The Businessman's Punishment
Hampyyy · 1 chapter · 1,914 words
Prologue
PIGTI
WESLEY’S
POV
Ilang taon na rin akong nagtiya-tiyaga bilang sekretarya ng walang respetong boss ko na ito. Noong unang walong buwan ko rito matapos masaksihan ang napaka-walang hiya niyang trato sa babae ay gusto ko na siyang sapakin sa mukha ang kaso ay baka mawalan ako kaagad ng trabaho at ang malubha ay makulong pa dahil sa pananakit ko rito. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dulot na rin nang pangangailan dahil wala akong pera noong ilang buwan ko matapos grumadwyet sa aking pag-aaral na may kurso malapit sa financial management.
Kung hindi lang sa kahirapan ay hindi ako magtitiis na magtrabaho sa kompanya niya. Ayaw na ayaw ko ang marinig at masaksihan ang mga ginagawa nila sa kanyang opisina kahit na anumang oras ng isang araw.
Kung tama ang pagkaalala ko ay walang mintis sa isang linggo na mayroong tatlo o limang iba’t-ibang babae ang lalabas ng opisina na umiiyak matapos makuha ng mukong na iyon ang gusto niya mula rito. Nakakaawa ang mga estado ng mga babae na lumalabas roon karamihan sa kanila ay halatang umaasa na masuklian ang kanilang pagkagusto sa walang puso kong boss ngunit wala sa bukabolaryo ng lalaki na yun ang pagmamahal.
Kaya naman ginawang laruan ang puso ng ibang tao lalo na ng mga kababaihan na dumadaan sa kanyang mga kamay.
Sa loob ng nagdaang dalawang taon ay nasikmura ko na ang kababuyan ng lalaki na iyon. Sayang naman kasi talaga ng sweldo. Kung tutuusin ay triple ito kumpara sa makukuha ko kung magtrabaho ako ng bilang isang mangagawa ng isang pabrika o anumang mahirap na trabaho.
Pinili ko lang maging praktikal. Mahirap kaya mabuhay sa loob ng mapag-alipustang mundo kaya’t kahit na natatapakan ang mga pinapahalagan ko dahil sa aking trabaho ay nanatili pa rin ako.
Ang itinatak ko lang sa isipan ko ay huwag niya akong idamay o sinuman na importante sa buhay ko at tiyak na pati takure na may mainit na tubig ay tataob mismo sa ari niya. Pangako ko sa aking sarili. Tse.
…
Sa ngayon ay nakaupo ako sa mesa kung saan lumipas ang dalawang taon ng hindi ko inaasahan. Kung tutuusin ay minahal ko na rin ang trabaho ko. Gustong-gusto ko kasi ang nangangasiwa, umaayos ng mga appointment, at naglilista ng mga dapat gawin ng isang tao. Kaya’t laking papasalamat ko noon na kahit bagong gradweyt at nakapasok ako sa kompanya na ito.
Tanging kompanya lang ang minahal ko rito dahil ang nagmana nito na ang kasalukuyan kong boss ay ang taong pinakaayaw kong makahalubilo sa buong buhay ko.
Ego-centric, walang respeto kahit sa matatanda, feeling gwapo - well may katotohanan naman pero hindi bagay sa kanya, at walang konsiderasyon sa mga taong nasa paligid niya.
Kahit na nakabalantara at nangangamoy na ang kanyang baho ay hindi pa rin maubos ang mga babae na nagkakagusto sa kanya. Tapos iiyak matapos makuha sa kanila ang nais ni Boss.
Hays, mga
nagbubulag-bulagan
ba naman kasi. Sayang mga utak niyo mga ’te.
Nang mahalata kong todo ang pag-iisip ko sa bagay na iyon ay agad ko itong inalis sa aking isipan at tumutok na lamang sa aking trabaho.
Madali na akong matapos sa aking responsibilidad at lubos ang galak ko dahil magkikita lang naman kami ng aking kaibigan na si Amy matapos ang ilang buwan na hindi namin pagkikita dulot nang magkaibang takbo ng aming mga trabaho at oras.
Kaya’t sa ngayon ay todo pirma at pag-aayos ko ng mga detalye para bukas at nang makaalis na ako sa impyerno na ito nang maaga at makapunta kaagad sa lugar kung saan kami magtatagpo ng aking kaibigan.
Nang matapos ako sa aking gawain ay agad ako tumungo sa opisina ni boss na ilang hakbang lang ang layo sa aking upuan. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita ang bulto ng lalaki at lumapit pa punta roon.
“Sir, may ipapagawa pa po ba kayo?”. Buong galang kong tanong ko rito.
Sabihin mo “wala” gaga.
Nakita ko ang pagbawi ng kanyang likod at ang tingin nito direkta sa akin at ang pagdantay ng kanyang likuran sa upuan.
Tagal pa magsalita, ano to may pa ice breaker?
“Why?”. Isang tanong nito na nagpanoot ng noo ko pero hindi ko ipinahalata.
Anong “why” ka dyan?
Uwian
na parang tanga to.
“Sir, aalis na po sana ako dahil tapos na po ang oras ng trabaho”. Pagpapaliwanag ko rito.
Di ba obvious? Bwiset talaga.
Sinira
nito ang araw ko.
Tumahimik muna ito ng saglit at agad na bumalik sa kanyang pagpipirma nang walang sagot sa aking sinabi.
Dedma ang atake ng
jutay
na to.
“You can go now, but… after I go”. Saad niya na nagpainit ng ulo ko.
Magsasalita pa sana ako nang makita na huling papeles na pala ang pinirmahan niya bago ito tumayo at umunat ng kanyang naglalakihang mga braso.
Ang hot niya talaga – bagay sa
impyerno
.
Hinintay ko pa itong kunin ang kanyang itim na blazer bago dumaan sa aking kanang parte patungo papalabas ng opisina.
Nang maglaho ang kanyang bulto sa pinto at agad kong iniligpit ang kanyang lamesa at inilagay ito sa lugar kung saan ito nararapat. Matapos masigurado ang lahat ay lakad-takbo akong umalis sa opisina niya at tuluyan nang lumabas ng gusali kung saan palaging nauubos ang pasensya ko.
Sumakay agad ako sa kotse na naipundar ko matapos ang pagtiya-tiyaga sa pagtratrabaho bilang sekretarya ng bastos na iyon. Siguro ito ang pinakalarawan ng paghihirap ko dahil ito ang bagay na naipundar ko kasabay ng simpleng tahanan na dinadahan-dahan kong pinapagawa sa tuwing may sobra akong pera.
Dahil malalate pa ako kung didiretso ako sa bahay ay tumungo na lamang ako sa bar kung saan ang napag-usapan namin ni Amy. Hindi naman kalayo ang lugar na iyon kaya’t narating ko kaagad ito.
Bago pa man ako lumabas ng aking sasakyan bago maipark ay nagpalit muna ako ng damit dahil ang kasalukuyan kong damit ay sobrang pormal.
Sinigurado ko muna talagang maayos na ang aking damit bago tinahak papasok ang bar na nagngangalang “Poison” at hinanap ang duwende kong kaibigan na si Amy.
Nahirapan pa akong makita ito dahil sobrang liit nito. Sa kabutihang palad ay nakita ko kaagad ito na mag-isa na umiinom sa isang table kung mukhang may tama na ng alak ang gaga.
Papunta pa lang ito, pabalik na sa bahay nila bwiset.
“Wesley!!! Ang tagal mong bakla!”. Tawag nito sa akin na nakipagtalastasan sa lakas ng tunog ng musika sa loob ng bar.
“Huwag ka ngang maingay, tse”. Saad ko sa kanya bago lumapit ay niyakap ito ng mahigpit.
“Nakakamiss rin talaga ang makita ang pungok mong taas”. Pagbibiro ko sa kanya na ikinataas ng kanyang kiray.
“Namimiss rin kitang haliparot na bakla, pero anong sinasabi mo? Kaunti lang ang layo ng taas natin Wesley”. Paglilinaw nito sa akin na ikinataas ko rin ng kilay.
Natawa na lang ako dahil ang kanyang mukha sa ngayon ay ubod na ng pula matapos ang ilang baso pa lang ng alak.
“Hoy, gaga may problema ka ba? Nakailang baso ka na ’te. Kotang-kota ka na”. Pagpapaala ko sa kanya.
Tumingin lang ito sa akin na may nakakalokong tingin sabay nilabas ang dila na tila bata.
Ay, oh.
Tiktik
ang atake niya sa ngayon. Bilis ng transition, sis?
Magsasalita pa sana ako ngunit nakaramdam ako ng pagkaihi kaya’t lumakad muna ako sa banyo at iniwan pansamantala ang kaibigan kong loka-loka.
Pagkapasok ko sa banyo ay agad akong umihi at inilabas ang galit sa kalooban ko. Eme.
Hindi naman ako tumagal roon dahil pagkaihi ko ay agad akong bumalik sa pwesto kung saan ko iniwan si Amy na loka-loka. Ngunit laki ng pagtataka ko nang wala akong naabutan na bulto roon.
“Amy!!”. Sigaw ko sa kinatatayuan ko ngunit wala naman makakarinig dahil sa lakas ng tunog mula sa musika.
Nakaramdam ako ng kaba dahil lalapitin pa naman ng problema ang babae na yun kaya’t lumingon-lingon ako sa paligid at sinubukang tingnan kung saan napadpad ang bruha na iyon.
Inilibot ko na ang aking pagtingin ngunit wala talaga akong makita na anino ni Amy.
Dahil sa nangyayari ay napataas ako ng tingin at ipinapunas ang aking palad sa aking mukha.
Sa hindi inaasahang pagkakataon matapos dumaosdos ng aking kamay sa aking mukha ay nakita ko ang damit na bulaklakan ni Amy na kaagapay ng ilang lalaki papunta sa mga kwarto sa ikalawang palapag.
Sumama
ba yung gaga na yun? Kahit na mayroong katanungan sa aking isipan ay agad akong tumungo sa ikalawang palapag at sinundan ang daan kung saan ko sila nakita.
Nasaan na sila?
Lumingon-lingon ako sa mga kwarto roon at tinitingnan kung saan siya ipinasok ng dalawang lalaki na akay siya. Ilang segundo lang ay lumabas ang dalawang nakaitim na lalaki na tila bouncer at dinaanan ako sa aking magkabilang tabi.
Dahil hindi ko alam ang eksaktong kwarto na pinasukan nila ay pinakiramdaman ko ang mga boses sa bawat kwarto. Ngunit matapos kong madaanan ang ilang kwarto sa itaas ay wala pa rin akong marinig na boses galing kay Amy.
Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad patungo sa dulo ng mga kwarto ay nakarinig ako ng malakas na sigaw roon. Pagkaraan lang ng isang segundo ay nakita ko kaagad si Amy na naghihinang lumabas at sobrang gulo ng mga damit.
Pagkatagpo ng aming mga mata ay nasaktan ako ng lubos sa aking nakita.
“Wes, tu–long”. Huling saad nito habang napakapit sa pader.
Agad ko naman nilakad nag distansya sa pagitan namin at agad siyang inakay papababa ng bar. Dahil kinakabahan na ako sa nangyayari ay mas pinili kong idaan si Amy sa likuran na parte ng bar para walang pumigil sa amin.
Nang makarating kami sa sasakyan ko ay bahagyang ibinukas ni Amy ang kanyang mata at tila nahimasmasan na ito kahit konti.
“Hoy, bakla! Anong nangyari sa’yo roon?”. Direkta kong tanong dahil wala akong nakuha na kahit anong detalye dulot ng pagkataranta.
“Mu–muntik na akong mapagsamantalahan bakla”. Saad niya na nagpa-init ng ulo ko.
Naramdaman ko ang pag-init ng aking ulo at parang gusto kong bumalik sa loob upang harapin ang gago na nandoon sa kwarto.
“Kilala mo ba kung sino?”. Tanong ko sa kanya.
“Hindi ako sigurado pero… narinig ko na tinawag siyang Mister Be—beril, ata iyon? Basta ganon ang pagkakasabi ng isang lalaki”. Nanghihina niyang ani habang nakaratay sa upuan malapit sa akin.
Agad na nakaramdam ng sakit ang ulo ko dahil eksaktong-eksakto ang pangalan ng aking boss sa ngalan na sinabi ni Amy.
“Sigurado ka ba dyan?”. Paninigurado kong tanong.
Kahit nakapikit ito ay nakayanan pa nitong tumango.
“Papaano ka nakalabas roon?”. Binabagabag na tanong sa aking isipan.
“Na… ipokpok ko sa kanya yung vase”. Tanging wika niya.
Upang makasigurado ay bumaba muna ako ng kotse at bumalik sa loob ng bar. Mabilis lang akong nakapasok at nang papunta pa lamang ako sa hagdanan patungo sa ikalawang floor ng bar ay nakita ko na ang pagbaba ng napaka-pamilyar na tao roon.
Si boss nga.
Nakita ko ang paghawak niya sa kanyang mukha na mayroong parte na basag at dumudugo pa ito. Kasabay niya sa paglakad roon ang dalawang naglalakihang body guards niya na nakaagapay sa likod niya.
Bago pa man magkrus ang tingin at landas namin ay tumungo ulit ako sa labas papunta sa nakaparke na sasakyan ko.
Ramdam ko ang inis at galit sa kalooban ko nang mapagtagpi-tagpi ang senaryo na nangyari.
Parang naputol ang pasensya ko na pinaghawakan ko sa loob ng dalawang taon. Mas umigting ang inis ko sa kanya matapos ang nalaman sa mga nangyari.
’
Humanda
ka Boss’

