The Call of Kali
kabrobars · 27 chapters · 105,273 words
Ang Pagsilang
Tittle: The Call of Kali
Author: R.RAMZKY HERNANDEZ BEHIND BARS ORIGINAL
Bata pa lang alam na nila na akoy kakaiba. Sa edad na anim, ako ay payat, tahimik at malambot kung kumilos. Namatay ang aking Ina pagkapanganak sa akin. Namulat ako sa piling ng aking ama. Lumaki ako at nagkaisip sa magulong lugar na kung tawagin ay Buk-lod. Lugar kung saan ang malalakas lang ang may karapatan lumaban at ang mga mahihina ginagawang laruan at libangan. At walang espasyo para sa mga tupa. Kung gusto mo mabuhay, kailangan mo maging malakas at kasing tapang ng mga lobo sa wayang.
Batid ng ama ko ang naka ambang na panganib sa aking buhay. Kaya upang ma proteksiyonan ako laban sa mababangis na lobo. Kinubli ng aking ama ang tunay kong pagkatao. “Simula ngayon, kung sino man ang mag tanong sa iyo. Mag pakilala kang babae. Sa ganitong paraan hindi nila iisiping mahina ka. Ilagay mo sa isip at damhin mo sa puso mo na isa kang tunay na babae. Sanayin mo ang sarili mo sa ganun.”
Isang malaking kasalanan ang mag karoon ng isang lalaking malambot sa pamilya. Salot ang turing ng mga tao sa mga katulad ko. Itinatapon sa wayang ng kanilang mga magulang ang kanilang mga anak na lalaki, kung makikitaan nila ito ng ganitong ugali at kilos sa takot na pagbalingan sila ng galit ng mga tao. Ang wayang na ang nag sisilbing libingan ng mga batang katulad ko.
Naghanap kami ng aking ama ng isang tagong lugar na malayo sa mga tao. At dito hinubog ako ng aking ama sa pag gamit ng lahat ng uri ng sandata. Lalo na ang pag gamit ng kampilan. “Gamitin mo ito, at ang lahat ng itinuro ko sa iyo para ipagtanggol ang sarili mo sa mga mapanglamang at masasamang tao na mananakit sa iyo. Tumatanda na ako, hindi na kita kaya pang ipagtanggol sa mga naka ambang na panganib sa paligid. Mahina na ang iyong ama. Pakatandaan mo, mawala man ako sa tabi mo. Manatiling akong naka gabay sayo. Ako at ang kampilan na ito ay iisa. Ipagtanggol ka nito sa lahat.”
Tama ang aking ama. Lubhang napaka sama ng mundo. Gabi nang pasukin kami ng mga lalaking Harabas. At pagnakawan. Tinangay nila ang lahat ng hayop namin at ang naipong salapi ng aking ama. Kargado ng mga malalaking sandata ang mga nanloob sa amin. Walang awa nilang sinaktan ang aking ama.
Malinaw pa sa ala-ala ko ang duguang mukha ng aking ama habang nag mamaka-awa sa kanila.
Hindi ko natiis makita ang lahat ng kalupitan nila at lumabas ako sa pinagtataguan ko. Tumakbo ako papalapit sa aking ama. Nakita ko ang mga hayok nilang mga mukha na nakatitig sa akin. Inakala nilang isa akong tunay na babae. Hinila ako ng isa papalayo sa aking ama. At doon pinag hahalikan ako ng dalawa pa. Habang ang isa nakahawak sa aking ama. Malalakas sila. Walang silbi ang mga sipa at kalmot ko sa kanila. Pinaliguan nila ako ng halik hanggang sa pinersang punitin ng isa ang saplot ko. Nalantad sa kanila ang tunay kong pagkatao. Isa akong lalake.
Sa galit ng mga lalake sinaktan nila ako hanggang sa halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko.
Muli nilang pinag balingan ng galit ang aking ama. Nag mamaka-awa ako. Ngunit mas lalo pa nilang pinahirapan ang ama ko. Sa tindi ng galit ko, sinikap kong makakilos. Dahan dahan akong tumayo. Doon ko na pansin na nasa likuran ko pala nakalagay ang nakabalot na kampilan ng aking ama.
Abala ang apat na lalaki sa kanilang ginagawang pag tangay ng mga gamit at alaga naming hayop. Nang napansin ako ng isa na may hawak ng kampilan sa aking kamay.
Ngunit bago pa man ako nakalapit sa kanila. Lumapit ang isang lalaki sa nakadapa kong ama. At tinarak sa likod nito ang hawak na espada. Bumulwak ang dugo ng aking ama pagka hugot ng lalake sa sandata nito.
Doon na nandilim ang paningin ko at tumakbo ako palusob sa kanila. Wala na akong makita basta hinampas ko na lang at winasiwas ang hawak kong kampilan habang nag sisisigaw. Hinayaan ko ang kampilan ang siyang maghiganti sa amin ng aking ama.
Nabalot ng mga dugo, takot at dalamhati ang paligid ko. Nakatayo ako sa walang buhay ng katawan ng aking ama, habang nasa paligid namin ang pirapirasong katawan ng mga lalaking nanloob sa amin at pumatay sa aking ama. Napasigaw na lang ako sa galit at panghihinayang sa pagpanaw ng aking ama sa kamay ng mga mababangis na lobo.
At sumumpa ako sa langit., Papatayin ko ang lahat ng masasama at mababangis na halimaw sa aking daraanan. Wala nang iiyak pa o manginginig sa takot.
Bumuhos ang ulan mula sa kalangitan na tila may basbas ang galit ko galing sa mga diyos. Labing limang taong gulang ako noon nang sumumpa ako sa aking sarili, wala nang pagpapanggap pa.
Nagsanay pa ako sa pag gamit at paghawak ng sandata. Lahat ng naalala ko sa aking ama ay kinabisado ko, inaral at ginawang solido at perpekto. Isinalin ko ang aking sarili at espiritu sa mga sandatang hawak ko upang kami ay maging isa sa bawat pag kumpas ko dito.
Nilisan ko ang Buk-lod at tinungo ang matarik na bundok ng Kan Landog. At doon pinag buti pa ang aking kakayahan. At dito ko sinilang si Kali.
Ang Unang Pagtahak
Ang Simula;
Ako si Kali, ipinanganak na babae sa katawan ng isang lalake, ito ang sabi ng namayapa kong ama. Wala sa dugo namin ang mandirigma. Ngunit ang kasamaan sa mundo ang nag tulak sa akin upang maging isang mabangis na halimaw. Mas mabangis pa sa mga pinag samang mga hayop sa Wayang.
Wala akong sinasantong tao, mabigyan lang ng batas ang mga inaapi, lalo na ang mga katulad kong kakaiba. Binawi nila sa akin ang tanging lalaking nag pahalaga sa pagkatao ko. Dahil sa kanilang mapanghusgang batas. Marami ang nangulila at nawala. Kaya sisingilin ko sila ng kanilang mga dugo. Dugo ang inutang nila dugo rin ang ipang tutubos nila.
Lumipas ang ilang taon ng aking pagsasanay, at sa unang pagkakataon matapos ang pamamalagi ko sa bundok ng Kan-Landog, masisilayan kong muli ang maingay at mataong bayan ng Kan-Silay. Nasa paanan ito ng Bundok Muri sa kanlurang bahagi ng Kan-Landog.
Matao at mas sagana ang bayan ng Kan-Silay kumpara sa bayan ng Buk-lod kung saan ako sinilang. Kaliwat kanan ang mga bahay aliwan dito at mga taberna. Mga paupahang silid at mga mamahaling bahay kainan. Dito pantay ang batas at tingin sa mga babae at lalake. Ngunit sa kabilang banda ang mga lalaking ipinanganak na malalamya at malalambot ay kadalasan ginagawang alipin at parausan ng mga lalaking walang salaping pambayad sa mga bayarang babae. Mga lalaking kalat at hayok sa makamundong laman.
Upang mabuhay at mag ka roon ng silbi sa bayan. Pikit matang tinatanggap ng mga pabuli ang pambababoy na ginagawa sa kanila. Maging dahilan pa ito nang pagkakaroon nila ng mga nakakahawang sakit. Ito ang masaklap na katutohanang gusto ko wakasan. Tao rin kami at nararapat lang ituring din kaming tao.
Suot ang malapad kong balabal, nag tungo ako sa bagsakan ng mga nag titinda ng mga gulay ,prutas, Karne at mga buhay na hayop. Ang Tabuan ang pinaka sentro ng pamilihan sa bayan ng Kan-Silay. Dagsa ang tao at mamimili sa pag punta ko roon. Siksikan ang kalye at eskenita. Hindi mahulugang karayum sa dami ng mga mamimili sa araw na iyon.
Nag hanap ako nang mabibiling pagkain pabalik sa bundok nang tumawag sa aking pansin ang isang binatilyo na may kadena sa leeg at nakakulong sa hawlang bakal. Marami itong sugat sa katawan.
“Labing anim na pirasong ginto para sa pabuling ito. Ulay at wala pang bahid. Mura lang!” Binibenta ng matanda ang naturang binatilyo.
Sa kanyang pang ingganyo, dumadami ang nakapansin dito at interesado sa pagbili ng kanyang produkto. Isang matabang lalake ang lumapit sa kanya, kalbo at mabalbas ang matabang lalake. Isang supot ang inabot nito sa matanda. Nang makita na nito ang laman, nakita kong lumiwanag ang mukha ng matanda. Tuwang tuwa ito na binuksan ang hawla.
Nakahawak sa mga bakal ang binatilyo at nagmamaka awa. Doon ko nalaman na anak pala ng matanda ang binatilyo. Umiiyak ito at ayaw lumabas sa pinag kulungan sa kanya. Parang pinipilas ang puso ko habang naka masid lang sa kanya. Ayaw niyang sumama sa nakabili sa kanya. Habang hinihila ito nang matanda palabas nagpupumiglas ito. Doon na lumapit ang matabang lalake, may hinugot ito sa kanyang sidlanan. Isang mahabang latigo. Buong lakas niya itong hinampas sa mga kamay ng binatilyo na naka kapit sa bakal. Rinig ko ang bawat hiyaw at latay ng latigo sa bakal.
Nang matagumpay nang maisama ng matabang lalake ang binatilyo. Umalis agad ito hila-hila sa leeg ang binatilyo. Sinundan ko sila hanggang sa mapasok kami sa makipot na eskenita. Napansin nito ang pag sunod ko kaya tumigil ako. Nag hanap ako ng ibang daan para masundan sila ng palihim.
Nang makita ko sila ulit hindi ko na sila nilubayan ng aking tingin. Tumayo sila sa tapat ng isang bahay kainan. Makaraan isang matabang babae pa ang lumabas sa pinto. May mga bahid ng dugo ang damit at suot pang ibaba nito. Nag abang pa ako nang mga susunod nilang gawin. Sumenyas ang babae sa lalake na umikot sa likot. Pagka alis ng matabang lalake agad na nag sara ito ng pinto.
Sinundan ko pa ang lalake. At pumasok ito sa isang pintuan na naka usli sa sahig. Inangat ng matabang lalake ang naka angklang kandado dito at bumukas na ang pintuan sa sahig. Agad na bumaba ito hilang hila ang binatilyo. Nang makababa na sila, biglang bumagsak ang pintuan at sumara.
Lumapit pa ako doon, nang may naamoy akong masangsang na baho. Amoy nabubulok. Doon ko napansin ang mga nag kalat na laman loob sa gilid lang ng pintuan na iyon at pinag sasaluhan ng mga aso at pusa sa paligid. Tumingala ako sa nakasabit na karatula ng bahay kainan na iyon. At Karne ang pangunahin nilang binibenta.
Nag masid pa ako, hindi kalayuan may nakita akong kakatambak pa lang na hukay. Sariwa pa ang pagkakatapal ng lupa. Lumapit ako doon. At hinawi ng paa ko ang itaas ng lupa. Nagulat ako nang may sumilip na buhok ng tao sa lupa. Kinabahan ako. May pakiramdam akong may mali sa bahay kainan na ito.
Biglang umangat muli ang pintuan. Kumubli ako sa isang pader para hindi ako makita. Lumabas muli ang matabang lalake, hawak nito sa kamay ang kadenang pinantali sa binatilyo at ang saplot na suot nito kanina. Itinapon niya ito sa isang sulok at muling bumalik sa loob.
Mas lalong lumakas ang kutob ko na mayroong hindi magandang sekreto ang bahay kainan na iyon. Simula nang mga sandaling iyon hindi ko na nilubayan ang lugar.
Nag hintay ako nang tamang pagkakataon para mapasok ang pintuan na iyon. Naka masid lang ako mula sa malayo. Lumabas ang matabang babae mula sa pinto sa harapan. At nag paskil ng karatulang “Bukas na kami.” Dahil doon naka isip ako nang Plano.
Unti unti nang napupuno ng tao ang bahay kainan na iyon. Sumabay ako sa mga tumutuloy doon.
Pagkapasok ko pa lang namangha na ako sa dami ng tao na naroon sa loob at sarap na sarap sa pag higop sa hinahanda nilang sabaw ng Karne.
Tinungo ko ang lamesa sa pinaka sulok. At doon umupo.
Nakiramdam muna ako sa aking paligid. Nakakapagtataka ang mga reaksiyon ng mga tao matapos kainin ang ibinibigay sa kanilang pagkain. Para silang mga gutom na aso na naglalaway habang sarap na sarap sa pag higop ng sabaw at pagkain sa karneng laman nito.
Lumabas ang kaninang matabang babae na nakita ko mula sa pintuan malapit sa puwesto ko. Tulak tulak nito ang kariton ng mga pag kain para sa mga tao. Parang hayok at gutom na gutom ang mga tao na bigla na lang pinag aagawan ang laman ng kariton. Balewala lang ito sa babae, humalakhak ito ng malakas na tila nasisiyahan pa sa mga nangyayari.
Nagkakasakitan na ang ilan sa mga ito habang nag aagawan ng pagkain. Di alintana ang umuusok sa init na sabaw. Nakakasuka ang mga tanawin sa loob ng bahay kainan na ito. Nagmistulang mga baboy ang mga tao na sabik ma katikim ng espesyal na putahe na hinahanda roon.
Wala lang akong ginawa, kundi nag ubserba, nakiramdam at nakaabang lang sa sulok. Napansin ako ng matabang babae. Lumapit siya sa akin na may hawak na mangkok na may lamang sabaw at karne.
“Bagong panauhin sa munti kong kainan, kamusta ginoo. Heto ,tikman mo ang espesyal naming putahe. Nakakabaliw ang sarap nito. Pagmasdan mo sila. Nag aagawan makatikim lang nito. Sige na, subukan mo. Huwag kang mag alala libre ang unang tikim.”
Tumanggi ako sa alok ng babae at nag panggap na masama ang lagay ng aking sikmura, at kailangan ko lang ng tubig na maiinom. Medyo nagalit ito at iniwan na ako. Hindi ko na hinintay pa ang pagbalik nito at nilisan na ang lugar. Lumabas ako at naghintay ng tamang panahon. Malayo pa para tuluyang sumukob ang gabi.
Saktong may paupahang silid hindi kalayuan sa naturang bahay kainan. Sa halagang dalawang pilak nakakuha ako ng isang silid. At mula sa bintana ng silid na iyon tanaw ko ang likuran ng nasabing bahay kainan. Buong magdamag ako nag hintay hanggang tumahimik ang buong paligid.
Binuksan ko ang bintana ng aking silid at doon dumaan palabas. Bukas pa ang ilaw sa naturang kainan. Nasa tapat ako ng pintuan ng marinig kong nag tatalo ang dalawa.
“Palagay ko pinag mamatyagan na tayo ng mayor, Buras. Dahil sa kapalpakan mo. Isang lalake ang pumasok dito kanina, pero hindi man lang umorder ng pagkain natin. Hinala ko padala iyon ng mayor para manmanan tayo.” Naka pameywang ang matabang babae na sinusumbatan ang asawa nito.
“Hindi lang ako ang sisihin mo! Masyado ka kasing kampante, ano na naman ba ang hinalo mo sa pagkain at naging ganun ang mga tao kanina?!” Naka upo lang ang matabang lalake sa may silya, hawak pa nito sa kamay ang pangkatay ng karne na may bahid pa ng sariwang dugo.
“Ganun parin naman, nilagyan ko lang kaunting lason para sa utak, gusto ko mabaliw lahat ng tao dito. Uunti untiin natin sila. Dapat silang magbayad sa kanilang mga kasalanan sa atin.”
Biglang naiyak ang matabang babae, tumayo ang matabang lalake at niyakap ito. Ngunit bigla na naman itong nagalit at tinulak ang matabang lalake.
“Tama na ang walang kuwentang usapang ito. Bumalik kana roon at tapusin mo na ang trabaho mo. Dahil bukas tiyak lalanggamin na naman tayo ng mga baliw na iyon.”
At umalis ang matabang babae at umakyat sa hagdan. Pumasok naman sa isang pintuan ang lalake.
Umikot ako sa likuran kung saan doon ko nakita ang pintuang bakal sa sahig. May kadiliman sa bahaging iyon, sapat na para makapag kubli nang hindi napapansin.
Ilang sandali lang ang pag babantay ko nang bumukas ang bakal na pinto. Lumabas ang matabang lalaki na may hila hilang sako na may mga bakas ng dugo. Hinayaan ko lang ito sa pag aakalang mga parte o laman lang iyon ng mga hayop. Ngunit hindi mawala sa isip ko ang mag hinala at mag duda. Lalo pa at hindi ko nakita ang binatilyong hila hila nito nang makita ko.
Muli nitong sinara ang pinto. Sobrang laki at mukhang mabigat ang hila-hila nitong sako. Isinakay niya ito sa isang bagon. Nang maiayos na nito ang pagkakalagay kinabit niya ang bagon sa kabayo. Bitbit ang mga gamit pang hukay sumampa din ito sa bagon at pinalakad ang kabayo.
Gusto kong pasukin ang nasabing kainan para mag imbestiga, ngunit na intriga ako sa laman ng sako na iyon. At kung bakit sa ganoong oras sila mag trabaho.
Sinundan ko ang matabang lalake. Dahan dahan lang ang lakad ng kabayo na tila ingat na ingat din ang lalake na baka may magising sa paligid at makita ang kanyang ginagawa. Mabagal at maingat ang kilos ng lalake. Kaya nasundan ko ito. Hindi naman gaano kalayo ang pinuntahan nito.
Tumigil ito sa isang lumang sementeryo. Abandonado na ang naturang libingan dahil sa mga nakakakilabot na kuwento ukol dito. Ayon sa mga sabi-sabi dito daw naglalagi ang Tagsugat, isang misteryusong tao na may hawak na kalawit at walang ulo. At kung sino man ang pakitaan nito ay mamamatay.
Pinag mamasdan ko lang ang lalake sa kanyang ginagawa. Nag simula na itong mag hukay. Malalim na ang nahukay nito at akma nang ihuhulog ang sako nang mag salita ako.
“Maari ko bang makita ang laman ng ililibing mo matabang lalake.”
Biglang nanlaki ang mata ng lalake nang makita akong nakatayo sa kanyang likuran. Kita ko sa kanyang mukha ang takot. Napaluhod ito bigla at nag mamaka awa. Inisip nito na ako ang Tagsugat na kinatatakutan nila dahil sa balabal kong suot na nakatakip sa aking ulo at mukha. Nag patuloy ito sa kanyang paghingi ng paumanhin. Nanginginig ito sa takot.
“Maawa ka ,huwag mo akong patayin. Pangako hindi na kita gagambalain dito.”
Nagtanong ako muli kung maari niya bang buksan ang sako at ipakita sa akin ang laman. Nanginginig ang kamay nito habang tinatanggalan ng tali ang sako. Nang makalas na ang tali, kanya itong binulatlat sa harapan ko. Nabigla ako sa laman ng sako. Mga pinag putol putol na bahagi iyon ng katawan ng tao at mga pugot na ulo. Biglang bumalik sa akin ang tanawin ng paslangin ng mga Harabas ang aking ama. Biglang nanikip ang aking dibdib at uminit ang aking tenga. Nagpupuyos sa galit ang aking mga kamay. Bigla kong hinugot sa aking lalagyan ang aking kampilan at idinantay iyon sa leeg ng matabang lalake. “Sabihin mo sa akin, bakit may mga bangkay sa sako na iyan. Ano ang ginawa mo sa kanila?!.”
Nag simula nang mag kuwento ang takot na takot na lalake. Doon ko nalaman na sinunog pala ng taong bayan ang kanilang nag iisang anak na may problema sa pag iisip sa paniniwalang salot ito. At bilang ganti balak nilang lasonin paunti-unti ang mga tao na nasa paligid nila gamit ang kanilang negosyo. Ngunit noong una hindi sila nagtagumpay, walang ni isa mang tao ang pumapasok sa kainan nila. Hanggang isang araw may pumasok na pabuli sa kanilang kainan para mag tago sa mga humahabol dito. Nagtago ito sa kusina nila. Nang makita ito ng asawa nahampas niya ito sa ulo, at na bagok. Doon na nataranta ang asawa kung ano ang gagawin. Doon naisip ng asawa niyang babae na pagputol-putulin ang mga bahagi nito at ilagay sa Kawa. Dahil sa pangyayari nag ka ideya ang kanyang asawa. Hindi nila itinapon ang bangkay bagkus ginawa nila itong sangkap sa kanilang binibentang pagkain.
Una niya itong pinatikim ng libre. Hanggang sa nakita nila ang interes ng mga tao sa kanilang luto. Hinahanap na ng mga tao ang lasa na kanilang natikman. Simula noon trabaho na ng matabang lalake ang maghanap o bumili ng mga pabuli para gawing sangkap.
Sa bayang ito itinuturing hayop ang mga ka uri ko. Walang halaga ang buhay. Hindi ko kinaya ang ginagawa nila sa mga katulad ko. Sobra-sobra ang galit ko. Hindi awa ang namayani sa akin habang nagkukuwento ang lalake kundi puot at galit. Hindi kailangan sapitin ng kauri ko ang ganitong klaseng karahasan para lang sa paghihiganti. Hindi na ako naka pagpigil at winakasan din ang buhay ng lalake. Bilang kabayaran sa kanyang ginawa, isinama ko sa hukay ang kanyang ulo.
Bumalik ako sa bahay kainan na iyon. Gusto ko nang wakasan ang kahayupang ginagawa nila sa mga inosenteng tao. Kumatok ako sa pintuan maka ilang beses. ,Tsaka ako pinag buksan ng babae. Agad ko tinutok sa kanya ang aking kampilan.
“Ikaw ang dayuhan kanina!.”
Pumasok ako sa loob habang naka duro sa kanya ang aking sandata. “Dalhin mo ako sa kusina.”
Pina una ko ang babae sa kusina. Masangsang ang amoy sa loob, kakaiba ang amoy. Nagkalat sa paligid ang mga gamit pan luto. Mga damit na may bahid pa ng dugo na naka kalat lang sa sahig. Hinanap ko ang pinaglalagyan nila ng kanilang bihag. Hindi makasagot ang babae.
“Tapos na ang kabaliwan niyo, sinabi na sa akin ng asawa mo ang totoo pati na ang sekreto niyo. Kaya umamin kana at ituro sa akin kung nasaan na ang mga bihag niyo!.”
Hinawi nito ang kabinet, sa likod nito isa pang pintuan. Doon mas masangsang pa ang amoy, may nakikita na rin akong mga gumagapang na uod sa sahig. Apat na hawlang bakal ang nandoon sa loob ,tatlo doon wala ng laman, at sa ika apat naroon ang binatilyo, tulog. Inutusan ko ang babae na buksan ang kulungan ng binatilyo. Ngunit nilinlang ako ng babae, bigla nitong hinatak ang lalaki at ginawang pananggalang laban sa akin.
Maingat ako sa aking kilos, maling galaw ko lang at mapapahamak ang binatilyo. Ngunit matalino ang bata, kinagat nito ang braso ng matabang babae. At nabitawan siya nito. Doon na ako naka puntos at nasugatan ko ang babae.
Agad akong lumabas sa silid na iyon kasama ang binatilyo. Iniwan ko sa loob ng silid na iyon ang matabang babae na may malalang sugat sa kamay. Muli ko binalik sa puwesto ang kabinet. Ilang araw lang at ang mga uod na ang maniningil sa matabang babae na iyon.
“Malaya kana, maari mo nang gawin ang lahat wala kana sa hawla mo.” Nag Iwan ako ng ilang piraso ng pilak at ginto sa binatilyo. Bago mag paalam.
“Utang ko sa iyo ang buhay ko. At wala naman akong pupuntahan. Isama mo na lang ako. Handa ako mag lingkod sa iyo, maging buhay ko man ang kapalit.”
“Ano ang pangalan mo?”
“Tawagin mo na lang akong Saraw.”
Hindi na ako nag dalawang isip pa na isama si Saraw sa aking paglalakbay. Doon kami nag simula. Tulad ko gusto rin ni Saraw ipaghiganti ang mga nang aapi sa katulad namin. Sa araw na iyon sumumpa si Saraw na ipagtatanggol nito ang sino mang nakakaranas ng pagmamalupit at karahasan.
Mula sa Kan-Silay, naglakbay kami patungong Pahtag. Napadaan kami sa lumang sementeryo. Kumpulan ang mga tao. Napatanong ako sa isang ale “Ano ba ang mayroon, bakit maraming tao?”
“Nagpakita na naman ang Tagsugat, pinatay niya ang may ari ng kainan sa Kanto.”
Nagkatinginan kami ni Saraw, at tumuloy na sa pag lakad. Simula pa lang ito, hindi ako titigil hanggat mayroong masasamang loob sa aking paligid. Ito ang sinimulan ko at ito ang tawag ko.
Ang Pagdayo sa Phatag
Umalis ako ng Kan-Silay kasama si Saraw. Dahil sa pagtulong ko sa kanya, wala akong dala na kahit anong pagkain. Maliban na lang sa aking mga gamit. Tinatahak namin ang daan patungong Phatag.
Napakalayo ng Phatag mula sa bayan ng Kan-Silay. Nasanay na ako sa mahahabang lakaran dala lamang ang aking mga armas. Ngunit ngayon may dagdag na sa aking dala, si Saraw. Wala pa kami sa kalahati ng daan nang makitaan ko ng pagod si Saraw. “Mukhang hindi mo kakayanin ang malalayong paglalakbay Saraw. Ito, uminom ka muna ng tubig.”
Nakita ko sa bawat pag lagok nito ng tubig ang pagod na kanyang naramdaman.
Isang matandang lalake ang tumigil sa gilid namin. Sakay ito ng kabayo na may hila-hilang bagon na may lamang mga gatas. Nagsalita ang matanda. “Saan ang tungo niyo mga manglalakbay?”
“Malayo pa ang nais naming puntahan ginoo. Patungo kaming Phatag.” Ang sagot ko sa matanda. Malumanay magsalita ang matandang lalake. Muling nag salita ito at inalok kami ng sakay. “Napaka layo nga ng lugar na iyon. Hali na kayo at ibaba ko kayo sa Kahrmin.”
Ang Kahrmin ang sentro ng agrikultura ng Phatag. Dito malalawak ang taniman ng palay at trigo. Sagana din ito sa mga samut saring pananim tulad ng mga prutas at gulay.
Sumakay kami sa bagon. At gaya nang pangako sa amin ng matanda, narating namin ang Kahrmin.
Pagkababa namin sa lugar,nagtaka ako sa pagiging tahimik ng paligid. Nagpatuloy pa kami ni Saraw. Walang katao-tao sa paligid. Maging ang mga palayan mukhang napapabayaan.
Napansin ko agad ang mga nag kalat na tuyong dugo sa dinadaan namin. Nag patuloy pa kami, hanggang sa tulay na bato papasok ng Phatag. Tuloy ang buhay sa bayan na iyon. Marami sa kanila abala sa kani kanilang trabaho. Ngunit ang pinagtaka ko, bakit ganoon ang kanilang kinikilos. Kapansin pansin din na halos lahat ng naroon mga matatanda. Wala akong napansing bata o mga kasing gulang ko o kay Saraw na naroon. Halata din sa kanilang mga mukha ang takot at kaba.
Nagpatuloy pa kami ni Saraw, isang tao na may suot na balabal ang lumapit sa amin. “Lisanin niyo na ang bayang ito kung gusto niyo pang mabuhay.” Hindi ko alam kung pag babanta iyon o babala para sa amin. Ngunit sa tuno ng kanyang pananalita alam ko isa siyang binatang lalaki at hindi matanda.
“Nag hahanap kami ng masisilungan o mauupahang tulugan. Matutulongan mo ba kami?” Ang nasabi ko sa kanya. Ang totoo, hindi ako na gimbal sa kanyang sinabi. Bagkus nagka interes pa ako.
“Walang lugar dito para sa mga tulad niyong dayuhan. Maari na kayong umalis. Mag hanap kayo sa iba.” At iniwanan na kami ng lalaki na hindi ko man lang nasilayan ang kanyang mukha. Inutusan ko si Saraw na maghanap ng maari naming tulogan para sa araw na iyon, at agad itong umalis.
Naglalakad lakad ako sa pamilihang sentro nitong Phatag nagbabakasakaling may matuklasan ako. At doon, isang babae ang kinukuyog ng ilang mga tao. Lumapit pa ako para alamin ang mga nangyayari. May hawak itong garab na siyang pinantututok sa mga tao. May bitbit pa itong sako ng patatas sa isa pa nitong kamay.
Pinapalayas ng mga tao ang babae palabas sa bayan na iyon. Sa kung anong dahilan hindi malinaw sa akin. Wala namang ni isa sa kanila ang tumangkang lumapit sa babae. Nasa ganoong tagpo ang lahat ng may sumigaw. “Bumalik na naman sila!!!.” Pagkadinig ng mga tao, agad itong nagpulasan na tila may kinatatakutan. Hindi parin na alis sa atensiyon ko ang babae, agad akong lumapit sa kanya.
“Ano ang nangyayari?” Ang tanong ko.
Bigla akong hinila ng babae palayo sa lugar na iyon. Tumakbo kami na tila may tinatakasang panganib. Bigla ko na alala si Saraw. Tumigil ako sa pag takbo para hanapin sana si Saraw. Nang mag salita ang babae.“kailangan natin mag tago, bumalik na naman ang mga Harabas.”
Pumantig ang tenga ko sa sinabi ng babae, kaya pala takot na takot ang mga tao. Nag paiwan ako at sinabihan ang babae na mag tago. Bumalik ako sa sentrong pamilihan. Mula doon tanaw ko ang mga paparating na Harabas sakay ng kanilang mga itim na kabayo.
Wala ng mga tao sa paligid, tila winalis ang lahat ng takot. Nagmistulang abandonadong lugar ang paligid. Nakaramdam ako nang pananabik sa aking katawan. Hinugot ko mula sa aking kanluban ang aking Kampilan. Tumayo ako nang may pagkagalak habang nakatingin sa mga papalapit na mga manlulupig.
Sa mahabang taon, muli na naman makakatikim ng dugo ang aking kaibigan. Gamit ang aking sandata, gumuhit ako ng ekis sa kinatatayuan ko. Tanda na dito ko sisimulan ang aking laban.
At sa wakas nasa harapan ko na ang mga panauhin ng bayan na iyon. Tumigil ang anim sa aking harapan. Kakaiba ang mga ito sa mga nakita ko noon. Mas nakakakilabot ang mga mukha nila na may suot na bungo ng hayop sa kanilang mga ulo. At mga bungo ng tao na ginawa nilang palamuti sa kanilang pintadong katawan. Mas malalaki ang mga ito, kasing laki ng mga bitbit nilang mga sandata.
“Isang matapang, may balak ka bang labanan kami kutong lupa?!” Nag sitawanan ang mga ito na may sa demonyo. Mas lalo akong nanabik. Gumagapang sa aking mga kamay ang kakaibang init mula sa aking Kampilan. Mag siya ay sabik na rin sa mga dugo ng mga halimaw na ito.
“Lisanin niyo at lubayan na ang mga tao dito kung ayaw niyong mabaon diyan sa kinatatayuan niyo!” Ang pag babanta ko.
“Matapang ka nga, at sino kaba para takutin kami. Kami ang batas. Kami ang diyos. Kami ang magpapasya sa kapalaran ng mga tao!” Kasabay ng mga salita na iyon ang pag sugod sa akin nang nauna. Tinaas nito ang kanyang sandata, sakay ng kanyang kabayo, pagsugod ito sa akin.
Isang pagkakataon na siya namang aking hinihintay. Naalala ko pa noon ang sabi ng aking ama. “Kumilos ka na parang hangin sa kawalan, kasing bilis ng liwanag at maging matalas katulad ng sa kidlat. Gagabayan ka nitong Kampilan.”
Sinalubong ko ang kanyang pag atake. Nahulog ito sa kanyang kabayo. Nasugatan ko ito sa kanyang tiyan. Nagulat ito nang makita ang itim nitong dugo na lumalabas sa nilikha kong sugat. “Kasing itim na rin pala ng buto niyo ang inyong dugo. Dinungisan niyo lang ang aking espada.” At nilapitan ko ito habang na luhod.
“Sino ka?” Ang tanong nito. Tinanggal ko ang suot kong balabal at nag pakilala sa kanila. “Ako si Kali, at ako ang bangungot na tatapos sa inyo!.” Sabay hampas ng Kampilan ko sa leeg nito. Tumilapon sa sulok ang ulo nito.
Nararamdaman ko ang takot sa mga mata ng mga natira nitong kasama. Rinig ko ang bawat tibok ng kanilang mga puso. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Tumigil ako at humanda nang makitang pasugod sila.
Galit ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Kaliwa’t kanan ang mga dugo. Hampas dito tusok doon. Hindi napapagod ang aking mga braso at kamay. Taga dito taga doon. Nagkalat na ang mga dugo sa paligid.
Wala na sila,. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking balikat at tagiliran. May punit ang suot ko. Nasugatan din ako. Tiningnan ko ang paligid. Balot ito ng maiitim na dugo. Naka kalat din ang mga ulo ng mga Harabas.
Unti unti nang nagkakatao sa paligid. Nagsisilabasan na ang kaninang takot na mga tao. Nakikita ko ang pagkagulat sa kanilang mukha dahil sa kanilang nasaksihan.
Isang lalaki ang lumapit sa nakahandusay na katawan ng isang Harabas, at gamit ang hawak na asarol buong galit nitong pinag tataga ang katawan ng Harabas.
Nakita iyon ng iba. At tulad ng ginawa ng lalaki, pinag tutulungan nilang tagain ang mga bangkay ng mga Harabas. Nakita ko sa kanilang mukha ang sobrang galit.
Nakita ko si Saraw, lumapit ito sa akin at inalalayan ako paalis doon. Nang may lumapit pa sa akin. Ang babae na nakita ko kanina. Inalok niya ako sa kanilang tahanan para magamot nito ang aking sugat. Hindi na ako tumanggi.
Mahinahon kaming umalis sa kumpulan ng mga tao. Dinala niya kami sa kanilang tahanan. “Martha ang aking pangalan at ito ang aking asawang si Juno.” Pagpapakilala nito sa akin habang pinupunasan ang aking sugat sa balikat.
“Kali po ang pangalan ko at siya naman si Saraw. Salamat sa kabutihan mo at pagpapatuloy mo sa amin dito.” Ang tugon ko sa kabutihan ni Martha at ng kanyang asawa.
“Ako dapat ang magpapasalamat sa iyo, dahil sa ginawa mo. Binigyan mo nang tapang ang mga tao dito.” Nagulat ako ng lumuhod sa harapan ko si Martha, pinatayo ko siya at sinabi ang dahilan ko sa pag paslang sa mga Harabas na iyon. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ako. At bakit ko ginawa ang mga iyon.
Bigla akong niyakap ni Martha, maging ang asawa nito, niyakap ako. Napaiyak na lang ako nang maalala ko ang mga yakap ng aking ama na binawi ng mga hangal na Harabas. Napayakap narin ako sa kanila.
Doon ko tinanong kay Martha kung bakit siya kinuyog ng mga tao. Napag alaman ko na meron din siyang anak na katulad ko. At ang pamilya niya ang sinisisi ng lahat kung bakit ninanakawan sila at inaalipin ng mga taong labas na kilala din bilang mga Harabas.
Ito ang masakit na katutohanang bumabalot sa isipan ng mga tao. Salot ang turing ng karamihan sa mga tulad ko.
Dating tahimik at masaya ang pamumuhay sa Phatag, dito pantay pantay ang tingin ng mga tao sa isa’t isa. Hanggang sa nangyari ang mga panloloob sa kanilang bayan. Tinangay ng mga Harabas ang ilan sa mga anak nilang babae at maging ang mga binabae ay hinalay din at dinukot. Dahil doon nagalit ang mga tao sa sino mang pamilya na may anak na binabae. Pinalayas ang mga ito sa kanilang bayan sa akalang lulubayan na sila ng mga taong labas. Ngunit naging mas madalas pa ang pag dalaw sa kanila ng mga ito, at tinatangay ang lahat na kanilang gustong dalhin. Maging ang mga kabataan at mga sanggol. Dahilan para gumawa ang mga tao dito ng sekretong taguan ng kanilang mga anak sa kanilang mga tahanan at kung bakit mga matatanda na lang ang gumagala sa labas.
Kinuwento lahat sa akin ni Martha ang sinapit ng mga tao doon sa mga kamay ng malulupit na mga taong labas. At kung bakit hindi ito umalis sa kanilang lugar. Tumayo ang asawa nito na si Juno at lumapit sa karpet na nasa sahig. Hinila niya ito at tumambad sa akin ang lihim na pintuan sa sahig. Binuksan iyon ni Juno. At isang batang lalaki ang lumabas doon. Doon kinukubli ng mag asawa ang kanilang anak. Pinaniwala nila ang mga tao na tinangay din ng mga Harabas ang kanilang nag iisang anak. Kaya hindi sila maaaring umalis dahil nandoon ang kanilang kayamanan.
Nakatitig lang ako sa mga mata ng bata. Sarili ko ang nakikita ko sa kanya. Pinalapit ko siya sa akin at binulungan. “Makakalaya ka rin, sabay tayong lalaya.” At niyakap ko siya ng mahigpit.
Nakarinig kami ng mga kalansing mula sa labas ng kanilang bahay. Agad na kinuha ng ama sa akin ang kanilang anak at binalik sa lihim na taguan sa may sahig. Hinanda ko rin agad ang aking Kampilan.
Sumilip sa bintana ang mag asawa. At nakiramdam sa paligid.
Nakiramdam ako sa aking paligid. Sumilip sa bintana ang asawang lalaki gayun din si Martha. Lumapit si Juno sa pintuan nang marinig ang mahihinang katok.
Isang lalaking naka suot ng balabal ang kausap noon ni Juno. Pinapasok niya ito sa loob ng kanilang tahanan na tila bang kakilala na nila ito. Doon ko na alala ang lalaki sa kanyang suot na balabal. Siya ang lalaking kumausap sa akin kanina lang sa may bungad ng pamilihan.
Lumapit sa akin ang naturang lalake at yumuko sa harapan ko. “Tanggapin mo ang pag galang ko dahil sa iyong katapangan. Ipinag bubunyi ka naming mga taga Phatag.” Ang sabi pa nito sa akin.
Hindi ko naiintindihan ang kanyang ibig sabihin. “Tumayo ka hindi ako ang panginoon mo. Hindi para sa akin ang pagyukod mo.” Ang sabi ko.
Tumayo ang lalake at tinanggal ang kanyang suot na balabal at nagpakilala sa akin. “Ako si Turro, pamangkin nitong mag asawanng tumulong sa inyo. Maaring hindi ka ang panginoon, pero ikaw ang bagani namin.”
Bago sa aking pandinig ang salitang bagani. Sa buong buhay ko ngayon ko lang narinig ang salitang iyon. Hiningi ko ang kahulugan noon kay Turro.
“Binigyan mo kami nang tapang na harapin ang mga mapanglupig na mga taga labas. Dahil sa ginawa mo kanina, napatunayan namin na tulad rin namin sila na may kamatayan. At hindi sila imortal gaya nang paniniwala namin noon.” Ang sabi pa niya.
Magandang lalake si Turro, mapula ang mga labi at nakakapawi ng kirot ang mga mapupungay nitong mata. Nakatitig lang ako sa kanyang maamong mukha na hindi man lang sinasaisip ang kanyang mga sinasabi. Noon lang ako nakaramdam nang ganoon sa isang tao. Para akong nahipnutismo sa kanyang kakisigan at mukha.
Nakaramdam ako ng init sa buo kong katawan. Tila ako’y nagliliyab sa aking kaloob-looban. At may kung ano sa bahagi ko na nagagalak at naninigas. Pinakalma ko ang aking sarili. Ngunit mas naging mapanukso pa ang mga sumunod na nangyari na ni minsan hindi ko pa naramdaman sa isang tao, Lalo na sa lalake.
Inabot sa akin ni Turro ang kanyang kamay para kamayan ako na agad ko namang tinanggap. Biglang lumakas ang kabug ng puso ko. Para akong kinabahan na natutuwa. Sa pag dampi ng mga palad namin may kung anong kuryenteng gumapang mula sa mga daliri nito at tumawid sa mga palad ko paakyat sa buo kong kamay at sumukob sa buo kong pag katao. Saglit akong natigilan habang naka titig sa kanya. Nabasag lang ang aking katahimikan nang muling mag salita si Turro. “Nakakamangha, kasing lambot ng mga bulak ang iyong mga palad ginoo. Tila walang bahid ng pakikipag laban.”
Agad ko binawi ang aking kamay at nag pakilala sa kanya. Sa puntong iyon naging magaaan ang pag uusap namin. Ikinuwento sa akin ni Turro ang nangyari sa kanyang pamilya. Pinaslang ng mga Harabas ang kanyang magulang at dinukot ang kambal niyang kapatid na babae. Balak din nitong ipaghiganti ang nangyari sa kanya, ngunit wala itong lakas at kaalaman sa pakikipag laban.
Takot ang namamayani sa bayan ng Phatag, dahil sa mga kalapastanganan at karahasang dulot ng mga taga labas. Isang tahimik sana noon at mapayapa ang bayan hanggang sa guluhin sila ng mga madudugong pangyayari.
At dahil sa ginawa ko sa mga Harabas na iyon. Tinanggalan ko ng piring ang mga takot nilang puso. Ang kanilang galit at pagtitimpi ay tila ba agad nagliyab dahil sa ginawa ko.
Nag bulontaryo si Turro na siya ang mag alaga sa akin bilang bayad sa pagkakaligtas ko sa bayan sa araw na iyon. Nakaramdam ako nang pagka ilang sa hindi ko malamang dahilan. Kaya sinabi ko kay Turro na si Saraw na lang ang bahala sa akin. Ngunit naging mapilit si Turro.
Habang kumakain kami nang mga Oras na iyon. Isang katok muli mula sa pinto ang nagpatigil sa amin. Nang sumilip si Juno ang asawa ni Martha. Dali dali itong lumabas at pina sunod ako.
Sa tulong ni Turro, pinatayo niya ako at iginiya palapit sa pinto. At nagulat ako sa aking nasaksihan at nakita sa labas. Doon ,naroon ang mga mamamayan ng Phatag dala dala ang mga alay nilang pagkain para sa akin.
Isang may gulang na babae ang lumapit sa akin dala ang isang bakag ng mga prutas at gulay. Nag wika ito sa akin.“Ginoo tanggapin mo ang aming munting alok na alay bilang kabayaran sa ginawa mo para sa amin. Isa kang bagani.”
Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang kanilang mga dala. Hindi ako ang diyos na kailangan nilang handugan ng ganitong mga alay. Ngunit lahat sila sinisigaw ang aking kagitingan na siyang magliligtas sa kanila sa kamay ng mga manlulupig na taga labas. Hindi ko inaasahan ang ganoong tagpo sa pag punta ko sa bayan ng Phatag.
Isa pang lalake ang nakiusap sa akin. “Pumermi kana sa amin ginoo, kailangan namin ang isang tulad mo. Ipagtanggol mo pa kami sa mga pangil at matatalas na koku ng mga mandaragit. Ikakasiya ng aming mga pamilya ang pananatili mo dito sa amin.”
“Bukas ang buong Phatag na maging tahanan mo Ginoo. Kailangan ka namin dito. Ikaw ang bagani na hinihintay naming lahat.” Ang wika pa ng iba.
Nakakataba ng puso ang kanilang mga sinabi. Ngunit hindi ito ang nakalatag sa aking kapalaran. Hindi ko magagapi ang mga kalaban kung mananatili lang ako sa iisang lugar. Mas marami pa sa labas nito ang mas nangangailangan ng aking tulong. Nagkalat pa sa bawat sulok ng daigdig ang mga agresibong halimaw.
Ngunit sa kabilang banda napapaisip din ako. Nakatingin ako kay Saraw. Hindi sa lahat ng Oras kasama ko siya at kailangan ni Saraw ang panibagong tahanan. Kaya napagisip ko na Oras na para dagdagan ang katulad ko.
Nagpasya akong manatili ng ilang mga araw at buwan pa sa Phatag. Nakita ko ang pag asa sa mga mata ng tao. Lalo na sa mag asawang kumupkop sa amin ni Saraw.
Kinabukasan noon, bagamat iniinda ko pa ang aking sugat. Maaga akong bumangon at ginising si Saraw. Pina bitbit ko sa kanya ang lahat ng aking sandata at naghanap kami ng mapaglagiang lugar.
Doon sa isang burol malapit sa tahanan ng mag asawa doon kami nagpunta.
“Amo, ano ang gagawin natin dito? Bakit dala natin ang mga ito?” Unang tanong agad ni Saraw
“Hindi ba at gusto mo akong samahan sa aking paglalakbay? Ituturo ko sa iyo ang kailangan mong dalhin sa bawat nating paglalakbay.” Ang sabi ko at naghanda narin ng aking sarili.
“Hindi man lang ba tayo kakain muna amo? Wala pang laman ang atin sikmura.” Pangalawang tanong ni Saraw.
“Sa pag lalakbay kailangan mong magtiis at magtiyaga. Sa lawak ng daan na tatahakin wala kang pagkain na masusumpungan. Kung gutom ang siyang kahinaan mo, hindi ka karapat dapat sa aking paglalakbay. Kaya ngayon pa lang maari mo na akong Iwan at kumain kana roon.” Ang tugon ko sa kanya habang namimili ng mga sandatang gagamitin.
“Pasensiya na amo, kaya kong tiisin ang gutom. Handa na ako. Pero amo, kaya ko ba lahat matutunan ang mga iyan? Sa dami ng iyong sandata , alin diyan ang angkop sa akin?” Tanong pang muli ni Saraw.
Bago ko pa sagutin ang kanyang tanong isang mabilisan at malakas na hampas sa kanyang katawan ang aking binigay, gamit ang mahaba kong baston. Napa luhod sa sakit si Saraw.
“Hindi masasagot ng maraming katanungan ang paghahanap mo sa iyong lakas. Makibagay ka sa iyong paligid at damhin mo ang iyong lakas sa iyong kahinaan. Tandaan mo, nasa kahinaan ang lakas. At ang lakas madalas natatalo ng kahinaan. Dapat alam mo paano gamitin ang mga ito para manalo. Tumayo ka diyan at ito ang una nating susubukan. “ At ibinato ko kay Saraw ang mahabang baston na pinang hampas ko sa kanya.
Sinimulan kong ibinahagi kay Saraw ang lahat ng alam ko sa armas na iyon. Sa mga sandaling iyon nakikita ko ang aking ama, na nakikisabay sa amin. Tama si ama, hindi niya ako iniiwan. Isinalin ko kay Saraw lahat nang aking nalalaman. At natutuwa ako sa pagiging determinado nito na matuto.
Hindi pa man kami nangalahati nakikita ko na ang potensiyal sa kanyang mga kilos. Sa mga pag hawak nito at sa pag gamit nito.
Abala kami ni Saraw nang may lumapit sa amin. Natigil kami saglit nang dumating si Turro. Wala itong takip sa kanyang pang itaas. Nalantad sa aking paningin ang buong kakisigan nito. Napakagandang lalake talaga ni Turro. Buong buhay ko noon pa lang ako humanga sa isang lalake. At muli ko na naman naramdaman ang pag kislot ng bahaging iyon sa aking katawan. Hindi ko mapigilan at muli na naman itong tumigas. Napayuko ako at aking napansin ang pag umbok nito sa aking harapan. Agad akong umupo para itago iyon sa kanya.
Nang nasa harapan ko na siya mas lalong lumakas ang kalabog sa dibdib ko. Agad siya nag salita sa harap ko. “Gusto ko rin matuto, gusto ko rin sanayin mo ako sa pag gamit ng mga armas ginoo.”
“Kali na lang ang itawag mo sa akin, magkasing-gulang lang naman tayo. Hindi minamadali ang pagsasanay, handa ka ba masaktan? O masugatan?” Ang sabi ko.
“Manhid na ako sa ano mang sakit at sugat simula noong nawala sa akin ang lahat. Oo, handa akong masaktan at masugatan sa mga kamay mo, Kali.” Sa kanyang sagot bigla akong nanlambot. Nakatingin lang ako kay Turro. May kung ano sa loob ko na nag sasabing halikan ko siya. Pero pinigilan ko pa ang sarili ko. Dahil hindi dapat.
Hindi dapat ako magpapagapi sa aking kahinaan. Mawawala ng saysay ang mga pangako ko sa aking ama kung mag papa anod ako sa aking pagnanasa. Kaya tumanggi ako sa gusto ni Turro na turuan siya. At nakiusap na iwanan muna kami ni Saraw.
Gabi nang Paggayak
Naging isang malaki at mahalagang kaganapan para sa mga taga Phatag ang ginawa kong pag paslang sa mga Harabas. Minarkahan nila ang araw na iyon bilang “Dayao”. O ang araw nang pagmamalaki.
Naging abala ang lahat para sa magaganap na pa piging ng pasasalamat para sa akin. Isang nakakapanibagong karanasan mula sa mga taga roon. Naglakad lakad ako sa mga kalye ng bayan ng Phatag para kilalanin pa nang husto ang lugar habang nandoon pa ako.
Bawat tao na nasasalubong ko nag bibigay ng galang sa akin. At hindi ako kumportable sa ganun. Lumabas ako ng Phatag para tunguhin ang mga palayan at taniman sa hawanan. Doon na pahinto ako nang makita ang mga patong patong na ulo ng mga pinaslang Kong Harabas na nakatuhog sa pinatulis na kahoy na naka baon sa hangganan ng daan papasok sa bayan ng Phatag sa tapat ng isang punong dalakit. Ang mga bahagi at parte ng mga katawan nila ay ginawang palambitin sa mga sanga ng puno. Maging ang mga suot nilang baluti at mga palamuti. Isang pag babanta laban sa mga nagbabalak na mga taga labas ang ibig sabihin ng ginawa ng mga tao ng Phatag. Isang panghahamon ng pakikipag digma.
Nakaramdam ako ng pangamba at takot sa siguridad ng mga taga Phatag. Ang kanilang ginawa ay kalapastangan sa mukha ng mga kalaban. Alam kong hindi pa handa ang mga mamamayan dito para ipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa mababangis at walang kaluluwang mga taong labas. Ngunit batid ko ang kanilang dahilan.
Bumalik ako sa sentro ng Phatag para mag masid masid. Isang lalake ang humahangos na sinalubong ako. Hawak nito sa kanyang kamay ang isang supot. Nang makalapit ito sa akin, agad ito nag wika. “Ginoo tanggapin mo ang mga aras at pilak na ito. Maaring hindi ito sapat. Ngunit nag mamaka awa ako iligtas mo ang aking anak, ibalik mo sila dito sa amin. Nag mamaka awa ako.”
Naawa ako sa lalake, pero hindi ako ang hinahanap nilang bagani. May sarili rin akong misyon na kailangan kong unahin. Ngunit ang kanilang pag susumamo sa akin tila bumabaon at tumusok sa aking puso. “Patawad ginoo, hindi ako ang kailangan mo. Hindi ko kayang ibalik sa inyo ang mga kinuha nila. Patawad.” Ang nasabi ko lang sa kanya at iniwan na siya.
“Naniniwala ako, ikaw Ang itinadhanang magliligtas sa amin. Hihintayin ko kung hanggang kailan ka handa.” Rinig ko pa ang mga pahabol na salita ng lalake. Binilisan ko ang pag lakad nang makabangga ko si Turro. Hindi ko napansin ang kanyang pag salubong sa akin.
“Saan ka galing hinahanap kita kanina pa?” Ang tanong nito sa akin. Hindi agad ako naka sagot sa kanya. Para akong na pipi nang magtama ang mga paningin namin.
“Nag libot-libot lang, kinakabisado ang mga daan dito sa inyo.” Ang pa utal utal kong sagot.
“Ibig lang ba sabihin, mag tatagal pa kayo dito? Makakasama pa kita dito nang mas mahaba pa?” Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Turro. May pagkagalak ang kanyang punto. Lihim akong napangiti. May kung ano sa nararamdaman ko na para bang nagugustuhan ko ang mga sandaling kasama ko si Turro.
Pinilit kong kalimutan at pigilan ang kakaibang pintig sa aking dibdib habang kinakausap ako ni Turro. Sagabal sa aking misyon ang mahulog sa patibong ng damdamin. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili ko na mabalot ng makamundong pag nanasa. Dahil ito ang pipigil sa aking mga hakbang.
“Sa sandaling alam na ni Saraw ang lahat ng aking itinuturo sa kanya. At kaya niya nang ipagtanggol ang sarili niya. Lilisanin ko din ang lugar na ito. Hindi ito ang tahanan ko, at wala dito ang kapayapaan ko. At kunting pag titiyaga na lang kay Saraw.” Ang sabi ko.
“Ako, bakit hindi mo maaring turuan? Gusto ko ring matuto.” Ang alab ng paghihiganti ang nakikita ko sa mga mata ni Turro. Gusto ko man siyang turuan. Ngunit nag dadalawang isip ako, dahil sa unang araw palang ng pagkakilala namin. Siya agad ang may tinuro sa akin. Bagay na mas mahirap matutunan kumpara sa pag hawak ng ano mang mga sandata.
“Hindi ako bihasang guro para mag turo sa kahit na sino lang, at isa pa nakita ko sa iyo na hindi mo na kailangan pang turuan. Nasa tindig mo na ang katangian ng isang manggagaway. Nararamdaman ko ang alab diyan sa puso mo. Magandang senyales iyan ng isang magiting na mandirigma”. Nag lakad-lakad pa kami ni Turro nang mapansin ko ang ginagawa nilang pag aabala sa kanilang plasa. Pinalamutian ng mga babae ang bawat kanto ng makukulay na seda, nag mistulang kulay bahaghari ang paligid na sinamahan pa ng mga makukulay at sari saring bulaklak.
“Ngayon lang muli sumigla at nagdiwang ang mga tao dito. At dahil iyon sa iyo. Para sa iyo ang kasiyahang magaganap mamaya. Kaya dapat dumalo ka.” Sabi pa ni Turro
“Nakakataba ng puso ang pagkilala niyo sa ginawa ko. Pero hindi niyo na dapat ginawa pa ito. Pansamantala lang ang pagpigil ko sa mga taga labas. Mas marami pa sila sa inaalala niyo. May mas mababangis pa at mas hayok kaysa sa mga napaslang ko. Kaya huwag muna kayo makampante.” Ramdam ko parin ang naka atang na panganib sa mga taga roon. Hindi nag papautang ang mga Harabas. Hindi sila tumatakbo na lang basta.
Pauwi na kami ni Turro nang mapansin ko si Saraw na nakatingin sa amin. May dulot ang mga titig na iyon ni Saraw lalo na kay Turro. Batid ko na may paghanga din ito sa lalake. Ikubli man sa akin ni Saraw, alam ko ang nararamdaman nito kay Turro. Dahil tulad niya ganun din ako kay Turro.
“Mukhang nakapag ayos ka ngayon ah, ang bango mo tingnan.” Pag bati ko kay Saraw.
“Kakaligo ko lang kasi, magkasama pala kayo ni Turro. Kaya pala wala ka kanina sa burol.” Matamlay na tugon ni Saraw.
“Nagkita lang kami sa may paseyo. Gusto mo bang pumunta doon mamaya may kasiyahan silang gagawin doon.” Sabi ko kay Saraw. Ngunit naramdaman ko ang malamig na loob nito sa akin. Kaya nag hanap ako ng saktong pagkakataon para kausapin ito.
Lalo pang umiba ang guhit ng nuo ni Saraw nang umakap sa akin si Turro para mag paalam. Isang normal na ginagawa ng mga taga roon kapag nag papaalam, ngunit para kay Saraw iba ang kahulugan nun.
Dumalo kami sa kasiyahan kinagabihan. Naroon din ang mag asawang sina Martha at Juno. Sayawan ,tugtugan, at kainan ang kanilang pinag sasaluhan sa pagdiriwang na iyon. Nasa sulok lang kami ni Saraw at nakikinuod sa mga nag sasayawan paikot sa ginawa nilang dabok, isang malaking siga na pinalingas sa pinag kumpol kumpol na dayami.
Biglang may nag patunog ng gong nang apat na beses. Hudyat pala iyon ng pag simula ng kanilang tradisyunal na sayaw panliligaw. Pantay pantay ang karapatan ng mga tao dito sa Phatag, at hindi basehan ang kasarian sa totoong nararamdaman ng damdamin.
Isa isang nag sitayuan ang mga kalalakihan, mula sa mga bata, binata at matanda habang nag sasayaw pa-ikot sa dabok. Makaraan ang ilang beses na pag ikot. Bawat lalake ay kailangan lumapit sa mga napupusuan nila sa paligid para isama sa pag sasayaw sa may dabuk.
Nakita kong tumayo si Turro at nakisayaw din sa ibang mga kalalakihan. Nakakaaliw pagmasdan ang mga lalake na walang pang itaas na sumasayaw sa ritmo ng tambol at palakpakan. Ngunit mas napako ang mga tingin ko kay Turro. Hindi ko alam pero tila hinihigop ni Turro ang lakas ko sa bawat pag sulyap nito sa akin.
At tulad ko, kapansin pansin din ang pagtutok ni Saraw kay Turro habang sumasayaw. Gusto kong umiwas kaya nag paalam ako na aalis saglit. Ngunit sa aking pagtayo Ang siya namang pag lapit ni Turro sa amin at hinawakan ang braso ko. Rinig ko ang hiyawan ng mga tao, natigilan ako at hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko.
Napangiti si Turro sa akin at sinabing, “pinipili kita ,para maging kapareha.” At hinatak na lang ako ni Turro papunta sa gitna. Napatingin ako kay Saraw. Ngumiti lang din ito sa amin. Pero tanaw ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Makaraan tumayo ito. At umalis sa kanyang kinaroroonan.
“Hindi ako marunong sumayaw.” Sabi ko kay Turro.
“Natuturuan ang mga paa, sabayan mo lang ako.” Habang magkaharap kami ni Turro at magkahawak kamay.
“Pasensiya na Turro, mali ang pinili mo. Hindi ako bagay dito.” At iniwanan ko si Turro.
Alam ko sa sarili ko na hindi na pangkaraniwan ang nararamdaman ko kay Turro. Kaya hanggat kaya ko pa kailangan ko nang umiwas sa tukso.
Hinanap ko si Saraw. Natagpuan ko itong naka upo sa isang malapad na bato.
“Bakit ka umalis kanina? Dahil ba sa nakita mo sa amin ni Turro?” Agad kong tanong kay Saraw nang lumapit ako.
“Nagkakamali ka, bigla lang sumama ang tiyan ko. Siguro dahil sa mga kinain ko doon. Ang dami kasi.“Ang pag tanggi ni Saraw. Pero alam ko na nag sisinungaling lang siya.
“May pagtingin ka kay Turro, tama? Huwag mo nang itanggi kasi nararamdaman kita. Alam ko ang bawat galaw ng mga mata mo at pilantik ng mga daliri mo. Basang-basa na kita Saraw. At alam ko na tungkol ito kay Turro.”
Nag ka usap kami ni Saraw ng puso sa puso. Hanggang sa ibinalik nito sa akin ang mga tanong ko sa kanya.
“Gusto mo rin siya hindi ba?”
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Saraw sa akin. Ngunit tama siya, sa unang pagkakataon nakaramdam ako nang pag hanga sa kapwa ko. At sa isang matipuno at magandang lalake na taga Phatag na si Turro.
“Hindi mahalaga sa akin ang magkagusto kanino. Hindi ko kailangan ang ganyang bagay. Hindi iyan makakatulong sa aking pakikipagbaka laban sa mga Harabas.”
Kailangan ko ilihim ang tunay kong naramdaman at ipakita kay Saraw na mas matigas ang puso sa ano mang bato sa kawalan. Hindi niya dapat makita ang aking kahinaan. Hindi nino man.
Lumisan ako sa kasiyahan at bumalik sa tinutuluyan naming tahanan. Nag paiwan doon si Saraw. Nagpatuloy pa ang kasiyahan hanggang sa pag lalim ng Gabi. Nagpakalunod lahat sa alak at pagkain. Walang awat ang kanilang pagdiriwang.
Nasa bubong ako ng aming tinutuluyan, nag iisip at nagmumuni muni nang may narinig akong sumampa rin doon. Si Turro.
“Ang aga mo naman umalis doon. Ano ba ang nangyari? Nakita ko kayo ni Saraw kanina.”
“Hindi lang ako sanay sa mga ganoong pag titipon. Ikaw bakit ka nandito? Hindi pa tapos ang kaganapan doon diba?” Sabi ko
“Iniiwasan mo ba ako? Napapansin ko lang mukhang ayaw mo sa akin. Huwag kang mag alala, hindi na kita kukulitin na turuan ako. Gusto ko lang makipag kaibigan sa iyo.”
Nabigla ako sa sinabi ni Turro. Tila may naramdaman akong kumislot sa puso ko nang marinig iyon sa kanya.
“Hindi ako maganda maging kaibigan Turro. Panganib ang bitbit ko. Kamatayan ang sumpa ko. At ayokong may mapahamak nang dahil sa akin. Ibaling mo na lang iyan sa iba. Subukan mo kay Saraw. Siya ang kaibigan na kailangan mo. Hindi ako.”
Ngunit hindi napabago nang pag taboy ko ang kagustuhan ni Turro na maging suod ko.
“Ako ang mamimili kung sino ang gusto kong kaibiganin. At handa ako na harapin ang panganib para sa isang kaibigan.”
Ang mga kinikilos ni Turro sa akin ay unti unting tinitibag ang bakal na harang sa aking dibdib. Sa dahan-dahan napapa amo ako ni Turro nang hindi ko namamalayan.
“Hindi ako lalake, at lalong hindi ako babae, wala sa akin ang katangian na hanap mo. At wala sa iyo ang hinahangad ng isang tulad ko. Kaya kung maari ,huwag ako.” Sabi ko pa.
Paalis na ako nang bigla na lang ako hinawakan ni Turro sa braso at pinigilang tumayo. Nakaramdam ako nang panlalamig nang dumampi ang palad nito sa balat ko. Tila saglit na huminto ang lahat sa aking paligid. May kung anong enerheyang gumapang sa akin at sumukob sa akin, mula sa mga daliri at palad ni Turro na tumulay sa braso ko papasok sa mga hibla ng ugat ko sa katawan.
“Alam ko, at hindi mahalaga sa akin kung ano ka. Hayaan mo lang ako at ipaparamdam ko sa iyo na totoo ako sa sinasabi ko.”
“Ina antok na ako, bumalik ka na roon.” Hindi na ako nagpapigil pa at nilisan si Turro. Batid ko na nagkamali ako sa hakbang ko na makipag kilala sa kanya. Napag tanto ko na tila hindi magandang ediya ang pag permi doon sa Phatag.
Nang gabi ding iyon , niligpit ko ang mga gamit ko at lihim na iniwan ang Phatag. Hindi na ako nakapag paalam sa mag asawa na nagpatuloy sa amin. Sinadya ko rin na hindi isama si Saraw sa aking pag alis.
Sapat na ang naituro ko sa kanya para ipagtanggol nito ang sarili. Pinalakas ko ang aking sarili, walang puwang sa akin ang malungkot. Sinimulan ko ang paglalakbay na nag iisa, kaya magpapatuloy akong mag isa.
Bitbit ang aking paghihimagsik at galit nilisan ko ang Phatag. Walang lingon-lingon,.
May kalayuan na ako sa sentro ng Phatag, hindi ko na rinig ang mga ingay at tugtog doon. Napadaan ako sa isang sapa. At doon nagpalipas ng magdamag.
Gumawa ako ng siga para pantaboy sa mga hayop na nasa paligid. Batid ko ang panganib sa mga kuko at pangil ng mga ilahas sa kagubatan.
Naisipan ko maghugas ng katawan sa may sapa. Inalis ko ang lahat ng aking saplot sa katawan at nag babad sa tubig. Ang lamig ng tubig, nakaka gaan sa pakiramdam.
Noon lang ako nakatagpo ng katahimikan sa gitna ng kawalan. Pakiramdam ko isa akong diwata na naliligo sa mahiwang batis. Ninanamnam ko ang bawat hugis ng aking katawan habang binabasa ito ng tubig.
Nakipag laro ako sa aking sarili, sa ilalim ng bilog at maliwanag na buwan.
Doon ko na pag tanto na tao rin lang ako, at kailangan ko gawin ang bagay na ito bilang tao.
Nag lakbay ang aking mga kamay sa lahat ng bahagi ng aking katawan. Nag mistulang pangguhit ang aking mga palad habang pinipinta ang lahat na naroon sa akin.
Mula sa aking mukha, pababa sa aking leeg tuloy sa aking malapad na dibdib, pagapang sa aking matitigas at malalaking braso, patawid sa aking puson pababa sa aking kahabaan.
Ang kiliting dulot ko sa aking paghimas ay tinangay ako sa nakakabaliw na karanasan. Sa unang pagkakataon, nahawakan ko ang natatanging sandata na matagal ko nang kinukubli sa aking katawan.
Hindi man ito kasing talas ng aking kampilan, at kasing tigas ng aking kalasag. Ang kanyang tikas naman ay kayang pumilas ng lahat na uri ng laman.
Hindi magkamayaw ang aking kaliwang palad sa pag sakmal sa aking sandata, hindi ito mahaba pero lumalagpas sa aking kamay.
Bagamat, ngawit na at nangangalay pinag patuloy ko parin ang aking pagbabayo.
Nakapikit ako at ninanamnam ang sandali, nang may narinig akong ingay sa tubig. Ingay na tila may lumusong malapit sa akin.
Agad ako dumilat, at nagulat ako nang makita sa harapan ko si Turro. Naka hubo rin ito na nakangiti sa akin. Agad ko tinakpan ang harapan ko at agad na umalis sa tubig.
“Wala nang silbi ang pag takip mo, nakita ko na iyan kanina pa. May ipagmamalaki ka rin pala bukod sa katawan mo.”
Nakangisi si Turro na naka tingin lang sa akin. Habang ako naman isa isang binabalik ang aking suot.
Hindi agad ako nakapag salita sa tindi ng aking hiya. Batid ko na nakita lahat ni Turro ang mga pinaggagawa ko sa aking sarili.
“Huwag ka muna mag bihis, maligo muna tayo. Ang lamig ng tubig.”
Hindi ko pinansin ang pang uudyok ni Turro. Matapos maka pag bihis, nilisan ko ang lugar na iyon at nag patuloy sa dulo ng sapa.
Binilisan ko ang aking mga hakbang para lubusang makalayo kay Turro. Para akong nalusaw sa sobrang hiya sa kanya. Napadapo ako sa isang malaking Puno na may huka sa ilalim ng mga ugat nito. At doon sumilong at nag tago.
Madilim sa bahaging iyon at malabong makita ako roon ni Turro sakali mang sundan niya ako. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako.
Sa kalagitnaan nang aking pagkahimbing nakaramdam ako nang paninikip sa aking katawan na tila ba may sumasakal sa akin. At nang magising ako, tumambad sa akin ang napakalaking sawa na lumilingkis sa mga binti ko. Pahigpit ito nang pahigpit paakyat na sa katawan ko.
Malaya ko pa na naigagalaw ang aking mga kamay, pilit ko inaabot sa lalagyan ko ang aking punyal, ngunit hirap ako,nakaipit ito sa beywang ko ang aking lagayan, at kunting galaw ko lang at baka mapisa na ako ng sawa
Subrang laki ng ahas na halos ga hita ko na ito. Batid ko na nakikiramdam sa akin ang ahas, at kunting mali lang sa galaw ko, durog ako dito.
Nag hintay ako ng pagkakataon, nakapulot lang ang sawa sa kalahating parte ng katawan ko, ngunit hindi naman ito agresibo. Marahil pinag aaralan pa ako ng ahas bago kainin.
Hirap parin ako sa aking kilos, nang biglang napa atras ang ulo ng sawa, na tila nasasaktan. Biglang gumalaw ang katawan nito at unti-unting lumuluwag ang pagkakalingkis nito sa akin. Dahilan para mahugot ko ang punyal at agad na tinarak sa katawan ng sawa.
Tinadtad ko iyon ng saksak saka pinutol ang ulo gamit ang punyal. Nang makakalas sa ahas , lumabas ako sa pinasukan kong huka.
“Kinawawa mo naman masyado ang ahas, sana hinayaan mo man lang sana kumalat sa kanya ang lason.”
Bumungad muli sa akin si Turro , naka upo ito sa may ugat ng malaking Puno, malapit sa huka.
“Sinusundan mo ba ako?!” Galit kong tanong.
“Pasalamat ka at sinundan kita, kung hindi naging hapunan kana ng sawa na iyan. Bakit ba kasi sa dinami dami ng puno dito sa gubat eh diyan kapa nakitulog sa pugad niya. Tuloy napagkamalan ka niyang itlog.”
“Bumalik ka na sa Phatag mas kailangan ka doon.” Sabi ko.
“Ang sungit mo talaga sa akin. Ni hindi ka man lang nagpasalamat sa ginawa kong tulong sa iyo. Tapos papaalisin mo na lang ako?”
“Anong tulong? Ako ang nakapatay sa sawa. Bakit ako magpapasalamat?”
May dinampot si Turro saka may hinugot sa katawan ng ahas. Isang panudlot ang kinuha nito na nakabaon sa ahas. Gumamit ng panudlot na may lason si Turro para pahinain ang sawa. Kaya pala bigla na lang itong umurong na tila nasasaktan.
“Isama mo na ako sa iyo, kakailanganin mo ang kaalaman ko sa gubat at mga hayop. Hindi man ako kasing husay mo sa pag gamit ng mga sandata. Maaasahan mo naman ako sa ibang bagay.” Pagmamalaki pa ni Turro sa akin.
“Hindi hayop ang kalaban ko, kaya hindi ko kailangan ang nalalaman mo sa kanila. Sagabal ka lang sa mga kilos ko. Kaya kung maaari lang hayaan mo na ako at bumalik ka na lang sa Phatag, mas kailangan nila ang katulad mo.”
“Bahagi parin naman ito ng Phatag, malayo nga lang tayo sa sentro.” Pangungulit pa nito sa akin.
“Maiwan na kita dito. Hindi ko kailangan ng kasama.”
“Gawin mo na lang akong alalay, kanang kamay, utusan ,bihag, alipin,…o di kaya gawin mo akong laruan”.
Sa sobrang inis ko, sa pamimilit ni Turro muntik ko na ma patid ang lalamunan nito ng aking kampilan.
“Hindi ako bata na nakikipag biruan sa iyo. Lubayan mo na ako, bago ko pa makalimutan na magkakilala tayo.”
“Oh sige, hindi na kita gagambalain pa sa pag alis mo. Pero nakikiusap ako sa iyo. Ihahatid kita hanggang sa dulunan. Pag lagpas mo doon kalimutan mo na ako. Pero hanggat nasa lupain parin tayo ng Phatag, hayaan mo lang ako na samahan ka, Kali.”
Mababaw na kahilingan mula sa taong gumulo ng pagkatao ko. Pumayag ako sa gusto ni Turro hanggang sa dulunan.
Sobrang lawak pala ng sakop ng Phatag, kaya pala aligaga ang mga taga labas na himukin at sakupin ang Phatag dahil dito.
Masyado pang madilim ang paligid para ipag patuloy ang paglalakbay. Kaya pumirme kami ni Turro sa isang maliit na yungib. Doon nag pahinga kami at nag palipas ng sandali.
Abo at Dugo
Sa gitna nang aking pagkahimbing, ginising ako nang napakasamang panaginip. Sa aking panaginip, naririnig ko ang mga iyak ng napakaraming tao. Balot ng dugo ang paligid at lumiliwanag, dahil sa lakas ng nangangalit na apoy. Doon nakita ko si Saraw na tadtad ng sugat sa katawan at humihingi nang tulong.
Nagising din si Turro dahil sa akin.
“Masamang panaginip?” Tanong nito.
“Si Saraw, kailangan niya nang tulong. Bumalik tayo sa sentro ng Phatag. Masama ang kutob ko sa panaginip kong iyon.” Agad akong bumangon at binitbit ang mga dala ko at unang lumabas sa yungib.
Sumunod sa akin si Turro,. Wala akong sinayang na Oras. Binilisan ko ang pag lakad at pag takbo. Habang papalapit ako sa lugar, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Nang may napansin akong bagay na lumilipad at sumasama sa hangin. Marami ito at nagkalat na sa paligid.
“Mga abo ito mula sa isang nasusunog,…sina Martha!” Agad na naisip ni Turro ang mag asawa. Kaya nagmamadali na rin itong tumakbo pabalik sa kanila.
Sumunod ako sa kanya. Batid ko ang lawak ng sunog dahil nararamdaman ko ang init nang paligid habang papalapit na kami doon.
Sa hangganan, napahinto kami ni Turro. Mula doon tumambad sa amin ang napakalaking sunog na lumulukob sa kabuohan ng Phatag. At mas kumakalat pa ito nang mas malapad pa.
Hindi ko na ininda pa ang laki ng sunog at pumasok ako sa sentro ng Phatag doon higit pa na mas kalunos-lunos ang nasaksihan ko sa paligid. Mga mamayan ng Phatag na pinugutan ng mga ulo. Mga patay na katawan na nag kalat sa paligid. Wala akong napansing tao na gumagalaw sa paligid. Isang malawakang sunog ang lumalamon sa buong bayan ng Phatag.
Agad ko hinanap ang bahay na pinagiwanan ko kay Saraw. Isa lang ang naiisip ko na may kagagawan nito. Walang iba kundi ang mga Harabas. Ang mga walang pusong nilalang. Magkahiwalay kami ni Turro sa paghahanap kina Saraw at sa mga tao na maaring mailigtas namin doon.
Mula sa malayo, may narinig akong mga yabag ng kabayo na paparating sa akin. Hindi ko maaninag kung ano ang nasa paligid dahil sa kapal ng usok at apoy.
Umayos ako at humanda. Nakiramdam lang ako. Ipinikit ko ang aking mata at binuksan ang aking tenga. Pinakinggan ko ang bulong ng hangin, kinilala ko ang mga ingay sa paligid hanggang sa gumuhit sa pandinig ko ang pag hugot ng isang espada mula sa lalagyan nito. Kasabay ang mas papalapit pang yabag ng mga paa ng isang kabayo.
At tama nga ang bulong ng hangin sa akin. Panganib. Isang mabilisan at biglaang pag hataw ng espada ang nasalag ng kampilan ko mula sa isang Harabas na sakay ng itim na kabayo.
Muli akong pinatamaan ng Harabas ng kanyang espada ngunit lahat iyon sinalag ng kampilan ko. Nang ako naman ang naka hanap ng pagkakataon, pinilas ko ang mga paa ng kanyang kabayo para ito ay mahulog. Nagtagumpay ako, ngayon magkaharap na kami ng Harabas na higit ang tangkad nito sa akin. Hindi naman kalakihan, ngunit ang hahaba ng kanyang mga kamay na humahataw sa hawak nitong espada.
“Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa mga mamamayan dito. Sisingilin ko kayo ng inyong mga dugo.” At inatake ko ng kampilan ang Harabas. Maliksi at mabilis ang kaharap ko. Matagal din kaming nag laban hanggang sa na itama ko sa lalamunan niya ang aking sandata.
Ilang mga Harabas pa ang nakaharap ko roon at pinaslang ko silang lahat. Nang wala nang may natira sa kanila. Pinagpatuloy ko ang pag hahanap sa mag asawa at kay Saraw.
Nang marating ko ang kinaroroonan ng kanilang tahanan. Nanlumo ako sa aking nadatnan. Wala nang buhay ang mag asawa at sunog ang kalahati ng kanilang katawan. Hinanap ko ang kanilang anak ngunit wala iyon doon sa paligid.
“Wala na sila, nahuli na tayo.” Si Turro na buhat-buhat ang katawan ni Saraw.
Agad ko silang nilapitan at hinagkan si Saraw. Puno ito ng mga sugat sa katawan.
“Pumipintig pa ang kanyang pulso,. Maaring nakalanghap siya ng sobrang usok kaya siya ganyan. Buhay pa siya”. Sabi ni Turro.
Agad namin nilisan ang lugar na iyon at nag hanap ng mataas at ligtas na masusumpungan. Bumalik kami sa masukal na bahagi ng gubat ng Phatag.
Lalong bumigat ang kalooban ko sa sinapit ng mga mamamayan ng Phatag na walang awang kinitlan ng mga buhay ng mga halang na Harabas. Mas tumindi ang silakbo ng damdamin ko na tapusin na ang kanilang pang aalipin. Mas nanabik akong ubusin na ang kanilang lahi at mabura na sila sa ibabaw ng lupa.
Wala paring malay si Saraw, hanggang sa narinig ko itong umungol habang ginagamot ko ang kanyang mga sugat.
“Saraw…ligtas kana.”
“Pinabayaan na tayo ni Kali, hindi na siya babalik…” Mga salitang namutawi sa bibig ni Saraw na pumilas sa aking puso. Nag sisisi ako sa pag-iwan ko sa kanila. Wala ako sa mga sandaling kailangan nila ako.
Wala akong magawa, wala na sila. At malubha ngayon ang kalagayan ni Saraw. Ako ang dahilan kung bakit nangyari ito sa kanila. Muling nanumbalik sa akin ang nangyari sa aking ama. Ngayon hindi lang ang paghihiganti ang nakapatong sa aking balikat, kundi paniningil sa mga buhay na kinuha nila.
“Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Sadyang masasama sila. Walang kasing sama ng mga hayop sa lasang.” Si Turro, at pinapakalma ako.
“Ito ang dahilan kung bakit ayukong may kasama ako. Ayukong nasasama ang puso ko sa kanila. Lumalakbay ako dahil sa aking pansariling pakay. At hindi para makiramay sa mga tao na kumakabit sa aking buhay.” Sabi ko.
“Kaya mas lalong kailangan mo ang Katulad namin para may kasama ka sa iyong nilalaban. Mas kailangan mo ako ngayon.” At isang mahigpit na yakap ang ginawad ni Turro sa akin. Isang yakap na nagpalabas ng lahat ng bigat at sakit na naipon sa aking damdamin.
Bumigay ako sa aking sarili, at napahagulgol na lang sa mga bisig ni Turro. Sa muli, naramdaman ko ang paglambot ng aking puso. Dahil sa mga yakap ni Turro, nalusaw ang makapal na bakal na bumabalot sa matigas kong puso.
’’sige lang , iiyak mo iyan. Ok lang maging talunan minsan. Dahil dito tayo tumatapang. Pakawalan mo lang ang nararamdaman mo. Para gumaan iyan at hindi na maging pabigat pa sa pinapangarap mong tagumpay.“ saad nito habang pinapakalma ako.
Tama si Turro, kailangan ko harapin ng may tapang ang lahat. Sa ngayon humihiyaw ako dahil sa mga nawala. Pero bukas mag bubunyi ako sa pag bagsak ng mga kalaban.
Nakatulog ako habang nakakulong sa mga bisig ni Turro. Hindi ko alam, kung bakit nakahanap ako ng kaligtasan sa pag yakap niya sa akin.
Kina umagahan nagising ako sa mabangong Amoy ng inihaw na usa.
“Napasarap ang tulog mo, kaya hindi na kita ginising. At tamang tama luto na itong usa.” Pag bati ni Turro.
“Mabango nga ang luto mo, mukhang masarap.” Saka pumilas ako ng parte ng Karne ng usa at kinain.
Pinagmasdan ko si Saraw na hindi parin nag kakamalay. Maraming tinamong sugat si Saraw sa katawan, patunay na nanlaban ito ng patayan sa mga nanlupig na Harabas.
“Hayaan na muna nating makapagpahinga ang katawan ni Saraw. Mga ilang araw pa bubuti na rin ang ayos niya.” Sabat ni Turro.
“Hindi na ako makakatagal pa dito ng mga ilang araw. Kailangan ko nang tapusin ang kasamaan ng mga hayop na iyon. Ikaw na ang maalam dito kay Saraw, tutuloy na ako sa aking misyon.” Sabi ko.
“Hindi mo kakayaning mag isa ang mga kalaban. Nakita mo naman ang ginawa nila sa Phatag. Sasamahan kita.” Pag pigil sa akin ni Turro.
“Mas makakagalaw ako na mag isa. Kaya ko na ang sarili ko. Kakampi ko ang mga sandata ko. Kaya wala kang dapat ipag alala. Alagaan mo na lang dito si Saraw. Mas kailangan ka niya dito. Tsaka na ako babalik kapag natapos ko na Ang lahat.”
“Paano kung hindi kana bumalik?” Tanong ni Turro.
“Ibig sabihin nabigo ako.” At ngumiti lang kay turo at pinagpatuloy ang pagkain.
Sa kalagitnaan ng aming pag uusap, may narinig kaming mga yabag ng kabayo hindi kalayuan sa amin.
Agad naming pinatay ang apoy na ginamit ni Turro sa pag ihaw. Tinabunan iyon ng lupa at mga bato, saka tinapon ang mga tirang Karne sa paligid. Sinunod namin si Saraw. Agad siya pinasan ni Turro at nilisan namin ang lugar.
Nag tago kami sa mataas na bahagi ng lugar na lilim sa kanila. Mula roon tanaw namin ang mga may ari ng mga yabag ng kabayo.
Anim na mga Harabas.
“Hindi pa nakakalayo ang mga iyon, naamoy ko pa sila sa paligid. Halughugin ang lahat ng sulok ng gubat na ito. Walang ititirang humihinga sa kanila.” Utos ng isa na may malalim na boses.
Nangangati na ang mga kamay ko, habang nakamasid lang sa kanila. Gusto ko na silang tapusin, ngunit pinigilan ako ni Turro.
“Hindi ito ang tamang Oras para harapin ang mga iyan.”
“Wala akong inaantay na Oras kung kelan. Hanggat may mga Harabas na pakalat-kalat sa paningin ko. Walang puwang sa akin ang mag hintay.”
“Kung nanggigigil ka sa kanila, mas na ako. Gusto Kong durugin ng pinu ang mga bungo ng mga iyan. Pero sa ganitong sitwasyon wala tayong laban.”
“Wala kang alam sa pakikipag laban kaya hindi mo alam kung paano tumingin ng sitwasyon.” Hindi na ako nagpapigil pa kay Turro at agad na kumilos.
Maingat akong lumapit sa kanila. Gugulatin ko na sana sila sa aking pag atake nang may pumana sa isa sa mga Harabas na nakasakay sa kanyang kabayo. Tumagos ang palaso sa leeg nito at agad na nahulog sa kanyang kabayo.
Nagulantang ang iba sa nangyari sa kanilang kasama. Dahil dito kumilos sila para hanapin ang pinagmulan ng pagpana. At muli pang may lumipad na palaso mula sa kung saan at tumama iyon sa balikat ng isa pa.
Kita ko ang pagkabahala sa kanilang kinikilos. Iyon ang pagkakataong hinintay ko. Hawak sa kamay ko ang balaraw. Maingat ko itong pinurma para itapon sa isa sa mga nasa kabayo. Nang maka hanap ng butas agad ko inihagis ang hawak kong balaraw at saktong tumusok ito sa dibdib ng isa.
Nang mahulog ito sa kabayo. Saka ako lumabas sa pinag tataguan ko at hinarap ang apat pang naroon. Gamit ang aking kampilan nakipag espadahan ako sa kanila. Habang pina pa ikutan nila ako sakay ng kanilang mga kabayo.
Batid ko ang tulong mula sa kung saan kaya, sigurado akong makakaya ko sila. Isa isa silang nahulog sa kanilang mga kabayo dahil sa pag tama sa kanila ng mga lumilipad na palaso.
Wala akong nakikita sa mga Oras na iyon kundi ang mga mukha ng mga taga Phatag na pinaslang nila. Walang tigil kong winasiwas ang aking hawak na kampilan. Taga dito salag doon. Hindi ako tumigil hanggat hindi ko nakikitang humihiwalay ang mga parte ng kanilang mga balute.
Hindi pa naka laban ang natira dahil sa tinamo nilang tama mula sa sandata ko at sa tulong ng mga palaso.
Isang Harabas ang naghihingalong nakiusap na iligtas siya, ngunit bingi ako sa kanyang pagmamakaawa.
Handa na akong itarak ang hawak kong kampilan sa kanyang leeg para kunin ang kanyang ulo, nang may lumabas mula sa kakahuyan.
“Ipa ubaya mo na sa akin ang kanyang ulo.” Isang makisig na lalake ang lumapit sa akin. May sukbit itong pana sa katawan. At may hawak na malaking palakol sa kanyang kamay.
Siya ang may kagagawan ng pagpana sa mga Harabas. Pinag bigyan ko siya sa kanyang hiling. Gamit ang dala niyang palakol, tinaga nito ang ulo ng Harabas hanggang sa humiwalay ito sa katawan.
Dinampot nito ang ulo ng Harabas at tinanggal ang maskara dito saka isinuot sa kanyang ulo. Pagkatapos ay itinapon nito ang ulo sa ere saka ito pinana ng ilang ulit. Napuno ng palaso ang pugot na ulo ng Harabas bago ito tuluyang gumulong sa lupa.
“Batid ko ang galit mo sa kanila, sino ka ba?” Tanong ko.
“Urrin ang pangalan ko.” Tugon nito.
“Isa ka rin bang Taga Phatag?” Tanong ko muli.
“Hindi, mula ako sa kabilang bahagi ng bundok Phatag. Sa bayan ng Kabhankalyan. Ngunit isang Taga Phatag ang asawa ko. Ngunit binawi sila ng anak ko ng mga hayop na ito sa akin.”
“Marami na silang inagaw sa atin. Kaya hindi ko na hahayaan pang madagdagan pa.” Tugon ko.
“Kilala kita, at dahil sa tapang mo kaya lumakas din ang loob ko na labanan sila. Sa iyo ako humuhugot ng tapang para harapin ang takot ko. At pag igtingin ang galit ko sa kanila.” Sabi pa niya.
“Nakita ko ang ginawa mo, at may naisip ako kung paano tayo makalapit sa kanila.”
Pinag babaklas ko ang mga suot na balute ng mga Harabas pati ang mga maskara nilang suot. Ayukong maghintay na lang sa kanilang pag aatake. Ako mismo ang lalapit sa kanila.
Si Urrin naman ay tinipon ang mga naiwang kabayo ng mga Harabas. Lumabas si Turro mula sa pinag tataguan namin at lumapit sa akin.
“Ano ang ginagawa niyo?” Tanong nito.
“Kailangan namin ito para, makalapit sa mga kalaban ng hindi nila napapansin.” Sagot ko.
“Kayo? Teka akala ko ba hindi ka makakakilos na may kasama? Bakit siya? At sino ba iyan?” Tanong pa nito na may pag dududa.
“Hindi kami magsasama , magkahiwalay ang aming landas na tatahakin pero iisa lang ang pakay namin at pupuntahan.” Sabi ko.
“Sasama din ako sa inyo. Gusto ko ring labanan ang mga iyan.”
“Hindi pa buo ang loob mo sa pakikipag laban. Sa ginawa mo kanina, pinakita mo lang sa akin ang kaduwagan mo sa labanan.” Ayokong mapahamak si Turro, iyon Ang tunay na dahilan kung bakit ayokong isama siya sa laban ko.
“Inaalala ko lang ang kaligtasan mo. Paano kung hindi siya tumulong sa iyo?“paliwanag pa ni Turro.
“May tiwala ako sa sandata ko, may tulong man o wala. Ikaw may tiwala kaba sa akin?” At nag patuloy ako sa ginagawa kong pag tatanggal ng mga balute ng kalaban.
Natahimik saglit si Turro, napatingin ito sa akin. At saka kumilos para tulungan ako. Inipon naman nito ang mga dalang sandata at pananggala ng mga sawing Harabas.
“Hindi na ligtas ang bahaging ito para sa atin. Malamang sinundan ang mga ito ng kanilang mga kasamahan. Sumunod kayo sa akin, may lihim akong taguan roon.” Pag Alok ni Urrin sakay na ng isang kabayo.
Dala ang mga nakulimbat namin sa mga Harabas, mga sandata,balute at kabayo, sumunod kami kay Urrin.
“Akala ko ba gamay mo na rito ang mga gubat sa Phatag?” Tanong ko kay Turro.
“Sabi ko may alam lang ako dito sa gubat. At bakit ba tiwalang tiwala ka agad diyan sa tao na iyan? Eh ngayon mo pa nga lang nakilala. Baka dalhin pa tayo niyan sa mga kalaban.” Sabi ni Turro na halatang hindi kumportable kay Urrin.
“Eh di mas maganda, mas maaga ko matatapos ang misyon ko.” Sagot ko.
“Kaibigan kung wala kang tiwala sa akin, maari mo namang ilihis ang tinatahak mong daan. Hindi ko naman kayo pinipilit na sumama. Pero kung gusto niyo nang ligtas na lugar bilisan niyo na lang bago pa tayo masundan ng mga iyon.” Sabat ni Urrin, at pinatakbo nito ang dalang kabayo.
Walang pagdadalawang isip na sumunod ako kay Urrin. Nagpatuloy kami hanggang sa marating namin ang isang tagong kuweba sa ilalim ng lupa.
Isang tagong lugar sa ilalim ng lupa ang pinasukan namin. Doon namangha ako sa laki at lapad ng lugar. Isang matandang babae ang sumalubong kay Urrin. May binulong ito sa kanya.
Masama ang tingin ng babae sa akin. Pero hindi ko iyon binigyan nang pansin. Bumaba si Urrin at sumenyas sa amin na sumunod sa kanya.
Pumalakpak si Urrin upang Kunin ang atensiyon ng mga tao na nandoon.
“Lalong naging mabangis at mapanganib ang mga taong labas. Higit pa sa pang aalipin ang pakay nila ngayon. Higit pa sa pananakop. Sinunog nila ang buong siyudad ng Phatag. Dahil sa galit. Marami ang nawala, nag buwis ng buhay. Pero mapalad tayo at nakatagpo tayo nang mga kakampi. “ Pinakilala kami ni Urrin sa lahat.
Nakaramdam ako nang hindi maganda sa mga nangyayari. Iba ang kutob ko sa lugar na iyon. Hindi ko pinahalata kay Turro ang aking naramdaman.
“Mga kaibigan, ito si Nana Marang, kilalang babaylan at manghuhula dito sa Khadiz. Siya ang nag bunyag sa inyo sa akin. Kaya ko kayo natunton sa kagubatan.” Sabi ni Urrin.
Lumapit sa amin ang tinatawag nilang si Nana Marang.
“Nakaguhit na sa mga tala ang iyong tagumpay, ngunit kapalit nito ang maraming buhay na sa hukay naka alay. Mahabag ka sa mga inosenteng madadamay. Timbangin mo Ang iyong pakay. Nang wala nang magdusa’t mamatay” bulong ng matandang babae sa akin.
“Dalhin sa aking kubol ang kasamahan nilang walang malay” utos nito sa mga lalaking naroon ,tsaka iniwan kami.
Kinilabutan ako sa mga sinabi nito sa akin. Alam kong may ibig sabihin iyon. At kung totoo man ang nakikita niya sa aking hinaharap, tama lang na kumilos ako na mag isa.
“Ano ang binulong sa iyo ng matanda?, nakita kong umiba ang mukha mo nang kinausap ka niya. Hinulaan ka ba niya?” Tanong ni Turro.
“Ibinalita niya lang sa akin ang kalupitan ng mga Harabas sa karatig lugar. Siya nga pala, may pabor akong hihilingin sa iyo.”
“Kahit ano basta para sa iyo Kali. Ano iyon?”
“Bago bumati ang bukang liwayway bukas, aalis ako. Iiwan ko sa iyo si Saraw.”
“Teka- Teka, hindi maaari, sasama ako sa iyo. Kaya na nila dito si Saraw. Mas kailangan mo ako. Hindi ako papayag sa hinihiling mo.” Pag tanggi ni Turro
“Gawin mo ito alang-alang sa akin. Darating ang araw na kakailanganin niyo ang isa’t isa. Gabayan mo si Saraw.” Sabi ko.
“May sarili din akong pag iisip, kaya pasensiya na. Sa ayaw at sa gusto mo sasama ako sa iyo. Panganib man ang kakaharapin ko.”
“Ayokong mawala ka.” Sabi ko, natigilan si Turro.
“Ayaw mong mawala ako?”
“Sa tagal din nating nag sasama araw araw, napalapit kana sa akin. Kayo ni Saraw. Kapamilya na ang tingin ko sa inyo. At mabigat sa loob kung makita ko kayong mapahamak dahil sa tungkulin ko. Nakiki usap ako sa iyo, dumito ka at hintayin ako sa aking pagbabalik.” Paliwanag ko kay Turro.
“Noong araw na nakita kita at nakilala, nangako din ako sa sarili ko na hindi kita papabayaan. Ikaw ang nag bigay sa akin ng tapang at lakas na harapin ang mga takot at kinatatakutan ko. Kaya handa akong isugal ang buhay ko maprotektahan ka lang.” Pag mamatigas parin ni Turro.
“Wala akong ginawa para pagka utangan mo ako ng loob. Malawak pa ang mararating mo. Hindi ang pag sama sa akin ang bigyan mo nang tuon. Kaya ko ang sarili ko.”.dagdag ko pa.
“Buo na ang aking pasya. Ako ang magiging anino mo sa iyong paglalakbay. At hindi mo ako mapipigilan. May ipinaglalaban din ako. Nais ko rin ipag higanti ang ginawa nila sa pamilya ko. At tulad mo uhaw din ako sa mga dugo ng mga hayop na mga Harabas na iyan.”
Hindi ko na mababali ang pasya ni Turro. Buo na ang loob nito na samahan ako sa aking kawsa. Nag uusap pa kami nang lumapit sa amin si Urrin.
“Nagising na ang kasama niyo. At hinahanap ka niya Kali.”
Agad kami pumasok ni Turro sa kubol, kung saan naroon si Saraw. Mahina pa si Saraw, pero alam kong nagpapalakas na ito. Pinalapit ako ni Saraw sa kanya ,at may ibinulong ito sa akin.
“Tumakas na kayo, mali ang desisyon ninyong dalhin ako dito. Matutunton kayo dito dahil sa akin. Nakikita nila kayo dahil sa mga mata ko. Sige na tumakas na kayo. Lisanin niyo na ang lugar na ito bago pa sila dumating.” Babala ni Saraw. Napansin ko ang pag labnaw ng mga mata nito. Hanggang sa naging halos kulay puti na lang ito.
“Saraw ano ang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.” Tanong ko.
“Nakikita ka niya Kali. Ginagamit nila ang mga mata ko para matunton kayo nila. Takpan mo ang mga mata ko, sige na.” Utos ni Saraw na pilit ,ipinipikit ang mga mata nito.
“Anong mahika kaya ang ginawa nila kay Saraw?” Pag aalala din ni Turro.
“Ipa alam mo kay Urrin ang sinabi sa atin ni Saraw. Kung totoo ang kanyang tinuran, nasa panganib ang lahat na nandito.
Lumabas agad si Turro, at ipina alam kay Urrin ang tungkol sa babala ni Saraw. Hindi naman nag aksaya pa nang Oras ang mga katribo ni Urrin, kumilos din ang mga ito. Pina tunog ni Urrin ang tambol ng paglikas.
“Idinamay mo kami sa iyong sumpa! Nananahimik kami rito, pero nanghimasok kayo. Ngayon nasa bingit na ng hukay ang mga tao dito. Salot ang Katulad mo para sa amin. Umalis na kayo dito, at huwag nang babalik! Lumisan kayo at huwag na mag Iwan pa nang malas!” Ang biglang pag lapit ni Nana na galit na galit sa akin.
Para akong tuod na nakatayo lang sa sulok, habang pinag mamasdan ang mga nag kakagulo ng mga tao.
Lumapit si Urrin at iniwas si Nana sa amin.
“Kasalanan ko ito, kung hindi ko na sana kayo tinulungan at dinala dito hindi sana nag kakagulo ang mga katribo ko.” Sabi ni Urrin na nag sisisi sa pag tulong sa amin.
“Hindi namin sinasadya na mag kakaganito. Para sa katahimikan ninyo, lilisan kami. Pasensiya na sa gulong na idulot namin. Halika na Kali, umalis na tayo dito.” Pasan si Saraw, umalis kami ni Turro sakay ng mga kabayo, palabas doon sa lugar na iyon.
“Huwag kayo dumaan doon sa pinasukan natin kanina, sa dulo nito , may talon mas ligtas ang daan palabas roon.” Sabi ni Urrin.
“Maraming salamat sa tulong. Paano kayo?” Pag aalangan ko.
“Sinanay kami sa mga ganitong sitwasyon. Kaya na namin ang lumaban. Kailangan niyo nang maka alis dito. At gawin mo ang misyon mo. Palayain mo ang lahat sa kadenang ginapos sa amin ng mga taong labas. Wakasan mo ang takot sa mga puso at mata ng mga tao. Paslangin mo si Ghur para sa amin.” Ang huling paki usap ni Urrin.
“Papalapit na sila Kali nararamdaman ko ang kanilang mga galit. Naghihimagsik sila at sabik na mapaslang ka.” Biglang sabi ni Saraw.
“Kaibigan salamat, mag ingat kayo. Gabay niyo si Bathala, iligtas niya nawa kayo sa kamay ng mga barbarong Harabas.” Paalam ni Turro kay Urrin.
Agad na kaming kumilos, at tinungo ang talon na sinabi sa amin ni Urrin. Narating namin ang bunganga ng talon nang nakiusap si Saraw sa akin.
“Iwan niyo na ako dito. Magiging pabigat na ako sa misyon niyo. May ginawa sa akin ang mga Harabas. Hindi ko alam kung bakit kumukonekta ako sa kanila, nakikita ko sng nakikita nila, nararamdaman ko ang mga kilos nila, at naririnig ko sila. At habang kasama niyo ako, matutunton nila kayo.”
“Hindi ka namin maaring Iwan sa kalagayan mo ngayon, hindi ka pa maayos.” Pag aalala ko kay Saraw.
“Hinubog mo na ang kakayahan ko. Malaking tulong na iyon para ipagtanggol ko ang aking sarili. Kailangan niyo na mag patuloy. Lalong lumalakas ang puwersa nila. Sige na habang may Oras pa. Iwanan niyo na ako dito.” Pakiusap pa ni Saraw.
“Iiwanan ko sa iyo itong Ilan sa mga sandata ko. Alam mo na kung paano gamitin ang mga ito. Mag ingat ka Saraw. Babalikan kita,”
“Sisikapin kong masilayan pa ang panibagong umaga. Hihintayin ko kayo sa inyong pag babalik. Gabayan nawa tayo ni Bathala.”
Mabigat man sa dibdib, iniwan namin si Saraw ayon sa kanyang hiling. Nakatawid kami sa hangganan ng talon. Hindi namin alam kung saan patungo ang landas na nilalakaran namin ni Turro.
Tanging ang alam ko lang , kailangan nang wakasan ang kalupitan ng mga Harabas. Isang malawak na disyertong bato ang binabagtas namin. Wala kaming masusumpungang lilim ng mga Puno o halaman sa paligid. Balot ng malalaki at mga arkong bato lang ang naroon sa paligid.
Animoy Patay na lugar ang napadparan namin. Isang napaka lawak na kapatagan ng mga bato. Nagpatuloy parin kami ni Turro sa kawalan.
“Kaunti na lang ang dala kong tubig dito. Kung ganito ka lawak ang lalandasin natin, baka hindi na sasapat sa atin itong tubig.” Pansin pa ni Turro.
“Buo pa sa akin ang lalagyan ko dito , wala pa itong bawas. Ingatan mo ang sa iyo na huwag masayang at matapon. Hahanap tayo sa paligid baka may maliit na bukal o daluyan ng tubig dito.” Tugon ko
“Mukhang malabong may mahanap tayo. Wala akong nakikita na kahit gabutil na halaman na tumutubo sa paligid. Anong lugar kaya ito? At naaamoy mo, parang nabubulok na itlog.” Puna pa ni Turro sa paligid.
Habang palayo nang palayo ang aming pag lalakbay, unti unting umiinit ang paligid, lumalakas na rin ang matapang na Amoy ng isang tila nabubulok na itlog. Kapansin pansin din ang maninipis na usok na bumabalot sa paligid.
“Iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito Turro. Ang mga usok sa paligid. Isa lang dahilan nito. Nasa hingaan tayo ng lupa. Nasa Mahambukal tayo.”
“Ibig sabihin bahagi ito ng bulkan?”
“Malamang, bilisan natin, hindi maganda ang Amoy dito para sa atin at sa mga kabayo natin. Mamamatay tayo dito kapag mas tumagal pa tayo.”
Pinatakbo na namin ang aming mga kabayo para maka labas roon. Ngunit sobrang lawak ng lugar. Ramdam na namin ang pagod ng aming mga kabayo. Pero kailangan namin maka alis na roon.
Sa kalagitnaan , napahinto ang aming mga kabayo na tila takot na takot. Nag wawala ang mga ito. Hindi na namin na kontrol ni Turro ang mga kabayo at nahulog kami. Kumaripas ng takbo palayo sa amin ang mga kabayo.
“Anong nangyari? Paano na tayo ngayon dito?” Pangamba ni Turro.
“May kinatatakutan ang mga kabayo.” Sabi ko, wala kami halos makita sa paligid kundi makakapal na usok.
“Kali nakita mo iyon, may gumalaw sa banda roon.” Nang may napansin na si Turro.
“Huwag kang lalayo sa tabi ko, at ihanda mo ang sandata mo. Iba na ang kutob ko dito.” Nang napansin ko rin na parang may gumagalaw sa likod ng mga usok sa paligid.
Nang may umatake bigla kay Turro, isang Bantilan, mga sinumpang taong bato. Ayon sa mga kuwento, ang mga Bantilan ay dating mga alagad ng diyos na umaklas laban sa kanilang may likha. At bilang parusa itinapon sila sa lupa upang bantayan ang dragon ng lawa, ang bulkan. Kailangan ng mga Bantilan na makakuha ng kaluluwa mula sa tao bilang kapalit ng kanila. Sa ganun makaka takas sila sa kanilang parusa sa katawan na ng tao na kanilang nakuha.
Sobrang dami ng mga Bantilan na umatake sa amin ni Turro. Parang walang katapusan,. Hindi namin alam kung paano sila wawakasan. Dahil sa tuwing na dudurog sila, bumabalik agad sila sa dati nilang anyo. Nag uunahan ang mga ito sa amin ni Turro. Kailangan nilang maagaw ang mga katawan namin at ikulong ang mga kaluluwa namin doon.
Imposibleng matalo namin ang mga Bantilan. Kahit anong galing ko sa sandata. Wala akong kapangyarihan na tapatan ang kanilang lakas.
“Hindi natin sila matatalo, mas lalo lang silang dumadami. Ano ang gagawin natin?” Si Turro na takot.
“Hindi ko alam, iwasan mo lang na matitigan ka nila sa iyong mata. Huwag silang hayaang makalapit sa iyo. Iyon lang ang naiisip kong paraan sa ngayon.” Sabi ko.
Mas madali pa ang pumaslang ng mga Harabas, kaysa labanan ang mga Bantilan na ito. Pagod na kami ni Turro sa pakikipag buno sa mga taong bato. Pero hindi dapat kami sumuko.
Sa aming pakikipag laban, bigla na lang napahinto ang mga Bantilan. Unti unti itong umaatras palayo sa amin, at bumalik ang mga ito sa lilim ng mga usok sa paligid. Tila may kinatatakutan ang mga ito.
Nag taka kami ni Turro sa nangyayari. Nang may naaninag kaming anino, na papalapit sa amin. Kinabahan kaming dalawa. Gayun pa man nakahanda parin kami.
Isang babaeng kulay abo ang balat ang lumitaw sa harapan namin. Napaatras kami ni Turro. Panibagong kalaban ba ito o tulong.
“Narinig ng mga diyos ang hinaing ng inyong puso. Binabasbasan ng langit ang inyong paglalakbay, Malaya na kayong makakatawid. Mula ngayon wala nang hahadlang sa inyong daraanan.” Nang mag salita na ang babae.
Nakaramdam ako bigla nang pag ka hilo. Marahil sa mga nalanghap kong usok. Nawalan ako nang malay.
“Kali gising, gising…Kali… Kali…” Pag gising sa akin ni Turro.
“Anong nangyari sa iyo, bigla ka na lang nawalan nang malay, muntik kana mahulog sa kabayo. Ayos ka lang ba?” Tanong pa nito.
Laking pag tataka ko nang magising ako sa mga braso ni Turro. Napatingin ako sa paligid. Wala na Ang mga usok at kasama na namin ang mga kabayo.
“Nasaan na ang babae? Ang mga Bantilan?” Pag tataka ko.
“Sinong babae? At bakit may mga Bantilan? Wala pang nakakakita at nakaka alam kung totoo nga ang mga kuwento tungkol sa kanila. Bigla ka na lang nawalan ng malay habang sakay ng kabayo. Buti na lang hindi ka agad na hulog.”
“Hindi ko maintindihan, kanina lang nakikipag laban tayo sa mga Bantilan. Tapos may lumitaw na babae. Ano ang nangyari?” Sabi ko.
“Ang nangyari? Nandito tayo sa lugar kung saan wala tayong nakikita kundi walang katapusang mga bato sa paligid. Tingin ko naliligaw na tayo Kali.”
Hindi ko alam kung bakit nagkakaganun. Ano man ang ibig sabihin nang mga nangyari, isa lang ang sigurado ko, kasama ko ang langit sa aking misyon.
Nagpatuloy kami ni Turro, hanggang sa may nakita na kaming luntian. Para kaming nabuhayan ng loob ni Turro. Tubig ang una naming hinanap. Saglit, nakatagpo kami ng kapayapaan ni Turro.
“Kamusta na kaya sila, nakatakas kaya sila sa mga Harabas?” Pag alala ni Turro.
“Tatapusin ko na ang misyon ko. Kailangan nang wakasan ang kalupitan ng mga Harabas na iyan.” Pangako ko.
“Sasamahan kita sa misyon mo. Kasangga mo ako ano man ang mangyari.”
Habang tumatagal Lalo kong nakikilala si Turro. At sa katagalan napapalapit na Ang loob ko sa kanya.
“Maghanap ka ng mapaglipasan natin ng Gabi, mag hahanap ako ng makakain natin.” Mag kahiwalay kami ni Turro na nag hanap.
Sumilip na ang buwan, at nakaramdam na kami nang pagod.
“Sa wakas makakakain na tayo nang maayos nito. Tara na, lantakan na natin itong inihaw na isda. Para magkalaman naman ang mga tiyan natin.”
“Turro,…”
“Bakit?”
“Salamat, wala man kasiguraduhan ang paglalakbay na ito. Salamat sa pagsama at pag titiwala”. Sabi ko
“Hanggang sa dulo, sasamahan kita. At makakaasa ka, hinding hindi kita papabayaan.
Ang huling usapan naming dalawa bago tuluyang nagpahinga.
Ang Kuta ng mga Taong Lupa
Napadpad kami ni Turro sa lupain ng Otup. Isa sa kinatatakutang bahagi ng Alpanam na kuta din ng mga Harabas.
“Wala nang natirang mga tao sa lugar na ito, marahil nagsilikas narin sila dahil sa mga Harabas. Maging ang mga hayop sa paligid nangamatay na.” Pansin ni Turro sa palagid habang papasok kami sa lupain ng Otup.
“Saglit , sa banda roon, may nakita ako. Alerto ka.” Nang may napansin akong tila batang lalake na naka silip sa isa sa mga abandonadong bahay roon.
“Ayon tumakbo siya roon ,isang bata?” Nang makita din ito ni Turro.
Hinabol namin ang nakita naming bata, naka suot ito ng malapad na balabal. Subrang bilis nito at bigla na lang itong nawala sa kung saan.
“Saan na napunta iyon? At bakit mayroong bata dito?. Halos wala nang buhay sa lugar na ito.” Sabi pa ni Turro.
“Hindi bata ang nakita natin, pagmasdan mo ang naiwang bakas niya. Nararamdaman ko na ang panganib sa paligid. Kailangan na nating makahanap ng puwede nating paglipasan ng Gabi. Hindi ligtas sa atin ang maabutan ng dilim dito. Doon tayo.” At nag patuloy kami ni Turro. Kung totoo ang kuwento tungkol sa lugar na ito. Hindi magandang ideya ang pagpunta namin dito.
“Ituman? “
“Mga lamang lupa, alagad ng mga Harabas. Ayon sa mga kuwento, mapangahas ang mga ituman. Agresibo at mahahalay ang mga uri nila. At ang tulad mo ang paborito nila. Makisig , at magandang lalake, kaya talasan mo ang pakiramdam mo.” Ang panakot ko kay Turro.
“Hindi mo naman ako sigurado hahayaang makuha nila diba?”
“Para sa kaligtasan ko, pag iisipan ko.” At tinawanan ko lang ang kabadong si Turro.
Mabilis nilamon ng kadiliman ang paligid, isang bahay ang pinili naming paglipasan ng sandali.
“Wala man lang naiiwan na pagkain dito. Kahit kamote lang man sana.” Reklamo ni Turro habang naghahanap nang makakain sa bahay.
“Matuto ka kasing matulog nang gutom. Sa ginagawa natin ,gutom ang isa sa matinding kalaban natin. Kung hindi ka sana sumama sa akin ,eh di ngayon busog ka.” Sabi ko.
“Gutom? Sinong gutom? Sanay na sanay ako na walang kainan kahit ilang araw pa iyan. Mahalaga sa akin ang makatulog. Kaya tara, magpahinga na tayo.” At inayos nito ang sarili sa isang papag. At nahiga.
“Lalabas ako, mag hahanap ako nang makakain natin.”
“Ano, lalabas ka? Iiwanan mo ako dito? Sama ako.”
“Mas makakagalaw ako kapag wala akong kasama at mas madali sa akin takasan ang panganib kung ako lang mag isa. Dito ka na lang, mas ligtas ka dito. Maging alerto ka na lang at makiramdam. Pag ganitong madilim na, malakas ang mga pang Amoy ng mga Ituman. Baka pasukin ka nila dito. Bibilisan ko lang. Hintayin mo ang tawag ko bago mo buksan ang pinto.” Paalala ko kay Turro, bago ko nilisan ang bahay.
Subrang dilim na ng paligid, halos hindi na maaninag ang labas. Kaya duble ang ingat ko. Hindi pa man ako nakakalayo sa bahay na tinutuluyan namin nang mapansin ko muli ang nakita namin ni Turro.
Nawala bigla sa akin ang unang pakay ko sa pag labas. Mas tinuonan ko nang pansin ang paghabol sa nakita ko. Ngunit habang hinahabol ko ang nilalang, napapansin ko na nilalayo ako nito sa pinag iwanan ko kay Turro.
Tumigil ako sa pag habol sa kanya, at tumigil din ito sa unahan ko.
“Ipakita mo sa akin ang totoo mong katauhan! Tanggalin mo ang balabal mo, Ituman!” Sigaw ko sa nilalang.
“Kali, ang magiting na tagatugis ng mga taong Labas, matagal na kitang hinihintay dito.” Ang tugon ng nilalang sabay tanggal sa balabal nito.
“Anong nilalang ka?” Pagkabigla ko , nang makita ang anyo nito. Hindi ito gaya nang inaakala ko. Ibang iba ang anyo nito sa mga naririnig kong pagsasalarawan ng karamihan.
Lumiliwanag ang balat nito sa kanyang kaputian. Maamo ang mukha nito na may bilogang mata at makakapal na balbas na abo .
“Isa akong Putian, kakampi ako at isang kaibigan.”. Pagpapakilala nito.
“Ngayon ko lang narinig ang uri mo, paano ako maniniwala sa sinasabi mo?” Tanong ko.
“Sa Mundo, hindi balanse kung lahat itim lang ang nakikita, kami ang tagabalanse ng mundo. Ngunit sa tulong ng mga Harabas, unti unting lumamlam ang liwanag naming mga Putian, hanggang sa ako na lang ang natira sa amin.” Pag lalahad nito.
“Kung tunay ang tinuran mo , bakit ka tumatakbo at nag papahabol sa akin? Nilalayo mo ako sa kasamahan ko.”
“Nilalayo kita sa kanila. Kanina pa nila kayo pinag mamasdan sa malayo. Nag hihintay lang sila nang pagkakataon.”
“Si Turro…” Naisip ko bigla si Turro, kaya agad akong bumalik sa tinutuluyan namin. Nag mamadali ako.
At nang marating ko ang bahay, baklas na ang pintuan nito. At wala na roon si Turro. Patay narin ang kabayo nito na naka tali lang sa labas ng bahay.
Nahuli ako sa pag ligtas kay Turro. Sakay ng aking kabayo hinanap ko ang bakas ng mga dumukot kay Turro sa paligid , ngunit subrang dilim. Nang muli sumipot ang nilalang na nagpakilalang Putian.
“Alam ko ang pugad ng mga Ituman, maari kitang dahil doon. Ngunit kailangan mo paghandaan ang pag pasok roon. Kahit gaano kapa kagaling sa pakikipaglaban, kung kulang ka sa pag hahanda. Balewala ang pagtangka mong iligtas ang kaibigan mo.” Babala pa nito.
“Dalhin mo na ako ngayon sa kanila, uubusin ko silang lahat.” Ang ngitngit at gigil ko.
“Ang apoy na naglilingas sa puso mo ang kailangan namin. Pero higit pa sa tapang at galing. Kailangan mo rin pag isipan at kalkulahin ang iyong mga hakbang para sigurado ang iyong tagumpay. Halika sumunod ka sa akin. Nasa paligid parin sila.”
May pag alinlangan man at pag dududa, sumunod ako sa kanya.
“Ilaan mo ang sandata mo sa kalaban, hindi sa akin.” Bigla nitong sabi.
Hindi ko alam kung paano niya nababasa ang isip ko. Isang balete ang tinumbok namin.
“Ano ang gagawin natin sa harapan ng punong ito?” Tanong ko.
“Ito ang tanggulan ko.” Pagka angat nito ng kanyang kamay, bumukas ang katawan ng puno at nalantad sa akin ang isang hagdan pababa. “Tuloy ka, mahina na ang kapangyarihan ko,” sabi pa nito.
Pumasok kami at namangha ako sa lawak ng paligid sa loob. Parang kasya roon ang isa pang siyudad sa subrang laki at lawak nito.
Kung anong dilim sa labas, ganun naman kaliwang roon sa loob. Kumikinang ang palibot ng dingding dulot ng mga malilit na Kristal sa paligid.
“Dating Masaya at masigla ang lugar na ito, ito ang Lunook, ang tahanan naming mga Putian. Nang lumawak ang kapangyarihan ng mga Harabas at nakarating dito. Lalong lumakas ang mga Ituman. Nagkaroon nang malaking labanan sa pagitan ng aming mga uri. Natalo kami . Ang iba sa amin naging mga Ituman na rin hanggang sa isang araw bumalik na lang ako ditong wala nang natira sa uri ko. Maging ang pamilya ko. Tinangka ko silang iligtas, ngunit mahina na ako para kalabanin sila. Hindi pa nakuntento ang mga Ituman, at pinag ka interesan din nila ang mga tao. Ninanakaw, dinudukot para paglaruan at gahasain. Binulong ng hangin sa akin ang pag dating mo, ang pakikipaglaban mo. Tulungan mo akong muling maibalik sa dati itong Otup ,at ang Lunook.” Kuwento pa nito.
“Sino ka? At ano ang magiging kapalit kung tutulungan kita?” Tanong ko.
“Bukod sa maililigtas natin ang kaibigan mo at ang mga taong binihag nila, kasama na Ang mga kauri ko. Bibigay ko sa iyo ang kakailanganin mo upang lubusan mong malipol at magapi ang mga Harabas. Ang baluting gawa sa kaliskis ng bakunawa at ang espadang yari naman sa pangil nito.”
“Paano ako nakakasigurong tutupad ka sa sinabi mo?” Tanong ko.
“Hindi nakakalimot ng pangako si Mugar, kung ano ang aking tinuran ay siyang masusunod. Mag pahinga ka sa ngayon at bukas ,dadalawin natin ang kaibigan mo. Ipagdasal mo na lang na hindi pa siya, panag pasa pasahan ng mga dumukot sa kanya.” Sabi pa nito.
“Hindi ako makakapag pahinga kung gayung nasa panganib si Turro. Sabihin mo na ngayon sa akin kung saan siya dinala.” Nag aalala ako sa kalagayan ni Turro, sa mga sinabi sa akin ni Mugar, kung ano ano na lang na iisip ko.
“Dilat ang diwa ng mga Ituman kapag ganitong madilim ang paligid. Hintayin natin ang bukang liwayway, mahina sila kapag nag hahari na ang liwanag. At isa pa kailangan mo nang sapat na lakas, mag pahinga ka muna.” Paliwanag pa nito.
“Hindi pa ako kumakain,” sabi ko.
“Alam ko kaya hinanda ko na ito. Kumain ka ,saka ka mag pahinga.” Isang di ko ma waring pagkain ang inalok nito sa akin.
“Ano ito?” Pag dududa ko.
“Huwag ka mag alala, wala itong lason. Mga halamang ugat ito na pinakuluan ko, at nilagyan ng ilang sangkap mula sa mga herbal na halaman. Matagal kang magugutom kapag kinain mo ito.”
Nagdadalawang isip parin ako sa motibo ni Mugar. Ngunit sa mga Oras na iyon siya lang nakakaalam ng lahat.
Samantala sa kina lalagyan ni Turro, takot na takot ito nang makita ang mga pag mumukha ng mga dumukot sa kanya. Nakakadena ang leeg nito pati ang mga kamay at paa. Nasa isang kulungan ito kasama ang Ilan pa sa mga bihag na pawang mga lalake at lahat naka hubo’t hubad.
“Isa kang dayo?” Tanong ng isang lalake kay Turro.
“Mula ako Phatag, nag lalakbay lang kami hanggang sa napunta kami dito.” Kuwento ni Turro
“May kasama ka pa?”
“Oo, pero wala siya nang dinukot ako ng mga halimaw na iyon.”
“Mga Ituman, mga taong lupa. “ Tugon pa ng isang bilanggo.
“Bakit narito tayo? Ano ang gagawin nila sa atin? At bakit halos lahat kayo dito walang mga saplot sa katawan?” Tanong pa ni Turro.
“Hindi lahat pareparehas ang kapalaran sa mga kamay ng mga Ituman na iyan. Binubukod nila ang lahat ayon sa kanilang gusto. Ang mga babae at lalake na matipuhan nila, kanilang ginagahasa at panag paparausan ng salitan. Ang mga bata ginagawa nilang pag kain. Ang mga matatanda at mga hindi na mapakinabangan ay pinapaslang nila. Ang iba ginagawa munang laruan bago tuluyang patayin. Malulupit at walang habas ang mga Ituman, walang pinag kaiba sa mga amo nilang Harabas.” May ngitngit na kuwento ng isa pa.
“Ibig ba sabihin, gagahasain din ako ng mga iyon?” Kinakabahang tanong ni Turro.
“Malamang, dito ka nasama sa kulungang ito. Kaya kung ano ang ginagawa nila sa amin. Tiyak gagawin din nila sa iyo. Kaya ihanda mo na Ang sarili mo. Dahil mga hayok sa pagtalik ang mga hinayupak na iyon. Payo lang namin. Enjoyin mo na lang para hindi ka nila pahirapan.” Dugtong pa ng isang bilanggo
“Ililigtas tayo dito ng kasama ko. Makakalaya tayo dito.” Sabi ni Turro na pinagpapawisan sa takot.
“Nag papatawa ka ba? Ilang buwan na kami nakakulong dito, walang tulong na dumating. Marami na sa amin ang nalagas. Ngunit heto nakakadena parin kami.” Sabat ng isa kay Turro.
“Malalakas at maliliksi ang mga Ituman, maging kaming mga sanay sa sandata hindi nakuhang ipagtanggol ang sarili namin at mga mahal sa buhay. Kaya imposible nang makalas sa atin ang mga kadenang ito. Kamatayan na lang pag asa nating makalaya.” Ayon pa sa isa
“Ibahin niyo si Kali, marami na siyang pinaslang na mga Harabas, sa katunayan nag lalakbay kami para tunguhin ang Zhebhukao. Para tugisin ang punong ugat ng mga Harabas.” Pag lalahad pa ni Turro.
Ngunit sa mga naranasan ng mga naroon sa kamay ng mga Harabas at Ituman wala man lang sa kanila ang naniwala. Bagkus pinagtawanan lang nila si Turro. Tanggap na nila ang kanilang kapalaran sa piling ng mga kakampi ng kadiliman at kasamaan.
Hindi ako matahimik sa higaan ko. Si Turro ang inaalala ko. Ordinaryong tao lang ako na sanay lang humawak ng mga sandata at marunong makipaglaban. Kung ganitong may kapangyarihan na Ang kakaharapin ko, hindi talaga sapat ang meron na ako.
“Hindi dahil sa may kapangyarihan ang binabangga mo, wala ka nang panalo. Lahat ng malalakas ay may kanya kanyang kahinaan. Kailangan mo lang alamin at pag aralan. Doon ka mananalo.” Lumapit sa akin si Mugar, nahalata nito ang pagiging balisa ko.
“Hindi na ako makakahintay pa nang bukas, nasa panganib si Turro. Kailangan ko siyang iligtas doon.” Sabi ko.
“Hindi ko mapipigilan ang pag aalala mo, pero kailangan mo huminahon sa mga sitwasyong tulad nito. Pag planuhan natin ito bukas. Wala pa silang ginawa sa kasama mo.” Sabi nito.
“Paano mo nalaman na ayos lang siya.?” Tanong ko.
“Hindi man abot ng aking kakayahan ang kinaroroonan niya. Hinahatid sa akin ng hangin ang nais kong malaman , mula doon.”
Sa sinabi ni Mugar ,napa kalma ako. Hindi man buo ang tiwala ko. Kumapit ako sa mga sinabi nito sa akin. Sinikap kong makabawi nang lakas. Nakatulog din ako.
Ngunit hindi si Turro…
Wala masyado akong pahinga sa kakaisip sa kalagayan ni Turro. Madilim pa lang nagsimula na akong mag handa sa aking pagsalakay sa kuta ng mga ituman. Lumapit sa akin si Mugar at may inabot sa aking likido na nasa maliit na bote.
“ibabad mo iyan sa mga sandata mo, nang sa ganun mapuruhan mo ang mga ituman. Maraming na tumangkang labanan ang mga ituman ngunit walang sino mang makapapas sa kanila. Hindi tinatablan ng simpleng sandata lang. Ang likido na ito ang tanging makaka pagpahina sa kanila.” paliwanag ni Mugar sa akin.
“kung iyan nga ang makakatalo sa kanila bakit hindi niyo nagawang gamitin iyan sa kanila?” tanong ko
“Nasabi ko na sa iyo, wala na akong lakas para labanan ang kanilang puwersa. Ikaw ang itinadhana ng langit para tulungan kami. Pangalan mo ang ibinubulong ng hangin para palayain ang mga taga rito sa pananakup ng mga ituman at Harabas. Iligtas mo ang lahat Kali” ayon pa kay Mugar.
Ginamit ko ang likido na iyon sa aking mga sandata lalo na sa aking kampilan. Baon ang lakas ng loob at tiwala sa mga tinuran ng Putian, sakay ng aking kabayo binagtas ko ang kagubatan patungo sa pugad ng mga taong Lupa.
Malapit na mag bukang liwayway at sumisilip na sa nundok ang sinag ng araw. Tamang tama lang ang pag dating ko. Nasa tapat ako ng isang kuweba nang sinalubong agad ako ng nakasusulasok na amoy. Subrang panghi at Ang lansa ng paligid.
At ang kaba ko para sa kalagayan ni Turro ay nagkakatotoo. Isang ituman ang pumasok sa kulungan kung nasaan si Turro. Malaki ang isang ito kumpara sa mga iba pa niyang kauri. Mabangis at nakakatakot ang mukha.
Natakot ang ibang mga bilanggo sa pagpasok ng Ituman. Alam na ng mga ito ang ibig sabihin nito.
Agad nitong nilapitan si Turro na nooy nag pupumiglas sa takot. Nang makalapit ang ituman kay Turro, agad siya nitong dinilaan sa mukha, naligo ng malapot at nakakasukang laway ang buong mukha ni Turro. Sa tindi ng amoy ng laway ng Ituman, nasuka ito. Bumaliktad ang sikmura nito.
Nagalit sa nangyari ang ituman at hinambalos nito ng kanyang kamay ang mukha ni Turro. Nasugatan si Turro sa mukha. Ngumisi ang ituman nang makita ang dugong umagos sa sugat ni Turro. At muli nitong dinilaan ang dugo sa sugat ni Turro sabay binaklas at pinunit ang suot na kasuotan ni Turro.
Walang nagawa si Turro dahil nakagadena ang leeg ,mga kamay at mga paa nito. Walang silbi ang mga pagpupumiglas ni Turro sa masamang balak ng Ituman. Pinaliguan ng dila at laway nito si Turro mula sa mukha hanggang sa lahat ng parte ng katawan ni Turro.
Nabigla si Turro nang bigla nalang sinakmal ng Ituman ang nakalawit sa kanyang harapan. Sabik at galak na galak ang ituman habang sinusupsup ang ari ni Turro.
Bagamat hindi gusto ni Turro ang ginagawa sa kanya ng Ituman. Nakaramdam parin ito nang hindi mapigilang sensasyon at kiliti dulot ng pag supsup ng Ituman sa ari nito.
Hindi napigilan ni Turro na tigasan sa ginagawa sa kanya ng Ituman. Hanggang sa tila nagugustuhan na rin nito ang pag supsup ng Ituman.
Sarap na sarap pa ang ituman sa kanyang ginagawa nang may pumasok pang isang ituman at pinigil ang paggagahasa kay Turro. May binulong ito sa Isa, dahilan para lisanin ng mga ito ang bilanguan at pabayaan si Turro.
Halos kumalas ang kaluluwa ni Turro dahil sa kaba at takot. Bunga nang panggagahasa sa kanya ng Ituman.
Nakapasok na ako sa loob ng kuweba,at habang papalapit na ako sa pinaka gitna nito, lalong nakakasuka ang amoy ng paligid. Maliwanag sa loob dulot ng mga umiilaw na bato na nasa palibot ng kuweba. Walang bakas ng Ituman akong nakita. Nagpatuloy pa ako hanggang sa napatigil ako sa harapan ng isang malaki at malalim na huka. dumampo pp pp man can doa wet ako ng isang tipak ng lumi BBliwanag na bato at itinapon iyon sa ilalim, nailawan ng bato ang laman ng huka, at doon, tumambad sa akin ang tumpok at patong-patong bungo at kalansay ng mga tao. Lalong sumiklab ang apoy ng galit sa dibdib dahil sa nakita kung iyon.
Naghanap ako ng iba pang daan para mapasok pa ang pusod ng kuweba. Doon na ako sinalubong ng mga napakaraming ituman. Ibat iba ang kanilang laki at napaka pangit ng kanilang anyo. Wala mang mga sandata ang mga nilalang na ito, taglay naman nila ang kanilang matutulis at mahahabang mga kuko at ngipin. Dagdag pa ang nilalabas nilang amoy na subrang masakit sa ilong . Agad ko hinataw sa kanilang mga katawan ang aking sandata sa aking paglusob.
Halos nangalahati agad ang kanilang hanay. Napaatras ang Ilan dahil sa bagsik ng aking kampilan. Mukhang tama si Mugar, mabisa ang likidong pinambabad ko sa aking kampilan. Napansin ko ang pagkabigla at takot sa kanilang mga mukha.
Isang Ituman ang humawi sa mga hanay at nagsalita. Napakalaki ng isang ito, malaki ang katawan at mas malalaki ang mga matatalas na ngipin nito. May hawak itong palakol na subrang laki.
“Isa kang pangahas! Ang tibay ng loob mo na sugurin at paslangin ang aking mga sundalo. Pagbabayaran mo ng dugo ang kalapastanganang ginawa mo sa uri ko!” Ang pagbabanta ppa nito sa akin.
“Pakawalan mo ang kasamahan ko, at ang mga mamamayan ng Otup kung ayaw mong humiwalay sa katawan mo ang ulo mo!” sagot ko
“At sino ka naman para mag bigay ng kondisyon? Hinahamon kita. Gawin mo ang iyong tinuran at sa iyo angel mga bihag. Wala pang nakakatalo kay Agta. Dudurugin ko ang mga buto ng pino.” At agad hinataw sa akin ang kanyang palakol.
Nasalag ko ito ng aking kampilan,ngunit ramdam ko ang kakaibang bigat nito. Na kung rumekta ang pagtama sa akin madudurog talaga ako.
maliksi kung gumalaw itong Ituman. Nasa mga kilos niya ang isang mandirigma. Nahirapan akong patamaan ang ituman na si Mugar. Bawat atake ko sinasalag niya rin ng pag aatake. Ngunit hindi ako nagpatinag sa lakas niya. Pailalim ko siyang nilusutan at sugatan ko ang kanyang binti. Napahiyaw ito nang pumilas sa kanya ang aking kampilan.
Lalong umalburuto sa galit ang ituman at disidido talaga itong wakasan ako. Tumilapon ako sa isang sulok ng hawiin ako ng likod ng kanyang palakol. Subrang lakas nang paghataw na iyon at hindi agad ako naka bangon. Nabitawan ko din ng sandaling iyon ang aking kampilan.
Rinig ko ang mga hiyawan at halakhak ng iba pang mga ituman sa aking paligid. Patakbo akong susugurin ng Ituman ng makapa ko ang aking balaraw. At sa pag dakma sa akin nito, ang siya nang pag tarak ko ng balaraw sa kanyang kaliwang kamay.
Malaki ang naitulong ng likidong pinambabad ko sa mga sandata ko. Doon ko napagtanto na malala ang dulot na sugat sa kanya ng mga sandata ko. Hahataw na naman ito ng kanyang palakol nang nakailag ako. Dinampot ko ang aking kampilan at umayuda ng atake kay Agta.
Pansin ko na lalong tumalas ang aking kampilan, Napansin ko ito sa mga tama ko sa kanyang palakol. Hindi ko tinigilan ang kanyang sandata hanggang sa nahiwa ng kampilan ko ang talim ng kanyang palakol. Nabigla ang ituman.
Hindi ito matanggap na nasira ko ang kanyang ipinagmamalaking sandata. Naging palaban ito at hayok na tapusin agad ang laban. Ramdam ko na ang pagod, pero sa tuwing naiisip ko si Turro at ang mga taong walang awang pinaslang ng mga halang na ituman. sumisidhi ang galit at tapang na nasa loob ko.
Handa na akong tapusin ang laban namin. Hindi ko na binigyan pa nang Isa pang pagkakataon ang ituman. Muli kong nasugatan ang isa niya pang binti at mas malalim ito. Dahilan para mawala ito ng balanse at natumba.
Agad ako sumapa sa likod nito at hinawakan ang kanyang mahabang buhok habang nakadantay sa leeg nito ang aking kampilan.
Nagmamakaawa ito na pabayaan siya, at papalayain niya ang lahat ng bihag. Ngunit hindi ko na hinayaan pangag salita itong muli. Iginuhit ko sa kanyang lalamunan ang aking kampilan at tinigbas ang kanyang ulo.
Sumambulat ang berde nitong dugo. Tumayo ako likod ng wala nang buhay na si Agta at itinaas ang kanyang pugot na ulo.
sumiksik sa mga lilim na sulok ang iba pang mga ituman sa takot. Ngunit batid ko na hindi pa nagwawakas ang lahat. At gaya nang inaasahan ko, muling sinugod ako ng mga ituman. At mas lalo pang naging agresibo ang mga ito..
Ngunit tiwala ako sa aking kampilan. Lahat nang kanilang pagsugod walang nagawa sa talim ng aking kampilan. Bagsakan ang mga putol putol nilang mga katawan sa bawat hampas at wasiwas ko ng aking sandata.
Nabalot ng berdeng dugo ang paligid maging ang katawan ko naligo sa malapot at nakakadiri nilang mga dugo. Wala akong itinirang buhay ni Isa man sa kanila.
Hinanap ko ang bilanguan ng mga bihag. Una kong nakita ang mga lahi ng Putian sa isang kulungang bakal. Mahihina na ang karamihan sa kanila at may Ilan pang mga sugatan. Gamit ang aking kampilan,sinira ko ang rehas na bakal para palayain ang mga ito.
Dama ko ang mga takot at pag aalinlangan nila sa pagdating ko. Ngunit nang marinig nila ang tungkol kay Mugar at ang ginawa ko sa mga ituman. Nagbunyi ang mga ito at nagpasalamat.
Isang Putian ang nag giya sa akin sa kinalalagyan ng iba pang mga bihag. Nang mahanap ko ang kulungan ng mga bata at matatanda agad kong sinira ang mga harang na bakal. Sinunod ko ang sa mga babae at lalake. Ngunit sa mga grupo ng kalalakihan wala roon si Turro.
“ibininubukod ng mga ituman ang mga makikisig at matitipunong mga lalake para pagparausan. Nasa dulo nito ang kanilang bilanguan” Sabi ng isang matanda sa akin.
Nang marating ko ang kulungan, na gulat ako sa nakita kong kalagayan ng mga lalaking naroon, lahat mga walang saplot sa katawan at naka kadena ang katawan na parang mga hayop. Nang makita ko si Turro, nanghihina ito at basa ang buong katawan na hubot hubad.
Isa Isa kong tinanggal ang mga tanikala na gumagapos sa katawan ng mga lalake pati na kay Turro. Tunaw ko ang tuwa at saya sa mga mukha ng mga taong nailigtas ko.
kumurot iyon sa puso ko. Parang inaangat ang espirito ko sa subrang sarap na nararamdaman ko matapos ko mailigtas sa kamay ng mga ituman ang mga tao. Ang bigat ng naramdaman ko sa nangyari sa Phatag ay siya namang gaan ng nararamdaman ko nang mapalaya ko ang mga taga Otup.
“Bakit mo ako iniwan? At muntik ka na mahuli sa pag dating.” Biglang sabi ni Turro na nanghihina pa.
“Patawad sa nangyari, ngunit narito na ako. iniligtas na kita.” sabi ko, at napangiti na lang ako kay Turro.
“muntik na akong lapain ng mabantot na ituman na iyon. Buti na lang dumating ka. hindi niya tuluyang na agaw ang lakas ko. inilalaan ko pa naman ito sa iyo.” wika pa ni Turro na napangiti na rin sa akin.
Hindi ko alam sa loob ko bakit ganun na lang ang kaligayahan ko nang makita at mahawakan muli si Turro. Kakaiba ang dulot nitong enerhiya sa akin.
Umaga na at tanaw na namin ang liwanag ng araw nang lumabas kaming lahat sa kuweba, kasama ang mamamayan ng Otup at ang mga Putian. Sinalubong kami ni Mugar na sakay ng aking kabayo.
Isang Babaeng may bitbit na bata ang lumapit sa akin. At nakiusap.
“Pumermi ka na sa amin ginuo, tiyak babalikan pa kami ng mga Harabas para paslangin at alipinin muli. Kung sa ngayon nakaligtas kami sa mga ituman. Baka sa pag lusob ng mga Harabas wala na talagang matitira sa amin. Kaya dumito ka na lang, ipagtanggol mo kami at aalagaan ka namin.” ayon pa sa babae.
sumangayon ang lahat sa mungkahi ng babae, ngunit tumanggi ako. Batid ko ang panganib sakaling bumalik nga ang mga Harabas, ngunit sa simula palang nakipag sundo na ako kay Mugar sa maaring mangyari matapos ko mailigtas ang lahat.
“Sobrang lawak nitong tanggulan niyo, para na itong isang siyudad sa lawak at laki. Hindi pa ganap ang kalayaan ng mga taga Otup,habang nariyan pa ang mga halang na Harabas. At bilang kapalit sa pag ligtas ko sa lahi mo. Maari bang maging bahagi rin ng tanggulang ito ang mga mamamayan ng Otup?” Ang pakikipag sundo ko kay Mugar bago pa ako nagplano na pasukin ang pugad ng mga ituman.
“isang karangalan na pagbigkisin at pagisahin ang dalawang lahi. Ang mga taga babaw at mga lamang lupa. Bukas ang Lunok para sa iyong kagustuhan Kali. At malugod kong tatanggapin ang mga mamamayan ng Otup bilang kabahagi na ng aming kumunidad.” Ang pag sang ayon pa ni Mugar.
At ang kasunduang iyon ay ibinalita ko sa lahat.
“Hanggang hindi pa lubos ang katahimikan at habang nasa paligid lang ang mga Harabas. Ang mga Putian muna ang siyang magiging tanggulan niyo.”
Sumangayon ang lahat, sa pangunguna ni Mugar nilisan namin ang lugar ng mga ituman at tinungo ang bagong siyudad ng lahat . Ang Lunok.
Pagkadating ng lahat sa Lunok namangha ang mga mamamayan sa taglay nitong pambihirang katangian. Nag simula narin agad Ang Ilan na magtayo ng kanya kanyang kubol na maari nilang maging pahingaan.
Agad ko naman tinungo ang malinaw na busay at nag lublob roon para hugasan ang mga dugo ng Ituman sa aking katawan. Malayo sa mga tao ang busay kaya kampante ako na walang may nakakita sa akin nang mag hubot hubad Ako.
pikit mata akong lumublob sa ilalim ng busay. sarap na sarap Ako sa lamig ng tubig na tila ba pinakakalma Ang buo kong katawan. ninanamnam ko ang sarap ng tubig kaya hindi ko na pansin na may lumusong din sa busay. Narinig ko na lang pag galaw ng tubig sa ilalim.
Kaya agad akong umahon habang nakapikit pa, At nang dumilat ako, nagulat ako nang nasa harapan ko na si Turro na nakalublob na rin sa tubig at nakangiting naka titig sa akin.
“oh bakit parang nakakita ka ng Ituman diyan? magandang lalake kaya ang kaharap mo ngayon.” agad nitong wika.
“ano ang ginagawa mo dito? “ tanong ko ,bigla akong nahiya sa harapan ni Turro. Gusto kong umahon na, pero nahihiya akong makita ni Turro ang tinatago ko.
“maliligo din, nakita kitang papunta dito kaya sumunod Ako.” At lumapit pa nang husto sa akin si Turro.
Subrang lamig ng tubig pero parang sinisilaban ang katawan ko. Nag iinit Ako na hindi ko mapaliwanag.
para akong tuod na nakatitig lang kay Turro. Nang maramdaman ko na lang ang mga palad nito sa mga balikat ko. Subrang lapit na ni Turro sa akin at ramdam ko na ang bawat buga ng kanyang hininga. Titigan lang kami, walang kumukurap.
Bigla na lang akong niyakap ni Turro ng mahigpit na siyang kinagulat ko. Nabigla pa ako nang may naramdaman akong matigas na bagay na tumama din sa nuoy naninigas ko rin na pag aari.
Naitulak ko si Turro at agad ako lumangoy para umahon. Umahon Ako na sapung sapo ang harapan ko. Napalingon pa ako at napansin ang nakangiti sa aking si Turro.
Agad ko dinampot ang aking mga suot at kumubli sa isang malaking ugat para mag bihis.
Sa bawat sandali na kasama ko si Turro, lalong hindi ko naiintindihan ang aking sarili. Ang paghanga ko sa taglay na kakisigan at gandang lalake ni Turro ay hindi kaila. Ngunit noon pa man ang ano mang pagpantasya at paghanga ko sa mga kalalakihan ay akin nang isinantabi at iniiwasan dahil sa aking misyon.
Ayukong magapi ako ng aking kahinaan. Ngunit pagdating Kay Turro nababali ang aking prinsipyo at pangako sa sarili. Hindi maiiwasang wala akong maramdaman sa kanya.
Bagay na nagpapahirap sa akin. Sa tuwing nakikita ko siya.
“Ang Bahaghari ng Khan-La-Un”
Ayon kay Mogar ang Khan-La-Un ang nagsisilbing tawiran ng mga Harabas kung kaya madali lang sa kanila ang magpalipat lipat ng lugar na gugustuhin nila. Ang Khan-La-Un ay Isa lamang sa mapanganib na lugar sa Alpanam. Balot ng hiwaga at mga lagalag na halimaw na nagkukubli sa anyo ng mga tao. Ngunit ang lugar din na ito ang tanging daan lamang upang marating ko ang kaharian ng mga pinuno ng mga Harabas.
Sa tulong ng mga ibinigay sa amin ng mga Putian, madali naming naabot at napasok ang Bayan ng Khan-La-Un. Ni hindi kami nakaranas ng pagod at hirap gaya ng ibang mga naligaw na sa lugar na iyon.
“Ano ba ang nangyayari sa mga kabayo natin Kali? Para yatang balisa sila at hindi mapakali” Tulad ni Turro ,pansin ko din ang kakaibang kilos ng aming mga kabayo.
Urong sulong ang lakad ng mga ito na tila ba’y may kinakatakutan. Aking pinahanda si Turro. Nasagap ko ang panganib mula sa pagbulong sa akin ng hangin. Alerto na rin ang kamay ko sakaling may sumalubong sa aming hindi kanais nais.
Binabagtas namin ang malumot na kagubatan papasok sa mismong bayan ng Khan-La-Un. Ngunit doon palang tila yata natunugan na kami ng mga kampon ng mga Harabas. Nakaramdam kami nang kakaibang antok ni Turro. Tila na sa duyan kami at inuugoy sa malamig na haplos ng hangin.
Pinilit namin nilabanan ang antok. Gamit ang dalang pana ni Turro, pinatamaan ko sa kanya ang Isa sa mga puno na naroon sa gubat. At nagulat kami ng gumalaw ang katawan ng puno, nalagas ang mga dahon nito at naging mga paruparo. At inatake kami ni Turro.
“Gawin mong pananggala ang balabal mo sa iyong mukha, iwasan mong matamaan ng mga pulbos ang iyong mga mata.” Utos ko kay Turro.
Pinalibutan kami ng mga paruparong dahon. Subrang dami nila na nakakagawa na sila ng maliit na tila ipo-ipo at inangat kami sakay ng aming mga kabayo mula sa lupa. Nagpaikot ikot kami sa loob ng mga lumilipad na paruparo. Hanggang sa bigla na lang ang mga ito nag pulasan.
Pagkabagsak namin sa lupa, agad naman nagsitakbuhan palayo sa amin ang aming mga kabayo,tangay ang mga bitbit naming mga pagkain at inumin.
“Paano ngayon ito?, tinakbo na nila ang ating mga baon. “ pag alala ni Turro.
“Wala na tayong magagawa kung di mag hanap ng panlaman sa ating sikmura at maiinum na tubig. Pero hindi dito. Halika na, bilisan natin hanggat tanaw pa natin ang sinag ng araw. Ngunit talasan mo ang iyong pakiramdam. May nag mamatyag sa atin sa paligid. At huwag mong susubukang humawak ng kung ano dito.Hindi natin alam ang sasalubong sa ating panganib “ Paalala ko kay Turro.
Napatingin ako bigla sa kanya nang bigla na lang nitong kabigin ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit ang palad ko.
“sa iyo lang ako hahawak.” Ang nasabi lang ni Turro sa akin sabay gawad sa akin ng matamis na ngiti. Hindi ko alam kung ano itutugon ko sa ginawa na iyon sa akin ni Turro. Simula nang makasama ko si Turro sa aking paglalakbay, Unti unting tinatangay ng kanyang mga kinikilos ang aking puso palapit sa kanya.
At kahit anong pagpigil ko sa aking damdamin, habang sumasabay sa amin ang mga oras, mas lalo akong napapalapit sa kanya. lalong lumalalim ang bahagi niya sa puso ko. Sitwasyon na pinangangambahan ko at pilit iniiwasan. Ayukong malihis sa ibang bagay ang aking paglalakbay. Misyon ko ang wakasan ang panlulupig ng mga Harabas. At hindi ang buhayin ang natutulog kong damdamin.
Binawi ko ang aking palad sa kamay ni Turro at nanguna sa aming paglalakad. Nakita ko sa mga mata ni Turro ang lungkot sa aking ginawa. Gusto kung amuhin ito, ngunit kailangan ipakita ko sa kanya na bato ako. Sinadya kung umagwat ng husto sa pagitan namin. Ngunit tila mas ako ang nahihirapan sa aking ginawa.
Pagkalabas namin sa malumot na gubat, sinalubong naman kami ng malawak na ilog. Walang direksiyon ang daloy ng tubig sa nasabing ilog. Dahil dito tila hinahalukay ang gitnang bahagi nito. Malakas ang ragasa ng tubig mula sa magkabilang bahagi at nagsasalpukan ito sa gitna. Imposible ang tumawid sa ilog. Wala din kaming nakitang tawiran o tulay na maaring madaanan. Tanging ang paglipad sa ibabaw ng ilog ang siyang paraan.
At wala kaming kakayahan na ganun. Lumapit sa akin si Turro nang may napansin ito.
“Katulad din ang mga puno na iyon sa mga puno dito. Kung kaya tayong ilipad ng mga paruparo mula sa iisang puno. Matulungan tayong itawid ng mga iyan mula dito.”
Nakuha ang ibig sabihin ni Turro. Ngunit nag alangan ako sa kanyang balak. Hindi namin alam kung gagana ang mungkahi nito. Sakup ng kadiliman ang lugar na iyon. Naiisip ko na baka sa kalagitnaan,bigla na lang kami bibitawan ng mga ito sa ilog. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot. Takot hindi para sa akin kung di para kay Turro. Na baka mawala ito sa akin.
“Hindi natin sigurado kung gagana ang plano mo. Balwarte nila ito. Sugal ang naisip mo. Maghanap tayo ng ibang paraan. “ Sabi ko.
“Sugal din namam ang ginagawa nating ito ah. Ang paglalakbay mo para sugpuin ang mga Harabas. Makailang ulit na tayong sumugal at napagtagumpayan natin. Subok lang. Mukhang wala namang ibang daan dito.” Paggigiit pa ni Turro. Hindi ako nakapag timpi sa kanyang sinabi.
“Hindi ko kailangan ang opinyon mo. Ang disisyon ko ang nasusunod dito. Kung kuntra ka, Malaya kang bumalik.” Ang tugon ko. Hindi nagustuhan ni Turro ang tugon ko.
“Ngayon pa na marami na tayong pinagdaanan. Hindi maari, sasamahan kita.”
“Isa sa dahilan na ayaw ko nang may kasama ako sa aking misyon ang pinangungunahan ang mga disisyon ko. Hindi ako sanay na may nag uutos sa akin.” Ang paliwanag ko pa kay Turro.
Hindi na ito tumugon sa sinabi ko. At sumunod na lang sa akin. Binagtas namin ang gilid ng ilog. Tila walang hangganan at pinagmulan ang nasabing ilog. Sa aming paglalakad ,pagod at uhaw lang ang aming nasumpungan.
Pansamantala kaming huminto at nagpahinga sa isang malaking bato na nakadungaw sa ilog. Pansin ko ang pananahimik ni Turro. At batid ko na masama ang loob niya sa akin kahit hindi man nito sinambit sa akin.
Sumalok ako ng tubig sa ilog gamit ang aking mga palad para uminom. Subrang lamig ng tubig , agad nitong pinawi ang matinding uhaw na aking naramdaman. Sumalok din si Turro at uminom. Nakakagaan sa pakiramdam ang lamig ng tubig sa ilog, Sa unang dampi palang nito sa bibig ko parang napawi na nito ang lahat ng pagod ko. Kaya muli akong sumalok sa ilog. Hindi pa ako nagkasya sa pagsalok lang,nilublob ko na talaga ang buong mukha ko sa ilog.
Sa lamig pa lang nito pawing-pawi na lahat ng hirap namin ni Turro, Sabi ko sa aking sarili. Ngunit nang sa pag angat ng aking ulo mula sa tubig, laking pagkabahala ko nang hindi ko na nakita si Turro sa tabi ko. Tanging ang kanyang balabal na lang ang naiwan sa akin. Kinabahan ko,Natakot, nangamba. Hinanap ko si Turro sa paligid sa pag aakalang nasa sulok sulok lang ito. Ngunit walang bakas ni Turro akong nakita. Nang may narinig akong sumitsit sa akin. Hinanap ko ang pinag mulan nito.
Sa pinang galingan namin turo na bato isang magandang babae dumungaw at naupo roon. Walang bahid ng kapintasan ang napakaganda nitong mukha, wala itong ano mang saplot sa katawan, tanging ang mahaba at kulay bronse nitong buhok ang nagsilbing tabon sa masisilan nitong bahagi. Nakangiti itong tinatawag ako. Mahalay at mapangakit ang kanyang mga titig.
At kung nga lang akong lalake,hindi malabong hindi ako maaakit sa taglay nitong kagandahan.
“Hinahanap mo ba ang kasama mo makisig na lalake? Halika, dalhin kita sa kanya.” Sabi pa nito sa akin. Sa bungad pa lang alam ko na kung ano ang ginawa nila kay Turro.
Tawag sa kanila Nimfa, mga elemental ng hangin at tubig. At ayon sa mga sabi sabi, mga lalake ang binibiktima nila sa pamamagitan ng kanilang nakakaakit na ganda. Ayon pa sa iba inaalipin nila ang mga biktima nilang lalake at inaagawan ng lakas ,kalaunan kinakain.
Lumapit ako, at nagkunwaring naakit sa kanya. Nagsimula na itong naging malikot sa paghimas sa aking katawan. Nagpaubaya pa ako. Hinihintay ko kung ano ang gagawin niya sa akin. Gayun pa man nakahanda ako. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinasunod sa kanya. Kumumpas ito sa hangin at sa harapan namin lumitaw ang isang bahaghari.
Wala pang segundo,nasa ibang lugar na kami. Doon,marami pang katulad niya ang naroon. Nagtatawanan. Hinanap ko roon si Turro ngunit hindi ko siya nakita doon. Kinutuban na ako ng masama. Sa paligid, kapansin pansin ang mga puno na nakita namin ni Turro sa malumot na gubat at ang mga nag liliparang mga paruparo.
Isang paruparo ang lumapit sa akin. Hindi ko maintindihan ngunit tila kinakausap ako nito. Muling nag salita ang babae, at may inabot sa aking bunga na animoy maliit na ubas.
“Kainin mo , hinihintay ka na ng kasama mo. Sabik na siya na makasama ka dito.”
Akma na nitong isubo sa akin ang nasabing bunga nang itinarak ko sa tiyan nito ang aking kampilan. Napahiyaw ito sa aking ginawa. Nakita iyon ng mga iba pang Nimfa, Galit ang mga ito sa ginawa ko sa kanilang kasama. Biglang nagpupasalan ang mga paruparo mula sa isang puno. Doon ko napag tanto na ang bawat puno sa paligid katumbas ng isang buhay ng Nimfa. Biglang nagbago ang anyo ng mga ito. Mula sa magagandang dilag, naging mga nakakatakot itong mga nilalang. Lusok ang mga mata nila, walang mga buhok at naging kulay abo ang kanilang mga balat. Mahahaba ang mga nag tutulisang mga kamay at paa at nakaumbok ang mga likod na parang kuba.
“Isang makisig na Pabuli, kahanga hangang pagpapanggap. Nalinlang mo ang kapatid namin.“Nagsalita ang Isa sa kanila at hinarap ako. Nakakasuklam ang kanilang anyo. Kung gaano sila kaganda nang aking makita, Walang kasing panget naman ang tunay nilang anyo.
“Hindi kayo patatawarin ng aking Kampilan. Ibalik niyo sa akin ang kasama ko. Kung gusto niyo pang mabuhay.” Ang Sabi ko.
Ilang mga Harabas na ang kinitlan ko ng buhay, nakipagbuno na ako sa mga tinakwil na mga taong bato, Nailigtas ko na ang mga lamang lupa sa mapang-aliping mga Ituman. At sa pagharap ko sa mga mapanlinlang na mga Nimfa, hindi ako magdadalawang isip na tapusin Ang kanilang buhay, lalo na at nasa bingit ng panganib si Turro.
“Narito ang kaibigan mo, At mayamaya lang magiging Isa ka na rin sa kanila.” Hawak nito sa kanyang matutulis na kuko ang isang paruparo na kanina lang lumapit sa akin.
Sa pagtagpi tagpi ko ng lahat, lumalabas na ang lahat ng binibiktima nila ,ginagawa nilang mga paruparo at kinukulong sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung paano maibabalik si Turro bilang tao,tanging malinaw lang sa akin ang maipaghiganti ko siya at ang Ilan pang mga biktima na bihag ng lugar na iyon.
“Kayong mga narito na bihag at biktima ng mga halimaw na ito, alam ko na nais niyo nang makalaya. Tulungan niyo akong tapusin ang mga halimaw na ito!” kasunod na ang paghataw ko ng aking Kampilan sa Nimfa na may hawak kay Turro.
Nang nabitawan niya si Turro lumipad na ito at humalo na sa mga nagliliparang mga paruparo. Abala naman ako sa pakikipaglaban sa mga Nimfa. Kung anong dami ng mga punong naroon ,ganun din sila karami. At kahit na gaano ako kagaling sa pakikipaglaban, matatalo ako dami nila at pinagsamang lakas. Tanging ang gabay lang ni Bathala ang kinakapitan ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko rin batid kung narinig ba o naiintindihan ako ng mga paruparo sa paghingi ko ng tulong sa kanila.
Ilan na sa mga Nimfa ang nasawi ng aking sandata, ngunit sa dami nila hindi ko alam kung paano sila wawakasan lahat. May mga sugat narin ako dulot ng kanilang matutulis na kuko. Ngunit balewala lang sa akin ang kanilang mga latay sa aking balat.
Naramdaman ko mukhang tama nga ang mga Nimfa, kung hindi ko sila matalo, paniguradong magiging Isa din ako sa mga bihag nila. Ngunit pinapalakas ako nang aking pag asa na mababawi ko pa sa kanila si Turro. Sa kung paanong paraan si Bathala lang ang may alam.
Pinaikutan na ako ng mga Nimfa, balak na talaga nila akong tapusin, hanggang sa tumugon ng himala ang langit. Sinalakay ng mga paruparo ang mga Nimfa, at dulot ng mga nilalabas nilang mga pulbos mula sa kanilang mga pakpak tila nabulag ang mga Nimfa. Parang nagkakapaan sa dilim ang mga ito. At sa talas ng kanilang mga kamay hindi nila namamalayang nagpapatayan na sila.
Akala ko iyon na ang katapusan nila, Ngunit tumindig Ang Isa sa kanila at sumigaw ito ng napakalakas. Nakakabingi ang lakas ng kanyang sigaw. Sunud nito,Isang malakas na hangin ang nagwalis sa lahat ng mga paruparo sa paligid.
Lalo akong nabahala at natakot para kay Turro. Alam ko na nasagad ko na ang galit ng mga Nimfa. Ang nasa isip ko lang kailangan ko silang tapusin bago pa nila ako matapos. Buo ang tiwala ko sa aking Kampilan at sa gabay ng langit na mananalo ako laban sa mga Nimfa.
Pasugod na sa akin ang isa sa kanila. Ngunit bago pa ito nakalapit sa akin, naihagis ko na sa kanya ang aking kampilan. Sa bilis at talas nito nahati sa dalawa ang katawan ng Nimfa. Nang tumagos ang aking kampilan sa katawan ng Nimfa bumaon ito sa isang puno sa likod nito. At na pansin ko ang epekto nito sa isang Nimfa bigla na lang ito naging pulbos at naglaho na lang bigla sa hangin.
Doon na ako nagka ideya, Nasa puno talaga ang buhay nila. Na kahit mapilasan ko lang ang katawan ng puno mamamatay sila. Kaya iyon ang ginawa ko. Iniwasan ko ang mga pag atake ng mga Nimfa at pinuterya ang mga puno. Nang mahugot ko ang aking kampilan agad kung pinag tataga ang mga puno sa paligid, at gaya nga nang inaasahan ko, madali kong napapas ang mga Nimfa. At sa bawat punong nasugatan ko, pansin ko ang kakaibang lipad ng mga paruparo. Kapansin pansin ang kasiyahan bawat pag pagaspas ng kanilang mga pakpak. Kunting mga puno na lang ang hindi ko pa napipilasan. Nang mapako ang paningin ko sa natatanging puno sa likod ng mga puno, mas malaki ito sa lahat at ang mga katawan nito nagiiba ng kulay na tila isang bahaghari.
Hindi ko agad nakita ito dahil sa natatakpan ng iba pang mga puno. Naka kunekta ang mga ugat nito sa ugat ng mga nakapalibot na puno. At iyon ang sinunod ko.
Ngunit bigla na lang gumalaw ang mga puno at nag dikit-dikit para ikubli sa akin ang puno. Nagtaka ako na tila ba pinuprotektahan nila ito. pansin ko rin na tumigil sa pag atake sa akin ang mga Nimfa. Sa halip, napa atras ang mga ito at unti unti na lang nag laho. Isa sa kanila ang naiwan.
“Marami ka nang pinaslang sa mga kapatid ko. Sinira at ginulo mo na ang lugar na ito. Sapat na na nakita namin ang panganib na dulot mo. Lisanin mo na ang lugar na ito. At hahayaan ka na namin.” Sabi ng isang Nimfa.
Batid na napakahalaga sa kanila ang puno na iyon. Kung kaya bigla na lang sumuko ang mga Nimfa.
“Ibalik mo sa akin ang kaibigan ko at ang mga taong binihag niyo. Palayain niyo sila kapalit nang paglisan ko.” Tugon ko.
Isang paruparo ang dumapo sa kanyang mga kamay, binugahan niya ito ng hangin hanggang sa naging pulbos ito. At ang mga pulbos na nag mula sa naglahong paruparo, nilipad at dahan dahang humugis tao. Nang mabuo , naging si Turro. Hubot hubad ito at tila wala sa katinuan. Blangko ang emosyon ng mukha nito.
“Anong ginawa mo sa kaya? “ tanong ko.
“kapag naka labas na kayo dito,babalik din siya sa dati. Lisanin niyo na kami.” Sagot pa ng Nimfa.
Ngunit hindi ako umalis na hindi ko napapalaya ang lahat ng kanilang mga bihag. Kinuha ko si Turro sa kanya, at nang maka tiyempo, gamit ang aking kampilan sinaksak ko ito sa kanyang likod. Bumagsak ito at hirap makatayo.
“Isa kang hangal , kung sa akala mo makakalabas pa kayo dito. Nagkakamali ka. Dito na kayo makukulong habang buhay.” pagbabanta nito at bigla na lang itong nagsatubig.
Nabuwal ang kinatatayuan namin ni Turro, at nilamon ang paligid ng malakas na daluyong at ragasa ng tubig. Nabitawan ko si Turro sa lakas ng tubig ,maging ang aking kampilan. Wala na akong nakita sa paligid kung di tubig. Isang elemental ng tubig ang nakaharap Kong Nimfa.
Hindi ko napaghandaan ang mga nangyayari. Ramdam ko ang lakas ng isang ito. At mahirap lumaban sa ilalim ng tubig. Hirap na ako sa hangin, ngunit nagpakatatag ako para sa aking misyon at kay Turro. Nakipagbuno ako sa malakas na agos at tulak ng tubig. Sinikap kung makaahon.At nagawa ko.
Doon ko nalaman na nasa pusod pala ako ng ilog kung saan nagkakasalubong ang magkabilaang agos ng ilog. Sa nangangalit na ilog, hirap akong makaalis doon at makarating sa pangpang. Bukod dito,hirap din akong tukuyin kung saan na napadpad si Turro. Sa gitna ng aking pakikipaglaban sa ilog, Naalala ko ang sinabi noong una ni Turro tungkol sa mga paruparo.
Kinapa ko sa katawan ko ang mga natira ko pang mga sandata na maari kong gamitin para patamaan ang mga puno, dahil wala na sa akin ang aking kampilan. At nang mahawakan ko ang bakus na bigay sa akin ni Mugar, naalala ko alam nito.
“Ang bakus na ito ay sinadyang gawin ng mga diyosa at elemental ng tubig mula sa kaliskis at pangil ng mabangis na halimaw na si Bakunawa. Baluti at Espada ang kaya nitong ilabas. Gamitin mo ang puso mo, at isipin kung alin sa dalawa ang kakailanganin mo. Mula ngayon isinasalin ko na sa iyo ang kapangyarihan nito, bilang ganti sa pagligtas mo sa aming lipi.” Ang bilin pa noon ni Mugar sa akin ng nilagay niya sa katawan ko ang bakus.
Sinubukan kong gamitin kinaadman ng bakus. Tinawag ko ang talas ng espada mula sa pangil ng Bakunawa. At na pasaakin nga ito. Sinikap Kong maingat sa tubig Ang aking katawan upang maigalaw ko nang maayos ang aking kamay na hawak na ang espada. Nang maka buwelo, buong lakas kong hinagis ang espada patungo sa mga puno na nasa pangpang ng ilog.
Wala mang kasiguraduhan ang aking ginawang hakbang, nanalangin na lang ako sa langit na iligtas kami ni Turro sa lugar na iyon. Hindi ko na nakita kung ano ang nangyari sa pag hagis ko ng espada, dahil bigla na lang ako tinangay ng agos ng tubig sa gitna ng ilog. Muli akong nalubog sa tubig. Balak talaga akong lunurin ng mga Nimfa. Nagpumiglas na naman ako para maka ahon.
Wala na halos lakas ang mga binti at kamay ko sa kakalangoy at paglaban sa daluyong ng ilog. Napa tingala ako nang makita sa ibabaw ko ang namumuong alimpuyo at papalapit ito sa akin.
Sinikap ko na lumangoy pa para makaahon. Nang biglang gumaan ang aking pakiramdam. Para akong inaangat mula sa tubig pataas. Mabilis akong nakaahon. Lumutang ako sa ibabaw ng ilog at pinaliligiran ng napakaraming mga lumilipad na paruparo.
At mula doon, tanaw ko sa pangpang ng ilog ang isang Nimfa na hawak ang aking espada. Inilipad ako ng mga paruparo palapit sa kanya. At may sinabi ito sa akin.
“Pag mamay-ari ng mga dagatnun ang sandata na ito. At ngayon hawak na ng isang mortal. Ibig sabihin Ikaw ang balitang sinasaad ng hangin.” Wika pa nito.
“Ako si Kali, manlalakbay at tagatugis ng kasamaan mula sa bayan ng Buk-lod. Akin na ang espada, sa akin na pinasa ang pag akin sa sandata na iyan.“Ang tugon ko,
Nagulat ako nang mahinahong inabot nito sa akin ang espada at yumukod sa harapan ko. Napaisip ako na baka panibago na namang panlilinlang ang binabalak nitong gawin sa akin. May sinabi pa ito na kinabigla ko.
“Pasensiya na kung inantala namin ang paglalakbay mo. Mula ngayon, maaasahan mo ang tulong namin sa oras na kailangan mo. Humayo na kayo ng kaibigan mo. “ pagkasabi nito, nakita ko si Turro na nakangiti at nakatayo na sa pangpang hawak ang aking kampilan.
Gumalaw ang mga puno sa pagkumpas ng Nimfa. Tila nagbigay ito ng daan sa amin ni Turro. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Bigla na lang naging mabait sa akin ang Nimfa na nakikipag-usap sa akin. Gayun pa man,walang pagsidlan ang saya ko nang makita kong ligtas si Turro. Hindi ko na inisip ang mga nangyari.
Sa paghawi ng mga puno, muli kong nasilayan ang malaking puno na kulay bahaghari. Nahati sa gitna ang katawan ng puno at naglabas ng nakakahalinang liwanag. Naglabas ito ng matitingkad na kulay na humugis arko.
Muling nagsalita ang Nimfa, at nagbigay sa amin ng babala.
“Nasa harapan niyo ang pintuan papunta sa lahat ng dako ng daigdig. Ito ang tawiran at lagusan ng kabutihan at kasamaan. Kaya mag ingat sa pintong bubuksan baka wala na kayong babalikan. Hangad namin ang iyong tagumpay. At dahil sa pinamalas mong tapang, kikilalanin ang ngalan mo sa lahat ng kasuloksulukan. At magiging simbolo ng tapang at galing ang bahaghari dahil ipinagmamalaki ng iyong lahi. “ At naglaho na sa harapan namin ang Nimfa kasabay ng mga paruparo.
Iginawad sa akin ng mga Nimfa ang bahaghari bilang simbolo ng aking tapang at galing. At hindi na lang iyon basta lagusan na lang. Panibagong pagkilala mula mga nilalang na hindi ko ka uri. Pagkilala na may kaakibat na responsibilidad na kailangang panindigan.
Bago pa kami pumasok ni Turro sa lagusan. Nangako ako sa aking pagbabalik dala ko na ang tagumpay. At ibabahagi ko sa lahat ang matitingkad na kulay ng bahaghari .
Ang mga butong buhay
The call of Kali “Ang mga butong buhay”
Nakaramdam kami ng pagod at gutom ni Turo nang lakbayin namin ang isang batis sa bukana ng Alpanam. Wala nang natira sa mga dala naming inumin at pagkain dahil sa nangyari sa amin bago pa man na pasok namin ang lagusan.
Nagpaalam si Turo na mag-lakad lakad ito para mag hanap ng aming makakain. Ngunit nangamba ako sa kaligtasan nito kaya nagpasya akong samahan siya. Nasumpungan namin ang parte ng isang gubat kung saan na mangha kami sa dami ng mga bungang kahoy na hitik sa bunga. Kakaiba ang mga prutas dito, at bago lang sa aking paningin. Ngunit ang kanilang matitingkad na kulay at nakakahalinang amoy ang nag udyok sa amin ni Turo na kumuha mula sa ilang mga sanga doon para tikman.
Bawat puno na malapit sa amin ay kumuha kami ng tig dadalawang bunga. May pag aalangan man sa kung ligtas ba itong kainin, ang gutom namin ni Turo ay hindi na makapaghintay. Unang kumagat ng isang bunga si Turo. Nakamasid lang ako sa kanya at nag-aabang sa maaring mangyari. Isa pang kagat ni Turo at nasundan pa. Sarap na sarap ito sa bawat pag pilas niya sa bunga. Nakatitig parin ako kay Turo na tila ninanam-nam ang bawat katas na nasasaid nito sa bunga. Papikit-pikit pa ito sa bawat pag kagat dito.
Hindi ko namalayan na nawili na ako sa kakatitig kay Turo na pakiwari ko tinatakam ako sa bawat nguya nito.
“Masarap ang bungang ito, makatas at nakakabaliw ang sarap. Tikman mo. Kumagat ka ng isa sa hawak ko. “ Ang tanging narinig ko sa wika ni Turo habang nilalapit sa bibig ko ang bunga na hawak nito.
Binuka ko ang aking bibig at nilapat doon ang ngipin ko at kumagat. Sa unang kagat ko pa lang nalasahan ko na ang manamis-namis nitong lasa. Umagos pa sa labi ko ang napigang katas mula sa pagkagat ko sa bunga. Nang maramdaman ko ang paglapat ng daliri ni Turo sa bibig ko para punasan ang tumulong katas.
Hinawakan ko ang daliri ni Turo at dinilaan , hanggang sa isinubo ko na ito. Ang tamis ng daliri ni Turo dahil sa bumalot na katas mula sa bunga na pinakain sa akin.
Kumuha ako ng kaparehong bunga at lumapit ng mas malapit pa kay Turo. Idinampi ko sa labi niya ang bunga at agad niya itong sinakmal ng kagat. Halos nangalahati ang bunga sa isang kagat pa lang nito. Hindi niya ito kinain agad, kinagat lang nito ang dulo habang na labas ang kalahati. Nilapit ni Turo ang mukha niya sa akin, nais niyang kagatin ko din ang dulo ng bunga.
At walang pag alinlangang ginawa ko ang gusto nito. Sabay namin pinagsaluhan ang kinagat nitong piraso ng bunga. Subrang tamis talaga ng katas mula sa bunga na iyon. At sa subrang sarap na dulot ng bunga sa amin, maging ang mga labi namin nag lasang pulot.
Hindi ko na pigilang dilaan at supsupin ang mga labi ni Turo. Ganun din ito sa akin. Nagkatikiman kami ng mga labi. At habang ginagawa namin iyon hindi na namin namalayan na pati sarli naming laway ninanamnam na naming pareho.
Isinandal ako ni Turo sa isang puno habang nananatiling magkalapat ang aming labi. Kakaibang sarap ang matikman ang labi ni Turo, nag aagaw ang lasa ng bunga at ang kanyang pagkalalake.
Tila natangay na ako sa daluyong ng aking damdamin at nakagat ko ang labi ni Turo. At nalasahan ko ang kanyang dugo. Mas masarap iyon sabi ko. Kasing lasa ng bunga ang dugo ni Turo, nakakabaliw sa sarap.
Sa paglalaban ng aming mga labi at dila, ibang sensasyon na ang dumaloy sa mga hibla ng laman namin. Nag tanggal kami ng aming mga saplot sa katawan. At hindi ako nakaramdam ng ilang habang nakahubad sa harapan ni Turo na sa mga sandaling iyon wala na ding saplot sa katawan.
Dumampot ng ganun paring bunga si Turo, at tumapat muli sa harapan ko. Nakatingin lang ako sa kanya na tila giliw na giliw sa kanyang kakisigan.
Gamit ang lakas ng kanyang kamay, dinurog ni Turo ang bunga sa nakalawit na parte ng kanyang pang ibabang katawan. Mahaba at may katabaan ang parte na iyon. Tayong-tayo at matigas na tila isang nagyayabang na puno sa gitna ng masukal na kagubatan.
Ang katas ng nadurog na bunga ay binalot ang nakalawit na iyon ni Turo. Natakam ako nang makita ang unti-unting pag agos ng malapot na katas mula sa uluhan pababa sa kahabaan ng katawan na iyon.
“kainin mo ako, inaalay ko sa iyo ang pag aari kong ito. Kainin mo ako ng buo. “ Ang narinig ko sa utos ni Turo.
Tila isa akong alipin na bumaba at lumuhod sa harapan ni Turo. Hindi ko maiwasang mamangha sa taglay na katangian ng parte na iyon sa katawan ni Turo. Hinawakan ko ang titi ni Turo, nakakapaso ang init nito.
Inilapit ko ang aking dila nang mapansin ko ang tumutulong katas , agad ko iyong sinalo ng aking bibig.
“Kainin mo na ako. “ Pakiusap ni Turo.
Hinimod ko gamit ng aking dila ang katas sa katawan ng titi ni Turo. Nang muli kong nalasahan ang tamis ng katas, ipinasok na ng buo ang parte na iyon ni Turo sa bibig ko.
Halos ma-puno ang bibig ko sa laki ng pag-aari ni Turo. Ngunit hindi iyon naging balakid sa pananabik kong matikman ang laman ni Turo. Nagmistula akong bata na giliw na giliw sa isang laruan.
Hindi ko na inalintana ang paglabas pasok ni Turo sa aking bibig. Hanggang sa tuluyan na itong nilabasan ng sariling dagta. At tulad ng katas na mula sa bunga, masarap din ang katas ni Turo. Malapot, matamis, mainit at napakadami , ngunit wala akong sinayang kahit isang patak mula doon. Nilunok ko lahat .
Itinayo ako ni Turo mula sa pagkakaluhod, at agad na kinabig ng masuyong halik ang aking labi na kasalukuyang may mga bahid pa ng katas mula sa titi nito.
Naramdaman ko na lang ang mahigpit na paghawak ni Turo sa aking pag-aari. Mabilis niya itong binayo gamit ang mainit at malambot nitong palad habang patuloy lang kami sa aming paghahalikan. Hindi ko na napigilan pa ang daluyong ng libido na kumakalat sa aking katawan at sa ilang pag taas baba ni Turo sa akin, bumulwak ang masagana kong katas na bumalot sa kamay ni Turo.
Nang hina at nawalan kami ng lakas matapos kumalma ang libido sa aming katawan. Nakatulog kami ni Turo na pawang hubo’t hubad sa ilalim ng lilim ng isang puno na pinagkunan namin ng bunga.
Iyon ang huling naalala ko ng mga sandaling iyon matapos namin matikman ang bunga thutti. Ito ang tawag sa puno kung saan kami natagpuang walang malay ng isang Kuwangkig. Mga taong kahoy ang tawag sa kanila ng mga taong nagagawi sa lupain ng Alpanam.
Anyong tao din sila, ngunit baluktot kung tumayo at maglakad. Mahahaba ang kanilang mga binti at braso na sumasayad sa lupa tuwing maglalakad sila. Kulay abo ang mga balat at litaw ang mga ugat sa katawan. Maliliit ang kanilang mga mukha at bilugan ang mga tila naka usling mga mata. Manipis ang kulay tanso nilang buhok. Taglay ng mga Kuwangkig ang parehong kasarian ng lalake at babae. Sa mga puno ang karaniwang tahanan ng mga ito, ngunit sa pagtugis at paghuli sa kanila ng mga Harabas, natutunan narin ng ilan na magkubli sa mga lilim ng talon at yungib.
Pinangingilagan na ang mga Kuwangkig ay may kakayahang magdulot ng kakaibang lakas sa sino mang kakain ng puso nila. At ang dugo o ano mang likido mula sa katawan ng mga Kuwangkig ay nakakagaling ng ano mang karamdaman at nakakapagpabata ng balat .
Ito ang dahilan kung bakit walang habas silang hinuhuli at tinutugis ng mga Harabas.
Nagising kami ni Turo sa isang kuweba sa likod ng isang talon. Nagkatinginan kami ni Turo nang maalala namin ang nangyari sa amin. Nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili. Ngunit wala narin akong nagawa dahil naganap na ang hindi dapat sanang mangyari. Pansin ko na naging mailap si Turo, batid ko na dulot iyon ng hiya.
Tahimik lang kami habang nakikiramdam sa paligid. Isang Kuwangkig ang lumapit sa amin at dinalhan kami ng mga bunga na naka paloob sa isang malapad na dahon na ginawang lalagyan.
“Ito ang kainin niyo, mainam ito sa inyo. Hindi lahat ng bunga at prutas sa lugar na ito ay nakakain. Tulad na lang ng bunga na kinain niyo. Mabuti na lang hindi kayo tinablan ng lason na taglay nu’n. “ Ayon pa sa Kuwangkig.
Nagdadalawang isip na ako sa inalok nitong bunga. Ngunit ng kumuha ito ng isa at kinain. Napadakot na rin ako ng isa tsaka ko tinikman. Hindi ito ganun katamis ngunit malasa. Kumuha ako ng isa pa at inabot kay Turo. Nakita kong ngumiti ito ng kinuha sa akin ang bunga,.
“Anong lason ang taglay ng bungang nakain namin? “ Tanong ko.
“Nagdudulot ng kakaibang libog sa katawan ang sino mang makakakain ng Thutti. At sa tindi ng pagnanasa sa laman ng sino mang nakakain nito, nagiging hayok sila hanggang sa hindi na nila namamalayan kinakain na pala nila ang ano o sino mang nakakatalik nila. “ Paliwanag pa ng Kuwangkig.
Sa aming pag uusap nalaman namin na dalawang araw na pala kaming walang malay nj Turo. Magpakilala ang Kuwangkig na si Miro, at ang anak nitong si Mukawa ang nakakita sa amin.
Ayon pa sa mga nalaman ko, marami sa mga Kuwangkig ang masasama at nananakit ng mga tao. Kaya nagtaka kami ni Turo kung bakit mabuti sa amin ng nakasalamuha naming Kuwangkig. Gayun pa man naroon padin ang duda namin sa kanilang pakay sa pag tulong sa amin.
Nilamon na ng dilim ang labas ng yungib ngunit sa loob nito kung saan kami nag lalagi, hindi mababakas ang kadiliman. Namangha ako sa aking nasaksihan, lumiliwanag ang katawan ng Kuwangkig, at mas lumiwanag pa ang paligid ng makita namin ang dami ng mga ito na nag kukubli lang pala sa mga bato sa loob ng kuweba.
Iba’t iba ang kulay na nilalabas ng mga ito sa kanilang mga katawan. Ayon kay Miro, naaayon ang liwanag at kulay ng mga Kuwangkig sa kanila nararamdaman. Kapag masaya mas maliwanag at matingkad na berde ang nilalabas nitong liwanag. Kapag malamlam at kulay kahel, malungkot o may karamdaman ang isang Kuwangkig. At kapag matingkad na pula naman, galit ang isang Kuwangkig.
Nakakamanghang kaalaman tungkol sa mga nilalang na iba sa amin. Isa pang Kuwangkig ang lumapit sa amin akin. Mabalasik ang mukha at mas matangkad ng kunti kay Miro. Iba ang nilalabas nitong kulay, asul at hindi masyadong maliwanag. Siya si Lawisi. Isa sa matandang angkan ng mga Kuwangkig. Siya ang kinikilalang pinuno ng kanilang tribo.
Hindi nagsasalita si Lawisi, ngunit gamit ang kanyang mga kamay at daliri naiguguhit nito sa hangin ang kanyang mga sinasabi gamit ang nilalabas nitong liwanag. At sa mga kumpas nga nito, naunawaan ko ang kanilang saloobin. Tulad ko at ng mga nauna, hangad din ng mga Kuwangkig ang pag bagsak ng mga Harabas.
Sabik na ang mga ito sa kapayapaang ninakaw sa kanila ng mga manunuligsang halimaw. Alam nila ang aking layunin at katulad ng mga Nimfa, ibinulong din ng hangin sa kanila ang aking pag dating.
Kaya matapos ang mahabang gabi ng pahinga. Naghanda agad kami ni Turo para ituloy ang aming paglalakbay at misyon.
“Mapanganib ang sunod niyong madadaanan, ilang ilog, at burol pa ang inyong lalandasin kaya kailangan niyo ng sapat na makakain at inumin. Ito ang Bikangkang, nakakabusog ang prutas na ito at hindi nabubulok. Hindi kayo gugutumin ng ilang araw kapag nakakain kayo ng isang ito. Baunin niyo din itong nasa lalagyan. “ Ang habilin ni Miro sa amin habang nilalagay sa sisidlan namin ang kanilang pabaon.
“Ano ang laman ng isang ito, tubig ba ito? “ Tanong ni Turo habang inaalog ang laman ng isang lalagyan na gawa sa biniyak na kawayan.
“Ihi ng sanggol na Kuwangkig, nakakapawi iyan ng uhaw at nakakagaling ng sugat. Huwag ka mag alala walang lasa ang ihi namin at walang amoy. Parang tubig. Marami ito at hindi basta nauubos. Liban na lang kung itapon niyo o haluan ng ibang tubig dahil matutuyo agad ito kahit gapatak lang na tubig ang masama dito. “ Ayon pa kay Miro.
Matapos kami basbasan ng pagpapala ni Lawisi. Lumakad na kami ni Turo. Tinahak namin ang agos ng tubig mula sa talon. Maganda ang araw at maaliwalas ang panahon. Payapa ang paligid at walang banta ng panganib.
Palabas sa masukal na kagubatan, nakarating kami sa Isang patag na bahahi ng lupain. Walan kaming natatanaw na kahit Anong Puno o halaman man lang sa paligid. Panibagong disyerto na naman ito, sabi ko.
“Mukhang kakailanganin nga natin ang binigay nilang pabaon sa atin. Madamot sa mga nilalang ang lugar na ito, wala man lang kahit damong ligaw .” Ayon pa kay Turo.
Sa ginagawa kong paglalakbay upang mahanap ang kapayapaan , napupuna ko ang mas lumalalang panganib sa aking landas. Ngunit batid ng puso ko na sa gitna ng aking pakikidigma, kasama ko ang espiritu ng aking ama na gumagabay sa akin , at ang tulong mula sa dakilang may likha na alam kong nakasubaybay lang parati.
Sina, Saraw at Turo, ang mga tao at nilalang na umaasa sa akin ang nagsisilbing tungkod ko upang hindi pag sukuan ang aking misyon. Lalo na sa mga katulad ko na nagiging paksa ng karahasan sa mga Harabas.
Nagpatuloy kami ni Turo. Nilakbay namin ang malawak na kapatagan. Hindi namin maabot ng tanaw ang bawat dulo ng lupain. Patunay na lubhang malawak nga ito.
Nang sa among pag patuloy bigla na lang huminga ang lupa sa aming palibot. Palakas, pahina at palakas pa ng palakas. Umuuga ang mga lupa hanggang sa nagkabitak bitak ito.
Natakot kami ni Turo, ngunit na kulong kami sa gitna ng mga bitak. Hiniling ko na hindi pa iyon ang wakas namin.
Nabuwal ang lupa ,at mula doon,nagsilabasan ang malalaking uod na mas malaki pa sa maliit na puno ang katawan, Makintab ang kulay lupa nilang mga katawan. Nagpulasan agad mga ito sa ibat ibang direksiyon na hindi man lang kami ginalaw. Napakarami nila. At mula sa nilikha nilang huka sa lupa. Sumunod na lumabas ang mga nilalang na kilala sa katawagang Tukogan.
Ang mga Tukogan, mga nilalang sa lupa. Maliliit ang kanilang uri na wala pa laki ng Isang pusa. Kawangis ng mga ito ang tangkay ng kahoy mula ulo , katawan hanggang sa mga kamay at binti ng mga ito. Pula ang kulay ng kanilang balat. Hindi sila nakakapag salita ngunit kaya nilang makipag usap gamit ang kanilang isipan. Hindi kina tatakutan ang mga Tukogan, ngunit kapag ginambala ang kanilang tirahan. Masama silang kalaban.
kung gaano kadami ang lumabas na mga uod sa lupa, duble ang dami ng mga ito na lumabas doon. Napaligiran kami ni Turo ng daang daang mga Tukogan. Hindi namin alam kung paano tutugon sa kanilang dami.
Hinugot na ni Turo ang kanyang palakol,ngunit pinigilan ko ito.
“Hindi sila ang pakay natin dito, Ibalik mo ang iyong sandata. Lalo mo lang binibigyan ng dahilan ang mga iyan na atakehin tayo “ sabi ko.
Sinubukan kong kausapin ang mga Tukogan . Ngunit wala akong nasagap na tugon mula sa kanila. Nakakasindak ang kulay dilaw nilang mga mata na tila nanghahamon ng laban. Doon na lumukob sa akin ang takot. Muli ko naalala ang Isang pangitain na nangyari sa akin , noong nakikipag buno ako sa mga Bantilan.
At sa dami ng mga Tukogan na naroon, maging ang lakas at kaalaman namin ni Turo sa labanan ay hindi uubra sa kanilang numero. Doon ko na pinahanda si Turo. Naghanda na din ako sa aking sarili. Alam ko na mahihirapan kami sa mga nilalang na ito.
Ayon kasi sa kuwento, walang kamatayan ang mga Tukogan. Kapag naputol daw ang ano mang bahagi sa katawan ng mga ito. Bumabalik lang din at tumutubo na parang mga sanga ng puno. Gayun pa man kailangang maka usad kami ni Turo sa aming pakay.
Ikinagulat ko na lang ng bigla na lang pinag hahampas ni Turo ng kanyang malaking palakol ang mga Tukogan na nasa harapan nito habang ito ay umuusad. Nagtalsikan ang mga natatamaan ni Turo. Dahilan upang makagawa ito ng daang .
“Gawin mo na Kali, kailangang makatawid agad tayo!” Sigaw ni Turo habang pinagpatuloy lang nito ang kanyang ginagawa.
Sinunod ko ang ginawa nito, At gamit ang aking kampilan pinag tataga ko ang mga nasa palibot ko. At gumana ang hakbang namin. Nakahanap kami ng daang sa gitna ng kumpulan. Ngunit matapang ang mga Tukogan. Nag simula na ang mga ito na atakehin kami ni Turo.
Naglabas na ang mga ito ng nakakatakot nilang anyo. Nilabas na ng mga ito ang kanilang mga matutulis at matitibay na mga ngipin na nakahanda ng sakmalin kami ni Turo. Patuloy kaming sinusugod ng mga ito at hinahabol. Panay sugat na rin kami ni Turo. Ngunit hindi na iyon iniinda ng balat namin. Ang tanging nais lang namin ang maka alis agad sa lugar na iyon.
Hanggang sa nasukol na nga kami ni Turo nang ang nasumpungan namin ay Isang napakalalim na bangin. Nasa bingit na kami ni Turo, at nasa likuran padin namin ang laksa laksang mga Tukogan na humahabol sa amin.
“Wala na tayong ligtas sa pagkakataon na ito,” sabi ko.
“Nagsisimula pa lang tayo, hindi ang mga iyan ang hahadlang sa atin. May tiwala ako sa iyo Kali.” Tugon pa ni Turo, na pinapalakas ang loob ko.
Naalala ko ang sabi ng Nimfa. Kasama ko sa aking paglalakbay ang kalikasan , at wala dapat akong ikatakot dahil taglay ko ang basbas mula sa mga elemental. At ito ang mundo nila.
Timawag ko mula sa hangin ang espada ng bakunawa, at lumitaw iyon sa aking palad. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula dito. Itinarak ko iyon sa lupa gaya ng sabi noon sa akin ni Mugar.
“Kapag nasa bingit ng hangganan. Maaasahan mo ang espadang ito. Itarak mo ito sa lupa, maglalabas ito ng harang laban sa mga tumutugis na kalaban. Bagamat panandalian lang, sapat na iyon upang maka takas kayo mula sa panganib.” Ang bilin pa nito ng iginawad nito sa akin ang espada.
Isa ngang harang ang lumitaw na humati sa pagitan namin ng mga Tukogan. Ngunit hindi lamang iyon ang problema. Nakagawa nga ako ng harang, wala naman kaming mapupuntahan, dahil Isang malalim na bangin ang kaharap namin.
Bagwis
Sa gitna ng aming pangamba, mula sa kung saan lumitaw sa harapan namin ang laksa-laksang mga paruparo. Nag liliparan ito paikot sa amin ni Turo, hanggang sa namalayan na lang namin na umaangat na kami sa lupa. Tinangay kami ng mga ito sa kabilang bahagi ng lupain.
Mula sa hangin , tanaw pa namin ang mga Tukogan na pilit sinisira ang naiwan naming harang,. Nakatawid din kami ng maayos sa tulong ng mga paruparo. Nang lumapat na ang mga paa namin sa lupa. agad na rin lumipad palayo sa amin ang mga ito.
“Sabi ko na sa iyo diba? Hindi nila tayo papabayaan. Kailangan mo lang magtiwala sa mga regalong pinagkaloob nila sa iyo. Kali ito na ang simula ng katuparan ng iyong pakikipagbaka para sa kaayusan at kapayapaan ng dalawang mundo. Hindi lang ang mga tao ang umaasa sa iyong tagumpay ,maging ang mga nilalang sa tagong mundo.” Sabi pa ni Turo sa akin.
Isinapuso ko ang mga punto na iyon ni Turo. Nag sisimula pa lang kami at ito pa lang bungad ng mas malalang panganib na naka abang sa amin.
Ito ang Alpanam, lupain ng mga espiritu at elemental, tahanan ng mga nilalang sa daku pa roon at ito ang kuta ng mga Harabas. Ang mababangis na halimaw na pilit sinasakop ang payapang mundo ng mga lahat na nakikihati dito.
At sa pagtawid namin ni Turo, agad namin napansin ang mga nag tatayugang mga bato sa paligid, kasing taas ng mga matataas na puno sa mga harang o mas mataas pa.
Tila sinadya ang pagkakahilira ng mga toreng bato na ito sa paligid na para bang lumilikha ng daan sa bawat direksiyon. Nagpatuloy pa kami ni Turo. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid, at tulad ng nauna wala kaming nakitang palatandaan ng buhay sa lugar. Walang puno ,walang halaman at wala kaming nakitang hayop.
Nang biglang napahinto si Turo.
“Nakita mo iyon? Parang may mga gumalaw sa bahaging iyon.” Sabi pa nito sa akin , na may tinuturo sa aming unahan.
Wala akong nakita o napansin. Yumuko ako at nilapat ko sa lupa ang aking tenga, at pinakinggan ang bulong ng lupa. At tama nga si Turo, hindi lang kami ang naroon.
Sinabi ko kay Turo na mag hiwalay kami upang agad namin makita at mahanap ang nagkukubli sa mga bato.
Nang walang ano-ano Isang nakakakilabot na atungal ang papalapit sa direksiyon namin. At doon tumambad sa harapan namin ang Isang hayop, o nilalang na tinatawag nilang Daragit-Bawa. Isang higanteng hayop ibon na may ulo ng Isang pusa,na may tukang parang sa agila, may malalapad at malakas na pakpak, may makulay na buntot na mahaba na parang sa manok ,at may malakas na mga paa na parang sa dragon.
Mabilis ang pagsugod nito, at bumulusok agad sa amin ni Turo. Huil na para sa pag iwas namin. Tinangay nito si Turo at nilipad sa mataas hanggang sa hindi ko na maabot ng aking paningin.
Napasigaw ako sa galit. Wala man lang ako nagawa upang iligtas si Turo.
At muli kong narinig ang tunog ng Daragit-Bawa. Malayo na ito ,ngunit hindi gaanong kalayo. Ipinikit ko ang aking mata ,upang pakinggan ang hangin. At kailan man hindi pa ako binigo ng hangin sa mga bumulong nito.
Sinundan ko ang daloy ng tunog na iniiwan ng Daragit-Bawa sa hangin. Ngunit bigla na lang itong naglaho.
Hanggang sa may nakita ako sa paligid kung saan ako huminto. Mga nag kalat na ipot ng Daragit-Bawa, Halos gabundok na ang karamihan sa mga ito.
Doon ko lang napagtanto na nasa pugad pala kami ng mga ito. Napatingala ako sa mga toreng bato sa paligid, wala man lang ni isa sa mga nandoon ang nakikitaan ko ng tuktok.
Ang tatayog ng mga ito, at sa taas ng mga nito, hamog ulap na lang ang nakikita ko.
At malakas ang kutob ko na isa sa mga toreng bato na nandoon, naroon si Turo.
Ngunit papalubog na ang liwanag sa lugar na iyon, kailangan ko ng ligtas na masisilungan at mapaglilipasan ng dilim.
Wala man lang akong nakitang yungib sa bahagi na iyon, nakakaramdam na ako ng gutom,at kumikirot na ang mga sugat ko sa braso at binti dulot ng mga Tukogan.
Naghanap pa ako nang bigla na lang may tumamang palaso na dumaplis sa balikat ko. Umalerto agad ako sabay hugot ng aking kampilan. Hinanap ko ang pinagmulan ng pumana sa akin. Ngunit masyadong malabo ang paligid dulot ng hamog.
At isa pang palaso ang muntikan nang tumama sa mata ko, kung hindi ko kaagad ito nahuli ng aking mga kamay. Nang masigiro ko na ang pinagmulan nito. Agad akong lumusob habang hinahampas sa hangin ang aking kampilan.
Sinalubong ako ng mga sunod-sunod na pag pana. Ngunit lahat, sinalag ng aking kampilan. At sa huling pag hataw ko, muntikan ko nang matapyas ang leeg ng Isang lalake na nagulat sa bilis ko. At sa kanya galing ang mga palaso.
Nanginginig ang kamay ko habang nakadantay parin ang talim ng aking kampilan sa kanyang balikat. Tulala pa rin ito, na nakatingin lang sa akin.
“Isa kang tao?” Ang unang wika na pinakawalan nito.
“Sino ka, at bakit mo ako ginamitan ng mga palaso?” Ang tanong ko sa kanya.
“Ako si Khayat Isang Duwendulin, mga duwende ayon pa sa mga kauri mo.” Ang tugon nito sa akin nang mahinahon.
Inalis ko ang aking kampilan sa kanya, nang maramdaman kong hindi siya banta sa akin. Doon nag kapalitan kami ng aming mga dahilan kung bakit kami nag tagpo sa lugar na iyon.
inilahad ni Khayat na nandoon ito upang tugisin ang Daragit-Bawa na kumuha sa kanyang kasintahang si Durah. Isang nilalang lang ang pakay namin. Nagpakilala na rin ako sa kanya, at sa pakay ko sa daigdig nila.
Sa totoo lang namangha ako sa anyo ni Khayat, hindi ko inakalang kawangis din pala ng mga tao ang uri nila. Iba Kasi ang paglalarawan noon ni ama sa akin, sa kung ano ang anyo ng mga ito. Ayon pa kay ama, maliliit ang mga duwende, panget at kulubot ang mga balat. Karamihan sa kanila matanda na.
Ngunit hindi ko iyon nakita kay Khayat, wala kahit isa sa mga katangiang alam ko ang taglay ni Khayat. Matangkad ito, pino ang kutis at balat. Nagliliwanag sa kaputian, matipuno ang pangangatawan at may aking kakisigan. Maamo ang maganda nitong mukha, may mapupungay na mga mata, matangos na ilong, may patulis na tenga, may mapulang labi at mahabang buhok na kulay ginto.
Hindi ko na mabilang ang tagal ng pagkakatitig ko sa kanya. Alam ko sa sarili ko, iyon ang kahinaan. Nagpaalam ako kay Khayat upang mag sarili at makahanap agad ng paglilipasan ng dilim.
“May tolda ako, kasama ang walo sa aking mga kawal. Doon kana mag pahinga. Wala kang masusumpungan dito. At bukas sabay natin ililigtas ang mga mahal natin.” Biglang pag alok nito ng masisilungan.
Hindi na ako tumanggi, at sumunod ako sa kanya. Ayukong mahulog sa patibong ng pagnanasa, ramdam ko ang paninigas ng pagkalalake ko. At upang mapigilan ko iyon. Dinukot ko ang sugat ko sa kamay upang makaramdam ulit ako ng sakit.
Napahiyaw ako sa aking ginawa. Napalingon si Khayat ng marinig nito ang aking sigaw. Napansin nito na hawak ko ang braso ko na may sugat. Lumapit ito sa akin at nagpunit ng kaperasong tela mula sa kanyang balabal at ginawa iyong bendahe sa sugat ko.
“Kumakalat na yata ang kamandag ng mga Tukogan sa iyo. Bilisan mo nang magamot na iyang mga natamo mong sugat.” Sabi pa nito matapos tulongan ako nito
Bigo ako na labanan ang aking sarili,lalong tumindi ang kumakawalang libog sa aking katawan. Balat na sa aking harapan ang aking titi.
Hindi mawala sa isip ko si Turo, naging balisa ako sa mga pagkakataon na iyon.
Nakasunod ako kay Khayat, huminto kami sa pagitan ng dalawang toreng bato. Nagtaka ako kung bakit doon kami nahinto, nagdalawang isip na ako. Naghinala na ako sa kabutihang pinapakita nito sa akin.
“Nasaan ang sinasabi mong tolda, Duwende?” Tanong ko ,sabay tutok sa kanya ng aking kampilan.
“Kung balak mo akong linlangin, nagkakamali ka ng kinakalaban.” Sabi ko pa.
Hindi ito tumugon, sa halip may hinawi ito mula sa hangin. Namangha ako nang makita ko ang tila tabing na naroon sa harapan namin.
“Sadyang nakatago sa paningin ng mga mortal ang ano mang pinagtataguan namin at maging sa mga kalaban para sa kaligtasan namin. Tuloy ka ,nang magamot na ang mga sugat mo.” Pinapasok na nga ako ni Khayat sa kanilang tolda.
Lalo akong namangha sa laki ng tolda na kanyang tinuran. Sa laki nito para na itong Isang buong bahay ng mga tao. Doon nakita ko ang mga nakasalansang mga sandata at mga nakasabit na baloti at pananggalang. Ipinakilala sa akin ni Khayat ang walo sa kanyang mga kasamahan na nuoy gulat na gulat dahil sa may Isang Taga lupa na tulad ko ang nakatawid sa lupain nila. Tulad ni Khayat, magagandang nilalang ang mga kasama nitong Dwendulin.
Lumapit sa akin si Khayat na may dalang lalagyan na yari sa ginto. Ibinuhos nito ang laman sa mga sugat ko sa kamay. Nawala ang pamamaga ng sugat ko at unti unti din itong naglaho na parang walang nangyari.
Pagkatapos, pinagsaluhan namin ang malaking tinapay at sopas sa hinanda ng isa sa mga kasamahan ni Khayat. Maraming tanong ang mga Dwendulin sa akin tungkol sa mga tao. Ganun din ako sa kanila. Ngunit ng nabanggit ko na ang tungkol sa mga Harabas. Napansin ko ang takot sa kanilang mukha. Maging si Khayat ay tila napaisip ng malalim sa totoong pakay ko sa mundo nila.
“Wala pang pangahas na sumubok na kalabanin ang mga Harabas. Maging ang mga nimfa at mga espiritu ng mga bundok ay takot sa mga ito. Nakakamangha, na Ang isang taga lupa na kagaya mo ay matapang na tumawid dito para lang harapin ang mga mababangis na iyon.” Ayon pa kay Khayat.
Sinabi ko sa kanila na tinurulungan ako ng mga kauri nila, kung bakit napadpad ako doon. Na ang tapang at lakas ko, ay ang mga pinagsama nilang tiwala at gabay sa akin. Hirap man para sa kanila ang paniwalaan ako, sa bandang huli puro papuri at pasasalamat ang nakuha ko sa mga Dwendulin.
Malakas ang buhos ng niyebe sa labas at madilim ng sinubukan kong sunulip. Lumapit si Khayat at binigyan ako ng makapal na balabal na gawa sa balat ng oso, tsaka tumabing umupo sa akin.
Hindi ako madampian man lang ng antok. Pagod ang katawan ko ngunit pinupukaw ng pag aalala ko kay Turo ang aking isip. Alam kong masama din ang lagay nito, dahil sa mga sarili nitong sugat sa katawan dulot ng mga Tukogan. Lingid sa kaalaman ko, nababasa pala ni Khayat ang mga iniisip ko.
“Umasa kang buhay pa ang kasama mo. Isang babaeng Daragit-Bawa ang tumangay sa kanya at iniipon lang nito ang kanyang mga nadadagit para sa paghahanda sa paglabas ng kanyang mga inakay. Kaya may pag asa pa para mailigtas natin sila ng kasintahan ko.” Ayon pa kay Khayat.
Ibinahagi pa nito ang kakayahan nilang malaman Ang mga iniisip ng mga tao o nilalang na kanilang nakakasalamuha. Kaya kinabahan ako, baka alam nito na pinag nasaan ko ito noong una. At hindi nga ako nag kamali. Bigla na lang ako nahiya nang tanungin ako ni Khayat tungkol sa aking kasarian, at bakit ako nag isip ng ganun sa kanila.
Hindi ko man ibuka ang aking bibig, batid ko na alam naman ni Khayat ang laman ng isip ko. Pinagtapat ko sa kanya ang pagiging binabae ko.
“Lalaking makisig lang ang panlabas kong anyo , ngunit may puso at damdamin ako na parang sa mga babae. At tulad nila, nagkakagusto din ako sa mga lalake. Humahanga, at pinapangarap ang kanilang magandang katangian. Pinag nanasaan at madalas pinag papantasyahan. At patawad kong nagawa ko ito sa iyo, hindi ko lang maiwasan na humanga sa pisikal mong katangian.” Pag aamin ko.
Tumayo si Khayat , at bigla na lang ito nag tanggal ng kanyang balabal at saplot sa katawan. Nag hubad ito ng tuluyan sa harapan ko at walang itinira na kahit Isang tela sa katawan.
Tumambad sa akin ang kabuohan ng kakisigan ni Khayat, perpekto ang bawat ukit ng kanyang katawan. Magada talaga ang hubog nito, lalo na at wala itong ano mang pangharang dito. Ngunit nang mapadako ako sa ibabang bahagi ng parte ng kanyang katawan, nagulat ako sa aking natuklasan. Walang ano mang nakalawit sa parteng iyon. Isa lamang itong buong balat ang naroon. Walang ari si Khayat.
“Ito ang pinagkaiba namin sa inyong mga tao, wala kami ng tulad sa Inyo. Hindi kami tinitigasan gaya ng nararamdaman mo. Sa katunayan, kaming mga Dwendulin ang mas namamangha sa inyong mga taga lupa. Kaya mas marami sa amin ang nahahalina sa inyong katangian. Tunay na sa lahat ng mga lalang dito sa mundong ating pinag sasalohan, kayo ang espesyal.” Ayon pa kay Khayat.
Lalo akong namangha sa aking nalaman. Itinanong ko kay Khayat kung paano sila nagpaparami at paano nalalaman ang kasarian nila gayong wala silang tanda sa kanilang katawan. At paano sila nagkakagusto sa ka uri nila.
Ayon pa sa kanya, Tulad din ng sa mga tao, sa hubog din ng katawan nalalaman ang lalake sa babae. At kung paano sila nagpaparami, nakikipagtalik din Ang mga ito. Pero iba ang kanilang pamamaraan. Gamit ang kanilang isipan, nagagawa nilang pag isahin ang kanilang mga diwa. At doon na pumapasok ang binhi sa katawan ng babaeng Duwendulin. Minsan lang nagiging Ina ang isang babaeng Duwendulin. At sa loob lang ng tatlong araw matapos ang pagsanib, kaya na itong lumuwal ng Isang sanggol na Dwendulin. Ito ang dahilan kung bakit mahala sa mga magulang na Dwendulin ang panatilihing ligtas ang kanilang anak hanggang sa paglaki nito. Dahil hindi na nauulit pa ang pagtatalik o pagsasanib sa kanila.
Hindi katulad ng mga tao, na minsan mas mahalaga ang pakikipagtalik kumpara sa pag aaruga at responsibilidad.
“Sana maranasan ko rin ang nararamdaman mo, maari ko bang makita o mahawakan ang bagay na iyan?” Ang bigla nitong naging hiling sa akin.
Pinagbigyan ko si Khayat, nag tanggal din ako ng lahat na meron sa katawan ko. Hubad na akong naka tayo sa harapan ni Khayat. Kinuha ko ang kamay niya at inilapit ito sa nakalawit na bahagi ng aking katawan. Nagulat ito sa anyo ng aking titi. Idinampi ko ang palad nito sa katawan ng aking ari, pinahawakan sa kanya habang nakaalalay ang aking kamay.
“Mabuhok din pala ang bahaging ito, parang uod na parang sa ahas ang hugis ng dulo. Tila may kabute kang karga sa katawan mo at mahugat pa.” Sabi pa ni Khayat habang hinihimas himas ang ari ko.
Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kiliti at gapangan ng libog sa katawan dahil sa paghagod na iyon sa akin ni Khayat. Hanggang sa tuluyan na itong nagkabuhay, tumigas, humaba , at tumingala.
Nabigla si Khayat ng kusang gumalaw ang titi ko. Naaliw ito at mas hinimas pa ng husto ang kahabaan ko. Hinayaan ko si Khayat sa kanyang ginagawa sa akin. Hindi na mag kasya sa Isang palad nito ang tirik na tirik ko ng titi. Kaya dinalawa na nito ang pag hagod sa akin. Napapikit na lang ako sa sarap dahil sa sensasyong dulot ng mga pag hagod na iyon ni Khayat.
Napansin kami ng iba pa, at nakihawak na rin sa akin. Salitan nilang nilaro at hinahagod ang mahaba kong pag aari na gusto ng sumabog sa sarap. Napansin ng mga ito ang tila malagkit na luha na lumabas sa dulo ng ulo nito. Napatanong si Khayat. Hindi na ako tumugon. Tumingin na lang ito sa akin ng may pag amo.
Dinilaan iyon ni Khayat, unang dampi pa lang ng dila nito , parang inaangat na Ang mga binti ko sa ere. Hanggang sa ang mga pag dila ay naging pag subo na. Siyam na mga bibig ng mga Dwendulin ang salitang sumusubo sa dala kong kabute. Sarap na sarap Ang mga ito na animoy kumakain ng hita ng manok.
Hindi ko na nakayanan pa ang lahat at napakapit na lang ako sa tabing ng tulda. At noon nga buong buhos kong pinakawalan ang dagta ng aking pagkalalake. Sumambulat ito sa kanilang mga mukha. Nalasahan ito ni Khayat.
“Matamis ang punla ng mga tao.” Tugon pa nito.
Kinabig ko ang mukha ni Khayat at hinalikan ko ito sa kanyang labi. At sa pag lapat ng aming mga bibig, nagulat na lang ako ng matagpuan ko ang sarili ko sa Isang lugar na puno ng mga kumikinang na mga ugat puno, kasama si Khayat. At doon nagkakatitigan lang kami ngunit ramdam ko na tila may lumulukob sa aking enerhiya. Hindi ko maipaliwanag ngunit ang sarap sa pakiramdam, muling nabuhay ang libido ko sa katawan. Pakiramdam ko ,tila may kung anong bagay ang pumasok sa katawan ko.
Sa pangalawang pagkakataon, tumagas muli sa akin ang dagta ng pagnanasa. Nakita kong ngumiti sa akin si Khayat. Lumiwanag ng nakakasilaw ang paligid at sa pag mulat ko. Bulagtang nakatulog sa harapan ko sina Khayat at ang walo pa.
Ibang karanasan ang maranasan ko ng mga sandaling iyon kasama ang mga Dwendulin. Lalong nabuksan ang aking kamalayan sa mundo ng mga engkanto at maligno dahil sa mga nangyari sa akin.
Nagising ako kinabukasan na wala na loob ng tolda sina Khayat, lumabas ako at Nakita ko Ang mga ito na gumagawa ng banas dahil sa nabalot ng makakapal na niyebe ang paligid. Nang makagawa na ito ng madadaanan, agad na kaming kumilos upang galugarin ang bawat toreng bato sa paligid.
“Kailangan nating maghiwalay, mas maraming bato tayong maakyat, mas malaki ang pag asa na mahahanap natin ang tamang pugad kung saan naroon ang Daragit-Bawa.” Mungkahi pa ni Khayat.
Lumihis ako ng direksiyon upang simulan ang paghanap sa kinalalagyan ni Turo. May kalayuan na ako sa kanila ni Khayat. Sa aking pag suyod sa makakapal na niyebe, Lalo akong nabahala sa sitwasyon ni Turo. Sa lakas kasi ng bagyo ng yelo malamang hindi makayanan nito ang tindi ng lamig.
Nagpatuloy pa ako, at mula sa aking kinatatayuan Isang pamilyar na ingay ang aking narinig. Malapit lang ito sa akin, kaya nag mamadali akong hanapin ito.
At sa natibag na mga bato ,nakuha ng tingin ko paggalaw ng gabundok na niyebe. Hinanda ko agad ang aking kampilan para sa posibleng panganib na naroon.
At muli , narinig ko mula doon ang malakas na ingay ng nakakalibot na nilalang. At nang makita ko ang mabalisik nitong mga mata, napa atras ako. Isang Daragit-Bawa ang nasumpungan ko sa ilalim ng makakapal na niyebe. Tinapangan ko ang loob ko na lapitan ito. Ngunit naroon parin ang pagiingat at paghahanda.
Nang makalapit na ako sa kanya,napansin ko ang luha sa mga mata nito na tila ba nagmamaka awa at humihingi ng tulong.
Bukod kasi sa makapal na niyebe na tumabon na halos sa buong katawan nito, nadaganan din ito ng mga malalaking tipak na bato, na marahil bumigay sa bigat ng niyebe.
Hindi tulad ng nakita kong Daragit-Bawa na tumangay kay Turo, mas maliit ang isang ito , na kasing laki lang ng Isang magandang kalabaw.
Sinubukan kong lumapit sa hayop na ito, upang alamin kung ano ang magagawa ko. Hinawakan ko ang unahan ng tuka nito upang pakalmahin at iparamdam sa kanya na hindi ko ito sasaktan. Inilapit nito ang kanyang ulo sa palad ko na tanda na naiintindihan niya ako.
Malalaki ang mga bato na bumagsak sa katawan nito, at kahit ibuhos ko pa ang buo kung lakas hindi ko makakayang baklasin Ang mga ito sa kanya. Bukod dito, may makapal pa na niyebe na tumabon sa mga pakpak nito. walang tigil ang mahinang atungal nito na para bang nagmamaka awa sa akin.
Gamit ang dala kong pansalag,sinimulan kong maghukay malapit sa kanyang ulo, upang maka galaw ito kahit papa’ no. Nang matanggal ko na ang mga nakatabon na niyebe sa kanyang leeg, nag pupumiglas ito na para bang nagtatangka itong mai-angat ang sarili. Sununod kung bakbakin ang nasa magkabila nitong pakpak. At nang kunti na lang ang natira sa kaliwa nitong bagwis, bigla na lang itong nagwala at bumuwelo. Gamit ang malakas nitong mga pakpak at puwersa ng kanyang malaking katawan, naitulak nito ang kanyang sarili pataas dahilan para tumilapon Ang mga nakadagan ditong mga malalaking bato.
Namangha ako sa taglay nitong lakas, lubhang nakakatakot nga naman ang mga Daragit-Bawa. Maliit ang isang ito pero ang pinamalas nitong lakas sa harapan ko ay nagpanginig ng laman ko. Naisip ko bigla si Turo at ang Daragit-Bawa na kumuha sa kanya, duble ang laki nun dito sa isa.
Napaatras ako nang umakmang lalapit ito sa akin. Ngunit nagulat ako nang yumuko ito at inilapit ang ulo nito sa akin. Maingat kong inangat ang aking braso, tsaka inilapat ko ng dahan dahan ang aking kamay sa kanyang mabalahibong nuo. Nakita kong pumikit ang mata nito at nag bigay ng kakaibang tunog. Mas mahinahon at matining na parang tunog ng Isang naglalambing na pusa. Napangiti ako.
Sinubukan kong kausapin ang hayop, sinabi ko sa kanya na tinangay ng kauri niya si Turo at nais ko itong hanapin at iligtas ngunit hindi ko alam kung saan ko Ang mga ito matatagpuan. Napansin ko na tila nakikinig sa akin ang Daragit-Bawa at nauunawaan nito ang sinasabi ko.
Bigla na lang ibinaba ng hayop ang katawan nito, na para bang nais nitong sakyan ko siya. Nakiramdam ako noong una, at nang maramdaman kong wala namang panganib sa kanya. Sumampa na ako sa likod nito. Hindi pa man ako naka puwesto sa kanya, Pumagaspas na ito at parang kidlat ito na bigla na lang bumulusok paitaas. Napakapit talaga ako ng mahigpit sa mga balahibo nito sa kanyang batok.
Mula sa itaas , natanaw ko sina Khayat na nakatingala sa akin habang inaakyat ang matarik na mga bato.
Lumipad pa ng mas mataas ang Daragit-Bawa, nakakalula ang taan na naabot namin na halos hindi ko na kita ang kalupaan. At mula sa himpapawid nakita ko kung gaano ka ganda ang mga tuktok ng mga tureng bato. Para itong mga maliliit na isla na nakalutang sa mga ulap.
Ang bawat mga maliliit na isla na naroon ay may mga dalawa o tatlong mga Daragit-Bawa na nagpapahinga doon. Muli na namang umatungal ng malakas ang sinasakyan kong Daragit-Bawa na tinugunan naman ng mga iba pa. Nakita ko na nag siliparan Ang mga ito at sumusunod sa amin.
Nagpaikot ikot pa sa ere ang Daragit-Bawa na sinasakyan ko at Ang mga nakasunod sa amin tudo hawak naman ako sa leeg nito sa takot na mahulog ako. Ang tulin ng lipad namin na hindi ko na halos marinig ang pagaspas ng kanyang mga bagwis, dahil sa hangin na nasasalubong namin.
Hindi ko na alam kung gaano na kami ka layo. Isang mas malapad na tila isla ang napansin ko. Nang mas malapit na kami,doon ko pa nakita ang mas marami pang mga Daragit-Bawa bawa na nag kukumpulan sa mga bato, at paligid doon. Mas malalaki at ibat iba Ang mga kulay, mas matitingkad at nakakamangha. Sa laki ng mga ito nagmimistulang kuting lang ako sa laki nila.
Tulong mula sa kalaban
Lumapag kami doon, at mula sa malaking kuweba lumabas ang mas malaki sa kanila. Mas makapal Ang mga balahibo nito sa ulo na parang liyon. Mas malaki ito sa lahat. Dito ako natakot ng husto. Ibinaba ng sinasakyan kong Daragit-Bawa ang kanyang sarili upang maka baba ako.
Napansin ko ang pag lapit din sa amin ng iba pa sa paligid. Umaatungal ang sinakyan kong Daragit-Bawa na para bang binantaan Ang mga lumalapit na layuan ako. At gamit ang malapad nitong pakpak, Tinaboy nito ang iba.
Nag labas naman ng nakakabinging tunog ang mas malaki sa kanila. Dahilan para magpulasan palayo Ang mga nasa paligid. Lumapit sa kanya ang sinakyan kong Daragit-Bawa. Nakita ko Ang ginawa ng malaking Daragit-Bawa sa kanya. Nagkiskisan ito ng kanilang mga ulo. Doon ko napagtanto na anak pala nito ang sinakyan ko kanina.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero tila nag uusap ang mga ito, na para bang nagsusumbong ito. Muling bumaling sa akin ang malaking iyon at inamoy amoy ako nito. Nagulat na lang ako nang marinig ko itong nagsalita.
“Isang dayo, pangahas na taga lupa. Hindi ito ang mundo niyo, bakit kayo nandito?” Tanong pa nito sa akin.
Sinabi ko sa kanya ang tunay na dahilan ng pag kari ko sa daigdig nila, at ang pakay ko sa lupain ng Alpanam. Agad ko din hinanap sa kanya si Turo at ang isang Dwendulin na tinangay ng Isang Daragit-Bawa.
“Hindi kami kumakain ng tao, o ano mang nilalang bukod sa mga hayop sa harang. Wala dito ang mga hinahanap mo. “ Sabi pa nito.
“Impossible!” Sabi ko, ipinaglaban ko na Isang Daragit-Bawa bawa ang tumangay kay Turo.Dahil kitang kita ko mismo.
“Maaring isa nga sa amin ang may kagagawan ng pinagbibintang mo,ngunit wala iyon dito. Tulad ng iba, may dalawang uri Ang mga tulad namin. May mga mabuti, at may mga masasama. Mapanganib at mababangis.” Ayon pa dito.
Lumapit sa amin ang sinakyan kong Daragit-Bawa, muli nitong kiniskis ang kanyang ulo sa katawan ng kanyang ama.
“Kung wala dito, saan ko maaring mahanap ang kumuha sa kasama ko?” Tanong ko.
“Sa mapanganib na bundok ng Dag-um, sa kuta ng mga Landong-Daragit. Ngunit imposibleng marating mo iyon sa subrang layo. Bukod sa mapanganib.” Sabi pa nito sa akin.
Ang mga Landong-Daragit ang mababangis na uri ng mga Daragit-Bawa. Sila ang mga matatakaw na nandadagit ng mga nilalang tulad ng mga Dwendulin. Dahil sa pag dadaan ng mga ito sa kuta ng mga maaamong Daragit-Bawa,kung kayat madalas Ang mga Daragit-Bawa ang ginagantihan ng mga biktima ng mga Landong-Daragit.
Mas maiitim ang mga balahibo nito at mas malalaki kumpara sa mga Daragit-Bawa.
Sa tulong ng ama ng Isang Daragit-Bawa, nag sama ako ng Ilan pa sa mga ito pagbalik sa kinaroroonan nina Khayat. Sa talas ng paningin ng mga Daragit-Bawa madali nila nakita sina Khayat na noon nasa gilid parin ng Isang toreng bato. Napansin ko ang takot sa mga ito ng makita kami na patungo sa kanila.
Agad kong itinaas ang aking kampilan upang makita nila ako. Sakay parin ako sa Daragit-Bawa na tinutulungan ko at binigyan ko ng pangalang si Bagwis.
Ako ang unang lumapit sa kanila. At nang makita ako ni Khayat na sakay ng Isang Daragit-Bawa, nagtaka ito kung bakit ko napaamo ng ganun Ang isang mabangis na nilalang.
“Huwag kayong matakot , mga kaibigan Ang mga ito, mababait sila ang tutulong sa atin para makita natin ang minamahal mo. Tig iisa kayo sa mga iyan. Nakakalula sila kaya ingat.” Agad naman kami lumipad palayo doon.
May pag alinlangan man, sinubukan pa din nila ang pagsakay sa mga Daragit-Bawa na kama ko. Nauna kami ni Bagwis at kasunod lang namin sila. Pakiramdam ko kaisa ko si Bagwis habang lumilipad kami, nararamdaman ko ang tibok ng puso nito at ang bawat galaw ng kanyang hininga. At sa hindi ko maipaliwanag na paraan, tila naririnig ko ang boses ni Bagwis sa utak ko.
Bumilis pa ang lipad namin, mas mabilis pa sa una. Hanggang sa narrating namin ang Dag-um. Isa itong matarik na bundok na puro matutulis na bato ang nasa palibot. Balot ito ng mga alimuong at itim na ulap ang bundok.
Mahinahon na ang paglipad namin sa itaas ng mga ulap, nakikiramdam Ang mga Daragit-Bawa na kasama namin. Sa anyo pa lang ng lugar ,kita mo na ang panganib na lumulukob dito.
Nang walang ano -ano, sinalubong kami ng mga Kabugan. Mga nilalang na kasama ng mga Landong-Daragit na naninirahan doon. Maliliit ang mga ito, na kasing laki lang ng isang gansa, ngunit ang matutulis nitong mga tuka na may matatalas na ngipin ang lubhang nakakatakot sa kanila. Itim ang kulay ng mga ito na parang sa uwak, may malapad na pakpak ng tulad sa paniki at may paa matutulis na kuko sa mga paa. Pula Ang mga mata nito.
Napakarami nito ,dahilan para magwala Ang mga dala naming mga Daragit-Bawa. Hinahampas kasi ng mga ito ng napakalakas ang kanilang mga malalapad na pakpak para itaboy palayo Ang mga Kabugan.
At dahil teritoryo nila ito, malakas at mas agresibo sila kung umatake sa amin. Pero dahil sa ang mga ito ang mas madalas na nakakaharap ng mga Daragit-Bawa, alam na ng mga ito kung paano protektahan ang kanilang sarili.
Tumolong din kami upang maitaboy sa daraanan namin ang mga makukulit na mga Kabugan. Gamit ang talas ng aking kampilan, pinag hahampas ko ang mga ito ng dala kung kampilan. At gamit naman ang mga kanilang pana, pinaulanan nina Khayat ng mga palaso ang mga Kabugan. Walang mintis ang bawat pag pana nila. Asintado ang bawat nilang tira. Nang makarinig kami ng nakakabinging atungal, malakas at nakakapanginig ng laman. Agad na nagpulasan ang mga Kabugan ng umalingawngaw sa buong paligid ang atungal na iyon ng hayop.
“Ang Landong-Daragit”. Wika pa ni Khayat.
“Humanda kayo mas malaki ito. “ Tugon ko.
Mula sa iyang yungib, lumabas ang nakakatakot na nilalang. Mabangis ang mukha nito na para bang mananakmal ano mang oras. Higit na mas malaki ito sa mga dala naming Daragit-Bawa. Bumuwelo ito upang umatake. Biglang sugod ito sa amin, na agad naman namin nailagan.
“Khayat, kayo na ang maalam na mag ligtas sa iyong mahal sa kasama ko. Kami na ni Bagwis ang haharap sa Isang ito.” Wika ko pa.
“Tayo ang haharap sa kanya. Ang mga tauhan ko na bahala sa kanila. Mas kakailanganin mo ang tulong ko dito.” Tugon pa ni Khayat sa akin.
Mahirap patamaan ang Landong-Daragit mas mabilis ito sa inaakala namin. Makapal Ang taglay nitong balat kaya hindi ito natatablan ng mga palaso mula sa pana ni Khayat.
Naisip kong gamitin ang sandata mula sa bakunawa. Tinawag ko ito na agad naman lumitaw sa aking kamay. Nagulat si Khayat ng masilayan sa kamay ko ang espada mula sa bakunawa. At maging ang Landong-Daragit tila natakot ng itinaas ko ang espada. Nang walang anu-ano, narinig ko sa aking isip ang boses ng Isang babae. Nakipag usap sa akin ang Landong-Daragit sa pamamagitan ng aking isip.
“Hahayaan ko kayong mabawi ang inyong pakay, Huwag mo lang ako bawian ng buhay.” Pakiusap pa nito sa akin.
Napagtanto ko nang mga sandaling iyon na kinakausap ako ng Landong-Daragit. Ayon pa kay bagwis, buntis daw ito at oras na lang ang hinihintay nito para mangitlog. At kinakailangan ng Landong-Daragit ang sapat na pagkain para sa kanyang mga anak kaya nag iimbak ito at sa kasamaang palad na dali nito si Turo. At ang kasintahan ni Khayat.
Hindi ko alam bakit ganun na lang katakot ang Landong-Daragit sa espada ng Bakunawa. Marahil dahil sa taglay nitong kakayahan at kapangyarihan. Maging ang mga kauri ni Bagwis na mga Daragit-Bawa ay takot din dito. Sinundan namin ang Landong-Daragit, dinala kami nito sa isang butas sa ibabaw ng mabatong bundok. Namangha ako sa aking nakita sa loob ng kuweba na iyon. Kumikinang at lumiliwanag ito dahil sa mga kristal at mga brilyanting na nasa pader nito. Tila mga bituin ito na nagkikislapan. Walang ilaw sa loob ngunit maliwanag.
Hinanap ko sa paligid ang mga kauri ng Landong-Daragit ngunit wala man lang kahit isa akong nakita.
Humakbang pa ang Landong-Daragit sa tila tulay na bato sa gitna ng napakalalim na bangin sa loob ng kuweba. Nang nasa gitna na ito ng tulay na bato, nagpapadyak ito at umatungal ng napakalakas sabay bukas ng malaki at mahaba nitong pakpak. Kanya itong pinagpag ng makailang ulit. Muli itong humarap sa amin at tinitigan kami sabay bigay ng nakakapanginig na ngurob. Nang walang anu-ano, mula sa ilalim ng malalim na bangin, nagsilabasan ang laksa-laksang mga Landong-Daragit, pumaibabaw ito at pumuwesto sa bawat sulok ng kuweba. Sa dami ng mga ito halos matakpan na ang kinang ng paligid.
Napaatras kami ni Khayat, maging ang mga sinasakyan naming Daragit-Bawa ay naramdaman namin ang kanilang pagkabalisa at takot. Panay ang ungol nina Bagwis. Nilabas ni Khayat ang pana nito at kanyang hinanda, ako naman ay mapahigpit sa hawak kong espada.
“Mukhang isang patibong ang napasok natKali, wala talaga silang balak na ibigay sa atin ang kanilang bihag.’ saad pa ni Khayat.
“Kung iyan ang kagustuhan nila, hindi sila patatawarin ng espada ko.” ang tugon ko.
Muling umatungal ng napakalakas ang Landong-Daragit. Muli ko na naman narinig sa isip ko ang boses ng babae.
“Magbigay pugay sa pagdating ng inyong prinsipe “
Kasunod nun ang sabay-sabay na pag-atungal ng iba pa. Nakakabingi ang mga atungal nila. Tinanong ako ni Khayat kung ano ang nangyayari, sinabi ko naman ang aking narinig. Kinausap ko si Bagwis kung ano ang ibig sabihin ng Landong-Daragit ngunit maging ito ay hindi rin naiintindihan ang nangyayari, hanggang sa tinawag itong anak ng Landong-Daragit.
“Hindi ko inaasahan ang pagdating mo sa kaharian natin anak ko.” saad pa ng Landong-Daragit.
Napaurong si Bagwis na tila naguguluhan. Umangal ito na tila hindi tanggap ang pagtawag sa kanya ng Landong-Daragit na anak. Pinakalma ko si Bagwis, bumaba ako sa kanya para lapitan ang Landong-Daragit upang kausapin. Pinigilan pa ako ni Khayat sa takot na mapahamak ako. Puno man ng kaba sa dibdib ko, may tiwala naman ako sa hawak kong espada. Nagpatuloy ako sa paglapit sa Landong-Daragit. Nang nasa harapan na ako nito, yumukod ito sa akin at inilapit sa ulo nito sa ulo ko.
Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang lugar na purong puti ang paligid. Wala akong nakikitang kahit ano roon kung hindi isang malawak na espasyo na puting-puti lahat. Nang sa harapan ko, isang ubod ng gandang babae ang nagpakita sa akin. Wala itong kahit na anong saplot sa katawan. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay. Nang dumampi na ang mga palad namin sa isa’t-isa bigla na lang nag bago ang paligid namin. At naglaho narin ang babae.
Isang tagpo ang bigla na lang lumitaw sa aking harapan. Nilulusob ng mga higante at mga Harabas ang isang kaharian ng mga Daragit-Bawa. Marami ang nasawi sa mga Daragit-Bawa, marami naman ang nakatakas. Ikinagulat ko nang makita ko roon ang ama ni Bagwis kasama ang isang Daragit-Bawa na nanghihina. Maya-maya pa nagsilang ng isang itlog ang nanghinang Daragit-Bawa.
“Dalhin mo sa pagtakas mo ang anak natin. Hayaan mo na ako. Hindi ko na kayang lumipad pa ng matagal. “ Ang narinig ko sa salita ng nanghihinang Daragit-Bawa.
Kaboses nito ang tinig ng Landong-Daragit.
Lumipad ang ama ni Bagwis tangan ang itlog. Nakalayo na ito nang inabutan ng mga Harabas ang lupaypay na at hinang-hina ng Daragit-Bawa. Walang awa nilang tinalian ng malaking kadena ang Daragit-Bawa at pinahila ito sa dalawang higante. Dinala nila ang kawawang nilalang sa isang kulungang bakal. Isang huklobang Harabas na may tangang lalagyan ang lumapit sa naka-kadenang Daragit-Bawa. Pilit nitong pina-inum ng dala nito ang nilalang na iyon.
Mga ilang segundo pa matapos maka-inom ng likido mula sa huklobang iyon, bigla na lang nangisay ang Daragit-Bawa, kasunod nun ang unti-unting pag babago ng kanyang kulay at balahibo, maging ang laki nito. Ang dating Daragit-Bawa ay naging Landong-Daragit na ngayon. At iyon na nga ang nakaharap namin. Nanumbalik ang lakas nito ,at sa panibagong anyo nito lalo itong naging mabagsik at nakakatakot. Sa lakas pa nga nito, nadurog ang mga kadenang nakapulupot sa kanya.
Ginamit ng mga Harabas ang babaeng Landong-Daragit upang maparami ang lahi nito, at sa pamamagitan ng likidong pinapainom ng hukloban sa kanya, mabilis itong nangitlog ng ubod ng dami. Doon ko natuklasan na kayang mangitlog ng isang babaeng Daragit-Bawa kahit wala itong kapareha. Iyon nga lang mas mahihina ang uri nito kumpara sa itlog na kusang nabuo sa pagtatalik ng kaparehang Daragit-Bawa.
Naging mabangis at kinakatakutan ng lahat ang mga Landong-Daragit, dahil sa lahat ng mga nakikita nito ay kanilang kinakain. Kaya sila rin ang ginagamit ng mga Harabas sa tuwing may sasakupin ang mga itong lupain o kaharian.
Ngunit ng minsang nagkaharap sa isang sagupaan ang ama ni Bagwis at ang ina nito na naging Landong-Daragit na, muling nanumbalik sa ala-ala ng Landong-Daragit ang kanyang nakaraan. Nakilala nito ang ama ni Bagwis dahilan para umatras ito sa kanilang laban. Lumayo ang Landong-Daragit at nagtago sa mga Harabas. At dito sa isang mabatong bundok ng Dag-um napiling mamugad ng Landong-Daragit, nagparami upang bumuo ng panibagong hukbo para kanyang paghihiganti.
Matapos maipakita sa akin lahat ng iyon nakabalik na ako sa aking sarili na kaharap na ang Landong-Daragit. Napansin ko na lang si Bagwis na nasa likuran ko na. Narinig at nakita rin pala nito ang lahat na ipinakita sa akin ng kanyang ina.
Inilapit ni Bagwis ang ulo nito sa ulo ng Landong-Daragit at kiniskis ito roon. Hinawakan ko ang nuo ng Landong-Daragit at nag wika.
“Ipaghiganti natin ang lahi niyo. Tutulong ako upang maibalik sa dati ang lahat.”
“tatanawin kong malaking na utang na loob ang paglapit mo ng anak ko sa akin. Maari niyo ng kunin ang mga kaibigan niyo.” tugon pa ng Landong-Daragit sa akin.
Sakay ng isang Landong-Daragit sina Turo at ang kasintahan ni Khayat ng lumapag ito sa harapan namin. Agad ko niyakap si Turo ng makita ko ito. Masayang masaya ako nang muli kong naramdaman ang init ng kanyang balat at higpit ng kanyang bisig.
Nilapitan naman ako ni Khayat at hinalikan sa labi tsaka nag pasalamat dahil naibalik ko sa kanya ang kanyang iniibig.
Nagpaalam na kami sa Landong-Daragit ngunit nangakong magbabalik para ibalita ang pagtagumpay ng aking misyon.
“Ina, ihahatid ko lang sila sa kanilang destinasyon. Asahan mo na babalik agad ako.” paalam pa ni Bagwis sa ina.
“Ingatan mo sila anak,” tugon ng ina nito tsaka umungal ng malakas.
Nagsi-atungal na naman ang lahat ng mga Landong-Daragit, atungal na punong-puno ng galak at pag-asa. Nilisan na namin ang Dag-um at sa hangganan ng harang doon kami nagkahiwalay nina Khayat.
“Mula rito, matatanaw niyo na ang bundok ng Tura-tugo. Mas mapanganib ang bawat madaraanan niyo kaya ibayong pag-iingat kaibigan. Hihikayatin ko ang aming katribo para samahan ka iyong layunin, aasahan mo ang paparating na tulong. Gamitin mo itong pana ko, hindi ito nauubusan ng mga palaso at kaya nitong umabot kahit gaano pa ka-layo ang inaasinta.” Bilin pa ni Khayat bago ito lumisan kasama ang kanyang mga tauhan.
Si Turo ang pinagamit ko ng pana ni Khayat dahil mas maalam ito sa ganitong sandata. Nagpaalam naman ako kay Bagwis, ngunit bago pa man ito lumipad paalis nag iwan ito ng isang balahibo mula sa kanyang pakpak.
“Kung kailangan mo ako, ikulong mo lang ang pangalan ko sa balahibong iyan at darating ako.”
Niyakap ko si Bagwis, tanda na hindi pa iyon ang huli naming pagsasama. Nang lumisan na ito agad naman kami umusad ni Turo sa aming paglalakbay.
BAGONG LANDAS
Sa pagtawid ni Kali sa kabilang daigdig sa lupain ng Alpanam kasama si Turro, ibat-ibang mga elemental na nilalang ang mga nakaharap nito at nakilala. Mula sa mga taong lupa kung saan pinagkalooban ito ni Mugar ng isang pambihirang sandata at kalasag na hinubog mula sa katawan ng dakilang bakunawa. Hanggang sa marating nila ang hangganan ng Khan-la-un kung saan nakipagtunggali ito sa mga espiritu ng kalikasan na tinatawag na mga Nimfa. Na kalaunan gumawad din ng paggabay at basbas sa kanya, at nangakong magpapadala ng tulong kung kinakailangan. Nasumpungan din nila ang mga maiilap na mga Kuwangkig na paboritong usigin ng mga Harabas dahil sa natatanging taglay nilang kagalingan at kapangyarihan. Naroon din ang mga makamandag na Tukogan, mga buhay na tu-od na siyang bantay din ng lupain. At sa pagpapatuloy pa ng dalawa nakasalamuha ni Kali ang mga mandirigma ng Bhungyud, ang mga Dwendulin. Kung saan nakilala nito si Khayat. Pinunong hukbo ng mga sundalong Dwendulin. Nagtago ang dalawa nang tinangay si Turro ng isa dambuhalang ibong-pusa, na kilala sa lugar na iyon na Daragit-bawa. Isang nilalang na kasing laki ng dalawang pinagsamang kalabaw, mabalahibo, may ulo at mukha ng isang pusa ngunit may tuka ng sa agila, may malalapad, malalakas na pakpak ng tulad sa ibon at may dalawang paa na parang sa isang dragon at may napakahabang buntot na balahibo na tulad ng sa tandang. Dagdag pa sa pambihirang katangian ng dambuhalang nilalang na ito ay kaya nilang makipagusap sa tao gamit ang isipan. Nakaharap din ni Kali ang pinakamalaki sa lahat ng uri, ang Landong-daragit. Iyon din ang sandaling natagpuan ni Kali ang bago niyang kasangga sa laban, sa pag-usig sa mga kalaban. Si Bagwis, isang Daragit-bawa.
Sa pagpapatuloy ng kanyang adhikain na palayain ang mga inaapi sa karahasan, narating nila ang bungad na lupain ng Bahlbagan. Ang lupain ng mga Taglugar.
Sakay ni Bagwis lumapag sila sa isang mataas na bahagi ng lupa na tanaw mula doon ang makulay na kagubatan sa baba. Magka-halo, ang kulay pula, dilaw, berde, kahel, puti at iba pa dulot ng mga kulay ng dahon ng mga puno na naroon. Kakaiba at nakakamangha ang tanawin sa paligid. Nakakahalina ang ganda na siyang kinabahala ni Kali.
“Hanggang dito na lang kami, salamat sa paghatid Bagwis.” Wika ni Kali sa dambuhalang si Bagwis nang lumapag sila roon.
“Alam mo na kung paano ako tatawagin. Aasahan mo ang pagdating ko kung kinakailangan. Magingat kayo Kali” tugon ni Bagwis,at kumawag muli ito tsaka pumailanlang sa himpapawid at tila kidlat itong naglaho sa kaulapan.
“Akala ko ba sasamahan tayo ng alaga mong iyon? Bakit siya umalis?” Pagtataka ni Turro ng lumipad palayo si Bagwis.
“Kasama ko si Bagwis saan man tayo makarating. Darating siya kung kailangan. Sa ngayon maglalakad tayo. Madali ang kumilos ng malaya. Kaya halika na suriin na natin ang paligid. Aalamin natin kung nasaan na tayo.” Ani ni Kali.
“Hindi ba puwedeng magpahatid na lang tayo sa Bagwis mo sa kuta ni Ghur. Para isang biyahe na lang. Baka kung ano na naman ang makakasalubong natin sa daan.” Sabi ni Turro na bakas sa boses ang pag-aalala.
“Balot ng mahika at pananggalang ang buong lugar dito. Ayon sa mga Nimfa, maraming lagusan na nakakubli sa paligid at ilan sa mga iyon kamatayan ang dulo. Kaya bukod sa hangarin na makarating sa kuta ng mga Harabas, kailangan din natin ng dagdag na tulong mula sa mga naninirahan dito. Hindi ito ang mundo natin, hindi natin alam kung ano pa ang nakatago dito.” Ayon pa kay Kali.
Binabaybay ng dalawa ang isang malagong gubat. Nagmistulang kakulay ng dugo ang paligid dahil sa karamihan sa mga naroon ay kulay pula. Mula sa lupa, mga bato, halaman at mga puno may bahid ng pula. At habang papalalim na sila sa gubat na iyon, kapansin-pansin ang kakaibang ihip ng hangin sa paligid. Maalinsangan ang dampi ng hangin sa balat sa kabila ng balot ito ng mga mayayabong na kakahuyan. Maging ang mga balat at balahibo ng mga nakikitang mga hayop doon kulay pula.
Narating ng dalawa ang malapad na hawanan sa pusod ng gubat. Walang ano mang naroon sa paligid. Tila isang napakalawak na lupa lang ang naroon. Walang halaman o puno na tumutubo sa bahaging iyon ng gubat. Mas mainit ang hangin doon.
“Ano ang nangyari dito bakit patay na lupa lang ang narito, kahit maliit na damo walang tumutubo? Mukhang hindi maganda ang senyales nito Turro. May kutob akong di maganda sa paligid.” Napaatras si Kali pabalik sa mapunong bahagi ng gubat.
“Pansin ko nga din. Ang mabuti pa bumalik tayo, maghanap tayo ng ibang daan. Baka may kung ano diyan sa gitna, rason kung bakit hindi man lang tinutubuan ng mga halaman.” Sagot ni Turro na kinabig si Kali paalis doon.
Pabalik na ang dalawa sa dinaanan nila nang bigla na lang bumugso ang maalinsangan ngunit malakas na hangin sa paligid, at mas lumakas pa ito. Hanggang sa naramdaman na lang ng dalawa na hinihigop na sila ng malakas na hangin papunta sa gitna ng hawanan.
“Kumapit ka ng mahigpit sa braso ko Kali! Pilitin mong huwag matangay ng hangin. Kapit!” Sigaw ni Turro nang mapansin na lumuluwag ang kapit ni Kali sa braso nito.
“Masyadong malakas ang hangin, hindi ko na kaya! Turroooo!!!”
Tuluyang makabitaw si Kali kay Turro, nilamon ng pulang alikabok si Kali palayo sa lalake. Nang makita ang nangyari kay Kali, bumitaw din si Turro sa kinakapitan nitong puno at nagpatangay na lang din sa hangin upang sundan si Kali. Nilamon ng makapal na pulang alikabok ang dalawa at tinangay sa gitna ng hawanan kung saan bigla na lang sila naglaho na parang bula.
Panandaliang nawalan ng malay si Kali nang tangayin ito ng hangin. Nang magising ito sa ingay ng mga nag-uusap na tao sa paligid. Naalimpungatan ito nang matagpuan ang sarili sa isang tumpok ng mga tila nabubulok na basura. Halos bumaliktad ang sikmura ni Kali sa amoy na nalalanghap nito sa mula sa kinalalagyan nito. Agad itong bumangon at tumayo. Hinagilap si Turro sa paligid ngunit mag-isa lang siya ang naroon.
Napadpad si Kali sa tila isang palengke. Maraming tao sa paligid, napakaingay at maraming pagkain ang nakatinda. Kawangis ng mga tao ang mga nakikita ni Kali, walang kakaiba sa mga iyon kaya inakala nitong nakabalik ito sa mundo ng tao. Dahil maging ang kasuotan na suot nito halintulad din sa mga tao. Naglakad-lakad si Kali sa paligid sa pagbabakasakaling makita si Turro ngunit hindi niya talaga ito mahanap. Sinubukan nitong tawagin si Bagwis gamit ang kanyang isip ngunit hindi tumutugon ang kaibigan.
“Huy! Lalake doon ka nga! Nahahawa ng amoy mo ang mga isda ko! Alis doon ka sa iba maghasik ng baho mo! Alis!” Biglang bulyaw na sigaw ng isang ale kay Kali.
Napansin ni Kali na nakatayo pala ito sa tapat ng isang tindahan ng mga isda. Lumayo roon si Kali habang inaamoy ang sarili, maging siya hindi nagustuhan ang dumikit sa kanyang amoy kaya binaklas nito ang suot na balabal at naghanap ng lugar kung saan puwede na iyon iwan.
Maalinsangan ang paligid at ang init ng panahon, kaya mainam din ang pagtanggal nito ng balabal na suot. Nagpatuloy si Kali sa pagsuyod sa paligid habang hinahanap si Turro. Walang pinagkaiba ang lugar sa bayan ng Kan-Silay at Phatag na kanyang napuntahan. Aligaga ang mga tao at abala ang lahat sa mga kanya-kanyang tungkulin.
Sa pagmamasid-masid ni Kali isang tumatakbong lalake ang bumangga sa kanya dahilan para mapasandal ito sa pader. Nilampasan lang ito ng lalake na tila may tinatakbuhan. Nagkatinginan pa ang dalawa bago tuluyang maglaho sa kumpulan ng mga tao ang lalake. Nang sumunod pa may narinig na mga yabag ng kabayo si Kali na papalapit sa kanya. Inakala nito na mga kabayo iyon ng mga Harabas, lalo na nang mapansin nito ang pagtabi ng mga tao sa gilid ng daan na may pagkabalisa ang mga mukha. Hinanda ni Kali ang sarili, kinapa na nito ang ulong hawakan ng kanyang kampilan.
Nang matanaw na ang pinagmulan ng mga yabag ng kabayo na naririnig. Natigalgal si Kali sa kinatatayuan nito nang makita sa harapan niya ang mga papasugod na mga Thaihu.
Mga makikisig na nilalang na may ulo at mukha ng sa tao at mga paa ng sa kabayo. Mahahaba ang kulay pilak nilang mga buhok. Nakasuot ng makintab at kulay gintong baluti ang mga ito at may mga tabak at espada na nakasukbit sa kanilang mga katawan. Ngayon lang nakakita ng totoong Thaihu si Kali kaya namangha ito sa mga ito.
Matatangkad ang mga Thaihu, mas matangkad pa sa inaakala ni Kali kaya halos tingalain niya ang mga ito.
“Lalaking taga labas, wala ka bang nakitang kahina-hinalang tao dito na napadaan?” Tanong ng isang Thaihu kay Kali.
“May nakabunggo akong lalake kanina, hindi ko matukoy kung siya ba ang hinahanap niyo. Ngunit naglaho na siya sa mga kumpulan ng mga tao.” Tugon ni Kali.
“Arion, isa siyang tawid. Hindi kaya kasabwat din siya ng magnanakaw na iyon? Kargado siya ng mga armas. Baka pinagtatakpan niya lang ito at nililito tayo.” Biglang bulong ng isang Thaihu sa isa pa na nagngangalang Arion.
Matalas ang pandinig ni Kali na kahit ang mumunting bulong ng mga ibon sa malayo naririnig nito, kaya agad itong pinabulaanan ang hinala sa kanya ng isang Thaihu. Ngunit walang tiwala ang mga uri nila sa tao, kaya sa halip na paniwalaan si Kali. Nag utos si Arion na dakpin si Kali. Hindi pumayag si Kali kaya inilabas nito ang kampilan. Hindi naman nagpatinag ang mga Thaihu at naglabas din ng kanilang mga sandata. Limang makikisig na Thaihu ang kaharap ngayon ni Kali.
“Wala akong hangarin na labanan kayo, hindi ako naparito para makipag digma sa mga uri niyo. Kaya kung ayaw niyong dumanak ang dugo niyo sa mismong lupain niyo. Hayaan niyo ako.” Pagbabanta ni Kali.
“Sa ginagawa mo, pinatunayan mo lang sa amin na dapat kang dakpin. Isa kang banta sa katahimikan. Kayong mga Tawid, salot kayo sa mga tagarito. At hindi mo kami mapapaluhod sa espada mong iyan.” Tugon ni Arion.
“Pasensya kung iyan ang nais niyo. Hindi ko kayo uurungan.” Ani pa ni Kali.
Pasugod na hinataw ni Kali si Arion. Ngunit maagap na sinalag iyon ng espada ng Thaihu. Gumanti ito ng hataw kay Kali ngunit naiwasan ito ng lalake. Pinamalas ni Kali ang galing nito sa pakikipaglaban kakampi ang kanyang kampilan. Ngunit balewala lang para sa mga Thaihu ang kanyang ginagawa. Maliksi ang mga ito at makakapal ang mga suot nilang baluti. Hindi iyon kayang basagin at sirain ng talim ng kampilan ni Kali.
Hinihingal na si Kali ngunit hindi man lang nito napapatumba ang limang Thaihu.
“Sumama ka na lang ng matiwasay kung tunay na malinis ang hangarin mo sa pagkari. Mapapagod ka lang. Hindi mo kami kaya.” Ani pa ni Arion.
“Bakit hindi niyo na lang kasi hanapin ang hinahabol niyo. Lubayan niyo na lang ako.” Sagot ni Kali.
“Sino ka para utusan kami? Lapastangan!” Wika ni Arion na kita na sa mga mata nito ang pikon at galit.
Akmang muling susugurin ng apat na Thaihu si Kali nang bigla na lang may sumabog sa pagitan nila. Nabalot ng napaka-kapal na usok ang paligid. Sobrang kapal na halos wala ng makita sa buong paligid. Nagulat na lang si Kali ng may isang kamay ang bigla na lang humila sa kanya paalis mula sa lugar na iyon. Wala nang nagawa pa si Kali kundi ang umayon sa humila sa kanya.
Nang maglaho ang usok, naiwan sa lugar na iyon ang mga Thaihu na nagtataka sa biglaang paglaho ni Kali sa harapan nila.
“Magpakalat ng Manugtiid sa bawat hangganan at buong paligid. Kailangan mahanap ang taong iyon bago pa malaman ni haring Tahmur na may isang Tawid na naman ang nakapasok. At sabihin sa lahat na ang sino mang makaharap sa mga iyon ay may malaking pabuya mula sa hari.” Utos ni Arion sa kasamahan nito.
Muli na naman nahaharap sa isang sitwasyon si Kali na lilihis sa kanyang direksyon. Samantala, napunta naman si Turro sa isang madamong lugar na malapit sa isang ilog. Puro luntian ang paligid at payapa ang lugar, tanging ang lagaslas lang ng tubig ilog ang siyang musikang umuugong sa lugar. Hinagilap agad ni Turro si Kali sa paligid ngunit wala itong matanaw na kahit ano bukod sa luntiang paligid.
Sa paglalakad-lakad ni Turro, isang puting usa ang natagpuan nitong nakahandusay sa damuhan. Sugatan ito at nanghihina. May palasong nakatuhog sa bandang likuran ng puting usa. Mangangaso si Turro at alam niya na kagagawan ng isang tulad niyang mangangaso ang nangyari sa usa. Nilapitan niya ito at hinaplos ang katawan ng hayop. Nakaramdam ng pagkahabag si Turro lalo na nang malaman nitong buntis ang naturang usa.
“Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Tatanggalin ko ang palasong nakatarak sa iyo. Kumapit ka lang kaibigan. Ako ang bahala.” Ani ni Turro habang pinapakalma ang hirap na hirap na usa.
Napansin ni Turro ang pagtango sa kanya ng usa na tila ba naririnig at naiintindihan siya nito. Gamit ang maliit na patalim na dala, pinilas ni Turro ang bahagi ng sugat na may palaso ng usa upang madali nitong hugutin ang bagay na iyon. Ngunit nang sa punto ng paghugot ni Turro ng palaso,nagulat ito sa kanyang nasaksihan. Dahil sa halip na dugo ang lumabas sa sugat ng usa, umagos doon ang kumikinang na likido na kulay ginto. Bigla itong lumiwanag ng nakakasilaw kaya napaatras si Turro na hawak parin sa kamay ang binunot na palaso.
Nang lumamlam na ang liwanag, napansin ni Turro na muling bumalik ang lakas ng usa. At nang lapitan niya ito, naghilom na ang sugat nito. Tumayo ang usa at tumingin kay Turro. Yumukod ito sa harapan ng lalake, bago ito tumakbo palayo roon. Naiwan si Turro na namangha parin sa nasaksihan. Itatapon na sana nito ang hawak na palaso nang may napansin ito dito. Lumiwanag ito at nagbago ang anyo nun. Mula sa palaso naging isang napakagandang espada ito.
Hindi maipinta ang galak sa mukha ni Turro habang pinagmamasdang mabuti ang bagong sandatang hawak. Winasiwas niya ito at lalo itong naaliw dahil sa nalilikha nitong tunog sa tuwing sumasayaw nito ang talim ng espada sa hangin.
“Kung sino ka mang nagbigay nito sa akin, maraming salamat sa regalo.” Sigaw ni Turro, na para bang kinakausap ang paligid.
At tumugon naman kay Turro ang paligid, umiihip ang malamig na hangin tangan ang mga talulot ng mga puting bulaklak na ibinagsak sa palibot niya. Dahil sa bagong sandata, lumakas ang loob ni Turro na may magagawa na itong tulong para kay Kali.
Nilisan nito ang lugar na iyon upang hanapin si Kali.
Balik sa kinaroroonan ni Kali… huminto ito sa pagsunod sa lalaking nagligtas sa kanya sa mga Thaihu. Kinausap nito ang lalake at inusisa.
“Maraming mata ang mga Thaihu na iyon sa paligid. Kailangan mag tago tayo.” Wika ng lalake.
“Salamat na lang sa tulong ngunit hindi ako sasama sa iyo. Sige na iligtas mo na lang ang sarili mo. Kaya ko na ang sarili ko.” Tugon ni Kali.
“Nakita ko ngang maalam ka sa pakikipaglaban, may galaw ka ng isang mandirigma. Ngunit hindi mo matatalo ang mga iyon. Buti hindi ka ginamitan ng kapangyarihan ng mga Thaihu. Lalo na ang Arion. Kaya kung nais mo pang mabuhay, sumama ka na sa akin. Parehas tayong tao, kailangan natin ang isa’t isa.” Ani pa ng lalake kay Kali.
Bagama’t may pag-aalinlangan, sumama na si Kali. Dinala siya ng lalake sa isang tagong lagusan sa isang makipot na eskenita. Isang lihim na pasukan ang nilooban ng dalawa. At doon tumambad kay Kali ang iba pang mga katulad niyang tao na nagtatago sa lugar na iyon. Animoy isang komunidad na ng mga tao ang lugar. Ibat-ibang lahi, magkakaiba ang mga salita at mukha ngunit tila lahat sila nagkakaintindihan.
“Tawag namin sa lugar na ito, ‘Taguwankan’ na ibig-sabihin kublian. Ako nga pala si Huwan, mula sa bayan ng Katiklan. Ikaw ano ang pangalan mo? At taga-saan ka?” Tanong pa ng lalake kay Kali.
“Ako si Kali ng bayan ng Buk-lod.”
“Buk-lod? Saang bansa iyon? Malayo ba iyon sa Pilipinas?Bakit nakakapagsalita ka ng salita namin?” Usisang mga tanong pa ni Huwan.
“Hindi ko batid ang lugar na binanggit mo. Hindi ko pa naranasan ang maglayag sa malawak na karagatan. At kung paano ako nakakapagsalita ng tulad ng sa iyo, hindi ko alam. Nagkaisip na ako na ito na ang salita namin. Ano ba ang ginagawa niyo rito. Lahat ba na ng dito mga tao rin tulad natin?” Ani ni Kali.
“Lahat dito,mga tao…mga kinuha ng mga di natin kauri upang palahi-an,gawing alipin at ang iba upang gawing libangan at pagkain. Mga takas ang karamihan sa mga narito. At ang lugar na ito ang nagsisilbi naming tanggulan laban sa kanila.” Kuwento ni Huwan.
“Bakit hindi na lang kayo bumalik sa mundo natin. Bakit nananatili pa kayo rito, gayung hindi naman pala ligtas para sa inyo ang mundong ito?” Tanong ni Kali.
“Wala na kaming mapupuntahan, hindi na kami makakaalis sa lugar na ito. Wala na kaming katawan na babalikan sa mundo natin. Napalitan na kami lahat. Ikaw ba, paano ka ba napunta rito? Hindi ka ba kinuha mula sa mundo natin?”
“Kusa kong nilakbay ang daan papunta rito. Sa Khadulman ang tungo ko. Napadpad lang ako dito ng higupin kami ng malakas na hangin.” Sagot pa ni Kali.
“May kasama ka?… malamang nasa ibang lugar na iyon. At malabo mo nang mahahanap pa ang kasama mo sa lugar na ito. Tsaka huwag mo nang pangarapin ang mapuntahan ang Khadulman. Dahil bago ka pa makarating dun abo ka na.” Saad ni Huwan.
Sa narinig ni Kali, nangamba ito sa kalagayan ni Turro. Hindi nito kailangan magtagal sa lugar na iyon. Ngunit batid rin ni Kali na kailangan din ng mga kauri niya ang tulong. At iyon naman talaga ang dahilan nito kung bakit ito naroon sa lugar na iyon. May mga bagay pa na inalam si Kali ukol sa mga taong nandoon sa lugar. At napag-alaman ni Kali ang dahilan kung bakit hinahabol ng mga Thaihu si Huwan.
Galing sa pamilya ng mga babaylan at manugtambal si Huwan bago pa ito napunta sa lugar na iyon. Bente uno pa lang ito ng may isang kapre ang nagkagusto sa kanya at pilit siya dinala roon sa mundo nila. Dahil sa may angking alam si Huwan patungkol sa elemental na mundo. Nagawa nitong makawala sa piling ng kapre, ngunit nang bumalik ito sa mundo ng mga tao. Inangkin na ng ibang elemtal ang katawan niya. Hanggang sa natagpuan siya ng isang Agta at ibinalik sa mundo ng mga elemental at ibinenta bilang aliping laruan ng mga Harabas. Isang Mantiw ang tumutulong sa kanya na makatakas sa mga Harabas. Ngunit ang pagtulong sa kanya ng isang Mantiw ay siyang dahilan din ng pagpanaw ng Mantiw.
“At napadpad ako dito, sa pag aakalaing mga tao ang naninirahan dito, naging panatag ang loob ko. Ang hindi ko alam isang malaking impiyerno pala ang lugar na ito. Dito ko nakilala si Titutah, isang manggagaway na baylan at siya ang bumuo ng lugar na ito. Trabaho niya ang iligtas ang mga tao sa kamay ng mga masasamang maligno at engkanto na kaanib ng mga Harabas.Ngunit sa kasamaang palad na huli siya ng mga alagad ni Tahmur iyong mga Thaihu na iyon. Hawak nila si Titutah.” Kuwento pa ni Huwan.
“Kung nais mo lang iligtas ang sinasabi mong si Titutah, bakit ang sabi ni Arion, isa kang magnanakaw.” Ani ni Kali.
“Hindi pagnanakaw ang bawain ang bagay na hindi naman nila pag-aari. Hindi mo ba napapansin ang mga tao na narito? Ang ilan sa kanila tulala, walang emosyon, wala ng pakiramdam. Dahil dito.”
Isang makinang na butil ng kristal ang ipinakita ni Huwan kay Kali , kasing liit lang ito ng holen. Ayon kay Huwan, iyon ang pagkatao ng mga taong ninakawan ng katauhan ni Tahmur. Tinatanggalan ni Tahmur ng katauhan ang mga nabibiktima nitong mga tao. Ito ang nagsisilbing lakas ng hari upang manatiling buhay at may sigla.
“Isa si Tahmur sa nakikinabang sa mga dinadalang mga tao ng mga Harabas sa mundong ito. Natuklasan kasi ni Tahmur na higit na mas mabisa ang katauhan ng isang taong pisikal kaysa sa mga taong nakakatawid dito na isa ng espirito. At ayokong makulong na lang ang iba sa amin dito sa mundong ito na hindi nababawi ang kanilang katauhan. Kaya ninanakaw ko ito para ibalik sa kanila.” Ayon pa kay Huwan.
“Paano mo naman malalaman kung para kanino iyang hawak mo?” Tanong pa ni Kali.
“Ang bagay na ito mismo ang siyang hahanap sa kanyang katawan. Halika at ipapakita ko sa iyo kung paano ito nangyayari.”
Tinipon ni Huwan ang mga naroon sa gitna ng isang maliit na plasa. At doon kanyang muling nilabas ang mga nabawing katauhan na nakapaloob sa maliit na tila kristal na bilog. Marami-rami rin ang mga iyon at pagkalapag ni Huwan sa mga iyon sa gitna, kusa na lang umilaw ang mga iyon at lumutang sa hangin. Kasunod nun nagsiliparan ang mga iyon na tila hinahanap ang kanilang pares. Isa-isang tumapat sa mga napili nitong mga katawan ang mga tila holen na kumikinang. At sa isang iglap pa pumasok ang mga iyon sa noo ng mga nakatayong tao. Sa ilang saglit pa, ang dating tulala at walang emosyong tao, bigla na lang nagkaron.
Napangiti si Kali sa kanyang nasaksihan, humanga ito sa adhikain ni Huwan. Natuwa ito dahil hindi lang pala siya ang may malasakit sa kapwa tao. Dahil sa mga nakita ninais ni Kali na tumulong sa hangarin ni Huwan na muling mabawi ang mga ninakaw na katauhan sa mga taong nandoon.
Ang Pagpuslit ng Ala-ala
Sa nakita ni Kali ninais nitong makatulong sa layunin ni Huwan. Habang nagpapahinga si Huwan sa kanyang silid, pumasok doon si Kali at kinausap ito sa kanyang balak.
“Maraming bantay si Tahmur at lubhang mapanganib na pasukin ang kanyang pahingahan kung saan nakatago ang katauhan ng mga ninakawan niya. Bukod sa akin wala ng sino mang nakakapasok doon nang hindi niya namamalayan.” Sabi ni Huwan.
“Paano mo iyon nagagawa kung gayong mahigpit ang pagbabantay sa kanyang silid?” Tanong pa ni Kali.
“Dahil sa kinaadman ko na pinamana sa akin ng kaibigan kong Mantiw. May kakayahan akong kopyahin,gayahin ang mga bagay o nilalang sa paligid ko. Maging ang mag palit ng hugis o anyo ,laki at liit depende sa mga bagay na gugustuhin ko. Ang kailangan ko lang hawakan ang bagay na iyon tulad nito.”
Hinawakan ni Huwan ang upuan na nasa gilid nito at naging ganun din ang anyo nito. Namangha si Kali sa galing ni Huwan. Lalo pa itong namangha nang ginaya ni Huwan ang mukha at tindig nito. Hindi makapaniwala si Kali na nahahawakan niya at nakikita ang sarili sa katawan ni Huwan.
“Napakahusay, pero kung ganito naman pala ang kakayahan mo bakit kinailangan mo pang takbuhan ang mga Thaihu na iyon? Bakit hindi ka na lang mag panggap na tulad nila?” Ani ni Kali.
“Dahil may limitasyon din ang kinaadman ko. Saglit lang ang bisa nito hindi ito pangmatagalan. Sa tuwing napaparami ang pagpalit ko ng anyo nanghihina ako. Kaya hangga’t may pagkakataon sa piling sandali ko lang ginagamit ang kinaadman ko. Tao parin ako kahit isa na lang elemento. Sa mundong ito buhay pa ako, at kung sakaling masawi ako rito iyon na talaga ang wakas ko. At ayoko namang mangyari iyon. Patay na nga ako sa mundo natin pati ba naman dito. No way, highway.” Tugon ni Huwan na napangiti kay Kali.
“No way, highway? Anong salita iyon?” Pagtatakang tanong ni Kali.
“Ah salitang banyaga, ingles ang tawag dun narinig ko sa isang lalake na nailigtas ko. Bagong tawid lang din. Pilipino siya ngunit maalam sa wikang ingles.Isang ekspresyon lang ang sinabi ko. Wala iyong ibig sabihin. Basta hindi ako papayag na matatalo nila ako.” Sagot ni Huwan.
“Kung gayun Pilipino ang lahi mo.” Sabi ni Kali.
“Oo naman,isang matapang na mandirigmang Pinoy. Ikaw ba hindi?”
“Walang katawagan sa amin. Ngunit galing sa Buk-lod ang mga ninuno at lahi ko. Nilalang na tao.” Sagot naman ni Kali.
“Maaring sa iisang bansa lang tayo ngunit nabubuhay kayo sa ibang demensiyon. Naalala ko pa noon ang sabi ni lolo, hindi lang nag-iisa ang mundo natin. Dahil nahahati ito sa napakaraming demensiyon kung saan nabubuhay ang ibang mga nilalang na siyang nakikihati sa enerhiya ng planeta natin. At napatunayan ko iyan nang mapunta ako rito. At sa pakiwari ko nagmula ka sa ibang demensiyon kaibigan, masasabi ko iyan sa uri ng pananamit mo.” Paliwanag pa ni Huwan.
“Wala akong naiintindihan sa mga tinuran mo, ngunit batid ko na kung saan ka man nagmula, mabubuting nilalang ang mga lahi niyo.”
Sa maikling sandaling pagsasama, naging magaan ang pakikitungo ng dalawa sa isa’t isa. Tila nawaglit na sa isipan ni Kali si Turro at natuon na ang atensiyon nito sa mga tao na naroon sa Taguwankan. Ang kasabikang makatulong sa mga ito ang nangingibabaw sa puso at isip ni Kali. Pinagplanuhan ng dalawa ang mga hakbang sa gagawin nilang pagpuslit sa kaharian ni Tahmur.
Sa kabilang dako, sa kinaroroonan ni Turro. Malayo-layo na ang tinatahak nitong landas ngunit wala man lang itong masumpungan na kahit ano bukod sa malawak na patag na balot ng mababang damuhan. Nagsasalubong na ang liwanag at dilim sa kagiliran. Nakaramdam na ng pagod, gutom at uhaw si Turro ngunit walang bakas ng pagkakataon itong nakikita.
“Nahihilo na ako, pero hindi kailangan ko mahanap si Kali. Malakas ang kutob kong malapit lang siya. Susubukan ko pa sa unahan. May napansin akong usok sa malayo. Nawa’y may madatnan akong pamayanan sa dulo nitong daan.” Wika ni Turro sa sarili.
Nagpatuloy pa si Turro, nagising ang pag-asa nito nang may napansing usok mula sa malayo. Nilakihan at binilisan pa ng lalake ang kanyang mga hakbang hanggang sa matanaw na nga nito ang mga bahay sa dulo. Namutawi ang tuwa sa mukha nito habang papalapit sa mga kabahayan ngunit habang papalapit naman ito unti-unting nagbago at naglalaho ang ngiti sa kanyang mga mata. Napalitan iyon ng panglulumo at lungkot dahil sa tanawing unti-unting lumilinaw sa kanyang harapan. At nang marating ang inaakalang pag-asa. Isang nakakalunos-lunos na tagpo at tanawin ang bumungad sa kanya. Mga nasunog na bahay ang naroon, at ang nakitang usok ay nagmula pala sa mga nasunog na mga bahay doon. Walang natirang ligtas sa mga iyon. Lahat may bahid ng pagkasunog. Wala itong matanaw na ano mang buhay na gumagalaw sa paligid. Marahil nilisan na ng mga tagaroon ang lugar dahil sa nangyari.
Sinuri pa ni Turro ang paligid ngunit wala na itong nahanap na posibleng makapagsasabi ukol sa nangyari sa paligid. Biglang bumalik sa gunita nito ang sinapit ng mga kabayan sa Phatag. Rinig nito sa isip ang mga panaghoy at iyak ng mga tao na humihingi ng tulong. Doon na bumigay ang katawan ni Turro sa pagod kaya napasalampak na lang ito sa tabi ng isang kariton na may mga sako. Ang bagay lang na iyon ang hindi nadilaan ng apoy kay wala iyong bakas ng sunog.
Ngunit nang mapaupo doon si Turro, bigla na lang gumalaw ang mga sako. Napabalikwas ng tayo si Turro nang maramdaman iyon. Agad nitong hinugot ang espada at tinutok iyon sa mga sakong nasa kariton at dahan-dahang nilapitan muli. May nginig pa sa kamay ni Turro nang akma na nitong hahablutin ang nakatabon sa mga sako.
Sabay na nagkagulatan si Turro nang matanggal na nito ang takip ng kariton at tumambad sa kanya ang isang maliit na tao. Magandang lalake ito makisig hubo’t hubad at may bahid ng uling ang wala nitong saplot na katawan. Patulis ang tenga ng nilalang at nakatayo ang kulay pula nitong buhok. Balot ng takot ang mukha nito at nanginginig na nakatingin kay Turro habang nakatutok sa kanya ang espada ng lalake. Napaatras si Turro at muling ibinalik ang sandata sa lagayan nito bago nilapitan muli ang lalaking nasa kariton.
“Gamitin mo itong balabal ko na pantakip diyan sa katawan mo.” Wika ni Turro nang tinanggal nito ang suot na balabal at inabot sa lalake.
Kinuha naman iyon ng lalake at pinangtabon sa katawan tsaka bumaba ito sa kariton. Maliit ang lalake na abot puson lang ni Turro ang taas.
“Ako nga pala si Turro, huwag kang matakot hindi ako masamang tao. Ikaw, anong pangalan mo kaibigan?”
“Luluwako ang pangalan ko tao.” Sagot ng lalake kay Turro.
“Maari mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyari rito at bakit ganyan ang ayos mo? Nasaan na ang iba? Tsaka anong uri kayo?” Katanungan pa ni Turro.
“Sinalakay ng mga Dalaketnun ang lugar na ito, nabihag ang karamihan sa amin ang iba natago sa ligtas na lugar. Naisipan kong ikubli ang sarili ko sa ulingan kaya ganito mo ako nakita. Natakot ako, ang akala ko bumalik sila at nahanap ako.” Ang may takot paring kuwento ni Luluako.
“Ano ang mga Dalaketnun at bakit ginawa nila ito sa inyo?” Tanong pa ni Turro.
“Nagpasakop na sila sa kapangyarihan ni Ghur. Kaya wala na silang pinipili. Lahat na lang nais nilang lipulin upang matakot sa kanila at sumunod sa kanila. Kaya kami nitong mga nananahimik naging parte na rin kanilang puntirya.” Tugon ni Luluako.
Mga uri ng mga tamawo si Luluako, isang Khamakama. Mga lamang lupa na may kakayahang manakit at maglapat ng sumpa sa mga tao, ngunit sa mundo nila balewala ang kanilang kakayahan lalo na sa mga mas malalakas na uri ng mga tamawo ang mga Dalaketnun. Kilalang mapaglaro at masiyahin ang mga Khamakama ngunit sa paghari ng mas madilim pa sa dilim na kapangyarihan ni Ghur naglaho ang kanilang saya at napalitan ng takot at pagkabahag.
Napansin ni Luluako ang pagod at gutom sa mukha ni Turro kaya pinasama niya ito sa kanya. Walang pag-alinlangan namang sumama si Turro sa isang Khamakama. Tinungo nila ang isang bahay na nandoon. Saglit na napahinto si Luluako at may dinampot sa sahig, isang patulis na sombrero na may bahid na ng sunog. Niyapos iyon ng lalake at niyakap ng kay higpit tsaka napaluhod tapos napaiyak. Pinagmasdan lang ni Turro si Luluako at hinayaang maglabas ng nararamdamang pighati.
Kapatid ni Luluako ang may-ari ng naturang sombrerong hawak. Ramdam ni Turro ang lungkot ng lalake dahil iyon din ang naramdaman nito noon nang mawala ang buong pamilya sa kamay ng mga Harabas. Likas sa mga Khamakama ang mapagtanim ng galit at puot lalo na kung nasasaktan. Matatapang at mababangis ang kanilang uri at mabalasik ang kanilang ganti kapag kinakanti. Ngunit sa pagkakataon na iyon tila nilukuban ng kaduwagan at takot ang uri nila dahil ang mababangis nilang reputasyon ngayon nasira sa kamay at kapangyarihan ni Ghur.
“Maniwala kang may pag-asa pang maililigtas mo sila. May dahilan kung bakit nananatili ka pang buhay. May katapusan din ang lahat ng kasamaan at muling hahari ang balanse ng kapayapaang.” Wika ni Turro.
“Isang pagpapatiwakal ang kalabanin ang puwersa ni Ghur. Ang kailangan na lang gawin ang tumakbo at magtago.” Tugon ni Luluako.
“Kadakilaan ang magbuwis ng sariling buhay para sa kalayaan ng karamihan lalo ng mga mahal natin sa buhay. Walang patutunguhan ang pagtakbo at magtago sa takot. Mauulit lang ang karahasan kung walang tatayo para manindigan at lumaban. Gawin mo’ng apoy sa puso mo ang galit sa nangyari sa mga kalahi mo lalo na sa pamilya mo. Pagalabin mo ang tapang at huwag kang matakot na harapin ang kalaban.” Sabi pa ni Turro sabay abot ng kamay nito kay Luluako na nakasalampak sa sahig.
“Sino ka ba? Isa ka lang tao na napadpad sa mundong ito ngunit kung makapagsalita ka tila wala kang pangamba at takot sa masusumpungan mo sa daigdig na ito.” Wika ni Luluako nang tumayo ito.
“Nilakbay namin ang mundo niyo upang wakasan ang kasamaan ni Ghur na umabot na sa mundo namin. Nakalaan na ang buhay namin para sa kalayaan ng mga naulila, nawalan at mga biktima ng karahasan ng mga kampon ni Ghur. Sinadya namin ang mundo niyo para harapin ang kinakatakutan niyo. Gabay namin ang langit at ang lumalang sa atin.” Ani pa ni Turro.
Namangha si Luluako sa determinasyon ni Turro at sa lakas ng loob nito. Ngunit hindi siya katulad ni Turro.
“May kasama ako at siya ang magiging sandata natin laban kay Ghur, tulungan mo akong mahanap siya. Taglay ni Kali ang basbas at pahintulot ng mga espiritung bantay ng kalikasan. Siya ang tatapos sa kadiliman na bumabalot sa mga mundo natin.” Wika ni Turro.
“Kung siya nga ang inadya para wakasan si Ghur handa akong tulungan ka sa aking magagawa. Malawak at kumplikado ang mundo namin. Mapanganib para sa mga tawid na kagaya mo. Ako na ang maalam sa iyo mula ngayon. Tutulungan kitang mahanap ang Kali na hinahanap mo.”
Lumukob na ang dilim sa kalupaan at dagdag panganib iyon kung magpapatuloy pa si Turro sa paglalakbay. Sa nasunog na bahay na iyon ni Luluako nagpalipas ng gabi si Turro. Ipinaghanda ito ni Luluako ng makakain at maiinom tsaka nilatagan ng mahihigaan. Malamig ang samyo ng hangin. Naka-idlip na noon si Turro nang marinig ang panginginig ni. Luluwako sa isang tabi. Bumangon si Turro at ginising si Luluako upang patabihin sa kanya.
“Hayaan mong punan ko ng init ng katawan ko ang lamig na iyong nararamdaman Luluako.” Wika ni Turro sabay kinabig ang lalake at kinulong sa malalaki nitong mga braso.
Hindi na tumanggi pa si Luluako ako tuluyan pang isiniksik ang sarili sa katawan ni Turro hanggang sa kapwa na sila nakatulog ng mahimbing.
Mula sa itaas ng pinagkukublihan tanaw ng dalawa Kali at Huwan ang malawak na sakop ng Achasia, ang lupain kung saan pinamumunuan ni Tahmur na isang Sarangay. Handa na ang dalawa upang gawin ang naisip na plano ang palayain si Titutah at kunin ang mga natitira pang katauhan ng mga tao sa pahingahan ni Tahmur.
Mula sa kanilang puwesto may napansin si Huwan mga Dagbon, na kilala bilang mga Manugtiid ng mga Thaihu. Kawangis nila ang mga paniki ngunit may mahahabang buntot ng halintulad sa mga daga.
“Mga Dagbon, malamang tayo ang hinahanap ng mga iyan. Mukha lang sila mababait ngunit hindi mo gugustuhing pagpiyestahan ka nila at gutay-gutayin. “ Wika ni Huwan.
“Ano ang hakbang na binabalak mo Huwan?”
“Saan ba takot ang mga daga, hindi ba sa pusa? May ipapakilala ako sa iyo, Mharal oras na para magpakitang gilas. Nakahain na ang mga pagkain mo.” Sambit ni Huwan nang binuksan nito ang maliit na lalagyan.
Mula doon lumabas ang isang nilalang na kawangis ng isang pusa, may apat na mga Paa na may matutulis na mga kuko, may katawan at pakpak nang sa kuwago at may balahibo nang sa ibon. Isang Mhurogmon ang inilabas ni Huwan mula sa kanyang lalagyan. Ikinagulat ni Kali ang paglitaw ng alaga ni Huwan. Napaisip ito kung paano nagkasya sa maliit na bulsa ang malaking nilalang na iyon.
Isa sa mga paboritong alaga ng mga Mantiw at Kapre ang mga Mhurogmon, may kakayahan ang nilalang na ito baguhin ang kanyang laki, kaya nitong maging kasing laki ng isang dambuhalang mandaragat na triple ang laki sa kalabaw at kaya rin nitong maging kasing liit lang ng isang ibong pipit o mas maliit pa. Paboritong pagkain nito ang mga Dagbon. Maliksi at matulin kung lumipad ang mga Mhurogmon. At tulad ng mga Dagbon matatalas din ang kanilang pandinig, paningin pang-amoy at pakiramdam. Pangunahing pandepensa nila ang mga matutulis nitong mga kuko na may nakakamatay na lason.
Biglang naalala ni Kali si Bagwis ng makita ang Mhurogmon ni Huwan na si Mharal.
“Si Mharal na ang bahala sa mga bubwit na iyan. Halika na habang tahimik pa ang gabi Kali. Hayun ang pahingahan ni Tahmur, Ang tore na iyon. Nasa loob niyan ang pakay natin. Sunod sa plano ikaw ang pupuslit sa mga kristal at habang nagkakagulo tumakas ka agad. At ako na ang maalam kay Titutah.” Paglatag ni Huwan.
Agad na kumilos ang dalawa. Mabibilis ang kanilang mga paggalaw na animoy mga hangin. Matalas ang pakiramdam ni Kali kaya kahit may kadiliman nakakakilos ito ng maayos. Nakipagsabayan ito sa bilis at liksi ni Huwan. Nang nasa malapit na sila sa tarangkahan ng palasyo ni Tahmur biglang huminto si Huwan. Kinutuban ito ng hindi maganda. Masyadong tahimik ang paligid, walang palatandaan ng mga nagbabantay na mga Thaihu. Katakataka ang madulas at walang hirap na paglapit sa tarangkahan. Pinaghanda nito si Kali. Sinubukan naman ni Kali ang bulong ng hangin at nakiramdam sa paligid. Ipinikit nito ang mata tsaka hinayaan ang ugong ng hangin na dumaloy sa kanyang tenga upang ihatid sa kanya ang mga nagyayari sa paligid. Nang may naririnig itong mga mahihinang yabag na papalapit sa kanila ni Huwan at saglit pa sa pagmulat ng mata ni Kali sabay nito hinugot ang kampilan at sinalag ang mga palaso na babagsak sa kanila ni Huwan. Napatingala ang dalawa sa bandang itaas ng tarangkahan.
“Sabi na nga ba, nakaabang sila.” Sambit ni Huwan na hinugot din ang espada nito.
“Napapaligiran nila tayo Huwan tila alam na nila ang pagdating natin.” Wika ni Kali nang paikutin ang tingin sa paligid.
Nasa limampung mga Thaihu ang nakapaligid sa kanilang dalawa at may nasa dalawampu naman sa itaas ng tarangkahan na handa silang paulanan ng mga pana sa maling kilos lang nila. Ngunit napaghandaan na ito ng dalawa. Wala na itong lingunan. Naunang kumilos si Huwan, doon na rin sumugod sa kanila ang mga Thaihu hawak ang kanilang mga espada. Sa gitna ng mga kalansing at ngitngitan ng mga espada sa madilim na gabi biglang nagpalit ng anyo si Huwan at ginaya nito ang anyo ng mga Thaihu. Dahilan upang malito ang mga ito sa kung sino at alin sa mga katulad nila si Huwan. Hindi na nila matukoy si Huwan at tanging si Kali na lang ang nakikita ng mga ito.
“Ipamalas niyo sa akin ang galing niyo mga mahihinang nilalang!” Pang-hahamon ni Kali sabay pakita ng ngiti na may tapang sa mga Thaihu.
Marami ng Harabas ang pinatumba ng kampilan ni Kali kaya may tiwala itong hindi siya bibiguin ng sandata sa pagkakataong iyon. Winasiwas ni Kali ang hawak na kampilan at lahat ng atake sa kanya kanyang na salag. Mabibilis at maliliksing kumilos ang mga Thaihu, napakahirap habulin at hulihin ang kanilang mga atake ngunit sinanay at pinalakas si Kali na kasabay ang hangin kaya hindi iyon naging sagabal sa kanya. Hindi man kasing bilis nito ang mga Thaihu, nararamdaman naman ni Kali kung kelan at saan aatake ang mga ito.
Wala pang natamong sugat si Kali ngunit ilan na sa mga Thaihu ang napuruhan ng kanyang kampilan. Walang humpay na hampas, bigwas at hataw ang naging pagkilos ni Kali. Sumasabay ito sa ritmo ng tunog ng kanyang kampilan na humahampas sa hangin. Tila sumasayaw ang kamay ni Kali sa habang sinasalag ang mga pag-atake sa kanya. Nang may binulong ang Thaihu na kaharap niya.
“Ilapit mo ako sa tarangkahan, ngayon na.” Boses ni Huwan.
Ngumiti si Kali at agad nitong itinulak ang kaharap na Thaihu sa papuntang tarangkahan at nang nasa bungad na ang dalawa bigla na lang may sumabog at nabalot ng napaka-kapal na usok ang paligid na halos wala na silang makita. Maging mga nasa taas ng tarangkahan nagulat sa nangyari. Wala na silang matanaw sa paligid at sa ibaba. Nang humupa ang usok, doon lang nila napansin na bukas na ang tarangkahan at wala na si Kali.
“Nasa loob na sila ng palasyo!” Sigaw ng isang Thaihu na nasa taas.
Nakapasok ng palasyo ang dalawa nang hindi namalayan ng mga bantay.
“Meron ka palang ganito sana nag ganito na lang tayo kanina. Nakipag espadahan pa tayo.” Wika ni Kali.
“Ginugulo lang natin sila. Mabibilis lang kumilos ang mga iyan ngunit wala silang talino. Tsaka may limitado lang ang kayang proteksiyon ng balabal na suot natin. Kaya lang tayo nito ikubli sa maikling oras. Sapat lang upang makapasok tayo.” Tugon ni Huwan.
“Makikita rin pala tayo kapag nawalan na ito ng bisa. Ngunit namangha parin ako. Hindi ko akalaing may mga ganito kang bagay. Bilang isang tao ang galing mo Huwan.” Ani ni Kali.
“Ang mga meron ako ay bigay sa akin ng mga kaibigan kong mga maligno at engkanto. Sa mga natulungan ko ang mga ito ang kapalit nun. Hindi lahat sa kanila masasama parang tao lang din. May mga yumayakap sa kasamaan ngunit lamang padin ang mabubuti. Tsaka likas na sa mga katulad nila ang mag bigay ng kapalit sa tuwing gumagawa ka ng pabor sa kanila.” Kuwento pa ni Huwan habang binabaybay nila ang mahabang pasilyo paakyat sa tore kung saan naroon ang pahingahan ni Tahmur.
Lalong humanga si Kali kay Huwan. Bukod sa pisikal na katangian ni Huwan ang personalidad talaga ng lalake ang pumukaw ng atensiyon ni Kali. Hangang-hanga ito sa tapang at adhikain ni Huwan na makatulong sa mga kauri man o sa mga nilalang na hindi kabilang sa mga tao.
Nang maramdaman ni Huwan na nawawalan na ng bisa ang balabal, muli nitong pinaghanda si Kali. Hawak ang kani-kanilang mga sandata nagpatuloy ang dalawa. Ngunit bago pa man sila lubusang makarating kay Tahmur. Hinarap na sila ni Arion.
Si Arion ang punong kawal ng mga Thaihu. Isa sa malalakas na sandata ni Tahmur.
Ang gintong hibla ng mga Thaihu
Nang nawalan na ng bisa ang mga suot nilang balabal pinaghanda na ni Huwan si Kali dahil paniguradong mapapalaban na talaga ang dalawa. Nasa pasilyo na sila patungo sa kinaroroonan ng mga kristal kung saan naroon din si Tahmur nang harangin sila ni Arion.
Napaatras ng bahagya si Huwan. Kilala nito ang kapasidad ng Thaihu na kaharap nila. Hindi basta-bastang mandirigma si Arion.
“Sinasabi ko na nga ba magkasabwat kayong dalawa. Ngayon pagsisisihan niyo ang kapangahasan niyo mga hangal na tagalupa.” Pagbabanta ni Arion sa dalawa.
“Huwag mong pangunahan ang pagkatalo mo. Tsaka nakakasawa nang marinig ang mga linyahan mo na iyan sa akin. Makailang ulit na ba tayong nagkaharap? Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako nahuhuli. Kaya puwede ba kabayo, tumabi ka na lang kung ayaw mo mamulutan ng tuyong damu. Mabait naman kami sa mga uri niyo eh. Iyon kung maging mabait din kayo sa amin”. Tugon ni Huwan tila hindi man lang nasindak sa kaharap na Thaihu.
“Hangal ka talaga, kung sa akala mo mapasunod mo ako puwes humanda kayong dalawa!!!”
Mabilis ang mga pagsugod ni Arion, para itong hangin kung kumilos sa unang pag kumpas nito ng kanyang espada natamaan agad nito sa balikat si Huwan ,sa braso naman si Kali. Ngunit sa mga sumunod na pag atake nahuli na ng dalawa ang kilos ni Arion. Nakakaiwas na ang mga ito sa mga bigwas ng Thaihu.
“Mauna ka na sa bulwagan ni Tahmur, ako na ang haharap sa Thaihu na ito!” Sigaw ni Kali kay Huwan.
Tumango si Huwan kay Kali at sinubukang takasan ang mga atake ni Arion. Ngunit tila walang balak ang Thaihu na bigyan ng pagkakataon ang sino man sa dalawa. Mula sa kung saan naglabas ng kadena si Arion at inihagis iyon kay Huwan na agad pumulupot sa leeg ng lalake. Hinablot iyon ni Huwan at pinilit na kalasin ang kadena sa kanyang leeg dahil sa nasasakal na ito.
Habang nakapulupot ang kadena sa leeg ni Huwan, pinaikot-ikot pa ito ni Arion tsaka hinampas ang lalaki sa batong pader. Sa lakas ng pagkahampas nito kay Huwan, halos mawalan ng malay ang lalake. Kumilos naman si Kali para atakihin ng hawak nitong kampilan si Arion ngunit agad naman iyon nasalag ng espada ng Thaihu. Si Kali naman ngayon ang kaharap ni Arion. Kabado na si Kali dahil sa nakitang liksi at lakas ni Arion. Batid nito na walang panama ang husay nito sa sandata at pakikipaglaban sa galing ng isang punong mandirigmang Thaihu.
Habang nakikipagtitigan si Kali kay Arion bigla nitong naalala ang kuwento sa kanya noon ng kanyang namayapang ama.
“Totoo ang mga nilalang sa kabilang dako, at isa sa mga mababangis na nilalang na nakatira roon ang mga Thaihu, kinatatakutan ang kanilang uri ngunit sa oras na mahawakan mo at mapigtas ang kahit isang hibla lang ng kanilang gintong buhok. Mapapaamo mo sila, at magiging alipin mo sila hangga’t hawak mo ang buhok na galing sa kanila.” Ani pa ng ama nito sa kanya noon.
Napatingin ng husto si Kali kay Arion, sinipat nito ang kakaunting hibla ng buhok ng Thaihu na kulay ginto. Iyon ang nais ni Kali na puntiryahin. Kaya nag abang ito ng pagkakataon. Nauna ito umatake kay Arion, ngunit lahat ng mga paghataw niya ng kanyang kampilan hindi manlang dumadampi sa balat ng Thaihu. Gumanti si Arion ng isang malakas na pag bigwas ng hawak nitong espada. Nasalag man ni Kali ang pagataking iyon, hindi naman nito inaasahan na ganun ka lakas ang pakakawalang puwersa ni Arion. Natumba sa sahig si Kali at napakumbabawan na ito ng Thaihu habang sinasalag parin ang kampilan na hawak sa espada ni Arion.
Nakita ni Huwan ang sitwasyon ni Kali, kaya kahit hirap pa rin ito sa sarili, sinikap niyang ibangon ang katawan tsaka dinampot ang espada nito na nasa kanyang gilid. Ngunit bago pa man ito nakatayo , napansin na siya ni Arion, kaya muling hinila ni Arion ang nakapulupot pading kadena sa leeg ni Huwan, dahilan para lalo itong humigpit. Doon naman nakahanap ng tiyempo si Kali at naitulak nito paalis sa ibabaw niya si Arion, tsaka muli itong tumayo. Alam ni Kali na kung wala siyang gagawin lalo lang malalagay sa di maganda ang sitwasyon ni Huwan.
Sinubukan ni Kali na bumulong sa hangin upang humingi ng tulong sa mga nimfa ngunit wala itong tugon na naramdaman. Maging ang kapangyarihan ng bakunawa wala ring bisa sa lugar na iyon. At tanging ang naiisip na lang niya ang posibleng alas nila para matalo si Arion.
“Ako ang harapin mo, Ipakita mo sa akin ang tunay mong lakas at galing. Sugod Thaihu!” Pang-hahamon ni Kali.
“Lapastangan, susukatin pa talaga ang tulad ko? Sige pagbibigyan kita!”
Pasugod na si Arion nang ginamit ni Kali ang kanyang balabal. Itinapon nito ang hawak na balabal kay Arion. Hindi iyon inasahan ng Thaihu na iyon ang gagamitin ni Kali. Hindi niya ito naiwasan at nasapol agad ng balabal ni Kali ang mukha nito. Nawalan ng pokus si Arion sa ginawa na iyon ni Kali, isang magandang pagkakataon para maisagawa ni Kali ang plano. Habang kumakawala sa balabal na iyon si Arion agad namang pinuntirya ni Kali ang mahabang buhok ng Thaihu, hinablot niya iyon ng mabilis at may lakas upang mahawakan ng mahigpit ang mga iyon. Napagtanto ni Arion ang binabalak ni Kali kaya binalibag nito ang sariling katawan upang tumilapon si Kali, ngunit ang higpit na ng kapit ni Kali sa kanyang buhok. Lalo lang nainis si Arion nang sinakyan pa siya ni Kali sa likod nito at ginawang hayop na kabayo. Gamit ang mga malalakas na binti at hita ni Kali, ginapos niya iyon ng husto sa katawan ng Thaihu upang makakapit ng maigi habang ginagawang renda ang mahabang buhok ni Arion na hawak nito.
Pilit namang pinapagpag ni Arion si Kali mula sa likod nito ngunit mahigpit ang pagkakakapit ni Kali sa kanya. Binitawan na nito ang hawak na kadena at espada upang mahablot na nito sa likod niya si Kali ngunit kahit na anong pagkawag nito hindi nagpapatinag si Kali. At upang makontrol ang kilos ni Arion, mahigpit na binubuhol ni Kali sa kanyang mga kamay ang hawak na buhok ng Thaihu at hinihila iyon ng malakas. Ramdam ni Arion ang panghihina nito sa tuwing hinihila ni Kali ang kanyang buhok. Ngunit wala rin itong balak na sumuko. Inipon ni Arion ang natitirang lakas upang mag ibang anyo.
Namula ang mga mata nito at dumoble ang laki ng katawan nito. Tuluyan na din naging anyong kabayo ang mukha nito, humaba ang mga kuko at naging kasing talas ng mga espada. Kina sindak iyon ni Kali. Hindi niya akalain na may ganun pa palang anyo ang mga Thaihu. Sa paglobo ng laki ng katawan ni Arion, nahirapan na si Kali na ipitin ng kanyang mga binti at hita ang katawan nito. Gayunpaman hindi parin nito binibitawan ang buhok ni Arion.
Umuusok na sa galit si Arion, winasiwas nito ang buhok upang ipagpag si Kali, Pero mas lalo lang hinigpitan ni Kali ang kapit nito sa buhok ni Arion. Buong lakas na hinampas ni Arion si Kali sa batong dingding. Sa lakas ng hampas na iyon lumuwag ang pagkakahawak ni Kali sa buhok ni Arion. Ramdam nito ang sakit ng katawan sa ginawang paghampas sa kanya nito sa dingding. Muling winasiwas ni Arion ang mahaba nitong buhok at hinampas muli si Kali sa dingding. Doon na tumilapon si Kali at bumagsak ito sa tabi ni Huwan na hirap parin makatayo sa tinamong pinsala.
Napahalakhak ng malakas si Arion nang makita ang sitwasyon ng dalawa. Duguan ang dalawa Kali at Huwan, Bumalik ito sa dati niyang anyo si Arion at dinampot ang kanyang espada para tapusin na ang dalawa. Papalapit na ito kina Kali nang napahinto. Napansin nito ang nakangising mukha ni Kali na nakatingin sa kanya. Nagtaka si Arion.
“Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa sarili mo Thaihu?” Nakangising tanong ni Kali habang unti-unti itong tumatayo.
Nanglaki ang mga mata ni Arion nang may nakita ito sa kamay ni Kali. Itinaas iyon ng lalake at ibinuhol sa kayang daliri at ipinakita kay Arion. Dalawang hibla ng gintong buhok ni Arion ang nasa daliri ni Kali.
“Hindi sa lahat ng laban, lakas ang kailangan. Ngayon sino sa atin ang talo?” Wika ni Kali.
“Madaya ka.” Tanging nasambit na lang ni Arion at napaluhod na lang ito sa harapan ni Kali.
Napangiti si Huwan sa ginawa ni Kali. Dahil sa nakuhang gintong buhok sa Thaihu, wala nang nagawa pa si Arion kundi ang isuko ang sarili kay Kali at tanggapin ang pagiging alipin nito. Ngunit kahit na ganun, sa loob nito hindi katanggap tanggap ang naging kapalaran nito, lalo na ang maging alipin lamang ng isang tao. Balak nitong bawiin ang sariling buhok kay Kali.
“Sa oras na maipapasa akin muli ang buhok ko, gagawin ko na kayong abo.” Sa isip ni Arion.
Ngunit pinutol na ni Kali ang balak nito, dahil alam na nito ang iniisip ng Thaihu.
“Huwag mo nang tangkain pang bawiin sa akin ito dahil mabibigo ka lang. Huwag kang mag alala, mabait na man akong amo at maalaga ako sa mga alipin ko.” Pang aasar pa ni Kali.
At para sa unang utos. Si Arion ang pinauna nila ni Huwan sa bulwagan ni Tahmur. Mahimbing pa nun ang tulog ni Tahmur sa kanyang higaan nang maalimpungatan ito sa mga katok mula sa labas ng kanyang pinto. Wala itong ka malay-malay sa mga nangyayari sa labas. Bumangon ito sa kanyang higaan upang tunguhin ang nasa pintuan.
“Sino ang pangahas na ginambala sa aking masarap na tulog?!” Pagdagundong ng nakakakilabot nitong boses.
Boses pa lang ng isang Sarangay nanghilakbot na si Kali. Batid niyang hindi pangkaraniwang nilalang ang uri ni Tahmur.
“Kamahalang Tahmur ako ito si Arion ang iyong punong lingkod.” Tugon ni Arion habang nakatayo sa harapan ng malaking pintuan.
“Anong mahalagang pakay ang pinunta mo para lang istorbohin ang pamamahinga ko?!” Tanong muli ni Tahmur.
“May panibagong mga huling taga-tawid akong handog para inyo. Mga espesyal na nilalang na may malakas na katangian ng mga baylan.” Ani pa ni Arion.
Sa nabanggit ni Arion, kinagalak agad ito ni Tahmur. Biglang gumalaw ang mga mekanismo sa malaking pintuan na iyon. Kasunod nun umangat ang pinaka harang doon at bumukas ang mismong pinto. Napapikit ng mga mata si Kali sa nakakasilaw na liwanag na unti-unting sumisilip sa siwang ng pinto mula sa loob ng silid na iyon. Nang tuluyan na ngang nabuksan ang pinto. Kinamanghaan agad ni Kali ang kanyang nakita.
Pinatuloy ni Tahmur si Arion, sumunod sina Kali at Huwan na balot ang katawan ng mga balabal.
Nakahiga sa isang malaki at mahabang gintong upuan si Tahmur, wala itong ano mang tabon sa katawan bukod sa makapal nitong balahibo na nagkukubli sa masilan nitong parte. Napasilip si Kali sa anyo ni Tahmur at nanghilakbot ito sa itsura ng isang Sarangay. Mabalasik ang mukha nitong kawangis ng isang turo o kalabaw. May pulang mga mata na nakakasindak ang mga titig. May matutulis na mga ngipin at may apat na pangil na nakausli na parang sa baboy ramu. Malalaki ang patulis nitong mga sungay. At tadtad ng mga hikaw ang magkabilang mga tenga. Malaki ang katawan nitong halintulad sa tao. Sa mga mabato nitong ukit, hindi maikakailang malakas ang isang ito. Malalaki ang mga kamay at braso, mga daliring may mga matutulis na kuko at pang ibabang katawan ng isang kalabaw at may mahabang buntot na nagliliyab ng asul na apoy. Doble ang tangkad nito sa mga Thaihu, at kung itatabi kina Kali. Wala pa ang mga ito sa beywang ng isang Sarangay.
“Sila ba ang handog mo sa akin?” Nakabungisngis na tanong ni Tahmur.
“Sila nga kamahalan.” Sagot ni Arion.
Pagka sambit na iyon ni Arion, bumulong na sa kanya si Kali. Inutusan na nito si Arion na puntahan na si Titutah upang pakawalan ito. At dahil hawak na siya ni Kali, wala nang nagawa pa si Arion kundi sundin ang utos sa kanya ni Kali. Agad nitong nilisan ang bulwagan na hindi man lang nagpaalam kay Tahmur. Kabastusan ang ginawa ni Arion at kinagalit iyon ni Tahmur. Sinigawan nito si Arion ngunit tuloy-tuloy lang ang Thaihu na tila ba hindi naririnig ang kanyang hari.
Sa galit, umangil ng malakas si Tahmur at nagpakawala ng kidlat mula sa kanyang mga kamay. Ngunit hindi parin tumigil si Arion dahilan para tumayo na si Tahmur para sundan si Arion ngunit doon na nagpakilala sina Huwan at Kali. Sabay nilang binaklas ang mga tabing nilang balabal at naglabas ng kani-kanilang mga sandata. Hinarang nila si Tahmur.
Agad na namukhaan ni Tahmur si Huwan.
“Ang hunghang na magnanakaw, at nagsama ka pa talaga ng isa pang hangal!”
“Tama na ang dakdak kambing! Ibalik mo na sa mga tao ang mga ninakaw mo kung ayaw mong pagbubuhulin namin ang mga sungay mo!” Sigaw ni Huwan.
“Sa tingin niyo nasisindak ako sa inyo? Mga hangal talaga kayong mga tao!!!”
Muling nagpalabas ng matalim na kidlat si Tahmur at pinatamaan ang dalawa ngunit nabasa na ng dalawa ang ikikilos ni Tahmur kaya agad na nakaiwas ang mga ito. Naghiwalay ang dalawa upang hindi agad sila masukol ng Sarangay. Napansin ni Kali ang lalong pamumula ng mukha ni Tahmur at pag-usok ng ilong nito sa galit. Hindi man lang kasi ito matamaan ng kidlat ang dalawa. At dahil na nga sa kung saan-saan tumatama ang kidlat ni Tahmur , maraming bagay sa loob ng kanyang silid ang nawasak na.
Hanggang sa may napansin si Huwan na sumilip mula sa napunit na tabing sa isang sulok ng silid.
“Kali ang mga kristal, kailangan mabasag natin ang nakaharang diyan para mapakawalan ang mga iyan.” Wika ni Huwan kay Kali.
“Ako na ang bahala sa kanya, ikaw na ang gumawa ng binabalak mo. Palayain mo na ang lahat. Mag sasayaw lang kami nitong kalabaw na ito.” Ani ni Kali at hinarap si Tahmur.
“Mamamatay muna kayo bago niyo maisagawa ang binabalak niyo mga hangal!!!”
Akmang susuwagin ni Tahmur si Kali nang tumalon ng paatras si Kali sabay hugot ng isa pang espada mula sa kanyang tabak habang nasa kanang kamay parin nito ang kanyang kampilan. Si Kali naman ngayon ang umabante para sumugod sabay lundag pataas. Kinagulat ni Huwan ang taas ng lundag at liksi ni Kali kumilos. Maging si Kali mismo nagtaka sa kanyang nagawa. Pakiramdam nito ang gaan-gaan ng kanyang katawan na para bang sumasabay sa hangin ang kanyang mga kilos. Nang makakita ng pagkakataon, bumulusok ito sabay hataw ng mga hawak na sandata kay Tahmur.
Ngunit sinalubong lang ni Tahmur ang pag-atake nito ng kanyang mga sungay. Muli nitong sinuwag si Kali at napuntusan nito ang lalake. Tumilapon si Kali sa tabi ni Huwan.
“Sabay tayong susugod, hindi mo kakayanin ang tulad ni Tahmur kung mag isa ka.” Ani ni Huwan kay Kali.
“Kaya ko ang isang ito, gawin mo na lang ang pakay natin.” Sagot ni Kali.
“Sige aliwin mo ang kalabaw na iyan, mag-ingat ka sa kanya.” Tugon ni Huwan sabay hawak sa braso ni Kali.
Muling bumaling sa kanila si Tahmur at nagpakawala na naman ito ng kidlat mula sa kanyang mga kamay. Ngunit mabilis nakailag ang dalawa. At sa pinakawalang kapangyarihan ni Tahmur tumama iyon sa mekanismong nagkukulong sa mga kristal dahilan para magwala ang mga kristal doon. Ngunit hindi parin iyon sapat dahil napapaloob pa rin iyon sa isang salamin.
“Pupulbusin ko kayo na parang mga alikabok, hindi ko kayo iiwanan ng kahit kaunting hininga!!!”
Muling naglabas ng kidlat si Tahmur ngunit mabilis na nakailag ang dalawa kaya muli na namang tumama ang binitawang kapangyarihan ni Tahmur sa salaming nagkukubli sa mga kristal dahilan para tuluyan na nga itong nabasag. Wala nang nagawa pa si Tahmur nang magsiliparan na sa paligid ang mga kristal. Tila nagwawala ang mga ito at nag hahanap ng daan palabas doon.
Napansin ni Huwan ang salamin na bubong ng silid.
“Kailangan mabasag ang salamin sa taas nang malaya nang makalabas ang mga kristal at makabalik na ang mga ito sa kanilang mga katawan.” Wika ni Huwan.
“Ako na, ikaw na muna sa kanya.” Saad ni Kali.
“Hindi niyo maaring kunin ang pag-aari ko na!!!” Pag-angil ni Tahmur.
Gamit ang kanyang kapangyarihan muli nitong tinipon ang mga nagsiliparang mga kristal. Ngunit bago pa muling maikulong ni Tahmur ang mga kristal sinugod na ito ni Huwan gamit ang malaki nitong espada. Inundayan nito ng taga ang Sarangay upang mawala si Tahmur sa pokus. Lahat ng pinapakawalang atake ni Huwan buong lakas na sinasalag ni Tahmur.
Habang si Kali ginamit ang liksi nito at taas ng lundag para ma abot agad ang pinakabubong na salamin ng silid. Nandoon na ito at akma nang babasagin ang salamin nang makita nito si Huwan na sakal-sakal na ni Tahmur habang dinidiin sa sahig. Kita ni Kali ang paghihirap ni Huwan. Hindi niya ito natiis at bumulusok ito pababa habang nakatutok ang dulo ng kanyang kampilan sa batok ni Tahmur. At sa pagbagsak ni Kali sinapol nito ng kanyang kampilan ang batok ng Sarangay. Tinuhog nito ang leeg ni Tahmur na hindi man lang nagawang iwasan ang atakeng iyon sa kanya.
Hindi pa nakontento si Kali, kasabay ng paghugot nito ng kanyang sandata sa leeg ni Tahmur, hiniwa pa niya ito. Sumirit ang dilaw na likido mula sa napigtas na leeg ng isang Sarangay. Humiwalay sa katawan ni Tahmur ang ulo nito at gumulong iyon sa sahig kasabay ng pagbagsak ng katawan nito sa tabi ni Huwan na habol-habol parin ang hininga.
Sa pagkamatay ni Tahmur , napatingala si Kali sa mga kristal na lumilipad sa paligid. Lumiliwanag ang mga iyon habang unti-unting nagdidikit sa isa’t isa. Binalingan nito si Huwan upang tulungang maitayo.
“Ano ang nangyayari sa kanila?” Tanong ni Kali
“Hindi ko alam pero parang nagkakaisa isa.” Ani ni Huwan.
Saglit pa tuluyan na ngang nagkumpulan ang mga kristal at lumiwanag ito ng napakaliwanag tsaka lumipad sa pinakabubong ng silid na iyon at binasag ng mga iyon ang salamin doon. Kitang-kita ng dalawa kung paano sumabog ang mga iyon sa ere at naging pinong mga pulbos na siyang tinangay naman ng hangin.
“Bumalik na sila sa kanilang mga sarili, salamat sa iyo Kali.” Sambit ni Huwan sabay yakap kay Kali.
Habang yakap ito ni Huwan may napansin si Kali mula sa isang kamay ng walang buhay na si Tahmur. Bumitaw ito kay Huwan at nilapitan ang bagay na iyon tsaka sinuri nang mabuti. Tama nga ang hinala nito, mga gintong hibla ng buhok iyon ng mga Thaihu na nakatirintas at ginawang pulseras ni Tahmur. Dahil sa pagkamatay nito, lumuwag ang pagkakabuhol nun at kusang natanggal sa kanyang kamay. Kinuha iyon ni Kali. At nilagay sa kanyang bulsa.
Si Huwan naman dinampot ang malaking ulo ni Tahmur at binalot sa kanyang balabal. Nilisan ng dalawa ang silid at nagmadaling puntahan si Titutah sa kulungan nito.
Ngunit wala na roon sa kanyang bilangguan ang kanilang pakay. Tahimik ang buong paligid walang bakas ng mga Thaihu.
“Ginawa ba talaga ni Arion ang sinabi mo sa kanya?” Tanong ni Huwan na may pag-aalala.
“Hawak ko ang hibla mula sa kanya, gagawin niya ang lahat ng utos ko. Bilisan natin sa labas baka naghihintay lang iyon sa atin.” Tugon ni Kali.
At pagkalabas nga ng dalawa bumungad sa kanila si Arion na nakaabang sa labas ng tarangkahan kasama si Titutah ang mga hukbong kawal ni Tahmur na mga Thaihu. Nang makita ni Huwan si Titutah sobrang nagalak ito at nilapitan ang kaibigan. Pinakilala nito si Kali sa kanya.
“Hindi ka pangkaraniwan, dumadantay sa iyo ang kakaibang kapangyarihan. Madilim ang nakabalot sa iyong puwersa ngunit kumikinang ang liwanag sa iyong puso. Kung ano man sadya mo sa mundong ito. Nawa’y hindi ka pagharian ng anino at manatiling bukas ang iyong puso.” Bungad ni Titutah kay Kali nang lapitan niya ito.
Hindi maipaliwanag ni Kali ang nararamdaman ng marinig iyon sa lalake. Tila may pagbabanta ang punto ng mga sinabi nito sa kanya. Hindi man niya naiintindihan ang ibig nun, batid ni Kali na hindi maganda ang pakahulugan ng mga salitang iyon. Sumunod na lumapit kay Kali si Arion at yumukod ito sa kanyang paanan ngunit pinigilan ito ni Kali, hinawakan nito sa braso si Arion at inutusang tumayo.
“Hindi ako ang lumalang sa inyo para yumukod ka sa harapan ko. Pinuputol ko na ang pagiging alipin mo. “ Sambit ni Kali kay Arion.
“Nakatanikala na ang katapatan at buhay ko sa iyo. At nakahanda na akong magpasukob bilang tagalingkod mo habang humihinga ako.” Sabat ni Thaihu.
“Nabawi na namin ang aming nais, tumupad ka sa utos ko kaya magiging patas ako sa iyo. Ibabalik ko na sa iyo ang hiblang kinuha ko. Malaya ka na sa pagkakatali sa akin.” Tugon ni Kali at iniabot kay Arion ang hawak nitong gintong buhok.
Nagtaka si Kali bakit napaatras na lang si Arion nang iniabot na nito sa Thaihu ang hibla ng buhok nito. Pansin ni Kali ang pagkabahala at takot sa mukha ni Arion.
“Kamatayan, ang pagsauli ng hibla sa kanila ay katapusan na ng kanilang buhay. Sa oras na dumampi sa balat nila ang naputol na hibla habang buhay pa ang pumutok nito, maglalaho ang nagmamay-ari ng buhok na iyon na parang bula. At malilipat sa may hawak ng hibla ang kanyang lakas at kapangyarihan. At hangga’t buhay ka Kali mananatili sa tabi mo si Arion. Mapuputol lang ang ugnayan niya sa iyo sa oras na mamatay ka. Doon pa lang niya maaring mabawi sa iyo ang hibla ng buhok na kinuha mo. Liban na lang kung meron makauna sa kanya. Dahil kung iba ang makakuha ng hibla sa iyo kapag wala ka na. Ang kumuha nun ay siya ng kikilalaning panginoon ng isang Thaihu magpakailanman. At hindi na iyon mapuputol kahit mawala pa ang may hawak ng hibla ng buhok.” Ang paliwanag ni Titutah nang makita ang reaksyon ni Kali sa pag atras ni Arion.
“Ibig sabihin makakasama ko si Arion bawat oras, araw-araw?” Tanong pa ni Kali na tili hindi nasiyahan sa narinig.
“No choice ka kaibigan, sa ayaw at sa gusto mo sasamahan ka ni Arion. Huwag kang magalala hangga’t buhay ka at nasa sa iyo ang kanyang hibla, hindi ka niya tatraydorin. Aasahan mong magiging loyal iyan sa iyo.” Nakangising sabat ni Huwan.
“Pakiusap, hayaan niyo na lang akong pagsilbihan ko kayo. Buo ang katapatan ko sa iyo, aking amo.” Pakiusap pa ni Arion kay Kali.
Naalala tuloy ni Kali ang mga hibla ng gintong buhok na kinuha nito sa kamay ni Tahmur. Isa lang ang ibig sabihin nun maging ang ibang mga Thaihu nakatali na rin ang katapatan sa kanya.
Hindi iyon ang balak ni Kali at wala naman talaga itong planong gawing alipin ang mga Thaihu o ang sino man, dahil una sa lahat adhikain niya na ang palayain ang lahat ng mga alipin na nakakaranas ng paghihirap, ayaw niyang nakawan ng karapatan ang sino man. Ngunit sa di sadya mukhang nagkamali nga ito sa kanyang hakbang at mapapasubo pa ito sa sitwasyong hindi niya gusto.
“Ayokong gawin kayong alipin, malaya kayong gawin ang lahat ayon sa kagustuhan niyo at iyon ang utos ko kung iyan ang katumbas ng kapangahasan ko. Hindi ko kailangan ng tagasunod. Kaya humayo kayo at gawin ang ibig niyo.” Wika ni Kali sa lahat ng mga Thaihu na naroon.
Ngunit wala man lang ni isa sa kanila ang lumisan. Nanatili lang silang nakayuko sa harapan ni Kali.
“Nawala na sa amin ang aming kalayaan simula nang naging alagad kami ni Tahmur at bilang panibagong may hawak sa amin. Hayaan niyo kaming magsilbi sa iyo aming kamahalan.” Turan pa ni Arion kay Kali.
“Isa itong pagkakamali, hindi ito dapat. Kung ako nga ang kinikilala niyong amo, sumunod kayo sa utos ko, at iyon ang iwan niyo ako at pagtuunan niyo ang mga sarili niyo.” Ani pa ni Kali.
“Hindi nila iyan gagawin sa iyo Kali, nakalaan na ang buhay nila sa iyo. At wala ka ng magagawa, mananatili sila sa tabi mo hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay. Alalahanin mo na tanging kamatayan mo lang makakatanggal nun. Ngunit kung ayaw mo talaga, ibalik mo sa kanila ang kanilang mga hibla ng buhok. Mabubura silang lahat at hindi mo na sila alalahanin pa.” Sambit ni Huwan
“Hindi ko naman gusto iyon. Wala naman akong dahilan para gawin iyon sa kanila.”
“Diba sabi mo may kasama ka pa? Bakit hindi mo na lang ipahanap iyon sa kanila. Bigyan mo sila ng utos na papabor sa iyo, Matutulungan ka na nila, hindi ka pa maiilang sa kanilang presensya.” Bulong pa ni Huwan.
Sinakyan ni Kali ang ideyang iyon ni Huwan, inutusan nga ni Kali ang mga kawal ng Thaihu na hanapin si Turro. Tumalima namang sumunod ang mga Thaihu kay Kali. Ngunit nagpaiwan si Arion.
“Bakit hindi ka sumama sa kanila?” Tanong ni Kali.
“Mananatili ako upang siguruhin ang kaligtasan mo kamahalan.” Sagot ni Arion.
“Walang mangyayare sa akin, pero salamat. Tsaka pakiusap huwag mo na akong tawaging kamahalan hindi ako hari. Kali na lang. Mas nanaisin ko na iyon ang itawag mo sa akin.”
“Masusunod Kali.”
“Halika na , sundan na natin sina Huwan.”
Bumalik ng Taguangkan sina Huwan, Titutah at Kali na kasama na ang isang Thaihu na si Arion. Agad na sinalubong ng masayang pagbati ng mga nanroon ang tatlo dahil sa naibalik na sa mga taong nandoon ang kanilang katinuan at katauhan. Isang salo-salo ang inihanda para sa tagumpay nila Huwan at Kali at sa pagbalik ni Titutah. Sa pagkawala ni Tahmur sa Achasia muli ng makakakilos ng malaya ang mga tulad nila Huwan. Maari na silang makihalubilo sa mga nilalang na hindi nila kauri nang hindi na inaalala ang mga kaligtasan at buhay.
Mahaba pa ang gabi kaya matapos ang nakakabusog na handaan nagpasya na si Kali na magpahinga. Sinamahan ito ni Huwan sa hinandang silid.
Ang lupain ng Aribhuto
Nagising si Turro na mag isa na lang sa kanyang higaan. Palinga-linga ito sa kanyang paligid nang may narinig itong ingay sa labas. Agad itong bumangon at tinungo ang pintuan upang silipin ang pinanggagalingan ng ingay. Ngunit wala itong nakita na kung ano sa labas.
Para makasigurong binuksan pa nito ang pinto para tingnan pa ang paligid ngunit naging maingat ito. Hawak na nito sa kamay ang espada.
Nang walang ano-ano…
“Turro, saan ka pupunta?”
Napabaling sa kanan nito si Turro nang marinig nito ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata ng lalake nang bumungad sa kanyang paningin ang basang-basa na si Kali wala itong ano mang saplot sa katawan na animoy kakatapos lang maligo. Sa laking pagtataka, pinangunahan ng pagdududa si Turro kaya galit itong itinutok ang hawak na espada kay Kali.
“Sino ka?!” Tanong ni Turro.
“Anong uri ng tanong iyan? Nakatulog ka lang ng mahimbing pag mulat mo hindi mo na agad ako kilala?” Ang kibit balikat na tugon ni Kali habang nagpapatuyo ng katawan.
“Ikaw ba talaga iyan? Paano mo ako nahanap?” Muling tanong pa ni Turro na hindi pa rin maibsan ang pagdududa.
Lumapit sa kanya si Kali sa ganun pa ring ayos walang tabon sa katawan. Nginitian nito si Turro. Tila na bato balani naman sa kinatatayuan nito ang lalake at nakatulala lang na nakatitig at nakaabang sa paglapit ni Kali. Nang nasa harapan na niya ito at hinawakan na siya ni Kali sa dibdib tsaka hinaplos sa kanyang balikat, napabitaw na lang ito sa hawak na sandata at napahawak na rin kay Kali.
“Bakit ba Turro, hindi ka ba nagalak na makita ako? Hindi mo ba hinahanap ang init ko?” Ani ni Kali na titig na titig sa mga mata ni Turro.
“Kung alam mo lang kung gaano ko ka nais na muli kang mahagkan at mayakap. Akala ko tuluyan na nga kitang nawala.” Tugon ni Turro na hindi na napigilan ang sarili na yakapin si Kali.
“Dahil diyan papauwiin ko ang pananabik mo sa katawan ko. Atin lang buong sandaling ito. Angkinin mo ako bilang pag-aari mo.” Saad ni Kali sabay dinampi nito ang mga labi sa bibig ni Turro.
Sa buong pananabik ni Turro kay Kali agad itong nilukuban ng libog sa katawan. Marahas nitong sinunggaban ng halik si Kali. Niromansa nito ang isa na animoy gutom na lobo na sabik na sabik dumila ng buto. Mabilis din nito hinubad ang saplot sa katawan. Agad naman siya hinila ni Kali sa isang tabi at ginantihan ng mas ma-agresibong atake ng romansa si Turro.
Pinasandal ni Kali si Turro sa mga kumpol ng dayami sa isang sulok at doon hinimod ng bibig at dila ni Kali ang bawat bahagi ng katawan ni Turro. Bawat kurba at ukit sa katawan ni Turro ay pinasadahan ng dila ni Kali, mula sa leeg , sa dibdib pababa sa matitigas na tiyan ng lalake hanggang sa narating ng bibig ni Kali ang naghuhumindik sa katigasang pag-aari ni Turro.
Ang sunod na ginawa ni Kali kay Turro ay lubha ng kinabaliw ng diwa ng lalake. Ramdam ni Turro ang paglukob sa kanya ng mainit na bibig ni Kali. Sa husay ni Kali sa pag kain at pagsubo, halos nasa sabunutan na nito ang mahabang buhok ni Kali. Walang ano mang salita ang namutawi sa kanila bukod sa mga impit na ungol at halinghing ng sarap at kaluwalhatian ng pakiramdam.
Napapikit na lang sa sarap si Turro sa dulot sa kanya ni Kali. Nasa ruruk na ito ng kasukdulan nang tila may naramdaman itong kakaiba. At nang sa pagmulat muli nito ng kanyang mga mata napa-urong ang beywang nito nang makita si Luluako na nakasampa na sa ibabaw niya habang nakatarak sa nilalang ang naglalaway nitong buratso.
“Si Kali ! Nasaan si Kali?! Ano ang ginawa mo kay Kali?!” Bulalas ni Turro nang makita na hindi na si Kali ang kaanuhan nito.
“Walang Kali, ako ito. Ako ang kasama mo. At hayaan mo lang ako na ibalik sa iyo ang kabutihan mo sa akin. Paliligayahin kita. “ Tugon ni Luluako kay Turro na lalo pang sinagad ang pagkakaupo sa buratso ni Turro.
Balot ng pagtataka ang mukha ni Turro habang nakatitig kay Luluako. Nais na kumawala ni Turro ngunit tangay na tangay parin ito sa libog na dulot sa kanya nang pag bayo ni Luluako sa kanya. Napaigtad pa si Turro nang dinilaan pa ni Luluako ang mga naninigas nitong utong.
“Tama na, tigilan mo na ako. Hindi ka si Kali. Pakiusap tama na.” Pakiusap pa ni Turro ngunit baliw na baliw parin ito sa di maipaliwanag na sarap.
“Kaya kitang paligayahin nang higit pa sa kaya niya. Hayaan mo lang ang sarili mo na ilabas at isabog ang nararamdaman mo sa loob ko. Huwag mong pigilan.” Saad lang ni Luluako na mas inigihan pa ang ginagawa sa katawan ni Turro.
At sa ilang pagkayod pa nanigas ang mga binti ni Turro umangat ang balakang nito tsaka napaliyad. Kasunod nun ang pagsambulat ng masaga nitong dagta sa loob ng puwerta ni Luluako. Mabilis naman binayo ni Luluako ang sarili at pinasirit ang sarili nitong dagta. Tulad ng pinakawalan ni Turro, marami rin ang ikinalat ni Luluako na ang ilan pa ay tumilamsik sa mukha at bibig ni Turro.
Hapong-hapo si Turro sa ginawa nila ni Luluako. Gulong-gulo pa rin ang isip ni Turro sa nangyari. Nakatitig lang ito kay Luluako habang isa-isang ibinabalik ang saplot sa katawan. Si Luluako naman matapos ang mainit na bayuhan, tumayo ito at lumabas ng kubo. Iniwan tsaka hinayaan si Turro.
Gabi pa rin nun at maliwanag ang nakasilip na buwan. Tahimik ang paligid at walang banta ng ano mang kapahamakan. Nakabihis na si Luluako nang lapitan ito ni Turro.
“Bakit mo iyon ginawa?” Tanong ni Turro.
“Ginawa ko lang ang bagay na alam ko makakatulong sa nararamdaman mo.” Sagot ni Luluako.
“Madalas mo ba iyon ginagawa sa iba?” Ani pa ni Turro.
“Ginagawa ko lang iyon sa nilalang na gusto ko.”
Natigilan si Turro sa tugon ni Luluako.
“Ibig-sabihin gusto mo ako tama ba ang pagkakaintindi ko Luluako?”
“Matindi ang makakalaban ko kung isisingit ko pa ang sarili ko sa iyo. Ginawa ko lang iyon kasi kailangan mo. At nakita ko kung gaano ka na kasabik na makita siya. Kaya bukas din sisimulan na natin ang paghahanap sa kanya.” Saad ni Luluako.
“Kilala mo na si Kali?” Pagtatakang tanong ni Turro.
“Nakita ko siya sa mga mata mo. At damang-dama ko ang init ng pag-ibig mo sa kanya.” Tugon pa ni Luluako bago muling iniwan si Turro.
Samantala sa higaan ni Kali si Turro naman ang laman ng isip nito. Pabaling-baling ito sa kanyang higaan. Nang mapalingon ito sa higaan ni Huwan ngunit wala parin doon ang lalake. Napabangon si Kali naisipan nitong magmasid-masid sa paligid. Mula sa malaking bintana sa kanilang tulugan doon ito dumaan para akyatin ang pinaka bubungan ng Tagwangkan. Papasampa pa lang ito sa may pader nang mapansin nito si Arion na nakaupo sa dulong bahagi ng bubungan.
“Hindi ka rin ba makatulog?” Tanong ni Kali kay Arion.
Nang marinig ng Thaihu si Kali agad itong tumayo at yumukod sa lalake tanda ng pagpakumbaba.
“Tama na nga iyan, hindi ako ang hari mo para yumukod ka sa akin. Hindi ako sanay na ginaganyan ako.” Tugon ni Kali.
“Nararapat lang bilang amo ko at bilang alipin mo. Kakailanganin mo ba ang lugar na ito? Sige aalis na ako.” Ani pa ni Arion.
“Hindi kita alipin, kung nais mo kunin ang kalayaan mo ibabalik ko na sa iyo ang buhok mo. “ Saad ni Kali.
“Alam mo ang mangyayari sa akin kapag ginawa mo iyon.”
“Kung gayon tigilan mo na ang pagturing sa akin na amo. Maging magkaibigan na lang tayo. Alam ko naman na hindi ka talaga ganun ka sama. Sabi pa noon ng ama ko hindi lahat ng uri niyo mababangis. Depende na lang kung uunahan kayo.” Wika pa ni Kali.
“Ganyan ba lahat kayong mga tao? Sa kabila nang naranasan niyo sa mga kamay namin ang bubuti pa rin ng mga puso niyo.” Puna pa ni Arion.
“Aaminin ko, sa ginagawa kong pagtugis sa mga mga Harabas, hindi maiiwasan na may nalalagas na buhay. Gayunpaman pa man tinitimbang ko ang lahat. Nirerespeto ko parin ang buhay ng mga nilalang sa paligid ko. Tulad niyo, tulad mo.” Sabi naman ni Kali.
Nagkatitigan ang dalawa. Bahagyang napangiti si Arion sa sinabi na iyon ni Kali. Magkatabi ang dalawa sa gilid ng bubong habang pinagmamasdan ang katahimikan ng Acacia. Sa pagkawala ni Tahmur ngayon lang muli naramdaman ni Arion ang kapayapaan sa lugar. Marami pang napag-usapan ang dalawa. Mga katanungan ni Kali sa mundo nila. Mga bagay na dapat pa malaman ni Kali kung desidido talaga itong harapin ang malaking hukbo ni Ghur.
“Sumama ka sa akin at may ipapakita ako sa iyo.” Ani ni Arion.
Tumango naman si Kali at sinundan si Arion nang tumalon ito pababa mula sa taas na kinalalagyan nila. Napansin sila ni Titutah na noo’y kanina pa nakatingin sa kanila mula sa isang silid.
“Pambihirang tao si Kali, ramdam ko sa kanya ang malakas na enerhiya ng kalikasan. At kung tunay nga ang kanyang pakay sa pagkari rito, kinakailangan niya ng tulong natin na matagal na sa lugar na ito.” Wika ni Titutah.
“Kahanga-hanga nga ang pinamalas niya kanina. Ngunit nakakainggit siya. Kapag nagtagumpay siya sa misyon niya may buhay pa siyang babalikan sa mundo nila. Samantala tayo dito na makukulong sa kumplekadong mundong ito.” Paglapit ni Huwan.
“Dito na ang tadhana natin. Ito na ang daigdig na nilaan sa atin ang bagong tahanan na nagdulot sa atin ng pangalawang buhay. Sa ayaw at sa gusto natin bahagi na tayo ng mundong ito. Kaisa na tayo sa mga nilalang na ikinubli rito.” Ani pa ni Titutah.
Binaybay nina Arion at Kali ang isang makipot na daan patungo sa magubat na bahagi ng Acasia. Nagpatuloy pa ang dalawa hanggang sa mapansin ni Kali ang batis sa pinaka gitna ng gubat.
“Nandito na tayo”. Wika ni Arion na huminto sa tapat ng batis.
“Ano ang meron dito?”
“Ito ang lihim na tawiran mula sa mundo niyo at sa mundo namin. Ang batis na ito ang silbing portal upang makatawid sa ibat-ibang lagusan sa ibat-ibang mundo at panahon.” Paliwanag ni Arion.
“Dito pala kayo dumadaan.”
“Mahigpit namin itong binabantayan mula sa mga taga-tawid, tulad niyong mga tao. Tanging ang mga maalam lang sa panggagaway ang nakakatawid dito. At ang tanging pakay nila ang bawiin ang mga mahal nila sa buhay na dinukot o di kaya hiniram ng mga uri namin sa mundo niyo. Banta sa kapayapaan ang tulad nila para sa amin. Kaya sa mahabang panahon ang hidwaan ng mga tao at sa uri namin ay nabuo. Nang dumating dito si Tahmur at pinamunuan na ang buong Acacia, ipinag-utos na nito ang pagtugis sa lahat ng mga taga-tawid. Inimbitahan man o pangahas.” Kuwento ni Arion.
“Kung gayun ito ang mabilis na daan para makabalik sa amin.” Ani ni Kali.
“Isa lang ito sa maraming portal na tawiran mula sa magkabilang daigdig. Ngunit ang batis na ito pinakadaanan ng lahat. Tagusan kasi ito sa lahat ng lugusan.” Tugon ni Arion.
Habang nag-uusap ang dalawa bigla na lang gumalaw ang tenga ni Arion palatandaan na may nasasagap itong kakaiba. Maging si Kali napaatras din dahil may kung ano itong nararamdaman sa paligid. Nang biglang nakarinig na lang ang dalawa ng mga kaluskos sa mula sa ibat-ibang direksiyon ng gubat.
“Humanda ka, may kasama tayong iba.” Ani ni Arion at mahigpit na hinawakan ang espada nito.
Hinanda rin ni Kali ang kanyang kampilan sa posibleng panganib. Mula sa masukal na gubat laksa-laksang mga Tambalian ang lumabas doon at nagmamadaling lumapit sa batis. Isang nilalang na may panlalaki na istraktura ang katawan. May makapal na balat ng isang reptilya. Makintab ito na mauhog, mayroon itong mukha na alanganin sa tao o palaka at may malalaking dalisay na itim na mga mata, patulis ang mga tainga tulad ng sa duwende, may matalim na ngipin na katulad ng isang piranha. Manipis ang mga buhok na tila mga ugat ng puno, may matatalim na mga kuko sa kamay Paa. Sa mga bakawan at maputik na lugar ang kanilang tahanan. Kabaliktaran ang ugali ng mga TAMBALIAN sa kanilang anyo. Mukha lang sila mababangis ngunit sa lahat ng mga nilalang sa mundong elemental, sila ang pinakamabait. Wala silang ano mang taglay na kapangyarihan kaya isa sila sa mga uri ng engkanto na ginagawang alipin ng mga mas mataas na uri ng engkanto at maligno. Ngunit sa mundo ng mga tao ang presensiya nila ay kinatatakutan sa paniniwalang nagdadala sila ng sakit at kamalasan.
Ipinagtaka ni Arion ang presensiya ng mga ito sa batis na iyon. Sa dami ng mga ito, may pakiwari si Arion na nagmula ang mga iyon sa isang tribo. Isang pamilya ang karamihan sa kanila.
“Lubhang napakarami niyo sa pagkari rito. Iisa lang ang pakay ng sino man ang magawi sa batis na ito.” Wika ni Arion.
Isa sa pinakamatanda sa grupo nila ang humakbang at lumapit kay Arion. Walang kakayanang makapagsalita ang uri nila ngunit katulad ng mga Kwangkig kaya nila makipag-usap sa isip ng kanilang kaharap. Matagal itong nakatayo sa harapan ni Arion. Nang mapansin ni Kali ang pagbago ng ekspresyon sa mukha ni Arion. Bakas sa Thaihu ang pagkabahala at pangamba.Agad na inusisa ni Kali si Arion.
“Maari ko bang malaman ang dahilan nila at pakay nila dito?“tanong ni Kali.
“Laganap na ang kapangyarihan at lakas ni Ghur sa mga karatig na lupain. Sinalakay ng mga kampon nito ang tahanan nilang mga Tambalian. Marami sa kanila ang nasawi at ang iba dinukot ng mga Busaw o mga Harabas ayon sa katawagan niyo. Alam na ni Ghur ang presensiya mo, kaya masigasig na nitong ginagalugad ang bawat sulok ng mundong ito. At ginagamit niya ang ibang mga nilalang upang matagpuan ka.” Tugon ni Arion kay Kali.
Nang malaman ng matandang Tambalian na si Kali ang tinutugis ng mga Busaw, naging mabalasik ang mga tingin nito kay Kali. Bakas sa mukha nito ang matinding galit. Akma nitong susugurin si Kali nang iharang ni Arion ang espada nito sa matandang Tambalian.
“Hindi niyo siya maaring saktan. Humayo na kayo at maghanap ng panibagong tahanan na mas ligtas kayo.” Ani ni Arion.
“Dahil sa kanya namatay ang asawa ko at nag-iisang anak. Marami sa katribo namin ang nalagas at nawala dahil sa kanya. Siya ang kailangan nila upang manumbalik ang katahimikan dito! Isuko mo siya sa kanila. Kamatayan at panganib ang hatid niya sa lahat.” Ang galit na wika ng matandang Tambalian.
Hindi man naririnig ni Kali ang sinasabi ng nilalang, naiintindihan nito ang sakit na pinagdadaanan ng mga iyon at siya ang dahilan nun. Muling nanariwa sa isipan ni Kali ang nangyari sa Phatag. Kung hindi pa nito binilisan ang kilos hindi lang ang mga nilalang tulad ng mga Tambalian ang malalagay sa panganib kundi mas marami pa. Lalo na at alam na ni Ghur na dumating na ito.
Lumapit si Kali sa matandang Tambalian at lumuhod. Humingi ito ng kapatawaran sa lahat ng masaklap na dinanas ng mga iyon sa kamay ng mga Harabas dahil sa kanya.
“Ibabalik ko ang katahimikan na nais niyo. Tatapusin ko si Ghur at pangako ko. Iaalay ko sa inyo ang kanyang ulo. Patawad.” Ani ni Kali.
Nakita ng matandang Tambalian ang katapatan ni Kali. Hinawakan nito sa noo si Kali at nagwika.
“Ipaghiganti mo kami sa kanya, diligan mo ng kanyang dugo ang sandata mo. At pakiusap iligtas mo ang iba sa amin. Kakapit kami sa pag-asang nababanaag ko sa iyo. Gabayan ka sana ng kalikasan.”
Pagkasabi nito, agad na tumalikod ang matandang Tambalian. Tinawag nito ang iba at pinangunahan ang pagtawid sa batis.
Kitang kita ni Kali kung paano lumikha ng malaking alimpuyo ang tubig sa batis. Kasunod nun naglabas ito ng nakakasilaw na liwanag. Isa ngang portal ang lumitaw sa gitna ng liwanag na iyon. Mula roon kanya-kanyang pasok na ang mga Tambalian hanggang sa pinakahuli. Nang naitawid na ang lahat bumalik na sa dati ang batis.
Nanlumo si Kali sa sinapit ng mga Tambalian at nangamba ito para sa iba pa. Kaya isang pagpapasya ang kanyang ginawa.
“Hindi ko na kayang palipasin pa ang gabing ito na walang ginagawa. Aalis ako ngayon. Kailangan marating ko agad ang Khadulman sa lalong madaling panahon.” Wika ni Kali na nagmamadaling makabalik sa Tagwangkan upang balikan ang iba pang mga gamit.
“Kagagaling mo lang sa laban, kailangan mo nang pahinga.” Ani ni Arion na nakasunod kay Kali.
“Hindi nagpapahinga ang kadiliman at laging gising ang kasamaan para maghasik ng lagim sa karamihan. Kaya wala rin akong karapatang magpahinga. Ako mismo ang lalapit sa kanila.” Saad pa ni Kali.
“Hindi sapat ang alab ng galit para maghiganti. Mapanganib ang landas patungo kay Ghur at kailangan mo ng sapat na lakas para paghandaan ang lahat. Mag-ipon ka ng lakas upang magabayan nito ang iyong tapang. Mahaba pa ang gabi.” Tugon ni Arion.
Mula sa mataas na tore ng Tagwangkan tanaw ni Titutah ang pagbalik ng dalawa Arion at Kali. Isa namang lawin ang papalapit sa kanya at pagkalapag nito sa sahig agad ito nagpalit anyo bilang tao.
“Ano ang ginawa ng dalawa?” Tanong agad ni Titutah kay Huwan na kanina lang isang ibong lawin.
“Mukhang kakailanganin nga ni Kali ang dagdag na tulong. Alam na ni Ghur na nandito siya.” Saad ni Huwan.
“Balikan mo na siya sa inyong silid. Bukas na natin pag-usapan ang maari nating gawing tulong.” Ani ni Titutah.
Agad na bumalik sa kanilang silid si Huwan, inabutan nitong inaayos ng lalake ang lahat ng kanyang mga sandata sa kanyang lalagyan. Nang mapansin ni Kali ang pagpasok ni Huwan agad nito itinabi sa gilid ang sisidlan ng kanyang mga sandata at bumalik sa pagkakahiga. Hindi na siya kinausap pa ni Huwan at nahiga na rin ito sa kanyang papag. Malalim ang tinatakbo ng isip ni Kali at kahit anong pilit pa nitong ipikit ang mga mata hindi ito madapuan ng antok. Si Huwan naman nagkukunwaring tulog ngunit nakabantay ito kay Kali. Alam kasi nito ang binabalak ng isa. At kahit sa maikling sandali pa lang na nakasama nito si Kali alam niya na ang takbo ng isip nito. Mapusok magdesisyon si Kali. Kaya alam ni Huwan na gagawin talaga ni Kali kung ano man ang gusto nito.
Mula naman sa malayong lupain ng Aribhuto, rinig ang pag alingawngaw ng mga angil at atungal ng mga nilalang na sabik sa kalayaan. Ito ang Aribhuto, dito matatagpuan ang malawak na piitan ng iba’t-ibang kriminal ng mundong elemental, ang Ghu-Ul. Dito makikita ang mababangis na mga nilalang at halimaw na nakakulong at naghihintay sa kanilang masaklap na kamatayan. Sa piitan ng Ghu-Ul walang takas ang lahat ng mga nakapiit dito. Ang lahat ng mga nakakulong kamatayan lang ang paraan para makalaya.
Kada pagbilog ng buwan isang torneyo ang ginaganap dito. Kung saan pinagsasabong ang dalawa sa pinaka malakas na bilanggo sa loob ng isang arena. Ang mananalo sa tagisan ng lakas ay bibigyan ng espesyal na puwesto, hanggang sa muling pagbilog ng buwan at ang nasasawi o ang matalo sa laban, dinadala at tinatapon sa hukay ng katapusan kung saan ginagawa silang pagkain ng dambuhalang Tambanokano.
At sa nalalapit na kabilugan ng buwan ang lahat sa piitan na iyon ay naghahanda na para sa napipintong torneyo ng kamatayan.
“Hoy tao, nakahanda ka na ba sa katapusan mo?” Tanong ng isang Sarangay sa lalaking nakaupo sa isang sulok.
“Hindi para sa mahihinang nilalang na tulad mo ang lugar na ito. Nakakapagtaka bakit ka napasama sa amin dito. Magiging pagkain ka lang ng alaga ni Kalhansay.” Ang natatawang sabat pa ng isang Agta sa lalake.
Tahimik lang ang lalake sa isang tabi at hindi pinapansin ang mga nilalang na nang-aasar sa kanya. Gusgusin ang ayos ng lalake, mahaba ang tuyot nitong buhok at may makapal na balbas at bigote. Sa kabila ng dugyot nitong suot at sa punit-punit nitong balabal mababakas ang kakisigan nito at malaking pangangatawan. Mata lang ang gumagalaw sa kanya. Mailap at tila misteryoso. Isang lalaking Dwendulin ang lumapit sa lalake at inalok ito ng maiinom.
“Ilang araw ka na rito ngunit hindi pa kita napansin na kumain o uminom man lang. Kakailanganin mo ng lakas kung nais mo tumagal ng buhay sa lugar na ito.” Wika ng Dwendulin.
Ngunit wala paring tugon ang lalake. Tiningnan lang nito sa mukha ang Dwendulin tsaka bumalik sa pagyuko.
“Hayaan mo siyang magutom, ilang araw na lang at ipapakain din naman iyan sa alaga ni Kalhansay.” Saad ng isang Sarimaw
“Narinig ko sa iba na tinatawag kang hangkilan na tagapugot ng mga Busaw. Kung gayun hindi ka lang basta taga-tawid. Ako si Bukay isang Dwendulin.” Ani nito at naapo sa tabi ng lalake.
Nang marinig ng Sarangay ang wika ng Dwendulin sa lalake napatayo ito mula sa kanyang higaan at lumapit sa dalawa.
“Ikaw ba ang nakatakda ayon sa mga tala? Ikaw ba ang sugo?” Pabulong nitong tanong sa lalake.
Tumingin sa mukha ng Sarangay ang lalake tsaka nag wika.
“Hindi ako, ngunit nandito na siya para tuparin ang nakasaad sa mga bituin. At malapit lang siya rito.” Bulalas ng lalake sa mahinang boses.
“Kung gayon kailangan mo magpalakas, Ako si Kabao.” Pakilala ng Sarangay sabay abot dito ng kapirasong karne.
Lumapit na din sa kanila ang Agta at nagpakilalang si Agbun. Sinubukan ng apat na paamuhin ang mailap na lalake hanggang sa unti-unting nakukuha na nila ang tiwala nito. At doon nagpakilala sa kanila ang lalake.
“Urrin ang pangalan ko.”
Nagkasundo ang lima na maging mata at tenga ng bawat isa. Kailangan nila ang matibay na samahan upang malampasan ang nalalapit na kabilugan ng buwan.
PAGHAYO
Dahil sa labis na pangamba, takot at pag-aalala hindi na hinintay pa ni Kali ang magiging tugon at pasya nina Titutah at Huwan. Agad na itong naggayak para lisanin ang Acacia at ipagpatuloy ang kanyang misyon. Palabas na ito sa ganhaan ng Tagwangkan nang harangin ito ni Arion na noo’y nakahanda narin ang sarili para samahan si Kali.
“Hindi madali ang mga daan at lagusan sa mundong ito. Kakailanganin mo ang katulad ko na may alam sa lahat dito. Sasama ako sa iyo.” Wika ng Thaihu kay Kali.
“Kinalulugod ko ang kabutihan mo sa pagtulong sa akin Arion. Ngunit hindi ko maatim na may mapahamak na isa dahil sa akin. Sanay ako maglakbay na tanging mga sandata ko lang ang aking karamay. Maiwan ka na lang dito at panatilihin mo ang kaayusan ng buong Acacia bilang iyon naman ang pangunahin mong katungkulan bilang tagabantay nito.” Ani ni Kali kay Arion.
“Ang karapatan ko ay nasa iyo na. Nakalaan na ang sarili ko para pagsilbihan ka. At nakahanda na ang buhay ko lamang maprotektahan ka kaibigan.” Saad ni Arion.
Alam ni Kali na hindi talaga iyon ang dahilan ng Thaihu. Batid ni Kali na ang nais lamang ni Arion ay ang mabawi nito sa kanya ang hibla ng buhok ng Thaihu. Mangyayari lamang iyon kung mamamatay si Kali. Kahit na ganun hindi naman inaalis ni Kali ang kanyang tiwala sa intensiyon ni Arion sa pagtulong. Naisip din ni Kali na sa kabilang banda pabor din sa kanya ang presensya ni Arion habang nandoroon pa ito sa lugar na iyon, lalo na at hindi pa niya nakikita si Turro.
“Disisyon mo na ang nag pasya. Ano mang ang mangyari sa iyo hindi ko na hawak iyon.” Sabi pa ni Kali na nagsimula nang humakbang pa labas ng Tagwangkan.
“Hindi mo sagutin ang buhay ko. Makakaasa kang hindi ako magiging pabigat sa mga hakbang mo.” Sabat ni Arion.
Nagpatuloy na ang dalawa sa walang kasiguraduhang landas. Bitbit ang determinasyon at alab ng tiwala walang pag-aalinlangan ang mga hakbang ni Kali. Kaliwa’t kanan, pabilis at pasulong. Nasa bungad na sila ng utlanan palabas ng Acacia nang mapalingon si Aron. Napansin din ito ni Kali kaya napalingon ito.
“Ang lagay ba iiwanan niyo na lang ako? Sayang din ang exposure noh. Tsaka wala ng ganap dito sa Acacia, hindi na nakaka-challenge. Wala akong kakulitan dito, pinatay mo na si Tahmur, tapos tinanan mo naman ngayon si Arion. Ang boring na here, nakakabagot dito kaya sama na ako sa adventure mo Kali.” Mga salita galing kay Huwan.
Kanina pa pala ito nakasunod sa dalawa.
“Mapanganib ang misyon ko, baka ikasawi mo lang ang pagsama sa akin.” Wika ni Kali.
“Eh di kung ma deads patay. Mahalaga mamatay ako na may dangal dahil namatay ako para sa ngalan ng kalayaan ng lahat lalo na ng mga kapwa nating tao. Huwag mo akong alalahanin kaibigan. Handa ako ano man ang kahihinatnan ng buhay ko sa mundong ito. Malay mo kami pala ang padala ng diwa ng kalikasan bilang kakampi na katuwang mo sa laban.” Saad pa ni Huwan.
Ngumiti si Kali kay Huwan tsaka tumango. Kasama ang isang Thaihu at ang kapwa tao na si Huwan nagpatuloy ang tatlo palabas ng Acacia.
Samantala sa layo na ng nilalakad nila ni Turro nakaramdam na ng matinding pagod si Luluako. Umaangil narin ang sikmura ng dalawa sa gutom. Napadpad na ang dalawa sa lupain ng Ugarath, ang lupain ng mga Arinipot. Isa sa mga nilalang ng elemental na mundo. Sa mundo ng mga tao ang tawag sa kanilang mga uri ay mga espiritu ng gubat, taga bantay ng mga kabundukan, gubat, at mga lugar na madalang lang dinadayo ng mga tao o kaya hindi pa nagagalaw ng mga tao. Ang ilan sa kanila katawagan sa mga tao mga multo sa anyo ng mga orb. Ngunit sa mundo na kanilang kinabibilangan ang mga Arinipot ay isa sa mga nilalang na madalas iniiwasan ng kanilang kapwa elemental. Nang aagaw kasi ng pagkatao ang mga uri nila. Wala silang katawan o mukha, wangis o hugis. Isa lamang silang mga mumunting liwanag na lagalag sa gubat. Ngunit kapag kanya kang magustuhan aagawin niya sa iyo ang iyong katauhan. Kayang gayahin ng mga Arinipot ang sino mang nilalang na gugustuhin nila. Lahat na katangian na meron ang ginagaya nila taglay rin nila. At sa oras na makopya na nila ang wangis ng gusto nila. Mahihirapan ka ng tukuyin kung alin ang Arinipot sa hindi.
“Dumito na muna tayo, hahanap lang ako ng makakain natin, siguro naman nakakain ang mga prutas at bunga ng mga halaman dito.” Wika ni Turro nang tumigil ang dalawa sa bungad ng kagubatan sa lupain ng Ugarath.
“Ako na ang maghahanap mas alam ko ang mga puwede sa hindi, tsaka masukal ang kagubatang ito baka maligaw ka pa. Pumirmi ka na lang dito. Pero bago iyan itago mo ang maliit na supot na ito. Huwag mong ilalantad sa katawan mo. Tsaka mag ingat ka, lupain ito ng mga Arinipot. Hindi sila nananakit ngunit mapanganib din sila.” Ani ni Luluako tsaka inabot kay Turro ang maliit na supot na gawa sa balat ng hayop.
“Ano ang mga Arinipot? Ngayon lang dumapo sa pandinig ko ang uri nila.”
“Mga espiritung lagalag. Mistula silang mga alitaptap sa dilim ngunit malamlam ang kanilang liwanag. Wala silang kakayahang makapanakit ng nilalang ngunit kaya nilang nakawin ang pagkatao mo o ng sino mang nais nila.” Paliwanag ni Luluako.
“Kahit ikaw kaya nilang kopyahin?” Tanong pa ni Turro.
“Lahat ng may buhay sa paligid. Kaya maging mapanuri ka sa mga nasa harapan mo. Dito ka lang at mabilis lang ako.”
Tumalilis agad ng takbo si Luluako na parang usa. Magkalapat sa lupa ang mga kamay nito at mga paa kung tumakbo. Paraan ng mga Khamakama upang maging maliksi at mabilis ang kanilang kilos lalo sa pagpalipat-lipat ng lugar. Sa bilis nga ni Luluako agad na itong naglaho sa paningin ni Turro. Lubhang nakakahalina ang ganda ng paligid sa kinaroroonan ni Turro walang panganib na mababanaag sa paligid. Nakakamangha ang mga matatayog na puno na halos hindi na abot ng tanaw ang mga tuktok. Kay yayabong ng mga halaman na nagdudulot ng kaginhawaan sa paligid. At ang makukulay na mga bulaklak at mga kabute sa paligid na animoy mga hiyas na palamuti sa isang mahiwagang kaharian.
Naupo si Turro sa nakausling ugat ng isang malaking puno. Bukod sa gutom, nanunuyo narin ang lalamunan nito sa uhaw. Hindi sumapat sa kanila ni Luluako ang dala nilang tubig. Nang mapansin nito ang mamasa-masang bahagi ng lupa na tinutubuan ng lumot. Pansin nito ang mahihinang daloy ng tubig na dumidilig sa bahaging iyon ng lupa.
“Hindi naman siguro malayo mula dito ang pinanggagalingan ng tubig na ito. Papawiin ko lang ang uhaw ko at bumalik agad dito. Mukhang matatagalan pa ang isang iyon.” Ani pa ni Turro sa sarili.
Sinundan nga nito ang nakitang bakas ng tubig ngunit sa di namamalayan, napapalayo na ng husto si Turro sa iniwan na lugar sa kanya ni Luluako. Hanggang sa narating na nga nito ang pinagmulan ng tubig. Dinala ito sa isang mala-paraisong ganda ng talon kung saan naroon ang mala-kristal sa linaw na tubig na umaagos patungong ilog. Sa nakaka-halinang tanawin at mapang-akit na linaw ng tubig hindi na napigil ni Turro ang mapalusong sa ilog-talon. Mabilis nitong tinanggal ang lahat nang meron ito sa kanyang katawan. Tsaka hubo’t hubad itong tumalon sa nakakamanghang tubig. Ramdam ni Turro ang lamig ng tubig na tila ba pinapawi ang mga pagod nito sa katawan buhat nang magsimula itong maglakbay kasama si Luluako. At ang manamis-namis na tubig mula doon ay agad na pumawi sa kanyang uhaw. Sa ginhawang dulot ng tubig sa talon nawala na sa isip ni Turro ang paalala sa kanya ni Luluako.
Sa mga sandali naman na iyon malayo-layo narin ang nilakbay ng tatlo Arion, Huwan at Kali. Tanaw na ni Kali ang malawak na kapatagan at bulubunduking bahagi ng Lhunook ang isa sa mga lupain na sakop ng mundong elemental.
“Kabuohan ng mga natatanaw mo ay sakop ng lupain ng Lhunook. Sa lawak ng sakop nito ibat-ibang mga nilalang ang kinukubkob nito. Mga nilalang na ayon sa mga tao sa panahon ko tinatawag nilang mga alien.” Pag simula ni Huwan ng pinakilala nito kay Kali ang lupaing kinatatayuan nila.
“Alien? Anong mga uri sila?” Tanong agad ni Kali.
“Alien ang tawag namin sa mga nilalang na hindi kauri ng mga tao, mga dayo sa daigdig ng mga tao. Ang hindi naiintindihan ng mga tao, ang mga nilalang na ito ay nauna pa sa ano mang sibilisasyong sinumalan ng mga tao sa mundo. Sila ang mga nilalang na mas nauna pang nilikha bago pa naipunla ang mga tao sa ibabaw ng lupa.” Paliwanag pa ni Huwan.
“At kung hindi lang naging ganid at mapang-abuso ang mga tao matiwasay sana na nakikihati ang lahat sa ating tirahan. Hindi na sana nagkaroon pa ng maraming daigdig. Dahil sa mga sakim at kalupitan ng mga tao napilitan kami na bumuo ng sarili naming daigdig na lihim sa inyo. “ Dagdag pa ni Arion.
“Kung gayung malaya naman pala kayo sa daigdig niyo bakit patuloy parin ginagambala ng mga uri niyo ang mundo namin? Bakit hindi niyo na lang hayaan ang mga tao at pumirmi na lang dito.” Ani ni Kali.
“Eh paano tao rin naman kasi ang may kagagawan kung bakit nakakatawid ang mga uri nila sa mundo natin. Dahil sa walang limitasyon na kaalaman ng mga tao, lahat gusto nila patunayan. Hindi pa nga naabot ng tao ang pinaka pusod ng kalawakan, balak naman nila sisirin ang pinaka tiyan ng karagatan. At sa kagustuhan ng tao na lumawak pa ang kaalaman nila at mapalago ang sibilisasyong kinabibilangan natin, nasisira ang kalikasan. Nawawasak ang mga harang na namamagitan sa mundo natin at sa mundo ng mga uri nila. Wala na ang mayabong na kagubatan na nagsisilbing tanggulan at santuwaryo ng mga uri nila,. Nabubulabog ang kanilang mga tahanan dahil nasakop na ng mga tao dulot ng pagbabago at modernisasyon.” Kuwento pa ni Huwan.
“Dahil sa ugali ng mga tao na walang respeto sa kalikasan, nasira ang mga lihim na lagusan na nagsisilbing kalasag sana at proteksiyon ng magkaibang mundo. Kung kaya’t marami sa mga ka-uri namin ang nakakatawid ng basta-basta na lang sa mundo niyo. Ganun din ang mga tao, dahil sa pagkasira ng harang, nasisilip na rin ng iilan mula sa inyo ang mundo namin. “ Saad ni Arion.
“Kaya ang akala ng mga tao, alien ang nakikita nila na galing sa ibang mga planeta. Ang hindi nila alam mga nilalang lang din sila ng mundo na malayang nakakalabas pasok sa magkaibang daigdig.” Ayon pa kay Huwan.
“Marami kayong sinasabi na hindi ko lubos nauunawaan. Ang malinaw lang sa akin lahat tayo may mga pananagutan sa mga nangyayari sa mga mundo natin, na kailangang itama bago pa tuluyang masira ang tahanan na iniingatan ng lahat, tao man o mga uri niyong elemental.” Wika pa ni Kali.
“Naiintindihan naman kita, bagama’t katulad mo ako magkaibang dimensiyon naman ang pinagmulan natin at marahil sa pinanggalingan mo ang relasyon ng mga tao at elemental ay hindi pa ganun ka kumplikado kumpara sa pinanggalingan ko.” Tugon ni Huwan.
“Marahil, gayunpaman natutuwa akong nakakarinig ng ibang kuwento mula sa iyo. Sa pagkakabasa ko kasi sa mga kuwento mo tungkol sa pinanggalingan mo ito’y lubhang napakarahas ngunit may natatagong ganda.” Sabat ni Kali.
“Maganda nga wala namang buhay, tsaka huwag mo nang pangarapin masilip ang lugar ko malalason ka lang dun.” Ani pa ni Huwan.
Sa dami ng napagkuwentuhan ng tatlo hindi na nila namalayan na nakarating na pala sila sa Marrhuk, isang komunidad ng mga Marrhukian.
Mula sa timog na bahagi ng lupain ng Lhunook. Bungad pa lang ng lugar ay bakas na ang pagkakahawig nito sa modernong pamamaraan at pamumuhay ng mga tao. Dito hindi mga hayop ang nagsisilbi nilang transportasyon kundi mga makabagong makina at teknolohiya. Bagama’t ang pamumuhay ng mga Marrhukian ay higit na mas abanse kumpara sa mga tao ang kanilang uri ang siyang pinaka mababa naman sa lahat ng mga Lhunookahon. Tanging ang silbi nila ay ang magbigay ng enerhiya at pagkain para sa kanilang mga uri na mas mataas sa kanila. Isa ang mga taga Murrhuk sa mga mamamayan ng elemental na mundo na namumuhay ng payapa at umaayon lamang sa kung anong sistema ang kinagisnan nila. Mula mga bata hanggang sa pinaka matanda sa mga Marrhukian ay alam ang kanilang papel sa lipunang kanilang kinabibilangan. Isinilang ang kanilang uri bilang mga manggagawa, ilan sa kanila mga tagalilok ,taga gawa ng mga gusali, pasilidad at mga makinarya, ang iba mga panday na ang tanging gawain ang lumikha ng mga sandata at kagamitang yari sa bakal,ginto, pilak, diyamante at obsidian. Magsasaka ang ilan sa kanila, taga tanim ng gulay at prutas sa bukirin at ang iba na malapit sa dagat o ilog ng Marrhuk ay pinakamahuhusay na mga mangingisda. Sa kabuuan ang mga Marrhukian ang dugo ng mga taga Lhunook. Ngunit katulad din sa mundong pinanggalingan ni Kali, masaklap na kapalaran ang sinasapit ng mga mahihina sa kanila, ang isilang na kakaiba at kinakitaan ng kalambutan sa kilos habang lumalaki ay tinuturing ng kahinaan sa kanila at ang tanging pakinabang sa kanila ay maging alipin ng mga mas malalakas sa kanila, taga silbi at taga aliw sa mga hayok sa laman. Kapalaran na hindi na bago kay Kali.
Kakaiba ang linguwahe ng mga taga Murrhuk. Walang alpabeto ang kanilang ginagamit na salita kung kaya’t tila tunog hayop ang lumalabas sa kanilang mga bibig kapag nag-uusap ang mga ito, ngunit ang kakatwa sa kanila bagama’t kakaiba ang kanilang salita, kaya nilang aralin ang mga salita ng sino mang nakakahalubilo nilang mga nilalang sa maikling segundo lamang. Kaya hindi mahirap sa kanila ang makipag ugnayan kanino man.
“Pansamantala muna tayong titigil dito sa Murrhuk bago tayo tutulak pa-hilaga. Kailangan natin mga mababaon na kahit ano mula rito lalo na pagkain na kakailanganin sa paglalakbay.” Wika ni Huwan.
“Ngunit hindi natin kailangang magtagal dito. Mahalaga ang bawat oras.” Sabat ni Kali.
“Kung ang destinasyon natin ang marating agad ang Khadulman dito ang mas madaling paraan.” Pabulong na sabi ni Arion kay Kali.
“Ano ang sinasabi mo? Paanong dito?” Tanong ni Kali sa pabulong din na paraan.
“Malalaman mo rin ang ibig sabihin ni Arion, sa ngayon maghanap muna tayo ng makakainan, kanina pa kumakalam ang sikmura ko.” Saad ni Huwan.
Kapansin-pansin sa mga mukha ng mga taga Marrhuk ang pagtataka habang tinititigan nila ang tatlo na naglalakad sa kahabaan ng sentrong pamilihan ng lugar. Bagama’t bukas para sa mga dayo ang Marrhuk ang presensya ng isang Thaihu na kasama ang mga taga-tawid o tao ay di pangkaraniwang pagkakataon para sa kanila. Lalo na at bibihira lang tumatawid ng Lhunook ang mga Thaihu at kadalasan sa mga taga-tawid na dumadaan sa lugar, kung hindi bihag mga takas na tinutugis ng mga Tul-hungan.
Tul-hungan, kabilang sa lahi ng mga tikbalang ngunit kinikilala ang kanilang uri na isa sa mabagsik at mabangis sa kanilang lahi. Tagatugis at taga hatol ng mga lagalag na kriminal sa buong elementalya. Kahanay ng mga Tul-hungan,ang mga Thaihu na kinabibilangan naman ni Arion. Pangunahing tungkulin nilang mga tikbalang ang panatilihing kaayusan ng pinagsisilbihan nilang lupain. Ang pinagkaibahan lang ng dalawa, ang mga Thaihu ay kawangis ng tao mula ulo hanggang katawan pababa at may dalawang paa na halintulad sa kabayo, mahahaba ang buhok na kulay pilak at may iilang ginto. Samantala ang mga Tul-hungan, kawangis naman ng mukha ng kabayo ang kanilang ulo. May matitikas na pangangatawan na parang tao maging ang mga kamay na balot ng makakapal na mga balahibo at buhok. Mas makakapal ang malalago at mahahaba nilang buhok at buntot. May malalaking paa na parang kabayo ngunit may matalas na kuko sa dulo. Mabalasik din ang matatalim nilang mga kuko sa kamay na wala sa mga Thaihu.
Ang presensya ng tatlo na magkakasama ay nakakuha ng atensiyon ng ilan sa mga nakakasalubong nilang mga Marrhukian. Isang kainan ang nakita ni Huwan sa gilid ng mga prutasan sa bangketa. Marami ang labas masok sa nasabing kainan kaya pakiwari ni Huwan masasarap ang hinahain doon.
“Dito na lang ako sa labas, hihintayin ko na lang kayo.” Wika ni Arion.
“Hindi ka sasama sa loob? Hindi ka ba nagugutom?” Tanong ni Kali.
“Oo nga pala nakalimutan ko, damu pala ang diet niyong mga kabayo.” Sambit ni Huwan.
Hindi nagustuhan ni Arion ang pagtawag ni Huwan sa kanya na kabayo. Kaya umaangil ito at pinandilatan ang lalake. Pumagitna na man si Kali upang pigilan na magpang-abot ang dalawa. Pinaka ayaw sa lahat ng mga tikbalang na tawagin sila at ikumpara sa hayop na kabayo. Dahil para sa mga uri nila ni Arion, kawalang respeto at kalapastanganan sa kanilang lahi ang ipantay ang kanilang uri sa mga hayop, na tinuturing nilang pinakamababa sa ano mang nalikha sa mundo.
“Hamak na tao, hindi ibig sabihin na pinayagan ka ni Kali na sumama sa amin, kapantay na ang tingin ko sa iyo. Kaya huwag mong sukatin ang inis at pasensiya ko dahil hindi mo gugustuhing mapikon ako. Tandaan mo muntikan ka na sa mga kamay ko.” May pagtitimping na pagbabanta ni Arion kay Huwan.
“Tama na!, hindi ko kayo pinayagang sumama sa akin para maging tagapamagitan niyo. Kung hindi kayo kampante sa isa’t isa dito pa lang maiwan na kayo.” Paalala pa ni Kali sa dalawa.
Nauna na si Kali sa loob ng kainan na iyon bago sumunod sa kanya si Arion.
“Kita mo ang kabayong ito, kanina ang arte. Tapos hayun nauna pa sa akin sa loob. Papansin din talaga ang Arion na ito kay Kali. Akala siguro niya hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya. Puwes sorry ka, dahil hindi ko hahayaang ipasok mo sa bitag mo si Kali. Kilala ko ang mga uri niyong mga Thaihu. Kaya hindi mo ako madadala sa mga pagpapanggap mo.Arion, never.” Bulong pa ni Huwan sa sarili habang sinusundan si Arion na papalapit sa puwesto ni Kali.
Nang mga sandali naman na iyon isang may kabataang lalaking Marrhukian ang kanina pa nakasunod sa tatlo at nagmamatyag. Suot ang sakong balabal, lumantad ito sa kinukubliang lilim ng isang pader. Marahan itong lumapit sa kainan kung saan pumasok ang tatlo. Napasilip ito sa bintana nun at hinanap ng mga tingin ang kinauupuan ng tatlo. Nang masipat na ng mga mata nito sina Kali… Inayos nito ang suot na balabal upang ikubli ang kanyang mukha. Akma na sana itong hahakbang para pumasok nang may humablot sa kanya palayo doon sa lugar.
“Hibang ka na ba Eyurtah?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Lalo mo lang pinapahamak ang sarili mo!” Bulyaw ng isa pang lalaking Marrhukian sa isa, matapos nito inilayo ito sa kainan na iyon. Sa wika ng mga Marrhukian
“Napansin ko ang mga sandata nilang dala, lalo na iyong isang tao. Nararamdaman ko may kakaiba sa kanila. May kutob ako na isa sa kanila ang tinutukoy ni Ulang Koiyus. Ang taga-tawid na magliligtas sa atin sa kapangyarihan ni Ghur kuya.” Tugon ni Eyurtah sa kanilang wika.
“Hindi totoo ang tulong, kasinungalingan lang ang tagapagligtas. Walang bulong ng hangin, walang propesiya at lalong wala nang paraan para maibalik pa sa atin ang lahat ng mga buhay ng mga mahal natin na ninakaw nila sa atin. Kuwentong dagat lang iyon upang bigyan tayo ng huwad na pag-asa. Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo. Ilan na ba silang inakala mong sila? At ilan na rin sila ang muntik na magpahamak ng buhay mo? Nawala na sa akin lahat, ikaw na lang ang meron ako. Hindi ko na alam kung ano kaya ang mangyayari sa akin kapag mawala ka rin sa paningin ko. Ikamamatay ko iyon.” Ang malungkot na bitaw ng mga salita ni Peeturyan.
Tanging mahigpit na yakap ang tugon ni Eyurtah kay Peeturyan. Naiintindihan ni Eyurtah ang pag-aalala sa kanya ni Peeturyan. Ngunit sa loob niya, malakas parin ang tiwala nito sa kanyang kutob. At wala itong balak na bumitaw sa kanyang pagbabasakali.
“Huwag mo akong alalahanin, hindi ako mawawala sa iyo kuya. Pangako ko iyan.” Saad ni Eyurtah.
Si Turro naman ng mga oras na iyon nalilito na sa kanyang paligid. Hindi na nito matandaan kung saan dun ito dadaan pabalik sa pinag-iwanan sa kanya ni Luluako. Halos magkakatulad kasi ang mga nakikita nito sa paligid. Mula sa mga puno, at sa mga daang binabaybay. Pakiwari pa ni Kali, paikot-ikot lang ito roon.
Ang Lakas ng mga taga Marrhuk
Habang kumakain ang tatlo sa loob ng isang kainan sa bayan’ ng Marrhuk, bigla na lang nagkakagulo sa labas. Kanya-kanyang pulasan ang iba na tila ba may iniiwasan o kinatatakutan. Napatayo si Kali dahil sa mga napapansin sa paligid at sa naririnig na mga ingay sa labas. Nang walang ano-ano bumukas ang pintuan ng kainan na iyon at pumasok ang dalawang binatang mga Marrhukian na Naka suot ng luma at punit-punit na mga balabal. Patakbo ang mga ito na lumapit kina Kali tsaka agad na humingi ng tulong. Naalarma naman sina Arion at Huwan sa kilos ng dalawa. Nang sumunod naman na pumasok ay ang mga Tul-hungan. Nasa anim sila nun na pawang nakakahilkbot ang mga itsura. Nanlilisik ang kanilang mga mapupulang mata na sinamahan pa ng mabangis nilang mukha. Matatangkad ang mga nilalang na ito at higit na mas malalaki ang mga katawan.
Nagtago sa likod nila Kali ang dalawang Marrhukian. Napansin iyon ng isa sa mga Tul-hungan. Nagsitabihan na ang mga kumakain sa loob na nanginginig sa sobrang takot. Habang naiwan naman sa lamesa nila sina Huwan, Arion at Kali na hindi nagpatinag sa mga Tul-hungan.
“Tumabi ka tao at ibigay sila sa amin!!!” Utos na sigaw ng mga lider ng Tul-hungan na naroon.
“Ano ang kasalanan ng mga ito at bakit niyo sila kukunin?” Tanong ni Kali sa malumanay na boses.
“Wala ka sa posisyon para tanungin kami sa mga bagay na gusto namin! Lalo na at isa ka lang na mababang uri ng nilalang! Tumabi ka na at ibigay sila sa amin kung ayaw na pati ikaw at ang mga kasama mo ay madamay sa kasalanan ng mga iyan!!!” Saad ng Tul-hungan.
“Gaano ba ka bigat ang kanilang kasalanan? Gusto ko malaman ang katunayan, kung nararapat at matimbang ang kanilang pagkakasala ibibigay ko sila sa inyo.” Tugon ni Kali.
“Huwag niyo kaming ibigay sa kanila, wala kaming kasalanan. Sasaktan lang kami nila gagawing libangan, aalipinin at ipapakain sa kanilang hari. Gusto pa naming mabuhay kaya maawa ka huwag mo kaming ibigay sa kanila.” Pakiusap ng isang Marrhukian kay Kali.
Ramdam ni Kali ang pakiramdam na iyon sa batang taga Marrhuk. Kaya nagmatigas rin ito at nanindigan sa kanyang salita.
“Kung wala kayong matukoy na kasalanan ng mga inosenteng batang ito, ipagpaumanhin niyo hindi ko sila ibibigay sa inyo. Kung kalupitan ang siyang dahilan niyo ako ang makakalaban niyo.” Wika pa ni Kali na may pagbabanta sa mga Tul-hungan.
Hindi nagustuhan ng kaharap na Tul-hungan ang binitawang salita ni Kali. Kalapastanganan ang kalabanin ang kanilang uri kaya galit itong sinugod si Kali. Ngunit mas mabilis ang bigwas ng kilos ni Kali na kanina pa nakahanda sa mga pag-atake. Agad na hinugot ni Kali ang kanyang kampilan at hinarang iyon sa papasugod na Tul-hungan. Sa talim ng kanyang sandata naputol nito ang isang kamay ng Tul-hungan. Tapos sinunod naman ang isa.
Bumagsak ang naunang Tul-hungan sa sahig na wala ng mga kamay. Galit na galit ito kay Kali kaya inutusan nito ang lima pa na tapusin ito. Ngunit tulad ni Kali nakahanda rin ang dalawa Arion at Huwan. Gamit ang suot na salakot ni Huwan inihagis niya iyon sa mga papalapit na Tul-hungan. At sa bilis at tulin ng pag-ikot nun naging kasing talas ng patalim ang gilid nun na pumiglas sa mga balat ng Tul-hungan. Doon na rin sumabay si Arion at gamit naman ang sariling espada ay isa-isang hiniwaan ng sugat ang mga dibdib ng mga Tul-hungan na tinapos naman ni Kali ng gamitin nito ang talim ng kampilan para gilitan ang mga leeg ng mga Tul-hungan. Hindi man lang nagawang makapang laban ng mga Tul-hungan na iyon. Bumagsak lahat ang mga ito na wala ng buhay liban sa isa na nakatakbo at nakatakas.
“May nakatakas at malamang hihingi iyon ng tulong.” Wika ni Arion.
“Grabe ganito pala ang pakiramdam na makapatay ka ng isang Tul-hungan, ang sarap sa puso. Akala ko ang uri na nila ang pinakamalakas sa lahat ng mga Tikbalang pero bakit ang dali naman nilang natapos?” Ani ni Huwan.
“Mga utusan lamang sila hindi sila kabilang sa mga hanay ng mga pulahan at ituman. Kung tutuusin nagbigay lang tayo ng daan para makaharap ang mas mabagsik sa kanila. At hindi sila mahihina gaya ng inaakala mo.” Tugon ni Arion.
“Kung hihingi ang tumakas na iyon ng tulong malamang manganganib ang buhay ng mga taga Murrhuk kung mananatili pa tayo rito. Lisanin na natin ang lugar bago pa madamay ang lahat ng buhay dito.” Sabi ni Kali na kinuha ang mga gamit sa lamesa at sinukbit muli ito sa katawan.
“Isama niyo na kami sa pag-alis niyo. Wala narin naman kaming mapupuntahan. Inubos na nila ang mga pamilya namin ang mga kapatid namin tinangay na rin nila lahat.” Ani ng isang binatang Marrhukian.
“Kami na lang ang natitirang mga kabataan dito sa bayan’ namin kaya nila kami hinuhuli upang gawing bihag kasama ng mga iba pa.” Sabat pa ng isa.
Doon lang napagtanto ni Kali ang lahat. Doon rin nito napansin na wala nga silang nakikitang mga bata sa paligid. Lahat doon ay matatanda na. Nahabag si Kali sa kuwento ng dalawa ngunit hindi nito maaring isama ang dalawang iyon sa kanilang paglalakbay.
“Lubhang mapanganib ang aming paglalakbay, walang kasiguraduhan ang buhay namin sa daan o kung saan man kami mapadpad. Tsaka hindi para sa inyo ang paglalakbay namin.” Ani pa ni Kali.
“Wala na rin namang kasiguruhan ang buhay namin dito sa Marrhuk, mas gugustuhin pa namin ang masawi ng malaya kaysa hihintayin ang katapusan namin dito na nahihirapan. Kaya pakiusap isama niyo na kami. Pangako hindi kami magiging pabigat sa inyo.” Saad pa ng isa kay Kali.
Lumapit sa kanila ang may-ari ng kainan na iyon. Yumukod ito sa harapan nila Kali at nagbigay respeto sa ipinakita nilang katapangan na panindigan at protektahan ang dalawang binatang Marrhukian. At ganun din ang ginawa ng iba pang mga naroon sa harapan nila Kali. Ipinagtaka iyon ni Kali ngunit si Arion at Huwag napangiti ng lihim tsaka yumuko rin sa lahat.
“Kabayanihan ang maituturing sa ginawa niyo. Kailan man wala pa ni isa man ang tumayo upang ipagtanggol kami sa katulad nila. Mahihina lamang kami at wala kaming kapangyarihan laban sa kanila. Kaya nakikiusap kami, dumito na kayo sa amin. Ipagtanggol niyo kami laban sa kanila. Handa kaming pagsilbihan kayo. Bukas ang lahat dito sa Marrhuk para sa inyo. Pamunuan mo kami laban sa kanila.” Wika pa ng may-ari ng kainan na iyon.
Ang ginawa ng tatlo ay tila apoy na agad kumalat sa buong bayan ng Marrhuk. Saglit pa na puno ng mga tagaroon ang malaking kainan na iyon. Lahat sila namangha sa mga nakikitang mga labi ng mga Tul-hungan na pinagpatong-patong sa sahig. Maging sa labas ng kainan kumpulan ang mga Marrhukian na nais masilayan sina Kali na tinuring na nilang mga tagapagtanggol ng kanilang bayan.
Walang naitugon si Kali sa pakiusap ng lalakeng Marrhukian sa kanya. Ngunit nag-isip ito. Iginala ni Kali ang isip sa potensyal ng bayan tsaka humarap sa lahat.
“Hindi kami maaring magtagal sa lugar na ito. Panganib ang dala namin at hindi kapayapaan gaya ng nakikita niyo. Ngunit huwag kayong mangamba sa kaligtasan niyo, dahil higit sa mga uri niyo kayo ang may mas malakas na kapangyarihan laban sa kanila. Binulag lang kayo sa mga paniniwalang kayo ang pinaka mababa sa kanila ngunit ang katotohanan, wala silang pakinabang at silbi kung wala kayo. Ang Marrhuk ay naghihintay lang ng pagkakataon para makilala at ang panahon na iyon ay ito na.” Ang tugon ni Kali sa lahat na nais silang manatili roon.
Lahat nakinig sa mga sinasabi ni Kali at Huwan. Lahat nais malaman ang lihim na lakas ng kanilang bayan.
“Ang Marrhuk ang pangunahing pinagmumulan ng mga inaangkat na pagkain ng mga malalakas na bayan. Gamitin niyo ito bilang impluwensya niyo. Gipitin niyo sa pagkain ang mga bayan sa paligid niyo. Mag imbak kayo ng sapat. At hindi kayo maglalabas ng pagkain na walang kapalit. At ang kapalit na hihilingin niyo ay proteksiyon. Pagkain niyo sa proteksyon nila. Kung walang may gusto gutumin niyo ang mga bayan hanggang sa mapilitan silang makipagsundo sa inyo.” Unang mungkahi ni Kali.
Mabilis na sinang ayunan ng mga grupo ng magsasaka at mangingisda ang mungkahi na iyon ni Kali. Kasunod naman na binanggit ni Huwan ang mga manggagawa ng mga makinarya, armas at mga sasakyan sa Marrhuk.
“Kung kaya niyo gumawa ng mga kagamitan tulad ng mga sasakyan at mga armas para sa mga kalaban, bakit hindi niyo kayang lumikha ng para sa inyo. Iyong doble ang lakas kaysa sa mga gawa niyo sa kanila. Gumawa rin kayo ng mga sasakyan panghimpapawid para sa bayan niyo. Iyong mas malaki. Mas malaki mas nakakatakot iyon para sa kanila.” Ani ni Huwan.
Kinagat naman ng mga ito ang ideya ni Huwan at nagtipon tipon din ang mga ito para gawin ang plano. Sunod na kinausap ni Kali ang mga taga gawa ng mga gusali at tulay sa kanila.
“Maglagay kayo ng hangganan para sa bayan na ito. Mula sa kabundukan paikot sa kalupaan ng Marrhuk maging sa mga katubigan, magtayo kayo ng matitibay na mga harang at pader. Ang mga harang ang magbibigay babala sa mga kalaban na hindi kayo basta-basta masasakop. Kung nagagawa niyon sa ibang bayan gawin niyo rin ito sa inyo.” Saad ni Kali.
Kumilos agad ang lahat at walang pag-aalinlangang ginawa nila ang sinabi ni Kali. Ang mga taga Marrhuk ang isa sa mabibilis at matatalinong nilalang sa kanilang mga uri. Nang araw na iyon sabay-sabay na isinagawa ng lahat ang mga mungkahi nila Kali. Gamit ang mga makabagong paraan at teknolohiya agad na nalagyan ng mga harang at mga matitibay na pader ang paligid ng Marrhuk. Labis na namangha si Kali sa bilis nilang nakalikha ng ganun sa maiksing sandali lang. Mas pinatibay pa nila ang mga harang sa paligid ng kanilang bukirin kung saan naroon ang walumpung porsyento ng mga produkto. Isang hindi nakikitang pananggalang ang nabuong proteksiyon ng mga taga Marrhuk para sa mga produkto nila sa bukid. Nagsimula narin sila mag-imbak ng mga produkto at pagkain para sa kanila. Maging ang mga tagagawa ng mga armas ay wala ng hinto sa paglikha ng mga armas para sa bawat isang mga Marrhukian. Nagtalaga rin sila ng mga malalakas na armas sa palibot ng mga harang. Maging ang paglikha ng malalaking sasakyan panghimpapawid at pandagat ay sinisimulan na ng iba. Namangha si Buwan sa bilis ng pagkalikha ng lahat ng iyon,hindi pangkaraniwan ang galing, husay at bilis nila sa pagbuo at pagsakatuparan ng plano. Isang araw lamang iyon ngunit halos matatapos na ang lahat.
“Ito ang lihim na kakayanan naming mga taga Marrhuk na wala sa kanila. Kaya namin gumawa ng isang daang porsiyentong mabilis kaysa sa ordinaryong manggagawa. At nang dahil sa inyo magagamit namin ito para sa sarili naming pakinabang.” Wika ni Xahul, ang may ari ng kainan na siyang magsisilbing pinuno rin ng mga taga Marrhuk.
“Kaya hindi kayo dapat matakot o mangamba sa iba, dahil hawak niyo ang lahat na nasa paligid niyo. Manindigan kayo, tama na ang pang aalipin. Panahon na para umaklas para sa pantay na karapatan para mabuhay sa mundong ito. At sisimulan niyo iyan ngayon habang nandito kami, kasama niyo ako sa karapatan niyo”. Ani ni Kali.
Ang ginagawang pag aaklas ng mga taga Marrhuk ay mabilis na umabot sa mga konseho ng mga bayan sa paligid ng Marrhuk. Dahil sa itinuturing nilang banta ito laban sa kanila agad na nagpadala ang mga kaharian ng kani-kanilang mga hukbong pandigma upang takutin at pigilan ang ginagawa ng mga taga Marrhuk.
Ngunit ang bagay na iyon ay napaghandaan na ng mga taga Marrhuk. Wala man lang ni isa sa mga ipinadalang hukbo ang nagtagumpay na makatawid sa ginawang harang. Hindi nila inaasahan ang matibay na pader na bumungad sa kanila. Maging ang himpapawid sa ibabaw ng Marrhuk hindi nila nagawang lapitan. Ipinagbunyi iyon ng mga taga Marrhuk.
“Dagdagan ang tibay sa mga pader at bantayan ang bawat tarangkahan! Ngayong alam na nila ang nangyayari rito batid ko na gagawa sila ng hakbang upang pasukin tayo!” Utos ni Xahul sa lahat ng mga tagapanday at tagakumpuni ng mga pader sa palibot ng Marrhuk.
Sa pag-atras ng mga hukbong padala mula sa mga karatig lupain at kaharian lalong nayanig ang mga umaanib sa kapangyarihan ng kadiliman. Nakarating kay Ghur ang kalapastanganang pag aaklas ng mga taga Marrhuk. Tinipon nito ang pinakamahuhusay sa kanyang mga hanay. Tinawag din nito ang mga kaanib ng kanyang lakas upang bigyan ng aral ang maling hakbang ng mga taga Marrhuk.
“Galdorr ang hukbo mo ang sasama sa mga kawal ko. Kalahi niyo ang mga Marrhukian na iyan. Kaya batid ko na alam mo ang kahinaan ng mga hangal na iyon! Ubusin mo ang kanilang uri. Walang ititira sa mga kalapastanganan nila!!!” Utos ni Ghur sa punong kataas-taasan ng mga Lebirroh.
Ang mga Lebyan mula sa kaharian ng Lebirroh, isang matatag at malakas na kaharian na matatagpuan sa kabundukan ng Mari-ithun. Isa sa mga sinaunang angkan ng mga lahing Galeonorra. Mga kauri ng mga taga Marrhuk ngunit mas kawangis ng mga tao ang mukha liban na lang sa kulay abo o puti nilang balat at hugis itlog na mga ulo. Tinagurian silang armas ng hinaharap dahil sa galing at husay nila sa pakikipagdigma gamit ang kanilang sariling teknolohiya at makabagong makinarya at armas. Kilala ang mga taga Lebyan na tahimik ngunit mababangis na uri sa kanilang lahi. Bukod sa galing sa pakikipag laban gamit ang mga armas, tulad ng ibang mga nilalang sa mundong elementalya, may kakayahan din silang manipulahin ang mga enerhiya na nasa paligid nila. Tulad ng magnetismo at iba pa.
“Handa ang mga taga Lebirroh na sumunod sa utos dakilang Ghur.” Tugon mula sa punong kataas-taasan ng mga taga Lebirroh.
“Panginoong Ghur, sinubukan na ng mga taga Bhurao at Krizzuryah na lusubin ang Marrhuk ngunit lubhang matibay ang nilikha nilang harang at pananggalang laban sa mga paparating. Mukhang duda ako na kaya iyon tapatan ng mga taga Lebirroh.” Wika ng isang Dalakitnun kay Ghur.
“Gaano na ba ka lakas ang Marrhuk na iyan na tila nababahala kayo?! Isa lamang silang tuldok sa mapa. Kaya humayo kayo at wasakin niyo ang mga hangal na taga Marrhuk. Wala kayong ititira kahit na isa.” Tanong pa ni Ghur.
“Saglit panginoon, magugutom ang mga taga Lhunook sa oras na sirain natin o wasakin ang Marrhuk. Baka puwede takutin na lang natin. Bantaan, o di naman kaya parusahan.” Sabat pa ng Dalakitnun.
“Malawak ang mga lupain, at isa lang sa mga iyon ang Lhunook. Ayoko ng mga nilalang na kumukontra sa akin. Lalong ayoko ng mga duwag sa harapan ko!!!” Tugon ni Ghur na may galit.
At sa isang bigwas lang nito ng kanyang matatalas na kuko, gumulong sa lupa ang ulo ng Dalakitnun nang humiwalay ito sa kanyang katawan.
Agad nitong pinahanda ang kanyang mga hukbo, kabilang na ang mga Tul-hungan kasama ang mga sundalo ng Lebirroh sa pamumuno ni Galdorr. Animoy may malaking digmaan na tutugunan ang pinadalang hukbo ni Ghur. Sa dami ng mga iyon hindi kakayanin ng isang maliit na bayan ng Marrhuk ang ganung puwersa. Ngunit sa halip na ikatuwa ng ibang mga karatig bayan ang ginawang tugon ni Ghur, ang lahat sa kanila nangamba at nabahala. Lalo na ang mas maliliit na bayan na nasa paligid lang ng Marrhuk.
“Punong Xahul, isang opisyal mula sa Nharhaga ang nais kayong makausap kasama ang punong tagapagsalita ng mga taga Tehrah. Nasa himpilan sila ng ating mga kawal.” Wika ng isang Marrhukian sa pinuno nila.
“Nais kong sumama sa inyong paguusap Xahul. Batid ko ang halaga ng kanilang pagkari sa inyo.” Sabat ni Kali.
“Siyang mabuti Kali. Ang mungkahi mo at pananaw ang kailangan ko sa mga sandaling ito.”
Sakay ng lumilipad na sasakyan tinungo nila Kali at Xahul ang himpilan ng mga sundalo na nakapuwesto malapit sa bungad ng Marrhuk. Pagkarating sa silid kung saan naghihintay ang mga panauhin agad na yumukod si Xahul nang makita ang opisyal mula sa Nharhaga.
“Obzek, kinagagalak ko na makita kang muli. Hindi ko akalaing na sa ganitong pagkakataon pa tayo muling magkadaupang-palad.” Bungad ni Xahul.
“Xahul,aking matalik na kaibigan. Hindi ko rin inaasahan na makita kita sa ganyang kasuotan. Ang kasuotang pandigma. Ito ba talaga ang nais ng mga taga Marrhuk?” Tugon ni Obzek.
“Hindi digmaan ang nais namin kundi ang aming karapatan at kalayaan mula sa kapangyarihan ni Ghur at mga kaanib niya.“sagot ni Xahul
“Kahangalan na tapatan ang kapangyarihan ni Ghur. Isang pagkakamali ang kalabanin ang kanyang lakas. Tayong mga Galeonorra, alam natin iyon.” Sabat ng tagapagsalita mula sa Tehrah. Si Naktum.
“Walang silbi ang kapangyarihan ni Ghur kung magkakaisa kayong magkakalahi. Ang mga kauri niyo ang siyang dapat niyong protektahan hindi ang kabaluktutan ni Ghur. Gamitin niyo ang inyong mga katalinuhan at kapangyarihan laban sa kanya hindi para labanan at pabayaan ang mga kauri niyo. Kayong mga taga Lhunook, sa inyo pinamana ang lupaing ito. Kayo ang siyang may kapangyarihan dito hindi si Ghur.” Wika ni Kali na pumagitna sa tatlo.
“Isa kang taga-tawid mula sa mundong ibabaw, sino ka? At ano ang kaugnayan mo sa mga nangyayari rito?” Tanong ni Obzek kay Kali.
“Ako si Kali, hindi man ako isa sa inyo ngunit batid ko ang mga nangyayari rito. Misyon ko ang pabagsakin si Ghur at ang lahat ng mga kaanib niya. Kaya kung nasa panig kayo ng kadiliman at kasamaan, kilalanin niyo ang mukhang ito dahil itong mukha na ito ang huli niyong makikita kung kakalabanin niyo ako.” Pagpapakilala pa ni Kali.
“Tama na ang pang-aapi at pangmamalupit sa mga taga Marrhuk. Titindig na kami para sa aming kalayaan at karapatan. Kaya kung naparito kayo upang hikayatin kami na muling pasakop sa pinaniniwalaan niyong kapangyarihan. Umalis na kayo, lisanin niyo na ang Marrhuk ngayon din.” Wika ni Xahul.
Nang walang ano-ano bigla na lang naglabas ng apat na bilog na bagay si Obzek mula sa loob ng kanyang balabal at itinapon ang mga iyon sa sahig. Saglit pa naglabas iyon ng liwanag nang bumukas ang mekanismo nito. Lumikha ng maliliit na portal ang liwanag na nanggaling sa mga bilog na iyon. Maya-maya pa lumabas mula sa mga portal ang mga sundalo ni Obzek na armado ng malalakas na mga armas. Mabilis na napaligiran ng mga iyon sina Kali at Xahul. Gayunpaman hindi sila kinakitaan ng pangamba o tugon ng pagka-gulantang sa nangyayari na tila ba inaasahan na ng dalawa ang gagawin ng mga bisita.
“Tigilan niyo na ang kahibangang ito Xahul. Kahit anong gawin niyo, mababang uri parin kayo. Wala sa lahi niyo ang dugo ng isang mandirigma, kaya huwag na kayong mangarap na pantayan ang aming lakas.” Wika ni Obzek habang tinututukan ng hawak na sandata si Xahul.
“Tama ka wala nga sa aming dugo ang pagiging mandirigma, ngunit taglay naman namin ang pusong wala kayo. At kung mababa man kami sa inyong paningin…mas mababa kayo ng higit sa amin.”. Sambit ni Xahul.
Kasabay ng mga katagang iyon bigla na lang naglaho sa harapan nila Obzek sina Kali at Xahul. Doon napagtanto nina Obzek at Naktum na isa lamang huwad na nilalang ang kanina lang kaharap nila. Isang hologram. Nang maramdaman ang kanilang pagkakamali agad na kumilos si Obzek at naglabas pa ng mga bilog na mikanismo upang gumawa sana ng portal ngunit hindi na gumana ang mga iyon. Gamit naman ang kakayahang pangkaisipan, pilit na binabasag ni Naktum ang dingding ng silid na iyon ngunit nang hina lamang ito na hindi man lang nasisira ang mga dingding.
Muling narinig ng dalawa ang boses ni Xahul.
“Lisanin niyo ang kapangyarihan ni Ghur at umanib kayo sa ipinaglalaban namin. Tayo ang magkakampi rito…tayo ang higit na magdadamayan. Mag isip kayo. Ginagamit lang din kayo ni Ghur, at tulad naming mga Marrhukian, Alipin din ang turing niya sa inyo. Utusan at sunud-sunuran lamang na parang mga hayop sa ilangan.” Wika pa ni Xahul.
Samantala mula sa himpapawid kung saan sakay sina Huwan at Arion sa malaking sasakyang bakal na lumilipad. Tanaw ng dalawa ang pag dilim ng kalangitan mula sa hilaga. Panganib naman ang naaamoy ni Arion sa samyo ng hangin.
“May mga paparating na naman at mukhang mas marami ito kaysa sa mga nauna. Kayong mga nasa kanan ipaabot ang hudyat ng paghanda sa bawat poste ng pader. May mga panauhin na naman.” Wika ni Arion sa mga itinalagang mga punong bantay ni Xahul.
“Kailangan na rin natin mag handa mukhang humingi na sila ng resbak sa panginoon nilang si Ghur.” Ani ni Huwan.
“Tatawag ako ng dagdag tulong mula sa Acasia.” Sambit ni Arion.
“Sa tingin ko hindi magandang ediya iyan. Baka balikan ni Ghur ang mga taga Acasia. Sa ibang nilalang na lang tayo hihingi ng tulong.” Pag-aalangan ni Huwan.
“Tama ka. Kung gayon dumito ka muna at may gagawin lang ako.”
Mula sa sasakyang panghimpapawid tumalon doon si Arion tsaka lumabas ng Marrhuk. Ang naiwang si Huwan naman kinuha ang malapad na bandana na kulay pula at nilatag iyon sa sahig. Umupo ito sa harapan nun na nakabuhol ang mga binti at nakadipa ang mga kamay. Nagsimula na itong umusal ng mga salita na siya lamang ang nakakaintindi. Hanggang sa lumitaw mula sa bandanang pula ang mga simbolo at hugis na kakaiba. Lumiwanag iyon kasabay ng pag palit ng kulay ng mga mata ni Huwan na nagpurong itim iyon at napalitan ng purong puti. Nagpatuloy ang mga pagsambit nito ng mga kataga at ang mga hugis na naroon sa mga bandana ay pumorma at naging mga nakakatakot na halimaw.
“Tinatawagan ko ang mga dakilang mandirigma ng karimlan. Tinatanggalan ko kayo ng mga tanikala upang akoy tugunan. Pumarito kayo at ako’y dinggin para tulungan!” Muling umusal ng mga salita si Huwan.
Sandali pa at lumitaw ang mga gahiganteng mga halimaw mula sa bandana. Kinatakot ng mga taga Marrhuk ang presensya ng mga iyon. Maging sina Kali at Xahul nagimbal sa paglitaw ng mga nilalang na iyon sa kanilang harapan. Ga tore ang taas ng limang halimaw na iyon na may ibat-ibang katangiang pisikal at anyo.
“Ano ang mga iyan Huwan? At saan galing ang mga iyan?” Tanong ni Kali.
“Huwag kayong matakot sinadya ko silang tawagin upang maging dagdag puwersa natin sa paparating na panganib Kali. Sila ang mga dakilang mandirigma ng Absarbo. Hiniram ko muna sila sa karimlan. Malakihang laban ito kaya kakailanganin natin ng malalaking panakot.” Tugon ni Huwan.
“Ano ang tinutukoy mong paparating na panganib Huwan?” Usisa ni Xahul.
“May napansin kami ni Arion mula sa hilaga. Mukhang nakanti nga natin ang pikon ni Ghur. Hinala namin ni Arion malaking hukbo ang pinadala nito para sa mga taga Marrhuk. Kaya kailangan natin sila paghandaan.” Saad pa ni Huwan.
Maya pa dumating naman si Arion kasama ang mga hukbo ng mga Thaihu at ilang mga Ehla-pho. Mga nilalang na kalahating usa at kalahating tao. Tulad ng mga Thaihu, kabilang sila sa mga lahi ng mga tikbalang at mga senturyon. Kawangis ng mga tao ang kanilang mga mukha at pang-itaas na bahagi may malalaking sungay ng usa,at kumikinang na pilak ang mga buhok. Halin tulad naman sa isang usa ang ibabang bahagi ng kanilang katawan.
“May kakayahan kang magtawag ng mga nilalang sa lihim na lagusan?” Gulat na tanong ni Arion kay Huwan.
“Kaya ko rin silang kontrolin, isa lang ito sa pinamana sa aking kagalingan ng aking nasirang ama. Kalma ka lang, hindi sila aatake kung hindi ko iniutos. Panakot lamang natin sila sa mga magtatangkang lusubin tayo. Pero kung giyera ang nais nila… mapipilitan talaga akong gamitin sila.” Ani ni Huwan kay Arion.
Tumahimik si Arion habang isa-isang pinagmamasdan ang mga halimaw na nasa kanilang harapan.
“Kamangha-mangha, hindi ko akalaing may kakayanan pa lang ganito ang taga-tawid na ito. Ibig lamang sabihin, hindi talaga siya ordinaryong tagalupa. Merong lihim sa pagkatao niya na hindi ko pa naaarok. Tulad ni Kali kakaiba rin ang isang ito. Tanging kuwento lang ang tungkol sa nilalang na kayang magpalabas ng mga halimaw sa Absarbo. Pero ngayon nasa harapan ko mismo ang tulad niya.” Sa isip pa ni Arion.
Maging si Kali lihim na nagdududa sa katauhan ni Huwan. Bagama’t ilang beses na siya nito pinakitaan ni Huwan hindi parin ito kumbinsido sa tunay na hangarin ng kasama. Ang makita ang mga halimaw sa kanyang harapan, patunay lang na may malalim pa na lihim sa katauhan ni Huwan. Sa utos ni Huwan, ipinoste nito ang bawat isa sa mga hinugot na halimaw sa bawat istasyon ng mga harang kung saan naroon ang mga pangunahing tore ng Marrhuk. Kasama si Kali, mga Thaihu at mga Elah-pho, pinangunahan naman ni Arion ang hanay ng mga sundalo sa baba.
Kakaunti lang ang numero ng kanilang hukbo ngunit ang silakbo ng tapang at determinasyong mapagtagumpayan ang pagtanggol sa Marrhuk ang siyang naging lakas ng mga Marrhukian sa napipintong labanan.
ANG MGA ARINIPOT
Napagod na sa kaka-ikot ng gubat si Turro ngunit hindi na nito natatandaan ang puno na pinag-iwanan sa kanya ni Luluako. Bukod kasi sa magkakatulad ang mga laki at taas ng mga puno roon, masyadong maraming daanan na magkakaparehas. Nakaramdam na ng hilab dahil sa gutom si Turro. Hindi na nito mahihintay pa ang pagbabalik ni Luluako. Kasabay sa paghagilap ng kanilang tagpuan, nagkusa na rin itong maghanap ng makakain.
“Bahala na, hindi ako pamilyar sa mga bunga ng mga puno at halaman dito pero gutom na talaga ako. Aabangan ko na lang ang mga hayop sa paligid. Kung alin ang kakainin nila iyon na din ang kakainin ko.” Wika pa ni Turro sa sarili.
Maging ang mga uri ng hayop sa paligid ay ibang-iba sa mga pangkaraniwang nakikita nito. Merong mga kawangis ng mga hayop na meron sa mundo ng mga tao ngunit hindi parin iyon katulad talaga sa mga kilala niya. Sa pag masid-masid pa nito isang kawangis ng unggoy ang namataan nitong papaakyat sa isang puno. Mukhang unggoy talaga iyon liban na lang sa kulay kahel nitong balahibo na mistulang kristal na kumikinang sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw.
Sinundan ni Turro ang nilalang na iyon dahil batid nito na pagkain ang pakay ng nilalang sa pag akyat ng puno. Maliksi ang nilalang na iyon na agad naglaho sa mga malalagong dahon ng punong iyon. At sa mga sanga nun, kapansin pansin ang tila kumpol ng mga hinog na mangga na nangingintab sa kulay nitong mapula-pulang dilaw. Kulay palang nun tila tinatawag na si Turro upang pitasin iyon.
Akma nang aakyat ng puno si Turro nang may pumigil sa kanyang boses. Boses ng isang babae. Agad na napalingon si Turro sa kanyang likuran. Naroon ang isang mala diwata sa kaanyag na babae. Halos kita na ang kahubdan ng kanyang katawan sa manipis na telang puti na siyang nagsisilbing balabal nito sa katawan. Mahaba ang tuwirang buhok nito na kulay itim. Maputla ang balat ngunit nakakahalina ang maamo nitong mukha na napakaganda.
Hindi halos maibuka ni turro ang mga labi sa sobrang pagkamangha nito sa binibining kanyang kaharap. Sa mahabang panahon ngayon lang muli nakatagpo ng isang ganun ka gandang babae si Turro. Halos wala na kasing natirang babae noon sa kanilang bayan sa Phatag simula nung dumating ang mga Harrabas sa lupaing kanyang kinabibilangan. Kaya ang makakita ng ganun sa kanyang harapan ay tila isa ng biyayang handog ng mga bathala sa langit.
“Marilag maari mo ba sabihin sa akin kung ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Taga rito ka ba?… binibini?” Tanong agad ni Turro.
“Ada-iyah, iyan ang tawag sa akin. Hindi ito ang tahanan ko ngunit dito ako dinala ng kapalaran ko. Ang lugar na ito ang kanlungan ko. Ikaw?…hindi ka kabilang sa daigdig namin, ano ang ginagawa mo rito?” Tugon ng babae kay Turro na unti-unting lumalapit sa kanya.
“Ako si Turro, isang tao. Napadpad lamang sa lugar na ito dahil sa may hinahanap kaming kasama.” Sagot ng lalake.
“Hindi ka nag-iisa? May kasama ka? Nasaan na ang kasama mo at hinahayaan ka niyang pagala-gala rito sa gubat na mag isa?”
“Si Luluako, taga rito siya sa mundo niyo isa siyang Khamakama. Eh kaso napa-walay ako sa kanya nu’ng nakaramdam ako ng uhaw. Hindi ko na mahanap ang daan pabalik sa aming tagpuan. Heto nga at kanina pa ako paikot-ikot lang dito.Nagutom na nga ako sa kaka-hanap.” Ani pa ni Turro.
“Kaya naman pala nakita kitang nakatingala sa puno ng Makhahelu. Hindi lahat ng nakikita mo na mukhang masarap sa iyo ay maari mo nang kainin. Dahil karamihan sa mga bunga rito ikakamatay mo lalo na iyang nasa harapan mo. Halika, sumunod ka sa akin at ituturo ko sa iyo ang dapat.” Wika ng babae.
Tumalikod ito kay Turro at pinasusunod nito sa kanya ang lalake. Tila napailalim naman sa hipnutismo si Turro na walang pag-aalinlangan namang sumunod sa babae. Nagpatuloy ang dalawa hanggang sa mas masukal na bahagi ng gubat. Saglit pa nasagi ng isang matinik na halaman ang balat ni Turro, nagkapilas iyon kung kaya bumalik ito sa katinuan ng maramdaman ang kaunting sakit sa kanyang braso. Bigla nitong naalala ang bilin sa kanya ni Luluako tungkol sa mga Arinipot. At nang iginala nito ang paningin sa paligid napagtanto ng lalake na iba na ang mga puno at mga halaman sa paligid, na para bang ibang lugar na ang napasok nila.
Naramdaman ni Ada-iyah ang paghinto ni Turro kaya binalingan niya ito ng tingin at nagwika.
“Nababasa ko ang laman ng isip mo lalake, hindi ako isa sa mga pinangangambahan mong mga Arinipot. Kawangis ko ba sila? Huwag ka matakot sa tulad ko dahil tulong ang hatid ko at hindi panganib. Humayo na tayo at mas mapanganib ang bahaging ito ng gubat. Magtiwala ka lamang at maiibsan ang iyong agam-agam.” Saad pa ng babae.
“Anong uri ng nilalang ka ba? Diwata? Nimfa? Engkanto o Maligno?” Katanungan pa ni Turro.
“Wala ako sa mga nabanggit mo dahil higit ako sa kanila. Bilisan mo na at mababanaag ko na ang dilim sa kalupaan. Hindi mo gugustuhing maabutan ng dilim sa lugar na ito.” Pagpatuloy pa ng babae.
May pag-aalinlangan man para sa kanyang kaligtasan. Wala naman itong alam sa lugar na iyon kaya kumapit na lang sa pagkakataon si Turro. Hawak sa kamay ang espada, nagpatuloy ito sa pagsunod kay Ada-iyah. Isang nilalang na hindi man lang niya kilala. Sa lugar parin ng Ugarath, tulad sa naranasan ni Turro, paikot-ikot lang din si Luluako sa pinag-iwanan nito sa lalake. Bitbit sa sakong dala ang mga prutas na nahanap muling hinagilap ni Luluako si Turro. May pag aalala na sa panig nito.
“Huwag naman sana. Ilang sandali pa at kakagat na ang dilim sa kapatagan at lalamunin na ng anino ang gubat na ito. Kailangan ko nang mahanap si Turro. Sana nga lang at hindi niya tinanggal sa katawan niya ang ibinigay kong mutya.” Sa isip ni Luluako.
Sa pagpatuloy nito narating ni Luluako ang isang lihim na talon sa gubat na iyon. Ngunit ang mas nakakuha ng pansin nito ay ang makinang na bato na nakita nito sa lupa sa tabi ng mga bato malapit sa talon. Kinuha niya iyon at napailing na may kaba.
“Malamang kinuha na nila si Turro. Wala na sa kanya ang proteksiyon na bigay ko.” Ani ni Luluako pagkadampot nito ng bagay na iyon.
Hindi na ito nagsayang pa ng mga sandali at muling binaybay ang mga daan sa paligid at loob ng gubat mahanap lamang si Turro. Samantala noon…isang hardin ng mga buhay na mga bulaklak ang pinagdalhan ni Ada-iyah kay Turro. Sa gitna nun may isang maliit na bulwagan na gawa sa mga ugat ng puno ang buong paligid.
“Tuloy ka sa aking pugad lalake.” Pag anyaya ng babae kay Turro.
Nahawi ng kusa ang mga ugat na nagsisilbing pintuan sa bulwagan. Naunang pumasok si Ada-iyah, sumunod si Turro. Maluwag ang loob nun na hindi naman halata mula sa labas. Maliwanag sa loob dahil sa mga kumikinang na mga bato sa paligid nun. At may malapad na batong hugis parihaba sa gitna na animoy malapad na hapag. Nakalatag doon ang mga pagkain ng mga tao na nagdulot ng pagkatakam kay Turro.
Lahat ng uri ng luto na karne ng hayop naroon sa harapan nito,mga samot saring mga prutas na pamilyar sa kanya, hitik ang iyon sa lamesang bato. Meron pang mga alak.
“Ano pa ang tinatayo mo riyan lalake, pumarito na at pagdamutan mo itong laan ko sa iyo. Ito ang pagkain niyong mga tao. Ito lamang ang makakabusog sa iyo.” Wika pa ni Ada-iyah na naupo sa isang upuang tila trono na gawa sa mga binuhol na mga ugat ng puno.
Marahang lumapit si Turro sa hapag na may kasabikang nararamdaman sa mga nakahain sa kanyang harapan. Lalo itong natakam ng mga kita ang mga iyon sa malapitan. Agad na dinakma ni Turro ang buong lechon na manok na tila kakaahon lang sa nagbabagang uling. Umuusok pa iyon, ngunit di alintana ng lalake ang init nun. Pagkagutom ang nangibabaw sa kanyang pagkasabik. Hawak sa dalawang kamay, kanyang pinangas ang karne ng buong manok. Walang kapantay ang sarap ng lasa nun na unti-unting bumababa sa lalamunan ni Turro.
Nang walang ano-ano isang boses ng lalake ang umalingawngaw sa paligid. Napatayo sa kinauupuan nito si Ada-iyah. Iniwan nito sa hapag si Turro at lumabas ng kanyang pugad.
“Turrro! Nasaan ka na Turro! Batid ko na nasa paligid ka lang! Dinggin mo ang tawag ko at tumugon sa akin! Turro bumalik na ako! Hanapin mo ang boses ng pagtawag ko, Turroooo!!!” Paulit-ulit na sigaw ni Luluako habang tinatawag si Turro.
Sa bahaging iyon ng gubat dinala si Luluako ng kanyang mutya kaya batid nito na nasa paligid lang nun si Turro. Pagsuyod pa nito sa lugar na iyon, ramdam ni Luluako ang kakaibang bigat ng paligid.
“Huwag naman sana malagay sa panganib ang buhay ni Turro. Ramdam ko ang kakaibang kapangyarihan na lumulukob sa bahaging ito. Ibig sabihin lamang nito may nakamasid sa kinikilos ko. Ngunit hindi ko matukoy kung ito ba ang mga Arinipot, o ibang uri.” Sa isip ni Luluako.
Sa paglalakad pa nito, may napansin ito hindi kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan. Marahang nilapitan iyon ni Luluako. At nagulat ito nang matagpuan si Turro na nakahimlay na sa damuhan at hindi na gumagalaw. Agad na lumapit si Luluako kay Turro upang suriin ang kalagayan nito. Nang mabatid na humihinga pa ang lalake, ginising niya ito habang tinatapik-tapik ang pisngi ng lalake. Maya pa narinig na nito ang mahinang ungol ng lalake. Hanggang sa unti-unti itong nagmulat ng mga mata. Sa sobrang tuwa at saya ni Luluako na ligtas ang lalake nayakap niya ito ng mahigpit. Napabitaw lamang ito sa kanyang pagkakayapos nang kumilos si Turro hinagkan din siya nito.
“Paumanhin sa aking kapangahasan, ngunit labis lamang ako nag alala sa sinapit mo. Ano ang nangyari bakit kita natagpuang walang malay sa damuhan?” Wika ni Luluako na bakas ang hiya sa kanyang mukha.
“Wala akong matandaan, basta lamang ako naglalakad para hanapin ka tapos bigla akong nahilo at nawalan ng ulirat.” Tugon ni Turro na nakangiting nakatitig sa mukha ni Luluako.
“Kung kaya mo na ang sarili mo kailangan na nating kumilos. Lalabas na tayo ng gubat na ito bago pa tayo maabutan ng dilim sa lugar na ito. Bilis na at malayo-layo pa ang lalakbayin natin.” Turan pa ni Luluako na nanguna na sa paghakbang.
Pagkatayo agad na sinundan ni Turro si Luluako.
Balik sa lupain ng Lhunook, ramdam na ng mga karatig bayan ang tensiyon na paparating, dinig na nila ang pagdagundong ng ulap sa napipintong harapan ng panig ni Ghur laban sa mga mamamayan ng Marrhuk. Maging ang dalawang naunang bayan na humamon sa lakas ng mga taga Marrhuk nagdadalawang isip na sa maaring patutunguhan ng pag-aaklas ng mga Marrhukian. Agarang nag pulong ang mga nalalabing bayan na nasa paligid ng Marrhuk. Ang Bhurao, Krizzuryah, Nharhaga at ang Tehrah.
“Tanging ang Lebirroh lamang ang wala sa pulong na ito. Kasalukuyan silang kasama sa mga hukbo ni Ghur at ayon sa ulat patungo na sila ng Marrhuk at sa hilaga sila paparoon.” Bungad ni Minhurka sa mga kasapi ng konseho ng mga lahing Galeonorra.
“Nanguna na ang bayan’ namin ngunit kinabigla namin ang tapang ng mga taga Marrhuk. Hindi namin inaasahan ang biglaang pag-alab ng kanilang galit laban sa kapangyarihan ni Ghur. Minaliit natin ang kakayahan nila. Nakakagulat ang pinapakita nilang bangis. Hindi man lang kami nakausad mula sa itinalaga nilang harang.” Tugon ni Bharzum ng taga Krizzuryah.
“Ganun din ang naranasan ng mga hukbo namin. Kung ganito ang hakbang ang ipapatupad ng mga taga Marrhuk, mapipilitan tayong maghanap ng panibagong mapagkukunan ng ating mga pangangailangan. Umaasa lamang ang mga bayan natin sa kanila. Sila ang higit na pinagpala sa mga likas na yamang kailangan ng ating mga bayan. Magugutom ang ating mamamayan. Hihina ang ating mga hukbo.” Sabat ni Adamio ng Bhurao.
“Hindi pa nakakabalik sina Obzek at ang kanyang mga kawal mula sa Marrhuk, maging ang punong tagapagsalita ng Tehrah na si Naktum. Batid namin na bihag na sila ng mga taga Marrhuk. Patunay lamang na hindi nakikipaglaro ang mga Marrhuk sa atin. Masyado natin minaliit ang kanilang uri. Marahil napuno narin ang kanilang pagtitimpi kung kaya’t gumagawa sila ng hakbang upang iparating sa lahat na hindi sila ang mahihinang uri gaya ng pagkakakilala natin.” Wika ni Obserion na pinuno ng Tehrah.
Sa gitna ng pulong isa sa mga kawal ni Minhurka ang nagparating ng balita. Napahinto ang lahat nang makita ni Minhurka si Naktum na papasok ng bulwagan. Agad ito inusisa ng mga kasapi ng konseho.
“Mga pinuno ng bawat bayan ng Lhunook, ako’y naparito upang iparating sa inyo ang mensahe mula sa Marrhuk.” Panimula ni Naktum.
Mula sukbit nitong lalagyan, nilabas niya mula roon ang isang mikanismo mo na hugis piramide at inilapag iyon sa pabilog na lamesa sa harapan ng mga konseho. Sandali pa at gumalaw ang mga bahagi nun at naglabas ng imahe. Tumambad sa mga iyon ang imahe ni Xahul, isang holugramo nito ang nagpakita sa lahat.
“Eris maras hirum il Galeonorran”. Katagang pagbati ni Xahul sa linguwahe ng mga Galeonorra na ang ibig sabihin (“kapayapaan at pagkakaisa sa mga taga Galeonorra”).
Samantala sa lupain ng Ugarath bagama’t kasama na ni Luluako si Turro may kung anong pag-aalinlangan parin ito sa kasama. Balot ng mahika at di mawaring puwersa ang lumulukob sa buong kagubatan kung kaya’t hirap ito na pakiramdaman ang paligid. Nang maisipan nitong gamitin ang mutya upang malinawan sa kanyang mga pagdududa. Kinuha niya ang maliit na sisidlan sa kanyang beywang at umusal ng mga salita sa kanyang isip.
“Mutya ng Makhahelu tanggalin ang harang sa aking mga mata, ipakita sa akin ang nakakubling katotohanan.” Sa isip ni Luluako habang himas-himas ang bagay na laman ng maliit na supot.
Sa bisa nga ng mutya biglang nilukuban ng makapal na hamog ang paligid, saglit lamang iyon at muling nawala ngunit kasabay nun ang pagbago rin ng kapaligiran. Ang kanina lang mayabong na kagubatan nag mistulang disyerto na ng mga patay na puno at halaman. Maging ang lupa, bitak-bitak na at tuyong-tuyo. Wala na dating ganda ng lugar at nang ibaling na ni Luluako ang tingin kay Turro, napaatras ito. Tama nga ang kanyang kutob. Hindi si Turro ang kasama nito.
“Sayang naman, hindi pa man tayo nagsisimula sa ating laro nahulaan mo na agad ako. Ang tatalas talaga ng pang-amoy niyong mga Khamakama.” Wika ni Ada-iyah kay Luluako.
Nahayag kay Luluako ang tunay na anyo ni Ada-iyah.
“Nasaan na ang kasama ko?! Ibalik mo siya! Ilabas mo si Turro sa pinagkubli-an mo sa kanya!” Utos pa ni Luluako sa isang Arinipot na si Ada-iyah.
“Wala na siya, hindi mo na siya maaalis sa lugar na ito. Bihag na siya ng gubat at sa tuluyang paglamon ng dilim sa kapaligiran, magiging isa na rin siya sa amin. At ako makakalaya na sa bilangguan na ito. Sayang at hindi kita na kuha. Dalawa sana kayo ang papalit sa puwesto ko.” Saad ni Ada-iyah.
“Hindi mo makukuha si Turro, sinisiguro ko iyan sa iyo. At pag nangyari iyon alam mo na ang mangyayari sa iyo!.” Sambit ni Luluako na buo ang pag asa na mababawi pa nito si Turro.
“Iyon kung hahayaan kita. Hindi man kita makukulong dito tiyak naman na dito na ang himlayan mo. Ilang daang taon din ang hinintay ko sa pagkakataong ito. At hindi ko hahayaang sirain lang ng isang tulad mo ang tagumpay ko.” Tugon ni Ada-iyah.
Biglang umalimpuyo ang napakalakas na hangin na halos magtangay kay Luluako. Nagmistula itong ipo-ipo sa gitna ng patay na gubat. Nabalot ng alikabok at buhangin ang paligid na tumabon sa paningin ni Luluako. Saglit pa at humupa rin iyon. At kasabay ng paghanaw ng malakas na hangin, naglaho na rin si Ada-iyah. Bumalik na rin ang anyo ng gubat sa pagiging mayabong buhay nito. Agad na hinanap ni Luluako si Turro. Papahalik na sa kalupaan ang dilim kung kaya mahalaga kay Luluako ang bawat sandali.
“Kailangan ko mahanap ang puno ng Makhahelu. Ayon kay amang nasa pusod iyon ng gubat na ito. At kung nasaan ang puno tiyak na nandoon ang mga Arinipot. Doon ko rin mahahanap si Turro. Kailangan ko magmadali.” Sa isip ni Luluako.
Mabilis ang mga pag lundag ni Luluako na sinasabayan ng mga pagtakbo. Palipat-lipat ito ng mga puno at gamit ang malakas na pandama pinapakinggan nito ang bulong ng mga puno sa paligid. Habang si Turro,mula sa kinaroroonan nito walang kaalam-alam sa malagim na sasapitin nito sa oras na magtagumpay na si Ada-iyah sa kanyang balak. Paikot-ikot lamang ito sa loob ng bulwagan ng Arinipot.
“Paanong naglaho ang pintuan dito? Ada-iyah! Ada-iyah! Nais ko nang lumabas dito. Pagbuksan mo ako! Ada-iyah!!!” Pagtawag ni Turro sa inakalang diyosa.
Nang walang ano-ano nakaramdam ng mga pag-uga ng paligid si Turro. Kasunod nun napansin na lamang nito na tila sumisikip ang loob ng bulwagan. Doon na nilukuban ng kaba si Turro. Lalo na nang mapansin nito na tila nag-iiba ang paligid. Ang kaninang maliwanag at napakagandang loob ng bulwagan ngayon ay unti-unti nang nagdidilim at nag-aanyong mga tuyong ugat ng puno. Hindi lang kaba kundi takot na rin ang namayani kay Turro. Agad na nitong hinugot mula sa kanyang lagayan ang espadang bigay sa kanya ng usa.
“Ngayon mo patunayan sa akin ang taglay mong kapangyarihan kung meron man. Iligtas mo ako sa lugar na ito.” Sambit ni Turro nang hawak na ang espada.
Kinabigla agad nito ang tugon sa kanya ng hawak na sandata. Lumiwanag iyon mula sa hawakan hanggang sa pinaka dulo ng tulis nito. Agad na umayos si Turro. Itinaas ang mga kamay na hawak ang espada tsaka buong lakas na tinaga ang mga ugat na dingding. At sa ganun lang, nakagawa agad ng lagusan si Turro palabas doon. Ngunit iba na ang nabungaran nito sa kanyang paglabas. Wala na ang magandang kapaligiran. Naroon na lamang ang tila libingan ng mga patay na mga puno. At nang lingunin nito ang nilabasang bulwagan wala na ito roon. Basta na lamang ito naglaho.
Nang sa paggala ni Turro ng kanyang paningin sa paligid may nakita ito hindi kalayuan sa kanya. Ang unggoy na may balahibong ginto. Nakatingin ito sa kanya na tila ba pinapasunod si Turro sa kanya. Nagdadalawang isip pa ang lalake nang lumiwanag muli ang hawak na espada. Kusa iyon umangat habang nasa kamay ni Turro. Nagulat si Turro kaya nabitawan niya ang espada.
Laking pagtataka pa ng lalake nang maiwan sa ere ang espada ng mabitawan niya ito. Lumutang ito sa hangin at lumikha ng kakaibang tunog. Tila manipis na ugong na sumasabay sa bawat paggalaw nito sa ere.
“Ano ang nangyayari sa iyo bakit ka lumulutang? At bakit pabaling-baling ang kilos mo may nais ka bang sabihin sa akin? “ Tanong ni Turro sa espada.
Muling umugong ang tunog mula sa espada, na tila ba tumutugon ito sa tanong ng lalake. Pinakiramdaman pa ni Turro ang kilos ng espada nang bigla na lamang ito lumipad palayo patungo sa direksyon ng unggoy. Dahil dun napatakbo ang unggoy. Kinagulat pa ni Turro nang makita na tila hinahabol na ng kanyang espada ang unggoy. Hindi man mawari ang nais ipahiwatig ng espada, nakihabol na rin si Turro sa dalawa.
Hinahabol ng espada ang unggoy, hinahabol naman ni Turro ang espada. At sa kalagitnaan ng kanilang habulan bigla na lang nagsilitawan sa paligid ang tila mga orbis na liwanag na tila gusto rin makipaghabulan sa kanila. Ngunit hindi ang espada o ang unggoy ang gusto nila kundi si Turro.
“Ito na yata ang mga Arinipot na sabi ni Luluako. Grabe ang dami nila. At pinapaikutan nila ako.” Wika ni Turro sa sarili.
Tuloy ang habulan hanggang sa napansin ni Turro na tila bumalik na sila sa tunay na gubat. Mayayabong na muli ang mga nakikita nitong mga halaman, maging ang mga nagtatayugang mga puno ay tanaw na niya. Ngunit pansin din ni Turro ang lalo lang pagdami ng mga Arinipot na nakasunod sa kanya. Na ang iba unti-unti nang nagkakahugis tao at nagiging kawangis niya na.
ANG ESPADA NG DIWA
Huminto sa isa puno ang tila unggoy na nilalang maging ang espada ni Turro. Napatingala si Turro sa naturang puno pagkat pamilyar ang tayog nito at anyo.
“Ito ang puno ng Makhahelu na ayon kay Ada-iyah puno ng lason.” Sa isip ni Turro.
Ibinaling ni Turro ang pansin sa mga nakasunod sa kanya ngunit tila bula na lamang ito na naglaho. Wala na ang mga ito saan man ibaling ng lalake ang tingin. Napakislot sa gulat si Turro nang bumagsak sa paanan ng puno ang espada at bumaon ang talim nito sa lupa. Huhugutin na sana iyon ng lalake nang bigla na lang nilamon ng lupa ang espada. Kasunod nun lumiwanag ang lupang pinagbaunan ng sandata. Maging ang mga ugat ng puno ng Makhahelu nagliwanag, hanggang sa gumapang ang makulay na liwanag nito paakyat sa buong puno, sa mga sanga, hanggang sa mga dahon at mga prutas nito.
Napa atras si Turro. Pagkamangha at pagkabahala ang nagtatalo sa dibdib ng lalake. Nahihiwagaan ito sa mga nakikita. Nang matuon ang paningin nito sa nilalang na nasa harapan niya. Ang kaninang tila hayop na unggoy ay unti-unting nagbabago ng anyo at nagiging maanyag na diwata. Nakalugay ang gintong buhok nito na lubhang nakakahalina sa mala anghel nitong mukha.
“Hindi ko akalain na sa mga nagdaang siglo muli ko makakadaupang-palad ang panibagong nagmamay-ari ng aking espada. Una palang nakikilala na ng hininga ko ang kabutihan ng iyong puso. Ako si Diwang-Liwa ang tagapamahala ng kagubatang ito. At kinalulugod ko na makaharap ka taong taga-tawid.” Pagpapakilala ng diwata kay Turro.
“Turro ang aking pangalan diwatang marilag. Ngunit sa paanong paraan naging sa iyo ang espada? Gayong nagmula lamang iyon sa isang usang niligtas ko. Mula sa isang palaso hanggang sa naging espada. At isang katanungan pa, kasing tahum mo si Ada-iyah, kayo ba ay magkatulad?” Sambit ni Turro.
“Sasagutin ko bawat katanungan mo. Ang aking espada ay hinubog mula sa aking diwa. Kung kaya’t ako at ang espada ay iisa. Ang Ugarath ang piitan at kanlungan ng mga kaluluwang ligaw mula sa ibat-ibang dako ng daigdig bago sila makatawid sa huling hantungan, Ang Eliahveh para sa karapat-dapat, at ang Khelium para sa naman sa mga wala ng karapatang maisilang muli. Tungkulin ko ang siguraduhing walang makakalabas o makakatakas sa mga Arinipot na narito. Ngunit mainipin ang ilan sa kanila. Kung kaya’t marami sa kanila ang tinatangkang takasan ako. Ginagamit ang mga tulad mong naliligaw dito para linlangin ako. Alam mo naman siguro ang kuwento ng mga Arinipot taga-tawid?” Panimulang kuwento ni Diwang-Liwa.
“Nasabi na sa akin ng kaibigan kong si Luluako. Ngunit hindi mo pa nasasagot ang katanungan ko. Paanong ikaw ang nagmamay-ari ng espada?”
“Ang usang iyong tinulungan ay isa sa mga Arinipot na ginamit ang anyo ng hayop upang takasan ako. At sa oras na makalabas na ang isa sa kanila sa aking harang, magiging kanya na ang wangis na kanyang pinili. Isang usa ang napusuang gamitin ng Arinipot na iyon. Bagay na hindi ko inaasahan. Dahil sino bang nilalang ang gugustuhing maging hayop sa kanyang bagong katauhan? Ngunit sino ba ako na hindi kayang pagbigyan ang kahilingan ng isang Arinipot na nagsilbi sa akin ng ilang daang siglo. Ngunit ang lahat ng kalapastanganan ay may kaakibat na kapalit. Kahit nangangahulugan ng aking kaparusahan pinagbigyan ko ang Arinipot na iyon.” Paglalahad pa ng diwata.
Ibinalik ni Diwang-Liwa sa harapan ni Turro ang tagpong sinasaad nito sa kanyang kuwento. Sa ipinakitang tagpo ng diwata kay Turro, nakita niya si Ada-iyah.
“Diwang-Liwa, isa sa mga Arinipot ang papalabas na ng harang. Hindi ko na nagawa pang pigilan hindi na ako makalapit sa bungad.” Subong nun ni Ada-iyah sa diwata
“Sinusukat niyo talaga ang aking kabaitan.” Ang galit na tugon ni Diwang-Liwa.
Hinugot nito ang espada mula sa lupa at ginawang pana. Batid ni Ada-iyah ang kahulugan ng ginawang iyon ni Diwang-Liwa. Ngunit lalo lang inudyukan nito ang diwata na magalit. Nang makaharap na nito ang tinutukoy ni Ada-iyah, napahinto si Diwang-Liwa. Namilog ang mga mata nito nang mapagtanto kung sinong Arinipot ang nagbalak na takasan siya.
“Albiru?” Ang tanging namutawing pangalan mula sa bibig ni Diwang-Liwa.
Labis na kinalungkot ni Diwang-Liwa ang nakita. Si Albiru ang pinakamamahal na kasintahan ni Diwang-Liwa bago ito naging tagapamahala ng Ugarath. Nang sinalakay ng mga Kamyan ang lupain ng Tanghalan, kabilang sa nasawi si Albiru. Dahil sa biglaang kamatayan naging espiritung lagalag si Albiru. Napunta sa Ugarath at naging isang Arinipot. Kung saan muli nitong nakasama ang nawalay na kasintahang si Diwang-Liwa.
“Ngunit ang pagsasama namin ay hindi na katulad ng dati. Wala na ang pagmamahal na naroon dati sa puso ni Albiru. Maging ang mga ala-ala nung nakaraang buhay ay nawala na. Hindi na niya ako nakikilala. Liban na lang kung makapasok ito sa isang nilalang na may buhay.” Ani pa ni Diwang-Liwa.
“Iyon ang dahilan kung bakit ninanakaw ng mga Arinipot ang katauhan ng iba upang maibalik sa kanila ang kanilang ala-ala.” Wika ni Turro.
“At iyon ang dahilan kung bakit na nilinlang ni Ada-iyah si Albiru na gamitin ang katawan ng usa. Huli na nang malaman ni Albiru na hayop pala ang napili niya.” Sa pagpapatuloy pa ni Diwang-Liwa.
“Tapos tinangka mong patayin si Albiru?” Tanong ni Turro.
“Iyon ang batas ng Ugarath, ang batas ko. At hindi iyon mababali. Kaya kahit labag sa loob ko ginamit ko ang espada hindi para paslangin siya kundi para parusahan ang sarili ko.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Nasabi ko na, ang espada at ako ay iisa. Nung pinakawalan ko ang espada sa anyo ng palaso, nawalan narin ako ng karapatan sa Ugarath. At bilang kaparusahan sa pagsuway ko sa aking sariling batas, naging Ungayo ako. Ang nilalang na nakita mo kanina.” Tugon ni Diwang-Liwa.
“Libong taon nang hindi nakakapili ng aking sandata, libong taon na ring hindi ko nakikita ang kagandahan ko ngayon. Hanggang sa dumating ka.”
“Kung gayun iyong usa,…ibig kong sabihin si Albiru, libong taon naring bitbit niya sa kanyang katawan ang palasyong iyon?” Pagtatakang tanong pa ni Turro.
“Upang maligtas ang buhay ni Albiru, kasabay sa kanyang paglisan, ginawaran ko siya ng sumpa at katungkulan na hanapin ang karapat-dapat sa aking espada. At habang hindi pa niya nakikita ang nararapat sa espada mananatili itong buhay.” Paliwanag pa ni Diwang-Liwa.
Napailing si Turro sa narinig. Hindi ito makapaniwala na ang inakalang tugon para iligtas ang kawawang usa ay siya palang dahilan upang tuluyan ng maglaho si Albiru.
“Nilisan man ng lubusan ang daigdig na ito masaya naman ako at batid ko ang patutunguhan niya. At balang araw sa muling pagbabalik niya makakasama ko parin siya. At salamat sa iyo Turro. Hindi lang si Albiru ang pinalaya mo sa sumpa…maging ako sa kulungang ito.”
Lalong naguluhan si Turro sa winika ni Diwang-Liwa, kinutuban ito ng hindi maganda. Kaya muli nitong tinanong ang tungkol kay Ada-iyah.
“Isang huklubang bruha si Ada-iyah, tumakas siya mula sa pinanggalingan niyang daigdig at napadpad dito. Ninakaw ng isang Arinipot ang kanyang katauhan at siya’y nakulong na rito. Bago pa inatang sa akin maging tagapangalaga ng Ugarath nandito na si Ada-iyah. Siya ang kauna-unahang nilalang na nabiktima ng isang Arinipot. At dahil hindi siya espiritu o kaluluwang ligaw na napunta rito. Taglay parin ni Ada-iyah ang lahat sa kanyang sarili.” Ayon pa sa kuwento ni Diwang-Liwa.
Nang mapagtanto noon ni Ada-iyah na panghabambuhay na siyang makukulong sa lugar na iyon. Naghanap ito ng paraan para makatakas. Ngunit hindi ito umobra sa dating taga pangasiwa ng Ugarath. Palaging bigo ang mga hakbang ng bruha. Libong taon na ang nakalipas at hindi man lang ito nagtagumpay hanggang sa napili ang panibagong tagapangalaga ng lugar. Dumating si Diwang-Liwa, kinaibigan nito ang diwata at nakuha nito ang loob ni Diwang-Liwa. Bilang tanda ng kabutihang pakikitungo ng diwata sa bruha, binigyan niya ito sariling pugad na bukod sa ibang mga Arinipot. Binigyan din siya ng katungkulan ni Diwang-Liwa na maging katuwang ng diwata sa pangangalaga ng sang kagubatan. Ngunit ginamit lamang ni Ada-iyah ang pagkakataon na iyon upang makaalis na sa lugar.
Ginamit ni Ada-iyah ang kabaitan ni Diwang-Liwa upang maging kahinaan ng diwata. Natuklasan nito na ang espada ng diwa ni Diwang-Liwa ay ang mismong kahinaan ng diwata.
“Batid ni Ada-iyah na pag nawala sa akin ang espada at nakalabas ito mula sa harang na aking nilagay, mawawalan na rin ako ng kapangyarihan sa buong Ugarath. At kapag nangyari iyon hindi ko na mapipigilan ang mga Arinipot na gumawa ng mga masamang balak sa sino mang mapagawi sa gubat. Kung kaya lagi kung sinisigurado na walang sino mang Arinipot ang makatawid sa ginawa kong harang upang hindi ko magamit ang aking espada laban sa kanila.” Pasalaysay pa ni Diwang-Liwa.
Nung nalaman ni Ada-iyah ang nakaraan sa pagitan ni Albiru at Diwang-Liwa, nakahanap ng magandang pagkakataon ang bruha. Ginamit ni Ada-iyah si Albiru upang mapilitang gawin ni Diwang-Liwa ang isang hakbang na siyang ikakabagsak niya.
“Nagtagumpay si Ada-iyah, katungkulan ko na paslangin ang sino mang pangahas na Arinipot na tatakas sa aking pangangalaga, dahil hindi ko batid kung anong klase sila sa kanilang nakaraan, lalo pa at karamihan sa kanila na naririto ay mga masasama. Sa ginawa ko nawalan ako ng katungkulan sa Ugarath, hindi ko na kayang kontrolin ang mga maligalig na mga Arinipot. Naging isa akong Ungayo. Naging nakakatakot na na lugar ang Ugarath. Maraming mga Arinipot na ang nakawala dahil sa paghina ng harang. Nang maghari ang kasamaan ni Ghur sa buong elemental lalong naging magulo at maligalig ang mga Arinipot. Pinakawalan ni Ghur ang karamihan sa kanila at naging mabagsik nitong mga kawal. Ngunit si Ada-iyah, hindi parin makaalis-alis sa pugad na aking nilaan sa kanya.” Pagpatuloy pa ni Diwang-Liwa.
Dahil sa ang pugad na iyon ay sinadya lamang sa katulad ni Ada-iyah, tanging si Diwang-Liwa lamang ang makakapagpalaya sa kanya roon. Huli na ng malaman ito ni Ada-iyah, nawalan na ng kapangyarihan noon si Diwang-Liwa. Labis ang pagkamuhi ni Ada-iyah sa lugar na iyon kung kaya’t ginamit nito ang mga natitirang kaalaman at kapangyarihan upang makahanap ng paraan para makaalis sa kanyang pugad, ngunit sa mahabang panahon kabiguan lamang ang nasusumpungan nito.
“At natagpuan nito itong puno ng Makhahelu, ang pinakapuso ng Ugarath. Bawat napiling tagapangalaga ng lugar ay inaatasang ikubli sa lahat ang puno. Dahil ang punong ito ay walang tinatagong lihim sa sino man. Kapag nakain mo ang bunga nito, ipapakita sa iyo nito ang lahat na nais mong malaman, lahat. Maging ang iyong katapusan. Nakakamangha ang kakayanan nito ngunit lubhang mapanganib at nakakatakot ang dulot nito sa makakakain. Kasabay ng pagkawala ng aking kapangyarihan nawala na rin ang harang na nagkukubli sa puno.” Ayon kay Diwang-Liwa.
Nang matagpuan nito ang Makhahelu kumain ito ng bunga galing dito. Sa unang kagat palang nito sa prutas, binuksan na agad ang isip ni Ada-iyah sa hinaharap nito. Nabalot ng takot at pagkasindak ang bruha sa ipinakita sa kanya ng bunga. Ang malagim nitong katapusan sa hinaharap ang kanyang nakita. Kung kaya’t mas ninais pa nito ang makalaya sa lugar na iyon. At dahil sa nakakain na ito ng bunga, ipinakita rin kanya nito kung paano ito makakalaya sa kanyang pugad.
“At tanging ang bagong may-ari ng aking espada ang siyang makakapagpalaya sa kanya. Kailangan niya lang maagaw sa iyo ang katauhan mo bago lubusang humalik sa lupa ang kadiliman. Iyon ang dahilan ni Ada-iyah kung bakit ka niya pinigilan na pumitas ng bunga nitong puno, at ikinulong sa kanyang pugad. Dahil sa oras na makakain ka ng bunga malalantad sa iyo ang lahat.”
“Kung gayun nasaan na si Ada-iyah, Diwang-Liwa?”
“Kasalukuyan niyang kaharap ang kaibigan mong Khamakama na si Luluako. At mukhang mahihirapan siya sa kaibigan mo.” Sabat ni Diwang-Liwa kay Turro.
“Dalhin mo ako sa kanila, magagawa mo ba iyon Diwang-Liwa?”
“Ikaw na ang may-ari ng aking sandata. Taglay nito ang kapangyarihan higit pa sa iyong inaakala. Gamitin mo ito kung nais mo. Wala na sa akong silbi sa lugar na ito. Tapos na ang tungkulin ko bilang tagapangalaga ng Ugarath. Pipili na ng panibagong taga pangalaga ang lugar na ito.” Wika pa ng diwata.
“Huwag mong sabihin na ako hahalili sa iyo bilang taga bantay ng Ugarath? Hindi iyon maari.”
“Hindi ka binhi ng espirituwal na elemental. Tanging ang mga kauri ko lamang ang pinipili ng lugar na ito. At hindi sakop nito ang mga nilalang tulad niyo. Bagama’t ikaw ang napupusuan ng aking espada, hindi mo taglay ang diwa ng kalikasan. Kaya huwag kang mag alala makakabalik ka sa mundong saan ka nagmula.” Tugon ni Diwang-Liwa.
“Paano si Ada-iyah?”
“Ang espada ko ang makakapagpalaya sa kanya. Ngunit hindi niya ito magagawang kunin sa iyo pagkat ikaw na ang pinili nito. Liban na lang kung ibibigay mo ito ng kusa sa kanya. At batid ko na gagamitin niya ang kaibigan mo para linlangin ka.”
Ang mga huling winika ni Diwang-Liwa bago ito naging tila pulbos na ginto at sumama sa malakas na hangin. At sa paglago ng diwata muling umahon mula sa lupa ang espada. Hinugot iyon ni Turro.
“Espada, dalhin ako sa aking kaibigan.”
Kusang umangat ang espada habang nasa kamay ito ni Turro, saglit pa at tila gumapang ang lakas nito sa mga braso ng lalake. Naramdaman nito na tila nais ng espada na ikumpas siya nito sa hangin. Inangat ni Turro ang mga kamay na hawak ang espada at hiniwa ito sa hangin.
Napaatras na lamang sa gulat ang lalaki nang may nakita itong awang mula sa hangin. Na tila ba napilas nito ang hindi makitang tabing na tumatagos sa kabilang lugar. Muli hiniwa pa ng mas malaki ni Turro ang hangin hanggang sa nakagawa ito ng lagusan. Tumawid mula roon si Turro. Ganun parin ang mga nakikita nito sa paligid ngunit batid nito na nasa ibang bahagi ito ng Ugarath. Agad nitong tinawag ang pangalan ni Luluako, maka ilang ulit-maka ilang sigaw.
Hanggang sa nakarinig ito ng mga kaluskos sa kanyang unahan. Maya pa umahon mula sa makakapal na mga dahon ng mga halaman si Luluako. Hinihingal at pagod na pagod. Agad itong nilapitan ni Turro. Alalang-alala si Turro sa kalagayan ni Luluako. Inakay niya ito sa kanyang mga bisig para suportahan ang halos bumibigay na, na kaibigan.
“Ilabas mo na ako sa lugar na ito Turro bago pa niya ako tuluyang mabawian ng katauhan. Magmadali tayo, ilang sandali na lang at gagapang na sa lupa ang kadiliman.” Ang nanghihinang wika ni Luluako.
“Nasaan na ang bruhang si Ada-iyah?” Tanong ni Turro.
“Hindi ko alam, nakatakas lamang ako mula sa kanya nang masumpungan kita. Halika na, lisanin na natin ang Ugarath. Wala ng panahon para harapin pa siya.” Ani ni Luluako.
Napatingin sa bungad ng gubat si Turro at pansin na nito ang unti-unting paglamlam ng liwanag sa paligid. Binalingan nito ng tingin si Luluako na halos hirap na maihakbang ang mga paa.
“Kumapit ka sa balikat ko, at papasanin na lamang kita palabas.” Sabi nito.
Tumugon ng ngiti si Luluako at sinunod ang sabi ni Turro. Pasan-pasan na siya ng lalake habang patakbong tinutungo ang nakikitang labasan ng gubat. Tuloy-tuloy lamang si Turro na walang lingon-lingon. Gumuhit naman sa mukha ni Luluako ang hindi mawaring kaligayan. Punong-puno iyon ng galak at pag-asa. Ilang dipa na lang at nasa bungad na sila ng gubat nang biglang nakaramdam ng pambihirang bigat si Turro. Muntikan na nito mabitawan ang kaibigan ng makaramdam ang mga tuhod nito ng di mawaring pagbigat.
Saglit nitong inilapag sa lupa si Luluako at muling gumaan ang pakiramdam nito.
“Anong nangyari? Bakit ka huminto?” Tanong ni Luluako na may puntong pagkainis ang pagkakasabi.
“Hindi ko alam, bigla na lang bumigat ang aking dala. Hindi masukat ang bigat na tila ba lulubog na ang mga paa ko sa lupa. Ngunit ngayon magaan na muli.” Ayon kay Turro.
“Marahil dahil sa espada mo, pansinin mo … lumiliwanag.” Saad ni Luluako nang nakatingin sa espadang nasa tabak ni Turro.
Hinugot iyon ni Turro nang makita ang pagbabago sa espada. Doon na rin binanggit ni Turro kay Luluako ang tungkol sa kanyang espada.
“Maari ko bang hawakan ang espada mo Turro? Dati bulong-bulungan lamang sa hangin ang kuwento sa espada ng diwa. Hindi ko akalaing taglay mo pala ang makapangyarihang espada ng mga Diwatanhun
Walang pag-aalinlangan na pinagbigyan ni Turro ang kaibigan. Iaabot na nito ang espada kay Luluako nang lumitaw mula sa likuran ang isa pang Luluako. Patakbo itong sumisigaw palapit kina Turro. Natigalgal si Turro sa dalawang Luluako na naroon.
“Huwag mong idampi sa kanyang mga palad ang espada mo Turro. Isa siyang huwad. Ako ang tunay mong kaibigan at hindi ang nasa tabi mo!” Sigaw ng isang Luluako.
“Huwag ka magpalinlang sa isang iyan Turro, siya ang huwad pagkat siya ang Arinipot na tinatawag mong si Ada-iyah. Nais niya agawin ang katauhan ko kung kaya’t ginaya niya ang wangis ko upang mapaniwala ka sa kanyang kabalintunaan!” Sabat ng isa pa.
Lubhang nalilito si Turro sa mga nasa harapan nito. Wala itong nakikitang pinagkaiba sa dalawa, maging sa pananalita at kilos parehas. Ngunit sigurado ito sa sarili na isa sa mga iyon ay huwad. Napaatras si Turro malapit sa bungad ng gubat. Wala na itong maisip na paraan para malaman kung sino ang huwad sa hindi. Ang naalala lamang nito, na si Ada-iyah ay hindi na maaaring makalabas pa sa Ugarath, liban na lang kung ipagkakaloob nito ang espada sa bruha.
Napansin ng naunang Luluako ang pag-atras ni Turro malapit sa bungad kung kaya’t pinahinto nito ang lalake.
“Kailangan mo paslangin ang isang iyan, kung hindi ako ang mawawala sa iyo Turro.” Wika nito kay Turro.
“Hindi ang kamatayan niya ang magliligtas sa iyo. Hindi pa ganap ang kadiliman sa kalupaan kung kaya’t may panahon pa para tayo’y makaalis sa lugar na ito na hindi na kailangan gumamit ng dahas. Halika na at nariyan lamang ang labasan.” Tugon ni Turro na patuloy ang pag atras.
“Hindi,… hangga’t buhay siya hindi ako maaring makalabas dito. Kaya gamitin mo na sa kanya ang espada, makalaya na tayo rito!” Wika ng naunang Luluako.
“Huwag mo siyang pakinggan Turro, huwag mo akong alalahanin…mauna ka na sa labasan. Hindi ko hahayaang lapastanganin ng isang ito ang aking katauhan. Lumabas ka na sa lugar na ito Turro!” Sabat ng huli.
Sa puntong iyon batid na ni Turro ang huwad. Ngunit ayaw niyang saktan si Ada-iyah, alam niya na biktima rin lang ang bruha ng mga maligalig na Arinipot at hindi nito gusto ang kinahinatnan niya sa lugar na iyon. Ngunit hindi rin niya ito kayang pakawalan sa lugar na iyon dahil batid rin niya ang ngit-ngit ng bruha sa mga taga daigdig ng elemental. At maaring magdulot pa iyon ng mas masamang epekto sa lahat.
“Pasensya na kaibigan ngunit mahalaga sa akin ang aking sarili. Higit pa sa kalabanin si Ada-iyah ang kailangan kong pagtuunan ng panahon. Kung ayaw mo sumama sa aking pag-alis, manatili ka rito. Marahil ito na ang huli nating sandali…paalam sa iyo kaibigang Luluako.” Ang nasambit ni Turro sa isang Luluako nang tuluyan itong tumalikod at lumabas ng gubat.
Hindi na nito pinansin ang mga pagtawag sa kanya ni Luluako.
“Kung sa tingin mo kaya mong linlangin si Turro nagkakamali ka. May mas mahalaga pa para kay Turro higit sa akin. Paano ba iyan hindi ka nagtagumpay sa balak mo?” Ang nakangising wika ng isang Luluako sa isa pang Luluako.
“Sagabal ka! Sinira mo ang pagkakataon kong makalaya rito! Kung sa akala mo hahayaan kitang makaalis dito, nagkakamali ka. Ipaparanas ko sa iyo ang hirap ng makulong dito ng daang libong taon!” Saad ni Ada-iyah na bumalik na sa dati nitong wangis mula sa pagiging Luluako.
Sa halip na mabahala, isang ngiti at pagtawa lamang ang sagot ni Luluako sa banta sa kanya ng bruha.
“Wala na akong babalikan sa labas nitong Ugarath, lahat ng mga mahal ko sa buhay wala na at ang ilan sa kanila nandito na. Bakit ko pa pipiliing maka-alis dito, kung kasama ko na sa lugar na ito ang aking mga mahal sa buhay?” Wika pa ni Luluako.
At mula sa kung saan, lumitaw ang mga orbis ng mga Arinipot at pumaroon sa paligid ni Luluako. Pinaikutan ng mga iyon si Luluako na tila ba pinoprotektahan ng mga iyon siya.
“Sila ang mga pamilya ko. At nakahanda na akong maging isa sa kanila. Kaya kung makulong man ako rito, ikatutuwa ko iyon.” Ani pa ni Luluako.
Sa labas ng gubat matyagang nakaabang doon si Turro sa paglabas ni Luluako. Kinakabahan ito sapagkat papahalik na sa lupa ang dilim at unti-unti nang nilalamon ng anino ng kadiliman ang buong kagubatan ng Ugarath. Nais na nun bumalik ni Turro para sunduin ang kaibigan nang kumislot ang espada nito sa kanyang tabak. Lumiwanag muli iyon at kumawala sa kanyang lalagyan tsaka lumipad sa hangin bago ito bumagsak sa lupa ng patusok. Kasunod nun lumiwanag ang palibot ng kagubatan at nalantad sa paningin ni Turro ang harang sa paligid ng Ugarath. Lalong kinabahan si Turro sa kalagayan ni Luluako kung kaya’t tinangka nitong makapasok muli sa loob ngunit hindi na ito makatawid sa harang.
Tanging pagsigaw na lamang ng pangalan ni Luluako ang nagagawa nito. Ngunit wala rin itong natanggap na tugon mula sa kaibigan. Saglit pa at naglaho rin ang liwanag ng harang, maging ang liwanag ng espada. Hinugot ni Turro ang espada mula sa lupa at tinangkang balikan sa loob si Luluako ngunit sa pag apak nito sa bungad ng kagubatan, bigla na lamang binalot ng hamog ang paligid at nang humupa iyon tila bula na naglaho sa harapan ni Turro ang buong gubat ng Ugarath. Tanging ang malawak na kalupaan at damuhan na lamang ang nahahagilap ng kanyang paningin. Mula sa kanyang kinatatayuan maging sa pinakadulong abot ng kanyang mga mata, wala na ang buong gubat. Nanlomo si Turro sa sinapit ng kaibigan, sinisi nito ang sarili kung bakit iniwan niya roon si Luluako. Umiihip ang malamig na hangin kasabay ng mga talulot ng bulaklak na pumailanlang sa mga damuhan sa harapan ni Turro, nakarinig ito ng pamilyar na boses.
“Humayo ka na kaibigan at hanapin ang kabiyak ng iyong puso. Kinalulungkot ko na hindi na kita maaring nasasamahan sa iyong paglalakbay. Pagkat naiputong na sa akin ang mas mahalagang katungkulan. Masaya ako sa mga sandaling nakasama ka. Ngunit higit ang kaligayahan ko ngayong kapiling ko na ang aking mga mahal sa buhay. Hanggang sa muling pagtatagpo ng ating mga landas. Patnubayan ka nawa ng dakilang may lalang. Gamitin mo ang espada ng diwa upang matunton si Kali. “ Ang wika ng boses ni Luluako na umalingawngaw sa tenga ni Turro. Hanggang sa unti-unti itong tinangay ng hangin palayo.
Si Luluako ang napiling tagahalili sa katungkulan ni Diwang-Liwa. Dala man ang bigat ng lungkot sa loob ni Turro, kailangan parin niya ipagpatuloy ang paghahanap kay Kali. Bitbit ang panibagong tapang at lakas, paniniwala at tiwala sa tulong ng bagong kakamping sandata, muling umusad sa paglalakbay si Turro. Walang kasiguraduhan kung saan siya dadalhin ng daang tinatahak, ngunit batid niya at nararamdaman nito na malapit na ito kay Kali.
Sa kanlurang bahagi ng kabundukan tanaw na ni Huwan ang paparating na hukbo ni Ghur.
“Ilang sandali na lang at nandito na sila, ano na ang napag-usapan niyo ng mga kauri mong taga Galeonorra? Magiging kakampi ba natin sila o tatalikuran na talaga nila ang lahi niyo?” Tanong ni Huwan kay Xahul.
“Wala akong nakuhang malinaw na tugon mula sa kanila. Gayunpaman tiwala parin ako na mauunawaan nila ang aking mga tinuran.” Ani ni Xahul.
“Tiwala ako sa itinalaga nating harang at mga paghahanda sa paligid ng Marrhuk. Ngunit hindi ko maaring ilagay sa alanganin ang mga nalalabing mamamayan ng bayang ito. Kung kaya’t minumungkahi ko na ilikas ngayon din ang mga kababaihan at mga matatanda sa mas ligtas na lugar. Si Arion na ang bahala sa kanila.” Wika ni Kali nang lumapit ito kina Xahul at Huwan.
“Matalo man kami sa napipintong digmaan. Ito man ang dahilan ng pagkawala ng aming lahi…malugod naming tinatanggap ang aming kapalaran. Wala na rin namang saysay ang tumakbo at magtago. Hindi narin namin kaya pang palaguin ang aming lahi pagkat bilang na lamang ang mga Ulay sa amin. Ito lamang ang pagkakataon na maiparamdam namin sa lahat na hindi kami mahihina at mabababang uri ng mga Galeonorran. Kaya ibigay mo na sa amin ang pagkakataong ito.” Ang tugon ni Xahul kay Kali.
Nalungkot si Kali sa naging dahilan ni Xahul ngunit kinahangaan nito ang tapang ng kanilang lahi. Tinungo ni Kali ang mataas na bahagi ng tore ng himpilan ni Xahul. Mula roon mataimtim ito nanalangin sa dakilang may lalang na gabayan sila sa kanilang laban. Humingi rin ito ng tulong mula sa mga espirito ng kalikasan, paulit-ulit nito tinatawag ang presensya ng mga nimfa ngunit tila hindi na siya nito tinutugon. Maging ang kapangyarihan ng nakaunawa tila nawala na ang bisa sa kanya. Hindi na rin nito nararamdaman si Bagwis. Hindi na tumutugon sa kanya ang hawak na balahibo ng Daragit-bawa.
Nakikita ng lahat ang katapangan at lakas ni Kali, ngunit lingid sa kanilang alam. Unti-unti ng ginugupo ng pagkabalisa at pag-aalinlangan ang kalooban nito.
“Nasa ibayong mundo ako, wala rito ang lakas ko. At kung wala sa akin ang mga kapangyarihan at kagalingang pinahiram sa akin hindi ko alam kung magagawa ko pa bang ipagtanggol ang bayan at ang mamamayan dito gamit lamang ang talim nitong aking kampilan. Malakihang labanan ito at batid ko ang maraming buhay na mawawala kapag mabigo kami. Mahabaging taga likha, dinggin sana ang mga hiling ko. Iligtas mo ang lahat ng nandito.” Wika pa ni Kali sa sarili habang tinititigan ang kampilan.
Sa kalagitnaan ng paghingi ni Kali ng basbas, bigla na lang yumanig ang buong paligid. At nang mapatingin ito sa himpapawid. Daang mga dragon at sasakyang panghimpapawid ang inaatake ang force field ng Marrhuk.
ANG HARANG
Nagulantang ang lahat sa mga pag atakeng iyon. Batid na ng mga taga Marrhuk ang mangyayari ngunit hindi nila inaasahan ang dami ng pinadalang hukbo ng kaaway.
“Giyera na talaga ito Kali, mukhang hindi na ito madadaan sa palitan ng usapan. Batalyon na itong pinadala ni Ghur sa Marrhuk. Pati ang taga Lebirroh parang buhos din ang armas para sindakin tayo.” Wika ni Huwan kay Kali, habang hinahanda na ang mga sugong halimaw.
“Sakaling mabasag ang pangunang harang tsaka tayo kikilos. Tanging ang mga lumilipad lamang na iyan ang natatanaw natin na umaatake sa kalasag ng Marrhuk. Wala pa tayong napapansin na mga pag galaw mula sa kalupaan.” Tugon ni Kali.
“Huwag tayo pakakasiguro, nararamdaman na namin ang mga pag-alog ng lupa. Nagbibigay babala na ang mga puno at halaman sa paligid. Ang hanay ng mga Elahpho ang siyang mangunguna, sunod ang mga kawal ko tapos ang mga taga Marrhuk. Gamay namin ang labanan sa lupa.” Saad ni Arion.
“Sasama ako sa hanay ng mga Elahpho. Sina Huwan at Xahul na ang maalam sa himpapawid.” Paghahanda ni Kali.
Sumang-ayon ang lahat. Agad nagsipaghanda ang mga hanay na pinangungunahan nina Kali at Arion. Sina Huwan at Xahul naman bagama’t ramdam ang banta ng mga umaatakeng mga dragon at mga sasakyang lumilipad nanatili silang kalmado at hindi tumugon ng anomang pag atake sa mga iyon. Tiwala sila sa tibay ng kalasag at forcefield na nagpoprotekta sa buong bayan. At gaya nga ng inaasahan hindi man lang na gasgasan o nalamatan ang kanilang pananggalang. Kita pa ng dalawa ang unti-unting pag atras ng mga dragon at sasakyang panghimpapawid na kanina lang halos manggigigil na sa pagsira ng pananggalang ng Marrhuk.
Mula sa mga pinadalang tagamanman ng mga karatig bayan sa paligid ng Marrhuk, kitang kita ng mga pinuno ng mga bayan ang nangyayari sa bayan ng taga Marrhuk. Naroon parin ang mga ito sa bulwagan ng mga lider sa bayan ng Tehrah. Nakaabang habang nagmamasid sa mga kaganapan.
“Matibay nga ang kanilang pananggalang, hindi man lang umobra sa apoy ng mga sasakyang pandigma ng mga Lebirroh at sa mga dragon ni Ghur. Mukhang nagpapakita talaga ng kagalingan itong mga taga Marrhuk.” Puna ni Obserion ng Tehrah.
“Hindi naman nakakagulat ang bagay na iyan pagkat ang lahat ng mga kagamitang pandigma at armas ay tanging sa Marrhuk naman nagmula. Ngunit ang pakikipagtulungan ng mga lamang elemental na iyan ang siyang ikinamamangha ko. Hindi ko akalain na darating sa ganitong punto na nakikipagtulungan ang mga nilalang na iyan sa kauri natin. Gayung wala naman silang pakialam sa atin.” Sambit naman ni Bharzum ng Krizzuryah.
“Nakikipagtulungan din naman ang Lebirroh sa kampo ni Ghur hindi ba? Kaya nga ang tapang ni Galddor na tumugon ng digmaan sa Marrhuk dahil nasa likod niya ang kapangyarihan ni Ghur.” Ayon kay Adamio ng Bhurao.
“Ngunit paano kung ang hangad lang naman talaga ng mga taga Marrhuk ang patas na karapatan at hindi talaga digmaan? Hindi naman kaila sa atin na ang kanilang angkan at lahi ang higit na maalam at may kagalingan sa ano mang larangan. Ngunit ang sila rin ang higit na mababa ang uri kumpara sa atin. Mahihina ang tingin natin sa kanila ngunit sa kanila naman tayo lahat umaasa. Sila ang tumutugon sa ating mga kailangan ngunit hindi naman natin sila binibigyan ng halaga. Sa isang banda naiintindihan ko ang punto ni Xahul. Sa halip na tayong mga kauri nila ang nagdadamayan, ibang uri pa ang nanindigan at nagbigay sa kanila ng tapang.” Wika ni Nazkar ng Nharhaga.
“Iyon din ang naiisip ko kanina pa, baka masyado lang tayo nagulat sa naging hakbang ng mga taga Marrhuk kung kaya’t naging marahas agad ang tugon natin. Nabigla tayo sa mga nangyayari. Natakot at nabahala. Baka nga proteksiyon ang kailangan ng Marrhuk mula sa atin at hindi labanan.” Pagsang-ayon ni Obserion.
“Mukhang nagtutugma naman pala ang takbo ng ating mga opinyon, ibig lamang ba nito iparating na hindi tayo makikisabay sa mga taga Lebirroh?” Sabat ni Bharzum.
“Kung ang pakikidigma talaga ang dahilan ng mga taga Marrhuk, malamang sa ngayon may ginawa na silang masamang hakbang sa anak kong si Obzek at sa mga tauhan nito. Bagkus ibinalik nila sila ng maayos. At bilang pinuno ng Nharhaga, hindi ako sasama sa labanang ito.” Wika ni Nazkar.
“Hindi narin mangingialam ang Bhurao.”
“Kung gayon ganun din kaming taga Krizzuryah.”
Nagbunga ang pakikipagusap ni Xahul sa mga kauring taga Galeonorra. Gayunpaman naroon parin ang mga ito upang mag abang at patuloy na magmasid sa mga magaganap. Saglit na nakaranas ng katahimikan ang bayan ng Marrhuk, wala na ang bakas ng pangamba sa paligid. Maging ang kaninang nararamdaman ni Arion na banta bigla nalang nawala. Kinutuban ng hindi maganda si Kali, pumikit ito at pinakinggan ang bulong ng hangin. Kasunod nito napaluhod ito sa lupa tsaka dumapa sa lupa, idinikit ang kanang tenga roon.
“Ano ang ginagawa mo Kali?” Tanong ni Arion nang makita si Kali.
“Humanda kayo, mukhang nais lamang nila na linlangin tayo.” Wikang tugon ni Kali.
Hinugot ni Kali ang kanyang kampilan mula sa sisidlan nito. Tsaka hinawakan ito ng mahigpit. Tinungo nito ang mataas na buntod ng lupa at tumingin ng masama sa malayo na tila ba may natatanaw ito na hindi nakikita ng iba. Takang-taka si Arion sa napapansin kay Kali. Maya-maya pa dumagundong ang lupa. Biglang nagsibuwalan ang mga puno sa paligid ng Marrhuk. Lalong dumilim ang buong paligid dahil sa paglukob ng mga buhangin at lupa sa kapaligiran.
Agad na bumalik sa hanay ang mga Elahpho maging ang mga kawal na Thaihu ni Arion.
“Arion, Huwan narito na sila humanda kayo!!!” Sigaw ni Kali.
Saglit pa at tanaw na nila Kali ang papasugod na mga Harabas na sakay-sakay sa kani-kanilang mga itim na kabayo. Kasabayan ng mga ito ang mga Tul-hungan at mga Dalakitnun. Tila pinaghandaan ni Ghur ang sandaling iyon sa dami ng mga pinadala nitong hukbo.
Gigil na pinagbibigwasan ni Kali ang mga nakakasulobong nitong mga Harrabas. Tila nanumbalik ang matindi nitong galit sa mga iyon. Nabalot ng matitinding puot si Kali at walang pakundangan ito sa pagtitigbas ng mga ulo ng mga Harrabas. Bawat hataw at taga nito ng kanyang kampilan isa hanggang sa apat na mga Harrabas ang natatanggalan nito ng ulo. Ni hindi man lang nagagawang makapuntos ng mga iyon sa kanya. Katuwang ni Kali sa mga Harrabas ang mga Elahpho na mahusay rin sa paggamit ng espada. Ngunit ang kanilang dami ay hirap na tapatan ang dami ng mga kalaban kung kaya’t marami sa kanila ang sugatan.
Kaharap naman nila Arion ang mga kauri nilang Tikbalang ang mga Tul-hungan. Naging tagisan ng liksi at lakas ang naging labanan ng mga taong kabayo. Unang pagkakataon iyon ni Arion na makakalaban niya ng pangil sa pangil ang isa sa mga kauri nitong tikbalang. Ang mas malaking hamon dahil mas malalakas ang mga Tul-hungan ng higit na doble sa mga Thaihu. Dahil sa nakatali na ang katapatan nito kay Kali handa siyang ibuwis ang sariling buhay mapagtagumpayan lang ang misyon ni Kali. Talim ng bawat mga espada at mga kuko ang nagsisilbing pangpinta ng dugo sa paligid. Marami sa panig ng mga Thaihu ang sugatan ngunit marami rin sa mga Tul-hungan ang bumagsak ng talunan.
Sa himpapawid laksa-laksang mga Dalakitnun naman ang kaharap ni Huwan, sa tulong ng Kanerra at Serperus nagmistulang mga pulbos at ano ang karamihan sa mga Dalakitnun. Tunay na malaki ang tulong na dulot ng mga halimaw na kanyang tinawag.
Naging malapot at madugo ang tunggalian ng lakas at kapangyarihan sa hangin man o sa lupa. Nakahanda naman nun sina Xahul sakaling umatake bigla ang puwersa ng mga taga Lebirroh. Hindi nga nagpa-iwan sa labanan ang mga Lebyan. Sa pamumuno ni Galddor sakay ng sasakyan panghimpapawid dumating ito kasama ang mga sundalo at piling kawal pandigma. Bumalik din kasama nito ang mga dragon na dumoble ang dami. Punterya ng mga ito ang kalasag na harang ng Marrhuk.
Napatingala si Kali sa dami ng mga sumugod sa kanilang mga dragon at sasakyang lumilipad. Malalakas na din ang binibigay ng mga ito na apoy na tila nagpapahina sa pundasyon ng harang.
“Kali, tila kailangan na talaga natin ang dagdag na puwersa. Papakawalan ko na ang lahat ng halimaw na tinawag ko.” Wika ni Huwan.
“Gawin mo ang nararapat, hindi sila dapat makapasok ng Marrhuk!” Pagsang-ayon ni Kali.
Gamit ang mga salitang ritwal tinanggal ni Huwan ang tanikalang sumpa sa tatlo pang halimaw na hawak nito. Ang Zegrabon pinasunod ni Huwan sa mga dragon, Gamit ang binubuga nitong apoy at nagbabagang putik mabilis na nawalis ang mga kalaban na malapit nang makarating sa harang. Tubig alat naman ang pamuksa ng Danurka na ang mga Dalakitnun naman ang kaharap. Kahinaan ng mga Dalakitnun ang tubig alat kung kaya’t napapaso ang mga ito sa tuwing natatamaan ng Danurka. Naging lamang tiyan din ng halimaw ang mga nahuhuli nitong mga Dalakitnun. Ugat at mga pinatuloy naman na mga bato ang pang-atake ng Buldroo sa mga Harrabas at Tul-hungan na nakakalampas kina Kali at Arion.
Ramdam ni Galddor ang tapang at lakas ng mga tagapagtanggol ng mga taga Marrhuk. Ilan na sa mga sasakyang panghimpapawid nito ang sumabog sa bagsik ng mga halimaw ni Huwan. Lalo pa at hindi tinatablan ng kanilang mga armas ang mga ito.
“Pinunong Galddor marami na sa mga hanay natin ang nalagas. Iilan na lang din ang natitira sa ating mga sasakyan. Maging ang mga padala ni Ghur, unti-unti narin nagagapi ng mga nilalang na iyan. Hindi umuubra sa kanila ang ating mga armas. Ano ang mainam na gawin?” Pag-uulat ng punong heneral ni Galddor.
“Paikutan ang buong paligid ng Marrhuk, aatake tayo sa magkabilang panig. Mahihirapan na silang punteryahin tayo. Maghudyat ng pagsalakay. Hindi tayo papatinag sa mga kakampi ng mga taga Marrhuk na iyan. Tayo ang pinakamalakas na angkan, nasa atin ang mas malakas na armas tayo ang pinakamahusay sa digmaan. Walang Lebyan ang umaatras sa laban!” Ang matapang na mando ni Galddor.
May pag-aalangan man, wala nang nagawa pa ang heneral ni Galddor kundi sundin ang pinuno. Nilamon na ng insulto si Galddor. Lubhang nasasapawan na ang lakas ng mga Lebyan sa tugon na tulong mula kina Kali ,Huwan at Arion. Kaya ganun na lang ang pagnanais ni Galddor na lusubin ng patayan ang Marrhuk kahit na kita naman sa nangyayari na talagang pinaghandaan talaga sila ng Marrhuk.
Napansin ni Xahul ang paglihis ng mga atake ng mga kawal ng Lebirroh. Punterya nila ang likurang bahagi ng Marrhuk kung saan wala roon ang atensiyon nila Kali at ng mga halimaw ni Huwan. Hindi na nito hinintay pa ang hudyat mula kina Kali, nagkusa na ito upang harapin ang mga taga Lebirroh sa paraan ng mga taga Marrhuk.
“Ihanda ang mga armas sa silangan, maging sa timog at hilaga. Magtalaga ng tigsasampo bawat poste, protektahan ang harang!” Utos ni Xahul sa mga kasamahan.
Masiglang tumugon ang lahat sa utos ni Xahul. Lahat ganado at handang ipamalas ang kanilang husay sa pakikipagdigma gamit ang kanilang mahuhusay at malalakas na armas. Nang makaalis na ang mga hukbong sasalag sa mga itinalaga nitong lokasyon. Naghanda naman si Xahul para kaharapin si Galddor. Pasakay na ito sa kanyang sasakyan na lumilipad nang mapahinto sa kanyang nakita.
Dalawang kakaibang sasakyang panghimpapawid ang lumutang bigla sa kanyang harapan. Hugis ibon ang mga ito, mas maliit kumpara sa pangkaraniwang sasakyan na lumilipad. May kakayahan itong maglaho na ngayon lang nakita ni Xahul. Kaya namangha ito. Sakay ng dalawang sasakyan sina Peeturya at Eyurtha.
“Sasama kami sa laban pinunong Xahul”. Wika ni Peeturya.
“Ipapakita natin sa kanila na hindi tayo mahihina. Ipaalam natin sa kanila na tapos na ang panghahamak nila at pang-aalipin sa atin. Tayo naman ngayon ang pagpaparamdam ng ating lakas!” Ani ni Eyurtha.
“Anong uri ng sasakyan ang mga iyan?” Tanong ni Xahul na maypakamangha parin.
“Sariling likha namin ito ni Eyurtha, mula sa mga lumang sasakyan at ideya noon ni Ulang Koiyus. Maliit lang ito tingnan ngunit higit pa sa malaking sasakyan ang kaya nitong gawin. Nasaksihan niyo na kanina ang isa sa kakayahan nito. Kaya nitong maglaho sa isang kisap mata gamit ang mga mekanismo na gawa namin. Mas mabilis din ito kumpara sa lipad ng ordinaryong sasakyan. At gamit ang brilyanteng ito na bigay ni Arion, hindi ito mawawalan at mauubusan ng enerhiya.” Paliwanag ni Peeturya.
“Tayo lang ang meron nito, at kami lang ang may taglay nito kaya magugulat sila sekreto na meron tayong mga taga Marrhuk.” Ang nakangiting sabat ni Eyurtha.
Maya-maya pa nagulat si Xahul nang nagsilitawan ang ilan pa sa mga katulad ng sasakyan na meron ang dalawa. Nasa higit isang daan ang dami nun na karamihan pa sa mga sakay ay mga kababaihan na handang ipagtanggol ang bayan. Hindi inaasahan ni Xahul ang pagtugon ng mga Marrhukian sa sitwasyon nilang iyon. Gayunpaman natutuwa ito sa mga nangyayari.
Marami ang sugatan sa panig nila Kali at Arion. Ilan sa mga Elahpho ang minalas ngunit handa parin ang natitira na tumindig at lumaban. Nalagasan din ang mga kawal ni Arion, ngunit matikas parin ang mga natitirang mga Thaihu na ipaglaban ang siguridad ng mga taga Marrhuk. Sa kalagitnaan ng kanilang pakikidigma, may napansin si Kali kay Huwan.
“Huwan kaibigan, ano ang nangyayari sa iyo, bakit nangingitim ang mga mata mo?” Puna ni Kali nang mapansin ang pamimilipit ni Huwan.
“Ganito ang epekto sa akin nang dahil sa paggamit ko sa mga halimaw. Sa bawat kalaban na napapatay nila, hinihigop nila ang mga masamang enerhiya mula sa mga ito. At napapasa iyon sa akin. Alam kong hindi pa ito dapat… ngunit kailangan ko na silang ibalik bago pa ako tuluyang mawala sa sarili at hindi ko na ma kontrol ang lima. Patawad Kali… para na rin sa kaligtasan ng lahat.” Tugon ni Huwan na tila pinipigil ang hirap na nararamdaman sa sarili.
“Kung sa tingin mo ikapapahamak mo ang pananatili nila, sige gawin mo ang dapat. Kaya na namin ito ni Arion.” Wika ni Kali kahit na sa loob nito may pag-aalangan.
“Mahabaging langit, dakilang lumikha patnubayan niyo nawa kami sa kilos na ito. Mga espirito ng kalikasan ngayon ko higit na kailangan ang tulong niyo, sana gumana man lang kahit ang espada ng Bakunawa kahit ngayon lang.” Sa isip ni. Kali habang patuloy sa pagpaslang ng mga sumusugod na mga Harrabas at habang nakikita ang unti-unting paglaho ng mga halimaw ni Huwan.
Maging si Arion tila nilukuban ng pag-aalangan nang makita ang isa-isang paglaho ng mga halimaw ni Huwan. Napatingin ito kay Kali na walang habas na pinagtatapyas ang mga katawan ng kalaban gamit ang dalawa nitong sandata ang espadang ginto at ang kampilan. Habang nakikipaglaban napasulyap sa paligid si Arion. Marami na sa mga kalaban ang nalagas ngunit marami pa ang nakatayo at nagpupumilit na makalapit sa harang.
Nang maikubli na muli ni Huwan ang mga halimaw, bumalik ito sa laban. Gamit ang mga kaalaman nito bilang manggagawang at kapangyarihang pinagkaloob sa kanya ng mga engkanto at maligno muling nagpamalas ng galing si Huwan.
“Tatapusin natin ang laban na ito na tayo ang panalo. “ Wika ni Huwan at nginitian si Arion nang sinulyapan niya ito.
Nagpakunot ng noo si Arion sa ginawad na ngiti sa kanya ni Huwan. Saglit ito nawala sa laban kung kaya’t hindi agad nito napansin ang talim ng espada ng isang Tul-hungan na papasugod sa kanya. Buti na lang at nahuli ni Huwan ang atakeng iyon at nasalag ng kayang salakot ang espadang tatama sana kay Arion.
“Masyado ka kasi nahulog sa ngiti ko, mag focus ka kasi sa kalaban hindi sa ganda ng mukha ko.” Ani pa ni Huwan na may pa kindat pa kay Arion sabay harap sa Tul-hungan na tataga sana kay Arion.
Binigwasan ni Huwan ng kanyang espada ang Tul-hungan at agad humiwalay ang ulo nito sa katawan.
Isa pang Tul-hungan ang aatake mula sa likuran ni Huwan, ngunit naging maagap rin si Arion at nasalag nito ng kanyang espada ang malaking palakol ng Tul-hungan na tatama rin sana sa leeg ni Huwan.
“Hindi tayo nalalaro, seryosong laban ito. Tsaka mo na pakawalan ang ngiti mo kapag naubos na natin ang ito.” Wika ni Arion kay Huwan sabay bigwas ng espada sa katawan ng Tul-hungan at mahiwa ito sa dalawa.
Napasulyap muli si Huwan kay Arion tsaka muling ngumiti.
“Walang problema, uubusin natin ang mga pesteng ito nang makapagpahinga naman tayo.” Saad ni Huwan.
Lalo pang naging madugo ang labanan nang sumali na ang mga Dalakitnun at mga dragon. Sa paglaho ng mga halimaw nabuhayan ng puwersa ang mga nalalabing mga Dalakitnun at mga dragon. Naging pahirapan ang laban dahil lumilipad ang mga iyon na hindi kayang sabayan ng mga Elahpho at Thaihu. Napansin ni Kali ang nanghihina nilang depensa. Sa paglaho ng mga halimaw ni Huwan nadagdagan naman ang kanilang kalaban. Nanlomo ito sa mga nangyayari sa mga Elahpho at Thaihu na isa isang pinapatulan ng mga Dalakitnun at mga dragon dagdag pa ang pagsegunda ng mga Tul-hungan at mga Harrabas.
Nang makarinig sila ng mga sunod-sunod na mga malalakas na pagsabog mula sa himpapawid, kasunod nun ang isa-isang pagbagsak ng mga sasakyang metal ng mga taga Lebirroh na nagpawindang sa mga kakampi nitong mga Dalakitnun at dragon.
“Kami na ang bahala sa mga lumilipad na iyan. Pagkakataon na para kami naman ang magtatanggol sa aming bayan.”. Wika ni Eyurtha na bigla na lang lumitaw sa tabi ni Kali sakay ng lumilipad na sasakyan.
Napatango at napangiti si Kali nang makita ang biglaang paglitaw ng mga katulad na sasakyan ni Eyurtha na isa-isang pinapatumba at pinapabagsak ang mga sumusugod na mga Dalakitnun at mga dragon. Muling naging patas ang laban sa pagdating ng mga Marrhukian. Muling tinuon ni Kali ang atensiyon sa mga paparating pang mga Harrabas.
Dama na ng mga kalaban ang bagsik ng mga kinakaharap kaya nagsalita na ang mga namumuno sa kanilang mga hukbo.
“Punteryahin ang mga namumuno sa kanilang mga hanay, sabay-sabay niyong atakehin ang tatlong iyan! Mga Tul-hungan sikapin niyong paghiwalayin ang tao na iyan na may suot na salakot at ang namumuno sa mga Thaihu na iyan! Mga Harrabas! pagkaisahan niyo ang isang iyan na nangunguna sa hanay ng mga Elahpho! Sa kanila humuhugot ng tapang at lakas ang mga hangal na iyan!” Wika ng mas malaking Harrabas na na nagmamando sa lahat sakay ng kanyang kabayong itim na may sungay.
Naparing ang karamihan sa tatlo Arion, Huwan at Kali ayon sa utos ni Valtur. Habang iba patuloy na nakikipaglaban sa mga Thaihu at Elahpho.
“Anak ng tiyanak, pagtutulungan pa yata kami ng mga pangit na ito.” Nasambit ni Huwan ng mapansin ang sampung mga Tul-hungan at Harrabas na papasugod sa kanya.
“Talagang sinusukat talaga ng mga ito ang lakas ko, puwes humanda kayo.” Wika ni Arion habang inaabangan ang sabay-sabay na sumusugod sa kanya ang sampung matitikas at malalaking Tul-hungan.
Palinga-linga naman si Kali habang nakahanda ang mga kamay sa hawak na mga sandata dahil napapaligiran ito ng higit sa sampung mga malalaking Harrabas na nanabik sa kanyang katapusan.
“Sige sumugod kayo ng sabay nang sabay-sabay din gugulong sa lupa ang mga ulo niyo!!!” Panghahamon ni Kali sa mga Harrabas.
Sa liksi at talas ng pakiramdam ni Kali lahat ng mga umatake sa kanya hindi man lang nakatama bagkus ang lahat ay pinagtataga pa ni Kali sa mga dibdib at braso. Ngunit ang hindi alam ni Kali… binigyan lamang ito ng pagkakaabalahan ng kalaban upang hindi nito mabantayan ang totoong banta sa kanya. Isang may lason at makamandag na palaso ang lumilipad ng mabilis papunta sa direksyon ni Kali mula sa isang mamamanang Harrabas. Punterya ng palaso na iyon ang likod ni Kali. Hindi niya iyon inaasahan dahil nasa mga umatake sa kanya ang kanyang atensiyon.
Ngunit nang malapit na sa likod ni Kali ang tulis ng palasong iyon, isang pagtapik mula sa isang may hawak na espada ang humarang sa palaso na iyon para pigilan ito na makatama sa likod ni Kali. Nagulat si Kali sa pagkalansing ng metal gawa ng pag tama ng talim ng palaso sa talim ng espada, kaya napalingon ito. Lalo itong nagulat nang makita ang nasa likuran nito na siyang nagligtas sa kanya mula sa palaso na iyon.
“Turro?”
“Naghiwalay lang tayo saglit, ito na ang pinagkakaabalahan mo. Ganito na ba ang libangan mo? Ang dami mong kalaro ah…masaya ako at nakita kitang muli Kali.” Wika ni Turro sabay gawad ng ngiti kay Kali.
“Marami kang ikukuwento sa akin, sa ngayon kailangan ko talaga ang tulong mo para tapusin ang mga hangal na ito…tsaka maligaya ako dahil nandito ka na, Turro.” Tugon ni Kali na gumanti ng ngiti sa nawalay na kasama.
Tila nabuhayan ng dugo si Kali sa pagbabalik ni Turro. Naging mas agresibo ang mga galaw at atake nito kasabay si Turro. Maging si Turro tila nagkaroon ng kasabikan sa laban, sinubukan nito ang galing ng kanyang espada. At sa bawat pag hataw nito ng espada sa kalaban nababago ang anyo nito, hugis ,haba at laki depende sa dami ng mga kalaban na papatumbahin nito. Bagay na maging si Turro namangha sa kagalingan at kakayahan ng hawak na espada na kahit magbago man ang laki nito at hugis tila ba ang gaan-gaan lamang nito sa kanya.
Sa mga nangyayari biglang nabahag ang buntot ni Galddor, hindi nito inaasahan ang panibagong armas ng mga taga Marrhuk. Walang laban ang mga isinama nitong mga hukbo sa espesyal na kakayahan ng panibagong mga sasakyan at armas na ipinamalas ng mga Marrhukian sa pamumuno ni Xahul. Maging si Valtur hindi na naitago ang pagkabahala at takot sa mukha. Marami na sa kanila ang nalagas ngunit hindi man lang nila nagawang makalapit sa Marrhuk.
“Atras naaaah!!! Atraaaasss!!!” Sigaw ni Valtur sa mga natitirang mga kasama.
Maging ang mga Tul-hungan nabigla sa tapang ng mga Thaihu at Elahpho. Kaya sa hudyat ni Valtur umatras din ang mga ito. Iilan na lang sa mga Dalakitnun ang natira at gaya ng iba nagsibalikan ang mga ito para umatras. Maraming mga dragon ang bumagsak, sugatan ngunit buhay pa, ngunit ang iba nagsipulasan narin kasama ng mga Dalakitnun. Nang makita ang ginawa nila Valtur at sa mga bilang na natitira sa kanila. Inutusan ni Galddor ang mga kawal na umatras at lisanin na ang Marrhuk.
Nagbunyi ang lahat habang pinagmamasdan ang mga naduwag na mga kalaban.
“Tingnan ang mga bumagsak na mga sasakyan ng mga taga Lebirroh kung may mga nakaligtas pa. Tulungan at dalhin sa ating pagamutan. Iligtas ang mga buhay.” Utos mula kay Xahul sa mga kapwa Marrhukian.
“Pinunong Xahul bakit kailangan pa natin silang tulungan. Balak nila tayong ubusin. Marapat lang na hahayaan natin silang mamatay at maging pagkain sa mga hayop at halaman dito sa labas ng Marrhuk.” Wika ni Peeturya nang marinig ang utos ni Xahul.
“Nakipaglaban tayo hindi para magsimula ng gulo o hidwaan. Lumaban tayo para sa patas na karapatan at kalayaan. Hindi natin sila kalaban, kauri natin sila na dapat bigyan ng patas na karapatan, ang karapatang mabuhay at magbago.” Tugon ni Xahul sa binatang Marrhukian.
Marami nga pa nga sa mga sundalo ng Lebirroh ang nagtamo ng malubhang mga sugat ngunit buhay pa at lahat sila dinala sa pagamutan ng Marrhuk kasama ang mga sugatang mga Elahpho at Thaihu. Habang si Buwan naman nun ay isa-isang nilapitan ang mga nanghihina at humihinga pang mga dragon. Bawat isa hinahawakan nito sa noo tsaka sinasambitan ng mga salitang may mahika. At bawat dragon na mahawakan nito matapos bulungan ng mga salitang siya lamang ang nakakaintindi, unti-unting gumagaling ang mga sugat.
Nakita iyon ni Arion.
“Ano ang ginagawa mo sa kanila?” Tanong nito kay Huwan sa kanyang paglapit.
“Ginagamot ko lang sila, sayang naman ang lakas at kakayahan nila kung mabubulok lamang sila rito at maging pataba sa lupa. Tsaka tinanggal ko na ang masamang kapangyarihan na kumokontrol sa kanila. Mababait na ang mga iyan.” Sagot ni Huwan.
“Nakakagamot ka? May kapangyarihan ka?” Tanong pang muli ni Arion.
“Sa mga hayop, kaya kong manggamot ng hayop. Hindi ko alam kung gagana ang kakayahan ko sa inyong mga Thaihu at Elahpho. Hindi ko kasi alam kung saan kayo belong sa animal kingdom ba o sa tao? Pero hayaan mo pagkatapos nila susubukan ko sa mga uri mo at sa mga Elahpho.” Ang nakangising tugon ni Huwan.
Napakunot ng noo si Arion sa inis dahil sa tugon ni Huwan. Asar na asar na talaga si Arion sa lalake ngunit ang mga napapansin nitong kakaiba at kamangha-mangha kay Huwan ay nagdulot sa kanya ng kyuryosidad na tuklasin at kilalanin ang lalake. Napatikom na lamang ito ng kamao, para ikubli ang inis.
“Bakit mo pa kinailangang gawin ito sa kanila. At saan galing ang kaalaman at kagalingan mo?” Tanong muli ni Arion.
“Galing ako sa angkan ng mga Baylan, albularyo, manugtambal at tungku-an. Tsaka marami akong mga kaibigan at nakarelasyong mga maligno at engkanto noon. Sa kanila lahat galing ang meron ako. Tungkol naman sa mga dragon na ito, balang araw magiging kakampi natin ito sa laban.” Ang sabat ni Huwan sabay tapik sa nguso ng dragon na nasa harapan nila.
Pagka-lapat ni Huwan ng palad nito sa dulo ng ilong ng dragon bigla na lang ito dumilat at bumangon mula sa pagkakasundo. Nag unat ito ng mga Paa at pakpak tsaka umangil ng malakas. Kasunod nun muli nitong ibinaba sa lupa ang ulo sa mismong harapan ni Huwan tsaka yumukod. Nagtaka si Arion sa ginawa ng dragon.
“Halika sumakay ka kasama ko sa likod ng dragon. Lilipad tayo. Mas masarap tumakbo sa lupa, ngunit mas masarap ang lumipad sa ulap. Akin na ang kamay mo…” Sambit ni Huwan nang bigla itong sumampa sa likod ng dragon na tila ba walang pag-aalinlangan.
“Ayoko, dito na lamang ako. Kailangan pa ako ng mga kawal ko.”
“Hayan mo na sila sa mga taga Marrhuk, magpahangin muna tayo.” Isang ngiti pa mula kay Huwan.
Hindi na nakatanggi pa si Arion. Napa-payag ito na sumakay ng dragon. Hindi pa man ito nakaayos sa pag-upo ng agad na lumipad ng matayog ang dragon. Nagulat si Arion kaya napayapos ito sa katawan ni Huwan. Hindi agad ito makabitaw sa pagyakap sa lalake hanggang sa punahin ito ni Huwan.
“Sarap na sarap sa pagyakap ah. Sabi na nga ba at may lihim ka talagang pagnanasa sa akin eh.” Ang sabi ni Huwan dahilan para tanggalin ni Arion ang mga braso nito sa katawan ng lalake.
Halos namula ang pisngi ni Arion sa sinabi ni Huwan sa inis. Habang nasa himpapawid napalingon si Arion ng makarinig ng maraming mga pagaspas ng mga pakpak. Sumabay din pala sa kanila ang iba pang mga dragon na pinagaling ni Huwan. Mula sa baba nakatingala sa kanila si Kali kasama si Turro na may nakaguhit na ngiti sa kanilang mga mukha.
“Ganyan din tayo noon kasama si Bagwis.” Wika ni Turro kay Kali.
“Hindi ko alam kung makakasama pa ba natin siya. Hindi na kasi lumiliwanag ang balahibo niya sa akin. Hindi na rin siya nagpapakita.” Ang tugon ni Kali na biglang nalungkot ang mga mata.
Sa natapos na kaganapan sa Marrhuk at sa tulong nila Kali, Arion at Huwan naipakita ng mga Marrhukian na may hangganan ang kalupitan at may mukha ang kalayaan. Lalong pinagtibay ng mga taga Marrhuk ang kanilang proteksiyon. Lalong pinalakas ang mga harang. At sa ipinakita ng mga taga Marrhuk na tugon sa mga buhay na taga Lebirroh, nagdulot iyon malaking paghanga at respeto mula sa mga karatig bayan. Tulad ng Tehrah, Krizzuryah, Bhurao, at Nharhaga.
“Bilang kinatawan ng ibang mga bayan, asahan niyo ang aming suporta at dagdag na proteksyon. Nawa’y magkaroon muli ang ating mga bayan ng mabuting ugnayan bilang ang mga nagkakaisang mga lahing Galeonorran.” Wika ni Nazkar ng Nharhaga.
“Maraming salamat at nabuksan ang inyong diwa sa nais naming iparating. Asahan niyong mananatili ang mabuting ugnayan ng aming bayan sa inyong bayan. At mananatiling bukas ang Marrhuk sa patuloy na kalakalan.” Tugon naman ni Xahul silyadong kasunduan ng mga kaanib na bayan.
Kung naging mabuti ang dulot ng ginawang pagtulong ni Xahul sa mga sugatang Lebyan sa mga karatig bayan, naging malaking insulto naman ang dating nito sa pinuno ng Lebirroh. Nagdulot iyon ng higit na pagkasuklam ni Galddor sa mga taga Marrhuk. At dahil sa pakikiisa at pag-anib ng ibang bayan. Damay na rin ang mga ito sa nilulutong digmaan laban sa mga kauring Galeonorran.
ANG BANTA NG PAGKAWASAK
Dahil sa natamong tagumpay ng mga taga Marrhuk sa tulong ni Kali, Huwan, Arion at sa mga kauri nitong mga Thaihu at Elahpho kasama na rin ang pagdating na tulong galing kay Turro, at sa husay ng makabagong sasakyang pandigma na nilikha nila Eyurtha, nagbunyi ang lahat at nagdiwang ng pasasalamat sa pasimuno ni Xahul.
Isang piging ng pagkakaisa at kabayanihan para sa kalayaan ang naging tema ng kanilang pagsasalo. Sa gitna ng lahat muling tumindig si Xahul at nagpaabot ng pasasalamat sa lahat.
“Sa mahabang panahon, inakala ko na mauubos na ang lahi natin at mabubura na tayo sa kasaysayan ng sandaigdigan. Sa mahabang panahon ng panglilito at pang-aalipin sa atin, tayo ay nasanay at nabahag ang buntot na ipaglaban ang pantay nating karapatan. Nasanay tayo na hindi na natin nakita ang sarili nating lakas at kakayahan. Ngunit sa araw na ito, nagbago ang lahat. Nasaksihan ko-natin lahat ang katatagan ng ating lahi. Mula sa sandaling ito at mga susunod pang siglo, muli nating payayabungin ang ating mga lahi. Palalakasin pa ang ating sandatahang lakas, makinarya at kahusayan sa lahat ng larangan. Nakamit na natin ang kapayapaan ngunit ang kasakiman at kadiliman nasa paligid lang. Nag-aabang sa muling pagkamkam ng ating mga pinaghirapan. Kaya hindi tayo hihinto sa pagpapalakas at pagpapatibay ng ating depensa. Mabuhay ang mga Marrhukian!!! “
Dumagundong ang hiyawan at palakpakan sa sinabi ni Xahul. Isa-isa rin nito tinawag sina Kali, Huwan,Arion,Eyurtha at Peeturya upang ipakilala sa lahat ang mga mukha na siyang magsisimbolo ng kanilang pag-aalsa para sa natamong kalayaan.
Sa paglalim pa ng gabi naramdaman na ng bawat isa ang napipintong paghihiwalay na ng kanilang mga landas. Ngayong kasama na muli ni Kali si Turro kailangan na nilang lumisan para ituloy ang sarili nilang pakay sa daigdig na iyon. Si Arion ang higit na apektado sa pamamaalam ni Kali,… Nakatayo noon sa balkonahe ng tore si Kali nang lapitan ito ni Arion.
“Tuloy na ba talaga kayo bukas?” Bungad na tanong ni Arion kay Kali.
“Kailangan, nananabik na akong makaharap si Ghur sa madaling panahon. Kaya bukas din tutulak kami ni Turro pa hilaga. Ayon kay Xahul naroon ang direktang lagusan patungo sa kuta ni Ghur.” Sagot ni Kali.
“Kahanga-hanga ang tapang mo Kali, karamihan sa mundong ito takot na sumalungat o kalabanin man lang si Ghur. Kung kaya’t ang ilan sa mga nilalang dito ay napilitan ng umanib at pumailalim sa kapangyarihan niya upang takasan ang lupit at hagupit ng kanyang kasamaan. Pero ikaw na isang tao, walang pag-aalinlangan na kaharapin siya. Ni wala ka man lang habag sa sarili mo sa kung ano ang sasapitin mo sa mga kuko at pangil niya.” Wika ni Arion.
“Tinanggalan niya na ako ng takot ng paslangin nila ang mga magulang ko at idamay sa kasakiman ang mga kauri kong tao. Handa na ako sa ano mang mangyari, bantay ko ang langit at punong tagapaglikha sa aking laban. Tiwala ako sa ipinagkaloob sa akin.” Ani ni Kali.
“Higit na mapanganib ang mga daanan patungong Khadulman, kung iyong mararapatin, bilang alipin mo…handa akong magprotekta sa iyo sa inyong paglalakbay.” Sambit ni Arion sabay lumuhod sa harapan ni Kali.
Agad namang hinawakan ni Kali ang braso ni Arion at inangat ito para itayo.
“Nasabi ko na, hindi kita tinuturing na aking alipin,bagkos isang kaibigan. Sa nangyari…higit mo pinatunayan sa akin ang katapatan mo. Ngunit ayokong i-atang sa iyo ang responsibilidad sa buhay ko. At batid ko na mas marami ka pang magagawang kabutihan kaysa protektahan ako.” Saad ni Kali.
“Ngunit habang buhay na nakatali sa iyo ang sarili ko dahil sa buhok ko na hawak mo. Hindi na iyon mababali, liban na lang kung mawala ka. At hindi ko ikakasaya na mangyari iyon sa iyo. At magiging katapusan ko na rin kung sakaling ibalik mo sa akin ang buhok ko na nasa iyo. Ngunit kung iyon ang nais mo tanggap ko na ang mawala na sa mundong ito.” Ang malungkot na tugon ni Arion kay Kali.
“Lalong ayokong mangyari sa iyo iyon aking kaibigan. Kaya napag-isipan ko tsaka napagpasyahan, kung kanino ko ipapasa ang katungkulan ng buhok mo.” Ang nakangiting sabi ni Kali.
Hindi na malayan ni Arion ang paglapit ni Huwan sa kanila nakangiti ito habang pinapakita ang kilig sa kanyang mukha. Nang naroon na ito sa harapan ng dalawa, agad nito pinakita kay Arion ang hintuturo nito kung saan nakabuhol doon ang piraso ng buhok ng Thaihu. Namilog ang mga mata ni Arion nang makita ang sariling buhok sa daliri ni Huwan.
“Ops, teka parang hindi mo yata gusto na kapartner na kita ah? Tulad ni Kali ayoko na mawala ka kaya sinabi ko sa kanya ang isa pang paraan upang putulin ang tali mo sa kanya pero mananatili kayong buhay parehas. Tsaka promise, pangako kaibigan, hinding-hindi kita ituturing na alipin. Kung gusto mo, ako pa magsisilbi sa iyo. Kahit di ka mag salita ramdam ko naman na may pagnanasa ka rin sa akin eh. At least ngayon may dahilan na, taling-tali na tayo sa isa’t isa.” Ani ni Huwan.
Dahil sa nasapag-aari na ni Huwan ang hibla ng buhok ni Arion, wala nang nagawa pa ang Thaihu kundi ang sumunod sa sumpa. Yumukod ito kay Huwan bilang tanda na ibinibigay na nito ang buong pagkatao at katapatan sa lalake ngunit agad naman itong pinigilan ni Huwan sa halip niyakap nito si Arion na may pagtanggap at pagmamahal.
“Si Huwan ang nakikita kong bagay sa iyo. Salamat sa katapatan kaibigang Arion.” Wika ni Kali at sa huling sandali niyakap nito si Arion.
Mula sa kinatatayuan ni Turro nakita niya ang pagyayakapan ng tatlo. Nakaramdam ng pagkakasala ang lalake kay Kali dahil sa nangyari sa kanila ni Luluako. Tanggap nito sa sarili na sa bahaging iyon nagiging mahina siya. Kaya mayroon sa bahagi ng isip nito na nagsasabi sa kanya kung karapat-dapat pa ba siya sa puso ni Kali. Humakbang si Turro palapit sa tatlo. Nang makita ito ni Kali agad naman siya sinalubong nito at niyakap ng kay higpit.
Iyon na ang huling gabi nila Kali na kasama ang dalawa kung kaya’t sinulit nila ang buong sandaling iyon para magkuwentuhan at magtawanan hanggang sa dapuan na sila ng antok at magkanya-kanya na sa pagtulog.
“Ilang gabi ko rin ninanais na muling makulong sa malalaki mong mga bisig Turro. Ngayon katabi na kitang muli.” Bulong ni Kali kay Turro habang nakayap ng nakaharap sa lalake.
“Pagsawaan mo ang mga bisig ko Kali, at hindi ka na mangungulila pang muli sa tabi ko. Hindi na ako mawawala pa sa iyo. Hindi na.” Tugon ni Turro sabay hinalikan si Kali sa labi nito.
Sa kanyang pananabik, malugod na tinatanggap ni Kali ang marubdob na halik sa kanya ni Turro. At sa pangalawang pagkakataon hinayaan muli ni Kali ang kahabaan ni Turro na lumakbay at gumalugad sa kaibuturan ng butas nito. Sagad na sagad ang pagtusok ni Turro kay Kali, kung kaya’t napaungol na lang ito sa sarap. Ngunit sa kalagitnaan ng pagbabayo ni Turro, bigla itong napahinto sa paggalaw. Hindi man nito hinuhugot ang naninigas na tarub sa butas ni Kali, naramdaman naman ng huli ang bahagyang pag-urong nito.
“Bakit ka natigilan?” Tanong ni Kali.
“May aaminin ako sa iyo Kali, binabagabag ako ng aking pagkakamali. At hindi ko maatim na maglihim sa iyo. Hindi ko nakuhang maging matapat sa iyo.” Ang sambit ni Turro.
Hinugot nito ang nanghihinang tarub kay Kali at naupo sa tabi ng lalake. Bumangon din si Kali para pakinggan ang nais sabihin sa kanya ni Turro. Batid na ni Kali ang magiging laman ng sasabihin sa kanya ng lalake ngunit hinayaan niya si Turro na maglahad ng kanyang kuwento. Doon nga ay sinabi nito kay Kali ang naging pagniniig nila minsan ng isang Khama-kama na si Luluako. Naging bukas naman ang puso ni Kali sa pagpapatawad kay Turro, ani pa ng lalake marahil natukso lamang ito sa makamundong pagnanasa at nalinlang ng kanyang pangungulila. Gayunpaman hindi maiwaksi ni Kali sa sarili ang panghihinayang. Maging ito man kasi sa sarili muntikan ng sumuko sa tukso ng makilala sina Huwan at Arion, ngunit nilabanan nito ang tawag ng laman at hindi nagpagapi sa udyok ng pagnanasa.
Sinubukan pang muli ng dalawa na ituloy ang naudlot na pagsasanib, ngunit maging sa kanilang halikan ramdam na ang panlalamig. Sa kabila ng malamlam na tugon sa isa’t isa, mas pinili parin ng dalawa na damhin ang init ng kanilang mga katawan ng gabing iyon. Muling nahiga si Kali sa malapad na dibdib ni Turro habang ang braso naman ng bawat isa ang siyang kanilang naging kumot sa maginaw na gabi.
Kung ang kapayapaan ng gabi ang namayani sa buong lupain ng bayan ng Marrhuk, pagkabalisa naman ang nararanasan ni Ghur sa kanyang silid pahingahan. Ang pagkasawi ng marami sa kanyang mga sugo at ang pagkatalo ng mga ito laban sa maliit na bayan ng Marrhuk ang lubhang bumabagabag sa kanyang kaisipan. Paano ang pinaniniwalaan niyang mga mahihinang uri ng nilalang ay nagawang pabagsakin ang kanyang mga hukbo.
“Mga taong may angking kagalingan at kapangyarihan ang tinutukoy nilang may kagagawan ng lahat ng ito. Kung gayon, pagsisisihan nila ang ginawa nilang pagkalaban sa kapangyarihan ko. Magbabayad ang kanilang mga lahi, sila ang tatanggap ng hagupit ko. At kung sino man kayo, paghandaan niyo ang pagtatagpo natin.” Bulong ni Ghur sa sarili na punong-puno ng gigil at galit.
Tumayo sa harapan ng isang malaking salamin si Ghur na nasa dingding ng kanyang bulwagan. Umusal ito ng mga katagang siya lang ang nakakabigkas. Dumagundong iyon sa buong kalupaan ng Khadulman. Rinig ng mga nilalang sa paligid ng kanyang kaharian ang mabagsik sa boses ng makapangyarihang hari ng kadiliman. Boses na punong-puno ng puot at pagbabanta na maging ang mga nilalang na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan ay nanginginig sa takot. Ang namumuong maiitim na kaulapan sa buong kalupaan ng Khadulman ay mistulang nagbabayad ng malakas na bagyo at delubyo. Panay ang buga nito ng matatalim na kidlat na bumabagsak sa bawat kalupaan ng Khadulman.
Patuloy na umuusal ng mga kataga si Ghur sa harapan ng salamin, hanggang sa ang salamin ay naging portal patungo sa kabilang mundo. Sa mundo ng mga tao.
At mula sa hininga ni Ghur nagpakawala ito ng mga mababangis at nakakatakot na mga nilalang. Mga halimaw na hindi pa nakikita nino man. Inilagay niya ang mga ito sa kaliwa niyang palad. Muli itong bumuga at sa kanyang kanan naman ang mga katakot-takot na delubyo at mga salot.
“Galugarin niyo ang lahat ng mundo ng mga tao, sakupin at durugin niyo ang kanilang mundo. Iparamdam niyo sa kanila ang pighati at takot. Nais kong isumpa nila ang kanilang buhay. Wala ng mas hihigit pa sa kapangyarihan ko sa mundong ito kundi ako lang. Kalapastanganan ang kalabanin ako!!!”
Kasabay ng mga katagang yun pinakawalan ni Ghur ang mga iyon sa salamin. Dahil sa nahahati sa maraming dimensiyon ang mundo ng mga tao, nagkalat din sa mga iyon ang mga nilikha ni Ghur na ang tanging layunin ay wasakin ang sangkatauhan at ang mundong kanilang ginagalawan.
Dahil sa hakbang na iyon ni Ghur, nagimbal ang mga tagapangalaga ng mga elemento sa bawat dimensiyon ng mundo ng mga tao. Ramdam agad ng mga ito ang papalapit na trahedya at kadiliman.
Sa dimensiyon na pinagmulan ni Kali, naramdaman agad ng mga nimfa ang nagbabadyang panganib kaya bago pa tuluyang mapasok ang kanilang mundo, naglagay na sila ng mga harang sa paligid ng Khan-la-on maging sa mga kabundukan at karagatan ng Cebuklod.
Samantala sa kabilang dako ng mundo ng mga tao, sa dimensiyon kung saan nagmula si Huwan. Dahil sa tuluyan ng nasira ang balanse ng kalikasan gawa ng ebulosyon at pagbabago sa mundong iyon, hindi na nagawa pang pigilan ng mga bantay ng kalikasan ang paparating na sakuna at banta ng delubyo. Sa halip, mas pinili na lang ng mga ito ang magpaubaya upang iparamdam sa mga tao ang epekto ng kanilang sariling kasakiman at kapabayaan.
Ang napipintong pagkawasak ay agad na nakarating kay Titutah, dahil sa kanya pangitain. Nabahala ito sa maaring idulot nito sa mga tao na naroon sa mga iniwan nilang mundo.
“Ewag, magtungo ka sa kinaroroonan ngayon ni Huwan. Ipaabot sa kanya ang masama kong balita.” Utos ni Titutah sa kaibigan nitong lambana.
“Ngayon din kaibigan.”
Agad na umalis ang lambana bitbit ang mensahe ni Titutah.
Si Arion, napalabas ng balkonahe ng kanyang silid ng makaramdam ito ng hindi maganda sa samyo ng hangin. Tumingala ito sa langit, at mula roon tanaw nito sa malayo ang nakakakilabot na bagyo ng ulap. Napansin ni Huwan ang pagbangon ni Arion kaya sinundan niya ito sa balkonahe.
“Mukhang may paparating na bagyo.” Wika nito ng lumapit kay Arion.
“Higit pa sa bagyo ang paparating. Balisa ang hangin sa paligid, masyadong nakakabingi ang katahimikan ng gabi. Tila may pinapahiwatig na masamang pangyayari. At sa pakiwari ko hindi lang dito, tumatagos ang nararamdaman ko sa kabilang mundo… Sa mundo niyo ng mga tao.” Ani ni Arion.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sana nga lang mali ako…”
Bago pa ituloy ni Arion ang sasabihin, lumitaw na sa harapan nila si Ewag ang lambana na inutusan ni Titutah. Agad nitong ibinalita kay Huwan ang mensahe ni Titutah. Nagimbal si Huwan sa narinig. Bagama’t ang mundo ng mga elemental na ang bago niyang mundo, hindi parin maalis sa puso ni Huwan ang mag alala sa mga kauri nitong naiwan sa mundong pinagmulan. At hindi niya kayang hayaan na lang si Ghur na magtagumpay sa nais nito.
“Babalik ka sa mundo niyo? Paano? Wala ka ng katawan na babalikan doon. At maaring ikapahamak mo pa ang iyong pagbabalik.” Pag aalala ni Arion kay Huwan.
“Nakalimutan mo na yatang isa akong Baylan at higit sa lahat kasama kita.” Ani ni Huwan.
“Isasama mo ako sa mundo niyo?”
“Bakit hindi, all in one na tayo diba? At sa pamamagitan mo, maari akong manghiram ng katawan ng ibang tao sa mundo namin.” Ang sagot pa ni Huwan.
Dahil nga sa nakatali na ang katapatan nito kay Huwan hindi na kumuntra si Arion. Bagama’t may agam-agam sa pasya ng lalake sumang-ayon na rin ito.
At sa mismong sandaling iyon hinanda na ni Huwan ang mga kakailanganin sa sariling paglalakbay pabalik sa kanilang mundo. Ganun din si Arion. Kung ang lambana ang nagpahiwatig ng masamang balita kina Huwan at Arion, sa panaginip naman idinaan ng mga nimfa ang babala kay Kali.
Naalimpungatan ito mula sa pagkakahimbing na maging si Turro nagising. Pawisan si Kali at habol-habol ang hininga nang bumangon ito. Bakas sa mukha niya ang hindi mawaring pagkabahala at pagkabalisa.
“Masamang panaginip?” Tanong ni Turro.
“Nagpakita ang mga Ninfa ng Khan-la-on, binigyan ako ng babala ukol sa madugong kaganapan sa atin. Ayon sa kanila may mga nilalang na ngayon lang nila nakikita ang paparating para wakasan ang lahat ng buhay sa buong Cebuklod. Mga halimaw na walang kasing bangis na maging ang mga nilalang tulad ng mga Nimfa ay nanginginig sa takot.” Kuwento ni Kali kay Turro.
“Nabanggit ba nila kung saan galing mga naturang mga halimaw?” Tanong pa ni Turro.
“Hindi nila nasabi ngunit ayon sa kanila, nagbukas ang lagusan mula sa kailaliman ng kadiliman. At mula roon lumabas ang mga nilalang na iyon.” Ani pa ni Kali.
Maging si Turro ay napaisip ukol sa panaginip ni Kali.
“Ano kaya ang nais ipahiwatig ng mga Nimfa sa iyo?” Dagdag na tanong ni Turro.
“Ramdam ko ang bulong ng panganib sa hangin. Ilang beses ko nang tinawag ang tulong ng mga Nimfa ngunit hindi ko sila maabot. At ngayon nagparamdam sila sa aking panaginip bitbit ang isang babala. Nababahala ako sa mundo natin.” Tugon ni Kali.
Habang nag-uusap ang dalawa sa kanilang silid… napansin ni Turro ang pagliwanag ng kanyang espadang nakasandal sa gilid ng kanilang higaan. Agad niya itong nilapitan para suriin ang dahilan ng pagliwanag nito. At nang hinawakan ni Turro ang hawakan nito habang pinagmamasdan ang talim ng espada, bigla na lang lumitaw sa talim nun si Diwang-liwa. Balisa ang mukha at nababahala.
“Diwang-liwa ano ang nangyari?” Tanong agad ni Turro.
“Magmadali ka kaibigan, tinatawid na ng kadiliman ang mga mundo ng tao. Dala nito ang nakakatakot na bangungot para sa lahat ng mga tao. At ramdam mula dito ang angil ng karahasan kung kaya’t hindi ko maatim na hayaan na lang itong mangyari. Hindi lamang tao ang madadamay, maging ang ibang nilalang din na mas pinili na ang mundo niyo na maging kanlungan nila. Gamitin mo ang espada, dadalhin ka nito pabalik sa mundo mo.” Turan pa ni Diwang-liwa, bago ito naglaho.
Narinig lahat ni Kali ang tinuran ng diwata kay Turro. Nagkatitigan sina Kali at Turro, magkahalong kaba at kalituhan ang namumuo sa kanilang isip.
“Kailangan bumalik tayo sa mundo natin, kung maging ang isang Diwang-liwa kaparehas din ang tinuran sa mga Nimfa…higit tayo kailangan sa atin.” Ang desisyon na nabuo ni Kali.
“Babalik tayo ng Cebuklod? Paano si Ghur? Ilang hakbang na lang makakaharap na natin siya.” Ani ni Turro na hati parin ang iniisip.
“Magiging walang saysay ang lahat kung wala na tayong babalikang mundo. Marami pang pagkakataon para magharap kami. Sa ngayon buhay muna ng mga tao ang uunahin natin at ng mga nilalang na madadamay dito. Babalik tayo ng Cebuklod.” Saad ni Kali.
Sumang-ayon si Turro, agad na din silang kumilos para sa kanilang paglalakbay pabalik ng Cebuklod. Nang handa na ang lahat bumaba na ang dalawa sa pasilyo ng tore kung saan nakasalubong din nila sina Huwan at Arion na kakalabas lang din ng kanilang silid. Tulad nila nakahanda narin ang mga ito sa kanilang paglalakbay.
Sa kanilang usapan nabanggit ni Arion kina Kali na kagagawan ni Ghur ang mga nararamdaman ng mga kauri nila sa mundo ng mga tao. Dahil dun lalong sumidhi ang pagnanais ni Kali na tapusin na sa lalong madaling panahon ang kasamaan ni Ghur. Nasa bulwagan na sila ni Xahul para magpaalam. Nang malaman ng mga taga Marrhuk ang kinakaharap ng mga tao,agad nag alok ng tulong sina Eyurtha at Peeturyan.
“Gamitin niyo sa pagbalik niyo sa mga mundo niyo itong mga sandatang likha namin. Nawa’y makakatulong ito sa kakaharapin niyo sa inyong pagbabalik.” Ani ni Peeturyan nang inabot nito sa apat ang isang uri ng makabagong baril na yari sa kristal.
“At itong bagay na ito na hugis plato, isa itong sasakyan na kayang lumipad at lumakbay sa ilalim ng mga katubigan. Magaan lamang itong hawakan at kayang dalhin na hindi nabibigatan. Ngunit kung inyong kailangan, pindutin niyo lang ang dilaw na nasa gitna niyan. At magiging sasakyan panghipapawid iyan. “ Wika ni Eyurtha ng ibahagi naman nito ang sinasabing uri ng sasakyang panghimpapawid.
“Ang mga iyan ang nakatago naming sandata na tanging kami lang ang meron. Gamitin niyo ang mga iyan sa pagharap niyo sa sinasabi niyong banta. Asahan niyo na mula rito magmamasid kami sa inyong mundo, para siguraduhin ang kaligtasan ng mga tao. Sakaling kailangan niyo ang tulong namin gamitin lang ang bagay na ibinigay sa inyo ni Eyurtha, aasahan niyo ang tulong mula sa dito.” Dagdag pa ni Xahul tsaka yumukod sa apat.
“Maraming salamat sa mga bagay na ito. Hanggang sa muling pagkikita aming mga kaibigan.” Tugon ni Kali at nagbigay galang din sa lahat ng mga taga Marrhuk na nandoon.
Yumukod ang apat sa harapan ng mga naroroon bago lubusang nilisan ang bayan ng Marrhuk. At habang palabas na sila sa bayan’, rinig ng apat ang palakpakan na puno ng pasasalamat at pagbunyi ng mga taga Marrhuk para katagumpayan ng kanilang napipintong laban.
Mula sa harang naghiwalay na ng landas ang apat, sina Arion at Huwan tinungo ang natural na lagusan na tumatawid sa kabilang mundo, samantala sina Turro at Kali pumilas ng daan mula sa hangin gamit ang espada ng diwa ni Turro. Iyon ang naging portal ng dalawa pabalik sa kanilang mundo.
ANG DAIGDIG SA KABILANG MUNDO
Ghu-ul, Lupain ng Aribhuto;
Umabot na sa mga tenga ng mga elementong kriminal ang nangyaring labanan sa bayan ng Marrhuk. Maging ang mga malalakas na nilalang na kinatatakutan ng lahat na matagal ng naka-kadena sa lugar na iyon, nagimbal sa kanilang mga narinig. Umalingawngaw sa buong Ghu-ul ang pagkatalo ng mga sakop ni Ghur laban sa maliit na puwersa ng mga taga Marrhuk sa pangunguna ng mga taga-tawid.
“Ano ang pinagkakaguluhan ng ibang mga nakakulong?” Usisa ni Kabao kay Agbun.
“Isang labanan ang nangyari sa pagitan ng mga alagad ni Ghur at ng mga taga Marrhuk. Ayon sa mga tagahatid ng huli, tinalo daw ng mga taga Marrhuk ang kampo ni Ghur.” Kuwento ng agtang si Agbun.
“Mahirap paniwalaan ang ganyang kuwento. Kilala ng lahat ang bayan ng Marrhuk bilang isa sa mga mahihinang bayan sa paligid ng Lhunok. Tsaka tahimik silang mga nilalang, takot sa gulo at kakaunti lamang ang bilang. Hindi naman kaya kasinungalingan lang ang balitang pinapakalat ng mga Tul-hungan na iyan?” Sabat ni Kuwaknit.
“Iyon ang pinaniniwalaan ng iba, ngunit marami rin ang kumukontra. Ayon sa ilan kung nakayanan ng mga taga Marrhuk ang lakas ng mga alagad ni Ghur, ibig sabihin humihina na ang depensa ng kanyang kapangyarihan.” Wika ni Agbun.
“Kung sabagay, tanyag din naman sa pag-gawa ng makabagong armas ang mga taga-Marrhuk. Marahil nagsawa narin sila sa pang-aapi ng mga Busaw at kapangyarihan ni Ghur.” Ani ni Kabao.
“Mga taga-tawid ang nanguna sa labanan kasama ang mga Thaihu at mga Elahpho. Pinabagsak nila na parang mga tutubing lamok ang mga dragon at mga alagad ni Ghur. Naroon ako! kitang-kita ko ang lahat!”
Biglang litaw ng isang Aringaraw.
Mula sa isang mabalahibong daga, nagbago ang kanyang anyo at naging isang Aringaraw. Agad nitong naikuwento ang nangyaring labanan sa bayan ng Marrhuk. Detalyado ang pagkakalarawan niya ng mga tagpo. Mula simula hanggang sa pag atras ng mga hukbo na pinadala ni Ghur. Napag-alaman din ng mga nasa piitan na iyon na ang Aringaraw din pala na iyon ang nagpakalat ng ganung kuwento sa lahat.
“Ikaw pala ang pasimuno ng kaguluhan dito. Kilala kayong mga mapanlinlang na nilalang. Paano kami maniniwala na totoo talaga ang kuwento mo? Tsaka ano ang ginagawa ng isang Aringaraw sa lugar na ito?” Sabat ni Bukay.
“Totoo ang sinasabi ko, hindi ko ipapahamak ang buhay ko sa nakakatakot na lugar na ito kung hindi ako seryoso sa kuwento ko. Hindi ko sinasabing maniwala kayo, pero sinasabi ko sa inyo, dumating na ang pagbagsak ng kapangyarihan ni Ghur.” Tugon ng Aringaraw.
Sa isang sulok naroon lang si Urrin na nakikinig sa usapan ng mga nilalang. Tahimik ngunit tumatatak sa isip niya ang mga detalyeng sinasabi ng Aringaraw. Agad na sumagi sa kanya sina Kali at Turro, ngunit dahil sa tatlong taga-tawid ang nabanggit ng nilalang… nagdalawang isip ito na baka iba ang mga iyon kina Kali.
“Nilalang, kung sinasabi mong naroon ka sa lahat ng pagkakataon…ibig sabihin narinig mo ang kanilang mga pangalan. Nalaman mo ba kung sino-sino sila?” Biglang tanong ni Urrin sabay tanggal ng tabon nitong balabal sa mukha.
Nang masulyapan ng Aringaraw ang mukha ni Urrin, lumiwanag sa galak ang mukha ng nilalang. Napangiti ito, at agad na lumipad palapit kay Urrin. Nagulat ito na makakita ng taga-tawid sa piitan na para lang sa mga taga-mundong iyon.
“Isa kang tao, ikaw ang taga-tawid na sadya ko sa lugar na ito. Sa wakas, nahanap din kita.” Ang wika ng Aringaraw na may saya sa boses.
“Ano ang ibig mong sabihin? Bakit mo ako hinahanap?” Tanong ni Urrin.
“Pinadala ako ng mga Nimfa para tulungan ka na maka-alis dito. At habang tinatahak ko ang mga lagusan at daan papunta rito, napadaan ako sa lupain ng Lhunok kung saan natigil ako sa kagubatan malapit sa Marrhuk. Hanggang sa doon ko na nasaksihan ang labanan na nangyari.” Kuwento pa ng Aringaraw.
Biglang naalala ni Urrin ang paghingi nito ng tulong sa mga tumulong sa kanyang mga Nimfa nang dakpin ito ng mga Tul-hungan at dalhin sa Ghu-ul. Pero lumipas lang ang mga araw at gabi na wala man lang tugon sa mga Nimfa. Na ang pakiwari pa ni Urrin ay pinabayaan na siya ng mga iyon.
Nang malaman ng mga kasamahan ni Urrin ang dahilan ng Aringaraw sa lugar na iyon. Agad din sila humiling na isama rin sila sa pagtakas.
“Kung padala ka nga ng mga Nimfa paano mo ako mailalabas dito?” Tanong ni Urrin.
“Aaminin ko, hindi madali ang makatakas dito. Pero naniniwala ako sa kakayahan mo.” Sagot ng Aringaraw.
“Kung gayun, sabihin mo sa akin ang tamang gawin. Pero sandali, sabihin mo muna sa akin ang pangalan ng mga nakita mong taga-tawid.” Ani ni Urrin.
“Hindi ko alam ang kanilang mga pangalan, pero kaya ko ipakita sa iyo ang mga mukha nila- tao.”
“Urrin,… tawagin mo akong Urrin…iyon ang pangalan ko Aringaraw.”
“Urrin,… pagmasdan mo ako at ipapakita ko sila sa iyo.”
Nang handa na magpalit anyo ang Aringaraw, biglang humudyat naman ng huni ang Dalakitnun na si Kuwaknit. Isang Tul-hungan kasi ang paparating sa kanilang kulungan kasama ang dalawang mga Busaw. Kanya-kanyang balik agad sa mga puwesto ang lahat. Si Urrin nagkunwaring tulog habang nasa loob ng balabal nito ang Aringaraw. Sina Kabao at Agbon naman ay pumuwesto malapit sa rehas para makiramdam at mag manman sa paligid. Gayun din si Bukay na nakabatay din.
Nang nasa tapat na ng kulungan ang Tul-hungan at mga Busaw. Agad ng mga ito binuksan ang tarangkahan ng kulungan at pumasok sa loob.
“Nasaan ang mamumugot na taga-tawid?” Tanong ng isang Busaw sa Tul-hungan.
“Ang nakatalukbong na iyon sa sulok.” Turo ng Tul-hungan sa puwesto ni Urrin.
Akmang lalapit na kay Urrin ang isa sa mga Busaw nang humarang si Kabao.
“Ano ang kailangan niyo sa kanya? Mahina siya ngayon. Kung kailangan niyo ng mapaglaruan, ako na lang ang kunin niyo.” Wika ni Kabao.
“Ako na lang, naiinip na ako rito. Handa na ako.” Sabat ni Bukay ng tumayo ito.
“Isama niyo na rin ako, gusto ko na rin lumaban. Kating-kati na ang katawan ko sa bakbakan.” Ani ni Agbun.
“Ako na, mas matagal na ako rito pero hindi pa ako natatawag.” Singit naman ni Kuwaknit.
Biglang na asar sa apat ang naunang Busaw at nagpakawala ito ng kidlat mula sa kanyang mga kamay dahilan para mangisay ang apat ng tamaan ang mga ito.
“Ang iingay niyo. Mga hangal!” Wika ng Busaw.
Dulot ng tumama sa kanilang puwersa, nanatiling namimilipit sa sakit ang apat na napapirmi na lang sa kanilang puwesto. Inutusan ng isang Busaw ang Tul-hungan na ilabas sa piitan na iyon si Urrin. Kusa namang sumama ang lalake na tahimik lang. Nang makaalis ang tatlo kasama si Urrin, unti-unti namang bumalik ang lakas ng apat.
“Ano kaya ang binabalak nilang gawin kay Urrin?” Tanong ni Bukay.
“Hindi natin alam, ngunit batid ko na hindi maganda.” Sagot ni Kabao.
“Paano natin matutulungan si Urrin?” Pag aalala pa ni Kuwaknit.
“Kasama niya ang Aringaraw na iyon. At kung ang sadya nun, na ang tulungang makatakas si Urrin. Wala tayong dapat na ipag-alala.” Wika pa ni Agbun.
“Ngunit duda ako sa Aringaraw na iyon, kahit kelan hindi nabago ang masamang imahe ng mga nilalang na iyon. Mapanlinlang pa rin sila. Sinungaling at traydor.” Ang napasimangot na sabi ni Kabao.
“Mukhang hindi ang isang iyon. Naamoy ko sa kanya ang dalisay na amoy ng mga nimfa ng Khanlandog. Hindi siya taga rito.” Sambit ni Bukay nang sininghot nito ang naiwang pulbos ng Aringaraw mula sa mga pakpak nito.
“Anong ibig mong sabihin Bukay?” Tanong ni Kabao.
“Minsan na ako napadpad sa lugar nila, kaya kabisado ko pa ang samyo ng kanilang mga talulot. Manlalakbay din siya mula sa lupain ng Khanla-on. Sa ibayong mundo ng mga tao.” Sabat ni Bukay.
May kuminang na liwanag nang pag-asa sa mga mata ng isang Dwendulin habang sinusundan ng tingin ang pasilyo ng piitan. Balot man ng pagkabahala ang puso ni Urrin ng mga sandaling iyon, pilit parin niyang pinapatapang ang sarili. Ayaw niyang lamunin siya ng takot. Pasimple nitong sinilip sa kanyang balabal ang Aringaraw ngunit wala na ito roon. Palinga-linga ito sa kanyang paglagi.
“Diretso lang ang lakad tao! Abante ang mga hakbang! Lakad!!!” Sigaw ng Tul-hungan kay Urrin sabay hagupit ng maliit na latigo nito sa likod ng lalake.
Ramdam ni Urrin ang sakit at hapdi ng paglatigo sa kanya ngunit hindi ito nagpakita na nasasaktan. Tumuloy ito sa paglalakad. Hanggang sa napahinto sila sa gitna ng pasilyo. Nagtaka si Urrin kung bakit huminto sila gayung wala pa man sila sa bungad ng labasan ng piitan. Maya-maya pa isang nilalang ang bumaba mula sa hagdanan sa kanilang harapan. Isang matangkad na nilalang, malaki ang katawan, balot ng purong itim na kasuotan ang buong sarili at tanging ang mapupulang mga mata na umaapoy sa galit ang siyang lamang nito maa-aninag sa kanyang suot. May hawak itong napakalaking palakol na may mabibigat na kadena sa dulo. Pasan nito ang kalahati nun sa kanyang balikat sa sobrang laki nito. Napayukod ang Tul-hungan at ang dalawang Busaw sa nilalang.
“Dakilang Khalhansay, dala na namin ang tao na iyong kailangan.” Wika ng Tul-hungan, sabay tulak sa nakakadenang si Urrin sa harapan ni Khalhansay.
“Mainam, iwanan niyo na siya akin at magsibalik na kayo sa inyong mga puwesto.” Ang utos ni Khalhansay.
Mabilis naman na sumunod ang tatlo at iniwan si Urrin kay Khalhansay. Nakakakilabot ang anyo ni Khalhansay nang tumambad ang mukha nito matapos hawiin ang takip na balabal sa mukha. Tila tinakasan ng tapang si Urrin at napasigaw ito sa takot nang masilayan sa malapitan ang taga pamahala at tagabantay ng Ghu-ul. Gamit ang malalaki nitong mga kamay, animoy isang punit lamang na tela si Urrin nang kanya itong dakmain at ipatong sa kanyang balikat. Muli itong bumalik paakyat ng hagdan tangay si Urrin na kumakawala sa kanyang balikat.
Kasalukuyan namang tinatangay sa isang lagusan ang dalawa, Kali at Turro. Dahil iba ang ginamit nilang paraan upang lumikha ng tawiran pabalik sa kanilang pinagmulan, ramdam ng dalawa ang kakaibang bigat ng enerhiya na humihigop sa kanila palabas.
“Tama ba ang daan na tinutumbok nating ito Turro?” Tanong ni Kali.
“Nagtitiwala ako sa espada ng diwa Kali. Dahil siya ang nagdala sa akin sa iyo. Kapit lang at sigurado akong tama ang landas na ito pabalik sa atin.” Ani ni Turro.
“Pansin ko na kanina pa tayo tinatangay ng agos, ngunit tila wala naman akong nakikitang lagusan palabas.” Wika ni Kali.
“Espada ng diwa dalhin mo na kami sa aming pinagmulang mundo. Kinakailan na kami ng mga tao.” Bulong ni Turro sa hawak nitong espada.
Nang maglabas muli ito ng nakakasilaw na liwanag. Kasabay nun ang biglaang paglakas ng puwersang humihigop sa dalawa.
“Kali kapit ka nang mahigpit sa akin! Hinihila na tayo palabas!!! Kapit!!!”
“Walang bibitaw sa ating dalawa Turro, hindi ko na hahayaang maghiwalay pa tayo sa pagkakataong ito!!!” Sigaw ni Kali tsaka niyakap ng mahigpit si Turro.
Ganun din ang ginawa sa kanya ng lalake. Magkayakap ang dalawa habang pinapaikot-ikot ng daluyong ng liwanag patungo sa isang lagusan.
-*-
Bacolod City, taong kasalukuyan. Dagsa ang isang isang freedom park malapit sa isang malaking mall dahil sa ginaganap na halloween pride party. Kung saan nagtitipon noon ang lahat ng miyembro ng LGBT mula sa iba’t-ibang parte ng lugar, para sa isang malaking pride gathering. May pa-concert at live party sa mismong park. Karamihan ng mga nakikisaya roon mga nakasuot ng pangmalakasang halloween costumes, mga costplayer na nakikisali sa contest.
“Kaloka naman iyang costume mo agi,…ano na sa man? Kabayo? na ang ulo titi?” Gulat na tanong ni Leon kay Sean nang makita ang costume nito.
“Titikbalang talaga ang theme nito noh. Achieve diba? Tingnan mo naman ang ulo nito, sa ulo ko parang burat talaga ng kabayo, tigas na tigas at tayong-tayo.” Wika ni Sean na nirampa pa sa harapan ng mga kaibigan ang kanyang costume.
“Infairness sa effort, pero ewan ko lang kung isa ka sa mapipili mamaya. Sa dami ba namang mas pasabog ang costume ngayon goodluck na lang sa atin.” Sabat ni Leon.
“Siyempre naman noh, sa laki ba naman ng premyo sa mananalo dapat todo effort talaga. Eh ang main goal lang naman natin is makahanap ng kalandian dito at hindi naman iyong premyo, kaya give ko na sa kanila iyon. Kaya ko lang naman naisip ang costume na ito para mapansin agad ako ng mga target ko.” Ani pa ni Sean.
Pagabi na lalo lang dumadagsa ang mga tao sa lugar. Halos hindi na masingitan ng hangin ang kapal ng tao, lalo na sa main ground kung saan gaganapin ang night concert at live party pagkatapos ng kantahan. Nakasindi na ang mga ilaw sa paligid ng freedom park. Maging ang mga malalaking gusali sa paligid kumikinang na sa liwanag. Gayundin ang mga LED billboards at mga 3D screen sa mga mall sa tabi-tabi. At dahil sa ilang tulak na lang ng mga linggo, pasko na… maliwanag na rin ang mga kahabaan ng kalsada gawa ng mga makukulay na ilaw na nagpaparamdam ng nalalapit na kapaskuhan.
Sa isang bahagi ng plasa, sa isang malaki at matandang puno ng acasia…sa tabi ng malaking public fountain, biglang lumitaw sina Kali at Turro na magkayakap na nakahiga sa paanan ng puno.
“Ay mga bakla”… sambit ng isang batang lalake nang makita nito sa ganung ayos ang dalawa.
Isang matandang babae naman ang agad na humila sa bata palayo roon habang nagsasalita.
“Mga bastos, wala na talaga kayong pinipiling lugar …pati rito gumagawa kayo ng kalaswaan. Kaya tayo binubuhusan ng kalamidad dahil sa inyo. Mga bakla! Mga makasalanan! Mga bastos!.” Wika pa ng ginang habang papaalis ito.
Napabitaw naman sa isa’t isa sina Kali at Turro, tsaka tumayo ang dalawa. Bakas sa kanilang mga mukha ang malaking pagtataka at pagkamangha sa mga nakikita nila sa paligid.
“Nasaan tayo? Hindi ito ang Cebuklod.” Ang unang salita na binitiwan ni Kali nang mapagtanto kung nasaan sila ni Turro.
Maging si Turro hindi makatugon kay Kali. Litong-lito ito sa mga nakikita sa paligid. Batid nilang mga tao ang kanilang nakikita ngunit takang-taka ang dalawa sa mga kasuotan ng mga ito. Maging ang mga nakikita sa palibot na mga nagtatayugang mga gusali, mga monumento at rebulto na takaw pansin sa kanilang paningin.
“Espada ng diwa, anong daigdig itong pinagdalhan mo sa amin? Hindi ito ang aming lupain, hindi ito ang Cebuklod.” Wika ni Turro sa hawak na espada.
Ngunit wala man lang tugon mula rito. Hindi man lang ito lumiwanag o nagbigay ng sagot sa kanya. Ikinumpas pa ni Turro ang talim nito sa hangin sa pagbabakasakaling makakagawa muli ito ng lagusan sa hangin, pero walang nangyari.
“Marahil nagkamali tayo na gamitin ang lagusan Turro. Hindi mo pa gamay ang kakayanan ng espada.” Ani ni Kali na ramdam ang matinding pagkabahala.
“Patawad Kali, hindi ko akalain na ito ang mangyayari. Hayaan mo susubukan kong muli ang espada.” Wika ni Turro.
“Galugarin muna natin ang paligid, baka may mahanap tayong tugon sa mga katanungan natin.” Saad ni Kali.
Halos lahat ng mga tao na madaanan ng dalawa na namamasyal sa plasa, hindi maiwasang mapapalingon sa kanila. Bukod sa kakaiba nilang kasuotan at mga sandatang dala, takaw pansin din ang kanilang kakisigan at kaguwapuhan dagdag pa ang matikas nilang tindig at tangkad. Tila isa silang buhay na anime manga character sa kanilang ayos at anyo. Kaya ang iba hindi magkanda-ugagang kunan sila ng video at mga litrato. Ang iba sumisimple pa at nakikipag-selfie sa dalawa na siyang ipinagtataka naman ng dalawa.
“Babae ano ang iyong ginagawa?” Tanong ni Kali nang bigla na lang lumapit sa kanya ang isang babae at nakipag-selfie sa kanya.
“Selfie lang ito pogi. Okay lang ba? Ang ganda kasi costume niyo. Tapos ang gu-guwapo niyo pa pareho. Mga model ba kayo?” Sabi pa ng babae.
“Ipagpatawad mo babae, ngunit wala kaming naiintindihan sa mga sinasabi mo. “ Sabat ni Turro.
“Wow at in character pa talaga kayo pati pananalita. Sa anong inspired ba ang mga characters niyo? Ibig kung sabihin, saan hango ang kasuotan niyong iyan? Mga ano ba kayo?” Tanong pa ng babae sa dalawa.
“Tulad niyo, ngunit hindi ito ang daigdig namin. Galing pa kami sa malayong lupain ng Cebuklod.” Sagot ni Kali.
“Hindi talaga kayo bumibitaw sa character ha. Perfect kayo diyan. So parang mga, makaluma kayong tao pala kayo from other dimension. Parang character ni Panday at Exodus. Gets na. Siya nga pala ako si Pia. “ Wika ni Pia at nagpakilala ito kina Kali.
“Ako si Kali, siya naman si Turro.”
“True name? O character name? Mag jowa kayo?” Paglinaw na tanong ni Pia.
Hindi tumugon ang dalawa at nagkatinginan lang.
“Mukhang ayaw niyo talaga mawala sa character niyo. Anyway mukhang iisa lang ang destinasyon natin. Sabay na tayo pumunta ng freedom park okay lang ba? Kali? Turro?” Sambit ni Pia.
“Kailangan natin ng tulong mula sa mundong ito. At mukhang makakatulong siya sa atin.” Ang bulong ni Kali kay Turro.
“Dapat ba tayo magtiwala sa kanya?” Tugon ni Turro.
“Kung ayaw niyo, okay lang din naman. Pasensya na mukhang nasira ko pa yata ang moment niyong dalawa. Anyway, thank you sa selfie…kita na lang tayo sa freedom park.” Wika ni Pia na paalis na.
“Sandali, sasama na kami.” Pagpigil ni Kali.
Tawid lang ng kalsada ang malaking freedom park kung saan ginaganap ang halloween event. May pag-aalinlangan man napilitan nang sumama ang dalawa kay Pia. Tahimik lamang sina Kali habang ginagala ang mga tingin sa paligid hanggang sa naroon na ang mga ito sa tawiran.
“Kamangha-mangha, meron silang sasakyan dito na katulad ng sa Marrhuk. Ang pinagkaiba lang, dito lahat may pabilog na makina na umiikot para gumana. Isang sasakyang panglupa. Ngunit ang mga anyo hindi nalalayo sa mga sasakyang pang hangin sa Marrhuk.” Wika ni Kali nang mapansin ang mga kotse na dumadaan sa kanilang harapan.
“Maging ang mga tore rito katulad din sa bayan ng Marrhuk. Maaring isang Galeonoran din ang may likha ng mga ito. Tingnan mo ang mga higanteng iyan na kumikilos sa loob ng isang malaking salamin Kali. Marahil mga bihag ang mga iyan ng mga tao rito.” Sabat ni Turro.
“Naku LED billboard ang tawag diyan mga taga Cebuklod. Para sa advertising tapos ang mga nakikita niyo, hindi mga higante iyan kundi mga artista at modelo na nag i-endorse ng produkto. Hay naku ewan ko sa inyong dalawa pati ako nakakawa na sa kaka- embody niyo ng inyong mga karakter. Ang mabuti pa tumawid na tayo at mukhang nagsisimula na ang event. Baka hindi pa kayo makasali sa contest, sayang naman iyang effort niyo sa portray ng suot niyong costume.” Tugon ng babae.
Patawid na ang tatlo sa daan nang may nakita si Kali. Agad nitong hinugot sa kanyang tabak ang kanyang kampilan.
“Turro, isang Harrabas…ayon, patungo sa bahaging iyon!” Bulalas ni Kali.
Isang costplayer na nakasuot ng costume ng isang karakter mula sa mobile game ang napansin nitong papunta sa freedom park. Dahil sa suot na karakter ng isang costplayer, napagkamalan ni Kali na isa iyong Harrabas. Sa paghugot nila ng kanilang mga sandata biglang napasigaw si Pia sa gulat.
“Uy teka, ano iyan?! Legit ba talagang mga espada ang mga iyan?”
“Babae, maiwan ka na namin kailangan mapigilan namin ni Kali ang Harrabas bago pa siya may mabiktima. Kali ayon siya patungo sa mga kumpulan ng mga tao.” Wika pa ni Turro.
Hindi na napigil pa ni Pia ang dalawa ng patakbong tumawid ang mga ito sa kabila. Muntikan pa mabangga ng isang kotse si Kali sa kanyang pagtawid buti na lang at nakahinto agad ang kotse. Agad naman sila hinabol ni Pia habang may kausap ito sa cellphone.
“Ate saan ka na ba? Magsisimula na ang selection ng mga kalahok sa costume competition. Nandito na si kuya Sid, kanina ka pa hinahanap sa akin.” Wika ng kapatid nitong si Sean sa kabilang linya.
“Papunta na, malapit na ako sa entrance ng park. May mga kasama ako, na kilala ko lang kanina …mukhang sasali rin sa contest. Magkita na lang tayo mamaya. Mukhang mahihirapan na akong mahanap kayo sa dami ng tao.” Ani ni Pia.
“Nasa harap lang kami ng trick or treat photo booth. Dito pinapapila ang mga napili. Ika-number twenty two ako. Sa backstage ka na dumaan teh, susunduin ka ni kuya Sid.”
“Okay, goodluck sa titi mo bunso. Papunta na ako.”
Sa bilis ng dalawa bigla na lang nawala sa paningin ni Pia sina Kali.
“Asan na kaya ang dalawa? Hay naku bahala na nga kayo. Bakit ba kasi sunod naman ako sa inyo ng sunod? Makapunta na nga kina Sean.” Sa isip ng babae.
Samantala, natigilan sina Kali at Turro nang hindi na nila napansin ang inakala nilang Harrabas. Palinga-linga ang dalawa na tila ba lalong nagtaka sa mga napapansin sa paligid.
“Kakaiba ang daigdig na ito Turro, tumingin ka sa paligid. Malaya ang lahat sa kanilang ginagawa…tingnan mo iyon dalawang lalake na masayang naghahalikan sa harap ng karamihan. At ayon pa, mga malalamyang kalalakihan na nakikihalubilo sa mga matitikas na iba. Naroon pa ang iba na may makukulay na pintura sa mukha at makukulay na buhok ng babae. Para silang mga diwata sa katawan ng isang lalake. Hindi ko nakikitaan ng takot at pagkabalisa ang kanilang mga mukha. Lahat magiliw at masaya.” Pansin ni Kali.
“Tunay ngang kakaiba ang daigdig na ito Kali. Dahil hindi lamang mga tao ang naririto na namumuhay kasama nila. Tumingin ka sa banda roon. Mga nilalang sa kabilang dako. Mga elemental. Mga halimaw at mga engkanto, mga kakaibang uri ng nilikha, malayang nakikisaya kasama ng mga tao.” Tugon ni Turro.
“Nakakamangha ang lugar na ito. Pantay-pantay ang karapatan ng buhay ng lahat. Halimaw, engkanto, at mga tao…lahat tila may pagkakaisa.” Sabat ni Kali.
Habang nag uusap ang dalawa, isang lalake ang lumapit sa kanila. Naka-pulang brief lamang ito na may buntot, nakahubad at may pakpak ng ang anghel at sungay ng demonyo. Matangkad at maganda rin ang pangangatawan, mukhang banyaga ngunit nagsasalita ng Tagalog.
“Mga dude, kasali ba kayo sa parade of costume? Halikayo doon sa banda roon ang pila. Sasamahan ko na kayo. Grabe ang astig at ang seductive naman ng costume niyo. Complete with props pa talaga. Tara na ng makakuha kayo ng number. For sure pasok iyang character niyo sa top pick mamaya.” Wika ng lalake sa dalawa.
“Anong nilalang ka lalake?” Tanong ni Kali.
“Devil cupid, dude…kita mo naman sa cute ko na pakpak at sungay.” Sagot ng lalake kay Kali.
“Ganito ba lahat kayo rito?” Tanong naman ni Turro.
“Ano ang ibig mong sabihin dude? Like?…okay gets, so ibig sabihin hindi talaga kayo members ng community? So mga allies kayo. Ang saya naman na maka met ng straight sa ganitong event. And sa tanong mo kung lahat ba rito gays, well majority oo…pero meron din na katulad niyo. Open naman sa lahat ang event na ito. Kaya welcome kahit na sino. Hayun ang pila, sundan niyo na lang ang mukhang Undin na iyan. Good luck.” Ani ng lalake kay Turro, bago nito iniwan ang dalawa.
Lalong nalito ang dalawa sa kanilang narinig. Gayunpaman pa man base sa kanilang nakikita… pakiramdam ng dalawa walang puwang sa lugar na iyon ang kasamaan. Dahil maging ang mga halimaw man ay malayang nakikisaya sa mga tao base sa kanilang obserbasyon.
Naroon lang ang dalawa nakatayo kasama ang iba pang mga kalahok sa costume competition. Isang bakla naman ngayon ang lumapit sa dalawa at naglagay ng numero sa kasuotan nila Kali.
“Ano ang bagay na ito na idinikit mo sa aming kasuotan?” Tanong ni Kali sa bakla.
“Medalya, …ano ba ito sa tingin mo? Number fifty one ka. Tapos itong jowa mo fifty three. Sana-ol parehas guwapo. Last na kayong dalawa. Pag may humabol pa sa likod niyo para sumingit, Sabihin niyo ubos na ang numero. Wala ng ink ang marker. Pag nagpumilit, tagain niyo ng mga espada niyo.” Sabat ng bakla kay Kali.
“Papaslangin ba namin ang magtangkang sumingit sa pila? “ Tanong ni Turro.
“Kayo ang bahala, basta kayo na ang huli sa linya period. Siya nga pala kapag nasa stage na kayo, kailangan mag pakita kayo ng talent o gestures na nagdi-describe ng character na suot niyo. Ika-fifty two ko nang explain ito kaya last na kayong dalawa.”
Magtatanong pa sana si Kali nang umalis na ang baklang kumausap sa kanila. Maging sa ibang mga kalahok agaw pansin ang dalawa sa kanilang ayos. Halos lantad na kasi ang kanilang magandang katawan sa kanilang mga suot. Nagsimula na ang pagbubukas ng event. Nagulat sina Kali at Turro nang marinig ang boses ng host mula sa malaking speaker na naroon lamang sa kanilang likuran. Sa sobrang gulat ni Turro nahiwa nito ng kanyang espada ang buong speaker dahilan para magkislapan ang mga kuryente na natamaan ng espada. Nagsigawan narin ang mga naroon nang makita ang ginawa ni Turro. Biglang nagkagulo sa kinaroroonan ng dalawa ng may magkislapan na kuryente at pamumuo ng usok sa nasirang speaker.
Dahil sa ginawa ni Turro, lumapit na sa kanila ang mga nakatambay na security sa lugar. Agad na sinita ng mga ito ang dalawa sa kanilang panggugulo. At dahil sa napansin na tunay ang mga dala nilang sandata, maging ang mga standby na pulis sa lugar ay napasugod na rin para palabasin sa venue na iyon ang dalawa.
“Patawad na sa pagkakamali, hindi ko sinasadya ang nangyari.” Paliwanag pa ni Turro, habang pinuposasan ito ng dalawang pulis at security.
“Nagkakamali kayo, hindi kaguluhan ang sadya namin. Nagulat lamang kami sa bagay na nagsalita kanina. Hindi kami masamang tao.” Wika ni Kali.
“Sa presinto na kayo magpaliwanag. May mga armas pa kayong dala. Alam niyo bang bawal ang deadly weapon sa ganitong event? Ginamit niyo pang alibi ang costume niyo para makapanggulo rito.” Sabat ng isang pulis kay Kali.
Habang papalabas na sa likod ng stage ang mga security at pulis tangay ang dalawa, patakbo naman silang hinahabol ni Pia kaya napahinto ang isang pulis para hintayin ang babae.
“Pia bakit?” Tanong ng pulis sa babae.
“Sid, mag-usap muna tayo. Baka puwedeng pakawalan niyo na lang sina Kali at Turro?”
“Kilala mo ang dalawang ito?”
“M-m, mga tauhan ko. Hayaan mo ako na ang aareglo sa organizer ng event. Pati production team ako na ang bahala. Please. Mukhang aksidente naman ang nangyari. Baka nag rehears sila kanina kaya natamaan ang speaker. May presentation kasi kada contestant.” Paliwanag pa ni Pia.
“Pero bawal parin ang paggamit at pagdala nila ng totoong sandata. Hindi ko puwedeng i-excuse iyon kahit na mga tauhan mo pa ito.” Sabat ni Sid.
“Ito naman, kailangan mo lang yata ng kapalit eh. Sige na payag na ako na makipag-date sa iyo bukas. Please pakawalan mo na sila for me.”
“Sinabi mo na yan ha. Sisingilin kita bukas. Sige na hintayin mo na lang sila sa burger stand malapit sa exit gate ng park. Hindi ko sila puwedeng pakawalan dito sa maraming tao. Baka nagka-isyu pa ako. Dadalhin ko na muna sila.” Wika ni Sid.
“Thank you Sid, love mo talaga ako. Muah…go na susunod na lang ako sa inyo.” Sambit ni Pia sabay halik sa pisngi ni Sid.
Ginawa nga ni Sid ang hiling sa kanya ni Pia. Pinasakay niya sina Kali at Turro sa dalang patrol car at kunwaring ihahatid sa presinto, ngunit nang lumampas na sila sa mga kasamahan ay agad din na pinababa ni Sid ang dalawa.
“Hintayin niyo na lang si Pia rito papunta na iyon. Tandaan niyo itong dalawa, kung ano man ang trip niyo ngayon umayos kayo. Baka hindi lang illegal possession of deadly weapon ang ipapatong ko sa inyo. Pasalamat kayo at tauhan kayo ni Pia.” Ani ni Sid sa dalawa.
“Pagpaumanhin na ninyo. Ngunit maniwala kayo hindi kami masamang tao, hindi kami kabilang sa daigdig niyong ito.” Wika pa ni Kali.
“Isa pa, at dadalhin ko na talaga kayo sa presinto. Kakaibang daigdig…pati ako pasasakayin niyo pa sa trip niyong dalawa. Ayan na si Pia, maiwan ko na kayo. Pia…ikaw na bahala sa kanila babalik na ako roon.”
“Salamat muli Sid. Kita na lang tayo bukas. Ingat.”
Nang makalayo na si Sid agad na tinanong ni Pia ang dalawa tungkol sa tunay na nangyari. Nagpaliwanag naman si Turro sa kanya ngunit nalito lang ang babae sa paliwanag ng lalake. Hindi na bumalik sa venue si Pia at naisipan na lang na isama pauwi ang dalawa. Nag-book ito ng masasakyan nilang tatlo.
Sa loob ng kotse kapuna-puna ang pananahimik ng dalawa habang nakamasid sa labas ng bintana ng kotse.
“Ang weird talaga ng dalawang ito. Totoo kayang galing talaga sila sa ibang dimensiyon? O baka in character parin sila? Pero wala na kami sa event, ano pa ang inaarte nila? Di kaya mga adik ang dalawang ito at nagti-trip lang? Pero ang mga dala nilang sandata, kakaiba ang mga detalye ng mga iyon. Lalo na ang mga espadang hawak nila kanina. Katulad na katulad iyon sa libro na naiwan ni lolo Huwan kay papa. Pag kauwi namin malalaman ko rin ang lahat.” Sa isip ni Pia.
“Ibang-iba ang daigdig na ito sa pinagmulan naming Cebuklod. May mga nakikita akong mga puno at halaman sa paligid ngunit hindi kasing sagana at kayabong kumpara roon. Matatayog ang mga tore rito. Maliwanag ang paligid kahit gabi. Hindi maaring magtagal kami rito ni Turro. Kailangan kami ng mamamayan ng Cebuklod. Ngunit paano? Saan namin hahanapin ang lagusan pabalik?” Laman ng isip ni Kali.
Lumiko sa isang hiwalay na kalsada ang sinasakyan ng tatlo at pumasok ito sa daan palabas ng siyudad. Mahaba-haba ang naging biyahe ng tatlo hanggang sa huminto sa isang malaking gate sa gilid ng daan ang sinasakyan nilang kotse.
“Welcome sa bahay namin. Halikayo pumasok na tayo sa gate nang makapagpalit na kayo ng mga suot niyo.” Wika ni Pia.
Sumunod ang dalawa ng buksan ni Pia ang maliit na pinto sa gilid ng gate. Nang sa pagpasok ng dalawa napahinto sa kinatatayuan nito si Kali. Bigla itong napapikit ng mga mata, bahagyang bumuka ang mga tenga nito na tila ba may nasasagap na mensahe sa hangin.
“Nagagalak ang hangin sa pagdating natin.” Wika ni Kali sa pagmulat nito ng kanyang mga mata.
“Talaga ba, kinakausap ka ng hangin?” Tanong ni Turro.
“Tama ng characterization iyan, baka ibang hangin na ang umakyat sa mga ulo niyo. I’m sure gutom na kayo. Doon na tayo sa loob nang makakain na kayo.” Pagputol ni Pia sa dalawa.
Sumunod naman sa babae ang dalawa nang pumasok na ito sa bahay.
UNANG GABI
“Hello teh pauwi na ako, nagtaxi na ako kasi may lakad pa sina Leon kasama si Berna. Ihahatid pa sana ako ni kuya Sid kaso biglang may tawag din yata sa opisina nila.” Wika ni Sean habang kausap si Pia sa cellphone.
“Ang aga naman ng uwi mo, akala gigimik pa kayo after ng event?” Tugon ng kapatid.
“Di na nga ako sumama kasi tinamad na ako.” Ani ng lalake.
“Tinamad o dismayado? Sa tono ng boses mo parang hindi mo na achieve ang goal mo today. Wala man lang ba may nakapansin sa aking bunso?”
“Naku teh, sinusumpa ko never na talaga ako titingin ng mga titi. Ewan ko ba kung bakit ang iilap nila sa akin. Guwapo at maganda naman ako diba teh? Tsaka sexy pa. Pero ang labo talaga ng mga standards nila… kung sino pa iyon charatit ang mukha, iyon pa ang may kaburlo-an.” Ang rant pa ni Sean sa ate nito.
“In perfect time bunso magkakaroon ka rin ng deserve mo. Siya nga pala, may mga bisita tayo ngayon dito sa bahay. At tiyak luluwa ang mga mata mo pagkakilala mo silang dalawa. Ewan ko nalang kung itutuloy mo pa ang pasumpa-sumpa mo na iyan.” Sabi pa ni Pia.
Nang malaman na mga lalake ang bisita ng kapatid, tila dinaluyan ng excitement si Sean na makauwi kaagad. Matapos ang usapan ng magkapatid, binalikan na ni Pia sina Kali at Turro na naroon parin sa kusina. Ngunit nagulat na lamang ito nang makita ang dalawa na sinusuri ang bawat bagay na nasa kanilang harapan na para bang ngayon lang sila nakakita ng ganun.
“Kakaiba ang mga kagamitan niyo rito, gawa sa metal at mga babasagin. Maging itong lagayan niyo ng pagkain may kabigatan at yari din sa uri ng bato.” Wika ni Kali.
“Seryoso ba talaga kayo ha? In character parin kayo hanggang ngayon? Pwede ba tama na nga iyan at kinikilabutan na ako sa inyong dalawa.” Tugon ni Pia na isa-isa nang niligpit ang mga hugasin.
“Tanging mga maharlika lamang ang may ganito sa amin, nitong mga metal na ito pero itong lagayan niyo ng tubig na babasagin tsaka itong mga gawa sa makinis na bato, wala nito sa amin. Karaniwang yari sa inukit na kahoy ang mga kagamitan namin at ang mga metal ay para lamang sa pagbuo ng mga sandata.” Sabat ni Turro.
“Whatever, trip niyo iyan kaya bahala kayo. Siya nga pala pagkatapos ko rito may ipapakita ako sa inyong dalawa.” Sagot ni Pia sabay bukas ng gripo sa lababo para hugasan ang mga kinainan nilang plato.
Lumapit sa kanya si Kali na muling namangha sa paglabas ng tubig sa gripo.
“May kakayanan din pala iyan na mag labas ng tubig? Napakahusay naman. Sa amin kailangan mo pa maghukay sa lupa para gumawa ng balon para makakuha ng tubig o di kaya dumayo pa ng ilog para sa sariwang tubig na maiinom.” Ani ni Kali na idinampi ang mga palad sa tumatagas na tubig.
“Ah ok gets na. Mga probinsiyano kayo at walang ganito sa inyo. Pero 2025 na kaya, wala parin kayong access ng tubig dun sa inyo? Balon at ilog parin talaga ang source niyo? Saan ba kasing parte ng Pilipinas iyang sa inyo?” Tanong ni Pia.
“Pilipinas? Nabanggit mo ang Pilipinas ibig sabihin, nasa daigdig kami ni Huwan.” Nasambit ni Kali nang mabanggit ni Pia ang Pilipinas.
“Malamang nasa Pinas tayo. Ano ba, wala na tayo sa halloween convention okay. Umayos nga kayo, na wi-werduhan na talaga ako sa inyo. Tsaka sino na naman si Huwan?” Ang nababahala nang sabi ni Pia.
“Isang kaibigan, minsan na niya nabanggit sa akin ang pinagmulan niya. Pilipinas iyon ang pangalan ng mundo niya.” Sagot ni Kali.
Lalong kumislap ang kyuryosidad ni Pia sa narinig kay Kali. Alam niyang hindi nagsisinungaling ang dalawa. Malakas din ang kutob nito na tunay ngang hindi tagaroon sina Kali. Iyon ang tunay na dahilan ni Pia kung bakit dinala nito sa kanila ang dalawa. Upang patunayan ang hinala, hindi na tinapos ng babae ang ginagawa at agad na isinama ang dalawa sa isang lihim na silid sa malaking bahay. Isang malaking aparador ang nilapitan ni Pia. Nasa likod lamang nito ang dalawa. Mula sa mga shelves ng libro sa mismong aparador hinila ng babae ang isang pulang aklat. Kasunod nun ang pagbukas ng pintuan ng aparador.
“Halikayong dalawa, sumunod kayo sa akin.”
Mula roon lalong namangha ang dalawa ng makita ang nandoon sa silid na iyon. Tila isang mundo na naligaw sa bahay na iyon.
“Saan galing ang mga ito babae? “ Tanong ni Turro kay Pia.
“Mga koleksiyon ito lahat ng lolo ko. Bakit pamilyar ba sa inyo ang mga iyan?” Tugon na tanong ni Pia na bahagyang nginitian ang dalawa.
“Hindi ito mula sa mundo niyo. Ang mga ito ay minsan ko na nakita sa mga gamit ni Huwan. At ang balabal na iyan, hindi maaring makalimot ang ala-ala ko iyan ang balabal na ginamit namin nung pinasok namin …” Ani ni Kali nang makita sa itaas na bahagi ang nakasabit na lumang balabal.
Hindi na naituloy pa ni Kali ang kanyang kuwento dahil si Pia na mismo ang dumugtong ng kuwento.
“Pinasok niyo ang bulwagan at pahingahan ng Sarangay na si Tahmur upang bawiin ang mga diwa at kaisipan ng mga nahuhuling taga-tawid sa mundo ng mga elemental na ninakaw nito para sa kanyang kapangyarihan. Ginamit niyo rin iyan nung kinalaban niyo ang mga Thaihu na hukbo ni Arion.” Pagsiwalat ni Pia.
Nagulantang si Kali sa detalyadong kuwento ni Pia sa kanila. Inusisa agad nito ang babae kung paano nito alam ang kuwentong iyon. Seryoso si Kali, ngunit tinawanan lamang ito ni Pia sabay abot kay Kali ng isang makapal na aklat na may pamagat na ‘The World, With in the world called Unknown’.
“For sure isa rin kayo sa mga obsessed reader sa librong ginawa ng papa kaya alam niyo rin ang kuwentong iyon. Kaya naman pala ganyan ang napili niyong costume, binase niyo pala sa librong ito ang mga character niyo. Ang mga iyan ay mga gamit pa ni lolo Huwan. At bawat isa diyan ay may mga kuwento na binigyan buhay naman ni papa sa kanyang isinulat na libro. Noon pa man fascinated na si papa sa mga kuwento ni lolo tungkol sa mga engkanto, maligno, alien at mga tao mula sa ibang dimensiyon. Kaya binuo niya ang silid na ito para panatilihing buhay ang mga kuwento ni lolo. Tawag pa nga niya rito sa silid na ito ay Taguangkan. At naipasa na rin sa amin ang hilig nila sa mga ganito. Kaya sinisigurado namin ng kapatid ko na mapanatili itong maayos.” Sabi pa ni Pia.
Marahang lumapit si Kali sa isa sa mga bagay na naroon sa loob. Tinutumbok nito ang maliit na sisidlan na gawa sa balat ng kung anong hayop na nakapatong sa isang lagayan.
“Hindi basta kuwento lang ang naikuwento sa inyo ng lolo niyo. Totoong nangyari lahat iyon. At ako mismo ang patunay” wika ni Kali na marahang nilapitan ang bagay sa kanyang harapan.
Ngunit bago pa man mahawakan ni Kali ang naturang bagay pinigilan na ito ni Pia.
“Ipinagbabawal ang paghawak sa alin man sa mga bagay na naririto. May taglay daw kasi na sumpa ang bawat isa sa mga iyan. Kaya kahit kami takot na hawakan iyan. Tsaka baka masira pa.” Pagpigil ni Pia.
“Walang sumpa ang mga gamit ni Huwan.” Sambit pa ni Kali sabay hawak sa sisidlan na nasa harapan nito.
Pipigilan pa sana muli ni Pia si Kali nang bigla na lang ito napaatras sa nakita. Mula sa sisidlan na binuksan ni Kali isang maliit na nilalang ang gumapang palabas mula doon. Gumuhit ang makinang na ngiti sa labi ni Kali nang makita muli ang nananahan sa loob ng sisidlan na iyon.
“Ano ang nilalang na iyan at saan iyan galing? Paano ba napunta iyan d’yan sa loob ng bag?” Ang takang-taka na may halong takot na tanong ni Pia.
“Ito si Mhurogmon, alaga ito ni Huwan at ang bagay na ito ang kanyang tahanan.” Tugon ni Kali habang naglalaro sa mga palad nito ang isang mabalahibong pusa na mukhang kuwago at may pakpak ng ibon.
“Iyan ang anyo ng Mhurogmon na sinasabi dito sa aklat ni papa?” Ang hindi parin makapaniwalang sambit ni Pia.
“Dahil hindi lang basta kuwento ang mga narinig mo at maaring nabasa sa libro na iyan. Totoo ang lahat ng narito. At ako si Kali. Mhurogmon maari ka ng bumalik sa loob.” Wika pa ni Kali.
Nang makabalik na sa loob ng sisidlan na iyon si Mhurogmon. Ang ibang mga bagay naman na nandoon ang pinansin nina Kali. Maging ang baluti na ginamit minsan ni Arion nandoon din. Kaya napaisip si Kali kung ang tinutukoy ba na lolo ni Pia at ang Huwan na kilala nito ay iisa. Hinanap nito sa babae ang pagkakakilanlan ng tinutukoy nitong lolo. Ipinakita naman nito sa kanila ni Pia ang malaking portrait ng kanyang lolo na Huwan din ang pangalan. Ngunit iba ang anyo nito sa inaasahan ni Kali na mukha.
“Hindi siya ang Huwan na kaibigan ko. Mabilog ang lolo mo at mukhang maliit. Ang Huwan na kaibigan ko ay matikas, matipuno at matangkad. Malayo ang pinagkaiba nilang dalawa.” Ani ni Kali.
“Kung totoo ngang hindi talaga kayo tagarito. Maari niyo ba ako pakitaan ng magic, o powers? Kung ikaw ang totoong si Kali na nasa aklat, eh di iyong espada mo may kapangyarihan. Sa Bakunawa iyan diba? Puwede ba ng sample?” Nakangiting hiling ni Pia.
Sinubukan naman ni Kali na gawin ang kagustuhan ng babae, ngunit katulad ng mga nakaraan walang tugon mula sa espada ng Bakunawa. At maging ang balahibo ng Daragit-bawa na si Bagwis ay wala rin silbi. Hindi man napatunayan nila Kali ang totoo nilang katauhan sa harapan ng babae. Kumbinsido naman si Pia na hindi talaga sila tagaroon at naniniwala naman talaga ito sa kanila. Gayunpaman pa man hindi nagpahalata si Pia. Lumabas sila mula sa silid na iyon at sinabihan ng babae ang dalawa na magpahinga na. Dinala sila ni Pia sa isang silid na magsisilbi nilang pahingahan.
“Mga damit ito ng kapatid ko, palitan niyo muna iyang mga suot niyo. May shower naman diyan sa banyo. Puwede kayong maligo if you want. Teka, baka ngayon lang din kayo makakagamit nun… tuturuan ko muna kayo. Samahan niyo ako at papakita ko sa inyo ang banyo.”
Pagka-abot ni Pia ng mga damit sa dalawa, ipinakita naman nito kina Kali ang loob ng banyo at kung paano gamutin ang makikita roon sa loob. Bawat pagpihit at pagbukas ni Pia sa mga kagamitan nila sa bahay labis na kinamamanghaan nina Karl at Turro. Lalo na nang binuksan ni Pia ang malaking tv sa loob ng silid ng dalawa.
“Gumagalaw ang mga tao sa loob ng kahon, ngunit tila hindi nila tayo nakikita. Babae isa ba itong uri ng portal patungong ibang daigdig?” Tanong ni Turro kay Pia.
“Smart TV ang tawag namin iyan dito. Iyang mga nakikita niyo tawag diyan palabas. Totoong tao din sila iyon nga sabi mo tayo lang ang nakakakita sa kanila. Tsaka parang portal na rin ito namin dito sa mundong ito. Hindi nga lang puwede pumasok unless ikaw si Sadako. Pero tama naman kaya kang dalhin ng TV na ito sa ibang mundo. Isang pindot lang dito sa remote makakalipat ka na ng network na gusto mo. Tsaka naka wifi na ito. Mag search ka lang ng gusto mo, like gusto mo sa ancient Egypt puwede. “ Wika pa ni Pia habang tinuturo sa dalawa ang paggamit ng remote ng TV.
Nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone, iniwan na ng babae ang dalawa sa silid para makapagsarilinan ang mga ito. Nang maiwan ang dalawa Kali at Turro nagkatitigan ang mga ito. Pilit na pinoproseso ang mga nalalaman sa mga sandaling iyon.
Sa unang pagkakataon ngayon lang makakasuot ng normal na damit ang dalawa. Matapos mailapag ni Turro ang mga dalang sandata, sunod naman nito hinubad ang saplot sa katawan. Ganun din ang ginawa ni Kali pagkahubad ng suot sabay na nila tinungo ni Turro ang banyo para maglinis ng katawan.
Sa lamig ng buhos ng tubig mula sa shower tila nakaramdam ng kagaanan sa pakiramdam ang dalawa na magkaharap sa ilalim ng lagaslas ng tubig.
Nang maramdaman ni Kali ang paghaplos sa kanya ni Turro.
“Nasa ibang daigdig man tayo, masaya ako at kasama kita Kali. Bago man ang mga nasa paligid natin, sa piling mo parang payapa pa rin ako.” Ang halos pabulong na mga salita mula sa bibig ni Turro habang yakap si Kali.
“Masaya rin ako dahil kapiling parin kita Turro. Hahanap tayo ng paraan para makabalik sa mundo natin. Sa ngayon sapat na sa akin na kayakap ka.” Tugon ni Kali na mas hinigpitan pa ang yakap kay Turro.
Sa puntong iyon dinaluyan na ng init ng laman ang dalawa. Sa ilalim ng malamig na lagaslas ng tubig sa shower tinupok ang dalawa ng nakakapasong tagpo. Ang kaninang dalawang magkayakap na nilalang ngayon nagbabayuhan na. Hawak ni Turro ang magkabilang binti ni Kali habang isinandal niya ito sa tiles na dingding ng shower room. Sa posisyon ni Kali sapong-sapo naman ng tarugo ni Turro ang pakislot-kislot nitong butas.
“Huwag mong tigilan Turro, isagad mo pa. Sairin mo ang kaluluwa ko. Sige pa Turro, ang sarap-sarap ng ginagawa mo.” Mga paulit-ulit na bulalas ni Kali habang sinasabayan niya ito ng mga halinghing at mga ungol.
“Malapit na ako Kali…gusto na kumawala ng katas ko.” Tugon ni Turro.
“Sige, ibuhos mo sa akin lahat. Ialay mo sa akin ang laman ng pag-aari mo. Iputok mo sa kaloob-looban ko Turro…pakiusap.” ani ni Kali.
Hindi nai-lock ng dalawa ang silid. Bukas din ang pintuan ng banyo. Kaya rinig sa labas ang mga ungol at ang salitan nila ng mga salita na umagaw naman sa kyuryosidad ni Sean nang binalak nitong silipin ang dalawa. Marahang itinulak ni Sean ang pinto ng silid, agad na tumambad sa kanya ang mga nagkalat na kasuotan nila Kali at Turro sa sahig. Tinawag pa nga niya itong basahan nang mapansin ang punit-punit na bahagi ng mga kasuotan at kalumaan nito.
Rinig na rinig pa rin nito ang ungolan ng dalawa sa loob ng banyo. Nang makapasok na ng tuluyan si Sean napatungo naman ang pansin nito sa mga sandatang inilapag ng dalawa sa mahabang couch sa gilid ng kama. Bukod sa kapatid na si Pia, si Sean ang pinaka fan ng kanyang ama pagdating sa mga kuwentong kakaiba. Bagama’t hindi man naabutan ang lolo, kabisadong kabisado nito ang lahat na meron sa lumang journal ng kanilang lolo. Kung kaya’t nabighani ito sa nakitang mga sandata.
Nawala na sa pansin ni Sean ang mga ingay sa loob ng banyo at napako na ang atensiyon nito sa mga nakalatag na sandata.
“Grabe, detalyadong-detalyado ang mga ukit ng isang ito. Kamukha talaga nito ang kampilan ni Kali, base sa mga drawing na nakita ko noon sa journal ni lolo. Tapos ito, ang espada ng Bakunawa. Wow, totoo kayang ginto ito? At ang espada ng diwa ni Turro ito rin iyon.” Saad ni Sean habang kinakapa ang mga nakikitang mga sandata.
Tutok na tutok ito sa mga bagay sa harapan niya kaya hindi nito namalayan ang presensya nina Kali at Turro na nakatayo na sa likuran niya habang nakamasid sa kanya.
“Anong uring tikbalang ka nilalang?” Bulalas na tanong ni Kali kay Sean.
Nagulat si Sean nang magsalita si Kali kaya napaharap ito sa kanila. Ngunit mas lalo itong nagulat nang makita ang ayos ng dalawa. Hubo’t hubad parin kasi ang dalawa na nasa harapan niya. Kitang-kita ni Sean ang mga nakalawit sa pagitan ng mga hita ng dalawa.
“Shit, last day ko na ba ito? Bakit may pa ganitong blessings sa harapan ko. Tang inang mga burat ito. Parang ini-invite nila akong hawakan ko sila.” Ang nasa isip ni Sean habang titig na titig sa mga kargadang tangan ng dalawa.
Muling nagtanong si Kali…“Nilalang, sagutin mo ako… anong uri ka ng tikbalang? Bakit kakaiba ang hugis ng ulo mo? Bakit hugis ari ng tao?”
Napakapa si Sean sa kanyang ulo. Natawa na lang ito nang mapagtanto na nakasuot parin pala ito ng kanyang costume. Napaatras naman sina Kali nang tinanggal ni Sean ang hugis titi nitong headdress.
“Sorry sa costume ko, tsaka pasensya na rin at pumasok ako ng walang paalam. Akala ko kasi wala tao. By the way I’m Sean. And you?…wait kayo ba ang mga guests ng sister ko?” Wika ni Sean.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Kali.
“Sabi ko ano ang mga pangalan niyo?.” Tanong muli ni Sean.
“Ako si Kali at siya naman si Turro. Isa…kang…tao?” Tugon ni Kali.
Natawa si Sean nang marinig ang pangalan ng dalawa. Maya-maya biglang pumasok sa silid si Pia. Ngunit agad din itong lumabas ng makita ang hubo’t hubad na katawan ng dalawang bisita. Dahil sa reaksyon ng kapatid agad na pinagsuot ni Sean sina Kali at Turro ng damit bago ito lumabas ng silid. Pinuntahan nito si Pia sa living area kung saan inabutan nito ang kapatid na umiinom ng malamig na tubig.
“Kalma lang teh, isipin mo may boyfriend ka na. And between us ako itong single, kaya kung sino man ang may karapatang lumandi dito…ako iyon.” Ang natawang sabi ni Sean sa kapatid.
“Diyos ko Sean, ano ba iyong nakita ko kanina. Grabe pinagpawisan talaga ako. Pero infairness ha ang perfect ng mga katawan nung dalawa.” Ani ni Pia.
“Yes ka diyan teh. Ang sasarap teh. Pero sandali lang, sila ba ang sinasabi mo na parang nanggaling sa ibang dimension?” Tanong ni Sean.
“Mismo, ewan ko kung maniwala ka o hindi pero sa tingin ko totoo sila. Tiningnan ko muli ang journal ni lolo, at ito ang nabasa ko sa huling pahina ng journal.” Tugon ni Pia, sabay inabot kay Sean ang lumang journal na nakabulagta sa huling pahina.
Agad na binasa ni Sean ang bahaging iyon. Nagtaka si Sean. Ang alam niya nabasa na niya lahat ang laman ng journal at sa pagkakaalam niya wala ang ganung pahina sa journal na iyon. Paulit-ulit nitong binasa ang nakasulat sa bahaging iyon.
“Sure ba ito ate?, ayon dito lumakbay sa mundo ng mga tao sina Kali at Turro para pigilan ang napipintong pagkawasak ng sangkatauhan sa kamay ng mga kampon ni Ghur. Sabi dito, mapapadpad ang dalawa sa kanlungan ng aking dugo. Sa huling hinerasyon ng aking lahi. Tsaka ate paano tayo nakilala ni lolo? Isinulat niya pa rito ang pangalan natin.” Ang naguguluhan na wika ni Sean habang binabasa ang pahina ng journal.
“Kaya nga nagtataka rin ako. Nabasa ko na rin iyang journal ni lolo at ang alam ko walang ganyan niyan dati. At ito pa kanina nang hinawakan nung Kali iyong lumang bag ni lolo, nagulat ako nang may lumabas doon na nilalang. At alam mo kung ano? Ang tinutukoy ni lolo na alaga niyang Mhurogmon. Nakita ko mismo.” Ani ni Pia.
Tinawanan lang ni Sean ang kuwento ni Pia tungkol sa sinasabi nitong Mhurogmon. Kaya para patunayan ang kanyang kuwento, pinuntahan nilang magkapatid ang tagong silid sa kanilang bahay. Agad na tinungo ni Sean ang sinasabing bag ng ate. Dati pa man pinagbabawalan na sila ng kanilang ama tungkol sa mga gamit na naroon. Alangan si Sean na hawakan ang bag, ngunit tila may nag-uudyok sa kanya na hawakan iyon. Pipigilan pa sana ni Pia ang kapatid ng mapansin nitong hawak na ni Sean ang bukasan ng sisidlan na iyon.
Maya-maya pa, bigla na lang gumalaw ang bag habang hawak ni Sean. Dahil dun nabitawan ito ng lalake. Pagkabagsak nun sa sahig, muling lumabas ang Mhurogmon mula sa loob ng sisidlan. Kasing liit lang ito ng bubwit. Ngunit dahil sa kanyang kakaibang anyo, kinagiliwan iyon ni Sean. Dinampot nito ang nilalang gamit ang kanyang palad.
“Totoo ba ito ate?, ito na ba talaga ang Mhurogmon ni lolo? Ang cute niya ate”. Wika ni Sean.
“Yeah ang cute nga niya,…pero hindi iyan pangkaraniwang nilalang bunso. Pag-aari iyan ng mga engkanto, ng mga elemental. Baka kung ano pa ang gawin niyan sa atin. Sige na ibalik mo na iyan sa loob ng bag.” Wika pa ni Pia.
Habang nag-uusap ang magkapatid bigla nagsalita sa likod nila si Kali na noo’y nakabihis na kasama si Turro suot ang pinahiram niyong mga damit ni Sean. Napabaling sa dalawa ang magkapatid ng magulat ang mga ito. Nang makita ng Mhurogmon si Kali agad itong lumipad palapit sa kanya at dumapo sa balikat ng lalake. Hindi maitago sa mukha ng magkapatid ang ma mangha sa mga nangyayari sa kanila ng gabing iyon.
“May ibinulong sa akin ang Mhurogmon, at ikaw lalake…ikaw ang napili niya bilang bagong amo. Kung kilala niyo ang Mhurogmon alam niyo na ang mga kakayahan nito at kapangyarihan. Ngunit tanging ang nagmamay-ari lang sa kanya ang siyang may kakayahang makapagpalabas nito mula sa kanya. Ang tanging pinili lang ng Mhurogmon ang susundin niya. At ikaw nga ang napili niya lalake.” Wika ni Kali.
“Sean, call me Sean. Mukha lang ako lalake pero girl talaga ako…see kuya.” Sabat ni Sean na dinaan sa biro ang nararamdamang pagtataka at pagkamangha sa mga nangyayari.
Nang maglambot-lambutan si Sean at pumilantik ang mga daliri nito sa kamay para ipakita ang kabaklaan nito, napangiti sa kanya si Kali. Nilapitan siya nito at niyakap ng mahigpit.
“Isa rin na Phabuli tulad ko. Natutuwa ako dahil dito sa mundo niyo malaya kayo. Sana balang araw mararanasan din namin ang ganito sa mundo namin.” Sambit ni Kali.
“Sandali lang muna, masyado ka namang aggressive kuya. Pero walang eme ang sarap mo yakapin ha. Pero kuwan kasi… hindi ba kayo nang ti-trip? Totoo talaga na galing kayo sa ibang dimension? At ano ang pa-Phabuli?” Tanong ni Sean.
“Phabuli, iyon ang katawagan namin sa aming mundo. Sa buong Cebuklod. Kapag isinilang kang lalake ngunit lumaki ka na may gawi, kilos at damdamin ng isang babae…Phabuli ang itatawag sa iyo. Na ang ibig sabihin sumpa sa angkan.” Sabat ni Turro sa tanong ni Sean.
“Hindi naman nabanggit sa journal ni lolo ang tungkol sa mga ganyan ah.” Sambit ni Pia.
“Pagkat magkaiba ang mundo na pinagmulan namin sa ibang mundo. Sa mundo namin, salot ang turing nila sa mga Phabuli. Wala kaming puwang sa lupaing sinilangan namin. Kamatayan ang hatol sa katulad ko. Ginagawang laruan, alipin at pagkain para sa mga halang na mga Harrabas. Kaya ikinubli ko ang tunay na ako para ipaghiganti ang mga katulad ko. Para sa kalayaan naming tinatawag nilang mga Phabuli.” Paglalahad ni Kali.
“So ang Phabuli pala ang counterpart ng mga beks dito sa mundo namin. Pero sa totoo lang hindi naman nalalayo ang tingin ng mga taga dun sa inyo sa mga tingin ng mga tao dito sa mga bakla tulad ko. May mga nagbago naman kumpara noon. Pero, may mga tao parin naman na iba ang tingin sa mga bakla at hindi nila matanggap na may mga bakla. Tulad mo lumalaban din kami para sa aming mga karapatan at kalayaan. Nakakalungkot lang na maging sa ibang mga dimension pala, struggle talaga ang pagiging bakla.” Tugon ni Sean sa sinabi ni Kali.
Sa kabila ng mga narinig, nalaman at natuklasan… bagama’t naniniwala naman ang magkapatid kina Kali. May bahagi parin sa isip nila na nagdududa. Hindi sa pagkatao ng dalawa, kundi kung bakit sa mundo nila napunta ang dalawa. Habang nagpapalitan ng kuwento ang apat mula sa kanilang mga pagkakaiba at pagkakatulad. May na napansin si Pia. Kinuha nito ang aklat ng ama at may hinanap na kuwento sa pahinang iyon.
“May mga kuwento sa chapter ng libro ni papa na tila hindi pa tapos, walang karugtong. Ni hindi nga nabanggit dito sa libro ang pinagmulan ni Ghur, kung anong uri ba siya ng nilalang. Kung engkanto ba siya, elemental, maligno o alien tulad ng mga taga Galeonora. Tsaka base sa mga kuwento ni Kali at sa mundo ng mga elental, iba-iba ang tawag nila sa mga berdugo ni Ghur. Sa mga taga Cebuklod, Harrabas ang tawag sa kanila sa journal ni lolo, Busaw naman ang tawag sa kanila. Pangalan lang ni Ghur ang hindi nabago.” Pansin ni Pia.
“Ano ang ibig mong sabihin ate?”
“Di kaya, bawat dimension may kanya-kanyang mga Harrabas at Busaw si Ghur? Tapos iba-iba lang ang tawag sa kanila. Tapos si Ghur ang kumokuntrol sa kanila mula dun sa mundo ng elemental. Ibig sabihin dito sa mundo natin, posibleng may mga berdugo rin si Ghur, hindi lang natin alam dahil iba rin ang tawag natin sa kanila.” Paliwanag ni Pia.
“Ngunit hindi nagkakalayo ang mga anyo ng mga Harrabas at Busaw. Mas nakakasulasok lang ang mga wangis ng mga Busaw sa mga Harrabas. Mas mukha silang hayop at halimaw kumpara sa mukhang tao pa din na mga Harrabas.” Komento ni Turro.
“Iyon dahil sa mundong ginagalawan nila. Sa mundo niyo sa Cebuklod, magkahating nananahan ang mga tao at mga mahihiwagang nilalang. Kahit na ganun, mga tao ang mas dominante na sumasakop sa kabuohan ng Cebuklod. Kaya mukhang tao parin sila. Samantala sa mundo ng mga elental, lahat ng mga nilalang na wala sa mundo ng tao doon nananahan. Kung kaya’t ganun din naging pagmumukha nila. Hindi mukhang tao kundi mistulang mga hayop.” Ayon sa babae.
“At sa mundo natin since majority tao lahat dito, posibleng mukhang normal na tao ang anyo ng mga Harrabas o Busaw sa atin? Iyon na ang punto mo ate?”
“Yes bunso. At hindi imposible iyon, lalo na at nasa harapan natin itong dalawa na akala natin fictional character lang sa libro ni papa, tsaka iyang Mhurogmon sa journal ni lolo. Hindi lang tayo aware na nasa paligid lang natin sila dahil di rin natin sila kilala.” Ani pa ni Pia.
Sa kalagitnaan ng kanilang usapan, biglang nayanig ang buong paligid. Mahina lamang sa umpisa ang pag-alog hanggang sa papalakas ito ng palakas. Nataranta ang magkapatid sa napakalakas na mga pagyanig ng lupa. Isang malakas na lindol ang tumama sa lugar ng gabing iyon. Sa takot na gumuho ang buong bahay nagkukumahog ang apat na makalabas sa silid na iyon at makaalis sa bahay.
Matagal ang naging mga pagyanig dahilan para magsibagsakan ang mga gamit sa loob ng bahay. Nakalabas naman ng ligtas ang apat. Labing limang minuto rin ang tinagal ng napakalakas na lindol na umabot ng seven point one magnitude. Sapat para wasakin ang malaking bahagi ng buong probinsiya ng Negros.
Sa kabutihang palad nakatindig parin ang bahay ng magkapatid. Agad na nawalan ng kuryente ang buong siyudad. Nakakasakal ang kadiliman ng gabi. Sa buong buhay ng magkapatid ngayon lang nila naranasan ang ganun kalakas na lindol.
Agad na tumawag si Sid kay Pia para kumpirmahin ang kaligtasan nito.
“Buti at ligtas lang kayo ni Sean. Siya nga pala huwag muna kayong umalis diyan. Nasira ang highway papunta sa inyo dulot ng lindol. Ewan ko kung maniniwala ka o hindi pero tila humiwalay sa boundary ng siyudad ang daan sa inyo. Nagkaroon ng malawak, malalim at mahabang bitak ang highway. Para bang nahati ang daan.” Wika ni Sid.
“Ganun ba, pero siguro naman may iba pang daan. Mahihirapan kami nito sakaling ma short kami ng food supply dito.” Ani ni Pia.
“Huwag kayong mag-alala, kumikilos naman na ang LGU para tugunan ang mga apektado. Bukas titingnan ko kung ano ang naitutulong ko sa inyo.” Bilin ni Sid ng biglang naputol ang linya.
Nang malaman sa ate ang kalagayan ng kanilang daan dulot ng lindol, nabahala si Sean para sa ibang mga kapitbahay nila, lalo na sa mga mahihirap nilang kapitbahay.
“Okay lang tayo kasi marami pa naman tayong stocks ate. Pero paano sa iba na nasalanta at nagka emergency, kung sira ang daan sa highway paano sila madadala sa ospital? Teh labas tayo baka sakaling may nangangailangan ng tulong.” Ani ni Sean.
“Kung meron man, ano naman ang magagawa natin? Baka sa halip na makatulong tayo pa ma disgrasya, kita mo naman kung gaano kadilim ang paligid. Tsaka wala tayong kotse, ano maglalakad lang tayo? Buti sana kung nakakalipad tayo noh.” Sabat ni Pia.
“Makakalipad kayo, sa pamamagitan ng Mhurogmon.” Saad ni Kali sa magkapatid.
Napatingin si Sean sa Mhurogmon, lumipad naman ito papunta sa kanya. Nagkatitigan ang dalawa na para bang naiintindihan nila ang isa’t-isa. “Magpakitang gilas ka nga sa akin Mhurogmon.” Sabi ni Sean dito sa nilalang.
Maya pa napatigalgal na lang ang magkapatid nang bigla na lang lumaki ng sobrang laki ang Mhurogmon. Mas malaki pa sa normal na laki ng isang kotse. Namangha pa ang dalawa ng ibinuka ng Mhurogmon ang mga pakpak nito at pumagaspas. Hindi makapaniwala ang magkapatid na meron ganun sa kanilang harapan. Hindi napigil ni Sean ang kasabikan na masubukan ang Mhurogmon nang yumukod ito sa kanyang harapan at ilantad sa kanya ang likod nito na tila ba nakahanda na ito para isakay silang magkapatid. Agad na sumampa sa likod ng Mhurogmon si Sean na sinundan ni Pia dahil sa pamimilit ng kapatid. Sumama na rin sina Kali at Turro tangan ang kanilang mga sandata sakaling kakailanganin.
“Baka matakot ang mga tao na makakakita sa atin, lalo na pag nakita itong Mhurogmon.” Pag-aalala ni Pia.
“Kayang ikubli ng Mhurogmon ang kanyang sarili sa ibang tao. Hindi tayo mapapansin hangga’t nakasakay tayo sa kanya.” Wika ni Kali.
At sa isang hampas ng malakas sa hangin ng Mhurogmon, agad sila pumailanlang sa ere.
MGA NILALANG MULA SA BITAK
Hindi pa rin lubos maisip ng magkapatid ang nangyayari sa kanila. Sa likod ng dambuhalang Mhurogmon, puno pa rin sila ng pagkamangha. Mula sa himpapawid, nakita nila ang malaking pinsala na dulot ng napakalakas na lindol. Sa kabutihang palad, wala silang napansin na nangangailangan ng agarang tulong. Mula sa itaas, tanaw nila ang kumpol ng mga tao sa ibaba—maraming balisa, bakas ang takot at labis na pagkabahala sa kanilang mga mukha.
Napansin ni Sean ang bitak sa highway na sinabi ni Sid, na talagang humati sa daan. Pumailanlang pa ang Mhurogmon upang mas matanaw nila ang kabuuan ng bitak. Laking gulat ng apat nang makita ang lawak nito. Ang nakapagtataka pa, ang bitak ay lumikha ng kakaibang hugis—isang pentagram. Malinaw ang hugis mula sa kanilang perspektibo sa itaas, perpektong-perpekto, na tila sinadyang hatiin ang buong paligid ng siyudad.
“Tila iba ang pakiramdam ko rito, bunso. Naalala mo ang sabi ni Papa bago siya nawala? Sabi niya, sa mga huling araw, isang marka ang magpapakita sa lupa. Yayanigin nito ang lahat ng gumagalaw sa ibabaw nito. At mula sa bitak, lalabas ang mga nilalang na pakakawalan ng lupa upang pagharian ang mga kalupaan. Hindi kaya ito na iyon ang tinutukoy ni Papa?” ani ni Pia, bakas ang kaba sa boses.
“Diyos ko, Ate! Ibig sabihin ba nito, endgame na nating mga tao? Katapusan na ba ng mundo?” tugon ni Sean, na biglang kinilabutan.
“Ano ba ang sinasabi ninyo? Anong mga nilalang ang tinutukoy ninyo at bakit bigla kayong natakot?” tanong ni Kali, na napansin ang reaksyon ng magkapatid.
“Maraming nais ipahiwatig ang hugis na iyan na gawa ng bitak. Maaaring proteksyon laban sa kung anong masamang presensya, ngunit madalas, kabaliktaran ang ibig sabihin nito,” sabat ni Pia.
Habang iginagala ni Turro ang paningin sa ibaba, may nahagip ang kanyang mga mata. “Pagmasdan ninyo roon sa gawing hilaga ng bitak. Tila may kung anong gumagalaw sa ilalim niyon,” bulalas ni Turro.
Napansin din iyon ni Kali, kaya inutusan niya ang Mhurogmon na lapitan ang bahaging iyon. Nakaparoon sila sa parte ng kabundukan. Malayo iyon sa mga kabahayan, lalo na sa sentro ng bayan ng Talisay. Ngunit ang lawak na dinaanan ng bitak ay nakaapekto sa malaking bahagi ng mga palayan at kagubatan. Malalim ang bitak, pinaghiwa-hiwalay nito ang malalaking bahagi ng lugar. Nagpatuloy ang apat sakay ng Mhurogmon sa pinakadulo ng bitak, at agad na natandaan ni Pia ang lugar.
“Papunta na pala ito sa lumang quarry site ng Victorina,” ani ni Pia.
Madilim man, kapansin-pansin pa rin ang pagkakalbo ng bahagi ng bundok dahil sa ilegal na pagtotroso at pagmimina. Habang papalapit sila sa dulo ng bitak, biglang napapikit si Kali.
“May pagbabanta mula sa hangin. Humanda kayo, tila hindi kaaya-aya ang naghihintay sa atin. Turro, protektahan sila. May panganib na nagbabadyang sa paligid. Mhurogmon, lumayo ka sa mismong bitak,” wika ni Kali sabay hugot ng kanyang kampilan.
Maya-maya pa, sa tulong ng sinag ng buwan, may naaninag sila na gumagapang palabas mula sa ilalim ng mga bitak. Nahintakutan ang magkapatid nang makita ang mga nilalang na isa-isang umahon.
“Ano ang mga iyan? Diyos ko, mga halimaw na taong-bato!” Napasigaw si Pia sa takot nang makita nang malapitan ang anyo ng mga nilalang.
“Mga Bantilan ang mga iyan! At nanganganib ang mga tao sa oras na umatake na sila!” wika ni Kali, bakas ang pagkabahala sa mga tao malapit sa quarry site.
“Ate, ibidyuhan mo, mag-live ka! Kailangan mabigyan ng babala ang mga tao,” ani Sean.
“Ikaw na, nanginginig ang mga laman ko sa takot. Ang cellphone mo na lang ang gamitin mo.”
“Naiwan ko sa bahay, nasa bag ko. Akin na lang ang cellphone mo. Ako na.” Ngunit nang kunin ni Sean ang cellphone ng kapatid, low-bat ito. Gayunpaman, nakakuha pa rin ng ilang video si Sean bago tuluyang namatay ang cellphone.
Nabalot ng takot at pagkabahala ang magkapatid sa dami ng mga nilalang. Sa dami ng mga iyon, tiyak na malagim ang sasapitin ng mga tao.
“Hindi natin kaya ang kanilang dami. Wala kaming laban sa mga iyan. Walang kamatayan ang mga Bantilan. Kung gagana lang sana ang espada ng Bakunawa, baka may magagawa pa ako upang pigilan sila,” ani ni Kali.
“Hindi rin tumutugon ang espada ng diwa sa akin, Kali. Marahil walang bisa sa mundong ito ang mga sandata natin,” sabat ni Turro.
“Kung si Mhurogmon nga nagagamit natin, malamang magagamit din natin ang mga ipinagkaloob sa ating mga sandata. Sadyang hindi lang natin alam kung paano ito paganahin,” sambit ni Kali.
“Paano iyan? Paano ang mga tao? Marami ang mapapahamak sa mga iyan, Kali.”
“Sandali, Kali, pagmasdan mo sila. Pumipirmi lamang sila sa bahaging iyan, na tila ba may inaabangan,” pansin ni Turro.
“Kailangang ilikas ang mga tao mula sa paligid ng lugar na ito. Hindi natin alam kung ano ang binabalak ng mga iyan, ngunit sigurado ako na hindi maganda,” ayon kay Kali.
“Humingi tayo ng tulong kay Kuya Sid, Ate. Sapat na ang nakuha kong video para bigyan ng babala ang mga tao. Sa ngayon, mukhang kalmado naman ang mga iyan. Unahin muna natin ang seguridad ng mga tao sa paligid ng quarry,” mungkahi ni Sean.
Sumang-ayon ang lahat sa paunang plano. Agad na nilisan ng apat ang lugar upang bumalik sa kanila. Ngunit dahil sa pinsalang dulot ng lindol, wala pa ring kuryente sa kalakhan ng siyudad, maging sa mga kalapit na bayan nito. Bagsak din ang ilang mga cell sites, kaya pahirapan din ang paghagilap ng signal at internet connection. Habang inaayos ni Pia ang kanilang generator, may kinuha naman si Kali mula sa loob ng lagayan nito—isang malaking bato na kasing laki ng kamao. Inilagay niya ito sa ibabaw ng lamesa. Nakita iyon ni Sean kaya napatanong ito, “Ano iyan, brilyante?”
“Azbastos ang tawag sa batong ito. Ito ang ginagamit na enerhiya sa mundo ng mga elemental. Gamit ito doon bilang pailaw sa mga tahanan, gusali, at mga kaharian. Kailangan lang nito ng isang patak ng tubig para lumiwanag,” tugon ni Kali.
Kumuha ng isang basong tubig si Sean, balak pa sana nitong buhusan ang bato, ngunit pinigil ito ni Kali. Isang patak lang, at nagsimula nang lumiwanag ang bato. Namangha si Sean sa lakas ng liwanag. Sa sobrang liwanag, abot nito ang bawat sulok ng bahay, na tila ba nagkaroon muli sila ng ilaw. Nang akmang hahawakan pa sana iyon ni Sean, agad naman itong tinapik ni Kali.
“Naglalabas ng nakamamatay na enerhiya ang batong ito kapag umiilaw na. Kung nais mong ilipat sa ibang lugar ang bato, kailangan mo gumamit ng ganito.” Isang gabrasong haba na patpat na may tila kamay na sanga sa dulo ang kinuha pa ni Kali, at iyon ang pinanghawak niya sa bato.
Nagmistulang sulo ang bato na hawak ni Kali.
“Wow, galing naman niyan! Kung maraming ganyan dito, hindi na natin kailangang bumili ng bumbilya para lang magkaroon ng ilaw. Teka, gumagana na ang generator. Bunso, subukan mo kung kaya na nating mag-upload ng video. Tatawagan ko lang si Sid,” ani Pia.
Lumabas naman ng bakuran sina Kali at Turro para pag-usapan ang kanilang nakita. Sinubukan din nila na muling gamitin ang mga bigay na sandata sa kanila ng mga elementadong nilalang. Inilabas ni Kali ang espada ng Bakunawa, tinawag niya ang kapangyarihan nito upang lumikha ng harang, ngunit wala man lang siyang naramdamang pagbabago sa espada, na tila ba nawalan na ito ng bisa. Taglay man nito ang walang kapantay na talas, kung wala ang kapangyarihan nito, hindi rin nila mauubos ang mga Bantilan. Maging ang espada ng diwa ni Turro, tila naglaho na rin ang taglay nitong kapangyarihan.
“Wala na sa atin ang kapangyarihan. Ang meron na lamang tayo ay lakas at ang kakayahan natin sa paggamit ng ating mga sandata,” may panghihinayang sa boses ni Kali.
“Kung nagawa mong lupigin ang mga Harrabas sa talim lamang ng kampilan mo, tiwala pa rin ako na magagapi mo pa rin ang kalaban, Kali. May kapangyarihan man o wala. At isa pa, may mga sandata pa tayong dala na hindi pa natin nasusubukan sa mga iyon. May mga armas pa tayo mula sa mga taga-Marrhuk,” turan pa ni Turro.
“Tama ka. Nagsimula tayo sa layuning ito na walang kapangyarihang inaasahan. Lalabanan natin sila gamit ang ating husay at lakas. Ililigtas natin ang mga tao sa mundong ito. Marahil, itinadhana tayong mapunta rito para ipagtanggol ang mga nananahan dito laban sa mga alagad ni Ghur,” ani ni Kali.
Habang nag-uusap ang dalawa, isang lambana ang lumitaw sa kanilang harapan. Kinagulat ng dalawa ang pagsulpot nito.
“Ako si Alinayah. Naparito ako para imbitahan kayo sa aming kaharian. Hinihintay na ng Kamahalang Bulawan ang inyong pagdating,” wika ng lambana.
Walang pag-aalinlangan, sumama ang dalawa sa lambana. Tinungo nila ang malaking puno ng balete sa bakuran nila Pia. Saglit na huminto sa tapat ng puno sina Kali at Turro nang bigla na lang nagsi-angatan ang mga ugat ng puno hanggang sa tumambad sa dalawa ang isang lagusan sa katawan ng punong iyon. Naunang umabante ang lambana, saka sumunod ang dalawa.
Dahil abala naman ang magkapatid, hindi nila namalayan ang nangyari sa dalawang bisita. “Hayan, Ate, nai-post ko na sa aking mga social media account ang video. Paniguradong mapapansin agad ito ng lahat,” wika ni Sean. Sa dami ng mga kaibigan at followers nito, kampante ang binata na makakarating sa lahat ang nai-post niya.
“Ate, kamusta? Natawagan mo na ba si Kuya Sid?” tanong ni Sean sa kapatid.
Napailing si Pia. Hindi raw sinasagot ng manliligaw ang kanyang tawag. “Baka busy siguro ngayon ang kuya Sid mo. Hayaan mo at tatawagan ko na lang siya mamaya. Teka, sina Kali at Turro?” sambit ni Pia nang mapansin na nawawala ang dalawa.
Nagkatinginan ang magkapatid na takang-taka. Agad nila hinanap ang dalawa sa loob at labas ng bahay, ngunit hindi na nila inabutan sa bakuran sina Kali. Napakamot na lang ng ulo si Sean. Kung ano-ano na ang naiisip ng magkapatid sa pagkawala ng dalawa. “Di kaya bumalik na sila sa kanilang mundo, Ate?” tanong ni Sean.
“Imposible iyon, bunso. Tingnan mo, nandito pa rin ang mga kasuotan nila, tsaka itong mga sandata nila. Mukhang hindi pa sila nakabalik sa kanila,” pansin pa ni Pia.
“Ate, wala dito iyong isang sandata ni Kali, iyong gintong espada ng Bakunawa. Di kaya bumalik sila ng quarry site?” pakiwari pa ng bunso.
“Mukha nga, bunso. Tingnan mo, wala rin dito ang espada ng diwa ni Turro. Malamang bumalik sila roon. Ang Mhurogmon, tingnan natin, baka ginamit nila iyon pabalik doon,” ani ni Pia.
Bitbit ang Azbastos na bato, tinungo ng magkapatid ang tagong silid ng kanilang ama. Agad nilang nilapitan ang sisidlan na pinaglalagian ng Mhurogmon, ngunit laking pagtataka ng dalawa nang makita sa loob ng sisidlan na iyon ang Mhurogmon, tulog at payapang nagpapahinga. “Hindi nila kasama ang Mhurogmon. Pero nasaan sila? Imposible namang naglakad lang ang dalawa papunta roon,” wika ni Pia.
“Mhurogmon, gising! Bumangon ka muna, tulungan mo kaming hanapin ang dalawa,” sabi ni Sean habang hinihimas ang katawan ng Mhurogmon.
Agad naman na nag-unat-unat ang nilalang, tsaka nagpagpag ito ng balahibo at mga pakpak. Tumingala ang Mhurogmon kay Sean, tsaka ito tumalon sa braso ng binata, na tila ba sinasabi sa kanya na handa na ito sa nais niyang ipagawa rito. “Mhurogmon, dalhin niyo kami ni Ate pabalik sa pinuntahan nating quarry, doon sa may mga nilalang na kung tawagin nila Kali na Bantilan.”
Lumipad palabas ng silid ang Mhurogmon, patakbong sumunod naman sina Sean at Pia sa nilalang palabas ng bakuran. Doon muling nagpalit ng laki ang Mhurogmon. Sumampa agad sa likod ng nilalang ang magkapatid, at sa pagkumpas pa ng mga pakpak ng Mhurogmon, bigla na lang ito pumailanlang sa himpapawid. Mabilis nilang narating ang paanan ng bundok patungong quarry.
Samantala sa mga sandaling iyon kaharap nila Kali at Turro ang isang nilalang na kung tawaging Abyan; si Bulawan. Isang makisig na nilalang na walang pinagkaiba sa wangis ng mga tao. Liban na lang sa maputla nitong balat, kulay dilaw na mga mata at ginintuang buhok na sumasayad sa lupa. May tangkaran ang kanilang taas kumpara sa normal na taas ng tao. Wala silang ano mang kasuotang taglay kung kaya’t lantad ang kabuohan ng kanilang katawan at tanging ang mahahabang buhok lamang ang nagsisilbing takip nila sa kanilang masisilang bahagi.
Naroon sa mahabang gintong upuan si Bulawan. Nakangiting nakatingin sa papalapit na sina Kali.
“Ikinagagalak ng aking kaharian ang pagdayo niyo mga nilalang mula sa ibayo. Ako si Bulawan, isang Abyan…ang prinsipe ng Urka. Maligayang pagdating mga kaibigan.” Pagbati ni Bulawan sa dalawa.
Tumayo ito mula sa kanyang trono tsaka nilapitan ang dalawa. Agad na nagwika si Kali at tinanong si Bulawan sa dahilan nito kung bakit niya sila pinapunta. Tumingala si Bulawan sa kaulapan tsaka nagsalita. Inilahad nito sa dalawa ang nakakatakot na pangitain na labis pinangangambahan ng mga kauri niyang mga engkanto. Isiniwalat nito sa dalawa ang banta ng panganib na siyang magwawakas sa lahat ng buhay sa ibabaw ng lupa. “Batid mo ang kahalagahan ng mga tulad niyong tao, sa balanse ng kalikasan. Ang mundong ito ay inilaan bilang tahanan ng ating mga uri at lahi. Magkaiba man ang daigdig na ating nakamulatan at ginagalawan, ang pagkawasak ng isa ay kapahamakan ng lahat. Sa mga nagdaang mga siglo, rinig na sa hangin ang napipintong delubyo. Sinasaad na ng mga bituin ang katapusan ng lahat. Ngunit hindi tayo pinapabayaan ng siyang may lalang sa atin. Hindi niya hahayaang mabura ang lahat ng kanyang nilikha sa mundong ito. Sa himpapawid man, sa mga katubigan man, o maging sa kalupaan sa ibabaw nito sa mga kahariang nasa ilalim nito. Kung kaya’t sa kabila ng mapang-abusong ugali ng mga tao, hinahayaan niyang matuto sa kanilang pagkakamali ang mga mangmang na kauri niyo. Sa pag-asang balang araw matatauhan din sila at matutong pahalagahan ang mga biyaya ng kalikasan. May mga ilan na nagiging kakampi ng mundo kung kaya’t narito kami para gabayan sila at tulungan para kahit papaano, masigurong mananatili ang balanse at ayos ng buhay sa mundong ating pinaghahatian. Ngunit dumating na sa kasukdulan ang lahat. Kalikasan na mismo ang kumakalaban sa mga tao. At sa oras na mabura ang tao sa mundong ito, katapusan na rin ng buhay sa daigdig na ito.” Mga tinuran pa ni Bulawan.
“Batid ko ang tinuran mo kaibigan, ngunit ano ang magagawa ng tulad namin. Kayo ang na may higit na kapangyarihan na pigilan ang sinasabi mong pagkawasak. Ang meron lamang kami ay tapang at husay sa pakikipagdigma. Hindi kakayanin ng basta talim lang ng espada ang banta ng kalaban.” Wika ni Kali.
“Kung nais niyong tumulong kami, tulungan niyo kaming paganahin itong mga sandatang pinagkaloob sa amin ng mga kauri niyo. Kailangan din namin ang tulong mula sa inyo. Puwersa man ng kalikasan ang may dulot nito, pero alam namin na alam niyo na kagagawan din ito ng kauri niyo. Tulungan niyo kami na puksain si Ghur. Ang kanyang kamatayan lamang ang magbibigay katapusan sa lahat ng ito.” Sabat ni Turro.
Tumalikod si Bulawan, naglakad ito at tinungo ang bukal sa tabi ng kanyang hardin. Tinawag nito ang dalawa na lumapit sa kanya. Dumungaw sa tubig si Bulawan tsaka itinaas sa ibabaw nun ang kanyang kanang palad. Mula sa tubig, lumikha ito ng maliit na daluyong, hanggang sa naging maliit na ipo-ipo na kalaunan naging bolang tubig. Pumailanlang ito sa ibabaw ng bukal at pumirmi sa palad ni Bulawan.
“Kilala sa alin mang dako ng kaharian ang pangalan ni Ghur ngunit wala man lang na kahit sino ang nakakakilala sa kanyang katauhan, maging ang kanyang anyo ay isang palaisipan sa lahat na nais siyang makita. Maging mga nilalang na sakop niya walang pagkakakilanlan sa kanya. Ngunit hindi maikakaila sa lahat ang bagsik at bangis ng kapangyarihang taglay nito. Kung kaya’t marami ang nanginginig sa takot kapag naririnig na ang kanyang pangalan.” Saad ni Bulawan.
“Malapit ko na sana makaharap si Ghur kung hindi lang ito nangyari sa amin. Sa kasamaang palad sa maling lugar pa kami napadpad. Nakita ko na sana ang Ghur na iyan.” Ani ni Kali.
Napangiting sinulyapan ito ni Bulawan. “Sigurado ka ba na si Ghur nga ang makakaharap mo roon?”
“Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong ni Kali.
“Pagmasdan niyo ito”. Iniharap ni Bulawan kina Kali at Turro ang bolang tubig na nasa kamay nito. Sa loob nun isang imahe ang unti-unting ipinapakita nito. Isang maitim na tila usok ang inilalarawan ng bolang tubig. Wala itong anyo o hugis ngunit kapansin-pansin ang lumulukob ditong lakas. Nagliliwanag ito dulot ng tila mga boltahe ng kidlat na lumalabas sa usok na iyon. “Iyan ang isa lang sa anyo ni Ghur.” Sambit ni Bulawan.
“Walang katawan si Ghur?” Tanong ni Turro.
“Gaya ng nasabi ko, walang pagkakakilanlan si Ghur, kilala lang ang kanyang pangalan ngunit wala pang nakakakita sa tunay nitong anyo. Kung kaya’t hindi masabi kung isa rin ba siya sa uri naming mga elemental o hindi. Tanging malinaw lang, matindi ang kanyang kapangyarihan at kaya nitong tumagos sa kahit saan mang daigdig. Nakakatakot kalabanin ang isang kalaban na walang mukha.” Tugon ni Bulawan tsaka bumalik sa bukal ang bolang tubig.
“Kung gayon malabong manalo tayo laban sa kanya…iyon ba ang nais mong iparating sa amin kaibigan? Saan pa at pinapunta niyo kami rito, kung wala rin naman palang lunas ang nagbabadyang katapusan? Kailangan na namin bumalik. Lalaban parin ako kahit wala ang tulong niyo. Magkaubusan na, ngunit hindi ako papayag na harapin ang pagkawasak na walang gagawin. At iyang si Ghur May mukha man iyan o wala magtutuos kami.” Ang matapang na salita ni Kali. Umigting pa lalo ang pagnanais nito na makaharap si Ghur.
“Walang duda na ikaw nga ang pinili ng mga bituin na maging sandata ng kalikasan. Buo ang puso mo at walang pag-aalinlan. Hindi lang tapang ang meron ka kundi determinasyong makamit ang katarungan at kapayapaan. Hindi nagkamali ang mga nimfa na ipagkaloob sa iyo ang basbas ng kalikasan.” Wika ni Bulawan.
Sa pagbanggit ni Bulawan ng mga nimfa, bigla nabuhayan ng loob si Kali. Agad nito tinawag ang mga nimfa na may galak. Paulit-ulit nitong tinatawag sa hangin ang espiritu ng kalikasan. Nang walang ano-ano mula sa kung saan lumitaw ang laksa-laksang mga paru-paro na may iba’t-ibang kulay. Kumpulan ang mga ito na lumilipad paikot kay Kali bago ito pumirmi sa ibabaw ng bukal. Saglit pa naghugis mga tao ang mga paru-paro. At sa harapan ng tatlo nagpakita ang mga nimfa na minsan na nakaharap nina Turro at Kali.
“Masaya kami at muli namin kayo nakita Kali. Nagagalak kami sa inyong pagbabalik.” Wika ng isa sa mga nimfa kay Kali.
Nagtaka si Kali sa sinabi ng nimfa kung bakit iyon ang kanyang winika gayung ngayon pa lamang sila nakarating sa lugar na iyon. Agad na tinanong ni Kali sa mga nimfa kung bakit hindi ang ito tumutugon sa kanya sa mga sandaling kailangan niya ang tulong ng mga ito. Maging ang nangyayari sa kanilang mga sandata ay isinangguni rin ni Kali sa kanila. Lumapit ang isa pang nimfa kay Kali. “Tumawid kayo sa lagusan na hirap pasukin ng aming kapangyarihan Kali. Ngunit hindi ibig sabihin na pinabayaan namin kayo. Pinasundan ka namin sa isang Aringaraw ngunit nahirapan siyang tuntunin kayo. Gayunpaman bumulong kami sa hangin upang iparating sa bawat kaharian ang kagitingan mo. Nakagabay parin sa iyo ang espiritu ng kalikasan ng hindi mo namamalayan. At ito ang dahilan kung bakit sa mahabang panahon ng paghihintay, heto kayo at nakabalik.”
“Ngunit hindi ito ang Cebuklod na pinagmulan namin. Ibang mundo ito. At ngayon lamang kami napadpad rito.” Ani ni Turro.
“Nagbago man ang paligid, ito parin ang iniwan niyong mundo. Mauunawaan niyo rin ang lahat sa takdang panahon. Sa ngayon kinakaharap natin ang malaking banta ng pagkawasak. At kayo lang ang inaasahan ng lahat, higit ka na Kali.” Sabat pa ng isa pang nimfa.
Naguguluhan man, naiintindihan naman ni Kali ang nais ng mga nimfa. Muli nitong hiningi ang tulong ng mga ito ukol sa kanilang mga sandata. “Kailan man ay hindi nawala ang kapangyarihan ng inyong mga sandata. Kailangan niyo lang hanapin sa puso niyo ang tamang lakas upang paganahin ang mga ito. Tandaan niyo buhat nang napasa-kamay niyo ang mga ito, kaisa niyo na ang mga sandata. Wala sa mga iyan ang tunay nilang kapangyarihan kundi nasa puso niyo nasa mga sarili niyo. Gagana lamang iyan sa takdang sandali na kailangan. Huwag kayong mag-alala mararamdaman niyo ang kapangyarihan ng mga iyan sa oras na kinakailangan ang kanilang kapangyarihan.” Paliwanag pa ng isang nimfa.
Matapos ang muling pagtatagpo, nagpaalam na ang dalawa upang makabalik na magkapatid. Ginabayan parin sila ng lambanang si Alinayah palabas sa puno ng balete. Nang naroon na sila sa bakuran agad napansin ni Kali ang balahibo ng Mhurogmon na naiwan sa lupa. Kinutuban ng hindi maganda si Kali kung kaya agad itong pumasok sa loob ng bahay. Sumunod sa kanya si Turro na napansin naman ang tumutunog na cellphone sa tabi ng laptop na nasa ibabaw ng working table.
ANG SASAKYANG GALING MARRHUK
Nagkatinginan sina Kali at Turro kung paano tutugunan ang tumutunog na cellphone. Dinampot iyon ni Kali ngunit pinagmasdan lang niya ito na tila ba sinusuri ang bawat bahagi nito. “Magsalita ka nakikinig kami.” Wika ni Kali habang kinakausap ang nagriring pa din na cellphone.
“Subukan mong ilapat sa tenga mo, ganun ang ginagawa ni Pia kapag ginagamit niya ang bagay na iyan.” Sabi ni Turro.
Ginawa naman ni Kali ang sinabi ng lalake. Marahan nitong idinikit sa kanyang tenga ang cellphone tsaka muling kinausap ngunit panay parin ang tunog nito. “Tila hindi yata ako naririnig nito, panay ang tugtog lang nito ng musika. Baka tanging si Pia lang ang kinakausap nito.” Ani ni Kali at inilapag muli ang cellphone sa lamesa.
“Paano ngayon iyan mukhang wala na rito sina Pia. Maging ang Mhurogmon tila kasama rin nila.” Sambit ni Turro.
“Hindi tayo dapat maghintay lang dito sa kanila na walang gagawin. Nasa panganib sila. Sa mga nalaman natin kay Bulawan at sa mga Nimfa, hindi na ligtas ang mundong ito sa kapangyarihan ng kasamaan at kadiliman. At malakas ang kutob ko na binalikan talaga nila ang tinatawag nilang quarry.” Saad ni Kali.
“Ngunit paano natin sila mapupuntahan kung wala sa atin si Mhurogmon?” Tanong ni Turro.
“Ang sasakyan na ibinibigay sa atin nina Eyurtha at Peeturyah, baka magamit natin iyon dito. Nakakalipad iyon, kaya tayo nun dalhin sa mismong lugar.” Tugon ni Kali.
“Hindi ko pa nasubukan ang bagay na iyon Kali. Tsaka, paano kung hindi ito gagana sa mundong ito?” Pag-aalangan ni Turro.
“Dinisenyo nila ang sasakyan para sa atin. Gagana lamang daw iyon gamit ang ating mga palad. Ako man, hindi ko pa ito nasusubukan. Kaya magtiwala na lang tayo sa katalinuhan at kakayahan ng mga taga Marrhuk.” Ayon pa kay Kali.
Mula sa kanyang lalagyan kinuha nito ang maliit na bagay na hugis itlog na kasing liit lamang ng pingpong na bola ngunit gawa sa kumikinang na metal na umaagaw ang kulay sa ginto at pilak. Kinuha rin ni Turro ang katulad na bagay mula sa kanyang lagayan. Hawak nila iyon sa kanilang mga palad.
“Paano natin sasakyan ang ganito kaliit na bagay?” Tanong ni Turro na napangisi pa sa pagdududa.
“Ayon kay Eyurtha, kailangan lang pindutin ang ibabaw na bahagi nito, at kapag umilaw ng pula ang ilalim nito tsaka ito ilalapag sa lupa o saang bahaging may malawak na espasyo. Halika Turro, subukan natin ito sa bakuran nila.”
Nagmadaling lumabas ang dalawa ng bahay at tinungo ang malapad na bahagi ng bakuran. At doon nga ginawa una ni Kali ang naalala nitong sinabi sa kanya ni Eyurtha. Pag-kapindot nga nito sa ibabaw na bahagi ng tila itlog na iyon, umilaw nga ng kulay pula ang ilalim nun—kaya agad ito inilapag ni Kali sa malawak na bahagi ng lawn. Segundo lang mula ng paglapag ni Kali, agad na lumaki ang bagay na iyon. Lumapad ito na parang pinagtagpong plato na may umbok na parang putol na itlog sa taas nito na gawa sa salamin. Kulay pilak ang buong katawan ng sasakyan na may apat na tila tungkod na paa sa ilalim nito. Yari sa makintab na metal ang bagay na iyon na may mga paikot na mga ilaw na ibat iba ang kulay.
Sakto lang ang sukat ng laki nito para tangkad at laki rin ni Kali na animoy sinukat talaga para sa kanya ang naturang sasakyan. Nang makita ang nangyari sa bagay na hawak ni Kali, ginawa rin Turro ang nakita kay Kali. Ngayon nasa harapan na ng dalawa ang dalawang sasakyan na pinagkaloob pa sa kanila ng mga taga Marrhuk. Ngunit kung paano iyon sasakyan ay iyon ang sunod na inaalala ng dalawa. Dahil wala man lang silang nakitang bakas ng ano mang pintuan sa naturang sasakyan.
Nilapitan ito ni Kali para kapain kung saan naroon ang pasukan nun. Ngunit nang sandaling lumapat ang palad nito sa katawan ng sasakyan. Bigla na lamang ito lumiwanag at nahati sa gitna. At sa gitna nun isang upuan ang naroon. Agad na naupo si Kali sa nakitang upuan, kasunod nun muling nagsara ang sasakyan at bumalik sa dati. Nataranta bigla si Kali nang bigla ito nakulong sa loob nun. Lalo na nang bigla na lang niyakap ito ng mga tila bakal na sinturon sa katawan mula sa upuan na kanya inuupuan.
Natakot si Kali kaya pilit nitong binabaklas ang mga bakal na sinturon sa katawan. Ngunit sa tigas at higit nito hindi ito maalis ng lalake. Napansin ni Turro ang pagwawala ni Kali kaya sinubukan nitong kalampagin ang sinasakyan ni Kali ngunit nang sa kanyang paghawak na kuryente ito kaya agad ito napa-atras.
Sa loob ng sasakyan bigla na lang May nagsilutangan na mga pindutan sa paligid ni Kali. Napakunot ito ng noo nang makita nito ang sarili sa tila isang salamin na lumitaw sa kanyang harapan. Naglabas ito ng kulay pula na laser na tila ba ini-scan ang buong katawan ni Kali mula ulo pababa. Saglit pa nawala ang bagay na iyon. At napalitan iyon ng dalawang hugis kuwadrado na mikanismo na may marka ng kamay. Nasundan iyon ng pamilyar na boses.
“Eyurtha?” Sambit ni Kali nang marinig ang boses sa loob ng sasakyan.
“Maligayang paglalakbay kaibigan. Ilapat mo ang magkabila mong mga palad sa nakikita mong may marka ng kamay. Tanging sa iyo lang nakalaan ang sasakyan na ito. Ikaw at ang sasakyan na ito ay magiging isa. Ano man ang nais mong gawin o sabihin mo habang nasa loob ka nito ay gagawin ng sasakyan na ito. May sarili itong mga armas kung kailangan mo. Kaya nitong maglaho sa mata ng mga kalaban sa isang sabi mo lang. Gumagana ang sasakyan na ito base sa boses at galaw ng kamay mo. Kapag hindi mo na ito kailangan hawakan mo lang ang ito muli at babalik na ito sa maliit niyang anyo. Saan kaman aabutin ng paglalakbay mo sana makatulong ito sa iyo. Babala, bagama’t hindi nauubos ang enerhiya nito may hangganan din ang sasakyang ito. Kapag lubha kang nasugatan habang sakay nito o may nangyari sa iyong masama habang sakay nito, mawawalan ito ng kontrol at maaring masira di kaya hindi na magamit pa. Alalahanin mo ikaw at ang sasakyan na ito ay iisa kaya pakaingatan mo ang sarili mo. Hanggang sa muling pagdadaupang palad kaibigan.”
Nais pa sana kausapin ni Kali si Eyurtha, ngunit naglaho na ang boses nito. Tinandaan at sinunod ni Kali ang mga sinabi ni Eyurtha. Namangha ito nang agad niya napagana ang sasakyan sa isang utos lang nito. Kitang-kita ni Turro ang pag angat ng sasakyan sa ibabaw ng mga damo. Matapos masubukan ang sasakyan tinuruan din nito si Turro kung paano paganahin ang sarili nitong sasakyan. Nang sabay na nila kontrolado ang bagong kasangkapan agad na naghanda ang dalawa bitbit ang kani-kanilang mga sandata at sakay nun mabilis na pumailanlang sa himpapawid ang dalawa.
Nang mga sandaling iyon, sa hangganan ng daan kung saan bakas ang malaking bitak dulot ng lindol—naroon si Sid nakasandal sa patrol car ng pulis, kasama ang ilang mga taga media mula sa ibat ibang tv network at radyo stations. May mga rescue team na naroon sa lugar at maraming mga residente na apektado ng malaking bitak.
“Bakit kaya hindi sinasagot ni Pia ang kanyang cellphone? Pati si Sean hindi rin matawagan. Nag-aalala na ako sa dalawang iyon.” Sa isip ni Sid habang sinusubukan paring kontakin ang girlfriend.
“Bro, may madadaanan pa raw na daan patawid sa kabila kaso kailangan pa umikot ng Talisay. Sina bro Norman papunta ngayon dun baka gusto mo sumama.” Wika ng kasamahan ni Sid nang lumapit ito sa kanya.
“Sige pare pakisabi sasama ako. Nag-aalala na rin ako kina Pia. Kanina ko pa tinatawagan hindi naman ako sinasagot.” Sabat ni Sid.
“Diba nakausap mo naman siya kanina, malay mo nakatulog na rin iyon. Hindi naman kamo sila naapektuhan ng lindol kaya huwag ka na mag-alala.” Sabi pa ng kasamahan nito.
“Alam mo naman ang isang iyon daig pa ang pulis at reporter kung sumagap ng balita. Nag-aalala ako baka kung saan naman iyon nagpunta. Pag ganitong may nangyayaring sakuna o kalamidad kasi ugali talaga nun ang maki-usyuso. Hindi mapirmi sa isang tabi.” Ani ni Sid.
“Environmentalist ang jowa mo kaya huwag ka na magtaka bro, sabi pag mga ganun daw innate na sa kanila ang ma-obserba, at mausisa.”
Nasa ganun silang pag-uusap nang bigla na lang nagsigawan ang mga tao nang—“UFO!!!, UFO!!! Hayun dalawa!!!”.
Lahat ng mga tao na naroon sa lugar na iyon kitang-kita ang pagdaan ng dalawang bagay na hugis plato na lumilipad sa himpapawid. Paiba-iba ang kulay ng mga ilaw na meron ito na umiikot sa katawan nito. May kababaan lamang ang lipad ng mga iyon kaya malinaw itong nakita ng lahat. Sa pagkamangha ng mga tao, kanya-kanyang labasan ng cellphone ang lahat lamang makunan ng bidyo o larawan ang tinatawag nilang UFO. Hindi lamang iyon isang Unidentified Aerial Phenomenon, dahil malinaw at kitang-kita ng lahat na isa iyong uri ng sasakyan na lumilipad.
At kitang-kita rin iyon ni Sid na dumaan pa mismo sa ibabaw nila. Matulin ang takbo ng lipad nun na agad bumulusok pataas sa kaulapan hanggang sa bigla na lang ito naglaho sa paningin ng lahat. Marami ang nakapansin na tila ba nagmula lamang sa malapit ang naturang kakaibang sasakyan na pang himpapawid. At lahat dun maging ang mga taga media mismo ay klarong nakuhanan ng bidyo ang bagay na iyon.
Samantala; naroon na nga sa quarry site ang magkapatid sakay ng Mhurogmon. At habang sinusuri nila ang buong paligid nagtaka ang dalawa kung bakit wala na roon ang mga nakita nilang mga Bantilan kanina. Walang bakas o palatandaan ng kanilang mga presensiya.
“Di kaya inubos na sila kilala Kali at Turro ateh? Wala silang dalawa rito tapos wala na rin iyong mga halimaw na iyon. Ang dami ng mga iyon, para maglaho na lang lahat bigla.” Wika ni Sean.
“Pantasya ito bunso, hindi ka na magtaka kung maglaho man sila ng ganun. Ang inaalala ko ang dalawa, saan kaya napunta ang mga iyon?” Sabat ni Pia.
“Baka bumalik na talaga sila sa kanilang mundo. Ang mabuti pa hayaan na muna natin ang dalawang iyon. Magmasid-masid na muna tayo sa paligid. Tingnan natin ang mga tinamaan ng mga bitak baka sakaling may nangangailangan ng tulong at makatulong tayo. Mhurogmon, sundan mo lang ang dinadaanan ng mga bitak na iyon. Wag ka lang masyadong lumapit baka nasa paligid lang ang mga Bantilan na iyon.” Ani ni Sean.
Muling umabante ang Mhurogmon. Habang nasa himpapawid nanlomo ang magkapatid sa mga nasirang ari-arian ng mga residenting tinamaan at nasalanta ng malakas na lindol. Maraming bahay at gusali ang pinabagsak nito ilang mga simbahan din ang nagkaroon ng malalang pinsala lalo na sa mga imprastraktura na dinaanan mismo ng malawakang bitak. Sa pagtingin-tingin pa ng dalawa sa baba isang ospital ang nadaan nila, halos mahati sa dalawang parte ang gusali na nakakiling na sa magkabilang direksyon. At mula sa taas kitang kita ng dalawa ang mga tao na nagsisipulasan para maka alis sa gusaling iyon. Rinig din nila ang mga umiiyak na bata at mga matatanda na naroon pa at na trap sa mga palapag ng paguhong ospital.
“Ateh mukhang kailangan nila ng tulong, may mga tao pa sa ibang palapag, baka tuluyan ng bumagsak ang kabilang side ng ospital na iyan.” Pag-aalala ni Sean na kinakabahan sa posibleng mangyari sa mga tao na naroon sa baba.
“Gustuhin man nating tumulong pero paano? Buti sana kung may kapangyarihan tayo. Hindi rin tayo makakatawag ng tulong kasi wala sa akin ang cellphone ko, naiwan ko yata.” Ang nababahala ring sagot ni Pia.
“Wala rin sa akin ang cellphone ko. Teka lang sabi ni Kali maraming kayang gawin itong si Mhurogmon ateh. Susubukan natin baka may magagawa tayo.” Himas-himas ni Sean ang likod ng Mhurogmon at nakiusap ito dito, “Mhurogmon, kaya mo bang iligtas ang mga tao na iyon? Pakiusap tulungan natin sila. Hindi ko alam kung paano pero may tiwala ako sa iyo. Tulungan natin silang maalis sa gusaling iyan.”
Biglang umatungal ang Mhurogmon sabay pinagaspas ang mga malalapad nitong pakpak. Napansin ng magkapatid ang pagduble ng laki ng Mhurogmon naging mas malaki pa ito na halos kapantay na ng taas ng ospital. Kinamangha iyon ng magkapatid. Lumapag sa lupa ang Mhurogmon. At sa gahigante nitong laki at sa anyo nito, marami sa mga taong nandoon ang natakot at napatakbo palayo sa lugar. Ngunit hindi na iyon pinansin pa ng magkapatid. Alam nila na magdudulot lang ng takot ang pagpapakita ni Mhurogmon sa mga tao ngunit mas inisip nila ang kaligtasan ng mga na trap sa ibang palapag ng ospital. Humakbang ang Mhurogmon palapit sa matutumba ng gusali at gamit ang katawan, marahan nitong itinutulak ang gusali para hindi agad bumigay. Hinarangan ng Mhurogmon ang kanyang katawan para pigilan ang tuluyang pag bagsak ng ospital. Sa puntong iyon kumilos naman ang magkapatid para isa-isang ilabas mula sa bintana ang mga na-trap na tao at isa-isa pinasasakay sa likod ng Mhurogmon. Sa umpisa marami ang nag-aalangan dahil sa takot ngunit nakumbinse naman sila ng magkapatid.
“Huwag kayo matakot, mabait siya at nais lamang niya kayong tulungang makaligtas. Sige na po, sumakay na kayo sa likod niya…unahin niyo muna ang mga bata at matatanda”. Wika ni Pia habang inaalalayan isa-isa ang mga tao.
“Anong klaseng halimaw ang isang ito?” Sambit na tanong ng isang babae na nanginginig pa sa takot.
“Hindi po halimaw si Mhurogmon, isa po siyang kaibigan manang. Sige na po tumawid na po kayo sa kanya.” Nakangiting sagot ni Sean.
Marami ang namangha sa nakikita ngunit marami rin ang binalot ng takot at pagkabahala dahil sa Mhurogmon. Nang masigurong nailipat na ang lahat sa likod ng Mhurogmon, marahan naman nitong ibinukad ang magkabilang pakpak para magsilbing daan ng mga tao pababa. At nang lahat ay ligtas nang maibaba sa lupa agad na inutusan ni Pia ang mga naroon na lumayo na sa lugar upang hindi na masaktan sa tuluyang pag guho ng ospital. Sumunod naman ang lahat. At nang makalayo na ng husto ang mga tao mabilis namang pumailanlang ang Mhurogmon. Sa paglipad nito, agad na gumuho ang kalahating parte ng ospital. Nagsipalakpakan ang mga taong nailigtas ng magkapatid. At habang paalis na sila sa lugar na iyon, hindi maiwasan ng dalawa ang matuwa dahil sa kanilang nagawa. Ngunit gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Pia nang mapagtanto ang nangyari.
“Paano nga pala kung may nakabidyo sa atin kanina. At makilala tayo. Tapos si Mhurogmon, malamang pagpiyestahan ito ng mga tao online at ng main stream media. Bakit ba kasi hindi na natin naisip iyon kanina. Sana nagpa-invisible na lang tayo.” Ani ni Pia.
“Hayaan na natin iyon ateh, ang mahalaga nakatulong tayo. Grabe ka Mhurogmon kaya mo pala lumaki pa ng ganun. Ano pa kaya ang magagawa mo noh?” Wika ni Sean.
Nang may namataan si Pia hindi kalayuan lamang sa kanila.
“Bunso sa banda roon, ano iyon flying saucer?”
“UFO nga iyon ateh, tara sundan natin. Mhurogmon nakita mo ba ang dalawang bagay na iyon na lumilipad ng mabilis?—sundan natin iyon dali.”
Walang pag-aalinlangan ngang sinundan ng magkapatid ang inakalang UFO.
“Kali nakita ko na ang tatlo, nakasunod sila sa atin.” Wika ni Turro.
“Hintayin na lamang natin sila, maghanap tayo ng puwedeng paglapagan ng sasakyan natin. Doon sa banda roon, malawak ang damuhan sa bahaging iyon doon natin sila hihintayin.” Tugon ni Kali.
Pagkalapag ng dalawa sa damuhan agad na bumaba ang dalawa sa kanilang mga sasakyan at ibinalik ang mga ito sa maliit nitong anyo na parang itlog. Tsaka nag-abang doon sa tatlo.
“Teh, biglang nawala ang dalawang UFO. Hindi ko na sila nakita. Pero napansin ko sa bandang iyon lang sila bumulusok pababa.” Wika ni Sean.
“Naku bunso, sa tingin ko maling ideya na sinundan natin ang mga iyon. Baka mga masasamang Alien iyon at kung ano pang gawin sa atin ang mabuti pa umuwi na tayo. At bukas na natin aalamin kung saan nagpunta sina Kali at Turro. Pauwiin mo na si Mhurogmon.”
Hindi na nanatili dun sina Sean at mabilis na nilisan ang lugar. Ipinagtaka naman ng dalawa Kali at Turro ang pag-iwan sa kanila ng magkapatid.
“Malamang hindi nila tayo nakita mula rito Kali, masyadong matataas ang damo sa bahaging ito. Bumalik na lang tayo sa kanila, batid ko na doon na rin ang balik nila.” Wika ni Turro.
“Siguro nga, pero mamaya na tayo bumalik sa kanila, napansin ko maraming gusali ang pinabagsak ng lindol. At marami pa ang sa tingin ko nangangailangan ng tulong. Gamit ang sasakyan natin maari pa tayong makaligtas ng maraming buhay. Tulad sa nadaanan nating minahan.” Ani ni Kali.
“Mabuti na lang talaga at napadpad tayo roon ng maaga, nailigtas pa natin ang labing limang katao na natabunan ng gumuhong minahan.— Kung iyan ang nais mo Kali halika na maghanap muna tayo ng matutulungan.”
Muling ginamit ng dalawa ang kanilang sasakyan. Hindi kalayuan mula sa lugar na iyon, sa isang liblib na baryo sa gitna ng ekta-ektaryang tubuhan may isang lalake ang nakapansin sa paglapag at pag-alis ng mga sasakyan ng dalawa.
“Sigurado ka ba sa nakita mo Ado? Alien ba talaga ang nakita mo sa tubuhan natin?” Ang usisang tanong ng matandang lalake kay Adonis.
“Opo Tay, klarong-klaro kita mismo ng dalawa kong mga mata. Hugis plato pa nga iyon eh na may nakaumbok na parang dome sa ibabaw nun. Malayo nga lang ako at hindi ko nakita ang mga sakay nun, pero katulad talaga nun ang mga nakikita ko sa pelikula at sa mga libro na sasakyan ng mga alien. Tay may alien invasion na sa Pinas. At ang malakas na lindol kanina, malamang kagagawan iyon ng mga alien.” Kuwento pa ng lalake.
“Naku ayan ka na naman sa mga kuwento mo, nung nakaraan sabi mo nakakita ka ng hayop na kalahating agila at kalahating liyon na naglalakad sa tabi ng ilog. Tapos alien naman ngayon? Nahawa ka na talaga sa pinsan mong si Simon na baliw sa mga elyin-elyin na iyan.” Sabat ng ina na kakatapos lang mag rosaryo.
“Eh baka naman kasi totoo naman talaga. Diba nga nung…” Hindi na naituloy ng ama ang sasabihin nang pandilatan ito ng asawa ng mata.
“Ang mabuti pa Ado, itulog mo na ang imahinasyon mo na iyan at maaga ka pa bukas sa trabaho mo. At ikaw naman Isko isara mo na ang mga pinto at bintana, mamaya niyan pumasok pa dito ang alien na sinasabi niyo.” Ani pa ng ina bago pumasok ng silid nilang mag asawa.
“Talaga namang totoo ang nakita ko ah, Alien talaga iyon.”
“Hayaan mo na ang nanay mo. Sige na matulog ka na dun at isasara ko lang ang mga pinto at bintana.”
Pagkapasok ni Adonis sa kanyang silid agad itong humilata sa kanyang kama. Hindi mawala-wala sa isipan nito ang nakitang mga sasakyan na lumilipad sa kanilang tubuhan. Kinuha nito ang nakalapag na cellphone sa maliit na lamesa sa gilid ng kanyang kama. “Wala paring signal, malamang nasira ng husto ng lindol ang mga cell sites. Hay sayang hindi ko man lang nakuhanan ng video ang nakita ko kanina, may patunay sana ako na UFO iyon. Bukas ikukuwento ko ito kay insan. Tiyak interesado iyon.” Ani pa ni Adonis sa sarili.
Ang usap-usapan tungkol sa UFO sightings ng gabing iyon umabot na sa kinauukulan. Marami ang nagpapatunay na totoong may nakita silang ganun. At ang nakapagtataka pa para sa karamihan, namataan nila ang bagay na iyon sa mga lugar na malubhang napinsala ng lindol. At marami ang may testimonya na tinulungan sila ng mga iyon na mailigtas mula sa pagkabaon sa mga gumuhong gusali at bahay.
“General Domingo, kamusta ang imbestigasyon tungkol sa UFO na pinagsasabi ng mga tao? Ano ang resulta?…alien ba talaga ito o isang aktibidad lang ng mga walang magawa para bigyan lang ng takot ang lahat? Sa tingin mo, may banta ba ito sa seguridad ng ating bansa?”
“Good evening mayor, sa ngayon masusi pa namin sinusuri ang mga nakuha naming footages at statement mula sa mga saksi tungkol dito. Nakipag-ugnayan na rin kami sa PAERA (Philippine Anomaly and Extraterrestrial Research Agency) kung ano ang report nila tungkol dito. Ngunit base sa aming nakalap mukhang hindi pagbabanta ang sadya ng mga UFO na iyon kung bakit sila nagpakita. Marami ang nagsasabi na tinulungan daw sila nun mula sa pagkakabaon sa mga guho, mayor.” Pahayag pa ng heneral sa harapan ng mayor.
“Alamin mo ang lahat tungkol dito. Malaki ang maidudulot sa atin sakaling mapasa-atin ang mga alien na iyan kung sila man ay totoo. Asikasuhin din ninyo ang mga mandatory evacuation at relocation sa mga lugar na dinaanan ng bitak. Bukas darating ang pangulo para tingnan ang kabuohang damage ng lindol dapat ngayon pa lang full force na tayo sa pag implement ng assistance.” Ani ng mayor.
“Naka deployed na po ang lahat mayor. May mga nailipat na rin sa facility natin ngunit marami pang lugar na mahirap pasukin dahil sa mga sirang tulay at daan. But rest assured na kumikilos ang lahat ngayon, mayor.”
“Very good, sige na you may leave na general at may aasikasuhin din ako.”
“Salamat din po mayor aalis na ako.”
Pagkalabas ng heneral sa tanggapan ng mayor bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Bigla na lamang ito nagalit, nanlisik ang mga mata habang nagngangalit ang mga ngipin nito. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. “Hanapin ang pinagmulan ng sasakyan na iyon at hulihin ang mga sakay nun. Kailangan maunahan niyo ang militar, magsikilos na kayo.” Sambit nito sa kanyang kausap sa cellphone.
Sa bahay nila Pia, inabutan parin nila na wala doon ang dalawa ngunit bago pa man sila pumasok ng bahay may napansin na si Pia sa kanilang lawn. Kaya binalikan niya ito at tiningnan.
“Wala ito rito ng umalis kami ah, ano kaya ang nangyari rito bakit nagkaroon ng bakas ng pagkasunog dito?” Sa isip ni Pia habang masuring pinagmamasdan ang mga bakas sa bermuda grass.
“Teh ano ang tinitingnan mo riyan? Si kuya Sid kanina pa yata tumatawag sa iyo nakita ko itong cellphone mo sa side table ang dami ng missed calls galing sa kanya. Mabuti pa tawagan mo na baka importante ang kailangan nun.” Ani ni Sean nang lapitan si Pia.
“Bunso, napansin mo ba ito kanina? Ngayon ko lang kasi ito nakita. Kakaiba kasi ang mga markang ito na parang symbols na sinadyang ilagay dito. Tsaka pagmasdan mo ang lawak ng mga bilog na iyan, symmetrical ang pagkakalatag. Naalala ko tuloy yung sinasabi dati nilang mga crop circles na gawa daw ng mga alien. Parang katulad din ito ng mga iyon.” Wika ni Pia.
Pagkabanggit ng kapatid tungkol sa alien agad na naalala ni Sean ang nakita nilang flying saucers na kanila pa ngang sinundan kanina. At nakumbinse agad ito sa teyoriya ng kapatid.
“Ateh hindi kaya nagpunta rin dito ang mga alien na iyon kanina? Tingnan mo dalawa iyan na magkatabi tapos identical pa. Posibleng lumapag sila rito nang wala tayo.” Pakiwari pa ni Sean.
“Palagay nating ganun bunso, ano naman ang kailangan nila at bakit dito pa sa atin? Hindi pa nga natin alam kung saan napunta ang mga Bantilan na iyon may nga alien na naman.” Pag-aalala ni Pia.
Nang muling tumunog ang cellphone ni Pia na hawak ni Sean.
“Buti naman at sinagot mo na, kanina pa ako tumatawag sa iyo. Papunta na ako diyan kaso matatagalan pa kami sa kabilang bayan na kami dumaan, buti na lang talaga at hindi nasira ang tulay dito sa Talisay may access road pa para maabot kayo riyan. Iyon nga lang ang layo ng iikutin makapunta lang diyan.” Sabat ni Sid nang sagutin ito ni Pia.
“Sorry na, nakatulog na kasi kami. Bakit nga pala kayo pupunta rito eh gabi na sana pinagpabukas niyo na lang. Wala namang malalang pinsala na nangyari malapit dito sa amin.” Ani ni Pia.
“Utos ni mayor, maganda nga iyon at maagap sa ganitong sitwasyon si mayor Buralyo. Kasama namin ang ilang team ng rescue unit, mga taga media at mga volunteers ni mayor. Siya nga pala, May ikukuwento ako sa iyo. I’m sure hindi ka maniniwala, pero ako mismo nakita ko nang malapitan ang dalawang UFO na dumaan sa amin kanina.” Kuwento ni Sid.
“UFO?”
“Yes Pia, UFO talaga iyon… nakuhanan pa nga ng ilan ng video eh. At kaya may mga media rin kaming kasama kasi napansin namin na galing diyan sa lugar niyo ang dalawang UFO na iyon. Ang baba lang kasi ng kanilang mga lipad bago bumulusok pa itaas at agad na nawala. Buti pa hintayin mo na lang ako riyan at diyan na tayo magkuwentuhan. Hindi na stable ang signal dito nawawala na ang signal.”
Pagkatapos ng tawag, napabaling ang tingin ni Pia sa mga markang naroroon sa lawn. Agad itong tinungo ang storage room sa likod ng bahay tsaka naghanap ng malapad na trapal na kayang gagamit para takpan ang bakas na nandoon sa kanilang bakuran. Napansin ni Sean ang ginagawa ng kapatid kaya napatanong ito kay Pia.
“Papunta rito si Sid, at ang sabi niya nakita rin nila ang UFO kanina at sabi pa niya mukhang dito raw malapit sa atin nanggaling iyon. Kaya nga may mga kasama rin silang mga taga media. Kaya kailangan matago natin ito kay Sid baka magtaka pa iyon pag nakita ito. Isipin pa nun nagtatago tayo ng mga alien. At baka pagpiyestahan pa ito ng mga taga media pag nalaman ito.” Tugon ni Pia sa kapatid.
“Ang OA mo teh, lalo lang pagdududahan ni kuya Sid pag nakita niya iyan na ganyan. Alam mo naman iyon mausisa. Hayaan mo na lang iyan diyan. Ako na ang bahala umechos dun pag nagtanong iyon. Kalma lang teh, hindi niyan mapapansin agad. Tara na dun sa loob kumain na muna tayo.” Wika ni Sean.
Sakto naman sa pagpasok ng magkapatid ang pagbalik nila Kali at Turro. Tahimik lamang ang kanilang paglapag. Minabuti ng dalawa na ikubli sa mata ng tao ang kanilang sasakyan upang hindi na makatawag ng pansin. Pagkababa mula sa mga sasakyan agad na ibinalik ng dalawa sa maliit na anyo ang kanilang mga sasakyan tsaka pumasok na ng bahay.
Inabutan ng dalawa ang magkapatid na kumakain sa kusina. Gulat naman na napalingon sina Pia nang makita ang dalawa.
“Akala namin umalis na kayong dalawa, bigla na lamang kayo nawala nung lumabas kami.” Wika ni Pia.
“Lumabas din kami para hanapin kayo, wala rin kasi kayo rito kanina nung bumalik kami.” Tugon ni Kali.
“Baka nag kasalisihan lang tayo. Hindi rin namin kayo nahanap kanina kaya inisip namin na baka bumalik kayo ng quarry. Sinama namin ang Mhurogmon para hanapin kayo. Saan ba kayo nanggaling?” Sabat ni Sean.
“Sinundo kami ni Alinayah sa utos ni Bulawan. Pumasok kami ng balete na nasa bakuran niyo at dinala kami sa kanilang kaharian kaya kami nawala rito kanina.” Kuwento ni Kali.
“May kaharian diyan sa loob ng puno ng balete? Seryoso? May nakatira ba talaga riyan?” Usisang tanong ni Pia na hindi makapaniwala sa sinabi ni Kali.
“Ngayon pa ba kayo magugulat matapos niyo masakyan ang Mhurogmon at makita ang mga Bantilan? Hindi lang mga tao ang nabubuhay sa mundong ito. At ang kalikasan ay hindi lang nilaan para sa atin. Ang balete na nariyan sa labas ang tawiran ng mga engkantong Abyan patungo sa kaharian ni Bulawan. At sila ang tagapangalaga at taga bantay rito bago pa isinilang ang lolo niyo.” Ani pa ni Kali.
“Kung gayun posibleng alam nila kung paano nawala ang ama namin. Kali maari mo ba ako ipakilala sa mga Abyan na iyan tsaka sa tinatawag mong si Bulawan?, nais ko lang tanungin sa kanya ang tungkol sa aming ama. Kung bakit bigla na lamang siya nawala.” Wika ni Pia.
“Titingnan ko kung papayag sila. Sa ngayon maari na ba kami magpahinga? Tila napagod kami ng husto ni Turro.”
“Sige, magpahiram na kayo. Mag usap na lang tayo bukas at may sasabihin din kami sa inyo. Pero bukas na, pahinga na muna kayo.”
Biglang nabuhayan ng pag-asa si Pia na malinawan tungkol sa biglaang pagkawala ng ama dahil sa sinabi ni Kali. Lumabas ito ng bahay para lapitan ang puno ng balete na naroon. Marahan nitong hinawakan ang katawan ng puno.
“Teh, hindi ka ba natatakot na makakita ng maligno o engkanto sa loob niyan?” Tanong ni Sean.
“Pinalaki tayo sa mga kuwento tungkol sa kanila, tsaka tama si Kali ngayon pa ba tayo matatakot matapos natin sila makilala at ma experience ang Mhurogmon—handa na ako bunso sa mga bagay na ipapakita sa akin ng mga mata. Na mi-miss ko na si papa, at hanggang ngayon naniniwala pa rin ako na buhay siya at hindi siya nawala sa atin. Kaya kailangan ko makausap ang Bulawan na tinutukoy ni Kali.”
BISITA
Sinusubukan ni Pia na kausapin ang puno ng balete sa pagbabakasakaling pansinin ito ng mga nakatira roon at pagbigyan ito sa kahilingan na makapasok sa kanilang mundo. Nasa likod naman nito si Sean na naghihintay rin sa posibleng tugon. Ngunit tila nag aaksaya lang si Pia ng laway sa kakatawag sa wala.
“Naku teh, malamang racist ang mga nakatira riyan. At tanging sa mga kauri lang nila sila nakikipag-ugnayan. Nag text na si kuya Sid, —malapit na raw sila.” Ani ni Sean.
“Baka nga bunso. Bukas magpapatulong tayo kina Kali. Gusto ko talaga malaman kung ano ang nangyari kay papa.” Sabat ni Pia.
“Teh, sasabihin ba natin kay kuya Sid ang tungkol sa nakita natin sa quarry? Hindi kasi ako sure kung na i-upload ko ba talaga ang video na nakuhanan natin eh. At least maipapakita natin kay kuya Sid ang video.” Wika ni Sean.
“Wag muna, —maghintay muna tayo sa mga lalabas na balita. Tsaka hindi rin natin alam kung baka nga nakuhanan rin tayo ng mga taong natulungan natin kanina. Baka magtaka pa si Sid at usisain pa tayo, ma expose pa natin si Mhurogmon. Tsaka baka pagdudahan pa nun sina Kali at Turro.” Tugon ni Pia.
Nagkasundo sa iisang desisyon ang magkapatid. Papasok na sana ang dalawa nang makarinig sila ng mga ingay ng tao sa labas, kung kaya’t napasilip ang dalawa sa gate. Doon natanaw ng dalawa ang convoy ng mga tulong mula sa gobyerno kasama ang sasakyan kung saan lulan si Sid. Dinumog ng mga tao ang dumating na tulong. Ngunit bukod sa hatid na tulong para sa mga apektado ng lindol, naroon din ang ilang mga reporters mula sa mga kilalang tv at radio network para kausapin ang mga residente tungkol sa kakatwang bagay na nakita nilang lumilipad sa himpapawid. Na posible raw nagmula roon sa lugar.
Narinig iyon ng magkapatid, kaya napatanong ang mga ito kay Sid.
“Ano ba ang tinutukoy nila na UFO? Bakit dito nila hinahanap ang pinagmulan nun?” Tanong ni Pia sa manliligaw.
“Gaya nga nang nasabi ko kanina sa cellphone. May nakita kaming kakaibang bagay na dumaan bigla sa harapan namin bago ito pumailanlang sa kaulapan tsaka nawala. Base sa direksyon nun, dito iyon galing. Actually I don’t really believe about aliens, pero nakita ko iyon mismo. And I guess, baka nga totoo sila.” Sagot ni Sid.
“Bakit wala man lang kaming nakita? Kung dito iyon galing di sana kaming taga rito ang unang makakakita nun. Siya nga pala Sid, bukas balak ko bisitahin ang hospital sa Kansilayan. Baka kasi may maitutulong ako. Busy ka ba bukas? Magpapasama sana ako. Baka kasi walang masakyan papunta dun.” Sambit ni Pia sa manliligaw.
“Aba siyempre naman basta ikaw. Ano oras ba kita susunduin dito bukas? —panigurado kasing wala talagang available na ruta papunta dun dahil sa mga malalaking bitak sa mga daan. Eh kayo ba rito kamusta ni Sean? Tsaka teka… mukhang kayo lang ang hindi apektado ng brownout ah. Ang liwa-liwanag ng bahay niyo, ano ba ang gamit niyong ilaw diyan?” Wika ni Sid nang mapansin nito ang loob ng bahay nila Pia.
Akma nang sasagot si Pia nang sumingit si Sean para sagutin si Sid.
“Ah eh kuya may generator kasi sa bahay kaya may ilaw kami.” Sabat ni Sean.
“Ganun ba, ang tahimik naman ng generator niyo. Saan ba niyo ba nabili iyan nang makabili rin. Mukhang kailangan ko rin iyan sa bahay,—dinig ko mas tatagal pa ang brownout na ito.” Ani ni Sid.
“Sa online po kuya. Sige po kuya mauna na po ako, inaantok na din kasi ako eh.” Sagot ni Sean, tsaka binalingan ang kapatid para bulungan. “—teh maiwan na kita, ang bibig teh ha baka kung ano pa ma spluk mo riyan. Ikaw din.” Sabi nito.
Nginitian lang ni Pia ang kapatid tsaka bumaling muli kay Sid. Lalo pang nag-sidagsaan ang mga tao sa tapat ng gate nila Pia dahil sa bali-balita tungkol sa namataang alien UFO kuno ng mga tao. Samantala; mula naman sa bintana ng silid kung saan naroon ang dalawa…nagtatakang nakatayo dun si Kali habang pinagmamasdan ang mga kaganapan sa daan.
“Tila nagkakagulo ang mga tao sa labas. Ano kaya ang nangyayari sa kanila?” Sambit ni Kali.
“Magtanong tayo dalawa, baka may alam sila sa mga nangyayari. Oh baka naman may kaugnayan pa rin ito sa nangyaring mga pagyanig.” Sabat ni Turro nang tumayo ito mula sa kama at lumapit kay Kali.
“Kailangan sa lalong madaling panahon mahanap na natin ang dahilan kung bakit tayo dinala sa mundong ito. Kung ang mga Bantilan na iyon nga ay kabilang sa mga pinadala ni Ghur,—bukas din sisimulan natin ang pag-uusig sa kanila.” Saad pa ni Kali.
“Ibig ba sabihin niyan ay lilisanin na natin ang magkapatid?”
“Nandito ang pusod ng Khan-La-Un. Kung ito nga ang makabagong Cebuklod, ayon sa mga Nimfa —matutulungan tayo ni Bulawan para makatawid muli sa ating pinanggalingan. Pero bago iyan tatapusin muna natin ang layunin natin sa paghatid sa atin ng tadhana sa mundong ito. At isa pa mukhang kakailanganin natin ang magkapatid para matutunan agad natin ang lahat na dapat natin malaman sa mundong ito.” Ani pa ni Kali.
“Tama ka, marami pa tayong dapat malaman at matutunan sa mundong ito. Halimbawa na lang sa paraan ng kanilang pananalita, bagama’t naiintindihan natin ang kanilang mga wika may mga salita parin silang nababanggit na hindi natin nauunawaan. Maging ang kanilang mga titik ibang-iba sa meron tayo.” Komento ni Turro sa sinabi ni Kali.
“Maaring kakambal ng daigdig natin itong daigdig nila—magkaiba lang sa ibang aspeto. At kung naiintindihan nga natin at nauunawaan ang mga taga Marrhuk na labis ang pagkakaiba sa atin,—dito pa na iisa lang ang hubog at wangis natin sa kanila?” Tugon ni Kali.
Lumapit si Turro sa malaking cabinet na nasa gilid ng kama. Binuksan niya ang pintuan nun at may kinuha sa loob nun tsaka binalikan si Kali hawak ang bagay na kinuha nito sa loob ng cabinet. Isang kahon na gawa sa mabigat na metal na may katamtaman lang ang sukat na sakto sa dalawa kamay ang hawak ni Turro. Maingat ang pagkakahawak nito nang ipinakita kay Kali.
“Ano ang hawak mo na iyan? Saan mo iyan nakuha?” Tanong ni Kali kay Turro.
“Napansin ko ito sa ilalim ng kama nang mahulog sa lapag ang punyal ko. Nakita ko itong lumiwanag kanina. Naliligo ka pa kaya hindi ko agad ito naipakita sa iyo. —Kali, hindi kaya ang nababanggit na lolo ng magkapatid na si Huwan, ay ang mismong Huwan na nakilala mo? Kung kaya’t nakilala ka rin ng kanyang Mhurogmon…” Hinuha pa ni Turro habang hawak-hawak ang kahon.
“Ano ang ibig mong sabihin? Nakita naman natin ang larawan ng kanilang lolo diba? Ibang-iba iyon sa nakilala kung Huwan at nakilala mo rin si Huwan. Paano mo naman nasabi iyan? Tsaka ano ba ang bagay na iyan?” Tanong ni Kali.
Binuksan ni Turro ang hawak na kahon at ipinakita iyon kay Kali. Laman nun ang isang maliit na orb na lubhang pamilyar kay Kali. Namilog halos ang mga mata nito nang makita ang nilalaman ng kahon. Kinuha iyon ni Kali mula sa lagayan at hinawakang maigi sa kanyang palad nang bigla itong lumiwanag tsaka gumalaw ng bahagya.
“Alam mo ba kung ano ang bagay na iyan?” Tanong ni Turro.
“Laman nito ang ala-ala at katauhan ng isang tao na nagmamay-ari nito. Minsan ko na ito nasumpungan nung napadpad ako sa Acasia. Si Huwan ang nagpakilala sa akin nito, kaya pamilyar sa akin ang orbis na ito.” Tugon ni Kali.
“Kung pagmamay-ari iyan ng isang tao, kanino kaya iyan?” Tanong pa ni Turro.
“Hindi ko masabi, tanging itong orbis lang ang kayang magtukoy kung kanino siya pag-aari. Ngunit ang ipinagtataka ko—kung paano ito narito at sino ang kumuha nito sa taong may pag-aari nito.” Ani ni Kali.
Ibabalik na sana ni Kali ang hawak na orb sa sisidlang kahon nang bigla na lang ito kumawala sa palad nito. Lumutang, tsaka bigla na lang nagwala sa loob ng silid na tila ba naghahanap ng daan na malalabasan. Pinagmasdan lang ng dalawa ang nagwawalang bola ng liwanag at nang mas lumiwanag pa ito, bigla naman naalala ni Turro ang mga Arinipot na minsan narin nitong nakadaupang-palad nung napadpad naman ito sa kakahoyan ng Ugarath.
“Kawangis niya na ang mga Arinipot.” Sambit ni Turro.
“Mga espiritung lagalag? Di ba at tanging mga lahing elemental lang ang maaring maging isang Arinipot sa kanilang pagpanaw? Ibig sabihin isang elemental ang isang iyan na sinadyang ikulong dito sa kahon. Mapanganib ang Arinipot hindi natin alam kung anong uri iyan. Tulungan mo ako Turro, hulihin natin ang isang iyan at ibalik sa loob ng kahon bago pa iyan makalabas dito.” Wika ni Kali.
Gamit ang kumot na hawak ng dalawa sa magkabilang dulo, sinubukan ng dalawa na hulihin ang nagwawalang orb sa loob ng silid. Lumikha ng mga ingay ang paghuli ng dalawa sa naturang bagay. Nasa kabilang silid lang nun si Sean na himas-himas ang Mhurogmon nang marinig ang mga kalampagan at ingay sa silid nila Kali. Napansin din ni Sean na bigla na lamang naging balisa sa higaan nito ang Mhurogmon na tila ba may nararamdamang kakaiba. Umaangil ito habang nakatingin sa pintuan. Sa takot ni Sean kinuha nito ang sisidlan na pinaglalagian ng Mhurogmon at ipinasok muna doon ang nilalang upang kumalma ito.
Ngunit kahit na naroon na sa loob ang Mhurogmon rinig parin ni Sean ang singil nito. Na tila nagpupumiglas na makalabas mula sa sisidlan. Natakot si Sean na baka magwala ang nilalang at makalikha iyon gulo sa mga tao sa labas kaya agad nitong hinigpitan ang pagkakatali sa lagayan tsaka binitbit iyon palabas ng silid. Balak nitong humingi ng tulong kina Kali para sa Mhurogmon tsaka para usisain narin ang mga naririnig na ingay sa silid ng dalawa. Nakailang pagkatok na ito sa pintuan at pagtawag ngunit walang tugon sa dalawa. Patuloy pa rin ang mga ingay na naririnig nito sa loob. Pansin din ni Sean na mas naging maligalig ang Mhurogmon sa loob ng lagayan. Sa labis na pag-aalala sinubukan ni Sean na pihitin ang hawakan ng pinto at nalamang hindi pala iyon naka-lock. Kung kaya’t nangahas na itong pasukin sa silid ang dalawa. At pagkabukas nito ng pinto napasigaw na lamang ito sa gulat nang bigla na lang dumaan sa harapan nito ang bagay na pilit hinuhuli ng dalawa. Mabilis ang lipad ng bagay na iyon palabas ng silid.
“Tulungan mo kaming hulihin ang isang iyon bago pa iyon tuluyang makalabas ng bahay.” Wika ni Kali kay Sean na naunang sundan ang lumilipad na orb.
“Ano ba iyon?” Tanong naman ni Sean na gulat pa rin.
“Arinipot, isang mapanganib na espiritung gala. Kailangan iyon mapigilan bago pa makalabas ng bahay niyo.” Tugon naman ni Turro na sinundan din si Kali sa paghabol sa orb.
“Teka anong Arinipot? Anong panganib?” Tanong pa ni Sean habang sinundan na rin ang dalawa.
Hindi man naiintindihan ang nangyayari, tumulong na rin si Sean sa dalawa. Agad nito isinara ang mga pintuan at bintana na maaring labasan at daanan ng bagay na kanilang pilit hinuhuli. Sa taas ng kisame at lawak ng bahay nila Sean hirap ang tatlo na makorner ang orb dahil sa sobrang maligalig ito mailap sa kanila. Pauwi naman nun si Pia, at kasama nito si Sid na pumasok ng gate nang makarinig ang dalawa ng mga ingay na nanggagaling sa loob ng bahay. Kinabahan si Pia lalo na nang marinig nila ang sigaw at tili ni Sean na tila takot.
Agad na madali ang dalawa para usisain ang mga nangyayari sa loob. At walang katok-katok na binuksan ni Pia ang pinto.
“Ateh waaag!!!” Sigaw ni Sean para sana pigilan si Pia.
Ngunit huli na. Napasigaw na lang si Pia nang salubungin ito ng orb sa mukha bago siya nito lampasan palabas ng bahay. Maging si Sid ay napaatras sa gulat ng makita ang lumiliwanag at lumilipad na bagay na dumaan ng mabilis sa harapan nila palabas ng bahay. Sinubukan pang sundan ng tatlo ang hinahabol na orb ngunit mabilis itong pumailanlang sa ere. At dahil sa taglay nitong malakas na liwanag natawag nito ang pansin ng mga taong naroroon na nakapansin din sa lumilipad na orb.
“Ang UFO!!! Hayun ang UFO!!!” Sigaw pa ng ilan sa mga nakapansin.
Wala nang nagawa pa ang tatlo kundi pagmasdan na lamang ang bagay na iyon na unti-unting naglalaho sa kanilang paningin habang lumalayo ang paglipad nito.
“Ano na ang gagawin natin Kali, hinayaan na nating makawala ang Arinipot na iyon.” Sambit ni Turro.
“Hindi iyon isang Arinipot. Dahil kung iyon ay isang uri ng Arinipot, gaya ng kuwento mo—di sana magpalit na iyon ng wangis at ginaya ang isa sa atin. Pero hindi, nanatili siya sa ganung anyo. Kaya may kutob talaga akong pag-aari iyon ng isang tao na nawalan ng ala-ala at katauhan. Marahil naramdaman nun ang kanyang katawan kung kaya ito nagwawala kanina.” Tugon ni Kali.
Napansin naman ni Sean na kumalma na sa lagayan nito ang Mhurogmon. Hindi ito gumagalaw at wala na ang pagaangil. Nilapitan nito si Kali para tanungin sana ang bagay na kanilang hinahabol nang makarinig sila ng mga pagkatok sa gate.
“Ako na ang titingin bunso. Bumalik na kayo sa loob. Doon na natin pag-usapan ang nangyari kanina.” Wika ni Pia nang papunta ito ng gate.
Sinamahan ito ni Sid na tulala parin sa nakita kanina. Pagsilip ni Pia sa labas ng gate nagulat ito nang makita ang kumpulan ng mga reporter at tao sa mismong tapat ng gate nila. Lahat nais magtanong tungkol sa bagay na nakita nilang lumabas mula sa bakuran nila. Na pinaniniwalaan ng karamihan dun na UFO.
“Taga GVS po kami, maari ba namin malaman kung napansin ba ninyo ang bagay na lumabas mula sa compound niyo kani-kanina lang? Marami kasi ang nakakita na mula daw sa loob ng bakuran niyo galing ang sinasabi nilang UFO na namataan dito.” Wika ng isa na nagpakilalang reporter ng isang kilalang tv network.
“Pasensya na po, wala po akong alam sa sinasabi niyo. Wala pong UFO, at malabong merong ganun. Tsaka bakit dito niyo sa amin hahanapin? Mukha po ba akong Alien? Sorry po ha, kailangan na po namin magpahinga.” Tugon ni Pia.
“Siya nga po, walang ganun dito. Baka namalik-mata lang kayo, di kaya naalog lang ang mga utak ng tao dahil sa lindol kung kaya’t ano-ano na lang ang nakikita. Pasensya na po, magpapahinga na po kami.” Ani pa ni Sid tsaka muling isinara ang gate.
Habang pabalik na ang dalawa sa bahay napatanong din si Sid kay Pia ukol sa nakita nila.
“Ano ba kasi ang bagay na iyon?”
“Ako ba ang tanungin eh nagulat nga rin ako nang sinalubong ako nun noh. Kung ano man iyon ang tatlong iyong ang makakasagot. Halika at tanungin natin sila.“sabat ni Pia.
“Sandali…”—napahinto si Sid nang mapansin sa lawn ang mga kakaibang bakas ng pagkasunog sa mga damo. Nilapitan niya iyon at pinagmasdan maigi ang bakas. “Napansin niyo na ba ito rito?” Tanong nito kay Pia.
Hindi agad nakasagot ang babae nang mapansin ng pulis ang mga bilog na marka sa mga dami nila sa lawn. Sinabi nito sa lalake na ngayon nga lang din niya ito napansin gawa nang nakatulog na silang magkapatid. Kinuhanan iyon ni Sid ng mga litrato sa lahat ng anggulo. Maging ang lalake na-curious sa kanyang nakita, at lalo lang nagpalakas sa hinala nitong tunay ngang may alien at sa bakuran nila ni Pia nagmula ang maga nakita nilang mga UFO.
Samantala sa isang barangay sa sityo Pulang lupa, sa kabila ng pagkabalisa iba dulot ng kakadaang malakas na lindol,—nanatiling tahimik at payapa ang mga tao sa barangay na ito. Na tila ba hindi apektado sa nangyaring kalamidad. Lalo na tahanan ng mag asawang Isko at Anastasya.
“Tulog na ba ang anak mo Isko?” Tanong ni Anastasya sa asawa.
“Siguro, —tahimik na ang silid niya nang dumaan ako kanina. Bakit ba? Halos pabulong ka na riyan kung magsalita. Ano ba ang problema?” Tugon na tanong ni Isko habang inaayos ang mga gamit nito pang sakahan.
“Nangangamba lang kasi ako sa nangyayari kay Ado. Hindi kaya unti-unti nang bumabalik sa kanya ang kanyang ala-ala? Paano kung matunton siya rito ng mga alagad ni Aribus. Malalagot tayo tsaka madadamay pa ang mga tao rito.” Ang pabulong pa rin na sabi ni Anastasya kay Isko.
Napakunot ng noo ang lalake, tsaka sumilip sa kalangitan mula sa maliit nilang bintana sa kanilang silid tsaka napabuntong hininga.
“Kung mangyari man iyon wala na tayong magagawa. Kung ang tadhana ang siyang may dulot Anastasya. —Kung makakausap lang sana natin si Arion, masasabi niya sa atin kung saan at kung paano natin makikilala ang piling tagapagligtas ng Acasia.” Wika ni Isko.
“Daang taon na ang nakalipas nang lisanin natin ang mundo ng Elemental upang hanapin ang pinili. Ngunit hanggang sa ngayon wala pa rin tayong balita mula sa mga kauri nating mga Tamawo. Kinakabahan na ako asawa ko. Ang nangyaring mga pagyanig kanina, batid kong hindi iyon normal lang na lindol. Tsaka ang nakita ni Ado, posibleng mga padala iyon ni Aribus. Di kaya may alam na sila na nandito sa lugar na ito ang hinahanap nila?” Sabat ni Anastasya.
“Hangga’t hindi tayo gumagamit ng kapangyarihan—mananatiling ligtas ang lugar na ito mula sa mga kalaban. Kung ano man ang nakita ni Ado, malalaman natin iyan bukas. Aagahan ko pa ang pagpunta roon sa tubuhan. Walang kapangyarihan walang makakapansin sa atin. Kaya ikaw,—iyang pang gagamot mo, mabuti pa ihinto mo na muna. Baka iyan pa ang magpapahamak sa atin.” Saad naman ng asawa.
Habang nag-uusap ang dalawa, wala silang kamalay-malay na may nangyayari na palang pagbabago sa anak nilang si Adonis sa loob ng silid nito. Mula sa bukas na bintana mabilis na nakapasok sa silid nito ang orbis na kanina lang hinahabol nila Kali. Paikot-ikot ito sa ibabaw ng natutulog na katawan ng lalake hanggang sa pumirmi ito sa kanyang uluhan, —nanatili ito roon ng mga ilang segundo bago ito biglang pumasok sa noo ni Adonis.
At habang lumulubog ito sa noo ng lalake, pabaling-baling naman ang ulo nito na tila ba nananaginip. May mga mahihinang pag-ungol din ang lumalabas sa bibig nya habang pinagpapawisan. Nang tuluyan nang nakapasok ang orbis sa kanya,—bigla naman itong napabalikwas ng bangon. Hingal na hingal…aligaga at balisa ang mga mata na tinitingnan ang buong paligid ng kanyang silid. Agad din nito sinuri ang buong katawan, mula ulo hangang Paa tsaka bumangon sa kawayan na katre na kanyang hinihigaan.
“Nasaan ako? Bakit ganito na ang anyo ko? Ano ang nangyari? Sina Arion at Huwan—kailan ko sila makausap, ang sabi nila sa akin alam nila kung nasaan si Kali. Pero paano ako naging ganito?—Si Aribus…ano na kaya ang ginawa niya sa Acasia?” Mga katanungan na agad namutawi kay Adonis nang bumalik ang ala-ala nito.
Naninibago man sa nakikitang anyo, nagulat naman ito kung bakit tila sanay na sanay na ang kanyang katawan bilang tao. Matapos mapahinahon ang sarili, lumabas ito ng silid upang usisain ang paligid. Namangha ito sa anyo ng bahay. Bago man sa kanyang paningin, tila pamilyar naman sa kanya ang mga nakikita. Nang sa kanyang pag lakad-lakad, dulot ng madilim na paligid—nasagi nito ang maliit na aparador sa gilid ng kusina na taguan ng mga pinggan. Dahilan para matumba ang ilan sa nakalagay dun at lumikha ng ingay.
Narinig iyon ng mag-asawa kung kaya’t sinilip ni Isko ang kusina.
“Ado…bakit gising ka pa? Tsaka ano ang sinisilip-silip mo riyan sa pintuan ng kusina? Bumalik ka na nga sa kuwarto mo at hating gabi na.” Ani ni Isko sa anak.
“Sino kayo? Bakit tinawag niyo ako sa pangalang Ado? Nasaan na ba ako? Bakit tila kakaiba ang kasuotan meron dito?—ano ba ang nangyari tsaka bakit ako naging tao?” Bungad na tanong agad ni Adonis nang salubungin ito ni Isko.
“Mahabaging bathala, —bumalik na nga ang iyong isip. Ibig sabihin dumating na sa mundong ito ang siyang pinili. Anastasya! Asawa ko pumarini ka muna rito, —magmadali.” Wika ng matanda.
Paika-ika namang lumabas ng silid si Anastasya tsaka lumapit sa dalawa. Nabalot ng pangamba ang mukha ng babae nang malaman na nanumbalik na ang dating katauhan at ala-ala ni Ado. Sa kabilang ng mga agam-agam at takot napilitan na ang mag asawa na ipagtapat sa anak ang buong katotohanan kung bakit ganun ang nangyari sa kanya. Tahimik lamang si Ado na pinakikinggan ang bawat kuwento at salaysay ng dalawa. Nang naging malinaw na sa lalake ang lahat, sumunod ito sa mungkahi ng mag asawa.
“Makakaasa kayo, mananatiling lihim ang pagkakakilanlan ko. Walang magbabago sa buhay na ipinagkaloob niyo sa akin. Magiging si Adonis pa rin ako hanggang sa mahanap ko sina Kali. Ngunit kailangan ko pa rin ang inyong gabay. Sa pagbalik ng aking katauhan at mga ala-ala, tila nabura naman sa utak ko ang mga nakasanayan ko nang gawin bilang si Ado. Baka magkamali ako at malantad pa ang totoong ako.” Pagsang-ayon ni Ado sa mag asawa.
“Wag kang magalala madali lang iyan. Ang mahalaga malinaw na sa iyo ang lahat. May dahilan kung bakit minabuti namin na maging ganyan ka. Sa mundong ito halimaw ang turing nila sa katulad mo. Hindi tinatanggap sa mundong ito ang mga mahika at kapangyarihan. Bagamat bukas naman ang isipan ng mga tao sa mga kababalaghan at hiwaga,—iilan lang ang mga naniniwalang tao na totoo tayo. Dahilan kung kaya’t kailangan natin magkubli sa wangis at gawi nila.” Wika pa ni Anastasya.
“Oh siya masyado nang mahaba ang eksenang ito,—magpahinga na muna tayo. At bukas na natin paguusapan muli ang mga bagay-bagay na ito. “ Sabat ni Isko.
“Siya nga pala Isko, paano si Simon baka magtaka ang isang iyon pag may mapansing pagbabago kay Ado. —alam mo naman ang isang iyon,—mausisa.” Sambit ni Anastasya.
“Sabihin mo na lang na na engkanto si Ado kaya ganyan. Maniniwala naman iyon.”
“Ako na ang bahala kay Simon, wag kayong mag-alala.” Ani pa ni Adonis.
Dahil sa pangamba na baka lalo pa magtaka ang manliligaw, —nagkunwari si Pia na sumama ang pakiramdam at nais na nitong magpahinga. Ngunit nangako naman ito kay Sid na sakaling may pagkakataon na bumalik ang inaakalang mga UFO ay agad itong pagsabihan ang lalake. Hindi naman na namilit si Sid at hinayaan na ang babae na makapagpahinga. Nangako rin ito sa babae na kanyang ililihim ang kanyang nadiskubre upang maiwasang magulo ang privacy ng magkapatid. Gayunpaman, dahil sa nakita nito sa bakuran nila Pia —nabuhay ang interes nito tungkol sa mga kakatwang pangyayari tulad ng Alien invasion conspiracy.
Nang maiwan na ang magkapatid,—inalam agad ng dalawa kina Kali at Turro ang bagay na hinahabol kanina ng dalawa. Ipinaliwanag naman ni Kali sa magkapatid ang bagay na kanilang nakita. At sa pakikipagkuwentuhan ni Kali, nalaman nito kay Pia na ang silid kung saan sila nagpapahinga ay dating silid ng lolo ng magkapatid na si Huwan na ipinasa naman ngayon kay Sean.
“Matagal ko nang ginagamit ang silid na iyan, ngunit wala akong ka alam-alam na may nakatago pa lang ganyan sa ilalim ng kama. Madalang lang din kasi ako umuuwi rito sa probinsiya. Ngayon lang naman ako napirmi rito sa Bacolod gawa nang trabaho.” Ani ni Sean.
“Ang sabihin mo hindi ka talaga naglilinis ng silid mo. Siguro ang kapal-kapal na ng alikabok sa ilalim ng kama mo bunso. Ilang taon na buhat nung nawala si lolo,—hindi mo man lang nakita ang kahon na ito.” Sabat ni Pia.
“Ateh naka-ilang palit na kaya ako ng bihis sa silid ko, tsaka pangatlong kutson ko na kaya iyon…pero hindi ko talaga nakita ang kahon na iyan sa ilalim ng kama.”
“Malamang hindi ang lolo niyo ang naglagay ng kahon na ito sa silid mo. May kutob ako na mga elemento ang nagdala nito rito para makita namin. Tanging ang uri lang naman nila ang kayang gumawa nito.” Wika pa ni Kali.
“May hinala kami na si Bulawan ang nagdala nito rito. Ang hindi lang namin alam ay kung kanino ang nakatago ritong katauhan at ala-ala.” Dagdag pa ni Kali.
“Bakit hindi niyo subukang itanong sa kanila—di kaya puntahan niyo muli si Bulawan tapos sasama kami sa inyo ni bunso.—para malaman din namin.” Mungkahi pa ni Pia.
“Hindi ganun kadali ang makipagugnayan sa kanila mula rito sa mundo ng tao. Liban na lang kung sila mismo ang may nais at imbitahan tayo sa kanilang daigdig. Hindi na gumagana ang espada ng diwa, maari sana itong gamitin upang makatawid tayo sa daigdig nila.” Sambit ni Turro.
“Sayang naman—pero kung totoo ngang bahagi ng katauhan ng isang tao o nilalang ang nakapaloob sa kahon na ito ibig sabihin maaring bumalik na ito sa kanyang katawan. —ang ibig sabihin lang nun buhay pa ang nagmamay-ari nun at posibleng nasa malapit lang ang siya. Hinuha pa ni Pia.
“Malamang ganun na nga. At kung sino man siya, maaring may kaugnayan iyon sa lolo at ama niyo, o maaring may kinalaman din sa amin ni Turro o sa mga elementong nasa paligid lang ng bahay na ito.” Tugon ni Kali sa magkapatid.
“Teh, hindi kaya pag-aari iyon ni papa?” Sambit ni Sean na siyang lalong nagpaigting ng pagnanais ni Pia na muling buhayin ang misyon nito na hanapin ang ama.
Sa pag-usad ng sandaling iyon maraming mga katanungan ang nabuksan. Mga pangyayaring magpayanig sa mapayapang kaisipan ng karamihan. Sa isang gabing binalot ng kaba at pangamba,—magsisimula ang panibagong yugto at kabanata sa buhay ni Kali. Sa mundo kung saan malayo sa kanyang pinanggalingan ngunit malapit sa kanyang pinagmulan.
Ito ang modernong mundo ng mga tao. Taong kasalukuyan.
ANG MGA TALUNHANUN
Lumipas ang limang buwan na tila wala lang. Mabilis na nakausad Ang lahat mula sa nakakagimbal na sakuna gawa ng malakas na lindol. Maging ang usaping alien ay tila naging kuwentong kuro-kuro na lamang para sa mga nakasaksi. Pinili na rin ng magkapatid na Sean at Pia na huwag muna pagusapan ang mga naranasan nila at mga nakita lalo na at hindi na mahiwalay sa kanila si Sid matapos madiskubreng nito ang mga bakas ng sinakyan nila nun ni Kali sa bakuran ng magkapatid.
Madali naman makasanayan nina Kali at Turro ang mga tinuro sa kanila ng magkapatid. Na maging sa pananamit ay marunong na silang pumili ng tama at babagay sa kanilang isuot. At kahit sa maikling sandali mabilis na rin nila natutunan ang paraan ng mga salitang ginagamit ng mga tao sa kanilang paligid. Malaki ang naitulong ng mga pelikula at telebisyon para mapadali ang pag adopt ng dalawa sa mundong kanilang ginagalawan.
“Alam niyo naman siguro kung ano ito. Tig iisa kayo ng cellphone. Naturuan lo na kayo kung paano gamitin at paganahin ito. Nai-save ko na rin ang nga phone number niyo diyan pati na ang sa amin ni Ate. Sakaling kakailanganin niyo, tumawag lang kayo.” Wika ni Sean nang iabot kina Kali at Turro ang dalawang cellphone.
“Maraming salamat, dahil dito makakapagsimula na kami ni Turro bukas.”- sabat ni Kali.
“Ano? Bakit ano ba ang binabalak niyong dalawa?” Tanong ni Sean na biglang nagtaka.
“Nagpasya kami ni Kali na mag manman sa bawat lugar na mararating namin.” Sambit ni Turro.
“Dinalaw ako kagabi ng mga pangitain mula sa mga Ninfa. Hindi maganda ang hatid ng biglaang pagkalma ng lahat. Wala na tayong alam kung saan na naroon ang mga nakita nating mga Bantilan. Sa malamang naghahanap ang mga iyon ng pagkakataon. Ayokong magulat na lang tayo, huli na pala ang lahat.” Pahayag pa ni Kali.
“Maghihiwalay kami ng landas ni Kali. Malawak ang Pilipinas. Itong probinsya pa nga lang ang lawak na. Kaya hahalughugin namin ang bawat lugar na mararating namin.” Ani pa ni Turro.
“Eh kung ganun naman pala ang plano, sama na ako sa inyo. Mas exciting pa ang maghanap ng aksyon kaysa mag hanap ng jowa.—tsaka gay power ito noh, so dapat in din ako. At isa pa feel ko, nababagot na rin si Mhurogmon sa loob ng bag.” Hirit naman ni Sean.
“Wag na, kakailanganin ka ng ate mo rito. Mas maganda na may maiwan dito. Ikaw ang poprotekta sa puno at sa mga tao sa paligid nito. Isa pa ayaw namin ng may alalahanin na ibang tao habang kumikilos kami. Lalo na at hindi mo pa kilala ang tunay na anyo ng mga kalaban. —dumito ka na lang. Utusan mo na lang si Mhurogmon na manghuli ng daga rito para maaliw.” Saad ni Kali
Napakamot na lang sa bunbunan nito si Sean sa sinabi ni Kali. Hindi na ito kumontra pa sa dalawa.
Samantala matapos ang mga nalaman ni Ado, sinikap naman nitong aralin ang sarili bilang tao lalo pa at tila bago na naman muli sa kanya ang lahat.
“Ano ba nangyayare sa iyo pare, at lutang ka naman diyan. Mamaya niyan masita ka na naman ni boss Goryo. Kilos na riyan at dalhin mo na ang mga feeds na iyan dun sa stock room,—at dadalhin ko lang itong mga idineliber sa display shelves sa labas.” Puna ni Simon kay Ado habang nagsasalansan ng mga paninda sa trolley cart.
“Pasensya na insan may iniisip lang ako. Sige ako na ang bahala rito.” Sabat ni Adonis.
“Hulaan ko, ang UFO na naman iyang iniisip mo ano? Naku insan kalimutan na nga iyan. Sure ako na hindi na babalik ang mga iyon.” Ani ni Simon.
“Insan, balak ko nang mag resign dito. Susubukan ko maghanap sa iba. Bababa ako ng siyudad. Pakiramdam ko naroon ang suwerte ko.” Pagdahilan ni Ado kay Simon.
Nabigla si Simon sa naging pasya ng kinikilalang pinsan. Hinimok pa niya si Ado na pag-isipan muna ang desisyon ngunit tila buo na ang pasya ng lalake.
“Hindi mo kabisado ang siyudad insan. Kailangan mo ng kasama dun. Kaya tama ka insan mukhang wala nga rito ang suwerte natin.—ako na ang magsasabi kay boss Goryo na mag ri-resign tayo.”
“Anong tayo? Ako lang ang mag ri-resign insan dito ka lang. Mas matagal ka ng katiwala ni Goryo. Tiyak hindi papayag iyon kung pati ikaw aalis din.” Ang di sang-ayon na reaksiyon ni Ado sa nais ng pinsan.
Ngunit tila nakatali na talaga sa anino ni Adonis ang lalake. Nang hapon din na iyon nagpaalam ang dalawa na umalis na sa tindahan ni Goryo. Dahil sa wala pang ipapalit sa dalawa hindi pumayag ang negosyante. Sa halip, para hindi agad maka-alis ang dalawa sa poder niya, —ikinuwenta ni Goryo ang lahat ng mga nasira at nasayang na produkto ng dalawa, pati ang mga nakaligtaan ng unang ni Simon ay inilabas na ng may-ari.
“Ito na lahat, maliit lang ito. Pinagsama ko na ang mga bale niyong dalawa. Kayo na ang mag-usap kung paano ang hatian niyo. —sesenta mil lahat. Hindi ko na sinama ang butal bilang matagal naman kayo sa akin. Bayaran niyo ito agad hanggang sa a kinse. Tapos maari na kayong umalis.” Ang nakangising sabi ni Goryo sa dalawa.
Napakamot na lang sa batok si Simon sa ginawa ng amo. Sa laki ng sinisingil nito sa dalawa tila malabo na mabayaran agad nila iyon ng buo. Umuwing bagsak ang mga balikat ng dalawa. Ngunit hindi na mapirmi si Ado na manitili pa ng isa pang araw dun. Para sa kanya hangga’t naroon lang ito doon hinding-hindi niya mahahanap si Kali. Kinagabihan sinabi nito kina Anastasya at Isko ang balak nitong pagluwas sa siyudad. Habang nasa harapan ng hapunan may hiniling si Ado sa dalawa.
“Kakailanganin ko ng pera para makaalis sa tindahan ni Goryo. Hangga’t hindi pa kami bayad ni Simon, hindi ko magagawa ang sunod ko na hakbang.” Sambit ni Ado.
“Hindi problema ang pera, kahit ngayon din kaya namin maglabas ng ginto. Pero bakit pati si Simon? May balak ka bang isama ang isang iyon, Ado?” Tanong ni Isko.
“Gusto rin sumama eh. Tsaka napag-isip-isip ko na baka kakailanganin ko rin ang tulad niya para mapadali ang buhay ko sa siyudad.”
“May punto ka Ado, pero bakit sa siyudad? Bakit hindi mo muna hanapin sa malapit dito si Kali. Malay natin kung napadpad lang iyon dito.” Ani pa ni Anastasya.
“Hindi ko maipaliwanag pero tila binubulungan ako ng hangin na pumunta roon. Tao ako ngayon kaya hindi ko magagamit ang kakayahan ko. Gayunpaman naniniwala ako sa talas ng pakiramdam ko nanay Tasya.” Wika ni Ado.
“Pasensya na kung hindi ka namin matutulungan na maibalik sa dati mong anyo. Dahil sa oras na gawin namin iyon babalik din kami sa tunay naming kaanyuan. At lubhang mapanganib iyon para sa atin. Naipaliwanag naman namin sa iyo ang dahilan.” Sabat ni Isko kay Ado.
“Naintindihan ko. Sa oras na mahanap ko na si Kali, kaya ko na makabalik sa dati kong anyo na hindi na kailangan ang kapangyarihan niyo.”
“Ipagdadasal namin na mahanap mo agad sa lalong madaling panahon si Kali. Oh siya bilisan mo na kumain ng makapagpahinga ka na. “ Sabi pa ni Isko.
Samantala habang nakahiga sa kama, hawak-hawak muli ni Kali ang piraso ng balahibo na bigay noon ni Bagwis sa kanya. Napabangon naman si Turro nang maramdaman na gising pa ang kabiyak.
Naupo si Turro sa tabi ni Kali sabay kabig ng ulo ng lalake para isandal ito sa kanyang dibdib. Napangiti si Kali kay Turro tsaka hinalikan ang kamay ng kasintahan.
“Umaasa ka pa rin na magkikita muli kayo ni Bagwis anoh?” Wika ni Turro.
“Nararamdaman ko na makakasama ko muli si Bagwis, Turro. —Nakakapagtaka nga itong nararamdaman ko nitong mga huli, dahil tila ba nasa malapit lang ang presensiya niya.” Tugon ni Kali.
“Lumiliwanag na ba muli ang balahibo na iyan Kali?”
“Hindi pa. At kahit anong bulong pa ang gawin ko rito, mukhang wala ng silbi. Gayunpaman nararamdaman ko parin ang diwa ni Bagwis sa balahibong ito.—ikaw kamusta na ang espada ng diwa?” Wikang tanong ni Kali kay Turro.
“Sadya yatang hindi para sa daigdig na ito ang espada ni Diwang-liwa, Kali. Mistula lamang itong pangkaraniwang sandata katulad ng mga nakikita nating mga espada na nilalako sa mga tindahan na pinuntahan natin. Pero hindi parin pangkaraniwan ang taglay nitong talas at talim. Tsaka sabi sa atin ni Bulawan, kusa namang lalabas ang kapangyarihan nito sa takdang panahon.” Tugon ni Turro.
“Ganun din ang espada ng Bakunawa na nasa akin. Ibig sabihin lang nito wala sa lugar na ito ang inaasahan nating panganib. Kaya marapat lang na simulan na natin bukas ang paggalugad sa posibleng pagmumulan ng kasamaan ni Ghur. Ito ang misyon natin sa daigdig na ito.” Saad ni Kali.
Niyakap ni Turro si Kali at hinalikan ang lalake sa noo. Tumugon ng yakap si Kali tsaka ginawaran nito si Turro ng marubdob na halik sa labi. Muling nagsanib ang makikisig na katawan ng dalawa para sa mas mainit pa na tagpo. Isa-isang naglaho sa kanilang mga katawan ang bawat nilang suot na saplot. Pumaibabaw si Turro kay Kali habang magkatalop ang kanilang mga bibig sa isa’t isa. Mahigpit ang kanilang mga yakap sa bawat isa. Ramdam ang labis na pagmamahal na hindi maikukumpara. Habang nagkikiskisan ang mga naninigas nilang mga kabutite, muling nanumbalik kay Kali ang unang sandaling nakilala nito si Turro.
Si Turro ang kaunaunahang lalake na nagparanas kay Kali ng pagpapahalaga sakabila ng pagiging Pagbili nito. Sa mundong kanilang pinagmulan, mabibilang lang ang mga kalalakihan na tanggap ang katulad niya. Kung kaya’t mabilis na nahulog ang loob nito kay Turro. Ngunit sa daigdig kung nasaan sila ngayon, hindi na iba ang tulad niya. At batid niya ang banta ng tukso sa paligid. Hindi lamang sa kanya kundi maging kay Turro.
Minsan nang nahuli ni Kali si Sean na tinititigan nito si Turro nang may pagnanasa. Batid ni Kali na may kakaibang pagtingin na sa kasintahan nito si Sean. Ngunit naiintindihan nito ang binata. Hindi galit ang nararamdaman ni Kali patungkol kay Sean sa halip ay awa. Si Saraw ang naaalala ni Kali sa kanya.
Sa kabila kasi ng angking kaguwapuhan ni Sean, bigo pa rin ito na makatagpo ng tunay na lalaking magpupuno ng sabik nitong puso.
Nagpakalunod ang dalawa sa walang humpay na tagisan ng lakas hanggang sa halos sabay na nagpakawala ng mainit at malapot na likido sina Kali at Turro habang magkayapos parin sa isa’t isa. Ang mainit na tagpong iyon ay malinaw na nasaksihan ni Sean na kanya pa sinabayan. Bahagya kasing nakabukas ang pintuan sa silid ng dalawa. Sakto namang napadaan ang binata nang papunta ito sa kanyang silid.
Kasabay nga ng pagpapasabog ng dalawa,—sumambulat din ang masaganang katas ng kalibugan ni Sean habang sakal-sakal nito ang naninigas nitong buratso. Hingal na hingal pa ang binata na napasandal sa dingding sa labas ng silid dahil sa kanyang ginawa.
“Ang suwerte naman ni Kali kay Turro. Grabeh ang sarap talaga pagjambulan ng dalawang ito. Kelan ko kaya makaka-collab ang dalawang ito. Kahit mag sabay sila sa butas ko, willing talaga ako.” Sa isip pa ni Sean habang inaayos ang sarili.
Marahang naglakad si Sean papunta ng kanyang silid. Pahiga na ito sa kanyang kama nang mapansin nitong nakabukas ang sisidlan na bag na tinitirhan ni Mhurogmon. Bumangon si Sean at nilapitan ang bagay na iyon na nakapatong sa kanyang study table. Namilog ang mga mata ng binata nang matuklasang wala roon ang alaga. Agad niya itong hinanap sa loob ng kanyang silid. Hinalughog nito ang bawat kasuluk-sulukan ng kanyang kuwarto ngunit walang bakas ng Mhurogmon itong nakita. Sunod nitong napansin ang nakaawang na bintana. Bahagya itong nakabukas.
Kaya agad na napagtanto ni Sean na nakalabas ang kanyang alaga.
“Bakit ba lumabas ang isang iyon? Magpapatulong sana ako sa dalawa pero alam kong pagod pa ang mga iyon. Ang mabuti pa ako na lang ang maghahanap sa Mhurogmon na iyon sa labas.” Wika ni Sean.
Mabilis na lumabas ng bahay ang binata at agad na tinungo ang malaking puno ng balete. Doon nito tinawag ang alaga. Ngunit sa halip na ang Mhurogmon ang matagpuan, isang lalaking matipuno ang nasumpungan nito. Matangkad, halos kasing edad lang nito at may mahabang buhok na nakasuot ng salakot. Wala itong pantaas na saplot na halos bahag lang ang suot. Nakatalikod ito kay Sean habang nakatingin sa puno.
“Excuse me, sino ka?” Bungad na tanong ni Sean habang marahan itong lumalapit sa lalake.
Lumingon ang lalake at napangiti kay Sean. Tila nakakita naman ng grasya si Sean nang tumambad sa kanya ang magandang mukha ng lalake. Ang singkit nitong mga mata, ang matangos nitong ilong at ang pantay at mapuputing ngipin nito ang siyang umagaw ng pansin ni Sean. Lumambot na parang pinakuluang sitaw ang binata habang nakangising nakatitig lang ito sa lalake.
Nabasag lang ang ulirat ni Sean nang tinapik ng lalake ang pisngi nito. Tsaka nagsalita.
“Nabighani ka naman yata ng husto sa aking bagong anyo.” Ang nakangiting sabi ng lalake.
“Ha? Bakit sino ka ba?” Tanong ni Sean na takang-taka.
Napailing lang ang lalake, nang biglang nagbago ang anyo nito. Naging kawangis ng tenga ng pusa ang tenga nito. Lalong humaba ang kanyang buhok at nagkulay abo. Maging ang mga mata nito ay kumislap at naging sa pusa. Humaba rin ang mga kuko nito, hanggang sa tinubuan din ito ng buntot ng tulad sa pusa. Pamilyar ang kulay at anyo ng buntot na iyon kay Sean. Ngunit bago pa man nakumpirma ng binata ang kanyang hinala,—nagpakilala na sa kanya ang lalake.
“Ako si Ubwak, ang kasa-kasama mong Mhurogmon. At huwag ka matakot sa akin, —ako parin ito. Ito ang isa ko pang anyo. Sa mundo namin ganito talaga ang wangis ko. Ang anyong Mhurogmon ko ang ispiritwal kong katauhan.” Tugon ng lalake kay Sean.
“Ikaw ang alaga kong Mhurogmon?”
“Alaga pa rin ba ang turing mo sa akin kapag ganito na ang anyo ko?” Balik na tanong ni Ubwak sa binata sabay balik sa anyong tao nito.
Namangha ng husto si Sean sa mga nasaksihan sa harapan niya. At sa nakikitang anyo ngayon ng nakasanayang Mhurogmon, tila nabighani ito ng labis sa katangian ng lalake. Ika nga na star struck ito kay Ubwak. Walang mabitawan na salita si Sean habang titig na titig ito sa lalake.
Pakiwari ng binata dininig agad ng diyos ang daing nito.
“Ano ba ang nangyari bakit naging ganyan ang anyo mo? Ayaw mo na ba sa anyong Mhurogmon?” Muling tanong ni Sean sa lalake.
“Hindi naman, nais ko lang masilayan muli ang ganitong anyo. Sa matagal na panahon nakalimutan ko nang gamitin ang katauhang ito. Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?” Wika ni Ubwak na muling nginitian si Sean.
Napangising napayuko ang binata. Bigla kasi nitong naalala ang ginagawa nito sa harapan ni Ubwak noong nasa anyong Mhurogmon ito. Ang hindi alam ni Sean, nababasa ni Ubwak ang nasa isip nito. Lumapit kay Sean si Ubwak at marahang kinabig ang lalake palapit sa kanya tsaka niyakap ang binata.
“Wala kang dapat ikahiya, naiintindihan ko pangangailangan ng tao. At tulad niyo, may ganun din kaming nararamdaman sa sarili. Magkaiba nga lang ang pamamaraan natin.” Bulong pa ni Ubwak kay Sean.
Lalong namula sa hiya si Sean sa sinabi ng lalake. Sa tuwing aabutan kasi ito ng kalibugan kahit naroon sa harapan niya ang Mhurogmon, wala itong pag-aalinlangan na nilalaro ang sarili hanggang sa ito ay makaraos. May pagkakataon pa na pinapaligaya nito ang sarili gamit ang mga laruan nitong di baterya habang katabi o hawak ang alaga.
“Naku bitaw na sa akin Moo…ibig kong sabihin Ubwak. Tama na ang pagyakap baka makalimot ako at hindi ko mapigil ang sarili ko.” Nakangising sabi pa ni Sean sabay tulak ng marahan kay Ubwak.
Umayos naman si Ubwak pagkabitaw kay Sean. Naupo ito sa malaking ugat ng puno. Tumabi naman sa kanya si Sean.
“Babalik ka pa ba sa anyo mong Mhurogmon?” Tanong ni Sean sa katabi.
“Nais mo ba? Kung naiilang ka sa anyo kong ito, maari ko namang ibalik sa anyong hayop ang sarili ko.” Tugon ni Ubwak.
“Ah eh kuwan, —gusto ko sana ganyan ka na lang. Ibig kong sabihin, mas gusto ko ang anyong tao mo. Tsaka ang guwapo mo kasi, tapos ang kisig mo pa. Lahat ba ng mga engkanto ay magagandang lalake tulad mo? Dahil kung oo, sasama na lang ako sa inyo.” Sabat ni Sean.
“Hindi lahat sa inakala mo kasing gandang lalake ko. Ngunit sa mundo naming mga Mhurogmon, magsawa ka sa mga magagandang lalake roon.” Kuwento ni Ubwak.
Nanabik na kinilig si Sean sa kuwento ni Ubwak. Habang naguusap ang dalawa biglang napakunot ng noo si Ubwak, palinga-linga ito sa paligid na tila nakikiramdam sa paligid. Bigla itong nagpalit anyo bilang Mhurogmon, umangil ito nang may pagbabanta. Kinabahan naman si Sean sa ikinikilos ni Ubwak.
“Ubwak bakit? Ano ang nangyayari?!” Pagtatakang usisa ni Sean.
Biglang bugso naman ng malakas na hangin sa paligid. Sa lakas nun tila ba may paparating na bagyo na tanging sa bakuran lang naman nila nararamdaman. At mula sa kung saan, lumitaw ang isang nilalang na may nakakarimarim na anyo.
Isang Birgamon, isang uri ng engkantong aswang na kung tawagin mga Talonhanun. Halin tulad ang anyo nila sa isang buwitre’ na may katawan ng unggoy at may matatalas at matutulis na mga kuko. Sa halip na laman ng tao, puso ng isang engkantong nilalang ang kinakain nito na siyang nagbibigay sa kanila ng dagdag na lakas at kapangyarihan.
Napasigaw sa takot si Sean nang makita ng harapan ang naturang nilalang na naka-akmang dadamba sa kanila ni Ubwak. Nabago ng laki si Ubwak sa anyong Mhurogmon upang tapatan ang laki ng Birgamon. Napaatras naman si Sean sa likuran ng Mhurogmon at nag kubli sa puno ng balete. Napatili muli si Sean nang mag pambuno na ang dalawang nilalang sa harapan nito. Tila may malaking sabong na nangyayari sa pagitan ng Mhurogmon at ng Birgamon. Hirap na makalapit si Ubwak sa nilalang dahil sa matutulis nitong mga kuko at sa nilalabas nitong hangin na mala ipo-ipo gawa ng kanyang malalapad na pak-pak.
Ang ingay na kanilang likha ay nakatawag pansin sa sana patulog na sina Kali at Turro. Dala ang kanyang kampilan pasugod na binigwasan ni Kali ng taga ang Birgamon. Ngunit nagtaka ito nang hindi man lang nasugatan ang nilalang sa kabila ng pag-tama ng kampilan nito sa pak-pak ng Birgamon. Muling hinataw ng taga ni Kali ang nilalang ngunit mabilis itong lumipad pataas. Akma namang hahabulin ni Ubwak ang nilalang nang bigla itong bumagsak sa lupa. Agad naman itong nilapitan ni Kali.
At nang kanya itong suriin, napansin ni Kali ang malalim na sugat malapit sa pakpak ng Mhurogmon. Nasugatan ito ng Birgamon nang magpangbuno ang dalawa.
Nang balingan naman ni Kali ang naturang nilalang wala na ito. Hindi rin napansin ni Turro kung saan iyon nagpunta. Napalabas na rin sa bahay si Pia at inabutan nito ang tatlo na inalalayan ang sugatang Mhurogmon.
“Ilapag niyo sa couch si Mhurogmon at kukuha lang ako ng gamot sa kuwarto. Ano ba kasi ang nangyari? Bakit sugatan si Mhurogmon?” Ang natatarantang sabi ni Pia.
“Sinalakay kami ng isang aswang teh. Grabeh sobrang pangit niya I swear. Para siyang vulture na parang gorilya na may matutulis na mga kuko, basta teh ang pangit niyang aswang. Bigla na lang siya sumulpot sa likuran namin tapos ayon inatake na niya kami.” Kuwento ni Sean sa ate.
“Diyos ko talaga ba? Eh ano napatay niyo ba?, napuruhan? Nasaan na ang aswang?”
“Nakatakas ang nilalang. Ni hindi ko man lang nasugatan nang tagain ko ng kampilan. Sa tingin ko, hindi iyon pangkaraniwang aswang lang. Dahil kung iyon ay isang taong aswang, sa talas nitong kampilan ko putol na sana ang pakpak nun.” Wika ni Kali.
“Isa iyong Birgamon, elementong aswang ng hangin. Uri ng aswang na engkanto.” Biglang wika ni Ubwak na nagpalit anyo muli bilang tao.
Nagulat ang tatlo nang makita ang Mhurogmon sa anyo nitong tao. Napasigaw pa at napatakip pa ng mata si Pia nang mapansin ang hubo’t hubad na katawan ni Ubwak. Natulala sina Kali at Turro sa naging anyo ng Mhurogmon. Ngayon lang nalaman ni Kali ang ganung kakayanan ng alaga ni Juan. Na marahil ito ang tinutukoy noon ng kaibigan na iba pang kakayanan ng Mhurogmon.
ANG LAHI NG MGA ASWANG
Sa bagong anyo nito, lalong namangha si Kali sa kakayanan ng Mhurogmon. Higit na ang anyo nitong tao sa katauhan ni Ubwak. Agad na napag-usapan ng lahat ang inabutan nilang nilalang na kung tawagin ni Ubwak ay isang Birgamon.
“Isang uri ng Talonhanun tulad ko, ngunit mababangis at masasama ang kanilang uri. Tulad ko nagagawa rin nilang baguhin ang kanilang anyo, o wangis. Maging mag bihis tao upang makahalubilo sa mga mortal. Sila ang mortal na kalaban naming mga Mhurogmon. At sa tingin ko napadaan lang kanina ang isang iyon, at naamoy niya ang tulad ko kaya siya sumugod.” Paliwanag ni Ubwak sa lahat.
“Ano ka ba talaga, hayop na engkanto o taong engkanto?” Tanong ni Pia.
“Aswang ang tawag ng mga taong nakakita na sa ibang mga kauri namin. Ilan lang kaming mga Birgamon sa mga uri ng mga aswang. Ang pinagkaiba lang namin sa kanila, mga engkantuhanon kami. Iba kami sa mga salin lahing aswang na karaniwang kilala na ng mga tao. Tulad ng mga wak-wak, manananggal, Gabunan, Hamung, Berbalang, at iba pang mga uri nila na may lahing tao. Kaming mga Talonhanun ay purong engkanto. Iilan lang ang nakakakilala sa mga uri namin dahil madalang lang ang presensiya namin sa mundo ng mortal.” Dagdag pa ni Ubwak.
“Kung gayun aswang ka pala, eh di kumakain ka rin ng tao?” Ang takot na tanong ni pa Sean, sabay biglang tayo at atras palayo mula kay Ubwak.
“Hindi naman lahat ng uri namin,- tao ang kinakain. Tsaka hindi pa ako nakatikim ng lasa ng balat ng tao kaya wag kayo matakot. Pero ang isang iyon…, walang pinipili ang mga Birgamon. At may kutob ako na namimiktima na ng mga tao ang isang iyon. Amoy na amoy ko ang lansa ng sariwang dugo sa kanyang hininga.” Tugon pa ni Ubwak.
“Ibig-sabihin nanganganib ang mga tao sa kanila. Sa malamang kakampi rin ni Ghur ang mga iyon. Narito sila sa mundo ng mga tao para maghasik ng lagim at karahasan. Ubwak, saan ba namin mahahanap ang lungga ng mga iyon?” Sabat ni Kali.
“Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, at wala akong alam kung saan dito naroroon ang pugad nila. Ngunit sa pinanggalingan ko,-gubat ang kanilang kanlungan. Minsan na natin nasuyod ang paligid, ngunit marami ng sirang gubat sa mga bundok malapit dito. Kung may nakita man akong malalagong mga gubat, lubhang napakalayo na nito sa lugar na ito. At ang mga Birgamon hindi iyon lumalayo kanilang pugad. Liban na lang kung wala na silang makain sa dun gubat.” Pakiwari pa ni Ubwak.
“Hindi kaya nagkataon lang na nakaharap mo ang isang iyon? Kung uri nga iyon ng aswang gaya ng sabi mo, eh wala pa namang napapabalitang may inatake ng aswang o nabiktima ang aswang dito.” Sambit ni Pia.
“Baka hindi lang napabalita Teh. Tsaka malay ba natin na ang mga natatagpuang biktima ng salvage ay kagagawan pala ng Birgamon na iyon. Tsaka ang mga kaliwat kanan na kaso ng mga nawawalang tao. Hindi kaya kagagawan ng mga aswang iyon, Teh?” Ani ni Sean.
Nagkatinginan sina Kali at Turro sa sinabi ni Sean. Dahil sa mga napag-usapan nilang lima, nagbago ang naunang plano nila Kali. Si Pia naman agad na binuksan ang computer para hanapin sa online ang iba pang impormasyon tungkol sa nabanggit ni Sean ng mga nawawalang tao lang. Tinawagan na rin nito si Sid para humingi ng dagdag na background tungkol sa kaso ng mga nawawala at mga bangkay ng tao na natatagpuan sa kung saan. Si Sean naman ay inalam din online ang tungkol sa mga uri ng mga aswang ayon sa mga historian.
“Wala naman sa mga research list ang mga uri niyo. Meron dito iilan pero mga tikbalang at kapre ang pinaka-popular sa mga engkantong halimaw.” Sambit ni Sean.
“Gaya nga ng sabi ko bihira lang ang mga tulad namin nagagawi sa mundo niyo. Liban na lang kung may pangyayaring masama na siyang gumambala sa aming daigdig, dahilan para napadpad ang mga uri namin sa mga tao.” Tugon ni Ubwak.
“Kung malakas ang kutob mo na may masamang pakay ang mga Birgamon sa mga tao,-kailangan malaman agad natin kung saan natin sila hahanapin para pigilan at puksain.” Sabat ni Kali. “Ubwak may paraan ba para makilala ang mga Birgamon kahit nasa anyong tao sila?” Tanong pa nito.
“Hindi ko alam kung paano, pero kayang maamoy ng mga kauri namin ang kapwa naming Talonhanun.” Sagot ni Ubwak.
“Mukhang kakailanganin ka pala namin sa paghahanap sa kanila. Sa tingin mo Kali?” Wika ni Turro.
“Kung naaamoy nila ang kanilang uri, bago pa man natin malaman ang kanilang presensiya mararamdaman na nila si Ubwak. At sa malamang alam na ng mga Birgamon na nasa-alanganin na sila.” Ani ni Kali.
“Tama si Kali, pero dahil nalaman na nilang may presensiya ng Mhurogmon dito. Tiyak na babalik ang isang iyon para paslangin ako.”
“Teka bakit ka naman papatayin ng Birgamon?” Pagtatakang tanong ni Sean.
“Karangalan sa mga Birgamon ang makapaslang ng isang uri ng Talonhanun. Dito nasusukat ang kanilang kapangyarihan at estado ng kanilang impluwensiya sa tribu. Mas mataas na uri ng Talonhanun, mas kinikilala sa kanila.” Sagot ni Ubwak nang napatikom ng mga kamay.
“Ibig-sabihin mataas na uri ka ng Talonhanun?” Napangiting tanong ni Sean.
“Isa lang kami sa marami. Ngunit kumpara sa mga Birgamon mas mataas nga ang uri namin.”
Naputol ang usapan ng lahat nang may narinig silang mga pagpaspas ng malalaking mga pakpak na tila ba dumaan ng mabilis sa ibabaw ng kanilang bubong. Agad na lumabas ng terrace sina Kali at Ubwak para alamin ang pinanggagalingan ng mga narinig nila. Ngunit tanging malakas at mainit na lamang na hangin ang inabutan nila sa labas. Payapa ang paligid at wala naman silang nakita na kung ano na lumilipad sa himpapawid. Ngunit may ibang kutob si Ubwak.
Pinalipas nila ang gabi na may paghahanda. Sa sala na napili nina Kali at Turro na matulog habang nakabantay. Sa sofa na rin nakatulog si Pia. Samantala sa silid naman ni Sean sila ni Ubwak. At sa banta ng Birgamon, minabuti ni Ubwak na wag muna bumalik sa ano nitong Mhurogmon. Nanatili itong nasa anyo ng tao habang katabi si Sean sa kama.
“Maari bang ganyan na lang ang anyo mo? Kuwan kasi,-mas bet ko na tao ka, tapos ganyan ka pa. Kaysa sa anyo mong Mhurogmon. I mean ang cute mo naman pag pusa pero mas cute ka bilang tao.” Wika ni Sean habang titig na titig ito sa mukha ni Ubwak na nakaharap sa kanya.
“Alam ko ang laman ng isip mo. Nababasa ko ang nararamdaman mo sa akin. Alam ko na may gusto kang mangyari,-ngunit nag-aalangan ka baka magalit ako sa sa’yo. May pagnanasa ang mga titig mo sa akin. Kitang-kita kita ko ang pagnanais mong maranasan ang katawan ko. Tama ba?” Nakangiting tugon ni Ubwak kay Sean sabay haplos ng kamay nito sa pisngi ng lalake.
Namula si Sean sa sinabi ni Ubwak. Tila umurong ang dila nito at hindi na nakatugon sa tanong sa kanya ng kaharap. Itinanggi naman nito ang sinabi ni Ubwak. Bigla itong nakaramdam ng hiya. Babangon pa sana si Sean para lumipat ng higaan nang pigilan ito ni Ubwak sabay kabig sa kanya nito. Napasubsob ang mukha ni Sean sa malapad at matigas na dibdib ni Ubwak nang hilahin siya nito palapit sa lalake.
Lihim na napakagat labi si Sean nang dumampi ang nguso nito sa pinkish na utong ni Ubwak.
“Wag ka mailang sa akin. Hindi nga ako nailang sa iyo sa tuwing hinihimas mo ang balahibo ko sa tiyan habang nasa anyong Mhurogmon ako.” Sambit ni Ubwak, tsaka hinawakan nito ang kamay ni Sean para ipatong pa sa dibdib nito. Mabilis naman inalis ng lalake ang kamay nito kay Ubwak sa labis na pagkailang. Muli itong bumangon at naupo sa kama. Napabangon din si Ubwak tsaka napasandal sa headboard ng kama.
“Pusa ka kasi nun. Sa tingin mo ba kung alam ko na ganyan ang totoo mong anyo ay gagawin ko iyon? Pero sana nga nalaman ko. Ang dami ko kayang ginawa sa harapan mo habang pusa ka.” Sabat ni Sean nang tumitig muli sa mukha ni Ubwak.
“Kaya nga bakit ka pa mahihiya. Nakita ko na ang lahat sa iyo. At alam ko naman kung ano ang hanap mo sa sarili. Dahil ganyan din si Huwan nun nung magtagpo ang landas namin.” Ani ni Ubwak.
“Bakla rin si lolo?” Ang nagulat na tanong ni Sean.
“Hindi ko alam, -wala naman sa mga uri namin ang konsepto ng bakla. Sa mundo namin lahat puwede. Hindi kasarian ang basehan namin kung paano kami nagkakagusto sa isang nilalang. Maaring pisikal o sa ugali kami nagkakaroon interes. Kapag gusto namin maaring walang dahilan, basta gusto lang namin. Kaya nga marami sa aming mga engkanto ang nahuhumaling sa mga tao, kasi kakaiba kayo. Ang kumplikado niyo ngunit ang espesyal niyo.” Komento pa ni Ubwak.
Marahang pinagapang ni Ubwak ang mga daliri nito sa braso ni Sean paakyat sa balikat ng lalake sabay haplos ng mahinahon sa likod nito, -na tila ba dinadama ang bawat ukit at kurba ng matipunong katawan ni Sean. Tahimik lang ang lalake na ninanamnam ang mga paghagod sa kanya ni Ubwak. Ramdam ni Sean ang mainit na palad ni Ubwak na sumasagi at dumidiin sa kanyang balat. Nagdulot iyon ng nakakakiliting sensasyon na labis nagpaigting ng paninigas ng kanyang ugat sa pagitan ng kanyang mga hita.
Nang unti-unting dumako ang mga palad ni Ubwak sa puson nito,-bigla na lang dinakma ni Sean ang kamay ng lalake para pigilan ito.
“Bakit ayaw mo ba? Huwag kang mag-aalala, kaya ko ang ginagawa ng tulad niyong mortal sa kapwa niyo upang maibsan ang init na inyong nararamdaman. Nagawa ko na ito noon, kaya alam ko kung paano.” At wala nang paalam pa, isinuksok ni Ubwak ang isang palad nito sa loob ng boxer shorts ni Sean sabay dukot sa nagmamatigas nitong kabutite.
Napaigtad ng husto si Sean sa ginawa na iyon sa kanya ni Ubwak. Hanggang sa napaungol na rin ito nang sinimulan ng bayuhin ng lalake ang kabutitee nito.
“Teka, sigurado ka ba na gagawin mo ito sa akin?” Tanong ni Sean na nagdadalawang isip pa kung magpapatangay na ba talaga ito sa kanyang nararamdaman o tatanggihan ang pangarap na matagal na niyang masubukan… Ang madiligan ng isang lalake ang kanyang lalamunan at mabaunan ng tarago ang buho.
“Ginagawa ko na nga diba? Alipinin mo ako. Sabihin mo lang kung ano ang gusto at susundin ko lahat para sa iyo.” Sagot ni Ubwak.
At dahil dun agad na sinunggaban ni Sean ng marubdob na halik sa labi si Ubwak. Tumugon naman ito sa kanya ng mas agresibo at mapusok na halik. Tila hayok na hayok si Sean na buong pagnanasang nilaplap nito ng halik at romansa si Ubwak. Ngunit sa labis na panggigigil at kapusukan ng dalawa,-sa di sinasadya, aksidenteng nakagat ni Ubwak ang labi ni Sean. Hindi iyon naramdaman ng lalake dahil natatangay talaga ito ng kanyang kalibugan. Ngunit nang malasahan ni Ubwak ang tamis ng dugo sa sugat ni Sean, bigla itong naging mas marahas sa paglaplap sa lalake. Hindi iyon pinansin ni Sean sa halip mas ginaganahan pa nga ito sa romansa sa kanya ni Ubwak. Kahit pa nararamdaman na nitong tila dinidilaan na at sinisip-sip ni Ubwak ang labi nito,-deadma lang si Sean.
Unang beses iyon na may kalaplapang lalake si Sean kaya para sa kanya sobrang hot ng ginagawa sa kanya ni Ubwak.
“Tang na ka, di ko akalain na ganito ka pala ka intense sa laplapan. Halikan pa lang ito pero putang ina ka parang nag li-leak na ang buratso ko.” Sa isip pa ni Sean.
Ang di nito alam, may nangyayari ng pagbabago sa kinikilos ni Ubwak sa kanya. Pulang-pula na ang nguso nila ni Sean dahil sa umaagos na dugo mula sa sugat ng lalake. At dahil nakapikit si Sean di nito napapansin ang unti-unting pag papalit ng anyo ni Ubwak. Nagpurong itim na ang kaninang asul na mata. Bahagya na ring humahaba ang mga kuko nito sa kamay. Ang mga ngipin ni Ubwak bigla na lang naging matulis habang ang dila nito ay humaba ng doble sa normal nitong haba. Naglalabas na rin ito ng napakalapit na laway na hindi pa rin iniinda ni Sean. Lahat ng iyon ay pagbabago dulot ng dugo na nalasahan nito sa sugat ni Sean.
Pilit namang nilalabanan ni Ubwak ang sarili, ngunit malakas talaga ang epekto ng lasa at amoy ng dugo sa pagiging aswang niya. Hanggang sa hindi na kaya ni Ubwak ang ginagawa. Malakas nitong itinulak si Sean palayo sa kanya sabay palit ng anyo bilang Mhurogmon,-tsaka lumipad palabas ng bintana.
Sa lakas ng pagkakatulak kay Sean nahulog pa nga ito sa kama na siyang ipinagtaka nito.
Nang makabangon, doon lang nito napansin ang mga bahid ng dugo sa kanyang dibdib at sa puting kumot ng kama. Tsaka narin niya naramdaman ang hapdi at kaunting sakit sa kanyang labi. At nang kapain Iya ito, ganun na lang ang takot nito nang mahawakan ang bibig na basang-basa ng sariling dugo.
Mabilis agad itong nagpunta ng banyo tsaka naghilamos. Dun na nito nakita ang sugat sa kanyang labi na hinala niya nakagat ni Ubwak sa kalagitnaan ng kanilang laplapan. Agad niya itong ginamot tsaka nagbihis. Dali-dali itong lumabas ng silid para sundan si Ubwak.
Sa ingay ng mga yabag ni Sean sa pagbaba ng hagdan,-nagising si Kali. Napansin agad nito ang sugat sa labi ng lalake, ngunit nagsinungaling si Sean sa dahilan nun.
“Lalabas ka na naman ba? Maguumaga na mamaya, hindi ka pa ba matutulog?” Tanong ni Kali.
“Sisilipin ko lang sa labas si Ubwak. Nagsa Mhurogmon kasi siya tsaka lumipad palabas. Nag-aalala lang ako baka makasagupa niya muli ang isang Birgamon.” Sagot ni Sean.
Sa sinabi ng lalake, biglang nakaramdam din ng pagkabahala si Kali para kay Ubwak. Sinamahan nito si Sean, subalit wala silang matagpuang Ubwak o Mhurogmon sa paligid ng bakuran. Isa lang ang nasa isip ni Kali baka nakalayo na ito sa kanila. Naalala nitong gamitin ang sasakyan panghimpapawid na gamit nila ni Turro para suyurin ang labas ng paligid para hanapin si Ubwak. Ngunit naalala nito na tanging siya lang ang makakagamit nun. At dahil na rin sa mga napanood nito at nabalitaan sa tv,-at sa naging reaksyon ng mga tao nang makita nila ang bagay na iyon, naintindihan ni Kali kung gaano iyon ka delikadong ilantad sa mata ng mga taga-roon maging kina Sean at Pia.
“Marahil gumagawa lang din ng paraan si Ubwak na matunton ang mga kauri niyang Talonhanun. Makapangyarihang Mhurogmon ang isang iyon. Alam niyang protektahan ang sarili. Tiyak bukas babalik na iyon dito. Ang mabuti pa bumalik na rin muna tayo sa loob. Mahaba-haba pa ang mga oras. Magpahinga ka na muna.” Ang sabi ni Kali kay Sean.
May pag-alala man, sumang-ayon na rin si Sean kay Kali na walang masamang mangyayari kay Ubwak,-na babalik din ito kinabukasan na ligtas. Naiwan sa bakuran si Kali. Nakikiramdam ito sa pahiwatig ng hangin. Ngunit wala naman itong nararamdamang kakaiba. Papasok na rin sana ito ng bahay nang bumukas ang lagusan sa balete. Napahinto si Kali at naghintay. Saglit pa may isang nilalang na lumabas mula roon,-si Alinayah. Agad na lumapit sa kanya si Kali.
“Ano ang sadya ng isang lambana sa mundo ng mga tao? Pinapasundo ba kami ng kamahalan niyong si Bulawan?” Bungad na tanong ni Kali.
“Isang babala ang hatid ko sa inyo, higit na sa mga taong malapit lang sa paligid. Nakikita namin mula sa kaharian ang pagdanak ng dugo at kamatayan sa mundo ng mga tao. Ang Mhurogmon hanapin mo siya Kali” Tugon ng lambanang si Alinayah.
“Bakit ano ang nangyayari sa kanya? May kinalaman ba ito sa kanyang pag-alis? Alinayah?”
“Hanapin mo siya bago pa malason ng mga Birgamon ang kanyang dugo. Magmadali ka. Wala ngayon sa sarili niya ang Mhurogmon. Mapanganib kapag maunahan kayo ng mga Birgamon sa kanya, Kali.” Ani pa ni Alinayah.
“Hindi kita naiintindihan sa iyong tinuran. Ano ba ang nangyari kay Ubwak at saan ko siya hahanapin?”
“Pinabibigay ito ng kamahalan. Ito ang langis mula sa buto ng halamang alipongga. Hindi nito mahahanap si Ubwak ngunit kaya nitong maramdaman ang presensya ng mga kauri niyang mga Talonhanun. Nais man naming tumulong, ngunit may limitasyon ang kapangyarihan namin sa mundo ng mga tao. Kung kaya sa iyo na namin ito inatas. Naniniwala kami sa kakayahan mo bilang napili Kali. Huwag kang mag alala nasa paligid mo lang ang tulong kung kinakailangan. Hanapin mo ngayon din si Ubwak, bago pa mangyari ang masamang pangitain.”
Kasabay ng pag abot ni Aliyah ng garapang may lamang likido na kulay pula ay muling nilamon ng liwanag ang lambana pabalik sa loob ng balete. Hawak sa kamay ang garapang may langis,-inilabas muli nito sa kanyang bulsa ang mekanismo na bigay ng mga taga Mharhok. At pagkalapag nito sa lupa muling lumitaw ang sasakyan nitong lumilipad.
Wala ng sinayang pa na oras si Kali at agad itong pumailanlang sa ere hanggang sa kaulapan para hanapin si Ubwak.
“Paano ko nga pala malalaman ang presensya ng mga Talonhanun? Hindi ko man lang naitanong kay Alinayah kung paano gumagana ang langis na ito. Pero bahala na, tatalasan ko na lang ang paningin ko sa paligid. Kung ano man ang nangyari kay Ubwak, -batid ko na hindi maganda. Hindi magpapadala ng ganito ang mga engkanto ng balete kung wala lang ang paglisan ni Ubwak.” Sa isip pa ni Kali, habang lumilipad sakay ng kanyang sasakyan panghimpapawid.
Samantala; sa isang baryo sa katabing bayan ng Murcia. Isang pampasaherong bus ang nasiran sa gitna ng pakurbang highway pababa at papuntang siyudad.
Tumirik ang makita ng bus na may lulan ng trentang pasahero na lumuwas pababa ng siyudad. Dahil sa may kadiliman ang bahaging iyon ng highway na napapagitnaan ng masukal na gubat at matarik na bangin, marami sa mga sakay ng bus ang labis na nababahala sa kanilang sitwasyon. Bukod sa hatinggabi na at madilim, wala pang signal ng cellphone ang nasasagap dun. May ilan na kampante lang, ngunit marami rin sa kanila ang hindi mapakali at takot dahil usap-usapan na madalas umaatake sa lugar na iyon ang mga tulisan.
“Bakit kasi agad-agad ang pasya mong pumunta ng Bacolod,-tuloy inabutan na tayo ng hatinggabi sa daan tapos kamalas-malasan pa, ay nasira pa itong bus na sinasakyan natin. Kung nagpabukas na lang kasi tayo. Tingin ko insan, wrong move ang plano mong makipagsapalaran sa siyudad. Kita mo naman dito pa lang hinarang na tayo ng malas. Di sana ang himbing pa ngayon ng tulog ko sa aking papag.” Komentong reklamo ni Simon na panay ang kamot sa batok habang sinisilip ang driver at ang konduktor na sinusuri ang problema ng bus.
“Wag mo nga akong sisisihin. Unang-una hindi ko sinabing sumama ka. Pangalawa wala naman talaga akong balak na isama ka. Ikaw lang itong nagpupumilit na sundan ako. Kaya puwede ba tumahimik ka na. Kung gusto mo matulog, ipikit mo iyang mata mo. Dahil tiyak hanggang umaga pa tayo dito.” Sabi ni Ado sabay takip ng mukha nito ng dalang panyo tsaka umidlip.
Hindi na kumibo si Simon nang sabihan ito ni Ado. Napasandal na lang ang ulo nito sa binata ng bus habang pinagmamasdan ang driver at kundoktor sa baba.
May ilan na hindi na nakatiis at nagsibabaan na rin ng bus para tingnan ang ginagawa ng driver. Ang iba ay kanya-kanyang hanap naman ng puwesto sa lugar, makasagap lang ng signal sa cellphone para makahingi ng tulong. Samantala may iba na natili na lamang sa loob ng bus tulad ni Ado at piniling umidlip ng saglit. Habang si Simon, dahil sa bagot sumabay na rin sa mga bumaba.
“Manong drayber matagal pa ba iyan? Malapit na tayo sa kalahating oras na nakatirik na dito ah. Maayos pa ba niyo iyan?” Tanong ni Simon sa drayber nang lumapit ito sa kanila sabay silip din sa ginagawa ng mga ito.
“Ang mahal-mahal ng sinisingil niyong pamasahe pero palyado naman pala ang bus niyo! Kung hindi laging sangkot sa aksidente ang inyong bus, lagi namang nasisiraan tulad ngayon. Dito pa talaga sa lugar na ito!” Talak naman ng babaeng pasahero sa kundoktor.
“Naku ma’am parehas lang ho tayong dismayado. Kung marami kayong problema sa bus namin, eh may option na kayong sumakay sa iba. Tsaka hindi namin sinadyang patirikin ang aming bus. Dahil tulad niyo may pamilya rin kami na naghihintay sa amin. Kaya kung wala naman kayong maitutulong dito. Bumalik na kayong lahat sa loob ng bus baka pagtripan pa kayo ng mga aswang at hindi na talaga kayo makauwi sa inyo. -magubat pa naman tsaka madilim sa lugar na ito.” Ang nakangising tugon naman ng kundoktor sa babae.
Biglang natigilan ang babae at nagpalinga-linga sa paligid tsaka ito kabadong umakyat pabalik ng bus kasama ang iba pa na naroon din kasama niya.
“Uy ikaw Brad, wala ka bang balak bumalik ng bus? May alam ka ba sa makina? Baka gusto mo pumalit dito, iidlip lang kami ng drayber sa taas.” Wika pa ng kundoktor nang bumaling ito kay Simon.
“Kuwan, totoo bang may mga aswang sa lugar na ito?” Biglang sambit na tanong ni Simon sa kundoktor.
“Tang ina, ilang taon ka na ba Brad? Aswang? Ang tanda mo na nagpapaniwala ka pa sa biro? Mga tulisang taga buntod ang tinutukoy kong mga aswang, -hindi ang iniisip mo. Kaya akyat na kung wala ka namang maitutulong dito.” Ang napaismid na sagot ng kundoktor kay Simon. “Hoy! kayo riyan huwag na kayong lumayo sa bus, magsi-akyat na kayo! Baka kung mapano pa kayo sagutin pa kayo ng kompanya!” Sigaw pa ng kundoktor sa iba pa na naghahanap parin ng signal sa paligid.
Napaatras si Simon habang iniikot ang tingin sa paligid. Sa kabila ng sinagot sa kanya ng kundoktor, may kung anong kutob itong hindi maganda sa samyo ng hangin sa paligid. Malakas ang ihip ng hangin sa mga sandaling iyon ngunit walang lamig na naramdaman si Simon. Mabigat ang hampas ng hangin sa kanyang balat at may init itong nasasagap sa daplis ng hangin sa kanyang balat.
Akma na itong babalik na sana sa ibabaw ng bus nang matigilan ito sampu ng iba pang pasaherong naroon kasama niya. Napatingin sila sa isang bahagi ng daan dahil sa pagbalahaw ng sigaw mula sa isang babae. Nakakakilabot ang tunog ng kanyang sigaw. Sigaw na tila ba nakakita ng halimaw sa dilim.
May ilang mga kalalakihan ang nagbalak na lapitan ang pinagmulan ng sigaw. Ngunit agad naman sila pinigilan ng drayber na agad nagligpit ng mga gamit at daglian pumanhik pabalik ng bus. Kasunod nito ang kundoktor na pinadali ang iba na umakyat na ng bus.
Unahan namang umakyat ang mga pasahero na bigla na lang nilukuban ng kaba at takot.
“Magsibalik na kayo sa mga upuan niyo at magsara kayo ng mga bintana. Malamang mga taga buntod iyon. Pumirmi lang kayo at huwag na gumawa ng ano ang kilos. Papatayin namin ang mga ilaw ng bus. Tila uumagahin na tayo. Pero May parating namang bus na paglilipatan sa inyo. Kaya pasensya na sa abala, kaunting tiis lang.” Wika ng kundoktor sa lahat ng mga pasahero.
“Sandali, napansin niyo ba ang asawa ko?” Biglang tanong ng isang lalake na kakagising lang sa kanyang upuan nang mapansin nitong wala na sa kanyang tabi ang asawa.
“Ay siya nga baka nasa labas pa ang asawa mo, nakasabayan ko siya kaninang bumaba. Humiwalay iyon sa akin kanina dahil iihi daw siya.” Sabat ng babae na nakaupo sa katapat na upuan.
“Teka hindi kaya siya iyon ang narinig nating sumisigaw kanina?” Sambit pa ng isang lalake sa likuran.
Nanlamig ang lalaking naunang nagtanong sa kundoktor sa sinabi ng mga kasamang pasahero. Agad itong tumayo at nagpumilit na lumabas ang lalake kahit pa pinipigilan ito ng kundoktor. Sa inis ng lalake binigwasan nito ng sapak ang kundoktor dahilan para matumba ito sa sahig ng bus. Bumaba ang lalaking pasahero at hindi napigilan pa ng kundoktor.
“Ano ba ang nangyayari bakit ang ingay insan? Ayos na bus? Makakaalis na ba tayo?” Tanong ni Ado na naalimpungatan naman sa ingay ng mga kapwa pasahero.
“Kuwan, iyong asawa ng isang pasahero kasi nawawala,- tapos may narinig pa kaming ingay sa hindi kalayuan kanina. Sabi ng drayber at kundoktor baka kagagawan iyon ng mga tulisan na taga buntod. Pero may kutob ako na dahil iyon sa aswang.” Pabulong na tugon ni Simon kay Ado.
“Aswang? Ano iyon?” Pagtatakang tanong ni Ado.
“Aswang hindi mo alam? Ikaw nga itong mapagpaniwala sa mga maligno at engkanto tapos aswang hindi mo kilala? Feeling foreigner lang tayo insan?” Natatawang tugon ni Simon.
Sa mundo na pinagmulan ni Ado hindi kilala ang uri ng mga aswang. Bagama’t kabilang sa mundo ng mga elemental ang uri nito walang ganun sa kanila. Sa mundo ng mga higanteng halimaw at mga dambuhalang hayop katulad niya, ang mga uri nila ang pinakamamabangis at kinatatakutan.
“Nasa mundo pala ako ng mga tao. Kung ano ang aswang na tinutukoy ng isang ito, tila hindi iyon mabuting nilalang.” Sa isip pa ni Ado.
Hindi na mapakali ang mga pasahero ng bus maging ang drayber ay nababahala na sa nangyayari sa labas ng bus. Lalo na at hindi na nito makita ang bumabang lalake na naghanap sa asawa nitong hindi na nakabalik sa bus. Naglaho kasi ito gitna ng kadiliman.
Naging bulong-bulungan na sa loob ng bus ang tungkol sa aswang dahil sa sambit ng isang matandang babaeng pasahero. May mga naniwala ngunit karamihan mas naniwala sa mga tulisan na kumukuta sa liblib na kabundukan malapit sa highway na iyon.
“Bakit ba kasi dito pa tayo nasiraan. Hindi kaya kakuntsaba rin kayo ng mga tulisan na iyon hindi ba? At mudos niyo talagang ihinto sa mga ganitong lugar sa ganitong mga oras ang bus, para pagnakawan kaming mga pasahero. Aminin niyo! Hindi talaga tayo nasiraan. Mudos ito!” Paratang pa ng isang babae sa drayber at kundoktor sa labis na galit at pagkainis sa kanilang sitwasyon.
“Hinay-hinay kayo sa binibitawan niyo ma’am baka balikan namin kayo sa paratang mo. Kahit magwawak-wak pa kayo riyan hindi parin tayo makakaalis dahil sira talaga ang makina ng bus. Kaya pumirmi na lang kayo at maghintay.” Ang nakasimangot na tugon ng kundoktor.
Sa halip na tumahimik ang loob ng bus lalo lang nagdulot iyon ng ingay at pagkabalisa sa mga pasahero. Marami ang napikon at meron din namang pumanig sa drayber at kundoktor. Tumulong na rin ang iba na pumagitna sa mga galit na pasahero.
“Ang ingay talaga ng mga tao,-bakit kasi hindi na lang sumang-ayon sa iisang desisyon. Ang gulo.” Sambit ni Ado.
Narinig iyon ni Simon…
“Ano ang binulong-bulong mo riyan insan? Sino ang magulo?” Tanong ni Simon.
“Ah eh wala, may naiisip lang ako.” Ang may pagngiting sagot ni Ado.
Hindi parin humupa ang pag-aalala ng mga pasahero sa kanilang sitwasyon. Maingay parin ang iba. Sa mga sandaling iyon kaunting ilaw na lang ng bus ang bukas. Kaya may kadiliman na nun sa loob. Madilim ngunit may liwanag pa naman na sapat lang para maaninag ang mga tao sa bawat upuan.
Halos bente minutos na buhat nang bumaba ang pasaherong lalake. Tahimik ang labas ng bus. Napakadilim sa paligid kahit pa na maliwanag naman ang bilog na buwan.
Nang mapasigaw sa labis na gulat ang isang babaeng estudyante na nakaupo malapit sa pintuan ng bus. Nagulat ito dahil sa malakas na pagkalampag ng lalake mula sa labas ng bus. Akay-akay nito ang kanyang asawa na balot ng takot ang mukha. Agad naman sila pinagbuksan ng drayber at pinapasok ng bus.
Nang makaakyat na ang mag-asawa sa loob ng bus. Dun pa lalong nanghilakbot ang lahat,-nang mapansin ng lahat ang duguang babae. Punit-punit ang blusa nito tsaka ang mga malalalim na sugat nito sa mga braso at balikat. Nagwawala ang babae sa labis na takot habang nagsisigaw ito na sinasambit ang salitang…
“Aswang!!! May aswang!!!”
Isang pasaherong nurse ang tumugon sa kalagayan ng babae. Ang ibang mga pasahero sa mga sandaling iyon ay agad na isinara ang mga kurtina sa bawat bintana. Ang mga babae at mga batang sakay ay nagsiksikan na sa likurang bahagi ng bus. Habang ang mga kalalakihan kabilang sina Ado at Simon ay kanya-kanya nang dampot ng mga bagay na magagamit nila pang protekta sa kanilang sarili. Pinailawan naman ng drayber ang ilang mga ilaw upang magbigay liwanag sa ginagamot na babae habang pinapakalma ang mga nagiiyakan sa takot na mga pasahero.
Nakiramdam ang lahat sa paligid hanggang sa bigla na lang nagulantang ang lahat nang umalog ng malakas ang bus. Na para bang may tumutulak dito mula sa magkabilang direksyon gawa ng malalakas na puwersa. Nasundan pa iyon ng mga malalakas na kalabog sa mga bubong ng bus. Nakakarinig din sila ng mga malalakas na pagaspas mula sa tila malalaking pakpak ng kung anong uri ng mga ibon.
Nagdulot iyon labis na takot sa lahat.
Samantala habang lumilipad sa himpapawid napansin ni Kali ang langis na bigay sa kanya ni Alinayah. Kumukulo iyon sa loob ng garapa na tila ba inaapuyan ng hindi nakikitang apoy. Nang hawakan ito ni Kali, napakainit nun.
“Ito na kaya ang tinutukoy ni Alinayah?” Tanong ni Kali sa sarili. “Ibig sabihin malapit lang sa lugar na ito ang isang Talonhanun. Pero sino kaya ang nararamdaman ng langis na ito si Ubwak kaya? Baka naman isang Birgamon?” Ani pa ni Kali.
Nagpatuloy pa si Kali hanggang sa napansin nito ang tila pagkulo ng husto ng langis. At mula sa itaas, may natanaw ito sa ibaba. Napadako ang atensiyon ni Kali sa pakurbang highway kung saan nakatirik ang nasiraang bus. Kitang-kita ni Kali ang nangyayari sa bus. Napapaligiran ito ng mga nasa walong Birgamon na pilit na winawarak ang katawan ng bus. Na ang iba sa mga ito ay nasa bubungan, ang iba nasa magkabilang gilid ng bus at ang dalawa sa walo naman ay paikot na lumilipad sa paligid ng naturang bus, na para bang nag-aabang.
Rinig na rinig din ni Kali ang sigawan at takot ng mga taong sakay ng bus. Batid ni Kali na nangangailangan ng tulong ang mga sakay nun.
Naghanap ng malapagan ng kanyang sasakyan si Kali malapit sa bus. Hindi na ito nag aksaya ng oras dahil pansin na nito na may bahagi na ng bus ang nasira na ng mga Birgamon.
Sa loob naman ng bus halos hindi na mapakali ang lahat. Ang mga nagtapang-tapangan kaninang mga lalake ay nabahag na ang mga buntot nang makita ang karima-rimarim na anyo ng mga Birgamon. Halos lahat nanginginig na sa takot at panghihilakbot. Nagkumpulan na ang lahat sa gitna ng bus, kasama na mga pasahero ang drayber at ang kundoktor.
Kung ang lahat balot na ng takot,-si Ado kalmado lang. Salubong ang mga kilay nito habang nakatikom ang mga kamay. Nakatayo ito sa harapan ng bus. Matalim ang mga titig nito sa mga Birgamon na pilit na winawasak ang harapan na bintana ng bus.
“Uy insan dumito ka nga, ano ang tinatayo mo riyan?! Halika na dito! Aswang ang mga iyan!” Sigaw ni Simon kay Ado. Nanginginig ito sa takot habang nakasiksik ang katawan sa pagitan ng mga upuan.
“Ito ba ang kinatatakutan niyong aswang. Pagkain lang namin ito sa amin eh.” Nakangising sabi ni Ado.
Humakbang pa ito pasulong at akmang baba ng bus. Nang bigla na lang tumilamsik ang kulay itim na dugo sa harapan na bintana ng bus nang mahati sa dalawa ang katawan ng Birgamon. Sunod-sunod ang mga pag-angil mula sa mga nilalang na iyon. Mga angil na nasasaktan. Sunod-sunod din ang mga kalabugan sa bubungan ng bus. Maging sa palibot nito. Rinig din sa loob ang mga pag hampas at pagtilamsik na kung anong likido sa mga bintana. Kitang-kita ng mga pasahero ang isa-isang pagbagsak ng mga Birgamon na halos mahati pa sa dalawa ang mga katawan.
Dahil sa dilim ng paligid at nakapatay din ang ilaw ng bus sa labas,-hindi nila maaninagan ang mukha ng may gawa nun sa mga nilalang. Ngunit batid ng lahat na isang lalake ang may dulot nun sa kanila. At tanging ang kislap ng hawak nitong sandata ang humati sa katawan ng mga iyon.
Saglit na tumahimik ang buong paligid. Wala na ang mga nakakakilabot na mga angil. Wala na rin ang kalabog sa katawan ng bus. Dali-daling binuksan ng drayber ang mga ilaw sa loob at labas ng bus. Doon na tumambad sa lahat ang malapot na likidong kulay itim na nagkalat sa lahat ng bintana ng bus.
Nagmadali agad si Ado na bumaba palabas ng bus sa kabila ng pagpigil sa kanya ng drayber at ni Simon. Nang tila kalmado na ang paligid at wala nang banta ng panganib. Ilan din sa mga pasaherong lalake kasama si Simon ang bumaba bitbit ang mga cellphone upang gawing flashlight. Sumunod din ang drayber at kundoktor na dala rin ang malaking flashlight.
Namilog ang mga mata ng lahat nang tumambad sa kanila ang nakakakilabot na tagpo.
Sa labas at sa paligid ng bus nagkalat ang mga hating katawan ng mga wala ng buhay na mga nilalang na ngayon lang nila nakita. Balot din ng itim na dugo galing sa mga nilalang ang buong bus, mula sa bubungan hanggang sa mga gulong. Tanging ang mga walang buhay na lamang ng mga halimaw ang naiwang nakakalat sa daan. Wala na ang lalaking may gawa nun sa kanila.
“Ano kayang klaseng mga nilalang ito?” Tanong ni Simon habang sinipa-sipa ang kamay ng isang nilalang.
“Aswang siyempre, diba sabi mo aswang ang mga iyan?” Nakangising sagot ni Ado.
“Aswang nga, ang ibig kong sabihin anong klaseng aswang? Marami kasing uri ng aswang insan. Ang sabi ng mga matatanda,-kapag napapaslang ang isang aswang bumabalik agad ito sa anyong tao. Di kaya nagiging abo. Pero ang mga ito hindi. Tsaka wala akong natatandaan na may ganitong anyo ng aswang sa listahan ng mga popular na uri ng aswang.” Ani pa ni Simon.
“Baka naman kasi hindi talaga iyan aswang. Kundi maligno.” Sabat ni Ado. “Ang mahalagang tanong,- nasaan na ang may gawa nito sa kanila? Bakit bigla na lang iyon naglaho.” Tanong pa ni Ado.
Hilakbot at labis na pagkabahala ang namayani sa mga pasahero dahil sa nakitang mga nilalang. Ngayon lang kasi sila nakakita ng ganung uri ng mga halimaw. At ngayon lang sila nakaranas ng ganun. Marami sa kanila ang nagkukumahog na na makaalis sa lugar. Ngunit dahil sa sira pa rin ang bus, nagpasya ang lahat na manatili na lamang sa loob at maghintay ng umaga.
Nagsi-akyatan na ang mga pasahero sa bus, ngunit nagpaiwan saglit si Ado. Pasinghot-singhot ito sa hangin na tila ba may inaamoy ito sa paligid.
“Hoy insan ano na naman ba ang ginagawa mo riyan? Daig mo pa ang aso na singhot ng singhot sa hangin. Akyat na tayo sa bus.” Wika ni Simon kay Ado.
Ngunit tahimik lamang si Ado. Hindi nito pinansin si Simon. Abala ito sa pag-amoy sa paligid.
“Nasa paligid lamang si Kali. Naaamoy ko ang kanyang presensiya. Nandito lang si Kali. Nandito lang siya.” Ang nakangiting sambit ni Ado na palinga-linga sa paligid.
“Sinong Kali? Insan ayos ka lang ba?” Pagtatakang tanong ni Simon.
Nang mga sandaling iyon, nasa malapit lang sa lugar na iyon si Kali. Hindi pa ito nakakaalis. Patuloy parin kasi ang pag-init at pagkulo ng langis. Palatandaan na may mga Talonhanun parin sa paligid.
Sa tulong ng hangin at sa langis na meron si Kali sinundan nito ang bulong kanyang kutob. At sa hindi kalayuan may napansin itong gumagapang sa gilid ng damuhan. Patakbong nilapitan iyon ni Kali. Habang papalapit ito, unti-unting lumilinaw sa paningin ng lalake kung sino ang nakikita nito.
“Ubwak, Ubwak gising,-gumising ka.” Wika ni Kali habang niyuyugyog ang walang malay na si Ubwak.
Sugatan si Ubwak na hubo’t hubad na nakahandusay sa damuhan sa gilid ng highway. Tadtad ng mga kalmot ang buong katawan nito. At kahit anong gising sa kanya ni Kali, wala itong tugon.
Nais mang isakay ni Kali sa sasakyan nito si Ubwak, ay hindi maaari. Dahil para lamang sa kanya ang naturang sasakyan.
“Paano nga ba kita maaalis sa lugar na ito at mai-uwi kina Pia. Hindi ko pa naman din alam kung nasaan tayo. Ano ba kasi ang nangyari sa’yo?” Wika ni Kali.
Habang nagiisip ng gagawin si Kali, bigla na lamang nag palit anyo si Ubwak. Bumalik ito sa pagiging Mhurogmon. Nakahinga ng maluwag si Kali. Napabuntong hininga ito nang buhatin Mhurogmon, dahil wala parin itong malay. Ngunit sa kabila ng pagiging pusa ni Ubwak, nagdadalawang isip parin si Kali kung maisasakay kaya nito sa kanyang sasakyan ang isang Mhurogmon.
Kung maalala, ayon kina Eyurtah tanging ang may hawak lang ng mekanismo ang siyang makakagamit ng sasakyan. At hindi nito nabanggit na maari itong makapagsakay ng iba.
Susubukan na sana nito ang naiisip nang may natanaw itong liwanag na paparating mula sa malayo. Pababa iyon at papunta sa kanyang direksyon. Gumilid sa tabi ng daan si Kali para makita siya ng kung sino man ang sakay ng motorsiklo na papunta sa kanya. Nang malapit na ito, pumagitna na si Kali at nagpara.
Huminto naman sa harapan ni Kali ang sakay ng motorsiklo.
“Bakit Brad?” Tanong ng lalake kay Kali.
“Magandang gabi kaibigan. Maari bang magpahatid sa iyo sa bukana ng tulay papuntang San Jose?” Tugon ni Kali habang akay ng braso nito ang Mhurogmon.
“San Jose? Tagaroon ka ba?” May pag-aalinlangan na tanong ng lalake kay Kali.
“Sa krus na bato pa. Pero kahit sa tulay mo na lang ako ibaba. Maari ba?” Wika ni Kali.
“Ang layo nun dito Brad. Ano ba ang ginagawa mo rito sa lugar na ito sa ganitong oras? Ano ba ang nangyari?” Tanong muli ng lalake kay Kali.
Pansin ni Kali na sinisipat ng lalake ang dala nitong kampilan na nakasukbit sa kanyang likuran. Batid ni Kali na nagdududa sa kanya ang kaharap. Pansin din ni Kali ang baril na nasa beywang ng lalake. Kaya nagdahilan ito nang maalala nito ang tinugunang bus.
“Pasahero kasi ako ng tumirik na bus dun sa unahan sa may pakurbang daan. Nasiraan ang bus kaya naglakad-lakad ako sa banda rito, nagbabakasakaling may makita akong bahay o masasakyan man lang pababa.” Pag sinungaling ni Kali.
“May nasiraang bus dun? Kaya ba maraming tilamsik ng krudo ba iyan ang damit mo? Krudo ba talaga iyan bakit ang baho?” Ani ng lalake.
“Ah eh krudo nga ito, tumulong din kasi ako sa pag-ayos ng bus pero mukhang hinna iyon maayos kaya nagpasya na akong maglakad sa bahaging ito para makahingi ng tulong. Kung nais mo ng patunay maari natin balikan ang bus, marami pa kaming mga pasahero roon.” Wika ni Kali.
“Mukhang hindi ka naman nagsisinungaling. Ako nga pala si private Cristobal. Kung totoong nasiraan nga ang bus sa bahaging iyon mukhang kakailanganin niyo nga ng tulong. Saglit at hihingi lang ako ng responde sa detachment.” Sambit ng lalake na isa palang sundalo Nagradyo ito sa kanilang kampo upang magpadala ng titingin sa nasiraang bus.
Matapos tumugon sa lalake ang mga kasama, inalok na nito si Kali na umangkas sa kanya. Napangiting sumampa naman agad si Kali sa likod ng motorsiklo. Unang beses iyon ni Kali na sumakay sa ganun, ngunit kilala niya ang bagay na iyon dahil sa mga napapanood nito sa tv kaya medyo nailang ito sa kanyang upo.
“Wag ka na mailang, ayos lang na dumikit ka sa likod ko. Wag mo nang alalahanin na madumihan ang damit ko ayos lang iyan,-parehas naman tayong lalake. Umusog ka sa akin wag diyan sa dulo baka mahulog ka at sumimplang tayo. Tsaka ihawak mo dito sa beywang ko ang isang kamay mo. Hawakan mo rin ng mabuti ang pusa mo baka mahulog.” Wika pa ni Cristobal.
Sinunod ni Kali ang sabi sa kanya ng sundalo. Ngunit nang tumatakbo na sila sa highway hindi napigilan ni Kali ang hindi pagkapit ng mahigpit sa beywang ng lalake sa bilis nito magpatakbo ng motorsiklo. Hanggang sa napayakap na lang talaga si Kali sa kanya.
Sa pagtugon ng mga kasamahan ni Cristobal sa tawag nito,-maya-maya dalawang sasakyan ng mga sundalo ang dumating sa lokasyon ng nasiraang bus. At doon nagimbal ang mga ito sa kanilang dinatnan. Inabutan pa rin nila roon ang mga walang buhay na nilalang na umatake sa bus. Dahil sa di pangkaraniwang sitwasyon na inabutan, tumawag ng dagdag na responde ang mga sundalo. Humingi na rin sila ng tulong sa mga eksperto para matukoy ang uri ng mga nilalang na nakita nila.
Sing bilis ng apoy na umabot agad sa media ang nangyari. Biglang dinagsa ng iba’t-ibang media reporter ang lugar. At lahat sila nanghilakbot sa takot nang makita ang mga patay na katawan ng mga nilalang.
Sa tulong na rin ng mga sundalo ay naisakay din nila lahat ng mga stranded na pasahero sa isa pang bus. Ngunit ang ilan sa kanila ay in-isolate sa isang sasakyan kabilang ang mag asawang naka-encounter mismo ng mga halimaw para ilang mga katanungan at obserbasyon.
Binulabog agad ng pangyayaring iyon ang buong social media. Nagdulot iyon ng takot at samo’t saring komento online.
Sa bilis din nang pagpapatakbo ni Cristobal ng motor wala pa sa isang oras narating na agad nila ang bungad ng tulay ng San Jose.
“Hatid na lang kita sa inyo. Saan ba kayo banda sa Krus na bato?” Tanong nito kay Kali.
“Nasa gilid lang ng highway, tanaw mo agad iyon dahil iyon lang ang bahay na malapit sa highway.” Sagot ni Kali.
Nang malapit na sila sa tinutukoy ni Kali nagminor na ng takbo ang lalake tsaka lumingon kay Kali.
“Kina Pia ka nakatira?”
“Oo bakit? Kakilala mo ang magkapatid?” Tugon na tanong ni Kali.
“Hindi lang kilala mga pinsan ko sila.”
Pagkahinto nila sa tapat ng gate, bumaba agad si Kali para mag doorbell. Si private Cristobal naman ay may tinawagan sa kanyang cellphone. Saglit pa narinig na nila ang mga yabag papalapit ng gate Pagkabukas nun ay sumilip di Pia na may kausap sa cellphone. Nagulat ito nang makita si Kali at ang ayos nito na kasama pa ang pinsan nilang si…
“Mico?”
“Hi insan, hinatid ko lang dito ang boyfriend mo. Mukhang minalas dun sa bus na sinakyan nito. Buti at nadaanan ko.” Wika ng lalake na Mico Cristobal pala ang tunay na pangalan.
“Bus? Paanong…” hindi na naituloy ni Pia ang sasabihin nito nang mapansin nito ang Mhurogmon na hawak ni Kali sa kanyang braso.
“Sa loob na ako magkukuwento Pia.” Sabat ni Kali.
Dun lang binuksan ni Pia ng malaki ang gate para makapasok si Kali. Inalok na rin ni Pia si Mico na sumaglit muna sa loob para magkape. Pasalamat na rin sa tulong nito kay Kali. Hindi na tumanggi sa alok si Mico. Nang maipasok nito ang gamit na motorsiklo, sumabay na rin ito kay Pia papasok ng bahay. Nauna na kasi sa kanila sa loob si Kali.
“Iba rin talaga ang taste mo sa mga lalake insan. Sumuko na ba si Sid sa panliligaw sa iyo?” Wikang pabulong ni Mico sa babae.
“Anong pinagsasabi mo? Hindi ko boyfriend si Kali noh.” Sabat ni Pia.
“Kali pala ang pangalan nun. Kung di mo boyfriend iyon ano niyo iyon boarder?”
“Kuwan parang ganon. Tsaka hindi straight iyon noh kasama ni Kali dito ang jowa niya. Mga kaibigan sila ni Sean.” Ani ni Pia.
“Ano? Bakla ang Kali na iyon? Hindi halata ah. Kaya naman pala iba ang higpit ng pagkakayakap niya sa beywang ko kanina. Iba na talaga ang profile ng mga bakla ngayon. Hirap na matuloy kung pisikal lang ang pagbabasehan. Ang laki pa naman ng katawan nun tapos baliko pala.” Natawang komento ni Mico.
“Wag ka na magtaka maging sa tulad niyong mga sundalo meron din. Magaling lang humawak ng baril kaya di niyo nahahalata. Halika pasok ka na sa loob.” Sambit pa ni Pia.
Samantala dinala na nun ni Kali ang wala pa ring malay na Mhurogmon sa silid nila ni Turro. Sinundan naman ito ni Turro nang mapansin ang ayos nito.
“Ano ang nangyari sa inyo? Bakit hindi mo man lang ako ginising kanina? Lumabas ka pala kasama iyan. Ano nga ba ang nangyari at wala siyang malay at sugatan?” Tanong ni Turro. May tuno ng galit ang bigkas nito habang salubong ang mga kilay.
“Hindi ko kasama si Ubwak,-sa katunayan hinanap ko siya. Dumulog sa akin ang mga nakatira sa balete sa pamamagitan ni Alinayah para hanapin itong si Ubwak dahil masamang pangitain na nakita ni Bulawan. Tsaka napalaban ako sa maraming Birgamon sa kakahanap sa kanya. Doon ko rin siya natagpuang walang malay at sugatan.” Paliwanag ni Kali habang hinuhubad ang marumi nitong damit na may mga tilamsik ng dugo mula sa mga pinaslang nitong mga Birgamon.
“Sana ginising mo man lang ako nang masamahan kita. Pinagalala mo ako ng husto.” Sambit ni Turro na naupo sa kama sa tabi ng Mhurogmon.
“Hindi ko na naisip iyon dahil biglaan lang ang lahat. Tingnan mo muna si Ubwak, maglilinis lang ako ng katawan. Amoy bulok na itlog na ang katawan ko.” Sabat ni Kali at tinungo ang banyo ng hubo’t hubad.
“Buhay pa ba ang isang ito?” Tanong ni Turro habang sinusuri ang katawan ng Mhurogmon.
“Humihinga pa iyan, nag-iipon lang iyan ng lakas. Maya-maya lang magiging maayos na rin iyan” sagot ni Kali.
Tama nga ang tinuran ni Kali. Dahil nang muling balingan ng tingin ni Turro si Ubwak,-unti-unti nang naghihilom ang mga sugat ng Mhurogmon hanggang sa tuluyan na ngang nabura ang mga bakas ng sugat nito. Ngunit nanatili parin itong walang malay. Hinawakan ni Turro si Ubwak tsaka himas-himas nito ang balahibo ng Mhurogmon para siguraduhing wala na nga ang mga sugat nito nang may napansin ito sa bandang dibdib ni Ubwak.
“Ano ang markang ito? Ngayon ko lang ito nakitang may ganitong marka si Ubwak ah. Wala naman ito rito dati. Saan ba niya ito nakuha?” Sambit ni Turro habang inuusisa ang markang ekis sa bandang dibdib ng Mhurogmon.
Hindi iyon likha ng isang sugat, hindi iyon pilat. Tila nakabaon iyon sa mismong balat ni Ubwak,-na para bang bahagi na iyon ng kanyang balat. Hindi na sana iyon bibigyan pa ng ibang kahulugan ni Turro ang napansin sa Mhurogmon. Ngunit habang tinititigan nito si Ubwak biglang bumilis ang paghinga ng Mhurogmon na tila ba hinahabol ang buhay. Kinabahan si Turro. Agad nitong pinuntahan kinalampag si Kali sa banyo.
Napabukas naman ng pinto si Kali sa lakas ng katok ni Turro.
“Ano ba ang nangyari?”
“Si Ubwak, may nangyayari sa katawan niya.” Wika ni Turro.
Sabay nilang nilapitan sa kama ang Mhurogmon ngunit laking pagtataka ng dalawa nang wala na ito roon.
“Nasaan na si Ubwak?” Tanong ni Kali.
“Iniwan ko lang siya rito kanina nangingisay ang katawan na para bang habol-habol niya ang kanyang hininga. Kaya nga napasugod ako sa iyo dahil kinabahan ako sa kinikilos ng kanyang katawan kanina.” Ani ni Turro.
Hinanap nilang dalawa sa buong silid ang Mhurogmon ngunit wala na ito roon.
“Imposibleng lumabas iyon dito. Sarado ang bintana at walang bakas na nabuksan ito. Maging ang pintuan nakakandado pa. Saan kaya iyon nagtuturo. Kung nagkamalay na iyon malamang gumamit na iyon ng kapangyarihan niya para bumalik sa silidlan nito.” Sabat ni Kali.
“Kali,-may nakita akong wala dati sa katawan ni Ubwak. Habang sinusuri ko ang mga naghihilom nitong mga sugat, May napansin akong marka sa kanyang dibdib, hugis ekis. Alam kong hindi iyon pilat mula sa natamo nitong sugat. Para kasing bahagi na iyon ng balat. Ang ipinagtataka ko, wala iyon dati. Ilang beses ko nang nahawakan si Ubwak bilang Mhurogmon at sigurado akong wala iyon dun dati.” Wika ni Turro.
Napakunot ng noo si Kali. Naalala nito ang nasambit sa kanya ni Alinayah patungkol kay Ubwak. Ang nabanggit nitong lason na maaring igawad ng mga Birgamon sa kanya. Dahil sa naiisip, nabahala si Kali.
“Bukas mo na alamin kay Ubwak ang tungkol sa napansin ko. Masyado ng malalim ang gabi at magmamadaling araw na. Magpahinga na muna tayo.” Pagpigil ni Turro kay Kali.
Niyakap nito si Kali mula sa likuran sabay hila rito pabalik ng kama. Sumang-ayon naman si Kali. Bagama’t binabagabag ito ng bagay na napansin ni Turro kay Ubwak,-nakaramdam na rin ito ng labis na pagod.
Nagpati-uyon ito kay Turro nang kinabig siya ng lalake pahiga sa kama, tsaka napayakap na rin ito nang patayin ni Turro ang ilaw ng lampshade sa side table.
Sa baba, kausap pa rin ni Pia ang pinsang si Mico habang kumakain ang dalawa ng bakemac na ininit ni Pia.
“Ang mabuti pa dito ka na magpalipas ng gabi. Bukas ka na umuwi sa inyo. Sanay ka naman siguro matulog sa couch.” Ani ni Pia.
“Kahit nakaupo sanay na sana’y tayo diyan insan. Pero kailangan ko rin talaga puntahan ang ate Mara mo,-alam mo naman, kabuwanan na. Kaya nga ako nag file ng leave para tutukan muna siya. Medyo masilan din kasi ang pagbubuntis niya. Mainam na nasa tabi niya ako.” Tugon ni Mico.
“Pangatlong attempt niyo na iyan ni ate Mara, sana maging maayos na ang lahat. Ipagdadasal ko na maging malusog ang baby niyo insan.”
“Sagutin mo na kasi si Sid nang magkaroon na ng baby dito sa malaking bahay.”
“Hindi pa ako sure kay Sid noh. Alam ko hindi lang ako ang dini-diskartehan nun. Tsaka ko lang siya sasagutin kapag final na ang disisyon nun na ako na ang napili nun. Sa ngayon magsawa muna siya sa kaka-explore ng mga butas.” Ani ni Pia.
“Paano kung sa ibang butas iyon mahulog eh di kawawa ka.”
“Naku insan hindi lang siya ang lalake sa mundo noh. Mas marami pang mas guwapo at mas yummy pa sa kanya akong makikita.” Ang nakangiting sabi ni Pia bilang tugon sa sabi ni Mico.
“Marami ngang yummy at gwapo, pero di mo rin sure kung lalake talaga. Iyong Kali nga, hindi halatadong lalake rin ang hanap. Kaya sagutin mo na si Sid. Mukhang playboy lang iyon pero alam ko stick to one iyon. At ikaw lang ang babaeng mahal nun.” Sabi pa ni Mico.
Sa kasarapan ng kanilang usapan biglang napakunot ng noo si Pia habang nakatungo sa hawak nitong cellphone. Nang sandaling din iyon ay nakatanggap naman ng tawag si Mico mula sa kasamahan nitong sundalo na agad nagpadala ng larawan sa kanyang cellphone na siyang ikinagimbal nito.

