. I was hesistant at first pero hinayaan ko na, dinama ko ang gusto nyang ipadama. Napaawang ang labi ko. Halos lumabas ang puso nya, naririnig ko pa ang pagtibok nito.

“If these crazy heartbeats are not for you then I don’t know what to call it.”

“Gaelan–”

“Let me speak..” Pagpipigil nya.

Ang manipis na hangin ang gumulo sa aking buhok. Mas kumalma ako sa paglamig ng aking ilong. It gave me the opportunity to breathe better, pakiramdam ko kasi sumisikip ang dibdib ko. Nakakabaliw palang isipin na maaring maganap ngayong gabing ito ang pangalawang alon ng sakit. Kung magsasabi sya ng totoo malamang masasaktan ako.

Mas sasakit pa pa kaysa sa sorry nya…

Because telling the truth is more painful than ‘sorry’.

“She never had me. No one had me after you.” Panimula nya. Hindi ako tumutol. Siguro panahon na para pakinggan ko sya.

“Pinakamabigat na desisyon ang ginawa ko sayo noon. I know it is weak to talk about it now, t*ngina nahihiya nga din ako.”

“Don’t say bad words!” Mahina kong tinapik ang kanyang mga labi. Napangiti sya sa ginawa ko at hinaplos ang kanyang mga labi pagkatapos ay dinala nya ang kamay nya sa pisngi ko para kurutin.

“Ang tanga tanga ko non. Inantay kong bumalik ka. Para akong batang nag-iintay bumalik sa lobong lumipad. Gusto kitang sundan pero bakit? Ang kapal naman ng mukha ko kung pagkatapos ng gabing yon, susundan kita at saka ako magsosorry. Tiniis ko. Isa, dalawa- tatlong taon. Tatlong taon na ang lumipas. Ibang iba ka na. Nakita kita noon sa Venice. Ang saya saya mo. Hawak kamay kayo ni Yuki habang naglalakad sa ilalim ng ulan. Tngina gusto kong suntukin si Yuki kasi– fck, pinapaulanan nya ang reyna ko.” Pagak na humalakhak si Gaelan, ako naman ay hindi pa makabangon sa rebelasyon! Nakita nya ako sa Venice! Nagpunta sya noong nandoon ako.

“Pero ano nga namang karapatan ko. Ulan lang yan. Lagnat ang pinakamalalang pwedeng ibigay sayo samantalang ako– I’ve caused you your first heartbreak. Ipinagpasalamat ko na masaya ka na, pwede na nga akong mamatay kasi masaya ka na. Kaya lang hindi ako mamatay matay simula nong araw na yon. Kinarama ata talaga ako, sabi siguro sa akin ’ tiisin mong gago ka, ginusto mo yan .”

“Wag mong sabihin yan..” Sumeryoso ang aking tono. Takot na takot ako sa kaligtasan nya tapos gusto nyang mamatay dahil maayos na ako? Anong klaseng yon.

Mapait na ngumiti si Gaelan at marahang hinaplos ang pisngi ko.

“I want you to be happy. But I cannot stand to see you happy with someone else. Gago ako eh. Gusto ko akin ka lang. Ako lang ang makakakita, ako lang ang hahawak, ako lang ang magmamahal. Gusto ko yung ako lang ang kailangan mo. You will need me so much that you won’t need anyone else. Im sorry kung nasasakal kita simula noon hanggang ngayon.”

Tumango ako. Mas tumaas ang antipasyon sa mga susunod nyang sasabihin. I am expecting the worst actually. Him saying that he will not do what Yuki is asking him to do.

“Im not into possessive and territorial shts but I crave for you so much that I know I have to find a cure for it.”

Tinitigan ako ni Gaelan at nagwala agad ang sistema ko. Ilang beses akong kumurap para makakita ng malinaw. Dahil ngayon, ang labo na ng lahat at sya lang ang malinaw. And I don’t want it. Gusto kong makita sya ng buo at ang sitwasyon sa paligid. I might be trapped to wrong choices again.

“And she was willing..” Napabuga sya ng hangin.

“Si Heather?” Maliit na boses kong tanong.

“Pinagbibigyan ko lagi si Rab na uminom dahil nakikibalita ako sayo, he feeds me everything that I need to know about you and in return I give him the information about Brie…”

Napakunot ang noo ko at bahagyang lumayo kay Gaelan.

“How dare you two?!” Naiinis na sabi ko. Naging close pa talaga silang dalawa at pinagkaisahan nila ang mga kapatid nila. Kuya Rab is such a prick!

“Noong birthday month mo last year,  naghahanda na ako sa pagbabalik sa Venice. But Rab stopped me, hindi ka na daw babalik dahil magtatayo ka daw ng restaurant kasama ang kaibigan mo he even adviced me to begin again. Akala ko nagpapatawa si Rab but it is your brother, why would he lie? Kahit sana sinuntok nya na lang ako kaysa sinabi nyang walang pag-asa kasi sht ang sakit.”

“Ganoon sana ang plano but this year, Daddy has been persistent. Pinilit nya akong umuwi dahil ayaw na daw nilang hawakan ang aming negosyo.” Maigsi kong kwento. So Kuya Rab is telling him everything then!

Kinuha ni Gaelan ang kamay ko at pinagdaop ang palad namin. I stared at it for a moment. Hinipan nya ang kamay ko ng mainit nyang hiniga. Napansin nya pa ata na nilalamig ako.

“I have to start somewhere. I took small steps but Heather extended her hands. Sabi nya, kahit hindi ko pa sya mahal noon, basta magsimula kami. She gave me the feeling of being entitled. I am entitled to take over my life, hindi yung ikaw ang laging iniisip ko. Pero wala na akong maibigay sa kanya. Kinuha mo na. Sinabi ko na sa kanya noong nagbalik ka at naiintindihan nya. We won’t work.”

Bahagyang kumunot ang noo ko.

“Nandito ba tayo para kumbinsehin mo ako na hindi gagawa ng masama si Heather dahil iniintindi ka nya?” Medyo tumaas ang aking boses.

“No..”

“Then what?”

“Inilalayo kita kay Yuki. Im jealous.” Diretsa nyang sabi. Unti unting napawi ang pagkunot ko ng noo at napalitan ng nagdududang mata.

“Nagpapatawa ka ba?”

“Seryoso.” Lumabi si Gaelan at mas humigpit ang hawak sa kamay ko. Parang bata!

“Malaki ang problema natin na kakaharapin bukas tapos nandito tayo kasi nagseselos ka?”

Tumango si Gaelan na parang inosente. Hinila nya ang kamay ko at pinabagsak ang ulo ko sa dibdib nya.

“Do not fall in love with Yuki. Ayaw ko ngmaramdaman ang sakit na nakita ko noon. Ang sakit sakit non Tabs.”

“Nasasaktan ka pala.” Umismid ako at tinaasan sya ng kilay.

“Anong akala mo sa kin?” Masungit na tanong nya.

“Laging nananakit.” Inirapan ko sya.

“Alam mo yung totoong masakit?” He asked me.

“Sige! Ano?” Panghahamon ko na pinagsisihan ko dahil hinawakan ni Gaelan ang parehas kong kamay gamit ang kaliwang kamay nya at ang kanang kamay nya ang ginamit nya pangkiliti sa akin! Napahiga ako sa buhangin sa isang sundot sa tagiliran. No one ever tried to tickle me and this one is really really bad! Tawa ako ng tawa!

“Ano ba Gaelan!” Tumili ako ng sobrang lakas! Pakiramdam ko nagecho pa ang isla dahil doon. Sinubukan kong gumanti pero nakatuwid lang ang kanyang braso para hindi ko man lang magawang lumapit. Wala ng tunog ang tawa ko sa sobrang saya, hindi na ako makahinga.

Dahan dahang huminto si Gaelan at pinagmasdan ang mukha ko habang halos mapatumbling ako sa tuwa. Dahan dahan ding napawi ang ngiti ko at napalitan ng kaba.

Be still, heart ..

Kinuha ko ang pagkakataon para itayo ang katawan kong nakalugmok. Just when I thought I will be able to strike back, inipit ako ni Gaelan sa mahigpit na yakap nya.

“I missed you so much, Tabs ko.. Miss na miss kita.”

“G-gaelan..” I whispered when I felt a liquid from my shoulders. Umiiyak ba sya? Lumalayo sana ako para silipin ang mukha nya pero hindi nya ako hinayaan. Nanatili akong nakakulong sa yakap nyang yon.

“Mahal na mahal kita.” He sniffed on my neck and I felt his lips there. I did not panic, instead, I love the feeling of his gentle lips against my skin.

Why am I being weird?!

Sinubok ko muling tingnan ang mukha nya, this time he let me. Ipinatong ko ang magkabilang kamay ko sa kanyang balikat habang bumababa ang kamay nya sa aking bewang.

“When the world turns upside down, please remember this–” He said.

Remember? What? I hanged for a bit. Gusto kong unawain ang sinasabi nya pero hindi ko alam kung ano ba ang pagkakasunod sunod ng salita. May mga paru-paro pa sa tyan ko na nagliliparan!

Slowly, he’s moving his head towards me, kahit parehas kaming nakaluhod sa buhanginan, nanginginig pa din ang tuhod ko. I know what will happen next but I ended up copying what he’s doing. He looks really drunk while he’s moving his head towards me. I tilt my head a little bit, and you know, hindi ko alam kung bakit ko yon ginagawa.

“Maria Arabella Kassandra Floresca, what did you do to turn me in to your slave?” He licked his lower lip and I almost lose my consciousness, ganon ba ang epekto kapag ginagawa nya yon?

Halos gatuldok na lang ang pagitan ng aming mga mukha and no, it is not awkward, only fast pounding heart beats.

In one swift, I was drawn in to something new.

The feeling of his lips against mine is foreign.

Kahit naninibago, hindi ako natakot. He just pressed his lips to mine as he slightly bit my lower lip.

Nang humiwalay sya, saka lamang ako natauhan na dapat ay nagulat ako! Nagalit o di kaya ay umiyak.

Ano, Maria Arabella?! No reaction talaga?!

He just got my first kiss!

Kabanata 51

Unacceptable.

“Won’t you say anything?” Pinakatitigan pa ako ni Gaelan na para bang may sasabihin ako sa kanya.

Umiling ako at ilang beses kumurap.

“I kissed you..” He affirmed.

KInabahan ako bigla. Yung puso ko gusto na namang kumawala. 

The magical feeling of a first kiss was there, nakakabingi, nakakapanlamig at nakakakaba. The sensations were outpouring, parang pinupuno ang buong pagkatao ko.

Kaya lang nag-aalala ako.

Paano na ang pangarap ko na ang mapapangasawa ko lang ang hahalik sa akin? Kiss is special! I am not supposed to give it to him lalo na’t hindi ko naman sya mapapangasawa.

“A-anong gagawin natin?” I asked dumbfoundedly.

Ngumiti si Gaelan at pinagdaop ang mga palad namin. “You are mine now.”

Binawi ko ang kamay ko at sinimangutan sya. “H-hindi ah! Bakit ba ang flirt flirt mo? M-may girlfriend ka. Di ba? Si Heather.. You are cheating and oh my God! Accessory ako sa cheating. You are so bad. T-this is so bad!” Kulang na lang ay mapa-sign of the cross sa kanyang ginawa.

“Maria, hindi ka ba nakikinig sa sinabi ko kanina? Wala na kami. Kalma ka nga, pwede? Magigising ang mga isda.”

Nawalan naman ako ng kulay sa mukha.

“T-talaga? Magigising sila?” Punong puno ako ng pag-aalala. Nakakahiya naman sa mga isda! Si Gaelan kasi!

Nanliit ang mata ni Gaelan at humalakhak. “You are so cute. Basta, tayo na ulit ha.” Sambit nya.

Nagulat ako ng husto. Ganoon na lang yon?

“Hindi pa! Nanligaw ka ba? Nanghalik ka lang ah. Madaya ka.”

“Why? Do you give your kiss to everyone? Ano na lang ang sasabihin ng mapapangasawa mo kung hindi sya ang unang nakahalik sayo?”

Napalunok ako. May punto sya. Nakakahiya kung sasabihin kong hindi ko sa kanya naibigay ang unang halik ko. Ibig bang sabihin, si Gaelan na din ang dapat na mapangasawa ko? Huminga ako ng malalim saka pumikit.

“Eh di dapat pala si Miss Farrah ang pakasalan mo kasi sya ang una mong halik!” Sigaw ko. Hindi ko alam na may masakit na parte sa puso ko sa pagsasabi ko non. My God, Ria, its been years!

Tiningnan ako ni Gaelan na parang nagpipigil ng tawa ng dahil sa reaksyon ko.

“Hindi naman sya. Hindi ko na maalala kung sino.” Mahinahon nyang sabi. Pinanlakihan naman ako ng mata at binato sya ng buhangin sa dibdib.

“Nakakainis ka! Bakit sa akin may rule, sayo wala?”

“Pag inapply ko ang rule na yon sa sarili ko, paano kita papakasalan? It should be now applicable to you so you would marry me. Halika nga dito..” Hinila ako ni Gaelan papalapit sa kanya kaya napasandal ako sa kanyang balikat. “No one else will marry you. I will give you my surname, matapos lang ang lahat ng to.” Hinalikan nya ang pisngi ko. Aba! Masyado na syang nakakarami.

“Can we not talk about marriage, Gaelan?”

“A-ayaw mo?” Nag-alala ang mukha nya.

“It is too early, maari pang magbago—”

“Hindi na. You can hold on to my promise this time. Im not letting you go.”

The fear of uncertainty. Yun ang nararmdaman ko. It should be a happy feeling, just lik before. Ngayon, natatakot na akong maulit ang dati at pagdaanan ko na naman. Can I really hold on to his words?

This world teach you to hope but how long?

“Hope until your heart beats for it..” Sambit ni Gaelan na parang naririnig ang iniisip ko. 


“Saan kayo nanggaling? Hinahanap na kayo ng mga fans nyo.” Bitbit ni Brie si Rigo habang nakasilip sa may bintana. Sa tabi nya ay si Yuki na seryoso ang mukha at nagkakape.

Inabot na kami ng umaga ni Gaelan bago muling pumalaot para makauwi. Panay ang ngiti ni Gaelan samantalang ako ay hindi pa din kumbinsido sa pinapasok namin.

“Gaelan, we are officially on a mission.” Seryosong sambit ni Yuki ng makaakyat kami sa kubo. Kinuha ko si Rigo mula kay Brie para kamustahin ito. Yumakap agad sa akin si Rigo at napangiti.

“Hindi ako nakakalimot. I just need to secure important matters first.” Mariing sabi ni Gaelan.

“Like what?” Tumaas ang kilay ni Yuki. Tumalikod ako dahil masyadong nakakailang ang manyayari.

“My heart.” Supladong sagot ni Gaelan. Natapik ko ang aking noo. Sigurado akong magtatanong si Yuki sa akin. He was there. He knows my heartbreaks and sentiments. Ano na lang kaya ang iispin nya kapag pumasok akong muli sa bagay na tinakasan ko limang taon na ang nakakaraan?

Although he never said na nagkamali ako noon. Even so.. Alam nyang nasaktan ako ng husto.

“Puntahan mo si Toshiyo. Paparating na si Hunter para kunin muna si Rigo at Maria.” Utos ni Yuki kay Gaelan. Ngayon na pala isasagawa ang plano na

“What? Ayoko, sasama ako. Rigo should come with Hunter pero sasama ako.”

“Baby, tama si Yuki, you should go to a safer place.” Inakbayan ako ni Gaelan at hinalikan sa noo. Nag-iwas ng tingin si Yuki samantalang si Brie ay ngiting ngiti ng lumapit sa amin.

Hindi pa din ako kumbinsido. Lumapit sa akin si Yuki at hinawakan ako sa braso. Tinitigan nya akong mabuti na parang nangungusap.

“Your family is on their way by now. Napaaga ang kanilang uwi dahil nag-aalala sila sayo. Sya pa din ba ang pipiliin mo?” Bulong ni Yuki sabay bitiw ng matalim na tingin kay Gaelan. Nakaramdam ako ng pagkapahiya.

“Kayo na ulit? Ha? O my!! Kayo na?”

“Isn’t it obvious, Brie? C’mon. Back to work.” Tumalikod na si Yuki at nagmartsa papalabas ng kubo. Nagalit ata. I need to talk to him later.

“What? James! I am Nadine! Nakakainis ka naman!” Sinundan sya ni Brie at lumabas na din ng kubo. Nagkatingin kami ni Gaelan, huminga sya ng malalim at niyakap ako mula sa likod.

“Ganoon talaga ang nagmamahalan, maraming kontrabida.”

Hinampas ko sya sa braso. “Hindi kontrabida si Yuki, he’s just worried about me. Sya ang kasama ko noong mga panahong wala ka.”

Umismid si Gaelan, “Nandoon lang sya dahil hinayaan ko. Paano kung hindi? Maghanda ka na, kukunin kayo ni Hunter mamaya.”

Labag sa loob kong nag-ayos ng gamit ni Rigo. Tiningnan ko ang paligid ng kubo. I hope we can go back here. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Gaelan sa labas, tumayo ako para silipin. May hawak syang cellphone at may tinatawagan habang nakaupo doon sa bangko sa harapan ng kubo. Nagkatinginan kaming dalawa, kumaway sya sa akin. Napagdesisyunan kong bumaba para kausapin sya.

“Tapos ka na?” He asked.

“Can I sit here with you?”

“Baby, ang clingy mo!” Ngumisi ng husto si Gaelan kaya napasimangot ako. Nagawa pang mang-asar ng isang ito.

Inakbayan ako ni Gaelan at hinalikan sa noo.

Napadako ang tingin ko sa di kalayuan dahil sa isang pamilyar na mukha na titig na titig sa amin.

“Gael..” I whispered.

“Hm?”

“Si Heather yon hindi ba?” Tukoy ko sa isang babaeng nakascarf sa likod ng mga namimili ng banyera ng mga isda, hindi sya umaalis kahit tinitingnan ko na. Nilingon ni Gaelan ang tinitingnan ko. Agad syang tumayo.

“Dito ka lang, titingnan ko.” Sambit nya.

Naiwan ako na nakaupo sa bangko ng ilang sandali bago napagdesisyunang balikan si Rigo. Kailangan ko na syang ayusin para nakahanda na sya.

Nakakailang hakbang pa lamang ako sa may hagdanan ng makarinig ako ng putukan sa di kalayuan kasunod ng nakabibinging sigawan. Nag-alala agad ako sa kalagayan ni Gaelan.

Bababa muli ako para tingnan sya ng may humawak sa braso ko.

“FCK!” Tumatakbo si Yuki pabalik ng kubo habang hila hila ako at dumiretso sa may upuang kawayan. Sa ilalim non, kinuha nya ang duffel bag ng mga baril na binitbit nya ng pumunta sya dito.

“Ria, magtago kayo ni Rigo doon sa banyo. Wag kayong lalabas hangga’t hindi ako ang kumukuha sa inyo.”

Nanginig ang kamay ko at nagmamadaling binitbit si Rigo at ang kanyang baby bag. Sinarhan ni Yuki ang pinto ng kubo at nagmamadaling bumaba.

Tiningnan ko si Rigo na wala man lang kaalam alam sa mga nangyayari, umalpas ang luha sa aking mukha habang mabibigat ang paa na humahakbang para magtago sa banyo. Those people are looking for me!

Nandito ba si Heather para panoorin ang pagkuha sa akin?

Magkakasunod na putok pa ang narinig ko; Napatakip ako ng tenga. Animo’y bagong taon at nagpapaputok sa umaga, mahigpit ang yakap ko kay Rigo sa bawat ingay na yon. Pakiramdam ko napakaraming tao sa labas but there’s only Yuki, Brie and Gaelan for me. If they are out numbered they do not have to do this for me.

Ungol at malakas na sigaw ang naririnig ko sa labas. May nasasaktan o may natatamaan. Pakiramdam ko napakabagal ng oras dahil hindi natatapos ang mga iyon. Nag-aalala ako ng husto kina Gaelan, Yuki at Brie.

“Nasaan ang Floresca?!” I heard somebody shouted.

“W-wala dito.” Si Yuki.

Mas lalong binayo ang dibdib ko ng sunod sunod na pagkalabog. Yuki seems hurt.

Nasaan si Gaelan?

Sumama ba sya kay Heather? Iniwan nya ako?

“Ilalabas mo o mamamatay ka?” Napapikit ako ng husto. I can just imagine Yuki’s face. Hindi na ako nag-isip, binitbit ko si Rigo at iniwan sya sa duyan sa salas. Dahan dahan akong sumilip mula sa bintana na natatakpan ng manipis na kurtina. There I saw Yuki, nakahiga sa buhanginan at may iniindang tama ng bala sa tagiliran.

“Huling tanong Yushima, nasaan si Floresca!” Napatakip ako ng aking bibig ng mapagtanto na isa din sa aming bodyguards ang nagtututok ng baril kay Yuki.

Then it is really true. These people are plotting against my family. Hindi man lang namin napaghalataan!

“Nandito ako!” I revealed myself from the window. Nawalan na ako ng pag-asa na may iba pang dadating para iligtas kami. Pinalibot ko ang aking mata sa buhanginan na napakaraming nakahiga at duguan. Lahat sila ay hindi ko kilala. Yuki fought this far! At sa huli nasaktan din sya.

Kasalanan ko!

“Ria..” Yuki groaned.

Enough. I cannot stand innocent people dying just because of me. Kaibigan ko man o kalaban, wala dapat mamatay. Yun lang ba ang ikasisiya nila? Ang may mawalang anak ni Daddy? That’s all?

Alam kong mababaw ang kaligayahan nila and I cannot risk anyone’s life anymore.

I hate killings! I hate killers! Tingin ko ay hindi ko nababagay sa mundong ito kung parating ganito ang makikita ko sa paligid ko. Nanginginig ng husto ang katawan ko habang inaalala ang katapusan ko.

This is the end, Ria.

“Papatayin mo ako, Sergeant Viernes?” Dahan dahan akong naglakad patungo sa pintuan ng kubo.

“Soriano, Herrera, nakita ko na ang target.” Sambit ni Sergeant Viernes sa kanyang Bluetooth headset habang hindi iniaalis ang tingin sa akin.

Bumaba ako ng hagdan. “I don’t want anyone to get hurt. Please, let my friends go.” Kalmante kong sabi, naubos na ang aking kaba. Sigurado na akong wala ng masasaktan pagkatapos nito. Life has been good to me and no one deserves to die for me.

Kung kukunin man ako, handa na ako. To die protecting the people you love must be the most serene death that I could face.

“Young Maiden, trabaho lang ito.” Pormal na sambit ni Sergeant Viernes.

“Sergeant Viernes, ayokong may masasaktan.” Ulit ko.

“Hindi ka masasaktan kung sasama ka sa amin.” Tiningnan ko ang madilim na mata ng aming tauhan. I remembered his eyes when I was seven. Naglalaro ako noon sa library ni Daddy, naalala ko kung paano sya makiusap sa Daddy ko na pahiramin sya ng pera para sa kanyang anak.

“Your son survived cancer.” Wika ko. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha. I remember it all. Ang anak nyang may leukemia na nangangailangan ng atensyong medikal. My Dad did not lend him money, instead, he sent a private plane to their province and directed his child to US for treatment.

Matipid na tumango si Sergeant Viernes.

“That’s good to hear.” I nodded, naramdaman ko ang mainit na likido sa aking mga mata.

In life, to see good in the bad, you have to understand their needs at magiging mapayapa ka dahil sa pang-unawang ibibigay mo.

“Highschool na sya, Young Maiden.” Magalang na sambit ni Sergeant Viernes. Mapait akong napangiti.

“Sige, kunin mo na ako.” I whispered.

“Ria, no.” May pagbabanta ang boses ni Yuki at nararamdaman kong nagpupumilit syang bumangon pero hindi nya magawa. I ignored him. Ito na siguro ang huli naming pagkikita.

“Yuki, stop killing people. You should live a good life. Everyone should stop killing people.” Bilin ko kahit ramdam kong may nagbabara sa aking lalamunan.

“Im sorry, I cannot promise you that.” Isang boses ang narinig ko kasabay ng mahinang na pagputok ng baril at ang unti unting pagbagsak ni Sergeant Viernes habang ang mata ay nakatingin sa akin. Kasabay non ang pagpatak ng isang luha sa kanyang mga mata.

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat.

“Andrei Viernes ang pangalan nya.. P-pakis-abi patawad. P-patawad Y-young Maiden.” Hirap na hirap nyang sabi bago tuluyang mawalan ng malay.

“Gaelan!” I yelled. Napatakip ako ng aking bibig.

“B-akit mo sya pinatay?” Naiiyak na tanong ko.

“Lahat ng mananakit sayo, mamamatay.” Gaelan said as he walked near me, embracing me tight in his arms. I can still smell the metallic scent from his gun. Natulala ako ng husto. This is the second time I saw I dead person and the first time I saw Gaelan killed someone. And I am seriously shocked.

Ako lang ba ang nakakaisip na mas mabuting ako na lang ang mamatay kaysa may mga taong mamamatay o papatay ng dahil sa akin?

Sunod sunod na putok ng baril ang umugong sa isang banda ng isla. Sumiksik ako kay Gaelan dahil sa takot. Nang huminto ito, natanawan ko agad ang miyembro ng Yukan’na na tumatakbo papalapit sa amin.

“We are damn late. Fckers.” Nakangisi pa si Ice habang tinitingnan si Yuki. “Padating na ang medics, Yuki.” Wika nya ng kaswal na kaswal.

“Baby..” Nag-aalala ang boses ni Gaelan habang pilit na pinagmamasdan ang mukha ko.

Humiwalay ako kay Gaelan at naglakad na papabalik ng kubo, naririnig ko si Rigo na umiiyak, yun muna ang aasikasuhin ko. Binalikan ko sa banyo ang baby bag nya at kinuha ang gatas nya para ipagtimpla sya.

Tulala lamang ako kahit na panay ang iyak ni Rigo. Hindi ko halos malunok ang pangyayari. I know Gaelan killed many people before but it is hard to see him killing someone I know. Yung taong alam ko ang pinagdaanan sa buhay.

Padami ng padami ang tao sa ibaba ng kubo. Tiyak kong pati ang mga taga-isla ay nakikiusyoso na. Mayroon ding tunog ng wang-wang na nagmumula sa di kalayuan, magkahalong tunog ng ambulansya at pulisya.

Naririnig ko ang matitigas na Ingles mula sa miyembro ng Yukan’na habang nagpapaliwanag. Ang iba naman ay nag-iingay dahil hindi sila makapaniwala sa katauhan ni Daniel.

“So, hindi kayo mag-asawa nung babaeng kasama mo? Kliyente mo?” May isang boses babae ang nagsalita.

“Girlfriend ko.” Diretsang sagot ni Gaelan.

Nagkandabuhol buhol na ang utak ko. Pakiramdam ko namamanhid pa din ako dahil sa nangyari.

Seeing Gaelan kill someone..

Hindi ko yata kaya na makita ang ganon. I will never get used to that.

Ano ba, Maria! He saved your life!

But that doesn’t give him the right to kill people just because he’s saving me. Magkaiba kami ng paraan, I can offer my life to save the people that I love because I will never kill someone. Never. Tinanggalan nya ng karapatan ang isang pamilya na magkaroon ng haligi ng tahanan. The chance to change in the process.

“Maria.. May problema ba?” Napaangat ang balikat ko dahil sa boses ni Gaelan. Hindi ko siya hinarap. Nilagay ko sa bibig ni Rigo ang tsupon at inindayog ang duyan.

“I want to see my parents.” Yun ang tanging nasabi ko.

“Tingnan mo muna ako.” Utos ni Gaelan pero hindi ko ginawa. Tumingin ako sa labas ng bintana. “May problema ba?”

“Bakit ka pumatay?” Nanginig ang boses ko. Wala ng ibang paraan para ipaliwanag ko ang nararamdaman ko. Alright! I am traumatized! I am scared! Hindi ko matanggap na magagawa nya ang ganoong bagay. Knowing that he do it is different but seeing him do it makes me draw back. Kahit para kanino pa nya yon ginagawa, hindi pa din tama.

Maybe he was too occupied in talking to Heather kaya din nasaktan si Yuki. They took us by surprise noong kinausap nya si Heather. And what? Pupwede naman kasi syang pumatay kapag naiipit na?

“Because he was trying to kill you!” Matigas na sambit ni Gaelan.

“He did not! Dadalhin nya ako sa naghahanap sa akin.”

“Pagkatapos ano? Papatayin ka nila?”

“You don’t have to kill, Gaelan. Sana itinakas mo na lang ako.” Malamig kong sabi.

“You are— You are disgusted..” Hindi iyon tanong kundi konklusyon.

“Iwanan mo muna ako, Gaelan.” Malamig kong sabi. Bumakas ang gulat sa mukha ni Gaelan. Sumunod naman si siya sa gusto ko pagkalipas ng ilang sandali, iniwan nya ako sa kubo. Maya-maya pa ay lumitaw na si Brie na may mapanatag na ngiti.

“Handa na ang sasakyan, Young Maiden. You can go home now.” Wika ni Brie. Kinuha nya ang nag-iisang bag ni Rigo. Pagbaba ko ng hagdan ng kubo nakita ko si Gaelan na malapit sa dalampasigan, lumingon sya sa akin gamit ang malungkot na mata. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam kung paano ko ba kakaharapin ang tingin nyang yon.

Hinanap ng mata ko si Yuki mula sa mga stretcher na isinasakay sa ambulansya. Bawat isa ay may nakabantay na pulis.

“We have a special force unit dediacted to Yukan’na. Kanina pa ginagamot si Yuki.” Sambit ni Brie dahil napansin nyang palinga-linga ako. Tumango ako.

Sumakay kami ni Brie ng sasakyan. Nandoon si Brie sa shotgun seat at kami ni Rigo sa likod. Mayroong pumasok sa driver seat at hindi ko kilala kung sino.

“Agent Neto, to Floresca Residence please.” Pormal na sambit ni Brie doon sa driver.

“Uuwi na ako?” I asked.

“Yes, Young Maiden. Nandoon na ang pamilya nyo by the time na dumating tayo doon. For the time being we will be assigned for the general security of your family.”

“Paano ang may kagagawan ng lahat ng ito? Ligtas na ba kami sa kanya o sa kanila?” Tanong ko.

“Head Agent Yushima is handling it now. Ang huling grupo na maari nilang ipadala para saktan kayo ay nagtatapos kay Viernes. But of course, we don’t want to be complacent. Kailangan nyo pa din ng security.” Brie answered.

Tahimik ang naging byahe, hindi ko magawang magtanong tungkol sa kalagayan ni Yuki o di kaya ng kay Gaelan. Sinusubukan kong palawakin ang pang-unawa ko, mayroon talagang mga tao na kinakailangang pumatay ng tao dahil sa trabaho kagaya ng pulis at mga sundalo.

Pero ang nakita ko sa mga mata ni Gaelan kanina, he showed no mercy.

Paano ang pamilya ng pinatay nya? Oo at mali ang piniling landas ng mga taong iyon, pero paano na ang pamilyang maiiwan at umaasa? Hindi ba kasali sa considerations yon?

Nang matanawan ko na ang daan patungo sa aming mansyon, nakahinga ako ng maluwag, napakaraming sasakyan ang nakaparada. Naniniwala akong nandito na nga ang aking pamilya.

Inihinto ni Agent Neto ang sinasakyan namin sa harap mismo ng main door ng bahay. Likod pa lang ay nakikilala ko na agad ang aking mga kapatid.

Napakunot ang noo ko sa isang hindi kilalang babae ang nakaangkla sa braso ni Kuya Rab. KInulayan ng blonde ang kanyang buhok at nakasuot ng leather pants at pulang cropped top.

“Ay tingnan mo nga naman si supot oh.. tsktsk.” Napapailing na bulong ni Brie. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, inabot ko si Rigo kay Brie at nagmadali akong bumaba para puntahan ang aking pamilya na mukhang mayroong diskusyon sa mga pulis.

“Daddy!” Tumakbo ako ng mabilis at yumakap sa kanya. Masaya akong nakita sila na buo!

“I am so glad you are safe, Hija..”

“Ria, oh my God, my princess!” Yumakap din sa akin si Mommy, nangilid ang luha ko. I never imagined I would miss my family this much! Noong nasa Venice ako, halos ayaw kong umuwi kahit inaabot ng ilang buwan bago kami magkita, pero ngayon, isang buwan lang ang lumipas, masayang masaya ako na nandito sila.

Niyakap ko isa isa ang mga Kuya ko. They all look fine but weary. Nandito din si Attorney Montemayor para magbigay ng run-through tungkol sa aming mga negosyo. Kitang kita ko ang pag-aalala ni Mommy sa mga biktima ng naganap na kaguluhan sa establishments namin, higit pa sa mga ari-arian na nawala.

“They are all fine. Walang maghahabla ng kaso. Nakausap ko ang bawat pamilya..” Pagpapanatag ni Attorney Montemayor.

Nakaupo ako sa arm rest ng sofa na inuupuan ni Mommy at Daddy. Ang mga Kuya ko ay may kani-kaniyang pwesto at matamang nakikinig sa isa sa mga pulis tungkol naman sa aming seguridad. Hindi ko masyadong maintinidhan ang gusto nilang ilagay sa black list ang taong gumagawa sa aming pamilya nito. 

“Mr. Floresca, nasa custody na po ngYukan’na ang suspect. Inaantay po kayo doon ni Agent Yushima.” Si Agent Neto ang lumapit sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko. This will be the end of everything. Kyuryoso din ako kung sino ang may gawa and I believe that we deserve an explanation to all of this. Sana mabigyan ng hustisya ang lahat ng nasaktan.

“Young Maiden..” Pumasok sa main door si Brie habang bitbit si Rigo. Muntik ko ng makalimutan! Umawang ang labi ni Kuya Rab at matamang tiningnan si Brie.

“M-may anak ka na?” Nagtatakang tanong ng kapatid ko, his expression was priceless! Gulat na gulat talaga sya.

“Eh ano naman po sayo, Young Master?” Magalang pero mataray na sagot ni Brie.

“Sumama na kayong lahat patungo sa Headquarters. Everybody deserves the truth behind this ruckus.” Wika ni Daddy.

“Ako na ang bahala.” Bulong sa akin ni Brie. Itinuro ko kung saan ang kwarto ko para doon sila manatili. Tumango naman si Brie.

Sa isang limousine kami sumakay. Walang tigil si Kuya Rab kundi tanungin ako kung anak daw ba ni Brie yung baby na dala nya at kung sino ang asawa.

“Mahabang kwento Kuya, mamaya na.” Bulong ko. Sya lang kasi ang panay salita sa sasakyan habang ang lahat ay malalim na nag-iisip.

“Rab, wag kang masyadong patay na patay. Maraming nasasaktan sa ganyan.” Singit ni Sam na nakaupo sa tabi ni Kuya Gilad. Tinitigan sya ni Kuya Gilad at malambing na hinaplos ang kamay. Iniiwas lang iyon ni Sam at umirap.

“Sabihin mo na kasi Ria. May boyfriend? May asawa? Tsk! Bakit hindi sinabi sa akin ni Gael yon?” Naiinis na sambit ni Kuya Rab. Mukhang naiilang na ang babaeng katabi nya na nakalimutan nya ding ipakilala sa akin.

“Kuya, may kasama ka.” I uttered. Hindi kumibo si Kuya Rab at nahulog na lang sa malalim na pag-iisip.

Inabot kami ng halos isang oras dahil sa traffic. Ang pamilyar na gate ang bumungad sa amin. Headquarters ito ng Yukan’na. Matagal na simula ng huli akong makapunta dito. Ang tatlong nauunang itim na sasakyan ang nakipag-usap sa gwardiya, the black cars are owned by Yukan’na. Ang bagong tumatayong security namin. Sa likod ay mayroong tatlo pang sasakyan at hindi bababa sa sampung naka-motorsiklo sa paligid. 

Huminto kami sa tila mansyon ng Yukan’na pagkatapos ang napakahabang private road ng lugar. An ambulance chopper was there, palagay ko ay sakay nito si Yuki. Isang pang helicopter ang natatanawan ko sa likod ng mansyon, nandito na kaya si Gaelan?

Naunang bumaba si Daddy at Mommy, sinalubong sila ni Agent Yushima, ang Daddy ni Yuki.

“Nandito na siya. Dinala namin for questions. Si Colonel Sta. Ana ay nandito din para i-conduct ang interrogation.” Seryoso ang boses ni Agent Yushima. Sumunod kaming lahat ng igiya nya kami papasok. Sa ikalawang palapag, tumapat kami sa malapad na pinto. Mahinang katok ang ginawad ni Agent Yushima bago tuluyang buksan ang pinto.

My eyes widened when I saw whose sitting on the investigation chair.

“Heather..” I whispered. Nakaposas pa sya at punong puno ng luha.

“Helena.” My mother breathed. Napatingin ako sa katabing babae ni Heather, she looks exactly like Mommy!

“Nagkita din tayo, Helga..” May panunuya ang kanyang boses ng bigkasin ang pangalan ng Mommy ko. “Pierre, kamusta?” And he called my Daddy by his first name.

“Helena, what are you doing?” Nagtiim bagang si Daddy at halatang nagagalit.

“Sa akin ang lahat ng ito. Pinaghirapan natin ang lahat ng iyon, Pierre!” Sigaw ni Tita Helena kay Daddy.

“Enough. Can we proceed with the questions kahit na malinaw naman na si Helena Martina Ortega-Wilson ang may kagagawan ng lahat?” Attorney Montemayor said.

“Inaamin ko ang lahat—”

“Mom!” Tutol ni Heather.

“J-just let Heather go.” Si Tita Helena.

“Mahirap yan, Mrs. Wilson. Your daughter was caught near the crime scene a while ago.” Agent Yushima said.

Ibig sabihin sya nga ang nakita ko kaninang nakamasid sa amin?

“Near the crime scene, Agent Yushima. Hindi nandoon mismo.” Napalingon kaming lahat sa bumukas na pinto. Si Gaelan ang nandoon, nakasunod sa kanya si Hunter at pinipigilan sya sa braso.

“Agent Ancheta, what are you doing here?” Kunot noong tanong ng matandang Yushima.

“Nandoon ako sa crime scene, hindi ko sya nakita.” Matigas na sabi ni Gaelan at ikinagulat ko yon.

That’s not true! Heather was there! Kitang kita sya ng dalawang mga mata ko.

Hindi kumibo si Heather at napayuko na lang.

“But the moment you called her last week, nalaman ng mga hired killers ang kinalalagyan nyo ni Miss Floresca hindi ba? That’s Yuki’s speculation, that you did call her that is why the hired killers went to Sta. Monica. Well, I don’t know where Yuki got the information but—” Tila naguguluhan na tanong ni Agent Yushima.

“I did call her pero hindi nya nasagot ang tawag. Hindi kami nagkausap simula nandoon kami and that’s the truth.” Seryosong sabi ni Gaelan. I shook my head because I cannot take it. Inaantay ko syang tumingin sa akin pero hindi nya ginawa.

“Gael, Im scared!” Humihikbing sambit ni Heather.

I know. He’s covering up for Heather at nakaramdam ako ng sakit dahil doon.

“Im here.” He assured, awang-awa ang kanyang mga mata na nakatingin kay Heather. Ramdam ko ang luhang gustong bumagsak sa akin pero pinigil ko.

Maybe he has reasons pero wala akong karapatan kwestyunin ang kanyang pamamaraan.

His bad habit in protecting people is unacceptable for me so he do it to Heather who’s willingly taking him in.

Maki Say’s: Very very few chapters remaining. All the questions will be answered. Antay lang :) Thanks for reaching this far!

Kabanata 52

Maki Say’s : Never pa nagkiss si Gael at Ria noong teenager pa sila. PINAGBAWALAN KO MGA TEH! Hahaha 😂😂😂 kabanata 30 is just a kiss in the forehead. Yung mga teens dyan, bawal pa ☝🏻️

Talk

.

“Anong ginagawa mo sa Batangas Miss Heather?” Tanong ni Agent Yushima kay Heather.

“Nag-roadtrip lang po ako, pabalik na ako mamaya dahil may gig ako hanggang sa– hanggang sa nahuli ako kanina.” Umiiyak na paliwanag ni Heather. Clearly she’s lying. Ang suot nyang kulay puting tank top ang una kong napansin. Wala lang syang suot na scarf ngayon pero hindi yon sapat para magkamali ako.

“Mr. Floresca, ano pong plano nyo?” Tanong sa amin ng Colonel.

“I am filing a case against her.” Matigas na sabi ni Daddy sabay turo kay Tita Helena. Pinanlakihan ng mata si Heather.

“No! Tito! Please. Sorry po..” Lumuhod si Heather sa harap ng lahat at ako naman ang nagulat.

“Heather stand up.” Utos ni Gaelan pero hindi sumunod si Heather.

“Im sorry Hija, my daughter was almost killed. I don’t want that kind of threat in my family again.” Nag-iwas ng tingin si Daddy. I can say na naawa sya.

“She– she was just hurt. Nasaktan lang po si Mommy sa pang-iiwan nyo noon. Napilitan syang pakasalan ang Daddy ko k-kasi wala ng natitira sa kanya. My mom lived miserably. Bigyan nyo pa sya ng pagkakataon–”

Napalunok ako. So Tita Helena is blaming her fate to my family. Gusto nyang maranasan namin ang hirap kagaya ng pinagdaanan nya. But that’s unfair! Lahat naman ay may pinag dadaanang hirap. Sa iba’t ibang paraan nga lang.

“Tumayo ka dyan Heather, hayaan mo sila–” Bakas pa din ang pagmamalaki sa mukha ni Tita Helena.

“Mommy, please! Makiusap tayo!” Pangungumbinse ni Heather. Puro luha ang mukha nya at pulang pula na.

“Magtigil ka nga! Wag ka ng magpanggap kay Gaelan na nakakaawa. Ipinagtatanggol ka na nya. Wag ka ng magpanggap na concern sa nanay mong wala namang pakialam sayo.” Malamig na sabi ni Tita Helena. Bumakas ang sakit sa mukha ni Heather at impit na napaiyak.

Naantig ang puso ko ng husto. How can she treat Heather that way! Hindi ba dapat ay mahal nya ito? Kagaya ng pagmamahal sa amin ni Mommy.

“Helena, don’t talk to your daughter like that!” Pagsangga ni Mommy.

“My daughter? Kailangan ko lang magpabuntis sa isang matandang amerikano para makakuha ako ng pera. That is the only use that girl and her sister is to mine. Wala akong pakialam dyan. Sue me if you want. Palayasin nyo na ang isang yan at bubwisitin lang ako nyan.”

“Tita–” Suway ni Gaelan.

“Ano? Kasuhan nyo na ako para matapos na! Nakakapagod ng panoorin ang drama.” Umismid si Tita Helena. Di ko napigilan ang binti ko para humakbang patungo kay Heather.

Bago ko pa man iyon magawa, nakalapit na si Gaelan at niyakap nya si Heather. Pakiramdam ko pinagpira-piraso ang puso ko sa tagpong iyon but who am I to intrude? Kailangan sya ni Heather at naawa ako kay Heather.

Tama lang siguro..

Pinalabas na kami sa investigation room. Naiwan na lang si Mommy, Daddy at Attorney Montemayor para iformalized ang kasong isasampa.

Si Heather dinala naman ni Gaelan sa isa sa mga kwarto ng hindi ako tinitingnan.

“Selos ka?” Nakataas ang kilay ni Kuya Rab ng lapitan ako. Nakaupo kami sa living room ng Yukan’na Headquarters.

I shook my head.

“Mahal ka non. Kaya lang may mahal pang iba.” Ngumisi si Kuya na parang nang-aasar.

“Rab..” Suway ni Kuya Ahmed. Huminga ako ng malalim. Sinabi ko naman na kanina that I cannot take Gaelan’s job hindi ba? Pinalalayo ko sya. Hindi pa ako nakakamove on sa nakita ko kanina.

Bumagsak ang balikat ko when Gaelan’s face crossed my mind.

Pero mali sya, I am not disgusted. Natatakot lang ako sa bagay na kaya nyang gawin. Killing, lying and what else? What else is left to hurt me? He’s capable to do that. Lahat ng bagay na ayaw kong gawin nya.

And if Heather needs him then go..

Napalunok ako.

Talaga ba, Maria? Can you see him go?

Nakita ko si Kiro na pumasok sa living room. Nagkatinginan kami. Kinuha ko ang pagkakataon para kamustahin si Yuki.

“Kiro, kamusta si Yuki?” Tanong ko. Sumipol si Kuya Rab kaya napalingon ako sa kanya, yun pala ay nakatayo na din sa may living room si Gaelan. Nagtama ang mga mata namin pero umiwas na naman sya ng tingin.

What? He hates me now?

“Nagpapahinga. Puntahan mo?” Tanong ni Kiro. Tumango ako at sumunod sa kanya.

Nilagpasan ko silang lahat. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong magpahinga pero kailangan kong magpasalamat kay Yuki..

Pati na din kay Gaelan , yeah right. I should say thanks and apologize if I seem like disgusted with what he do.

And then what? Escape again? Such a weakling, Ria. Nadidismaya na ako sa sarili ko.

Huminto kami sa isang malapad at puting pinto. Pagbukas nito ay nakita ko agad si Yuki na nakaharap sa kanyang cellphone at mukhang naglalaro. May mga tubong nakakabit sa kanya pero nakataas pa ang kanyang paa na parang balewala.

Seriously? Parang walang nangyari.

“Cinnamon swirl!” Maligayang bati nya sa akin. Lumapit ako sa kanya ng nakasimangot. He’s back to normal again.

“Nag-alala ako.” I said.

Ngumiti si Yuki at hinuli ang kamay ko. Naramdaman ko ang init na nagmumula doon.

“Im still alive.” He said.

“I know.”

Napalabi ako ng tingnan ako ni Yuki. And I know he’s waiting for me to say something. I sighed and sat beside his hospital bed.

“S-si Heather.. Nakita ko kanina bago ang barilan. Nilapitan pa nga sya ni Gaelan pero kanina, sinabi ni Gaelan na wala doon si Heather.” Di ko alam kung bakit ko yon sinabi. Sinipat ako ni Yuki at tila tinimabang ang reaksyon ko.

“Nagsusumbong ka ba dahil nandoon si Heather o nagsusumbong ka dahil pinagtatakpan ni Gaelan si Heather?” He relaxed his head on the headboard.

I shook my head. “I am confused. Can you just tell me that he will just hurt me to infinity? Kasi ngayon, Yuki, bumabalik na naman ang sakit tapos hindi ko na naman namalayan na nasa punto pala ako ulit na masasaktan ng ganito. Nasaktan na lang ako.. Bigla. Ulit.” Im in verge of tears pero pinipigilan ko.

Bakit ba nakakaiyak pa din na sasaktan nya ako? Bakit hindi pa ako nasanay!

“Normal ang masaktan, sinadya man o hindi, masasaktan ka.” Yuki just said. He’s talking in riddles again! And I hate it.

“Can you tell me that he will just hurt me forever? I think I will just listen to you kasi, ang bobo bobo ng puso ko. Just tell me, he’s a bad news. Gaelan is a bad news.” Pakiusap ko. Baka kasi yun lang ang dapat kong marinig para matigil na ako sa pag-asa.

“I wont.” Mariing sabi ni Yuki. Nawalan ako ng pag-asa. Dati, kahit anong hilingin ko may Yuki, ibinibigay nya, pero bakit ngayon, hindi?

“Gaelan, will never hurt you, intentionally. Maniwala ka.”  Dugtong nya pa.

Naikuyom ko ang mga palad ko at agad na tumayo para harapin si Yuki. His chinky eyes is calm. Wala man lang bahid ng kahit anong ekspresyon.

“Sinasabi mo lang yan.” Galit na sabi ko. Ngayon ay tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata ko. “Sinasabi mo lang yan kasi kaibigan mo sya. Mas matagal mo syang kaibigan kaysa sa akin di ba? Kaya ipinatatanggol mo sya.” Puno ng hinagpis na sabi ko.

Hindi kumibo si Yuki.

“Anyway, I just want to thank you for saving me. And Im glad you are safe.” Pinalis ko ang luha ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto ni Yuki. I don’t want to be rude but being here will just add to my insanity. Halos mabaliw na ako sa kakaisip ng ginagawa ni Gaelan tapos yun pa ang maririnig ko mula kay Yuki?

Right! They are bestfriends after all.

Bumaba ako ng living room at wala na don si Gaelan. Hinding hindi ako magtatanong kung nasaan sya. Dumiretso na kami sa limousine dahil tapos na din naman makipag-usap sila Mommy. Tiniyak lang nilang naisakay si Tita Helena sa mobile kasama si Agent Yushima bago kami bumalik sa mansyon.

Isang nakakapagod na araw ang nangyari. Isang simpleng dinner sa bahay ang hinarap namin at wala ni isang nagsasalita. Ni hindi ko nga din manguya ang pagkain ko.

“Is anyone’s still in the mood for the discussion with what happened today?” Putol ni Daddy sa katahimikan.

I nodded, baka hindi din ako makatulog kung hindi ko malalaman.

“Let’s proceed to the library after eating.” Deklara nya.

Isa isa kaming nag-paalam sa hapagkainan. I decided to take a quick shower and to check on Rigo. Naiwan kasi sya kay Mishel, ang isa sa househelp namin na pamangkin ni Mama Buding. Nagmamadali daw umalis si Brie kanina.

“Rigo..” Tawag ko sa kanya. Agad na kumilos ang ulo ni Rigo para hanapin ako. Nilapitan ko sya at hinalikan sa noo.

“It was a long day kay Nanay.. Babalikan kita mamaya.” I whispered.

“Mishel, I will just take a shower. Pakibihisan muna si Rigo pagkatapos ibigay mo muna kay Rachel para makakain ka na.. Pasensya na.” Tipid akong ngumiti kay Mishel.

She smiled back, hinawi nya ang kanyang itim na buhok at magiliw na niyakap si Rigo bago magtungo sa gamit nito.

“Halika dito Baby boy! Anong gusto mong isuot?” Naririnig ko pa si Mishel na malambing na kinakausap si Rigo.

Binuksan ko ang mainit na shower at inisa isa ang mga nangyari ngayon.

Tapos na ang gulo. I should be happy. Move on with my life. Help my family reconstruct again. 1/4 lang ng eroplano ang napasabog sa Laya Air because the rest are in flight during those times. Ahmed Mall needs healing though. Si Kuya Ahmed siguro ang aking tutulungan.

And Gaelan. I should really apologize and say my thanks. Sabi na nga ba at may mangyayaring ganito. Dapat talaga ay hindi sya nagsasalita ng tapos. There are some people who needs his saving, masyado lang syang nakatutok sa akin dahil akala nya ako yon. Now I know what Heather’s life has been, I understand it. Fully.

Mabilis akong nagbihis at nagpatuyo ng buhok. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin suot ang simple pero eleganteng white dress, this is me. Halos makalimutan ko na kung ano ba ang pinag-gagagawa ko sa buhay ko. I forgot how I taught myself to stand up when Gaelan left me. Tinuruan ko ang aking sarili na bumangon. I realized my worth. Bakit ba noong bumalik sya, nangarap ulit ako ng simpleng buhay? Bakit ko naisip na para ako doon gayong hindi naman yon totoo.

I am not in for the basic because I am an heiress.

Nagtungo ako sa library at naabutan na doon ang buo kong pamilya. Si Daddy sa center, sa gilid nya ay si Mommy. Kuya Gilad with Sam, Kuya Rab and Kuya Ahmed. Tapos sa gawing kanan naman ang isang bakanteng upuan sa tabi ni Kuya Xenon, doon ako pumwesto.

“Okay. I apologize. As a head of this family, I apologize for the trauma that everybody had gone through. We missed out checking the people around us because we thought that our money can protect us. It won’t. At sana maging leksyon na din sa lahat.”  Panimula ni Daddy.

“Helena Martina Ortega was my first love. Kapatid ng Mommy nyo. May isang pangyayaring hindi namin inaasahan, Helga woke up one day beside me and everybody thought mayroong nangyari. Pinilit kami ng lahat na panagutan ang bagay na yon. I did not chose to be responsible pero pinalayas ang Mommy nyo at that time, iniipit ng Lolo nyo ang Laya Air by pulling out stocks. I have no choice, hindi ako nakakalapit kay Helena dahil sa bagay na yon. Kinailangan kong pakasalan si Helga that time.” Huminga ng malalim si Daddy at hinanap ang kamay ni Mommy para halikan ang likod ng palad.

“But your Mom, we all know that she’s wonderful. Kahit lagi ko syang inaaway noon, lagi lang syang nakangiti. At sa ngiti nyang yon, I fell inlove. Lagi na akong nagmamadaling umuwi sa kanya, nakalimutan ko na si Helena.”

Kinurot ni Mommy sa tagiliran si Daddy. Napangiti ako ng husto, sa unang pagkakataon, napangiti ako. They are so sweet!

“Hindi matanggap ni Helena ng sabihin kong mahal ko si Helga. Sinabi nyang buntis sya. Natakot akong sabihin yon kay Helga dahil baka iwanan ako pero nalaman din ni Helga, iniwanan nya ako. I was so devastated kahit hindi ko pinahalata. I tried to be with Helena, she helped me built Ahmed Mall and during the process, I learned that Helga was pregnant to Gilad. And that time I also learned that Helena was not pregnant. Iniwanan ko sya at galit na galit ako.”

“Ngayon nga ay galit na galit sya. Lalo na sa Ahmed Mall. She thought it was her idea. It was. But your Mom worked for it. And now Ahmed is working hard for it.. Wag kayong mag-alala. Ngayon ay nasa custody na sya ng batas. Smiths & Viernes, they were both dead. Yukan’na will replace our security. Ria, Ahmed needs your help.”

Tumango ako.

“Rab, you will help Gilad. Xenon, we will help you with our factories.”

Isang gabing Business as Usual sa aming pamilya. Bago matapos ang meeting na yon, tumikhim ako at nagtaas ng kamay. Kailangan kong ipakilala si Rigo.

“Dad.. When I was attacked by Chief Smiths, yung sinasakyan kong taxi, nabaril ang taxi driver. Hindi ko po alam kung namatay sya pero ibinilin nya sa amin ang anak nya, and he’s here with me.”

Tumahimik ang lahat, kumunot ang noo ni Daddy.

“Shall we confirm if the driver is really dead?” si Daddy.

Tumango ako. Kahit pa napamahal sa akin si Rigo, dapat pa din sya sa kanyang magulang kung buhay nga ito.

Things should fall into their right places.

At ako, dito ako.. Hindi na ako dapat magpumilit na bumagay sa lugar na hindi naman para sa akin. No matter how simple it is, no matter how I like it.  Tumututol din naman ang tadhana sa gusto ko.

I was born to lead our business, hindi para ang mangisda, magtago kung saan. I should swallow this hard truth. Where I have everything is the exact place where I feel empty. But this is where I should be.

Ang mga sumunod na araw ay mas naging abala sa aming pamilya. Parang napakatagal na nga noong nangyaring kaguluhan.

Lagi kaming sabay na umaalis ni Kuya Ahmed patungo sa kanyang mall’s head office. Bitbit ko lagi si Rigo at Mishel.

It was a sad news when we all learned that Mang Chuck was confirmed dead. Ngayon nga ay pinoproseso na ang adoption papers ni Rigo para malipat sya sa aking pangalan.

“Ano ang gusto ng batang yan?” Pilit kong pinatatawa si Rigo habang lunch break sa Ahmed. Inutusan ko si Mishel mag-lunch at ganoon di si Kuya Ahmed. Sana ay hindi lang masakal ni Kuya Ahmed si Mishel dahil at home talaga ang aming kasambahay at naiirita si Kuya Ahmed doon. Ayaw nya kasi ng mga feeling close.

“Tatay ang gusto nyan.” Pumasok si Kuya Ahmed sa loob ng aming private office habang hila hila si Mishel sa kanyang manggas.

“Ano ba Sir! Wag mo naman ako dinadaan sa dahas! Napapakiusapan naman ang beauty ko!” Tutol ni Mishel.

Suminghal si Kuya Ahmed. In fairness, may facial expression na sya dahil kay Mishel.

“Mayroon syang Tatay.” Bigla kong nasabi.

“Oh? Asan?” Nagtaas ng kilay si Kuya.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang itim na itim na mata ni Rigo.

Nasaan nga kaya si Tatay?

Dalawang linggo na ang nakakalipas, hindi man lang nagparamdam. Kahit si Yuki ay hindi din nagparamdam. I seriously need to apologize. Ilang gabi na din ako hindi pinapatulog ng bagay na yon.

Mayroong kumatok sa pinto kaya nahinto sa pag-aaway si Kuya Ahmed at Mishel, pati ang paglalaro namin ni Rigo ay natigil.

Tumayo ang secretary namin ni Kuya na si Antoniette para daluhan ang nasa pinto.

’Yes Ma’am? May appointment po? Okay, I will ask.. ’

Narinig ko pa si Antoniette na nakikipagusap bago sarhan muli ang pinto.

“Ma’am Ria, may naghahanap po. Heather Wilson daw po..” Si Antoniette.

Natigilan ako at nagkatinginan kami ni Kuya Ahmed. After contemplating, I stood up. I know I need to talk to her too.

Maki Say’s : Until chapter 55 ito :) And those who were asking about Maria’s parents, actually I am currently writing it for someone. Wala pa sa wattpad. Babalitaan ko kayo ✌🏽️

Kabanata 53

Maki Say’s : Walang SPG ang story na to. This is a Teen Fiction. I do not support teen sex. My mission is to enlighten young people nowadays that True Love can wait. Yes, we may all make wrong decisions BUT don’t make it as an excuse. Lagi pa din nating piliin ang tama. Lagi pa din tayo maging mabuti at masunuring anak. Hindi cool ang mainlove ng murang edad, kung hindi man ito maiwasan, wag na wag nyong kakalimutan ang limitasyon ninyo. ☝🏻️

Aside from that, si Maria ay hango sa katauhan at sa pangalan ng Lola ko, hindi pang-espigee sa aking imahinasyon.

Facebook

.

“Heather..” Tumuwid sya ng pagkakaupo mula doon sa sofa ng sitting room sa private office namin ni Kuya.

She’s wearing a jeans and plain black shirt. Nakapusod ang buhok nya at kapansin pansin ang pagbagsak ng katawan. It was just two weeks since I last saw her, it is very evident that she’s gone through a lot.

Luminga linga sya sa paligid. I realized she wants to talk privately. Inaya ko sya sa smoking area ng opisina, isang maliit na pinto mula sa sitting room ay ang bakanteng space na napapaliguran ng bermuda grass at halaman. The city view can be appreaciated from here. Nasa pinakatuktok kasi ang private office namin ni Kuya kasama ng board at conference room.

“Maraming salamat at pinagbigyan mo ako..” Pormal na sambit ni Heather. Yakap yakap nya ang kanyang sarili na nakatanaw sa matatayog na buildings ng Makati pagkatapos ay ibinalik nya ang kanyang tingin sa akin. “We never really talked. Maybe because you hated me before–”

“Heather, I do not hate you. I tried to understand your friendship with Gaelan pero kahit kailan hindi kita kinasuklaman.” Wika ko. She smiled sadly.

“Well, I hate you. So much.” Pagdidiin niya, kitang kita ko ang pangingilid ng kanyang luha. Maybe there’s so much hate in there that she wants to cry.

“Bata pa lang kayo, kilala ko na ang pamilya nyo. Kayo ang bukambibig ni Mommy. That we should be better than Helga’s children. I tried, so hard. Akala ko makukuntento na sya doon but she didn’t. Noong nakita kita sa Keio.. I thought, wow, small world. Umangat ka ng husto sa paningin ko dahil isa kang Floresca at boyfriend mo si Gaelan.”

“Hindi ko pinaalam kay Mommy na nakakasalamuha kita. Although I think, she knows. I want to fight fair. Sinubukan kong makipagkumpetensya sayo pero lagi lang akong bigo. Sugatan. Kasi ikaw ang laging binabanggit ni Gaelan tuwing magkasama kami. How amazing you are. Kung gaano ka kabait. Gaano mo sya napapasaya. Nung umalis ako nung bata kami, wala ka pa eh. Pagbalik ko, sayo na sya.. I hated you to bits. Wala palang iniiwan ang mababalikan kung paano sya dati.” Ngumiti sya ng mapait.

Hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman nya. I really thought she was the confident one before. Mas nakakalamang sya, mas kilala nya si Gaelan. She’s been exposed to the world I wanted to have.

“Ipinagpasalamat ko ng umalis ka. Sa wakas mapapansin na ulit ako ni Gael. Pero sandali lang yon, dahil alam mo ba.. Lagi ka nyang pinupuntahan. Sa Cebu, sa Venice, kasama mo sya. Baliw din kasi yung isang yon. Hindi ko alam na ganoon pala sya magmahal.” Tumawa ng pagak si Heather habang pinupunasan ang luha.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Binanggit ni Gaelan ang Venice pero ang pagtungo ko sa Cebu nung araw na iyon ay hindi ny sinabi. Paano nya iyon nalaman?

“Gaelan is exceptional. Sya lang ang iniwan na pwedeng pwede mong balikan. He did not even move. Well, he’s the crazy one who loved you from a far. He is really, really crazy about you. Nakakainis, pero sinabi nyang ikaw daw talaga. Ikaw lang. Well, I guess I have to let him go. Ayokong maging kagaya ni Mommy. Gaelan is sticking dahil naawa sya sa akin. Nakita mo naman kung paano sya maawa sa akin. He spared me from your family’s wrath.”

“Heather, hindi ko alam kung bakit sinasabi mo ang mga ito although I also think that you should have a second chance, ang galit ng magulang mo ay hindi mo dapat pagdusahan. It was not your decision after all.” Pagsasabi ko ng totoo.

“I know nagalit ka kay Gaelan. Ria, kaya ako nandoon sa Sta. Monica para balaan kayo. Gaelan knew that. Kinausap ko sya para lumayo na kayo dahil paparating na ang tauhan ni Mommy. Medyo nahuli lang ako dahil iba ang araw na sinabi sa akin ni Mommy kung kailan isasagawa ang plano. Mom doubted my loyalty. Inisip nyang sasabihan ko si Gaelan, at tama sya. Hindi ko na kaya ang kabaliwan ni Mommy.”  Naging mabilis ang paghinga ni Heather, bumakas ang hinanakit sa maamo nyang mukha. Gusto ko syang lapitan pero ayokong isipin na nagtitiwala ako ng husto. Napahamak na kami dahil sa sobrang tiwala.

“Im sorry Heather but I don’t know what to believe anymore.”

Heather nodded and looked at me intently.

“For a girl who’s honestly saying that she hates you and for a girl who’s letting go her love of her life for you, why would I lie? Gaelan has done so much for me as a friend and this is the least that I could do. He loves you. Wag mo sanang sayangin yon.” Tinapik ako ni Heather sa balikat. Pagkakataon ko naman para mahulog sa malalim na pag-iisip. Hinayaan kong hanginin ang buhok ko sa pinakamataas na parte ng aming opisina, imagining Gaelan’s face when we were young. How did he do the impossible? Ni hindi ko man lang nakita.

Umalis din si Heather pagkatapos ng pag-uusap namin na yon. Naiwan ako sa pag-iisip. Now I really have to apologize to Gaelan. Kaso saan ko naman sya hahanapin? Hindi nga sya nagpapakita.

A part of me hurts. Hinawakan ko ang maliit na kamay ng natutulog si Rigo. Hindi ba nya namimiss si Rigo? Kahit si Rigo na lang.

Mayroon namang rason para bumalik sya at hindi ako iwasan, bakit wala sya ngayon?

I sighed. Yung Gaelan talaga na yun! Mahilig magtago.

As days passed by, my guilt intensified. Habang pinagmamasdan ko ang mga damit ni Rigo na pinamili ni Gaelan bumuhos ang alaala namin sa isla.He liked blue and green. Gusto nya daw kasi magmana sa kanya si Rigo.

But I pushed him away.

Tiniklop ko ang huling damit ni Rigo na pinalabhan ko. I want to personally organize it for him lalo na at weekend naman. Nandito ako sa living room habang inaasikaso ang mga damit.

“Ahm? excuse me..” Sambit ko ng mapadaan si Agent Neto sa aking harapan. Agad syang tumigil sa paglalakad at lumapit sa akin.

“Yes Young Maiden?”

“S-si ano ba.. Si– ano..”

Nagtaas ng kilay si Agent Neto dahil sa pagkakandautal utal ko. Ask now, Maria. There’s no one to ask!

“S-si A-agent Ancheta ba, s-sa iba naka-assign?” Fine! I’ve said it.

“Agent Ancheta? Brianna or Gaelan?” Kunot noong tanong ni Agent Neto. Then he’s making it hard for me huh? I have to be specific now?

“G-gaelan..”

“Oh? I haven’t seen Brie and Gaelan in our headquarters for quite sometime now.”

Ayun naman pala. Parehas naman palang hindi nagpapakita ang dalawang Ancheta. Why does he need to ask someone in particular?

Bumalik ang tingin ko kay Agent Neto at may mapanuksong ngiti sya. Tinaasan ko sya ng kilay at nag-iwas sya ng tingin. Tumuwid ako ng upo.

“Okay. Thanks.” I said.

“Young Maiden, kapag nakita ko ba si Agent Gaelan Ancheta, should I tell him, hinahanap mo sya?” Magalang na tanong nya but I can sense humor in it. Kumunot ang noo ko.

“No. That is just a plain question Agent Neto.” Tumayo na ako at binitbit ang mga damit ni Rigo sa aming kwarto.

Naabutan ko si Mishel, Rigo at Kuya Ahmed doon sa kwarto ko. Masama ang tingin ni Kuya Ahmed kay Mishel habang kinakantahan ni Mishel si Rigo. Galit na galit talaga sya kay Mishel.

“May tatlong bibe akong nakita! Mataba! Mapayat! Mga Bibe!!..” Magiliw na kanta ni Mishel. Panay naman ang indak ni Rigo na hindi na mapigilan ang pagtaba.

“Can you stop singing that song?” Narinig ko si Kuya Ahmed habang naglalagay ako ng damit sa cabinet.

“May tatlong bibe akong nakita! Si Ahmed! Mapayat! Mukhang bibe!” Kanta ni Mishel. Hindi ko mapigilan ang matawa.

“You’re fired!” Masungit na sigaw ni Kuya Ahmed.

“Oops! May klase pa ako!” Nagpanggap si Mishel na walang naririnig at tumayo na.

“Bye Rigo. Bye Miss Ria!” Maligayang paalam nito at mabilis na lumabas ng pinto. I can’t help but to chuckle.

“Tingnan mo ang isang yon.” Naiiling na sabi ni  Kuya Ahmed.

“Bakit ba galit na galit ka kay Mishel? Di ba dati kalaro mo yun?” Paalala ko sa kanya. Tuwing bakasyon kasi dinadala ni Mama Buding si Mishel sa bahay at naalala kong silang dalawa ni Kuya Ahmed, pati Sam ang close dahil bata pa ako noon.

“Playmates? She’s a bully. Hanggang ngayon bully pa din!”

“Nabubully ang CEO ng Ahmed Malls ng isang college student?” I asked in sarcasm.

“Hindi ko lang pinapatulan dahil babae.” Umismid si Kuya Ahmed at kinuha si Rigo mula doon sa mat.

“Pahiram muna kay Rigo, pasyal ko muna.” Isiniksik ni Kuya Ahmed si Rigo sa kanyang baby carrier na nakapwesto sa kanyang dibdib. May sarili talaga syang baby carrier para kay Rigo dahil masyado syang magiliw dito. Well at least may father figure sya kahit wala si Gaelan.

Gaelan .

Gaelan .

Stop it Ria. Kung gusto nyang magpakita, makikita mo sya.

Kaya lang paano kung hindi na kahit kailan? Paano kung napagod na syang kausapin ako?

Basta magso-sorry pa din ako. Dapat magpasalamat pa din ako. Gagawa ako ng paraan.

At ang paraan na yon..

“ Hello ?“

Tumikhim ako habang pumupulot ng lakas ng loob.

“ Hello ?“

“Yuyu.. Galit ka pa?” Napa-facepalm ako sa tanong ko. Ako ang galit nung huli naming pag-uusap. Ano bang klase ang tanong kong yon?

“Ria..” Sumeryoso ang boses ni Yuki.

“Sorry na Yuki.. Im so sorry..”

“Hindi ako galit. Nagbakasyon lang ako habang nagpapagaling. Kamusta?” Kaswal na tanong nya.

“Are you okay now? Magaling na ang sugat mo?”

“Well, yeah. Kind of.” He answered.

“Where are you?”

“Need someone to talk to?” Nabasa nya agad ang nasa isip ko.

“Well, yeah. Kind of.”

Mabilis akong nagshower para makipagkita ng personal kay Yuki. We both decided to see each other in a coffee shop near our village. Nagpahatid ako kay Agent Neto. I cannot afford to be stubborn again, ever.

Nakita ko si Yuki na nagiintay doon at nagkakape. Malikot ang mga mata nya at panay ang tingin sa magagandang babae. Pasalamat sya at singkit sya kaya hindi masyadong halata. Sanay na lang kasi ako at kilalang kilala na sya.

“Yuki!” Kumaway ako sa kanyang harapan. Parang nagulat pa sya pagkakita sa akin.

“Akala ko chicks na.” Nadidismaya nyang sabi. Umismid ako habang umuupo sa kanyang harapan.

“Anong atin?” Yuki asked.

“May itatanong ako.”

“Fire.” He slouched in his chair while checking out someone in high waisted shorts and spaghetti strap.

“Nasaan si Gaelan?” Hindi na ako nagpatumpik tumpik.

“Sana tinext mo na lang ako.” Napangisi si Yuki.

“So you know where he is?” Bumangon ang pag-asa sa akin.

“No. Kaya nga sana itinext mo na lang ako.”

Nawalan na ako agad ng pag-asa. Hindi man lang ba sya nagpaalam kay Yuki? Ipinagtatanggol sya ni Yuki nung isang araw. Dapat ay binigyan man lang nya ito ng courtesy kung bigla syang mawawala. They are close friends after all.

“Tingin mo.. Bakit  sya biglang nawala? Hindi na ba sya magpapakita? Galit ba sya sa akin? Hindi kaya–”

“Alam mo bang may gusto ako sayo?” Ani Yuki na syang nagpatahimik sa akin. He looks so cool in saying that samantalang muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko.

“Gusto kita. Gusto kitang maging girlfriend, tawaging Baby , gusto kitang alagaan, mahalin, gusto kita.” Yuki smiled and but his face remained serious. “At hindi dahil hindi mo ako gusto kaya hindi ko sinubukan, hindi ako sumubok at hinding hindi ako susubok dahil mahal ka ni Gaelan. Sa paraang sya lang ang makakagawa.”

Napasinghap ako. Tinitingnan ko lang ang mukha ni Yuki. Kahit ilang taon lang kami magkasama, pakiramdam ko, dinesenyo sya sa buhay ko para maging masaya ako but not in a romantic way.. Kaya hindi ko alam kung ano ang masasabi ko.

“I knew you were in Cebu.. I was there because he asked me to be there. I was in Venice because he asked me to be there. I was a friend because–”

“He asked you to be my friend?”

“No. I was a friend because that’s the closest that I could go.”

Ang guilt na nararamdaman ko nung nakaraang araw, mas lalo lang nadagdagan. He asked Yuki for my needs! How awful and crazy was that? Hindi ko naramdaman na mag-isa ako dahil nandyan si Yuki and it was Gaelan’s idea?

“Madami syang isinakripisyo higit sa inaakala mo. Kahit sa mga sakripisyo nyang yon, minsan, ako na ang tumututol dahil alam kong nasasaktan ka na but in the end, I’ll realize that he’s right. Mukha nga lang gago pero tama sya. Kung lumayo sya sayo ngayon baka tama din sya.”

“What?” Hindi ko naman ata matatanggap yon! Pagkatapos ng mala-superhero na paglalarawan ni Heather at Yuki sa kanya, then he’ll be gone? Nasaan na ba kasi sya? Nagsawa na ba sya sa lahat ng yon? Bakit ngayon pa? Bakit ba kasi hindi nya pinaliwanag noon?

Or maybe..

He said it but I did not believe him. I didn’t trust him enough. Mas nakinig ako sa maliit na boses na nasa loob ko. Mas nakinig ako sa sakit na naramdaman ko. Nagpabulag ako at tumanggi na makakita dahil nasaktan ako.

“Antayin mo na lang, kagaya ng pag-iintay nya sayo.” Habilin ni Yuki. Ngumiti sya pero hindi umabot sa mata, gayunpaman, I smiled back.

“Thanks for being a friend Yuki. I appreciate it.” Hinaplos ko ang ibabaw ng palad nya. Ngumiti sya ng malapad dahil doon, halos mawala ang mga mata nya.

“No need to say thanks. Bayad ako ni Gaelan.” Buong confidence na sabi nya.

“Ano?!”

“Kidding! Sisimangot ka na agad. I just want you to know that I am always here. No matter what.” He said cheerfully.

“And you will move on?” Paniniyak ko.

“Magdadasal ako kay Taylor Swift, Patroness of Moving on .” Yuki said.

“Sira ka talaga! Kay Saint Dwynwen ka manghingi ng intercession.” Seryoso kong suhestyon. Sumabog naman ang napakalakas na tawa mula kay Yuki. Nainsulto na nga ako kasi nakahawak pa sya sa tyan nya sa sobrang ligaya at halos maiyak pa!

“I don’t know. Si Gaelan lang ata ang magtyatyaga sa ka-weirduhan mo Ria. Sa kanya ka na nga lang!”

Nalukot ang mukha ko. Ngayon naman ay direkta nya akong tinatawag na weirdo.

Umuwi na ako pagkatapos naming magkape ni Yuki. Gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi nya. Yuki’s choices are by far the best, he will never break your heart. Swerte ang mamahalin nya. Hindi masakit.

Samantalang si Gaelan ..

Si Gaelan ay parang isang produkto, kailangang ibang tao pa ang magbenta sa kanya pra makumbinsi ka because he will never do that to himself.

At ngayon nga ay hinahanap hanap na sya ng sistema ko. After what I learned, nabura na lahat ng tampo ko noong pinalaya nya ako noon. But I wish he could just have said so. He could just have stayed in light rather than in darkness. Paano pala kung mapagsamantala si Yuki? Manonood na lang sya? He will just watch me fall inlove from a far?

Eh mas weirdo pala sya sa akin..

“Miss Ria..” tiningnan ko si Mishel sa aking gilid. Naka-indian sit sya sa aking kama habang inaantay matulog si Rigo. Naglalaro pa kasi si Rigo ng pasalubong ni Mishel na baby rattle.

“Mishel, Ria na nga lang.. Sooner or later you will not be working for me. Kapag nakagraduate ka na, you will be working for Kuya Ahmed.” Panunukso ko at pinipigilang matawa.

“Ay hindi yon ang pangarap ko! Mas gugustuhin ko pang maging accountant ng Abu Sayaff kaysa magtrabaho kay Ahmed! Sungit sungit nyan.”

“What did you do to make him mad like that?” Natatawang tanong ko. Noong dumating naman si Mishel dito, civil ang tunguhan nila.

“Kinamusta ko lang naman sya.. Tapos dahil nabalitaan ko na madami syang naging girlfriend dahil lagi syang pumapayag, tinanong ko sya kung pwede nya ba ako maging girlfriend. Aba nagalit! Choosy pala!” Naiiling na kwento ni Mishel. Napakunot ang noo ko.

Hindi kailanman tumanggi si Kuya Ahmed na makipag-girlfriend kahit kanino. Pinauunlakan nya ang lahat. Bakit kay Mishel ay ayaw nya?

Hindi nya ba type ang mga babaeng morena?

But Mishel is very pretty. Aside from her tanned skin, pantay pantay ang mapuputi nyang ngipin, she has small dimples in both cheeks and her eyes are very expressive. She could pass as a fashion model, I would say.

“Itatanong ko lang sana kung may facebook ka?” Ani Mishel habang pumipindot sa bago nyang ipad na iniregalo ni Sam.

“Facebook? Social networking site yan hindi ba?”

“Hello, oo! Don’t tell me wala?” Nanlalaki pa ang mata ni Mishel.

Umiling ako na mas lalo nyang ikinadismaya.

“Sige, gawa tayo. Sayang ito. Pupwede kang makibalita sa mga kaibigan mong naglaho na parang bula.”

“Ganoon ba?” Isang ideya ang pumasok sa aking isip. Ibig sabihin ay maari akong makibalita kay Gaelan?

Inilagay ni Mishel ang mga detalyeng kailangan ko. Buong pangalan ko, ang trabaho at iba pang general information na pupwede sa facebook.

“And ang huli… Profile picture. Dito ka, smile ka!”

Alanganin akong pumwesto sa headboard ng aking kama.

“S-sandali, pupwede ko bang isama si Rigo?”

“Of course!” Dali daling kinuha ni Mishel si Rigo at ibinigay sa akin. “Dahil ayaw mo pang matulog babylove, picture picture muna tayo.”

Ilang beses kaming kinunan ni Mishel habang yakap yakap ko si Rigo. Wala namang humpay si Rigo kakatawa kay Mishel kaya ang ganda ganda ng kuha nya. Ito ang unang beses na nagpicture kaming dalawa. Nakakatuwa ang pakiramdam.

“Uploaded!” Pagkatapos naming pumili ng litrato, nag-upload na si Mishel ng litrato. Sinubukan din i-log in ni Mishel sa Ipad ko ang facebook account ko pagkatapos ay in-add nya ako. Ininvite nya din ang mga Kuya ko, si Selene, si Yuki, si Regine, si Mercy at Imang.

Isa isang nagconfirm ang mga ito. Si Selene ay nagmessage pa.

Selene : May anak agad!

Napangiti ako sa mensahe ni Selene.

Ako : Oo. Mahabang kwento. I will visit you one day.

Tulog na si Rigo sa kanyang crib, gising pa din ako. Walang sawa akong tumingin sa facebook ng mga kapatid ko, particularly kay Kuya Gilad. Ang dami ko palang nalagpasang event sa buhay nila. Pinagsisihan ko tuloy ang paglayo ko ng matagal.

Nang magsawa ako, naalala ko ang isang bagay.

I went to the search engine of my facebook. Kabado kong tinype ang pangalan nya. Well, susubok lang naman ako. Tiyak na wala namang facebook yon.

Nagulat pa ako sa lumabas na resulta sa search engine.

’Gaelan Blake Ancheta- 4459 Friends ’

Weh? Ganoon kadami ang mga kaibigan nya? Pinakatitigan ko ang profile picture nya. It is like he’s in other country. Nakangiti sya at nakasuot ng gray na turtleneck sweatshirt.

Asan ka na kaya ngayon?

’Add Friend ’

Pagkatapos kong pakatitigan ang litrato nya. Sinubukan kong i-add. Wala kasing makikita sa facebook nya kundi ang profile picture nya. I want to see more of it. Hindi naman siguro nya mamasamain na i-add ko sya. Tutal may pinagsamahan naman kami.

Inantay ko na-i confirm nya ako, pero hindi nya ginawa.

Nawalan tuloy ako ng pag-asa. Pinatay ko na ang lampshade ko at napagdesisyunang matulog na lang ng biglang tumunog ang ipad ko. Nagmadali akong icheck ang notification ko.

’ Gummy Bear is adding you as a friend ’

Gummy Bear? Sino naman kaya ito? Ang profile picture nya ay isang gummy bear candy, kulay rainbow pa.

Nacute-an ako sa profile picture nya kaya inadd ko na lang tapos natulog na ulit ako na hindi pa din ina-add ni Gaelan.

Kabanata 54

Gummy Bear.

Gummy Bear: Hi Beautiful 😍

Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang mensahe sa facebook messenger ko. Madaling araw pa pala ito pinadala. Nag-alala tuloy ako na baka psychopath  ito si Gummy Bear.

Ako: Who are you?

Gummy Bear: Gummy Bear 🐻🐻🐻

Ang bilis namang magreply. Hindi ba sya nakatulog? Hindi ko pinansin ang mensahe nyang yon. Malamang hindi ko sya kilala. Habang nag-aalmulsal ay binalikan ko ang profile ni Gaelan. Nagulat na lang ako at nakakita na ako ng mga litrato nya doon kahit hindi pa nya ako ina-aadd. I think the photos were set to public.

It was taken from a club, may hawak na shot glass si Gaelan sa kanyang kamay at may kuhang litrato kasama ang ilang mga foreigner. Mukhang malamig kung nasaan man sya ngayon. He’s wearing a black winter jacket but he’s all smiles. Yung profile picture naman nya ay naka-turtle neck sya.

Aba mukhang nageenjoy sya kung nasaan sya ha.

Inisa isa ko ang litrato. Mukhang mga kaibigan nya. Napahinto ako sa pag-scroll ng makita ko sa isang litratong may katabing babae na may hawak ding inumin na kagaya nya. Magkatabi sila ni Gaelan sa litrato at nakahawak si Gaelan sa bewang nito. The girl has a black wavy hair, payat ito at matangkad.

“Sus, mas maganda ka pa sa girl.” Napatingin ako sa tabi ko na si Sam. Kumakagat sya ng saging at nakatingin pala sa ipad ko. Huli na para itago kung ano ang pinagmamasdan ko. Namula tuloy ang pisngi ko.

“T-talaga?” Nag-aalangan na tanong ko.

“Aba oo naman. Makikita mo, aayusan kita bago ka pumasok tapos iupload mo din para makita ni Gaelan. Tingnan natin kung hindi sya mag-drool over your gorgeousness.” Buong kumpiyansa nyang sabi.

Bumagsak ang balikat ko.

“Hindi naman nya ako ina-add eh.” Nakapag-upload sya ng litrato pero hindi nya ako ina-add. Galit pa din talaga sya.

“Pakipot talaga yan si Baby Boy, parehas ng isa dyan.” Ani Sam na nagpaparinig na naman kay Kuya Gilad, then Kuya Gilad kissed her on the cheek. I wonder what happened to this two. Hindi pa sila nakakapagkwento ng love story nila. Feeling ko naka-jackpot si Sam dahil matagal na nyang gusto si Kuya kaya lang sa turingan nila ngayon, parang si Kuya Gilad ang masayang masaya.

Nasunod ang gusto ni Sam pagkatapos naming kumain. Sya ang pumili ng isusuot ko ngayong araw. Isang navy blue dress na tinernuhan ng puting blazer at nilagyan pa nya ako ng manipis na make-up. Medyo nailang ako sa itsura, masyado namang takaw-pansin. Normally I just go for slacks and polo blouse, mas madali kasing gumalaw kapag ganon.

“Hindi ba masyadong maigsi ito, Sam?” Tanong ko.

“Ano ka ba? Hindi! May sasakyan ka naman. O dito tayo sa terrace mo, against your glass door. Pipicture-an kita.”

Hinila ako ni Sam papalabas ng terrace ko at sinarhan nga ang aking glass door. She asked me to mimic her pose.

“H-ha? Ganito?” Tanong ko kay Sam na hindi sigurado.

“Tingin ka sa gilid mo, para kunyari stolen. Yan! That’s it!” Ginawa ko ang gusto ng sister in law ko hanggang sa masiyahan sya, sya na din ang nagupload sa facebook ko.

“My God! Ang ganda ganda mo!” Tuwang tuwa si Sam habang ibinabalik sa akin ang ipad ko. Tiningnan ko ang kuha ko doon. Maayos naman. Agad na tumunog ang ipad ko dahil sa isang notification.

❤️ Gummy Bear reacted on your photo.

Aba’t hindi lang like ang ginawa ni Gummy Bear, puso talaga? Sino kaya ito?

Sa mga sumunod na araw, talagang nahumaling na ako sa facebook dahil kay naghahanap ako ng update kay Gaelan, hindi naman ako nabibigo dahil madalas ay meron, naka-public pa. Kaya lang may makulit sa Facebook ko. Kahit hindi ko nirereplyan si Gummy Bear, panay ang padala nya ng mensahe. Nauuna pa syang mag-lagay ng heart sign sa mga litrato ko o di kaya ay kay Rigo. Minsan ay nagcocomment pa sya ng ❤️❤️❤️ na parang nabitin pa sa pagpu-puso nya.

Gummy Bear: Good morning! 😘

Isang ordinaryong araw sa Ahmed Corporate Center ng bigla na namang magmessage si Gummy Bear habang patuloy ang pag-stalk ko sa profile ni Gaelan. Ngayon ay mayroong litrato si Gaelan habang nagjo-jogging at nakasuot ng earphones. Mukhang relax na relax sya ngayon. He must been so stressed the past years, I bet.

Tumunog ulit ang messenger ko.

Gummy Bear: Mas maganda ka pa sa umaga 👍🏻

Napalinga-linga pa ako at tiningnan ang paligid. Hindi kaya stalker itong si Gummy Bear?

Ako: Sino ka ba?

Gummy Bear: 😭😭😭 Nagreply ka 😢😢😢

Ako: Sino ka nga?

Gummy Bear: Im Gummy but you can call me Mine if you want.

Napataas ang aking kilay. Ibang klase naman to si Gummy Bear, masyadong mabilis. Hindi ko na ulit sya pinansin. Bumalik ako sa profile ni Gaelan at nilibang ang aking sarili sa pagtingin sa kanyang litrato.

Ilang beses kong ni-zoom in at ni-zoom out ang picture nya. Kulang nalang mabilang ko ang butil ng pawis sa mukha nya. Namimiss ko na sya. Dati ang lapit lapit nya ngayon ang layo nya na. Parang okay naman sya kapag malayo sya. Hindi nya ba talaga kami namimiss ni Rigo?

Ni-refresh ko ang facebook profile nya at nakita kong may bago syang upload na litrato. Plato na may lamang fried chicken at mashed potato. May caption ito na ’ Dinner. Kain ka na 😊 ’

Ilang linggo na ang nakakaraan ng mapagtanto ko na nasa ibang bansa sya, magkabaliktad ang oras namin eh.

Sino naman kaya ang kinakausap nya? Hindi ko naman alam na ganito pala sya ka-active sa facebook. Bawat pagkilos nya lagi nyang kinukunan ng litrato. Kagaya ng pagkain nya, may litrato pa, ang daming likes at comments kahit wala naman sya doon sa plato.

Kinuha ko ang apple na baon ko. Nauna na namang kumain si Mishel at Kuya Ahmed, dala pa nila si Rigo kaya mag-isa na naman akong kakain. I took a picture of the apple and captioned it ’ Lunch 🍎🍎🍎’

Kinagat ko ang apple at tumunog agad ang notification ko.

Gummy Bear: Bakit yan lang ang kinakain mo? ☹️☹️☹️

Ako: Why so concerned?

May sarkasmo ang reply kong yon pero mukhang sineryoso ni Gummy.

Gummy Bear: Oo naman, Maria. Kain ka ng rice saka ulam 🍖🍖🍖

Ako: Thanks Gummy! Kumain ka na?

Hindi agad nagreply si Gummy Bear, nag-indulge na lang ako sa apple na baon ko habang iniintay ang reply nya.

Gummy Bear: Sorry, kumain lang ako..

May kumatok sa pinto ng opisina at bumungad doon si Agent Neto na parang nahihiya. Umayos ako sa pagkakaupo.

“Agent? Yes?” Pinormalan ko ang aking mukha.

“Young Maiden, lunch po.. Napadami kasi yung order ko kanina.” Aniya. Nilagay ni Agent Neto sa lamesa ko ang isang food box na mayroong rice at steak. Napakagarbo naman kumain ni Agent Neto, may pa-steak steak pa sa tanghali.

“T-thank you..” Sabi ko kahit nag-aalangan.

Hinarap ko muli ang paperworks sa aking lamesa. I am assigned to the construction of new branches of Ahmed. Medyo sumasakit ang ulo ko sa budgeting. Kahit high quality dapat ay makakatipid pa din kami sa cost dahil depreciating asset ang building. Hindi makakadagdag sa kita kung hindi ay isang agaran at malaking gastos.

Gummy Bear: Kumain ka na bukod sa apple? 😊

Napatingin ako sa pagkain sa aking harapan. Kinuha ko yon at binuksan. Ginutom agad ako sa amoy ng char grilled steak. Buti ipinaalala sa akin ni Gummy Bear.

Ako: Eating…

Gummy Bear: Eat well 😘

Napakamaalalahanin naman ni Gummy Bear.. Days went on at naging ganoon ang pangyayari. Dumadami na din ang nagiging friends ko sa facebook at patuloy pa din ako pag-stalk sa profile ni Gaelan na hindi man lang ako ina-add.

Kaya lang ngayon, nalulungkot ako. Kasi nagpost sya ng picture na naglalakad sya sa park. Tapos kasama nya ulit doon sa picture yung babaeng kasama nya sa bar. This time, magka-terno pa sila ng tshirt.  Nasaktan ako. Gabi na pero binalot ako ng lungkot. Hindi tuloy ako nakatulog.

Ilang ulit kong ni-scroll yung Facebook Newsfeed ko pero paulit ulit ko namang nakikita yung litrato. Hanggang sa mapadaan ako sa post ni Gummy Bear. Pinanood ko ang video na ni-share nya tungkol sa isang cute na baby na pinipigilan ang antok. Sinubukan kong i-click ang profile ni Gummy Bear. Try ko naman kaya ang iba ang i-stalk para may pakinabang ang Facebook ko.

I went to Gummy Bear’s timeline. Mostly only shared funny videos at madalas tungkol sa baby. Mahilig ata sya sa bata. No information about him though. At ako lang ang facebook friend nya! Kaya pala ako ang kinukulit eh. Isusuggest ko talaga na mag-add sya ng ibang kaibigan para may makausap sya. Ako kasi hindi ko kailangan ng kausap..

Ngayon lang..

Ako: Gummy bear…

Hindi ko alam kung bakit sya ang naisipan kong imessage. Naramdaman ko kasing mas kailangan kong kumausap ng hindi ko kakilala. Minsan kasi, kung sino pa ang hindi mo kakilala, yun pa ang iintindi sayo, o di kaya may mas magandang ipapayo sayo kasi hindi ka nya kilala, hindi nya kailangang magingat sa sasabihin nya kasi hindi mo naman sya pupwedeng awayin kasi hindi kayo close.

Gummy Bear: First time. Ikaw unang nagmessage.. 🤗

Pero parang weird naman kung mag-oopen up ako kay Gummy Bear.

Ako: Wala lang 🙂 Goodnight.

Gummy Bear: May problema?

I sighed. Nahulaan nya agad? Syempre, maiisip nya yon. Ngayon lang naman ako naunang mag-message sa kanya eh. I decided to tap a reply.

Ako: Wala. Malungkot lang ako.

Gummy Bear: Why?

Ako: Selos :(

Hindi agad nagreply si Gummy Bear, nakaramdam tuloy ako ng pagkapahiya. Akala nya siguro nababaliw na ako o di kaya desperada.

Ako: Ang weird ko! Sorry! Goodnight! Thanks Gummy Bear.

Gummy Bear: Wait..

Hindi ko na sya nireplyan. Bumalik ako sa profile ni Gaelan at pumikitg ng mariin. Sinubukan kong balikan ang post nyang litrato. Pagclick ko nung picture nila nung babae, biglang nawala.

‘Post unavailable’

Ni-refresh ko yung facebook page ni Gaelan pero wala na talaga ang litrato at nakita kong nagpost sya ng status 1 minute ago.

’“Matulog ka na. Mahal ka non.”

Parang may kumurot sa puso ko.

Gusto kong isipin na para sa akin ang post nyang yon pero parang hindi naman. Bakit naman sya magpopost ng ganon?

At saka ito nga oh, ang daming naglike saka nag-comment. Siguro mayroon syang kausap o ka-chat na pinatutungkulan nya ng post nya. Close siguro sila non. Napupuyat siguro sya habang kausap yon. Samantalang ako…

“Matulog ka na. Mahal ka non.”

Binasa ko na lang ulit ang post nya. Iniisip ko na mahal pa din ako ng iniisip ko.

With that thought, I fell asleep.

I woke up feeling light. Nagising ako sa pagyakap sa akin ni Rigo tapos kinakagat nya ang pisngi ko. Nag-ngingipin na kasi sya.

“Good morning Baby! Inaantay mo akong magising?” I asked. Tumawa si Rigo. Kinuha ko ang ipad ko at agad kaming nagpicture. I post it right away captioned as ‘Good Morning from the Florescas 👩🏻👶🏻’

Agad na tumunog ang notification ko sa ipad. Alam ko na agad kung sino yon.

❤️ Gummy Bear Reacted on your photo

Gummy Bear Commented on your photo ‘Kulang ng Daddy 👪’

Feeling close talaga to si Gummy Bear. I ignored the comment and prepared a milk for Rigo. Nilagay ko muna sya sa crib nya. Kadalasan ay nakakalimutan ko na syang ilagay sa crib nya dahil nakakatuwa syang katabi. Behave sya at hindi madalas manggising.

Tumunog muli ang notification ng ipad ko. I checked it and I saw Francis commented. Isa sa kaklase ko sa Keio.

Francis Guerrero: Ganda ni Mommy 😛

Napangiti ako. Tumunog muli ang ipad ko at nakitang magcomment muli si Gummy Bear. It is a reply comment to Francis.

Gummy Bear: 😠😠😠😡😡😡

Ano ba itong si Gummy Bear? Mang-aaway pa ata. I deleted his reply before Francis can view it.

Tumunog naman ang messenger ko.

Francis Guerrero: Did you report my comment? Did I offend you? Sorry 😩😩😩

Ako: What? I did not…

Binalikan ko ang comment box at wala na din doon ang comment ni Francis. What is happening?

Ako: Facebook glitch maybe. Good morning Francis! 😉

Naghanda na ako pagpasok sa opisina. Ngayon ay naiiwan ko na si Rigo sa bahay kahit papaano. Si Mishel pa din ang tumitingin sa kanya kaya lang noong nagsimula ang pasukan, madalas na syang wala sa mansyon. Daddy assigned a Yaya and a nurse for Rigo. Nakakatuwa. Namiss ata ni Mommy at Daddy ang may Baby sa bahay kasi kung ano ano ang binibigay kay Rigo.

And yes, this is one of the days that I have to leave him at home. 80% na kasi ang construction project namin, next month I will start talking to suppliers for the actual construction. Inihahanda ko na ang sarili ko sa stress.

Tuwing umaga ay nasa opisina ako at kapag sa gabi naman ay nagtutungo ako sa coffee shop para magbasa ng libro. I am so exhausted and I think I need this to keep me going. Ipinagpapasalamat ko nga na dumating si Rigo sa akin, kahit papaano ay nalilibang ako. Naiinggit nga lang ako kasi minsan gusto ko ding maging Baby.

Habang nagbabasa ako, tumunog na naman ang ipad ko, hindi ko sana papansinin kasi si Gummy Bear na naman yan. Kaya lang wala syang tigil sa pagtunog.

Ako: Yes?

Masungit na reply ko sa mensahe ni Gummy Bear. Napatingin ako sa orasan ko at saka ko lang napansin that I stayed in the coffee shop and it is almost midnight! Kawawa naman si Agent Neto sa labas ng coffee shop.

Gummy Bear: Can’t sleep :(

Ako: Bakit naman? Matulog ka na, mahal ka non.

Naalala ko naman bigla ang post ni Gaelan, effective yun eh, nakatulog ako.

Gummy Bear: TALAGA!!! Alright. Goodnight!

Natawa ako at inayos na ang libro na nasa harapan ko.

Gummy Bear: I still can’t sleep.

Ako: Why?

Gummy Bear: Jetlag.

Doon ko napagtanto na nasa ibang bansa pala sya nung kausap ko sya dati. Eh bakit kung makaasta sya para kaming parehas ng oras.

Niloloko naman ata ako nito eh.

Kabanata 55.1

What.

Dahil nagdududa ako sa katauhan ni Gummy Bear, hindi ko na sya kinakausap. Tapos nalulungkot ako kasi si Gaelan hindi na nagfe-facebook, wala na tuloy akong ma-stalk.

“Ria to earth, hello?” Kumaway sa akin si Kuya Ahmed. Tiningnan ko sya at medyo nagulat pa ako. Napailing sya na parang natatawa.

“Sorry  Kuya..” I apologized. Hindi ko alam .  Isang linggo na kasi akong walang balita kay Gaelan kaya feeling ko nawawalan ako ng energy. Tinatamad na akong magtrabaho. Gusto ko na  lang sa bahay tapos magbe-bake na lang ulit ako.

“Ria, bawal mag-hang. Final stage na tayo ng business plan. We have to finish our malls in one year, otherwise maapektuhan ng husto ang conglomerate.” Paliwanag sa akin ni Kuya. I sighed.  Alam ko naman yon, kaya lang anong magagawa ko?

Nagpamewang si Kuya at tumayo sa harapan ko, “Okay, ganito na  lang. Take a day off. You’re maybe exhausted. But I expect you to be hands-on on the day of the construction  okay? I will check the quality while you will stay close with our suppliers. Nakausap mo na ba ang Valdemar o ang Armstrong? Well, yung Valdemar kasi focuses on townhouses now, ang Nemesis and ASM naman are exclusive to Jacinto’s Malls. My pick is Armstrong. I’ve spoke with Marga, their VP Sales and she said she will be sending the quotation today so review it tomorrow,  rest for a while. Relax, Princess..” Mahinahong sabi sa akin ni Kuya.

Hindi naman kasi ako masyadong stress eh. Baka matawa lang si Kuya kapag sinabi ko ang dahilan ng pag-e-space out ko. I glimpsed on my ipad again. Wala pa ding post si Gaelan. Si Gummy Bear, himala at hindi naman ako kinukulit ngayon. Nagsawa na siguro.

Sinunod ko ang payo ni Kuya. I think I need to get sleep. Kakaabang ng post ni Gaelan, para akong fangirl nya na napupuyat sa wala. Gusto ko lang naman kasing malaman kung kumusta na sya pero hindi naman nya ako ina-add sa facebook nya.

Pagdating ko naman sa bahay, wala si Rigo, isinama daw ni Mommy at Daddy sa golf course. Wala tuloy akong mapaglibangan.  Binuksan ko muli ang laptop ko at tiningnan ang sinasabing email ni Kuya mula sa Armstrong.

I scanned through the prices and noticed one thing.

Mahal.

Ganito ba ang presyo ng semento at bakal? Siguro kung makakadiscount kami ng kahit 25% pa, malaki ang matitipid namin.

Humingi ako ng tulong kay Selene ng hindi ko mapalagay. Ipinasa nya ako sa kanilang staff para bigyan ako ng presyo ng bawat materyales.  I compared the prices of Armstrong from the cost at nakita kong sobrang laki ng deprensya.

“Grabe Selene! Ang laki ng tubo nung kukuning kumpanya ni Kuya. Sana ay kayo na lang!” Reklamo ko sa telepono habang nakahiga sa aking kama. Sumakit na kasi ang mata ko sa kakatingin ng napakahabang listahan ng mga materyales na kakailanganin.

“Hindi na tumatanggap ng malls si Daddy. Masakit nga daw sa ulo dahil mahigpit sa deadline at napakadaming requirements. Feeling ni Daddy nalulugi sya sa back jobs dahil sa specifications ng arkitekto na hindi sang-ayon sa engineer.”

“Ganoon ba?” Ngumuso ako at tiningnan muli ang papel na hawak. “Imagine, isang bag ng semento doon sa kukuning contractor namin ay 240 pesos, samantalang ang cost lang pala nito ay 110 pesos. Imagine kung ilang bags ang kakailanganin namin. We are not talking about one piece of cement bag Selene, Milyong bag ng semento para sa limang malls na sabay sabay itatayo. And not only that, mayroon pang steel–” Naghuhurumentado na ako dahil sa laki ng gastusin. Bago sa akin ang lahat ng ito. Nakikita ko lang kasi ang finish product at hindi ko akalain na ganito pala kalaki.

“Ria, you may ask for a discount.” Suhestyon ni Selene.

“Bukas nga ay makikipag-usap ako kay Marga, Yun ang contact ni Kuya. Dapat ay discounted na ito.”

“For sure it is discounted, hindi ka lang sanay sa presyuhan. Dapat pala ay hindi ko na lang binigay sayo ang at cost ng mga materyales, hindi ka tuloy mapalagay ngayon. Kailan ka ba pupunta dito?” Pag-iiba ni Selene sa usapan.

Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Selene. Nasa ibang yugto na naman sya ng buhay nya dahil bumalik daw sya sa kanyang asawa. Well kailangan ko sigurong dalawin si Selene dahil kung nananakit ang asawa nyang yon, he should know that Selene has a friend, hindi na ako makakapayag na saktan ng ganoon si Selene. However, I respect her decision if she really loves her husband.

“Hello, Marga?” Sambit ko sa kabilang linya. ng papagabi na. Kanina pa ako sumusubok na tumawag sa Armstrong at laging busy ang kanilang linya.

“Yes, Miss Floresca?”

“I want to ask if your quotation is already the best price that you could give us? Sa inyo din naman kami kukuha ng gagawa. I mean, from the scratch we will build a mall at sa inyo kukuhanin lahat. Wala bang discount pa?” 

“Naku, Miss Floresca, that is way lower than the prevailing market rates but I can present tomorrow some freebies that we can negotiate on. Sa presyo ng materyales, iyan na talaga.”

I mentally rolled my eyes. Yes, lower than the prevailing market pero pupwede pa namang ibaba sana. Napabuga ako ng hangin.

“Okay, I will see  you tomorrow. Your office or mine?” I asked.

“Is it okay if we will meet in  Armstrong, Miss Floresca.? I have a very tight schedule tomorrow and my only available time is after lunch. I will just make it super quick lang.  But if not, I can meet you in Ahmed on Saturday.” Tiningnan ko ang aking digital calendar sa side table ng aking kwarto. It is Rigo’s vaccination.

“Okay, let’s meet in Armstrong tomorrow, Marga. Thank you!”

Kinabukasan, kahit tanghali pa ang meeting ko kay Marga, maaga na akong naghanda. Napakalayo ng Ahmed sa Armstrong. I need to be in Ahmed to sign some checks then pupunta na ako ng Armstrong. I have to do it early. Kahit tulog pa si Rigo ay kailangan ko ng umalis, mabuti na lang at may sarili na syang nursery room kaya hindi na sya maabala tuwing maaga ako. I kissed him on the cheek before I rushed down in the stairs.

“Ria, kain muna.” I heard Kuya Gilad from the dining table. Katabi nya si Sam at kumakain silang dalawa. Sam smiled and gave an okay sign. I looked at my dress, it is just a black skater skirt and white longsleeves. Ipinusod ko ang ngayon ay mahabang buhok ko at naglagay ng manipis na makeup.

“Hindi na, Kuya.  I need to rush!” I kissed him on the cheek and Sam tapos tumakbo na ako patungo sa main door.

Ipinag-drive thru ako ni Agent Neto sa Starbucks ng Hot Chocolate at French toast. Maybe he can sense that I haven’t eaten yet. Sinasabi ko na nga ba’t maalalahanin itong si Agent Neto. I think it was a good idea dahil sinalubong agad namin ang traffic. Habang kumakain ay naglilibang ako sa news channel dito sa sasakyan.

“Finally!” I said ng makarating na kami sa Ahmed. Kahit hindi masyadong malayo ay trapik pa din. “Hi Manong!” Kumaway ako sa gwardiya sa aming lobby. The guard smiled back.

“Ang aga ni Ma’am!” Puna nya pa sa akin.

Isang mabilis na pagpirma ng mga checks ang ginawa ko. The wall clock said it is 10am. Ganoon lang yon? Wala pa akong masyadong nagagawa at kailangan ko ulit umalis.

“O? Aalis ka na?“Nagulat pa si  Kuya Ahmed ng nagmamadali akong lumabas ng office namin. I nodded.

“Yes, meeting in Armstrong.” I said. Kumunot ang noo nya. 

“Sino ang kausap mo?”

“Marga. Di ba sabi mo ireview ko ang quote? Nagawa ko na kagabi and I have questions so we decided to meet.”

“Ohhh, okayyy..” Tiningnan ako ni Kuya na parang naguguluhan pa din. I just smiled.

Kinakabahan siguro sya dahil ito ang kauna-unahang external meeting ko. I never met any of our suppliers, laging mga empleyado lang namin dito ang ka-meeting ko.

“Agent Neto, Armstrong tayo..” I said as I sat comfortably at the back. Kumunot ang noo ni Agent Neto.

“Bakit po?” He asked. It is my time to crease my forehead. He never asked why, he always say okay.

“Business Meeting.” Tipid na sagot ko. Nawala naman ang pagkunot nya saka tumango tango.

“Okay, I understand.” He said. Maybe another safety protocol. May history ba ng terrorist attack sa Armstrong kaya ganoon ang mga reaksyon nila?

Saktong dalawang oras ang inabot ng aming byahe. The traffic is getting worst. Buti na  lang ay nakatulog ako ng kaunti. I’ll take my lunch after my meeting. 12:30 pa lang ay napagpasyahan ko ng sumulong sa loob ng Armstrong.

Napabilib agad ako sa kanilang opisina. Ang ganda ng mga kulay na ginamit sa lobby pa lang.  Lumapit ako sa front desk para hanapin si Marga pagkatapos ay binusog muli ang aking mga mata sa  pulang walls at wood carvings ng lobby. The furniture are all made of steel. Impressive. Kaya siguro ito ang gustong contractor ni Kuya Ahmed.

Pati ang sofa ay expensive leather. Sa Italy lang ako nakakita ng ganitong materyales. Dinama pa iyong ng kamay ko at pasimpleng pinuri ang mga gamit.

“Miss Floresca, may I assist you?” Sabi sa akin ng receptionist.

Tumayo agad ako mula sa pagkakaupo “Yes please.”

Naglakad kami sa malawak na lobby patungo sa siyam na pintong elevator. The scent of fresh lavender welcomed my nose. Nagtungo kami sa  nakahiwalay na elevator door, hindi gawa sa metal ang pinto kundi gawa sa kahoy, aakalain mong parte pa din ito ng disenyo ng kanilang pader.

Ting!

Tuamlima agad ako ng bumukas ang pinto. Isang button lang ang mayroon sa loob. Nilahad ng receptionist ang kanyang kamay at pinapasok ako sa loob. Inantay ko syang pumasok pero papasara na ang pinto at hindi na sya kumilos.

I pressed the hold button “Hindi ka sasama?” I asked. Ngumiti ang receptionist at umiling.

“We are not allowed to go upstairs Ma’am.” magalang na sagot nito. Tumango lamang ako at inantay na magsara ang pinto.

Bumukas muli ang elevator pagkatapos ng napakahabang pag-akyat. I am not even sure which floor I am.  Huminga muna ako ng malalim bago humakbang. 

Another scent welcomed my nose, and it is somehow, familiar.

Not a scent of a flower but a wood. A fragrant manly scent of a wood.

“Good Afternoon, Miss Floresca. You are early.” Halos mapatalon pa ako sa boses ng nagsalita, nagmula ito sa  isang parte ng kwarto at naglakad patungo sa malapad na office table. 

Hindi ako agad makapagsalita sa sobrang gulat at halos kapusin pa ng hininga!

Gaelan is there. Staring at me blankly. 

 And why does he looks so dashing in his three piece suit? Isang longsleeves na navy blue ang kanyang pang-ilalaim at slim cut ang kanyang slacks.  Tumaas ang kanyang kilay ng hindi ako nagsalita kaagad.

“I-iam l-looking for M-marga.” C’mon Maria, do not stutter!

Tumaas ang kilay ni Gaelan at kalmadong umupo sa malapad na swivel chair. Pinatong nya ang kanyang siko sa armrest at nilagay ang kanyang dalawang daliri sa kanyang baba.

“Marga said you are here to negotiate about the price? Might as well talk to the owner.” He said without any recognition in his voice. Ramdam ko ang panlalamig sa kanyang boses.

He’s the owner of all these?

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang panginginig ng tuhod. Hindi nya dapat mahalata na gulat na gulat akong makaharap sya ngayon. At hindi nya dapat malaman na gustong gusto kong–

Makita sya..

I missed him.

“Ahm, yes.” Kinuha ko sa bulsa ng bag ko ang aking USB, nandoon ang quotation ni Marga at ang proposed pricing ko kahit hindi ko tiyak kung tama ba na ganoon ang ginawa ko.

Nilagay ni Gaelan ang aking USB sa kanyang laptop at nagtipa ng ilang beses bago muling sumandal sa kanyang swivel chair at kunot noong tiningnan ang file. Nilingon nya ako ng may nanunuyang mata pagkatapos ng ilang minuto.

“You are kidding right?” He asked. Mabilis akong umiling, nanatili pa din akong nakatayo sa kanyang harapan.

“From 240, you want us to lower down the price to 130?”

I eagerly nodded again.

“And why would we do that?” He asked.

“Because your cost in every bag of cement is just 110.” I pointed out. “Volume naman ang aming kukunin–”

“Miss Floresca, what about our mobilization? The delivery of these to your site, trucks, gasoline, manpower, food for my crew.. Pagkakasyahin mo ang lahat ng iyon sa bente pesos kada bag ng semento?” He curiously asked. 

I stiffened.

Para namang may isang bola ng common sense ang tumama sa akin, napiahiya ako. Nanliit ako tuloy at gusto ko na lang kainin ng lupa.

I was not able to think about that! Saan nga ba lumipad ang utak ko?

“You have to revise your file or find someone who can work on this pricing.”

“S-sandali, how about the others?” I asked ng akmang tatanggalin na nya ang USB sa kanyang laptop.

“Do I have to say that your file is a trash? Hindi ko na kailangang tingnan ang lahat.” Malamig na sabi nya. Napalabi ako at naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

No, Ria… Not now. Save your tears later.

“Ang sungit sungit mo naman!” I yelled kasabay non ang pagtunog ng aking tyan. Gaelan’s wall clock said it is past 1PM. Mas lalong namula ang aking pisngi. Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha.

I am mentally tired thinking about my job and this guy in front of me tapos puro pagsusungit lang pala ang aabutin ko.

Tumalikod na ako at sinubukan pindutin ang elevator button pero hindi nagbukas iyon. Inulit ulit ko pa pero ayaw pa din. Natuyuan na ako ng luha at ibinaling ang atensyon ko sa elevator.

“Nandito ang control nyan.” I heard Gaelan said pero hindi ko na sya nilingon.

“Eh di pindutin mo ng makababa na ako. Maghahanap pa ako ng hardware na tatanggap ng proposal ko.” Pinilit kong patatagin ang boses ko.

Inantay kong buksan nya ang kanyang elevator door pero hindi yon bumukas hanggang sa maramdaman ko na lang na nakatayo na si Gaelan sa aking likod at sya na mismo ang nagpindot ng elevator button, this time it opened.

Nagmartsa ako papasok, nagulat na lang ako na pumasok din sya. May distansya sa aming pagitan but still, I think this is suffocating. I hate the feeling.

Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pinto sa lobby, nauna akong maglakad papalabas ng elevator and all eyes on me now. No, all eyes on Gaelan, parang manghang mangha pa ang mga tao na makita sya. 

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Agent Neto para magpakuha na sa entrance ng Armstrong ngunit bigla na lang nawala sa kamay ko ang aking cellphone.

“Let’s eat lunch, pumayat ka. Sinabi ng wag nagpapagutom.” He said without any humor on his face. 

What’s with this guy?

Kabanata 55.2

Sleepy

.

“Ayaw kitang kasabay..” Bulong ko ng may diin habang sabay kaming naglalakad. Halo halong gutom, pagkapahiya saka sakit ng ulo ang dahilan.

Hindi lang ako makalayo dahil hawak nya ang cellphone ko, God, he shouldn’t see the photos I grabbed from his facebook account.

“Come on, masyado kang pikon. Ganyan ka ba makipag-usap sa mga suppliers mo?”

“Im not pikon.” I defended myself. Pilit kong pinakalma ang aking sarili. “I-im hungry…” I muttered.

Lumipad ang tingin ni Gaelan sa itaas ng kanilang kisame. Tumingin din ako don pagkatapos ay binalik ko ang tingin ko sa kanya na nanliliit na ang mata sa akin.

“That is why I am asking you to eat, right?”

“Well not with you.” Umirap ako, he seemed offended kaya tumuwid ako sa pagkakatayo. Silenty reminding myself to be nice.

Well, Ria, newsflash, hindi ka pa nag-aapologize sa kanya at nagpapasalamat ng maayos.

“O-okay, let’s just eat. Im hungry.” Ulit ko.

Sumabay ako sa kanyang paglalakad. His employees were greeting him cheerfully. Wala syang pinapansin na kahit sino. Hanggang sa di ako makatiis kinalabit ko na sya. Nilingon nya ako ng may nakataas nakilay.

“Bakit hindi ka namamansin?” I asked. Nagkaroon ng wrinkles sa noo nya. “Your people, at least give them the courtesy and say ‘hi’”

“Are you are being friendly while I am away?” Naghahamon nyang tanong. Ano kaya ag pinagsasasabi nya?

“I am friendly.” Sagot ko.

“You are not. Tsk. Or if you are, you shouldn’t.” masungit na sabi nya.

“Just say ’ Hi! ’” I insisted. Dapat ganoon ang pakikitungo sa mga employees para hindi sila aalis sayo.

“Tss, Hi.” Walang ganang sabi nya doon sa nag-good afternoon sa kanya tapos halos mahimatay yung grupo ng mga babaeng pinansin nya. That’s weird, kaya siguro ayaw nyang mamansin. Hindi naman nahihimatay yung mga binabati ko doon sa opisina namin.

Umabot na  kami sa labas ng kanilang building, sa tabi non ay mayroong dalawang restaurant, isang Persian at isang American, ako ang pinapili nya. Nang hindi ako sumagot agad, tinanong nya pa kung may gusto akong iba. Of course I don’t want to demand anything kaya pumili na ako ng isa.

“Tuscan Salad.” Sabi ko bago isaoli ang menu doon sa waitress dito sa American Restaurant na napili namin. Inantay naman ng waitress ang order ni Gaelan na tutok pa din ang mata sa menu.

“I will have a cream of mushroom soup, roast chicken with mashed potato, spicy aglio olio, pan fried salmon, angus beef cheeseburger, extra rice and lava cake for dessert.” Inisa isa ni Gaelan ang kanyang gusto.

Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay. Hindi naman sya masyadong gutom? Buti na  lang at nakatingin sya doon sa menu, hindi nya nakita ang pagtaas ko ng kilay. Hindi na ako magiging bad sa kanya kasi ako naman ang may kasalanan kung bakit sya nagkaganyan.

Nang dumating na ang order namin, sinimulan ko na ang salad. Abala naman si  Gaelan sa pagsasalin sa plato ng pagkain nya. Nagkamali ako, para pala sa akin ang sinasandok nya nang itinulak nya sa akin ang platong may laman na tig kakalahating serving ng mga inorder nya.

“Eat. You cannot work well if you are hungry.” Seryosong wika nya.

“I cannot be full because I will be sleepy.” Pagrarason ko pero hindi naman aka galit, sinasabi ko lang.

“Then sleep.” Suhestyon nya na parang napakasimple iyong gawin.

Ngumuso ako at sinimulan ang pagkain doon sa ibinigay nya. Dahan dahan kong inubos ang pagkain. Gusto ko ngang madaliin pero parang hindi naman nagmamadali si Gaelan. Wala naman na akong meeting pagkatapos nito kaya hinintay ko na lang na mabusog ako paunti-unti.

“A-ahm, Mr.  Ancheta..” I called him. Nakahalukipkip sya pagkatapos ay nagtaas sa akin ng kilay.

“S-sorry kasi galit ako kanina. Gutom lang ako.” Nahihiya kong sabi habang pinaglalaruan ang pagkain sa aking harapan. He sighed.

“You don’t talk to your suppliers like that.” Seryoso sya. Gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. May point naman sya, paano kung si Marga yung kausap ko? Sisigawan ko din si Marga kasi nakakatawa yung quotation ko? Im so bad.

“But you called my quotation as a trash.. Nakakaoffend.” I admitted.

“Miss Floresca, mas madami pang mas harsh kaysa sa akin. I was just testing how you would react and obviously you cannot handle harsh people.” Aniya.

“Sorry na talaga, Mr. Ancheta.” Pakiusap ko. “I-I will just start to find another contractor–”

“No, I will give you discount, meet me tomorrow.” Putol nya sa akin. Pagkakataon ko naman para magulat. He cleared his throat. Tiningnan ko sya ng nagtataka.

“Hindi kasing baba ng nasa proposal mo. You know, we have to pay our people. We don’t exist to fund your business Miss Floresca–”

“Sorry na, I understand. Mali ang costing ko na yon. I was just tired last night.”

Tumahimik naman si Gaelan at pinakatitigan ako, nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mata pagkatapos bumuntong hininga sya. Yung tingin nya tuwing naawa sya. Kaya lang, bakit naman sya maaawa?

“Bakit ba ikaw ang gumagawa ng  lahat ng yan? Asan ang mga kapatid mo?” He looks really concerned now. I tried to be confident even though I admit that I am rattled and nervous, I know I am not good at this. I took up crash course in business when I was in Venice, I have modules and that’s it. Mas nag focus ako sa pagluluto noon dahil gusto kong magrelax. Hindi din naman ako ni-pressure nila Daddy noon. Kaya lang ngayon ay kailangan ko na ding magtrabaho, kailangan kong gawin ang aking parte..

“Ako ang naka-assign sa costing. What time shall we meet tomorrow?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Anong oras ka pumapasok?” Balik-tanong nya.

“As early as 9AM.” I took the folded napkin and wiped my lips, bawat pagkilos ko ay nakatingin lang si Gaelan na parang mayroong naglalarong..

Ngiti?

Tinagilid ko ang aking ulo, namamalikmata lang ako. Why would he smile while looking at my lips?

“9AM then.” He said, this time he’s touching his lips.

“H-hanggang anong oras?” I made a mental note na bawal akong ma-late.

“Hindi pa nga nagaganap ang meeting excited ka ng matapos.” Pagsusungit nya, alanganin akong ngumiti at pinalambot ang aura.

“H-hindi naman, kasi may meeting pa ako sa ibang supplier.” Pagsasabi ko ng totoo.

“Supplier ng ano?” Parang nagulat pa sya. Syempre, Gaelan, madaming suppliers ang kailangan sa construction ng aming malls. Hindi lang ang istruktura kundi ang mga pasilidad sa loob.

“Fiberglass furniture–” I said.

“Mayroon ako non.” Mabilis na sagot nya.

“Really?”

He nodded. Sunod-sunod pa nga.

“And I need to talk to the supplier of the escalator–” Naalala ko muli, yon ang schedule ko sa hapon.

“I also have that.” He answered.

“Elevators—”

“We also have.”

“Lights–” My mind automatically scanned the floor plan and what we will need. Hinahamon ko ang tayog ng kanyang negosyo but it seems like they have everything. Masyado palang asensado ang kanilang negosyo.

“Lalo na yan.”

“Lahat meron kayo?”

“I can be a fcking ice cream man if you like.”

Napalunok ako dahil sa kanyang sinabi. “W-wag kang nagmumura, b-bad yon.” Tangi kong nasabi.

Para akong kinakapos ng hininga nang tumagal kaming magkasama. Gustong gusto ko syang kausapin kaya lang parang ang layo na nya. Tapos may picture pa syang may kasamang babae kung saan man sya nagpicture noon, maybe he met someone abroad. Siguro girlfriend na niya ngayon. Lagi naman syang may girlfriend. Ang malala hindi na naman kami nag-break. Nung nasa Sta. Monica kami sabi nya girlfriend nya ako, tapos ngayon wala ng pag-uusap tungkol doon, parang hindi yon nangyari.

How about Rigo? Hindi nya din ba kukumustahin? Hindi na sya interesado?

Parang may bumara sa aking lalamunan, nasasaktan ako para kay Rigo kapag hindi na sya love ni Tatay. Mabilis akong nalungkot.

“Mr. Ancheta, shall we split the bill in half?” Tanong ko ng maubos ko na ang kinakain ko, I don’t want to be emotional while we are together. Umiling sya at tinawag ang waiter para iabot ang gold card nya. Nanatili lang ang mga mata ko sa kanyang ginagawa.

“Thank you. I texted Agent Neto, susunduin nya ako–”

Hindi pa ako natatapos ng sasabihin biglang nag-ring ang cellphone nya. He raised his index finger na parang pinag-iintay ako.

“Hello Bridgette? Yes. Still at work. You coming by?” Sabi pa nito. Nasaktan naman ako. Syempre, may kausap syang babae sa harap ko. Binitbit nya siguro dito sa Pilipinas ang girlfriend nyang si Bridgette.

Tumayo na ako dahil hindi ko na kaya ang sakit ng puso. Hindi ko na sya tiningnan. Bastos na kung bastos, bukas na lang ako mag-so-sorry. My concern is my heart, mahirap kayang kalabanin ang sakit sa puso!

Lumabas ako ng restaurant pagkatapos naglakad ako patungo sa harapan ng Armstrong, doon ko kasi sinabing kuhanin ako ni Agent Neto. Kaya lang pagtayo ko doon, wala pa siya.

“Bakit ka umalis?” Hinihingal pa si Gaelan ng hawakan ako sa braso. Nandito sya agad?

“M-may kausap ka pa eh. Ayaw kong maabala ka.” I said. Napailing sya at hinila ako sa braso.

“Ihahatid na kita.” He voice softened.

Ngayon ay ihahatid mo na ako, Gaelan? Hindi ba pupunta dito si Bridgette ha? Gusto kong tanungin.

“Hindi na, may sasakyan ako.” I declined said kasabay ng pagtunog ng cellphone ko dahil sa isang mensahe.

Agent Neto: Young Maiden, nagpapalit ako ng gulong. Akala ko mamaya ka pa matatapos sa meeting mo. Dalawang oras pa ito.

I almost rolled my eyes. Nanatili lang si Gaelan sa tabi ko at nakapamulsa.

“Ano? Asan na yung bodyguard mo?” He asked. Masama ko syang tiningnan but then I realized hindi naman nya kasalanan kung nasira ang gulong ng sasakyan ko.

“Pinapaayos pa ni Agent Neto, after two hours pa daw.”

“So? You have two choices. You can go up in my office and wait for Brax there or ihahatid na kita.”

The kind of good choices he has.

“Dito na lang ako mag-iintay a lobby.” I chose instead. Lumabi si Gaelan.

“Dalawang oras, by then nakauwi ka na sana sa bahay nyo–” Pilit nya akong pinag-iisip.

“Ayokong makaabala.”

“Papauwi na ako.” He answered.

So magkikita sila ni Bridgette sa bahay nila? Ganoon?

Pagkalipas ng ilang sandali, natagpuan ko na lang ang sarili sa sasakyan ni Gaelan. Nagpanggap akong abalang nag-oobserba ng paligid. Pinanood ang traffic, natulala sa MRT o di kaya ang mga nagtitinda ng mineral water sa kalsada na nakikipag-patintero sa malalaking bus. Hindi naman ako pinilit ni Gaelan na magsalita kaya nakuha ko ang gusto kong katahimikan.

Hindi ko namalayan na nakarating na kami agad sa mansyon ng pumarada si Gaelan, parang napakabilis ng aming naging byahe.

“Salamat.” Sabi ko bago bumaba. Pinakatitigan ako ni Gaelan na parang may sasabihin.

“Andyan ba si Rigo?” He asked. Bahagyang bumangon ang tuwa sa akin dahil kahit papaano naalala naman pala nya si Rigo, nanghinayang din kasi wala naman si Rigo dito.

“Wala, kasama nila Daddy na naglaro ng golf. May ngipin na sya saka dumadapa na..” Pagmamalaki ko. Napangiti si Gaelan sa aking kwento. “K-kaya lang, patay na si Mang Chuck. So we are processing his papers to be a Floresca.”

Umawang ang labi ni Gaelan na parang may sasabihin pero hindi naman nya itinuloy. Maybe he’s sad that Mang Chuck is dead which makes Rigo an orphan. Hindi naman nya na kailangang isipin yon dahil hindi sya pababayaan ng aming pamilya.

“Sandali..” Gaelan said. Bumaba sya ng kanyang sasakyan at may kinuha doon.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at mayroon syang malaking plastic bag na hawak. “Pinamili ko para kay Rigo. I know you can buy him a lot of toys but–”

“Matutuwa si Rigo dito, matutuwa sya dahil naalala mo sya.. Salamat Mr. Ancheta.” Kinuha ko agad ang plastic bag at bumaba na ako ng sasakyan.

“Thanks again.” I waved at him bago ako pumasok sa loob ng mansyon, hindi ko na inantay na makaalis sya. I am a bit bitter because he will be with Bridgette after this.

Pagkadating ko ay wala pa ang mga tao kaya dinala ko muna sa kwarto ko ang mga regalo ni Gaelan para kay Rigo. I took a quick shower at habang nagpapatuyo ng buhok, kinuha ko ang ipad ko para tingnan ang Facebook ni Gaelan.

Natuwa pa ako ng makitang mayroon syang update doon ngayon. I am always intrigued with his post, kahit pala nagkita na kaming muli, hindi pa din magbabago ang pakiramdam.

Galean Blake Ancheta is feeling happy :)

Napasimangot ako ng mabasa ko iyon. Siguro nakauwi na sya at kasama nya si Bridgette. Titigilan ko na sana ang pagfe-facebook ng sumagi sa isip ko si Gummy Bear. Kamusta na kaya yon? Dati ay lagi syang nangungulit. Ngayon ay parang naglaho na. Busy kaya sya? Kung nandito sya ngayon sa Pilipinas, baka OFW sya at nakabakasyon.

Maybe he’s busy with his family and friends?

Ako: Hi..

Di ko napigilan ang sarili kong magsend ng message kay Gummy Bear. Tingin ko ay kailangan ko ng kausap. Tumunog agad ang ipad ko dahil sa isang reply.

Gummy Bear: Himala :)

Ako: Hindi ka busy?

Gummy Bear: Para sayo? Hindi 😘

Palikero masyado si Gummy Bear. Siguro madami syang nabobola sa facebook. Kaya lang mukhang hanggang ngayon ay ako pa din ang friend nya.

Ako: Nasa Pilipinas ka pa?

Gummy Bear: Oo..

Ako: Kailan ang alis mo?

Gummy Bear: Hindi na ako aalis. Magpapakasal na ako eh..🙇👰🏻

It is a revelation though. Akala ko ay single si Gummy Bear at walang magawa sa kanyang buhay.

Ako: May girlfriend ka pala. Okay sige hindi na ako magmemessage, baka magalit ang girlfriend mo.

Ibinaba ko ang ipad ko at hinilot ang sentido. Nakakainip naman. Humiga ako sa aking kama at niyakap ang teddy bear ko na binigay noon ni Kuya Gilad. Dati ito ang paborito kong laruan but now when you get occupied, ang mahahalagang bagay sayo ay matatabunan ng mas mahahalaga pa. Now I have to take care of Rigo, my family and our business. Hindi na umiikot ang mundo ko sa apat na sulok ng aking kwarto at mga gamit na napapaloob dito para mapaglibangan. Kinuha ko muli ang ipad ko at kumuha ng litrato kasama ang teddy bear ko.

Okay, spell boredom.

I posted it in facebook and captioned it with a smiley sign.

Biglang tumunog ang ipad ko dahil sa notification.

❤️ Gummy Bear reacted on your photo.

He afterwards commented

Gummy Bear: ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Napakunot ang noo ko. Is he flirting with me? Nagpunta ako muli sa messenger para kausapin sya.

Ako: Gummy Bear, do not flirt with me. Baka magalit ang girlfriend mo dahil may pa-puso puso ka pa sa pictures ko.

Gummy Bear: I can’t help it. Tumitibok ang puso ko pag nakikita kita eh 😍😍😍

Gummy Bear is so weird.

Ako: Alam mo bang masama na pinagseselos ang babae?

Gummy Bear: Why? Feeling jealous right now?

Ako: A bit..

Gummy Bear: Kanino naman?

Ako: Ewan ko. Hindi ko kilala.

Gummy Bear: Alam mo Maria, ang selos ginagawa lang yan ng guni-guni mo. For sure mahal na mahal ka non, kung sino man ang iniisip mo :)

Ako: I don’t think so. He changed. He’s coldddddd…. Masungit! Tapos hindi na nya ako pinapansin. Tapos may tumatawag pa sa kanyang babae!

Gummy Bear: Ramdam ko ang galit mo ah. Siguro ang cute cute mo ngayon

Ako: I am not.

Gummy Bear: Ikaw naman, baka naman pinsan nya lang yung babae.

Ako: And he posted that he’s happy right now. Maybe he’s with her!

Gummy Bear: If the girl is he’s cousin, maybe they are really together in one roof and there’s nothing wrong, right?

Ako: I don’t know. Im jealous..

Hindi nakakatulong ang pakikipag-usap kay Gummy Bear! Naalala ko na naman si Gaelan at nakakaramdam na naman ako ng selos. Naghanap ako ng ibang mapagkakabalahan. Pinagdiskitahan ko naman ang mga laruan na para kay Rigo. Iche-check ko sana ng makarinig ako ng usapan sa ibaba ng mansyon.

Naulingan ko sa labas na dumating na sila Daddy. Nagmadali akong lumabas ng kwarto para salubungin sila.

“Rigo!!” I shouted. Parang kinilig naman si Rigo at tumili pagkakita sa akin. Si Mommy ang may bitbit sa kanya at kasalukuyang pinanggigigilan.

“Namiss na nya si Nanay..” Sabi ni Daddy. Bumaba ako at kinuha ko agad si Rigo mula kay Mommy.

“May pasalubong sayo si Tatay..” Kwento ko sa kay Rigo, kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni Daddy sa aking gilid.

“S-si Gaelan po, Dad. Sya po ang tumayong Tatay ni Rigo sa isla.” Sabi ko.

“Oh he’s back?” Kaswal na tanong ni Daddy.

“Yes Dad, bakit po? Alam nyong umalis sya?”

“W-well, hindi ko kasi napansin na kasama sya sa roster ng security natin. Hindi pa natin napapasalamatan ang batang yon..” He reminded then I felt the tinge of guilt again.

Okupado ang isip ko sa gagawing pasasalamat kay Gaelan kahit na kumakain na kami ng dinner. Napatingin ako sa kitchen at nakita doon ang pinaglilihihang cookies ni Sam. Then I was reminded of something.

Pagkatapos ng hapunan,nanatili ako sa kitchen para mag-bake ng cookies. Gaelan loves cookies. Sisimulan ko dito ang pagpapasalamat ko. Limang klaseng cookie batter ang inihanda ko. I hope this can melt his heart, even a bit.

Like seriously, Ria. You really think he will like this?

I shoo away the thought, ayokong ma-discourage.

Worth a try though..

Masyado akong nalibang sa ginagawa ko, hindi ko halos napansin na inabot ako ng madaling araw dahil doon. Malamig na ang paligid dahil sa hamog at naririnig ko na ang crickets sa paligid.

“I am not even tired doing this..” Kinausap ko ang mga cookies sa tray habang pinapalamig ko sila.

Sa tingin ko tuloy hindi ako makakatulog dahil may appointment pa ako kay Gaelan ng 9AM. Inantay ko na lang na mag-umaga tapos naghanda na din sa pagpasok sa opisina.

“Nangangalumata ka.” Puna sa akin ni Kuya Ahmed ng sabay kaming magbreakfast. I just slipped on a pastel peach dress pagkatapos ay puting stilettos. No make up or even accessory.

I nodded to Kuya Ahmed.

“You have meetings, kaya mo ba?” Kasunod na tanong ni Kuya Ahmed. I nodded. Si Gaelan lang naman ang kausap ko ngayon kaya siguro mabilis lang. I will let him explain his costing for escalators and elevator tapos ipo-propose ko kay Kuya Ahmed.

Mabilis ang naging byahe namin patungo sa Ahmed Corporate Center dahil maaga pa kami ng isang oras than usual. Halos bumagsak na ang mga mata ko kahit naglalakad main lobby ng Ahmed. Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang malaking paperbag na naglalaman ng limang cookie jars para kay Gaelan.

Paano ko kaya ibibigay kay Gaelan ang mga ito? Will he find it weird?

I was surprised to see Gaelan first thing pagbukas ng glass door patungo sa aming opisina ni Kuya Ahmed. Humihikab pa naman ako at natigil ako sa gitna. Napaka-aga naman nya!

“Good morning!” Nakangising bati ni Kuya Ahmed sa kanya. Nag-alala ako bigla sa itsura ko. Hindi man lang ako nakapag-ayos dahil akala ko ay mamaya pa sya. Buti nakapagsuklay ako ng kaunti!

Gusto kong magtago sa likod ni Kuya Ahmed pero hinigit nya lang ako papalapit kay Gaelan.

“May meeting kayo?” Kuya asked. Tumango si Gaelan. Bakit ba napakagwapo nyang tingnan sa umaga? His in all black slacks and longsleeves, maayos na maayos ang pagkakahagod ng kanyang buhok and his scent, it is really good.

“Antoniette, prepare the board room..” Utos ni Kuya Ahmed sa aming sekretarya pagkatapos ay tumuloy na sa aming private office.

Tumungo kami ni Gaelan sa board room ng maiayos ni Antoniette ang projector at nakapaglagay na ng snacks. Wala pa ding nagsasalita sa amin, ni hindi ko man lang sya nabati ng Good Morning . Bitbit ko pa din ang malaking paperbag dahil inaalala ko kapag kumilos ako ay magmukhang weird iyon.

“Good morning..” Gaelan greeted in a husky voice. Napalunok ako at parang nagulat pa.

Of course Ria, he will greet you a Good Morning. Dapat ikaw ang gumawa nyan!

“G-good morning..” Ipinaghila ako ni Gaelan ng swivel chair at pinaupo ako, sa katabi ko naman sya pumwesto, I can’t help but to secretly sniff on his scent na abot na abot sa direksyon ko.

Bawat pagkilos ni Gaelan pinagmamasdan ko, ipinapaliwanag na nga nya ang kanyang costing, nakatingin pa din ako. I cannot even absorb it dahil inaantok talaga ako and he’s discussing numbers!

“You are not interested, are you?” Yun lang ang naintindihan ko sa sinabi ni Gaelan, doon ako natauhan mula sa pagiging lutang. Tumikhim ako at umayos ng upo. Tiyak na papagalitan na naman nya ako.

“Ano kasi– Im a bit sleepy.” Pag-aamin ko. Mataman akong tiningnan ni Gaelan saka bumuntong hininga.

“Naiwan ko pala ang proposal sa elevator at escalator. Malapit lang naman dito ang condo ko, we can get it there.” Sambit ni Gaelan, para naman akong robot na tumango kahit dapat ay sinabi ko na lang na ibalik na lang nya bukas. Inaantok talaga ako sa aming opisina at naisip kong lumabas muna. Makakatulong siguro kung maglalakad ako ng kaunti.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Kuya Ahmed dahil hinila na ako ni Gaelan, binitbit nya ako patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Pinagbuksan nya ako ng pinto at walang pag-aalinlangan na sumakay ako doon. I rested my back in the front seat and I almost fell asleep right there kaya lang sobra ang pagpipigil ko.

He drove few blocks away from Ahmed Corporate Center. Isang prestihiyosong condominium ang pinasok ng kanyang sasakyan ilang sandali lang. Dito siya umuwi kagabi? Armstrong is in Ortigas, napakalayo naman ng tinitirhan nya kung dito sya umuuwi samantalang ang bahay nila ay sa Quezon City. Or maybe he was with Bridgette at dito sila umuwi kagabi kaya sya nagpresinta na ihatid ako.

An acid taste spiked on my throat with the thought.

Tinanggal ko agad ang aking seatbelt ng pinatay nya ang engine. Nauna pa akong bumaba at binitbit ang paperbag ko. Hindi pa rin ako makakuha ng tiyempo kung paano iyon ibibigay sa kanya, siguro nagtataka na sya doon dahil ayaw kong bitiwan.

He lead the way after he got off the car, sumusunod lang ako sa kanya. Sa pinakatuktok na floor ang kanyang unit. The lobby has a breathtaking view pagbukas palang ng elevator. The view is the skyline of Makati ganon pa man ay tahimik na tahimik na sa parteng ito dahil napakataas na masyado ng floor. I am so impressed with the view. Siguro mas maganda dito pag-gabi.

“Here..” Ni-swipe ni Gaelan ang kanyang card sa isang modernong pinto. It lighted green at bumukas agad ito. A fresh scent of chamomile welcomed my nose. Parang mayroon talagang inilagay sa unit para manatili itong ganoon kabango.

Wow.

That’s the only word that I get to say nang makita ko ang buong unit. Puti, itim at gray ang gamit sa loob. Nakabukas ang bintana sa may kusina na mayroon lamang manipis at puting kurtina. Hinahangin ang kurtina na parang sumasayaw. On the side of the sitting room is a wide glass wall, from ceiling down to the floor, natatakpan din ito ng manipis na kurtina kaya tanaw pa din ang katulad na view na bumungad sa amin kanina sa may elevator. Sa tabi mismo ng malaking bintana ay coffee table na pandalawahan, it would be so relaxing to sit there.

“Come here.” Nakapasok na pala si Gaelan ng tuluyan sa kanyang sitting room. Sa centertable nya ay mayroong mga papel, kinuha nya yon saka binasa. Tiningnan nya ako para iabot sana ang papel kaya lang ay mayroong tumawag sa kanya.

Siguro si Bridgette na naman. Pinaputok non ang nag-gagandahang ideya ko sa lugar ni Gaelan.

“Hello..” Gaelan answered. I heard a static sound from the other line, so he placed it in a loudspeaker.

Ipaparinig nya ba sa akin ang usapan nila?

“Gael! Where did you spend the night? Bigla kang nawala.” A female voice is on the other line. Halata itong dismayado.

“Sorry, Bridge. Tons of work.” Sagot ni Gaelan habang pinapasadahan ng tingin ang mga papel.

Sumama ang pakiramdam ko sa paraan ng kanilang pag-uusap. Gusto ko ulit umalis kaya lang ay nanghihina ako. Iminuwestra ni Gaelan ang kanyang couch at umupo ako doon dahil sa panlalambot ng tuhod. The air coming from the small kitchen window reached my cheeks, para akong tinatapik para makatulog.

“Minsan na nga lang kami nandito sa Pilipinas, such a bad cousin..” Sabi pa nung babae.

Cousin? So tama si Gummy Bear, pinsan ito ni Gaelan? May ESP ba si Gummy Bear?

“Hindi pa ba kayo nagsasawa sa pagmumukha ko nung nasa Germany tayo?” Tumawa si Gaelan. Unti unting bumagal ang paghinga ko. Napanatag ako bigla and then I felt relieved.

The information tasted sweet na parang ginamot ang pag-aalala ko simula kahapon. Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng mata ko. Pumikit ako saglit habang nakikipag-usap si Gaelan sa kanyang pinsan.

Nakaramdam ako ng paghaplos sa aking pisngi but my eyes are too tired to wake up. I felt it’s the wind blowing soft touch to my cheeks kaya lang nagsalita ito.

“Tabs, Gods, you are really sleepy..” Masuyo ang boses ni Gaelan, hindi ko magawang tumugon. All of a sudden I felt he lifted me. I can feel his neck on my arms, my thighs are wrapped around his waist. I rested my head in his shoulders which gave me the access to smell him well. It was so refreshing and I felt rested, parang lalo akong hinihila at nilalasing ng antok.

“Wag na, Mr. Ancheta..” I whispered pero hinang hina na ako dahil sa sobrang antok. I felt his hands on my heel, like his massaging it or something. Natanggal na pala nya ang sapatos ko at mas lalo akong naging kumportable. I can really sleep right now, like really, doze off and don’t think about what he will say.

“What kept you up all night, huh?” Malambing nyang tanong kahit siguro hindi nya inaasahan ang pagsagot ko.

“I made you cookies.” I whispered on his neck.

Naramdaman ko ang mahigpit na pag-akap sa akin ni Gaelan pero hindi ko iyon pinansin.

“When

we

get married, you will just cook for me and you can sleep as you please. I will work for our family and provide for the kids.. I promise to take care of you like that.. The way you wanted it.“

Hindi ko alam kung panaginip ko na ang mga salitang iyon. Basta nahulog ako sa mahimbing na pagtulog ng walang pangamba…

Maki Say’s: Hello! May bago akong Romance Novel na isinali ko sa #wattys2016. Punta lang kayo a profile ko at hanapin nyo ang CHASING THE SASSY GIRL . Isang napakulit na babae ang bibida sa bago kong story. Short story lang ito, I think max na ang 20 chapters. The plot is very very light and super funny :) I hope you will like it too.

Add me on Facebook: Makiwander Stories

Kabanata 55.3

I Love You.

Pakiramdam ko unti unti akong hinuhulog ng kung ano. Ang pamilyar na bango at ang pakiramdam na pagiging ligtas ang humehele sa akin para mas makatulog pa but it didn’t stop me to feel that falling feeling. Maybe because of what I heard before I fell asleep. Guni guni ko lang naman din ata, bakit naman sya magsasabi ng ganoon? Eh galit pa sya sa akin.

Nakaramdam ako ng mainit na pagbalot sa akin, mas lalo akong sumisiksik at mas lalong humigpit ang kung ano man ang bumabalot sa akin na nagbibigay ng init. Mas lalo ko pang ipinikit ang aking mga mata pero nagising ang diwa ko ng makarinig ng sobrang hina na paghinga sa gilid ng tenga ko. Inakala kong si Rigo iyon pero wala ako sa kwarto ko, nandito ako sa condo ni—

“Gaelan?” I whispered. Ang kaliwang kamay nya ay malayang nakapatong sa bewang ko, yon ang syang pumipigil sa paglayo ko. Kumilos ako ng kaunti but his wrap went tighter pero hindi iyon nakakasakal, I love the comfort.

Inaantok din kaya sya? Napuyat sa pag-gawa ng trabaho na ipe-present sa akin? Kung ganon ay hahayaan ko syang matulog pa, hindi naman pala nya babae ang kasama kagabi. Kung ano ano naman kasi ang iniisip ko.

Pinagmasdan ko ang mapayapang mukha ni Gaelan, ngayon ko lang sya nakitang natutulog nang may liwanag saka mas malapit ito kaysa sa dati. Itinapat ko ang palad ko sa kanyang bibig ang dinama ko ang init ng paghinga mula doon, the warmth felt nice, dati rati ay nag-aalala ako ng husto sa kaligtasan nya, but him sleeping beside me says that he is very much alive, ginagawa ang dati nyang gawi na pagsusungit.

Napasinghap ako ng makitang nakadilat ang isang mata ni Gaelan at tila nagtatakang sinisilip ako, nagtaas baba pa ang kanyang kilay.

“What are you doing?” He asked. Umiling ako. Mas lalong nanliit ang mata nya.

“Alam kong gwapo ako ’pag tulog..” Panunukso nya. Hinampas ko sya sa dibdib at usmismid.

“Hindi ah, yabang mo.”

“Pangit ka din pag tulog.” Singhal nya sa akin dahil sa hindi ko pagsang-ayon.

“Are you watching me while Im asleep?” Medyo tumaas na ang boses ko. Grabe sya sa akin! Naconsicious tuloy ako. Baka nakanganga ako kanina, puyat na puyat pa naman ako.

“Syempre, maliwanag kaya nakita ko!” Mataas na boses ang isinagot ni Gaelan pero ang kamay nya ay nakapatong pa din sa bewang ko. His breathing is almost under my nose pero hindi ko iyon alintana.

“Wag kang mag-alala at ito na ang huling beses na makikita mo akong matutulog. You don’t have to be bothered about it.” Nagtatampo kong sabi, ngumiti si Gaelan at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa akin. He looks boyish when he does that.

“Imposible kaya yang sinasabi mo. Tingin ko ay kailangan kong tiisin ang kapangitan na yan sa araw-araw. Kahit na bigla na lang akong magugulat dahil aakalain kong katabi ko ang bida sa The Ring dahil sa gulo gulo mong buhok at sobrang puting kutis.” Sambit nya sa gilid ng aking leeg dahil sa pagsusumiksik nya doon.

Nakadama ako ng sobrang pagkainis. Hindi ko alam kung dahil sinasabi nyang kamukha ko si Sadako o pinapaasa na naman nya ako sa isang bagay na hindi naman mangyayari. Paasa din ang Gaelan na ito eh. Lagi na lang.

“Kung kamukha ko si Sadako , ikaw naman kamukha mo si Incredible Hulk lalo na kapag natutulog ka at nakasalubong ang kilay. Ayoko naman atang makita yon sa araw araw..” Sagot ko.

Hinila ni Gaelan ang kaliwang kamay ko at sa isang iglap may naramdaman akong isang bagay sa isa sa mga daliri ko.

“Wala kang choice, Baby. Kailangan mong tiisin yon.” Bulong ni Gaelan ng sobrang lambing. Masuyo nyang hinaplos ang kamay ko at iniangat iyon, ganoon na lang ang gulat ko ng makitang mayroong isang singsing doon. It is a platinum ring with a princess cut diamond and baguette side stones. Simple iyon kung sa simple pero napakaelegante.

Humapas ang puso ko sa aking dibdib at halos lumabas iyon. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak. Pakiramdam ko gusto ko na lang kainin ako ng kama dahil dito!

Napalabi ako at tiningnan ang singsing sa malapitan. It shines on its own. Ang ganda.

“Nagpo-propose ka ba?”

“No, I am telling you my plans of marrying you..”

“Tinanong mo ba ako kung gusto ko?” I asked. Natigilan si Gaelan at pinagmasdan akong mabuti.

“What if— I mean, ilang buwan kang nawala. Hindi ka nagparamdam, how would you know if I met someone in the process. Or—or hindi pa ako handa dahil priority ko ang negosyo ng aming pamilya..” Nalilito ako sa gusto kong unahing salita. It slurred my speech actually. Lumungkot ang mga mata ni Gaelan at bumagsak ang tingin doon sa singsing.

“Sabi ni Neto wala ka naman daw kinikitang iba. Bahay at trabaho ka lang.. Kung ganoon.. Mayroong—mayroon kang nakilalang supplier mo ng kung ano at nagustuhan mo sya? Nililigawan ka nya tuwing mayroon kayong meeting, ganoon ba?” Ramdam ko ang sakit sa simpleng tanong ni Gaelan. Malamlam ang kanyang mga mata at halos hindi makumpleto ang gustong sabihin. Halos matibag ang gawa-gawa kong pagmamatigas. Ilang beses na ba akong nasaktan, gusto ko naman ngayon ay siguradong sigurado na sya.

“Pupwedeng ganon.” I said, hindi na ako nagtaka if he gets his information from Agent Neto, Gaelan is known for his scheming skills since then. Humigpit muli ang yakap ni Gaelan sa akin at ipinahinga ang kanyang mukha sa aking leeg.

“Huli na pala ako.. Akala ko ako ang tinutukoy mo kagabi. Huli na pala ako.”

“Kagabi?” I asked. Hindi naman na kami nag-usap kagabi.

“We were chatting last night. You said you’re jealous, you were so mad last night…” Kuwento nya. Unti-unting bumangon ang konklusyon sa aking isip at halos matapik ko ang noo dahil doon.

Stupid, Ria!

“Ikaw si Gummy Bear?!” Halos umecho ang boses ko sa apat na sulok ng kwarto ni Gaelan. Hindi sya nag-angat ng mukha pero ramdam ko ang pagtango nya.

“Bakit mo ginawa yon? Niloloko mo pala ako!”

“Ang bagal mo kaya kumuha ng clue..” He mumbled. Tinapik ko ang kanyang balikat.

“Ang daya mo talaga! Hindi mo naman ina-accept ang friend request ko doon sa real account mo! Siguro madami ka doong babae! Siguro kung kani-kanino ka nakikipagdate kasi maharot ka!”

“Hey, excuse me!? I placed my profile in public for your freedom of stalking. Ang babaeng nakikita mo don ay anak ng Tito ko sa Germany. Walang kahit sino ang nandoon.” Umangat na ang mukha nya para depensahan ang kanyang sarili.

Napalabi ako dahil sa paglilinaw nya pero hindi ko din maiwasan ang makaramdam ng tampo “But you left me, hindi mo man lang ako inantay na magsorry.” Bulong ko. Huminga ng malalim si Gaelan at hinaplos ang pisngi ko.

“Mas mabilis akong aalis, mas mabilis akong makakabalik sayo. I said I will marry you after all that trouble. I have to train in Germany to understand the accounts so I had to leave. I need to earn because I resigned in Yukan’na so I have to take over our business. I need to earn because I want to provide for our future.”

Wala na, natunaw na talaga ang lahat ng nararamdaman kong pangamba. Mangiyak ngiyak pa ako kagaya ng mga ordinaryong proposal na napapanood ko, but Gaelan isn’t proposing!

“Pero galit ka..”

Umiling si Gaelan, “Naiintindihan ko ang reaksyon mo, Maria. But Im sorry, kahit hindi ito ang trabaho ko, I know that I will do that over and over again. I will kill people if they try to harm you. Kahit subok lang ay hindi ko papalagpasin.” His jaw clenched at tila inaalala ang nangyari noong nakaraan.

“Nag-sisi din naman ako,” I sniffed. “Pero nakakainis pa din kasi miss na miss na kita—I mean, namin ni Rigo.”

Ngumiti si Gaelan. Nagkaroon ng pag-asa ang kanyang mga mata.

“Buti na lang . Gusto lang talaga kitang pasabikin.” Pabiro nyang wika.  “Im sorry Baby, I want to surprise you with the change. Eto na ako o, nagbabago na ako para sayo.”

“You were never Bad.” I whispered. “You were never bad at all.”

Humalakhak si Gaelan. “Wag mo na ako bolahin, papakasalan na nga kita.” Sambit nya. Napasimangot na naman ako at naalala ang singsing na inilagay nya sa kamay ko. Sabi na nga ba’t umiistyle na naman ang isang to para mapaamin ako sa nararamdaman ko.

“Magpaalam ka muna kay Daddy.” Matigas kong sabi.

“Ganoon ba ang gusto mo?” Malambing nyang tanong. I nodded.

“Kahit alam ko naman na ang sagot nya, pero sige.” Confident nyang sabi.

Ang yabang yabang nya talaga kahit kailan! We stayed cuddling for awhile. Sinubukan ni Gaelan na patulugin akong muli pero ayaw ko na dahil kakantyawan na naman nya ako! Nanatili na lang akong gising at nakapaharap sa dibdib nya. The silence itself is calming. I realized how bad I want this. Ito siguro ang hinahanap ko ng sobrang tagal na. Ito ang kulang sa buhay ko noon. Not only the simplicity of life but the simplicity of life with your heart in it.

Nakakatawa na si Gaelan lang pala ang hinahanap kong kapayapaan kahit noon pa man. Kapayapaan sa likod ng kanyang katauhan na masungit, matigas ang ulo at laging malamig makitungo. He has his own way of melting hearts. Hindi ko alam na may mas ilalambot pa pala ang puso ko pagdating sa kanya.

“Baby, ipagluto mo ako..” Bulong ni Gaelan. Naalala kong hindi pa pala kami kumakain at lagpas na ng tanghalian. Tumango ako at sabay kaming bumangon. Binuksan ko ang ref ni Gaelan at napakaraming laman non.

“Dito ka ba lagi nag-sstay?” Tanong ko habang pumipili ng karne na maaring lutuin. Gaelan shook his head.

“Kagabi lang, sabi mo kasi nagseselos ka eh.” Kaswal na sagot nya, pumula ang aking pisngi. Grabe talaga si Gummy Bear! Kumukuha lang pala ng impormasyon!

“Eh bakit dito ka bumili ng condo?” Nilagay ko sa sink ang frozen na karne at sinilip muli ang Makati Skyline mula sa putting kurtina na hindi tinitigilan ng hangin. Nagustuhan tiyak ni Gaelan ang view dahil napakaganda dito. Nagsimula na syang kainin ang cookies na ginawa ko ang his face shows delight!

“Para malapit sayo. Dito na ako lagi uuwi kasi gusto ko ako ang maghahatid at susundo sayo mula sa opisina habang hindi pa tayo naikakasal. Magbabago yon kapag kasal na tayo.”

Nag-baga na naman ang pisngi ko. Gaelan and his frankness!

I made a parsely and chicken pasta for the both of us at nag-roast ng chicken. Kumpleto sa gamit na pangkusina ang condo ni Gaelan, I am now wondering if he cooks as much. Walang ginawa si Gaelan kundi purihin ang luto ko. Hindi naman na kailangan pero laging ganoon.

Halos papalubog na ang araw ng mapagdesisyunan namin ni Gaelan na lisanin na ang kanyang condo. Pupunta na kami sa bahay para hingin ang aking kamay sa Daddy ko. Sabi naman nya ay alam na nya ang sagot ni Dad eh.

Naligo muna sya, nagbihis at nag-intay ako sa kanyang sitting room na matapos sya. Naamoy ko ang kanyang bango mula sa kwarto at umabot ito hanggang sa kinauupuan ko. Halos matawa ako ng makitang mas pormal pa sya kaysa kanina. He’s wearing a three-piece suite now and his hair was neatly combed.

“Bakit ganyan ang itsura mo?” I laughed. Sumimangot si Gaelan dahil sa reaksyon ko. Of course he looks dashing but why?

“Do I look like I can marry someone at this age? Mukha na ba akong kagalang-galang kahit 25 years old pa lang ako?” Kinakabahan nyang tanong. Tawa pa din ako ng tawa. Hindi ko mapigilan.

“Did you ever doubt that?” Tanong ko na pinipigilan na ang pagtawa. Baka kasi hindi na nya ituloy ang balak nya.

“Sagot!” Gaelan demanded, naiinis na sa akin habang nakatayo pa din sa harapan ko. Tumayo ako mula sa couch at lumapit sa kanya. Inayos ko ang kanyang itim na coat at necktie.

“Baka magulat si Daddy kasi ang gwapo naman pala ng pakakasalan ko.” Seryoso kong sabi sa kanya. Unti unting napawi ang kaba sa mukha ni Gaelan.

“Pero lagot ka sa mga Kuya ko.” Pagbibiro ko.

“Itatanan kita kapag hindi sila pumayag!” Pagbabanta ni Gaelan.

“Akala ko ba confident ka sa sagot nila?”

Napabuga ng hangin si Gaelan, “Baka kasi sabihin nila na kapag 30 ka na, saka papupwede ang kasal. Gusto ko ngayong taon na.”

“Bakit ka ba nagmamadali?” Kumunot ang noo ko.

“Kasalanan bang hilingin na makatabi ka gabi gabi sa pagtulog hanggang sa pag-gising sa umaga? Saka gusto kong magkaroon ng pamilya habang maaga para kapag malalaki na ang mga anak natin at kaya ng tumayo sa sarili nilang mga paa, hindi pa tayo ganoon katanda. Tatakas tayo at lilibutin natin ang buong mundo ng tayong dalawa lang.” His eyes went dreamy. Habang binabanggit nya yon, talagang nakita ko ang sarili ko kasama nya sa iba’t ibang parte ng mundo. I love that. I want him to be a part of that dream too.

Pero ayoko ng ideyang iiwan namin ang mga anak namin para magliwaliw.

“Gusto ko kasama pa din natin ang mga anak natin!” I insisted.

“Paano kita ma-so-solo!?” Tutol ni Gaelan.

Umismid ako, “Mr. Ancheta, tiyak kong kapag matanda na tayo hindi ka na masasabik sa presensya ko. Mapupuno na ako ng kulubot at puting buhok!”

He smirked, parang hinahamon ako ng ngiti nyang yon.

Inilagay ni Gaelan ang mga kamay nya sa aking magkabilang bewang at mataman akong tinitigan. Itinapat nya ang noo nya sa aking noo.

“Mrs. Ancheta, hindi mangyayari yon. Paulit ulit akong masasabik sa presensya mo hanggang sa huling beses ng paghinga ko. Hindi ko matitiis ang hindi ka makita, makausap o makasama. I promise that you will be in my frequently called list and at the top of my facebook messenger. Paulit ulit kong lalagyan ng puso ang mga posts mo at ako ang unang makakatikim ng bawat lulutuin mo. I promise to be clingy when I have all the rights to.” Buong pagsuyo nyang sabi.

Kinapos ako ng hininga dahil sa sinabi nyang iyon.

Nag-umapaw sa emosyon ang puso ko. I never imagined that looking forward to a life with him will be this happy. Mga planong kay sarap pakinggan at panghawakan. Nakakatuwa, nakakasabik.


Nakatunghay kami sa harap ng aming mansyon at hindi pa din pumapasok. Madilim na ang paligid at halos malapit na ang dinner time. Nagtext na nga si Daddy na iintayin ako sa dinner kaya kailangan na naming bumaba. Plano kong i-sorpresa ang pamilya ko sa pagdating ni Gaelan.

“Halika na, nag-iintay na ang pamilya ko.” Aya ko. Lumunok si Gaelan at sinulyapan ako. “Kasi naman ang dami mong dinala na cake saka wines. May cheese platter pa at ham. Wala namang party.. natagalan tuloy tayong dalawa.” Sambit ko. Hindi talaga nagpapigil si Gaelan sa pamimili kahit sinabi ko na wala na syang dapat ipag-alala. I just need to formally introduce him to my family as his boyfriend.

“Did I bring enough?” Kinakabahan pa din talaga. Kinuha ko ang magkabilang kamay ni Gaelan na malalamig and gave him a comforting smile.

“More than enough. Wag ka ng kabahan. Kapag hindi sila pumayag, better luck next time.”

Sumimangot si Gaelan.

“Hindi ka nakakatulong.” Angil sa akin ni Gaelan kaya natawa ako. Mabuti naman at pumayag na din syang bumaba ng kanyang sasakyan pagkalipas pa ng limang minuto. Sya ang nagbitbit ng mga pinamili nya at tinanggihan ang alok kong tulong.

Naririnig ko na ang boses ng aking pamilya sa hapagkainan. Nilapitan ko si Gaelan at sinabayan ang kanyang paghakbang. Nang makarating kami sa dining area, parang TV na nalagay sa mute ang kwentuhan ng aking pamilya, binaba nila ang kanilang kubyertos. Nawala ang kanilang boses at lumipat sa amin ang tingin.

Tumikhim ako, “Good evening! K-kasama ko si Gaelan.” Now this is really awkward. Napadako ang mga mata ko kay Kuya Rab na inilipat ang tingin sa hawak ni Gaelan pagkatapos ay pinanliitan kami ng mga mata na para bang naiintindihan na ang mangyayari.

“No way.” Kalmado naman ang pagkakasabi non ni Kuya Rab pero bakas ang pagtutol, kitang kita ko ang panghihina sa mata ni Gaelan. Kuya Rab and Gaelan was supposed to be the closest! Pero ito ang unang tumutol.

“Saan ka nanggaling, Ria? Umalis ka daw sabi ni Ahmed?” Daddy asked to break the ice.

“Dad, I said she was in the meeting.” Singit ni Kuya Ahmed.

“Outside.” Dad pointed out.

“Nag-punta po ako sa condo ni Gaelan—”

“What?” Gulat na gulat si Daddy. Si Mommy naman ay agad na humawak sa braso ni Daddy para pigilan ito sa pag-aalburoto. May mali ba akong nasabi?

Oh please, family, hindi pa kami nakakaupo!

“I never knew what kind of set up you had when you were in that island..” Panimula ni Daddy na hindi pa din kami inaalok ng upuan. “But now my Princess is safe at dinala mo sa iyong condo?”

“Wala po kaming ginawa na masama—” Putol ni Gaelan.

“Ang karangalan ng anak ko bilang isang babae ang nakasalalay dito, Mr. Ancheta. Dalagang tao at dinala mo sa condo mo na kayo lang dalawa. Mahuhusgahan si Ria dahil doon. Hindi ako makakapayag na hindi mo sya papakasalan.”

Pinanlakihan kaming lahat ng mata bukod kay Daddy. Ganon ganon lang iyon? Hindi pa nga nagtatanong si Gaelan ay pinagtulakan na nya ako!

“Pierre Alfred!” Suway ni Mommy kay Daddy.

“What?” Tila nagtataka pa si Daddy sa bayolenteng reaksyon ni Mommy.

“Hindi pa nga tayo tiyak kung may nangyari na ba!” Si Mommy.

“Helga Maurice, noon naman at walang nangyari sa atin, nakasal din naman tayo, hindi ba?” Malambing na sabi ni Daddy kay Mommy na awtomatikong namula ang kabuuan ng mukha.

Ngiting ngiti si Gaelan pagkakita ko. Ang mga Kuya ko naman ay parang sinakluban ng langit at lupa.

“Ang bilis naman.” Bulong ni Kuya Xenon.

“Six years. I waited for six years to marry her.” Singit ni Gaelan.

“Oo nga naman, matagal syang nag-intay.” Singit muli ni Daddy. Now this is getting weird. Parang sobrang sang-ayon naman si Daddy at pinagtutulakan nga akong makasal. “Upo muna kayo. May bagong seating arrangement. Xenon, lumipat ka sa tabi ni Ahmed at Rab, Sam at Gilad sa gawing kaliwa tapos si Gaelan at Ria sa kanilang tabi.”

And this funny seating arrangement we have as a family. Ibig sabihin kahit sa library talks ay magiging ganito na din ang ayos. Laging mayroong space para sa karagdagang miyembro ng aming pamilya. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Gaelan dahil sa pagtanggap ni Daddy. Sya ang nag-aasikaso sa akin, ang naglalagay ng pagkain sa aking pinggan at pati na din ang inumin. Si Kuya Rab ay masama pa din ang tingin kaya hindi na din sya tinitingnan ni Gaelan.

“You should still give information to Kuya Rab about Brie. Mukhang malungkot sya dahil wala na syang kapalitan ng impormasyon.” Bulong ko kay Gaelan habang kumakain kami ng dessert.

“What? They broke up.” Pabulong din ang sabi ni Gaelan.

“Naging sila? Kailan? Paano?” Bulong ko pabalik at nagulat ng husto.

“Oo, mga three days lang. Tapos nakipagbreak si Brie na walang sinasabi.”

Kaya naman pala iritado si Kuya Rab noong mga nakaraang araw. Kawawa naman pala sya.

Kaswal na kwentuhan lang ang ginawa ng aming pamilya doon sa living room, nandoon si Rigo at gumagawa ng sarili nyang ingay, nakumusta na din sya ni Gaelan kanina and they had their picture together.

Pinatanggal ko na kay Gaelan ang kanyang coat at necktie dahil binigyan sya ni Daddy ng wine. Baka mainitan sya kung ganoon pa din ang suot, isa pa, nakapambahay na ang buong pamilya ko at sya lang ang pormal na pormal.

“When shall we set the engagement party?” Tanong ni Daddy na mukhang excited na excited pa.

“As soon as possible, Sir.” Magalang na tugon ni Gaelan.

“Drop the Sir, call me Dad too.”

Ngumiti si Gaelan at tumango. “I will set up a dinner this coming Friday for our whole family to formally announce our engagement, Sir—Dad. Nandito po kasi ang pamilya ko from Germany so I think this will be the best time. I want our wedding to happen in three months time, sa Birthday po ni Maria.”

Nagulat naman ako dahil mayroon na palang naka-set na date! At sa birthday ko pa!

“Maganda yan.” Si Daddy.

“Ang corny!” Tutol ni Kuya Rab habang hinehele si Rigo sa kanyang mga bisig.

“Radley Brent.” Suway ni Mommy, napailing na lamang si Kuya Rab.

All in all naging masaya naman ang usapan kahit na tumututol si Kuya Rab ng paunti unti. Masyado lang siguro syang malungkot sa nangyari sa kanila ni Brie.

Inihatid ko si Gaelan sa kanyang sasakyan ng mas lumalim na ang gabi. Kahit ayaw ko na sanang matapos, kailangang umusad ang mga araw para dumating na ang araw ng kasal namin. I won’t have to walk to his car every night and say goodnight over the phone. Lahat ay magagawa na namin ng magkaharap. Iniiisip ko pa lang iyon ay parang may paru-paro na sa tyan ko na nagdidiwang.

“Bakit sa birthday ko?” I asked noong akang bubuksan na ni Gaelan ang pinto ng kanyang sasakyan.

Ngumiti si Gaelan at tumingala sa langit bago ako muling tiningnan, “I want happy memories. Gusto kong burahin ang lungkot na ibinigay ko sayo noong 17th Birthday mo. Nangako ako sa sarili ko na papalitan ko ang memoryang yon. Kung iiyak ka, titiyakin kong luluha ka sa saya dahil finally, hindi ka na ulit aalis mag-isa. Lagi mo na akong kasama kahit saan ka magpunta.”

“But you never left me. Lagi kang nakabantay kahit malayo ka—”

“I want to change that memory of mine too. Masakit tingnan ka mula sa malayo.”

Ngumiti ako at yumakap kay Gaelan. This is too happy. Masyadong masaya, sana ay wala ng magbago pa.

Hindi ko na muling kakayanin kung magkakaroon muli.

Napatingin ako kay Gaelan at nakatingin sya sa akin.

What now?

“Baby?”

“Hm?” My lips automatically smiled, napawi iyon dahil mabilis akong hinalikan ni Gaelan sa labi.

“I’ve been wanting to do that since yesterday. I love you Baby and I am so happy right now.” Puno ng pagmamahal ang bawat salitang kanyang binitawan habang hindi pa din ako nakakabawi sa gulat. Kinurot ni Gaelan ang aking ilong.

“Masanay ka na. I love you..” He said.

“I love you too..” I answered back.

Huling Kabanata

Maki Say’s: Ang naka-italic ay flashback.

More and Better.

“Paano ba kayo unang nagkakilala?” Napataas ako ng kilay sa tanong ni Agent Brax Neto habang inaantay namin ang mga kapatid ng Mahal ko para sa inorganisa nilang stag party para sa akin sa isang ekslusibong hotel sa gitna ng Manila. That question is like a flashflood of memories. May pangit, pero mas madaming maganda. I met her in the most conventional way but indeed our lives were seriously extraordinary. Nagmahal ako at hindi ko na sinanto ang kahit sino, kahit pa ang sarili ko.

“I bumped into her..” Tipid kong sagot bago sumimsim ng kape.

“And? Love at first sight?” Dugtong nya. Umiling ako.

“Hate at first sight.”

“Ah, she’s not as striking as she is now then?” Brax concluded.

Lumiit ang mata ko, “Do you find her attractive?” Pagalit kong tanong.

“She is attractive. Anong akala mo sa akin, bulag? Maganda ang magiging future Mrs. Ancheta, Gaelan. I am just asking why hate at first sight ?” Pamimilit nya. Bumuntong hininga ako at kumportbleng ipinahinga ang likod sa couch ng coffee shop ng hotel.

…..

………..

……………..

“Gael! Bakit ka ba nagmamadali?” Naiinis na tanong sa akin ni Kiro. Ang sarap nyang suntukin dahil nagtatanong pa! I want to see Farrah now, ayokong ma-late. I’ll have my prize later if I will be earlier than her. That fcking hot teacher.

She’s 2 years older and I met her at the club a ago, that was the first time. I thought one night stand lang, I didn’t expect that second sem last year I will see her again, she gave me the keys to her condo and we fck. It just gets exciting everytime because no one knows about it.

Ewan ko. Maybe it is hormones because of my age but I never spent time with someone longer than I spend my time with her. Girlfriend ko na ba sya? Sa tingin ko naman. Hindi lang namin pinag-uusapan. Labels sucks.

“May binubully na naman.” Napalingon ako sa tinitingnan ni Zeus kung saan nagkakagulo ang mga estudyante. Nakatalikod ang tinutukoy ni Zeus at hind ko maiwasan ang mapangiti.

Kaya naman pala..

Isang odinaryong babae. Baduy na babae. Mahaba ang palda at kulay brown pa, nakalongsleeves na puti, nakapusod ang buhok sa tuktok ng kanyang ulo at chubby.

Where’s the glasses and braces, Nerdy?

Gusto kong makisali sa asaran but Yukan’na taught us to be nice and gentle mannered. Nandito pa naman ang dalawang anak ni Master Yushima, baka isumbong ako. Kung hindi lang talaga ay tatanggalin ko ang pagkakatali ng kanyang buhok at paiiyakin.

Natawa ako sa iniisip, kaunting kaunti na lang she will look like a fcking cartoon character. Hindi ko pa nga lang nakikita ang kanyang mukha dahil nakapikit ito at nakatingala.

Ano yan? Nagdadasal? May baliw sa Keio. Langya.

Nakarinig ako ng tilian, these girls, lagi na lang nagsisigawan tuwing paparating na kami. Hindi na nasanay. I heard a group of people warning the Nerd to get out of our way. Napaawang ang labi ng gilid nung Nerd na tila hindi maintindihan ang sinasabi sa kanya. Aninag ang unting pagkunot ng noo hanggang sa dahan dahang humarap sa direksyon namin. Lumipad agad ang tingin ko sa kanyang mukha para sana mas pagtawanan pa iyon.

Kaya lang…

Kaya lang may naramdaman akong kakaiba sa muscle ko sa dibdib.

It pounded so fast, parang bigla akong kinabahan.

What the hell?

“Ang ganda.” I heard Yuki murmured. Napalingon ako sa kanya at nakadama ako ng pagkainis. Bakit sya nagagandahan sa Nerd na yan? Wala na bang taste sa mundo?

Inaantay kong kumontra sina Zeus at Kiro pero hindi sila umimik, nakatingin lang sila doon sa Nerd, tumingin ulit ako at langya mas bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano to?

Tngna, galit yan Gael. Galit ka sa pangit di ba?

Tama! Galit! Sa sobrang galit nanginginig ka. Bungguin mo yan para mabawasan ang inis mo!

Naglakad ako ng mabilis saka buong pwersang binunggo ang Nerd, napangiti ako, I feel good about myself, mga isang segundo. Isang segundo lang ang naramdman kong tuwa. Kasi pakiramdam ko unti unting natutunaw ang puso ko at yung paa ko biglang naglakad pabalik sa kanya pero hindi pa ako nakakahakbang, nakita ko si Yuki na nag-aabot na ng kamay. Nag-init ang ulo ko.

PAKYU KANG HAPON KA!

“Miss, grab my hand.” Alok ni Yuki.

LUL!

Nakatingin lang ang Nerd kay Yuki at nag-iinarte pa. Lagot ka sakin kapag kinuha mo yang kamay ni Hapon.

Miss?“ Ulit pa ni Yuki.

Nakahinga ako ng maluwag ng tumayo ang Nerd at hindi tinanggap ang kamay ni Yuki. Yung natunaw na parte ng puso ko kanina parang bigla na namang sumigla.

“Salamat.” The Nerd muttered with a smile.

With a smile.

My lips parted. Tngna lalong— lalong Pumangit! Leche!

Nagmadali akong maglakad para lumayo sa babaeng weirdo na yon. Iba ibang emosyon in a matter of minutes, sa sobrang kapangitan nag-malfunction ang utak at puso ko. 

Noong akala ko tapos na ang kalbaryo, nagkamali ako.

Kaklase ko sya sa klase ni Farrah. Syet. Katabi ko pa and I can smell her natural scent. Aside from aircon, there’s a fan near our seats at tuwing dinadaanan sya ng hangin, naamoy ko sya at parang nanlalambot ang sikmura ko kapag napupunta sa ilong ko ang amoy nya.

Wala naman syang kamalay malay at sulat lang ng sulat ng lessons. When Farrah started writing in the farther right of the whiteboard, the nerd started to lean towards Ice, papalayo sa akin. Hindi ko ugaling magsulat pero this time, nagpanggap ako. I leaned towards her just to smell her. Tuwing aayos sya ng upo, tutuwid din ako ng upo. I keep on doing that for the whole three hours.

Tngnang yan. Ano yon?

Nang matapos ang klase bigla na lang syang nawala. Tiningnan ako ni Farrah ng makahulugan. Lumipat ang mata nya sa lumang Faculty Building. Alam na alam naming walang nagagawi dito because everyone’s scared of the ghost rumors. Nauuna doon si Farrah tuwing lunch break at dahil diet sya, she would skip lunch for a makeout session with me or most of the times, we go all the way.

Sinusubukan kong alisin sa utak ko ang amoy ng nerd na yon, yung ngiti nya at yung mga mata nya. Pero fck, nakaimprenta sa utak ko, parang mantsa.

Kailangan kong alisin kaya nagmadali din akong puntahan si Farrah, sinugod ko sya ng halik. Itinulak nya ako sa bakanteng silya as she crawled and sat on my lap.

Now we are making out. Farrah started teasing me, I would try to kiss her back but the image of the nerd crossed my mind. Para syang gulong na umiikot lang sa utak ko. Farrah undressed herself in front of me. Halos mawalan ako ng gana although I tried. May damit pa din ako but I let my hands navigate her body. She moaned when I kissed her on the neck and everytime my hands touches her flesh.

Madali lang namang pasayahin ang mga babae. Kahit wala ka sa mood ay hindi nila mahahalata.

Natapos lang iyon ng ganon dahil tumunog na ang bell hudyat ng afternoon classes. I don’t have an afternoon class. We are not required to attend classes dahil may specialized training kami sa Yukan’na. Studying academics is optional pero kumpleto ako sa modules at sinisiguro kong nagsasagot ako dahil nag-iisa akong lalake na inaasahan ni Daddy na magmanage ng Armstrong. However, they still let me do what I want.

Naunang lumabas si Farrah ng classroom, pagkatapos ng sampung minuto ay lalabas naman ako. Naglalakad na ako patungong Food Alley para kumain ng mapansin kong mayroong kuminang sa isang four seater armchair sa labas ng classroom kung saan naroon kami ni Farrah kanina. Nang lapitan ko iyon, nakita kong isa yong rosary.

Naghinala agad ako na mayroong tao dito kanina at maaring may nakakita. Of course I wont let Farrah be sanctioned about this. Isa pa, kapag nasangkot ako sa eskandalo ay mawawala ako sa Yukan’na special training. Imbes na magtungo sa Food Alley, nag-intay ako doon sa lumang building. Pinatong ko muli ang rosary kung saan ko sya nakita at ilang oras akong tumayo doon para magtago at mag-abang. After two freaking hours nakarinig ako ng mga yabag papalapit.

Napapikit ako at inantay na makalapit ang mga yabag na yon sa arm chair, pagkadilat ko ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko ang Nerd. Nakahinga pa sya ng maluwag pagkakita sa kanyang rosary. Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. If I will talk, this will be our first conversation at nakakaptngina kasi kinakabahan ako. Parang umuurong ang buntot ko kahit wala naman ako noon.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob.

“So ikaw pala ang mayari?” Halos mapatalon pa ang Nerd sa gulat. “What did you see?” I asked habang lumalapit ako sa kanya, nagpapanggap din ako na hindi kinakabahan. Just like her, I feel nervous, hindi ko alam kung bakit. 

Nang halos magkatapat na ang mga sapatos namin hindi ko maiwasan na matulala sa kanya sa malapitan, mas lalo syang— pumagit! Pumangit ng pumangit. Napakapangit! Bakit ganito ang mukha nito? Ang–p-pangit.

Pagkatapos ay biglang—

Nag-sign of the cross sya!

Thump! Thump! Thump!

And the weird feeling again! This fcking muscle celebrated when she did that. I find that freaking adorable.

“Do not do that in front of me. Hindi ako santo!” Pagalit na sabi ko imbes na mapangiti.

Oh please, stop being this way! I am literally creeping out.

“What’s your name?” I asked wanting to hear her voice. Yung walang ingay, yung kaming dalawa lang pero hindi sya nagsalita. Her eyes went droopy like a scared cat wanting me to fcking pinch her well chiseled nose and fluffy cheeks. Instead of doing that, dumako ang mata ko sa kanyang ID at yun na lang ang hinawakan ko. Kailangang may hawakan ako dahil gustong gustong lumipad ng kamay ko sa mukha nya at pisilin sya paulit ulit.

“Maria Arabella Kassandra Floresca..” I dictated. And I know I will never forget that name forever.

“From now on I will keep my eye on you, hindi ka makakalayo sa akin, Maria.” Kailangan ko ng umalis. Kailangan kong lumayo dahil mababaliw na ako kung tatagalan ko pang nasa harap ko sya and do something I am not supposed to do.


“So you cannot distinguish what you felt?” Natatawang tanong ni Brax. I shook my head.

“Noon ko lang naramdaman yon. I get wasted and fcked but the satisfaction of seeing her face without her doing anything but being cute was my first time.”

“Dinaig ang orgasm.” Natatawang paghahambing ni Brax.

“Fck you.”

“So paano ngang naging kayo noong college kayo. I mean, based on your story kung ako si Young Maiden pagtataguan kita. Iiwas na lang ako. Hindi nya ba ginawa yon?”

“Ginawa.” Natatawang pag-aalala ko noong umiiwas ang Mahal ko sa akin na parang may sakit ako. Ramdam ko pa din ang pagkadismaya ko tuwing nakikita ko yon.

“Pero nagpapansin ako. Kinulit ko ang registrar para ibigay sa akin ang address ni Maria, ang phone number. I txted her pero hindi nya ako nirereplyan. Isang beses lang syang sumagot tapos nung nalaman nyang ako ang nagtetext sa kanya hindi na sumagot ulit. Alam mo ba hanggang madaling araw nagpapapansin ako? pero walang sagot. Kinabukasan I sent her a letter at school saying ‘Magiingat ka.’ Binantaan ko ang buhay nya at naniwala sya doon, pumayag syang magpaalipin sa akin para hindi ko sya saktan.” Natatawang pag-aalala ko.

“Gago mo.” Tumawa si Brax sabay bato sa akin ng tissue.

I know. Kung hindi ko ginawa yon hindi ako mapapalapit sa kanya. She’s my happy pill then and now. Tuwing nakikita ko sya na naiinis pero hindi nya ako nilalabanan tuwang tuwa ako dahil ang amo amo ng mukha nya at kaunti lang na magsasalubong ang kilay nya at pupula bigla ang pisngi.

“So, kailan mo naman naamin sa sarili mo na mahal mo sya?” Brax asked. Napalingon ako sa kay Ice na papasok ng coffee shop, kinawayan ko sya at tinuro ang upuan sa aming harapan.

“Kailan?” Inulit ko ang tanong ni Brax.

…..

………..

……………..

“Nagmahal ka na ba?” Ilang segundo akong nakatitig sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko naitanong yon pagkatapos naming mapagusapan ang human anatomy. I couldn’t believe how high her values are, para sa isang 16 years old, she may seem submissive but she knows when to give in.

She smiled at me and nodded. I felt something in my chest crashing.

“Oo naman, mga magulang ko—”

I sighed in relief.

“Ikaw, nagmahal ka na ba?” Inosenteng tanong nya.

Say it, Gaelan or be a prisoner forever.

Napatingin ako sa labi niya at sa magagandang mata nya. She looks innocent in all form. Hindi maiiwasang sambahin ng kahit sinong magmamahal sa kanya because she deserves love and more than that. She can rule any hearts, including—Fck. No.

“Bulag ka ba? Girlfriend ko si Farrah, and yes, we do sex. That’s what couples do. When you are inlove, you give yourself, you give everything. Ang kanya ay akin, ang akin ay sa kanya.” Pag-iiba ko ng sagot.

Maria shook her head and took a step forward. Gusto kong lumayo. I will never meet the standards of someone like her kaya bago pa ako tumungo doon iiwas ako.

“No. When you are inlove, you don’t give anything but love, not even your body or your soul not unless you both mean it. Wala kang utang sa kanya. When you are inlove, you respect. Irerespeto mo ang pagkatao nya mula ulo hanggang paa, alam mo ang limitasyon ng dapat mong ibigay sa hindi— You will know when it is the right time to do it.”

Ganoon kataas ang expectations nya?

Tngina ang hirap naman abutin non.

“Tsk, that’s what Manangs would say. Masyado kang makaluma, Maria.” Napapailing na sabi ko. I know I sounded evil but the truth is I am bitter, if that’s the standards then I will never be good enough.

“Pagmamahal ba ang pagkuha ng pagkababae nya s isang classroom na walang tao at palihim nyo yong ginagawa. Pagmamahal ba ang pagtatago sa isang relasyon—”

“Are you saying—” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

Tngina ang relasyon parang buhay ng tao, kailangan may pagkain. Kung wala non ay parehas kayong mamamatay.

“When you love, you do a lot of things Gaelan. You are happy, you are proud and you are kind. You do the right things not the wrong ones, you make everything else special. Ipagsisigawan mo sa buong mundo na nakita mo na ang taong mahal mo because that person deserves it. You do not show it in passionate kisses or aggressive sex, because love is more than that.”

Nagalit ako pagkasabi nya noon. Hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Nadismaya ako na hindi ko kayang gawin yon. Hindi ako magiging karapatdapat kahit kailan and it fcking hurts my ego.


“Sinabi nya yon? Ang lalim pala ni Young Maiden. Bakit ka nagalit that time?” Tanong sa akin ni Brax.

“Wala. Kasi hindi nya kayang imeet ang standards ng pinakasimpleng babae na nakilala nya.” Singit naman ni Ice.

“And it turned out that you will do it naturally. Totoo ang sinabi ni Maria. Sa kanya ko natagpuan ang lahat ng yon.”

“And the most special thing you did for her? Naikwento mo na ba kay Pareng Brax?” Siniko ako ni Ice habang natatawa. I remembered. It was the most painful part of loving her. I never thought love would be that complicated. I always thought that people just go to the basics, fall inlove, kikiligin, lose the spark but remain as friends, decide to continue with the relationship or quit it because it gets boring. 

The last part of that basic love story are two people deciding to find happiness with some other people or two bored people who keep the relationship because it is practical and people are used to it.

That is why they said that love is a choice but I say it is a feeling. When you feel it and take you to the heights, you will do your best to keep it that way, you work hard because it will make the love of your life better and happy; even if it breaks you. You still do something different because you want to fall in love over and over, your feelings other than love wont matter.

“I let go of her. I let go of the woman I love.” Tumingin ako sa malayo habang inaalala ang araw na yon.

…..

…….

………..

“Hijo, nakikiusap ako. Nakikiusap ako.” Umiiyak sa harap ko si Madame Helga. Maaga pa ay nandoon na ako sa bahay nila. Nag-aabang para sa plinano naming pagtatanan. Pero nakita nila ako. Nakita ako ng Daddy ni Maria at inanyayahang makausap sa pribadong garden ng mag-asawang Floresca doon sa mansyon.

“Sisigaw ako at tatawagin ko sya. Kukunin ko sya. Ma’am, I am sorry. Mahal ko ang anak nyo at ganoon din ang nararamdaman nya.” Nagmatigas ako. My happiness or theirs? 

“That is bullshit!” Padabog na inihagis ng Daddy ni Maria ang isang vase sa garden table. Nagkapira piraso ito agad pero hindi ako nagpatinag. Alam kong isang sigaw ko lang ay lalabas si Maria at sasama sya sa akin.

“Kahit anong pigil ninyo gagawa ako ng paraan. Kung ilalayo nyo sya, lalapit pa din ako. I will be the problem you won’t get rid off. I am the problem that makes your daughter happy. Bakit ba ang damot nyo?” Nabasag ang boses ko sa bandang huli. Handa ko nang iwan ang lahat. Kahit pa ang pamilya ko pero bakit mayroong hadlang?

“Because you do not deserve her!” Sigaw ni Pierre Alfred Floresca. “The best love that anyone can give to my daughter should be selfless. Giving importance to her priorities dahil bago mo sya makilala, isa muna syang anak sa pamamahay na ito na mayroong magulang na kailangang sundin. We are her priority at this age! She’s just a child, she was not able to explore the world the way she wanted it, she never saw the worst. We just gave her unicorns and flowers, that’s what she sees pero sa problema ay wala siyang ideya! You will not let her grow, you will snatch her liberty from her! Liberty in seeing the world when she’s ready. You are selfish and that is not love! That is arrogance and brute!” Galit na galit sa akin ni Mr Floresca.

Hinihingal din ako sa pagpipigil ng emosyon. Sa pangalawang pagkakataon, mayroong nagsabi sa akin na mali ang pamamaraan ko ng pagmamahal. Hindi ko matanggap na tama sya. Nasasaktan ako na sa isang iglap kailangan ko ng magdesisyon. Buo sana ang desisyon ko noong nagpunta dito pero ngayon ay unti unting gumuguho. Not because her parents don’t like me. It is because I don’t want to force her grow.

That maybe, I need to grow to.

This love only comes once.

Kung hindi ko aayusin ang aking sarili, maglalaho lang ito at mas lalo itong magpapawasak sa akin, sa aming dalawa.

“Im sorry, Sir.” Lalabas na sana ng garden si Mr. Floresca ng magsalita ako. Kumuyom ang kamao ko sa halo halomng sakit na hindi ko maipaliwanag. I don’t even want to talk about my feelings but I might explode.

“Ito lang ang pagmamahal na alam ko dahil ito ang unang beses. Unang beses na nasasaktan ako dahil tama kayo at kailangan kong makinig sa taong hindi ko kaano ano para sa ikabubuti nya. I dreamed of marrying your daughter.” Sa pagkakataong iyon, mayroong pumatak na luha sa akin. I pictured my Maria in a white dress as we get married someday, nasasaktan akong hindi pala mangyayari iyon. Kitang kita ko si Madame Helga na nakikiiyak kasabay ko.

“But your opinion will always matter because you are her parents. You  willalways count. Im sorry, Sir. Ma’am. Take care of her, for me.”

Tumalikod na ako at umakyat ng bakod para wala ng makakita pa sa akin. Sa araw na ito lalayo na ako. Marahil pagsisihan ko, pero kung balang araw mas magiging mabuti pa sya at sya pa din ang mahal ko, makukuntento na ako sa pagtingin sa malayo kahit hanggang doon lang ako.

…..

……..

…….

“Huhuhu naiiyak na ako.” Binatukan ako ni Rab na dumating na pala kasunod ang tatlo pang kapatid ni Maria. “Gago, ikakasal ka na nga sa kapatid namin nagdadrama ka pa.” Humalakhak si Rab na parang nasisiraan ng bait. Ngumiti lang ako.

“Saan ba ang stag party? Walang babae ha.” Warning ko agad. Sabay sabay na humalakhak ang magkakapatid.

“Sigurado ka? Kapag ikinasal na kayo ng kapatid ko, novena ang pampatulog non. Ikaw din.” Nagbibirong sambit ni Rab. Nakadama agad ako ng panganib dahil mukhang may mga kalokohan silang dala.. Baka mag-away kami ni Maria nito.

“Hindi naman nya malalaman.” Ngumiti si Gilad sabay kindat. Napa-facepalm na lang ako, paano ko tatanggihan ang mga kapatid nya?!

“Tara na, nandoon na daw sila Yuki.” Tinapik ako ni Ice sa balikat at sabay sabay kaming tumayo para lisanin ang coffee shop.

Isang madilim na Presedential Suite ang bumungad sa amin sa pinakataas na floor ng hotel. It was set up like a private bar. May tamang lakas ng music sa paligid at strobe lights. Mayroong mobile bar na nagseserve ng iba’t ibang alcoholic drinks at sa gilid naman ay may mga nakahandang pagkain na mukhang nagmula pa sa catering business ng nanay ko.

“Okay, rule of the night. Bawal ang KJ! Walang asawa o girlfriend na iisipin.” Anunsiyo ni Ahmed. 

Walanghiya! Eh hanggang sa puntong nagsasalita sya, si Maria ang naiisip ko.

“Wait, hindi ko kaya.” Tutol ko. Nanghina ako bigla, I don’t want to disappoint my Baby.

“Makakalimutan mo yan mamaya. Di ba mayroon din naman silang bridal shower ngayon?” Xenon said. Tumango ako. But it will be a clean fun gaya ng pangako ni Maria at Sam sa akin. Hindi din ganoong klaseng babae si Maria at siniguro kong wala syang kasama na hindi matino.

“Basta, what happens in this room, stays in this room.” Sigaw ni Gilad. Napangiwi ako, paano kapag may ganoon ding kasunduan si Maria at ang mga kaibigan nya? Maglilihim din sya sa akin? She will touch some man’s private part and I will never know! Ptngina hindi.

“Sakit ng tyan ko!” Umarte pa akong nakakapit sa tyan at lumalapit na sa pinto para sana lumabas.

“Ulol, may banyo dyan!” Kantyaw ni Ice.

Sa puntong iyon mayroong nagdoorbell kaya napayuko na ako.

“Ako ang magbubukas!” Nagtaas ng kamay si Yuki habang nakangisi, malapad nyang binuksan ang pinto at ang isang babaeng mayroong sexy elf costume ang nakatayo doon. My group clapped with anticipation and heavy breathing. Mga loko loko!

“Hi Boys. Special Delivery..” Kumindat pa ang babae at mas lalong umingay ang lahat.

Mayroong pang tatlong babae na may parehas ng costume ang lumapit sa pinto na mayroong dalang malaking kahon.

“Where’s the groom?” Sabay sabay na tanong nito. Hinila ako ni Ahmed at Xenon papalapit sa mga box kahit umaayaw ako.

“Buksan mo na! Ang arte!” Pagpupumilit ni Hunter habang patuloy ang tawanan. Inilagay nya ang kamay ko sa ibabaw ng box. Hinawakan ko ang dulo ng ribbon, matindi ang peer pressure ng mga walanghiyang ito.

Nang kumalas ang ribbon, dalawang babae ang nasa loob pa ng kahon. They are sexy actress but I cannot remember their names. Halos wala na silang damit at wala akong ginawa kundi umiwas ng tingin. Kailangan naming mag-pray ng Baby ko mamaya!

The girls were dancing in front of us while we seated at the couch. Mayroong wala ng mga damit and I never polluted my eyes after Maria, ngayon na lang.

Nag-vibrate ang cellphone ko. Pasimple akong tumayo para kunin yon. Nagtungo ako sa dulong bahagi ng suite kung saan nakatunghay ako sa maliliwanag na ilaw ng siyudad. Pinagmasdan ko iyo and my mind wanders where my girlfriend is. Kung ano bang ginagawa nya ngayon. Namimiss ko agad kapag hindi ko nakikita.

“Hello Baby..” Bulong ko.

“Hello? Do you have chicks?” Tanong nya agad sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa malambing nyang boses pero bahagya pa din akong nataranta. May cctv ba dito? Paano nya alam?

“What? Wala. I mean— Yung mga Kuya mo kasi..” Sumbong ko. I heard my Baby sigh.

“I know. They’ve told me about it.”

“What? At pumayag ka?” Si Maria? Papayag sa ganoong kalokohan.

“I am not that sexy, you know.” Malungkot nyang sabi.

“Hindi! Hindi ganoon yon. Don’t ever feel that. You are the one I am dying to be with!” Depensa ko. Palagay ko pag naikasal na kami, wala na akong hihilingin pa at gusto kong lagi nyang nararamdaman iyon. Nakarinig ako ng tilian sa kabilang linya, kumunot ang noo ko.

“What’s that Baby?”

“Hmmm.. some macho dancers.” Kaswal na sagot pa ni Maria.

“WHAT? What did they do to you? Are they even wearing clothes?”

“No. I felt one of the macho dancer’s hairy legs to mine but I was blind folded so I am not sure if it is his legs or—”

“FUCK THAT GUY!” Uminit ng husto ang mukha ko sa galit. Hindi ko nga ginagawa iyon sa baby ko!

“Wag ka mamumura!”

“Nasaan kayo? Susunduin kita dyan.” Kinapa ko na ang susi ng sasakyan ko sa aking bulsa. Kung kinakailangan kong talunin ang kabilang unit para makatakas, gagawin ko.

“Secret..” Humagikgik si Maria sa kabilang linya, napakunot ang noo ko. Anong ‘secret’?

“Why? Are you enjoying yourself there? Sige kung masaya ka dyan hindi na kita pupuntahan.” Pinatay ko na ang kanyang tawag ng nagtatampo. Ako itong guilty na guilty dahil may dinalang babae dito na hindi ko alam samantalang sya ay natatawa pa! Akala nya ba ay biro iyon?

Sa kabilang banda ng  utak ko ay naghahanap ako ng ibang paraan para mapuntahan sya. Ayaw ko namang matakot sya sa pagiging istrikto ko, pupwede ko naman sigurong lumpuhin ang macho dancer na yon. It is lesser evil though.

“Gaelan! Ano? Suko ka na?” Tanong sa akin ni Xenon.

“I have to go.” Matigas na sabi ko. Kumunot ang noo ng mga kapatid ni Maria.

“May macho dancer sa bridal shower ni Maria.” Paglilinaw ko.

Napatayo si Gilad, Ahmed at Rab. “What? Who hired that?” They all asked in chorus.

Nagkibit ako ng balikat, “Your sister, Gael. She’s really evil.” Umismid si Rab. Nandoon nga si Brie sa bridal shower at posibleng sya ang naghanap ng macho dancer dahil puno ng kapilyahan ang utak ni Brianna, tsk. Nauna pang lumabas ng suite ang tatlo, si Xenon lang ang naiwan at ang Yukan’na.

Sumakay kami sa kani-kaniyang sasakyan sa pangunguna ni Gilad. Nakasunod lamang ako dahil wala akong ideya kung saan kami pupunta. Sa isang mamahaling hotel din kami huminto pagkalipas ng ilang minuto. Tahimik kaming apat nang nasa loob na kami ng elevator.

“I will wring the neck of that macho dancer!” Nanggigigil sa inis na sabi ni Gilad na tila hindi mapakali.

“Ha, ako si Brie na lang sasapukin ko.” Bulong ni Rab sa akin gilid. 

Tumikhim ako, baka nakakalimutan ni Rab na naririnig ko ang sinasabi nya. Tiningnan ako ni Rab ng makahulugan. “What? Your sister is stronger than me.” Wika nya sa akin.

“Ako siguro lulumpuhin ko ang macho dancer ng patago kasi ayaw ni Maria ng bayolente.” Sambit ko na lang saka bahagyang ipinahinga ang likod sa elevator.

“Ilalaglag ko sa building.” Bulong ni Ahmed sa aking gilid. Sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong namin kay Ahmed.

Napalunok sya at nag-iwas ng tingin. “Nakikisama. Galit kayo eh. We’re brothers, right?” Aniya na bumalik sa pagiging blanko ang mukha.

Nang bumukas ang elevator, nagmamadaling humakbang si Gilad. Malalakas ang pagkatok niya sa pinto. Hindi naman siya nabigo dahil bumukas agad ito.

“Hi!” Si Sam ang bumungad na ngiting ngiti.

“You pregnant woman, bakit ka—bakit ka—” Hindi maituloy ni Gilad ang sasabihin dahil ang kaninang galit na mukha ay umamo pagkakita nya sa kanyang girlfriend.

Nilingon kami ni Sam saka ngumiti. “Ayan, perfect ang attendance. Girls andito na ang mga macho dancers .” Humahalakhak na wika ni Sam.

Malapad na binuksan ang pinto. Nagulat ako ng wala akong makitang kakaiba bukod kay Maria, Mishel, Brie, Regine at iba pang babaeng mga kaibigan. They are eating popcorn, pizza and watching a movie.

“Baby, akala ko—”

Tumayo si Maria at sinugod ako ng yakap.

“I tricked you.” She whispered. Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinalikan ang tuktok ng ulo. “Im jealous. Kaya naisip nila Sam na sabihin sayong mayroong macho dancer dito kahit wala naman.” She said. Para akong biglang nalasing sa paglalambing nya sa akin. I will never get tired of her. I will never get pissed of her jealousy. If she would want to keep me beside her, I will, gladly.

“Hindi ko naman alam na may babae doon. Kung sinabi mo lang na ayaw mo akong pumunta doon-”

“They are my brothers, they want to welcome you. We don’t want to spoil it but they are so naughty.”

Napatingin ako kay Gilad na pingot pingot na ni Sam, si Ahmed naman ay pilit na tinatanggalan ng tshirt ni Mishel samantalang si Rab— si Rab ay nawala, kasama ang kapatid ko.

“Let’s get out of here.” Pag-aaya ko sa Mahal ko. She nodded willingly. She grasp my right hand tightly at pasimple din kaming lumabas ng pinto na hindi na nagpaalam.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, I just drive while holding her hands. Hindi ko ata ipagpapalit ang ganito. Kung pwede lang hawakan ang kamay nya sa lahat ng pagkakataon.

“Gaelan..” She whispered my name.

“Hmm?”

“I love you.” She said out of nowhere. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Ewan ko, kinikilig ako kapag sya ang nauunang magsabi non. Although I wont mind if I will always say it first.

Tumigil ako sa pagmamaneho sa isang bakanteng lote. Tiningnan ako ni Maria ng nagtataka.

“Bakit? Asan tayo?” Nakangiting sabi nya.

“I don’t know. Baka lang kasi maibangga ko sa sobrang kilig.” I said. Lumapad ang ngiti nya at ginulo ang buhok ko.

“Bolero ka.” She laughed. I held her hands and kissed the back of it, she looked at me while smiling.

“Thank you.” Sabi nya. “Thank you kasi kahit hindi ko naintindihan ang pang-iiwan mo sa akin noon, tiniis mo ako para magawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin. Hindi mo hinayaang masira ako sa mga magulang ko kasi kung ginawa natin yon noon, baka hanggang ngayon ay wala akong pamilya—”

“Tapos na yon..” Paano nya kaya nalaman ang bagay na yon? Up to this day, hindi ko na iyon sinabi although Rab knows since then.

“Thank you because you cared so much for my parents that you didn’t tell me what really happened because you don’t want me to get angry at them. Salamat for loving me unconditionally and I know you also love my family.”

“Syempre, kung sino ang mahal mo mamahalin ko din.” Nakaramdam ako ng pagmamalaki.

“Ako na ba talaga ang papakasalan mo?” Halos hindi makapaniwala nyang tanong habang hinahaplos ang pisngi ko.

“Baby, ikaw nga ang gusto kong makasama. Kayo ni Rigo at mas madami pang anak.”

“H-hindi naman ako maganda at sexy, Kamukha ko si Sadako, mataba—”

“Shh..” Mabilis ko syang hinalikan sa labi at agad na pumula ang pisngi nya. I will fall in love over and over again with her innocence.

“Lahat ng sinasabi ko sayo tungkol sa mukha mo, kabaliktaran yon. Ang totoo crush kita dati pa. Gandang ganda ako sayo noong una kitang nakilala kaya nagpapansin ako sayo. Effective naman hindi ba? Napansin mo ako at ngayon papakasalan na.”

“Nagsisinungaling ka.” Umismid ang girlfriend ko sa akin. Binalot ko sya sa yakap at nagsumiksik sya sa akin.

“Gago lang pero hindi sinungaling. I am so excited spending my life with you. Yung tipong gigising ako ng maaga at nagluluto ka ng almusal at baon ko sa opisina tapos dadating ako galing sa work at may nakahanda na ding pagkain..”

Kumalas ng yakap sa akin si Maria.

“Maid naman ata ang gusto mo eh!”

“Hindi, chef ang gusto ko.”

Hinampas nya ako sa balikat, “Iniinis mo na naman ako.”

“Hindi pa kasi ako tapos—” Hinila ko sya at ibinalik sa yakap.

“May nakahanda ng pagkain tapos uupo ka sa lap ko at susubuan kita ng pagkain. Ako ang maghuhugas ng lahat ng pinagkainan at pagkatapos pupunta ako sa kwarto at hihilutin ko ang likod at binti mo dahil alam kong napagod ka sa buong maghapon. Pagsisilbihan kita lagi pag-uwi ko sa bahay, pangako yan.”

“I want that.” Bulong nya.

“You will have that, more and better. I love you.” Pangako ko.

“I love how you take care of me even without being told to. I will never let go of you.” She reached for my lips and we kissed, passionately. 

In a way we never kissed before.


Maki Say’s: Epilogue na lang :) Thank you for reaching this far. 

As announced, magkakaroon ako ng maliit na game. I want to read the best comment in the Comment Box of TBBS’ EPILOGUE kung bakit nyo nagustuhan ang story (hindi kailangan tungkol sa akin). Sa comment box ako titingin okay? Wala pang epilogue kaya paghandaan ang comments :) Pero wala akong way para ipadala sa abroad (Kung asa abroad ang mananalo). Kung may way address kayo sa Pilipennns, ipadala ko muna doon :)

Epilogue

Maayos akong nakaupo sa bridal car na nakahanda katabi si Mommy at si Daddy. Para pa din akong nangangarap sa lahat ng maaring mangyari ngayong araw na ito. Bawat detalye na nais ko ay nasunod. Actually wala namang detalye, gusto ko lang ay yung simple.

“Wala akong pinangarap na makitang katabi mo sa altar kundi si Gaelan, Princess. Kahit kunin ka nya sa amin ngayong 23 ka pa lang, hindi na ako nagdalawang isip na pumayag.” Daddy pressed his lips into a thin line.

“Iiyak ka na naman, Al.” Natatawang sabi ni Mommy habang hinahaplos ang pisngi ni Daddy, “Mukhang tatalunin mo pa ako sa dami ng tissue na mauubos. Baka akalain ni Ria hindi tayo masaya.” Pinisil ni Mommy ang kamay ko at huminga ako ng maluwag.

“Masaya kung sa masaya. Iba pa din syempre yung alam mong nasa saiyo pa din ang anak mo. Si Gaelan na ang magmamay-ari sa kanya pagkatapos ng lahat ng ito. Hindi na maaring basta puntahan tuwing namimiss natin ang bunso.”

Ngumiti lang ako ng tipid. Nakiusap si Gaelan na huwag na akong pahawakin ng negosyo, ang mga Kuya ko naman ay sumuporta ng husto. They can do all the hard work for me, they said. Samantalang magiging parte na lang ako ng board.

“Maaari na po kayong bumaba.” Sinalubong kami ng wedding coordinator. Bumilis ang tibok ng aking puso lalo na ng umapak ako sa buhangin at matanawan ko na ang nagkukulay kahel na langit. Naghahati ang amoy ng tubig alat at bulaklak sa paligid. Naririnig ko na din ang malamyos na pagtugtog ng violin. Pilit kong kinikilala ang mga nakaupo pero nakatalikod silang lahat sa akin.

My man, is gloriously standing beside the priest. Kahit lahat kami ay nakaputi, hindi maglalaho ang talas ng mata ko pagdating sa kanya. Hindi ko pa mahusgahan kung gwapo sya pero tiyak ko na gwapong gwapo sya dahil pinangako nya iyon sa akin kagabi. That he will be the best looking guy in our wedding.

Masyado ko nga syang namiss dahil hindi kami pupwedeng magkita kagabi dahil baka daw hindi matuloy ang kasal. Kahit hindi kami naniniwala, sumunod na lang kami. Ano ba naman ang isang araw na pagtitiis kumpara sa buong buhay na magkasama.

I was anticipating my wedding march while my feet is feeling the sand underneath, si Gaelan daw ang pipili kaya wala akong ideya. We never rehearsed for anything. Ginusto namin na masurpresa sa lahat ng maaring manyari, palpak man o maganda. Umaasa akong maging maganda dahil dito rin sa pribadong beach resort ng mga Ancheta kung saan kinasal ang mga magulang ni Gaelan gaganapin ang aming kasal. As Mommy Blair told the story, their wedding is magical. Siguro ganoon naman talaga ang magiging pakiramdam mo kung masaya ka sa taong papakasalan mo. Kahit siguro sa gitna ng kakahuyan pa kami ikasal, magiging napakasaya ko pa din. It is not really the fairytale-like wedding that will make it enchanting but the Prince charming beside you.

I stepped on the white carpet filled with red rose petals mixed with yellow and orange daisies. Halos tumakbo ang puso ko ng mapagtanto ko na kahit kakaunti ang imbitado, nandito ang lahat ng kakilala ko at wala ni isa ang naglabas ng cellphone bilang kahilingan na din namin. Nakatingin lang silang lahat sa akin. I can see in everyone’s eyes that they’re happy for me, for us..

’You look so wonderful in your dress..

I love your hair like that..

The way it falls on the side of your neck..

Down your shoulders and back..’

Agad na nabasa ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na kanta. Ito yung pinatugtog ni Gaelan noong inayos nya ang field ng Keio para daw magpasalamat sa akin. That was a long time ago but the song still send chills to my spine.  Kinalma ko ang aking sarili dahil mukhang umpisa pa lang ay aagos na ang luha. Inilagay ni Mommy at Daddy ang kanilang mga kamay sa aking braso. I smiled widely while suppressing myself to tears. I walked slowly with my parents, sa dulo nito ay nag-iintay ang lalaking pinili kong makasama sa hirap at ginahawa. The man that will make all the intolerable things lovable. The man who will make me fall in love each and everyday of my life.

’Should this be the last thing I see..

I want you to know it’s enough for me

‘Cause all that you are is all that I’ll ever need..’

Im so in love, so in love,

So in love, so in love..’

“Gaelan, pinapaubaya ko na sa iyo ang unica hija ko.” Para pa din akong nangangarap at nagulat pa na nakarating na ako papalapit kay Gaelan. His eyes are red too, hindi ko napansin kung umiyak ba siya o pinipigil nya. Binaling nya ang mga mata nya kay Daddy.

“Sorry po kung pinlano ko syang itanan. Ngayon hindi na kailangan. Mas masarap pala sa pakiramdam kung kayo mismo ang mag-aabot ng kamay nya.” Gaelan is wearing a white longsleeves and a khaki pants. Terno lamang ito sa puti kong sleeveless dress na hindi umaabot ng talampakan, may hair is set to wavy curls and I am wearing a flower crown.

Napangiti ako sa pag-uusap sa dalawang pangunahing lalaki sa buhay ko.

“Gaelan, kayo ni Ria ang dapat mayroong vow, bakit mayroon ka din para sa Daddy nya?” Narinig kong bulong ni Mommy Blair. Napahigikgik si Mommy sa sinabi nito.

“Eto talagang si Al, desidido na daw pakawalan ang bunso nya ngayong araw pero naiiyak pa din siya, Blair.”

“Sus! Ako nga gusto ko ng pakawalan itong si Gaelan kasi sakit sa ulo ang isang ito kapag hindi nakikita si Maria, tumitino lang sya kapag katabi si Maria, pero kapag hindi..” Ani Mommy Blair sabay yakap sa bewang ni Daddy Garrett. Binalingan ko si Gaelan at pinanliitan ng mata.

“May mga kalokohan ka bang hindi ko nalalaman, Gummy Bear?” I asked. Humalakhak si Gaelan sabay hawak sa kamay ko.

“Magpakasal muna tayo bago ko sabihin, Baby ko.” He said teasingly.

Lumapit ang mga kuya ko sa maliit na umpukan namin sa gitna, everyone offered their hands to Gaelan while Gaelan’s sisters kissed me on the cheeks and hugged me tight.

“Welcome to the family..” Brie said cheerfully.

“Should I welcome you to our family too?” I asked. Malungkot na tumingin si Brie kay Kuya Rab at saka umiling.

“Hindi. Hindi pa. Hindi siguro.” Wika nya.

“This is not your day, Sis. Just be happy.”  Hinalikan ni Gaelan si Brie sa noo at tinapik ito sa balikat. Hinila muli ni Gaelan ang aking kamay at dinala sa altar kung saan mayroong nag-aantay na pari.

Everything went well, pinili namin ni Gaelan na walang vow para sa isa’t isa. We’ve said our piece too much. Gabi gabi iyon bago kami matulog sa telepono, and I know tonight we will say how blessed we are to have each other. Sana lang ay hindi kami makatulog agad dahil sa pagod.

Madilim na ang tabing dagat ng magsimula ang reception. Ang mga malamlam na ilaw at scented candles ang nagsisilbing liwanag sa tabing dagat. The light is not too sharp, only warm and enough to give light to our guests having fun dancing in the sand. The full moon helped to lit up the whole place, naka-reflect ang matingkad nitong puting anino sa ibabaw ng madilim na karagatan.

Magkahawak ang kamay namin ni Gaelan habang walang tigil sa pag-sway sa musika na hindi namin alam kung pang-ilan na. Gaelan is staring at me intently. Napapangiti na lang ako dahil madalas nakakailang. Kailangan ko na ata talagang masanay sa paninitig nyang ito.

“Pupwede ko bang isayaw si Mrs. Ancheta?” Napalingon ako kay Yuki. He also looks dazzling in his white Camisa de Chino and white shorts.

“Hindi.” Deretsang sagot ni Gaelan na hindi pa din iniaalis ang tingin sa akin.

“Gummy Bear!” Pagalit ko.

“He is your best man.” Pagpapaalala ko.

“Oo nga. Eh ano naman? Wala lang kasi akong kapatid na lalaki kaya sya na lang.”

Natawa si Yuki pero hindi pa din sya umaalis sa aming harapan.

“You will have me for the rest of your life.” I reminded him.

Napapailing na iniabot ni Gaelan ang kamay ko kay Yuki.

“Nakatingin ako. I can aim better than you. One wrong move I will shoot you on the butt.” Pagbabanta ni Gaelan. Boys and their words!

“Magaling akong umilag baka nakakalimutan mo.” Yuki chuckled. Para talaga silang bata kung mag-asaran.

Pagkatapos ng ilang segundong pakikipagtitigan, umalis din si Gaelan sa aking tabi. Maingat na inilagay ni Yuki ang kanyang kamay sa aking bewang at nagsimula na kaming umikot sa dancefloor.

“Masaya ka ba?” Lumunok si Yuki sa sariling tanong, parang hindi pa handa sa isasagot ko.

Tumango ako sa tanong ni Yuki. I am so happy, never been this happy.

Yuki nodded, “You should. Mamahalin ka nya ng husto.”

“I know, I can feel it.” Buong kumpiyansa kong sabi. Humampas ang alon kasabay ng pagsabog ng buhok ko, napangiti lang ako habang binabalik ito sa pagkakaayos.

“He almost gave up on you, you know. Ipinagkatiwala ka na nya sa akin. Kung mapagsamantala lang akong tao baka akin ka.” Seryosong sabi ni Yuki. Pinakatitigan ko syang mabuti, nang mapagtanto kong seryoso sya hinampas ko sya sa balikat.

“Hindi mangyayari yon no. Hindi din kita sasagutin. Loyal ako, Yuki. Minsan lang akong nagmahal at sya yon. I will never use you to forget him not because it is not right but I know it is impossible to direct this feeling to another.” Pagsasabi ko ng totoo. Malapad na ngumiti si Yuki.

“Nakakabilib nga eh. Maybe if you are meant to be, no matter the imperfections, you will fall inlove to that same person over and over.” Ani Yuki. Sumang-ayon ako. Pinaglaruan ko ang mga buhangin sa ilalim ng aking sandals at ginala ang mata ko. I saw Gaelan dancing with my Mom. Kumaway ako sa kanilang dalawa. Gaelan is now dear to my family. Mahal na mahal din sya ng pamilya ko dahil magaling syang maglambing. Pati ang mga Kuya ko ay napaamo nya ng husto, they even thought he’s their long lost brother. Mayroon siguro syang katangian na wala sa kanila.

“He’s the most imperfect guy I met, milya milya ang layo ng kabutihan mo sa kanya but he made me fall for him, all those scars and bruises, beyond his demons, Yuki, minahal ko ng husto. Sumuko din ako. Alam mong sumuko ako, pero nabigo din naman ako.”

Ngumiti si Yuki, may bumakas na sakit sa kanyang mga mata pero saglit lang iyon, mabilis nyang napalitan ng ngiting totoo. I don’t want to feel awkward kaya pumili ako ng ibang mapag-uusapan.

“Wag ka nang maging agent.” Sabi ko sa kanya.

“Wala pang pumipigil sa akin tungkol sa bagay na yon.”

“Ako.” I said.

Yuki smiled sadly, “Iisa lang ang maari mong pigilan, iisa lang din ang makikinig sayo.”

“Sige ganito na lang, kapag nahanap mo na siya, itigil mo na yan. Gusto mo bang magaya kay Toshiyo? Matandang binata na ang Kuya mo.” Natatawang sabi ko.

“Tsk, wala kang bilib sa akin, I can find her now, even right after your wedding recep— ARAY!” Napakapit si Yuki sa kanyang ulo dahil may kung anong tumama doon. Nakita kong isang sapatos iyon na mayroong mataas na takong.

Natigilan ang mga nagsasayaw at laking gulat ko ng may tumalon sa kanyang babae at sumabit sa kanya na parang monkey.

“Sabi mo kagabi tutulungan mo akong makalimutan ang boyfriend ko yun pala ikakasal ka ngayon! Walanghiya ka! Kayo talagang mga lalaki mga sinungaling! Paasa!”

“Teka! Teka! S-sino ka ba?”

“Sino ako? Sino ako? Hoy! Ang kapal ng mukha mo, ako pa ang pinagbayad mo ng lahat ng ininom mo. Mukha ba akong matrona ha, Hapon ka! Gusto mo ng World War 3!!!” Panghahamon pa nya. God, she’s making a scene pero hindi ko sya masisisi dahil malamang ay biniktima sya ni Yuki kagabi.

“Hindi nga kita kilala–– Ouch! Baliw ka ba!” Galit na sigaw ni Yuki dahil sinasabunutan na sya.

“Inaya mo pa akong makipaghalikan sayo, nang hindi ako pumayag ay bigla kang nawala! Hindi ka pa pala bayad!” Natawa ang mga lalaking bisita ko.

“May kakambal ako! Baka naman si Kiro ang tinutukoy mo!” Panay iwas ni Yuki sa hagupit ng babae.

“KUUUUU!!!! Palusot mo! Hindi ako naniniwala sayo! Bayaran mo ang lahat ng ininom mo kagabi!”

“Miss, may kakambal nga ako at nagsasabi ako ng totoo. Hindi kita maalala. Hindi kita kilala, hindi din ako lasing kagabi at higit sa lahat may pambayad ako sa lahat ng iniinom ko.”

Bumaba ang babae sa pagkakasabit kay Yuki. Doon ko lang napansin ang mukha nya. Yuki is towering the girl with soft features, hindi matangkad ang babae pero mapungay ang mata at mapang-akit ang labi. Nagpamewang sya sa harap ni Yuki and she looks very cute.

“Ganoon ba? Pwes, bayaran mo ang lahat ng ininom mo kagabi, bilis!” Nilahad nya ang kanyang palad sa harapan ni Yuki.

“Yuki bayaran mo na…” May nangantyaw mula sa di kalayuan, malamang ay isa sa miyembro ng Yukan’na. Ang singkit na mata ni Yuki ay mas lalong naningkit.

“Ayoko.” Matigas nyang sabi. Namula agad ang mukha ng babae.

“Ang kapal talaga ng Lelang mo! Hoy! Naubos ang laman ng ATM ko kagabi, hindi ko akalain na isang laklakan mo lang ang isang buwang sahod ko. Ano ba yang tyan mo? Ginto?”

“Hindi. Abs. 6 packs.”

Mas lalong nag-baga ang mukha ng babae. Akala ko magagalit ito pero unti unting umamo ang mukha nya at biglang—

“Ganyan naman kayong mayayaman, aapakan nyo kaming mahihirap. Tao din naman kami no! May puso at damdamin din. Sabagay, ano nga naman sa inyo ang 20,000 na sahod ko mula doon sa pagwe-waitress ko sa kabilang resort. Wala, barya lang. Barya. Sino ba naman si Josefina Bulaklak sa inyo? Wala di ba? Kasi ang pangit ng pangalan ko. Pero kahit pangit ang pangalan ko, mas pangit pa din ang ugali nyo. Lalo na ng isang yan!” Turo nya pa kay Yuki habang umiiyak.

“Mishel, pakiabot naman ang wallet ko..” Hindi ko napigilang sabihin dahil sobra na ang nararamdaman kong pagkahabag kay Josefina.

“Wag na, Ria. I will deal with this. Patay sa akin si Kiro.” Napapailing na sambit ni Yuki.

“Ma’am, hiwalayan nyo na po yang pinakasalan nyong ito bukas na bukas din. Tikoy po. Ayaw nyang bayaran yung ininom nya sa Bar namin doon sa resort.” Hinila si Josefina ni Yuki papalayo sa amin. “Saka kulay pink ang brief nya! Hindi din totoong may abs sya! Mabaho ang hininga! May alipunga!” Kung ano ano pang pang-aalipusta ang narinig ko mula kay Josefina bago sila nakalayo ni Yuki mula sa amin.

Kinuha ni Gaelan ang kamay ko pagkatapos. Hindi pa din ako makahinga ng maluwag dahil nag-aalala ako kay Yuki at kay Josefina. Wag naman sana silang magpatayan.

“Hay salamat! Nawala na din ang asungot!” Nag-inat si Gaelan at hinalikan ako sa noo.

“Tara, iwan na natin ang mga to.” Nginuso ni Gaelan ang mga bisita namin na hindi naman talaga bisita dahil halos lahat ay parte na ng pamilya, pati ang Yukan’na na nagsisilbi namang security ng aming pamilya ay nandito pa.

Pasimple kaming lumalayo sa mga bisita at nang makarating kami sa gitna ng beach resort ay tumakbo na kami patungo doon sa rest house ng mga Ancheta. Parehas kaming natawa sa ginawang pagtakas.

Gawa sa semento at hardwood ang exterior ng bahay, ang loob naman ay napapalibutan ng antique na muebles na naalagaan ng husto.

“Welcome to our honeymoon suite, Mrs. Ancheta.” Pumula ang pisngi ko sa sinabi ni Gaelan. Hindi halos ako makapaniwala na makakarating kami ng ganito kalayo. Sa dinami dami ng napagdaanan namin, hindi ko akalain na kami pa din. I would want to believe that fate wants us together.

Aaminin kong wala akong ibang pinangarap kundi ito. Ang makasama sya at bumuo ng pamilya. Ito na ang simula.

“Pagod ka?” Gaelan asked. Gusto ko sanang itanggi kaya lang alam kong bakas na bakas na iyon sa mukha ko. Napatili ako ng bigla akong buhatin ni Gaelan.

“Ano ba! Ibaba mo ako!” Utos ko pero tawa naman ako ng tawa.

“Ibababa kita.. Doon na sa kama.” Dumaan kami sa isang napakalapad na hagdanan. Maybe Gaelan used to be here often, kahit madilim kasi ay alam na alam nya ang dadaanan. Binuksan ni Gaelan ang isang malapad na pinto sa ikalawang palapag. Lampshade lamang ang nakabukas pero hindi ko mapigilan ang paghanga, gawa sa bricks ang buong kwarto at sa gitna ay mayroong malapad na kama.

Gaelan carefully laid me on the bed at hindi nya pinuputol ang tinginan namin. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang ilong at labi. Gaelan kissed my hands.

“I love you..” Sabay naming sabi kaya natawa kami parehas.

“Sa wakas, ikinasal din tayo. Pangarap ko na ito halos anim na taon na ang nakakaraan akala ko hindi na matutupad.”

“Lahat ng bagay ay mangyayari sa tamang oras hindi ba?” Sabi ko.

“Kung sarili ko lang ang iisipin ko, mamadaliin ko lahat. Noong wala ka sa tabi ko, nagsisisi pa din ako sa napili kong desisyon lalo na tuwing nakikita kitang masaya sa pag-aalalaga ni Yuki.”

Naalala ko na naman ang sinabi ni Yuki, kinurot ko sa tagiliran si Gaelan, “Bakit sabi ni Yuki ay ipinagkatiwala mo ako sa kanya at susukuan na?”

“Almost. Sa tingin ko kahit ginawa ko yon, ito pa din ang kahahantungan nating dalawa. You marrying me and we will end up in one bed. Ikaw lang at ako..” May sumilay na pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Pinisil ko ang kanyang ilong at hinayaan naman nya ako.

“Can I kiss you?” He politely asked.

“Lagi ka bang magpapaalam tuwing gusto mo akong halikan?” Natawa ako pero nanatiling seryoso si Gaelan.

“You will never be one of those girls to me, Maria. I will respect you not just because you deserve it but because I love you.”

Hinaplos ko ang mukha ni Gaelan, my hands automatically traced his nose and his lips again.

“I want you to kiss me, Gaelan.”

Pumungay ang mata ng aking asawa. Dahan dahan nyang ibinaba ang kanyang mukha papalapit sa akin. He planted a soft kiss on my lips. Isa lamang noong una ngunit naging sunod sunod na pagkatapos. Bumaba ang kanyang kamay sa aking likod, I gave him full access to that. I can hear the unzipping of my dress. Nagsimula na lumalim ang kanyang mga halik at wala akong ginawa kundi umayon sa kanya.

His kisses were soft and warm, I felt different, I felt entitled and liberated. It excites me knowing that we are now legal, in fact it is our responsibility to keep the fire burning, that we should keep doing it better.

Wala talagang masama kung mag-iintay ka, walang masama kung magpapatawad ka, walang masama kung magmamahal kang muli pagkatapos mong masaktan. Madalas ang nakatagong kasiyahan ay nandoon sa mga bagay na kinakatakot mo. Kaya wag kang magsawang mag-intay, ’wag matakot na magpatawad at magmahal muli dahil sa likod non ay pangako ng Diyos na magiging masaya ka muli dahil natuto ka na at mas matibay ka kaysa dati.

I reached for his neck, I helped him unbutton his sleeves. Ibinaba ni Gaelan ang isang strap ng dress ko pagkatapos nyang matanggal ang kanyang pang-itaas and I felt an aching desire to have him more. He started to carress me on the neck with shallow kisses, I arched my back as I closed my eyes.

“Mahal kita..” He whispered on my ears. “Mahal na mahal kita.”

A tear fell down on my cheek as I took in his words. Parang gatilyo iyon na nagbuhos sa akin ng napakaraming emosyon na napakatagal kong pinigilan. I want to do everything with him at ngayon ay pupwede na dahil sa sakramento ng kasal. Gusto kong maramdaman ang kakaibang uri ng pagmamahal.

Masuyong pinadaan ni Gaelan ang kanyang kamay sa aking likod and I realized how far we’ve reached already. Hindi ko iyon namalayan.

“I know you are tired, Baby. I promise we get to rest after.” Sambit ni Gaelan sa pagitan ng mga halik.

Hindi talaga magaling tumupad sa pangako si Gaelan, dahil ang pahingang sinasabi nya ay hindi nangyari ng gabing iyon.


That blissful day of our marriage bloomed into a fantastic years together. Limang taon na ang lumipas at napakarami na ding nagbago. Hindi laging masaya, may pinagdadaanan din na gusot pero naayos din naman.

“Rigo, can you reach for the rolling pin?” Tanong ko sa anak ko na limang taon na. Mula sa pagkakaupo sa lamesa, kinuha nya ang rolling pin doon sa drawer ng baking utensils ko. Pinagmasdan ko sya at nakakatuwa na napalaki namin sya ng maayos. Mahal na mahal din sya ng mga Lolo at Lola nya sa parehas na partido at hindi itinuring na iba kundi parang unang apo pa nga.

“What are you doing, Nanay?” Tila naiinip nya na tanong.

“Mayroong order na empanada ang Tita Sam mo, the baby inside her tummy wants it.” Ngumiti ako sa aking anak kahit na bahagyang kumirot ang puso ko. Hindi pa kami nabibiyayaan ng sariling anak ni Gaelan. Nagpatingin na kami sa doctor at sinabing walang may problema kaya hindi naman ako masyadong nag-aalala.

I decided to get back to work three years after our marriage dahil nafu-frustrate lang ako dahil hindi naman ako nagiging ina, but then, it just caused our fight. Matindi ang naging tampuhan namin ni Gaelan noon. Yun ang unang malaking away namin at ngayon nagaganap ang pangalawa.

“What time Tatay will come home?” Sumunod na tanong ni Rigo. Hindi sya nagtatanong tungkol sa away pero alam kong nararamdaman nya iyon sa apat na sulok ng bahay na tinitirhan namin ni Gaelan. Bumili sya ng bahay at lupa na napakalapit lang sa aming mansyon para hindi din daw mapagod si Rigo sa palipat lipat kina Mommy tuwing namimiss nito ang Lolo at Lola nya.

“Hindi ko alam anak, why don’t you call him?” Suhestyon ko.

Ngumiti si Rigo at bumaba ng upuan. Kinuha nya ang aking cellphone sa may kitchen counter. Hindi iyon halos tumunog sa loob ng limang araw dahil sa nagaganap na cold war sa pagitan namin ni Gaelan. He said he needs to be in Brisbane for 3 months at ayaw kong pumayag, hindi pa kami nagkakahiwalay ng ganoon katagal simula maikasal kami. Hindi ko naman maiwanan si Rigo dahil pumapasok na din sya sa school kaya hindi talaga ako makakasama.

Nauwi lang kami sa away dahil hindi ko daw nauunawaan ang kanyang trabaho. Of course I do, but my insecurities are eating me. I trust him, so much, but it is hard for me to feel confident gayong alam kong kulang pa ako. Mayroon pa akong hindi naibibigay sa kanya. At nang sinabi ko yon, mas lalo lamang sumama ang loob nya dahil hindi ko daw pinagtitiwalaan ang pagmamahal nya.

“Nanay cooked your favorite..” Sinubukan pa ni Rigo i-bribe ang Tatay nya. Naku ha, hindi naman yan makukuha sa ganyan. Napaismid ako habang buong puso kong minamasa ang harina sa aking harapan.

“Really?” Masaya ang boses ni Rigo, inilapit ko ang aking tenga kung nasaan si Rigo. Uuwi sya agad? Subukan lang talaga ni Gaelan na paasahin lamang si Rigo, lagot sya sa akin mamaya.

“Nanay, what do you want daw?” Ganadong tinanong ako ni Rigo. Hindi na ako umasa, nagpapanggap lang yan si Gaelan sa harap ni Rigo para hindi maapektuhan ang bata, somehow ipinagpapasalamat ko iyon dahil mahal nya si Rigo.

“Wala.” I answered sabay talikod. Nagpanggap na abala sa inihandang empanada filling doon sa may kalan.

Pagkalipas ng ilang sandali, ibinaba din ni Rigo ang tawag at nagkwento sa akin an nangako ang Tatay nya na uuwi ng maaga ngayon. Maybe because his flight is the day after tomorrow kaya nagmamadali sigurong umuwi. Akala nya siguro ay wala pa syang damit but I already prepared his clothes after he left this morning’‘’‘’‘’. Umiiyak pa nga ako habang tinitiklop ko ang mga damit nya, hindi ko alam kung bakit umiiyak ako ng ganon, dapat naiinis lang ako. Nag-uumapaw lang siguro talaga ang inis ko kaya ako naiyak.

Inihanda ko na ang lamesa dahil isang oras na lang ay dadating na daw si Gaelan, ayon kay Rigo. Limang araw ko na siyang hindi nakakaharap sa hapagkainan. Nung mga nakaraang araw tulog na ako tuwing darating sya at tulog pa din ako tuwing umaalis sya. Hindi nya naman iyon sinasdaya dahil maaga akong nakakatulog nung mga nakaraang araw at tanghali na ding nagigising.

Umismid ako sa sinigang na nasa aking harapan. Ngayon ay uuwi sya ng maaga dahil aalis na sya? Magaling.

Ang tunog ng sasakyan ni Gaelan ay umugong na sa labas. Nagtatatakbo si Rigo para salubungin ang ama. Nanatili lamang akong nakaupo sa hapagkainan at nakatitig doon sa kanin.

Isang mahinang pagpatak ng halik sa aking buhok ang naramdaman ko kasabay ng pag-ayos sa upo ni Rigo. Gaelan sat beside me. Hindi ko sya tinitingnan. Nagsalin si Gaelan ng kanin sa plato ni Rigo, sa akin, bago ang sa kanya. Ganoon din ang ginawa nya doon sa ulam. Nagsimula ng kumain si Rigo pero hindi ko pa din ginagalaw ang akin. Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi sinigang ang niluto ko? Sana ay naghanda ako ng kare-kare. Napailing ako at kinuha ang kubyertos. Kumuha ako ng isang serving pero isusubo ko na yon ay muli ko pang ibinalik ito sa plato.

“Masarap ang luto mo.. Ayaw mo ba nito?” Narinig kong nagsalita si Gaelan sa aking gilid. Humalukipkip ako. Naiinis ako sa kanyang boses, after 5 days ngayon ko lang ito narinig at nakakainis pala.

“Mamaya na lang siguro ako, I baked. Masyado akong madaming naamoy at natikman na pagkain kaya medyo busog ako.”

“I will feed you.” Alok ni Gaelan, saka ko lang sya tiningnan. Umasim ang mukha ko pagkakita sa kanya. I didn’t like what I see, he looks tired and horrible.

“You look like a monster.” Bulalas ko sabay irap. Natawa si Rigo sa aming harapan samantalang gulat na gulat naman ang reaksyon ni Gaelan. “I will just rest.” Tiningnan ko si Rigo at tumango sya sa akin. I know he understands that Nanay is just tired. Maghapon kasi kaming paikot ikot sa bahay at kung ano ano ang pinagkakaabalahan.

Pumailalim ako sa mainit na shower pagkaakyat ko sa aming kwarto. Nang matapos ako ay nadatnan ko si Gaelan na seryosong nakaupo sa aming kama at nakatitig sa maleta na iniayos ko kanina.

“Masama ba ang loob mo dahil aalis ako?” He asked.

Umiling ako. Natanggap ko naman na kailangan nyang umalis. Ibang usapan ang pagkainis ko sa kanya ngayon.

“Baby, I really have to go. Really. Malaki ang target market sa Brisbane. Kung hindi ako pupunta, mawawala sa akin yon. Our future sons and daughters will benefit from this.”

“Hindi naman kailangan ni Rigo ng sobra, tutal naman ay mag-isa sya—”

“Baby..” Tumayo si Gaelan at nilapitan ako. Masuyo nyang hinaplos ang aking bewang galing sa aking likod at pinapunta nya ang kanyang kamay sa aking sinapupunan, “We will still have a lot of babies. Hindi pa lang siguro napapanahon. Tayo din naman ay nag-antay para mangyari ang lahat ng ito di ba? Para maikasal tayo.”

Tumango tango ako kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. “I am still praying.” Usal ko. “We got married early because we want to have kids for you to retire early, pero ano ang nangyayari?” Dismayado ang boses ko, it almost cracked dahil kahit ang sarili kong salita ay hindi ko matanggap.

Tumango si Gaelan at hinarap ako. Pinahid nya ang luhang naglalandas sa akin.

“Kahit hindi natin mabigyan ang isa’t isa ng anak, magiging masaya pa din tayo.” He assured me.

“But you are mad at me.” Sumiksik ako sa kanyang leeg, mahigpit naman nya akong niyakap.

“Fights are healthy. It means we are both fighting for the benefit of our relationship, to make us stronger. It is not really a fight between you and me, Baby. We don’t do that” Aniya.

Siguro nga fights are healthy kaya pala kinabukasan, isang araw bago sya umalis ay nag-aaway muli kami.

“Maria, di ba napag-usapan na natin na hindi ka magluluto ng hipon dahil allergic si Rigo? At ikaw din! Bawal ka dito.” Malaki ang butas ng ilong ni Gaelan habang nilalagyan ng ointment ang balat ni Rigo na aksidenteng natikman ang shrimp quiche na ni-bake ko.

“I- i—I just want to eat it! Kagabi kasi hindi naman ako nakakain ng maayos. At saka walang nangyari sa akin.” Depensa ko. “Sorry na Rigo..” I said.

Ngumiti si Rigo na namamaga ang mukha, gusto kong matawa dahil ang cute cute pa din nya.

“It’s okay Nanay. It tastes so good.” Wika pa ng anak ko. Napailing na lang sa amin si Gaelan.

“You are being reckless again.” Bubulong bulong si Gaelan na dumaan sa aking gilid para tunguhin ang medicine cabinet namin sa kwarto.

“Hindi ko naman sinadyang pakainin si Rigo, Gaelan.” Nagbabanta na ang aking boses. Banta ng sama ng loob.

“Paano ko kayo iiwan kung ganito? Magkaiba ang timezone natin, tiyak kong makakalimutan mo na naman na uminom ng mga gamot mo kung hindi kita papaalalahanan.”

“You never remind me about anything when we are fighting.” Sagot ko. Gaelan smirked.

“Talaga lang ha?” Nagtaas sya sa akin ng kilay sabay alis sa aking harapan. Doon naalala ko ang pagpupumilit sa akin ni Manang Girly na uminom ng mga supplements ko pagkatapos nyang makipagtelebabad sa kanyang cellphone tapos may tatawagan muli sya kapag nakainom na ako. It is Gaelan reminding me everything after all, hindi nga lang direkta. Imbes na matuwa mas lalong nagpuyos ang damdamin ko.

“Eh di wag kang umalis!”

“Eto na naman tayo—” Gaelan rolled his eyes. Sumikip ang dibdib ko sa kanyang reaksyon kaya lumabas ako ng kwarto tapos umiyak ako doon sa guest room. Nang maayos na ako, lumabas na ako doon at pagbalik ko sa kwarto nakaalis na din si Gaelan patungo sa opisina.

Hanggang sa makalipad sya patungo sa Brisbane ay hindi ko na siya pinansin kahit na sinubok nya akong kausapin. Nanatili ako sa guest room at nagkukulong ilang oras bago ang flight nya. Pinapatay ko ang cellphone ko tuwing nagfe-facetime sya pero kahit papaano ay guminhawa naman ako dahil nalaman kong ligtas sya na nakarating sa ibang bansa.

“Nandito po si Nanay. Nagbe-bake po.” Narinig ko si Rigo na may kausap. Tiyak kong ang Tatay nya yon. Sinabihan ko si Rigo na wag sa akin ibibigay ang cellphone at sumusunod naman sya. Hindi pa ako handang kausapin si Gaelan.

Naghahanda na ako sa pagtulog ng tumunog ang cellphone ko dahil sa isang mensahe apat na araw na ang nakakalipas na malayo si Gaelan. Binuksan ko iyon at agad kong nakita ang mensahe ni Gaelan. Tumalon ang puso ko dahil sa tuwa pero hindi ko pa din sya gustong kausapin.

Gummy Bear: Mahal na mahal kita. Sana magkaayos na tayo. I miss you, Baby. Sobrang malungkot ako kasi umalis ako na hindi tayo maayos, nahihirapan ako dito :’(

Naiyak ako sa mensahe na yon ni Gaelan pero lamang na lamang pa din ang pagtatampo ko kaya hindi na ako sumagot. Nakatulog ako sa pag-iyak at sama ng loob. Bakit pa kasi nya itinuloy ang pag-alis, sana ay kayakap ko sya ngayon.

Kinabukasan ay pinuntahan ako ni Brie. May dala syang mga bulaklak para sa akin.

“Pinabibigay ni Brother dear. Bati na daw kayo. Umiiyak nga yon kagabi nung kausap ni Mommy. Hindi mo daw sya pinapansin.”

Kinurot na naman ang puso ko dahil sa nalaman, tiningnan ko ang mga bulaklak sa aking harapan. Roses ang mga iyon, itinapat ko sa ilong ko para amuyin ng bigla akong nabahing.

“Allergic ka sa roses?” Nagtatakang tanong nI Brie. Umiling ako, imposible, this is my wedding bouquet.

Naging sunod sunod ang pagbahing ko hanggang sa mapansin ko ang pamumula ng aking balat. Wala pa naman akong kinakain na kahit ano.

“Ay, akin na tong mga bulaklak. Baka dito mo iyan nakuha.” Nagmamadaling binawi sa akin ni Brie ang mga bulaklak at dinala sa labas ng bahay. Umupo ako sa sofa at nakaramdam ng matinding pagkahilo.

“Sis? Ayos ka lang?” Brie asked, nag-aalala ng husto ang kanyang mukha.

Tumango ako at ngumiti, si Rigo ay nasa school na kasama si Manang Girly, nandito naman si Susan kaya mayroon akong kasama kahit papaano. Mahihiga na lang siguro ako para magpahinga.

“Puyat lang siguro. Aakyat lang ako sa kwarto.” Tumango si Brie at tinulungan ako. Nawala naman agad ang mga pantal. Although I feel light headed, mas lalong lumala iyon sa mga sumunod na araw. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

“Mag-pregnancy test ka, Baby Girl!” Inilagay ni Samantha ang isang box ng pregnancy test sa aking harapan ng dumalaw kami ni Rigo kila Mommy. Nabanggit ko sa kanya ang mga nararamdaman ko ng mga nakaraang araw.

“Imposible naman ito, Sam. Ilang beses na ba akong nadismaya sa resulta nito? Nadelay nga ako noon ng isang buwan pero wala pa din naman.”

“Bakit natatakot kang subukan?” Panghahamon sa akin ni Sam. Napabunting hininga ako. Tumayo ako sa aming garden chair at naglakad patungo sa restroom. Pumikit ako pagkatapos gawin ang test. Imposibleng buntis ako. Negative yan. Kailangan ko talagang magpacheck-up sa dugo dahil baka anemic ako kaya ako nahihilo.

Negative—

Pinanlakihan ako ng mata ng makita ko ang resulta. Pinigilan ko ang sarili kong mapatalon.

Two red lines.

Buntis ako. Napatakip ako ng bibig. I swear si Gaelan ang unang makakaalam! Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko para tawagan sya ngunit nagbago ang isip ko. Ayaw ko din na madistract sya. Kinalma ko muna ang aking sarili. Lumabas ako ng banyo at nag-aabang doon si Sam.

“Ano?” She asked. Umiling ako at ngumiti. Nalungkot naman ang mukha ni Sam.

“Ayos lang no.” Sabi ko pa. Umupo ako sa sofa at kinuha muli ang cellphone ko. Kahit hindi ko muna sasabihin kay Gaelan, gusto ko na din syang kausapin.

“Baby? Baby? Ikaw ba talaga yan?” Napabalikwas si Gaelan sa kama at gulo gulo pa ang kanyang buhok ng sagutin nya ang videocall ko.

“Hi Gummy Bear.” I smiled at him. Kitang kita ko ang paghinga nya ng maluwag, napapikit pa sya at napakapit sa kanyang dibdib.

“Mamayang gabi, may meeting ako sa airport pagkatapos ay uuwi na ako, ha, Baby? Andyan na ako bukas. Intayin nyo ako ni Rigo.”

Napangiti ako sa kanyang itsura. Pumangit sya, nakakainis tingnan.

“Ang pangit mo ngayon.” Puna ko, imbes na matuwa sa kanyang pinaplanong pag-uwi.

Gulat na gulat ang mukha ni Gaelan.

“P-pangit ako? May nakita ka na bang gwapo?”

Umiling ako at napahagikgik sa kanyang pagkadismaya.

“Wag ka na munang umuwi.” Sambit ko.

“At ngayon ay hindi mo na ako pinapauwi?”

Mas lalo akong natawa.

“Isang linggo ka palang dyan eh. Akala ko ba tatlong buwan?” Tanong ko.

“Miss na miss na kita, Baby ko. Tama ka, dapat hindi na lang ako umalis. Pinapunta ko na dito si Harold, he will be representing Armstrong. Napag-aralan na nya ang modules na ibinigay ko.”

“Sigurado ka ba?” Tanong ko muli.

Pinanliitan ako ng mata ni Gaelan, “Ayaw mo ba?”

“Gusto! Mag-iingat ka sa flight mo ha. I love you. Matulog ka na ulit.”

Halos hindi ako makatulog kinagabihan. Naglista pa ako ng mga ipapamalengke para sa pagdating ni Gaelan. Pati si Rigo ay naeexcite na din. Maaga pa lang kinabukasan ay magkatulong na kami ni Rigo sa pagluluto. Siya ang taga-abot ng mga kailangan ko.

“Nanay, why are you wearing a mask?” Kyuryosong tanong ni Rigo.

“I don’t like the smell of the garlic, Baby.” Sagot ko. Tumango si Rigo at malalim na nag-isip. Tantya ko ay napapansin din nya ang pagbabago.

“Ma’am, ako na dyan..” Isang oras na lang at lalapag na ang eroplano ni Gaelan, hindi ko pinapatulong sina Susan dahil gusto ko, ako mismo ang gagawa.

Nakaramdam ako bigla ng pagkahilo kaya napakapit ako kay Manang Girly.

“Ayan Ma’am, nasobrahan ka na sa pagod. Halika at ihahatid kita sa kwarto mo.” Inalalayan ako ni Manang Girly kaya wala akong nagawa. Dinala nya ako sa kwarto at pilit na pinahiga, sya na din ang nagbukas ng aircon at sinarhan ang mga kurtina.

“Manang, gisingin nyo po ako kapag andyan na si Gaelan ha?” Bilin ko kahit bumabagsak na ang mata ko sa antok.

“Opo Ma’am. Basta magpahinga ka lang.” Yun ang huli kong narinig bago nahulog sa malalim na pagtulog.

Nagulat pa ako ng maalimpungatan ako na may sumisilip na araw sa aming kurtina, napatingin ako doon, dahil gabi na noong dinala ako ni Manang Girly dito. Ibig sabihin, magdamag akong nakatulog?

“Good morning, my queen.” Nakangisi si Gaelan sa akin habang nakapaupo sya sa aming kama. Pinanlakihan ako ng mata pagkakita ko sa kanya. Dumating na sya at hindi ko man lang namalayan!

“Bakit hindi nyo ako ginising?” Nagtatampo na sabi ko.

“Ginigising kita tapos sabi mo gusto mo ng mangga. Ikinuha kita, pagbalik ko nakapikit ka lang at ayaw mong dumilat.” Kwento nya habang ipinapakita sa akin ang isang pirasong indian mango sa kamay at inaamoy yon. He should look cute doing this pero—

“Bakit ang pangit mo?” Sumunod na tanong ko. Nawala ang ngiti ng aking asawa.

“Bakit ba ilang araw mo na akong tinatawag na pangit? Naiinsulto na ako ha.” Umismid si Gaelan. Napangiti ako. Gumapang ako patungo sa kanya at ngayon ay nakaangkla ang magkabila kong kamay sa kanyang balikat.

“Anong pasalubong mo sa akin?” Tinaasan ko sya ng kilay.

“Hmm? Kapayapaan?” Sagot nya. Itinulak ko ang kanyang ulo, napangiwi sya “What? Inaaway mo kaya ako lagi. Pinapatawad na kita.” He said playfully.

“Ikaw yung masungit.” Wika ko.

“Mas masungit ka kaya. Minsan iniisip ko na hindi mo na ako mahal at pinagsisisihan mo na—”

“Pinagsisisihan agad? Hindi pupwedeng buntis lang ako?”

“Ayun na nga kung buntis ka— Buntis ka? BUNTIS KA? We are pregnant now? Ha? Baby?” Paulit ulit na tanong sa akin ni Gaelan, parang pumapalakpak pa ang kanyang tenga dahil doon.

Natawa ako sa kanyang reaksyon at tumango. Mabilis nya akong hinalikan sa labi. “May bago na tayong baby!” Nagsisisigaw si Gaelan sa apat na sulok ng aming kwarto. Tawa lang ako ng tawa dahil sa sobrang saya nya.

“Baby, kahit araw araw kang masungit titiisin ko.” Pangako nya.

“Kahit araw araw ka ding pangit, titiisin ko.” I said, sumimangot si Gaelan.

“Pinaglilihian mo lang ako. Matatapos din yan.” Umirap si Gaelan at muli akong hinalikan sa pisngi.

Madami pa kaming pangungulit na sinabi sa isa’t isa. I am happy, we are really happy.

Sa isang relasyon, hindi lahat ay perpekto but it shouldn’t stop us from loving. Dadating talaga sa punto na hindi nyo mapapanindigan ang pangako sa isa’t isa na lagi kayong magiging masaya but who cares right? At least at the end of the day you still choose to be with each other and continue to prove that this love is worth the fight.

That nobody can define a perfect relationship for the both of you, no standards at all.

Magugulat ka na lang na malayo na pala ang narating nyo. Noong una hindi nyo pa alam kung saan kayo magsisimula o kung mayroon bang magsisimula.

Marahil magkaiba din kayo ng paniniwala tungkol sa pagmamahal. May isang bigay todo at ang isa naman ay limitasyon, ang mahalaga ay parehas kayong magtatagpo sa gitna.

Magtatagpo sa gitna , ganoon ang ginawa ni Gaelan. Kinuha nya ako mula sa gitna at ngayon nga ay masaya kami.

You only love once. Tama nga siya. Ngayon lang ito dadating.


Gaelan’s POV

..AT hindi ko na ito papakawalan. Mahal na mahal ko si Tabs.

Kinuha ni Maria ang mga kamay ko at pinagdaop ang mga palad namin. Ngumiti ako sa kanya.

Inabot ko ang kanyang malalambot na labi at hinalikan sya.

Kuntento na ako dito. Pipilitin ko pa din na mas mapasaya pa sya at ang magiging anak namin.

“Gummy Bear?” She called me.

“Thank you for being patient.”

Kahit hindi nya ata sabihin yon magiging pasensyoso ako. Magtatampo pero paulit ulit na mag-aalala.

“I love your imperfections, Baby ko. Mahal na mahal kita. Alam mo yan hindi ba?”

Tumango sya, tuwing tinititigan ko sya ay mas lalo akong nalalasing.

I wonder what kind of spell she cast on me everyday. Mas lalo lang syang gumaganda sa paningin ko habang tumatagal. I never thought I will fall in love this way but I will never ever feel sorry of feeling this towards my wife.

I will be forever grateful and loyal.

Thank you for being part of our story.

The End.

Shoutouts:

Thank you for reading TBBS, hindi ko alam kung ano bang epekto pero nakakatuwa na napasaya ko kayo. Pasensya na kung biglang bumagal ang update, dahil iyon sa trabaho. Hindi na ako magtatrabaho, magsusulat na lang. Charat.

Also, yes this story is a CLICHE. Kasi nagsimula ito sa isang biro sa aking sarili. When I started asking why gangster/action stories really loved by the millenials. Pero romance talaga ang genre ko kaya baka huli na ito. HAHAHA 😂

Anyway, please support this in Wattys2016. Hindi ako updated kung kailan may voting pero kung meron, i-vote nyo na lang kapag nalaman nyo. Haha Kindy spread the word about this story para may kapuntahan pa ang effort ko. Magiging masaya ako kapag madami pa kayong magmamahal kay Gaelan at Maria.

Happy Birthday to Jamaica Ann Ganzon.

Please support, I Fell for A Gay Guy (R-18) at saka Chasing the Sassy Girl (General Fiction) .

Published books—ABANGAN (keeping my fingers crossed)

Self Published Books- ABANGAN din. Noong una wala akong balak pero may mga gusto daw bumili? Salamat in advance. Pinag-iisipan ko pa din :)

Catching the Playboy at Miss Nobody and Mr. Famous, still under revision.

Yes, Floresca Brothers will have a story. Rab at Brie ang mauuna, Gilad at Sam, Ahmed at Mishel, Xenon at Maki (char). Yuki and Josefina Bulaklak, maybe?

At ang game ko. May cute akong pasalubong from Disneyland. Best comment here in Epilogue will have a prize. I will announce the winner after a week. Salamat! Salamat! Salamat! God bless everyone! :)

SELF PUBLISH DETAILS

Lo and Behold…

Ito na ang details ng The Bad Boy’s Slave na Book na maari mong amuyin, halikan, hawakan at yakapin habang kinikilig.

BASAHIN MABUTI.

Unang una, salamat dahil wala naman talaga akong balak maging published author. HAHAHA. So kagaya ng group page ko na ayaw ko naman gawin noon (dahil hindi naman ako artista), kayo pa din ang nag-convince sa akin na ipagpatuloy ito.

Tamad na tamad ako doon sa proseso. Kasi ang dami dami kong ginagawa, tapos madalas mas gusto ko pang mag-sulat kaysa ireview yung pinroofread ng editor ko. Mas gusto kong tumunganga. Mas gusto kong kumain at makipagchikahan sa inyo. Pero tiniis ko. Tuwing tinatamad ako, may nagtatanong ‘Ate Maki, gusto ko pong umorder ng book.’ Kaya magpapatuloy na naman ako

Sa wakas, natapos din. Nakapag-costing din ako.

Sobrang kapal nung book, more or less 570 pages siya, 62 chapters. Normally, mahal ang ganito na nakikita ko. Umaabot ng 1k ang isa. Pero dahil gusto ko lang naman na mabasa niyo siya.. Halos at cost na din ang presyo kaya kayo na din ang bahala sa shipping fee, please po :)

P 525 + shipping fee.

(P 69 within Metro Manila, P 109 in Provinces, Outside the country– Haven’t asked Philpost yet, kung may idea kayo, please let me know. Or kung may kamag-anak naman kayo dito sa bansa, dito na lang Beshy)

-Bakit ka bibili ng book kung hindi ko siya tatanggalin sa Wattpad?

Kasi merong dalawang chapters na wala sa wattpad. Spoiler ng Chasing The Sassy Girl at The Wicked Princess pa :)

Saka yung first meeting ni Gaelan at Maria– kung feeling mo alam mo na to… Well, hindi pa! Sobrang aliw ng unang pagkikita.

Freebies. Check, salamat sa isang good samaritan

Bookmark. Check.

Tumblers. Yes. Sa first ten na makakapagdeposit sa akin.

Magpaparaffle pa ako ng limang tumblers para doon sa confirmed buyers until First half of December 10, 2016.

Sign. Nyikes sign! Hahaha Gusto niyo bang may sign ko? eh. Lalagyan ko isa-isa kasama ang pangalan mo syempre kung gusto mo lang naman.

FAQs:

-Kailan ipapadala ang Book at Freebies?

KUNG HINDI MAGKAKAPROBLEMA, December 12, 2016 ang start ng shipping pero hindi naman sabay sabay. Grabeysious.

-Hanggang December 10 lang ba pupwedeng umorder?

Magpapaprint ako ng sobra. Hangga’t meron ako, pupwede kayong umorder, kung hindi maubos ang 25 copies na ipapaprint ko ngayon, makakabili pa kayo sa 2030. CHAR. Iaannounce ko naman kung ubos na. Pupwede akong magpareprint–pero yung freebies, since personalized, while supplies last lang.

-May discount po ba?

Wala na. Kung alam niyo lang…Sobrang sulit talaga nung book. As in. Yung bumibili ng self published books, alam niyo yan. Mura na ang 525 sa 62 chapters, 565 pages

-Saan Oorder?

Sa akin lang, hindi sa Post na to okay? I-PM niyo ako. Antayin ang reply ko regarding sa payment instructions. Oo kahit 12 years old pupwede kang pumasok sa banko o kaya sa Cebuana Lhullier :P

-Paano Umorder?

Kindly ADD MY FACEBOOK ACCOUNT (MAKIWANDER STORIES) and Message me the Following:

Name: Complete Address: (please wag basta pangalan ng baranggay at town. Lagyan ng house number) Contact Number: Number of Books to Order: Nickname: (Para sa book dedication, kung magsasabay sabay kayo para makatipid sa shipping, ilagay ang nickname ng magmamayari ng book)

PS: Kapag hindi mo ako maiadd, comment lang dito sa wattpad account or ipm mo ako sa wattpad account :)

-Bakit po 525 hindi na lang 500?

Para cute. =P Uy, seryosong costing ito ha.

Meetup: Sa Cebu, December 17 or kung asa Wattpad Cebu Grand Meetup ka

Sa Metro Manila, aayusin ko pero baka sa January pa kasi pasko na after Dec 17 :)

Kung nagustuhan mo ang story, sana maipabasa mo to sa future generation. Sana kagaya ng iba, maturuan din sila kung paano ihandle ang sakto o sobra sobrang kilig. Kung hanggang saan ang limitasyon.

Sana naituro ko dito at sana magkaron ka ng kopya para hindi mawawala kapag naluma na si Watty at ginagawa niyo na lang pangthrowback ang mga characters namin :)

Salamat sa bibili, sa mga hindi naman, IBA-BLOCK KO NA LANG. Charat! Hindi naman! Sobrang salamat sa suporta kahit sa anong paraan na makakaya niyo. Kahit pag-vote pa yan o pagtangkilik sa mga gawa ko lagi lagi. Pagpagbabasa ng mga rants ko at pakikisimpatiya, sa pakikipagbiruan and all. Thank you!

God bless sa ating lahat!

Please don’t have a heart attack yet, Not an update

SA MGA NAGTATANONG.

Magkakaroon ng reprint ang istoryang ito.

NOW NA.

Ordering is from MARCH 1-5 Payment Period is MARCH 6-30

Delivery of the books: Target is MAY 2018

Price: P 680 (includes everything na pati shipping, bookmarks, freebies)

But first 10 to pay has special freebies, like freebies 2.0

  • LOOK FOR LIBRO NI MAKIWANDER on FACEBOOK for more info and to order na din

or fill up this gooooogggllllii form:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe-sowfG7wauRag-WYn6V2MaAEUj_FYJL1cZ2QJx5pzPlOiZw/viewform

THANK YOU!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.