loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Boy I Like (So High School Trans Series #1)

The Boy I Like (So High School Trans Series #1)

SGVnssa · 1 chapter · 2,358 words

Simula

This story is purely fictional. The characters, places, events, and situations are created for entertainment purposes. Any similarities to real people or events are purely coincidental.

Please remember that this is a work of fiction, and some parts may not reflect real-life experiences or situations.

TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STORY

——————————————————————————

Kanina ko pa tinititigan ang naging score ko sa ikalawang quiz namin sa Physics. 98/100.

Sa iba, dahilan na ito para magdiwang. Pero para sa akin, dalawang puntos pa rin iyon na nawala dahil sa isang napakababaw na pagkakamali—isang maling rounding off sa huling step ng computation. Dalawang puntos na pwedeng maging dahilan para bumaba ang general average ko ngayong quarter.

Inilagay ko ang papel sa pinakailalim ng folder ko para hindi ko na makita.

“Bakit ganiyan ang mukha mo, Kai? Baka gusto mong ipamigay ’yang 98 mo kung ayaw mo?” biro ng seatmate kong si Charles, habang ibinabalot ang kaniyang lunchbox.

Ngumiti lang ako nang bahagya—’yong sapat lang para hindi magmukhang bastos. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila? Hindi naman sa hindi ako marunong makuntento. Pero kapag sanay ang buong paligid mo na ikaw ang laging nangunguna, ang bawat maliit na pagkakamali ay para bang napakalaking lamat sa buo mong pagkatao.

I can’t accept that I made a mistake on something so basic!

Inilabas ko ang aking scratch paper at sinimulang i-recompute ang huling item. Ang bawat pagpindot ko sa mga pindutan ng aking scientific calculator ay mabilis ngunit pino—walang halong alinlangan. 0.004. Doon lang ako nagkamali. Isang napakaliit na decimal point na pumatay sa isang perpektong marka.

“Kai, mag-break ka muna kaya? Kanina ka pa nakatitig diyan,” muling sabi ni Charles, habang binubuksan ang kaniyang canned juice.

“Ayaw kong kumain,” sagot ko sa mahinang boses, sabay tupi ng scratch paper nang apat na beses bago ito isiningit sa gitna ng aking notebook.

Sabay kaming napalingon ni Charles sa pinakalikod ng room nang biglang naghiyawan ang mga lalaki naming kaklase dahil sa pananalo ng isa sa kanila sa isang online game. Ang malakas nilang tawanan ay sumakop sa buong silid, walang pakialam kung makabulabog man o hindi.

Napaiwas ako ng tingin at dahan-dahang inayos ang aking salamin.

Wala akong oras para sitahin ang mga bobong kagaya nila, wala ring saysay ang pagiging peace officer ko dahil hindi naman sila nakikinig kahit ilang beses kong ipukpok ang board eraser sa mesa para lang magpatahimik.

Huminga ako nang malalim at muling itinuon ang paningin sa notebook ko. Sayang lang ang energy ko sa kanila. Sa STEM strand this senior year, nahahati talaga ang klase sa dalawa: ang mga taong nandito para maglaro at umasa sa pabuhat kapag groupwork, at ang mga taong katulad kong itinuturing na buhay at kamatayan ang bawat decimal point.

“Hoy! Tumahimik nga kayo? Iyong peace officer natin na dapat muse ay galit na, oh!”

Oh, here it comes!

The boy I don’t like the most—si Ralph.

Nilingon ko siya at nagtama ang aming mga mata. Nakangisi siya habang hawak ang phone niya, halatang proud sa napakababaw niyang biro. Ang kasunod nitong malakas na tawanan mula sa grupo niya ay tila walang kuwentang ingay na naririnig ko.

He’s a known homophobic person, at hindi na nakapagtatakang ako ang lagi niyang gustong pagtripan.

Last year pa naman, but it doesn’t get to the point he’d hurt me physically. Hanggang microaggressions, pabalang na parinig, at walang kuwentang pang-aasar lang ang kaya ng tapang niya. Sa harap ng mga tao, mahilig siyang magmarunong, pero alam kong hanggang doon lang ang lakas ng loob niya.

“Oh? Crush mo ako? Baka matunaw na ako niyan?” kinindatan niya ako kaya naghiyawan ang tropa niya sa likod.

I didn’t blink. I didn’t even raise an eyebrow. Binawi ko lang ang tingin ko sa kaniya at hinarap na lang ang desk ko.

Pathetic…

“Namamakla ka na siguro, ’tol?”

“Iba talaga ’pag si Kai, ‘tol! Lakas makatitig, baka naman tinatablan ka na?’”

“Mukhang babae naman si Kai! Magandang bakla!”

“Papa-puke ka ba, Kai?”

Sininghalan sila ni Ralph.

“Kadiri kayo, man! Hindi ako napatol sa bakla! Grabe kasi tumitig, parang gusto akong bayaran ng one-fifty para lang—”

“You’re that cheap, I guess…” I said it out loud.

Mabilis na naputol ang tawanan sa likod. Ang hangin sa classroom ay biglang bumigat, at kahit si Charles na nasa tabi ko ay napahinto sa pag-inom ng kaniyang juice, napabaling ang mata sa akin.

Nilingon kong ulit si Ralph. Dahan-dahan. I adjusted my glasses with one finger, keeping my eyes locked onto his, unblinking.

“You’re that cheap to even assume gay people would spend one hundred fifty pesos on you,” patuloy ko sa parehong pantay at walang emosyong boses. “At isa pa, huwag mong iproject sa akin ang pangangailangan mo sa pera. Fix your Physics quiz first, Ralph. You got a 42. You literally failed the basic rounding-off section.”

His friends then screamed and burst into a chaos of wild laughter, slamming their hands against their desks and mocking Ralph for getting completely shut down.

“Oh! ’Yon, o! Submit cancelled si Ralph!”

“Bagsak ka pala sa Physics, ’tol, eh!”

“Ano ba kasing ginawa mo kagabi? Hindi ka ata nag-review, man!”

“Nagpuyat ’yan kaka-ML, panigurado!”

Hilaw na ngumiti si Ralph habang titig na titig sa akin, itinagilid niya ang kaniyang ulo nang bumaba ang tingin niya sa labi ko.

I wanted to offend him, but he’s so shameless and thick-skinned that a few harsh words barely register as anything more than white noise to him.

Kahit anong insulto ang ibato mo sa kaniya, pasok sa isang tainga at lalabas lang sa kabilang tainga nito ang anumang sabihin ko. Hindi siya tinatablan ng hiya o pagsisisi dahil wala siyang kahit konting self-awareness sa katawan.

Ayaw ko sanang kumain dahil hindi naman ako nagugutom, pero napilitan akong tumayo para lumabas ng room.

“Kai, saan ka pupunta?”

“Sa canteen lang. Bibili ng tubig,”

Kinuha ko ang aking Physics folder at ang aking gel pen bago hinarap ang pinto.

Naramdaman ko ang pagsunod ng nakakairita niyang titig habang dumadaan ako sa aisle, pero nanatili lang akong nakatitig nang diretso sa pinto.

Hindi ako lalabas dahil natatakot ako sa kaniya. Lumabas ako dahil masyadong mahalaga ang oras at energy ko para ipatapon sa isang silid na puno ng mga taong walang ibang alam kundi ang mang-asar at magpaka-bobo.

Paglabas ko sa hallway, pumasok sa mga baga ko ang malamig na hangin. Huminga ako nang malalim, dahan-dahang pinakalma ang nag-aalab na inis sa aking dibdib.

Isang taon na lang, Kai. Matatapos din ’to.

Hindi pa ako nakakapag-start ng HRT o nakakapag-pills. Nakatali pa rin ako sa male uniform at sa mahigpit na haircut policy ng eskwelahang ito. Pero alam ko kung sino ako sa loob ko…

Iingatan ko ang sarili ko at ang mga pangarap ko. Dahil sa huli, ang disiplina at ang perpektong mga marka ko pa rin ang mag-aangat sa akin sa lugar na kahit kailan ay hindi nila mararating.

Nakasalubong ko sina Shiela, na pabalik na ng room at may mga dalang inumin.

“Oh, Kai! Saan ka pupunta?” takang tanong ni Shiela nang magkasalubong kami sa tapat ng hagdanan.

Inilipat niya sa kabilang kamay ang hawak niyang plastic bag na naglalaman ng mga iced coffee at milk tea na binili nila sa labas. Lumapit sila sa akin habang ang hawak nilang mga inumin ay bahagyang nagpapawis sa lamig.

“Canteen lang. Bibili ng tubig,” sagot ko sa mahinang boses, pilit na ibinabalik ang kalma sa aking mukha para hindi nila mapansin ang dait ng inis sa dibdib ko.

“Ay, ’wag ka nang bumaba doon! Napakahaba ng pila, hindi pa malamig ang tubig nila! Kaya nag-7/11 kami!” mabilis na sabi ni Shiela sabay dukot sa plastic bag niya. Inilabas niya ang isang malamig na bottled water at agad itong iniabot sa akin. “O, sa ’yo na lang ’to. Bumili ako ng extra kanina kasi alam kong nakatunganga ka na naman sa Physics notes mo at nakakalimutang mag-break time.”

“S-Seryoso ka?”

“Oo! Tinulungan mo naman ako mag-review noong nakaraan, kaya nga nakapasa ako kanina!” she giggled.

Tinanggap ko ang tubig na ’yon. Babayaran ko na lang siya sa room.

Nanginig si Tammy sa tabi niya. “Dapat pala sumama na ako sa inyo that time! Bagsak ako kanina!” reklamo ni Tammy habang nagpupunas ng pawis sa noo at nakalabi ang nguso. “Saan ba kasi kinuha ni Ma’am ’yung formula sa number four? Parang alien script na, eh!”

“Sabi ko sa ’yo, mag-paturo ka rin kay Kai. Hindi ’yung puro TikTok ka diyan kapag vacant hours!”

“Kahit kailan mo gusto, Tammy,” kusa kong alok sa kaniya sa mahinang boses, bago ako uminom ng tubig. “Puwede kitang turuan sa susunod na vacant natin.”

Gulat na napatingin sa akin si Tammy bago lumaki ang ngiti sa kaniyang mukha. “Talaga, Kai?! Omg, thank you! Hulog ka talaga ng langit!”

Kaunti lang ang babae sa room namin, kaya kapag nagkakasama kami nina Shiela at Tammy, may kakaibang ginhawa akong nararamdaman. Kahit hindi ko pa tuluyang maipagtapat sa kanila ang lahat tungkol sa sarili ko, hindi nila ipinapadama sa akin na iba ako. Sa pakikitungo nila, nararamdaman kong kabilang ako—isang babaeng kasama nila sa gitna ng silid na pinaghaharian ng mga lalaking walang ibang alam kundi ang mag-ingay at mang-insulto.

“O, tara na sa room bago pa tayo maunahan ng kasunod na subject teacher!” aya ni Shiela habang sabay-sabay kaming humahakbang pabalik sa hallway.

Binayaran ko si Shiela sa tubig, ayaw pa niyang tanggapin noong una pero kilala na niya ako—ayaw kong may pinagkakautangan akong kahit ano, kahit gaano pa man kaunti o kalaki iyon. On-time at eksakto ko laging ibinabayad ang dapat kong ibayad.

“Libre ko na nga sana ’yang tubig sa’yo!”

Umiling ako. “Bibili dapat ako, sa sunod mo na lang ako ilibre,”

Mabilis na lumipas ang mga oras at uwian na. Nakatayo ako sa guard house ng school, na malapit sa gate habang pinagmamasdan ang malakas ng buhos ng ulan mula sa langit. Ang malalaking patak ng ulan ay naglilikha ng ingay sa bubong ng guard house, habang ang lamig ng hangin ay pumasok sa loob ng manipis kong uniporme.

Hawak ko nang mahigpit ang aking bag at Physics folder para hindi mabasa ng tilamsik ng tubig-ulan. Ang kalsada sa labas ay mabilis na napuno ng baha, at ang mga sasakyan ay bumabagal sa pagtakbo habang bukas ang kanilang mga hazard light.

It is that time of the year where the monsoon season hits full force, relentless torrential downpours turning every street into an unpredictable river and rendering commutes an absolute nightmare.

Marami ring mga estudyante ang nakasilong sa paligid ko, nagrereklamo sa biglaang buhos ng ulan at nag-aalala sa kani-kanilang mga uwi.

“Hatid na kita,” bigla kong narinig ang malalim na boses ni Ralph sa tabi ko, kaya halos mamilipit sa inis ang sikmura ko.

Nakatayo siya sa tabi ko habang pilit na humahawak sa mga bakal na bakod ng guard house, hawak ang isang nakatuping payong at may mayabang na ngiti sa kaniyang mukha.

Hindi ko siya nilingon. Nanatili lang na nakatitig ang mga mata ko sa kalsadang binabaha at sa malalaking patak ng ulan.

“May sundo ako,”

“Liar…” bulong niya, sabay hakbang nang mas malapit.

Itinagilid ni Ralph ang ulo niya, sinusuri ang reaksyon sa mukha ko habang pinapanatili ang nakakairita niyang ngisi. Hawak niya sa kabilang kamay ang mamahaling payong at ang mga susi ng sarili niyang kotse na nakatambay sa parking lot ng eskwelahan.

“Kanina ka pa rito, wala namang dumarating. ’Wag ka nang magpapakipot, ihahatid na kita.”

“Bakit hindi mo ihatid girlfriend mo?”

“Huh? Sino? I don’t have a girlfriend.”

This time, nilingon ko na siya na blanko ang mukha, diretsong nakatitig sa mga mata niya.

“I saw you kissing her at the stairwell behind the gym yesterday,” malamig kong sabi. “So unless she’s just another name on your list, I suggest you take your umbrella and go to her.”

He smirked devilishly. “Ah? Nakita mo pala ’yon? Hindi ko siya girlfriend and so what if we kissed? Baka gusto mong sumali sa ’min next time para hindi ka laging nag-iisa diyan?”

Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng dugo ko sa leeg pataas, pero pinilit kong panatilihing malamig at walang kibo ang aking ekspresyon.

“Malay mo? Maging straight ka na!” halakhak niya. “Sayang ka, bro. Guwapo ka sana, eh. Kailangan mo lang siguro ng totoong babae para magising ka.”

Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Sa loob-loob ko, naduduwal ako sa kababawan ng utak niya, where do I even get the brain cells to process these garbage takes without losing my sanity?

“Every girls might like you in this school, Ralph, but to me? You’re just a sad, peaked-in-high-school bully who needs a reality check.”

Umingos siya. “Damn? Inalok na nga kitang ihahatid tapos ikaw pa ’tong galit? High blood ka masyado, bro,” patuya siyang natawa.

Ang bobo talaga ng gagong ’to…

“Ayaw ko nga, ’di ba? Hindi ka naman siguro tanga para hindi mo maintindihan ang salitang ayaw?”

“Dadaanan ko ang bahay mo tapos—”

“No thanks!” humarap na ulit ako sa daan, pinapanood ang mabilis na pag-agos ng baha sa kalsada.

“Arte. Ayaw mong ihatid kita kasi gusto mo ako—”

“Please! Sinong bakla ang magugustuhan ka? The boy I like is someone who actually has a brain, a future, and a shred of respect,” panay na ang iling ko bago ko binuksan ang payong para umalis na.

Gusto ko sanang hintayin pang tumila ng kaunti ang ulan, pero mas gusto kong takasan ang nakaririnding presensya niya. Kahit pa lumusong ako sa baha at mabasa ang medyas ko, tatanggapin ko na kaysa panatilihing naririnig ang boses ng taong ito.

“Stupid…” I mumbled under my breath as I step out from the dry concrete into the pouring rain.

“Ano? Hoy! Bakla! Anong sabi mo?” sigaw niya mula sa likod ko, pero nilamon na ng hagupit ng hangin at bagsak ng ulan ang boses niya.

“Wala! Crush nga kita! You’re the boy I like since last year!” I shouted back over the noise of the downpour.

“Sabi ko na, eh!” I heard him say, laughing so loud. “Aayaw-ayaw ka pa, type mo rin pala ako! Pero pasensya na kasi ayaw ko sa bading!”

Natawa na lang ako sa kabobohan niya habang patuloy sa paglalakad.


Return to top?

Part of a series

So High School Trans Series

Part 1 of 1
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.