The Best Mistake (BxB, REVISING)
deuceiv · 41 chapters · 122,235 words
THE BEST MISTAKE
THE BEST MISTAKE: BLURB
Keegan’s life wasn’t a great one. He would attest.
Kung iyong buhay ng iba, puro up? Iyong sa kanya naman e puro down. Masyadong maraming drama at plot twists, pagod na siya.
Yet despite the never-ending obstacles life kept on throwing his way, Keegan managed to find solace through Ryleigh, his sweet and lovable online girlfriend…
Minus, what Keegan didn’t anticipate was… Ryleigh was a plot twist ‘herself’ .
Ilang beses naman na siyang winarningan ng mga kaibigan e. Ilang beses na tinamaan ng ‘paano kung…’, ‘anong gagawin mo kung…’ —ayaw lang niyang makinig kaya kinarma siya.
Because shit.
His girlfriend might
not
actually be a girlfriend.
**
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story. Please obtain permission.
Simula
CHAPTER 1
ㅤㅤㅤㅤGAMING HAD always been a part of Keegan Chavez’ life. It played a huge role in his life—it’s his scapegoat, his not-so-free therapy, his remedy after going through all sorts of bull shit in life.
Pero syempre bukod sa paglalaro, mayroon pang ibang dahilan si Keegan kung paano niya kinakaya ang araw-araw kahit napuputang ina na siya—his girlfriend, Ryleigh Agustin— wait. Pause.
Kunot ang noong nagbaba ng tingin si Keegan. Bigla na lamang siyang nagging interesado sa tiles ng SM noong mabanggit niya ang pangalan ng ‘girlfriend’ niya. Pilit siyang ngumiti bago inilipat ang tingin sa katabing tile ng tinititigan niya. Napapaisip siya, what the hell.
Tama bang tawaging ‘ girlfriend ’ si Ryleigh kung bigla na lamang nitong isiniwalat ang katotohanan na lalaki talaga ito? Noong huli silang mag-usap, mas malalim pa ang boses ng isang iyon sa kanya’t halos manindig ang balahibo niya!
Hindi sa negatibong paraan…?
Lumunok siya.
Ina-identify ni Keegan ang sarili bilang bisexual dahil ilang beses na niyang napansin ang sarili na naa-attract sa kapwa lalaki. Hindi sa platonic na paraan. Minsan romantic, minsan sexual… pero madalang lang naman siya nahulog. Noong una sa dati niyang propesor noong kolehiyo tapos iyong nakaraan… Kay ‘ Ryleig
h ’.
Tinakpan niya ang bibig para itago ang ngiting kumakawala sa mga labi niya.
King ina. Bakit nae-excite siya? Kahit bisexual siya, dapat galit siya at naguguluhan dahil ilang taon siyang paniwalang-paniwala na babae si Ryleigh! Ang yabang-yabang niya pa naman sa t’wing ipagmamalaki niya ang taong iyon tapos mukhang mas malaki pa pala ang katawan kaysa sa kanya base sa baritono at malalim nitong boses.
Nang mahimasmasan siya, tinapik-tapik niya ang mga pisngi para gisingin ang sarili sa kahibangan.
“Ayus-ayusin mo, Keegan. Marami kang tanong. Masama loob mo, nalilito ka, iha-hot seat mo pa ‘yang jowa mo,” pagkausap niya sa sarili.
‘ Pero paano kung gwapo naman pala si Ryleigh?’— natigilan si Keegan at nangilabot nang maglikot ang isipan niya. ‘Tsaka napansin niyang ang weird tawagin ng ‘boyfriend’ niya bilang ‘Ryleigh’, masyadong maganda ang pangalan e.
“Focus!” Malakas niyang tinapik ang mga pisngi. “H’wag kang marupok!”
Mukha na sigurong tanga si Keegan kakasampal niya ng sarili kaya noong mahimasmasan siya, pilit niyang ikinalma ang sarili at kinuha na lamang ang cellphone niyang nasa bulsa niya para ma-distract.
Noong una, plano niyang manood ng mga video sa facebook nang sa ganoo’y malibang pero iba ang plano ng katawan niya. Sa isang iglap kasi, natagpuan niya ang sariling binubuksan ang messenger niya para tignan kung may bago bang chat si Ryleigh sa kanya.
Naningkit ang mga mata niya noong wala.
“Ano? Darating pa ba ang isang ‘to?” nag-aalala niyang tanong sa sarili bago nag-scroll up sa usapan nila bago siya umalis ng bahay.
Ang sabi ng dala—este, binata sa kanya, mali-late raw ito sandali dahil tinanghali ng gising. Hindi raw kasi ito nakatulog kagabi at kinakabahang makita siya.
Wala sanang kaso pero… mag-iisang oras na yata siya rito.
Inialis niya ang tingin sa cellphone at ipinag-isang linya ang mga labi. “Kung sa bagay, sinabihan naman niya akong h’wag maaga pumunta kasi tanghali na siyang nagising… Ako lang itong nagpumilit na pupunta na ‘ko rito kasi nakaka-bored sa bahay.”
Bumuntong hininga si Keegan nang mapagtantong hindi naman talaga late si Ryleigh dahil nagsabi ito, sadyang maaga lang siyang pumunta kahit na napagsabihan na siyang huwag.
Ibinalik niya ang mga mata sa cellphone bago siya pinangunutan ng noo nang makita kung anong isusuot ni Ryleigh ngayon. Nag-send kasi ito ng litrato nang sa ganoo’y alam niya kung paano niya ito makikilala.
“Hindi na lang selfie niya ang sinend…” bulong niya sa sarili bago siya bumuntong hininga. “Ba’t ba nauso itong pa-mysterious effect?”
O baka nahihiya si Ryleigh sa kanya dahil baka hindi niya magustuhan ang itsura nito?
Imposible. Hindi naman judger si Keegan ‘tsaka henuwino siya sa nararamdaman niya para kay Ryleigh.
Hindi naman siya papayag makipagkita rito at ituloy ang relasyon nila kung mababaw lang pala itong feelings niya.
Kinamot niya ulit ang pisngi.
“…Maliban siguro kung kakilala ko pala si Ryleigh sa personal, madidismaya ako ‘tsaka baka makipag-break nga ako.” Kasi iba ang dating ng ganoong set-up.
Pakiramdam niya, pinag-tripan siya.
“Pulang long-sleeved na damit,” aniya nang mabalikan ang isusuot na outfit ni Ryleigh.
Itim na jeans, itim na rubber shoes… pati iyong panlalaking shoulder bag, isinama rin nito sa litratong isinend nito sa kanya.
“Pero saan ko ‘yan hahanapin e baka maraming nakaganyan ngayon dito?” kunot noo niyang komento bago mag-angat ng tingin at tumingin sa paligid.
Isa… dalawa… tatlo . O hindi ba! Maraming parehong outfit sa sinend ni Ryleigh! Nakatatlo na kaagad siya sa loob ng sampung minuto!
“Lalapit naman siguro sa akin ‘yon kung sakaling makita ako, ano?” nagngingitngit ang mga ngiping aniya. “Alam naman no’n itsura ko kasi panay ako send ng litrato sa kanya dati.”
Natahimik siya.
Oo nga, ano. Sa ilang taon nilang magjowa ni Ryleigh, ni minsan e hindi niya nakita ang itsura ng isang iyon. Magsi-send lamang ito ng litrato ng kwarto nito, kung nasaan ito, kung anong ginagawa nito, pati na rin ng klase nito pero… Iyon lang.
Napahilamos siya ng mukha. Nandoon na iyong mga senyales na fake identity ang ginamit ni Ryleigh para makipagkilala sa kanya’t mataas ang tsansang lalaki rin talaga ito tapos hindi pa niya napansin?!
Panay siya lang ang nagsi-send ng litrato: selfie, videos ng mga performance niya, minsan kunwari magba-vlog siya pero si Ryleigh…? Ni minsan e hindi niya ito nakitaan ng itsura.
Bulag ba siya o tanga? Ni minsan, hindi talaga niya pinuna si Ryleigh na hindi ito nagsi-send ng mukha nito. Mas focused din kasi talaga siya sa interactions nila.
So…
Ibig sabihin e ni minsan, hindi siya binigyan ng ideya ni Ryleigh kung anong gender nito, talagang siya lang ang nag-assume. Nyay.
Halos hindi maipinta ang mukha ni Keegan habang inuulan siya ng realisasyon. Parang nabawasan ang tanong niya kay Ryleigh sa oras na dumating ito, a. Sinabihan lang siyang gusto siya nito tapos ang unang ideya na pumasok sa isip niya e babae ito.
Hindi niya na rin iyon in-open kay Ryleigh kasi akala niya, tama siya.
Gago pala siya.
“Excuse me…”
Pinangilabutan si Keegan noong marinig ang pamilyar na boses. Katunog ng boses ni Ryleigh pero may kaunting pagkakaiba kaya ang hirap mag-assume.
Pero just in case, lumunok siya’t dahan-dahang lumingon.
Namilog ang mga mata niya noong batiin siya ng isang pamilyar na mukha…
Alanganing ngumiti ang binata. “Sinong hinihintay mo, Keegan…?”
Wala sa sariling napatitig si Keegan sa lalaki. Hindi niya alam kung saan siya magfo-focus. Sa mga ipinagbago ba ng itsura’t katawan nito, sa baritono nitong boses, sa haba ng panahon kung kailan niya ito huling nakita, o sa hindi nito pagtawag na ‘kuya’ sa kanya.
Naging minuto ang mga segundo hanggang sa mabawi niya ang tindig at mahimasmasan siya.
“Rhysand!” masayang tawag niya sa pangalan nito bago siya lumapit dito at umakbay. “Kailan ka pa umuwi?! Bakit ngayon lang kita nakita? Anong ginagawa mo rito sa SM?”
Patuloy niyang tinatadtad ng tanong si Rhysand habang ang isa naman ay mahinang tumatawa. Hindi nito alam kung paano siya sasagutin kasi panay siya sa pagdaldal. Paano naman kasi e nababagot na siya tapos makikita niya ulit itong batang ito!
Hinila niya palapit si Rhysand sa kanya at pasimpleng sinusukat ang height nilang dalawa. Napasimangot siya noong mapagtantong mas matangkad na sa kanya si Rhysand samantalang noong mga bata pa sila, siya ang mas matangkad dito.
Iba talaga ang nagagawa ng panahon, ano?
Magsasalita sana si Keegan noong maalala niyang ngayon niya rin kikitain si Ryleigh at baka makita pa siyang nakaakbay kay Rhysand. Baka bigla itong lumapit sa kanila tapos awayin itong batang ito kaya dahan-dahan siyang humiwalay mula kay Rhysand habang sinisigurong hindi siya mukhang awkward sa ginawa.
Samantala, kinuhang oportunidad ni Rhysand para sumagot ang biglaan niyang pagkatahimik.
“Medyo matagal na ‘kong nandito…” panimula nito bago ito tumikhim at umayos sa pagkakatayo. “Hindi ako palalabas ng bahay ‘tsaka na-busy ako kasi nag-apply ako sa public school nitong nakaraan…”
Namamangha niyang pinagmasdan si Rhysand. “Ang tagal mo na rito ta’s hindi mo ako kinontak? Saglit lang naman mag-chat sa ‘kin kahit abala kang mag-apply, a.”
Umiwas ng tingin si Rhysand at napakamot ng pisngi. “I was supposed to do that but… something came up.”
Tumango-tango siya. Edi okay. Wala naman siyang magagawa kung busy talaga si Rhysand pero nang may mapansin, pinangunutan niya ito ng noo.
“Bakit ka pala nag-apply sa school? Mag-aaral ka ba ulit?” nagtatakang tanong niya.
Mahinang tumawa si Rhysand. Para itong kinakabahan sa paraan nito ng pagtawa pero hindi na lamang niya pinansin.
“Nag-apply akong public school teacher…” anito.
“Teacher ka pala?” namamangha niyang tugon.
Ngumiti si Rhysand at tumango. “Hindi ko ba nasabi sa ‘yo noong huli tayong nagkita? English teacher ako, Kee.”
Mahina siyang humimig bago niya ipinilig ang ulo. Manghang-mangha siyang nakatitig kay Rhysand at hindi niya naiwasan ang mapapalakpak.
“Uy, ang galing… Pareho kayo ng course ng girl—” Natigilan siya bago siya mabilis na tumihim. “—friend ko.”
Halos maningkit ang mga mata ni Keegan noong tila ba napanguso rin si Rhysand nang tumigil siya sa salitang ‘ girlfriend ’ at nag-alangang ituloy iyon. May dahilan siya kung sakaling magtatanong ito pero hindi rin naman siya handa na mag-open up kung anong ganap sa lovelife niya.
Ni hindi pa nga niya alam kung sisiputin siya ni Ryleigh, e.
“Pero ayun, pareho kayo ng course. Nagtuturo rin ‘yong girlfriend ko e,” aniya ‘tsaka siya pekeng tumawa.
Marahang tumango-tango si Rhysand. “Hindi ko alam na may girlfriend ka na pala, Keegan…?”
“Ma…matagal na kami! Limang taon na rin halos pero long distance relationship. Ngayon nga dapat kami magkikita pero hindi ko alam kung sisiputin ba ‘ko e.”
“Ba’t naman? Hindi pa ba nagcha-chat?”
“Hindi pa.” Kinamot ni Keegan ang ulo. “Nababagot na nga ‘ko rito kakahintay pero mabuti na lang at dumating ka, may nakakausap ako kahit pa’no.”
Marahang nagbaba ng tingin si Keegan sa suot ni Rhysand. May kung ano lang kasing nag-uusig sa kanya na i-check ang suot ng binata dahil habang pinapakihgan niya ang boses nito, mas lalong nagiging katunog ng totoong boses ni Ryleigh.
Nakahinga nang maluwag si Keegan noong mapagtantong naka-flannel si Rhysand, hindi niya rin makita kung anong suot nito sa loob dahil nakabutones iyon hanggang malapit sa collarbone nito.
“Ilang oras ka na ba nandito?” kalauna’y tanong ni Rhysand na nakahigit sa kanya pabalik sa realidad.
Nag-angat siya ng ulo para pasadahan ng tingin ang mukha nito bago siya alanganing ngumiti. “Isang oras na rin siguro o lagpas. Kanina pa ‘ko nakatayo ‘tsaka nagmumuni-muni rito e.”
“Huh? Grabe naman ‘yan. Pinaghihintay ka lang…?”
“Hindi naman, nagsabi kasi siya na tinanghali siya ng gising kanina. Sinabihan nga ‘kong h’wag maagang pumunta e. Ako lang ‘tong umalis agad sa bahay kasi nababagot na ‘ko.”
“Pero nakakabagot din naman dito kung matagal ka nang nakatayo.”
“Hayaan mo!” Nginisian niya si Rhysand bago siya malakas na tumawa. “Consequence ‘to ng desisyon kong umalis nang maaga sa bahay.”
Mataman siyang pinagmasdan ni Rhysand bago ito nag-iwas ng tingin mula sa kanya. ‘Tsaka rin niya napansing panay ang paglibot nito ng tingin sa paligid.
“Anong hinahanap mo?” nagtataka niyang tanong bago siya biglang may naalala. “Ah! Oo nga pala, ‘di ba kita naaabala? Baka mamaya, busy ka pala ta’s lumapit ka lang sa ‘kin para mangumusta.”
Napasinghap si Rhysand at medyo nanlaki ang mga mata nito noong muling ibinalik ang mga mata sa kanya. Hindi nagtagal, mabilis itong umiling.
“Hindi, may tinitignan lang ako. Meron lang din kasi talaga akong… uh… hinahanap?” nag-aalangang anito bago nito sinapo ang likod ng ulo.
Kumunot ang noo niya. “O…? May kikitain ka rin ba ngayon?”
“No…? N-not exactly like that.”
“Edi ano? Hindi naman ako nakakaabala, ano?”
“No.” May pinalidad sa tono ng pananalita ni Rhysand nang sabihin nito iyon. “Anyway, Keegan… Wala pa naman ‘yong hinihintay mo, ano? Ayaw mo bang maglakad-lakad saglit?”
Ipinag-isang linya niya ang mga labi bago siya napatitig sa binata. Ilang beses na niyang naisip maglakad-lakad at ginawa na rin naman niya pero noong naisip niyang baka dumating na si Ryleigh dito tapos baka hanapin siya, naisip niyang tumambay na sa harap ng department store.
“Gusto ko sana e kaso may hinihintay pa ‘ko,” aniya bago niya kinamot ang pisngi.
Tumango si Rhysand. “I-check mo muna kaya kung nag-text? Kung wala naman, ayaw mo bang maglakad-lakad muna? Ibabalik naman kita kung sakaling dumating na ‘yan.”
“E siguro minuto lang din naman ‘yan. Baka kasi dumating na ‘to dahil kanina pa ‘ko pinaghihintay.”
Ibinuka ni Rhysand ang bibig para sana may sabihin pero bago pa man ito makapagsalita, napatakip ito sa ibabang bahagi ng mukha at tila ba napaisip.
“First time ninyong magkikita ngayon, ‘di ba?” tanong ni Rhysand.
Tumango siya. “Oo. Pagkatapos ng limang taon.”
“Nakita mo na ba siya dati pa?”
“Hindi pa, bakit mo naitanong? Alam ko lang e teacher din siya pero ni mukha niya, ‘di ko pa nakita. Alam ko naman iyong boses pero hindi ko alam ang itsura.”
Nagtatakang pinagmasdan ni Keegan si Rhysand noong mapansing tila ba nag-aalangan ang binata habang pinagmamasdan siya. Hindi nagtagal, narinig niya itong bumulong na parang imposibleng mahila siya nito para maglakad-lakad.
“Ba’t mo pala naitanong?” pag-uusisa niya.
Alanganing ngumiti si Rhysand. “Tutulungan sana kitang hanapin ‘yon e kaso hindi mo naman pala alam kung anong itsura.”
Namamangha niyang pinagmasdan si Rhysand bago siya mahinang natawa. Hindi naman siya nito kailangang tulungan sa paghahanap pero grabe, ang bait naman nito at nakuha pang mag-volunteer!
“…Pero dahil hindi mo rin alam iyong itsura niya, paano kung nandito na pala siya…?” kalauna’y dagdag ni Rhysand na nakapagpatigil sa kanya.
Muntik mawala ang ngiti sa mga labi niya noong i-point out iyon ni Rhysand. Mabilis niya tuloy na kinuha ang cellphone niya para i-check kung nag-chat ba ito sa kanya pero noong wala siyang nakitang reply, hindi niya alam kung paano sasagutin si Rhysand.
“Tang ina, kinakabahan ako sa mga pinagsasasabi mo. Ibig mo bang sabihin e ‘di ako kikitain ni Ryleigh?” pag-uusisa niya.
Noong sandaling mamilog ang mga mata ni Rhysand nang marinig ang pangalang ‘Ryleigh’, naguguluhan niya itong pinagmasdan nang mag-iwas ito ng tingin mula sa kanya’t mapaubo.
“Napapa’no ka?” tanong pa niya.
Umiling si Rhysand. “Nasamid lang ako sa laway ko pero ang pinupunto ko e pa’no kung nandito na pala pero nahihiyang magpakilala sa ‘yo?”
“Huh? Ba’t naman mahihiya sa akin e limang taon na kaming magjowa. Para namang may magbabago ‘pag nakita ko itsura niya.”
“Y-yeah…” Humigop ng malalim na hininga si Rhysand habang pilit itong nag-iiwas ng tingin sa kanya. “Malay mo nag-aalala na hindi mo pala siya type kaya ayaw magpakita?”
“Sus.” Tumawa siya’t mahinang hinampas ang braso ni Rhysand. “Ako e tigil-tigilan mo! Kinakabahan ako sa tanungan mo e ni hindi pa nga nagcha-chat sa akin ‘yon kung papunta na ba siya rito o hindi pa.”
“Ah, okay…”
Naaaliw na pinagmasdan ni Keegan si Rhysand. Ang tagal na mula noong huli niya itong makita pero hanggang ngayon e kung ngumuso kapag nagtatampo, parang bata pa rin tignan. E ang laking bulas na ng isang ito!
Ipinagkrus ni Keegan ang mga braso bago siya napaisip.
May point naman si Rhysand. Hindi pa naman nagcha-chat si Ryleigh sa kanya ‘tsaka baka mamaya e inaalburoto pala ito ng tiyan kaya hindi pa nakakapag-text na papunta na ito. Sinabi na rin naman ni Rhysand na saglit lang sila maglalakad-lakad tapos ibabalik din siya kung magcha-chat ulit si Ryleigh.
“Sige na nga,” pagsuko niya.
Nang marinig ni Rhysand ang pagpayag niya, lumiwanag ang ekspresyon sa mukha nito. Mukhang tuta ang binata kung titigan siya at nagwa-wag pa ang buntot.
“Wala pa naman iyong girlfriend ko kaya pupwede tayong maglakad-lakad saglit pero ‘pag nag-chat na ‘yon, babalik na ako rito a?” dagdag pa niya.
Parang batang tumango-tango si Rhysand. “Okay.”
ㅤㅤㅤㅤDINALA SIYA ni Rhysand sa Miniso. Panay itong tumitingin sa mga utensils doon tapos mga gamit panluto habang si Keegan naman e pabalik-balik ang tingin sa binata at sa mga gamit na inilagay na nito sa basket na kinuha nito.
“Matibay ba mga gamit dito sa Miniso?” nag-aalangan niyang tanong. “Genuine question. May nagsabi kasi sa ‘kin na mabilis masira iyong mga gamit dito.”
Pinasadahan siya ng tingin ni Rhysand bago ito umiling. “Maayos naman experience namin ng pinsan ko sa mga pinagbibibili namin dito. I guess at the end of the day, it depends on the user? Ang mabilis masira iyong mga earphones, though.”
“Parang lahat naman yata ng earphones, mabilis masira.”
“Unless original and only if you’re clumsy.” Inilagay ni Rhysand sa basket nito ang lunch box na nakita nito bago ito tumayo nang ayos at binitbit ang basket. “Hindi pa ba nagcha-chat sa ‘yo iyong kikitain mo?”
Marahan siyang umiling. Halos kaka-check lamang ni Keegan ng chat nila ni Ryleigh pero wala pa rin itong chat. Nag-aalala na siya samantalang sinendan naman na siya nito ng isusuot…? Maliban na lamang kung hindi talaga iyon galing kay Ryleigh at may balak talaga itong bombahin siya—ack.
Hindi.
Ayaw niyang maging pessimistic. Hindi siya mag-iisip ng masama. Baka natatagalan lang si Ryleigh kasi hindi naman iyon talaga tigarito…
“Ang tagal naman niyang mag-chat?” tanong ni Rhysand na humila sa kanya pabalik sa realidad.
Kabado siyang tumawa at nag-iwas ng tingin. “Napapaisip na rin tuloy ako kung kikitain pa ‘ko no’n.”
“O baka nga nandito na pero ‘di alam kung pa’no ka ia-approach.”
“Bakit? Kasi nahihiya siya sa ‘kin?” Umismid siya’t magkukrus sana ng mga braso nang bigla siyang hawakan sa palapulsuhan ni Rhysand.
Hindi sana kikibo si Keegan hanggang sa hilain siya ng binata palapit dito kasabay ng paghapit nito sa bewang niya, dahilan para panlakihan siya ng mga mata.
Iniangat niya ang ulo para tignan ang binata bago siya natigilan noong mapagtantong malapit ang mukha nila sa isa’t isa kaya nag-iwas siya ng tingin. Tinakpan niya ang mukha para itago ang biglang pamumula ng mga pisngi niya—hatdog, ang weird!
Hindi. Nagulat lang siya tapos nabungaran siya ng gwapong mukha ni Rhysand kaya nagitla siya tapos ngayon nakikipagkarera puso niya. Ano lang ito, gulat! Gano’n. Siguro. Malay niya ba.
King ina, sandali. May boyfriend na siya at magkikita sila ngayon kaya hindi siya pupwedeng tinatamaan diyan kay Rhysand. Isa pa, kababata niya iyan tapos kapatid pa ang turing niya rito noon. Nagitla lang talaga siya dahil ang bango’t ang gwapo ni Rhysand.
E bakit ba kasi sinagasaan ng glow up ang isang ito? Nasaan na iyong cute at chubby niyang kababata?!
“Sorry, may dumaan kasi,” kalauna’y paumanhin ni Rhysand bago siya nito binitawan at bago ito lumayo sa kanya.
Tipid siyang tumango’t humakbang din paatras para makalayo nang kaunti kay Rhysand. “Sa susunod naman, magsabi ka kung bigla kang manghihila. Pa’no na lang kung nandito nga iyong girlfriend ko tapos nakitang nakahigit ka sa beywang ko? Baka anong isipin no’n!”
“Baka isipin niyang lalaki rin gusto mo…?”
“Hindi!”
Natigilan siya. Ah—oo, medyo . Wala kasing nakakaalam ng sexuality niya kahit ang pakiramdam niya, may clue na iyong mga kaibigan niya’t pati sina Nanay Belinda.
Tumikhim siya para bawiin ang tindig. “Oo nga pala, ‘di ka pa ba tapos na mamili?”
“Hindi pa.” Pinasadahan ng tingin ni Rhysand ang palapulsuhan niya at bago pa man nakakibo si Keegan, hinawakan siya nito roon. “Samahan mo muna ako magtingin ng mga stuffed toy, may bibilhan kasi ako.”
Huh? “May bibilhan ka? ‘Wag mo sabihing may jowa ka rin?”
“Wala akong sinabing wala.” Nagkibit balikat si Rhysand ‘tsaka siya nito hinila sa mga stuffed toy.
Hindi alam ni Keegan kung anong magiging reaksyon nang malamang may special someone na rin pala itong si Rhysand. Sa huli, tinapik na lamang niya ito at nginitian para i-congratulate. Malay lang niya kung bakit parang nag-aalangan at hindi maganda ang ekspresyon sa mukha ni Rhysand nang sabihan niya itong ‘congratulations’.
Para kasing lumukot ang mukha nito at parang may gustong sabihin pero hindi alam kung saan magsisimula.
Sa huli, binili ni Rhysand iyong shiba inu na stuffed toy. Mayroon pa siyang binili na husky naman ang design.
“Hindi na yata magcha-chat itong girlfriend ko,” bulong niya habang naglalakad silang dalawa ni Rhysand sa kahabaan ng Sky Lane.
Pinasadahan siya ng tingin ni Rhysand. “Chinat mo ba ulit?”
“Oo pero naka-delivered lang lahat.” Nasisiphayo siyang bumuntong hininga bago niya kinamot ang likod ng ulo. “Kung hindi naman pala siya pupunta, dapat sinabi na lang niya nang maayos. Hindi naman ako magagalit, hindi iyong mag-aarrange kami ng meet-up tapos ‘di na siya magpaparamdam pagkatapos.”
“E kanina pa nga rin kita tinatanong paano kung nandito na pala? Baka ‘di mo lang napansin.”
“Ayun nga, ba’t ba siya mahihiya sa akin? Hindi ko ma-gets. ‘Di naman ako nangangagat ng tao, ano. ‘Tsaka hindi naman ako pangit kaya ba’t ‘di pa ako nilalapitan ng isang iyon?”
“I’m pretty sure it’s not because of how you look…”
Sumagitsit siya. “King ina, naba-bad trip ako. Maayos naman akong kausap, a. Kung ayaw niyang makipagkita, sabihin niya ‘di iyong nagsasayang ako ng oras dito.”
Natigilan si Keegan noong mapansing bigla na lamang iniabot sa kanya ni Rhysand iyong paper bag ng stuffed toy na shiba inu. Mas lalo tuloy siyang napasimangot pero hindi siya kumibo dahil baka kailangang ipahawak iyon ni Rhysand sa kanya.
“Sa ‘yo ‘yan,” kalauna’y sabi ni Rhysand nang isukbit niya sa palapulsuhan ang paper bag.
Natigilan siya’t namilog ang mga mata niya bago niya itinuro iyong paper bag. “Huh? Anong sa ‘kin ito e hindi ba para sa jowa mo ‘to?”
“Para nga sa kanya.”
“O e bakit mo sinabing para sa ‘kin? Ang gulo mo, lasing ka ba?”
Hindi nagsalita si Rhysand at sa halip, mas binilisan nito ang lakad hanggang sa mapunta ito sa harap niya. Nagtatakang pinagmasdan ni Keegan ang binata hanggang sa isa-isa nitong alisin ang butones ng suot nitong flannel.
Parang estatwang naitulos mula sa kinatatayuan si Keegan noong makita niya ang panloob nito—pulang v-neck shirt.
Coincidence? Hindi niya alam. Basta namamangha niyang tinignan si Rhysand na noo’y hindi rin maipinta ang mukha habang inaalis nito ang suot na flannel.
Hindi niya alam anong magiging reaksyon kasi naguguluhan siya, kinakabahan, parang gusto niyang tumakbo pero hindi siya makakilos, namamawis siya, nanginginig iyong mga kamay niya, ang bilis ng tibok ng puso niya.
Humigop ng malalim na hininga si Rhysand bago nagsalita. “Sorry, I’ve been meaning to tell you but… I just didn’t know how.”
Napalunok siya. Ibinuka ni Keegan ang bibig para magsalita pero dahil wala ni isang salita ang kumakawala sa mga labi niya, muli niya iyong isinara’t hinintay na lamang si Rhysand na ituloy ang sinasabi.
“I’m Ryleigh.”
Kabanata 1
KABANATA 1
ㅤㅤㅤBUONG PAGKABATA ni Keegan, wala siyang maalalang magandang nangyari sa kanya bukod sa mga oras na nilalaan nya sa pag-iinternet shop. Kapag nandirito kasi siya, parang wala siyang mga responsibilidad sa tunay na buhay, parang ang ganap lang talaga nya ay ang ipanalo lahat ng laro at pustahang pinasok nya kung saan… naipapanalo naman nya madalas.
Isang marahas na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Keegan noong matapos na ang round na nilalaro nila ng mga kasangga nya sa internet shop na madalas nyang daluhan. Ipinahinga nya ang likuran sa backrest ng kinauupuan ’tsaka nya iniangat ang mga kamay nang makapag-inat inat. Pakiramdam kasi nya, namanhid na iyong mga kasu-kasuan nya’t na-strain na ang mga mata nya sa sobrang focused nya sa nilalaro kanina.
Doon pa lamang rumehistro sa kanya ang init, kaya nang matapos mag-inat ay hinawakan nya kaagad ang kwelyo ng uniporme’t sinimulang paypayin ang sarili bago siya nag-ikot ng tingin sa buong internet shop.
“Ang init naman!” reklamo nya na siyang dahilan upang mapatingin sa kanya ang may-ari ng internet shop na dinaluhan.
Umismid ito. “Ay naku, itong batang ito kung makapagreklamo, e kung pakabitan mo kami ng aircon dito sa internet shop?”
“Sus, ate. Kung may pera lang talaga ako, baka ako pa ang nag-sponsor sa inyo!”
Imbes na pansinin siya ay tinawanan lamang siya ng may-ari ng internet shop bago ito napailing-iling. Mayroon pa itong binulong pero hindi na nya narinig dahil bigla siyang tinawag ng isa sa mga kasangga nya para umisa pa ng round sa pustahang ipinapanalo pa rin nila.
Natural, um-oo siya. Medyo malaki-laki ang hatian nila dahil iyong mayaman na nakatira malapit sa internet shop ang naghahamon ta’s kanina pa natatalo kaya panay din ang hingi ng panibagong round.
“Invite nyo na lang ako!” aniya bago mabilis na inalis ang iilang butones ng suot na uniporme.
Kaso, siguro dala talaga na lukob ang lugar at maraming tao dahil may mga bata ring pumapasok para makinood sa paglalaro nila, mas lalo lang umiinit ang paligid. Dumating na nga sa puntong kinuha na ni Keegan iyong panyong nakalimutan nyang bitbit pala nya pero kaagad din iyong nabasa ng pawis nya. Kainis.
Siguro dala ng init ng panahon at lugar pero nakasimangot na inilibot ni Keegan ang mga mata sa kabuuan ng internet shop. Titignan nya sana kung siya lang ba ang nahihirapan sa init at siksikan hanggang sa madako ang paningin nya sa katabi nya. Nakatuon ang atensyon nito sa screen ng computer at tila ba mayroong kinakalikot sa nilalaro nila. Kunot ang noo nito at tagatak din ng pawis ang noo at leeg, hindi pa nakatulong na medyo makapal ang suot nitong uniporme kaya habang pinagmamasdan nya ito, mas dumoble yata ang init na naramdaman nya.
Bakit ba kasi ang kakapal ng uniporme sa mga private school?
Bumuntong hininga si Keegan at kinuha ang panyo nya, tapos walang pasabi nyang nilamukos iyon sa mukha ni Rhysand. Natural na nagulat ang nakababata, muntik pa siya nitong sikuhin para umalma pero noong marinig ang pagsagitsit nya, umayos ito sa pagkakaupo.
“Ako naiinitan sa suot mo. Hubarin mo muna kaya ’yang coat mo? Tagatak ka ng pawis, ang lagkit mo na tignan,” puna nya rito nang matapos nya itong punasan.
Awtomatiko ang pagnguso ni Rhysand sa narinig bago ito tumingin sa kanya.
Napaismid siya nang makitang tila ba nagrereklamo ang binata. “Kung makatingin ka ng ganyan sa ’kin, a. Dapat nga ilibre mo ’ko ng miryenda niyan kasi pinunasan ko mukha mo.”
“Ang lagkit naman ng pinampunas mo sa ’kin e. Kadiri,” pagrereklamo naman ni Rhysand.
“Reklamador! Malamang, ginamit ko rin ’tong pampunas ng pawis ko. At least nabawasan ’yang pagpapawis mo dahil sa ’kin, ano.”
Imbes na sumagot ay mataman lamang siyang pinagmasdan ni Rhysand. Noong hindi ito kumilos para alisin ang coat nito, si Keegan pa ang umabot sad ulo ng suot ni Rhysand nang usigin itong hubarin iyon. Nagreklamo pa sandali ang binata pero noong rumehistro rito na hindi siya titigil sa ginagawa dahil siya ang naiirita sa get-up nito, sumunod na lang din si Rhysand.
“Maliligo rin naman ako pagkauwi ko…” parang batang anito. E kaso, bata pa naman talaga ito.
Napaismid si Keegan. “Mapapasma ka niyan kung maliligo ka tapos pawis na pawis ka, galing ka pa sa initan? Sus. Ikamamatay mo ’yon, bui.”
“OA ka kuya, ’di naman totoo na nakakapasma maligo kapag pawis na pawis. May medical explanation na ’yon sa google.”
Naningkit ang mga mata nya sa sinabi ni Rhysand bago nya mabilis na kinurot ang pisngi nito. “H’wag mo nga akong pinapangaralan… Mas matanda ako sa ’yo, oi.”
“Nagshi-share lang ako ng facts!” dipensa naman ni Rhysand.
Mas diniinan ni Keegan ang pagkurot sa pisngi ni Rhysand. Hahawakan na rin sana ng binata ang kamay nyang nakakurot dito noong marinig nila ang boses ng ng isa pa nilang kasama. Nag-send na raw kasi ito ng invitation at kanina pa raw nila nadi-decline ni Rhysand tapos nagtatanong kung anong ginagawa nila.
Noong marinigi ito, nakuha pa nilang magsikuhan ni Rhysand dahil nag-aasaran kung sino ang may kasalanan bakit nadi-decline ang invitation ng mga ito sa nilalaro nila pero kalaunan, nagseryoso rin naman silang dalawa.
Habang naglalaro, hindi maiwasan ni Keegan ang mapaismid. Itong batang katabi nya, madalas talaga at ipinagpapasalamat nyang siya ang unang kumuha rito at nag-ayang maging kasangga sa mga rounds na nilalaro nila. Palibhasa, ang mamaw maglaro. Lagi na lang MVP o kung hindi naman, laging nakakakuha ng achievement. Iyan ang sana all.
Pero hindi rin naman nagpapahuli pagdating sa stats si Keegan. Iyon lang, kung iwa-one on one siya laban kay Rhysand, awtomatiko siyang matatalo dahil mas malawak ang range nito sa paglalaro tapos may mga characters itong mabilis na matutunang gamitin.
In the end, their group won.
Hating kapatid pagdating sa kinita nila sa pustahan pero medyo mas may bonus si Rhysand dahil ito talaga ang nagbubuhat ng team nila. Syempre, proud si Keegan diyan. Ang lakas niyan e-hanggang ngayon, iniisip nya kung paano nya ito nahila at kung bakit nagpapahila naman ito kapag hindi nya iniimbitahan sa paglalaro.
“Salamat ngayong araw, Kee at Rhy! Sa susunod naman ulit. Maglalaro ba kayo bukas?” tanong ng isa sa mga kasangga nila sa kanila.
Nagkibit balikat si Keegan. “Depende sa budget? May mga kailangan ako sa school na bayaran e.”
Napatingin sa kanya si Rhysand. “Kung hindi maglalaro si kuya Kee, ’di rin ako maglalaro.”
Namamangha nyang ibinaling ang atensyon kay Rhysand na noo’y nakatingala sa kanya at parang halos kuminang pa ang mga mata. Lagi na lamang itong ayaw nakikipaglaro kapag hindi siya present pero siguro, naku-cute-an na lang din si Keegan dahil iniisip siya nito’t tinuturing talaga siyang kapatid.
“Ganyan naman kayong dalawa e,” reklamo ng isa pa nilang kasangga. “Nagpapakita lang kayo ’pag magkasama kayo. Hay naku, Rhysand kung gusto mo maglaro kasama kami, kahit ’wag mo na hintayin ’yang si Keegan!”
Natawa silang lahat noong sumimangot bigla si Rhysand at ngumuso. “Ayoko! ’Di kayo masaya kasama kasi lagi kayong nagpapalibre sa ’kin ng pagkain.”
“E kaya pala ayaw sumama sa inyo, mga kuya!” Dinuro pa nya ang mga ito. “Sa bata pa talaga kayo lahat nagpapalibre, nakakahiya!”
Nagpatuloy pa ang pag-aasaran nila pero noong napansin ni Keegan na dumidilim na, nagpaalam na siyang uuwi na. ’Tsaka nya naramdaman ang paghila ni Rhysand sa dulo ng uniporme nya kaya nilingon nya ito at minuwestrahang sabay naman talaga sila uuwi dahil pareho silang tatawid ng daan. E parang iyon din kasi ang ipinapahiwatig sa kanya ng binata kaya ito nanghihila ng uniporme.
Um-oo na lang din itong mga kuya-kuyahan nila pero ang sabi, babalik daw ang mga ito sa internet shop at baka may mag-aya pa ng pustahan. Iyan na kasi ang ginawa ng mga itong pagkakakitaan samantalang hindi rin naman magandang diyan lang kukuha ng pera-natataunan lang na mayaman minsan iyong hahamon sa kanila kaya tiba-tiba kapag nananalo.
“Tara na Rhy,” pag-aaya nya sa nakababata noong bumalik na sa internet shop iyong mga kasama nila.
Tumango naman si Rhysand at sumunod sa kanya. “Gusto mo bang tumigil sandali sa may nagtitinda ng fishball, kuya? Libre ko.”
“King ina, kaya ka siguro inaabuso dahil ikaw pa ang nag-aaya kumain.”
“Hindi ko naman sila inaaya! Hinihila nila ako.” Ngumuso ito. “Pero ayaw mo ba? Sandali lang naman tayo kuya, ’tsaka nakakahiya na ikaw nag-aya sa ’kin pero mas malaki nakuha ko kaysa sa ’yo.”
“Okay lang naman ’yon, mas magaling ka maglaro kaysa sa ’kin e. Ingat ka lang baka mamaya hilain ka noong mayaman na naghahamon sa kanila mamaya, ’di mo na ako kasangga niyan.”
“Ikaw nga gusto kong kasama…”
’ Ang
cute
’ -muntik matawa si Keegan noong halos bumagsak pa ang mga balikat ni Rhysand tapos para itong tuta na inaasar ng amo kung umasta. E pero hindi naman aso si Rhysand, mukha lang dahil sa behavior nito madalas. Putang ina, ang weird din ng iniisip nya e. Baka mamaya kung may nakakarinig ng mga iniisip nya, hinuhusgahan na siya kasi how dare he nga naman na ikumpara ang bata sa tuta?
Pero may sense… sa utak nya.
“Bakit? Binu-bully ka ba nina kuya? Sabihin mo lang sa ’kin, akong bahala kapag gano’n,” aniya bago nya tinapik-tapik ang balikat ni Rhysand.
Siguro nabigatan ito lalo sa bitbit na bag dahil sa ginawa nya kaya mas in-adjust nito ang nakasukbit na backpack sa mga braso nito nang maiayos ang pagkakabitbit doon. Nakonsensya si Keegan, malamang. Parang kasalanan pa nya e kung sa bagay, parang ang bigat nga naman talaga ng bag nitong si Rhysand.
“Bitbit mo ba buong bahay ninyo at ganyan kabigat bitbit mo?” hindi nya napigilang itanong.
Kasi kung ikukumpara ang bibit ni Rhysand sa bitbit nya, hindi hamak na mas maliit ang bag ni Keegan. Basta shoulder bag na panlalaki tapos maliit-hindi kasi kumuha ng libro si Keegan noong pasukan at naha-hassle-an siya. Madalas tuloy, nakikihiram lang siya sa meron.
Bukod sa hassle, nakikita kasi nyang madalas nasisira ang bag noong isa nyang kaklase dahil lahat ng libro, bitbit nito araw-araw. Parang si Rhysand. E kaso may pambili naman ang mga ito ng bag, e siya naman kasi, walang malaking budget para roon.
Hindi naman siya mayaman. Kaya nga ang ibang kita nya, iniaasa nya sa mga pustahan sa online games t’wing mag-iinternet sila ni Rhysand.
Mahinang humimig si Rhysand na siyang pumukaw sa atensyon nya. “Hindi, a. Mga libro ko lang naman ’to, kuya Keegan. Pa’no kakasya ang bahay namin e malaki iyon?”
“Pasalamat ka talaga’t cute ka, kung hindi baka nasipingilan kita sa pagiging pilosopo mo.” Bumuntong hininga si Keegan. “Seryoso ba ’yan na hindi mo gets pinupunto ko?”
“Oo…? Ano bang ibig sabihin no’n?”
“Na marami kang bitbit,” paliwanag nya bago nya inabot iyong parang sabitan na nakausli sa bag ni Rhysand ’tsaka iyon hinila para tignan kung gaano kabigat ang bibit ng kaibigan. “Ang bigat naman nitong bag mo, ’di mo na lang iwanan sa school ninyo iyong iba?”
“Nanakawin ng ibang students. Ayoko kaya magbayad.”
Oh, so uso rin pala sa mga ito iyong nakawan at agawan ng libro. Hindi naiwasan ni Keegan ang magbalik tanaw noong unang taon nya sa high school. Hindi naman siya nanakawan ng libro, hindi naman kasi siya kumukuha, pero napapanood nya iyong mga kaklase nyang hindi mapakali kapag nawawalan ng libro.
Ang sabi nila, isang daan ang bayad kapag nawalan ng libro. Mas lalo lang na-discourage si Keegan na kumuha at humiram dahil hindi rin naman madalas na requirement iyon sa t’wing nagli-lesson sila.
“Nandito na tayo,” biglang sabi ni Rhysand pero marahil malalim na ang iniisip ni Keegan, hindi nya napansin ang binata at nagtuluy-tuloy pa siya sa paglalakad.
Pero bago pa man makalayo talaga si Keegan, naramdaman nya ang paghawak ni Rhysand sa palapulsuhan nya, dahilan para mapapitlag siya’t mahigit pabalik sa realidad.
Namamangha nyang pinagmasdan si Rhysand na noo’y kunot din ang noo na nakatingin sa kanya.
“Ba-bakit? Akala ko uuwi na tayo?” naguguluhan nyang tanong.
Ipinilig ni Rhysand ang ulo bago nito itinuro iyong tindahan ng mga tusuk-tusok. “E ’di ba sabi ko, kakain muna tayo sandali? Libre ko naman kuya, dali na… May gagawin ka ba sa inyo?”
Ah. Bukod sa magsaing at magpakamuchacho sa bahay, wala naman na yata. Araw-araw na routine na nya iyan e.
“Alam mo, walang magsasaing sa ’min…” panimula nya.
Kumunot ang noo ni Rhysand. “Bakit, kuya? Hindi marunong iyong mga kasama mo sa bahay?”
’ Hindi sa ganoon’ -ang gusto sana nyang sabihin. Sadyang tamad at wala lang talaga siyang maasahan sa bahay kaya nabanggit nyang hindi pa nagsasaing.
Ang hirap naman sabihin at ipaliwanag niyan kay Rhysand kasi ang bata nito tapos… magkaiba talaga sila ng ganap sa buhay. May kaya kasi si Rhysand tapos siya, kumakayod habang nag-aaral kaya may mga oras na wala siya sa eskwelahan talaga.
“Sandali lang naman tayo, ano?” paniniguro nya. Na-realize kasi nyang minsan lang naman din siya malibre.
Tumango-tango si Rhysand at malawak na ngumiti. “Sandali lang! As in kakain lang ta’s bibili ng maiinom ta’s uuwi na tayo kasi papagalitan ako ni Lola ’pag nagpagabi ako.”
“Aba, buti alam mo talaga. Tara na, miryenda muna tayo. Nagutom din naman ako sa kanina.”
Tulad naman ng sinabi ni Rhysand, nanlibre talaga ito ng miryenda nilang dalawa. Hindi naman kumuha ng marami si Keegan bukod sa limang pisong fishball tapos iyong kwek-kwek. Si Rhysand din, halos ganoon lang ang kinuha bukod sa squid ball na ang sabi nito, masarap daw. Sa inumin naman, buko ang binili ni Rhysand para sa kanilang dalawa.
Nang matapos at makatawid na silang dalawa, bago pa man magpaalam si Keegan na hihiwalay dahil sa kabilang kanto ang bahay nya, narinig nya ang pagbuntong hininga ni Rhysand.
Nilingon nya ito at naguguluhan nyang pinagmasdan ang kaibigan. “O, anong binubuntung-buntong hininga mo riyan? Tinatamad ka ulit na gumawa ng assignment?”
Ngumuso si Rhysand. “Hindi, hindi. Naisip ko lang… ’di ka maglalaro bukas, kuya?”
“Ah…” Napaiwas siya ng tingin at kinamot ang pisngi nya. “Hindi rin ako sigurado. Para kasing mashu-short na ako sa budget e mayroon kaming project niyan.”
“Kahit libre ko?”
“Kakayod ako, boy. Hindi ako mayaman.” Pinitik ni Keegan ang noo ni Rhysand dahil parang bigla siyang nanggigil dito. “Magti-text ako kung tutuloy ako, Rhy. E kung hindi, maglibang ka na muna sa mga libro ninyo.”
Hindi na sumagot si Rhysand at sa halip e tipid itong tumango. Nang tila kumalma na rin ito sa pagrereklamo, tinapik nya ang ulo nito ’tsaka nya inalo sandali. Maglalaro pa naman si Keegan, nataunan lang na samu’t saring bayarin ang nakikihati sa pang-internet nya.
E may ipon din naman siya kaso… Naaksidente iyon noong isang araw at nagastos, salamat sa magagaling nyang kasama sa bahay.
Hindi naman siya makaalma. Nakikitira rin siya sa iisang bubong, e. Gustuhin man nyang umalis, saan naman siya pupunta? Lalo na at ni kamag-anak, ayaw siyang kausapin at kupkupin dahil sa mga kasama nya sa bahay.
Bumuntong hininga siya.
Bago pa man malunod si Keegan sa mga iniisip, nagpaalam na rin siya kay Rhysand na mauuna na. Mananagot na kasi talaga siya at dis oras na yata ng gabi tapos wala pang sinaing sa bahay, makakarinig na naman siya ng sermon niyan.
Mukhang ayaw naman ni Rhysand humiwalay pero nang ipaalala nya rito ang mga homework nito, kinaladkad na nito ang sarili na umuwi.
King ina, ang cute talaga ng batang iyon. Kumportable talaga siya kay Rhysand-nakakahiya lang dahil hindi sila pareho ng estado sa buhay kaya parang ayaw nyang maki-close gaano. ’Tsaka hindi naman nito minamata iyong pagkakaiba nilang dalawa kaya siguro hinayaan na lang din ni Keegan ang sariling mapalapit sa batang iyon.
Parang kapatid talaga turing nya kay Rhysand.
ㅤㅤㅤㅤHINDI NAGBIBIRO si Keegan kung sasabihin nyang noong pumasok siya sa street nila, halos lakad-takbo siya dahil nahihiya siya na maabutan noong may-ari ng tindahan sa kanto nila. Ayun lang, mas mabilis pa rin ang mata ni nanay Belinda kaysa sa pagkilos nya kaya natawag pa siya, muntik pang ipahabol sa mga nakatambay sa tindahan nito kaya lumapit na si Keegan bago pa man siya muntikang makipagtagtagan sa mga matatanda.
Hirap na, baka sumakit mga kasu-kasuan ng mga iyan tapos sa kanya pa isisi.
“Ngayon ka lang uuwi, Keegan?” pag-uusisa ni nanay Belinda. Halos maningkit pa ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya.
Kinakabahan siyang tumawa at nag-iwas ng tingin noong makalapit sa bintana ng tindahan nito. “Naglaro pa po kasi ako, nay. Bakit nyo po pala ako tinawag?”
“Ay sus, nakuha mo pang mag-internet shop. Pa’no na iyong ipon mo niyan?”
“Do-doon ko po binawi. Pustahan po kasi ’yon, e nanalo kami kaya may nakuha naman akong kaunti kahit pa’no.”
Ipinilig ni nanay Belinda ang ulo ’tsaka siya nagtatakang tinitigan. Hindi nagtagal, noong mukhang maiproseso rin naman nito ang sagot nya’t maintindihan, tumango na lamang ito at hinayaan na ang nauna nitong pagpuna sa pag-iinternet nya.
“Oo nga pala, kanina pa kita hinihintay na dumaan. May iaabot sana kasi ako sa ’yo,” panimula nito ’tsaka mayroong kinuha sa ilalim ng parang counter ng tindahan nito.
Nagtataka man, mapagpasensyang naghintay si Keegan. Una talaga nyang naisip na makakain ang ibibigay nito dahil ganoon naman lagi. Minsan lang din nag-aabot si nanay Belinda ng pera t’wing maiisip ni Keegan na magtrabaho rito bilang tagabuhat o tagahatid ng mga softdrinks na ino-order mula sa tindahan nito.
Pero kahit inasahan ni Keegan na pagkain ang iaabot sa kanya, hindi nya pa rin naiwasan ang magulantang noong makitang parang presko pa ang mga gulay na iniaabot sa kanya.
Fun fact nga pala, hindi naman nya kaanu-ano si nanay Belinda pero ito talaga iyong madalas na concerned sa kanya.
“Na-nay! Parang bago pa ’yan, sigurado ka bang ibibigay mo na lang sa ’kin? Pa’no kayo ni kuya Edward?” nag-aalala nyang tanong, nahihiya pa na kunin ang iniaabot sa kanya.
Ikinaway ni nanay Belinda ang isang kamay. “Ay sus, parang nahihiya ka pa e lagi ka naman naming inaabutan ni kuya Edward mo.”
“Kahit pa po, nay. Sayang po o, maraming masarap iluto sa mga ’to.” Unang naisip ni Keegan, pakbet. May peanut butter pa naman yata sa bahay nila.
Umismid si nanay Belinda. “Alam naming marami kang mailuluto riyan kaya nga inaabot ko. ’Tsaka meron na kami, Keegan. Pasobra lang namin ni kuya mo iyan dahil tignan mo, nangangayayat ka na sa kakakayod at kakaaral mo.”
Paano niyan kung umiyak siya ngayon dahil nata-touch siya kay nay Belinda? Daig pa kasi nito iyong mga kasama nya sa bahay na kung tratuhin siya, talagang muchacho lang.
Hindi mabilang ni Keegan kung ilang beses siyang nagpasalamat kay nanay Belinda. Pati nga iyong mga kapitbahay nila, natutuwa siyang panoorin tapos panay pa ang sabi na mabuti raw at hindi nya nakuha iyong ugali ng mga magulang nya. No comment doon. Mababait ang mga magulang ni Keegan noon, hindi lang nya alam anong nangyari sa mga ito ngayon.
“Oo nga pala Keegan,” pagtawag sa kanya ni nanay Belinda. May bahid ng pag-aalala sa boses nito nang pukawin nito ang atensyon nya. “May narinig akong tsismis nitong nakaraan galing sa kuya Ed mo.”
Natigilan si Keegan at matamang napatitig kay nanay Belinda. Hindi na siya sumagot. Sa halip, hinintay nyang dugtungan nito ang sinasabi. Alam nyang hindi iyan good news e. Iniisip lang nya kung ano sa maraming issue ng pamilya nya ang narinig nito.
“Buntis ang ate Katelyn mo?” tanong ni nanay Belinda.
Halos mag-isang linya ang mga labi nya sa narinig. Pinigilan din ni Keegan ang mag-make face dahil hindi nya alam kung paano ba kumalat na buntis ang nakatatanda nyang kapatid. Sa pagkakatanda kasi nya, dapat tinatago nila iyan lalo na’t ito yata ang pinakamalaking eskandalo ng pamilya nya.
“Iyong kainuman ng tatay mo iyong ama?” dagdag pa ni nanay Belinda, dahilan para mas lalo siyang madismaya sa kumalat na balita.
Pagak na tumawa si Keegan at kinamot ang pisngi. “Pa’no po ninyo nalaman?”
“Kanina lang nalaman ng kuya Edward mo. Nagkasalubungan kasi sila ng ate Katelyn mo sa may palengke ta’s pinagmalaki na buntis daw ito ngayon.”
Putang ina naman na iyan. Sa sobrang laki siguro ng amats ng ate nya, nakuha pa nitong ipagmalaki iyong pagbubuntis nito samantalang nakakahiya naman kung sino iyong ama. Bukod kasi sa maa matanda sa ate nya, wala namang maayos na trabaho iyong kainuman ng nakatatanda nyang kapatid. Kainis.
Wala na rin namang paraan para itanggi ni Keegan dahil narinig na rin ni nanay Belinda ang balita.
Bumuntong hininga siya. “Pagpasensyahan nyo na po si ate. ’Di ko rin alam kung ba’t pati ’yon, pinagmamalaki nya.”
Nakakahiya lang.
Kabanata 2
KABANATA 2
ㅤㅤㅤㅤKAGAT-KAGAT ang pang-ibabang labi, nag-iwas ng tingin si Keegan mula sa nakatatanda nyang kapatid noong nagsimula na naman itong atakihin ng topak.
Ang aga-aga pa. Ala singko pa lamang ng umaga’t naghahanda na si Keegan para pumasok sa eskwelahan. Ang balak sana nya, kung mas maaga siyang matatapos, mangangalakal na muna siya nang kahit na paano ay may maiabot na panggastos sa bahay. Ayun lang, hindi na naman nakiayon ang tadhana sa kanya.
Mariinig pumikit si Keegan noong hablutin ng ate nya ang buhok nya at simulan siyang sabunutan. Hindi nya maalala kung anong ginawa nito bukod sa parang halos alisin ni Katelyn ang ulo nya hanggang sa matumba na lamang si Keegan sa kusina’t tumama ang likuran sa may upuan.
“Ano ba?! Ang sabi ko naman sa ‘yo, magluto ka ng makakain ko kasi gutom na ‘ko ta’s kung anu-ano pa iyang inuuna mo?!” nanggagalaiti na asik sa kanya ng ate nya.
Nangingilid pa sa gilid ng mga mata nito ang luha habang si Keegan, nang mag-angat ng tingin para titigan ito e pinigilan na lamang ang mapaismid sa pagiging maarte nito. King ina, kung ituring siya para namang pinapasahod siya ng isang ito.
“Magluto ka ng agahan ko!” singhal ulit nito sa kanya bago itinuro ang stove nila. “Dalian mo, Keegan!”
Sumagitsit siya. “May pasok nga ako, ate. ‘Tsaka mangangalakal ako nang may maipanggastos kayo rito sa bahay habang—”
“Wala akong pakialam sa mga balak mong gawin!”
King ina. Namamangha nyang pinagmasdan ang nakatatanda nyang kapatid bago siya pumalatak at tuluyang pagak na natawa sa iniaasta nito.
“Ate, hindi ka donya. Alam kong buntis ka pero ‘di ka naman naging disabled. May mga kamay at paa ka, ba’t ‘di ikaw ang magluto niyang kakainin mo?” balik nya rito.
Wrong move, alam nya naman, dahil noong sabihin nya iyan e halos mamula ang mukha ng ate nya sa panggagalaiti sa kanya tapos halos umusok pa ang ilong at mga tenga nito sa galit. Alam naman nyang mali iyong sinabi nya pero napikon din siya—alam nya kung anong mangyayari kung gagalitin nya si Katelyn, lalo na’t wala naman siyang kakampi sa bahay, pero hindi nya maiwasang magpadala sa galit.
‘Bastos ka! Wala kang pakialam sa akin samantalang nakikita mo na na buntis ako!’ ganyan ang panay sabi sa kanya ng nakatatandang kapatid kanina. Parang sirang plaka, sinusubukan talaga nitong gamitin ang card nito na buntis ito nang ma-validate ang pananakit sa kanya at ang pag-utos.
Syempre, noong umagang nagwala talaga ang ate nya’t kung anu-ano ang itapon sa kanya, nagising ang mga magulang nya’t mas lalo lang siyang napasama. Kung paanong diinan ng tatay nya ang hintuturo nito sa ulo nya para ipagdikdikang wala siyang kwenta at dapat na sumusunod lang sa kanila, nasabayan pa kung paano aluin ng nanay nya ang ate nyang umiiyak noon tapos igi-guilt trip siya.
Ewan nya sa mga ito. Hindi na nya alam. Pagod na siya.
Hindi alam ni Keegan kung paano siya nag-function matapos iyan. Basta sa sobrang inis nya sa pamilya, umalis siya’t hindi na nangalakal. Sa halip, dumiretso siya sa eskwelahan at umidlip hanggang sa magsimula na iyong klase nila.
Pero seryoso, hindi nya alam kung paano siya naka-survive. Nag-auto pilot yata katawan nya kahit wala siya sa sarili dahil hindi nya maalala lahat ng ginawa.
“…Kuya Keegan?”
Natigilan siya noong marinig ang isang pamilyar na boses. Noong ipilig nya ang ulo para tumingin sa gilid nya, ‘tsaka nya natagpuan si Rhysand na mayroong dala-dalang tapperware na makakain.
Hindi nya alam kung matatawa ba siya na may dala-dala na namang pagkain si Rhysand dahil ugali talaga nitong magbaon ng makakain kahit nasaang lupalop pa ito ng mundo o ano, e. Wala lang siya sa mood kaya hindi nya mahanap sa sarili ang matawa na parang tanga.
Ang sakit kasi ng buong katawan nya.
“Kuya Kee, okay ka lang? Ba’t pumutok iyong labi mo?” tanong ni Rhysand, may bahid ng pag-aalala sa boses nito bago ito nagmamadaling umupo sa tabi nya.
Nang ipunto rin ni Rhysand iyon, ‘tsaka lamang napansin ni Keegan na parang may mahapdi nga sa gilid ng labi nya. Napahawak pa tuloy siya roon para tignan kung ano iyon hanggang sa mapapitlag at mapasagitsit ito sa sakit noong maramdaman ang gilid ng labi.
Nakalimutan nyang sa sobrang pagkagigil ng tatay nya sa kanya dahil sumagot pa siya kanina, nasuntok nga pala siya sa mukha. Mabuti nga at hindi namaga ang pisngi nya pero pumutok pala gilid ng labi nya, putang ina.
Bumuntong hininga siya. “Kaya ako napagkakamalan na basagulero kasi minsan, pumapasok ako na ganito ang itsura e.”
“Importante pa ba ‘yon?” Ipinilig ni Rhysand ang ulo. “Sinaktan ka na naman ba sa bahay ninyo?”
“Hindi, may kasalanan din naman kasi ako.”
“Kahit naman wala yata, sinasaktan ka pa rin sa inyo.” Natigilan si Rhysand at kabadong tumawa. “Sorry, baka ang dating nanghihimasok ako.”
“Okay lang, totoo namang mababaw sila ‘tsaka hindi rin naman normal ‘tong pagpapalaki sa akin talaga.”
Pareho silang natahimik ni Rhysand. ‘Tsaka lang din naalala ni Keegan kung nasaan siya—kanina pa kasi talaga siya nagtataka kung paano siya biglang nahanap ng isang ito tapos biglang nag-sink in sa kanya na nasa covered court siya na malapit sa tinitirahan nilang dalawa. E, may iba pa namang court malapit kina Rhysand pero dahil mas maraming naglalaro rito dahil may bubong at mas malawak tapos nakakapropesyonal pa ang dating, madalas din sigurong tumambay si Rhysand dito.
Noong makita nyang makapag-shoot ng bola iyong mga batang naglalaro, muli siyang bumaling kay Rhysand.
“Ano palang ginagawa mo rito? Ikaw lang ba mag-isa?” hindi nya napigilang tanong.
Binuksan ni Rhysand ang bitbit nitong tapperware na may laman na pritong balat ng manok ‘tsaka ito nag-alok sa kanya. Hindi naman nakatanggi si Keegan dahil kumuha agad siya, paborito nya iyan e.
‘Tsaka lamang din sumagot si Rhysand nang makakain ito. “E kasi kuya, na-bored ako sa bahay. Do’n sana ako sa isang court kaso ang init ta’s puro matatanda naglalaro kaya sabi ko, rito na lang ako tatambay.”
“Wala ka bang kasama?”
Kinamot ni Rhysand ang pisngi. “Wala naman akong kaibigan na nakatira malapit sa ‘min, kuya. Ikaw lang talaga.”
“Medyo malayo bahay ko sa ‘yo.”
“Counted pa rin! Magkaiba lang naman tayo ng street!”
Hindi na nagkomento pa si Keegan at sa halip, kumuha pa ulit noong balat ng manok na baon ni Rhysand. Nakakatuwa ngang tignan dahil marami itong baon, halatang spoiled na spoiled sa bahay dahil lagi na lang makikitaan ng pagkain si Rhysand.
Sa sobrang immersed ni Keegan sa pagkain, hindi nya na napansin ang matamang pagmamasid ni Rhysand sa kanya. Hindi nya alam na kanina pa ito nakatingin doon sa parte ng mukha nya kung saan pumutok ang labi nya, pati na rin iyong kahit hindi na gaanong halata, pero namamaga pa rin nyang pisngi.
“Kuya, wala ka ba talagang balak umalis sa inyo?” tanong ni Rhysand.
Sa isip-isip nya, napaka-random ng tanong ni Rhysand. Kaso nag-sink in din sa kanya na may alam nga pala ito sa mga kaganapan nya sa bahay kaya siguro nagtatanong.
E pinangunahan din siya ng pagiging pilyo? Matamang tumitig si Keegan kay Rhysand bago nya isinandal ang siko sa hita para makapaghalumbaba. ‘Tsaka nya ito pinakitaan ng pilyong ngisi.
“Bakit ka nagtatanong? Kukunin mo ba ako?” panunudyo nya kay Rhysand.
Ang inaasahan nyang sagot e, ‘hala, kuya, hindi! Nagtanong lang ako kasi concerned ako sa ‘yo!’ —mga ganyanan ba. Alam naman kasi nyang hindi rin papayag ang lola ni Rhysand na kunin siya dahil nga may inaalagaan na itong bata. ‘Tsaka sino ba si Keegan para makitira sa bahay nito e meron naman siyang sarili?
Pangit lang kasama iyong mga nasa bahay pero ang mahalaga e may natutuluyan pa rin naman siya.
Iyon lang, ang layo sa inaasahan nya noong naging sagot sa kanya ni Rhysand:
Malakas itong humimig at tumango-tango. “Okay lang naman, kuya! Ilang beses na rin kitang pinagpaalam kay lola ko kaso ang dalas mo rin namang tumanggi.”
Napakurap-kurap siya’t wala sa sariling napatitig na lamang kay Rhysand. Seryoso, nablangko siya. Kung sanang sumagot si Rhysand ng naaayon sa una nyang naisip at in-assume, ayos sana dahil marami silang tatawanan pero hindi man lang siya itinanggi.
“Kaya lang sabi ni lola, kung makikitira ka raw, maganda raw kung tutulong ka rin sa ‘min sa bahay dahil marami kasing gawaing bahay na ‘di na kaya gawin ni lola dahil nga matanda na siya,” dagdag pa ni Rhysand.
Kung hindi pa siguro nadulas ang baba ni Keegan mula sa pagkakahalumbaba nya, hindi pa siguro siya mahihigit pabalik ng realidad. Doon lang din nya natantong kanina pa pala nakabuka ang bibig nya, parang nahulog ang panga nya kanina dala ng pagkamangha.
Noong mahimasmasan, ilang beses na umiling si Keegan. “Da—dati ka bang sira ulo, Rhy? Binibiro lang kita, bui. ‘Wag mo naman akong seryosohin.”
“Pero seryoso naman kasi talaga ako,” anito pa bago ito ngumuso ulit. “O ‘di ba, alam ko namang tatanggi ka rin ulit e.”
“Sira ulo.” Napahilamos siya ng mukha. “Ma—mabalik, kahit na naa-appreciate ko ‘yang alok mo, ‘di naman makapal iyong mukha ko para makitira sa inyo. May mga kamag-anak naman kami rito.”
Ipinilig ni Rhysand ang ulo. “E akala ko ba kuya, ‘di ka rin kinakausap ng mga ‘yon dahil nga inaway ng mga magulang mo?”
“Hindi natin pag-uusapan ‘yan. Tama na nga ‘to. Basta, ayos lang naman ‘tong buhay ko. Makakaalis din naman ako sa lugar na ‘yon kapag mas kaya ko na.”
“Kailan? Pa’no kung ‘di na lang pananakit gawin nila sa ‘yo sa susunod, kuya?”
‘Hindi naman masamang tao iyong mga kasama ko sa bahay’ —ang tempting na isagot niyan pero alam naman nyang may kapabilidad talaga na toyoin ang mga kasama nya sa bahay. Kaya imbes na sumagot, nginitian na lamang ni Keegan si Rhysand.
“Problema ko na ‘yon,” simpleng aniya bago ulit kumuha ng balat ng manok na iniaalok nito.
ㅤㅤㅤㅤNANG MATAPOS na kumain at tumambay sa covered court, ang buong akala ni Keegan ay makakapagpaalam siya kay Rhysand. Marami pa kasi siyang gagawin, mangalakal for example, nang sa ganoon ay may maibibigay siya sa bahay nila mamaya at may pangbaon siya kinabukasan.
“Anong plano mo at nakasunod ka sa ‘kin?” hindi nya napigilang itanong kay Rhysand na nakabuntot pa rin sa kanya.
Ipinilig nito ang ulo bago ngumiti. “Mangangalakal ka ngayon, ‘di ba kuya? Gusto ko rin tumulong!”
“Inamo, rich kid datingan mo tapos gusto mo ‘kong samahan na mangalakal?”
“Hindi naman ako rich kid…?” naguguluhang balik ni Rhysand sa kanya. “Manonood lang ako, kuya. ‘Di ako mangingialam. Ano, curious lang ako.”
“May project ka ba kaya ka sasama sa akin?”
“Tapos ko na homeworks ko bago pa ‘ko nakitambay sa covered court kanina!”
Nag-aalangang pinagmasdan ni Keegan si Rhysand. Hindi naman sa pagiging skeptical pero parang ganoon na nga. Hindi kasi siya sanay na sinasamahan siyang mangalakal ng isang ito. First time nga nitong ma-curious? Sandali, hindi pala dahil parang may alaala si Keegan na nagtatanong si Rhysand kung pupwede siya nito samahan sa pagiging kargador pero tinakbuhan nya ito.
Kapag binabalikan nya, hindi nya maiwasang mapakamot ng pisngi at mapangiwi e.
“Takbuhan din kaya kita ngayon?” wala sa sarili nyang nasabi.
Hindi talaga napansin ni Keegan ang kumawalang tanong mula sa mga labi nya kaya noong marinig nya na mapasinghap si Rhysand at maramdaman nyang mahina nitong sipain ang binti nya, napapitlag siya.
“Napa’no ka?!” namamangha nyang tanong kay Rhysand.
Inismiran lamang siya nito. “May balak ka na namang tumakbo e manonood lang naman ako ngayon, ‘di na ako mag-aattempt na tumulong kasi ayaw mo naman.”
“E malamang, tignan mo nga sarili mo. Ang ayos ng porma mo kahit pangbahay ta’s uuwi kang amoy basura? Utut! Baka bigla pa ‘kong habulin ng walis tambo ng lola mo!”
Habang nag-aasaran silang dalawa ni Rhysand, hindi napansin ni Keegan na malapit na sila sa bahay nila. Dadaanan muna kasi ang bahay nila bago makarating sa isang kanto. Ayaw kasi sana ni Keegan na lumabas sa isa pa kahit na didiretsuhin lang naman nila mula sa nilalakaran nila.
Wala, mas malapit kasi sa elementary school na pupuntahan ni Keegan iyong kanto na malapit din sa bahay nila.
Liliko na sana silang dalawa ni Rhysand noong matigilan sila nang may marinig silang paglagabog mula sa bahay hindi malayo sa tinitirahan nya. Nagkatinginan silang dalawa ng nakababata at awtomatikong natigilan sa pagkukwentuhan pati asaran dahil ang kasunod ng narinig nilang paglagabog e iyong boses ng mga magulang nya.
Hindi alam ni Rhysand kung anong boses ng mga magulang nya… pero nakakahiyang maabutan nito na nag-aaway pa sa labas ng bahay nila ang mga ito.
“Anong meron?” tanong ni Rhysand at lalapit na sana para sumilip sa mau likuan nang makita kung anong nangyayari hindi kalayuan sa kanila nang hablutin nya ang kwelyo ng suot nitong t-shirt. “A—aray! Kuya naman, nambibigla. Titignan ko lang kung anong meron at nagsisigawan sila?”
Sumagitsit siya’t umiling. “Kung makikinig ka, dito ka lang. ‘Di mo na kailangan magpakita.”
Baka kasi mamaya makilala ni Rhysand ang mga magulang nya e kamukha pa naman ni Keegan iyong tatay nya. Kainis.
Mabuti na lang at masunurin si Rhysand dahil tumango na lang ito at tumayo sa tabi nya, ‘tsaka sila nakinig pareho sa usapan ng mga magulang ni Keegan. Nag-stay din talaga siya. Nasa labas kasi ang mga ito, ayaw naman nyang umikot dahil halata masyado na iniiwasan nya iyong mga nag-aaway, baka makatunog si Rhysand at mapagtagpi-tagpi ang clues tapos mapagtantong mga magulang nya iyang nag-aaway sa labas.
Paano siya noon? Wala siyang mukhang ihaharap e ang babaw pa naman lagi ng pinag-aawayan ng mga magulang nya.
“Bastos ka! Alam mong ang hirap-hirap ng dating ng pera sa ‘tin tapos ginastos mo na naman sa pang-inom mo? Nanlibre ka pa raw!”
“E ano naman?! Pagod na pagod na ‘ko sa pamilyang ‘to, lahat na lang ng gusto kong gawin, ‘di ko na magawa dahil sa inyo!”
“At kami pa ang sinisi mo samantalang kakasugal mo kaya ganito itong buhay natin ngayon!”
“Ako lang ba ang nagsusugal?! E kung sanang ‘di ka maluho, hindi rin sana hahantong sa ganito lahat ng pinaghirapan ko!”
Pagkatapos noon, parang pumasok na sa loob ng bahay ang mga magulang nya dahil humina na iyong pagsasagutan ng mga ito tapos narinig pa nilang bumagsak iyong gate.
Putang ina naman. Napahilamos si Keegan ng mukha bago nya minuwestrahan si Rhysand na sumunod sa kanya. Hindi na sila dadaan diyan sa may bahay nya, didiretsuhin na lang pala nila itong dinadaanan nila ngayon nang hindi siya maabutan ng mga magulang.
“Grabe naman ‘yon,” narinig nyang komento ni Rhysand noong nagpatuloy sila sa paglalakad. “Hindi ba nila pupwedeng pag-awayan iyong mga ganoong bagay sa loob ng bahay kaysa sa i-broadcast?”
Napaismid si Keegan sa narinig. Kung alam lang ng batang ito, gustung-gusto talagang finu-flaunt ng mga magulang nya iyang pinag-aawayan nila. Joke lang.
But on a serious note, wala lang talagang delikadesa ang mga ito. Walang pinipiling lugar sa pag-aaway o pagsasakitan. Kahit na barangay tanod mismo maghiwalay sa kanila, hindi marunong magpaawat iyang mga magulang nya. Ewan nya kung papansin lang ba sila o may anger issues talaga.
“Hayaan mo na sila,” iyan na lamang ang nasabi nya dahil hindi talaga nya kayang ipaliwanag ang sitwasyon kay Rhysand. “E sa matatanda na, ‘di na siguro nila naisip na pumasok muna ng bahay bago mag-away.”
Pakiramdam ni Keegan, ang bagal nilang maglakad ni Rhysand. Parang ang layo-layo pa rin kasi ng kanto mula sa kanila, o baka nagmamadali na lang siyang makalayo bago pa mapagtanto ni Rhysand na roon din banda ang tinitirhan nya? Ewan.
Basta noong malala na ang ‘urgency’ na naramdaman ni Keegan, hinawakan na nya ang palapulsuhan ni Rhysand para mabilisan ang paglalakad nila.
Natigilan lang siya noong mapapitlag bigla si Rhysand kaya napalingon siya rito. “Napa’no ka?”
Naguguluhan nyang pinagmasdan si Rhysand ‘tsaka nya napansing bukod sa nagitla ito sa biglaan nyang paghawak dito, medyo namumula rin pala ang mga pisngi ng batang ito.
Bakit? Hindi naman ganyan itsura ng isang iyan kanina, a.
“Nilalagnat ka ba? Parang biglaan? Ayos ka lang kanina, ‘di ba?” pag-uusisa nya.
Hinawakan nya ang noo ni Rhysand pero nagbaba lang ito ng tingin at kabadong tumawa. Hindi ito sumagot. Sa halip, nanatiling tahimik hanggang sa makumpirma nyang hindi naman ito nilalagnat dahil ayos naman ang temperatura ng katawan nito.
“Napagod ka ba? Gusto mo na bang umuwi?” halos sunud-sunod nyang tanong.
Bahagyang namilog ang mga mata ni Rhysand nang magtanong siya bago ito mabilis na umiling. “Okay lang ako, kuya! Wala lang ‘to, hindi ko rin alam ba’t ako biglang nagulat. ‘Tsaka ba’t mo tinanong kung nilalagnat ako?”
“Namumula ka kasi,” sagot naman nya, may bahid ng pagtataka sa boses dahil mukha naman talagang okay si Rhysand… na hindi?
Muling nagpakawala ng kabadong pagtawa ang binata. “Okay lang talaga ako, kuya.”
Bagamat nagsabi naman si Rhysand na ayos lamang ito, may kung anong bumabagabag kay Keegan. Iyon lang, hindi na rin siya nagtanong pa gaano dahil baka napapaisip lang siya’t mahilig lang talagang mag-alala. Nagsabi naman ito na hindi masama pakiramdam nito kahit na namumula ang mukha, e.
“Ikaw bahala, pero ‘pag may nararamdaman ka na ‘di maganda, magsabi ka. Ihahatid kita sa inyo kasi baka mamaya, matumba ka pa sa daan,” paalala nya kay Rhysand.
Sinabi nya iyan para maging warning pero mabuti na lang at mukhang naka-recover din si Rhysand noong nasamahan na siya nito sa mga aktibidad nya sa buhay.
‘Tsk,’ aniya sa isipan. May mga oras talaga na wirdo at matigas ang ulo nitong batang kasama nya e.
Kabanata 3
KABANATA 3
ㅤㅤㅤㅤMADALAS, nakakasawa na lang din talagang makitira sa iisang bubong kasama ang pamilya nya kaya kahit na ipinipilit nyang mag-ipon para makalaya sa kamay ng mga ito balang araw, nagagastos nya iyong perang nalilikom makawala lang panandalian sa nakakasakal na lugar na dapat e tinuturing nyang tahanan.
Humikab si Keegan nang maisandal ang likod sa backrest ng kinauupuan. Nasa internet shop na naman siya, liwaliw. May pustahan pero walang bayad. Nakakabagot kaya hindi na lang siya sumali dahil ano bang mapapala nya kung libre rin iyong ipapanalo dapat nya?
Si Rhysand, nakaupo rin sa tabi nya pero imbes na laro ang inaatupag e gumagawa ito ng assignment. Napaisip din si Keegan kung meron ba dapat siyang i-search o i-print na gagawin, wala naman siyang maalala. Essay kasi ang homework nila tapos hindi naman kailangan ng internet dahil sariling opinyon—lalo na galing pa sa mga balita nitong nakaraan.
“Hindi ka pa tapos?” tanong ni Keegan kay Rhysand habang abala itong isinusulat kung ano iyong naka-display sa skrin ng computer nankaharap nito.
Tumigil sandali si Rhysand sa pagsusulat bago siya nito nilingon at nginitian. “Medyo marami akong homework, kuya. Baka ‘di ako makapaglaro.”
“Ba’t kasi hindi mo na lang gawin sa inyo ‘yan?”
“Naputulan kami ng internet, e. ‘Di pa makapagbayad si lola kasi wala iyong inuutusan nya, kaya sumama ako sa ‘yo para gumawa na lang ng homework.”
“Ang boring naman niyan.”
E kaso, ayaw din naman nyang pilitin maglaro si Rhysand dahil nga baka mamaya, kinabukasan din ang deadline ng mga homework na ginagawa nito. Kahit na nakaka-boring din talaga maglaro dahil puro trashtalk lang naman ang alam ng mga nakakasangga nila rito sa internet shop.
Hindi nagtagal, napukaw din naman ang atensyon ni Keegan nang muli na naman siyang ayain na maglaro. Napaisip pa siya kung sasama siya dahil wala naman si Rhysand tapos siya lang ang magbubuhat sa mga kasama nya at no offense pero ang bibigat pa naman ng mga ito lalo na kapag casual games lang.
“Pass muna ako!” sagot nya bago nya iniiling ang ulo sa nakasimangot nilang kasama sa internet shop. “Pahinga muna, nakailang laro na rin naman na tayo.”
“Sus, hihintayin mo lang niyan si Rhysand e,” anito.
“Malamang, mas masaya kaya kalaro si Rhy kaysa ro’n sa isinasama ninyo kanina.”
“Hoy, isusumbong kita ro’n! Baka mamaya, i-one on one ka ta’s ikaw pa matalo.”
“Okay lang. E, basta! Bahala na muna kayo, maglalaro na lang ako ‘pag tapos na si Rhysand sa homework nya.”
Pumalatak ito. “Ikaw ang bahala. Malapit na talaga akong magsuspetya sa inyong dalawa, e.”
Kumunot ang noo nya sa sinabi nito bago nya ipinilig ang ulo.
Suspetya? Saan naman? Sa pagiging close nila ni Rhysand? E magka-schoolmate sila ng elementary ‘tsaka halos hindi mawalay sa kanya itong nakababata at attached na.
Nakakatuwa nga, e. Damang-dama nya iyong pagiging ‘kuya’ nya rito. Kapag naiisip nya iyan, nagiging mas tolerable iyong buhay nya.
Mula sa gilid ng mga mata ni Keegan, napansin nya ang sandaling pagtigil ni Rhysand sa ginagawa at bahagyang paglingon nito sa direksyon noong kasama nilang nag-aaya na maglaro. Napaismid si Keegan noong parang ang tigas ng katawan nitong bumalik sa dating posisyon nang sa ganoon e makapag-aral nang maayos.
“Patapos ka na ba?” tanong ulit ni Keegan kay Rhysand.
Mahinang humimig ang nakababata. “Mamaya pa, kuya. Laro ka muna kaya? Baka lose streak na kasi sina kuya Renzo kaya umiinit na ulo. Ikaw tagabuhat, ‘di ba?”
“Hayaan mo sila. Mahiya nga rin sila, mas bata tayo ta’s tayo pa nagbubuhat sa kanila.”
“Naririnig namin kayo!” pagsapaw noong isa sa mga kasama nilang maglaro madalas.
Sabay na napalingon sina Keegan at Rhysand sa direksyon nito pero natagpuan itong hindi na nakatingin sa kanila dahil abala na sa paglalaro. Noong makumpirmang walang lalapit sa kanila para mambatok, nagkatinginan sila ni Rhysand bago siya napangisi. Halos maningkit pa nga ang mga mata nya sa lawak ng ngisi nya ta’s nahawa na lang din si Rhysand sa kanya.
“Dalian mo na lang diyan para ‘di na sila lose streak,” panunudyo pa nya sa mga kasama nila.
Tumawa si Rhysand. “Kapag narinig ka nila, sana ikaw lang mabatukan.”
“Ikaw nagsimula ta’s iiwanan mo ako sa ere?”
“Child abuse ‘pag inano nila ako.”
“Pareho lang tayo pero pak one, pak all ‘to!”
Siguro halos inabot ng labing limang minuto bago natapos si Rhysand sa homework nito. Halos thirty minutes na rin na nanonood sa YouTube si Keegan, iniignora ang mga mura na natatanggap nya mula sa mga naglalarong kasama sa internet shop dahil bumabagal daw ang internet.
Labas na siya ro’n. Ang tagal maglaro ni Rhysand, e wala naman siyang ibang mapaglilibangan kung hindi YouTube.
“Kuya, kanina pa nagrereklamo sina kuya Renzo dahil daw may nagyu-YouTube ta’s ikaw pala?” natatawang sabi ni Rhysand habang nakasilip sa screen ng PC nya.
Napaismid lamang siya. “Hayaan mo sila, tol. Nababagot na ‘ko ‘tsaka wala naman akong matignan sa Facebook.”
“Bakit?”
“Puro face off lang naman ng mga kaklase ko o ‘di kaya mga pa-plug na nalalaman nila.”
“Tapos pinapaboto ka?”
“Subukan nila.”
Hindi rin naman namamansin si Keegan ng mga kaklaseng nagfi-face off. Ano ba kasing dulot noon?
Natigilan si Keegan noong mapagtantong nakakausap na nya nang matino si Rhysand. Kanina kasi, halos magpakalunod ito sa ginagawa. Noong tignan nya ang screen ng PC nito, ‘tsaka nya napansing wala na iyong sandamakmak na tabs sa Google Chrome at naka-open na rin ang panglaro nito.
Namamangha nyang pinagmasdan ang nakababata.
“Tang ina ka, ‘di ka nagsasabing tapos ka na pala!” asik nya rito.
Inosenteng nagpilig ng ulo si Rhysand. “Sasabihin ko pa lang sana kaso tumingin ka na kasi sa PC ko, kuya.”
“Hindi, wala— ayaw mo na ba akong kalaro?”
“Ang OA mo, kuya.”
…King ina, minsan lang naman siya babanat ng ganyan tapos nasabihan pa nga siyang over-acting. Ang hirap naman magbiro sa mas nakababata kapag hindi nila gets ang joke.
Dahil hindi nakatiis si Keegan, pinisil nya ang pisngi ni Rhysand na kaagad namang napaaray.
“Kuya!” reklamo nito bago ito ngumuso. “Buksan mo na lang din kaya DOTA mo para makapaglaro na tayo?”
Nginisian nya ito. “Binubuksan ko na. Gusto mo ba na makipagpustahan ulit?”
“…Puro ka pustahan, kuya.”
ㅤㅤㅤㅤHALOS ala sais na rin ng hapon noong matapos sina Keegan at Rhysand sa paglalaro. Sa huli, hindi rin natiis ni Rhysand si Keegan dahil napagbigyan siya sa alok nyang makipagpustahan. Hindi rin naman nagkatotoo iyong ‘bati’ na sinasabi ni Rhysand.
Nanalo sila, e. Tiba-tiba.
“Pa’no ba nito niyan, yayabang na naman ako?” mayabang nyang sabi bago pinunasan ang ilong gamit ang hintuturo.
Nakangiwi siyang pinagmasdan ni Rhysand. “Hindi maganda ‘to, kuya. Baka mamaya, maadik ka sa pustahan.”
“Hoy, hindi! Sideline lang talaga ‘to dahil kumikita rin tayo. At least, ‘di ako mangangalakal ‘pag nanalo tayo.”
“E kung natalo?”
“Edi doble kayod.”
Noong sikuhin siya ni Rhysand, hindi maiwasan ni Keegan ang matawa. Napansin nya ang paghaba ng nguso ni Rhysand at ang intrusive thought nya?
Pisilin ang mga nakausbong nitong labi.
Lalong natawa si Keegan noong magulat si Rhysand at sa mga paningin nya, nagmukha itong maliit na bibe.
“Kuya!” saway sa kanya ni Rhysand.
Nag-peace sign siya noong hawakan nito ang palapulsuhan nya. “Sorry, ‘di ko napigilan! Para ka kasing bata.”
“Bata naman talaga ako?!”
“Oo nga pala, bubwit ka pa—”
“Kuya Keegan naman!” reklamo ni Rhysand, dahilan para mas lalo siyang matawa.
Tignan mo itong isang ito, sasabihan sarili na bata pa pero kapag sa kanya na galing, hindi natutuwa. Anong klaseng panggugulo ng isip ‘to?!
Nagkulitan pa silang dalawa hanggang sa pauwi noong bigla nyang maalala na dumaan sa street nina Rhysand.
Alam nya ring takang-taka si Rhysand dahil nagpaalam pa ito kaninang tumawid silang dalawa pero sumunod pa rin siya sa kaibigan. Kanina pa nga siya nito sina-side eye tapos iiwas ito ng tingin na para bang napahiya.
Napahagikhik siya ‘tsaka siya nang-asar. “Ba-bye pala, a.”
Tinakpan ni Rhysand ang mukha. “Nakakainis! ‘Di ka naman nagsabi na dadaan ka sa ‘min, kuya?!”
“Meron lang akong dadaanan do’n!”
“Ano ‘yon? Pupwede akong sumama?”
“Syempre hindi. Umuwi ka na tol, baka hanapin ka pa sa inyo. Ala sais na, o. Nababad tayo kaka-internet.”
Natigilan si Rhysand bago ito malungkot na tumitig sa kanya. “Okay lang ‘yon! Sasabihin ko na lang kay lola ko kauwi.”
“Hindi nga pupwede.”
Mangangalakal lang naman siya! May hiningan siya ng mga bakal at bote banda kina Rhysand at kukunin nya lang ang mga iyon nang may maibenta siya.
Nagulat siya nang umirap si Rhysand. “Edi ‘wag. Gusto ko lang naman na sumama sandali para ‘di ka mag-isa.”
“Cute mo e ‘no?” hindi nya napigilang sabihin.
Noong biglang tumigil sa paglalakad si Rhysand at bumaba ang tingin sa sahig, nagtataka ring tumigil si Keegan para pagmasdan ang kaibigan. Hindi nya makita kung ano ang reaksyon nito pero ang tagal nitong nakipagtitigan sa semento kaya tinignan nya rin kung anong tinitignan ni Rhysand doon.
“Napa’no ka? Ba’t ka biglang tumigil sa paglalakad?” pag-uusisa nya.
Nagtataka nyang hinawakan ang tenga ni Rhysand dahil napansin nyang namumula iyon. Moreno ang nakababata pero halata masyado ang pamumula nito.
Nainis ba ito sa kanya?
Itatanong pa lang sana iyon ni Keegan noong napaatras si Rhysand at mabilis na nag-angat ng tingin. Medyo namilog ang mga mata nilang dalawa nang magtama ang paningin nila pero si Rhysand, napakagat sa pang-ibabang labi bago nag-iwas ng tingin.
“So—sorry, tama ka kuya. Dapat umuwi na nga ako,” parang natataranta nitong sabi.
Ngumisi siya. “‘Di ba? Sabi ko naman sa ‘yo— hoy! Sa’n ka pupunta?!”
Parang timang na naiwanan si Keegan sa kinatatayuan nya nang bigla na lamang tumakbo palayo si Rhysand. Noong medyo malayo na ito, ‘tsaka pa lang ito lumingon sa kanya.
“Uuwi na ‘ko! Ba-bye, kuya!” nagmamadaling paalam nito hanggang sa makaliko.
Nakatulala’t nagtataka nyang pinanood si Rhysand na mawala sa paningin nya bago siya nagpameywang.
“Ang weird naman ng batang ‘yon…”
‘Tsaka bakit ba biglang namula si Rhysand? Hindi kaya tama ang hinala ni Keegan na nainis ito sa kanya?
Sisiguruhin nyang makakapag-sorry siya bukas.
ㅤㅤㅤㅤPAGOD na nag-iwas ng tingin si Keegan sa ina noong nagsimula itong bilangin ang perang inuwi nya.
Pumalatak pa ito. “Ito lang ang kinita mo ngayong araw?”
Tipid siyang tumango. “Sorry ma, wala man akong nakitang makakalakal ngayon at nanghingi lang naman ako ng mga bote sa kabilang street.”
“Manghihingi ka na lang, ‘di mo pa dinamihan? Ano, wala ka na bang tinatago riyan?”
“Wala,” pagsisinungaling nya.
Mabuti na lamang at iniwanan nya ang pera kay nay Belinda bago siya umuwi dahil sigurado siyang kukunin lahat ng pamilya nya ang kinita ngayong araw. E may pasok siya bukas at wala siyang baon.
Naninigkit ang mga matang pinagmasdan siya ng nanay nya. “Alam mong buntis ang ate mo, ‘di ba? Maselan din ‘yon sa pagkain ngayon. Ano sa palagay mo ang makakain natin sa sisenta singko mo, Keegan?”
“Gulay,” tipid na sagot nya. “E kung ayaw kumain ni ate, ba’t poproblemahin ko pa ‘yon? Edi bumili siya sa tindahan ng iba.”
“Keegan, buntis ang ate mo! Para kang tanga, ‘di ka ba marunong makinig?”
Imbes na sumagot ay sumagitsit lamang siya.
Hindi siya tanga para hindi malamang buntis ang ate nya. Ang kanya, alam naman nitong mahirap na sila ngayon pero kung umasta, akala ay marami pa rin silang pera.
Alam nyang maselan magbuntis ang mga babae, iba’t iba ang cravings.
E kaso, sana nilulugar naman ng ate nya?
Sa isang araw, kulang isang daan ang kinikita nya sa pangangalakal, itinataguyod lang din ni Keegan ang sarili kaya nakakapag-aral pa rin siya. May mga oras na gusto na siyang ipag-drop pero itong pag-aaral na nga lang ang magiging kayamanan nya sa hinaharap, isusuko pa ba nya?
“E kung sanang tinigil mo na lang ‘yang pag-aaral mo para makapag-focus ka sa trabaho, edi may silbi ka pa?” dagdag pa ng nanay nya.
Ayan na nga. Brining up na ang iniisip nya.
Namamangha nyang pinagmasdan ang nanay nya. “Ba’t naman ako titigil para makapagtrabaho? Para makakain nang mas maayos si ate?”
“Oo! ‘Di ka ba naaawa sa ate mo? Halos ‘di na ‘yan kumakain dahil maselan iyong bata sa tiyan nya.”
“Ma, may asawa si ate. ‘Di ko responsibilidad iyong anak nya dahil una sa lahat, wala akong inambag do’n. Ba’t ‘di iyong asawa nya ang pagtrabahuin mo dahil binuntis nya iyang paborito ninyong anak?”
“Keegan!”
Sasagot pa sana si Keegan noong bumukas ang pinto ng bahay nila’t iniluwa noon ang tatay nya.
Noong matagpuan sila nito ng ina nya sa sala na nag-uusap, kumunot ang noo nito bago siya tinapunan ng masamang tingin.
“Anong nangyayari rito?” striktong tanong nito.
Bumuga siya ng marahas na hangin bago pumanhik sa kwarto nya. Naiwanan ang mga magulang nya sa sala at nagkwento naman ang ina nya sa nangyari.
Umaasa rin si Keegan na kakampihan ito ng tatay nya pero ito yata ang unang beses na sa kanya ito pumanig.
Basta ang narinig na lang nya bago siya tuluyang nagsara ng pinto e: “Tama naman iyong anak mong ‘yan. Kumakayod kami rito pareho pero ‘yang asawa ng panganay mo, ‘di man lang maasahan kumayod.”
Himala? Malay nya ba.
Basta iyan ang unang beses na pumanig sa kanya ang tatay nya. Marahil nataunan lang din talaga dahil hindi rin nito maramdaman ang asawa ng ate nya.
Magkasama sa inuman ang dalawa pero pagdating sa trabaho at diskarte, olats iyong lalaki.
Base nga sa narinig ni Keegan, nanghihingi lang din ito sa mga magulang e. Sa tanda ng isang iyon, hindi man lang kumuha ng maayos na trabaho kahit construction man lang?
Ah, basta.
Ang gulo ng pamilya nya.
Matapos magbihis ay humiga si Keegan sa kama nya. Hindi na nya naisip ang kumain ng hapunan dahil na-bad trip siya sa nanay nya. Masyadong paborito iyong ate nya pati iyong asawang walang kwenta, kaya parehong hindi natuto maghanap buhay e.
Siya pa ang pinapahirapan.
Naisip ni Keegan ang matulog. Sa totoo lang, kakatulala nya sa kisame, napakasarap naman talagang matulog na lang kaso nagsimula siyang makarinig ng mga sigaw sa ibaba.
Porket wala silang pera, kung sino ang may kasalanan at bumagsak ang supposedly, business ng pamilya nya at kung anu-ano pa. Bumalik din ang usapan sa pagiging spoiled ni Katelyn pati na rin ang ganap ng asawa nitong puro hilata na lang ang inambag sa bahay nila.
Humikab siya.
“Makakatulog naman ako kahit maingay sila,” pangungumbinsi nya sa sarili.
Hangga’t hindi sila nagsasaksakan sa ibaba, matutulog na lang si Keegan at iignorahin ang gulo sa bahay nila.
Isang araw, makakaalis din naman siya sa bahay na ito at makakapagsimula ng sarili. Tyaga-tyaga lang.
ㅤㅤㅤㅤ“ANG laki na ng eyebags mo, kuya,” puna ni Rhysand sa kanya habang pinagmamasdan nito ang itsura nya.
Napaismid lamang si Keegan noong mapansin pa nito ang eyebags nya. Mas lalong lumaki siguro dahil nitong mga nakaraan, mas madalas siyang magpuyat para mangalakal.
Nakisabay din iyong mga proyekto nila sa eskwelahan kaya sa gabi talaga siya bumabawi tapos kinaumagahan na lang nya dadalhin sa junk shop. Minsan kasi, ala sais na siya matatapos sa praktis para sa group performance nila. Isa kasi sa requirements, hindi rin pupwedeng hindi pumunta si Keegan dahil baka tanggalin siya sa grupo.
Hindi naman lahat kasi ng kaklase nya, naiintindihan ang sitwasyon nya.
“Nabi-busy lang ako nitong nakaraan. Alam mo na, malapit na kasi final term. Maraming requirements,” aniya.
Humimig si Rhysand, sumasang-ayon sa kanya. “Sa amin din maraming pinapagawa tapos pinapasayaw pa kami sa MAPEH para raw sa final grade namin.”
“Iyan ding MAPEH pahirap sa ‘min e, pero nakisabay din kasi Filipino dahil mayroong pinapa-roleplay.”
“Anong pinapa-roleplay, kuya?”
“Iyong ibang senaryo sa El Fili.” Bumuntong hininga si Keegan at kinamot ang likuran ng ulo. “Nakakainis kasi ‘di naman pupwedeng wala ako sa praktis, ‘di naman lahat ng kaklase ko, gets na kailangan ko ring kumayod.”
“Bale, ‘di ka pwedeng mag-absent?”
“Hindi talaga, aalisin nila ako sa grupo ‘no. ‘Di naman pwede na special treatment sa ‘kin.”
“Ang hassle naman niyan.”
Sa totoo lang. Dahil nga nakikisabay na ang eskwelahan sa schedule ng pagkayod nya, mas lalong umiinit ang ulo ng mga magulang sa kanya sapagkat wala siyang madala o maiuwing pera sa mga ito.
Hindi lang iyon, nagrereklamo rin ang mga ito dahil kulang ang iniaabot nya. Ilang beses na nga siyang kinumbinsi na tumigil sa pag-aaral dahil ubos oras lang naman daw at wala naman siyang mararating.
Hindi kasi katalinuhan si Keegan.
Kung itatabi siya sa ate Katelyn nya, walang-wala iyong mga grades nya. Mediocre lang kumpara kay Katelyn na halos line of 9 palagi ang grades.
Bumuga siya ng marahas na hangin. “Pinapatigil na naman nga ako sa pag-aaral, e.”
“Palagi naman…” bulong ni Rhysand pero sapat lamang para marinig nya. “Pero alam ko naman na ‘di ka titigil kasi ‘di ba kuya, marami kang pangarap?”
“Mismo.” Humalakhak siya. “‘Di naman ako humihiling ng magarbong trabaho, ‘no? Basta iyong maayos lang at ‘di iyong tulad ng ganito na puro pangangalakal.”
“Sana makapagtapos ka rin kahit sagabal sila, kuya.”
Oo naman. Siya pa ba?
Hindi naman nya hahayaang sirain lang ng mga magulang nya o noong ate Katelyn nya ang buhay nya. Kung ang mga ito, tinanggap na lamang ang pagbagsak nila, hindi ganoon si Keegan.
Gusto nyang umunlad, ano. Hindi iyong tipong isang kahig, isang tuka.
“Kuya, gusto mo bang magmiryenda sa ‘min?” pag-aaya ni Rhysand sa kanya.
Natigilan sandali si Keegan at napatitig dito. Sakto naman ang timing nito dahil medyo nagugutom talaga siya pero medyo nahiya siya.
“‘Di ba magagalit lola mo?” nag-aalala nyang tanong dahil sa pagkakaalala nya, masungit ang lola nito. “Noong huli akong nando’n, masama tingin nya sa ‘kin e.”
“Gano’n lang naman si lola, pero mabait siya!” sabi naman ni Rhysand bago ito nag-iwas ng tingin. “Slight, kahit sa labas ka na lang ng tindahan namin ta’s dalhan na lang kita ng pagkain?”
“Oo nga, ganyan na lang. Mahirap na baka pareho tayong pag-initan.”
“Sa—sabi ko nga.” Bumuntong hininga si Rhysand, halata sa itsura nito na nadismaya rin ito. “Sasamahan kita kumain sa labas, kuya! ‘Wag kang mag-alala.”
Alam naman nya.
Nginitian ni Keegan si Rhysand bago nya tinapik-tapik ang ulo nito. “Alam mo, madalas pagod ako pero nakakawala ka talaga ng pagod. Nagiginhawaan ako ‘pag nakikita kita.”
“Huh?” naguguluhang reaksyon ni Rhysand bago ito matamang napatitig sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”
“Wala, pakiramdam ko lang ikaw pahinga ko ‘pag pagod na ako gano’n.”
“Ang random mo, kuya.”
Mahina na lang siyang natawa. Napansin nga rin nya.
Kabanata 4
KABANATA 4
ㅤㅤㅤㅤ‘MASAMA ‘to, masama ‘to, masama ‘to…’
Hindi na mabilang ni Keegan kung ilang beses nyang binanggit iyan sa isipan habang nagmamadali siyang umuwi sa kanila. King ina, hindi siya mapakali at hindi na nya mabilang kung ilang santo na ba ang natawag nya kakahiling na sana hindi siya nakita kanina ng tatay nya.
‘
Mangangalakal
lang naman dapat ako nang may
makain
kami, e. Ba’t gano’n pa ang nakita ko?’
Matapos ng schedule nya sa eskwelahan, dumiretso si Keegan sa street sa likod ng palengke nang sa ganoon ay makapangalakal. May mga kakilala kasi siya rito na paminsan-minsan ay may naiaabot din sa kanyang kaunting bakal at bote.
Hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Keegan na kilala ang street na iyon bilang pugad ng mga drug addict. Katulad lang naman ng sa kanila pero mas malala rito dahil madalas talagang ma-raid ang lugar na ito. Kumbaga, normal na may halos araw-araw na naaaresto ang pulisya rito na user o pusher.
‘…Tama ba iyong nakita ko kanina? Sana
guni-guni
ko lang.’
Ang kaso lang ni Keegan kaya nagmamadali siyang umuwi ay dahil nahuli nya iyong tatay nya.
Sa may eskenita kung saan madalas siyang dumadaan dahil doon malapit ang labasan na shortcut papunta sa kanila, nakita nya ang tatay nya na tumanggap ng malaking pera ‘tsaka mayroong iniabot na plastic bag na may puting ‘ asukal ’.
‘Hindi
asukal
iyon!’ sermon nya sa sarili bago siya paulit-ulit na napailing. ‘
Nunkang
asukal
iyon, ba’t
aabot
pa yata ng limang
libo
inabot sa tatay ko kung
asukal
‘yon?! Bobo ako sa eskwelahan pero ako
ignorante
sa gano’ng bagay!’
Hindi naman sa exposed pero bilang kilala rin naman ang street nila sa ganoong inside job, hindi na bago kay Keegan makakita ng palitan ng ilegal na droga.
Hindi lang nya inaasahang pati tatay nya, masasangkot doon.
‘Alam kong
mabisyo
tatay ko pero
nagtiwala
ako sa
kanyang
‘di siya
madadawit
sa ganyan.’ Kaya pala nitong nakaraan ay hindi siya hinihingan ng pera ng mga ito at palaging masarap ang ulam nila.
Kaya pala nitong nakaraan, parang nakakaahon-ahon sila at hindi na gaanong mabunganga ang mga magulang nya. Hinahayaan na rin siya sa kagustuhan nyang mag-aral o hindi naman kaya ay magliwaliw. Shutang ina, inabutan pa nga siya ng perang pambaon daw nya dahil papasok siya sa eskwelahan!
Syempre, hindi nya tinanggap!
Magmula noong nagkaisip si Keegan, nawala na sa isip nya iyong pagtanggap ng pera sa mga ito dahil lumaki siyang pinaghihirapan lahat. Kung kailangan nyang mamalimos sa daan o hindi naman kaya ay mangaroling t’wing pasko nang magkaroon ng pangkain o maibibigay sa pamilya, gagawin nya.
‘Sana nagkamali ako ng kita…’ Sana talaga at hindi tama ang hinala nya na nagbibenta na rin ng droga ang tatay nya.
Noong makauwi si Keegan, alam nyang putlang-putla siya at tila ba takot na takot.
Mabuti na lamang at walang nakapansin dahil ang nanay nya e mas focused sa ate nyang nag-iinarte na naman sa pagkain. Kesyo iba raw ang gusto ng bata sa tiyan nito at naghahanap ng masarap na ulam.
Bilang hindi naman napansin ng mga ito ang pagdating nya, mabilis pa sa alas kwatrong dumiretso si Keegan sa kwarto nya para magtago.
Nakakatakot.
“Masama kutob ko…” bulong nya sa sarili bago nya ibinagsak ang katawan sa kama at niyakap ang unan nya. Pagak din siyang napatawa. “Nakaka-overthink naman ‘to, anong gagawin ko kung nakita pala ako ng tatay ko?”
Mabubugbog siya.
Wala na siyang pakialam sa katawan nya dahil sanay naman siya maging punching bag pero paano kung may mas ilalala pa roon ang gagawin sa kanya kung sakali? Sana hindi. Sana nag-ooverthink lang siya. Sana hindi siya nakita ng tatay nya na nag-aabot ng ilegal na droga sa isang estranghero.
ㅤㅤㅤㅤ“KUYA Kee, okay ka lang ba?”
Natigilan si Keegan noong marinig ang boses ni Rhysand.
Wala siya sa sariling lumingon sa direksyon nito ‘tsaka nya ito napansing nag-aalalang nakatitig sa kanya. Halos ngumuso pa si Rhysand bago ito naglakad palapit sa kanya’t tumingkayad nang makita ang itsura nya.
“Kanina ka pa maputla… Masama ba pakiramdam mo?” tanong pa nito.
Ilang beses siyang napakurap bago nya pinilit na ngumiti. “A—ako? Okay lang ako, Rhy! Mayro’n lang akong iniisip.”
“Ano? Tungkol saan?”
“A—ah. Wala, tungkol lang naman sa pamilya ko.”
Kumunot ang noo ni Rhysand. “Inaway ka na naman ba sa inyo, kuya? Binugbog ka na naman ba o sinabihang lumayas ulit? Pwede ka naman sa ‘min ni lola pansamantala.”
“Okay lang ako, ‘di ako nabugbog…” sagot nya sa maliit na boses.
“E ba’t parang ang lalim ng iniisip mo?”
Paano ba kasi nya sasabihing nahuli nya iyong tatay nya na nagbibenta ng droga?
Ang hirap sabihin kay Rhysand dahil dose anyos pa lamang ito. Ano naman ang maiintindihan nito kung sasabihin nyang kriminal ang tatay nya? Ibang-iba na nga ang imahe nya sa paningin nito dahil magkaiba sila ng estado sa buhay— sisirain pa ba nya ang natitira nyang dignidad sa paningin nito?
“…Kung…” Paano ba nya sisimulan? Paano kung bigyan na lang nya ng clue si Rhysand dahil malakas talaga ang pakiramdam ni Keegan na masisira ang buhay nya.
Ipinilig ni Rhysand ang ulo. “…Kung?”
“Kung sakaling may masamang mangyari sa ‘kin Rhy, maniniwala ka naman sa ‘kin na wala akong gagawing hindi maganda sa buhay ko, ‘di ba?”
Kumunot ang noo ni Rhysand. “Hindi ko gets, kuya. Ano namang masamang mangyayari sa ‘yo?”
“Basta. Kung sakali mang lumala ikot ng buhay ko ta’s lalo lang akong pinahirapan ng pamilya ko, maniniwala ka pa rin naman na ‘di ako gagawa ng ikakasira ko, ‘di ba?”
“Hindi ko talaga gets pero alam kong mabait ka, kuya Kee. Ano ba kasing problema?”
Pinag-isang linya nya ang mga labi. Naramdaman ni Keegan ang panginginig ng mga kamay kaya mabilis nyang itinago ang mga iyon sa pamamagitan ng pamumulsa, tapos pinilit nyang ngumiti na para bang wala talagang problema at nananakot lang siya.
“Wala naman, may masama lang akong kutob kaya naniniguro ako na maniniwala ka pa rin sa ‘kin,” aniya.
Tumagal ang pagkakatitig sa kanya ni Rhysand pero kalaunan ay tumawa na lamang din ito. “Panakot ka, kuya! Pero alam ko naman na mabait ka ‘tsaka wala kang gagawing masama. Kung meron naman, sa ‘yo pa rin ako maniniwala.”
Imbes na sumagot ay nagbaba ng tingin si Keegan sa semento at tila ba naging interesado bigla sa mga langgam na nakapila’t kinakarga iyong kapirasong kendi na nahulog doon. Kahit paano e na-distract siya pero kahit pala sa sagot ni Rhysand, hindi nya makuha ang makampante.
“Natatakot ako,” bulong nya.
Hindi nya alam kung narinig ba ni Rhysand ang sinabi nya dahil natigilan ito sandali at nagtatakang tumitig sa kanya.
Bagamat maingay ang paligid— mayroon pa ngang tricycle ang dumaan na merong mga pasaherong akala mo e nakalulon ng loud speaker sa sobrang lakas ng boses, para bang nakakabingi pa rin ang katahimikang namutawi sa pagitan nila ni Rhysand.
Mula sa gilid ng mga mata nya, nakita nyang ibinuka nito ang bibig para sana magsalita pero naunahan ito.
“Keegan, Rhysand! Nag-time out na iyong dalawa rito, pumasok na kayo nang makapaglaro na tayo!” dinig nilang sigaw ng isa sa mga madalas nilang makalaro sa internet shop— si Renzo.
Doon pa lamang tumingin si Keegan sa direksyon ni Rhysand pero nahuli nya pa rin itong naguguluhan at nag-aalalang nakatitig sa kanya. Nginitian nya lamang ito ‘tsaka nya minuwestrahang sumunod nang sa ganoon, makapaglaro na nga sila.
“Tara na, baka mainip pa sina Renzo,” pag-aaya nya.
Halos maningkit ang mga mata ni Rhysand kakatitig sa kanya pero hindi nagtagal ay tumango ito. “…Okay.”
ㅤㅤㅤㅤMABILIS ang daloy ng oras pero hindi napansin ni Keegan iyon dahil sa dami rin ng nangyari sa kanya.
Nitong nakaraan, nagkaroon siya ng lakas ng loob na magsumbong kina nay Belinda kung anong nangyayari sa pamilya nya at kung anong kalokohan na naman ang mayroon ang sarili nyang pamilya.
Ngayon naman, hindi nya maintindihan kung paano siya napunta sa ganitong klase ng sitwasyon— gusto nyang maniwalang pina-prank lang siya o hindi kaya e nananaginip siya ng gising pero parang sobrang makatotohanan naman ng mga posas na nasa palapulsuhan nya.
Nakakabingi iyong mga wangwang.
Pero walang hihigit pa sa pagtsitsismisan ng mga kapitbahay nila habang hindi makapaniwalang nakatuon ang paningin ng mga ito sa kanya. Damang-dama nya iyong lamig ng pawis nya habang pilit nyang pinakikinggan ang bawat salitang kumakawala sa labi ng mga ito pero unti-unting mas lumalamig iyong posas na suot nya.
“Anong nangyari? Ba’t nakaposas iyang bunsong anak ng mga Chavez?”
“Nagbibenta raw ng droga dahil ‘di na raw kumikita sa mga sideline nya.”
“Ha? Parang ‘di kapani-paniwala dahil sa bait at sipag ng batang ‘yan.”
“Ayun nga e. Mabait na bata ta’s masipag, may respeto pa ‘di tulad ng ate nya pero siya pa pala itong gagawa ng masama.”
Mali— nagkakamali sila.
Hindi gagawa ng kalokohan si Keegan para lang makaligtas at para lang sa pansariling interes nya. Henuwino lahat ng ipinakita ni Keegan na sipag at respeto sa mga kapitbahay nila. Hindi siya gagawa ng masama dahil una sa lahat, masyadong mahina ang loob nya para gumawa ng ikasasama nya.
Namumutla at wala sa sariling ipinalibot ni Keegan ang mga mata sa kapaligiran ‘tsaka nya napansing lahat na ng kakilala nya ang nakapaligid sa bahay nila.
Mula sa likuran nya, naririnig din nya ang boses ng mga magulang habang nakikipag-usap sa mga awtoridad. Noong lumingon siya e nakita pa nya ang pekeng paghikbi ng ate nya bago ito tumingin sa direksyon nya at ngumisi.
‘Mali talaga lahat ito… ‘Di dapat ako ang nandito.’
Bakit ba siya ang nakaposas kung wala naman siyang ginawa?
Sabi na nga ba nya’t nakita siya ng tatay nya noong nakaraan at ang dahilan pala kaya tahimik ang buhay nya e dahil siya ang balak i-frame sa oras na mahuli ito.
Ikinuyom nya ang mga kamao lalo na noong maramdaman nya ang paglapit ng pulis sa kanya bago ito bumulong.
“Tough luck sa ‘yo, bata…” anito.
Marahang nag-angat ng tingin si Keegan dito. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari, ngunit ang madilim na mukha ng kaharap niya; maging ang ngising nakakurba sa mga labi nito ang sumampal sa kanya ng katotohanan.
“Ang bata-bata mo pa pero magaling ka nang pumuslit ng droga. Iba talaga ‘pag propesyonal, ano?” dagdag pa nito.
Pinanlakihan siya ng mga mata. “Sandali lang po, ‘di naman ako iyong nagbibenta ng drog—”
“‘Wag ka nang magmaang-maangan. Iyong nanay mo naman mismo ang nagturo sa ‘min na ikaw daw ang lead dito sa street ninyo.”
Bahagya niyang naipilig ang ulo. Pilit siyang nag-isip ng sasabihin para mangatwiran ngunit bago pa man siya makapagsalita, narinig niya ang malakas na boses ng ama niya.
Napapitlag siya at halos magtago sa likuran ng pulis kung hindi lamang niya napagtantong hindi rin ito kakampi. Sa huli, wala pa rin naman siyang nagawa kung hindi hanapin ang mga mata ng tatay nya’t tanggapin ang pekeng ‘pagkagalit’ sa mga mata nito kahit alam ni Keegan na sa likod noon, tuwang-tuwa ito na siya— kinse anyos at walang ibang ginawa kung hindi kumayod para sa kanila ang nagiit na drug dealer.
Pinanlamigan siya ng katawan noong ang unang bumati sa kanya ay ang malakas na suntok nito sa mukha niya.
“Walang hiya kang bata ka! Pinalaki ka namin nang maayos at ilang beses ka naming sinabihan na ‘di porket naghihirap tayo, magbibenta ka ng droga!” galit na asik nito sa kanya bago siya kinwelyuhan.
Hindi magawang makapagsalita ni Keegan. May kung anong pumipigil sa kanya. Takot? Hindi nya alam kung iyon ba, pero tila ba nalunok nya ang sariling dila sa mga oras na iyon.
Napapikit si Keegan noong muling umamba ng isa pang suntok ang ama niya ngunit sa tagal ng paghihintay niya, walang kamaong bumagsak sa mukha nya. Ilang sandali ang lumipas at naramdaman nya ang paglapit nito sa kanya.
Ang bibig nito, nakatapat sa tenga niya.
Mabilis na nagmulat ng mga mata si Keegan noong matantong hindi siya pagbubuhatan ng kamay ng ama, pero nagpumiglas siya noong napakiramdaman niya na kung ano ang sasabihin nito.
“Pa—”
“Ayusin mo, Keegan. ‘Wag na ‘wag kang magsusumbong o magsasabing ako talaga iyong lead na hinahanap nila… Kung hindi, ipapapatay kita. Marami akong kilala sa likod ng bilibid at sisiguruhin kong hindi ka makakaligtas ‘pag kinalaban mo ako.”
“Pero ba’t kita pagtatak—”
Hindi pa man natatapos ni Keegan ang sinasabi, marahas siyang itinulak ng ama, dahilan para mapaupo siya sa semento. Sa kabila ng mga galos na natamo mula sa pagbagsak, napapantastikuhan siyang nag-angat ng mga mata para tapunan ng masamang tingin ang tatay niya.
‘ Anak mo ako!’ ang gusto nyang sabihin pero tila ba naipit na lamang sa lalamunan nya ang mga salitang iyon.
Anak nga siya pero iyon ba talaga ang tingin sa kanya?
Hindi. Palagay ni Keegan e wala naman siya sa ganitong klase ng sitwasyon kung anak nga ba talaga ang turing sa kanya ng mga magulang nya’t hindi tapunan ng pagkasiphayo ng mga ito dahil sa pumalyang mga plano sa buhay.
“Pa, alam nating pareho na ‘di ako ang nagbibenta ng droga!” singhal nya pabalik dito. “Kung iyong paglalabas-labas ko lang sa gabi iyong basehan ninyo, alam nating lahat na nangangalakal ako para may panggastos tayo sa araw-araw dahil ayaw naman ninyong magsipagtrabaho! Ba’t ba ako ang itinutulak mo rito samantalang ikaw naman talaga ang—”
Sa kabila ng pagsubok niyang mangatwiran, sinipa lamang siya ng ama niya sa tiyan, dahilan para mapaubo siya at mamilipit sa sakit.
“‘Wag mo akong tinutulad sa ‘yo, Keegan! Matanda na ako at ako ang gumabay sa ‘yo. Pinalaki ka namin ng nanay mo nang maayos ta’s sisirain mo imahe namin?” Napaismid ito bago ito humalakhak nang malakas. “Isa pa, marami nang nakakaalam ng kalokohan mo. Tingin mo ba, may maniniwala pa sa ‘yo?!”
Kinagat ni Keegan ang pang-ibabang labi. Ang dami nyang gusto rin sanang sabihin lalo na noong susugurin na naman sana siya ng tatay nya pero umawat na ang pulisya.
“Ser, tama na po ‘yan. Kami na ang bahala sa anak ninyo,” awat pa ng mga ito sa kanila.
Nagkunwaring namamangha ang tatay nya bago siya sinimulang duru-duruin. “Mas maganda nga ho yata kung dadalhin nyo na sa kulungan ang batang iyan. Nakakahiya. Walang magandang dulot sa ‘min. Mula pagkabata, puro na lang kamalasan ang dala sa pamilya ko!”
“Kami na po ang bahala pero dahil sa menor de edad pa lang ang isang ito, isusuko po muna namin siya sa DSWD.”
‘Putang ina, putang ina, putang ina—!’ Hindi na mabilang ni Keegan kung ilang beses nyang sinabi sa isipan ang murang iyan pero nakakairita kasing wala na siyang lakas para magsalita pa.
Hindi dahil nanghihina siya pisikal— kung hindi dahil namamangha na lang siya’t nadidismaya sa kung gaano kadesperado ang buong pamilya nya na siya ang igiit na drug dealer para lang sa pansariling interes ng mga ito.
‘
Sinusumpa
ko kayo!’ sigaw nya sa isipan habang tinatapunan ng masasamang tingin ang buong pamilya. ‘Galit ako sa inyo— habang buhay kong dadalhin itong sama ng loob ko!’
Hindi nagtagal, kinuha na siya ng pulisya. Pansamantala siyang dinala sa police station para imbestigahan at interview-hin, ngunit wala siyang ganang sumagot sa mga ito.
Para saan pa ba ang pangangatwiran nya kung tagumpay ang pamilya nya i-frame up siya na maging masamang tao? Na palabasing siya nga ang drug dealer sa pamilya nila? Hanep. Akala niya talaga, wala nang isasama pa iyong kinalakhan nyang mga magulang. Iyon pala, may mas isasakim pa sila.
“Keegan Chavez, ang sabi sa ‘min ng mga magulang mo e drug dealer ka. Sa’n mo nakukuha iyong suplay mo ng droga?” pag-uusisa ng chief sa kanya.
Napaismid lamang siya. “Ano po bang gusto ninyong marinig sa ‘kin e ano bang malay ko riyan? ‘Di nga po ako drug dealer! Kaso ayaw nyo namang maniwala sa ‘kin.”
“Ganyan din ang sinasabi ng mga nahuhuli naming tulak ng droga, bata. Tingin mo ba, maniniwala pa kami?” Bumuntong hininga ito at dismayadong tumitig sa kanya. “Sayang ka. Kinse anyos, napariwara ka na agad? Alam naming desidido kang makapagtapos sa pag-aaral at maitaguyod ang pamilya mo pero maling daan ang tinahak mo.”
Hindi. Walang mali sa daang tinahak niya. Nagkamali kamo siya ng pamilyang kinalakhan. Ha. Kung alam niya lang na ganito, dapat ipinalaglag na lang siya e.
Palibhasa, hindi siya paborito. Hindi siya singgaling ng nakatatandang kapatid. Walang talento at kumakapit na lamang sa imposibleng mga pangarap.
“Ewan ko sa inyo,” pagsuko nya bago siya yumuko para itago ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa gilid ng mga mata nya. “Sabi nang hindi nga ako iyong drug dealer e. Sinusumpa ko kayong lahat.”
Kaso sino ba siya para paniwalaan ng mga ito? Ano rin bang laban niya sa tatay niya? Wala. Mamumuhay talaga siya bilang preso ng matagal kahit wala siyang kasalanan, iyon na yata ang tadhana niya.
Ito naman na ang inaasahan nya—
Nakapagsabi nga siya kina nay Belinda pero ang silbi noon kung sa huli, mahirap pa rin talagang kalabanin iyong tadhanang iniukit ng sarili nyang pamilya para sa kanya? Wala namang pakialam ang mga ito sa hinaharap nya. Ang mahalaga lang sa mga ito e iyong pera at mabawi iyong dati nilang buhay.
“Sana mas lalo silang maghirap dahil sa kasinungalingan nilang lahat,” dagdag pa nya bago siya pagak na tumawa habang pinagmamasdan ang mga nakaposas nyang kamay. “Kapag ako nakalaya, ni singko sentimo wala silang makukuha sa ‘kin.”
Pagkatapos nilang sirain ang buhay nya…? Manigas silang lahat.
Kabanata 5
KABANATA 5
ㅤㅤㅤㅤANG kahuli-hulihang tao na gusto nyang makaalam na nadala na pala siya sa police station e si Rhysand. Bagamat may assurance mula rito na maniniwala ito sa kanya kahit na anong mangyari, nakakatakot pa rin malaman ngayon kung ano ba ang magiging reaksyon nito.
Pero nalaman pa rin ni Rhysand dahil kina Renzo.
Kumalat ang balita hanggang sa mga tagakabilang street siguro dahil marami ring nakakakilala sa kanya.
Nakakahiya. Parang gusto nyang ibaon ang sarili six feet under the ground. Ayaw nyang makita ang mga ito— ayaw nyang magkatamaan sila ng paningin ni Rhysand dahil ano na lang ang sasabihin nya? Paano nya ipapaliwanag ang sarili?
Pero nandito na sila. Ayaw lang mag-angat ng tingin ni Keegan sa mga ito.
“Keegan, ‘di totoo iyong tsismis, ‘di ba?” pag-uusisa ni Renzo sa kanya.
Napaismid siya’t marahang umiling. “‘Di naman ako gano’n kadesperado sa pera. Pinaghihirapan ko lahat ng pinagkakakitaan ko. Mag-aabsent pa ‘ko kung walang-wala talaga akong kinita.”
“E ba’t nandito ka? Ba’t walang naniniwala sa ‘yo?”
“Na-set up na ako, kuya Renzo.” Pagak siyang tumawa. “Sino pa ba ang maniniwala sa ‘kin kung nataniman na pala ako ng droga sa mga gamit ko no’ng nagbubuhat ako ng mga case ng softdrinks para sa kapitbahay namin?”
“Kinse ka pa lang, napag-isipan ka kaagad nang masama. Wala bang nagtanggol sa ‘yo? Ba’t ‘di mo sinabi iyong totoo?”
“Sinusubukan ko…” nanghihinang paliwanag nya. “Ayaw nilang maniwala sa ‘kin dahil sa mga ebidensya kuno. Utang na loob, ‘di ako sobrang gago para gumawa ng kalokohan.”
“Kuya Keegan…”
Parang naitulos na kandila si Keegan sa kinauupuan noong oras na marinig ang boses ni Rhysand. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig at tila ba kinain lalo ng hiya kahit na alam nya naman sa sarili na wala siyang dapat ika-guilty.
Humigop siya nang malalim na hininga at nagpaliwanag, “sorry… Nag-usap tayo Rhy bago ‘to pero hindi ko masabi sa ‘yo iyong dahilan ba’t kita tinatanong kung maniniwala ka pa rin ba sa ‘kin kung hahantong sa ganito buhay ko.”
Bagamat hindi siya direktang nakatingin sa mga kaibigan, alam nyang nagkatinginan sina Rhysand at Renzo sa sinabi nya.
“Nahuli ko iyong tatay ko na nagbibenta ng droga sa may street sa likod ng palengke,” dagdag pa nya bago siya muling napahalakhak— walang enerhiya, walang emosyon. Pagod na siya sa lahat. “Panay dasal ako no’n na sana hindi nya ako nakita kasi kung mahuli siya, alam kong ako gagamitin nyang dahilan kasi may alam na ‘ko… pero ‘di ko na nasigurong nakita nya ako. Basta bigla, nakaramdam na lang ako na ganito mangyayari sa ‘kin.”
“Tapos wala kang ibang pinagsabihan?” namamanghang tanong ni Renzo.
Umiling siya. “Meron… Si nanay Belinda, pero wala sila ngayon diyan at nasa probinsya kaya wala ring nagtanggol sa ‘kin.”
“Makakalabas ka pa ba rito, kuya?” tanong naman ni Rhysand.
Nagkibit balikat si Keegan. “Alam ninyo… ang huli kong balita e dadalhin ako sa DSWD sa Manila dahil kinse pa lang ako. Kung daw mapatunayang totoo iyong akusasyon sa ‘kin, pagkatungtong ko na disiotso, ikukulong ako. Kung hindi naman, dadamputin daw nila iyong tatay ko— pero imposible. Alam ko na may nabayaran na sila para sirain lalo buhay ko.”
Madalas gusto na lang din ni Keegan maiyak sa sitwasyon nya.
Ang hirap maging siya— mula noong pagkapanganak nya e puro na lang kamalasan ang nakadikit sa pangalan nya. Mula sa mga magulang, kapatid, kapalaran. Ang pangit ka-bonding ng mga tao sa mundong ito.
“Hindi naman kayo gano’n kayaman kaya imposible naman siguro na may mabayaran sila…” sabi pa ni Rhysand.
Sana nga at ganoon. “Drug dealer si Papa, Rhysand. Tingin mo ba e kikita nang malaki iyon at masi-set up ako nang ganito kung wala siyang maayos na koneksyon? Baka nga rito pa lang sa mga pulis na nandito, meron na siyang kasama.”
Natatakot nga si Keegan na magsalita nang malakas dahil baka totoohanin din nito ang banta sa kanya na patayin siya.
Ayaw nya. Masyado pa siyang bata.
“E ano nang plano mo? Susuko ka na lang ta’s hahayaan mong sirain ng sarili mong pamilya ‘yang buhay mo?” pag-uusisa pa ni Renzo.
“May choice ba ako…?” Napahilamos na lamang siya ng mukha bago siya napasabunot sa sariling buhok. “Kuya Renzo, wala naman akong pera pangtanggol sa sarili ko. Kahit humingi ako ng tulong sa inyo, anong magagawa no’n? Pare-pareho lang tayo ng estado ‘tsaka ayaw kong madamay kayo sa gusot ko.”
“Pero kuya Kee, ‘di ba pwede naman kami mag-witness?” si Rhysand.
“Anong iwi-witness ninyo? Wala namang court hearing na magaganap. Dadalhin lang ako sa DSWD sa susunod na araw kaya pagkatapos no’n… Baka ‘di na tayo magkita-kita.”
“Ayoko! Kailangan makalabas ka muna rito. Tumakas ka na lang kaya?” suhestiyon pa ni Rhysand.
Ipinagkrus ni Renzo ang mga braso bago ito napaismid. “Sana ngang ganyan kadali iyong suhestiyon mo, Rhysand. E kaso nasa police station talaga tayo.”
“Pero ‘di naman totoo iyong sinabi nila kay kuya Keegan! Ang dalas ko ngang sumama sa kanya ‘pag mangangalakal siya.”
Bumuntong hininga siya. “At mabuti ngang ‘di ka rin nakasama noong araw na iyon dahil baka pati ikaw, idamay.”
“Ang daya naman ng pamilya mo, kuya Kee! Ba’t ba ang unfair nila? Ba’t buhay mo ang sinisira nila samantalang sila naman itong masasama ang budhi?!”
Ganoon lang siguro talaga. Bata kasi siya— kahit na anong gawin nya, wala siyang laban pagdating sa baluktot na na kaisipan ng mga tao. Na-brainwash na iyong mga taong kilala nya, e. Sirang-sira na ang imahe nya.
“Tanggapin na lang natin siguro…” Sumandal si Keegan sa backrest ng upuan bago bumuntong hininga. Sa ibaba pa rin nakatuon ang atensyon nya. “Kakarmahin din naman sila.”
ㅤㅤㅤㅤ“ALAM mo Rhy, ‘di mo naman kailangang gawin ‘to lagi e,” seryosong aniya habang matamang pinagmasdan si Rhysand na buksan ang mga lunch box na dala nito.
Pinasadahan siya ng tingin ng nakababata bago nito ipinilig ang ulo. Animo’y walang kaalam-alam sa ibig sabihin nya. Naging dahilan iyan para bumuntong hininga siya habang isa-isa nyang pinagmamasdan lahat ng lunch box na bitbit ni Rhysand.
Masasarap iyong ulam— kung ikukumpara sa mga kinakain nya madalas dito sa bilibid, walang-wala itong mga dala ni Rhysand para sa kanya. Kaso, wala siyang ganang kumain.
“Kuya, tignan mo nga sarili mo! Pumapayat ka na nga, o. ‘Di ka siguro kumakain dito?” naiinis na puna sa kanya ni Rhysand.
Bumuntong hininga siya. Alam nyang papansinin pa rin ni Rhysand ang pagpayat nya pero tama rin naman ang hinala nito. Hindi nga siya madalas kumain nitong nakaraan dahil nalulugmok siya sa pagkadismaya’t kalungkutan.
Hindi nagtagal ay muli siyang nag-angat ng mga mata, hinahanap ang mga salitang nais ipahiwatig hanggang sa marinig nya ang pagtikhim ng kasama ni Rhysand. Dumako roon ang paningin nya ‘tsaka nya natagpuan si Renzo na kunot ang noong nakatitig din sa kanya bago siya muwestrahang kainin iyong mga dala ni Rhysand.
“Wala nga akong gana…” aniya sa mahinang boses.
Sumagitsit si Renzo. “‘Wag ka namang ganyan, tol. Nag-aalala itong bata sa ‘yo kaya nga nagdala ng pagkain ta’s ikaw pa ang tatanggi? Sayang kung mapapanis lang. E ‘di naman din nya ‘yan pupwedeng ipaiwan dito at iyang mga tapperware, sa lola pa nya.”
Pinangunutan nya ito ng noo. “Wala naman akong sinabing iwan ni Rhysand dito…”
“E kaso ayaw mo namang kainin. Sayang iyong mga pinagkukuha ni Rhysand sa kanila.”
“Okay lang naman…” mahinang sabad ni Rhysand ngunit medyo nakanguso na rin naman ito.
Lihim na napamura si Keegan. Alam nyang nagtatampo na ito dahil sa pagtanggi nyang kainin ang mga baong dala nito sa kanya. Mayroong adobo, sisig, may panghimagas tapos kanin pa. Tapos syempre, nagdala pa ito ng softdrinks— courtesy raw ni Renzo pero kahit pa.
Sa huli, sumuko na lang siya’t kumuha na ng paper plate at ng plastic utensil. “Ito na, kakain na ako. Maraming salamat sa pagdadala ng pagkain, Rhy.”
Halos lumiwanag ang mukha ni Rhysand sa narinig. “Kakain ka na talaga, kuya? Buti naman! Marami kang kakainin, a?”
“Oo, marami na ‘kong kakainin.” Mahirap na, aalis na nga siya niyan dahil dadalhin sa DSWD tapos matagal din nyang hindi mararanasan ang kabaitan ng mga kaibigan. “Pero hindi ba awkward?”
Parehong natigilan sina Rhysand at Renzo.
Kalaunan, si Rhysand ang unang nagsalita. “Anong awkward?”
“Na baka may makakita sa inyo rito ta’s makilala ako, ‘tsaka matsitsismis na may kinaibigan kayong drug pusher,” paliwanag nya.
Kahit noong pumunta sina Edward at nay Belinda, hindi nya iyan naiwasang itanong. Nag-aalala kasi siya na baka pati ang mga ito e pumangit ang tingin ng ibang tao dahil nga may koneksyon pa rin sa kanya.
“Sus! Para namang naniniwala rin iyong mga timang na nasa internet shop ni ate Nancy. Nagtatanong nga sila kung pwede ka rin daw bang bisitahin at ilang araw ka nang ‘di nakikita sa internet shop.” Si Renzo.
“‘Di sila naniniwala?”
“Hindi, tanga! Alam naman nila ugali mo ‘tsaka parang lahat din yata kami, alam na pangangalakal o ‘di kaya pagiging kargador talaga ‘yang sideline mo.”
Parang gusto nyang maluha sa narinig. Pakiramdam nya kasi e parang pinisil iyong puso nya sa sinabi ni Renzo.
Malamang, masaya siyang naniniwala pa rin sa kanya iyong mga kaibigan at nakakakilala talaga sa kanya na hindi siya gagawa ng kalokohan sa buhay. Nakakaantig ng damdamin.
Noong mapansin nyang nanlalabo na ang paningin nya dahil tila ba naluha siya sa narinig, yumuko siya’t pasimpleng pinalis ang mga luha. Tang ina. Wala sa bucket list nya ngayong araw ang maiyak dahil kahit paano, alam nyang may kakampi pa rin siya.
“Alam mo kung kami lang, palalayain ka namin diyan e. Kaso lang pare-pareho tayong estudyante, kahit maglikom kami ng pera panglabas sa ‘yo, parang hindi pa rin sapat,” sabi pa ni Renzo.
Kinagat nya ang pang-ibabang labi at pilit nilulon ang kung anumang bumara sa lalamunan nya. “O—okay lang. ‘Di ko rin naman gustong magpabigat sa inyo.”
“Gago. Anong pabigat? ‘Tsaka ‘wag ka ngang pasanto-santo riyan. Kaya ang bilis mong na-frame up, e.”
Tinapunan ni Rhysand ng masamang tingin si Renzo. “Kuya, ‘di naman dahil diyan ang dahilan ba’t nandito si kuya Keegan.”
“Gets. Kaso okay lang naman magpakasarili ta’s sabihin sa atin na gusto nyang makalabas. Pakiramdam ko magagawan naman ng paraan e.”
“‘Wag na…” aniya bago siya umiling. “Hayaan nyo na, lalabas din naman iyong totoo.”
Kunot noong bumaling si Rhysand sa kanya. “Paano? ‘Tsaka, kailan iyon, kuya Kee? Sinong lalaban para sa ‘yo…?”
“Iyong mga kakilala ko. ‘Di lang ako sigurado kung totoo kaya ayoko rin pakampante.”
“E kung ganoon pala, edi maganda. Kung kailangan kamo nila ng witness, nandito kaming lahat. Ilalabas natin iyong totoo na tatay mo talaga ang may saltik at problema.”
Tipid siyang tumango.
ㅤㅤㅤㅤHANGGANG sa pag-alis nya para madala sa DSWD, hindi talaga pumalya iyong pamilya nya sa pagiging sakit sa ulo nya. Bago kasi siya makuha ng mga social worker, lumapit pa sa kanya ang ina’t kapatid at hinihingan siya ng pera dahil masama raw ang pakiramdam ni Katelyn.
Manghang-mangha siya dahil king ina, pagkatapos siyang ilagay sa likod ng bilibid, talagang siya pa ang hiningan ng pera?
Nasaan na iyong ipinagmamalaking kinikita ng tatay nya? Iyong mga ilegal na drogang naiaabot nito sa mga taga-street sa likod ng palengke? Putang inang iyan. Kitang nakakulong na nga siya, siya pa ang tatanungan ng extrang pera!
“Keegan Chavez,” basa ng social worker sa pangalan nya.
Kung tama ang pagkakaalala nya, Angela ang pangalan nito.
Noong hindi sumagot si Keegan at tahimik lamang na nakamasid sa malayo, mula sa gilid ng mga mata nya e nakita nya ang pagbuntong hininga nito bago ito lumapit sa kanya para tapikin ang braso nya.
“Sabi sa ‘min ng mga pulis, pinagpipilitan mo raw na ‘di ikaw iyong nagbibenta ng drugs sa pamilya ninyo,” panimula nito.
Hindi nya napigilan ang mapaismid. “Kasi hindi naman talaga.”
“Sa edad mong ‘yan, mahirap na rin husgahan. Ilang beses na rin kasi kaming may mga nahuling bata na kaedad mo pero iyon din ang naging hanap-buhay.”
Pwes, ibahin siya ng mga ito.
Ang daming witness at mga nakakakilala sa kanya na hindi talaga siya gagawa ng ganyang kalokohan sa buhay. Ang bisyo lang ni Keegan ay pag-iinternet. E kung isang malaking kasalanan din ang malulong sa ganyan dahil stressed na siya sa buhay at sa walang kwenta nyang pamilya, edi okay.
“Kargador ang trabaho ko pati mangangalakal,” kalauna’y mariing aniya. “Ni minsan, ‘di pumasok sa isip ko magbenta ng droga, marami rin akong kakilala na ‘yan din sasabihin sa inyo.”
Dahil sa malayo ang tingin nya, hindi alam ni Keegan na lumambot ang tinging ibinato sa kanya ng dalaga bago ito nagpakawala ng buntong hininga.
“Ikaw lang ba iyong kumakayod sa pamilya ninyo?” tanong nito.
Sumagitsit siya. “Simula noong grade six ako, oo.”
“Walang trabaho mga magulang mo?”
“Simula noong nalugi negosyo namin, naging tambay sila pareho sa bahay. Si mama, naging housewife. Si papa, ‘di ko alam basta tomador. Lahat ng panggastos sa bahay, sa ‘kin galing.”
Bumuntong hininga ito. “Parang ang hirap naman ng buhay mo kung pati sarili mong mga magulang, ‘di mo maasahan pati sa pagtatrabaho.”
“Nawalan sila ng gana pagkatapos nila ma-scam,” kwento nya pa bago siya napailing. “Wala namang kaso sa ‘kin pero galit ako sa kanila dahil dumating pa sa puntong ako iyong nadehado sa kalokohan nila.”
“Keegan, sino iyong nagbibenta talaga ng droga sa inyo?”
Nang itanong iyan sa kanya, sandaling sumagi sa isip nya iyong banta sa kanya ng tatay nya. Pero naisip nya ring wala na iyong kwenta dahil nasa DSWD na siya niyan at sigurado namang wala nang koneksyon ang tatay nya rito.
Humigop siya ng malalim na hininga bago nya naisipang harapin at tignan si Angela. “Si papa… Siya iyong nahuli kong nag-aabot ng ilegal na droga sa mga kakilala nya.”
“Ba’t ikaw iyong nadiin?” pag-uusisa ni Angela.
Nagkibit balikat siya. “Kasi ako iyong walang kwenta ‘tsaka hindi paboritong anak. O baka dahil masama loob nila sa akin na hindi buong kinikita ko iyong binibigay ko sa kanila dahil nagtatabi ako ng pang-aral ko.”
Isa pa iyan— pa-graduate na sana si Keegan ngayong taon pero naudlot pa dahil sa saltik ng sarili nyang pamilya. Mas lalo tuloy siyang sinasamaan ng loob at hindi na nya maiwaglit iyong pait na nalalasahan nya sa likuran ng lalamunan nya.
Isa pa, bakit ba sa labas ng sasakyan nagtatanong itong si Angela? Wala pa sila sa loob ng van pero ang dami na agad nitong nalaman sa kanya. Siya naman, sagot na lang din nang sagot.
Kainis.
“Para po ba sa record ko iyan sa inyo?” kalauna’y pag-uusisa ni Keegan kay Angela.
Ipinilig ng dalaga ang ulo bago ito mahinang tumawa. “Slight pero may iba ka pang interview mamaya pagdating natin sa site. Itong tinanong ko, gusto kasi kitang makilala dahil bukod sa ako iyong assigned na magbantay sa ‘yo, pinapabilin ka rin sa akin.”
Kumibot ang isang kilay nya. “Sino naman po?”
Kung iyong mga magulang nya ang nagpabilin sa kanya, dapat na siyang kabahan ngayon pa lang.
Lihim nga siyang napalunok dahil ang dami nyang nasabi tapos kung mapa-plot twist siya nang malala dahil si Angela pala ang koneksyon ng mga magulang nya sa DSWD, game over na iyon sa kanya.
Matamis na ngumiti ang dalaga pero may kung ano rin doon na tila ba naaawa sa kanya, “uy, ‘wag kang tensed. Feeling ko ang traumatized mo sa sarili mong pamilya at bigla ka na lang nagwi-withdraw.”
Paano siya hindi matu-traumatize at kung anu-ano ang ginawa sa kanya ng mga ito? Nababoy iyong pagkatao nya.
“Kung sa bagay, medyo gets ko kasi napansin ko ring makapal din talaga mukha ng pamilya mo, ano? Ikaw iyong nasa bilibid nang halos isang linggo pero kanina, dinaanan ka para hingan pa ng pera,” dagdag ni Angela bago ito bumuntong hininga. “Ang hirap ng sitwasyon mo, Keegan. Ikaw iyong breadwinner pero ikaw din tagasalo ng problema nila.”
Hindi iyan ang punto.
Nag-aalala na kasi talaga si Keegan kung sino ba itong Angela na kaharap nya dahil kanina pa siya nito dinadaldal. Mas lalo lang din siyang nag-aalala dahil kahit sinabi nitong wala itong koneksyon sa mga magulang nya, malay ba ni Keegan kung inuuto lang siya tapos ‘tsaka lalabas ang katotohanan na kakilala talaga ito ng mga kapamilya nya?
Nakakatakot isipin dahil baka mamaya, maaga pa siyang mawala sa mundo tulad ng pananakot sa kanya ng tatay nya.
“Angela Dayrit,” kalauna’y pakilala rin sa kanya ng dalaga bago nito itinuro ang sarili.
Kumunot ang noo nya nang sabihin nito ang buong pamilya dahil hindi— hindi iyon nakatulong para ibsan iyong pag-aalalang nararamdaman nya!
Mahinang tumawa ang dalaga nang mapansing malaki pa rin ang pagsususpetya nya rito. “Pinsan ko si Belinda Dayrit, iyong may tindahan doon sa Santa Maria na subdivision? Pamangkin ko si Edward.”
Ha?
Muntik mapanganga si Keegan sa narinig. Nang banggitin nito ang pangalan nina nay Belinda at Edward, namilog ang mga mata nya at halos hindi nya malaman kung paano siya magri-react sa nalaman. Okay, napawi iyong takot sa dibdib nya pero hindi pa rin nya maiwasang magkaroon ng mixed feelings!
“Ibinilin ka sa akin kasi nag-aalala sila sa ‘yo tapos malaki rin talaga tiwala nina ate Bel sa ‘yo na hindi ka gagawa ng ikakasira mo, Keegan,” sabi pa nito bago nito muling inabot ang balikat nya para tapikin. “‘Wag ka mag-alala, a? Gagawan daw nila ng paraan paglaya mo.”
Napakurap-kurap siya. “Hindi nila kailangang gawin iyon—”
“Ikaw daw iyong parang ikalawang anak ni ate Bel, kaya hayaan mo na sila. Malaki rin utang na loob nila sa ‘yo lalo na malaking tulong ka raw sa tindahan nya.”
Hindi alam ni Keegan kung anong itsura nya ngayon pero tila ba nagulat si Angela at nagsabi ito ng mga pampakalma.
Para na ba siyang maiiyak? Posible, pero hindi nya maiwasan dahil sa kalagitnaan ng dilim na tinatahak nya, para siyang nakakita ng liwanag.
Ang laki ng utang na loob nya kina nay Bel— natigilan din siya sandali dahil pumasok sa isip nya si Rhysand na halos araw-araw siyang binibisita. Gusto nyang matawa na lang dahil parang hindi nya deserba ang kabaitan ng mga ito.
And, ah.
Hindi pa siya nakakapagpaalam kay Rhysand. Hindi kailangan pero parang pakiramdam nya, iyon ang magandang gawin.
…Wala lang siyang paraan para makapagpaalam dahil hindi nya rin kabisado ang numero nito.
Kabanata 6
KABANATA 6
ㅤㅤㅤㅤ“SINONG hinahanap ninyo?”
Iyan ang tanong ng isang pulis kina Rhysand at Renzo noong muli silang dumalaw kay Keegan. Bilang takot siya sa mga ito, nagtago si Rhysand sa likuran ng nakatatanda na siya namang sumagot din sa pulis.
“Hinahanap po namin si Keegan Chavez,” ani Renzo.
Tila ba nagulat iyong pulis bago ito natawa. “Hinahanap nyo pa ‘yon e nakaalis na?”
“Nakaalis na po?”
“Oo, bata. Dinala na iyon ng DSWD sa Manila, iimbestigahan din kasi siya bago makulong. Grabe, may mga naghahanap pa pala sa batang ‘yon.”
Pagkatapos sagutin ang tanong nila at nang mukhang nakuntento na ang pulis sa naging reaksyon nina Renzo at Rhysand- given that they were both surprised and they stilled the second they realized that the social workers already took their friend, umalis din naman kaagad ang pulis.
Naiwanan sina Rhysand at Renzo sa labas ng police station at medyo matagal bago sila nagkatinginang dalawa.
“Tang ina ni Keegan, ano? ‘Di man lang nagsabi!” Ito na lamang ang nasabi ni Renzo noong mapansing malungkot yata siya.
Imbes na sumagot ay nagbaba ng tingin si Rhysand sa sahig bago nya naalala ang mga lunch box na bitbit nya.
Nagdala pa naman siya ng pagkain para kay Keegan dahil medyo malaki ang ipinayat nito sa ilang araw na pananatili rito sa police station tapos nakuha na pala ito ng DSWD. Sayang iyong pagkain na dala nya- pagagalitan na naman siya dahil nagpapaluto siya ng pagkain para kay Keegan tapos hindi mauubos.
Bumuntong hininga si Rhysand, ‘tsaka naman nya napansin ang pagtapik ni Renzo sa balikat nya.
Nang mag-angat siya ng tingin, minuwestrahan siya ng binata na umalis na sila bago ito napahawak sa likuran ng ulo. “Wala naman na tayong gagawin dito, Rhy. Iyong kuya Keegan mo, nakuha na rin pala ng DSWD. Mag-internet na lang tayo?”
Rhysand stared at Renzo for a while before he heaved another sigh. Kasabay pa niyan ay ang tuluyang pagbagsak ng mga balikat nya dala ng pagkadismaya.
Rhysand slowly shook his head. “Uuwi na muna ako, kuya Renz. Bigla kasi akong nawalan ng gana.”
“O, e pa’no ‘yang mga dala mong pagkain? Tutulungan ka sana namin na ubusin ‘yan para ‘di ka mapagalitan sa inyo,” anito pa.
Muli lamang siyang umiling. “Ako na bahala, kuya. Salamat pa rin sa suggestion— pero ayoko ipamigay ‘to kasi para kay kuya Keegan talaga.”
“Ayaw mong ibigay na lang doon sa mga kaibigan nating patay gutom na nasa internet shop?”
“Para kay kuya Keegan kasi ‘to.” Hinanda nya para kay Keegan tapos siniguro nyang gusto lahat ng binata ang mga dala nyang pagkain.
Kalaunan, sumuko na lamang din si Renzo ‘tsaka ito nagkibit ng balikat. “O sige na, ikaw bahala. Sa bagay, pagkain ninyo naman ‘yan at para kay Keegan naman nga originally.”
Humigpit ang pagkakahawak ni Rhysand sa plastik ng mga tapperware na bitbit nya.
Sayang — iyan ang kanina pa nya sinasabi sa isip. Naiinis din siya kay Keegan dahil hindi man lang siya sinabihan na ngayon ang alis nito, kahit aware naman silang anumang oras ay kukunin na ito ng DSWD.
Sayang , wala kasing celphone si Keegan, which meant there was no other way for him to contact him or Renzo that he’d be leaving today.
Sayang. Sayang iyong effort nya.
“Mauuna na ako, kuya Renzo…” aniya sa maliit na boses bago malalaki ang mga hakbang na iniwanan ang kaibigan sa harap ng police station.
Narinig nyang tinawag pa siya ng binata para sabay na raw sila na maglakad pero hindi na nya ito pinansin. Basta nagmamadali lang ding umuwi si Rhysand dahil walang-wala na siyang gana na makihalubilo kung kaninoman.
‘Nakakainis. Nakakainis—’ kanina pa nya iyan china-chant sa isip nya bago nya iniwanan na lamang sa lamesa ang mga tapperware ‘tsaka siya nagmamadaling pumanhik sa kwarto nya para ibagsak ang katawan doon.
“Rhysand! Ano ba naman iyan, itong batang ‘to! Ano na ang nangyari at ba’t walang bawas itong mga pagkain?!” dinig nyang tawag pa sa kanya ng lola nya pero hindi na siya sumagot at sa halip ay ibinaon ang mukha sa mga unan nya.
Wala na si Keegan? Sana nananaginip na lang siya.
Simula noong grade two siya, madalas na siyang ipagtanggol ng binata mula sa mga bully sa eskwelahan nila. Iisa pa sila noon ng ina-attend-an na elementary school. Marami ring takot kay Keegan noon dahil kahit na sobrang bait nito, may imahe raw talaga ito na mukhang siga.
Anyway, Rhysand was bullied when he was in elementary.
Marami ang ayaw makipagkaibigan sa kanya dahil sa katawan nya- chubby kasi si Rhysand. Madalas na mapagsabihang pinabayaan sa kusina kaya lumaki nang lumaki ang katawan. Ni mga kaklase nyang lalaki, imbes na kaibiganin siya ay madalas, pagtutulungan pa siya.
Ang hirap ding magsumbong dahil kahit mga guro at mismong lola nya mismo ang magsasabing pabayaan na lang dahil totoo naman daw ang sinasabi ng mga ito.
Si Keegan—
Si Keegan lang naman ang nagtanggol sa kanya sa mga bully nya noong elementary. Ang dahilan kung bakit tumahimik ang buhay nya’t kahit paano, mas malakas na ang loob ni Rhysand ngayon.
Pinalis ni Rhysand ang mga luhang nagbabantang tumulo mula sa gilid ng mga mata nya.
Nakakainis. Hindi dapat siya ganito!
“Sana bumalik agad si kuya…” halos basag ang boses na pagkausap nya sa sarili. “…Sana agad mapatunayan na ‘di talaga totoo iyong bintang sa kanya.”
ㅤㅤㅤㅤISANG taon din ang lumipas mula noong i-frame up siya ng sariling pamilya bilang ‘illegal drug dealer’ sa pamilya nila. Kahit na ang tagal nang panahon ang nagdaan, malinaw pa rin sa isipan ni Keegan kung ano iyong nangyari noon.
Ilang beses siyang nadiin at pinilit na umamin na lang.
Alam naman nya, sinabi sa kanya ni Angela na gagawin sa kanya ito ng mga nasa itaas dahil madali raw kontrolin ang mga kaedad nya pero matigas ang ulo ni Keegan at malinis ang konsensya nya. Isa pa, galit siya sa pamilya nya dahil sa ginawa ng mga ito- nunkang hahayaan nyang patuloy na sirain ng mga ito ang buhay nya?
Nito lang ding nakaraan pero nabalitaan ni Keegan ang resulta ng imbestigasyon.
Dahil kina nanay Belinda, Edward, Angela, at maging sa chairman ng DSWD na nakasundo ni Keegan, napatunayang wala talaga siyang kasalanan at inosenteng bata lamang siya na sinusubukang siraan ng buhay.
Ang tatay nya ang nadiing drug dealer kalaunan ngunit nagmatigas ito nang subukang huliin.
Ang huling balita ni Keegan dito ay pumanaw ito matapos mabaril ng pulis dahil sinubukan pang mang-hostage.
“Ayaw mo bang umuwi sandali sa inyo habang inaasikaso pa namin iyong paglaya mo?” tanong ni Angela sa kanya.
Natigilan si Keegan sa paghuhugas ng mga pinggan at naguguluhan nyang binalingan ang dalaga. “Ba’t naman, ate? May gagawin ba ako sa Pampanga ngayon?”
“‘Di ba namatay tatay mo? Ayaw mo ba siyang makita?”
Muntik mapaismid si Keegan sa sinabi nito pero napailing na lamang siya. “Alam nyang masama loob ko sa kanya. Kahit mabulok siya ro’n sa kabaong nya, hinding-hindi ako uuwi para lang sa kanya.”
Kung may ibang makakarinig ng sinasabi nya, baka sabihan siyang bastos o hindi kaya e ‘taboo’ ang sinabi nya. Lalo na iyong mga matatandang social workers na ang dungis ng tingin sa kanya kahit alam naman ng mga itong napagbintangan lang siyang drug dealer? Iba bunganga ng mga iyon.
Bumuntong hininga si Angela. “Ikaw bahala, naitanong lang naman namin dahil tatay mo pa rin iyon at baka gusto mo ring mamaalam.”
“Siya iyong nag-frame up sa ‘kin,” simpleng paliwanag nya ‘tsaka siya nagkibit balikat. “Isa pa, baka kauwi ko rin ngayon e hingan din ako agad ng pangtustos ng nanay at ate ko. Sakit din naman sila sa ulo.”
“Naalala ko na naman… Hiningan ka nga pala ng pera bago ka dalhin dito e dinala ka nga sa police station.”
“May mga saltik sila e.” Bumuntong hininga siya. “Oo nga pala, ate… May alam ka bang matutuluyan ‘pag bumalik na ako ng Pampanga?”
Mahinang humimig si Angela bago nito nagtatakang ipinilig ang ulo. “O, ba’t mo naitanong? Akala ko ba e kukunin ka nina Belinda para ro’n ka na muna manuluyan para ‘di ka umuwi sa inyo?”
“Nakakahiya kasing makitira sa kanila…”
“Sira, si Bel naman na nag-offer sa ‘yo. Grab mo na. Isa pa, sinabi na rin naman nyang ‘di iyon libre, hindi ba? Tutulungan mo siya sa kanila pero mas maayos nga lang buhay mo ro’n.”
Nag-aalangan man ay mahina na lamang siyang tumawa.
May narinig nga siya nitong nakaraan na hindi lang siya ‘kukunin’ kung hindi ‘aampunin’ pa nina nay Belinda. Pumayag na rin daw si Edward at nag-aasikaso ang mga ito ng papeles.
Noong itanong nya iyon sa mga ito, hindi naman nagri-react. Tatanungin lang siya kung ayaw ba nya.
Ipinag-isang linya ni Keegan ang mga labi at wala siya sa sariling bumalik sa ginagawa. Iniisip lang nya kung deserba ba nya iyong alok na maampon ng mga taong halos kumupkop sa kanya- o kung ikakagalit ba ng mga ito na tatanggi siya sa alok dahil nahihiya talaga siya.
Hindi nga libre dahil tutulong si Keegan kay nay Belinda pero sagot ng mga ito ang pag-aaral nya- na ang sabi naman ng mga ito, pupwede nyang ibalik sa oras na makatapos siya. Naguguluhan talaga siya.
“Oo nga pala Kee, ‘wag mong kalimutan a?” biglang sabi ni Angela na nakapagpatigil sa kanya.
Binalingan nya ang dalaga ‘tsaka nya nagtatakang ipinilig ang ulo. “Ah, bakit? Anong meron?”
“Pupunta ka sa office ni chairman, pinapatawag ka nya. ‘Wag mong kakalimutan, ha?”
Eh. Hindi nya alam-
Bago pa man maitanong ni Keegan kung anong gagawin nya sa opisina ng chairman, mayroong batang tumawag kay Angela. Nagpapatulong kaya nagpaalam na aalis na, ang ending tuloy ay hindi na nakapagtanong si Keegan kung tungkol saan ang pag-uusapan nila ng chairman.
Kaya sa huli, nagmamadaling tinapos nya ang mga gagawin ‘tsaka pa lamang siya dumiretso sa opisina ng chairman.
Ewan. Bigla siyang tinamaan ng pagre-reminisce. Naalala nya bigla noong dumating siya rito at makausap ng chairman, kung paanong ang unang sinabi nito sa kanya ay tutulong ito na mapatunayang hindi sangkot si Keegan sa ilegal na droga matapos marinig ang kwento nya.
Akala nya, inuuto lang siya hanggang sa mapagtanto nyang may iniaambag nga ito sa imbestigasyon noon. Mabait sobra, kaya malaki ang respeto at utang na loob ni Keegan dito.
“Chairman,” tawag nya sa labas ng opisina nito bago siya dalawang beses na kumatok.
Nagpalipas muna siya ng ilang segundo sa labas bago siya pumasok sa loob ng opisina nito.
“Hello po,” bati nya sa chairman nang makapasok at maisara ang pinto sa likuran nya.
Sandaling nag-angat ng tingin ang lalaki bago ito ngumiti at itinabi ang mga binabasang dokumento. “O, nandiyan ka na pala. Kanina pa kita pinapatawag kay Angela kaso ang sabi nya, naghuhugas ka pa raw ng pinggan.”
“Ah… Sabi po kasi no’ng nasa canteen, kailangan nila ng extrang tulong kaya nag-volunteer ako kahit sandali lang.”
“Ang bait mo talaga.” Napahalakhak ito bago siya minuwestrahang umupo. “Alam mo na ba kung ba’t kita pinapapunta rito sa opisina ko?”
Marahan siyang umiling. “…Dahil po ba na-clear na iyong pangalan ko?”
“Isa ‘yan. Sabi ko naman sa ‘yo, hindi ba, malilinis natin pangalan mo kung ‘di talaga ikaw iyong drug pusher sa pamilya ninyo. It turned out na tatay mo naman pala talaga at sinet up ka lang last year.”
Ilang beses naman na nyang sinabi, ayaw lang maniwala ng karamihan kahit nakikita naman nila ang paghihirap nya sa pangangalakal at pagiging kargador sa edad nyang ito. Nakakasama pa rin ng loob- masaya lang siya dahil kahit paano ay mayroon pa ring naniniwala sa kanya na hindi siya gagawa ng masama e.
“Iyong isang dahilan, susunduin ka rito ng pinsan ni Angela sa susunod na linggo.” Ipinilig ng chairman ang ulo bago ito ngumisi. “Bale, ‘di mo kailangang bumalik sa pinanggalingan mo noon.”
Kumibot ang isang kilay nya. “…Malapit lang po bahay nina nanay Bel sa orihinal na tinitirhan ko, chairman. Kaya makikita ko pa rin iyong mukha nina mama.”
“Pupwede naman tayong mag-file ng restraining order kung gusto mo.”
“‘Wag na po, dagdag gastos po iyon. Isa pa, alam kong sina kuya Ed ang gagastos kung papayag ako,” aniya bago nya iwinagayway pa ang isang kamay para tanggihan ang alok ng chairman. “Okay lang nqman po ako, kaya ko naman pong tanggihan sila kung sakali.”
Tumango ang chairman. “Kasi ngayon, Keegan, ang kustodiya mo, na kay nanay Bel mo. Kasama sa kaso ‘yan kaya kahit ‘di ka na umuwi sa inyo e ayos lang.”
Ha- ha?! Pati ang kustodiya nya?!
Namamangha nyang pinagmasdan ang chairman ngunit ito naman e humalakhak lamang sa reaksyon nya. Naaaliw siya nitong pinagmasdan, ang mga mata e pilyo pero may bakas pa rin ng pagiging seryoso.
“Alam mo, concerned neighbors lang sila pero kinuha ka nila dahil para ka na raw pamilya,” sabi pa ng chairman.
Hindi alam ni Keegan kung paano siya magri-react kaya umiwas siya ng tingin sa chairman. Namamangha pa rin siya, hindi makapaniwala. Ang akala nya ay tutulungan lamang siya ng mga ito na linisin ang pangalan nya pero hindi pala nagtatapos doon ang lahat.
“You’ll leave next week,” kalauna’y sabi pa ng chairman.
Natigilan siya dahil nabanggit iyan kanina ni Angela, hindi nya inaasahang totoo pala.
Bumuntong hininga ang chairman. “Sa totoo lang, gusto rin naming as soon as possible ka sana aalis.”
“Pinapalayas mo na ako, chairman?” biro nya.
Umiling ito at natawa rin. “That’s not it. Alam mo namang marami rin sa mga nakatatanda rito ang may ayaw sa ‘yo dahil tainted na ang tingin nila sa ‘yo, hindi ba? Kahit malinis na iyong pangalan mo at marami namang patunay, iniisip pa rin nilang ikaw iyong masama. Ayaw naman namin ni Angela na patuloy kang makarinig ng akusasyon na hindi naman totoo.”
Napahawak si Keegan sa likuran ng ulo. “Tungkol diyan, chairman, wala naman na talaga akong pakialam sa kanila. Nagbibingi-bingihan na lang ako lalo na ‘pag nilalayo nila sa akin iyong mga bata.”
Bumuntong hininga ang chairman. “Their discrimination against a sixteen year old isn’t justified. Ang sabi sa korte, pagiging kargador at mangangalakal ang trabaho mo, hindi ba?”
“Oo, chairman. Tama ka riyan.” Pinalagatik nya pa ang mga daliri. “Alam mo, medyo kilala rin ako sa ‘min. Ewan ko lang kung nadungisan na rin ba tingin nila sa ‘kin.”
“Does it bother you?”
“Chairman, tagalog po. Alam mo, ‘di ako kagalingan sa english. Lagi rin talaga akong bumabagsak diyan.”
Humalakhak ang chairman sa isinagot nya. “Ang ibig kong sabihin, ‘di ka ba naiilang na lagi ka nilang pinagtutulungan at inilalayo sa mga bata?”
“Ah, hindi. Nakakalungkot lang na ‘di ko sila makalaro nang maayos ‘pag nandiyan iyong matatanda… lagi pa naman nila akong hinahabol.”
Tumango ito. “‘Di bale. Sabi ko nga kanina, ‘di mo na mararanasan iyan pagkauwi mo sa inyo. Mag-iingat ka ro’n, Keegan, ‘wag mo na rin hayaan sarili mong mapagbintangan nila ulit.”
Ngumisi siya’t nag-thumbs up sa chairman. Ang laki ng naitulong nito sa kanya kaya o-oo na lang siya. “Ako na ang bahala, chairman. ‘Di na ako ulit babalik dito. Isa pa, ‘di rin ako mapapadpad sa bilibid.”
“Mabuti naman kung nagkakaintindihan tayo.”
ㅤㅤㅤㅤ”NAY Bel, kuya Ed!” tawag ni Keegan sa mag-ina habang halos lakad takbo nyang nilalapitan ang mga ito.
Nakatayo sa harap ng van ang mag-ina at hinihintay ang pagdating nya. Noong marinig ang boses nya, kaagad na umaliwalas ang mukha ni nanay Belinda bago siya nito sinalubong at hinila palapit dito para mayakap.
“Keegan! Mabuti naman at ayos ka lang. Kumusta ka na?” sunud-sunod na tanong ng ginang bago ito lumayo sa kanya nang kaunti.
Ngumiti si Keegan at kinamot ang pisngi gamit ang hintuturo. “Okay lang ako, nay Bel. Maayos naman akong naalagaan, salamat po sa inyo at kay ate Angela.”
Lumapit si Edward sa kanila bago nito tinapik ang ulo nya. “Tumangkad ka nang kaunti, a. Mukha rin namang malusog ka.”
“Syempre naman, ako pa ba?”
“Kaya nga!” Malakas na tumawa si Edward at ginulo naman ngayon ang buhok nya. “Bale, alam mo na rin bang kinuha namin iyong kustodiya mo mula sa mga pamilya mo?”
Natigilan si Keegan at nagpabalik-balik ang mga mata nya kay nanay Belinda at Edward. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Hindi nya alam kung paano siya sasagot kaya nagbaba ng tingin.
“Maraming salamat…” mahinang sagot nya bago bahagyang ngumuso. “Pero ano, pa’no ako babawi sa inyo? Ang laki ng utang na loob ko sa inyo, nay Bel, kuya Ed.”
Nagkatinginan ang mag-ina bago siya ulit tinignan. Si Edward naman ang unang sumagot. “Hoy, ‘wag ka ngang parang tanga, Kee. Pamilya na tingin namin sa ‘yo ni mama, lalo na ako dahil parang isa rin kami sa nagpalaki sa ‘yo no’ng kami pa ng ate mo dati.”
“Kahit pa. Ang awkward… lalo na kung wala akong gagawin para bumawi.”
“Sa susunod mo na isipin iyan, hijo,” pang-aalo naman ni nanay Belinda sa kanya bago nito tinapik-tapik ang mga balikat nya. “Pero parang anak na talaga ang turing ko sa ‘yo. No’ng narinig namin na pinagtulungan ka ng mga magulang mo, alam kong senyales iyon para kunin ka dahil ‘di ka nila mapapalaki nang maayos. Alam kong ‘di mo kami kamag-anak at baka pakiramdam mo, nanghihimasok kami, pero sana tanggapin mo itong tulong namin sa ‘yo, Keegan.”
Napalunok si Keegan at bumuntong hininga. “Okay po. ‘Di bale, babawi talaga ako sa inyo. Maraming salamat po talaga sa lahat ng tulong ninyo sa ‘kin.”
“You’re too stiff,” komento ni Edward bago nito hinampas ang likuran nya.
Tumunog iyon at napaaray siya, nataranta naman si nay Belinda kaya mabilis nitong hinarap ang anak at pinalo. “Edward! Ikaw talagang bata ka, alam mong mabigat iyang kamay mo ta’s hahampasin mo pa itong si Keegan!”
“A-aray! Ma, joke lang naman! ‘Di ko naman alam na mapapalakas pala!” dipensa naman ni Edward.
Hinimas-himas ni Keegan ang likuran dahil masakit nga ang pagkakapalo sa kanya.
Noong mapawi ang sakit at bumalik na rin sa totoong punto ng pagpunta rito ang mag-ina, ‘tsaka siya muling hinarap ng mga ito at inayang umuwi na.
“Keegan! Ingat ka!”
Natigilan siya noong marinig ang boses ni Angela mula sa likuran nya. Nang lumingon siya, nakita nya ang dalaga kasama ang iilang bata, pati na rin ang chairman na nakatayo sa may entrance ng pasilidad.
Ah!
“Mag-iingat ka po, kuya Keegan!” paalam din ng mga bata bago kumaway ang mga ito sa kanya.
Napakaway din siya. “Magpakabait kayo riyan!”
Noong ibaling nya ang atensyon sa chairman. Malawak lamang itong ngumiti sa kanya at minuwestrahan siya na umalis na. Natawa lang din tuloy siya’t pumasok na sa van dahil tinatawag na siya nina nay Belinda.
Noong makapag-settle siya sa loob ng sasakyan, ‘tsaka lamang siya nakahinga nang maayos.
Sa wakas… makakabalik din siya ng Pampanga.
Napanguso si Keegan noong may maalala. ‘Nandoon pa kaya si Rhysand? Kumusta na kaya ang isang iyon?’
Kabanata 7
KABANATA 7
ㅤㅤㅤㅤNOONG bumalik si Keegan sa Pampanga, ang pinakauna nyang hinanap nang makapag-settle sa bahay nina nay Belinda ay si Rhysand. Mabilis— basta nang matapos nyang mailigpit ang mga gamit dahil kaunti lang naman ang mga iyon, dali-dali siyang pumunta sa internet shop na madalas nilang tambayan noon.
Wala namang nagbago.
Kung sinu-sino iyong mga regular na naabutan ni Keegan noon, sila-sila pa rin ang naabutan nya sa internet shop. Ang sasaya pa nga ng mga ito na nakalaya na siya pero noong mabanggit nya ang pangalan ni Rhysand ay hindi nag-react ang mga ito.
Kung hindi pa dumating si Renzo, baka hindi na nalaman ni Keegan ang kinaroroonan ni Rhysand.
“Hinahanap mo pa ‘yon e matagal nang wala si Rhysand dito? No’ng matapos iyong school year, nagkasakit lola niyan. E ‘di kinaya ng gamutan dito sa Pampanga, umuwi sila ng Manila,” kwento pa nito.
Alam naman ni Keegan na kung hindi dahil sa lola ni Rhysand, hindi ito mananatili sa bahay nito riyan.
Matagal nang wala ang mga magulang nito. Parehong nasangkot sa car crash at dead on arrival nang maisalba ng mga pulis. Dahil ayaw ng kaibigan sa Manila, pinipilit nitong magpaiwan sa Pampanga at bilang naawa ang lola nito, umuwi pa ito galing Manila para samahan ang apo.
“‘Di ko alam kung babalik pa ba si Rhysand dito, Kee. Alam mo, bigla na lang din nga ‘yong nawala. Nagsabi lang na uuwi ng Manila isang araw ta’s boom, na-ghost na rin kami,” dagdag pa ni Kevin, na kaibigan din nila ni Renzo.
Paano iyon? Hindi alam ni Keegan kung paano siya magri-react na wala na pala iyong tinuturing nyang kapatid. Nagmamadali pa naman siyang pumunta rito sa internet shop ta’s malalaman nyang wala na pala ito sa tinutuluyan.
Ilang araw ding walang gana si Keegan.
Lumalabas siya t’wing mauutusan, pero hindi na bumibisita sa internet shop na madalas nilang puntahan ni Rhysand noon. Wala na rin namang saysay, wala na iyong gustung-gusto nyang kalaro.
Isa pa, ibinigay sa kanya ni Edward ang napaglumaan nitong personal computer. May wi-fi rin sa bahay nito bilang nagtatrabago na call center agent si Edward kaya wala na talagang saysay na bumisita sa internet shop kung meron na siyang source sa bahay.
So, yeah.
Hindi na nya gaanong nakikita ang mga kaibigan sa internet shop— pero hindi rin naman na nagtagal iyang ganyan noong makakita siya ng electric guitar na binibenta ng second hand kay Edward, ituro iyon, at bigla na lang siyang nagising na nasa harap na nya iyon.
“Anong… gagawin ko rito?” napapantastikuhan nyang tanong kay Edward habang pinagmamasdan ang electric guitar sa lamesa.
Inilipat ni Edward ang pahina ng binabasa nito. Nakahilata pa ito sa mahabang sofa habang nagbabasa ng libro noong tawagin siya e.
“Aba, malay ko. Tinuro mo, afford ko, binili ko. Mukha namang walang problema riyan, in good condition pa raw, wala lang sa tono,” sagot naman ni Edward.
Napamaang siya’t wala sa sariling itinuro ang electric guitar. “Kuya Ed, ‘di ako marunong gumamit ng electric guitar.”
“Alam ko, edi aralin mo.”
Sa totoo lang, gustung-gusto na rin nyang mapahilamos ng mukha pero pinipigilan nya ang sarili. Aanhin nya iyan— may kakilala ba siyang marunong maglaro? May kakilala ba siyang pupwedeng magturo sa kanya niyan?
Ang tagal na napaisip ni Keegan.
“Dumaan din pala iyong ate Katelyn mo rito at hinahanap ka sa ‘min. Ang kulit ng isang iyon, ano? Sabi nang ‘wag ka nang guluhin, panay pa rin ang lapit dahil ikaw daw iyong may pera,” kwento ni Edward.
Na-distract naman kaagad si Keegan pero sa likod ng isipan nya, iniisip pa rin nya kung sinong pupwedeng magturo sa kanya maglaro noong electric guitar.
“Putang ina no’n. Kung wala siyang pera, ba’t ‘di siya magtrabaho? Ba’t ikaw pa ang hihingan e ‘di ka na nga namin pinagtatrabaho ni mama, pinapatulong lang sa bahay, ta’s pinakulong ka nga ng isang iyon dati— sama-sama pa siya sa hearing para tumestigo ta’s ngayon, hahabulin ka pa? Wala bang hiya iyong ate mo?” dagdag pa ni Edward.
Pagak siyang tumawa at napakamot sa pisngi. “Alam mo namang makapal ang kalyo sa mukha ni ate.”
“King ina. Noong kami pa, para siyang anghel na ‘di makabasag pinggan pero ngayon halos ‘di ko na siya makilala. I dodged a bullet, ano.”
“‘Di ka ba nya binalikan?”
“Nunkang babalik din naman ako. Kee, may anak na iyong ate mo no’ng nakikipagbalikan. Gusto lang din naman ako niyan dahil maganda iyong trabaho ko’t nakakapag-provide ako rito sa bahay.”
Tumango siya’t lihim na sumang-ayon. Tama naman kasi ang hinala nitong si Edward— hindi na ito gusto ni Katelyn. Narinig din naman nya na galing sa bibig ng ate nya na susubukang makipagbalikan dito nang may maipangluho.
Ewan ba nya kung anong nangyari riyan sa ate nya at naging ganyan ang ugali. Tama rin naman na noong ito pa at si Edward, parang anghel iyon.
“Eto pa, ang sabi nya, ba’t daw ikaw lang ang kinukunsinti ko at kinuha pa raw kita sa kanila. Aba e malamang, menor de edad ka ta’s kung ituring ka sa inyo, parang alipin? Inang ‘yan, kapatid din turing ko sa ‘yo noon pa man kaya ikaw lang kinuha ko. ‘Di siya magising sa sakit nya e,” anito pa.
Hindi alam ni Keegan kung anong oras natapos kaka-rant si Edward. Bagamat naba-bad trip din siya sa ate nya dahil ang tagal nang panahon tapos gusto pa rin nitong bini-baby ito ni Edward, naiirita siya na hinahabol pa rin siya para magtrabaho sa mga ito.
Gusto nya rin sanang harapin si Katelyn pero…
‘Yuck. Makita ko lang mukha no’n, naiirita na ako e.’ Doon lang din sa mga pamangkin nyang walang kamalay-malay ang amor nya dahil inosente ang mga iyon. ‘Sana rin ‘di lumaking may sayad tulad ni ate.’
Ititigil na rin nya ang kakaisip tungkol sa feeling main character nyang kapatid. Mas malaki kasi ang problema nya ngayon.
Sandali.
“Alam ko tumutugtog si Renzo—” aniya sa sarili bago nya pinalagatik ang mga daliri.
Alam nga nya e may banda ang isang iyon kasama iyong iba pa nilang kaibigan sa internet shop dahil ang part time ng mga iyon e pagbabanda!
Hindi nagtagal, sumagitsit siya. “Magkakaroon din pala ako ng rason bumalik sa internet shop, amp.”
ㅤㅤㅤㅤ“KUYA Renz!” tawag nya kay Renzo.
Noong matapos si Keegan sa mga gawaing bahay, nagpaalam siya sandali kay nay Belinda na pupunta sa mga kaibigan para magpaturo sa electric guitar na binigay ni Edward sa kanya.
Nakakahiya naman kasing nakatambay ang instrumento sa kwarto nya tapos hindi siya matututong tumugtog, ano. Isa pa, baka maging source of income nya rin ito balang araw katulad nina Renzo, kailangan lang nyang matuto.
Sakto namang naabutan nya ang binata na pauwi sa bahay nito kaya nang marinig ang boses nya ay lumingon kaagad.
Tila ba nagulat pa ito nang makita siya. “O, Keegan! Ang tagal bago mo ulit napadpad dito, a? ‘Di ka na ba mag-iinternet? Hanap ka na ni ate Nance.”
Mahina siyang natawa habang naglalakad palapit dito bago siya marahang umiling. “‘Di na siguro. Iyon kasing kumuha sa ‘kin na kapitbahay namin, binigay sa ‘kin iyong napaglumaan nyang computer tapos may wi-fi na rin naman sa bahay kaya ‘di na ako dumadaan ga’no.”
“Oo nga pala, kapitbahay ninyo iyong kumupkop sa ‘yo. Ano, kumusta naman? ‘Di ka naman inaalipusta sa inyo?”
“‘Di, a. Ang bait nga nina nay Bel at kuya Edward. ‘Di nga rin ako pinagtatrabaho kahit nagpupumilit ako.”
Mahina itong humimig. “Mabuti naman kung gano’n lalo na mabait pala kumuha sa ‘yo. ‘Di ka na rin ginugulo ng pamilya mo?”
“Syempre, ginugulo pa rin.”
Bigla nyang naalala na noong papunta siya rito, muntik pa nyang makasalubong iyong nanay nya kaya pumasok siya ulit sa bahay nina nay Belinda para magpalipas ng ilang minuto. Noong wala na ito, ‘tsaka pa lamang siya lumabas.
Wala, e. Ayaw talaga nyang harapin iyong pamilya nya.
Ginugulo ng mga ito sina Edward dahil ‘ipinapabalik’ siya sa mga ito pero ayaw din naman nina nay Belinda dahil gagawin lang ulit siyang trabahador, makikita na naman siya sa daan, baka kung anu-anong kwento na naman din ang gawin ng mga ito tungkol sa kanya.
“Bumisita ka rin sa libing ng tatay mo?” pag-uusisa pa ni Renzo.
Ang daming tanong, a. “Hindi na. Alam naman na ng mga ‘yon kung ba’t ‘di ako pumunta. Ang lalaki ng kasalanan nila sa ‘kin, ano.”
Napaismid ang binata at sumag-ayon sa desisyon nya. “Buti na lang talaga at matino ka. Kung ibang tao ka, baka pinatawad mo pa sila e.”
“Sila ‘yon.” Natigilan sandali si Keegan noong may maalala. “Sandali, ‘di lang pangungumusta iyong kailangan ko sa ‘yo, kuya Renz! Meron pang isa.”
Mataman siyang pinagmasdan ng binata at nang tignan nito ang kabuuan nya, parang noon pa lang din nito napansin ang bitbit nya.
Inayos ni Keegan ang pagkakasukbit ng bag ng electric guitar sa balikat nya pero umaksyon din siya na ipinapakita iyon kay Renzo.
“Binilhan ako ng electric guitar,” panimula nya bago siya madramang bumuntong hininga. “Ang problema, ‘di naman ako tumutugtog. E alam ko, nagbabanda kayo nina Kevin kaya magpapatulong sana ako. Sayang ‘to kung hindi ko aaralin, e.”
Naaaliw siyang pinagmasdan ni Renzo. “Aba ang galing, buti e binilhan ka kahit ‘di ka marunong tumugtog?”
“Sinapian si kuya Edward.”
Hindi napigilan ni Renzo ang humalakhak sa narinig ‘tsaka nito inabot ang ulo nya para sandaling guluhin ang buhok nya. Syempre, nagprotesta si Keegan dahil ayaw talaga nya iyong ipinapahawak pero nabawi kaagad ni Renzo ang kamay kaya wala na siyang nagawa. Inayos na lang nya ang buhok.
Kalaunan, nagpameywang si Renzo. “May oras ka ngayon? Ako na magtuturo sa ‘yo, marunong naman ako.”
“Talaga? Pupwede ako hanggang mamayang bago maghapunan!”
“Ayun pala, edi tara. Turuan muna kita ng basics.” Minuwestrahan siya ng binata na sumunod dito kaya sumama naman kaagad siya. “Oo nga pala, ‘pag natuto ka niyan, gusto mo bang sumama sa ‘min nina Kevin?”
Nagtataka nya itong pinagmasdan. “Sa pagbabanda ninyo?”
“Oo. Madalang lang naman iyon, basta makatanggap din ng invitation galing sa mga bar diyan. Sayang ‘yon, medyo malaki rin kita kaso puyat ka. Ano, sama ka?”
Ipinag-isang linya nya ang mga labi bago nya kinamot ang kanang pisngi. “Pag-isipan ko muna siguro, kuya Renz. Alam mo na, ‘di pa naman ako marunong tumugtog pero ‘pag magaling na ako, sige.”
“O siya, turuan kita nang masinsinan para makasali ka kaagad sa ‘min. Sayang talaga iyong extra kung ‘di mo papatulan.”
Tama nga naman.
Isa pa, mas maayos na pagpupuyatan ang pagbabanda kaysa sa pangangalakal. Pakiramdam nya, mas malaki ang kikitain nya roon kaysa sa pagala-gala siya para manghingi ng basura ng iba na pupwede nyang ibenta.
Iko-consider talaga nya kapag natuto siyang maggitara.
ㅤㅤㅤㅤDahil nangako si Renzo na tuturuan siya kung paano tumugtog, muling napadalas si Keegan sa street kung nasaan din iyong internet shop na madalas nilang tambayan ni Rhysand noon. Minsan, nostalgic pa rin ang nakaraan— hindi na kasi umuwi talaga si Rhysand sa Pampanga, ni hi o ho, wala rin dahil naging inactive ang luma nitong facebook account.
Hindi naman mahagilap ni Keegan iyong bago.
Tinapos nyang tugtugin iyong final chords ng sway ni Michael Bublé nang biglang mayroong pumalakpak sa likuran nya. Noong lumingon siya, ‘tsaka nya natagpuan si Edward na nakangisi.
Day off naman nito kaya pupwede siyang mag-ingay.
E kaso, ang alam nya e nasa bahay ito ng girlfriend? Kailan pa ito nakauwi? Sobrang immersed ba siya sa pagtugtog na hindi nya ito napansin?
Naguguluhan nya tuloy itong pinagmasdan hanggang sa makalapit ito sa kanya at makaupo sa tabi nya.
“Gago ka, puro ka tugtog niyan baka mamaya nakakalimutan mo na na mag-review. Mag-eenroll ka pa naman ngayong academic year,” sabi ni Edward sa kanya.
Napalunok lamang si Keegan bago nag-iwas ng tingin. “Hindi ko ‘yon nakalimutan, a. Katatapos ko lang kaya magbasa-basa kanina. Nagpapahinga lang ako.”
“Sus. Baka mamaya ‘pag binigyan kita ng surprise quiz ngayon, ‘di ka rin makasagot.”
“Kuya Ed naman…” Kinamot nya ang likuran ng ulo. “Makakasagot naman siguro, medyo mahina ako sa academics pero paulit-ulit na kasi iyong binabasa ko, namememorya ko na.”
Tungkol sa pag-aaral nya…
Surprisingly, ipinasa siya ng dati nyang high school. Ilang buwan na lamang kasi noon bago ang graduation nila pero ‘tsaka dinampot si Keegan ng pulisya dahil sa pambibintang sa kanya ng mga magulang. Sa pagkakaalala nya, hindi naman talaga siya ga-graduate dapat pero iyong isang propesor sa eskwelahan nila, iyong lagi siyang ibinabagsak, sinabi na ipasa na raw siya’t hayaang grumaduate.
Hinanap pa nito sina nay Belinda noong malaman na ang mga ito ang nagsulong ng kaso laban sa sarili nyang pamilya dahil sa pambibintang ng mga ito sa kanya. Sa mga ito na rin iniabot iyong diploma na ikinagulat pa nya.
“Ayaw lang nilang bumaba stats nila kaya pinasa ka,” kwento pa ni Edward sa kanya noon. “Ang alam ko, ‘pag may ibinagsak silang student lalo na ‘pag graduating, may kaakibat sa stats nila ‘yon. Pero ang sabi no’ng sir Silang, ipinasa ka dahil masipag ka kahit madalas kang absent.”
Ayun. Kolehiyo na siya ngayong taon, sa awa ng Diyos.
IT lang naman ang naisip nyang kunin dahil mahilig siya sa kompyuter at isa pa, ayaw nya ng sobrang kumplikado na kurso. Mas mainam kung doon na siya sa gamay nya pupunta.
IT din si Edward noon kaya iyong mga dati nitong libro na binabasa, ipinasa na lamang sa kanya. Natutuwa naman si Keegan magbasa kaso kapag ingles kasi ang lingwahe, nabobobo siya. Madalas e lalapitan pa nya si Edward para pasimplehin iyong mga eksplanasyon sa mga module nito noong nag-aaral pa.
Kaya nga rin siya madalas pagbasahin dahil mahina siya sa ingles.
Bumuntong hininga siya. “Marunong na pala akong tumugtog, kuya. Tingin mo ba, pwede na ‘ko sumabak sa mga banda-banda?”
“Aba, malay ko. Pero magaling ka naman kaya palagay ko, okay lang. Balak mo ba sumali niyan sa banda sa eskwelahan ninyo? Masaya ‘yon kapag may event,” kwento pa ni Edward.
“Hindi ko alam pero balak ko sana sumali sa banda ng mga kaibigan ko na naggi-gig.”
Mataman siyang pinagmasdan ni Edward bago kumunot ang noo nito. “Gago, menor de edad ka pa. ‘Tsaka mo pag-isipan ‘yan kapag adult ka na. Sa mga bar ang gig nila, ano?”
“Oo…”
“No. Nope. Sa susunod ka na mag-side line ng ganyan ‘pag of legal age ka na, tunga. Sa ngayon, masterin mo muna ‘yan para hindi rin mapahiya mga kaibigan mo ‘pag sumali ka na sa kanila. Isipin mo ‘yon, baka mamaya ma-stage fright ka ta’s masira mo string niyang gitara mo.”
“Tang ina mo, kuya?” May pagka-bully talaga itong si Edward pero alam nya namang nagbibiro lang ito.
Supportive naman iyan. Hindi lang halata.
“Tutal tumutugtog ka na rin naman na lang,” kalauna’y pag-iiba ng usapan ni Edward bago ito umayos sa pagkakaupo. “Alam mo na ba chords ng Happy Ending ni Avril Lavigne?”
Hindi nya alam kung anong gagawing reaksyon.
Pero namamanghang pinagmasdan ni Keegan si Renzo bago siya marahang tumango. Wala naman kasi siyang choice kung hindi aralin dahil panay ang tanong ni Edward at parinig na inaabangan daw nitong tugtugin nya ang niri-request nitong kanta.
Bagamat hindi rin katalinuhan si Keegan, alam naman nya kung ano ang mensahe ng kanta, pati na rin kung bakit iyon ang gusto ni Edward. Nagsuhestiyon pa ito na tugtugin ang kanta sa oras na matiyempuhan daw nya si Katelyn na bumibili sa tindahan ng mga ito.
E nunkang bibili si Katelyn kina nay Belinda e ang laki ng sama ng loob niyan. Ang mga anak lang naman nito ang bumibili.
Mukhang namangha rin si Edward sa kanya kaya bahagya itong ngumuso. “O, talaga? Alam mo na pala tugtugin? Sige nga.”
“E pinipilit mo sa ‘kin kaya naisip kong aralin na nang matahimik din kaluluwa mo,” aniya.
“Ha! Gusto ko lang naman isupalpal ‘yan sa ate mo. King ina no’n.”
“Kung umasta talaga kayong dalawa, parang divorced,” komento nya bago umakto si Edward na parang masuka-suka.
Hindi pinansin ni Keegan ang kadramahan ni Edward.
Madalas naman iyang ganyan. Noon pa naman na ang girlfriend pa nito e ang ate Katelyn nya, makulit na talaga ito.
E, anyway… Tinugtog na ni Keegan ang Happy Ending ni Avril Lavigne nang maiba na rin nila ang usapan ni Edward. Nakuha pa nitong kumanta at ilabas iyong sama ng loob nito sa ate nya.
“Kuya Ed… Naka-move on ka na ba?” tanong nya habang matamang pinagmamasdan ang binata na ikalma ang sarili.
Nag-okay sign si Edward sa kanya. “Okay na okay, itugtog mo sa harap ni Kate ‘yan, a? O siya, bilang tapos na ang papel mo rito sa sala’t nakapag-practice ka na, magbasa-basa ka na ulit tol.”
“Gano’n na lang ‘yon?”
“Oo naman. Anong gusto mo, ikaw ang maghahanda ng pananghalian natin imbes na ako dahil off ko naman o magbabasa ka ro’n? Malapit na talaga iyong pasukan, Keegan.”
“Sabi ko nga.”
Minsan, nakakapanibago na binibigyan siya ng tsansa nina Edward na magpakatamad at iba ang gawin— pero tumutulong pa rin naman siya sa kanila! Sadyang hindi lang siya sanay na hindi siya ginagawang alalay sa bahay dahil ilang taon din naman siyang ganoon sa bahay nila, sa tunay na pamilya nya, dahil hindi siya iyong paboritong anak.
Wala, nakakapanibago lang.
Kabanata 8
KABANATA 8
ㅤㅤㅤㅤNORMAL ba na magwapuhan sa lalaki?
King ina. Magmula noong magsimula ang academic year at magsimula si Keegan sa kolehiyo, isa iyan sa pinakabumabagabag sa kanya mula nang makita nya ang guro nila sa ingles.
Noong una, hindi pa nya naiintindihan ang ‘hype’ e. Madalas na nyang marinig ang pangalan nito pero hindi naman talaga nya alam na ito ang tinutukoy ng karamihan. Basta noong unang semester, bilang hindi naman nya naging propesor ang isang iyon, napansin lamang nya ito noong madaanan nya noong papunta siya sa isang klase tapos ito naman e kalalabas lang sa faculty.
Gwapo — king ina, parang kulang na kulang iyong pang-uring ginamit nya para i-describe ang itsura ni Aaron Gonzales.
Ang lakas ng charisma ng isang iyon, tipong makakasalubong lang nya e hindi nya maiwasang hindi nakawan ng tingin. Minsan lalagpasan na lang siya e lilingunin pa nya nang pasimple dahil nakakahiyang mapansin ng mga kaklase. Tapos ang bango pa, nakakadala.
Mayroon pang isang beses na nagkasalubong sila ng tingin at kaagad na nag-iwas ng tingin si Keegan dahil nahiya siya.
Tang ina, e hindi naman siya mahiyain.
Uminit din yata pisngi nya noon at ang nakakairita, may nakapansin at nag-akalang naiinitan siya dahil babad din naman sila noon sa init ng araw bilang P.E nila nang mapadaan si Aaron at tawagin ng mga kaklase. Buti na lang talaga at maputi siya, mabuti na lang talaga at hindi naisip ng mga kaklaseng namula siya dahil nagkatinginan sila ni Aaron.
Hayop. Para siyang dalaga na kung umasta, may gusto sa isa sa mga professor nya sa kolehiyo e.
Noong second semester, hindi nya maipaliwanag iyong tuwa nang malaman na si Aaron Gonzales ang magiging professor nila sa ingles. Mahina siya sa subject pero bigla siyang ginanahan.
Tang ina, nag-aalangan na talaga siya sa sarili. Hindi ba nya gusto iyang si Aaron? Hindi naman siguro, nagagwapuhan lang siya. Naiinggit dahil nabiyayaan ng malakas na karisma si Aaron tapos siya, normal lang na nilalang na madadaanan nito sa tabi-tabi.
“Good morning,” bati ni Aaron nang makapasok sa klase nila.
“Ang aga mo, sir Aaron!” puna ng isa sa mga kaklase nya.
Mahina itong tumawa at napailing. “Anong maaga e malapit na ngang mag-time, o. Sumakto lang ako sa oras ng klase natin.”
“Madalas kaya, late ka.”
“Sus.” Inilibot nito ang mga mata sa buong klase nila at nang makita si Keegan ay napangiti ito. “Mas late pa rin naman si Chavez kaysa sa ‘kin. Himala nga’t nandito na e.”
Putang ina, siya na naman ang napansin.
Sumandal si Keegan sa back rest ng kinauupuan at ipinagkrus ang mga braso. Tinatakpan nya iyong sayang nararamdaman nya dahil napansin kaagad siya ni Aaron sa ganitong paraan, e.
“Madalang lang naman ako ma-late, sir! Ako na naman nakita mo,” simpleng aniya na ikinatawa naman ng buong klase nila, kasama na rin si Aaron.
Sumayaw sa aliw ang mga mata ng propesor bago ito napailing. “Ikaw talaga ang makikita ko. Unang araw ba naman sa klase, pumasok no’ng patapos na iyong klase ko?”
“Hindi nga ‘yon sadya! Nakalimutan kong mag-alarm ‘tsaka iyong iba, nata-traffic lang ako. Buti nga pumasok pa ‘ko noon.”
“Pumasok kung kailan malapit na akong mag-‘good day’ class, iba ka rin talaga e.”
“At least nakita mo ‘ko bago ka umalis,” mayabang na aniya ‘tsaka muling nagtawanan ang mga kaklase nya.
“Iba, salamat at nagpakita ka pa no’n, a. Utang na loob ko pa pala e,” natatawang anito kaya natawa na lang din siya. “O tama na, magsimula na tayo. Medyo marami tayong gagawin niyan.”
Noong sinimulan na ni Aaron ang klase nila, imbes na makinig e hindi mapigilan ni Keegan ang liparan ng isip at titigan na lamang ang guro.
Kapag sinabi nya kasing gwapo ito, gwapo naman talaga.
Hindi malaanghel ang itsura pero ika nga nila, pang-‘out of this world’ ang kagwapuhan. Maganda pa iyong boses ni Aaron kapag nagsasalita, kuhang-kuha talaga atensyon ng lahat, para siyang nakikinig sa boses ng mga anghel, ganoon. Hindi exaggeration.
Ang professional pa kumilos tapos lahat ng galaw, parang sukat. Pero hindi rin naman pilit. Basta, ibang level ang ganap ni Aaron Gonzales.
“Ang gwapo ni sir,” dinig nyang bulong ng katabi nya.
Si Desiree, kilalang may gusto rin kay Aaron. Ang alam nga ni Keegan e sinubukan pa ng dalaga na mapalapit dito at binalak pang ito na rin ang manliligaw pero sa pagkakarininig ni Keegan, na-reject.
Sabi-sabi, dahil daw mali naman talaga ang student-teacher relationship, at may kalakihan ang age gap. Pero ang sabi ng iba… dahil daw may ‘boyfriend’ si Aaron kaya tinanggihan daw.
Boyfriend…
“Sabi nila may jowang lalaki si sir, totoo ba?” tanong nya kay Desiree, tutal katabi naman na nya.
Kuryoso rin siya kasi kung sakaling totoo… Edi kung sakali… Sandali, bakit ba nya iniisip na baka may pag-asa siya? Tang ina.
Pinasadahan siya ng tingin ni Desiree bago ito tumango. “Oo meron, kung nakapasok ka na ng faculty ta’s nakalapit sa desk nya, makikita mo iyong litrato nilang dalawa.”
“Talaga? Sila pa hanggang ngayon?” Nakakapanghinayang.
“Hindi ko lang alam. May tsismis kasi na on and off daw sina sir at iyong boyfriend. Ngayon ang alam ko, single si sir Aaron.”
Oh! Edi— putang ina bakit ba tuwang-tuwa siya?
“Bakit mo pala naitanong? Curious ka ‘no, crush mo rin si sir ‘no? Ikaw Keegan, a. You swing that way din pala,” panunudyo ni Desiree.
Pasimpleng napalunok si Keegan pero kalaunan, inismiran nya lamang ang dalaga. “Ba’t naman ako magkaka-crush diyan e lagi nga akong sinisita ‘pag late ako? Naitanong ko lang kasi maingay iyong tsismis.”
“Kung sa bagay, pero totoo. ‘Di raw straight si sir Aaron sabi noong ibang nasa faculty ‘tsaka single raw siya ngayon dahil brineak daw ulit.”
Edi maganda— joke, mali itong naiisip nya.
ㅤㅤㅤㅤMABABALIW na yata siya. Nakumpirma na lang din ni Keegan sa sarili na gustung-gusto nya romantically si Aaron dahil napagtanto nyang iyong maliliit na interaksyon nila at iyong balikan ng sagot, kinakikiligan na nya. Akala nya kinakabag siya pero putang ina, hindi na pala.
“Hoy, Joshua. Daan nga tayo ng faculty sandali. Dadaan lang,” aya nya sa kaibigan noong lunch nila.
Nilingon siya ng kaibigan at sinimangutan. “Bakit? Gusto mo na namang makita si ma’am Canlas?”
“Ah… Oo,” naniningkit ang mga matang aniya.
Anong ma’am Canlas? Si sir Gonzales ang hinahanap nya.
Pero naalala nyang ginamit nga pala nyang dahilan iyong magandang biology professor na guro rin nila ngayong semester na dahilan para pagtakpan iyong pagkagusto nya kay Aaron. Hindi nya kasi gustong umamin pa na baka bisexual siya o ano, lalo na rito kay Joshua?
Malaki pa naman ang ulo niyan. Baka kapag dito siya unang magsabi e hindi lang siya iiwasan, iisipin pa nitong may gusto siya rito tapos iyon ang ipagkalat. Ma-feeling ito e, hindi naman gustong kasama ni Keegan pero panay ang sama.
Mas gusto nyang kasama si Lyle.
Tang ina noon pala, nawawala. Pinulot na nga lang nya sa cafeteria nila noong unang semester, hindi pa nya mahagilap ngayon dahil hindi na sila magka-block tapos magkaiba pa sila ng schedule.
“Tara na. Dadaan lang naman tayo, baka sakaling makasalubong natin kasi lalabas at pupunta ng susunod na klase,” aniya.
Inismiran siya ni Joshua. “Namo tol, ‘di ka talaga papatulan no’n.”
“O edi wow, para namang balak kong ligawan din.”
Umakyat silang dalawa ni Joshua sa faculty. Habang tikom ang bibig nya, panay ang kwento ng ‘kaibigan’ tungkol sa mga aktibidad nito noong Sabado at Linggo. Puro inuman, puro gala— hindi nya magawang mainggit dahil iba ang trip ni Joshua. Sinusundan lang naman siya ng isang ito dahil ‘mukha’ raw siyang malungkot.
Pagkaakyat nila ng ikalawang palapag ng building, natigilan silang dalawa nang mayroon ngang lumabas sa faculty. Hindi si miss Canlas na tinutukoy ni Joshua, kung hindi si sir Gonzales na kasama iyong head ng faculty ng education department.
Akala ni Keegan, hindi siya nito mapapansin pero napatingin sa direksyon nya ang guro ‘tsaka ngumiti at kumaway.
“Wala kayong klase?” tanong ni Aaron.
Muntik matameme si Keegan nang mapansin sila ng guro. Hindi nagtagal ay inipon nya lahat ng kapal ng mukha para sumagot.
“Meron pero mamaya pa. Lunch namin,” aniya. Inunahan nya si Joshua dahil nakita nyang ibubuka na nito ang bibig.
Hindi pwede. Gusto nya siya ang kakausap kay Aaron.
“Ah gano’n, o siya. Kumain na kayo,” sagot naman ng guro bago ito muling kumaway dahil tinawag na ng head teacher para umalis.
Ang saya, gago. Hindi nya inasahang makakasalubong at sandali pa nyang makakausap si Aaron Gonzales. Akala nya sisilip lang siya faculty tapos maaabutan itong wala dahil may klase e.
Uulan ba? Hindi bale, nakapagdala siya ng payong.
“Wala naman yata si ma’am Canlas,” sabi ni Joshua na siyang umagaw sa atensyon nya.
Nilingon nya ang kaklase at inismiran. “Hayaan mo. Pupunta pala ako ng kabilang building, pupuntahan ko kaibigan ko. Ikaw?”
“Ha? ‘Di ka sasama sa akin? Tatambay kami sa may labas, may bilyard do’n.”
“Pass. Ayoko.”
Ano namang gagawin nya roon? Magsusugal lang naman sila dahil may pustahan iyon panigurado.
“Ang boring mo talaga, kaya walang kumakaibigan sa ‘yo sa klase natin e. O sige na tol,” anito bago tapikin ang balikat nya. “Mauuna na ako, kitakits na lang mamayang klase.”
Tumango siya’t kinawayan na lamang si Joshua noong umalis na ito.
Nang mawala na sa paningin nya, ‘tsaka siya bumusangot. “Tang ina ng isang ‘yon. ‘Di naman totoong walang gustong kumaibigan sa ‘kin, ayaw lang daw dahil lumalapit siya sa ‘kin. Awit.”
Pagkatapos nyang mag-rant sa sarili, pumunta na siya sa kabilang building.
Doon siya sa may business administration building pumunta. Tagaroon kasi iyong MVP ng eskwelahan nila sa basketball— si Lyle Villariza na siyang kaibigan din naman nya. Pinulot nga nya, ika nya.
Nang makarating sa building ng mga business administration, kaagad nyang nakita si Lyle. Mukhang katatapos lang ng klase nito dahil nakasukbit pa sa balikat nito ang bag.
“Hoy!” tawag nya rito bago siya lakad takbong lumapit dito. Ewan na lang nya kung hindi pa siya makilala ng isang iyan sa boses nya.
Natigilan si Lyle at lumingon sa kanya. “Uy, Kee. Wala kang klase?”
“Wala, mamaya pang alas tres.” Hinugot nya ang celphone mula sa bulsa nang makita ang oras. “Mag-aala una pa lang, ang aga pa kainis.”
“Kami rin, mamayang three thirty pa ang next class. Kumain ka na ba?”
“‘Wag mo akong tinatanong ng ganyan, ang awkward.”
Imbes na magulat si Lyle sa kanya ay tinawanan lamang siya nito. Ang awkward dahil ganyan madalas banat ng mga fuck boy ngayon. Alam nya kasi madalas nyang makita sa mga meme sa Facebook.
“Anyway, punta nga tayo sa taas… Nando’n nagkaklase mga accounting ngayon,” pag-aaya ni Lyle.
Pinangunutan nya ito ng noo. “Inamo, ano na namang gagawin mo ro’n? Sino na namang—”
Hindi na natapos ni Keegan ang sasabihin dahil kaagad din naman nyang napagtanto at nakilala kung sino ba ang pakay ni Lyle sa mga nasa accounting. Hindi na ito sikreto sa kanya, una pa lang naman ay sinabi kaagad ni Lyle na hindi ito nagkakagusto sa babae at lalaki ang gusto.
Kampante naman si Keegan makipagkaibigan dito dahil alam nyang hindi siya ang tipo nito kung hindi iyong nasa accounting… Ridge Gonzales.
“Tang ina, magkaibigan talaga tayo.” Talagang magkapatid pa ang tipo!
Naguguluhan siyang pinagmasdan ni Lyle. “Anong ibig mong sabihin na magkaibigan talaga tayo? Sa’n mo napulot ‘yan?”
“Wala! Sikret! Do’n, puntahan na natin.”
Baka makita rin nya kasi si Aaron bilang kapatid nito si Ridge at kanina e lumabas din naman ito. Baka lang naman. Umaasa e.
E kaso walang Aaron pagkaakyat nila ng classroom ng mga taga-accountancy. Tang ina. Hindi pa naman siya kuntento na isang beses lang nya nakita si Aaron kanina.
Nagmumukmok pa tuloy siya.
“Ang gwapo ni Ridge ngayon, sana pala kinuhanan ko ng litrato kanina no’ng dumaan tayo,” ani Lyle bago ito bumuntong hininga.
Inismiran nya lamang ang kaibigan. “Ang creepy mo naman kung gano’n, ‘tsaka ‘di ba may jowa na ‘yon?”
“Oo, ka-schoolmate rin namin dati noong high school.”
“Lalaki?”
“Oo! Nagulat nga ako kasi ang buong akala ko, straight si Ridge. Halos buong high school life kasi namin, babae ang kasama nya tapos bigla, isang araw sila na no’ng best friend nya.”
Ito na naman sa lumang kwento ni Lyle. Medyo matagal-tagal pa na nag-rant ang kaibigan tungkol kay Ridge pati iyong boyfriend nito na Zamiel daw ang pangalan pero nasa ibang bansa.
Siya naman, panay ang biro na agawin si Ridge pero binabatukan lang siya ni Lyle. Nagbibiro lang naman siya, tinitignan kung bibigay ba ito e. Matigas naman ang ulo kaya mukhang hindi makikinig sa kanya. Buti naman.
“E iyong kuya no’n, si Aaron Gonzales, professor ko ‘yon ngayon e. ‘Di ba magkapatid sila no’ng Ridge?” pag-uusisa nya.
Natigilan sandali si Lyle bago ito tumango. “Oo nga pala, professor mo iyong kuya ni Ridge. Ang galing nya magturo, ‘no? Professor din namin siya last semester pero temporary lang kasi nag-leave lang sandali no’n iyong original naming prodessor.”
“Magaling nga, ‘di ko pa rin naman maintindihan. Hina ko kaya sa english-english na ‘yan.”
Mahinang tumawa si Lyle. “Gwapo rin iyon si sir Gonzales, e. Pareho silang magkapatid na pang-out of this world ang ganap.”
Tumango-tango si Keegan dahil sang-ayon siya rito.
Gwapong-gwapo rin naman talaga siya kay Aaron. “Mismo, madalas ko ngang tignan ‘yon si sir Aaron dahil ang gwapo talaga e—”
“Crush mo?” agap ni Lyle sa kanya na dahilan para matigilan siya.
Bahagyang namimilog ang mga mata nya habang pinagmamasdan ang kaibigan. “Anong ibig mong sabihin? Sinong crush ko?”
“Si sir Aaron, kamo madalas mong titigan e.” ‘Tsaka naman pilyo pang ngumisi si Lyle. “Napansin ko nga rin na ‘pag napapadaan siya tapos magkasama tayo, ititigil mo talaga lahat ng ginagawa mo tapos tititigan mo lang siya dumaan.”
Putang ina.
Napalunok siya’t medyo napaatras. Noon lang naramdaman ni Keegan na ang init din pala sa kinaroroonan nila, iyong canteen sa tapat mismo ng eskwelahan nila, e wala pa namang electric fan dito. Hindi nya alam kung naiinitan ba siya dahil nahuli siya ni Lyle o dahil walang hangin na dumadapo sa balat nya e.
“O ba’t ‘di ka makasagot? ‘Di ba madalas, mabilis kang dipensahan sarili mo ta’s marami kang nasasabi?” panunudyo pa ni Lyle.
Muntik masamid si Keegan sa sariling laway. “Ga—gago! Wala lang, e ba’t ba? Iniisip ko kasi kung anong sasabihin ko dahil ilang beses mo na ‘kong ginaganito kahit sinabi ko naman nang ‘di ko gusto si Aaron!”
“Naubusan ka lang ng idadahilan sa akin, e.”
“Pakyu!”
“Hindi nga?” Umusog pa si Lyle palapit sa lamesa para lang mas makita ang itsura nya. “Kaya ba nagsasabi ka kanina na kaya tayo magkaibigan e dahil magkapatid iyong gusto natin?”
“King ina mo, Lyle!”
“Ano nga? Oo o hindi?”
Tang ina, ayaw nyang sumagot! Ipinikit pa ni Keegan ang mga mata bago nya ipinilig ang ulo nang maiwasan ng tingin si Lyle pero hindi, wala, mas lalo lang siyang nahuli dahil hindi siya sumasagot.
“Keegan, magkaibigan tayong dalawa. Isa pa, aware ka rin naman na lalaki rin ang gusto ko…” kalauna’y punto nito bago nagpahalumbaba sa lamesa. “Kung natatakot ka na baka husgahan kita, trust me, ‘di mangyayari iyon dahil ayokong gawin sa ibang tao iyong naranasan ko no’ng aminin ko sekswalidad ko.”
“Alam ko,” aniya sa maliit na boses, medyo pareklamo pa ang boses nya.
“So, gusto mo rin talaga si sir Aaron?”
Sumagitsit si Keegan bago humalukipkip. “‘Di naman sa gusto pero natutuwa ako sa presensya nya. Katulad nga ng sinabi ko kanina, maganda siyang lalaki kaya madalas ko ring titigan. Nakakatuwa ‘pag meron kaming maiiksing interaksyon, mag-uusap sandali gano’n, o ‘di naman kaya e kakawayan nya ‘ko o kami ng mga kaklase ko ‘pag mapapadaan kami.”
Ang bilis ng tibok ng puso nya, parang ayaw kumalma.
Sa totoo lang, labag sa loob nya magkwento kay Lyle pero may punto kasi ito. Ang alam nya, bago nya pinulot ang isang ito mula sa cafeteria, natagpuan nya itong binu-bully dahil sa sekswalidad nito, ina-isolate ng mga ka-team dahil daw lalaki ang gusto at baka pinagnanasaan na ang mga ito.
Ayun, naging close sila mula noon. Kaya dapat alam nya, mas maiintindihan dapat kaysa sa ibang tao, na hindi siya huhusgahan o aasarin ni Lyle.
“Boy crush?” tanong ni Lyle.
Nagkibit balikat siya. “Aba, malay ko. Basta masaya ako ‘pag nakikita ko ‘yon si sir Aaron ta’s nabubuo araw ko.”
“Wait lang, come to think of it…” Ipinilig ni Lyle ang ulo bago siya nito tinuro. “Kahit kailan ‘di kita narinig na magkwento ng mga crush mo. Kahit babae. Ngayon ko lang nalaman na crush mo si sir Aaron, are you also gay?”
“Hindi! Gusto ko pa rin ng babae pero wala akong makita na interesado ako.”
“Ah, okay.” Tumango-tango si Lyle. “Mabalik kay sir Aaron, na-imagine mo na bang maging boyfriend siya?”
“Maging ano—?” Napasinghap si Keegan sa tanong ni Lyle at nang sumagi sa isip nya ang tanong nito, parang bigla siyang hindi marunong huminga bigla.
Basta! Tumigil siya huminga, pati iyong puso nya, sandali nyang hindi naramdaman tumibok hanggang sa bigla na lang ang bilis ng tibok, para siyang nasasakal— ang hirap huminga.
Pakiramdam nya rin, namula iyong mga pisngi nya lalo na nang mas lumawak ang pagkakangisi ni Lyle.
Hindi! Hindi nya naisip na maging boyfriend si Aaron pero… pero kung bibigyan siya ng pagkakataon? King ina, susunggabin kaagad nya ang oportunidad na mapalapit sa guro.
Hindi ba siya swerte noon?
Tang ina, ang gwapo pa naman ni Aaron at mukhang mabait kahit nakakainis ang pagkapilyo kapag sinaniban. Naisip ba nyang mainggit sa boyfriend noon na on and off naman daw? Oo, madalas, pero hindi talaga nya iyon madalas pansinin.
“Natulala ka, nag-iimagine ka siguro kung pa’nong ang swerte mo kung sakaling maging kayo?” panunudyo pa ni Lyle sa kanya.
Pagak na tumawa si Keegan noong mabawi ang tindig ‘tsaka nya itinaas ang isang kamay para pakyuhan si Lyle. “Tang ina mo, ‘wag mong binabasa nasa isip ko.”
Kabanata 9
KABANATA 9
ㅤㅤㅤㅤSIMULA noong maamin ni Keegan kay Lyle na may gusto siya kay Aaron, parang kahit paano e nabawasan iyong bigat ng damdamin nya t’wing nagpipigil siya ng nararamdaman tuwing makikita si Aaron. Mas masaya kung ang kasama nya tuwing dadaan sila sa faculty e si Lyle dahil ngingisi-ngisi lang ito pero hindi magre-react. May alam pero tahimik.
Hindi katulad ni Joshua na kailangan, magkukunwari pa siyang ibang tao ang ipinunta sa faculty. Kainis.
“Ang gwapo rin ni sir Aaron ngayon,” pilyong puri ni Lyle sa guro bago siya nito pinasadahan ng tingin.
Inismiran nya ang kaibigan. “Gano’n talaga, Aaron Gonzales ‘yon e. Iyon bang crush mo, ba’t mukha na namang puyat?”
“Ha! Gagi ka, ang gwqpo nga ni Ridge ngayon. Palibhasa hindi mo madalas makita iyong mukha.”
“Paano ko makikita e laging tulog?!”
“Hayaan mo siya! Meron siyang chronic illness kaya madalas siyang gano’n. Kahit naman si sir Aaron pero mukhang mas mild iyong kanya.”
“Ang stalker na ng dating mo. Lahat alam tungkol sa mga Gonzales.”
“Hindi lahat!” dipensa ni Lyle bago siya nito sinimangutan. Natigilan din ito nang mayroong mapansin. “Oy, Keegan, tabi ka—”
Ha—?
Bago pa man masunod ni Keegan ang advise ni Lyle na tumabi, hindi na siya nakagawa pa ng kilos noong bigla na lamang mayroong bumunggo sa kanya. Napaatras pa siya at nabunggo rin si Lyle na noon ay sumalo naman sa kanya nang hindi sila matumba nang tuluyan.
‘Potang ina,’ mura nya sa isip bago nya tinignan kung sinong bumunggo sa kanila.
Kahit si Lyle, parang naiirita siyang tinulak nang mahina nang umayos sa pagkakatayo, habang ito namang nakasandal sa kanya e hindi malaman kung ano ang gagawin. Hindi naman nagtagal e umayos din ito sa pagkakatayo pero mukhang natataranta rin nang mag-angat ng tingin sa kanya.
Kunot ang noo nyang pinagmasdan ang dalaga nang mapansin nyang may mga kasama itong nasa likuran nito at naghahagikhikan.
‘Problema ng mga ‘to? Nanti-trip?’ naiirita nyang tanong sa sarili.
Bumaling siya kay Lyle. Kunot din ang noo nito dahil hindi natuwa sa sadyang pagtulak noong dalaga sa kanilang dalawa.
“Tara na,” pag-aaya nya kay Lyle.
Tumango naman ang kaibigan pero bago pa man sila makahakbang talaga, mula sa gilid ng mga mata nya, nakita nyang mas nataranta iyong babaeng itinulak sa kanya. Mukhang mayroon din itong gustong sabihin pero inirapan na lang ni Keegan dahil nawala siya sa mood at ayaw nya iyong pinagtitripan.
Isa— dalawang hakbang siguro, nang bigla na lamang sumigaw ang isang kasama nito.
“Kuya, crush ka raw ni Ivy! Pwede raw ba makuha number mo?” anito.
Napaismid si Keegan lalo na noong pasadahan siya ng tingin ni Lyle at tila ba nanunudyo rin bigla. “‘Wag mong pansinin, king ina mo e. Alam mong pinagtitripan tayo, bubwelo ka pa.”
“Baka kasi mamaya, totoo. Parang kinilig si ate no’ng bumunggo sa ‘yo, e. Ikaw, a? Ang gwapings mo naman.”
“Gwapings, amputa. Kadiri!”
“Kuya! Crush ka raw ni Ivy!” ulit pa noong isang kaibigan noong nakabunggo sa kanila.
Hindi man lang lumingon si Keegan at sa halip e nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Noong medyo malayo na sila ni Lyle, parang narinig pa nyang pag-usapan sila ng mga ito tapos sabihan na ‘snobber’ daw siya.
Tumawa pa nga si Lyle.
“Tang ina ng mga ‘yon, walang magawa,” reklamo nya habang pababa sila ng hagdan. “Dinaanan ko lang naman sa faculty si sir Aaron, wala sa bucket list ko ngayong araw mapagtripan.”
Natatawa siyang pinagmasdan ni Lyle bago ito umiling. “Pero alam mo, kung totoo man iyong sinabi nila na crush ka no’ng tinulak nila sa ‘yo, ang ganda no’ng babae.”
“Aba, malay ko. ‘Di ko man siya tinignan e.”
“Ha?! Ba’t ‘di mo tinignan?”
“Na-bad trip ako kasi tinulak na nga sa akin, ayaw pang umayos agad sa pagkakatayo.” Sumagitsit siya. “Si Aaron lang naman pakay ko ro’n kaya ‘di ko na rin naisip tignan nang maayos itsura noong Ivy kuno.”
“Maganda siya… grabe naman ‘to, masyado ka kasing patay na patay kay sir Aaron e.”
“Aba syempre, priorities first!”
ㅤㅤㅤㅤPARANG ilang beses pa yatang nakasalamuha ni Keegan iyong Ivy pati iyong barkada noon?
Hindi nya alam kung anong kurso ni Ivy pero base sa unipormeng suot nito, parang tourism. Kung sa bagay, matangkad ang isang iyon. ‘Tsaka na lang din napansin ni Keegan na maganda pala talaga noong minsan na mapadaan siya tapos muntik ulit itulak sa kanya ang dalaga, ang bilis lang din talaga nyang nakaiwas.
Tulad ng sinabi nya, si Aaron ang pakay nya sa building na ito.
“Ivy! Nandiyan crush mo!” panunudyo ng mga barkada ni Ivy noong makita siyang dumaan.
Tumigil kaagad si Keegan sa paglalakad nang makita ang mga ito at imbes na dumiretso, tumalikod siya’t naisip na dumaan na lang ulit sa faculty nang makita na lang ulit si Aaron. Pampalubag loob bago siya ma-bad trip.
“Hoy, kuya! Ang snobber talaga nito, paiyak na si Ivy namin!” anito pa.
‘Pakialam ko?’ aniya sa isipan bago sumilip ulit sa faculty noong nasa tapat na siya ng bintana.
Nakita nya si Aaron na abala pa ring magtipa sa laptop nito pero nang mapansin yata ang presensya nya, tumigil sa pagtitipa ‘tsaka nag-angat ng tingin. Noong magtama ang mga mata nila, awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi ng guro ‘tsaka ito kumaway.
Tang ina talaga.
Ang bilis ng kabog ng dibdib nya pero tinanguan lang nya si Aaron bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Kunwari nonchalant kahit na sa kaloob-looban nya, kilig na kilig na siya. King ina, nawala na bad trip nya roon sa Ivy and friends. Kawayan ba naman siya ng crush nya.
Pababa na sana ulit siya ng hagdan at naisip na puntahan si Lyle kung sakaling vacant man nito noong may marinig siyang mga yabag na palapit sa kanya. Parang patakbo, pero hindi nya dapat papansinin kaso…
“Kuya!”
Kumunot ang noo ni Keegan dahil nandiyan na naman iyong Ivy. Alam nyang ito na iyon at hindi barkada nito dahil minsan na nyang narinig ang boses nito.
Malambing din, pero eh.
Dahil halos pababa na siya ng hagdan, tumigil siya sa parang pahingaan tapos hagdan ulit bago nya nilingon si Ivy. Nasa ikalawang palapag pa rin ito ng building at tila ba habol hiningang nakatingin sa kanya na para bang nag-aalangan din. Pulang-pula rin ang mga pisngi, ang kamay nito, nakalagay sa may dibdib nito at parang pinapakiramdaman ang sariling puso.
Kailangan ng isang iyan?
“Noong nakaraan pa kayo,” naiiritang panimula nya.
Napaatras si Ivy bago ito napalunok, mukhang tinapangan din muna nito ang sarili bago sumagot, “pero totoo naman kasing gusto kita…”
Ah, okay.
Nag-iwas ng tingin si Keegan dahil pakiramdam nya, pinagtitripan pa rin siya ng isang ito. Ika nga nya, hindi naman siya kagwapuhan kaya bakit may magkakagusto sa kanya? Lalo na, tiga-ibang course pa. Hindi naman nya madalas makita iyan kaya paanong magkakagusto sa kanya?
Maglalakad na sana ulit paalis si Keegan dahil wala siyang enerhiya na i-reject iyang Ivy noong pigilan siya ulit ng dalaga.
“Okay lang kung ayaw mo sa ‘kin pero pwede ko bang makuha iyong number mo?” tanong pa nito.
Napahalakhak siya bago umiling. “Hindi.”
Pagkatapos nyang sumagot, ‘tsaka siya tuluyang umalis.
ㅤㅤㅤㅤ“TUMUTUGTOG ka pala?”
Natigilan si Keegan noong marinig ang boses ni Aaron mula sa likuran nya. Kahit si Lyle na kasama nya noon, biglang natameme nang marinig ang boses nito ‘tsaka sila sabay na napalingon sa direksyon kung saan galing ang boses ni Aaron.
Audition noon para sa school band nila.
Dahil marunong na si Keegan tumugtog at gusto nyang mahasa pa ang skills nya bago siya sumali sa banda nina Renzo, ang suhestiyon sa kanya e sumali muna sa school band para magkaroon ng experience. E marunong na rin siyang tumugtog, kampante pa, kaya sinunggaban nya kaagad iyong oportunidad nang makakuha siya.
Hapon na noon at wala siyang klase. Si Lyle, may pasok pero sinasamahan muna siya habang nag-eensayo siya… nang dumating si Aaron.
“Nakakaistorbo ba ‘ko?” tanong pa ng guro bago ito humila ng upuan na medyo katabi ni Lyle. “Ay oh, ikaw pala Villariza. Magkakilala pala kayo ni Chavez.”
Tumango si Lyle at ngumiti. “Oo sir, no’ng first semester bigla nyang binulabog buhay ko e.”
“Nice. Mabuti naman at meron kang kasa-kasama ngayon, dati kasi ang loner mo.”
Awtomatiko siyang sumimangot ‘tsaka nya pinasadahan ng tingin ang kaibigan. Tang ina nito, nakaupo na lang, nakatabi pa si Aaron. Mabuti na lang at nakuha kaagad ni Lyle ang pinapahiwatig nya dahil mahina itong tumawa at pasimpleng umusog palayo kay Aaron.
Ayan. Buti nagkakaintindihan sila. Tatapyasan nya talaga sa batok ang isang ito kahit magkaibigan sila.
Hindi pwedeng ito lang ang masaya! Dapat siya rin! Kahit alam nyang nasa kanya naman na ang atensyon ni Aaron.
“Hindi, hindi,” kalauna’y sagot ni Keegan nang makuntento siya sa distansya ni Lyle kay Aaron. “Tumutugtog ako, sasali nga sana ako sa banda ng school natin, sir. Tingin mo ba, papasa ako?”
Nagkibit balikat si Aaron bago ito nagpahalumbaba. Nakangiti rin jto habang nakatitig sa kanya. “Mukha ka namang magaling. Pa-sample nga.”
“Oo sir, magaling talaga ‘yang si Keegan,” sabad naman ni Lyle.
“Pa-sample naman,” pag-uudyok ni Aaron.
“Pag-isipan ko, sir,” pang-aasar nya pero inayos nya rin naman iyong pagkakasukbit ng electric guitar nya.
Minsan na lang magkaroon ng tsansang magpapansin, bakit hindi pa nya susunggaban, ano?
‘Crush lang naman ‘to. Normal lang na magpa-impress sa crush,’ pangungumbinsi nya sa sarili. Normal lang itong kurso ng mga aksyon nya.
“Sway—” simpleng aniya ‘tsaka tinugtog iyong simula hanggang chorus ng kanta ni Michael Bublé.
Sa buong isa’t kalahating minuto na tumutugtog sa kanya, parang nahihilo si Keegan sa tuwa dahil sa kanya lang talaga nakatuon ang atensyon ni Aaron. Ni hindi nito magawang tumingin sa iba, minsan may maririnig siyang puri mula rito, kaya mas ginaganahan siyang tumugtog.
Nang matapos, ‘tsaka nya mabilis na inalis ang pagkakasukbit ng gitara mula sa balikat at lumapit kay Lyle para sa tabi nito iyon ipwesto. Sina Aaron at Lyle naman, parehong pumapalakpak noong mga oras na iyon.
“Ang galing, parang papasa kaagad ‘to a,” komento ni Aaron.
Nginisian nya ang guro. “Syempre, ako pa. Medyo matagal din akong nag-ensayo, ‘di pa nga ako sobrang magaling kasi madalas pa rin akong tinuturuan ng mga kaibigan ko.”
“As someone who doesn’t play instruments at all, that was already a great performance. Isa pa, ‘di naman kailangang magaling na magaling ka talaga. Marami ka pang experience na makukuha ‘pag pumasa ka sa audition, matututukan ka, Keegan,” sagot naman ni Aaron.
Pinasadahan nya ng tingin si Lyle at mukhang mayroon din itong gustong sabihin pero ngumiti na lamang sa kanya.
Baka ayaw sirain iyong moment nila ni Aaron? King ina, ang bait ng isang ito. Ilalakad nya talaga si Lyle sa crush nito minsan.
“Salamat! Sana talaga pumasa ako mamaya, kinakabahan ako,” aniya.
Humalakhak si Aaron bago ito umahon mula sa kinauupuan. “Papasa ka, Keegan. Ikalma mo, ‘di naman lahat ng sasali ro’n, tatanggapin din agad e. Kung ‘di para sa ‘yo ngayon, sumali ka na lang sa susunod o sa mas maliit muna – sa banda ng institute ninyo.”
“Meron?”
“Oo, alam ko meron dahil may battle of the bands t’wing institute days e. Sali ka rin do’n ta’s malay mo, mapansin ka tapos isali ka rin sa school band kung ‘di ka papasa ngayon. Basta, experience muna.”
Putang ina. Kinikilig siya. Ang daming advise sa buhay ni Aaron at hindi nya maiwasang kiligin, ang bilis pa ng tibok ng puso nya dahil parang kampanteng-kampante ito na papasa siya sa audition.
Ngising-ngisi tuloy siya.
“O siya, mauuna na ako,” paalam ni Aaron bago nito tinapik ang balikat nya. “Good luck sa ‘yo mamaya, Chavez.”
“Salamat, sir!” sagot naman nya.
Matapos iyon, umalis din si Aaron. Nang wala na ito sa paningin nila ni Lyle, ‘tsaka pa lamang siya umupo sa kaninang inupuan ni Aaron. Wala, dagdag motibasyon lang at swerte dahil nananalig siyang papasa rin siya kaagad.
“Kinikilig ka na naman,” puna ni Lyle sa kanya dahil halos abot tenga na ang ngiti nya.
Humalakhak siya’t humawak sa tiyan bago lumingon sa paligid para tignan kung meron bang nakakakita sa reaksyon nya ngayon.
“Tang ina tol, kinikilig ako ro’n. Ayaw pa nyang sirain eye contact namin. Pa’no ba ‘yon? May tsansa na ba ako?” tanong nya.
“Delusyonal,” sagot naman ni Lyle bago siya nito pinaikutan ng mga mata.
Nanunudyong sinisiko-siko ni Keegan si Lyle na noon ay napapailing na lang sa mga kalokohan nya.
Hindi nagtagal, natigilan ang kaibigan nang mukhang may mapansin. Siya rin tuloy e nakuryoso kung anong biglang nakapagpatigil dito kaya kunot noo nyang ipinilig ang ulo.
“O, napa’no ka?” tanong nya kay Lyle.
Kumunot din ang noo nito kalaunan bago bumaling sa kanya at pasimpleng may itinuro. “‘Di ba ang kwento mo no’ng nakaraan, may gusto pala talaga sa ‘yo iyong babaeng itinulak sa ‘yo dati?”
“Huh? Wala akong sinabing ganyan, a. Sabi ko lang, umamin pero ‘di ko alam kung totoo. Hiningi pa nga numero ko.”
“O edi totoo ‘yon, tanga!” Halos batukan siya ni Lyle pero mas pinili nito na mapahilamos na lamang ng mukha. “Anyway, that’s not the point din naman. Nandiyan o, nakadungaw pala sa may building na ‘yon. Kanina ko pa napapansin pero ‘di ko alam na siya pala.”
“Sino? Iyong Ivy?”
“Oo, I think. Tignan mo kaya. Feeling ko nakita ka ring tumugtog, e. Baka mamaya, mas lalo kang maging crush.”
“Inamo, ‘wag kamo! Si sir Aaron pa gusto ko.”
“Ikaw magsabi sa kanya.”
“Ayoko nga. Tang ina, hirap umamin ngayon.” Ipinagkrus ni Keegan ang mga braso bago siya sumandal sa backrest ng kinauupuan. “Dali nga, humarang ka riyan, Ly! Ayokong makita niyan.”
Bagamat parang natatawa na lamang ang kaibigan sa kanya e sinunod pa rin nito ang request nya. Hindi naman sobrang harang pero sapat para hindi makita ni Keegan ang itsura noong Ivy kung babaling siya kay Lyle.
Kanina naman hindi nya napansin, e. Pero dahil naipunto na ng kaibigan, baka wala pa siya sa sariling mapatingin doon. Kainis.
Bumuga siya ng marahas na hangin at kinamot ang ulo.
“Naiinis ka talaga ro’n?” pag-uusisa ni Lyle.
Eh. Nagkibit balikat siya. “‘Di naman sa naiinis. Malay ko ba kung ano iyong totoo, ‘di lang ako kumportable dahil ‘pag napapadaan ako ro’n sa room nila e parang pinagtitripan lang ako.”
“E ‘di ba umamin nga sa ‘yo?”
“Malay mo rin ba kung totoong may gusto sa ‘kin?” Itinuro pa nya ang sarili na para bang may pilit ipinupunto. “Sa itsura kong ‘to? Alam kong ‘di ako gwapo, inang ‘yan. Ako pa talaga napagtripan.”
Hinampas ni Lyle ang braso nya. Hindi iyon mahina, kung hindi malakas dahil lumagatak iyong palad nito sa balat nya!
“Gago ka, ang lakas nga ng appeal mo! Feel ko, iyon dahilan ba’t ka rin nagustuhan no’n,” pagpakli ni Lyle.
“O edi wow…” Sumagitsit din siya habang hinihimas ang parte ng braso na nahampas ni Lyle. “Tang ina mo tol, ang sakit ng hampas mo. Galit na galit.”
“Ay!” Humalakhak si Lyle nang mapagtantong namumula nga ang braso nya. “Sorry! Nadala lang ako Kee, dina-down mo kasi sarili mo. Masyado ka namang walang bilib sa sarili mo ‘no.”
“Kung si Aaron magsabing malakas appeal ko o cute ako, maniniwala agad ako pero ‘pag ikaw parang nang-uuto ka lang e. Wala akong pera!”
“Tang ina mo talaga. Miminsan lang kita puriin, ayaw mo pa tanggapin!”
Humalukipkip siya.
Magdadrama pa sana siya noong biglang mag-alarm ang celphone nya— at ang indikasyon kasi noong alarm na iyon e malapit na magsimula ang audition, kailangan na nyang mag-ayos at ihanda ang sarili.
Awtomatiko tuloy na napatuwid sa pagkakaupo si Keegan bago siya namumutlang humarap kay Lyle. Ang bilis din ng tibok ng puso nya, parang lalabas sa katawan nya, king ina.
“Malapit na mag-start audition mo,” puna ni Lyle bago nito tinapik-tapik ang braso nya. “Hoy, namumutla ka. Kinakabahan ka?”
“O-oo,” pag-amin nya.
Nginisian siya ng kaibigan bago ito muling tumawa. “Kaya mo ‘yon, ‘di ba nga sabi pa ni sir Aaron mo, makakapasa ka kasi magaling ka? E kung hindi, sa banda ka muna ng institute nyo mag-apply.”
Ah! Tang ina! E gusto ni Keegan sa school band nila, nakakainis!
Pero sige, tutal words of wisdom ni Aaron iyon, papakinggan nya iyong crush nya. Words of encouragement din pala iyon. Isipin na lang nya ngiti ni Aaron para masayang-masaya siya sa buhay nya.
Nag-aalangan man at kinakabahan, umahon si Keegan mula sa kinauupuan para kunin ang electric guitar na itinabi kay Lyle at ilagay iyon sa loob ng bag nito. Nang matapos, isinukbit nya iyon sa balikat kasabay ng bag nya.
“O siya, p’re, mauuna na ako,” paalam nya kay Lyle.
Naaaliw siyang pinanood ng kaibigan bago ito nag-thumbs up sa kanya. “Relax ka lang, Kee. Makakapasa ka, okay?”
“Salamat…” Medyo nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili dahil sa kaba pero nananalig siya sa words of wisdom ni Aaron.
Pagkatapos magpaalam kay Lyle dahil may last subject din itong kailangan daluhan, lakad-takbong umalis si Keegan. Dumaan na siya sa tapat ng building kung nasaan nakadungaw iyong Ivy at napansin din naman nya ang dalaga, napatingin pa siya sa direksyon nito e, hindi lang nga nya pinuna o pinagtuunan ng atensyon nang matagal.
Bago pa man makalampas sa building na iyon si Keegan, narinig nya ang boses ni Ivy.
“Good luck!” sigaw nito. “Ang galing mo tumugtog, sana makapasa ka sa audition!”
Paano nito nalaman na kasama siya sa mag-o-audition para sa school band— ay sandali, may dala nga pala siyang electric guitar at nagpasikat pa nga pala siya kay Aaron kanina kaya siguro nalaman nito. One plus one lang iyon kaya siguro binati siya ng good luck.
Lihim siyang bumuntong hininga at sumimangot. Lalo na at kasabay ng pagsigaw nito ng good luck ay ang pangangantyaw ng mga kaibigan nito sa dalaga.
Pakiramdam talaga nya, pinaglalaruan lang siya e.
Putang ina ng good luck noon, baka malasin siya. Baka ma-counter iyong words of wisdom ni Aaron at good luck ni Aaron. King ina, magdadrama talaga siya niyan.
Pero tulad ng nakasanayan, hindi pinansin ni Keegan ang dalaga at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad patungo sa venue ng audition.
Kabanata 10
KABANATA 10
ㅤㅤㅤㅤPARANG mahika iyong ‘good luck’ ni Aaron dahil nakuha nga ni Keegan ang spot bilang lead guitarist sa banda ng eskwelahan nila. Hindi man siya ang main pero okay lang sa kanya, hindi pa naman ganoon kalawak ang kaalaman nya pagdating sa pagtugtog ng electric guitar. Isa pa, senior nila ang main guitarist, na tuturuan daw siya dahil ga-graduate na iyon sa susunod na taon.
Hindi iyon importante.
Kumalat sa buong klase nila ang pagpasa nya sa audition kaya marami ang bumati sa kanya. Si Joshua na hindi naman madalas talaga dumikit sa kanya at tuwing trip lang nito, hindi na halos mawalay sa kanya liban na lang kung magdadahilan siya.
Ang sabi pa ni Lyle, baka raw dumidikit sa kanya para mas maagaw ang atensyon ng karamihan.
“Dadaan ka na naman sa faculty? Gustung-gusto mo talaga si ma’am Canlas, ano?” puna ni Joshua sa kanya bago siya nito inismiran. “‘Di porket nakapasa ka sa audition ng banda natin, papansinin ka no’n, tol.”
Hindi naman si miss Canlas ang pakay nya sa faculty. Gandang lalaki ni sir Aaron tapos hindi ma-consider? Kung sa bagay, hindi rin naman halata sa kanya na tuwang-tuwa siya t’wing may interaksyon silang dalawa ng binata.
“Ayun si miss Canlas o,” saad ni Joshua bago pasimpleng itinuro ang guro.
Inismiran lamang nya ang kaklase bago iginala ang mga mata sa buong faculty. Wala— wala si Aaron, mukhang may klase o hindi naman kaya ay may pinuntahan.
Bumagsak ang mga balikat nya. Malas talaga sa buhay si Joshua e.
“Wala, tara na,” aniya naman bago nagtuluy-tuloy sa lakad.
Naguguluhan siyang sinundan ng kaklase. “Wala? Sinong wala? ‘Di ba si miss Canlas naman madalas mong pinupuntahan doon?”
Hindi sumagot si Keegan dahil na-bad trip na siya na wala si Aaron sa faculty. Hindi pa nakatulong na ayaw ni Joshua na dumaan ulit sa hagdan kung sa’n sila orihinal na galing, kaya kailangan na naman nyang daanan iyong mga barkada ni Ivy na nakatambay sa may pasilyo.
Hinugot ni Keegan ang celphone ‘tsaka nya hinanap ang contact ni Lyle. Iniisip nya kung iti-text nya ng random words pero iyon nga ang ginawa nya dahil ayaw nyang maka-eye contact na naman si Ivy.
“Hi!” bati naman ni Ivy sa kanya noong dumaan siya.
Nabigla siya nang medyo gumalaw ito mula sa kinatatayuan. Nasa gilid kasi ito ng pasilyo pero mukhang parang babanggain siya makuha lang atensyon nya kaya natigilan siya’t nag-angat ng tingin. ‘Tsaka nya naman nakasalubong ng tingin ang dalaga.
Shuta. Sabi nya ayaw nya e.
“Hello, Keegan,” bati pa nito sa kanya ulit bago halos maningkit ang mga mata nito kakangiti.
Kumibot ang isang kilay nya bago siya napilitan ding ngumiti. “Hi.”
Pagkasabi nya niyan, ‘tsaka nya hinablot iyong braso ni Joshua na tila ba nagulat para lang makaalis kaagad sila sa lugar na iyon dahil nagsipagtilian na iyong mga kaibigan ni Ivy. Porket binati raw nya pabalik, samantalang napilitan lang naman siya dahil na-corner siya. Porket baka raw magkaroon ng pag-asa si Ivy— wala! Si Aaron ang gusto ni Keegan.
“Keegan, just one chance raw, si Ivy na manliligaw!”
Paano nya sasabihing ‘hindi bale na’?
Hindi na nilingon pa ni Keegan ang gawi nina Ivy pero si Joshua, panay ang pagbalik ng tingin doon. Hindi nya alam kung ispisipiko pa bang si Ivy ang tinitignan pero baka dahil ang dalaga ang pinaka kapansin-pansin doon.
“May gusto sa ‘yo ‘yon? Aba, iba ka Keegan a,” pangangantyaw din ni Joshua bago nito inagaw ang braso nito mula sa kanya’t pabiro siyang siniko. “Ang ganda no’n, pa’no mo nahila? ‘Wag mong sabihin na ginayuma mo pala?”
“Tanga, ni ‘di ko nga nakakausap nang maayos ‘yon,” sagot naman nya. “Isa pa, ‘di ako naniniwalang may gusto sa ‘kin. Baka trip lang ako dahil madalas akong dumaan do’n.”
Sumipol si Joshua bago ito humalakhak. “Kung sa bagay, ako rin ‘di naniniwala na may gusto sa ‘yo iyon o hindi kaya liligawan ka pa? ‘Di ka naman gwapo, no offense.”
“Ah, oo.”
“Kung gusto ka man din no’n, ang swerte mo naman kung ikaw pa ang liligawan?”
“Oo sige,” walang ganang sagot nya bago siya pagak na tumawa.
Ipinangalandakan pang hindi nya deserba iyong atensyon ni Ivy. Alam naman nya, hindi rin naman siya interesado sa dalaga dahil na kay Aaron ang atensyon nya. Si Aaron din naman gusto nya.
“Ayaw mo ro’n? Agawin ko na lang sa ‘yo,” sabi pa ni Joshua.
Inismiran nya ito. “Edi agawin mo, ‘di naman ako interesado sa kanya.”
“Sus, ang lakas mo naman. Palibhasa mas gusto mo si ma’am Canlas, e.”
“Oo na lang.” Si Aaron nga ang gusto nya, hindi si miss Canlas! Ang kulit.
“O sige basta tol, a? Isama mo ‘ko ulit kapag dadaan ka rito para kunin ko atensyon.”
“Kung sa’n ka masaya, Joshua.”
Natigilan si Keegan noong marinig na nag-ping ang celphone nya. Nang tignan nya, ‘tsaka nya nakita ang pangalan ni Lyle, nagtatanong kung bakit daw siya nag-send ng kung anu-ano sa messenger at nasaan siya.
Awtomatiko rin tuloy na sumilay ang ngiti nya. Sawang-sawa na siya na kasama si Joshua!
“Mauuna na ako,” maiksing paalam nya lang kay Joshua bago siya bumalik sa kung nasaan sina Ivy.
Doon na lang siya dadaan dahil mas malapit sa building nina Lyle. Alangan namang umikot pa siya ulit, mapapagod lang talaga siya.
Hindi na nakapag-react pa si Joshua nang iwanan nya ito. Nadaanan din ni Keegan ulit sina Ivy pero bago pa man makabati ang dalaga sa kanya ay pinapasok na ang mga ito ng guro. Buti na lang at hindi na siya maiistorbo.
ㅤㅤㅤㅤUSO ang facebook, alam ni Keegan. Naka-public din ang profile nya at hindi nya iyon maitatago kung kani-kanino… maliban na lang kung may gusto siyang i-block, pero wala naman, kaya nang makita nya ang pangalan ni Ivy isang araw sa friend requests nya, kumibot na lang ang isang kilay nya.
Second year. First semester.
Enrollment nila noon nang maisipan ni Keegan na buksan ang facebook nya dahil nababagot na siya. Kasabay nyang mag-enroll si Lyle pero wala ang atensyon nito sa kanya dahil hinahanap nito ang crush nitong si Ridge.
Nakapila silang dalawa ni Lyle sa may finance dahil doon ang unang step. Maaga rin silang pumunta nang mabilis na makapag-enroll.
“Wala pa si Ridge…” nag-aalalang sabi ni Lyle.
Pinasadahan nya ng tingin ang kaibigan bago siya bumuntong hininga. “Alam mo, OA ka. Darating din iyon mamaya, tol. Tulungan mo muna ako kung anong gagawin ko sa friend request noong Ivy.”
Sinimangutan siya ng kaibigan. “Edi i-reject mo kung ayaw mo. Ba’t mo pa ba ako tinatanong e alam mo naman ang gagawin?”
“Oo nga naman…” aniya sa sarili bago ibinalik ang atensyon sa friend request ni Ivy.
Decline naman talaga dapat ang pipindutin nya.
Iyon naman talaga dapat.
E kaso bobo daliri nya, ang napindot, accept!
“Tang ina!” sigaw nya na ikinagulat hindi lang ni Lyle kung hindi pati iyong mga estudyanteng kasabayan nila dahil napapitlag din ang iilan sa mga ito.
Awtomatikong natakpan ni Keegan ang bibig dahil nagulat din siya na ganoon kalakas ang mura nya. Baka mamaya, hindi pa siya tanggapin ng finance sa pag-eenroll dahil sisigaw-sigaw siya rito.
“Napa’no ka?” takang-taka na tanong ni Lyle bago ito lumapit sa kanya para tignan kung ano ang kalokohang ginawa nya.
Ibinuka ni Keegan ang bibig para magsalita ngunit bago pa man siya tuluyang may masabi, nabigla siya nang mayroong humawak sa ulo nya’t guluhin ang buhok nya.
Maiinis na sana siya e, kaso narinig nya boses ni Aaron.
“Ang aga-aga, nag-eeskandalo ka na naman sa ingay mo. Ba’t ka na naman sumisigaw, Chavez?” tanong nito sa kanya.
Lahat ng inis nya, napawi. Napalitan kaagad ng kilig lalo na noong mag-angat siya ng ulo at makitang halos nakadikit na pala si Aaron sa kanya at medyo malapit na ang mukha nito sa kanya.
Nataranta ba siya? Pinilit nyang hindi dahil miminsan lang naman nya maka-face to face nang sobrang lapit si Aaron.
Ngumuso siya. “Sorry na, nadulas lang naman kasi daliri ko ta’s may nagawang kapalpakan.”
“Iyon lang? Ang OA mo naman,” nakangising anito bago binitawan ang ulo nya at lumayo sa kanya. “Ang aga mo rin sa enrollment pero lagi kang late sa klase ko. Ayos ka, a?”
“Sabi ko nga, at least nakikita mo pa rin ako sa klase ko.”
“Sa susunod talaga, ibabagsak na kita niyan.”
“Sus, parang ‘di ako peyborit na ‘di makasagot sa klase.”
Pabiro siyang siniko ni Aaron bago ito umiling. “Nakakasagot ka, ‘di ka lang kampante sa sinasabi mo dahil conscious ka sa grammar mo e ayos lang naman sa ‘kin.”
Salamat sa presensya ni Aaron, nakalimutan ni Keegan ang kapalpakan nya kanina. Ang astigin pa naman nya kanina tapos ngayon, humahalukipkip na lang siya dahil inaasar siya ng guro.
“Oo nga pala tutal magkasama na rin kayo ni Villariza,” kalauna’y sabi nito bago nagpabalik-balik ang tingin sa kanya at kay Lyle. “Pupwede nyo bang samahan muna kapatid ko? Wala pa kasi barkada nya, running late rin.”
Oh? Iyong kapatid nitong laging tulog?
Sumayaw sa aliw ang mga mata ni Keegan bago nya nanunudyong tinignan si Lyle na natameme rin sa offer ni Aaron. Hindi nya alam, parang tutulala na lang ito lalo na noong sumilip mula sa gilid ng guro ang kapatid nitong halos carbon copy nito— sandali , oo nga ano, gwapo rin.
Gets na nya bakit nagustuhan ni Lyle pero hindi nya pa rin tipo, mas gusto nya iyong itsura ni Aaron na mas matured at parang mas sharp ang itsura.
“Oo naman, sir Ron!” Siya na ang sumagot para kay Lyle dahil parang naestatwa na ito sa kinatatayuan. “Basta ba, may bayad pagbi-babysit namin sa kapatid mo e.”
Ipinagkrus ni Aaron ang mga braso bago siya nito naaaliw na pinagmasdan. “Sige, ako bahala sa lunch ninyo mamaya. Bantayan nyo lang ‘to hanggang sa dumating iyong barkada nya.”
“Sige sir, ‘wag kang talk shit a?”
“Hindi nga, siguruhin nyo rin palang walang lamok o langaw na dadapo rito, a? Joke lang. O siya,” anito bago umatras para ilabas ang kapatid at udyukin itong lumapit sa kanila. “Ayan na Ridge, mga estudyante ko rin ‘yan dati si Chavez at alam ko magkakilala naman kayo ni Villariza, ano? Kung ‘di agad dumating sina Leon, babalikan kita pagkatapos ng meeting ko.”
Tinatamad na nag-angat ng tingin iyong Ridge sa kapatid nito bago ito tumango. “Oo, mukhang okay naman sila.”
Pagkatapos iwanan ni Aaron ang kapatid nito, pasimpleng sinulyapan ni Keegan si Lyle. Pumunta siya sa likuran nito at mahinang tinulak ang kaibigan nang huminga’t gumalaw naman ito dahil parang nakalimot na paano mag-function.
“Galaw-galaw, tol. Nagba-violet ka na dahil ‘di ka humihinga e,” panunudyo nya.
Pagkasabing-pagkasabi nya noon, ‘tsaka humigop nang malalim na hininga ang kaibigan. Kahit iyong Ridge, nagtatakang ipinilig ang ulo dahil ang OA ni Lyle huminga.
“Tang ina neto, napapahiya tayo e,” bulong nya pa kay Lyle.
Tinapunan siya ng masamang tingin ng kaibigan. “Ga—gago, ‘di ko lang napansin! ‘Tsaka ano… ‘tsaka…” Napalunok ito bago tumingin kay Ridge at pilit na tumawa. “I’m sorry you had to see me like that.”
“It’s okay,” mabilis namang sagot ni Ridge. Iyong ngiti nito, parang tinatamad din e. “I understand, a lot of students usually get starstruck with my brother too, anyway.”
Ano raw?
“Hindi! ‘Di ako na-starstruck sa kapatid mo! Definitely not, ‘di ko siya type,” tanggi naman ni Lyle.
Hindi rin napigilan ni Keegan ang sumimangot noong sa wakas e maintindihan nya ang tinutukoy noong Ridge.
Siya ang may gusto kay Aaron. Si Lyle, ang mga mata nito e nakatuon lang diyan sa Ridge na iyan. Manhid ba ito o walang pakialam— sandali, may boyfriend nga raw ito kaya baka mamaya e hindi aware na gusto nga ng kaibigan.
Sayang, ilalakad pa naman nya sana dahil nasa mood siya.
Ang lapit ng mukha ni Aaron sa kanya kanina. Kaunting usog, mahahalikan na nya iyon e.
“Oh, so ako type mo?” nakangisi at pilyong anito.
Napasinghap si Lyle at parang nalulon lahat ng salitang gustong sabihin. Bigla itong natameme at wala na, hindi na naman makapag-function, halos kumibot tuloy ang isang kilay ni Keegan dahil king ina, nakakahiya pala si Lyle?
Pasimple nya itong siniko nang umayos bago nya hinarap si Ridge. “Oo tol, ikaw gu—”
“Keegan!” agap ni Lyle sa kanya.
Sumagitsit siya’t nag-iwas ng tingin. “Tang ina naman, torpe.”
“Sabi mo e pareho lang naman tayo,” naiiritang bulong ng kaibigan sa kanya.
Magkaiba, a. Nagpaplano na si Keegan umamin e.
Bahala na kung rejected o hindi pero pakiramdam nya kasi, hindi magbabago feelings nya kay Aaron kaya baka i-pursue nya rin ang binata lalo na kung on and off naman ito at iyong ex-boyfriend nito. Nagbabaka sakali lang naman siya.
ㅤㅤㅤㅤSIGURO kinse minuto ang lumipas, nakausap na rin ni Keegan si Ridge at napagtanto nyang mabait naman pala ang kapatid ni Aaron. Inaasahan nyang tamad magsalita o hindi naman kaya e mayabang pero tamad lang talaga— walang mayabang, henuwinong mabait.
Noong medyo close-close na sila, ‘tsaka raw dumating ang kaibigan ni Ridge.
“Gian, dito,” tamad na tamad pero medyo malakas naman na tawag ni Ridge sa kaibigan.
Sabay silang napatingin ni Lyle sa direksyon kung nasaan ang tinawag nito. Noong makita nila kung sino, pareho silang nabigla ng kaibigan nang makita ang itsura noong kaibigan ni Ridge.
Matangkad at maputi, bagamat makapal din ang suot nitong salamin e bakas na gwapo rin ito. Noong makalapit ito, halos malula si Keegan sa tangkad nito. Ang tangos pa kamo ng ilong noong makalapit, kung wala lang sigurong pantal— este tigyawat sa mukha at hindi lang magulo ang buhok nitong dumating, alam nyang gwapo rin ang isang ito.
Si Lyle rin, parang natigilan sa tangkad ng kaharap nito.
“So—sorry, na-traffic a—ako…” anito bago sila pinasadahan ng tingin at tinanguan.
Tumango rin sila ni Lyle pero lumapit sa kanya ang kaibigan para bumulong. “Alam mo, naiinggit ako sa height niyan. Ang tangkad, Kee. Samantalang ako, natangkaran pa ni Ridge.”
Pagak siyang tumawa para akbayan ito. “Okay lang ‘yon tol, MVP ka naman kahit ‘di ka gano’n katangkad.”
“Mas okay sana kung mas matangkad pa rin ako…” bulong ng kaibigan.
“Hindi mo kasama si Leon?” tanong ni Ridge sa kaibigan na siyang pumukaw din sa atensyon nila ni Keegan. “Akala ko, dinaanan mo na?”
“Na—nandiyan na siya,” sagot naman ng kausap nito bago may itinuro. “Kaso… um, kas—kaso kasama nya iyong girlfr—iend nya.”
“Pagsabihan mo nga ‘yon, para akong tutang naabandona rito o.”
Hindi naiwasan ni Keegan ang pangunutan ng noo dahil panay ang pagkabulol nitong kaibigan ni Ridge.
Gusto nyang tawanan pero paano kung sakit pala iyon? Baka mamaya, awayin pa siya ni Ridge o hindi naman kaya e ni Lyle kaya tinikom na lang nya bibig nya nang hindi mapaaway.
Kinamot nito ang pisngi. “U—uh, hayaan mo siya. Sa—bi naman nya, pupunta siya mamaya… kasama girlfriend nya.”
“Ano, sabi noong girlfriend?” Bumuntong hininga si Ridge. “Parang ‘di naman makahinga ‘yon na wala si Leon. Sige na, tara na. Mamaya na siya.”
Nagpameywang si Ridge at marahas na bumuntong hininga bago ito humarap sa kanila ni Lyle ‘tsaka ipinakilala ang kaibigan.
“Si Gian, isa sa mga kabarkada ko na hinihintay ko…” panimula nito bago ito nagbaba ng tingin at tila ba napaisip. “Baka lang madalas mo siya makita Lyle, kasali siya sa school paper at sports iyong column nya. Alam ko madalas ka nya i-feature simula high school, e.”
“Talaga…?” namamanghang saad ni Lyle bago tumingin kay Gian. “Uy, salamat. Nice to meet you rin pala.”
Kumaway na rin si Keegan. “Ako naman, sabit lang ni Lyle. Kabarkada nya rin, Keegan nga pala.”
“Ni—nice to meet you… sa inyong da—dalawa,” anito bago nahihiyang nagbaba rin ng tingin. “So—sorry, may speech impediment kasi a, ako. Madalas akong mag-sta-stutter.”
Tinapik ni Ridge ang balikat ni Gian. “That said, medyo mababa ang self-esteem ni Gian dahil dito pero please, ‘wag nyo siyang pagtripan. Salamat kaagad.”
Napatakip sa ibabang bahagi ng mukha si Lyle at tila ba halos kuminang ang mga mata nito nang tumitig kay Ridge. Ewan, sa point of view nya e ganoon ang itsura ng kaibigan noong mag-disclaimer si Ridge na huwag nilang lokohin ang kaibigan nito— dahil ba sa paningin ng tanga nyang kabarkada e heroic ang sinabi nito?
Siguro ganoon nga.
“Darating na rin niyan iyong isa naming kaibigan. Medyo maingay din iyon kaya…” Bumuntong hininga si Ridge at pinisil ang balingusan ng ilong. “Anyway, he’s harmless and outgoing so you might still get along somehow. But if not, pasensya kaagad sa istorbo. Ililibre naman daw kayo ni kuya dahil sinamahan nyo ako sandali, e.”
Oo nga.
Sayang nga e. Kung sanang siya lang siguro mag-isa rito tapos siya lang din ang ililibre dahil binantayan nya si Ridge, date ba iyon? Tapos meeting with brother-in-law pagdating kay Ridge? Ha! Nakakatawa na lang isipin dahil king ina, ang cringe nya mag-isip.
Delusyonal . Gaano ba siya kapatay na patay kay Aaron at hindi pala dapat ina-underestimate? Kainis.
Sandali, napansi nyang itong kaibigan ni Ridge, kay Lyle lang ang tingin pero dadapo rin naman ang mga mata sa sariling kabarkada— anong meron? Hindi, baka overthinker lang siya. Anyway…
“Okay lang ‘yon,” aniya bago nginisian si Ridge. “Tama ka rin naman, basta ililibre kami ng kuya mo, masaya kami nitong si Lyle. Isa pa, natuwa rin naman itong kaibigan ko sa presensya mo.”
Napapitlag si Lyle sa sinabi nya’t mabilis nitong hinampas ang braso nya, dahilan para mapaaray siya. “Tang ina mo, Keegan!”
“…‘Di ko rin gets pero masaya akong natuwa ka sa presensya ko, Lyle,” sabad naman ni Ridge.
“N—no! I— Diyos ko, king ina mo Keegan!”
‘Ha! E totoo naman.’ Gusto nya pa sanang hiritan si Lyle pero ang sama na ng tingin nito sa kanya. Baka kapag sinagad pa nya ang pasensya nito e mainis lang ito sa kanya nang tuluyan at walk out-an siya. Kainis.
Magbi-behave na ulit siya.
Kabanata 11
KABANATA 11
ㅤㅤㅤㅤ“UMAMIN na kaya ako kay sir Aaron?” tanong ni Keegan kay Lyle habang paminsan-minsan siyang magpapraktis sa electric guitar nya.
Random thought lang talaga ito na bumisita lang bigla sa isipan nya sa kaiisip nya kay Aaron. Hindi naman sa random, pero matagal na nyang pinag-iisipan umamin sa guro, nauudlot lang dahil hindi naman sila sobrang close ng isa at naisip ni Keegan na gusto muna nyang kunin ang loob ni Aaron at kailangang tumatak muna siya sa utak nito bago siya umamin.
Mag-iisang taon na siyang estudyante ni Aaron Gonzales. Sa tuwing magkakasalubong silang dalawa, kinakawayan at binabati na rin siya ni Aaron bago pa man nya ito mapansin.
Palagay nya, mayroon na siyang naestablish na pangalan sa isip nito at baka posibleng mabigyan siya ng pag-asa rito.
Nakakatuwa lang isipin na noong una, tinatawanan pa nya iyong kaklase nyang nag-first move kay Aaron at nag-volunteer pa na manliligaw. Ngayon, siya rin pala e mauuwi sa ganoong sitwasyon. Na-plot twist na naman siya.
Isa pang dahilan kung bakit desidido na siyang umamin e dahil— hindi na nya kayang itago itong nararamdaman nya. Nasasakal siya pero hindi sa negatibong paraan, matindi iyong kagustuhan nyang i-express kay Aaron ang nararamdaman.
Ewan.
Ang boring kasi ng buhay nya noon. Puro sakit, pighati, at paghihirap tapos kahit na umayos ang lagay nya, hindi naman ganoon ka-saturated ang kulay ng buhay nya tapos biglang dumating si Aaron. Iyong boring at monotonous nyang buhay, biglang mas naging masigla.
Nagtataka siyang pinagmasdan ni Lyle bago siya nito pinangunutan ng noo. “Alam mong ‘di magandang ideya ‘yan, hindi ba? Iri-reject ka lang ni sir Aaron.”
“E pa’no kung hindi?” dipensa naman nya.
“Ibig sabihin, delusyonal ka na.” Ipinagkrus ni Lyle ang mga braso bago ito napailing-iling. “Like, you know Kee, ‘di naman sikreto na mahal pa ni sir iyong ex nya. Kinukwento pa nga lang nya ulit sa ‘min nitong nakaraan e.”
“Mahal nga nya, toxic naman.”
“E ikaw din naman, ‘di magwu-work sa ‘yo kasi estudyante ka nya, ano. Aba, baka ikaw pa maging dahilan kung bakit siya mawawalan ng lisenya.”
“Edi hintayin ko siya hanggang grumaduate ako.” Nagkibit balikat si Keegan bago nya inilagay ang mga kamay sa likod ng ulo. “Baka lang naman may pag-asa, sinasaktan lang naman pala siya ng ex-boyfriend nya dahil on and off kamo sila, e ‘di naman sila ilaw. Agawin ko na lang atensyon ni sir.”
“Ganyan din sinabi ko…”
Namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Lyle bago sila sabay na bumuntong hininga.
Nasa covered court sila noon. May mga kasama naman silang tigaibang institute pero hindi nila maramdaman ang presensya sa kabila ng ingay ng mga ito. Parang wala lang, lunod silang dalawa ni Lyle sa sarili nilang mundo at biglang parehong namroblema.
Sa totoo lang, hindi naman tanga si Keegan para hindi malaman sa sarili na wala talaga siyang pag-asa. Namamag-asa lang siya na baka meron.
Gustung-gusto lang talaga nya si Aaron kaya gusto nyang isipin na baka buksan pa ng guro ang puso para sa ibang tao kung sinasaktan lang naman ito ng iba. Hindi pa nagkaroon ng relasyon si Keegan noon, kahit sa mga crush nya noon, wala naman siyang pinursue dahil papasaan pa ang paggi-girlfriend nya e wala naman siyang pera? Mas mabigat din ang responsibilidad nya noon sa pamilya at hindi nya kayang panindigan.
Pero ngayon gusto nyang isipin na kaya nyang alagaan si Aaron kung sakali. Na mas capable siya kaysa sa kung sinumang ex-boyfriend nito ang hindi makapagdesisyon kung mananatili ba sa tabi ng guro o hindi.
Kasi si Keegan, kung siya lang, panghanggang huli na nya si Aaron kung mabibigyan ng tsansa e.
“Magkaiba naman tayo…” kalauna’y nasabi nya nang bigla nyang maisip ang pagkakaiba nila ng sitwasyon ni Lyle. “Mukhang ayos naman iyong relasyon ni Ridge ‘tsaka ng boyfriend nya kahit long distance. Ni minsan wala akong nakitang rant noon sa Facebook nya na nag-away silang magjowa.”
Ngumuso si Lyle at hindi napigilang sumang-ayon. “I mean, true. Kung titignan, mukhang healthy relasyon nina Ridge at Zamiel tapos sina sir Aaron at iyong ex-boyfriend nya, madalas magkalabuan. Lalaki rin naman trip ni sir Aaron and… I think kung ‘di ka nya estudyante, baka pumasa ka pa sa tipuhan nya.”
“Pa’no mo nasabi?”
“Ewan ko. I just think sir Aaron would like rowdy guys like you who speak their mind. Tahimik kasi siya ta’s kahit sociable, halata namang suplado at introvert.”
“So, aamin na ako?”
Nagpahalumbaba si Lyle sa arm rest ng kinauupuan nito. Alangan pa rin itong nakatingin sa kanya, hindi sumasang-ayon sa desisyon nya pero dahil nakitang determinado siya e bumuntong hininga na lamang at nagmuwestrang bahala siya sa buhay nya.
“‘Di ako responsable kapag nabasted ka, a? I tried to warn you,” anito.
Hindi naiwasan ni Keegan ang aliw na mapatitig kay Lyle. “Alam ko naman tol. Pero aayain kita uminom ‘pag nabasted ako, a.”
“I don’t drink, do you?”
“Minsan. Pinapayagan naman ako ni nay Belinda at kuya Edward,” sagot nya bago siya nagkibit balikat at sumipol, nagtambol-tambol din siya sa arm rest nya bilang wala siyang magawa. “Papayagan naman siguro ako na uminom niyan. Alam mo na, heartbroken ako kung ma-basted ako.”
“Bahala ka nga sa buhay mo, Kee.”
ㅤㅤㅤㅤAAMININ ni Keegan, hindi madaling desisyon na umamin kay Aaron. Matinding pag-iisip at paghahanda ang ginawa nya dahil ang dami kasing outcome kahit na lahat iyon, parang tinuturo siya sa direksyon kung saan masasaktan lang siya. Dini-deny ni Keegan dahil gusto nyang umasa na magugustuhan siya ni Aaron.
Sino ba iyon tumanggi e… siya na ito?
Marunong siya sa gawaing bahay, marunong magluto, independent, madiskarte pagdating sa pera. Medyo may trauma pero maayos naman. Kampante rin siyang maaalagaan nya si Aaron. Tatanggi pa ba ang isang iyon?
‘Oo, malaki ang age gap ninyo tapos professor mo pa siya. Kung bigla ka nyang patulan, iyong lisensya pa nya ang malalagot.’ King ina, hindi nya alam kung bakit narinig pa nya iyong boses ni Lyle sa isip nya.
Parang ang dating tuloy, ang kaibigan ang anghel nyang konsensya.
‘Pero ganoon din naman. Kung ‘di ako aamin sa kanya, pa’no rin ako makaka-move on?’ pangungumbinsi nya sa sarili. ‘Alam ko namang 25-75 talaga iyong pag-asa ko kay sir Aaron dahil mas matanda sa ‘kin tapos parang timang siyang ‘di maka-move on sa ex nya pero pa’no kung ako pala sagot para mag-move on ‘yon? ‘Di masamang umasa.’
“O, Chavez? ‘Di ka pa ba aalis? Tapos na klase natin a.”
Napalunok si Keegan at nahigit siya pabalik sa realidad noong matanto nyang tapos na pala ang klase nila kay Aaron.
Sa pagkakaalala nya, sumaglit lang din talaga ito dahil nakipagchikahan lang at nagsabi kung anong mangyayari sa finals nila. Bukod doon e pinaalis na silang magkakaklase dahil wala naman daw gagawing aktibidad at kailangan lang nila ipasa ang mga requirements na hanap sa curriculum na hinanda nito noong prelims nila.
“Keegan Chavez?” tawag ulit ni Aaron sa kanya bago siya nito inangatan ng isang kilay.
Ikinuyom nya ang mga kamao. Wala nang oras para mag-alangan, e sa nandito na siya’t namamag-asa. Kailangan na nyang panindigan ang pag-amin dahil determinado naman na siya, nasasakal na rin siya sa nararamdaman nya.
“…May sasabihin lang sana ako,” panimula nya.
Nag-isang linya ang mga labi ni Aaron habang pinagmamasdan siya ng binata, tila ba tinatantya nito kung henuwino ba siya o nantitrip. Pero sa kalaunan, marahan itong naglakad palapit sa kanya. Nag-tense pa si Keegan lalo na noong tumigil sa harapan nya ang guro at maamoy nya ang pabango nito.
Tang ina. Ang bango at ang gwapo nito ngayong araw.
Humila ng bakanteng upuan si Aaron at itinapat iyon sa kanya. Bitbit pa rin nito ang iilang materyales panturo pero inilapag iyon ng binata sa may arm rest ng upuan bago ito umupo at nag-settle roon.
“Sure, ano iyan? Emergency ba? Love life mo ba, sa grades mo, gano’n? Pero kung pera ‘yan, magtigil ka Chavez, wala akong ipapahiram sa ‘yo at pareho tayong naghihirap,” sunud-sunod na tanong nito bago nakuhang makapagbiro bandang dulo.
Sumagitsit si Keegan at mahinang hinampas ang arm rest ng kinauupuan nya. Napailing din siya. “Sayang naman, balak ko pa naman humingi ng tulong pinansyal.”
“‘Di ako tatakbo na mayor kaya wala akong budget para sa ganyan,” anito pa bago ito mahinang tumawa. “Seryosong tanong, anong maitutulong ko sa ‘yo?”
Nagdalawang isip si Keegan kung paano nya sasagutin ang tanong na iyan ni Aaron.
Tatayo ba siya at tsatsansingan ang binata? Hindi, siya rin ang kawawa at siguradong itutulak lang siya ni Aaron. Tatanungin ba nya kung break pa rin ba ito at ang ex-boyfriend nito? Parang ikakagalit pa iyon ni Aaron lalo na kung bigla siyang aamin. Umamin na lang kaya siya nang diretso para wala nang paliguy-ligoy?
Siguro napansin ni Aaron ang pag-aalangan nya kaya naghalumbaba ito at ngumiti. “Kung anumang sasabihin mo, ‘di naman kita huhusgahan, Chavez.”
“Kahit sabihin ko sa ‘yong mahal kita, sir?” mabilis nyang tanong dito.
Muntik madulas ang siko ni Aaron sa arm rest ng kinauupuan. Kasabay noon ay ang pagkahulog ng panga nito dahil namamangha itong tumitig sa kanya. Halata ring biglang tumigil sa paghinga si Aaron na dahilan para kabahan si Keegan.
Hahawakan pa sana nya ang guro pero tila ba nakabalik na rin ito sa huwisyo.
“What do you mean…?” Napakurap-kurap si Aaron at hindi malaman ang isasagot bago ito pilit na ngumiti. “Joke time ba ito? May hidden cameras ba kayong tinago na magkakaklase—”
“Wala, seryoso akong umaamin dito sir,” sagot naman nya.
Nang matigilan si Aaron, kasabay noon e ang pagseseryoso ng ekspresyon sa mukha nito. Tila ba napaisip ang guro at hindi malaman kung anong isasagot sa kanya dahil sandali itong nag-iwas ng tingin para pag-isipan ang mga salitang sasabihin.
Habang si Keegan, bagamat mapagpasensyang naghihintay e kumakabog na ang dibdib sa sobrang bilis ng tibok ng puso nya.
Sana may pag-asa. O kahit wala, sana bigyan siya ng tsansa ni Aaron.
“Pasensya ka na Chavez,” panimula ni Aaron.
Iyon pa lamang ang naririnig nya, bumagsak na ang mga balikat nya. Ibubuka rin sana ni Keegan ang bibig para sana subukang makipagnegosyo rito dahil handa naman siyang manligaw at maghintay hanggang magbago ang isip ni Aaron pero natigilan siya nang iangat ng guro ang isang kamay at abutin ang ulo nya.
‘Tsaka tinapik-tapik ng guro ang ulo nya. “Bilib ako sa lakas ng loob mo na umamin, naa-appreciate ko rin kung anong nararamdaman mo para sa ‘kin pero pasensya ka na dahil ‘di ko kayang suklian iyang pagkagusto mo sa ‘kin.”
Napasinghap siya’t naikuyom ang mga kamao. “Bakit? Sir, ‘di naman ako tanga kasi alam ko naman kwento ninyo ng ex-boyfriend mo. E kung ‘di ka na nya mahal at sinasaktan ka lang nya—”
“No, Chavez, ‘di mo gets kung bakit hanggang ngayon hinihintay ko pa rin iyong ex-boyfriend kong bumalik sa akin…” Binitawan siya ni Aaron bago nito hinilot ang sentido. “Bukod pa sa kinukwento ko sa inyo, may malalim na dahilan kung bakit kami on and off ng ex-boyfriend ko. Kung ba’t takot na takot siyang piliin ako.”
Nag-aalangan nyang pinagmasdan ang binata.
Ang dami nyang gustong sabihin at irason nang sa ganoon e mabago nya ang isip ni Aaron at mabigyan siya ng tsansa pero base sa nakikita nya, base sa emosyong sumasaliw sa mga mata ng guro, sinisira na nito lahat ng pag-asang makukuha ni Keegan sa sitwasyon nila.
“Mahal na mahal ko siya Keegan, kahit masakit sa ‘kin na ginaganito nya ako ngayon e iniintindi ko siya,” natatawa nitong sabi pero bakas sa boses nito na nasasaktan ito. “Ginagawa nya kung anuman iyong tingin nya e tama at mas makakabuti para sa ‘min… para sa ‘kin. Makasarili man siyang tignan sa inyo dahil iniwan nya ‘ko pero para sa kanya, ito iyong tama— kahit na ‘di ako sumasang-ayon do’n.”
Gusto nyang magrason. Marami siyang hinandang argumento pero ngayong naririnig nya ang pangangatwiran ni Aaron, kung paano nito dipensahan iyong taong umiwan at nananakit dito, unti-unti nyang naiintindihan na kahit anong sabihin nya e hindi nya masisira kung anuman iyong paninindigan ni Aaron tungkol sa ex-boyfriend nito.
“Natatakot lang naman siya para sa hinaharap naming dalawa pero kung ako lang ang tatanungin, araw-araw ko siyang pipiliin,” anito pa.
Nag-isang linya ang mga labi nya bago siya nag-iwas ng tingin. “Kahit na nasasaktan ka na?”
“Kahit ubusin nya pa ako, Chavez… ‘Di ko kayang makita iyong sarili ko na ‘di siya ang kasama. So, it’s either I end up with him or I die alone.”
“Pero handa naman akong maghintay sa ‘yo at baguhin isip mo, sir—”
“‘Di ko kailangan iyon, Chavez. Kahit na anong gawin mo, siya at siya pa rin ang pipiliin ko.” Bumuntong hininga si Aaron at muling inabot ang ulo nya para guluhin ang buhok nya. “Kaya sana ‘wag mong sayangin ang enerhiya mo na maghintay sa ‘kin. Sigurado akong makakahanap ka pa ng iba, Chavez, iyong kayang ibalik iyang nararamdaman mo.”
Pero paano kung wala? Paano kung hanggang sa huli e si Aaron lang din ang gustuhin nya dahil— dahil ngayon lang siya nagkaganito sa isang tao. Hindi nya makita ang sarili na iba ang kasama, na iba ang ginugusto, na iba ang minamahal at hinahangaan mula sa malayo.
“Bata ka pa, Chavez…” Mahinang tumawa si Aaron. “Alam mo, bawal din talaga tayo dahil guro mo ako. Other than that, babalik din lahat ng rason ko kung ba’t ‘di ko kayang ibalik iyang nararamdaman mo sa kadahilanang meron nang nagmamay-ari ng puso ko at kahit na anong limot ang gawin ko, alam kong siya lang ang gusto ko.”
“Pero…” Ayaw nyang isuko ngayon si Aaron kaya mataman nya itong pinagmasdan bago nya ito pilit na nginisian. “Sir, ‘di mo naman ikagagalit kung maghihintay ako sa ‘yo, ‘di ba?”
“I won’t, but I’d rather see you with someone who could love you as intensely as you adore me.” Sumandal si Aaron sa back rest ng kinauupuan nito bago ito ngumiti. “You still have a lot of options beside me. ‘Di ba mas magandang mag-pursue ng taong walang sabit at ibang minamahal sa tabi kung ‘di ikaw lang? You’ll find that person someday, Chavez. Kaso hindi ako iyon .”
…At ganoon natapos ang unang pag-ibig ni Keegan.
ㅤㅤㅤㅤBAGAMAT na-reject na ni Aaron si Keegan, hindi pa rin nya nagawa ang mabilis na lumimot. Oo naman, nalugmok siya. Inaya nga nyang uminom si Lyle at pinapunta pa sa bahay nina nay Belinda para lang uminom. Nagulo pa sila ng ate nya dahil nakita silang dalawa pero si Edward ang humarap nang umalis na lamang iyon.
Basta, chaotic.
Sa tuwing magkakasalubong sina Keegan at Aaron, ganoon pa rin naman ang trato sa kanya ng guro. Binabati pa rin siya nito at kinakawayan t’wing magkikita sila pero si Keegan ang iiwas dahil… ang awkward at hindi nya maatim na tignan ito nang maayos ngayon dahil gusto pa rin nya si Aaron pero rejected siya.
Syempre, may mga oras na t’wing naaalala nya ang pangri-reject ng guro sa kanya, nasi-sentimental siya.
Katulad ngayon. Katatapos lang ng klase nila kay miss Canlas at panay ang kantyaw ni Joshua sa kanya. Wala siya sa mood na makisakay sa kalokohan nito dahil biglang sumagi sa isip nya kung paano na naman siya i-reject ni Aaron.
Mabuti na lang at hindi tanga si Joshua.
Nang mapansing wala siya sa mood na sumakay sa mga trip nito, agad ding nagpaalam si Joshua na magbibilyard.
‘Si muntanga…’ aniya sa sarili habang nakatambay sa abandonadong building sa eskwelahan nila. ‘Ilang buwan na ‘kong rejected, ni hindi ko na nga professor si sir Aaron, patay na patay pa rin ako sa kanya.’
Madalas, nakaka-miss makita iyon sa klase. Iniiwasan man nya, hindi pa rin maikakailang ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso’t atensyon nya.
‘Ang hirap mag-move on. Alam ko namang nagkabalikan na rin si sir Aaron pati ex-boyfriend nya dahil nakita ko siyang sinundo nitong minsan. Holding hands pa nga sila tapos…’
Umiyak si Keegan noong mapagtantong iyon na pala iyong ex-boyfriend na tinutukoy ni Aaron sa mga kwento nito. Si Lyle ang witness kung paano siya malugmok sa kalungkutan noong mapagtantong wala pala talaga siyang mailalaban sa kung sinumang hinihintay ni Aaron.
‘Parang anghel tapos ang gwapo pa… Mukhang matalino, mayroon ding napag-aralan tapos basta.’ Unang kita ni Keegan, bagamat malayo, alam nyang hindi basta-bastang kalabanin ang ex-boyfriend ni Aaron. ‘Anong ilalaban ko ro’n? Wala. Estudyante lang naman ako ni Aaron Gonzales.’
Habang nakikipagtitigan si Keegan sa buhangin at namimili ng batong sisipain, natigilan siya noong biglang makakita ng anino ng payong na sumakop din sa anino nya.
Hindi naman sa babad si Keegan sa initan pero medyo ganoon ang ganap dahil nag-iba na ang anggulo ng sikat ng araw.
Nag-aalangan man na mag-angat ng tingin, iyon pa rin ang ginawa ni Keegan. Dahan-dahan nyang iniangat ang ulo nang sa ganoon ay makita kung sinumang nagpayong sa kanya. Nakaupo rin naman kasi siya sa platform sa abandonadong building habang ito naman e mukhang galing sa loob at nakatayo sa platapormang kinauupuan nya.
Nang magkasalubong ang mga mata nya at ng nagpayong sa kanya, hindi naiwasan ni Keegan na pangunutan ng noo.
“‘Di ka ba naiinitan sa pwesto mo, Keegan?” tanong ni Ivy sa kanya.
Medyo naghiwalay ang mga labi nya bago siya napalunok. “Hindi, sakto lang. Anong ginagawa mo rito?”
Ngumiti si Ivy bago ito tumingin sa espasyo sa tabi nya. “Katatapos lang ng klase namin kaya nandito ako. Pwede ba akong umupo sa tabi mo?”
Napansin ni Keegan na suot nga ni Ivy ang sling bag nito. Ibubuka rin sana nya ang bibig para hindian ito dahil gusto nyang mapag-isa pero wala siyang ganang nag-iwas ng tingin dito at nagkibit balikat.
“Basta hindi ka magulo,” aniya bago nya ito inismiran. “‘Tsaka kung ‘di mo iisipan ng malisya iyong pagpayag ko.”
Medyo matagal siyang pinagmasdan ni Ivy bago ito tumawa. “Oo naman, ‘wag kang mag-alala, alam ko namang ‘di ka madaling i-pursue.”
“‘Di lang talaga ako interesado sa ‘yo.”
“It’s okay, kaya naman kitang hintayin,” saad ni Ivy bago nito inayos ang palda at umupo sa tabi nya. “Wait, I don’t mean to make you uncomfy, a? Gusto ko lang ipakita na genuine ako sa ‘yo.”
“Kung saan ka masaya, bahala ka.”
Bakit ba nya hinayaang tumabi sa kanya si Ivy? Hindi nya rin alam. Marahil gusto lang nya ng kasama dahil ang hirap malugmok na mag-isa. Wala pang pasok si Lyle ngayon kaya walang nangdi-distract sa kanya.
Hindi naman siguro masamang i-keep na kasama si Ivy basta hindi ito mag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa kanilang dalawa.
Sana.
Kabanata 12
KABANATA 12
ㅤㅤㅤㅤMAPANGHUSGA lang siguro si Keegan pero noong nakilala at nakausap nya si Ivy, ‘tsaka nya napagtantong mabait pala talaga ang dalaga. E pero kahit na anong bait nito, syempre hindi pa rin makuha ni Keegan na ma-attract sa dalaga. Oo maganda ito, pero hanggang doon na lang iyon sa mga mata nya.
“Keegan, ang galing ng performance ninyo!” Iyan ang naging salubong ni Lyle sa kanya nang lumabas siya mula sa back stage matapos ang maiksing performance ng banda nila.
Institute days. Maraming patimpalak at tatlong araw silang walang ibang gagawin kung hindi manood ng sports, events, at mga palaro. Si Lyle, kinukulit siyang sumama lalo na’t kasali raw sa pageant si Ridge at ito ang magri-represent ng mga accounting students. Siya naman, napilitan na lang na pumunta—lalo na noong magkaroon pa sila ng performance.
Nginisian nya ang kaibigan bago nya ito inakbayan. “Salamat! Ano raw, anong oras iyong pageant nyang crush mo?”
“Mamaya pa raw ala sais,” sagot naman ni Lyle bago ito mahinang tumawa. “Doon pa nga sa Xevera gaganapin e, pupwede ka pa ba niyan?”
“Nagpaalam naman ako na mali-late akong umuwi kaya okay lang ‘yon. ‘Di naman mahigpit sina nay Bel sa akin.”
“Mabuti naman kung ganoon.” Tila ba nabunutan ng tinik sa dibdib si Lyle at bumuntong hininga. “Alam mo, laban ko rin bukas pero ayoko talagang ma-miss iyong pageant ni Ridge. Oo nga pala, kasama rin si Ivy sa pageant, a? Siya iyong nagri-represent sa mga tourism.”
“Ah, oo. Nabanggit nga nya, pinapapunta nga rin nya ako.”
Nginisian siya ni Lyle bago ito mahinang tumawa. “Gustung-gusto ka pa rin nya, ‘no? Ayaw mong bigyan ng chance?”
“Eh. Wala pa sa isip ko. Isa pa, gusto ko pa rin si sir Aaron.”
“Aware ba siya?”
“Si Ivy? Hindi. Sinasabi ko na lang na teacher sa educ department iyong crush ko. Si ma’am Canlas nga rin ang hinala nya e ‘di ko naman iyon nakakausap, hayop.”
Natatawa siyang pinagmasdan ni Lyle bago ito napailing.
Mayroon pa itong nabanggit along the lines na iwas-iwas pa raw siya noon kay Ivy tapos ngayon, magiging kaibigan din pala nya. Iyon lang kasi, may gusto pa rin ang dalaga sa kanya, nag-settle lang ito sa set-up nila ngayon pero hindi lingid sa kaalaman nyang pasimple pa rin siya nitong pinu-pursue.
Hindi nagtagal, nag-aya na rin si Lyle na pumunta sa Xevera dahil anong oras na raw at baka magsimula na ang pageant.
“Alam mo Kee, parang nagbabago na iyong passion ko sa buhay,” kwento ni Lyle habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada.
Aya ni Lyle. Siya kasi, gusto nya sanang mag-jeep dahil may bitbit siyang electric guitar pero itong magaling nyang kabarkada, gusto raw na mag-exercise dahil kanina pa raw nakaupo noong nagpe-perform sila ng mga kabanda nya.
“Ayaw mo na mag-business administration?” tanong nya kay Keegan. “Edi may balak kang mag-shift?”
Tumango si Lyle. “Lumipat kamo ng school, pero ‘tsaka na ako lilipat kapag nakapagdesisyon na talaga ako.”
Namamangha nyang pinagmasdan si Lyle dahil bigla siyang nakaramdam ng takot na maiwanan sa eskwelahan nila. Kung lilipat si Keegan, kahit na may kaibigan siya sa klase nila, hindi na singsaya ang pananatili nya riyan sa eskwelahan nila dahil wala na siyang makakasama t’wing vacant.
Napalunok si Keegan at nag-iwas ng tingin. “Saan? Ano ring plano mong i-take na bagong course kung sakali?”
“Naghahanap pa ako, honestly. Pero alam mo, since nalaman kong part-time model si Ridge, naging interesado rin ako sa paggawa ng damit,” anito bago ito nahihiyang tumingin sa kanya. Nasa likod siya ng kaibigan kaya nilingon pa siya nito. “Baka isipin mo, nag-iba lang interes ko dahil kay Ridge. Kahit na medyo totoo, matagal na rin talaga akong interesado sa fashion designing.”
Inismiran lamang nya si Lyle. “‘Di ba gano’n naman talaga iyong kaso? Kung anong gustong gawin ni Ridge, sinusundan mo kasi namamag-asa kang magiging kasama ka sa mundo no’n. ‘Di ka rin makuntento sa pagiging side character e.”
“Kasi gustung-gusto ko talaga siya! ‘Tsaka grabe ka naman sa side character! Ganyan na ba talaga tingin mo sa akin?”
“Sa buhay ni Ridge, oo! Ni ‘di mo nga gaanong nakakausap talaga iyon si Ridge kaya nga pasimple kang sumusunod do’n.”
Medyo nagtalo pa sina Keegan at Lyle dahil pinunto nya ang ginagawa ni Lyle. E sa hindi naman nya masisi rin ang isang iyan, ganyan din naman siya kay Aaron, nagpapapansin at nagbabaka sakaling masali rin sa mundo nito.
E kaso wala. Rejected siya, nagkabalikan pa ito at ang ex-boyfriend nito.
Hanggang sa nakarating silang dalawa sa Xevera, medyo magulo dahil hindi pa yata naaayos ang venue. Pero naghanap na sila ng mauupuan na malapit sa stage dahil gustong makita ni Lyle si Ridge nang malinaw sa entablado.
“Keegan!”
Natigilan silang dalawa ni Lyle noong marinig ang boses ni Ivy. Hindi siya lumingon pero si Lyle ang gumawa noon at kumaway sa dalaga para batiin ito. Magkasundo rin naman ang dalawa kahit na madalang magkita.
“Hello, Lyle! Nandito ka rin pala. Susuportahan mo si Ridge?” tanong ni Ivy kay Lyle nang makalapit ito sa kanila. “Dapat at this point, jowain ka na talaga no’n. Mas supportive ka pa sa boyfriend, e.”
Napalingon si Keegan dahil sang-ayon din siya sa sinabi ni Ivy. “Alam mo, oo! Dapat palitan na ni Ridge iyong boyfriend nya tutal nasa ibang bansa naman. Mabuti pa si Lyle, nasa malapit.”
“Tumigil nga kayong dalawa, ayokong manira ng relasyon…” nahihiya namang sagot ni Lyle bago ito nag-aalangang tumawa. “Pero yes, nandito talaga kami ni Keegan para kay Ridge… at sa ‘yo na rin kasi kasali ka sa pageant ‘di ba?”
Humagikhik si Ivy, marahil dala ng pagkaaliw. “Oo, suportahan nyo ako, a? ‘Di naman ako makakasagabal kay Ridge, babae ako. Same sex din naman ang labanan, so… yeah! Suportahan nyo ako, a? Keegan, a?”
Wala sa sariling tinuro ni Keegan ang sarili.
Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano iyong gusto ni Ivy sa kanya pero kailangan pa ba talaga na pati siya, makiki-cheer? Uupo lang siya riyan tapos manonood ng pageant. Hindi naman siya interesado sa mga ganyan.
Ipinilig nya ang ulo bago nag-aalangang tumango. “Oo, sige. Good luck sa ‘yo, Vy.”
“Salamat! Ipapanalo ko ‘yon para sa ‘yo,” sagot naman ng dalaga bago siya kinindatan, dahilan para matigilan siya’t medyo mapaatras sa kinatatayuan. “O siya na, mauuna na muna ako, a? Mag-aayos pa kami kasi malapit na magsimula iyong pageant.”
“Sige, sige. Ingat ka, Ivy! Galingan mo!” bilin naman ni Lyle rito bago siya siniko.
He followed Lyle’s suit. Kumaway siya kay Ivy bago nya ito nginitian. “Galingan mo, Vy. Good luck.”
“Salamat nang marami!”
Pagkatapos noon, parang bulang nawala si Ivy. Naiwanan sila ni Lyle sa mga upuan nila at malisyoso siyang pinagmamasdan ng kaibigan, dahilan para iwasan nya nang tingin ang kaibigan.
Nakangisi siyang pinagmamasdan ni Lyle bago ito magsalita, ang tono, napakapilyo. “Gagalingan daw nya para sa ‘yo, Kee. Ikaw, a? Ang gwapo-gwapo mo talaga sa paningin ni Ivy.”
“Tang ina mo, ni ‘di ko nga ini-entertain ang isang iyon,” aniya naman bago siya humalukipkip.
“Uy, pero aminin mo, ang cute rin ni Ivy kasi pursigido talaga siyang makuha atensyon mo. ‘Di na ba talaga nagbago tingin mo sa kanya?”
“Ewan ko ba. Masyado kong gusto si sir Aaron para tignan si Vy. Okay naman kami, ayos nang magkaibigan na lang kami.”
“Ang hard to get mo naman. I feel for Ivy pero gets ko rin kung saan ka nanggagaling.”
E sa mahirap kasi talaga tumingin sa iba.
Lalo na kung iyong emcee, si Aaron pa pala. Nakasuot ito ng tuxedo at napaka-formal ng dating. Slicked back ang buhok at ang linis tapos ang bangong tignan. Noon ngang pumasok ito sa entablado, animo’y ito pa ang unang contestant dahil ang daming nagdiwang at sumigaw sa pangalan nito.
Kahit naman si Keegan, nakisigaw. Hindi nya napigilan dahil ang sarap tignan ni Aaron sa ayos nito ngayong gabi.
“King ina, kung sinuman iyong boyfriend o ex-boyfriend nitong si sir Aaron, tiba-tiba talaga e. Ang swerte, putang ina,” aniya kahit mamatay-matay na siya sa inggit habang inaalala kung ano ang itsura ng boyfriend ni Aaron.
Tinapik ni Lyle ang balikat nya bago ito napailing, tila ba nakikiramay sa kanya kahit puso lang naman nya iyong namatayan ng pag-asa.
“Gano’n talaga. ‘Di mo na lang bigyan ng chance si Ivy para sa gano’n, makalimot ka kay sir Aaron? Maganda naman si Ivy, a?” saad ni Lyle.
Pinakyuhan lamang nya ang kaibigan kahit hindi nya ito tinitignan. Mas abala kasi siyang kumuha ng nakaw na litrato ni Aaron habang nagsasalita ito sa entablado.
“Hinding-hindi ako gagamit ng ibang tao para maka-move on, ulol.” Kung magugustuhan din naman nya si Ivy, mangyayari iyon nang kusa at hindi nya kailangang madaliin.
Siguro kapag naka-move on na siya kay Aaron, titignan nya kung magugustuhan ba nya si Ivy pero ngayon? Hindi. Gusto pang namnamin ni Keegan ang nararamdaman para sa guro.
ㅤㅤㅤㅤMEDYO matagal bago tuluyang naka-move on si Keegan mula kay Aaron. Ika nga nila, ganoon daw talaga kapang unang pag-ibig. At kahit na ayaw na ni Keegan na mamag-asa na magkakaroon siya ng tsansa rito, dahil halata namang kahit kaila’y hindi iyon mangyayari, mayroon pa rin itong puwang sa puso nya bilang unang nagparamdam sa kanya kung paano magmahal.
Hanggang ngayon, si Lyle lang ang nakakaalam kung sino ba ang taong madalas tukuyin ni Keegan sa mga kwento nya.
Sa mata kasi ng iba, mali ang naramdaman nya para kay Aaron at hindi siya handang mahusgahan tungkol doon. Basta ang kanya, tama ang naramdaman nya’t hindi iyon basta-basta biro lang na naisip nya isang araw.
Nagustuhan nya si Aaron pero tapos na ang kabanatang iyon ng buhay nya.
“Keegan, hello!”
Natigilan siya sa paglalakad noong marinig ang boses ni Ivy. Paalis na sana siya ng classroom kung saan sila nag-ensayo ng mga kabanda para sa darating na inter-college competition at may battle of the bands na kasama.
Nilingon nya ang direksyon kung saan nanggaling ang boses ng dalaga at hindi nagtagal, sinalubong siya ng presensya nito.
“Pauwi ka na rin ba? Sabay na ‘ko sa ‘yo,” tanong nito sa kanya, na may bahid ng pagmamakaawa.
Noong third year college sila, lumipat ng bahay sina Ivy at ang buong pamilya nito. Nataunan namang malapit lamang ang bahay ng dalaga sa kanila. Siguro, iisang street lang ang layo pero walking distance lang, mauuna ang bahay nina nay Bel at ang orihinal na tinitirhan nya bago ang kina Ivy.
Bilang bagong lipat din ito, nalaman din ni Ivy ang ‘lore’ nya.
Akala nga nya, magiging dahilan iyon para ma-turn off na sa kanya sa wakas ang dalaga e. Nangangalakal lang kasi siya noong high scool, part-time na tigabuhat, madalas absent pa sa eskwelahan dahil naghahanap buhay. Nakulong dahil sa pekeng balitang ipinakalat ng pamilya nya at ngayon, may sakit pa rin sa ulo na pamilyang naghahabol sa kanya.
“Wala ka na bang klase?” tanong nya sa dalaga.
Umiling ang dalaga at mas lumapit sa kanya. “Tapos na. Ikaw ba? Tapos na rin ba practice ninyo?”
“Halos katatapos lang.” Pinasadahan pa nya ng tingin ang kwarto kung saan sila nag-ensayo at nakitang nagliligpit pa ng mga gamit ang mga kabanda nya. “Tara na? Uwing-uwi na rin ako e.”
Ngumisi si Ivy at sumunod sa kanya nang magsimula na siyang maglakad. “Question, ‘di naman siguro sasabay sa ‘tin iyong kaklase mo, ‘di ba? Iyong Joshua.”
“Hindi ko lang alam. Kung ‘di nya siguro tayo makikitang dadaan sa may bilyaran. Ba’t mo naitanong?”
“Hindi ako kumportable sa kanya, my gosh. Lagi na lang siyang nagtatanong nang kung anu-ano na walang saysay tapos may jokes siyang sexual, ayoko siyang kasama.”
“Ah, oo.” Siya rin, ayaw nyang kasama si Joshua dahil ang pangit ng ‘humor’ nito at hindi nya magustuhan. “Hayaan mo na, daan na lang tayo sa iba nang ‘di natin siya makita.”
Mas naging malapit pa sila sa isa’t isa dahil nag-transfer na si Lyle ng eskwelahan. Second year, second semester noong umalis si Ridge at tumigil sa pag-aaral para ipagpatuloy ang pagmomodelo pero sa pagkakataong ito, full-time na ang gusto ng binata.
Nang malaman iyon ni Lyle, ka-third year nila ay nag-shift na rin ito ng kurso para maging fashion designer. Sa kasalukuyan, sa Manila pa nag-aaral ang kaibigan at nagsabing t’wing bakasyon o walang pasok na lamang daw uuwi.
Habang naglalakad sina Keegan at Ivy, halos matigilan siya nang mas idinikit ng dalaga ang sarili sa kanya kaya nagtatama ang mga braso nilang dalawa, iyong likod ng mga kamay nila, medyo nararamdaman din ni Keegan ang kay Ivy.
Dati naman wala siyang reaksyon sa ganyan.
Ni wala nga siyang pakialam sa dalaga noon.
Pero ngayon hindi maintindihan ni Keegan dahil may mga oras na para siyang napapaso t’wing magdidikit sila ni Ivy pero may mga oras din namang normal lang ang reaksyon ng katawan nya rito. Hindi nga lang kasama ang ngayon sa mga panahong iyon dahil napapatingin siya sa mga kamay nilang minsan e magtatama.
Gusto ba ni Keegan si Ivy? Hindi nya alam. Naitanong nya rin ito kay Lyle nitong minsan pero hindi siya masagot ng kaibigan.
‘May posibilidad Kee, pero ‘di rin kasi ako sigurado. Baka kasi naa-attach ka lang kay Ivy dahil alam mong may gusto siya sa ‘yo at siya iyong nandiyan.’ Iyan iyong sinabi ni Lyle kaya kahit kailan, hindi umakto si Keegan na naaayon sa emosyon nya. Lagi nyang ibabase ang lahat sa kung ano ba ang rasyonal na gagawin sa sitwasyon kung nasaan sila ni Ivy.
“Kee, pwede mo ba pala akong samahan sandali sa SM? May mga requirements kasi akong need ta’s do’n na lang ako hahanap ng materials,” pag-aaya ni Ivy, binabasag ang katahimikang namutawi sa pagitan nilang dalawa.
Pinasadahan nya ng tingin ang dalaga bago siya tumango. “Sige lang, wala rin naman akong gagawin ngayon e.”
“Pero daan pa rin tayo sa iba, a? ‘Di talaga ako kumportable sa kaklase mo.”
“May gusto kasi siya sa ‘yo pero… tama ka, ‘di naman porket gusto ka nya e obligasyon mong matuwa sa mga biro nyang ‘di naman katuwa-tuwa.”
“‘Tsaka hindi ko naman siya gusto. Alam mo naman Kee na ikaw pa rin, ‘di ba?”
Hindi nakasagot si Keegan sa pag-amin ni Ivy pero damang-dama nya ang pagtigil sandali ng puso nya, bago iyon tuluyang bumilis at halos sumabog na sa dibdib nya.
Hindi naman ganito ang reaksyon ni Keegan noon kay Ivy. Sa tuwing aamin ito o magpaparamdam, blangko lamang ang mukha nyang haharapin ang dalaga at tatawanan ang pag-amin nito dahil hindi nya iyon kayang ibalik.
Kailan ba ito nagsimula? Hindi nya alam.
Noong maka-move on siya kay Aaron? Hindi. Ang tagal na mula noong matanggap nyang wala siyang pag-asa sa isang iyon. Noon bang mag-transfer si Lyle para habulin kung ano ba talaga ang kursong gustung-gusto nito? Hindi rin dahil bukod kay Ivy, may iba siyang kaibigan na madalas nyang kasama at napupunan din ng mga ito ang pangungulila nya sa kalokohan nila ni Lyle.
‘E ano itong gumugulo sa ‘kin?’ tanong nya sa sarili.
“No comment ako ro’n. Sinabi ko rin naman sa ‘yong ‘di ko kayang suklian nararamdaman mo—”
“Pero namumula ka na ngayon. I doubt na sa galit talaga ‘yan so, pwede ko bang isipin na kahit pa’no nag-iimprove iyong tingin mo sa ‘kin?” agap ni Ivy sa kanya.
Namamangha nyang nilingon ang direksyon ng dalaga at tuluyan siyang natameme. Medyo nanlaki pa ang mga mata nya dahil sa gulat noong ipunto nito ang pamumula ng mga pisngi nya.
Paanong—
“Kahit ‘di mo ako kayang makita ngayon as girlfriend, can I still take it as a possibility na baka mayroon na rin akong epekto sa ‘yo?” tanong ni Ivy bago nito pasimpleng hinawakan ang kamay ni Keegan at pinagsaklob ang mga daliri nila.
Punung-puno ng pag-asa ang mukha ng dalaga at tuluyan na lang na natulala si Keegan dito. Nahigit din ang hininga nya, nag-short circuit pa nga ang utak nya kaiisip kung ano ba dapat ang magandang reaksyon sa ganitong sitwasyon!
Ang isip ni Keegan, inuudyok siyang bitiwan ang kamay ni Ivy dahil paano kung wala pala talaga siyang gusto sa dalaga at tama si Lyle na na-attach lang siya?
Pero kahit iyon ang gusto nyang gawin, pinagtaksilan siya ng sarili nyang katawan. Nag-iwas lamang siya ng tingin sa dalaga pero pinisil nya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Hindi nya binitiwan.
“Kee—Keegan?” namamangha ring reaksyon ni Ivy bago ito nag-angat ng tingin sa kanya.
Sinimangutan nya lang ito noong tignan nya bago nya ulit ito inirapan. “‘Di ko alam! Ewan ko kung anong epekto mo sa ‘kin. Okay naman ako minsan, minsan ganito. Bahala na si Batman, ‘di ko alam kung anong nararamdaman ko para sa ‘yo.”
“…So…”
“Ewan, ayokong bigyan ng pangalan kasi baka mali ako. ‘Wag mo ring itaas pag-asa mo kasi pa’no kung nadadala lang ako ng bugso ng damdamin ko? King ina.” Inismiran nya si Ivy bago siya umiling-iling. “‘Wag ka munang umasa dahil kahit na hawak kita ngayon, inaalam ko rin kung ano ba talaga iyong tunay na nararamdaman ko para sa ‘yo.”
Ang buong akala ni Keegan, magagalit si Ivy sa kanya at ipagtutulakan siya dahil ang dating e parang pinapaasa nya ang dalaga— laking gulat nya noong ipulupot pa nito ang isang kamay sa braso nya at halos idikit ang sarili sa kanya.
“Okay lang! Masaya na ako sa ganito!” malawak ang ngiting sabi ni Ivy.
Pinangunutan nya ng noo ang dalaga. “‘Di ba dapat galit ka sa akin kasi parang ang dating, binibigyan kita ng mixed signals?”
Marahang umiling si Ivy bago ito humagikhik. “Malaman ko lang na nagkakaroon na ako ng epekto sa ‘yo masaya na ako. And I’ll let you figure out your feelings for me. Kung gusto mo ng oras, take all the time you need. Kung kailangan mo tulong ko para malaman kung gusto mo na rin ako, I’ll help you out too.”
Hindi dapat ito accepting sa ganito nya.
Dapat nagagalit ito at ipinagtutulakan siya. Mas gugustuhin ni Keegan ang parte kung saan iiwanan siya nito dahil hindi nya alam kung anong nararamdaman nya pero hawak-hawak nya ang kamay nito ngayon..
“Mahaha ang pasensya ko at naniniwala akong hindi mixed signal ‘to, Keegan. Sinabi mo naman na hindi mo rin alam. Nararamdaman ko ring unti-unti mong fini-figure out kung ano ba talaga ako sa ‘yo…” Sumandal si Ivy sa kanya bago nito niyakap nang mas mahigpit ang braso nya. “May tiwala ako sa ‘yo na if ever ma-figure out mong wala ka palang gusto sa akin at nadadala ka lang ng feelings ko, sasabihin mo iyon agad at ititigil mo iyong ganito. But for now… gusto ko ring i-enjoy.”
Hindi dapat ito umasa sa kanya dahil ang pangit ng timing.
Bakit noong umalis si Lyle at maka-move on siya kay Aaron, biglang nagbago ang ihip ng hangin sa kanya? Siya nga mismo, walang tiwala sa sarili nya.
“Kahit sabihin mo ring ‘wag akong umasa, ‘di mo desisyon kung anong dapat kong gawin.” Nag-angat ng tingin sa kanya si Ivy bago siya nito pakitaan ng magandang ngiti. “I’ll swallow whatever pill you’ll give me, Kee. And if I’m digging my own grave right now, please let me be. Just let me love you.”
Kabanata 13
KABANATA 13
ㅤㅤㅤㅤKATULAD ng sinabi ni Ivy, tinulungan nga nitong malaman ni Keegan ang nararamdaman para sa dalaga. At sa huli, napagtanto nyang hindi lamang siya attached sa dalaga dahil ito ang madalas nyang kasama mula noong lumipat ng eskwelahan si Lyle, talagang gustung-gusto talaga nya ito.
Paano? Hindi nya alam. Palaisipan pa rin hanggang ngayon.
Ngising-ngisi na nakatitig si Lyle kay Keegan habang pareho silang naka-video call.
“Pa’no iyon? ‘Di ko alam anong gagawin ko, putang ina,” panay ang rant ni Keegan kay Lyle habang ginugulo nya ang sariling buhok. “Alam mo, alam naman ni Ivy na naguguluhan ako kung gusto ko ba talaga siya o hindi e. Pero ngayong alam kong gusto ko talaga siya, ‘di ko naman alam kung pa’no ko sasabihin.”
Nagpahalumbaba si Lyle. Bakas sa mga mata nito na naaaliw siya nitong pinanonood. “Alam mo Kee, kahit naman pa’no mo lang ‘yan sabihin kay Ivy, matutuwa pa rin siya ano.”
“‘Di pwedeng gano’n! Ayoko namang sasabihin ko lang sa kanya ‘yon na parang wala lang.”
“Kung ayaw mo ng simpleng confession lang, edi ayain mo siyang lumabas tapos ‘tsaka ka umamin!”
“Sa’n ko naman siya dadalhin?”
Pagkatanong na pagkatanong nya niyan, naii-stress din siyang pinagmasdan ni Lyle. Blangko ang mukha nito pero alam nyang namomroblema rin ito sa tanong nya.
“Suggestion, tol. Kung ikaw ako, sa’n mo dadalhin si Ridge kung sakali mang mag-date kayo?” pag-uusisa nya.
Pinamulahan ng mga pisngi si Lyle noong marinig na banggitin nya ang pangalan ni Ridge. Unti-unting kumunot ang noo nito bago ito humalukipkip at nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Tang ina mo, Kee! Aagawin mo pa iyong mga lugar na plano kong pagdalhan kay Ridge!” reklamo pa nito.
Kinamot nya ang ulo. “Dali na kasi. Iyong mura lang, a? Iyong afford. Wala naman akong malaking ipon ‘tsaka magsisimula pa lang ako sa banda nina kuya Renzo.”
“Wait, nakuha ka na ro’n? Pinayagan ka na ng kuya mo?”
“Oo…? Part-time lang naman ‘tsaka madalang—” Natigilan si Keegan bago siya sumagitsit. “Mamaya na natin pag-usapan iyong pagbabanda ko! Sa’n mo tingin magugustuhan ni Ivy na pagdalhan ko sa kanya? Utang na loob, Lyle. Patulong!”
“Ayoko nga!” Ngumuso si Lyle pero hindi nagtagal ay hindi rin naman siya nito natiis at bumuntong hininga. “Alam mo ba pa’no pumunta sa CDC sa Clark? Medyo sikat na dating spot ‘yon. Doon na lang kayo mag-picnic ni Ivy ta’s doon ka umamin.”
Hindi alam ni Keegan iyong lugar pero nagpakita ng mga aesthetic-kuno na litrato si Lyle.
Anito pa, maganda raw pumunta roon sa hapon. Mas kaunti ang tao at mas maganda raw ang senaryo kaya tini-take note ni Keegan lahat ng advice ng binata sa kanya. Miminsan lang naman ito tumulong. Isa pa, ayaw ni Keegan na magmintis dahil iisang beses lang siya pupwede umamin.
Hindi sa maarte pero ayaw naman nya ng pipitsugin lang.
ㅤㅤㅤㅤ“MABUTI pala nag-aya ka ng picnic?”
Napalunok si Keegan noong marinig ang tanong ni Ivy at mabilis pa sa ala singko nyang inabot ang kwelyo ng suot na t-shirt para hilain iyon. Nag-iwas din siya ng tingin sa dalaga dahil hindi nya kinakaya ang intensidad ng pagkakatitig nito sa kanya, para siyang ineeksamina. Pakiramdam nya, nasasakal siya.
“Wala lang, gusto ko lang. Bakit?” tanong nya pabalik sa dalaga.
Bagamat nagtataka itong tumitig sa kanya ay lumapit lang ito sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
Hindi magsisinungaling si Keegan kung sasabihin nyang muntik nyang mahigit ang sariling hininga lalo na noong ipagsaklob ni Ivy ang mga kamay nila. Para siyang mauubusan ng hangin sa katawan, bigla pa nga siyang nahilo nang mas mag-sink in sa kanya kung gaano kalambot ang kamay nito.
“Wala lang din, masaya lang ako…” marahang sagot ni Ivy bago ito nag-angat ng tingin sa kanya at ngumiti. “So, anong gagawin natin dito sa SM? Bibili ba tayo ng food ta’s doon na lang kakain?”
Nag-iwas ng tingin si Keegan sa dalaga bago tipid na tumango. “Oo sana. Looban kasi ng Clark iyon, ‘di ba? ‘Di naman marami ang bilihan do’n. Baka mapalakad pa tayo nang malayo.”
“Totoo. Kung sa CDC, may malapit na 7/11 doon pero ayoko rin sanang maglakad gaano dahil naka-dress at kitten heels ako.”
“Edi hindi tayo gaanong maglalakad. Kakain lang tayo ta’s uuwi.”
“Tapos manonood ng sunset…” dagdag ni Ivy.
“Kasama iyon kahit parang ‘di maganda ang view dahil puro puno at building.”
“Okay lang! Romantic pa rin sa ‘kin iyong lugar. Para ka ring nasa ibang bansa.”
Halos manigas sa kinatatayuan si Keegan noong dumikit si Ivy sa kanya at isinandal ang gilid ng ulo nito sa braso nya. Hindi nya napigilan ang mapatikhim at takpan ang ibabang kalahati ng mukha at nang mapansin ni Ivy ang epekto nito sa kanya, naramdaman nya ang pagbaling nito ng tingin sa kanya.
Hindi man nakikita ni Keegan ang itsura ni Ivy pero alam nyang malawak ang pagkakangisi nito ngayon.
“Masyado ka namang halata kiligin,” panunudyo pa nito sa kanya bago ito sandaling tumingkayad para hipan ang tenga nya.
Normal lang na muntik mapasigaw si Keegan, namamangha pa nyang pinagmasdan ang dalaga, balak itong singhalan pero noong makitang maganda ang ngiting ipinaskil at ipinapakita nito sa kanya, parang naitapon nya lahat ng lohika’t natameme na lamang.
“Pulang-pula ka na, Kee. ‘Wag mo namang ipahalata na patay na patay ka sa ‘kin,” dagdag pa nito.
Kumibot ang isang kilay nya bago siya nanggagalaiti kuno na ngumisi. “King inang ‘yan, masyado kang ilusyonada.”
“Pa’nong ilusyonada e kinikilig ka na rin sa ‘kin? ‘Wag ka nga mahiya, ikaw pa rin naman mahal ko ‘no.”
Tang ina, masyadong magaling itong si Ivy, hindi siya makabanat e.
Dinala ni Keegan si Ivy sa SM. Tulad nga ng sinasabi nito, nag-grocery lang sila ng mga pupwede nilang kainin sa CDC. Nagdala sila ng dalawang malaking soft drinks, isang malaking mineral water— mga chichirya, tapos si Keegan na nakapag-ipon para sa araw na ito, bumili pa ng anim na pirasong doughnut para sa kanilang dalawa.
Siya ang may bitbit ng mga mabibigat habang magaan ang kay Ivy. Bilang kaya rin naman ng isang kamay ang pagbubuhat, magkahawak-kamay silang naglalakad ng dalaga palabas ng SM. Ayaw din kasi siyang bitiwan ni Ivy dahil baka raw mawala siya.
Parang tanga. Tagarito rin naman siya sa Mabalacat.
“Keegan… Ivy?”
Pareho silang natigilan noong may marinig na pamilyar na boses.
Ewan ni Keegan pero hindi siya natuwa sa narinig. Kahit si Ivy, parang naitulos na kandila sa kinatatayuan bago ito mas dumikit sa kanya.
Bilang sa likuran nila narinig ang boses, sabay na lumingon sina Keegan at Ivy— ‘tsaka nila nakita pareho si Joshua na namamanghang nakatitig din sa kanilang dalawa. Kasama nito ang barkada pero hindi nagtagal e tinakpan ng mga ito ang bibig at sabay-sabay na nag-‘oh’ lalo na habang nakatingin sa kamay nila ni Ivy na magkasaklob.
Kunot noong bumaba ang tingin ni Joshua sa mga kamay nila bago nito iyon tinuro.
“Magkasama kayong dalawa, holding hands pa?” tila ba napapantastikuhan nitong sabi bago tumingin sa kanya. “Akala ko ba, ayaw mo kay Ivy?”
At kailan naman huling sinabi ni Keegan iyan? Noong kapanahunan ng kopong-kopong?
Hindi napigilan ni Keegan na bitiwan sandali si Ivy para kamutin ang likod ng ulo bago siya bumaling sa dalaga para nag-aalangang ngitian ito. Nakangiti pa rin naman si Ivy na nakatingin sa kanya at bagamat hindi nagsasalita, pakiramdam nya e naiintindihan nito ang nais nya sabihin.
“First year ko pa sinabi ‘yon,” mahinang aniya sa dalaga.
Tipid na tumango si Ivy at tumawa. “I thought so too. Ayaw na ayaw mo sa ‘kin dati dahil gustung-gusto mo si ma’am Canlas, ‘di ba?”
“Hindi nga siya iyong—” Imbes na magpaliwanag pa e bumuntong hininga na lamang si Keegan at muling napatingin kay Joshua nang bigla itong tumawa.
“Sinungaling pala ang deputa,” kalauna’y anito na siyang sumira rin sa atmospera nila ni Ivy. Galit na galit itong nakatingin sa kanya bago siya dinuro. “Talk shit ka pala ‘tol. Sabi mo, ‘di mo papatulan kahit kailan si Ivy ta’s ngayon, magkahawak kamay kayong naglalakad?”
“…First year pa tayo no’ng sinabi ko ‘yan,” pag-uulit nya sa sinabi nya kay Ivy kanina.
“Kahit pa, Keegan! Alam mo namang gustung-gusto ko ‘yang si Ivy ta’s ngayon mo jojowain?”
Ibinuka ni Keegan ang bibig para magsalita pero naagapan siya ni Ivy. Ni hindi nya rin inaasahan na makikisali ito sa usapan at ayaw nya sanang madamay ito pero ganoon pa rin ang nangyari— tapos iyong mga kabarkada ni Joshua, tuwang-tuwa na pinanonood ang komosyon.
Maging iyong ibang napapadaan sa kinaroroonan nila, hindi maiwasang mapatingin sandali o hindi naman kaya ay makinig sa usapan nila.
“Pwede ba, Josh? Kung umasta ka parang may namagitan sa ‘tin. Like gosh, ang oa mo.” Umikot ang mga mata ni Ivy bago nito inirapan si Joshua. “Sinabi ko rin naman sa ‘yo na si Keegan lang ang gusto ko at siya lang hihintayin ko.”
“Pero umasa akong magugustuhan mo ako kasi ‘di ka naman din pinapansin nyang engot na ‘yan! Tapos ngayon, bigla kang gusto?” sagot naman ni Joshua.
“Whose fault is that? ‘Di ko naman sinabi sa ‘yong maghintay ka sa ‘kin kasi una pa lang, kay Keegan na atensyon ko. You were the one who insisted on waiting for me!”
Tinapunan siya ng masamang tingin ni Joshua. “Ano, nananahimik ka ta’s hinahayaan mong si Ivy ang sumagot para sa ‘yo? Ni ‘di ka nga marunong mag-english, ba’t ka ba nagustuhan ni Ivy samantalang barok ‘yang grammar mo?!”
“H’wag mo ngang nilalait-lait si Keegan dahil lang wala ka nang mahugot na mailalaban sa ‘kin!” sabad naman ni Ivy.
Sa totoo lang, na-offend din talaga si Keegan sa sinabi ni Joshua pero hindi rin siya nagulat nang ipunto nito ang grammar nya.
Hindi lang naman kasi ito ang unang beses na pinuna ni Joshua ang grammar nya. Isa nga sa dahilan kung bakit ito dumidikit sa kanya e dahil nagmumukha itong magaling sa tabi nya.
Humigop ng malalim na hininga si Keegan bago nya muling hinawakan ang kamay ni Ivy. Natigilan ang dalaga sa ginawa nya at tila ba nag-aalala itong tumingin sa kanya kaya marahan nyang pinaglandas ang hinlalaki sa likod ng kamay nito.
“Sorry…” panimula nya bago siya tumingin kay Joshua.
Kumunot ang noo nito kasabay ng pagsagitsit nito. “Sorry…? Tingin mo, maaayos niyan iyong sitwasyon natin—”
“Tama ka naman no’ng sinabi mong sinabi ko dati na kahit kailan e ‘di ko magugustuhan si Ivy. Pakiramdam ko kasi ‘di ko naman deserba iyong atensyon nya, bukod sa may iba akong gusto no’n…”
Pero nagbabago naman kasi ang tao over time?
Hindi rin naman inasahan ni Keegan na panghahawakan ni Joshua iyong sinabi nya noong first year sila magpahanggang ngayon. Halos tatlong taon na ang lumipas mula noong lumabas sa bibig nya ang mga salitang: ‘kahit kailan, ‘di ko
pagtutuunan
ng pansin si Ivy.’
Maraming nangyari sa loob ng tatlong taon. Tulad na lamang noong pagtanggap nya na hindi siya magugustuhan ni Aaron, na masaya na ito sa piling ng noo’y ex-boyfriend nito. Iyong pagtigil sa pag-aaral ni Ridge at pagsunod ng best friend nyang si Lyle rito.
Iyong unti-unti nyang pagbubukas ulit ng pinto para ihanda ang sarili na magmahal ulit, tapos nataunang napansin nya na si Ivy at naisip nyang hindi masamang subukan— hanggang sa tuluyan na lang din siyang nahulog dito.
“Pasensya ka na, Joshua…” Alam naman nyang hindi nito tatanggapin ang pagsu-sorry nya dahil gustung-gusto nito si Ivy. “Hindi ko rin naman mapagsasabihan sarili ko na itigil ‘tong kahibangan ko kay Ivy dahil nandiyan ka e.”
Isa pa, nasasakal na siya sa nararamdaman nya.
“Putang ina mo,” mura naman sa kanya ni Joshua bago siya ulit nito dinuro. “Okay lang, ‘di rin naman kayo magtatagal.”
Kumibot ang isang kilay ni Keegan dahil hindi siya natuwa sa narinig na sinabi nito. Hindi rin naman siya umaasa ng ‘blessing’ mula rito dahil gusto nga nito si Ivy pero…
Dinuro rin nito si Ivy. “Maaagaw din kita. ‘Di pwedeng masaya ka pagkatapos mo ‘kong paasahin.”
“Joshua,” tawag nya rito ‘tsaka nya ito tinapunan ng masamang tingin. “Naiintindihan kong galit ka sa ‘min pero—”
“Galit talaga ako! Pinaasa nyo ‘kong dalawa ta’s magkakatuluyan kayo? Hindi…” Umiling-iling pa ito at aabante pa sana para lumapit sa kanila pero pinigilan na ng mga kaibigan nito. “
Hindi kayo
magtatagal
, isinusumpa ko ‘yan sa inyong dalawa
.”
ㅤㅤㅤㅤTANG inang ‘yan, nang dahil kay Joshua, nasira iyong mood nila ni Ivy. Magmula noong hilain ito paalis ng mga kaibigan at maiwan silang dalawa hanggang sa makarating sila sa CDC, pareho silang tahimik ni Ivy at hindi nag-uusap.
Kanina pa rin siya pasulyap-sulyap sa dalaga, iniisip nya kung paano ba nya babasagin ang namutawing katahimikan upang masabi kung ano iyong nararamdaman nya.
Alam nya namang… may kaunti na siyang nasabi kanina pero para sa kanya, hindi iyon sapat para ipaliwanag dito kung ano ba iyong nararamdaman nya rito na ilang buwan na ring gumagambala sa kanya.
“Ang gulo kanina ‘no?”
Natigilan si Keegan noong si Ivy ang siyang bumasag sa katahimikan.
Inaasahan nyang siya at inihahanda na rin nya ang sarili nya pero sa huli, naunahan pa rin siya ng dalaga.
Pagak itong tumawa bago humimig at tumingin sa malayo. “I know it was only a coincidence that Joshua saw us together… Para sa ‘kin, maganda na rin iyon nang maisaksak nya sa isip nya na wala siyang pag-asa sa ‘kin.”
Natigilan siya’t namamanghang tumitig sa dalaga.
Ngayong naipunto iyon ni Ivy, naisip nyang titigilan na rin ni Joshua ang kakagulo sa dalaga. Lalo na, hindi naman lingid sa kaalaman nya na ‘creepy’ raw kung pormahan ito ng kaklase.
Sa pagkakaalam din kasi ni Keegan, patay na patay ang isang iyon kay Ivy. Hindi biro ang ganda nito, a. Kaya nga isa sa mga dahilan kung bakit hindi nya pinapansin ang dalaga noon e dahil baka trip lang siya.
Hindi naman siya gwapo, paano nya makukuha atensyon ni Ivy?
“Mahal kita.”
Natigilan si Keegan noong kusa na lamang lumabas ang mga salitang iyon mula sa bibig nya.
Kahit si Ivy na abalang makipagtitigan sa kawalan, natigilan at para bang naitulos sa kinauupuan nilang dalawa bago nito hinugot lahat ng lakas na harapin siya.
Pareho silang gulat.
“Ano?” napapantastikuhan nitong tanong.
May multo ng ngiti na naglalaro sa mga labi nito pero pinipigilan iyon ng dalaga na sumilay mula sa mga labi nito hangga’t hindi yata nito nakukumpirma na hindi ito nagkamali ng dinig.
May kung ano rin sa likuran ng isipan ni Keegan na umuudyok sa kanya na pagtripan ang dalaga pero…
Umiling siya’t tumikhim para ayusin ang tindig. “Ang sabi ko, mahal kita.”
Nang maidiretso ni Keegan ang pag-amin, unti-unting gumuhit sa mga labi ni Ivy ang isang malawak na ngiti. Nakakahawa, dahil natagpuan na lamang din nya ang sariling mga labi na sumasabay sa pagkurba ng ngiti sa magandang mukha ng dalaga.
“Medyo wrong timing, ‘no?” dagdag pa nya bago nya kinamot ang pisngi. “Kung kailan sana kita aayaing maging girlfriend ko, ‘tsaka naman tayo nakita ni Joshua at sinumpang ‘di magtatagal.”
“I don’t care,” buong pagmamalaking sagot ni Ivy.
“Anong wala kang pakialam? ‘Di ka man lang ba natatakot sa sumpa ng isang ‘yon—”
Bago pa man matapos ni Keegan ang sasabihin, lumapit si Ivy sa kanya at hinaplos ang pisngi nya. Marahan nitong ipinaglandas ang mga daliri sa balat nya’t bukod sa pinangilabutan siya, mayroong emosyon sa dibdib nya na tila ba nagagalak sa kung anumang gagawin ng dalaga.
Hindi nagtagal, ipinulupot ni Ivy ang mga braso sa leeg nya’t tuluyan siyang niyakap.
Siya lang din ba o naramdaman nya na dumapo sa pisngi nya ang mga labi ng dalaga? Hindi alam ni Keegan, basta noong maglapit ang mga katawan nila’t maramdaman nya ang presensya nitong malapit sa kanya, hindi napigilan ni Keegan na yakapin din pabalik si Ivy.
“Gusto kong maging girlfriend mo, do’n lang ako may pakialam!” masaya nitong sabi.
Hindi naiwasan ni Keegan ang mapaismid. “Sigurado ka ba? ‘Di naman ako gwapo ‘tsaka ‘di ako mayaman. Magulo buhay ko, Vy. Kita mo nga, kalat pa sa street natin na muntik akong maipakulong ng sarili kong pamilya dahil sinisiraan nila ako.”
“Wala akong pakialam.”
“Kung tutuusin, tama rin si Joshua. ‘Di ako gano’n katalino at kung iyong grammar na lang din ang pagbabasehan, walang-wala ako sa kanya.”
“Hindi ko gusto si Joshua, ikaw ang gusto ko.”
“‘Di ako kampante sa sarili ko, Vy. ‘Di ko alam kung mabibigyan ba kita ng magandang buhay kung ako ba pipiliin mo. Sigurado ka na ba?”
Bahagyang humiwalay si Ivy kay Keegan at nang magkaroon sila ng kakarampot na distansya mula sa isa’t isa, ‘tsaka iyon kinuhang oportunidad ni Ivy para pagmasdan siya.
“Mahal din kita, Keegan.” Bahagya nitong ipinilig ang ulo at tinitigan ang buong mukha nya. “Kung wala kang tiwala sa sarili mo na kaya mong ibigay lahat ng gusto ko, pwes ako kampante akong maayos ang lagay ko sa ‘yo.”
Napalunok siya. “Sigurado ka ba?”
“Oo naman. Mas lalo ngayon dahil iniisip mo na rin palang mag-settle down sa ‘kin. Kolehiyo pa lang tayo, Kee… Mahaba ang pasensya ko at alam kong gagawin mo lahat para lang maayos ang buhay natin sa oras na mag-settle down tayong dalawa.”
Nakakainis.
Ngayong naririnig nya ang sinasabi ni Ivy, ‘tsaka naman nag-eecho sa likod ng isipan nya ang mga salitang binitiwan ni Aaron sa kanya noong araw na umamin siya rito.
‘‘Di
ba mas magandang mag-pursue ng taong walang
sabit
at ibang
minamahal
sa tabi kung ‘di ikaw lang? You’ll find that person someday, Chavez.’ Katulad na lang ng sinabi ni Aaron sa kanya noon, totoo na mas masarap magmahal kung siya rin ang mahal.
Hindi nagsisinungaling si Aaron noong magsabi ito na hindi siya para rito, pero para sa taong mas kaya siyang pagtuunan ng atensyon at kayang ibalik iyong pagmamahal nya.
Malay ba nyang matagal na ring nasa tabi nya iyong taong iyon? O baka naman alam nya, masyado lang siyang focused sa ibang tao noon kaya ngayon lang nya nakita ang halaga ni Ivy.
Kabanata 14
KABANATA 14
ㅤㅤㅤㅤTATLONG taon matapos maging sina Keegan at Ivy, grumaduate sila nang maayos at may kanya-kanya nang trabaho. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho sa opisina sa loob ng Clark si Keegan habang si Ivy naman ay crew ng front desk sa isang three-star hotel.
Ayun lang, hindi sila makapagkita nang maayos madalas at nag-uusap na lamang t’wing bibisita si Keegan sa bahay ng dalaga o hindi kaya sa text o chat dahil shifting ang schedule ni Ivy. Walang permanenteng schedule. Para itong nagtrabaho sa 7/11 na hindi mawari kung panggabi ba o pang-umaga, at kailan ang day off.
Danas din ni Keegan iyan noon dahil bago makapasok sa isang maliit na kumpanya, nag-crew muna siya sa 7/11.
“Makakapunta ka ba sa gig?” tanong ni Keegan kay Ivy habang pinagmamasdan nya ang dalagang nakahiga sa kama nito at abalang nagsi-celphone.
Binitawan sandali ng dalaga ang celphone nito bago gumilid sa pagkakahiga para ngitian siya. “‘Di ko alam, e. Alam mo naman schedule ko, tapos ang hirap pa mag-leave kasi laging ‘di approved.”
Tipid nyang nginitian ang dalaga bago inayos ang buhok na humaharang sa maganda nitong mukha.
Nakaupo siya sa gilid ng kama nito at nahihiyang tumabi dahil hinihintay din nya na dumating iyong pina-grab nilang pagkain. Tinatamad kasi sila pareho magluto. Isa pa, parehong pagod.
“Ih, baka magtampo ka na niyan. Noong college tayo ‘di ako absent sa mga gig at performance mo pero ngayong graduate na tayo… ‘di na kita mapanood.” Ngumuso pa si Ivy bago nito hinawakan ang braso nya. “Gusto kita makita ulit sa stage na tumutugtog.”
Nginisian nya ang dalaga bago mahinang pinisil ang ilong nito. “‘Tsaka na, permanente na rin naman akong part-timer do’n sa banda nina kuya Renzo. Kung kailan mo off at kung kailan kami makakapag-perform, magtutugma naman schedule natin.”
“Babawi ako…”
“Kahit kailan, pero ngayon pahinga muna kasi ako rin iyong napapagod sa schedule mo.”
“Grabe, ‘no? Naaalala kong ganito rin schedule mo noong nagtrabaho ka sandali sa 7/11.”
Panandalian lang din naman iyon pero oo.
Noong mga panahong iyon, nagkaaberya pa sa requirements nya kaya hindi siya natatanggap sa mga call center na in-apply-an nya bilang IT sana. Minumulto pa rin kasi siya ng kasong ‘isinampa’ sa kanya ng mga magulang at bagamat hindi iyon napatunayan, nalaman nilang hindi inayos sa NBI o police clearance ba iyon ang kaso nya.
Nasaktuhan lang naman na nangangailangan din ng crew iyong 7/11 malapit sa kanila kaya roon siya nag-apply at sinwerte kahit paano.
Noong naayos na ang requirements nya, ‘tsaka siya ulit sumabak sa pag-aapply. Natanggap naman siyang IT pero sa loob na ng Clark, mas mababa ang offer pero mas maayos dahil tahimik ang buhay nya roon.
Marami pa silang pinag-usapan ni Ivy bukod sa schedule nilang dalawa.
“Labas pala tayo minsan,” pag-aaya ni Ivy pero inaantok na ito kaya halos hindi na maintindihan ni Keegan ang sinasabi. “Ang tagal na noong huli tayong nag-date.”
“Next day off mo,” aniya bago siya humiga sa tabi ng dalaga nang muwestrahan siya nito.
“Sige. Tulog muna ako, a? Gisingin mo ako kapag dumating na food natin.”
“Opo, boss. Sleep well.”
ㅤㅤㅤㅤHINDI naman dumating iyong araw na lalabas sila at makakapag-date. Ang hirap ipagtugma ng schedule nila ni Ivy pero minsan, sinusundo na lang nya ang dalaga ‘pag pinapahiram din sa kanya iyong motor ni Edward.
Okay naman, pero madalas nakakalungkot pala dahil iba na iyong ganap nila.
“Wala ulit si Ivy?” tanong ni Renzo noong gig nila.
Bumuntong hininga si Keegan at tipid na tumawa. “May pasok kasi siya, e. Short sila sa staff.”
“Grabeng schedule naman niyan. Tapos ‘thank you’ ang OT nya? ‘Di mo pa sabihang mag-resign diyan girlfriend mo?”
“Gusto nya pero mahirap maghanap ng trabaho ngayon, e.”
“Hoy, totoo!” pagsang-ayon naman ni Kevin. “Pero alam mo, Kee? Maraming hotel diyan, kamo.”
“Ganyan talaga schedule nilang lahat,” aniya bago siya ulit bumuntong hininga. “Simula noong sa una nyang hotel na trinabahuan, ganyan talaga.”
“Lah, potang ina. Buti nakaka-survive pa ‘yang relasyon ninyo?”
Siya rin, nagugulat e. Pero natutunan na lang din talaga nila ni Ivy na intindihin isa’t isa kasi walang mangyayari kung ganitong bumubuo sila ng pangarap tapos ikakagalit nya itong simpleng hindi nila pagtutugma ng schedule.
“Tara na raw,” sabad ni Ian noong bumalik ito sa dressing room kung nasaan sila. “O, napano kayo? Ba’t ang tahimik nyo lalo na ‘yang si Keegan?”
“Wala kasi si Ivy,” simpleng sagot ni Renzo bago nito inabot ang ulo nya’t ginulo ang buhok nya.
“Okay lang ‘yan, boy! Babawi naman yata sa ‘yo iyang girlfriend mo. Arat na, baka magalit na may-ari ng bar,” sabi naman ni Kevin.
Nakakalungkot, amputa.
Walang ganang inabot ni Keegan ang electric guitar nya’t isinukbit sa balikat nya. Nakakawalang gana mag-perform kapag wala iyong inspirasyon, ampupu.
ㅤㅤㅤㅤ“KEEGAN, nag-aaya mga kasama ko sa work na mag-inuman kami,” paalam ni Ivy sa kanya.
Kakasundo nya lang dito nang matapos ang shift niya sa trabaho. Sa kasamaang palad, nag-OT si Keegan kaya halos maghintay sa labas ng hotel si Ivy. Mabuti nalang at nakarating siya sampung minuto matapos nitong mag-out sa trabaho.
Humimig si Keegan. “Kailan? Sino ring kasama ninyo?”
“Sina Bianca lang.” Mahinang humagikhik si Ivy. “Tinatanong nga nila kung gusto mo raw bang sumama.”
“Sila lang ba?” Kasi kung sila lang, walang kaso kay Keegan.
Kilala naman niya iyong mga kasama nito sa trabaho kaya ayos lang na hayaan niyang sumama ito sa mga kaibigan paminsan-minsan. At kahit gustong sumama ni Keegan, habang kilala niya ang mga kasama ni Ivy, ayos lang sa kanyang mag-isa itong magliwaliw. Susunduin na lang niya ito pagkatapos.
Tumango si Ivy. “Sila lang! Sa bahay kami nina Bianca. ‘Tsaka baka overnight kasi ‘yon. Sasama ka ba?”
“Hindi ko alam kung makakasama ako.” Walang gana si Keegan ‘tsaka kilala naman nya sina Bianca. “Susunduin na lang kita kinabukasan. Ayoko namang makaistorbo sa inyo ng mga katrabaho mo e minsan lang naman kayo mag-bonding.”
“Hoy, okay lang! Sila nga mismo nagtanong kung gusto mo bang sumama kasi gusto ka raw nilang kakwentuhan.”
“Sabihan kita ‘Vy,” aniya’t nginitian ang girlfriend.
Pag-iisipan niya. May pasok kasi si Keegan sa araw na nag-aaya si Ivy tapos… hindi nya alam kung naaalala ba ni Ivy pero may gig kasi siya noon at inaasahan nyang pupunta ito.
Lihim na bumuntong hininga si Keegan para alisin na lang ang pagtatampong nararamdaman.
Okay lang iyon, may next time pa naman. Miminsan lang din naman makasama ni Ivy ang mga kasama nito sa trabaho at kilala naman ni Keegan ang mga ito.
Pero ewan.
May kung anong hindi tama sa paalam ni Ivy. Basta, iba ang pakiramdam ni Keegan at parang may sumisipa sa tiyan nya o para siyang kinakabag na hindi nya maintindihan.
“Kailan kayo iinom? Ihahatid kita,” pag-aaya niya.
Malawak siyang nginitian ni Ivy. “Sa day off!”
Tumango siya. Sasamahan nya sandali si Ivy pero sa oras na magkakasama na ang mga ito, aalis siya. Ayaw nyang istorbohin ang bonding time nilang magkakasama. Magiging epal lang si Keegan doon.
Iyon lang din ang kaya nyang gawin dahil may trabaho pa siyang aasikasuhin.
“Masama pa rin ba timpla mo hanggang ngayon, by? Kasi normally, gusto mong makihalubilo sa mga kaibigan ko. Um, gusto rin naman nilang in ka sa barkada kasi mabait ka,” ani Ivy sa maliit na boses.
Namamangha niyang pinagmasdan ang girlfriend niya pero wala siyang nasabi.
“Baka kaya ka ganyan e dahil sa shifting ng planets!” dagdag pa nito. May bahid ng pang-aakusa sa boses nito nang pagbintangan nito ang walang kamuwang-muwang na mga planeta.
Nginiwian niya si Ivy. “Ano namang kinalaman ng planeta sa pagiging tahimik ko?”
“Kasi baka may darating na change sa buhay mo. Whether it’s positive or negative, ‘di ko lang din masabi kaagad. Ikaw kasi magdedesisyon ng path na tatahakin mo sa part na ‘yon.”
“Okay…?” Nag-iwas siya ng tingin. “E anong kinalaman ng mga planeta sa daang tatahakin ko?”
“Sila magiging guide mo, baby!” masiglang sagot ni Ivy at itinaas ang hintuturo nito. “Kung anumang change ang gagawin mo sa sarili mo or involuntary’t unexpected na mangyayari sa buhay mo, sila ang magga-guide sa ‘yo para maharap mo ‘yon. Also, planets would let you know ‘pag mag-undergo ka ng spiritual growth.”
Humigop nang malalim na hininga si Keegan at pilit na nginitian si Ivy. Ayaw nyang magsalita at baka may masabi siyang ikagalit o ikatampo nito. Pero hindi niya lang talaga ma-gets kung paanong naging related sa pinagdadaanan niya ang mga planeta.
“Keegan, natutulala ka na naman,” nag-aalalang sabi ni Ivy.
Napamaang siya’t napakurap-kurap. “Sorry. Mayroon lang akong naalala bigla. Kanina mo pa ba ‘ko kinakausap?”
“Oo, sinasabi ko kung sa’n ko gustong kumain. Hindi ka pa ba nagugutom? Mukhang pagod ka na rin sa trabaho.”
“Ah. Sa bahay na lang tayo, pwede ba? Magluluto na lang ako, Ivy. Ayoko munang kumain sa labas kung ayos lang.”
Hindi sa tinitipid si Ivy pero nagtatampo siya na hindi nya maintindihan.
Bakas sa mukha ni Ivy na hindi nito gusto ang suhestiyon nya pero imbes na magkomento ay tipid na lamang itong tumango. “Okay lang din, pero babawi ka! Sa susunod, ‘di na pwedeng dahilan na wala ka sa mood kaya ‘di na tayo makapag-date. Naku! Kaunti na lang talaga at iisipin kong ‘di mo na ‘ko mahal.”
“Mahal pa rin kita,” mabilis niyang sabi na nakapagpatigil sa dalaga.
Pinamulahan ito ng mga pisngi lalo na nang hanapin ang mga mata niya’t makitang seryoso siya.
Nagtatampo lang naman siya pero me-problem na kasi ito kaya ayaw nyang ipaalam sa girlfriend nya.
“It’s… okay!” wala sa sariling sagot ni Ivy. “Pakshet naman, baby! Gusto ko muna kasing magtampo nang kaunti. Ayoko na. I admit defeat. Nanghina ako sa sinabi mo, a.”
Mahina siyang tumawa. “Totoo naman kasing mahal pa rin kita at ‘di ko sadyang mag-overthink ka. Bakit? May nagsabi na rin ba sa ‘yo na baka ‘di na ‘ko interesado sa ‘yo?”
“Meron.” Napalabi ang dalaga. “Sinasabi nina Bianca na baka may iba ka na. Kaso kapag chini-check ko naman, wala kang ibang kausap na babae bukod sa ‘kin.”
“Oo naman. Gago lang ang pamilya ko pero lumaki akong maayos, Vy. Kinuha ko lang magandang ugali nina Mama, ano.”
Habang nagtatagal ang usapan nilang dalawa ni Ivy, mas lalong nagsi-sink in kay Keegan na ang swerte pala niya sa dalaga.
Lihim siyang bumuntong hininga. Hindi nito deserba ang klase ng lalaking nagiging siya. Hindi dapat siya nagtatampo sa mga ganitong klase ng bagay na pupwede namang bawian ni Ivy anumang oras.
ㅤㅤㅤㅤ“AALIS si Ivy?” pag-uusisa ni Edward nang mabanggit niya ritong magba-bonding si Ivy kasama ang mga kasama. “Hindi mo sasamahan girlfriend mo?”
Umiling siya. “Hindi ngayon, kuya. Gusto kong bigyan ng oras si Ivy kasama mga kaibigan niya na wala ako, e.”
“Baka naman ‘di ka na gustong makita ng mga kabarkada ni Ivy?”
“Hindi sa gano’n. Chinat nga ako ng mga kaibigan ni Ivy kung ba’t ‘di ako sasama, e. May gig lang kasi talaga ako at naka-oo na ako kina Renzo, ‘di ko mabawi kasi pandagdag gastos din.”
“Alam ni Ivy?”
Kinamot nya ang pisngi bago siya nag-iwas ng tingin dito. “Sinabi ko naman sa kanya pero ‘di nya yata naaalala kaya ‘di ko na lang din binanggit.”
“Pa’no iyon, e panay kang nagrireklamo na gusto mo siyang makita sa gig ninyo?”
“Makakabawi naman siya sa susunod, e.”
Ilang beses na napatango-tango si Edward, tila ba iniintindi ang sinasabi niya.
“Isa pa, at least kung bigla nya akong ayain na lumabas kaming dalawa, madadala ko siya sa magarbong lugar kasi may extra ako,” aniya pa.
Inismiran naman siya ni Edward. “Alam mo namang walang pakialam sa ganyan iyong girlfriend mo basta kasama ka, ano?”
“Hayaan mo na, minsan lang naman.”
“O siya, ‘di mo ba ihahatid si Ivy?”
“Ihahatid, syempre. Pahiram sandali ng motor mo, a?”
“Bahala ka basta ibalik mo nang maayos.”
Hapon na at ngayon ang araw kung saan aalis si Ivy kasama ang mga kaibigan.
Sa totoo lang, magmula noong magpaalam si Ivy sa kanya na lalabas kasama ang mga kasama sa trabaho e hindi siya mapakali. Kampante naman siya na walang mangyayari rito dahil matagal naman nang kaibigan ni Ivy ang mga makakasama pero… ewan .
Parang may mali.
Pero paano kung siya lang pala ang nag-ooverthink? Ayaw nyang isipin ni Ivy na wala siyang tiwala rito.
Nag-aayos lang din si Keegan ngayon dahil maya-maya, lalabas na siya para sunduin ang dalaga. Nagluto siya makakain nito kasama ang mga kaibigan mamayang magkakasama na sila dahil hindi naman siya pumayag sumama sa inuman nila nang magkaroon ito ng oras sa mga kaibigan.
Noong matapos mag-pack si Keegan ng pagkain, dali-dali niya iyong iniligpit dahil kanina pa siya ilang beses na tini-text ni Ivy. Pakiwari niya e nagtatanong na ito kung nasaan siya. Noong matapos, ‘tsaka niya tinignan ang mga mensahe nito. Mahina siyang natawa dahil hindi naman pala siya minamadali ng girlfriend niya. Sa halip, nag-send ito ng video ng mga dadalhin at kung paano ito mag-ayos.
Meron pang… “Gawan mo nga ng voice-over ‘tong make-up video na ginawa ko, ‘by!” At bagamat hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng voice-over, pumayag siya.
Me : Pupunta na ‘ko, Ivy.
Ivy : Okie! Basta yung pagkain ha! Masarap ka naman magluto.
Binola pa siya kung kailang paalis na siya. Nagpaalam siya kina Edward na aalis na at nang pumayag ang mga ito, pumunta na siya kina Ivy. Mabilis lang siyang nakarating sa bahay ng binata at naabutan pa niya ang ina nito sa labas na nagdidilig. Nakausap pa niya sandali hanggang sa nagmamadaling lumabas si Ivy.
“Kee!” masiglang tawag sa kanya ng dalaga.
Sabay silang napalingon ng inannito ito ngunit nginitian niya kaagad ang kasintahan.
“Ay jusko, ‘tong batang ‘to! ‘Di ka man lang nahiya sa boyfriend mo. Pinaghintay mo pa ng matagal dito sa labas!” sermon ng ina nito kay Ivy.
Nahihiyang umiwas ang dalaga’t nagtago sa likuran niya. “May naiwan lang naman ako sa loob Ma, kaya ako bumalik ulit sa kwarto!”
“Ayos lang din po. Aalis din naman kasi kami agad ni Ivy. Pakikumusta na lang po ako kay Tito,” aniya’t nginisian ang ina nito.
Hinayaan sila ng nanay ni Ivy.
Nagreklamo pa si Ivy pagkalagpas nila sa bahay nito dahil mas paborito pa raw siyang anak kaysa rito, pero naikwento rin naman ni Keegan na sobrang kabado siya noong unang beses siya nitong ipakilala sa mga magulang.
Dahil marumi ang background ni Keegan at hindi kagandahan, at mayroong reputasyon ang pamilyang ‘Chavez’ sa lugar nila, natakot siyang hindi siya magugustuhan ng mga ito.
Pero nagulat siya dahil iba ang nangyari at tanggap pala siya ng mga ito.
Ilang beses sinabi ni Ivy na pino-point out daw palagi ng mga magulang nito na mabait siyang bata dahil kung hindi, hindi naman daw siya kukunin ni Nanang Belinda at palalakihin. Napahalakhak siya’t natuwa sa mga nalaman.
Ah. Mabuti na lang talaga at ganoon ang impresyong naiwan niya sa mga magulang ni Ivy dahil nag-aalala si Keegan na baka tulad noon, tino-talkshit siya ng magulang ng mga dating kaibigan.
“Hindi na ba talaga magbabago isip mo?” nakangusong tanong ni Ivy. Kumapit ito nang mahigpit sa braso niya’t tila ba ayaw siyang bitiwan. “Gusto kitang kasama mamaya, Keegan! ‘Tsaka sure akong miss ka na rin ka-bonding ng mga kaibigan ko. Ka-close mo na kaya silang lahat.”
Kabado siyang tumawa. “Alam ko naman. Ano lang, natatakot lang ako na baka mamaya, mag-init na naman ulo ko.”
“So? Normal naman na maging edgy paminsan-minsan. ‘Tsaka hindi mo naman inuugali. Pinipilit mo ngang ibalik sa dati sarili mo, e! Basta, ha? Magsabi ka kung anong nangyari at ganyan ka. Malay mo, may maitulong ako sa ‘yo. Kahit moral support lang.”
Nginisian nya ang girlfriend. Inabot niya ang kamay ni Ivy ‘tsaka dinala sa mga labi para halikan. King ina. Alam niyang swerte siya sa dalaga pero hindi talaga magsasawa si Lord na isampal sa kanya ‘yong katotohanang iyon, ‘no? Pakiramdam ni Keegan, siya ang paborito ngayon.
Hindi nagtagal, nakarating silang dalawa ni Ivy sa meeting place ng mga kaibigan. Nandoon na ang ilan sa mga kabarkada nito kaya nakakwentuhan pa niya ang iba. Iyon lang, ilang beses din siyang napilit na sumama kahit humindi siya. Natawag pa siyang KJ at kung hindi lang siya pinagtanggol ni Ivy, baka nahila na siya papunta sa bahay ng mga kaibigan nito.
“Sunduin mo ako bukas, ha!” sigaw ni Ivy noong naglalakad na ang mga ito paalis at naiwan siya sa meeting place nila. “Keegan! Sunduin mo ako bukas!”
Natatawa siyang tumango habang kumakaway. Nakakahiya dahil maraming tao ang nanonood sa kanila dahil para siyang asawa na iiwanan dahil mag-a-abroad ang isa.
“Oo!” sigaw niya pabalik. Maaga siyang pupunta sa bahay ng kaibigan nito para sunduin ito. Hindi pwedeng hindi.
“I love you!” sigaw ulit ni Ivy. Ngiting-ngiti ito habang kumakaway sa kanya kaya napahagalpak din siya ng tawa. Ang harot.
“I love you too!”
Hindi niya alam kung gaano katagal silang ganoon ng kasintahan pero noong malayo na ang mga ito, ‘tsaka pa lang umuwi si Keegan. Kaso bawat pagyabag niya, naramdaman niya ang pagbigat ng katawan. Iniisip niya kung masama ba ang pakiramdam niya hanggang sa maalala niya si Ivy at ang lakad nito.
Iti-text niya si Ivy at sisiguruhing tawagan mamaya.
Kabanata 15
KABANATA 15
Ivy:
good morning babyyyy wag mo na ko sunduin sa bahay nina bianca i love you ingat ka lagi
ㅤㅤㅤㅤHINDI na malaman ni Keegan kung ilang beses na ba nyang binasa ang mensahe ni Ivy sa kanya noong umagang susunduin nya sana ito matapos mag-overnight kasama ang mga kabarkada. Mula kasi nang mag-text ito, hindi na nakita ni Keegan si Ivy. Madalas silang magkausap sa text pero sa tuwing magsasabi siyang gusto nya itong makita, iiwas sa kanya si Ivy. Tinatanong na rin nya kung may problema ba pero iniiba nito ang usapan.
Nag-aalala ba siya? Malamang! Girlfriend nya ang usapan at bagamat nasa panahon siya kung saan bugnutin siya, iisipin at iisipin nya pa rin si Ivy. Isa sa mga naiisip nyang dahilan ng pag-iwas nito e baka napagsabihan ng mga kaibigan na huwag muna siyang kitain hanggang sa magtino siya. Kaya nitong nakaraan, pinipilit talaga ni Keegan na iwasan ang magmasungit. Pinapahaba ulit nya ang pasensya.
Pero… ilang linggo na ang lumipas at ni minsan, hindi nya nakita ang anino ng girlfriend nya mula nang ihatid nya ito sa bahay ng kaibigan nito.
Ni hindi na nga siya makapag-focus na naman sa pagbabanda dahil nag-aalala siya kay Ivy. Ayaw nyang dalhin sa trabaho ang problema pero meron talagang mga pagkakataon na parang nawawala siya sa sarili kaya hindi siya makasabay kina Renzo. Pero pinipilit nyang huwag iyon madalas gawin para hindi mag-init ang mga ulo nito sa kanya. Baka kasi isiping hindi na siya seryoso sa ginagawa nila’t maisipan siyang palitan.
“Keegan, lalabas ka ba?” tawag sa kanya ni Ian noong break nila.
Nagkayayaan sila noon nina Renzo na lumabas para makapagmiryenda. Maninigarilyo rin ang mga ito at siya naman e maghahanap ng totobits na papapakin habang nag-iisip isip tungkol sa mga desisyon nya sa buhay. Kaso bago pa man sila makalabas lahat, tinawag siya bigla ni Ian.
Hindi pa nakatulong na ang seryoso nitong tignan kaya kabadong nagpalinga-linga si Keegan. Iniisip nya kung napansin na ba nitong wala siya sa mood na tumugtog e sa isang araw nga sila dadalo sa may bar na madalas nilang pinupuntahan.
E ito rin ang nagalit sa kanya noong minsang wala siya sa loob tumugtog, e.
“Hoy, anong meron?” sabad ni Renzo ‘tsaka sila pinasadahan ng tingin. “Magagalit ka na naman kay Keegan? Ian, nagkamali lang ng ilang beses e.”
Nasisiphayong umiling si Ian. “Hindi ‘yon! ‘Di tungkol sa pagtugtog nya. Basta, seryosong usapan ‘to.”
Sumilip si Kevin mula sa pinto. “May tsismis ba? Aba, daig niyo pa mga Marites sa street namin, a!”
“Lumayas nga muna kayong dalawa! Mabilis lang kami ni Keegan, susunod din kami sa inyo!” anito.
Mag-aasaran pa sana sandali ang mga ito hanggang sa kaladkarin ni Renzo si Kevin. Naniguro rin naman ang lider nila na hindi sila magtatalo ni Ian at siniguro naman ng isa na wala silang pag-aawayan ni Keegan.
Noong maiwan silang dalawa sa practice room, naramdaman ni Keegan ang bigat ng atmospera. Nandoon iyong tensyon at hindi siya natutuwa pero wala siyang sinabi. Sa halip, pinanood nya ang binatang iligpit ang drumsticks nito.
“Anong meron, Kuya Ian?” pagtatanong nya nang hindi pa rin magsalita ang binata.
Humimig ito at naghanap ng mauupuan. Nang walang makita dahil si Keegan na pala ang nauna sa ulunan ng speamer, sa sahig na lang ito umupo.
“Kayo pa ba ni Ivy?” nagtatakang tanong pabalik ni Ian.
Kumunot ang noo nya’t doon siya kinabahan. Ang lakas ng pintig ng puso nya at para iyong tatalon mula sa ribcage nya anumang oras.
Kabado siyang tumawa. “Oo naman, Kuya. Ba’t mo naitanong?”
“Ah.” Tumango-tango ito. “Sabi mo kasi nitong nakaraan, ‘di mo nakikita si Ivy. E saktong nakita ko kasi ‘yong girlfriend mo na may kasamang lalaki, tatlong beses na. ‘Di ko lang masabi sa ‘yo hanggang nitong nakaraan na nagkasalubungan talaga kami nang direkta.”
“Huh? Baka pinsan?”
Nagkibit balikat ito. “Aba malay ko. Galing ng clinic ‘yong girlfriend mo malapit sa palengke ‘tsaka iyong lalaki ta’s kapag nadadaanan ko, parang laging nag-aaway. Nakita ako no’n noong minsan, tumakbo sila pagkatapos.”
“Ah.” Pakshit, hindi nya alam kung anong sasabihin.
Gusto pa sanang pangatwiranan ni Keegan dahil ayaw nyang mag-isip ng kung anu-ano pero ang wirdo ng iniakto ni Ivy nang makita si Ian. Muli siyang tumawa, ngunit pagak na sa pagkakataong ito. Nag-iwas siya nang tingin hanggang sa matagpuan nya ang sariling nakatulala na pala.
Dama pa rin nya ang matamang pagtitig sa kanya ni Ian. Hanggang sa, tumikhim ito. “Hindi kita pinag-o-overthink, Keegan. Nagtataka lang ako na saktong sinabi mong ‘di mo pa nakikita si Ivy, ‘tsaka naman ilang beses kong nakita na may kasamang lalaki.”
Pagak siyang tumawa. Ayaw nga nyang mag-isip at gusto nyang dipensahan ang girlfriend nya kaso… hindi rin kasi siya kinakausap nito. Tatlong linggo na yata siyang iniiwasan. Hindi rin nagpupunta sa mga gig nya, kaya pakiramdam ni Keegan e ang tahimik ng buhay nya.
“Kakausapin ko na lang si Ivy, Kuya.” Inabot nya ang likuran ng ulo. “Salamat sa pagsasabi sa ‘kin ng nakita mo.”
Tipid itong tumango. “‘Di ko alam anong sasabihin ko sa ‘yo, Keegan. Sinabi ko lang naman kung anong napapansin ko. E kung…”
“… Kung isang beses mo lang naman kasing nakita na ganoon, ayos lang sana. Baka coincidence lang. Iisang lalaki lang ba kasama ni Ivy?”
“Oo.”
Putang ina talaga. Kahit na naiirita na si Keegan dahil sa mga nalaman nya at gusto nyang tawagan ngayon si Ivy para makapag-usap silang dalawa, pinipigilan nya ang sarili dahil siguradong maaaway nya lamang ito. E wala naman siyang alam kung anong nangyayari sa dalaga. Hindi sila maayos na nakakapag-usap nitong nakaraan, paano kung pinsan lang pala ang kasama nito?
Pero bakit kasi tatakbo si Ivy kay Ian noong direktang nagkasalubungan ang mga ito, ‘di ba?
“Salamat, Kuya. Ako nang bahala, pag-uusapan na lang namin ni Ivy ‘to,” anya.
ㅤㅤㅤㅤ“KEEGAN, kayo pa ba ng girlfriend mo?”
Natigilan si Keegan nang marinig ang parehong tanong nang tulungan nya ang saleslady ng kapitbahay na magbuhat ng parte ng sasakyan sa loob ng warehouse ng mga ito.
Nang hanapin nya ang mga mata nito, natagpuan nya ang dalagang nag-aalalang nakatingin sa kanya. May bahid din naman ng gustong makisipsip ng tsaa nito sa kanya— makitsismis —pero hindi na lang papansinin iyon ni Keegan.
“Opo. Ba’t mo naitanong, Ate?” pag-uusisa nya.
Hinawakan nito ang sariling pisngi. “Seryoso ba? Ilang taon na kayong mag-on?”
“Magdadalawang taon na.”
Mataman nilang pinagmasdan ni Roxanne ang isa’t isa hanggang sa mangawit siya’t tumayo nang tuwid. Dahil hindi nagsasalita si Roxanne at tahimik lamang siyang pinagmamasdan, hindi nya maiwasang mapangiwi.
Ano bang meron?
“Alam mo ‘yong girlfriend mo…” marahang panimula nito, tila ba tumityempo.
Pilit siyang ngumiti. “Nakikipagkita sa ibang lalaki?”
“Ba’t mo alam?” namamanghang anito. Namilog ang mga mata ni Roxanne at napasinghap ito. “‘Di ko talaga alam kung pa’no ko ‘to sasabihin sa ‘yo tapos alam mo naman pala? Hinahayaan mo lang ba girlfriend mong gano’n?”
“Hindi. Nitong nakaraan ko lang din nalaman. Ah, naghahanap lang ako ng tiyempo para kausapin siya… Ayoko kasing idaan sa init ng ulo. Pa’no kung kamag-anak nya lang, ‘di ba?”
“Kamag-anak e nagpupunta sa bahay nya?”
Natigilan si Keegan sa narinig. Parang doon lang siya nasampal ng katotohanang magkalapit bahay lang nga pala sina Roxanne at Ivy. Magkaiba ng kanto pero iisa ng lugar. Siguradong kilala nito ang pamilya ng girlfriend nya.
“Diyos ko. Nagtataka nga mga kapitbahay nila nang mapadaan ako kasi pabalik-balik ‘yong lalaki sa bahay ni Ivy. Hindi na rin gano’ng lumalabas ‘yong pamilya nya. Nag-resign din daw sa trabaho ‘yang girlfriend mo,” anito.
“Huh?”
Napalunok siya. King ina. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya. Tsismis lang naman ang sumunod na sinabi ni Roxanne, hindi ba? Pero… hindi rin naman siya pinapapunta ni Ivy sa trabaho nito noong nakaraan. Hindi nya alam kung anong dahilan.
Basta.
“Hindi mo ba pinupuntahan sa kanila? Diyan na lang nakatira ‘yong girlfriend mo,” anito.
Pagak siyang tumawa. “Ang sabi nya… bigyan ko raw muna siya ng space nitong nakaraan. Pupuntahan ko na lang mamaya sa kanila, Ate. Salamat sa impormasyon. Totoo ba ‘yong huli?”
“Anong huli?”
“Na nag-resign daw girlfriend ko sa trabaho?”
Nagkibit balikat ito. “Iyon ang narinig ko pero ‘di ko lang alam kung totoo. Kaso, ‘di ko rin nakikitang lumalabas girlfriend mo. ‘Tsaka ‘di ba madalas ‘yang dumaan dito kapag papasok sa trabaho? ‘Di nga pwedeng ‘di ka nadadaanan bago ka pumasok sa kumpanyang napag-apply-an mo noong minsan.”
Oo nga naman. Ah. Hindi na nya alam.
Kinakabahan siya. May kung anong nagsasabi sa kanya na puntahan nga nya si Ivy mamaya dahil sa totoo lang, hindi siya natutuwa sa naririnig nyang mga tsismis pero mayroon din namang nagsasabi sa kabilang banda ng isipan nyang huwag siyang tumuloy at baka may makita siyang hindi kaaya-aya.
Pero itong utak nya… kinukumbinsi at binubuljngan siyang may hindi tama sa mga nangyayari lalo na sa mga tsismis na naririnig nya sa mga kakilala. Paano rin nya kukumpirmahin ang mga akusasyon ng mga ito kung hindi nya bibisitahin si Ivy?
Tama namang diyan lang nakatira ang dalaga.
“Ate, paki-describe nga itsura no’ng lalaking nakita mo no’ng minsan?” anya nang magpapaalam na sana si Roxanne na mauuna na’t may gagawin.
Natigilan ito. “Hindi ko na alam, e? Isang beses ko lang nakita ta’s palagi pang nakatalikod. Basta Keegan, kung ako sa ‘yo e kausapin mo girlfriend mo at kung totoo hinala ko, makipag-break ka na sa kanya.”
Madaling sabihin pero mahirap gawin. Gusto muna nyang pakinggan ang dahilan ni Ivy bago siya gumawa ng kahit anong desisyon.
Ayaw pagtuunan ni Keegan ng pansin ang sinasabi ng iba dahil hindi siya iyong tipo ng tao na maniniwala sa sinasabi ng mga ito. Naranasan na kasi nya iyon. Kumalat ang tsismis na siya ang drug dealer sa pamilya nila kahit na ang bata pa nya, siya ang nakulong at ipinadala sa center imbes na ang tatay dapat nya ang nagdudusa noong mga panahon na iyon. Alam nya kung gaano kahirap matali’t ma-associate sa imaheng pilit ipinipinta ng iba tumgkol sa sarili nya.
Kaya… ayaw nyang pagdudahan si Ivy ngayon.
Pero sana hindi nya ibinigay ang buong tiwala nya rito. Sana kahit papaano, naging alerto siya’t nagbigay ng benefit of the doubt lalo na’t ilang linggo na siyang ayaw kitain ng dalaga.
May nagbago ba?
Bigla ba nitong napagtantong hindi na siya nito mahal? O baka naman nag-ooverthink lang siya?
Noong matapos si Keegan sa trabaho, una nyang naisip na puntahan si Ivy. Hindi na siya nagpaalam dito ngayon dahil sigurado siyang hihindi na naman ito at maghahanap na naman ng dahilan nang hindi sila makapag-usap. Kaso, kailangan na ni Keegan malaman ang totoo dahil dalawang beses na siyang nakarinig ng parehong pang-aakusa kay Ivy.
Hihintayin pa ba nya ang pangatlo? Hindi na.
“Keegan?” namamanghang tawag sa kanya ng isa sa mga kapitbahay nina Ivy.
Kakilala nya ito dahil tindera ito sa malapit. Dahil madalas si Keegan noon sa bahay ng dalaga, nakilala na lang din nya ang mga kapitbahay nito. Iyon lang namang sociable. Iyong mga nakakulong sa kani-kanilang mga bahay, hindi na nya napagtuunan pa ng pansin.
Anyway, nakadaanan nya ang matanda. Pauwi ito galing sa grocery at nang makita nya ang bitbit dahil tinawag din siya, tinulungan na nya itong magdala ng mga pinamili. Mabuti na lang at hinayaan din siya ng matanda.
“Anong ginagawa mo rito, hijo? Pupuntahan mo ba si Ivy?” pag-uusisa nito. “Ang tagal kitang ‘di nakita na bumisita sa girlfriend mo.”
Ngumiwi siya. Paanong hindi siya makikita e ilang linggo na rin siyang iniiwasan ng girlfriend nya? Hindi nya pa rin alam kung anong dahilan pero alam nyang hindi na pupwedeng ipagpaliban ang ganito.
Tumango siya. “May pag-uusapan lang po kaming dalawa, Ate.”
“Tungkol ba sa lalaking inuuwi nya nitong nakaraan? Akala ko e break na kayo dahil nitong nakaraan, lumabas ‘yong tsismis na may ibang nakabuntis sa girlfriend mo,” paniniguro nito.
Natigilan si Keegan at biglang nakaramdam ng pagkahilo sa narinig. Parang tumigil ang ikot ng mundo sa narinig nya.
Nagkamali ba siya ng dinig? Pinaglalaruan lang ba siya ng isipan nya? Hindi alam ni Keegan pero sa kaloob-looban nya, hinihiling nyang jinu-joke time lang siya ni Aling Helen.
Nang magsimulang maglakad ang matanda, kahit na tila tinakasan ng kulay sa mukha’t lakas si Keegan e pinilit nya ang sariling sumunod dito. Ilang beses siyang napalunok pero pakiramdam nya, nanunuyo lalo ang lalamunan nya. Lalong bumilis din ang tibok ng puso nya at kung hindi lang nya kasama si Aling Helen, baka tinakbo na nya ang bahay nina Ivy dahil para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig!
Kaso kailangan nyang panatilihing kalmado ang sarili.
“Bali-balitang nakipag-inuman daw sa iba ‘yong girlfriend mo at doon nabuntis. Naisigaw daw yata ng tatay na bakit ‘di raw ikaw at ba’t ‘yon pang ‘di nila kilala,” anito.
Nagbaba ng tingin si Keegan at pinagmasdan ang sementong dinaraanan nila. Alam ni Keegan na nakipag-inuman si Ivy dahil siya mismo, inihatid ang dalaga kaso…
“… Hindi ka ba kasama sa inuman?” May bahid ng paniniguro sa boses ni Aling Maria.
Pilit siyang ngumiti. “Hindi po ako sumama kasi may trabaho po ako noon. Totoo rin po ba ‘yang sinasabi niyo?”
“Aba, ‘yan ang ‘di ko alam. Naitsismis lang naman sa ‘kin ‘yan ng kapitbahay pero nag-aalala ako dahil ang tagal mong ‘di pumunta sa kanila at ibang lalaki ang madalas kong nakikitang bumibisita. Ang sabi pa ng iba, nagpa-check up daw at positive ang resulta.”
Hindi na nakapagsalita pa si Keegan. Pakiramdam nya, maiiyak siya. Pinipigilan lamang nya ang panunubig ng mga mata dahil ayaw nyang makita ni Aling Maria na ganito siya.
… Pero masakit makarinig ng ganito. Lalo lang ding sumasama ang timpla ng mood ni Keegan.
Ngayon pa lang, parang gusto nyang magwala. May parte rin ng utak nya na nagsasabing huwag na munang kausapin si Ivy at sa susunod na lang. Katawan na lang talaga ni Keegan ang nagtutulak sa kanyang magtungo sa bahay nito’t kumpirmahin ang mga naririnig na tsismis.
“O siya, rito na ‘ko.”
Natigilan si Keegan nang marinig ang boses ni Aling Maria. Nang tumingin siya sa paligid, doon pa lamang nya napagtantong nasa tapat na pala sila ng bahay nito. Ibinigay ni Keegan ang mga pinamili ni Aling Maria sa kanya at nagpaalam siya ngunit bago pa man siya makaalis, pinaalalahanan siya nitong kung tutuloy man sa bahay nina Ivy, kung anumang malalaman nya e sana gawin nya raw kung ano ang tama.
Pero hindi alam ni Keegan kung ano ba ang tama sa mga oras na ito.
Kabadong-kabado siyang naglakad patungo sa bahay nina Ivy. Sa bawat paghakbang nya, lalong bumibigat ang mga paa nya. Para siyang ibinalik ng oras sa araw na unang beses siyang ipinakilala ni Ivy sa mga magulang. Kaso ang ngayon, isang malaking delubyo ang naghihintay sa kanya sa bahay nito.
Napalunok si Keegan noong nasa harap na ng gate nina Ivy. Parang walang tao sa loob ng bahay pero noong pipindutin na nya ang doorbell, natigilan si Keegan nang makita kung sino ang lumabas mula sa pamamahay nito kasabay ng galit na ama ni Ivy.
Si Joshua, iyong ‘kaibigan’ nya nang kolehiyo at sumumpa sa kanila ni Ivy noon.
“Ang lakas ng loob mong magpunta pa sa bahay namin pagkatapos mong babuyin ang anak ko—!” Natigilan ang ama ni Ivy sa pagsigaw nang makita ang pigura nyang nasa labas ng pamamahay nila.
Kahit si Joshua, natigilan nang biglaan na lamang tumigil ang paninigaw sa kanya ng ama ni Ivy at humarap sa direksyon. Noong lumingon ito at magtama ang mga mata nila—hindi maipaliwanag ni Keegan pero alam nyang tila ba nananadya itong ngumisi.
Sa ikalawang beses, muling tumigil ang mundo.
ㅤㅤㅤㅤIKINUYOM NI Keegan ang mga kamao nang labag sa loob siyang papasukin ng tatay ni Ivy sa bahay nila. Ayaw man din nito, tinawag nito pabalik si Joshua kaya magkatabi sila sa iisang upuan. Gusto nyang ratratin ng tanong ang kaibigan at ang mga magulang ni Ivy pero parang nalunok nya ang dila at wala siyang masabi. Hindi na rin nya alam kung gaano ba katagal na siyang nakaupo rito basta ang paalala sa kanya, hintayin nila si Ivy na bumaba.
“Ayoko!” narinig nyang sigaw ni Ivy.
Kahit hindi lingunin ni Keegan ang direksyon na pinanggalingan ng sigaw, alam nyang galing iyon sa kwarto ng dalaga. Basag ang boses nito at namamaos. Noong pasadahan nya ng tingin si Joshua, hindi naman ito makatingin sa kanya.
Gusto nyang malaman kung kailan sumama ang isang ito sa inuman ng mga kaibigan nina Ivy. Gusto nya itong saktan pero wala pa siyang naririnig na kahit ano mula rito. Hindi pa nya nakukumpirma kung totoo ba ang lumalabas na tsismis tungkol sa girlfriend nya.
“Ayokong kausapin si Keegan! ‘Di ko nga siya kayang harapin, Mama! Papa!” muling sigaw ni Ivy mula sa kwarto nito.
Parang bumigat ang loob ni Keegan nang marinig ang sinasabi ng dalaga. Kaso, naiintindihan nya ito.
“Bumisita ka pa,” narinig nyang bulong ni Joshua habang nakaupo sila sa iisang sofa. “Huli ka naman na.”
Napalunok siya’t napaismid. Hindi ba tsansa na ito para magtanong kung anong nangyari? Kung ano ba ang hindi nya alam? Kaso hanggang ngayon, hindi nya makapa ang mga salitang nais sabihin.
“Ivy, kailangang malaman ni Keegan ang totoo!” singhal ng ina nito sa dalaga. “Ginawa-gawa niyo ‘yan, ba’t hindi mo masabi sa kanya?! Ilang linggo ka nang hindi nagpapakita sa boyfriend mo!”
“Ano, nanghihingi ka ba ng sagot kaya naisipan mong bisitahin na si Ivy?” sabad ni Joshua sa kabila ng ingay sa ikalawang palapag ng pamamahay nina Ivy.
Hindi nya alam kung saan nya itutuon ang atensyon nya. Sa usapang nangyayari sa itaas o kay Joshua na gusto nyang suntukin. Tang ina. Pinipilit lang nyang ikalma ang sarili nya pero malapit na nitong makuha ang pika nya.
Kahit hindi na nya marinig ang totoo, nakumpirma na ni Keegan sa sarili na malaki ang porsyentong totoo ang mga tsismis na narinig nya.
“Sumama ka sa inuman nila?” Nagngingitngit ang mga ngipin ni Keegan na nagtanong kahit na ilang beses nyang pinaalalahanan ang sarili.
Tipid na tumango si Joshua pero may multo ng ngisi sa mga labi nito. “Hindi ba sinabi ko naman sa ‘yo, ‘di kayo magtatagal ni Ivy?”
Doon umakyat lahat ng dugo nya sa ulo. Napapantastikuhan nya itong nilingon.
“Tang inang ‘yan, Joshua. Ilang taon na ang lumipas mula noon, ‘yan pa rin ang pinaglalaban mo? Sinasya mo ba ‘to?” aniya.
Nang hindi sumagot si Joshua, napamura siya. King ina. Ang lakas ng katahimikan, isang malaking kumpirmasyon sa naiisip nyang ideya. At dahil walang nagbabantay sa kanila dahil abala ang mga magulang ni Ivy na patahanin ang anak at pilitin itong harapin siya, tumayo si Keegan mula sa kinauupuan at sinuntok si Joshua.
“Gago ka pala e!” hindi nya napigilang singhal dito.
Ayaw nyang magmukhang mahina pero ang lakas ng sampal sa kanya ng katotohanang trinayidor siya.
Kabanata 16
KABANATA 16
ㅤㅤㅤㅤKAHIT kailan, hindi pinagtuunang pansin ni Keegan ang banta ni Joshua tatlong taon na ang nakalilipas. Siguro, minaliit nya ang mga salitang binitawan nito noon o masyado siyang nagtiwala sa mga pangako ni Ivy na kailanman, walang kahit anong makasisira sa relasyon nilang dalawa.
Nakadagdag din siguro na simula’t sapul e wala na siyang tiwala kay Joshua, kaya hindi nya sineryoso ang mga sinabi nito noon?
Pero ni minsan, hindi nya nakita ang sariling binubugbog ang binata lalo na sa loob pa ng bahay ng kasintahan nya. Ni minsan, hindi naisip na totoohanin nito ang mga banta noon—na sobra rin pala ang pagkagusto nito kay Ivy na siyang dahilan para maudyok itong gumawa ng kalokohan.
At talagang kay Ivy pa na siyang nakikita na ni Keegan na kasama nya habang buhay.
Si Ivy pa na gusto nyang makasamang tumanda, bumuo ng mga pangarap, pati pamilya.
Kung hindi dahil kay Joshua, hindi sana masisira lahat ng pangarap ni Keegan.
Pero bagamat nasasaktan siya, gusto sanang bigyan ni Keegan ng tsansa si Ivy. He would defy all odds if she only asked him.
Kung hindi lang pinigilan ng tatay ni Ivy si Keegan na bugbugin si Joshua, hindi siguro nya ito titigilan. Hindi na siya dinapuan ng konsensya nang mapagtantong malapit na kaibigan ang sinasaktan nya. Wala na sa isip nyang humingi ng tawad dahil hindi rin naman ito nakonsensya nang maisip na ganituhin si Ivy. Kahit hindi siya ang boyfriend nito, ni hindi man lang ito namigay ng konsiderasyon sa emosyon ng iba. Pinairal lang nito ang pagkagahaman at nanira ng relasyon.
Wala na siyang pakialam kung maospital ito’t makulong na talaga siya sa pagkakataong ito pero ayaw nya itong makita na malapit sa girlfriend nya.
Kung alam lang nya, sinamahan nya sana si Ivy noong gabig iyon at hindi na pumasok sa part-time nya. Kung sanang nagpaalam siya agad kina Renzo na hindi makakasama… kung inuna nya sana ang intuition nya, edi sana hindi ganito ang sinapit ni Ivy.
Hindi sana ito nababoy ni Joshua.
“Keegan, umakyat ka sa itaas. Ayaw bumaba ni Ivy kaya ro’n na lang kayo mag-usap na dalawa,” mariing sabi ng tatay ni Ivy.
Parang kandilang naitulos si Keegan sa kinatatayuan. Bagamat gusto nyang sundin ang sinabi ng tatay ni Ivy, nakakatakot kumilos lalo na’t mukhang nainis ito sa kanya na sinaktan nya si Joshua. Marahil nadismaya, pero masisisi ba siya sa kung anong unang naisip nyang gawin matapos kumpirmahin ni Joshua na kung alam lang sana nitong siya ang boyfriend ni Ivy, hindi ito magpapakamakasarili?
“Keegan,” kalmadong tawag sa kanya ng ina ni Ivy. Nang mapansin nitong hindi siya kumilos, ito na ang lumapit at humawak sa braso nya. “Pasensya ka na, hijo. Alam naming ‘di mo rin inaasahang ganito ang maaabutan mo.”
“Kasalanan mo rin namang ganito,” biglang sabad ni Joshua sa kabila ng pag-ubo nito at lahat sila, nagulat sa bigla nitong pananalita bagamat halos mabugbog na’t hindi makatayo. “Kung sanang sinamahan mo si Ivy noong gabing ‘yon—”
“Wala kang karapatang sisihin ako.” Inismiran nya si Joshua at kung hindi lang siya nahawakan ng tatay ni Ivy, baka muli nya itong nasuntok. “King ina. Kung ‘di ka sana gago’t may respeto ka sana sa ‘min ni Ivy, ‘di tayo magiging ganito. Kaso wala. Putang ina, basura ka pa lang hayop ka.”
“Tama na,” mariin at maawtoridad na sabi ng tatay ni Ivy ‘tsaka siya nilingon. “Puntahan mo na si Ivy, Keegan. Kami nang bahala sa batang ‘to. May punto kayo pareho, pero ‘di ka namin sinisisi.”
Bakit? Lihim na napaismid si Keegan. Kahit ganito ang sabihin sa kanya, alam nyang sa kaloob-looban ng mga ito e nadismaya ang mga magulang ni Ivy. Kahit na sigurado siyang nagsabi siya kung bakit hindi naman siya makakasama noong gabing iyon.
“Keegan,” muling tawag sa kanya ng ina ni Ivy. “Tara na, hijo. Ang Tito mo na ang bahala kay Joshua.”
Tipid siyang tumango. “Sorry po.”
Labag man sa kalooban nya ang umalis at puntahan si Ivy dahil marami siyang gustong sabihin kay Joshua, maraming bagay na nais isumbat at mga katotohanang gusto nyang ipukpok sa ulo nito. Kaso, hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong magsabi. Ang masama pa, mabigat ang loob ni Keegan na umaakyat tungo sa kwarto ni Ivy. Bagamat nasa likuran nya ang ina nito, may kung anong nagpapabigat ng bawat hakbang nya sa hagdan ng pamamahay nila.
Sa bawat paglipas ng segundo at habang mas napapalapit siya sa kwarto ng dalaga, tila ba nanunuyo ang lalamunan nya kaya panay ang paglunok nya. Hindi nya gusto kung anong naghihintay sa kanya sa loob. Natatakot siyang malaman kung anong sasabihin sa kanya ni Ivy.
“Alam naman naming may dahilan ka kung ba’t ‘di ka sumama sa mga kaibigan ni Ivy. Isa pa, maging kami e nagtiwala lalo na’t matagal na naming kilala ang mga kabarkada nito,” kwento sa kanya ng nanay nito. Nasa tapat na sila ng kwarto ni Ivy pero hindi pa siya nito inuusig na pumasok. Sa halip, ikinuwento nito ang gist ng alam nito. “Pero napagtripan si Ivy, Keegan. Alam kong nagtiwala tayo pare-pareho. Nadismaya lang ako na wala kang nagawa, na wala rin kaming magawa. Kung maibabalik lang ang oras…”
“Hindi ko na siya papapuntahin,” mahinang pagtutuloy ni Keegan sa sinasabi nito. Tumango naman ang ina ni Ivy. “Kung alam ko lang din po na ganito ang mangyayari, pinilit ko sana ang sarili kong sumama sa kanya. ‘Di ko naman alam na…”
“Ayaw daw sa ‘yo ng mga kaibigan ni Ivy kaya sinubukan nilang itulak si Joshua nang ‘di sinasabi kung sino ba ang boyfriend ng anak ko dahil magkakilala kayo. Keegan, alam naming hindi maganda ang nakaraan mo dahil sa pamilya ka pero naniniwala kami sa lalaking pinili ng anak namin. Isa pa, napakabait mong bata kaya… ‘Di ko alam kung bakit ganito ang kinahinatnan ng lahat.”
Ayaw sa kanya? Ng mga kaibigan ni Ivy?
Napalunok si Keegan at walang nasabi. Nag-flashback sa kanya lahat ng interaksyong nagawa kasama ang mga ito at unti-unting nanlalabo ang mga mata nya kasabay ng pag-usbong ng sama ng loob nya sa mga ito. Nadidismaya siyang naniwala siya sa mga ito na tanggap siya— o sige, kahit hindi na siya tanggapin, pero sana nirespeto man lang siya ng mga ito. Sana naisip man lang ng mga ito si Ivy at siya.
Kung magiging masaya ba silang lahat sa kasalanan ng mga ito.
… Hindi talaga siya titigilang multuhin ng kasalanang hindi naman siya ang gumawa, ano?
“Kakasuhan namin sila,” mariing sabi ng nanay ni Ivy na siyang nakapagpalunok sa kanya. “Si Joshua… Kahit gustung-gusto namin siyang saktan, kailangan ng ama ng anak ni Ivy, Keegan.”
Ipinag-isang linya nya ang mga labi. “Tita, kaya ko naman pong—”
“Hindi sa ‘yo ang bata.” Ang akala ni Keegan, siya na at si Ivy ang pinaka maaapektuhan ng mga nangyayari ngunit nang makita nyang naglandas sa mga mata nito ang sakit, napayuko na lamang siya. “Keegan, gusto ka namin para sa anak namin pero ayaw naming ipasa sa ‘yo ang responsibilidad na ‘di naman sa ‘yo.”
“Pero…” Ayos lang naman sa kanya. Kaya naman nyang magbulag-bulagan na hindi siya ang tatay ng dinadala ni Ivy.
King ina ng batas, king ina ng lahat. Wala na siyang pakialam kung hindi siya ang tatay ng dinadala ni Ivy. May isang magsabi lang sa kanya na gustong siya ang maging tatay ng batang nasa sinapupunan nito, gagawin nya!
Kahit isa lang.
Kahit isa lang sa kanila, dahil gusto nyang manatili sa tabi ni Ivy habang buhay.
“Sige na. Pumasok ka na sa loob. Dahan-dahanin mo na lang ang anak namin dahil sa ‘ting lahat at bukod sa ‘tin, siya ang pinaka naaapektuhan,” sabi nito sa kanya ‘tsaka tinapik ang balikat nya para itulak siya. “Kausapin mo nang masinsinan ang anak ko Keegan, at sana kahit ‘di kayong dalawa ang magkatuluyan… maging magkaibigan pa rin sana kayo.”
Bakit sila ganito?
Hindi siya galit kay Ivy at kahit kailan e hindi siya magagalit sa dalaga dahil kasalanan nya rin na ganito ang nangyari. Ang hindi matanggap ni Keegan e kung bakit parang ang mga ito na ang nagdesisyon kung saan magtatapos ang istorya nila ng kasintahan.
Labag man sa loob ni Keegan, tumango siya’t marahang binuksan ang pinto ng kwarto ni Ivy. Noong pumasok siya, napangiwi siya nang makitang madilim ang buong paligid. Kahit ang mga bintana, nakatakip ng kurtina. Tila ba nagtatago si Ivy dahil sa malaking kasalanan na hindi naman nito ginusto.
Nang isara ni Keegan ang pinto, ‘tsaka nya nakita ang pigura ng dalaga na nasa kama nito’t nakatulala.
“I cut ties with them,” mahinang sabi ni Ivy ngunit kahit ganoon, bakas ang galit sa boses nito. “Sa lahat ng taong ‘di ko inaasahan mambababoy sa ‘kin, talagang mga kaibigan ko pa ang sumira ng relasyon natin.”
Umismid si Ivy pero alam ni Keegan na hindi lamang iyon ang gusto na ipakita sa kanya ng dalaga. Kahit medyo malayo siya sa kinaroroonan nito, alam nyang namumugto ang mga mata ni Ivy, at pinipigilan lamang nitong mabasag ang boses habang kausap siya.
Ikinuyom ni Keegan ang mga kamao bago siya marahang lumapit sa girlfriend nya. Gusto nyang marinig na magsumbong ito sa kanya, na ibahagi sa kanya lahat ng nararamdaman nito, ang bigat na matagal na nitong binibitbit mag-isa.
“I hate them, Keegan,” bulong ni Ivy.
Tipid siyang tumango. “Ayoko rin sa mga kaibigan mo.”
Nang makalapit sa dalaga, umupo siya sa gilid ng kama nito. Gusto pa sana nyang lumapit pero lumayo si Ivy kaya hindi na nya pinilit ang gusto. ‘Tsaka nya ito narinig na kung anu-ano ang binubulong. Kung bakit ayaw sa kanila ng mga kaibigan nito at kung paanong pinapunta ng mga ito si Joshua sa kwarto nya nang makaramdam siya ng hindi maganda dahil may pinainom na pala sa kanya.
Bago raw ito nawalan ng alaala, malinaw daw sa isipan nitong ni-lock nito ang pinto ng kwartong tinuluyan nito pero ginawan daw ng paraan na mabuksan. Sinabi rin ni Ivy na hindi malinaw ang mga nangyari noon pero sa t’wing sasagi sa isipan nito ang mga nangyari e tila ba gusto raw nitong masuka.
Walang magawa si Keegan kung hindi ang lumapit kay Ivy bago pa ito mawala sa sarili’t isiping hindi siya nakikinig. Nyakap nya ito ‘tsaka bumulong na ayos lang ang lahat.
“Sana sa ‘yo na lang ‘to. Sana sa ‘tin na lang siya, Keegan… dahil imbes na masaktan, ipagyayabang ko pang mayroon tayong anak.” Ivy’s voice was filled in pain and he coaxed her.
Mayroon mang nakabara sa lalamunan nya, pinilit nya iyong lunukin bagamat masakit. “Ivy… pupwede namang ako ang maging tatay. Kahit kalimutan na natin si Joshua—”
“Hindi pwede!”
Nag-angat ng tingin sa kanya ang dalaga at ‘tsaka pa lamang nya nakita kung gaano kapagod ang itsura nito sa pag-iyak at sa pagluluksa.
“Ayoko! Ayoko! Keegan, ‘di sa ‘yo ang batang ‘to. Keegan, mahal na mahal kita pero ‘di ako baliw para sabihing sa ‘yo na lang ‘to. Mahal kita pero… ayokong makulong ka sa kasalanan ko.” Tuluyang nabasag ang boses ni Ivy at halos hindi maintindihan ni Keegan ang ibang sinabi nito.
Parang pinipigilan lang ni Ivy ang sarili na sumabog kanina hanggang sa banggitin nyang pupwede naman nyang saluhin ang responsibilidad ng pagiging tatay ng anak ni Ivy.
Pero bakit hindi? Mamahalin nya iyang bata. Aalagaan nya, basta si Ivy— basta hindi siya iwanan ni Ivy.
Hindi nagtagal, kumalma ito pero patuloy pa rin ang pagpatak ng luha mula sa mga mata nito. “Pero ayoko sa batang ‘to. Keegan… Keegan, ang sakit na ‘di sa ‘yo ang dinadala ko. Please… Please take me. Please, ayoko rito.”
Noong ibuka ni Keegan ang bibig para ipilit ang ideya nya, umiling-iling si Ivy at naghihisterikal siyang itulak. Panay itong bulong na iligtas siya pero panay din ang sabi na ayaw nitong saluhin nya ang responsibilidad ng pagiging ama nito. Hindi raw nya deserbang itrato nang ganito.
Pero sa ngayon, naitapon na kasi lahat ni Keegan ang lohika sa isipan.
“Please, let’s break up,” kalauna’y sabi ni Ivy sa gitna ng paghikbi nito
Namamangha nya itong pinagmasdan. “Sira ulo ka ba? Ivy, sabi kong ayos lang sa ‘kin, ‘wag mo lang akong iwanan, ‘wag mo lang akong hiwalayan.”
“Hindi ayos sa ‘kin!” sigaw nito sa kanya pabalik. “Keegan, mahal kita pero… Alam kong ‘di ka magiging masaya sa ganito. Ayaw kitang ikulong sa ‘kin. Ayokong dalhin mo ‘tong kasalanan ko—”
“Pero ‘yon nga ang dahilan kung ba’t tayo nasa relasyon, e! Wala akong pakialam kung anong ginawa mo, kung na-set up ka at nabuntis dahil alam nating pareho na ‘di mo ginusto ‘yon…” Tumayo si Keegan mula sa kinauupuan pero kaagad din siyang lumuhod sa harap ng dalaga. “… Wala akong pakialam kung ‘di ko dugo ang nananalaytay sa bata, Ivy. Ayos lang sa ‘kin, ‘wag mo lang akong iwanan. Nagmamakaawa ako sa ‘yo, ayos lang… Ayos lang, basta manatili ka sa tabi ko, ayos lang lahat.”
Ah, shit. Nagsimulang maglandas ang mga luha ni Keegan nang wala siyang marinig na kahit ano mula kay Ivy. Alam na nya kung anong sagot nito pero hindi siya tatayo hangga’t hindi siya nito makukumbinsing iyon na ang gusto nito. Ayaw ni Keegan na maiwan na naman at mawalan ng landas sa buhay. Hindi nya gusto ang isiping iiwanan siya nito dahil lang kay Joshua.
Alam nila pareho na hindi nito mahal ang binata.
“Please… take me,” muling bulong ni Ivy na siyang ikinaangat ng ulo nya, ngunit natagpuan lamang nyang umiiyak ang dalaga. “Hindi na tayo pwede, Keegan. Nasira na tayo.”
Kumibot ang isang kilay nya at napapantastikuhan nya itong pinagmasdan. “Hindi naman natin kasalanan!”
Pero bakit sila ang kailangang magdusa? Minahal lang naman siya ni Ivy at nahulog lang din naman siya rito. Ang pangarap nilang dalawa, tumanda nang magkasama kaya bakit ganito kalupit ang tadhana’t hindi sila hinayaang gawin ang gusto nila?
“Sorry… Sorry, sorry, sorry. Mahal kita Keegan pero ayoko na,” nanghihinang saad nito na siyang siyang dahilan ng panghihina rin nya.
Hindi naman nila kasalanan pero bakit nakatadhana silang maghiwalay? Bakit… Bakit kahit anong gawin ni Keegan para ipaglaban si Ivy, pinangungunahan pa rin siya’t sinasampal na rito na nagtatapos ang istorya nilang dalawa?
…Gusto lang naman nyang mahalin at alagaan ito. Alam din nyang ganoon ang gusto ni Ivy sa kanya pero bakit ganito ang tadhana?
ㅤㅤㅤㅤMATAMANG pinagmamasdan ni Keegan ang mga litrato sa Instagram feed ni Lyle. Kunot ang noo nya’t pabalik-balik ang mga mata nya sa kaibigan dahil hindi siya makapaniwala kung anong ipinapakita nito sa kanya.
Gusto nya itong murahin at suntukin pero alam nyang tini-testing lang siya nito. Pero ang bastos ng ugali, a?
“Wala ka man lang bang sasabihin, Kee?” nag-aalalang tanong nito sa kanya habang patuloy na nakalahad ang kamay at cellphone nito sa harapan nya.
Inangatan nya ito ng isang kilay. “Ano namang gusto mong sabihin ko? Wala na ‘kong pakialam diyan, ulol. Tingin mo sa ‘kin, batong kahit ilang beses galawin, ‘di kikilos? Pakyu.”
“Alam mo, ang unfeeling mo. Umaasa talaga akong sasabihin mo na ‘o edi mabuti para sa kanila’, pero wala ka talagang reaksyon. Iyong totoo, tao ka ba?”
“Mukha ba ‘kong hayop?”
Tumango ito. “Medyo mukha kang aso.”
Susuntukin nya talaga itong si Lyle kung hindi lang talaga nya ito na-miss.
Bumuga nang marahas na hangin si Keegan at tumuwid nang tayo. Kanina, medyo nakaabante siya sa cellphone nito dahil mas maliit ng kaunti sa kanya si Lyle. Kinamot ni Keegan ang ulo habang nakangiwing nakikipagsukatan ng tingin sa kaibigan na siyang umatras din naman at binawi na ang gadget mula sa harap nya.
Hindi naman sa walang pakiramdam pero pagkatapos ng lahat ng nangyari noon, nawalan na lang din siya ng pakialam. Natutunan na lang din nyang mamuhay na wala si Ivy at tanggaping hindi sila para sa isa’t isa.
‘Tsaka, mukhang inaalagaan naman ito ng gago nitong asawa.
Mabalik. Ipinakita lang naman ni Lyle sa kanya ang litrato ni Ivy at Joshua na ikinakasal. Ring bearer pa ang anak ng mga ito na lalaki. Sa totoo lang, masaya si Keegan para sa mga ito.
Masama pa rin ang loob nya dahil hindi siya ang end game ni Ivy pero hindi rin siya gago para ipilit ang nawala na sa kanya.
Isa pa… ang mahalaga, mukhang masaya si Ivy sa piling ni Joshua base na rin sa lawak ng ngiti nito sa mga litrato.
“Mabuti ‘di mo pa ina-unfollow ‘yang si Ivy?” tanong nya kay Lyle na noon e bumuntong hininga lang din.
Tipid siya nitong nginitian. “Hindi ko magawang sumama loob sa kanya kasi alam kong ‘di rin naman nya gustong maghiwalay kayo. Kung alam mo lang kung ga’no nya ‘ko kinulit para lang malaman kung kumusta ka. Nagtagal din ‘yon hanggang sa manganak na siya.”
“Talaga…” Ilang beses na ‘tong naikwento sa kanya ni Lyle pero hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Keegan na ito ang kinontak ni Ivy para lang malaman ang kalagayan nya.
Pupwede namang siya ang kausapin kung kumusta na siya. Sasagot siya. Kahit na mabigat ang loob nya dahil break na sila, hinding-hindi siya aaktong bastos dito.
Minahal naman nya ito noon at malaki pa rin ang respeto nya rito.
Iyon lang, kailangan nya talagang mag-move on.
“Tatlong taon na pala ‘no, bale magtu-two years old na rin anak nila?” tanong ni Lyle.
Nagkibit balikat si Keegan at napaisip din. Tatlong taon na nga ang lumipas at marami nang nagbago.
Matapos mag-break ni Ivy at Keegan, pakiramdam nya e hindi na nya kayang magtagal sa kumpanyang pinagtatrabahuan nya kaya nag-resign siya. Ayun lang, kailangan nyang lunukin ang isang buwang render pero ayos na rin. Kung maisipan kasi nya, pwede siyang bumalik doon.
Umuwi na rin si Lyle galing Paris. Nakapagdesisyon ito kamakailan na gustong magsimula ng sariling brand dito sa Pilipinas at naghahanda na para sa opening ng Primivere dahil mayroon na itong sapat na tao at budget para makapagsimula.
Edi maganda para rito at para sa kanya. Magkasama na ulit sila ng best friend nya’t may magugulo na naman siya palagi.
Ito na lang kasi talaga halos ang pinagkakatiwalaan ni Keegan. Syempre, bukod kina Renzo pero iba ang closeness nilang dalawa ni Lyle. Kahit ilang taon silang nagkahiwalay, para silang naka-glue sa isa’t isa kapag magkasamang dalawa.
Simula kasi noong mangyari ang isyu ni Ivy, nawalan siya ng interes at tiwala sa iba. Hindi na mahilig makipagkaibigan at syempre, hindi na pinapansin iyong mga kaibigan kuno ni Ivy sa t’wing makakasalubong nya. Putang ina nila. Mapanira ng relasyon.
Pero ayos naman na ang lahat. Nakapag-apply naman si Keegan sa isang gym at kahit mas mababa ang sweldo, natuto siyang mag-ipon. Nakabukod na nga siya kina Nay Belinda at may sarili nang apartment. Edi ayos.
“Ang gwapo ni Ridge,” narinig nyang bulong ni Lyle. Mukhang nagsimula na naman itong mag-scroll sa gallery nito na ikinangiwi nya.
“King ina mong bitch ka, ilang taon na tayo pero ‘yan pa ring si Gonzales ang bukambibig mo?” naiirita nyang sabi.
“Ah. ‘Di ba estudyante mo? Kumusta? Gwapo, ‘di ba? Mas gwapo kaysa noong kolehiyo tayo. Sabi ko sa ‘yo, picture-an mo kaso ang epal mo. Ayaw mong makisama.”
“E gago ka ba?! Ba’t ko pi-picture-an si Gonzales? Ang pangit pa naman ng ugali no’n. ‘Pag nahuli ako, ‘di ako titigilan! Pakyu na batang ‘yon.”
Tatlong taon na rin nang matapos sila ni Ivy pero masaya si Keegan na sabihing naka-move on na siya. Normal din ang pamumuhay nya ‘tsaka…
Natigilan si Keegan nang marinig na mag-ping ang cellphone. Dali-dali nya iyong kinuha at nang makitang may bagong mensahe, awtomatiko siyang napangisi.
“Sino na naman ‘yan? Iyong kinukwento mo?” pag-uusisa ni Lyle habang pinagmamasdan siya, tila ba unimpressed pa ito dahil kung makatingin, nanghuhusga. “Nakakita ka na ba ng picture niyan? Jusko, baka mamaya lalaki na pala ‘yang nilalandi mo.”
Pinakyuhan nya lamang ito kahit na ang mga mata nya, nakatuon sa cellphone nya. “Babae ‘to. ‘Tsaka bumalik ka na lang sa pagtingin sa pictures nyang Ridge Gonzales na ‘yan. ‘Wag kang naninira ng kasiyahan ng iba, tang ina nito e.”
Nang hindi magsalita si Lyle, ipinagpatuloy lamang ni Keegan ang pagbubukas ng mensaheng natanggap. Dahil anonymous ang content sa notifications nya, mas lumawak pa lang ang ngisi ni Keegan nang mabuksan nya ang inbox nya.
Ryleigh:
Good afternoon, Keegan! Lunch break namin!
Mabuti naman. Kanina pa siya naghihintay na makausap ang isang ito.
Kabanata 17
KABANATA 17
ㅤㅤㅤㅤ (PAST) Matapos makipag-break ni Ivy kay Keegan, nawalan siya ng ganang gawin ang mga dapat na ginagawa. Ilang araw hindi pumasok si Keegan sa trabaho, sinabing may sakit siya’t hindi kayang magtrabaho.
Ilang beses din siyang hindi nakadalo sa ibang gig ng banda nila, kahit madalas sabihin sa kanya ng mga kabanda na madalas siyang hinahanap ng mga tagahanga nila.
Wala.
Nawalan siya ng amor sa buhay. Hindi naman sa… kay Ivy umiikot ang mundo nya pero ang sentro kasi ng pangarap at buhay na gusto nyang buuin, si Ivy. Kaya nang mawala ito sa buhay nya’t mas pinili siyang ipagtulakan, nawalan ng direksyon ang buhay ni Keegan.
Baga, nagkandagulo-gulo lahat. Gumuho lahat at natagpuan na lang ni Keegan ang sariling buhay na walang kabuluhan, walang saysay.
“Ano? ’Di ka pa rin ba pupunta sa gig natin mamaya?” nag-aalalang tanong ni Renzo habang magkausap sila sa telepono.
Wala sa sariling pinagmamasdan ni Keegan ang kawalan. Naririnig nya ang boses ng kaibigan pero ang mga sinasabi nito, lumalabas lang sa kabila nyang tenga. Hindi nya alam kung paano ipuproseso ang lahat.
“Tol naman, hinahanap ka na rin sa ’min. Ang daming naghahanap sa solo performances mo,” dagdag pa ni Renzo.
Imbes na sumagot ay humimig lamang siya. Hindi pa rin nya maintindihan si Renzo at nag-auto pilot lamang ang katawan nyang sagutin ang binata sa kabila ng lahat ng sinabi nito.
“Nagi-gets din naman naming mga kabarkada mo na nasasaktan ka sa nangyari sa inyo ni Ivy pero… pa’no ka niyan kung ’di ka matututong humakbang paabante?” tanong pa ng kabarkada.
Iyon lang ang kailangang banggitin ni Renzo para mahila sandali pabalik sa huwisyo si Keegan. Napaayos siya sa pagkakaupo at hindi napigilan ang mapaismid.
Hindi kasi nito naiintindihan. Kung sa bagay, wala namang nakakaintindi dahil hindi naman ang mga ito ang nakaranas ng sakit na nararamdaman nya.
Hindi naman kasi siya ginustong ‘pagtaksilan’ ni Ivy. Hindi siya gustong iwanan, pero hindi na sila pwede dahil may sumira sa mga pangarap at buhay sanang bubuuin nila pareho.
Saan pupulutin ni Keegan ang sarili kung nawala lahat ng plano nya?
“Kuya Renzo, magtatatlong linggo palang nang mangyari ’yon. Anong gusto mo, i-speed up ko ’tong sakit na nararamdaman ko? Sanang may fast forward tayo e dahil ayoko na rin namang malugmok dito sa kinaroroonan ko,” panimula nya.
Hindi alam ni Keegan kung paano nya nasabi iyan nang tuluy-tuloy at hindi nababasag ang boses nya lalo na’t may nararamdaman siya sa lalamunan nya.
“Gusto ko na rin namang bumalik sa pagtatrabaho, sa pagbabanda, gusto kong si ate na lang iyong sakit sa ulo ko dahil panay pa rin panggugulo nya pero tingin mo ba, madali ’to?” dagdag pa nya.
Narinig nya ang pagsagitsit ni Renzo mula sa kabilang linya. “Hindi ka namin minamadali pero-”
“Pero pinipilit mo na ’kong gawin iyong mga bagay na ’di ko pa nga kaya? Sa’n ang ’di pagmamadali ro’n, kuya?”
Hindi na nakapagsalita si Renzo mula sa kabilang linya at katahimikan na lamang din ang narinig nya.
“Sorry, kuya. ’Di ko naman gustong maging pabigat din sa banda ninyo pero pa’no naman ako haharap sa maraming tao kung durog na durog ako?” Pagak na natawa si Keegan bago nya nasisiphayong pinaglandas ang mga daliri sa sariling buhok. “Ayoko rin naman maging pabigat dito kina kuya Ed pero ’di ko pa kaya. Tang ina, mas kinaya ko iyong pinagbintangan akong drug dealer kaysa sa naiwanan ng girlfriend ko.”
Bumuga ng marahas na buntong hininga si Renzo at sinubukan ulit siyang idaan sa ‘rasyonal’ na usapan. “Babae lang naman ’yan, Keegan-”
“Si Ivy nga iyong sentro ng lahat ng aspirasyon ko sa buhay! ’Di nyo maintindihan dahil iyong mga pinangarap kong mangyari sa akin, nandoon lagi si Ivy. Ni minsan, ’di ko nakitang ’di kami magkasama. E kaso wala, sa’n ko na niyan pupulutin sarili ko?”
Wala ni isa sa kanilang dalawa ang nagsalita pagkatapos noon.
Namutawi lamang ang katahimikan, tanging electric fan ni Keegan ang naririnig nya sa banda nya habang kay Renzo naman e iyong malabo na pag-uusap nina Kevin at Ian.
“Dadalo naman ako sa praktis at gigs natin ulit ’pag okay na ulit iyong pakiramdam ko…” walang enerhiya nyang sabi. “Pero ngayon, pupwede bang hayaan nyo muna akong mapag-isa?”
“Bahala ka sa buhay mo, pero tandaan mong ’di ka hihintayin ng mundo sa kakaganyan mo.” Bumuntong hininga ulit si Renzo. “Sabi ko nga, matuto kang umabante. Lalo na ngayon, ’di ka na bata na iintindihin ng lahat. Iba ang buhay ng adult kaysa sa bata.”
“Gets ko.”
“Ikaw bahala. Sige na, magpapraktis na ulit kami. Sa susunod, sana naman dumalo ka na ulit sa praktis at makasama sa gig natin.”
Hindi na sumagot si Keegan at hinayaan na lamang si Renzo na tapusin ang pag-uusap nila sa telepono bago nya itinabi ang gadget nang makahilata ulit sa kama.
Gets naman nya ang punto ng mga kakilala nya.
Kahit si Edward, bagamat hinahayaan siya nitong huwag pumasok sa ngayon e pinapaalalahanan siya tungkol sa mga responsibilidad nya nang hindi siya tuluyang malugmok.
Si Lyle, panay ang pangungumusta sa kanya at pag-aalo na magiging maayos lang daw ang lahat at makakalimutan nya rin itong sakit na nararamdaman nya.
Gets naman nya. Phase lang ’to.
Makakalimutan nya si Ivy pero sa ngayon, hindi nya kayang iwaglit sa isipan ang imahe ng dalaga sa t’wing bibisita ito sa isipan nya.
ㅤㅤㅤㅤMATAPOS ang anim na buwan, ’tsaka pa lamang nauntog si Keegan at napagdesisyunang tama na ang paglulugmok sa sarili nya dahil hindi na babalik si Ivy. Ang wirdo isipin lalo na’t magkalapit lang sila ng bahay pero miminsan na lang naman makita ni Keegan ang dalaga. Mas madalas, iyong mga magulang nito ang nakikita nya.
May mga oras na mahihiya si Keegan lumapit sa mga ito, pero ito na rin ang lalapit sa kanya nang makumusta siya.
Tulad na lamang noong isang araw na inaway na naman siya ni Katelyn sa labas ng tindahan ni nay Belinda, at itinaboy nila pareho ito dahil panay ang hingi ng pera, pero hindi man lang ayusin ang panghihingi. Saktong bumibili sa tindahan ni nay Belinda noon ang tatay ni Ivy at kinumusta siya pagkatapos.
“Kawawa nga naman iyong mga anak nya, ba’t ’di na lang magtrabaho iyong ate mo?” nagtatakang tanong nito.
Nagkibit balikat si Keegan habang patuloy na pinupunasan iyong lamesa sa tindahan ni nay Belinda. “Wala raw pong mag-aalaga sa mga anak nya, e.”
“’Ba, na diyan naman nanay mo, ’di ba?”
“Nasusustentuhan pa naman daw po sila ng asawa nya.”
“Kung totoo iyon, edi ’di ka sana ginugulo ngayon para humingi ng panggatas ng mga anak nya. Kawawa naman iyong mga bata kung puro agresibong panlilimos ang ginagawa rito. Malas sa negosyo ang ganyan.”
Diyan lang natapos ang usapan nila ng tatay ni Ivy. Kinumusta rin naman siya nito at nagtanong tungkol sa trabaho nya, pero ni minsan, bagamat sobrang kuryoso ni Keegan, hindi nya binanggit ang pangalan ni Ivy.
Kusa na lang nagkwento ang tatay nito pero pinilit nyang ilabas sa kabilang tenga lahat.
“’Di na riyan nakatira sa ’min si Ivy kaya baka madalang na kayong magkita. Kinuha siya ni Joshua, inuwi sa kanila nang maasikaso raw ang pagbubuntis,” kwento ng tatay ni Ivy.
Parang gusto na lang nyang bumalik iyong ate nya’t manlimos ulit sa kanya kaysa makinig ng update tungkol kay Ivy at Joshua.
“Anim na buwan nang buntis iyong anak ko kaya malaki na ang tiyan pero nairaraos naman. ’Wag ka nang mag-alala, Keegan. Maayos din naman siyang naaalagaan noong lalaki,” dagdag pa nito.
Hindi lingid sa kaalaman ni Keegan na hindi pa rin tanggap ng mga magulang ni Ivy si Joshua, pero kahit paano e nirirespeto na lamang ng mga ito ang isa’t isa para sa batang dinadala ni Ivy.
“Good luck po sa kanila,” ang siyang nasabi na lamang nya bago siya nagpaalam na mag-aayos para pumasok sa trabaho.
Ngayong mga panahon na ito, nagri-render na lang naman si Keegan sa trabaho. Nakapag-resign na siya nitong nakaraang linggo at inoobliga na lamang pumasok nang makahanap ang kumpanya ng kapalit nya. Nanghihinayang pa nga ang boss nya dahil balak pa raw sana siya nitong i-promote, pero nawalan na ng amor si Keegan sa pagtatrabaho rito.
Malapit lang kasi iyong kumpanya sa pinagtatrabahuan ni Ivy na hotel.
Pumapasok pa rin daw ang dalaga roon pero hindi nya nakikita. At bilang binibisita lang din ng mga alaala ng nakaraan si Keegan sa t’wing pumapasok siya, mas gugustuhin na lang nyang umalis ’tsaka maghanap ng ibang trabaho.
Hindi iyon naging madali, pero nakahanap siya ng trabaho sa isa sa mga gym malapit sa kanila.
Trainee na gym instructor siya sa susunod na buwan.
“Wala ka ba talagang awa sa mga pamangkin mo? Alam mo bang ilang araw nang walang makain na maayos ang mga iyan dahil wala kaming pera! Ni singko, ’di ka man lang magbigay sa mga bata, Keegan! Anong klaseng kapamilya ka kung ’di ka marunong tumulong sa ’min?” naiiritang puna sa kanya ng ate nya.
Ito, mas gusto nya itong pakinggan kaysa sa update tungkol sa buhay nina Ivy at Joshua.
Nakasandal lamang si Keegan sa lamesa malapit sa tindahan ni nay Belinda at pinanonood ang mga namimili na makipag-usap sa ginang. Alam nyang sila ang pinag-uusapan dahil pabalik-balik ang tingin ng mga ito sa kanila ni Katelyn.
“Ba’t ba kasi ’di ka manghingi sa asawa mo?” pag-uusisa nya.
Tila ba halos umusok ang ilong ni Katelyn nang banggitin nya ang asawa nito. “Nagtatrabaho na nga siya, ’di ba? Pero ’di sapat iyong sinasahod nya para sa ’ming pamilya nya! Kaunting tulong lang, ’di ka marunong magbigay. Napakadamot mo!”
“’Di ko naman kasi responsibilidad magbigay sa inyo lalo na simula noong sirain ninyo pangalan ko.”
“Tanga-tanga ka ba? Grabe, Keegan. Ilang taon na ang lumipas mula noon pero isinusumbat mo pa rin sa ’min ’yan?”
“Ba’t naman hindi? Pinakayod nyo na nga ako noong menor de edad pa lang ako, ’di pa kayo nakuntento at pinakulong ako. Nasira iyong pangalan ko, ate. Kung ikaw iyong nasa sitwasyon ko, ’di ka ba magagalit?”
“Pakialam ko sa nangyari sa ’yo?” Umismid si Katelyn bago nito ipinagkrus ang mga braso’t ipinilig ang ulo, tila ba minamaliit pa siya sa paraan ng pagtingin sa kanya. “Wala akong pakialam sa naranasan mo sa DSWD o kung sa’n pa man, pero ipinapaalala ko sa ’yo iyong responsibilidad mo bilang tito ng mga anak ko-”
“’Di ako nagluwal sa mga ’yan. Mas lalong wala akong ambag noong binuhay mo sila,” aniya bago siya bumuntong hininga.
Umayos na rin sa pagkakatayo si Keegan para pumasok sa loob ng bahay nina nay Belinda.
“Ate, alam mo kung anong responsibilidad mo noong binuhay mo iyong mga pamangkin ko. Pinipilit mo lang magprinse-prinsesa kahit alam mong ’di kaya ng asawa mong ibigay sa iyo iyong buhay na gusto mo.”
Siya naman ang umismid nang makita nyang napapantastikuhan siyang pinagmamasdan ni Katelyn at halos hindi maipinta ang mukha nito sa inis habang nakikinig sa kanya.
“Magbibigay ako paminsan-minsan sa mga pamangkin ko pero ’di ko obligasyong buhayin ulit kayo,” dagdag pa nya bago siya nagkibit balikat. “Ang tanda mo na, ate. Siguro naman, alam mo kung anong dapat na ginagawa mo ngayon kaysa sa pinipilit mo akong obligahin na magbigay sa ’yo, ano?”
“Aba, ang sama ng-” Napasinghap si Katelyn bago siya nito dinuro. “Ang laki ng ulo mo samantalang inampon ka lang naman nina Edward diyan! Ipapa-Tulfo kita, tang ina mo, Keegan!”
“Edi sige. Kung saan ka masaya.”
ㅤㅤㅤㅤKUNG si Keegan ang tatanungin, kung pupwede lang at bibigyan siya ng tsansa na i-restart ang buhay nya e baka ginawa nya na. Hindi rin ba pupwedeng magre-roll nang hindi na siya malasin sa pamilya at pag-ibig? Tang ina e.
Matapos ang rendering sa kumpanya, nagsimula na si Keegan sa training nya para maging gym trainer.
Bukod doon, mas dumalas ang pagdalo nya sa gig bilang part-timer. May mga pagkakataong kinukuha rin siya ng ibang banda para mag-replace panandalian sa gitarista ng mga ito, kinukuha naman nya depende sa availability at pasahod.
“Victory!” sabi noong AI sa Honor of Kings.
Bumuntong hininga si Keegan dahil putang ina, ang intense noong rank game na napadparan nya. Mabuti na lang talaga’t nai-clutch nila noong support na Da Qiao iyong laban at sila iyong naunang makabasag ng tore ng kalaban.
Pinunasan ni Keegan ang butil-butil ng pawis na namuo yata sa noo at sentido nya.
“Tang ina, ’di ko yata stress reliever itong larong ’to. Cause of stress talaga e,” pagbibiro pa nya sa sarili.
Para kay Keegan, mas intense ang mga laban sa Honor of Kings lalo na’t may mga overpowered talagang heroes na hindi nya makita sa… hindi na lang nya babanggitin iyong laro.
Bukod doon, mas tahimik ang community rito kaya iniwanan na nya iyong isa, nanatili sa Honor of Kings nang walang nangta-trashtalk sa kanya kada limang segundo kung ’di nya ‘magawa’ iyong trabaho nya sa laro.
“Putang ina noong Dolia at Heino na combo,” mahinang aniya habang pinagmamasdan iyong pinakalistahan ng results.
Siya iyong Heino, nag-mage siya dahil nakapanood siya ng game play nitong nakaraan na overpowered iyong hero kaya inaral nya.
First time nga nyang gamitin sa rank game at kinabahan pa siyang baka maolats kaagad ang stats. Mabuti na lamang at mayroong nag-Dolia para sa kanya’t natagpuan nya na lamang ang sarili na nakikipag-combo ro’n sa nag-Dolia.
“Overpowered.” Kaya na-clutch nila iyong late game, e.
Dala ng kuryosidad, hindi napigilan ni Keegan na pindutin ang profile noong nag-Dolia.
Kanina pa nya tinatawanan iyong pangalan niyan dahil ‘Adobong Baboy’ ang nakalagay. Tang inang ’yan, hindi naman nito paborito, ano? Laro rin talaga mga username ng pinoy sa Honor of Kings e.
Ayun lang, nabigla siya nang maka-receive ng notification na in-add pala siya noong Adobong Baboy.
‘Buti in-add ako nito?’ aniya sa isipan habang kunot noong pinagmamasdan ang friend request nito nang i-click nya ang notification.
In-accept naman nya pero hindi nya naisip na baka i-chat siya o kausapin.
Hanggang sa… naka-receive nga siya ng chat.
AdobongBaboy
:
hi! nice g maglalaro pa po ba kayo? pwede duo?
Hindi sana papansinin ni Keegan dahil hindi naman siya mahilig makisalamuha sa mga tao in-game.
Totoo naman, madalas kasi nakikini-kinita nya sa isip nya iyong imahe ng mga manlalaro dati sa unang laro na ang aasim, tambay sa kanto, tapos… basta. Dadalhin din sana ni Keegan ang stereotype na iyon sa mga manlalaro sa Honor of Kings pero parang hindi dapat.
Mas maayos na community, kahit mga pinoy dito e hindi naman nangta-trashtalk. Tahimik lahat.
…Edi ni-reply-an nya.
Me:
hello oo ako nalang gagawa ng room dolia ka ba ulit?
AdobongBaboy
:
tignan ko kung mag dolia ako bakit po?
Me:
ah… de nagppractice kasi ako magheino tsaka op kasi yung combo nila ni dolia kaya natanong ko lang pero ok lang kung di ka na magdolia
AdobongBaboy
:
i don’t mind naman po i can help po magpractice, basta pabuhat nalang po sa rg
“Pabuhat amputa e siya nga iyong MVP,” bulong nya bago halos napahilamos ng mukha.
Gustong matawa na ewan ni Keegan dahil ang humble pa nitong si Adobong Baboy, pero sige. Kung saan ito masaya basta mai-practice nya pa si Heino.
Madali rin naman kausap ang player na iyon.
Pinagbigyan siya nito at nag-Dolia ito sa loob ng apat yata o limang rounds bago ito nagtanong kung pwede na ba itong magpalit ng hero sa susunod na rank game nila. Bilang may hiya rin naman siya’t napagbigyan na nang ilang beses sa pabor nya, hinayaan na rin nya ito.
Siya rin, bumalik na sa main hero nya.
“Tang ina,” bulong nya habang inii-scroll iyong listahan ng game plays nya. “Hindi man lang kami natalo ni isang beses. Gago, ang galing maglaro, lagi pa siyang MVP.”
Mula sa Dolia hanggang sa Augran, hindi naranasan ni Keegan ang lose streak.
“I-chat ko nga ulit.” Gusto nya pa sana ulit itong makalaro lalo na’t maganda ang game play kapag ito ang kasama nya.
Me:
pst, tanong. kelan ka maglalaro ulit?
AdobongBaboy:
hanggang mamayang 1 po aalis ka na po ba?
Me:
oo ehh may pasok pa kasi ako bukas
AdobongBaboy:
sayang naman po pero mga ganitong oras po ako naglalaro nagpapalipas po ng stress sa schoolworks
“Nag-aaral pa pala ’to,” komento nya.
Chinat nya pa ulit si code name Adobong Baboy para sa eksaktong oras ng pagbubukas ulit nito ng account at nang ibigay nito ang estimated, nag-note kaagad si Keegan nang maaya at makalaro nya ulit ito.
Meta gamer, e. Sana all.
“Puta, sana ’di busy bukas…” aniya dahil bigla nyang naalala na may practice sila nina Renzo para sa gig nila. “Sana matapos kami nang maaga sa praktis, nag-aadik pa naman ako sa nilalaro ko.”
Ang dami pang freebies dito, amputa.
Noong unang sign-up nya kasi, marami-rami siyang nahakot na skin at heroes. Saan pa ba siya niyan? E hindi nya naranasan na ganoon kabait iyong isang laro. Maliban na lang kung may event, syempre.
Pero ayun nga.
Simula noon, madalas nang kalaro ni Keegan si Adobong Baboy.
Hindi naman sila madalas mag-usap. Kumustahan lang din sandali tapos maglalaro ng tatlong rounds gabi-gabi pero t’wing hindi busy o day off, umaabot ng magdamag silang magkalaro hanggang sa antukin.
Hindi naman din masasabi ni Keegan na wala siyang alam tungkol sa player na iyon.
Una sa lahat, estudyante. Ang alam nya e nagti-take ng BSEd, tapos english ang major noong mag-small talk sila nitong nakaraan. Naikwento rin naman ni Keegan na gym instructor siya ngayon at gitarists sa banda nila nina Renzo.
Taga-Cavite si Adobong Baboy. Alam nya dahil nitong nakaraang bumagyo, panay ang kwento nito tungkol sa mga kaganapan sa lugar nito. Syempre, binanggit din ni Keegan na taga-Pampanga siya, tapos ’tsaka naman naikwento ni Adobong Baboy na dati rin daw itong nakatira sa Pampanga, pero bumalik daw sa Cavite dahil sa lola nito.
…Bigla nga nyang naalala si Rhysand sa kwento nito.
“Kumusta na kaya iyong batang ’yon?” tanong nya sa sarili habang binabasa iyong reply ni Adobong Baboy sa kanya.
Bago siya kunin ng mga taga-DSWD, ni hindi man lang siya nakapagpaalam nang maayos sa batang iyon.
Noon namang bumalik na siya sa Pampanga isang taon matapos na madala sa Manila, ’tsaka naman nya nalaman na umalis na pala si Rhysand pa-Cavite dahil sa sakit ng lola nito.
“Mahanap nga sa Facebook si Rhysand.” Nagbabaka sakali lang naman siyang makikita nya ulit ang batang iyon lalo na’t nami-miss na nya.
‘Kilala pa kaya ako no’n ang tanong…’ dagdag pa nya habang nagtitipa ng reply kay Adobong Baboy.
Nagpapaalam na lang naman ito dahil gagawa pa raw ng presentation. E, inaantok na rin si Keegan at pagod na rin siyang maglaro dahil medyo minalas sila sa game plays nila ngayong gabi.
Medyo lose streak.
Me:
ah basta tol, wag ka nalang pakapuyat sya na, good luck sa trabaho mo
AdobongBaboy:
thank you kuya! good night
Me:
good night din sayo
Matapos na mag-usap, nag-out din naman si Keegan sa Honor of Kings pero imbes na matulog? Pinigilan nya ang antok panandalian para tignan kung mahahanap pa nya ang Facebook account ni Rhysand.
Tang ina.
Hindi na nya maalala buong pangalan ng isang iyon. Alam nya lang, Rhysand- tang ina, ano ngang apilyido noon? Nagsisimula sa letrang F pero nasa dulo ng dila nya.
Nasisiphayong kinamot ni Keegan ang ulo habang nakikipagtitigan sa search bar ng Facebook.
“Putang ina. Naaalala ko iyong tao pero ’di iyong buong pangalan. Dating kaibigan ba talaga ako?” aniya pa bago sumagitsit.
**
Note: Balik past muna, teaser lang iyong time skip sa last chapter. Lagyan ko na lang ng indication na nasa present na ulit kapag tapos na sa mumunting backstory kung sino ba si Ryleigh (kahit alam na nating lahat kung sino siya HAHAHAHA).
Kabanata 18
KABANATA 18
ㅤㅤㅤㅤMEDYO nagtagal ang isipan ni Keegan tungkol sa paghahanap kay Rhysand. Kasalanan lahat ni Adobong Baboy— hindi sa naninisi, pero ilang araw na rin kasing nasisiphayo si Keegan dahil panay hagilap siya kay Rhysand nang ma-contact man lang sana ulit ang kababata pero hindi naman nya maalala kung anong buong pangalan ng isang iyon, hindi nya tuloy mahanap sa social media.
Panay kamot ang ulo si Keegan habang ka-video call nya si Lyle. Kanina pa rin iyon napapansin ng kaibigan kaya halos hindi maipinta ang mukha ng binata habang tahimik siyang pinanonood.
“May dandruff ka ba? O kuto?” tanong ni Lyle sa kanya na nakahigit sa kanya pabalik sa realidad.
Sandali nyang pinasadahan ng tingin si Lyle mula sa screen ng kompyuter nya bago siya sumimangot. “Gago, anong kuto? Ba’t naman ako magkakaroon ng gano’n?”
“Malay ko, baka nahawa ka sa anak ng kasama mo sa trabaho. Sabi mo ginamit sa anak nilang kutuhin, ‘di ba?”
“Hoy, wala akong sinabing ganyan! Tang ina nito, ang bait mong tignan pero iba tabas niyang dila mo.”
“Ako pa ang inano samantalang nanggaling talaga sa bibig mo ‘yon?”
“Blabla, wala akong sinabing ganyan!” Halos mapahilamos ng mukha si Keegan dahil gawa-gawa ng kwento itong kausap nya. “Napapakamot ako ng ulo kasi noong isang araw ko pa hinahanap kababata ko sa social media pero ‘di ko mahagilap, ‘di ko kasi maalala anong buong pangalan.”
Nagpahalumbaba si Lyle bago siya nito tinaasan ng isang kilay. “Wala bang ibang nakakakilala ro’n?”
“Sina kuya Renzo.”
“E ba’t ‘di mo tanungin kung anong pangalan nya sa kanila? O baka naman friend pa nila sa Facebook, gano’n.”
“Ayun na nga…”
Kinwento ni Keegan ang ganap kaya hindi nya mahanap si Rhysand.
Friend naman talaga nina Renzo si Rhysand sa Facebook. Ang kaso lang kasi, nag-inactive iyong bata bago ito umalis pa-Cavite. Alam din naman ni Keegan kung ano iyong lumang Facebook nito pero hindi kasi tunay na pangalan nito ang ginamit sa account na iyon kaya hindi na nya makita.
Hindi rin naman maalala ni Keegan kung anong apilyido ng batang iyon. Alam lang nya, ‘Rhysand’.
“May first name pa yata ‘yon pero ah!” Naiiritang ginulo ni Keegan ang buhok. “‘Di ko maalala! Ang tagal ko na kasing nakita si Rhysand. Nabura na rin sa isip ko iyong apilyido nya, alam ko lang, nagsisimula sa letrang F.”
“E sira ka pala, pa’no mo niyan hahanapin?” sabi naman ni Lyle.
“‘Di ko alam, king ina. Basta gusto kong makita iyong batang ‘yon ‘tsaka kumustahin.”
Mahinang humimig si Lyle bago ito nanahimik sandali, pero ilang segundo lamang iyon dahil nagtanong din naman ulit ang binata sa kanya.
“Buti pala, gusto mong hanapin ‘yan? Ano bang meron at hinahanap mo?” pag-uusisa pa nito.
Bumuntong hininga si Keegan at nagkibit balikat. “May nakalaro kasi ako nitong minsan sa Honor of Kings. E ang sabi, taga-Pampanga raw dati tapos pumunta rin ng Cavite dahil sa lola nya, kaya naalala ko bigla si Rhysand dahil gano’n din dahilan daw ba’t nagpunta sa Cavite.”
“Wow, grabe iyong coincidence, a. Sure ka bang ‘di iyang nakalaro mo iyong hinahanap mo?”
Huh. Oo nga ‘no?
Hindi pumasok sa isip ni Keegan na baka nga iyong kausap nya ngayon e si Rhysand base sa kwento nito.
“‘Di ko naisip pero baka kasi nataon lang kaya ‘di ko na rin tinanong,” panimula nya pero medyo napapaisip na rin siya. “Wala naman kasi akong alam ga’no sa taong ‘yon, alangan namang tanungin ko ng ‘uy may kilala ka bang Keegan Chavez?’ Ang weird no’n.”
“Ah, okay. Sa bagay, may point. ‘Di kayo close tapos ‘di mo naman alam saang lupalop ng Pampanga ‘yan nanggaling… tanungin mo kaya?”
“Inamo, ‘di na.” Bumuntong hininga siya. “Malakas din pakiramdam ko na ‘di iyon si Rhysand.”
“…Okay? Ikaw bahala. What if lang din naman sinabi ko pero sure.”
Sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan nila pero hindi nagtagal, bigla na lamang ngumisi si Lyle.
Alam na rin ni Keegan kung anong ibig sabihin niyang makahulugang ngisi na ipinaskil nito sa mukha. Napasagitsit na lang din siya dahil wala namang kamatayang topic iyong putang inang long-time crush nito.
“Ano na namang binili mong magazine ni Ridge?” hindi interesadong tanong nya kay Lyle.
Pumalatak naman ang kaibigan. “You know me too well! Oo nga, may binili nga akong magazine. Well, pre-order pero kasi may local brand na kumuha kay Ridge to feature them so ayun, napabili ako. Wait, pakita ko sa ‘yo.”
“Kelangan pa ba? Sawang-sawa na akong nakikita si Gonzales. Kahit sa gym, putang ina no’n, ako pa iyong kinuhang instructor nang makita ako.”
Natigilan si Lyle at namamanghang napatingin sa kanya. “Wait, what?! Alam kong gym instructor ka ngayon pero naggy-gym sa same place si Ridge?!”
“Oo, ‘di ko ba nabanggit sa chat?”
“I— wait.” Kinuha nito ang celphone ‘tsaka nag-scroll sa chat nilang dalawa bago ito napasinghap. “Hoy! Kumuha ka naman ng candid photo nya habang naggy-gym.”
“Pakyu! Ayokong mahaluan ng tamad iyong gallery ng celphone ko.”
“Si Keegan naman, minsan lang e. Ang damot! ‘Wag mo sanang makita ‘yang hinahanap mong Rhysand.”
“Putang ina mo ka.”
ㅤㅤㅤㅤHINDI makita ni Keegan si Rhysand.
Mag-iisang linggo rin siyang fixated sa paghahanap sa batang iyon at madalas nyang pestehin sina Kevin kung ano bang apilyido ni Rhysand pero hindi rin daw maalala ng mga ito. Dapat nga raw, siya ang mas nakakaalam dahil siya ang matagal na kaibigan.
E king ina, nasa dulo nga ng isip nya.
Pinipilit naman ni Keegan na alalahanin pero hindi naman nya mapiga’t mailabas kung ano ba talaga apilyido nito.
Hanggang sa… naglaro sila ni Adobong Baboy ulit.
AdobongBaboy:
kuya, okay lang po ba na apat na rg? di pa kasi ako tapos sa lp ko
Me:
lp? sige lang tol. mas maganda ngang inuuna mo yan
AdobongBaboy:
salamat kuya, sana di lose streak no
Me:
sus pag ikaw naman kalaro ko di naman lose streak nararanasan mo ba ma lose streak pag ikaw lang mag isa? baka mamaya pabigat ako
AdobongBaboy:
no way! ang galing nyo pong maglaro tsaka di kayo pabuhat kaya ko kayo inapproach sige na po, gawa na ko ng room para maaga tayo matapos
Magaling ba talaga? Napaismid na lamang si Keegan bago nya ipinatong ang siko sa hita para makapaghalumbaba habang hinihintay ang invite ni Adobong Baboy.
Hindi nagtagal, lumabas din naman iyon sa screen nya na siyang kaagad nyang in-accept.
Tapos, ayun… May na-encounter siyang pangalan.
‘Nomijardo’.
Habang naglalaro sila ni Adobong Baboy, hindi maalis-alis ang atensyon ni Keegan doon sa isang player dahil may kung anong kumikiliti sa kuryosidad nya.
Parang may naaalala siya na ewan. Basta! Ang hirap ipaliwanag.
AdobongBaboy:
thank you kuya!
nice g as always pero medyo marami kang deaths doon sa lam kanina ok ka lang ba?
Putang ina. Iyong Lam player na tinutukoy nito e iyong Nomijardo na panay pukaw sa atensyon nya dahil may naaalala siya.
Me:
ok lang may iniisip lang potangina pamilyar yung nomijardo
AdobongBaboy:
kakilala mo?
Me:
di ko man. may naalala lang ako
AdobongBaboy:
ah okay. g pa ba isang round?
Me:
oo naman. sulitin na kita habang di ka pa busy
AdobongBaboy:
woa. ok ok
Tang ina. Napapakamot na lang sa ulo si Keegan habang iniisip bakit nababagabag siya doon sa username noong Nomijardo samantalang hindi naman nya kakilala.
Habang abala siya kakaisip, binalikan nya iyong conversation nila ni Adobong Baboy habang naghihintay siya ng invite mula rito. Nang makita nya iyong huli nyang chat, bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil ang tang ina, double meaning!
Para siyang humaharot, e. Tang inang iyan.
Hindi naman nya na maipunto dahil baka mag-iba pa ang dating kay Adobong Baboy. Hayaan na lang nga nya. Hindi naman nya sadya—
Sandali.
Me:
FAJARDO
Hindi nya alam bakit pa nya chinat kay Adobong Baboy iyong biglang naalala nya pero putang ina! Nalaman na nya kung bakit siya distracted kanina habang kalaro nila si Nomijardo!
Katunog ng apilyido ni Rhysand!
AdobongBaboy:
sorry kuya may ginawa lang anong fajardo?
Me:
MAY HINAHANAP AKONG KAIBIGAN KO fajardo apilyido rhysand fajardo! amputang ina, maalala ko lang pala dahil dun sa nomijardo na kalaro natin isang linggo pa kong pinag isip!
AdobongBaboy:
kaibigan mo kuya?
Me:
kababata ko lagi kong kasama dati maglaro pero may nangyari kasi di ako nakapagpaalam dun tapos nung bumalik na ko dito samin, siya na yung wala. ayun, naalala ko lang taena
AdobongBaboy:
ah… buti naman naalala mo na kung anong pangalan kuya
Totoo!
Isang linggo nyang pinag-isipan at pinipilit alalahanin kung anong pangalan ni Rhysand. Halos dumating pa sa puntong muntik siyang bangasan (hindi, OA lang siya) ni Ian dahil panay pamemeste nya kung may nakakaalala ba sa buong pangalan ni Rhysand.
Pero alam nya may first name pa rin iyang batang iyan.
Hindi lang nya maalala kung ano.
AdobongBaboy:
hinahanap mo saan?
Me:
facebook tol. gusto ko kasi makausap ulit, bigla ko siyang naalala sayo ehh may first name yun. di ko lang alam kung ano. pero maya katapos natin maglaro, hahanapin ko siya
AdobongBaboy:
okay po. gawa na ko ng new room sorry talaga tinawag lang ako ni lola pero masaya ako naalala mo na hinahanap mo
Me:
salamat! g na. busy ka pa ehh
AdobongBaboy:
wait lang po
Pagkatapos magpaalam ni Adobong Baboy, ‘tsaka naman ito nakagawa ng panibagong room.
Nakailang rounds pa sila ng rank game, hindi nasunod iyong inisyal nitong alok na ilang laro lamang, dahil parang nakalima pa yata sila at kung hindi lang natalo sa huling round, baka hindi pa pareho nagpaawat.
AdobongBaboy:
thank you sa time kuya! gawa na ko ulit ng lp. sana makita mo yung hinahanap mo sa fb!
Me:
salamat! hanapin ko bago ako matulog good luck din jan sa lp mo
“Ha! Putang ina. Sa wakas, naalala ko rin pangalan ni fucking Rhysand,” mayabang nyang bulong sa sarili bago siya nagpunta sa Facebook at hinanap ang pangalan ni Rhysand.
Pero amputa.
Bukod sa mga kapangalan ni Rhysand sa Facebook, hindi man lang nya makita kung anong account ng kababata nya! Lahat, naka-“Rhysand Fajardo” pero kung hindi nya kilala, naka-anime o koryano naman ang profile picture.
Saang lupalop na naman ng social media nya hahanapin si Rhysand? Putang ina.
ㅤㅤㅤㅤNAG-RANDOM add na lang si Keegan. Syempre, pinilit nyang i-filter kung sino sa mga Rhysand Fajardo ang mga ia-add nya dahil nagbabaka sakali siyang tumumpak ang hula nya. Minsan, maglalaan pa siya ng oras para i-stalk iyong nag-accept sa kanya nang makita kung may litrato ba ito sa profile.
Kapag hindi si Rhysand, ina-unfriend din nya.
Pero iyong isang Rhysand na in-add nya, sinubukan nyang i-chat.
Malas nga lang nya’t hindi iyon ang hinahanap nya. Ang jeje pa ng typings, parang ttay na yata itong nai-add nya o tambay lang sa kanto e. Medyo judgmental pero… eh.
Rhy Fajardo : d KTA klala! tg cagayan aq cnu k b
Napapakamot na lang si Keegan ng ulo sa t’wing babasahin ang mga reply nito kaya in-unfriend na lang din nya.
“Wala rin naman palang silbi,” pagrireklamo nya habang kinakalkal sa profile noong Rhy Fajardo ang unfriend.
Mula sa gilid ng mga mata nya, nakita nyang pinasadahan siya ng tingin ni Renzo bago ito bumuntong hininga. “Ba’t ba kasi hinahanap mo pa ‘yang si Rhysand? Kung may balak pa ‘yon maging parte ng buhay natin, magpapaalam ‘yan kung sa’ng account na siya tatambay.”
“Malay mo naging busy lang kaya ‘di na nakapagpaalam. Ako rin naman noon, a.”
“Magkaiba kayo. Wala ka namang gamit na pang-contact sa ‘min noong parang bula kang nawala. E siya, ang dami nyang gadget ba’t ‘di ka man lang naiwanan ng mensahe noon?”
“Basta.”
Ayaw nyang makinig kay Renzo. Alam naman nyang may dahilan bakit hindi nagparamdam si Rhysand sa kanila matapos nitong umalis pa-Cavite. ‘Tsaka, ngayon lang nya natantong miss na miss na nya iyong bata dahil kay Adobong Baboy.
Ang dami kasi nilang pagkakapareho, nami-miss nya tuloy ang isang iyon.
“Alam mo Kee, ‘wag mo nang hanapin. Nagsasayang ka lang ng oras kasi ‘di mo na talaga makikita ‘yang si Rhysand,” dagdag pa ni Renzo.
Muntik mainis si Keegan sa kakaganyan ni Renzo pero bago pa man nya ito masinghalan nang lingunin nya e nabatukan na ito ni Kevin. Naunahan na siya, nakasimangot pa nga ang isa nilang kabanda dahil kanina pa rin nagni-nitpick si Renzo sa paghahanap nya kay Rhysand.
“Hayaan mo na ‘tol. Napakanegatibo mong tao e. Ano naman kung gustong hanapin ni Keegan si Rhysand? Magkababata ‘yang dalawa, ni ‘di nga nakapagpaalam sa isa’t isa noon,” sabi pa ni Kevin.
Napapasagitsit na hinimas-himas ni Renzo ang parte ng ulong binatukan ni Kevin. “Pa’no ba naman kasi, panay na lang si Rhysand ang bukambibig. Pinipeste pa tayo sa buong pangalan.”
“E syempre, nagbabaka sakali iyong tao na baka alam natin.”
“‘Di ko alam. ‘Di ko na rin inalam. ‘Tsaka kung gustong magpakita no’n, dapat noong una palang ginawa na nya. Ba’t ba kasi nagsasayang pa ng oras si Keegan kay Rhysand?”
“Kasi nga close silang dalawa,” sabad naman ni Ian na kaaalis lang noon ng isang earphones. “Ba’t ba nagagalit ka e ‘di naman din nakakaabala sa praktis iyong paghahanap ni Keegan kay Rhysand?”
Hindi na sumagot si Renzo at sa halip, hinablot lang nito ang vape nitong nasa iisang tabi bago nag-walk out palabas ng nirentahan nilang practice room.
Nagtatakang pinanood ni Keegan ang kaibigan na lumabas bago nya nilingon sina Kevin at Ian.
“Iyong totoo,” panimula nya bago nya ipinihit ang katawan paharap sa mga ito. “Nag-away ba sina Renzo at Rhysand bago umalis iyong isa?”
“‘Di man!” kaagad na tanggi ni Kevin. “Wala namang nangyaring gano’n. Madalas ka lang hanapin ni Rhysand sa kanya noon pero ‘di naman naiinis ‘yan si Renzo sa batang ‘yon dati. Ewan ko lang at ba’t naggaganyan ‘yang lider ni Ian.”
“Sinaniban lang ‘yan ng toyo,” sagot naman ni Ian. “‘Tsaka lider nyo ‘yan kapag naiinis. Putang ina niyan e.”
Naguguluhan man e hinayaan na lang ni Keegan si Renzo.
Baka nakuha lang nya inis noon dahil panay ang paghahanap nya kay Rhysand. Katulad nga ng sinabi nito, bukambibig nya na sa loob ng isang linggo ang pangalan ng dating kababata.
E… ano naman ngayon, hindi na natapos dilemma nya sa isang iyon.
Hindi rin nya magawang sukuan. Nawiwirduhan siya dahil parang ang desperado na determinado nyang mahanap si Rhysand.
Me : tol di ko mahanap yung kababata ko may suggestion ka ba sa paghahagilap?
AdobongBaboy : sino nga po hinahanap nyo? yung rhysand fajardo?
Me : oo tol. di ko talaga mahanap tsaka ang hassle mo ichat dito sa hok. magoopen pa ko
AdobongBaboy : haha oo nga po ehh. buti online ako nung nagchat ka
Me : naglalaro ka?
AdobongBaboy : di po. hinihintay kita magchat
Pu— Napahinga nang malalim si Keegan noong mabasa ang reply ni AdobongBaboy. Parang nangilabot siya na kinilig na hindi nya maintindihan.
King ina, bakit siya naaapektuhan? Ganyan lang naman ang sinabi. Ang babaw naman nya kung mahuhulog siya sa ganyan e sa laro lang naman sila magkakilala ni Adobong Baboy.
AdobongBaboy : baka po kasi mag aya ka ng rg kaya hinihintay po kita
“Whoo!” Naipilig pa nya ang ulo nang bumuntong hininga.
Hindi napansin ni Keegan kung gaano kalakas iyong pagbuntong hininga nya kung hindi pa siya nabato ng tsinelas ni Kevin. Nang lingunin nya ito, nagrireklamo na ito dahil nagulat daw nang bigla siyang ‘sumigaw’.
E pasensya naman, naaapektuhan na siya sa ka-chat nya online. Edi ang rupok na nya niyan? Ayaw nya! King inang Adobong Baboy ito
Me : di muna may practice kami sa gig ehh ganto nalang anong fb mo? dun nalang tayo mag usap para di hassle. tsaka mas madali ka matyempuhan para ayain maglaro nun
Pagkatanong na pagkatanong nya niyan, biglang sumagi sa isipan nya ang sinabi ni Lyle nitong nakaraan. Na baka iyong hinahanap nya, ito na palang kausap nya dahil sa kwento nitong tiga-Pampanga noon na nagpunta ng Cavite dahil sa lola nito.
Napalunok siya.
Paano kung ganoon na nga? Na baka pinaglalaruan siya nitong si Adobong Baboy at pinaghahanap kay Rhysand pero ito na pala iyon? Pero hindi naman siguro. Uso pa rin naman ang coincidences.
Pero paano nga? Ang tagal mag-reply ni Ado— sandali, ang overacting nya, nakapag-reply na pala.
AdobongBaboy : ryleigh agustin po
Ah.
Bumagsak ang mga balikat ni Keegan noong makita ang pangalang ibinigay ni Adobong Baboy.
Hindi Rhysand Fajardo kung hindi Ryleigh Agustin. Bale, magkaibang tao naman pala talaga sila… sandali lang.
Kumunot ang noo ni Keegan kakabasa sa pangalan ni Adobong Baboy.
“Putang ina, babae itong kausap ko?!” Tapos tinu-‘tol’ nya?!
Nakatulala at hindi alam ang gagawin, nabalik na lamang sa huwisyo si Keegan nang makitang nag-chat ulit si Adobong Baboy.
Aba’y pasensya rin naman dahil hindi nya inaasahan na babae pala ang kalaro nya. Hindi naman sa madalang ang magagaling na babaeng manlalaro sa online games pero ngayon lang siya nakaengkwentro noong makakalaro pa nya madalas. Hindi rin naman nya itatangging medyo umasa siya na si Rhysand ang kausap nya.
AdobongBaboy:
ikaw po kuya? ako na po mag add sayo
Me:
ah… kee chavez pangalan ko sa fb
AdobongBaboy:
nickname nyo po ba yung kee?
Me:
oo… keegan chavez buong pangalan ko
AdobongBaboy:
okay po. nice to meet you, kuya kee add po kita sa fb pagkaout ko po rito
Me:
de sige, ako na. magppractice na kami niyan kaya ako nalang magaadd sayo
AdobongBaboy:
okay po kuya hintayin ko po friend request nyo
Pagka-reply na pagka-reply ni Adobong Baboy— o mas mabuti bang Ryleigh ang tawag nya rito? Nag-out na kaagad siya dahil babalik pa siya sa practice, lalo na’t bumalik na rin si Renzo noong mukhang nakapagpalamig na ito ng ulo.
In-add nya sa Facebook si Ryleigh at nang makita ang litrato nito, hindi maipaliwanag ni Keegan iyong naramdaman nya.
Gago, first time lang nya ma-attract sa taong online lang naman nya nakilala. Teka, tama bang ganito rin nya iyon i-describe dahil halos kaka-break lang naman nila ni Ivy— mag-iisang taon na rin naman silang hiwalay! May problema pa ba kung ma-attract siya sa iba?
Putang inang three-month rule na ‘yan. Isang taon na kamo siyang nagmu-move on, pwede na ‘to.
Masaya na nga ang isang iyon kay Joshua, e.
“Hoy Keegan! ‘Di ka pa ba tapos sa kakahanap kay Rhysand? Tara na, tapusin na natin ‘to nang makapagpahinga na tayong lahat,” sabi pa ni Renzo nang makapwesto na ulit ito.
Nagreklamo sina Kevin at Ian pero siya rin, napabulong: “Sungit naman ng isang ‘to, akala mo masama loob kay Rhysand na walang muwang e.”
Mamaya na nya iisipin iyong si Ado—Ryleigh. Tatapusin na muna nya ang pagpapraktis.
Kabanata 19
KABANATA 19
ㅤㅤㅤㅤSIMULA noong mai-add nina Keegan at Adobong Baboy-na ngayo’y Ryleigh na talaga ang tawag nya-ang isa’t isa sa Facebook, doon na rin sila madalas na mag-usap na dalawa.
Mas naging close sila dahil hindi na lang small talks ang content ng mga usapan nila. Madalas, nagkukwento na rin sila ng kung anu-ano tungkol sa personal na buhay. Hindi maalala ni Keegan, pero siya yata ang nagsimula, dahil sa kakahanap nya kay Rhysand na sinukuan nya rin naman.
Wala rin namang silbi.
Ilang linggo nya itong hinanap pero hindi nya malaman kung anong pangalan nito sa Facebook. Minsan, sinabihan siya ni Ryleigh na huwag sumuko dahil baka iba lang ang pangalan sa Facebook, pero hindi naman siya manghuhula.
Hindi nya na maalala ang buong pangalan ni Rhysand.
Basta, Rhysand Fajardo. Tapos. Kung ayaw magpakita sa kanya, edi huwag.
Ryleigh:
hi kuya, pwede ka ba maglaro ng hok ngayon?
Me:
uy ayos lang naman sakto katatapos ko lang naman magligpit ng mga gamit
Ryleigh:
ayy. mamaya nalang pala kuya, pahinga ka muna pwede pa naman ako hanggang mamaya
Hindi maiwasan ni Keegan ang pangunutan ng noo ang skrin ng celphone nya.
Nata-touch siyang ang bait ni Ryleigh at maintindihin ito bagamat hindi sila magkakilala sa personal pero… okay lang naman talaga na maglaro silang dalawa. Gagawan nya ng paraan, kahit pagod pa siya, pahinga na rin naman ang paglalaro kasama si Ryleigh.
Ewan, napansin lang naman ni Keegan na mas relaxed siya t’wing magkasama silang makakapaglaro ng dalaga.
Me:
okay lang talaga sakin ☹️ o baka ayaw mo lang akong kalaro?
Ryleigh:
huh? san mo galing yan kuya? issue ka. pinagpapahinga lang kita kasi baka pagod ka kakalipat mo lang ng bahay, alam ko nagligpit ka pa
Me:
sige na lang five minutes tas g na
Ryleigh:
ang bilis. nagpahinga ka pa kuya?
Me:
ehh bakit ba
Gusto na nyang makalaro si Ryleigh, e.
Katulad ng sinabi nya, nitong nakaraan e napapansin nya na mas relaxed siya t’wing ito ang kalaro nya. Kahit nga na ma-lose streak pa sila, ayos lang sa kanya. Humaba rin pasensya nya sa paglalaro ng mga moba games.
Pero ayun, nagi-gets nya iyong punto ni Ryleigh.
Noong makapag-ipon si Keegan, nagpaalam na siya kina nay Belinda at Edward na bubukod. Nagpasalamat siya sa pag-aalaga ng mga ito sa kanya at syempre, hindi makakalimot na ibalik ang kabaitan ng mga ito.
Noong una, ayaw pang pumayag ni nay Belinda lalo na’t parang anak na rin ang turing ng ginang sa kanya pero wala rin naman itong nagawa nang magrason siya.
Ang pangit kasi ng set-up sa kanya.
Lumipat siya nang sa ganoon, hindi na guluhin ni Katelyn o ng nanay nya sina Edward. Ikalawa, ikakasal na rin si Edward at magsi-settle sa bahay nina nay Belinda, e dagdag espasyo lang siya kaya gusto nyang mag-make way para sa magiging asawa ni Edward. Ikatlo, ang awkward makasalubong nina Ivy o ng buong pamilya nito.
Baga, para sa katahimikan na lang nya talaga.
Ryleigh:
alam kong kakalipat mo lang kuya pero gusto ko sanang magtanong kung kumusta ka naman? first time mong wala kang kasama sa tinitirhan mo diba? di mo ba namimiss yung mga kumupkop sayo?
Tumaas ang isang kilay ni Keegan habang binabasa ang mensahe ni Ryleigh.
Napaisip din siya pero… hindi naman kasi malayo iyong nalipatan nya. Kung tutuusin, dalawang kanto lang naman ang layo nya mula sa mga ito. Sadyang hindi lang nya ipinaalam kung saan ang eksaktong lugar kung sakaling sundan ni Katelyn o ng nanay nya sina nay Belinda kung matripan.
Me:
ok lang naman diyan lang sila nakatira dalawang kanto lang layo ko, yakang yaka sila bisitahin lumayo lang ako kasi sobrang gulo na ng ate ko tsaka yun ngang nakwento ko sayo nung minsan. yung sa ex gf ko kaya umalis na ko dun
Ryleigh:
opo. kasi po nakakasalubong mo pa sabi mo di ka pa ba nakakamove on sa kanya kuya?
Me:
naka move on na! ang tagal na nakakairita lang sila makita ngayon. lalo na yung bago nya kaya umalis ako dun. tang ina nun ehh
Ryleigh:
ah opo. nabanggit mo na niyayabangan ka?
Me:
oo bwisit yun. kala mo naman aagawin ko pa sakanya yung asawa nya. magpakasaya siya!
Ayaw sana nyang mag-rant pero naungkat na naman kasi kung paanong nakuha ni Joshua iyong inis nya.
Talagang t’wing magkakasalubong sila, kahit saan, sa palengke man o sa street nila, o sa daan lang mismo; makahulugan ang tinging ibabato nito sa kanya bago ito ngingisi nang malawak.
Tipong sinasabi na, ’ano ka ngayon? Inagaw mo sa ‘kin noon tapos ngayon, akin na?’ samantalang hindi naman ito nagustuhan ni Ivy noon, walang namagitan sa mga ito noong kolehiyo sila, kaya wala siyang inagaw.
Napahilamos tuloy siya ng mukha dahil sa inis.
Humiga rin siya sa sofa nya habang hinihintay mag-reply si Ryleigh lalo na’t nakita nyang nagta-type ito ng maisasagot sa kanya. Iyon lang, medyo driven siya ngayon ng emosyon kaya pilit nyang pinapakalma agad ang sarili dahil ayaw nyang ibuhos ang inis kay Ryleigh.
Inungkat man nito ang inis nya, kuryoso lang naman ito.
Ryleigh:
as long as nakamove on ka na po kuya, dun po ko masaya
“Anong ibig nitong sabihin?” kunot noong tanong nya habang binabasa ang sagot ni Ryleigh.
Eh.
Nagkibit balikat si Keegan at inignora na lamang ang sinabi ni Ryleigh. Baka nagdedelulu na naman siya, naglalagay ng malisya sa sinasabi nito samantalang parang wala namang laman iyong sinabi ng dalaga.
Alangan namang magkagusto rin sa kanya si Ryleigh? Una sa lahat, online lang sila magkakilala. Wala nang pangalawa, iyan lang talaga ’yon. Siya lang naman itong attracted, putang ina.
Me:
di pa ba tayo maglalaro? nakapagpahinga na talaga ako. nachismis ko na nga bat ako lumipat ng bahay ohh
Ryleigh:
wait lang po kuya, may pinapagawa po sakin
Me:
ahh sorry, baka naman ikaw yung busy?
Ryleigh:
never busy po pag ikaw pero sandali lang po talaga may inuutos lang po pinsan ko sakin
Me:
sige sige tyt lang
Ryleigh:
thank you po! babalikan kita agad kuya, wait lang
Tang ina. Gaganyan-ganyan lang iyong reply ni Keegan, kunwari pa-nonchalant pero sa kaloob-looban nya, nagta-tumbling naman iyong puso nya.
Puta. Lalagyan na ba nya ng malisya iyong susunod nitong sinabi o nagdedelulu lang siya ulit? Paano kung may laman na iyong ‘never busy po pag ikaw’ ni Ryleigh? Saan ba dapat nya nilulugar itong kilig nya?
’Tsaka bakit siya kinikilig e hindi naman nya kakilala si Ryleigh sa personal?!
Pero putang ina. Ngiting-ngiti naman siya, ayaw lang nya i-address kaso damang-dama nya iyong pag-inat ng gilid ng mga labi nya dahil lang sa banat na iyon ni Ryleigh. Ilegal ba ’to? Gago ba siya?
ㅤㅤㅤㅤ“SO, sino na nagpapangiti sa ’yo ngayon?”
Natigilan si Keegan noong marinig ang tanong ni Lyle habang magka-video call sila.
Nag-angat siya ng tingin mula sa celphone nya’t tumingin sa skrin ng computer nya. Nawala na sa isipan nyang nag-aya ng video call si Lyle dahil namimiss daw siya nito at gustong makipag-‘catch up’.
“Anong pinagsasasabi mo?” nagtatakang tanong nya bago ibinaba nang kaunti ang celphone.
’Tsaka naman ipinagkrus ni Lyle ang mga braso bago ito nagpilig ng ulo. Tapos, ngumuso ito na para bang tinuturo ang celphone nya.
“’Yang kausap mo,” simpleng anito. “Ang lawak-lawak ng ngiti mo, sino ba ’yan?”
Sandaling natulala si Keegan bago wala sa sariling iniangat nya ang kamay para hawakan ang ibabang bahagi ng mukha. Nang mahawakan ang mga pisngi, ’tsaka nya napagtantong malawak pala talaga iyong pagkakainat ng ngiti sa mga labi nya.
Amputa.
Pinamulahan ng mga pisngi si Keegan at ilang santo rin ang natawag nya para hilinging hindi nakikita ni Lyle ang reaksyon nya.
Hindi nagtagal, inayos nya ang sarili’t tumikhim. “Wala. Nanonood lang ako ng mga meme sa Facebook.”
“O, talaga ba? ’Di kasi kita nakikitang nag-scroll no’ng bumalik ako. Nagta-type ka e. Sinong ka-chat mo?” pag-uusisa pa nito.
“Tang ina mo, chismoso ka e ’no? Nagta-type lang ako ng comment sa pinanood ko!”
“Grabe sa ‘chismoso’! Curious lang naman ako kung sino na nagpapangiti sa ’yo. Concerned citizen lang ako, Kee. Ang tagal mo kayang lugmok kay Ivy.”
Naniningkit ang mga matang pinagmasdan nya si Lyle.
Ibinuka nya ang bibig para sana sabihing huwag na muna itong magtanong pero nakita nya mula sa gilid ng mga mata nya na nag-reply na si Ryleigh sa kanya. Gustuhin man din ni Keegan na pigilan ang sarili na mag-reply agad, katawan nya mismo ang kumilos at agad na tumingin sa celphone para magtipa ng reply.
“O tignan mo, itatanggi mo pa samantalang halata naman na may kausap ka. Jeez, Kee. Am I a stranger na?” madrama pang tanong ni Lyle.
Pinakyuhan nya lamang ito nang matapos nyang reply-an si Ryleigh. “’Wag ka nga. Kaibigan ko lang ’to.”
“Pero mas priority mo siya kaysa sa ’kin? Magkausap tayo pero halos ’di mo maialis mata mo sa celphone mo.”
“Kung manumbat ka, daig mo pa jowa ko.”
“Ew, may boyfriend na ako!” sagot naman ni Lyle bago siya nito pinakyuhan din pero bumagsak din ang mga balikat nito. “Though, I mean… it’s still not Ridge but I guess he reminds me of my Ridge.”
“Hindi naman sa ’yo ’yon.”
“Panirang pangarap.”
“Gago, kung naririnig ka lang talaga ng boyfriend mo ngayon, agad kang ibi-break no’n. Ba’t ba kasi jowa ka nang jowa e iba naman gusto mo?”
“Luh, napunta sa ’kin usapan.” Inirapan siya ni Lyle bago ito nagpahalukipkip. “Alam ko namang alam mo rin kung bakit, ’no. It’s not like Ridge would ever date me. So why shouldn’t I try dating somebody else rin? Baka lang sakaling makalimutan ko si Ridge.”
“Acceptance stage ka na?”
“No, namamag-asa lang makalimot. Anyway, enough about me!” anito bago pumalakpak ng isang beses ’tsaka siya nito dinuro. “Tell me who’s that girl… or guy? Ba’t ba kasi tinatago mo?”
Kasi wala namang namamagitan sa kanila ni Ryleigh kaya hindi na siya nag-aabalang magsabi.
Imbes na sumagot, nagpahalumbaba na lamang si Keegan at makahulugang pinagmasdan si Lyle. Namamag-asa rin na may telepathic communication silang dalawa kahit hindi naman nagbabasa ng isipan iyang kaibigan nya mula noong kolehiyo.
Naguguluhan siyang pinagmasdan ni Lyle. “Ano nga? Why aren’t you speaking? Don’t tell me na one-sided ’yan?”
Tipid siyang tumango. “Attracted lang din naman ako sa kanya. Online ko lang nakilala e.”
“Oh… ’di ba uso ang internet love? Sa online dating ko nakilala iyong isa kong ex-boyfriend na sobrang perfect e.”
“Ah, iyong inaaya ka na mag-settle down kaso nakita iyong putang inang altar mo ni Ridge?”
“’Di talaga ’yon altar!” Bumuntong hininga si Lyle. “But as I mentioned, uso naman ang online dating ngayon.”
“Oo, alam ko.”
Wala na lang siyang masabi.
Uso naman talaga pero… palagay nya e hindi pa naman nya gusto si Ryleigh sa puntong gusto nyang ligawan online. ’Tsaka ang hassle naman kung online lang nya liligawan at magiging girlfriend. Gusto sana nya iyong makikita pa nya e.
Hanggang crush lang itong si Ryleigh.
“Babae o lalaki?” tanong ni Lyle.
Wala siya sa sariling nagpilig ng ulo. “Babae.”
“Wow. Parang after ni sir Aaron, ’di ka na na-attract sa lalaki, a?”
“’Tsaka mo ako i-judge baka wala pa lang akong nakikilala na singgwapo ng isang ’yon.”
Napahalakhak na lamang si Lyle. “Gusto mo ba ’yang kausap mo? Like, ang lawak kasi talaga ng ngiti mo no’ng binalikan kita e nagbanyo lang naman ako.”
“Tahimik, tahimik…”
Binitiwan ni Keegan ang celphone nya kahit nakita nyang nag-reply si Ryleigh sa kanya. Itinaas nya ang mga kamay nya at umakmang parang sumusuko pero iniiling nya ang ulo.
Ayaw nyang sabihing gusto nya.
“So, crush?” paniniguro ni Lyle.
Doon pa lamang ibinaba ni Keegan ang mga kamay bago siya tipid na tumango. “Omsim, crush lang. Maganda e. ’Tsaka tang ina, ang relaxed ko sa kanya kahit pa ma-lose streak kami sa Honor of Kings.”
“Ah, okay. Nakilala mo pala sa online game.”
Ang dry naman ng sagot ni Lyle. May kung ano sa tono ng boses nito na hindi ito impressed o para bang common knowledge na lang dito na magkakagusto siya kay Ryleigh. Siya lang ba ang nag-iisip nito o normalized na talaga kay Lyle ang online dating?
Hindi nagtagal, habang pinagmamasdan nya ang kaibigan, e ngumiti rin naman ito. Henuwino iyong ngiti, hindi nya ma-nitpick at totoo.
“Good for you,” kalauna’y anito.
Siya naman ang nagtatakang napatitig dito. Parang ang tahimik din bigla ng paligid nya nang sabihin ni Lyle na masaya ito para sa kanya.
Para saan? Na attracted na siya sa ibang tao?
“Maganda ba talaga ’tong ganito?” pag-uusisa nya.
Bahagyang ngumuso si Lyle bago ito tumawa. “Oo, why? Would you rather be stuck sa feelings mo kay Ivy?”
“Stuck? Kay Ivy? No thanks.”
“O ’di ba. ’Tsaka you’ve been real quiet recently. As in parang nagbago ka noong maghiwalay kayo ni Ivy.”
Ano namang nagbago sa kanya?
Na mas tahimik siya nitong nakaraan? Hindi maiiwasan kasi nagku-cope pa siya noong mga panahong iyon at nagsisikap na makaalis sa tinitirhan dahil ayaw na nyang makasalamuha iyong pamilya nya, pati makita sina Ivy at Joshua.
Gusto lang nya ng katahimikan. Nakuha na nya. Bonus si Ryleigh na dahilan kung bakit madalas siyang relaxed.
“I won’t really judge you kung magustuhan mo man ’yang kausap mo. But I’m telling you to stay safe,” dagdag pa ni Lyle.
Pinangunutan nya ito ng noo at bagamat hindi na siya nagsalita para makapagtanong e tila ba alam na ni Lyle ang dahilan ng pagkagulong nakapinta sa mukha nya.
“Delikado ang online dating, a. Worse scenario is baka serial killer kausap pala iyang mo o human trafficker,” paliwanag ni Lyle bago ito nagkibit balikat. “Well, let’s not hope for that. The worst case scenario you should be worried about is that… the person you’re talking to could be a catfish.”
“Ha?”
Hindi nya naintindihan halos ng sinabi ni Lyle dahil ingles. Mahina talaga siya riyan hanggang ngayon. Graduate na siya’t lahat pero ang slow pa rin nya.
Bakit ba kasi inglishero itong si Lyle?
Napatikhim ang kaibigan nya nang matantong hindi nya naintindihan ang pinagsasasabi nito. “Ang ibig kong sabihin, ang pinakamalalang dapat na inaalala mo e baka poser iyang kausap mo. Malay mo, iniisip mong babae ta’s mas barako pa pala siya sa ’yo.”
“Gago!”
ㅤㅤㅤㅤ“ACHOO-!”
‘Ah fuck, is this a sign? Am I getting sick?’ tanong nya sa sarili habang sumisinghot at kinukuha ang panyo mula sa bulsa nang mapunasan ang ilong. ‘I should have listened to Keegan when he told me to bring an umbrella.’
Masama pa naman ang lagay ng panahon. Mayroong low pressure area at maulan sa Cavite. Hindi naman malakas, sapat lang para rin kayanin nyang sumuong sa ambon, pero dahil pagdating nya sa university nila e naka-aircon pa siya, hindi siya natuyo nang maayos at mas prone siya sa sipon.
“Tang ina, sinisipon ka na nga? Ang hina mo naman,” biglaang saad ni Leroy na nakapagpatigil sa kanya.
He heaved a deep sigh before he showed his middle finger at his friend who only laughed. “Ikaw kaya sumuong sa ambon ta’s magbabad agad sa aircon karating ng univ? Yabang mo, a.”
Dala siguro ng awa, hinagisan siya ng biogesic ni Leroy na nasalo nya naman agad kahit kinailangan nyang itigil sandali ang pagpupunas ng ilong.
Then, he grumbled, “sinabihan na kasi akong magdala ng payong pero ’di pa ako nakinig.”
Leroy snickered. “Kasalanan mo naman pala, Mark . Ano, alam na ba ng girlfriend mo ’yan?”
“Alright, let me get this straight…” Rhysand trailed off before he took a deep breath and pointed a finger at Leroy. “…They’re not… exactly a girlfriend.”
Naaaliw siyang pinagmasdan ng kaibigan bago siya nito inismiran. “Hindi? O hindi pa ? Ang hina mo naman, Mark.”
Naipikit ni Rhysand ang mga mata para ikalma ang sarili.
Hindi sa mahina, ano. But Leroy got to listen when Rhysand finally decided it’s time that this little shit knew that he’s not talking to a woman.
Kasi lalaki… si Keegan. Isa pa, ang hirap pumorma online.
‘But goddamn, why am I in this position?’ tanong nya sa sarili bago nag-iwas ng tingin kay Leroy para ibalik ang atensyon sa celphone nya at sa gamot na ibinigay ng kaibigan.
It all started four? Or five months ago.
Naisipan lang ni Rhysand maglaro ng Honor of Kings dahil bukod sa nauuso, may nakapagsabi sa kanyang walang mga trashtalker at meta ang mga heroes kaya sinubukan nyang laruin. And to his surprise, the game was just as good as that other game he wouldn’t mention, and it’s far too enjoyable due to the more peaceful community he’s shown.
Then he met someone with the username ’
Rockeegan
’.
The first time Rhysand saw this player’s username, it immediately reminded him of his childhood friend and… well, first love .
Keegan Chavez.
To start this shit off, Rhysand had long admitted that he isn’t entirely straight. Si Keegan ang gay awakening nya.
This also wasn’t a secret… at least, with Leroy, his female cousin (Trixie), and her boyfriend (Louie). Alam ng mga ito na may mga natipuhan siyang lalaki sa eskwelahan nila’t may mga sinubukang pormahan, pero nagkaroon ba siya ng karelasyon na lalaki?
Oo, pero lowkey madalas dahil wala siyang lakas ng loob mag-out.
Madalas pa sa madalas na mag-flex siya ng ex-girlfriends na dahilan para magkaroon din ng sama ng loob iyong mga ex-boyfriend nya sa kanya.
Enough about himself, though.
Rhysand never thought that the person he talked to was the actual Keegan he used to like. Thus, color him surprised when Rockeegan suddenly blurted out his surname-and soon, his fucking full name.
May doubts siya na baka iyong iba nyang kaibigan ang kausap nya noon? But the username ’ Rockeegan ’ always made his heart pound and hopeful that he’s talking to his first love.
Kaya nang makumpirma nyang si Keegan talaga ang kausap nya? Ha, Rhysand fucking jumped down a rabbit hole and said: ’Fuck it. I’m
catfishing
him ’til he falls in love with me, enough to accept in the future that I’m
his
Rhysand.’
So… he’s out here pretending to be a girl named ‘Ryleigh Agustin’. Pero bukod sa pangalan at mangilan-ngilang litratong hiningi pa nya kay Trixie (na alam din ang plano nya), lahat naman ng sinasabi nya kay Keegan e totoo.
Rhysand rested his chin against his knuckles, stared on his phone, and continuously tapped his index finger on his desk, waiting for a reply.
“Ang tagal naman nilang magkausap…” Not that Rhysand had any right to complain, Keegan did say that it had been months since he talked to this friend.
It’s just that Rhysand wanted an ounce of his attention even though he’s speaking with somebody else right now.
Rhysand wasn’t clingy. But now he sure fucking is. He also wasn’t the type to ‘catfish’ someone, he could just straight up tell Keegan that he’s his Rhysand. Easy. But fuck no. Rhysand’s down bad.
He needed Keegan’s attention… his affection .
Hindi sapat na malaman nitong siya ang childhood friend. Gusto nya na maging boyfriend si Keegan… at nakakahiyang aminin pero medyo desperado siya.
Alam nya rin kasing hindi siya papansinin ni Keegan kung aaminin nya ang totoo. Na oo, sasaya ito kung malamang nag-reunite sila dahil sa Honor of Kings, pero may pag-asa ba siya romantically? Wala.
So on the day that Keegan looked for him, he didn’t say anything.
‘I missed you badly but I won’t tell you that it’s me,’ aniya pa sa sarili habang hinihingan siya ng tips na hagilapin ang kababata nito-na siya rin naman.
“Ba’t nakasimangot si Mark?” dinig nyang tanong ng isa sa mga kaklase.
Nilingon nya ang direksyon ni Leroy pati nito pero bago pa man siya makapagsalita, naunahanan na siya ng kaibigan.
“May pinopormahan pero mukhang olats, ’di pinapansin,” anito pa.
Kumibot ang isang kilay nya lalo na noong namamangha siyang tignan ng kaklase nilang iyon. Gusto nya rin sanang umangal pero hindi nya magawa… totoo e. Hindi siya pinapansin at abala makipag-video call sa kaibigan!
“They’re just busy,” he grumbled under his breath before he looked at his phone again, silently hoping that Keegan had already replied.
Kabanata 20
KABANATA 20
ㅤㅤㅤㅤHINDI mabilang ni Keegan kung ilang beses nyang itinanggi na gusto nya si Ryleigh sa puntong gusto nyang maging boyfriend nito. Sinasabi lang nya na attracted siya, na crush lang nya, na gusto lang nyang mapalapit dito dahil bakit hindi? Madalas silang maglaro nang magkasama sa Honor of Kings!
Pero putang ina.
Niloloko na lang pala nya ang sarili? At parang una pa lang, si Lyle kaagad ang unang nakatunog na hindi lang basta-basta ‘crush’ ang nararamdaman nya para sa dalaga.
Me : bale… di ka talaga makakapaglaro ng hok ngayon? final answer na ba to?
Ryleigh : sorry talaga kuya gusto ko man maglaro kasama ka kaso sobrang busy namin ang dami talagang pinapagawa ng prof namin samin :((
Me : de ok lang naniguro lang naman ako na baka magka time ka good luck sa reqs mo, ry!
Ryleigh : thank u po! maglalaro ka po ba niyan?
Me : oo sana bakit?
Ryleigh : ah wala naman po gusto ko lang tanong kung ano pwede po bang mag-usap muna tayo habang gumagawa ako ng reqs pero sige po laro ka muna kuya, ttyl po❤️ chat mo po ako pag natapos ka na?
“King ina, ‘di na ‘to maganda!” nasisiphayong aniya bago binitawan ang celphone at nilagay sa tabi nya.
Hinawakan ni Keegan ang dibdib at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso nya. Para siyang hinabol ng aso sa lagay na ito pero hindi! Kinikilig lang talaga siya kay Ryleigh dahil gusto siya nitong makausap habang gumagawa ng requirements.
“‘Di na talaga ‘to normal. Malapit na talaga akong atakihin sa puso niyan kakaganito nito sa ‘kin,” aniya pa bago siya napahilamos ng mukha.
Natigilan si Keegan nang mapagtanto kung nasaan siya.
Nasa apartment lang naman nya pero bilang maingay siya at parang ang pakiramdam nya e merong nanonood sa kanya, hindi nya napigilan ang mapalingon sa buong paligid para siguruhing siya lang mag-isa. Tinignan nya na rin ang mga bintana dahil nasa sala lang naman siya nang masigurong walang bata ang nakasilip at nanonood sa kilig nya.
Sa awa ng Diyos, ligtas siya’t parang nag-overthink lang siya. Nitong nakaraan kasi na kinilig siya kay Ryleigh, muntik siyang atakihin sa puso noong matagpuan iyong anak ng kapitbahay nyang nabuksan pala ang pinto ng apartment nya’t nakasilip sa kanya.
Ang akala nya, may batang multo siyang nagambala. Kaya ayun, madalas e nagdu-double check na si Keegan ng kapaligiran.
Bumuntong hininga siya nang maikalma ang sarili. “Ayoko na muna tuloy maglaro.”
Kinamot ni Keegan ang ulo ‘tsaka nya ibinalik ang mga mata sa skrin ng celphone nya. Ang huling chat, si Ryleigh pa rin.
“Putang ina, bahala na nga. Hintayin ko na siya matapos,” aniya pa bago nya kinuha ang celphone para magtipa ng isasagot. “Kahit ‘wag na muna akong maglaro ng hok. ‘Di ko naman ikamamatay na ‘di ako makakapaglaro.”
Mas ikakamatay pa kamo nyang hindi makausap si Ryleigh. Kaya sige, pagbibigyan nya ito sa gusto nya.
Me:
hello tinamad na ako maglaro. busy ka na ba?
Ryleigh : eh? bakit ka po tinamad? may nangyari po ba?
“Wala. Gusto lang kitang kausap.” Imbes na itipa iyan para mai-reply nya, sinabi na lamang nya sa sarili.
Pinapakiramdaman pa kasi nya iyong mga banat ni Ryleigh kung dapat ba nyang tapatan. Baka kasi mamaya, mabait lang ito sa lahat tapos siya lang pala ang may gusto rito.
Ryleigh : o ayaw mo pong maglaro kasi mamimiss mo ko?💕
“Putang ina mo!” singhal nya kahit hindi naman siya naririnig ni Ryleigh.
Itinabi nya ulit ang celphone ‘tsaka siya tumayo mula sa kinauupuan para maglakad nang paikot-ikot sa kabuuan ng sala nya.
Pinaglandas ni Keegan ang mga daliri sa buhok, tumigil sa paglalakad para tapunan ng masamang tingin ang celphone nya, bago siya nagpaikot ng mga mata.
“Bakit alam ng isang iyan na mamimiss ko siya kung ‘di kami mag-uusap? Punyeta. Basang-basa na ba ako o inaasar lang ako ng isang ‘to?” pagkausap nya sa sarili.
Naniningkit ang mga matang pinagmasdan nya ang gadget bago siya napailing.
“Alam mo Keegan, bahala na,” aniya pa bago nya iwinagayway ang isang kamay at mas kalmadong bumalik sa upuan nya. “E kung ganitong klase ng laro gusto ni Ryleigh, patulan ko na lang.”
Bago sa kanya ang online landian pero putang ina, tanggap naman na rin ni Keegan na gusto nya si Ryleigh. Kung anong mangyayari ngayong papatulan nya ang panunudyo sa kanya ng dalaga
Hindi naman siya naghahangad ng sobra— joke lang. Putang ina, kung bigla lang siyang ayain ni Ryleigh maging boyfriend nito, o-oo agad siya e.
Humigop nang malalim na hininga si Keegan para ipunin ang natitira nyang dignidad at tindig ‘tsaka inihanda ang sarili na mag-reply kay Ryleigh.
Me:
bat mo alam na mamimiss nga kita?
Medyo natagalan si Keegan na mag-reply kaya hindi siya umaasang makikita kaagad ni Ryleigh ang sagot nya pero lo and behold, kaagad na nag-seen ang dalaga’t nabasa ang sagot nya!
Nasa punto na si Keegan na gusto nyang i-unsend iyong mensahe nya kay Ryleigh pero hindi! Nabasa na nito, baka nga na-screenshot na, e. ‘Tsaka nakita nyang nagtitipa na ng reply si Ryleigh.
Pero sandali, napansin nya ring magri-reply ito pero biglang mawawala iyong typing na icon, babalik, tapos mawawala na naman… na para bang hindi rin alan ni Ryleigh ang sasabihin at natuliro ito sa sinagot nya.
Napangisi si Keegan habang hinihintay ang sagot ni Ryleigh.
Ryleigh:
alam ko lang po. madalas di ka naglalaro pag wala ako eh di naman po halatang gustung gusto mo po ko kasama lalo na sa rg no?
Me:
oi malay mo gusto ko lang magpabuhat? lakas mo ehh
Ryleigh:
di mo po ako namimiss? :((
“Ako ba pinaglololoko nito?” Malamang, mamimiss nya. Sinabi na nga nya pero hindi lang direkta.
Alam naman nito, mang-aasar pa e. Magpapa-cute pa. Talagang gusto pa ng direktang sagot mula sa kanya. Syempre, effective.
Me:
mamimiss nga. ayaw mo ng paliguy ligoy no? gusto mo direktang sasagutin yawa
Ryleigh:
yes po ako lang naman to eh. bat ka po mahihiya diba?
Me:
yak ako mahihiya? di ahh. kaya nga sinabi ko agad na tama hinala mo ehh
Ryleigh:
talaga po? parang nahihiya ka kanina kasi ang tagal mo pong nagreply eh
Me:
talagang pinansin mo pa! teka nga, kala ko ba busy ka? bat nakakapagchat ka pa din? magfocus ka diyan!
Ryleigh:
focused po. di lang kita matiis namimiss din po kitang kausap eh
Me:
pakiramdam ko tuloy panggulo ako mamaya na kaya ako mag chat para agad kang matapos jan tapos makapaglaro tayo?
Ryleigh:
kuya wag po :(( gusto po kitang kausap tatapusin ko naman po agad to pero kung may gagawin ka po, hintayin nalang din po kita pero promise tapusin ko po to agad :((
“Tang inang ‘yan, ang cute,” medyo gigil na bulong nya sa sarili.
Nakatakip na nga ang mukha ni Keegan habang nakasilip siya sa screen ng celphone nya sa pagitan ng mga daliri dahil binabasa nya ang reply ni Ryleigh.
Me:
dito lang ako. ah pero habang hinihintay kita matapos jan baka magpractice din ako ng gitara. di pa naman ako nakapunta sa practice namin nitong nakaraan dahil nag ot ako. ok lang ba?
Ryleigh:
yes na yes po! pwede rin po ba pakinig? kahit mabilisang record lang po, gusto din kita marinig tumugtog eh
Me:
pag isipan ko
Ryleigh:
take your time po and thank you po!
Napangisi si Keegan bago nya pinasadahan ng tingin ang nakatambay nyang bass guitar sa tabi ng computer nya. Sinabi lang naman nyang pag-iisipan nyang mag-send ng recording kay Ryleigh pero sa totoo lang, binalak na talaga nya kung magtatanong lang ito.
E nagtanong. Iri-record na nya iyong practice nya kahit voice message lang.
Ang tanong, paano kaya nya isi-send? Ah. Video-han na lang nya pero walang nakikitang background. Baga, itim lang lahat tapos ‘tsaka siya magri-record. Hindi rin siya handang makita o mapanood ni Ryleigh ngayon na tumutugtog e.
ㅤㅤㅤㅤHINDI mabilang ni Keegan sa mga daliri kung ilang beses na nyang sinendan ng recordings si Ryleigh. Basta ang alam nya, t’wing magsu-solo practice siya e itatabi nya ang celphone sa kanya, nakaharap ang camera sa upuan nang sa ganoo’y itim lang ang background, ‘tsaka siya magri-record ng sarili.
Hindi na rin nya mabilang kung ilang beses na siyang nakatanggap ng papuri mula kay Ryleigh.
Kesyo ang galing daw nyang tumugtog ng electric guitar at hindi raw ito makapaghintay na mapanood siya sa personal na tumugtog sa gig nila ni Renzo. Syempre, bilang down bad at utu-uto kay Ryleigh, hindi rin nya maiwasang imagine-in ang dalaga na panoorin siya sa entablado na tumutugtog.
Kung siya lang, magdi-dedicate pa kamo siya ng kanta para rito.
Pero sa ngayon, hanggang imahinasyon na muna ang lahat dahil alam naman nyang nasa malayo ang dalaga.
“Wow, ganadong-ganado mag-practice,” komento ni Edward habang pinanonood siya nitong tumugtog. “Para kanino ‘yang kantang ‘yan? ‘Di ka madalas tumugtog ng romantic na kanta kaya alam ko ‘di lang ‘yan pang-practice.”
Nataranta si Keegan noong pansinin ni Edward ang kantang tinugtog nya. Pasimple man din, pero dali-dali nyang hinablot ang celphone sa gilid noong lumapit sa kanya si Edward at umupo sa tabi nya. Basta, agaran nyang pinatay ang recording at tahimik na humiling na na-save iyong pagtugtog nya.
Kabado siyang tumawa noong pakitaan siya ng nakakalokong ngisi ni Edward, na tila ba gusto nitong makitsismis sa buhay nya’t malaman kung para kanino iyong tinugtog nya ngayon-ngayon lang.
Aaminin ba nya? Ayos lang naman pero hindi ba nito iisipin na wirdo siya dahil may gusto siya sa taong sa online lang naman nya nakilala? Hindi siya sigurado.
Kung si Lyle, sinabing ayos lamang dito ang nararamdaman nya dahil totoo namang uso ang online dating; para kay Edward, pakiramdam ni Keegan e hindi ito sang-ayon sa ganoong klase ng set-up.
“Para sa kaibigan ko. Nag-request kasi siya kaya tinugtog ko,” paliwanag nya.
Nilakasan pa nya ang loob sa lagay na iyan nang hindi mahalatang nagsisinungaling siya sa parteng ‘kaibigan’, dahil hindi na ganoon ang tingin nya kay Ryleigh.
Gusto nya si Ryleigh. Pakiramdam nya, kahit hindi na rin nya iyan sabihin sa dalaga e alam naman nitong may gusto siya rito dahil pinapatulan na nya ito kada harot nito sa kanya.
Ewan lang nga nya kung mutual, ano. Baka kasi mamaya, trip lang siya ni Ryleigh.
“Itatago mo pa, nililigawan mo ba ‘yan?” pag-uusisa ni Edward habang tinatapunan pa rin siya ng makahulugang tingin.
Urk. Nililigawan kaagad? Nagbabanatan sila ni Ryleigh ng pick-up lines pero iyon lang naman. Tulad ng sinabi nya, hindi siya sigurado kung seryoso ba si Ryleigh sa mga banat nito dahil siya, hulog na hulog na.
King ina, sa taong nakilala pa talaga nya online.
“Kaibigan ko lang talaga,” pagpupumilit naman nya. “Hindi ko pinopormahan.”
“Seryoso? Ganyan ka rin no’ng nakita kita kay Ivy noong kolehiyo pa kayo—”
“Hep!” agap nya kay Edward at halos takpan pa nya ang bibig nito kung hindi lang hinampas ng binata ang kamay nya. “H’wag mo na halungkatin pangalan ni Ivy! Tapos na kami ng isang ‘yon. Naka-move on na ‘ko.”
“Malamang, naka-move on ka na. May bago ka na ngang pinupormahan e,” panunudyo naman ni Edward.
Sumagitsit siya’t naniningkit ang mga matang pinagmasdan si Edward bago napailing-iling. “Hindi nga. Magkaibigan lang kami. Nagri-request lang siya ng kanta—”
“Pero gusto mo?”
“Putang ina naman, kuya Ed. Ang tsismoso, a.”
“Ito naman, curious lang kung sino na iyong bagong nagpapangiti sa ‘yo.” Humalakhak si Edward bago sumandal sa back rest ng kinauupuan nilang sofa. “Ba’t ayaw mong pormahan?”
Imbes na sumagot ay ngumuso na lamang si Keegan at ibinalik ang atensyon sa electric guitar nya. Nilaro-laro nya ang strings, nagra-random tune lang kahit hindi naman kailangan, habang nilalamon siya ng mga isipin.
Sa gandang iyon ni Ryleigh? Imposibleng tignan siya. Iyon ngang kay Ivy noon, himala nang maituturing e. Iyan pa kayang si Ryleigh na sa paningin nya, mas maganda pa kaysa kay Ivy?
Bukod diyan, isa pang nakikita nyang dahilan kung bakit posibleng hindi siya siniseryoso ni Ryleigh e dahil kolehiyo pa lang ito. Sa pagkakaalam nya e limang taon ang agwat nila sa isa’t isa. Baga, bente singko na si Keegan pero si Ryleigh yata e bente anyos pa lang.
Marami pang makikilala ang isang iyon na malapit dito. Iyong mas may itsura pa. ‘Tsaka ano bang laban ni Keegan sa mga posibleng manliligaw nito e ang ganda ni Ryleigh?
“Ba’t ‘di ka na sumasagot? ‘Di ka ba gusto? Magagawan naman ng paraan ‘yon kung liligawan mo a,” suhestiyon pa ni Edward.
Bumuga siya ng marahas na hininga’t napailing. “Online lang kami magkakilala kaya ‘di ko rin naisip na ligawan. ‘Di ba ang wirdo kung liligawan ko samantalang ‘di ko naman kilala sa personal?”
“E ano naman? Uso iyong ganyan ngayon, a. Online dating.”
Natigilan at namamanghang napakurap-kurap si Keegan nang sabihin ni Edward na normal ang online dating. Tinuro pa nga nito ang celphone nya bago ito mahinang tumawa.
“Ano, ‘kala mo ‘di ako pamilyar sa ganyan samantalang iyong mga kasing-edaran mong katrabaho ko, panay ang kwento tungkol sa ‘online dating’ na ‘yan.” Bumuntong hininga si Edward bago ito nagkibit balikat. “I still find it weird that you’re all finding these people you meet online as attractive, but I guess I’m not one to dictate whatever you feel.”
Wala sa sariling tinakpan ni Keegan ang ibabang bahagi ng mukha para takpan ang ilong. “Ta—tama ka na kuya, ‘di ko na maintindihan. Pakitagalog naman, o.”
“King ina mo talaga, Keegan. Ang ibig kong sabihin, ‘di naman kita madidiktahan kung anong pakiramdam ng puso mo e tama.” Mahina siya nitong tinuktukan sa gilid ng ulo. “Ang akin lang, mag-ingat ka sa ganyan. Nakikita ko iyong sa Tulfo, a. Kung ‘di catfisher ang jowa, piniperahan.”
Okay lang… naman ma-catfish para sa kanya.
Sandali, hindi talaga tama pero palagay nya e kaya naman nya iyong palagpasin. E kung lalaki naman pala talaga itong si Ryleigh at nahihiya lamang umamin, palalagpasin nya basta ba e kung—sakali lang naman na gusto siya nito, sana henuwino at hindi para lang ‘lokohin’ siya o gawing entertainment dahil hindi siya payaso.
“Hindi naman siguro…” wala sa sariling aniya bago mabilis na nahimasmasan at kabadong tumawa. “Hindi rin bale dahil wala akong balak na i-pursue itong kausap ko.”
“Ayan, nagsasalita ka na naman nang tapos.” Mahinang hinampas ni Edward ang sarili nitong mga hita bago ito umahon mula sa pagkakaupo. “Mamaya, makita kitang jowa mo na pala ‘yang kausap mo. I won’t judge you, but just be careful.”
“Hindi ‘yan.” Kampante naman siya na kahit naghaharutan sila ni Ryleigh e wala itong nararamdaman na romantiko para sa kanya.
Sayang.
Pero ayos lang din naman kung hanggang dito na lang ang relasyon nila. Okay na ito, masaya na si Keegan na nakakapag-usap silang dalawa ng dalaga.
“Oo nga pala, tulungan mo nga si mama na ihanda ‘yong ulam natin. Buttered seafood pa naman, medyo matrabaho ta’s si mama, abala pa sa mga orders ng soft drinks at alak sa tindahan nya,” sabi ni Edward bago siya nito iniwanan.
‘Tsaka lamang napansin ni Keegan na naglalakad ito palabas ng bahay at dala-dala ang susi ng sasakyan nito.
“Saan ka pupunta?” kuryosong tanong nya.
“Grocery. Walang butter, e. Naubos, tapos kanina lang namin napansin. Susunduin ko na rin si Ynna, may ipapabili ka ba?” pag-uusisa ni Edward habang nagsusuot ito ng tsinelas na panlabas.
“Ah, wala naman… Magcha-chat na lang ako kung mapansin kong kulang ‘yong ingredient do’n.”
“Sige, sige. Puntahan mo na nang mailuto na rin.” Natigilan si Edward bago siya nito nilingon. “Siguruhin mo ngang may maitatabi tayo para sa mga pamangkin mo. Tang ina ng ate Katelyn mo e, no’ng isang araw ‘di raw pinakain sina Garrett.”
“Ha? Amputa, sinapian na namang ng toyo ang isang ‘yon. Sorry rin kuys, kayo pa naabala ng mga pamangkin ko.”
“Okay lang, pero medyo hassle kasi tatlo silang bata ta’s ang burara pa ng mga magulang.”
“Pasensya na talaga sa abala. Naabala ko na nga kayo dahil kayo nag-alaga sa ‘kin ta’s parang pati iyong mga pamangkin ko, nagiging responsibilidad nyo na rin.”
“’Di naman.” Umiling-iling si Edward. “Pero asikasuhin mo na rin sila kung kaya mo, Kee. Kawawa lalo na si Garrett, ikaw iyong naaalala namin ni mama sa kanya no’ng bata ka pa.”
“O—oo. Pupuntahan ko agad mamaya.”
“O siya na, alis na ‘ko. Tignan mo na iyong mga ingredients sa kusina nang agad kong malaman kung anong bibilhin.”
“Sige, salamat.”
Tumigil si Edward sandali bago ito tumawa. “Kamo salamat at naalala mo pa kaming bisitahin.”
ㅤㅤㅤㅤALAM naman ni Keegan sa sarili na palunod na siya sa sariling nararamdaman para kay Ryleigh. Hindi na estranghero sa kanya iyong kilig at tuwang nararamdaman t’wing bibitawan siya ng matatamis at pa-cute na salita ng dalaga.
Ayun lang, minsan ang wirdo na siguro nya lalo na’t minsan e nakikita na siya ng mga dating kapitbahay na magngiting aso habang tumutulong sa tindahan ni nay Belinda.
Bumisita lang siya ulit dahil tinamad siyang pumasok at hiningan din siya ng pabor ni nay Belinda na tumulong sandali sa tindahan nito… kaya ayun. Nandito siya.
Nagbubuhat siya noon ng mga soft drinks pero may mga oras na titigil siya nang ma-reply-an lang kaagad si Ryleigh. Hindi naman iyong tipong, buhat tapos tigil agad sa loob lamang ng segundo nang ma-reply-an ito, kinukonsidera pa rin ni Keegan ang pinakatrabaho… pero gagawa’t gagawa siya ng paraan na makapag-usap sila ni Ryleigh.
Kahit pa na nasa tabi nya lang si Ivy ngayon.
“Long time no see…” nahihiya pang sabi ni Ivy noong makita siya’t makasalubong nang ibaba ni Keegan ang mga soft drinks sa tabi nito.
Malay ba nyang ito pala ang bumibili? May nakapagsabi sa kanya na nagtayo ng tindahan ang pamilya nito pero hindi nya inasahang totoo pala.
Imbes na sumagot e tumango lamang si Keegan ‘tsaka nya hinugot ang celphone mula sa bulsa nang ma-reply-an si Ryleigh. Habang nagtitipa siya, damang-dama nya ang pagnakaw ng tingin ni Ivy sa kanya kaya lumipat ng pwesto si Keegan sa gilid ng gate nang hindi siya nito gaanong makita.
“Nay, pwede po bang pahatid na lang sa ‘min? Wala po kasi si Joshua at nasa trabaho pa po,” dinig nyang sabi ni Ivy.
Humimig naman si nay Belinda at tumango. “Oo naman, aba! Sakto ka. Keegan! Tulungan mo mga itong si Ivy sa mga pinamili nya.”
“Ha?!”
Putang ina. Narinig na nya iyong sinabi ni Ivy pero hindi nya inasahang siya ang uutusan.
Sa kasamaang palad, napalakas din ang boses nya kaya medyo napapitlag sina Ivy at nay Belinda.
Pinangunutan siya ng noo ng matanda. “O, ba’t ka naman sumisigaw?”
“Ah… eh…” Ayaw nya sana dahil ang awkward lalo na’t mag-ex sila ni Ivy tapos makikitang buntis ito pero hindi pala siya ang tatay. “Ba’t ‘di na lang si Vincent, nay? Wala naman ding ginagawa iyong isang ‘yon.”
“Wala si Vincent, Keegan. Hiniram no’ng isang customer dahil pinapahatid gamit trike ‘yong mga soft drinks na pinamili.”
Napahigop na lamang nang malalim na hininga si Keegan at nag-iwas ng tingin. Mukhang napansin naman ni Ivy na hindi siya kumportable kaya mahina itong tumawa.
“Ayos lang po, nay. Hintayin ko na lang po si Vincent,” anito pa.
Ipinilig ng matanda ang ulo. “Aba e, sigurado ka ba? Matagal pang darating si Vincent.”
“Opo, diyan lang naman po ako—”
“Ako na,” sabad nya nang hindi na matiis iyong usapan at tono ng boses ni Ivy. “Kaunti lang naman pinamili mo, ano? Kunin ko lang ‘yong panulak ni nay Bel.”
“Ha—ha?” namamanghang reaksyon naman ni Ivy. Bahagyang namilog din ang mga mata nito at pinanood siyang kumilos. “Okay lang ba talaga, Keegan?”
“Sandali lang naman ‘yan. ‘Tsaka kung nandito naman ‘yong asawa mo, siya naman magbubuhat niyan. E nataong wala at ako lang nandito. Hayaan mo na. Kamo na lang sa asawa mo, ‘wag lagyan ng malisya iyong utos ni nanay sa ‘kin.”
“O—okay…” wala sa sariling nasambit na lamang ni Ivy habang pinanonood siya nitong ayusin ang mga pinamili nito’t ilagay sa panulak ni nay Belinda.
Napaismid siya kalaunan. “Alam mo, mauna ka na sa inyo. Isusunod ko na lang ‘to, alam ko naman address ninyo.”
“Sigurado ka ba?”
“Oo. Kaysa naman makita tayong magkasama. Ayokong matsismis sa ‘yo.”
Pagkasabing-pagkasabi nya noon, mula sa gilid ng mga mata nya e nakita nyang muntik mabitiwan ni Ivy ang bitbit nitong wallet. Kaagad lang nitong nasalo iyon kaya hindi halata ang nangyari.
Sa totoo lang, aware naman siyang masakit iyong sinabi nya pero may sense para sa kanya.
Ayaw nyang matsismis at masangkot na naman sa gulo na sisimulan ni Joshua. Maangas kasi talaga ang isang iyon.
“Shuta, gusto ko nang kausap si Ryleigh e…” bulong pa nya sa sarili.
Hindi nya alam kung malakas ba ang pagkakasabi nya dahil nakita rin nyang natigilan si Ivy.
“Keegan, ma—maauuna na ako…” nagmamadaling anito.
Tinignan nya ito sandali bago siya tumango. “Sige lang. Ihatid ko na lang sa inyo ‘to.”
“O—okay. Salamat.”
Kabanata 21
KABANATA 21
ㅤㅤㅤㅤHABANG inaayos ni Keegan ang mga softdrinks na ihahatid kina Ivy, palihim siyang nagdadasal na sana e dumating si Vincent nang iyong na lang ang maghatid ng mga ito sa bahay ng dalawa.
Kaso natapos na siya’t lahat-lahat sa pag-aayos tapos nakalabas na siya mula sa bahay ni nang Belinda, hindi man lang dumating ang lalaki. Kaya kahit naiirita siya, walang ibang magawa si Keegan kung hindi panindigan na ang pagpayag na siya na ang maghatid ng mga soft drinks.
Habang papunta siya kina Ivy, nakasalubong pa nya ang mga pamangkin at binigyan pa nya ng pera ang mga ito nang hindi abutan ng gabi sa pangangalakal.
Tapos… nakarating na siya sa wakas sa bahay ng dalaga.
‘Tsk, ba’t pa ba kasi ako pumayag na maghatid ito? Edi sana kausap ko si Ryleigh at ‘di ako naii-stress,’ aniya sa isipan habang tinutulak ang de gulong na panghatid ni nang Belinda kina Ivy. ‘Dahil ba curious ako sa lagay ng isang iyon? Imposible naman. Matagal na kaming break at naka-move on na ‘ko.’
Naisip ni Keegan na wala na rin naman sa kanya kung hindi talaga nya anak iyong dinadala ni Ivy dahil pinatunayan naman na ni Joshua ang punto nito nang saluhin ang responsibilidad sa pagiging tatay ng anak nito.
Nang makarating sa harap ng tindahan nina Ivy, sigurado si Keegan na narinig nya ang pagsinghap ng nanay nito mula sa loob ng tindahan. Nakikipagtsismisan ito sa isang kapitbahay noong dumating siya pero biglang natahimik nang mapagtantong siya ang naghatid ng mga softdrinks na pinamili ng anak nito.
“Keegan?” parang hindi pa siguradong sambit nito habang ang kausap naman nito e nagpaalam na aalis na. “Ikaw ba talaga ‘yan, hijo?”
Hindi alam ni Keegan kung paano sasagutin ang tanong nito dahil napaisip din siya kung may nagbago ba sa kanya? Bukod sa medyo mas lumaki ang katawan nya dahil sa gym na siya nagtatrabaho, nagpagupit siya, at nag-mature panigurado ang itsura nya, sigurado siyang hindi naman siya nagpalit anyo- este, ah, ang hirap magbiro sa ganitong sitwasyon.
“Hello po,” nag-aalangang bati rin nya sa ginang.
“Aguy! Ang tagal ka naming ‘di nakita, mas lalo kang gumwapo!” Natigilan ito nang mapansin ang mga case ng softdrinks na bitbit nya. “Ayan ba iyong mga pinamili ni Ivy? Naku, maraming salamat sa paghatid!”
“Walang anuman po.”
Ang awkward, hindi alam ni Keegan paano kakausapin ang ginang kahit na umaakto ito na parang dati lang noong bago sila maghiwalay ng anak nito.
Bagamat hindi nakikita nang malinaw ni Keegan ang ginagawa ng ginang mula sa loob ng tindahan nito, alam nyang umalis ito sa harap noon. Baka lalabas at sasalubungin siya tapos ituturo saan nya ilalapag ang mga in-order na softdrinks, kaya kinuha na rin ni Keegan iyong dalawang case ng maliliit na softdrinks nang maipwesto iyon sa kung saan man nito gusto.
Habang naglalakad si Keegan patungo sa tapat ng gate ng mga ito, natigilan siya nang makita nyang lumabas din si Ivy ng bahay kasama ang nanay nito.
Mataman iyong nakatingin sa kanya kaya nag-iwas siya ng tingin at ibinaling ang atensyon sa nanay nito.
“Nag-abala ka pa, Keegan! Buti pala at ikaw ang naghatid? Wala ba iyong madalas na nagtatrabaho kay nay Bel?” pag-uusisa ng nanay ni Ivy nang makarating sa may gate.
Sinenyasan pa nitong si Ivy ang magbukas ng gate at sumunod naman ito. Si Keegan naman, nag-aalangan kung papasok na ba siya o ano.
“Si Vincent po? May hinatid pong softdrinks e. Baka matagalan pa po dahil marami ring pinamili iyong isang customer kaya inutusan po ako ni nanay,” aniya.
“Ah. Mabuti naman kung gano’n. Hala sige, pumasok ka,” pag-aaya ng nanay ni Ivy. “Dito mo na lang sa tabi ng tindahan ilagay iyang mga softdrinks. Ivy, dumito ka rin, baka ayaw pumasok ni Keegan dahil nakaharang ka riyan sa gate.”
“A-ah, opo…” nag-aalangan pang tugon ng dalaga.
Hindi ipinahalata ni Keegan pero nakahinga talaga siya nang maluwag noong imbes na sa tabi ng gate pumwesto si Ivy e sa likod na ng nanay nito, ‘tsaka lang din siya pumasok sa bahay nina Ivy.
“Kumusta ka na pala, hijo? Ang huli naming balita e umalis ka na sa puder ni nay Bel?” hindi napigilang pag-uusisa ng nanay ni Ivy.
Sinalubong nya ang mga mata nito bago siya tumango. “Matagal na po. Nakakahiya na rin po kasi ‘di naman ako tunay na anak ni nay Bel at kinupkop lang naman ako.”
“Ay sus, ‘wag kang mag-iisip ng ganyan. Siguradong anak ang turing ni nay Belinda sa ‘yo at nabalitang nalungkot iyong matanda noong umalis ka riyan.”
Mahina siyang tumawa. “Oo nga raw po kaya madalas pa rin akong bumisita ‘pag wala akong ginagawa.”
Pagkatapos ng maiksing pag-uusap e binalikan muna ni Keegan iyong ibang pinamiling softdrinks ni Ivy. May mga malalaki pa na naiwanan kina nay Belinda kaya kapag natapos siya rito, babalik na siya at ‘pag nataunang nandoon na si Vincent, ang isang iyon na ang maghahatid dahil ayaw na nyang bumalik dito.
Hindi siya kumportable kapag nakikita nya si Ivy na nagmamasid sa bawat kilos nya, na para bang inoobserbahan o parang tinatandaan lahat ng ginagawa nya.
“Saan ka pala lumipat ng bahay, hijo?” muling tanong ng nanay ni Ivy nang makabalik siya.
Natigilan sandali si Keegan at alanganing ngumiti. “Diyan lang po sa… ah, basta po malapit lang.”
“Ay, ‘di ba pwede malaman saan malapit? Naghahanap kasi ng malilipatan iyong sina Ivy at Joshua, iyong mura lang sana.”
Sabi na nga ba, e. Nunkang sasabihin din ni Keegan. Ayaw nyang maging kapitbahay iyang sina Ivy at Joshua, ano. Baka kapag nakasalubong pa nya si Joshua, yabangan siya dahil asawa na nito ang ex-girlfriend nya. Peste.
“Pasensya na po, ‘di ko po kasi talaga pinagsasabi dahil baka malaman din ng ate ko. Mahirap na, baka sugurin ako sa ‘min,” aniya pa.
Umawang ang bibig ng nanay ni Ivy pero kalauna’y tumango ito na parang naintindihan ang ibig nyang sabihin, bago ito bumaling sa anak at para bang makahulugang tumingin dito.
Magpapatay-malisya siya. Kunwari hindi nya napansin iyang tinginan ng mag-ina ‘tsaka siya babalik sa labas para kunin iyong natitirang softdrinks nang matapos na, makauwi na siya, at mautusan nya si Vincent na ito na lamang ang maghatid ng natitirang case ng softdrinks kina Ivy.
“Oo nga pala… baka umalis ka rin diyan para ‘di na ginugulo ng ate mo sina nay Belinda, ano?” paniniguro pa nito.
Tumango siya dahil kasama naman talaga iyon sa mga dahilan ng pag-alis nya. “Opo.”
Habang hinahatid ni Keegan ang mga pinamiling softdrinks ni Ivy, pakiramdam nya e napakatagal ng oras. Parang kahit binibilisan naman nyang kumilos e ang bagal sa pakiramdam nya.
Para siyang… naka-stuck, pinabagalan, hindi nya maintindihan pero ayaw nya ang pakiramdam na nakatuon sa kanya ang mga mata ni Ivy at pinanonood ang bawat pagkilos nya.
“Iyong mga malalaki po,” panimula nya bago siya napatingin kay Ivy na noo’y pinagmamasdan din siya.
Hindi naiwasan ni Keegan ang sumimangot at mag-iwas ng tingin. Puta, hindi naman kasalanan ni Ivy na naghiwalay sila pero dala pa rin nya iyong sama ng loob kahit na naka-move on na siya.
Humigop siya nang malalim na hininga’t bumaling ulit sa nanay ni Ivy, pilit na iniignora ang presensya ng dalaga sa tabi nito. “Baka po si Vincent na lang iyong maghatid noong iba. Oras na rin po, may gagawin pa ‘ko sa apartment ko.”
Tila ba nadismaya ang mga ito nang magpaalam siya pero ngumiti pa rin ang ginang. “O siya, maraming salamat talaga, Keegan.”
“Sige lang po.”
Habang naglalakad palabas ng bahay nina Ivy si Keegan, narinig nya na mag-usap pa ang mag-ina. Noong nasa labas na siya, parang ang narinig pa nya e - ‘ikaw bata ka, ang hirap ng lagay mo. Kung sino pa ‘yong
iniwan
mo, ro’n ka pa talaga-’
Parang ganyan pero hindi na narinig ni Keegan ang pinag-uusapan ng mga ito dahil humina na rin ang boses ng mga ito.
Ano iyon? Iyong iniwan—siya ba? Napa’no?
Nakiliti noon ang kuryosidad ni Keegan pero hindi sapat para bumalik siya’t makitsismis. Isa pa, kahit gusto naman nya e hindi rin pupwede dahil baka maabutan pa siya ni Joshua rito at angasan, o ‘di kaya pagbintangang gustong makita si Ivy.
Ulul.
ㅤㅤㅤㅤNAKAHINGA na lamang nang maluwang si Keegan noong makalayo na siya kina Ivy. Para siyang nabunutan ng tinik, ang bigat pala sa pakiramdam na makisalamuha sa ex kapag ginusto mo talaga at plinanuhan mo na ng hinaharap tapos biglang naudlot dahil may epal na sumira ng lahat— basta gano’n.
Mabuti na lang at pagbalik nya kina nay Belinda, nandoon na rin si Vincent kaya ito na rin ang sinabihan nyang maghatid noong ibang softdrinks na pinamili ni Ivy.
“Pumunta ka ro’n? Ang lakas ng loob,” panunudyo pa sa kanya ng binata pero hindi nya ito pinansin.
Hindi naman nya ginustong pumunta ro’n… Nataunan lang na malakas ang kabig ng konsensya nya kaya pumayag na lang siyang ihatid iyong mga kaya nyang ihatid.
“Gusto mo pa—” Hindi pa natatapos ni Vincent ang pang-aasar e agad nyang pinakyuhan ang binata.
“Magtrabaho ka nga riyan, Vincent! Pareho tayong nangangailangan ng pera ta’s puro ka daldal.” Itinuro nya iyong mga softdrinks na itinabi na nya kanina para maihatid. “Ayan iyong kina Ivy, ikaw na maghatid.”
“Ito naman, nagbibiro lang naman ako. Napakaseryoso sa buhay.”
“Kasi ang joke, nakakatawa. E iyong sa ‘yo, kuhang-kuha inis ko e.”
“Ikaw naman, ‘di ka pa siguro naka-move on.”
“Susungalngalan kita,” banta nya kay Vincent kahit wala naman siyang balak gawin talaga.
Mabilis namang itinaas ni Vincent ang mga kamay. “Joke lang, boss. Ito na, ihahatid ko na ‘yang mga softdrinks.”
Napakamot na lamang ng ulo si Keegan nang tigilan siya ni Vincent. Nang wala na rin ito sa paningin nya, ‘tsaka siya pumanhik sa loob ng tindahan ni nay Belinda kung saan natagpuan nya ang matanda na nanonood ng telebisyon.
“Nay,” tawag nya rito.
Tumingin naman kaagad sa kanya ang ginang pero ibinalik din nito ang atensyon sa pinanonood. “Naihatid mo na ba iyong mga softdrinks ni Ivy?”
“Iyong iba lang po. Iniutos ko na ‘yong iba kay Vincent. Ayoko na rin bumalik do’n e.”
“Bakit, Keegan? Pinagsabihan ka ba ro’n?”
“‘Di naman po, pero alam mo naman na mag-ex kami ni Ivy at ‘di rin maganda iyong paghihiwalay namin ‘di ba?”
“Dumito ka nga, Keegan. May itatanong ako,” utos ni nay Belinda ‘tsaka nito tinapik-tapik ang upuang nasa tabi nito.
Naguguluhang pinagmasdan ni Keegan ang ginang. Nag-aalangan siya, hindi nya alam kung bakit, pero mukhang importante ang sasabihin nito kaya mabagal siyang lumapit sa upuang katabi nito ‘tsaka nya iyon inokupa.
Hindi rin naman kaagad nagsalita si nay Belinda dahil nakatuon ang atensyon nito sa telebisyon. Habang siya, pinapakiramdaman ang atmospera.
Importante ba ang sasabihin ni nay Belinda sa kanya? Baka naman may pabor na hihingin? Hindi masabi ni Keegan dahil mas inuuna nito iyong drama sa GMA.
Hindi nagtagal, nagsalita na ang matanda. “Ito Keegan, sana ‘di mo masamain itong tanong na ‘to, a? Nakukuryoso lang naman ako.”
‘Depende’—hindi naman nya maisagot iyan dahil baka hindi na ituloy ni nay Belinda ang pagtatanong at mahiya.
Tipid siyang tumango. “Sige lang po, ‘nay. Ano po ba ‘yan?”
“Ah, wala naman. Ikaw ba e, kung bigyan ka ng pagkakataon, ayaw mong balikan si Ivy?” pag-uusisa nito.
Ha?
Muntik mapanganga si Keegan pero mabilis nyang tinakpan ang ibabang bahagi ng mukha. Shutang ina, hindi nya alam ano magiging reaksyon sa tanong ni nay Belinda.
Ni hindi nga nya alam kung saan nito nahugot ang tanong na iyan e ang tagal na nilang break ni Ivy, tapos interesado na siya sa ibang tao, at mas busy siya sa sarili nya ngayon.
“Sa’n mo naman nakuha ‘yang tanong mo, nay?” tanong nya.
Pilit pang tumawa si Keegan para hindi halatang na-awkward-an siya sa tanong nito.
Sandali siyang tinignan ng ginang bago ito bumuntong hininga. “Hay naku, nak. Alam naman nating pareho na matagal din naging kayo ni Ivy at ‘di madali ang makalimot lalo na’t ‘di nyo ginustong maghiwalay.”
Ah. Gets na nya. Kung sa bagay, mahirap naman talagang mag-move on dahil mula kolehiyo hanggang sa makapagtrabaho sila pareho ni Ivy, sila e. Nataunan lang talaga na kamag-anak ni Jollibee si Joshua kaya nakiagaw.
“Sa totoo lang, pati iyong mga magulang ni Ivy e laking panghihinayang na ‘di ikaw iyong tatay ng batang dinadala nya. Nagbaka sakali rin sila kaso si Ivy mismo nagsabi na iyong asawa nga raw,” dagdag pa nito.
Ang awkward nito pag-usapan. Paano kung mag-focus na lang din siya sa pinanonood ni nay Belinda para hindi nya marinig ang sinasabi nito?
“‘Di rin naman kami tanga na ‘di malamang nahihirapan si Ivy tanggapin na ‘di ikaw iyong nakatuluyan nya,” anito pa.
Mahina siyang humimig. “E ano naman po, nay? Matagal na kaming hiwalay at may pamilya na siya. Sinubukan ko rin namang alukin na ako na lang aako sa bata pero ayaw nya.”
“Ikaw lang naman iniisip ni Ivy.”
“Naiintindihan ko po. Ang akin lang, nakalimot na po ako. Wala na sa ‘kin iyong nangyari noon ‘tsaka masaya na po ako ngayon.”
Tumahimik si nay Belinda at tila ba napaisip kung paano ito magsasalita ulit. “E pa’no hijo kung… hiwalayan ni Ivy iyong asawa nya’t iwan iyong bata para sa ‘yo, ‘di mo ba siya—”
“Sana hindi nya po iyon gawin,” agap nya kay nay Belinda bago siya kabadong tumawa. “Papatayin po ako ng konsensya ko kung iiwanan ni Ivy iyong pamilya nya samantalang… sila nga rin po iyong dahilan kung ba’t nya ‘ko sinakripisyo e.”
Hindi nakasagot si nay Belinda, marahil napagtanto rin nito ang punto ni Keegan.
Habang tahimik din ang ginang, hindi maiwasan ni Keegan ang manumbalik sa mga nangyari noon sa kanila ni Ivy. Ang masakit kasi, wala naman silang problema pareho. Bago mangyari iyong paghihiwalay nila dahil kay Joshua, masaya naman sila ni Ivy.
Tapos… nalaman nyang pinagsamantalahan ng iba ang ex-girlfriend nya.
Aminado si Keegan na may kasalanan siya dahil hindi nya nasamahan si Ivy nang pumunta ito sa inuman, e. Aminado siyang kinakain din siya ng konsensya at dahil mahal na mahal nya noon ang dalaga, bagamat alam nya sa sarili na hindi siya handa e gusto naman nyang akuin na lang iyong ipinagbubuntis ni Ivy, huwag lang itong mawala.
Pero lahat iyan, parte na lang ng nakaraan e.
Okay na si Keegan, masaya na siya.
Hindi nagtagal, ngumiti si nay Belinda. Makahulugang ang pagngiti nito at para namang nasa iisang pahina silang dalawa ng ginang kaya nakahinga siya nang maluwag. Mukhang naiintindihan nitong naka-move on na siya.
“Mukhang may iba nang nagpapasaya sa ‘yo?” medyo mapagbiro pang tanong nito.
Napatuwid sa pagkakaupo si Keegan. Ang utak din nya, kaagad na lumandas sa ideya ni Ryleigh—iyong mga pag-uusap nila at iyong sayang inihahatid nito sa kanya t’wing maglalaro sila o hindi kaya e magka-casual talk lang.
Pakiramdam nya, umakyat din lahat ng dugo sa mukha nya’t namumula na siya ngayon kaya dali-dali siyang nag-iwas ng tingin mula kay nay Belinda ‘tsaka siya nagmamadaling tumayo mula sa kinauupuan. Hindi nya rin mawari bakit nahihiya siya samantalang aaminin lang naman nya na oo, meron na ngang ibang nagpapasaya sa kanya.
“Keegan, meron na ba?” Halatang ayaw pa siyang bitiwan o paalisin ng ginang dahil hindi nya sinasagot ang tanong nito.
Napalunok si Keegan pero tipid siyang tumango. “Matagal na, nay. Kaya nga… ‘di ko na rin naisip na makipagbalikan kay Ivy at pakiramdam ko, isang malaking biro iyong tanong ninyo.”
“‘Di naman ‘nak… Naitanong lang talaga dahil…” Bumuntong hininga si nay Belinda at ibinalik ang mga mata nito sa telebisyon. May kung ano rin sa paraan ng pagkakatitig nito roon ang hindi mawari ni Keegan. “Halata naman kay Ivy na ‘di siya masaya sa sitwasyon nya kaya ‘di ko mapigilang itanong kung interesado ka pa ba na makipagbalikan sa kanya.”
“‘Di ko na kasalanan ‘yon,” aniya. Mas matigas ang boses sa pagkakataong ito. “Inalok ko iyong sarili ko nay, siya ang umayaw. Kung lalapit din sa ‘kin si Ivy ngayon, tatanggihan ko lang siya dahil tapos na kami, tanggap ko na.”
Mahinang humalakhak ang matanda. “Ipakilala mo rin sa ‘min iyang bagong nagpapasaya sa ‘yo, Keegan.”
Ha?! Nagmamadali naman, e.
Naglakad palabas ng tindahan si Keegan pero hindi nya naiwasan ang matawa. “Kung sagutin ako, nay. ‘Di ko masabi dahil one-sided e.”
One-sided —pero umaasa siyang hindi dahil panay din naman ang pagpatol ni Ryleigh sa kanya tapos madalas, ito pa ang nauunang gumawa ng kilos o ‘di kaya, magsasabi ng kung anu-ano na parang humaharot sa kanya. Kaya hindi siya sigurado kung henuwino ba ang isang iyon o totoo ang pinaparamdam dahil alam naman ni Keegan sa sarili na hindi rin siya gano’n kagwapuhan.
“Sasagutin ka no’n. Gwapo ka, mabait, masipag, madiskarte, at gumagawa ka ng paraan para maging stable ang buhay mo. Malaki ang tsansang magustuhan ka rin nyang ginugusto mo ngayon,,” anito pa bago ito muling tumawa at sinenyasan siyang umalis na. “Gabi na, kung uuwi ka pa sa apartment mo Keegan, kumuha ka muna ng ulam sa kusina nang ‘di ka na magluto.”
“Inuto mo pa ‘ko, nay. Pero sige po, salamat ulit. Mauuna na ‘ko.”
Kabanata 22
KABANATA 22
ㅤㅤㅤㅤ (Present) BIYERNES ng umaga. Halos hindi maipinta ang mukha ni Keegan habang tinatapunan nya ng naiiirita at mapanghusgang tingin si Lyle habang ang kaibigan naman nya e alanganing tumatawa sa tabi nya.
Naglalakad sila palabas ng gym noon, hinahatid nya si Lyle at aalis na. Naiistorbo pa siya sa trabaho e.
“Nagsayang ka pa tuloy ng gas,” paunang aniya bago nya inabot ang binata para pitikin ang noo nito.
“Aray naman!” reklamo kaagad ni Lyle bago nito tinakpan ang noo. “Malay ko ba kasing wala?”
“Ewan ko sa ‘yo.”
Bumisita lang naman si Lyle sa trabaho nya. Walang malisya— syempre, para sa kanya, e kaso may ulterior motive talaga si Lyle kaya ito napadaan sa workplace nya, na hindi rin naman nito naabutan.
Kaya siya naiinis e.
Hindi sa masama ang loob nya o ano, natangahan lang siya kay Lyle dahil dali-daling pumunta rito dahil ‘surprise visit’ daw pero iyong pinupunteryang bibisitahin, missing in action dahil nakabakasyon.
“Maiba nga tayo. Mabuti at babalik ka ng Paris? ‘Kala ko ba e resigned ka na ro’n sa dati mong boss?” pag-uusisa nya.
Habang hinihimas-himas ni Lyle ang noo e ngumuso ito at nang-aakusang tinapunan siya ng tingin. “Ang sakit talaga ng pitik mo. Alam mong ang bigat ng kamay mo, naisipan mo pa talagang mamitik?”
“Natatangagan ako sa ‘yo e, pasensya na. O ano nga, sagutin mo iyong tanong ko.”
Inirapan siya ni Lyle. “In-invite kasi ako ng dati kong boss na dumalo sa fashion event, ne. Tapos dahil medyo matagal akong mawawala, naisipan kong mag-surprise visit dito kasi nagbabaka sakali ako na ano—”
“Ituloy mo, mapipitik talaga kita,” banta nya kay Lyle.
Sumagitsit din ito. “Ano ba? Sorry na nga. Malay ko bang wala pala rito si Ridge. Ang buong akala ko kasi, araw-araw mo siyang tini-train.”
“Tanga ka talaga, e. Sanang nagpasabi ka muna, wala ka tuloy naabutang Ridge.”
“Malay ko ba.”
Nakanguso si Lyle na pinasadahan siya ng tingin habang si Keegan naman e napahilamos na lamang ng mukha’t ilang beses na napailing.
Madalas, ang sakit sa ulo magkaroon ng kaibigang tanga sa pag-ibig e, ano. Mabuti na lang talaga at mabilis din siyang nahimasmasan kay Ivy— pero ayun, kaagad din siyang bumigay kay Ryleigh, pero hindi na iyon dapat pag-usapan.
“May schedule ang timang.” Pinalagatik nya ang mga daliri dahil pigil na pigil siya sa pagpitik sa noo ng kaibigan. “Sa tamad ng isang iyon—este, busy lalo na’t modelo nga pala siya—imposible namang araw-araw kong naasikaso si Ridge.”
“E ba’t ‘di mo agad sinabi?”
“Ba’t ka muna kasi assume ka nang assume?”
Namamangha siyang pinagmasdan ni Lyle. Tipong nakaangat ang isang kilay nito tapos nakasimangot ito habang ang bibig naman e halos umawang dahil parang hindi ito makapaniwala sa pambabara nya.
Hindi pa nasanay samantalang halos sampung taon na rin silang magkakilala.
Tila ba ayaw na lang ding pag-usapan ni Lyle ang kapalpakan nito dahil nag-‘hmp’ ito at umirap sa kanya. Humigop ito ng malalim na hininga ‘tsaka siya muling tinignan. Sa pagkakataon na iyon, hindi na iyong ‘napahiya ako’ ang klase ng tingin na ibinato sa kanya ng kaibigan.
Ewan, mas malambot. Mas kalmado.
“Enough about me, Kee. Ikaw ‘tsaka iyang Ryleigh, kumusta na progress ng relasyon ninyo?” pag-iiba nito ng usapan.
Sabi na nga ba nya’t itong topic na ito ang bubuksan nito.
Nginisian nya lamang ang kaibigan bago siya napailing. “Ha? Anong relasyon? Meron ba kami no’n?”
“Ga—” Natigilan kaagad si Lyle at ikinalma ang sarili dahil bumuntong hininga ito. “You know what I’m talking about. I thought you’re so in love with her na gusto mong maging kayo?”
“Eh… Oo, pero…”
Nag-iwas ng tingin si Keegan kasabay ng pagnguso nya’t paggalaw ng bibig sa kanang bahagi ng mukha. Napahawak din siya sa may batok para masahiin iyon.
“Ang hirap kasing manligaw na magkalayo sa isa’t isa. Parang ano, parang kulang…” paliwanag nya bago siya nagsimulang sumenyas-senyas. “‘Di ko maipaliwanag, Lyle. Para kasing kung online lang ako manliligaw, natatakot akong ‘di nya maramdaman na sinsero ako?”
“Oh? Edi makipagkita ka sa kanya, matagal naman na kayong magkakilala, ‘di ba? Like, it’s been… a year and a half.”
Paano ba nya sasabihin na sinubukan nya pero hindi pumayag si Ryleigh?
Bago pa man makapag-isip ng paliwanag si Keegan, tila ba may naalala si Lyle dahil hinawakan nito bigla ang braso nya bago ito pumunta sa harap nya nang magkatitigan sila nang maayos.
“Wait, does she even know?” nagugulantang nitong tanong.
Kumunot ang noo nya’t naguguluhan nyang tinignan si Lyle. “Na ano?”
“Na gusto mo siya? Umamin ka na ba sa kanya, Kee?”
“…‘Di pa?”
“What?!” namamanghang reaksyon nito ‘tsaka siya nito binitawan para takpan ang bibig. “E pa’no ‘yon, ‘di ba e madalas mo naman siyang harutin? Ni minsan, ‘di ka ba nya natanong kung gusto mo ba siya o maharot ka lang talagang nilalang?”
Tang inang description iyong huli, a.
Kumibot ang isang kilay ni Keegan pero hindi siya nagpatinag sa paraan kung paano sinabi ni Lyle ang iniisip nito. Grabe sa ‘
maharot
lang ba talaga siya’ na parte samantalang alam nila pareho na hindi siya gano’n.
“Ewan ko. ‘Di pa naman sa pagkakaalala ko,” ang tanging naisagot nya bago siya bumuntong hininga. “Palagay ko e ‘di mahilig mag-assume si Ryleigh. O baka alam nya pero wala siyang pakialam—”
“What if iyong pangalawa kasi ‘di ka pala nya gusto?”
“Putang ina mo e ‘no? Aagapan mo na lang ako, pinili mo pa iyong pinakamalalang route sa utak ko.”
Nagkibit balikat si Lyle. “Wala lang. Kasi kung lalandiin ako ng kausap ko madalas online, mag-iisip ako ng kung anu-ano e.”
“Asyumero ka kasi.”
“Setting that aside,” napipikong tugon ni Lyle bago ito umakto na parang isinasantabi iyong parteng asyumero nga ito. “Plus, I think she flirts with you too?”
“Hindi, a. Mabait lang siya.”
May mga oras na tinatanong siya nito kung na-miss ba nya ito o kung nalulungkot ba siya na hindi nya ito kausap pero— palagay ni Keegan, normal na maramdaman iyon lalo na’t si Ryleigh naman talaga ang madalas nyang makausap.
Si Ryleigh ang madalas na present.
Pero naisipan na ba ng malisya ni Keegan ang pagpapa-cute ni Ryleigh? Oo. Ilang beses na. Actually, madalas pa.
Pero… ang dami rin kasi nyang iniisip e. Posible rin kasing ang bait lang talaga ni Ryleigh o hindi kaya e pilya lang talaga ito. Oo sige, minsan idi-delay pa ng dalaga ang ginagawa nang makapag-usap sila pero nahihirapan si Keegan mag-assume na mutual sila ng nararamdaman lalo na’t… online lang naman sila nagkakausap.
Ah pero siya, gusto nya talaga si Ryleigh. Genuine siya.
“My God.”
Natigilan si Keegan nang biglang marinig ang boses ni Lyle.
Pinangunutan pa nya ito ng noo dahil hindi nya malaman kung saan at ano na naman ang nirireaktan nito.
“What if ikaw pala iyong tanga? Or baka pareho kayong timang… katulad ko?” kalauna’y anito pa.
Parang nagpintig ang tenga ni Keegan sa narinig at kung hindi lang siguro nya kaibigan itong si Lyle, kinuwelyuhan na nya ito.
Sa halip, nagngingitngit ang mga ngipin nyang ngumiti sa kaibigan kasabay ng pagkibot ng isang kilay nya.
“Pinagsasasabi mong putang ina ka?” nanggagalaiti nyang pag-uusisa.
Tinignan lang siya ni Lyle mula ulo hanggang paa. “What if hinaharot ka ni Ryleigh kasi gusto ka rin nya ta’s nagta-translate lang sa ‘yo na mabait siya and vice-versa?”
Ah.
Sandali. Hindi nya naisip— teka, posible ba ang gano’n?
Habang naguguluhan nyang pinagmamasdan si Lyle e panay naman ang pag-eexplain nito sa harap nya.
Kesyo madalas daw ang miscommunication online kaya hindi raw ito magtataka kung pareho silang timang ni Ryleigh na hindi makakuha ng ‘hint’ na gusto pala nila ang isa’t isa. Dahil t’wing nakikita raw ni Lyle ang conversation nila ni Ryleigh sa messenger, halata naman daw na may malisya pareho.
Tanga lang daw siya— at talagang naririnig nya ang mga salitang ito mula sa bibig noong dakilang tanga rin.
Nakaka-offend?
“Try mo kaya siyang i-confront?” suhestiyon ni Lyle.
Natigilan si Keegan. “Pinagsasasabi mo?”
“Gagi, hina-hype kitang umamin sa kanya!”
“Gago, alam mo bang madalas e ‘di maganda outcome ng ganyan?”
“What? Ba’t mo alam e never naman kitang hinype kay Ivy noon? Kay sir Aaron siguro, pero not to the point na in-encourage kitang umamin kay sir Aaron ‘no. Sariling desisyon mo ‘yon.”
Hindi kaagad sumagot si Keegan at sa halip, mataman lang na pinagmasdan si Lyle na noo’y tinititigan din siya at parang pursigidong palakasin ang loob nyang umamin.
Ah, ewan nya. Hindi naman masama ang suhestiyon nito pero hindi pa naiisip ni Keegan na umamin… online.
Kung makikita nya siguro si Ryleigh sa personal—
“Dali na, try mo lang!” pag-uusig pa ni Lyle.
Umiling siya at inalis ang pagkakahawak ng kaibigan sa kanya nang subukan nitong hawakan ang braso nya. “Ayoko, ‘di ko dama. Gusto ko sa personal—”
“Ano ‘yon, babyahe ka pa-Cavite para ma-reject?” sagot din naman kaagad ni Lyle sa kanya at tila ba hindi ito impressed. “Online muna, Keegan. Para kung rejected, at least ‘di ka na nagsayang ng pamasahe.”
King ina ng isang ito. Ang lakas mangumbinsi. Siya naman, nakukuha rin ang ipinupunto ni Lyle.
Oo nga naman. Bagamat hindi problema ang pamasahe kay Keegan, hindi nya rin masabing mura ang papuntang Cavite kung galing ng Pampanga.
Paano nga kung tama si Lyle? Baka tanga lang sila pareho ni Ryleigh para magkaalaman ng nararamdaman? Kung hihintayin din nyang magkita sila, siguradong taon ang aabutin kahit na siya naman ang babyahe dahil tumanggi na si Ryleigh nitong nakaraan at hindi raw ito handa pa na magpakita.
“…Subukan ko?” nag-aalangan nyang tanong. “Pa’no kung ma-reject lang din ako?”
“E at least online ka umamin.” Nagkibit balikat ang kaibigan. “Like, madali siyang iwasan dahil ‘di naman kayo magkakilala sa personal.”
Oo nga naman. Kung ma-butt hurt din naman siya’t maisipan na i-block si Ryleigh, sino ba ang dalaga para umangal? Joke, wala siyang balak i-block ito kahit na ma-reject siya.
“…Putang ina, ang galing mo mangumbinsi,” aniya bago siya sumuko’t bumuntong hininga.
Nakita pa nyang sumuntok sa hangin si Lyle kaya tinapunan nya ito ng masamang tingin, pero tumawa lang naman ang kaibigan.
“Balitaan mo ako, a?” sabi pa ni Lyle bago siya kindatan.
Pinakyuhan nya lamang ito. “Sisisihin kita nang malala ‘pag ako, na-reject.”
ㅤㅤㅤKEEGAN was… acting weird recently—that was what Rhysand noticed as soon as that guy took his friend to his work place’s parking lot.
Hindi sa sinasabi ni Rhysand na madaling basahin si Keegan, pero napakahalata naman kasi na tila ba may bumabagabag dito sa paraan kung paano siya nito kausapin nitong nakaraan. Parang ang cautious, may tinatantya, merong gustong simulan pero tinatsambahan pa ang tamang pagkakataon para rito.
“Alam mo, kung ako si Picasso, mahihiya na lang din talaga akong i-drawing ‘yang mukha mo,” pagpupunto ni Leroy na siyang bumasag din sa katahimikan nya.
Pinasadahan nya ng tingin si Leroy bago siya natawa. “Sorry, napaisip lang ako at ang weird nitong kausap ko.”
“Bakit? Ayaw ka na kausap?”
“No, it’s not that—” Natigilan siya’t naniningkit ang mga matang tumitig sa kaibigan. “Sa’n mo naman nakuha ‘yan? Mukha ba ‘kong ‘di masaya kausap?”
“‘Di naman, napatanong lang kasi kanina ka pa nakabusangot. Nakakahiya namang i-drawing mukha mo, lukot na lukot e.”
“As I said, I was just—” Nasisiphayo siyang bumuntong hininga dahil ang pilyo ng ngiti ni Leroy. “Fuck you, but Keegan’s acting weird and I’m trying to figure out why. Masaya ka na ba?”
“Baka naman ayaw ka na kausap?”
Dali-dali nyang pinakyuhan ang kaibigan.
Syempre, siniguro nyang hindi umaaligid sa kung saan ang lola nya. Baka kasi kapag nakita siya nito e makatikim na naman siya ng non-stop na sermon, baka paliguan pa siya ng Bible verse nang wala sa oras dahil lang pinakyuhan nya si Leroy.
Anyway, yes, they are in his house.
May mini-research kasi na ipinapagawa sa kanila at silang dalawa ni Leroy ang magkagrupo. Meron pa silang isang kasama, pero bilang walang ambag ang isang iyon e nilaglag na nila mula sa grupo. Ni pancit canton, hindi maibigay tapos gusto ng mataas na grade? Ulul.
Enough about his life, though.
“Maliban sa pag-iwas nya sa ‘kin dahil baka hindi nya ako gustong kausap—” Rhysand had to swallow when he blurted out those words because he didn’t like the idea that Keegan wouldn’t like talking to him (Ryleigh) anymore. “…Tingin mo ba, nainis ‘to sa ‘kin?”
Nagtataka siyang pinagmasdan ng kaibigan bago ito umismid. “Aba, malay ko. Ano bang ginawa mo riyan?”
“Nag-aya siyang makipagkita sa ‘kin.”
“Ayun lang?”
Rhysand clicked his tongue and shook his head. “Not really. I refused to meet up with him.”
“E bakit naman?”
Naitikom ni Rhysand ang bibig at mabilis siyang nag-iwas ng tingin mula kay Leroy.
Nakalimutan nyang hindi nga pala nito alam na hindi alam ni Keegan na siya ang kausap nito–at hindi iyong personalidad na ginawa nya gamit ang litrato ng pinsan nya. Tanging sina Trixie at Louie lang ang nakakaalam kung ano ang mga kalokohan nya. Samantalang itong si Leroy, ang alam lamang e magkababata sila ni Keegan.
“Magkababata naman kayo, ba’t ayaw mo? Wala kang budget?” pag-uusisa pa ni Leroy.
Umiling siya. “My budget’s out of the question. May allowance ako na pwede kong gamitin kahit kailan ko gustuhin.”
“Then why don’t you meet him?”
‘ Probably because the guy doesn’t know this is me, and has the impression he’s talking to someone named Ryleigh Agustin? ’ Kating-kati si Rhysand na sabihin ang mga salitang iyan pero kinagat na lamang nya ang dila dahil ayaw nyang may iba pang makakaalam ng kalokohan nya.
Oo, close sila ni Leroy simula noong unang taon nila sa senior high school pero may mga bagay siyang hindi masabi rito hanggang ngayon.
Isa pa, alam nyang pagsasabihan din siya nito. Knowing this man’s character, he’d reprimand him in a way that Rhysand would just feel so embarrassed about himself—which he should actually be, all things considered.
Madalas, pinagsisisihan din naman nyang nagpakilala siya bilang si ‘Ryleigh Agustin’.
There were times that this course of action he took haunted him even in his deepest sleep. He couldn’t say that he doesn’t regret this, especially when there were moments that he wanted to start over and introduce himself to Keegan as… him— his long lost childhood friend, Marcus
Rhysand
Fajardo
.
But he doesn’t have that courage.
…And the reason why he kept this whole act was because he was desperate to have Keegan as his boyfriend. Hanggang ngayon ganoon naman, pero unti-unti nya na kasing napagtantong mali itong ginagawa nyang pangka-catfish, hindi lang nya alam saan at kailan titigil.
“I… did something,” was all that he could say as he forced the words to come out of his mouth. “Kaya ‘di ko siya magawang harapin ngayon.”
“Sus, e magkababata naman kayo at kilala ka naman niyan. Patatawarin ka rin niyan.”
“No,” he immediately replied as he scoffed, and suddenly he tasted something bitter at the back of his throat. “He wouldn’t.”
ㅤㅤㅤBAGAMAT sinabi ni Keegan kay Lyle na susubukan nyang umamin kay Ryleigh, hindi naman talaga nya iyon magawa. Wala siyang lakas ng loob dahil ayaw nyang panghawakan iyong pag-asa na baka nasa iisang pahina na sila ng dalaga tapos wala lang silang alam pareho, baka nagkakasalisihan lang.
Kasi paano kung mali si Lyle? Paano kung nagpadala siya sa pangha-hype nito tapos ang ending pala e ma-reject siya?
Hindi siya handang malayuan ni Ryleigh lalo na’t nasanay na siya na sa paggising nya palang sa umaga e ito na agad ang kausap nya, na hinihintay nya ang bawat reply nito sa kanya, na hanggang sa pagtulog na lang e aabangan pa nya ang paggu-goodnight nito sa kanya.
Kung nilayuan siya ni Ryleigh dahil lang umamin siya’t hindi pala sila mutual, hindi alam ni Keegan kung saan nya pupulutin ang sarili.
Baka maniwala na rin siyang malas siya pagdating sa pag-ibig. Malapit na, actually.
Pero ang tagal nya ring nag-contemplate dahil dumating na rin talaga sa puntong nagtanong na ang dalaga kung galit ba siya dahil parang ang dry nyang kausap nitong nakaraan—pwe, kasalanan naman lahat ni Lyle ito.
Ryleigh Agustin : kuya, question lang po are you mad at me?
You replied to Ryleigh : bat naman ako magagalit? di ah…
R
yleigh Agustin : true po ba? kasi po parang umiiwas ka sakin nitong minsan tapos po may times na ang dry mo kausap, i was thinking kung nagalit ka ba sakin
You replied to Ryleigh:
imposible. wala naman akong dahilan para umiwas sayo eh… siguro ano lang, nataunang may iniisip ako kaya baka pakiramdam mo umiiwas ako
Ryleigh Agustin:
talaga po? sure kang di ka galit sakin?
You replied to Ryleigh:
bat naman? may dahilan ba ko para magalit sayo?
Ryleigh Agustin:
di ko din po sure kaya ako nagtatanong hahaha kasi kuya parang nagstart nung sinabi kong di ko gustong makipagmeet nung inaya mo ko sorry po talaga. feel ko kasi di pa ko ready
Ha?! Napakababaw naman na dahilan ng iniisip ng isang ito kung iyon lang pala ang magiging dahilan ng ‘pag-iwas’ kuno nya.
Hindi. Imposible. Ano naman kung ayaw nitong makipagkita pa? Pribilehiyo nito ang tumanggi at wala ring karapatan si Keegan na masamain iyon lalo na’t babae si Ryleigh tapos lalaki siya—idagdag pa na online lang sila nagkakilala.
Pero hindi nya napansin na ang dating pala ng matagal nyang pagmumuni-muni e pag-iwas kay Ryleigh.
You:
ganyan ba kababaw tingin mo sakin, ry? tang ina neto. di naman ako ganun. ano naman kung tumanggi ka? gets ko naman dahilan
Ryleigh Agustin:
kung sa bagay… di naman din po ganun tingin ko sayo
You:
diba? di naman natapakan ng pagtanggi mo yung ego ko kasi alam ko kung san ka galing. sorry talaga, di ko naman alam na ganyan dating ng pagmumuni-muni ko sayo. marami lang akong iniisip talaga kaya parang ang tahimik ko
Ryleigh Agustin:
ok po. salamat po sa assurance na di ka galit sakin🫶🏽 pero ok ka lang po ba kuya? ano pong iniisip mo?
Noong mga panahon na iyon, kusang kumilos ang mga daliri ni Keegan at nagtipa ng maisasagot kay Ryleigh. Ni hindi na nya napansin kung ano iyon, basta bigla e meron na siyang sagot.
You replied to Ryleigh:
ikaw.
**
A/N. Alam nyo, habang medyo meron akong creative juice na pupwede kong i-squeeze, mag-a-update muna ako. tapos igu-ghost ko ulit kayo nang matagal after kasi for sure malalang writer’s block na naman ang ganap ko after. wenk wonk.
Kabanata 23
KABANATA 23
ㅤㅤㅤㅤAT ano ba ang magandang gawin sa sarili kung sakaling biglang pumalya ang mga daliri’t madulas sa chat?
Hindi alam ni Keegan.
Ni hindi nga dapat siya natataranta dahil ang bilis lang magpalusot at idaan sa pabirong banat iyong ni-reply nya kay Ryleigh pero—hindi iyon ang unang kurso na tinahak ng natitira nyang brain cell.
Siguro dahil pagod na siya sa trabaho? Siguro dahil ang dami nyang iniisip at magpahanggang ngayon, para siyang minumulto ng mga salita ni Lyle?
King ina. Ano bang malay ni Keegan? Basta ayan na, naitipa na nya iyong pinaka-generic na sagot sa tanong ni Ryleigh.
“Tang inang buhay ‘to,” nasisiphayong pagkausap nya sa sarili.
Maba-badtrip na sana siya sa sarili noong maisip nya na pupwede nga palang kumawala sa ganitong sitwasyon kung mag-iisip lang siya ng pupwede nyang ibanat. Baga, ililihis na lang pala nya ang pinag-uusapan nila ni Ryleigh.
Kahit pa kasi na totoo naman ang sinasabi nya, na ito naman talaga ang iniisip nya, may kung ano kasi na parang mali ang isinagot nya.
Noong makita nyang typing na si Ryleigh, medyo nataranta ulit siya’t mabilis na nagtipa ng sasabihin bago ito matapos.
‘Puta. Anong sasabihin ko?’ Magtitipa na sana siya kaso hindi nya alam kung paano iko-convert sa banat ang sagot nya. Madali lang sana kung hindi siya nagpa-panic, e.
Me : magkausap na kasi tayo kaya ikaw nalang iniisip ko
“Yak…” nahihiyang aniya bago siya sumilid sa kama’t ibinaon ang mukha sa unan. “Tang ina. Sanay akong banatan siya pero ngayon lang ako nahiya sa pinagsasasabi ko.”
Ilang beses na humigop nang malalim na hininga si Keegan bago nya naisipang ibalik ang tingin sa messenger nya. Natiyempuhan pa nyang tumigil sa pagtitipa si Ryleigh dahil nawala iyong typing na parang icon sa tabi ng litrato nito sa messenger.
Ang tagal din bago noon bumalik. Siguro isa o dalawang minuto, pero mukhang nakapag-isip na rin ng isasagot si Ryleigh.
Ryleigh Agustin:
kuya im being serious po i mean i definitely don’t mind your banat pero i’m worried kasi lalo na recently parang cold mo sakin. i’ve been thinking kung nagalit ka kaya yun po yung bungad ko sayo
Kumunot ang noo ni Keegan nang mabasa ang reply ng dalaga at may kung ano sa kanya na takang-taka dahil parang hindi naman totoo ang asumpsyon nito. Kanina pa nito iyon binanggit pero hindi nag-sink in noong una at ngayon pa lang talaga.
Noong mairehistro na nya sa isipan ang sinabi ni Ryleigh, kaagad siyang nag-scroll up at nag-backread ng iilang conversation nila nitong nakaraan para i-assess kung naging malamig ba talaga ang pakikitungo nya sa dalaga.
Pero hindi, e. Hindi makita ni Keegan na naging ganoon ang trato nya rito.
‘Tsaka paano e gustung-gusto nga nya si Ryleigh? Hindi kaya ng konsensya nya na magpakalamig dito lalo na’t magkalayo sila. Baka kapag nasagad nya ang pasensya nito, hindi rin siya kausapin—kahit na hindi ganoon ang tingin nya kay Ryleigh.
“Hindi naman?” bulong nya sa sarili bago siya ngumuso’t nagtaas ng isang kilay habang binabasa iyong isa pa nilang conversation ng dalaga nitong nakaraang Miyerkules. “Okay naman ako kausap nito, a? ‘Di naman ako cold.”
Kahit na malalim ang iniisip nya’t nitong mga panahon na ito e parang nagku-contemplate siya sa suhestiyon ni Lyle, hindi nya makita sa sariling chat ang pagiging malayo ang loob kay Ryleigh. Ni hindi nya makita ang bakas ng ‘tampo’ sa paraan kung paano nya reply-an ang dalaga.
Normal lang.
Me : di ka ba nag ooverthink lang, ry? ok naman akong kausap nung nakaraan eh. san mo ba kasi nakuhang may tampo ako?
Ryleigh Agustin : talaga po ba? kasi po ganun talaga yung energy nung mga chat mo sakin recently kaya nagaalala po ako :((
Me : di talaga, binalikan ko yung conversation natin eh
Ryleigh Agustin : … then maybe it’s just me po. sorry.
Me : okay lang. ikaw ba, okay ka lang?
Ryleigh Agustin : opo. nagaalala lang po talaga na baka may nagawa or nasabi po ko nung minsan
Me : walaaaaaa. masyado ka lang nag iisip okay tayong dalawa. sorry kung napag isip kita bigla at baka namisunderstood mo yung nakaraan
Ryleigh Agustin : okay lang po kuya. pero sure po ah? baka po mamaya may naitatagong tamlo ka na pala sakin HAHAHAHA
Me : imposible. kung meron naman, sasabihan kita kasi diba communication is key daw
Ryleigh Agustin:
yes pooo. okay po, i trust u naman kuya ❤️
Bumuntong hininga si Keegan nang sa wakas e mukhang naniwala na si Ryleigh sa kanya na wala namang problema sa kanila. Siguro, kailangan lang nya mag-ingat sa susunod nang hindi na mag-alala pa ang dalaga.
Posible ba ang gano’n? Hindi nya alam. Pero sa bagay, kahit naman siya e nakakapansin din kung mag-iiba iyong ‘tono’ ng chat ni Ryleigh sa kanya. Pero madalas, siya lang din naman ang nag-ooverthink kaya may mga pagkakataon na hindi nya pinapansin ang kutob nya.
ㅤㅤㅤㅤILANG araw na ang nakalipas mula nang pag-usapan nila ni Ryleigh ang tungkol sa ‘pagtatampo’ kuno nya nang bumalik din si Lyle galing France. Natapos na ang agenda nito sa ibang bansa at nakuha na rin daw i-promote ang pinakamamahal nitong brand—Primivére, at ang pinakauna naman nitong ginawa nang bumalik sa Pilipinas e bisitahin ulit siya sa trabaho.
“Ayan, a. Nagtanong na ako kung nandiyan ba iyong pakay ko,” pabiro pang anito habang ngising-ngisi ito nang sunduin nya sa ibaba.
Umikot lamang ang mga mata ni Keegan ‘tsaka nya ito minuwestrahan na sumunod sa loob ng gym. “Tang ina. Wala ka talagang magawa sa buhay mo’t bumisita ka pa rito para lang makita si Ridge?”
“Marami akong ginagawa, actually. Hindi ko pa nga naa-unbox iyong pasalubong ko.”
“King ina, may pasalubong?”
“Yep. Meron ka rin do’n pero next time ko na lang iaabot para may dahilan akong bumalik dito sa work mo na ‘di halatang gusto ko lang makita si Ridge.”
“Punyawang da moves ‘to. Nakakahiya ka na, tol.”
“Gagu. Mas nakakahiya ka nga kasi ‘di ka pa makaamin kay Ryleigh.”
Hindi napigilan ni Keegan ang tapunan ng masamang tingin si Lyle. Magagalit na sana siya pero nang magtama ang mga mata nila ng kaibigan, hindi nya napigilang mapatawa’t mapailing na lang.
“Sa ‘yo pa talaga nanggaling ‘yan. Nakakainis. E ikaw nga, higit sampung taon ka nang ‘di makabwelo riyan sa high school crush mo!” asik nya rito.
Tila ba nao-offend na suminghap si Lyle. “Ha! Excuse me, mas mahirap naman kasi talagang bumwelo sa case ko lalo na’t may boyfriend na si Ridge.”
“O e ano naman?”
“Anong ano naman? Baka sapakin ako ni Zamiel. Nakita mo ba katawan no’n? Baka tulog agad ako ‘pag dumampo kamao no’n sa ‘kin,” maarteng anito bago niyakap ang sarili na para bang nangilabot pa sa takot. “Anyway, ‘di ako katulad mo… or like, magkaiba tayo ng sitwasyon.”
Sumagitsit siya’t umiling. “Pareho lang naman.”
“Anong pareho lang e within reach mo si Ryleigh? Like, I know na physically, magkalayo kayo. Pero emotionally, kayang-kaya mo umamin sa kanya at feel kong o-oo kaagad siya sa ‘yo.”
Nang sabihin iyon ni Lyle, napaisip din siya bago siya ulit natawa noong maalala ang nangyari sa kanila ni Ryleigh nitong nakaraan.
“Alam mo, ‘di ba noong nakaraan, ang sabi mo sa ‘kin e subukan kong umamin kay Ryleigh?” panimula nya nang makarating na sila sa wakas sa pasilyo ng gym.
Tumigil siya sandali sa paglalakad kaya maging si Lyle e natigilan din.
Bahagyang ngumuso ang binata bago ito pinangunutan ng noo. “Yeah, umamin ka na sa kanya?”
“Malamang hindi. Inisip ko lang nang matindi kung tama ba iyong timing at magiging desisyon ko—” Nang makita ni Keegan na lumukot ang mukha ni Lyle at pinaikutan siya nito ng mga mata, marahas siyang bumuntong hininga. “King ina, nakapag-react ka kaagad. Anyway, sasabihin ko lang na noong pinag-isipan ko ‘yong sinabi mo, napagkamalan ako ni Ryleigh na galit sa kanya.”
“Tapos? ‘Di mo ginamit na chance ‘yon para umamin? Kee, ang hina!”
Pupwede ba siyang manapak? Parang gusto nya, e. Kung hindi lang siya naaawa rito kay Lyle at kung hindi lang siya nag-alala bigla na baka tumilapon ito sa hagdan tapos mahulog, baka ginawa nya. Ang liit pa naman ng katawan nito.
Bagamat kuhang-kuha ni Lyle ang pika nya sa tugon nito sa kanya at kahit kumikibot na yata ang gilid ng labi nya sa inis, ipinagkrus na lang nya ang mga braso nang pigilan ang sarili sa pagri-react, ‘tsaka siya sumagot:
“Putang ina mo, ‘di iyon gano’n kadali.” Bumuntong hininga ulit siya’t hindi napigilang irapan si Lyle. “Alam nating pareho na attached na ‘ko ro’n sa tao. Syempre, ‘di ko maiwasang mag-overthink kung aamin ako ta’s bigla nya ‘kong iwasan—o baka biglang may magbago. ‘Di ako handa na i-let go ‘yang si Ryleigh kung i-ghost ako, tol.”
Nag-iwas ng tingin si Lyle at nag-tsk. “Alam mo, gets ko kung sa’n ka nanggagaling at nanghihinayang talaga ako pero ikaw bahala. Hawak nyo naman ni Ryleigh iyang oras ninyong dalawa.”
“‘Di ba? Marami pa namang pagkakataon. Sadyang ‘di lang ngayon.”
“I know.” Tumikhim si Lyle at ipinilig ang ulo para silipin ang loob ng gym.
Syempre, napansin iyon ni Keegan at bilang ayaw na nyang paghintayin ito kaibigan nyang excited nang makita iyong modelong trainee nya, minuwestrahan nya ulit ito.
“Punyawa. Nakakahiya sa ‘yo at baka umiyak ka na kung ‘di ko pa ituturo kung nasa’n si Ridge. Tara na nga,” masungit na aniya na dahilan para tumawa si Lyle.
“Ih. ‘Wag mong lakasan!” medyo pabebe nitong sagot.
Pinakyuhan nya lamang ito at lalo itong napatawa nang malakas.
Nang makarating sila sa loob ng gym, siya pa mismo ang nahirapan na panoorin si Lyle kung paano ito umaktong awkward at tahimik sa paligid ni Ridge.
Hindi nya alam kung tatawanan nya ang kaibigan o ano. Nagpipigil na lang siyang mag-react dahil naaawa siya kay Lyle na hindi nya maintindihan. Basta, siya ang nahihirapan sa sitwasyon nito.
“Buti pumasyal ka?” naeengganyong tanong ni Ridge habang pinupunasan nito ang pawis gamit ang towel na bitbit.
At alam ni Keegan na habang ganyan ang ginagawa nito, si Lyle naman e todo hiling na sana mabigyan ito ng tsansang ito ang magpunas ng pawis ni Ridge.
“Ah, oo. Minsan talaga nagsu-surprise visit ako kay Kee. Chini-check ko lang kung kumusta na siya… gano’n,” tugon naman ni Lyle bago nito inilipat ang paningin sa kanya.
Makahulugan iyong tipo ng titig na ibinabato sa kanya ng binata. Alam nya ring sinusubukan nitong kunin ang loob nyang sumakay sa pagdadahilan nito. Siya naman, napaismid na lang at sumuko.
Humimig siya’t nag-iwas ng tingin kay Ridge. “Ganyan ‘yan kapag gustong kumain tapos naghahanap ng kasabay. Ewan ko lang ngayon kung gano’n din ba.”
“Oh, cool. Close pala talaga kayong dalawa. Akala ko kasi wala ring kaibigan si Keegan dahil ang brusko nya,” biro naman ni Ridge.
“Ginagago mo pala ako, e. Gusto mong pahirapan kita sa susunod?” banta nya.
Mahinang tumawa ang modelo bago bumuntong hininga. “See? Nagbabanta na nga kaagad.”
“Actually, tama ka naman. Nasu-surprise rin ako na ang daming nakakakilala sa kanya pero ang brusko nya rin sa ‘kin,” pagsang-ayon naman ni Lyle.
Namamangha nyang pinagmasdan ang binata.
Hindi nya alam kung sinasakyan lang ba nya si Ridge nang magkunwaring nakaka-relate rito o talagang ganyan din tingin sa kanya ni Lyle. Talaga bang brusko ang ugali nya rito e close naman sila?
“Baka love language,” dagdag pa ni Lyle.
Ipinilig ni Ridge ang ulo ‘tsaka siya tinapunan ng nakakalokong tingin. “Pangit naman ng love language nya.”
“Tang ina nyong dalawa, a. Nandito ako. Sa harapan nyo.”
Pero sige, palalagpasin nya ito dahil nakuha ni Lyle ang gusto nito: atensyon at oras ni Ridge . Kahit hindi nito solo dahil nandito siya’t hindi makaalis dahil baka hindi maging kumportable iyang si Lyle, alam nyang sinusulit ng barkada ang meron ito.
Ang baba ng standards, a. Nasa ground floor na yata ang bare minimum ng isang ito.
‘Kung sa bagay, hindi naman sila,’ aniya sa isipan bago siya sinipa ng katotohanang nag-a-apply rin sa kanya ang sitwasyon ni Lyle. ‘Tang ina,
magkabarkada
nga pala kami. May
rason
ba’t
magkasundo
pa rin kami.’
ㅤㅤㅤㅤ“MARCUS, long time, no see!”
Rhysand immediately let out an ‘ urk ’ sound as soon as he heard Trixie call him ny his first name. Clearly, he’s not impressed. Government name na rin ‘yan at hindi man lang ‘Mark’ ang itinawag sa kanya—na mas kaya nyang lunukin at tanggapin dahil nakasanayan na nya.
He turned around to search for Trixie’s petite figure and when he saw her, be heaved a deep sigh.
“Marcus!” muli nitong tawag sa kanya nang makarating na sa harap nya. Mahina nitong tinapik anf braso nya bago siya malawak na nginitian. “Kumusta ka na, pinsan? Ang pogi mo sa suit, a. Oo nga pala, may friend akong may crush sa ‘yo, gusto mo bang ma-meet?”
Blangko ang mukhang pinagmamasdan ni Rhysand ang pinsan. Ang utak nya, panay tanong kung bakit ang energetic ng isang ito samantalang alas nuebe pa lang naman nang umaga.
Was it because it’s a family relative’s wedding that’s why she’s too loud? Perhaps.
Rhysand’s nose scrunched. “Ayoko.”
“Ang sungit mo naman,” nadidismayang komento ni Trixie. “Crush ka kaya nito mula noong senior high school pa lang tayo. Ayaw mo talagang bigyan ng chance?”
“Ako pa talaga ang tinatanong mo samantalang alam mong may iba akong gusto.”
“Oo nga. Sinusubukan ko lang, baka pumayag ka. Ang ganda kaya no’n.”
Rhysand clicked his tongue and whispered, “hindi pa rin si Keegan ‘yon.”
Of course, even though he almost murmured his words, Trixie literally had the sharpest hearing. Hindi nya alam kung dahil ba tsismosa lang ito o ano.
“Oo nga pala, down bad ka sa kababata mong guy,” Trixie pointed out. Hindi naman malakas ang boses nito. Sapat lang para sila lamang ang makarinig. “About that, ginagamit mo pa rin ba pictures ko?”
The way his heart pounded against his chest when Trixie asked about her photos was… almost unbelievable. Hindi pa man siya nasasabihang itigil ang ginagawa o ano pero parang lumubog kaagad ang buong mundo nya.
Hindi pa nakatulong na muntik madulas sa kamay nya ang glass wine na hawak, nakikitikim kasi siya dahil madalang lang naman siya makakapag-wine. Buti na lang talaga at nasalo nya kaagad at nabawi ang tindig bago siya tuluyang nakaagaw ng pansin.
Fuck. Right.
Rhysand was reminded that Trixie was the face of his persona. Hindi nya maalala kung paano nya napapayag ang pinsan at boyfriend nito pero si Trixie pa ang nag-take ng initiative na ibigay ang mga medyo luma-luma pero HD nitong mga litrato nang magtanong siya.
They just probably realized and understood how pathetic he was if they’d talk about Keegan.
“Hey, I just asked!” dagdag pa ng pinsan noong tila mapansin ang bigla nyang pananahimik. “I won’t ask you to take it down naman. Plus, Louis is aware. Basta raw aamin ka ‘pag kaya mo na.”
Hindi nya napigilang takpan ang pang-ibabang bahagi ng mukha bago siya tipid na tumango. “Don’t worry, that’s the plan.”
But whether he would do this sooner or later was still out of the question. Hindi pa siya handang magpakilala kay Keegan bilang siya lalo na’t siya mismo, attached din naman sa personalidad ni ‘Ryleigh Agustin’.
“Ba’t mo biglang brining up si Keegan at iyong… mga litrato mo?” kabadong pag-uusisa nya.
Trixie flashed him a soft and meaningful smile before she went to his side and snorted. “Wala naman. I just stumbled upon that fake account and saw its friend list. Tapos nakita ko iyong account ng kuya mo. Keegan, ‘di ba? Keegan Chavez ang name?”
Kumibot ang isang kilay ni Rhysand nang marinig ang pangalan ni Keegan na kumawala mula sa mga labi ng pinsan nya. Truthfully, he did not like it when Trixie mentioned Keegan’s name. It did not sit right and weirdly, it annoyed him.
Still, he kept his composure.
Though, for unknown reasons he felt a bitter kick at the back of his throat – he probably just couldn’t help but get annoyed.
“Ang sama naman ng tingin mo sa ‘kin!” natatakot na komento ng pinsan nya bago siya mahinang hinampas sa braso. “Nakita ko lang naman iyong friends. ‘Di ko naman siya in-add!”
At hindi rin alam ni Rhysand na tinititigan na pala nya nang masama itong si Trixie. Kainis.
“In fairness, ‘di siya gano’n kagwapo pero ang cool ng aura nya. Bad boy tignan. I kinda get why you’re into him,” was what Trixie added which brought him back to his reverie.
Bumuntong hininga siya’t nag-iwas ng tingin. “Maangas lang tignan si kuya Kee pero mabait ‘yon.”
“I know, I know. Lagi mo kayang pinagtatanggol ‘yon. So, wala ba siyang girlfriend?”
“Why do you ask?”
“Tinitignan ko lang kung may karibal ka ba o kung meron man, inichapwerw na ba? Technically, kahit ikaw ang kausap e ako pa rin ang itsura. Ang ganda ko rin kaya, alangan ipagpalit pa no’n iyong fake mong personality sa iba.”
This conversation turned unexpectedly annoying.
Sa likod kasi ng isip ni Rhysand, siya si Ryleigh kahit pa na itsura naman ni Trixie ang nakikita ni Keegan. Ni hindi na nga pumasok sa isip nya na litrato ng pinsan nya ang ipinakilala nya rito.
Wala. Nakalimutan nya.
Hindi nga rin pala gusto ni Rhysand itong pagpapakita ng interes ni Trixie kay Keegan. Alam nyang walang malisya dahil loyal ang isang ito sa boyfriend nitong si Louis pero… nakakairita pa rin na nanggagaling pa sa bibig nito ang pangalan ni Keegan.
He shouldn’t be because she’s helping him and she was merely asking questions but… how does he even stop this feeling?
Nagseselos ba siya sa sarili nyang pinsan dahil ito ang kilala at hindi siya? O naiinis siya dahil ngayon siya napupukpok ng katotohanan na hindi siya kilala ni Keegan bilang si Marcus Rhysand Fajardo?
Hell. He dug this grave, why was he so upset?
Kabanata 24
KABANATA 24
ㅤㅤㅤㅤMERON talagang mga oras na parang gusto na lang umamin ni Keegan kay Ryleigh.
Hindi maiiwasan. Matagal na silang magkakilala at ni minsan, hindi siya nakakita ng kahit anong kaaayawan nya rito. Kung meron man, pupwede naman kasing trabahuin at baguhin. Vice-versa, alam naman nyang hindi siya perpekto e.
Ayun lang, hindi pa rin matanggap ni Keegan ang ideyang sa online lang din magpaparamdam. Mas gusto nya na makita si Ryleigh sa personal tapos ‘tsaka siya aamin pero hindi rin siya makakuha ng tiyempo dahil ayaw naman ng dalaga na makipagkita sa kanya—na siyang nirirespeto nya!
Talagang… hindi na lang siya mapakali sa nararamdaman nya.
Ryleigh Agustin:
kuyaaaaaa?
Napalunok si Keegan habang pinagmamasdan ang mensahe ni Ryleigh sa kanya.
Katatapos lamang ng practice nila noon at nag-anunsyo si Renzo ng quick break para makapanigarilyo sila o hindi kaya e makapagmiryenda.
Ngayon, magkakasama sila sa fishball-an. Iyong tatlo nyang kasama, naririnig nyang nag-uusap tungkol sa kanya-kanyang trabaho habang siya naman e nakatulala lamang sa celphone nya.
“Nakakapabibago talaga ‘tong si Keegan. Ang tahimik, tol. Madalas maingay ‘tong taong ‘to, a?” rinig nyang komento ni Kevin, dahilan para mag-angat siya ng tingin sa mga kasama at mabilis na ibinuksa ang celphone.
Nang matagpuan nya ang mga mata ng mga kasama nya, kumunot kaagad ang noo nya nang mapagtanto nyang mapang-asar na nakangisi sina Ian at Kevin habang si Renzo, naiiling lamang na nakamasid sa kanya.
Dali-dali nyang kinuha iyong kinakain nyang kwek-kwek na inilapag nya sandali sa may gilid ng mga sawsawan ng binibilhan nila. Saktong nakasubo na siya ng kakainin, ‘tsaka naman nagsalita si Kevin at nag-ala interviewer.
“Sino ba ‘yang kausap mo? Chatmate?” pag-uusisa pa ni Kevin.
Ginatungan pa ito ni Ian. “Maganda ba? Lagi mo kasing kausap kahit sa practice natin.”
Bago pa man makapag-react si Keegan, naunahan na siya ni Renzo. Bigla kasi itong nabulunan sa kinakain tapos ilang beses na napaubo. Sabay-sabay tuloy silang natarantang tulungan ang isang ito dahil parang mamamatay sa sobrang exaggerated ng pag-iinarte.
Syempre, tinatawanan at inaasar din nila si Renzo na panay subo lang at siguro hindi ngumunguya kaya nasamid. O hindi kaya e mayroong naninira rito ngayon.
“P’re, ba’t ka naman kasi lunuk lang nang lunok?!” tanong ni Ian dito habang tinatapik pa rin ang likuran nito.
Nakasimangot na uminom si Renzo ng samalamig. “Kung umasta kayo, parang ginusto kong mabulunan sa kinakain ko, a?”
“‘Di naman. Ang epal lang ng timing mo. Kita mong hina-hotseat namin itong si bunso ta’s bigla kang eeksena?” tugon naman ni Kevin.
Nagkatinginan silang pareho ni Renzo ngumit mabilis itong nag-iwas ng tingin. Nagtataka tuloy itong pinagmasdan ni Keegan—pero alam nyang hindi naman nito sadya ang iniakto. Na-timing-an lang siguro talaga ang pagkakabulunan nito.
Pero ang totoo, iniignora lang ni Keegan ang pag-akto nitong si Renzo. Nitong nakaraan pa kasi ito parang nakikiepal t’wing tatanungin siya nina Ian at Kevin tungkol kay Ryleigh. Hanggang sa makakalimutan na lang noong dalawa ang pagtatanong—na maganda rin para sa kanya dahil hindi nya kailangang ma-hotseat.
“Teka nga, baka ma-distract tayo e!” kaagad namang sabi ni Kevin bago ito humarap sa kanya. “Sino nga ‘yan?”
Itinuro nito iyong celphone nyang noo’y nasa bulsa nya.
Kumunot ang noo ni Keegan. “Kaibigan ko, bakit?”
“Kaibigan daw!” natatawang sabad naman ni Ian bago ito umiling. “Utot mong mabaho. Palagi mong kausap tapos, kaibigan? E kami ngang mga kabanda mo, ‘di mo niri-reply-an!”
“Kailangan ba?” sagot nya bago inabot ang likuran ng ulo para masahiin iyon. “Nagsi-send lang naman kayo ng meme sa GC natin. Nagre-react na rin naman ako, a?”
“Tol, alam mo kung anong ibig naming sabihin,” makabuluhang sabi naman ni Kevin.
“Kaibigan ko lang nga,” pagdi-deny nya ulit.
“Kulay green din ang damo,” sarkasmong sagot ni Kevin. “Ano nga? ‘Di kami naniniwalang kaibigan mo lang kasi iba ngiti mo kapag kausap mo e.”
Mula sa gilid ng mga mata nya, nakita nya ang matamang pagtitig ni Renzo sa kanya. Tinignan nya rin ulit ang lider ng banda nila pero parang wala itong balak makisali’t tahimik lamang na nakikinig sa komosyon.
Pero may kung ano kasi sa paraan ng pagtingin nito sa kanya kanina pa. Hindi lang nya maipunto kung ano pero… meron talaga.
“Malisyoso lang kayo,” aniya.
Bago pa man sila makapagsimulang pabirong magtalo-talo nang dahil lang kay Ryleigh, pasimpleng lumayo si Keegan sa mga ito at lumapit kay Renzo na noo’y inuubos ang samalamig na binili nito.
Nang mapansin naman siya ng nakatatanda, napansin nyang natigilan ito at mukhang natataranta, dahilan para marahas siyang bumuntong hininga.
“Kuya Renz,” tawag nya rito.
“Ano?” Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at tumingin sa kabilang kalsada bago sumagitsit. “Alam mo, kung ‘di lang kita kilala e naisip ko na rin talagang tinamaan ka riyan sa sinigang—”
“Adobo,” natatawang pagtatama nya kay Renzo. “Adobong baboy, kuya Renz.”
“Basta ulam pinoy,” tila ba napipikong anito bago ibinalik ang mga mata sa kanya. “Ayun nga, kung ‘di lang kita kilala e iisipin kong tinamaan ka talaga riyan sa kausap mo.”
Pero iyon naman talaga ang nangyari—malakas na iyong tama nya.
Kay Renzo lang din siya kumportableng nakakalapit tungkol kay Ryleigh dahil mas close naman talaga sila. Internet shop days pa lang nila, e. Noon pang mahilig sila mag-DOTA nina Rhysand at madalas manalo sa pustahan.
Ngumiti lamang si Keegan. “Ayun nga, e. ‘Di naman imposible, matagal na kaming magkakilala ‘tsaka wala naman akong nakikitang mali kung gustuhin ko man siya.”
Maganda si Ryleigh, matalino, mukhang masipag at mabait. Minsan iniisip ni Keegan iyong ‘she’s out of your league’ na litanyang madalas nya naririnig pero pakiramdam naman nya, kung sa kanya magsi-settle itong si Ryleigh dahil pinalad siya, mabibigyan naman nya ng maayos na buhay ang dalaga.
Hindi na nakatingin si Keegan kay Renzo noon dahil pinanonood nya na ulit sina Kevin at Ian na mamili ng totobits. Bagamat ganoon, damang-dama nya ang matamang pagtitig sa kanya ng binata.
Hindi nya alam kung anong ekspresyon nito pero parang tinutusok ang sentido nya’t binubutas.
“Are you being for real?” namamangha nitong tanong.
Humarap siya kay Renzo at naguguluhang tumitig din dito. “Bakit? May problema ba kung mahuhulog ako kay Ryleigh?”
“Kee, alam kong uso ang internet love pero—” Tumigil sa pananalita si Renzo para masahiin sariling sentido. “I don’t think you should fall in love with someone you just met online.”
“Bakit naman? Harmless naman si Ryleigh.”
“Sa ngayon! E pa’no kung sa hinaharap, hindi? Pa’no kung pinapahulog ka lang niyan sa patibong nang magatasan ka pagdating sa pera?”
Kinamot ni Keegan ang pisngi bago siya tumawa. “Edi ‘di ba dapat ngayon pa lang, ginagamit na nya ‘ko?”
“Syempre kailangan muna nyang makuha loob mo—”
“Nakuha na nya. Matagal na,” agap nya kay Renzo bago siya mahinang tumawa. “Pero ‘di naman nya ako pinagsasamantalahan kaya alam kong mabuting tao siya.”
Sandaling natahimik si Renzo. Bagamat nasa gilid lang din sila ng kalsada at ang ingay ng paligid nila, parang naramdaman nya ang pagkabingi sa katahimikan at kung gaano ka-awkward ang atmospera nila ni Renzo nang aminin nya rito na gusto nga nya si Ryleigh.
“Putang ina,” nasisiphayong sabi ni Renzo kalaunan bago ito napahilamos ng mukha. “Bahala ka sa buhay mo, Keegan. Malaki ka na.”
Bakit ba inis na inis ito?
Kinamot ni Keegan ang pisngi habang pinanonood nya si Renzo na lumapit din kina Ian at Kevin para mamili pa ng kakainin. Gusto pa sana nyang husgahan ang bigla nitong pagkainis sa kanya pero gets nya rin naman.
Nag-aalala lang naman si Renzo dahil bagamat uso ang online relationship, talamak din naman ang scam.
“Mabait naman si Ryleigh,” bulong nya pa sa sarili bago siya bumuntong hininga. “Imposibleng lolokohin ako ng isang ‘yon.”
Kung sanang alam lamang ni Keegan ang mangyayari sa hinaharap.
ㅤㅤㅤㅤANG ganda talaga ng boses ni Keegan.
Rhysand sighed dreamily as he listened to Keegan’s voice. His crush’s baritone voice had a soft, melodious quality that made it captivating. It perfectly complemented the mellow tone of the song he covered, making for an overall outstanding performance.
Pagkatapos pakinggan nang paulit-ulit ang cover ni Keegan at noong sa wakas e makapag-isip na siya ng reply sa binata, ‘tsaka lamang nya pinulot ang celphone nang makapagtipa ng sasabihin.
Me : hi kuya kee! napakinggan ko na po ang ganda talaga ng boses mo. kuhang kuha mo yung yearning sa boses ng singer
Keegan Chavez:
talaga? nagustuhan mo ba?
Me : yes na yes po. ang ganda po talaga wala ka na po bang ibang cover? gusto ko pakinggan huhu
Keegan Chavez:
madalang lang ako kumanta ehh. di man ako nagagandahan kasi sa boses ko
Me : pahumble ka lang po🤨 ganda ganda kaya ng boses mo pero wala na po ba talagang iba? final na?
Keegan Chavez:
hahaha wala talaga ehh tangina nahihiya tuloy ako. pero ganto na lang gawin natin… pag di na ko nahihiya ulit kumanta, ano bang request mo?
Me : omg. thank you for asking poooo i need you more today - caleb santos
Rhysand had always liked that song since it was first released. Sa pagkakaalala nya, sa sinehan pa iyon at sa palabas na ‘Isang
Daang
Tula Para Kay Stella’. He not only liked that movie a lot, but that song stuck to him like glue, and he would sometimes listen to it whenever he would think and yearn for Keegan.
Ganoon siya ka-down bad. Tapos itong kausap nya, parang hanggang ngayon e hindi pa rin nakakakuha ng clue na gustung-gusto nya ito.
Siya ba ang mali? Mabagal ba siya? Sobrang general ba ng pagpaparamdam nya kaya hindi nabibigyan ng malisya? Hindi man lang ba nakakatunog si Keegan na araw-araw siyang naghihintay na matanong kung gusto ba nyang maging kasintahan nito?
‘Pero paano kung alam naman ni Keegan, ayaw lang nya ako i-consider na maging… jowa?’ tanong nya sa sarili.
Noong una, hindi pa nag-sink in sa kanya ang sariling tanong kaya ipinagsakibit balikat nya iyon. But then, it only took a few seconds to process how dreadful that idea was—and it made Rhysand shiver.
‘Fuck, no.’ Napailing-iling siya. Ayaw nyang isipin ang posibilidad na iyan. ‘Think positive,
Rhy
. Kung ayaw din ni Keegan sa ginagawa kong
pagbanat
, dapat matagal na nya ‘kong
pinatigil
.’
Sigurado naman siyang sasabihin ni Keegan kung hindi ito kumportable. Pero ito pa nga ang pumapatol sa kanya o hindi naman kaya e unang babanat t’wing mabibigyan ng tsansa.
Me : kuyaaaaa? di ka na po nagrereply 😭 di mo po ba gusto yung song request ko? baka bigla ka pong nagrerelapse without me knowing. i can think of another song naman pls tell me po
Noong hindi pa nag-reply si Keegan, natataranta na si Rhysand. Inisip nyang tawagan ang binata para ipag-ring ang celphone nito pero nagdalawang isip siya dahil baka bigla lang itong may ginawa.
Magtitipa na sana ng idadagdag si Rhysand sa napakahaba nyang thread ng mensahe nang sa wakas e mag-reply si Keegan.
Keegan Chavez:
sorry sorry. oo maganda yung song reco pinapakinggan ko talaga kaya late ako nagreply sorry talaga, ry. nakalimutan ko magpaalam HAHAHAHA
Tila ba nakahinga nang maluwang si Rhysand noong sa wakas e mabasa ang reply ni Keegan. Over-acting nga lang siya. Ang akala nya, biglang naging busy ang binata o hindi naman kaya e kini-criticize na pala ang song taste nya.
Me:
ok pooo. bigla ka pong nawala akala ko ayaw mo yung song or something. baka po natrigger ko relapse mo huhu thank u for assuring po
Keegan Chavez:
ano? wala naman akong irerelapse??? kausap pa naman kita???
“What the hell do you mean by ‘wala kang
iri-relapse
dahil magkausap pa tayo?’ Gusto mo rin ba—” Hindi natuloy ni Rhysand ang sinasabi sa sarili dahil habang ineeksamina nya ang reply ni Keegan e bumilis ang tibok ng puso nya.
Fuck. He felt elated.
Ano? Naaapektuhan ba talaga nya si Keegan o muli lang silang mapaglarong nagbabanatan sa isa’t isa? Madalas, gusto nyang itanong at sabihing diretsahin na lang nila ang isa’t isa nang magka-progress ang relasyon nila pero natotorpe siyang kumprontahin ang binata.
Because his feelings were too much to handle, Rhysand bit his lower lip and slid onto his table, stretching his arms while still holding his phone high, his face buried against the cold surface of his study desk.
“Kuya…” Rhysand whined as he raised his head slightly to take a peek at his phone. “Do you even know how you’re driving me crazy?”
Napahawak si Rhysand sa kalahati ng mukha nya’t titig na titig pa rin sa celphone. His cheeks were slightly flushed, he’d been throwing his phone a soft gaze, and damn. His heart won’t just calm down, huh.
Me:
hehe. if true po, di ka rin naman magrirelapse sakin^^ wala po kong balak bumitaw sayo🫵🏽
Wala siyang balak na maging alaala lang dito kay Keegan. Magdadamot siya.
Gusto nya, kanya lang ang atensyon nito. At kung hindi pa malinaw ang ipinaparating nya kay Keegan… Aba, problema iyon dahil baka manhid ito, naguguluhan din ito sa kanya, o talagang hindi ito interesado.
Mag-ooverthink na naman siya.
Kung hindi lang siya torpe umamin, matagal na nyang sinabi kay Keegan ang nararamdaman. Ewan ba nya’t wala siyang lakas ng loob gawin iyon.
ㅤㅤㅤㅤHABANG paulit-ulit na binabasa ang reply ni Ryleigh sa kanya, hindi nya napansin na dumating na pala iyong hinihintay nya’t bigla na lamang siyang mahinang hinampas sa balikat.
“See! She’s into you, idiot!”
Malamang, napapitlag siya nang bigla na lamang mang-istorbo si Lyle kung kailan ginagamit nya ang isang daang porsyento ng brain cell nya para kumbinsihin ang sarili nyang platonic pa itong banat ni Ryleigh. Sa oras kasing isipin nyang hindi, paniguradong hindi kakayanin ni Keegan ang kilig at paghuhumerantado ng puso nya.
E kaso nga, dumating na iyong hinihintay nya.
Sabado. Day off nya’t napag-usapan nila ni Lyle na kumain sa café na nadiskubre raw nito malapit sa kumpanya nito.
Medyo naligaw pa si Keegan pero hindi naman siya gano’n kabulag para hindi mapansin ang tila ba bagong bukas na café sa main gate. Medyo agaw-pansin din naman ang lugar lalo na’t ang classy ng loob.
“Ang bobo-bobo mo na lang talaga Kee kung ‘di mo pa mapansing may gusto rin sa ‘yo iyang crush mo!” dagdag pa ni Lyle bago ito halos padabog na pumunta sa harap nya’t umupo sa tapat nya.
Kunot noo at nakasimangot nyang pinagmasdan ang kaibigan. “Tang ina mo e ‘no? ‘Di mo man lang ako sinabihang nandito ka na! Nagtaka pa ako kung sinong humampas sa ‘kin.”
“I clearly told you. Tignan mo pa sa notifications mo, that was around… seven minutes ago.” Ipinagkrus ni Lyle ang mga braso bago ito umirap. “Kasalanan ko bang sobrang focused mo riyan sa kausap mo’t ‘di mo mabigyang pansin iyong iba mong kausap sa messenger?”
“Ulul. Madalas hindi ka nagsasabi.”
“Nagsabi nga ako! Nakakahiya naman kasi sa ‘yo na panay kang reklamo ‘pag nasu-surprise ka. Tignan mo pa.”
Alam nya. Nakita naman talaga nya iyong reply ni Lyle at hindi talaga nya pinansin dahil kasabay noon e iyong reply ni Ryleigh—at mas nag-focus siya sa reply ng isang iyon kaysa sa sarili nyang best friend dahil… para saan ba? Magkikita rin sila ni Lyle.
Nagulat lang talaga siya na ang bilis nitong nakarating sa harap nya.
“Anyway, I read the message—”
Hindi na pinatapos ni Keegan ang kaibigan at pinakyuhan ito. Ang mga pisngi nya, hindi nya napansing namumula na pala sa hiya. “Tigil-tigilan mo nga ‘ko, tol. Ba’t ka nakikibasa ng mensahe?”
“Na-curious kasi ako kung ba’t sobrang focused mo sa phone mo. Iyon pala, indirect nang umamin ‘yang crush mo sa ‘yo tapos manhid-manhidan pa rin game style mo. Like… what the hell?” Pinaypayan ni Lyle ang sarili dahil tila ba naii-stress ito sa kanya.
“Anong manhid-manhidan? Nagpi-playing safe lang ako, tanga!”
“Bongga ka naman sa playing safe mo.” Inismiran siya nito. “Ang sabihin mo, ‘di mo kayang i-take iyong intensity ng pagkagusto sa ‘yo ni Ryleigh kaya iniiwasan mo. ‘Di ko talaga ma-gets ba’t mo ginagawa ‘yan e lantaran nang umaamin iyong tao, iniisip mo pa rin na mari-reject ka? God, Kee, ang gulo a.”
Itinabi sandali ni Keegan ang celphone nya’t tinakpan ang ibabang bahagi ng mukha para takpan ang pamumula ng mga pisngi nya.
Alam nyang walang kwenta. Kitang-kita pa rin ang pamumula nya sa tenga at leeg. Alam nyang nakikita ni Lyle pero hindi nito iyon pinupunto dahil naiinis ito sa kanya.
Gets din naman nya ang punto ng kaibigan.
“Nitong nakaraan ang sabi mo, gusto mong umamin kaya gusto mo siyang makita sa personal.” Bumuntong hininga si Lyle at itinuro siya pati iyong celphone nya. “Ang suggestion ko, umamin ka na muna online para sure kang ‘di ka mari-reject but it doesn’t seem that would happen anyway. Kahit pa’no ka umamin, feel ko gano’n din ang labas.”
Lalo siyang pinangunutan ng noo. “Anong labas?”
“…Obviously, magiging kayo.”
Putang ina.
Pagkasabing-pagkasabi ni Lyle noon e para siyang ice cream na natunaw sa kinauupuan. Hindi exaggerated sabihin kung paano siyang dumulas sa kinauupuan at napaubob sa sinabi ng kaibigan.
Hindi nya kinakaya itong puso nya. Napahawak na lang din si Keegan sa dibdib dahil pinapakiramdaman nya ang paghuhumerantado nito sa dibdib nya. Medyo ang hirap ngang huminga—pero hindi nya rin maiwasan na gumanda ang pakiramdam at parang nakakuha siya ng lakas ng loob na umamin.
“Lyle…” mahina nyang tawag dito.
Mahinang humimig ang kaibigan. Dama nya ang panonood nito sa kanya at nakumpirma iyon nang bigla nitong sundutin ang anit nya.
“Kailangan ko pa bang timing-an pag-amin ko?” tanong nya.
Muling napaismid si Lyle. “Ba’t mo pa ta-timing-an? Kahit pag-uwi natin, pupwede mo nang gawin e. Sasagutin ka rin naman kaagad ni Ryleigh.”
Natahimik siya.
Ayaw nyang bungaran lang ng ‘gusto kita’ si Ryleigh pagkauwi nya. Ang pangit kasi kung plain lang ang pag-amin nya—tapos, bigla nyang naalala ang huli nitong song recommendation.
Haharanahin nya. Oo, gusto nyang haranahin para hindi sobrang magulat si Ryleigh.
“Anyway, tara na nga! Nagugutom na ‘ko. Tatawag na ‘ko ng kukuha sa order natin, a?” ani Lyle.
Tipid siyang tumango bagamat nakaubob pa rin. “Sige lang.”
Kabanata 25
KABANATA 25
ㅤㅤㅤㅤMALALIM na bumuntong hininga si Keegan habang paulit-ulit na binabasa ang conversation nila ni Ryleigh. Kanina pa iyong tanghali at hanggang ngayon, hindi pa ulit nagpaparamdam ang dalaga.
Okay lang din. Medyo wala kasi siya sa mood na mag-reply lalo na’t noong pagkagising nya, ang unang bumungad sa kanya e iyong panggugulo na naman ng ate Katelyn nya.
Palibhasa, nalamang nakitulog siya kina nay Belinda ngayon.
Wala pa siya sa mood dahil halos katatapos lang nya awatin ang isang iyon. Kaya okay na ‘to, magba-backread na lang siya sa usapan nila ni Ryleigh at aasang magparamdam na lang ito kapag mas ayos na ang mood nya.
Ryleigh Agustin : good morning, kuya~ breakfast ka na po ❤️
Me : morning! ikaw din, kumain ka na ingat ka rin sa univ mamaya ahh. study well!
Ryleigh Agustin : yes po, para sa future natin charot haha laters na lang po, kuya!
Hindi naiwasan ni Keegan ang ngumiti nang muling mabasa ang huling message ni Ryleigh. Iyong para raw sa future nilang dalawa ang pagbubuti nito sa pag-aaral.
Hindi naman kailangang ganoon ang sagot nito pero… mali ba ang kiligin? Medyo bumuti tuloy ang mood nya. King ina, si Ryleigh din talaga ang nakakapagpabuti sa lagay nya e.
Ang dating, si Ryleigh ang pahinga nya sa lahat ng problemang kinakaharap nya sa mundo.
Pagkaisip na pagkaisip nya niyan, bigla siyang natigilan. Lalo na noong biglang mag-flash sa isipan nya ang isang pamilyar na imahe noong kabataan nya.
“Si Rhysand…” bulong nya sa sarili.
Bigla nyang naalala ang batang iyon.
Oo nga pala, isa sa mga naging agenda nya dati ang hanapin ang social media account noon dahil gusto nya sanang maki-reconnect. Pero hindi siya maswerte noon dahil ang hirap hanapin ni Rhysand—o baka nga hindi pa nito hilig ang social media kaya hindi ito gumawa.
Dahil naalala na lang din naman nya ang kababata, naisip nyang i-open ang Facebook app nya’t magtipa sa search bar.
Naalala na nya kung anong pangalan ng isang iyon: Marcus Rhysand Fajardo.
Ang bigatin at angas ng pangalan tapos iyong taong nasa alaala nya, ang liit lang at ang cute. Tang ina. Nami-miss nya si Rhysand na t’wing kasama nya e laging may bagong pagkain.
Boy scout pero sa pagkain.
“What the fu—” Hindi naituloy ni Keegan ang pagmumura noong may lumabas nga sa search entries nya.
Hindi eksaktong ‘Marcus Rhysand Fajardo’, pero marahil dahil nakalagay sa location nito e ‘Mabalacat, Pampanga’—isa ito sa mga unang lumabas sa resulta.
MR
Fajardoㅤㅤㅤㅤ Add Friend
Tapos nang pindutin ni Keegan ang profile picture, nabigla siya nang makita ang binatang imahe ng kababata nya.
Hindi siya pupwedeng magkamali dahil alam na alam nya ang itsura noon! Bagamat pumayat na ito, tumangkad, medyo lumaki ang hulma ng katawan at… gumwapo—king ina, alam nyang ito iyong batang matagal nya nang hinahanap!
Dali-dali nyang pinindot ang ‘Add Friend’ .
Tang ina. Sana naaalala pa siya ni Rhysand.
Hindi pa siya accepted pero hindi nya naman din maiwasang i-stalk ang account ni Rhysand. Nangalikot siya na parang timang.
At oo. Ito talaga iyong kababata nya—hindi nya inaasahang ngayong araw nya ito mahahanap kaya hindi nya napigilang ngumiti nang malawak at mas maging good mood.
“Keegan!” dinig nyang tawag ni nay Belinda sa kanya. “Nandito na iyong truck ng soft drinks, pwede mo bang tulungan ‘tong boy natin na magbuhat?”
“Susunod na po!” agaran naman nyang sagot bago inilapag ang celphone sa lamesa para lumabas. “Marami po ba ‘yan?—Alam mo, okay lang ‘nay. Good mood ako. Kahit ga’no karami ‘yan, yakang-yaka buhatin lahat.”
Sana may mas iganda pa ang araw na ito.
ㅤㅤㅤㅤNAHIGIT ang hininga ni Rhysand noong habang abala siyang mag-chat at manermon sa mga kagrupo sa messenger nya sa real account; bigla na lamang mayroong nag-notif.
‘Keegan Chavez sent you a friend request.’
Noong una, hindi pinansin ni Rhysand. Mainit pa ang ulo nya sa mga kagrupo dahil magsusumite na nga lang ng output sa trabaho, hindi pa maayos. Siya pa ang nag-revise dahil puro copy paste sa Wikipedia ang pinasa sa kanya.
But then—something hit him.
Noong si Leroy ang nag-take over sa pagsagot sa mga kagrupo nila sa group chat, muli nyang tinignan ang natanggap na notification.
“Ba’t naman ako ia-add ulit ni kuya? Na-unfriend ba nya ako?” naguguluhang tanong nya sa sarili.
Handa na rin sana siyang lumipat sa account nya bilang Ryleigh dahil magtatampo siya nang maeksamina nya nang mas maayos ang notification.
[
MR
Fajardo
1m
ago]
Keegan Chavez sent you a friend request.
“What the fuck.”
The way the colors on his face drained as he stared on his phone awestruck, then his Adam’s apple moved when he swallowed out of nervousness. Although Rhysand might look composed outside, his heart thundered against his chest, and there was shortness of breaths in between— it was suffocating .
Perhaps the blood rushed and went to his head because he felt somewhat dizzy. He even groaned out of frustration and something inexplicable whirling inside him as he continued to stare at that notification.
Na-ooverwhelm siya.
He should have expected this somehow and was he not worried before that Keegan had forgotten about him since… he stopped blabbering about his name to Ryleigh after months of talking yet here Keegan was?
Although Rhysand was hesitant, his fingers moved reluctantly to accept Keegan’s friend request.
“Bakit ngayon mo lang ako ulit hinanap?” he blurted out to himself, his eyebrows knitting a bit.
Hindi naman masama ang loob nya kay Keegan at hindi nya ito sinisisi kung na-distract ito dahil nandiyan naman na siya bilang si Ryleigh. Nakakausap nya na rin naman ito kaya ano pa ba ang hihingin nya? Pero… medyo nakakadismaya rin pala na ngayon lang siya nito nahanap.
Rhysand was supposed to open his messenger app to leave a message to Keegan when he was distracted by his group’s GC.
“Putang ina. Mamaya na si kuya.” Napipikon pa siya sa mga kasama nya.
After a few minutes of going into a virtual war with his good-for-nothing group mates, Rhysand sent a chat to Leroy that he’d split the work for both of them—pag-uusapan na rin nilang dalawa kung sinong liligwakin sa grupo nila dahil napakabigat buhatin ng mga ito.
Nakakasira talaga ng records at pasensya ang group activities. Minsan, isinusuka na lang din ni Rhysand iyong kagustuhang maging laude dahil ang hirap makisama sa iba kapag may ganito. Kung hindi lang siguro nya kasama si Leroy sa grupo, baka pinagtatapyas nya sa personal iyong mga batok nitong mga pabigat nilang kasama.
As soon as Rhysand relaxed, the looming dread of Keegan, adding him in his real account gradually haunted him.
‘Keegan?’ he thought to himself.
Right. He had not chatted with him yet. Anong oras na pamo at baka naghihintay ang isang iyon sa kanya.
Even though Rhysand’s train of thoughts led him to his to-do-list as Ryleigh, something about the thought of his crush bugged him. It felt like something was wrong and he could not pinpoint what it was until— it hit him .
“Fuck!” he exclaimed.
Rhysand didn’t bother to switch accounts. He could just tell Keegan later that he was so, so busy that he couldn’t find the time to chat with him as Ryleigh.
Rather, he had to face this bigger problem first.
And there it was.
Pagkabukas na pagkabukas kasi nya ng messenger nya ulit, nandoon ang pangalan ni Keegan at naka-bold font pa nga. Indikasyon na hindi pa nya nababasa ang mensahe nito at halos kasi-send lang din nito ng chat sa kanya.
Rhysand swallowed and prepared himself for this unavoidable moment.
He could… try and pretend that he did not remember Keegan. But that’s too far-fetched considering that he stayed with him at least until he was in first year high school.
Keegan Chavez:
hello, rhysand? tamang account naman tong naadd ko no kumusta na?
Rhysand’s heart thumped. His eyes danced in fascination as he read Keegan’s message over and over again.
He licked his lips and thought of a way to respond. Hindi nya alam kung bakit ganito siya umarte samantalang madalas naman nyang nakakausap si Keegan bilang si Ryleigh pero… may kung ano sa interaksyon nila ngayon.
Perhaps it was because deep down, Rhysand wanted Keegan to acknowledge him, talk to him as him—not as Ryleigh.
Me:
kuya!!! long time no talk!!! kumusta kana? namiss kita!!
Keegan Chavez:
kilala mo pa ko? buti at kinakabahan ako baka i-hu u mo ko pag nagchat ako hahahaha
Me:
bat naman kita kakalimutan? lagi nga kitang iniisip kahit nung umalis ako pacavite
Keegan Chavez:
suuus pero di mo man lang ako hinanap sa fb
Me:
ahh hahaha.
Paano ba nya sasabihin na hinanap nya si Keegan pero imbes na siya bilang Rhysand ang una nitong nakilala, e siya bilang si Ryleigh pala? Syempre, hinding-hindi nya sasabihin ngayon lalo na’t hindi pa siya handa na ilantad ang katotohanan.
Me:
hinanap kita pero nung di ko nakita pangalan mo sa fb di ko nalang tinuloy hahaha
Keegan Chavez:
ok lang. ako din naman di kita agad nakita hinahanap kita pero di ko makita fb mo ngayon ko lang ulit naisip hanapin dahil bigla kitang naalala
Me:
buti naalala mo ako kuya? hahaha
Keegan Chavez:
oo. iniisip ko kasi yung nakakausap ko tas may nasabi ako na biglang ikaw naalala ko buti nalang nahanap kita tapos inaccept mo friend request ko. kumusta na? college ka na rin pala
Keegan didn’t have to say who he was talking about. He already knew it was Ryleigh—the him from another account. And though Rhysand knew, he felt unreasonably jealous of himself.
Me:
ah oo kuya hahaha
Parang nawala siya sa mood pero hindi rin naman tama. Hindi ba dapat masaya siya na si Ryleigh ang bukambibig nito? Na siya rin naman sa ibang account? E bakit ang pangit ng dating sa kanya na kung hindi dahil kay Ryleigh e hindi siya ulit maiisip ni Keegan?
Normal pa ba ‘to? Bakit nagagalit siya kay Ryleigh e siya lang din naman iyon?
Although Rhysand started feeling uneasy since Keegan would sometimes subtly insert Ryleigh in the conversation, he had to swallow it all in.
It was painfully awkward for Rhysand but… he dug this grave and he had to die on it.
Keegan Chavez:
nalungkot ako nung di kita naabutan parang nung pagbalik ko ng pampanga, isang taon ka na palang nandiyan sa cavite
Me:
opo. nung mga panahon kasi na yun, naemergency si lola mahirap daw kasi kuya na kapitbahay yung mag aalaga sakanya tapos diba bata pa ko, kaya ang sabi ng mga kamag anak namin, sa cavite nalang daw kami para mabantayan si lola tsaka maalagaan din ako wala po kong choice. di na rin ako nakapagpaalam sayo kasi di ko alam kanino ako magsasabi. di ko din kasi alam kelan ka babalik
Keegan Chavez:
oo nga ehh. ang epal din kasi ng mga magulang ko pero nakalaya naman ako hahaha akala mo talaga nakulong. dinala lang naman ako sa dswd hahahaha pero kilala mo pa ba sina nay bel? sila nagalaga sakin
“Oo… alam ko,” aniya bago naiiling na napangiti. “You told me… when I was Ryleigh.”
Keegan Chavez:
anyway namimiss na kita hahaha gumwapo ka rin ahh. anong sikreto mo?
Me:
po? glow up lang yan kasi dumaan din ako sa pagiging teenager🤨 pogi ko ba? type mo ba?
Rhysand just couldn’t miss the opportunity to ask if Keegan would be interested in men. So, he had to ask things like this.
Kung o-oo si Keegan, masaya. Kung hindi, edi bahala na. Patay na lang din siya kung hindi nya kayang tanggapin si Rhysand bilang totoong katauhan ni Ryleigh sa hinaharap.
Keegan Chavez:
siguro. kaso mas bata ka kesa sakin hahaha tsaka may iba na kong gusto pakyu
Me : siguro…???? ano pong ibig sabihin ng siguro mo?
Rhysand perked up from his seat and he watched how Keegan typed his answer intently. His heart slowly hammered against his chest—anticipating good news that Keegan might swing that way either.
Keegan Chavez:
siguro kasi gumwapo ka naman talaga. parang di ikaw yung maliit na chubby na boy scout sa pagkain na kilala ko noon. bakit?
Me:
… uh pero type mo po ba ako
Keegan Chavez:
bat ganyan tanungan mo? may iba nga kong gusto. pakyu kang bata ka ahh
Putang ina. Iyan pa, isa ring problema ni Rhysand iyang ‘ibang gusto’ ni Keegan! May kung ano sa kanya na nagsasabing si Ryleigh ang tinutukoy nito pero ayaw nyang makampante kasi paano kung mali pala siya?!
Hindi nya papansinin. Ipipilit nya iyong kanya.
“Unang araw ko pa lang kausap bilang ako, hindi ko mapigilang hindi landiin,” bulong nya sa sarili habang medyo gigil siyang nagtitipa ng isasagot kay Keegan.
Me : pero kung wala ka pong ibang gusto?
Keegan Chavez:
bat ba interesado ka sa ganyan… type mo ba ko
Me : ako una nagtanong!!
Hindi maiwasan ni Rhysand ang mapahilamos ng mukha. Nakakasiphayo pala itong nanghuhuli ng sagot mula sa taong interesado siya maging boyfriend tapos… kanina pa siya direktang sinasagot.
Keegan Chavez:
ano ba hinuhuli mo ba ko kung bading ba ko? baka iblock mo ko puta
Me : di po. pero mas magiging confident kasi akong gwapo ako pag nalaman kong type mo ako eh 😌
‘Tsaka bakit nya iba-block si Keegan? Ang tagal nilang hindi nag-usap(Rhysand) tapos tatanggalin nya ulit ito sa mundo nya? Muling napahilamos ng mukha si Rhysand bago siya umubob sa study table nya. Medyo kunot na ang noo nyang nakatitig sa screen ng celphone nya.
Keegan Chavez:
kung di siguro tayo magkakilala no. sige pwede ka na
Me : so… do you swing that way?
Keegan Chavez:
ano? pre bobo ako sa english
Me : kuya naman ehh. tinatanong kita kung interesado ka ba sa lalaki at kung papasa ba ko kung sakali
Keegan Chavez:
tama ka na rhysand tangina mo eh di ka kuntento sa sagot nung tao
Me : opo :)) ikaw yan ehh. curious ako kung boyfriend material po ako sa paningin mo
Keegan Chavez:
masabuyan ka sana ng holy water may ibang gusto nga yung tao oh!!
Me : pwe
Hindi naiwasang matawa ni Rhysand noong ang mga susunod na reply ni Keegan e parang sinisermunan siya. Bagamat tila nakuha nya itong asarin, hindi nya mapigilan ang ngumiti habang binabasa ang mga chat nito sa kanya.
Rhysand missed him.
This feeling had nothing to do with him being Ryleigh. He was referring to himself and the way he conversed with Keegan, vice-versa. It was fleeting—too comfortable that he was convinced interacting like this was way too better than talking to the man of his dreams while pretending to be someone else.
Para siyang bumalik sa pagkabata. Noong mga panahon na magkasama sila ni Keegan, noong hindi pa sinisira ng mga magulang nito ang panahong dapat e magkasama sila hanggang sa bago siya umalis pa-Cavite.
Para siyang itinapon sa nakaraan noong tipong hihintayin nya si Keegan sa internet shop para maglaro o hindi kaya e ipipilit ang sarili rito habang abala itong maghanap buhay. Tapos bibigyan nya ito ng pagkain dahil boy scout nga siya pagdating sa snacks.
Me:
kuya, gusto mo bang magkita?
Keegan Chavez:
kelan?
**
A/N: Rhysand in his early 20’s was bratty.
Kabanata 26
KABANATA 26
ㅤㅤㅤㅤ‘WAS this all that I had to move?’ tanong ni Rhysand sa sarili bago nya inilapag sa sahig ang dalang kahon.
He looked around the room before he allowed a loose smile escape from his lips. Hindi nya alam kung ilang kahon ba dapat ang nandito dahil hindi naman nya gamit ang mga inihatid dito. Tumulong lang siya sa pagbubuhat at paglilipat dahil… alangan namang hayaan nya si Trixie na buhatin ang mga kagamitan nito?
That’s right. Rhysand’s clumsy cousin would be moving into his and his grandmother’s house.
Kung bakit? Ha. Hindi naman siya ganoon kainteresado sa buhay ng pinakamalapit nyang kamag-anak… But man, he did hear the rumors.
‘At the end of the day, it’s all about these people’s faith.’ Hindi naiwasan ni Rhysand ang mapaismid habang iniisip iyon.
A well-known fact about the Fajardo family is that they’re all religious. Very , at that. Some of them were quite obsessive about the whole religious thing and all this stuff about their god and shit. It’s something inevitable and, if Rhysand must say, unsettling .
Don’t get him wrong, Rhysand didn’t mind being religious and watching people express their faith towards God, or worshipping Him. What’s bothersome was that if they do not follow the customs their family had, especially if it involved their faith in Him, they’re fucked. Big time.
Anyway, the reason why Trixie was kicked out of her house was because she had stopped participating in the choir and attending church.
The reason? Simple, dahil nga medyo obsessive ang pamilya nila sa relihiyon at dahil wala na itong nakikitang growth o improvement sa mindset ng mga magulang, dumating na sa puntong ang dalas mapatanong ni Trixie kung tama pa ba iyong paniniwala ng mga ito.
Tapos dahil ang lola nila ang pinakastrikto pagdating sa paniniwala, rito ipinadala ang pinsan nya nang sa ganoon ay ‘
madisiplina
’ at gumaya raw sa kanya.
Ha! Anong gagayahin sa kanya?
‘It’s not like I wasn’t questioning them
either
,’ he thought before he looked at the wall clock sitting on the bedside table. ‘It
just so happened I can’t leave yet and I’m not as bold as
Trixie.’
Ni hindi nga nya maamin sa lola nya na hindi siya straight. Hindi nya pa kaya—kapag pinalayas siya, saan siya pupulutin?
The thought suddenly irked him. Probably in the US Navy.
May mga kamag-anak pa naman sila ro’n at ang dali lang na itapon siya sa ibang bansa nang madisplina siya’t maging ‘straight’.
But hey, how could he be heterosexual if Keegan was cute? Dati, ang barako tignan ng isang iyon pero nitong nakaraan, parang ang cute nya? What the hell.
“Marcus, nandito na ba lahat ng mabibigat na pinabuhat sa ‘yo?”
Rhysand was pulled back from his reverie after he heard Trixie. Nang hanapin nya ang boses nito, natagpuan nya ang pinsan nya sa may pinto at nakasilip habang may bitbit din na maliit na kahon sa mga braso nito.
It looked like she was mouthing something as she looked around the room. She was probably counting the boxes.
“Iyan na lahat ‘yon,” aniya na siyang umagaw sa pansin ng pinsan.
Trixie looked at him and flashed him a small smile. “Thank you. Sorry rin kasi naabala pa kita, mukhang nagpi-prepare ka pa naman sa exams mo.”
“It’s not like carrying your things took me hours,” he retorted before he rolled his eyes heavenwards. “Isa pa, alangan namang hayaan kita na magbuhat niyan.”
“May point.” Kinamot ni Trixie ang pisngi bago ito pumanhik sa magiging kwarto nito at inilapag sa itaas ng isang kahon ang bitbit nito. “Pero sa true lang, kung ako lang, si Louis ang iistorbohin ko. But like, ‘di kami legal and ‘pag nakita siya ni lola, baka mas lalo pa ‘kong managot.”
“Why were you even keeping him a secret? ‘Di naman masama na makipagrelasyon kay Louis.”
“Oh, trust me. If my parents don’t like him, pa’no pa si lola?” Trixie crossed her arms and snorted. “Anyway, you’re here naman to help me carry my things.”
“Tapos na trabaho ko. Pupwede na ba ‘kong mag-aral—”
Hindi pa man natatapos ni Rhysand ang sinasabi, narinig nila ang malakas na pag-ping ng celphone nya mula sa bulsa nya.
He sweat dropped. Usually, he’d leave his phone on silent but since he was busy and didn’t want to miss Keegan’s replies in the slightest, he turned off DND.
Kahit ang pinsan nya, napatingin sa bulsa nya kung saan nakabukol at nakasilip ang celphone nya.
“Keegan?” pag-uusisa nito bago ito ngumisi.
“Most… probably,” tipid na sagot nya pero umiwas lang siya sa pinsan nang lumapit ito sa kanya. “Ano ba? Makikitsismis ka pa, wala pa naman kaming ganap.”
“Anong wala? I thought he finally found you?”
“He did.” Rhysand had his nose scrunched and shot her suspicious glares. “E ano naman?”
“Are you still talking to him as Ryleigh?”
“Oo.”
“Bakit? Wouldn’t you like to try to pursue him as Rhysand na lang? I think Ryleigh should be insignificant now—”
“Keegan likes Ryleigh,” agap nya sa pinsan bago siya marahas na bumuntong hininga. “I could try and flirt with him right now myself but I don’t think I could snatch him from her .”
“Wow.” Trixie let out a small chuckle. “In fairness, she’s just you pero ang hopeless mo pakinggan when it comes to this.”
Tinaasan nya ng isang kilay si Trixie bago nya ito nilagpasan. “I mean, I don’t think I could still back out. Nasimulan ko na e.”
Bumuntong hininga rin ang pinsan nya. Nanatili ito sa kinatatayuan nito bago nito ipinagkrus ang mga braso habang tinatapunan siya ng—ano, nakakaawa? Nanunudyo na tingin? Hindi masabi ni Rhysand.
“I don’t mind it din naman but… it’s quite burdensome,” Trixie slowly said before she scratched her cheek. “I mean, I’m already in a relationship with Louie kasi and you’re still using my photos to get Keegan’s attention. So, I was kind of hoping that… you could pursue him as yourself na lang kasi for the benefit of you na rin ‘yon.”
Then, she continued, “wouldn’t you be happier if ikaw mismo, as Marcus Rhysand Fajardo, would be in a relationship with your beloved childhood friend? Instead of someone cloaked behind this dummy account, whose persona was just fabricated and stuff, tapos you’re impersonating me?”
Ibinuka ni Rhysand ang bibig para magsalita pero mabilis nya rin iyong isinara dahil hindi nya alam kung anong sasabihin. Parang lahat ng gusto nyang i-express, na-stuck na lang sa lalamunan nya.
Ano nga naman bang iri-rebuttal nya samantalang tama naman si Trixie? Hindi dapat dinidipensahan iyong kanya samantalang siya ang mali.
Ni hindi nga nya alam paano nasisikmura ni Trixie na mismong pinsan nito ang poser nito. O kung paano siya nito nahahayaan na i-pursue si Keegan samantalang mali na litrato nito ang ginagamit nya. Ano iyon, kabaitan na lang din o bayad sa utang na loob dahil sila madalas ang magkasangga?
Tama naman si Trixie sa sinabi nito. He should really be considering his life choices now.
“I’m just saying,” Trixie added before she shrugged. “I think it would cause you a lot of trouble rin naman in the future kung hindi ka pa aamin ngayon o hindi mo pa titigilan ngayon iyong pagkukunwari mo.”
Tinignan siya ng pinsan nya pero pilit lamang iniwasan ni Rhysand ang nanunuri nitong mga tingin. Halos pilipitin na nga nya ang leeg nang hindi lang nya makita ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Trixie.
How should he put what he was feeling right now? He couldn’t quite put a finger on it but maybe, just maybe , he was embarrassed .
Marahang inabot ni Rhysand ang batok ‘tsaka nya iyon minasahe. “I don’t know, Trix. I can’t say you’re wrong because—you’re totally not, but if you wore my shoes, you’d probably understand.”
“I don’t know. I don’t think so,” sagot naman ng pinsan nya bago ito tumawa. “Anyway, it doesn’t matter too much naman. Ano na lang, can you please do me a favor?”
“Ano?”
“Can you remove my photos sa dummy mo? Whenever me and Louis see the account, I get a weird sensation. I’m not Ryleigh, but it feels like I am cheating although Louis himself gave you permission to use my old photos.”
Rhysand pressed his lips together and he stared at his cousin with wide eyes. Parang may kung ano na bumagsak—iyong mundo nya? Iyong mga plano nya?—pero tama lang naman ang hinihingi ni Trixie at karapatan naman nito na ipatanggal ang mga litrato nito sa dummy account nya.
He couldn’t agree to it, though.
He knew he shouldn’t be declining the request, too. But he couldn’t bring himself to say ‘yes’.
“Mark?” tawag sa kanya ni Trixie.
Muli siyang nag-iwas ng tingin at bumuntong hininga. “Can you give me some… more time? I still don’t know how to explain it to Keegan in case he’d ask.”
“Thank you.”
“No… I should be the one thanking you because I’ve been a bother.”
“Magpakilala ka na rin kaya kay Keegan?”
Tinapunan nya ng masamang tingin ang pinsan. “One at a time. Sa palagay mo, may lakas ako ng loob na umamin ngayon?”
“Alright, geez. Nagtanong lang naman iyong tao, e.”
ㅤㅤㅤㅤMR Fajardo:
ㅤㅤㅤㅤhello kuya, slr! diba sabi ko lumipat yung pinsan ko samin? tinulungan ko lang maglipat. tapos na ko sa gawain ko, medyo napagsabihan pa nga ko kainis.
Hindi naiwasan ni Keegan ang mapangisi habang binabasa ang mensahe ng binata.
Alam naman nyang tumulong ito sa pagbubuhat ng mga gamit ng pinsan nito dahil ilang beses itong nagpaalam sa kanya kanina. Ilang beses nga itong nag-update, mula noong dumating na raw ang pinsan nito at ibinababa na raw galing sa kotse ang mga kagamitan nito.
Ang huli nitong chat e trenta minuto na ang nakalipas dahil pinagbubuhat na raw ito ng mga kahon.
Napaismid siya. ‘Ang
sipag
mag-update,
daig
pa kami ni Ryleigh sa isa’t isa. E iyon ngang gusto ko, ‘di ko man
iniistorbo
kapag busy, ito pa kayang si Rhysand?’
Oo nga pala, napaka-busy yata ni Ryleigh? Parang ang huling usap nila e kanina pang umaga. Ang mas madalas kasi nyang kausap ngayon e si Rhysand, pero nagsabi naman ang dalaga na magiging busy raw ito ngayong araw kaya… hayaan na lang nya muna.
Hindi naman siya iniiwasan no’n, ano?
Hindi pa naman siya umaamin kay Ryleigh dahil naghahanda pa siya, pa’no siya iiwasan? Hindi naman din siya pinapakitaan ng mga senyales na mari-reject siya. Sumasagot pa rin naman ito sa mga chat nya.
Napailing-iling si Keegan.
Dapat, hindi siya ganito mag-isip. Think positive, ika nga madalas ni Lyle.
“Uy, mukhang naghihintay ng reply si lover boy, a?”
Natigilan si Keegan nang marinig ang boses ni Kevin mula sa likuran nya. Nang ipilig nya ang ulo, ‘tsaka nya napagtantong malapit na pala ito sa kanya’t halos ipatong na ang baba sa balikat nya, nakikisilip din sa celphone nya’t ang sakto pa namang thread na nakabukas e iyong— ehem , mabuti na lang at iyong kay Rhysand.
“MR Fajardo? Mabuti at ‘di mo kausap iyong nililigawan mong maganda?” puna nito bago ito natigilan nang tila may mapansin. “Teka, pamilyar ang mukha niyan.”
Paano naman nito nasabing pamilyar ang mukha e ang liit ng profile picture ni Rhysand sa messenger?
Lihim na napaismid si Keegan bago nya ibinalik ang tingin sa messenger. Nang tignan ang skrin ng celphone nya, ‘tsaka nya napagtantong kaya pala nasabi iyon ni Kevin e dahil nag-send ng selfie si Rhysand sa kanya.
Nakababa ang buhok nito at halos maningkit ang mga mata sa pagkakangisi. Sa likuran nito, mayroong mga kahon na nakapatong-patong tapos parang may babaeng dumaan pero nakatalikod kaya hindi masabi ni Keegan kung sino, ‘tsaka naka-motion blur dahil parang nag-aayos iyon.
Mabalik, dahil noong naigala na ni Keegan ang paningin sa background ng litrato ni Rhysand, ‘tsaka nya napansin na nakasando lamang ito tapos may nakasabit na tuwalya sa mga balikat nito.
‘Ang pogi—’ Pasimpleng tinakpan ni Keegan ang kalahati ng mukha para takpan ang mga pisngi dahil pakiramdam nya e umaakyat ang dugo nya papunta sa mukha nya. Pumikit pa nga siya para lang huminga nang malalim e.
King ina.
Isa pa itong si Rhysand. Hindi naman nya gusto itong kababata nya, sigurado siya, pero kung visuals na lang din ang pag-uusapan, pang -out of this world at beyond his reach ang ganap ni Rhysand. Aaminin na rin nyang tipo nya ito pero— hanggang doon lang! Visuals nito ang nagdadala.
Hanggang sa huli, parang nakababatang kapatid talaga ang tingin nya rito. Kaya hindi siya papadala sa visuals ng isang ‘to.
‘Tsaka sus, ang dami na nyang poging nakasalamuha pero matapos noong kay Aaron Gonzales, hindi na siya nagkagusto ulit sa lalaki, ngayon lang siya—hindi naman attracted, pero naka-appreciate ng visuals ulit ng kapwa lalaki.
Muli nyang sinilip ang litrato ni Rhysand bago siya napaiwas ulit ng tingin. ‘Gago, ang gwapo talaga ng batang ‘to. Ganito dapat iyong
ilegal
na visuals, e.’
“Hindi ba ito iyong batang madalas mong kasama dati?”
Ah.
Napakurap-kurap siya bago muling lumingon sa tabi nya, ‘tsaka nya naalala na katabi pa nga pala nya si Kevin at naniningkit pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa skrin ng celphone nya.
“Tang ina, nandiyan ka pa nga pala,” mahinang usal nya.
Parang hindi makapaniwalang napatingin sa kanya si Kevin. “Tol, kanina pa! Kinakausap pa nga kita dahil kako ang pamilyar ng mukha nitong nasa messenger mo pero ‘di ka nakikinig. Panay iwas ka ng tingin, daig mo pa highschooler na kinikilig at pulang-pula ‘yang mukha mo.”
“Ha?!”
Napansin nito! Amputang ina, anong klase ng pagdadahilan na naman ang gagawin nya dahil hindi naman siya nag-out na interesado rin siya paminsan-minsan sa kapwa lalaki nya.
Habang inihahanda na ni Keegan ang sarili para magpaliwanag kung bakit ganito ang reaksyon nya, ‘tsaka naman meron pang boses na nakisali sa usapan nila.
“Anong meron? Magsisimula na ulit tayo sa praktis, ba’t nakaupo pa kayong dalawa riyan?”
‘Tsaka naman nila narinig ang malamig na boses ni Renzo mula sa likuran nila ni Kevin. Sabay silang napalingon, ‘tsaka nila ito natagpuan na nakapameywang at nakabusangot habang nakatingin sa kanila. Mula sa likuran nito, nandoon si Ian at tila ba gusto ring makitsismis pero napangunahan ng takot sa lider nila.
“Wala naman, ssob!” sagot ni Kevin.
Binalikan ni Keegan ang celphone nya’t mabilis na nag-reply kay Rhysand dahil magsisimula na ulit sila sa praktis nila.
Habang nagtitipa siya, narinig nya na nagpaliwanag si Kevin. Kesyo, nakita na raw pala ulit ni Keegan iyong kababata nito na kasama nito madalas dati sa internet shop para maglaro tapos pinaalala pa iyong mga panahong pinipeste nya si Renzo dahil nagtatanong kung paano nya hahanapin si Rhysand.
“Hoy pero noong minsan, ‘di naman na ‘ko nanggulo. Kusa na lang talagang nagpakita profile nito sa Facebook kaya in-add ko agad,” paliwanag naman nya habang binubulsa nya ang celphone.
Nang lingunin nya na ang mga kabanda, hindi kaagad rumehistro sa kanya ang mapanudyong tingin nina Ian at Kevin. Sa halip, ang unang tinging nakapukaw ng atensyon nya e iyong kay Renzo dahil halos hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito.
Napaatras siya’t medyo pinagpawisan nang makita ang malamig na pagkakatitig nito sa kanya. “Bakit?”
Inismiran siya nito bago ito umirap. “Nahanap mo pa pala ‘yang batang ‘yan.”
Natigilan siya nang marinig kung gaano kalamig ang boses nito.
Ano iyon? Parang galit ito kay Rhysand. Sa bagay, noon din namang nagtatanong siya kay Renzo dati tungkol sa batang iyon, parang hindi ito kumportable kaya tipid na lang magsasalita o hindi naman kaya e pipiliting ibahin ang usapan.
Habang ina-assess pa ni Keegan kung anong nangyari, tinalikuran na siya ni Renzo.
“Kung tapos na kayo riyan sa ginagawa ninyo, bumalik na kayo sa loob ng practice room. Marami-rami pa tayong gagawin tapos sa isang araw na ang performance,” kalauna’y dagdag pa nito bago ito umalis at tumungo sa nirentahan nilang practice room.
Naiwanan silang tatlo nina Kevin, Ian, at siya sa labas.
Nagkatinginan pa nga silang tatlo. Ibubuka pa lang din sana nya ang bibig nang pangunahan siya ni Ian.
“Iyong Rhysand, iyon ‘yong batang ayaw ni Renzo?” tanong ni Ian, may bahid ng paniniguro sa boses nito.
Tumaas ang isang kilay nya. “Ba’t naman ayaw ni Renzo kay Rhy? May ginawa ba iyong batang ‘yon?”
“‘Di namin masabi.” Nagkibit balikat si Kevin. “Alam mo par, no’ng bago ka kinuha ng DSWD, okay naman sila. Kaso parang bago yata umalis iyong bata, do’n nainis ‘yan si Renzo sa kanya.”
Anong ginawa ni Rhysand? Matatanong naman nya mamaya ang batang iyon pero nakukuryoso siya ngayon pa lang.
Dinagdagan ni Ian ang sinabi ni Kevin. “Parang nag-away yata sila no’n. Sa labas ng internet shop pero hindi namin alam kung bakit. Paglabas lang namin no’n, nag-walk out ‘yang Rhysand.”
“Alam ninyo, tara na at bumalik na sa practice room mga idol,” putol din ni Kevin sa kung anumang pinag-uusapan nila. “Nararamdaman ko iyong tingin ni Renzo rito. Ang talim ng tingin, akala mo iisa-isahin tayong saksakin mamaya.”
“Naramdaman mo rin? Grabe na talaga si Renzo.”
Matapos mag-usap noong dalawa e tumalikod na rin ang mga ito at naglakad patungo sa practice room. Habang siya, naiwan sa pwesto nya, naguguluhan at hindi malaman kung anong magiging reaksyon sa rebelasyon na iyon.
Pero hindi rin naman biro iyong sinabi ng mga ito na ang talim ng tingin ni Renzo sa kanila.
Nang mag-angat kasi siya ng tingin, natagpuan nya si Renzo na nakasandal sa railings ng second floor kung saan ang practice room na nirentahan nila. Matalim ang tingin nito sa kanya’t tila ba inuutusan na siyang bumalik dahil sina Ian at Kevin, bumalik na.
Okay.
Nagsimula na rin siyang maglakad pero parang kada hakbang nya, ang bigat.
Dahil ba sa kuryosidad? O ayaw lang talaga nyang may nagagalit kay Rhysand dahil mabait naman ang isang iyon? Pero hindi nya alam kung anong nangyari dati kaya sino ba siya para kumampi kung kanino sa kanila? Ewan.
Kabanata 27
KABANATA 27
ㅤㅤㅤㅤISINUKBIT ni Keegan ang bitbit na backpack sa balikat nya habang nag-scroll sa celphone nya. Nakita nya kasing nag-reply na rin si Ryleigh sa kanya tapos medyo marami na ring mensahe si Rhysand kaka-update sa buhay nito sa kanya kaya medyo marami na siyang binabasa.
Tapos na rin ang pag-eensayo nilang magkakabanda.
Nagkaayaan pa ngang uminom pero bilang hindi mahilig si Keegan sa ganoon, tumanggi siya. Isa pa, galing siya sa trabaho tapos bago pa siya pumunta rito sa praktis nila, dumaan siya kina nanay Bel para magbuhat ng mga softdrinks dahil wala raw si Vincent.
Ngayong may oras na siya para makapagpahinga, gusto ni Keegan na sayangin iyon sa paghiga’t paglalaro ng HOK.
“Sa’n ka pupunta? ‘Di ka ba sasama sa inuman?”
Natigilan si Keegan nang marinig ang boses ni Renzo.
Inialis nya ang tingin sa celphone para harapin ang binata, ‘tsaka nya ito natagpuang nagtatakang nakatingin sa kanya at bahagyang nakapilig pa ang ulo.
Ngayong tinitignan nya ito… mukhang nasa good mood na?
Kanina, noong nagpapraktis sila, buong oras itong nakabusangot mula noong mabanggit ni Kevin na nakakausap na nya ulit si Rhysand. Hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito tapos ang strikto pa nito sa ensayo nila kanina. Kaunting mali lang, kaagad itong nagsasabi ng kung anu-ano.
Kung hindi lang alam nina Keegan na hindi naman nito sadya ang pinagsasasabi, baka sinamaan sila ng loob e.
“Keegan, tinatanong kita,” maawtoridad nitong sabi kalaunan.
Nahigit siya mula sa pag-iisip at kaagad na napahawak sa batok nya. Kasabay noon e mahina siyang natawa. “Sorry, may iniisip lang ako pero oo, ‘di ako sasama.”
“Bakit?”
“Wala ako sa mood uminom ngayon ‘tsaka pagod na ako.” Hindi nya naiwasang i-stretch ang kanang braso nya. “‘Di ba nabanggit ko na galing ako kina nay Bel bago ako pumunta rito? Napagod ako na magbuhat ng softdrinks.”
“Gano’n ba.”
Bumaba ang tingin ni Renzo tapos parang para kay Keegan, tila ba nagtampo ito nang sabihin nyang hindi siya sasama sa inuman.
“May pa—pasok din kasi ako bukas,” pagdadahilan pa nya.
“Okay,” tipid naman nitong sagot.
Kumibot ang isang kilay ni Keegan. Hindi nya gusto iyong mga ganitong sagutan ni Renzo, parang ang laki ng kasalanan nya porket hindi siya makakasama sa inuman.
“Ayoko rin kasing umuwing lasing,” aniya pa.
Tumango ulit si Renzo. “Sige lang.”
“Tapos… marami pa ‘kong gagawin sa bahay. Ni ‘di ko pa naitutupi iyong mga labahan ko!”
“Gano’n.”
Ibinuka ni Keegan ang bibig para magdahilan pa sana pero bago pa man siya makapagsalita, natigilan din siya nang tila ba may matanto.
Kumibot ang isang gilid ng labi nya bago siya nag-iwas ng tingin kay Renzo.
Bigla siyang naging interesado sa flower vase na nasa may tabi ng hagdan malapit sa kanila samantalang palagi namang nandoon iyon.
Pero ayun nga.
‘Bakit ba ako
nagdadahilan
samantalang ‘di ko naman jowa itong si kuya
Renz
?’ pangangausap nya sa sarili. ‘Kung
makapagdahilan
ako parang ang
magtatampo
, iyong long-term jowa ko na ‘di ko pwede
iwanan
sa mga lakad.’
Samantalang noon kay Ivy, hindi naman siya mapagdahilan nang malala kahit na pinapakitaan din siya ng nagtatampong ekspresyon ng isang iyon noon.
“Sige na, umuwi ka na,” biglang sabi ni Renzo na humila sa kanya pabalik sa huwisyo. “Mag-ingat ka. Sa susunod, sumama ka na rin sa inuman.”
“A–ah,” nauutal na aniya bago siya tipid na tumango. “Siguro sa susunod na araw na lang tutal bar naman ‘yong pupuntahan natin, hindi ba?”
“Oo. Mauna ka na, baka hilain ka pa nina Kevin.”
“Si—sige. Salamat, kuya. Mag-iingat kayo.”
Matapos iyon ay tinalikuran na nya si Renzo. Noong marinig nya ang boses nina Kevin, ‘tsaka siya dali-daling umalis at halos takbuhin na nya ang pababa ng hagdan hindi lang siya maabutan ng mga ito.
Medyo tama naman si Renzo. Kung hindi pa nga siya aalis, baka makaladkad pa siya sa inuman.
‘Pero hindi ba si Renzo rin naman dahilan ba’t ngayon pa lang ako aalis?’ natatawang aniya sa sarili bago umiling-iling.
Noong sigurado si Keegan na hindi na siya maaabutan nina Renzo, ‘tsaka lang nya binagalan ang paglalakad. Palabas na rin naman siya ng kanto ‘tsaka saktong may tumigil na jeep doon at tila ba hinihintay siya.
Sakto.
ㅤㅤㅤㅤNANG makauwi si Keegan, ang una nyang ginawa ay buksan ulit ang messenger nya para replyan ang mga huling taong nag-message sa kanya. Kung sino? Malamang sina Rhysand at Ryleigh.
MR Fajardo:
MR sent a photo
miss u na kuya HAHAHAHA! wait, ano kasi. magiging busy ako ngayon kasi may reqs akong tatapusin. kung pauwi ka na, ingat ka. kumain ka rin!! gn gn miss u ulit kuya
Putang ina. Napapikit si Keegan para ikalma ang sarili noong muling mag-send ng litrato si Rhysand. Hindi na nya kailangang pindutin dahil nakikita naman nya ang itsura nito.
Bagong ligo. Basa pa ang buhok, mukhang tumutulo pa nga e. Mayroon ulit nakasukbit na tuwalya sa balikat ng binata.
Bakit ba ganito reaksyon nya kapag nakikita nya iyang mga litrato ni Rhysand samantalang sabay silang lumaki? Mas bata pa nga ito sa kanya ng… tatlo o apat na taon, hindi nya maalala!
“Nagagwapuhan lang ako!” aniya na para bang dinidipensahan ang sarili.
E bakit ba? Hindi ba nya pupwedeng i-appreciate iyang kagwapuhan ni Rhysand? Tutal binalandra na rin naman sa kanya ang visuals nito, sayang naman kung ipapagsakibit balikat lang nya.
“Tama, nagagwapuhan lang ako,” aniya ulit na para bang kinukumbinsi na ang sarili sa pagkakataong ito.
Kung bakit, hindi nya alam.
Basta parang siya mismo, nag-doubt sa sarili nya noong sabihin nyang gusto lang nyang i-appreciate ang blessing na si Rhysand.
Matapos humigop ng malalim na hininga’t maikalma ang sarili, inipon ni Keegan ang natitirang kadisentehan sa katawan at inihanda ang sarili sa pagtitipa ng isasagot kay Rhysand. Pinipigilan nya rin na mag-angat ng tingin at muling sulyapan ang litrato nito dahil nadi-distract siya.
Ilegal .
Hindi dapat ganito reaksyon nya sa kababata nya.
‘
Nagagwapuhan
lang ako,’ muli nyang pangungumbinsi sa sarili.
Me:
sige lang tol. take your time, magiging busy rin naman ako. good night din, wag magpupuyat.
Medyo nakakapanghinayang na hindi nya makakausap nang matagal si Rhysand ngayon (nasanay na siya dahil nitong nakaraan, madalas na rin silang mag-usap) , pero ayos lang naman dahil ibig sabihin, maitutuon nya ang buong atensyon kay Ryleigh.
Minsan kasi kapag nire-reply-an pa siya ni Rhysand tapos in-game sila ni Ryleigh, nagi-guilty siyang hindi siya kaagad nakakasagot. Hihintayin pa nyang matapos iyong ranked game nila ni Ryleigh bago nya reply-an si Rhysand.
‘ Teka nga, ba’t kung
umasta
ako e parang responsibilidad at
obligasyon
ko ring reply-an nang mabilis si Rhysand?’ Si Ryleigh naman ang gusto nya.
Na-miss nya lang talaga siguro iyong bata. Bumabawi lang siya sa mga oras na nawala sa kanila dahil magkahiwalay na sila—ang paulit-ulit nyang ipinupukpok sa isipan dahil natakot siya noong may ibang ideya ang bumisita sa isip nya.
Attached siya. Ang malala, baka gusto nya pa si Rhysand— imposible
! Tama lang iyong ideyang bumabawi siya rito dahil matagal din silang nawalay sa isa’t isa ng batang iyon.
“Ah.”
Natigilan siya nang biglang may maalala.
Nagdadalawang isip pa si Keegan kung itatanong ba nya kay Rhysand ngayon dahil nagpaalam itong magiging busy pero…
Iwanan na lang kaya nya ang mensahe’t hayaan ang binatang sumagot kapag libre na ito? Pupwede naman. Baka makalimutan pa nya ang itatanong e.
Me:
kanina… nalaman nina kevin na kausap na ulit kita natural nalaman din ni kuya renz pero biglang dumilim mukha nun nung nalamang nag uusap ulit tayo. sabi nila naiinis siya sayo nag away ba kayo? may alitan ba kayo? may di ba ko alam? pero kahit kailan mo to sagutin, okay lang good night ulit, rhy
Hindi na umasa ng sagot si Keegan mula kay Rhysand pagka-send nya noon at sa halip, ang in-open e iyong thread nila ni Ryleigh.
Habang nagtitipa siya ng pangungumusta sa dalaga at sasabihan na nya sana itong pupwede na silang magsimulang maglaro matapos ang isang oras dahil magpapahinga lang siya, nagulat siya noong biglang nag-chat si Rhysand.
Pagka-send nya ng mensahe kay Ryleigh, binalikan nya iyong thread nila ni Rhysand dahil nagtataka siya sa bilis ng reply nito.
MR Fajardo:
…mahirap explain sa chat kuya? mahabang kwento pwede ba ko tumawag nalang? para makwento ko habang tinatapos ko mga ganap ko sa univ
“Ha…” wala sa sariling sambit ni Keegan. “Tatawag? Kaila— sandali .”
Putang ina. Nakaka-tempt pero may laro kasi sila ni Ryleigh.
Pero kuryoso talaga siya anong nangyari at bakit naiinis daw kay Rhysand si Renzo samantalang… sa pagkakaalala nya, magkasama pa ang mga ito noong bisitahin siya sa police station bago siya dinala sa DSWD.
Napakagat si Keegan ng pang-ibabang labi at nagdadalawang-isip sa isasagot nya.
Hindi naman siya tsismoso at nasa taas pa rin naman ng priorities nya si Ryleigh pero… dahil matagal nga siyang nawalay kay Rhysand at ni minsan e hindi nya narinig na may alitan pala ito at ang kabanda nya, iba ang kati ng impormasyon na ito.
MR Fajardo:
pero kung may plano ka ngayon, kahit sa sunod nalang sabihan mo nalang ako kung kelan ka pwede kuya
Parang batang nataranta si Keegan noong makita ang susunod na mga chat ni Rhysand. Pakiramdam nya, inalok siya ng kendi tapos biglang babawiin dahil para siyang nagdalawang-isip.
Dali-dali siyang nagtipa ng isasagot.
Me:
pwede ka tumawag mamaya pa naman kami maglalaro nung kasama ko. magpapaalam nalang ako muna sa kanya pero bilisan lang natin ah. priority ko yun ehh
MR Fajardo:
okay lang talaga? okay. sabihan mo ko pag pwede na ko tumawag kuya
Me:
chat ko lang siya. diyan ka lang tol. stand by ka lang babalik ako agad
Hindi na hinintay ni Keegan na sumagot si Rhysand at mabilis nyang in-open ang thread nila ni Ryleigh.
May kung ano sa galawan nya na nagmamadali. Nakalimutan na nga nyang hindi pa siya nagbibihis at nakatayo pa siya sa may tapat ng pinto. Noong matanto iyon, mabilis nyang inalis ang bag at inilapag sa sofa bago rin siya bumagsak sa upuan hahang nagtitipa ng reply kay Ryleigh.
Ryleigh Agustin:
sure po kuya kee. take your time🫶🏽 sabihan mo po ako kapag tapos ka na. excited na po ako makalaro ka ulit kasi it’s been a while!
Keegan replied to Ryleigh:
uy oo nga, ang tagal na nating di nakakapaglaro pero gets ko namang busy ka sa pag aaral mo. pagpatuloy mo lang yan, mahihintay naman kita lagi ehh
Me:
oo nga pala. may tatawagan lang akong kaibigan. yung isang oras na sinabi ko kanina baka medyo maextend? gawin mo rin muna siguro mga dapat mong gawin okay lang ba? sasabihan nalang kita pag tapos na kami. sana pwede ka pa maglaro nun
Ryleigh Agustin:
go ahead lang po kuya. free po ako ngayon, mahihintay po kita. ikaw pa ba?🫶🏽 hintayin po kita. take your time po mwa!
Napahilamos ng mukha si Keegan kasabay ng pagsandal nya sa back rest ng kinauupuan nya. Hindi nya rin namalayan kung gaano kabilis gumuhit ang ngiti sa mga labi nya pagkabasang-pagkabasa nya sa sagot sa kanya ni Ryleigh.
Iyong kabog ng dibdib nya, hindi nya maipaliwanag. Medyo nakakaubos ng hininga pero nakakatuwa. Parang punung-puno ng kasiyahan ang puso nya kahit na simple lang naman ang reply ni Ryleigh sa kanya.
Me:
oo naman. babalik ako, babawi ka pa sakin diba? sige na balikan na lang kita mamaya. see you!
Hinintay pa nyang mag-reply sandali si Ryleigh pagkasabi nya ng mga salitang iyon pero noong nag-‘delivered’ lang ang mga mensahe nya, bagamat medyo dismayado, naisip nyang baka may ginawa rin ang dalaga.
Pagkatapos noon at nang makuntento na sa ilang segundong pag-aantay, ‘tsaka nya binalikan ang thread nila ni Rhysand.
Handa ba siya na matawagan nito? Hindi!
Hindi sanay si Keegan na tinatawagan siya. Sa totoo lang, snobber siya pagdating sa mga tawag-tawag na ganyan. Madalas, pinanonood lang nya ba mag-ring ang celphone hanggang sa maging missed call na lang ang lahat. Pwe.
Me:
rhy… okay na. tawag ka na.
Medyo ngumuso si Keegan noong mag-‘delivered’ lang din ang mensahe nya kay Rhysand. Siguro maiksi lang din ang pasensya nya pero kumibot din ang isang kilay nya’t naisip na mag-aalis muna sana siya ng sapatos nang bigla nyang makitang tumatawag si Rhysand!
King ina!
Muntik tumalon iyong puso nya samantalang iyong display sa screen lang naman ang nagbago!
Nataranta siya ulit pero hindi sobra dahil nasagot pa rin nya ang tawag ni Rhysand. Kaagad nya ring inilagay ang celphone sa may tenga nang sa ganoo’y marinig ang boses nito.
Ibinuka ni Keegan ang bibig para bumati sana nang agapan siya ni Rhysand.
“Kuya Kee?” naninigurong tawag nito sa kanya.
Hala, putang—. Hindi alam ni Keegan kung paano siya magri-react basta napayuko siya’t humilig paabante nang maipahinga ang braso sa may hita nya.
“Si…sino ka?” nag-aalangang tanong nya sa kausap.
Kumunot ang noo ni Keegan dahil biglang tumahimik ang background sa kabilang linya.
Kahit siya, hindi malaman kung anong magiging reaksyon dahil sa isip-isip nya, hindi… hindi malalim at baritonong boses ang inaasahan nyang marinig mula kay Rhysand.
Hindi nya alam kung anong klaseng boses ba ang inaasahan nya. Siguro iyong boses ni Rhysand noong high school pa lamang sila, iyong medyo matinis at tunog bata talaga nitong boses ang madalas nyang i-imagine sa binata bagamat hindi lingid sa kaalaman nyang marami nang nagbago rito.
Siguro hindi rin inaasahan noong nasa kabilang linya ang tanong nya.
Hindi nagtagal, natawa si Rhysand. “Si Rhysand. Ako ‘to, kuya. Tumawag lang ako, kung umasta ka parang ‘di mo na ako kilala.”
“Hi—hindi,” nahihiya nyang tugon bago nya kinamot ang pisngi. “Kasi… ‘di ko alam kung bakit pero hindi ganitong boses iyong inaasahan ko sa ‘yo kaya napatanong ako.”
“Huh? Then, what kind of voice were you expecting?”
“Iyong boses mo noong first year high school ka pa lang.”
“The hell is with that?” Muling tumawa si Rhysand. “Alam mo kuya, halos sampung taon nang lumipas iyong boses ko na ‘yon. Iniwanan mo ako noong… eleven or thirteen ako, magbi-bente uno na ako niyan.”
“A—alam ko.”
Hindi nagtagal, tumikhim si Rhysand. “I’d really love to catch up with you right now since it’s more comfortable to talk via call but…” He sighed. “We’ll both be busy tonight so I won’t beat around the bush anymore.”
“Tagalog,” ang tanging tugon nya sa sinabi ni Rhysand. Narinig nyang natigilan din ang kausap. “Rhy, mahina ako sa english. Alam kong alam mo ‘yon.”
“Ah… oo nga pala.” Tila ba kabadong tumawa ngayon si Rhysand. “Ang ibig kong sabihin, ‘di na ako magpapaliguy-ligoy pa kasi alam kong busy ka rin ngayon.”
Bago pa lumipad ang isip ni Keegan, pinukaw ulit ni Rhysand ang atensyon nya. Base sa interval ng pananalita nito, parang nagmamadali rin ito, pero sa bagay nagpaalam ang binata na may inaasikaso ito ngayon at baka naisingit lang ang tanong nya dahil nakuryoso siya’t ayaw nang ipagpabukas ang usapan.
“Hindi naman sa nag-away kami ni kuya Renzo pero parang may kaunting misunderstanding lang,” panimula ni Rhysand bago ito bumuntong hininga kalaunan. “Pero kung sinasabi nila na may bad blood siya sa ‘kin, ‘di ko alam kasi hindi ko naman dinibdib iyong nangyari noon. Nagulat nga lang ako na nabanggit mo kanina, kuya.”
Kumunot ang noo ni Keegan at marahas siyang napahinga. “Bale, ‘di mo alam na masama ang loob ni kuya Renz sa ‘yo?”
“Parang gano’n. Para kasi sa ‘kin, kalimut-limot iyong nangyari. Malay ko bang dinadala pa rin nya sama ng loob nya sa ‘kin hanggang ngayon. Ang tagal ko nang wala sa Pampanga, a.”
Oo nga, halos sampung taon na kagaya ng sinabi nito kanina.
Medyo sumimangot siya. “Okay, alam ko nang masama ang loob nya sa ‘yo pero bakit?”
Imbes na sumagot kaagad napaubo pa si Rhysand sa kabilang linya. Ilang beses nya itong narinig na nauutal at tila ba may gustong sabihin pero hindi malaman kung paano sisimulan.
“Um…” anito bago tila ba lumunok. “May sinabi kasi ako sa kanya pero ‘di ko rin gets ba’t siya sinamaan ng loob do’n.”
“Anong sinabi mo sa kanya?” pag-uusisa nya.
Tila ba nag-aalangan pa ito dahil nakakarinig siya ng kung anu-anong kaluskos sa kabilang linya. “Noong nasa police station ka, si kuya Renz kasi iyong madalas kong istorbohin noon na sumama sa ‘kin dahil ayaw ni lola.”
Alam nya dahil madalas nya ring makita ang dalawa noon bago siya dinala sa DSWD. Magkakasama pa nga silang kakain noon sa may caféteria ng police station tapos magbibiruan kesyo itatakas siya o babayaran iyong bail para makalaya siya— na hindi rin naman nangyari .
“Tapos no’ng nalaman naming kinuha ka na ng DSWD, medyo… nagwala ako sa harap nya. Nakakahiya nga e,” pagtutuloy pa ni Rhysand.
Mahina siyang humimig. “E ano naman? Anong konek no’n sa kung ba’t masama loob nya sa ‘yo?”
“May nasabi ako.”
“Ano?”
“Na gusto kita.”
Pagkarinig na pagkarinig ni Keegan ng sinabi ni Rhysand, tila ba tumigil ang oras.
Nahulog ang panga nya’t maraming ideya’t salita agad ang bumuhos sa isipan nya dahil pinipili nya kung paano siya sasagot sa biglaang pag-amin ni Rhysand.
Hindi pa nakatulong na bigla siyang nakaramdam ng hilo sa pag-iisip at dahil bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso nya’t hindi siya maka-keep up!—Pero bago pa man ibuka ni Keegan ang bibig para hanapin ang mga salitang gustong sabihin, natigilan siya nang dugtungan ni Rhysand ang kwento nito.
“Gusto kitang makita,” kalauna’y dagdag nito at nang sabihin iyon ni Rhysand, para siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil kumalma siya. “Na hindi ko alam pa’no kita hahanapin dahil biglaan iyong pag-alis mo tapos sabi nya, wala naman daw kwenta iyong pagwawala ko dahil dinala ka na sa Maynila.”
“Ta—tama naman,” nauutal nyang tugon bago nya sinapo ang dibdib at pinapakiramdaman ang puso.
Mahinang tumawa si Rhysand. “Alam ko pero dahil nga bata pa ‘ko noon, ‘di ko ma-gets kung ba’t wala akong magawa sa sitwasyon mo. I felt really helpless because I wanted you to stay with me.”
Then, Rhysand continued—“Sa sobrang inis ko pa kay kuya Renzo, ilang beses ko siyang namura. Nasabihan ko siya na walang kwentang karamay dahil parang wala siyang pakialam sa ‘yo pero alam ko naman na wala lang din talaga siyang magawa dahil estudyante rin siya.”
Oo nga naman.
“Doon yata sumama ang loob ni kuya Renz,” anito.
Napaismid si Keegan nang tapusin ni Rhysand ang kwento nito. “Kahit naman ako, sasamaan ng loob kung sasabihan mo ako ng gano’n. Kaya naman pala mainit dugo sa ‘yo e.”
“I know I am to blame but I was a child. Nag-sorry rin ako sa kanya ‘tsaka nag-reflect pero malay ko bang ‘di nya pa rin tinatanggap.”
“Kilala mo naman si kuya Renz.”
Tipid na humimig si Rhysand, ipinaparating ang mabilis nitong pagsang-ayon.
“He could’ve cut me some slack, though. I was only eleven,” bulong nito.
Bumuntong hininga siya. “‘Wag mo na ipagtanggol sarili mo, alam naman nating mali ka.”
“I know.” Sandali itong natahimik bago nito naisipan na ibahin ang usapan. “Kuya, mamaya ka pa naman magiging busy, ano?”
“Oo, bakit?”
“Pupwede bang ‘wag muna natin patayin itong tawag hanggang sa gawin mo na iyong gagawin mo?”
“Okay lang naman, bakit?”
“Wala, na-miss lang kita.” Bumuntong hininga si Rhysand. “Gusto ko lang din marinig boses mo.”
Kabanata 28
KABANATA 28
ㅤㅤㅤㅤAAMIN na dapat si Rhysand. Kaso noong mapansin nya na ang haba ng katahimikan sa linya ni Keegan at tila ba hindi nito alam kung paano sasagot, nakaramdam siya ng matinding takot.
Alam naman nya kung anong sasabihin ni Keegan. Needless to say, he would be rejected, then he’d say stuff that would remind Rhysand that he already likes someone else.
Does he need to know who it was? No, because it was obvious from the very start that Keegan had already taken interest in Ryleigh. Somehow, though the feelings were not directed to him, he could still consider it a win-win.
But would it hurt? Of course .
The other good thing about it is: Keegan was rejecting him because he liked Ryleigh and not because he didn’t like men. A subtle hint that he would still consider Rhysand if not for the current circumstances, that kept him going on pursuing Keegan despite the thought that he already liked someone else.
“Na, Rhysand. Ano sa palagay mo iyong dapat kong ipangharana sa nagugustuhan ko?” kalauna’y tanong ni Keegan sa kanya.
Rhysand paused from highlighting a specific sentence which he knew would be helpful in his exam when Keegan asked that. “What?”
“Tinatanong kita ng song recommendation at manghaharana ako. May suggestion ka ba?”
“A—ah, let me think.”
“Sige, sige. Kanina pa ‘ko sa YouTube ko kaso wala akong makita na magandang pangharana. Describe ko kaya siya sa ‘yo para alam mo kung anong babagay sa kanya?”
“There’s no need,” medyo iritado nyang sagot.
Nabigla siya noong bigla siyang naging iritado samantalang harmless ang tanong at suhestiyon ni Keegan.
It was just that, he didn’t like it when Keegan brought up Ryleigh’s name and had almost— not almost , he was just exaggerating—dropped her name since he wanted song ideas.
It was more frustrating when he thought about it because he’s also Ryleigh!
Tang inang pakiramdam ‘to. Sarili laban sa sarili. Hindi nya alam na nangyayari rin pala sa totoong buhay iyang mga conflict na pinag-aralan nya noong elementary siya’t high school tapos iyong pinakamalala pa ang nakuha nya.
“Ba’t ka biglang naiinis? Kung ayaw mo ‘kong tulungan, ayos lang sa akin, Rhy. Baka sumusobra na pala ako e busy ka—”
Hindi na nya pinatapos si Keegan at tumikhim siya. “No, it’s not that I don’t want to help you. Gu—gusto kong tumulong.”
Kahit walang saysay dahil siya rin si Ryleigh at maii-spoil lang siya sa mga plano ni Keegan. He wouldn’t feel the surprise of being confessed to once this man did what he needed to do.
But then again, how could he turn away if Keegan asked for his help?
“E ba’t ka biglang nagagalit…? Rhy, maiintindihan ko naman kung ayaw mong tumulong. ‘Di naman ako magagalit sa ‘yo o manunumbat,” anito pa.
Rhysand swallowed so hard that it almost hurt. “I told you, it’s not like I don’t want to help. Just…”
“Ano?”
“‘Di mo ba naiisip na nagtatampo ako dahil puro ibang tao bukambibig mo samantalang ako naman ang kausap mo?”
“Huh?”
Rhysand composed himself and prepared to act pitifully. “A…alam mo na, nandito naman ako. I still could help with the person you’re trying to pursue but…”
Noong hindi sumagot si Keegan, ipinagpatuloy nya ang sinasabi. “‘Di man lang ba sumagi sa isip mo na nagseselos ako?”
There. He finally said it. Hindi naman kasi talaga siya matampuhin at alam nyang alam ni Keegan iyon. Isa pa, hindi rin siya kumportable na ipinagsasakibit balikat lang nya ang pagseselos at sinubukan nyang i-play off lahat na para bang nagtatampo lang talaga siya.
When in reality, that wasn’t even the case!
“Nagseselos ako,” he repeated, almost breathlessly.
He could’ve added the words ‘hindi platonic kung hindi romantic,’ but somehow, his tongue tied and he decided not to force these words out of his mouth yet. Maybe it just wasn’t the right time to confess that he’s been in love with Keegan since… Ryleigh, which is just him , was a tough contender in his crush’s heart.
Katahimikan. Iyon ang sagot ni Keegan nang sabihin ni Rhysand dito na nagseselos siya dahil bagamat magkausap silang dalawa, si Ryleigh pa rin ang bukambibig nito.
Napalunok si Rhysand. How should he dismiss his real feelings and say that he was just toying around Keegan? Syempre, hindi siya masaya na kailangan nyang laruin ang sarili’t sabihin na nagbibiro lang siya pero ayaw naman nyang ang awkward ni Keegan.
Ibinuka ni Rhysand ang bibig para sana magsalita nang bigla na lang magsalita ang binata.
“—ina! Naka-mute pala ako!”
Rhysand blinked in confusion before he looked at his phone. Though he could only see Keegan’s profile picture, something about the fiasco that’s happening on his end and the constant shuffling and profanities that escaped from his crush’s end was… somewhat comforting, if it was alright to say it like this.
Hindi nagtagal, napahalakhak si Keegan. “Kanina pa kita minumura kasi ang pabebe mong pakinggan, daig mo pa jowa ko tapos nalaman ko na lang na naka-mute pala ako. Hanep, amputa.”
Rhysand could only stare at his phone screen before he finally tilted his head. “You… you were on mute?”
“Oo! Pagkasabi mo noong nagseselos ka, minumura na kita no’n kasi kako, napakapabebe mo.” Hindi matigil-tigil si Keegan sa kakatawa sa kabilang linya.
Nagpatuloy pa ito sa pagsasalita, “tapos no’ng inulit mo, kako pa nga nagki-cringe na ako kaya tigilan mo. No’ng tinignan ko kasi bigla ka ring nanahimik dahil akala ko, na-offend na kita kakamura ko, ‘tsaka ko nakitang naka-mute pala ako. Gago e, ‘no?”
Oh. Oh .
Rhysand heaved a sigh of relief. He even lowered his head until his forehead reached the flat surface of his study table, his hand was on his chest, and he tried to calm down his heart.
Sure, he might be frustrated and dismayed that Keegan didn’t take his feelings seriously but this was better than being outright rejected.
What? The worst thing that Keegan could say was ‘ no ’.
“Medyo nakakainis.” Sumagitsit si Keegan mula sa kabilang linya at sa hindi malamang dahilan, nai-imagine ni Rhysand na kinakamot nito ang ulo. “Sayang effort ko sa pagmumura sa ‘yo tapos hindi mo rin pala narinig.”
Rhysand raised his head, was forced to etch a smile on his lips, then he chuckled. “It’s okay. Buti na rin siguro na ‘di ko narinig.”
“E ba’t ba kasi kung umasta ka, parang sinasakal ka na sa selos?”
Kasi nagseselos naman talaga siya.
Oo, siya nga si Ryleigh pero hindi rin naman masasabi ng iba na iisa sila dahil hindi iyon ang buong katotohanan para kay Rhysand.
Ryleigh may be a figment of Rhysand’s imagination, carrying a part of himself through her whole identity, and it’s all him who was talking to Keegan; but she’s still different.
Si Ryleigh ang gusto ni Keegan, hindi siya.
“Kasi nga, magkausap naman tayo pero ibang tao bukambibig mo. Gusto kong magtampo,” medyo paawa nyang aniya nang maayos na ang sarili.
Inismiran siya ni Keegan. “Tigil-tigilan mo nga ako.” Tapos tila ba natigilan ito nang may maalala. “Sa iba na rin ako papatulong pero kung may song reco ka, chat mo ‘ko, a? Bukas naman messenger ko para sa kahit anong klase ng tulong sa panghaharana.”
“Heh. Buti sana kung ako haharanahin mo kuya, ayos lang e.”
“Ayusin mo nga, type mo ba ‘ko?”
‘Paano kung oo?!’ —was something that Rhysand was so tempted to say but he let out a dismissive laugh.
“Guess.”
Tila ba humimig na para bang naguguluhan si Keegan. “Tang inang sagot ‘yan, pero alam ko namang hindi.”
‘Paano mo nasabi?!’ —ang isa pang gusto nyang sabihin pero imbes na sumagot ay tumawa lamang si Rhysand.
“Mauuna na rin pala ako, pinangakuan ko pa si ano na maglalaro kami ng HOK e,” anito kalaunan.
Kumibot ang isang kilay ni Rhysand. “Pwede bang hindi na?”
Okay lang naman kung hindi na nito reply-an si Ryleigh, siya lang din naman iyon at kahit hindi sila makapaglaro ngayong gabi dahil magkausap silang dalawa ni Keegan sa call, ayos lang.
“I’m pretty sure she wouldn’t mind,” he added in a mischievous tone.
Keegan only clicked his tongue. “Tama na, may next time naman e. Makakausap pa naman kita. Balikan ko na ‘yon, nagsabi pa talaga ako.”
“E, kuya… Tiwala ka sa ‘kin, wala siyang pakialam.”
“Pwes ako meron, nami-miss ko na siya e.”
Nasisiphayong napahilamos ng mukha si Rhysand at nagngitngit ang mga ngipin nya sa inis.
“Rhy, mauuna na ‘ko. Asikasuhin mo na rin ‘yang tatapusin mo. Good night na, par,” paalam ni Keegan.
Rhysand blew a trill and reluctantly hummed. “Next time, sa ‘kin naman oras mo. Ayoko talaga na may kahati, kuya.”
“Ang clingy mo naman. Sige na, next time. Baka ‘di mo pa ‘ko babaan ng tawag e.”
Napangisi siya. “Pupwede namang i-drop mo na iyong call pero okay, I appreciate you for not trying to do so. Good night, kuya.”
“Good night din, Rhy. Sa susunod ulit.”
After they bid good night with each other, Keegan left the call and Rhysand was left staring on the screen of his phone.
He hissed before his eyes narrowed while he stared on his phone. ‘Nakakainis, pero next time ko na lang siya babawian.’
What was more frustrating was… right before Rhysand could pick up his phone, a notification showed up on top of his screen, and he groaned in frustration after he saw it.
[Ryleigh Agustin]
Keegan Chavez sent you a message:
ry, tapos na kami! pwede ka pa ba maglaro?
Fuck this and that—but fine, he was the one who dug this grave to himself.
ㅤㅤㅤㅤHINDI mapakaling pinunasan ni Keegan ang pawis na namuo sa mukha’t leeg nya. Ilang beses siya napadaing dahil kanina pa siya naiirita sa lagkit na nararamdaman nya. Hindi pa nakatulong na basang-basa ang likuran nya’t hindi siya kumportable sa dumidikit na tela sa balat nya.
“Tang ina naman, Lyle! Sa susunod na papapuntahin mo ‘ko rito, sunduin mo naman ako gamit ‘yang de aircon mong sasakyan!” reklamo nya sa kaibigan noong salubungin siya nito sa labas ng kumpanya nito.
Natigilan si Lyle noong makita ang pagkakabusangot nya. Alam ni Keegan, kahit gaano kagaling ang pintor na haharap sa kanya, sigurado siyang hindi maiipinta ang mukha nya.
“You know that I couldn’t because I was in a meeting, right?” tanong ni Lyle pero bakas na nakokonsensya ito sa itsura nito.
Sinagitsitan nya ang kaibigan bago siya bumuntong hininga. “E kahit pa, pupwede naman akong tumambay sa locker room ta’s hintayin na lang kita. Ang init talaga.”
“Diyos ko, Kee. Pa’nong ‘di rin mainit e naka-sweater ka pa?”
“Tamad akong magpayong kaya binalot ko na lang sarili ko. E gano’n din naman, kahit alisin ko ‘to, matindi pa rin init.”
“I mean, it could’ve still helped with cooling you down.”
“Heh.” Napailing-iling si Keegan. “Tama na, tapos na. Pawis na ‘ko at mamamatay na ‘ko sa init sa labas.”
Tumawa na lang si Lyle bago siya nito minuwestrahan na sumunod dito. Iyon naman ang ginawa nya.
Habang naglalakad patungo sa opisina nito, hindi napigilan ni Keegan ang tumingin sa buong paligid. Nakapagrenta ito ng pwesto malapit sa SM, isang buong floor din ang nakuha nito at ayaw pang i-disclose ni Lyle ang renta, pero alam ni Keegan na may kamahalan..
Bagamat maliit lang naman ang lugar, bilang malapit sa mga sikat na lokasyon sa Clark, iyon ang nakapagpataas ng value ng inuupahan ni Lyle na lugar.
Nagkibit balikat siya.
Mayaman naman si Lyle. Magmula noong umuwi ito galing Paris, umangat ito at nakapag-ipon nang malaki tapos maswerte pa ang binata dahil bagamat bago pa lang ang brand nito, mabenta kaagad dahil matibay at maganda ang kalidad.
Noong makarating sa floor kung saan ang nirirentahan ni Lyle, ang unang bumungad sa kanya ay bulto ng mga tela sa isang tabi, mga damit na hindi pa tapos, at mga trabahador sa kanya-kanyang estasyon ng mga ito at tinatapos ang gawain.
Hindi nagtagal, nakarating sila sa opisina ni Lyle at nang buksan iyon ng binata, kaagad na bumungad sa kanya ang amoy ng pagkain.
Hindi nya naiwasang umismid. “Nag-order ka na pala? Kaya pala ‘di mo ako inaya ro’n sa café na madalas mong puntahan.”
May bahid ng panunudyo ang boses ni Keegan at nang silipin nya ang itsura ng kaibigan, ‘tsaka nya napansing namumula ang mga pisngi ni Lyle at tila ba nagulat ito nang banggitin nya ang café.
Kumunot tuloy ang noo nya. “Anong nangyari? Namumula ka.”
“Wa—wala!” tanggi naman ni Lyle bago nito kinamot ang pisngi. “‘Di ko lang gustong lumabas ngayon kaya nag-order na muna ako.”
May something.
Hindi maiwasan ni Keegan ang paningkitan ng mga mata si Lyle habang pinanonood nya ang kaibigan na maglakad tungo sa lamesa nito. Iniba na nito ang usapan, nagtatanong dahil gusto raw nitong dumalo sa gig ng banda nila, pero dahil hindi pa rin nawawala ang pamumula ng mga pinsgi nito, nagdududa pa rin siya.
Baka naman nagkikita ito at iyong café owner?
Hindi naman lingid sa kaalaman ni Keegan na bagamat sobrang devoted nitong si Lyle kay Ridge, bukas pa rin naman ito sa ideya na pakikipagrelasyon sa iba.
Pero… Interesado nga si Lyle, madalas e hindi dumarating sa puntong magmamahal ito sa kung paano nito mahalin si Ridge.
Kung iyong café owner ang susunod na nabiktima ni Lyle…
Bumuntong hininga siya’t napailing.
Umupo siya sa isa sa mga sofa kung nasaan iyong lamesang may pagkain. Iniwawaglit nya sa isipan iyong ideyang baka nagkikita si Lyle pati iyong may-ari ng café na madalas puntahan nito.
“Nakwento ko na ba na nakita ko na iyong kababata ko?” panimula nya.
“Huh? Sino? Iyong Rhysand na madalas mong banggitin noon?”
“Oo, iyon nga. Nabanggit ko na ba?”
“No… I don’t think so.” Umupo rin si Lyle sa katapat na sofa noong sa kanya. “But I’m glad that you found him. Kumusta naman?”
“Gago, nanibago ako no’ng nakita ko siya… tapos nag-usap kami sa call nitong nakaraan, king ina parang ‘di ko na siya kilala.”
“I mean, bata pa kayo noong huli mo siyang nakita, ‘di ba?”
Hindi pinansin ni Keegan si Lyle at sa halip ay kinuha ang celphone mula sa bulsa nya. Kaagad nyang hinanap ang thread nila ni Rhysand. Bagamat nakita nya na nag-reply si Ryleigh sa kanya, ipinagsantabi nya muna dahil mas importante ang gagawin nya.
Nang makita ang mga pinaka-recent na litrato na sinend ni Rhysand sa kanya, pinindot nya ang isa ‘tsaka nya iyon iniharap kay Lyle.
“Tignan mo! Alam mo bang ‘di ganito ang itsura ni Rhysand dati? ‘Di rin ganito iyong inaasahan ko na magiging itsura nya ngayon!” tuluy-tuloy nyang sabi.
Hindi nya napansin na sobrang nailapit nya ang celphone sa mukha ni Lyle. ‘Tsaka nya lang iyon napansin noong halos maduling ang binata sa kakatingin sa celphone.
Hinawakan nito ang palapulsuhan nito nang idistansya kaunti ang gadget nang makita nito nang mas maayos ang ipinapakita nya.
Nang makita ang itsura ni Rhysand, napangiti na lang si Lyle. “Alam mo Kee, nakikita ko na iyong pattern.”
Kumunot ang noo ni Keegan. “Anong pattern?”
Ilalayo nya sana ang celphone mula kay Lyle dahil nakita naman na nito si Rhysand pero hindi pinakawalan ng kaibigan ang palapulsuhan nya.
“Mahilig ka sa moreno na medyo soft ang features, suplado ang dating pero mukhang inosente ‘tsaka matalino,” kampanteng sagot ni Lyle.
Kumibot ang isang kilay nya. “Pinagsasasabi mo?”
“What? I’m just saying. Pareho sila ng vibe ni sir Aaron, ‘di mo ba napansin? At crush na crush mo si sir Aaron noong kolehiyo ta—”
“Sandali! Putang ina.” Muntik hampasin ni Keegan ang lamesa sa pagkabigla. “Iniisip mong type ko ‘tong si Rhysand?!”
“Well…?” pilyong tanong ni Lyle bago nito ipinilig ang ulo.
Pakiramdam ni Keegan ay umakyat ang dugo nya sa mukha. Ang init, siguro namumula siya.
Nag-aalangang binawi nya ang palapulsuhan mula sa kaibigan ‘tsaka nya inilapag ang celphone sa lamesa… tapos bigla na lang nyang tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay.
“King ina, aaminin kong gwapo ‘yang si Rhysand pero nakakalimutan mo bang may gusto ako kay Ryleigh?!” asik nya kay Lyle nang makakalma.
Humalakhak naman ito. “Hey, I’m just saying. ‘Di rin naman malabo assumption ko kasi ang excited mo siyang pinakita sa ‘kin.”
“Kasi nga ‘di ganyan ang inaasahan kong itsura nya pagkatapos ng mga nakalipas na taon!”
“Defensive.”
“Tang ina, ‘di ba pwedeng nabigla lang ako at gusto ko lang i-flex sa ‘yo na kababata ko iyong gwapong nilalang na ‘yon?”
“Type mo—”
“‘Di nga! Lalayasan kita rito!” pagbabanta nya.
Kaagad namang itinaas ni Lyle ang mga kamay na tila ba sumusuko. Kabado na rin itong tumawa.
“Hi–hindi na… Ikaw naman, inaasar lang naman kita kasi ka-vibe talaga siya ni sir Aaron,” anito.
Sumagitsit siya pero nagkibit balikat. “Medyo.”
“Ilang taon na ‘yan?”
“‘Di ko maalala. Alam ko mas bata siya sa ‘kin ng apat na taon. Bale… kung bente otso na ‘ko–”
“Twenty-eight ka na?!”
“Gago ka ba? Bumalik ako sa high school, ‘di ba? Kaya naging magka-batch tayo.”
“O–oo nga pala… anyway, this means that this Rhysand is around twenty-four? Graduating?”
Humimig siya.
“Oh, so he’s around the same age as Ryleigh? Ano ring kurso nya?” pag-uusisa ni Lyle.
Pinasadahan nya ng tingin ang binata. “Educ din, pareho nga silang major in english ni Ryleigh. Ang galing ng coincidence, ‘no?”
“Ay, wow. Tapos alam ko nabanggit mo na taga-Cavite rin ‘yan, ‘di ba? Doon lumipat kamo.”
“Yep.”
“Ang nice ng coincidence.” Nagkibit balikat si Lyle bago siya tumawa. “Baka mamaya, magkakilala pala sila ni Ryleigh? Itanong mo kaya since nasa same area sila tapos ang dami nilang similarities?”
Huh?
Napamaang siya’t pinoproseso ang ideya at suhestiyon ni Lyle. Hindi nagtagal, halos mahulog ang panga nya sa realisasyon na oo nga—! Ang daming pagkakapareho nina Rhysand at Ryleigh sa isa’t isa!
“Lyle, oo nga!” Dinuro pa nya si Lyle dahil natuwa siya sa ideya nito. “Ang galing mo ro’n!”
**
A/N: Small rant— natatangahan na rin ako kay Keegan pero sige, ipagpatuloy natin ‘to since hindi pa nya nari-realize na lore-wise rin, pareho sina Rhysand at Ryleigh.
Kabanata 29
KABANATA 29
ㅤㅤㅤㅤ “RHYSAND, may kilala ka bang Ryleigh Agustin? Taga-Cavite rin katulad mo ta’s mukhang pareho kayo ng pinasukan na eskwelaha—”
“No. I don’t know her.”
Naiwang nakaawang ang bibig ni Keegan noong agapan siya ni Rhysand at kaagad nitong sagutin ang tanong nya. Kumibot ang isa nyang kilay at inalis nya ang celphone mula sa tenga bago nya binuksan ang loudspeaker noon.
Bahagya nya ring tinignan si Lyle na noo’y nakahalumbaba at nakangisi sa kanya. Ang mga mata nito, sumasaliw sa aliw habang hinihintay ang susunod na mangyayari.
“Does he know her?” bulong ni Lyle pero siniguro nitong hindi makukuha ng mikropono ng celphone nya ang boses nito.
Marahang umiling si Keegan ‘tsaka nya inilapit ang bibig sa celphone nya. Naririnig nya na parang medyo mahangin sa kung nasaan si Rhysand pati na rin iyong mga usapan sa background na hindi nya maintindihan.
“Mabuti? Anong school ka ba nag-aaral?” pag-uusisa ni Keegan.
“DLSU. E iyang tinatanong mo, sa’n daw?” tanong pabalik ni Rhysand. Bagamat normal, may bahid ng pagkainis.
Mula sa gilid ng mga mata nya, nakita nya ang pag-ismid ni Lyle.
“CSU yata. Akala ko magka-schoolmate kayo kaya naitanong ko.”
Humimig si Rhysand bago ito bagot na sumagot, “ah. Okay.”
Hindi alam ni Keegan kung anong klaseng reaksyon ba ang dapat na gawin nya dahil parang hindi interesado si Rhysand pag-usapan si Ryleigh. Sa bagay, palagi naman pero hindi naman din masama na magtanong kung magkakilala ang dalawa dahil pareho lang na taga-Cavite ang mga ito!
“…Busy ka ba?” tanong nya ulit kay Rhysand. “Baka nakaistorbo ako. Mukhang busy kayo ng mga kasama mo.”
“Sila lang, tapos na ‘ko sa parte ko sa group project.” Tapos sandali itong nanahimik at tila ba may sinita. “Plus I’d always make time for you, kuya.”
Napanguso si Keegan pagkasabi noon ni Rhysand. Habang si Lyle naman, biglang napasinghap at mahinang pinagpupupukpok ang lamesa nila habang takip nito ang kalahati ng mukha.
King ina.
“Kaso mukhang mas interesado ka lang na pag-usapan si Ryleigh. Eh.” Nag-tsk si Rhysand. “E ako, kuya? ‘Di mo ako tatanungin kung kumusta ako?”
“Oh my God!” mahinang sambit ni Lyle habang madrama nitong sapo ang dibdib.
Hindi malaman ni Keegan kung paano ba siya magri-react sa sitwasyong ‘to. Normally, lalambingin nya si Rhysand dahil mukha pa namang nagtatampo ang bata tapos si Lyle, parang hihimatayin na sa kilig diyan sa kinauupuan nito.
Ano ba dapat?
“…Ayaw mo pang buksan camera mo,” dagdag pa ni Rhysand. Mas bakas ang pagtatampo sa boses nito.
‘Tsaka lang napansin ni Keegan na bukas pala ang camera ng binata at nakatingin ito sa kanya—supposedly—pero dahil nakatihaya ang pagkakahawak nya sa celphone, hindi nito alam na ang katapat nito ay ang kisame sa café na kinaroroonan nila ni Lyle.
Ilalayo rin dapat ni Keegan ang celphone lalo na noong tumayo ang kaibigan para silipin ang itsura ni Rhysand, pero huli na ang lahat dahil hinawakan pa nito ang palapulsuhan nya.
Tumingin pa nga na tila ba gulat na gulat si Lyle sa kanya katapos.
“Kuya Keegan?” tawag sa kanya ni Rhysand.
“A—ah.” Marahas na hinatak ni Keegan ang palapulsuhan mula kay Lyle para mailapit sa kanya ang celphone. “Pasensya na. May ginagawa kasi ako kaya ‘di ako makasagot.”
“Talaga? Edi ako pa pala ang nakakaistorbo—”
“Hindi ka istorbo!” agap kaagad nya bago siya napahilamos ng mukha. “Sadyang bigla lang akong nagkaroon ng gagawin kaya ‘di kita maasikaso pero narinig ko lahat ng sinabi mo.”
“Oh.”
“Pupwede bang mamaya na lang kita kausapin? Emergency lang. ‘Wag kang mag-alala, itutuloy natin ‘tong usapan na ‘to mamaya.”
Napaismid si Rhysand. “Tungkol kay Ryleigh? No. ‘Di talaga kita re-reply-an.”
“Hi—hindi. Iyong tungkol sa ‘yo. Tapos na ‘ko sa tanong ko kay Ryleigh.”
“Really…?” tila ba nagdududa pa nitong tanong.
“Oo,” mabilis naman nyang sagot. “Pramis. Ikaw lang ‘tsaka ako iyong pag-uusapan natin mamaya. Cha—icha-chat na lang kita pagkatapos ko rito, Rhy.”
“Okay. Talk to you later, kuya.”
“Oo, bye.”
Noong mapatay na ni Keegan ang tawag, marahan nyang inilapag ang celphone sa lamesa. Kasabay noon ay ang pag-upo rin ni Lyle nang maayos sa pwesto nito dahil dumaan din iyong café owner na mukhang, mukhang nakakamabutihan nitong si Lyle ‘tsaka sila nabalot ng katahimikan.
Ilang minuto matapos ang lahat, ‘tsaka sila nagsalita.
“I told you he likes you!”
“Magkaanu-ano na kayo ngayon no’ng café owner?”
Hindi na nagulat pa si Keegan noong sabihin na naman ni Lyle na may gusto sa kanya si Rhysand. Ano bang bago? Ganyan naman ang hinala nito sa kababata nya magmula noong magkaroon ulit sila ng komunikasyon na dalawa. Kaya ang pinakamalalang reaksyon na kaya nyang ibigay ay ang lumunok at itago ang mukha gamit ang palad.
Samantalang si Lyle, natigilan at tila ba tinakasan ng dugo sa mukha habang nakikipagtitigan sa kanya.
Hindi nagtagal, bumalik din naman ang kulay sa mukha nito pero parang… sobra? Tila ba nangamatis ang binata dahil sobrang pula ng mga pisngi, tenga, at leeg nito.
“O tang ina, edi nahuli rin kita? Ilang beses mo pa ‘tong dineny!” mapanudyong aniya.
Napaatras si Lyle bago ito pekeng tumawa. “Wala… wala namang ganap sa ‘ming dalawa. Nagiging close lang kaming dalawa nitong nakaraan!”
Kinuha ni Keegan na oportunidad ito para magpahalumbaba bago nya nginisian si Lyle. “Alam mo, ilang beses mo na ‘kong dinaan sa ganyan lalo na no’ng nasa Italy ka tapos magugulat na lang ako na pinu-post mo na sa myday mo na hinahalikan mo na sa pisngi o ‘di kaya, kasama mo nang gumagala kung saan-saan.”
“Ye—yeah, but this time’s different, okay? ‘Di rin naman interesado sa lalaki si Gian.”
“Talaga ba?”
“Oo kasi kung interesado siya, wouldn’t I know? Wouldn’t I notice? Ang lakas kaya ng radar ko sa ganito.”
Pasimpleng pinasadahan ng tingin ni Keegan ang counter kung saan bumalik iyong Gian na may-ari ng café. Noong una, nakatalikod ito at tila ba may inaasikaso pero hindi nagtagal ay nahuli nyang magnakaw ito ng tingin sa lamesa nila ni Lyle. Hindi rin lingid sa kaalaman nyang nahuli siya nitong nakatingin at vice-versa kaya tila ba napapitlag ito at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Iyan ba ang itsura ng hindi interesado sa kaibigan nya?
“In fairness naman, may itsura. Mas gusto ko iyong mukha kaysa kay Gonzales,” kalauna’y aniya hanggang sa makaramdam siya ng sipa sa ilalim ng lamesa.
Mabilis nyang ibinalik ang tingin kay Lyle at mas lumawak pa ang ngisi nya. “Tang ina mo, ‘di ba interesado ka kay Gonzales? E ba’t kung umasta ka, parang gusto mo ring solohin ‘yang may-ari ng café. Porket close kayo?”
“Grabe ka naman, ang dami mo kaagad nasabi.” Nginisian din siya ni Lyle pero bakas na nairita ito sa kanya nang puriin nya iyong Gian daw. “Anyway, the conversation shouldn’t be about me but you and Rhysand!”
“E, ano na naman? Sasabihin mo na namang gusto nya ‘ko—”
“Ba’t? Hindi ba? Diyos ko, ang lala mo naman kung ‘di mo pa napansin na nagpapa-cute siya sa camera kanina. And who in their right mind would ask someone to ask them how their day went or how they were? He was practically begging you to talk with him without mentioning Ryleigh’s name.”
Hindi nagsalita si Keegan at sa halip, tumingin na lamang sa labas ng café. Kapag nagsimula kasing magganyan si Lyle, mahirap siyang pigilan. Patatapusin na muna nya iyong panenermon nito.
“He was jealous,” sa ganitong paraan, parang kino-conclude ni Lyle ang sinasabi nito pero hindi naman talaga. “No’ng sinimulan nyo iyong tawag, he sounded really energetic as if he was looking forward for you to call, you know? Tapos bigla mo siyang binagsakan ng tanong tungkol kay Ryleigh—”
“At kanino bang ideya ‘yon?” agap nya kay Lyle pero hindi siya nito pinansin.
“He sounded so, so annoyed!” Tapos tumawa pa si Lyle. “Anyway, grabe rin ang visuals no’n. Akala ko gwapo na siya sa pictures pero iba rin pala sa video call, ano?”
Tinignan nya si Lyle at sinimangutan. “Type mo?”
“Of course not! Alam nating dalawa kung anong type ko.” Tapos ay may pasimple itong itinuro sa may harap ng café. “If it isn’t like Ridge, then I’d definitely go for someone like Gian.”
“Tapos sabi mo ‘di mo ‘yan gusto?”
“We—we’re just friends! But you see, I still think that he’s my type.”
ㅤㅤㅤㅤPAGKATAPOS ng pagkikita nila ni Lyle, dumiretso si Keegan sa apartment nya. Kausap nya habang pauwi sina Rhysand at Ryleigh pero mas mabagal mag-reply ang isa sa mga ito kaya hindi nya alam kung anong mararamdaman.
T’wing sabay nyang kausap ang dalawa, mas bumabagal ang reply ni Ryleigh. Natataunan lang siguro dahil busy ang dalaga pero syempre, hindi maiwasan ni Keegan ang madismaya kapag hindi siya napagtutuunan nito ng atensyon. Pero sino ba siya para magreklamo samantalang hindi naman nya girlfriend si Ryleigh?
Bumuntong hininga si Keegan.
“So, what is it that’s gotten you so down?” tanong ni Rhysand.
Nakalimutan nyang magkausap nga pala silang dalawa sa call ngayon kaya naririnig nito ang bawat ganap nya.
Ibubuka pa lamang sana ni Keegan ang bibig nang pangunahan siya ng binata.
“I swear to God if it’s that Ryleigh woman again,” dagdag pa nito.
Napanguso tuloy siya. “Alam mo ikaw, ‘di ka rin makausap nang maayos ‘pag gusto kong pag-usapan si Ryleigh. Ba’t ba inis na inis ka sa kanya e ‘di naman kayo magkakilala?”
“I don’t know. You tell me.”
“Pinagsasasabi mo?” Muli siyang bumuntong hininga pero sa pagkakataong ito ay napasapo na rin siya ng noo at umiling-iling. “Wala naman akong ibang maisip na dahilan bukod sa… baka naman sobrang attach mo sa ‘kin at iniisip mong maaagaw ako ni Ryleigh tapos mawawalan ako ulit ng oras sa ‘yo ta’s baka iniisip mo na mawawalan na naman tayo ng komunikasyon at ‘di ka ulit magkakaroon ng kuya?”
Medyo lumapad ang pagkakanguso nya noong pati ang pagtitipa ni Rhysand na kanina pa nya naririnig sa kabilang linya e bigla na lamang tumigil.
“Close but not enough.” Tapos ay ipinagpatuloy ulit nito ang pagtitipa sa laptop nito. “Alam mo kuya, ‘di ko alam kung sadya mo ba ‘tong ginagawa sa ‘kin o manhid ka lang talaga?”
“Bakit? Ano bang meron?”
Imbes na sumagot ay nanatiling tahimik si Rhysand pero sa loob ng limang segundo, napansin nyang mas agresibo ang pagtitipa nito sa keyboard bago ito kumalma.
Dahil tila ba tahimik si Rhysand sa kabilang linya, ‘tsaka lang din nabigyang pansin ni Keegan ang daang tinatahak nya. Tang ina kasi, wala na palang puno banda rito at puro bahay—e medyo tirik pa rin ang araw kahit hapon na, wala pa siyang dalang payong.
Tatakbo ba siya o magta-tricycle? Iyan ang tanong kung may pera pa siya.
Petsa de peligro nga pala.
“Magkano ba Grab hanggang sa inyo, kuya?”
Natigilan si Keegan noong marinig ang boses ni Rhysand. ‘Tsaka nya naalalang magkausap pa rin pala sila at ongoing pa ang tawag nilang dalawa. Bale, lahat ng pinagbububulong nya tungkol sa init at pagtakbo sa ilalim ng araw dahil wala siyang pang-trike, rinig na rinig ni Rhysand.
“Anong Grab…?” nagtataka nyang tanong. “Kasasabi ko lang na petsa de peligro na ‘ko.”
“I know. I heard.” Narinig nya ang pag-ingit ng upuan ni Rhysand nang tila ba umayos ito ng upo. “Edi magsi-send ako sa Gcash mo para makapag-Grab ka.”
Anong pinagsasasabi ng isang ‘to?
Napahawak sa sariling tungki ng ilong si Keegan bago siya ulit bumuntong hininga.
“Rhysand,” maawtoridad na tawag nya sa binata.
Naglalambing na humimig si Rhysand. “Yes, kuya Kee?”
“Hindi ako nanghihingi ng pang-Grab,” kalauna’y dagdag nya ‘tsaka nagpameywang. “Isa pa, nasa street na ‘ko! Liliko na lang ako, apartment ko na. Talagang mainit lang ang daanan.”
“Oh.”
“Isa pa, ba’t ang bilis mong nakapag-alok ng Gcash? King ina, at sa ‘kin pa na nagtatrabaho?”
“I just… don’t mind since it’s you.”
“Bakit nai-imagine kitang nakanguso?”
“I’ll fix my expression. Nakanguso nga ‘ko.” Tumawa si Rhysand sa kabilang linya. “So, do I just bid you good luck? Malapit ka na rin naman sa inyo e.”
Hindi naman.
Mas gusto nya kung kay Ryleigh manggagaling ang good luck na sasabihin ni Rhysand pero dahil hindi na naman siya nire-reply-an ng dalaga, hindi siya makakahingi ng gano’n mula rito. Pupwede naman nyang i-chat pero siguradong late na siya makakatanggap ng sagot—edi wala rin.
Napailing siya bagamat hindi nakikita ni Rhysand iyon. “Kaya ko na ‘to. Sandali lang, baka ‘di kita maasikaso kasi baka tumakbo na lang ako pag-uwi.”
“Wouldn’t that raise your body temperature and would make you feel hotter?”
“Pakitagalog.”
Bumuntong hininga si Rhysand. “Kung tatakbo ka, ‘di ba mas tataas lang body temperature mo at mas maiinitan ka?”
“King ina. Kung makakauwi naman ako agad, okay lang.”
“Sure. Uminom ka na lang ng malamig pag-uwi mo.”
Iyon nga ang ginawa ni Keegan. Madalas talaga, nagpapasalamat siya sa nagbenta ng secondhand na refrigerator sa kanya. Maayos pa naman ang lagay at walang tumatagas kahit saan, mura rin sa kuryente, binenta lang talaga sa kanya dahil may nakitang mas maganda.
Nakauwing hingal na hingal si Keegan.
Hanggang sa makapagpahinga siya’t makapagbihis, kausap pa rin nya si Rhysand at hindi pa rin siya nire-reply-an ni Ryleigh. Pati na rin sa madramang paghiga nya sa couch nya at tamad na pagbubukas ng telebisyon para magkaroon ng background noise, nandoon din si Rhysand.
“Boring ba ‘ko?” tanong ni Keegan kay Rhysand.
Tila ba natigilan si Rhysand sa ginagawa nito. “Anong ibig mong sabihin, kuya? Sino nagsabi sa ‘yo niyan?”
“Wala, ako lang.”
Bilang hindi naman nakabukas iyong camera ni Keegan, nakuha nyang bumalik sa mismong messenger para tignan kung ni-reply-an na ba siya ni Ryleigh.
“Naisip ko lang na baka sa simula lang ako magaling ta’s kaya ‘di ako nirereplyan ngayon e dahil na-bored na sa ‘kin iyong kausap ko,” dagdag pa nya.
“Are we talking about a certain someone?”
“Oo.” Ngumuso si Keegan. “Hindi ko na babanggitin kung sino, alam kong kilala mo. Maba-badtrip ka lang kasi ‘pag sinabi ko pa.”
“Actually, badtrip na ‘ko dahil brining up mo na naman siya.”
“Hindi ko mapigilan.”
“Okay.”
“Gusto ko ng beer,” kalauna’y pag-iiba nya rin ng usapan.
Hindi na nag-react si Rhysand kaya bumalik siya sa video call nilang dalawa.
“Rhy, mauuna muna ako. Bigla kong gustong uminom,” aniya.
Mula sa kabilang linya, narinig nya ang paghinga ni Rhysand pero parang humimig din ito. “Kuya, can I still do something about this?”
“Ha?”
“Wala. Drink well, I also have to go. Sa labas ako magpapa-print dahil nasira iyong akin. ‘Wag kang papalasing.”
Noong pinatay na ni Keegan ang video call, mabilis ding lumipad ang isipan nya dahil sa tinanong ni Rhysand bago matapos ang tawag. Hindi nya mapigilang mapaisip kung tama ba ang intindi nya sa tinatanong nito… at kung tama rin ba ang hinala ni Lyle na gusto rin talaga siya ng kababata.
Kasi… ano ba ang babaguhin nito?
Kung iyong lesson plan na ginagawa nito magmula kanina, walang maisasagot si Keegan dahil hindi nya alam ang kalakaran at kung paano gumawa ng lesson plan.
Pero kung iyong tungkol kay Ryleigh dahil iyon din naman ang huli nilang napag-usapan bago ito nagtanong nang ganoon, hindi nya rin alam kung paano sasagot.
‘Tsaka, sa kanya pa?
Sa itsurang iyon ni Rhysand, imposibleng walang magkakagusto rito. Isa pa, hindi ba kapag ganoon ang itsura, dapat e nasa pareho rin na wavelength o lebel ang nagugustuhan? Gwapo si Rhysand kaya paniguradong maghahanap ito ng ubod ng ganda (o gwapo, kung interesado man ito sa lalaki) na magugustuhan.
Gagawin nyang halimbawa iyong dati nyang nagustuhan: Aaron Gonzales. Ubod ng gwapo ng isang iyon at nakakuha rin ng kaya makipagsabayan sa visuals nito.
Kaya imposibleng sa kanya nakadirekta ang tanong na iyon ni Rhysand. Baka sa lesson plan nito.
Ayaw nyang isipin na tama si Lyle at ang hinala nito.
Habang abala si Keegan na mag-isip at magpalamon sa ideya na hindi para sa kanya ang tanong ni Rhysand, natigilan siya noong bumagsak ang mga mata nya sa gitarang naka-display malapit sa telebisyon, ‘tsaka nabago ang kurso ng mga iniisip nya.
Si Ryleigh.
“Nitong nakaraan talaga, mas dumadalang pag-uusap namin ni Ryleigh,” nadidismayang aniya.
Nakakatakot tuloy umamin.
Nakakatakot ituloy iyong plano nya. Nakapag-record na pamo siya ng isang kanta at iisa na lang ang kailangang asikasuhin pero… base sa pakikitungo ng dalaga sa kanya ngayon, parang hindi magandang ideya ang umamin.
“Hindi naman siguro,” kalauna’y pangungumbinsi nya sa sarili bago siya tumawa. “Aamin pa rin ako. Gagandahan ko lang siguro ang timing.”
Tama.
Malapit na pamo ang birthday ni Ryleigh.
Kabanata 30
KABANATA 30
ㅤㅤㅤㅤWALA sa sarili at wala ring emosyong pinagmamasdan ni Rhysand ang mga araw sa kalendaryo. His eyes were focused on a certain date that his grandmother encircled so as not to forget what it was about. Nilagyan pa ng mga palamuti at maliit na indikasyong makakapagpaalala rito na iyon ang araw ng kaarawan nya.
“Oo nga pala ‘no, malapit na ang birthday mo.”
Natigilan si Rhysand noong marinig ang boses ni Trixie.
Nang hanapin ng mga mata nya ang kinaroroonan ng pinsan, ‘tsaka nya ito natagpuang nakatayo sa tabi nya at may hawak-hawak pang feather duster. “Anong ginagawa mo?” naguguluhan nyang tanong dito.
Trixie looked at him before she smiled and showed him what she was holding. “Nira-rhinitis si lola kaya naisipan kong linisan iyong mga bintana. I also dusted some of the figurines that we have around.”
“Ah.” Then, he looked away and searched for their grandmother’s room. “Oo nga, ‘di na siya nakakapaglinis gaano.”
“Matanda na si lola. Dapat nga, naglilinis ka rin ng bahay.”
“Oh. I do.” Bumuntong hininga siya at nagpameywang. “Nataunan lang na sobrang busy ko ngayon dahil patapos na ang semester ta’s ang dami pang satsat at cheche bureche no’ng magaling naming professor sa thesis kaya wala ako madalas sa bahay.”
“It must’ve been really difficult.”
“True.”
“So,” mabilis ding pag-iiba ng usapan ni Trixie. “Anong plano mo sa birthday mo? I mean, alam kong ayaw mong nagsi-celebrate pero… you must still have plans, right?”
Matamang pinagmasdan ni Rhysand si Trixie bago bumalik ang tingin nya sa kalendaryo.
Of course he did have plans. He wanted to steal Keegan’s attention from Ryleigh and direct it to him because that’s what he was supposed to do from the beginning and yet… he couldn’t.
Hindi nya alam kung alam ba ni Keegan na malapit na ang birthday ni Rhysand o kung naaalala pa ba nito. Well, if he did… he couldn’t blame him.
It’s been over ten years since they had communication and a lot has happened so… for something as trivial as his birthday, Keegan must have forgotten it already.
“Busy raw si Keegan kaya hindi matutuloy,” wala sa sariling aniya.
He planned to meet Keegan on his birthday. Whether they would meet halfway or he’d go back to Pampanga for a day, he didn’t know how they were supposed to do it but… That was the plan.
Nag-isang linya ang mga labi ni Rhysand bago siya ulit nag-iwas ng tingin mula sa kalendaryo. Hindi nya alam kung saan ba dapat siya tumitig pero may kung anong hinahanap ang mga mata nya na hindi nya naman alam kung ano. Basta. Siguro gusto lang din nyang iwasan ang mapanuring tingin ni Trixie na kanina pa nito ibinabato sa kanya.
“Mark? Are you okay?” pag-uusisa ni Trixie.
Napalunok siya’t tipid na tumango. “Yeah. I’m okay.”
“Are you sure? ‘Di mo pa sinasagot tanong ko kung may plano ka ba sa birthday mo. Since hindi naman kayo matutuloy kamo ni Keegan, umisip ka na lang kaya ng iba?”
“No. I’ll probably spend the day sleeping.” Tutal, busy naman si Keegan sa araw na iyon at baka hindi rin siya nito mapagtuunan ng pansin.
Though, Rhysand would normally pester Keegan about spending time with him, he suddenly didn’t feel like doing so since Keegan rejected him. Though it was done politely, he still felt bad that he couldn’t see the person he admired most on his special day.
But eh . That’s life.
You couldn’t just tell a person not to be busy.
“Kung gusto mo, gumala na lang tayong tatlo nina Louie.” Trixie clapped her hands and giggled. “Kahit kumain lang tayo sa labas o maglaro sa arcade. I think there’s also a good movie that would be coming out on the time of your birthday. Let’s see it.”
Mahinang tumawa si Rhysand bago siya umiling. “Thank you, but it’ alright. I’ll just sleep it off.”
Like his other birthdays, of course.
ㅤㅤㅤㅤIPINATONG ni Keegan ang basong pinag-inuman sa lamesang malapit sa kanya. Matapos iyon, kinuha nya ang bimpong nakapatong sa tuhod nya nang punasan ang butil-butil ng pawis na namuo sa noo nya.
Tang ina. Hindi naman siya nasabihang ang hirap din pala mag-video ng solo performance.
Napalunok si Keegan bago dumako ang tingin nya sa celphone nyang kanina pa tumigil sa pagre-record. Hindi nagtagal, hindi napigilan ni Keegan ang mapanguso dahil pang-ilang take na ito at hinihiling nyang kapag pinanood nya ang performance na ginawa nya sa pagkakataong ito, hindi na siya mag-cringe.
Isa pa… Espesyal kasi ang performance na ito. Lalo na’t malapit na ang birthday ni Ryleigh.
Kahit pa pakiramdam nya e may nakakalimutan siya pero ipinagsasawalang bahala nya ngayon dahil maaalala nya rin naman iyon sa susunod.
“Kapag talaga mukha akong gago sa performance na ‘to, ewan ko na lang talaga.”
Pagod na siya. Hindi naman half-assed iyong performance na binigay nya ngayon ‘tsaka fini-feature noon ang tatlong kanta na nagustuhan nya nitong nakaraan. Iyong isa, rekomendasyon pa ni Ryleigh. Bale: I Need You Now ni Caleb Santos, Dalangin, at Tibok ni Earl Justin. Iyong dalawa, rekomendasyon din iyan e. Sumakto sa gusto nyang sabihin kay Ryleigh kaya… Ewan. Basta sana sumakses muna siya sa pag-amin.
Bagamat tapos na si Keegan sa pagri-record, hindi nya mapigilang patugtugin ang gitara at magsimula ulit na humimig.
Natapos na iyong pag-record nya ng kanta. Iyong mensahe na lang na gusto nyang sabihin kay Ryleigh ang problema. Palagay nya, hindi nya iyon kayang gawin na naka-video na. Isa pa, ilang gabi rin siyang nag-isip kung paano aamin dahil ayaw nyang simpleng ‘mahal kita’ ang sasabihin nya.
Naghanda na nga siyang magbigay ng special performance, lalaruin pa ba nya ang pag-amin mismo?
“Sana talaga at okay lang lahat.”
Bago pa man kunin ni Keegan ang celphone para panoorin sana ang pinagri-record nya, natigilan siya noong palagay nya ay may nakita siyang pamilyar na pigura na dumaan sa may bintana ng apartment nya. Akala ni Keegan, guni-guni lang nya hanggang sumilip ito sa skrin ng pinto ng apartment nya.
“Keegan?” tawag nito sa kanya.
Kahit naguguluhan, itinabi ni Keegan ang nakakandong na gitara sa hita nya’t inilagay iyon sa ibaba ng couch bago siya umahon mula sa kinauupuan para pagbuksan ng pinto si Renzo.
“Kuya Renzo, napabisita ka?” pag-uusisa nya nang mabuksan nya ang screen door at mabigyang espasyo ang binata para makapasok sa apartment nya. “Anong okasyon?”
Inalis muna ni Renzo ang suot nitong sapatos bago ito pumanhik sa apartment nya. “Napadaan lang talaga. Naisip ko kasing ‘di pa ako ulit bumibisita ‘tsaka wala, gusto ko lang malaman kung kumusta ka na rin.”
“Huh.”
Minuwestrahan nya ang binata na umupo sa couch nya na siya rin namang tinanggap ni Renzo. Inilapag din nito ang mga gamit sa tabi habang siya naman e pumunta sa kusina.
“Ikukuha lang kita ng maiinom. Tubig o beer?” pag-uusisa nya.
Napahalakhak si Renzo. “Tubig lang. Magda-drive pa ‘ko pauwi.”
“Sus. Para namang malalasing ka sa isang bote.”
“Kahit pa. May trabaho pa ‘ko bukas.” Tila ba natigilan ito dahil bigla na lamang nanahimik. “O, nagpapraktis ka ng gitara? Nakaistorbo ba ‘ko?”
“Hindi, tapos na rin naman ako.”
Habang abala si Keegan na kuhanan ng maiinom si Renzo, pagbalik nya ng sala e natagpuan nya ang binata na kandong ang gitara nya at tumutugtog na rin nang kung anu-ano. Sa pagkakaalala nya, isa ito sa mga kantang pinerform ng banda nila nitong nakaraan.
Kung hindi siya nagkakamali… ‘Muli’ ni Ace Banzuelo?
Umupo si Keegan sa katabing couch ‘tsaka nya inilapag ang tubig sa maliit na lamesang hinila nya palapit sa kanila ni Renzo.
“Iyan ba ulit ipeperform natin?” pag-uusisa nya.
Ngumiti si Renzo habang patuloy itong tumutugtog. “Hindi naman. Naisip ko lang ulit tugtugin tutal nakabalandra lang gitara mo rito.”
“Hindi siya nakabalandra, sadyang ‘di ko lang itinabi kasi kumuha pa ‘ko ng maiinom mo.”
“Bale, kasalanan ko pa?”
Imbes na sumagot ay nagkibit balikat lamang si Keegan bago siya sumandal sa kinauupuan nya. Tahimik nya ring pinanood si Renzo hanggang sa simulan nitong kantahin ang chorus ng ‘Muli’.
Paano ba nya ipapaliwanag ang boses ni Renzo? Ipinilig nya ang ulo.
Tenor? Sa lalaki. Mataas para hindi masakit sa tenga—ganito iyong tipo ng mga bokalista na sikat at gusto ng karamihan ngayon. Pero hindi ba sikat naman talaga si Renzo? Kapag may gig sila, maraming lumalapit dito, may mga nagtatangka pa ngang maiuwi o maging girlfriend (o boyfriend) pero ni isa, walang sumakses.
Nagpahalumbaba si Keegan at inobserbahan si Renzo hanggang sa matapos itong kumanta. Nang matapos ito sa pagkanta at pag-inom ng tubig na inalok nya rito, ‘tsaka pa lang siya ulit nagsimula ng topic.
“Alam mo bang wala akong pangmiryenda sa ‘yo?” pag-uusisa nya.
Bumaling sa kanya si Renzo ‘tsaka ito may inilabas na plastik mula sa tabi nito. Parang magic.
“Nagdala ako ng makakain kasi alam kong sasabihin mo ‘yan. Petsa de peligro, ‘di ba?” natatawang balik nito sa kanya.
Bumuntong hininga siya. “Hindi naman. May panghapunan naman tayo kung dito ka hanggang mamaya, sadyang pangmiryenda lang ako na-short.”
“Okay lang ‘yon at oo, gusto kong dito ako hanggang hapunan kung ayos lang sa ‘yo.”
Nginitian lang din ni Keegan si Renzo tapos ay itinuro nya ang gitara nya. Tinanong nya ito kung gagamitin pa ba pero noong sinabi ni Renzo na huwag munang itabi, hinayaan na muna nya ang bisita. Isa pa, gusto nya rin namang naririnig kumanta si Renzo bagamat hindi nya rin maiwasang mainggit sa boses nito.
Hindi nya maipaliwanag iyong kanya.
Sabi nina Renzo, maganda naman daw ang boses nya pero bagay daw kung ibang genre ang kakantahin tulad na lang ng rock at alternative rock. E hindi rin siya fan ng mga ganoon at mas gusto nya iyong mga romantic din at ballad—eh.
Bumuntong hininga siya.
“Oh? Ba’t bigla-bigla ka na lang bumubuntong hininga at nada-down diyan?” tanong ni Renzo habang tinutono ang gitara nya.
Napasapo siya ng noo. “May naisip lang… Kuya, tingin mo ba kung manghaharana ako ta’s ganito boses ko, ‘di kaya masisira iyong parang romantic na atmosphere dapat?”
Natigilan si Renzo noong bigla siyang magtanong nang tungkol sa panghaharana nya tapos ay wala ito sa sariling lumingon sa kanya. Tila ba nagtataka, basta hindi maipinta ang mukha nito hanggang sa unti-unting kumunot ang noo nito.
Medyo kumunot ang noo ni Keegan noong ngumiti si Renzo pero may kung ano sa pagkakangiti nito na hindi nya mawari at maipunto.
“Kinakausap mo pa rin ba ‘yon?” tanong nito na para bang nag-uusisa, medyo matalim din ang tono ng boses nito. “Iyong sinabi nina Kevin dati na madalas mong kausap sa chat?”
Ilang beses na napakurap si Keegan bago ipinilig ang ulo, tila ba namamangha na naalala pa rin ni Renzo si Ryleigh bagamat hindi na nya ito madalas banggitin at hindi na rin siya madalas asarin nina Kevin o Ian dito.
Nahihiyang ngumisi si Keegan. “Hindi na gaano pero…”
“Hindi na gaano? Did she dump you already?” tanong naman agad ni Renzo.
“Ba’t parang excited ka na ma-reject ako?” Sumagitsit siya. “At hindi, ‘di ako na-reject o ano. Sasabihin ko lang na ‘di kami madalas makapag-usap ngayon dahil busy siya sa gawain nila sa university.”
Napatitig sa kanya si Renzo bago bumagsak ang mga balikat nito at bago ito nag-iwas ng tingin. “Gano’n, akala ko ‘di na talaga kayo nag-uusap.”
“Sana ‘wag mo ‘kong lagyan ng evil eye, kuya.”
Hindi nagsalita si Renzo. Sa halip, nag-iwas pa ito ng tingin sa kanya at kinuha ang plastik ng miryendang baon nito ‘tsaka iyon inilapag sa maliit na lamesa na nasa harap nilang dalawa. Kaagad din namang nalipat ang atensyon ni Keegan sa pagkain dahil wow, may potato chips na barbeque flavor.
Iyon ang unang inatake ni Keegan at binuksan nang malantakan nila.
Habang abala siyang kumain, hindi nya maiwasang mapansin ang biglaang pananahimik ni Renzo. Mula sa romantikong mga kanta, bigla ring nagbago ang genre ng tinutugtog nito.
Okay lang naman kay Keegan iyong tahimik na atmospera pero hindi siya sanay kung may Renzo galing.
ㅤㅤㅤㅤMAG-AALAS diyes na rin nang gabi noong maisipan ni Renzo ang umuwi. Medyo natagalan din ang pagbisita nito dahil bumili pa sila ng pulutan sa malapit na convenience store noong bigla na lamang itong nag-aya na uminom. Isang bote lang naman daw dahil uuwi pa ito kaya hinayaan na lang din ni Keegan.
Hindi nya alam kung bakit pero… si Renzo ang ikalawang taong nakilala nya na ayaw na ayaw na binabanggit nya si Ryleigh. Bukod kay Rhysand.
Kanina kasing sinubukan nyang ibalik ang usapan kay Ryleigh dahil parang oportunidad iyon na maglabas ng nararamdaman para sa dalaga, bigla na lang tumayo si Renzo at umakmang aalis, na siyang pinigilan nya tapos no’ng iniba na nya ang usapan e kumalma rin ito.
“Ano bang meron sa mga tao ngayon at ayaw nilang binabanggit ko si Ryleigh?” tanong nya sa sarili habang pinanonood si Renzo na isuot ang helmet nito.
Nang matapos ay bumaling sa kanya ang binata at sumenyas. “Mauuna na ‘ko, Keegan. Magpahinga ka na rin, may pasok ka pa bukas, ‘di ba?”
“Ikaw din, kuya. Mag-ingat ka rin sa pag-uwi lalo na at uminom tayo kanina.” Ipinilig nya ang ulo at nginitian ito. “Marami pa namang balita ng aksidente ngayon kesyo nakainom ang driver, inaantok, o nag-panic.”
“I’ll keep that in mind. Thank you. O sige na, good night. Salamat.”
“Salamat din.”
Sumakay si Renzo sa motor nito at sinimulan na ang engine. Ilang segundo lang ang lumipas ay pinatakbo na ng binata ang behikulo at tuluyan na ngang umalis. Habang si Keegan, naiwan sa labas ng apartment nya’t pinanonood ang kaibigan hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin nya.
Ipinagkrus nya ang mga braso ‘tsaka siya tumingin sa langit.
“Keh. Ang pangit talaga ng view dito. Puro sapot ng electric wiring, wala akong makitang maayos,” reklamo nya bago siya pumanhik papasok sa apartment nya.
May mga nakasalubong pa siyang kapitbahay pero dahil hindi rin naman nya ka-close ang mga ito e hindi na rin siya nag-abalang bumati. Basta ay bumalik lang siya sa loob ng apartment, nagligpit ng mga kalat nila ni Renzo, at pumunta sa banyo para maghilamos nang makatulog na.
Tapos bigla nyang naalala sina Rhysand at Ryleigh.
Kaninang magkasama sila ni Renzo, hindi nya gaanong ma-reply-an ang mga ito dahil tila ba ayaw ng bisita nya na mayroon siyang ibang pinaglalaanan ng atensyon. Hindi nya rin malaman kung anong tumatakbo sa isip ni Renzo pero… bahala na, ayaw nyang alamin.
MR Fajardo:
MR sent a voice message. MR sent a voice message. MR sent a voice message. MR sent a voice message. Nakasanayan na siguro pero ang unang binuksan ni Keegan na thread sa messenger e iyong kay Rhysand. Ang dami pa nitong pinagsi-send na voice message. Pakiramdam nya, nagra-rant na naman ito tungkol sa mga kagrupo nito sa thesis.
Makakarinig na naman siya ng: ‘Just listen to me, kuya Kee. I’ll never get how only me and Leroy were the sensible ones in the group.
Napakabibigat
no’ng iba!’
Dahil ganyan naman palagi ang lintanya ni Rhysand sa t’wing magkukwento ito patungkol sa sarili.
Bagamat iyong kay Rhysand ang una nyang binuksan na thread, hindi nya kaagad ni-reply-an ang binata dahil kokunsumo ng mahaba-habang oras ang voice messages na pinadala nito. E si Ryleigh, simpleng mga chat lang naman ang sini-send sa kanya.
Ryleigh Agustin:
kuya, busy ka po ba ngayon? gusto ko po sana maglaro if libre ka oh. mukha ngang busy ka kasi di ka nagrereply 🥲 i’ll wait for you nalang po kuya, i miss u na po
Keegan:
ui pasensya ka na bumisita kasi kabanda ko sorry din di ako makakapaglaro. anong oras na din kasi tapos may pasok pa ko bukas. bawi nalang ako sayo, ry
Ryleigh Agustin:
oh. okay lang po kuya, next time nalang po sinong kabanda po yung bumisita sayo?
Keegan:
yung vocalist namin ang bumisita
Ryleigh Agustin:
i see, ok lang po. malapit na rin naman po sembreak so we’ll have more time po na mag usap nun
Keegan:
talaga ba? di mo nako ighoghost?
Ryleigh Agustin:
di naman po kita ginughost?? 😭 super busy ko lang po talaga sa school pero babawi po ko promise. aaaand sorry po i cant stay longer na, inaantok na po ko, huhu
Keegan:
ui ok lang gabi na din naman, pahinga kana. good night sayo
Ryleigh Agustin:
yesss pooo. good night kuya❤️
Napangiti si Keegan.
Oo nga pala, malapit na ang semestral break ni Ryleigh at mas madalas na nyang makakausap ulit ang dalaga at makakasama sa paglalaro ng HOK. Medyo matagal-tagal pa naman siyang tumigil dahil hindi nya ito kasamang naglalaro.
Pagkatapos i-heart react ni Keegan ang huling mensahe sa kanya ni Ryleigh dahil matutulog na raw ito, ‘tsaka pa lang nya binalikan ang mga voice message ni Rhysand. Napansin nya na may bago itong myday kaya tinignan nya rin muna bago nya sinimulang i-play iyong mga VM.
Litrato ni Rhysand na kasama iyong kaibigan nito sa unibersidad kung sa’n ito nag-aaral.
Ano ngang pangalan ng isang ito? Ah, iyong Leroy na halos kababanggit nya lang din.
Close up na selfie iyon. Bale magkadikit halos mukha nina Rhysand at ng kaibigan nito. May kagat pa ngang stick ng fishball iyong Leroy habang si Rhysand, walang emosyon ang mukhang naka-peace sign sa myday nito.
Hinaha nya iyong myday.
“Sobrang close naman nila,” komento nya bago inilapag ang celphone at plinay ang voice message ni Rhysand.
Medyo nakakainggit dahil wala naman silang ganoong litrato ni Rhysand noong nasa Pampanga pa ito at bago siya kunin ng mga taga-DSWD. Isa pa, mga lumang memorya na rin itong bitbit ni Keegan tungkol sa kababata. Gusto nya rin namang makilala ulit nang lubusan si Rhysand pero, eh.
Mahirap pa iyon timingan ngayon.
MR: Hey, I’m just dropping these because I don’t know who I should seek out to rant. Though, I think it’s better if I direct it to you since… it’s about you . I hope your day went well, by the way—though, I couldn’t say the same to me. Kanina pa ‘ko natutulala sa kalendaryo pero ‘di ko sasabihin kung bakit because I’ve been wondering about something.
MR: Remember when I tried to invite you to meet and you declined because you’d be busy that day? I’ve been thinking about it. Naiintindihan ko iyong rason at alam ko rin na wala akong karapatan na mag-demand pero ‘di ko rin maiwasan na madismaya kasi medyo importante sa ‘kin iyong araw na inaya kita. Ah, but please don’t take this to the heart or so… It’s just me being childish, that’s all.
MR: I think it’s because I miss you a lot that I was looking forward to seeing you on that day but… you know, I’ll be fine. ‘Di naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur. Shit, what am I even saying? Anyway, to make the story short, nagtatampo ako sa ‘yo. I know I shouldn’t be feeling this way but like I’ve said, I couldn’t help it. I have my own reason.
MR: By the way, I won’t be online for a while. I hope you’d miss me, though. Mag-iingat ka rin lagi, kuya. Talk to you soon.
Ah. Ah?!
Kabanata 31
KABANATA 31
ㅤㅤㅤㅤMAGMULA noong mag-iwan ng voice message si Rhysand kay Keegan, hindi na ulit nakatanggap ng kahit ano si Keegan mula rito. Ni hi o ho, ni ‘kumusta ka na?’ o hindi naman kaya e ‘miss na kita’. Kahit pangungulit o ‘
pagseselos
’ kuno nito kay Ryleigh, wala siyang natanggap na kahit ano.
Noong una, akala ni Keegan e mabilis lang mawawala si Rhysand.
Pero para itong multo na dumaan lang sa buhay nya sandali at muli na namang parang bula na nawala sa buhay nya.
Hindi pinansin ni Keegan iyong kawalan nila ng komunikasyon ni Rhysand noong una pero habang tumatagal, mas lalo siyang nagiging concerned sa binata..
‘Saan
napadpad
si Rhysand?’ Ilang beses nya itong chinat at kinumusta pero parang tatlong linggo ang lumipas, wala siyang nakuhang kahit anong sagot dito. Nakikita nyang online ang binata, madalas e makikita nya itong magshi-share ng post o hindi kaya ay magnu-note o myday pero hindi nito pinapansin ang mga mensahe nya.
Sinubukan nyang tawagan si Rhysand noong nakita nyang online ito at halos katatapos lang ng mag-post tungkol sa natapos nitong thesis pero pinatay nito ang tawag nya.
“Anong problema ng isang ‘to?!” Sobrang lala ba ng pagtatampo ni Rhysand sa kanya na hindi na siya nito pinapansin?
Sinubukan nga ulit i-bring up ni Keegan ang pag-aaya nitong magkita dahil nakipag-bargain siya kung pupwede bang pagkatapos na lang ng araw na iyon sila magkita dahil gagawan nya ng paraan pero hindi… Hindi talaga nagparamdam si Rhysand.
Napipikon siya pero iniisip nyang baka busy lang ang binata.
Baka may oras na mag-post, mag-note, mag-share ng kung anu-ano pero walang enerhiya makipag-usap. Oo, baka ganoon lang.
Naguguluhang kinamot ni Keegan ang ulo.
“Lyle, may data ka ba? Naka-open ka ba sa Facebook?” pagtatanong nya sa kaibigan habang naglalakad sila sa SM.
Naisip lang nilang gumala hanggang sa biglang maisip ni Keegan na i-open ang messenger dahil sisendan nya ng litrato si Ryleigh.
Kaso, napukaw ng thread nila ni Rhysand ang atensyon nya. Iyong ‘kumusta na?’ na sinend nya ang huling mensaheng naroon pero wala na biglang profile picture ang binata. May nakalagay din na ‘You cannot send a message to this person’ na error sa baba imbes na iyong typing box na naroon dapat.
Nagtataka siyang pinasadahan ng tingin ni Lyle. “Well, yes. Kailan ba ‘ko nawalan ng data? Makiki-connect ka ba?”
“Hindi, may ipapa-check sana ako sa ‘yo,” aniya.
“Oh. Sure, ano iyon?”
“Pupwede bang i-search mo iyong pangalan ni Rhysand sa Facebook? ‘Di ko alam kung naka-deact lang ba siya o blinock nya ‘ko.”
“What?” gulat at naguguluhang tugon ni Lyle pero kinuha nito ang celphone mula sa bulsa. “Baka naman deactivated lang. I don’t think he’s the type to block you ‘cause he likes you. Did you do something to him?”
“Wala. Basta.”
Tinanong ni Lyle kung anong pangalan ni Rhysand sa Facebook at nang ibigay ni Keegan, ipinakita nito sa kanya ang search results. Ni isa sa mga lumabas, wala ang hinahanap nyang binata kaya ibinalik nya ang tingin sa celphone.
Hindi nya alam kung hihinga ba siya nang maluwag dahil hindi siya blocked o kakabahan dahil baka hindi na ulit makipag-usap sa kanya si Rhysand.
“Did something happen between the two of you?” pag-uusisa ni Lyle.
Ngumuso si Keegan bago siya marahang umiling. “Sa palagay ko, wala naman. Baka nag-ooverthink lang ako.”
“Eh… So something happened.”
Bumuntong hininga siya. “Bukod doon sa nakwento ko sa ‘yo nitong nakaraan, wala naman. Iniisip ko nagtampo siya sa ‘kin pero parang busy lang talaga siya.”
“So, anong plano mo?”
“Wala.” Mapait siyang napaismid dahil bigla nyang na-miss itong kababata nya. “Wala naman akong ibang contact sa kanya bukod sa Facebook. ‘Tsaka…”
Ibinalik ni Keegan ang cellphone sa loob ng bago siya tumingin kay Lyle. Minuwestrahan nya rin ito na malapit na sila sa Watson’s kung saan may gusto raw bilhin na parang make-up o pang-skin care itong kaibigan nya.
“…Birthday din kasi ni Ryleigh sa susunod na araw. Ayaw ko munang mag-isip ng kung anu-ano,” kalauna’y pagtutuloy nya.
“I see…” Marahang umiwas ng tingin si Lyle sa kanya at tipid na tumango. Hindi nagtagal ay tumawa rin ito. “Tama ka naman, ‘wag ka munang magpa-distract. Though, I feel bad for Rhysand.”
Medyo mahina iyong mga huling sinabi ng binata at dahil medyo distracted si Keegan, hindi rumehistro sa kanya ang huli nitong sentimyento. Nagtataka siyang tumingin kay Lyle at nagtanong kung anong huling sinabi nito pero hindi na rin nito inulit.
ㅤㅤㅤㅤBAGAMAT bigla na lamang nawala si Rhysand, kasabay din noon ay ang biglaang pagiging active ni Ryleigh.
Masaya ba si Keegan? Sobra.
Bakasyon na raw kasi nito kaya mas aktibo na ulit ito sa social media. Bumalik din sila sa dati nilang gawi, madalas na naman silang maglaro ng HOK. Mas matagal na nya ulit nakakausap si Ryleigh pero… hindi nya maiwasang may mapansin.
“Ack…” nasisiphayong ginulo ni Keegan ang sariling buhok. Naka-draft na iyong mga video na isi-send nya kay Ryleigh pero dahil napansin nyang parang umiiwas ito sa kanya, hindi nya rin maiwasan na mapaisip kung anong uunahin: Ang
kumprontahin
ito o i-send na ang pag-amin nya?
Pero kung ngayon nya ito kukomprontahin, hindi ba masisira ang mood? Ayaw nyang guluhin si Ryleigh sa kaarawan nito.
“Ito na muna…” bulong nya sa sarili at napalunok nang pindutin nya ang send button para sa mga video na sinend nya.
Pagka-send na pagka-send nya ng confession videos nya kay Ryleigh, parang may kung ano sa kanya na biglang sumipa’t bigla na lang bumilis ang tibok ng puso nya lalo na noong ma-seen ng dalaga ang mensahe nya.
Siya lang ba? Bakit parang may mangyayari pang hindi maganda?
Mari-reject ba siya? Hindi naman siguro.
Pero bakit parang nababagabag siya? Ipinilig pa nya ang ulo at saka siya tumingin sa paligid. Wala namang ganap… Walang kahit ano, baka kinakabahan lang siya dahil ilang linggo nya ring pinaghandaan iyang confession video na sinend nya kay Ryleigh.
Natigilan si Keegan noong mahagip nya mula sa gilid ng mga mata na tila ba nagri-reply na ang dalaga sa kanya.
Nakita nyang lumabas iyong tatlong tuldok—indikasyon na nagtitipa na ng reply si Ryleigh sa kanya.
Napalunok siya. “Moment of truth.”
Mari-reject ba siya? Ilang buwan siyang magmumukmok dahil hindi nya siguro malaman kung saan pupulutin ang sarili kung sakaling hindi tanggapin ni Ryleigh ang pag-amin nya.
Kumibot ang isang kilay ni Keegan noong mapansing tila ba hindi rin mapakali si Ryleigh kung paano siya ri-reply-an. Ilang beses na nawala iyong ‘typing’ sa thread. Hindi nya tuloy alam kung ano ang iisipin.
Kinakabahan din kaya si Ryleigh?
Hindi rin kaya ito mapakali at nagpa-panic na tulad nya?
Naisip ba nito, ni minsan, na seryoso pala siya sa mga banat nya at mapagbibigyan kaya siya nito? Hindi siya mayaman, hindi rin naman ganoon kalaki ang sinasahod nya sa pagiging gym trainer at mula sa mga gig nya pero…
Kaya naman nyang makipagrelasyon kay Ryleigh.
“Putang ina.” Napahilamos siya ng mukha. “Hindi ko pa nga alam kung sasagutin ba ‘ko tapos kung anu-ano na naiisip ko.”
Iniisip nya agad iyong pinansyal nilang estado ni Ryleigh kung sakali mang piliin siya nito dahil gusto na ni Keegan na mag-settle down sa dalaga! King ina. Ganoon ba nya kagusto ang isang ito?
Ngayon lang siya nagkaroon ng ganitong isipin.
ㅤㅤㅤㅤFUCK. Ah, God—how he hated this day.
Goddamn it. His birthday couldn’t have gone any worse. Wasn’t this supposed to be the one day that actually felt special, the best day of the year for him? Instead, everything kept falling apart, unraveling into a mess he couldn’t control.
Kagabi pa nagpapahiwatig si Keegan na aamin ito kay Ryleigh. Na may ‘
surpresa
’ raw itong inihanda samantalang alam na alam na nya kung ano iyon dahil nagkakausap din sila bilang siya at hindi lingid sa kaalaman nya ang mga plano ng binata sa buhay.
It was okay. He’s still Ryleigh.
God Himself could turn the world upside down and it still wouldn’t change a damn thing.
Marcus Rhysand Fajardo is Ryleigh Agustin. No matter what name he wears now, those confession videos, those sweet, tender, trembling words Keegan poured into the last three messages he sent—they were still meant for him .
Because he is her, even if the name Keegan called stirred something within him, a feeling he’s learned to hate.
“I fucking hate this.”
Napahinga si Rhysand nang marahas habang takip ang mukha.
Hearing Keegan blurt out the words ‘mahal kita’ and ‘sana bigyan mo ako ng pag-asa’ was something he always wished to hear—and he did. Not in a way he wanted, though.
“I tried to salvage it,” he whispered—he desperately tried.
He became inactive as Ryleigh. Stepping back quietly, giving himself space to reinvent, to redeem, to draw Keegan’s gaze toward who he was now; to snatch him away from the fake identity he created years back.
He wanted the spotlight to shift, to focus on him and Keegan, just for once… But was it because he was a man—that they were both men—that it never seemed to work?
“But Keegan showed interest in me…” he murmured softly, hope flickering in his chest, desperately clutching unto it.
The doubt crept in as he listened to Keegan’s voice. ‘What if it was just the way I looked? What if he was only complimenting my visuals—nothing more?’
What if… Una pa lang, wala na talaga siyang pag-asa’t magagawa sa kung anumang naramdaman ni Keegan para kay Ryleigh?
Humigop nang malalim na hininga si Rhysand at naghanda na sagutin si Keegan.
He began to type—one word at a time—gathering the fragments of his scattered thoughts. Rhysand carefully chose and stitched together each sentence, paragraph he would send to Keegan; an attempt to obscure the insecurity he had beneath every letter .
He buried the ache, the silent resentment he felt toward this confession because though Rhysand persuaded himself that he is Ryleigh, these feelings still belonged to someone non-existent… someone who wasn’t truly him . Dito nya ibinuhos ang nararamdaman para kay Keegan.
Ang admirasyon na naramdaman nya rito mula noong elementary siya hanggang sa maghiwalay sila ng landas gawa ng kapalaran.
Kung paanong si Keegan ang nagsilbing liwanag nya na sumama’t gumagabay sa madilim nyang mundo.
Cheesy o cringey pakinggan pero hindi nya kayang magsinungaling pagdating sa nararamdaman nya para kay Keegan.
But fuck. It hurts.
Nanunubig ang mga mata nya habang ipinagpapatuloy nya ang pagtitipa. Sunud-sunod pa nga ang pagpalis nya ng mga luha dahil nakakasagabal na iyon sa pagri-reply nya pero… masisisi ba siya kung gusto sana nyang marinig ang mga salitang ito na direkta sa kanya at hindi kay Ryleigh?
Bobo rin siya, e.
Rhysand should have just admitted it from the very beginning. He should’ve had the courage to introduce himself for who he truly was, instead of hiding beneath a mask, pretending to be someone else.
It was his birthday and he was supposed to celebrate but… what the hell.
He wept silently, the ache inside him raw, yearning for a love that would never be his. With every beat, he felt his heart shattering, breaking into countless pieces.
Just how could Keegan belong to him, yet remain out of his reach?
“Lola!”
Natigilan si Rhysand noong marinig nya ang boses ni Trixie. Ang kasunod noon ay ang pagkabasag ng kung anu-ano sa may sala nila.
Natigilan siya’t naalerto. Kahit sandali, nakalimutan nya iyong sakit na nararamdaman nya at nagmamadali siyang napabangon mula sa kama para tignan kung anong nangyayari sa labas.
Baka mamaya, napaano ang lola nila.
Paano kung biglang inatake sa puso o na-highblood? Baka kaya bigla na lang sumigaw si Trixie ay dahil natumba ang lola nila’t natataranta ito kung anong gagawin.
Pagkabukas ni Rhysand ng pinto sa kwarto nya para tignan kung ano ba ang nangyayari, natulala siya nang makita na ibang-iba ang eksena mula sa kung anong na-imagine nya.
Didn’t he ask for a surprise? Yes, he did. But he never imagined that it would be far worse than Keegan’s confession to Ryleigh.
Sinasaktan ng lola nya si Trixie. Hinihila ang buhok, sinusuntok, tinutulak kung saan-saan, dahilan para mabasag ang ilang vase at figurine na naka-display sa sala nila.
“Lo–lola! Trixie!” kalauna’y naibulalas nya sa mga ito nang sa wakas ay mahimasmasan na siya’t maintindihan ang nangyayari.
“Lola! Ta–tama na po–aray!” daing ni Trixie nang bigla na lang ulit itong sampalin ng lola nila’t kaladkarin kung saan.
Hindi malaman ni Rhysand kung saan nito nakuha ang lakas dahil sa pagkakaalala nya ay kagagaling lang sa sakit ng lola nila pero kung makapanakit ito sa pinsan nya, parang na-activate ang natitirang adrenaline sa katawan nito.
Noong makababa si Rhysand, mabilis siyang pumagitna at pilit na inihiwalay si Trixie mula sa lola nila.
Panay ang pagdaing at iyak ng pinsan nya hanggang sa mapaupo na lang ito sa sahig. Si Rhysand naman, ginamit ang katawan para takpan ang pinsan dahil mukhang mananakit pa ang lola nila.
“Lola, tama na! Napa’no ba at bigla-bigla mo na lang sinasaktan si Trixie?!” aniya bago siya lumapit sa lola nya para pakalmahin ito.
Malalalim ang paghinga na sumagot ito sa kanya. “Umalis ka rito, Marcus, kung ayaw mong madamay! Iyang malandi mong pinsan, inuwi iyong boyfriend nya kanina rito at nakipaghalikan pa! Ang walang hiya!”
Fuck. Why was this all happening on his birthday?
Pilit nyang hinawakan ang magkabilang palapulsuhan ng lola nila para pakalmahin ito at alalayan para bumalik sa kwarto nito. Malakas pa rin ang pag-iyak ni Trixie habang nagsu-sorry ito pero hindi rin ito pinapansin ni Rhysand dahil mas abala siya sa lola nya. “Walang utang na loob! Ipapaalala ko lang sa ‘yo Trixie na palamunin ka pa! Wala ka pang napapatunayan tapos kung lumandi ka, akala mo ang layo na ng narating mong bata ka?! Ni ‘di ka pa nga tapos sa pag-aaral mo!” dagdag pa nito.
Lumunok si Rhysand at hinarangan ang matanda kaya nang subukan nitong manakit ay siya ang sumalo.
“Hindi ba’t ilang beses ka nang sinabihan na hiwalayan ang lalaking iyon?! Baka nakakalimutan mong kaya ka pinalayas ng mga magulang mo at tinakwil dito e dahil diyan sa katigasan ng ulo mo!”
“La, tama na,” awat ni Rhysand dito.
Itinulak siya ng matanda pero bilang mas malaki siya rito, hindi man lang siya napaatras. “Umalis ka rito, Marcus!”
“La, masama sa ‘yo iyong nagagalit ka nang malala. Baka atakihin ka ulit ng highblood mo.”
“Saka mo iyan sabihin sa ‘kin kung ‘di na malandi iyang pinsan mo!”
Muling naging agresibo ang lola nya noong tila ba mayroon ulit itong naalala. Nataranta pa si Rhysand dahil parang aatakihin na ito ng sakit sa sobrang galit pero bago pa man siya makapag-react at muling pakalmahin ang matanda, hinablot nito ang hawak-hawak nyang celphone ‘tsaka iyon itinapon nang malakas sa sahig.
“Ang sabi ko, ‘wag kang nangingialam, Marcus Rhysand!”
As the gadget broke into pieces, Rhysand’s mind became a blur.
He suddenly couldn’t process what happened. Naririnig nya ang lola nya at ang masasakit na mga salitang sinasabi nito direkta kay Trixie pero hindi na rumerehistro sa kanya iyon.
Ang katawan nya, abala sa pagpapakalma sa lola nila pero ang isip at buong atensyon nya, nakatuon sa celphone nyang nagkanda pira-piraso nang itapon ng lola nya.
Then, it all sank in again.
His worst birthday.
Rhysand stood still, the chaos between his grandmother and cousin unfolded around him barely registered above the thundering in his chest.
Fuck. It’s still the first few hours of his birthday but it had brought nothing but stress and devastation. Keegan’s confession was both a gift and a knife stabbed onto his chest.
And now this.
He felt it all pressing in—his grief, the rising anger at his grandmother’s reckless cruelty, the sting of his cousin’s clumsiness.
It was all getting to him now. Every blow landing at once. And Rhysand—who had always held himself together—felt himself starting to break.
“Tama na!” singhal nya noong kalauna’y manawa siya sa ingay na dala ng pagsigaw ng lola nya at pag-iyak ni Trixie.
Parehong natigilan ang dalawa at hindi napigilan ni Rhysand ang sumabog din ‘tsaka sabayan ang init ng ulo ng lola nya.
“Birthday na birthday ko, nag-aaway kayong dalawa! La, ‘di ka pa ba kuntento sa pananakit mo kay Trixie? Hanggang sa’n ka ba dapat abutan nyang galit mo sa ginawa nya samantalang kanina pa nagsu-sorry itong pinsan ko?! You even broke my phone. Ano nang gagamitin ko sa eskwelahan?!”
No.
That wasn’t the reason why he bursted out in anger. It was the frustration he had been feeling since earlier, the hatred he had for himself, and the hopelessness creeping in because… Keegan just confessed and his phone’s gone, he couldn’t reply to him and gave him an answer as Ryleigh.
Sure, it… It might have helped lift some weight because the responsibility of acting as Ryleigh and accepting Keegan’s confession was stressful enough but…
“You didn’t have to go this far.” Yumuko siya’t ikinuyom ang mga kamao. “I know you’re angry and we all know what happened in Trixie’s home but this isn’t the right way to correct it.”
At this point, Rhysand just wanted for this day to end.
He chuckled bitterly. “What a way to celebrate my birthday.”
Kabanata 32
KABANATA 32
ㅤㅤㅤㅤWHAT a fucking way to celebrate his birthday.
As soon as Rhysand chuckled bitterly, the commotion between his grandmother and cousin immediately stopped. It should be something to celebrate because at least, the house finally redeemed the silence it lost.
Kaso hindi nya magawang matuwa.
Lumuhod si Rhysand para isa-isahing pick up-in lahat ng piyesa ng celphone nya na tumalsik kung saan-saan. May halo pa ng panginginig habang iniipon nya sa isang palad ang sira nyang celphone.
Gusto nyang maiyak, magwala siguro. Kaso hindi nya magawang gawin dahil sa sobrang pagkadismaya.
“Ma—Marcus…” nanginginig ang boses at mahinang tawag sa kanya ni Trixie.
As much as he would love to respond, he couldn’t bring himself to do so. His chest was tight and he was just in the verge of crying himself, he really didn’t want to do anything to trigger those tears because a lot has already been happening.
In fact, nothing went as planned and this was his worst birthday.
“Ayan,” anang lola nila ni Trixie matapos ang mahabang katahimikan. May bahid ng paninisi at panunumbat sa tono ng boses nito. “Isa ka pa, Marcus! Mabuti na lang at nasira ‘yang selpon mo dahil wala ka nang ibang ginawa sa gadget mo na ‘yan na maganda! Puro ka selpon, selpon, selpon!”
Natigilan si Rhysand.
Noong mga panahon na iyon, gusto nyang mag-angat ng tingin at sagutin ang lola nya.
He wanted to say something to defend himself because no, although his life practically revolved around communicating with Keegan through social media, he always made sure he’d finish his share of household chores before flirting with this childhood friend of his.
“Palagi mo ring kinakampihan ‘yang pinsan mo samantalang wala namang magandang naidulot iyong lalaki sa kanya!” dagdag pa ng matanda.
Rhysand clenched his fists.
He didn’t intend to meddle just because he was trying to defend his cousin. Ang gusto lang naman nya, katahimikan lalo na’t kaarawan nya.
“Mga kabataan talaga! O tignan mo, sa’n ka dinala ng pagtatanggol mo sa pinsan mo? Wala kang selpon! Tapos ang sasabihin mo, kailangan mo ‘yan sa eskwela?! ‘Di mura ang ganyan, Marcus! Isusumbat mo pa sa ‘kin na birthday mo!”
Habang talak nang talak ang lola nila, tahimik na tinapos ni Rhysand ang pagpulot ng sirang selpon nya at ng mga piyesa nito. He stared at it for a moment and knew it was beyond repair, so all he did was clutch onto it for a while before he retreated back to his room.
He wanted to slam that door so bad.
He wanted to shout at them out of frustration, yet he chose not to.
Papasaan pa? Magsasayang lang siya ng enerhiya.
Hindi nagtagal, pagak siyang natawa. Napasandal na lang siya sa pinto ng kwarto nya at napaupo habang hawak ang celphone nyang wala nang pag-asa.
“May mga ‘di ako na-back up na files.” Never mind the university stuff, he could do something about it.
But Keegan’s old photos? Some screenshots from their conversation that he couldn’t upload to his drive and make a back-up? Marami iyon.
There were even photos, notes, some messy digital sketches he drew that he planned to upload because it all brought him a peace of mind – gone. All gone.
Habang nakatulala si Rhysand sa nasirang celphone nya, natigilan siya nang makailang beses siyang nakarinig ng katok sa pinto nya.
He didn’t respond immediately although he was just right in front of his door.
“Ma… Marcus,” tawag sa kanya ni Trixie sa maliit na boses. “Hey, I know that you’re not feeling good. Birthday mo ta’s nag-away kami ni lola and… iyong phone mo.”
Rhysand suddenly felt light-headed. Kasabay noon, parang nandilim ang paningin nya at nagpantig ang tenga nya. If he wasn’t in the right mind, he would’ve already shouted at his cousin.
Yet he remained quiet.
“I… I have a spare phone that I can lend to you,” kalauna’y dagdag ng dalaga. “It’s… not brand new, napaglumaan ko rin iyon pero maayos pa naman. It’s usable, I swear.”
That was followed by a long silence. Siguro, hinihintay ni Trixie na sumagot si Rhysand pero ni hi o ho, hindi man lang siya nag-abalang gawin.
Part of him blamed Trixie, after all. If she wasn’t careless, their grandmother wouldn’t burst out in anger, his birthday would’ve ended in peace, and his phone would’ve been working right now.
Hindi pa naman siya nagpaalam kay Keegan, baka nag-aalala na ang isang iyon pero… Masama ba kung hindi nya muna ito kakausapin dahil nasira rin ang mood nya?
“I’m sorry for ruining your day, it wasn’t my intention. Alam ko rin na ‘di ginusto ni lola sabihin ‘yong kanina tungkol sa phone mo, nadala lang siya ng bugso ng damdamin dahil mainit dugo nya sa ‘min ni Louie. I’m sorry, nadamay ka pa.”
Rhysand pressed his lips together and swallowed hard.
His throat felt dry and tight. Ang lakas ng urge na sumbatan si Trixie dahil kung hindi ito nagpahuli sa lola nya, mananatiling tahimik ang araw na ito dahil sobra na nga iyong ganap nya kay Keegan tapos…
“I— I’ll talk to mom and dad din for you. I’ll ask them to buy you a phone kasi nasira iyong sa ‘yo because of me. I’m really sorry, Mark.”
‘Leave. Just please… leave.’ Those were the words he wanted to say but his voice got stuck in his throat. ‘Leave me alone, goddamn it.’
Rhysand exhaled sharply.
ㅤㅤㅤㅤKEEGAN is worried. Fucking worried.
Magmula noong bumati siya kay Ryleigh at maging sila noong araw ng kaarawan nito, hindi na siya nakarinig ng kahit na ano mula sa dalaga. Ni simpleng ‘hi’ o ‘ho’? Wala! Kahit nga na ‘hello’ o simpleng ‘good morning’, hindi siya naka-receive. Para ba itong bulang nawala matapos siya nitong sagutin.
Ano ba? Napaglaruan ba siya?
May nangyari ba na hindi nya alam? Hindi nya naramdaman si Ryleigh magmula noong umamin siya rito.
Oras na ba para mag-isip ng masama? Mag-overthink?
Sinuklay ni Keegan ang sariling buhok gamit ang mga daliri bago nya ibinaba ang celphone para tignan si Lyle. “Sa palagay mo ba… na-ghost ako? Umamin lang ako tapos biglang… wala na . ‘Di ko na ulit naramdaman si Ry.”
Noong hindi sumagot si Lyle dahil abala ito sa trabaho, hindi naiwasan ni Keegan ang sumandal sa lamesa’t takpan ang kalahati ng mukha habang inuulan na siya ng mga isipin, mga posibleng dahilan kung bakit na-ghost siya.
“Paano kung nandiri si Ryleigh sa ‘kin pagkatapos kong umamin? Pa’no kung iniisip nya na ang wirdo ko kasi nagkagusto ako sa kanya samantalang online lang naman kami magkausap?” dagdag pa nya.
Noong marinig iyon, ‘tsaka siya inismiran ni Lyle. “Wala man lang akong masabing positibo kasi pa’no kung tama ka nga ng iniisip?”
Edi wow.
Hindi nya naiwasang tapunan ng masamang tingin si Lyle dahil hindi rin naman iyan ang ine-expect nyang maririnig mula sa kaibigan. Ang akala pa naman nya, dadamayan siya nito pero dinagdagan ba naman iyong bagahe nya? Ibang klase.
“Ano?” medyo nakangisi pang tanong ni Lyle. “I’m just saying. Sabi mo kasi, ‘di na nagparamdaman pagkatapos mong umamin. Maybe you’re not her type after all, she’s just sweet. Ayaw mo ‘yon? Magkasama na tayo sa broken-hearted na ‘di magugustuhan ng mga gusto natin-club.”
“Ang baduy ng pangalan ng club mo. ‘Tsaka, matagal na tayong magkasama ro’n! Sinubukan ko lang naman kung ga-graduate na ba ‘ko. Malay ko bang magtatagal pa yata ako sa pambwisit mong grupo.”
Mahinang humalakhak ang binata. “I’m just saying—but it’s not like, that would actually be the case. Malay mo talaga, may nangyari lang sa kanya.”
Kumunot ang noo ni Keegan. “Tulad ng?”
“Malay ko. Mukha ba ‘kong si Madam Auring? Nanghuhula ng problema ng iba?”
Imbes na makipagbardagulan sa kaibigan nya, pagbibigyan nya ito ngayon dahil miminsan lang naman ito makauwi ng Pilipinas dahil sobrang busy nito sa pinagtatrabahuan. Nakauwi nga ng Pilipinas, hindi naman nya madalas maaya dahil busy ito sa business nito. Mukhang matrabaho maging fashion designer dahil kada mayroong gala o show, madalas ay sumasama si Lyle para i-promote ang brand nya.
Bumuntong hininga siya’t humarap sa bintana.
“Ang cute talaga no’ng may-ari ng café rito,” kalauna’y sabi naman ni Lyle para lang basagin ang katahimikang namumuo sa pagitan nila.
Siya naman ngayon ang hindi naiwasang ismiran si Lyle. “Naku, nakakita ka na naman ng panibago mong ta-target-in samantalang ‘di ka rin naman niyan makaka-move on kay Ridge.”
“I mean—I’m trying? Kaya nga ‘ko nakikipag-meet kung kani-kanino kasi baka sakaling maka-move on na ‘ko. Mukha na rin namang hindi magbi-break sina Ridge at Zamiel.”
Hindi na nagkomento pa si Keegan kaya kinuha iyong oportunidad ni Lyle para ikwento ang mga pinagdadaanan nito sa lovelife nito. Kesyo higit sampung taon na rin naman daw na magkasama sina Ridge at Zamiel at hindi nya nakikitang maghihiwalay ang mga ito, na desidido na raw itong mag-move on kahit na mahirap dahil ang tagal nitong gusto iyong isa, pati na rin itong barista na minsan daw ay nakakausap na rin nya.
“Mabait naman si Gian. He’s really kind too! ‘Di lang ako sure kung anong sexuality nya kasi mukha talaga siyang straight,” anito pa.
Nagkibit balikat siya. “Wala akong pakialam sa ganap mo riyan sa barista, tol. Mas problema ko pa rin talaga kung pa’no kami mag-uusap ni Ryleigh kasi higit isang linggo na talaga mula noong birthday nya at noong umamin ako.” “Well, understandable. What’s your plan, anyway?”
“Plan-plan. Ni ‘di ko nga alam anong address no’n o phone number! Wala rin akong alam na email nya—sandali, pwede ko siyang i-chat sa Mobile Legends pero noong nag-check ako matagal na rin siyang naka-offline!”
“Edi baka nga ghinost ka—that’s the worst possible shit but it’s closest to reality.”
“Tang ina, ewan ko.”
ㅤㅤㅤㅤPAGKATAPOS nilang magkita ni Lyle, napagdesisyunan naman nilang gumala sa SM. Nagtingin lang talaga ng bagong cellphone itong kaibigan nya dahil gusto na raw mag-upgrade. Kaya ayun, pagala-gala sila ngayon sa parte ng SM na puro gadgets lang ang binibenta—basta sa may cyberzone. Pati tuloy siya, napatingin na rin ng bago dahil parang interesado lang siyang mag-set up ng sariling kompyuter sa bahay nang makapaglaro-laro.
Hindi nya alam kung gaano sila katagal sa cyberzone.
Ang akala nga ni Keegan, minuto lang dahil magka-canvas lang naman daw si Lyle.
Pero nabigla siya na nagbabayad na ito at nakabili na ng bagong cellphone. Akala nga nya, mag-Iphone ito dahil iyon din naman talaga ang uso at ang gamit ni Lyle ngayon pero naka-Samsung ang deputa. Bumalik daw sa Android at biglang naka-miss.
“Anyway, I’d still keep my phone. ‘Di naman kailangan ng upgrade sa bahay, kaya naman nila bumili ng kanila,” sabi pa ni Lyle.
Kumibot ang isang kilay nya. “‘Di ko talaga gets trip ng mga mayayaman.”
“May kaya lang,” pagtatama sa kanya ng kaibigan. “Anyway, parang na-miss ko magkaraoke. Ang alam ko, mayroong bagong set-up sa Quantum ngayon e.”
“Iyong dalawang tao lang sa loob ta’s dalawa mic?”
“Oo, iyon nga. Tara nga, i-check natin kasi parang gusto kong kumanta para naman makapag-drama ka rin. Nakapunta ka na ba ro’n? Na-try mo na? Ano pagkakaiba sa regular na KTV?”
Nagkibit balikat lamang si Keegan. Oo, nanggaling na siya ro’n. Noong minsan na na-cancel iyong praktis nila nina Renzo, inaya siya ng binata na mag-Quantum kaya nasubukan na nyang kumanta ro’n. Okay naman, mas maraming setting na pupwedeng kalkalin.
“Sakto lang. Mas updated nang kaunti iyong song book, dalawa microphone, mas nagagalaw iyong control pero mas mahal. Dalawang token kada kanta, maximum sampung kanta,” kwento naman nya base sa naging experience nya sa KTV na iyon. “Sa bagay, sakto na rin iyong sampung kanta kasi nakakapaos na kung sosobra.”
Humimig si Lyle habang nagtitingin sa buong Quantum. Nagturo-turo ito sandali ng mga stuffed toy na nasa claw machine kesyo may nakikita itong cute o hindi kaya disaster. Mayroon kasing mga stuffed toy na galing sa mga sikat na anime ngayon tapos mukhang nasagasaan ng truck ang itsura kaya pati si Keegan, hindi naiwasang pag-trip-an.
“Okay, so let’s go na sa KTV na ‘yon. I’m curious kahit na parang wala namang pinagkaiba sa regular na KTV,” pagbabalik ni Lyle sa orihinal nilang usapan na siyang nakapagpaismid sa kanya.
Napaismid na lamang siya’t umiling. Aayaw sana si Keegan kasi ang baduy pero maganda rin na dalawa ang microphone para nakikiepal siya sa kanta ni Lyle at vice-versa. Magandang experience rin para masapawan nya ang pangit (hindi talaga, basher lang siya) na boses ng kaibigan.
Bago sila nagpunta sa may counter para rentahin iyong KTV na tinutukoy ni Lyle, lumapit na muna sila sa may song book para ilista lahat ng kakantahin nila para diretso na. Ang hassle dahil may mga KTV naman na merong separate songbook kada cubicle pero rito kasi, public lahat kaya kailangan mo minsan mag-abang tapos mauunahan ka na lang.
Ah, basta.
Nagkaraoke sila ni Lyle. Kung anu-ano lang iyong pinagkukuha nya—halos mga lumang kanta. Hindi kasi updated iyong song book dito kaya wala siyang makanta na bagong kanta.
Ayon, nag-play iyong ‘My All’ ni Mariah Carey. Pagka-play pa, tawang-tawa si Lyle dahil unang kanta pa lang tapos magda-drama na raw siya. Aba, malamang! Siya ba naman ang i-ghost ni Ryleigh, sinong hindi magda-drama? Nagyi-yearn iyong tao, o.
Reply-an lang talaga siya ni Ryleigh, magpapa-fiesta siya.
Ito namang si Lyle, talagang sumasabay din. Syempre, pareho silang naghihikaos. Mahirap din kasi itong unang kanta kahit na sabihing magaling sila parehong kumanta. Breath at vocal control? Ululin, hindi pa naman sila professional singer kaya hangga’t maaari, ia-adjust nilang dalawa iyong tono.
Hanggang sa natapos iyong kanta tapos nabigla sina Lyle na mayroon palang nakikinig sa kanila sa labas.
“Hindi nga pala soundproof ‘to!” bigla nyang reklamo, hindi man lang nya naialis mikropono malapit sa bibig nya kaya ang nangyari, narinig din sa labas. Natawa tuloy si Lyle.
“Bigay na bigay pamo tayo,” sabi pa nito bago tumawa ulit nang malakas dahil bumusangot siya sa mga nakikinig sa kanila. “Kee! Pati ba naman ‘yang audience mo, susupladuhan mo? Baka nga nakilala ka lang ng mga ‘yan sa mga gig mo.”
Hindi nya naisip iyon. Na-concious na kasi siya sa kung paano nila in-adjust iyong tono ng kanta tapos may lapses pa siya. Pumiyok kaya siya!
Iyong susunod na kanta, galing naman kay Lyle. ‘Crush’ ni David Archuleta. Palagay nya, para iyon kay Ridge dahil sino pa ba ang ibang kakantahan nito kung hindi ang isang iyon? Bigay na bigay si Lyle kaya nag-second voice na lang si Keegan. Ito naman, kaya nilang dalawa dahil mas madali sa naunang kanta.
“Hello, sampung taon na kitang crush!” biglang sabi ni Lyle sa mikropono pagkatapos noong kanta kaya siya naman ang napahalakhak.
Napailing pa siya dahil para naman itong timang. “Ang lakas mo umamin ‘pag wala ‘yong tao pero kapag nakaharap, pa-demure ka? Talagang ‘di ka magugustuhan no’n!”
“Hindi lang nya ako magustuhan kasi nga, may boyfriend siya. ‘Pag talaga nag-break sila, tignan mo, susunggaban ko talaga si Ridge.”
“Sige, kung sa’n ka masaya, yearner.”
“Sabi no’ng ghinost!”
Pinakyuhan na lang nya si Lyle dahil bukod sa talo siya, na-offend pa siya dahil naalala na naman nya iyong panggu-ghost ni Ryleigh sa kanya. Magsi-send nga ulit siya ng mensahe rito—hindi pa naman magsisimula iyong kanta nya dahil namali sila ng arrangement kanina sa paglilista, dalawang kanta tuloy magkasunod kay Lyle.
Habang abala si Lyle na kumanta, pasimpleng hinugot ni Keegan ang cellphone para magtipa ng mensahe kay Ryleigh. Mangungumusta lang naman siya, susubukan nya kung magri-reply ba ito—tapos bigla siyang napaupo nang tuwid no’ng makita nyang online ito at typing.
Si Ryleigh!
Buhay na si Ryleigh! Hindi siya namatay pero—binalikan siya ni Ryleigh! Hindi siya na-ghost?!
Hindi malaman ni Keegan kung gaano katagal siyang nakatunganga sa thread nila ni Ryleigh. Ilang beses pa nyang tinignan iyong green na tuldok sa baba ng profile picture nito, baka kasi namalikmata lang siya, pero hindi. Online talaga ang dalaga at typing ang status… binabasa ba nito ang mga mensahe nya? Pinapanood ang video na sinend nya rito?
Napalunok si Keegan.
Magri-reply ba ito ngayon o pinagti-trip-an na naman siya? Pa’no kung hindi naman pala talaga siya ri-replyan at tinitignan lang iyong pinagsi-send nya? Pa’no kung nagtitipa si Ryleigh noong sasabihin tapos iri-reject lang pala siya?
Napapitlag siya mula sa kinauupuan noong makitang nag-pop up ang 2 seconds na voice message. Kumunot pa ang noo nya dahil abala pa si Lyle noon na kumanta kaya agad nyang inilapit ang speaker sa may tenga nya.
At anong narinig nya?
“
Fuck
.”
— Iyan ang narinig nya sa voice message na narinig nya. Wala naman sanang kaso, mura lang naman iyon, sino ba naman ang hindi nagmumura? Ang ikinagulat nya, boses ng lalaki ang narinig nya!
Noong ipi-play nya rin sana ulit iyong voice message dahil sobrang pamilyar, nang balikan nya iyong voice message e na-unsend na pala ni Ryleigh. Tapos mayroon na rin itong bagong chat.
Ryleigh:
hi po kuya wait lang po binabasa ko yung message nyo
…Okay? Edi maganda. At least nabalikan na siya, hindi siya na-ghost ni Ryleigh pero… pero ano iyon?!
E sino iyong lalaki?! Kaninong boses iyon? Hindi man lang ba nito magpapaliwanag? At bakit ba siya nagdi-demand ng gano’n? Hindi naman siya boyfriend pero tama ba ang hinala nyang may boyfriend na si Ryleigh at iri-reject siya nito?!
Parang dadagdagan nya iyong mga kakantahin nya at mag-eextend sila ni Lyle ng oras sa KTV, a. Wala pa naman gaanong tao. Iri-reject din naman siya, maganda nang maging handa sa song list nya!
Kabanata 33
KABANATA 33
ㅤㅤㅤㅤS-SINO… Sinong iyong lalaki sa voice message na sinend ni Ryleigh?
Habang abala si Keegan na kumanta ng kung anu-ano sa KTV, hindi na iyon maalis sa isipan nya. Ni hindi nga nya tinitignan iyong cellphone nya dahil para siyang natataranta na hindi nya maintindihan. Ang bilis ng kabog ng dibdib nya, siya mismo natatakot at baka aatakihin na pala siya sa puso.
Alam nyang OA siya. Hindi lang talaga siya mapakali kaya ganito at kung saan-saan napupunta iyong iniisip nya.
“Keegan, okay ka lang ba?” pag-uusisa ni Lyle, may bahid ng pag-aalala sa tono nito habang nag-aayos sila ng gamit dahil naubos na nila lahat ng kanta sa KTV.
Sa kasamaang palad, hindi na sila makapag-extend dahil mayroong susunod na nagreserba nitong ginagamit nilang KTV.
Tumango siya, tapos bigla siyang natigilan, ‘tsaka siya biglang umiling habang isinusukbit ang bag sa balikat nya. Pagkalabas nila ng KTV at nang makalayo na sila sa maraming tao, ‘tsaka pa lang siya nagsimulang magkwento.
“‘Di ba bumibirit tayo kanina?” panimula nya. Nang makitang tumango si Lyle, ipinagpatuloy nya ang sinasabi. “Nagtingin lang ako ng messenger ko ta’s nakita ko biglang online si Ryleigh.”
Ipinilig ni Lyle ang ulo pero hindi ito nagsalita, hinintay lamang kung ano pa ang sasabihin nya.
Napatikhim si Keegan. “Edi, online nga ‘no? Syempre, masaya ako kasi ang tagal nyang nawala, ibig sabihin ‘di ako na-ghost.”
Tinaasan siya ng kilay ng kaibigan pero hindi nya ito pinansin. Mas minabuti nyang tapusin muna ang sasabihin.
“Tapos bigla siyang nag-send ng voice message…” Natigilan sandali si Keegan dahil alam nyang hindi siya nagkamali ng tingin at napakinggan kanina kaya napakunot siya ng noo. “…Wala namang kaso, gusto ko kasing marinig din ‘yong boses nya, ‘di ba? K-kaso…”
“Kaso…?” tanong ni Lyle, baka nabitin dahil hindi nya alam kung paano ipapaliwanag iyong nangyari.
Nag-flashback sa kanya ang narinig kanina nang mai-play ang voice message na ‘aksidenteng’ nai-send ni Ryleigh.
Ang lalim noong pagkakasabi ng ‘fuck’ . Hindi nya alam kung mayroon bang kababalaghang ginagawa si Ryleigh—sandali, napa-overthink talaga siya nang malala dahil paano nga kung aksidenteng nai-send iyon habang mayroon itong kaanuhan?!
Napasapo siya ng noo. Parang bigla siyang sinakitan ng ulo.
“Kee!” biglang tawag sa kanya ni Lyle, dahilan para matigil siya kakaisip ng kung anu-ano. “Bigla-bigla kang nananahimik diyan, ‘di ba meron kang kinukwento?”
Napalunok si Keegan bago siya tumango. Oo nga pala ano, naiwanan nyang cliffhanger iyong kinukwento.
“Ano nang nangyari ro’n sa voice message?” pag-uusig ng binata dahil doon din natigil ang kwento nya.
Napakamot si Keegan ng ulo. “Boses ng lalaki narinig ko, tol. Akala ko nga e nagkamali lang ako ng dinig pero ‘di naman ako nagha-hallucinate. Ang malala pa, no’ng papakinggan ko sana ulit, ni-remove na ni Ryleigh.”
“Boses ng lalaki…? Boyfriend nya?”
“‘Di ko alam! Malay ko!” Biglang napahawak si Keegan sa ulo ‘tsaka nya ginulo ang buhok nya. “P-paano kung boyfriend nga nya?! E-edi sayang effort ko na umamin? Pero ‘di ko naman pinagsisisihan kasi g-gusto kong malaman din nya na ‘di na lang kaibigan tingin ko sa kanya pero…!”
Habang kabadong-kabado siya at kinakain na ng kaba ang sistema, si Lyle naman e tahimik siyang pinanonood sa isang tabi. Minsan, tatawa ito nang pilit tapos magsasabi na kumalma siya, na hindi nya rin masunod dahil huli na—itong utak nya, punung-puno na ng negatibong ideya.
“Maybe it wasn’t like that at all…” panimula ni Lyle. “Malay mo, kamag-anak lang na may hawak ng cellphone ni Ryleigh.”
“Tunog ungol?!” dipensa naman nya.
Tila ba natigilan ang kaibigan at mabilis na nag-iwas ng tingin. “Yeah, maybe it was a ‘groan’ but what if it wasn’t exactly like that? Wala na bang sinabi si Ryleigh?”
“Sabi nya, sandali lang daw dahil binabasa at pinanonood pa nya iyong mga sinend ko.”
Ipinilig ni Lyle ang ulo. “When was that?”
“Ewan ko, basta parang noong second song pa natin.”
“That was over thirty minutes ago… Tinignan mo na ulit kung anong sasabihin nya?”
Nag-aalangang umiling si Keegan dahil… paano ba nya titignan ang mensahe nito e natatakot siya? Nag-ooverthink siya?
Bumuntong hininga na lamang si Lyle. “You know, it could be that the guy was her boyfriend, someone she’s close with, or something. But since you don’t really know her personally, what if…?”
Napukaw noon ang atensyon nya kaya napatingin siya sa direksyon ng binata. Kunot noo na rin ang noo nya at mas lalo lamang kung anu-ano ang naisip nya. Nang makita ang kuryosidad nya, tumawa si Lyle ‘tsaka sumenyas na parang kalimutan na lang ang sasabihin nito.
“King ina, kinuha mo atensyon ko ta’s bigla kang gaganyan?” naiinis nyang puna rito.
Natawa na lang si Lyle. “Sasabihin ko sanang baka si ‘Ryleigh’ na mismo iyong nasa voice message.”
“Ha?”
Hindi siya nakasunod. Sandali lang, anong ibig sabihin ni Lyle na baka si Ryleigh na mismo iyong nasa voice message? Na baka– na baka…
Napailing si Keegan. Imposible. Ilang beses ding nakapag-send ng litrato si Ryleigh sa kanya kahit na natigil iyon nitong nakaraan. Hindi rin naman siya iyong tipong nagdi-demand ng litrato nito basta nakita na nya kung ano ang itsura ng dalaga.
Napahimig si Lyle nang tila ba makuha ni Keegan ang tinutukoy nito.
“You’re not crossing out that idea, right?” natatawang anito pero may bahid din ng paghihinala. “You haven’t met her yet. Isa pa, uso ang mga catfish . You won’t always be sure that you’re actually dating the woman in the picture until you meet her.”
“H-hindi, ayaw kong isipin ‘yan.” Ipinagkrus nya ang mga braso at saka siya nag-isip ng magandang maidadahilan. “Nakakapag-send ng litrato si Ryleigh sa ‘kin noon, nito lang naman natigil dahil busy ito.”
“So?”
“Anong so?!”
“I could literally do that too, you know.” Bumuntong hininga ang binata bago ito napakamot ng ulo. “But, yeah. I’m just saying… Malay mo, nadulas na pala si Ryleigh kanina kaya ang bilis nyang in-unsend iyong voice message. Don’t cross out the idea that you might have confessed to… a catfish . A
man
, Kee.”
That got him thinking. Hindi magsisinungaling si Keegan kung sasabihin nya na hindi siya parang nahulog sa isang spiral at napaisip sa sinabi ni Lyle. Hindi tuloy naiwasan ang pananahimik nya habang naglalakad sila tungo sa kung saan mang tinuro ng kaibigan na gusto nitong puntahan.
Lalaki… si Ryleigh? Catfish?
Paano ba dapat ang maging reaksyon nya? Pupwede nyang kunin ang mga salita ng kaibigan bilang babala. At least, kung sakali mang totoo ang sinasabi nito, edi hindi na siya magugulat. Kaso, parang ang sama naman kung doon nya huhusgahan si Ryleigh?
Sandali, nahusgahan na nga nya e. Nag-assume na siya kaagad na boyfriend nito ang nasa voice message. Paano kung kamag-anak nga o kakilala?
Bumuntong hininga siya.
“Imposible,” bulong nya sa sarili habang pinanonood si Lyle bumili noong tanghulu na nakita nito. “Hangga’t ‘di nagsasabi si Ryleigh na lalaki siya o na kina-catfish nya ako, iisipin kong babae siya.”
Parang bigla siyang pinagpawisan din sa deklarasyon. Sana kaya nyang i-apply iyang ideyang ‘yan sa voice message na narinig nya.
E pero… normal naman na mapaisip, a!
Hindi naiwasan ni Keegan ang mapatitig kay Lyle na noon ay nagbabayad na ng in-order nito. Malay nya kung ilang pirasong tanghulu ang binili ng binata basta isang libo ang iniabot nitong pambayad—pero, hindi naman talaga riyan nakatuon ang atensyon nya kung hindi sa sinabi nito kanina.
Tang ina, hindi. Idi-deny nya iyan hangga’t walang pruweba.
ㅤㅤㅤㅤVALID ba na idamay ni Rhysand si Keegan sa kawalan nya ng gana sa lahat?
Magmula noong matapos ang kaarawan nya, parang wala siyang gana sa lahat. Hindi nya makuhang kumain nang maayos o hindi kaya ay mag-open na lang ng kompyuter para ro’n kausapin ang binata.
And yes, he could do that. Losing his phone wasn’t entirely a problem, he still had a way to maintain communication with Keegan through his computer. It was just that—he didn’t have the energy to spare to do it.
Nami-miss nya si Keegan, oo.
Pero ano naman?
Marahas siyang bumuntong hininga’t nagpaikot-ikot sa kama. Hindi na nya alam kung paano ang ayos noon at parang ilang unan din ang nahulog nya sa kalikutan nya, pero wala pa siyang balak na tumigil hanggang ngayon.
It was then when he heard a knock on his door.
“Marcus,” tawag sa kanya ng lola nya.
Rhysand immediately stilled as soon as he heard his grandmother’s voice. He was surprised because actually, he hadn’t been talking to her since his birthday passed, and that was two weeks ago. Sa totoo lang, bumababa lang si Rhysand para kumain kapag wala sina Trixie at ang lola nya.
Noong hindi siya sumagot, kumatok ulit ito. “Marcus, natutulog ka ba?”
Maawtoridad ang pagkakatanong nito. Hindi tuloy naiwasan ni Rhysand ang mapaupo sa kama nya’t obserbahan ang pinto bago siya marahang bumangon para lumapit doon.
Although he didn’t really want to open that door, he didn’t want to deal with his grandmother’s bad temper even more. So, as slightly as he could, he peeked through the space he made with a frown.
“Lola…” mahinang tawag nya rito.
His grandmother stood in front of his room and had a stern expression. Doon natanto ni Rhysand na hindi nya pupwedeng iwanang ganoon lamang ang pagkakabukas ng pinto kaya niluwagan pa nya nang makita rin nito ang buong kwarto nya.
Rhysand inwardly sighed. Sigurado siyang pagagalitan na naman siya nito dahil ilang linggo na nya itong iniiwasan.
“Ikaw bata ka, ano na namang pumasok sa isip mo’t ‘di ka bumababa?” pagalit nitong sita sa kanya.
Sabi na nga ba nya, e. Hindi na siya sumagot at nag-iwas na lang ng tingin.
“Hindi ka na bata, Marcus. Pero kung umasta ka, parang daig mo pa iyong anak ng kapitbahay. Nagtatampo ka dahil wala kang cellphone? Sino ba kasi ang nagsabi sa ‘yong makialam ka habang pinapagalitan ko iyong pinsan mo sa kalandian nya?” dagdag pa nito.
He pressed his lips together and inwardly sighed again. Sure, it could’ve been his fault that his phone broke because yeah, he didn’t have to meddle with that argument but his grandmother was out of the line. In his perspective, he did good—which was still bad in others’ view. His grandmother, for example.
“Simula no’ng lumipat talaga rito iyang pinsan mo, nagbago ka na rin ng ugali. Nahahawa ka na sa rebeldeng batang ‘yon! ‘Wag ka ngang nagdidikit-dikit kay Trixie, Marcus! Kung didikit ka man, turuan mo ng mabuting asal iyong pinsan mong walang ibang ginawa kung ‘di manlalaki imbes na unahin ang sarili!” anito pa.
Kailan ba ito matatapos? Gusto nang isara ni Rhysand ang pinto ng kwarto nya.
Rhysand literally lost track of time. He didn’t know when his grandmother stopped talking and reprimanding him about what happened two weeks ago. He was… relieved because that just meant that he didn’t need to explode and speak his thoughts of what happened on his birthday.
“Ito.”
Natigilan siya nang bigla siyang abutan ng lola nya ng paper bag. Of course, he was confused at first, but he still took it… though, reluctantly. Nang silipin ni Rhysand ang nasa loob noon, muntik mahulog ang panga nya nang makita nyang cellphone iyon.
His grandmother didn’t know anything about gadgets so… How?
“Naikwento ko sa tito mong aksidente kong naibato iyong cellphone mo no’ng birthday mo. Mabuti na lang daw at ‘di ka pa nya nabibilhan ng regalo kaya iyan ang ipinapaabot nya sa ‘yo,” kwento ng lola nya. Mas kalmado na ang boses nito at tila ba satisfied sa sarili.
Rhysand wanted to make a face but he held it to himself. Ang babaw siguro pero parang nabunutan siya ng iilang tinik sa dibdib nang makitang may bago na siyang magagamit. Well, retrieving old files would be difficult but as long as he could have something to communicate with friends, group mates, and… Keegan, he guessed everything was a little bit better.
“Naalala ko ring birthday mo pala ‘yong araw na ‘yon. ‘Di man lang tayo nakapaghanda. Gusto mo bang bumisita sa mga magulang mo?” pag-aalok ng lola nya.
Rhysand stilled and he blinked in confusion. “…Nasa Pampanga puntod nila. Uuwi ba tayo…?”
“Oo, nag-aaya iyong tito mo dahil ilang taon mo na rin naman daw ‘di pa ulit nabibisita mga magulang mo. Pinagalitan pa ‘ko ng batang ‘yon at ‘di ka man lang daw makadalaw t’wing undas.”
Rhysand’s expression lightened up.
Uuwi siya ng Pampanga. Importante sa kanyang makita o mabisita man lang ang mga magulang pero mas matimbang iyong ideyang namuo sa utak nya— makikita nya si Keegan!
ㅤㅤㅤㅤWELL, everything was going alright until he fucking sent that voice message.
Natatarantang dinelete kaagad ni Rhysand ang voice message na aksidente nyang nai-send kay Keegan. Natatakot siyang napakinggan na nito iyon dahil nakita nyang nag-seen ang binata. Baka mamaya, nahuli na siya.
King ina, anong dasal na naman ang gagawin nya? Baka imbes na makuha na nya ang loob ng binata bilang si Ryleigh (bagamat labag sa loob nya), mas lalo pa siyang sumablay at mawalan ng pag-asa.
Pagkatapos nyang i-send iyong ‘sandali’ lang na mensahe nya… Bumuntong hininga kaagad siya’t nag-isip ng maidadahilan.
The exact message he sent to Keegan was:
‘Hello po, kuya Kee. Pasensya na po kasi ngayon lang ako nag-message sayo. A lot came up recently and I was drained… I just snapped out of it recently. I still don’t feel well but I’m trying, so I’m sorry if I made you worry. Please, please, please ignore the voice message from earlier. I just received a new phone and my cousin was helping me set it up. Aksidente nya kasing napindot yung voice message which led to what I’ve sent earlier. His fingers were too huge to click on the buttons, I think? Hahahaha.’
“This should be… convincing enough,” Rhysand muttered to himself, his eyes slightly narrowing as he proofread what he’d just sent.
Ang susunod na mensahe nya kay Keegan ay iyong tungkol sa pending nitong confession—then everything went back to him. This was the heaviest shit he had gone through. Habang tinitipa nya ang pagsagot kay Keegan, hindi nya makuhang maging in-character bilang si Ryleigh Agustin.
Everything that he put up in that message was all about his feelings… as Marcus Rhysand Fajardo.
“About your confession po, kuya Keegan… Sorry po kung ngayon ko lang din siya maa-address nang mas maayos. I really wanted to respond as soon as I could but something came up.
I think a part of me has been waiting for it. We’ve known each other for a while now, and in that time you’ve shown me, without even trying, how incredible you are, not just as a man, but as a person. Somewhere along the way, I started wondering what it would feel like to call myself your girlfriend, to really be with you.
Keegan, I want to make you happy. I want to be there for your smiles and your quiet moments, for your laughter and your tears. I want to grow with you—learn you, choose you, and build something real together. The thought of walking through life side by side, changing and aging together, feels comforting and right in a way I can’t fully explain. Being with you isn’t just something I want… it’s something my heart has been leaning toward for a long time.
I know this took long enough—but… but if you’re still willing to try it with me po, kuya. I am fully aware that this is a selfish request po, given that it seemed like I ‘ghosted you’.. I know I’m late to reciprocate and I left you waiting but please know your confession never left my mind even once. I’ve been thinking about it and all I want is to be yours. I want to be your girlfriend po.”
Rhysand finally hit the send button and laughed bitterly.
“But please… It could’ve been me and not Ryleigh,” he whispered after he saw his message go on ‘delivered’ status.
Ilang oras ding hinintay ni Rhysand ang reply ni Keegan dahil nag-offline ito nang matagal. Not that he minds, didn’t he go MIA himself? Iyon lang, gets na nya ang naramdaman nito noong bigla na lamang siyang mang-ghost. He feels like his heart would burst out…
Until Keegan replied that evening and said, “ang tagal kitang hinintay! Akala ko rejected na ‘ko pero oo, gusto ko pa rin maging boyfriend mo.”
So, he became Keegan’s ‘girlfriend’ .
He should be happy, right? This was what he wanted—no. Sadyang ito na lang talaga ang last choice nya kung gusto nyang sa kanya si Keegan. He didn’t want to act as Ryleigh but what choice does he have? It was already too late when he started to pine over him as Rhysand. His persona already had his heart so… all Rhysand could do right now was make sure Keegan would love him to the point he couldn’t let go.
…So it would be easier to tell him the truth in the future.
So he wouldn’t lose him no matter what.
Rhysand would be a good ‘girlfriend’ . No, he’d be the best Keegan ever had.
Kabanata 34
KABANATA 34
ㅤㅤㅤㅤISANG buwan magmula noong maging sina Keegan at Ryleigh, mas ginanahan siya sa buhay. Over-acting pakinggan pero parang ang gaan lahat. Kahit pa na sinisigawan siya ng ate nya nitong minsan na bumisita siya sa street nila. Si Nanay Belinda lang naman ang binisita nya, pupuslit din sana para tignan at kumustahin ang mga cute nyang pamangkin kaso nahuli siya ng ate nya.
“Miminsan ka na lang nga bumisita, aawayin ka pa nang gano’n,” ani Edward matapos umalis ng ate Katelyn nya.
Pinuntahan pa kasi siya nito sa may tindahan ni Nanay Belinda matapos nito malamang pinuntahan nya ang mga pamangkin. Naninita porket nanghihingi ng pera pampaaral sa mga pamangkin nya.
“O, ba’t parang wala lang sa ‘yo? ‘Di ka na naaapektuhan ‘pag sinisigawan ka ng magaling mong ate?” tanong pa ni Edward.
Nagkibit balikat siya at mahinang tumawa. “Naaapektuhan. Wala lang akong pakialam ngayon ‘tsaka iyong mga pamangkin ko talaga pakay ko ro’n.”
“Dati kasi, magra-rant ka nang matagal. Ni ‘di mo man lang nga pinakyuhan ‘yong magaling mong ate.”
“Walang magagawa pamamakyu ko ro’n, ‘di naman nagbabago iyong ugali.”
Natawa si Edward bago ito lumapit sa kanya para tumulong magbuhat ng mga case ng red horse. “O talaga bang ganyan ang mindset mo o may maganda lang na nangyari sa ‘yo kaya ka gumaganyan?”
“Nadale mo.”
Kinwento ni Keegan iyong nangyari sa kanya nitong nakaraan. Syempre, iyong tungkol talaga sa relasyon nila ni Ryleigh ang kinwento nya. Mula sa kung paano sila unang nagkakilala hanggang sa kung paano naging sila. Mabuti na lamang at hindi judgmental si Edward, ngiting-ngiti pa nga ito habang abala siyang magkwento.
Panay pa ang puri kesyo mabuti naman daw at masaya siya.
“Kee, masaya akong meron ka nang girlfriend dahil ang tagal mo rin namang lugmok do’n sa ex mo…” panimula ni Edward na nakapagpatigil sa kanya.
Ipinilig nya ang ulo at hinintay na ituloy ng binata ang sinasabi.
“Sigurado ka bang ‘di ka na-catfish?” kalauna’y dagdag nito.
Natigilan siya nang marinig ang ipinunto ni Edward. Ganitong-ganito iyong narinig nya mula kay Lyle noong nakaraang buwan, a? Catfish, catfish. Bakit ba puro ganoon samantalang hindi naman laging ganyan ang eksena kapag online nagkakilala?
Uso ba talaga ang mga poser ngayon? Ang tagal na ng era ng mga iyon.
Kinamot ni Keegan ang likuran ng ulo. “Alam mo kuya, ‘di lang ikaw iyong nagsabi sa ‘kin niyan. Ba’t nyo nasasabing baka kina-catfish lang ako e hindi naman humihingi ng pera sa ‘kin o nanloloko iyong tao?”
Natahimik sandali si Edward at pinagmasdan siya, tila ba inoobserbahan ang reaksyon nya at ang sandaling pagkairita nya bago ito tumuwid ng upo ‘tsaka nagbiro, “nag-aalala lang naman ako na baka iniisip mong babae kausap mo ta’s bigla mas barako pa pala sa ‘yo.”
“Hindi ‘yan.”
“Malaki tiwala mo ro’n, ano?”
Tumango-tango siya. “Imposible kasi nagsi-send naman ng litrato no’n si Ry. ‘Tsaka kung lalaki siya, malalaman at malalaman ko ‘yon.”
“Paano?”
“Mararamdaman ko!” malakas ang kumpiyansa nya sa sariling deklarasyon. “Syempre hindii ba kapag lalaki ka, mararamdaman mo kung lalaki rin iyong kausap mo? ‘Di mo ‘yon matatago e.”
Mataman siyang pinagmasdan ni Edward bago ito tumawa. “Ikaw ang bahala, Keegan. Basta sana nga’t hindi ka naka-catfish diyan.”
Pangalawa na ito pero hindi. Magbibingi-bingihan siya.
ㅤㅤㅤㅤILANG oras ding tumambay si Keegan sa lugar nila. Na-miss nya rin dito. Wala naman gaanong nagbago. Nagpintura lang ng gate iyong iba samantalang ang iba naman ay nakapagpa-renovate ng kanya-kanyang bahay. May umunlad at mayroon ding mga nawala.
Nagpalakad-lakad si Keegan sa street nila.
Dahil gabi na noon, naisip nyang umikot at dumaan sa bahay nina Rhysand dati. Hindi nya alam kung anong pumasok sa isip nya at bigla nyang natripan dumaan pero siguro, namimiss na rin nya iyong batang ‘yon.
Kung nag-uusap pa sila online, iyon ang una nyang babalitaan ng tungkol sa kanila ni Ryleigh e.
Noong makarating na siya sa may kanto nina Rhysand, kumunot ang noo nya nang mayroong nakaparadang sasakyan sa harap ng pamamahay nito tapos bukas ang mga ilaw. May naririnig din siyang nag-uusap sa loob, tila ba may nagse-celebrate.
“Naibenta na yata bahay nitong isang ‘to?” tanong nya sa sarili.
Wala naman siyang nabalitaan na ibibenta ang bahay na iyan pero ano ba ang malay nya? Matagal nang wala sina Rhysand dito.
Palagpas na sana si Keegan sa bahay nito pero bigla na lang siyang natigilan noong may makasalubong siya. Maliwanag sa kanto nina Rhysand kaya agad nyang nakilala kung sino iyon. Mukhang galing lang din ito sa tindahan dahil may bitbit na plastik ng yelo.
Noong mag-angat ito ng tingin at makita siya, maging ito e natigilan at tila ba muntik mahulog ang panga.
“Rhysand?” hindi nya makapaniwalang tawag dito.
Hindi siya nagkakamali, si Rhysand ito!
Matagal na mula noong huli nyang nakita ang isang ito, sa litrato na lang din sa Facebook, pero hindi siya pupwedeng magkamali. Bagamat hindi na ito kasing-chubby noong huli niya itong makita. Mas malinaw na ngayon ang hubog ng mukha nito, mas matangkad na kaysa sa kanya, at mas buo na ang pangangatawan. Moreno pa rin ang balat nito. Ang mga mata nito ay tahimik ang tingin, diretso at may dating. Ang mga labi naman ay natural ang hugis, bahagyang makapal, at bagay sa kabuuan ng mukha nito.
“Rhysand, ikaw ‘ya—” Hindi na natapos ni Keegan ang sasabihin nang bigla na lamang lumapit sa kanya ang binata at yumakap.
“Keegan!” tawag nito sa kanya.
Ang higpit naman yumakap ng isang ito! Bukod doon, hindi maiwasan ni Keegan ang kabahan dahil—dahil ang gwapo ni Rhysand sa personal?! Alam nyang may itsura noon ang batang ito ta’s ma-appeal na sa litrato pero iba pala sa personal?!
“R-Rhysand…” nauutal-utal nyang tawag dito bago siya yumakap sandali.
Hindi pa rin siya binitawan nito kaya naaamoy nya ang pabango ni Rhysand. King ina, ang bango. Panlalaki, hindi masangsang sa ilong. Amoy pa lang, alam nyang mamahalin e.
“Na-miss kita,” anito na nakapagpangilabot sa kanya.
Ukininam! Sandali, kakalma muna siya. Paano ba siya dapat mag-react dahil parang sinagasaan ng glow up itong si Rhysand tapos siya, hindi? Ito pa rin, kung anong itsura nya noong mga bata sila, siyang-siya pa rin magpahanggang ngayon!
Nang kahit papaano’y kumalma, ‘tsaka pa lamang ipinulupot ni Keegan ang mga braso kay Rhysand para yakapin ito pabalik.
Napalunok siya. Sandali, bakit wala na siyang maramdamang fats sa batang ito? Ano bang ginagawa nito? Nagwu-work out ba ‘to?
“Hanggang… kailan ka yayakap?” hindi nya napigilang itanong nang mapansin na nababasa na ang likod nya dahil sa plastik ng yelo na bitbit ni Rhysand.
“Oh, uh. Yeah,” tila ba natataranta namang anito bago humiwalay sa kanya.
Napasinghap si Keegan at natigilan. Pakiramdam nya kasi, dumaplis iyong labi nitong isang ito sa pisngi nya pero hindi siya sigurado kung nagkamali lang ba siya ng naramdaman, pero kung tama man hinala nya… Edi wala! Baka hindi naman sinasadya ni Rhysand!
Bagamat medyo nakahiwalay na ang isang ito sa kanya, hawak pa rin ni Rhysand ang balikat nya gamit ang isa nitong kamay habang ang isa naman, ibinaba na nito dahil may hawak nga itong yelo.
“Long time, no see,” nakangising bati sa kanya ng binata.
Napalunok si Keegan at naiiritang ngumiti. “King ina, ‘di mo ako china-chat nang matagal ta’s ilu-long time no see mo ‘ko?”
“Oh…” Tumuwid na sa pagkakatayo si Rhysand. “Busy kasi ako kaya ‘di na ako nagcha-chat sa ‘yo. Plus… you kept on talking about that Ryleigh-woman.”
“O, ano naman?”
Mataman siyang pinagmasdan ni Rhysand bago ito nag-iwas ng tingin. Hindi nagtagal, napakamot ito ng ulo bago marahas na bumuntong hininga at bigla na lamang hinawakan ang palapulsuhan nya.
Tapos bigla na lang siyang hinila sa bahay nito.
“Ga-gago, sa’n mo ako dadalhin?!” natataranta nyang tanong.
Natigilan sandali si Rhysand at humarap sa kanya. “Sorry, are you busy?”
“Hindi naman-”
“Ayaw mo ba pumunta sa bahay?” agap sa kanya ni Rhysand pagkarinig nito ng ‘hindi’ nya.
Kumibot ang isa nyang kilay. “Tinatanong mo ‘ko pero parang wala naman din akong choice?”
“Yes.” Muling ngumisi si Rhysand. “Tara na, Kee. Kumain ka na ba? Nandiyan lang sina lola ‘tsaka tito pero wala naman silang pakialam kung sinong ibabahay ko.”
“Ha?”
Hindi na nakapag-react si Keegan dahil hinila na siya ni Rhysand papasok ng bahay nito. Inanunsyo pa ang pag-uwi nito maging ang pagbitbit nito sa kanya sa kanila, para tuloy siyang tangang hindi alam ang gagawin o kung paano siya magri-react.
ㅤㅤㅤㅤKING ina, ano itong sitwasyong pinasok nya?
Nakaupo siya ngayon sa may sala ng bahay nina Rhysand—ang pamilyar ng pamamahay na ‘to dahil madalas siyang tumambay dito noong mga bata pa sila. Madalas, kumakain ng miryenda kapag nagwawagi si Rhysand na hilain siya rito.
Damang-dama nya ang tingin sa kanya ng tito ng binata. Kaya panay din ang iwas nya dahil hindi nya alam kung anong sasabihin. Bumati na siya kanina, nakapag-bless na rin, nakapagtanong kung kumusta na ang mga ito-nagawa naman na nya iyong mga standard na magalang na pagbati, a?
“Ikaw pala iyong Keegan. Alam mo bang madalas kang banggitin nitong si Rhysand no’ng kakalipat nya lang sa Cavite?” panimula ng tito nito na siyang ikinagulat nya.
Hindi nya mabilang ilang beses siya napakurap. “Ta-talaga po?”
“Oo, madalas kaming tinatanong kung sa’n iyong DSWD dati.” Bumuntong hininga ang nakakatanda. “Bale, ang kwento ng batang iyon e na-frame ka raw na nagbibenta ng drugs pero magulang mo talaga iyong nagbibenta?”
Awtomatikong nawala ang ngiti sa mga labi ni Keegan.
Tang ina, bigla siyang binalikan noong mga alaalang iyon. Sa totoo lang, sa tagal na noon nangyari, parang hindi na nagsi-sink in kay Keegan na naranasan nya palang madala sa kulungan bago makuha ng DSWD. Hindi na siya makapaniwalang kaya lang naman siya nakabalik dito sa Pampanga e dahil sa mga kapitbahay nyang concerned din pala sa kanya.
Totoo pala iyon, ano.
Noong sa wakas ay matapos siyang magbalik tanaw, napakamot na lamang si Keegan sa likuran ng ulo.
“Pasensya na po, ‘di ako nakasagot agad. Nakalimutan ko na rin kasing nangyari sa ‘kin ‘yan,” aniya.
Natawa ang tito nito. “Nakalimutan mo na? ‘Di ka ba makapaniwalang sa lahat ng pwede pangyarihan no’n, ikaw pa?”
“Opo, alam ko kasi kinse lang ako no’n.”
“Ang bata mo pa.” Humimig ito at umayos sa pagkakaupo. “Kumusta naman na mga magulang mo? May koneksyon ka pa ba sa kanila?”
“Meron pa naman po kaso-”
“Tito,” agap ni Rhysand sa kanya bago pa man nya natapos ang sasabihin.
Natigilan din si Keegan at nag-angat ng tingin sa binata. Habang patuloy nya itong pinagmamasdan, mas marami siyang napapansin. Dati noong mga bata pa sila, bilugan talaga ang mukha nitong si Rhysand pero ngayon, mas may hubog na.
Ang gwapo talaga, tang ina.
Hindi naman siya nababading dito o ano. Syempre, didipensahan nya ang sarili nya, pero hindi nya maiwasang hindi mapatitig sa binata dahil ang sarap nitong pagmasdan. May mga ganoon na visual, e. Naririnig nya talaga kay Lyle dahil ganoon nito madalas i-describe si Ridge.
Hindi na narinig ni Keegan kung anong pinag-uusapan ng mga ito.
Siguro mga pahapyaw na tulad ng ‘ginugulo mo ba si Keegan’ o kung ano pa na malapit diyan ang narinig nya pero nabalik lang siya sa huwisyo noong sa wakas ay humarap sa kanya ang binata at maglapag ito ng maiinom at makakain nya sa lamesa.
“Umiinom ka ba, Keegan?” tanong pa ng tito ni Rhysand.
Bumuntong hininga ang kababata nya. “Tito, kararating lang natin, agad mo namang inalok ng inom itong si Keegan. Bisita ko siya, ‘di sa ‘yo.”
“Aba, ‘di naman masamang magtanong. Naku-curious ako sa nangyari rito sa batang ito dahil sa mga kwento mo, aba.”
“Don’t bother him about it. Baka ayaw nya na pag-usapan.”
Hindi nya alam kailan natapos sina Rhysand at iyong tito nya. Basta kalaunan ay natatawa na lamang umalis ang tito nito samantalang ang binata naman ay tumabi sa kanya.
Sumandal kaagad si Rhysand sa backrest ng sofa bago nito hinilot ang sentido.
“Sorry about that. Gano’n lang talaga si tito,” anito.
Tumango-tango siya. “Ayos lang. Wala na nga lang sa ‘kin kung ikukwento ko iyong nangyari sa ‘kin noon e.”
Nang sabihin nya iyon, kaagad na tumuwid si Rhysand sa pagkakaupo para hanapin ang mga mata nya. Natigilan sandali si Keegan dahil sa intensidad ng pagkakatitig nito sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin.
“Alam mo tol, kung babae ako baka bumigay ako sa ‘yo agad,” biro nya.
Narinig nyang umismid si Rhysand. “So, pupwede ka naman bumigay kahit na lalaki ka.”
“Ha?”
Agad siyang napaharap dito pero bago pa man siya makapagtanong ay agad siyang inagapan ng binata. “Have I ever told you why we’re here? Bibisitahin lang namin sina Mama at Papa ta’s uuwi rin kami sa susunod na araw.”
Ah.
Nakalimutan ni Keegan na wala na nga palang magulang itong si Rhysand. Hindi naman nya alam ang buong kwento. Basta ang alam nya ay naaksidente raw ang mga ito noong bata pa ang kaibigan.
“Nandito pa pala sila? ‘Di nyo pala nilipat sa Cavite?” pag-uusisa nya.
Nagtatakang tumingin sa kanya si Rhysand. “Iyon ang gusto ni lola para raw malapit na lang sila.”
“E ba’t ‘di natuloy?”
“Ayaw ko,” mabilis nitong sagot bago nito itinuon ang pansin sa pagkain na dinala nito. “I mean, it’s more convenient if they’re in Cavite, right? Kasi sa totoo lang, ilang taon ko rin silang ‘di nabisita dahil ‘di kami makauwi nina lola at matanda na rin siya… but… I want to go home here.”
“Bakit?”
“Wala… Nandito kasi iyong gusto kong uwian.”
Oh. Oh?
Hindi napigilan ni Keegan ang pilyong mapangisi noong marinig ang sinabi ni Rhysand. Napahimig tuloy siya ‘tsaka umusog palapit sa binata. Naramdaman nya ang pagtigil nito pero hindi nya pinansin dahil inakbayan kaagad nya ang kaibigan.
“Iba, kaya naman pala. Pumayag ka rin bang umuwi dahil nagbaka sakali kang makikita mo ‘yong gusto mo?” pag-uusisa nya.
Tinignan ni Rhysand ang braso nyang nasa mga balikat nito bago ito tumikhim. “Sino ba ‘ko para tumanggi sa grasya, Keegan? I-isa pa, nakita ko na ‘yong gusto kong makita.”
“Talaga? Iba ka talaga. Ano, sino ba ‘yan?”
“I…” Napalunok si Rhysand bago nito ibinalik ang tingin sa kanya.
Napanguso si Keegan. Hindi nya alam kung nag-iimagine lang ba siya pero parang makahulugan ang tinging ibinabato sa kanya ni Rhysand ngayon. Kakilala nya ba iyong tinutukoy nito?
“Kilala ko?” kalauna’y tanong nya.
Bumuntong hininga si Rhysand. “I’ll… keep it a secret for now. Ikaw ba Keegan, kumusta na?”
“May girlfriend na,” agad nyang sagot.
Proud na proud pa siya pero bago pa man nya ituloy ang sinasabi ay bigla na lamang napaubo si Rhysand. Natigilan nga siya’t inabot ang juice na dapat yata ay para sa kanya pero tinanggihan lang ng binata. Iyon lang, malakas ang pagwawala nito kaya pati iyong tito nito na noo’y nasa kwarto ay napatanong kung napa’no ba ang pamangkin.
“May… may girlfriend ka?” tanong ni Rhysand sa kanya sa kabila ng patuloy nitong pag-ubo.
Kumibot ang isang kilay nya. “Iyan pa rin ang iniisip mo samantalang ‘di ka matigil kakaubo riyan?”
“Ma-malamang! Kasi… kasi…” Nagbaba ng tingin si Rhysand bago nito ikinuyom ang mga kamao. Matagal-tagal itong nanahimik ‘tsaka napahilamos ng mukha. “Never mind, ayaw mo ba ng miryendang dinala ko? ‘Di mo na pinansin.”
“H-huh? Gusto ko kaso kakakain ko lang kasi kaya ‘di ko pa-”
“Oh… Ayaw mo kumain…” nagtatampong sabi ni Rhysand kaya ang bilis din ni Keegan na kumuha ng tinapay at kumain. “Akala ko ba ayaw mo?”
“Wala akong sinabing ayaw ko! Sinasabi ko lang na busog pa ‘ko pero kaysa naman magtampo ka riyan, kakain na ‘ko. Ang laki mong bulas ta’s nagtatampo ka pa rin na parang bata? Iba.”
“Sa ‘yo lang naman ako ganito.”
“Ano?”
Imbes na sagutin siya ay makahulugan lang ulit na ngumiti ang isang ito sa kanya kaya gulung-gulo nya itong tinitignan.
“Dito ka na lang din kaya maghapunan?” pag-aalok pa ni Rhysand. “Nagluluto naman na si lola ‘tsaka mag-alas otso na.”
Mataman nya itong pinagmasdan. Halos maningkit pa ang mga mata nya dahil kung umasta talaga, parang hindi siya ghinost ng matagal, e. Naiintindihan naman nyang busy ito kaya palalagpasin nya tutal nagkita na rin naman sila ngayon.
“Kulit ng bunbunan mo, ano? Kumain na ‘ko,” suplado nyang sagot.
Parang batang kinalbit ni Rhysand ang likod ng kamay nya na noo’y nakapatong sa hita nya. “Minsan lang naman, Keegan. Uuwi rin ako sa susunod na araw, o.”
“King ina mo ka- sige na!”
“Sabi ko na ‘di mo ako matitiis, e.”
“Kinukonsensya mo kasi ako!”
Pasalamat itong isang ito at ang nasa isip nya lang din ngayon ay sulitin iyong oras na nakikita nya ang binata e. Miminsan lang kasi ito umuwi-ngayon lang nya ulit nakita samantalang high school pa siya noong huli nya itong nakita. Maliit pa sila!
Ngayong sinagasaan ito ng glow-up, pisikal lang naman pala ang nagbago dahil kung anu-anong pagpapa-baby ang ginagawa.
ㅤㅤㅤㅤWALA sa plano ni Keegan ang gabihin. King ina, kung hindi nya siguro naabutan si Rhysand sa daan, baka ala siyete pa lamang ng gabi ay nakauwi na siya sa apartment nya-pero hindi nya rin ito sinisisi dahil ginusto nyang sumama sa binata. Ginusto nyang pumasok sa bahay nito at makikain dahil gusto nyang makasama ang isang ito dahil miminsan nya na lang makita.
“May pasok ka ba bukas, Keegan?” tanong ni Rhysand noong ihatid siya nito sa kanto.
Tumango siya. “Half day lang naman ta’s pagkatapos noon, meron akong praktis sa banda.”
“Banda… you play instruments?”
“‘Di ko ba nasabi sa ‘yo?”
Hindi siya sinagot ni Rhysand at kumurap-kurap lamang ito bago ito napaubo. “Sinong mga kabanda mo nga?”
“Sina kuya Renzo.”
“Pupwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Rhysand. Noong makita nito ang pagsimangot nya, kaagad nitong dinugtungan ang sasabihin. “I promise I’ll behave and won’t be a bother! I just… I just thought that it’d be boring if I stayed at home all day after we visited my parents’ graves tomorrow.”
Hindi naman iyon ang problema ni Keegan.
Kung hindi kasi siya nagkakamali, mainit ang dugo ni Renzo rito at magpahanggang ngayon, hindi nya malaman kung bakit. Teka, tutal kasama naman nya si Rhysand, itatanong na nya!
“Ayos lang naman sa ‘kin na sumama ka pero…” Naningkit ang mga mata ni Keegan na siyang dahilan para mapaatras ang isa. “Mainit kasi iyong ulo ni Renzo sa ‘yo. Bakit?”
Napakurap-kurap si Rhysand. “Huh?”
Kabanata 35
KABANATA 35
ㅤㅤㅤㅤHINDI nya masabi kung wala talagang alam si Rhysand o talagang ayaw lang nito sabihin kung bakit inis si Renzo rito kaya nagmaang-maangan e. Basta noong may makita itong jeep na sasakyan nya, itinuro kaagad ‘tsaka ito nagpaalam sa kanya, pupuntahan na lang daw siya sa trabaho na para bang alam nito kung saan siya?!
Nagtu-toothbrush noon si Keegan nang makita na umilaw ang cellphone nya.
Dalawang mensahe ang pumasok-isa kay Ryleigh na nangungumusta at isa rin kay Rhysand na nagsasabi kung pupwedeng sa may Jollibee na lang sila magkitang dalawa.
Syempre, si Ryleigh ang una nyang ni-reply-an. Baby nya iyon e.
Sinagot lang naman nya ang pangungumusta nito tapos kinwento kung ano iyong mga nangyari kaninang bumisita siya kina nay Belinda. Isa ring nasabi nya ay iyong sa ate nya at mga pamangkin nya, pati na rin iyong pagkikita nila ni Rhysand.
Noong matapos, ‘tsaka nya lang ni-reply-an iyong kababata nya.
Hindi, tumawag na siya rito kasi tinamad siyang mag-type. Medyo matagal pa ngang sumagot si Rhysand pero kalaunan ay nakausap nya rin.
“Kee-Keegan? Ba’t bigla kang tumawag?” tila ba naguguluhan at natataranta nitong tanong.
Pinangunutan siya ng noo. “Ah, pasensya na. Busy ka ba?”
Medyo magulo pa ang pagsasalita nya dahil abala pa siyang mag-toothbrush. Palagay naman nya, naiintindihan pa rin siya dahil siya mismo, naiintindihan ang sarili.
“Hindi naman, nabigla lang ako na tumawag ka.” Tumikhim si Rhysand. “Ba’t ka pala napatawag?”
“Tinatamad akong mag-type,” agad nyang sagot. “Sandali lang, magmumumog lang ako, tol. Nagtu-toothbrush kasi ako.”
“Obviously. It’s all good, though. I can still understand you.”
Hindi nya pinansin si Rhysand. Ibinaba nya muna ang cellphone sa isang tabi ‘tsaka siya nagmumog at nagbanlaw. Noong matapos, nagpunas na muna siya ng kamay ‘tsaka nya ulit pinick up iyong cellphone nya nang makausap ulit ang binata.
“Ala una matatapos shift ko bukas. Ayos lang naman magkita sa Jollibee pero kung gusto mong mas malapit, pumunta ka na lang kung sa’n ako nagtatrabaho,” aniya.
Tahimik si Rhysand sa kabilang linya at bago pa man nya ito tawagin ay nauutal itong nagsalita, “pupwede kitang puntahan…?”
“Oo naman, anong problema ro’n?”
“Wala naman, nabigla lang ako.” Tumikhim si Rhysand tapos may narinig siyang pagkaluskos sa kinaroroonan nito. Siguro, nakahiga na ang isang ito at gumulong. “Sa’n ka ba nagtatrabaho?”
“Alam mo ba iyong gym malapit sa Marina arcade?” tanong nya.
“No.”
Bumuntong hininga siya. “Alam mo ‘yong building na katabi no’ng sa lotto, ‘di ba? Iyong puro hardware.”
“Yes.”
“’Di ba mayroong third floor do’n? Ta’s pagtingin mo sa itaas, may malaki rin na gym.”
Humimig si Rhysand sa kabilang linya kaya itinuloy nya ang sinasabi.
“Do’n ako nagtatrabaho. Walang entrance sa harap kaya pumasok ka ro’n sa parang kanto. May maliit na compound do’n pero ‘di ka naman papasok kasi sa gilid lang ng building iyong entrance ng gym.”
Matapos ibigay ang instruksyon, namutawi ang katahimikan. Hindi nya alam kung anong ginagawa ni Rhysand sa kabilang linya.
“Nakatulog ka ba?” tanong nya.
Mahinang humimig si Rhysand. “No, I was taking notes.”
Ah. Nagti-take notes. Akala naman nya e napaano na dahil bigla na lamang ito tumahimik sa kabilang linya.
“I’ll go…” mahinang sabi nito kalaunan. “I want to see you work.”
Natigilan si Keegan. Hindi nya alam kung bakit pero bigla na lang siyang napakapit sa may pintuan at napahinga nang malalim dahil ukininam, bakit naapektuhan siya ro’n?!
‘Gago. Gago, kalma! Ba’t ang bilis ng tibok nitong dibdib ko?!’ pagkausap nya sa sarili. King ina, ano ba ito?! Natataranta siya na ewan.
Parang pinagpawisan siya pati iyong kamay nya kaya ipinunas nya ulit iyon sa dulo ng suot nyang t-shirt. “Sige lang. ‘Wag kang pumunta nang sobrang aga.”
“No, I’ll be visiting my parents’ graves first. I’m not even sure if I could be there before one.” Bumuntong hininga si Rhysand. “But I’ll be there.”
“Bahala ka. Kung ‘di ka makakapunta agad do’n, pumunta ka ng Astro…” Tapos ay natahimik siya’t napaisip. “Marunong ka pa bang mag-commute?”
“Yes.”
“O sige, magkita na lang tayo bukas. Mag-chat ka na la-“
“Can I call instead?” agap ni Rhysand sa kanya. “Mas gusto kong naririnig boses mo, Keegan.”
Putang ina.
Bakit parang biglang ang init? Napasapo siya sa dibdib nya at alam nyang nakasimangot siyang nakangiti ngayon dahil nakita nya ang repleksyon sa salamin nya sa banyo.
Ano bang ginagawa ni Rhysand sa kanya at bakit ganito epekto ng isang ito sa kanya?
“Bahala ka,” kalauna’y sagot nya bago tumikhim. “O sige na, matutulog na ‘ko at may pasok pa ‘ko.”
Humimig si Rhysand. “Good night, Kee.”
“Oo na, oo na. Good night din.”
Mabilis na pinatay ni Keegan iyong tawag pagkatapos noon habang sapo nya pa rin ang dibdib nya. Dali-dali rin siyang nagpunta sa kwarto nya para humiga sa kama at tumitig sa kisame dahil hindi nya maintindihan kung anong nangyayari sa kanya.
Napahilamos siya ng mukha. Ayaw nya-! May girlfriend siya!
Tinapik-tapik nya ang pisngi. “Teka, ‘di ko pa nare-reply-an si Ryleigh.”
Noong kunin nya ang cellphone para tignan kung may bagong mensahe sa kanya ang dalaga, wala na siyang na-receive. Nag-heart lang ito at kanina pa naka-online kaya kumunot ang noo nya.
Hineart lang? Aanhin nya iyon?
Hindi naman siya matampuhin. Gabi na rin at baka mamaya ay nakatulugan na siya ni Ryleigh habang nagtitipa ito ng isasagot sa kanya kaya naman ang susunod na mensahe na lamang nya ay ‘good night’ bago siya natulog din.
ㅤㅤㅤㅤBAKIT ang porma naman nitong si Rhysand?
Naka-light beige na button-up ito sa ibabaw ng itim na sando, ipinares nito iyon sa itim na pantalon at putting rubber shoes. May itim na sling bag na nakasukbit sa balikat nito at may suot pang relo. Simple lang naman ang suot ni Rhysand pero dahil malakas ang appeal nito at gwapo, magmula noong umakyat ito sa gym ay marami siyang kakilalang napapatingin dito.
Iyong iba nga e tinatanong pa kung anong pangalan ng binata.
“Pasensya na kung natagalan,” aniya kay Rhysand habang isinusukbit nya ang backpack sa balikat. “Kanina pa kasi ako ginugulo ro’n sa loob kung ano raw bang pangalan mo.”
“It’s alright… ‘Di mo naman binigay, ‘di ba?” paniniguro ni Rhysand.
Kumunot ang noo nya. “Syempre hindi, gusto mo ba?”
“Ayoko, may iba na ‘kong gusto e.”
Ayun naman pala. Tumango-tango si Keegan bago nya minuwestrahan ang binata na sumunod sa kanya. Pababa na nga sila noon galing gym noong may humabol pang nagtatanong ng numero ni Rhysand, pero ito na mismo ang tumanggi.
“May jowa po ako,” anito pa na ikinagulat din ni Keegan.
Noong makalayo sila, habang kinukuha nya iyong cellphone nyang nasa bulsa nya, tinuhod nya agad si Rhysand. “Akala ko ba, gusto mo pa lang? Jowa mo na?!”
“A-aray!” reklamo naman ni Rhysand bago ito napakapit sa pader para suportahan ang sarili. “Ito namang si Keegan. Masama bang magkajowa?”
“Akala ko kasi gusto mo pa lang, jowa mo na?”
Hindi siya sinagot ni Rhysand at sa halip ay napalabi lamang ito. Gusto pa sana nyang usigin pero hindi na lang. Sa halip, kinuha nya iyong cellphone nya nang makapag-chat sa mga kabanda na papunta na siya at mayroon siyang kasama.
“Bago lang kami, last month. Tagarito siya kaya kako gusto kong makita,” kwento ni Rhysand bago ito lumapit sa kanya para makibasa ng chat.
Humimig lamang siya. Bago lang, last month-parang sina ni Ryleigh, nito lang din naging sila e. Baka kakilala ni Rhysand noong dito pa ito nag-aaral iyong tinutukoy nito pero ukininam, akala nya ay ‘gusto’ lang. Bigla siyang na-warshock na jowa pala nito ang tinutukoy.
Lihim na napahilamos ng mukha si Keegan.
Siya rin naman, may jowa.
“Hindi raw tuloy practice nyo?” tanong ni Rhysand na dahilan para kumunot ang noo nya.
Nagtitipa kasi siya ng sasabihin noon, hindi nagbabasa. “Sa’n mo nakita?”
“Scroll up.”
Bagamat nagtataka ay ginawa nya ang inutos ni Rhysand. ‘Tsaka nga nya nakita ang anunsyo ni Renzo na hindi raw tuloy ang praktis ng mga ito dahil biglaan itong umuwi ng probinsya para makilamay.
Kumibot ang isa nyang kilay. Binura nya iyong tina-type nya ‘tsaka nya iyon pinalitan ng condolence.
“…Bale, mukhang wala tayong gagawin,” aniya kay Rhysand bago siya rito humarap.
Ngumiti lang ang binata. “Igala mo ako, Kee.”
“King ina, sa’n naman kita dadalhin e ako nga mismo, taong bahay?”
“Edi gumala tayo nang meron kang malaman na bagong lugar dito sa ‘tin. What’s wrong about that?”
“Ang hassle naman ng gusto mo-“
“Is it so much to ask kung gusto kong ilabas mo ‘ko?”
Nahulog ang panga ni Keegan. Ayan na naman ito sa mga wirdo nitong wordings kaya nasipa na naman nya ang binata. Kung anu-anong lumalabas sa bibig!
Ito namang organ sa dibdib nya, panay ang pag-tambling!
“May girlfriend ako!” aniya.
Tumawa naman si Rhysand. “Meron din naman ako.”
“Umayos ka, kinikilabutan ako sa ‘yo. Gumala na lang tayo sa SM nang sa ganoon e manahimik ka.”
ㅤㅤㅤㅤIYON ang ginawa ni Keegan. Dahil hindi tuloy ang practice nila ng mga kabanda nya dahil sa emergency ni Renzo, pumunta na lamang sila ni Rhysand sa SM nang doon makapagliwaliw. Wala namang bago rito para kay Keegan pero si Rhysand, natutuwa sa mga nakikita.
“‘Di naman hamak na mas magaganda SM nyo sa Maynila,” aniya.
Humimig si Rhysand bago tumawa. “Not exactly ‘maganda’. Mas malaki at mas maraming tindahan. Kung bibisita ka sa Cavite specifically, sabihan mo ‘ko nang maigala kita.”
“Sige lang. May gusto rin akong puntahan do’n e.”
“Mhm, ano?”
“Hindi ano, kung hindi ‘sino’. Girlfriend ko, Rhy.”
Nang sabihin nya iyon ay natigilan sa paglalakad si Rhysand. Pati tuloy siya ay napatigil din. Medyo nauna pa nga siya rito kaya kinailangan nya itong lingunin. Nang makita nya ang mukha ng kaibigan, napansin nyang medyo maputla ito habang nakatitig sa kanya.
Bumaba ang tingin nito ‘tsaka ito natawa.
“A–ah… You didn’t say na taga-Cavite rin iyong… girlfriend mo?” panimula nito.
Inismiran nya lamang ang binata. “Malamang, ‘di ka nagtatanong e.”
“Mukhang… head over heels ka, a?”
“Syempre naman. Ang tagal ko na ring gusto ‘yon si Ryleigh. ‘Kala ko pa nga, basted na ‘ko e. Mabuti na lang hindi at sinagot pa rin ako.”
“A—ah, mabuti nga at nabalikan ka.”
Tumango-tango siya. Ipinagkrus nya ang mga braso habang naglalakad sila dahil inaalala nya rin iyong nangyari nang i-ghost siya ni Ryleigh. Matagal din iyon at nasa stage na siya na tatanggapin nyang na-reject siya no’ng bigla na lang bumalik ang dalaga at sinagot siya.
Awang-awa pa siya sa sarili no’n. Puro iyong pagyi-yearn na kanta iyong mga kinanta nya sa KTV.
“Alam mo ba anong nakakatawa?” Hindi nya napigilang hilain si Rhysand palapit sa kanya para akbayan ito. “Nasa KTV ako no’n ta’s kumakanta na ‘ko ng mga pang-heartbroken na kanta. ‘Kala ko kasi, rejected ako.”
“There’s no way that I— I mean, she would reject you,” mabilis namang tugon ng binata.
Nang tignan nya ang ekspresyon nito, napansin nyang seryoso ang mukha ni Rhysand at tila ba mayroong pinaglalaban. Napangisi tuloy siya, nagtataka kung bakit biglang ganyan ang itsura nito na para bang alam nito kung ano iyong tumatakbo sa isip ni Ryleigh noong mga oras na sinagot siya.
“Pa’no mo nasabi? ‘Di naman ako gwapo,” aniya.
Mas lalong lumukot ang mukha ni Rhysand. “Don’t say that. May itsura ka. Isa pa, mabait ka, masipag, resilient. Kahit na anong pagsubok iyong binabato sa ‘yo ni Lord, kinakaya mo. You’re an amazing person. I think that’s more than enough reason to fall in love with you.”
Natameme si Keegan.
Tinitigan nya rin si Rhysand. Hindi basta-bastang tingin lang kung hindi iyong talagang titig, ‘tsaka nya ineksamina ang ekspresyong nakapinta sa mukha nito. Binabasa nya kasi kung ano bang tumatakbo sa isipan ng nakababata nang sabihin nito iyon dahil parang malaman.
Basta, hindi nya maipaliwanag.
Ito namang si Rhysand, ayaw din paawat sa pakikipagtitigan nito pabalik sa kanya. Palagay ni Keegan ay gusto lang nitong iparating na totoo ang sinasabi.
Iyan ang iniisip nya.
Pero bakit parang palapit iyong mukha ni Rhysand—
“Fancy seeing my favorite student here.”
Parehong natigilan sina Keegan at Rhysand. Humiwalay din siya kaagad sa kaibigan dahil pakiramdam nya, nagha-hallucinate siya kaninang malapit ang mga mukha nila sa isa’t isa. Sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip kasi ang mag-iisip na tila ba lumalapit iyong mukha ng kaibigan nila sa kanila?
Tumikhim si Keegan bago hinanap ang pinanggalingan ng boses ‘tsaka nya nakita si… si Aaron? Mayroon itong kasamang gwapong lalaki sa tabi nito na malaanghel.
“Sir… Gonzales,” nag-aalangan pa nyang tawag sa binata.
Kumaway ito at ngumisi pero imbes na batiin siya ay tumingin muna ito kay Rhysand. Hindi nya rin tuloy naiwasang tignan ang binata na noo’y nasa malayo ang tingin at tila ba mayroong iniisip.
“Sinong kasama mo?” tanong ni Keegan kay Aaron para basagin ang katahimikang namutawi.
“Fiance ko,” mabilis namang tugon ng lalaki.
Sabay na natigilan sina Keegan at Rhysand. Sabay din silang napatingin sa lalaking kasama nito na noon ay kumaway naman sa kanila at ngumiti. Noong mag-sink in sa kanya ang sinabi nito ay ‘tsaka naman siya napasimangot at tinapunan ng hindi naniniwalang tingin ang dating guro.
“Ikaw? May fiance? May pumatol sa ‘yo na ganyan kagwapo? Ano, ginayuma mo, sir?” pagbibiro nya.
Lumawak ang ngiti sa labi ni Aaron. “Ako? Nanggagayuma? Ako pa kamo ang ginayu–”
Hindi natapos ng binata ang sinasabi nang bigla itong sikuhin ng kasama. Napaubo-ubo ito pero wala man lang pakialam ang kasama nito dahil bumaling lamang sa kanila at ngumiti.
Ah. Bigla siyang natakot sa kasama nito. Siniko na nga si Aaron pero ang tamis pa ng ngiti sa mga labi. Lahat ng alarm sa utak ni Keegan, tumunog at nag-red lights. Parang nakakatakot kasi itong kasama nya. Sa unang tingin mabait pero parang malakas ang personality.
Bossy? Maawtoridad? Gano’n.
“Hi, I’m Easton. Nakukwento ka sa ‘kin ni Aaron dati, it’s nice to finally meet you.” Kumaway ulit ito sa kanila bago ito tumingin kay Rhysand. “I surmise that you’re also with your boyfriend?”
Ano na naman kayang kademonyohan ang sinabi ni Aaron tungkol sa kanya? Noon kasing kolehiyo siya, pasaway siya ta’s nagkagusto pa siya sa isang iyan kaya kuryoso siya kung paano siya siniraan ng puri nitong—sandali, may binanggit iyong Easton kaso hindi nya nahuli dahil kinain siya noong una nitong sinabi.
“Huh?” ang reaksyon nya.
Mahinang tumawa si Easton. “Sabi ko, baka naiistorbo namin iyong quality time ninyo ng boyfriend mo.”
Boyfriend? Sino? Girlfriend ang mayroon siya.
Sinong tinutukoy ng isang ito? Si Rhysand?
Dahan-dahang nabaling ang tingin nya sa binata. Medyo namilog din ang mga mata nito, mukhang nagulat sa akusasyon ng fiance ni Aaron at nag-isang linya rin ang mga labi. Marahil ay natatameme. Siya lang din ba o namumula ang mga tenga nito? Napailing-iling si Keegan dahil imposible. Baka naiinitan lang iyang si Rhysand.
Iwinagayway nya agad ang mga kamay nang makuha nya ang ibig sabihin ni Easton.
“Boyfriend? Wala, girlfriend ang mayroon ako,” paglilinaw nya bago siya tumawa.
Nagkatinginan noon sina Aaron at Easton, tila ba nagte-telepathy dahil parang ang tagal na binasa ng mga ito kung anuman ang tumatakbo sa isipan bago humarap sa kanya iyong fiance ng dati nyang guro. Medyo tinakpan din nito ang bibig bago nagbaba ng tingin sa sahig, tila ba ineeksamina pa rin ang ganap.
“Really? I thought you two were together because you looked like you were about to ki—”
Hindi na natapos ni Easton ang sinasabi nang agapan ito ni Aaron. “Akala ko boyfriend mo. Aasarin pa lang sana kita na ganyan pala talaga mga tipo mo, Keegan.”
“Ha?!”
“Bakit?” nakangising tugon ng dati nyang guro. “Nagustuhan mo nga ‘ko noon.”
Nataranta si Keegan. Parang nilayasan siya ng kulay sa mukha at nag-aalala siyang tumingin kay Easton. King ina, baka mamaya, magulat na lang siya na inaabangan na siya sa kanto o bigla na lang shinu-shoot ng sniper sa bubong! Ukininam nitong si Aaron, hindi na lang i-zipper ang bibig!
Noong mapansin ang pagkatuliro nya, humalakhak si Aaron. “Alam ni Easton. Naawa pa nga ‘yan sa ‘yo pero syempre, ‘di naman ako ipapamigay.”
“You’re so conceited.” Bumuntong hininga si Easton. “Anyway, we just went to say hi. Mauuna na kami, may pupuntahan pa kasi.”
“A—ah, o sige…”
“Pumunta kayo sa kasal namin, a? Send-an kita ng invite, Kee,” nakangisi namang sabi ni Aaron bago nito hinawakan ang kamay ng fiance at bago sabay na umalis para iwanan sila ni Rhysand.
Wala siya sa sariling kumaway sa mga ito.
Hindi nya rin naiwasang pagmasdan ang dalawa hanggang sa mawala na ang mga ito sa paningin nya bago nya ibinaba ang kamay para magpameywang. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na si Aaron samantalang noong kolehiyo siya, panay ang kwento nito tungkol sa ex nito na gusto nitong balikan. Naipilig nya rin ang ulo habang nag-iisip.
Iyon ba ‘yong ex? Wow, kung hindi ba naman sinuswerte si Aaron.
Ipinagsakibit balikat na lang nya ang nangyari kanina. Wala naman kasing saysay sa kanya kung ia-analyze pa nya iyong mga nangyari sa nakaraan at kung saan dinala ng swerte ang binata. Sa halip, ibubuhos na ulit nya ang atensyon kay Rhysand na kanina pa nananahimik.
Err—anong ginagawa nito?
Kumibot ang isang kilay ni Keegan nang makita nyang nakatakip ang mukha ni Rhysand gamit ang mga kamay nito. Hindi nagtagal, napaupo ito at tila ba mayroong binubulong sa sarili. Mahina nya tuloy itong nasipa sa gilid ng hita nito para udyukin itong umahon na mula sa pagkakatayo.
“Hoy, anong ginagawa mo riyan?” tanong nya rito. “Tumayo ka nga, Rhysand! Baka isipin ng mga tao rito, inaway kita kaya ka nakaupo riyan!”
Kaso hindi siya pinansin ng binata at patuloy pa rin ito sa ginagawa. Mukhang may sapi nga ang king ina!
Kabanata 36
KABANATA 36
ㅤㅤㅤㅤFUCK, Rhysand may have… messed up.
Fuck, this was so embarrassing. He didn’t know how to look at Keegan after all of that quick but very chaotic encounter. Wala sa calculations ni Rhysand iyong nangyari kanina—everything happened really quickly! If it weren’t for Keegan’s old professor and his fiancé, he might’ve not stopped.
And yes, his body moved and he almost kissed Keegan! For fuck’s sake, he didn’t know how to deal with this.
“Rhysand, ano bang ginagawa mo riyan at kanina ka pa nakaupo?” nagtatakang tanong ni Keegan pero hindi nya ito pinansin.
No, he’s way too embarrassed to even look at him.
How could he face Keegan if he almost kissed him and then he was caught? He knew he was. Iyon iyong pinaparating noong dating guro ni Aaron pati noong fiancé nito. They mentioned that it looked like they were about to kiss—because he couldn’t stop himself from trying to steal one!
Ah.
Sana mayroon siyang hukay na pupwede nyang talunan. Nahihiya siya pero at the same time, nakakainis? Teka, bakit siya biglang nainis? Ano itong transition ng mga emosyon nya? Bakit parang roller coaster?
Naiinis siya hindi dahil hindi siya nakahalik.
Naiinis siya dahil parang wala lang kay Keegan na muntik nya itong halikan at ipinagsakibit balikat pa-iyon, iyon ang dahilan kung bakit nag-escalate iyong nararamdaman nya.
Manhid ba itong isang ‘to? And he kept implying that he liked him, wala man lang pakialam! Ryleigh dito, Ryleigh diyan-siya si Ryleigh!
“Anong iniisip mo ba?”
Napasigaw si Rhysand nang biglang hipan ni Keegan iyong tenga nya matapos nito bumulong doon. Napaupo tuloy siya sa semento na sapo-sapo iyong tenga nya samantalang ito namang kasama nya e may ganang tapunan lamang siya ng naguguluhang tingin.
“Ang OA mo, a?” puna nito sa kanya. “Tumayo ka na nga. Ano bang ginagawa mo at may nalalaman ka pang pag-upo upo riyan?”
Kumibot ang isang kilay ni Rhysand. Yes, this was very annoying.
“You… you weren’t affected at all? Not even by a little bit?” paniniguro nya.
Naguguluhan siya nitong pinagmasdan. “Ng ano?”
“They—they…” Hindi nya masabi iyong muntik nyang halikan si Keegan dahil nahihiya siya kaya lumunok siya’t iba na lang ang naisip sabihin, “akala nila e boyfriend mo ‘ko… you weren’t affected by it?”
“Ba’t ako maaapektuhan e may kanya-kanyang girlfriend tayong dalawa?”
What the hell—!
Boyfriend ang meron silang dalawa! Ang isa’t isa! Kahit pa na gustung-gusto ni Rhysand na isigaw ngayon na siya si Ryleigh, naisip nyang hindi ngayon ang tamang panahon dahil baka ibalibag siya ni Keegan o biglang itulak doon sa railings.
“Ri-right.” Tumatawa-tawa siya bago nya hinila ang sariling kwelyo dahil parang nanikip at ang hirap lumunok.
Samantala, ipinagkrus ni Keegan ang mga braso. “Oo nga pala, ‘di ka naman ba naging ‘di kumportable?”
“Sa…?”
Hindi kaagad siya sinagot ng binata. Sa halip, yumukyok ito para hablutin iyong palapulsuhan nya para hilain siya patayo. Hinayaan nya rin itong hilain siya dahil sayang iyong skin contact.
Masyado siyang head over heels kay Keegan para palampasin kahit kakarampot na contact galing dito.
Keegan looked like he was hesitating. The way his lips pursed into a small pout, it made Rhysand want to try to steal a kiss again but he was really holding himself back this time.
“Binanggit kanina ng dati kong prof na ano…” Keegan’s eyes slightly narrowed and he scratched the back of his head. “Nagkagusto ako sa kanya dati ta’s kaya akala nila na boyfriend kita e dahil baka raw gano’n talaga tipo ko sa lalaki.”
Huh? Huh…?
What does that mean?
Ipinilig ni Rhysand ang ulo at nagtataka nyang pinagmasdan ang binata na noo’y napaiwas ng tingin at pinamulahan ng mga pisngi. Siya naman, napakuyom ng kamao dahil ang cute nito.
Fuck, Keegan should stop giving him more reasons to try and kiss him.
Matagal siyang pinagmasdan ng binata. Hindi nagtagal ay bigla-bigla na lamang itong sumimangot na sinundan ng malalim nitong pagbuntong hininga.
“Wala!” tila ba nasisiphayong tugon naman ni Keegan. “Wala, may sapak lang ‘yon si Aaron. Tara na nga, sa’n mo gustong pumunta na sunod? Nagugutom ako, king ina.”
What the fuc— kung pupwede lang siyang labasan ng mga question mark sa ulo, baka nangyari na dahil gulung-gulo siya sa pagbabago ng mood nitong si Keegan.
Dinala siya ni Keegan sa ‘Passport’. Pinagmamalaki nito na masarap daw ang binibentang shawarma rito at bilang isang ‘foodie’, ayaw naman iyon palampasin ni Rhysand. Gusto nya ring malaman ang mga hilig ng binata habang nandito siya, mga material o reference na pupwedeng gamitin sa hinaharap kung maging sila bilang siya.
Humimig si Rhysand at malawak na ngumisi kay Keegan nang iabot nito ang pagkain nya.
“Ito lang talaga ‘di nagbago sa ‘yo, ano? Tumangkad ka, pumogi, pumayat at lahat pero mahilig ka pa ring kumain,” komento ni Keegan habang tungo sila sa food court nang makaupo raw.
Kumagat siya sa kinain at humimig bago nilunok ang pagkain. “Ayaw mo ba na mahilig pa rin akong kumain?”
“Hindi sa gano’n.” Sumimangot si Keegan bago ito umismid. “Sa’n mo naman nakuha ‘yan? Namamangha lang ako kasi ang laki ng pinagbago mo pisikal pero matakaw ka pa rin. Kakakain lang natin kanina, e.”
“Nag-aya kang kumain e.”
“‘Di ka pa ba busog?”
“‘Pag nakikita kita, nabubusog ako physically,” pilyong aniya.
Kaagad naman siyang piningot ni Keegan kaya napaaray siya. Pinagalitan pa nga siya kesyo kung anu-ano raw ang lumalabas sa bibig nya kaya hindi nya naiwasan ang matawa na lamang.
Iyon lang yata ang buong ginawa nila sa SM.
Ah, bumili sila ng stuffed toy. Marahil baduy pakinggan pero gusto kasi ni Rhysand na bigyan ng ganito si Keegan para maalala siya nito kapag makita nito iyong stuffed toy. Pagala-gala pa siya sa Miniso.
Then, he saw a… cute pig whale stuffed toy.
Whales weren’t exactly the gluttony-type but something about its huge physique suddenly resonated with him. He also had an impression that these huge mammals were very huggable creatures… and they’re cute.
He’s also cute… on a more manlier side, though.
Iyong kay Keegan naman na binili nya, iyong asong mukhang corgi. Keegan had a huge resemblance with it, even he couldn’t explain why. Itinabi pa nga nya sa mukha ng binata iyong stuffed toy and the man only stared at him unimpressed, which made him grin and very persuaded to buy it.
“Kanino ba ‘to?” tanong ni Keegan habang nagbabayad sila sa cashier.
“Ours,” mabilis namang sagot nya ‘tsaka inabot iyong pambayad nya sa cashier. “Naisip ko lang bumili ng souvenir. ‘Di naman tayo madalas magkita ‘tsaka uuwi rin ako bukas.”
“…E ba’t stuffed toy?”
“Bakit hindi stuffed toy?”
Naningkit ang mga mata ng binata at tila ba naguguluhan siya nitong pinagmasdan. Bakas sa mukha nito na may gusto itong ipunto pero sa huli, mukhang kinagat na lamang nito ang dila at kinuha iyong paper bag na iniabot sa kanya dahil ang instructions nya ay ‘magkahiwalay’ na lalagyan.
Ngumisi lamang siya habang palabas sila ng Miniso. “Don’t you like it? I think the corgi suits you.”
“‘Di sa ayaw ko, ‘di ko lang expect na makakatanggap ako ng stuffed toy na galing sa ‘yo,” pagpapaliwanag naman nito ‘tsaka iniangat ang paper bag na bitbit.
“Bakit? Kasi parang boyfriend mo ang nagbigay?”
“Ga-!” Tila ba medyo napatalon si Keegan sa kinatatayuan nito bago ito tumingin sa kanya. Medyo mapula ang mga pisngi at bakas ang hiya sa reaksyon nito. “Hindi sa gano’n! Naisip ko lang na parang- parang…!”
“Parang?”
Keegan was acting so cute, Rhysand couldn’t help but lean in a little bit but when he did, the man immediately put a hand over his face. Tinakpan, ta’s parang nilamukos-hindi, biro lang. Pinilit ilayo mula rito ‘tsaka siya medyo tinulak paalis.
“Wala! Parang out of character-iyon! Nakuha ko na. Kanina pa kasi ‘yan sa dulo ng dila ko,” anito ‘tsaka tumawa nang malakas at nagpameywang.
Rhysand just heaved a sigh as he massaged his cheeks.
What would he even do to Keegan?
ㅤㅤㅤㅤTAHIMIK na nagtitipa si Keegan ng iri-reply kay Ryleigh gamit ang isang kamay habang hawak naman nya ang softdrinks na binili sa isa. Hindi na rin siya nakainom nang maayos bagamat nasa bibig nya iyong straw dahil kaninanpa nya pinapaulit-ulit ng basa ang mensahe ng girlfriend nya sa kanya.
Hindi naman sobrang espesyal pero malaki ang epekto sa kanya.
Ryleigh: hi baby, good afternoon pooo nasa practice ka na ba? if yes, good luck pooo. i look forward to hear your new performance🫶🏾 ingat ka rin po baby, i love you! if free ka later, let’s talk po ulit mamaya
Napangisi si Keegan habang binabasa ang mensahe nito. Agad-agad din siyang nag-reply na maglalaan siya ng oras mamaya para kausapin ang girlfriend nya.
Ang saya naman. Buo na ang araw nya ngayong aktibo si Ryleigh.
“Ngiting-ngiti ka, ha?”
Natigilan si Keegan nang bigla siyang akbayan ni Renzo. Noong una ay sa mukha nya ito nakatingin pero hindi nagtagal ay lumipat din ang atensyon nito sa cellphone nya. E bilang wala naman siyang pakialam kung basahin ng mga kabanda ang thread nila ni Ryleigh, hinayaan nya lang na bukas.
Iyon lang, unti-unting kumunot ang noo ng binata.
“Kausap mo pa rin ‘yan?” medyo nakasimangot nitong pag-uusisa.
Ngumisi siya at tumango. “Girlfriend ko na rin, bakit?”
“Ano?!”
OA naman sa sigaw. Napapitlag siya ro’n tapos pati iyong mga kabanda nila e nagulat din sa biglaang pagsigaw ni Renzo, pero kaagad naman nitong inipon ang tindig at umayos para tumikhim. Inalis din nito ang pagkakaakbay sa kanya nang sa ganoon ay magpameywang bago muling bumaling sa kanya.
“Kayo na niyang nakilala mo online. Ang tanong, katiwa-tiwala ba?” tanong nito. Naniningkit pa ang mga mata habang tila ba sinusuri siya.
Kumunot ang noo nya. Pangatlo na itong si Renzo, a. Ano ba iyong hindi katiwa-tiwala kay Ryleigh? Mabait ang dalaga, maintindihin, hindi naman siya na-pressure o nasakal sa relasyon, tapos maganda pa! Ano ba iyong kahina-hinala sa girlfriend nya?
‘Tsaka kung may maha-hassle-an naman, siya ha? Pinili nya si Ryleigh, e. Ginusto nya.
Kalaunan ay tumango siya. “Oo naman. ‘Di naman siya katulad noong ibang nakikita ninyo online na nanggagago lang, e.”
“Pa’no mo nasabi? Keegan, karamihan sa mga ‘yan, sa una lang naman din mabait. Kalaunan, peperahan ka na lang,” paliwanag naman ni Renzo.
“‘Di naman ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya.”
Nang sabihin nya iyon, nakita nyang mas lumukot ang mukha ni Renzo kaya mabilis siyang tumikhim para ipagpatuloy ang sasabihin. Ang dilim na kasi ng itsura nito, pakiramdam nya ay hahablutin bigla iyong kwelyo nya tapos ihahagis siya palabas ng nirentahan nilang practice room.
“May tiwala ako ro’n sa tao, kuya Renz!” Itinaas nya ang mga kamay dahil hindi nya alam kung posible pa bang lumukot ang itsura nito pero ganoon ang nangyayari sa paningin nya. “Mabait si Ryleigh, mapagkumbaba, ‘tsaka marunong umintindi.”
Nakakatakot na tingin ang ibinato sa kanya ni Renzo. Ipinagkrus din nito ang mga braso at tila ba pinapatapos lang ang sinasabi nya bago ito magsalita kaya lahat ng oportunidad, pinagsasasalo nya.
Para itong bomba na sasabog kapag may mali siyang nasabi.
Lumunok siya. “Medyo malaki age gap namin pero ‘di siya katulad ng iba na parang ‘di makita iyong mundong ginagalawan ko. Pareho kaming aware sa ganap ng isa’t isa—pakiramdam ko, marami akong natututunan na ‘di ko naman naranasan sa iba!”
Sumutsot ang dila ni Renzo sa pagkainis. “At paniwalang-paniwala ka riyan sa nakakausap mo online lang? Ba’t ‘di ka na lang tumingin sa kung ano at sinong nakikilala mo sa personal?”
“E… wala na ‘kong magawa. Gustung-gusto ko na si Ryleigh.”
“Tang ina, ta’s ‘pag naloko ka iiyak-iyak ka samantalang ‘di mo naman ‘yan nakilala sa personal.”
“Makikilala ko! Magkikita kami.” Siguro, mapagpalagay ang dating nya pero may tiwala siyang makikilala nya si Ryleigh sa hinaharap.
Alam nya ring henuwino ang nararamdaman nito tungkol sa kanya. Kung pang-uuto man ito, edi ang galing, masyado siyang nakumbinsi at ngayon ay patay na patay pa siya roon sa tao.
Paulit-ulit na rin siya pero—malaki talaga ang tiwala nya kay Ryleigh.
Hindi ito katulad ng sinasabi nina Lyle. Ano, lalaki ito? Imposible dahil may mga litrato ang dalaga na sini-send sa kanya. Na lolokohin lang siya at peperahan? Hindi nya maiintindihan iyong mga taong walang konsensya na ganoon ang gawain pero ni minsan ay hindi siya hiningan ng kahit ano ni Ryleigh. Ni singko sentimo, wala
Sa huli ay napakamot siya sa likod ng ulo. “Naiintindihan ko naman kayo na mahirap pagkatiwalaan si Ryleigh dahil ‘di ko naman kilala sa personal pero gusto ko pa ring magtiwala.”
“Ang dami-dami mong options—” Marahas at tila nasisiphayong huminga nang malalim si Renzo bago nito ipinaglandas ang mga daliri sa sariling buhok. “Ang daming iba riyan, diyan ka pa nag-settle. Bahala ka! Basta ‘pag niloko ka ulit niyan tulad noong ex mo, ‘wag kang iiyak-iyak sa ‘kin!”
“Okay.”
Te—teka! Iyong sagot nya, parang ang nonchalant?! Bakit biglang ganoon ang lumabas sa bibig nya samantalang pupwede namang may ibang isagot!
Alam nyang kuhang-kuha nya ang inis ngayon ni Renzo dahil sa mga mata nya, nagta-transform na ang lider ng banda nila! Nagiging demonyo na ito!
“Pst. Kanina pa tapos break natin, ha?” biglang pasok naman ni Kevin.
Kagagaling lamang nito sa labas kasama si Ian na noo’y nasa may pinto pa at tinitignan din sila. Kalaunan, pumagitna pa si Kevin sa pagitan nilang dalawa ni Renzo.
“Ano na? Pinapagalitan ka na naman ba nitong lider natin, Kee? ‘Di talaga ‘to matahimik kakaalala sa ‘yo e,” panunudyo nito sa kay Renzo.
Nag-aalala? Oo, ganoon naman silang lahat sa kanya pero itong si Renzo, ang agresibo. Medyo nakuha iyong inis nya noong halos wantusawa nitong husgahan si Ryleigh na para bang ito talaga ang nakakausap at tila ba magkakilala ang mga ito?!
“Naiintindihan ko naman kaso…” Kaya nga hindi rin nya siguro napigilan ang sariling maging nonchalant sa sagot nya noong sabihan siya ni Renzo. “Kuya Renz…”
Umiwas na lamang ng tingin ang lalaki bago nagpakawala ng mahabang buntong hininga. “‘Di ko rin maintindihan ba’t ganito reaksyon ko pero naiirita ako sa katangahan mo.”
Binatukan ni Kevin si Renzo. “Par! Tama na ‘yan. ‘Di ko alam ano usapan ninyo pero mas mainam kung mag-practice na tayo.”
“Omsim. Iyong girlfriend ko, hinahanap na ‘ko,” sabad naman ni Ian na noo’y pumasok na rin sa loob. “Tama na ‘yan, mukhang ang haba ng pinag-usapan ninyo ni Keegan. Baka mabuwag pa tayo riyan sa kakatalo nyo.”
“Imposible.”
ㅤㅤㅤㅤBUONG praktis nila mainit ang ulo ni Renzo pero bagamat ganoon ang sitwasyon ay nanatili itong propesyonal sa praktis. Syempre, maayos pa rin ang pagkanta at nagbibigay pa rin ito ng maayos na feedback sa kanila lalo na’t mayroon din silang darating na gig sa susunod na gabi.
“Tapos na ba? Pupwede na ba tayong umuwi?” paniniguro ni Ian.
Hindi pa nga umu-oo si Renzo, nakasukbit na rito ang bag nito at tila ba handang-handa na umuwi. Lahat tuloy sila, nakatingin lang dito bago bumuntong hininga ang lider nilang wala na ring magawa sa pagmamadali nito.
“Sige na, mauna ka na. Buntis iyong girlfriend mo e. Baka sugurin kami ‘pag ‘di ka pa namin ibinalik do’n,” pagsuko ni Renzo.
Ngumisi si Ian at nag-peace sign. “Pasensya na, mga brad! Bawi na lang ako ‘pag nanganak na jowa ko. Magninong kayo, a!”
“Tang ina, ang advance mag-aya!” sabi naman ni Kevin.
Matapos umalis ni Ian ay nagsimula na rin naman silang magligpit ng mga gamit. Itinabi iyong mga dapat itabi tutal at renta lamang ang mga instrumentong ginamit nila. Noon ding matapos ay kanya-kanya silang nagsisukbit ng mga bag at lumabas ng practice room.
“Sa’n kayo niyan?” pag-uusisa ni Kevin.
“Uuwi. Nangako ako sa girlfriend ko na mag-uusap kami e,” tugon nya.
Naramdaman kaagad nya iyong mabagsik na awra ni Renzo sa likuran nila kaya mas binilisan nya ang lakad.
“Tatambay ako sa inyo,” biglang anunsyo ni Renzo.
Naguguluhang lumingon si Keegan ‘tsaka bumaling kay Kevin pero minuwestrahan lamang siya ng kaibigan na bahay daw nya ang tinutukoy nito. Napatanga tuloy siya at napaturo sa sarili.
Sa kanya?! Sa apartment nya?!
Ano na namang trip nitong si Renzo? Narinig lang na gusto nya ng quality time kasama girlfriend nya, kung anu-ano na nga ang ginagawa! Kung sa bagay, macha-chat pa naman nya si Ryleigh kahit nandiyan itong kabanda nya pero— wow, panirang moment.
Ipinanganak ba para maging kontrabida ang isang ito?
“Ito namang si Renzo, minsan lang mag-love life itong si Keegan ta’s manggugulo ka pa,” puna naman ni Kevin.
Tinapunan lamang ito ng masamang tingin ni Renzo. “Ano ba? E sa nag-aalala ako sa isang iyan at kung anu-ano na lang iyong pinapasok. Pupwede naman siyang humanap ng magiging jowa sa personal, sa online pa naghanap!”
“‘Di ko naman siya hinanap,” dipensa naman kaagad nya. “Grabe ka naman sa pananalita mo, kuya. ‘Di na ako natutuwa, seryoso.”
Doon pa lamang natigilan si Renzo at tila ba nahimasmasan.
Kumalma ito kaunti nang mapagtantong tama siya, sumusobra na ang pinagsasasabi nito. Pati tuloy si Kevin ay napailing na lang bagamat sang-ayon din kay Keegan dahil kanina pa nga mainit ang ulo nito sa kanya.
“Nagkakilala kami sa laro, ano naman? Ginusto kong pasukin ‘tong relasyon namin kasi gusto ko siya. Alangan pigilan ko ‘tong nararamdaman ko?” Bumuntong hininga siya. “Iyong kabarkada ko nga at pati si kuya Edward, wala lang sa kanila kahit na pinagsabihan ako. Ikaw lang ‘tong mainit ang ulo sa ‘kin na para bang gumawa ako ng krimen.”
“‘Di sa gano’n,” agad namang dipensa ni Renzo.
Medyo matagal din nilang hinintay ang idudugtong nito sa sinasabi dahil tila ba mayroon pero imbes na magsalita ay umirap lamang at naunang maglakad sa kanila. Nakakuyom pa ang mga kamao nito na tila ba nagpipigil ng inis o kung ano ba talaga ang nararamdaman nito.
Napatingin siya kay Kevin. Kaso, nagkibit balikat lang din ito.
“Alangan namang makipag-break ako dahil lang inis na inis ‘yan si kuya Renzo?” hindi nya napigilang sabihin.
Napahalakhak lamang si Kevin at tinapik ang braso nya. “Tol, ‘wag. Hayaan mo lang ‘yang isang ‘yan. ‘Di ko rin alam kung ano tumatakbo sa isip nya pero baka may pinagdadaanan lang ta’s sa ‘yo naibuntong.”
Mali pa rin.
Kung mainit ang ulo nito sa ibang bagay, dapat hindi sa kanya ibinubuhos. Masaya siya sa girlfriend nya, o. Tapos itong si Renzo, panay pa ang pangongontrabida na para bang ito ang nagpalaki sa kanya at lahat.
Napakamot siya ng ulo.
Hindi nya ma-gets ang isang iyan.
Kabanata 37
KABANATA 37
ㅤㅤㅤㅤLABAG man sa loob ni Keegan dahil kanina pa talaga siya sinusuway at pinagsasabihan ni Renzo, dinala nya pa rin ito sa apartment nya. Dumaan muna sila sa malapit na grocery para makabili ng makakain at nakapag-aya pa iyong isa mag-inom na siyang tinanggihan nya, kaya ito lamang ang bumili ng isang bote ng beer.
Noong makarating sila ay kaagad na umupo si Renzo sa isa sa mga couch.
Inilibot nito ang tingin sa kabuuan ng apartment nya, tila ba may tinitignan kung mayroon siyang inalis o binago. Medyo naningkit ang mga mata nya rito pero hindi na lang nya pinansin at sa halip ay pumunta siya ng ref para kumuha ng isang pitsel ng malamig na tubig.
“Ito, kuya.” Inilapag nya sa maliit na lamesa ang pitsel ng tubig at isang baso. “Pahinga ka lang diyan, iluluto ko lang iyong binili natin, nagugutom na ‘ko e.”
“Sige lang.” Tapos ay napatingin ito sa gilid nito.
Dahil nakatalikod na si Keegan dito at iniisa-isa nyang ilabas mula sa plastik ang mga sangkap, hindi nya nakita kung paanong kumunot ang noo nito nang may makitang nakatabi sa couch.
“Kaninong stuffed toy ‘to?” kalauna’y anito.
Napalingon si Keegan at naabutan nyang sinusuri nito iyong balyenang stuffed toy na bigay ni Rhysand sa kanya. Iyon ang iniabot nang maalala nya raw ang binata dahil magkahiwalay silang dalawa — na para bang may ‘sila’? Natatawa siya na ewan sa ideya, e.
Sandali, na-distract siya.
Medyo napatitig din siya nang matagal doon sa stuffed toy dahil naalala na naman nya iyong pinagsasasabi ni Rhysand.
Tumikhim siya. “Ah, sa ‘kin. Regalo.”
“Regalo nino?” pag-uusisa ni Renzo.
“Kay Rhysand.”
“Rhysand?”
Namamanghang napatitig sa kanya ang isa pero hindi nagtagal ay sumimangot ulit ito bago itinabi sa malayo ang stuffed toy. Hindi alam ni Keegan kung matatawa siya o ano kaya sinundan nya na lang ng tingin ang ginawa nito. Basta, hindi naibalibag sa malayo iyong stuffed toy, medyo inaalagaan nya rin dahil sa wakas e nagkaroon ng design ang bahay nya.
Hindi nya pa rin gets bakit stuffed toy ang ibinigay ni Rhysand.
“Nandito na ulit iyong batang ‘yon?” kalauna’y tanong ni Renzo.
Umiling siya at bumalik sa ginagawa. “Wala, sa Cavite pa rin ‘yon nag-aaral. Dumaan lang sila nitong nakaraan at binisita iyong mga magulang nya.”
“Mabuti.”
“Anong mabuti? Parang lahat na lang, kinaiinisan mo.”
“‘Di sa gano’n.”
Panay itong sabi na hindi raw sa ganoon pero hindi rin naman magpapaliwanag. Imbes na ipaintindi iyong tumatakbo sa isip nito, mananahimik lang ito sa isang tabi. Ngayon nga, kahit na nakatalikod siya, nararamdaman nya na masama ang tingin ni Renzo roon sa stuffed toy.
Hindi nya pa rin naka-crack iyong code bakit inis na inis si Renzo kay Rhysand.
“Ba’t ba inis na inis ka kay Rhy?” tanong nya.
Noong hindi sumagot si Renzo ay bumuntong hininga siya. “May utang ba ‘yon? Imposible, masyado pang bata si Rhysand para mangutang sa ‘yo ‘tsaka mas may kaya pa nga iyon kaysa sa ‘tin e.”
“‘Di naman utang. May sinabi lang noon si Rhysand na hanggang ngayon, ‘di ko makalimutan kaya ayaw ko sa batang ‘yon,” kalauna’y anito.
“Wow, pero noon pa naman… asang-asa tayo sa batang ‘yon ‘pag magdo-dota tayo.”
“Dati pa ‘yon. ‚‘Di na nga ako nagdo-dota. Naglalaro ka pa ba?”
“Iba na mga laro ko ngayon, kuya.”
“Kasama mo pa rin si Rhysand?”
“Iyong girlfriend ko ang kasama ko.”
Parang tinayuan bigla ng balahibo sa katawan si Keegan noong maramdaman nya ang pagtitig sa kanya ni Renzo. Alam nyang magta-transform na naman iyan at magiging demonyo kaya mas mainam kung mananahimik na siya rito pa lang tapos tatakas at magluluto sa likod.
King ina.
Parang sinasaksak ni Renzo iyong likod ng ulo nya sa talim ng pagtitig nito sa kanya. Nakakatakot!
“Girlfriend, naglalaro ng online games?” may bahid ng kung ano sa boses nito.
Kumunot ang noo nya at agad pinakyuhan si Renzo. “Hindi ka ba nanonood online ngayon? Ang daming babaeng gamer, kuya. May mga nag-stream pa at magagaling maglaro.”
Ah. Kuhang-kuha na talaga ang inis nya sa mga tamang hinala ni Renzo. Kailan kaya ito titigil nang matahimik din ang buhay nya?
ㅤㅤㅤㅤKEEGAN still hasn’t… messaged him.
Naniningkit ang mga mata ni Rhysand habang nakatutok sa messenger nya, parang kaya nyang pilitin ang screen na gumalaw kung tititigan nya ito nang mas matagal. Online si Keegan. Kanina pa. The green dot sat there like a quiet taunt and he had been waiting for one message.
Hell, even a letter would suffice! He’d make do as long as Keegan would finally send him something!
Kaso wala. Ni hi . Ni kahit anong pasulyap ng presensya.
Ilang beses na siyang nag-message—bilang si Ryleigh, of course. Simpleng ‘
kumusta
’ , isang ‘
nandiyan
ka ba?’ , kahit sana random meme na pupwede sanang magsilbing tulay papunta sa usapan na ipinangako ng boyfriend nya ngayong gabi. Pareho kasi silang libre, parehong walang inaasahang gawain, maraming oras na pupwedeng ilaan para sa isa’t isa.
But still nothing.
Ano na naman kayang klaseng aberya ang sumingit sa buhay nito ngayon? Anong hassle ang biglang pumigil sa oras na dapat sana’y para sa kanila? Ang dami pa naman sana nyang gustong ikwento rito, mga bagay na gusto ring malaman tungkol sa binata.
Kahit pa na masakit lang isipin na hindi nya magawa ang lahat ng iyon bilang sarili nya kung hindi bilang si Ryleigh.
“Ano na namang ikinasisimangot mo?”
Napatingala si Rhysand sa boses ni Trixie. Nakahalumbaba itong nakatitig sa kanya, blangko ang ekspresyong nakapinta sa mukha—walang inis, o bahid ng kuryosidad. Parang nagtanong lang dahil iyon ang unang pumasok sa isip nito para basagin ang katahimikang bumabalot sa kapaligiran nilang dalawa. Para itong manika na napagod nang makaramdam.
Pero pinilit nyang ipaalala sa sarili na normal lang iyon.
Something did come up after all. Something that shattered Trixie, left invisible scars on her mind, and reduced her to feeling like a doll meant to be looked at but never allowed to have everything she wanted.
Dahil sa lola nila at sa mga magulang ni Trixie, kinailangan na naman nitong makipaghiwalay kay Louie. Hindi ito ang una. At marahil, hindi rin ang huli. Magmula kasi noong maging magkasintahan ang dalawa, talagang tutol na ang mga magulang nito pati na rin ang lola nila sa relasyon ng dalawa. It could be because Louie wasn’t religious enough or he just wasn’t their ideal man for his cousin.
But still, Louie was everything Trixie wanted. She’s the happiest around him and he also knew that Louie loved her all the same.
Lumunok si Rhysand. Hindi nya kayang sabihin ang totoo. Ayaw nyang dumagdag pa sa bigat na pasan na ng pinsan nya. Kitang-kita naman, she was already drowning in thoughts, probably replaying the same questions over and over: ‘Maghihintay pa ba sa’kin si Louie? O may mahahanap siyang iba habang wala ako?’
“Content lang sa social media,” palusot nya. “Another cringey post. I’ll probably block it from my algorithm.”
“Is that so…?” Walang buhay na tumango si Trixie, parang kahit ang sagot nya ay out of obligation lang.
“Yeah. Just—” Bumaba ang tingin nya sa plato nitong halos hindi nagagalaw. “Kumain ka naman.”
“Sabihin mo ’yan kapag bumalik na sa’kin si Louie.”
Napipi si Rhysand.
Matagal siyang natigilan, hinahanap ang mga salitang pupwede nyang sabihin sa dalaga pero wala siyang makapa. Hindi siya marunong mag-comfort. Alam nya iyon. Pero gusto nyang gumaan kahit kaunti ang loob ni Trixie.
Ang problema, ano nga ba ang dapat sabihin?
Ayaw nyang sabihin na okay lang. Dahil kung siya ang nasa sitwasyon nito, hindi okay ang lahat. Noon pa nga lang na nasira ang cellphone nya at hindi nya makausap si Keegan, halos hindi siya lumabas ng kwarto. Tapos ganoon lang ang sasabihin? Okay lang? Nag-break sina Trixie at Louie, nahiwalay ito sa lalaking mahal na mahal nito at nakikinita nitong magiging kasama nito sa pagbuo ng pangarap at lahat.
Saying ‘it’s alright’ or ‘it’s gonna be alright’ would be lame, unhelpful, it would make him sound apathetic.
He didn’t want that. Lalo na’t napakaraming naitulong ni Trixie sa kanya.
Kahit luma na ang mga litrato at hindi na nya ginagamit ang mukha nito bilang si Ryleigh, malaki pa rin ang utang na loob nya rito. Kung wala si Trixie, matagal na sanang gumuho ang lihim nyang mundo.
So, ano ba ang gagawin nya?
Rhysand busied himself finding the right words to say to comfort his cousin, but as he went through every vocabulary he knew and attempted to stitch a satisfactory statement to ease her mind, he couldn’t. And she already stole his attention.
Napayuko si Trixie at muling bumuntong-hininga. “Sana all masaya sa jowa nila.”
Nanigas si Rhysand. “Not… exactly,” sabi nya, maingat. “Hindi naman alam ni Keegan na ako si Ryleigh—”
“On the brighter side,” putol ni Trixie, “nakakausap mo pa rin siya. Tignan mo nga kami ni Louie, wala kaming komunikasyon kasi kinumpiska na naman iyong phone ko. Like, what the hell? Why do they go on such lengths ba? ‘Di ko maiintindihan bakit ayaw nila sa kanya.”
“I also don’t get it.”
“Kaya nga naiinggit ako sa ‘yo kasi kahit papaano, mayroon ka pa ring komunikasyon kay Keegan.”
Oo. Pero hindi pa rin nya makuhang maging masaya.
Mas gugustuhin sana ni Rhysand na hawakan ang kamay ni Keegan nang walang takot. Na malaman nito ang totoo na hindi nag-eexist si Ryleigh at mahalin pa rin siya bilang siya. God, what should he do so that he could kiss him without any restraint? What would he sacrifice just so he could have him all to himself? His heart, especially.
He could’ve told Keegan the truth when they last met.
But the moment never felt right.
“How are things between you and him?” tanong ni Trixie.
Nagkibit-balikat si Rhysand. “O—okay naman.”
Habang sinasabi nya iyon, napaisip siya kung tama ba talagang pinag-uusapan nya ang relasyon nya ngayon, habang sugatan ang puso ng pinsan nya. Bigla, inabot nya ang ulo ni Trixie at bahagyang ginulo ang buhok nito. Impulsive pero kusang gumalaw ang katawan nya.
Nagulat ang dalaga pero hindi ito umiwas.
“I’m sorry,” mahina nyang sabi. “Dapat ikaw ang kino-comfort ko, hindi ako ang nagkukuwento tungkol kay Keegan.”
Mahinang humimig si Trixie. “Okay lang. Same boat lang tayo, Mark. Nauna lang lumubog ’yung sa’kin.”
“Huh?”
Hindi nakangiti si Trixie nang mag-angat siya ng ulo. “Hindi ko sinasabi ’to dahil hindi alam ni Keegan na ikaw si Ryleigh. Sinasabi ko ’to dahil alam mo naman kung gaano ka-fucked up sa ulo ang pamilya natin.” Diretso ang titig nya. “Sobrang relihiyoso, tradisyunal, at… homophobic .”
Parang may kumalabog sa tenga ni Rhysand.
Nanigas siya. Umikot ang sikmura nya, at biglang parang lumabo ang paligid. Isang salita lang iyon, pero sapat na para paalalahanan siya ng lahat ng kinatatakutan nya. Kasabay ng pananampalataya ng pamilya nila ang galit sa mga katulad nya.
Natuyo ang lalamunan nya. Isang pilit na tawa lang ang lumabas.
This was not how Rhysand planned to comfort Trixie. He didn’t mean to be dragged onto the same misery, although the reality was as clear as water.
“Sa kwarto na muna ako,” mabilis nyang sabi habang tumatayo. “I hope you’ll feel better soon.”
Napaupo nang tuwid si Trixie. “Ma—Mark, nagbababala lang ako!”
Alam nya iyon.
Hindi lang siya handa, hindi ngayong gabi. Matagal na nyang alam ang posibleng mangyari kung ipagpapatuloy nya si Keegan, kung pipiliin nyang manatili at i-pursue ang binata. Pero anong magagawa nila?
Kaya nga tumanggi siyang ibenta ang bahay sa Pampanga nang ialok iyon sa kanya noon. Sabi nila, para makapag-ipon siya at tuluyang mag-settle sa Cavite.
Pero ayaw nya.
Sa Pampanga, may distansya. May espasyo. May kalayaang mahalin si Keegan nang walang matang nakabantay, walang sermon, walang kondisyong nakakabit sa dugo at relihiyon.
Pagdating sa kwarto nya, agad siyang napasandal sa pinto. He slowly slid until he was sitting on the floor, his mind filled with thoughts that he didn’t want to entertain yet here they were, bothering him and stirring chaos.
Sakto—tumunog ang cellphone nya.
Isang mensahe mula kay Keegan.
Keegan:
hi babe! sorry now lang ako naka-chat. nandito kanina yung leader ng banda namin, di ako makapuslit. panay sita nya sakin, nakakainis nga eh
Ah.
Ah .
Nakahinga si Rhysand nang mas malalim kaysa sa buong gabi. Kung hindi siguro nag-message si Keegan ngayon, matagal na siyang nalunod sa sariling isip.
Hindi nito alam pero si Keegan ang anchor nya at ngayong muntik na siyang matangay ng alon-alon na iniisip at pangamba, mabuti na lang talaga at nakahabol ang binata’t hinila siya pabalik sa realidad na mayroon siya ngayon.
That’s right. He shouldn’t think about these things right now. There’s still so much time to think about what he could do if their family finds out. Right now, he should just continue pretending Ryleigh and pouring all his love to this man he admired since he was a child.
Biglang gumaan ang pakiramdam nya.
It was as if the thorns that had been deliberately coiling around his already restless heart were slowly loosening just from a single message. Isang simpleng notification na galing lang pala kay Keegan ang magiging sagot para mapahinga ang dibdib nya.
At para bang alam nitong hindi pa sapat iyon, nag-send pa si Keegan ng voice message.
Rhysand immediately pressed the ‘play’ button.
The first thing he heard was a faint rustling sound as if fabrics were shifting. It was as if Keegan was adjusting his position on the bed or he could’ve been pacing restlessly.
Hindi masabi ni Rhysand kung mayroon ba itong inaayos. Hindi naman nagtagal ay narinig nya ang boses nito.
“Pasensya na talaga. Babawi ako, free ka pa ba? Ito naman kasing si kuya Renzo, pumapapel sa buhay ko. Nagi-gets ko naman na nag-aalala, pero sumusobra!”
Iyon ang laman ng unang voice message na sinundan pa ng isa.
Unti-unting umangat ang sulok ng labi ni Rhysand. Kahit paano, sa mga voice message na sinend nito, nababawasan ang bigat sa dibdib nya. Keegan’s presence made Trixie’s words become a blur and it was deliberately being buried by his strong feelings of affection towards his boyfriend.
Though, of course, her words remained in his mind.
Ayaw nya lang muna talagang isipin kaya pilit nyang isinasantabi at inilalagay sa likod ng utak nya.
Hangga’t hindi nila alam, ayos lang.
“I miss you.”
Napatigil siya.
Isang simpleng linya lang, pero sapat para mapako siya sa kinauupuan nya. Para bang tumigil ang mundo sandali.
“Dapat kanina pa ‘ko magcha-chat kung ‘di lang din ako binabantayan ni kuya Renzo. Ang gulo ng utak ng isang ’yon.”
Pero hindi na nya halos narinig ang kasunod.
Nag-lock in na siya doon sa tatlong salitang iyon.
I miss you.
Paulit-ulit na umuukit sa isip nya. Ang bilis ng tibok ng puso nya, parang nakikipagkarera, parang sasabog sa sobrang saya. Sumikip ang dibdib nya pero hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sa sobrang tuwa.
Goddamn it.
Isang simpleng linya lang ang sinabi ni Keegan, pero handa nyang gawin ang kahit ano para lang mapasaya ito. Para lang mapanatili ang ngiting naririnig nya sa boses nito.
Kahit pa nangangahulugan iyon na kailangan nyang magkunwari bilang si Ryleigh.
Rhysand didn’t mind anymore as long as Keegan would be his.
Me:
hi po babyyyy. i miss u too! and it’s okay. i was worried kasi ‘di mo ako chinat agad, ‘kala ko nakalimutan mo na ‘ko pero thank you so much po sa reassurance na ‘di siya sadya and something just came up🫶🏾 pero ba’t ka po pala binabantayan ni kuya renzo? did you do something po ba to upset him?
Keegan:
malay ko dun. kaninang practice pa ko pinagiinitan. ano ba ko, sabaw na dapat pakuluan kaya pinagiinitan nya? ako lagi nakikita🤦🏽
Keegan sent a sticker.
Keegan sent a sticker.
muntik ka pa tuloy magtampo sakin!! di ko sadya yun kung di lang talaga epal yung si kuya renzo!! wala din akong ginagawa. mainit lagi ulo nun pag may nalalaman sakin
Me:
curious din tuloy ako bakit ka nya inaaway🥹 ano po bang tinatanong nya kaya lagi siyang naiinis?
Keegan:
hmmmmmmmm kanina sinabi ko lang naman kung sinong girlfriend ko. sabi ko ikaw, tapos nagalit
The fuck was that all about?
Bigla na naman siyang nawala sa mood noong mabasa ang mensahe ni Keegan.
Anong ibig sabihin nito na sinabi lamang nito na siya ang ’girlfriend’ tapos bigla na lang uminit ang ulo ni Renzo? This wasn’t even the first time it ever happened. Nakukwento lang ni Keegan noon na ayaw na ayaw nitong naririnig na magkausap silang dalawa.
No one knew that he’s Ryleigh.
Sina Trixie at Louie lang naman ang may alam.
Tumigil lang din si Rhysand kakahingi ng litrato ni Trixie noong sa wakas ay ma-finalize na ang relasyon nito at ni Louie. Pinagtatanggal nya mga litrato ni Trixie at kung anu-ano na lang ang profile picture nya.
He also made sure that Ryleigh never carried his vibe or aura.
Tignan nga’t si Keegan na minsan na siyang nakausap bilang si Rhysand at Ryleigh, walang alam. Mas lalo naman siguro si Renzo na hindi nya pa nakakausap magmula noong lumipat siya pa-Cavite?
Sandali.
He remembered something.
Keegan did ask him bakit mainit ang ulo ni Renzo sa kanya and he couldn’t really give an answer because—what does he even know?! Rhysand was just as clueless as he was.
Did he also upset Renzo? No!
Bigla na naman siyang nawalan ng gana nang mabasa ang mensahe ni Keegan.
Ano bang ibig sabihin no’n? Na sinabi lang nitong may girlfriend ito tapos bigla na lang uminit ang ulo ni Renzo? Hindi naman iyon ang unang beses na nangyari. Ilang beses na ring naikuwento ni Keegan na ayaw na ayaw ni Renzo tuwing nalalaman nitong magkausap silang dalawa.
The question was… why?!
No one knew that he was Ryleigh.
Sina Trixie at Louie lang ang may alam.
Bagamat tumigil na rin siya sa panghihingi ng litrato kay Trixie noong tuluyan nang naging opisyal ang relasyon nito kay Louie. Isa-isa niyang tinanggal ang mga larawan nito—mga dating profile picture, kung anu-anong bakas. Siniguro nya ring hindi nya madadala ang tono o vibe nya bilang si Rhysand sa account na ito.
Hindi ang aura o ang vibes.
Wala kahit kaunting pahiwatig.
At heto pa: Si Keegan mismo, na nakausap na siya bilang Rhysand
at
bilang Ryleigh, walang kaalam-alam. Lalo na siguro si Renzo, na hindi niya pa nakakausap simula nang lumipat siya sa Cavite.
Saglit siyang natigilan.
May naalala siya.
Tinanong nga pala siya ni Keegan nitong minsan na nagkita sila kung bakit galit na galit si Renzo sa kanya. At hanggang ngayon, wala pa rin siyang matinong maisagot. Dahil ang totoo—
Ano ba ang alam niya? Hell, he didn’t even know that the man was upset with him.
Nagalit ba si Renzo sa kanya?
May nagawa ba siya bago siya umalis ng Pampanga? Wala!
But wait—what the fuck.
A sudden realization hit him like a truck.
If Renzo was acting all territorial around Keegan… if he kept restricting him, hovering, getting pissed over the smallest things like talking to his
own
girlfriend… doesn’t that mean—
No.
No, no, no .
Rhysand immediately shut that thought down. Ilang beses siyang napailing at umaktong mayroong binubura sa hangin bagamat wala namang kahit ano roon.
Nagpakawala siya ng malalim at marahas na buntong hininga. Ayaw niyang umabot doon ang takbo ng isip niya.
Renzo was straight.
…Right?
Then again, rulers were straight too until you tried to bend them.
Kabanata 38
KABANATA 38
ㅤㅤㅤㅤBAGAMAT isang malaking palaisipan kay Rhysand kung ano ba ang ganap ni Renzo at mainit palagi ang ulo nito kay Keegan lalo na t’wing nababanggit siya, lumipas na lang din ang oras na hinayaan na lang nila ang ideya.
Ang alam nya, sinubukan ni Keegan kausapin ang binata pero kahit ni isang ideya upang ipaintindi ang takbo ng utak nito, walang ginawa si Renzo. Katunayan ay iniiwasan pa raw nito ang binata bagamat nasa iisang banda na lamang. Hindi alam ni Rhysand paano iyon nagagawa ni Renzo, hindi nya rin alam kung dapat ba nya iyong ikabilib o hindi.
Anyway, time did pass by as mentioned…
Naipasa ni Rhysand ang thesis nya. Ilang beses nya ring nai-rant kay Keegan ang mga kagrupo nya hanggang sa nauwing sina Leroy na lang ang tumapos ng requirement na iyon. Madali lang din para kay Rhysand ang practice teaching dahil matagal na nyang gusto ang pagtuturo.
“Marcus Rhysand Fajardo,” tawag sa kanya ng emcee.
Nakangiting umakyat si Rhysand sa entablado habang inaalalayan nya ang lola nya. Kasabay noon ay ang palakpak ng mga kapwa nya estudyante. Iniabot sa kanya ang diploma nya ‘tsaka sila nagpa-picture muna sa gitna bago ang handshake.
“Mabuti naman at natapos na ‘to,” mahinang sabi ng lola nya habang inaalalayan nya itong bumaba. “Mabuti rin at graduate ka na. May sobra pa sa perang iniwan ng mga magulang mo, Marcus.”
Ngumiti siya rito. “Gagamitin ko naman po ‘yon para makapag-apply at makapag-LET. ‘Di pa tapos kalbaryo ko.”
“Iyon lang pero maganda na ring ‘di mo na iisipin gaano ang pag-aaral mo, Marcus.”
Rhysand only nodded—although deep in his mind, he still had to attend classes to increase his rank and all. Para iyon sa sahod, para na rin mabigyan nya ng mas maayos na buhay si Keegan. Sana lang talaga at piliin siya dahil baka mabaliw siya kung hindi.
Bumalik sa audiences ang lola nya kung saan sinalubong ito noon ni Trixie. Habang si Rhysand, bumalik naman sa pwesto nila ng buong klase—pero bago pa man makaupo si Rhysand ay hinila na siya ni Leroy para magpa-picture kasama ang buong barkada nila.
Hindi nagtagal, buong klase pa iyon dahil nagtatawag pa rin ang mga nasa entablado ng mabibigyan ng diploma.
“Ang bilis ng panahon! ‘Di ako makapaniwalang graduate na tayo!” saad ng isa sa mga kaklase nya habang nakakapit sa braso ni Rhysand. “Mark, ‘di mo na ‘ko makikita niyan. Ayaw mo ba talaga sa ‘kin?!”
“May girlfriend ako,” mabilis nyang sagot na dahilan para matawa ang mga kaklase nila.
“Oo nga, respeto naman te! Wala ka talagang pag-asa kay Mark niyan. Ang tagal na rin nila ng girlfriend nya, gaga!”
Marahang inalis ni Rhysand iyong kamay ng kaklase nya sa braso nya ‘tsaka siya mabilis na umusog kay Leroy na noo’y natawa lamang sa iniakto nya.
“Ga-graduate na lang tayo, mabenta ka pa rin. Ano, ‘di mo na ba talaga papapuntahin iyong girlfriend mo rito?” mapanudyong tanong ng binata.
Sinimangutan nya ito. “If I could only invite her, why wouldn’t I?”
“Ewan ko ba sa ‘yo. Ayaw mo bang i-flex na ang gwapo naman pala no’ng naging boyfriend nya?”
“Leroy, alam mo ikaw—”
Hindi na natapos ang sinasabi nya dahil lumayo kaagad si Leroy sa kanya at nag-peace sign. Nagsasabi pa na sana raw ay hindi nya ito babatukan ngayon dahil graduation naman nila—na para bang may pinipiling oras si Rhysand sa pamamatok dito.
Leroy was his best friend here in Cavite.
Bukod kina Trixie at Louie, alam din nito na hindi girlfriend ang meron siya kung hindi boyfriend. Kaya nang sabihin nya kanina sa harap ng buong klase na may girlfriend siya, mabilis itong nag-make face at tinapunan siya ng mapanudyong tingin.
Rhysand didn’t intend on telling him. Dapat nga ay itatago nya iyang sikreto kaso aksidenteng nalaman ng isang ito.
And no, he only recently found out.
“Nagulat talaga ako,” bulong ni Leroy bago siya nito hinila palapit dahil baka marinig ng mga kaklase nila ang sasabihin nito. “Akala ko pa e girlfriend talaga dahil niyayabang mo. Iyon pala, boyfriend.”
“Manahimik ka nga, baka marinig pa ng mga kaklase natin,” aniya at tinignan pa ang mga kaklaseng kumukuha pa rin ng litrato.
“P’re, ‘di naman sa ano. Simula kasi noong senior high, alam ko rin na straight ka dahil may mga naging girlfriend ka naman…” Ipinagkrus nito ang mga braso. “Hindi ka naman napilitan ligawan iyong mga ‘yon, ano?”
“No, I genuinely liked them. Mas gusto ko lang talaga si Kee.”
Tumango-tango ito. “Bukod diyan sa jowa mo, wala ka naman na rin yatang ibang nagustuhan na lalaki?”
“Wala. Weird ba? ‘Di ko rin alam kung matatawag ko ba sarili ko na bi kung ito lang namang si Keegan ang gusto ko.”
“Baka naman wala ka pa lang nakikilalang ibang nakapukaw ng atensyon mo?”
Bumusangot siya. “I doubt so. Marami namang nag-make move sa ‘kin na lalaki rin. Wala talaga akong nagustuhan sa kanila.”
Kinamot ni Rhysand ang ulo habang nag-iisip. Honestly, this had been a dilemma but he kept putting it aside. Ipapagpalagay nya na sana ang sarili nya na ‘Keegan-sexual’ pero baka naman tama rin si Leroy? Baka wala pa lang siyang nakikilalang iba?
E, hindi rin naman siya naghahanap.
“Paano mo ba nagustuhan ‘yan?” tanong ni Leroy kalaunan.
Nagkibit balikat siya’t napatingin sa malayo. “Hindi ko rin maalala kung pa’no. Nagising na lang ako isang araw na siya pala iyong goal ko.”
ㅤㅤㅤㅤ “KAHIT ‘di na tayo tumakbo! ‘Di naman tayo mahahabol niyan ni Mark sa sobrang taba nya!”
Naghagikhikan ang mga kaklase ni Rhysand habang inaasar-asar siya. Ilang beses pa ng mga ito na itinulak siya hanggang sa mapaupo na lamang siya sa semento at ni isa sa mga kaklase, hindi man lang nakaramdam ng awa sa kanya. Sabay-sabay pang nagsipagtawa.
Sumali noon si Rhysand sa habulan. Tagtagan—iyon ang mas kilalang pangalan ng larong ito.
Recess nila noon at bilang inaya siya maglaro, sumama si Rhysand.
It wasn’t really the first time that he was asked to play, but this was one of the rare times he agreed. Ang akala nya, iyong mga kaklase lang nilang mababait ang makakasama nya. Iyon pala, iyong mga asungot.
“Jordan! Grabe ka naman kay Mark!” sita ni Annie rito.
Umismid ang kaklase nila’t sumayaw-sayaw na nang-aasar tapos ay tumalon ito patalikod ‘tsaka pinalo ang sariling pwet. “O bakit kayo naiinis e totoo naman! Sa taba niyan, mahahabol ba tayo? Kahit ako pa taya, malilipat ko kaagad sa kanya ‘yon e!”
“Jordan!” suway pa ulit ng isa nilang kaklase. “Ang yabang-yabang mo talaga! ‘Wag ka na ngang sumali!”
Imbes na seryosohin ang mga ito ay tumawa lamang ang bata kasama ng mga kaibigan nito. “O sige na, kami na taya pero una naming target ‘yang mataba nyong kaibigan! Pinabayaan sa kusina ng mama!”
The game didn’t end well. Si Rhysand nga ang madalas na taya at halos wala siyang mahuli sa mga kaklase. Bagamat sinubukan nya na bilisan ay nauwi lamang sa paghingal ang ganap nya. He attempted to do better but—it was all futile.
Nadapa siya.
“Marcus kulelat! Marcus kulelat!” pang-aasar ng mga kaklase sa kanya habang pinapalibutan siya ng mga ito.
Unti-unting itinulak ni Rhysand ang sarili para umupo sa semento. Habang pinakikinggan nya rin ang mga kaklase na asarin siya, unti-unti na ring nanlalabo ang paningin nya at nagsisimula na rin ang paghikbi nya.
Palagi na lang siyang inaasar dahil mas mapayat sila.
Lagi na lang siyang sinasabihan na non-sporty dahil napabayaan daw siya sa kusina. Ilang beses na siya na-offend pero ni minsan ay hindi siya nagsalita.
Kaso madalas, nakakainis din. Why was he different from everyone? It was something he didn’t understand.
“Hoy.”
Hindi na napansin ni Rhysand iyong boses na dahilan para bigla na lang tumigil iyong mga kaklase nya. Basta, abala siyang tumingin sa semento at umiyak, pinapalis pa nya ang mga luha nya pero kusa iyong nagtutuloy-tuloy.
“Sino kayo–? Ba’t kayo nangingialam?! E mataba naman talaga siya, napabayaan ng—” Hindi na natapos ng kaklase nya ang sinasabi dahil tumawa iyong lalaki.
“Mabuti nga sila mukhang masagana sa pagkain. Ikaw nga mukhang stick! Baka hipan lang kita, lumipad ka?” paghahamon nito.
“A—ako?! ‘Di ako lilipad–!”
“Doon ka, para kang stick-o.”
Hindi maalala ni Rhysand anong nangyari pagkatapos noon. Basta e nagsitakbuhan iyong mga kaklase nya pabalik sa klase at tila ba nag-uunahan kesyo baka raw magantihan ng mga grade 6. Takang-taka namang naiwanan siya sa labas ng classroom nila hanggang sa bigla na lang siyang masilungan ng anino ng hindi nya kilala.
Rhysand slowly raised his head—and there he was.
May band-aid sa pisngi nito at nakabusangot. Nakakatakot ang itsura nito dahil kunot ang noo pero aminado si Rhysand na maganda ang hugis ng kilay nito. May kung ano rin sa mga mata nito na ang talim, parang ayaw nya tuloy kausapin.
Napahikbi ulit siya, bantang maiiyak na naman.
“Hindi ka pa tumahan?!” pasigaw nitong sita sa kanya.
Napapitlag si Rhysand at napakagat sa pang-ibabang labi. “S—slrry po.”
“Ba’t ka nagsu-sorry? Dapat ‘thank you’! Tinaboy ko mga kaklase mong inaasar ka ta’s magsu-sorry ka sa ‘kin? Baliw ka ba?”
Thank you? Naguguluhan nya itong pinagmasdan.
Napansin nyang wala na iyong mga kaklase nya pero hindi nya alam kung anong nangyari. Mas busy kasi siyang umiyak kanina.
Tinapik ng kasama nito ang balikat nito. “Kee, mauuna muna kami ni Vince sa canteen! Baka maubusan kami ng koolee.”
“H—hoy! Susunod na ‘ko!” sabi naman nito bago siya nito tinapunan ng mabilis na tingin at iniwanan.
ㅤㅤㅤㅤNAKUHA na lang nakaalis noong ‘tumulong’ sa kanya, hindi pa nya napasalamatan nang maayos. Pero natatandaan ni Rhysand ang itsura nito at madalas nya itong makasalubong. Nitong minsan nga, nakita nyang nakikipaghabulan sa mga kaibigan.
Ang unang impresyon ni Rhysand sa ka-schoolmate, brusko ‘tsaka nakakatakot. Matapang kasi ang facial features nito pero sa t’wing makikita nya ito na nakikipaglaro at nakikipagtawanan sa mga kaklase, mukhang mabait naman pala.
“Mhm, anong ginagawa mo rito?”
Natigilan si Rhysand nang marinig ang isang pamilyar na boses. Ang akala pa nga nya ay multo pero noong lumingon siya, ‘tsaka nya nakita iyong grade six student na tumulong sa kanya nitong nakaraan.
Naikuyom nya ang mga kamao bago siya humarap dito. “He—hello po, may… aquarium kasi kaya ako nandito.”
It was earlier than six in the morning. Madilim pa noon ang paligid pero si Rhysand, maaga sa eskwelahan dahil maaga siyang naihatid ng lola nya. Apparently, something happened with his parents that she didn’t want him to know, so she rushed over and left him in their classroom.
Dahil nabu-bored siya, naisip nyang umakyat sa building ng mga grade six. He did it out of curiosity—then, he came across this classroom with a huge aquarium outside.
Natuwa si Rhysand noong makita na bukas iyon at hindi peke ang mga isdang lumalangoy. He had been gawking at them, watching every movement, and he did try to check if there were food somewhere, but he couldn’t. Gusto pa naman sana nyang maranasan magpakain ng gold fish.
Pero ngayong may estudyante na—iyong tumulong sa kanya nitong nakaraan, napaatras siya’t nahiya.
Bumaba ang tingin ni Rhysand sa semento habang ito namang pumuna sa kanya ay napatingin sa aquarium at inayos ang pagkakasukbit ng bag nito.
“Sa adviser namin ‘yang aquarium. Iniiwanan lang nya ‘tong mga ‘to rito.” Nagkibit balikat ito ‘tsaka lumapit sa pinto. “Bubuksan ko lang, gusto mo ba sila pakainin?”
“E—eh? Pupwede ko silang… pakainin?” nag-aalangan pero bakas ang tuwa sa boses na tanong nya.
Mahina itong humimig ‘tsaka nabuksan ang pinto ng classroom. “Oo naman, sa ‘kin din naman binigay ‘yong trabaho. Isa pa, mukhang wala ka namang ginagawang masama sa mga isda ni Ma’am Tolentino.”
If Rhysand’s eyes could sparkle, that would’ve happened already.
Pumasok ang ka-schoolmate sa loob ng classroom nito habang siya naman ay sumilip sa may pinto. Sinabihan pa siyang maghintay na lang dito sa labas dahil ilalagay lang daw nito ang mga gamit sa upuan bago kunin ang mga pagkain ng isda.
Anyway, he was back in less than five minutes.
Binigyan siya nito ng pagkain ng isda, iyong amount lang daw na dapat ipakain sa mga ito at siya na rin ang naghulog noon mula sa itaas ng aquarium. Rhysand watched the fishes swim up and eat—it was a fascinating experience for a child.
Bumuntong hininga ang kasama nya. Napukaw noon ang atensyon ni Rhysand ‘tsaka siya napalingon dito.
Then, he noticed that something was off.
Madalas nyang makitang masigla ang isang ito. He didn’t know hos name but he knew that how cheerful he looked amidst how sharp his facial features were. Madalas itong nakatawa, mukhang maraming kaibigan, at mukhang mabait.
Tila ba napansin nito ang pagtitig nya dahil napatingin din ito sa kanya.
Umangat ang mga kilay nito, ‘tsaka tila ba may napagtanto. “A—ah, pasensya na. ‘Di naman kita inaano dahil mukhang masaya ka sa ginagawa mo.”
Ipinilig nya ang ulo. “Thank you po,” aniya bago ibinalik ang tingin sa mga isda. “Um, okay ka lang po ba?”
“Ako? O iyong isda? Sa kanila ka nakatingin e.”
“Ikaw po!” mabilis nyang sagot na ikinatawa naman noong isa.
“Okay lang ako,” nakangising saad nito bagamat bakas din sa mga mata na tila ba pagod ito.
Now that he mentioned it, this guy looked like he hasn’t gotten a blink of sleep. Mukhang nangayayat ito tapos nagkaroon na rin ng dark circle sa ilalim ng mga mata.
“Oo nga pala, anong pangalan mo? Ngayon lang kita nakita,” anito.
Rhysand blinked in surprise. Sa isip nya, hindi ito ang unang beses silang nagkita. Nagkasalamuha pa nga sila noong nakaraan pero ayaw naman nyang i-bring up dahil bigla siyang nahiya. Baka… baka mabilis na kalimutan ang itsura nya.
“Rhy… Rhysand,” mahina ang boses na pakilala nya.
Ipinilig naman nito ang ulo bago ito malawak na ngumisi. “Rhysand? Ang ganda naman ng pangalan mo. Ako nga pala si Keegan.”
ㅤㅤㅤㅤMAGMULA noong araw na iyon, mas naging close silang dalawa ni Keegan. Madalas si Rhysand sa harapan ng classroom ng binata, nagpapakain ng mga isda o hindi kaya’y makikipagkwentuhan dito. Minsan, dadaan din siya roon ng lunch para ayain si Keegan pero madalas ay hindi rin siya mapaunlakan dahil umuuwi raw ito o hindi naman kaya ay may iba nang kasabay.
Masaya na siya t’wing magkakasama sila.
Pero parang hindi yata nya makikita ngayon si Keegan.
“Lola, ready na po ‘ko pumasok ng—” Hindi na natuloy ang sinasabi ni Rhysand noong biglaan na lang sumigaw ang lola nya.
“Ha?! Anong nangyari? ‘Wag nyo sa ‘kin sabihin na wala na sila!” anito bago natahimik. Ilang segundo lamang ang lumipas ay bigla na lang itong napaupo sa sahig at humagulhol.
Natigilan siya. Hindi nya alam kung anong nangyayari pero biglang iba ang pakiramdam nya. Para siyang nahilo sa nakita at ang lakas ng kabog ng dibdib nya. Naibagsak pa nya ang backpack para tumakbo sa lola nya na noo’y hindi makontrol ang paghagulhol.
At age nine, Marcus Rhysand Fajardo lost his parents in a car accident.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi alam ni Rhysand kung paano iyon irirehistro sa utak nya samantalang bata pa lamang siya.
How did it happen? Rhysand didn’t know.
Base pa sa mga naririnig nya, naaksidente ang mga ito habang pauwi galing business trip. Mayroon daw muntik na makabanggaan na sasakyan pero pilit umiwas ng tatay nya pero nabangga ang mga ito sa pader—hindi lamang mga magulang ni Rhysand ang nadamay kung hindi isang matandang lalaki na noo’y naglalakad lang para bumili ng pandesal.
Dead on arrival. Hindi na umabot sa ospital.
Ang driver na muntik bumangga sa mga magulang nya? Nakulong at nakasuhan ng drunk driving, nakumpiska ang lisensya, nagbayad para sa mga magulang nya at sa nadamay na matanda.
E paano naman siya?
Hindi maibabalik ng pera ang mga magulang nya.
Nakatulala si Rhysand habang pinagmamasdan ang kabaong ng mga magulang nya sa punerarya. Dumating ang mga kaklase nya para makiramay, sinubukan din siyang kausapin ng guro pero hindi siya makakibo.
Hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya na wala na ang mga magulang nya.
Ang mga kamag-anak naman nya, pinag-iisipan kung sino raw ba ang kukupkop sa kanya—walang may gusto dahil marami na rin daw ang mga anak, pero nilinaw ng lola nya na wala itong balak ibigay si Rhysand kahit kanino. Nagboluntaryo na rin ang mga magulang ni Trixie na alagaan siya pero sa kundisyon na babalik siya ng Cavite.
“Hindi ngayon,” paglilinaw ng lola nya. “Sa susunod na iyan. Alam ko na ayaw din ni Marcus iwanan itong mga magulang nya.”
Tumango ang tito nya. “Ayos lang ‘yon, Ma. Pag-usapan nyo na lang ni Rhysand kung kailan nya gustong lumipat pero… ‘di pupwedeng dito siya dahil kailangan din namin siyang tignan-tignan. Lalo na, matanda ka na, Ma.”
“Maiintindihan din ni Marcus ‘yan.”
Everything went on a blur. Walang maalala si Rhysand hanggang sa dumating ang araw ng libing. Doon lang parang unti-unting nagsi-sink in sa kanya dahil kapit na kapit siya sa damit ng lola nya habang pinanonood ang mga kabaong ng magulang nya na dinadala roon sa sasakyan.
No. No .
Something wasn’t right—saan nila dadalhin ang mga magulang nya?
“Rhysand!”
Noong marinig ang boses ni Keegan, parang doon nahimasmasan si Rhysand.
Parang nanginig ang buong katawan nya. Unti-unti nyang hinanap ang pinanggalingan ng boses hanggang sa makita nya ang binata na habol hininga. Nakasuot ito ng putting t-shirt at itim na shorts, nakatsinelas din, magulo ang buhok, at nakayukong humihingal.
“Nakahabol… ako!” anito bago tumuwid sa pagkakatayo para bumati sa lola nya. Nang matapos ay kaagad itong humarap sa kanya na dahilan para mapapitlag siya. “Hinahanap kita! ‘Di ko—‘di ko alam na may nangyari sa ‘yo. Nalaman ko lang no’ng hinanap kita sa teacher ninyo dahil saktong adviser ko rin siya noon.”
“Kuya… Keegan,” nanginginig ang boses na tawag nya rito.
Bumitaw siya sa lola nya at hindi malaman ang gagawin. Noong makita ni Keegan na tila ba maiiyak na siya ay mabilis itong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
“Hindi okay! Alam kong ‘di okay kasi masakit ‘yan kaya umiyak ka na lang. Ngayon lang kita papayagan, Rhysand!” matapang na anito ‘tsaka siya inalo.
Rhysand wept and mourned. He yelled and broke down in tears while Keegan stayed beside him.
Kabanata 39
KABANATA 39
ㅤㅤㅤㅤEVER since that day, Rhysand began to depend on Keegan more. Mas madalas nyang puntahan ang ka-schoolmate sa klase nito at sabayan mag-lunch dahil hindi nya na alam kung saan pa nya pupulutin ang sarili. Simula rin noong araw na iyon ay madalas na siyang samahan ng nakatatanda.
Hindi sobrang dalas, pero mas nakakapaglaan na ito ng oras para sa kanya. Palagay ni Rhysand ay nakababatang kapatid na dapat protektahan ang tingin nito sa kanya.
Not that he ever minded. Gusto nyang inii-spoil siya ni Keegan.
Only that… Rhysand realized everything wasn’t going well with him either.
Muntik mahulog ni Rhysand ang bitbit na lunchbox noong makita ang malaking pasa sa pisngi ni Keegan. Natameme siya at hindi rin makakilos sa kinatatayuan, habang ang isa naman ay pilit umiiwas ng tingin sa kanya at tila ba ayaw pag-usapan kung anong nasa mukha nito.
“Kuya…” mahinang tawag nya rito.
Mahinang sumagitsit si Keegan at bumuntong hininga. “Rhy, ’di na muna ako sasabay sa ’yo. May kailangan akong gawin.”
“Okay ka lang ba-”
“H’wag mo nang pansinin ’yan.” Ikinuyom ni Keegan ang mga kamao bago siya nito nilagpasan. “Kunwari wala kang nakita, Rhysand.”
“Kuya-”
“Mauuna na muna ako sa ’yo. May kailangan pa kasi akong gawin sa bahay.”
Hindi siya nilingon ni Keegan pagkatapos nito sabihin iyon habang siya naman ay hanggang tingin na lamang na sinundan ang ka-schoolmate hanggang sa mawala na ito sa paningin nya. Ni hindi man lang nya napansin na mas humigpit pala ang pagkakahawak nya sa lunchbox nya.
Because it was unfair.
Keegan knew what happened to him and his family-how he lost his parents at a very young age. Habang siya naman ay pilit ikinukubli ng isang ito sa mga kaganapan nito sa buhay.
But it didn’t take long not to figure things out.
Bago grumaduate si Keegan, halos araw-araw na may pasa ito sa mukha. Gusto rin sanang pag-usapan ni Rhysand pero pinipilit ng isa na huwag iyon pansinin-marahil sensitibo at hindi rin handa ang isa magkwento kaya hinayaan na lang din nya.
Rhysand only heard when he was supposed to check on him one morning and he saw Keegan with his adviser.
Mukhang maaga ring pumasok ang guro para kausapin ito noong araw na iyon at bilang ayaw nya makaistorbo, nagtago siya sa pader. Sakto namang nakatalikod si Keegan sa direksyon nya kaya hindi nito nakita ang pagdating nya.
“Keegan, nag-aalala na ’ko sa lagay mo ’nak. Sigurado ka bang ayos ka lang sa inyo? Halos araw-araw kang pumapasok na may pasa,” nag-aalalang pag-uusisa ng guro nito.
Mahinang humimig si Keegan. “Okay lang po, ma’am.”
“Keegan, ’di naman masamang magkwento sa ’kin. Tignan mo iyang sarili mo. Namayat ka, malalim iyang mga eye bags mo, palagi ka pang mayroong pasa!”
“May nangyari lang po sa bahay, ’di naman po nila kasalanan.”
Hindi na narinig ni Rhysand gaano ang pinag-usapan ng mga ito pero nauwi rin na umamin si Keegan sa nangyayari sa pamamahay nito.
It turned out that like him, Keegan came from a well-off family. However, their business got bankrupted. Magmula noon, naging agresibo ang mga magulang ni Keegan at madalas daw siyang mapag-initan. It was obvious from him that he was a spoiled kid, adjusting to whatever kind of life had thrown at him.
Parang siya.
Nawalan siya ng mga magulang, nawalan din si Keegan. The thing was, their cases were different.
Noong umalis ang guro ni Keegan dahil magri-report daw ito sa guidance ukol sa nangyayari rito, ’tsaka lamang nakalabas si Rhysand mula sa pinagkakataguan nya. He almost didn’t want ro because he was clearly eavesdropping, but curiosity got the best of him.
Napasinghap siya noong humarap si Keegan sa kanya.
Tila ba walang emosyon ang mga mata nito at hindi na lamang pisngi nito ang may pasa kung hindi pati ang mga braso nito. Mas mukha ring pumayat si Keegan at lumalim ang itim sa mga mata, tila ba pagod na pagod na ito.
Napaismid ang kaibigan. “Narinig mo?”
Rhysand pressed his lips together and slowly walked towards him. Tumigil siya sa harap ng kaibigan ’tsaka yumakap dito.
“Sorry kuya, ’di ko alam…” aniya sa maliit na boses.
Bumuntong hininga ito. “Para namang may magagawa ka rin kung nalaman mo. Sa totoo lang, wala akong balak sabihin pero ang hirap na rin sa ’min-”
“Sa amin ka na lang!”
“Hindi naman ’yon gano’n kadali,” tugon nito. Tila ba nagulat din sa suhestiyon nya bago ito natawa. “Alam mo… Pumunta ako sa ’yo para makiramay pero no’ng araw na ’yon, parang napagtanto ko na pareho tayo. ’Di nga lang patay sina Mama at Papa pero…”
“Kuya Keegan.”
Mas malakas itong natawa sa pagkakataong iyon. “Parang nawalan din ako ng mga magulang.”
They became each other’s anchor.
Mas malala nga lang si Rhysand kaysa kay Keegan dahil talagang malala siya dumipende rito. Kung nasaan ito, gusto rin nyang nandoon siya-pero hindi sa lahat ng bagay ay masusunod ang mga gusto nya dahil noong siya ang grumaduate, napagdesisyunan ng lola at tito nya na dalhin siya kung saan gusto ng mga magulang nya.
Semi-private ang eskwelahan nina Rhysand at Keegan sa elementarya pero gawa ng kawalan ng budget, nalipat si Keegan sa pampublikong paaralan noong makatuntong ito ng high school. Habang siya naman, noong grumaduate sa elementarya tatlong taon ang lumipas, dinala sa eskwelahang plinano ng mga magulang nya para sa kanya.
Rhysand was in a private school but he never truly felt happy.
“Lola, gusto ko po magpa-transfer…” pagmamakaawa nya sa lola nya noong first year high school siya.
Naiiritang inalis ng lola nya ang mga kamay nya sa bestida nito. “Manahimik ka nga, Marcus! Ilang beses ka nang nagri-request ng ganyan. Wala ka bang respeto sa hiling ng mga magulang mo?!”
“Pero hindi po ako masaya sa-”
“Marcus, diyan ka lang sa eskwelahang iyan! Maawa ka naman sa mga magulang mo. Pinag-ipunan nila iyang pag-aaral mo. Mabuti nga at nakapag-iwan sila ng malaking pera bago ka nila naiwanan!”
But they were no longer here.
Papasaan pa ba para sundin ni Rhysand ang kahilingan ng mga ito, ang mga plano nito, kung hindi naman na makikita ng mga ito? Isa pa, hindi talaga siya masaya sa bagong eskwelahan.
Kung nabu-bully na siya noong elementarya dahil sa katawan nya, mas malala ngayon. Nitong minsan nga ay kinuha ang pencil case nya ’tsaka itinapon sa kanal, iyong paborito nyang ballpen, itinapon sa inidoro at pinakita sa kanyang pina-flush. Ang mga notebook nya, tinatapunan ng kape at kung anu-ano.
If he was with Keegan, he would feel safer.
ㅤㅤㅤNAPAG-ALAMAN ni Rhysand kung paano waldasin ni Keegan ang oras nito t’wing wala ito sa pamamahay. Dala ng tampo nito sa mga magulang at bilang paraan na rin para kumita ng pera, noong minsan ay nagkita silang dalawa sa kanto at dinala siya nito sa internet shop. Tinuruan siyang maglaro at sumugal, hanggang sa matuto siya’t madalas na sumama rito.
His grandmother then bought him his own personal computer just so he would stop staying late outside, but he wouldn’t use it often.
Mas gusto nya ang ingay sa internet shop. Bagamat hindi maganda ang mga salitang lumalabas sa bibig ng mga ito, natuto si Rhysand na makihalubilo sa iba. Unti-unti nyang naintindihan kung bakit mas gusto ni Keegan dito.
Ni minsan, hindi siya nahusgahan ng mga nandito. Isinasama siya sa paglalaro at madalas ay ini-encourage tapos pinupuri siya sa bawat panalo, hindi rin siya sinisisi t’wing minamalas sila sa laro.
Isa pa, mas nakakasama nya si Keegan.
Alam naman ni Rhysand sa sarili na masyado siyang clingy rito, na kung nasaan ito ay gusto nyang nandoon din siya, kung anuman ang pinagdadaanan nito ay nalalaman nya.
“Ikaw, Rhysand? Nagbibinata ka na, wala ka pa bang gusto sa mga kaklase mo?” panunudyo noon ni Renzo habang nakangisi.
Ilang beses kumurap-kurap si Rhysand bago ipinilig ang ulo. “Gusto sa kanila? Ba’t ako magkakagusto sa kanila?”
Oo sige, mayroon siyang mga kaklase na ubod ng bait pero syempre, mas marami pa rin ang mahahaba ang sungay. With that in mind, he couldn’t find anyone attractive in his class because most of them were wolves in sheep’s clothings.
“Sus, wala kang crush? Private school ’yon, siguradong maraming magaganda sa school mo,” anito pa.
Kumunot ang noo nya bago siya napailing. “Wala, kuya. Ni ’di ko nga alam anong pakiramdam na may crush.”
Renzo clicked his tongue and threw him a dismayed look. “Ang hina naman! Mhm, ganito-”
Ipinaliwanag ni Renzo kung ano ang pakiramdam tuwing mayroon daw itong nagugustuhan o nagiging ‘crush’-sa mas madaling salita. Ayon sa mga kwento nito, maituturing na gusto nya ang isang tao kung unang kita pa lang ay nabubuo kaagad ang araw nya’t hindi nya mapigilang ngumiti nang ngumiti.
Tipong kahit wala raw silang gawin na maayos ay masaya siya sa piling nito at nag-eenjoy. Mas magandang termino? Palagay ang puso at loob nya sa tao. Bukod pa roon, kada interaksyon daw ay nagdadala ng kiliti at hindi maipaliwanag na pagsuyo ng damdamin.
Syempre, idinagdag din nito ang pamumula ng mga pisngi bilang ‘physical manifestation’ ng pagkakagusto sa isang tao o hindi naman kaya ay ang pagbilis ng tibok ng puso.
“Wala akong gano’n,” aniya, blangko ang mukha at tila ba hindi na interesado sa usapan.
Wala naman talaga siyang ganoon.
Kailan ba nabuo ang araw nya t’wing may makikita siya-habang inaalisa nya sa isipan ang mga ikinuwento ni Renzo, iisang tao lang din ang biglang sumulpot sa utak nya.
No, it didn’t pass all of the qualifications but it was… there.
“Wala kang gano’n? Kung sa bagay, bata ka pa naman.” Ipinagkrus ni Renzo ang mga braso bago ito humagikhik. “Malalaman mo rin kung ga’no kagulo ’yang crush-crush na ’yan kapag nagkaroon ka na.”
“Banta ba ’yan?” nag-aalala nyang tanong.
Kinalas ni Renzo ang pagkakakrus ng mga braso nito para abutin ang ulo nya’t guluhin ang buhok nya. “Sira ulo! Sinasabi ko lang sa ’yo na kahit mahirap magka-crush, masaya pa rin sa pakiramdam na meron ding nagpapakilig sa ’yo. Makikilala mo rin ’yan, tignan mo.”
Rhysand didn’t understand those words well… but deep in his heart, he knew that someone was really close to getting his attention and had the potential to become his ‘crush’.
That boyish smile-warm, steady, brave-lingered with him longer than it should have. Paired with a light that refused to dim, it stirred something unfamiliar in his chest.
It wasn’t love. Not yet . Hell, Rhysand wouldn’t even call it a ’ crush ’.
But these feelings were close enough to make his heart ache, yearn… and quietly hope.
The first person who popped up in his mind was Keegan.
Keegan fucking Chavez.
ㅤㅤㅤㅤNOPE. No way, Rhysand wouldn’t think that way.
Oo, malaki ang utang na loob nya kay Keegan. Oo, ito ang madalas na nariyan t’wing kailangan nya ng masasambahan. Kahit naman ito, nariyan siya para rito. Their friendship was strictly just that. Ayaw ni Rhysand tawirin ang linya’t mag-isip ng kung anu-ano.
“E ano naman kung kay kuya Keegan tumama halos ng sinabi ni kuya Renzo?” nakangusong tanong nya sa sarili habang kinukopya ang hiniram na notes mula sa kaklase. “Kaibigan lang naman tingin ko sa kanya, ’di ko naman siya nakikita ng sobra pa ro’n.”
Crushes, first loves-oo, nasa edad na si Rhysand para maranasan ang mga bagay na iyan. Of course, he was also looking forward to meeting someone he’d fall head over heels with.
Pero kay Keegan? Hindi pupwede.
He’s straight! Isa pa, mula noong maliit siya ay dinadala na siya sa simbahan at madalas pangaralan na bawal ang lalaki sa lalaki o babae sa babae. He was told it was a mortal sin, and the word itself frightened Rhysand to death.
“Ano naman kung napapangiti ako ’pag nandiyan siya? Dahil lang ’yon sa kumportable ako sa kanya!” aniya pa, dahil ayaw nya ring malito sa pagitan ng ‘pagtingin’ at ‘paghanga bilang kaibigan’.
Ngumuso siya’t nilaro ang ballpen bago nagsalita ulit, “ano rin kung nabubuo araw ko ’pag magkasama kami? Normal ’yon kasi kuya ko si kuya Keegan! Wala akong gusto sa kanya!”
That lasted for weeks, months, even a year. Of course, Rhysand was very stubborn about whatever was going on with him, his brain, and his heart.
Kaya… Paano ba nauwi na napagtanto nyang si Keegan pala talaga ang depinisyon ng ‘crush’ at ‘first love’ sa kanya? Paanong nanalo ang puso nya kaysa sa lohikal na pagrarason nya?
Ang alam ni Rhysand, pauwi siya noon sa trabaho at nasaktuhan si Keegan sa daan. He was supposed to greet him and talk to him, but he was busy with his own thing, so he hid somewhere he couldn’t see him.
Pamamalakal. Keegan used to be a spoiled little boy until he wasn’t, and now he was checking trash for anything he could sell to survive. Para kay Rhysand, masakit iyon panoorin pero nagtataka siya kung bakit nakangiti pa rin si Keegan habang nakikipag-usap sa mga kasama nitong mas matatanda rito.
Katunayan, iyong matanda ay hinatian pa nito ng siopao na nabili.
Even though his life had changed so drastically, Keegan seemed to be adapting remarkably well-still kind, still warm, still carrying that gentle heart.
Something about it tugged at Rhysand’s heartstrings. And then he thought of something: if he were ever to fall in love, he hoped it would be with someone as kind as Keegan.
Only… it already was Keegan.
Rhysand didn’t notice how he tugged his chest.
The scenario was both bitter and sweet. Bitter, because Rhysand knew Keegan as someone who received everything he asked for yet he was reduced to this. Sweet, because Rhysand realized falling in love wasn’t too bad if the person he’d dedicate his heart and love to would be Keegan.
Yes.
In the end, Rhysand slowly admitted that… Keegan wasn’t so bad to fall in love with.
“Rhysand?”
Nahigit siya pabalik sa realidad noong marinig nya ang boses ng isa. Napatayo siya nang tuwid at biglang lumabas sa pinagtataguan, kahit pa na mukhang nagkusa ang katawan nya’t kanina pa nya naibuking ang sarili mula sa pagtatago.
Kumunot ang noo ni Keegan bago ito nagpaalam sa mga kasama at lumapit sa kanya. “Hoy, kanina ka pa ba? ’Di ka man lang nagsasabi!”
“A-ah… K-kuya…” Nahihiyang nagbaba ng tingin si Rhysand. “Ano, mukha ka kasing busy ’tsaka nagmimiryenda ka yata kasama mga kasama mo.”
Mabilis na pinasadahan ng tingin ni Keegan ang mga ito. “Ah, totoo iyong miryenda- teka, kumain ka na ba? Gusto mo bang sumabay sa ’min?”
“N-no, it’s alright. Wala akong pera-”
“Sino ba nagsabi sa ’yong magbabayad ka? Tara.”
Bago pa siya hilain ni Keegan ay hinawakan nya ang kamay na huhuli sana sa kanya nang mahigpit. Kung kanina, sa semento siya nakatingin, ngayon naman ay sa kamay na nilang dalawa.
The warmth it brought made his heart pound but Rhysand truly did not want to be a bother.
“Okay lang ako, kuya. Nakapagmiryenda na ’ko,” aniya sa mahinang boses. “I-isa pa, pinaghirapan mo iyong pera. Ayokong sa ’kin mo igagastos iyong iba.”
“Okay lang naman-”
“It isn’t,” mariing sagot nya. “Kailangan mo iyong pera kasi ’di ka na rin sinusustentuhan ng mga magulang mo, ’di ba? Para patuloy ka pa rin sa pag-aaral. A-ayoko, kuya.”
Unti-unting nag-angat ng tingin si Rhysand para makita kung ano ang ekspresyon nito. Bakas sa mukha ni Keegan ang pagkainis, hindi nya alam kung bakit pero natakot siya noong makita na tila ba nairita ito sa sinabi nya.
Kaso, concerned lang din naman siya.
“Wala namang kaso sa ’kin, Rhysand,” anito.
Mabilis siyang umiling. “Ako na lang ang manlilibre sa ’yo!”
“Akala ko ba wala kang pera…? Libre ko na nga, o.”
Rhysand pressed his lips together tighter and heaved a really, really deep sigh. Hindi nya talaga gustong magpalibre dahil alam nya ring hindi ganoon kadali ang trabaho ni Keegan. Pinagpaguran nya iyon para may maipangtustos ito sa sariling pag-aaral at maibigay para pangkain ng mga ito.
Ever since Keegan’s life turned upside down, he was no longer the spoiled kid Rhysand knew. At the same time, Keegan never failed to blow his mind-how could he adapt to this life so easily? As if he was anticipating the worst ever since.
How could he… keep a smile and still be kind after everything?
Napukaw ang atensyon ni Rhysand nang makita ang pasa sa braso ni Keegan. Dahil nakasando ito, hindi iyon mahirap mahuli. Mas lalo lang tuloy siyang nakumbinsi na siya ang manlilibre.
“Meron ako… nagsinungaling ako kanina, ako na manlilibre,” aniya sa maliit na boses.
Keegan clicked his tongue and shook his head. “Ako na nga! Tignan mo ’to, gusto ko lang naman i-share sa ’yo pinaghirapan ko.”
It was Keegan’s kindness that made him fall-slowly at first, then all at once. There was something in his nature that made Rhysand want more than just friendship.
It stirred a deep protectiveness in him, a desire to give Keegan a life softer than the one he was learning right now…
He wanted Keegan to smile without restraint, to stop carrying burdens that were never meant for him. He hated that the world had been so unkind to someone so good. And somewhere along the way, Rhysand realized he had fallen completely.
He fell hard enough to dream of a day when he could take Keegan away from it all, to somewhere safer, somewhere kinder.

